loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Closet Gay (A CHINITO Book Four)

The Closet Gay (A CHINITO Book Four)

ZefPenya · 40 chapters · 84,030 words

Cast of Characters

The Closet Gay

(A CHINITO BOOK IV)

Cast of Characters

Main Characters

Kim Chui as Sabrina Kate Ysabelle “Sky” D. Dy

Gerald Anderson as Stephen P. Rodgers

Jake Cuenca as Calvin S. Francisco

Lloyd Zaragoza as Michael “Mike” D. Teng

Supporting Characters

Johnny Revilla as Nathan “Riley” P. Rodgers

Dante Ponce as José ‘Jeff’ Hidalgo-Rodgers / Jeffrey Dy

Jimwell Stevens as Police Chief Superintendent (C/Supt.) (Brigadier General) (SAF) Marc Alvin D. Francisco

Extended Characters

Jameson Blake as Rex Kristoff “RK” P. Rodgers

Dawn Zulueta as Atty. Jacqui Villaruz-Alonzo

Mikael Daez as Anthony Dimalanta

Zoren Legaspi as  José Hidalgo  

Paolo Ballesteros as Darwin Vargas

Cameo Characters

Gina Pareno as Joyce Alba-Dy

Ian Veneracion as George Salcedo

Diego Loyzaga as Ezekiel ‘Zeek’ Lacsamana

Jestoni Alarcon as Dr. Jeremy Dy

Prologue

Bakla. Bading. Bayot. Shokla. Meme. Serena. Beki. Momshie. Pogay. Bi. Sila ang mga taong ipinanganak na lalaki pero karaniwang naaakit sa kapwa ring lalaki o miyembro sila ng LGBTQ.

Meron sa kanila ay may tinatawag na mga ‘ladlad’, sila ang mga bakla na halata sa galaw at pananamit o mas kilala sa tawag na crossdressers, Meron din na ‘halata’, sila naman ang klase na bakla, na lalaki pa rin manamit pero malamya ang kilos.

May mga bakla din na hindi mo malalaman na bakla sila dahil makisig at lalaking-lalaki silang kumilos o mas kilala sa tawag na ‘discreet’ o ‘paminta’.

Isa pang tawag sa kanila ay ‘closet gay’ o isang tao na nagpapanatili sa kanyang pagiging bakla na isang lihim sa mga tao, kahit alam na ng kanyang pinakamalapit na mga kaibigan. Pero meron din, na siya lamang ang nakakaalam ng kanyang sekswalidad at ni isa ay hindi alam tungkol dito.

Isa sa mga taong kumukulong sa loob ng kanyang pagkatao ay si Michael Teng. Isang Chinese-Filipino na negosyante na may-ari ng Teng Prime Holdings. Isang grupo ng mga negosyo na pinagmamay-arian ng mga Teng na nasa sa iba’t-ibang industriya.

Matagal nang patay ang mga magulang ni Mike dahil sa mga nangyari na hindi maganda sa kanilang pamilya at kamag-anak. Pero natuwid naman iyon at naging maayos na din ang kanilang pamumuhay.

Nag-trigger ang kanyang nararamdaman sa kapwa lalaki nung napag-tripan nilang magbarkada na gumahasa ng isang bakla na nakilala nila sa sa isang bar. Hindi niya pala namalayan na nagiging masaya siya sa kanyang nararamdaman nung gabing iyon kasama ang kanyang barkada at parang hinahanap niya ito kapag mag-isa lamang siya.

Sa kasalukuyan ay may karelasyon si Mike na isang lalaki at halos tatlong taon na silang magkasama sa iisang bahay.

        "Good morning, Babe"  bati ng kanyang partner na si Anthony habang nasa kama sila at hinhalikan ito sa pisngi  "Gising na. Male-late ka na sa work mo"

        "Good morning din, Babe"  sabay hikab ni Mike  "Antok pa ako"

        "Ano ka ba, Babe. Bumangon ka na kaya diyan"  saway niya kay Mike  "Alas-diyes na kaya ng umaga"

        "Ikaw kasi eh. Pinagod mo ako kagabi"  sabay ngiti niya kay Anthony.

        "Sorry Babe. Ang sarap mo kasi eh"  ngiti din niya at hinalikan niya si Mike sa labi.

        "Sarap naman ng halik"  kagat-labi niya at tila nilalasap ang paghalik ng kanyang mahal  "Gusto mo, isa pa tayo?"

        "Isa pa? Huwag na Babe"  sabay pagbangon ni Anthony sa kama  "Male-late ka na sa trabaho"

        "Sige na. Kahit isang putok lang"  kalabit niya kay Anthony sa braso.

Napangiti na lamang si Anthony sa ginagawang paglalandi sa kanya ni Mike. Walang sabi-sabi ay bumalik muli siya sa kama at hinalikan ito sa labi.

TCG: Chapter 1 (Ang Pagpapatuloy)

Si Sabrina Kate Ysabelle Dy o mas kilala sa tawag ng kanyang nakakilala sa kanya na ‘Sky’ ay isang negosyante sa Pilipinas at may-ari ng Dy Group of Companies (DGC). Itinuring siya na pinakamayamang tao sa bansa (maliban sa kanyang ama), na may networth na $ 11.23 B.

Hindi pinagpatuloy ni Sky ang kanyang unang kurso na BS HRM at lumipat siya sa kursong Entrepreneurship at nagtapos bilang isang Summa Cum Laude. Malaki ang naging tulong nito sa pagpapatakbo niya ng ganito klaseng mga negosyo.

Kasama sa emperyo ng negosyo niya ay ang real-estate, retailing, hospitality, banking, entertainment, communication at transportation.

Ang President/CEO naman ay ang kanyang ama na si José Hidalgo-Rodgers o mas kilala sa tawag na ‘Jeff’ ng kanyang mga kaibigan at pamilya. Siya ngayon ang humahawak ng buong emperyo nila maliban kay Sky na kanyang anak.

Pero sa kabila ng napagtagumpayan ni Sky sa larangan ng negosyo ay naging busy siya at hindi niya namalayan na maraming nagbago sa kanyang buhay. Lalung-lalo na ang mga tao sa kanyang paligid, na may umalis at meron ding dumating na nagbigay ulit nang ningning sa kanyang buhay at kung paano magmahal ulit.

        "Huy. Okay ka lang ba?"  sambit ni Sky kay Calvin  "Parang hindi ka mapakali ah"

        "Sorry Tart"  sagot niya habang lumalakad sila papasok sa mansyon  "Kinakabahan lang talaga ako eh. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko mamaya sa Papa mo"  paliwanag niya sa nobya  "Alam naman natin ang kanyang estado sa buong Pilipinas diba? Nakaka-intimidate lang kasi"

        "Oo. Pero huwag kang ma-intimidate, Tart"  payo ni Sky sa kanya  "Mabait naman si Papa eh"

Kaagad sila umupo sa sofa at ipinagpatuloy ang kanilang usapan.

        "I know. Pero iba pa rin ang Papa mo eh"  dugtong ni Calvin  "Parang hindi sa pangkaraniwang tao. Hindi sa pagiging bading niya ha, ang taas niya kasi, hirap siya maabot eh"

        "So ayaw mo na? Ganon?"

        "Hindi Tart. Hindi sa ganon"  akbay niya kay Sky  "Basta. Ang hirap ipaliwanag eh. Hayaan mo na yun, basta mahal kita at kakayanin ko ito para lang sa'yo. Kahit ayaw ng Papa mo sa akin, ipaglalaban kita"

        "Wow. Talaga? Ang sweet naman ng Tart ko"  sambit niya kay Calvin. Sakto din na lumapit ang katulong sa kanilang direksyon  "Manang. Saan po si Papa?"

        "Doon po si Sir sa itaas, Ma'am. Nasa opisina niya"  sagot ng katulong  "Bakit po?"

        "Pakitawag na lang po siya, Manang"  pakiusap ni Sky dito  "Sabihin mo na andito na ako at meron akong kasama"

        "Sige po, Ma'am"  kaagad umakyat ng hadgan ang katulong upang tawagin ang amo niya.

Samantala ay pinagpatuloy pa rin nila ang kanilang kuwentuhan sa sofa habang hinihintay ang ama ni Sky. Kitang-kita pa rin ang kaba sa mukha ni Calvin dahil makakaharap niya na sa wakas ang ama ng kanyang mahal pagkatapos ng dalawang taon nilang relasyon.

Mas kinabahan siya lalo dahil ang ama ni Sky ay ang tao ding minahal ng kanyang ama na si Alvin.

        "Huy Tart. Relax"  sambit ulit ni Sky sa kanya habang nababalisa ito dahil walang humpay ang galaw nito sa sofa.

        "Sorry.."  dugtong naman ni Calvin  "Ahmm. Tart?"

        "Yes?"

        "Diba pagmamay-ari ninyo ng halos ng mga negosyo sa Pilipinas?"  at tumango naman si Sky bilang sagot  "E baka kapag malaman ng Papa mo na tayo na. Papaalisin niya ako sa trabaho ko, Tart"

        "Tart naman. Ang OA mo"  sagot niya kay Calvin  "Hindi niya naman siguro magagawa yon"

        "Hindi naman siguro..?"  ulit niya  "So may chance nga..?"

        "Hindi siyempre. Tart naman. Relax. Okay?"  tingin niya sa mga mata ng nobyo  "Kahit ano pa siya, tatay ko pa rin siya. At rerespetuhin niya ang mga desisyon ko"

        "Sige Tart. Naniniwala ako sa'yo. Pasensiya na talaga"

Hindi na sumagot si Sky sa pagpaumanhin ni Calvin sa kanya dahil lumalakad na ang kanyang ama na si Jeff papunta sa kanila mula sa itaas.

        "Papa"  sambit ni Sky sa kanyang ama. Kaagad naman silang tumayo upang magpakita ng respeto kay Jeff.

        "Good afternoon po, Sir"  sambit naman ni Calvin sabay taas niya ang kaliwang kamay para makipag-kamay sa ama ni Sky.

Pero tinignan lang ni Jeff ang kamay ng binata. “And you are?”

        "Ahmm. Sorry Papa. Si Calvin po. Boyfriend ko"

Hindi pinansin ni Jeff ang lalaki na kasama ng anak “Andito ka na pala, anak” sambit ni Jeff kay Sky “Mabuti naman ay napagdesisyon ka na na umuwi dito”

        "Papa naman. Busy lang ako sa mga negosyo natin. Alam mo naman yon diba?"

        "I know. Binibiro lang naman kita, anak"  at sumulyap muli siya sa lalaki  "At dumala ka pa ng bisita. Ang sabi mo ay boyfriend mo ito?"

        "Yes Papa. As I said, he's Calvin. Calvin Francisco"

Biglang napakunot ang noo ni Jeff sa kanyang narinig sa anak “Francisco..?” ulit niya “Are you related to…”

        "... Yes Sir. Anak niya ako"

        "Really..?"  dugtong niya na tila na nagulat sa sinagot ng binata sa kanya  "Hindi ko pala alam na may anak siya. Kung sa bagay, Alvin is a mysterious guy kahit noon pa. Dami niyang sikreto"

        "Oo nga po Sir eh. Ganyan lang talaga si tatay"  ngiti ni Calvin.

        "So kamusta na siya?"

        "Okay lang naman po siya, Sir. Deputy Director na po si Tatay ng SAF"

        "Wow"  sambit ni Jeff  "Ang taas na rin pala ang narating ni Alvin, nang Tatay mo. Sana magkita kaming muli. Matagal na ang huli naming pagkikita eh"

        "Talaga po? Don't worry, sasabihin ko sa kanya na gusto mo siyang makita"  dugtong ni Calvin  "Proud na proud po ako dahil sa narating ng tatay ko. At gusto ko maging katulad niya"

        "Talaga? So pulis ka na ngayon?"

        "Gusto ko rin sana Sir. Pero sa kasamaang palad po, hindi eh"  at biglang nalungkot ang mukha ni Calvin.

        "Ohh. Bakit? What happened?"

        "May sakit po kasi ako sa puso. Kaya hindi ko makakayanan ang mga physical activities"  paliwanag niya sa ama ni Sky  "Pero sa sobrang pag-iidolo ko kay Tatay at sa kagustuhan ko na matulungan ang mga tao laban sa mga masasamang tao at sa mga nang-aapi, nag-aaral po ako ngayon ng Law"

        "Wow. I'm impressed, Calvin"  at tumingin siya kay Sky  "Sky, hindi mo pala sinabi sa akin na future lawyer pala ito ang boyfriend mo"

        "Hindi ko po talaga sana sasabihin sa'yo ito. Sir"  dugtong naman ni Calvin

        "And why? Ikinahihiya mo..?"

        "No. Not like that, Sir. Ayaw ko lang ipinagyayabang ang kinukuha ko ngayon eh. At wala pa naman akong karapatan na magyabang kasi hindi pa ako totoong abugado"

        "Kung sa bagay. May point ka Calvin"

Biglang naputol ang kanilang usapan na sumulpot sa kanila ang isang kasambahay. “Excuse me po, Sir. Ma’am. Handa na po ang hapunan”

        "Sige Manang. Pupunta na kami"  sagot naman ni Sky sa babae at tumingin siya sa ama niya at kay Calvin  "Tayo na. Kumain na tayo. Gutom na gutom ako eh"

        "Naku anak. Pass muna ako"

        "Bakit Pa?"

        "May pupuntahan pa kasi ako ngayon"

        "Sa ganitong oras?"  sabay tingin ni Sky ng orasan  "Mag-a-alas-sais na ng gabi. Saan ka ba pupunta, Pa?"

        "Meron emergency meeting sa office"

        "Babalik ka naman kaagad diba?"

        "Baka hindi pa siguro, anak"  sagot ni Jeff  "May dinner pa kasi kami ng Daddy mo. Nag-promise kasi ako sa kanya na magkita kami mamaya"  paliwanag niya sa dalawa habang hinugot nito ang susi ng kotse sa kanyang pantalon  "So pano, alis na ako ha"  at tumingin kay Calvin  "Cal. Nice meeting with you. Sana mag-usap pa tayo"

        "Sure Sir. Anytime"  sagot naman niya.

        "Papa naman. Minsan lang ako pumunta dito, tapos aalis ka pa"

        "Sorry anak. Kailangan eh. Magkasama naman kayo ng boyfriend mo dito. Just enjoy the night"

        "Okay"  sabay buntong-hininga ni Sky  "Wala naman akong magagawa kundi intindihan kayo"

        "Thanks anak. Alis na ako ha"  paalam nito ulit sa dalawa  "Bye.."

Nang pagkaalis ni Jeff ng kanilang mansyon ay kaagad dumerecho sina Sky at Calvin sa hapagkainan upang kumain na ng kanilang hapunan. Masarap ang kanilang pagkain nang napansin ni Sky na masaya at parang kalmado na ang mukha ng kanyang nobyo.

        "Tart"  panimula ni Sky  "Parang masaya ka ata ah. Okay ka lang?"

        "Yes Tart. Okay lang ako"  sagot ni Calvin  "Masaya lang kasi ako dahil okay pala ang Papa mo"

        "See. Sabi ko sa'yo na mabait ang Papa eh"

        "Oo nga eh. Akala ko istrikto siya, hindi pala"  dugtong ni Calvin  "Nararamdaman ko na magiging close kami ng Papa mo, Tart"

        "Talaga Tart? Mabuti naman kung ganon. Masaya ako dahil okay ka na ngayon"

        "Salamat Tart"  ngiti niya kay Sky.

Pagkatapos ng emergency meeting ay kaagad dumerecho si Jeff sa isang mamahaling restaurant na kung saan naghihintay ang kanyang asawa. Nagmamadali siyang pumasok at nakita niya nga si Nathan na nakaupo at naghihintay sa kanya.

        "I am so sorry. Late na kasi natapos ang emergency meeting"  panimula ni Jeff at sabay beso sa asawa  "Kanina ka pa ba? Sorry talaga ha"

        "It's okay. You're worth the wait naman. Palagi"  ngiti ni Nathan sa kanya.

        "Babe. Huwag dito. You making me blush"

        "Oh bakit? Alam naman na nila na mag-asawa tayo diba?"

        "I know. Pero  parang ang awkward naman kung dito"

        "So..? Wala naman silang pakialam kung naglalambingan tayo dito"  dugtong ni Nathan sa nakangiting Jeff  "By the way, how's your day..?"

        "Okay naman"  sagot ni Jeff habang inaalala niya ang nangyari sa kanya buong araw  "Oo nga pala, nakita ko na ang boyfriend ni Sky"

        "Talaga? So kamusta naman?"

        "He's okay naman. Mabait. Magalang. Gwapo. Matipuno. Pero ito ang mas nakakagulat"  pambibitin ni Jeff  "...anak pala siya ni Alvin"

        "Alvin..?" ulit ni Nathan  "Si Alvin na barkada mo at naging ex mo?"

        "Yes. Siya nga"

        "What? May anak siya? P-paano?"

        "Yun nga eh. Ngayon ko lang din nalaman na may anak siya"  buntong-hininga ni Jeff habang tinitignan ang menu book ng restaurant  "Teka, nakapagorder ka na ba?"

        "Tapos na. Kanina pa"  sagot nito at bumalik sa kanilang usapan  "Talaga? Hindi ninyo alam ni Jacqui ang tungkol dito?"

        "Well. Hindi ko alam kung alam ni Jacqui ang tungkol dito. Pero I'll ask her kapag nagkita kami"

        "Wow. After all these years?? May anak pala siya.."

        "Oo nga eh. Nakakagulat. Pero sanay naman kami sa kanya noon pa. He is so mysterious kasi. Maraming sikreto na tinatago"

        "E okay lang sa'yo na boyfriend ng anak mo ang anak ng ex mo..?"

        "Okay lang naman sa akin eh. E ikaw babe? Tatanungin kita. Pero huwag ka sanang magalit"

        "Sige, ano yun?"

        "Okay lang ba sa'yo bilang ama na magkasama ang mga anak namin ni Alvin?"

        "Okay lang din naman sa akin, babe. Wala naman ako sa lugar para pakialaman ang buhay pag-ibig ng anak ko diba?"

        "Sure ka?"

        "Oo naman babe. At isa pa, desisyon nilang dalawa ang paghihiwalay noon. Sigurado ako na masaya na silang dalawa sa kanilang mga buhay"

        "Kung sa bagay"

Hindi na nakasagot si Nathan dahil dumating na ang pagkain na inorder niya kanina sa waiter. Habang kumakain sila ay may biglang sumagi sa isipan ni Nathan.

        "Oo nga pala, babe. Pupunta pa ba tayo sa puntod ni Nanay ngayon?"

        "Oo naman babe. Birthday niya ngayon diba?"  sagot ni Jeff  "At matagal na panahon din tayo hindi nakapagbisita sa kanya kaya pupunta talaga tayo ngayon"

        "I know. Sige babe. Tapusin na natin ang pagkain natin"

Samantala. Sa bahay nina Mike at Anthony.

Kakarating lang ni Mike galing trabaho at nadatnan niya na namamalantsa ng mga damit si Anthony sa sala.

        "Hey babe"  bati ni Mike sa kanya sabay halik nito sa kanyang labi  

        "Hello babe. How's work?"  doon niya napansin na parang mabigat ang mukha ni Mike  "Babe? Okay ka lang?"

        "Okay naman. Masakit lang sa ulo dahil sa mga problema sa opisina"  sabay higa niya sa sofa at huminga ng malalim    "I need some rest.."

Naaawa si Anthony sa kanyang karelasyon dahil sobrang pagod nito. Pinatay niya ang plantsa at binunot ito sa saksakan. Kaagad siyang pumunta kay Mike, lumuhod sa sahig at niyakap niya ito ng mahigpit.

        "Gusto mo bang i-massage kita..?"

        "Naku Babe. Huwag na. Pagod ka rin eh"  tanggi ni Mike sa alok ni Anthony  "Mawawala din naman ito kapag makapagpahinga ako ng maayos"

        "Pero parang hindi eh"  sagot nito  "Alam mo, kailangan mo ng day-off or maybe mag-leave ka ng ilang araw. Para sumigla ka muli. Ang haggard na ngayon ng mukha mo eh"  mungkahi ni Anthony kay Mike  "Why don't we take a vacation.?"

        "What? No. Hindi pwede, babe. Maraming trabaho ang maiiwan ko"

        "Pero babe. Kailangan mo 'to eh"

        "I know. Pero  hindi ko pwedeng pabayaan ang Teng Prime Holdings"

        "Ilang araw lang naman eh. Please?" pagmamakaawa nito kay Mike  "Para lang sa akin babe. Sundin mo ako. Please?"

Biglang natigilan si Mike sa pagmamakaawa sa kanya ni Anthony. Napagtanto naman nito na tama si Anthony at kailangan niyang magpahinga kahit ilaw araw lang dahil hindi na kaya ng katawan niya ang trabaho.

        "Oh sige"  buntong-hininga ni Mike  "Aalis tayo this weekend"

        "Weekend?"  ulit ni Anthony  "No. Bukas na tayo aalis dahil nakapag-book na ako kanina sa resort"

        "Ha? Agad-agad?"

        "Of course. Nakikita ko kasi na pagod ka palagi eh. So naisipan ko na mag-book na lang ng room sa isang resort para makapag-relaks ka ng maayos"

        "Wow. Thanks babe. I really appreciate it"  sagot ni Mike  "Salamat sa concern mo"

        "Anytime babe. Mahal kita eh"

        "I love you too, babe. So anong resort ang kinuha mo para sa atin bukas?"

        "Basta. I'll just surprise you tomorrow"

        "Wow. May pa-sorpresa ka pa ha. Sige. I'll expect it tomorrow, babe"

Itutuloy…

TCG: Chapter 2 (Lihim ni Mike)

Nang matapos kumain sina Jeff at Nathan sa restaurant ay kaagad silang nagtungo sa sementeryo upang dalawin ang ina at ama niya na nakalibing doon.

Nakatayo silang dalawa sa paanan ng puntod ng mga magulang ni Jeff. Nakatingin sa mga pangalan habang sumasayaw ang mga apoy mula sa mga kandila sa kanilang mga mata.

        "Nay. Tay. Kamusta na po kayo? Siguro ay masaya na kayong magkasamang dalawa diyan sa langit"  sambit ni Jeff sa puntod habang nanlulumo ang kanyang mga mata at nakatingin sa kanya si Nathan  "Pasensiya pala kung natagalan kami sa pagbisita ha? Marami kasing ginagawa eh. Happy Birthday Nanay. Miss na miss na po kita"

Tatlong taon ang nakakaraan…

        "Well. Kung wala na kayong tanong, the meeting is adjourned"  kaagad tumayo ang mga miyembro ng board at lumabas ng silid.

Habang naglilikpit si Jeff ng kanyang laptop ay may biglang pumasok na parang nahihingal “Sir” sambit ng assistant ni Jeff sa kanya.

        "Yes? Bakit Gwen?"

        "Tumawag si Ma'am Sky"  sagot niya sa kanyang boss

        "Bakit? Anong sabi niya?"

        "Ang nanay niyo po Sir. Si Madam Joyce, isinugod sa ospital"

        "What?!!"  sigaw ni Jeff sa kanyang assistant  "Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?!"

        "E kasi may meeting kayo kanina, Sir. Diba ang sabi mo na huwag kayong istorbohin?"

Nagpabuntong-hininga na lamang si Jeff sa sagot sa kanya ng assistant “I know. Kahit na. Emergency yun eh. Ano ba oras tumawag?”

        "One hour ago po, Sir"

        "Kanina pa nga"  dugtong niya at iniwan na lang ang mga gamit sa mesa at nagmamadaling lumabas ng conference room.  "Gwen. Paki-ligpit na lang ng mga gamit ko sa loob at paki-cancel na lang ang mga meeting ko after this. Pupunta muna ako ngayon sa ospital"

        "Yes Sir"

… sa ospital

Kakarating lang ni Jeff sa Intensive Care Unit o ICU ng ospital. Nakita niya na nandoon ang kanyang anak na si Sky na nakatayo sa labas kasama si Stephen.

        "Papa.."  iyak ni Sky habang papalapit ang ama sa kanya  

        "Ano ba ang nangyari sa kanya, Sky?"

        "Hindi ko rin alam, Papa. Nung pagdating namin ni Stephen sa mansyon ay nadatnan ko na sinasakay na si Nanay-La sa ambulansiya"  paliwanag niya sa ama  "Kaya sumama na lang ako at tinawagan ko ang opisina mo pagkatapos pero ang sabi ni Gwen ay nasa meeting ka"

        "Pasensiya na, anak. Busy kasi kanina eh"  sagot niya kay Sky  "E kamusta na siya? Anong sabi ng doktor?"

        "Sabi ng dokor ay unting-unti nang humihina ang mga organs niya, Papa"  sagot niya sa ama  "Hinihintay na lang daw nila na isa-isa susuko ito. Papa. Parang susuko na nga si Nanay-La"

        "Hindi"  pigil niya ng kanyang luha  "Matapang ang Nanay-La mo. Makakaya niya ito"

        "Pero..."

        "Hindi Sky. Hindi pa ngayon"  sambit niya habang namumula ang ilong niya  "Hindi kita maiintindihan kung bakit iyan ang sinasabi mo sa Nanay-La mo"

        "Hindi naman po. Pero tanggapin na lang natin na matanda na si Nanay-La. At kailangan niya nang magpapahinga"

Hindi pinansin ni Jeff ang sinabi ng anak at dumerecho na lang sa pintuan ng ICU. Pipigilan na sana siya ni Sky pero nakapasok na siya sa loob ng silid.

“Hayaan mo na lang siya, Mahal” sagot naman si Stephen sa kanya “Hayaan mo na makausap niya ang kanyang ina sa huling pagkakataon”

Pumasok si Jeff sa loob ng ICU at may sinuot siyang damit na tinatawag na scrub suit bago pumasok at lumapit sa pasyente.

Habang papalapit siya sa kama ng ina ay mas lalong kumukurot ang puso nito dahil maraming tubo na ang nakakabit sa katawan ni Joyce. Umupo si Jeff sa tabi nito at hinawakan ang kamay ng ina.

        "Nanay.." tawag niya sa ina na mahinahon ang tono ng boses. Bumukas ang mga mata ng matanda at parang narinig niya ang boses ng pinakamamahal niyang anak  "Kamusta ka na, nay? Ano ba ang ginawa nila sa'yo? Marami kang tubo oh"  sambit niya sa matandang Joyce na tila kinukurot ang kanyang dibdib sa paghihirap ng kanyang ina "Pagaling ka nanay ha. Marami pa akong ikukuwento sa'yo kapag makalabas ka dito. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ng mga doktor sa labas dahil alam ko na matapang ka. Alam ko na malalampasan mo ito. Ikaw kaya ang nagturo sa akin na maging matapang at lumaban sa hamon ng buhay"  at doon na nagsimulang tumulo at unting-unti humagolhol si Jeff sa iyak  "Sa totoo lang, nay. Hindi pa ako handa na mawala ka. Kailangan pa kita, nanay"  yumuko si Jeff at piniga niya ng kanyang kamay ang mga mata niya  "Pero kung hindi mo na kaya, tatanggapin op o. Dahil ayaw ko naman na nakikita kitang nahihirapan"  biglang umagos ang luha ni Joyce mula sa kanyang mga mata. Umuungol ito na parang bata na umiiyak. Nakita naman ito ng anak niya na si Jeff at hinalikan niya ito sa ulo  "Kung tadhana na ang nagsasabi na kailangan mo nang umalis. Pumapayag na ako. Magpahinga ka na, 'nay"  sambit niya sa kanyang ina  "Pwede mo nang samahan si Tatay sa kabilang buhay"

Nang marinig ni Joyce ang sinabi ng kanyang anak ay huminga siya ng malalim at piniga ang kamay ng anak para ipahiwatig na mahal niya ito. Napaiyak naman muli si Jeff sa ginawa ng ina at hinalikan niya muli ito sa noo at nagsabing “Mahal na mahal din kita, nanay. Pahinga ka na”


Sa kasalukuyan…

Sa bahay ng mga Francisco.

Alas-otso na ng gabi nang makauwi si Calvin mula sa mansyon ng kanyang girlfriend na si Sky. Kitang-kita ang saya sa kanyang mukha habang papasok siya ng bahay dahil sa wakas ay nakilala na siya ng ama ni Sky at parang tanggap naman siya nito.

        "Parang masaya ka 'ata, anak"  sambit ng boses mula sa sala.

Nagulat si Calvin dahil hindi niya inaasahan na nasa bahay ang ama niya. Minsan lang kasi nakakauwi si Alvin dahil sa kanyang trabaho.

        "Oh 'tay. You're here"  sabay lapit niya sa ama at nagmano  "Sana pinaalam mo  sa akin na uuwi ka. Nagluto sana ako ng hapunan natin"

        "Okay lang anak. Nakakain naman ako sa labas"  sagot ni Alvin sa anak  "Ikaw? Saan ka galing? Kasama mo naman ba si Sky kanina?"

        "Oo tay"  ngiti agad ni Calvin  "Doon kami galing sa mansyon nila. Sobrang laki pala ng bahay nila noh"

        "Siyempre naman. Isang Dy si Sky. Hindi lang isang ordinaryong babae, dahil siya ang may-ari ng DGC"

        "Oo nga tay eh. Pero hindi naman yaman ang gusto ko sa kanya kundi siya mismo, ang pagkatao niya dahil iba siya sa mga babae na nakilala ko"

        "Naku Calvin ha. Huwag na huwag mong gawin sa mga naging girlfriends mo noon kay Sky. Iba si Sky"

        "Oo nga po. Iba talaga siya"

        "Oo nga pala, nagkita kayo ng ama niya? Si Jeff?"

        "Opo. Nagkita kami ni Tito Jeff. Sa wakas"

        "E anong sabi niya sa'yo? Alam niya ba na ako ang ama mo?"

        "Oo tay. Alam niya"  sagot ni Calvin sa ama  "Sa katunayan nga ay gusto ka niya makita eh"

        "Talaga..?"  at bumalik ang masayang ngiti kay Alvin na matagal nang nawala sa kanya  "Gusto ko rin sana eh. Pero busy pa ako sa trabaho"

        "Okay lang yan tay. Sa tamang panahon, magkikita rin kayo ulit"

        "Miss ko na rin si Jeff eh. Na-miss ko ang mga ngiti niyo nung nagkukuwentuhan kami sa University ng Tita Jacqui mo"

Tinitignan ni Calvin ang ama habang nagsasalita ito tungkol kay Jeff na kanyang ex. Alam niya na mahal niya pa rin ito sa kabila na may asawa na ang kanyang mahal.

        "Tay..? Mahal mo talaga siya noh?"

        "Si Tito Jeff mo? Oo. Sobrang mahal. Pero hanggang doon lang ako. Kasi may mahal siyang iba at si Riley iyon"  sagot ni Alvin sa anak  "Hindi na ako makikialam pa sa kanilang pagmamahalan. Masaya na ako na masaya silang dalawa"

Hindi na lang sumagot si Calvin at ngumiti na lang ito sa ama. Nagpaalam na lang siya na umakyat sa kanyang silid at magpapahinga na.


Samantala

Habang nagmamaneho si Nathan pauwi sa kanilang mansyon ay napansin niya si Jeff na parang malalim ang iniisip.

        "Babe? Okay ka lang?"

        "Okay lang ako Babe. Naisip ko lang si Nanay"

Kaagad naman inabot ni Nathan ang kamay ni Jeff at hinawakan ito ng mahigpit. Napatingin naman si Jeff sa ginawa sa kanyang kamay. “Sigurado ako na masaya at proud si Nanay Joyce sa’yo ngayon, Babe”

        "Salamat Babe"  buntong-hininga naman niya  "Alam ko na swerte talaga ako sa Nanay ko. Mahal niya ako at tanggap niya ako kung sino man ako. Si Nanay lang talaga ang nagmahal sa akin ng wagas. Hindi katulad ng mga kapatid ko. Hindi nila tanggap na nagpakasal ako sa kapwa ko lalaki"

        "Babe.. hayaan mo na sila"  sabay himas ni Nathan sa batok ng asawa  "Okay..? Ang importante ngayon ay kung ano na ang narating mo at napatunayan mo sa kanila. At kung hindi pa sila masaya dun, hindi na natin sila mapipilit. Basta ang mahalaga ay masaya ka. Tayo"

        "Okay Babe"  sabay ngiti ni Jeff na may halong lungkot pa din  "Pero hindi pa rin maalis sa isip ko na ako ang sinisisi nila na pagkawala ni nanay"

“Smile ka na, okay? Hayaan mo na sila dahil hindi na maganda ang pag-aalala mong yan” sambit niya sa asawa “Andito naman kami ng anak mo na nagmamahal sa’yo eh”

Hindi na lang sumagot si Jeff sa sinabi sa kanya ni Nathan. Pinagpatuloy naman nito ang pagmamaneho at magkalipas ang ilang minuto ay nakarating na nga sila sa kanilang mansyon.


Kinagabihan.

Kakarating lang nina Mike at ng kanyang partner na si Anthony sa isang resort. Masaya silang dalawa ay sa wakas ay nakarating na rin sila sa pina-booked ni Anthony na resort.

        "Babe.. ang presko ng hangin"  sabay langhap ni Mike  "Yung may halong alat galing sa dagat. Sarap"

        "I know, right. Gusto ko kasi na makapag-relaks ka eh"  sagot naman ni Anthony  "Ngayon alam mo na kung bakit ito ang napili kong lugar?"

        "Oo babe. Sarap talaga ng feeling."  sabay lagay ng mga bagahe sa buhangin at niyakap ng mahigpit ang karelasyon niya  "Swerte ko talaga dahil nakilala kita"

        "Babe.. huwag dito. Baka may makikita sa atin. Alam mo naman na hindi pa alam ng mga tao ang tungkol sa'yo diba?"

        "So..? Wala naman tao ha. Sobrang dilim na kaya"  at hinalikan niya ito sa labi  "Pasok na tayo sa kwarto natin babe. Doon natin ituloy"

        "Mamaya na. Dito muna tayo sa labas. Sarap ng hangin dito eh"  hindi naman kumontra si Mike dahil totoo naman ang sinabi sa kanya ng Anthony na masarap at malamig ang simoy ng hangin. 

Humanap sila ng mauupuan at nakaupo nga sila sa isang mahabang bench at doon nila tinititigan ang madilim na dagat at naririnig nila ang bawat mga hampas ng mga alon sa dalampasigan.

        "Sarap Babe. Ang gaan na ng pakiramdam ko kahit kararating lang natin. Salamat talaga"

        "You're welcome, Babe. Anything for you"  sagot ni Anthony sa kanya  "Oo nga pala, matanong ko lang"

        "Ano yon, Babe?"

        "Bakit ayaw mong sabihin sa pamilya mo ang tungkol sa'yo? Natatakot ka?"

        "Parang ganon na nga"  sagot ni Mike 

        "Bakit ka naman natatakot? E diba may asawa ngang lalaki ang uncle mo diba?"

        "I know. Pero mahirap eh"  sagot nito  "Ayaw ko lang na malaman nila, lalung-lalo na si Tito"

        "Bakit naman?"

        "Kasi naaalala ko noon si Mommny. Naririnig ko sila parati ng Daddy na sinasabihin si Tito na bakla siya"

        "So...? Ano naman ang problema dun?"

        "E baka pagtatawanan lang ako ni Tito dahil naging katulad din niya ang anak ng kapatid niyang nambully sa kanya noon"

        "Grabe ka naman. Hindi naman siguro ganyan ang Tito mo"  sabat naman niya  "Why don't you try it. Subukan mo na kausapin ang Tito mo. Siguro naman ay maiintindihan ka niya"

        "I don't know. O baka naman ma-disapoint ko lang siya. At isa pa, wala din kasing bakla sa side ni Daddy eh"  sagot ni Mike sa kanya  "Kaya hindi naman ako makapag-out dahil doon. Basta Babe. Mahirap"

Napatingin na lang si Anthony sa kanya at inakbayan niya na lang ito “Sa totoo lang, hindi ko maiintindihan ang pinagdadaanan mo ngayon dahil iba ang kinagisnan ko babe eh” paliwanag niya kay Mike “Alam ng mga magulang ko ang tungkol sa akin”

        "Kailan lang nila nalaman babe?"

        "Hindi ko pa ba naikuwento sa'yo..?"

        "Naikuwento na pero nakalimutan ko na eh. Sige na babe. Ikuwento mo na ulit sa akin"  sabay ngiti ni Mike sa kanya

Nagpabuntong-hininga na lang si Anthony sa pakiusap ni Mike “Nalaman nila nung inamin ko mismo sa kanila na may karelasyon akong lalaki.Yung ex ko”

        "Hindi sila nagalit?" 

        "Hindi"  sagot niya  "Sabi lang nila ay matagal na daw nila alam na ganito ako at ako na lang ang hinihintay nila na umamin sa kanila. Kaya ikaw babe, aminin mo na sa kanila, sigurado ako na ikaw lang ang hinhintay nila na umamin"

        "Naku babe. Baka malabo yan"  sabay hinga ng malalim ni Mik  "Oo nga pala, ano nga ba ulit pangalan ng ex mo? George ba yun?"  at tumango na lang siya bilang sagot sa tanong ni Mike  "Bakit nga kayo nag-break yon, babe?"

        "Hayaan mo na yon, babe. Matagal na panahon na yon"  tanggi ni Anthony sa tanong  "Alam mo, ang ginagawa sa walang-kwentang tao ay dapat kinakalimutan. Kaya huwag mong ipaalala ulit sa akin ang tungkol sa kanya, babe"

        "Okay babe. I'm sorry"

        "It's okay, babe"  sagot niya dito  "Hindi naman ako galit sa'yo eh. Pero ito lang ang dapat mong isipin, pipilitin ko parati na intindihan ka sa mga pinagdadaanan mo sa abot ng aking makakaya dahil obligasyon ko iyon"

        "Salamat Babe. Alam ko naman na maiintindihan mo ako. Salamat ulit"

        "Of course. Mahal kita eh"

        "Mahal din kita"

Itutuloy…

TCG: Chapter 3 (Business Deal)

Kinabukasan.

Masayang bumababa ng hagdan si Sky habang tinitignan niya ang kanyang telepono. May binabasa siya kasi na text mula kay Calvin at tila kinikilig ito.

Nang pagdating niya sa kusina ay nandoon ang kanyang ama na si Jeff at ang asawa nito na si Nathan.

        "Good morning Papa. Good morning Daddy"  bati ni Sky sa dalawa habang bineso nito ang dalawa.

        "Wow. Whats with the abot-tengang-smile"  pansin ni Jeff sa anak  "Si Calvin ba ang rason yan?"

        "Papa naman eh"  sabay pumumula ng pisngi ni Sky

        "Oh bakit? Masama bang banggitin ang pangalan niya?"

        "Hindi naman po. Naninibago lang kasi ako ngayon dahil kilala niyo na si Calvin"

        "Pero ako, hindi ko pa nakikita at nakilala ang boyfriend mo"  dugtong naman ni Nathan.

        "Oo nga pala, Dad. Sorry. Hindi ko pala sinabi sa'yo na pupunta si Calvin kahapon"

        "Okay lang yan, anak. Busy din ako kahapon eh"  sagot niya dito  "At kwinento naman ng Papa mo ang tungkol sa kanya kagabi. So..."

        "So...?" dugtong ni Sky na hinihintay ang sasabihin nit okay Calvin

        "... I like him. Base sa kwinento ng Papa mo"

        "Okay lang po ba sa inyo na may boyfriend na ako?"

        "Oo naman. Bakit naman hindi?"

        "Kasi..."

        "Kasi anak ko ang ex mo..?"  tumango na lang si Sky bilang sagot  "Anak. Matagal naman ang hiwalayan ninyo ni Stephen eh. Kaya okay naman sa akin na makahanap ka ng bagong mapapatibok sa puso mo"  sambit ni Nathan sa kanya  "As long na masaya ka, masaya na rin ako para sa'yo"  paniniguro niya kay Sky  "Hindi ko nga rin alam kung ano ang dahilan ng paghihiwalayan ninyong dalawa noon eh. Pero it doesn't matter, ang importante ay masaya na kayong dalawa sa mga buhay ninyo"

        "Thank you for understanding, Dad"  sagot ni Sky.

        "Oo naman. Mahal kita eh"  

        "Oo nga pala, Sky"  sabat naman ni Jeff sa kanya habang nagluluto siya sa ng agahan  "Pupunta ka ba sa office ngayon?"

        "Hindi po Papa eh. May pupuntahan kasi kami ni Calvin ngayon"

        "Ahh. Kaya pala bihis na bihis ka ngayon"  pansin ni Jeff sa anak  "Saan ba kayo pupunta 'nak?"

        "Sa beach po Papa. Matagal na tong plano namin at ngayon lang naka-time eh"  paliwanag ni Sky  "Kaya ikaw na lang po sana muna ang papasok, Papa. Kung okay lang sa'yo"

        "Okay lang sa akin anak. Kailangan mo naman ng pahinga kahit ilang araw lang. You deserve some rest. Ako muna ang bahala sa DGC"

        "Thanks Papa"

Nagulat silang tatlo nang biglang tumunog ang telepono sa kusina. Kaagad naman itong pinuntahan ni Jeff at sinagot ito. Magkalipas ang ilang saglit ay binaba niya ito at parang masaya sa naging kausap niya sa kabilang linya.

        "Sino yon, babe?"

        "Si Gwen. Ang assistant ko"  sagot ni Jeff 

        "Bakit? Anong sabi?"

        "Tumawag daw ang opisina ng Deluxe Suites Hotel. They're arranging a meeting sa atin"

Tila nagulat sina Sky at Nathan sa binalita sa kanila ni Jeff. May gustong kumausap ng isang kumpanya sa kanila. Hindi naman nila alam kung ano ang dahilan sa kanilang pagtawag.

        "Meeting?"  ulit ni Sky  "Ano naman ang dahilan na pagtawag nila?"

        "Hindi ko rin alam, anak"  sagot ni Jeff sa anak  "Pero malakas ang kutob ko na hihingi sila ng tulong sa atin"

        "Tulong as in 'investment'?"  panghuhula naman ni Nathan

        "Siguro. Pero hindi pa ako dun sigurado"

        "Baka nga investment nga yon, Papa"  dugtong naman ni Sky sa usapan ng dalawa "Hindi naman sila mag-re-request ng urgent meeting kung hindi yan ang rason diba?"

        "Kung sa bagay. Tama ka, anak"  sagot ni Jeff  

        "Teka Babe. Anong oras ba ang meeting ninyo?"

        "Hindi naman nila sinabi pero ang sabi ko sa assistant ko na mga after lunch na lang"

        "Well. Ako na ang mag-aattend ng meeting, Papa"

        "No Sky. Ako na lang"  tanggi ni Jeff sa alok ng anak  "May lakad kayo ni Calvin diba?"

        "Opo. Pero it's my obligation bilang may-ari na mag-attend sa ganyang meeting"

        "Huwag na. Ako na lang. Kaya ko naman, anak. Kailangan mo naman ring magpahinga"

        "Okay Papa. Salamat sa pag-intindi"

Pagkatapos ng kanilang usapan na tatlo ay dumating na ang sundo ni Sky at kaagad silang umalis na dalawa ni Calvin. Habang si Jeff naman ay naghanda na rin para sa kanyang meeting mamayang hapon.


Alas-dose-y-medya na nang tanghali nang makarating si Jeff sa gusali ng DGC. Kaagad siyang dumrecho sa conference room at pagpasok niya doon ay naghihintay na ang mga taong gustong kumausap sa kanya.

Tumayo silang tatlo bilang pagrespeto sa kanya at kaagad na nilang inumpisahan ang presentation tungkol sa kanilang kumpanya.

Halos kalahating oras nang matapos ang presentation ng The Deluxe Suites Hotel. Nakatayo pa rin ang tatlo at hinihintay nila ang sasabihin at reaksyon ni Jeff tungkol dito.

        "So you offered me 30% of your company in exhange of P4.5 Billion?"

        "That's right, Sir"  sagot ni George na may-ari ng kumpanya.

        "Ano naman ang gagawin ninyo sa pera ko kung sakali na pumayag ako?"

        "The majority of that money will go to the renovations of the hotel, upgrading our facilities especially the rooms and function rooms, Sir"

        "Okay.."  sagot ni Jeff habang inaaral niya ang naging history ng hotel  "Based on your presentation, bumaba ang sales ninyo. Bakit naman nangyari iyon?"

        "Kasi marami na kaming kakompitensiya na mas bago at latest ang kanilang mga gamit"

        "So let me guess. Hindi ninyo kayang i-upgrade ang hotel ninyo dahil bumababa ang sales ninyo, that's why na wala kayong pondo for that. Am I right?"

        "Tama po, Sir"

        "Tapos sasabihin pa ninyo sa mga tao na Five-Star Hotel kayo"  sambit ni Jeff habang nagiging istrikto na ang kanyang boses  "Sa totoo lang, your hotel can't be classified as a Five-Star Hotel, Mister Salcedo. Malayong-malayo na kayo doon"

        "That's why we're here, Sir. Kailangan namin ng tulong ninyo"

        "Yes I know"  dugtong niya  "Pero I can't invest sa kumpanyang palugi na"

        "Please, Mister Rodgers"  pagmamakaawa ni George sa kanya  "Tulungan mo naman ako. Magkakakilala naman tayo diba? I know you can trust me"

        "Oo. Magkakakilala tayo pero that's not enough para sa pagpayag ng alok mo"  dugtong niya kay George  "P4.5 Billion for 30% is insane. Napakalaking pera para sa maliit na porsyento ko sa kumpanya ninyo, na hindi natin alam kung babangon pa"

        "Alam ko iyon. Pero kung nalalakihan ka sa hinihingi ko, ikaw na lang ang bahala sa gusto mo. Para lang pumayag ka lang Mister Rodgers"

Biglang natahimik si Jeff sa sinabi sa kanya ng kaibigan na si George. Napaisip siyang muli sa alok at parang naging interesado na ito. “Can you please give me a moment para makapag-isip?” paalam niya sa tatlong nakatayo. Pagkatapos ng ilang minuto na pag-iisip at pag-aaral sa kumpanya ng kaibigan ay nakapagdesisyon na siya sa wakas. “Nalakihan talaga ako sa P4.5 Billion at 30%. Para kasing nakaapak ang isang paa ko sa hukay kapag naiisip ko yan. Diba sabi mo na ako ang bahala?”

        "Yes Sir. Ikaw po ang bahala kung ano gusto ninyo"  sagot ni George  "You can adjust the offer kung gusto ninyo"

        "Very well. I have a counter offer"  panimula ni Jeff  "I'll give you P4.5 Billion. But in exchange of 60% of your hotel shares"

        "What?!"  sigaw ni George dahil nagulat ito sa alok ni Jeff  "Bakit ang laki..??"

        "Because the lines of your sales based on your graph are declining"  sagot niya kay George  "Kailangan ko na ako ang magtake-over para mapabangon ko ang hotel. And I need 60% to do that"

        "But that's too much"  sagot ni George  "Hindi ba pwedeng 50-50 tayo?"

        "No. Hindi pwede"  sambit ni Jeff  "As I said, I need the majority of the shares para ibangon ko ang hotel mo. Hindi lang basta pera ang maitutulong ko, kundi experience and my skills para maibalik ko ang kinang ng The Deluxe Suites. So..? It's a deal?"

Napaisip ng matagal si George sa alok sa kanya “Pwede ba kaming lumabas? Kailangan lang naming mag-usap tungkol dito”

        "Sure"  sabay ngiti ni Jeff  "Just take your time, Mister Salcedo"

Kaagad naman sumenyas si George sa dalawa niyang kasama para lumabas. Nagmamadali silang lumabas ng silid para doon sila mag-usap tungkol sa counter offer ni Jeff.

        "Mahal. Pano ba yan? Ang laki ng hinihingi niya"  sambit ng kasama niyang lalaki.

        "I know. Pero wala na tayong choice kundi tanggapin na lang ang alok niya"  habang malalim ang iniisip niya.

        "What if kung bigyan muli siya ng counter offer, Sir?"  payo ng babae ng kanilang kasama  "Like P3.5 Billion for 50%?"

        "That's too small, Kate"  sagot ni George sa kanya  "P7 Billion ang value ng hotel ko..?? Of course not. We need to stick sa initial offer natin"

        "But Sir. Narinig mo naman ang sinabi niya kanina sa'yo"  paalala niya kay George  "His offer is fixed at 60%"

Magkalipas ang ilang minuto ay pumasok na silang tatlo at parang nakapagdesisyon na. Samantala si Jeff naman ay nakaupo pa rin sa kanyang upuan at handa na sa magiging desisyon ng kaibigan.

        "Hello again, Mister Rodgers"  bati ulit ni George sa kanya.

        "Well. What's your decision?"  tanong ni Jeff sa kanila.

        "I appreciate your concern sa hotel ko at alam ko na ginagawa mo lang ito dahil concern ka sa amin"  at tumango naman si Jeff sa sinabi ni George  "But P4.5 Billion for 60% is really high for us"

        "Let me guess. You're doing your counter offer?"

        "Yes"  sagot nito  "So my offer is still the same amount. P4.5 Billion for 54%"

        "6% difference huh?"  dugtong ni Jeff  "Not bad though"  doon bumilis ang pagtibok ng kanilang dibdib. Kinakabahan silang tatlo sa magiging sagot ni Jeff sa kanilang alok  "I think we have a deal"

Nanlaki at lumiwanag ang kanilang mga mata nang marinig ang naging desisyon ni Jeff sa kanila. Tumayo si Jeff at linapitan silang tatlo, lalung-lalo na si George para kamayan ito.

        "I'm so happy na tinanggap ninyo ang alok namin, Mister Rodgers"  ngiti ni George sa kanya.

        "It's a good deal, Mister Salcedo"  sagot ni Jeff kay George  "Sa tulong ko, pinapangako ko na maging maayos muli ang hotel mo"

        "Maraming Salamat, Mister Rodgers. Salamat talaga"

        "Stop calling me that, George"  saway ni Jeff  "Tapos na ang business transaction natin. Call me by name na lang"

        "Sige. Sorry Jeff"  

        "Good. Much better. Kahit papaano naman ay may pinagdaanan din tayo noon"  ngumiti lang si George sa sinabi sa kanya. Napatingin naman si Jeff sa lalaking nasa likuran ng kanyang kausap  "George..? Sino siya?"

        "Siya..?"  sabay hawak niya sa braso ng lalaki  "He's Ezekiel Lacsamana. But you can call him 'Zeek'."

        "Zeek"  ulit ni Jeff  "Is that your..??"  panghuhula ni Jeff kung magkarelasyon silang dalawa ni George.

        "Yes. He is"  sagot naman ni George kay Jeff na parang alam niya ang ibig sabihin nito.

        "Oohh. Well, hi Mister Lacsamana"  sabay abot ng kanyang kamay kay Zeek  "I'm José Hidalgo-Rodgers"

        "Kilala po kita, Mister Rodgers"  sagot ni Zeek at sabay tanggap nito sa kamay ng isa para ikamay ito  "Ikaw po yung ama ng may-ari at presidente ng Dy Group of Companies"

        "Wow. I'm impressed"  sagot naman nit okay Zeek  "Nagulat ako dahil kilala mo ako"

        "Opo Sir. Kilalang-kilala kita dahil ikaw ang idol ko eh"

        "Talaga? Infairness ha. Meron kang taste sa pagpili ng idol mo, Mister Lacsamana"  biro ni Jeff sa kanya.

        "Opo Sir. Kaya nga po masaya ako dahil sinama ako ni Sir George dito eh"  paliwanag ni Zeek  "Tapos naging masaya pa ako dahil nakipag-deal ka na sa kanya. Malaking tulong talaga ang pagpasok ninyo sa amin, Sir"

        "Of course. Masaya din ako dahil matutulungan ko kayo para mapabangon muli ang hotel ninyo"

        "Salamat po ulit Sir"

        "You're welcome, Zeek"  sambit niya kay Zeek at tumingin siya kay George  "I'll better get going. Babalik muna ako sa opisina"

        "Sige Jeff. Aalis na rin kami"

        "Sige. Mag-iingat kayo. Tatawagan ka na lang ng assistant ko para ipaalam kung kailan ang contract signing"

Kaagad lumabas si Jeff sa silid at nagmamadaling nagtungo sa kanyang opisina. Samantala sila namang tatlo ay nagdesisyon ding umalis dahil tapos na ang kanilang meeting at kailangan na nila bumalik ng hotel para sa kanilang mga trabaho doon.


Samantala.

Kakarating lang nina Sky at Calvin sa isang beach resort para doon maglipas ng ilang araw para magbakasyon.

Habang lumalakad silang dalawa patungo sa kanilang silid ay may nakita si Sky na pamilyar na tao.

        "Tart. Sandali lang ha"  paalam niya kay Calvin

        "Bakit? Saan ka pupunta Tart?"

        "Diyan lang. May kakausapin lang"

        "Ah sige. Sumunod ka kaagad ha"

        "Okay Tart"  kaagad umalis at lumakad papunta si Sky sa isang lalaki na nakaupos sa isang bench at nakatalikod sa kanya "Cous? Ikaw ba yan?"

Lumingon naman ang lalaki at humarap sa kanya “Sky? You’re here” sambit ni Mike at tila namumutla ang kanyang labi. At kaagad itong tumayo “What are you doing here?”

        "What am I doing here..?"  ulit ni Sky na nagtatataka sa tanong ng kanyang pinsan  "Siyempre, magbabakasyon. Kararating ko lang eh. Ano ba klaseng tanong yan, cous"

        "Ahh. Pasensiya na, cous. Nagulat lang kasi ako na nandito ka eh"

        "Ganon ba?"  ngiti ni Sky  "E ikaw, cous? Anong ginagawa mo dito?"

        "A-ako?? Ahmmm. Nagbabakasyon din, cous"  sagot niya sa pinsan  "Actually nasa honeymoon kami ngayon ng asawa ko"

        "What? May asawa ka na?"

        "Yup. Last week lang kami nagpakasal"

        "Ganon? Hindi mo naman sinabi sa amin na magpapakasal ka na"

        "Sorry cous. Biglaan lang din kasi eh"  paliwanag niya sa kanyang pinsan  "Actually, sa judge lang kami nagpakasal eh. Pero don't worry, ipapaalam ko sa inyo ni Tito kung kailan kami magpapakasal sa simbahan"

        "Okay cous. Basta promise yan ha"

        "Oo naman. Promise"

        "E saan siya ngayon? Gusto ko siyang makita, cous"

        "Ha..?"  at parang nanigas ang buong katawan ni Mike nang sabihin iyon ni Sky. Gusto niyang makita at makausap ang kanyang kunwaring asawa.  

Itutuloy…

TCG: Chapter 4 (Selos)

Parang hindi makapagsalita si Mike dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin at isasagot sa pakiusap sa kanya ng kanyang pinsan na si Sky.

        "Cous..? Are you okay?" sambit ni Sky sa kanya  "Parang natulala ka ata ah. Hindi mo na nasagot ang tanong ko"

        "Sorry cous. May iniisip lang kasi ako"  palusot niya  "Ano nga ba ulit yon?"

        "Ang sabi ko, saan na ngayon ang asawa mo. Gusto ko siya kasing makita at makilala eh"

“E tulog pa siya kasi cous” palusot niya muli “Mamaya na lang kapag gising na siya”

        "Ahh ganon ba? Sige cous. Mamaya na lang"  dugtong ni Sky

Ngumiti na lang siya sa pinsan “Pasensiya na ha. Napagod ko siya kagabi eh. Alam mo naman na bagong kasal kami kaya inubos ko kagabi ang lakas niya”

        "Yuck cous"

        "Oh bakit? May masama ba sa sinabi ko?"

        "Nakakadiri kaya ng sinabi mo. Sa akin mo pa talaga sinasabi ang mga ganyang bagay ha"

        "Sorry cous. Pero totoo naman eh. At wala naman masama dahil asawa ko siya"  sabay ngiti ni Mike sa pinsan  "Oo nga pala, bakit ka nandito?"

        "Diba sabi ko sa'yo, nagbabakasyon din kami dito. Kasama ko boyfriend ko"

        "Wow. Honeymoon din?"

        "Sira. Hindi noh. Nagbabakasyon lang kami dahil sa sobrang pagod at stress sa trabaho"  paliwanag niya  "Iniwan ko nga lang ang trabaho ko doon eh para lang makatakas sa pagod kahit konti lang"

        "Kung sa bagay. Hindi naman kita masisisi. Pareho tayo eh. Sobrang busy na. Maraming mga kumpanya ang mga hinahawakan natin"  sang-ayon ni Mike  "Kailangan mo pang sadya-in na magbakasyon"

        "Hay naku. Sinabi mo pa"  buntong-hininga ni Sky

        "Mabuti naman ay nakagawa kayo ng paraan ni Stephen na tumakas sa stress kahit sandali lang"

        "Ahhmm"  at biglang umiba ang mukha ni Sky sa sinabi ng pinsan sa kanya  "Cous, hindi na kasi si Stephen ang boyfriend ko eh, diba? Sinabi ko sa'yo noon"

        "Ay sorry. Nakalimutan ko"  dugtong ni Mike  "Nasanay kasi ako na si Stephen ang kasama mo parati. Teka, ano ba kasi ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay?"

        "Basta. Mahabang kuwento"  ngiti ni Sky na may halong pait ang mukha  "Meron din kasi akong kasalanan kaya nagkahiwalay kami. Hindi naman siya lahat ang dapat sisihin sa nangyari"

        "Sayang naman"  hinga ng malalim ni Mike  "Akala ko nga na kayo na talaga ang magkakatuluyan eh"

        "Akala ko nga din eh"  

        "Okay na yan. May bagong boyfriend ka naman, cous"

        "Tart. Sino siya..??"

Napalingon silang dalawa sa taong biglang nagsalita sa kanilang likuran “Tart” dugtong ni Sky “Siya si Mike. Pinsan ko. Cous, si Calvin. My boyfriend”

        "Hi Pre. Nice meeting you"  sabay alok ni Mike ng kanyang kamay para mapagkamay sa nobyo ng pinsan pero tinignan lang ito ni Calvin.

        "Pumasok na tayo sa kwarto"  saway niya kay Sky  "Kailangan pa natin ayusin ang mga gamit natin. Hindi sa nakikipaglandian ka dito sa labas"

Sinunod naman ni Sky ang inutos sa kanya ni Calvin. Tinignan niya na lang ang pinsan niya bilang pagpaalam sa kanya dahil hinihila na siya ng nobyo.

Nang pagpasok nilang dalawa sa silid ay itinapon ni Calvin ang braso ni Sky. Muntikan na siyang matumba dahil sa ginawa nito. Buti na lang ay nakakuha ulit si Sky ng balanse at nakatayo muli ng maayos.

        "Ano ba?!"  sigaw ni Sky sa kanya  "Nasasaktan ako. Bakit ka ba nagkakaganyan...?"

        "Sino yon ha? Sino ang lalaking yon?!"

        "Si Michael nga. Pinsan ko"

        "Talaga?"  pangdududa ni Calvin na parang hindi naniniwala sa sinagot ng nobya  "Kung pinsan mo nga siya, bakit ngayon ko lang siya nakita?? Yung totoo Sky. Lalaki mo yon noh?!"

        "Ano ba ang pinagsasabi mo? Pinsan ko nga iyon"  ulit ni Sky sa kanya  "Ngayon lang kami ulit nagkita after so many years dahil busy din siya sa pagpapatakbo ng kanyang mga negosyo. Ngayon ko lang din nalaman na may asawa na pala siya at dito sa resort ang honeymoon nila"

        "May asawa siya..? At kasama niya?"

        "Oo nga. Magkasama sila ngayon dito"

Biglang natahimik at napagtanto ni Calvin na mali pala ang akala niya sa lalaking nakita at kasama ni Sky. Kaagad niyang linapitan ang nobya at inayos niya ang buhok nito. “I’m sorry. Hindi ko alam na pinsan mo yon” sambit niya kay Sky “Sorry talaga, Tart”

        "Sa susunod, alamin mo muna ang buong kuwento bago ka mag-react at tumalon sa konklusyon dahil nakakahiya. Binastos mo pa ang pinsan ko"

        "Okay okay. Sorry na"  sabay niyang niyakap ang nobya ng mahigpit  "Hindi na mauulit, Tart. Sorry"

Hindi na lang sumagot si Sky at pinatawad na lang si Calvin sa kanyang mga nasabi. Niyakap niya din ito ng mahigpit bilang wala pagpapatawad niya.

Samantala.

Kakapasok lang ni Mike sa kanilang silid na parang balisa at parang namumutla ang kanyang mga labi.

Nakita naman ito ng kanyang partner na si Anthony na nakaupo sa kama at kaagad niya itong tinanong. “Babe. Are you okay? Namumutla ka” hindi sumagot si Mike at nagtungo ito sa kama at umupo “Huy.. Okay ka lang?”

        "Ahmm. Yes Babe. Okay lang ako"

        "Talaga? E bakit parang nakakita ka ng multo? Ano ba talaga ang nangyari sa labas..?"

        "Babe.."  kaagad niyang hinawakan ang kamay ni Anthony  "Andito siya"

        "Ha? Sino siya?"  

Biglang bumalik si Mike sa kanyang pwesto at binitawan ang kamay ni Anthony. Nakatitig siya sa dingding na parang blanko ang mukha na parang may iniisip “Hindi. Hindi niya dapat malaman ang totoo. Kinakabahan ako, Babe. Baka ano ang maiisip nila kapag nakita niya tayo na magkasama”

        "Babe. What are you talking about? Sino ba ang tinutukoy mong tao? Hindi kita maiintindihan"

        "Ang pinsan ko. Nandito sila ng nobyo niya"  sagot niya kay Anthony  "Hindi ko alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit sila nandito. Baka binabantayan nila ako"

        "Babe. Napapraning ka lang. Hindi ka naman siguro ang rason kung bakit sila andito"  sambit niya kay Mike  "At baka nagkataon lang na parehong lugar ang pinuntahan natin"

        "Baka nga. Pero kailangan lang natin mag-ingat, Babe"

        "Mag-ingat? In what way?"

        "Huwag muna tayong lumabas na magkasama or pwede rin na umalis na agad tayo dito"

        "Are you serious?"  sambit sa kanya ni Anthony na parang hindi makapaniwala sa sagot ni Mike  "Titigil ang buhay natin dahil lang sa pinsan mo? No! Andito tayo para makapag-relaks ka tapos ito lang pala ang mangyayari..??"

        "Babe. Intindihin mo naman ako"  pagmamakaawa niya kay Anthony  "Ayaw ko lang na malaman nila ang totoong pagkatao ko"  

        "I know. Pero sobra na ang pagka-praning mo"  sambit niya  "Pwede ka namang magdahilan eh. Na magkaibigan lang tayo. Magbarkada"

        "Hindi nga pwede eh"  pagdidiin ni Mike sa kanya  "Kasi sinabi ko na kasama ko ang asawa ko"  nagpabuntong-hininga na lamang si Anthony sa rason na ibinigay sa kanya ng kanyang partner. Natahimik lamang siyang dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Kaagad naman hinawakan ni Mike ang mga kamay niya at tinignan ito sa mga mata  "Babe. Please. Umalis na tayo dito. Para sa akin"

        "Sige. Wala naman tayong magagawa kundi sundin ang gusto mo eh"  sabay liwanag ng mukha ni Mike  "Aalis na tayo dito ngayon"

        "Salamat Babe. Salamat sa pag-intindi"  yakap niya sa kanyang mahal  "Pangako ko sa'yo na babawi ako"

        "Sige na"  kuha niya sa mga kamay ni Mike sa kanyang katawan  "Mag-ligpit na tayo ng mga gamit natin dahil uuwi na tayo mamayang hapon"

Alas-nwebe ng gabi nang magdesisyon si Jeff na magligpit na ng kanyang gamit at para makauwi na siya. Nang pagkalabas niya ng opisina ay nakita niya ang kanyang assistant na nagliligpit din ng mga gamit at naghahanda na umuwi na rin.

        "Ahmmm. Gwen"

        "Yes Sir?"

        "May notes ka ba na isinulat kanina sa meeting natin ng The Deluxe Suites?"

        "Opo Sir. Kumpleto po"

        "Good"  sagot niya  "Well. I need you to make a contract tungkol sa deal namin kanina. Pagkatapos, call Atty. Villanueva para ma-legalize ang lahat"

        "Yes po. Masusunod po"  at hindi umalis ang tingin ng kanyang assistant sa kanya na parang may sasabihin pa ito "Sir Jeff.."

        "Yes Gwen? May sasabihin ka?"

        "Andito pala si Sir Nathan"

        "Talaga? Saan siya?"

        "Andoon po siya sa rooftop. Hinihintay ka niya"

        "Rooftop..?"  ulit ni Jeff  "Ano naman ang ginagawa niya sa rooftop?"

        "Ewan ko po. Pero ang sabi niya sa akin kanina na umakyat ka na lang daw at doon lang siya at hinihintay ka niya sa taas" 

        "Sige-sige"  buntong-hininga ni Jeff  "Aakyat na ako. E ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?"

        "Uuwi na po ako, Sir"

        "Okay. Mag-ingat ka Gwen. Kami na lang ang bahala dito ng Sir Nathan mo mamaya"

Nagmamadaling sumakay sa elevator si Jeff at umakyat sa top floor para pumunta sa rooftop ng kanilang gusali.


Sa kalagitnaan ng malamig na gabi, nakatayo si Sky sa dalampasigan at dinadama ang lamig at alat ng hangin mula sa dagat. Isang presko at nakakarelaks na gabi ang dinadama niya habang nakatingin sa mga bituin sa langit.

Naisip niya na parang ayaw niya nang umuwi sa siyudad at dito na lang siya manirahan dahil sa sobrang kalmado ng kanyang paligid.

        "Hey..."  sambit ni Calvin at kakarating lang. Niyakap niya agad si Sky mula sa likuran.  "Galit ka pa rin ba sa akin?"

        "Hindi na Tart. Hindi na ako galit"

        "Talaga?"  sabay halik ni Calvin likod ng leeg ni Sky

        "Oo Tart. Hindi na"

Hinigpitan pa lalo ni Calvin ang pagyakap sa kanyang nobya “Let’s sleep na, Tart. Antok na kasi ako eh” sambit niya kay Sky na may lambing ang tono ng boses.

        "Mauna ka lang muna Tart. Hindi pa ako dinadalaw ng antok"

        "Ganon? Edi sasamahan na lang kita dito"

        "Bakit? Matulog ka na Tart"  utos niya  "Akala ko ba ay inaantok ka na..?"

        "Mamaya na nga"

        "Tart..."

        "What?"

        "Matulog ka na"  utos muli ni Sky na parang matigas ang tono ng boses  "Please"

        "Ayaw ko nga, okay? Bakit mo ba ako pinipilit na matulog..?"

        "Kasi inaantok ka na nga, diba?"

Biglang umiba ulit ang mukha ni Calvin dahil hindi niya nagustuhan ang rason sa kanya ni Sky “Magsabi ka nga ng totoo. May hinintay ka ba dito?” tanong niya sa nobya “Sino ba yan? Nobyo mo noh?!”

        "Oh my god...."  buntong-hininga ni Sky  "Seriously? Paulit-ulit na naman tayo? Nakakainis ka na ha"

        "Naiinis ka dahil totoo. Sino yan?! Magsabi ka nga ng totoo sa akin?!"

        "Wala akong ibang lalaki, okay? Wala!"

        "Sinunggaling! Alam ko na may iba ka"  pagdidiin pa ni Calvin sa kanya  "Magsabi ka na lang ng totoo, malandi ka"

Sinampal ng walang sabi-sabi ni Sky si Calvin dahil nasaktan ito sa pang-iinsulto nito sa kanya “How dare you call me ‘malandi’? Ano ba ang nangyayari sa’yo ngayon? Bakit ka nagka-ganyan? Ano ba ang ginawa ko sa’yo..?”

        "Gusto mo ba talagang malaman ang dahilan kung bakit ako nagkaganito..?"

        "Oo. Gusto kong malaman para maiintindihan kita kasi hindi na kita kilala dahil sa mga pang-iinsulto mo sa akin"

        "Okay. Sige. Sasabihin ko sa'yo kung bakit ako nagkaganito ngayon"  panimula ni Calvin  "Narinig ko kayong dalawa ng pinsan mo. Nagkukuwentuhan kayo tungkol sa ex mo na si Stephen na parang nanghihinayang kayo sa kanya. Yung totoo Sky, mahal mo pa ba siya?"

        "Ano bang klaseng tanong yan..?!"

        "Sagutin mo na lang. Parang awa mo na"

        "Ikaw ang mahal ko, okay? Huwag mong pagdududahan ang pagmamahal ko sa'yo"

        "Just answer my damn question!!"  sigaw niya kay Sky  "Do you still love him..?? Yes or No?!!"

        "Of coure not!"  sigaw din ni Sky sa kanya  "Ikaw ang mahal ko, Tart. Bakit ka ba ganyan?"

        "Kasi iba ang nararamadaman ko. Iba ang nakikita ko sa mukha mo, sa mga mata mo, sa mga bibig na lumalabas na mga salita"

        "Can you please. Stop it..??!"  sigaw ulit ni Sky na parang naiinis na sa pagiging seloso mi Calvin  "Ano man ang narinig mo kanina ay wala lang yon"  sabay singhap ni Calvin na parang hindi naniniwala sa paliwanag sa kanya ng nobya  "Pwede ba, makinig ka... we're just talking about my ex kasi hindi niya alam na wala na kami"

        "E bakit hindi niya alam? Akala ko ba ay mag-pinsan kayo?"

        "Kasi nga... matagal na kami hindi nagkita at nagkausap diba..?"  paliwanag niya kay Calvin  "Kaya hindi niya alam ang tungkol sa atin"

Biglang natahimik at nahimasmasan si Calvin sa kanyang mga sinabi. Napaisip siya na mali na naman ang kanyang akala. Kaagad niyang niyakap si Sky na parang nagsisisi sa kanyang nasabi sa nobya. “I’m sorry. Hindi ko alam. Akala ko kasi may tinatago ka sa akin eh”

        "What?!"  sabay alis niya sa mga braso ni Calvin  "Anong tinatago ang pinagsasabi mo? Wala akong tinatago"

        "I know, Tart. That's why humihingi ako sa'yo ng tawad"  habang nilalapitan niya si Sky pero patuloy pa rin ang pag-iwas niya kay Calvin  "Tart. Sorry. Hindi na mauulit"

        "You know what. Let's call it a night. Kailangan na nating magpahinga, lalung-lalo ka na." sambit ni Sky sa kanya  "Dahil kung anu-ano na ang pumapasok diyan sa utak mo"

        "Tart please"

Hindi na lang niya pinansin ang nobyo at lumakad na lang palayo papunta sa kanilang silid. Nagdesisyon na lang siya na matulog na lang dahil sinira na ni Calvin ang kanyang gabi.

Samantala si Calvin naman ay nakatayo pa rin sa may dalampasigan at parang nagsisisi sa kanyang ginawa at nasabi. Hindi niya alam kung paano susuyuin ang nobya pagkatapos ng kanyang ginawa at mga nasabi.

Itutuloy…

TCG: Chapter 5 (Misunderstanding)

Nang pagdating ni Jeff sa rooftop ng gusali ay nadatnan niya si Nathan na nakaupo sa isang romantic na dining set-up. Matiyagang naghihintay sa asawa.

Habang lumalakad si Jeff patungo sa hinanda ng asawa ay tinititigan niya si Nathan ng maigi dahil napagtanto niya na matanda na sila at marami na palang nangyari sa kanilang buhay pagkalipas ng ilang taon. Pero hindi pa rin nagbabago at nawawala ang pagmamahal niya sa dating Riley at ngayon ay si Nathan na kanyang asawa.

        "Tamang-tama, babe. Kakarating lang din ng pagkain natin"  bati niya kay Jeff habang nakangiti  "Let's eat. Gutom na gutom na ako"

Umupo na lang din siya sa bakanteng upuan at sinimulan na nilang kumain. “Kanina ka pa?”

        "Hindi naman"  sagot ni Nathan  "Siguro four hours na ako nandito. Ako pa kasi ang nag-set-up nito eh"

        "Talaga? Ikaw pa? E sana inutos mo na lang sa iba, babe"

        "No. Ayaw ko"  tanggi niya kay Jeff  "Gusto ko na ako mismo ang gagawa nito para sa'yo"

        "E parang pagod ka na"  pag-aalala ni Jeff sa kanya  "Sorry ha. Hindi ko alam eh. Sana pinaaga ko lang ang pagtapos ng mga gawain ko"

        "No. It's okay babe. Walang problema sa akin"  paniniguro ni Nathan  "I am always here naman for you. Patiently waiting"

        "Sweet naman"  sabay pamumula ng pisngi ni Jeff  "Hindi nga, what's the set-up all about? May okasyon ba? Birthday?"

        "Wala naman. Gusto ko lang naman maging romantic"  paliwanag niya kay Jeff  "Naisip ko lang na gagabihin ka sa pag-uwi. So, dinala ko na lang ang dinner sa'yo. On your rooftop"

        "That's so sweet babe. Salamat sa pagiging thoughtful"

        "Oo naman. Hinding-hindi ako magbabago kahit matanda na tayo"

        "Matanda talaga babe? Hindi naman tayo matanda ah"  tanggol ni Jeff ng kanyang sarili na may halong biro  "Nasa early 30's pa lang kaya tayo"

        "Oo nga. I know. Pero we're not getting younger. Hindi mo mamamalayan na maya-maya ay magkakaanak na si Sky at meron ka nang apo"

        "Hay naku babe. Malayo pa yan. Ayaw ko munang tatawagin na lolo"  ngiti ni Jeff sa kanya  "Tapos ayaw ko munang magkakalubot ang balat ko"

        "Heeey. Listen"  sabay abot ni Nathan ng kanyang kamay  "Kahit naman matanda na tayo at magkakakulubot na ang mga balat natin, mamahalin pa rin naman kita"

        "I know babe"  sabay ngiti niya tila na-touch sa sinabi ng kanyang minamahal  "I love you too. Hindi ka talaga nagbabago sa akin"

        "Of course. Kasi mahal kita. Ganon lang kasimple"

Ngumiti na lang muli si Jeff bilang sagot sa sinabi ni Nathan sa kanya. Pagkatapos nila kumain ay kaagad silang umalis at umuwi na sa kanilang bahay.


Dakong alas-diyes na ng gabi ay kakauwi lang nina Mike at Anthony sa kanilang bahay. Halatang pagod ang dalawa sa kanilang biyahe galing resort.

Kaagad umupo si Anthony sa sofa at parang wala itong sa mood. Napansin naman ni Mike na parang hindi siya kinikibo ng isa at tinabihan niya na lang ito.

        "Babe. Okay ka lang?"

        "Okay lang ako"  buntong-hininga ni Anthony

        "Sigurado ka? Parang hindi eh"  sabay akbay ni Mike sa kanya.

        "Oo nga. Okay lang ako.."  matigas na sagot ng isa.

        "Galit ka na eh. Tungkol pa rin ba 'to kanina?"

        "Please lang. Huwag ngayon"

        "Ano ba yan babe? Hindi kita maiintindihan eh. Kausapin mo naman ako"

        "Tsk. Ano pa ba ang gusto mo? Kinakausap naman kita ngayon ah!"  sagot ni Anthony na naiirita na sa kanya  "Kung ako sa'yo, tumahimik ka na lang. Mainit ngayon ang ulo ko"

Hindi na lang sumagot si Mike sa kanya at niyakap niya lang ito ng mahigpit “Sorry na babe. Alam ko naman na sumama ang loob mo dahil umalis tayo agad sa resort eh”

        "Hindi naman yon ang rason kung bakit sumama ang loob ko sa'yo eh"  panimula ni Anthony sa kanyang pagpapaliwanag  

        "E ano..? Sabihin mo sa akin para malaman ko. Para hindi tayo nagkakaganito"

“Simple lang naman babe eh. Ang kinaiinisan ko lang naman sa’yo ay ang pagiging praning mo. Sa sobrang paglilihim sa totoo mong pagkatao ay parang lahat ng tingin nila ay nasa sa’yo” at hinawakan ni Anthony ang braso niya na nakapulupot sa kanyang katawan “Babe, huwag kang ganyan. Hindi na maganda ang kinikilos mong yan. Baka iyan pa ang rason na mabisto ka. Kung ako sa’yo, magrelaks ka lang”

        "Ang hirap kasi babe eh. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko kapag nasa paligid na sina Tito at pinsan ko"  paliwanag niya kay Anthony  "Parang nanginginig ako sa takot baka ano ang sasabihin nila tungkol sa akin"

        "Hay naku babe. Nasa utak mo lang yan"  sabay tingin niya sa mga mata ng mahal  "Magtiwala ka lang sa akin. Just act normal, okay?"

        "Sige"  sagot niya na napipilitan lang  "Susubukan ko babe. Basta sorry ulit ha?"

        "It's okay babe. Naiintindihan naman kita eh"

        "Salamat babe. Thank you for understanding"  sabay halik sa labi  "I love you so much"

        "I love you too, babe. Don't worry, hinding-hindi ako magsasawa na intindihin kita parati. Ganyan kita kamahal"

Hindi sumagot si Mike at niyakap na lang ulit nang sobrang higpit ang kanyang partner at ang mahal niya na si Anthony.

Kinaumagahan.

Nagmamadaling nag-eempake at nagliligpit ng gamit si Sky. Gusto niya nang umuwi kahit ilang araw pa ang dapat nilang ipanatili sa resort.

Naisip niya na kailangan nila munang magpalamig dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ni Calvin. Habang inaayos niya ang kanyang gamit ay hindi niya namalayan na pumasok pala ang kanyang nobyo sa kwarto at nakita niya nga ang ginagawa nito.

        "Tart, What are you doing..? Bakit ka nagliligpit ng mga gamit mo?"

        "Uuwi na ako..."

        "Ha? Bakit? Akala ko may ilang araw pa tayo dito?"

        "Akala ko rin. Pero nagdesisyon na ako na umuwi ngayon"  sabay bitbit ni Sky ng kanyang dalawang maleta at lumakad palabas ng kanilang silid.

Pero hinawakan siya ni Calvin sa kamya upang pigilan ito sa kanyang pag-alis “Tart naman. Huwag naman ganito. Let’s talk”

        "Talk..? E kahit anong paliwanag ko, hindi ka pa rin nakikinig eh"  sabat niya kay Calvin  "Mas pinaniniwalaan mo lang naman ang mga maling kutob mo"

        "Tart. Please"

        "Bitawan mo ako. Parang awa mo na"  tingin niya sa kanyang braso na hawak-hawak ni Calvin  "I need space. Gusto ko munang mapag-isa at panahon para makapag-isip"

        "Anong klaseng panahon? E andito nga tayo sa resort para makapag-relaks diba? Tart. Huwag ka namang umalis. Diba magpaplano pa tayo para sa future natin..?"

        "Akala ko nga. Pero pinangungunahan mo nang selos at kapraningan mo na wala naman sa lugar"  patuloy pa rin ang tangkang paglabas ni Sky pero hinarangan na siya ni Calvin sa pintuan  "Umalis ka sa harap ko"

        "Ayaw ko. Gusto ko mag-usap tayo"

        "No! I said. Umalis ka sa daan ko"  natahimik na lang si Calvin at binigyan niya ng daan si Sky.

Dere-derecho ang paglakad ni Sky. habang bitbit ang dalawang malaking maleta na punong-puno ng gamit niya.


Samantala.

Alas-diyes na ng umaga nang nagising si Jeff dahil napasarap ang tulog nito dahil napagod ito kahapon sa trabaho.

        "Good morning, babe"  bati niya kay Nathan habang papunta siya sa direksyon nito habang sa hapagkainan ang kanyang asawa.

        "Good morning"  sabay halik niya sa labi ni Jeff  "Parang napasarap ang tulog mo babe ah"

        "Oo babe. Napagod ako kahapon eh"  sagot niya dito  "Maraming trabaho kasi ang tinapos ko"

        "Kaya pala. Ayos lang yan, babe. Ang importante ay nakapagpahinga ka ng maayos"

        "Oo nga. Nabawi ko nga ang lakas ko kagabi"  dugtong ni Jeff  "Teka. Nakakain ka na?"

        "Yup. Ito. Tapos na ako. Kumain ka na din, babe"

        "Parang huwag na siguro"  sagot niya  "Magbibihis na lang ako dahil late na ako sa opisina"

        "Sigurado ka na hindi ka kakain? Kailangan mo ng lakas babe"

        "Doon na lang ako kakain sa office babe"  sabay himas niya sa pisngi ni Nathan  "Sige na. Akyat na ako"

        "Okay babe. Kung iyan ang gusto mo"

Umakyat si Jeff muli pabalik sa kanyang silid upang maligo at magbihis na. Nagdesisyon na lang siya na hindi kumain dahil masyado na siya huli para sa kanyang trabaho sa opisina.

Samantala si Nathan naman ay nakaupo pa rin sa hapagkaina at may ginagawa na sa kanyang laptop. Napatingin siya sa main door dahil bumukas ito at nagulat siya sa kanyang nakitang tao na pumasok.

        "Sky. Anak"  tawag ni Nathan sa kanya. Tumingin naman sa kanya ito at kaagad nagtungo sa direksyon niya.

        "Po..?"  tanging sagot ni Sky.

        "Okay ka lang?"  tanong nito kay Sky. Napansin niya kasi na namamaga ang mga mata nito at parang nanggaling sa iyak  "Umiiyak ka ba? Bakit namamaga ang mga mata mo?"

        "Hindi po Dad. Napuwing lang ako"

        "Naku anak. Hindi mo ako maloloko"

        "Totoo nga Dad. Napuwing lang kasi ako"

Tinignan ni Nathan ng mabuti si Sky na parang hindi naniniwala sa rason nito. “Alam mo, sa tuwing umiiyak ang Papa mo, ang tanging rason niya sa akin noon ay ‘napuwing’ lang siya. Kahit kitang-kita ko sa mga mata niya na namamaga ng husto ang mga mata niya”

        "What do you mean, Dad?"

        "Ang ibig kong sabihin, parehong-pareho kayo ng Papa mo dahil kuhang-kuha mo ang mga galaw at kilos niya at mga dahilan niya"

        "Dad naman"

        "O diba? Tama ako?"  pero hindi sumagot si Sky dahil tama nga si Nathan sa sinabi niya  "Hindi mo maitatago sa akin yan, anak"

Kaagad na yumuko si Sky dahil wala na siyang magagawa kundi aminin na lang sa kanyang Daddy ang katotohanan. “Opo Dad. Tama po kayo”

        "Ayon..."  ngiti niya sa kanyang anak  "Umamin din. So ano ba ang problema mo Sky? May problema ba kayo ni Calvin?"

        "Oo Dad eh"

        "Ganon ba?"  dugtong ni Nathan  "Sige anak. Umupo ka sa tabi ko. Pag-usapan natin yan ang problema mo"

        "Sigurado po ba kayo?"

        "Oo naman. Bakit hindi?"

        "Kasi parang na-o-awkward pa din ako kapag sinasabi o kinikuwento ko sa'yo ang tungkol sa amin ni Calvin eh"

        "Naku. Huwag ka nang ma-awkward. Naiintindihan naman kita anak"  paniniguro sa kanya ni Nathan  "Sige na Sky. Magkuwento ka na. Sabihin mo sa akin kung ano ang problema ninyong dalawa"

Napahinga ng malalim si Sky para umpisahan niya na ang pakukuwento tungkol kay Calvin at ang pagseselos nito.

        "Si Calvin po kasi Dad. Nagselos siya"

        "Nagselos? Paano?"

        "Kasi po... nagkita kami ni Mike sa resort"  panimula ni Sky

        "Si Mike na pinsan mo..?"

        "Opo. Siya nga po. Alam mo naman po na matagal ko na hindi nakausap at nakita ang pinsan ko. Tapos, nakita niya kami na nag-uusap sa labas. Tapos nagalit siya at kung anu-ano na ang pinagsasabi niyang masasakit sa akin"

        "E teka. Bakit andoon si Mike sa resort?"

        "Doon po kasi ang honeymoon niya ng asawa niya"

        "Wow. May asawa na siya? Hindi natin alam yun ah"

        "Oo nga po Dad. Yung nga po ang dahilan kung bakit kami natagalan na mag-usap sa labas"  dugtong ni Sky  "We're catching-up sa mga panahon na hindi kami nagkita"

        "Well. Hindi naman natin masisisi si Calvin kung bakit siya nagselos"

        "Ha? Paano niyo naman nasabi iyon?"

        "E kasi hindi mo naman sinabi o pinaalam sa kanya na pinsan mo ang kausap mo"

        "Sinabihan ko na siya po. Sinabi ko sa kanya na pinsan ko ang kausap ko"

        "E anong sabi niya?"

        "Huminahon naman siya kaagad at humingi ng tawad sa mga nasabi niyo"

        "Oh. Yun naman pala eh. Nagsorry naman siya. Okay naman kayo. So bakit umuwi ka ng maaga?"

        "Nag-away pa kami ulit kagabi Dad eh. Inulit niya ang away namin nung umaga"  kuwento niya kay Nathan  "Tapos sinabi niya sa akin ang tunay na rason kung bakit siya nagseselos"

        "Rason? Ano naman yun?" 

        "Nagseselos siya dahil narinig niya kami na nagkukuwentuhan tungkol kay Stephen"

        "Ohhh. Okay"

        "Hindi kasi alam ni Mike na wala na kami ni Stephen, Dad. Kaya na-mention niya ito sa akin"

        "Kaya pala nagkaganon si Calvin"  buntong-hininga ni Nathan  "Well anak. May kasalanan ka din naman kung bakit ganyan siya nag-react. At meron din naman siya kasalanan"

        "You think so, Dad? May kasalanan din ako?"

        "Oo naman. Meron  talaga"  sagot ni Nathan  "At siya naman ay kaagad din naman nag-conclude at hindi niya naman tinanong muna sa'yo. Pero natural lang siguro sa kanya na magreact dahil siya ang boyfriend mo ngayon"

Natahimik at napaisip ng malalim si Sky sa sinabi sa kanya ni Nathan. Marahil ay tama nga ito na may kasalanan din siya kung bakit ganon lang mag-react si Calvin.

        "So ano ang gagawin ko, Dad?"

        "Tinatanong pa ba yan? Siyempre, mag-sorry ka sa kanya"  payo nito kay Sky  "Aminin mo sa kanya na may kasalanan ka din at hindi mo sinasadya"

        "Okay po, Dad. Susundin kp po ang payo ninyo sa akin"

        "Mabuti naman kung ganon, anak. Huwag ninyong hayaan na masisira ang relasyon ninyo sa simplenng awayan lang"  payo ni Nathan sa anak  "Pag-usapan ninyo iyan ng maayos"

        "Salamat po talaga, Daddy. Salamat sa payo ninyo sa akin"

        "Walang anuman, anak"

Itutuloy…

TCG: Chapter 6 (Pagbabalik ni Stephen)

Habang nag-uusap sina Nathan at Sky ay bumababa naman si Jeff sa hagdan, nakabihis at handa nang umalis papunta sa opisina. Nakita niya ang dalawa sa may hapagkainan na tila seryoso sa kanilang usapan.

        "Oh anak. Andito ka na..?"

        "Opo Papa. Kakauwi ko lang"  sagot naman ni Sky sa ama  "Papasok ka ba sa office?"

        "Oo anak. Late na nga ako eh"

        "Ako na lang ang papasok Papa"

        "Huwag na anak. Ako na lang muna dahil may gagawin pa ako sa opisina"  tanggi ni Jeff sa alok ng anak  "May contract signing pa kasi ako sa opisina eh"

        "Tungkol pa rin ba 'to sa tumawag kahapon, Papa?"

        "Yup. Bibilhin ko ng 53% ang kanilang shares"

        "Wow. That's good news"

        "Oo nga anak. Mabuting balita nga ito sa atin"  dugtong naman niya. Pero napansin ni Jeff na mabigat ang mukha ng kanyang anak  "Anak. Ayos ka lang?"

        "Okay na yan si Sky, babe"  sulpot naman ni Nathan sa usapan  "Meron lang siyang maliit na problema sa kanilang dalawa ni Calvin, Pero okay na sila"

        "Talaga?"  at sumulyap siya sa anak  "Ano ba ang naging problema ninyong dalawa?"

        "Tungkol lang po sa pagseselos ni Calvin, Papa. Pero okay na ako. Meron lang kasi kaming hindi napagkaintindihan"  paliwanag ni Sky sa ama  "Salamat dahil andito si Daddy kanina, Papa"

        "Really?"

        "Yes Papa. Daddy made me realize na may kasalanan din ako sa away naming dalawa ni Calvin"

        "Good to know that"  sagot ni Jeff  "Mabuti naman ay nakinig ka sa Daddy mo"

        "Oo nga po Papa eh"

Ngumiti lang siya sa sinagot ng anak at tinignan niya ang relo sa kanyang telepono. “I need to go na” paalam niya sa dalawa “Sobrang late na talaga ako sa opisina” sabay halik niya sa dalawa.

        "Sige po Papa. Mag-iingat po kayo"

        "Ingat babe"

Samantala. Sa opisina ng Teng Prime Holdings

Maraming ginagawa at parang hindi maiistorbo si Mike sa kanyang mesa. Marami pa kasi siyang dapat tapusin at pipirmahan ng mga papeles sa kanyang pagbabalik mula sa kanilang bakasyon.

        "Hey babe"  

Napatingin si Mike sa taong pumasok at tumawag sa kanya. Hindi niya inaasahan na bibisita sa kanyang opisina si Anthony. Wala siyang nagawa kundi lumaki na lang ang kanyang mga mata sa pagpasok ng kanyang partner.

        "Babe. Bakit ka nandito?"

        "Wala lang naman. Naisip ko lang kasi na dumerecho na lang dito dahil malapit lang ang trabaho na inaplayan ko eh"

        "Talaga..??"  pero hindi niya pinansin si Anthony at dumerecho siya sa pintuan at sumilip siya sa labas para tignan kung may nakasunod na tao sa pagpasok ni Anthony.

Nakatingin naman sa kanya si Anthony habang nakakunot ang noo nito sa kanya “Okay ka lang babe?”

        "Okay naman"  sabay sara ng pinto  "Tinignan ko lang kung may nakasunod sa'yo. Mahirap na"

        "Wala babe"  buntong-hininga niya kay Mike  "At ano naman ngayon kung nandito ako?"

        "Alam mo naman ang sagot sa tanong mo diba?"

        "I know. Pero wala naman silang pakialam kung sino ang pumapasok o lumalabas sa opisina mo. Diba? Ikaw naman ang mangyari?"

        "Pero ayaw ko lang ng tsismis babe eh"

Dahan-dahang lumakad si Anthony sa kanya. Nilagay ang dalawang braso sa mga balikat ni Mike at hinalikan ang ilong nito. “Diba sabi ko sa’yo, magrelaks ka lang? Everything will be fine naman kapag hindi mo ito pinoproblema”

        "Sorry babe. Stress lang kasi ako eh. Parang hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa kumpanya at sa buhay ko"

        "Andito naman ako para tulungan ka eh"  sabay halik nito sa labi ni Mike.

Sa kalagitnaan ng kanilang lambingan ay may biglang pumasok sa opisina. Nabitawan nila ang isa’t-isa at napatingin sa lalaking pumasok. Isang pamilyar na lalaki ang nakapasok at nakatingin din sa kanilang dalawa at tila nagtataka sa ginagawa nila.

        "Stephen? Brad! Ikaw pala yan"  sambit ni Mike sa lalaking pumasok  "Kanina ka pa ba diyan?"

        "Hindi naman Mike. Kakarating ko lang naman"  at tumingin siya kay Anthony  "Parang busy ka pa ata, brad. Lalabas muna ako"

        "No. Hindi ka nakakaabala, brad. Sa katunayan ay aalis na nga ang kaibigan ko eh"  sabay sulyap ni Anthony sa kanya na hindi sang-ayon sa sinabi ni Mike  "Diba..? Aalis ka na?"  nanlilisik na mata ni Mike sa kanya.

Wala namang nagawa si Anthony kundi sinunod na lang niya ang utos sa kanya ng kanyang partner. Kaagad siyang umalis at tuluyan nang lumabas ng opisina.

Samantala ay nakatayo pa rin si Stephen sa may bandang pintuan ng opisina. Malagkit ang mga tingin nito sa pinsan ni Sky na parang nagdududa na ito sa kilos ni Mike.

        "You may sit down, brad" alok ni Mike sa kanya. Kaagad naman nagtungo si Stephen sa bakanteng upuan at doon umupo  "Kamusta ka na brad? Long time, no see ah. Saan ka ba galing?"

        "I'm okay, brad. Pumunta lang ako doon sa Amerika para doon maghanap ng trabaho"  sagot niya kay Mike  "Suwerte naman ay nakakita ako kaagad ng trabaho at doon na lang ako tumira ng mahabang panahon"

        "Talaga? Hindi ko alam yan ah. Ilang taon ka dun?"

        "Two years"

        "Wow. So mayaman ka na ngayon kasi you're earning dollars"

        "Hindi naman. Sapat lang naman"

        "So what brings you here? Bakit ka bumalik dito sa Pilipinas?"

Huminga muna ng malalim si Stephen bago niya sinagot ang tanong sa kanya “Well. Naisip ko na nakapag-ipon naman ako ng sapat na pera. So I decided na magresign na lang sa trabaho ko doon at balikan ang pamilya ko dito sa Pilipinas”

        "What? Sayang naman ng opportunity na iniwan mo sa Amerika brad"

        "I know. Pero mas importante sa akin ang Daddy ko at ang kapatid ko eh. Namimiss ko na sila"

        "Kung sa bagay. Kung ako man ay ma-ho-homesick dahil halos dalawang taon kayo hindi nagkita"  dugtong ni Mike  "So napuntahan mo na ba sila?"

        "Yun nga ang dahilan kung bakit ako nandito brad eh"  panimula ni Stephen sa totoong dahilan niya kung bakit siya sa opisina ni Mike  "Hihingi sana ako sa'yo ng tulong"

        "Tulong?"  ulit ni Mike  "Tulong para sa ano brad?"

Huminga ulit ng malalim si Stephen bago niya sabihin kay Mike ang pakiusap niya dito.

        "Gusto ko sanang isorpresa si Daddy at ang kapatid ko na nandito na ako, brad. Kaso hindi ko alam kung papaano eh. Baka matulungan mo ako?"

        "Ha? Bakit ako brad?"

        "E wala naman akong iba pang kilala bukod sa'yo na pwedeng makatulong sa akin"

        "Why don't you ask my cousin? Si Sky?"  biglang natahimik si Stephen sa mungkahi sa kanya ni Mike  "Ay sorry brad. I forgot. Wala na pala kayo"

        "No its okay, brad. Don't apologize, wala ka naman kasalanan eh"

        "Teka nga. Paano pala kayo nagkahiwalay ni Sky? Hindi ko kasi alam ang buong kuwento eh"  tanong niya dito  "Hindi kasi kwinento ni Sky ang buong rason eh"

        "Wala naman. Meron lang kasing mga pagkakataon na akala mo na kayo na talaga para sa isa't-isa pero dumadating sa buhay ninyo na naging busy na kayo sa mga personal ninyong buhay at hindi na ikaw ang priority niya"

        "Wow. Hugot ah"  dugtong ni Mike  "So let me guess, sa sobrang busy ninyo sa isa't-isa, na-fall-out of love na kayo sa isa't-isa?"  

        "Oo na hindi"

        "What do you mean, brad?"

        "Six months na hindi kami nag-uusap o nagkikita man lang. Wala na talaga siyang time sa akin noon" kuwento niya kay Mike "Naisip ko na may iba na siyang minamahal and I decided to broke-up with her dahil hindi na talaga nag-wo-work ang relasyon namin"

        "Pumayag siya?"

        "Yun nga eh. Ayaw niya brad. Ilang beses siyang nagmakaawa sa akin na hindi ko siya iiwan. Pero hindi ako nakinig sa kanya at sa kanyang paliwanag na naging busy lang daw siya sa kanyang trabaho at hindi niya namalayan na may naghihintay pa sa kanyang nobyo"

        "Wow. Ang sakit naman"

        "Yun nga ang rason kung bakit ako nandito brad eh"

        "So anong balak mo ngayon?"

        "As I said, this is one of my reasons na bumalik ako dito sa Pilipinas. Babalikan ko siya at babaawi sa kanya sa mga pagkukulang at pagiging gago ko"  panlulumo ng kanyang mga mata  "Nagsisisi talaga ako na iniwan siya"

        "Gusto mo siyang balikan?"  at tumango naman si Stephen sa tanong sa kanya  "I appreciate your regret and love for my cousin. Pero iba na ngayon brad eh"

        "Bakit? Anong iba na?"

        "May boyfriend na siya. Si Calvin"

        "What?"  at doon sumakit ang dibdib ni Stephen sa sinabi sa kanya. Parang tinusok ang kutsilyo ang puso nito. Hindi siya makapaniwala na may ipinalit na si Sky sa kanya.

        "Sorry brad. Pero yan ang totoo"

        "Hindi ko yan alam ah. May bago na siya?"  ulit niya habang mahina ang tono ng boses  "Ganyan lang pala ako kabilis na ipinagpalit sa iba?"

        "Hindi mo naman siya masisisi brad"  dugtong ni Mike  "Iniwan mo siya sa ere eh"

        "I know. Alam ko na malaki ang kasalanan ko sa pinsan mo. Pero andito na ako. Handa na ako ulit"

        "Huwag mong sabihin yan sa akin, brad. Sa kanya mo sa sabihin yan"  sagot naman ni Mike  "At tsaka, may Calvin na siya. Wala ka nang magagawa but to face the consequences sa nagawa mo"

        "Eh ano naman ngayon..? Hindi pa naman sila kasal ah? Mahal ko si Sky at may karapatan ako na kunin ang sa akin kahit sino pang lalaki ang kumuha sa kanya"

        "Well brad. By all means. Sana maging matagumpay ang gusto at plano mo para sa pinsan ko. Andito lang ako para sa inyo"

        "Sana nga brad. Mahal ko si Sky eh"  ulit niya sa pinsan ni Sky. Bigla niyang ulit naalala ang tunay niyang pakay  "So brad. Pwede mo ba akong matulungan?"

        "I'm sorry brad. But I can't"  sagot niya sabay buntong-hininga  "Why don't you ask Tito Jeff? Alam mo naman na mag-asawa sila ng Daddy mo diba? Matutulungan ka niya for sure"

        "Hmmm. Pwede. Pero bakit ayaw mo?"

        "Gusto ko naman. Pero marami kasi akong ginagawa dito sa opisina brad eh"  paliwanag niya dito  "Alam mo naman na marami ding mga kumpanya ang hinahawakan ko. Minsan na nga lang ako nakapagrelaks eh. Sorry talaga brad"

        "It's okay brad. I understand"  at doon na tumayo si Stephen para magpaalam kay Mike  "So pano, brad. Alis na ako. Pupuntahan ko na si Tito Jeff"

        "Sige. Mag-ingat ka. Salamat sa pagpunta dito"

        "Thanks din. Salamat sa pag-inform mo sa akin ng katotohanan tungkol kay Sky"

        "Anytime"  ngiti nit okay Stephen

Dakong alas-tres ng hapon ay nasa sala si Sky at nanonood ng programa sa telebisyon. Maganda at naaaliw siya sa kanyang pinapanood nang may biglang tumunog ang buzzer ng gate.

Gusto niya sanang tignan kung sino iyon pero tinatamad siya tumayo dahil malungkot pa ito at mahina pa ang kanyang loob para kumilos.

        "Manang!"  tawag ni Sky sa kanilang katulong  "Pakibuksan nga ang gate"

Magkalipas ang ilang saglit ay lumabas ang katulong upang tignan kung sino ang tao nasa labas.

        "Ma'am Sky"  panimula ng katulong habang pumapasok ng bahay  "May bisita po kayo"

        "Sino Manang?" tanong niya sa katulong. Donn nagpakita at pumasok ng bahay si Calvin. Isang malungkot na mukha at tila nagsisisi ito sa kanyang nagawa  "Calvin? What are you doing here?"

        "Please Tart. I am sorry"  sabay luhod niya sa harapan ng nakaupong nobya  "Hindi na mauulit"

        "Ano ka ba..? Tumayo ka nga"  alalay niya kay Calvin sa pagtayo. Umupo na lang siya sa tabi ng kanyang nobya sa sofa  "You don't need to do that"

        "Eh kasi naman Tart eh. Galit na galit ka na sa akin"

        "I know. Pero huwag mong gawin yan ulit"  sambit ni Sky sa kanya  "Huwag kang lumuhod, okay?"

        "Sige Tart. Basta sorry ulit"

        "And stop asking sorry, Tart"  saway ni Sky sa kanya  "Kasi may kasalanan din ako sa'yo. Sorry Tart. Sorry dahil kung naging insensitive ako sa'yo"

        "Kahit na. Naging gago ako Tart. Sorry talaga Tart ha. Hindi na talaga mauulit"

        "Pinapatawad na kita. Sana ako din. Sorry Tart"

        "Talaga Tart? Pinapatawad mo na ako?"  kaagad lumiwanag ang mukha ni Calvin sa sinabi ng kanyang nobya sa kanya.  "Totoo ba yan, Tart? Hindi ka na galit sa akin?"

        "Totoo Tart. Hindi na ako galit sa'yo"

Niyakap ng sobrang higpit ni Calvin si Sky at parang ayaw niya itong pakawalan “Salamat Tart. Hindi mo alam kung gaano ako ngayon kasaya”

        "Ako rin Tart. Masaya na ako ngayon dahil okay na tayo"

        "Hindi na tayo mag-aaway, Tart. Promise ko yan sa'yo. Hindi na talaga ako magseselos kapag may lalaking umaaligid sa'yo"

        "Talaga?"

        "Oo naman Tart"  paniniguro ni Calvin kay Sky  "Pangako ko yan sa'yo"

        "Salamat naman kung ganon Tart"

        "I love you, Tart"  sabay halik ni Calvin sa noo ni Sky.

        "I love you too"

Itutuloy…

TCG: Chapter 7 (Surprise Dinner)

Sa opisina ni Jeff.

Katatapos lang ng contract-signing nila ng may-ari ng The Deluxe Suites Hotel. Nakaupo siya sa kanyang upuan at nagpapahinga nang may biglang kumatok sa pintuan.

        "Pasok"  sambit ni Jeff

Kaagad bumukas ang pintuan ng opisina at may pumasok na pamilyar na mukha. Napatingin si Jeff sa taong lumalakad patungo sa kanyang habang nakangiti ito.

        "Hi Tito"  bati ni Stephen sa kanya.

        "Stephen..??"  sambit niya na parang nagulat sa pagdating ng anak ng kanyang asawa  "Kailan ka lang bumalik dito sa Pilipinas..? Kamusta ka na...??"

        "Okay lang naman ako, Tito. Kakarating ko lang din"  sagot niya kay Jeff  "Pero doon ako dumerecho kay Mike eh"

        "Kay Mike?"  ulit ni Jeff  "Bakit? Ano ba ginawa mo dun sa kanya?"

        "Hihingi sana ako sa kanya ng tulong, Tito. Pero sabi niya, sa'yo na lang daw"

        "Anong tulong naman yan, Stephen?"

        "Kasi gusto ko sanang isorpresa sina Daddy at RK na nandito na ako"  paliwanag niya kay Jeff  "Pero hindi daw siya pwede kasi marami siyang ginagawa. Kaya ikaw ang itinuro niya. So, okay lang ba, Tito?"

        "Okay lang naman sa akin, Stephen. Pero bakit gusto mo pa ng ganyan? Bakit hindi mo na lang sila puntahan sa mansyon?"

        "Kasi po gusto ko lang na maging espesyal ang muling pagkikita namin, Tito eh"  sagot ni Stephen sa kanya  

        "Fair enough"  buntong-hininga ni Jeff   "Sige. Tutulungan kita sa plano mo Stephen"

        "Talaga Tito?"  doon lumiwanag ang mukha ni Stephen sa pagtanggap ni Jeff sa pakiusap sa kanya  "Salamat po talaga"

        "You are welcome, Stephen. So ano ang plano mo?"

        "Ahmm. Gusto ko lang sorpresahin habang kumakain po kayo sa restaurant"  paliwanag niya tungkol dito  "Yung gugulatin ko siya sa likuran niya"

        "That's it..?"  dugtong niya naman na parang hindi sang-ayon sa plano ni Stephen  "That's your wisest idea?"

        "Opo. Yun lang po, Tito. Bakit po?"

        "Wala naman. It's too common. Ang pangit"

        "Wow. Talaga po? E ano po ang naisip mong plano, Tito?"

Napangiti na lang si Jeff dahil may naisip na siyang mas magandang plano para sorpresahin si Nathan at si RK. “Basta. Ako na lang bahala doon. Kailan mo bang plano na sorpresahin sila?”

        "Mamayang gabi na po. Sana kung pwede madaliin"

        "Sige. Walang problema"  sambit ni Jeff  "Basta pumunta ka na lang mamaya sa paboritong restaurant ng Daddy mo dahil doon ko siya dadalhin, okay? Tapos ako na lang ang tatawag sa kapatid mo na si RK"

        "Okay po Tito. Maraming salamat po"

Sa bahay nina Mike at Anthony.

Nakaupo lang si Mike sa hapagkainan at hinihintay niya ang kanyang partner na kasalukuyang kumukuha ng ulam sa kaserola. Nagluto kasi si Anthony ng ulam para sa kanilang hapunan.

Habang lumalakad siya palapit sa hapagkainan ay napansin na parang malalim ang iniisip ng kanyang partner na si Mike.

        "Babe.. okay ka lang?"

        "Yes babe. I'm okay"  sagot ni Mike at ngumiti nito sa kanya  "May iniisip lang ako tungkol kanina kay Stephen"

        "Sinong Stephen? Yung lalaki na pumasok kanina sa opisina mo?"  sabay tango ni Mike bilang sagot  "Sino ba siya, babe?"

        "Ang ex-boyfriend ng pinsan ko na si Sky"  sagot ni Mike sa kanya  "May hinihingi lang siya kanina na pabor. Pero tinanggihan ko"

        "Anong pabor?"  sabay lagay niya ng ulam sa mesa at umupo siya sa katabing silya ni Mike  "At bakit tinanggihan mo siya?"

        "Hmmm. Well. Isang maliit lang naman na pabor yun, babe. Tutulungan ko daw siya na sorpresahin ang Daddy at kapatid niya"  paliwanag niya kay Anthony habang nagsimula na silang kumain ng hapunan  "Pero hindi ako pwede eh. Alam mo naman kung gaano ako ka-busy sa kumpanya"

        "Ahh. Kaya pala"  tanging sagot niya. Tinignan lang ni Mike ang kanyang partner na parang walang sa mood. Napansin naman ni Anthony ang mga tingin nito sa kanya  "What? May dumi ba sa mukha ko?" 

        "Wala naman. Napansin ko lang na wala kang gana na kausap ako"

        "Babe naman. Kumakain tayo oh"  dugtong niya  "Siyempre, mas inuuna ko ang pagkain natin"

        "Hindi ka galit sa akin?"

        "Ha? Bakit naman ako magagalit sa'yo? May ginawa ka bang kasalanan?"

        "Wala siyempre. Pero yung kanina kasi na ginawa ko sa'yo"

        "Na pinaalis mo ako sa opisina mo?"  at tumango naman si Mike sa tanong sa kanya  "Of course not. Hindi ako galit sa'yo babe. Naiintindihan naman kita eh"

        "Sigurado ka?"

        "Oo naman. Promise. Hindi ako galit"

        "Pakiss nga kung hindi ka galit"

        "Babe naman. Kumakain tayo oh"

        "Sige na. Kiss mo na ako sa lips"  sabay pagbuslo ni Mike ng kanyang bibig. Wala namang nagawa si Anthony at hinalikan na lang sa labi ang kanyang partner.  "Wow. Ang sarap ng kiss. Isa pa nga"

        "BABE. Mamaya na. Please"

        "Okay babe. Sorry. 'To naman. Ang sungit"

Hindi sumagot si Anthony at pinagpatuloy na lang nila ang kanilang pagkain. Tinignan na lamang ng mabuti ni Mike ang partner dahil kahit hindi niya sabihin na galit o nagtatampo ito, alam niya dahil nakikita niya sa mukha at sa kilos nito ang sama ng loob na ginawa niya.


Tinawagan ni Jeff si Nathan na magdidinner daw sila sa isang restaurant. Kaagad naman pumayag si Nathan sa pinaalam sa kanya ng kanyang asawa. Nauna nang naghihintay doon si Jeff sa restaurant at naghahanda na sa kanilang plano ni Stephen.

Dakong alas-siyete ng gabi ay nakarating na din si Nathan at nadatnan niya ang kanyang asawa na nakaupo sa isang silya at naghihintay ito sa pagdating niya.

        "Kanina ka pa..?"  tanong niya kay Jeff habang paupo ito sa bakanteng upuan.

        "Hindi naman, babe. Kakarating ko lang naman"  sagot niya kay Nathan. Napansin niya na parang hindi mapakali si Jeff sa kanyang upuan at panay ang tingin sa kanyang telepono 

“Babe..” tawag nito kay Jeff pero hindi niya narinig “Babe!!” ulit nito nang mas malakas.

        "Bakit?"

        "Okay ka lang?"

        "Yes. I'm okay, babe. Bakit mo natanong yan?"

        "Para kasing balisa ka eh. May hinihintay pa ba tayo?"

        "Wala naman babe"  sabay latag niya ng kanyang telepono sa mesa  "Tungkol lang ito sa trabaho"

        "Na naman..?"  buntong-hininga ni Nathan  "Diba ikaw ang nagyaya na magdinner tayo dito? Bakit hawak-hawak mo pa rin ang telepono mo?"

        "Sorry babe. Importante kasi eh"

        "Please babe. Mamaya na yan"  saway nito kay Jeff  "Oras natin ito oh. Bitawan mo na yan"

        "Okay babe. Sorry"  sabay lagay ni Jeff ng kanyang telepono sa mesa.

        "Good. Mabuti naman ay nakinig ka na rin sa akin"  dugtong niya kay Jeff  "So, lets order na?"  at tumango naman si Jeff bilang sagot.

Kaagad silang tumawag ng waiter para mag-order na ng kanilang kakainin. Habang papalapit ang waiter ay nakatingin ng mabuti si Jeff sa kanya.

Tumayo ang lalaki sa bandang likuran ni Nathan. “Hello Sir. Ano po ang order ninyo?” tanong niya kay Nathan na bumabasa ng menu ng restaurant.

        "Ahhmm. Dalawang Crispy Caramel Chicken at dalawa ding Shrimp 'n Parmesan Sirloin"

        "Anything to add Sir?? Drinks?"

        "Cucumber Lemonade na lang siguro"

        "Dalawa Sir?"  tanong ng waiter sa kanya.

        "Of course. Dalawa lang kami dito diba..?"

        "I'm sorry po, Sir. Baka kasi pwede niyo akong isama sa dinner ninyo"

        "Excuse me..?"  sabay lingon niya sa waiter.

Laking gulat niya na ang waiter pala na nasa likuran niya ang anak niyang matagal nang nawalay sa kanya.

        "Hello Dad"  panlulumo ng mata ni Stephen sa kanya

Kaagad tumayo si Nathan sa kanyang inuupuan at niyakap ng mahigpit ang kanyang anak. Hindi niya talaga ito inaasahan ang pagbabalik ni Stephen.

        "Surprise..!"  dugtong ni Jeff.

        "Teka. Alam mo 'to, babe?"

        "Yes Dad. Alam ni Tito yan dahil sa kanya ako humingi ng tulong para sorpresahin kayo ni RK"

        "Wow. And that explains sa walang tigil na paghahawak mo ng telepono, babe"

        "Yes babe. Sorry"  ngiti ni Jeff

        "No. Its okay"  sabay tapik ng balikat ng anak  "Huwag kang humingi ng tawad sa akin dahil masaya naman ako dahil magkasama kami ngayon ng anak ko"

        "Ako rin Dad. Sobrang saya"

        "Teka. Saan si RK? Hindi mo ba siya dinala dito?"  tanong ni Nathan sa anak

        "Tito Jeff texted and called him na pumunta dito sa restaurant pero hindi naman siya sumasagot"  paliwanag ni Stephen

        "Naku. Ang batang yan. Binata na kasi eh. Marami nang priorities"

        "Oo nga pala, Dad. Kamusta na si RK? Kamusta naman ang pag-aaral niya?"

        "He's doing great naman, Stephen. Nag-eexcell naman siya sa school niya"

        "Good to hear that Dad"

        "E ikaw? Kamusta ka na my big boy? Kamusta ang buhay Amerika?"  tapik niya muli sa balikat ni Stephen  "Parang may accent ka nang kano ah"

        "Sorry Dad. Nasanay lang kasi. Pero mawawala din ang accent kong 'to kapag matagal na ako dito sa Pilipinas"

        "Matagal?"  ulit naman ni Jeff  "So you mean na dito ka na lang sa Pilipinas for good?"

        "Yes Tito. Dito na lang ako sa Pilipinas"  sagot ni Stephen sa kanya  "Ayaw ko na doon. Wala akong kasama eh. Mabuti pa dito sa Pilipinas. Kasama ko pa ang buong pamilya ko"

        "Talaga anak? Wow. That's good to hear. Masaya ako dahil nakapagdesisyon ka na dito ka na lang sa Pilipinas"

        "Oo nga Dad eh. Marami akong naiwan dito sa Pilipinas. Ilang taon din ang pagtitiis ko doon sa Amerika na wala kayo. Sobrang miss ko kayong lahat, lalung-lalo na si Sky"  sabay yuko niya  "Andito ako para makipagbalikan sa kanya. Nagsisisi talaga ako na iniwan ko siya sa ere"

Biglang natahimik ang dalawa sa sinabi ni Stephen. Napasulyap na lang si Nathan kay Jeff na parang napapahiwatig na si Jeff na lang ang bahala na magpaliwanag sa totoong estado ngayon ni Sky.

        "Ahhm. Anak. Stephen. Gusto ko lang sabihin sa'yo na hindi mo na pwedeng makipagbalikan kay Sky"  panimula ni Jeff

        "Bakit po, Tito?"

        "Kasi..."  at tumayo siya sa kanyang upuan at naglakad ng ilang hakbang patungo kay Stephen  "Huwag kang magulat sa sasabihin ko, anak"  sabay buntong-hininga ni Jeff  "May bago nang boyfriend si Sky"

Pero imbis na magulat sa binalita sa kanya ni Jeff ay ngumiti lamang ito “Alam ko na po yan, Tito”

        "Talaga? Saan mo naman nalaman ang tungkol kay Sky?"

        "Sinabi sa akin ni Mike kanina nung pumunta ako sa kanya"  sagot ni Stephen  "At okay lang sa akin na may nobyo na siya"

        "Talaga anak? Okay lang sa'yo na may iba na siya?"  sabat naman ni Nathan sa anak

        "Oo Dad. Okay lang sa akin"  habang nanlulumo ang mga mata niya  "Andito naman ako para bawiin ko na si Sky sa kanya. Babawiin ko na sa kanya ang mahal ko"

        "Wow"  tanging sambit ni Nathan sa anak  "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o mapapayo ko sa'yo anak. Pero andito lang kami ni Tito Jeff mo na sumusuporta sa mga desisyon mo"

        "Salamat Dad. Tito"

Ngumiti lamang sina Jeff at Nathan sa pasasalamat sa kanila ni Stephen. Napatingin naman kaagad si Nathan sa mesa dahil may inilatag ang mga waiter na mga pagkain.

        "Teka. Hindi pa naman tayo nakapag-order, bakit may mga pagkain na..?"

        "Ako po yan ang nag-order, Dad"  dugtong ni Stephen  "Kanina pa yan nung wala ka pa dito"

        "Talaga anak?"  habang tinititignan niya ang maraming ulam na nakalagay sa kanilang mesa  "Pero bakit ang dami? Tatlo naman tayo ah"  at tumingin siya sa asawa  "Babe, may pera ka ba diyan? Parang kulang yata ang dala kong pera eh"

        "Naku Dad. Huwag na kayong magproblema tungkol dito. Ako ang magbabayad nito"

        "Sigurado ka anak? Baka wala kang pera diyan"

        "Hayaan mo siya Babe"  saway naman ni Jeff sa kanya  "Plinano niya 'to eh. Treat niya ito para sa atin, lalung-lalo na sa'yo"

        "Well. Salamat sa treat anak"  ngiti ni Nathan  "Sige na. Kumain na tayong tatlo"

Kaagad silang umupong tatlo para makapagsimula na ng kanilang hapunan doon sa restaurant.


Samantala. Dinala ni Calvin si Sky sa bahay nila ng kanyang ama upang makabawi siya dito dahil nga sa nagawang kasalanan niya sa nobya.

        "Sigurado ako na maging masaya si Tatay dahil bumisita ka dito sa bahay, Tart"  sambit ni Calvin sa kanya habang papasok sila ng bahay.  "Matagal niya na kasing hinihingi sa akin na pumunta ka dito eh"

        "Talaga? Ako rin Tart. Matagal ko na ring hindi nakita si Tito Alvin"  dugtong ni Sky habang nakangiti  "Excited na ako makita siyang muli"

        "Umupo ka muna diyan sa sofa, Tart"  alok niya sa nobya habang dinadala niya ito sa sala  "Pupunta muna ako sa kusina, titignan ko kung may kakainin tayo para sa hapunan naton"

        "Sige Tart"  sabay upo ni Sky sa sofa  "Dito lang ako"

Dumerecho nga si Calvin sa kusina para tignan kung may kakainin silang pagkain, samantala si Sky naman ay nakaupo sa sofa at nilalaro ang kanyang cellphone.

Sa sobrang pagkatitig nito sa kanyang telepono ay hindi niya namalayan na pumasok na pala ng bahay ang ama ni Calvin.

        "Sky?"

Tumingala si Sky upang tignan kung sino ang taong tumawag sa kanyang pangalan . Laking gulat niya sa taong pumasok at dahil matagal niya na itong hindi nakita makalipas ang ilang mga taon.

Itutuloy…

TCG: Chapter 8 (Pagdududa)

“Tito..” sabay tayo ni Sky sa sofa at kaagad niyakap ng sobrang higpit si Alvin. “Kamusta ka na po..? Miss na miss po kita”

        "Maayos naman ako Sky"  yakap din ni Alvin kay Sky  "Ikaw? Kamusta ka na? Matagal na panahon din na hindi tayo nagkita. Busy rin kasi ako sa trabaho eh"

        "Oo nga Tito. Ako din eh. Sobrang busy din sa DGC"

        "Mabuti naman kung nakapag-bigay ka ng oras dito na pumunta sa bahay anak"  ngiti nito sa nobya ng anak  "Nung unang beses na sinabi sa akin ni Calvin na nobya ka niya, nagulat talaga ako dahil hindi ko inaasahan na magiging kayo. Small world lang talaga"

        "Oo nga Tito eh. Kahit ako din ay nagulat dahil anak mo pala siya"  dugtong niya  "Kahit nga si Papa, nagulat na may anak ka Tito eh"

        "Oo nga pala, kamusta na ang Papa mo? Matagal din na hindi kami nagkita at nagkausap ah"

        "Ayos naman po si Papa, Tito"  sagot ni Sky  "Busy din siya sa pagpapatakbo ng DGC"

        "Ah ganon ba"  tanging sambit ni Alvin.

        "Bakit Tito?"

        "Wala naman. Na-miss ko lang kasi ang Papa mo"

        "Gusto mo bang mag-set-up ako ng dinner para sa inyo?"  mungkahi ni Sky sa kanya  "Para naman makapag-usap na kayo pagkatapos ang mahabang panahon"

        "Hmmm. Pwede din. Pero hindi ba nakakahiya? Baka ano isipin ng Daddy mo na mag-dinner kami ng Papa mo"

        "Hindi naman siguro Tito. Pero magpapaalam muna ako sa kanilang dalawa"  dugtong ni Sky  "Sigurado naman ako na papayag silang dalawa eh"

        "Sige Sky. Inaasahan ko yan"  sagot naman ni Alvin habang nakangiti sa naisip ni Sky na paraan.

        "Andito ka na pala, Tay"  sambit ni Calvin habang papalapit siya sa dalawa  "Ang aga ninyong dumating ah"

        "Oo anak. Wala namang masyadong gagawin sa opisina eh. Inisip ko na lang na umuwi ng umaga"  paliwanag ni Alvin

        "Mabuti naman kung ganon, Tatay. Kumain na ba kayo?"

        "Hindi pa anak eh. Gutom na gutom na nga ako"

        "Naku Tay. Tamang-tama. Inutusan ko si Manang na magluto ng paborito mong ulam na adobong atay"

        "Talaga? Sarap yan anak ah"  dugtong ni Alvin habang sabik na sabik na itong kumain  "Tayo na Sky. Cal. Kumain na tayo. Gutom na kasi ako eh"

Kaagad dumerecho si Alvin sa may hapagkainan para kumain na nang kanyang paborito ulam. Samantala ay sumunod naman ang dalawa sa hapagkainan upang kumain na din.

Kinabukasan.

Kagigising lang ni Mike sa kanilang kama at tila masaya ang kanyang gising. Yayakapin niya sana ang kanyang katabi pero sa paglapag ng kanyang braso ay walang tao sa kanyang tabi.

Kaagad siyang bumangon sa kama upang hanapin si Anthony. Tinignan niya ito sa banyo ng kanilang silid pero wala ito. Lumabas at pumunta siya sa kusina pero wala din siya dito.

Nagtungo siya sa labas ng bahay at doon niya naaninag si Anthony sa labas ng gate na parang may kausap sa kanyang telepono.

Nilapitan niya ito para kausapin ang kanyang partner, pero nang makita ni Anthony na papalabas si Mike ng gate ay kaagad niyang pinatay ang kanyang telepono at inilagay ito sa kanyang bulsa.

Napansin naman ito ni Mike at tinignan ng mabuti ang mukha ni Anthony na parang nagulat sa kanyang paglabas.

        "Babe.."  sambit ni Anthony sa kanya  

        "Bakit ka nandito babe? At sino ba ang kausap mo sa cellphone mo?"

        "Ahmmm. W-wala babe. Kaibigan ko lang"  pang-uutal na sagot ni Anthony

        "Ahmm okay. E parang namumutla ka?"

        "Ha? Wala babe. Nagulat lang kasi ako sa paglabas mo. Akala ko kasi tulog ka pa eh"

        "Nagising nga ako. Tapos nung paggising ko, wala ka na sa tabi ko. Akala ko nagluluto ka ng agahan, andito ka lang pala sa labas"

        "Ganon ba? Sorry babe ha"  sambit niya kay Mike  "Emergency lang kasi ang tawag"  pero hindi sumagot si Mike sa paliwanag nito  "So shall we? Pasok na tayo ng bahay"

        "Sige"  tanging sagot niya.

        "Babe?"

        "Yes?"

        "Galit ka ba?"

        "Hindi naman. Naisip ko lang kasi bakit kailangan mo pang lumabas ng bahay para tumawag"

        "Kasi nga emergency babe. E parang walang signal sa loob eh"  dahilan niya sa kanyang partner  "Kaya lumabas ako. Isa pa, ayaw ko namang marinig mo ang ingay ko kapag tumatawag ako"

        "Hmmm. Sige babe. Sorry. Akala ko kasi iba eh"

        "Teka. Pinagduduhan mo ba ako?"

        "Hindi babe. Sorry. Nagtataka lang kasi ako. Sorry"

        "Haay naku babe. Nagsasabi ako ng totoo sa'yo. Sana naman magtiwala ka sa sinasabi ko"

        "Oo na babe. Sorry na"  sabay yakap niya kay Anthony  "Hindi na mauulit. Pasok na tayo?"

        "Ohh sige babe. Pasok na tayo bago pa may makakita dito sa atin na nagyayakapan"

Dakong alas-otso ng umaga. Sa mansyon ng mga Dy at Rodgers.

Kababangon lang ni Stephen sa kanyang malambot na kama. Parang ayaw niyang bumangon dahil inaantok pa ito kasi hindi siya nakatulog at nakapagpahinga ng maayos nung nasa eroplano siya pauwi ng Pilipinas.

Nakaidlip na sana siya nang may kumatok sa kanyang pintuan. Tumayo na lang ito upang pagbuksan ang taong kumakatok sa pinto.

Nang pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya sa kanyang nakita na tao. Si Sky pala ang taong kumakatok at nasa labas ng kanyang silid. Ganon din naman ang dalaga na gulat na gulat din kay Stephen.

        "Stephen..?"

        "Sky..?"

        "You're here"  panimula ng dalaga sa kanyang ex-boyfriend.

        "Ahmm. Ahh. Ehh. Oo. Kahapon lang ako umuwi dito"

        "Good"  tanging sambit ni Sky at nagdesisyon na lang na umalis sa harap ng kanyang ex.

        "Sky.."  tawag niya dito at lumingon naman ito  "Pwede ba tayong mag-usap?"

        "Usap? Tungkol saan naman?"

        "Tungkol sa atin. Sa relasyon natin"

Tumaas na lamang ang kilay ni Sky sa sinabi ni Stephen “Sorry. Sa susunod na lang. Pagod ako eh” dahilan niya “Kararating ko lang kasi”

        "Kararating mo lang..?"  ulit ni Stephen na parang nagtataka kung saan siya nanggaling  "Saan ka ba nanggaling? Bakit ka ba lumalabas ng gabi na?"

        "Basta"  sagot nito na matigas ang tono ng boses "Sige na. Magpahinga na ako. Huwag kang mag-inarte na concern ka sa akin dahil wala ka naman talagang pakialam sa akin diba? Just cut the drama"

Hindi makasagot si Stephen dahil tama naman si Sky sa kanyang sinabi. Iniwan niya sa ere ng kanyang nobya noon. Ang tanging rason niya lang naman ay wala nang oras si Sky sa kanya at puro trabaho na lang sa Dy Group of Companies o DGC.

Sinara niya na lang ang pintuan ng kanyang silid at bumalik na lang sa kama habang nanlulumo ang kanyang mga mata.

Maya-maya ay bumaba na si Stephen at parang nakapagpahinga ng maayos mula sa mahabang byahe niya kahapon. Nadatnan niya sa baba ang kanyang Daddy na si Nathan, si Jeff at ang kanyang ex-girlfriend na si Sky na kumakain ng agahan.

        "Oh anak. Gising ka na pala"  bati ni Nathan habang bumababa ito sa hagdan  "Kamusta ang pagpahinga mo? Nakabawi ba?"

        "Oo Dad. Medyo okay naman ako ngayon. Meron pang kaunting jet-lag pero kaya ko naman ito"

        "Good"  ngiti ni Nathan sa anak  "Umupo ka na sa tabi ni Sky para makakain na rin"

Sinunod naman ni Stephen ang alok ng kanyang Daddy at kaagad dumerecho sa bakanteng upuan na katabi ni Sky. Tinitignan niya ng mabuti ang dalaga habang hinahatak ang kanyang silya pero hindi ito lumilingon sa kanya.

Kaagad siya umupo sa tabi niya ng nakangiti, samantala sina Jeff at Nathan naman ay nagtitinginan lang sa isang awkward na pangyayari sa kanilang harapan.

        "Ahmm. Sky?"  panimula ni Stephen  "Pwede bang paabot ng kanin?" Pero hindi ito kumibo at tumayo sa kanyang upuan. Napasunod naman nang tingin si Stephen sa kanya habang lumalakad ito palayo ng mesa.

        "Heto anak. Kumain ka na"  sabay abot ni Jeff ng kanin sa kanya  "Hayaan mo lang muna siya"

        "Pero parang nafufrustrate ako Tito eh"  dugtong ni Stephen kay Jeff  "Hindi ko alam kung paano susuyuin si Sky. Alam ko naman na may kasalanan ako"

        "Bigyan mo lang siya ng panahon para makapag-isip, anak"

        "Pero paano Tito? May boyfriend na siya"  dahilan niya at tama naman siya dahil unting-unti nawawalan  na siya ng pag-asa kay Sky  "Hindi ko alam kung ano gagawin ko para bawiin siya sa lalaking iyon"

        "Basta huwag ka lang mawalan ng pag-asa, anak"  dugtong naman ni Nathan sa kanya  "Ang importante ay mahal mo siya. Huwag ka lang susuko na magkabalikan kayo. Kami nga ng Tito mo oh. Marami ang nangyari sa amin bago talaga kami nagkatuluyan. Malay niyo, kayo rin"

        "Eh paano kung hindi Dad?"

        "Huwag ka lang mawalan ng pag-asa Stephen"  payo niya pa sa anak  "Magtiwala ka lang sa sinabi ko, kasi napagdaanan na namin yan"

        "Sige po Dad"  at unting-unti bumabalik ang sigla ni Stephen sa pinayo sa kanya ng ama  "Susundin ko po ang payo ninyo sa akin"

        "Very good. Mabuti naman ay nakikinig ka pa rin sa akin"

        "Salamat po Dad. Tito. Salamat dahil pinagaan ninyo ang pakiramdam ko"

        "Walang anuman, anak" sagot naman ni Jeff sa kanya.

        "Sige na, Stephen. Kumain ka na diyan"  sabay naman ni Nathan.

        "Teka Dad. Saan ba si RK ngayon?"

        "Ayon. Hindi pa nakauwi eh"  sagot niya sa anak habang malalim ang kanyang pag-hinga  "Baka nakatulog naman kung saan sa sobrang lasing niya"

        "Ha? E bakit siya umiinom? Palagi po ba siya umiinom?"

        "Ewan ko. Nagsimula lang ito nung umalis ka papuntang Amerika. Naging malamig na siya sa amin ng Tito mo at ni Sky"  kuwento niya kay Stephen  "Hindi na siya katulad noon na palangiti at masayahin. Iba na ang RK ngayon"

        "Ganon po ba..?"  kitang-kita sa mukha ni Stephen ang disappointment sa ginawa ng kapatid.

        "Oo anak. Kailangan mo siyang makausap dahil ikaw lang naman ang pinakikinggan niya"

        "Sige Dad. Ako na po ang bahala sa kapatid ko"

        "Mabuti anak. Sige. Alis na kami. Pupunta na kami sa mga trabaho namin"

        "Okay Dad. Mag-iingat kayo ni Tito"

Samantala. Sa bahay nina Anthony at Mike.

Kumakain sila ng agahan sa hapagkainan habang nagkukuwentuhan ang dalawa.

        "Any plans for later, babe?"  tanong ni Mike

        "Wala naman babe. Bakit mo naman naitanong yan?"

        "Hmm. I am planning kasi na lumabas tayo mamaya"

        "Saan naman babe?"

        "Sa mall. Magsha-shopping lang"  sagot niya kay Anthony  "Tagal na kasi tayo hindi nakagala ng mall eh"

        "Ahh ganon ba? Sige babe. Pero susubukan ko ha"  habang tinititigan ang kanyang cellphone.

        "Bakit mo pa susubukan? Diba sabi mo wala kang pupuntahan?"

        "E hindi ko nga alam kung may pupuntahan ako o hindi. Pero sasabihan lang kita later"

        "Oh sige"  buntong-hininga ni Mike  "Wala naman akong magagawa kundi pumayag sa gusto mo eh"

        "Galit ka ba?"

        "Hindi naman"  sagot ni Anthony  "Gusto ko lang kasi na mag-bonding tayo kahit ilang oras lang eh. Pero okay lang. Ayaw mo naman"  sabay subo niya ng kanin na may ulam.

        "Hindi nga ako sure kung may pupuntahan nga ako diba"  ulit ni Anthony  "E diba may trabaho ka?"

        "Oo nga. Pero ako naman ang may-ari diba? Pwede naman ako mag-absent ng ilang oras"  paliwanag niya sa kanyang partner  "Pero ayos lang sa akin kung ayaw mo"

        "Okay"  tanging sagot ni Anthony.  Walang humpay ang hawak niya ng kanyang telepono. Parang may hinihintay na balita ito sa kanyang kausap.

Tinitignan lang siya ni Mike at parang nahahalata niya na ito.

        "Parang busy sa telepono ah"  panimula niya  "Sino ba ang katext mo?"

        "Ha?? Ehh wala ito babe. May hinihintay lang ako na balita"

        "Talaga? Ano namang balita yan?"

        "Ahhhm. Kasi. May ano babe.."  at inilagay niya ang kanyang telepono

        "Ano??"  tigas na tanong ni Mike  "Bakit hindi ka makasagot..?"

        "Basta babe.."  pangmumutla ni Anthony.

        "May tinatago ka ba sa akin?"

        "Tinatago??"  ulit ni Anthony  "W-wala babe. Meron lang akong problema"

        "Ano nga? Bakit hindi mo masabi sa akin yan"

        "Kaya ko na nga ito. Bakit ang kulit mo..?!"

        "Hindi naman. Nahahalata lang kita nung kaninang umaga pa"  sagot niya kay Anthony  "Oh well, kung wala ka ngang tinatago sa akin. Patingin ng cellphone mo"

        "Ano..?"

        "Ang sabi ko, patingin ng telepono mo kung wala ka ngang tinatago sa akin"

        "What? Wala ka bang tiwala sa akin? Wala akong iba, babe"

        "Wala naman akong sinabi ah. Bakit napaka-defensive mo.?"

        "E ikaw kasi eh. Daming tumatakbo diyan sa utak mo. Napaka-praning mo"

        "Hindi ako praning. Kanina ko pa nahahalata na parang may tinatago ka. Ano ba yan?!"

        "Wala nga, okay? Wala"

        "Fine. Edi wala"

Hindi na lang tinapos ni Anthony ang kanyang pagkain at kaagad tumayo. Naiinis na siya kasi sa mga sinasabi sa kanya ni Mike.

Samantala si Mike naman ay pinagpatuloy na lang ang kanyang pagkain at papasok na lang siya sa trabaho dahil walang plano si Anthony na samahan siya sa mall. At habang kumakain siya ay may naisip siyang paraan para malaman ang tinatago na baho ng kanyang partner.


Dakong alas-onse na ng umaga nagising si Sky at kaagad siyang bumaba mula sa kanyang silid. Nang pagkababa niya ay nagtungo ito sa hapagkainan. Nagulat siya dahil may nakahanda nang pagkain sa hapagkainan kahit alam niya na umalis na ang kanyang Papa at Daddy.

Nagtaka si Sky at kaagad siyang nagtungo ng kusina para tignan kung sino ang naghahanda ng pagkain.

        "Manang"  tawag niya sa katulong pero hindi ito sumasagot.

Doon niya nakita at nagulat siya dahil si Stephen pala ang naghanda sa kanyang pagkain dahil hawak-hawak nito ang lalagyan ng kanin.

Itutuloy…

TCG: Chapter 9 (Pagdududa) (Part 2)

Nagulat din si Stephen dahil nakatayo si Sky malapit sa kanya habang hawak niya sa kanyang mga kamay ang lalagyan ng kanin.

        "Oh shit"  sambit niya  "Kanina ka pa ba diyan?"

        "Hindi naman. Kakababa ko lang"

Nagtagpo ang kanilang mga mata at kaagad naman nilii nilihis ang kanilang mga tingin sa isa’t-isa. “Ahmm. Sky. Kain ka na” dugtong ni Stephen makalipas ang ilang sandaling pananahimik nilang dalawa.

        "S-sige"  sagot naman ni Sky habang nakatingin sa dating nobyo. 

Sinundan niya si Stephen papunta sa hapagkainan. Doon niya nakita na inilatag ni Stephen ang isang lalagyan na punong-puno ng kanin sa mesa.

        "Umupo ka na"  ngiti ni Stephen sa kanya habang hinila niya ang silya para makaupo si Sky.

        "Salamat"  tanging sagot ng isa at kaagad umupo.

        "Niluto ko ang paborito mong pagkain. Sana magustuhan mo"

        "Talaga..?"  sabay kuha ni Sky ng ulam na chicken afritada at tinikman ito  "Hmmm. Wow. Ang sarap ah. Hindi pa rin nagbabago ang timpla mo"

        "Oo naman. Paborito mo eh"

        "Sarap talaga"  sabay lagay ng maraming kanin sa kanyang pinggan  "Mapaparami talaga ako ng kanin nito, Mahal"

Natigilan silang dalawa at parang nagulat si Stephen sa sinabi ni Sky na ‘Mahal’. “Mahal?? Hindi ka na galit sa akin?”

        "Ahmm. Sorry. Nagulat lang ako. Nasanay lang kasi ako na parati ko yan sinasabi sa'yo"

        "So mahal mo pa rin ako?"  at umupo si Stephen sa tabi ni Sky  "Kasi hindi pa rin maalis sa isip mo ang tawagan natin eh"

        "Nasanay lang nga ako. Pasensiya na"  sagot ni Sky  "Pero hindi ganon ang iniisip mo"

        "Pero ganon yun eh"  sabay abot ng kamay ni Stephen sa kamay ni Sky  "Yung totoo Sky, mahal mo pa rin ba ako?"

        "Of course not. Matapos mo akong iwan sa ere, mamahalin pa ba kita..?"  sagot niya kay Stephen  "Tanga lang siguro ako kung mamahalin pa rin kita sa kabila ng ginawa mo sa akin"

        "That's why I am here. Bumalik ako dito sa Pilipinas para bumawi sa'yo"  dugtong niya  "Alam ko naging gago ako at nagsisisi ako sa ginawa ko. I'm sorry, Sky"

        "It's too late, Stephen. My boyfriend na ako. Si Calvin yon"

        "I don't care. Kasi pagmamay-ari pa rin kita. Ipaglalaban ko ang pagmamahal nating dalawa, Sky. Babawiin kita sa kanya"

At biglang tumayo na lang si Sky at parang nainis sa pangungulit sa kanya ni Stephen “Ano ka ba..?! Hindi ba malinaw sa’yo..?? Wala na tayo, okay? At si Calvin na ang mahal ko”

Walang sabi-sabi ay umalis sa hapagkainan si Sky nang hindi naman ginalaw ang agahan na niluto sa kanya ni Stephen. Samantala si Stephen naman ay nakaupo pa rin at parang nanlulumo ang kanyang mga mata.


Dakong alas-kwatro ng hapon. Sa opisina ng Teng Prime Holdings.

Nakaupos si Mike sa kanyang upuan at parang may hinihintay na tawag sa kanyang inutusan. Hindi siya kasi mapakali sa mga kilos ng kanyang partner na parang may tinatago.

Hindi pala alam ni Anthony ay may inutusan si Mike na Private Investigator para sundan at bantayan siya sa buong araw niyang ginagawa.

Magkalipas ang ilang minuto ay may kumatok sa kanyang opisina. “Pasok..!” sigaw nito. Kaagad bumukas ang pintuan at pumasok na nga ang imbestigador na kinuha niya para kay Anthony.

        "Good afternoon Sir"  bati ng imbestigador sa kanya.

        "Good afternoon din, Detective Suarez"  sagot naman niya dito  "Please umupo ka"

        "Thank you po, Sir"  sabay upo niya sa bakanteng upuan.

        "So, kamusta ang imbestigasyon mo?"

        "Ahmm. Ito po"  sabay abot ng imbestigador ang isang malaking brown envelope.  "Andiyan ang mga litrato na kuha ko kanina lang mga bandang alas-dos ng hapon sa isang coffee shop. May kasama siya ibang lalaki"

At kinuha nga ni Mike ang inabot sa kanya at kaagad tinignan ang mga litrato na sinasabi sa kanya ng imbestigador. Laking-gulat niya na tama ang kanyang duda kay Anthony na may ibang lalaki ito. Parang tinutusok ng matalim na bagay ang kanyang dibdib sa sakit habang tinitignan niya ang mga litrato.

        "All this time, niloloko lang pala ako ni Anthony??"  sambit niya habang nangangalit sa galit at pinunit ang mga litrato  "Hayup siya. Isa siyang manloloko"

        "So ano na po ang gagawin ko Sir?"

        "Ipagpatuloy mo lang muna ang pang-iimbestiga, Detective Suarez"  utos niya dito.  "At maghanap ka pa ng ebidensiya para mapatunayan na may ginagawa siyang hindi maganda"

        "Sige Sir. Huwag kayong mag-alala. Gagawin ko yan"

        "Sige Detective. Maraming salamat sa tulong mo"  sambit niya  "Pwede ka nang umalis"

        "Okay Sir. Salamat din"

Kaagad tumayo ang imbestigador at nagmamdaling lumabas sa opisina. Samantala si Mike naman ay parang hindi mapakali sa lihim na ginagawa ng kanyang parter.
‘Ano ba ang tinatago mong sikreto, Anthony…?’ sambit niya sa kanyang sarili
‘Sino ba ang lalaki na kasama mo…??’


Nagdesisyon na lang na umalis si Sky sa mansyon dahil andoon nga si Stephen at gusto niyang umiwas dito. Tinawagan niya ang kanyang nobyo na si Calvin na magkita sila pero hindi daw siya pwede dahil may pasok pa ito sa kanyang kinukuhang Law.

Biglang nanghina ang kanyang loob at babalik na sana siya sa mansyon nang biglang may sumagi sa kanyang utak na tao na tatawagan. Si Mike. Ang kanyang pinsan.

Kinuha niya muli ang telepono niya at pinindot ang pangalan ng pinsan upang tawagan ito. Pagkalipas ang ilang beses na pag-ring ay sinagot na ito ng kabilang linya.

Sky: Hello cous.

Mike: Oh cous. Bakit ka napatawag?

S: Busy ka ba ngayon?

M: Hindi naman. Pero andito ako ngayon sa opisina. Pero patapos naman ako. Bakit?

S: Gusto ko sana na lumabas tayo cous eh. Ang boring sa mansyon. Okay lang ba?

M: Ahmm. Sure. Walang problema. Saan ka ba ngayon? Nasa mansyon ka ba? Susunduin na lang kita.

S: Huwag na cous. Wala na ako sa mansyon eh. Ako na lang ang pupunta diyan sa opisina mo.

M: Talaga? Sigurado ka?

S: Oo cous. Papunta naman ako ngayon diyan eh

M: Wow. Bilis ah. Sige. Dumerecho ka na lang dito sa opisina ko.

S: Okay cous. See you

M: See you.

Makalipas nga ng ilang saglit ay dumating na si Sky sa opisina ni Mike. Nadatnan niya ang kanyang pinsan na nakaupo pa rin sa kanyang upuan at nakaharap sa malaking bintana at parang may malalim na iniisip.

        "Hi cous"  sabay lapit ni Sky sa kanya.

Lumingon naman si Mike sa parating na pinsan “Oh cous. You’re hear na. Ang bilis mo ah”

        "Oo cous. Bored kasi ako sa mansyon. Kaya nakapagdesisyon ako na lumabas"

        "Bakit? Hindi ka ba pumasok sa trabaho?"

        "Hindi cous. Bukas pa ako ulit papasok"  paliwanag ni Sky sa pinsan.  "Tapos si Calvin naman, may pasok din ngayon sa kanyang klase"

        "Ahh sige. So tayo na..?"

        "Sure"

        "Saan ba tayo pupunta? Saan ba gusto mo?"  sabay tayo niya sa upuan at kuha ng gamit sa kanyang mesa.

        "Ikaw? Saan ba gusto mo?"

        "Dinner tayo? Nagugutom na kasi ako eh"

        "Hmmm. Sige cous. Kung iyan ang gusto mo"

        "Lets go..?"  sabay alok ni Mike ng kanyang braso sa pinsan.

        "Sure cous"  at hinawakan naman ni Sky ang braso ni Mike at kaagad nang umalis ng opisina.

Nang pagpasok nila sa restaurant ay kaagad silang umupo sa bakanteng lugar at nag-order na ng kanilang kakainin. Habang kumakain ay nahalata ni Sky na parang malalim ang iniisip ng kanyang pinsan.

        "Cous.."  tawag niya kay Mike habang kumakain

        "Yes? Bakit cous?"

        "Okay ka lang? Parang malalim ang iniisip mo ah"

        "Sorry cous. May problema lang kasi ako ngayon"

        "Ano naman yun? Pwede ko bang malaman kung ano yan cous?"

        "W-wala cous. Tungkol lang ito sa asawa ko"

        "Bakit? Ano ba ang nangyari?"

        "Nagdududa ako sa kanya. Para kasing may iba siya eh"

        "Iba..?"  ulit ni Sky  "Anong iba? Ibang lalaki?"

        "Parang ganon na nga"  sagot niya  "Kumuha ako ng imbestigador para bantayan siya sa kanyang ginawa buong araw kanina"

        "Talaga? E may nakuha ba siyang ebidensiya?"

        "Meron. May kasama siya kanina na lalaki at nandoon sila sa isang coffee shop"

        "Yun lang?"

        "Yes. Bakit?"

        "Parang hindi naman sapat na rason yun para masabi mo na may iba siya"  

        "What do you mean?"

        "Ang ibig kong sabihin, baka kaibigan niya lang yon at ikaw lang ang gumagawa ng isyu"  paliwanag niya kay Mike  "Nasa coffee shop lang naman sila. Wala naman siguro malisya iyon"

        "Hmmm. Kung sa bagay. Pero bakit nililihim niya sa akin na makipagkita siya sa lalaking iyon?"

        "Yun ang hindi ko alam. Ikaw na lang ang magtanong sa kanya cous. Para maliwanagan ka"

        "Sige. Tatanungin ko siya mamaya"  buntong-hininga ni Mike at tumingin siya ulit sa pinsan  "Eh ikaw? Bakit mo gustong lumabas ng mansyon?"

        "Sabi ko nga sayo na boring sa mansyon, cous. Ayaw ko doon"

        "Sigurado ka?"  ulit niya na tila hindi naniniwala sa paliwanag ni Sky  "O baka naman umiiwas ka lang kay Stephen?"

        "Paano mo nalaman na andito na si Stephen?"  kunot ng noo ni Sky

        "Well. Dumerecho siya kahapon sa opisina ko. Humingi ng tulong pero hindi ko tinanggap at sinabi ko na kay Tito Jeff na lang siya humingi ng tulong"

        "Ahh. Ganon ba.."

        "Oo cous. So tama ako? Umiiwas ka sa kanya?"

        "Oo cous. Tama ka. Umiiwas ako sa kanya"  pag-amin niya kay Mike  "Siya kasi eh. Pinaamin niya ako na mahal ko pa siya hanggang ngayon"

        "Bakit? Hindi na ba?"

        "Cous naman. May boyfriend ako. Mahal ko si Calvin"

        "Hindi mo sinagot ang tanong ko cous. Hindi mo na ba siya mahal?"

Biglang natahimik si Sky sa tanong sa kanya ni Mike at ilang saglit ay bumalik na siya sa kanilang usapan “Sa totoo lang? Hindi ko alam eh. Pareho ko silang mahal. Ayaw kong masaktan si Calvin dahil mahal ko siya”

        "Mahal o natatakot?"

        "Ha? Anong natatakot?"

        "Alam ko ang ugali ng nobyo mo cous. Diba? Nung nagkita tayo sa resort? Nagselos siya sa akin"  sambit niya sa pinsan  "Alam ko dahil nakikita ko sa kanyang mga mata ang galit niya sa akin"

        "Ganon ba? Ganyan siya makatingin sa'yo?"

        "Oo cous. Nanlilisik ang mga mata niya sa akin"  kuwento niya dito  "So? Tama ulit ako noh? Natatakot ka sa kanya?"

        "Hmmm. Oo cous. Natatakot ako dahil iba siya magalit. Namimisikal na siya"

        "Ano..? Binubugbog ka niya?"

        "Hindi naman. Pero kapag nagagalit siya ay sobrang higpit siyang makahawak sa akin"

        "Hmmm. Parang iba na yan ah. Nagseselos siya sa walang-rason at ginaganyan ka niya? E paano naman kung dumating ang araw na mag-asawa na kayo at may mga lalaking umaaligid sa'yo? Bubogbugin ka lang niya?"

        "Hindi naman siguro cous. May kasalanan din naman ako eh"

        "Talaga lang ha?"

        "Oo cous. Basta. Mahal ko si Calvin"

        "Oh sige"  buntong-hininga ulit ni Mike  "Naniniwala na ako sa'yo. Pero kung ano man ang gawin niya sa'yo, andito lang ako para ipagtanggol kita"

        "Okay cous. Don't worry"

        "Good"  sagot nito  "Sige na. Tapusin na natin ang pagkain natin"

Sinunod naman ni Sky ang utos sa kanya na tapusin na ang kanilang pagkain para makauwi na silang dalawa.


Samantala. Sa kwarto nina Jeff at Nathan.

Katatapos lang nila kumain ng hapunan kasama si Stephen at nagdesisyon sila na umakyat kaagad sa kanilang silid para makapagpahinga na ng maaga.

Habang nakaupo si Jeff sa kama at nakasandal sa headboard habang nagbabasa ng paborito niyang nobela ay may bigla siya napaisip.

        "Babe..."  tawag niya kay Nathan na kakalabas lang ng banyo.

        "Bakit babe?"

        "Sigurado ka ba na magiging okay ang dalawa kung dito sila tumira sa mansyon?"

        "Oo naman. Bakit naman hindi?"

        "E kasi baka awkward sa kanilang dalawa. Dahil mag-ex sila"

        "Hindi naman siguro babe"  sabay tabi niya kay Jeff  "Bakit naisip mo yan?"

        "Wala naman babe. Para kasing hindi maganda. Baka imbes na maging okay sila ay mas lalong lumala ang awayan nila"

        "So anong plano mo? Gusto mo ba na umalis muna dito si Stephen sa mansyon?"

        "Hindi babe. Anak mo yan. At ngayon lang kayo nagkita magkalipas ng ilang taon. Ayaw ko naman na sirain ang samahan ninyong mag-ama"

        "Yun nga babe. Pero anak mo din si Sky. Ayaw ko din na paalisin siya sa mansyon kasi siya ang may-ari nito"

        "Haay naku babe. Ang hirap ng sitwasyon natin"

        "Okay lang yan"  sabay akbay niya sa asawa  "Ipagdasal na lang natin na maging okay sila kapag iisa lang sila ng bahay na tinitirhan"

        "Sana nga babe"

        "Oh... Nakakunot na naman ang noo mo oh"  sambit niya kay Jeff  "Huwag ka nang mag-alala sa dalawa dahil malalaki na yan. Ang gawin lang natin ay iwasan natin sila na magkita o mag-usap"

        "E paano? May mga trabaho din tayo babe. Hindi naman natin sila mababantayan ng maayos"

        "Simple lang naman yan eh. Diba may trabaho si Sky?"  paalala niya kay Jeff  "Eh maging busy naman siya sa trabaho niya eh. At tapos si Stephen naman ay kakausapin ko na maghanap na lang din ng trabaho. Kahit call-center agent na lang para gabi ang trabaho niya. Para yun. Hindi na sila nagkikita. Minsan na lang"

        "Hmmm. Kung sa bagay babe. May point ka"

        "Oh diba? Bilib ka na ba sa akin babe?"  ngiti ni Nathan.

        "Oo na. Bilib na bilib na ako sa'yo"  

        "Talaga? Kiss nga sa lips"  kaagad naman hinalikan ni Jeff ang kanyang asawa  "Wow.. Ang sarap naman yun. Isa pa nga"

        "Tama na yan babe. Matulog na tayo. Diba maaga ka pa bukas?"

        "Oo na. Matutulog na po"  buntong-hininga ni Nathan  "Goodnight babe. I love you"

        "Goodnight din babe. I love you too"

Itutuloy…

TCG: Chapter 10 (Ang Banggaan)

Alas-diyes na ng gabi pero hindi pa rin nakauwi sa bahay si Anthony. Nakaupo si Mike sa sofa na parang hindi mapakali dahil hindi pa umuuwi ang kanyang partner. Mas lalo pa siyang na-papraning kasi hindi niya sinasagot ang text at tawag nito.

‘Saan ka na ba..?’
sambit niya sa kanyang sarili
‘Ano ba talaga ang sikreto na tinatago mo sa akin, Anthony? May iba ka na ba..?’

Dakong alas-diyes y medya ng gabi ay nakauwi na si Anthony ng bahay at nakita niya na nakaupo nga si Mike sa sofa at mahimbing ang kanyang pagtulog.

Alam niya na naghihintay ito sa kanya. Dahan-dahan siyang lumakad patungo sa kanilang silid. Ayaw niya itong magising para hindi siya pagalitan ni Mike pero ang hindi niya alam na nagising na ito at lumakad papuntsa kanya.

        "Saan ka galing..?"

Napatalon sa gulat si Anthony sa biglang nagsalita na tao sa kanyang likuran. Napalingon ito at tinignan niya si Mike sa mata. “Ahmm babe. Sorry. Nagyaya kasi ang mga kaibigan ko na lumabas eh” paliwanag niya kay Mike “Nauna na nga lang ako dahil walang tigil ang pagtawag mo sa akin”

        "Talaga..?"

        "Oo babe. Promise"

        "E bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko..?"

        "Haa?? Ehh. Kwan. Maingay kasi sa loob ng KTV babe. Kaya hindi ko sinagot"

        "Ganon? E bakit hindi ka lumabas at sinagot ang tawag ko..? At kung hindi mo naman masagot, pwede mo naman ako i-text"

        "Ahhmm. Sorry babe. Nawili lang kasi ako. Sorry talaga"  sabay lapit niya kay Mike at tangkang hahalikan niya ito sa labi. Pero umiwas ito sa kanyang halik  "Oh bakit? Galit ka pa ba?"

        "Ewan ko sa'yo"  buntong-hininga ni Mike at dumerecho muli siya sa sofa at umupo

        "Ano na naman ba'to..? Palalalikihin pa ba natin ang tungkol dito..? Maliit na bagay. Ginabihan lang ako. Edi pasensiya"  pero hindi sumagot si Mike sa dahilan ni Anthony  "Ano..?? Hindi ka sasagot? Fine! Matulog na ako dahil pagod na pagod na ako"

Nairita si Mike sa mga sinasabi ni Anthony na parang siya pa ang galit at biktima. Biglang uminit ang ulo niya. Tumayo ito at nilapitan muli si Anthony.

        "Alam ko nagsisinungaling ka.."

        "Ano ang ibig mong sabihin? Hindi ako nagsisinungaling"

        "Sigurado ka..? Ang balita ko ay may nakipagkita ka sa isang lalaki sa isang coffee shop"

Nanlaki ang mga mata at bumilis ang tibok ng kanyang dibdib dahil nalaman ni Mike ang ginawa niya kanina. “Paano mo nalaman?”

        "Oh. Bakit namumutla ka? Tama ako diba?"

        "Paano mo nga nalaman?"

        "Kumuha ako ng imbestigador para sundan ka sa mga ginawa mo buong araw kanina"

        "What?! Ginawa mo yon? Bakit naman..?"

        "Kasi nagdududa ako sa kilos mo na parang may tinatago"

        "What?!"  sabay kunot ng noo ni Anthony  "Ano ba ang pinagsasabi mo..? Wala akong tinatago"

        "Talaga? E sino ang lalaki na kasama mo kanina sa coffee shop..?"

        "Kaibigan.."  sagot niya  "Tumawag siya sa akin kaninang umaga at ibinalita niya na engaged na ang ex ko at ang partner niya. Yon lang yon. At tsaka nakipagkita siya kanina sa coffee shop dahil gusto niya na mag-usap kami ng personal"

        "Sinong ex? Si George?"  hula ni Mike. Tumango naman si Anthony bilang sagot  "Eh ano naman ang pakialam mo kung magpapakasal na sila?"

        "Wala naman. Ipinaalam niya lang naman sa akin"

        "Eh bakit nga pinaalam niya sa'yo? Sino ba talaga yan?"

        "Si Lucas. Ang dating assistant ni George"  sagot ni Anthony. At nagpabuntong-hininga siya sa ginawa ng kanyang partner  "I can't believe na ginawa mo yon sa akin. Seriously? Kumuha ka pa talaga ng imbestigador?"

        "Hindi ko nga alam diba? Tinatanong nga kita kaninang umaga pero hindi mo naman ako sinasagot ng maayos"  tanggol ni Mike sa kanyang sarili  "Tapos ikaw pa ngayon ang may ganang magalit?"

        "So...?? Sapat ba na dahilan na gawin mo yon?"  dugtong niya  "Grabe ka ha. Pakiramdam ko tuloy na may ginawa akong hindi maganda"

        "Ikaw kasi eh. Parang iba ang kilos mo ngayon. Parang may iba ka"

        "Haay naku"  buntong-hininga ulit ni Anthony  "Praning ka lang. Marami kasi ang tumatakbo diyan sa utak mo"

        "Talaga lang ha..?"

        "Oo. Kasi alam ko na ganyan ka"

Hindi nagtagal si Anthony sa harap ni Mike at kaagad dumerecho sa kanilang silid. Samantala si Mike naman ay sinundan ang kanyang partner papunta sa silid.

        "Sandali. Kinakausap pa kita"  sabay hawak ni Mike sa braso nito.

        "Bitawan mo ako, Mike"  sambit ni Anthony habang nakatingin sa braso niya na hinahawakan ng mahigpit ni Mike  "Ayaw ko munang kumausap sa'yo dahil sobra akong nasaktan sa ginawa mo. Para kasing wala kang tiwala sa akin eh. Pinabantayan mo ako sa imbestigador?? Seryoso ka? Ganyan ka ba ngayon kapraning para magawa mo yan..??"

Parang nahimasmasan si Mike sa mga sinabi sa kanya ng kanyang partner. Inaamin niya nga na nasobrahan ito sa pag-iisip kay Anthony at ginawa niya iyon.

Walang sabi-sabi ay niyakap na lang niya si Anthony ng sobrang higpit at nagsisisi sa kanyang ginawa.

        "Babe. I'm sorry. Hindi ko sinasadya ang ginawa ko sa'yo"  iyak niya kay Anthony  "Marami lang kasi tumatakbo sa utak ko ngayon eh. Pasensiya na kung nagawa ko yon. Mahal lang kasi kita at ayaw kong mawala ka sa akin"

        "Matulog ka na at magpahinga"  utos niya dito  "Pagod lang yan"

Kaagad niyang kinuha ang mga braso na nakapulupot sa kanyang balikat. Dumerecho at pumasok siya sa kanilang silid. Habang siya naman ay nakatayo pa rin at tumutulo ang kanyang mga luha. Talagang nagsisisi siya talaga sa ginawa niya kay Anthony.


Kinabukasan.

Maagang nagising sina Jeff at Nathan upang maghanda na dahil papasok sila ng maaga sa kanilang mga trabaho.

Habang kumakain sila ng agahan ay sakto din na bumababa na si Sky at parang nakabihis na rin at handa na umalis at papasok sa trabaho.

        "Papasok ka na ngayon sa DGC, nak?"  pansin ni Jeff kay Sky habang bumababa ito.

        "Opo Papa. Matagal na rin na hindi ako nakapasok eh"  sagot niya sa ama  "Nakakahiya naman sa mga empleyado natin kapag malaman nila na ang may-ari ay hindi pumapasok sa trabaho"

        "Wow"  dugtong ni Jeff  "Bait naman ng anak ko. Pero actually, okay lang naman na hindi ka papasok eh. Dahil ikaw ang may-ari. May karapatan ka kung anong oras at kahit kailan ka papasok"

        "Kahit na Papa. Hindi naman ako ganon ka-abusado"  sabay yakap niya sa ama  "Sige na Papa. Hayaan mo na ako na pumasok"

        "Sige"  sagot ni Jeff  "Wala naman akong magagawa eh"  at kaagad silang tumayo ni Nathan at tapos na sila kakain  "Mauna na kami anak. Papasok na kami sa trabaho. Kumain ka na diyan"

        "Sige po. Mag-ingat kayo ni Daddy"

        "Salamat Sky"  sagot naman ni Nathan

        "E ikaw? Ano ba gagamitin mo na sasakyan mamaya?"  dugtong ni Jeff

        "Hindi po ako gagamit ng sasakyan, Papa. Susunduin ako dito ni Calvin"

        "Ahh. Sige. Basta mag-ingat kayo ha"

        "Okay po, Papa. Kayo din"

Umalis silang dalawa at pupunta na sa kanilang mga trabaho habang si Sky naman ay kumain na ng kanyang agahan.

Habang nagliligpit siya ng kanyang pinagkainan ay kakababa lang ni Stephen. Nadatnan niya ang dati niyang nobya na nagliligpit ng pinagkainan. Kaagad siyang nagtungo sa direksyon ni Sky para tulungan ito.

        "Sky. Ako na diyan"

        "Ako na. Kaya ko naman"

        "Sige na. Ako na lang ang maghugas diyan"

        "Huwag na, okay? Kaya ko nga eh. Kinaya ko nga nung iniwan mo ako, ito pa..??"

        "Sorry.."  tanging sagot ni Stephen "Wala ba katulong para gawin yan?"

        "Meron. Andoon siya sa labas, naglalaba ng mga damit"  sagot niya  "Ayaw ko naman na istorbohin siya dahil importante din ang ginagawa niya"

        "Ahh. Ganon ba? Kaya pala"  dugtong niya  "Oo nga pala, maiba ako. Hindi ka ba papasok ngayon sa trabaho? Plano ko kasi na lumabas tayo eh. Kahit sa mall lang. Kung okay lang sa'yo"

        "Huwag na. Papasok na kasi ako ngayon"

        "Talaga? Sayang naman. Kahit sandali lang sana"

        "Huwag na nga. At isa pa, busy ako ngayon"  tigas na sagot nito kay Stephen  "Iba na lang ang yayain mo"

        "Hmmm. Okay. Basta sabihin mo lang sa akin kung kailan ka pwede ha? Para ma-adjust ko schedule ko"

        "Okay"  sabay punas ni Sky sa isang towel  "Magbibihis na ako. Susunduin kasi ako ni Calvin dito"

Hindi nakasagot si Stephen dahil nagmamadaling umalis sa kanyang harapan na si Sky. Nagulat din siya sa sinabi nito na susunduin siya ng kanyang nobyo sa mansyon. At hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag makita niya si Calvin, ang taong umagaw sa kanyang nobya.


Lumipas ang isang oras ay may narinig si Stephen na busina ng sasakyan sa labas ng mansyon. Kaagad siyang lumabas upang tignan kung sino ang taong nasa labas.

Nang pagkalabas niya ng gate ay nakita niya ang isang lalaki na nakatayo at nakasandal sa kanyang sasakyan.

        "Good morning, pre. Ano ang kailangan natin..?"  tanong ni Stephen sa kanya.

        "Pakitawag nga si Ma'am Sky mo"  utos ni Calvin sa kanya  "Sabihin mo na nandito na si Sir Calvin sa labas at naghihintay sa kanya"

        "I beg your pardon?"  kunot ng noo ni Stephen.

        "Oh bakit? May angal ka?"  sabay lapit ni Calvin sa mukha ni Stephen  "Sundin mo na lang ang utos ko, kung ayaw mo isumbong kita sa amo mo"

Nainsulto si Stephen sa mga salita na binibitawan sa kanya ng nobyo ng kanyang ex. Ito pala ang lalaki na pinagpalit ni Sky sa kanya? “Huwag mo akong bastusin. Hindi mo kilala kung sino ang kaharap mo, Calvin”

        "E sino ka ba..?"  pang-iinsulto niya kay Stephen  "E tauhan ka lang naman dito at binabayaran ka ng may-ari na mismong GIRLFRIEND ko. Bakit ang yabang mo?"

Nanlilisik ang mga tingin nila sa isa’t-isa at parang gusto nila saktan ang isa’t-isa. Sakto din na lumabas na si Sky at nakita niya ang paghaharap ng dalawa.

Kaagad siyang nagtungo dito upang pigilan ang dalawa sa kanilang banggaan. “Tart.. Andito ka na pala. Let’s go?” hindi pa rin maalis ang pagkatitigan ng dalawa. Walang nagawa si Sky kundi tumingin na lang kay Stephen “Stephen. Please. Pumasok ka na. Aalis na kami ni Calvin”

        "Teka.."  sabay sulyap ni Calvin sa kanya  "Si Stephen 'to? Ang ex mo?"

        "Oo Tart. Siya"  sagot naman ni Sky na parang hindi makatingin sa mga mata nito  "Tayo na Tart. Ihahatid mo pa ako diba"

        "Teka nga lang... Bakit hindi mo sinabi sa akin na nandito na pala ang lalaking yan?!"  sabay duro niya kay Stephen.

        "Eh ano naman kung nandito na ako...??"  sabat ni Stephen  "Kailangan ba na nirereport parati ng girlfriend mo ang mga ginagawa niya at ang mga taong nakapaligid sa kanya.?"

        "Hindi kita kinakausap ha. Kaya tumahimik ka"  sabay pakita niya ng kanyang kamao

        "Pwede ba..? Itigil niyo na yan"  dugtong ni Sky at nagpagitna siya sa dalawa  "Parang wala kayong pinag-aralan sa mga sinasabi ninyo. Itigil niyo na 'to"  at tumingin siya kay Stephen  "Ikaw. Pumasok ka na. Sa susunod, huwag kang mangialam na buksan ang gate kung hindi naman para sa'yo"  at tumingin din siya sa nobyo na si Calvin  "At ikaw... Umalis na tayo dahil late na ako sa opisina"

Kaagad umalis si Sky sa kanilang harapan at nagmamadaling sumakay sa sasakyan ni Calvin. Samantala si Calvin naman ay nakatingin pa rin kay Stephen “Pasalamat ka dahil pinigilan ako ng girlfriend ko. Kung hindi…”

        "...Kundi ano?? Susuntukin mo ako? Hindi ako natatakot sa'yo"

        "Huwag mo akong subukan, Stephen. Hindi mo alam kung ano magagawa ko sa taong sumasagabal sa akin"  sambit niya  "Ito lang ang sasabihin ko sa'yo, kung may plano ka man na balikan si Sky, huwag mo nang ituloy dahil akin lang siya"

        "E paano kung ayaw kong sumunod sa'yo..?"

        "Edi papatayin kita. As simple as that"  natigilan si Stephen sa pagbabanta sa kanya ni Calvin dahil nagulat talaga ito  "Kaya pag-isipan mo ng mabuti ang bawat hakbang mo dahil hindi mo magugustuhan makalaban ako. Okay?"  ngiti niya sa dating nobyo ni Sky.

Dumerecho kaagad si Calvin sa sasakyan at sumakay ito. Pinaandar niya ang sasakyan at kaagad umalis.

May halong galit at takot ang dinadama ngayon ni Stephen kay Calvin dahil hindi niya inaasahan ang totoong pagkatao at ugali nito. Mas buo na ang kanyang loob na kunin niya si Sky sa lalaking iyon dahil nalaman niya ang totoo kay Calvin.


Samantala. Sa bahay nina Mike at Anthony.

Tahimik ang hapagkainan habang kumakain sila ng agahan ang mag-partner. Nakatingin lamang si Mike kay Anthony na parang maamong tupa.

        "Babe.."  basag ni Mike ng katahimikan  "Sorry. Sana mapatawad mo pa ako sa ginawa ko sa'yo"  pero hindi sumagot si Anthony at patuloy pa rin ang kanyang pagkain  "Babe... sumagot ka naman oh. Sorry na"

        "Ano pa ba ang gusto mong sasabihin ko..?"  sabat niya kay Mike  "E kahit anong paliwanag ko, hindi ka pa rin naniniwala diba?"

        "Sorry na nga, babe. Hindi na mauulit. Sana bigyan mo pa ako ng pagkakataon"

        "Alam mo.. tumahimik ka na lang muna"  sabay tingin niya sa partner  "Ayaw kong marinig ka o makita man lang kasi sobra mo akong nasaktan"

        "Pero babe..."

        "Please, just give me time and space"  hindi nakasagot si Mike sa pabor na ibinigay ni Anthony. Kaagad itong tumayo at iniligpit ang kanyang pinagkainan  "Kung mahal mo nga ako, bigyan mo ako ng panahon para makapag-isip sa ginawa mo sa akin"

Itutuloy…

TCG: Chapter 11 (Pagmamakaawa)

Mabilis ang pagpapatakbo ni Calvin sa kanyang sasakyan habang papunta sila sa Dy Group of Companies. Parang galit na galit ito dahil sa nangyari sa mansyon ng nobya.

        "Tart. Ano ba?!"  sigaw ni Sky at kinakabahan sa mabilis na pagpapatakbo ng nobyo  "Dahan-dahan lang"  pero hindi kumibo si Calvin sa kanya at pinagpatuloy ang mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan  "Ano ba?! Gusto mo bang mamatay ako? ITIGIL MO'TO!!"

Pumreno kaagad si Calvin ng kanyang sasakyan. Buti na lang ay nakasuot silang dalawa ng seatbelt at baka tumilapon sila dahil sa sobrang lakas ng preno nito.

Tumingin siya kay Sky na parang nagagalit ito sa kanyang nakita kanina sa mansyon “Bakit hindi mo sinabi sa akin na andito na pala sa Pilipinas ang ex mo..?”

        "Tart. Pasensiya na kung hindi ko nasabi sa'yo agad na nandito siya, dahil ako rin naman ay nagulat eh"  paliwanag ni Sky  "Kahapon ng umaga ko lang din siya nakita sa mansyon"

        "Kahapon pa..?"  ulit ni Calvin  "E anong ginawa mo buong maghapon sa mansyon? Magkasama kayo..? Anong ginawa niyo..?"

        "Wala siyempre. Umiiwas nga ako sa kanya eh. Naalala mo? Tinawagan kita kahapon?? Ang sabi ko na magkita tayo pero ang sabi mo sa akin ay hindi ka pwede dahil may pasok ka pa"

        "Talaga..?"

        "Oo naman. Hindi ka ba naniniwala sa akin?"

        "Naniniwala naman. Pasensiya na Tart"  doon na kumalma ang mukha ni Calvin sa paliwanag sa kanya ng nobya  "Sobrang nagulat lang kasi ako dahil nakauwi na dito sa Pilipinas ang ex mo"

        "Tart"  sabay himas ng balikat ni Calvin  "Don't worry, hindi siya makasisira sa atin"

        "I know. May tiwala naman ako sa'yo pero wala akong tiwala sa kanya"  sambit niya  "Alam ko kasi na mahal ka pa rin niya. Dahil iyan ang nakikita ko kanina sa mga mata niya"

        "Hayaan mo na siya Tart, okay? Huwag mo na siyang isipin. Ikaw ang mahal ko"

Ngumiti naman si Calvin sa sinabi sa kanya ng kanyang nobya “I know Tart. Mahal na mahal din kita” biglang may sumagi isipan ni Calvin dahil nagtataka ito sa ginawa ng kanyang nobya kahapon. “Tart, diba sabi mo kahapon umalis ka?”

        "Oo Tart. Nagdinner ako kagabi"

        "May kasama ka?"

        "Yes Tart. Bakit mo naman natanong yan?"

        "Wala naman. Nagtataka lang ako dahil hindi mo rin binanggit sa akin ito"  sagot ni Calvin  "Sino ba kasama mo kagabi?"

        "Ahmm. Si Mike Tart. Ang pinsan ko"

        "What?! Magkasama kayo kagabi?

“Oo. Bakit? Masama ba?”

“Ano ba ginawa ninyo?”

“Nagdinner nga. Tapos umuwi”

“Yun lang..? Wala na kayong ginawang iba?”

“Wala na Tart. Bakit naman?”

“Wala naman. Nagtatanong lang ako Tart”

Hindi na sumagot si Sky dahil nakarating na sila sa gusali ng Dy Group of Companies. Kaagad niyang inayos ang kanyang sarili bago siya makababa.

        "Sige Tart. Pasok na ako sa trabaho"  paalam niya kay Calvin at hinalikan niya ito sa labi

        "Mag-ingat ka"  tanging sambit ni Calvin na parang naiinis.

Napansin naman ito ni Sky pero hindi niya na lang tinanong ang nobyo dahil late na talaga siya sa trabaho. Binuksan ang pintuan ng sasakyan at kaagad bumaba at isinara.

Walang sabi-sabi ay kaagad umalis si Calvin na hindi tinitignan ang kanyang nobya.


Samantala. Sa bahay ni Mike.

Hindi pumasok si Mike sa kanyang opisina at nandoon lang siya bahay, nakahandusay sa sahig at nakatulala sa hangin.

Nagsisisi pa rin siya kasi sa ginawa niya sa kanyang partner na si Anthony na pagkuha ng imbestigador para tiktikan siya sa ginawa niya maghapon. Hindi niya inaasahan na magba-backfire sa kanya ang kanyang ginawa.

Kinuha niya ang kanyang telepono na nasa kanyang tabi. Tinignan kung nagtext o tumawag ang kanyang mahal. Pero wala.


Samantala. Sa lugar ng trabaho ni Anthony.

Unang araw sa trabaho ni Anthony at tambak ang kanyang mesa ng mga papeles na kanyang gagawin pero hindi niya pa ito naumpisahan dahil may bumabagabag sa kanyang isip. Ito ay ang tungkol sa nalaman niya sa kaibigan at assistant ng kanyang ex na si Lucas.

Habang nakatulala ito sa upuan ay may biglang lumapit sa kanya na babae.

        "Baks... okay ka lang?"  sambit ni Grace na kanyang kaibigan at kasama sa trabaho.

Napatingin naman siya sa kaibigan “Oo baks. Okay lang ako. Meron lang kasi akong iniisip”

        "Tungkol naman saan? Ahh. Alam ko na"  dugtong niya sa kaibigan  "Tungkol naman ba 'to kahapon? Sa nalaman mo?"

        "Oo"  tanging sagot niya

        "E ano ba ang talaga ang nalaman mo mula kay Lucas?"

        "He's engaged. Sa kanyang male partner ngayon"

        "What?? E paano ang kanyang asawa..?? Sino nga ba yun? Si Bek?"

        "Oo siya. Well ang sabi ni Lucas sa akin kahapon ay matagal na silang hiwalay"  kuwento ni Anthony sa kanya  "Napawalang-bisa ang kasal nilang dalawa dahil nagfile si George ng annulment para sa grounds ng insanity or pagkabaliw ni Bek"

        "Oo nga naman. Baliw talaga yon eh"  pagkumpirma ni Grace  "Naalala mo yon nung nag-eskandalo siya nung nakita niya kayo sa mall? My gosh! Nakakahiya"

        "Hay naku baks. Huwag mo nang ipaalala sa akin yan. Naiinis lang ako eh"

        "Okay baks. Sorry"  dugtong nito  "Pero infairness baks noh. Nakahanap na din si George ng taong magpapasaya sa kanya"

        "Oo nga eh"  buntong-hininga ni Anthony  "Swerte talaga ng partner niya at future mapapangasawa niya. Buti pa nga siya eh. Kasi naranasan niya na ipaglaban siya ni George at ang pagmamahalan nila. Ako noon, hindi eh"

Napatitig ng mabuti si Grace sa kanyang kaibigan dahil nagdadrama na naman ito. “Uy baks. Don’t tell me na hindi ka pa nakakapag-move-on kay George? Ilang taon na ang nakalipas oh”

        "Parang hindi pa eh. Mahal ko pa rin siya siguro"  sagot ni Anthony

        "Mahal?"  ulit ni Grace  "E kung mahal mo pa si George, paano naman ang partner mo ngayon? Anong pangalan niya ba yon?"

        "Michael..."

        "Oh si Michael. Paano siya..?"

        "Hindi ko alam eh"  sagot niya kay Grace  "Isa pa yon. Parang praning kasi. Nakakainis"

        "Ganon? Hindi mo alam? Alam mo baks, kung ako sa'yo ha. Kung hindi ka naman masaya sa kanya, hiwalayan mo na siya. Huwag mo lang siya paasahin sa wala"

Ilang saglit din ang pananahamik ni Anthony dahil napaisip siya sa pinayo sa kanya ni Grace.

        "Hmmm. Sige. Susubukan ko baks"

        "Tama yan, baks. Maawa ka sa tao. Huwag mong gawin sa kanya ang ginawa sa'yo ng ex mo"

        "Sige"

        "Sana pakinggan mo ang pinayo ko sa'yo ha"  dugtong ni Grace sa sinabi niya  "Oh pano, balik na ako sa pwesto ko. Baka makita tayo ni boss na nag-uusap"

        "Okay baks. Salamat pala dahil tinulungan mo ako na makapasok dito ha"

        "Ano ka ba. Huwag ka nang magpasalamat. Magkaibigan tayo noh"  sabay ngiti ni Grace  "Sige baks. Alis na ako"

        "Sige"

        "Pag-isipan mo yan"

Hindi na sumagot si Anthony sa huling sinabi ni Grace sa kanya. Kaagad naman ito bumalik sa trabaho para ipagpatuloy na nga ang kanyang maraming gawain.

Magkalipas ang ilang oras ay bumalik muli si Grace sa kanyang mesa.

        "Baks.."  panimula nito

        "Oh bakit? May problema ba?"  tanong naman ni Anthony

        "Wala naman. Pero may naghahanap kasi sa'yo sa baba"

        "Sino..??"

        "Si Michael. Partner mo"

        "Bakit siya nandito?"  sabay kunot ng kanyang noo at parang nagulat dahil nalaman nga ni Mike kung nasaan siya nagtatrabaho  "At paano niya nalaman na nandito ako nagtatrabaho?"

        "Eeehhh. Baks. Pasensiya na"  sabay yuko ni Grace  "Tumawag siya kasi kanina sa 

Messenger ko eh. Tinanong niya kasi sa akin kung nasaan tayo nagtatrabaho“

        "Oh tapos? Sinabi mo agad?"

        "Hindi. Hindi baks. Ayaw ko sanang sabihin sa kanya pero pinilit niya ako eh"  kwento ni Grace sa kanya  "Pasensiya na talaga. Naawa kasi ako sa kanya dahil sobra siyang nagmamakaawa sa akin. Kaya sinabi ko na lang"

        "Hay naku. Ikaw talaga. Huwag ka nang magsorry dahil natapos na"  hinga ng malalim ni Anthony  "Sige na... bababa na ako sa kanya"  dugtong niya na tila nabigo sa kaibigan.

Kaagad siyang tumayo sa kanyang upuan at lumakad dumerecho sa elevator para kausapin nga si Mike na naghihintay sa kanya sa ibaba.


Samantala.

Hindi mapakali si Mike habang nakatayo siya at naghihintay sa kanyang partner na si Anthony. Nagdesisyon siya kasi na puntahan na lang ito sa trabaho para kausapin muli ng masinsinan dahil hindi talaga siya mapakali sa kanilang bahay na hindi sila nagiging maayos na dalawa.

        "Anong kailangan mo?"  matigas na tono ni Anthony na papalapit at kakalabas lang mula sa elevator.

        "Babe..."  sambit ni Mike

        "Bakit nga..? What do you want?"

        "Andito lang naman ako para humingi ako ng tawad sa'yo. Babe"  panimula ni Mike  "Sorry na babe oh. Pinagsisihan ko na ang ginawa ko sa'yo. Alam ko na napasorba ako sa ginawa ko sa'yo. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon para magbago oh"

        "What..?? Seryoso ka...??"  kunot ng noo ni Anthony  "Pumunta ka lang dito sa trabaho ko para istorbohin lang ako para lang sa ganyan?? Sa walang ka-kwentang bagay?? Talaga? Seryoso ka?"

        "Oo babe"  sabay bagsak ng mukha ni Mike  "Hindi kasi ako mapakali eh. Hindi ako makakilos ng maayos at hindi ako makakain dahil sa away natin. Please babe, patawarin mo na ako"

        "You're just wasting my time, Mike. Busy ako ngayon sa trabaho. Mag-uusap na lang tayo mamaya sa bahay. Huwag dito"

        "Babe. Please"  sabay hawak ni Mike sa kanyang braso.

        "Huwag mo akong hawakan"

        "Parang awa mo na babe oh. Patawarin mo na ako"  pagmamakaawa pa rin ni Mike sa kanya.

        "I said, mamaya na sa bahay"  ulit niya at parang naiinis na ito sa pagiging makulit ni Mike  "Isa pa ha, baka gusto mo na mag-eskandalo ako dito at mabisto ng lahat ang totoo mong pagkatao"

Doon na lang binatawan ni Mike si Anthony at hindi na lang sumagot sa pagbabanta sa kanya. Kaagad naman tumalikod sa kanya ang kanyang partner at iniwan siya na nakatulala at basa ng luha ang kanyang pisngi.


Sa opisina ng DGC.

Nasa mesa si Jeff ng kanyang opisina at may mga pinipirmahan na mga papeles. Sakto din na pumasok ang assistant niya na si Gwen.

        "Sir Jeff.."  panimula ni Gwen  "Tinawagan ko na po ang Teng Prime Holdings pero sabi ng assistant ni Sir Mike ay hindi daw siya nakapasok ngayong araw"

        "Ha? Bakit daw?"

        "Hindi din daw niya sinabi Sir eh"

        "Naku. Pano 'to. May meeting kasi kami mamaya tungkol sa Breweries eh"  dugtong ni Jeff at sumulyap muli siya kay Gwen  "Gwen, paki-tawagan muli ang opisina nila. Sabihin mo na importante na pumunta siya mamaya sa meeting"

        "Okay po. Masusunod Sir"

        "Thank you, Gwen. Pwede ka nang lumabas"  dugtong niya

Kaagad naman lumabas ang kanyang assistant sa kanyang opisina. Pagkatapos ng ilang saglit ay pumasok naman ang kanyang anak.

        "Hello Papa"  bati ni Sky sa kanya

        "Oh Sky. Andito ka na pala"

        "Opo Papa. Kanina pa ako nandito. Naisipan ko lang na bisitahin kita"  sambit ni Sky habang lumalakad siya palapit sa mesa ng ama. Doon niya nakita na parang may iniisip ito na malalim  "Okay ka lang po ba Papa?"

        "Hindi anak eh"  buntong-hininga ni Jeff  "Naisip ko lang kasi ang pinsan mo na si Mike"

        "Si Mike? Bakit po Papa? Ano ba ang nangyari sa kanya?"

        "Wala naman. Pero nag-aalala kasi ako sa kanya. May meeting kasi kami mamaya pero ang sabi ni Gwen sa akin ay hindi daw siya pumasok sa trabaho at hindi din nila alam kung ano ang rason sa kanyang pag-absent"  kuwento niya sa anak  "Baka may alam ka tungkol sa pinsan mo, anak"

        "Ganon ba Papa..?"  dugtong niya habang inaalala niya ang naging usapan nila nung nasa restaurant sila ng kanyang pinsan  "Hmmm. May naikuwento siya sa akin kagabi tungkol sa kanila ng asawa niya. Meron lang silang problemang dalawa"

        "Talaga anak? Kaya pala hindi siya pumasok sa opisina niya"  sambit ni Jeff  "Anak? Pwede ba humingi ako sa'yo ng pabor?"

        "Sure Papa. Ano po yon?"

        "Pwede mo bang siyang puntahan sa bahay niya at kausapin? Alam mo naman na tayo na lang ang kapamilya niya. Kailangan niya ng makakausap sa kanyang problema ngayon"

        "Sige po. Wala pong probema Papa"  sang-ayon ni Sky sa pakiusap ng ama  "Kailan ba?"

        "Mamaya na siguro anak. Kung okay lang sa'yo"  sagot ni Jeff  "Gusto ko sana na ako pupunta pero marami pa akong gagawin pagkatapos ng opisina"

        "Sige po Papa. Don't worry. Ako na lang kakausap sa kanya. Sige po. Babalik na ako sa opisina ko"

        "Sige anak. Maraming salamat talaga"

Kaagad lumakad patungo sa pintuan si Sky para makabalik na sa kanyang opisina. Samantala si Jeff naman ay nasa mesa niya pa rin at pinagpatuloy na ang kanyang trabaho na hindi natapos.


Dakong alas-siyete ng gabi ay nasa sala si Mike, nakaupo sa sahig habang nakasandal sa gilid ng sofa at hawak-hawak ang isang bote ng alak. Parang marami na ang kanyang nainom dahil sa mga nakakalat na mga bote na walang laman sa kanyang tabi.

Tulala si Mike habang dumadaloy ang kanyang mga luha sa pisngi niya. Parang tinakloban siya ng langit dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pinapatawad ng kanyang partner.

Hindi niya namalayan na may nakapasok na pala na tao sa kanyang bahay. At lumalakad at papalapit patungo sa kanya.

Itutuloy…

TCG: Chapter 12 (Pag-amin ni Mike)

“Cous..?” sambit ni Sky sa kanya habang papalapit sa sala. May halong gulat at awa ang nadarama ni Sky nang makita niya ang kalagayan nito “What happened? Okay ka lang ba?”

        "Wala nang kwenta ang buhay ko, Sky. Ayaw niya na talaga sa akin"  sabay buhos ulit ng luha ni Mike  "Kasalanan ko 'to eh. Naging masyado akong praning at kung anu-ano na ang naisip ko sa kanya"

        "Bakit? Anong nangyari? Iniwanan ka niya?"

        "Hindi. Pero baka doon na rin papunta"  dugtong ni Mike  "Hindi niya talaga ako mapapatawad sa ginawa ko sa kanya"

        "Hayaan mo na lang muna siya, cous. Nasaktan mo siya eh"  payo niya sa pinsan  "Kahit ako din siguro, kapag pinag-iimbestigahan samga kilos ko buong maghapon ng asawa ko, magagalit din ako sa ginawa mo eh. Kaya hayaan mo muna siya. Just give her some space muna"

        "Him"  pagtatama ni Mike sa sinabi ng pinsan.

        "What? Ano ang ibig mong sabihin?"

        "Him"  ulit niya kay Sky  "Lalaki siya cous. Nagsinungaling ako sa'yo na babae at asawa ko siya. Pasensiya na"  sabay tingin niya sa mga mata ng pinsan.

        "What..?"  kunot ng noo ni Sky na tila hindi makapaniwala sa rebelasyon na sinabi ni Mike  "Seryoso ka? Please cous. Huwag kang magbiro ng ganito"

        "Sa kalagayan ko ngayon, may panahon pa ba ako na magbiro sa'yo? Nagsasabi ako ng totoo sa'yo. I am a bisexual cous"

        "E p-paano nangyari? Kailan ka pa nakipagrelasyon sa kapwa mo lalaki?"

        "Hindi ko na alam kung kailan at paano nangyari, Sky. Pero masaya ako dito. Masaya ako sa kanya"  sagot ni Mike sa kanyang pinsan  "Pero sa kasamaang-palad, ang isang tao na dahilan ng kasiyahan sa buhay ko at ang mahal na mahal ko ay ayaw na sa akin"

Napatingin na lamang ng ilang sandali si Sky sa pinsan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa pag-amin sa kanya ni Mike at parang hindi niya nakukuha o na-a-absorb ng maayos ang mga sumunod na mga sinabi nito. “Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, cous. Kasi inaamin ko, nagulat talaga ako ngayon sa mga nalaman ko sa’yo” sambit ni Sky sa pinsan “Pero kung ano man ang gusto mo, masaya na ako para sa’yo, cous”

        "Salamat cous"  muling pagtulo ng luha ni Mike  "Salamat sa pag-iintindi"  sabay hinga ng malalim na parang nabunutan ito ng tinik sa dibdib  "Ganito pala ang feeling kapag wala na akong tinatago noh. Parang malaya na ako"

        "Tama ka, cous. Ganon din ang naramdaman ni Papa noon base sa kuwento niya, nung inamin niya sa Lolo ko ang totoo niyang pagkatao"

        "Oo nga eh. Sobrang saya ako ngayon dahil kahit papaano ay nabawasan na ako ng tinik sa dibdib"  at biglang naging seryoso muli si Mike at tumitig siyang muli kay Sky  "Ahmm cous? May pabor sana ako sa'yo"

        "Sure. Ano yon?"

        "Ahmm.. Kung okay lang sa'yo, sa atin lang muna ito? Ayaw ko munang malaman ito ng iba, lalung-lalo na kay Tito Jeff"

        "Pero..."

        "Please Sky. Nagmamakaawa ako. Atin lang muna ito. Hindi pa ako handa na malaman ng iba. Sana maintindihan mo ako"

        "S-sige. Kung iyan ang gusto mo, cous. Rerespetuhin ko ang desisyon mo"

        "Salamat cous. Salamat talaga sa pag-intindi"

        "So what's your plan?"  tanong niya kay Mike  "Paano kung ayaw niya na sa'yo?"

        "Hindi ko alam"  pagtulo muli ng kanyang luha  "Kung iisipin ko ang ganyang pangyayari, hindi ko kaya eh. Parang mababaliw ata ako kapag iwan niya ako"

        "Cous.."  sabay himas ng balikat ni Mike  "Kailangan mong tanggapin kung ano man ang magiging desisyon niya. Huwag mo lang muna siyang kukulitin dahil mas magagalit pa siya kapag ginawa mo yon"

        "Ewan ko. Hindi talaga ako mapakali eh"  dugtong niya  "Lalung-lalo na ngayon dahil hindi pa nakauwi ng bahay. Hindi ko alam kung ano ginagawa niya ngayon sa oras na ito"

        "Ano ba yan... itigil mo na yan, cous"  buntong-hininga ni Sky  "Kumalma ka nga. Pabayaan mo muna siya, okay?"  sabay tabi ni Sky sa pinsan at umupo din ito sa sahig.

        "What are you doing..??"  pagtataka na tanong ni Mike.

        "Sasamahan kita dito. Mahirap na dahil mag-isa ka lang. Baka ano pa ang magawa mo sa sarili mo"  sambit niya dito  "Mas mabuti na may kasama ka dito"

        "Salamat cous"  sabay ngiti ni Mike na tila na-touch sa ginawa ng pinsan  "Kailangan ko talaga ng makakasama dito. Salamat dahil nandito ka na"

        "Don't worry cous. Andito lang ako, kami ng Papa dahil kapamilya ka namin. Hindi ka namin iiwanan"

        "Swerte talaga ako sa inyo ni Tito Jeff"  biglang pagtulo muli sa kanyang luha dahil may naalala na naman siya  "Sa kabila ng ginawa ni Mommy noon sa inyo, andito pa rin kayo sa akin na parang walang nangyari noon sa atin. Napakabait talaga ninyo, cous"

        "Tapos na yon, Mike. Matagal na namin napatawad si Tita Jean at wala na akong galit sa kanya. Let's move-on dahil kahit ano man ang mangyari, magkapamilya pa rin tayo"

Bigla na lang ni Mike niyakap si Sky ng sobrang higpit dahil sa kanyang mga sinabi. Nagpapasalamat talaga siya sa mga oras na iyon dahil may nag-iisang tao na nakakaintindi at may sumusuporta sa kanyang kalagayan.


Samantala. Sa bahay ng mga Francisco.

Walang tigil ang pagbalik-balik ni Calvin sa sala habang hinahawak ang kanyang telepono. Kanina pa kasi na hindi nagpaparamdam si Sky sa kanya.

’Baki hindi mo sinasagot ang tawag ko…“
sambit ni Mike sa kanyang sarili
‘Magkasama kayo siguro ni Stephen kaya hindi ka nagpaparamdam sa akin noh’ habang nangangalit siya sa galit ’ Humanda ka bukas kapag magkita tayo, lalung-lalo na ang Stephen na yan’

        "Cal. Ano ang ginagawa mo diyan??"  sulpot ng kanyang ama na si Alvin sa sala. Doon niya nakita at nahalata ang anak na hindi mapakali ang kanyang anak  "Anak? Okay ka lang? Parang hindi ka mapakali? May problema ba?"

        "Si Sky kasi Tay. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko sa kanya. Kanina pa 'to eh"

        "Baka naman may ginagawa pa, anak. Alam mo naman ang trabaho ng girlfriend mo diba? Hayaan mo muna siya"  sambit ni Alvin sa anak na hindi mapakali  "Kumain ka na muna kaya para mabaling ang atensyon mo"

        "Mamaya na Tay. Hinihintay ko pa na sumagot si Sky sa mga tawag ko"

        "Oh sige. Ikaw ang bahala"  dugtong niya sa anak  "Pero kumain ka kaagad ha. Lumalamig na ang pagkain"

        "Opo Tay"

        "Sige na, Cal. Mauna na ako matulog"  sabay tapik ni Alvin sa balikat nito  "Relaks ka lang. Sasagot din yan sa tawag mo"

        "Opo"

        "Goodnight anak"

        "Goodnight din Tay"

Umalis kaagad si Alvin sa sala at dumerecho siya sa kanyang silid upang makapagpahinga na sa maghapon niyang trabaho. Samantala si Calvin naman ay ipinagpatuloy ang kanyang pagtawag sa nobya na kanina pa hindi sumasagot at nagpaparamdam sa kanya.


Kinabukasan.

Nagising si Sky sa sahig ng sala ng bahay ng kanyang pinsan na si Mike. Napagtanto niya na nakatulog pala siya at hindi siya nakauwi sa kanilang mansyon dahil sinamahan niya ito sa bahay.

Nang bumalik ang kanyang ulirat ay kaagad niyang hinanap ang kanyang telepono sa kanyang tabi pero wala siyang may nakita. Tumayo siya mula sa sahig at hinanap ito sa buong parte ng sala “Saan na ba yun…” sambit ni Sky.

        "Oh cous. Anong hinahanap mo?"  sulpot ni Mike na sa sala at nakabihis na at parang may pupuntahan.

        "Yung cellphone ko kasi cous. Hinahanap ko"  at napatingin siya sa pinsan.

        "Naku. Huwag ka nang maghanap dahil nasa akin"  sabay hugot niya sa kanyang bulsa ang telepono ni Sky at sabay abot sa kanya.

        "Salamat"  kuha niya sa kanyang telepono  "Bakit nasa sa'yo ito, cous?"

        "Tinago ko lang yan dahil walang humpay ang tawag at text sa'yo ng boyfriend mo. Baka magising ka eh"  paliwanag ni Mike  "Naku... yung boyfriend mong yan. Obsessed na obsessed sa'yo. Parang ayaw ka niyang mawala sa paningin niya. Basahin mo nga text niya diyan. Sobra pa sa babae eh"

        "Ganon talaga siya, cous. Sanay na ako sa kanya"  sagot niya  "Teka lang. Itetext ko muna siya"  bubuksan niya na sana ang kanyang telepono nang mapansin muli ang bihis ni Mike  "Oo nga pala, bakit nakabihis ka, cous? Saan ka pupunta?"

        "Diyan lang sa labas. Magpapahangin. Gusto mo bang sumama?"

        "Gusto ko rin sana pero kailangan ko munang makauwi"  sagot niya kay Mike  "Kailangan kong magbihis ng damit at makipagkita muna ako kay Calvin para makapagpaalam ako sa kanya ng maayos" 

        "What?? Seryoso ka? Magpapaalam ka pa sa kanya?"

        "Oo cous. Alam mo naman ang ugali niya diba?"

        "Naku. Grabe ha. E si Papa mo nga, hindi ka nagpapaalam. Pero sa kanya, updated siya sa bawat kilos mo?"

        "Oo cous. Hayaan mo na siya"  dugtong ni Sky  "Oo nga pala, maiba ako. Kamusta ka na pala? Nakauwi na ba kagabi ang karelasyon mo?"

        "Heto... hindi pa rin okay"  sabay hinga niya ng malalim  "Kaya nga lalabas ako para makalimutan ko siya kahit sandali lang"

        "Okay lang yan, cous"  tapik ni Sky sa balikat ni Mike  "Alam ko na malalampasan mo din ito. Kaya mo yan cous"

        "Salamat cous"  mapait na ngiti ni Mike sa kanya  "Salamat ulit sa pag-iintindi"

        "Walang anuman, cous"

        "So tayo na? Sabay na lang tayo lumabas ng bahay"

        "Sure cous. Pero may favour sana ako sa'yo hihingiin eh"

        "Sige. Ano yon?"

        "Pwede mo ba akong ihatid muna sa mansyon?"  pakiusap ni Sky kay Mike  "Para mas madali ang pag-uwi ko"

        "Sure. Walang problema, cous"  pagpayag naman ni Mike sa pakiusap ng pinsan  "Hindi mo ba dala ang sasakyan mo?"

        "Hindi eh. Naiwan sa mansyon"  paliwanag ni Sky  "Inihatid niya kasi ako kahapon sa DGC kaya hindi ko rin nadala. Nag-taxi lang ako papunta dito"

        "Ahhh. Kaya pala. So, tayo na?"

        "Sige, cous. Let's go"

Kaagad naman silang lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan ni Mike. Pinaandar ni Mike ang kanyang kotse at umalis patungo sa mansyon ng mga Dy.


Samantala. Sa mansyon ng mga Dy.

        "Anak. Okay ka lang?"  tanong ni Nathan sa kanyang anak na si Stephen. Nahalata niya kasi na parang may iniisip na malalim ito habang kumakain sila ng agahan.

        "Okay lang naman ako, Dad"  sagot niya naman sa ama.

        "Sigurado ka..? Para kasing may bumabagabag sa'yo eh"  sambit ni Nathan  "Sige na anak. Huwag ka nang mahiya sa amin ng Tito Jeff mo. Andito kami para pakinggan ang problema mo"

        "Wala naman po ito Dad. Maliit lang na problema"

        "Tungkol ba'to kay Sky?

Bago sumagot ay napatingin muna siya sa kanyang ama at sa asawa nito na si Jeff “…opo…”

        "Sabi na nga ba eh. Bakit anak? Ano ba ang dahilan? Nag-away ba kayo?"  dugtong naman ni Jeff.

        "Wala po Tito. Hindi kami nag-away. Pero kami ng nobyo niya, oo"

        "Si Calvin? Nagkita na kayo?"

        "Opo Tito. Kahapon lang"

        "Talaga? Paano? At bakit kayo nag-away?"

        "Ininsulto niya ako eh"  kuwento ni Stephen sa kanilang dalawa  "E sa sobrang galit ko, pinatulan ko siya"

        "Sinaktan mo..?"  dugtong ni Nathan

        "Hindi naman, Dad. Lumaban lang ako sa pang-iinsulto niya sa akin. Pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko. Pero kung uunahan niya akong saktan, hindi ako magdadalawang-isip na gumanti"  sabay hinga ng malalim ni Stephen  "Hindi ko pala akalain na ganyan kasama ang ugali ng nobyo ni Sky. May banta pa siya sa akin na papatayin niya ako"

        "Talaga? Hindi namin alam yun ah"  dugtong ni Jeff  "E tuwing nandito siya sa mansyon nung isang araw, sobrang bait niya at magalang sa akin"

        "E baka naman nagpapanggap lang siya sa inyo"  pangagatwiran ni Stephen  "Nagiging mabait lang siya sa inyo Tito dahil ikaw ang ama ng nobya niya. Iba ang pakikitungo niya sa akin, lalung-lalo na nung akala niya na isa ako sa mga tauhan natin dito. Sobra niya akong binastos at  inaapak-apakan"

        "Sobra naman siya.."  sabat ni Nathan.

Natigilan ang kanilang usapan nang biglang lumapit ang isang katulong sa kanila.

        "Sir Jeff. Sir Nathan. Sir Stephen... may bisita po kayo"

Lumitaw sa kanila ang taong pinag-uusapan nila. Natigilan si Stephen dahil hindi niya alam na pupunta pala sa kanilang mansyon ang nobyo ni Sky sa ganitong kaaga.

        "Good morning po, Titos"  ngiti ni Calvin kina Nathan at Jeff. Halata na hindi niya pinansin si Stephen kahit nagkrus ang kanilang tingin sa isa't-isa.

        "Good morning din, Calvin"  sagot ni Jeff  "Bakit ang aga mo naman na pumunta dito?"

        "Ahmmm. Tito Jeff. Tatanungin ko sana kung kamusta si Sky at kung saan siya?"  tanong niya sa ama ni Sky  "Hindi niya kasi sinasagot ang mga text at tawag ko simula pa kagabi Tito eh"

        "Ganon ba? Pasensiya na Calvin ha. Hindi kasi siya umuwi dito kagabi eh"

        "Bakit po Tito? May nangyari ba sa kanyang masama?"

        "Wala naman. Inutusan ko lang kasi siya kahapon na importante kaya hindi niya napansin siguro ang cellphone niya buong gabi"

        "Ahh ganon po ba? Pwede po bang malaman kung ano iyon?"

        "It's about our business"

        "Ahmm. Okay po Tito. Maraming salamat na lang po"  sabay hinga niya ng malalim na parang binunutan siya ng tinik sa dibdib  "Sige po mga Titos. Alis na po ako"

        "Teka. Kumain ka na ba?"  tanong sa kanya ni Nathan  "Umupo ka muna dito para makakain ka"

        "Naku Tito. Maraming salamat na lang pero tapos na po akong kumain"  tanggi ni Calvin sa alok ni Nathan  "Kumain na po ako sa bahay bago ako pumunta dito"

        "Ahh ganon ba? Sige Calvin. Mag-ingat ka na lang sa pag-alis mo"  sabay tayo ni Nathan at alok nito ang kanyang kamay para ikamay si Calvin  "Ako nga pala ang Tito Nathan mo. Asawa ng Tito Jeff mo at Daddy ni Stephen"

Napahinto siya ng ilang saglit dahil kaharap niya pala ang lalaki na ama ng ex ng nobya niya. Hindi niya alam kung paano niya itong sagutin dahil may halong inis at intimidate ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon.

Itutuloy…

TCG: Chapter 13 (The Break-up)

“Ahhh” tanging sagot ni Calvin at sumulyap siya kay Stephen na habang kumakain “Nice meeting with you po, Tito Nathan”

        "Ako din, Calvin"  ngiti ni Nathan  "Masaya ako dahil nakita ko na ang nobyo ni Sky"

        "Salamat po Tito. Ako din po"  dugtong ni Calvin  "Masaya din po ako. Paano po... alis na po ako"

        "Sige Calvin. Mag-iingat ka"

        "Salamat po"  at tumingin siya kay Jeff  "Tito Jeff. Alis na po ako. Pasensiya na po talaga sa istorbo"

        "Walang problema, Calvin. Hindi ka nakakaistorbo dahil parte ka na ng pamilya namin"  ngiti niya kay Calvin  "Sige. Mag-ingat ka sa pag-uwi mo"

        "Salamat po"

Ngumiti muli siya sa mag-asawa at kaagad lumakad palabas ng mansyon. Samantala naman ay muling umupo si Nathan at pinagpatuloy ang kanilang pagkain ng agahan.

        "He's okay naman, Stephen"  sambit ni Nathan  "Magalang naman siya at hindi bastos katulad nang sinabi mo"

        "Naku Dad. Katulad nga ng sinabi ko kanina, nagpapanggap lang siya sa inyo dahil kayo ang magulang ni Sky"  dahilan ni Stephen  "Pero kapag ibang tao ang kaharap niya, doon lumalabas ang totoo niyang ugali at kung ibang tao kayo, matagal na kayo siguro binastos ng lalaking yan"

        "Stephen..."  sambit ni Nathan na parang sinasaway niya ito  "Hindi kita pinalaki ng ganyan. Huwag kang magsabi o magsalita ng masama sa kapwa mo"

        "Pero Dad..."

        "Huwag ka nang magdahilan pa, Stephen. Kung iyan ang paraan mo para makuha mo si Sky... Well. I am so disappointed"

        "Dad. Hindi naman sa ganon. Iyon kasi ang pinakita niyang ugali sa akin eh"  pero hindi na lang sumagot si Nathan sa paliwanag sa kanya ng anak  "Well. Kung ayaw ninyong maniwala, wala naman ako magagawa. Sana naman, Dad, ako ang paniwalaan ninyo dahil ako ang anak mo"  sa sobrang sama ng loob ni Stephen ay kaagad siyang tumayo at hindi tinapos ang kanyang pagkain. Kaagad siyang lumakad papunta sa hagdanan at umakyat sa kanyang silid.

        "Stephen. Saan ka pupunta..?? Bumalik ka dito!"  sigaw ni Nathan  "Ikaw talaga na bata ka. Ang tanda mo na, pinapasakit mo pa rin ang ulo ko"

        "Babe.."  sabay hawak ni Jeff sa kamay ng asawa  "Hayaan mo muna siya. Huwag mo muna siyang pansinin"

        "Ewan ko nga ba, babe"  buntong-hininga ni Nathan  "Bakit ang titigas ng mga ulo ng mga anak ko. Saan ba ako nagkulang sa pagbibigay ng gabay sa kanila?"

        "Wala babe. Wala kang pagkukulang sa kanila"  sambit niya sa asawa  "Intindihin mo lang si Stephen. Baka may pinagdadaanan lang ngayon ang anak mo at nagkaganyan siya at kung anu-ano na ang kanyang iniisip"

        "Baka nga, Pero sana naman, hindi niya iyon ginagawa para siraan lang si Calvin para makuha niya muli si Sky"

        "Sana nga babe"  sagot ni Jeff  "Sige na, tapusin na natin ang almusal natin. Male-late na tayo sa trabaho"

Samantala. Sa labas ng mansyon.

Hindi umuwi si Calvin at hinintay niya sa doon sa labas ang kanyang nobya na si Sky na makauwi.

Makalipas nga ang tatlumpung minuto at nandoon pa rin siya at matiyagang naghihintay sa nobya. May napansin siya sa likuran ng kanyang sasakyan. Napansin niya na may huminto ding sasakyan. Tinignan niya at binantayan niya ito ng mabuti sa rear-view mirror kung sino ang dumating.

Nagulat si Calvin dahil ang bumaba sa sasakyan ay ang kanyang nobya na si Sky at hinatid siya ng isang lalaki. Biglang uminit ang kanyang ulo at kaagad lumabas at bumaba ng kotse.

Lumakad siya ng mabilis patungo sa dalawa na kasalukuyang lumalakad papunta ng mansyon.

        "Sky.."  tawag niya

        "Tart.."  sabay lingon ni Sky sa kanya  "Andito ka pala. What are you doing here?"

        "Ikaw sana ang tatanungin ko kung ano ang ginagawa mo kasama ng lalaking yan.."  dugtong niya sa nobya habang nakatingin siya sa nakatalikod na lalaki na kasama ni Sky  "Sino ba 'to?"

        "Ito..?"  turo ni Sky  "Si Mike. Pinsan ko.. Diba magkakilala na kayo?"

Lumingon din sa kanya si Mike at ngumiti pero hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy pa rin ang pag-iimbestiga niya sa nobya “Bakit hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko sa’yo kagabi?”

        "Pasensiya na Tart"  panimula ni Sky sa kanya paliwanag sa nobyo  "Nakalimutan ko kasi na magpaalam sa'yo. May ipinagagawa kasi si Papa kahapon after ng office hours eh"

        "Ano ang pinagawa niya sa'yo? Na makipagharutan sa lalaking 'to?"  turo niya kay Mike

        "Harutan..??"  ulit ni Sky  "Of course not. Pinsan ko si Mike, remember? Walang harutan na nangyari dahil kinausap ako ni Papa na kausapin si Mike dahil hindi siya nakadalo kahapon sa meeting nila"  paliwanag ni Sky  "Pasensiya na talaga kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo kagabi"

        "Talaga? Totoo ba ang sinasabi mo?"

        "Oo pre. Totoo ang mga sinasabi sa'yo ni Sky"  sabat naman ni Mike sa kanilang usapan  "Pasensiya na talaga kung nadamay kayo ni Sky sa problema ko"

        "Well, you should be.."  dugtong ni Calvin kay Mike  "Maybe next time, huwag mong istorbohin si Sky dahil may sarili din siyang obligasyon sa akin at sa kanyang buhay"

        "Tart..."  saway ni Sky sa kanya  "Huwag mo namang bastusin ang pinsan ko"

        "No cous. It's okay. Tama naman siya"  sagot niya sa pinsan at tumingin siya sa dalawa  "Pasensiya na talaga sa abala. Sige. Alis na ako"

Kaagad umalis si Mike sa kanilang paningin na parang masama ang loob sa sinabi sa kanya ni Calvin. Samantala ay nakatingin naman si Sky kay Calvin na naiinis dahil nga sa kanyang pambabastos sa kanyang pinsan.

        "Bakit ganyan ka makatingin sa akin?"

        "Ano yon? Bakit ganyan mo lang bastusin ang pinsan ko?"

        "Anong bastos? E inamin niya naman na may mali siya diba?"  dahilan ni Calvin  "Pwede ba? Huwag mo na siyang ipagtanggol. Kung hindi sa kanya, hindi siguro ako mag-aalala ng ganito sa'yo"

        "What?? Naririnig mo ba ang lumalabas diyan sa bunganga mo? Hindi mo ba alam na malaki ang problema niya ngayon?"  paalala ni Sky sa kanya  "Ilang beses ko bang paulit-ulitin sa'yo na inutusan ako ni Papa para kausapin ang pinsan ko dahil kami na lang ang natitirang pamilya niya"

        "Yun nga eh. Kung hindi nga sa kaartehan niya, hindi sana tayo nadamay sa miserableng buhay niya"

        "How dare you... pinsan ko ang sinasabihan mo ng ganyan... kapamilya ko... at kung hindi mo magawa siyang igalang, mas mabuti pa na umalis ka na bago pa may masabi ako sa'yo na hindi mo magugustuhan"                               

        "Tart. Huwag naman ganito"  sabay hawak ni Mike sa kanyang braso  "Para lang sa pinsan mo, mag-aaway lang tayo? Huwag ka naman ganyan"

        "Huh?? Hindi mo pa rin ba nakukuha ang ibig kong sabihin?"  sasagot na sana si Calvin pero tumaas ang kamay ni Sky para pigilan siya sa pagsasalita  "Nevermind. Kahit anong sabi at paliwanag ko sa'yo. Hindi ka pa rin nakikinig. What's the use. Pasok na ako. Salamat sa oras na pumunta ka dito"

Kaagad tumalikod si Sky kay Calvin at pumasok na siya ng mansyon. Samantala si Calvin naman ay naiwan na nakatayo sa labas ng pintuan ng mansyon.

Nanginginig ito sa galit dahil hindi naman siya binigyan ng oras ng nobya at magpaliwanag tungkol sa nangyari sa kanya kagabi na hindi niya nasagot ang tawag at text nito sa kanya.


Nagdesisyon na lang na umuwi si Mike at hindi niya na lang sinunod ang unang plano na lumabas at gumala sa mall. Parang mabigat pa kasi ang kanyang loob at walang gana itong gumalaw dahil nga sa alitan nila ni Anthony.

Dahan-dahan siyang pumasok ng kanilang bahay na parang walang lakas at mahina. Pero nung nakapasok na siya ay doon siya nagulat sa kanyang nakita. Si Anthony na nakaupo sa hapagkainan habang kumakain siya ng agahan.

Abot-tenga ang kasiyahan na nadarama ni Mike dahil nakauwi na nga sa wakas ng kanilang bahay ang kanyang pinakamamahal. Napatakbo ito sa sobrang galak at pinuntahan si Anthony. Kaagad niya itong niyakap ng sobrang higpit mula sa likod ng mahal.

        "Babe..."  sambit ni Mike habang niyayakap niya ito mula sa likuran ni Anthony  "Masaya ako dahil andito ka na at nakauwi sa bahay natin. Kagabi pa kita hinihintay"  walang nakuhang sagot si Mike mula sa kanyang partner na si Anthony. Pero inalis niya ang nga braso ni Mike mula sa pagkayakap  "Babe? Galit ka pa rin ba sa akin?"

        "No. Hindi na ako galit sa'yo, Mike"

        "Oh. Hindi naman pala eh. Bakit ayaw mong yakapin kita..?"

Doon nang tumingin si Anthony sa mga mata ni Mike na parang seryoso “May sasabihin ako sa’yo. Pero huwag ka sanang magalit sa akin”

Lumuhod si Mike sa gilid ni Anthony habang nakatingin din siya sa mga mata nito “Ohh okay. Parang seryoso nga ang pag-uusapan natin babe ah” sabay ngiti ni Mike sa kanya

        "Please. Seryoso ako. Makinig ka naman sa akin"

        "Sorr. Sige babe. I'm listening"

Walang sabi-sabi ay hinawakan ni Anthony ang kamay ni Mike ng sobrang higpit “Sana huwag kang magalit sa akin pagkatapos ng sasabihin ko”

        "What do you mean, babe?"

        "It's not working. Kahit anong gawin at pilit ko ay hindi kita kayang mahalin katulad ng pagmamahal na ibinibigay mo sa akin"  panimula ni Anthony  "I'm sorry"

        "Are you breaking up with me? Babe... Huwag ka naman ganito"  sabay yakap ni Mike sa kanya  "Huwag mo akong iwan. Hindi ko kaya na mawala ka"

        "Please. Stop calling me that. Hihiwalayan na kita, okay? Kung ipipilit natin ang relasyon na 'to, ikaw pa rin ang masasaktan. Mas mabuti pa na hihiwalayan na kita"

        "Ano? Ano ba ang pinagsasabi mo? Sa tingin mo ba ay hindi ako ngayon nasasaktan sa mga sinasabi mo ngayon?"  sagot niya kay Anthony  "Don't do this babe. Pati ba naman ikaw?? Iiwan mo rin ako?? Iniwan nga ako ng mga babaeng minahal ko. Tapos ikaw rin..?"

        "Huwag kang mag-aalala. Makikita at makahanap ka rin ng tao na para sa'yo"  dugtong niya kay Mike  "Kailangan natin ito para maging buo tayo"

        "E ikaw nga ang bumubuo sa pagkatao ko ehh"

        "My gad, Mike. Hindi mo talaga ako naiintindihan? Huwag mo naman akong pahirapan ng ganito. Kailangan natin ito, okay?"  pagdidiin pa niya kay Mike  "May mas deserving pa na tao para sa pagmamahal mo at hindi ako yon"

        "Edi ipaliwanag mo sa akin ng maayos para maiintindihan ko. Ako ang partner mo diba?? Sabihin mo sa akin ang problema natin para maayos natin kung ano man iyon"

        "Kung ganyan lang sana kadali. Pero napakahirap eh. Sobrang hirap"

        "Bakit mahirap? Sabihin mo naman sa akin oh"

        "Sige. Ito na. Para maiintindihan mo ng maayos"  huminga muna ng malalim si Anthony bago niya ipaliwanag ng buo ang problema niya  "Sinubukan ko na kalimutan siya, pero hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng isip at puso ko"

        "Sino..?"

        "Si George. Ang ex ko na nakuwento ko sa'yo noon"

        "What?? So mahal mo pa rin siya??"  pagkaklaro ni Mike. Pero hindi sumagot si Anthony at tahimik lang sa tinanong sa kanya  "Silence means, yes. Right? Mahal mo pa rin siya"  dugtong niya na tila tinutusok na ng kutsilyo ang kanyang puso  "Hindi mo akalain na magagawa mo sa akin ito. Ang sakit"

        "Mike. Hindi ko naman sinadya eh. Akala ko kasi kapag nakakita o nakipagrelasyon ako sa iba, mawawala na ang nararamdaman ko sa kanya. Pero hindi eh. Hindi nawala"

        "So ginamit mo lang ako? Ginawa mo akong panakip-butas? Ganon?"

        "I'm sorry"  sabay yuko ni Anthony habang tumutulo na ang kanyang mga luha at bumabagsak na ito sa kanyang binti.  "Sinubukan ko naman na mahalin ka eh. Believe me. Promise. Minahal kita. Pero mas mahal ko siya"

        "Hindi ko alam kung ano at saan ako maniniwala sa mga sinasabi mo. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil sa sobrang sakit"  sambit ni Mike habang umaagos na din ang luha niya sa pisngi nito  "Sobrang sakit dahil sa loob ng ilang taon nating pagsasama, siya pa rin pala ang mahal mo"

        "Sorry Mike. Pinaalam ko nga sa'yo ngayon para maging honest ako sa sarili ko at hindi ka na umasa pa sa relasyon natin. Pasensiya sa lahat"

        "Ipagpasalamat ko pa ba ang ginawa mo sa akin? So salamat ha"

        "Hindi. kasi alam ko na nasasaktan ka ngayon. And I am sorry for that"

        "It's okay. Kahit na masakit. Tatanggapin ko para sa kasiyahan ng puso mo"

        "Salamat Mike. Salamat sa pag-intindi"

        "So anong plano mo?"

        "Aalis na ako dito sa bahay mo"  sagot niya  "Nakapag-empake na ako kanina habang walang wala ka. Doon muna ako titira sa bahay ng kaibigan ko na si Grace"

        "Okay... pwede ka nang umalis ngayon"  sabay tayo niya at lumakad palapit sa hagdan  "Pakisara na lang ng pintuan at gate paglabas mo. Matutulog muna ako"

        "Mike..."  tawag niya at lumingon naman siya kay Anthony  "Salamat sa lahat. Sa tulong mo sa akin at lalung-lalo na sa pagmamahal mo. Hinding-hindi kita malilimutan"

        "Tapos ka na..?"  dugtong niya  "Pwede ka nang umalis dahil matutulog na ako. Sinasayang mo lang ang drama mo"

Doon na umakyat si Mike papunta sa kanyang silid habang si Anthony naman ay naiwan malapit sa mesa. May halong lungkot at saya ang kanyang nadarama dahil sa wakas ay malaya na siya at pwede niya nang balikan si George.

Itutuloy…

TCG: Chapter 14 (Si George)

Kakatapos lang kumain ni Sky ng agahan at dinala niya ang kanyang pinggan sa kusina para mahugasan na ito.

        "Sky...!"  

Laking-gulat niya nang may biglang nagsalita sa likod niya “Ay kabayo!!” at lumingon siya upang tignan ang taong gumulat sa kanya “Shocks… ikaw lang pala, Stephen. Ginulat mo ako!!”

        "Hindi ka pa rin talaga nagbabago"  ngiti ni Stephen sa kanya  "Magugulatin ka pa rin"

        "So sinadya mo??"  pagtataray ni Sky

        "Of course not. Ikaw lang kaya ang nagulat. Mali-mali ka kasi"

        "Hmmff! Ewan ko sa'yo"  pagmamaktol niya  "Huwag ka ngang makulit diyan. Naghuhugas ako ng pinggan ko eh"

        "Maiba ako Sky, ano ba ang inutos sa'yo ni Tito?"

        "Wala lang... hindi na kasi pumapasok si Mike sa opisina"  kuwento niya kay Stephen  "Nag-aalala lang si Papa sa kanya"

        "E anong nalaman mo kung bakit hindi siya pumapasok?"

        "Meron lang siyang problema sa kanyang asawa"

        "Asawa..??"  ulit ni Stephen na parang hindi makapaniwala sa narinig mula kay Sky  "May asawa na si Mike?"

        "Ahhm. Oo. Meron na siyang asawa."

        "Talaga? Kailan lang? Hindi ko alam yun ah"  dugtong ni Stephen at may bigla siyang may naalala tungkol kay Mike  "Asawang babae..?"

        "Oo. Asawang babae"

        "Talaga? Hindi ko kasi akalain na makapag-asawa siya. Akala ko kasi katulad siya nina Daddy at Tito eh"

        "What do you mean? Na bisexual din si Mike?"  pagkaklaro ni Sky kay Stephen  "Paano mo naman nasabi yan?"

        "E kasi nung araw na umuwi ako dito. dumerecho ako sa opisina niya"  kuwento ni Stephen kay Sky  "Tapos nung pagpasok ko, nakita ko siyang may kayakap na lalaki"

        "Ganon?? Magkayakap lang, bisexual agad? Hindi ba pwedeng magkaibigan lang?"

        "Hindi eh. Para kasing ang intimate ng yakapan nila"  pag-alala ni Stephen  sa araw na iyon  "Baka may tinatago siya sa inyo Sky. Baka tinatago niya ang totoo niyang pagkatao sa inyo ni Tito Jeff at nagkukunwari lang siya na may asawa"  doon natahimik si Sky sa mga sinabi sa kanya. Nahalata na din pala ni Stephen iyon? Gusto niyang sabihin ang nalalaman niya pero nangako siya kay Mike na huwag na huwag itong ipagsasabi sa iba.  "Ahmm. Sky?? Bakit natahimik ka?"

        "Ha? W-wala Stephen"  sagot ni Sky  "Iniisip ko lang ang problema ngayon ng pinsan ko at kung paano ko siya matutulungan"

        "Yun nga eh. Hindi ka ba nagdududa sa mga kilos niya habang doon ka sa bahay niya? May napansin ka ba na makapagsasabi na may karelasyon siya na lalaki?"

        "Wala naman akong napansin. At hindi ganyan si Mike"  tanggol ni Sky sa pinsan  "At kung totoo man ang mga teorya mo, eh ano ngayon?? Tanggap ko pa rin ang pinsan ko kahit ganon siya"  biglang pagtaas ng boses ni Sky.

        "Oooh okay. Kumalma ka lang. Nagsasabi lang naman ako sa observation ko sa kanya. At hindi ko naman siya hinuhusgahan eh"  paliwanag ni Stephen  "Teorya ko lang naman yun. At hindi naman ako kontra sa totoong sekswalidad niya at handa naman ako na tanggapin siya eh. Sa totoo lang, sa lahat ng mga tao na nasa paligid niya, tayo pa nga ang mas makakaintindi sa pinagdadaanan niya eh, kasi ganyan din ang mga ama natin diba?"
         "Kung sa bagay. Tama ka"  buntong-hininga ni Sky at katatapos lang maghugas ng kanyang pinagkainan  "Well. Alis na ako, Steph. Pakisabi na lang sa mga magulang natin na umuwi ako dito at baka hindi ako mamaya makauwi mamayang gabi.. or better yet, ako na lang ang magsasabi kay Papa dahil papasok muna ako sa opisina"

        "Bakit? Saan ka ba pupunta after office?"

        "Baka doon muna ako matulog sa bahay ni Mike"  paliwanag niya  "Sasamahan ko muna siya dahil mag-isa lang siya doon"

        "Ahhh. Ganon ba. Sige Sky. Mag-ingat ka lang"

        "Salamat. Ikaw din"

Kaagad umalis si Sky sa harapan ni Stephen ng nakangiti. Pero bigla niya muli itong tinawag.

        "Ahhmm. Sky?"

        "Yes?"  lingon niya muli kay Stephen

        "Yung tungkol kahapon. Kay Calvin... sorry pala"

        "Okay na yun. Hindi naman ako galit sa'yo eh"  dugtong niya kay Stephen  "Basta sa susunod, umiwas ka na lang sa kanya dahil masyadong mainitin ang ulo niya eh"

        "Sige Sky. Masusunod. Sorry ulit"

        "Huwag ka na  ngang magsorry. Sige na. Alis na ako"  ngiti niya ulit at kaagad siyang lumakad palabas ng mansyon.

Habang lumalakad si Sky palabas ng mansyon ay nakatingin naman sa kanya si Stephen na abot-tenga ang kanyang ngiti. Dahil kahit papaano ay nagkaayos na sila ng dating nobya.


Dakong ala-una ng hapon. Sa opisina ni Sky sa DGC.

Nakaupo lang siya sa kanyang office table habang binabasa ang mga report sa kanyang laptop. Hindi niya namalayan na pumasok na pala ang assistant ni Jeff na si Gwen sa opisina.

        "Good afternoon po, Ma'am Sky"  bati ni Gwen  "Sorry po kung pumasok ako ng walang pahintulot. Nakabukas po kasi ang pinto ng office ninyo eh"

        "It's okay, Gwen. Don't need to say sorry"  sabat naman niya  "Bakit ka pala naparito?"

        "Tinatanong kasi ng Papa ninyo, si Sir Jeff, na kung kamusta na po si Sir Mike"

        "Ahh. Yun lang ba?"

        "Yes Ma'am"

        "Ahh. Sige Gwen. Ako na lang ang pupunta sa opisina ni Papa"  sagot nito kay Gwen  "Salamat na lang sa pag-inform sa akin"

        "Okay po, Ma'am. Aalis na po ako"  pagpaalam niya kay Sky

        "And pakisabi na lang kay Papa na I'll be there in 5 minutes"

        "Okay po, Ma'am. Masusunod"

        "Sige Gwen. You may go"

Ngumiti na lang si Gwen kay Sky at kaagad lumabas sa kanyang opisina. Habang si Sky naman ay pinatay na lang ang kanyang laptop at kaagad tumayo para pumunta sa opisina ni Jeff.


Samantala. Sa opisina naman ni Jeff.

May bisita si Jeff sa kanyang opisina at tila seryoso ang kanilang pinag-uusapan na dalawa.

        "Well. Sana inasahan mo ito dahil tutulungan naman kita kahit na papaano"  sambit niya sa kanyang bisita na si George, na may-ari ng The Deluxe Suites Hotel  "Kahit papaano naman ay naging magkaibigan tayo. Ayaw ko lang kasi sa lahat na ikaw pa ang may-ari tapos ikaw pa ang may pinakamaliit na shares. Hindi naman ako papayag na mapupunta sa kanya ang lahat ng pinagpaguran ng pamilya mo"

        "Tama ka, Jeff. May point ka talaga diyan"  sagot naman ni George  "Sa katunayan, si Zeek ang may pakana nito eh. Ang sabi niya kasi sa akin na kausapin kita ng mabuti, dahil baka sakali ay magbago ang desisyon mo kung sasabihin sa'yo ang totoo. Tama talaga siya, mabuti na lang ay nakinig ako sa payo niya sa akin"

        "Really?? Mabuti naman kung ganon"  sagot ni Jeff  "I admit, matalinong bata si Zeek. Alam ko yan dahil nakikita ko sa mga mata at sa kanyang kilos... at hindi naman ako nagkamali"

        "Oo nga eh. Swerte talaga ako sa kanya. Kahit may pinagdadaan kami ngayon sa relasyon namin, proud na proud pa rin ako sa kanya"

        "I'm so happy for you George"  ngiti ni Jeff sa kanya  "Don't worry, malalampasan din  ninyo ang pinagdadaanan ninyong problema. Normal lang yan na mag-away ang magkarelasyon"

        "I know. May tiwala ako na malalampasan namin  ito"

        "Of course, you will. Andito lang ako kapag may kailangan kayo sa akin, kahit buhay pag-ibig o negosyo man yan"

        "Salamat Jeff.. I mean sa lahat-lahat ng tulong mo sa akin"

        "You're welcome"  ngiti niya kay George  "Anyways... pakihintay na lang ang abugado ko dahil pagkatapos nun ay pipirma na tayo na ni-revised na kontrata"

        "Sige. Maghihintay ako dito"

Sakto naman ay pumasok si Gwen sa opisina.

        "Excuse me po, Sir Jeff.."  

        "Yes Gwen? Ano ang sinabi sa'yo ng anak mo?"

        "Ahmm. Siya na lang po daw ang kakausap sa'yo tungkol po doon, Sir"  paliwanag niya kay Jeff  "Papunta na po siya dito"

        "Ahh. Ganon ba? Sige Gwen. Maraming salamat"

        "Meron pa ba kayong may ipag-uutos, Sir?"

        "Wala na Gwen. Pwede ka nang lumabas"

Kaagad naman lumabas ang assistant ni Jeff sa opisina. Naiwan sina Jeff at George sa loob ng opisina at ipinagpatuloy ang kanilang usapan.

Magkalipas ng ilang sandali ay pumasok si Sky sa opisina, Nakita niya na may kasama pala ang kanyang ama at parang importante ang kanilang pinag-uusapan.

        "I'm sorry. May ka-meeting ka po pala, Papa"

        "No. we're nearly done naman"  sagot ni Jeff  "Halika dito anak. Pakilala kita sa bisita ko"  sabay lapit naman ni Sky sa dalawang nakaupo  "Mister Salcedo, this is my daughter, Sky. The owner of Dy Group of Companies. And Sky, this is Mister George Salcedo, owner of The Deluxe Suites Hotel"

        "Ahh. Ikaw pala yun"  sambit ni Sky at may biglang naalala  "Ikaw ang nag-request ng meeting nung isang araw"

        "Yes Ma'am. Ako nga yun"  sabay kamay nila sa isa't-isa.

        "So, kamusta na? Any progress?"

        "Yes anak"  sabat naman ni Jeff sa usapan ng dalawa  "Hinintay lang namin si Atty. Villanueva for the legality ng pinag-usapan namin. Para mapirmahan na namin ang kontrata ngayon"

        "Ganon ba..?"  sulyap niya muli kay George  "Good good. Welcome to the group, Mister Salcedo"

        "Thank you, Miss Dy. It's a pleasure na makatrabaho ko ang Dy Group of Companies"

        "No. Don't call me 'Miss' or 'Ma'am'. Just call me Sky"

        "Bakit? That's so informal. Andito tayo sa building ninyo"

        "I know. Pero hindi lang kasi ako sanay na tinatawag ako ng ganon lalung-lalo na sa kapwa kong negosyante"

        "Ganon talaga ang anak ko, George"  sabat ulit ni Jeff sa usapan  "Masyado lang kasi siyang humble"

        "Well. I can say na may pinagmanahan si Miss... I mean si Sky ng ugali"  sabay tingin ni George kay Jeff nang nakangiti.

Nakita naman ito ni Sky na tingin nito sa kanyang ama at kaagad niyang pintutol ang kanilang usapan “Oo nga pala, Papa. Ano po ang tanong ninyo sa akin..?”

        "Wala naman anak. Gusto ko lang makibalita kung kamusta na ang pinsan mo"

        "Yun nga Papa eh. Mabigat ang problema niya ngayon. Tungkol po ito sa kanilang mag-asawa"  kwento ni Sky sa ama  "Baka hindi pa rin siya makapasok ng ilan pang mga araw"

        "Ano ba ang problema nilang dalawa?"

        "Iniwan po siya ng asawa niya, Papa. Lungkot na lungkot siya ngayon dahil iniwan siya sa ere"

        "Talaga? Kawawa naman ang pamangkin ko"  sambit ni Jeff  "Pakisabi na lang sa kanya na maging matapang siya sa pinagdadaanan niya ngayon.  Papayag na lang ako na wala muna siya sa meeting. Wala naman akong magagawa eh"

        "Bakit Papa? Hindi ba kayo natuloy kahapon?"

        "Hindi eh. Kinancel ko dahil importante sana kung andoon si Mike sa meeting"  paliwanag ni Jeff  "Pero okay na lang. Sasabihin ko na lang sa Board na hindi siya makadalo dahil may prior commitment siya"

        "Opo Papa. Tama po kayo diyan. Bigyan mo muna siya ng oras at panahon si Mike"

        "Gagawin ko talaga yon dahil tulad nga ng sinabi ko sa'yo, bigyan natin siya ng importansiya dahil tayo na lang ang natirang pamilya niya"

        "Yun nga po Papa eh. Magpapaalam po sana ako sa'yo"

        "Para saan anak?"

        "Kung okay lang po sana na doon muna ako sa kanya. Kahit ilang araw lang po Papa"  pagpapaalam niya sa ama  "Gusto ko lang kasi na samahan siya dahil mag-isa lang siya sa kanyang bahay"

        "Ganon ba? Sige anak. Walang problema"  pagpayag ni Jeff  "Basta tapusin mo lang ang trabaho mo dito bago ka pumunta sa kanya, okay?"

        "Okay po Papa. Salamat sa pagpayag"  ngiti ni Sky sa kanya  "Sige po. Balik na po ako sa opisina ko"

        "Sige Sky"

        "Bye Papa"  at sumulyap din siya kay George na kanina pang nakikinig sa usapan nila  "Goodbye Mister Salcedo. Sana makausap pa kita ng mas matagal"

        "Looking forward to that, Sky"

        "... And have fun dito sa amin"

        "Sige Sky. Don't worry. I will"

Kaagad dumerecho si Sky sa pintuan at lumabas na ng opisina. Samantala silang dalawa naman ay pinagpatuloy ang kanilang usapan tungkol sa plano ni George sa DGC. Hinihintay din nila ang abugado ni Jeff para maging legal na ang kanilang magiging kontrata.


Dakong alas-sais ng gabi nang matapos si Sky ng kanyang mga gawain sa kanyang opisina. Doon na siya nagdesisyon na mag-ayos ng sarili at dederecho sa bahay ng pinsan para samahan niya ito.

Pero bago siya umalis ay pumunta muna siya sa kanyang ama para makapagpaalam ito ng maayos.

        "Good evening, Papa"  bati ni Sky habang lumalakad siya papasok ng opisina ni Jeff.

        "Oh Sky. Tapos ka na sa trabaho mo?"

        "Opo Papa"  sagot niya  "Magpapaalam lang sana ako sa'yo na aalis na ako"

        "Ahh.. Sure. Pwede ka nang umalis"  sambit ni Jeff  "Baka kailangan ka na ni Mike doon"

        "Sige po, Papa. Alis na po ako"

        "Sige anak. Mag-iingat ka sa pagmamaneho"

Bago lumabas si Sky ay may bigla na naman siyang naalala tungkol kanina “Ahmmm. Papa?”

        "Yes..?"  sagot niya habang may binabasa sa kanyang laptop.  "May nakalimutan ka, anak?"

        "Wala naman po. Pero may itatanong sana ako sa'yo. Papa"

        "Ano yun, Sky?"

        "Tungkol po ito kasi kay Mister Salcedo"

        "Kay George...??"  ulit ni Jeff  "Bakit naman anak? May problema ka ba sa kanya?"

        "May bumabagabag kasi sa akin Papa eh"  panimula ni Sky  "Nakita ko kasi  kanina na malagkit ang tingin niya sa'yo. May namamagitan ba sa inyo ni Mister Salcedo?"

        "What..??"  sabay halakhak ng todo ni Jeff sa narinig mula sa kanyang anak  "Seryoso ka Sky?"

        "Opo Papa. Para kasing may gusto siya sa'yo eh. Tapos ikaw naman, parang nagpapakita ka rin ng motibo sa kanya"

        "Sky ha... watch your words ha. I'm still your father"

        "Sorry po Papa"

        "It's okay anak"  sagot naman ni Jeff sa kanya  "Well. Just to clear your doubts. No. Walang namamagitan sa amin dahil magkaibigan lang kami ni George. Yes. Naging kami nung high school pero matagal na panahon na iyon"

        "Ahhh. Kaya pala..."

        "Yes. Yun ang rason kung bakit ganyan siya makatingin sa akin"

        "Ganon pala yun"  sabay ngiti ni Sky sa kanyang ama  "Sorry Papa kung napagdudahan ko kayo"

        "It's okay anak. Hindi mo rin alam eh. Ang importante naman ay nagtanong ka bago ka mag-assume sa amin"  sagot ni Jeff  "Sige na Sky. Gumagabi na. Kailangan na ni Mike"

        "Sige po Papa. Alis na ako"

Hindi sumagot si Jeff sa muling pagpaalam ni Sky sa kanya dahil mabilis itong lumakad palabas ng opisina.

Itutuloy…

TCG: Chapter 15 (Moving-on)

Nakaupo pa rin si Mike sa paborito niyang lugar sa sala. Ito ay walang iba kundi ang sahig. Nakasandal siya sa paanan ng sofa habang nakatulala pa rin at hindi makapaniwala na wala na sila ng kanyang pinakamamahal na si Anthony.

        "Wala na talagang nagmamahal sa akin"  iyak ni Mike habang umaagos ang kanyang mga luha sa mukha  "Kahit lalaki o babae man, pinili nila ako na iwan sa ere. Ang sakit-sakit. Sobrang sakit"  at kinuha niya ang bread knife na nakalatag sa center table ng sala  "Mabuti na lang siguro na tapusin ko na lang ang buhay ko. Tutal, wala namang nagmamahal sa akin eh"

Unting-unti na nilalapit niya ang talim ng kutsilyo sa kanyang braso nang may biglang tumakbo at pinigil ang kanyang tangkang pagpapakamatay.

        "Cous. Huwag mong gawin yan!!"  sabay kuha ni Sky sa kamay ng pinsan at itinapon sa malayo ang kutsilyo  "Ano ka ba? Gusto mo bang magpakamatay? Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa sarili mo...?"

        "Pabayaan mo ako.."  iyak ni Mike habang nagsimula nang gumapang sa sahig papunta sa direksyon ng kutsilyo  "Kailangan ko nang mawala sa mundong ito"

        "Ano ba ang nangyayari sa'yo cous?"  sabay habol ni Sky sa pinsan at kinuha niya agad ang kutsilyo bago pa ni Mike maabot  "Magpapakamatay ka...? Para ano? Para masayang lang ang buhay mo sa walang kwentang tao...?"

        "Wala nang nagmamahal sa akin..."  iyak niya at humiga ito sa sahig  "Iniwan nila ako lahat. Silang lahat. Wala na talaga akong kwenta"

        "Ano ka ba... nagkakamali ka cous"  hindi pagsang-ayon ni Sky sa kanyang sinasabi  "Andito kami ni Papa. Kami na pamilya mo na nagmamahal sa'yo"

Pero hindi niya pinansin ang paalala sa kanya ng pinsan at pinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pag-iiyak.

        "Gusto ko nang mamatay. Please. Ibigay mo na yan sa akin ang kutsilyo. Gusto ko nang kitilin ang buhay ko"

        "Naririnig mo ba ang sarili mo...? Magpapakamatay ka sa taong yan? He doesn't deserve it, cous"  sabay luhod sa tabi ng pinsan  "Cous. Maawa ka naman sa sarili mo oh. Bigyan mo naman ng value ang sarili mo. Mahal ka namin"

        "Pero hindi niya ako mahal"

        "E ano ngayon? Hindi siya deserving sa pagmamahal mo, cous"  pagpapatuloy pa ni Sky sa kanyang pagpayo  "Hindi siya para sa'yo. Makakahanap ka rin ng para sa'yo. Maybe it's a good thing na wala na kayo dahil merong tao ang mas karapat-dapat para sa pagmamahal mo"

        "Nasabi mo lang yan dahil wala ka sa posisyon ko"  dugtong ni Mike habang dumadaloy ang luha niya sa gilid at dumerecho sa tenga bago tumulo sa sahig  "Madaling mag-advice dahil hindi mo naranasan ang nararamdaman ko ngayon"

        "No. Nagkakamali ka"  tanggol ni Sky sa sarili  "Nangyari na ito sa akin. Naalala mo? Noon kay Stephen?"  paalala ni Sky  "Iniwan niya ako sa ere dahil wala na daw akong oras at panahon sa kanya. Masyado akong nasaktan noon dahil sa ginawa niya"  kuwento nito sa pinsan  "Pero wala akong magagawa at kailangan kong tumayo para sa sarili ko dahil na-realize ko na may mga tao pa na nagmamahal sa akin. Iyon ang pamilya ko"  sabay tulo ng luha ni Sky habang inaalala niya ang nangyari sa kanya  "Kaya sinasabi ko sa'yo ito dahil ayaw kong maranasan mo ang naranasan ko noon dahil sobrang sakit. Dahil mahal na mahal kita, cous. Ayaw kitang nakikita na ganito"

Biglang natahimik si Mike sa mga sinabi sa kanya ng pinsan. Talagang natamaan siya sa pinsan. Bumangon siya sa sahig at tinignan ng mabuti si Sky.

        "Hindi ko pala alam na ganyan mo pala ako kamahal Sky"  sambit niya dito  "Akala ko kasi na balewala lang ako sa inyo ni Tito eh. Salamat Sky"  at hinawakan niya ang kamay nito  "Salamat sa mga sinabi mo dahil napagtanto ko kahit papaano na may point ka. Wala siyang kwentang tao at hindi niya deserve ito. Pero mahal ko pa rin siya at hinding-hindi maalis iyon"

        "Tama ka..."  sabay tango ng ulo ni Sky  "Hindi naman ganyan kadali na mabura agad sa puso  mo ang taong mahal mo. Pero pilitin mo na kalimutan siya para maging okay ka na. Para naman sa'yo yan cous"

        "I will cous. Don't worry"  gumaan ang nararamdaman ni Mike at kaagad niyakap si Sky ng sobrang higpit  "Salamat dahil hindi mo ako sinusukuan"

        "Masaya ako dahil kahit papaano ay okay ka na, cous"  ganting yakap niya sa pinsan  "Ipagpatuloy mo lang yan"

        "I know. At kailangan kong gawin ito"

        "Very good cous"  ngiti niya  "So okay ka na? Pwede na ba tayong kumain?"

        "Hindi pa ako nakapagluto eh. Pasensiya na"

        "Okay lang. Bumili ako ng lechong manok bago ako pumunta dito"  doon tumayo si Sky  "Tumayo ka na diyan, cous. Kukunin ko lang ang ulam sa loob ng sasakyan. Nakalimutan kong dalhin eh"

        "Ahh. Sige cous. Andito lang ako"

        "Promise? Diyan ka lang ha. Huwag mong patayon ang sarili mo..."  biro ni Sky

        "Don't worry, cous. Hindi ko na gagawin yan"

        "Good"  dugtong ni Sky  "Labas muna ako"

Kaagad siyang lumabas ng bahay at ng gate at pumunta sa kanyang kotse para kunin ang binili niyang ulam kanina. Si Mike naman ay dumerecho sa hapagkainan at doon hinintay ang pinsan.


Kinabukasan. Sa silid nina Jeff at Nathan.

Kagigising lang ni Jeff at nakaupo siya sa kama habang nakatitig sa sahig na parang malalim ang kanyang iniisip.

        "Babe? Are you okay?"  sabay bangon ni Nathan sa kama  "Parang hindi ka gumagalaw diyan ah"

        "Sorry babe. May iniisip lang"

Kaagad naman tumayo at lumibot si Nathan para puntahan si Jeff sa kabilang side ng kama. Doon siya lumuhod sa harapan ng asawa habang nakatingin ito sa kanya.

        "Tell me..."  sabay kuha ni Nathan ng isang kamay ni Jeff at hinalikan ito  "What's bothering you?"

        "Yung kahapon. Yung sinabi ni Stephen tungkol kay Calvin.."

        "Bakit? Sumama ba ang loob mo sa sinabi ng anak ko sa nobyo ng anak mo? Teka lang. Kakausapin ko siya"

        "No. Hindi babe"  pigil niya sa asawa  "Hindi sumama ang loob ko kay Stephen"

        "Then what? Bakit bagsak ngayon ang mukha mo dahil doon?"

        "Naisip ko lang kasi, what if kung totoo ang sinabi ni Stephen?"  sambit niya  "What if kung totoo nga na nagpapanggap lang siya ng kanyang ugali...?"

        "Paano mo naman nasabi na totoo ang sinabi ng anak ko kay Calvin?"

        "Kasi nakita at narinig ko sila kahapon sa monitor ng CCTV. Nung inihatid siya ni Mike dito"  kuwento niya kay Nathan  "Narinig ko lahat ang usapan nila, lalung-lalo na ang pangbabastos niya kay Mike"

        "Alam na ba nito ng anak mo ang tungkol dito?"

        "Hindi pa. Pero hindi pa ako sigurado na totoo nga ang iyon. Baka nag-away lang sila kaya nasabi iyon ni Calvin"  sagot ni Jeff na parang hindi pa sigurado kahit narinig at napatunayan niya na ang ugali ng nobyo ng anak  "Hahanap pa ako ng mas matibay na dahilan o ebidensya para maniwala na ako na totoo ang sinabi ni Stephen"

        "Tama ka babe. Baka naman nadala lang si Calvin dahil nag-aalala siya kay Sky. O baka naman may problema silang dalawa"  sabay halik muli ni Nathan sa kamay ng asawa  "Huwag muna tayo makialam at sumali sa away nila"

        "Sige babe. Tama ang sinabi mo"  pagsang-ayon ni Jeff sa mungkahi ni Nathan  "Huwag muna tayong sumali sa away ng mga anak natin"  

Kaagad tumayo si Nathan at dahan-dahan hinila ang braso ng asawa “Tara na babe. Tumayo ka na diyan”

        "Saan babe?"

        "Sa banyo. Sabay tayo maligo"  ngiti nito sa asawa  "Matagal na kasi na hindi mo nalilinis ang tubo ko... I mean ang katawan ko eh"

        "Naku. Ayan ka na naman babe ehh"  ngiti din ni Jeff

        "Ayaw mo ba?? Sige. Kung ayaw mo, okay lang sa akin"  pagtatampo ni Nathan sa asawa.

        "Heto na nga babe. Eto naman. Mabilis magtampo eh"  kaagad tumayo si Jeff at lumakad papunta sa kanilang banyo  "Tara na babe. Maligo na tayo. Lilinisin ko na ang nakabara sa tubo mo..."

Walang sabi-sabi ay sinundan ni Nathan si Jeff patungo sa banyo. Nang pagpasok nila ng banyo ay hinalikan niya ito sa labi ng sobrang diin na parang miss na miss niya ang kanyang asawa.


Samantala. Sa bahay ni Mike.

Maaga ding gumising si Sky dahil gusto niya na siya ang magluluto ng agahan para sa kanyang pinsan.

        "Good morning, cous..!!"  sigaw ni Sky habang lumalapit si Mike sa kanya sa kusina  "Breakfast is served. Kumain ka na"  ngiti niya

        "Thank you, cous. Salamat sa abala pero mamaya na lang ako kakain. Wala pa akong gana eh"  sambit niya na parang hindi maipinta ang kanyang mukha.

        "Cous naman. Huwag mo naman hayaan at pabayaan yang katawan mo"  sambit ni Sky sa kanya  "Kumain ka kahit kaunti lang. Sayang naman ang niluto ko"

        "Sana hindi ka na lang nagluto cous eh"  at bigla naman pumula ang kanyang ilong na parang iiyak ito  "Sorry cous kung iiyak na naman ako. Naalala ko lang kasi si Anthony. Dahil siya ang nagluluto ng agahan namin eh. Namiss ko siya. Sobra"

        "Cous. Wala na kayo diba? Tanggapin mo na lang sa sarili mo na hindi na mangyayari ulit ang mga ginagawa ninyo noon"

        "Alam ko naman yan eh. Pero miss na miss ko lang siya at ang hirap mag-move-on kapag naalala ko siya parati at ang mga ginagawa namin dito araw-araw"

        "Problema ba yun? Edi lumabas ka... pumasok ka sa opisina mo"  payo ni Sky sa kanya  "Oh ito na lang. Doon ka muna sa mansyon tumira. Para naman umiba naman ang kapaligiran mo. Mahirap kasi mag-move-on kung parating pinapaalala ng lugar na 'to ang mga ginagawa ninyo noon"

        "What?? No. Ayaw ko Sky"  tanggi ni Mike sa alok ng pinsan  "Baka malaman ni Tito Jeff ang totoong dahilan ng problema ko. Nakakahiya. Ayoko"

        "Bakit naman? Tito mo naman siya"

        "Ayaw ko nga, cous. Hindi pa ako handa na malaman ng iba ang totoo kong pagkatao"  pagmamatigas ni Mike  "Akala ko ba ay naiintindihan mo ako"

        "Iniisip ko lang naman kung ano ang makabubuti sa'yo eh. Sige na cous. Sumama ka na sa akin sa mansyon at doon ka muna titira. Kahit isang linggo o isang buwan lang"

        "E paano ang Papa mo..?"

        "Kung hindi ka pa handa, i-dahilan mo lang ang dati mong dahilan sa akin noon"  mungkahi ni Sky  "... na nagkahiwalay kayo ng asawa mo"

        "Hmmm. Sige. Susubukan ko. Pero tutulungan mo ako kapag nahahalata na si Tito ha?"

        "Oo na. Ako na ang bahala dun"  paniniguro nito sa kanyang pinsan  "Sige na cous. Mag-empake ka na ng mga gamit mo at aalis na tayo pabalik ng mansyon"

        "Ngayon na...?"

        "Oo. Ngayon na. Bilisan mo na cous"

        "Oo na..."  at tumayo si Mike sa hapagkainan at dumerecho muli sa silid upang mag-empake ng kanyang mga gamit.

Dakong alas-diyes ng umaga ay nasa opisina na si Jeff at may inaayos sa kanyang mesa.

        "Good morning, Sir"  sambit ni Gwen habang papasok ng opisina. Tumingala naman si Jeff sa kanya habang nagsusulat  "May bisita po kayo.."

Napakunot ng noo si Jeff dahil wala naman siyang inaasahan na bisita sa araw na iyon. Napalaki na lamang ang kanyang mga mata sa taong biglang pumasok. Isang kaibigan na matagal na panahon niya hindi nakita.

        "Bes...!!!"  sigaw ni Jacqui sa kanya habang tumatakbo papunta sa kanya  "Kamusta ka na...?! I miss you so much"

        "Ito... okay lang ako"  yakap din ni Jeff sa kanya  "Grabe. Sobrang na-miss kita Atty. Alonzo"

        "Huwaw haa.. Iyon talaga ang tawag mo sa akin..??"  sambit niya sa kaibigan  "parang napaka-formal naman yan, bes. Parang hindi tayong magkaibigan ah"

        "Sorry bes... nasanay lang kasi ako na pormal ang pagsasalita ko dahil puro professional ang kaharap ko parati"

        "Hay naku bes. Masyado ka kasing workaholic eh"  sambit sa kanya ng kanyang bestfriend  "Kung ako sa'yo, lumabas ka naman kahit minsan. Diba? Yon lang ang parati kong sinasabi sa'yo kahit noon pa...?"

        "E saan naman ako pupunta..? Aber..??"

        "Clubbing. Lumabas ka kasama ng mga kaibigan mo. Ako"

        "Seryoso ka?? Sa tanda natin 'to, pupunta pa tayo sa mga ganyang lugar? Huwag na lang. Mas mabuti pa na matulog na lang ako ng maaga sa mansyon at magtrabaho kinabukasan"

        "Ewan ko sa'yo, bes. Ikaw ang bahala"  buntong-hininga ni Jacqui  "Gumaya ka kaya sa akin. Nanggaling ako sa Barcelona, Spain last week lang. Nagbakasyon"

        "Well. Good for you dahil nakapunta ka na doon"

        "Oo nga bes eh. Sobrang ganda ng simbahan doon. Yung Sagrada Familia. Napaka-majestic ang architectorial design niya. Sana makita mo rin yun bes"

        "Hay bes. Ilang beses na ako nakapunta diyan"  buntong-hininga ni Jeff sa kanya  "Doon ako tumira ng maraming taon sa Barcelona diba?"

        "Ay.. oo nga pala. Doon ka nga pala dinala ng Papá mo noon"  dugtong ni Jacqui  "Oo nga pala, how's Don Rolando?"

        "He died five years ago. Mas nauna siyang namatay kay nanay"

        "Oo nga pala. Nakalimutan ko. They got married ba?"

        "Nope. Hindi natuloy ang kasalan nila"  sagot ni Jeff habang binabalik ang mga nangyari noon  "Ang sabi lang kasi ni nanay noon na wala namang kwenta ang kasalan yon dahil matanda na silang dalawa. Masaya naman sila kung ano sila noon"

        "Talaga? Ang importante sa ngayon ay magkasama na sila sa langit. Not to mention your biological father ha. Dalawa ang lalaki ni Nanay Joyce sa taas. Ang ganda"  sabay ngiti ni Jacqui.

Itutuloy…

TCG: Chapter 16 (Pagkatao ni RK)

Patuloy pa rin ang kuwentuhan ng magkaibigan dahil ilang taon din na hindi sila nagkita at nagkausap. Binalik nila ang mga nangyari noon lalung-lalo na ang ina ni Jeff na si Joyce at ang relasyon niya sa ama-amahan nito na si Don Rolando.

        "Yes. Maganda talaga si nanay. Siya ang pinakamagandang babae sa buong mundo"

        "Wow... nakaka-touch naman yun"

        "Oo naman. Nanay ko siya"  dugtong ni Jeff  "Oo nga pala bes. Anong ginagawa mo dito, except sa pagbibisita mo sa akin?"

        "Well. May itatanong lang sana ako sa'yo na a few questions"

        "Questions? Tungkol saan naman?"

        "Tungkol sa totoong José Hidalgo. Ang anak ni Don Rolando"

        "What about him?"

        "Totoo ba na patay na siya?"

        "Of course. Yun ang sabi sa akin ni Papá noon"  paniniguro ni Jeff sa kaibigan na abugado  "Na namatay ang asawa at anak niya sa isang aksidente"

        "Pero may pinakita ba sa'yo ang Papá mo na mga puntod nila? Or kahit isang ebidensya lang na patay talaga sila?"

        "Yun ang hindi nasabi ni Papá. Teka. Bakit mo naman naitanong yan?"

        "I think we have a problem"

        "What? Anong problema?"

        "Kasi nung nasa Barcelona ako, may nakita akong pangalan sa logbook ng hotel"  kuwento niya kay Jeff  "Nagulat ako dahil ang pangalan na nakita ko ay ang pangalan mo, José Hidalgo"

        "Nonesense. Hindi ako umalis papunta sa Barcelona bes dahil andito ako buong buwan sa Pilipinas, alam mo yan"

        "Hindi naman ikaw ang tinutukoy ko bes eh. Kundi ang totoong José Hidalgo. What if kung buhay siya..?"

        "Ano ba yan. Ang OA mo. Baka nagkataon lang ga kapangalan ko siya. Sa dinami-dami ng tao sa Espanya, may posibilidad na meron akong kapangalan"

        "Hindi bes eh. Mali ka"

        "Ano? Paano ka naman makapagsabi na mali ako?"
         "Kasi nag-imbestiga ako nung nakita ko ang pangalan mo. Lahat ng impormasyon ay nakuha ko..."  kuwento niya sa kaibigan habang nakatingin ito sa kanyang mga mata  "Bes.. hindi ako nagkakamali, siya nga ang anak ni Don Rolando"

        "What..??!"  kunot ng noo ni Jeff  "Paano mangyayari na buhay siya?"

        "Yun din ang tanong ko sa kanya bes. Pero hindi daw totoo na namatay at naaksidente sila ng ina niya"

        "Teka... kinausap mo siya...? Kelan at paano?"
         "Oo bes. Kinausap ko ang totoong José Hidalgo. Kwinento niya lahat sa akin ang buong katotohanan"  kuwento ni Jacqui sa kanya  "Siguro nakatakda talaga na doon ako magbakasyon dahil may mga sikreto pa tayong dapat na malaman sa Papá mo, kay Don Rolando"  sambit niya kay Jeff.

        "Hindi ko pa rin naiintindihan hanggang ngayon eh. Buhay siya at ano ang ibig mong sabihin na sikreto ni Papá?"

        "Hindi ako ang makakasagot ng tanong na yan, bes. Mas mabuti pa na kayong dalawa ang mag-usap"

        "Andito siya?"
         "Wala pa. Pero papunta pa lamang siya dito sa Pilipinas. May inaayos lang siya doon sa Espanya bago siya pumunta dito"

        "Ano ba 'to... hindi pa ako handa na kausapin ang totoong José Hidalgo"  sambit ni Jeff sa kanya  "Nahihiya ako sa ginawa ko, bes. Ninakawan ko siya ng pagkatao"

        "Hindi mo naman kasalanan yun, bes. Kasalanan yan ng Papá mo. Pareho kayong biktima sa ginawa niya. At dahil dun, kailangan ninyong mag-usap na dalawa at ayusin ang gulo na ginawa ni Don Rolando"

        "Sige.."  buntong-hininga ni Jeff  "Kakausapin ko siya ng maayos at para maging maayos na lahat. Para matapos na ito kaagad"

        "Very good bes, That's the spirit"  sambit niya kay Jeff  "So paano, alis na ako. I'll just call you kapag nandito na sa Pilipinas si José Hidalgo, okay?"

        "Sige bes. Mag-iingat ka. Salamat sa impormasyon:

        "You're welcome beshie. Goodbye"  sabay ngiti ni Jacqui sa kanya.

Lumakad palabas ng opisina si Jacqui habang si Jeff naman ay naging malalim na ang iniisp tungkol sa sinabi sa kanya ng kaibigan, tungkol sa totoong José Hidalgo. Ngayon ay nalaman niya na at buhay ang totoong nagmamay-ari sa kanyang pangalan, paano na siya? Ano ang kanyang gagawin kung mawala na ang kanyang identity?


Samantala.

Kakarating lang nina Sky at Mike sa mansyon. Nahihingal ng sobra sina Sky at Mike dahil sa maraming bagahe ang balik-balik niyang pinasok sa mansyon mula sa kanyang sasakyan.

        "Haay naku"  hinga ng malalim ni Sky sabay upo niya sa sofa  "Natapos din. Cous, mamaya na tayong umakyat, magpahinga muna tayo dito. Sobra akong nahingal eh"

        "Sige cous"  tanging sagot ni Mike at umupo din siya sa tabi ng pinsan.

Nahalata ni Sky si Mike na parang nag-aalala pa rin ito dahil baka mahalata at mabisto siya ng kanyang Papa.

        "Cous? Okay ka lang?"  tanong ni Sky  "Are you still worried tungkol kay Papa?"

        "Oo cous eh. Nahihiya talaga ako dahil sa gagawin kong panloloko sa kanya. Baka ikamumuhian niya ako kapag malaman niya ang katotohanan"

        "Cous. Mabait si Papa. Alam mo yan diba?"  paalala ni Sky sa kanya  "Maiintindihan ka niya naman sa gagawin mong pagsisinungaling. Pero mas maiintindihan ka niya siguro kapag sasabihin mo na sa kanya ang totoo mong pagkatao"

        "Ewan ko. Mukhang mahirap cous eh"  buntong-hininga ni Mike sa kanya  "Hindi ko pa kayang aminin kay Tito ang totoo kong pagkatao"

        "Bakit hindi? Eh sa lahat nga ng tao, siya ang mas makakaintindi sa kalagayan mo diba? Dahil naranasan niya na noon ang pinagdadaanan mo ngayon, at isa pa, Tito mo siya, kapamilya mo siya"

        "Sana nga cous, Sana totoo ang mga sinasabi mo"

Naputol ang kanilang usapan na dalawa nang dumating si Stephen sa malaking sala ng mansyon.

        "Parang seryoso ang pinag-uusapan ninyong dalawa ah"  sambit niya sa dalawa  "Pwede bang sumali?"

        "Uy Pre. Kamusta ka na..?"  sabay tayo ni Mike at kinamay si Stephen

        "Heto. Ayos lang naman. Maghahanap na ako ng trabaho"  sagot ni Stephen at napatingin siya sa mga maleta na nasa sala  "Oh. Bakit may mga maleta dito? Sa'yo ba 'to Mike?"

        "Ahmmm. Oo Pre eh. Dito muna ako titira pansamantala. Kung okay lang sa'yo.."

        "Naku. Walang problema sa akin, Pre. Welcome na welcome ka dito"  sagot ni Stephen sa kanya  "At tsaka, wala naman akong karapatan dito sa mansyon eh. Kay Sky ka magpaalam kasi siya naman ang may-ari nito"

        "Kahit na. Isa ka pa rin sa nakatira dito. Kaya nagpapaalam ako sa'yo na dito muna ako pansamantala"

        "Ayos lang yun, Pre. Don't worry"  doon niya napanisn nga may problema na pinagdadaanan si Mike dahil mabigat ang mukha nito at parang malungkot ang tono ng boses. Tinapik niya na lang ang balikat nito at nagsabing...  "Kaya mo yan, Mike. Andito lang kami para sa'yo"

        "Salamat Pre"  panlulumo ng mga mata ni Mike. Kaagad niya naman pinunasan ang kanyang babagsak na luha at ngumiti  "Ano ba 'to... masyado na akong nagdadrama. Akyat muna ako"  sabay kuha niya ng dalawang bagahe malapit sa sofa  "I-akyat ko muna ito sa magiging silid ko"

        "Sige Pre"  sabay tawag niya sa katulong  "Manang..!"  magkalipas ng ilang sandali ay dumating ang kanilang katulong  "Pakisamahan si Mike sa guest room natin sa itaas"

        "Okay po Sir Stephen"  sagot ng babae.

        "Salamat Manang"  at tumingin siya muli kay Mike  "Ako na lang ang aakyat sa mga natira mong gamit"  pero hindi sumagot si Mike at kaagad umalis at lumakad papunta ng elevator kasama ang katulong na inutusan ni Stephen.

Samantala naman ay naiwan sina Sky at Stephen sa sala at hinintay na umakyat ang elevator na sinasakyan ni Stephen at mawala ito sa kanilang paningin.

        "Salamat"  sambit ni Sky kay Stephen.

Lumingon naman siya sa dating nobya dahil bigla itong nagsalita “Salamat..?” ulit niya “Salamat saan?”

        "Sa mga sinabi mo sa kanya. Para kahit papaano ay gumaan ang kanyang nararamdaman ngayon"

        "You're welcome"  sagot niya  "Anything for your family"

        "Salamat ulit"  ulit ni Sky  "Sige, Iakyat mo na yan sa kwarto niya sa itaas. Punta muna ako sa kwarto ko"

Aalis na sana si Sky sa harapan ni Stephen pero pinigilan siya nito gamit sa paghawak sa braso ng dating nobya.

        "Sky..."

        "Bakit?"  lingon niya muli kay Stephen  

        "Ano ba talaga ang problema ni Mike..? Tungkol pa ba 'to sa naging karelasyon niyang lalaki..??"

        "Nasagot ko na yan diba? Kaya pwede ba? Bitawan mo ang kamay ko"

Kaagad naman binitawan ni Stephen ang braso ni Sky. Nagmamadali siya lumakad papunta sa hagdan. “Narinig ko ang usapan ninyong dalawa”

Doon napahinto si Sky sa sinabi ni Stephen. Ano ang ibig niyang sabihin? Ano kaya ang narinig niya sa usapan ng dalawa?

        "Ano ang ibig mong sabihin?"
         "Narinig ko na parang may tinatago si Mike sa Papa mo... ano yun..?"

        "Wala yun. Huwag mo nang pakialaman ang pag-uusap namin"

        "Tungkol ba 'to sa totoong sekswalidad ni Mike?"

        "What? Hindi ko alam ang tinutukoy mo"

        "Sky. Huwag mo namang pagtakpan si Mike dahil alam na ang totoong pagkatao niya"

        "Seryoso ka Stephen? Hindi ka pa ba talaga nakapag-move-on sa nakita mo sa opisina ng pinsan ko at sa 'kayakap' niyang lalaki..?"

        "Kasi nga totoo. At yun ang nagpapatunay na may relasyon sila at iba ang sekswalidad ni Mike"

        "Porke nagkayakapan na, bakla na agad? Ganon ba yun?"  ulit niya kay Stephen  "Kung makita mo akong may kayakap na babae, so ang ibig sabihin, tomboy na rin ako....???"

        "Of course not"

        "Oh.. yon naman pala eh. So bakit mo pa ginagawa ng issue yan?"

        "Hindi ako gumagawa ng issue"  dugtong ni Stephen sa kanya  "Alam ko dahil iba ang yakapan nila. Parang may malisya... lalung-lalo na ang titigan nilang dalawa. Parang sinasabi nila na mahal nila ang isa't-isa"

Natigilan si Sky sa ibinigay na dahilan ni Stephen sa kanya. Hindi niya alam kung paano ipagtatanggol ang pinsan dito.

        "You're just imagining things, Stephen. Gumagawa ka lang talaga ng issue"  sabay hinga ng malalim ni Sky sa kanya  "Sige na. Aakyat na ako. Magpapahinga muna ako dahil pagod na pagod ako sa kakabitbit ng mga gamit niya"

Hindi na lang sumagot si Stephen dahil kaagad siyang iniwan ni Sky sa sala paakyat ng hagdan.


Dakong alas-singko ng hapon habang papasok ng klase si Calvin at tinawagan niya ang kanyang nobya na si Sky sa kanyang telepono. Ilang beses na paulit-ulit ang kanyang pagtawag pero hindi pa rin ito sinasagot ng kabilang linya.

Doon na nag-init ang ulo niya dahil walang plano si Sky na kausapin siya. Nagdesisyon na lang siya na tawagan ang ama niya na si Alvin.

Alvin: Hello anak…? Bakit ka napatawag?

Calvin:Tay. Hindi pa rin kasi sinasagot ni Sky ang mga tawag ko eh.Baka sasagot siya kung ikaw ang tatawag sa kanya.

A: Naku anak. Hayaan mo muna ang girlfriend mo dahil masama pa siguro ang loob niya sa ginawa mo sa pinsan niya.

C: E yun nga ang purpose ko kung bakit ako ngayon tumatawag sa kanya, ’tay. Mahihingi ako ng tawad sa kanya.

A: Anak. Cal. Kumalma ka lang, okay? Everything will be fine kung hahayaan mo muna siya.

C: Hindi tay eh. Mahal ko si Sky. Ayaw kong mawala siya sa akin.

A: Wala naman akong sinabi na hihiwalayan mo siya. What I mean is ——

C: —— sige Tay. Salamat na lang sa tulong. Akala ko ay matutulungan mo ako. Hindi pala. Bye..!

Kaagad niyang binagsak ang kanyang telepono dahil parang hindi siya matutulungan ng kanyang ama at masama ang loob nito. Nagwawala siya sa kanyang kotse na parang bata.

Magkalipas ng ilang sandali ay nagdesisyon na lang siya na hindi pumasok sa kanyang klase sa Law. Pupuntahan niya na lang sa mansyon ang kanyang girlfriend para kausapin ng maayos at humingi ng tawad.


Samantala. Sa mansyon.

Imbes na dumerecho si Stephen sa kanyang silid ay pumunta ito sa kwarto ng kapatid na si RK.

        "What are you doing here??!"  sigaw ni RK sa kanyang kuya  "You didn't even knock!"

        "Sorry bro. Namiss lang kasi kita kaya pumunta ako dito sa room mo"  sambit ni Stephen habang papalapit kay RK na nasa kama nito at nakakumot na parang may tinatago sa ilalim  "Ano ba ang ginagawa mo dito?"

        "That's none of your business"

        "RK.. Kausapin mo naman ako"  sabay upo niya sa tabi ng kapatid  "Hindi kasi tayo nakapag-usap ng maayos nung umuwi ako dito eh"

        "So...?? Ganyan naman tayo parati diba? Hindi mo ako kinakausap ng maayos dahil naging busy ka sa trabaho mo"

        "Galit ka pa rin ba sa akin? Dahil iniwan kita dito?"

        "Hindi pa ba halata yun?"  ulit ni RK sa kanyang kuya  "Iniwan mo ako dito sa kanila kahit ayaw ko sa kanila. Diba? Nagmamakaawa ako sa'yo noon na isama mo ako sa Amerika para makaalis at makasama kita? Pero anong ginawa mo? Hindi mo pinansin ang pagmamakaawa ko sa'yo at iniwan mo ako sa kanila. Sa mag-asawang bakla"

        "RK... Bakit ganyan ka sa kanila? Bakit galit na galit ka sa kina Daddy at Tito...?? Tandaan mo, ama po rin ang sinasabihan mo ng ganyan"

        "Wala akong pakialam kuya. Dahil inis na inis ako sa kanila..!!"  sigaw niya sa galit  "Gusto ko nang umalis dito sa mala-impyernong bahay na 'to"

        "Bakit ganyan ang galit mo? Ano ba ang ginawa nila sa'yo...??"

        "Huwag na kuya"  sabay panlulumo ng mga mata ni RK  "Nakakahiya"

        "RK.?? Please. Sabihin mo sa kuya kung ano ang bumabagabag sa puso mo..."

        "Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa'yo kuya eh"  punas niya sa kanyang luha  "Nagsimula lang 'to nung naaksidente ko silang nakita na naghahalikan. Tapos tumakbo ako ng mabilis papunta dito sa kwarto... tapos..."

        "Tapos ano....??"

        "Hindi ko alam kuya kung normal ito. Pero It felt good. Parang nagustuhan ko ang nakita ko na naghahalikan ang dalawang lalaki"  at hinawakan niya ang kamay ni Stephen  "Kuya... I think I am gay"

Itutuloy…

TCG: Chapter 17 (Rage)

Kakarating lang ni Jeff sa mansyon at halatang pagod ito at kailangan niya nang magpahinga sa sofa. Habang lumalakad ito sa sofa, unting-unti niyang niluluwag ang kanyang kurbata, bumaba si Sky mula sa hagdan at pinuntahan ang ama.

        "Papa..."  sabay halik ni Sky sa ama.

        "Oh Sky. Andito ka na..?"  sambit ni Jeff na tila nagulat sa anak  "Kamusta na ang pinsan mo doon? Okay na siya??"

        "Yun po ang rason kung bakit ako nandito Papa eh"

        "Bakit?"  sabay kunot ng noo ni Jeff na tila nag-aalala sa sinabi ng anak  "May nangyari ba kay Mike?"

        "Ang OA mo naman Papa. Wala po..." ngiti ni Sky sa ama  "Magpapaalam sana ako sa'yo na kung pwede sana ay dito muna si Mike titira. Para maiba naman ang environment niya, kasi mas nagdadagdagan ang kanyang lungkot kapag doon lang siya sa kanyang bahay at nag-iisa"

        "Hay. Akala ko kung ano na"  sabay hinga ng malalim ni Jeff  "Sige anak. Walang problema sa akin. Saan na ba siya ngayon?"

        "Nandito na po siya sa mansyon. Magkasama kami kanina na umuwi dito, Papa"  sagot niya sa ama  "Nandoon po siya sa guestroom, nagpapahinga"

        "Ahh okay. Mabuti naman kung ganon, anak"

        "Pero Papa. Sure ka ba talaga na okay lang sa'yo na dito muna siya?"

        "Oo naman anak. Ayos lang talaga sa akin"  paniniguro ni Jeff sa kanya  "Pinsan mo si Mike at may karapatan naman siya na tumira dito"

        "Yes! Salamat po Papa"  sabay yakap ni Sky kay Jeff  "Teka po, Papa. Saan po si Daddy?"

        "Nasa trabaho pa niya, anak. Nagtext siya sa akin na mauna na lang daw akong umuwi"

        "Ahh. Ganon po ba..? Sige po Papa"  paalam niya kay Jeff  "Akyat muna ako sa kwarto ni Mike. Ipapaalam ko sa kanya na pumayag ka na"

        "Sige Sky. Ikaw ang bahala"

Imbes na dumerecho si Sky sa hagdan, ay mas pinili niyang gamitin at sumakay sa elevator ng mansyon dahil para mas mabilis ang pag-akyat nito papunta sa kwarto ng pinsan.


Makalipas ang isang oras ay nakatulog ng mahimbing si Jeff sa malambot at malaking sofa. Pagod na pagod nga kasi siya sa kanyang ginawang trabaho sa araw na iyon. Maraming problema kasi ang kanyang hinarap sa opisina lalung-lalo na sa Hidalgo Breweries na minana niya sa kanyang Papá.

Idagdag pa ang sinabing balita ni Jacqui sa kanya na buhay ag totoong anak ni Don Rolando na si José Hidalgo at may balak pa itong pumunta ng Pilipinas para kausapin siya.

Naalimpungatan siya sa kanyang masarap na tulog dahil sa ingay sa labas ng mansyon.

        "Manang..!!"  tawag ni Jeff sa kanilang katulong  "Ano ba ang maingay sa labas...?!"

Kaagad bumangon at tumayo si Jeff mula sa sofa, at sa kanyang pagtayo ay mabilis na pumasok ang katulong mula sa labas na parang kinakabahan at namumutla ang kanyang labi.

        "Oh bakit? What's wrong Manang?"

        "Si Sir Calvin po kasi.... pilit na sinisira ang gate ng mansyon"

        "What??!! Bakit hindi mo pinapasok?"

        "Eh kasi nagwawala Sir eh. Para kasing mananakit"  paliwanag niya sa amo at tila nanginginig sa takot  "Natatakot ako sa magagawa niya. Nanlilisik ang mga mata niya"

        "Talaga..?"  pagkaklaro ni Jeff sa katulong. Pero hindi lang ito sumagot dahil sa sobrang takot  "Sige na Manang. Pumasok ka na lang at ipagpatuloy mo na lang trabaho mo. Ako na lang ang lalabas at kumausap sa kanya"

        "Sigurado ka po ba Sir? Baka ano ang gawin niya sa'yo"

        "It's okay Manang. Huwag kang mag-aalala sa akin"  paniniguro ni Jeff sa kanya  "Sige na. Maghanda ka na ng hapunan natin dahil andito na mamaya ang Sir Nathan mo"

        "Sige po Sir. Mag-iingat kayo"

Samantala. Sa silid ni Mike.

Nakaupo si Mike sa sahig habang nakasandal ito sa gilid ng kama. Tulala at nakatingin pa rin sa hangin. Nasa tabi nito si Sky at pilit na pinapawi ang lungkot ng pinsan.

        "Cous. Bumaba na kaya tayo. Para naman makalabas ka dito sa room mo at para makalanghap ka ng ibang hangin. Nakakalungkot kaya kapag dito ka lang maghapon"  sambit ni Sky kay Mike  "Nandoon na kasi sa ibaba si Papa eh. Kausapin mo siya, baka sakali maging okay ka"

        "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ayaw kong kausapin si Tito sa problema ko. Dahil baka madulas ako sa sasabihin ko sa kanya at mabisto niya ako"  sabat niya na tila naiinis na sa pagiging makulit ng pinsan  "Intindihin mo naman ako, Sky. Mahirap ngayon sa lugar at sa estado ko na aminin sa kanya ang lahat"

        "Sorry cous"  himas ni Sky sa likuran ng pinsan  "Hindi na mauulit. Nag-aalala lang kasi ako sa'yo eh"

        "Huwag mo lang akong pansinin, cous. Hayaan mo lang ako dito"  dugtong ni Mike  "Bumaba ka na dahil baka hinahanap ka ng Papa mo. Dito muna ako"

        "Ano ka ba... mas kailangan mo ako dito. Sasamahan kita dito, okay?"

        "Masyado na kasi kitang inaabala eh. Kaya hayaan mo na ako dito"

        "Ayaw ko..."  pagmamatigas ni Sky  "Sasamahan kita dito. Dito lang ako sa tabi mo"

Doon na bumuhos ulit ang luha ni Mike dahil sa sobrang lungkot na dinadama niya. “Wala na kasing nagmamahal sa akin eh” sambit niya habang pinupunasan niya ang kanyang mga luha gamit ang kanyang kamay “Mapa-babae o lalaki, iniwan at sinaktan lang ako”

        "Cous naman. Pabayaan mo na sila"  sambit ni Sky sa kanya  "It's their loss, not yours. Hindi nila deserve ang pagmamahal mo. Andito naman kami ni Papa, ng pamilya mo. Mahal ka namin"

Naputol ang kanilang masinsinan na usapan nang may biglang kumatok ng sobrang bilis sa pintuan ni Mike. Kaagad tumayo si Sky upang tignan kung sino ang taong umiistorbo sa usapan nila.

        "Ma'am Sky"  panimula ng kanilang katulong at namumutla pa rin sa takot.

        "Oh bakit Manang? Okay ka lang? Bakit para kang namumutla sa takot?"

        "Si Sir Calvin po kasi..."  panimula ng katulong sa pagkuwento  "Nasa labas ng mansyon. Nagwawala"

        "Ha? Nagwawala?? Bakit naman?"

        "Hindi ko rin alam Ma'am eh. Pero nandoon na ang Papa mo para kausapin siya"

        "Ano?? Si Papa? Kausap siya?"  ulit niya sa katulong at lumingon siya kay Mike na nakatingin din sa kanya  "Cous. Bababa muna ako ha. Babalikan kita dito"

        "Hindi cous. Sasama ako sa'yo"

        "Huwag na. Dito ka lang"  kaagad lumabas si Sky sa silid  "Tayo na Manang. Bababa na tayo "  at nagmamadali silang bumaba gamit ang elevator ng mansyon.

Samantala. Sa labas at gate ng mansyon.

        "You need to calm down, Calvin"  sambit ni Jeff habang pilit na sinisira ni Calvin ang gate  "Hindi kita papasukin dito kung ganyan ka"

        "Hoy bakla... pwede ba? Pumasok ka na sa loob dahil hindi kita kailangan dito. Kailangan ko Sky!! Papasukin ninyo ako!!"

        "Hindi ko alam kung ano ang problema ninyong dalawa ng anak ko pero sana, kumalma ka lang muna, Calvin"

        "Yung nga eh!! Hindi mo alam... kaya tumahimik ka na lang diyan?!"  patuloy niya pa rin ang kanyang pagtangkang pagsira ng gate  "Ano ba talaga ang tinatago ninyo ng anak mo sa akin..??"

        "Wala kaming tinatago sa'yo Calvin. Gusto ko lang na maging safe ang pamamahay ko laban sa mga taong nag-aamok na katulad mo"

        "Hindi ako nag-aamok. Gusto ko lang kausapin si Sky dahil hindi siya nagpaparamdam sa akin"

        "Edi kumalma ka. Papasukin kita dito kung titigil ka sa kakawala at kakasigaw"  ulit ni Jeff sa kanya  "I can't believe na ganyan pala ang ugali mo. Wala kang respeto. Ano ba ang pinakain sa'yo ng ama mo at ganyan ang trato mo sa mga tao..."

        "Hoy bakla!! Huwag na huwag mong isali dito ang tatay ko dahil wala siyang kinalaman dito"  pambabastos niya kay Jeff  "Ano ba ang alam mo sa tatay ko...? E iniwan mo nga siya diba? Sinaktan mo siya dahil pinili mo ang Nathan na yan!! Kaya wala kang karapatan na husgahan kami"

Natahimik at parang natamaan si Jeff sa mga sinasabi sa kanya ni Calvin. Hindi niya inaasahan na masasabi iyon ng anak ng kanyang ex at nobyo ngayon ng anak.

        "Wala kang alam sa nangyari noon sa amin ng tatay mo kaya tumahimik ka na lang"  sambit niya kay Calvin  "At hindi kami ng ama mo ang issue dito, kundi ikaw at ang magaspang mong ugali"  dugtong ni Jeff na tila nagagalit na ito  "Kung iyan lang naman ang magiging kinabukasan ng anak ko sa taong tulad mo, mas mabuti pa na itigil niyo na lang ito"

        "Ano...??"  nanlaki ang mga mata ni Calvin sa sinabi sa kanya ni Jeff na itigil na lang ang relasyon nilang dalawa  "Ayaw ko!! Mahal ko si Sky"

        "Then prove it. Patunayan mo sa akin, lalung-lalo na sa kanya na karapatdapat at deserving ka sa pagmamahal niya sa'yo"  dugtong ni Jeff  "Huwag kang bastos"

Naputol ang kanilang usapan nang dumating si Sky at tumayo sa gilid ng ama. Nakatingin naman si Calvin sa kanya na parang miss na miss niya na ito.

        "Papa... bakit hindi mo siya pinapasok...??"  tanong ni Sky  "At bakit parang nag-aaway kayo..?"

        "Why don't you ask him. He's being disrespectful sa akin"

        "Ano...?"  sabay tingin ni Sky kay Calvin na nasa labas ng gate  "Totoo ba 'to Calvin? Seryoso ka na ba talaga diyan? Pati ang ama ko...? Binabastos mo..?"

        "Sorry Sky. Hindi ko sinasadya"

        "No, you're not"  dugtong ni Sky  "Binastos mo rin kahapon ang pinsan ko, at ngayon ang ama ko? Ano ba ang nangyayari sa'yo Calvin..?? Bakit ka nagkaganyan..."

        "Please Tart. Makinig ka naman sa akin oh. Hindi ko naman binastos ang Papa mo eh"  gawa niya ng kuwento  "Oo. Nagkasagutan kami pero siya ang nauna"

        "Such a liar"  dugtong ni Jeff sa sinabi niya  "Sky.. don't tell me na maniniwala ka sa pagsisinungaling niya"

        "Hindi Papa. Hindi ako naniniwala dahil alam ko na hindi siya nagsasabi ng totoo"  at tumingin siya kay Calvin  "Please. Umalis ka na"

        "No-no. Hindi ako aalis dito Tart. Please naman. Papasukin mo lang ako. At hayaan mo ako magpaliwanag"

        "I said, NO. Huwag muna tayong mag-usap, Calvin"  dugtong niya  "Mas mabuti pa na ganito. Kailangan natin ang magpalamig ng ilang linggo"

        "Ilang linggo??? No Tart. Ayaw ko"  pagmamakaawa niya sa labas ng gate  "Huwag naman ganito. Kausapin mo naman ako"

        "Pre pabayaan mo muna ang pinsan ko"  sabay sulpot ni Mike kanilang usapan.

Napatingin naman sina Jeff at Sky kay Mike habang papalapit siya sa kanila. At si Calvin naman ay nagulat din sa kanyang nakita dahil hindi niya inaasahan na nandoon din pala ang pinsan ni Sky na si Mike.

Biglang uminit muli ang ulo ni Calvin dahil nandiyan na naman ang lalaking nagnanakaw ng oras ni Sky sa kanya.

        "Ikaw na naman..."  sambit niya kay Mike  "Hindi mo ba tatantanan ang girlfriend ko...??"

        "E ano naman ngayon kung nandito siya, Calvin?"  sabat naman ni Sky  "Wala naman sigurong problema kung andito siya dahil pinsan ko naman si Mike"

        "Eh siya ang taong numanakaw ng oras mo sa akin eh. Hindi kita nakakasama at nakikita nang dahil sa kanya"

        "What?? Naririnig mo ba ang lumalabas sa bibig mo? Hindi mo ba talaga naiintindihan ang pinagdadaanan niya ngayon?"  paalala ni Sky sa kanya  "May problema siya at kailangan niya ako. Kailangan niya ng pamilya na matatakbuhan"

        "Wala akong pakialam kung ano man ang problema ng taong yan"  sabay turo ni Calvin  "Ang akin lang naman ay makasama kita dahil girlfriend kita... at inaagaw niya yan sa akin"

        "You're such a selfish brat. Hindi niya ako inaagaw sa'yo. Hindi mo ba talaga naiintindihan...??!!"  sabay sigaw ni Sky sa kanya at huminga ng malalim  "Alam mo, paulit-ulit na lang tayo eh. Mabuti pa na umalis ka na lang, Calvin. Umuwi ka na lang at magpahinga. Parang wala ka sa sarili ngayon eh"

        "Ayaw ko!! Hindi ako aalis kung hindi kita nakakausap"  pagmamatigas ni Calvin.

        "Parang awa mo na, Calvin. Umuwi ka na"  ulit ni Sky  "Papasok na kami"  sabay tingin ni Sky sa ama at sa kanyang pinsan  "Tayo na po, Papa. Cous. Pasok na tayo"

Naunang lumakad sina Sky at Jeff papasok ng mansyon habang si Mike naman ay naiwan doon at nakatingin pa rin kay Calvin na nasa labas ng gate.

        "Pasensiya na talaga Pre. Hindi ko naman sinasadya na kunin ang oras ng pinsan ko sa'yo"  sambit nito kay Calvin  "Wala na kasi akong matakbuhan eh. Kailangan ko ngayon ang pinsan ko"  pero hindi sumagot si Calvin sa kanya habang nanlilisik ang mga nito sa kanya  "Sorry ulit Pre. Sige na. Umuwi ka na and goodnight"

Tumalikod si Mike kay Calvin at lumakad papunta sa mansyon. Habang si Calvin naman ay nakatayo pa rin sa labas ng gate, nakatitig kay Mike habang nanggigigil ito sa galit.


Habang nagkakagulo sa ibaba at labas ng mansyon ay nasa silid pa rin sina RK at Stephen. Naging masinsinan ang kanilang naging usapan sa totoong nararamdaman at pagkatao ng kanyang nakakabatang kapatid.

        "I am very disappointed with myself kuya"  hagulhol ni RK sa kanyang kapatid  "I'm the brother you didn't want me to be. Sorry kuya"

        "Shhhh. Don't cry"  sabay himas ni Stephen sa balikat ng bunso  "Hindi ka disappointment, okay? Proud pa nga ako sa'yo eh. Dahil sinabi mo sa akin ang totoo mong naramdaman at okay lang yon" tingin ni Stephen sa kanyang mga mata at unting-unti na din nanlulumo ito  "Walang mali sa'yo. At hindi pa rin magbabago na kapatid kita at mahal na mahal kita na kahit ano at sino ka man"

        "Salamat kuya. Maraming salamat talaga" 

Kaagad niyakap ni Stephen ang kapatid ng sobrang higpit. “Tahan na… I’m always here for you, my baby brother”

Itutuloy…

TCG: Chapter 18 (Kalagayan ni Calvin)

“I can’t believe na ganyan pala ang ugali ng boyfriend mo, Sky” panimula ni Jeff habang lumakad silang dalawa papasok ng mansyon “How disrespectful”

        "Sorry Papa. Sinabihan ko na siya eh. Pero ganyan pa rin ang pinakita niya"

        "What do you mean? Ginawa niya na ba dati ito sa'yo?"

        "Hindi po Papa. Ang tinutukoy ko ay nung isang araw na binastos niya si Mike"

Pero hindi naniwala si Jeff sa paliwanag ng kanyang anak at hinawakan ito sa magkabilang balikat “Hindi ako naniniwala sa’yo anak. Magsabi ka ng totoo. Sinaktan ka ba niya?”

        "Papa..."

        "Hindi mo sinasagot ang tanong ko, Sky"  ulit ni Jeff na unting-unti na nagagalit  "Sinaktan ka ba ni Calvin....???"

        "Hindi naman po siguro pananakit ang tawag doon"  habang inaalala ni Sky ang nangyari sa kanila sa resort.  "Hinila niya lang po ako ng malakas at napahiga ako sa kama"

        "So nasaktan ka nung ginawa niya sa'yo noon?"

        "Medyo po. Kasi may pwersa eh"  salaysay ni Sky  "Pero naiintindihan ko naman siya dahil nagselos siya noon kay Mike"

        "Please. Huwag mo na siyang ipagtanggol dahil kahit mahina o katamtaman lang yan, the bottomline, nasaktan ka pa rin"  pagdidiin ni Jeff   "See.. ginawa niya yun dahil nagselos siya sa walang rason. Pinsan mo ang pinagselosan niya. I can't believe na magagawa niya iyon"

        "Papa. Huwag ka namang magalit sa kanya oh. Kailangan niya lang ng pag-unawa"

        "Pag-unawa??"  ulit ni Jeff  "Sa ganyang lalaki? Bibigyan pa natin ng pag-unawa? Seryoso ka, Sky?"

        "Opo. Dahil may pinagdadaanan ngayon si Calvin"

        "What do you mean? May sakit ba siya?"

        "Hindi ko po masasagot yan, Papa. Mas mabuti na lang po siguro na kayo na lang ang mag-usap ni Tito Alvin para mapaliwanag niya sa'yo ang tungkol sa kanyang anak"  sabay tulo ng luha ni Sky  "Sa katunayan nga, hindi alam ni Tito na alam ko na ang problema ng anak niya dahil iniintindi ko na lang siya dahil mahal ko siya, Papa"

Hindi na nakasagot si Jeff sa sinabi sa kanya ni Sky dahil kaagad itong tumalikod at umakyat gamit ang elevator papunta sa kanyang silid.

Samantala naman ay naiwan si Jeff malapit sa main door. Nakatayo at napaisip sa sinabi ng kanyang anak. Ano ba talaga ang totoong kalagayan ni Calvin? Kailangan niya itong malaman mula mismo sa ama na si Alvin.

Biglang naputol ang kanyang malalim na pag-iisip nang pumasok si Mike ng mansyon.

        "Good evening, Tito"  bati ni Mike sa kanya  "Sorry po pala. Hindi na kita nabati kanina ng maayos dahil sa nangyari sa labas"

        "It's okay, Mike. Walang problema sa akin. Welcome ka naman dito anytime"  sabay ngiti niya sa pamangkin  "So, kamusta ka na? Narinig ko mula kay Sky na broken-hearted ka daw dahil iniwan ka ng asawa mo... tama ba?"

        "Ahmmm. Opo Tito"  ngiti ni Mike na parang peke.

Alam ni Jeff na hindi nagsasabi ng totoo ang kanyang pamangkin dahil nakikita at nahahalata niya ito sa mga mata na nasasaktan pa rin si Mike sa nangyari sa kanya.

Tinapik na lang ni Jeff ang balikat ni Mike at nagsabing “Everything will be alright, Mike. Natural lang na maranasan ng isang tao ang heartbreak. And I know na makakayanan mo yan” payo niya kay Mike “Lagi mo lang pakatandaan na andito lang kami ni Sky para sa’yo. Dahil pamilya mo kami. Hindi ka namin iiwanan”

        "Salamat po Tito. Dahil nandiyan kayo para sa akin"

        "Siyempre. Mahal ka namin eh"  dugtong ni Jeff ng nakangiti  "Sige na Mike. Kumain ka na ng hapunan. Sigurado ako na gutom ka na"

        "Sige po Tito. Kakain na ako"  sagot niya  "Kaw din po. Kumain ka na din"

        "Mamaya na, Mike. Hinihintay ko pa ang Tito Nathan mo. Mauna ka na lang"

Nagderecho si Mike sa hapagkainan at nag-umpisa nang kumain ng kanyang hapunan. Si Jeff naman ay umakyat muna sa kanilang silid para makapag-bihis ng damit.


Kinabukasan.

        "Good morning, babe"  sambit ni Nathan habang bitbit ang isang tray ng pagkain at inilagay ito sa tabi ng asawa na nakahiga pa rin sa kama  "Breakfast in bed..."

        "Babe..."  sambit din ni Jeff na tila nagising sa bati sa kanya ng asawa  "Bakit ang aga mo naman....?"  at napatingin siya sa kanyang gilid at napansin ang tray ng pagkain  "Oh... bakit may ganito kang paandar? What happened ba?"

        "Hmmmp! 'To naman. Hindi naman nagpasalamat"

        "Sorry babe. Naninibago lang kasi ako sa'yo eh"  sabay ngiti ni Jeff at hinalikan sa pisngi ang nagtatampong asawa  "Huwag ka namang magtampo. Sorry na babe. Salamat pala sa pa-breakfast-in-bed mo"

        "Hindi naman ako nagtatampo babe eh. Alam ko kasi na may kasalanan ako sa'yo"

        "Kasalanan?"  ulit ni Jeff habang nilapag ang tray sa kanyang hita  "Parang wala naman. Ano ba ang kasalanan mo?"

        "Late na kasi akong umuwi kagabi eh"  sabay yuko nito  "Sorry babe ha. Hindi na kita natext kagabi. Nagyaya lasi ang mga kasama ko sa trabaho na uminom eh. Kasi birthday ng isa kong katrabaho"  paliwanag ni Nathan  "Hindi ko naman siya matanggihan dahil malaki din ang naitulong niya sa akin noon na walang-wala ako"

        "Yun lang ba?? Okay lang babe. Ohhh. Ang sweet naman"  sabay yakap ni Jeff sa asawa  "Naisip mo talaga na magagalit ako? Hindi babe. Walang problema sa akin. Pero I appreciate the fact na naging honest ka sa akin"

        "Oo naman babe. Kailangan kong maging honest sa'yo. Asawa kita eh"

        "Naku... nagpapakyut pa. Tama na yan. Kakain na ako"  doon na ngumiti si Nathan sa sinabi ng asawa  "Okay na sa akin yun ha? Ang importante naman sa akin na nakakauwi ka pa rin ng safe dito sa bahay. Masaya na ako doon"

        "Talaga babe? Salamat sa pag-intindi"

        "Wala yun babe. Teka. Nakakain ka na?"

        "Tapos na akong kumain"  sagot nito  "Nauna na akong kumain para mabantayan kita ngayon dito habang kumakain ka"

        "Sweet mo talaga babe. Tama na yan. Kinikilig na ako"

        "Eh bakit? Ayaw mo na bang kiligin sa akin??"

        "Gusto.. pero sinasanay mo talaga ako at hindi ka talaga nagbabago"

        "Yup. Totoo yan. Hinding-hindi ako magbabago sa'yo"

Samantala. Kakalabas lang ni Stephen sa kanyang silid at nakita niya ang kapatid na bumababa at nakabihis ito na parang may lakad.

Kaagad niya naman itong hinabol ang kapatid pababa ng hagdan. At naabutan niya nga ito malapit na sa main door at hinawakan ang braso ni RK.

        "Saan ka pupunta..?"

        "Aalis ako kuya"

        "Saan ka naman pupunta sa ganitong kaaga..?"

        "E-ewan ko. Basta. Kahit saan, basta malayo dito"

        "RK.. umiiwas ka pa rin ba sa kanila?"  pero hindi sumagot ang kanyang kapatid  "Diba napag-usapan natin ito kagabi na huwag ka nang magalit sa kanila?"

        "Eh kuya. Sila ang dahilan kung bakit ako nagkaganito eh. Kasalanan nila kung bakit ito ang nararamdaman ko"

        "Tumigil ka nga RK..."  pagsaway ni Stephen sa kanya  "Hindi kasalanan nina Tito at Daddy kung bakit ganyan ka ngayon, kundi kasalanan mo mismo dahil iyan ang totoo mong ugali at pagkatao. Lumabas lang dahil matanda ka na"

        "What do you mean?"

        "Believe me. Sobra pa ang nakita ko noon kumpara sa nakita mo sa kanila pero ano ako ngayon? Straight pa rin ako"  paliwanag niya sa bunso  "Dahil ito ang totoo kong pagkatao. Kahit ano pa ang nakikita at naririnig mo mula sa kanila, basta alam mo mismo sa sarili mo kung ano ka talaga... hindi ka basta-basta maguguluhan. Kung bakla, bakla ka talaga. Huwag mong isisi sa ibang tao kung ano ang totoo mong pagkatao, naiintindihan mo ako..?!"  at tumango na lamang si RK sa sermon na ibinigay sa kanya ng kuya  "Good... kaya bumalik ka na sa kwarto mo at sabay-sabay tayo kumain mamaya"

        "Okay po kuya. Sorry po"

        "Tandaan mo'to, RK. Kahit ano ka man, mahal pa rin kita dahil kapatid kita. Pero paano kita mamahalin at matatanggap sa totoo mong pagkatao kung pati ikaw ay galit at hindi tanggap kung ano ka...?"  pangaral ni Stephen  "Kailangan mo munang mahalin at tanggapin ang sarili mo bago ang ibang tao ang magmahal sa'yo, maliwanag?"

        "Opo kuya"  sagot ni RK na natatakot na sa kanyang kapatid  "Sige po. Akyat muna ako sa kwarto"

        "No... dito ka lang"

        "What?? Bakit?"

        "Hinatayin na lang natin sila dito sa baba dahil mag-a-alas-siyete na ng umaga"

Hindi na lang sumagot at umangal si RK sa kanyang kuya. Umupo na lang silang dalawa sa sala upang hintayin ang iba pang tao sa mansyon para makapag-agahan na.


Sa kwarto ni Mike.

Kagigising niya lang at nakaupo siya sa kanyang kama. Parang hindi na siya masyadong nasaktan sa ginawa ng kanyang ex na pag-iwan nito sa ere. Malaki talaga ang naitulong ng paglipat niya ng bahay kahit unang araw niya pa lang dito.

Bigla siyang napatingin sa pintuan dahil may kumakatok dito mula sa labas. “Pasok…” sambit niya “Bukas yan..”

Kaagad bumukas ang pintuan at pumasok si Sky sa kanyang silid. “Hi cous. Good morning” bati niya nang nakangiti sa pinsan“

        "Uyy. Ikaw lang pala, cous. Good morning din"  ngiti din ni Mike

        "So how's your sleep?"  tanong niya habang lumalapit sa kama ang pinsan  "Nakatulog ka ba ng maayos?"

        "Ahhmm. Oo naman. It's been awhile nung dito pa ako nakatira, nung kasama ko pa si Mommy noon"  sagot niya sa pinsan  "Eh ikaw? Nakatulog ka ba ng maayos kahit may nangyari kagabi?"

        "Yup. Okay naman ako. Sanay na ako sa kanya cous eh"  sagot nito  "Eh ikaw? Galit ka ba sa kanya?"

        "Hmmm. Inaamin ko, masama ang loob ko sa kanya dahil hindi niya naiintindihan ang pinagdadaanan ko ngayon"  pag-amin ni Mike sa kanyang totoong nararamdaman kay Calvin  "Pero intindihin ko na lang siya dahil may point naman siya eh. Inaagaw ko ang oras mo sa kanya"

        "Inaagaw?? Of course, not. Hindi mo inaagaw ang oras ko sa kanya dahil importante ka rin sa akin. Dahil pinsan kita"

        "Kahit na cous. Nagi-guilty pa rin kasi ako eh"  dugtong ni Mike  "Para kasi ako ang rason kung bakit kayo nag-aaway ngayon"

        "Hindi noh. Huwag mong isipin yan, cous. Hayaan mo lang siya dahil ako lang ang bahala sa kanya"

        "Sigurado ka...?"

        "Oo naman. Sigurado ako. Huwag mo siyang masyadong isipin, okay?"

Naputol ang kanilang usapa nang may biglang kumatok muli sa silid ni Mike.

        "Sino yan...??"  tanong ni Mike.

        "Ahmmm. Sir Mike..?? Andiyan po ba sa loob si Ma'am Sky?"

        "Ikaw lang naman pala, Manang. Opo. Nandito siya sa loob at kasama ko. Bakit naman?"

        "Pinapatawag kasi kayong dalawa nina Sir Jeff at Sir Nathan dahil kakain na daw po"

        "Ah ganon ba?"  dugtong naman ni Sky  "Sige po Manang. Mauna na po kayo. Bababa na rin kami"  at tumingin siya sa pinsan  "Let's go?"

Walang sinagot si Mike kundi tumayo na lang ito sa kama at kaagad silang bumaba na dalawa papunta sa hapagkainan.


Sa bahay ng mga Francisco.

Kakalabas lang ni Alvin mula sa kanyang silid at nagdesisyon na magtimpla ng kanyang paboritong kape at pumunta sa sala. Doon siya nagulat dahil sa kanyang nakita sa sala ng bahay.

        "Cal...??"  tawag ni Alvin sa anak na kasalukuyang nakaupo sa sofa at parang may sinisinghot na pulbo sa maliit na mesa. Napatingin din kaagad ang anak sa kanya at nakita niya na tama ang kanyang hula, na gumagamit na naman si Calvin na ipinagbabawal na gamut  "Cal!!"  sigaw niya sa anak pero hindi ito sumagot at pinagpatuloy pa ang kanyang ginagawa  "Ano ba ang ginagawa mo??!!"  lumapit ito sa anak at kinuha ang mga gamit ng anak na ginagamit nito sa paghihithit ng droga  "Itigil mo nga 'to!! Akala ko ba ay tumigil ka na sa paggamit nito..??!!"

        "Pabayaan mo nga ako..." sagot nito sa ama  "Ito lang ang kakampi at karamay ko sa mga problrma ko... kaya pabayaan mo ako na makasama ko siya ngayon"

        "Calvin..."  sabay tingin niya sa anak na parang naaawa ito sa kalagayan  "Maawa ka naman sa sarili mo... ano naman ba ang problema mo, anak....?"

        "Ang babaeng yon. Wala nang oras sa akin at parati niyang kasama ang pinsan niya"  sagot niya habang dilat na dilat ang kanyang mga mata  "Inaagaw ng lalaking yon ang babae ko..."

        "Sinong babae...?? Si Sky?"  pero hindi sumagot si Calvin  "Anak naman. Kapamilya niya yon. At wala naman siguro masama na magkasama sila"

        "E inaagaw niya nga sa akin ang girlfriend ko ehhh..!!"  pagtaas ng boses ni Calvin  "Tapos magkasama pa sila doon sa mansyon ngayon. Ginagalit niya talaga ako. Gusto ko siyang patayin para maintindihan niya kung saan siya lulugar"

        "Ang ibig mong sabihin ay pumunta ka nga kagabi sa mansyon nila? Ano ang ginawa mo doon?? Nagwala ka?"  pero hindi siya sumagot sa tanong ng ama  "Calvin naman... Bakit ka naman ganito?? Hindi ka ba talaga nakakaintindi na may sarili din silang buhay?? Ano?? Bakit hindi ka makasagot...?"

        "Wala tay, hindi ako nagwala doon"

        "Sigurado ka..? Kung malalaman ko na may ginawa ka nga kagabi sa kanila, ako ang makakalaban mo. Hindi mo ba naiisip na sa ginawa mo ay malalamatan muli ang pagkakaibigan namin ni Jeff at pagdududahan niya ako kung paano kita pinalaki"

        "Yaann!! Puro Jeff na naman!! Nahihiya ka sa ginawa ko?? E ikaw?? Hindi ka ba nahihiya sa patuloy mong paghabol sa taong sobra mong mahal pero hindi ka naman mahal...??!!"

Biglang dumilim ang paningin ni Alvin at hinila ang anak patayo sa sofa at biglang sinuntok ito ng malakas. Kaagad naman natumba si Calvin sa malakas na suntok na ibinigay sa kanya ni Alvin.

Napatingin ito sa anak habang umiiyak dahil hindi niya na alam kung ano ang gagawin niya dito. Ilang beses niya kasi itong pinasok sa rehab pero hindi pa rin ito nagbabago.

Itutuloy…

TCG: Chapter 19 (Breakfast Convo)

Napatingin na lang si Alvin sa kanyang anak dahil hindi niya na talaga alam kung ano at paano ang gagawin niya dito. Ilang beses niya na itong ipinasok sa rehabilitation center pero bumabalik pa rin sa dati at hindi nagbabago.

        "Alam mo, hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko sa'yo, Cal"  panimula ni Alvin sa anak  "Talagang pagod na pagod na ako na intindihin ka. Siguro ay kailangan nang malaman ni Sky ang totoo mong kalagayan para matulungan ka niya sa pinagdadaanan mo ngayon"

        "Tay huwag!!"  sabay tayo ni Calvin at pinigilan ang ama na umalis  "Huwag mong sabihin sa kanya ito, maawa ka sa akin, Tay"

        "At bakit hindi...?? Kailangan niyang malaman ito dahil siya ang nobya mo"  dahilan ni Alvin  "Baka matulungan ka niya"

        "Ayaw ko Tay. Kapag malaman niya ang totoo kong kalagayan ay baka tuluyan niya na akong iwan"  dugtong niya  "Kaya huwag mong sabihin sa kanya, Tay. Parang awa mo na"

Bigla niyang napagtanto na baka totoo nga na madagdagan o lumala pa nga ang problema ng anak kung isusumbong niya ito kay Sky. At siya lamang ang dapat sisihin kung mangyari man iyon.

        "Sige"  sagot ni Alvin  "Hindi ko na sasabihin sa kanya ang ginagawa mong ito. Pero sa isang kondisyon"

        "Ano po yon, 'tay?? Anything... para huwag niya lang akong iwan"

        "Itigil mo na ang bisyo mong yan..."

        "Pero 'tay..."

        "That's my deal, Calvin. Kung ayaw mo ang gusto ko, makakarating lahat ng ito kay Sky"

Napaisip ng malalim si Calvin sa pabor o kondisyon na ibinigay ng kanyang ama sa kanya. Mahirap ang pinapagawa ng ama dahil mahal niya pareho ang dalawa; ayaw niyang itigil ang kanyang paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at ayaw niya ring mawala si Sky sa kanyang buhay.

Pero kailangan niya nang pumili at magdesisyon para hindi magalit ang ama.

        "Sige 'tay. Gagawin ko na lang ang gusto mo para hindi lang ako hihiwalayan ng mahal kong Sky"

        "Good. Mabuti naman ay nakapagdesisyon ka na at masaya ako sa pinili mo, anak"  Doon tumalikod si Alvin at hindi niya namalayan na tumulo na pala ang kanyang luha dahil sa ginagawa na naman ngayon ng anak na si Calvin.

Samantala. Sa kwarto nina Jeff at Nathan.

Maaga sila nagising lalung-lalo sina Jeff dahil hindi ito mapakali sa sinabi na balita ni Jacqui kahapon sa kanya. Ito ay ang tungkol sa tunay na José Hidalgo at pupunta ito sa Pilipinas upang kausapin siya.

        "So pupunta siya dito sa Pilipinas?"  tanong ni Nathan pagkatapos ni Jeff ikuwento ang nangyari kahapon sa opisina.

        "Yes babe. Yan ang sabi ni Jacqui sa akin"  sagot naman niya at halata sa mukha nito ang pag-aalala  "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at sasabihin ko kapag magkita na kami. Kinakabahan talaga ako, babe. Baka magalit sa akin ang tunay na José Hidalgo"  sambit niya kay Nathan na mabigat ang mukha  "Nahihiya kasi ako babe. Parang ninakaw ko sa kanya ang pagkatao niya"

        "Babe..."  sabay himas ni Nathan sa likuran ng asawa  "Huwag kang masyadong mag-worry, okay? Hindi mo naman alam na buhay ang totoong anak ng Papá mo"  ngumiti si Nathan sa kanya para gumaan ng kaunti ang dinadama niya at hinalikan ito sa noo  "Maiintindihan niya yan dahil pareho naman kayo na hindi ninyo alam ang nangyari"

        "Oo nga babe eh. Sobrang sakit sa akin na hindi nagsabi ng totoo sa akin ang Papá. Niloko niya lang ako"

        "Everything will be alright, babe. Kung gusto mo, sasamahan kita kapag magkita kayo"

        "Ha?? Bakit mo naman ako sasamahan?"

        "Ehh para may resbak ka. Baka insultuhin at susuntukin ka niya. Mabuti lang sana kung nandoon ako"

        "Haay naku babe. Ang OA mo"  ngiti naman ni Jeff  "Huwag na babe. Kaya ko na 'to. At isa pa, may trabaho ka. Ayaw ko naman na magsasakripisyo ang trabaho mo sa pagsama mo sa akin"

        "Okay lang yan babe. Ang importante ay masamahan kita. Okay lang sa akin. Promise"

        "No. Hindi pwede yan sa akin"  pagmamatigas pa ni Jeff  "Kaya ko naman babe eh. Nireready ko na lang ang sarili ko dahil anytime ay tatawag si Jacqui para magkita kami"

        "Are you sure na hindi kita sasamahan..?"

        "Yes babe. I'm sure"

        "Hmmm. S-sige. Kung iyan ang gusto mo babe. Hindi na ako mangungulit sa'yo"

        "Okay babe. Masaya naman ako na nakikinig ka sa mga problema ko eh. Kontento na ako dun"

        "Salamat babe. Dahil na-a-appreciate mo yan"

        "Oo naman. Ikaw ang asawa ko ehh"  sabay yakap nito kay Nathan

        "Asus. Nagpapalambing naman siya"  at niyakap niya din si Jeff ng sobrang higpit at hinalikan ito sa noo  "I love you babe. So much"

        "I love you too babe"

Sa hapagkainan. Nandoon na sina RK at Stephen at naghihintay sa kanilang lahat. Tinititigan ni Stephen ang kapatid na parang ayaw niya ang gusto nito na sumama sa agahan kasama nina Jeff at Nathan.

        "RK... okay ka lang..?"

        "No. I'm not"  buntong-hininga nito sa kanyang kuya  "I don't get it. Bakit mo pa gusto na sumama ako dito sa breakfast ninyo...?"

        "Para makapagbonding naman kayo. Tayo na pamilya mo"  sagot nito sa bunsong kapatid  "Sabi daw nila na matagal na daw na panahon na hindi ka nila nakakausap dahil maaga ka raw umaalis at gabi na kung umuwi"

        "Well. Alam mo naman ang sagot diyan kung bakit"

        "Yes, I know. Pero dapat mo nang itigil ito, okay?"

        "Haaay. Okay"

Lumipas ang sandali at bumababa na ang mag-asawa at lumapit sila sa hapagkainan. Tinawag ni Nathan ang katulong upang ipatawag sina Sky at Mike na kakain na dahil naghihintay na ang pagkain.

Laking-gulat nina Jeff at Nathan na nandoon si RK na kasama nila na kakain.

        "Oh anak. You're here"  sambit ni Nathan sa anak  "Nakakagulat naman. Masaya ako dahil nakita na rin kita. Sobrang miss kita, anak"

Hindi sumagot si RK at nag-umpisa nang kumain. Napatingin naman si Stephen sa kanya dahil hindi nga ito sumagot. “Ahhmm. Opo Dad” sabat naman niya sa ama na naghihintay ng sagot sa isang anak “Sinabi ko sa kanya na kumain muna ng agahan bago siya umalis”

        "Oo nga anak. Tama ang kuya mo"  dugtong ni Nathan at tumitingin sa anak  "Look at yourself. Nangangayat ka na dahil hindi ka kumakain ng agahan"

        "I'm fine. Kaya ko naman ang sarili ko"  sagot niya sa ama.

        "Well. I know na kaya mo pero dapat kailangan mo din ng masusustansiyang pagkain dito sa bahay. Hindi puro fastfood lang sa labas"  pero hindi naman ito sumagot sa kanyang ama  "Oh well. Let's eat na lang babe. Umupo na tayo"

Nang pagkaupo nilang dalawa ay kakababa na rin nina Sky at Mike mula sa elevator. Nakita naman sila ni RK pero hindi ito pinansin ang kanilang pagdating.

        "Good morning everyone"  bati ni Sky sa kanilang lahat. Ngumiti naman si Mike sa kanila bilang pagbati.

        "Magandang umaga din inyo"  bati ni Jeff  "Umupo na kayo at kumain"

Kaagad naman umupo ang magpinsan sa mga bakanteng upuan na katabi nina Stephen at RK sa magkabilang side ng dining table. Tahimik ang lahat sa kanilang pagkain at walang narinig na salita. Tanging tunog lang ng mga kurbyertos na tumatama sa pinggan ang ingay na umiiral sa hapagkainan.

        "So..."  pagbasag ni Nathan ng ingay  "How's your sleep sa mansyon, Mike?"

        "Okay naman po... Hmmmm..."  sagot ni Mike habang ngumunguya ng pagkain sa kanyang bibig. Kaagad niyang linunok ito at sumagot muli kay Nathan  "Okay naman po Tito"

        "Good. Atleast okay ang tulog mo. Okay na kami doon"  ngiti niya dito  "And how's your heart?"

Biglang napatingin si Stephen kay Mike dahil inoobserbahan niya ang magiging reaksyon ng pinsan ni Sky “Ahmmm. Eto po… pinipilit nang kalimutan ang ginawa niya sa akin at pilit din na mag-move-on” sagot ni Mike at tumingin siya sa kanyang pinsan “Sa katunayan nga po, Tito, Nakatulong talaga na umalis ako doon sa bahay at dito tumira. Dahil unting-unti na ako nagiging maayos. Nagpapasalamat talaga ako ng malaki sa inyo mga titos dahil pumayag kayo na dito muna ako”

        "Naku Mike. Pamangkin ka na ng asawa ko. Okay lang talaga sa amin na dito ka tumira"

Napansin naman ni Sky na parang hindi kumikibo ang kanyang ama at parang malalim ang kanyang iniisip.

        "Papa..??"  tawag ni Sky kay Jeff at kaagad naman ito tumingin pabalik sa kanya  "Okay ka lang ba? May problema ba?"

        "Wala Sky. Tungkol lang 'to sa DGC"

        Ano po iyon?? Pwede mo bang sabihin sa akin?"

        "Huwag na anak"  pagtanggi ni Jeff  "Kaya ko na 'to"  kaagad naman tumayo si Jeff sa upuan at nagmamadaling umalis sa kanila. 

Napasunod naman ng tingin si Sky sa ama at parang walang clue sa nangyayari kay Jeff. “Dad…” tawag niya kay Nathan.

        "Bakit Sky?"

        "May problema po ba si Papa? Bakit parang mabigat ang mukha niya"

        "Hmmm. Wala naman anak. Baka stress lang yan sa trabaho"  pagsisinungaling ni Nathan kay Sky  "Alam mo naman ang trabaho ninyo diba?? Sobrang pressure"  doon na din tumayo si Nathan dahil tapos na siyang kumain  "Sa mauna na ako sa inyo ha. Maaga pa kasi ang trabaho ko eh"

Kaagad ding umalis si Nathan sa hapagkainan at dumerecho muli sa kanilang silid sa taas. Ganon din naman si RK na nagmamadaling umalis at lumabas ng mansyon.

Naiwan sa dining table sina Sky, Mike at Stephen. Pinagpatuloy na lang nila ang kanilang pagkain ng almusal.

        "Stephen..."  tawag ni Sky kay Stephen habang sarap na sarap ito sa kanyang pagkain.

        "Hmmm..??"  sagot niya naman habang may laman ang kanyang bibig.

        "May alam ka ba sa problema ngayon ni Papa..? Para kasing wala siya sa sarili niya eh"

        "Wala naman. Baka siguro pagod lang. Maraming iniisip"

        "Hindi eh. Parang iba talaga ngayon si Papa"  pang-oobserba nito kay Jeff  "Parang mabigat at malaki talaga ang problema niya"

        "Ganon ba? Sige. Hayaan mo at itatanong ko kay Daddy kung ano man iyon"  sagot ni Stephen  "Pero kumain muna tayo dahil gutom na gutom na ako eh"

        "Sige. Salamat Stephen"

Napasulyap uli si Stephen kay Mike na kasalukuyang hindi ginagalaw ang kanyang pagkain. “Pre. Okay ka lang?”

        "Yup. I'm okay"  sabay ngiti ni Mike na pilit.

        "Parang kasing tulala at wala ka sa sarili mo"  sambit niya kay Mike  "You have barely touched your food"

        "Ahmm. Sorry. May iniisip lang ako"

        "Tungkol pa ba 'to sa asawa na iniwan ka?"

        "Ha..?? Ahmm. Y-yes. Oo. Tungkol pa din doon"

        "Kawawa ka naman"  sambit ni Stephen  "Don't worry, andito kami para tulungan kang kalimutan siya"

        "Salamat Pre"

        "You're welcome"  sagot naman nito  "Oo nga pala, ano ba ang pangalan niya..?"

        "Ha?? Ahmm"  sabay lunok ni Mike ng kanyang laway  "Bakit mo naman gustong malaman?"

        "Wala naman. Gusto ko lang malaman at makilala ang taong nanakit sa'yo. Kahit sa pangalan man lang"

        "Well. Hindi mo na dapat kailangan malaman, Steph. Sabi nga nila diba, past is past"  sabat ni Sky sa kanilang usapan para ipagtanggol ang kanyang pinsan  "Hindi na dapat pinapaalala sa pinsan ko ang walang kwentang tao na iyon"

        "Owwkay. Atleast alam natin na tao pa rin iyon"  sulyap niya kay Mike  "Hindi lang natin alam kung ano siya; lalaki o babae"

        "What do you mean by that?"

        "Ang ibig ko lang naman sabihin na hindi ko alam kung ano ang totoong pagkatao at ugali niya. At kung ano at saan ang pinagmulan niya diba?"  pero hindi sumagot ang magpinsan sa sinabi ni Stephen  "So, alis muna ako guys"  sabay tayo ni Stephen.

        "Saan ka naman pupunta?"  tanong ni Sky sa kanya

        "May interview kasi ako eh. Kaya aalis na ako ngayon. Baka sakali na makapasok"

        "Ahh. Sige. Mag-iingat ka"

        "Salamat Sky. Kaw din. Mag-iingat kayo"

Umalis din kaagad si Stephen sa hapagkainan at dumerecho muli sa kanyang silid sa taas upang maligo at magbihis

.

Naiwan naman ang dalawa at pinagpatuloy pa rin ang kanilang pagkain.

        "Kinakabahan ako, cous"  sambit ni Mike sa pinsan.

        "Saan cous?"

        "Kinakabahan ako baka alam na ni Stephen ang tungkol sa akin"

        "Paano mo naman nasabi na alam ni Stephen ang tungkol sa'yo..?"

        "Kasi kung paano siya magsalita kanina, cous. Parang double meaning eh"  kuwento ni Mike sa kanya  "Parang may mga laman"

        "Hay naku cous. You're just overthinking na naman"  sambit ni Sky  "Oo. Nagdududa siya sa'yo pero wala naman siyang ebidensiya eh. Haka-haka niya lang iyon dahil nakita ka niya sa opisina mo na may kayakap na lalaki"

        "Yon ang sabi niya sa'yo?"

        "Oo cous. Pero dinedeny ko pa rin hanggang ngayon ang katotohanan mo. Okay? Kumalma ka lang"

        "Okay cous. Ipagpatuloy mo lang yan ha. At maraming salamat dahil kakampi mo ako"

Lumipas ang ilang sandali ay natapos na rin silang kumain. Kaagad silang tumayo sa hapag-kainan at bumalik si Sky sa kanyang silid para maghanda ng kanyang sarili dahil papasok na siya sa opisina.


Dakong alas-nwebe ng umaga ay kakarating lang ni Jeff sa DGC at bigla siyang sinalubong ni Gwen sa entrance ng gusali.

        "Good morning, Sir Jeff"  bati ni Gwen sa kanyang boss

        "Oh Gwen. Bakit ka nandito sa ibaba?"

        "Hinihintay po kasi kita dito Sir dahil may bisita ka sa opisina mo"

        "Bisita? Sino?"

        "Si Atty. Alonzo, Sir"

        "Si Jacqui?"  sabay tango ni Gwen bilang sagot  "Bakit ang aga niya naman"

        "Hindi ko po alam, Sir. Pero may kasama si Atty. Alonzo sa itaas na naghihintay sa inyo"

        "Kilala mo ba kung sino ang kasama niya?"

        "Hindi po Sir. Sensiya na po"

        "Hindi, okay lang Gwen. Ako na lang ang titingin kung sino ang kasama ni Jacqui"  at tumingin siya sa assistant  "Tayo na Gwen. Sumama ka na sa akin sumakay ng elevator"

Kaagad silang lumakad papunta sa elevator at umakyat patungo sa opisina. Nang pagdating nila sa labas ng pintuan ng opisina ay biglang kumabog ang dibdib ni Jeff.

Napansin naman ito ni Gwen dahil natigilan ang kanyang amo na parang estatwa “Okay lang po ba kayo Sir?”

        "Yes Gwen. I'm okay"  sagot niya naman  "Bigla lang akong kinabahan"

Itutuloy…

TCG: Chapter 20 (Jeff meets José)

Nakatayo si Jeff na parang estatwa sa labas ng pintuan ng kanyang opisina. Nandoon din naman si Gwen sa kanyang tabi at tinitignan ang kanyang amo. Bigla ito kasing kinabahan ng walang dahilan at napaisip ito tungkol sa kanyang sarili.

Huminga muna siya ng malalim bago buksan ang pintuan ng kanyang opisina.

        "Bes...!! Sa wakas. You're here"  sigaw ni Jacqui.

Lumakad naman si Jeff palapit sa kanyang kaibigan at bumeso siya dito. Doon niya nakita na may kasama pala siyang lalaki “Bes? Sino siya?”

        "Ahmmm. Sorry. My manners"  sagot niya  "Bes... meet José Hidalgo. Ang totoo at ang nag-iisang anak ni Don Rolando Hidalgo"

Natigilan muli si Jeff dahil nakita niya na sa wakas ang totoong José Hidalgo. “Mister Hidalgo” sabay alok ng kamay ni Jeff para makipagkamay ito sa kanya “It’s nice to meet the one and only José Hidalgo”

        "Nice to meet you too, Jeffrey Dy or should I say, José Hidalgo"

        "No. Don't call me that. I have no right to use your name"

        "Okay lang. Don't worry. Hindi naman ako galit sa'yo eh"  dugtong ni José  "Pareho lang naman tayong biktima sa ginawa ng matandang yon"

        "Basta. Pasensiya na talaga ulit dahil ginamit ko ang pangalan mo"  ulit ni Jeff  "Hindi naman kita sisisihin kung magalit ka sa akin"

        "Magalit..?"  ulit ni José  "Nonesense. Hindi ako galit sa'yo and there's no need to get mad at you"

        "Talaga?"

        "Yes. Walang problema sa akin dahil as I said, pareho tayo naging biktima sa ginawa niya"

        "Salamat talaga, José. Salamat sa pag-iintindi mo"

        "Of course"  sabay hinga na malalim ni José  "Well. Kung hindi mo alam, nandito lang naman ako para kunin ang dapat na para sa akin na ipinagkait ng matanda. Lahat-lahat"

        "S-sige. Walang problema"  sabay lunok ng laway ni Jeff na parang kinabahan  "Andito naman si Atty. Alonzo para pag-usapan natin ang tungkol doon"

        "Very good. So? Let's start?"

        "Sige.."  kaagad nagtungo si Jeff sa kanyang upuan para doon umupo. Pero pinigilan siya ni José  

        "Ooops. Not so fast. Akin ang pwestong ito"

        "Excuse me...?"

        "Yes. Ako si José Hidalgo diba?? So technically, this is my seat"  walang nasagot si Jeff sa sinabi sa kanya ni José at kaagad naman ito tumabi at hinayaan na lang ito na umupo sa kanyang upuan.  So.. where do we start?"

Nagtinginan ang magkaibigan sa ginawa ni José na parang inangkin niya na ang pagmamay-ari ni Jeff.

        "Ahmmm. Mister Hidalgo... huwag muna tayong tumalon kaagad sa resulta at mag-assume na sa'yo ang lahat ng ito"  panimula ni Jacqui  "Kailangan muna nating pag-usapan kung paano ninyong paghahatian ang mga pagmamay-ari ninyong dalawa dahil may mga pagmamay-ari ang kaibigan ko na nasa ilalim ng pangalan mo"

        "Ooooh. Okay. Sige. Walang problema sa akin"

        "That's good, Mister Hidalgo. So? Let's start?"

Umupo si Jeff sa isang bakanteng upuan para simulan na ang kanilang meeting na tatlo at kung paano nila ito aayusin ang problema na iniwan ni Don Rolando.


Sa bahay ng mga Francisco.

Pagkatapos mag-ayos ng sarili si Alvin ay kaagad siyang nagtungo sa kusina para kumuha ng kaunting pagkain para kahit papaano ay merong laman ang kanyang tiyan bago pumasok sa trabaho.

Laking-gulat niya nang pagdating niya sa kusina ay nandoon si Calvin. Nag-aayos at naghahanda ng kanilang agahan.

        "Cal..??"  tawag ni Alvin sa anak.

Kaagad lumingon ito sa ama at biglang ngumiti “Good morning tatay. Kumain na po kayo. Sorry kasi hindi ako nagising ng maaga para makapagluto. Ito lang kasi nakayanan ko eh. De latang pagkaim”

        "Okay lang yan, anak"  sambit ni Alvin pero bakas sa mukha niya ang pag-aaalala sa anak dahil nagbago kinabukasan ang kanyang mood o takbo ng kanyang utak.

        "Umupo ka muna, tatay"  alok ni Calvin sa isang silya sa hapagkainan. Relaks ka muna. Ako ang bahala sa inyo"

Umupo naman kaagad si Alvin sa isang bakanteng upuan habang tinititigan ang kanyang anak na kasalukuyang naglalakad papunta sa kanya at may dalang kanin.

        "Kain na po tayo, tay"  alok niya sa ama.

        "Anak..."  sambit ni Alvin na parang naaawa na sa nangyayari ngayon kay Calvin  "Okay ka lang?"

        "Oo naman tay. Okay lang ako. Bakit mo naman naitanong yan?"

        "Kasi parang umiba ka anak eh"  paliwanag niya sa anak  "Kagabi kasi parang wala ka sa sarili mo at bumalik ka sa bisyo mo.."

        "Tay. I said, I'm okay..."  pagtaas ng tono ng kanyang boses  "Pabayaan ninyo lang ako kung ano man ginagawa ko. Diba, nangako na ako sa'yo na ititigil ko na ang bisyo ko kung hindi mo isusumbong kay Sky ang ginagawa ko?? Ito na.. I am doing it!!"

        "Okay anak. Sorry"

Nagpabuntong-hininga na lang si Calvin sa sinabi sa kanya ng ama “Sige na. Kumain ka na diyan. Magbibihis muna ako. May pupuntahan lang ako”

        "Saan naman anak? Sabay na lang tayo dahil aalis na din naman ako kaagad pagkatapos nito"

        "Huwag na tay. Ako na lang aalis na mag-isa"

        "Bakit? Saan ka ba pupunta?"

        "Kay Sky. Sa kanilang mansyon"  sagot niya sa ama  "Gusto ko siyang makausap"

        "Ano?? Babalik ka pa doon..? E hindi mo nga siya nakausap diba?"  paalala niya kay Calvin  "Mabuti pa na hayaan mo muna siya, Calvin. Dito ka muna sa bahay. Diba may pasok ka pa mamayang gabi?"

        "E ano ang gusto mong gawin ko dito sa boring na bahay na ito?? Wala ka nga dito diba? Parati ka ngang busy sa trabaho mo ehh"

        "Cal. Stop it. Huwag ngayon"  saway nito na itigil ang kanyang sasabihin. Kaagad tumayo si Alvin upang lapitan ang anak na si Calvin  "Ang ibig ko namang sabihin ay kumalma ka. Alam ko na may tama ka pa rin hanggang ngayon at mahirap iyon baka ano pa ang magawa mo sa girlfriend at sa pamilya niya"

        "SHIT!!"  sigaw ni Calvin  "Pwede ba, tumahimik ka..??! Wala kang alam, okay?! Bakit mo ba pinapakialaman ang mga desisyon ko sa buhay??! Bakit? Naging ama ba kita..? Hindi naman diba??!"

        "Alam ko na malaki ang naging kasalanan ko sa'yo pero andito na ako na pilit na bumabawi sa'yo, anak"  sabay tapik sa balikat ni Calvin  "Ayaw ko lang naman na masira ang buhay mo dahil sa babaeng yon. At ang muling pagbabalik mo sa bisyo mo"  at hinawakan ni Alvin ang kamay ng anak  "Anak... sundin mo naman ang tatay mo kahit ngayon lang. Parang awa mo na"

Hindi sumagot si Calvin sa pagmamakaawa ng kanyang ama at umalis na lang ito sa kanyang harapan at tuluyan nang lumabas ng kanilang bahay. Samantala si Alvin naman ay nakatayo pa rin at hindi na talaga alam kung ano ang gagawin sa kanyang anak.


Natapos ang kanilang meeting at pumayag na lang si José na huwag munang kunin ang kanyang mga ari-arian dahil nga may pagmamay-ari pa si Jeff na nakapangalan sa kanya.

        "Maraming salamat ulit, Mister Hidalgo"  sambit ni Jeff habang kinakamayan niya ito  "Salamat sa pag-intindi. Huwag kayong mag-aalala dahil ibabalik ko ang lahat na dapat na para sa'yo"

        "Inaasahan ko yan. Salamat din dahil naging maayos ang pag-uusap natin"  dugtong ni José  "See you soon"

        "See you soon, Mister Hidalgo"  ulit ni Jeff  "I am looking forward to that"

        "Of course. Kailangan pa natin magkita at mag-usap dahil marami pa tayong dapat na pag-uusapan tungkol sa matandang yon"

        "Sige. Anytime you want"

        "So paano..."  sabay tayo ni José sa upuan ni Jeff  "Aalis na ako dahil hinihintay na ako ng asawa ko sa ibaba"  sabay tingin niya kay Jacqui  "Just update me, Attorney"

        "Don't worry, Mister Hidalgo. I will"

Kaagad lumakad palabas ng opisina si José Hidalgo pagkatapos ng kanilang pag-uusap na tatlo. Samantala ang dalawa naman ay nagtinginan at doon na sila huminga ng malalim na parang binunutan ng matalim na bagay sa kanilang mga dibdib.

        "Thank God. Sa wakas..."  sambit ni Jeff  "Natapos din. Akala ko kung ano na ang mangyayari"

        "Oo nga bes eh. Ganon din ang iniisip ko"  dugtong ng kaibigan  "Mabuti na lang kasi nakakaintindi si José at hindi siya umangal"

        "Oo nga eh"  buntong-hininga muli ni Jeff  "Masaya ako sa pinag-usapan natin kanina kasama siya. Feeling ko na magiging okay ang paglilipat ng mga ari-arian ko sa pangalan ko"

        "Ako din. Pero huwag ka muna mag-relaks bes"

        "Bakit naman?"

        "Hindi pa tapos ang problema natin dahil magsa-submit pa tayo sa korte to revoke your Death Certificate 17 years ago"  paalala niya sa kaibigan  "Remember? Jeffrey Dy died 17 years ago sa nasusunog na warehouse?"

        "Oo bes. Naalala ko talaga yon dahil itinago ako ni Alvin ng ilang taon. Sa totoo lang, siya ang may kasalanan ng lahat ng ito"

        "Hindi mo pa rin ba siya napapatawad?"

        "Napatawad na rin dahil matagal na panahon iyon. I've moved on but hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya sa akin"  sambit ni Jeff sa kaibigan  "At isa pa, ama siya ng boyfriend ng anak ko. Okay na yun sa akin"

        "Good to know that. Dahil kakailanganin natin ang tulong niya to prove na buhay ka. Si Jeffrey Dy"

        "Ha? Hindi pa ba sapat na dahilan na andito at buhay ako?"

        "It is enough na andito ka. Pero kailangan pa din natin ng witness sa nangyari noon dahil bubuhayin natin ang taong matagal nang patay"  paliwanag ni Jacqui sa kanya  "Siya lang ang susi natin dahil nandoon siya sa warehouse nung gabi na akala namin ay patay ka"

        "So what do you want me to do?"

        "Well. Kailangan mo siyang makausap ng masinsinan tungkol dito. Kailangan niyang mag-cooperate dahil baka hindi mo makuha ang mga ari-arian mo mula sa pangalan ng ginagamit mo noon... at ang mas mahirap dito bes, wala kang identity ngayon. In short, you didn't exist in this world"

        "Ganon? Hindi ba pwedeng gagamitin ko na lang ang pangalan niya pero sa ibang pagkatao..?"

        "Pwede rin.. pero mahihirapan ka dahil marami ka pang aayusin na papeles kung iyon ang gusto mo"  paliwanag ni Jacqui sa kanya  "I mean, gagawa ka pa ng bagong identity; from Birth Certificate, IDs at marami pang iba. Unlike kung ibabalik natin si Jeffrey Dy, mas madali pa at hindi ka pa mahihirapan"

Hindi na sumagot si Jeff sa huling sinabi ng kanyang abugadong kaibigan. Kailangan niya talaga na kausapin si Alvin tungkol dito para maging legal ang muling pagbalik ng kanyang totoong pangalan.

        "Sige. Kakausapin ko siya"

        "Okay bes. Inaasahan ko yan"  dugtong ni Jacqui  "Ako na ang bahala sa mga legal matters. Ang gawin mo lang ay kausapin mo siya at papuntahin mo siya dito sa opisina mo para makapag-usap tayong tatlo"

        "Sige bes. Gagawin ko yan"  pagsang-ayon ni Jeff pero nakita niya ang kaibigan na parang nanlulumo ang kanyang mga mata  "Bes??  Okay ka lang?"

        "Oo bes. Okay lang ako"  habang pinupunasan niya ang kanyang mga mata  "Naalala ko lang kasi noon na magkaklase pa tayo nung college. Nagkukuwentuhan tayong dalawa habang tahimik lang si Alvin at nakikinig sa atin. Namiss ko lang ang mga pagkakataon na magkasama tayong tatlo"

        "Ako rin. Sobrang miss na miss"  habang inaalala ni Jeff ang kabataan nila  "Nung kumpleto pa kaming pamilya at kayong mga kaibigan ko. Pero ngayon, iba na talaga"

        "Sana maibalik natin ang nakaraan noh? Sobrang saya eh"

        "Hindi na din siguro dahil hindi na tayo kagaya ng dati"  dugtong ni Jeff sa kaibigan  "Kasi masyadong busy na tayong tatlo sa mga propesyon natin. At ang mga kapatid ko, iniwan nila ako sa ere dahil hindi nila tanggap na nagpakasal ako kay Nathan"

        "Hay naku, bes. Pabayaan mo na sila"  saway ni Jacqui  "Wala naman sila dito eh. Ang isipin mo ngayon ang pamilya mo. Ang anak at ang asawa mong nagmamahal sa'yo"

        "Kung sa bagay. Tama ka bes"  sabay ngiti ni Jeff  "Speaking of Alvin, Kailangan ko talaga siyang makausap bukod sa kaso ko"

        "Talaga? Tungkol saan naman?"

        "Tungkol sa kanyang anak na si Calvin"  sagot ni Jeff  "Nagpupumilit kasi na pumasok sa mansyon. Pero ayaw ko siyang papasukin dahil parang wala siya sa kanyang sarili. Yung parang sabog sa droga.."

        "Grabe ka naman. Hindi naman siguro"  dugtong niya  "Pero kailangan mo talaga siyang makausap tungkol sa anak niya. Para maliwanagan ka. Para naman yan sa anak mo eh"

        "Tama ka bes"

        "So paano... alis na din ako ha"  pagpapaalan niya sa kaibiga  "May kliyente pa kasi naghihintay sa akin eh"

        "Oh sige. Mag-iingat ka bes"

        "Salamat. Kaw din bes. Ba-bye"

        "Bye" ngiti ni Jeff

Samantala. Sa mansyon.

Nakaupo si Mike sa gilid ng swimming pool. Nakalublob ang mga paa at tinatampisaw niya ang mga ito sa tubig habang malalim ang kanyang iniisip.

Iniisip niya pa rin kasi ang kanyang pinakamamahal na si Anthony. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya ito nakakalimutan dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Anthony kahit iniwan siya sa ere dahil nakapagbalikan na siya sa kanyang totoong mahal.

Naputol ang kanyang pagmumuni-muni sa tubig nang may biglang humila sa kanya mula sa likuran at kaagad siyang sinuntok ng sobrang lakas.

        "Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na hayaan mo ang girlfriend ko"  hinawakan niya ito sa damit at pinatayo ito  "Nang dahil sa'yo galit na galit ang girlfriend ko sa akin"  doon niya nakita na si Calvin pala ang taong iyon at nangangalit ito sa galit.  "Oh... bakit hindi ka makasagot..?!"

        "Nagsorry na ako sa'yo diba... hindi ko talaga sinasadya"  tanging sagot ni Mike habang hinawakan nito ang kamay ni Calvin sa kanyang damit  "Kung ano man ang naging kasalanan ko. Pasensiya na talaga"

Napatawa na lang si Calvin na tila disgustado sa sinabi ng isa “Sa tingin mo ba naniniwala ako sa’yo..?? ! HINDI!!” sigaw niya kay Mike na parang masisira ang tenga nito sa sigaw “Ito ha… Isaksak mo’to sa utak mo. Bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon… kung sasagabal ka pa sa amin ng girlfriend ko… humanda ka sa akin dahil baka mapatay na kita… okay??” pero hindi sumagot si Mike sa kondisyon na ibinigay sa kanya ni Calvin “SAGOT!!!!” tango niya naman kaagad “Good. Mabuti naman kung nagkakaintindihan tayo. Salamat sa oras mo, pwede ka nang bumalik sa ginagawa mo. Basta mag-ingat ka lang parati” doon niya binitawan si Mike at tinapik ito sa balikat.

Itutuloy…

TCG: Chapter 21 (Plano kay Calvin)

Dakong alas-singko ng hapon nang maunang umuwi si Sky sa mansyon dahil sasamahan niya pa ang kanyang pinsan na iniwanan niya kaninang umaga.

Nang pagpasok niya sa silid ni Mike ay nadatnan niya ito na nakaupo sa kama at nakaharap sa headboard ng kama. Hindi niya makita ang mukha ng pinsan dahil nakatalikod ito mula sa kanyang point of view.

        "Hi cous"  bati ni Sky at habang lumalakad ito papunta sa kama "How's your day?"

        "Okay naman ako cous"  sagot nito habang nakatalikod sa pinsan. Ayaw niya kasi ipakita kay Sky ang pasa niya na ginawa kanina ni Calvin  "Ikaw? Kamusta ang trabaho sa opisina?"

        "Heto... as always, nakakapagod"  sabay upo sa tabi ng pinsan pero mas lalong lumayo si Mike sa pinsan. Napansin naman iyon ni Sky at kaagad niyang tinanong si Mike  "Cous?? Okay ka lang?"

        "Yup. Okay lang ako, cous. Bakit mo naman natanong yan?"

        "E para kasing umiiwas ka sa akin eh"  at hinawakan niya ang braso ni Mike  "Cous? Galit ka ba sa akin nung tungkol kagabi?"

        "Ha? Galit? No. Hindi ako galit sa'yo, cous"  dugtong ni Mike  "Sa katunayan nga, ako pa ang humihingi sa inyo ng tawad ni Calvin eh"

        "Ni Calvin..??"  ulit ni Sky na parang nagtataka sa sinagot ni Mike  "Bakit naman siya nasali dito sa usapan natin? Teka... pumunta ba siya kanina dito..?"

        "Oo cous"

Doon na humarap si Mike sa kanyang pinsan at nakita ni Sky ang pasa sa mukha nito.

        "Oh my god... Ginawa niya 'to...??"  tumango naman si Mike bilang sagot  "Paano siya nakapasok??"

        "Hindi ko rin alam, cous. Nandoon lang naman ako sa swimming pool"  kuwento niya sa pinsan  "Nagulat lang ako nang may humila sa akin at sinuntok ako ng malakas"

        "Grabe... Hindi ko na talaga alam kung bakit siya nagkaganyan. Parang hindi na siya ang nakilala kong Calvin noon"

        "Sorry cous. Kasalanan ko 'to eh"

        "Bakit?? Anong kasalanan mo? Wala kang kasalanan, okay?"  paniniguro ni Sky sa kanya  "At kung sa kasalanan lang naman ang pag-uusapan, malaki ang kasalanan na ginawa ni Calvin sa'yo. Masyado siyang nagpapadala sa kanyang emosyon at selos"

        "Inaagaw ko kasi ang oras mo na dapat na nasa kanya eh"

        "Nonesense. Hindi totoo yan"  dugtong niya  "At ikaw naman, sa kalaki ng katawan mo, nabugbog ka pa niya?"

        "Hindi ko alam cous. I caught off-guard at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko"  sabay yuko ni Mike  "Malalim kasi ang iniisip ko kanina"

        "Hay cous. Kawawa ka naman"  sambit niya dito  "Kung sa bagay. May pinagdadaanan ka pa at malungkot ka pa ngayon at mahina pa ang katawan mo. Pero cous, sa susunod, huwag kang magpapa-api sa kanya, okay?"

        "Sige. Susubukan ko"

        "Don't try. Gawin mo. Diba?? Ikaw ang bully nung sa highschool pa tayo?? Natatakot ang ibang mga estudyante kapag dumadaan ka na at ng mga barkada mo"

        "Noon yon, cous. Matagal na panahon na iyon. Hindi na ako pareho ng Mike na nakilala mo"  sambit niya  "Hindi na ako ganyan nung nakilala ko si Anthony"

        "That's my point. Wala na kayo ng lalaking yon. So kailangan mo nang ibalik ang dati mong ugali na matapang at maangas"

        "Ewan ko. Hindi ko alam kung maibabalik ko pa, cous. Hindi na siguro"  dugtong ni Mike sa kanya  "Hahayaan ko na lang ang mga tao na apihin ako dahil wala na talaga akong kwentang tao"

        "Cous.. hindi mo ba talaga siya malilimutan..?"

        "Hinding-hindi cous. Dahil naging parte na siya ng buhay ko"

Walang nagawa si Sky kundi hinayaan na lang ang kanyang pinsan na muling umiyak “Sige cous. Bibigyan kita ng panahon to mourn kay Anthony. Andito lang ako para sa’yo. Hindi naman kita masisisi dahil minahal mo ang tao. Naiintindihan ko yan”

        "Maraming salamat cous. Salamat sa pag-iintindi"

Alas-siyete na ng gabi nang makauwi ng bahay si Alvin sa kanilang bahay. Nang pagpasok niya ng bahay ay nadatnan niya muli si Calvin na nakaupo sa sofa at parang maitim ang nakapalagid sa kanyang mga mata.

Nakita niya din ang mga nagamit na foil na nakakalat sa sahig habang lumalakad siya palapit sa anak,

        "Anak..."  tawag ni Alvin sa kanya.

        "Tay..."  tanging sagot nito

        "Kamusta ang araw mo, anak?"  pero hindi sumagot si Calvin. Nakita at napansin niya ang mukha ng anak na parang nangangalit ito sa galit  "Cal?? Bakit hindi ka sumasagot? Don't tell me na pinuntahan mo talaga sila kanina?"

        "Isa pang pangingialam niya sa relasyon namin ay lagot na talaga siya sa akin"

        "Sino ang taong pinagsasabi mo..?"

        "Ang hayop na pinsan ni Sky"

        "Ano..??"  at doon tumaas ang tono ng boses ni Alvin  "Tinototoo mo talaga ang sinabi mo kanina??! Hindi ka ba talaga nag-iisip sa ginagawa mo??!!"

Napatingin si Calvin sa kanyang ama na nanlilisik ang mga mata nito “Wala kang pakialam kung ano ang ginawa ko at gagawin ko dahil hindi ka naman nagpapaka-ama sa akin diba..??!”

        "Tumahimik ka. Hindi totoo yan"  saway ni Alvin  "Diba sinabihan na kita kanina na huwag ka na pumunta doon sa kanila...? Sinusuway mo talaga ako"

        "Pwede ba... pabayaan mo na ako... malaki na ako!!"  sigaw niya sa ama at parang naiinis na ito dahil sa pangingialam niya sa kanyang buhay. Tumayo siya sa sofa at lumakad palayo sa kanyang ama. 

Naiwan doon ang nakakalat na mga foil at iba pang gamit na ginamit niya kanina sa kanyang bisyo.

Napatingin na lang doon si Alvin. Napaisip siya na kailangan niya talaga itong pigilan ang kahibangang at bisyo ng anak.


Samantala. Sa mansyon.

Kakauwi lang nina Jeff at Nathan at kaagad silang sinalubong ni Sky sa main door.

        "Good evening po, Papa. Daddy"  bati niya sa dalawa.

        "Good evening din, anak"  sagot naman ni Jeff  "Kumain ka na?"

        "Hindi pa po, Papa. Hinihintay kayo namin ni Mike"

        "Talaga? Saan na ba siya?"

        "Nasa taas po. As usual. Broken-hearted pa rin"

        "Ganon ba?"  dugtong ni Jeff  "Sige, Susubukan ko na ako ang kakausap sa kanya"

        "Sige po, Papa. Pero may isa pa tayong problema"

        "Problema...??"  dugtong naman ni Nathan sa kanilang usapan  "Anong problema naman yon?"

        "Papa... alam na ba ni Daddy ang nangyari kagabi?"

        "Oo. Alam niya na dahil kwinento ko na sa kanya ang tungkol doon"  paliwanag ni Jeff sa anak  "Teka. May kinalaman ba ang sinasabi mo ngayon sa nangyari kagabi?"

        "Opo Papa"

        "Ano naman yon anak?"  tanong ni Jeff

        "Pero bago po yan, pasok muna kayo, Papa. Daddy"  kaagad naman silang pumasok na dalawa sa mansyon. Dumerecho silang tatlo sa malaking sofa para ikuwento na ni Sky ang problema na kanyang tinutukoy.

        "So, ano na yon anak? Ano ang problema?"

        "Si Calvin po kasi... nakapasok dito sa mansyon kanina"

        "What??!!"  nanlaki ang mga mata nina Jeff at Nathan sa binalita ni Sky sa kanila  "Nakapasok?? Paano? May security guards tayo diba?"

        "Hindi ko rin alam, Papa. Hindi ko pa naicheck ang CCTV ng mansyon"

        "So ano ang nangyari? Kinausap ka niya?"

        "Wala pa po ako dito sa mansyon nang pagpasok niya"  paliwanag ni Sky  "Si Mike ang pakay niya dahil alam niya na wala tayo dito. Sinugod niya at binugbog at binantaan niya ito"

Napahinga na lang ng malalim si Jeff sa ginawa ni Calvin sa kanyang pamangkin. Pati siya ay hindi na alam kung bakit nagawa iyon ng nobyo ng anak.

        "Hindi ako makapaniwala na nagawa iyon ni Calvin sa pinsan mo, anak"

        "Ako rin Papa eh. Nagulat din ako sa ginawa niya"

        "So ano ang plano mo, babe?"  tanong naman ni Nathan sa kanya  "Dapat may kailangan kang gawin sa taong yon. May plano ka ba?"

        "Meron"  at tumingin siya kay Sky  "Kailangan mo  nang hiwalayan ang lalaking iyon dahil hindi na natin alam kung ano pa ang magagawa niya sa pinsan mo, at sa atin lahat"  utos ni Jeff sa anak.

        "Opo Papa. Maliwanag po. Kahit hindi ninyo ako utusan, gagawin ko talaga iyan"

        "Good. Mabuti naman kung ganon, anak"  pagsang-ayon ni Jeff kay Sky  "Kailangan pa din natin i-check ang CCTV kung paano siya nakapasok ng mansyon at kailangan din nating higpitan pa lalo ang security dito"

        "Paano naman si Calvin babe? Hindi mo ba siya kakasuhan sa ginawa niya?"  

        "Hindi pa muna sa ngayon dahil may pag-uusapan pa kami ng ama niya"  sagot niya kay Nathan  "Kailangan ko munang malaman kung ano talaga ang totoo sa anak niya"

        "Sige. Kung iyan ang gusto mo, babe. Susuportahan kita"  pagsang-ayon din ni Nathan  "Kelan mo siya kakausapin?"

        "Bukas. Doon ko siya kakausapin sa kanyang opisina"

        "Sasama ako Papa"  boluntaryo naman ni Sky

        "Huwag na anak. Mas kailangan ka sa opisina natin"  tanggi naman ni Jeff sa kanya  "Ako na lang ang pupunta doon kay Tito Alvin mo"

        "Okay po Papa. Kung iyan ang gusto mo"

Kinabukasan. Dakong alas-siyete ng umaga.

Kakalabas lang ni Sky sa kanyang silid nang makita niya si RK na kakalabas din ng kanyang kwarto. Pero laking gulat niya ay may kasama siyang lalaki.

Kaagad naman nagtago si Sky sa isang maliit na cabinet sa hallway habang sinisilip ang dalawa. Doon niya nakita na naghahalikan ang dalawa ng sobrang diin na parang ayaw na nilang bitawan ang isa’t-isa.

Dahan-dahan lumakad si Sky palapit sa hagdan habang silang dalawa naman ay bumababa na dito. Sinilip niya itong muli mula sa itaas at nakita niya na parang sweet na sweet ang dalawa.

        "Cous..."  sambit ng tao sa kanyang likuran.

        "Ay kabayo..!!"  sigaw ni Sky at pilit niya hinahabol ang kanyang paghinga  "My god Mike. Ikaw lang naman pala. Parang aatakihin ako sa puso sa panggugulat mo sa akin"

        "E ikaw kasi eh. Kung nakikita mo lang sana ang mukha mo na parang magnanakaw na nagmamasid"  paliwanag niya sa pinsan  "Sino ba kasi ang sinisilip mo diyan sa hagdan..?"

        "Si RK kasi cous..."

        "Si RK?? Bakit? Anong nangyari sa kanya?"

        "May kasama siyang lalaki palabas ng kanyang kwarto"

        "Oh tapos..?"

        "Tapos nakita ko dito na naghahalikan sila"

        "Weeeh. Di nga?"

        "Oo nga cous. I think RK is also gay"

        "Closet din siya kagaya ko?"

        "Siguro. Pero baka OA lang ako mag-isip. Tatanungin ko muna ang kuya niya"

        "Mabuti pa nga"  sagot ni Mike  "Teka cous. Kamusta na pala kayo ni Stephen?"

        "Okay naman kami. Bakit mo naman naitanong?"

        "Wala naman cous. Kasi mag-ex kayo diba? Hindi niyo ba napag-usapan ang nakaraan?"

        "Naku cous. Wala akong oras sa mga ganyang usapan"  buntong-hininga ni Sky  "At isa pa, hindi naman kami napag-usap na eh. Busy na siya sa kanyang trabaho at ganon din sa akin. So wala na. Wala na talaga. At doon na lang siguro ang love story namin"

        "E bakit? Galit ka pa rin ba sa kanya hanggang ngayon?"

        "Galit...?? Hmmm. Siguro hindi na masyado kasi habang tumatagal ay naiintindihan ko na nang unting-unti kung bakit niya ginawa iyon"

        "Wow ha. Malaki na talaga ang pinagbago mo simula nung umuwi si Stephen dito. Naging mature ka na"

        "I have to. Iintindihin ko na lang at patatawarin ko na lang ang mga taong nagkasala sa akin noon. Love love love lang, sabi ni Kris Aquino"

        "That's good cous. I am so proud of you"

        "Salamat cous. Kaya ikaw din ha"  balik ni Sky sa kanya  "Patawarin mo ang lalaking iyon at mag-move forward na sa life mo"

        "Don't worry. Gagawin ko talaga yan kapag handa na ako"

        "Inaasahan ko yan, cous"  sabay ngiti nila sa isa't-isa. Doon napansin ni Sky na nakabihis pala si Mike at parang may lakad  "May lakad ka ba? Nakabihis ka ata"

        "Oo cous. May lakad ako"

        "Saan ka naman pupunta sa ganitong kaaga?"

        "Well. Kung magtatambay lang ako dito sa kwarto buong maghapon, mas mabuti pa na pumasok na lang ako sa opisina"  pahayag ni Mike sa kanya  "Ilang araw din kasi akong hindi nakapasok. Sigurado ako na marami akong na-miss sa opisina"

        "Talaga cous?? Kaya mo na ba..??"

        "Oo naman. Kaya ko na noh. Ako pa ba..?"

        "Oh sige, Kung iyan ang gusto mo, hindi na kita pipigilan"  pagsang-ayon ni Sky  "Mabuti din yan para ma-distract ka"

        "Oo nga cous eh. Sige. Alis na ako"

        "Okay cous. Mag-iingat ka sa labas, okay? Alam mo naman si Calvin. Mainit ang mata niya sa'yo"

        "Don't worry. Mag-iingat ako"

Dakong alas-nwebe ng umaga ay nandoon na si Alvin sa kanyang opisina. Nakaupo at may binabasa siya tungkol sa report na ginawa ng kanyang tauhan.

        "Sir..!"  sabay pasok ng isang police habang nakataas ang kanang kamay at nakalagay ito sa kanyang kilay upang sumaludo.

Tumayo din si Alvin at kaagad din naman sumaludo sa police “As you were”

        "May bisita po kayo, Sir"

        "Bisita...? Sino naman?"  sabay kunot ng noo ni Alvin dahil napaisip ito na wala namang bibisita sa kanya sa araw na iyon  "Tinanong mo ba kung sino?"

        "Yes Sir. Si Mister José Hidalgo-Rodgers"

        "Si Jeff...?"  panlalaki ng mata ni Alvin. Hindi niya inaasahan na bibisita si Jeff sa kanya. May halong ngiti at excitement ang kanyang nadarama sa mga oras na iyon dahil sa wakas ay makikita niya muli ang kanyang una at huling mahal.  "Sige. Papasukin mo"

Kaagad naman lumabas ang police at tinawag si Jeff. Nakalipas ang ilang sandali ay pumasok nga doon si Jeff sa kanyang opisina.

Napanganga na lang si Alvin dahil kahit lumipas man ang mga taon ay hindi pa rin nagbabago ang mukha ni Jeff, at hindi pa rin nawawala ang pagmamahal nito sa kanya.

Itutuloy…

TCG: Chapter 22 (Totoong Pagkatao)

Tumigil ang mundo ni Alvin nang makita si Jeff sa unang pagkakataon magkalipas ang ilang taon na hindi sila nagkita. Parang hindi pa rin nagbabago ang mukha nito kahit lumipas ang panahon at hindi pa rin nawawala ang pagmamahal nito kay Jeff.

        "Good morning"  bati ni Jeff sa kanya  "Pwede ba kitang makausap? Kasi baka may ginagawa ka ngayon eh"

        "No. I'm good. Hindi ako busy ngayon"  sagot naman ni Alvin  "Please. Take a seat"  umupo din kaagad si Jeff sa bakanteng upuan habang tinititigan siya ni Alvin  "So... ano ba ang kailangan nating pag-usapan?"

        "Naparito ako para pag-usapan natin ang tungkol sa anak mo"

        "Kay Calvin?"  pagkaklaro niya  "What about him?"

        "Alam mo naman diba na magkarelasyon sila ngayon ng anak ko na si Sky.."

        "Yes. Oo. Alam ko. Bakit naman?"  sambit ni Alvin sa kanya  "Meron bang problema tungkol sa kanilang dalawa?"

        "Hindi sa kanilang dalawa. Kundi sa anak mo lang"  ulit ni Jeff kay Alvin  "He's being paranoid and obsessed sa girlfriend niya. Kahit pinsan ni Sky na pamangkin ko ay pinagseseslosan niya"  salaysay nito kay Alvin  "And recently, pumunta siya sa mansyon at nag-wala at ininsulto ako. At hindi pa yan, pinasok niya na kahapon ang mansyon ng walang paalam at sinuntok at binantaan si Mike"

        "Talaga?? Hindi ko alam yan ah"  pagmaangmaangan ni Alvin sa kanya  "Pero kung ano man ginawa ng anak ko, pagpapasensiyah mo na siya, Jeff. Ganyan lang talaga siya kapag mahal niya ang isang tao. Sobrang mahal niya kasi ang anak mo"

        "Speaking of... may sinabi sa akin si Sky tungkol kay Calvin"

        "Ano naman yon?"

        "... na may pinagdadaanan daw si Calvin ngayon? Tapos ang sabi niya ay intindihin na lang namin siya dahil sa kanyang kalagayan"  sagot ni Jeff sa kanya  "Ano ba talaga yon?"

        "Ha? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Jeff"  pagsisinungaling pa lalo ni Alvin  "Masaya ngayon ang anak ko dahil naging sila ni Sky. Kaya wala siyang pinagdadaanan ngayon"

        "Talaga ba? Pero bakit ganyan siya sa anak ko? Parang ayaw niyang mawala ito sa tingin niya... ano ba talaga ang problema ni Calvin?"

        "Wala nga, Jeff, okay? WALA"

Samantala.

Nagdesisyon si Mike na pumunta muna sa opisina ng DGC para kausapin ang kanyang Tito Jeff tungkol sa kanilang negosyo na Hidalgo Breweries. Matagal na panahon din kasi na nawala siya sa trabaho at kailangan niya si Jeff para i-update siya sa mga nangyayari.

Habang papasok siya ng gusali ay may nakita siyang dalawang lalaki na nag-uusap sa labas at parang masaya ang kanilang kuwentuhan. Tinititigan ng husto ni Mike ang dalawang lalaki at doon siya nagulat sa kanyang nakita. Si Anthony at ang isang lalaki na hindi niya kilala.

Sa kirot ng kanyang nararamdaman ay pinuntahan niya ang dalawa, Gusto niyang harapin at kausapin si Anthony para i-klaro muli ang kanilang hiwalayan,

        "Mike..?"  sabay kunot ng noo ni Anthony sa kanya  "What are you doing here?"

        "Sino siya, babe?"  tanong naman ng kasama niyang lalaki na si George.

        "Siya si Mike. He's my ex"

        "Your ex...?"  ulit ni George  "Parang hindi mo naman ako sinabihan tungkol sa kanya"

        "Sorry babe. Nakalimutan ko lang kasi. Pasensiya na"

        "Talaga ba? Pakilala  mo naman ako sa kanya"

        "Ha? Huwag na"  tanggi ni Anthony kay George

        "Bakit naman...? Sige na. Gusto ko siya makilala"  sabay tingin ni George kay Mike. Pero hindi sumagot si Anthony sa pakiusap nito  "Sige. Kung ayaw mo, ako na lang"  at doon niya na itinaas ang isang kamay para makipagkamay sa kanilang kaharap na lalaki  "By the way, I'm George Salcedo. Anthony's partner. At ikaw?"

        "Oo. Kilalang-kilala kita dahil naikuwento ka niya sa akin"  napatingin naman si George kay Anthony  "Anyways, I'm Michael Teng. But you can call me 'Mike'."

        "Teng...?"  ulit ni George  "THE Michael Teng...? Ang may-ari ng Teng Prime Holdings?"

        "Yes. Ako nga iyon"

        "WOW. Hindi mo sinabi sa akin na bigatin pala ang ex mo, Anthony"  pero hindi pa rin sumagot si Anthony at para na out-of-place na ito. Doon niya naramdaman na mapahiya siya ng kaunti sa kanilang usapan na tatlo  "Well, its nice to meet you, Sir"

        "Don't call me SIR. Bata pa ako"

        "I know. Pero isa ka sa mga successful na business tycoon sa buong bansa. You deserve my respect"

        "Sige. Kung iyan ang gusto mo, I'll accept it. Maraming salamat"

        "You're welcome"  sabay ngiti ni George sa kanya  "Oo nga pala, Sir Mike... ano po ang ginagawa ninyo dito sa DGC?"

        "Pupuntahan ko lang ang tito ko dito. May pag-uusapan lang kami"

        "Si Jeff, right?"  tango naman ni Mike  "Ang balita ko, wala pa siya eh. Hindi pa siya nakakapasok ng opisina"

        "Talaga? Alam mo ba kung bakit?"

        "Hindi ko alam eh. Why don't you call him?"

        "Gusto ko rin sana siyang tawagan pero mas maganda kapag sa personal kami mag-uusap"

        "Ah ganon ba? Sige"  sagot ni George. Muli siyang ngumiti sa kaharap niya  "Hindi talaga ako makaka-akala na magkakilala pala kayo ni Anthony at pamangkin ka ni Jeff. Small world talaga"

        "Oo nga eh"  tanging sagot ni Mike

        "So paano Sir. Alis na kami ni Anthony"  paalam niya dito  "Salamat sa oras at salamat din dahil nakilala kita"

        "Ako din, Sir George. Ikinagagalak kitang makilala at makita sa personal"

        "Tayo na babe. Umuwi na tayo"  sabat naman ni Anthony sa kanilang usapan na tila pinuputol na ito at ayaw niyang pahabain pa.

        "Sige po Sir. Alis na kami"

        "Sige. Mag-iingat kayo. Lalung-lalo ka na, Anthony"  

Hindi sumagot si Anthony sa sinabi ng kanyang ex at kaagad silang umalis at lumakad papunta sa kanilang sasakyan na naka-park. Samantala si Mike naman ay nagdesisyon na lang na bumalik sa kanyang opisina sa Teng Prime Holdings para ipagpatuloy na lang ang kanyang trabaho.


Nandoon pa rin si Jeff sa opisina ni Alvin at patuloy pa rin ang pag-uusap nila tungkol sa anak nito na si Calvin. Hindi siya talaga naniniwala sa mga sinasabi ni Alvin sa kanya, na hindi niya alam ang tungkol sa kanyang anak.

“Alam ko nagsisinungaling ka dahil kitang-kita ko sa mga mata mo ang katotoohanan na ayaw mong sabihin sa akin” sambit ni Jeff sa kanya “Kaya kung ako sa’yo, magsabi ka na lang ng totoo, Vin. Baka masira pa ulit ang pagkakaibigan natin kung hindi mo sasabihin ang katotohanan tungkol sa anak mo”

Wala nang magawa si Alvin sa pagpupumilit ni Jeff sa kanya. Sasabihin niya na lang ang totoong kalagayan ng kanyang anak dahil parang nabisto na siya ni Jeff.

        "S-sige. Ito na... sasabihin ko na sa'yo ang katotohanan sa anak ko"  panimula ni Alvin  "Alam mo naman na ikaw ang kahinayaan ko eh"  at huminga muna siya ng malalim bago niya isalaysay kay Jeff ang tungkol sa anak  "He's not really my son. Inampon ko lang siya nung nasa 9 years old na siya, kinuha ko siya para mabaling ang isip ko at para makalimutan kita, dahil inaamin ko na nasaktan ako nung nagpakasal kayo ni Riley"  unting-unti tumutulo ang luha niya habang inaalala ang nakaraan  "Yes. Naging selfish ako at hindi ko nagampanan ng maayos ang pagiging tatay ko kay Calvin dahil inaamin ko na ginamit ko lang siya para makalimutan kita"

        "Vin, hindi ko alam na hindi pa rin nagbabago ang pagtingin mo sa akin. Akala ko nawala na"

        "Akala ko din eh. Pero hindi pala ganon kadalo na maalis ang pagmamahal ko sa'yo Jeff. Kaya pati si Calvin ay nadamay sa ginawa ko. Doon siya naghanap ng atensyon sa ibang tao. Ang problema ay mali pang tao ang naging kaibigan at nasamahan niya. Doon na siya nag-umpisa sa paggamit ng droga hanggang ngayon"  salaysay ni Alvin sa kanya  "Yes. Drug addict siya, Jeff. Adik ang anak ko.

Bumuhos ang luha ni Alvin habang inaalala niya ang nakaraan sa kanyang anak. Si Jeff naman ay nakatingin lang sa kanya na may halong inis at awa sa kanya “I’m sorry kung ako ang dahilan kung bakit nagkaganyan si Calvin. Sorry talaga. Hindi ko alam”

        "No. no. no. Wala kang kasalanan, Jeff. Ako ang may kasalanan nang lahat ng ito"  pagsisisi ni Alvin sa kanyang sarili  "Akala ko magiging okay na ang lahat nung nakilala niya na si Sky dahil tumigil na siya sa kanyang bisyo. pero lumala pa pala. Naging praning siya sa anak mo at nung sumuko na si Sky sa kanya ay bumalik siyang muli sa bisyo niya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa kanya, Jeff. Hindi ko naman siya masisisi dahil wala ako sa tabi niya kapag kailangan niya ako noon"

        "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Vin"  panimula naman ni Jeff  "Pero bakit hindi mo pa siya pinapakulong hanggang ngayon? Diba mataas na ang pwesto mo sa PNP?"

        "Mahirap Jeff"  buntong-hininga ni Alvin  "Ilang beses ko din naman siya pina-rehab pero ganon pa rin eh. Natatakot lang ako na husgahan ako ng ibang tao, lalung-lalo na anak siya ng isang pulis"

        "Bakit ka naman matatakot?"

        "E baka sabihin nila na wala akong kwentang ama at hindi ko pinalaki ng maayos ang anak ko"

        "E totoo naman, Vin eh. Naging irresponsable ka sa anak mo at hindi mo siya inalagaan ng maayos"  sabat ni Jeff  "At sa tingin mo ba ay hindi ka nagiging masamang ama sa ginagawa mo ngayon...?"  balik sa kanya ni Jeff  "Kinokonsenti mo ang ginagawa niya kahit mali ito. Tama ka, nagkamali ka dahil naging makasarili ka noon pero kailangan niyang makulong para hindi lang maparusahan, kundi mare-realize niya ang malaking pagkakamali na ginawa niya"  at tinignan niya ng mabuti si Alvin na kasalukuyang lumuluha at nagsabing  "Vin, gawin mo 'to para sa kanya dahil anak mo siya. Ito lang ang paraan para makabawi ka sa ginawa mo noon"

        "Hindi ko alam kung saan ako magsisimula at kung paano ang gagawin ko sa kanya. Pero sige, susubukan ko ang sinabi mo sa akin"

        "Good. Sana gawin mo yan para sa kanya. Magpapaka-ama ka na kay Calvin"

Doon napaisip si Alvin sa sinabi sa kanya ni Jeff. Marahil nga ay tama ito, kailangan niya nang disiplinahin ang anak niya “Sige. Susundin ko ang payo mo. Kailangan ko na talaga na magpapaka-ama sa kanya”

        "Mabuti naman kung ganon, Vin. Andito lang kami ng anak ko para intindihin pa lalo si Calvin sa abot ng aming makakaya"  paniniguro ni Jeff kay Alvin  "Don't worry, hindi kami aalis"

        "Salamat Jeff. Maraming salamat talaga sa pag-iintindi"  sabay hawak din ni Alvin sa kamay ni Jeff. Napansin naman ito ng isa at kaagad kinuha ang kanyang kamay  "Sorry"  sambit niya kay Jeff  "Masaya lang kasi dahil kahit papaano ay may katuwang na ako kay Calvin"

        "It's okay. Kailangan mo talaga siyang tulungan dahil anak mo siya kahit hindi mo siya kadugo. Anak mo pa rin siya"

        "Oo Jeff. Tama ka. Maraming salamat ulit"

Ngumiti na lang si Jeff sa kanya at tumayo ito sa kanyang inuupuan “So, alis na ako, Vin. Alam ko ay may gagawin ka pa. Pasensiya na ulit sa abala”

        "Sige Jeff. Mag-iingat ka"  dugtong naman niya  "Sana hindi pa ito ang huling pagkakataon na magkita tayo"

        "Don't worry. Hindi pa"  sabay ngiti ni Jeff.

Doon na tumalikod si Jeff at nagmamadali itong lumakad palabas ng opisina ni Alvin. Samantala si Alvin naman ay nakaupo pa rin habang nakangisi dahil nakita niyang muli si Jeff magkalipas ang ilang taon.


Dakong alas-singko ng hapon nang makauwi si Sky sa masyon. Pagod na pagod at gutom na gutom ito sa maghapon na trabaho sa DGC. Nagdesisyon siyang pumunta sa kusina para kumuha ng makakain sa ref.

Nang pagkatapos niyang kumuha ng pagkain ay kaagad niyang sinara ang pinto ng ref. Laking-gulat niya dahil may nakatayong tao sa likuran ng ref.

        "Ay kabayo!!!"  nakita niya na si Stephen pala ang taong nakatayo habang nakangiti sa reaksyon niya.  "Shocks... Stephen naman. Huwag ka ngang ganyan"  habang lumalakad siya papunta sa hapagkainan  "Ginugulat mo ako eh"

        "Sorry Sky"  sabay tawa niya sa dating nobya  "Ang cute kasi ng reaksyon mo kapag nagugulat ka"

Tinabihan ni Stephen si Sky sa hapagkainan at sinamahan siya sa kanyang pagkain.

        "Ewan ko sa'yo. Sinasadya mo ata eh"

        "Sorry na nga"  tawa niya muli kay Sky  "Maiba tayo. How's your work..?"

        "Ito. Ganon pa rin. Nakaka-drain ng utak at ng lakas ng katawan"  sagot nito sa kanya  "Eh ikaw? Kamusta naman ang bago mong trabaho?"

        "Hmmm. Okay lang naman. Nakakapagod din pero enjoy"

        "Good for you dahil ineenjoy mo"

        "Of course. Mahirap talaga sa panahon ngayon ang maghanap ng magandang trabaho"  dugtong niya sa sinabi ni Sky  "Swerte ko nga eh. Kasi maganda ang trabaho ko, lalung-lalo na ang mga kasama ko sa trabaho"

        "So hindi ka na babalik sa Amerika?"

        "Hmmm. Hindi na siguro. Kontento na ako sa trabaho ko at mas masaya ako dito dahil kasama ko kayong lahat dito sa Pilipinas"

Hindi muna sumagot si Sky sa sinabi ni Stephen dahil sarap na sarap siya sa kanyang kinakain na malamig na baked-macaroni. Doon sumagi sa kanyang isip ang nakita niya kaninang umaga sa kapatid ni Stephen na si RK.

        "Stephen..?"

        "Bakit..?"

        "May tanong sana ako sa'yo"

        "Tanong? Tungkol saan naman? Tungkol ba sa atin?"

        "Sira! Hindi noh. Tungkol sa kapatid mo"

        "Kay RK? Bakit? What's with my brother?"

        "Huwag ka sanang magugulat ha. Sana huwag kang magalit sa akin o sa kanya man"

        "Ano nga..?? Pinapakaba mo ako eh"

        "Si... si RK kasi. Nakita ko siya kaninang umaga na may kasamang lalaki palabas ng kanyang kwarto.."

        "Oh tapos..?"

        "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? May kasama siyang lalaki palabas ng room niya"  sabay tingin niya kay Stephen  "Steph. I think your brother is gay"

Itutuloy…

TCG: Chapter 23 (Mahirap na Desisyon)

Nagulat si Stephen sa sinabi ni Sky tungkol sa kanyang bunsong kapatid. Hindi siya makapaniwala na may dinalang lalaki si RK sa kanilang bahay. Sino kaya ang lalaking iyon at ano ang relasyon o kinalaman niya sa kapatid?

        "Sigurado ka sa nakita mo? May kasama siyang lalaki palabas ng silid niya?"

        "Oo. Sigurado ako dahil kitang-kita ko mismo na lumabas at naghahalikan sila"

        "So bakla na agad yan..??"  balik ni Stephen sa kanya  "Hindi ba pwedeng magkaibigan o kabarkada muna? Ikaw talaga. Ang hilig mong maglagay ng malisya at issue sa mga bagay"

        "Look who's talking. Ganon ka din sa pinsan ko diba..?"  sabay pagtaas ng kilay niya kay Stephen  "At siyempre, bakla siya. Ano nga ba ang tawag sa dalawang lalaki na naghahalikan?? Magkaibigan?? Hindi mo ako maloloko, Stephen"

Doon na natahimik si Stephen dahil bistado na ni Sky ang sikerto ng kapatid. Kailangan niya nang sabihin ang totoo kay Sky. “Okay… sasabihin ko na sa’yo ang totoo. Pero tumahimik ka lang muna kina Daddy at Tito ang tungkol dito dahil hindi pa handa si RK na malaman nila ang totoong identity niya”

        "So tama ako?? He's gay?"

        "Yes. Tama ka. He's gay. Pero wala akong ideya na may inuwi siya ditong lalaki"  pag-aamin ni Sky sa kanya  "Kailangan ko siyang kausapin tungkol dito"  biglang natahimik si Sky sa pagkumpirma ni Stephen sa kanyang duda. Tama nga ang kanyang nakita kanina  "Sky..? Okay ka lang? Bakit hindi ka makasagot?"

        "W-wala Steph. Nagulat lang ako sa mga nalaman ko tungkol sa kapatid mo"  dugtong niya kay Stephen.

        "Oo nga eh. Pati ako rin ay nagulat sa ako sa pag-amin niya. Yun pala ang rason kung bakit siya naiilang dito sa mansyon"  paliwanag niya kay Sky  "Kinausap ko naman siya at naging okay na din siya"  sabay buntong-hininga niya dito  "Ang hirap pala noh..?? Ang hirap kapag nauna kang malaman ang totoong pagkatao ng mahal mo. Yung feeling na ayaw mong isabi sa iba ang nalalaman mo para hindi siya mahusgahan ng mga tao"

        "Yes. Tama ka. Sobrang hirap"  sabay hinga ng malalim ni Sky at kaagad sinubo ang huling kutsara ng pagkain  "Ngayon alam mo na ang pakiramdam na naglilihim"

        "What do you mean? Bakit? Naranasan mo na ba ito?"

        "Oo"

        "Talaga? Kanino naman?"

        "Sa pinsan ko. Kay Mike"  sagot ni Sky. At inabot niya ang kamay ni Stephen  "Steph. Tama rin ang sinabi mo tungkol sa kanya. Ganon din si Mike katulad ng kapatid mo. Hindi totoo na may asawa siyang babae at iniwan. Kundi hiniwalayan siya ng lalaking karelasyon niya"

        "So all this time, tama ako?"

        "Oo"

        "E bakit hindi mo inamin sa akin? Ilang beses ako nagtanong sa'yo, Sky"

        "Kasi nangako ako sa kanya na hindi ko ipagsasabi kahit na kanino ang totoo niyang sekswalidad"  paliwanag ni Sky  "Ngayon ko lang inamin ito sa'yo dahil nararanasan mo na ngayon ang pinagdadaanan ko din ngayon"

        "So kung hindi ko naranasan, hindi mo rin aaminin sa akin? Ganon?"  pero hindi siya sumagot  "Hindi ko alam kung magagalit ako ngayon sa'yo o natutuwa dahil kahit papaano ay inamin mo na sa akin ang tungkol sa pinsan mo"

        "Pasensiya na talaga Steph kung hindi ko inamin sa'yo ito nung una. Nangako kasi ako kay Mike eh"

“Don’t worry. It’s okay. Hahayaan ko na lang muna siguro ang sama ng loob ko sa’yo dahil mas importante sa akin ngayon ang kapatid ko”

“Salamat Steph. Salamat sa pag-iintindi. Pasensiya na talaga ha”

“Okay lang nga. Paulit-ulit eh” sabay ngiti ni Stephen kay Sky “Naiintindihan ko naman dahil nangako ka nga sa kanya. At pinsan mo yon” dugtong niya dito “Pero sana huwag mo munang sabihin kina Daddy at Tito ang tungkol sa kanya ha”

“Don’t worry. Safe ang sikreto ninyo dito sa akin” paniniguro ni Sky “At ikaw din sana. Sana tumahimik ka lang muna na may alam ka, lalung-lalo na kay Mike. Dahil baka magulat siya na alam mo na. Sigurado ako na magagalit iyon sa akin”

“Sure” ngiti ni Stephen “Walang problema. Tatahimik ako”

Gumanti din ng ngiti si Sky kay Stephen bilang muling pasasalamat sa kanya dahil naging mapag-unawa ito na tao. Pagkatapos ng kanyang pagkain ay kaagad silang tumayo at umakyat na sa kani-kanilang kwarto.


Dakong alas-otso ng gabi ay nakauwi na sina Jeff at Nathan ng mansyon. Nang pagpasok nila ay kaagad tinawag ni Jeff ang katulong.

        "Manang"  tawag ni Jeff. Magkalipas ang ilang saglit ay lumapit sa kanya ang katulong.

        "Bakit po Sir?"  tanong niya sa kanyang amo

        "Pakitawag nga silang lahat dito sa baba. May sasabihin lang akong importante"

        "Sige po Sir"

        "Ahmm. Manang. Use the elevator na lang para mas mabilis"

        "Maghahagdan na lang po ako siguro, Sir"

        "Bakit naman?"

        "E hindi kasi ako marunong gumamit ng elevator eh"

        "Ah ganon ba...?"  sabay ngiti ni Jeff  "Sige. Maghagdan ka na lang. At pakibilisan mo na lang Manang. Please. Importante talaga ito eh"

Kaagad naman lumakad palayo ang katulong sa kanilang dalawa at umakyat na sa hagdan upang tawagin nga ang tatlong anak nila sa taas.

Tila nagtataka si Nathan sa sinabi ni Jeff. Bakit siya nagpatawag ng family meeting. “Ah,, babe? May problema ba?” tanong nito sa kanyang asawa “Bakit gusto mo silang lahat kausapin?”

        "Basta babe. Malalaman mo din yan mamaya"

        "Teka. Diba pumunta ka kanina sa opisina ni Alvin..? May nalaman ka ba tungkol sa anak niya?"  pero hindi sumagot si Jeff sa mga tanong sa kanya ng asawa at dumerecho na lang ito sa malaking sofa at doon umupo.

Lumipas ang ilang mga minuto ay nandoon na nga silang lahat sa sala; sina RK, Stephen, Sky at si Mike. Magkakatabi-tabi silang lima kasama si Nathan at nakaharap sila kay Jeff na nakaupo sa isang maliit na upuan.

Nandoon din ang kanilang katulong at ang Head ng Security ng mansyon na nakatayo sa bandang likuran ng mahabang sofa. Gusto rin kasi ni Jeff na nandoon ang mayordoma at ang chief ng kanilang security para malaman din nila ang sasabihin ng kanilang amo.

        "Babe...? Ano ang sasabihin mo sa amin?"  panimula ni Nathan sa kanya  "Nandito na kaming lahat"

        "Well... before I start. Gusto ko munang itanong sa'yo Manong Guard kung na-check mo na ang CCTV footage kahapon?"

        "Opo Sir. Nacheck na po ng isa kong tauhan"

        "So, ano ang nakita ninyo?"

        "Umakyat po siya sa pader. Sa bandang gilid ng mansyon"

        "Mataas ang pader ng mansyon at may barbed wire pa sa taas"  sambit ni Jeff  "Nakita niyo ba kung ano ang ginamit niya sa pag-akyat?"

        "Pasensiya na po Sir pero hindi nahagip ng camera kung paano niya ginawa ang pag-akyat sa pader"

        "Wala ba kayong nakitang sira sa barbed wire na indikasyon na ginunting niya iyon ng metal scissor? Para makapasok?"

        "Wala po Sir. Nacheck na namin kanina ang buong pader ng mansyon pero wala kaming nakitang sira. Mukhang malinis gumawa si Sir Calvin"

Nagpabuntong-hininga si Jeff sa nalaman niya sa Head ng kanilang security. Wala talaga silang ideya kung paano nakapasok si Calvin sa mansyon.

        "Teka Tito. Ano po ang nagyayari dito?"  sulpot naman na tanong ni Stephen sa usapan dahil wala silang clue nima RK sa sinasabi ni Jeff  "Bakit may CCTV? Ano yon?"

“Well. RK and Stephen… sinugod tayo dito ni Calvin sa mansyon na parang mananakit dahil hindi siya kinakausap ni Sky ng ilang araw. At hindi pa iyon nagtatapos, sinugod niyang muli ang mansyon kahapon. Binugbog at binantaan si Mike”

“Ha? Ginawa niya yon? Napakawalang-hiya niya naman..!” habang tumataas ang boses ni Stephen “Kung andito lang sana ako at nakita ko ang ginawa niya kay Mike, naku… malilintikan talaga siya sa akin”

“Stephen, kumalma ka lang, okay?” saway ni Jeff sa kanya “Huwag na natin siyang patulan. Mas kailangan natin ibigay sa kanya ang atin pag-unawa”

“Pag-unawa..?” ulit naman ni Nathan “Ano ang ibig mong sabihin babe?”

“Dahil nasa masamang estado siya ngayon. Masamang kalagayan at kailangan natin siyang intindihin kung ano man ang ginawa niya” panimula ni Jeff na magpaliwanag sa kanyang pamilya.

“So hahayaan na lang natin ang ginawa niya dito sa mansyon?” dugtong ng kanyang asawa

“Yes. Tama ka. Kalimutan na lang natin ang ginawa niya panloloob dito” sagot ni Jeff “Hindi kasi ako makapaniwala at nagulat ako sa sinabi ng kanyang ama sa akin”

“Ano yon, Tito?” tanong naman ni Stephen

“He’s a drug addict” sagot niya. Nanlaki ang kanilang mga mata dahil nagulat talaga sila sa totoong estado ni Calvin “That’s why I need your understanding kay Calvin dahil sobrang hirap ngayon ang pinagdadaanan niya”

“So paano po tayo Tito? Kung sinasabi mo na adik siya ay mas lalo pa tayong maging maingat” tanong muli ni Stephen na nagtataka sa gustong mangyari ni Jeff “Kung hahayaan lang natin siya, baka mas lumala o mas grabe pa ang gagawin niya sa atin”

“I understand your sentiments. Pero kahit ako ay hindi alam kung ano ang gagawin ngayon sa kanya. Ang tanging alam kong paraan at tanging magagawa lang natin sa ngayon ay intindihin siya”

“Talaga…?? Seryoso ka Tito?” pagtaas ng tono ng boses ni Stephen “Ang labo kasi eh.. Sobrang labo talaga ng gusto ninyo”

“Stephen… magtiwala lang kayo sa akin dahil alam ko ang ginagawa ko. Kailangan ninyo ang pag-unawa sa kanya” ulit ni Jeff sa kanila “Wala nang ibang tao ang mas makakaintindi sa kanilang mag-ama kundi tayo lang”

“E bakit hindi na lang pinakulong ng kanyang ama ang adik na yan”

“Watch your words, Stephen. Huwag uina natin siya pagsalitaan ng ganyan dahil may mga dahilan naman si Calvin. At si Tito Alvin niyo lang ang may kakayanan na tumapos diyan. Ang tanging, maitutulong lang natin, as I said, kailangan natin siya intindihin”

“Teka Mike..” sabay tingin ni Stephen sa kanya “Diba ikaw ang biktima dito? Ano ang masasabi mo kay Calvin at sa malabong plano ni Tito Jeff ..?”

“I believe na sundin na lang natin si Tito Jeff, Steph. Alam niya ang kanyang ginagawa”

“Ganon lang?? E sinaktan ka diba?”

“Oo. Pero ayaw ko nang palakihin pa”

“I can’t believe it” sabay tayo ni Stephen sa sofa na naiinis sa kanilang naging usapan.

Nagpabuntong-hininga na lang siya at hindi sang-ayon sa sinabing plano ni Jeff. Lumakad siya at umalis kaaagad sa sala.

Hindi na lang tinawag ni Jeff ang binata dahil naiintindihan niya naman ito dahil may hindi sila pinagkakasundo na dalawa ni Calvin. Muling sumulyap si Jeff sa natirang nakaupo sa malaking sofa.

        "RK. Sky. Mike"  panimula ni Jeff  "Sana naiintindihan ninyo ang ibig kong sabihin. Kailangan natin siya intindihin at sumakay sa agos ng kanyang gusto bago pa siya mapanakit o makapatay, okay? maaasahan ko ba yan sa inyo..?"

        "Opo Tito.."  sagot ni Mike

        "Yes Papa"  sagot naman ni Sky at tumango na lang si RK bilang sagot.

        "Manang..?"  tingin ni Jeff sa katulong at sa Head ng kanilang security  "Sana ay kayo din. Sana ay sundin ninyo ang pakiusap ko sa inyo"

        "Huwag po kayong mag-aalala, Sir. Bilang mayordoma at kumakatawan sa mga trabahador dito sa mansyon, nirerespeto namin ang gusto ninyo"

        "Kami din, Sir"  dugtong din ng guard  "Kahit na mahirap ang pinapagawa ninyo ay gagawin lang namin"

        "Salamat"  ngiti ni Jeff sa kanila  "Alam ko na mahirap ang hinihingi ko sa inyo, lalung-lalo na sa'yo, Mike. Pero sana maiintindihan mo"

        "Don't worry po, Tito. I understand"

        "Good. Mabuti naman kung ganon"  ngiti ulit ni Jeff  "So... wala na tayong pag-uusapan na iba pa. Pwede na kayong bumalik sa mga ginagawa ninyo"

Kaagad tumayo ang tatlo sa sofa at lumakad sila patungko sa hagdan at elevator para bumalik na sa kani-kanilang kwarto. Samantala si Jeff naman ay nakaupo at malalim pa rin ang kanyang iniisip. Tama ba talaga ang kanyang naging desisyon tungkol kay Calvin? Parang mabigat pa rin kasi ang kanyang niraramdaman.

Nandoon din naman si Nathan sa kanyang tabi at hinihimas ang likod nito para ikalma ang nararamdaman niyang hindi maganda.


Habang umaakyat sina Mike at Sky sa hagdan ay bigla niyang tinawag ang pinsan niyang babae.

        "Cous.."  tawag ni Mike kay Sky 

        "Oh bakit cous..?"

        "Pwede ba kitang makausap?"

        "Sure. Pwedeng-pwede. Halika. Doon tayo sa kwarto ko mag-usap"

Nasa silid na din sina Jeff at Nathan. Magkatabi silang dalawa sa kama pero napansin naman ni Jeff na parang hindi siya kinikibo ng kanyang asawa dahil sa nangyari at sa sinabi niya kanina.

Nakatitig lang si Nathan sa kanyang telepono at parang may sino-scroll siya dito.

        "Babe..?"  tawag ni Jeff

        "Hmmm..?"

        "Galit ka ba sa akin?"

        "Galit..?? Hindi ako galit babe"

        "Are you sure..? Parang hindi mo kasi ako pinapansin pagkatapos nung kanina eh"  pero hindi sumagot si Nathan dahil abala ito sa kanyang telepono  "Ibaba mo nga yan. Kinakausap pa kita eh"

        "Sorry..."  sabay lagay nito sa kanyang tabi  "Ano nga yon, babe..?"

        "Ano ba ang ginagawa mo diyan sa telepono mo..?"

        "Sorry babe. Naaliw kasi ako sa mga posts dito sa social media eh"  pero tahimik lang si Jeff habang tinitignan siya ng kanyang asawa  "Sorry na babe. Ano ba yon..?"

        "Wala naman. Tinatanong ko lang kanina sa'yo kung galit ka sa akin"

        "Saan naman ako magagalit?"

        "Sa sinabi ko kanina. At sa desisyon ko tungkol kay Calvin"

        "Ahh. Yun pala"  huminga muna si Nathan bago sumagot sa asawa "Sa totoo lang, babe. Hindi ako sang-ayon sa naging desisyon mo. Nagtataka nga ako kung bakit iyan ang naging desisyon mo eh. Pero on the other side, may tiwala naman ako sa'yo at sa desisyon mo. Alam ko na alam mo ang ginagawa mo dahil matalino kang tao at hinding-hindi mo ipapahamak ang pamilya natin"

        "Yun nga babe eh. May plano ako kay Calvin kaya iyan ang naisip kong paraan para manahimik siya muna"

        "Plano?? Anong plano?"

Itutuloy…

TCG: Chapter 24 (I Still Love Him)

Huminga muna si Nathan bago sagutin ang asawa sa kanyang naging desisyon kay Calvin. “Sa totoo lang, babe. Hindi ako sang-ayon sa naging desisyon mo. Nagtataka nga ako kung bakit iyan ang naging desisyon mo eh. Pero on the other side, may tiwala naman ako sa’yo at sa desisyon mo. Alam ko na alam mo ang ginagawa mo dahil matalino kang tao at hinding-hindi mo ipapahamak ang pamilya natin” “Yun nga babe eh. May plano ako kay Calvin kaya iyan ang naisip kong paraan para manahimik muna siya” “May plano ka?? Anong plano mo?” “Kakausapin ko ang anak kong si Sky na makipagbalikan muna siya kay Calvin para kumalma muna ang utak niya”  salaysay ni Jeff kay Nathan  “Tapos doon na ako iisip ng paraan para mapakulong o mawala na si Calvin sa atin” “What..?? Totoo ba ang narinig ko sa’yo na uutusan mo si Sky, ang sarili mong anak na makipagbalikan sa adik na yon? Babe naman. That’s suicide” “I know. Mahirap ito sa akin pero ito lang ang paraan para kumalma muna siya pansamantala” “E paano kung hindi..? Paano kung lumala pa siya at mapapatay niya ang anak mo..? Or worse, tayong lahat…” “Hindi ko alam babe. Hindi ko talaga alam sa ngayon”  sagot ni Jeff at tumingin mulio siya sa mata ng asawa  “Pero hihingiin ko ang suporta mo sa akin babe. Please” “Hay ewan ko sa’yo babe”  buntong-hininga ni Nathan  “Hindi ko talaga alam kung ano ang tumatakbo diyan ngayon sa utak mo eh” “Please babe. I need you. Kailangan ko ngayon ang asawa ko sa ganitong mahirap na desisyon na kinakaharap ko”  pagmamakaawa ni Jeff sa asawa  “Hindi naman ito ang problema ko, marami pa. Pero please, intindihin mo ako ngayon babe” “Haaay. Sige na nga!! Wala naman akong magagawa kundi sumunod sa gusto mo eh”  sambit nito sa pagmamakaawa ng asawa  “Alam mo naman na hindi kita matitiis eh” “Talaga babe…?”  at niyakap ni Jeff ng sobrang higpit ang kanyang asawa  “Thank you. Thank you talaga. Salamat dahil andito ka sa tabi ko at hindi mo ako iniiwanan” “You’re welcome babe. Teka. Kailan mo naman kakausapin ang anak mo tungkol sa plano mo?” “Bukas na bukas din ay kakausapin ko siya sa kwarto niya babe” “Mabuti naman kung ganon babe. So? Matulog na tayo? Antok na ako eh” “Sige babe. Mauna ka na. Pupunta muna ako sa banyo” “Okay babe. Goodnight”  sabay halik ni Nathan sa labi ng asawa  “I love you” “I love you too. Goodnight din” Humiga ng maayos si Nathan para makatulog na ito. Samantala si Jeff naman ay nakaupo pa rin sa kama habang nakasandal ang kanyang likuran sa headboard ng kama. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan niya ang tungkol sa mga problema na dumadaan sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya.


Kinabukasan. Maagang nagising si Mike at umupo ito sa kanyang kama. Hindi kasi siya makatulog ng maayos kagabi dahil sumasagi pa rin sa utak niya ang nakita niya kahapon sa DGC. Sina Anthony at ang kanyang partner na si George na magkasama. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at parang sasabog na siya sa iyak. Doon siya nagdesisyon na puntahan na lang ulit si Sky sa kanyang silid. Hindi kasi siya nakatuloy kagabi sa kwarto ng pinsan dahil inaantok na sila at kailangan na nilang magpahinga. Tumayo si Mike sa kanyang kama at nagmamadaling lumakad palabas ng silid at nagtungo ito kwarto ni Sky. Kaagad naman siyang kumatok ng tatlong beses bago pumasok. Nang pagbukas ni Sky ng kanyang pintuan ay pumasok naman kaagad si Mike dito. Habang papaupo si Mike sa kama ni Sky ay napansin ng dalaga ang nanlulumong mga mata nito. “Cous? Are you okay? What’s wrong naman ba?” “I saw him” “Sino..?” “Si Anthony… magkasama sila ng partner niya” “Seryoso ka…? Oh my… problema nga yan”  sambit ni Sky  “Saan mo naman sila nakita?” “Sa DGC. Nakita ko sila doon sa labas. Nag-uusap at sweet sa isa’t-isa” “What? Bakit doon..? Ano ba ang ginagawa nila sa DGC? Sinundan ka nila..?” “Hindi cous. Hindi nila ako sinundan”  sagot ni Mike  “Duda ko ay doon nagtatrabaho ang partner niya” “Sigurado ka? Doon sa DGC? Teka. Ano ba ang pangalan ng partner ni Anthony? Para mahanap ko sa HR. Alam mo ba?” “George. George Salcedo ang buong pangalan niya” Nanlaki ang mga mata ni Sky dahil kilala niya ang taong sinasabi ng kanyang pinsan  “Oh my god… si George?”  ulit niya sa pinsan. “Oo. Siya nga. Bakit? Kilala mo?” “Kilala ko siya. Siya ang may-ari ng The Deluxe Suittes Hotel na humingi ng tulong sa DGC”  kuwento niya sa pinsan  “Nakita at nakapag-usap kami nung nasa opisina ako ni Papa” “Talaga? Kaya pala doon ko siya nakita” “Oo cous. Gosh. I can’t believe na siya pala ang partner ni Anthony”  dugtong ni Sky  “Pati ako ay nagulat din sa sinabi mo” “Oo nga cous eh”  buntong-hininga ni Mike  “Tapos akala ko na okay na ako. Pero nung nakita ko ulit si Anthony at kasama niya na si George na masayang-masaya, bumalik ang sakit. Masakit makita na magkasama ang pinakamamahal mo at ang totoo niyang mahal” “Cous”  lapit ni Sky sa pinsan at hinaplos ang likuran nito para tumahan dahil umiiyak na naman si Mike  “Sige. Ilabas mo lang yan. It’s okay to cry” “Sorry cous ha. Akala ko kasi okay na ako”  sabay punas ni Mike ng kanyang luha  “Pero hindi pa pala. Mahal ko pa rin siguro si Anthony hanggang ngayon. Hindi ko pa kaya na mawala siya sa buhay ko” Walang sinagot si Sky sa mga iyak ni Mike. Niyakap niya na lang ito ng sobrang higpit para ipakita at ipadama sa pinsan na hindi siya nag-iisa.


Dakong alas-otso ng umaga ay nandoon na ang lahat sa hapagkainan at patapos na sila sa kanilang pagkain. “Sky…”  tawag ni Jeff sa anak “Yes po, Papa?” “Pwede ba kitang makausap? In private?” “Sige po, Papa” Walang sinagot si Jeff at kaagad na lang siyang tumayo sa kanyang upuan. Tumayo din si Sky at sinundan ang kanyang ama  sa isang malaking library ng mansyon. Nang pagpasok nila doon ay kaagad sinara ni Sky ang pintuan ng library para sa kanilang privacy. “Sky. May tanong ako..”  panimula ni Jeff. “Ano po yon, Papa?” “Kamusta si Mike?” “Ahmmm. He’s okay naman po”  sagot nito sa ama  “Pinipilit na maging okay” “Talaga?” “Opo, Papa. Bakit mo naman natanong?” “Wala naman. So kamusta na ang asawa niya…? Kamusta naman ang asawa niya na si Anthony..?” Nanigas si Sky na parang estatwa dahil sa tinanong ng ama sa kanya, Paano niya naman nalaman ang tungkol kay Anthony? “Po..? Hindi ko p-po alam ang pinagsasabi n-ninyo, Papa” “Sky. Huwag ka nang magsinungaling sa akin”  paalala ni Jeff sa kanya  “Alam ko na ang tinatago ninyo sa akin ni Mike at iyon ay tungkol sa kanyang kasarian. Pero ang hindi ko lang maiintindihan, bakit hindi niya pa sinaabi sa akin ang totoo..?” “Sorry po talaga, Papa. Hindi ko talaga alam ang pinagsasabi ninyo kay Mike”  pilit na pagtanggi ni Sky sa ama  “Hindi ko nga kilala kung sinong Anthony ang pinagsasabi mo Papa” “Sigurado ka..?” “Opo Papa” “Sky… I’m giving you one last chance para umamin”  pagbabanta na ni Jeff dahil tinatanggi pa rin ni Sky ang totoo sa kanya  “Hindi ko gusto ang taong nagsisinungaling, alam mo yan. Galit talaga ako sa sinungaling na tao. Kaya huwag mo akong subukan, anak” Doon natamaan si Sky sa sinabi ng kanyang ama na ayaw nito ang sinungaling na tao. Pero nangako siya sa kanyang pinsan na ililihim ang kanyang tunay na katauhan. Ano ba talaga ang kanyang gagawin? “Ahmmm. Papa..? Pasensiya na po. Pero nangako kasi ako sa kanya eh” “Anong pangako…? Sky. Sabihin mo sa akin ang totoo. Ama mo ako”  pagpupumilit ni Jeff sa anak  “Ano ba talaga ang tinatago sa akin ni Mike..?” “He’s gay”  sabay tingin sa sahig dahil hindi siya makatingin kay Jeff ng derecho “I knew it. Tama ang narinig ko kanina sa labas ng kwarto mo. Narinig ko kasi na nag-uusap kayong dalawa” “Opo Papa. Tama po ang narinig ninyo”  pag-amin ni Sky  “Iniwan siya ni Anthony. Ang taong pinakamamahal niya. Naawa nga ako sa kanya nung gabi na naabutan ko siya sa kanyang bahay. Magpapakamatay na sana siya pero naabutan ko siya at pinigilan ang gagawin niya sa kanyang sarili. Sobrang mahal niya talaga ang taong iyon” “Talaga? Kawawa naman”  dugtong ni Jeff  “Ano ba ang ginawa ng lalaki sa kanya?” “Iniwan po siya ni Anthony sa ere, Papa. Dahil binalikan niya ang ex niya”  salaysay pa ni Sky  “At hindi kayo maniniwala kung sino ang taong binalikan niya, Papa” “Sino…?” “Si George po, Papa. Si George Salcedo” “Wow. Si George pa talaga? Small world” “Oo nga Papa eh”  dugtong ni Sky  “Pero Papa… huwag po sana kayong magalit sa amin, lalung-lalo na kay Mike” “Magalit..?”  ulit ni Jeff habang nakakunot ang noo nito  “Bakit naman ako magagalit?” “Eh kasi po, baka ayaw ninyo na maging katulad siya sa inyo eh” “Ha..?? That’s nonsense, Sky. Never ako magagalit sa isang tao kung magpapakatotoo siya”  sambit ni Jeff  “At hindi rin ako galit sa’yo dahil naiintindihan ko rin ang ginawa mo” “Maraming salamat po, Papa” “So iyon lang ba ang dahilan kung bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo..?” “Opo Papa. Yun lang po”  sagot nito sa ama  “Pero sure ka po, Papa? Hindi ka na galit sa amin?” “Yes. Hindi ako galit sa inyo”  ulit ni Jeff  “Tanggap na tanggap ko ang pinsan mo kahit ano man siya. At walang masama sa pagiging bakla” Biglang napahinga ng malalim si Sky dahil parang nabunutan ito ng tinik sa dibdib. Sa wakas ay alam na ng kanyang ama ang tungkol kay Mike at katulad ng inaasahan ay tanggap ni Jeff ang pamangkin. “Masaya at magaan na po ang pakiramdam ko dahil sa wakas ay alam at tanggap mo siya, Papa”  sabay ngiti ni Sky  “Pero alam ko na magagalit siya sa akin kung malalaman niya na sinabi ko na sa’yo ang katotohanan” “Don’t worry, anak. Ako na ang bahala sa kanya”  paniniguro nito sa kanyang anak. Pero bago sumagot si Sky ay pinigilan niya ito at huminga ng malalim para sabihin sa kanyang anak ang tunay na pakay niya kung bakit siya gustong makausap  “Sky… I have to tell you something” “Ano yon, Papa?” “Pwede ba akong humingi ng pabor sa’yo, anak?” “Sure po. Ano naman iyon?” “Para makapag-isip ako ng maayos kung paano siya mawala na sa ating buhay si Calvin, may naisip akong paraan kung paano muna siya mapakalma pansamantala” “Ano pong paraan?” “Kung ayos lang sa’yo, anak. Gusto ko sana makapagbalikan ka muna sa kanya”  pabor ni Jeff  “Alam ko na ikaw lang ang kahinaan niya at ang rason kung bakit siya nagka-ganyan. Please Sky. Sana tanggapin mo ang alok ko. Gawin mo ‘to para sa ating pamilya” “Teka. Gusto ninyo akong makipagbalikan sa kanya…?”  ulit ni Sky at tumango naman si Jeff bilang sagot  “Ewan ko po Papa pero baka nagkakamali ka sa gusto mo. Baka isang araw ay mapatay niya na ako” “I know, Sky. Alam ko na delikado ang hinihingi ko pero kailangan natin mag-take ng risk. Para din naman sa atin iyon”  at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng anak.  “I know it sounds selfish pero kailangan natin gawin ito. Para naman sa kaligtasan ng pamilya natin, anak. Pangako sa’yo na hahanap ako ng paraan para mapakulong na siya at para mawala na siya sa buhay mo, sa buhay natin” “Sige po, Papa. Naiintindihan naman kita”  pangsang-ayon ni Sky sa gusto ng ama  “Ilang taon ko din naman iniintindi si Calvin sa kalagayan niya kahit hindi niya alam. Hindi naman siguro masama kung bibigyan ko pa siya ng isa pang pagkakataon” “Salamat Sky. Dahil pumayag ka sa hiningi kong pabor”  sabay tapik ni Jeff sa balikat ng anak  “Huwag kang mag-alala, hahanap talaga ako ng paraan para mapakulong na siya” “Pero paano po si Tito Alvin, Papa? Alam niya na ba ito?” “Hindi pa, anak. Pero kakausapin ko siya kapag may solidong plano na ako” “Sige po, Papa. Makakaasa ka talaga sa tulong ko” “Maraming salamat, anak”  sabay ngiti ni Jeff sa kanya  “So tayo na? Pumasok na tayo sa trabaho” Hindi na sumagot si Sky sa sinabi ng kanyang ama at kaagad silang lumabas ng library para maghanda na para pumasok sa trabaho.


Alas-diyes ng umaga ay nagdesisyon na pumunta si Mike sa DGC dahil may gusto siyang kausapin na importanteng tao. Hindi ang kanyang Tito na si Jeff, kundi si George at si Anthony. Nang pagpasok niya sa gusali ay kaagad siyang nagtungo sa front desk.  “Good morning, Miss” “Good morning din po, Sir. May I help you?” “Ahmm. Pwede mo bang ituro sa akin kung saan ang opisina ni George Salcedo?” “Sure”  habang nagtatype ang babae sa harap ng computer  “Do you have an appointment?” “No. Not yet” “Do you want me to schedule you a meeting with him, Sir?” “Yes” “Ano po ang pangalan nila?” “Excuse me…? Hindi mo ba ako kilala…?”  pero hindi sumagot ang babae na nasa front desk “No Sir. I’m sorry” “Seryoso ka?? Talaga??”  at umiling ang babae at doon napikon si Mike  “I am Michael Teng. Ang may-ari ng Teng Prime Holdings at pamangkin ni José Hidalgo-Rodgers, formerly known as Jeffrey Dy. So..? Malinaw na? Kilala mo na ako…??” Nagulat at nanlaki ang mga mata ng babae dahil sa narinig nito mula kay Mike.  “I’m sorry po, Mister Teng. Hindi ko po alam. Ano nga po ulit ang kailangan po ninyo?” “WALA!”  sigaw ni Mike sa kanya  “Nevermind na lang. Wala kang kwenta”  kaagad tumalikod si Mike sa front desk at dumerecho na lang sa elevator. Pero nung pagbukas ng pintuan ng elevator ay may biglang tumawag sa kanya. “Sir Mike..!!”

Itutuloy…

TCG: Chapter 25 (Huling Pakiusap)

Nandoon si Mike sa DGC para puntahan si George. Gusto niya kasi itong kausapin ng masinsinsinan para mawala na ang bigat sa kanyang dibdib. Nang pagpasok niya sa gusali ay kaagad siyang nagtungo sa front desk para itanong kung nasaan ang opisina ni George.

“Good morning, Miss”

        "Good morning din po, Sir. May I help you?"

        "Ahmm. Pwede mo bang ituro sa akin kung saan ang opisina ni George Salcedo?"

        "Sure"  habang nagtatype ang babae sa harap ng computer  "Do you have a scheduled appointment with him, Sir?"

“No. Not yet”

“Ohh. Well. Do you want me to schedule you a meeting with him, Sir?”

        "Yes please"

“Ano po ang pangalan nila?”

        "Excuse me...? Hindi mo ba ako kilala...?"  pero hindi sumagot ang babae na nasa front desk 

        "No Sir. I'm so sorry. Sino ka po ba?"

        "Seryoso ka?? Talaga??"  at umiling ang babae at doon napikon si Mike  "I am Michael Teng. Ang may-ari ng Teng Prime Holdings at pamangkin ni José Hidalgo-Rodgers, formerly known as Jeffrey Dy. So..? Malinaw na ba? Kilala mo na ako...??"

Nagulat at nanlaki ang mga mata ng babae dahil sa narinig nito mula kay Mike. “I’m sorry po, Mister Teng. Hindi ko po alam. Ano nga po ulit ang kailangan ninyo?”

        "WALA!"  sigaw ni Mike sa kanya  "Nevermind na lang. Wala kang kwenta"  kaagad tumalikod si Mike sa front desk at dumerecho na lang sa elevator. Pero nung pagbukas ng pintuan ng elevator ay may biglang tumawag sa kanya.

        "Sir Mike..!!" 

Napalingon si Mike sa direksyon ng taong tumatawag sa kanyang pangalan. Isang tao na kilalang-kilala niya at maaaring makatulong sa kanya.

        "Hay salamat"  buntong-hininga ni Mike sa parang natanggalan ng tinik sa dibdib  "Gwen. You're here, my saviour"

        "Bakit Sir? Ano ba ang problema?"

        "Itatanong ko sana sa'yo kung alam mo ang opisina ni George Salcedo. Alam mo ba?"

        "Si George Salcedo??"  ulit ni Gwen  "Bakit Sir? May kailangan ka ba sa kanya?"

        "Hmmm. Wala naman. Gusto ko lang siya makausap... t-tungkol sa negosyo"  dahilan ni Mike  "So alam mo ba kung nasaan ang opisina niya?"

        "Alam ko po Sir. Pero bakit hindi ninyo tinanong kanina sa front desk?"

        "Napikon ako sa kanya eh. Hindi ako kilala ng babae sa front desk"  sagot ni Mike  "Kaya nawalan na ako ng gana magtanong sa kanya"

        "Ganon ba? Sorry for that Sir. Bago pa kasi siya dito"

        "Ahh okay. Kaya pala"

        "So pano po, pumasok na tayo sa elevator? Ihahatid kita sa opisina ni Sir George"

        "Sige Gwen. Salamat talaga"

Kaagad silang pumasok ng elevator at pinindot ni Gwen ang number 30 at sumara ang pintuan.

Magkalipas ng ilang saglit ay bumukas ang pintuan ng elevator sa ika-30 na palapag ng gusali. Lumabas na silang dalawa at binigay na ni Gwen ang pakay ni Mike na direksyon.

        "Dumerecho ka lang po sa kaliwa mo, Sir"  bigay ni Gwen ng direksyon  "Ang second to the last na pintuan, iyan na ang opisina ni Sir George"

        "Sige Gwen. Maraming salamat sa tulong"  dugtong ni Mike  "Pwede ka nang umalis"

Hindi sumagot si Gwen at pumasok muli ito sa elevator para umakyat sa opisina ng kanyang amo na si Jeff. Samantala si Mike naman ay lumakad na papunta sa ibinigay na direksyon ni Gwen.

Nang pagdating niya sa labas ng pintuan ng opisina ni George ay huminga muna siya ng malalim bago ito kumatok at kaagad namang pumasok.

Nakita niya na nandoon nga si George at nakaupo sa kanyang upuan. “Mister Salcedo” tawag ni Mike habang lumalakad papunta sa mesa ni George.

        "Mister Teng?? What are you doing here? Nakakagulat naman ang pagpunta mo dito sa opisina ko"

        "Ahmmm. Wala naman. I just want to talk"

        "Ano naman ang gusto mong pag-usapan natin? Business?"

        "No. Not business"

        "Eh ano??"  at lumiwanag ang mukha ni George na parang alam niya na ang pakay ni Mike sa kanyang opisina  "Ohhh. I see. I know now. It's about Anthony, right?"

        "Yes"

        "What about him? Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin tungkol sa ex mo?"

        "Wala naman. May sasabihin lang ako sa'yo na importante"

        "Importante..?"  ulit ni George na tila nagtataka sa kinikilos ng kanyang kausap  "Owwkay. Please sit down"  sambit niya at kaagad naman umupo si Mike sa bakanteng upuan  "Ano ba ang importanteng sasabihin mo sa akin, Mister Teng?"

        "Mahal mo ba siya?"  panimula ni Mike

        "Excuse me...? What kind of question is that...?"

        "Just answer my question. Please"

        "Of course. He's my partner"

        "Good to know that. Dahil ayaw kong makita siya na umiiyak muli dahil sa kagagawan mo"

        "Teka. Ano ba ang pinagsasabi mo...? Wala akong ginagawang masama sa kanya"

        "Talaga?? Kaya pala grabe ang galit niya noon sa'yo. Diba??  Nagpakasal ka sa asawa mo ngayon at iniwan mo siya sa ere..??"

        "Ha?? Kwinento niya sa'yo iyon..?"

        "Oo naman. He was my partner. Wala naman masama kung kwinento niya sa akin yan diba? Hindi naman siya masisisi dahil sobrang nasaktan at kinamumuhian ka niya sa ginawa mo"

        "Well. You're right. Hindi ko naman siya masisisi kung ganyan lang ang galit niya sa akin noon. Pero andito na ako. Pilit na bumabawi sa ginawa ko noon sa kanya. At mahal niya pa rin ako sa kabila ng ginawa ko noon sa kanya. Masaya na kami"

        "I know. Mabuti naman kung ganon"

        "Why..? Bakit mo inuungkat ang nakaraan namin?"

        "Gusto ko lang na makasiguro na hindi mo siya masasaktan ulit dahil sobra ko siyang mahal"  pahayag nito kay George habang nanlulumo ang kanyang mga mata  "Alam ko naman na ginamit niya lang ako para makapag-move-on sa'yo. Sa tatlong taon naming pagsasama ay akala ko totoo na ang pinakita niya sa akin, hindi pala. Pero masaya na ako ngayon dahil bumalik na siya sa'yo at nagkabalikan na kayong dalawa. Huwag mo lang siyang ulit saktan"

        "Wow..."  sambit ni George na parang natamaan sa sinabi sa kanya ni Mike  "Hindi ko pala alam na ganito mo siya kamahal. Kinausap mo ako ngayon para ibigay na siya sa akin nang tuluyan and to let go of your love from him. It's unconditional"  habang nanlulumo din ang mga mata ni George  "Don't worry, Mike. Pangako. Hinding-hindi ko na siya sasaktan"

        "Salamat kung ganon, George"  at doon tumayo si Mike sa upuan  "Just to be clear. I am not letting go of my love from him. Dahil habambuhay na dito na siya sa puso ko. Pero mas naging masaya ako nang makita ko siya na masaya sa piling mo"  sabay ngiti ni Mike na may halong pagtulo ng luha  "Alis na ako, Mister Salcedo. Maraming salamat ulit"

Hindi na nakasagot si George dahil kaagad lumakad palabas si Mike sa kanyang opisina.


Bago dumerecho sa kanilang opisina sa DGC ay pumunta muna sina Jeff at anak niyang si Sky sa bahay ng mga Francisco. Gusto na kasi ni Jeff na magkaayos na ang kanilang anak ni Alvin.

        "Oh Jeff. Sky"  sambit ni Alvin nang pagbukas niya ng pintuan  "Bakit kayo nandito?"

        "Nandiyan ba si Calvin?"  tanong ni Jeff sa kanya

        "Oo. Pero tulog pa 'ata eh. Teka. Gigisingin ko muna"

        "Wait..."  sabay hinto ni Alvin at bumalik siya sa dalawa  "Yaman din lamang na tulog pa siya, kunin muna natin ang pagkakataong ito para mag-usap tayong tatlo"

        "S-sure. Sige"  dugtong ni Alvin  "Pumasok muna kayo"  imbita niya sa bisita. Kaagad naman silang pumasok at nagtungo sa sala  "Umupo muna kayo. Please. Mikasa sukasa. Feel at home dito sa bahay"

        "Salamat"  sagot ni Jeff at umupo naman silang dalawa  "Alvin. Naparito kami dahil gusto ka namin makausap ni Sky tungkol sa anak mo. Kay Calvin"

        "Ano naman ang tungkol sa kanya, Jeff..?"

        "Tungkol sa kalagayan ni Calvin"

        "What do you mean?"

        "You know exactly what I mean, Alvin"  dugtong ni Jeff  "Huwag ka nang magkaila dahil sinabi mo na 'to sa akin ang tungkol sa kanya. And don't worry, alam na ni Sky ang tungkol dito"

        "Alam niya na...?"  sabay tingin ni Alvin kay Sky.

        "Opo Tito. Matagal ko nang alam ang kalagayan niya"  paliwanag ni Sky sa kanya  "Alam ko lahat-lahat pero I chose to say at pilit ko siyang inintindi dahil mahal ko siya. But... sobra na kasi ang nangyari Tito eh. Pati pamilya ko ay nadamay na at handa niyang saktan"

Parang mangiyak-ngiyak si Alvin nang malaman niya na alam na pala ni Sky ang tungkol sa anak. Linapitan niya ang dalaga at hinawakan ang kamay nito “Sky. I have no clue na alam mo na pala. At dahil dun, nagpapasalamat talaga ako sa’yo ng marami dahil sa pag-intindi mo sa kanya. Pero hinihiling ko pa sana na intindihin mo pa siya dahil bumabalik na naman siya sa kanyang bisyo”

        "That's why we're here, Alvin"  sabat ni Jeff sa usapan  "Nandito kami para kausapin si Calvin tungkol dito at para makipagbalikan na siya sa anak ko"

        "Talaga...? Totoo ba 'to Sky?"

        "Opo Tito. Totoo po ang sinabi ni Papa"

        "Wow. I can't believe it. Gagawin mo talaga 'to sa kanya?"

        "Yes po. Dahil mahal ko si Calvin"

Biglang lumiwanag at sumaya ang mukha ni Alvin sa narinig niyang magandang balita sa mga bisita. Gusto nang makipagbalikan ni Sky sa kanyang.

Hindi siya makapagpigil at niyakap niya si Sky ng sobrang higpit “You have no idea how happy I am, Sky. Isa ’tong malaking pabor na gagawin mo sa anak ko”

        "Huwag kang masyadong magsaya, Alvin. Ginagawa ito ng anak ko hindi para sa inyo, kundi para sa amin"  dugtong ni Jeff  "Hindi na talaga makokontrol ang anak mo dahil sa bisyo niya at sa pwede niyang gawin sa amin. So we need to do this. Kahit ayaw namin, kailangan ni Sky na gawin ito sa kanya para maging safe kami"

        "Alam ko. Hindi ko na din nakokotrol ang anak ko eh. Salamat Jeff kung naisip mo 'to"

        "Well. Desperate times call for desperate measures"

        "Tama ka, Jeff. Kung iyan ang gusto mo, hindi na ako kokontra. Para lang tumahimik ang buhay natin"  

        "Good. Mabuti naman na pumayag ka na.  Ahmm. Pwede mo na ba siyang gisingin? Kakausapin na namin siya"

At doon tumayo si Alvin sa kanyang silya “Teka. Gigisingin ko muna ang anak ko. Diyan lang kayo”

Kaagad lumakad palayo si Alvin sa sala at nagtungo sa silid ng kanyang anak. Samantala sina Jeff at Sky naman ay nakaupo pa rin sa sofa at hinihintay sina Alvin at Calvin.

        "Papa. Sigurado ka ba talaga dito?"

        "Oo naman Sky. Just act normal kapag nandito na siya"  payo ni Jeff sa anak  "Parang wala lang nangyari"

        "Okay po Papa. Susubukan ko po"

Inayos ni Jeff ang buhok ng anak at inipit ito sa tenga at nagsabing “Everything will be alright, anak. Trust me”

Tumigil ang kanilang pag-uusap na dalawa nang dumating na ang mag-ama sa sala. Kaagad naman tumayo si Sky at nilapitan si Calvin.

        "Sky..?? Tart?"  sambit ni Calvin na parang nagulat dahil nasa bahay nila ang kanyang nobya  "Andito ka...?"

        "Oo Tart. Nandito kami ni Papa para makipag-ayos sa'yo"  bigla nitong niyakap ng sobrang higpit ang nobyo at wala naman nagawa si Calvin dito  "Sorry Tart. Sorry kung bigla kitang iniwan sa ere. Nawala ka lang kasi sa pag-iisip ko nung naka-problema si Mike eh. Pero nandito na ako, Tart. Pasensiya na talaga"

        "Sssh. Stop saying sorry, Tart. Okay na. Hindi naman ako galit sa'yo eh"  paliwanag niya kay Sky  "Gusto ko lang kasi ng atensyon mo dahil miss na miss talaga kita"

        "I know Tart. Pasensiya na ulit"

Lalo pa na hinigpitan ni Sky ang pagyakap niya dito at ganon din si Calvin sa kanya. Sumulyap naman si Calvin kay Jeff “Tito. I’m so sorry talaga. Sorry sa mga nagawa ko sa inyo sa mansyon. Hindi ko talaga sinasadya”

        "It's okay, Cal. I have forgiven you"

        "Talaga po...?"  pagliwanag ng mukha ni Calvin dahil sa narinig niya kay Jeff  "Narinig mo yon, Tart? Hindi na galit si Tito sa akin"

        "Oo Tart. Hinding-hindi na. Pwede na tayong ipagpatuloy ang pagmamahalan natin"

        "Wow. Sobrang saya talaga ako ngayon dahil okay na ang lahat"  abot-tengang ngiti ni Calvin  "Okay na tayo Tart ha?? Pwede na tayong magsimula ulit"

        "Oo naman Tart. Pwedeng-pwede na"

Niyakap nila muli ang isa’t-isa ng sobrang higpit para ipaalam at ipadama ang kanilang pagmamahalan na dalawa.

        "Masaya din ako na okay na ang lahat"  sambit naman ni Alvin sa kanila  "Nagpapasalamat talaga ako sa inyo, Jeff. Sky"

        "No worries, Alvin. Pamilya tayo at kailangan natin ayusin ang gusot na nangyari noon sa atin"

        "Alam ko yan, Jeff. Is there anything I can do para makabawi sa'yo?"

        "Well. Meron"

        "Ano naman yun? Tell me. Gagawin ko"

        "Hihingi sana ako sa'yo ng tulong, Vin"  panimula ni Jeff sa kanya  "Tungkol kasi ito sa totoong pangalan ko na Jeffrey Dy. Kailangan ko ng witness para mapatunayan na si Jeffrey Dy at ako ay iisa"

        "Po..?"  sambit naman ni Sky na parang naguguluhan sa sinabi ng kanyang ama  "Bakit ninyo  pa papatunayan na ikaw yon, Papa?"

        "Dahil ibabalik at gagamitin ko na muli ang dating pangalan ko, anak"  sagot ni Jeff kay Sky  "Alam ko na naguguluhan ka ngayon dahil hindi ko ito nasabi sa'yo"

        "What do you mean, Papa?"

        "Mamaya na sa sasakyan, Sky. Okay? Kailangan ko munang kausapin ang Tito Alvin mo"  at sumulyap muli siya kay Alvin  "So okay ba sa'yo yon, Vin?"

        "Sure. Walang problema. I'm here to help. Just call me kung kailan mo na ako kailangan"

“Bukas..? Doon sa opisina ko. Let’s talk about our plans tungkol doon. Okay lang?”

        "Sure. Pwede din naman akong umabsent  bukas eh"

        "Great. Salamat in advance, Vin"  sambit muli ni Jeff sa kanya.

        "Anytime"

Lumipas ang ilang sandali ay nagpaalam na sina Jeff at Sky na umalis na dahil papasok pa sila sa kanilang trabaho habang ang mag-ama naman ay nag-aayos na din ng kanilang sarili lalung-lalo na si Alvin dahil papasok na din ito sa trabaho.

Itutuloy…

TCG: Chapter 26 (Unforeseen Circumstances)

Kakalabas lang ni Alvin sa kanyang silid at nakabihis na ng uniporme at handa na itong umalis papuntang trabaho. Napansin niya si Calvin sa kusina na abot-tenga ang ngiti dahil nakipagbalikan na si Sky sa kanya.

Parang epektibo nga ang pekeng pagbabalik ni Sky sa kanya dahil bumalik ang saya sa mukha ni Calvin.

        "Anak"  tawag ni Alvin sa kanya  "Mukhang masaya ka 'ata ah"

        "Oo nga Tay eh. Hindi lang masaya, kundi sobrang saya dahil nakipagbalikan na sa akin ang mahal kong Sky"

        "Mabuti naman kung ganon, anak. Masaya rin ako dahil masaya ka ngayon. Sana hindi na mawawala yan sa mukha mo"  at doon nanlumo at naluha ang mga mata ni Alvin dahil sa wakas ay mabuti na nga ang kalagayan ng anak  "Hindi mo alam kung gaano ako ngayon kasaya anak"

        "Oo Tay. Sobrang saya talaga ako ngayon"

        "Pwede ba kitang mayakap anak...?"

        "Sure Tay"  kaagad naman nagtungo si Alvin sa anak. Niyakap niya nga ito ng sobrang higpit na parang ayaw niya na itong bitawan.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Alvin at parang nagulat ito dahil may biglang sumakit sa kanyang tagiliran. Tinignan niya at doon niya nakita na sinaksak na siya pala ng anak na si Calvin.

        "A-an-nak... B-bak-kit..??"

        "Sa tingin mo ba ay hindi ko narinig ang pag-uusap ninyong tatlo kanina dito...?"  habang nanlilisik ang kanyang mga mata at hawak-hawak nito ang kutsilyo na punong-puno ng dugo ng ama  "... na peke ang pagbabalik ni Sky sa akin...?!! ... na ginagawa niya lang ito para ayaw ko silang saktan?!! HINDI AKO TANGA!!!"

        "A-nak-k... P-pataw-wad"  sambit ni Alvin sa kanya habang unting-unti bumababa ito sa sahig.

        "Patawad....?? PATAWAD??!!"  sigaw nito sa kanyang ama  "Huli na ang lahat para humingi ng tawad sa akin!! Ilang taon akong humingi at naglilimos ng pagmamahal mo pero mas inisip mo pa rin ang Jeff na yon!! Alam ko naman na mahal mo siya eh"  habang tumutulo ang mga luha nito sa kanyang mga mata  "Intindi naman kita Tay eh. Pero kailangan ko din naman ng atensyon mo sa akin bilang ama ko eh"

        "I am s-sorry an-nak. I am-m really s-sorry kung pati i-ik-kaw ay nadamay sa ginawa k-ko"  doon unting-unti lumalabas ang dugo ni Alvin sa bibig niya at walang humpay ang paglabas ng dugo sa kanyang malalim na sugat  "N-naging makasarili ako, Cal. I'm really s-sorry. Pero kung ito ang maging kabayaran ko... tatanggapin ko"

Pero hindi sumagot si Calvin sa paghihingi ng tawad ng ama. Tinititigan niya lang ang ama habang nakahandusay sa sahig at marami nang dugo ang nakakalat at unting-unti nang nawalan ito ng malay.


Samantala sa sasakyan ni Jeff.

Habang nagmamaneho si Jeff kasama si Sky papunta ng DGC ay may biglang naalala ang kanyang anak ang tungkol sa pabor nito sa kanyang Tito Alvin.

        "Papa...?"

        "Yes Sky?"

        "Tungkol po kanina sa pinag-usapan natin sa bahay ni Tito, ano po totoong kuwento doon? Bakit ka humihingi ng pabor kay Tito Alvin?"

        "Ahh. Doon..."  sambit ni Jeff. Huminga muna siya ng malalim bago niya ikuwento sa anak ang problema niya  "Bago ako magsimula, gusto ko lang na malaman mo na pasensiya na talaga kung hindi ko ito nasabi sa'yo agad, anak"

        "Okay lang po yon, Papa. Huwag po kayong mag-aalala. Hindi ako magagalit sa'yo"

        "Salamat anak"  doon na inumpisahan ni Jeff na ikuwento kay Sky "Well... Nagsinunggaling si Papá sa akin, ang Lolo Rolando mo, na patay na ang totoong anak niya na si José Hidalgo"  kuwento ni Jeff sa kanya

        "So buhay siya...? Saan ba siya ngayon, Papa?"

        "Yup. Buhay na buhay. Nasa Spain siya nakatira"  sagot niya sa anak  "Actually, I met him in person na"

        "Talaga? Kailan lang, Papa?"

        "Nung isang araw, anak"  sagot ni Jeff  "Pumunta siya dito sa Pilipinas at kinukuha niya na ang mga ari-arian na dapat sa kanya. Pero may mga ari-arian pa ako na nakapangalan sa ilalim ng pangalan niya...  and thankfully, pumayag naman siya na maghintay para makuha ko muna ang mga pagmamay-ari ko"  paliwanag ni Jeff sa anak  "And that's why, humihingi ako ng tulong kay Tito mo na maging witness na ako at si Jeffrey Dy ay iisa. Para malipat na kaagad iyon sa dating pangalan ko"

        "Nakakagulat naman ng balitang yan, Papa"  dugtong ni Sky  "Kaya pala napapansin kita na mabigat ang mukha mo these past few days"

        "Tama anak. Yan nga ang dahilan"

        "E paano naman po ang Hidalgo Breweries?"

        "I'm afraid na kukunin niya talaga iyon, anak. Pagmamay-ari ng mga Hidalgo yon. At siya si José Hidalgo, ang totoong tagapagmana ng lahat ng nasa akin ngayon. Wala na akong magagawa dun"

        "Sayang naman Papa"

        "Oo nga anak eh. Pero ayos lang, napag-usapan na namin ang tungkol doon at maayos ang pag-uusap namin"

Naputol ang kanilang usapan nang tumunog ang telepono ni Sky. Kaagad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinignan kung sino ang tumatawag.

        "Si Calvin po, Papa"

        "Sagutin mo na anak. Baka may kailangan siya sa'yo"  utos ni Jeff kay Sky  "Remember, maging mabait ka sa kanya para wala siyang gawin sa atin"

        "Opo"

Kaagad niyang pinindot ang telepono niya para sagutin ang tawag ni Calvin.

Sky: Hello?

Calvin: Tart?? Hello..? M-may em-emgency kas-si eh. Tulungan ninyo naman ako ni Tito.Marami na ang nawawalang dugo sa kanya.

S: Ha? Bakit? Anong nangyari? Ano ang ibig mong sabihin na maraming dugo ang nawawala?

C: Si Tatay kasi eh. Nasaksak…

S: What??!!! Ano ba ang nangyari?

C: Explain ko lang mamaya, Tart. Pumunta muna kayo dito

S: Ohh sige. Papunta na kami diyan.

Binaba niya naman ito kaagad upang makausap ang kanyang ama “Papa. Kailangan natin bumalik kina Tito…”

        "Bakit anak? Ano ba ang sabi ni Calvin sa'yo?"

        "Nasaksak daw si Tito at maraming dugo na daw ang nawawala sa kanya"

        "What?!! Sino naman ang sumaksak sa kanya..??!!"

        "Ewan ko Papa. Hindi sinabi ni Calvin sa akin. Pero please. Bumalik na lang tayo sa kanila"

        "Ohh sige"

Lumipas ang ilang sandali ay nakabalik silang dalawa sa bahay ng mga Francisco. Naabutan nila na nakabukas ag gate at parang sinira ito. Tumakbo sila papasok ng bahay at doon nila nadatnan si Alvin na nakahandusay sa sahig at lumalangoy na ito sa kanyang sariling dugo.

        "Nasaan si Calvin..?!"  tingin ni Jeff sa anak  "Bakit wala siya dito?!"  at doon niya nilapitan ang walang malay na Alvin at tinignan ang pulso sa leeg nito  "Buhay pa siya, Kailangan natin siya dalhin sa ospital ngayon din"

        "Opo Papa. Tinatawagan ko si Calvin pero hindi siya sumasagot eh"

        "Ano ba yan..."  buntong-hininga ni Jeff  "Tulungan mo na lang ako, Sky. Kailangan nating buhatin ang Tito mo papunta sa sasakyan"

Walang pagdududa sa kanyang lakas ay kaagad nilapitan ni Sky ang Tito Alvin niya at binuhat nila ito.

        "Sobrang bigat ni Tito, Papa. Hindi natin siya kaya"

        "Sige. Ibaba na lang natin"  at dahan-dahan nilang nilatag ulit sa sahig si Alvin  "Saan na ba ang Calvin na yon"

        "Tito..."  sambit ni Calvin sa pintuan na parang kakarating niya lang

        "Sa wakas, nandito ka na. Saan ka ba galing?"

        "Pasensiya na po Tito. Sinundan ko po kasi ang nanloob sa amin kanina eh"  dahilan niya kina Jeff at Sky. Pero ang totoo ay nandoon siya sa gilid ng bahay at nagtatago.

        "Naabutan mo...?"

        "Hindi Tito eh. Mabilis silang magpatakbo ng kanilang sasakyan"

        "Hayaan mo muna sila. Tulungan mo muna ako na buhatin ang ama mo bago pa siya maubusan ng dugo"

Linapitan naman kaagad ni Calvin ang ama at tinulungan niya si Jeff na buhatin si Alvin papunta sa sasakyan.


Sa ospital.

Nakatayo sina Jeff, Sky at Calvin sa labas ng emergency room. Hinihintay nila ang balita ng doktor sa kanila tungkol kay Alvin.

        "Calvin..."  tawag ni Jeff sa kanya. Punong-puno ng mantsa ng dugo sa tiyan na bahagi ng damit ni Jeff.  "Come here. May itatanong ako"

        "Bakit po Tito?"

        "Ano ba talaga ang nangyari sa bahay ninyo nung pag-alis namin...?"

        "May pumasok po kasi na mga tao sa bahay Tito eh"

        "Talaga..? Paano nangyari ang lahat? Tell me"

        "Hindi ko po alam Tito"  habang nag-iisisp si Calvin ng kanyang rason para makalusot  "Nasa kwarto kasi ako nang mangyari iyon. May narinig lang ako na ingay sa labas at kaagad kong lumabas sa kwarto ko at tinignan kung ano yon"

        "Tapos..? Anong nakita mo?"

        "Na may dalawang lalaki na tumatakbo palabas ng bahay at naabutan ko si Tatay na nakahandusay sa sahig at may saksak sa tagiliran"  kwento ni Calvin kay Jeff  "Tapos tinawagan ko si Sky at lumabas ako ng bahay at sumakay sa sasakyan ko upang sundan ko silang dalawa pero hindi ko nga sila naabutan dahil sobrang bilis ng kanilang sasakyan"

        "Talaga?? Sounds weird kasi nung pagdating namin sa bahay ninyo ay nasa labas ang sasakyan mo. So, ano ang ginamit mong sasakyan..?"

Biglang natigilan si Calvin dahil hindi niya nai-ayos ang kanyang alibi at baka mabisto siya ni Jeff.

        "Ahmmm. Opo Tito. Sorry nagkamali ako, taxi kasi ang sinakyan ko kanina"  muling pagdahilan niya kay Jeff  "Mali lang ang sinabi ko Tito"

Sasagot pa sana si Jeff pero biglang lumabas ang doktor mula sa emergency room.

        "Sino sa inyo ang kapamilya ni Police Chief Superintendent Marc Alvin Francisco?"

        "Ako po dok"  sambit ni Calvin  "Anak niya ako"

        "Kamusta na si Alvin dok?"  tanong naman ni Jeff.

        "I am sorry. He didn't make it"  sambit ng doktor sa kanila  "Marami kasing dugo ang nawala sa kanya at hindi niya na kinaya ng katawan niya. I  am really sorry"

Kaagad lumakad paalis ang doktor habang si Jeff naman ay natulala sa sinabi na balita tungkol sa kaibigan na si Alvin. Samantala si Sky naman ay linapitan ang ama at niyakap ito ng mahigpit habang umuungol na ito sa iyak.


Naghahanda na si Jacqui na umalis papunta sa kanyang opisina, sa isang malaking Law Firm. Nagmamadali itong nagbihis dahil marami pang kliyente ang naghihintay doon sa kanya.

Kaagad siyang lumabas ng bahay kahit tulog pa ang kanyang mag-ama. Nang pagbukas niya ng pintuan ng sasakyan ay may biglang tumunog sa kanyang telepono. Hinugot niya naman agad ito sa kanyang bag at sinagot.

Jacqui: Hello..?

Jeff: Bes..?

Jacqui: Oh bes. Bakit ka napatawag? At bakit iba ang tono ng boses mo? Umiiyak ka ba?

Jeff: Andito kasi kami ngayon ng anak ko at ni Calvin sa punerarya.

Jacqui: Sa punerarya..?? Ano naman ang ginagawa ninyo diyan? Teka. Nakausap mo na ba si Alvin tungkol bukas? Anong sabi niya?

Jeff: Patay na siya bes…

Doon humagolhol ng iyak si Jeff at si Jacqui naman ay parang nanghihina ang tuhod dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kaibigan.

Jacqui: What do you mean? Ikaw ha . Please lang. Huwag kang magbiro ng ganyan. Hindi ka nakakatawa.

Jeff: I am not joking. Talagang patay na siya. Wala na si Alvin bes.

Jacqui: Oh my god. I can’t believe this.Please tell me, bes. Ano ba ang nangyari..??

Jeff: Pumunta ka na dito bes. Dito na lang tayo mag-usap. Itetext ko lang ang pangalan ng punerarya.

Jacqui: Sige bes. Papunta na ako diyan. Hintayin niyo lang ako.

Binaba at pinatay ni Jacqui ang kanyang telepono at kaagad sumakay sa sasakyan na nanghihina. Pero imbis na paandarin ito, nakatulala lamang siya at biglang tumulo ang kanyang luha.

Hindi siya makapaniwala na patay na ang isa sa mga matalik niyang kaibigan na matagal niyang gustong makita.


        "Hindi pa ba tayo aalis, Papa..?"  sabay lapit sa kanya ni Sky habang nakaupo ito at tulala.

        "Hindi pa ako aalis. Hinihintay ko pa ang Tita Jacqui mo"  sagot niya sa anak  "Kung gusto mo, mauna na lang kayo ni Calvin. At pumasok ka na sa opisina dahil kailangan ka doon"

        "Mamaya na lang kami aalis ni Calvin, Papa"  dugtong naman ng anak  "Sasamahan ka muna namin dito"

        "Huwag na, anak. Mauna na kayo"  tanggi ni Jeff na mahina ang tono ng boses.  "Kailangan din naman ni Calvin na makaalis sa malungkot at depressing na lugar na ito. Sige na anak"

        "Okay Papa. Kung iyan ang gusto mo. Mauna na lang kami"

        "Sige anak. Mag-ingat kayo. Nagtext naman ang Tita Jacqui mo na malapit na siya. Sa kanya na lang ako sasabay mamaya sa pag-uwi"

        "Sige Papa. Alis na po kami"  paalam ni Sky sa ama. Ngumiti na lang si Calvin kay Jeff bilang pagpaalam nito sa kanya.

Lumipas ang ilang minuto ay nakaalis na nga sina Sky at Calvin. Si Jeff na lang ang nakaupo sa isang upuan sa morgue habang hinihintay niya ang kaibigan.

        "Bes..."  tawag ni Jacqui habang papasok siya sa morgue. Tumayo naman si Jeff at niyakap ng mahigpit ang kaibigan  "What happened ba..? Bakit bigla-bigla ang pagkamatay niya..?"

Bumuhos muli ang iyak at luha ni Jeff habang nagyayakapan sila ni Jacqui. “Hindi ko rin alam, bes. Kanina, masaya pa ang pag-uusap namin sa bahay niya. Tapos tumawag si Calvin kay Sky, ang sabi niya nasaksak daw ang ama niya. Kaagad naman kami bumalik” kuwento niya kay Jacqui “Tapos nakita namin na nakahandusay na si Alvin sa sahig at nakakalat ang dugo niya”

        "Eh sino sumaksak sa kanya? Alam ba ni Calvin?"

        "Ang sabi niya lang sa amin, mga lalaki na may takip ang mukha"

        "Sino naman yun? May ideya ka ba?"

        "Hindi ko rin alam. Baka isa sa mga tao na pinakulong niya noon at gumanti sa ginawa niya"  dugtong ni Jeff  "Alam mo naman ang trabaho niya diba"

        "Oo nga bes. Napakahirap at sobrang delikado talaga ng trabaho niya"  pagsang-ayon naman ni Jacqui at huminga ng malalim  "Pero hindi pa rin ako makapaniwala na wala na talaga ang kaibigan natin, bes"

        "Ako rin eh. Sobrang sakit dahil buhat-buhat ko pa siya kanina nung dinala namin siya sa sasakyan. Tignan mo"  sabay pakita niya kay Jacqui ang mantsa ng dugo ni Alvin sa kanyang damit  "Dugo niya 'to bes. Sobrang kawawa niya"  iyak muli ni Jeff

        "Nakakaawa nga talaga si Alvin"  panlulumo din ng mata ni Jacqui  "Ipagdasal na lang natin na maging mapayapa ang kaluluwa ng kaibigan natin"

        "Tama ka, bes. Iyon nga ang dapat na gagawin natin"

Itutuloy…

TCG: Chapter 27 (Nagdurugong Puso)

Nagliligpit na ng gamit si Mike sa kanyang opisina dakong alas-siyete ng gabi. Gusto niya na kasi na umuwi sa mansyon para makapagpahinga na siya dahil sa buong araw na trabaho.

Tangkang lalabas na siya sa opisina nang biglang pumasok ang kanyang assistant.

        "Sir. I'm sorry"  panimula ng kanyang assistant na namumutla ang bibig  "Sinabihan ko na siya na hindi ka na magpapasok ng bisita pero nagpupumilit pa rin siya"

        "Sino yan...?"  tanong naman ni Mike sa kanya.

        "Ako"  sabay pasok ng isang pamilyar na mukha. Napatigil si Mike at nakatingin lamang siya sa taong pumasok. Hindi niya inaasahan na bibisitahin siya ni Anthony.

        "Okay lang 'to"  sambit ni Mike sa assistant  "Pwede ka nang lumabas. Inaasahan ko talaga siya"

        "Okay po Sir"

Hinintay ng dalawa na lumabas ang babae bago sila mag-usap. Nakatingin lang si Mike sa kanya at abot-tenga ang ngiti dahil nakita niyang muli ang kanyang pinakamamahal na si Anthony.

Lumakad si Mike papunta sa direksyon ni Anthony. Niyakap niya agad ito ng sobrang higpit. “Babe. I’m so glad na bumisita ka” sambit niya kay Anthony habang yakap-yakap niya ito ng mahigpit “Sobrang miss na miss kita”

Hinawakan naman ni Anthony ang dalawang braso niya at pilit nitong inalis sa kanyang katawan. “Bitawan mo ako”

        "Bakit babe? Galit ka pa rin ba sa akin? Sorry na oh"

        "Cut the crap, Mike. Please. Stop calling me that dahil matagal na tayong wala"  sambit niya dito  "Naparito lang ako dahil balita ko ay pinuntahan mo kaninang umaga si George"

        "Ahhmmm. Oo. Pinuntahan ko siya"  pag-amin naman ni Mike.

        "Eh bakeet...?? Bakit mo pa siya pinuntahan at kinausap..?"  doon na uminit ang ulo ni Anthony sa ginawa ni Mike  "Hindi mo ba alam na nag-away ulit kami kanina ni George dahil sa ginawa mo...??"

        "S-sorry. Hindi ko naman sinasadya eh"  sagot ni Mike na parang maamong tupa ang kanyang mukha  "Sinabihan ko lang naman siya na huwag niya nang ulit gawin ang ginawa niya noon sa'yo. Dahil masyado kang nasaktan"

        "Ano ba ang pakialam mo sa relasyon namin??!! Oh my god, Mike! Ano na ba ang nangyayari sa'yo...??!!"  pambubulyaw ni Anthony  "Grabe ang galit niya sa akin dahil masyado akong tsismoso dahil naikuwento ko sa'yo ang nangyari noon sa amin. Please naman, Mike.... Itigil mo na 'to. Huwag ka na sanang makialam sa aming dalawa dahil masaya na kami"

        "Alam ko naman yun eh. Kahit na masakit na marinig ngayon straight on my face, na masaya ka na sa piling ng iba"  sambit ni Mike sa kanya habang nanlulumo na ang kanyang mga mata  "Sinabi ko lang naman sa kanya na mahal na mahal kita at ayaw kitang makikitang masasaktan"

        "FUCK!! Pwede ba? Cut the drama...?!"  sigaw niya kay Mike  "And please Mike. Nagmamakaawa ako sa'yo, Huwag na huwag mo nang sirain at pakialaman ang buhay ko... maliwanag..?"

Hindi nakasagot si Mike sa kanya at napatulo na lang ang luha sa sinabi sa kanya ni Anthony. Kaagad din naman umalis ang ex dahil wala na siyang sasabihin. Naiwan siya sa kanyang opisina na tulala at kumukurot ang kanyang dibdib.


Nakisabay na lang si Jeff kay Jacqui pauwi sa mansyon dahil ginamit ni Sky at ni Calvin ang kanyang sasakyan papuntang opisina.

Habang nagmamaneho si Jacqui ng sasakyan ay nahalata niya ang kaibigan na parang may tinitignan sa kanyang telepono at malalim ang iniisip.

        "Bes...? Okay ka lang?"

        "Oo bes. Okay lang ako. Nagtext kasi si Sky"  paliwanag ni Jeff  "Katatapos niya lang sa opisina at nagpapaalam siya na sasamahan muna daw niya si Calvin sa kanyang bahay"

        "Wow. Tama ba ang narinig ko, bes? Nagkabalikan na silang dalawa?"

        "Oo bes. Nagkabalikan na sila"

        "That's good news. Para everybody happy. At mabuti iyon kay Calvin dahil may karamay siya sa panahong ito"

        "Hindi naman. Pansamantala lang naman 'to"

        "Pansamantala..? What do you mean?"

        "Ako ang nagdesisyon na makipagbalikan siya kay Calvin... para wala siyang gawin sa amin"

        "What?? Bakit mo ginawa 'yon..?"

        "Why not?? Diba sabi mo, 'para everybody happy'..? Ayaw ko naman makaproblema ngayon sa kanya"

        "Oo.. P-pero ikaw na ang nagsabi na iba magalit si Calvin"  paalala ni Jacqui sa kanya  "Bes... pinain mo ang sarili mong anak. Paano kung malaman niya na niloloko niyo siya..? Baka ano magawa niya kay Sky"

        "Ewan ko bes.. Hindi ko na talaga alam ang ginagawa ko ngayon"  buntong-hininga ni Jeff  "Pero nag-iingat naman kami ni Sky na hindi niya malaman. Nagtitiwala ako doon"

        "Sana nga bes"  dugtong ni Jacqui sabay hinga ng malalim  "Maiba tayo, anong plano mo kay Alvin? Saan mo ilalagay ang labi niya?"

        "Baka doon lang siguro sa bahay niya, bes"

        "No. Hindi bes"

        "Ha? Bakit? Saan ba gusto mo?"

        "Sa chapel bes. Tandaan mo, marami ang darating sa lamay niya, lalung-lalo na ang pinakamataas na mga opisyal ng PNP, at posible ang Presidente ng Pilipinas"  paalala niya ulit sa kaibigan  "Alam mo naman na nasa posisyon ang kaibigan natin diba?"

        "Oo nga pala. Nakalimutan ko. Pasensiya na, bes"  sagot niya  "Marami kasi akong iniisip ngayong problema. Nagpapasalamat talaga ako sa'yo na pinaalala mo ako"

        "Oo naman. Kaibigan natin yon. At tayo ang bahala sa kanyang lamay at libing. Kahit sa huling pagkakataon lang ay mapadama natin sa kanya na mahal na mahal natin siya"  pero hindi sumagot si Jeff sa huling sinabi ng kaibigan. Napansin naman iyon ni Jacqui at tinignan niya ng mabuti ang kaibigan dahil parang malalim muli ang kanyang iniisip  "Uy bes. Bakit ka natahamik..?"

        "May naalala lang kasi ako kanina"

        "Ano naman yon..?"

        "Yung kanina sa ospital. Kwinento kasi ni Calvin ang nangyari pero... hindi kasi nagtutugma ang statement niya sa akin kanina eh"

        "Ha? Bakit? Ano ba ang sabi niya..? Don't tell me na pinagdududahan mo na siya ang pumatay sa sarili niyang ama..."

        "No. hindi naman sa ganon. Naobserbahan ko lang kasi na mali-mali ang sinabi niya sa akin"  tanggi ni Jeff  "Ang sabi niya kasi na hinabol niya ang mga lalaki gamit ang kanyang sasakyan pero hindi niya ito naabutan dahil mabilis daw sila. Pero nung pagdating namin sa bahay nila ay nakaparada naman sa labas ang sasakyan niya at wala pa siya"

        "Oo nga bes. Hindi talaga nagmamatch"

        "Pero tinanong ko siya eh. Sinabi ko sa kanya na ang nakita ko"

        "Tapos..? Anong sabi niya?"

        "Tama daw ako. Nasa labas nga ang kanyang sasakyan. Nagkamali lang daw siya sa sinabi niya sa akin. Dahil ang totoo daw ay nagtaxi siya"  kuwento niya sa abugadong kaibigan  "Nagka-mali-mali lang daw ang sinabi niya dahil naguguluhan na daw siya sa mga nangyayari"

        "Hmmm. Posible. Nasa grieving stage kasi siya ngayon. Pero kailangan natin ulit humingi ng statement niya pagkatapos ng libing ni Alvin. Siya ang witness natin sa nangyari kay Alvin"

        "Sige bes. Payag ako diyan"

Magkalipas ang ilang saglit ay nakarating na sila sa mansyon ni Jeff. Kaagad naman siya bumaba at sinara ang pinto ng sasakyan. Samantala si Jacqui naman ay umalis na din dahil magpapahinga na sa kanilang bahay.

Bandang alas-siyete ng gabi nang nakapasok ng mansyon si Jeff. Pagod na pagod ang kanyang katawan at gusto niya nang magpahinga dahil sa nangyari sa buong araw; simula nung pinuntahan nila ang bahay ng mga Francisco, ang pagka-ospital ni Alvin at nung paghatid nila sa punerarya sa katawan nito.

Nadatnan niya sa sala ang kanyang asawa na nakaupo sa sofa at nanonood sa 65“ nilang TV.

        "Babe.."  bati ni Jeff habang papalapit siya sa asawa.

        "Oh babe. You look exhausted. Okay ka lang?"

        "Hindi ako okay babe"  at umupo siya sa tabi ni Nathan  "Merong problema"

        "Anong problema? Sa office ba, o hindi pumayag si Calvin na magkabalikan silang dalawa ni Sky..?"

        "No babe. Sila na ulit"

        "Oh.. Eh ano naman ang problema ang sinasabi mo?"

        "Si Alvin kasi. Patay na siya"  habang sinasabi iyan ni Jeff ay nanlaki ang mga ni Nathan at hindi rin makapaniwala sa balita  "Nung pagkaalis namin sa bahay nila ay biglang tumawag si Calvin sa amin. Sabi niya ay sinaksak daw ang ama niya"

        "Sino naman ang sumaksak sa kanya?"

        "Ang kuwento ni Calvin sa amin ay hindi niya nakilala ang mga lalaki dahil may takip ang kanilang mukha"  salaysay ni Jeff sa asawa  "Pero malakas ang duda ko na isa sa mga naka-alitan noon ni Alvin sa trabaho"

        "Posible nga yan, babe. Teka. Naisumbong niyo na ba ang nangyari sa mga pulis?"

        "Oo. Si Sky na at si Calvin ang nagreport kanina sa pulis"

        "Mabuti naman kung ganon"  sabay buntong-hininga muli ni Nathan at bumalik muli sa isip niya ang pagkamatay ng kaibigan at ex ni Jeff  "Gosh. Really..?? I can't believe na patay na si Alvin"

        "Yes. Bigla-biglaan lang ang pagkamatay niya at walang nakapaghanda sa nangyaru"  dugtong ni Jeff  "Hindi nga tayo makapagsasabi kung hanggang saan at hanggang kailan ang buhay natin"

        "Ganyan talaga ang buhay, babe. Hindi talaga maiiwasan yan dahil tao lang tayo, lahat din tayo ay mamamatay. Hindi lang natin alam kung kailan pero maghanda lang tayo"

        "Tama ka babe"

Inakbayan na lang ni Nathan ang kanyang asawa at hinila niya ito at pinahiga sa kanyang dibdib para lamang maging maayos ang nararamdaman ni Jeff. “Everything will be alright babe. Alam ko na nasa maganda at masayang lugar na si Alvin ngayon. Nasa langit na siya”

        "I know babe"  panlulumo ng mata ni Jeff.

        "So... maiba tayo. Kamusta naman ang anak niya? Si Calvin..?"

        "Ayon. Walang reaksyon. Tulala. Hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil patay na nga ang ama niya"

        "Kawawa naman"

Biglang tumigil ang kanilang usapan nang makita ni Jeff si Mike na lumalakad papasok sa mansyon. Mukhang mabigat ang mukha nito at namumula na parang kamatis ang kanyang ilong.

        "Good evening, Mike"  bati ni Jeff sa kanya pero hindi ito sumagot at mabilis na nagtungo sa elevator.

        "Anong nangyari sa kanya, babe?"  tanong naman ni Nathan sa kanya

        "Hindi ko rin alam"  sagot ni Jeff  "Pero baka tungkol naman ito sa buhay pag-ibig niya"

        "Haaay. Isa pa 'tong kawawa"  buntong-hininga muli ni Nathan  "Masyadong bata pa para maranasan ang sakit na mabigo sa pag-ibig"

        "Pupuntahan ko muna siya babe"  sabay tayo ni Jeff sa sofa at tinignan ang asawa  "Kakausapin ko muna siya kung ano ang problema niya"

        "Sure babe. Kailangan niya yun"

Samantala.

Kakapasok lang ni Mike sa kanyang silid at kaagad niyang sinara ang pintuan at ni-lock ito. Nakatayo lamang siya at nakatitig sa kawalan habang tumutulo ang kanyang mga luha. Hindi niya kasi inaakala na nandoon pa rin ang pagmamahal niya kay Anthony at nasasaktan pa rin siya sa sinabi at ginawa nito sa kanya.

Napa-upo siya sa sahig at doon nagsimula humagolhol ng iyak. Parang ang liit-liit ng tingin niya sa kanyang sarili dahil sa kanyang ginawa. Hindi niya talaga alam kung ano ang gagawin niya sa mga oras na iyon kundi isisi lahat sa kanyang sarili ang ginawa niya na nakapag-usap siya kay George.

        "Mike..." sabay katok ng tatlong beses ng tao na nasa labas ng kanyang silid. 

Naputol ang kanyang iyak at tumayo ito mula sa sahig. Kaagad niya naman itong binuksan, nakita niya na ang kanyang Tito Jeff pala ang tao na nasa labas ng silid.

        "Tito Jeff"  sambit niya habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang pisngi.  "Bakit po kayo nandito?"

        "Gusto lang kita makausap"  panimula ni Jeff.

        "Makausap?? Tungkol saan naman po, Tito?"

        "Kahit ano. Sa mga bagay-bagay. Okay lang ba sa'yo..?"

        "Ahhhmm. S-sure, Tito. Walang problema"  sabay punas muli ng kanyang pisngi.

        "So... pwede ba akong pumasok?"

        "Sige po. Pumasok po kayo"  kaagad naman niya binuksan ng husto ang pintuan para makapasok si Jeff sa kanyang silid.

        "Salamat Mike"

Nang pagpasok ni Jeff sa kanyang silid at umupo naman ito agad sa isang bakanteng upuan. Samantala si Mike naman ay umupo sa kama. Nakatitig ang kanyang Tito Jeff sa kanya ng mabuti. Doon niya nararamdaman ang ilang dahil hindi maalis ang titig nito sa kanya.

        "Tito...?? Bakit po?? Bakit ganyan lang ang tingin ninyo sa akin??"

        "Wala naman. Matagal na kasi hindi tayo nagkausap nang tayong dalawa lang"

        "Oo nga Tito eh"  sagot ni Mike  "Ang naalala kong huli nating pag-uusap ay nung libing ni Lola Joyce. Matagal na nga pala Tito"

        "Yes. Sobrang tagal na nga"  dugtong ni Jeff  "So kamusta ka na, Mike?"

        "Okay lang naman po ako Tito"

Pero hindi sumagot si Jeff at nakatitig pa rin sa kanya dahil hindi pa rin nahuhupa ang pagluha ng pamangkin. “Mike..? Umiiyak ka ba? Okay ka lang?”

        "Opo Tito. Okay lang ako"  ngiti naman ni Mike  "Huwag po kayong mag-aalala. Kaya ko po ito"

        "Sigurado ka??"

        "Opo. Siguradong-sigurado"

        "Owwkay"  sabay hinga ng malalim ni Jeff  "Alam mo naman na mahal na mahal kita katulad sa pagmamahal ko sa anak ko. Hindi ka na bago sa akin Mike, dahil tinuturing din kita na sariling anak"  sabay abot ni Jeff ng kamay ng pamangkin  "Andito lang ako para sa'yo. Handa na makinig at makatulong kung ano man ang problema na pinagdadaanan mo"

        "Alam ko po naman yan Tito eh. Malaki ang utang na loob ko sa inyong dalawa ni Sky dahil minahal niyo pa rin ako sa kabila ng ginawa noon  ni Mommy sa inyo"

        "Kalimutan mo na yon, Mike. Matagal na panahon yon"  dugtong ni Jeff  "Ang akin lang naman ay magsabi ka ng totoo sa akin. Walang lihiman"

        "What do you mean, Tito?"

        "May sinabi si Sky sa akin tungkol sa'yo"  dugtong ni Jeff

        "Ha?? Ano po yon?"

        "Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, Mike"  hinigpitan pa ni Jeff ang paghawak sa kamay ng pamangkin  "Huwag ka nang magsinungaling sa akin. Hindi ako galit sa'yo, Mike. Maniwala ka. Naiintindihan kita"

Itutuloy…

TCG: Chapter 28 (Maruming Plano)

Nagdududa na si Mike na baka isinumbong o sinabi na ni Sky ang totoong pagkatao nito dahil sa mga pahayag ng kanyang Tito Jeff sa kanya na maging matapat at magsabi ng totoo.

“What do you mean, Tito? Hindi po kita maiintindihan” pagmaang-maangan ni Mike kay Jeff

        "May sinabi si Sky sa akin tungkol sa'yo"  dugtong ni Jeff  "Ang katotohanan na ayaw mong sabihin sa akin"

        "Ha?? Ano po yon? I don't get it talaga po, Tito. Sorry"

        "Mike. Please. Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin"  hinigpitan pa ni Jeff ang paghawak sa kamay ng pamangkin  "Huwag ka nang magsinungaling sa akin dahil alam ko na ang totoong pagkatao mo. Hindi ako galit sa'yo, Mike. Maniwala ka. Naiintindihan kita"

Doon biglang humagolhol ng husto si Mike, nilapitan naman ni Jeff ang pamangkin at niyakap ito ng sobrang higpit. Hindi niya na kasi nakayanan ang paglilihim at pagtatago nito sa totoong nararamdaman niya. Parang sasabog na ang puso niya sa sobrang sakit.

        "Tito. I'm sorry. Sorry talaga"  hagulhol ni Mike kay Jeff  "Pinilit ko naman na huwag umibig sa lalaki eh. Pero hindi ko nakayanan, Tito. Mahina ako"

        "No. You're not weak"  lalo pang hinigpitan ang pagkayap ni Jeff sa pamangkin sabay himas niya sa likuran nito  "Nagmahal ka lang naman at ayos lang yun, okay? It's okay, Mike. Huwag ka nang humingi ng tawad o magpaliwanag sa akin dahil naiintindihan talaga kita. Pero sana, sinabi mo lang sa akin nang mas maaga para matulungan kita kung ano man ang pinagdadaanan mo. Believe me, naranasan ko din yan"

        "Natatakot ako sa'yo Tito eh"  patuloy pa rin ang pag-iyak niya kay Jeff  "Baka husgahan ninyo ako nina Stephen, RK at Tito Nathan. Kaya sinikreto ko lang muna. At ayaw kong madisapoint ka sa akin Tito. Baka isipin mo na na-karma na si Mommy at ako ang nagbayad sa ginawa niya dahil naging bakla ako"

        "Ano ba ang pinagsasabi mo, Mike? That's nonsense. Hindi ako ganyan. Alam mo naman na gaano kita kamahal diba?"  at tumango naman si Mike bilang pagsang-ayon sa kanyang Tito  "At isa pa, hindi karma o malas ang isang pagiging bakla o maging iba sa kanila. Tandaan mo, tayong dalawa ang nagpapatakbo sa dalawa sa mga malalaking kumpanya sa Pilipinas. You should be proud kung ano ka"

        "Tama po kayo Tito. Pasensiya na po ulit. Nagsisisi ako nung hindi ko sinabi sa'yo kaagad"  sambit ni Mike  "Sorry po talaga kung nagsinungaling ako sa inyo"

        "It's okay. Tapos na yun, Mike. Hindi ako galit sa'yo. Let's move-on"  sambit ni Jeff sa kanya  "So tell me, kamusta na ngayon ang puso mo?"

        "Sa totoo lang po...? Hindi pa po ako okay eh. Mahal na mahal ko pa kasi siya"

        "Tumagal ba kayo?"

        "Opo. Three years. Tatlong taon na puro kasinunggalingan lang pala ang pinapakita niya sa akin dahil mahal niya ang kanyang ex"  sagot ni Mike habang binabalik niya ang nakaraan  "Ginawa niya akong panakip-butas at nang nalaman niya na single na ulit ang ex niya, binalikan niya ito at iniwan ako sa ere"

        "Well, that's insensitive and selfish"  sambit niya  "Ginamit ka lang niya para makalimutan niya ang totoo niyang mahal na si George"

        "Paano niyo po nalaman na George ang pangalan niya?"

        "Sinabi sa akin ni Sky"  paliwanag ni Jeff  sa pamangkin  "But here's a fun fact, naging ex ko rin si George"

        "Talaga po..?"

        "Yup. Pero fling lang naman ang naging relasyon namin nung highschool"  kuwento ni Jeff sa kanyang pamangkin  "So... totoo nga ang tsismis na wala na sila ni Zeek"

        "Sino naman po yan?"

        "Ang naging karelasyon din ni George"  sagot niya  "Siguro nalaman ng ex mo na wala na silang dalawa at doon siya pumasok sa eksena at sa buhay ng kaibigan ko"

        "Oo nga po. Yan nga po ang kuwento"

        "Haay Mike"  buntong-hininga niya kay Mike  "Sinasayang mo lang ang luha at pagmamahal mo sa walang kakwentang-kwenta na tao. Hindi niya deserve ang luha mo dahil ginamit ka lang niya at hindi ka niya totoong minahal"

        "Pero Tito..."

        "No buts. Kalimutan mo na siya"  utos niya sa pamangkin  "Para naman sa'yo ito para hindi ka masaktan. Parang awa mo na, Mike. Just do it for yourself"

        "I'll try"

        "NO. Gawin mo. Kung ako sa'yo, lumabas ka sa bahay na 'to at meet new people. You never know, baka nasa labas lang ng mansyon na 'to ang taong magmamahal sa'yo nang wagas"

        "Okay po Tito. Susundin ko na lang ang gusto mo"

        "Good. Very good, Mike"  sabay tapik niya sa balikat ng pamangkin  "Don't worry, tutulungan kita para makalimutan mo ang walang kwentang tao na yon"  paniniguro ni Jeff sa kanya  "Ano ba ang gusto mo? Ipapatay natin siya? Sabihin mo lang. Hahanap tayo ng magagawa yan"

        "Tito naman. Huwag naman natin idaan sa ganyan"

        "I'm just kidding, Mike. Oo naman"  sabay ngiti ni Jeff  "Hindi ako ganyan. Pero seryoso tayo, kalimutan mo na siya, okay? Hindi siya deserving sa pagmamahal mo"

        "Sige po. Salamat po ulit Tito"

        "Walang anuman, Mike"  sagot niya  "Sige na. Kumain na tayo sa ibaba"

        "Opo. Mauna na po kayo sa ibaba. Magpapahinga muna ako"

        "Oh sige. Basta bababa ka kaagad ha"

        "Yes Tito"

Hindi na sumagot si Jeff at lumabas na lang sa silid ni Mike. Samantala si Mike naman ay humiga sa kanyang kama para magpahinga.


Kakauwi lang ni RK sa mansyon at kaagad siyang umakyat sa kanyang silid gamit ang elevator. Gusto niya na kasi magpahinga dahil parang pagod na pagod na ito.

Nung nandoon na siya sa itaas ay nagulat siya sa kanyang nakita. Lumabas ang kanyang Tito Jeff sa kwarto ni Mike. Nakita naman siya ni Jeff na nakatingin sa kanya habang sinasara ang pintuan ng silid ni Mike.

        "RK. Andito ka na pala. Kumain ka na? Sabayan mo kami ni Daddy mo sa ibaba. Gutom na gutom na ako eh"  sambit ni Jeff sa kanya

        "Mamaya na po, Pagod pa ako kasi ako. Magpapahinga muna ako sa kwarto ko"

        "Oh sige. Kapag okay na ang pakiramdam mo, bumaba ka na agad at kumain ha"

        "Opo"

Kaagad dumerecho si RK papunta sa kanyang silid habang si Jeff naman ay ginamit ang elevator para makababa na ito.

Sumilip si RK sa labas kung may tao pa ba at nung nakita niya na bumaba na si Jeff ay kaagad itong lumabas at nagtungo sa silid ng kuya na si Stephen.

        "Bro. Bro. Wake-up"  pukaw ni RK sa natutulog na kapatid.

Nagising naman si Stephen sa tawag sa kanya ng bunsong kapatid “Bakit RK? Anong problema mo..?” sabay kusot ng kanyang mga mata.

        "Bumangon ka muna. Gosh bro. You will not believe what I saw earlier sa labas"

        "Bakit? Anong nakita mo?"  dahan-dahan naman bumangon si Stephen at umupo sa kama.

        "I caught Tito Jeff kanina"

        "Nahuli?? What do you mean?"

        "I saw him coming out of Mike's room. Just now"

        "So..?"

        "Anong so..? Kuya, may nangyayari sa kanila ni Kuya Mike"  sambit niya sa kapatid  "Niloloko niya si Daddy. At ang masama pa dun, pamangkin niya pa ang karelasyon niya"

        "RK. That's a very serious accusation"  saway ni Stephen sa kapatid  "Paano ka naman nakakasiguro na may nangyayari o may relasyon sila..?"

        "E kasi nanggaling siya sa kwarto ni Kuya Mike. Ano pa ba ang nangyayari sa loob? Prayer meeting..? Kumain?"

        "Don't give me your sarcastic answer, RK. Sumusobra ka na"

        "Pero kuya.."

        "Tama na, okay? Hindi mo alam ang totoong kwento kung bakit nasa loob kanina si Tito Jeff sa silid ni Mike"

        "Oh well. Bahala ka kung ayaw mong maniwala sa akin"  sagot ni RK  "Basta sigurado ako na may nangyayari sa kanila"

        "Teka. Bakit ang dumi-dumi ng utak mo? Bakit nagka-ganyan ka?"  balik ni Stephen sa kanya  "Eh ikaw nga ang dapat pagduduhan dahil kung sinu-sino ang dinadala mo sa kwarto mo ehh"

        "What do you mean, kuya?"

        "Hindi mo ba alam na may nakakita sa'yo nung isang araw na may kahalikan ka dito na lalaki at nanggaling kayo sa kwarto mo..?"

Doon nanlaki ang mga mata ni RK dahil may nakakita sa kanyang nung umaga na iyon. Wala talaga siyang ideya na may makakita sa kanya dahil masyadong maaga pa ang kanilang paglabas ng silid.

        "Sino ang nakakita sa akin, kuya?"

        "It doesn't matter kung sino man siya"  dugtong ni Stephen  "So totoo nga, na may inuwi kang lalaki dito sa mansyon..? Sino yon..?"

        "Hindi ko siya kilala kuya"  pag-amin naman kaagad ni RK sa kapatid  "I mean, nakilala ko lang siya sa isang gay dating site and we met sa isang bar"

        "Ano..? Hindi mo kilala ng husto ang lalaking yon? Eh bakit dinala mo siya dito..?"

        "Hindi ko rin alam, kuya. Siguro lasing lang ako at nagawa ko yon. He kissed me unexpectedly eh"  paliwanag niya  "At doon na nag-umpisa at nagdesisyon kami na dito ituloy ang ginagawa namin"

        "So may nangyari nga sa inyo?"  tumango naman si RK bilang sagot sa kanyang kuya  "Bakit..? Akala ko ba ay naguguluhan ka pa ngayon sa sekswalidad mo? Bakit ka sumubok?"

        "I don't know. Maybe I just want to experiment. Baka sakali maiintindihan ko ang tungkol sa makipagrelasyon sa kapwa lalaki"

        "Pero hindi naman kayo diba..? Nag-one-night-stand ka lang sa kanya. Sa tingin mo, relasyon na yon?? HINDI. Libog lang yon. Naiintindihan mo ako?"

        "Opo kuya. Pasensiya na"

        "Wala naman ako magagawa eh. Tapos na yon"  dugtong niya sa bunsong kapatid  "Huwag mo na lang sana uulitin"

        "Opo kuya"

        "Good"  sagot niya  "Wait. Maiba ako. Did you practice safe sex?"

        "Hindi kuya eh. Hindi ako nag-condom. Madalian lang kasi"

        "Seryoso ka RK? Madalian?? May convenience store naman sa labas diba...??"  pagtaas ng tono ng boses ni Stephen  "Hindi ka talaga nag-iingat...!"

        "Eh bakit naman kuya? Ano naman masama dun? Hindi naman siya mabubuntis ah"

        "Bakit..?"  ulit ni Stephen  "Hindi mo ba iniisip na kung wala kang proteksyon ay may posibilidad na magkasakit ka..?"

        "Alam ko naman yun eh"  dahilan niya  "Unang beses ko pa naman iyon at pinapangako ko na huli na yon"

        "Sigurado ka..?"

        "Yup. Siguradong-sigurado"

        "Mabuti naman kung ganon. Basta RK. Mag-ingat ka, okay?"

        "Opo. Don't worry. Thanks for the concern"

Kinabukasan.

Kagigising lang niya sa kama ni Calvin at nakita niya ang nobyo na nakaupo sa isang silya habang nakatitig nang malalim sa kanya.

Sinamahan niya kasi at nagdesisyon siya na samahan ang nobyo para iparamdam niya dito na hindi siya nag-iisa sa kalungkutan na dinadama niya ngayon.

        "Good morning, Tart"  bati ni Sky sa nobyo at kaagad naman itong bumangon mula sa pagkahiga  "Ang aga mo naman gumising"  pero hindi sumagot sa bati ng nobya at patuloy pa rin ang pagtitig nito kay Sky  "Tart..? Okay ka lang?"

Gusto niya na saktan si Sky dahil sa pamemeke nito sa kanyang pagmamahal pero pinipigilan niya lang ang kanyang sarili dahil hindi pa iyon ang tamang panahon. Sasakyan niya lang muna ang ‘pagmamahal’ na pinapakita ni Sky sa kanya.

        "Yes. I'm fine"

Tumayo si Sky at lumakad papunta kay Calvin at niyakap niya ito nang sobrang higpit. “Alam ko na hindi ka okay, Tart. Dahil namatayan ka ng ama. Pero don’t worry. Andito lang ako para sa’yo. Hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita”

        "Salamat Tart. Dahil andito ka sa tabi ko. Malaki talaga ang tulong mo na nandito ka"  sagot niya kay Sky  "Huwag mo akong iiwan ha"

        "Oo naman Tart. Hinding-hindi kita iiwan"

        "Salamat ulit Tart"  sambit niya na mahina ang tono ng boses at huminga siya ng malalim  "Sa totoo lang, hindi pa ako makapaniwala na patay na ang Tatay Alvin ko"  panlulumo ng kanyang mata  "Parang kailan lang nung nag-usap kami nang masinsinan at sinabi niya sa akin na kung gaano niya ako kamahal. Hindi ko pala alam na ganito ang mangyayari sa kanya. Pasensiya na Tatay. Mahal na mahal din kita"

Doon humagolhol nang husto si Calvin habang sinasabi niya iyon. Habang si Sky naman ay himimas ang likuran ng nobyo at yakap-yakap niya ito. “Iiyak mo lang yan, Tart. Sige lang. Hindi kita pipigilan. Masakit talaga ang mawalan ng pinakamamahal”

        "Tama ka Tart. Napakasakit talaga"  iyak ni Calvin  "Wala na akong kakampi. Wala nang nagmamahal sa akin"

        "Andito naman ako Tart eh. Mahal na mahal kita"

        "Talaga..?"

        "Oo naman Tart. Kaya nga binalikan kita diba? Huwag mong isipin na wala nang nagmamahal sa'yo, marami pa kami. Nasasabi mo lang yan dahil nagdadalamhati ka pa ngayon"

        "Siguro..."  at tumayo si Calvin sa upuan at inayos ang kanyang sarili  "Sige... Alis na tayo, Tart"

        "Saan tayo pupunta?"

        "Doon sa lamay ni Tatay. Pupunta tayo doon dahil kailangan niya ako"

        "Okay ka na ba? Handa ka na ba na makita mo siya?"

        "Susubukan ko. Dahil kailangan. Gusto ko siya makita at makasama sa mga huling sandali niya bago siya ilibing"

        "Sige. Kung iyan ang gusto mo. Alis na tayo"

Samantala. Maagang nagtungo si Jeff at ang kanyang kaibigan na si Jacqui sa lamay ni Alvin na nasa malaking funeral chapel.

Habang pumapasok sila ay pinuntahan sila ng isang babae na may dala-dalang mga papeles.

        "Good morning Sir. Ma'am"  bati nito sa dalawa.

        "Good morning din. Ikaw ba ang head nang nag-organize nito?"  tanong naman ni Jacqui sa babae.

        "Yes Ma'am. Ako nga po"

        "Good-good. So, kailan lang dinala dito ang patay?" tanong niya sa babae habang naglalakad sila patungo sa kabaong ni Alvin.

        "Kaninang umaga lang po, Ma'am. As you can see, inarrange na nila lahat ang nakapalibot sa kabaong"

Sakto din na nakarating na sila sa kabaong at napatingin sa mga bisita na nandoon. May napansin si Jacqui at walang humpay ang pagtitig niya sa kaibigan na si Jeff.

Itutuloy…

TCG: Chapter 29 (Si Darwin)

Nang makarating sila sa kabaong ay may napansin si Jacqui sa mga tao na nasa loob ng chapel. Wala kasing humpay ang pagkatitig ng mga tao sa kanila.

Kaagad niya naman tinawag ang atensyon ng kaibigan.

        "Bes.."  bulong ni Jacqui sa kaibigan.

        "Bakit..?"

        "Tignan mo ang mga tao, bes. Kanina ko pa napapansin na lahat sila ang nakatingin sa atin nung pagpasok natin at hanggang ngayon"  sambit niya kay Jeff "Ano kaya ang iniisip nila..?"

        "Hay bes. Ganyan talaga ang mga tao kapag may bagong pumapasok sa isang gusali. Lahat nakatingin sa'yo"

        "Ay ganon ba?? Akala ko kasi nagagandahan sila sa akin eh"

        "Ewan ko sa'yo bes. Feeling mo talaga. Behave ka nga"  saway ni Jeff sa nagbibirong kaibigan  "Andito tayo sa lamay ng kaibigan natin, iba-iba pa ang pumapasok diyan sa utak mo"

        "Sorry na. Nagbibiro lang ako. Sobrang lungkot lang kasi ng lugar na ito"  sambit niya kay Jeff. Napatingin siya kay Alvin  "Parang natutulog lang siya bes oh"

        "Oo nga bes. Parang hindi siya patay"

Biglang umiyak si Jacqui sa nakita niya dahil naalala na naman niya ang mga sandali na magkasama silang tatlo. Hinimas na lang ni Jeff ang likuran ng kaibigan para patahanin ito.

        "Sorry bes"  sabay punas niya ng kanyang luha.  "Pasensiya na kung naiyak ulit ako. Hindi lang kasi ako makapaniwala at hindi sumagi sa isip ko na ganito ang muli nating pagkikita nating tatlo. Hindi ito ang pinapangarap kong reunion. Napakalungkot bes"

        "Ako rin naman. Nanghihinayang sa pagkawala ni Alvin"  dugtong ni Jeff  "May sinabi pa siya sa akin tungkol sa anak niya nung nagkausap kami. Gusto niya na bumawi kay Calvin sa mga araw na nagkulang siya. Nagsisisi talaga si Alvin dahil hindi niya nabigyan ng sapat na pagmamahal at atensyon si Calvin. Pero hindi niya na magagawa iyon dahil patay na siya"

        "Sayang nga bes. Pero wala na siya. Tatanggapin na lang natin iyon kahit na masakit"

        "Pinapangako ko sa harapan ng bangkay ni Alvin na ako na ang gagawa sa dapat niyang gawin sana sa anak niya"  sambit ni Jeff  "Papaliwanag ko lahat kay Calvin lahat-lahat tungkol sa kanyang ama para maiintindihan niya at hindi na siya magalit"

        "Sana nga maiintindihan niya, bes"

        "Sana nga"  sabay buntong-hininga ni Jeff. Doon sumagi sa isip niya ang kaso niya kay José  "Oo nga pala, bes. Kamusta na si José?"

        "He's okay naman. Nagbabakasyon silang magpamilya sa Cebu"

        "Talaga? Buti pa sila"  dugtong niya  "May oras magbakasyon"

        "OA mo naman"  ngiti ng kaibigan niya  "Iyan talaga ang totoong plano nila sa pagpunta dito sa Pilipinas. Second priority lang niya ito"

        "Talaga? Maiba tayo, bes. Paano na pala ang pagbuhay nang dati kong pangalan? Patay na si Alvin. Wala na ang witness ko"

        "Don't worry bes. May isa pa tayong solusyon diyan"

        "Ano naman yon?"

        "Ang anak mo, si Sky"  sagot ni Jacqui  "Siya ang huli nating pag-asa para buhayin ang totoo mong pangalan"

        "Ano naman ang gagawin natin sa anak ko? Maging witness din?"

        "Nope. Kailangan niyo lang naman na magpa-DNA Test para mapatunay na mag-ama talaga kayong dalawa"  paliwanag niya kay Jeff  "Kapag nag-match ang DNA ninyong dalawa, it means na si Jeffrey Dy at ikaw ay iisa"

        "Yun lang..?"

        "Oo bes. Yun lang"

        "Talaga? Mabuti naman. Bakit ngayon mo lang 'to naisip bes? Eh muntikan na nating inaksaya ang panahon ni Alvin"

        "Actually, ang DNA Test lang ang paraan"  pag-aamin ni Jacqui sa kanyang nagawa "But I lied, Sorry bes ha. Ginawa ko lang yon dahil gusto kong mag-usap kayong dalawa ni Alvin nang masinsinan. Alam ko kasi na hindi mo pa siya napapatawad sa ginawa niya noon sa'yo at gusto ko naman na magkita at magkausap tayong tatlo, magbonding"

        "Ha?? Seryoso ka? Sana nagsabi ka sa akin ng totoo. Sana sinabi mo na gusto mong mag-usap kaming dalawa at gusto mong magkita at magbonding tayo, okay lang naman yon sa akin"  sagot ni Jeff sa kanya  "Hindi naman ako galit sa kanya bes. Matagal na panahon na yon. Siguro naging busy lang tayo sa mga career na kinuha natin. Pero hindi ako galit sa kanya"

        "Talaga bes?"

        "Oo naman. Mahal ko naman si Alvin. Alam niya yan"  sabay tingin sa nakapikit na kaibigan sa loob ng kabaong.

        "Sorry bes. Hindi ko kasi alam. Akala ko galit ka sa kanya"

        "It's okay bes. You've done the right thing naman. Atleast, nakapag-usap kami bago siya mamatay"

        "Salamat bes"

        "Pero sigurado ka ba?? DNA Test lang naming dalawa?"

        "Oo bes. Promise. Sigurado na ako diyan"

Huminga ng malalim si Jeff na parang binunotan ng matalim na bagay sa kanyang dibdib. “Hay salamat. Akala ko hindi na mabubuhay ang dati kong pangalan. Kinabahan ako dun ah”

        "Maibabalik yan. Magtiwala ka lang sa akin"  paniniguro ni Jacqui "At maibabalik ang lahat sa dati"

        "Pinagdadasal ko palagi yan tuwing bago kami matulog ni Nathan"

Biglang may naalala si Jacqui sa kanilang dalawang mag-asawa “Ay bes. Speaking of Nathan. May sasabihin pa ako sa’yo. Isa pang problema”

        "Si Nathan? Ano naman ang problema tungkol sa asawa ko?"

        "Umupo muna tayo bago ko sabihin sa'yo"

Kaagad naman sila lumakad patungo sa bakanteng upuan. Doon nila ulit pinag-usapan ang nabitin kuwento ni Jacqui tungkol sa kanilang mag-asawa.

        "Bes ano na? Ano na ang sasabihin mo tungkol sa amin?"

        "May bad news ako sa'yo bes"

        "Ano nga? Pwede ba. Sabihin mo na. Binibitin mo ako eh"

        "Bes. Hindi kayo kasal ni Nathan"

        "What?!"  sigaw ni Jeff at napatingin ang mga tao na nakapaligid sa kanila. Kaagad naman niya hininaan ang kanyang boses  "Paano nangyari na hindi kami kasal? Eh nakita mo naman diba? Andoon ka sa kasal namin"

        "Oo bes, alam ko na nagpakasal kayo pero hindi sa'yo. Kundi kay José Hidalgo"  paliwanag ni Jacqui sa kanya  "Pero don't worry kasi null and void naman ang kasal nila dahil may asawa na si José"

        "So anong mangyayari?"

        "Once na mapatunayan na ikaw at si Jeffrey Dy ay iisa gamit ang DNA Test ninyong dalawa ng anak mo, pwede na kayong magpakasal ulit ni Nathan. Yun lang kasimple"

        "Sige. Gagawin namin ang DNA Test sa lalung madaling panahon. Pero tatapusin muna natin ito ang kay Alvin bago gawin iyon"

        "Oo bes. Tama ka. Patatapusin muna natin ito"

        "At isa pa, magkasama ang dalawa sa bahay nina Calvin eh. Hindi ko pa siya makausap. Kakausapin ko siya kapag andito na sila"

        "Speaking of... saan na ba sila..?"

        "Tinatawagan ko nga si Sky pero hindi siya sumasagot eh. Nag-aalala na ako sa kanilang dalawa"

        "OA mo talaga. Darating yan. Baka natraffic lang"

Hindi na sumagot si Jeff at napatitig lang ito ng mabuti sa malaking litrato ni Alvin na nasa ulohan ng kabaong nito. Doon niya muli naalala ang nakaraan nilang dalawa. Kahit papaano naman ay minahal niya din ito kahit mas pinili niya noon si Riley o Nathan.


Dalawang oras ang nakalipas nang makarating sina Sky at Calvin sa chapel. Kaagad silang nagtungo sa kabaong at tinititigan si Alvin. Pagkatapos ay pumunta sila sa direksyon ni Jeff at ni Jacqui para magmano sa kanilang dalawa.

        "Magandang hapon po, Tita. Papa"  bati ni Sky sa kanilang dalawa.

        "Magandang hapon rin, anak. Bakit ngayon lang kayo?"

        "E si Sky kasi Tito. Dumerecho muna siya sa opisina bago pumunta dito"  paliwanag ni Calvin kay Jeff  "Kaya late na kaming pumunta dito"

        "Anak naman. Sana hinatid mo muna si Calvin bago ka nagtungo sa opisina"  saway ni Jeff sa anak  "Alam mo naman na kailangan siya dito para makasama ang ama niya sa mga huling sandali. Tignan mo, mas nauna pa ang mga bisita kesa sa inyo"

        "Sorry po Papa. May kinuha lang kasi ako doon na importante kaya hindi ko na inisip na ihatid pa si Calvin. Mabilis lang naman yun kanina. Traffic lang kasi papunta dito"

        "Ganon ba? Sige. Okay na yun, basta sa susunod, maaga kayo dito ha"

        "Opo Papa"

        "I'm sorry for your lost, Calvin"  sambit naman ni Jacqui sa anak ng kaibigan.

        "Salamat po, Tita. Salamat dahil andito kayong lahat para sa akin, at lalung-lalo na para kay Tatay"

        "Huwag kang mag-aalala, Cal. Andito kami ng Tito Jeff mo para sa'yo. Hinding-hindi ka naming papabayaan"

        "Salamat ulit"  sabay buntong-hininga ni Calvin  "Sa totoo lang po, sobrang malungkot ako ngayon dahil nawala ang pinakamamahal kong ama. Mamimiss ko ang mga bonding namin nung nabubuhay pa siya"

        "Talaga? Palagi ba kayo nagba-bonding ng tatay mo?"  tanong naman ni Jeff

        "Hindi naman po masyado Tito kasi busy rin siya sa kanyang trabaho pero he made sure naman na bumabawi siya kapag wala siyang trabaho"  kuwento ni Calvin sa kanila  "He made sure na masaya ako kapag magkasama kaming dalawa"

        "Wow. Mabuti naman kung ganon na bumabawi na siya sa iyo"

        "Oo nga po eh"

        "So hindi ka na galit sa kanya? Naptawad mo na ang tatay mo?"

        "What do you mean Tito?"

        "Ang tungkol sa inyong dalawa ng tatay mo, na hindi niya naibigay ang atensyon at pagmamahal niya noon sa'yo"

        "Paano niyo nalaman ang tungkol doon?"

        "Naikuwento ng Tatay Alvin mo ang lahat sa akin"  kaagad naman inabot ni Jeff ang kamay ni Calvin   "So... napatawad mo na ang ama mo?"

        "Ahmmm. Op-po Tito. Napatawad ko naman ang Tatay. At naintindihan ko naman kung bakit ginawa niya iyon... pinabayaan niya ako dahil ikaw ang iniisip niya... na sariling anak niya"  halong pang-iinsulto ni Calvin

        "Mabuti naman kung napatawad mo na siya. At pasensiya na, Calvin. Hindi ko rin alam eh. Don't worry, babawi kami ng Tita Jacqui mo para sa pagkukulang ng Tatay mo"  paniniguro ni Jeff sa kanya  "Kaming dalawa ang magiging bago mong magulang"

        "Salamat po. Tito. Tita"

        "Walang anuman, Calvin"  dugtong ni Jeff  "Oo nga pala, kabilang sa mga nabanggit ng ama mo sa akin ay yung bisyo mo. Sana ay itigil mo na yan. Ayaw ko naman na mawala ka sa landas dahil gumagamit ka pa rin ng ipinagbabawal na droga"

        "Hmmm. Okay po. Susubukan ko na itigil ito at para naman maging maganda ang paningin ninyo sa akin"  biglang nag-init ang ulo niya dahil sa sobrang pakialamero ni Jeff sa kanyang buhay. Pero pinipigilan niya lang ang sarili para hindi siya magkamali sa kanyang maging plano. Doon umiyak si Calvin habang sinasabi niya iyon  "Nagsisisi din kasi ako dahil sinayang ko ang mga oras at panahon nung nabubuhay pa si Tatay"  sabay punas ng kanyang luha  "Sinayang ko talaga sa pagbibisyo at hindi inilaan sa ama ko"

        "Huwag ka nang umiyak, Calvin. Andito lang kami para sa'yo. Pamilya mo kami"

        "Alam ko po yan. At malaki ang pasasalamat ko sa inyo, lalung-lalo na kay Sky"  sabay tingin niya kay Sky  "Hindi ko talaga alam kung ano ang buhay ko ngayon kapag wala kayo sa buhay ko ngayon"

        "Huwag kang mag-isip ng ganyan, okay?"  paniniguro ni Jeff sa kanya  "We will forever be here at your side, Calvin. Don't worry"

Dakong alas-diyes ng gabi sa isang bar.

Nakaupo si Mike sa isang upuan malapit sa bartender. Inaantok at minamasahe ang kanyang ulo. Umiinom siya kasi ng isang baso ng alak at gusto niyang makalimutan ang masasakit na mga nangyari sa kanyang buhay pag-ibig.

        "Brad. Bigyan mo pa ako. Gusto ko pang uminom"  utos niya sa bartender.

        "Sir. Marami na ang nainom mo. Baka hindi mo na makayanan"

        "Bibigyan mo ba ako o hindi...??"  pagtaas ng tono ng kanyang boses  "Magbabayad naman ako ah"

        "Sorry Sir. Concern lang naman po ako sa inyo"

        "Concern..??"  ulit ni Mike sa bartender  "Bakit?? Naranasan mo na ba  na magmahal ng tatlong taon at iniwan ka agad sa ere dahil nagkabalikan na sila ulit ng mahal niya??! Ano??! SAGOT!!"

        "Sorry Sir"  tanging sagot niya at nagdesisyon na lang ang lalaki na lumayo at umiwas na lang kay Mike.

Hindi niya naman kaagad namalayan na may tumabi sa kanya na lalaki at panay ang tingin nito sa kanya. Napansin lang nito ni Mike nung napatingin din siya dito.

        "May problema ka brad?"  tanong ni Mike sa kanya  "Napapansin ko kasi na hindi umaalis ang tingin mo sa akin eh"

        "Wala naman. Narinig ko lang yun pagbubulyaw mo sa bartender at napansin ko na mag-isa ka at parang malungkot ka"

        "Wala 'to. And it's none of your business"

        "Wow. Sungit naman"  sambit ng lalaki sa kanya  "Sige na. Sabihin mo na sa akin. Baka makatulong ako, basta except money ha"  biro niya.

        "Teka. Wala ka bang kasama..?"

        "Hmmm. Meron. Mga kaibigan ko"  sagot ng lalaki sa kanya  "Nandoon sila nakaupo sa kabilang side ng club"

        "Ahhh. Okay. Sana doon ka na lang sa kanila. Doon sa mga kaibigan mo. Huwag ka dito sa akin dahil hindi mo ako kilala"

        "Sorry, my bad. Tama ka. Hindi mo pa nga ako kilala"  pagsang-ayon nito kay Mike. Kaagad niya naman itinaas ang kaliwang kamay para ikamay at magpakilala ito  "Ako nga pala si Darwin. Darwin Vargas, and you..?"

        "Michael. Michael Teng"  doon naman sila nagkamay at napatingin si Darwin  sa kamay nilang dalawa.

        "Ang lambot ng kamay mo ah. Halata hindi ka nagtatrabaho ng mabigat"  pero hindi sumagot si Mike sa kanya  "Oo nga pala, ano nga pala ang trabaho mo? Meron ba?"

        "Ahmmm. Yes. Meron"

        "Pwede bang malaman?"

        "Basta. Hindi pa tayo masyado kilala. So bakit ko ikuwento ang buhay ko..?"

        "Naku. Sungit talaga nito. Nagtatanong nga ako para magkakilala tayo ng mabuti eh"  sambit ni Darwin.

Doon na tumayo si Darwin dahil parang nawalan ito ng gana dahil hindi siya pinapansin ng kanyang kausap. Bigla naman natauhan si Mike sa kanyang ginawa at tinawag ulit si Darwin.

        "Brad. Darwin"

        "Yes..?"  sabay lingon naman nito sa kanya

        "I'm sorry. Sorry kung masungit o naging soplado ako. May problema lang kasi ako ngayon"  sambit ni Mike  "Please stay. Gusto ko nang may makausap"

Itutuloy…

TCG: Chapter 30 (Ang Dalawang José Hidalgo)

Napangiti si Darwin na parang kinikilig dahil pinigilan siya ni Mike sa kanyang tangkang pag-alis. Dahil napagtanto ni Mike na kailangan niyang may makausap tungkol sa kanyang pinagdadaanan.

“So, totoo nga ang hula ko” ngiti ni Darwin at bumalik sa kanyang upuan “May problema ka nga ngayon”

“Yes. And I’m sorry ulit kung naging masungit ako”

“Sus. Wala naman yun sa akin” sagot naman ni Darwin habang nakangiti “Ano nga ba yon? Sabihin mo na sa akin baka matulungan kita kahit advice lang”

        "Sige. Pero huwag mo sana akong pagtawanan"

        "Sure. I'm not here to judge. Sige na. Sabihin mo na sa akin"

        "Hmmm. My partner kasi ako, I mean my ex-boyfriend"  panimula ni Mike  "Wala na kami dahil iniwan niya ako at pumunta sa totoo niyang mahal. Kahit anong pigil at pagmamakaawa ko sa kanya, ayaw niya na sa akin"

        "Ouch! Sakit naman yan"

        "Sobra"

        "So, yan lang ang problema mo ngayon??"

        "Oo eh. Baduy ba?? Sorry ha. But you're free to laugh na"

        "Hindi noh. Lahat naman tayo dumadaan diyan sa heartbreak"  sambit ni Darwin  "Pero normal lang yan brad. May mga bagay talaga sa mundo na gustong-gusto mo pero hindi mo nakukuha dahil may ibang nakalaan para sa kanila. Kaya huwag ka nang maglugmok diyan"  payo ni Darwin sa kanya  "And cheer-up. Huwag mong masyado i-seryoso lahat ng bagay. Lalaki ka, hindi ka babae. Huwag kang magpapabiktima dahil walang mawawala sa'yo. Gawin mo din kaya ang ginagawa ng ibang lalaki diyan, ang ginagawa niya. Enjoy. Have fun, pero mag-ingat ka lang sa pag-e-enjoy, you know what I mean"  

        "Yeah. Tama ka, brad. Lalaki ako at matibay dahil walang mawawala sa akin"

        "Tama. So cheer-up, okay?"  tapik niya sa balikat ni Mike.  "Hindi pa ito ang katapusan ng mundo"

        "Salamat brad. Salamat sa payo"

        "Anytime"  ngiti niya  "Okay ka na...?"

“Much better now. Thanks to you”

“Good. Pero kung gusto mo pa ng payo, you can give me your number para i-text o matawagan kita”

        "Sure. Sige"  kaagad naman kinuha ni Mike ang kanyang telepono sa kanyang bulsa at ibinigay niya nga ang numero niya kay Darwin.

        "Thanks. I'll just missed-call you ngayon para ma-save mo agad ang number ko"

        "Sure"  kaagad namang nagmissed-call si Darwin sa telepono ni Mike  "Got it"

        "Sige brad. Maraming salamat ulit sa time at chance para makilala kita"  sambit niya  "Sana makausap pa tayong muli. So pano, I have to go na dahil nagtext na ang friends ko eh"

        "Sure. Text-text lang"  ngiti din ni Mike sa kanya.

Kinabukasan.

Nagising si Mike sa ingay ng kanyang telepono kinaumagahan sa kanyang silid. Kaagad niya naman itong kinuha sa maliit na drawer, katabi ng kanyang kama. Doon niya nakita na may tumatawag pala sa kanyang telepono na hindi naka-rehistro na numero.

Nagdesisyon na lang siya na sagutin dahil baka importante.

Mike: Hello..?

Darwin: Hello Brad. Good morning.

M: Sino ’to?

D: Si Darwin ’to. Ang nakausap mo kagabi sa club.Hindi mo ba na-save ang number ko?

M: Sorry, I forgot. Good morning din pala, pre. Napatawag ka…?

D: Wala naman. Gusto lang kita kamustahin kung okay ka na ngayon. Kagabi kasi parang problemado ka pa nung iniwan kita eh.Sorry pala ha. Balak ko pa kasi magtagal pero tinetext na nila ako kung saan ako.

M: It’s okay. Don’t apologize. And okay na naman ako. Don’t worry.

D: Sigurado ka..?

M: Oo naman. Bakit hindi.?

D: E kasi hindi ako naniniwala na okay ka na. Why don’t we hang-out? Let’s watch a movie or kumain sa labas..?

M: Seryoso ka…?

D: Oo naman. Para mailabas mo muli ang nararamdaman mo. So, okay ba sa’yo…?

M: I would love to pero may pupuntahan kasi kaming pamilya for the whole day eh.

D: Oowww. Sorry. Saan naman?

M: Sa burol ng kaibigan ni Tito. Hindi kasi kami nakapunta kagabi. Si Tito lang at ang pinsan ko.

D: Ahh. Ganon ba..? So next time na lang siguro.

M: Sure. Next time.

D: Basta mag-ingat ka lang palagi ha. And always smile.

M: I will. Don’t worry.

D: Oh sige. Breakfast ka na diyan. Goodbye.

M: Salamat. Kaw din. Bye.

Binaba naman kaagad ni Mike ang kanyang telepono at bumangon sa kanyang kama. Hindi niya maiintindihan ang kanyang nararamdaman dahil parang masaya ito kapag nakakausap si Darwin.

Alam niya na nagkakilala lang silang dalawa kagabi at hindi niya masyadong kilala ng husto ang tao. Pero masaya ito kapag naiisip o nagkakausap silang dalawa ng lalaki.


Samantala. Sa hapagkainan.

Kumakain na ng agahan sina Jeff at Nathan. Maaga nagising si Jeff dahil pupunta pa siya sa burol ng kanyang kaibigan na si Alvin.

Habang kumakain, sinabi niya kaagad kay Nathan ang balita nalaman niya kay Jacqui sa kanilang kasal.

        "It's okay babe. Diba sabi ni Jacqui ay walang bisa ang kasal dahil may asawa siya?"  tumango naman si Jeff bilang sagot at habang ngumumguya ng pagkain  "So... pwede pa tayong magpakasal ulit. Wala namang problema yun eh"

        "Sigurado ka...?"  tanong niya kay Nathan  "Baka nadissapoint ka dahil hindi tayo kasal sa loob ng maraming taon nating pagsasama dito"

        "That's nonsense babe"  sabay abot ni Nathan ng kamay ni Jeff at hinawakan ito ng mahigpit  "Wala naman sa kasal yan eh. Sa papel lang naman yan. Ang importante ay magkasama tayo at nagmamahalan sa loob ng maraming taon. Diba..?? Huwag ka nang mag-isip ng dahil okay lang sa akin"

        "Thank you babe. Salamat sa pag-intindi"

        "Of course. Mahal kita. At ayaw mo yun?? Ikakasal ulit tayo sa totoo mong pangalan"  habang kinukumpas ni Nathan ang kanyang kamay habang sinasabi ang pangalan ng kanyang mahal  "MISTER. JEFFREY. DY. RODGERS"  at tumingin siya kay Jeff na nakita niya na nakangiti na ito  "Yaaaan. Ngumiti ka na. Huwag masyadong magseryoso sa mga bagay, okay?"

        "Okay babe. Salamat ulit"

Naputol ang kanilang usapan nang dumating ang isang katulong na may dala-dalang wireless na telepono. “Sir Jeff..” sabay lapit ng katulong

        "Bakit Manang..?"

        "May tawag po kayo"

        "Tawag..? Sino naman yan?"

        "Si Ma'am Jacqui po"

        "Sige. Bigay mo sa akin yan"

Kaagad naman inabot ng katulong ang telepono at kinuha naman nito ni Jeff at sinagot si Jacqui sa kabilang linya.

Jeff: Hello bes..? Bakit ka napatawag?

Jacqui: Ahhhm. Bes. Available ka ba ngayong umaga?

Jeff: Oo. Available ako. Pupunta lang naman ako sa burol ni Alvin. Bakit bes?

Jacqui: Tumawag kasi sa akin si José Hidalgo, bes. Gusto ka daw niya makausap.

Jeff: Tungkol saan naman?

Jacqui: Hindi niya sinabi eh. Pero okay ka ba ngayong umaga?

Jeff: Sure. No problem. Baka importante ang sasabihin niya. Just tell him na doon na lang kami magkita at mag-usap sa burol ni Alvin.

Jacqui: Okay bes. Copy.

Jeff: Thanks bes.

Jacqui: You’re welcome my sobrang pogi na bestie. Ba-bye.

Jeff: Bye.

Binaba naman kaagad ni Jeff ang telepono at pinatay ito. Hindi niya namalayan na nandoon na si Mike, RK at Stephen sa hapagkainan at kumakain na din ng agahan.

        "Anong sabi ni Jacqui, babe.?"  Tanong ni Nathan sa asawa.

“Gusto daw akong kausapin ni José Hidalgo”

        "Tungkol saan naman?"

        "Hindi niya sinabi eh. Pero baka importante. Baka tungkol ito sa paghati ng mga ari-arian naming dalawa"

        "Gusto mo ba na samahan kita?"

        "Sige babe. Ikaw ang bahala"

Kaagad naman tumayo si Nathan sa kanyang upuan at lumakad patungo sa elevator “Maliligo na ako, babe. Umakyat ka na lang kaagad”

        "Okay babe"  sagot ni Jeff sa kanya at tumingin siya sa tatlong binata  "Mike. RK. Stephen. Bilisan na ninyo diyan at sabay na lang tayo pupunta sa burol"

Hindi sila sumagot at pinapatuloy na lang nila ang kanilang pagkain. Si Jeff naman ay sinundan si Nathan sa kanilang kwarto para maligo at magbihis na din.


        "Mister Hidalgo"  bati ni Jeff kay José habang papasok ito ng chapel. Kasama niya sa pagsalubong sina Jacqui at Nathan  "Good morning. My apologies, kung dito ang meeting place natin. Kaibigan namin kasi siya at kailangan na nandito kami ni Atty. Alonzo sa kanya"

        "It's okay. Don't worry, I understand. And good morning din sa inyo"

        "So bakit kayo nagpatawag ng meeting?"

        "Wala naman. Gusto ko lang na kamustahin ka.."  at napasulyap siya kay Nathan  "I'm sorry. May kasama pala kayong dalawa. And you are..?"

        "Si Nathan. My husband"

        "Oowww. Hindi ko pala alam na may asawang lalaki ka"

        "Yes. He's my husband. Bakit naman?"

        "Wala naman. Nagulat lang ako. Pero don't worry, I'm not going to judge"  ngiti ni José sa kanila  "Malawak ang pag-iisip ko sa mga ganyang issue"

        "Mabuti naman kung ganon"

        "Maiba tayo, Jeff. Pwede ba kitang makausap na tayong dalawa lang?"

        "Bakit? Ayaw mo ba na andito si Attorney at ang asawa ko?"

        "Gusto naman. Pero mas maganda sana na tayong dalawa lang"  sagot ni José sa kanta  "Tungkol kasi ito kay Papá"

        "Ah ganon ba..? Sige. Doon tayo sa labas"  at tumingin si Jeff kina Jacqui at Nathan  "Labas muna kami"  kaagad naman tumango ang dalawa.

Iniwan nilang dalawa sina Nathan at Jacqui sa loob ng chapel at doon sila nag-usap na dalawa sa isang sementadong upuan sa labas ng chapel.

        "So Mister Hidalgo. Ano ba ang dapat  nating pag-usapan tungkol sa Papá mo?"

        "Ahmm. Bago yan, gusto ko sana na tawagin mo ako sa pangalan ko. Just call me 'José'. Okay lang ba?"
         "Sure José"

        "Thanks"  ngiti niya kay Jeff  "Ahmm. Gusto ko lang na malaman mo na okay na ang lahat"  sabi ni José sa kanya  "Sa tulong ni Atty. Alonzo ay nahati na ang pagmamay-ari nating dalawa. Pwede mo nang kunin ang sa'yo nang walang pag-aalala"

        "Talaga..? Wow. Maraming salamat, José. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa'yo dahil hindi ka nagdalawang-isip na ibigay sa akin ang mga ari-arian ko"

        "Oo naman. Wala akong balak na hindi ibigay sa'yo ang ari-arian mo. Yes, nasa pangalan ko pero hindi naman ako ganid na tao para kunin ko ang hindi sa akin"  sambit niya kay Jeff  "Remember, nandito lang naman ako para kunin ang ipinagkait ni Papá sa akin, hindi ang ari-arian ng iba"

Ngumiti si Jeff sa galak at sa sinabi ni José sa kanya. “Maraming salamat talaga ulit, José. P-pero, may problema pa eh”

        "Ano naman yon?"

        "Hindi pa kasi pinapatunayan ng korte na ako at si Jeffrey Dy ay iisa dahil kailangan pa ng DNA Test to prove na ang anak ko na si Sky at ako ay magkadugo"

        "Yun lang ba..? Walang problema, Jeff. Dito muna sa akin sa pangalan ko pansamanatala. Kapag okay na ang lahat, ibibigay ko sa'yo, okay?"

        "Naku salamat, José. Napakabait mo talaga"

        "Maliit na bagay"  ngiti niya  "At baka matatagalan pa kami dito sa Pilipinas eh. Kasi maglilibot pa kami sa buong bansa"

        "Wow. Good for you at sa pamilya mo"  dugtong ni Jeff  "Salamat ulit ha"

        "Ano ka ba. Wala yun. Ako nga ang magpapasalamat sa'yo dahil iningatan mo ang pangalan ko dito sa Pilipinas"  ngiti ni José na may halong panlulumo ang mga mata  "Hindi nga nagkamali si Papá sa paglipat ng ari-arian niya sa'yo. Deserve mo ang lahat ng ito, Jeff"

        "No. Hindi ko deserve ang mga iyon. Kasi hindi naman iyon sa akin. Dahil pagmamay-ari mo ang lahat ng iyon. Siguro hiniram ko lang pero sinasauli ko na ng buong-buo"

        "Yeah. You can say whatever you want pero iyon ang katotohanan"  kontra ni José sa sinabi ni Jeff sa kanya  "You're the son that he never had"

        "Ano ang ibig mong sabihin?"

        "It's clear. Ikaw ang mahal ni Papá dahil nakita niya ang mga katangian na hinding-hindi niya nakikita sa akin"  sambit ni José sa kanya  "That's why he faked our death with my mom. Kasi ayaw niya sa akin, dahil hindi ko ibinibigay ang mga gusto niya na ako ang papalit at magpapatakbo ng kumpanya niya kung mawala siya"

        "Kaya pala. At hindi niya nabanggit sa akin ang tungkol sa inyo ng Mamá mo. Hindi niya naikuwento ang totoong nangyari. Yon pala ang dahilan"  sagot ni Jeff  "Ang sabi niya lang sa akin na pinangalan niya ako sa anak niyang lalaki dahil nakikita niya daw sa akin"

        "...ang katangian na gusto niya sa magiging anak niya"  dugtong ni José  "And that's a lie. Ang totoo ay kinasusuklaman niya ako dahil iba ang pinili kong landas"

        "E bakit dinamay niya ang Mamá mo..?"

        "That's because hindi niya totoong minahal ang Mamá. He hired my mom na maging baby maker niya. He became desperate na wala siyang anak na pamamanahan ng kanyang yaman. That's why ginawa niya yon and he felt disappointed sa resulta na ginawa niya, sa amin"

        "Now I know. Alam ko na ang rason kung bakit niya ako ginamit. Inampon niya lang ako para lang sa kanyang pansariling interes"

        "Yes. You are right. Pero sa kabila ng lahat. Minahal ng Papá kahit ginamit ka lang niya. Masakit yun sa akin hanggang ngayon pero tatanggapin ko na lang dahil deserve mo naman iyon"

        "Talaga? Pero bakit kinukuha mo ang mga yaman ni Papá kung ayaw mo naman sa ganitong pamumuhay..?"

        "Well honestly, ayaw ko na talaga at wala akong plano na bawiin... pero nung nagkausap kami ni Attorney sa Barcelona, bigla akong napaisip at napagtanto na dapat nasa akin lang ang iniwan ni Papá dahil ako ang totoo niyang anak"  paliwanag niya kay Jeff  "No offense ha. Pero this is my right eh"

“Not taken. It’s okay”

“At kailangan ko na ding magseryoso dahil matanda na ako at may pamilya na akong binubuhay. Kaya binabawi ko na sa’yo, Jeff. Pero malaki ang pasasalamat ko sa’yo dahil hindi mo naman pinabayaan ang kumpanya na iniwan ni Papá sa’yo, ang Hidalgo Breweries”

“Salamat din sa lahat. Dahil hindi ka nagalit at iniintindi mo ang kalagayan natin” dugtong ni Jeff “It’s been an honor na maging José Hidalgo ng maraming taon”

“Wow. That’s sweet of you naman. Pasalamat ka na may mga asawa na tayo, pero kung wala. Baka niligawan kita” biro ni José Hidalgo kay Jeff “Pero kidding aside, hindi ako galit sa’yo, Jeff. As I said, biktima ka rin dito”

Walang sinagot si Jeff kundi niyakap niya na lang ito ng mahigpit at napatulo ang luha niya. Sa wakas ay natapos na ang problema sa kanila ni José Hidalgo. Pwede na silang bumalik sa kani-kanilang mga buhay.

Itutuloy…

TCG: Chapter 31 (Paghihiganti ni Calvin)

Nakaupo at nakatulala si Calvin sa sofa ng kanyang bahay. Malungkot at parang wala siyang ganang kumilos dahil wala na ang kanyang ama. Ganito pala ang pakiramdam na namatayan ng magulang.

        'Namimiss ko na si Tatay. Ang lungkot ng bahay'

sambit nito sa kanyang sarili sabay buntong-hininga.
‘Mamimiss ko ang mga samahan namin noon. Kahit alam ko na wala siya masyadong atensyon sa akin noon, gumagawa siya ng paraan para maging okay kami’

Limang taon ang nakakaraan…

        "Anak. Tapos ka na ba magbihis? Bilisan mo na diyan"  tawag ni Alvin sa kanyang anak na nasa kwarto niya at nagbibihis.

        "Heto na 'tay"  at bumukas ang pintuan ng kanyang silid at lumabas papunta sa kanyang ama  "Bakit po ninyo ako pinabihis? Saan ba tayo pupunta?"

        "Sa mall. Magsha-shopping tayo"

        "Ha?? Shopping??"  ulit niya sa ama  "Eh bakit? Ano ba ang kinain mo bakit ka nagyaya mag-mall?"

        "Wala naman. Gusto ko lang magbonding tayo. Matagal na kasi ang huli nating labas eh"  paliwanag ni Alvin  "Kailangan naman nating ng father-son na bonding, hindi puro trabaho lang"

        "Buti alam mo.."

        "Ano..?"

        "Ahmmm. W-wala po"

        "Ah sige. So, tayo na..?"

        "Tay naman. Matanda na ako. Kailangan pa ba yan..??"

        "Oo naman"  pagdidiin ni Alvin  "At anong matanda ang pinagsasabi mo?? Nasa 20 pa lang ang edad mo, Calvin. Bata ka pa"  dugtong niya  "At wala naman sa edad kung lumabas ang mag-ama"

        "Seryoso ka, Tay?? Matanda na ako"

        "No. You're not. Kahit magka-asawa ka pa at magka-anak. You're still my baby boy"

Suminghap naman si Calvin na parang hindi sang-ayon sa sinabi ng kanyang ama. Kaagad naman silang lumabas at nagtungo sa sasakyan para umalis na papuntang mall.

Nang pagdating nila sa mall ay dumerecho sila sa department store, sa men’s shoes section.

        "Anong ginagawa natin dito..?"  tanong ni Calvin sa ama.

        "Pumili ka ng anong gusto mo, anak. Bibilhan kita ng bagong sapatos"

        "Talaga..?"  at biglang lumiwanag ang mata ni Calvin nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ama.

        "Oo naman. Treat ko sa'yo yan for being a good son and for finishing Cum Laude"

        "Wow. Thank you po, Tatay"

        "You're most welcome anak. Sige na, pumili ka na diyan ng gusto mo"

        "Sige po Tatay"

Madami ang pinamili ni Alvin para sa kanyang anak dahil bumabawi siya sa oras na busy sa kanyang trabaho. Tuwang-tuwa naman si Calvin dahil sa mga regalo sa kanya ng ama.

Nang matapos silang makabili ng gamit ni Calvin ay nagdesisyon na lang sila na kumain sa isang restaurant sa mall.

        "So anak. Nag-enjoy ka ba sa pinamili natin..?"

        "Opo Tatay. Sobra"  kita sa mukha ni Calvin ang saya  "Salamat po ulit sa lahat Tatay ha"

        "No problem anak. Deserve na deserve mo ang lahat ng yan dahil magaling at mabait kang bata"  pero hindi sumagot si Calvin dahil kumakain na ito ng kanilang inorder na pagkain  "Ahmmm. Anak? Pasensiya na sa lahat kong nagawa sa'yo ha. Pasensiya kung masyado akong naging istrikto sa'yo noon. At sorry kung hindi ko pinunan ang pagiging tatay ko noon sa'yo. Pasensiya na talaga"  sambit niya kay Calvin at doon naman nakinig siya sa ama na lumuluha sa mga sinabi nito  "Pero andito na ako. Handa na magpaka-ama sa'yo, Calvin. Pangako ko sa'yo na andito ako palagi sa tabi mo"

Sa kasalukuyan…

‘Nangako ka sa akin Tatay na andito ka palagi sa tabi ko’ sambit niya sa kanyang sarili habang tumutulo ang kanyang luha
‘Pero hindi mo rin pala tinupad ang pangako mo. Naging busy ka lalo dahil na-promote ka sa pagiging pulis mo, at wala ka nang panahon sa akin. At tuluyan ka nang nag-iba ang lahat nung nalaman mo na nobya ko na ang anak ni Jeff. Doon na nangyari ang lahat, Naghanap ako ng ibang tao para makausap sa mga pinagdadaanan ko at nahantong ako sa paggamit ng droga’
habang nangangalit ito sa galit
‘Kasalanan lahat ito ni Jeff, Tatay. Kasalanan niya kung bakit ako nagkaganito. Kasalanan niya kung bakit ka namatay’ at nanlilisik na ang kanyang mga mata na parang gusto niyang patayin si Jeff
‘Humanda si Jeff sa akin, Tatay. Ipapatikim ko sa kanya kung ano ang pakiramdam nang mawalan ng pamilya. Tignan lang natin kung ano ang magiging reaksyon niya kapag mawala na ang kanyang anak’


Samantala. Sa burol ni Alvin.

Kakarating lang ni Sky doon at nakita niya ang kanyang ama na nakaupo na sa loob ng chapel kasama ang Tita Jacqui niya at ng kanyang Daddy Nathan.

        "Magandang hapon po, Tita. Daddy. Papa"  bati ni Sky sa kanilang tatlo.

        "Good afternoon din, anak"  sagot ni Jeff at may napansin siya  "Teka, saan si Calvin?"

        "Doon po sa bahay. Nagdesisyon siya na mapaiwan na lang muna dahil hindi niya nakayanan ang eksena dito"

        "Kawawang bata"  sabat ni Jacqui

        "Kumain ka na ba?"  tanong muli ni Jeff sa anak.

        "Tapos na po ako, Papa"

        "Mabuti naman kung ganon. Ahmmm Sky?"

        "Bakit po Papa?"

        "May pabor sana ako sa'yo. Kung okay lang"

        "Sure Papa. Ano po yan?"

        "Yung tungkol sa pangalan ko? Naalala mo?"

        "Opo. Naalala ko, Papa"

        "Gusto ko sana na magpa-DNA Test tayo para makumpirma na ako at si Jeffrey Dy ay iisa. Okay lang ba yun?"

        "Oo naman Papa. Okay na okay. Bakit ka pa humihingi ng pabor? Eh gagawin ko naman yun"

        "Sorry anak"

        "It's okay, Papa. Walang problema"  sagot ni Sky  "Teka, kailan mo ba gustong magpa-DNA Test?"

        "As soon as possible anak"

        "Bakit hindi ngayon Papa?"  mungkahi ni Sky  "Andito naman tayo at wala tayong ginagawa"

        "Gusto ko rin sana anak pero kailangan naming bantayan ang Tito Alvin mo eh"

“Andito naman sina Daddy at Tita Jacqui, sina RK at Stephen para bantayan si Tito Alvin. Mabilis lang naman tayo”

Napatingin naman si Jeff kay Jacqui “Okay lang ba kung ngayon, bes?”

        "Sure bes. Okay na okay. Importante naman ang lalakarin ninyo eh"  sagot ni Jacqui sa kanya  "Kami muna ang bahala ni Riley sa mga bisita na darating"

        "Salamat, bes. Sige"  at tumingin muli siya sa anak  "Tayo na Sky"  kaagad tumayo si Jeff sa kanyang upuan at lumakad sila palabas ng chapel.

Nang pagdating nila sa Wei Li Dy Medical Center. Pumasok sila kaagad sa Paternity DNA Diagnostic Laboratory (PDDL) ng ospital. Ang ospital na ito ay pinagmamay-arian ng kanyang kapatid na si Jeremy Dy na isa nang doktor.

        "Good afternoon, doc"  bati niya sa doktor 

        "Mister Dy?? I mean. Mister Rodgers"  sagot niya  "Ano po ang kailangan nila..?"

        "Gusto ko sana magpa-DNA Test. Kaming dalawa"

        "Ni Ma'am Sky..?"  sambit ng doktor na parang naguguluhan sa gusto ni Jeff  "Bakit po, Sir?"

        "Wala nang tanong-tanong, okay? Gawin mo na"  at inilabas ni Jeff ang DNA Samples nilang dalawa sa dalawang maliliit na supot na may laman na buhok nila.  "And rush"

        "Rush..?"  ulit ng doktor  "Malaki ang pera ang malalabas ninyo kapag rush"

        "I don't care. Just do it"

        "Okay Sir. Bumalik lang kayo after 24 hours"

        "Sige dok. Salamat"

Hindi na lang sumagot ang doktor at kinuha na lang ang samples nilang dalawa. “I’ll just call you kapag lumabas na ang result”


Parang nababagot si Mike sa burol at hindi niya alam ang kanyang pwedeng gawin sa mga oras na iyon. Wala siya kasing makausap dahil busy na ang kanyang Tito Nathan at Tita Jacqui sa pag-e-entertain ng mga nagdaratingan na bisita.

Hindi niya naman makausap si RK dahil parang busy siya sa kakatext ng kanyang telepono. Si Stephen naman ay kausap ang kanyang mga kaibigan. Gusto niya na talagang lumabas ng chapel pero hindi niya alam kung saan pupunta.

Bigla niyang naalala si Darwin. Nag-ayaya pala ito na lumabas kanina pero hindi niya ito pinansin. Kaagad niyang kinuha ang telepono at nagdesisyon siya na tawagan na lang ito.

Darwin: Hello Pre..?

Mike: Busy ka ba?

D: Hindi naman. Bakit mo natanong?

M: Boring kasi dito sa lamay ni Tito Alvin eh. Labas tayo.

D: Wow. Totoo ba ang narinig ko?? Ikaw na mismo ang nagyayaya sa akin na lumabas?

M: Oo brad. Sorry talaga kanina. Akala ko magiging busy ako dito eh. Hindi pala. Sobrang bored ako ngayon dito. Wala akong makausap.

D: Ganon ba?? It’s okay. Darwin Vargas to the rescue. Hehehe. Saan ba tayo magkikita?

M: Ikaw? Saan ba gusto mo?

D: Hmmm. Sa may coffee shop na lang. Okay lang sa’yo?

M: Sure. No problem. Coffee shop it is.

D: Sige. See you after an hour.

M: Sige.

D: Text na lang kita kung saang coffee shop tayo magkikita. Ba-bye.

Kaagad binaba ni Mike ang kanyang telepono at pinagpatuloy pa rin ang kanyang pag-upo at paghintay ng oras para makipagkita na lang kay Darwin.

Lumipas ang isang oras ay nagkita sila sa isang international coffee shop chain. Pumasok doon si Mike at nakita niya na nasa counter na si Darwin at parang mag-oorder na. Kaagad naman siyang lumapit at binate ang bagong kaibigan.

        "Hey"  panimula ni Mike  "Kanina ka pa?"

        "Uyy. Andito ka na pala"  dugtong naman ni Darwin  "Hindi naman, kararating ko lang naman. So, let's order?"

        "Sure. Pakisama na lang ng order ko"

        "Sige. Ano ba ang gusto mo?"

        "Ahmmmm"  habang tinitignan niya ang menu board ng coffee shop  "Maybe just a cup of expresso na lang"

        "Ahh. Sige. Umupo ka na lang. Ako na ang bahala"

        "Wait. Babayaran muna kita"

        "No. It's on me. Ako na ang magbabayad"

        "Are you sure?? Nakakahiya naman"

        "Yup. I'm sure. Please. Sit down"  sabay ngiti ni Darwin. Hindi na lang umangal si Mike at dumerecho sa bakanteng upuan at hinintay si Darwin.

Magkalipas ang ilang minuto ay kinuha na nila ang kanilang inorder na kape.

        "Thanks sa coffee"  sambit ni Mike habang kinuha niya sa kamay ni Darwin ang kanyang kape.  "But you don't have to"

Umupo naman si Darwin sa bakanteng upuan na kaharap niya “Paulit-ulit ka ha. It’s a just a cup of coffee naman. At ako ang nag-invite sa’yo diba? So don’t worry”

        "Sige. Thanks ulit"  at humigop si Mike ng kanyang mainit na kape.

        "Ow by the way. Why the change of heart? Sabi mo hindi ka pwede ngayon dahil may family affair kayo"

        "Yeah. Meron nga"  sabay buntong-hininga ni Mike  "Pero nabobore na ako dun sa chapel eh. Walang makausap"

        "Why? Saan ba sila?"

        "Si Tito at ang pinsan ko, umalis. Then ang Tito Nathan at Tita Jacqui ko ay ine-entertain ang mga bisita. Tapos ang mga anak naman ni Tito Nathan ay busy din dahil meron din silang mga sariling mundo"

        "Ahh. Kaya pala"

        "Oo. Yun nga"

        "Wala ka bang friends? Na pwedeng isama?"

        "Meron naman pero may mga trabaho sila eh"  at inaalala muli ang kanyang kalagayan  "Tapos parang hindi ko na sila nakokontak eh"

        "Ha? Bakit naman?"

        "Kasi nung naging kami ng ex ko for three years, wala na akong oras at panahon sa kanila. Naging mundo ko siya at sa kanya umiikot ang mundo ko. Siguro nagtampo sila sa akin"

        "Oowww. Gets ko na..."  sambit ni Darwin at inilagay niya ang kanyang kape sa mesa  "Hmmm. Mahal mo talaga siya noh..?"

        "Yup. Sobrang mahal"  pero hindi sumagot si Darwin at tinignan niya lamang si Mike ng masinsinan. Napansin naman iyon kaagad ng isa  "Bakit?? May dumi ba sa mukha ko?"

        "Wala naman. Napansin ko lang na sobrang seryoso mong tao at mabait ka"  sagot ni Darwin  "Hmmm. Sayang lang kasi napunta ka sa walang kwentang tao"

        "Paano mo naman nasabi?"

        "Kasi nakikita ko sa mukha mo kung paano ka magmahal. Seryoso. Genuine. Faithful. Lahat na siguro ng mahahanap mo sa isang tao na gusto mong makasama panghabambuhay ay nasa sa'yo na. Hindi niya lang siguro nakita yon dahil iba ang mahal niya"

        "Yes. Tama ka. Seryoso akong magmahal. Hindi niya lang siguro na-appreciate ang pagmamahal ko sa kanya"  at biglang ngumiti si Mike na parang ayaw niya nang pag-usapan ang tungkol doon  "Tama na yan. Bago pa ako umiyak"

Napansin naman ni Darwin ang panlulumo ng mata ni Mike at kaagad namang nag-isip ng paraan umiba ng kanilang pag-uusapan.

        "Ahmmm. So. Kung pwede lang malaman. What's your gender preference?"

        "Ako..? Hmmm. Siguro I'm a bi. Bisexual"

        "Ohh. I see"  sambit ni Darwin habang nakangiti.

        "Ehh ikaw? Straight ka ba?"

Biglang napatawa ng malakas si Darwin sa tinanong ni Mike “Straight..? Seryoso ka sa tanong mo?? May straight ba na tao na lumapit sa’yo sa bar, kumausap at nagbigay ng number at tumawag sa’yo para magkita muli..?”

        "Hmmm. Siguro. Baka ikaw"

        "You're funny"  ngiti niyang muli  "Pero to answer your question. No. Hindi ako straight or should I say, pareho tayo ng preference"

        "Talaga?? Wow"  sambit naman ni Mike na parang nagulat sa nalaman niya  "Closeted ka ba?"

        "What do you mean? Hindi out sa pamilya?"  at tumango naman si Mike bilang sagot  "Nope. Alam ng pamilya at mga kaibigan ko ang tungkol sa akin"

        "Talaga? Ano ang feeling?"

        "Hmmm. Malaya. You can do whatever you want na walang pagpapanggap sa mga kilos mo"

        "Mabuti ka naman"

        "Bakit? Ikaw? Natatago ka pa rin ba sa closet?"

        "Medyo. Kasi yung pinsan kong babae at yung Tito ko na ama niya, sila lang ang nakakaalam ng tungkol sa akin."

        "Ahh okay"  sambit ni Darwin  "Mabuti na rin yan kasi may mga tao kang pinagsasabihan ng mga problema mo"  pagsang-ayon ni Darwin  "Pero mas maganda kung alam ng mga tao ang tungkol sa'yo. Huwag kang matakot ilabas ang totoo mong nararamdaman. Huwag mong isipin ang mga sasabihin ng mga tao sa'yo dahil kahit anong gawin mo, meron silang puna o sasabihin sa'yo. Mas mabuti pa na gawin mo na lang ang gusto mong gawin"

Itutuloy…

TCG: Chapter 32 (Wise & Bold Move)

Natamaan ng todo si Mike sa mga sinabi sa mga payo na sinabi sa kanya ni Darwin. Talagang nagising siya dito at nasa punto talaga ang sinabi ni Darwin.

        "Wow. Thank you"  sambit ni Mike "Hindi ko akalain na magigising ako sa katotohanan. You have a good point. Hindi ko kailangan ng affirmation ng ibang tao sa akin basta alam ko ang ginagawa ko at masaya ako dito"

        "Good. Very good"  ngiti ni Darwin.

        "Actually ilang beses na akong sinabihan ng pinsan ko na aminin ko na sa lahat. Pero hindi ako nakinig sa kanya dahil babae siya"  paliwanag ni Mike sa kanya  "Akala ko ay sinasabi niya lang yun dahil hindi niya naiintindihan ang kalagayan ko. Pero nung narinig ko ang sinabi mo, tama kayong dalawa"  at kaagad niyang inabot ang kamay ni Darwin at pinisil ito. Napatingin naman si Darwin sa kamay ni Mike "Maraming salamat ha. Salamat dahil naging totoo ka sa akin"

        "S-sure. No problem"  sagot niya  "Diba sabi ko sa'yo, I'm here to help"

Kinabukasan.

Bumalik si Jeff mag-isa sa Wei Li Dy Medical Center para kunin na ang resulta ng DNA Test. Pero nung pumasok siya sa laboratory ay iba ang sumalubong sa kanya.

        "Jeff..?"

        "Kuya..?"  sambit ni Jeff na nagulat dahil nasa kanyang harapan ang kanyang Kuya Jeremy na matagal niya nang hindi nakausap  "What are you doing here?"

        "This is my hospital. Remember?"

        "Ohh. Okay"  tanging sambit niya. Napansin niya na may hawak-hawak ang kanyang kuya na isang pirasong papel.

Lumakad naman si Jeremy patungo sa kanya na parang miss na miss niya na ang kanyang bunsong kapatid. “Kamusta ka na? It’s been a long time na hindi tayo nakapag-usap. I heard the news sa TV na patay na si Alvin. Condolence ha”

        "Thanks. Okay lang ako. Hindi naman ako tatagal dito"  sagot ni Jeff na parang matigas ang tono ng boses  "May kukunin lang ako"

        "At ano yon? Ito?" sabay abot ni Jeremy ng DNA Test Result niya  "DNA Test? Bakit? May problema ka ba? Ano ba yun? Tutulungan kita."

        "No kuya. It's fine. Kaya ko 'to"  pagmamatigas pa ni Jeff sa kapatid  "Parati naman eh. Nung iniwan niyo ako lahat ng kapatid ko nung nagpakasal ako sa lalaki. Mag-isa na lang ako nagtaguyod sa buhay ko at nag-alaga kay nanay"

        "Jeff. Tungkol dun. Binantaan ako ni Kuya eh"  paliwanag ni Jeremy kay Jeff  "Ang sabi niya kasi sa akin na kung patuloy pa ako——"

        "—it doesn't matter kung ano man ang banta niya sa'yo. Nakinig ka pa rin sa kanya at hindi mo ako pinagtanggol"  sabat niya at hindi niya pinatapos si Jeremy na magpaliwanag  "Akala ko ikaw ang nakakaintindi sa akin eh. Pero hindi pala"

        "Jeff. Bunso" pagmamakaawa ni Jeremy.

        "Tama na kuya. I understand now. Sige na. Alis na ako"

Huling gabi ng lamay ni Alvin at nandoon ang lahat ng mga kakilala niya at dumalo sa kanyang necrological service.

Kabilang sa dumalo ay mga kasamahan niyang mga pulis sa trabaho at ang mga matataas na mga opisiyal ng kapulisan, lalung-lalo na ang PNP Chief at ang kanilang Commander-in-Chief na mismo ang Presidente ng Pilipinas.

Nandoon din ang iba’t-ibang uri ng media at miyembro ng press para sa coverage ng huling gabi ng lamay ng Head ng SAF na si Polic C/Supt. Marc Alvin Francisco.

Hindi rin mawawala ang mga matatalik na kaibigan niya na sina Jacqui, kasama ang anak at asawa niya. Nandoon din si Jeff at Nathan, at ang mga anak nila na si Sky, Stephen, RK at Mike.

Nandoon din, lalung-lalo na si Calvin na walang tigil ang kanyang pag-iyak dahil ito na ang huling gabi na makasama niya ang kanyang pinakamamahal na ama.

Pagkatapos magmisa ang pari ay isa-isa na silang nagsalita para kay Alvin. Simula sa Presidente, sa PNP Chief, sa mga kaibigan na si Jeff at Jacqui. Marami ang umiyak na mga tao na nakikinig sa mga mensahe nila kay Alvin, marami doon ang mga natulungan niya noon na wala pa siya sa mataas na posisyon at ordinaryong pulis pa lamang siya. Nanghihinayang talaga sila dahil sa maaga niyang pagkawala dahil sobrang bata pa ito.

Huhudyat na sana na magtatapos ang pari sa necrological service pero napatigil ito nang lumakad at pumunta si Mike sa podium. Nagtaka ang mga tao, lalung-lalo na si Jeff dahil wala naman itong plano na magsasalita siya tungkol kay Alvin. Pero nandoon na siya sa gitna, hawak-hawak ang mikropono habang malakas ang kabog ng kanyang dibdib.

        "Good evening sa inyong lahat..."  panimula ni Mike  "Sa lahat ng hindi nakakilala sa akin. Ako si Michael Teng. President and Owner of Teng Prime Holdings at pamangkin ni José Hidalgo-Rodgers, formerly known as Jeffrey Dy of Dy Group of Companies o DGC"  huminga ng malalim si Mike bago niya ipagpatuloy ang kanyang sasabihin sa buong Pilipinas  "Andito ako sa inyong harapan hindi para magsabi ng mga magagandang salita o papuri sa Tito Alvin ko. Pero andito ako para ipaalam dito sa inyo at sa buong Pilipinas na nanonood ngayon sa kani-kanilang mga tahanan ang totoo kong pagkatao"  nagtinginan ang lahat ng mga tao sa isa't-isa sa mga sinabi ni Mike. Wala talaga silang ideya kung ano ang kanyang ibig sabihin  "Alam ko na maling lugar at nasa maling pagkakataon ang pag-aamin ko sa inyo tungkol sa kasarian ko... pero I would like to grab this opportunity na ipaalam sa buong Pilipinas na isa akong bakla. Yes. Tama ang narinig ninyo. I'm gay but I'm proud of being gay"  at sumulyap siya sa bandang gilid ng gusali at doon niya natagpuan ang taong nagbigay sa kanya ng lakas para gawin ito  "May mga nangyari sa buhay ko na ipinagdasal ko na lang na sana ay mamatay na ako because of heartache. Pero nung nakilala ko siya a few days before this night, naisip ko na masaya pala ang buhay and we should live to its fullest. Masaya ako sa piling niya and I know, ganon din siya sa akin. He complete me. At siya rin ang rason kung bakit andito ako ngayon sa harapan ninyong lahat"  sabay tingin niya kay Darwin sa mga mata kahit malayo ito  "I love you. Thanks for being there for me and thanks for everything"  sabay punas ng luha niya at sumulyap muli sa mga tao  "Maraming salamat sa pakikinig"

Lumakad si Mike palayo sa podium at kaagad nagtungo sa direksyon ni Darwin. Niyakap niya ito ng sobrang higpit dahil sa sobrang pagmamahal niya dito. Nakunan naman ito ng mga camera ng mga media at naiwan sa mukha ng mga manonood at mga madla ang gulat dahil sa hindi inaasahan na pangyayari.

Habang palabas ng chapel sina Darwin at Mike ay hinabol sila ni Jeff na nakabuntot sa kanila.

        "Mike. Sandali"

Lumingon naman kaagad siya upang tignan kung sino ang tumawag sa kanyang pangalan. “Tito Jeff?? Bakit po…??” at napatigil si Mike dahil baka ang rason kung bakit siya sinundan ng kanyang Tito ay kanyang ginawa na pag-amin sa buong Pilipinas. “Oh my god. Tungkol ba ’to sa ginawa ko? Sorry Tito. Kung nagawa ko yun. Sorry baka nasira ko ang pangalan ninyo”

Hindi sumagot si Jeff at niyakap na lang ang kanyang pamangkin ng sobrang higpit “Huwag kang humingi ng tawad sa akin, Mike. You did the right thing at sobra mo akong pinahanga sa ginawa mo” habang tumutulo ang luha ni Jeff habang yakap-yakap niya ito “Mahal na mahal kita at sobra akong proud sa’yo”

        "Salamat po Tito"  tulo din ng luha ni Mike

        "So siya ba ang inspirasyon mo..?"  sabay tingin niya kay Darwin.

        "Yes Tito"  sabay pagkawala ni Mike sa yakap ng kanyang Tito  "This is Darwin Vargas"

        "Vargas..?"  ulit ni Jeff na parang pamilyar ang apilyedo.  "Are you the son of Ramon Vargas? The owner of The Sparta?"

        "Ahmm. Yes Sir"  sagot ni Darwin  "Actually, I am the owner na. Ibinigay na sa akin ni Daddy"

        "Wow.. That's nice"  sambit naman ni Jeff na may halong mangha at gulat sa kanyang nalaman  "Siguro may nakita si Ramon sa'yo kung bakit niya kaagad ibinigay ang negosyo niya sa'yo"

        "Siguro, Tito. Hindi ko rin alam eh"  ngiti niya lang.

        "Ahmmm. Tito? Ano po ang The Sparta??"  sulpot naman ni Mike sa dalawa  "Ngayon ko lang kasi narinig yan eh"

        "Well. The Sparta ay isang napakalaking club located in Manila at meron na dito sa atin na kakabukas lang" paliwanag ni Jeff sa pamangkin.

        "Ahh. Okay"

        "And Tito, we have plans naman to expand not just here in Iloilo but sa iba't-ibang lugar sa bansa"

        "Good"  sambit ni Jeff  "Actually, The Sparta has potential to grow into a successful business"

        "Kaya nga po Tito eh. Malaki talaga ang tiwala ko doon na mas yayabong pa ang negosyo na binigay sa akin ni Daddy"

        "Nice. Good to hear that"  at napatingin na lang siya dalawa  "So pano, pasok na ako? May pupuntahan pa ba kayo?"

        "Wala na po. Uuwi na din siguro kami"  sagot naman ni Mike.

        "Sige. Mag-ingat kayo ha"

        "Thanks Tito. Goodnight po"

        "Good night din Mike"  at niyakap niyang muli ang kanyang pamangkin at bumulong ito  "I am so proud of you, Mike. I really do"

Kinabukasan. Sa isang sikat na sementeryo.

Katatapos lang inilibing ang pinakamamahal nila na si Alvin. Katulad din ng inaasahan ay maraming dumalo at nakiramay kahit sa mga huling sandali nito bago dinala sa huling hantungan.

Umalis na ang lahat ng mga tao sa semeteryo pero nandoon pa rin ang buong pamilya nina Jeff at Nathan. Nakatayo at pinagmamasdan ang puntod ni Alvin.

        "Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si Alvin, babe"  buntong-hininga ni Jeff kay Nathan.

        "Ganon din naman ako eh. Hindi rin ako makapaniwala na wala na siya. Kahit naging magkaribal kami noon sa puso mo. Hindi pa rin maalis na naging mabuti din kaming magkaibigan ni Alvin. Mamimiss ko siya"

Ngumiti lang si Jeff bilang sagot sa sinabi ni Nathan sa kanya. Kaagad naman sila inistorbo ni Jacqui na nandoon pa rin pala sa sementeryo.

        "Bes"  tapik ni Jacqui sa kaibigan.

        "Oh bes. Andito ka pa pala"

        "Oo bes. Pinauna ko lang ang asawa ko dahil may gagawin pa siya na importante"  paliwanag niya  "Dito muna ako, kasama ng ating kaibigan"

        "Sige bes. Dito ka muna"

        "At meron pa pala akong sasabihin sa'yo na magandang balita"

        "Ano naman yon?"

        "On process na ang pagbabalik ng pangalan mo. Siguro after ng ilang araw ay magagamit mo na ang dati mong pangalan. Salamat sa Result na ibinigay mo sa akin kahapon"

        "Talaga?? Wow. Salamat bes. Salamat sa tulong mo"  pagpapasalamat ni Jeff sa kanyang matalik na kaibigan  "Hindi ko akalain na mabilis pala ang pagbubuhay ng pangalan ko. Salamat ulit bes ha. This is too much"

        "Of course. Kaibigan kita. At gusto ko na masaya ka, bes"  at doon na dumaloy ang luha ni Jacqui  "Tayo na lang kasi ang natira sa barkada natin. Kaya walang iwanan ha?"

        "Walang iwanan. Promise"

Doon niyakap ni Jacqui ang matalik na kaibigan na si Jeff. Puno ng iyak at bumuhos ng luha sa kanilang mga pisngi nung mga oras na iyon. Hindi nila kasi napigilan ang pagka-ulila nila sa kaibigan na si Alvin.

Samantala. Sa hindi kalayuan. Nakatayo sina Sky at Calvin habang nakatingin sila kina Jeff.

        "Parang grabe pa rin ang iyak nina Papa at Tita Jacqui kay Tito Alvin, Tart noh?"  sambit niya kay Calvin  "Mahal talaga nila ito"

        "Sus... Pakitang-tao lang yan"

        "Ano...? What do you mean?"

        "Wala! Uwi na tayo"

        "Okay ka lang ba? Bakit mainit ang ulo mo?"

        "Wala nga, okay?"

        "Hindi ehh. Parang hindi ka naniniwala sa mga pinapakita nina Papa at Tita sa Tatay mo"  doon napikon si Calvin at kaagad hinawakan niya ang braso ng nobya at hinila ito papunta sa kanyang sasakyan at pinasok ito.  "Ano ba..?? Nasasaktan ako"

        "Tumahimik ka ha..."  sabay duro niya kay Sky at parang binabantaan nito  "Tumahimik kang babae ka... ang ingay mo. Naiirita ako sa boses mo"  kaagad naman sumakay din si Calvin sa kanyang sasakyan at umalis ito.

Sa bahay ni Calvin.

Bumaba siya sa kanyang sasakyan at nagtungo sa kabila para buksan ang pintuan ni Sky. Walang sabi-sabi ay hinila niya muli ito at muntik nang mahulog ang dalaga sa sasakyan.

        "Tart... Ano ba ang ginagawa mo..?? Nasasaktan na ako...!!"

Walang sagot ang narinig mula kay Calvin at patuloy pa rin ang pagkaladkad niya sa kanyang nobya papasok ng kanyang bahay.

        "Umupo ka diyan..."  at itinapon niya si Sky sa sofa at napahiga naman ang dalaga sa lakas ni Calvin.

Nagtataka talaga ng husto si Sky dahil hindi niya alam kung bakit nagkaganyan si Calvin. “Tart…?? Bakit ka ba nagkaganyan? May nasabi ba akong masama?? Tell me.”

        "Hindi ko na kaya ang kaplastikan ng pamilya mo na pinapakita nila kay Tatay"  pamimula ni Calvin habang nangangalit ito sa galit  "At lalung-lalo ka na...! Hindi ko na rin kaya ang pag-aarte mo na kunwari ay mahal mo ako pero HINDI PALA!!!"

        "Tart? What are you talking?? Hindi kita maiintindihan"

        "Cut the bullshit, Sky!!"  sigaw ni Calvin sa kanya  "Alam ko na alam mo ang ibig kong sabihin. Narinig ko kayo nung araw na namatay si tatay. Nag-usap kayo tungkol sa akin. Ang tungkol sa kondisyon ko at kung paano ako pakalmahin. At iyon ang dahilan kung bakit ka nakipagbalikan sa akin. Tama ba ako?? Or I am just too right....???"

Doon natigilan si Sky dahil alam niya na nabisto na siya sa oras na iyon ni Calvin. Wala na talaga siyang magagawa kundi aminin at sabihin na lang sa kanya ang katotohanan.

Itutuloy…

TCG: Chapter 33 (Kidnap)

Natigilan at hindi makapagsalita si Sky dahil alam niya na nabisto na siya ni Calvin. Wala na siya talagang magagawa sa oras na iyon kundi aminin at sabihin na lang sa kanya ang buong katotohanan.

        "Tart. I'm sorry..."

        "Sabi ko na ba...No!! Don't say you're sorry, bitch!"  sabay lapit niya kay Sky sabay duro niya dito at namumula ang pisngi nito sa inis  "Alam ko na sinadya mo, kayo ng ama mo. Plano ninyo 'to diba..?? Na pakalmahin ako para wala akong magawang masama sa inyo...?!!"

        "Hindi naman sa ganon Tart"

        "Ehh ano...?? Huwag ka nang magkaila, pwede?? Rinig na rinig ko iyon ang plano ninyo"  sigaw niya sa kanyang nobya  "Tapos si Tatay naman, napa-uto din. Pumayag naman sa gusto ng 'pinakamamahal' niya kaya nasaksak ko siya eh!!"

Doon nagulat at parang naguguluhan si Sky sa narinig niya kay Calvin. “What do you mean?? Ikaw ang sumaksak kay Tito Alvin..?”

        "Mismo."  sagot naman niya na parang proud pa sa ginawa niya  "Ako ang pumatay sa kanya. Wala nang iba"  

        "Eh... B-bakit?? Bakit mo yon ginawa sa sarili mong ama?"

        "Hindi ko siya ama, Sky. Inampon niya lang ako"  dugtong ni Calvin sa kanya  "At hindi naman siya nagpaka-ama sa akin eh. So, deserve niya lang mamatay"

        "How dare you"  sambit naman ni Sky na nagagalit sa sinabi at balita mula sa kanya  "Si Tito Alvin ang nagpalaki at nag-alaga sa'yo.."

        "Nag-alaga...?? Nagpalaki, oo. Pero nag-alaga?? Ewan ko lang. Pero..."  at doon siya lumayo kay Sky at biglang pumalit sa kanyang mukha ang lungkot dahil nanlulumo ang kanyang mga mata na tila iiyak   "Pero sa kabila ng lahat. Namimiss ko si Tatay. Namimiss ko ang mga pagkakataon na nagbabonding kaming dalawa kapag hindi siya busy sa trabaho. At kasalanan yun ng AMA mo!! Siya ang dapat sisihin sa pagkamatay ni Tatay"

        "Tart. Huwag mong sisihin si Papa dahil ikaw ang gumawa yan. Ikaw ang pumatay sa sarili mong ama"

        "Hindi!!"  at bumalik mulo ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa galit  "Hindi ako ang pumatay kay Tatay. Kundi ang baklang Jeff na yan!!"

        "Bakit mo sinisisi ang ibang tao sa ginawa mong kasalanan...?? Ikaw ang dapat sisihin dahil hindi ka naging mabuting anak sa tatay mo. Hindi ka nakinig sa mga itinuro niya sa'yo dahil mas nanaig sa puso mo ang galit"  sabay tayo ni Sky at lumalakas ang tono ng kanyang boses  "Kaya huwag mo kaming sisihin sa miserable mong buhay dahil ikaw mismo ang gumawa niyan at hindi kami"

        "Tama na!!"  pangangalit ni Calvin at doon lumabas ang mga ugat sa kanyang leeg  "Wala kang alam!!"

        "Marami akong alam sa'yo, Calvin. Kaya huwag mo akong takutin at sindakin sa mukha mo dahil hindi ako natatakot sa'yo"  sabay ayos niya ng kanyang sarili at balak na aalis na sa bahay ni Calvin.  "Tignan lang natin kung ano ang gagawin mo kapag nalaman na nila ang katotohanan sa pagkamatay ni Tito"

Doon siya lumakad palayo at palabas ng bahay ng mabilis. Pero naabutan ni Calvin ang kanyang buhok at hinila ito papasok ng bahay.

        "...at sino ang may sabi sa'yo na pwede kang lumabas at magsumbong...??"  panlalaki ng mga mata ni Calvin na parang baliw  "Dito ka lang at hindi ka pwedeng makalabas ng bahay"

        "Aray Tart. Nasasaktan ako. Masakit..."

        "Sssshhhhh"  sabay takip ni Calvin ng bibig ni Sky gamit ang kanyang kamay  "Huwag kang maingay, Sky. Baka may makarinig sa atin"  sambit niya kay Sky na parang baliw  "Gusto ko lang naman na mahalin mo ako eh. Pero pinapahirapan mo pa ako. Ginawa mo akong uto-uto. Niloko mo ako. Pinaglaruan ang damdamin ko"  biglang tumulo ang mga luha niya habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa buhok at ang isa naman ay nasa bibig ni Sky  "Kaya humanda kayong lahat. Lalung-lalo na si Jeff na yun. Mararamdamamn niya kung paano at ano ang pakiramdam na mawala ang pinakamamahal niya"

Kinabukasan. Sa mansyon ng mga Dy.

Balik na sa normal ang kanilang ginagawa sa pang-araw-araw dahil natapos na at nailibing na nga si Alvin sa kanyang huling himlayan.

Nasa hapagkainan na silang lahat at parang may halong saya at lungkot ang kanilang nararamdaman, lalung-lalo na si Jeff. Napansin naman iyon ni Nathan at kaagad hinawakan ang kanyang kamay.

        "Okay ka lang?"

        "Oo babe. Okay lang ako. Naninibago lang siguro ako dahil wala na si Alvin"

        "Normal lang yan. Isipin mo lang na umalis siya papuntang Amerika at hindi na babalik"

        "Tama ka. Makakasanayan ko din ang pagkawala niya"

Ngumiti na lang si Nathan kay Jeff at binaling ang usapan kay Mike “So Mike… ano ang pakiramdam na malaya ka na?”

        "Hmmm. Well. It's been a relief, Tito"  sabay ngiti ni Mike  "As you said, malaya na ako at pwede ko nang gawin kung ano ang gusto ko"

        "Good"  ngiti ni Nathan  "Masaya ako para sa'yo. Kami ng Tito Jeff mo ay sobrang proud sa ginawa mo. Nagulat lang kami sa ginawa mo dahil nag-take ka talaga ng risk at tinapangan mo ang loob mo para sabihin sa buong Pilipinas ang totoong pagkatao mo"

        "Oo nga Tito eh. Malamang ito na siguro ang pinakamatapang na ginawa ko sa aking buhay, at para na din sa mga katulad ko na nagtatago pa rin sa closet. Kailangan nila tapangan ang kanilang mga sarili para ipaalam sa buong mundo kung ano talaga ang pagkatao niya"  natigilan si Mike dahil may suminghap sa kanyang sinabi na parang hindi ito sang-ayon  "RK..?? Bakit? May problema ba?"

        "Wala naman. Natawa lang ako dahil that's the stupidest thing I ever heard sa buong buhay ko"  pang-iinsulto niya "Freedom..?? HUH! Kalokohan"

        "What do you mean na kalokohan?"

        "Hindi mo pa rin ba alam..?? It's all over the internet at sa social media"  sambit ni RK sa kanya  "Viral ngayon ang ginawa mong 'paglaladlad'. Congratulations. Marami ka nang bashers"  sarkastikong sabi niya kay Mike

        "RK"  saway ni Nathan sa kanya

        "What..? Totoo naman diba?"  pagmamatigas pa ni RK  "Oo. May humahanga sa 'tapang' na ginawa niya pero majority ng mga netizens ay hindi sang-ayon at galit sa ginawa niya. You know what?"  sabay tingin niya kay Mike  "Kasi hanggang ngayon ay hindi nila tanggap na merong tao na kagaya mo. Hindi nila tanggap na bakla ka..!"

        "That's it!! Go to your room!"

        "What?? Seriously?? I'm not a kid anymore"

        "But you're acting like one"

        "Bakit? Ano ba ang masama sa sinabi ko, Dad?? Totoo naman eh. Kahit tignan niya sa social media and even sa news. Siya ang laman ng mga balita at tsismis"

        "RK. That's enough"  sulpot naman ni Stephen  "Hindi naman totoo yan eh. Yes. May galit sa'yo pero hindi dahil sa pag-amin mo. Kundi galit sila dahil maling lugar at pagkakataon ang pinili mo"  paliwanag ni Stephen sa totoong nangyari  "Kahit i-check mo pa Mike. Marami nga ang humanga sa'yo eh, kaya don't worry at huwag kang makinig sa sinabi ni RK"  sambit niya kay Mike  "The best thing you can do siguro is have a another Press Con, humingi ka ng tawad dahil mali ang lugar ang napili mo para mag-amin"

        "Sige Steph. Gagawin ko yan"

        "Kuya..."  sulpot naman ni RK

        "RK. Tumigil ka na, okay?"  saway muli ni Stephen  "Tumigil ka na. Baka gusto mong sabihin ko sa lahat ang sikreto mo"

Napatigil at parang nahiya si RK sa pagbabanta ng kanyang kuya sa kanya. Doon niya nakita na nakatingin ang lahat at parang gusto nilang malaman ang tinatago niyang sikreto.

        "Ano ang ibig sabihin ng kuya mo, RK...?"  tanong ni Nathan sa anak  "Ano ba ang sikreto mo?"

        "W-wala Dad"  sabay tayo niya at namumutla na ang kanyang bibig  "Sige po. Alis na ako. Late na ako sa klase"

Nagmamadaling lumabas si RK sa mansyon dahil para hindi na siya kukulitin at tatanungin ng kanyang magulang tungkol sa sinabi ni Stephen. Samantala ay nandoon pa rin sila sa hapagkainan at hindi pa rin sila tapos sa kanilang pagkain.

        "Pagpasensiyahn mo na si RK, Mike"  sambit ni Stephen kay Mike  "Mainit lang talaga ang ulo niya sa mga ganyang bagay"

        "It's okay. Naiintindihan ko naman. Meron talagang tao na hindi kami tanggap"

        "Teka anak. Ano ba ang ibig mong sabihin na sikreto ng kapatid mo..?"  tanong naman ni Nathan.

        "Wala po Dad. Gawa-gawa ko lang yun"  sinungaling ni Stephen para mapagtakpan pa rin ang kapatid  "Naiirita lang kasi ako sa kanya kanina"

        "Talaga? E bakit namumutla at nagmamadali siya na umalis?"

        "Ewan ko Dad. Baka guilty"

Habang nagkukuwentuhan ang iba ay tahimik lang si Jeff sa kanyang upuan. Tinitignan ang mesa at may parang iniisip. May napansin kasi siya at doon niya kaagad tinawag ang katulong.

        "Manang..!!"  sabay tawag niya sa katulong. Lumipas ang ilang sandali ay dumating ito sa hapagkainan at tumayo sa tabi ni Jeff.

        "Bakit po Sir?"

        "Umuwi ba kagabi dito si Sky? Bakit hindi pa siya bumababa dito para kumain?"

        "Hindi ko siya nakita kagabi Sir"

        "Ganon ba? Pakitignan mo nga siya sa room niya kung andoon siya"

        "Opo Sir. Masusunod"

        "Salamat"

Napansin muli ni Nathan ang kanyang mukha na parang hindi mapakali at kaagad niya itong tinanong “Babe?? Okay ka lang?”

        "Hindi babe. Bigla kasi akong kinabahan eh. Si Sky"

        "Babe naman. Nasa itaas lang si Sky at natutulog. Kumalma ka lang"  sambit niya kay Jeff  "Bababa din siya kasama si Manang, okay?"

        "Okay babe. Sana nga"

Doon muli kumalma si Jeff dahil sa paniniguro ni Nathan na andiyan lang sa itaas si Sky at natutulog pa. Magkalipas ang ilang saglit ay bumalik na ang katulong sa kanila

“Sir Jeff”

        "Oh ano?? Gising na ba siya?"

        "Wala po siya Sir eh"

        "What?! E saan ba siya pumunta?!"  pagtaas ng tono ng boses ni Jeff.

        "Babe. Relaks ka lang, okay? Baka andoon siya kay Calvin"  sambit naman ni Nathan  "Doon naman siya palagi pumupunta kapag wala siya dito diba?"

        "Tama ka. Baka doon nga"  buntong-hininga ni Jeff  "Tawagan ko kaya si Calvin"

Kaagad naamn kinuha ni Jeff ang kanyang telepono at tinawagan si Calvin.

Jeff: Hello Calvin?

Calvin: Hello Tito. Good morning po.

J: Good morning din, Cal. Matanong ko lang sana kung kasama mo diyan si Sky sa bahay mo?

C: Si Sky..?? Wala po Tito eh. Ako lang mag-isa dito

J: Talaga?? Wala din siya dito sa mansyon eh. May alam ka ba kung saan siya pumunta pag-alis niya diyan?

C: Wala po. Ang sabi niya lang naman sa akin ay uuwi siya. Kahapon pa yun.

J: Talaga? Wala pa siya dito. Hindi ko alam kung nasaan na ang batang yon. Dios ko, nag-aalala na talaga ako sa kanya.

C: Don’t worry po Tito. Baka may pinuntahan lang siya. Relaks ka lang diyan. Uuwi din siya pagkatapos

J: Hindi eh. Parang iba ang kutob ko.

C: Si Tito talaga oh. Sige po, pupuntahan na lang kita ngayon diyan para sabay natin hahanapin si Sky, okay lang po ba sa’yo?

J: Sige Cal. That’s a great idea. Pumunta ka na dito. Kailangan ko talaga ngayon ng tulong

C: Sige po. Punta na ako diyan.

J: Ingat ka sa pagbiyahe mo dito

C: Okay po.

Kaagad naman binaba ni Calvin ang kanyang telepono. Bakas sa kanyang mukha ang tuwa dahil sa pag-aalala ni Jeff sa kanyang anak. Ang hindi niya alam ay nandoon sa kanya si Sky at walang balak na paalisin sa bahay.

Nakatingin naman si Sky sa kanya at walang alam sa plano ni Calvin sa kanilang mag-ama.

        "Kawawang Jeff. Wala talaga siyang ideya na nandito pa rin sa akin ang kanyang anak at may pinaplano akong masama sa kanilang dalawa"  sabay tawa na parang demonyo. Nahuli niya si Sky na masama ang tingin nito sa kanya  "Anong tinitingin-tingin mo....??? May angal ka...??"

        "Ano ba gusto mong mangyari sa amin, Cal?? Bakit mo kami pinapahirapan..."

        "Gusto ko lang naman iparanas sa inyo ang nangyari sa akin noon. Yun lang naman"  sabay ngiti niya na parang ini-enjoy niya ang nangyayari

        "Papatayin mo ba kami...?"  tanong niya kay Calvin na may takot ang tono ng boses.

        "Hmmm. Siguro. Hindi natin alam. Depende sa mood ko"

        "Hayup ka talaga Cal. Isa kang hayup... Hindi ka magtatagumpay sa plano mo sa amin"  sambit niya kay Calvin  "Malalaman at malalaman din nila na kinidnap mo ako dito at ililigtas nila ako"

        "Hmmm. Pwede. Tama. May point ka naman. Pero baka sa oras na mailigtas ka nila ay isa ka nang malamig na bangkay. BWAHAHAHA"  tawa muli ni Calvin.

        "Hayup ka, Calvin. Anong kasalanan ba ni Papa sa'yo...?!"

        "Kasalanan??? Malaki. Sobrang laki!!"  sigaw niya kay Sky  "Siya ang puno't-dulo ng lahat ng ito. Siya ang dahilan kung bakit walang pagmamahal sa akin ang tatay ko sa akin... siya ang dahilan kung bakit pilit niya tayo pinalalayo sa isa't-isa... at lalung-lalo na, siya ang dahilan kung bakit namatay si tatay!!"

        "Huwag mong isisi kay Papa ang mga nangyari sa buhay mo dahil ikaw mismo ang sumira sa buhay mo, hindi siya!!"

Biglang uminit ang ulo ni Calvin at sinugod si Sky. Sinuntok niya ito ng malakas at pumutok ang labi ng dalaga. Napahiga si Sky sa sahig at kaagad naman niya nilapitan ito ni Calvin at sinakal ito sa leeg.

        "Mabuti pa... tumahimik ka na lang kung walang maganda ang lalabas diyan sa bunganga mo, maliwanag..??"  sabay tango naman ni Sky habang hinahawakan niya ang kamay ni Calvin na nakasakal sa kanya at habang tumutulo na ang kanyang luha sa hirap  "Gusto mong bitawan kita?? Sige. Basta mag-ingat ka lang sa susunod mong sasabihin dahil baka isunod kita sa tatay ko"

Binatawan naman iyon kaagad ni Calvin ang leeg ni Sky at kaagad pumasok sa kanyang silid. Samantala si Sky naman ay nasa sahig pa rin. Umiiyak at duguan ang mga labi.

Gusto niya talaga na makatakas sa impyernong lugar na ito dahil hindi niya na makayanan ang mga abuso na ginagawa sa kanya ni Calvin. Pero paano?? Hindi siya kaagad makalabas dahil binabantayan siya ni Calvin oras-oras at kinandado niya ang buong bahay, mula sa mga pintuan at sa mga bintana.

Kailangan niya talaga na mag-isip ng paraan para makatakas at para makasumbong sa kanyang ama.

Itutuloy…

TCG: Chapter 34 (Planong Pagpatay)

Nagising si Sky sa sahig ng sala. Hindi niya namalayan ay nakatulog pala siya doon dahil sa sobrang pagod at sakit ng kanyang katawan. Sakto sa kanyang pagtayo ay lumabas din si Calvin mula sa kanyang silid at nakabihis na parang may pupuntahan.

        "Alis muna ako"  sambit niya kay Sky

        "Saan ka pupunta?"

        "Doon sa magaling mong ama. Nangako ako sa kanya na 'hahanapin' ka namin"  ngisi niya kay Sky  "Ipagpatuloy ko pa rin ang pagpapanggap at plano kong pabagsakin kayo"

        "Hayup ka...."

        "...sige. May sasabihin ka??"  panlilisik ng mga mata ni Calvin  "Ituloy mo, baka hindi ka pa kontento sa mga pasa at mga sugat mo diyan sa katawan mo"

        "Wala"  pagmamatigas na tono ng boses ni Sky  "Umalis ka na. Pabayaan mo na ako dito"

        "Good. Mabuti kung ganon"  ngisi niya pa rin  "Oo nga pala, in case na gusto mong tumakas, hindi ka magtatagumpay dahil ni.lock ko lahat ng mga bintana at pintuan. At kung matigas pa rin talaga ang ulo mo at tatakas ka pa... sigurado ako na matutustandahil nilagyan ko ng kuryente ang mga grills ng mga bintana at hawakan ng mga pintuan. Goodluck!"

Samantala. Sa mansyon ng mga Dy.

Hindi pumasok si Jeff sa kanyang opisina dahil masyado itong nag-aalala sa kanyang anak na si Sky. Hindi pa rin kasi umuuwi at kahit tawag o text lang man ay hindi siya nagpaparamdam.

        "Oh Tito..."  sambit ni Mike   "Hapon na ah. Hindi ka ba papasok sa opisina...?"

        "Hindi Mike eh. Nag-aalala kasi ako sa pinsan mo"

        "Si Sky...? Hindi pa rin ba nakauwi?"

        "Hindi pa rin eh"  buntong-hininga niya  "Wala talaga akong ideya kung nasaan siya ngayon. Hindi naman siya sumasagot sa mga tawag ko"

        "E anong sabi ng nobyo niya Tito?"

        "Wala daw sa kanya at kahapon pa daw nakaalis sa bahay niya"  

        "So paano yan Tito..?"

        "Hindi ko nga din alam, Mike eh"  hinga niya ng malalim  "Pero tutulungan daw ako ni Calvin na hahanapin si Sky. Papunta na siya dito ngayon"

        "Mabuti naman kung ganon. Huwag na po kayong mag-aalala Tito. Sky is safe. Relax ka lang po"

        "Sana nga Mike"  sambit niya at huminga ulit siya ng malalim  "E ikaw Mike?? Bakit hindi ka pa pumasok sa opisina mo?"

        "Ahmmm. Nag-early out kasi ako Tito. May lakad kasi kami ni Darwin"  paliwanag ni Mike sa kanyang Tito  

        "Ah ganon ba? Mabuti naman kung ganon. Pwede bang malaman kung saan ang lakad ninyo?"

        "Sa mall lang po. Kakain at manonood lang siguro ng movie"

        "Good. Sige Mike. Lumabas kayong dalawa. Deserve mo naman yan eh" sagot naman ni Jeff  "Super happy lang ako sa'yo ngayon dahil masaya ka na. Masaya ka na sa piling ni Darwin"

        "Oo nga po Tito eh. Masayang-masaya ako ngayon dahil siya ang nagbigay ng rason na magmahal akong muli at yakapin ng buong-buo ang pagkatao ko ng walang pagpapanggap at pagtatago"

Naputol ang kanilang usapan nang pumasok sa mansyon si Calvin. “Good afternoon po, Tito”

        "Calvin. Andito ka na pala"  sambit naman ni Jeff na nagulat sa pagpasok ni Calvin ng walang paalam. Kaagad naman siya nilapitan nito at nagmano ito sa kanya  "Si Mike pala"  

Pero hindi pinansin ni Calvin si Mike at nakatingin lang siya ng derecho kay Jeff “So paano Tito?? Lets go…?”

        "Sige. Tayo na..."  tumayo naman si Jeff at tumingin siya kay Mike  "Mike. Ikaw muna ang bahala dito ha. Sabihin mo kina Tito Nathan mo na umalis muna kami ni Calvin para hanapin si Sky"

        "Sige po Tito. Don't worry. Ako ang bahala dito. Mag-ingat lang po kayo"

        "Salamat Mike. Kayo din dito"

Kaagad lumakad silang dalawa palabas ng mansyon habang si Mike naman ay nakatayo pa rin at tinititigan sila palabas at pagsakay ng sasakyan ni Calvin.


Habang nagmamaneho si Calvin ng kanyang sasakyan, si Jeff naman ay hindi mapakali at hindi makapag-isip ng maayos dahil masyado siyang nag-aalala sa kanyang anak na si Sky. Wala talaga siyang ideya o alam kung nasaan ngayon si Sky sa mga oras na ito.

        "Relaks ka lang po, Tito. Mahahanap din natin siya"

        "Hindi ko alam Cal eh. Parati naman siya na ilang araw na hindi umuuwi at nagpaparamdam pero iba kasi ngayon ang pakiramdam ko"  paliwanag niya kay Calvin  "Parang kinakabahan ako at parang may mangyayari na masama sa kanya"

        "Tito naman. Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan. Pinapakaba mo rin ako eh"

        "Sorry Cal. Ngayon ko lang kasi ito naramdaman"  sambit niya  "Sige na. Ipagpatuloy mo pa ang pagda-drive"

        "Sige po"

        "Cal...?? Why don't we go to the police station?"  mungkahi ni Jeff sa kanya  "Para mareport natin na nawawala si Sky"

        "Pulis...????"  ulit niya na biglang bumilis ang takbo ng kanyang puso  "Naku. Huwag po"

        "Ha? Why not?"

        "Ah. Eh. Kasi hindi pa naka-24 hours Tito"  dahilan niya kay Jeff  "Dapat kasi naka-24 hours na o sobra bago i-declare na nawawala ang isang tao"

        "Kung sa bagay. Tama ka"

        "Opo. Kung pupunta tayo doon ngayon. Ganyan din ang sasabihin nila"

        "Tama ka. Haay. Sige Cal. Dumerecho ka na lang"

        "Opo"

Lumipas ang dalawa at kalahating oras na pagmamaneho at dumidilim na ang kapaligiran. Nakarating sila sa isang lugar na hindi pamilyar kay Jeff at parang masukal at puro kakahuyan.

        "Cal. Saan na ba tayo...?"

        "Nasa bukid po tayo ng Cabatuan, Tito"  sagot naman ni Calvin

        "Ha?? Bakit tayo nandito?"

        "Ahmmm. Hindi ko rin alam Tito eh"  dahilan niya.

        "Hindi na natin alam ang lugar na ito Cal. Siguro naman ay imposible na pumunta dito si Sky"  dugtong ni Jeff  "Mas mabuti pa ay umuwi na muna tayo"

        "Paano po si Sky Tito?"

        "Irereport na lang natin yan bukas sa pulis"  sagot ni Jeff  "Sila na ang bahala para hanapin si Sky"

        "Sige po. Ikaw ang masusunod"  aatras na sana siya at bababa sa bundok para makauwi sa kanila nang biglang tumirik ang kanyang sasakyan.  "SHIT!"

        "Bakit Calvin? Anong nangyari?"

        "Teka po. Titignan ko lang po sa labas"  kaagad lumabas si Calvin upang tignan kung ano ang nangyari sa sasakyan. Nang lumipas ang isang minuto ay bumalik siya  "Bad news po Tito. Nakaapak ang huling gulong ng pako"

        "What?? Pako?? Paano yan?"

        "Don't worry po Tito. May spare tire po ako sa likod ng sasakyan. Aayusin ko lang po ito"

        "Sige Cal. Take your time"

Lumakad si Calvin sa likurang bahagi ng sasakyan upang kunin diumano ang mga gamit niya para sa pagpalit ng goma ng sasakyan. Pero nang pagbukas niya ng compartment ay iba ang kinuha niya. Isang baril.

Tumingin muna siya sa harap kung ano ang ginagawa ni Jeff. Nang makita niya na pwede na siyang makalapit ay nilapitan niya ng dahan-dahan si Jeff mula sa labas. Habang lumalakad siya palapit ay nakatutok ang baril sa ulo ng kanyang babarilin. Punong-puno ng galit ang kanyang puso. Punong-puno ng paghihiganti at sisi sa taong nasa harapan at nakatalikod sa kanya.

Kakalabitin niya na sana ang gatilyo ng baril nang may biglang dumaan na tricycle at naitago niya kaagad ang kanyang baril sa kanyang bulsa. Sakto din na napalingon si Jeff sa kanya nang nakangiti.

        "Tapos na po Tito"  dahilan ni Calvin.

        "Talaga? Ang bilis naman. Sige tayo na Cal. Sobrang gabi na"

Bumalik naman sa likod si Calvin upang ilagay muli ang kanyang baril doon at kaagad pumunta siya sa harap para magdrive na at para makauwi na silang dalawa.


Samantala.

Alas-sais ng gabi nang nagising si Sky sa kama ni Calvin. Isang masakit at naghahapding katawan ang bumungad sa kanya. Hindi niya magalaw ang kanyang katawan o kahit kamay man lang dahil sa maraming bugbog at pasa na kanyang nakuha kay Calvin.

Bigla siyang napatalon sa kama dahil may biglang tumunog at nag-vibrate sa kanyang likuran. Kaagad niya naman kinuha ang bagay na iyon at laking gulat siya sa kanyang nakita, ang telepono ni Calvin.

‘Shocks. Ang cellphone ni Calvin’ sambit ni Sky sa kanyang sarili
‘Naiwan niya ito’ doon siya nagdesisyon na buksan pero katulad ng kanyang inaasahan ay meron itong password sa kanyang telepono.

Hindi siya nagdalawang-isip na subukan ang mga posibleng kombinasyon ng mga letra at numero para buksan ang telepono ni Calvin. Gusto niyang tawagan ang kanyang ama para humingi ng tulong dahil nakakulong siya sa bahay at sa ginagawa sa kanyang pagpapahirap ni Calvin.

Bigla sumagi sa kanyang isip ang petsa ng kanyang kaarawan, ang kay Calvin at ang kanilang anibersaryo. Kaagad niyang sinubukan ito at laking-gulat niya ay bumukas na nga sa wakas ang telepono niya.

Walang sinasayang na oras ay pinindot at denial niya ang numero ng ama at tinawagan ito. Pero hindi ito makontak dahil busy ang sa kabilang linya at parang may tinatawagan si Jeff. Doon na kinabahan si Sky baka ano na ang ginawa ni Calvin sa kanyang ama.

Nagdesisyon muli siya na tawagan si Mike dahil baka may alam siya kung nasaan ang ama niya at para makahingi na rin ito ng tulong sa kanya. Hinugot niya ang kanyang wallet sa bag at hinanap ang numero ng pinsan.

Nang pagkuha niya ng kopya ng numero ni Mike, doon niya sinubukan na tawagan ito para ipaalam sa kanila ang totoong nangyari sa kanya sa bahay ng mga Francisco.

Ilang ring ang lumipas ay sa wakas ay sinagot ng kabilang linya ang tawag ni Sky.

Mike: Hello?? Sino ’to?

Sky: Cous. Thank God nasagot mo. Ako ’to. Si Sky

M: Sky..?? Wow. Salamat naman sa Diyos at napatawag ka. Saan ka na ba?? Sobra na nag-aalala na si Tito sa’yo. At kaninong number ’to?

S: Yun nga cous.Kay Calvin ’to. Mabuti dahil naiwan niya ang telepono niya dito sa bahay at kaagad ko naman binuksan para tawagan ko kayo.

M: Ha?? Nasa bahay ka ni Calvin?? E sabi niya kay Tito Jeff na wala ka daw diyan. Magkasama nga sila para hanapin ka eh.

S: Oh my god… saan sila cous?? Nanganganib ang buhay ni Papa.Kailangan niya ng tulong ninyo diyan. Calvin is going mental. Kinulong niya ako dito sa bahay niya dahil may balak siya sa amin nina Papa. At ngayon, magkasama na sila. Baka may ginawa na siya kay Papa.

M: Oh shit. Delikado nga si Tito…

S: Oo cous. Kailangan ninyo na tumawag ng pulis. Ngayon din.

M: W-wait. Paano ka?? Kailangan mo din na iligtas diyan.

S: Pabayaan niyo muna ako dahil mas kailangan ng tulong si Papa. Sige na. Kailangan ko nang ibaba ito. Basta cous. Huwag ninyong hahayaan na may mangyaring masama sa kanya.

M: Sige cous. Ako ang bahala dito. Mag-ingat ka diyan. Pagkatapos na makulong si Calvin ay pupunta kami diyan para iligtas ka.

S: Sige. Mag-ingat lang kayo

Binaba naman kaagad ni Mike ang telepono nang may biglang pumasok sa mansyon. Nanlaki ang mga mata niya dahil nakauwi na pala sina Jeff at Calvin.

        "Oh Mike... okay ka lang?? Parang nakakita ka ng multo..?"  sambit ni Jeff sa kanya.

        "Wala naman po, Tito. Nagulat lang ako dahil akala ko ay may nangyari sa'yo na masama"  sabay tingin niya kay Calvin  "So, kamusta na pala ang paghahanap ninyo kay Sky, Tito?"

        "Hindi namin siya nakita, Mike"  sabay buntong-hininga ni Jeff na parang nawawalan na ng pag-asa na makita ang anak  "Hindi ko talaga alam kung nasaan ang anak ko, Mike"

        "Baka nakakulong..."  sambit ni Mike habang nakatingin pa rin kay Calvin. Nahalata naman iyon ng isa at panay rina ang tingin nito pabalik.

        "Ano?? What do you mean, Mike?"

        "Wala po Tito. Nevermind sa sinabi ko"  sagot ni Mike 

Hindi naman niya pinansin ang sinabi ni Mike at lumakad na lang patungo sa elevator. “Matulog na ako, Mike. Ikaw muna ang bahala kay Calvin. Sobrang pagod kasi ako”

        "Okay po. Ako ang bahala sa kanya"

Hinintay ng dalawa na makaakyat si Jeff gamit ang elevator. Nang makita na nila na wala na si Jeff ay kaagad nilapitan ni Calvin si Mike.

        "Anong alam mo?"

        "Alam ko lahat. Ilabas mo ang pinsan ko"

        "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Wala nga sa akin si Sky"

        "Talaga?? Iba ang rinig ko"

        "Bakit?? Paano mo nasabi na sa akin si Sky?"

        "She called me"  at nanlaki ang mga mata ni Calvin sa kanyang narinig  "Humihingi ng tulog dahil kinulong mo siya sa bahay mo. Ano ba talaga ang plano mo kay Sky?"

        "Akin siya"  biglang pagtaas ng kanyang boses  "Wala nang tao ang hahawak pa sa kanya dahil akin lang siya. Pati kayo ay ipinagbabawal ko na"  sambit niya na parang baliw  "Lalung-lalo ka na. Isa kang pakialamero"

        "Hindi pa ba sapat na nakipagbalikan siya sa'yo?? Parang napaka-selfish naman yan"

        "Talaga?? Baka naman pekeng pakipagbalikan?? Yes. Alam ko ang lahat ng plano ninyo. Ang plano ng baklang ama niya sa akin"  hindi makagalaw si Mike dahil sa mga nalaman niya kay Calvin  "Kaya manahimik ka na lang at huwag makialam. Baka gusto mo, ilagay kita sa listahan ko na papatayin ko right after my dad"

        "What??"

        "Yes. Isa pa yan sa mga rebelasyon na dapat mong malaman"  bulong niya kay Mike.  "I killed him. I saw him bled to death right before my eyes"

        "Shit.. Tama nga ang sabi ni Sky sa'yo. Baliw ka na"

        "I know, right??"  sabay tawa niya na parang demonyo.  "Kaya keep your mouth shut na lang at huwag na huwag mo akong isumbong sa Tiyohin mong bakla at sa mga pulis dahil kapag nalaman ko. Sigurado na bangkay na lang si Sky pag-uwi niya dito sa mansyon"

Itutuloy…

TCG: Chapter 35 (Pagsagip kay Sky)

Nakatayo na parang estatwa si Mike at namumutla ang mukha nang marinig niya ang mga rebelasyon mula kay Calvin. Hindi niya talaga iyon inaasahan na ganito pala siya kabaliw at kung ano ang pwede niyang gawin sa kanilang pamilya.

Nakangiti pa rin na parang demonyo si Calvin sa kanya habang lumalakad palabas ng mansyon. Wala siyang nagawa sa mga oras na iyon kundi manigas sa takot at kaba sa kanyang pamilya.

Naputol ang kanyang pagkatulala nang may biglang sumiko sa kanyang tiyan. Napatingin naman siya sa kanyang gilid at nakita niya na si Stephen pala ang gumawa sa kanya nun.

        "Uuuy. Okay ka lang?"  parang nagdikit ang mga labi ni Mike at hindi makapagsalita  "Mike...?? Bakit parang nakakita ka ng multo diyan? May problema?"          

        "Ahmmm Steph. May dapat kang malaman"  panimula ni Mike  "Sana isikreto lang muna natin ito"

        "Sige. Ano ba yun?"

        "Basta ipangako mo muna na sa akin na kahit anong mangyari, hinding-hindi mo sasabihin kina Tito ang tungkol dito"

        "Sure. I promise"  sabay kunot ng noo ni Stephen dahil naguguluhan siya sa kilos ni Mike.  "Ano ba yun?"

        "Si Sky..."  panginginig ng boses ni Mike.

        "What about her? Nakauwi na ba siya?"

        "Yun nga eh. Nasa panganib ang buhay niya ngayon"  panimula niya  "Nandoon siya sa bahay ni Calvin. Nakakulong"

        "What?! Paano mo naman nalaman ang balitang yan?"

        "Tumawag siya kanina sa akin gamit ang ibang number"  kuwento ni Mike kay Stephen "Ang sabi niya ay kinulong siya ni Calvin"

        "Oh shit.. Kailangan malaman nina Daddy ito"

        "Huwag. Huwag. Please"  pigil ni Mike sa kanya  "Pinagbantaan niya ako na kapag malaman niya na nagsumbong ako ay papatayin niya si Sky. At naniniwala ako dun dahil may pinatay na siya. Ang kanyang ama"

        "Ha??? Totoo ba yan?"

        "Oo Steph. Sa kanya mismo nanggaling dahil kakaalis niya lang"  kitang-kita sa mukha ni Stephen ang kaba sa kalagayan ngayon ng kanyang dating nobya. Hindi nila alam ang kanilang gagawin dahil wala silang mahihingian ng tulong 

“Pupunta tayo sa bahay ni Calvin” pasya ni Stephen

        "Tayo lang...??"

        "Oo. Tayo lang. Wala nang choice dahil wala na tayong mahihingian ng tulong dahil nasa peligro ang buhay ng pinsan mo"  paliwanag niya  "So...? Sasama ka ba sa akin?"

        "Oo naman. Sasama ako"

        "Oh sige. Maghintay na lang tayo na kumagat ang dilim bago sumugod sa kanyang bahay"

Dakong alas-diyes ng gabi ay nagdesisyon sina Mike at Stephen na sumugod at iligtas si Sky sa kamay ni Calvin na nasa kanyang bahay.

Nakapasok sina Mike at Stephen sa gate at dahan-dahan silang lumakad patungo sa bahay.

        "Baka magkasama at magkatabi silang dalawa sa loob, Steph"  bulong ni Mike

        "Wala na tayong magagawa, Mike. Kailangan na nating tapangan ang loob natin para iligtas si Sky"  habang lumalakad sila palapit ng main door ng bahay  

“Naka-lock ang pinto. Wala na tayong pwedeng mapasukan” habang ginagalaw ni Mike ang door knob ng pintuan

        "Naka-lock ba? Ayos lang yan. Sirain na lang natin ang door knob"  mungkahi naman ni Stephen

        "Tanga ka ba?? E pano kung magising sila??"

        "Wala namang ibang paraan. Kailangan nating mag-take ng risk"  sabat niya kay Mike  "Isa laban sa dalawa. Malaki ang lamang natin sa kanya"

        "Teka. Sasaktan natin siya?"

        "Oo naman. Kung iyan lang ang paraan para maligtas natin si Sky, gagawin natin"  sagot ni Stephen  "Ayaw ko nang mawala muli si Sky sa akin. Mahal na mahal ko siya"

Napangiti at napahinga na lang ng malalim si Mike sa sinabi ni Stephen. Sinubukan niyang muling bukasn ang pintuan at dahan-dahan niyang pinihit ang door knob. Laking-gulat niya na bumukas ito at hindi na naka-lock katulad nang sinabi ng kanyang kasama. “Steph. Hindi na naka-lock ang pintuan. Strange.”

        "Ganon ba? Sige. Pumasok na tayo. Pero dahan-dahan lang tayo"

        "Wait"  sabay pigil niya kay Stephen  "What if patibong lang ito ni Calvin..? Remember? Nasa loob siya ng bahay at kasama niya si Sky"

        "Nonesense. Hindi niya alam na nagsumbong ka diba?"  sabay tango naman ng ulo ni Mike bilang sagot  "So, wala siyang clue o alam na andito tayo ngayon. Relax. Ako ang bahala"

Hindi na lang sumagot si Mike at sumunod na lang siya kay Stephen papasok ng bahay. Isang madilim na bahay ang kanilang pinasukan at walang senyales na tao sa loob. Sobrang tahimik at tanging hininga lang nilang dalawa ang kanilang naririnig.

Nagdesisyon na kaagad silang lumakad pa lalo palapit sa kusina.

        "Kailangan natin silang hanapin, Mike"  bulong niya kay Mike  "Hindi ko naririnig ang boses nilang dalawa, lalung-lalo na ang kay Sky. Baka ano na ang ginawa niya sa mahal ko"

        "Sige"  tanging sagot niya.

        "Huwag na kayong mag-aksaya ng pagod at panahon para hanapin kami"  sulpot ng isang boses sa hindi kalayuan. Doon nila nakita na nakatayo si Calvin sa may pintuan ng isang silid habang nakapulupot ang kanang braso niya sa leeg ni Sky.  "Nandito na kami"  sabay ngiti ni Calvin sa dalawa.

        "Calvin. Hayup ka. Bitawan mo si Sky...!!"  utos ni Stephen

        "Huwag masyadong atat, Stephen. Hindi basta-basta ang inuutos mo"  at ngumiti muli siya sa kanilang dalawa  "Look what we have here. Andito mismo sa pamamahay ko ang dalawa sa pinaka-sinusumpa at tinik sa buhay ko na mga tao. Mike and Stephen"  habang nanlilisik ang mga mata niya sa dalawa  "Natupad nga ang mga plano ko na kayong dalawa lang ang pumunta dito. Pwede ko na kayong lahat patayin dito nang walang ka-alam-alam ang pamilya ninyo"

        "Brad. Tama na 'to. Humingi na ako ng pasensiya sa'yo diba?"  balik ni Mike sa kanya  "Bakit hindi mo tinatanggap ang tawad ko sa'yo...? Ganyan ba kalaki ang kasalanan kong nagawa sa'yo...?? Kung ganon nga, patawarin mo na ako"

        "Walang kwenta ang paghihingi ninyo ng tawad kumpara sa ginawa ninyong lahat sa akin"  habang sinasakal niya si Sky ng kanyang braso at pilit naman hinihila ng dalaga palayo sa kanya  "Mawawala lang ang lahat ng galit ko sa inyo kapag pinatay ko na kayong tatlo dito"  at binunot niya ang kanyang baril sa kanyang bulsa at tinututok niya ito sa sintido ni Sky. "At uunahin ko ang babaeng ito..."

May halong takot at galit ang kanilang nararamdaman sa mga oras na iyon dahil nakatutok na ang baril kay Sky. Isang maling kilos nilang dalawa ay baka mamatay ito.

        "Bitawan mo siya, Calvin"  utos muli ni Stephen  "Huwag mo siyang idamay dito"

        "Bakit hindi..?? E siya lang naman ang anak ng taong pinakasumpa-sumpa ko"  diin niya pa sa ulo ni Sky ng kanyang baril  "Isang kalabit ko lang 'to ay mararanasan din ni Jeff ang naranasan ko ngayon. Ang pagkawala ng pinakamamahal"        at doon siya tumawa na parang baliw at habang umiiyak  "Malamang ay magiging proud si Tatay sa gagawin kong ito... na mawala kayong tatlo sa mundo para mabayaran na ninyo ang kamatayan niya"

Nakakita ng timing si Stephen na hindi nakatingin si Calvin at doon siya tumakbo at sinugod niya ito, pero nakita naman ito ng isa at kaagad binaril niya ito sa bandang tiyan.

Natumba si Stephen hawak-hawak ang natamaan niyang tiyan.

        "STEPHEN!!!!"  sigaw ni Sky sa pagbaril ni Calvin sa kanyang pinakamamahal  "Hayup ka, Calvin. Baliw ka na talaga!!"  

        "Alam ko!!! Nababaliw na talaga ako kapag hindi ko na kayong lahat na mapapatay. Kaya tignan mo Sky. Tignan mo ang pinakamamahal mong Stephen na mamatay"  doon uminit at nagdilim ang paningin ni Sky at kaagad niyang kinagat ito sa braso ng sobrang diin.  "Aray...!"  at nabitawan niya si Sky. Doon naman siya sinugod ni Mike at napatumba silang dalawa papasok ng silid.

Pinuntahan ni Sky ang nakahandusay na Stephen sa sahig, hawak-hawak pa rin ang tiyan nito na tinamaan ng bala na walang tigil ang paglabas ng dugo.

        "Stephen..."  habang kinakapa ni Sky ang katawan ng kanyang pinakamamahal  "Oh my god. Ang tama mo... kailangan nating pumunta ngayon sa ospital bago ka pa maubusan ng dugo"

        "Ssshhhh. Huwag ka nang mag-aalala sa akin, Sky. Okay lang ako"

        "Anong okay...?? Natamaan ka oh"

        "Relaks. Malayo 'to sa bituka"

        "Anong malayo? Baka bituka mo nga ang natamaan eh"  sabay ngiti ni Stephen na parang nagbibiro pa  "Gosh. Stephen naman. Huwag ka ngang magbiro. Tumayo ka na. Kailangan na talaga kita dalhin sa ospital"

        "Hayaan mo na ako, Sky"  sambit niya sa dating nobya habang patuloy pa rin ang bugbugan nina Mike at Calvin sa loob ng silid.  "Iligtas mo na ang sarili mo. Tumakbo ka na at humingi ng tulong sa mga pulis"

        "E paano kayo...?"

        "Huwag mo na kami aalahanin dahil nangako kami ni Mike na ililigtas ka namin, ano man ang mangyari"

        "Pero..."

        "....ssshhh. Huwag nang matigas ang ulo, Sky"  biglang lumuha si Stephen at dumaloy ito sa gilid ng mata papunta sa kanyang tenga  "Handa ako na magbuwis ng buhay para iligtas ka lang. Kahit naman sa huli ay napakita ko sa'yo kung gaano kita kamahal"  patuloy pa rin ang kanyang iyak at ganon din si Sky sa kanyang mga sinabi  "Gusto ko lang na malaman mo na humihingi ako ng tawad sa'yo. Sa lahat ng nagawa ko noon sa'yo. Patawarin mo sana ako"

Hindi kaagad makasagot si Sky dahil humagolhol na siya sa kakaiyak. “Ano ka ba… tumigil ka nga sa drama mong yan” sambit niya habang namumula siya sa pag-iyak “Matagal na kitang pinatawad. Nagtampo lang naman ako sa’yo dahil hindi mo ako hinintay”

        "Talaga...? Hindi ka na galit sa akin...?"

        "Hindi na..."  sabay iling ng kanyang ulo habang dumadaloy pa rin ang mga luha niya  "Hindi na ako galit sa'yo. Kaya huwag kang susuko, Mahal. Lumaban ka. Ayaw kitang mawala muli sa buhay ko dahil mahal na mahal kita..."

        "Mahal mo pa rin ako...?"

        "Oo Mahal. Mahal na mahal kita at hinding-hindi nawawala yan"  sabay yakap ni Sky kay Stephen.

Napangiti na lang si Stephen sa huling sinabi ni Sky “I love you too” tanging sabi niya sa nobya at habang kayakap ito. At doon na siyang nawalan ng malay.

Napansin naman ito ni Sky na walang malay na si Stephen “Mahal…?” tapik niya kay Stephen habang yakap-yakap niya pa rin ito “Mahal..? Oh my god. Please. Huwag mo akong iwan Mahal..!!” iyak niya kay Stephen.

Habang umiiyak at humahagolhol si Sky kay Stephen ay nasa silid pa rin sina Mike at Calvin. Nakasakay sa kanya si Calvin habang siya naman ay nakahiga sa sahig at paulit-ulit na sinusuntok.

        "ILANG. BESES. KO. BANG. SASABIHIN. SA'YO. NA. ITIGIL. NA. ANG. PAG-UUSAP. AT. PANGINGIALAM. MO. SA. RELASYON. NAMIN. PERO. ANG. TIGAS. PA. RIN. NG. ULO. MO."  sambit niya kay Mike habang sinusuntok niya ito sa bawat salita ng kanyang sinasabi  "Ano..??! May sasabihin ka..??!!"  pero hindi makasagot si Mike dahil hinang-hina na ito at sa sobrang namamaga ng kanyang mukha at puno ng dugo. Tumayo si Calvin at hinila niya patayo si Mike at biglang itinapon sa gilid ng silid. Pero hindi pa kontento si Calvin at pinuntahan niya pa ang kawawang Mike  "Sa kuwentong ito, AKO ang PANALO. Kahit magsama-sama pa kayo ni Stephen. Ako pa rin ang mag-uuwi kay Sky"  hinila niya ang buhok ni Mike at napaungol ito sa sakit na ginagawa sa kanya  "Akala mo sa ginagawa mong ito, ikaw na ang bida...?? HUH!! Kahit anong gawin mo, BAKLA KA LANG. Ano ba ang ginagawa ng mga kagaya mong bakla sa mundo...??!!"

Tangkang susuntukin muli ni Calvin si Mike nang may biglang pumutok na baril. Nanlaki ang mga mata ni Calvin at may lumabas na dugo sa bibig niya. Natamaan pala siya sa kanyang dibdib.

Hindi niya pala napansin na ang lugar na itinapon niya kanina si Mike ay nandoon din mismo ang baril na binitawan niya kanina.

        "Ano ang ginagawa ng kagaya kong bakla sa mundo...?"  ulit ni Mike sa kanyang tanong habang pilit siya tumatayo  "Ang pagbawas ng taong katulad mo na walang karapatang mabuhay"  at pinutok niyang muli nang dalawa pang beses sa ulo para makasigurado na patay na nga ito. 

Natumba si Calvin habang nakadilat ang kanyang mga mata na siguradong patay na.

Nang makita at makumpirma na patay na nga si Calvin ay iniwan niya ito at lumabas papunta kina Sky at Stephen. Doon niya nakita na humagolhol sa iyak ang pinsan sa walang malay na Stephen.

        "Cous.."  sambit ni Mike kay Sky.

Lumingon naman si Sky sa kanya habang namumula ang mukha sa pag-iyak “Cous…?” sabay tingin niya sa likuran ni Mike at parang hinahanap pa si Calvin

        "Patay na siya cous. Patay na si Calvin"  sambit niya sa pinsan habang namamaga at puno ng dugo ang kanyang mukha  "Malaya ka na sa kanya. Malaya ka na sa pwede mong gawin"

        "Salamat cous"  iyak pa ni Sky  "Pero malungkot pa rin ako eh. Malaya na nga ako kay Calvin pero... pero nag-aagaw buhay naman ang taong mahal ko at posibleng mawala din. Dalhin natin siya ngayon sa ospital cous"  nilapitan ni Mike ang dalawa upang tignan ang kalagayan ni Stephen.Umupo ito sa tabi ng nakahandusay na katawan ng nobyo ng pinsan niya at tumawa  "Bakit ka tumatawa cous? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko...? Kailangan natin siya dalhin kaagad sa ospital bago pa siya maubusan ng dugo"

        "Hindi yan..."  ngiti niya.

        "Ha? Bakit? What do you mean?"

Kinurot na lang ni Mike ang tagiliran ni Stephen at doon sumigaw ng malakas si Stephen “Arayy!! Ano ka ba Mike…”

        "Itigil mo na nga ang drama mong yan, Steph. Tumayo ka na"

Nagtaka si Sky sa ginawa ni Mike sa kanyang nobyo. Doon niya nakita na humahalakhak ng todo si Stephen habang nakahandusay pa rin siya sa sahig.

        "Sorry. Natawa ako..."  sambit ni Stephen  "Hindi ko napigilan eh"

        "All this time, nagdadrama ka lang...??!"  sigaw sa inis ni Sky sa kanya. Binugbog niya ng suntok si Stephen sa sobrang inis  "Walang hiya ka, Stephen. Pinaiyak mo pa ako. Akala ko mamamatay ka na"

        "Aray. Aray. Dahan-dahan lang Mahal. Ang sugat ko"

        "Anong 'Hon'...?? Walang Mahal-Mahal...! Kainis ka!!"

        "Sus. Nagtatampo ka lang eh"

        "Hindi noh. Ayaw ko na sa'yo..."

        "Talaga...? Ayaw mo na sa akin...?"  ulit ni Stephen sa kanya habang nakangiti ito sa nobya  "So hindi pala totoo ang sinabi mo kanina sa akin na mahal mo ako?"

        "Ewan ko sa'yo. Tumayo ka na diyan"

        "Ayaw ko. Sabihin mo muna sa akin na mahal mo ako"

        "Oo na. Mahal kita"

        "Ulit nga. Hindi ko masyadong narinig eh"

        "Mahal kita Stephen..!!"  sigaw niya kay Stephen  "Okay na...?? Tumayo ka na"

        "I love you too, Mahal. I really do"  sagot naman niya

Habang naglalambingan ang dalawa sa sahig ay tumayo si Mike at tumingin sa kanila. Nakita niya na bumalik ang saya sa mukha ng kanyang pinsan magkalipas ang ilang taon na nagkahiwalay sila ni Stephen. Sa wakas ay malaya na rin silang dalawa na magmahalan.

Itutuloy…

TCG: Chapter 36 (Ligtas sa Kapamahakan)

Nataranta at parang wala sa sarili si Jeff nang tumawag si Sky sa kanya. Hindi siya makapaniwala sa balita na sinabi ng anak na muntik na silang mamatay na tatlo sa kamay ni Calvin, na akala niya ay mabait sa kanila.

Kasalukuyang nasa sasakyan sila at nagmamaneho si Nathan papunta na ng ospital.

“Shit! Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyari na masama sa kanila” iyak ni Jeff habang nagmamaneho ng mabilis si Nathan “Babe… please. Bilisan mo”

“Ito na. Binibilisan ko na nga” sagot ni Nathan na parang natataranta na din “Hindi lang naman ikaw ang nag-aalala sa anak mo eh. Ako din naman”

“Please… babe. Bilisan mo”

“Pwede, kalma ka??” balik niya kay Jeff “Na-se-stress din ako kapag nagkaganyan ka eh. Ikaw lang naman ang dapat sisihin sa mga nangyayari ngayon”

“What?? Sinisisi mo ako…? Akala ko ba ay napag-usapan na natin ’to…?”

Hindi nakasagot si Nathan dahil nagulat din siya sa kanyang sinabi. “H-hindi” matigas na sagot niya “Huwag na tayong mag-away, okay? Kailangan nating makaputa kaagas sa ospital”


Dumerecho silang tatlo sa ospital para gamutin ang mga sugat nila na nakuha nila sa kamay ni Calvin. Naunang lumabas si Sky dahil papagaling naman ang kanyang mga pasa. Ginamot lang ito at kaagad lumabas at hihintayin na lang niya sa labas ng emergency room sina Mike at Stephen.

May narinig si Sky na malakas ng mga yapak ng mga paa papunta sa kanyang direksyon. Tinignan niya kung sino iyon at nakita niya nga na sina Jeff at Nathan ang papunta sa kanya.

“Anak. Kamusta ka..?” tanong ni Jeff habang tinitignan ang mukha ng anak “Marami kang pasa ah.. thank God, ligtas na kayo. Teka, saan na ang pinsan mo at si Stephen?”

“Okay na naman ako ngayon, Papa” sagot niya sa ama “Hinihintay ko pa sina Mike at Stephen dahil mas grabe ang nakuha nilang mga sugat kesa sa akin, lalung-lalo na ang kay Mike”

“Ganon ba..?? Kawawa naman sila” sambit ulit ni Jeff “Alam ko naman na magiging maayos sila. Ang importante ay nakaligtas kayong tatlo sa kamay ni Calvin”

“Oo nga Papa eh. Grabe na talaga ang kasamaan niya” dugtong ni Sky “Punong-puno ng poot at paghihiganti ang puso niya. Mabuti lang na tinawagan ko si Mike at niligtas nila ako. Malaki talaga ang utang na loob ko sa kanilang dalawa”

“Salamat nga talaga sa Diyos dahil ligtas na kayo ngayon…” sambit ulit ni Jeff “Baka ikamatay ko kapag may nangyari sa inyong tatlo”

“Papa naman. Huwag ka ngang magsalita ng ganyan”

“Kasalanan ko anak eh. Kung hindi sa akin siguro hindi mangyayari sa atin ito”

“Papa. Okay na. Nangyari na ang nangyari” paniniguro ni Sky sa ama “Katulad nga ng sinabi mo, ang importante ay ligtas na kami ngayong tatlo sa kamay ni Calvin at patay na siya ngayon”

“Mabuti naman kung ganon. Teka. Saan na ba ang bangkay niya?”

“Well. Bago kami umalis ay nagtungo kamo sa estasyon ng pulis para ireport ang nangyari”  kuwento ni Sky kay Jeff. “Tapos nun, tinawagan namin ang punerarya na kunin ang katawan ni Calvin at pumunta dito sa ospital para igamot ang mga sugat namin”

“Good. Mabuti naman kung ganon,anak” dugtong ni Jeff “Pero kawawa talaga ang batang yon. Kinain talaga siya n galit at iyon ang nakapatay sa kanya”

“Oo nga Papa eh. Hindi talaga maipaliwanag kung gaano siya kagalit sa atin, lalung-lalo na sa’yo”

Nagpabuntong-hininga na lang si Jeff at niyakap ang anak “Sorry anak ha. Sorry dahil nadamay ka dito. Napakalaking pagkakamali ko talaga na i-pain ka sa kanya. Sorry talaga”

“Ayos na po iyon, Papa. Hindi naman ako galit sa’yo eh”

“Salamat anak. Salamat sa pag-intindi mo sa akin”

Napatingin silang tatlo dahil lumabas na ang doktor at mga kasama niyang nurse mula sa emergency room. Nagulat si Jeff dahil kilalang-kilala niya ang doktor na iyon.

“Jeff…” sambit ni Jeremy sa kanyang bunso

“Kuya…” tanging sagot niya na parang tumigas ang mga tuhod niya dahil si Jeremy pala ang doktor na nag-aruga kina Sky.

“Mike and Stephen are okay na” dugtong niya sa kapatid “I made stitches lang kay Mike dahil maraming malalaking sugat sa kanyang mukha but he’s okay. At kay Stephen naman, I conducted a blood infusion dahil he’s going on a state of hypovolemia or decreased blood volume. Mabuti na lang na naidala nila kaagad sa ospital si Stephen” sabay ngiti ni Jeremy. “So… that’s it. They’ll be okay”

“Thank you, kuya”

“You’re welcome, bunso” sagot naman niya “So paano. Alis na ako. And I’ll suggest na i-admit muna sila dito for several weeks para gumaling ang mga sugat nila. And don’t worry, it’s for free. Kahit naman papaano ay kapamilya ko rin sila. Ako na ang bahala dun”

“Salamat”

Kaagad umalis si Jeremy sa kanilang harapan at lumakad palayo. Samantala si Jeff naman ay biglang lumambot ang puso niya sa kapatid. Doon niya naramdaman na meron pa siyang pagmamahal sa kanyang kuya kahit iniwan sila noon.


Umuwi muna ulit sina Jeff at Nathan para mag-empake ng mga gamit para sa mga pasyente nila sa ospital. Si Sky naman ay naiwan sa ospital para bantayan sina Mike at Stephen bago lumipat sa private room ng ospital.

Papasok sila ng mansyon at hindi pa rin siya pinapansin ni Nathan. Naging maginaw na nga siya dahil sa kanyang kapalpakan na ginawa noon at inaamin niya naman na kasalanan niya iyon.

“Babe…” tawag ni Jeff sa kanya

“Yes..?” sabay lingon ni Nathan sa kanya

“Galit ka ba sa akin..?”

“Saan naman?”

“Sa ginawa ko at sa nangyari sa mga anak natin…” habang mahinahon ang tono ng boses niya.

“Well…” habang nag-iisip siya ng kanyang sasabihin na hindi makasakit sa kanyang mahal “Hindi ako galit sa’yo, babe… but.. I am so disappointed. Very dissapointed”

“Dissapointed..?? Parang inaba mo lang babe. Galit ka pa rin eh” sabay lapit ni Jeff kay Nathan “Sabihin mo sa akin ng harapan kung galit ka o hindi para maayos natin ’to. I know malaki ang kasalanan ko at pinagsisihan ko talaga ito. Sorry babe. Sorry talaga”

“Oo… inaamin ko. Galit ako sa’yo dahil binalaan na kita noon pero hindi ka nakinig sa akin” sambit ni Nathan sa kanyang mahal “Hinintay mo pa na masaktan ang mga anak natin. Buti na lang na hindi sila namatay”

“I know babe. At pinagsisihan ko talaga ang ginawa ko” at umiyak si Jeff at niyakap niya si Nathan ng sobrang higpit “Patawad…”

“Tapos na yon. Huwag na natin isipin at problemahin ang nangyari. Magpasalamat na lang tayo na walang may nangyari na mas malala pa dun” at niyakap din ni Nathan si Jeff “Mahal kita babe. Masama lang ngayon ang loob ko sa’yo pero ikaw pa rin ang mahal ko. Don’t worry, mawawala din ito. In time.”

“Sorry babe. Sorry ulit” iyak ni Jeff

“And stop saying sorry babe. Tama na. Okay na tayo” at hinalikan niya sa noo si Jeff “Sige ka… kapag marinig ko pa ang salitang ‘sorry’, hindi na kita ulit papakasalan. Baka magbago pa ang isip ko kapag tinuloy mo pa yan”

“Ha..??” sabay alis ni Jeff sa pagkayakap at tinignan si Nathan kung seryoso ito.

“You heard me. Papakasalan kita ulit” ngiti naman niya

“Seryoso ka…?”

“Oo naman. Bakit hindi?? As I said, mahal kita at hindi magbabago yon” sagot niya kay Jeff “Kahit minsan matigas ang ulo mo at hindi ka nakikinig sa akin. Pero mahal pa rin kita. Sobrang mahal” ngiti ni Nathan

Natigilan si Jeff ng ilang saglit at natulala dahil sa sinabi ni Nathan sa kanya. “I don’t know what to say sa sinabi mo. Pero thank you babe. Salamat sa mahabang pasensiya mo sa akin. Salamat sa lahat” at niyakap niya ulit ng mahigpit si Nathan “Mahal na mahal kita”

“I love you more babe. And I am always here para sa’yo”


Kinabukasan ng umaga.

Nakalipat na nga sina Mike at Stephen sa kani-kanilang Presidential Suite Room sa ospital. Doon sila mamalagi ng ilang linggo para magpagaling ng kanilang mga sugat.

Sa silid ni Mike…

Naka-balot ng gasa ang buong mukha ni Mike dahil sa maraming tahi na ginawa sa kanya. Marami at halos malalaki kasi ang mga sugat na natamo niya nung nakipagbugbugan siya kay Calvin.

Nanonood siya ng magandang palabas sa TV nang may biglang pumasok sa kanyang malaking silid.

“Good morning…” bati ni Darwin sa kanya habang may dala-dalang basket ng prutas. Hindi pinansin ni Mike si Darwin at nanonood pa rin ito ng TV “Babe.. I’m here. Thank God ay okay ka na. Nag-aalala nga ako kagabi nung tinawagan ako ni Tito Jeff na na-ospital ka” pero hindi pa rin ito sumasagot “Uyyy. Okay ka lang?”

“Leave me alone”

“Ha? Babe naman. Bakit mo ako pinapaalis. Galit ka ba sa akin?”

“Ayaw ko na. Break na tayo”

“What…?! Bakit? Ano bang nagawa ko? Babe… pag-usapan natin ’to oh. Hindi mo na ba ako mahal?”

At tumingin siya kay Darwin na punong-puno ng gasa ang mukha at tanging mata at bibig niya lang ang nakikita “Ikaw?? Mamahalin mo pa rin ba ako kapag hindi na bumalik sa dati ang mukha ko..?” sambit niya “May posibilidad na hindi na bumalik ang dati kong mukha na minahal mo. Kaya ngayon pa lang, pinapalaya na kita”

“S-seryoso ka…?” sabay kunot ng noo niya “Talaga?? Sa tingin mo ba ay niligawan lang kita dahil lang sa panlabas mo na itsura?? Babe…” at umupo siya sa kama ni Mike at hinawakan ang kamay nito “Kahit magbago pa ang mukha mo at pumangit ka pa, hinding-hindi magbabago ang pagmamahal ko sa’yo”

“Sinasabi mo lang yan dahil wala pa. Kapag makita mo na ang mukha ko. Sigurado ako na iiwan mo rin ako katulad ng ginawa ng ex ko”

“Ugh!! Babe.. pwede ba? Huwag mo nga akong ikumpara sa walang kwentang ex mo” sabat naman ni Darwin “Hindi ako katulad niya na manggagamit, okay? Mahal kita at hindi ko magagawa na iwan ka sa ere”

Napangiti na lang si Mike kahit hindi kita dahil sa gasa na nakatakip sa kanyang buong mukha.Doon niya naramdaman ang secure at assurance na hindi siya iiwan ni Darwin dahil mahal na mahal siya talaga nito.

Samantala. Sa silid naman ni Stephen…

Nagtutulog ng mahimbing si Stephen sa kanyang kama habang si Sky naman ay may ginagawa sa kanyang laptop sa sala ng Presidential Suite ni Stephen. May tinatapos siya kasing Marketing Plan para sa kanilang bagong mga restaurants na planong ilagay sa bagong bukas ngayon na mall sa Iloilo.

“Sky. Anak” nagulat siya sa biglang nagsalita sa silid

“Papa… ikaw lang naman pala” sambit niya habang hawak-hawak ang dibdib dahil sa gulat “Andito na pala kayo”

“Oo anak. Kakarating lang namin” sagot naman ni Jeff “May dala kaming hygiene kit at pagkain para sa kanilang dalawa at para sa’yo na din. At mga damit na din para pampalit mo”

“Salamat po Papa” sabay kuha niya ng mga dala ni Jeff at inilagay ito sa sofa “Kumain na ba kayo?”

“Tapos na anak. Kumain na kami sa mansyon bago pumunta dito” sabat ni Nathan

“So kamusta na si Stephen, anak?”

“Okay naman po siya. Tulog siya buong gabi at hindi pa siya nagigising hanggang ngayon”

“Ganon ba? Hayaan mo muna siya, anak” sagot ni Jeff “E ang pinsan mo? Kamusta siya?”

“Gising na po siya sa kabila. Nandoon naman si Darwin. Binabantayan siya”

“Talaga? Mabuti naman ay nandoon ang partner niya. Sige. Punta muna ako dun sa kanya” at tumingin siya kay Nathan “Ikaw babe? Sasama ka?”

“Hindi babe. Dito lang ako”

“Sige. Babalik naman ako kaagad. Titignan ko lang siya”

Pumasok si Jeff sa katabi na silid at doon niya nadatnan sina Mike at Darwin na nag-uusap at parang naglalambingan sa kama.

Biglang tumayo si Darwin sa kama ni Mike dahil nakita niya na pumasok si Jeff sa silid.

“Good morning po, Tito” bati ni Darwin kay Jeff.

“Good morning din, Darwin” sagot niya “Oh.. bakit ka natigilan? Sige lang. Ituloy niyo lang usapan ninyo”

“Okay naman po kami Tito. I mean mahaba naman ang napag-usapan namin. Sige po, baka may pag-uusapan kayo ni Mike. Labas muna ako”

“No. Dito ka lang” saway ni Jeff “Wala naman akong sinabi na lumabas ka diba? Andito naman ako para kamustahin ang pamangkin ko” at tumingin siya kay Mike “Kamusta ka na pala Mike?”

“Hmmm. Okay naman po ako, Tito. Mahapdi lang ang mga sugat ko at medyo kinakabahan lang”

“Kinakabahan?? Saan naman?”

“Ano kasi Tito… baka pagkatapos na matanggal ang nasa mukha kong ito, baka iba na ang itsura ko. Baka papangit na ako”

Biglang napangisi si Jeff sa sinabi ng kanyang pamangkin at hinawakan ito sa paa niya “Mike. Okay lang naman kung ano ang magiging bago mong itsura eh. Wala naman sinusukat ang kagandahan o kagwapuhan ng tao sa panlabas na anyo eh. Ang importante naman ang nasa panloob niya. Sounds cliché pero yan ang katotohanan. Katulad sa’yo, marahil ay magbabago ang mukha mo pero ikaw pa rin si Michael Teng. Ang pamangkin ko na sobrang mabait at gwapo”

“Salamat po Tito” ngiti niya “Salamat dahil kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi mo”

“You’re welcome, Mike. Alam mo naman na ayaw kong nakikita nasasaktan o nag-aalala ang mga mahal ko” at tumingin muli siya kay Darwin “So alis na ako Darwin. Ikaw muna ang bahala dito kay Mike ha”

“Okay po Tito. Don’t worry po. Ako ang bahala sa kanya” sabay ngiti ni Darwin

“Good. Talagang maaasahan ka talaga. Sige na, alis na ako ha. Goodbye”

“Bye po Tito. Ingat ka” dugtong ni Darwin.

Sinundan nila ng tingin ang paglabas ni Jeff sa silid ni Mike. Kaagad naman silang nagtinginan na dalawa at napansin ni Darwin na parang sumigla ang kanyang partner. Lumapit naman ito kay Mike at umupo ulit sa kanyang tabi.

“Parang masaya ka na ata babe ah”

“Oo babe, masaya na ako. Kasi si Tito Jeff na mismo ang nagpabuti ng pakiramdam ko eh”

“Wow. Idol mo siguro ang Tito mo babe noh?”

“Oo babe. Sobra. “

Itutuloy…

TCG: Chapter 37 (Katapusan)

Lumipas ang ilang mga linggo ay nakalabas na nga sina Mike at Stephen sa ospital. Magaling na ang sugat ni Stephen at pwede na siyang bumalik sa kanyang trabaho. Samantala si Mike naman ay kakatanggal lang ng kanyang benda sa mukha.

Walang masyadong nag-iba sa kanyang mukha maliban sa mga marka o peklat ng mga sugat. Sa kabuuan ay masaya na rin si Mike dahil kahit papaano ay maayos na siya at nanatiling masaya at matatag ang kanilang relasyon ni Darwin.


Magkalipas ang isang buwan.

Nakatayo si Jeff sa harapan ng kanyang closet habang nakatitig sa salamin. Tinititigan niya ang kanyang sarili na naka-suit o Amerikana. Ito na kasi ang araw ang muling pagkakasal nila ni Nathan.

Hinihimas niya ng kanyang mga daliri ang singsing na suot-suot niya. Ang singsing na kung saan ang tanging saksi sa kanilang pinagdaanan na dalawa.

Napaluha lamang si Jeff habang inaalala niya ang mga ito at ang araw ng kanyang kasal noon.

Sampung taon ang nakakaraan…

“Sa tulong ng sepulturero ay nakuha ko ito sa bangkay na akala ko ikaw. Sa singsing na ito, ito ang magiging simbolo ng ating pagmamahalan , at kasama nito , ipagkaloob ko sa iyo ang lahat ng mga kayamanan ng aking isip , ng aking puso , at ang aking mga kamay…na kahit magtanda man tayo ay aalagaan kita kasama ng mga anak natin” at pinakita ni Nathan ang dalawang maliit na papel.

        "Ano yan?"  tanong ni Jeff.

        "Plane ticket. Diba nagpromise tayo sa isa't-isa na magkakaanak tayo??"  sagot naman niya  "Ito na ang sagot... pupunta tayo sa Amerika para itupad natin iyon..." hindi makapagsalita si Jeff sa isa pang sorpresa ni Nathan sa kanya. Niyakap niya lang ito ng mahigpit at umiiyak ng matindi sa sobrang saya  "Ano na babe?? Ikaw na ang magsasalita. Hehe"  biro pa ni Nathan.

Bumalik siya sa kanyang pwesto at pinunasan ang kanyang mga luha “Sa totoo lang… wala akong masabi sa lahat ng mga ginawa niyo. Ang galing niyo magtago ha…” sabay tawa ng mga tao na nakaupo lalung-lalo na si Sky “Pero babe, masaya talaga ako ngayon. Masayang-masaya dahil makakasama na talaga kita habambuhay. Salamat sa lahat babe. Mahal na mahal talaga kita” at sinuout nilang dalawa ng kanilang mga singsing sa isa’t-isa.

Ilang saglit naman ay nagsalita ang pari “And now, by the power vested in me, I hereby pronounce you newly-weds” Naghalikan nga ang dalawa para sa selyo ng kanilang kasal.

Pagkatapos ng kanilang kasal sa beach ay nagderecho sila sa loob, sa isang malaking silid para sa kanilang reception. Masaya ang lahat lalung-lalo na ang kanyang ina na si Joyce. Sa sobrang saya ay pinuntahan niya si Jeff na nasa ibabaw ng stage kasama si Nathan.

Walang sabi-sabi ay niyakap niya ito ng sobrang higpit habang umiiyak.

        "Congratulations anak"  iyak ni Joyce sa anak

        "Nay naman. Nauna pa kayong umiyak oh"  biro ni Jeff sa ina habang niyayakap niya din ito  "Hindi pa nga nag-uumpisa ang program eh. Mamaya ka na lang umiyak. Para mas may drama"

        "Pasensiya na anak. Sobrang saya kasi ang nararamdaman ko para sa'yo"   at hinawakan ni Joyce ang magkabilang pisngi ni Jeff  "Sa wakas ay  natapos na din ang mga problema na pinagdaanan mo.... at deserve na deserve mo maging masaya. Deserve mo ito"

        "Salamat nanay..."  iyak din ni Jeff.  "Ikaw lang naman ang tanging nakakaintindi sa mga pinagdaanan ko maliban sa asawa ko"

Hindi na lang pinansin ni Joyce ang huling sinabi ng anak at tinignan niya lang ng mabuti ang kanyang anak, mula ulo hanggang paa “Ang gwapo-gwapo mo anak. Kamukhang-kamukha mo ang Tatay William mo”

        "Nanay... sa tingin mo ba ay masaya din si Tatay kung nandito siya?"

        "Oo naman... sigurado ako na magiging masaya at proud ang tatay mo kung andito siya dahil mahal ka niya... at tanggap ka niya. Alam mo naman yan diba? Ang gwapo mo kaya ngayon..."

        "Oo nay. Alam ko yon... Pero ang mga kapatid ko...."

        "....Shhhh. Huwag mo na silang isipin anak"  saway ni Joyce sa anak  "Just enjoy your moment ha. Andito naman kami na nagmamahal sa'yo"

        "Salamat ulit nanay. Salamat sa lahat"

Kaagad niyakap muli ni Jeff ang kanyang ina ng sobrang higpit at doon bumuhos ang luha niya dahil sa pasasalamat at sa sobrang saya ng kanyang nararamdaman ngayon.

Sa kasalukuyan…

Pinunasan ni Jeff ang kanyang tumutulong luha sa kanyang pisngi dahil naalala niya bigla ang ina. Ang tanging pamilya na tumanggap sa kanya at nagmahal ng walang kapantay.

        "Babe...?"  tawag ni Nathan habang papasok ng kanilang silid.

        "Oh babe?? Bakit?"

        "Tapos ka na?"  at nakita niya si Jeff na umiiyak  "Ohh. Why are you crying?? Ayaw mo na ba magpakasal?"  biro niya 

        "Hindi babe. Naalala ko lang ang kasal natin noon at si Nanay"

        "Bakit naman??"  at lumapit si Nathan at tumayo sa likuran ni Jeff at niyakap niya ito  "Ano ba ang naalala mo?"

        "Naalala ko lang kasi noon ang plano nating magkaanak pero hindi nangyari. At ang iyakan namin ni Nanay sa stage"

        "Ganon ba?? Gusto mo bang subukan muli natin sa Amerika ang plano natin?"

        "Hhmmm. Ayaw ko na babe"

        "Ha? Bakit naman?"

        "Masaya at kontento na ako sa pagmamahalan nating dalawa... at marami naman tayong anak babe eh. Sina Stephen at RK mo... si Sky ko... at lalung-lalo na si Mike"  paliwanag niya kay Nathan  "At isa pa, matanda na tayo. Baka hindi na natin makayanan"

        "Hmmm. Sige. Kung iyan ang gusto mo babe"  pagsang-ayon naman kaagad ni Nathan sa kanya  "Tama ka naman. Marami na tayong anak at masaya na ang pamilya natin. At ako din. Kontento na ako sa pagmamahalan nating dalawa"

        "Salamat babe"

        "No. Salamat sa'yo babe"  at hinalikan niya ang batok ni Jeff  "I love you, Mister Jeffrey Dy-Rodgers"

        "I love you more, Mister Nathan Rodgers"

“A very good evening to each and every one and welcome to Nathan and Jeffrey’s Wedding Reception. Salamat sa oras na ibinigay ninyo para samahan sila sa kanilang journey ng kanilang pagmamahalan” panimula ng host ng reception ng kanilang kasal “Ladies, gentlemen, friends, and loved ones. The newlyweds extend their heartfelt gratitude to all of you to celebrate their new life as a couple. So sit down, relax and enjoy the rest of the evening. I’m Jason Cruz and I will be your host for this evening”

Doon na nagsimula ang program ng kanilang reception. Masaya at enjoy ang lahat sa mga kaganapan sa reception ng bagong kasal. Lalung-lalo na ang mga anak nila dahil naipalabas sa screen ang video ng mensahe ng pasasalamat at pagbati sa kanilang magulang.

Pagkatapos nun ay kaagad kumain ang mga bisita habang sila naman ay naglilibot para kausapin ang mga kumakain na mga bisita.

Samantala.

Masarap ang kain nina Mike at Darwin sa isang mesa at masaya sila sa kanilang usapan. Pinag-uusapan nila ang tungkol kina Jeff at Nathan dahil nagpakasal silang muli pagkatapos sa mga nangyari sa kanilang pamilya.

        "Babe. I am so happy na nagpakasal muli sina Tito Jeff at Tito Nathan"  sambit ni Mike sa kanyang partner  

        "Oo nga babe eh. Talagang nagmamahalan talaga sila"  sagot ni naman ni Darwin  "Para talag sila sa isa't-isa"

        "Oo nga eh. Nakakainggit nga eh. Pero nakaka-inspire din at the same time"

        "Naku. Bakit ka pa maiinggit? Andito naman ako. Gagawin din natin yan"  at inabot niya ang kamay ni Mike at pinisil ito  "Don't worry babe. Pinapangako ko sa'yo na magpapakasal din tayo at magsasama panghabambuhay"

Ngumiti si Mike sa kanya habang namumula ang kanyang pisngi sa kilig na sinabi sa kanya ni Darwin.

        "Everything's fine..?"  sulpot ni Jeff sa kanilang mesa  "Kumuha lang kayo sa buffet table ha. Marami pa tayong pagkain. And if you need help, please call the waiter lang"

        "Thanks Tito. We're fine"  ngiti ni Mike.  

        "Babe. Can you get me a chocolate mousse?"  pakiusap ni Darwin sa kanya  "Nahihiya kasi ako kumuha eh"

        "Huwag ka nang mahiya babe. It's okay na pumunta dun"

        "Ayoko nga babe. Please. Kaw na lang. Please?"

Hindi na lang umangal si Mike at tumayo na lang at sinunod ang utos ni Darwin sa kanya. Nang pagdating niya sa dessert corner ay kaagad siyang kumuha ng dalawang shot ng chocolate mousse at bumalik sa kanilang mesa.

Nang lumalakad siya pabalik ay may nabangga siya at nabitawan ang hawak-hawak nito at nabasag ang mga ito sa sahig.

        "Shit!! Ano ba??!"  sigaw ni Anthony  "Bakit ang tanga-tanga mo?"

        "Sorry. Sorry talaga. Hindi ko napansin na nandiyan ka"  laking-gulat niya dahil ang nabangga niya pala ay sina George at Anthony.

May halong gulat at pang-iinit ng ulo ang naramdaman din ni Anthony dahil si Mike pala ang nakabangga sa kanila. “Ikaw…???? Bakit ba sa lahat ng mga lugar na andun kami ni George ay nandoon ka rin?? Hindi mo ba kami titigilan?”

        "Ahmmm. S-s-sorry talaga, Anthony. Hindi ko sinasadya"

        "Yeah right. Yan lang naman parati ang sinasabi mo diba..??"  ulit niya kay Mike  "Na hindi mo sinasadya... pasensiya na... Whatever!!!"  habang namumula ang mukha ni Anthony sa galit  "Kahit kalian, bwisit ka talaga sa buhay ko!!! Alam mo... pwede ka nang umalis"  hindi nila namalayan na nakatingin na pala ang mga bisita ni Jeff sa kanilang direksyon. Nagulat sa eskandalo ni Anthony.

        "Sorry na... please"  pagmamakaawa pa ni Mike

        "What's the commotion all about...?"  sabay sulpot ni Jeff sa kanilang tatlo.

        "Ahmmm. Sorry Mister Dy"  tanging sambit ni Anthony nang dumating si Jeff sa kanila.

        "Ang tanong ko... ano ang kaguguluhan na 'to...??"  pagtaas ng tono ng kanyang boses

        "W-wala po Tito. Meron lang misunderstanding"

Hindi nakinig si Jeff sa kanyang pamangkin at muling tinanong si Anthony “And who are you by the way..?”

        "Ahmm. Anthony po, Sir. Anthony Dimalanta"

        "Ooowww. So you're Anthony..."  sambit ni Jeff at sumulyap siya kay Mike  "Hindi mo ba alam na pamangkin ko ang pinahiya mo?.. or should I rephrase that question. Hindi mo ba alam na  ang pinakamamahal kong pamangkin ang iniwan mo sa ere at pinaasa ng pagmamahal?"

        "Sorry Sir. Hindi ko alam ang pinagsasabi mo"

        "Oh really? Talaga bang hindi mo alam?"

        "Pasensiya po talaga Sir. Hindi ko alam" sagot niya kay Jeff at parang hindi siya makatingin ng derecho sa kanya

        "Masyado mo akong pinipikon, Anthony. You have no idea kung gaano ako ngayon kagalit sa'yo"

        "Tito Jeff. Tama na po"  pagpipigil ni Mike sa kanyang Tito.

        "No Mike. Pabayaan mo ako"  at bumalik siya kay Anthony  "Sinaktan mo at niloko ang pamangkin ko at iyon ang muntik niya nang pagkasira ng buhay niya. At ngayon, sa araw pa ng kasal ko, pumunta ka dito at pinahiya pa siya...? Ganyan na ba kakapal ang mukha mo...??"

        "Jeff.. Please. Stop"  saway ni George dahil marami nang nagtitinginan na mga tao  "Parang awa mo na. Kung kami ang dulot ng gulo dito. Mabuti pa na umalis na lang kami"

        "Mabuti naman na naisip mo yan George"  sabay tingin niya ulit kay Anthony  "Pasalamat ka na pinigilan ko ng kaibigan ko na pinalit mo din sa pamangkin ko. Kung hindi, mas masahol pa ang mararanasan mong kahihiyan. You're messing with the wrong family"

Walang sabi-sabi ay hinila ni George si Anthony palabas ng malaking silid habang sina Jeff at Mike naman ay nakatingin sa kanila palabas.

        "Tito. Parang sobra naman ata ang sinabi mo sa kanya"

        "So na-konsensiya ka pa sa sinabi ko sa kanya, Mike?? Kulang nga pa iyon eh. Kulang pa sa sakit na ginawa niya sa'yo"

        "Okay po, Tito. Hindi na ako magrereklamo"

        "Good. Para naman sa'yo ang ginawa ko Mike eh. Kahit papaano at nakaganti ka na sa kanya"

        "Thank you po Tito ha. Salamat dahil pinagtanggol mo ako sa kanya"

        "Oo naman. Mahal kita, Mike. At hinding-hindi kita papabayaan. Gagawin ko ang lahat para maging masaya ka"

        "Salamat po ulit"  pagtulo ng luha ng pasasalamat ni Mike.

        "Sige na. Tama na ang drama"  dugtong ni Jeff  "Kumuha ka na ulit ng dessert dahil kanina pa naghihintay si Darwin sa mesa ninyo"

        "Okay po"

Nang pagkuha niya ng panibong shots ng dessert ay dumerecho kaagad si Mike sa mesa nila at umupo.

        "What happened?? Sino yon?"  tanong naman ni Darwin sa kanya  "Parang grabe naman ang pagpapahiya niya sa'yo"

        "Sorry kung natagalan ako babe. Here's your chocolate mousse"

        "Uyyy..."  sambit ni Darwin. Nahalata niya kasi na hindi siya sinasagot ng maayos

        "Yes...?"  sabay sulyap ni Mike sa kanya habang abot-tenga ang ngiti.

        "I said, sino yon?"

        "Siya?? Pabayaan mo na siya babe"  sagot lang ni Mike  "Umalis na siya eh. Pinaalis siya ni Tito Jeff dahil sa ginawa niya"

        "Don't tell me na siya ang ex na tinutukoy mo... si Anthony..?"

        "Yup. Siya nga"  sabay ngiti ni Mike na tila masaya sa nangyari  

        "Owww. And that explains ang abot-tengang ngiti mo kahit pinahiya ka niya...???"

        "This??"  turo ni Mike sa kanyang ngiti  "No. Hindi yan ang rason"

        "Eh ano naman?"

        "Happy lang kasi ako na kahit papaano ay nakaganti na ako sa kanya"  kuwento niya kay Darwin  "Pinahiya siya ni Tito katulad nang pinahiya niya ako. And I'm happy for that"

        "Talaga...? Yun lang yun...?"

        "Oo naman babe"  at kumuha siya ng isang maliit na piraso ng chocolate mousse sa kanyang kutsarita at sinubo ito nang nakangiti  "I am over him. Hindi na ako ang Mike na kilala niya. And besides, may iba na akong mahal, at ikaw yon"

        "Salamat babe. Kontento na rin ako sa mga sinabi mo ngayon"  ngiti naman ni Darwin  "I love you too"

        "I love you more babe"

WAKAS

Epilogue

“Good afternoon, Mister Rodgers” bati ng doktor kay RK habang kakaupo lang ito sa kanyang klinika “Are you ready?”

        "Yes po dok. I'm ready"

        "Teka. Wala ka bang kapamilya o kahit kaibigan man lang na sumama dito?"

        "Wala po dok. Ako lang mag-isa ang pumunta dito. Kinakabahan kasi ako"

        "That's okay RK. I understand"  sagot ng doktor. Huminga muna ng malalim ang doktor bago siya magsalita muli  "Ahmm. Gusto ko lang sabihin sa'yo na kahit ano man ang maging resulta, life must go on, okay? Huwag mo itong hayaan na tumigil ang buhay mo. Just look on the bright side"

        "... please dok. Just tell me kung ano ang resulta, Pinapakaba mo pa ako eh"

“Okay” kaagad kinuha ng doktor ang isang brown envelope at hinugot ang isang pirasong papel at kaagad binasa. Napatingin siya kay RK na parang naaawa sa kanya.

“What..?? Well don’t just look at me. Sabihin mo sa akin ang resulta”

“Sobrang bata mo pa, RK. Naaawa ako sa’yo” panimula ng kanyang doktor sa kanya “I’m so sorry, Mister Rodgers. You’re positive. Reactive ang dugo mo sa HIV”

Hindi makapaniwala si RK sa kanyang narinig sa doktor at hindi siya kaagad naniwala hanggang hindi niya nakikita ang resulta.

“Nonesense. Hindi ako naniniwala sa’yo” kinuha niya kaagad ang papel na hawak nito at tinignan at binasa ang naksaulat doon.

Tama nga. Nagsasabi nga ng totoo ang doktor.

Siya nga ay HIV+


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.