The Cover Boy And The Curvy Girl
vincentmanrique · 12 chapters · 13,858 words
Curves & Edges
Sa mundo kung saan itinuturing na malaking bentahe ang pagkakaroon ng maganda at seksing katawan, nakilala ni TineJoy ang macho at 2014 Most Eligible Bachelor na si Ryan. Umpisa pa lang, desidido na si TineJoy na mapansin din siya ng machong binata.
Pero ano ang laban niya sa mga nagseseksihang babae na nagpapapansin rin kay Ryan? Curves kung curves ang labanan. Sabagay, curvaceous din naman si TineJoy. But her curves are at the wrong places of her body!
Paano siya makikipagsabayan?
Paano na ang kanyang lovelife?
Chapter 1 - Si TineJoy
Malakas na malakas ang volume ng music video sa kwarto ni TineJoy.
I’m too sexy for my love too sexy for my love
Love’s going to leave me
Kasabay nito ay ang pag-indak ni TineJoy sa saliw ng tugtog. Sa suot niyang maong shorts mula sa pinutol niyang old maong pants ay litaw na litaw ang kanyang mga pata. Ang kanyang sleeveless shirt naman ay nagbigay-pugay sa kanyang mga brasong kung tawagin ng kanyang mga kaibigan ay palo-palo.
I’m too sexy for my shirt too sexy for my shirt
So sexy it hurts
Yuko… yuko… kembot sa kanan.
And I’m too sexy for Milan too sexy for Milan
New York and Japan
Yuko, yuko, kembot sa kaliwa.
And I’m too sexy for your party
Too sexy for your party
No way I’m disco dancing
Pawisan na si TineJoy pero balewala sa kanya. Desidido siyang pumayat, magbawas ng timbang. Kung dati ay okay lang sa kanya ang kanyang voluptuous figure, hindi na ngayon. Mag-uumpisa na siyang magtrabaho kaya gusto na rin niyang maranasan ang maging sexy at makapagsuot ng mga usong damit na di niya magawa ngayon dahil wala siyang mahanap na magkakasya sa kanya.
I’m a model you know what I mean
And I do my little turn on the catwalk
Yeah on the catwalk on the catwalk yeah
I do my little turn on the catwalk
Pakendeng-kendeng na naglakad si TineJoy paikot sa kwarto. Di na niya alintana kung sumasabay ba sa tiyempo ng kanta ang indak at kilos niya, basta kailangan niyang magpapawis at magtunaw ng balde-baldeng taba!
Mangyari na ang mangyayari pero hindi siya susuko hanggang di siya nagiging sexy!
Si TineJoy o Kristine Joy Roxas ay tubong Calapan, Oriental Mindoro. Fresh grad siya ng kursong BS Accountancy sa edad na bente-uno. Pagkatapos ng graduation ay lumuwas siya ng Maynila upang dito humanap ng trabaho. At kanina nga, pagkatapos lang ng mahigit isang linggong paghahanap ay nakatanggap siya ng tawag para mag-umpisa na sa trabaho sa susunod na linggo.
Bata pa lang ay malusog na si TineJoy. Parang wala siyang maalalang panahon sa kanyang buhay kung saan payat siya o maliit ang bewang. Basta nagkaisip siyang walang ibang naririnig mula sa kanyang mga kaklase at kaibigan kundi, “Ang taba mo na, TineJoy!”
Bakit ba? Eh ang sarap kayang kumain. Pakialam ba nila kung mataba ako. Yun ang lagi niyang sinasabi sa sarili noon. Di pa kasi siya conscious sa figure niya. Pero nung nag-college na siya at lahat ng kaibigan niya ay biglang may boyfriend niya, parang nagtaka pa siya kung bakit kahit manliligaw ay wala siya.
Sabi ng isang kaibigan niya: “Magbawas ka kasi sa rice. Mamumulubi ang magiging bf mo sa dami ng oorderin mo pag nag-date kayo.”
Hanggang magtapos siya sa kolehiyo ay di niya naranasang magkaboyfirend o maligawan. Eh ano ba? At least sumunod siya sa utos ng parents niya na unahin ang pag-aaral. Saka na ang pagkerengkeng.
Pero nagtataka talaga siya kung bakit walang nag-attempt man lang na manligaw sa kanya. Oo na, mataba siya. Pero hindi siya pangit! Lagi nga niyang panabla sa mga tumutukso sa kanya, “Ang tunay na maganda ay hindi takot tumaba!”
Sa totoo lang, maganda naman talaga si TineJoy. At hindi siya mataba, ha. Malaman siguro ang tamang description sa kanya. Oo na rin, 29 ang waistline niya nung first year college siya, at ngayon ay 32 inches na. Pero buo ang paniniwala niyang maganda pa rin siya. Sabi nga ng ilang kaibigan ng tatay niya, hawig siya kay Tetchie Agbayani. Sino yun? At nalaman niya na sikat na artista pala nung araw si Tetchie. Naging model pa ng Playboy magazine. Aba, para kunin kang model ng Playboy, maganda nga siguro. At sexy!
Last year lang talaga siya nag-umpisang maging conscious sa figure niya. Yun ay mula nang makita niya sa magazine ang mukha ni Ryan Ronquillo na tinawag bilang isa sa most eligible bachelors for the year 2014. Instant crush niya ang binatang parang hinulma ng sculptor ang katawan. Wag na nating sabihing maraming patataubing gwapong artista si Ryan. Kitang-kita naman sa mukha niya ang kagwapuhang kaiiinggitan ng marami. At sa edad na bente-sais, kilalang-kilala sa larangan ng fashion modelling ang binata. Hindi nga ba’t sumali pa ito sa isang international modeling competition kung sana siya rin ang nagwagi? Binuhos na yata sa lalaking ito ang lahat ng swerte sa mundo!
Naging inspirasyon ni TineJoy si Ryan. Nabuo sa isipan niya na dadating ang panahong makikita niya nang personal si Ryan.
At makikilala?
Basta, desidido siyang makita si Ryan at yun ay mas may tsansang mangyari kung sa Maynila siya titira at magtatrabaho pagkatapos niya sa kolehiyo.
Eh ano naman kung wala akong boyfriend ngayon. Si Ryan ang magiging boyfriend ko!
LUNES nang umaga.
Excited si TineJoy. Ang aga niyang nagising. Ngayon yata ang unang araw niya sa trabaho.Naligo siya at nagbihis, nag-make up. Ito ang unang araw niya sa trabaho kaya dapat pustura siya. First impressions, you know. Kailangan makapagbigay siya ng magandang impression sa iba pang mga empleyado sa kompanyang papasukan niya.
Welcome to the corporate world! Pusturang-pustura si TineJoy sa suot niyang black slacks na ang malambot na tela ay sumusunod sa bawat paggalaw ng kanyang mga paa. Tinernuhan niya ito ng long-sleeved mint green blouse. Nagpasya siyang wag na munang isuot ang blazer.
Pinagmasdan ni TineJoy ang sariling repleskyon sa salamin. “Ang ganda mo talaga! Wala kang katulad.” At paulit-ulit na nag-project sa harap ng salamin. Tila ba mas gaganda pa siya depende kung ilang ulit siyang kumiling sa kaliwa at umanggulo sa kanan. Tumayo si TineJoy, humakbang. Lumakad ng konti at umikot sa harapan ng salamin. Handa na siya sa unang araw niya sa trabaho.
HINDI inaasahan ni TineJoy ang biglang pagbuhos ng ulan. Nagpasalamat pa siya na nakasakay na siya ng taxi ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kung nagkataon, mababasa siya nang wala sa oras dahil di naman siya nagdala ng payong. Ang biglang pagbuhos ng ulan ay agad naging sanhi ng mabagal na daloy ng trapiko. Kakabit na yata ng mga pag-ulan sa Metro Manila ang trapik at mga taong nakakalat sa kalye at naghihintay ng masasakyan.
“Manong, baka po may alam kang daan na di tayo masyadong matatrapik, dun na lang po tayo dumaan. Baka ma-late ako sa trabaho,” sabi ni TineJoy sa driver.
“Sige, kakaliwa ako pagdating dun sa kanto para makaiwas tayo sa trapik dito.”
Eksaktong pagliko ng driver para kumaliwa nang masagi sila ng isang silver Toyota Fortuner. Mukhang nagmamadali ang driver nito at di nakita ang pagliko ng sinasakyang taxi ni TineJoy. Nagulat man, hindi na nakapagsalita si TineJoy sa labis na kaba.
Salubong ang kilay ng lalaking bumaba mula sa Fortuner. Di nito alintana ang malakas na ulan. Lumapit ito sa taxi sa gawi ng driver at kinatok ang bintana, tila pinabababa ang driver.
Lumabas ng taxi ang driver.Nakikita ni TineJoy na nag-uusap ang dalawang lalaki pero hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng mga ito. Gwapo ang lalaki, napansin ni TineJoy. Matangkad ito at maganda ang tindig. Parang modelo. At parang pamilyar sa kanya ang itsura nito.
Saglit na inisip ni TineJoy kung saan ba niya nakita ang lalaking ito. Pero di niya maalala. Sabagay, hindi rin naman niya kasi makita nang buo ang itsura ng lalaking ngayo’y kausap ng driver ng taxi.
Maya-maya pa’y nakita ni TineJoy na bumalik ang gwapong lalaki sa Fortuner at pinaharurot ito paalis sa lugar na iyon.
“Manong, alis na po tayo,” sabi ni TineJoy sa driver nang makasakay na ito muli sa taxi.
Umandar ang taxi, pero makalipas lang ang ilang minuto ay bigla itong huminto.
“Ma’am, na-flat-an po tayo.”
Shocked siTineJoy! Hindi naman siguro dahil sa bigat niya kaya na-flat ang gulong ng taxi.
“Eh paano po yan, manong? Ang hirap nang makasakay ngayon. Umuulan pa naman.”
“Pasensya na po, ma’am. Ibababa na lang kita dun sa may shed para di ka mabasa ng ulan.”
Wala nang nagawa si TineJoy kundi bumaba ng taxi. Good thing na may waiting shed sa binabaan niya. Kung nagkataon, di pa nag-uumpisa ang trabaho’y mukha nang basang sisiw ang itsura niya.
Sisiw? Sa laki niyang yan?
Baka baboy.
Basang baboy. Ang sagwa! Di bagay.
DALAWANG minuto bago mag-alas otso, nakarating sa opisina si TineJoy. Umaga pa lang, mukha na siyang harassed. At sino ba naman ang hindi maha-harrassed sa mga nangyari ngayong umaga? Pagkatapos masagi ng Fortuner ang taksing sinasakyan niya, ibinaba siya ng driver dahil na-flat ang gulong ng taxi. At panghuli, nakipag-unahan siya sa ibang pasahero para lang makasakay ulit ng taxi. Siyempre, no choice siya kundi umalis sa waiting shed para maunang makasakay. Kung tila prinsesa siyang maghihintay lang dun ng taksing hihinto sa harap niya, goodluck kung makakarating pa siya on time sa trabaho niya.
Sa reception ng opisina tumuloy si TineJoy.
“Good morning! I’m looking for Ms. Paula De Leon.” Yun ang pangalan ng hahanapin daw sa first day of work niya, base sa instruction nung tumawag sa kanya last week. Yun siguro ang HR.
“Pasok lang po kayo sa loob, ma’am. Then, yung left room po.”
“Can I go to the rest room first? I just need to fix myself.”
Itinuro ng receptionist ang way to the rest room.
SINIGURO ni TineJoy na maayos na ulit ang kanyang itsura bago siya pumasok sa room ni Paula De Leon. Nalaman niya na ito ang HR & Operations Manager. Ito ang pormal na nagpakilala sa kanya sa ibang mga empleyado ng Curves & Edges Advertising and Promotions Inc. Maayos naman siyang tinanggap ng mga ito. Itinuro na rin sa kanya ang magiging table niya sa opisina at ang mga trabahong kailangan na niyang umpisahan dahil matagal ring natengga mula nang magresign ang empleyadong pinalitan niya.
Accounting Staff. Ito ang magiging trabaho niya sa kompanyang ito mula ngayon.
Likas na friendly si TineJoy at bago pa magtanghali ay “close” na siya kay Irish, isa sa mga empleyado doon. Magkatabi ang kanilang tables kaya natural na ito lang ang lagi niyang natatanungan at nakakausap. Di naman suplada si Irish. In fact, napaka- accommodating nito at willing magbigay ng oras sa bagong katrabaho. Masayahin si Irish at maraming kwento mostly about Korean telenovelas. Mahilig ito sa lahat ng bagay na may kinalaman sa KPop Culture.
Petite young lady si Irish. Kung anong itinaba ni TineJoy ay siya namang slim nito. Totoo talaga ang sabi ng science teacher ko, opposite poles attract. Bagay silang magkasama. Perfect ten!
MABILIS na natapos ang isang araw. Parang di naman napagod si TineJoy sa trabaho. Ang totoo’y nag-enjoy siya dahil nagkaroon siya agad ng mga kaibigan sa opisina. Siyempre una na dun si Irish. Nakasundo rin niya agad si Eve, ang buntis na executive assistant sa kompanya. Naeexcite si TineJoy sa trabaho ni Eve. Madalas daw ay ito ang sumasama sa mga artists ng company pag may mga out of town or out of the country engagements ang mga talent ng Curves & Edges Advertising and Promotions, Inc. Aba, kung ganoon ang trabaho, parang ang sarap yata ng buhay. Isipin mo, binabayaran ka para bumiyahe at kasama mo pa ay maituturing na ring celebrity. Di ba at all expense paid ng company ang mga magagastos sa biyahe? May sweldo pa! Saan ka pa?
Gabi na rin makauwi si TineJoy. As usual, masikip ang daloy ng trapiko kaya kahit maagang umalis ng opisina, pahirapan pa rin makasakay at pabagalan ang usad ng mga sasakyan sa buong kamaynilaan. Ano pa bang bago? Lagi namang ganito sa mutya kong bayan ng Pilipinas. Hangga’t ang mga politiko sa ating bansa ay puro pansariling kapakanan lang ang iniisip, walang pagbabagong mangyayari sa Pilipinas. Sabi nga dun sa kumalat na meme sa facebook, I’m proud to be a Filipino but I’m not proud of my government.
“O, andyan ka na pala,” bati ng ate Ana niya. “Kumusta ang unang araw mo sa trabaho?”
“Okay naman, ’te. Masaya. Kahit na inabot ako ng kamalasan kaninang umaga.”
“Bakit, anong nangyari?”
At ikinuwento ni TineJoy ang mga eksena mula nang umulan at masagi ang sinasakyan niyang taxi ng Fortuner at ang pagka-flat ng gulong ng taxi at iba pang muntik nang sumira sa pinaghandaan niyang unang araw sa trabaho.
“Kaya sa susunod, magdala ka na lagi ng payong. Para hindi ka nauulanan. Aba, pag nagkasakit ka, baka kulang pa ang sweldo mo sa pampagamot.”
Lumabi lang si TineJoy. “Di ko lang na-anticipate na uulan today. Excited kasi akong pumasok kaya di ko na naisip magdala ng payong. Pero meron naming akong payong diyan, ever ready.”
“O, kumain ka na diyan. Papasok lang ako sa kwarto at manonood ng tv.”
“Hindi na ako kakain, ’te. Diet ako!”
“Asus! Tingnan nga natin kung tatagal ka sa diet na ’yan. If I know, pag tulog na ako, pumupuslit ka sa kusina at nagkakalkal ng tutong.”
“Tse! Hindi ah!” tanggi ni TineJoy. “Makikita mo, papayat din ako. At pag nangyari yun, who you ka sa akin.”
“Pag nangyari yun! Pag nangyari. Ang tanong, mangyayari ba? At kung mangyari nga, kelan naman? Pag di na uso ang slim?” Natatawa ang ate niya habang sinasabi ito.
Ganun silang magkapatid. Mahilig mag-asaran. Pero biruan lang naman. Walang seryosohan. Ang totoo, sobrang close sila ng ate niya. Kahit madalas silang mag-asaran, alam niya pag may umapi sa kanya, ang ate niya ang unang-unang sasapok sa kaaway niya. Maraming beses na siyang ipinagtanggol ng ate niya. Mula nung bata pa sila hanggang ngayon, alam niyang ang ate niya ang isa sa pinakamatibay niyang kakampi sa mga hamon ng buhay.
MAY PINAGKAKAGULUHAN ang mga empleyado ng Curves & Edges Advertising and Promotions Inc. pagpasok ni TineJoy kinabukasan. Isa ang may hawak ng dyaryo at may kung ano silang tinitingnan sa unang pahina nito.
“Anong meron?” tanong ni TineJoy kay Irish. Bakas sa mukha ni TineJoy ang pagtataka.
“Si Ryan, nasa front page ng dyaryo. May nakabanggaang taxi driver kahapon.”
“Ryan?”
“Ryan Ronquillo. Yung sikat na model. Di mo kilala?”
“Kilala ko siyempre. Sino bang hindi makakakilala dun.”
“Talent yun dito sa Curves. Number one talent ng kompanya. Sigurado, issue na naman ’yan dito.”
Nakiusyoso si TineJoy. “Patingin…”
Saglit na natigilan si TineJoy pagkakita sa larawan ng lalaking nasa dyaryo. Hindi siya maaring magkamali. Ang lalaking nasa larawan ay ang lalaking nakasagi sa taksing sinakyan niya kahapon.
Si Ryan Ronquillo pala ang lalaking yun! Kaya pala parang pamilyar sa kanya bagaman di niya matandaan kung saan niya ito nakita. Kaya pala ang guwapo-guwapo ng lalaking yun at napakaganda ng katawan. Si Ryan Ronquillo pala yun.
Syet! Bakit di ko siya namukhaan? E di sana ako na lang ang lumabas sa taxi at nakipag-usap sa kanya!
“Hoy! Ba’t natigilan ka diyan?”
“Ha?”
“Para kang natuka ng ahas, loka.”
“Ha, hindi. Para lang kasing nakita ko na siya ng personal.” Ang gwapo niya talaga. Kahit nasa ulanan, mas lalo siyang naging guwapo sa paningin ko.
“So close kayo, ganun?”
Hindi na nakasagot si TineJoy dahil isang malakas na boses ang pumuno sa loob ng opisinang iyon.
“Good morning, guys! What’s up?”
Lahat ay napatingin sa bagong dating. Kilalang-kilala nila ang tinig na yun.
“Dumating na siya…” Bulong ni Irish habang sinisiko sa braso si TineJoy.
Napako ang tingin ni TineJoy sa lalaking bagong dating. Di siya makapaniwalang nasa harap niya muli ang lalaking pinangako niya sa sariling magiging boyfriend niya.
Si Ryan Ronquillo!
Chapter 2 - Ryan Ronquillo
“WHAT’S UP, GUYS? I know, alam nyo na ang balita.”
“Ano na naman ito, Ryan?” Si Eve.
“Wala yan. Nag-usap lang naman kami, nagkataon lang na umuulan. Big deal ba yun?”
“Dapat maging conscious ka sa image mo. Di ka dapat nai-involve sa ganito.”
“Don’t worry. I assure you na this will not be a big issue. As I said, nag-usap lang kami nung driver. Walang sakitang nangyari.”
“Pero sabi sa balita…”
“Sabi sa balita. Kasi gusto nilang palakihin ang issue. Pero I swear, wala akong sinaktang tao.”
“Mag-usap tayo mamaya.”
“Yeah, pahingi muna ng kape…,” kay TineJoy nakatingin si Ryan. Matiim.
Nasa mukha ni TineJoy ang pagtatanong kung siya ba ang kukuha ng kape.
“Miss, sabi ko pahingi ng kape.”
“Oo, sige. Sandali lang kukuha na ako.” Halatang natataranta si TineJoy habang papunta sa pantry para magtimpla ng kape. Bakit ba ganito ang epekto sa kanya ng lalaking ito? Hindi naman ganito kahapon.
Eh bakit naman magiging ganyan kahapon, ni hindi mo nga siya nakilala kahapon. Alam mo lang na parang may kamukha siya. Pero di mo natukoy na siya pala si Ryan Ronquillo. Si TineJoy na rin ang sumagot sa tanong na nasa kanyang isip.
Ilang saglit lang at dala na ni TineJoy ang mug na may lamang kape. Iniabot niya iyon kay Ryan.
Tinantiya ni Ryan ang init ng kape. Nang malamang sakto lang ang init ay hinigop niya ang laman ng mug.
“Shit! Ano ito? Bakit ang tamis? Kape ba ito o arnibal na nagpapanggap na kape?”
Di alam ni TineJoy kung anong sasabihin.
“Bago ka ba rito at ’di mo alam ang timpla ng kape ko?”
Marahang tumango si TineJoy.
“Next time, ’pag humingi ako ng kape do it without sugar. Without cream. Black.”
“Sorry po.” Hindi alam ni TineJoy kung dapat nga ba siyang mag-sorry. Over naman ang akusasyon ng Ryan na ito na arnibal ang ginawa niyang kape. Isang kutsaritang asukal lang ang nilagay niya dun. Kahit ’di niya tinikman ang kapeng yun, alam niya hindi ’yun tatamis nang katulad ng lasa ng arnibal.
At malay ba niya na galit pala sa asukal ang lalaking ito.
Kung nakamamatay lang ang galit na tingin, kanina pa sana tumimbuwang si Ryan. Buti na lang at wala nang kasunod pang sinabi ang lalaki dahil baka sagutin na niya ito nang pabalang.
“Halika na, balik na tayo sa trabaho,” hinila na ni Irish ang braso ni TineJoy.
Sumunod naman si TineJoy pero may pahabol pa itong bulong bago tuluyang tumalikod pabalik sa kanyang mesa. “Ang yabang…”
“May sinasabi ka ba, miss?”
Biglang lingon si TineJoy kay Ryan. “Ha? Ako?”
“Oo, ikaw.”
“Wala naman. Wala akong sinasabi. Sige po, sir babalik na po ako sa trabaho.”
Tinalikuran na ni TineJoy si Ryan. Hindi pa siya nakakarating sa desk niya nang may marinig niya ang isang tinig.
“Honey, why didn’t you tell me that you’re going here? Sana dito na ako dumiretso. Dumaan pa kasi ako sa condo mo, I thought you’re still there.”
Napalingon si TineJoy sa pinanggalingan ng boses. Ang landi-landi ng dating sa kanya ng boses nito. Nagtatakang napatingin siya kay Irish. Nagtatanong ang kanyang mga mata. “Sino siya?”
“Si Margaux. Margaux Imperial. Model. Actress. At nali-link ngayon kay Ryan.” Sagot ni Irish.
Sinalubong ni Ryan ng halik si Margaux. “Dapat kasi nagtext ka muna sa akin, or tumawag.” Pagkuwan ay humarap sa staff ng kompanya at nagsalita, “Guys, I’m leaving.” Bumaling ito kay Eve. “Next time na lang tayo mag-usap. I need to go.”
“Yang gusot mo, ayusin mo ’yan!” Paalala ni Eve.
“Don’t worry. Sabi ko nga, it’s not a big deal. Hindi na lalaki ang isyung ’yan. Kalma lang.”
“Ikaw lang din ang inaalala ko. Ang career mo. Ang image mo.”
“And I appreciate it so much, Eve. Alam ko naman that you’ll always do everything para protektahan ako sa mga ganitong issue. Pero don’t worry talaga. I know na wala akong ginawang masama dun sa driver. Kinausap ko lang siya.”
“Hon, let’s go! Ihatid mo na ako sa pictorial ko.” Parang sinisilihan si Margaux at gusto na niyang makaalis sa lugar na iyon.
“Okay, let’s go.” Kumaway pa si Ryan bago tuluyang lumakad papalabas ng opisina, kasunod si Margaux.
Hindi pa rin nawawala ang inis ni TineJoy kay Ryan. “Ang yabang naman pala ng Ryan na ’yun. Akala mo kung sino. Porke sikat siya, aasta siya na akala mo eh siya lang ang tao at ang iba ay mas mababang uri na sa kanya!”
“Hayaan mo na,” pagsaway ni Irish kay TineJoy. “Mabait naman ’yun pag walang sumpong. Baka na-pressure lang dahil sa issue ngayon sa kanya.”
“Kahit na. Hindi niya dapat dinadala sa labas ng bahay ang mga problema niya. Kasalanan ko ba na may nakakuha pala ng litrato habang kausap niya yung driver? Pasalamat siya at naunahan niya ako ng sindak kanina. Kung nagkataon, sasagutin ko talaga siya. Ma-terminate man ako sa kompanyang ito.”
“Mahirap maghanap ng trabaho, teh!”
Lumabi lang si TineJoy. “Eh ano naman. At least ’di ko pinayagan ang sinuman na tapak-tapakan lang ako.”
“Dramarama sa hapon ang peg mo. Di ka naman tinapakan nung tao. Natamisan lang talaga siguro sa kape mo. Forget mo na yun. Mag-work na tayo, girl. Di tayo binabayaran dito para magtsismisan. Mamaya na natin pag-usapan ang mga hinaing mo sa buhay.”
NAKASAKAY na si Ryan at Margaux sa kotse ng binata at ngayon ay bumibiyahe sila papuntang Novaliches kung saan magpi-pictorial ang modelo.
“Bakit kasi pinuntahan mo pa ako sa agency? Dapat kasi tumuloy ka na lang sa pictorial mo.”
“Gusto ko kasi ihatid mo ako eh.”
“Kailangan talaga, ako?”
“Of course! Ano ba tayo?”
Sandaling nag-isip si Ryan. “Ano nga ba tayo? Wala naman, ’di ba?”
Nanlaki ang mata ni Margaux. “Wala? We’re having sex like almost whenever we wanna do it tapos wala? So ano pala ako sa’yo? Plain sex partner? Parausan mo lang ba ako?”
“Those words are yours. Not mine.”
“Gago! Get off this car! I don’t wanna see your face again! Ever! Get off this car!!!” Pinagsusuntok ni Margaux ang balikat ni Ryan.
“Ano ba, mababangga tayo! And for your information, kotse ko ‘to. Now, if you don’t wanna see my face again… ever, ikaw ang bumaba sa kotse ko.” Inihinto ni Ryan sa gilid ng kalsada ang kotse.
Natigilan si Margaux. Nawala sa isip niya na kotse nga pala ni Ryan ito at ang sa kanya ay iniwan niya sa agency dahil mas gusto niyang kasama sa iisang sasakyan si Ryan.
“Ayokong bumaba.”
“Ayaw mo?”
“Ayaw.” Mabilis ang naging pag-iling ni Margaux.
Biglang pinasibad ni Ryan ang kotse. Dahil di handa ay halos masubsob si Margaux sa unahan ng sasakyan. Humarurot ang kotse habang si Margaux naman ay walang tigil sa pagmumura dahil sa ginawa ng binata.
Walang imikan sina Ryan at Margaux hanggang makarating sila sa studio sa Novaliches. Pagkababa ni Margaux, hindi na bumaba ng kotse si Ryan.
“I’ll go ahead. Ipakuha mo na lang sa agency yung kotse mo.”
Hindi sumagot si Margaux. Tinalikuran lang nito ang binata at nagmartsa na papunta sa loob ng studio.
Chapter 3 - Isa Pang Pagkikita
Hindi makatulog si TineJoy nang gabing yun. Kanina pa siya di mapakali sa higaan niya. Gustung-gusto na niyang matulog pero bakit ganito? Ayaw siyang dalawin ng antok. Buhay na buhay pa rin ang diwa niya. Ano bang iniisip niya? Sino bang gumugulo sa isip niya?
Si
Ryan, sino pa? sabi ng isip niya.
“Oo, si Ryan naman talaga, di ko naman itinatanggi,” pabulong na sabi ni TineJoy.
Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip niya ang nangyari kanina sa opisina. Ang lalaking pangarap niya college pa lang siya ay nakita niya nang personal, nang malapitan… at nasungitan siya!
Iba ang akala niya kay Ryan. Dati, iniisip niyang para itong prinsipe na magiging knight in a shining armour ng sinumang prinsesa. Pero ang sungit-sungit pala nito sa personal. Parang kung sino!
Dati, pangarap niyang maging boyfriend ito. Ipinangako pa niya sa sarili niyang ’di baleng hindi siya nagkaboyfriend nung college dahil darating ang oras na si Ryan ang magiging boyfriend niya.
Ngayon, hindi niya alam kung gusto pa rin niyang matupad ang pangarap na ’yun. Sino ba ang gugustuhing maging boyfriend ang isang lalaking gwapo nga at sikat pero mayabang?
Teh
, gusto
ka
ba
niyang
maging
girlfriend?
Yun
muna
ang
itanong
mo
sa
sarili
mo
. Kontra ng isip niya.
“Tapos, may girlfriend pang model na super sexy at sosyal. Pero mukha namang maldita.” Kinakausap na ni TineJoy ang sarili niya.
Insecure
ka
lang
,
teh
!
Insecure nga ba siya? Bakit naman siya mai-insecure sa Margaux na yun? Kung ganda ng mukha ang pag-uusapan, hindi siya pahuhuli kay Margaux.
Eh
ganda
ng
katawan
? Walang balak tumigil kaaasar sa kanya ang isip niya.
“Ah basta, katawan lang ang lamang sa akin ng Margaux na yun. Maliban dun, wala na,” deklara ni TineJoy.
Humiga na sa kama si TineJoy pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Naalala niya ang sabi ng mga kaibigan niya sa probinsiya. Pag ’di ka raw makatulog, pumikit ka at magbilang ng mga tupang tumatalon papalabas sa bakod.
Sinubukan niyang pumikit. Ano ba itong nakikita niya, wala namang mga tupa. Isang gwapong lalaki, meron.
Si Ryan!
Si Ryan na naman? Paano ba mawawala sa isip niya ang pesteng lalaking ito? Hindi niya pinangarap na ubusin ang oras buong magdamag kaiisip sa kumag na ito na ubod ng yabang at suplado!
Self-confidence ang tawag dun, ’te! Sumali na naman sa muni-muni niya ang kanyang konsensya. Ayaw siyang lubayan. Binayaran yata ni Ryan ang konsensya niya para asarin siya!
GISING pa rin si Ryan nang mga oras na yun. Nag-iisip din ito. Masyado yatang komplikado ang mga nangyari nitong nakaraang dalawang araw. Una, nasagi ang kotse niya ng isang taxi. Pangalawa, nagkasagutan sila ni Margaux.
Ah, may isa pa. Nasungitan niya yung isang staff sa agency. Yung babaeng mataba pero napakaganda ng mukha. Medyo natigilan pa nga siya nang makita niya ito. Siguro dahil first time niya itong makita sa opisina. Pero pwede ring dahil nagandahan siya rito.
Di naman niya itatanggi, maganda talaga ang babaeng iyon. At saka niya naisip na hindi pala niya alam ang pangalan ng babae. “Sorry na lang sa kanya kung nasungitan ko siya,” bulong niya sa sarili. Pero gustong aminin ni Ryan na nakakaramdam siya ng guilt dahil sa pagsusungit niya sa matabang babaeng iyon.
Eh ’yung kay Margaux? Ah, isa iyon sa mga bagay na ipinagkikibit-balikat lang ni Ryan. Sanay na siya sa mga walang kawawaang away nila ni Margaux. Ganun naman kasi talaga ang babaeng iyon. Laging naghahanap ng pagtatalunan nila. Kahit maliliit na bagay, pinalalaki nito para lang may maging issue between them. At aaminin ni Ryan na nasasakal na siya sa ganung set up. To think na hindi namsn sila.
Pero nagse-sex sila ni Margaux kaya parang sila na rin. Ang pangit naman kung wala silang relasyon pero may mga ganung benefits!
Pero mahal ba niya si Margaux?
O, minahal ba niya si Margaux?
Natagpuan ni Ryan ang sariling hindi alam kung anong isasagot sa sarili niyang tanong.
Malalim na ang gabi nang makatulog si Ryan.
Si TineJoy naman ay mahimbing na rin pagkatapos magbilang ng mga tupa. Pero tila di pa rin tapos ang engkwentro nila ni Ryan dahil hanggang sa panaginip niya ay si Ryan pa rin ang kanyang kasama. Nasa isang bukid daw sila, nagpipiknik. Nakasimpleng t-shirt lang si Ryan at kupas na pantalong maong. Pero gwapong-gwapo pa rin ang binata. Kahit yata anong isuot nito ay babagay pa rin. Siya naman ay naka-bestidang bulaklakin at may bandana. Masaya raw silang nagkukwentuhan ni Ryan. Solo nila ang bukid. Pinagmasdan nila ang kaygandang tanawin. Sabay na nilalanghap ang sariwang hangin. Parang silang dalawa lang ang tao sa mundo. Para silang nasa paraiso.
Hanggang sa panaginip, nakikita pa rin niya si Ryan. Ito na ba ang senyales na silang dalawa ay para sa isa’t-isa?
Sige, mangarap ka TineJoy! Libre naman ang mangarap eh!
Nagising si TineJoy nang umagang iyon na may ngiti sa kanyang mga labi. Damang-dama niya na parang totoo ang kanyang panaginip. Kung wala lang sanang pasok sa trabaho ngayon, hindi pa siya gigising. Baka may karugtong pa ang panaginip kung saan iba ang ugali ng Ryan na kasama niya. Iyong Ryan na katulad ng inaakala niya. Iyong Ryan na katulad ng pinapangarap niyang maging boyfriend…
At mapangasawa?!
Asa pa more, TineJoy! Hanggang pangarap na lang talaga yan. Never na magkakatotoo ang ilusyon mo. Ayaw talagang lubayan si TineJoy ng nang-iinis niyang konsensya.
Pero paano nga kaya kung magkagusto sa kanya si Ryan?
Teh naman, ’wag kang mag-ilusyon! Lagi ka ngang sinisinghalan ’pag nag-uusap kayo. Paano ’yun magkakagusto sa’yo kung ganung parang allergic siya sa’yo?
The more you hate, the more you love. Meron namang mga ganoong sitwasyon. Marami na ngang nagkatuluyan na nag-umpisa sa awayan, sungitan at bangayan. Pero in the end, love naman pala talaga nila ang isa’t-isa.
Ayaw talagang sumuko. Hala, ipilit pa ang gusto! Huwag ka lang iiyak-iyak diyan kapag hindi natupad ang mga ilusyon mo dahil binalaan na kita. Parang dinig na dinig ni TineJoy ang bulong ng kanyang isip na kumokontra sa lahat ng nararamdaman ng kanyang puso.
Mahirap palang kalaban ang isip. Nagpasya si TineJoy na maligo na lang at maghanda para pumasok sa opisina.
Chapter 4 - Big Break
Maagang dumating sa opisina si TineJoy nang araw na iyon. Masigla niyang inumpisahan ang umaga niya sa trabaho. Iilan pa lang ang empleyado nung oras na iyon dahil wala pa namang alas-ocho nang dumating siya sa office pero hindi na pumetiks pa ang dalaga. Agad na niyang inumpisahan ang mga gagawin niya para sa araw na iyon.
Ilang minuto pa ay nagsimula nang magsidatingan ang ibang mga empleyado. Si Irish ay lumapit kay TineJoy.
“Tawag ka ni Ma’am Paula. Pumunta ka raw sa office niya.”
“Ako talaga? Bakit daw?” gulat na tanong ni TineJoy, medyo kinakabahan.
Nagkibit-balikat si Irish. “Hindi ko alam. Baka may iuutos lang.”
“Sige, pupunta na ako. Salamat.”
“Balitaan mo ako mamaya.”
Tumango si TineJoy at lumakad na papuntang opisina ni Ma’am Paula.
Kumatok muna si TineJoy bago binuksan ang pinto.
“Good morning, ma’am. Pinatatawag n’yo raw po ako?”
“Yes, please sit down.”
Umupo si TineJoy. Nakatingin lang siya sa babaeng kaharap.
“May passport ka naman, ’di ba?”
“Opo,” sagot ni TineJoy. Passport ang isa sa requirements na hiningi sa kanya ng kompanya nung mag-apply siya rito. May travel opportunity raw kasi paminsan-minsan kaya kailangang ready na ang passport ng lahat ng empleyado rito.
“Alam mo naman na malapit ng mag-maternity leave si Eve, ’di ba?”
“Opo.”
“May commitment kasi sa Singapore ang isang model natin. Representative ng agency sa search for Male Mannequins of Asia. At dahil ’di siya puwedeng samahan ni Eve, ikaw sana ang gusto kong sumama sa model natin. Ten days ka lang naman mawawala dito sa opisina. May pre-pageant activities kasi na kailangang daluhan ng mga candidate kaya naging ten days. Madali lang naman ang gagawin mo. Sasamahan mo lang naman ang model natin sa lahat ng activities na gagawin nila. Ikaw ang hahawak ng schedule niya at lahat ng interviews niya, sa’yo rin muna dadaan. So, ikaw rin ang direct contact ng organizers ng contest. Basta anything na tungkol sa model natin, ikaw muna ang kakausapin.” mahabang paliwanag ni Ma’m Paula.
“Sino po ba ang model na ipapadala natin sa Singapore?”
May kumatok sa pinto at pagkatapos ay bumukas iyon at tumambad ang panauhin.
“O, Ryan andyan ka na pala. Come here. Buti maaga kang pumunta. Kinakausap ko na nga ang makakasama mo sa Singapore, kapalit ni Eve.”
“Ikaw?” Halos sabay na sabi nina Ryan at TineJoy.
“Magkakilala na pala kayo. That’s good,” masayang sabi ni Paula.
Tumingin si TineJoy kay Ma’am Paula. May gusto siyang itanong pero walang tinig na lumalabas sa bibig niya.
Si Ryan naman ay nakangiti lang na parang nakakaloko. Hindi mo masabi kung ano ang itinatakbo ng isip nito.
Muling nagsalita si Ma’am Paula. “So, aayusin ko na ang papers n’yo. Your flight will be on Monday next week. ’Yung other details, I’ll let you know na lang ’pag planstsado na lahat.”
“Okay,” sabi ni Ryan.
Bumaling si Paula kay TineJoy. “Any question, TineJoy?”
Umiling si TineJoy. “Wala po, ma’am.”
“Kung ganun, thank you so much sa pagpayag mo. You can now go back to your work. Ryan, maiwan ka muna may pag-uusapan pa tayo.”
“Pumayag ba ako?” tanong ng isip ni TineJoy. “Hindi na nga ako nakapagsalita nang malaman kong si Ryan pala ang makakasama ko dun sa Singapore.”
Pero wala naman siyang magagawa, alam iyon ni TineJoy. Parte iyon ng trabaho niya. Babayaran siya para gawin ’yun. Wala siya sa posisyon para tumanggi. Lalong wala siyang karapatang mag-inarte. Kabago-bago lang niya sa trabaho kaya siya ang dapat mag-adjust.
Pero hindi ba nasabi niya dati na ang sarap naman pala ng trabaho ni Eve? Eh ba’t ngayong mabibigyan siya ng pagkakataong maranasan ang ganung trabaho ay saka naman siya tila nagdadalawang-isip pa?
“Eh kasi naman bakit si Ryan ang kasama?” reklamo ng utak ni TineJoy.
Eh sino ba dapat ang kasama? Hindi ba aware naman siya na si Ryan ang pinakasikat na male model ng kompanya nila? Swerte na nga niyang maituturing na makakasama niya sa ganung pagkakataon ang isa sa pinakasikat na lalaking modelo ng bansa. At kung mananalo pa ito sa seach for Male Mannequins of Asia, hindi ba malaking karangalan na rin itong maituturing na naging bahagi siya ng kung ano mang karangalang maiuuwi ni Ryan?
Pero kahit na!
“Mabuti sana kung hindi masungit ang Ryan na ito. Mabuti sana kung magkasundo kami. Eh kaso, para kaming aso’t pusa na nagbabangayan sa tuwing magkakalapit kami. Paano pa kung kaming dalawa na lang ang magkasama? Baka sa ospital pulutin ang isa sa amin!” talagang nakipagtalo na siya sa kanyang isipan.
Weird.
Hindi naman siguro aabot sa pisikalan ang tinatawag n’yong away.
“O, ano ang sabi sa’yo ni Ma’am Paula?” si Irish. Nakaabang agad ito pagbalik ni TineJoy sa mesa niya. “Ba’t mukha kang nalugi diyan?”
“Pupunta daw ako sa Singapore.”
Nanlaki ang mga mata ni Irish. “Wow! Talaga? Ang swerte mo naman. Anong gagawin mo sa Singapore?”
“Aattend ng search for Male Mannequins of Asia.”
Kumunot ang noon ni Irish. “Tapos?”
“Kasali kasi si Ryan Ronquillo…”
“Ikaw ang sasama kay Ryan sa Singapore?” natitilihang sabi ni Irish. Tila gusto nang magsisigaw ng dalaga sa kilig. Pero napansin niyang parang wala talagang gana si TineJoy. “Choosy ka pa, teh?! Ryan Ronquillo na ’yun. Maraming babae ang magreresign sa trabaho makasama lang ang isang Ryan Ronquillo!”
“Sila ’yun, iba ako.”
Tumaas ang kilay ni Irish.
“Kung noon sana. Nung time na hindi ko pa nalalaman ang totoong ugali niya, baka halos namatay na ako sa kilig at excitement. Pero ngayong alam ko na kung paano siya makitungo sa ibang tao, I really want to stay miles away from him.”
“Grabe naman ito. Big break mo na nga ’yan eh. Exposure na rin ’yan sa’yo. Time for you to meet connections and all, you know what I mean?”
“Hindi pa rin talaga. Ayoko pa rin.”
“Pero wala ka namang choice, kaya all you have to do is to accept your fate. It’s not that bad after all.”
Noon dumaan sa harapan nila si Ryan na nanggaling sa office ni Paula. Nginitian ni Irish ang binata at gumanti naman ito ng ngiti.
Nasulyapan din ni Ryan si TineJoy pero parang wala itong nakita. Nagpatuloy lang si Ryan sa paglalakad papalabas ng opisina.
“Tingnan mo ’yun! Parang ikaw lang ang tao rito. Nakita ka, ngumiti sa’yo pero ako dinaan-daanan lang.”
“Ngumiti kasi ako sa kanya. Ikaw naman kasi nakasimangot agad. Kaya paano naman mag-aattempt ’yung tao na ngitian ka? Eh kung dedmahin mo lang, e di napahiya pa siya?”
“Kahit na.”
“Teka, eh bakit ba kasi ang laki ng galit mo sa kanya? Dahil lang ba sa pagkakapahiya niya sa’yo dati o may mas malalim pang dahilan?”
“Magtrabaho na tayo. Di tayo binabayaran dito para magtsismisan.” Iniwasan ni TineJoy ang tanong.
“Hay naku, TineJoy! Crush mo siya, ano?”
Umismid si TineJoy. “Yuck! As in yuck talaga! Over my dead sexy and delicious body!”
Humagalpak ng tawa si Irish.
Chapter 5 - Personal Alalay
“ATE…”
“O, bakit?”
“Pupunta ako ng Singapore sa lunes. Dalawang linggo ako roon.”
Kumunot ang noo ng ate Ana ni TineJoy. “Anong gagawin mo roon?”
“Ako ang pinasasama sa model namin na lalaban ng modelling competition doon. Buntis kasi ’yung madalas na sumasama sa mga ganung event. Ako ’yung napiling kapalit.”
“Well, big break na para sa’yo ’yan, at magandang opportunity na rin. Imagine, makapagtra-travel ka na for free, babayaran ka pa.”
“Problema lang…”
“Ano?”
“Hindi ko kasundo ’yung model na sasamahan ko. Napakayabang, palibhasa sikat siya.”
“Sino ba ’yun?”
“Si Ryan Ronquillo.”
“Wow, sikat nga!” Biglang na-excite ang kapatid ni TineJoy.
“Mayabang naman.”
“Hayaan mo na. Sakyan mo na lang ang mga trip niya. Pupunta naman kayo roon para sa trabaho, so siguro naman he’ll act professionally.
“Haay… Sana nga, ate.”
MAAGANG GUMISING si TineJoy nang umagang iyon. Sabado naman, walang pasok kaya plano niyang gumala sa mall. Kagabi ay niyaya niya ang ate niya na manood ng sine pero tumanggi ito dahil may overtime work sa opisina. Sinubukan din ni TineJoy na yayain si Irish pero a-attend daw ito ng high school reunion kaya no choice na si TineJoy kundi gumalang mag-isa. Eh, sino pa ba ang pwede niyang isama? Wala naman siyang masyadong kakilala dito sa Manila.
Haay buhay…
Nag-ring ang cellphone ni TineJoy. Numero lang ang naka-register sa phone. Walang pangalan.
“Hello…” sinagot ni TineJoy ang tawag.
“Si Kristine Joy ba ito?” malamig ang boses na narinig ni TineJoy.
“Oo, sino ’to?”
“Ryan…”
“Sinong Ryan?”
“Ronquillo.”
Nanlaki ang mata ni TineJoy. “Ryan Ronquillo? Paano mong nalaman ang number ko?”
“Hindi na importante ’yun. Tumawag lang ako para sabihin sa’yo na since tayong dalawa ang magkakasama sa Singapore, mas okay siguro kung magkakakilala tayong mabuti para mas makapagtrabaho tayo nang maayos.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Pwede ba tayong magkita mamaya?” diretsong tanong ni Ryan.
“Are you asking me for a date?!” bulalas ni TineJoy. Maging siya ay hindi alam kung bakit iyon ang lumabas na tanong sa bibig niya. Na-overwhelm ba siya na ang mayabang na si Ryan Ronquillo ay nag-effort na tawagan siya para sabihing magkita silang dalawa?
“Asa ka. Gusto ko lang makilala ’yung taong makakasama ko ng dalawang linggo sa Singapore. Para makapagtrabaho ako nang maayos at tama.”
“Hindi ako puwede. May lakad ako mamaya.”
“Hanggang anong oras ba ang lakad mo? Baka naman puwede pagkatapos. Wala na kasi tayong time. Sa lunes na ang flight natin.”
“Eh, pupunta kasi ako sa mall. Manonood sana ako ng sine.”
“Ikaw mag-isa?”
“Oo, ano naman ang masama?”
“Ba’t wala kang kasama? Ganun ba kasama ang ugali mo at wala ka man lang kaibigan na gustong sumama sa’yo?”
“Excuse me! Hindi masama ang ugali ko. Kung merong masama ang ugali sa ating dalawa, I’m sure ikaw ’yun.” Kung kaharap lang sana ni TineJoy si Ryan, nakita sana niya kung paanong naningkit ang mga mata nito.
“So, ’yun pala ang pagkakakilala mo sa akin? Masama ang ugali.”
“Because I’ve seen it a few times already. And I’m quite convinced na natural na sa’yo ang manghiya ng tao. Na parang ikaw lang ang anak ng Diyos at kami ay tae mo lang!”
Bahagyang nagulat si Ryan sa kaprangkahan ng kausap. Pero wala sa bokabularyo niya ang salitang intimidate. Hindi si Ryan Ronquillo ang magyuyuko ng ulo sa isang babaeng matayog magsalita gayung ang totoo ay alalay lang naman niya ito pagdating nila sa Singapore. Ano ba ang akala ng Kristine Joy na ito, isasama siya sa Singapore para mag-cover ng event? Hindi! Isasama siya para mag-handle ng schedules at activities niya. In short, personal assistant. Pinaganda lang. Pero sa tagalog, alalay!
“We’ll meet at 4pm sa Resorts World. Hindi puwedeng hindi ka dadating. I won’t take no for an answer,” madiin na sabi ni Ryan. Puno ng awtoridad ang boses nito. Gusto nitong iparamdam sa babaeng kausap na sa kanilang dalawa, siya ang may karapatang magdikta kung ano ang puwede at hindi puwedeng gawin.
Pero si TineJoy ay isang babaing palaban at matigas din ang ulo. “Paano kung hindi ako dumating? Remember, Sabado ngayon. Wala akong pasok sa trabaho. Kaya ako ang magsasabi kung ano ang gusto kong gawin sa araw na ito. And I’m so sorry to say na hindi kasama sa schedule ko ngayon ang makipagkita sa’yo.”
“I can always ask Eve na palitan ka. Or worst, tanggalin ka sa trabaho mo.”
“Then do it. Sabi mo nga, sa lunes na tayo lilipad papuntang Singapore. Wala nang oras para palitan pa ako. At hindi rin ako natatakot mawalan ng trabaho lalo na kung ikaw rin lang naman ang makikita ko sa araw-araw na ginawa ng Diyos.”
“Anong problema mo? I just want us to have a good working relationship pagdating natin sa Singapore. Why are you making it so hard for the both of us?” Tuluyan nang inilabas ni Ryan ang nararamdamang inis sa kausap.
“Wala akong problema. Tanungin mo ang sarili mo, baka ikaw ang meron. Huwag kang mag-alala, ang ugali ko ay nakadepende sa ugali ng taong kausap ko. Maayos akong kausap. Hindi kita bibigyan ng problema sa Singapore basta ba huwag kang aasta na parang nabili mo na ang pagkatao ko. Hindi natin kailangang magkita mamaya para lang maging maayos ang pagtatrabaho natin. Matuto ka lang rumespeto ng tao, wala tayong magiging problema.” Hinintay ni TineJoy na sumagot si Ryan. Pero wala siyang narinig na ano mang reaksyon mula sa binata.
“Hello? Hello! Andyan ka pa ba?” tanong ni TineJoy. “Hello!”
Nanatiling walang sumasagot kay TineJoy. Gigil na gigil ang dalaga. “Haay, bastos talaga! Goodbye!”
“O, sino’ng kaaway mo diyan?” Hindi namalayan ni TineJoy ang pagpasok ng ate Ana niya sa kanilang silid.
“Sino pa ba? Eh ’di ’yung mayabang na Ryan Ronquillo na ’yun.”
“Oww, talaga? Bakit ka tinawagan? O, baka naman ikaw ang tumawag? Crush mo ba?”
Nanlaki ang mga mata ni TineJoy. “Ate! Diyos ko! Never kong tatawagan ang hambog na lalaking ’yun.”
“Eh bakit ka nga tinawagan?” pangungulit ng ate ni TineJoy.
“Wala, nang-iinis lang. Sabi ko naman sa’yo mayabang ’yun, eh.”
“O, siya! Sumunod ka na sa akin dito sa kusina para makapag-almusal na tayo. Ang aga-aga, lalaki ang inaatupag mo.”
“Susmiyo! Maghunos-dili ka nga, ate!”
Humalakhak lang si Ana. Tuwang-tuwa ito na naaasar niya ang nakababatang kapatid.
Chapter 6 - Flight
NAIA, 9AM
Alas-diez ng umaga ang flight nina TineJoy at Ryan pero alas-ocho pa lang ay nasa airport na ang dalaga. Hindi naman siya excited. Ayaw lang niyang maghabol sa oras. At saka hindi rin niya kabisado ang traffic situation mula sa bahay hanggang airport kaya mas mabuti na ’yung naglaan siya ng sapat na oras para sa biyahe.
Si Ryan ay wala pa. Hopefully, darating naman siguro ang isang iyon bago mag-9:30 na siyang check in time ng mga pasahero.
Tumunog ang celfone niya. Tumatawag si Ma’am Paula.
“Hello, TineJoy! Asan ka na?” Agad nitong tanong.
“Nasa airport na po ako kaninang 8am pa. Hinihintay ko pa po si Ryan,” kalmadong sagot ng dalaga.
“Wala pa siya riyan? Kausap ko siya kaninang 8, sabi niya nasa biyahe na siya.”
“Baka po na-traffic.”
“Okay, I’ll try to check him again.”
Nawala na ang kausap ni TineJoy.
Noon naman niya nakita ang paparating na si Ryan. Parang gustong matulala ni TineJoy. Simpleng polo shirt at cargo pants lang ang suot ng binata pero tila ba ito diyos na nagkatawang-tao. Bakit ba nang magsabog yata ng kaguwapuhan sa mundo ay malaking bahagi ang nasalo ng Ryan na ito?
“I’m here!”
Tila walang narinig si TineJoy. Basta nakatingin lang siya sa guwapong modelong nasa harapan niya ngayon.
“Hello?!” Itinapat pa ni Ryan ang kanang kamay niya sa mukha ni TineJoy at iginalaw-galaw para kunin ang atensyon ng babae. “Hoy!”
Parang biglang nagising sa mahimbing na pagkakatulog si TineJoy. “Ha?! Maka-hoy ka naman.”
“Eh, ba’t ka kasi tulala riyan? Para kang namatanda.”
“
Calling
all
passengers
of
flight
745
bound
to
Singapore
.
Please
proceed
to
gate 5
for
boarding.“
“Halika na, boarding time na. Ikaw na lang pala ang hinihintay. Ang tagal-tagal kasi.” Binuhat na niya ang kanyang bagahe at nag-umpisang maglakad.
Napailing na lang si Ryan. Hindi pa sila nakakaalis ng Pilipinas pero mukhang hindi talaga sila magkakasundo ng matabang babaing ito.
Wala silang imikan habang nasa eroplano. Inubos ni Ryan ang oras sa pagbabasa samantalang si TineJoy ay natulog. O nagtulug-tulugan? Kasi ba naman, pagkatapos ng halos tatlo at kalahating oras na biyahe ay kusa na itong nagising. Gusto sana itong kumustahin ni Ryan pero hindi pa man siya nakakaporma ay tinaasan na siya nito ng kilay. “Anong problema ng babaing ito?” naibulong na lang niya sa sarili.
Pagdating sa Changi Airport ay sinalubong sila sa arrival area ng isang representative ng Asian Mannequins Corporation, ang kompanyang namamahala sa taunang Search for Male Mannequins of Asia.
“Hi! I am Xin Ho, one of the marketing officers of Asian Mannequins Corporation,” masayang bati nito sa dalawa at inilahad pa ang kamay.
Inabot naman kaagad ni Ryan ang kamay nito sabay pakilala, “Ryan Ronquillo from the Philippines and with me is Kristine Joy Roxas.” Matamis ang ngiti niya habang nagpapakilala.
Muntik nang manlaki ang mga mata ni TineJoy. Alam pala ni Ryan ang buo niyang pangalan? Sabagay, wala namang nakapagtataka roon. Alam nga ang number niya at tinawagan pa siya no’ng Sabado, ’di ba?
Inabot din ni Xin ang kamay niya kay TineJoy kaya napilitan na rin siyang makipagkamay rito.
Isang shuttle bus ang huminto sa harapan nila.
“Here, this shuttle will bring us to the hotel. You will be staying in Raffles Hotel together with the representatives from other asian countries,” paliwanag ni Xin.
Sumakay ang tatlo sa shuttle at inihatid sila sa hotel kung saan may naka-reserve ng kuwarto para kina Ryan at TineJoy. Pagkatapos kunin sa reception ang mga susi ng kuwarto ay nagpaalam na si Xin.
“Activities start tomorrow. We will all fetch you here at seven in the morning for a tv guesting. In the meantime, I’ll leave you here so you can relax and have enough rest.”
“Thank you so much, Xin!” Muling nakipagkamay si Ryan dito.
“I’ll see you tomorrow.”
“Yeah!”
Kumaway pa si Xin bago tuluyang sumakay sa shuttle.
Nasa 8th floor ang kuwarto nina Ryan at TineJoy. Magkatabi ang mga kuwarto nila. Room 810 at 812.
Napansin ni TineJoy na tila natatawa ang binatang modelo. “Nasisiraan ka na ba ng ulo? Wala namang nakakatawa,” sita niya rito.
“Akala mo siguro magkasama tayo sa room, ano?”
“Asa pa more! Hashtag feeling guwapo. Hoy, hindi lahat ng babae ay nagkakagusto sa’yo. Huwag mo akong igaya sa mga babaeng nauuto mo. Feelingero!” Hindi na niya hinintay na makasagot si Ryan. Agad siyang pumasok sa Rm. 810 at sinigurong nai-lock niya ang pinto.
Naiwan sa labas si Ryan na natatawa pa rin. Ang
sarap
talagang
inisin
ni
TineJoy
.
Ang
bilis
kasing
mapikon
.
Namamangha si TineJoy sa kanyang silid. Napakaganda. Sobrang elegante. Ngayon lang siya nakapasok sa hotel. Kahit sa probinsiya nila ay wala namang ganito kagandang hotel. Agad nga niyang hinubad ang sapatos niya pagkapasok sa silid dahil nag-aalangan siyang tumapak sa alpombra nang may suot na sapatos. Aba, eh puwedeng-puwede nang higaan ang sahig dahil sa makapal na alpombrang nakasapin dito. Pakiramdan niya tuloy ngayon ay isa siyang prinsesa.
Sinubukan niyang humiga sa kama. Shit! Ang lambot! Ang sarap sigurong matulog dito. Nagpagulong-gulog siya sa kama hanggang mapagpasyahan niyang magpahinga na lang.
Pagkatapos magpahinga ng tatlumpung minuto ay naisipan ni TineJoy na pumunta sa salas. Binuksan niya ang tv at naghanap ng mapapanood pero wala siyang nagustuhang palabas kaya kinuha na lang niya ang baong libro at nag-umpisang magbasa.
Hindi na niya namalayan ang oras. Nangangalahati na siya sa librong binabasa nang makaramdam siya ng gutom.
OMG! Saan ba siya kakain? Puwede ba siyang magpadala ng pagkain sa kuwarto? O kailangan ba niyang bumaba at kumain sa labas? Paano nga ba? #firsttime
Naisip niyang si Ryan ang makakasagot sa mga tanong niya. Wala naman kasing sinabi si Ma’am Paula kung sagot ba ng organizer ang pagkain namin. Pero dapat sagot nila ’yun, eh.
Napansin ni TineJoy ang telepono. Nabasa niya roon ang contact number ng hotel na iyon. Inangat niya ang telepono at itinapat sa kanyang tenga at nagulat pa siya nang biglang may magsalita, “Good evening. How may I help you?” Malambing ang boses ng babae. Mukhang mabait kaya medyo nawala ang kaba niya.
“Ahh, can you please connect me to room 812? I just need to talk to my companion.” Peste
,
sampung
araw
kami
rito
.
Mauubos
ang
baon
kong English.
“One moment please…”
“Hello…” Narinig ni TineJoy ang boses ng isang lalaki. Si Ryan ba ’to?
“Ryan?”
“O, bakit? Gutom ka na , ano?”
Pft
!
Paano
niya
nahulaan
? “Ah, eh oo. Nagugutom na ako. Hindi pa ba tayo kakain?”
“Nakatawag na ako for room service. Hintayin mo na lang diyan ang pagkain mo.”
“Ah, ganoon ba? Sige, salamat.”
“Pagkain lang pala ang magpapabait sa’yo. Kung hindi ka pa nagutom, hindi ka pa babait.” Sinundan iyon ni Ryan ng isang malutong na halakhak.
“Buwisit!” Pinagbagsakan niya ng telepono ang binata.
Chapter 7 - Aso’t Pusa
NANG dumating ang roomboy ay agad siyang natakam nang makita ang dala nitong pagkain. Kaagad niyang ni-lock ang pinto nang makaalis na ang roomboy at pagkatapos ay inumpisahan na niyang lantakan ang pagkain.
Ilang saglit lang at naubos na niya ang pagkain. Grabe ang gutom niya. Para siyang ’di kumain ng isang buong araw.
Hindi pa siya nakakatayo mula sa kanyang kinauupuan nang may mag-doorbell. Napilitan tuloy siyang tumayo upang tingnan kung sino ang dumating.
Isang nakangiting Ryan ang bumungad sa kanya. Malapad ang pagkakangiti nito na para bang ang bait-bait, kahit hindi.
Nakakain na rin siguro ang kumag na ito kaya in good mood na, naisip niya. “Anong kailangan mo?” Tinaasan niya ito ng kilay.
“Yayayain sana kitang doon na lang kumain sa unit ko,” nakangiti pa rin nitong sagot. “Malungkot kumain nang mag-isa, eh.”
“H-ha?” Iyon lang ang nasabi niya. Eh, paano ba naman niya sasabihin na tapos na siyang kumain at ubos na ang pagkain?
“Ano? Ayaw mo ba akong makasabay kumain?”
“Sigurado ka?”
“Mukha ba akong nagbibiro?” Medyo nagtangka pa itong sumilip sa loob ng unit niya. “Papasukin mo ako para matulungan kitang maglipat ng food mo sa unit ko.”
Sunod-sunod ang naging pag-iling niya na ikinapagtaka naman ni Ryan.
“Bakit? Anong problema?”
“Ikaw na lang ang kumain. Dito na lang ako,” mariin niyang pagtanggi.
“Eh, bakit nga? Hanggang ngayon ba naman galit ka pa sa akin? Ang bait-bait ko na nga,” nag-puppy eyes pa siya kay TineJoy.
Muntik na siyang mapabunghalit ng tawa dahil sa ginawa ni Ryan pero nanaig pa rin ang pagnanais niyang paalisin ito. “Sige na, kumain ka na roon sa unit mo. Dito na lang ako.”
“Eh, kung dito ka kakain dadalhin ko na lang dito ang food ko.”
“Hindi nga puwede, ang kulit mo naman eh!” Sininghalan na niya ito para mapilitan nang umalis.
Pero si Ryan ay nuno ng kakulitan. Hindi pa rin ito huminto sa pamimilit na makasabay siyang kumain. “Hintayin mo ako rito, kukunin ko lang ang pagkain ko.” At aalis na sana ito para kunin sa unit nito ang pagkain ngunit maagap niyang nahawakan ito sa braso.
“Wait! Teka lang.”
“Bakit?” nagtatakang tanong ng lalaki.
“Hindi nga tayo puwedeng magsabay na kumain…”
“Ha? Eh, bakit nga?”
“Kasi… Kasi, ubos na ang pagkain ko. Tapos na akong kumain,” nahihiya niyang sagot.
Napabunghalit ng tawa si Ryan “Seriously?” Hindi siya makapaniwala. “Ubos na ang food mo? Kinain mo na?”
Nahihiya siyang tumango.
Mas lalo pang lumakas ang halakhak ni Ryan.
“Anong nakakatawa?” Kahit nahihiya ay pinilit niyang huwag magpa-intimidate sa Ryan na ito.
“Ikaw. Nakakatuwa ka,” natatawa pa rin niyang sabi. “Imagine, naubos mo kaagad iyong pagkain, eh kaka-deliver lang no’n, ’di ba? Naubos mo agad?”
“Eh, gutom na ako pakelam mo ba? Walang masama sa ginawa ko. Hindi mo naman sinabi na sasabay ka sa akin.” Pinanindigan na niya talaga ang nangyari.
“Ang sabihin mo, ang takaw mo!” At muli siyang humalakhak na parang wala nang bukas.
“Buwisit ka! Kahit kelan napakayabang mo! Akala mo kung sino kang guwapo.” Sinabayan niya iyon ng pagwo-walkout. Mabilis siyang tumakbo papasok sa loob ng unit at isinara ang pinto.
Inaasahan niyang kakatok si Ryan at magso-sorry sa kanya pero napanis lang siya sa kahihintay. Walang Ryan na nagparamdam. At nang silipin niya ito sa labas ay hindi na niya nakita ang impaktong lalaki. Pumasok na ito marahil sa unit nito.
Mabuti naman kung ganoon. Ang akala talaga niya ay hindi na siya lulubayan ng pang-aasar ni Ryan. Niligpit niya ang pinagkainan at pagkatapos ay nagpasya siyang maligo. In-enjoy niya nang husto ang maligamgam na tubig na lumalabas sa dutsa. Kalalabas lang niya ng banyo nang tumunog na naman ang doorbell.
Wala sa loob na binuksan niya ang pinto. Nawala sa isip niyang nakatapis lang siya ng tuwalya.
Binuksan niya ang pinto. Kitang-kita niyang nanlaki ang mga mata ni Ryan nang makita siya sa ganoong ayos.
“Anong nangyari sa’yo? May suman festival ba rito sa unit mo?” natatawang tanong nito sa kanya.
At saka lang tila naalala ni TineJoy na nakatapis lang siya ng tuwalya. Tatalikod sana siya para magtungo sa kuwarto at makapagsuot ng damit pero narinig niyang nagkomento si Ryan.
“Ngayon ka pa aalis kung kelan nakita ko na,” natatawa nitong sabi.
Nanlaki ang mga mata niya. “Anong nakita? Wala kang nakita.” Pinandilatan niya ang lalaki.
“Meron! Ayan, o. Drum na nakabalot sa tuwalya. Para kang giant lumpia.”
“Ha!!!” hindi makapaniwalang sabi niya. Ang bastos ng lalaking ito.
“Pumupunta ka lang ba talaga rito para inisin ako?” singhal niya rito. Nakakasama naman ng loob na makakasama niya ng sampung araw ang lalaking ito tapos puro konsumisyon lang pala ang ibibigay nito sa kanya. “Ang kapal naman ng mukha mo. Akala mo kung sino kang guwapo!”
“Well, guwapo talaga ako,” kalmado nitong sagot na bahagya pa ngang natatawa. Balewala lang rito ang nakikitang pagtataray ni TineJoy. Aliw na aliw itong makitang naaasar ang matabang babae. “Mapupunta ba tayo rito kung hindi ako guwapo? Mai-invite ba tayo sa fashion show competition dito kung hindi ako guwapo?”
“Mayabang!”
“May ipagyayabang naman.” Pumorma pa ito at nagpapogi sa kanyang harapan. “Hindi ka ba naguguwapuhan sa mukhang ito?”
“Hindi! Hindi! At isa pang hindi!” talak niya rito. “Umalis ka na at magbibihis na ako!”
“Hindi naman kita panonooring magbihis ah,” natatawa na namang sabi nito. “At wala akong balak na makita nang personal ang mga kolesterol mo.” Kitang-kita niya sa mukha nito na nagpipigil lang itong humalakhak. Gustong-gusto talaga ng Ryan na ito na asarin siya.
“At wala ka rin bang balak tumigil sa kaaasar sa akin? Nakakapikon ka na, ah! Umalis ka na nga. Alis!” pagtataboy niya rito.
“Hindi. Ba’t ako aalis, hindi mo pa nga ako pinapapasok?”
“At bakit kita papapasukin?”
“Bisita ako. Nag-doorbell ako, binuksan mo ang pinto, pero ’di mo ako pinapasok.”
“Dahil quota na ako sa pang-aasar mo. Kapag pinapasok pa kita, aba baka hindi ako makapagpigil—”
“Baka ’di ka makapagpigil, reypin mo ako?” At tuluyan na nga itong humalakhak.
“Ang kapal ng mukha mo! Hindi kita type unggoy.” At bigla niyang isinara ang pinto.
Naiwan sa labas si Ryan na hindi pa rin mapigilan sa paghalakhak. Ilang saglit pa ay muli itong nag-doorbell. Paulit-ulit.
Sa loob ay nagbibihis na si TineJoy. Wala siyang pakialam kung paulit-ulit na pindutin ni Ryan ang doorbell. Nang matapos siyang magbihis ay saka niya muling binuksan ang pinto.
Madilim na mukha ni Ryan ang sumalubong sa kanya. Galit na ba ito? Siya naman ang tila gustong matawa sa nakitang itsura ng lalaki.
“Ano? Bata lang? Naglalaro ng doorbell?” nakataas ang kilay na singhal niya rito. Nakita niyang hindi nagbago ang itsura nito. Salubong pa rin ang kilay.
Nakatitig lang sa kanya ang masungit na mukha ni Ryan. Walang salita. Titig lang talaga. Pagkatapos ay walang imik itong naglakad pabalik sa unit nito.
Chapter 8 - Gala
NAKATAAS ang kilay niyang sinundan ng tingin si Ryan habang papunta ito sa tinutuluyan nitong unit sa hotel na iyon na katabi lang naman ng unit niya. Nang makapasok na si Ryan sa loob ng unit nito ay saka naman niya isinara ang pinto ng kanyang unit. Pumasok siya sa kuwarto at pabagsak na humiga sa kama.
Ilang saglit na siyang nakahiga nang maisip niyang sampung araw silang magkakasama ni Ryan sa bansang iyon. Bukas ay alam niyang magiging abala na si Ryan sa mga aktibidad ng sasalihan nitong kompetisyon. At siguradong pati siya ay magiging abala na rin dahil siya ang hahawak ng schedule nito at kasama rin siya sa lahat ng mga pupuntahan nito.
Wala pala siyang oras para makapamasyal. Akala pa naman niya ay masusulit niya ang oras habang nandito siya sa Singapore.
Napatingin siya sa kisame habang nag-iisip. Mamaya pa’y bumangon siya at nagpalit ng damit na panglakad. Alas-kuwatro pa lang ng hapon. Puwede pa siyang gumala at sulitin ang natitirang oras na hindi pa siya abala.
Hindi na siya magpapaalam kay Ryan, naisip niya. Saglit lang naman siya. Babalik siya kaagad. At saka hindi naman siya lalayo. May nakita siyang park kanina na malapit lang dito sa hotel. Walking distance lang. Iikot lang siya sa paligid. Maliit lang naman ang Singapore.
Dala ang kanyang shoulder bag ay lumabas siya ng tinutuluyang unit. Siniguro niyang nai-lock niya ang pinto bago siya nagtungo sa elevator.
Pagdating sa ground floor ay pasimple siyang naglakad papalabas. Ngumiti pa nga siya sa nadaanang receptionist.
Paglabas niya ng hotel ay mabilis siyang naglakad papalayo roon. Iba ang kasiyahang nararamdaman niya. First time ito na gagala siyang mag-isa at sa ibang bansa pa. Kahit sa Pilipinas ay hindi naman siya umaalis nang mag-isa. Lagi siyang may kasama— ate niya o kaya naman ay mga kaibigan.
Humanga siya sa ganda ng Singapore. Napakaprogresibo ng basang ito. At napakalinis! Nakakahiyang magtapon ng basura dahil wala man lang siyang makita kahit isang piraso ng kalat sa kalye.
Sa kalalakad niya ay nakarating siya sa isang tila ba public park na maraming nagkalat na pigeons sa kalye. Naaliw siyang panoorin ang maaamong mga ibon.
Umupo siya sa isa sa mga bakanteng bench doon at pinanood ang nagkukumpulang mga ibon. Sa mga foreign movies lang siya nakakakita ng ganitong eksena na ang mga ibon ay nasa isang lugar lang at magkakasamang tila ba nakikihalubilo sa mga tao sa paligid.
Napansin niya ang dalawang teenager na umupo sa bench na katabi ng inuupuan niya. May dalang sandwich ang mga ito na binili sa kiosk na nasa kabilang bahagi katapat ng bench na inuupuan niya. Mukhang sarap na sarap ang dalawang teenager sa kinakaing sandwich kaya naengganyo siyang tumayo para bumili. Mabuti na lang at pinaalalahanan siya ng ate niya na magpapalit ng Singaporean dollar bago pa man sila bumiyahe ni Ryan patungong Singapore. Sabi ng ate niya, mas magandang may Singaporean dollar na siya pagdating pa lang ng Singapore para hindi hassle kung may biglaang gusto niyang bilhin.
Nang nakabili ng sandwich ay bumalik siya sa bench kung saan siya nakaupo kanina. Agad niyang nilantakan ang sandwich na ang pangalan ay Classical Reuben Sandwich. May corned beef o ’di kaya naman ay turkey filling ito. Pinili niya ang corned beef. Masarap nga pala talaga. Hindi naman pala siya lugi dahil sa napakamahal na presyo ng sandwich na iyon na dalawang slice ng rye bread na pinalamanan ng corned beef, three slices of Swiss cheese, thousand island dressing, sauerkraut at soft butter.

Habang ine-enjoy niya ang sandwich ay tatlong pigeons ang lumipad at dumapo sa bakanteng bahagi ng bench na inuupuan niya. Ang isa nga ay tumalon-talon pa hanggang makadapo sa kanang binti niya.
Tuwang-tuwa si TineJoy sa maamong ibon na kahit hinawakan niya ay hindi nagtangkang lumipad papalayo sa kanya. Nanatili lang doon ang tatlong ibon na para bang naghihintay na bigyan sila ni TineJoy ng kinakain nitong tinapay.
Sa sobrang pagkaaliw ni TineJoy sa mga pigeons ay pumunit siya ng kapirasong rye bread at masayang ipinakain niya iyon sa tatlong kalapati.
Agad na tinuka ng mga ibon ang tinapay na bigay ni TineJoy kaya naman muli siyang pumilas ng kapirasong tinapay at inilagay sa harapan ng mga ibon para tukain ng mga ito.
Nasa ganoon siyang sitwasyon nang may marinig siyang boses ng lalaki. “You should not feed the pigeons. Don’t you know how to read?” sabi ng lalaki na payat at mukhang intsik at nakasuot ng parang uniporme ng pulis sa Singapore.
Pulis?!!!
Napatingala siya sa lalaking nasa kanyang harapan na may itinuturo sa kanya mula sa kanyang likuran.
“Can’t you read that sign?” muling sabi ng lalaki.
Lumingon siya sa kanyang likuran para makita kung ano ang itinuturo ng lalaki at muntik na siyang himatayin nang mabasa ang sinasabi nitong “sign”.
Malinaw ang nakasulat sa sign na sinasabi ng lalaki.
DO NOT FEED THE PIGEONS

Nanlaki ang mga mata ni TineJoy at hindi siya kaagad nakapagsalita. Alam niyang mahigpit sa pagpapatupad ng batas ang bansang Singapore. Hindi nga ba’t sabi eh bawal dito ang kumain ng chewing gum at maaari kang makulong kapag nahuli kang kumakain nito? Paano pa itong nagawa niyang pagpapakain ng mga pigeons? Eh, hindi naman niya kasi alam. Malay ba naman niya na bawal din ang ganoon. Wala naman siyang masamang ginawa. Hindi naman niya nilason ang mga ibon. Masama na ba ang magpakita ng pagmamahal sa mga hayop ngayon?
“I’m sorry, officer. I did not notice the sign. I am not aware that feeding the birds is not allowed,” paliwanag niya sa lalaki.
“Ignorance of the law excuses no one. You need to pay $500 as fine for what you did,” sabi sa kanya ng lalaki sa tunog intsik nitong pagsasalita ng English.
“What? $500? Ganoon kamahal?” Hindi niya namalayang nagtagalog na pala siya.
“Speak English. I cannot understand you,” sagot ng lalaki.
Mabilis siyang nagkuwenta sa kanyang isip. Ang one Singaporean dollar ay katumbas ng P37.36 sa palitan ng pera. Kung ganoon, magkano ang $500? My God, hindi niya makuwenta sa isip. Ang laki siguro. At sa pagkakaalam niya, wala siyang dalang $500 dahil $200 lang naman ang pinapalit niya sa Pilipinas. At mahigit P7000 ang palit niya sa $200. Ibig sabihin, mahigit P18,000 ang penalty na kailangan niyang bayaran? Mahabanging Diyos!!!
May dala rin siyang Philippine peso pero P10,000 lang. Saang kamay ng Diyos niya kukunin ang $500? Nagpa-panic na ang kanyang isip.
“I don’t have $500 here. I only have $150, can’t that be enough?” kinakabahan niyang sabi. Mas malakas na ang kabog ng dibdib niya ngayon.
“No, penalty for first offense is $500. If you can’t pay the penalty for violating the law, you need to come with me to jail.” Ang seryosong mukha ng lalaki ay mas nagpadagdag sa nararamdamang takot ni TineJoy.
Paano ba ito? Juice colored!
Naalala niyang dala nga pala niya ang cellphone niya pero hindi pa ito naka-roaming. Paano ba niya makokontak si Ryan?
Sa facebook?
May facebook ba ang lalaking iyon?
Juice colored! Hindi ko pinangarap makulong dito sa Singapore, tili ng isip niya.
Author’s Note:
Nasa comment po ang recipe ng Classical Reuben Sandwich.
Chapter 9 - The Bail
WALA na siyang nagawa nang hawakan siya ng pulis sa braso. “Come here,” sabi pa nito at dinala na siya sa naka-park nitong police car.
Kulang na lang ay magtakip siya ng mukha sa nadaramang sobrang kahihiyan. Nakikita niya kasing nakatingin sa kanila ang ibang mga tao sa park. Ang shunga-shunga niya. Of all places, dito pa talaga sa Singapore siya gumawa ng kashungahan!
Binilisan na niya ang paglalakad para mabilis siyang makasakay sa police car at nang makaalis na sila sa lugar na iyon. Kung saang presinto man siya dadalhin ng pulis na ito ay hindi niya alam.
Pagdating nila sa presinto ay ineskortan pa rin siya ng pulis papasok sa loob.
“Qíngkuàng rúhé?” tanong ng nadatnan nilang police officer. Inaalam nito kung ano raw ba ang kaso ni TineJoy.
“Wèi niǎo,” sagot ng pulis na kasama niya. “Feeding the birds in public park.”
Pumunta ang pulis sa desk nito at hinila ang isang upuan sa harapan. “You sit down,” sabi nito sa kanya nang hindi ngumingiti.
Umupo si TineJoy na hindi nawawala ang kaba sa dibdib. Ganito pala. Ganito pala ang pakiramdam nang mahuli ng pulis at madala sa presinto.
“What’s your name?” tanong ng pulis.
“Kristine Joy Roxas,” sagot niya sa napakahinang boses.
“How do you spell your name?” muling tanong ng pulis na tila naguluhan sa sinabi niyang pangalan.
“K-R-I-S-T-I-N-E J-O-Y Roxas.” Mabilis niyang ini-spell ang kanyang pangalan. Tila lalong naguluhan ang pulis.
“Give me your ID,” seryoso nitong sambit habang nakatitig sa kanya.
Nag-aalangang dinukot niya sa dalang shoulder bag ang kanyang pitaka at kinuha roon ang kanyang company ID. Iniabot niya iyon sa kausap na pulis.
Binasa ng pulis ang mga detalyeng nakalagay sa kanyang ID at pagkatapos ay in-encode sa computer ang mga ito. Nang matapos ay ibinalik sa kanya ng pulis ang ID.
“So, you are a Filipina…”
“Y-yes,” matipid niyang sagot.
“What are you doing here?” tanong ng pulis.
“Our company sent me here together with our talent who is a ramp model to participate in the incoming Search for Male Mannequins of Asia.” Hindi niya alam kung makakatulong ba ang mga sinasabi niya para palayain na siya ng pulis. Gustong-gusto na niyang bumalik sa hotel.
Tumang-tango ang pulis. “So, where is the $500? You may now pay the penalty so we can let you go.”
“But, I really don’t have that amount. I only have $150 here. Would you accept $150? I can give it to you now. Please…” Naiiyak na siya. Ito na yata ang pinakamalaking kahihiyang dinanas niya sa buong buhay niya.
“If you can’t pay the penalty, I need to put you behind bars until someone bails you out.” Tumayo ito at lumapit sa kanya. “Come here, you stay there.” Itinuro nito ang isang bakanteng kulungan.
“No! Please… Huwag mo akong ikulong,” pakiusap niya sa pulis. “I’ll call my companion. Maybe he has money to pay the $500 fine.”
“Okay, call your companion now. You hurry up,” utos sa kanya nito.
Mabilis niyang ni-recall sa kanyang isip ang phone number na nakita niyang nakasulat sa telepono sa unit ng hotel na tinutuluyan niya. Habang nagda-dial ay nagdarasal siyang sana ay tama ang numerong nai-dial niya.
Narinig niyang nagri-ring na ang numerong tinawagan niya. Ilang saglit din siyang naghintay bago may sumagot sa tawag niya.
“Raffles Hotel… How may I help you today?” Bingo! Nakuha niya nang tama ang telephone number. Gusto sana niyang maglulundag sa tuwa sa sobrang kasiyahan.
“Ahh… Can you connect me to unit 812? I would like to speak with Ryan Ronquillo,” nag-aalangan niyang sabi. “I am his companion, the one occupying unit 810,” dagdag pa niya para hindi na mag-usisa ang kausap niya.
“Okay, one moment please…” Saglit na nawala sa linya ang babaeng kausap niya at pagkatapos ay may narinig siyang boses lalaking nagsalita.
“Hello?”
“Ryan! Ryan, si TineJoy ’to. Tulungan mo naman ako.” Kinapalan na niya ang kanyang mukha. Wala naman siyang matinong choice. Makulong o makiusap sa impaktong si Ryan.
“What? Where are you? Aren’t you in your room?” Tila nagulat pang sabi ni Ryan.
“Nandito ako sa presinto. Namasyal kasi ako sa park. Pinakain ko ng sandwich ’yong pigeons, hindi ko naman alam na bawal. Eto, hinuli ako ng pulis. Tulungan mo naman ako. Kailangan kong mag-fine ng $500 para makaalis na ako rito sa presinto,” mangiyak-ngiyak niyang kuwento. Kailangang maawa sa kanya si Ryan. Baka hindi siya tulungan nito. “Pautangin mo naman ako ng $500 o kahit $350 lang, please.”
“Oh my God! Ano bang pinaggagagawa mo?” Ramdam niya ang inis sa boses ni Ryan. “Saan ’yang presinto na ’yan?”
Saglit na nawala sa linya si TineJoy. Nang magsalita ulit ito ay idinikta sa kanya ang address ng presinto kung saan siya dinala ng pulis.
Mabilis siyang kumilos para puntahan sa presinto si TineJoy.
Nadatnan niya itong nakakulong at tahimik na nakaupo sa isang sulok kung saan mayroong maliit na kama.
Kinausap ni Ryan ang pulis at binayaran ang fine na $500 para makalabas na ng kulungan si TineJoy. Halos hindi ito makatingin sa kanya nang lumabas ng kulungan. Kahit noong sumakay na sila ng taksi pabalik sa hotel ay tahimik lang ito at hindi nagsasalita. Minabuti na rin niyang huwag magtanong para igalang ang pananahimik nito.
Pagkadating sa hotel ay diretso silang tumuloy sa kani-kanilang unit. Mag-a-alas siete na ng gabi. Kaya nagpa-room service na lang ulit ng pagkain si Ryan para sa kanilang dalawa.
Si TineJoy ay nakahiga na sa kama at tahimik na nag-iisip sa mga nangyari sa kanya kanina. Sino ba ang mag-aakala na ang plano niyang simpleng pamamasyal lang ay hahatong sa presinto.
Diyos ko! Parang hindi ko na yata nanaisin pang muling bumalik sa bansang ito, bulong niya sa sarili.
Bigla siyang napahagulgol nang maisip ang puwede niyang sapitin kung nagkataong wala siyang kasama sa pagpunta sa bansang ito. Paano niya mababayaran ang $500 kung mag-isa lang siya? Baka mabulok na lang siya sa kulungan kung ganoon nga ang mangyayari.
Chapter 10 - LQ
NANG dumating sa kuwarto niya ang pagkaing inorder ni Ryan para sa kanyang hapunan ay wala pa ring imik ni TineJoy. Hindi pa rin siya maka-get over sa nangyari kaninang hapon. Iyon na yata ang pinakamasamang bangungot na nangyari sa kanyang buhay. Hindi niya gugustuhing maulit pa iyon saan mang bansa, sa kahit anong pagkakataon.
Inilagay niya sa mesa ang pagkain pero hindi niya iyon ginalaw. Wala talaga siyang gana kahit na ba mukhang napakasarap ng pagkaing inorder ni Ryan para sa kanya.
Nagbukas na lang siya ng telebisyon para libangin ang sarili.
Nasa kasagsagan siya ng panonood ng palabas sa telebisyon nang marinig niyang tumunog ang doorbell. Nang buksan niya ang pinto ay bumungad sa kanya si Ryan na naka-shorts at t-shirt lang at may dalang tuwalya.
“Bakit?” suplada niyang tanong sa binata.
“Nasira kasi ’yung shower sa room ko. Makikiligo na lang muna ako sa bathroom mo,” kampante nitong sagot.
Napamulagat si TineJoy. “Ba’t ’di mo itawag sa customer service para ayusin nila?”
“Naitawag ko na. Ano, hihintayin ko pa ba ’yung gagawa bago ako maligo?” napapantastikuhan niyang tanong.
“Dito ka pa talaga maliligo?” Tinaasan niya ng kilay ang lalaki.
“Eh, ano naman? Bawal?” argumento pa niya.
“Saan ka naman nakakita ng naka-check in sa hotel tapos bigla-biglang kakatok sa katabing kuwarto para makiligo, aber?” Inangasan niya ang kausap.
“So, ayaw mo? Sabihin mo lang, hindi naman kita pipilitin. Pero let me remind you na kung hindi dahil sa akin, baka naghihimas ka pa ng rehas na bakal ngayon doon sa presinto,” salubong ang kilay na sabi ni Ryan kay TineJoy. “Sana pala pina-experience ko sa’yo kahit overnight man lang sa kulungan. Para magtanda ka!” dugtong pa nito.
“Eh, ’di sana nga hindi mo na lang binayaran ’yung penalty para mag-isa ka lang sa event bukas. Tingnan natin kung hindi ka mangarag. Napaka-dependent mo pa naman sa ibang tao. Hindi ka makakilos para sa sarili mo. Magtimpla nga ng kape, inuutos mo pa sa iba,” diretsong sabi ni TineJoy. Tila wala itong balak magpatalo sa kaharap.
“Ang dami mong sinasabi. Mahirap ba ang hinihingi ko? Makikiligo lang, o! Makikiligo lang po sana ako, mahal na prinsesa,” nanggigigil niyang sabi. Malapit na talagang maubos ang pasensya niya sa matabang babaing ito. “Ganyan ka ba talaga? Napakadamot mo!”
Lalong nagusot ang mukha ni Tinejoy at humaba pa ang nguso. Tumirik pa ang mga mata niya tanda ng pagkainis sa kausap.
Maya-maya pa ay huminga siya nang malalim at saka nakasimangot na tiningnan ang lalaking nasa labas pa rin at naghihintay na papasukin niya.
Umalis siya sa pagkakaharang sa pintuan. “Ayan, pumasok ka na at maligo. Bilisan mo. Baka naman magpraktis ka pa ng fashion show sa banyo,” salubong ang kilay na sabi niya.
Hindi naman nagpatumpik-tumpik pa si Ryan. Mabilis siyang pumasok sa loob at dumiretso sa banyo ng unit ni Tinejoy.
“Wow, ha! Kabisadong-kabisado?” pagtataray pa niya sa lalaki.
Saglit na huminto si Ryan at sumagot, “Eh pareho lang din naman ito sa unit ko. Kaya alam ko kung nasaan ang banyo.” Bago pa nakasagot si Tinejoy ay narinig na niya ang pagsara ng pinto ng banyo.
Umupo siya sa sofa, dinampot ang remote control at binuksan ang tv habang hinihintay niyang matapos sa paliligo si Ryan. Madalas ang sulyap niya sa pinto ng banyo na para bang inip na inip sa paglabas ng lalaki. Ang itsura ni TineJoy ay nagpapakita ng pagkainis. Hindi nawawala ang pagsasalubong ng kilay niya at gusot sa mukha.
Nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa si Ryan ay halos malaglag ang baba ni TineJoy sa nakita. Napalunok pa siya at saka tila wala sa sariling napanganga. Si Ryan ay nakatapis lang ng tuwalya mula baywang pababa at ang katawan nito at medyo basa pa patunay ang mga butil ng tubig na bumabagsak mula sa basa nitong buhok patungo sa balikat nito. Hindi namalayan ni TineJoy na nasa harapan na niya si Ryan at nakakaloko ang pagngisi nito.
“Masarap ba ako?” tila nang-aasar na tanong ni Ryan.
Wala sa sariling napatango si TineJoy at saka muling lumunok. “Oo…”
Napabunghalit ng malakas na tawa ang lalaki na siyang nagpabalik sa katinuan ni TineJoy.
“Sabi ko nga ba at pinagnanasaan mo ako, eh!” Hindi nawawala ang nakakalokong itsura ng muka ng lalaki.
Nakaramdam ng pagkapahiya si TineJoy. “Hindi, ah! Kapal ng mukha mo. Bakit kita pagnanasaan, guwapo ka ba?” singhal niya rito.
“Dahil masarap ako. Hindi ba, kasasabi mo lang?” Natatawa pa rin si Ryan.
“Hindi, noh? Lumayas ka na nga rito. Baka nakakalimutan mo, babae pa rin ako. Hindi magandang halos hubad ka na sa harapan ko.”
Kumunot ang noo ni Ryan at nagsalubong ang mga kilay.
“Alis!” pagtataboy sa kanya ng babae.
Itinaas niya ang dalawang kamay na para bang sumusuko pero hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti. “Okay, ’wag kang high blood. Aalis na ako…” Kalmadong naglakad si Ryan patungo sa pintuan. Nakasunod lang ng tingin si TineJoy.
Binuksan ni Ryan ang pinto pero bago tuluyang lumabas ay nilingon niya si TineJoy at saka muli siyang nagsalita. “Pasensya na, malay ko ba naman na babae ka pala…” At saka muli siyang humalakhak.
“Bastos!” Mabilis niyang dinampot ang remote control ng tv at ibinato kay Ryan. Pero mas mabilis na nakalabas ang lalaki at naisara ang pinto kaya hindi niya ito tinamaan. Sa pinto na tumama ang remote control at saka bumagsak sa sahig. Basag!
Matutulog na sana siya nang muling maligaw sa unit niya si Ryan. Preskung-presko ang itsura nito sa suot na white shirt at khaki cargo shorts.
“Ano na naman ang kailangan mo?” singhal niya rito kahit ang totoo ay gusto niyang matulala sa kaguwapuhang nakabalandra sa kanyang harapan.
“Kumain ka na ba? Sabay na lang tayo.” Bakit ang pakiramdam niya’y nagpapa-cute sa kanya ang lalaking ito.
“Kanina pa po ako tapos kumain. Matutulog na nga ako nang mag-doorbell ka.”
Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Ryan. “Ang aga pa para matulog.”
“May lakad pa po tayo bukas. Hindi ko naman pinangarap na ma-late ka nang dahil sa akin Baka masisante pa ako. Kaya bumalik ka na sa unit mo at matulog ka na rin. Maliban na lang kung gusto mong magmukhang bilasang tilapia bukas sa event. Nakakahiya naman…”
“Ang dami mo nang sinabi. Gusto ko lang naman na may makasabay kumain.”
“Eh, tapos na nga ako. Kanina pa. At wala akong balak na kumain ulit. Diet ako.”
Muntik nang mapabunghalit ng tawa si Ryan. Ang tabachingching na si TineJoy, diet daw? Gusto niya talagang humalakhak nang malakas na malakas kundi lang niya napigilan ang kanyang sarili.
Akmang isasara na ni TineJoy ang pinto pero mabilis itong pinigilan ni Ryan. “Nag-uusap pa tayo. Napakabastos mo naman.”
“Matutulog na nga ako. Hindi ka ba marunong umintindi? Inaantok na ako. Ngayon, kung ayaw mo pang matulog, magpatulog ka!” Bigla niyang isinara ang pinto at sinigurong naka-lock iyon.
Naiwan sa labas si Ryan na walang nagawa kundi bumaik na lang sa kanyang sariling unit na madilim ang mukha. Naiinis ba siya sa ginawa ni TineJoy o mas naiinis siya sa sarili niya?
Ewan. Hindi niya alam.
Minabuti na lang niyang matulog na rin. Tama naman ang sinabi ng tabachoy na ’yon. Mahirap nang magmukha siyang haggard bukas sa event. Haggard, na sa lenguwahe ni TineJoy ay mukhang bilasang tilapia.
Bahagya siyang napangiti nang maalala ang sinabing iyon ng babaeng mataba.
At saka niya napuna, bakit ba ang bilis niyang mainis kay TineJoy?
Pero ang bilis niya ring mapangiti maalala lang niya ang isang simpleng bagay na ginawa o sinabi nito.
Natakot siya sa naisip na posibleng sagot sa kanyang tanong.
Imposible ’yon!
Chapter 11 - The Event
MAAGANG gumising si TineJoy kinaumagahan at naghanda para sa event na pupuntahan nila ni Ryan. Sa pagkakatanda niya sa sinabi ni Xin, alas-siete ng umaga sila susunduin para sa isang tv guesting. Hindi naman siya nakaramdam ng excitement sa mga magaganap ngayong araw. Kung tv guesting pa sa Pilipinas, baka ngayon pa lang ay kinikilig na siya dahil makakakita siya ng mga artista. Eh, dito sa Singapore, wala naman siyang kilalang celebrity. Kahit siguro makabungguan pa niya ang mga iyon sa daan, hindi naman niya kilala kaya dedma lang.
Eksaktong katatapos lang niyang magbihis nang tumunog ang doorbell ng unit niya. Presentable siya sa suot niyang jeans at puting off shoulder ruffle blouse.

Parang nakakita ng multo si TineJoy nang makita niyang naghihintay sa labas ng pinto si Ryan. Guwapong-guwapo ito sa suot sa polong murang pula at fitted jeans. Ilang ulit pa siyang napalunok sa nakitang kaguwapuhan ng lalaking nasa kanyang harapan.
Hindi rin nakaligtas sa mga mata niya ang kunot-noong lalaki na salubong ang kilay.
“Ano pang hinihintay mo? Hindi ka pa ba kikilos?” nakakunot pa rin ang noong tanong ni Ryan. “Kailangan pang sunduin kita rito?”
Hindi naman nagpasindak si TineJoy. “Papalabas na ako no’ng kumatok ka. At saka, wala pa naman ang sundo, ’di ba? Alas-siete pa darating ang sasakyang susundo sa’yo. Excited lang?” pagtataray pa niya sa lalaki. “Quarter to seven pa lang, o.” Ipinakita pa niya kay Ryan ang wrist watch niyang suot.
“Wala ka bang balak mag-almusal bago pumunta sa tv station?”
Bahagya siyang natigilan. Pinuntahan ba siya ni Ryan para mag-almusal muna sana sila? Lumunok siya bago magsalita. “Sa taba kong ito, hindi ako manghihina kahit pa isang buong araw akong ’di kumain.”
Hindi na sumagot ang lalaki. Walang sabi-sabing tinalikuran siya nito at naglakad papuntang elevator.
“Hoy, teka!” Nagmamadali niyang ini-lock ang kanyang unit at patakbong sinundan si Ryan.
Walang kibuan silang dalawa habang nasa loob ng elevator papuntang lobby ng hotel. Matigas anga loob ni TineJoy. Kung inaakala ng lalaking katabi niya na siya ang unang makikipag-usap dito, eh, pareho na lang silang mapanisan ng laway.
Hanggang sa van na maghahatid sa kanila sa tv station ay wala pa ring kibuan ang dalawa. Pero hindi maiwasang humanga ni TineJoy sa kasamang modelo. Noon lang din niya nakita ang mga modelong makakasama at makakalaban ni Ryan pero alam niyang hindi talaga magpapatalo ang lalaking ito pagdating sa itsura at porma. Lalo na siguro sa rampahan.
PAGDATING sa tv station ay dinala ang mga modelo sa kani-kanilang mga dressing room. Sumusunod lang si TineJoy kung saan man pumunta si Ryan. Wala siyang balak humiwalay sa lalaki. Or else, baka kung saan pa siya mapunta.Kahit naman hindi sila nagkikubuan ay wala siyang balak na mapalayo rito dahil siya pa rin ang napag-utusang bantayan at samahan ito sa lahat ng oras habang nandito sila sa Singapore.
Habang naghihintay silang isalang sa segment ng tv show ay inubos ni TineJoy ang oras sa pagbabasa. Hindi pa rin naman siya kinakausap ni Ryan kaya wala rin siyang balak na kausapin ito. Nakikita naman niyang nag-e-enjoy ito sa pakikipag-usap sa iba pang modelong kasama nila sa dressing room na iyon habang hinihintay na isalang sila sa segment ng tv show na iyon kung saan guest ang mga lalaking modelo.
Paminsan-minsan ay nahuhuli niyang sumusulyap sa kanya si Ryan pero kunwari ay hindi niya ito napapansin.
Biglang pumasok sa kuwarto ang isang babaeng staff ng programa. “Guys, get ready. You’re next after the commercial gap. Follow me,” sabi pa nito sa kanila.
Nagsitayuan ang mga modelo at sumunod sa babae papunta sa studio kung saan ginaganap ang live morning show. Naabutan nilang naroon na ang iba pang mga modelo na hindi nila nakasama sa dressing room. Pinatayo silang magkakatabi sa isang bahagi ng stage katabi ang babaeng host ng programa.
Nang matapos ang commercial break ay sumenyas ang floor director senyales na on air na ulit ang programa.
“Welcome back to the show!” masiglang sabi ng babeng host sa matingkad nitong Singaporean accent. “We are lucky today to have the models of…..
Si Tinejoy ay masayang nanonood sa isang gilid malapit sa audience area. Namamangha siya sa mga naguguwapuhang modelong makakalaban ni Ryan na mas lalo pang gumuwapo nang maayusan. Pero hindi naman padedehado si Ryan kung itsura at katawan din lang naman ang pagbabasehan.
“How did you prepare for this modelling competition?” narinig niyang tanong ng host sa mga modelo bago isa-isang sumagot ang mga lalaki.
Nang si Ryan na ang sumagot ay pigil ang hininga ni TineJoy.
“I go to the gym daily so tenchically, it is one of the preparations I did in addition to maintaining a healthy diet,” kampanteng sagot ni Ryan.
At saka pa lang nakahinga nang maluwag si TineJoy. Bakit ba pakiramdam niya’y magkakalat sa show na iyon si Ryan? Ganoon ba siya kawalang tiwala sa kakayahang intelektuwal ng lalaking kinaiinisan niya?
“Miss…” Napalingon siya para tingnan kung sino ang tumawag. Nakita niya ang isang lalaking mukhang intsik na masayang nakangiti sa kanya.
“Ako?” tanong niya na nakalimutang nasa ibang bansa siya at posibleng hindi siya naiintindihan ng lalaking kaharap.
“What?” tanong ng lalaki na halatang nagtataka sa kanyang sinabi.
“I mean, are you calling me?”
“Yes!” Mas lumapad pa ang pagkakangiti nito sa kanya. “Can we talk somewhere else? I have a very good business proposal for you.”
“Business proposal? For me?” hindi makapaniwala niyang tanong.
“Yes. Let’s talk in the coffee shop outside this studio.”
“I can’t leave right now,” sabi niya at itinuro pa si Ryan. “Do you see that guy? I am his personal assistant. After this show, we need to go back to the hotel.”
“Oh, if that’s the case take this.” Naglabas ng calling card ang lalaki at iniabot sa kanya. “Call me on that number later today or tomorrow.”
Napatango na lang siya habang binabasa ang nakasulat sa calling card. “Mr. Allen Zhu?”
“That’s me. May I know your name?”
“Kristine Joy Roxas…”
“Nice meeting you…” Inilahad ng lalaki ang kanang kamay. Tila wala sa, sariling inabot iyon ni TineJoy.
“Nice meeting you, too…” Nginitian niya ang lalaki.
“I have to leave…” muling sabi ni Mr. Zhu at kumaway pa ito sa kanya.
Wala sa sarili siyang napatango.
Hindi niya namalayan na tapos na pala ang segment at commercial break na ulit. Nakalapit na sa kanya si Ryan nang hindi pa rin niya namamalayan dahil hindi maalis-alis ang tingin niya kay Mr. Zhu na naglalakad na papalabas ng studio.
“Gusto mo ba talaga na lagi kang sinusundo?” Seryosong boses ang narinig ni TineJoy.
“H-ha?” Napalingon siya sa pinagmulan ng tinig. At sino pa ba ang aasahan niyang makita kundi ang lalaking naging hobby na yata ang pagkunot ng noo at pagsasalubong ng kilay. “Aalis na ba tayo?”
Hindi siya sinagot nito, bagkus ay tinalikuran lang siya at naglakad papunta sa kung saan. Wala siyang nagawa kung hindi sundan na lang ito kaysa maiwan pa siya sa istasyong iyon.

