The Curse of Fuentes Kiss (BL)
Eisenchan · 47 chapters · 238,146 words
CAST
Dylan Wang as Lance Kendrick Fuentes
Campus crush, MVP sa basketball at ang ultimate bully. Isang rebeldeng binata na walang kinakatakutan dahil sa yaman at kapangyarihan na meron ang kanilang pamilya. Kilala siya bilang bully dahil buwan-buwan meron siyang bagong target. Pahihirapan niya ito sa paraang ikakatuwa niya. Marami rin ang nagsasabing may sumpa ang kanyang halik dahil kapag ikaw ay kanyang nahalikan ay tiyak na mahuhulog ang iyong kalooban sa kanya.
Darren Chen as Gunter Dela Paz
ang bagong estudyante sa school at ang magiging bagong target ni Lance sa kanyang pambubully. Sa likod ng maamong mukha ay nagtatago ang palabang binata na wala ring sinasanto. Siya ang kauna unahang lalaban kay Lance sa sarili niyang teritoryo.
Sue Ramirez as Ailene De Castro
- ang boyish-girl na magiging matalik na kaibigan ni Gunter. Maingay at palaban pero gaya ng karamihan ay takot rin siya kay Lance. Pero nagbago ang lahat nang makikilala niya si Gunter.
Maine Mendoza as Priscilla Dela Paz
- ang hardworking ate ni Gunter. Siya ang tanging sinasandalan ni Gunter at siya ring may alam ng lihim ng nakaraan ng kanilang pamilya.
Bas Suradet as Eisen Fuentes
- ang misteryosong pinsan ni Lance. Umiiwas sa maraming tao, tanging ang kanyang pinsan na si Lance at ang kanyang tito ang madalas niyang kausapin. Kahit ayaw niyang mapansin ng ibang tao ay nagiging agaw pansin pa rin ang kanyang pagmumukha hindi lang sa mga babae kundi maging sa mga lalaki rin.
Chapter 1: His new target
Darren as Gunter
Gunter’s POV
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig sa aming kisame. Hindi ko rin mabilang kung ilang beses ko nang nilibot ang aming bahay simula kaninang umaga. Para akong sira na paikot-ikot at uupo kapag napagod. Ang hirap lisanin ng lugar na to lalo na’t nakasanayan mo na. Masyado ata akong naging pilyo kaya pinaparusahan ako ngayon. Una nakipagbreak sa akin ang girlfriend ko tapos ngayon kailangan na naming lumipat ng ate ko sa Laguna. Haay, andami kong mamimiss sa lugar na to, lalung lalo na ang mga tropa ko. Nakakapagod mag-isip, kung nabubuhay lang sana sila mama at papa ay hindi ko mararanasan ang hirap na kinalalagyan naming ngayon. Pinili ko na lang na ipikit ang aking mga mata at maipahinga ang aking isipan. Makalipas ang ilang minuto ay may tumapik sa balikat ko.
“Gunter, ipasok mo na tong mga to sa kotse dahil maya-maya ay aalis na tayo!” utos ni ate. Inaantok pa talaga ako dahil kulang ako sa tulog kagabi kaya hindi ko napigilang magsimangot sa kanya nang gisingin nya ako.
“Hoy Gunter, wag mo akong sinisimangutan ng ganyan kumilos kana!” pagbabanta ni ate at agad akong tumayo sa sofa.
“Opo, eto na po. Anong oras ba tayo aalis?” tanong ko habang naghihikab.
“Pagkarating ni kuya Mico ay aalis na agad tayo” ang tinutukoy ni ate ay ang kanyang boyfriend na si kuya Mico. Siya ang maghahatid sa amin kasama ang mga gamit naming sa laguna gamit ang kanyang kotse.
“Pero ate, hindi pa nakakarating sila Kei at Andrew dito. Aalis na agad tayo?” sabi ko, ang tinutukoy ko naman ay ang mga best friend ko simula pagkabata. Mamimiss ko yung mga lokong yun, sa tinagal-tagal naming magkakasama ay ngayon pa lang kami mahihiwalay sa isa’t isa. Magkaklase kami simula kinder hanggang high school. Pero ngayong senior high ay kailangan ko nang lumipat ng school.
“Akala ko ba nagpaalam ka na sa kanila kagabi?” tanong niya habang nagtatali ng buhok sa tapat ng salamin.
“Iba yung kagabi sa ngayon” maiksi kong sagot.
“Daig nyo pa kami ng Kuya Mico nyo ah” natatawa niyang sabi.
“Sira, syempre mga best friends ko yun kaya natural lang namamimiss namin ang isa’t isa” sagot ko habang inaayos ang mga bag.
“Alam ko… pero sana naiintindihan mo ang kalagayan natin ngayon.”
Natahimik na lang ako. Nakalimutan ko nga palang ang laki na ng sakripisyo ni ate para makapagtapos ako ng pag-aaral. Last year lang nang magpropose ng kasal si kuya mico sa kanya pero tinanggihan niya ito dahil ayaw niya munang mag-asawa hanggang hindi niya natutupad ang pangako niya kila papa at mama na tutulungan akong makapagtapos ng pag-aaral.
Malaking sakripisyo yun para kay ate dahil nanganganib ang relasyon nila ni kuya mico. Akala ko nga ay maghihiwalay na sila dahil mas pinili ni ate ang responsibilidad niya para sa akin kaysa sa sarili niyang kaligayahan. Doon ako naging hanga kay kuya Mico dahil kahit tumanggi sa kanya si ate ay hindi pa rin iniwan ito mas piniling intindihin ang kalagayan namin. Kung mahirap para sa akin ang mahiwalay sa mga tropa ko ay pano pa kaya kay ate na mahihiwalay sa kanyang boyfriend?
Isa-isa kong pinasok sa kotse ni kuya Mico ang mga malalaking bag na naglalaman ng aming mga gamit. Nagpahinga lang sa kanilang bahay si kuya Mico sa kanilang bahay na hindi kalayuan sa tinitirhan namin ngayon. Kakagaling lang nun sa trabaho nang idaan niya ang kotse sa bahay para mailagay na naming ang mga gamit habang nagpapahinga siya. Nang maipasok ko na ang lahat ng bag ay sinara ko ang pinto ng kotse at sakto namang dumating si kuya mico sa gate.
“Uy Gon, ready na ba lahat? Yung ate mo nasan?” Gon ang tawag sa akin ni kuya mico dahil kamukha ko daw si Gon ng Hunter X Hunter noong bata pa ako. Mukha daw kasi akong kengkoy na makulit. Ewan ko ba sa kanya, simula ng tawagin niya akong Gon ay nakasanayan na ring tawagin ako ng mga tao sa palayaw na Gon.
“Andun sa loob nag-aayos pa” sagot ko, naupo ako sa may hagdan malapit sa pintuan. Bago siya lumampas ay tinapik niya muna ako sa ulo at pumasok siya sa bahay.
Wala na nga atang balak magpakita sa akin ang mga lokong yun. Anong oras na, hindi pa rin sila pumupunta dito sa bahay. Ang sabi nila sa akin kagabi ay tutulong silang maghakot ng gamit pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakarating. Hindi nagtagal ay lumabas na ng bahay sila ate at kuya Mico. Nang maipad-lock na ang bahay ay inaya na nila akong sumakay ng sasakyan. Nang makasakay kami sa loob ng kotse ni Kuya ay masama ang loob ko kila Kei at Andrew dahil hindi man lang nila ako pinuntahan bago kami umalis nila ate. Bago pa man mailabas ni kuya mico ang sasakyan ay biglang humarang sa daan ang dalawang loko kong kaibigan.
“Bat ngayon lang sila dumating?” tanong ni ate. Umiling na lang ako at lumabas ng sasakyan.
“Kanina ko pa kayo inaantay san ba kayo pumunta?” naiinis kong sabi.
“Pasensya na may pinuntahan lang kami ni Kei at medyo natagalan” nakangisi niyang sabi at lalo akong naasar.
“Mas importante pa yun kaysa sap ag-alis ko?” inis kong tanong. At bigla namang umakbay sa akin si Kei.
“Loko, masyado kang tampuhin. Oh heto regalo namin sayo” sabay abot niya sa akin ng kulay dilaw na bag. Laking gulat ko ng makita ko ang laman nito.
“Se-seryoso ba to?” hinalungkat ko nang maigi ang laman ng bag at hindi nga ako nagkakamali Nintendo Switch ang laman nito.
“Galing yan sa pinagsama naming ipon ni Kei dahil alam naming wala kang mahihiraman na Nintendo Switch doon at para hindi mo kami ma miss ng sobra” natatawang sabi ni Andrew. Hindi ako makapagsalita sa sobrang tuwa kundi labis na pagngiti lang ang tanging naisasagot ko sa kanila.
“Mag-iingat ka dun ahh… at sana makahanap ka ng bagong girlfriend agad para makalimutan mo na si Shane” dugtong ni Kei at agad ko siyang binatukan.
“Gago, pinaalala mo pa talaga. Pero maraming salamat dito, akala ko nga nakalimutan nyo na ako eh” sagot ko at umakbay na rin sa akin si Andrew.
“Galing pa kaming Data Blitz kanina para mabili lang yan kaya kami natagalan. Pero seryoso mag-iingat ka dun ah. Baka malaman laman namin magiging ninong na kami sa magiging panganay mo” natatawang sabi ni Andrew.
“Siraulo, magaling yata ako!” natatawa kong sagot at sabay-sabay kaming nagtatawanan. Aminado ako na may nangyari na sa amin ni Shane pero sigurado akong hindi ko siya mabubuntis dahil may gamit akong proteksyon sa tuwing magsesex kami. Nakakainis bigla ko tuloy na alala yun kung kelan na aalis na ako.
Pagkatapos naming magpaalam sa isa’t isa ay pumasok na rin ako sa loob ng kotse ni kuya Mico. Bigla na naman akong nalungkot habang nakatingin sa bintana ng kotse. Bakas din sa mga mukha nila Kei at Andrew ang kalungkutan dahil sa tinagal-tagal naming magkakasama ay ngayo’y mahihiwalay na ako sa kanila. Wala rin naman akong choice kundi magtiis hanggang sa makapagtapos ako ng kolehiyo hanggang sa magkakuha ako ng trabaho manila. Sa ngayon ay kailangan ko munang magsumikap hanggang sa makapagtapos ako.
Makalipas ang isang linggo.
Pagod, puyat at wala sa sariling binaybay ko ang daan papasok ng school. First day of school ngayon pero mukhang nasa mid-class na kami dahil sa hitsura ko. Hindi ako makatulog kagabi dahil siguro nanibago pa ako sa lugar at sa bagong bahay na tinitirahan namin ni ate Pritz. Kailangan kong magtiyaga dahil isang taon na lang at papasok na ako ng kolehiyo. Medyo namimiss ko na yung mga tropa ko sa dati kong school sa Caloocan pero wala akong magagawa dahil nalipat ng location si ate kaya kailangan kasama niya pa rin ako dito Binan, Laguna. Mabuti pa si ate marami nang naging kakilala sa aming mga kapit bahay kahit isang-linggo pa lang kami dito. May pagka introvert din kasi ako kaya yung mga totoong tropa ko lang talaga ang nakakakilala sa akin.
Hindi ko sure pero mukhang ako lang ang naglalakad papasok sa school namin. Hindi naman siya kalayuan sa bahay na tinitirhan namin pero halos lahat kasi ng pumapasok dito ay nakakotse. Ayoko nga dito kasi pangmayaman ang school na to pero dahil nakakuha si ate ng scholarship sa kanyang kompanya ay naipasok niya ako dito. Hindi naman sa pagyayabang pero matataas talaga ang mga grades ko simula grade school pero ngayon pa lang talaga ako nagkaroon ng scholarship. Isa pa sa kinahihindian ko sa school na to ay yung lawak niya. Sa sobrang lawak ay pwede kang maligaw sa first day mo, mabuti na lang at nalibot ko na to bago pa man magsimula ang pasukan kaya kahit papano ay magiging pamilyar na ako sa lugar.
Ang classroom ko ay nasa ikalawang palapag ng buiding A. kakaunti pa lang ang dumarating na mga estudyante dahil kalahating oras akong maaga bago ang eksaktong klase namin. Pagkarating ko sa aming classroom ay naupo agad ako sa may gitnang bahagi ng mga bakanteng upuan. Dahil wala pa namang mga tao ay nagbukas muna ako ng cellphone. Nakakainggit yung mga post ng mga tropa ko sa facebook dahil mukhang masayang masaya sila sa first day of school nila, samantalang ako ay ni-isa ay walang kakilala dito sab ago kong pinapasukang eskwelahan. Nagcheck na rin ako ng mga bagong post sa guhit pinas dahil ayun sa admin ay magkakaroon ng gathering sa susunod na buwan at magbibigay sila ng theme na iguguhit namin. Habang panay ang scroll ko sa facebook ay may bilang pumasok sa classroom at sinirado nang malakas ang pinto. Nagulat ako dahil halos madapa siya sa sahig nang makapasok siya.
“Ayos ka la-” hindi pa ako tapos magsalita nang tumakbo siya sa likuran ng desk at nagtago.
“Sabihin mong wala ako dito” mahina niyang sabi. Magtatanong pa sana ako kung bakit pero biglang bumukas ang pinto at may pumasok na isang lalaki.
Isang matangkad na lalaki na may bitbit na bag. Matangkad siya at maputi. Maangas kong tumingin at parang laging naghahamon ng gulo na taliwas sa kagwapuhan ng kanyang pagmumukha. Nang makita niya ako ay lumapit siya sa kinauupuan ko at binagsak niya ang bag sa ibabaw ng desk ng upuan ko.
“May pumasok ba dito?” maangas niyang tanong. Hindi kaagad ako nakasagot sa kanya dahil nagulat pa rin sa kinikilos niya.
“Bingi ka ba?” sabay pitik niya sa tenga ko.
“Wa-wala” nauutal kong sagot pero sa loob-loob ko ay naiinis ako.
“Sa susunod pag ako ang kausap mo ay sumagot ka kaagad!” inis niyang sabi habang hinihila niya ang bag.
Hindi ko napigilang mainis dahil sa dati kong school ay walang tumatrato sa akin ng ganito. Napatayo ako sa kinauupuan ko at napalingon siya sa akin.
“Bakit sino ka ba?” inis kong tanong.
“Eh-ikaw sino ka ba?” sabi niya at nang makalapit siya ay hinawakan niya ang kwelyo ng uniform ko.
Handa na sana akong sumabak sa pakikipagbasag-ulo nang may pumasok na isang lalaki sa pinto at inawat kami.
“Tama na yan Lance, hinahanap ka na ng pinsan mo” sabi ng lalaking clean-cut ang gupit at makapal ang kilay.
“Bakit daw?” tanong niya pero hindi pa rin naaalis sa akin ang tingin niya. Kaya tinitigan ko rin siya nang masama.
“Hindi ko alam eh, basta puntahan mo na lang. baka mayari ka pa dun” sagot ng lalaki at agad tumalikod itong siraulong to.
Naupo ako sa aking upuan at inayos ang kwelyo ng damit ko. Napag-isip-isip ko na, kakapasok ko pa lang sa university na to pero meron na agad akong nakaaway. Yari ako kay ate kapag nalaman niya to. Nagulat na lang ako nang may humawak sa paanan ko at muntik ko na siyang masipa sa gulat ko.
“Salamat, salamat, salamat” sabi niya habang nakayoko ang ulo. Nakalimutan ko nga palang may pumasok na estudyante kanina na nagtago sa likuran ng teacher’s desk.
“Ikaw ba yung hinahanap ng tarantadong yun?” tanong ko sa estudyante.
“Oo, pasensya kana” mabilis niyang tugon.
“Bakit ano bang atraso mo dun at mukhang galit na galit siya sayo?” dugtong ko.
“Nilagyan ko kasi ng pintura yung bag niya” nahihiya niyang sagot.
“Loko ka pala eh at nadamay pa ako” inis kong sabi.
“Wait, pakinggan mo muna ako. Okay? Si-siguro bago ka dito kaya hindi mo siya kilala?” tanong niya at tumango lang ako bilang tugon. Sumilip siya sa labas ng pinto bago niya ito tuluyang isara.
“Siya si Lance Kendrick Fuentes ang ultimate heartthrob ng mga kababaihan. MVP player sa basketball at sobrang playboy. Madami nang napaiyak na babae yan dito sa campus at lalu na sa labas. Halos buwan-buwan siya nagpapalit ng girlfriend na parang damit lang sa kanya.” Sabi niya at hindi ko napigilang magtaas ng kilay.
“Parang sa sinasabi mo ay pinupuri mo pa siya eh. At saka kung alam na ng mga babae na ganun ang ugali niya eh bakit pa rin sila sumasama sa lokong yun?” sagot ko.
“Teka lang, may tawag sila dun eh. Ahmm… The Curse of Fuentes kiss” sagot niya at hindi ko napigilang matawa. Nakatingin lang siya ng seryoso sa akin.
“Se-seryoso ka?” hindi ko pa rin mapigilang matawa.
“Mukha ba akong nagbibiro?” inis niyang sabi. Hindi na ako nakasagot sa pagkakataong ito.
“Maniwala ka sa hindi ay yun ang bansag sa kanya. Kapag nahalikan ka niya ay parang may gayuma na hahanap-hanapin mo ito hanggang sa mabaliw ka kakaisip sa kanya. Naalala ko pa, last year during competition ng basketball. Aksidenteng nahalikan siya ng kalaban niya sa basketball at hayun ilang araw lang nag-confess sa kanya ang player na yun!” sabi niya at ako nama’y nag-iisip kong maniniwala ba ako sa mga kalokohang naririnig ko.
“Baka bakla naman kasi talaga yun at umamin sa kanya” sabi ko habang tumitingin ng oras sa aking phone.
“Maniwala ka man at sa hindi yun ay base sa sinasabi ng karamihan, kaya kung ako sayo mag-iingat ka sa kanya at wag kang maghahamon ng away” sagot niya habang inaayos ang suot niyang bag.
“Anong akala mo sa akin magkaka-interes sa paghalik sa kanya?” sarkastiko kong sabi.
“Kilala din siya bilang bully ng school at buwan buwan may bagong trip siya na i-bubully. Ang iba ay umalis na ng school dahil hindi kinaya ang ginagawa niyang pambubully” seryoso niyang sabi.
“Eh bakit hindi nila magawang i-report ito sa guidance counselor o kaya sa principal’s office?” tanong ko pero umiling lang siya bago magsalita.
“Pagmamay-ari nila ang school na to kaya may immunity siya, kaya kung ako sayo ay iiwasan kong magkaroon ng contact sa kanya.” Sabi niya at inagaw niya ang phone ko para makita kung anong oras na.
“Oh shit kailangan ko na pa lang umalis” tatakbo na sana siya palabas ng room nang pigilan ko siya.
“Sandali lang, so ikaw ngayon ang target niya?” tumango lang siya at nagmamadaling umalis.
Naiwan ako sa loob ng classroom na mag-isa. Napaisip ako sa sinabi ng estudyante na yun, mas okay nga na dumistansya na lang ako sa lalaking yun kaysa naman madawit pa ako sa gulo niya. Ang mahirap dito ay pagmamay-ari nila ang school na to at baka madamay pa ang scholarship ko kapag nagkataon. Itatak ko na lang sa aking isipan na lalayo ako sa taong yun.
Makalipas ang sampung minuto ay sunod-sunod na pumasok ang mga estudyante sa loob ng classroom. Malamang sila ang magiging kaklase ko sa loob ng isang taon. Marami sa kanila ay magkakakilala na at iilan sa kanila ay tumitingin sa akin dahil ako ang bagong salta sa klase nila. Karamihan dito ay mga babae na nagpapacute pero ngumingiti lang ako para hindi ako magmukhang suplado sa unang araw ng klase namin. Hindi rin nagtagal at dumating ang aming adviser na nagpakilalang si Ms. Sheila Araizon. Mukhang nasa mid 30s na siya dahil sa uri ng kanyang pananalita at pananamit. Ayun sa kanya ay nakagawa na agad siya ng seat plan para sa amin at yun ay naka ayun sa aming apelyido. Kanya-kanya kaming lipat ng upuan base sa kanyang seat plan. Nasa kaliwang bahagi ako ay isang magandang babae na nagpakilala sa akin, siya si Ailene De Castro. Cool siya at mukhang madali siyang pakisamahan dahil siya yung tipo ng babae na matatawag mong one of the boys kung umasta.
Bakante ang upuan sa kanang bahagi ko, may binanggit si Ms. Sheila kanina na pangalan pero hindi ko masyadong narinig dahil kinakausap ako ni Ailene. Siguro absent ang isa ko pang katabi sa first day niya. Habang nagsusulat si Ms. Ailene sa white board ay biglang bumukas ang pinto sa harapang bahagi ng silid at pumasok ang isang binate. Kasabay ng pagpasok niya ay ang hindi mapagilang hiyawan ng iilang babae naming kaklase. Kahit na may pagkakilos lalaki itong si Ailene ay halata sa kanya na kinikilig habang pinagmamasdan ang pagpasok ng lalaking ito. Kung mamalasin nga naman ay nagkataong siya pala makakatabi ko. Bago siya naupo sa kanyang upuan ay pinigilan siya ni Ms. Sheila at pinapunta sa gitna para magpakilala sa buong klase. Nagawa na kasi namin iyon kanina nang hindi pa siya nakakarating at siya na lang ang bukod tanging hindi pa nagpapakilala.
“Para saan pa, eh ilang taon ko nang kaklase ang mga yan?” arogante niyang sagot. Huminga ng malalim si Ms. Sheila bago siya sumagot.
“May bago kayong kaklase ngayong taon, kaya kailangan mong magpakilala para maging familiar ka sa kanya dahil isang taon kayong magiging magkaklase” sagot ni Ms. Sheila habang nakapamaywang.
Nagsimulang maglakad papalapit sa akin ang binata at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit niya at ako na mismo ang napaatras sa ginawa niya.
“MY NAME IS LANCE KENDRICK FUENTES, NICE MEETING YOU!” sambit niya habang nagpapakita ng sarkastikong ngiti.
“Tama na ba yun?” anas niya sa aming adviser at tanging paghinga ng malalim na lang ang naging tugon ni Ms. Sheila at saka siya naupo sa aking tabi.
Hindi napigilan ng mga babae kong kaklase ang kiligin at ang iba ay nagsabing “ako din, ako din!” kaya nainis itong si Lance.
“FUCK OFF!” inis niyang sabi at natahimik sila.
“Mind your language Mr. Fuentes!” inis na sigaw ni Ms. Sheila.
“Mind your own business WOMAN!” mabilis na tugon ni Lance.
Walang nagawa ang aming guro kundi kimkimin ang galit na gusto niyang ilabas. Pulang pula ang kanyang mukha pero ni isang salita ay walang lumabas sa kanyang bibig. Sa loob ng isang minuto ay tumahimik ang buong klase at walang naglakas ng loob na magsalita hanggang sa basagin Ms. Sheila ang katahimikan.
“Please get your notebooks and take down all of these topics so that you can review in advance.” Mahinahong sabi ni Ms. Sheila pero taliwas ito sa kinikilos ng kanyang kamay na halos manginig habang nagsusulat sa white board. Karamihan sa amin ay ginawa ang inuutos niya maliban sa katabi kong si Lance. Kung hindi lang ako scholar at kung hindi lang siya ang nagmamay-ari ng school na to ay baka nabugbog ko na ang bastos na to. Wala pa akong nakikilang sing bastos at walang hiyang kagaya niya. Pero mas pinili ko lang na hindi sumali sa gulo alang-alang sa scholarship ko na pinaghirapan ng ate ko na maikuha ako.
Ilang subjects din ang sunod-sunod naming pinag-aralan. Kapag first day nga naman ay either exciting or boring ang magiging kalalabasan nito. May mga teachers na maagang nagdidismiss pero hindi pa rin kami pinapayagang lumabas ng classroom hanggang di pa oras para sa break time. Karamihan sa amin ay nanatili sa classroom. Ang mga babae ay kanya kanyang pagpupulong habang nagkukwentuhan, kasama nila si Ailene na mukhang siya pa ang pasimuno ng pagpupulong. May mga grupo din ng mga lalaking nagtatawanan. Ang iba ay nagpaalam na pupunta sa banyo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik sa klase. Ako naman ay nanatili sa aking upuan habang gumagawa ng sketch ng isang babae. Gusto ko kasing kumuha ng Arts related course kapag nag-college na ako, pero si ate mas gustong kumuha ako ng business related course para lumaki ang chance ko na yumaman. As if naman na mangyayari yun, hindi madaling kumita ng pera sa panahon ngayon.
Habang patuloy akong gumuguhit ay naging agaw pansin sa akin ang mahinang pag-uga ng aking upuan. Nang lumingon ako ay nasa tabi ko pa rin pala si Lance at abala ito sa paglalaro sa kanyang Nintendo Switch habang nakasalpak ang earphones sa kanyang tenga sa pakikinig ng music. Naging curious ako sa nilalaro niya dahil meron din ako nun kaso mas pinili kong iwanan ito sa bahay dahil iniingatan ko yun dahil regalo sa akin yun ng mga bestfriend ko. Hindi ko naman inaasahang lilingon siya sa akin at nagtagpo ang aming mata. Tinanggal niya ang isang earphone sa kanyang tenga bago magsalita.
“What are you looking at?” inis niyang sabi.
“Ahh.. wala-wala, sorry” mabilis kong naisagot.
“Weirdo” sabi niya at naglarong muli.
Bukod sa pagiging masungit at bully niya ay mukhang hindi rin siya friendly sa kanyang mga kaklase. Isang taon ko siyang makakatabi at dapat hindi ako gumawa ng bagay na hindi niya magugustuhan kung hindi malilintikan talaga ako.
Matapos ang magahapong klase ay kanya-kanya kaming sibat ng classroom. Dahil maaga pa at malapit lang naman ang bahay naming sa school ay minabuti ko munang mag-ikot ikot sa school para mas maging pamilyar ako sa lugar. Naisipan kong pumunta sa roof top dahil ganun ang dati naming tambayan nila Kei at Andrew. Madalas naglalaro lang kami ng Nintendo Switch habang break time. Mabuti na lang at accessible ang roof top nila kaya mabilis akong nakaakyat doon. Pagkarating ko sa taas ay akala ko na masosolo ko ang lugar pero nagkakamali ako nang makita ko ang dalawang estudyante doon. Laking gulat ng makita koang isang estudyante na nakahiga sa sahig habang walang awa siyang pinagsisipa ng isa pang lalaki. Walang magawa ang isang estudyante kundi ang umiyak at nagmamakaawang itigil na.
Sa awa ko ay lumapit na ako para awatin at nang makalapit ako ay saka ko lang nalaman na si Lance pala ang bumubugbog sa isa pang estudyante. Kung hindi ako nagkakamali ay siya yung binatang nagtatago sa likuran ng desk kaninang umaga. Puro pasa na ang kanyang braso at ang dumi-dumi ng kanyang suot na uniform.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili na lumapit at awatin si Lance. Pero noong inawat ko siya ay bigla niya lang akong tinulak nang malakas hanggang sa matumba ako sa sahig. Naitukod ko ang siko ko kaya nagkaroon ito ng sugat. Sa galit ko ay tumayo ako at binigyan ko siya ng malakas na suntok sa mukha.
Sanay akong makipagbasag bungo noon sa tuwing mapapaaway ako o kung sino man sa aming tropa ang mapaaway ay andun kami sa isa’t isa para tumulong. Kahit na sanay akong makipag-away ay nagulat pa rin ako sa kinilos ko at hindi ko muna naisip ang magiging consequence ng ginawa kong yun. Dumura siya na may kasamang dugo bago siya tumingin sa akin. Imbes na magalit siya ay bigla siyang ngumiti habang papalapit sa akin. Mapapansin mo ang bakas ng dugo sa kanyang mga ngipin. Lumapit siya sa akin at kinuwelyuhan ako, pero sa mga sandaling yun ay hindi ako nakaramdam ng takot sa kanya hanggang sa magsalita siya.
“Matagal na rin nang masuntok ako ng ganun. Gusto ko yang katapangan mo. From now on you’ll be my new target” nakangiti niyang sabi na ikinainis ko naman.
“Akala mo ba lahat ng tao ay masisindak mo dahil mayaman ka? Pwes ibahin mo ako” inis kong sabi at tumawa naman siya.
“You know what? I like you” hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya nun pero pagkatapos niyang banggitin ang mga salitang yun ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo ng maramdaman kong may tumama sa mukha ko.
Itutuloy….
A/N: Namiss nyo ba ako??? Syempre hindi..haha nagtanong pa talaga ako. Please support my new story at ang bago kung mga bida na si Lance at Gunter. Originally si Daniel Azurin at Mark Prin dapat ang nasa casting kaso masyado akong nahumaling kina Dylan at Darren kakanood ko ng Meteor Garden 2018.
And yes, andito si Eisen. Dito ikukwento ang nangyari sa kanya after niyang maglayas sa mansion ng mga Wells. Pero hindi sa kanya ang focus ng story kundi sa dalawang bagong bida.
Baka sabihin niyo ay BL version to ng Meteor Garden haha. Ang pagkakaparehas lang nila ay ang pagkakaroon ng campus bully. Walang F4, walang Sanchai at walang tugtog na Niyao de ai. Mas maiintindihan nyo ang flow ng story kapag sinipag akong mag update.
So please vote and leave a comment.
Thank you <3
Chapter 2: His Pet
Dylan Wang as Lance Fuentes
Gunter’s POV
Nagising ako sa matinding sakit na nararamdaman ko kanang pisngi ko. Tila na mamaga ito at panay ang pagkirot. Hindi ako makakilos ng husto dahil nakatali sa aking likuran ang aking mga kamay. Ang aking mga paa ay nakatali rin. Hindi ko magawang sumigaw para makahingi ng tulong dahil sa tape na nakalagay sa bibig ko. Marahan kong pinagkikiskis ang aking mga kamay para unti-unting kumalas ang tali na nakagapos sa aking mga kamay. Sa ilang minuto kong pagkikiskis ay unti-unti itong lumuwag hanggang sa makawala ang aking mga kamay. Dahan-dahan kong tinanggal ang tape na nasa aking bibig dahil sa kirot na buhat ng pamamaga ng aking pisngi. Nang mataggal ko ito ay halos habulin ko ang aking hininga sa pagtiis ng sakit.
Isinandal ko ang aking ulo sa gilid ng pader at tumingala sa langit. Ano bang gulo itong pinasok ko? First day of school pa lang at napaaway na kaagad ako. Napansin kong malapit na pa lang sumapit ang gabi at baka maabutan ako ni ate Pritz sa ganitong kalagayan. Mabilis kong tinanggal ang taling nakagapos sa aking mga paa at sa ako tumayo ng dahan-dahan. Pagkatayo ko ay nakaramdam ako ng kaunting hilo kaya sumandal ulit ako sa pader. Nang mawala ang hilo ko ay hinanap ko ang aking bag na hinagis ko kanina bago ko sugurin ang hambog na si Lance. Mabuti na lang at hindi niya napansin ito. Pagkakita ko ng mga laman ng bag ko ay nandun lahat ng gamit ko at walang nawawala. Pagkatapos kong isuot ang aking bag ay dahan-dahan akong bumaba sa hagdan.
Mag-aalasais na ng marating ko ang hallway ng school. Walang katao tao dito, parang haunted ang lugar dahil sobrang tahimik nito. May iilan akong nakikitang palakad lakad na mga janitor pero ni isa sa kanila ay walang pumasin sa paglalakad ko. Hirap akong naglakad hanggang sa marating ko ang gate. Mabilis napansin ng guard ang akong ayos kaya lumapit siya kaagad sa akin.
“Ayos ka lang ba boy?” tanong niya. Sasagot na sana ako nang bigla siyang umatras at bumalik sa station niya nang makita ako. Ewan ko ba at para bang nakakita siya ng multo at bigla siyang natakot.
Hindi na niya ako pinansin hanggang sa makalabas ako ng gate. Grabe hindi ko lubos maisip kung anong klaseng school tong pinapasukan ko. 2018 na at nauuso pa rin ang bullying? Anong ginagawa ng DEPED dito? Porke ba mayaman sila ay mas papaburan nila ang mga ito. Kung iisipin mo nga naman ang unfair talaga ng buhay. Kung andito lang sana sina Kei at Andrew, tiyak hindi ko mararanasan ang ganito. Ang kinakatakot ko ngayon ay kung papano ko ipapaliwanag kay ate Pritz ang mga nangyari sa akin ngayong araw. Ano na lang ang sasabihin niya, kakasimula pa lang ng pasukan ay may nakaaway na agad ako. Pero hindi ko naman kasalanan yun eh. Ah basta bahala na nga.
Saktong 6:30 nang marating ko ang aming bahay. Nagtataka ako kung bakit nakapatay pa ang mga ilaw. Sa ganitong oras ay nasa bahay na si ate Pritz dahil hanggang 5pm lang naman ang kanyang trabaho. Gamit ang susi ko ay binukasan ko ang pinto at saka binuksan ang ilaw ng bahay. Mabilis akong nagtungo sa aking kwarto para kumuha ng damit pamalit. Pagkakuha ko ng damit ay agad akong nagtungo sa banyo. Pagkasok ko ay agad kong napansin ang dumi ng aking uniform. Doon ko lang napansin na may nakasulat na letter ‘X’ sa likod at harap ng aking uniform. Mukhang spray paint ang ginamit at malabong matatanggal ito sa paglalaba. Kapansin-pansin din ang pamamaga ng kanang pisngi ko at unti-unti itong nagiging kulay violet. Papano ko ipapaliwanag kay ate to?
Tiniis ko ang kirot habang pinapaliguan ko ang aking sarili. Pilit kong iniiwasan wag matalsikan ang aking mukha ng tubig. Nang matapos akong makaligo ay agad akong nagbihis ng damit at saka ako lumabas ng banyo. Dumirecho agad ako sa kusina para magsaing dahil lalong magagalit sa akin si ate kapag nalaman niyang wala pang sinaing pagkauwi niya. Ako kasi ang laging nagsasaing sa hapunan at siya naman ang nagluluto ng aming ulam. Hindi naman naging mahirap para sa akin ang pagsalang ng sinaing. Lumapit ako sa ref at naghanap ng yelo pero wala kaming yelo na mailalagay ko sa pisngi ko. Pumasok akong muli sa aking kwarto para maghanap ng face mask. Dahan-dahan kong sinuot ito dahil masakit talaga ang pisngi ko. Nang maisuot ko ay agad kong tinungo ang tindahan para bumili ng yelo. Mabuti at may nagtitinda dito ng yelo at hindi tube ice. Naisipan ko ring bumili ng vitamilk na double choco kaya bumili ako. Mukhang hindi kasi ako makakakain ngayong gabi dahil sa pamamaga ng pisngi ko at hindi ko pwedeng ipakita ito kay ate Pritz dahil maghi hysterical na naman yun.
May mga iilang taong tinititigan ako, lalung lalo na yung kapit bahay naming madalas kausap ni ate pritz. Mabuti na lang at nagface mask ako malamang magsusumbong yun kay ate kapag nakita niyang namamaga ang pisngi ko. Pagkabalik ko sa bahay ay agad kong hininaan ang apoy sa sinaing dahil kumukulo na ito. Kumuha ako ng planggana at bimpo saka pumasok sa aking kwarto. Binalot ko sa bimpo ang yelo. Huminga ng malalim bago ko idinikit sa aking mukha. Isa,dalawa, tatlo at pigil na hiyaw ang aking ginawa ng tuluyang dumikit ang malamig na bimpo sa aking mukha. Sobrang kirot na may kasamang pamamanhid ang nararamdaman ko. Kasalanan to ng hambog na Lance na yun eh. Humanda siya sa akin bukas at makakaganti rin ako sa kanya. Paulit ulit kong nilalagay ang bimpo na may yelo sa aking mukha hanggang sa lumiit ang pamamaga nito.
Mabuti na lang at nakahingi ako ng straw kanina, kung hindi ay pati pag-inom ng vitamilk ay mahihirapan ako. Hindi pa nangangalahati ang iniinom ko nang marinig kong bumukas ang pinto ng aming bahay at tinatawag na kaagad ako ni ate Pritz.
“Gunter yung sinaing mo nasusunog na!” sigaw niya. Lalabas na sana ako nang maalala kong meron pa pala akong pasa sa mukha.
“Ate, papatay na lang po may ginagawa po akong assignment eh” pagsisinungaling ko.
“Jusme ka talagang bata ka, napaka iresponsable mo!” rinig kong sabi niya.
Nakahinga naman ako ng malalim ng hindi na siya nagsalitang muli. Patuloy pa rin ang paglagay ko ng yelo sa aking mukha para mapabilis ang paghilom nito kahit na nakakaramdam na ako ng pamamanhid. Nang malusaw ang yelo ay nahiga na lang ako sa aking kama habang naglalaro sa aking Nintendo Switch. Mahigit isang linggo ko na ring nilalaro itong Legend of Zelda at hindi pa rin ako matapos tapos. Nang magsawa ako ay naisipan kong i-message si Kei at Andrew pero hindi pala sila online kaya nag-iwan na lang ako ng message sa group chat namin sa facebook. Maya-maya pa ay narinig ko na naman ang boses ni ate pritz at inaaya akong kumain.
“Ate wala po akong ganang kumain” sigaw ko dahil tiyak hindi niya ako maririnig kapag mahina ang pagkakasabi ko.
“At bakit? Lumabas ka nga dito para hindi tayo nagsisigawan” sagot niya.
“Kumain na po kasi ako ng meryenda bago ka makarating kaya wala pa po akong gana” sigaw kong muli.
“Basta kumain ka mamaya ahh.. nagluto pa naman ako ng paborito mong chopsuey” pagkabanggit niya ng salitang chopsuey ay agad akong nakaramdam ng gutom.
Tiniis ko ang gutom at inaliw na lang ang sarili sa paglalaro. Nang sumapit ang alas-diyes ng gabi ay muli akong tinawag ni ate para kumain pero nagpanggap akong tulog na. Nang inakala niyang tulog na ako ay nagtungo na rin siya sa kanyang kwarto. At nang masiguro kong tulog na siya sa kanyang kwarto ay saka ako lumabas para kumuha ng pagkain at doon kumain sa aking kwarto. Kahit hirap akong ngumuya ay pinilit kong kumain para magkalaman ang tiyan ko. Humanda sa akin tong Lance na to at makakaganti rin ako sa kanya bukas.
Pagkatapos kong kumain ay nagmumog na lang ako kasi hindi ko rin magagawang magtooth brush dahil sa sakit ng pisngi ko. Hinugasan ko ang aking pinagkainan bago bumalik sa aking kwarto. Nanatili akong gising sa kakaisip kong papano ako makakaganti kay Lance. Pero bago ko gawin yun ay kailangan ko munang kilalanin ng husto ang makakalaban ko. Hindi rin nagtagal at nakaramdam na rin ako ng antok at saka nagpasyang matulog.
KINABUKASAN~
“Gunter! Gunter! Gumising kana, malilate kana sa klase mo” nagising ako sa malakas na sigaw ni ate pritz.
Pagtingin ko sa aking cellphone ay 7:30 na pala at ang klase ko ay magsisimula ng 8am. Dali-dali akong kumuha ng tuwalya at saka nagtungo sa banyo para makaligo ng mabilisan. Wala pa sigurong limang minuto nang matapos ako sa pagligo. Pagkalabas ko ng banyo ay laking gulat ko dahil nakabantay sa pinto si ate pritz.
“Anong nangyari sa mukha mo at bakit may pasa ka?” tanong niya. Patay, nakalimutan ko nga palang takpan ang mukha ko bago ako lumabas ng kwarto.
“Ahh-kasi ate ano…” hindi ako makaisip ng idadahilan dahil napepressure ako sa oras at sa tanong niya.
“Ano nga?” inis niyang sabi.
“Ahh kasi po, kaninang madaling araw nalaglag ako sa kama tapos hindi ko na po namalayang may pasa pala ako sa mukha” pagsisinungaling ko. Tinitigan niya ako ng mabuti para kilatisin kong nagsisinungaling ako. Mas lalong napahigpit ang hawak ko sa tuwalyang nakatapis sa bewang ko.
“Siguraduhin mo lang Gunter ahh, ayokong nakikipagbasag ulo ka! Tandaan mong scholar kana ngayon, kailangan maganda ang grades na maipakita mo!” at ayun nagsimula na naman siyang manermon.
“Opo, kailan ko ba kayo binigyan ng mababang score?” huli na nang malaman kong di dapat dumulas sa bibig ko ang mga salitang iyon.
“At sumasagot ka pa ahh” sabay pingot niya sa tenga ko.
“Aray ate, masakit na nga po yung pisngi ko eh” pagrereklamo ko at mabilis naman niyang binitawan ang tenga ko.
“Bilisan mo at magbihis kana dun. Nakahanda na ang almusal sa mesa. May time ka pa para kumain kaya bilisan mo ang pagkilos” utos niya at mabilis ko namang sinunod ito.
Halos mabulunan akong kumain ng almusal dahil sa pagmamadali ko. Hanggang sa nagmumog na lang ako para mabilis matapos dahil wala na akong oras para magtoothbrush. Lalabas n asana ako ng bahay ng biglang lumapit si ate sa akin.
“Halika nga” lumapit naman ako kaagad sa kanya. Napangiwi ako nang may ipahid siya sa aking mukha na kulay brown at amoy chocolate.
“Aray, ate ano ba yang nilalagay mo sa mukha ko?” reklamo ko dahil masakit talaga.
“Concealer yan dahil mukha kang nagbugbog sa hitsura mo” at mas lalo pa niyang diniinan ang pagpahid, halos mangilid ang mga luha ko sa sakit pero tiniis ko lang.
“Ayan mabuti pumantay sa balat mo at hindi mukhang may concealer ka sa mukha.” At saka inayos ang aking buhok.
“Nilagyan mo pa talaga ako ng make-up sa mukha. Magmumukha naman akong bakla niyan” reklamo ko.
“Siraulo ka, bakit ka naman magmumukhang bakla? At saka hindi naman halata ohh” sabay tapik sa mukha ko at napasigaw ako sa sakit.
“Arayy ate naman” reklamo kong muli.
“Ang arte arte mo kasi. Oh siya umalis kana at baka malate kapa” utos niya at humalik ako sa kanyang pisngi bago lumabas ng bahay.
Ganyan talaga si ate Pritz, may pagkasadista pero sobrang sweet nyan sa akin. Hindi ko nga lang magawang maamin sa kanya ang totoong nangyari sa akin sa school dahil ayoko na siyang mag-alala pa dahil marami na siyang pinoproblema at ayoko nang makadagdag pa.
Buti na lang at nakaabot pa ako sa una naming subject bago ako pa ito magsimula. Normal lang ang pakikitungo sa akin ni Lance na parang wala lang nangyari kahapon. Kahit ilang beses ko siyang binabato ng masasamang tingin ay hindi nya ito binibigyan ng pansin na mas lalo kung kinakainis. Wala naman talaga akong balak makipag-away sa kanya pero hindi ko talagang magawang hindi mainis sa kayabangan niya. Ang buong akala ko ay hindi na niya ako papansinin pero dun ako nagkakamali lalo na nang sumapit ang break.
Inaya ako ni Ailene na sumabay sa kanila na kumain sa cafeteria. Kasama namin ang iba kong kaklase at dahil sa baguhan lang ako ay kailangan kong makisama sa kanila at para narin makilala naming ng husto ang bawat isa. Pagkatapos kong umorder ay nagtungo kaagad ako sa table kung saan sila nakaupo. Bago pa man ako makalapit sa kanila ay bigla kong nakasalubong ang grupo ni Lance. Bitbit ang tray na hawak ko ay pilit kong iniwasan ang grupo niya pero sinadya niya talagang magkalapit kami at binunggo ang tray ko kaya natapon ang pagkain at juice sa uniform ko. Sabay na nagtawanan ang kanyang mga tropa at ako naman ay nagkikimkim ng galit sa kanyang ginawa.
“Ay sorry, hindi kita napansin. Halika punasan kita” sabi niya at kumuha siya ng isang maduming basahan sa ibabaw ng mesa at pinunas sa uniform ko. Mas lalong nadumihan ang uniform ko dahil sa ginawa niya.
“Know your place, weirdo!” bulong niya sa akin at saka sila umalis ng mga barkada niya habang nagtatawanan.
Sa sobrang galit ko ay kinuha ko ang tray na bitbit ko at lalapit sana sa kanya para ihampas ito. Mabuti na lang at dumating si Ailene para pigilan ako. Hindi ko na tinuloy ang pagkain sa cafeteria at nagtungo na lang ako sa C.R. para makahilamos at magpalit ng uniform. Mabuti na lang at may reserba akong uniform sa locker. May araw din sa akin yang hambog na yan. Makikita niya lang.
Lumipas ang ilang araw at patuloy ang pambubully sa akin ni Lance. Andun yung mawawala ang bag ko sa classroom at makikita ko na lang ang mga gamit ko ay nasa loob ng basurahan. Dahil hindi ako anak mayaman ay isa-isa ko itong hinanap at nilinisan. May mga pagkakataong bubuhusan nila ako ng maruming tubig galing sa timba na ginamit sa pag-mop ng sahig. Mabuti na lang at nakaugalian kong magdala ng extrang damit. Mas pinili kong huwag lumaban dahil may mas maganda akong plano kung papano ko siya papatigilin. Tiniis ko ang ilang araw na pambubully niya sa akin at pamamahiya sa harap ng marami. Hindi na bago ito sa school na to dahil alam nilang ganun talaga ang ugali ni Lance. Pero hindi ko alam kung bakit marami pa rin ang humahanga sa kanya kahit ganun ang ugali niya.
Dumating ang araw na pinakahihintay ko at makakaganti na rin sa hambog na yun. Narito kami sa loob ng principal’s office habang pinag-uusapan ang reklamo laban sa kanya. Bawat araw na pambubully niya sa akin ay kinukuhaan ko ng picture o kaya video bilang ebidensya ng mga kalokohan niya sa school. Matibay ang aking ebidensiya kaya maaaring mapatalsik o masuspende sa klase si Lance kahit sila pa ang nagmamay-ari ng school. Lalo na kapag lumabas ang mga pictures at video sa labas ng school at makarating sa Deped. Iba na ang power of social media ngayon kaya naka-ayon sa akin ang pagkakataon.
Tumangging humingi sa akin si Lance at hindi ko rin inurong ang reklamo. Malakas ang loob ko at sinabing makakarating ang pambubully ni Lance sa labas kapag hindi nila binigyan ng karampatang parusa ang mga bagay na pinaggagawa niya. Lalong lalo na at hindi lang ako ang nag-iisang biktima niya. Natapos ang pag-uusap naming sa loob ng principal’s office. Ayun sa prinicipal ay pag-aaralan nila ng mabuti ang mga kalokohang pinaggagawa ni Lance at bibigyan siya kaagad ng karampatang parusa sa mga ginawa niya.
Pagkalabas namin ng principal’s office ay biglang lumapit sa akin si Lance. Ang unang akala ko ay sasaktan niya ako dahil sa pagsumbong ko sa kanya ngunit nagulat ako nang kausapin niya ako nang mahinahon.
“Gunter Dela Paz, tama?” tanong niya na para bang hindi niya talaga ako kilala. Tinitigan ko lang siya ay hindi sumagot.
“Bunsong kapatid ni Priscilla Dela Paz na nagtatrabaho sa K.F. Foods Corp. bilang Quality Assurance Assistant. At ang pinagtatranahuhan niya ang nag-sponsor ng scholarship mo para makapasok sa school na to, tama?” sabi niya.
“Papano mo nalaman ang mga yun?” tanong ko. Hindi ko aakalaing may alam siya tungkol sa amin.
“Alam ko ang lahat ng background ng mga targets ko. And guess what, pagmamay-ari namin ang kompanyang pinagtatrabahuhan ng ate mo.” Nakangiti niyang sabi na para bang nang-aasar.
“At ano naman ang pakialam ko dun?” naiinis kong sagot.
“Simple lang, kapag na suspende ako sa klase at kumalat sa labas ang ebidensya mo ay mawawalan ng trabaho ang ate mo. Pagnawalan ng trabaho ang ate mo ay mawawalan ka rin ng scholarship. Ikaw pag-isipan mong mabuti.” Pagbabanta niya, mas lalo akong nanggalaiti sa pagbabanta niya sa akin.
“At anong akala mo ay kompanya nyo lang ang pwedeng pasukan ng ate ko?” naiinis kong tanong.
“Marami kaming connections, pwedeng magkaroon ng total ban ang ate mo sa iba’t ibang kompanyang aaplyan niya”. Malakas ang loob nyang sabihin sa akin yun pero hindi ako natatakot sa banta niya.
Ilalaban ko pa rin ang tama at kung ano ang nararapat. Hindi ako natatakot sa mga banta niya dahil alam kong tinatakot niya lang ako para maiurong ko ang reklamo laban sa kanya. Pero nagkakamali siya ng binangga dahil simula ngayon ay nahanap na niya ang katapat niya. Lahat ng lakas ng loob at tapang ko ay biglang nawala nang umuwi ako sa bahay nang makita kong umiiyak si ate pritz.
“A-ate anong nangyari? Bat ka umiiyak?” natataranta kong tanong. Malakas na tao si ate pritz at bihira ko lang siya nakikitang umiiyak kahit gaano kabigat ang kanyang problema. Kaya pagnakita ko siyang umiiyak ay malamang seryoso ang pinagdadaanan niya.
“Gunter, wala na akong trabaho!” sabi niya habang umiiyak. Bigla kong naalala ang banta sa akin ni Lance kanina. Hindi ko inaasahang gagawin niya nga ang pagbabanta niya kanina.
“Wag kang mag-alala ate makakahanap ka rin agad ng bago” sabi ko habang pinapatahan siya.
“Hindi yun lang yun ang pinoproblema ko, kundi pati ang scholarship mo ay binawi na rin nila. Nakareceive ako ng tawag sa school mo at hinihingan ako ng P35,000 para sa tuition fee mo dahil wala na ngang bisa ang scholarship mo. Saan ko naman pupulutin ang ganon kalaking halaga?” sabi niya habang umiiyak.
“Okay lang sa akin na tumigil muna ate ng pag-aaral” sagot ko at bigla nya akong tinitigan ng masama.
“Hindi mo ako naiintindihan. Pinangako ko kay mama at papa na hindi kita pababayaan hanggang sa makapagtapos ka pero, walang wala akong magawa ngayon” sabi niya at humagulgol siya ng pag-iyak habang yakap-yakap ako.
Masakit sa akin ang makitang ganito si ate. Nakokonsensya ako dahil alam kong kasalanan ko kung bakit nawalan siya ng trabaho at kung bakit ako nawalan ng scholarship. Sa loob ng apat na araw ay kailangang magbayad ni ate pritz ng P35,000 para sa tuition fee ko. Lumipas ang tatlong araw ay hindi pa rin siya nakakakita ng bagong trabaho. Tinanggihan niya rin ang alok na tulong ni kuya Mico dahil nakakahiya rin naman kay kuya dahil andami na niyang naitulong sa amin.
Pumapasok ako sa school na wala sa sarili. Iniiwasan ako ni Lance at hindi kinakausap dahil kasama yun sa kanyang parusa. Pero maaari siyang matanggal sa school sa susunod na linggo kapag hindi ko inurong ang reklamo laban sa kanya. Tuwing uuwi ako ay naaabutan kong pagod na pagod si ate pritz sa kaliwat kanan niyang pag-aapply sa iba’t ibang kompanya pero hanggang ngayon ay wala pa ring tumatanggap sa kanya. Doon ko napatunayan kong gaano ka lakas ang impluwensiya ng pamilya ni Lance. Hindi ko na kayang tiising marinig ang bawat pag-iyak ni ate gabi-gabi. Kinabukasan ang huling pagpasok ko sa school dahil matatanggal na ako dahil wala kaming pambayad sa tuition fee ng school. Kaya desidido na ako sa aking desisyon at ayoko nang nakikitang nagdurusa si ate pritz.
Umagang umaga ay nagtungo kaagad ako sa principal’s office para sabihing inuurong ko na ang reklamo laban kay Lance at sinabing humingi na siya ng tawad sa akin. Nakiusap ako sa principal na wag na gawing malaking issue ito at nangako akong buburahin ang lahat ng pictures at videos na meron ako laban kay Lance at hindi na rin ito makakalabas pa.
Pagkatapos kong makiusap sa principal ay kaagad akong dumiretso sa aming classroom. Hindi ako nagpaapekto sa nakakainis na pagngiti ni Lance sa akin. Basta ang nasa isipan ko ngayon ay dapat makumbinse ko siyang maibalik ang trabaho ni ate pritz at ang scholarship ko. Kahit na labag sa kalooban ko ay hahayaan ko na lang na lunukin ang pride ko kaysa makitang nagdurusa ang ate ko. Nang sumapit ang lunch break ay kinausap ko si Lance ng mag-isa sa rooftop.
“So anong gusto mong pag-usapan natin?” tanong niya habang nakangiti.
“Inuurong ko na ang reklamo laban sayo at buburahin ko na lahat ng ebidensyang meron ako” seryoso kong sabi at bigla naman siyang tumawa.
“Akala ko pa naman ay kakaiba ka sa kanila. Mahina ka rin pala” pang-iinis niya.
“Gagawin ko lang yun kapag binalik mo ang trabaho ng ate ko at ang scholarship ko at titigilan mo na rin ako” halos manginig ang buong katawan ko sa sobrang pandidiri sa sarili ko dahil labag sa loob kong makiusap sa isang katulad niya.
“No deal!” seryoso niyang sabi.
“Akala ko ba” hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil nag-iingat ako sa bawat salitang sasabihin ko dahil maaaring ikasama ko ang mga salitang sasabihin ko kapag hindi niya ito nagustuhan.
“Ano pa bang gusto mong gawin ko?” mahinahon kong sabi.
“Kaya kong ibalik ang trabaho ng ate mo pati na rin ang scholarship mo pero hindi pa rin kita titigilan. Ganito na lang papayag ako sa kondisyon mo kapag pumayag kang maging pet ko?” nakangisi niyang sabi.
“Pe-pet? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.
“Gagawin mo lahat ng gusto ko. Na parang alagang aso!” pang-iinsulto niya. Pinilit kong huwag mainis sa kanya at kinalma ang sarili. Huminga ako ng malalim bago sumagot. Alam kong pagsisisihan ko ito pero sa ngayon ay wala akong choice kundi sumuko sa kanya.
“Deal” malumanay kong sagot at bigla siyang pumalakpak sa tuwa.
“Then prove it!” sabi niya at napatingin ako sa kanya habang inaabot niya sa akin ang kamao niya na may sugat. Hindi ko naintindihan ang gusto niyang sabihin kaya nagsalita siyang muli.
“Ano bang ginagawa ng mga aso kapag nasusugatan ang kanilang mga amo?” sa sinabi niyang yun ay parang tinamaan ako ng kidlat. Pakiramdam ko ay sobrang baba na ng pagkatao ko. Doon ko napagtanto kung ano ang gusto niyang gawin ko.
“Prove it” sabi niyang muli. Pinikit ko ang aking mata at lunok laway habang dahan-dahang yumuko. Napakawalanghiya talaga ng hambog na to, sobrang galit na galit ako ng mga oras na to pero wala akong magawa kundi lunukin ang pride ko. Gusto niyang dilaan ang ko ang sugat na nasa kamao niya na para bang aso. Sa tanang buhay ko ay hindi ko pa naranasan ang ganitong pakiramdam na para bang hindi na ako tao sa pangingin ng iba. Di rin nagtagal at naramdaman ko na ang kanyang kamao sa mga labi ko. Darating din ang araw na makakaganti ako sa hambog na to.
Itutuloy…..
A/N: I’m backkkk… hindi nyo pa ba ramdam ang romance sa story? Hahaha Dont worry malapit na yun. Medyo slow ang development ng feelings ng mga characters dito dahil as of now ay STRAIGHT pa daw sila.
Please show some love by voting this chapter and by leaving comments.
Thank you <3
Chapter 3: His Kiss
Darren as Gunter
Gunter’s POV
Marami na akong away na pinasukan noong elementary kasama ang mga tropa ko. Hanggang pagtungtong namin sa High school ay magkakasangga pa rin kami sa tuwing mapapaaway ang isa. Nakakalungkot lang at kailangan naming maghiwalay dahil kinakailangang samahan ko si ate dito sa laguna. Kung dati ay may kasangga ako sa bawat gulo na papasukin ko pero ngayon ay kailangan kong haraping mag-isa ito. Lunok laway kong tatanggapin ang pagkatalo.
Nang makausap ko si Lance ay mabilis ko siyang napapayag na ibalik ang trabaho ni ate fritz pati na rin ang aking scholarship pero sa isang kondisyon. Yun ay ang maging pet niya. Malabo pa rin sa akin kung ano ang ibig sabihin niya na maging pet niya ako basta ang alam ko ay dapat sundin ko ang lahat ng sasabihin niya sa akin. Mukhang mas malala pa to kaysa sa pagiging alipin. Inutusan niya akong dilaan ang sugat na mayroon sa kanyang kamao. Wala na akong choice sa mga sandaling yun kundi gawin ang gusto niyang mangyari. Pinikit ko na lang ang aking mata at buo ang loob na gagawin ang gusto niyang mangyari. Nang dumampi ang labi ko sa kanyang kamao ay yun na ang naging hudyat sa pagbaba ng tingin ko sa aking sarili. Ilang sandal pa nang ilalabas ko na sana ang aking dila nang bigla siyang magsalita.
“What the fuck? Gagawin mo talaga yun?” sabay bawi ng kamao niya at tumawa siya ng malakas. Kinimkim ko na lang ang galit na nararamdaman ko ngayon dahil alam kong hawak niya ang sitwasyon.
“You know what, I really like you!” nagulat ako nang bigla niya akong inakbayan sa unang pagkakataon.
“Don’t worry, simula ngayon ay wala ng gagalaw sayo” sabay pitik ng malakas sa noo ko at napahawak ako sa aking noo dahil sa sakit ng pagkakapitik niya.
“Maliban sa akin” dugtong niya at tumatawa siya habang naglalakad papalayo sa akin.
Ang sakit ng noo ko dahil sa malakas na pagpitik niya. Bago ako pumunta sa aming classroom ay nagtungo muna ako sa banyo para maghilamos ng mukha. Pagtingin ko sa salamin, doon ko nakompirma na namumula nga ang aking noo. Anong klaseng kamay ba ang meron siya at sa tuwing lalapat ito sa katawan ko ay nag-iiwan ito ng pasa o marka. Pagkalabas ko ng banyo ay bigla akong nakatanggap ng tawag mula kay ate fritz.
“Gunteeeeeerrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!” halos mabingi ako sa lakas ng pagsigaw niya sa phone.
“Ba-bakit po?” natataranta kong sagot.
“Binalik na nila yung trabaho ko, pati na rin yung scholarship moo!” naiiyak na sabi ni ate fritz.
“Buti naman po ate. Congrats, hayaan nyo po pagbubutihin ko ang pag-aaral ko” pinipilan ko ang sarili kong wag maluha.
“Oh siya pumasok kana sa classroom mo at huwag kang tatambay tambay sa labas” pagpapaalala niya. Malakas talaga ang kutob nitong si ate fritz kaya hindi ko magawang magsinungaling sa kanya eh.
“Opo” sagot ko at binaba na niya ang phone. Titiisin ko na lang ang pambubully sa akin ni Lance para sa ikabubuti namin ni ate fritz. Ayoko nang makita siyang nahihirapan ng dahil sa akin. Sa pagkakataong ito ay dapat ako rin ang maging kasangga niya lalong lalo na kami na lang ang magkatuwang sa buhay.
Parang bumalik ang lahat sa normal nang tanggapin ko ang pagiging pet ni Lance. Hindi na nila ako binubully sa tuwing sasasapit ang lunch break. Wala ng bumabato sa akin ng kung ano-ano at walang nambabasa sa tuwing pupunta ako ng banyo. Ang buong akala ko ay balik na sa normal ang buhay ko pero dun ako nagkakamali. Nang matapos ang klase ay naiwan kami ng mga ka-group mates ko sa loob ng room para pag-usapan ang magiging concept namin sa darating na foundation week. Bawat klase ay may kanya kanyang contribution sa pagsicelebrate ng foundation ng school. Panay lang ang tango ko sa mga suggestions nila dahil wala naman talaga akong interes sa mga ganyang event. Hindi ko nga rin alam kung papano ako napili para mag-organize sa aming klase. Bago pa man matapos ang pagpupulong namin ay may biglang tumawag sa akin na sa pagkakakilanlan ko ay isa sa mga bata ni Lance. Nagpaalam ako sa mga groupmates ko na makikibalita na lang ako kinabukasan kung ano man ang magigig desisyon nila dahil alam kong hindi ako basta basta paalisin ni Lance.
Hindi ko alam kung bakit kailangan panghawakan ako ng kumag na to sa kwelyo habang hinahatid niya ako kung nasaan man si Lance ngayon. Ang lakas ng loob niyang kaladkarin ako na para bang ang laki-laki ng katawan niya para maghamon. Kapag nasapak ko to, tiyak na bukas pa to magigising. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang sobrang kayabangan niya eh sobrang payat naman niya. Hindi nga ako nagkakamali dahil hinatid niya ako sa may rooftop kung saan ang paboritong tambayan ni Lance. Nagsalubong agad ang mga kilay niya nang makita niya ako.
“Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?” tanong niya.
“Ahh-anong ibig mong sabihin?” sagot ko dahil wala naman akong atraso sa kanya para magalit siya sa akin.
“Manahimik ka! Hindi ikaw ang kausap ko” mabilis niyang sagot. Ang kausap niya pala ay yung patpating may hawak sa kwelyo ko.
“Hinatid ko po siya gaya ng utos niyo sa akin” ang sagot ng loko.
“At sinong may sabi sayong kaladkarin mo ang tuta ko ng ganyan?” inis niyang sambit.
“Tutaaa?” hindi ko napigilang magsalita at saka niya ako tinitigan ng masama.
“Aww..aww” paggaya ko sa boses ng tuta habang tinatakpan ko ang aking bibig. Mas mabuti nang magmukha akong tanga para sa kanya kaysa pahirapan niya pa ako ng husto.
“Alis!” sabay tapik niya sa kamay ng payat na lalaki at sinipa niya ito hanggang sa matumba. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya dahil kahit mismo hangin ay kaya siyang patumbahin. Pano pa kaya ang malakas na sipa ni Lance sa kanya.
“Sorry Boss, hindi na po mauulit” sabi niya at saka tumakbo palayo.
Ang akala ko ay makakaligtas rin ako sa pananakit niya pero nagkamali ako nang bigla niyang pitikin ang noo ko. Hindi ko napigilang mapahiyaw sa sakit at sabay hawak sa aking noo.
“Hindi ka special sakin para pag-antayin mo ako ng matagal” inis niyang sabi. Bigla siyang dumukot sa kanyang bulsa at inabot sa akin ang isang collar.
“Anong gagawin ko dito?” tanong ko.
“Isuot mo, dahil di ba simula ngayon tuta na kita” sagot niya at ako naman ay napalunok laway sa kanyang sinabi. Hindi ko aakalaing totohanin niya ang kanyang sinabi. Nang titigan ko ang collar ay may nakakabit pa ditong silver coin-plate na may nakasulat na Lance’s Pet.
“Si-sigurado ka?” pag-aalangan ko dahil alam kong magmumukha akong katawa-tawa sa collar na to. Okay sana kung wala ng silver-plate dahil magmumukha lang tong accessory kapag ganun. Kaso asong aso talaga ang dating ko sa binigay niya.
“Mukha ba akong nagbibiro? Dali isuot mo na!” utos niya at agad ko namang isinuot ito. Laking gulat ko na saktong sakto ito sa aking leeg na para bang sinukat. Agad kong tiningnan ang hitsura ko sa reflection ng screen ng cellphone ko. At ayun nagmukha akong may suot na choker. Ang lakas makabading. Pero kailangan kong pagtiisan to hanggang magsawa si Lance sa pambubully sakin.
“Huwag na huwag mong tatanggalin yan. Lalong lalo na dito sa school!” pagbabanta niya.
“Eh paano kung tanggalin ko?” pagbibiro ko.
“Sinusubukan mo ba ang pasensya ko?” inis niyang sabi.
“Hindi, biro lang. eh pano pagnasa bahay ako pwede kong tanggalin to?” seryosong tanong ko.
“Basta wag na wag kong makikitang hindi mo suot-suot yan. Kung hindi malilintikan ka sa akin!” mukhang seryoso talaga siya sa kanyang pagbabanta kaya dapat lang talaga na hindi ko to tanggalin.
Hindi nagtagal ay umalis na din siya at iniwan akong nakatayong mag-isa. Siguro kailangan ko nang pag-isipan kong papano ko to itatago kay Ate Pritz. Kasi pagnalaman niyang binubully ako sa school ay tiyak susugod yun dito. Hindi pu-pwedeng mawala ang trabaho niya pati na rin ang scholarship ko kaya kailangan kong tiisin ang panggagago sakin ni Lance.
Nang makauwi ako sa bahay ay ang pagtanggal ng collar ang una kong ginawa. Para akong nakalaya sa preso ng ilang taon. Mas nakahinga ako ng mabuti nang tanggalin ko ito. Kaagad kong tinago ito sa aking bag para madali ko siyang makukuha kapag hinanap ko ito. Buti na lang at mas nauna akong nakarating kay ate pritz. Balik naman sa normal ang aming pamumuhay nang maibalik ang trabaho niya. Naging madaldal na siya ulit at palasermon na nakasanayan ko na. Para sa akin ay mas okay yung ganito kaysa makikita ko siyang umiiyak palagi.
Kinabukasan sa school ay naging naging agaw pansin ang suot-suot kong collar. Ang akala nga nila ay nababakla na ako at naiisipan kong magsuot ng choker. Pero hinayaan ko na lang sila kung ano man ang gusto nilang isipin dahil nakasalalay sa choker na to este sa collar na to ang magiging katinuan ni Lance. Ang ilang kaklase kong babae ay naging mausisa sa suot kong collar dahil bagay daw sa akin. Ano bagay sa akin ang maging aso? Pero ang sabi ng isa naming kaklase ay nagmukha daw akong K-Pop idol sa suot kong collar. Para daw akong member ng STB, BST o BTS ba yun? Ay ewan wala akong alam diyan. Laking gulat ko nang biglang humiyaw si Ailene habang hawak hawak ang silver plate ng collar ko.
“Girls, tingnan nyo!!” sabi niya sa iba naming kaklaseng babae. At nagsilapitan sila sa akin na para bang gusto nila akong halikan lahat pero ang mata nila ay nasa collar kong suot suot. Nang makita nila ang nakasulat ay sabay-sabay silang nagsisipag hiyawan.
“OMG, si Lance ba ang nagbigay nito?” tanong ng isa kong kaklase na hindi ko matandaan ang pangalan. Kilala ko lang siya sa tali ng buhok niya na parang si Ariana Grande. Tanging pagtango lang ang naisagot ko sa kanya.
“Huhu, gusto ko rin nito. Papano ka niya binigyan nito?” tanong ng isa naming kaklase na kamukha ni Maymay. Parang andami atang look-a-like ng mga celebrity dito sa klase namin. Hindi ko alam kung bakit na lang nila ako pinagkakausap bigla. Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang biglang..
“Pwedeng umalis kayo sa upuan ko?” naiinis na tanong ni Lance. Wala atang araw na hindi ito nababadtrip. Parang mga langaw na nagsialisan ang mga kaklase kong babae.
At naupo naman kaagad sa tabi ko si Lance. Hinawakan niya ang leeg ko at tiningnan ng mabuti ang suot kong collar. Bigla na lang naghiyawan ang mga kaklase kong babae nang gawin ni Lance yun. Lumingon siya sa kinaroroonan ng mga kaklase kong babae at isa-isa rin silang nanahimik. Hindi ba niya alam na ang awkward ng ginagawa niya?
Makalipas ang ilang klase ay naging bakante ang oras namin dahil isa sa mga teacher namin ay absent ngayon at walang makakapag-sub sa kanya. Nanatili lang kami sa aming classroom pero ang iilan sa mga kaklase naming ay nagsilabasan na dahil break time narin pagkatapos ng klaseng to. Nakakapagtaka namang nanatili lang din sa klase si Lance at piniling maglaro sa kanyang Nintendo Switch. Isang upuan ang naging agwat namin sa isa’t isa dahil nakapatong ang kanyang paa sa upuang katabi ko. Naglaro na lang ako ng Cytus sa cellphone ko habang nakasuot ng earphone ang isa kong tenga. Habang naglalaro ay nakarinig na lang ako ng pagsitsit at nang lingunin ko ay si Lance pala ang tumatawag sa akin. Bigla na lang niya akong binato sa mukha. Nang tingnan koi to ay isang M&M na chocolate.
“Bakit?” tanong ko sabay tanggal ng earplug sa tenga ko. Pero imbes na sagutin ang tanong ko ay muli niya akong binato ng M&M sa mukha. Hindi ko talaga siya maintindihan kong minsan. At sa pangatlong pagbato niya ay saka ko lang napagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin. Sinalo ko ang binato niyang chocolate gamit ang bibig ko na para bang aso na hinagisan ng pagkain. Nang masalo ko ito ay natuwa naman ang kumag. Narinig ko na naman ang mga hiyawan ng mga kaklase naming babae. Ang iba ay nagkomento pa na nakakainggit daw. Kung alam niyo lang kung gaano kalala ang maging tuta ni Lance ay hinding-hindi niyo sasabihin yan.
Nang dumating ang break time ay lumabas na rin ako ng classroom para kumain kahit wala akong gana. Baka kasi kung ano-anong bagay ang ipagawa sa akin ni Lance kapag nag-stay pa ako sa classroom. Halos mabilaukan na ako sa kakasalo ng mga M&Ms na binabato niya sa akin. Ayoko ring isipin ng mga kaklase kong may namamagitan sa aming dalawa dahil alam ko sa sarili kong lalaki ko. Pagnatapos na tong pambubully ni Lance ay maglalakas loob akong ligawan yung babaeng crush ko sa ibang section. Ewan ko ba sa unang tingin ko pa lang sa kanya ay para bang nakuha na niya ang loob ko. Paano ko ba ipapaliwanag ang pagkatao niya? Para siyang Maria Clara sa modern time na napakahinhin pero alam mong hindi rin ganun ka conservative. Palangiti at napaka-elegante.
“Hi Gunter” bati sa akin ni Chloe. Para akong hinagis papuntang cloud 9 sa sobrang saya. Sino ba naman ang mag-aakalang babatiin niya ako? At tinawag niya ako sa pangalan ko, papano niya nalaman? Eh hindi nga kami nagkakausap.
“Ha-Hi Chloe” nauutal kong sagot. Para akong torpeng lalaking nakikipag-usap sa crush niya. Parang ganun na nga talaga ang dating ko. Hindi kayo nagkakamali dahil ang maria clarang tinutukoy ko ay ang kausap ko ngayon.
“Cute ng choker mo” masaya niyang sabi. Sasagutin ko na sana siya ng biglang.
“Yep, it suits him!” sabay akbay sa akin ni Lance. Kelan pa kaya siya nakabuntot sa akin?
“Ohh…nice” naiilang na sagot ni Chloe at bigla siyang nagpaalam at lumayo sa akin.
Grabe minsan lang ang pagkakataong kakausapin ka ng crush mo tapos saka naman susulpot tong gago na to para sirain yung pag-uusap naming dalawa. Ang kamay niya na nasa balikat ko na nakapatong kanina ay nasa ibabaw na ng ulo ko ngayon at dahan-dahan niya itong hinihimas na para ba akong aso. Hindi nagtagal ay humigpit ang kapit ng kamay niya at bahagya akong nasabunutan.
“Sino naman ang nagsabi sayong pwede ka na magbreak ng hindi nagpapaalam sa akin?” sabi niya habang nasa ulo ko pa ang kamay niya.
“Sorry nagugutom na talaga ako eh” siguro kong may totoong alagang aso to ay agad namamatay sa sobrang mapanakit niya.
“Talaga, nagugutom kana? Sige pakakainin kita!” sarkastiko niyang sabi. At dinala niya ako sa canteen habang ang kanyang kamay ay nasa batok ko.
Nang makarating kami sa loob ng cafeteria ay agad niya akong pinahawak ng tray. Tapos lahat ng binili niyang pagkain ay nilalagay niya sa tray ko. Ang dami niyang nilagay sa tray ko, pang apat hanggang limang tao na ang kakain nito pero dadalawa lang naman kami ang uubos nito. Siguro sobrang takaw nitong gagong to kaya ganito kadami ang inorder niya. Pagkatapos naming makaorder ay naupo kami sa isang bakanteng mesa para kainin ito.
“You only have 15 minutes to finish all of these” bigla niyang sabi.
“Haa?” hindi ako makapaniwalang sasabihin niya yun.
“Di ba sabi mo nagugutom ka? Kaya ayan binilhan kita para mabusog ka!” at ngumiti siyang sarkastiko sa akin. Tinitigan ko siya nang mabuti kong nagbibiro lang ba siya. Pero..
“Your time is running…” sabi niya sabay pakita ng timer na nasa phone. Nataranta naman ako at hindi ko malaman kong anong uunahin kong kainin.
Habang tumatakbo ang oras na nilaan niya ay hindi ako magkanda-ugaga sa pagkain ng mga pagkaing binili niya na para sa limang katao. Halos mabulunan ako sa pagmamadaling maubos ang lahat ng ito. Aliw na aliw naman siyang tinitingnan akong nahihirapan sa pagkain ng mga ito. Nang matapos ang oras na binigay niya sa akin ay naubos ko rin lahat-lahat ng mga ito. Halos pumutok ang tiyan ko sa sobrang kabusugan. Todo ngisi naman ang gagong to habang nakikita niya akong nahihirapan.
Maya-maya ay nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko. At ayun na nga sa dinami-dami ng kinain ko ay tinawag na ako ng kalikasan. Nagpaalam naman ako sa kanya na magbabanyo lang ako pero noong una ay ayaw niya akong payagan dahil tatakasan ko lang daw siya. Pero nang marinig niya ang pag-utot ko ay hinayaan na niya akong makaalis habang siya ay mamatay matay sa kakatawa dahil marami ang nakarinig ng pag-utot ko dahil na sa cafeteria kami nun. Ang dami ko ng kahihiyang ginawa dahil sa kanya. Sana mamatay na lang siya sa kakatawa sa upuan niya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang mailabas itong sama ng tiyan ko. Nang makaupo ako sa kubeta ay agad ko namang nilabas ito. Kanina pa tumunog ang bell na hudyat na tapos na ang break time pero hindi ako agad makaalis sa kinauupuan ko dahil mukhang ansama talaga ng tama ng mga kinain ko sa tiyan ko.
Makalipas ang ilang minuto ay bumuti ang kalagayan ng tiyan ko at nakatayo na rin ako sa mabahong trono nato. Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay agad akong lumabas ng banyo at nagmamadaling lumabas ng banyo dahil sampung minuto na akong late sa susunod kong klase. Laking gulat ko nang makita ko si Lance sa labas ng banyo.
“What took you so long? Tumae ka ba talaga o nagmasturbate ka lang?” derechong sabi niya.
“Syempre tumae ako, ang sama kaya ng tiyan ko.” Inis kong sabi.
“Ganun ka tagal?” inis niyang tanong.
“Eh bakit sino ba nagsabi sayong antayin mo ako?” sagot ko habang hinihimas ang tiyan ko na nagsisimulang humilab na naman.
“Sino naman ang nagsabi sayong inaantay kita dito?” sagot niya. Sasagutin ko pa sana siya pero binatukan niya ako at pinalakad habang nasa batok ko ang kanyang kamay.
Hindi na ako nagsalita dahil wala akong lakas para makipagtalo sa kanya. Sabay kaming pumasok ng classroom ng late. Dahil kasabay ko si Lance ay hindi na nag-usisa ang guro namin kung bakit kami late. Kung gaano kabilis matapos ang maghapon naming klase ay ganun din ang pagkalat ng pagiging pet ko kay Lance. Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng pet si Lance sa campus. Madalas na nakakakuha ng atensyon niya ay mga babaeng nagiging girlfriend niya o kaya mga target niya na binubully niya. Pero kakaiba daw ang sakin dahil parang pinagsama daw ako ng dalawa. Sa idea pa lang nila na maging kasintahan ko si Lance ay kinikilabutan na ako.
Hindi ko aakalaing magiging katawa-tawa ang susunod na araw ko sa school. Pagpasok ko ng campus ay maraming babae at iilang binabae ang may suot ng choker o collar nakagaya ng sa akin. Parang biglang naging fashion trend itong suot suot ko. Imbes na mahiya ako ay bigla akong natuwa dahil hindi na ako naiiba sa karamihan. Nang malaman ito ni Lance ay galit na galita siya sa mga nagsuot nito kasi gayang gaya talaga ng sa akin at may nakasulat pang Lance’s Pet sa silver coin plate na gaya ng sa akin. Ilang hambas sa batok ang inabot ko sa kanya dahil hindi ko talaga mapigilang matawa sa tuwing may makakasalubong kaming may suot suot na collar na kagaya ko.
Sobrang tawang tawa talaga ako dahil asar-asar talaga siya. Mukhang ito yung araw na nakaganti ako ng tuluyan sa kanya. Kahit na ilang pananakit ang inabot ko sa kanya ay sulit na sulit yung makita siyang galit na galit dahil sa ginawa ng ibang estudyante. Habang tumatagal ay nasasanay din ako sa pag-uugali ni Lance pero biglang nagbago ang lahat ng sumapit ang foundation week namin.
Abala ang bawat isa sa kani-kanilang school activities na sinalihan. Ang ilan ay naghahanda para sa cheerleading competition. Meron ding mga naghahanda para sa highlight ng event ngayong week yun ay ang basketball competition kung saan kalahok si Lance na inaabangan ng bawat isa. Maliban sa akin, wala akong interes panoorin ang laro niya. Ngayon ang huling araw ng foundation week naming kaya mas naging abala kami dahil open-campus kami kapag last day ng foundation week at maraming tao ang bumibisita sa bawat booth ng bawat section. Sobrang haba ng pila sa horror booth sa kabilang section na pinipilahan ng karamihan. Isa rin sa naging agaw pansin ang wedding booth kung saan pwede kayong ikasal ng gusto mong maging kapareha sa araw na yun. kami naman ay marami ding naging customer dahil sa idea naming maid-café. Nasa amin ba naman ang maraming magagandang babaeng estudyanteng nakasuot ng maid-costume habang nagsiserve ng order.
Laking gulat ko nang biglang pinasara ni Ailene ang booth namin ng panandalian para mag-usap. Nabalitaan kong tatlo sa aming kaklaseng nagsusuot ng costume bilang maid ay hindi makakapasok ngayong araw dahil na-food poison daw kahapon at kasalukuyang nasa hospital. Hindi naman kakayanin ng dalawa naming kaklase na gawin lahat ng gawain sa pagsisilbi sa dami ng mga customer namin. Si ailene na nagsisilbing manager ay nagsuot na rin ng maid costume para lang madagdagan ang mga magsiserve. At ang president ng klase naming lalaki ang pumalit sa kanya bilang manager.
“Gunter kailangan na kailangan ko ang tulong mo ngayon at ikaw lang sa mga lalaking to ang makakatulong sa atin. Please!!” pakiusap ni Ailene.
“Sige ano bang gagawin ko?” tanong ko.
“Gumanap ka bilang maid” seryoso niyang sabi.
“Haa.. bat ako?” gulat kong tanong.
“Ikaw lang ang makakapagcover ngayon. Please last day na to ng event” pakikiusap niya sa akin.
“Ehh bat ako? Eh lalaki ako at saka ang sagwa tingnan pagnabihis babae pa ako. Pwede naman magbihis waiter na lang ako” hindi ko talaga inaasahang sasabihin niya sa akin yun.
“Di pupwede. Kasi maid-café ang theme natin. Kaya kailangan magbihis ka bilang maid please!!!” bigla akong napakamot ulo sa hinihingi niyang pabor.
“Sige na pre, sa pogi mong niyan tiyak magmumukha kang magandang babae” sabat ng kaklase naming lalaki.
“Ikaw na lang kaya!” inis kong sabi.
“Sa laki ng braso niyan ay hindi madadala ng make-up ang pagkabrusko niya. Please Gunter, after nito ay gagawin ko lahat ng favor na ipapagawa mo sa akin!” pakiusap ni Ailene. Pinag-isipan kong mabuti ang sainabi niya. Napag-alaman ko pa namang pinsan niya si Chloe. Siguro hihilingin ko na lang na favor na maaya ko si Chloe ng date pagnatapos ang linggong to. Huminga ako ng malalim bago ako pumayag sa gusto niya.
Mabilis niya akong pinagbihis ng maid-costume. Sobrang hapit na hapit ito sa aking katawan pero napakasiya ko ito. Nilagyan naman kaagad ako ni Ailene ng make-up at pinagsuot ng wig. Nang matapos niya akong ayusan ay nagdadalawang isip akong tingnan ang aking sarili sa salamin dahil alam kong mukha akong katawa-tawa ngayon. Pero nang makita ko ang aking sarili sa salamin ay laking-gulat ko dahil halos hindi ko makilala ang aking sarili. Para bang nasa loob ako ng katawang ng isang babae. Kahit ako ay hindi ko nakilala ang aking sarili. Ang sabi sa akin ni Ailene ay magpanggap lang akong babae at huwag na huwag magsasalita dahil doon ako mabubuko.
Naging maayos naman ang pagpapanggap ko. Naglagay na din si Ailene ng name-tag sa dibdib ko dahil maraming nagtatanong ng pangalan ko. Dumadami na rin ang mga taong pumapasok sa booth naming dahil kakatapos lang ng main event at nabalitaan kong panalo ang team nila Lance. Buti naman at wala pa ring nakakabisto sa pagkatao ko pero bigla akong nataranta ng pumasok si Lance at ang ibang mga ka team mates niya sa loob ng booth namin. Ang malas ko pa ay bigla niya akong kinausap para humingi ng tubig. Gaya ng ibang customer ay pagtango lang ang sinasagot ko. Aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
“Wait, Do I know you?” tanong niya. Todo iling naman ako para tumanggi. Buti na lang at hindi natanggal ang wig ko. kundi mabubulilyaso ang pagpapanggap ko. Lalo akong mananagot dahil hindi ko suot suot ang collar na binigay niya. Buti na lang at andun si Ailene at kinausap si Lance para mabaling ang atensyon ni Lance.
Todo iwas ako sa mga tingin niya habang nasa loob sila ng booth namin. Siguro ay nakikilala na niya ako pero hindi lang talaga siya sigurado kaya panay ang tingin niya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan ang sariling kabahan. Anim lang kasi sa amin ang nakakaalam sa pagpapapanggap ko at nangako ang bawat isa na walang magkukwento sa pagpapanggap ko. Akala ko ay matatapos na ang kalbaryo ko nang makaalis sila sa loob ng booth pagkatapos nilang kumain. Pero makalipas ang ilang minuto ay bumalik siya sa loob habang may mga babaeng naghahabol sa kanya para hatakin siya sa wedding booth.
“Hey you, come with me” sabi ni Lance. Napalingon naman ako sa likod ko kung sino ang tinutukoy niya at laking gulat ko ng hatakin niya ako palabas ng booth namin. Nagpumiglas ako pero nanatili akong hindi nagsasalita para hindi mabuko.
Dahil mas malakas siya sa akin ay hindi naging mahirap para sa kanya ang pagdala sa akin sa wedding booth. Kasunod namin ang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya na panay ang pag-irap sa akin. Kung alam lang talaga siguro nila ang totoong pagkatao ko ay matatawa na lang siguro sila.
“Itigil nyo na ang kakahabol sa akin kasi ikakasal na kami ngayon” sabi ni Lance sa mga babae. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya dahil kahit naman magmatigas ako ay gagawin niya pa rin ang gusto niya. Ang mahalaga ngayon ay hindi niya pa rin ako nabibisto.
At ayun na nga, nagsimula ang seremonya kono ng kasal. Nang tanungin ako ng kunwaring pari kung papayag ba akong maikasal sa kanya ay tanging pagtango lang naisagot ko. Pero kailangan daw ay magsalita ako kaya naman inipit ko ng husto ang boses ko para masabi ang
I do
na yan. Ang akala ko ay matatapos na ang kalokohang ito nang magsabi kami ng I do sa isa’t isa. Pero kinagulat naming lahat ng biglang halikan ako sa labi ni Lance ng sabihin ng pekeng pari ang mga katagang “
You may kiss the bride“
. Sa gulat ko ay naitulak ko siya ng malakas at agad akong tumakbo.
Hindi ako makapaniwalang hinalikan ako ni Lance. Tangina hindi ko kasama sa plano. Hindi ko alam kung saan ako magtatago dahil hinahabol pa rin niya ako. Saktong Lunch break at natigil ang horror booth kaya pumasok ako sa loob para magtago. Madilim ang loob kaya saktong sakto pwede akong magtago ng panandalian dito. Nagulat ako nang may humatak sa akin.
“Hindi kana makakatago pa ngayon!” sabi ni Lance. Nanlaki ang mata ko ng ma-corner niya ako. Hanggang ngayon ay inaakala niya pa ring isa akong babae.
“How come na hindi kita nakikita sa campus? Sa ganda mong yan, bakit ngayon lang kita nakita?” gusto kong masuka sa mga pinagsasabi niya. Nang makakita ako ng pagkakataon ay tumakas ako pero mas mabilis ang mga kamay niya at nahatak niya akong muli.
“Wag ka ngang pa-hard to get na parang ayaw mo rin sa akin.” At muling hinalikan niya ako. Pinilit kong magpumiglas pero mas malakas talaga siya sa akin. Naramdaman ko na lang na pinasok na niya ang kanyang dila sa aking loob ng aking bibig. Para akong nakuryente na hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Bago pa man mabakla ako sa pinaggagawa niya ay tinulak ko siya para matigil ang ginagawa niya pero mukhang hindi siya na kontento.
“Lance, TAMA NA!” sabi ko. Kapwa kaming nagulat sa ginagawa ko. Nasabi ko ang mga salitang yun sa normal kong boses na lalaking lalaki. Tinititgan niya ako ng mabuti bago magsalita.
“Ga-Gunter?” tanong niya. Sa mga sandaling yun ay alam kong nabisto na ako sa pagpapanggap ko. Hindi ko alam kung papano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat-lahat. Ang alam ko lang ay malilintikan ako ng husto dahil sa panloloko ko sa kanya.
Itutuloy…..
A/N: Sorry sa matagal na update. Hindi maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. Pinilit ko lang talaga mag-update dahil may iilang nag-aantay sa update nito.
Please vote and let me know your thoughts sa comment section.
Thank you <3
Chapter 4: His Cousin
Dylan as Lance
Gunter’s POV
Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang marinig niya ang boses ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin kong paliwanag sa kanya. Nakatitig pa rin siya sa akin at halos hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Nang matauhan siya ay muling lumapit sa akin at para kuwelyuhan ako.
“What the fuck are you doing? Nagdamit pambabae ka para gaguhin ako?” naiinis niyang sabi.
“Sa-saglit lang. Magpapaliwanag ako.” Pero mukhang hindi na niya ako pakikinggan sa ano mang paliwanag na sasabihin ko. Pumikit na lang ako nang makita ko ang kamao niya na papalapit sa mukha ko.
“The hell!” rinig kong sabi niya at dinilat ko ang aking mata at nakita kong may binatang hawak-hawak ang kanyang kamay.
“Kelan ka pa natutong pumatol sa babae?” tanong naman ng binatang to.
“Ano bang ginagawa mo dito Eisen? And let me tell he is….aww” di pa natatapos sabihin ni Lance ang kanyang dapat sabihin nang batukan siya ng binatang to. Nagulat ako dahil sino ba namang maglalakas loob na manakit sa isang katulad ni Lance.
“Kahit kelan bastos ka talaga eh.. Kung si tito pinalalgpas yang bibig mo. Pwes ibahin mo ako!” bulyaw ng binatang pangalan ay Eisen, sabay hila niya sa braso ni Lance papalabas ng kwarto.
“San mo ba ako dadalhin?” tanong ni Lance habang nagkakamot ng ulo.
“Syempre, magce-celebrate tayo sa pagkanalo mo!” masayang sabi ni Eisen. Nagulat naman ako nang lingunin niya ako at kumindat sa akin sabay nagpaalam.
Napaupo ako sa sahig at nagsimulang tumawa. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na matawa sa mga nangyayari dahil ngayon ay natuklasan ko na kung sino ang kahinaan ni Lance. Pero sino nga ba yung Eisen na yun? Kapatid, pinsan o kasintahan? Malabong maging kasintahan niya yun dahil alam kong hindi bakla si Lance. Siguro kapatid niya. Nakaisip ako bigla nang magandang ideya para makatakas na ako sa pambubully sa akin ni Lance.
Nagtungo agad ako pabalik ng booth namin. Sinabi ko sa kanila na nabisto na ako ni Lance at ayoko nang magpanggap bilang isang babae. Mabuti naman at pumayag sila dahil dumami raw ang customer nang magbihis babae ako at nakalikom na ng isaktong pondo ang booth namin. Sinabihan kami na magpahinga na para may lakas pa kami mamaya sa magaganap na mini concert. Maraming banda ang darating gaya ng Itchyworms, Tanya Markova, IV of Spades at paborito ko sa lahat ay ang Gracenote. Meron pa isang surprise guess na magpeperform pero wala na akong pakialam dun basta makita ko lang magperform ang Gracenote ay masaya na ako.
Mabilis akong nagbihis at naghilamos ng mabuti para matanggal ang make-up na nilagay sa akin ni Ailene. Halos mamula ang aking mukha sa kakahilamos dahil halos ayaw matanggal ng make-up na nilagay niya sa aking mukha. Pagkatapos nun ay nagpaalam ako para magpahinga muna kahit isang oras man lang dahil ramdam na ramdam ko ang pagod ngayon. Pumunta ako sa isang bakanteng classroom at pinagdikit ko ang mga upuan para may mahigaan ako. Pagkahiga ko ay agad akong nakatulog.
Nagising ako nang maramdaman kong nagbavibrate ang cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon. Pagkakita ko ay tumatawag pala sa akin si Ate Fritz. Kaagad ko naman itong sinagot.
“Hello, ate?” mabilis kong tugon.
“Anong oras ka uuwi?” tanong ni ate. Rinig ko sa kabilang linya ang tunog ng sandok na kumikiskis sa kawali. Mukhang may ginigisa si ate ngayon bigla naman akong nakaramdam ng gutom.
“Pagkatapos po ng concert” tumingin ako sa relo ko 6:15 pm na pala.
“Bago po mag-8pm andyan na ako” dugtong ko.
“Siguraduhin mo lang ahh.. at wag ka nang maglalakwatsa” sabi ni ate fritz at kaagad pinutol ang tawag.
Lumabas ako ng classroom at tila ako na lang ang natitirang tao sa building na to. Nagtungo ako sa ground floor para hanapin ang mga kaklase ko pero nang marating ko ito ay ni isa sa kanila ay wala akong nakita. Narinig ko na lang ang pamilyar na tugtugin at di ko napigilan ang sarili kong mapatakbo. Shit, bat ko ba pinalagpas ang pagkakataong ito. Tumutugtog na ang Gracenote at mukhang last song na nila ang kanilang piniperform.
Pagkarating ko sa loob ng Gymnasium ay kitang-kita ko na agad ang dami ng tao sa loob na nagkukumpulan para manood ng mini concert. Lahat ay indak na indak sa pagperform ng Gracenote sa pinakasikat nilang kanta na “When I dream about you”. Pinilit kong makipaggitgitan sa mga taong nasa harapan para makita ko sila sa malapitan. Tuwang tuwa naman ako nang makita silang nagpeperform sa malapitan. Halos lahat ay nakikisabay sa chorus, napalingon ako sa kaliwang taong nasa paligid ko. Siya yung bumatok kanina kay Lance. Si Ai.. Si Eisen? Ngumiti siya sa akin at ako nama’y napangiti ng hilaw sa kanya. Sana hindi niya ako nakilala, nakakahiya tuloy. Laking gulat ko rin nang makita ko si Lance na nasa tabi niya na ngayon ay nakatingin na nang masama sa akin. Tinuon ko na lang ang aking paningin sa nagpeperform.
Hindi rin nagtagal at natapos ang kanilang performance at nagpaalam na rin sila. Lumapit para ipakilala ang susunod na banda. Yun ay ang IV of Spades, hindi ako masyadong nakikinig sa mga kanta nila pero nang marinig ko silang magperform ay tila bigla akong naging fan nila. Nang matapos silang kumanta ng apat na kanta ay kaagad rin silang nagpaalam. Sinundan sila ng iba’t iba pang mga banda na nakaline-up na magpeperform ngayong gabi. Gusto ko na sanang umuwi pero biglang nagsabi ang emcee na magpeperform na ang huling banda at ito yung banda na may surprise performance sa aming school. Dahil nga na-curious ako kung sino ang mga to ay nanatili pa rin ako. Naghiyawan ang lahat ng tao nang ipakilala ng emcee ang bandang
“OBLIVION”
. Alam kung sikat sila pero hindi ko talaga sila masyadong kilala. Nakita ko na lang na tila naging balisa si Eisen na nasa tabi ko at panay ang hatak niya ka Lance na kasalukuyang nag-aabang din sa last performer.
“Summer after high school when we first met” simulang pag-awit ng vocalist. Halos mabingi ako sa mga tilian ng mga babaeng nasa paligid ko. Di nga maipagkakaila na magandang lalaki ang vocalista nila pero para sa akin ay hindi naman siya ganun ka galing na performer. Nanatili na lang ako dun para makinig. Pinagmasdan kong muli si Eisen na ngayon ay parang naiiyak na. At tila hindi ito napapansin ni Lance kaya naman kinalabit ko siya kung okay lang ba siya pero nang lingunin niya ako parang babagsak na ang mga luha niya. Napatigil sa pagkanta ang vocalista pero patuloy pa rin ang pagpapatugtog ng banda.
“EISEN?” Sigaw ng vocalist at nabitawan niya ang mic na nagsanhi ng hindi magandang tunog na ang sakit sa tenga.
Bigla na lang tumakbo si Eisen nang tawagin siya ng vocalista ng bandang oblivion. Lahat ay nagulat sa pangyayari lalo na nang habulin ng lalaki si Eisen sa labas ng gymnasium. Sumunod si Lance na mukhang naiinis sa mga nangyayari. Sa hindi ko malamang dahilan ay napasunod rin ako sa kanila papalabas ng gymnasium. Naabutan ko na lang na hawak hawak ng lalaki ang kamay ni Eisen habang ito ay umiiyak. Bigla namang sinugod ni Lance ang lalaking may hawak kay Eisen at agad itong sinuntok sa mukha. Hindi nagpatalo ang vocalist sa kanya at gumanti rin ng suntok hanggang sa magpagulong gulong sila sa sahig.
Naawa ako sa kalagayan ni Eisen dahil pilit niyang inaawat ang dalawa para itigil ang ginagawa nila. Kaya naman lumapit na rin ako para awatin ang dalawa. Hinila ko si Lance papalayo sa vocalist at si Eisen naman ay ganun din ang ginawa sa vocalist. Nagpupumiglas si Lance sa pagkakayapos ko sa kanya pero hindi ko pa rin siya binibitawan kahit na nasasaktan na ako sa ginagawa niya. Narinig ko na lang na nagsalita ang vocalista.
“Please Eisen, pakinggan mo muna ako” pakiusap ng vocalista sa kanya.
“Wala kayong dapat pag-usapan!” sigaw ni Lance habang nagpupumiglas sa akin.
“Ewan mo muna kami Lance” seryosong sabi ni Eisen habang pinupunasan ang luha niya.
“Hindi kita iiwan sa lalaking yan” sagot ni Lance.
“Hi-hindi mo naman kailangang umalis ng mansion. Lalung lalo na ngayon dahil si Jethro ay may…” hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang magsalita si Eisen.
“Please, ayoko nang marinig ang pangalan niya. Please, gusto ko nang maging malaya. Kung masaya na siya sa iba edi good for him. Tama na yung naging kami. Tama na yung naramdaman ko naging mahal niya ako. Kaya ngayon ay gusto ko ng maging masaya. Yung totoong masaya.” Sambit ni Eisen at biglang umagos ang mga luha sa kanyang mga mata.
“Pero si Jethro ay..” pagpupumilit ng vocalist.
“Jean, Please?” pagmamakaawa ni Eisen at saka nag-iiyak. Lumapit sa kanya ang lalaking nagngangalang Jean at niyakap siya ng mahigpit.
Matagal-tagal din na yakap-yakap ni Jean si Eisen bago ito mahimasmasan. Patuloy pa rin ang concert kahit wala na ang vocalist ng banda ng oblivion. Mukhang kalmado na rin si Lance kaya binitiwan ko na ang pagkakahawak sa kanya.
“Please, huwag na huwag mong sasabihin sa kanila na nandito ako. Gusto ko na maging tahimik ang mga buhay natin. Naging magulo ang pamilya nyo nang dumating ako sa buhay nyo. Kaya naman ay pinili kong umalis na para pareho na tayong matahimik.” Sambit ni Eisen. Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari pero mukhang hindi maganda ang mga pinagdaanan ni Eisen.
“Fine. Hindi kita pipiliting bumalik ng mansion. I am happy na safe ka” sambit ni Jean at saka yumakap muli sa kanya si Eisen at hinalikan naman siya ni Jean sa ulo. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang. Magkasintahan ba tong dalawang to? Pero mas mabuti na sigurong wala akong alam sa bagay na yun dahil hindi rin naman ako interesado.
Maayos na nagpaalam sa isa’t isa si Jean at Eisen. Hindi pa rin maipinta ang pagmumukha ni Lance habang tinititigan niya ang dalawa na magkaakap. Huwag mong sabihing nagseselos ka sa kanila? Pagkatapos nilang makapagpaalam sa isa’t isa ay nauna nang lumisan si Eisen kasama si Lance. Bago makalampas sa akin si Jean ay bigla na lang niya akong tinapik sa balikat na tila nagpapasalamat sa pag-awat ko sa kanilang dalawa.
Gaya nga ng paalam ko kay ate fritz ay umuwi na rin ako kaagad ako bago mag-alas otso ng gabi. Daig ko pa ang isang babae na may curfew sa pag-uwi. Ewan ko ba kay ate, sobra-sobra yan kung mag-alala. Nang matapo akong makapaglinis ng katawan ay agad akong nahiga sa aking kama. Ramdam ko ang bigat ng aking katawan dahil sa pagod ko ngayong araw. Tuwing maaalala ko yung paghalik sa akin ni Lance ay para bang binabangungot ako. Kaya hindi talaga ako naniniwala sa sumpa-sumpa na yan. Masyado lang sigurong OA ang mga taong nagkakagusto sa kanya at kung ano-ano na ang mga pinagsasabi.
Dahil huling araw ng pasok sa klase kahapon ay tinanghali na ako ng gising. Bawing bawi ko ang pagtulog. Ganyan din si ate kapag weekends, puyat na puyat sa pakikipagchat sa boyfriend niya. Iniisip ko kung anong gagawin ko ngayong araw. Wala naman kaming assignments o kaya project na dapat gawin. Parehong busy naman tong mga kumag kong bestfriends kaya wala akong makausap sa messenger. Biglang may natanggap akong notification sa facebook at agad ko naman itong tiningnan. Laking gulat ko nang makareceive ako ng friend request mula kay Chloe. Sabi ko na nga ba type din ako nito. Pagkatapos kong i-accept ang friend request niya ay bigla na lang siyang nag chat sa akin sa messenger. At doon na nagsimula ang pag-uusap namin sa mga bagay-bagay. Ang dami niyang nakwento tungkol sa sarili niya at ganun din naman ako sa kanya. Siguro pag naayos na ang gusot sa amin ni Lance ay liligawan ko na tong si Chloe. Kapag ang palay na ang lumapit sa manok dapat tukain na niya agad to!
Natapos ang buong sabado ko sa paglalaro sa Nintendo switch at pakikipag-usap kay Chloe. Nang sumapit ang linggo ay sinamahan ko si ate fritz na magsimba. Matagal tagal na ring ng huli akong nagsimba, kaya siguro ako minamalas ay dahil nakakalimutan ko nang magdasal sa simbahan. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nandun rin si Ailene at Chloe sa loob ng simbahan. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko sa tuwing ngingitian ako ni Chloe. Sobrang ganda niya talaga, kung hindi ako siniko ni Ate fritz ay siguro magmumukha akong baliw na nakangiti sa kanya ng napakatagal.
Bago makalabas ng simbahan ay lumapit sa amin si Ailene at Chloe. Pinakilala ko naman sila kay ate bilang classmates ko. Tinutukso nga ako ni ate nang aminin ko sa kanyang crush ko si Chloe. Ayun sa kanya ay tigilan ko daw ang pagtitig kay Chloe dahil baka daw mabuntis ko siya. Grabe talaga ang bibig niya kahit kakatapos lang naming magsimba. Kung totoong nakakabuntis ang mga titig ko ay malamang marami na akong naging panganay. Wala naman akong magagawa sa bagay na yun dahil ganun talaga ako tumitig sa mga taong gusto ko. At kung sa sex naman ang pag-uusapan ay hindi pa naman ako sumasablay dahil nagiging maingat naman ako. Nakalimutan kong kakagaling ko lang pala sa simbahan tapos kalibugan agad ang naiisip ko.
Pagkauwi namin sa bahay ay agad nagluto si ate fritz ng aming tanghalian. Ako naman ay pumasok sa aking kwarto para magbihis ng pambahay. Habang nagbibihis ako ng damit ay may nagnotify na naman sa akin sa facebook. Pagkacheck ko ay nakita ko ang picture naming dalawa ni Chloe sa labas ng simbahan. Bago kasi kami magpaalam sa isa’t isa ay pinilit ni Ailene na kuhaan kami ng picture ni Chloe. Si Ailene ang nag-upload ng picture at pareho kaming nakatag ni Chloe. Limang minuto lang ang nakakalipas ng biglang dumami na naman ang notifications ko sa facebook. Biglang naging active ang mga kumag at nagsisipagcomment sa post ni Ailene na picture naming dalawa ni Chloe. Mga siraulo talaga dahil naglagay sila ng comment na “Bagito”, “Bata, bata pano ka ginawa?”. Nag-iwan pa ng mga hashtags na #KMJS #TULFOBROTHERS #MMK #RATEDK #IPAGLABANMO. Nagmessage agad ako sa mga kumag at ayun walang ginawa kundi kantiyawan lang ako sa group chat namin. Nagmessage na rin ako kay Chloe na wag intindihin ang mga pinagsasabi ng mga siraulo kong kaibigan at humingi na rin ako ng sorry baka kasi na-offend siya. Pero ang naging sagot niya ay natutuwa daw siya sa mga kaibigan ko dahil mukhang gusto nila si Chloe para sa akin. Hindi ko mapigilang mapangiti habang binabasa ang mga messages niya sa akin.
Mabilis lang natapos ang weekend at may pasok na naman. Parang gusto kong manatili na lang muna sa bahay at matulog. Pero nang maalala kong magkikita na naman kami ni Chloe ay bigla na lang akong naexcite pumasok. Pansin na pansin nga ni ate na ang sigla sigla ko ngayong araw. Ewan ko ba, iba ata ang tama sa akin ni Chloe. Gustong gusto ko na talaga siyang ligawan pero kailangan ko munang makausap si Lance para walang maging sagabal sa plano ko. Gagawin ko naman lahat ng gusto niya basta wag lang siyang makikigulo sa diskarte ko pagdating sa babae. Lalaki siya kaya alam naman niya siguro ang tinutukoy ko.
Pagkapasok sa classroom ay hinanap ko kaagad si Lance pero wala pa siya sa mga oras na yun. Nakipagkwentuhan muna ako kay Ailene tungkol kay Chloe. Parang siya na nga mismo ang nagiging tulay sa aming dalawa ni Chloe para mas maging close pa kami sa isa’t isa. Hanggang sa nag-ring na ang bell na naging hudyat para magsimula ang klase. Wala pa rin si Lance hanggang ngayon. Habang nagtatawag na ng mga pangalan para sa attendance ang aming guro ay bigla siyang pumasok ng hindi man lang bumabati. Nagtagpo ang tingin namin pero agad naman siyang umiwas. Siguro galit parin sjya sa ginawa kong pagpapanggap nun.
Nang magsimula ang klase hanggang sa lunch break ay hindi pa rin ako kinakausap ni Lance. Nakakapanibago dahil dati siya mismo ang papansin sa akin o kaya siya yung mananakit para mapansin ko. Ngayon ay para bang iniiwasan na niya ako. Teka, baka hindi pa rin siya nakaka get-over sa nangyaring paghalik niya sa akin. Para sa akin balewala na nga yun eh. Parehas naman kaming lalaki at wala namang nawala sa akin at ganun din naman sa kanya. Eh ano kayang pinag-iinarte nitong si Lance. Ipinagpaliban ko muna ang tungkol sa amin ni Lance at kumain na lang ako kasama si Chloe at Ailene. Masaya kaming nagtatawanan habang nagkukulitan sa mga kalokohan namin ni noong kami ay mga bata pa.
Bago matapos ang lunch break ay nakita ko si Lance na naglalakad mag-isa. Tumingin siya sa akin at binawi rin ang kanyang titig nang tumingin ako sa kanya. Lumapit na ako sa kanya para kausapin siya kung may problema ba siya sa akin o wala.
“Lance, Lance, LANCE!” Sa ikatlong tawag ko ay saka lang siya huminto sa paglalakad pero hindi pa rin ako nililingon. Kaya naman lumapit ako sa kanya para makausap siya ng mabuti.
“May problema ba? Tungkol ba to sa pagpigil ko sayo noong concert?” tanong ko.
“No” mahinahon niyang sagot.
“Dahil ba sa hindi ko pagsuot ng dog tag?” tanong kong muli.
“Nooo” mariin niyang sagot.
“Ahh yung nangyari sa horror booth? Naku, wag mo na isipin yun. Wala din naman sa akin yun atsaka parehas naman tayong lalaki eh ka” hindi na ako natapos sa pagsasalita nang sumigaw siya.
“SHUT THE FUCK UP!” hiway niya habang nanlilisik sa galit ang kanyang mga mata. Ngayon ko lang napansin na nangingitim at ang laki ng eyebags niya. Daig niya pa ang mga nagpupuyat sa mga lamay.
Sa pagkakataong iyon ay hindi na ako muling nagsalita pa dahil alam kong nasa sukdulan na ang galit ni Lance at baka mawalan na naman ng trabaho si ate at baka pati ang aking scholarship ay madamay. Pagbalik ko sa classroom ay wala pa si Lance. Hanggang sa magsimula na ulit ang klase ay hindi pa rin nakakabalik sa klase si Lance. Natapos ang buong klase sa hapon na hindi bumabalik si Lance. Hindi ko naman alam kung nasaan ang bahay nila. Kaya naman kinuha ko lang ang mga gamit niya at dinala pauwi. Ibabalik ko na lang ito bukas kapag pasok niya.
Lumipas ang ilang araw at hindi pa rin pumapasok sa school si Lance. Nakakapanibago dahil kahit na may pagkaloko-loko yun ay hindi niya nagagawang mag-skip sa klase. Araw-araw kong dala-dala ang gamit niya sa pagpasok sa school pero hindi pa rin siya pumapasok. Tila bumalik sa normal ang buhay ko nang mawala sa school si Lance. Para bang nagbalik ang dati na isang ordinaryong estudyante ulit ako. Nagagawa kong makipagkwentuhan sa mga kaklase ko. Nakapaglakas loob na rin akong ligawan si Chloe at naging official na rin ang pagdidate namin. Masaya ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon pero sa hindi ko malaman na dahilan ay tila ba may kulang pa din na hindi ko maipaliwanag.
Dumating ang biyernes, ito ang ikaapat na araw na wala si Lance. Ayun sa mga guro namin ay nasa mabuting kalagayan naman ito pero sa di alam na dahilan ay hindi pa rin ito pumapasok. Hindi ko na masyadong inisip ang tungkol kay Lance dahil kailangan ko nang magfocus sa buhay ko ngayon. Natapos ang klase sa maghapon at masaya ako ngayon dahil kasabay ko sa pag-uwi si Chloe. Nangako rin kasi ako sa kanya na simula ngayon ay ihahatid ko na siya tuwing uuwi. Pero nabali ko ang aking pangako nang..
“Kailangan kita!” biglang sambit ni Eisen at hinila ako papalayo kay Chloe nang hindi man lang nagpapaalam. Nakarating kami sa may nakahintong sasakyan at saka niya ako binitawan.
“San ba tayo pupunta? Hindi ako pwedeng umalis ngayon” inis kong sabi. Biglang bumukas ang pinto ng magarang sasakyan.
“Wag ka ngang maarte. Pasok!” sabi ni Eisen at sabay tulak sa akin paloob ng kotse. Sino ba namang mag-aakala na malakas pala tong binatang to. Mas tangkad lang ako sa kanya ng kaunti pero hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang lakas niya at nagawa niya akong mapapasok sa loob ng kotse.
“San ba tayo pupunta?” tanong kong muli.
“Siguro naman alam mong hindi na nakakapasok si Lance nitong mga nakaraang araw” saad niya.
“Oo, nasa akin pa nga yung mga naiwan niyang gamit sa school” tugon ko.
“Sinama kita para dalhin sa bahay. Gusto kong kausapin mo siya dahil mukhang close kayo sa isa’t isa. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ng lokong yun at bigla na lang siyang hindi pumapasok. Pareho kaming nababahala ni tito sa inaasal niya kaya gusto ko sana na kumbinsihin mo siyang pumasok o kaya naman alamin mo kung ano bang problema niya” pakiusap ni Eisen sa akin at napakamot naman ako sa ulo.
“Sa totoo niyan ay hindi naman kami ganon ka-close ni Lance eh” pag-amin ko. Baka nga masapak pa ako nun kapag pumunta ako sa kanila at makialam pa ako sa desisyon niya.
“Alam ko. Pero sa lahat ng mga nakakasalamuha ni Lance ay ikaw ang mukhang matino at mapagkakatiwalaan.” Pagkumbinse niya. Mukhang hindi na ako mananalo sa kanya at sumang-ayon na lang sa gusto niyang mangyari.
Napagkasunduan naming kukumbinsihin ko lang si Lance na bumalik na ulit sa klase at hindi ko siya kukulitin sa ano mang personal na problemang pinagdadaanan niya ngayon. Habang nasa byahe kami ay nagtext kaagad ako kay Chloe na humihingi ako ng tawad sa pag-iwan ko sa kanya. Nangako naman akong babawi ako sa kanya at mabuti na lang ay mabait si Chloe kaya naintindihan niya agad ako kahit hindi ko pinapaliwanag sa kanya ang mga nangyayari.
Halos kalahating oras din ang inabot bago kami makarating sa tila mansion sa laking bahay na tinitirhan nila Lance. Maraming guards na nakapalibot sa mansion at mukha silang secret agent sa mga suot nila. Mukhang mga professional na bodyguards ang mga to. Iba talaga kapag mayaman, maraming nabibili ang pera. Mas namangha ako nang makapasok ako sa loob ng mansion dahil sobrang laki nito at mukhang mamahalin ang lahat ng nasa paligid ko. Matatakot kang kumilos-kilos dahil mukhang libo-libo ang halaga ng mga kagamitang mababasag mo. Nagtungo kami sa second floor ng mansion kung nasaan ang kwarto ni Lance. Pagkarating namin sa tapat ng pinto niya ay huminga ako ng malamim at humugot ng lakas ng loob. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. Nagsimulang kumatok si Eisen sa kanya pinto.
“LEAVE ME ALONE!” sigaw ni Lance. kahit na nasa loob siya ng kwarto ay rinig na rinig namin ang malakas niyang bulyaw. Mukhang iba ang galit ngayon ni Lance at parang gusto ko na lang sumibat at ipagpaliban ang pakikipag-usap sa kanya. Pero hindi inaasahang may dala-dalang susi si Eisen para sa nakalock na pinto ni Lance. Pagkabukas ng pinto ay halos wala akong maaninag na tao sa loob nito dahil sobrang dilim at nakapatay pa ang ilaw. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong itulak sa loob na halos ikasubsob ko sa sahig. Mabuti na lang at naitukod ko ang aking mga kamay. Nangangapa ako sa dilim dahil wala akong makita sa kadiliman.
“What are you doing here?” biglang may humawak sa kwelyo ko. Muntik na akong atakihin sa gulat. Hindi ko man lang naramdamang nakalapit na pala sa akin si Lance.
“Ah-eh.. Isasauli ko lang yung gamit mo” kabado kong sagot. Bigla siyang tumayo at binuksan ang ilaw ng kanyang kwarto.
“Iwan mo na lang diyan ang bag ko” turo niya sa ibabaw ng kanyang kama.
“And you can now le” natigilan siya nang hindi niya mabuksan ang doorknob ng pinto. Kahit pwersahin niya ang pagbukas ng pinto ay ayaw nitong mabuksan.
“Damn it. Eisen” bulyaw niya sabay sipa sa pinto. Ngayon ay nakatingin siya sa akin ng masama. Gaya noong Monday ay nangingitim parin ang ilalim ng kanyang mata. Nagsilbing bakas na hirap siyang matulog nitong mga nakaraang araw.
“Alam mo kailangan mo na talagang bumalik sa school dahil…” kailangan kong magsalita para hindi maging awkward ang sitwasyon namin. Pero nanatili pa ring matalim ang kanyang tingin sa akin.
Hindi ko nga rin alam kong papano niya natitiis ang lamig sa loob ng kanyang kwarto. Wala siyang suot na pang-itaas na damit at tanging jogging pants lang suot suot niya. Samantalang ako ay suot-suot ko pa ang uniform ko pero ramdam ko pa rin ang lamig na nanunuot sa balat ko. Patuloy ang paglapit niya sa akin at patuloy rin ang paglapit niya sa akin at ganun din ang paglayo ko sa kanya. Hanggang sa mapaupo ako sa ibabaw ng kanyang kama. Natatakot ako sa kinikilos niya ngayon. Nang nasa tapat ko na siya ay unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin.
“Ahh La-lance?” naiilang kong sambit habang iniiwasan ang kanyang mukha hanggang sa mapahiga ako sa kama. Hindi ko inaasahang papatong siya sa ibabaw ko.
“Anong ginagawa mo?” tanong ko habang tinutulak siya.
“Ikaw, anong ginawa mo sa akin?” seryoso niyang tanong.
“Haa? Anong pinagsasabi mo?” naiinis kong sabi.
“Ano tong ginawa mo sa akin?” muli niyang tanong. Sasagot pa sana ako nang bigla niya akong halikan sa aking labi. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Hindi ko lubos akalaing bakla pala itong si Lance. Ba-bakit niya ginagawa sa akin ito? Pilit kong tinutulak siya dahil hindi ko gusto itong ginawaga niya sa akin. Habang lumalalim ang paghalik niya ay tila ba nanghihina ako kaya naman wala akong nagawa kundi ang kagatin ang labi niya para kumalas siya sa paghalik sa akin.
“Fuck” sigaw niya sabay punas sa kanyang labi na nagdudugo.
“You want it rough huh?” dumura siya sa gilid na may halong dugo. At saka niya akong hinalikang muli. Sa pagkakataong ito ay naging mas marahas na siya at naging malakas na siya lalo. Gamit ang kaliwang kamay niya ay ginapos niya ang mga kamay ko paitaas habang ang kanyang kanang kamay ay nasa loob ng uniform at nilalapirot ang utong ko.
Ngayon ko pa lang naramdaman ang kakaibang sensasyon na ito. Hindi ko inaasahang magugustuhan ko ang ginawa sa akin ni Lance lalo na nang ipasok niya ang kanyang dila sa loob ng aking bibig. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa ginagawa niyang pagpapaligaya sa akin. Hindi ko alam kung papano nangyari ito. Basta ang alam ko ay unti-unti na akong nilalamon ng matinding pagnanasa sa laman.
Itutuloy…..
A/N: Sorry sa matagal na hindi pag-a update ang akala ko kasi wala nang nagbabasa ng story na to. I’ll try my best na makapag-update as soon as I can. But please VOTE para ganahan naman akong magsulat.
Thank you <3
Chapter 5: His smile
Darren as Gunter
Gunter’s POV
Alam ko sa sarili kong hindi ako bakla at hinding hindi ako magkakagusto sa kapwa ko lalaki. Pero ano tong ginagawa ko? Hinahayaan ko ang isang lalaking humalik sa aking mga labi. Habang tumatagal ay tila nagugustuhan ko na ang kaniyang ginagawa sa akin. Ang aming paghahalikan ay hindi rin nagtagal nang makarating ang kaniyang mga labi sa aking leeg. Ramdam na ramdam ko ang pagdila at pagkagat sa aking leeg na sinasabayan ng paghigop na tila’y sumisipsip ng dugo. Lalong nanginig ang aking katawan sa kaniyang ginagawa. Laking gulat ko na lang ng hindi na siya gumagalaw. Lumingon ako sa kanya at doon ko nakitang nakatulog na pala siya habang nasa ibabaw ko.
“Ibang klase ka talaga” di ko mapigilang magsalita, mabuti na lang at mahimbing na ang tulog niya.
Dahan-dahan ko siyang tinutulak pababa sa akin pero mukhang ayaw niyang kumalas sa pagkakaakap niya habang nasa ibabaw ko siya. Napapaisip tuloy ako kung nagtutulug-tulugan lang ba ang gagong to. Kung hindi dahil sa siraulong to ay sana magkasama kami ngayon ni Chloe. Kamusta na kaya siya ngayon? Hindi ko man lang magawang matext siya dahil hindi ako makakilos ng husto dahil may bakulaw sa ibabaw ko ngayon. Sa pagod ko sa maghapong klase ay nakaramdam din ako ng pagkaantok at nakatulog ng hindi pa naghahapunan.
Nagising ako nang makaramdam ako na naiihi na ako. Mabuti na lang at wala na sa ibabaw ko si Lance. Mahimbing siyang natutulog sa aking tabi habang ang kanang kamay niya ay nakapatong sa aking tiyan. Dahan-dahan ko tong inalis at saka ako tumayo. Gamit ang ilaw na nagmumula sa aking cellphone ay hinanap ko kung nasaan ang kaniyang banyo. Malaki ang kanyang kwarto kaya hindi naging madali sa akin ang paghanap ng banyo. Ilang pangangapa pa sa dilim ay nakita ko rin ang banyo, dali-dali kong binuksan ito at pumasok sa loob kahit nakabukas pa ang pinto. Binaba ang aking zipper at nilabas si junjun para makaihi. Sa kalagitnaan ng pag-ihi ay bigla na lang may tumabi sa akin na halos ikatalon ko sa gulat.
“MOVE!” utos ni Lance. Walang karate-arteng nilabas niya ang kaniyang alaga at nakisabay sa pag-ihi sa akin sa iisang bowl.
Hindi ko tuloy maiwasang maipagkumpara yung amin dahil sa pag-ihi namin sa iisang bowl. Kapansin-pansin na mas malaki yung kanya kaysa sa akin pero syempre hindi naman nagkakalayo yung amin kaya may room for growth pa. Nakapikit lang siya habang umiihi na akala mo’y nag-iisleep walking. Nang matapos akong umihi ay naghugas ako ng kamay bago lumabas ng banyo. Hindi rin nagtagal ay nasa likuran ko na si Lance na akala mo ay zombie habang naglalakad. Nang marating niya ang kaniyang kama ay derecho higa siya kaniyang kama at nakatulog kaagad. Naupo ako sa kama at saka nagbasa ng mga messages sa phone ko. Nagtext pala sa akin si Chloe kagabi hindi ko man lang nagawang magreply baka maturn-off na sa akin yun. kaya naman binati ko siya ng good morning sa text, alam kong mamaya niya pa mababasa to dahil 4am pa lang pero mas okay na yun na ako ang unang babati sa kanyang pagising.
Kasunod ko namang binasa ang mga text message sakin ni ate fritz. Mukhang yari talaga ako pag-uwi ko mamaya sa bahay dahil hindi ko man lang nagawang magpaalam sa kaniya. Binasa ko ang mga message niya sa akin pero laking gulat ko na hindi siya nagalit at sinabihan pa akong mag-iingat at huwag maging pasaway sa bahay ng kaklase ko. Papano niya nalaman na nandito ako sa bahay ni Lance? At ang nakakakapagtaka pa ay hindi man lang siya nagalit nang hindi ako magpaalam sa kanya. Mahimbing natutulog ang kumag na to sa kaniyang kama tapos ako itong naabala niya ng sobra. Ang sarap lang sipain nang magising siya, kainis. Lumapit ako sa pinto dahil ramdam ko na ang gutom. Hindi nga pala ako nakapaghapunan dahil sa siraulong to. Idagdag mo pa yung weirdo niyang pinsan na si Eisen. Mabuti na lang at hindi na nakalock yung pinto niya, bumalik ako para kunin yung bag ko at saka dahan-dahan kong sinara ang pinto.
Sa laki ng bahay na to ay nakalimutan ko na naman kung saan ako dadaan palabas. Kailangan kong makatakas sa mansion na to kundi baka kung ano-ano na namang kalokohan ang gagawin sa akin ni Lance kapag nagising siya. Nasa hallway ako kung saan may daan pa kanan at pakaliwa, isang beses pa lang akong nakarating dito kaya hindi ko kabisado kung saan kami nanggaling ni Eisen kagabi. Kumanan na lang ako dahil alam kong yun ang right way. At hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko kaagad sa dulo ang hagdan pababa. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan dahil ayokong makaagaw ng atensyon sa mga taong nasa loob ng mansion na to. Ang nakakapagtaka lang ay kanina pa ako nagpapalakad-lakad ay wala pa ring nakakapansin sa paglabas ko. Siguro masyado akong maaga kaya naman tulog pa ang mga tauhan sa mansion na to. Nang marating ko ang unang palapag ay dali-dali akong nagtungo sa pinto para tumakas pero bago ko pa man marating ang pinto ay nahuli na kaagad ako.
“At saan ka naman pupunta?” boses ng weirdong pinsan ni Lance.
“Ahh ehh kuya, uuwi na po ako. Hinahanap na po kasi ako sa amin” pagsisinungaling ko.
“Kausap ko lang ang ate mo sa telepono kagabi at pinapayagan ka pa ngang matulog dito hanggang linggo kaya malabong hinahanap ka niya ngayon” sagot niya. Kaya naman pala hindi galit sa akin si ate dahil itong weirdo na to ang salarin.
“Ahh eh.. may gagawin pa po kasi akong importanteng bagay sa bahay kaya uuwi na po ako” tumalikod ako at naglakad muli.
“SANDALI!” sigaw nito. Hindi ko aakalaing malakas pala ang boses nito kahit na mas matangkad ako ng kaunti sa kanya ay parang mas bata pa siya sa akin tingnan.
“Po?” ang tanging naisagot ko.
“Kumain ka muna bago ka umalis. Alam kong wala ka pang kain kagabi kaya halika na!” pagyaya niya sa akin. Gutom na talaga ako ng mga sandaling yun pero gustong gusto ko na umalis sa lugar na yun.
“Ahh.. salamat na lang po. Sa bahay na lang po ako kakain” pagmamatigas ko, pero gutom na gutom na talaga ako.
“Nakikita mo yang mga gwardiyang yan sa labas?” pagkaturo niya ay agad kong tiningnan ang mga gwardiyang sinasabi niya.
“Hindi ka nila palalabasin hanggang hindi ka kumakain” sabi niya at saka naglakad. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya para kumain. Weirdo talaga.
Madali namin narating ang dining area nila kung saan nakahain ang maraming pagkain. Hindi ko maiwasang magtanong kong meron bang nagcecelebrate ng birthday dahil sa dami ng nakahain. Pero ayun kay Eisen ay mapili daw sa pagkain si Lance kaya maraming ulam ang nilululto para marami siyang pagpipilian. Haay anak mayaman nga naman, nakakapanghinayang lang dahil sa dami ng mga pagkaing ito ay masasayang lang ang iba dahil hindi naman kakainin. Kumain kaagad ako nang alukin ako ni Eisen, hindi na ako nahiya dahil sa gutom ko. Kain kung kain ang ginawa ko dahil gusto kong matapos na agad to para makauwi na ako sa bahay dahil pagnaabutan ako ni Lance na nandito pa ay baka kung ano-ano na naman ang ipagawa sa akin.
“Alam mo ngayon lang ulit nakatulog ng mahimbing si Lance” biglang sambit ni Eisen habang hinahatid ako sa gate.
“Bakit ano po bang nangyayari sa kanya?” tanong ko habang nakatingin sa oras ng cellphone ko.
“Kaya nga kita sinama dito para alamin mo eh” anas niya at sumenyas siya sa guard na buksan ang gate.
“Sorry, pero wala po siyang nabanggit sa akin” wala naman talaga siyang sinabi sa akin, maliban sa pag- hay ayoko nang maalala yun dahil kinikilabutan ako.
“Don’t worry mukhang alam ko na” bigla na lang siyang ngumiti nang kakaiba. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya pero hindi ko na inalam kasi nawiweirduhan talaga ako sa kanya.
Nais pa sanang ipahatid ako ni Eisen sa driver nila pero mas pinili kong mamasahe na lang dahil mas komportable akong umuwi ng mag-isa. Kakagising lang ni Chloe ayun sa kaniyang reply, mabuti na lang at gising na siya kaya hindi naging boring ang byahe ko. Pagkauwi ko sa bahay ay nagulat si ate fritz dahil nakabalik na ako kaagad.
“Akala ko bukas pa ang uwi mo” sabi niya pero wala sa akin ang atensyon niya kundi sa magazine na binabasa niya na si Maine Mendoza ang cover. Idol na idol niya kasi yun dahil kahawig niya daw. Ang layo naman pero siguro pagnagbunganga siya sa akin ay masasabi kong pwede na.
“Ahh may lakad po kasi yung kaklase ko kaya natapos po namin agad yung ginagawa namin” pagsisinungaling ko.
“Next time kapag mag-oover night ka sa kaklase mo ay magpaalam ka sa akin, hindi yung kamag-anak pa ng kaklase mo ang magpapaalam sayo. Baka isipin nila masyado kitang hinihigpitan” sambit niya habang nililipat ang pahina ng magazine.
“Bakit hindi po ba?” sabay lapag ng bag sa couch at naupo sa tabi nito.
“Hoyy bastos kang bata ka ahh” inis niyang sabi. Sumalag agad ako dahil akala ko ay may ibabato siya sa akin.
“Joke lang naman ate” pagsuyo ko sabay tawa ng mahina.
“Kumain ka na ba?” tanong niya habang patuloy na nagbabasa ng magazine.
“Opo, andami nga po nilang hinaing pagkain kaya akala ko may birthday. Tapos ang sasarap pa ng pagkakaluto. Kung pwede nga lang eh nag-take out ako ng pagkain nila.” Kung hindi lang talaga dun nakatira si Lance ay malamang natagalan ako sa pagkain ng almusal kanina dahil sobrang sarap ng pagkakaluto ng mga to.
“Mas masarap pa sa luto ko?” sa pagkakataong ito ay nasa akin na ang kaniyang atensyon, Tumango ako bilang pagsang-ayon sa tanong niya.
“Ohh wag kang kakain mamaya, magluluto ako ng sinigang na hipon sa tanghali” tumayo siya at nilapag ang magazine sa kama. Tumakbo naman ako para akapin siya.
“Eto naman si ate hindi mabiro, syempre the best pa rin yung sinigang na hipon nyo” paglalambing ko.
“Totoo?” nangingiti na siya.
“Opo” natatawa kong sagot.
“Bolero kang bata ka” sabay palo sa ulo ko at pumasok sa kaniyang kwarto.
Ako naman ay pumasok na rin sa aking kwarto para makakuha ng brief at boxer shorts para makaligo dahil pakiramdam ko ay sobrang lagkit ko na buhat na hindi pa ako nakakapagbihis ng uniform. Lumabas ako ng kwarto para magpunta ng banyo at naabutan ko si ate sa kusina na may hawak na bayong. Nagpaalam siya na mamalengke daw siya ng mga sangkap na gagamitin niya para sa pagluto ng sinigang na hipon at para na rin sa uulamin na mamayang gabi. Pagkaalis niya ay dumiretoso naman ako sa banyo para maligo.
Nagsimula akong maghubad ng aking natitirang damit hanggang sa hubo’t hubad na akong naliligo sa banyo. Ilang buhos ng tubig sa aking katawan bago ako nagsabon. Tila bawat sulok ng aking katawan ay maiigi kong sinasabon at nang sabunin ko ang aking leeg ay may bigla akong naalala. Biglang pumasok sa aking isipan yung mga ginawa sa akin ni Lance kagabi. Yung pagdila niya sa aking leeg, mahinang pagkagat nito na sinasabayan pa ng pagsipsip. Tila nakakaramdam ako ng pag-init sa aking katawan at mismong si junjun ko ay unti-unting nabuhuhayan. Maliing mali itong naiisip ko, kaya naman kinuskos ko ng maiigi ang aking leeg para mawala ang bakas ng mga ginawa sa akin ni Lance. Nagmadali na rin akong magsabon at magshampoo para maiwasan ang bagay-bagay na biglang tumatakbo sa aking isipan.
Pagkatapos kong maligo ay kaagad akong nagreview ng notes ko dahil magkakaroon kami ng exam sa Monday. Hindi ko na rin inabala si chloe dahil alam kung kasalukuyan siyang nagrereview ngayon. Hindi talaga ako nagkamali sa kaniya dahil alam kong maganda na siya at masipag pang mag-aral. Ayan ang mga tipo kong babae, responsable sa buhay. Kumbaga wife-material pero syempre masyado pa akong bata para pag-isipan yang pag-aasawa. Mas mabuti pa ring ini-enjoy ko ang aking pagkabinata dahil mas marami akong magagawang bagay habang ako ay hindi pa nakatali sa isang relasyong panghabang buhay.
Habang ako ay nagrereview ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko sa screen na galing sa unknown number ang tumatawag kaya hindi ko sinagot ito dahil baka mamaya ay na wrong number lang. Mga ilang ulit din itong tumawag pero hindi ko parin ito sinasagot dahil wala akong panahong makipag-usap pero bigla kong naalala na baka si Chloe ang tumatawag gamit ang ibang number kaya nang tumunog ito sa ikalimang pagkakataon ay agad kong sinagot ito. Hindi pa man ako nakakapagsalita ng hello ay may sumigaw na kaagad sa akin sa kabilang linya.
“WHAT THE FUCK ARE YOU DOING? Kanina pa ako tumatawag sayo tapos ngayon mo lang ito sasagutin?” sigaw sa akin ni Lance sa kabilang linya.
“Ahh sorry, nakasilent kasi yung phone ko kaya hindi ko naririnig na tumatawag ka” pagsisinungaling ko.
“Stop lying to me! Alam kong kanina mo pa alam na tumatawag ako pero hindi mo lang sinasagot. Ano ba kasing ginagawa mo?” inis niyang sabi.
“Nagmasturbate ako sa banyo, syempre lalaki din ako kailangan ko ding ilabas to” sarkastikong sagot.
“GROSS” anas niya at hindi ko tuloy napigilang sumagot ng pabalang.
“Nandidiri ka sa ginawa ko pero hindi ka nandidiri sa ginawa mo sa akin kagabi?” inis kong sabi.
“Bakit ano bang ginawa ko sayo kagabi?” naiinis rin siya nang tanungin niya ako.
“Eh di ba hinal-” natigilan ako at hindi ko na matuloy ang dapat kong sabihin sa kanya. Maging siya naging tahimik ng ilang minuto bago makapagsalitang muli.
“Bumalik ka dito, ngayon na!” utos niya at bigla na lang niyang pinutol ang tawag.
Anong akala niya pupunta ako dun dahil lang sa gusto niya. At ngayon pa talaga kung kelan sariwa pa sakin yung mga nangyari kagabi? Ang awkward kaya nun, kapag iniisip ko ay bigla na lang akong nakakaramdam ng kilabot sa aking katawan. Alam kong lalaki pa din ako at hindi ako attracted sa kapwa ko. Kailangan ko munang dumistansya ng kaunti kay Lance para hindi ko maramdaman ang bagay na to. Nilagay ko sa airplaine mode ang aking cellphone para hindi na niya ako matawagan. Malabong pumunta yun dito sa bahay para lang sunduin ako at saka hindi naman niya alam kung saan kami nakatira kaya wala siyang magagawa kundi ang magmukmok sa mansion nila.
Sakto ang dating ni ate fritz nang matapos akong magreview. Sa totoo lang ay hindi ako masyadong subsob sa pagrereview dahil hindi ko naman talaga kinakabisado ang bawat salita na meron sa aking notes kundi tinatandaan ko lang ang mga maghahalagang bagay na maaaring lalabas sa exam. Nagsalang na kaagad ako ng sinaing habang siya ay naghihiwa ng mga sangkap sa lulutuin niyang sinigang na hipon na isa sa mga lutong ulam ni ate fritz na favorite ko. Nang matapos siya sa pagluluto ay agad kaming kumain ng aming pananghalian. At nang matapos kaming kumain ay naghugas muna ako ng aming pinagkainan bago ako bumalik sa aking kwarto.
Nang nasa loob ako ng kwarto ay tinanggal ko ang airplane mode ng aking phone baka nagtetext na sa akin ngayon si Chloe. Di nga ako nagkamali dahil andami kong nareceive na text message. Nakareceive ako ng 20 text messages kaya nataranta akong tingnan ang mga ito dahil baka nagtampo na sa akin si Chloe dahil hindi ko nagawang magreply. Laking gulat ko na sa 20 text messages na yun ay isa lang ang galing kay Chloe at 19 naman ang galing kay Lance. Una kong binasa ang text messages ni Chloe. Maiksi lang naman ang sinabi niya. Nangangamusta lang siya at sinabi niyang kakatapos lang niyang kumain at magreview. Nagreply naman ako kaagad na hindi na ako busy kaya pwede na kaming mag-usap. Binasa ko na rin ang mga text message sakin ni Lance na puro mura at galit ang laman at inuutusan akong bumalik sa mansion pero hindi ako nagrereply sa kanya. Hindi nagtagal ay tumawag na naman siya pero hindi ko sinagot. Tinext ko si Chloe na sa viber na lang kami mag-usap at ang dahilan ko ay wala na akong load. Buti na lang at mabait ang kapit bahay namin dahil nagshishare sila ng password ng wifi. Kahit mabagal ay pinagtiyatiyagaan ko na lang para makausap lang si Chloe.
Kinabukasan ay maaga akong ginising ni ate fritz para samahan siyang magsimba pero tumanggi ako dahil magsisimba kami mamaya ni Chloe sa hapon. Hindi naman siya nagalit sa akin at hinayaan niya lang akong enjoyin ang panliligaw ko kay Chloe. Wala naman siyang pagtutol sa babaeng gusto ko basta wag ko lang daw bubuntisin ang magiging syota ko. Pero hindi sa pagmamayabang ay hindi pa ako sumasablay sa sex kahit na wala akong condom na gamit. Dahil hapon pa ang usapan namin ni Chloe ay napagpasiyahan kong manood muna ng Season 7 ng Game of Thrones. Crush na crush ko talaga si Daenerys, isa siya sa mga dahilan kung bakit patuloy kong sinusubaybayan ang series na to.
Sumapit ang hapon kung saan ang oras na dapat kaming magkita ni Chloe sa simbahan. Nasa tapat ako ng simabahan habang inaantay ko ang text niya na naroon siya. Hindi nagtagal ay mas nauna ko siyang nakita bago mabasa ang text message niya. Nagpalitan kami ng ngiti nang makita namin ang isa’t isa. Bago pumasok ng simbahan ay nakareceive ako ng text message mula kay Lance na nagsasabing “YOU’RE DEAD!”. Hindi naman ako masyadong nabahala dahil unti-unti na akong nasasanay sa kanyang ugali. Hahayaan kong i-bully niya ako bukas sa school o bugbugin kung gustuhin man niya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang saya na nararamdaman ko habang kasama ko si Chloe sa loob ng simbahan. Ala-sais na ng gabi nang matapos ang misa sa simbahan. Dahil nga gusto ko pang makasama si Chloe ay inaya ko siyang pumasyal sa isang mall na hindi kalayuan sa simbahan. Nagtungo kami sa arcade station at nag-enjoy ng mga laro doon. Kumanta rin kami sa isang VIP videoke room. Napamangha ko siya sa talento ko sa pag-awit. Hindi naman ako ganun kagaling kumanta pero alam kong nasa tono ako sa tuwing kakanta ako. Dagdag pogi points yun kay Chloe dahil kinikilig siya sa tuwing titingin ako sa kanya kapag ako ay kumakanta. Pagkatapos namin mag-arcade ay nag-aya na akong kumain. Kumain lang naman kami sa murang kainan dahil hindi pa naman ganun kalaki ang perang meron ako at saka kapwa pa kami estudyante kaya naiintindihan naman niya yun. Habang kami ay kumakain ay bigla na lang akong nakareceive ng tawag mula kay Ate fritz.
“Hello, ate bat napatawa ka?” tanong ko habang ngumunguya ng pagkain.
“HANGGANG ANONG ORAS MO PAG-AANTAYIN ANG KAKLASE MO DITO SA TAPAT NG BAHAY?” malakas na bulyaw ni ate fritz sa kabilang linya.
“Ha ano pong ibig nyong sabihin?” natataranta kong sagot.
“Dalawang oras na nag-aangtay sa tapat ng bahay natin itong kaklase mo. Hindi mo man lang sinabi na may kaklase ka palang darating eh di sana umuwi ako kaagad” naiinis niyang sabi.
“Si-sino pong kaklase? Wala naman po akong inaasahang bisita ngayon?” napatingin ako kay Chloe na kasalukuyang nagtataka sa mga nangyayari.
“Edi yung kaklase mo na kasama mo kahapon. Tumakas ka daw sa kanila nang hindi pa tapos yung project nyo. Andito siya ngayon para tapusin yung ginagawa nyo.” Para akong mabibingi sa lakas ng boses ni Ate Fritz.
“Anong project ang pinagsasabi niya wa-” hindi pa ako tapos magsalita nang magsalitang muli si ate.
“Naku Gunter haa.. nagpapabaya ka na sa pag-aaral mo. Umuwi kana ngayon din kung gusto mong pagbuksan pa kita ng pintuan” sabi niya at kaagad naman niyang pinutol ang pagtawag.
Nagsinungaling na lang ako kay Chloe na may emergency sa bahay kaya hindi ko na siya mahahatid sa kanila pagkatapos naming kumain. Naiintindihan naman niya at nagpasalamat siya dahil sa effort ko ngayong araw. Hay, kompleto na sana ang araw ko na kasama si Chloe kundi lang nakikigulo itong si Lance. Halos liparin ko tuloy ang daan pauwi sa amin dahil sa pagbabanta ni ate fritz. Malate lang ako ng ilang minuto ay tiyak na matutulog ako sa labas ng bahay. Ano ba kasing tumatakbo sa isip ng gagong yun at biglang pumunta sa bahay. At papano niya naman nalaman kung nasaan ako nakatira?
Pagkarating ko sa bahay ay walang humpay na kakasermon sa akin ni ate. Hindi man lang niya ako pinagpaliwanag sa mga nangyayari. Tapos itong si Lance ay parang demonyo kung makangiti. Tuwang tuwa pa siya na pinapagalitan ako ni ate fritz sa harap niya. So eto pala yung ibig sabihin niya sa text niya kanina. Pagkatapos akong sermonan ni ate ay pumasok na kami kaagad sa aking kwarto para daw gumawa ng project kuno. Nang maisara ko ang pintuan ay hindi ko napigilan ang aking sarili na magalit kay Lance.
“Ano ba kasing ginagawa mo dito at pinagloloko mo pa si ate tungkol sa project na wala naman talaga” bulyaw ko sa kanya.
“That’s what you get kapag hindi mo sinagot ang tawag at text ko” sagot niya at walang hiyang nahiga sa ibabaw ng aking kama.
“Masaya kana diba? Nakaganti kana kaya pwede ka nang umalis” sabi ko at saka naghubad ng damit para makapagpalit ng pambahay. Wala naman sa akin na makita niya ako dahil tinira ko pa rin ang boxer shorts at saka pareho naman kaming lalaki.
“I’m staying here” sagot niya habang nag-iiscroll sa kaniyang cellphone. Hindi ko tuloy mapigilang mapailing dahil hindi ko alam kung ano bang tumatakbo sa isipan niya.
“Totoo bang nag-antay ka ng dalawang oras sa labas ng bahay?” tanong ko habang nagsusuot ng t-shirt.
“Actually 2 minutes pa lang ako nandun sa labas nyo nang makita ako ng ate mo” at saka siya ngumiti ng pilyo. Napakawalang hiya talaga at nagawa niya pang magsinungaling sa oras ng pag-aantay niya kaya tuloy galit na galit sa akin si ate fritz. Akala niya talaga ay dalawang oras nag-aantay itong gagong to yun pala ay dalawang minuto lang.
Kumuha akong bagong kumot sa aparador at isa pang bagong unan. Inabot ko ito kay Lance.
“Ano to?” tanong niya nang abutin niya ang kumot at unan.
“Sa labas ka matutulog” utos ko. Wala ako sa mood ngayon para maging alipin niya dahil nasa loob kami ng aming pamamahay kaya wala siyang karapatang utos-utusan ako.
“Bilis, matutulog na ako!” at sa sandaling yun ay naging mahinahon siyang bumangon. Bago pa man niya isara ang pinto ng aking kwarto ay ngumiti siya sa akin nang makahulugan. Mukhang may binabalak na naman na masama ang loko. Ipipikit ko na sana ang aking mata nang marinig ko ang pagkatok ni ate fritz.
“Gunter! Gunter! Buksan mo ang pinto!” sigaw ni ate fritz. Kaagad akong nagtungo sa pinto para buksan ito.
“Ano na naman po iyon?” tanong ko habang nagkakamot ng ulo. At ayun bigla na lang niya akong hinila ang aking tenga.
“Walang hiya ka talagang bata ka, pinag-antay mo na ng dalawang oras yan sa labas tapos sa couch mo pa papatulugin? Gusto mo ikaw ang patulugin ko sa labas?” inis na sabi ni ate habang hila-hila ang aking tenga.
“Malaki ang kama mo kaya dun kayo magtabi!” utos niya.
“Po?” tanging nasabi ko pero pinandilatan niya ako ng mata.
“Opo” dugtong ko at saka niya binitawan ang tenga ko.
“Pagpasensyahan mo na tong kapatid ko, may pagkaloko-loko talaga yan minsan pero mabait yan” sabi ni Ate Fritz kay Lance.
“Okay lang po yun, sanay na po ako” ang pagatong ni Lance kaya naman tinitigan akong muli ni ate ng masama.
Wala akong nagawa kundi hayaang matulog si Lance sa kama ko. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isipan ng lokong to at dito niya pa gustong matulog sa bahay namin. Ang laki-laki naman ng mansion nila para makipagsiksikan siya dito sa aking kwarto. Pumuwesto ako sa pinakadulong bahagi ng kama at binigyan ko siya ng sarili niyang kumot para hindi na siya makiaagaw sakin. Hinayaan ko na lang na tumabi siya sa akin at tinalikuran ko siya. Nakakainis andami niyang sinira ngayong araw, pano pa ako makakatulog ngayon eh badtrip na badtrip ako sa kanya. Pinilit ko na lang ang aking sarili na makatulog kahit naiinis ako. Buti nakiayon ang aking isipan at nakaramdam din ako ng antok kahit na hindi ako sanay na may katabi sa kama.
Nagising ako nang maramdaman kong may umaakap sa akin. Wala ako sa mood na makipag-away pa dahil inaantok pa rin ako sa mga oras nay un kaya hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin. Maya-maya pa ay bigla na lang lumalapit ang kaniyang paghinga sa aking batok. Bawat paghinga niya sa aking batok ay siya namang nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa aking katawan. Kinalma ko ang aking sarili at hindi nag-isip ng kung ano mang bagay. Nanatili ako sa aking posisyon at hindi gumagalaw. Pero nang maramdaman kong pinasok niya ang kaniyang kamay sa aking damit ay yun na ang hudyat na mali ang kaniyang ginagawa.
“Alisin mo nga yang kamay” utos ko sa kaniya. Pero hindi niya pa rin ito ginagawa at hindi man lang siya nagsasalita kaya naman ako na mismo ang nagtanggal sa kaniyang kamay pero nanlaban pa rin siya.
“Pagtinanggal mo ang kamay ko, lalabas ako at sa couch ako matutulog. Sa tingin mo sino ang mapapagalitan sa atin?” pagbabanta niya.
“Utang na loob gusto ko ng matulog. Please lang wag mo na akong istorbohin” pagmamakaawa ko.
“Edi matulog ka” mabilis niyang sagot. Ang kaniyang mga kamay ngayon ay nakaakap sa aking tiyan.
Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang mangyari. Ang importante ngayon ay makatulog ako dahil may exam kami bukas. Kinakailangan kong magfocus para makakuha ako ng mataas na marka. Muli kong pinikit ang aking mata at sinubukang matulog muli. Pero hindi nagtagal nang makaramdam ako ng bagay na tumutusok sa aking pwetan. Hindi na ako nakapagtiis kaya hinarap ko siya para suntukin. Ngunit nang harapin ko siya ay mahimbing na siyang natutulog. Sobrang amo ng kaniyang mukha kapag nagtutulog. Taliwas sa ugaling pinapakita niya tuwing siya ay gising. Hindi ko namalayang matagal nap ala akong nakatitig sa pagmumukha niya.
“Matutulog ka ba talaga o magdamag mong titigan ang mukha ko?” tanong niya habang nakapikit ang mga mata.
Sa gulat ko ay napatalikod ako sa kaniya at hindi ko na siya nagawang kausapin pa dahil sa kahihiyan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa katawan nang mapansin niya akong nakatitig sa kaniya. At dahil dun ay nahirapan akong makatulog sa kakaisip sa kahihiyang ginawa ko. Kinaumagahan ay nagising na lang ako sa malakas na pagyugyog sa akin ni ate fritz.
“Gunter gumising kana!” paggising ni ate fritz sa akin. Pilit kong dinidilat ang aking mata ngunit mas nangingibabaw ang antok ko kaya nanatili akong nakapikit.
“Gunter malilate kana sa school, ano ba!” sigaw ni ate, tiningnan ko ang oras sa cellphone ko hindi nga siya nagkakamali malilate na nga ako.
Kumaripas ako ng takbo sa banyo para maligo. Isa, dalawa, hanggang tatlong buhos ay nagsabon ako at sinabay na rin ang pagshampoo. Halos madapa ako sa sahig nang lumabas ako ng banyo. Hindi ko na nagawang mag-almusal dahil malilate na ako. Nagtataka ako kung bakit wala na si Lance sa bahay.
“Kanina pa siya umalis dahil maaga daw siyang papasok sa school. Kanina pa kita ginigising pero ayaw mo pang bumangon. Gayahin mo yung kaklase mong yun napakaresponsableng estudyante” sabi ni ate habang kumakain ng almusal.
“Kung alam mo lang” sagot ko habang inaayos ang laman ng bag ko.
“Ano?” tanong niya.
“Ahh wala po, sige po alis na po ako” sabay karipas ng takbo.
“Hoyy hindi ka man lang kakain!” sigaw niya pero hindi na ako sumagot.
Tumakbo na ako papasok ng school. Hindi ako maaaring malate dahil first subject namin ang may exam ngayon. May deduction sa score kapag pumasok ka ng late sa exam. Kasalanan tong lahat ni Lance kaya ako nalate ng gising eh. Kung hindi niya lang ako, ay basta ayoko nang alalahanin pa. Sa pagmamadali ko ay hindi ko pa pala nasusuot ang id ko napagalitan pa tuloy ako ni manong guard. Halos talunin ko ang bawat hagdan na inaakyatan ko sa sobrang pagmamadali ko. Nang makarating ako sa loob ng klase ay nalaman kong absent pala ang teacher namin na magpapaexam ngayon. Badtrip di ba? Naupo na lang ako sa aking upuan habang tinitiis ang gutom.
“Anong meron ngayon kay Lance at mukhang ang ganda ng mood niya” rinig kong sabi ng kaklase ko sa likod.
“Oo nga, kanina pa nga yan nakangiti eh” sagot naman ng kaklase kong kinikilig.
“Ohh bat pawis na pawis ka?” tanong sa akin ni Lance nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya. Lumakas ang kabog sa aking dibdib nang makita ko siyang nakangiti sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit tila ibang tao ang nasa harap ko. Napakaaliwalas ng kaniyang ngiti at hindi ko mapigilan ang sarili mapangiti na rin.
“Ahh wala, nagmamadali kasi ako kanina” hindi ko alam at bigla akong nakaramdam ng hiya. Tumawa lang siya bilang sagot.
Sa mga sumunod na subject namin ay ganun pa rin siya. Tila may bago sa kaniya at sa tuwing magkakatinginan kami ay hindi ko mapigilan ang sarili kong makaramdam ng hiya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Nawawala ako sa focus sa klase sa tuwing mapapatingin ako sa kaniya. Ang masama pa ay nahuli ako ng isa sa mga guro namin na nakatitig sa kaniya habang nagrerecitation. BADTRIP! Pagkasapit ng breaktime ay agad akong nagtungo sa banyo para maghilamos.
“Kailangan kong magfocus! Focus Gon! Focus!” sabi ko sa aking sarili. Tumingin ako sa salamin para makita ang aking sarili. Hindi ako pwedeng humarap ngayon kay Chloe. Mukha akong zombie sa itim ng eyebags ko. Nakakapit ang aking kamay sa lababo habang nag-iisip. Hindi kaya may gusto ako sa kaniya kaya masyado akong apektado ngayon?
“Hindi, imposible yun Gon. Hindi ka magkakagusto sa lalaking yun. Lalaki ka at hindi ka bakla! Hindi ka magkakagusto sa isang kagaya ni Lance!” hindi ko namalayang nasabi ko pala ito nang malakas. Bigla na lang nagbukas ang pinto sa isang cubicle.
“Anong sinabi mo?” paglingon ko ay nakita kong nasa likuran ko na si Lance.
BADTRIP!!!!
Itutuloy….
A/N: Sorry super tagal bago ko naupdate ang story masyado ako g nagfocus sa CLWY. Siguro naman na enjoy yan dahil hindi ito ang usual update ko 5k words lang naman ang laman nito.
Maraming salamat sa mga patuloy na nag-aabang sa update ng story nato. Akala ko walang nagbabasa nito kaya heto ang update para sa inyo.
Please support my work/s by hitting the vote button. Thank you ♡
Chapter 6: His touch
Dylan as Lance
Gunter’s POV
Nagmistula akong istatwa sa aking kinatatayuan. Hindi ko inaasahang nandito din pala si Lance sa loob ng c.r. Badtrip! Kung ano-ano pa naman ang pinagsasabi ko, narinig nga niya kaya?
“Anong sinabi mo?” sabi niya habang papalapit sa akin.
“Ahh, wala..wala” mabilis kong sagot.
“Hindi eh, parang narinig ko yung pangalan ko kanina” ang sama ng tingin niya sa akin ngayon.
“Ahh ehh kasi” hindi ako makaisip ng sasabihing palusot.
“Kasi?” nag-aantay siya ng sagot.
“Kasi may play daw sa classroom tapos tayong dalawa ang pinagpipilian pero alam kong mas bagay yun sayo” pagsisinungaling ko, tumitig siya sa akin habang nag-iisip. Sinamantala ko ang pagkakataon na magpaalam at sabay tumakas pero bago pa man ako makaalis ay hinawakan niya ang kwelyo ko sa batok.
“Sandali lang, bat ba nagmamadali ka?” inis niyang sabi at ako naman ay nasakal sa ginawa niyang biglaang paghablot sa aking kwelyo.
“Ah eh may assignment kasi tayo tungkol sa History pero hindi ko pa natatapos kaya mauuna na ako” pagkasabi ko nun ay agad niyang binitawan ang aking kwelyo.
“Tara sabay na tayo” pag-aya niya sa akin sabay akbay.
Nakaakbay siya sa akin simula nang lumabas kami ng c.r. Sa aming mga lalaki ay normal lang naman ito pero bakit tila iba ang nararamdaman ko ngayon. Parang ang gaan-gaan sa pakiramdam habang nakapatong ang kaniyang kamay sa aking balikat. Lalo pang nakakaakit ang amoy ng kaniyang pabango na tila hindi nagbabago ang amoy kahit na pagpawisan pa siya. Maraming nakapansin sa amin ng madaan kami sa hallway. Karamihan dun ay ang mga barkada ni Lance na masaya niya ring binabati. Gulat na lang ako ng biglang may bumatok sa akin.
“Angas mo boy ahh, close nap ala kayo ni Lance ngayon” sabi ng isang lalaki na sa tingin ko ay barkada din ni Lance. Nagtawanan ang ilan sa kanila at ako naman ay nagpipigil ng galit sa ginawa niyang pagbatok sa akin.
“Sino nagsabi sayong pwede mo siyang batukan?” tanong ni Lance.
“Ehh di ba binubully naman natin yan bakit hindi?” nag-aalangang tanong ng lalaki.
“Ahh oo nga pala, san ka nga ulit galing?” natatawang sabi ni Lance. Magkaibigan ngang tunay parehong gago.
“Ahh kakauwi lang namin galing states, mga 2 weeks din ako dun kasi nanghihina na si lolo” masayang sagot ng kaibigan niya.
“Gusto mong magaya sa lolo mo?” naging seryoso bigla si Lance.
“Haa-you mean maging businessman gaya niya? Oo, naman mukhang sa akin nga niya ipapa” hindi pa tapos ang kaibigan niyang magsalita nang sumagot agad si Lance.
“Ang manghina kagaya ng lolo mo” lumapit siya sa kaibigan niya at bigla na lang niya itong sinukmuraan ng tatlong beses hanggang sa mapaluhod na lang ito at sumuka ng dugo.
“Sa susunod na hahawakan mo siya ay puputulin ko na yang kamay mo!” inis na sambit ni Lance. Naglakad siya papalayo sa mga barkada niya at ako naman ay hindi makapaniwala sa ginawa kaya nanatili akong nakatayo.
“Akala ko ba nagmamadali ka?” inis niyang sabi sa akin kaya ako naman ay natarantang naglakad papalapit sa kaniya at nang makalapit ako ay muli niya akong inakbayan.
Kinakabahan ako habang akbay-akbay niya ako baka bigla na lang niya akong sakalin kapag may mali akong ginawa. Pero habang naglalakad kami patungo sa aming classroom ay tila nanunumbalik ang sigla na meron siya kanina. Ewan ko ba parang baliw tong kasama ko kasi kanina lang ay galit na galit siya pero ngayon ay tila ang saya-saya niya. Pagkapasok namin sa classroom ay nagtinginan ang iba naming kaklase at bumalik din sa kanilang ginagawa pero ang ilan ay tila kinikilig nang makita nilang nakaakbay sa akin si Lance kaya naman inalis ko na ang kaniyang kamay dahil baka makarating ito Chloe at baka isipin niyang nababakla na ako kay Lance.
Mabuti na lang at may mga mabubuti kaming mga classmate na nagbigay ng kanilang notes para sa pagsagot sa aming assignments. Sa totoo lang ay meron na talaga akong nagawang assignment pero dahil ito ang ginawa kong palusot kanina kaya naman dapat kong ulitin ang pagawa nito para mapatunayan sa kaniya na wala pa talaga akong nagagawa. Katabi ko siya habang gumagawa ng assignment, nakikinig siya ng music habang kinokopya ang mga sagot ko. Buti na lang at hindi ito ang ipapasa ko kung hindi yari talaga kami pagnabasa ni Miss Ellen yung assignment namin na parehong pareho ang laman.
Habang kumokopya siya sa akin ay bigla na lang niya ipinasok sa kanang tenga ko ang kabilang earphone. Nakikinig siya sa kanta ni Ed Sheeran pero hindi ko maalala ang title ng kanta kasi hindi ako masyadong fan ng mga kanta niya. Basta yung lyrics niya ay “Baby, I’m dancing in the dark with you between my arms”. Yun lang ang medyo natatandaan ko sa lyrics. At mukhang playlist ni Ed Sheeran yung pinapakinggan niya dahil sunod-sunod ito habang nagsusulat kami. Maya-maya lang ay bigla akong nakaramdam ng bigat sa aking balikat. Paglingon ko ay nakita ko na lang na nakasandal na siya sa aking balikat at tulog. Nakatulog siya kung kelan halos matatapos na namin ang paggawa ng assignment. Natapos ko na yung kunwaring assignment ko pero yung kay Lance ay hindi pa niya tapos. Kukunin ko sana yung kaniya at pagpalitin yung amin tutal may nagawa naman na ako. Ngunit bigla na lang dumating si Miss Ellen at ginising ko si Lance na natutulog.
Nang makaupo si Miss Ellen ay agad niyang pinapasa ang mga assigments. Habang nagpapasahan ng mga assignments ay bigla ko na lang inabot kay Lance ang assignment na ginawa ko kanina. Hindi ko pa nalalagyan ng pangalan yun kaya pwede niyang angkinin na siya ang gumawa nun. Pero nagulat na lang ako na may hawak-hawak siyang papel kung saan nakasulat na ang kaniyang pangalan at kompleto na ang kaniyang mga sagot.
“Para saan yan?” tanong niya.
“Eh akala ko wala ka pang assignment tapos yung ginagawa mo kanina ay hindi pa rin tapos kaya ibibigay ko na lang sana sayo to” tugon ko at pinalo niya ako ng papel sa ulo.
“Sabi mo kanina nagmamadali kang bumalik para gumawa ng assignment tapos meron kana palang ginawa” inis niyang sabi.
“Eh ikaw din naman eh bat kapa gumawa ng assignment kung meron kana rin palang nagawa” inis kong sagot.
“Syempre sinabayan lang kita para gumawa ka ng mabilis” mabilis niyang sagot.
“Eh bat k aba nagagalit?” tanong ko na medyo na palakas ang boses ko.
“Eh kasi nga aayain pa sana kitang kumain kanina kung hindi ka lang nagmamadali” at napalakas din ang boses niya na kumuha ng atensyon ng buong klase.
Hiyang hiya ako sa mga sandaling yun buti na lang at pinalagpas ni Miss Ellen yung ginawa namin. Sa mga sumunod na klase namin ay hindi na niya ako pinansin kaya naman hindi ko na rin siya pinansin. Nagfocus na lang ako sa buong klase pero minsan nakikita kong nakatingin siya sa akin ng masama. Nakakainis lang parang big deal na big deal sa kaniya yun. Sumapit na rin ang oras na pinakahihinatay ng bawat isa, yun ay ang uwian. Hanggang sa paglabas ng classroom ay hindi niya ako pinansin kaya hindi na rin ako nagpaalam sa kaniya, bahala na siya.
Habang naglalakad ako patungo sa gate ay nakasalubong ko bigla si Chloe. Nagngitian kami bago nag-usap. Naupo kami sa isang bakanteng upuan kung saan makikita mo ang karamihan sa mga nag-uuwiang estudyante. Nakita ko ring lumabas si Lance ng gate pero nagkatinginan lang kaming dalawa at hindi nag-usap. Habang kausap ko si Chloe ay humingi ako ng tawad sa biglaang pag-alis ko nun pero buti na lang at likas na maganda at mabait itong si Chloe kaya naman pinatawad niya ako. Nangako naman akong babawi sa kaniya sa susunod na linggo kaya sumang-ayon naman kaagad siya. Kapag kasama mo talaga ang taong gusto mo ay hindi mo namamalayan kung ilang oras na kayong nagsasama. Ang importante ay pakiramdam kapag kasama niyo ang isa’t isa. Natigil ang usapan namin nang tumunog ang cellphone, kaagad ko namang sinagot ito dahil si Ate Fritz ang tumatawag.
“Hello ate?” pagbati ko.
“Anong oras na Gunter at hindi ka pa rin nakakauwi. Ako na ang nagsaing oohh, bilisan mo at mamalengke kapa dahil may bisita tayo” sabi niya. Itatanong ko pa sana kung sino ang bisita namin pero bigla na lang niya pinutol ang usapan namin. Syempre mas mahalaga ang tawag ni ate kaysa sa pagbuo ko ng lovelife ngayon kaya naman nagpaalam na ako kay Chloe na mauunang umuwi dahil sa wrong timing na bisita namin.
Pagkarating ko sa loob ng aming bahay ay nakita ko kaagad na nakaupo sa couch si Lance habang kumakain ng meryenda at nanonood ng tv. Tumingin siya sa akin nang makita niya akong pumasok pero binalik niya kaagad ang kaniyang paningin sa tv na para bang wala siyang pakialam sa akin. Hinanap ko si ate na kasalukuyang nasa kusina.
“Ate siya ba ang bisitang tinutukoy mo?” tanong ko.
“Oo at bilisan mong magbihis dahil kulang itong mga ingredients ko para sa lulutuin kong nilagang baka” sabi niya habang naglilista sa isang papel.
“Pauwiin na lang natin yan ate, nanggugulo lang yan dito at dagdag pa sa pakakainin mo” naiinis kong sabi per laking gulat ko nang bigla akong pingutin ni ate.
“Hinaan mo yang boses mo baka marinig ka niya, siraulo kang bata ka. Importanteng bisita yan dito sa atin dahil anak siya ng may-ari ng pinapasukan kong trabaho at saka sila ang nagbibigay ng scholarship mo kaya ayus-ayusin mo ang pagtrato mo sa kanya” at may habol pang kurot sa tagiliran ko.
“Kailan mo pa nalaman yan?” syempre hindi na ako nagulat nang sabihin sa akin ni ate fritz yun dahil matagal ko nang kilala ang pagkatao ni Lance.
“Kanina lang nang dumaan siya sa opisina namin bago ako makauwi, dinaanan niya yung tito niya na supervisor namin dahil birthday ngayon. Tapos eto sumama sa akin pauwi dahil dito daw siya matutulog. Napakahumble na bata” masayang pagkwento ni ate.
“Kung alam mo lang” hindi ko napigilang masabi.
“Ang alin?” mabilis niyang tanong.
“Ahh wala, magbibihis na po ako” sabay karipas ng takbo papunta sa kwarto ko. Kapag hindi ako nakatakas sa kaniya ay tiyak kukulitin ako nun hanggang sa magsalita ako. Sa pagmamadali kong pumasok ng kwarto ay natabig ko ang baso na nakapatong sa ibabaw ng mesa kaya nabuhos ang laman nito sa pantalon ko.
Nang makarating ako sa loob ng aking kwarto ay kaagad akong naghubad ng aking damit para magpalit. Wala akong tinirang saplot sa aking katawan dahil inabot hanggang sa aking brief ang tubig na tumapon. Pinunasan ko ng tuwalya ang aking mga hita at saka naghanap ng pamalit na underwear. Ang buong akala ko ay nalock ko ang pinto ng aking kwarto pero nagkamali ako nang biglang pumasok si Lance habang hubo’t hubad ako. Mukhang hindi man lang siya nagulat sa nakita niya at ako naman ay nataranta para abutin ang tuwalya at takpan ang sarili ko.
“Hindi ka ba marunong kumatok?” inis kong sabi. Tumingin lang siya sa akin at saka lumabas ng kwarto. Grabe hindi ko alam kung anong trip ng lalaking to. Nang matapos akong magbihis ay nakita ko na lang na nakabihis na rin itong si Lance.
“Oh eto yung listahan ng mga dapat mong bilhin, sabi ni Lance sasamahan ka daw niyang mamili” pagkasabi ni ate Fritz ay kaagad naman akong lumingon kay Lance kung totoo ba ang sinasabi ni ate. Tumingin lang din siya sa akin at hindi nagsasalita.
Huminga ako ng malalim bago naglakad palabas ng bahay. Hinayaan ko lang siya na bumuntot sa akin tutal hindi naman siya nagsasalita eh. Para talaga akong may pipeng kasama dahil sa ilang minuto naming paglalakad ay hindi man lang siya nagsasalita. Nang malapit na kaming makarating sa palengke ay binasag ko na kaagad ang katahimikan sa aming dalawa.
“Pinopormahan mo ba ang ate ko?” tanong ko sa kaniya.
“Excuse me?” napahinto siya sa paglalakad.
“Ang sabi ko may gusto ka ba sa ate ko?” mukhang guilty siya dahil bigla siyang nagsalita, sinasabi ko na nga ba eh.
“She’s not my type” matipid niyang sagot.
“Eh bakit ka laging nasa amin?” pag-uusisa ko pa dahil mukhang may gusto talaga siya kay Ate fritz eh.
“Wala ka nang pakialam dun” at saka siya naglakad patungo sa palengke.
“Hoy, wag na wag kang magtatangka ng masama sa ate ko. kung hindi lagot ka sa a” napatigil ako sa pagsasalita ng huminto siya sa paglalakad.
“Huwag kang mag-alala wala akong masamang balak sa kaniya, pero sayo marami” nanatiling poker face ang mukha niya kaya hindi ko alam ang totoong nararamdaman niya ngayon. Pero bigla akong nakaramdam ng magkahalong tuwa at takot na hindi ko maintindihan.
Nagmadali akong naglakad para makapunta na kaagad sa palengke at mabili na ang lahat ng mga sangkap na kinakailangan ni ate fritz. Hindi pupwedeng magkasama kami ng matagal ng lokong to dahil habang tumatagal ay naweweirduhan na ako sa nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya. Habang bumibili ako ng mga sangkap ay hindi ko mapigilang mailing sa mga titig ng mga tinderang binibilhan ko ng mga sangkap. Ngumingiti na lang ako minsan pero saka ko lang nalaman na ang mga tingin pala nila ay dahil sa taong nasa likuran ko. Sana siya na lang ang namili siguro nakatawad pa kami, kainis.
Pagkarating sa bahay ay kaagad namang inasikaso ni ate fritz ang mga pinamili namin ay pinamili ko lang pala dahil bumuntot lang naman sa akin itong si Lance. Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay kumuha ako ng libro para magbasa. Wala naman kaming assignment ngayon kaya medyo hayahay ako ngayon gabi. Natigil lang ang pagbabasa ko nang magtext sa akin si Chloe. Medyo matagal-tagal pa naman bago maluto yung nilagang baka kaya naman nakipagtext na lang muna ako kay Chloe.
“Magbabasa ka ba o magtetext?” sabi ni Lance pero ang kaniyang paningin ay nasa tv.
“Wala kang pake” matipid kong sagot. Hindi ko inaasahang narinig ni ate fritz yun.
“Tantanan mo yang kakatext mo Gunter, pag ikaw bumagsak at nawalan ng scholarship papatigilin na lang talaga kita” bulyaw niya.
“Wala ka bang tiwala sa akin ate? Ako pa ba? Ito ang tanungin mo si Lance kung nagrereview ba yan” sarkastiko kong sambit. Kapwa kaming napatingin ni ate fritz kay Lance na tumingin na rin sa akin na para bang naghahamon.
“Bakit hindi mo ako tanungin ng mga questions diyan sa libro mo?” nakangiti niyang sabi kaya naman nanggalaiti ako lalo.
Naghanap ako ng mga mahihirap na tanong dito sa physics na libro na hawak ko. Laking gulat ko nang masagot niya ang bawat tanong na ibinibitaw ko sa kaniya. Maging ang mga formula na hirap akong kabisaduhin ay kabisado niya. Papano nangyari ito? Kumpyansa ako sa sarili ko na mas matalino ako kay Lance dahil napapansin ko sa klase na hindi siya interesado at bihira siyang magparticipate lalo na sa recitation. Mas lamang din ako pagdating sa exam pero papanong alam niya ang mga sagot dito?
“Ayan kaka cellphone mo mas madami pang alam si Lance kaysa sayo” sambit ni ate, grabe talaga napahiya na nga ako kanina ginatungan pa talaga niya.
“Oh siya, tumayo na kayo diyan at kakain na tayo” pag-aya ni ate fritz. Kaagad naman kaming nagtungo sa mesa para kumain.
Habang kumakain ay inoobserbahan ko ang bawat galaw ni Lance sa tuwing kausap niya si ate. Normal lang naman ang pakikitungo niya dito pero hindi pa rin ako titigil hanggang hindi ko siya napapaamin sa totoong balak niya sa amin. Bakit sa amin? Kay Ate fritz lang pala, ah ang weird na masyado ng iniisip ko. Pakiramdam ko nga ako ang bisita dito sa mesang to dahil halos silang dalawa lang nag-uusap habang ako ay tahimik na kumakain habang nakikinig sa kanilang dalawa. Iniiwasan rin sigurong itanong ni ate kay Lance kung bakit siya tumutuloy dito. Pagkatapos naming kumain ay naghugas ako ng pinagkainan namin. Tatlo lang naman kaming kumain pero yung huhugasan ko ay parang pang buong pamilya. Pero syempre ginawa ko na rin kaysa naman bungangaan na naman ako ni ate sa harap ni Lance.
Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay kumuha naman ako ng pamalit na damit para makapaghuhas na ako ng katawan bago maligo. Pagkapasok ko sa aking kwarto ay nakita kong nakabihis na si Lance ng kaniyang pantulog. Nakasando at boxer shorts lang ang suot niya habang may kausap siya sa cellphone. Hindi ko na siya inusisa dahil kailangan ko na ring maghugas ng katawan dahil sobrang lagkit ko na sa pawis. Nang matapos ako ay nagtungo ako kaagad sa aking kwarto para matulog. Mukhang nakatulog na si Lance habang nasa ibabaw ng kaniyang dibdib ang kaniyang cellphone. Kinuha ko ito at nilagay sa ibabaw ng mesa baka sakaling mahulog pa at mukhang mamahalin.
Puwesto na ako sa pinakagilid at saka nahiga. Nagkumot ako at saka natulog. Hindi pa nagtatagal ang tulog ko nang maramdaman ko na naman ang kamay ni Lance sa loob ng tshirt ko kung saan nakatong ang kaniyang mga kamay sa aking tiyan at ang kaniyang paghinga ay ramdam ko sa aking batok. Hindi na ako umangal pa at hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niyang gawin basta wala siyang masamang gawin sa ate ko.
Halos araw-araw ng nakatira sa amin si Lance. Ewan ko ba kay ate fritz at hindi niya pa rin magawang tanungin ang lokong to kung bakit siya nagtitiis sa maliit na bahay namin. Napansin ko rin na habit ni Lance ang umakap habang nasa ibabaw ng tiyan ko ang kaniyang mga kamay niya. Hindi ko sigurado kong ginagawa niya ito sa lahat ng nakakatabi niya pero araw-araw ko itong nararanasan sa kaniya. Tuwing sabado at linggo ay umuuwi siya sa kanila kung saan masaya ako dahil nasosolo ko ang aking kwarto at hindi ako laging nag-aalala sa kinikilos ko. Saktong araw ng linggo kung saan makakapagdate na naman kami ni Chloe. Napagpasiyahan naming pumunta ng Enchanted kingdom dahil gusto raw niyang mag amusement park. Syempre bago kaimi umalis ay pinagpaalam ko muna siya sa kaniyang mama na suportado ang panliligaw ko sa kaniyang anak. Kaya malaki talaga ang chance ko na maging girlfriend itong si Chloe.
Nang makarating kami sa loob ng enchanted kingdom ay naglibot muna kami sa loob para makapili ng gusto naming ride na sasakyan. Ako na mismo ang gumawa ng paraan para magkahawak ang aming kamay habang iniikot ang lugar. Nang makapili kami ay kaagad kaming pumila para makasakay sa gustong ride ni Chloe pero laking gulat ko nang may biglang umakbay sa akin. Isang lalaki na halos kasing tangkad ko lang habang nakasuot ng maluwag na white shirt at skinny-ripped jeans habang suot suot ang agaw pansin na shades.
“Miss me?” sabay ngiti sa akin.
Anong ginagawa niya dito?
Itutuloy…
A/N: Masasanay din kayo sa late update na to dahil binibuild up ko pa lang ang story at ang relasyon ng dalawa nating bida.
Thank you sa lahat ng nagvovote palagi. Wag kayong magsasawang mag VOTE.
Chapter 7: His warnings
Darren as Gunter
Gunter’s POV
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ngayon ay ako ang naging chaperon ng dalawa kong kasama. Kanina lang ay masaya kaming dalawa ni Chloe habang nagpapalakad-lakad habang magkahawak ang kamay pero tila naalis ang kaniyang atensyon sa akin simula nang dumating itong si Lance. Sino ba naman mag-aakala na magaling pala siya sa mga games at ngayon ako ang naging tagabitbit ng mga napanalunan niya para kay Chloe. Hindi ko magawang magreklamo kasi mukhang masayang masaya si Chloe nang makuha niya ang malaking stuff toy na stitch na ngayo’y hawak-hawak ko. Hindi ko rin alam kung ano ba talagang pinaplano nitong si Lance at kailangan niya pang makigulo sa date namin ni Chloe.
Buong akala ko ay hahayaan niya na kaming magkasamang dalawa sa loob ng Ferris wheel pero nagpumilit pa rin siya at sumama sa amin sa loob. Sa pagkakataong ito ay tinulak ko sa kaniya ang bitbit kong stuff toy para siya naman ang magdala at saka ako tumabi kay Chloe. Sinubukan kong hawakang muli ang kaniyang kamay pero bigla na lang niya itong iniwas. Marahil nahihiya siyang makita ni Lance na naghahawak kami ng kamay, siguro nga yun ang dahilan.
“Magpicture na lang tayo” sabi ni Chloe at saka niya kinuha ang phone niya para makapagpicture kaming dalawa. Mga tatlong kuha din yun habang magkalapit ang mga pisngi namin habang nagpipicture nang biglang.
“Akin na ako naman ang kukuha ng picture nyo” pagpresenta ni Lance at inabot ni Chloe ang cellphone niya. Nagsimulang kumuha si Lance ng mga pictures at saka inabot kay Chloe. Siraulo talaga to andami niyang kinuhang pictures ang iba ay hindi pa ako ready kaya nagmukha akong gago sa mga kuha ko. karamihan sa mga kuha niya blurred kaya binura lang din ni Chloe.
“Ohh ako naman” inabot niya kay Chloe ang cellphone niya at ang akala namin ay magpapapicture siya ng solo. Bigla niyang pinalipat si Chloe ng upuan at tumabi siya sa akin. Umakbay siya sa akin habang kinukunan kami ng picture ni Chloe. Bigla namang natawa si Chloe habang kumukuha siya ng picture.
“Ang sweet nyo” sabi niya at saka tumawang muli. Nang sabihin niya yun ay bigla kong inalis ang pagkakaakbay sakin ni Lance.
“Ang arte mo” anas ni Lance at saka bumalik sa dati niyang pwesto.
Nang makababa kami ng Ferris wheel ay sinunod naman namin ang pagsakay sa Vikings. Hindi talaga ako masyadong fan ng mga rides pero para kay Chloe ay gagawin ko. Naupo kami sa pinakadulo. Ang akala ko pa nga ay tatabi samin si Lance pero naupo siya sa kabilang dulo. Tanaw pa rin naman namin ang isa’t isa pero parang wala siyang imik na nakaupo lang doon. Nang magsimula ng umandar ang sinasakyan namin ay biglang napakapit si Chloe sa akin. Mabuti na rin pala at tinuloy namin to dahil minsan ko lang maexperience ang mga pagkakataong ito. Panay ang hiyawan ng mga taong nakasakay sa Vikings at ako mismo ay hindi rin mapigilang mapasigaw. Tiningnan ko si Lance sa kaniyang pwesto, para siyang statwa dun na hindi man lang nakakaramdam ng lula o takot habang tinataas-baba kami.
Patuloy ang pag-andar ng aming sinasakyan at hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili na tingnan si Lance dahil sa dami ng taong nakasakay ay siya lang ang bukod tanging tahimik. Nang mapansin niya akong nakatingin sa kaniya ay agad siyang ngumiti at saka kumindat. Ang akala ko pa nga ay si Chloe ang kinindatan niya pero nang tingnan ko si Chloe ay nakaakap parin sakin at nagsisigaw. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na yun.
Nang mapagod kami ay napagpasiyahan naming kumain. Dahil sa dami ng prizes na napanalunan ni Chloe ay kailangang may maiwan sa amin para magbantay ng mga gamit. At ako pa talaga yung naiwan sa amin. Seryoso ba? Mukhang sila na yung nagdidate. Nagfacebook na lang ako habang nag-aantay sa kanila. Scroll, scroll, scroll, wala lang magandang makita sa timeline ko kundi puro kalokohan ng mga tropa ko sa facebook. Bigla akong nakareceive ng text message galing kay ate fritz. Sabi niya mag-enjoy daw ako sa date ko at wag akong masyadong magpapalate. Hayy, sana nga ate enjoy sana ang date namin ni Chloe kung walang umaagaw ng atensyon niya sa akin.
Di rin nagtagal ay bumalik na sila bitbit ang tray na may lamang pagkain. First time kung makita si Chloe na sobrang saya. Ang sarap lang titigan ng kaniyang mga ngiti habang naglalakad siya na parang anghel. Ang masaklap lang ay hindi ako yung taong nagpapasaya sa kaniya ng ganyan. Kung titingnan mo nga sila ay para silang magsyota na bagay na bagay sa isa’t isa. Ewan ko ba kung bakit ganito naiisip ko dapat pag-igihan ko pa ang panliligaw ko kay Chloe para hindi siya maagaw sakin. Nang makaupo sila ay agad namang tumabi sakin si Chloe at nagsimula ang masaya naming kwentuhan habang kumakain. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam saglit si Chloe para pumunta ng banyo. Bigla namang tumabi sakin si Lance at inakbayan ako.
“Gusto ko lang sabihin sayo na… hindi siya yung babaeng nararapat sayo” bigla niyang sabi at saka uminom ng tubig.
“Anong ibig mong sabihin?” naiinis kong tanong.
“I am telling you the truth, maghanap ka na ng iba” sabi niya sabay tapik sa balikat ko pero inalis ko ang kaniyang kamay.
“Para ano? Para ikaw ang makinabang sa pinaghirapan ko?” hindi ko na talaga napigilang magtaas ng boses.
“Chill, she’s not my type” sagot niya na naiinis na rin.
“Sino ka ba para sabihin yan ha? Hindi mo pa nga lubusang kilala yung tao pero ganyan na ang sinasabi mo” napatayo ako sa kinauupuan ko sa inis sa kaniya.
“I know her kaya binabalaan kita ngayon pa lang. Pero ikaw din kung gusto mong magpakatanga ay bahala ka” tumayo rin siya sa kaniyang kinauupuan.
“Pwede bang umalis ka na lang at wag mong ginugulo ang date namin!” pasigaw kong sabi at ngayon ay pinagtitinginan na kami. Biglang dumating si Chloe at gulong gulo sa nangyayari.
“Ahh guys, anong nangyayari?” sabi ni Chloe. Tumingin si Lance ng masama kay Chloe at saka niya binalik ang tingin sa akin.
“FINE” padabog siyang umalis at iniwan kaming dalawa ni Chloe.
Ilang beses akong tinanong ni Chloe kung ano ba talagang nangyari pero hindi ko magawang sabihin sa kaniya ang totoo dahil ayokong masaktan siya sa mga sinabi ni Lance. Nang umalis si Lance ay para bang naging malungkot si Chloe at nawalan na siya ng gana mag-ikot-ikot kaya naman ay napagpasiyahan naming umuwi na lang. Hanggang sa byahe ay parang biglang naging malamig ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil mukhang ako naman ang nagsimula ng away namin ni Lance. Kung hindi ko siya pinatulan ay malamang maayos pa sana ang kinahinatnan ng aming date ngayon. Hanggang sa makarating kami sa kanilang bahay ay tanging thank you lang ang narinig ko sa kaniyang bibig bago niya isara ang kanilang gate.
Hindi ko inaasahang ganito ang magiging kahihinatnan ng aming date. Hindi ko alam kung sino ang dapat sisihin sa mga nangyari pero wala na rin naman na akong magagawa dahil nangyari na. Umuwi ako sa bahay na parang wala sa sarili. Pansin din ni ate fritz na malumanay ako at wala ako sa mood makipag-usap kaya hinayaan niya lang akong mag-isa. Pagkahiga ko sa aking kama ay ang unang ginawa ko ay ang i-text si Chloe para humingi ng Sorry. Ang tagal kong nag-antay sa reply niya pero lumipas ang ilang oras ay hindi man lang siya nagreply.
Kinabukasan ay balik na naman sa pagiging estudyante. Lumipas ang magdamag pero wala akong nareceive na reply galing kay Chloe kaya naman dapat magsorry ako ng personal sa kaniya. Nagsimula ang klase pero hindi parin kami nakakapag-usap ni Chloe dahil kanina niya pa ako iniiwasan. Samantalang si Lance naman ay wala sa klase. Ewan ko ba kung ano ang nangyari dun basta kasalanan niya kung bakit kami nagkakamalabuan ngayon ni Chloe. Nang sumapit ang break time ay nagkaroon narin kami ng pagkakataon ni Chloe na makapag-usap. Humingi ako ng tawad sa inasal ko kahapon at sinabi ko na lang na hindi lang kami nagkaintindihan ni Lance kahapon. Mabuti naman at mabilis lang suyuin si Chloe at naging okay na kami kaagad.
Sa sumunod na araw ay saka pumasok si Lance. Hindi pa rin kami nagkikibuan, maliban na lang kapag nandyan si Chloe dahil pinapalabas ko na okay na kami kahit hindi pa naman talaga. Hindi na rin natutulog sa amin si Lance. Masaya ako dahil lagi kong nasosolo ang aking kama. Madalas nga rin itanong ni ate fritz kung bakit hindi na natutulog si Lance sa bahay at duda niya ay nag-away kaming dalawa. Sinabi ko na lang na nagsawa na siyang makipagsiksikan sa kama ko. Pero minsan ang weird lang kasi para bang hinahanap-hanap ko yung pakiramdam na may katabi ako. Kaya naman ngayon ay pinapalibutan ko ang sarili ko ng mga malalaking unan. Ewan ko ba kung bakit.
Isang araw ay nilapitan ako ng aming vice president at inalok na sumama sa birthday party niya pero tumanggi ako.
“Dali na pre, mag-eenjoy ka dun marami sa mga kaklase natin ang pupunta dun” pangungulit niya.
“Ang layo kasi pre eh baka hindi ako payagan ng ate ko” pagtanggi ko. Malamang kahit anong pangumbinse ko kay ate fritz ay hindi niya ako papayagang sumama sa mga kaklase lalo na’t wala namang kinalaman to sa klase ko at saka malayo.
“Madaming chics dun, sure na sure na mag-eenjoy ka!” ngumisi ng maloko si gago at pilit talaga akong dinidemonyo.
“Okay na ako kay Chloe pare, salamat” natatawa kong sagot at akala ko ay titigilan na niya ako pero humirit pa rin siya.
“Eh pano kung sabihin ko sayong nandun din si Chloe. Malay mo ito na ang chance mo sa kaniya malaki ang rest house ng family namin at maraming kwarto dun” sabay kindat niya at alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig.
“Gago ka talaga hindi ako ganun pre” natatawa kong sabi pero pinag-iisipan ko ng maigi baka nga ito na ang chance ko haha.
“Ikaw ang bahala sa dami ng mga lalaking pupunta dun baka maunahan ka pang maka first base” tinapik niya ako sa balikat at saka siya umalis.
Napaisip ako ng mabuti sa sinabi sakin ni Kristan. Pero hindi ko alam kung ano ang idadahilan kay ate fritz para payagan niya akong sumama sa mga kaklase ko. Ayoko munang sabihin kay Chloe ang tungkol dun hanggang hindi ako pinapayagan ni ate fritz na sumama. Baka kasi umasa siyang pupunta ako tapos hindi rin naman pala ako matutuloy. Isang linggo pa naman bago yung birthday ni Kristan kaya makakapag-isip pa ako kung ano ang idadahilan ko kay ate. Hanggang sa dumating ang biyernes ang birthday ni Kristan na pagsisinungalingan ko kay ate fritz.
“Dahil ba yan sa bago mong moisturizer ate?” pambungad ko nang makarating ako sa bahay.
“Ang alin?” tanong niya habang naghihiwa ng repolyo.
“Parang gumaganda ka ahh” sabi ko sabay lapag ng bag ko sa couch.
“Syempre yan ang ginagamit na snail white moisturizer na ginagamit ngayon ng idol ko na si Kris Aquiknoww” sabi niya sa maarteng tono.
“Effective sayo ate, lalo kang gumaganda” masaya kong sabi.
“I know right” sagot niya sabay hawi ng buhok.
“Hoy teka, teka, ang akala mo ba ay hindi ko napapansin yang pangbobola mo? May kasalanan ka sakin no? Umamin ka!” sabi ni ate fritz habang nakaturo sakin ang kutsilyong hawak niya.
“Grabe ate may kasalanan agad?” sagot ko habang nakataas ang aking kamay na para bang hinoholdap niya.
“Alam ko na magpapadagdag ka ng baon? Walang increase ng baon Gunter dahil wala pang increase ang ate mo at saka ang lapit-lapit lang ng school mo oohh” sabi niya at pinagpatuloy niya ang paghihiwa ng repolyo.
“Hindi naman yun ate eh” dugtong ko.
“Ehh ano ba kasi” tanong niya.
“May ano kasi ate eh… may group study po kasi kami ngayon sa bahay ng kaklase ko at need po naming mag-over night sa bahay nila” pagsisinungaling ko.
“San naman yang bahay ng kaklase mo?” tanong niya habang nakatuon pa rin ang kaniyang paningin sa hinihiwa niya.
“Ahh dalawang sakay lang naman po galing dito sa atin” sabay kagat ng dila ko at nanalangin na hindi niya mahalata ang pagsisinungaling ko.
Pakiramdam ko tuloy ay isa akong dalagang babae na pinaghihigpitan ng kaniyang magulang. Naiintindihan ko naman kung bakit naghihigpit si ate pero anlaki ko na at saka kayang kaya ko na ang sarili ko. Kayang kaya ko na ngang makabuntis ng babae eh. Pero syempre wala pa yan sa plano ko. Kailangan ko munang enjoyin ang buhay ko bago ako magsettle sa pagkakaroon ng pamilya.
“Okay, dito ka ba kakain?” mabilis niyang tugon na ikinagulat ko.
“Ahh hindi na po, kasi maghahanda naman daw po sila ng pagkain doon para sa aming lahat” nauutal kong sago.
“Oh siya magbihis kana at umalis para hindi ka gabihin ng husto sa daan” pagkasabi niyang yun ay kaagad akong nagtungo sa aking kwarto. Nagmadali akong magbihis dahil baka magbago pa ang isip ni ate. Sinigurado ko na akma sa party ang suot ko ngayon pero bago pa man ako lumabas ay nagsuot ako ng jacket para matakpan ang pangloob kong suot.
“Oh akala ko ba ay group study ang pupuntahan mo? bakit nakasapatos ka pa?” usisa ni ate fritz.
“Ahh ano po kasi, malamig kasi sa labas kaya nagmedyas ako. Panget naman kung naka tsenelas ako” pagsisinungaling ko.
“Eh asan yung pamalit mo? Alangan naman na yan lang din ang susuotin mo pag-uwi bukas” dugtong pa niya.
“Ay oo nga pala naiwana ko yung bag sa kwarto, salamat ate” sabi ko at nagkunwaring nakalimutan ang bag ko na may lamang damit.
Dali-dali akong kumuha ng bag naglagay ng damit sa aking bag. Hindi ko na masyadong tiningnan kong ano ang nailagay ko basta kunwari’y magkaroon ng laman to at makaalis na kaagad ako bago pa man ako mabisto ni ate. Nang matapos ako ay kaagad akong nagpaalam kay ate fritz at lumabas ng bahay na nagmamadali dahil may nag-aantay sakin. Pagkarating ko sa kabilang kanto ay kaagad akong sumakay sa itim na van.
“Buti na kasama ka pre” sabi ng isa mga kaklase kong nasa loob ng van.
“Buti nga nagawan ko ng paraan eh” sabi ko at nagtawanan sila.
Ako na lang pala ang inaantay at saka umandar ang sasakyan patungo sa rest house nila Kristan. Mukhang mayaman rin talaga itong si Kristan dahil nagawa niya pang magpasundo sa amin gamit ang van na pagmamay-ari nila at yung driver pa nila ang naghatid sa amin. Medyo malayo-layo ang byahe kaya sinabihan kaming magpahinga muna. Hindi ko magawang magpahinga dahil hype na hype ang mga kaklaseng kasama ko. Puro kalokohan at kabastusan ang pinag-uusapan. Syempre nakisali din ako sa mga kalokohan nila. Makalipas ang isa’t kalahating oras ay narating din namin ang rest house na sinasabi ni Kristan. Rinig na kaagad ang malakas ng music kahit nasa labas pa lang kami.
“Sugoood!” sigaw ng kaklase naming maloko na si Roy. At para kaming mga bata na nagmamadaling pumasok.
Malaki nga ang rest house na to at maraming tao ang nandirito sa birthday ni Kristan. Maraming babae ang nakasuot ng bikini habang naliligo sa pool. Halos lumuwa ang mga mata ng mga kasama ko. Aaminin kong magaganda ang mga babaeng nandirito pero inaasahan kong si Chloe din ay nakasuot ng bikini habang naliligo sa pool. Marami rin ang nagsasayawan habang sumasabay sa masayang tugtugin na pinapatugtog ng DJ. Nang makita kami ni Kristan ay mabilis niya kaming binati at pinapasok sa dining area para kumain muna.
“Sabi ko sayo eh mag-eenjoy ka dito” sabi ni Kristan habang nakaakbay sa akin at ang kanang kamay ay may bitbit na bote ng wine.
“Mukha nga” natatawa kong sabi at saka niya ginulo ang buhok ko at nagpaalam na magtutungo siya sa pool.
Hindi ako masyadong gutom kaya kaunti lang ang nakain ko. Kanina pa ako palingon-lingon para hanapin si Chloe dahil sabi ng iba naming kaklase ay nandito na raw siya kanina pa pero hindi ko man lang nakita. Mag-iikot sana ako nang biglang nagtext si ate Fritz na gusto daw niya ng picture kung totoo bang naggo group study kami. Edi nataranta ako kaya hinanap ko kaagad si Kristan at sinabi ang problema ko. Pinapasok niya kami sa loob ng isang bakanteng kwarto at naglapag kami ng libro at mga papel sa sahig habang nakapalibot kami. Naggroupie kami at saka ko sinend kay ate. Ang nakakatawa pa ay ang ibang kung kasama sa picture ay may amats na, sana hindi mahalata ni ate yun. Ang akala ko ay ligtas na ako pero sabi niya magvivideo call daw siya kung totoo. Edi umayos naman kami at yung iba kung kaklase ay nakayuko kunwari na para bang nag-aaral. Sa lakas ng music ay rinig pala na ni ate fritz ang kaya naghinala siya. Ang sabi ko na lang ay music yun sa kapit bahay dahil merong birthday party. Ayun nakalusot naman at nagpasalamat ako sa mga loko-loko kong kaklase.
“Syempre sa samahan natin walang laglagan” sabi ni kristan na may tama na rin.
“Oo naman” sagot ni Carl at nagtawanan kami.
Bago kami lumabas ng kwarto ay may hirit pang text si ate fritz. Binasa ko kaagad ito habang nakasunod sa mga kaklase ko. Ang sabi niya ay dumaan daw si Lance sa bahay at hinahanap ako. Ang sabi daw ni ate fritz ay nasa bahay ako ng kaklase ko para sa group study. Pinakita ni ate fritz yung picture na sinend ko sa kaniya at ayun alam na daw ni Lance kung saan ako pupuntahan. Hanep naman mukhang mabibisto pa ako dahil sa lokong yun. Ano bang gusto niya? Habang naglalakad ako ay bigla kong nabunggo ang isa kong kaklase na nakahinto. Lahat sila ay huminto sa harap ng isang pintuan. Maging si Kristan ay lumapit sa pinto at nakinig. Ako rin ay naging curious kung ano ang pinakikinggan nila kaya lumapit din ako. Rinig na rinig namin ang malakas na ungol ng isang babae sa loob ng kwarto. Nagkatinginan kaming lahat at napangisi dahil alam naming may gumagawa ng milagro sa loob ng kwarto. Sa dami naming nakasandal ay bigla na lang bumukas ang pinto at nadapa ang mga kasama ko papasok sa loob. Laking gulat ko nang makita ko ang taong nasa loob. Napako ang mata ko sa babaeng sumigaw sa biglaan naming pag-istorbo sa ginagawa nila. Hindi ko kinaya ang nakita ko kaya nagpasya akong tumakbo papalayo sa lugar na yun.
Nakarating ako sa may likurang bahagi ng kanilang rest house kung saan wala gaanong tao. Bitbit ang isang bote ng wine na nakuha ko sa ibabaw ng mesa ay matiyaga koi tong ininom ng mag-isa. Mataas ang tolerance ko sap ag-iinom kaya alam kung kaya kong ubusin to. Gusto ko lang lasingin ang sarili ko para makalimutan ang nakita ko. Hindi ko akalaing magagawa akong paasahin ni Chloe samantalang nagagawa niya palang makipagtalik sa ibang lalaki. Tangina, ang sama lang ng loob ko. Gusto kong umiyak at magwala pero hindi ko magawa. Halos nangangalahati na ang bote ng wine na hawak ko pero pakiramdam ko ay andami ko nang nainom. Laking gulat ko ng biglang may umagaw sa boteng hawak ko at saka ininom ito.
“Hoy gago ka ahh, akin yan” sabay palo sa likod ni Lance.
“Bat ka nag-iisa dito? Hinahanap na nila tayo dun” sabi niya pero gulong gulo ang isipan ko ngayon at wala akong nagawa kundi ang tumango at sumama sa kaniya. Hanggang sa maramdaman kong hinihila ako ng antok hanggang sa ako’y makatulog.
Nagising ako sa ingay ng mga taong nagtatawanan sa paligid ko. Pagcheck ko sa cellphone ko ay tatlong oras din pala akong nakatulog at patuloy pa rin ang kasiyahan nila. Unang nakapansin sakin ay si Roy.
“Ohh gising na pala tong si Gunter, halika Sali ka samin” pag-aya niya sakin at ako naman ay sumunod sa kaniya.
Nagkukumpulan sila sa may sala. Ang malakas na music kanina ay medyo humina kaya nagagawa na nilang makapag-usap ng hindi nagsisigawan. Kung tama ang pagbibilang ko ay nasa 16 katao ang nakapalibot sa gitna ng sala habang may bote sa gitna nila. Naupo ako sa tabi ni roy at sa kanan ko naman ay si Lance na para bang ibang tao ngayon. Nandun din Chloe na nakatingin sa akin at ngumiti na para bang walang nangyari kanina. Hindi ko mapigilang mapangiti ng hilaw habang umiiling. Tangina, ang lakas makagago. Nagsimula ang spin the bottle kung saan puro dare lang ang pwedeng gawin. Game ang lahat sa mga dare kahit na ang mga babae ay game makipaghalikan sa kapwa nila kapag yun ang inutos. Nakikitawa na lang ako sa mga dare na nakakaloko pero yung totoo ay pinipilit ko lang maging masaya. Ang gusto ko talagang mangyari ay ang umalis na dito at magmukmok sa bahay. Laking gulat ko ng matapat sa akin ang bote. Ang magbibigay ng challenge ay walang iba kundi si Ailene ang pinsan ni Chloe.
“Okay Gunter ang challenge ko sayo ay……” ngumiti siya bago ituloy ang kaniyang sasabihin.
“Halikan mo dito ang taong gusto mo at dapat at least 15 seconds” hirit pa niya.
“Kahit 1 minute pa eh” sagot ko at naghiyawan ang mga kaklase ko. Tumingin ako kay Chloe at halatang kinakabahan siya sa challenge na to. Siguro walang kaalam-alam ang lalaking yumari sa kaniya kanina na may namamagitan sa aming dalawa. Gusto kong bumawi kahit sa ganitong paraan man lang. Tatayo na sana ako para lumapit sa kaniya pero biglang may humila sa akin at hinalikan ako.
Tanginaaaa hinahalikan ako ni Lance sa harap ng maraming tao!!!
Bakit, bakit hindi ko magawang pumalag?
Itutuloy…….
A/N: Nagkaroon din ako ng enough time para maisingit sa pag-update nito. 1 month ulit haha joke. Anyway salamat sa mga sumusubaybay sa story na to. Sorry, medyo nakafocus akong mag update sa CLWY pero susubukan ko pa rin i-update to.
At saka paayos naman ng pananalita kapag nagkocomment sa update. Hindi po tayo close at hindi po ako bayad sa pagsusulat dito kaya wag pong masyadong demanding. Yun lang salamat.
Chapter 8: His Warmth
Dylan as Lance
Gunter’s POV
Hindi ko aakalaing magagawang halikan ako ni Lance sa harap ng maramig tao. Ang masaklap pa ay nandun si Chloe nang gawin niya sa akin ang karumaldumal na paghalik niya. Ano na lang ang iisipin ng mga tao sa akin? Habang nasa van pauwi ay panay ang kantyawan sa amin ng aming mga kaklase. Hindi ko alam kung saan ako mas maiinis. Yung nasaksihan kong kalokohan ni Chloe o yung paghalik sa akin ni Lance. Hindi ko nagawang lumabas ng bahay ng weekend. Wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa bahay at magmukmok. Hindi ko alam kung papano ko haharapin si Chloe sa kabila ng ginawa niya at kung papano haharapin ang mga kaklase kong nakasaksi sa kalokohan ni Lance. Mahigit isang oras na akong nakahiga sa ibabaw ng aking kama. Walang kasiguraduhan kong babangon ba ako para pumasok sa eskwela. Parang mas gusto ko na lang na matulog magdamag at kalimutan ang lahat. Pipikit ko na sana ang aking mata nang marinig ko ang sigaw ni ate fritz.
“Ipapasok ko na ba dyan ang balde at paliliguan na kita dyan habang nakahiga ka sa kama mo?” sigaw ni ate at ako nama’y kumilos nang mabilis para kunin ang tuwalya.
“Eto na po!!” sabi ko nang makalabas ng aking kwarto.
“Sinasabi ko sayo Gunter haa!! Hindi tayo mayaman para magpatamad-tamad ka sa pagpasok sa eskwela!” bulyaw niya habang ako ay naglalakad patungo sa banyo para maligo.
“Bilis-bilisan mo dyan at kumain kana dito pagkatapos mo!” sigaw niya habang nasa loob ako ng banyo.
“Opooo!” sagot ko at mabilis na nagbuhos ng tubig sa aking ulo. Mabilisang nagsabon at shampoo. Kuskos kay junjun at sa pwetan sabay buhos ulit ng tubig para magbanlaw. Kaagad akong nagpunas ng aking katawan pero huli na nang mapansin kong hindi pala ako nakapagdala ng pamalit. Binalot ko sa aking bewang ang tuwalya at binuksan ang pinto para lumabas. Bago pa man ako makalabas ng banyo ay bigla na lang inabot sa akin ni ate fritz ang uniform ko kasama ang underwear at boxershorts.
“Salamat ate” sabi ko sabay sara ng pinto.
Ewan ko ba, basta simula ng magbinata ako ay pinapatungan ko ng boxer shorts pagkatapos kong magsuot ng brief. Sabi nila dapat pagnagboxer shorts ka ay dapat hindi kana magsusuot ng brief kasi yun na ang magsisilbing underwear mo. At ganun din naman sa brief pero mas komportable akong suot ang dalawang to nang sabay. Pagkatapos kong makapagbihis ay kaagad akong nagtungo sa aming kusina habang nagpupunas ng aking basang buhok. Naupo ako sa bakanteng upuan sa harap ng mesa para kumain ng hinain ni ate fritz. Gusto ko pa sanang magsandok pa ng kanin dahil ang sarap naman talaga ng hinain ni ate fritz pero pagginawa ko yun ay baka malate na ako sa school. Kaagad akong nagsipilyo sa lababo habang si ate fritz naman ay tinapik ako para magpaalam na papasok na siya. Tumango lang ako para tumugon sa kaniya. Sa huling pagkakataon ay humarap ako sa salamin upang pagmasdan ang aking sarili bago ko lisanin ang bahay patungo sa school.
May natitira pa akong sampung minuto bago malate sa klase. Dahan-dahan akong naglalakad sa gilid ng kalsada habang nakasuot ang earphones sa aking mga tenga. Sinimulan ko ang araw sa pakikinig sa playlist ko na puro kanta ng LANY . Hindi ko alam kung bakit gumaganda ang mood ko kapag pinapakinggan ko ang mga kanta nila kahit na ang lungkot-lungkot ng mga kanta nila. Matapos ang isang kanta ay narating ko na rin ang aming gate. Nasita pa ako ng gwardiya dahil nakalimutan kong suotin ang aking ID. Patuloy ang pakikinig ko sa music ng LANY na Malibu Nights nang biglang may umakbay sa akin. Tinanggal ko kaagad ang earphones na suot-suot ko dahil may sinabi siya na hindi ko narinig.
“Anong sabi mo?” tanong ko.
“Ang sabi ko bat hindi mo subukan sa akin. Mas magaling ako kaysa kay Lance” ngumuso siya sabay kindat. Siniko ko siya palayo sa akin at bigla siyang tumawa papalayo sa akin. Napaisip ako bigla kong kilala ko ba yung siraulo na yun dahil yun pa lang ang unang pagkakataon na nakausap ko siya. Sa pagkakatanda ko ah.
Malapit na magsimula ang mga klase pero ewan ko ba kung bakit andami paring mga estudyanteng gumagala sa hall way. Karamihan sa kanila ay nagkukompulan na tila may pinag-uusapan. Napansin ko pa yung isa ay bigla niyang siniko ang katabi nang makita akong papalapit sa pwesto nila. Bigla naman silang tumahimik nang dumaan ako sa harap nila. Ayokong isipin na ako yung pinag-uusapan nila pero bakit parang pakiramdam ko ay may kakaiba sa kinikilos nila. Pagkarating ko sa loob ng aming classroom ay maraming nagkukumpulan na tila nanonod ng porn. Abalang abala ang bawat isa sa panonood kaya hindi nila namalayan na pumasok ako ng classroom. Laking gulat ko nang makita ko ang video na pinapanood nila ay yung sandaling hinalikan ako ni Lance. Kaniya-kaniyang hiyawan ang mga kababaihan nang masaksihan nila yun at ang hiyawan ay biglang naputol nang mapansin nila akong nakatayo sa harap nila.
Hindi na ako nagsalita at tumalikod na lang ako at naupo sa aking pwesto. Wala namang naglakas loob na kausapin ako at wala ako sa mood para pag-usapan ang kalokohan ni Lance. Nakinig na lang ako muli ng music sa Spotify pero ngayon ay hindi na LANY ang pakikinggan ko. Kailangan ko ng heavy-metal music o rock music na babagay sa inis ko. Pinatugtog ko na lang ang CRUCIFIED na version ng GHOST . Ayokong may marinig na kung ano-ano sa kanila at wala ako sa mood para makipag-asaran. Kanina pa ako nagtataka kung bakit hindi pa rin dumarating ang aming guro. Halos walong minuto na siyang late sa klase. Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto at nagsibalikan ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan dahil akala nila ay aming guro na ang pumasok at yun pala ay si Lance lang na late ding pumasok. Nagtagpo ang aming mga mata at bigla kung iniwas ang paningin ko sa kaniya. Wala akong balak na kausapin o kibuin man lang sa araw na to dahil sa pamamahiya niya sa akin.
Pagkaupo nya sa kaniyang upuan ay kaagad siyang nagsalita pero hindi ko sigurado kong ako ba ang kausap niya dahil patuloy pa rin ang pakikinig ko ng music. Maya-maya pa ay kinalabit na niya ako pero wala talaga akong balak na kausapin siya. Sobrang kulit niya at ayaw niya akong tantanan. Hinayaan ko lang muna ang pangungulit niya at tinuring ko na lang na isa siyang multo na hindi ko napapansin. Buti na lang at dumating na ang aming guro at nagsimula ang klase. Natigil na din ang pangangalabit niya sa akin. Nagfocus na lang ako sa pakikinig sa aming guro pero sa totoo lang ay nababagot ako at gusto ko na lang umuwi para matulog.
Natapos ang una naming klase, ang buong akala ko ay titigilan na ni Lance ang pangungulit niya sa akin. Kanina pa niya ako kinakalabit gamit ang kaniyang ballpen habang nagtuturo ang aming guro. Minsan pa ay binabato niya ako sa mukha ng maliliit na papel na binilog niya. Naririnig ko na lang ang iba naming kaklase na nagpipigil ng pagtawa o ewan ko ba kung natatawa nga ba sila sa nakikita nila. Nang mapansin ng aming guro na nagtatawanan sila ay nasigawan sila dahil ang buong akala ng aming guro ay siya ang pinagtatawanan ng mga to habang siya ay nagtuturo sa harap. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil kahit papano ay nakaganti ako sa mga siraulo kong kaklase. Habang pinapagalitan ang mga kaklase ko ay siya namang paghila ni Lance sa tagilirang bahagi ng aking uniform. Dahan-dahan niyang hinihila ito na para bang bata na nanghihingi ng pagkain sa kaniyang magulang. Tinitiis ko lang ang ginagawa niyang paghila sa aking uniform. Sa totoo niyan ay sensitive ang tagiliran ko dahil may kiliti ako dun. Kahit hindi naman niya intensyon na kilitiin ako ay nakikiliti pa rin ako. Buti naman at tinigilan niya kaagad yun nang hindi ko pa rin siya pinapansin. Nanginig ang buong katawan ko dahil siguro sa pagpipigil ko kanina. Hinimas ko ang aking mga kamay at braso dahil patuloy pa rin ang pagtayo ng mga balahibo ko dahil sa ginawa ni Lance.
Sa sumonod na subject ay tila wala pa rin siyang kapaguran sa pangungulit sa akin. Napansin niya siguro kanina na may kiliti ako sa aking tagiliran. Gamit ang kaniyang ballpen ay bigla na lang niyang pinagtutusok ang aking tagiliran. Ako naman ay parang baliw na tila napapakembot patungo sa aking kanan sa tuwing lalapat ang ballpen niya sa aking tagiliran. Ilang beses niyang pinaulit-ulit yun hanggang sa mapuna na ng aming guro.
“Okay ka lang ba Mr. Dela Paz?” tanong ng aming guro.
“Ahh opo medyo makati lang po ang tagiliran ko” sabay kamot kunwari sa aking tagiliran. Uulitin pa sana ni Lance ang pagtusok sa aking tagiliran pero nagawa kong mahawakan ang kaniyang ballpen at hinila ito para maagaw sa kaniya.
Dumating na rin ang huling klase namin bago mag lunch break. Ewan ko ba kung ano ang nakain ng siraulong to at ayaw pa rin akong tantanan. Wala ba siyang kahihiyan? Hindi niya ba nararamdaman na ayaw kong makipag-usap sa kaniya at siya tong panay ang papansin. Inisip ko na lang na malapit na ang break time kaya kailangan kong tiisin kahit unti-unti nang nauubos ang aking pasensya sa kaniya. Habang hindi ko siya pinapansin ay palala ng palala ang pagpapansin niya sa akin. Grabe para siyang bata na ang sarap ihagis sa bintana. Sa kalagitnaan ng aming klase ay bigla na lang niya akong inuuga gamit ang kaniyang kamay. Nasa sukdulan na ang pananahimik ko kaya naman hindi ko napigilan ang aking sarili.
“Ano bang trip mo haa? Kanina ka pa eh” napatayo ako sa aking kinauupuan habang pasigaw na sinabi ang mga salitang yun.
“Anong kaguluhan to?” lumapit sa amin an gaming guro para alamin kung ano ang nangyayari.
“Si Lance po kasi…” hindi pa ako tapos magsalita nang sapawan ako ni Lance.
“Inaabot ko lang po sa kaniya yung papel para sa pagchecheck” seryosong sabi ni gago na tila hindi man lang natinag sa pagsisigaw ko. Ngayon ko lang napagtanto na magchecheck nga pala kami ng mga test papers. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil medyo napahiya ako dun. Mangangatwiran pa sana ako pero pinaupo na lang ako ng aming guro. Kahit hindi ko lingunin si Lance ay ramdam ko na nagpipigil siya ng pagtawa sa nangyari sa akin. Humanda ka lang talaga sa akin mamaya.
Sa wakas sumapit na rin ang lunch break. Wala akong gana kumain atsaka alam kong maraming tao ngayon sa cafeteria kaya mabuti nang umiwas ako sa maraming tao. Napagpasiyahan kong tumambay sa may rooftop. Mabuti na lang at walang tao nang pumunta ako. Pumuwesto ako sa bahagi na hindi masyadong nasisikatan ng araw dahil tanghaling tapat na. Tiniis ko ang init kahit nasa lilim na bahagi na ako ng rooftop. Mas mabuti na to kaysa naman kantyawan ako ng mga taong makakakita sa akin. Sinubukan kong sumipol para humangin. Sabi kasi nila effective daw ang pagsipol sa pagtawag ng hangin. Sa pangatlong pagkakataon ay sumang-ayon ang hangin sa pagtawag ko. Ang sarap sa pakiramdam na may hanging dumadampi sa aking mukha na tila nagpupunas sa mga namumuong pawis sa aking noo at sa aking pisngi. Pinikit ko ang aking mata para damhin ang hangin na unti-unting nagpapagaan ng aking nararamdaman. Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng kakaibang lamig sa aking pisngi. Hindi na ito ordinaryong lamig kundi para itong nagyeyelo sa lamig. Kaagad kong dinilat ang aking mata at nakita ko ang isang bote ng 12 oz Coke na hawak-hawak ni Lance habang dinidikit sa aking pisngi.
“Ano bang gusto mo?” naiinis kong tanong sabay hawi ng kamay niya na may hawak ng coke. Hindi naman natapon yun dahil mahigpit ang pagkakahawak niya dito.
“Ikaw” maiksi niyang tugon na ikinagulat ko.
“Ano?” halos mapasigaw ako nang sabihin ko yun.
“Ikaw, ano bang gusto mo? Inaalok ka ng coke ayaw mo naman” sabi niya sabay higop ng coke na hawak niya sa kabilang kamay nya.
“Ewan ko sayo” tumayo na ako para bumalik na lang sa classroom baka mas tahimik pa dun ngayon kaysa dito. Bago pa man ako makaalis ay bigla na lang niya akong hinila.
“Teka nga!” sabi niya sabay hila sa akin. Dahil hindi ko inaasahan yun at nawalan kaagad ako ng balanse at napaupo sa kandungan niya.
“Bakit mo ba ako iniiwasan?” tanong niya na wala man lang paki sa ayos naming dalawa.
“Bitiwan mo ko!” pagpupumiglas ko pero ayaw niya pa rin akong pakawalan. Hindi kami pwedeng magtagal sa ganitong ayos dahil pag may nakakita sa amin ay malamang iisipin nilang may ginagawa kaming kababalaghan dito sa rooftop.
“Sagutin mo muna yung tanong ko!” utos niya pero wala talaga akong balak na kausapin siya kaya naman siniko ko siya at nang makakalas siya sa pagkakahawak sa akin ay kaagad akong tumayo. Wala akong pake kung nasaktan ba siya sa ginawa ko, deserve niya naman yun.
Mabilis kong tinungo ang aming classroom at mabuti naman hindi ako sinundan ni Lance. Habang papalapit ako sa aming classroom ay nadaan ko si Chloe na nakikipagharutan sa lalaking yumari sa kaniya. Bigla siyang tumahimik nang makita niya ako. Magsasalita sana siya pero iniwas ko na lang ang aking paningin mula sa kaniya. Kung hindi niya pala ako gusto sana sinabi niya ng maaga hindi yung makikita kong nakikipagsex siya kung kani-kanino. Buti na rin siguro at nalaman ko ng maaga baka kung hindi ko nakita yun ay hanggang ngayon ay mahihibang pa rin ako sa kaniya. Kailangan ko na lang talagang tiisin ang taon na to para makapagbagong buhay na ako pagtungtong ko ng college.
Pagkarating ko sa loob ng aming classroom ay kaagad akong naupo sa aking pwesto. Pinasakan ng magkabilang earphones ang aking tenga at nagpatugtog ng mga random music sa Spotify. Hiniga ko ang aking ulo sa ibabaw ng arm desk. Meron pa akong 20 minutes para matulog. Pinikit ko na lang aking mga mata kahit hindi naman ako inaantok. Hindi ko alam kung anong playlist ang napindot ko pero nadadala ako sa mga tugtog at bigla akong inantok.
Nagising na lang ako sa ingay ng mga kaklase kong nasa loob ng aming classroom. Ang iba ay naghihiyawan pa na akala mo ay mamatay sa kilig. Nang dinilat ko ang aking mga mata ay nakita ko kaagad ang mukha ni Lance na nakahiga rin ang kaniyang ulo sa ibaba ng arm desk na nakaharap sa akin. Ang isa kong earphone ay suot-suot ng kabila niyang tenga. Bigla naman siyang ngumiti sa akin nang makita niya akong gising na. Hinatak ko kaagad mula sa kaniya ang aking earphone at saka nilagay ito sa aking bag. Naghiyawan na naman ang mga baliw kong kaklase. Iniisip na siguro talaga nila na isa akong bakla dahil sa kagaguhan nitong si Lance. Natigil ang kantiyawan nang pumasok ang susunod naming guro. Kinuha ko na lang ang notebook ko at kunwaring abala na nagsusulat ng kung ano-ano sa aking notebook para hindi na ako gambalain pa ni Lance.
Naging maganda ang sumunod naming subjects dahil bukod sa hindi na ako iniistorbo ni Lance ay naging interesado ako sa mga naging topic namin sa history. Hindi ko lubos akalain na gaya ng norse mythology at greek mythology ay meron din pala tayong sariling atin. Ngayon ko napagtanto na mayaman talaga ang kultura nating mga Pilipino. Nagbanggit ng ilang katauhan sa Philippine mythology ang aming guro na halos may kahalintulad sa greek mythology. Pero mas tinuon niya ang pagkwento sa istorya ng moon-eater serpent na si Bakunawa . Hindi ko alam at bigla na lang ako naging interesado sa history dahil dito. Dati-rati ay halos katulugan ko ang subject na to. Napamangha pa ako nang banggitin ng aming guro na may pitong buwan raw noon sa kalangitan kung saan isa sa mga buwan na yun ay nagngangalang ’ BULAN ’. Kinagulat namin nang sabihin ng aming guro na si Bulan ay isang batang lalaki na ginawang asawa ng diyos ng kamatayan na si ’ SIDAPA ’. Ang akala pa nga namin ay nagkamali lang siya ng nabanggit pero batang lalaki daw talaga si Bulan kung saan sinagip siya ni Sidapa mula kay Bakunawa at ginawa siyang bana o asawa sa tagalog. Nakakatawa lang at lahat naging tahimik at interesado sa topic lalung lalo na si Lance na halos hindi na mawala ang paningin sa harapan pero nagulat na lang ako nang lumingon siya sa akin. Ngumiti siya at nagsabi ng BULAN. Walang boses ang pagkakasabi niya pero hindi na kakailanganin dahil madaling basahin ang ibig niyang sabihin. Binalik ko na lang paningin ko sa aming guro baka ano pa ang isipin niya.
Sa wakas dumating na rin ang pinakahihintay ko na uwian. Mabilis kong niliigpit ang mga kagamitan ko at pinasok ang mga ito sa aking bag. Tumayo sa harapan namin ang presidente ng aming klase at nag-abot ng mga papel. Ito yung authorization letter na kailangang lagdaan ng mga magulang o guardians para sa darating na field trip sa susunod na linggo. Kumuha na ako ng isang kopya at saka tinupi at pinasok sa aking bag. Lalabas na sana ako ng classroom pero bigla na lang akong inakbayan ni Lance.
“Tara na uwi na tayo!” masaya niyang sabi. Bigla na namang naghiyawana ang mga kaklase namin lalong lalo na ang mga kababaihan. Tinulak ko siya palayo sa akin at napabitaw naman siya.
“Bakit ba ang sungit mo? Ahh alam ko na gusto mong lambingin kita. Halika ka ikikiss na kita” papalapit siya sa akin at umakmang hahalikan ako sa harapan ng aming mga kaklase. Nabigla ako kaya hindi ko sinasadyang masuntok siya sa mukha. Nagsigawan ang mga kaklase ko at gaya nila ay ako rin ay nagulat sa nagawa ko. May mga kaklase akong humawak sa magkabila kong braso dahil akala nila ay pupuruhan ko si Lance. Kitang kita ko ang pagdugo ng kaniyang nguso.
“Tatatawagin ko si Mam!” patakbong sabi ng aming presidente pero bago pa siya makalabas ng aming classroom ay natumba siya nang batuhin siya ni Lance gamit ang sariling bag.
“Walang magsusumbong sa inyo! Kung hindi ako ang makakalaban nyo!” sigaw niya sa loob ng classroom.
Ilang sandali pa ay lumapit siya sa akin. Walang naglakas loob na awatin siya sa kung ano man ang balak niyang gawin sa akin. Nanatili ang dalawa kong kaklase na nakahawak pa rin sa magkabila kong braso. Wala naman akong pakialam kung gumanti siya sa akin. Sa totoo nga niyan dapat lang naman talaga na gumanti siya sa akin dahil hindi naman tama ang ginawa ko sa kanya. Pinikit ko ang aking mata nang makita kong papalapit na ang kaniyang kamay sa aking mukha. Ang buong akala ko ay sasampalin niya ako pero laking gulat ko nang maramdaman ko ang paghimas niya sa aking pisngi kaya naman dinilat ko ang aking mga mata. Bumaba ang kaniyang kamay patungo sa aking leeg hanggang sa mahawakan niya ang kwelyo ng aking uniform. Habang tumatagal ay humihigpit ang pagkakahawak niya rito.
“Gustong gusto kong gumanti sayo, tangina hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa” bumitaw siya sa pagkakahawak sa aking kwelyo at ngumiti. Makikita mo ang bakas ng dugo sa kaniyang namumulang ngipin. Hindi ko alam kung papano niya nagagawang ngumiti sa ganong kalagayan. Bago niya ako talikuran ay nagawa niya pang himasin ang aking ulo at saka umalis. Pinulot niya ang kaniyang bag sa sahig at saka lumabas ng classroom.
Pagkalabas ni Lance ay saka lang ako binitawan ng dalawa kong kaklase. Kaniya kaniyang labas na rin ang iba ko pang kaklase hanggang sa ako na lang ang naiwan. Halata sa mukha nila na sinisisi nila ako at ako ang naging masama sa ginawa ko kay Lance. Ano nga ba ang nagawa ni Lance sa akin para magawa ko yun sa kaniya? Sampung minuto ang nakalipas nang magsialisan ang mga kaklase ko sa aming classroom. Gumayak na din ako dahil naalala kong dapat makauwi na ako kaagad para makapagsalang ng sinaing. Bilin ni ate fritz yun bago siya umalis. Nagmamadali akong umuwi ng bahay dahil baka maunahan pa ako ni ate. Pagkarating ko sa aming bahay ay bukas na ang pinto. Malamang nasa loob na si ate. Yari na naman ako. Laking gulat ko nang makita ko na nasa loob ng aming bahay si Lance at nakaupo ito sa ibabaw ng couch habang nanonood ng tv.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. Hindi naman ako galit pero sadyang nagulat lang ako kaya naiba ang tono ng aking pananalita.
“Walang hiya kang bata ka, wala kang utang na loob!” sigaw ni ate sabay bato ng sapatos sa akin.
“Aray ko ate bakit na naman po?” tanong ko.
“Pano mo nagawa kay Lance to?” tanong ni Ate fritz. At saka ko napagtanto na nagsumbong na pala si gago kay ate. Alam na alam niya talaga ang kahinaan ko.
“Kasalanan niya naman po kasi eh” pangangatwiran ko.
“At mangangatwiran ka pa talaga. Baka nakakalimutan mo na pamilya nila ang nag-iisponsor ng scholarship mo tapos ganyan ang igaganti mo?” sabay palo sa akin ni ate fritz sa braso.
“Eh siya naman po kasi talaga ang nagsimula eh!” hindi talaga ako papaawat dahil alam kung may kasalanan din si Lance kaya nangyari sa kaniya yan. Kanina lang ay nakaramdam ako ng awa sa kaniya dahil sa ginawa ko pero ngayon ay bigla na lang itong naglaho.
“Sasagot-sagot ka pa! Bumili ka ng yelo dun para mawala yung pamamaga ng nguso ni Lance!” sabay kurot sa akin ni Ate fritz. Kitang kita ko na nagpipigil ng tawa si gago. Humanda ka lang sa akin mamaya dadagdagan ko yang pasa mo sa mukha.
Dali-dali akong pumunta sa kalapit na tindahan para bumili ng yelo na isasapok ko sa mukha ni Lance. Hindi man lang ako pinagbihis muna ni ate. Suot-suot ko pa rin ang uniform ko at black shoes. Pagkatapos kong makabili ng yelo ay kaagad akong bumalik sa bahay.
“Oh eto ang ice pouch. Ilagay mo dyan ang yelo at tulungan mo si Lance” utos ni Ate fritz. Aangal sana ako pero bigla na lang niya akong pinandilatan ng mata kaya naman hindi na ako umangal. Pumasok ako sa aking kwarto para magbihis muna at naabutan ko siyang nakahiga na sa aking kama.
“At home na at home ahh” sarkastiko kong sabi.
“Ohh andyan kana pala, bilisan mo at lalagyan mo pa ng yelo yung nguso at pisngi ko!” sabi niya na lalong kinainis ko.
Maghuhubad na sana ako pero bigla kong naalala na may kasama ako sa loob ng aking kwarto.
“Hindi ka ba tatalikod?” tanong ko sa kaniya.
“Bakit babae ka ba para may makita akong kakaiba sayo?” sagot niya sa inis ko ay nabato ko siya ng stress ball na malapit sa akin. Napaungol siya sa sakit at mukhang sinadya niya yun para marinig ni ate fritz.
Tumalikod na lang ako sa kaniya at nagmadaling hinubad ang uniform at saka nagpalit ng pambahay. Nakakailang lang kasi habang ginagawa ko yun ay ramdam kong may mga matang nakatitig sa akin habang naghuhubad at nagbibihis ako. Nang lingunin ko siya bigla naman niyang iniwas ang tingin sa akin. Kinuha ko ang ice pouch at lumapit sa kinauupuan niya. Walang pasabi na nilapat ko ang ice pouch sa mukha niya. Napahiyaw siya sa kirot na ikinagulat ko rin.
“Dahan-dahan lang” sabi niya at sa pagkakataong yun ay gusto ko na talagang tumawa ng malakas.
“May nakakatawa ba?” tanong niya at ako naman ay umiiling na parang baliw habang pinipigilan ang pagtawa. Marahan kong dinadampi sa mukha niya ang ice pouch. Hindi ko siya tinitingnan sa mukha dahil baka matawa ako lalo.
“Sige hahayaan kitang tumawa ngayon!” bigla na lang niya akong pinagkikiliti kaya naman nagawa kong bitawan ang ice pouch.
“Tama na!” sigawa ko habang tumatawa pero wala siyang pakialam kahit halos kapusin na ako ng hininga. Maya-maya pa ay naawa na rin siya at tinigilan niya ang pagkiliti sa akin. Saka lang namin napansin ang kasalukuyang ayos namin. Nasa ibabaw ko siya habang ang kaniyang mga kamay ay nasa tagiliran ko. Sobrang lapit ng aming mukha sa isa’t isa. Kahit na may pamamaga sa kanang bahagi ng kaliwang bahagi ng kaniyang labi ay napakagwapo pa rin ng pagmumukha niya. Para kaming nagpapasahan ng hininga ng bawat isa sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa’t isa. Nanatili kami sa ganong posisyon hanggang sa.
“Anong ingay ang naririnig ko kanina?” sabi ni ate fritz pagkatapos niyang buksan ang pinto. Ako naman ay bumalikwas ng tayo at naitulak ko si Lance. Tumama ang mukha niya sa unan buti na lang at hindi sa bakal ng kama.
“Ano pa bang pinaggagawa nyo dyan? Dalian nyo at kakain na tayo!” lumabas din kaagad si ate fritz. Ewan ko ba kung nakita nya yung tagpo namin ni Lance pero mabuti na lang at umalis na siya kaagad.
Sumapit ang hapunan naming tatlo kung saan ako ang naging sentro ng usapan. Panay ang bulyaw sa akin ni ate fritz kahit na nasa harap kami ng pagkain. Eto namang si Lance ay halos mautot na kakapigil ng kaniyang pagtawa. Gumaganti na lang ako sa pamamagitan ng pagsipa sa kaniyang paa. Sa totoo lang ay hindi ako nabusog dahil mas marami pa yung sermon ng ate kaysa sa nakain ko. Bago ako nakabalik sa aking kwarto ay tinapos ko muna ang hugasin habang nanood ng tv ang bwesita namin sa sala. Wala siyang balak na umuwi sa katunayan pa nga ay nagpaalam siya kay Ate na dito matutulog. May makikihati na naman sa kama ko. Pagsapit ng tulugan ay naglagay ako muli ng unan sa pagitan naming dalawa para magkaroon ng division sa aming dalawa. Hindi naman siya nangulit at natulog na din. Sa kalagitnaang ng gabi ay nakaramdam na lang ako ng mga kamay sa loob ng aking tshirt. Ang mga kamay ni Lance ay nakahawak sa aking tiyan habang yakap-yakap niya ako.
“Namiss ko to” rinig kong sabi niya. Hindi na ako nagsalita dahil halos matunaw ako sa hininga niya na dumadampi sa aking batok hanggang sa makatulog ako.
CAMPING DAY
Nasanay na lang ako sa panunukso nila sa aming dalawa. Sabi nga ng isa sa mga tropa ko ay kung alam ko naman sa sarili ko na hindi ako bakla ay hindi dapat ako maapektuhan. Hinayaan ko na lang ang pangangantyaw nila sa amin. Lubos namang ikinasiya ng mga kababaihan ang kunwariang pagiging sweet namin ni Lance sa isa’t isa. May mga pagkakataong pagsinasakyan ko ang trip ni Lance ay bigla siyang natatameme na parang hindi makapaniwala na nagagawa ko yun. Ang camping site na pinuntahan namin ay magubat. Pero may parte nito na kailangan nang taniman ng mga bagong puno para sa susunod na henerasyon. Yun ang isa sa mga layunin ng pagpunta ng school namin sa lugar na to.
Sa unang araw namin sa site ay pagtatanim kaagad ang ginawa namin. Marami sa amin ang hindi sanay na maarawan kaya naman ang karamihan ay may mga dala-dala pang payong habang nagtatanim. Bukod din ang mga team na naatasang maglagay ng abono para sa halaman. Nakakapagod ang maghapon dahil hindi biro ang magtanim lalo na sa kasikatan ng araw. Bago pa man sumapit ang dilim ay nakagawa na kami ng kani-kaniyang bonfire. Kaniya-kaniya kaming kumpulan at nagsimula ng mga nakakatawang kwento habang kumakain ng aming hapunan. Bawat section ay may nakabantay na guro at limitado ang mga kilos namin dahil may mga bahagi ng gubat na delikado lalong lalo na sa gabi dahil sa kadiliman at may parte na mabangin. Pagtungtong ng alas nuwebe ay pinabalik na kami sa kaniya-kaniya naming tent. Buti na lang at hindi ko kasama si Lance sa tent dahil baka puro kalokohan na naman ang gagawin nun bago matulog.
Pumasok ako sa loob ng tent namin at nakita kong natutulog na ang kasama ko kaya naman ay minabuti kong magdahan-dahan sa pagkilos upang hindi ko siya maabala. Nang maayos ko ang sarili ay nahiga na rin ako sa kabilang bahagi ng tent. Nahiga ako patalikod sa kaniya. Habang dinadalaw ako ng antok ay bigla na lang siyang yumakap sa akin. Ang akala ko ay nananaginip lang pero bigla na lang niyang pinasok ang kaniyang kamay sa aking tiyan.
“Hindi ako makatulog kapag hindi ikaw ang katabi ko” sabi niya. Hindi ko na kakailanganin pang harapin pa siya para malaman na si Lance ang katabi ko.
“Bahala ka basta wag mo akong iistorbuhin sa pagtulog ko” sabi ko sabay hila ng kumot.
“Nagtataka lang ako kung minsan ba ay nilalaro mo to?” tanong niya habang ang kaniyang kamay ay nilalaro ang magkabila kong utong. May kakaibang sensasyon akong nararamdaman habang nilalaro niya ito.
“Gago tigilan mo nga yan at gusto ko na matulog!” taliwas ang sinasabi ko sa nararamdaman ko.
“Oh baka mas madalas mong laruin to?” sabi niya at bigla na lang niyang pinasok ang kaniyang kamay sa loob ng aking underwear. Ikinagulat ko ang bigla niyang paghawak sa aking ari kaya naman napabalikwas ako ng tayo.
“Tangina mo!” sabi ko sabay labas ng tent.
“San ka pupunta?” tanong ni Lance. Hindi ko siya kinibo at naglakad-lakad. Pumunta ako sa bahagi kung saan makakaihi ako. Nang makaihi ako ay bigla na lang nawala ang mga ilaw na dapat magsisilbing gabay sa akin pabalik sa camp site. Nakalimutan ko ring dalhin ang cellphone ko kaya hirap akong makita ng husto ang daan. Ayokong isipin na totoo yung kwento sa amin kanina na huwag na huwag pupunta ng gubat na mag-isa dahil may mga engkanto na magliligaw sayo hanggang sa hindi mo na mahanap ang daan pabalik.
Kanina pa ako palakad-lakad pero hindi ko makita ang daan pabalik. Baka nga naengkanto ako kaya naman ginawa ko ay binaliktad ko ang aking damit. Pero ganun pa din wala pa rin akong makitang ilaw. Maya-maya pa ay may naaninag akong ilaw at nagmamadali akong lumapit dun pero bago pa man ako makalapit ay nagkamali ako ng hakbang at nagpagulong-gulong ako pababa. Nagising na lang ako nang maramdaman ko ang mga maliliit na patak ng tubig sa aking mukha. Umuulan. Tatayo sana ako pero hindi ko magawang maglakad dahil mukhang napuruhan ang kanang paa ko. Sumigaw ako ng tulong pero pinigilan ko kaagad ang aking sarili dahil hindi dapat ako sumisigaw sa kalagitnaan ng kagubatan kung ayaw kong makakuha ng atensyon ng ibang nilalang.
Lumalakas ang ulan at tila matatagalan ang pagtila nito. Unti-unti kong nagawang mapalapit sa malaking puno kung saan pwede akong sumilong. Kasabay ng pag-ulan ay ang malalakas na kulog. Bata pa lang ako ay kinakatakutan ko na ang tunog nito dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay tatama ito sa akin. Tinakpan ko ang aking tenga upang kahit papano ay mabawasan ang lakas ng tunog ng kidlat. Habang tumatagal ay nakakaramdam ako ng lamig dahil sa buhos ng ulan. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng boses na tumatawag sa pangalan ko. Hanggang sa may ilaw na tumapat sa mukha ko na nagpasilaw sa akin.
“Kanina pa kita hinahanap, pinag-alala mo ako ng husto!” sabi ng taong yumakap sakin. Ilang segundo ang lumipas bago ko napagtanto na si Lance pala ang yakap-yakap ko. Hindi ko magawang makapagsalita at hindi ko alam kung bakit. Tinuro ko na lang sa kaniya ang paa ko na napuruhan kaya hindi ako makapaglakad.
“Patitilain muna natin ang ulan dahil madulas ang daan baka parehas pa tayong madisgrasya. Sa ngayon ay mananatili muna tayo dito” sabi niya. Nagagawa kong marinig ang boses niya kahit na malakas ang pagkidlat dahil yakap-yakap niya ako. Habang tumagtagal ay lumalakas ang panginginig ko dahil sa lamig at sa pagkidlat.
“Tumingin ka sa akin!” sabi niya at pinaharap niya ako. Hindi ko inaasahang hahalikan niya ako sa pagkakataong ito. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang pigilan siya sa kaniyang ginagawa at hinayaan ko na lamang siya sa pag-angkin sa aking labi. Napansin ko lang na unti-unting nawawala ang pangamba ko at pangingig nang halikan ako ni Lance.
“Hubarin mo ang damit mo!” utos niya na lubos kong pinagtataka kung bakit. Nag-alangan pa ako pero siya na mismo ang nagtanggal ng pang-itaas kong damit at siya naman ay naghubad na rin ng kaniyang damit. Hindi ko alam kung anong binabalak ni Lance pero ewan ko kung bakit nagiging kalmado ako sa pagkakataong ito.
Itutuloy……
A/N
: After 3 months nakapag-update din. Hooray! Honestly dinidevelop ko pa rin ang story nito kaya MABAGAL akong mag-update di gaya ng LWMSB at CLWY. Alam ko na kasi kung pano magsisimula at magtatapos ang story ng mga yun. Itong TCOFK ay medyo malabo pa kung pano magtatapos kaya please I need your patience habang dinidevelop ko pa ang story. Mas priority ko ang quality ng story kaysa mag-update ako ng boring at non-sense na chapter.
PLEASE DON’T FORGET TO VOTE !
Thank you <3
Chapter 9: His Promise
Darren as Gunter
Gunter’s POV
Dalawang
araw
bago ang
insidente .
Bakas sa mga mukha ng bawat isa ang pagkasabik sa parating na camping. Hindi naman siguro ito ang unang pagkakataon nila sa camping pero ang ideyang magkakasama ang magkaklase sa isang out of school grounds na activities ay tiyak na magandang ideya. Karamihan sa mga lalaki ay pinag-uusapan na kung papano makakascore sa mga babae sa camping. At tila ang mga babae ay may kaniya-kaniya ding plano sa nararating na camping. Ako lang ata ang hindi masyadong excited sa parating na camping namin. Mukhang hindi rin excited si Lance dahil marami na ang nagpaplano sa amin pero heto siya nakahiga ang ulo sa ibabaw ng desk niya at tulog na tulog. Ewan ko ba sa taong to. Ako nga dapat ang puyat sa aming dalawa dahil ang nangalay ang katawan ko sa kakaakap niya sa akin. Sa tuwing aayusin ko ang aking paghiga ay bigla niya na lang akong hihilain pabalik sa dati kong posisyon.
“Hindi ka pa ba nakontento na katabi mo ako buong gabi?” sabi niya habang nakapikit ang mga mata.
“Ha?” tanong ko naman dahil hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.
“At kailangan mo pa akong titigan habang natutulog ako sa tabi mo ngayon?” dumilat siya at sabay ngumisi sa akin. Saka ko lang napagtanto ang ibig niyang sabihin. Hindi ko rin naman namalayan na ako pala’y nakakatitig sa kaniya habang siya ay natutulog.
“Ewan ko sayo” ang tangi kong naisagot at iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Umayos siya nang pagkakaupo at biglang umakbay sa akin. Nilapit niya ang kaniyang mukha sa aking tenga at muling nagsalita.
“So anong plano natin sa camping bukod sa magkatabi tayo sa pagtulog?” sabi niya at inalis ko ang kaniyang kamay sa aking balikat bago magsalita.
“Hindi ka kasama sa plano ko atsaka hindi ako yung tipo ng taong mahilig sa camping” sabi ko habang inaayos ko ang aking mga notebooks sa loob ng aking bag.
“So ano ang hilig mo bukod sa pagtitig sakin habang ako’y natutulog?” tanong niya at ako nama’y tumayo sa aking kinauupuan at saktong tumunog ang bell na naging hudyat para sa aming break time. Lumabas kaagad ako nang hindi pinapansin ang mga kalokohang pinagsasabi ni Lance.
Pumunta ako sa cafeteria para maghanap ng maiinom. May bagong stall ng drinks sa cafeteria ngayon at nagseserve sila mga thai drinks. Wala akong ideya kung anong lasa ng mga to kaya sinabi ko na lang sa nagtitinda na bigyan ako ng best seller nila. Makalipas ang ilang minuto ay inabot niya sa akin ang isang inumin na kulay pink. Pagkatapos kung iabot ang aking bayad ay tiningnan ko sa menu kung anong pangalan ng drink na to. Nom-yen, yan yung nakalagay. Ang buong akala ko pa nga ay strawberry flavor ito pero mukhang mas lasang raspberry siya pero hindi ko na tinanong yung ale na nagtitinda kung ano ba ang mga nakahalo dito. Buti na lang at mabilis kong narating ang cafeteria dahil pagkaalis ko dito ay dinagsa naman ito ng maraming estudyante.
Humanap ako ng pwesto na may malakas na internet connection. Hindi ko alam kung bakit ba may signal block ang school namin. May mga area na sobrang hina ng signal kaya naman napilitan akong maghanap ng lugar na may 4G connection. Sa kakahanap ko ng mapupwestuhan ay napadpad ako sa rooftop kung saan madalas tinatambayan ni Lance. Mabuti na lang at wala siya dito kaya walang manggugulo sa akin. Nang makapwesto na ako ay nilapag ko ang aking inumin sa aking tabi at saka naglog-in sa laro. Kasalukuyan akong nahuhumaling sa paglalaro ng Mobile Legends sa aking cellphone. Gustong gusto kong marating ang mythic rank pero hindi ako makaalis sa Epic 1 dahil lagi akong nadedemote sa mga walang silbing kakampi. Madalas kong ginagamit si Guinevere o kaya si Hanzo pero kapag nababan ang dalawang to sa rank game ay nauuwi ako sa paggamit kay Chang’e. Halos maibato ko ang phone sa inis nang lumabas sa screen ko ang salitang ’ DEFEAT ’ nang matapos ang isang laro.
“Hindi mo sinabing naglalaro ka niyan” may biglang nagsalita na ikinagulat ko. Nasa tabi ko na pala si Lance na humihigop ng inumin.
“Hoy akin yan ahh!” sabi ko nang mapagtanto ko na ininom niya yung Nom yen ko.
“Sobrang tamis!” sabi niya nang makuha ko ang inumin.
“Sino ba kasing nagsabi sayo na inumin mo to?” sabi ko at pinunasan ang straw na pinag-inuman niya.
“Tsk. Ang arte” narinig kong sabi niya kaya naman tinitigan ko siya ng masama. Ngumiti naman siya bilang pagbawi sa kaniyang binitawang salita.
“Bakit hindi mo sinabi na naglalaro ka pala niyan?” tanong niyang muli.
“Eh bakit ko naman kailangang sabihin sayo?” naiinis kong sagot. Yung badtrip kana dahil talo ka talo iniinis ka pa lalo ng taong to.
“Edi sana nabuhat kita sa laro” pagyayabang niya at ako nama’y tumawa ng sarkastiko.
“Talaga ba? Eh mukhang mas mataas pa nga ang rank ko sayo” pagmamayabang ko sa kaniya.
Bigla niyang kinuha ang phone niya mula sa kaniyang bulsa at pinakita sa akin ang rank niya na Mythic at merong 36 stars. Tiningnan ko pa yung profile niya kung sa kaniya talaga yun at doon ko napagtanto na totoo nga ang sinasabi niya. Binalik ko ang kaniyang cellphone at hindi na umimik pa.
“Hayaan mo magpapademote ako hanggang sa Epic para sabay tayong makarating ng Mythic” sabay akbay niya sa akin. Mabilis kong inalis ang kaniyang kamay sa aking balikat.
“Di ko kailangan ang tulong mo dahil kaya ko namang gawin yun na hindi humihingi ng tulong sayo” kukunin ko na sana ang inumin ko na muli kong nilapag sa aking tabi pero hinawakan niya ang kamay ko na kasalukuyang nakahawak sa aking inumin para pigilan ako sa pag-inom.
“Bakit ba ang sungit-sungit mo sa akin?” tanong niya habang naglalaban ang aming mga kamay sa hilaan ng inumin. Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot sa tanong niya kaya nanatili akong nakatikom ang bibig habang nakikipaghilahan sa kaniya ng inumin hanggang sa hindi sinasadyang matapon inumin sa kaniyang uniform.
“Ohh fuck!” bulyaw niya at kapwa kaming nagulat. Dali-dali kong kinuha ang panyo sa aking bulsa at tinulungan siyang punasan ang natapong inumin sa kaniyang dibdib patungo sa kaniyang tiyan. Parehas kaming napahinto nang mapagtanto naming may mali sa ginagawa namin. Kaya naman inabot ko na lang ang panyo sa kaniya para siya na mismo ang magpunas sa kaniyang katawan.
“Ikaw kasi eh” di ko mapigilang sabihin at siya naman ay napatingin sakin habang nagpupunas.
“At kasalanan ko pa talaga ah? Imbes na magsorry ka sa akin, sisisihin mo pa ako?” naiinis niya sabi.
“Eh kasalanan mo naman talaga eh. Dahil sayo nasayang yung inumin ko” pagkasabi ko ay bigla siyang tumayo sa harapan ko at biglang tinanggal ang butones ng kaniyang uniform upang maipakita sakin ang kaniyang katawan. Sa puti niya ay nangingitab ang kaniyang balat kapag nasisinagan ng araw. Bakas sa kaniyang dibdib at tiyan ang natapong inumin at sa tingin ko ay sobrang lagkit sa pakiramdam nun.
“Oh ayan! Sayang di ba? Sige dilaan mo!” sabi niya na ikinagulat ko. Inilapit niya pa ng husto ang kaniyang katawan sa aking mukha at ako nama’y tumagilid para iiwas ang aking mukha at pinikit ang aking mata. Nang makalipas ang ilang sandali ay akala ko ay umalis na siya sa aking harapan pero laking gulat ko nang iharap ko ang aking mukha. Tumama ang aking ilong sa karog niya at ang aking bibig ay sapul sa hinaharap niya.
“Gago ka!” sabay tulak ko sa kaniya at siya nama’y napaupo sa lakas ng pagkakatulak ko. Imbes na magalit ay tanging pagtawa ang naging tugon niya sa akin. Tumayo ako para iwan siya pero mabilis siyang nakahabol sakin.
“Hoy bago mo ako iwan ay panagutan mo muna to!” sabi niya habang sumasabay sa bilis ng aking paglalakad. Nakakailang ang mga tinginan ng mga ibang estudyante dahil sa nakabukas ang mga butones ng uniform ni Lance.
“Panagutan ang alin?” inis kong tanong at parami na ng parami ang nakakakita kay Lance sa ganong ayos.
“Ito!” sabay turo niya sa kaniyang katawan.
“Gago puro kabastusan na lang yang nasa isipan mo!” inis kong sabi.
“Ikaw ang madumi ang iniisip eh. Pagkatapos mo akong buhusan ng inumin sa uniform ko bigla mo na lang akong iiwan? Wala akong pamalit dito kaya baka naman gusto mo akong tulungan dahil ikaw naman ang may kagagawan nito?” tugon niya at bigla akong napako sa aking kinatatayuan dahil maling mali ang naiisip ko. Nang magkaroon ako ng lakas na loob ay kaagad akong tumalikod para lisanin ang lugar na yun kung saan marami ng taong nagkukumpulan.
“Ahh ganun sige. Umalis ka! Pagkatapos mo akong buhusan ng inumin sa katawan ay bigla mo na lang akong iiwan. Ganyan ba talaga ang istilo mo sa tuwing hindi kita pagbibigyan sa gusto mong mangyari sa ating dalawa?” pasigaw na sambit ni Lance na halos rinig ng karamihan at ang iba ay nagsisimula nang magbulong bulungan. Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa kinatatayuan ni Lance at siya’y inakbayan habang ang aking kamay ay nakatakip sa kaniyang bibig habang naglalakad patungo sa locker. Habang kami ay papaalis ay rinig na rinig moa ng hiyawan ng mga taong nakakakita sa amin. Kahit hindi ko tingnan si Lance ay ramdam ko sa aking kamay ang pagngiti niya.
“Ibalik mo sa akin yan ah dahil yan lang meron ako para sa P.E.” sabi ko nang maiabot ko sa kaniya ang shirt ko na pang P.E. Dumiretso siya sa c.r. para makapagpunas ng maayos habang ako ay nag-aantay sa labas na para bang alalay niya. Mabuti naman at nagkasiya sa kaniya ang shirt. Hindi nagkakalayo ang pangangatawan namin pero di hamak na mas matangkad siya sa akin.
Hanggang sa loob ng aming classroom ay naging tampulan kami ng tuksuhan dahil sa nabalitaan nilang nangyari. At ito namang siraulo ay kung ano-ano pa ang pinagsasabi kaya mas lalong tumindi ang panunukso nila sa amin. Hindi na lang ako umimik dahil wala rin naman akong laban sa kanila kahit na magpaliwanag pa ako. Hinayaan ko na lang kung ano ang gusto nilang isipin. At sa wakas ay dumating na rin ang pinakahihintay ko ang uwian namin. Mabilis akong nakalabas ng classroom at hindi pinansin ang pagtawag sa akin ni Lance. Nakipag-unahan ako sa mga estudyanteng palabas din ng gate para hindi ako maabutan ni Lance pero laking gulat ko nang bigla na lang siyang umakbay sa akin.
“Bakit ka ba nagmamadaling umalis, excite ka na bang makatabi ako sa pagtulog?” tanong niya.
“Hindi ka matutulog sa bahay dahil wala kang magiging pamalit dun at hinding hindi kita pahihiramin ng mga damit ko” sabi ko at patuloy pa rin ako sa paglalakad na para bang wala akong kasama.
“Ayos lang naman sa akin” nakangisi niyang tugon.
Pagkarating namin sa bahay ay may dalawang maletang nakatayo sa harap ng aming pinto. Sa bawat name tag nito ay nakasulat ang pangalan ni Lance. Nang tingnan ko siya ay ngiti lamang ang naging tugon niya sa akin. Kaya pala ang lakas ng loob niyang pumunta sa bahay ng walang pamalit ay dahil nagpadala na pala siya ng gamit niya sa aming bahay.
“Hindi ko alam kung bakit pinagsisiksikan mo ang sarili mo sa bahay namin samantalang ang laki-laki ng mansion nyo?” hindi ko mapigilang itanong sa kaniya habang inaayos niya ang mga damit niya mula sa maleta.
“Kasi nandito ka” sabi niya habang patuloy ang pagkalikot niya sa kaniyang maleta.
“Haa?” ang tanging nasabi ko.
“Mas masarap ang tulog ko kapag katabi kita” sagot niya at sabay kindat sa akin.
Nanatili akong tahimik hanggang sa magtungo siya sa banyo para maligo. Minsan hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko sa mga pinagsasabi niya. Hindi mo malaman kung kailan siya totoo at kung kailan siya nagloloko. Nagtungo ako sa aking kwarto para makapagpalit ng pambahay na damit at nang matapos ay kaagad lumabas ng kwarto para makapagsalang ng sinaing. Habang naghuhugas ako ng bigas ay may biglang humawak sa aking bewang at nagsalita.
“Ang sipag naman ng misis ko” sabi ni Lance na kakagaling lang sa banyo.
“Gago! Magtigil ka nga darating na si ate mamaya tapos ganyan pa ang ayos mo” sagot ko habang hinuhugasan ang bigas sa pangalawang pagkakataon.
“Bakit natatakot ka bang isipin niyang may namamagitan sa atin?” sabi niya sabay bungisngis na parang bata.
“Ewan ko sayo puro ka kalokohan” ang naging sagot ko at wala na akong lakas para makipaglokohan sa kaniya. Hindi na rin naman siya sumagot kaya inakala kong umalis na siya sa likuran ko. Ipinatong ko na ang kaldero sa ibabaw ng stove at saka yumuko para buksan ang LPG tank. Hindi ko inaasahang nasa likuran ko pa rin pala ang kumag.
“Uyy nanadya ahhh” sabi niya nang tumama ang likuran ko sa hinaharap niya.
“Ikaw!” ang tanging nasabi ko sabay duro sa kaniya. Sinindi ko ang stove at saka hinarap siyang muli na kasalukuyang tumatawa ngayon.
“Halika ka nga at nang makaltukan ko yang bunbunan mo!” inis kong sabi at siya nanatiling tumatawa. Pilit kong inaabot ang ulo niya para bigyan siya ng matinding kutos pero mabilis niyang naiiwas ito.
Nagawa naming maghabulan hanggang sa sala. Sobrang pikon na pikon na ako sa kaniya kaya lahat ng paraan ay ginawa ko para lang makaganti sa kaniya. Hanggang sa nagawa kong tumalon sa kaniyang likuran at nahuli ko din ang kaniyang ulo at walang awang pinagkukutos ito. Nagawa niya akong ibagsak sa couch at hinawakan ang magkabilang kamay ko pero nagpupumiglas ako hanggang sa malaglag ang tuwalyang nakabalot sa kaniyang bewang. Kapwa kaming nagulat sa nangyari lalong lalo na nang bumukas ang pinto.
“Anong ingay ang naririnig ko?” bungad ni ate fritz. Napasigaw siya nang makita niyang nasa ibabaw ko habang hawak-hawak ang magkabilang kamay ko at walang saplot.
Dali-daling nagtungo si Lance sa aking kwarto samantalang si ate fritz ay hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang nasaksihan. Dahan-dahan siyang naupo sa couch at nilapag ang bad niya sa maliit na mesa sa kaniyang harapan.
“Sabihin mong mali ang iniisip ko sa nakita ko kanina” sabi niya sa akin.
“Maling mali ang iniisip mo ate. Kami ni Lance ay…” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang tumayo.
“Mag-uusap tayong tatlo mamaya sa hapunan. Sa ngayon ay kailangan ko munang kalmahin ang aking sarili.” sabi niya at nagsimula siyang naglakad patungo sa kaniyang kwarto na para bang nakakita ng multo.
Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa kapahamakan na dinulot ni Lance. Pagkatapos ng tagpo na yun ay naging abala si ate fritz sa kusina. Hindi niya ako kinikibo sa tuwing kakausapin ko siya. Maging si Lance ay hindi niya rin pinapansin. Marahil hindi niya talaga lubusang nagustuhan ang nakita niya kanina. Gustuhin ko mang magpaliwanag ay hindi ko magawa dahil ayaw naman niya akong kausapin. Hanggang sa sumapit ang hapunan ay nanatili siyang tahimik.
“Ate ano kasi” pagbasag ko sa katahimikan naming tatlo.
“It’s okay. Hindi ko kayo ija-judge kung ano mang relasyon ang meron kayo ay matatanggap ko naman pero sana lang ay wag kayong gumawa ng kahalayan sa harapan ko” sabi ni ate fritz sabay subo ng kanin.
“Ate mali po ang iniisip nyo ang totoo po nyan” hindi pa ako tapos magsalitang nang dumugtong si Lance.
“Wag po kayong mag-alala ate fritz. Pananagutan ko po ang kapatid nyo” seryoso nyang sabi sabay hawak sa kanang kamay ko. Napanganga si Ate fritz sa sinabi ni Lance kaya naman nalaglag sa kaniyang plato ang kaniyang kinakain.
“TOTOO?” halos pasigaw na tanong ni Ate fritz.
“No, I’m sorry! I’m just kidding Ate” biglang bawi ni Lance at sinabayan niya ng ngiti.
“Siraulo kang bata ka, aatakihin ako sa puso dahil sayo” pagalit niyang sambit pero kalaunan ay natawa din siya. Ewan ko ba kay ate parang ang OA masyado ng reaksyon niya. Para bang mabubuntis talaga ako at ganun na lang siya kung makasigaw.
At ngayon heto na naman kami magkasama sa iisang kama. Balak nga ni ate fritz na bumili pa ng isang foam o kaya magpagawa ng isang kama para sa aming dalawa para hindi na kami magsiksikan sa iisang kama pero nagpumilit si Lance na tabi na lang daw kami. Ilang araw na akong hirap matulog dahil sa lokong to. Kung saan saan kasi dumadapo ang kamay niya. Nauuwi sa paluaan at sakitan ang dapat na matiwasay na pagtulog naming dalawa. Pero madalas akong nakakaramdam ng matinding antok sa tuwing mararamdaman ko ang paghinga niya sa aking batok.
Kinabukasan~
Hindi na natigil ang panunukso nila sa aming dalawa ni Lance. May isa pa ngang bakla na nagtanong sa akin kung sino daw ang Top at Bottom sa aming dalawa. Hindi ko siya sinagot dahil mali ang inaakala niya sa aming dalawa at saka ano ba ang ibig sabihin nila sa Top at Bottom? Pansin din ng iba kong mga kaklase na lalaki na hindi na ako masyadong nakikipagkulitan sa kanila. Hindi naman nila ako masisisi dahil imbes na kampihan nila ako ay ginagatungan pa nila lalo ang pang-aasar sa akin. At si Lance? Ayun enjoy na enjoy sa pangbubwiset sa akin araw-araw.
Lagi akong nagmamadaling lumabas tuwing breaktime dahil ayokong sunod ng sunod sa akin si Lance. Bukod sa inuulan kami ng tukso ay naiinis akong kasama siya. Para bang walang katahimikan ang buhay ko kapag lagi siyang nasa paligid ko. Nang makabili ako ng pagkain ay pumuwesto kaagad ako sa pinakadulong bahagi ng cafeteria kung saan bibihira ang mga taong nauupo dito. Kahit papaano ay naeenjoy ko din ang katahimikan dito habang kumakain pero bigla na lang may naupo sa tabi ko.
“Pre bat mag-isa ka bat di mo kasama si Lance?” tanong ni Kristan sabay kindat.
“Gago” ang tangi kung sagot sabay kain ng burger.
“Ikaw kasi bat ka masyadong apektado sa panunukso nila sayo?” tanong niya at ako nama’y napatingin sa kaniya kung seryoso ba to o pinagtitripan lang ako.
“Wala nakakabadtrip kasi halos araw-araw na lang nila akong tinutukso dun” naiinis kong sagot habang ngumunguya ng burger.
“Bakit totoo ba?” muli niyang tanong.
“Syempre hindi!” mabilis kong tugon.
“Yun naman pala eh. Dapat hindi ka apektado masyado. Mapang-asar lang ang mga kaklase natin at yun na lang nagiging katuwaan nila” pagpapaliwanag niya pero hindi ako sang-ayon sa sinasabi niya kaya naman nanatili lang akong tahimik.
“Look! Even celebrities ay nagkakaroon ng issue sa sexualities nila lalong lalo na sa mga lalaking sobra ang skinship sa isa’t isa. Kahit anong issue pa ang ibato sa kanila ay hindi nila pinapansin ito dahil alam nila sa sarili nila na lalaki sila at babae ang hanap nila. Alam kong hindi ka bakla kaya payo ko lang sayo pre minsan sakyan mo din ang pang-aasar nila. Makikita mo masasanay din sila sa bromance nyo ni Lance at hanggang sa maging normal na lang to sa paningin nila” dalawang beses nya akong tinapik sa balikat bago niya ako iwang mag-isa.
Napag-isip-isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Kristan. Marahil masyado lang akong sensitive sa pang-aasar sa amin ng mga kaklase ko. Alam ko sa sarili kong lalaki ako kaya dapat lang na hindi ako magpaapekto sa mga sinasabi nila. Kung dun sila mayasa edi ibibigay ko sa kanila ang kasiyahan na ninanais nila. Siguro nga dapat akong makibagay at wag masyadong seryosohin ang mga sinasabi ng iba. Masyado lang talaga siguro akong sensitive buhat nang masaksihan ko yung ginawa ni Chloe. Sa tuwing naiisip ko yun ay parang sasabog ang dibdib ko sa galit. Pero kailangan ko nang magmove on. Hindi lang naman siya ang babaeng makikilala ko. Alam ko naman sa sarili ko na gwapo ko at hindi rin ako mahihirapan na makahanap ng babaeng magkakagusto sa akin.
Pagkabalik ko sa klase ay balik na naman sa dating tuksuhan ang nangyayari. Pero sa pagkakataong ito ay marunong na akong sumakay sa tuksuhan nila. Marami sa kanila ay hindi inaasahan ang pagsakay ko sa pang-aasar nila lalong lalo na si Lance. Pinilit ko ang sarili ko na huwag tumawa dahil para siyang nakakita ng multo nang bigla akong yumakap sa kaniya at tinawag siyang baby. Napaka-priceless ng sandali na yun dahil sa reaksyon ni Lance. At ramdam na ramdam ko na sa wakas ay nakaganti din ako sa kaniya.
Hanggang sa araw ng aming camping ay natuto na akong makisakay sa trip nila. Magkatabi kami ni Lance sa bus kung saan inaasar na naman kami. Ang ginagawa ko ay sinasandal ko ang ulo ko sa kaniyang balikat at hinihimas ang kaniyang dibdib nang marahan at sasabihing. “Baby tabi tayo mamaya sa tent”. Yung mga kaklase kong lalaki ay tawang tawa sa reaksyon ni Lance dahil para siyang virgin na lalaking dinapuan ng isang magandang babae at bigla na lang hindi makapagsalita. Bakit nga ba hindi ko to ginawa dati pa. Buti na lang at sinunod ko ang payo ni Kristan.
Kasalukuyan~
Kasalanan ko din naman kung bakit ako ginantihan ni Lance. Bakit ba ang lakas-lakas ko mang-asar tapos sa huli ako rin ang mapipikon kapag nagantihan. Sa katigasan ng ulo ko parehas tuloy kaming mapapahamak ni Lance sa gubat na to. Hindi ko alam kung anong meron sa halik niya at kung papano nito napakalma ang sarili ko. Nabibingi na yata ako dahil sa malakas na pag-ulan at pagkulog. Hindi ko alam kung tama ba ang naririnig ko mula sa kaniya.
“Ha?” halos pasigaw kong tanong.
“Ang sabi ko ay hubarin mo ang damit mo!” sigaw niya dahil halos hindi na kami magkarinigang dalawa sa lakas ng ulan.
Nang hindi ko sinunod ang gusto nya ay siya na mismo ang naghubad ng aking damit at sinunod niya ang kaniyang damit. Hindi ko alam kung anong binabalak niya pero ang lakas ng kaba sa dibidb ko na hindi ko mapaliwanag. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin. Hindi ko alam kung anong binabalak niya pero nagustuhan ko ang pakiramdam ng init ng kaniyang katawan. Para bang may sariling buhay ang aking mga kamay at gumanti na rin ito ng pagyakap kay Lance. Ang kaninang kaba na aking nararamdaman ay unti-unting nawala hanggang sa ako ay dalawin ng antok.
Kinaumagahan ay nagising na lang ako sa pananakit ng aking paa. Napansin ko na lumala ang pamamaga nito kaya kahit konting galaw ay sobrang sakit ang dinudulot nito sa akin. Nakita ko si Lance na mahimbing pa rin ang tulog kaya minabuti kong gisingin siya. Pagkahawak ko pa lang sa kaniyang kamay ay ramdam ko na ang matinding init sa kaniyang katawan. Hinawakan ko ang leeg niya at naramdaman ko ang taas ng lagnat niya base sa init ng katawan niya.
“La-lance, dito ka lang at hahanap ako ng tulong” sabi ko habang marahang tinatapik ang kaniyang braso. Tatayo na sana ako pero bigla na lang akong napahiyaw sa sobrang sakit ng aking paa.
“Sumampa ka sa likod ko!” utos niya. Ramdam sa kaniyang boses ang matinding panghihina.
“Sira ka ba? Sobrang taas ng lagnat mo hindi mo na nga kaya ang sarili mo” pagmamatigas ko pero hinawakan niya ang aking kamay.
“Wag nang matigas ang ulo mo. Sabi ko naman sayo na kaya ko pa at alam ko ang limitasyon ko!” sabi niya at biglang nagpakawala ng ubo.
“Mag-antay na lang tayo ng tulong dito” ayoko pa ring pumayag sa ideya niya dahil alam kong hindi na talaga maganda ang pakiramdam niya.
“Kailangan na nating umalis ngayon. Mahihirapan silang matunton ang lugar na to. Kung mahahanap man nila tayo ay baka isa na tayong hapunan ng isang malaking sawa pagkarating nila dahil wala na tayong lakas para ipagtanggol ang sarili natin” sabi niya at muling umubo.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko na may halong pangamba.
“Kanina lang ay may malaking sawa na muntik nang lumapit sa atin pero nagawa ko siyang itaboy gamit ang pagbato sa kaniya. Marahil malapit lang dito ang lungga niya kaya ano mang oras ay pwede niya tayong maging biktima” sa pagpapaliwanag niya ay wala akong makitang pagloloko at pagbibiro dahil alam kong buhay na ang nakasalalay sa aming dalawa ngayon.
Nang makabwelo kami ay kaagad akong sumampa sa likod ni Lance. Alam kong halos wala na siyang lakas pero nagawa niya pa rin akong buhatin. Halos 20 minutes na kaming naglalakad pero puro puno pa rin ang nakikita ko at mukhang malayo pa ito sa camping site. Ganito pala kalayo ang nilakad ko. Sobrang tanga ko at nandamay pa ako ng ibang tao. Ilang minuto pa ang nakalipas at mas tumitindi ang init ng katawan ni Lance. Dumudulas ang aking katawan sa kaniyang pawis na patuloy ang pagtulo sa kaniyang buong katawan.
“Tumigil na muna kaya tayo. Sobrang init na ng katawan mo at saka kanina kappa naglalakad” pakiusap ko dahil ramdam ko na ang matinding panghihina niya sa tuwing hahakbang siya at nagiging mabilis na rin ang paghabol niya ng kaniyang hininga.
“Kinikiskis mo kasi yang dibdib mo sa li-kod ko kayaaa. Nag-iinit ako lalo sayo” pilit na tawa ang pinakawalan niya.
“Gago, hindi na maganda ang kalagayan mo ngayon tapos nagagawa mo pang magbiro” sabi ko at sa totoo lang ay halos makabitaw na rin ako sa pagkapit sa kaniya dahil sa tuwing hahakbang siya at tumatama sa hita niya ang aking paa na nagdudulot ng matinding sakit pero iniinda ko lang dahil alam kong kapwa kaming nahihirapan ngayon.
“Nangako ako sa ate mo na hindi kita pababayaan at pananagutan kita kaya hindi ko bibiguin ang pangako ko na yun” sabi niya at hindi ko alam kung bakit parang maiiyak ako sa mga sandali na yun. Maya-maya pa ay natanaw ko na sa di kalayuan ang camping site namin. At rinig ko rin na marami ang naghahanap sa amin.
“Lance malapit na tayo!” masaya kong sabi.
“Sabi ko naman sa-” hindi na siya natapos magsalita nang bigla kaming bumagsak.
Napagtanto ko kaagad na nawalan ng malay si Lance dahil sa sobrang pagod at sa taas ng lagnat niya. Ininda ko ang sakit na naramdaman ko nang bumagsak kami at mabilis na humingi ng tulong. Sumigaw ako sa buong lakas na makakaya ko para makahingi ng tulong at hindi rin nagtagal nang may makakita sa aming dalawa. Mabilis kaming sinugod sa hospital at sa kasamaang palad ay kailangang ilipat ni Lance sa mas magandang hospital dahil sa malubha daw ang kalagayan nya. Kahit nagawa kong makauwi sa bahay matapos magamot ng doctor ay hindi pa rin ako mapalagay dahil sinisisi ko ang aking sarili sa mga nangyari. Makalipas ang dalawang araw nang makatanggap ako ng tawag mula sa pinsan ni Lance. Halos mabitawan ko ang aking cellphone ng ibalita niyang patay na daw si Lance.
Hindi ako naniniwala kaya naman kahit iika-ika akong nagtungo sa hospital kung nasaan na-admit si Lance. Ayun sa pinsan niya ay nagkaroon daw ng pneumonia si Lance at hindi na daw kinaya ng kaniyang katawan ang matinding pagod na nagpapalala sa kaniyang kalagayan. Habang nilalakad ko ang hallway ay unti-unting pumapatak ang mga luha ko mula sa aking mga mata. Hanggang sa marating ko ang kwarto kung nasan si Lance. Nanlumo ako nang makita ko ang mukha niya na sobrang putla at napansin ko sa bandang kaliwa niya ang heart monitoring machine na nagpapakita na wala na siyang heartbeat. Doon na ako nagpakawala ng matinding pag-iiyak. Dahil sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyari. Hindi sana nangyari sa kaniya to kung hindi naging matigas ang ulo ko. Lumapit ako sa kaniyang dibdib at nag-iiyak. Hinihiling na sana mabuhay pa siyang muli.
“Akala ko ba hindi mo ako pababayaan. Akala ko ba pananagutan mo ako? Nangako ka di ba, bat ngayon ay iiwan mo na ako?” hindi ko mapigilang sambitin habang nag-iiyak. Halos mabasa na ang dibdib niya dahil sa aking pag-iyak. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong halikan sa sobrang gulat ko ay hindi ko nagawang magreact.
“Syempre paninindigan ko ang pangako sayo” sabi niya sabay ngiti sa akin.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit sa mga sandaling yun.
Itutuloy…..
A/N: Maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay nyo sa kwento ni Lance at Gunter. Ginagawa ko lahat ng makakaya ko para makapagsulat para sa inyo. Please wait na lang po sa mga susunod na update. Salamat.
Don’t forget to vote !
Chapter 10: He cares
Dylan as Lance
Lance’s POV
Nagising ako sa loob ng hospital dahil sa sakit ng katawan. Hindi ko masyadong maalala kung bakit ako nandito. Tumingin ako sa paligid at ang aking pinsan na si Eisen ang una kong nakita. Alam ko namang siya na lang ang nagmamalasakit sa akin. Hindi na rin akong umaasang dadalawin ako ni daddy dito dahil mas uunahin niya ang business niya kaysa kamustahin ang sarili niyang anak. Nang magising ako ay panay na ang kwento sa akin ng madaldal kong pinsan. Kahit nakakatanda siya sa akin ay hindi ko siya tinatawag na kuya. Hindi naman sa hindi ko siya gusto, siguro masyado lang akong nasanay na wala akong kapatid o kamag-anak maliban kay daddy simula pagkabata ko.
“Kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ka pa rin nagkukwento kung ano bang nararamdaman mo ngayon” sabi niya at napahikab akong muli.
“I’m fine” matipid kong sagot at tumignin lang siya sa akin na para bang hindi kontento sa naging sagot ko.
Wala naman akong pakialam kung anong mangyari sa akin. Kung ang ama ko nga ay hindi nagagawang mag-alala, ako pa kaya? Pero sa totoo lang ay masakit talaga ang likod ko at medyo nahihilo pa rin ako. Iniiwasan ko na lang na makipag-usap sa pinsan ko dahil hindi rin naman ako interesado sa mga sinasabi niya. Maya-maya pa ay pumasok na ang doctor para kamustahin ang kalagayan. Gaya ng sinabi ko kay Eisen ay ganun din ang sinagot ko sa tanong ng doctor. Kahit na sinabi kong ayos lang ang kalagayan ko ay nag-examine pa rin sila sa akin. Ang dami niyang sinabi kaya at hindi ko naintindihan ang lahat kaya pinikit ko na lang ang aking mata dahil parang umiikot na naman ang paningin ko.
Makalipas ang ilang minuto na pag-uusap ng doctor at ng aking pinsan ay sa wakas tumahimik na rin ang paligid. Pagdilat ko ng aking mata ay nakita ko pa rin sa upuan ang aking pinsan habang may binabasang magazine. Hindi ko alam kung bakit niya pa kailangang manatili dito dahil pwede naman siyang umalis kung nabobored siya. Hindi naman niya kailangang magkunwari na concern siya sa akin. Hindi ako makahiga ng maayos dahil sa sakit ng likod ko. Ilang beses din akong naglipat-lipat ng posisyon sa paghiga. Napansin ito ni Eisen pero hindi siya nagsalita.
“Dahil ayaw mo namang makipag-usap sa akin. Tatawag na lang ako ng taong gusto mong makausap” sabi niya at nilapag niya ang magazine at naglakad papunta sa pinto.
“You wish!” medyo inis kong sagot. Asa naman siyang mapapapunta niya dito si daddy.
Nang makaalis si Eisen ay kaagad kong hinanap ang aking cellphone. Nakita ko ito sa ibabaw ng desk na malapit sa aking kama. Pagbukas nito ay marami akong messages na nareceived. May 72 missed calls, 52 private messages from messenger and 100 plus na direct messages from Instagram. Iilan lang ang binasa ko at ang iba ay dinelete ko kahit hindi ko pa ito nababasa. Inaasahan ko pa man din na kakamustahin niya ako. Habang ako ay nakapikit ay inalala ko ang mga nangyari kung bakit ako ngayon nakahiga dito. Nainis lang ako nang maalala ko kung bakit ako nandito tapos hindi man lang ako nagawang kamustahin ng lokong yun. Nagcheck ako muli sa cellphone pero wala pa rin siyang text o kaya message man lang sa messenger. Hinagis ko ang phone ko pabalik sa table pero hindi sumakto kaya nalaglag ito sa sahig. Wala akong lakas para pulutin pa ito kaya hinayaan ko na lang siya.
Kanina pa ako nagtataka kung bakit may heart monitoring machine dito sa kwarto ko. Hindi naman ganun kalala ang nangyari sa akin. Dapat tinanggal na nila to kung hindi naman na ginagamit, nakakainis lang makita na para bang monimonitor nila kung kelan ako mamatay. Pabalik-balik ang pakiramdam ko na nahihilo kaya hindi ko mapigilang mapapikit. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng ingay mula sa labas ng kwarto ko. Alam kong ako ang pinag-uuspan nila dahil naririnig ko ang pangalan ko kaya nagkunwari akong tulog. Biglang may pumasok sa loob ng kwarto, hindi ko alam kung si Eisen baa ng pumasok o nurse basta nanatili lang akong nakapikit. Wala akong panahon makipag-usap kahit kanino kaya magpapanggap na lang akong tulog para hindi nila ako kausapin.
Nagulat ako nang may biglang pumatong sa ibabaw ng aking dibdib. Hindi ko napigilang sumilip lalo nang marinig kong may umiiyak. Pagkadilat ko ng aking mata ay kaagad kong nakita ang mukhang nakasubsob sa dibdib ko. Kahit hindi ko lubusang makita ang kaniyang mukha ay alam kong si Gunter ito. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakikita siyang kasa-kasama ko ngayon. Habang tumatagal ay parang may kakaiba sa akin at nararamdaman ko ang pag-init ng aking katawan. Maling mali hindi ko dapat iniisip ang ganitong bagay sa ganitong sitwasyon. Pinilit kong pigilan ang sariling mapaungol sa tuwing mararamdaman ko ang malalim niyang pahinga sa aking dibdib. Ramdam na ramdam ko yun dahil sa nipis ng suot kong damit.
“Akala ko ba hindi mo ako pababayaan. Akala ko ba pananagutan mo ako? Nangako ka di ba, bat ngayon ay iiwan mo na ako?” sabi niya na labis kong ikinatuwa. Sa sobrang saya ko ay nagawa kong hawakan ang kaniyang mukha para mailapit sa akin at binigyan siya ng isang halik.
“Syempre paninindigan ko ang pangako sayo” sabi ko sa kaniya at hindi ko mapigilang mapangiti sa naging reaksyon niya. Ilang segundo siya sigurong nakanganga bago siya muling nakapagsalita.
“Bu-buhay ka?” gulat niyang tanong.
“Bakit gusto mo na ba akong mamatay?” natatawa kong sabi pero mukhang hindi siya natutuwa sa akin.
“Eh bakit sabi ng pinsan mo patay ka na daw dahil sa pneumonia?” tanong niya sa akin at napaisip ako bigla. Yun pala yung tinutukoy niya kanina na tatawag siya ng taong gusto kong makausap. Loko yun ah at bakit pa niya kailangang sabihin na namatay ako para papuntahin si Gunter dito sa ospital?
“Aba malay ko” ang tanging naisagot ko at bigla na lang siyang tumayo at nagpunta sa labas ang akala ko nga ay iiwan niya ako, yun pala ay hinanap niya si Eisen sa labas pero hindi na niya ito nakita.
“Magkamag-anak nga kayo” sabi niya habang nakakunot ang noo.
“Bakit?” tanong ko habang pinipilit ang ngumiti dahil mukhang inis na inis na siya.
“Pareho kayong mga siraulo” sabi niya at naglakad siya papalabas ng kwarto.
“I miss you too” sigaw ko bago siya makalabas ng kwarto. Nakaisa na naman ako kay Gunter. Hindi ko alam kung bakit sobra akong natutuwa kapag napipikon siya sa akin.
Aminado akong bully ako at nasasatisfy ako sa mga taong nabubully ko. Hindi ko na nga mabilang ang mga taong na bully ko sa school. Mabilis lang magbago ang mga target ko sa pambubully. Minsan kasi umaalis sila ng school kung kelan nag-eenjoy akong pagtripan sila at minsan nabobored na kaagad ako sa kanila. Hindi ko alam kung anong meron itong si Gunter at hanggang ngayon ay trip na trip ko pa ring asarin. Habang tumatagal nga ay napapansin ko ang mga pagbabago sa sarili ko. Hindi ako bakla at alam ko yun sa sarili ko dahil never akong naattract sa kapwa ko lalaki. Pero may mga pagkakataon na hindi ako naiilang na halikan si Gunter sa labi. Noong una ay gusto ko lang siyang asarin dahil pakiramdam ko ay kagaya din siya ng mga basketball players na maaangas na nakalaro ko tapos nang mahalikan ko nang hindi sinasadya ay bibigay din pala.
Tapos may mga pagkakataon pa na natutuwa ako kapag tinutukso kami sa loob ng classroom ng mga classmates namin. Kitang kita ko kasi ang mukha ni Gunter na namumula na parang bang sasabog sa galit. Pero minsan may kakaibang pakiramdam na ang hirap ipaliwanag. Ngayon lang akong naging komportable makasama ang isang tao. May mga bagay kasi kami na napagkakasunduan at meron ding hindi. Siguro kaya hindi ako nabigyan ng kapatid dahil siguro darating si Gunter para maging bro ko. Kaya siguro masarap ang tulog ko sa tuwing siya ang katabi ko dahil pakiramdam ko ay may kapatid ako. Siguro nga ganun.
Natapos ang pamamalagi ko sa ospital pero kahit isang beses man lang ay hindi nagawang bumisita ng magaling kong ama. Yung makulit kong pinsan na si Eisen lang ang laging dumadalaw sa akin. Kahit papano ay nagiging cool na din to sa akin si Eisen basta wag lang siyang dumadaldal na parang babae ay ayos lang kami. Minsan kasi para siyang nanay na may walong anak kapag nakikipag-usap sa akin. Ang daming bilin, ang daming pinagbabawal, para siyang pinaglihi sa pamahiin. Ang isa sa nagustuhan ko sa pagdating niya sa bahay ay nagagawa naming kumain ni daddy ng sabay kapag dinner time na.
Ang daming tao ang nakapansin sa pagbabalik ko. Ang iba ay nag-abot pa ng bulaklak na mabilis kong tinanggihan. Ano bang akala nila sa akin mamamatay? Ang iba pang mga babae ay nag-iiyakan na parang mga baliw. Ang aga-aga kong naiinis sa mga to, masyadong OA. Isa sa kinaiinisan ko ay hindi na ako muling dinalaw ng lokong Gunter na yun. Kaya heto maaga akong pumasok para parusahan siya sa hindi niya pagdalaw sa akin sa ospital. Bago ko makarating ang classroom namin ay nakasalubong ko ang mga tropa ko. Hindi ko nga alam kung matatawag ko pa silang tropa dahil hindi man nila nagawang dalawin ako sa ospital.
“Welcome back bro” akap sa akin ni Kiero habang tinatapik ang aking braso. Nang bumitaw siya ay tanging pagtango lang ang naisagot ko.
“Pasensya na bro, hindi kami nakapunta marami kasing inasikasong homeworks after ng camping” sabi ni Ralph. Sumang-ayon naman ang iba sa sinabi niya.
“Ayos lang yun. Ang mahalaga ay nakabalik na ako” nakangiting sabi ko. Sa totoo ay naiinis ako sa mga siraulong to. Alam ko namang hindi sila gumagawa ng homework kaya hindi nila ako mapapaniwala sa mga kasinungalingan nila. Isa-isa silang nagpapaalam sa akin at ako naman ay pilit na ngumingiti pero ang totoo ay gusto ko nang pag-uupakan ang mga mukha ng mga sinungaling na to.
Iilan pa lang ang tao sa loob ng aming classroom nang pumasok ako. Karamihan sa kanila ay nagulat hindi lang dahil sa pagbabalik ko sa school kundi ang pagpasok ko ng maaga. Sobrang boring ng mga nakaraang araw sa loob ng ospital kaya excited na akong pagtripan si Gunter ngayong araw. Nagsuot ako ng earphone habang nakikinig sa mga random music sa Spotify playlist ko. Hiniga ko ang aking ulo sa ibabaw ng aking desk at pinikit ang aking mata. Madalas kasi akong nakakaramdam ng antok sa tuwing ako ay nabobored.
Makalipas ang ilang minuto ay may kumakalabit sa akin. Mabilis kong inangat ang aking ulo para sana akapin at pagtripan si Gunter pero hindi si Gunter ang gumising sa akin kundi ang aming class president. Ayon sa kaniya ay parating na daw ang class advisor namin kaya niya ako ginising. Hinanap ko si Gunter sa classroom pero wala siya kahit saan ako lumingon. Late na siya sa klase, imposibleng nahuli siya ng gising. Nagmamasturbate siguro yun kagabi kaya napasarap ang tulog. Nagtext ako sa kaniya para alamin kung nasaan siya pero hindi siya nagrereply sa akin. Kasabay nang pagpasok ng advisory class teacher namin ay siyang paglabas ko ng classroom. Wala akong paki kahit nagsisigaw pa siya para bumalik ako sa classroom. Humanap ako ng pwesto na hindi maingay at kaagad kong tinawagan ang number niya pero hindi ko siya macontact dahil mukhang nakapatay ang kaniyang phone.
Wala akong nagawa kundi ang lumabas sa school para puntahan siya mismo sa kanilang bahay. Hindi naging hadlang sa akin ang nakabantay na gwardiya dahil isang tingin ko pa lang ay alam na niya ang nais kong gawin. Ilang beses ko na rin itong ginagawa kaya hindi na siya nagtataka sa tuwing ako ay lalabas ng gate. Mabilis kong narating ang bahay nila dahil hindi naman ito kalayuan sa school. Pumasok ako sa loob ng kanilang bahay kahit hindi na kumakatok. Dumerecho kaagad ako sa kwarto ni Gunter para ako mismo ang bubulabog sa pagkakahimbing niya.
Naabutan ko siyang balot na balot ng kumot. Dahan-dahan akong lumapit para hindi niya marinig ang mga yabag ng paa ko. Nang makalapit sa kaniyang higaan ay kaagad akong humawak sa kumot na nakabalot sa kaniyang at mabilisang hinila ang kumot na to mula sa kaniya. Nagising siya sa ginawa ko at dahan-dahan siyang humarap sa akin mula sa pagkakatulog niya sa posisyong nakatalikod.
“A-anong ginagawa mo dito?” nakakunot noo niyang tanong at para bang nahihirapan siyang magsalita.
“Ano pa ba eh di sinusundo ka para pumasok sa school!” sagot ko at lumapit sa kaniya para yugyugin para gumising.
“Ano bang ginagawa mo?” sabi niya habang niyuyugyog ko siya at naramdaman ko ang init ng balat niya nang mahawakan ko ang kaniyang braso.
“Hindi siya makakapasok ngayon sa school” biglang sabi ni Ate Pritz na hindi ko man lang namalayang pumasok sa kwarto. Hinila ni Gunter ang kumot at muling binalot sa katawan niya.
“Matigas kasi ang ulo at naulanan kahapon” dugtong pa ni Ate Pritz at pinatong sa maliit na mesa ang dala-dalang maliit na planggana na may lamang tubig at towel.
“Saan naman daw po siya galing?” tanong ko habang si Gunter ay nakatalukbong pa rin ng kumot at mukhang ayaw makipag-usap sa amin.
“Masyadong nag-aalala itong kaibigan mo sayo at halos araw-araw kang dinadalaw sa ospital” sabi ni Ate Pritz na ikanagulat ko. Magsasalita sana ako tungkol sa pagdalaw ni Gunter pero nanatili na lang akong tahimik. Siguro dinadahilan lang ng lokong to ang pagkakaospital ko para payagan siya ni Ate Pritz na lumabas para gumala kung saan. Mamaya ka sa aking loko ka!
“Bakit ka pala nandito eh di ba nagsisimula na ang klase nyo ng ganitong oras?” tanong ni Ate Fritz sa akin.
“Ahh..pumunta po kasi ako sa school kahit pinagpapahinga pa ako ngayon. Okay naman na po kasi ang pakiramdam ko pero sabi ng school nurse ay kailangan daw sundin ang number of rest day na binigay ng doctor” pagsisinungaling ko at ang buong akala ko ay makakalusot na yun.
“Eh bakit hindi ka dumiretso ng uwi sa inyo? Naku talaga magkaibigan talaga kayo ni Gon at parehas kayong pasaway. Mabuti pa’t umuwi kana para makapagpahinga ka” utos ni Ate Pritz habang pinipigaan niya ang towel na nasa maliit na planggana.
“Ahh okay naman po ako Ate Pritz don’t worry, kayo po pala bat di pa kayo pumapasok?” pag-iiba ko sa usapan para hindi ako mapauwi ni Ate Pritz.
“Nagpaalam na ako sa boss ko na umabsent today pero hindi ako pinayagan dahil marami kaming dapat tapusin ngayon. So hinayaan niya na lang akong pumasok ng late ngayon kasi kailangan kong asikasuhin itong si Gon bago man lang ako umalis” sabi niya habang pinupunasan ang katawan ni Gon gamit ang towel.
“Pumasok na ho kayo ako na pong bahala kaya Gunter” pagpepresenta ko nang matapos niyang punasan si Gunter. Hindi ko sigurado kung tulog ba tong loko na to o sadyang nagtutulog-tulugan.
“Sigurado ka? Eh di ba pinagpapahinga ka ngayon?” tanong niya habang kumukuha ng damit na pamalit ni Gunter.
“Ngayong araw lang naman po yun at saka bukas babalik na rin po ako sa school. Ako na po ang bahala kay Gunter. Di ba po mas okay na ako ang magbihis sa kaniya kasi parehas naman kaming lalaki?” sabi ko at napatango si Ate Pritz. Saka niya lang siguro narealize na lalaki ang kapatid niya at binata na ito para siya pa ang magbihis.
“Oh sige ikaw na ang bahala sa kapatid ko pero kapag nakaramdam ka ng pagod ay umuwi kana agad sa inyo para makapagpahinga. Hinanda ko na lahat ng kakailanganin ni Gon kapag nagutom siya at nariyan na rin sa table lahat ng gamot na dapat niyang inumin” bilin niya habang bitbit ang na gagamitin sa pagpasok sa trabaho.
“Sige po ako na po ang bahala sa kaniya, wag na po kayong mag-alala” masayang sabi ko kay Ate Pritz at nagpaalam na siya na papasok sa trabaho. Samantalang ako ay nag-iisip ng bagay na gagawin para makaganti kay Gunter.
Nang mailock ko ang pinto sa labas ay kaagad akong bumalik sa kwarto ni Gunter para maisagawa ang binabalak ko. Alam kong wala siyang lakas ngayon para lumaban sa akin kaya nakaisip ako ng ideya para makaganti sa kaniya. Dahan-dahan kong hinubad ang damit niya pang-itaas. Tumambad sa akin ang hubad niyang pang-itaas. Mukhang payat lang tingnan si Gunter pero malusog naman talaga ang pangangatawan nito. Makinis at maputi ang kaniyang balat na para bang babae. Isusuot ko na sana sa kaniya ang tshirt niya pero biglang napako ang aking mata sa kaniyang dibdib. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang hinawakan ang kaniyang nipple. Habang pinaglalaruan ito ay unti-unti itong tumigas at ilang sandali lang ay narinig ko ang mahihinang pag-ungol ni Gunter. Napangisi ako nang marinig ko ang pag-ungol niya kaya naman ay nilaro ko ang kaniyang mga nipples gamit ang magkabila kong kamay na mas nagpalakas sa ungol niya.
Habang tumatagal ay narerealize ko na may mali sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung bakit naaapektuhan ako ng pag-ungol ni Gunter. At eto na naman, nararamdaman ko na naman ang pag-init ng aking katawan at unti-unti na naman nabubuhay ang aking pagnanasa. Kaagad kong tinigil ang ginagawa ko dahil baka kung saan pa humantong ito kapag pinagpatuloy ko pa ang kalokohan na to. Ayokong maulit ang nangyari sa amin sa aking kwarto. Hindi ko nga maipaliwanag sa aking sarili kung bakit ko nagawa kay Gunter yun. Ang gusto ko lang naman ay ang pagtripan siya pero mukhang hindi na trip ang ginawa ko sa kaniya nang ilock kami ni Eisen sa aking kwarto. Isinuot ko na lang sa kaniya ang tshirt pati na rin ang pagsuot ng pajama sa kaniya.
Nang matapos ko siyang bihisan ay kaagad kong binalot ng kumot ang buong katawan niya. Kanina ko pa kasi nakikita ang panginginig niya. Hindi ko tuloy naisagawa ang plano ko na kuhaan siya ng picture habang siya ay nakasuot lang ng underwear. Pagtitripan ko sana ang picture niya kapag nagkataon at gagamitin kong pang blackmail sa kaniya. Pero ayun nauwi sa pagbihis at pagkumot sa kaniya ang dapat na paghihiganti ko.
Ayon kay Ate Pritz ay nakakain naman na daw at nakainom ng gamot si Gunter. Pero napansin ko na patuloy pa rin ang panginginig ng kaniyang katawan. Napakaginawin naman nitong si Gunter. Naghanap ako ng kumot na pwedeng ikumot sa kaniya. Ilang minuto rin akong naghanap mula sa kaniyang cabinet bago ako makakuha ng kumot na medyo makapal para idagdag sa kaniya. Ilang minuto na ang lumipas nang dagdagan ko ang kumot niya pero giniginaw pa rin siya. Hinubad ko na ang suot kong uniform at tanging boxer shorts at medyas na lang ang suot ko. Hinubad ko na rin ang kaniyang damit at saka pumasok sa loob ng kumot habang yakap-yakap siya. Pagtakip ko pa lang ng kumot sa aming dalawa ay ramdam ko na agad init. Tiniis ko ang init habang nakaakap sa kaniya. Habang tumatagal ay humihigpit ang yakap niya sa akin. Ramdam ko na rin ang panlalagkit ng katawan ko dahil sa pawis sa aking katawan.
“May atraso ka pa sa akin ah” sabi ko sa kaniya kahit na alam kong mahimbing ang kaniyang pagtulog.
Mabuti na lang at bumuhos ang malakas na ulan kaya kahit papano ay lumamig ang paligid. Nang makaadjust ang aking katawan sa init at lamig ay kaagad akong nakaramdam ng antok habang magkayakap kami ni Gunter. Hindi ko na nagawang magpunas ng pawis dahil baka magising ko pa si Gunter.
Makalipas ang ilang oras ay nakaramdam ako ng kamay sa aking dibdib na pilit akong tinutulak. Pagdilat ko ng aking mata ay kaagad kong nakita si Gunter na tintulak ako palayo mula sa pagkakayakap ko sa kaniya. Naniningkit pa ang kaniyang mga mata na tila kagigising lang. Kinalas ko naman ang pagkakayakap sa kaniya dahil tila naiinitan na siya sa aming ginagawa.
“Good morning love” pang-aasar ko sa kaniya at biglang kumunot ang kaniyang noo.
“Bakit ka pa nandito?” tanong niya habang humikab hikab pa.
“Nandito ako para singilin ka sayong atraso” sabi ko habang pinupunasan ang mga muta niya sa mata. Marahan naman niyang tinapik ang aking kamay para pigilan ako sa aking ginagawa. Halatang wala siyang lakas dahil napakalamya ng kinikilos niya.
“Anong atraso ang pinagsasabi mo?” tanong niya at dahan-dahan siyang bumangon. Mabilis akong bumangon para alalayan siyang makasandal sa head board ng kama.
“Ano yung sinabi mo kay Ate Pritz na halos araw-araw kang dumadalaw sa ospital kahit na isang beses lang kita nakita dun?” sabi ko at inakbayan siya sa balikat at kunwaring sinasakal. Marahan lang ginawa kong kunwaring pagsakal sa kaniya dahil alam kong hindi maganda ang pakiramdam niya.
“Totoo yun” matipid niyang sagot at tila hindi makatingin sa akin.
“Pwede ka namang umamin sa akin dahil tayo lang ang nandito. Promise hindi ako magsasabi kay Ate Pritz basta sabihin mo sa akin kung saan ka nagpupunta sa tuwing nagpapaalam kang pumupunta sa ospital” pagkasabi ko ay marahan niyang tinaggal ang pagkakaakbay ko sa kaniya. Napatingin siya sa ayos naming dalawa saka niya lang siguro napansin na parehas kaming walang damit pang-itaas.
“Bakit ganyan ang ayos mo at saka nasan yung damit ko?” tanong niya habang hinahanap ang damit sa ibabaw ng kama. Pinatong ko sa ibabaw ng upuan ang mga hinubad naming damit kaya hindi niya makita ito sa kama.
“Pasensya na, hindi ko kasi napigilan ang sarili ko kanina eh. Wala si Ate Pritz tapos malamig pa ang panahon kanina kaya sinamantala ko ang pagkakataon para makaraos. Alam mo naman tayong mga lalaki kapag ganito ang panahon” nakangisi kong sabi sa kaniya. Nakita ko kaagad na namula ang kaniyang mukha sabay hawak sa kaniyang dibdib at tila kinakapkap ang buong katawan kung may nangyari nga ba sa aming dalawa hanggang sa napahawak siya sa hinaharap niya at tumingin sa akin ng masama.
“Gago ka!!!!” sinuntok niya ako sa braso alam kong buong lakas na niya yung pagsuntok sa akin pero hindi ko man lang maramdaman yung sakit at saka tumawa ng malakas. Patuloy ang aking pagtawa habang sinusuntok niya ako. Maya-maya ay tila napagod siya sa kakasuntok sa akin at tumigil.
“Naniwala ka kaagad?” at muli akong tumawa pero naputol ito nang ibato niya sa mukha ko ang unan. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kama at sinuot ang tshirt niya mula sa upuan.
“San ka pupunta?” tanong ko at tila wala siyang narinig sa sinabi ko at patuloy lang siya sa kaniyang ginagawa.
“Hoy san ka pupunta? Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko, kapag di mo sinagot ang tanong ko isusumbong talaga kita kay Ate Pritz” sabi ko habang siya ay nakatayo sa harapan ng pinto ng kaniyang kwarto.
“Edi magsubong ka, totoo naman talaga yung sinasabi ko eh itanong mo pa sa pinsan mo!” pasigaw niyang sabi at saka lumabas sa kwarto.
Ano na naman kaya ang kinalaman ni Eisen dito at bakit wala siyang sinasabi sa akin? Kaagad akong tumawag sa kaniyang number habang pinupunasan ng panyo ang aking pawis sa katawan. Patuloy ako sa pagpunas habang naiinip sa tagal ng pagsagot niya sa tawag ko.
“Ano ba yun Lance?” tanong niya kaagad nang masagot niya ang tawag ko.
“Wow really? Ikaw pa tong galit kahit na ikaw tong matagal sumagot?” inis kong sabi habang sinusuot ang aking polo.
“Hello? May klase kaya ako at ikaw pano ka nakakatawag di ba may klase ka rin ngayon?” nakakairitang tanong niya. Ako nga ang dapat magtatanong sa kaniya pero ako ang tinatanong niya ngayon.
“Sabihin mo nga ang totoo, pumupunta ba si Eisen sa ospital noong may sakit ako?” may kinausap pa siya na mukhang kasama niya bago sagutin ang aking tanong.
“Oo, nandun siya kapag tulog ka at ayaw pasabi kapag nagpupunta ka” mabilis niyang sagot habang may nakakainis na boses ng lalaki sa tabi niya.
“Eh bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?” naiinis kong tanong at panay pa rin ang pakikipag-usap niya sa lalaking nasa tabi niya. Hindi ko masyadong maintindihan ang pinag-uusapan nila pero mukhang nagtatalo sila.
“Hay naku kayo ang mag-usap ng boyfriend mo Lance” mariin niyang sabi na hindi ko inaasahan manggagaling mismo sa kaniya.
“Hoy hindi niya ako boy” bago pa man ako makapagpaliwanag ay binabaan na niya ako. Siraulo yun ah bigla na lang akong binabaan. Humanda siya sa akin mamaya sa bahay.
Lumabas ako sa kwarto ni Gunter at hinanap siya. Nakita ko siyang may hinahanap sa ref at nakayapak pa. Loko talaga to, masyadong matigas ang ulo. Alam naman niyang malamig ang panahon tapos may lagnat pa siya, papano niya nagagawang maglakad-lakad sa lamig ng sahig. Muli akong pumasok ng kwarto para kunin ang pinakamakapal na kumot at kinuha rin ang tsinelas niyang panloob ng bahay. Lumapit ako sa kaniya para ipasuot ang tsinelas. Noong una ay nagmamatigas pa siya pero kalaunan ay bumigay din. Para siyang bata na sinusuotan ko ng tsinelas na parang hindi alam kung saan ang kanan at kaliwa. Yung kumot na dala-dala ko na ipinatong sa ibabaw ng mesa ay binalot ko sa kaniya at niyakap siya para hindi makawala.
“Anong ginagawa mo?” sabi niya habang nanatiling nakatayo at yakap-yakap ko. Tinaas ko ang bangs ko at nilapit ko ang aking noo sa kaniyang noo para pakiramdaman kung mainit pa rin siya. Mabuti naman at mukhang bumaba na ang lagnat niya. Saka ko lang napagtanto na sobrang lapit pala ng mukha namin sa isa’t isa. Ramdam na ramdam ko ang mainit na paghinga niya mula sa kaniyang ilong sa aking mukha. Tila isa akong istatwa na napatigil habang nakatingin ako sa kaniyang labi. Kahit na namumutla ang kaniyang labi ay tila inaakit ako nitong ilapat ang aking labi sa kaniyang mga labi. Nang muntik na maglapit ang aming labi ay saka ko napagtanto na mali itong ginagawa ko.
“Ang baho ng hininga mo!” sabi ko at bigla na lang niya akong binatukan.
“Gago nagtoothbrush ako” sabi niya at muling binuksan ang ref para kunin ang isang instant noodles na mukhang made in korea. Nakabalot ito sa itim na packaging at mukhang sobrang anghang nito.
“Yan talaga ang kakainin mo? Mukhang sobrang anghang niyan saka hindi naman masustansya yan papano ka gagaling niyan?” sabi ko habang pilit na inaagaw ang noodles mula sa kaniyang kamay.
“Wala kang pake, lumayo ka na lang sa akin para hindi mo maamoy ang hininga ko!” inis niyang sabi at lumapit siya sa lababo habang nakahawak pa rin sa kumot na binalot ko sa kaniya. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan siyang kumilos. Sa totoo lang ay hindi naman talaga mabaho ang kaniyang hininga, ginawa ko lamang dahilan yun para mapigilan ang sarili sa paghalik sa kaniya. Nawiwirduhan na ako sa sarili ko at di ko alam kung bakit ko naiisip ang mga bagay na to. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin sa kaniya pero bigla na lang akong natauhan nang makita siyang may bitbit na malaking bowl. Hindi niya mabuhat ito dahil sobrang init at saka pati pagbubuhat ng mangkok ay mukhang hirap siyang gawin.
“Maupo kana dun sa couch ako na ang magdadala” sabi ko at hindi naman siya nagmatigas pa at pumunta na siya sa couch habang nakatakip sa kaniyang bibig. Nalintikan na, nagtampo na si gago. Pagkalapag ko ng noodles ay kaagad niya itong kinain habang nanood ng anime sa tv. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Nilusot ko ang aking paa hanggang sa makaupo sa likuran niya. Ang pwesto namin ay nakaupo siya habang nasa pagitan siya ng mga hita ko. Niyakap ko siya habang nakatalikod sa akin. Nanatili pa ring nakabalot ang kumot sa kaniyang katawan habang kumakain siya ng noodles. Ilang beses niya akong sinisiko para umalis pero nanatili pa rin akong nakayakap sa kaniya.
“Wag ka nang makulit. Kapag siniko mo ako nang siniko ay matatapon pa yang kinakain mo” pagbabanta ko at tumigil naman siya sa pagsiko sa akin.
“Hayaan mo munang maglabing si kuya sayo para pag-initan ka at mabilis kang gumaling” sabi ko habang nakapatong ang aking baba sa kaniyang balikat.
“Ku-kuya? Kahit na mas matanda ako sayo?” sabat niya habang patuloy pa rin siya sa pagkain at nakatingin sa tv.
“Ahh basta ako ang kuya mo simula ngayon at aalagaan kita bilang kapatid ko” dugtong ko at marahang ginulo ang kaniyang buhok. Ilang sandali pa ay natapos na siyang kumain at nilapag sa maliit na mesa ang bowl na hawak niya. Nagulat na lang ako nang bigla niyang nilagay ang kaniyang mga kamay sa magkabilang gilid ng aking braso habang unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. Habang papalapit ay ako naman ay nilalayo ang kaniyang mukha sa akin hanggang sa mapasandal na ako sa couch at wala ng maurungan. Nacorner na nga niya akong tuluyan.
“Sa totoo lang hindi kita pwedeng maging kuya” sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata. Walang bakas sa hitsura niya ang pagbibiro kaya napalunok laway talaga ako bago nakasagot.
“Ba-bakit?” tanong ko habang siya ay patuloy na pinaglalapit ang aming mga mukha hanggang sa magkadikit ang aming ilong.
“Dahil may gusto ako sayo!” sabi niya at bigla na lang siyang pumikit na para bang nag-aantay siyang halikan ko siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya pero yung kamay ko ay bigla na lang hinawakan ang kaniyang pisngi at ibigay sa kaniya ang gusto niyang mangyari.
Itutuloy………
A/N: Hey I’m back!!!!! I’m sorry kahapon pa sana na update to kaso naiwan ko sa bahay ang laptop ko at nakalimutan kong ilagay sa draft ang chapter na to. Moving forward every friday ang update ng story na to. Magfofocus ako ng update dito.
Maraming salamat sa lahat ng support and messages nyo.
Wag kakalimutang mag-VOTE!
Chapter 11: His Brother
Darren as Gunter
Gunter’s POV
Ang sarap ng aking pagtulog at sa panaginip ko ay yakap-yakap ko ang isang bear at sobrang cute niya. Nagtataka lang ako kung bakit wala akong suot na damit habang nakaakap ako sa kaniya. Mukhang mas masarao sa pakiramdam ang ganito at ramdam na ramdam ko ang kaniyang balahibo na dumadampi sa aking balat. Enjoy na enjoy ako habang nakasubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib dahil mas ramdam ko ang init mula roon. Unti-unting gumagaan ang aking pakiramdam habang siya ay aking yakap-yakap. Nagulat na lang ako nang bigla niyang laruin ang aking nipple, sinasaway ko siya dahil nakikiliti ako pero hindi ko matanggihan ang pagngiti niya sa akin na sobrang cute kaya hinayaan ko na lang siya sa kaniyang gusto.
Bigla na lang akong nagising dahil sa sobrang panlalagkit ng aking katawan. Pagmulat ng aking mata ay buong akala ko ay kasama ko parin ang bear na kayakap ko kanina pero hindi na bear ang nakayakap asa akin ngayon kundi isang unggoy. Yung pawis naming dalawa ay naghahalo na sa pagkakadikit ng aming mga katawan kaya naman tinutulak ko siya palayo sa akin. Kahit na medyo bumuti na ang aking pakiramdam ay hindi ko siya maitulak nang malakas palayo sa akin. Hindi nagtagal at nagising siya. Tinanong ko siya kung bakit ganito ang ayos naming dalawa pero puro kalokohan na naman ang pinagsasabi niya. Pareho sila ng pinsan niyang si Eisen, mga siraulo. Kanina pa ako nauuhaw kaya iniwan ko siya sa loob ng kwarto at hinayang magsalita ng kung ano-ano.
Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog dahil ramdam ko ang sobrang pagkagutom na para bang kaya kong kumain ng limang plato ng kanin na may pitong putahe. Sinilip ko ang niluto ni Ate Pritz pero hindi ko nagustuhan dahil mas gusto kong kumain ng maalat at maanghang ngayon. Pagsilip ko sa loob ng ref ay saktong may nakita akong shin ramyun na noodles. Kukunin ko na sana ito nang magulat ako nang biglang sumulpot ang unggoy pero hindi ko pinahalata ang pagkagulat ko. Bat ba kasi bigla bigla na lang tong sumusulpot kung saan? Pinipilit niya akong magsuot ng tsinelas na para bang ang bata ko. Sobrang kulit niya at ang daldal pa kaya sinuot ko na lang. Wala akong lakas na makipagtalo sa kaniya kaya hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang mangyari. Ang akala ko ay hahayaan na niya akong mapag-isa dito sa loob sa ng kusina pero bigla na lang niya akong niyakap kasabay ang pagbalot ng kumot sa aking katawan.
“Anong ginagawa mo?” naiinis kong tanong. Wala talaga ako sa mood ngayon makipag-asaran sa kaniya kaya ambilis kong mainis sa mga trip niya. Bigla na lang niyang tinaas ang aking bangs at nilapit ang kaniyang noo sa aking noo. Hindi ko alam kung bakit pa niya kailangang gawin ang ganitong paraan pero sa tingin ko ay inaalam lang niya kung mainit pa ba ko o hindi. Nagulat na lang ako nang mapansin kong nakatingin na siya sa aking mga labi. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa. Alam ko sa sarili ko na gusto niyang halikan ang aking mga labi at dapat ko siyang pigilan pero para bang may parte ng aking pagkatao na mas nanaig na hayaan si Lance sa gusto niyang gawin.
“Ang baho ng hininga mo!” bigla niyang sabi nang halos maglapit na ang aming labi. Sa inis ko ay kaagad ko syang binatukan. Siraulo siya tong lumapit sa akin tapos siya pa ang magrereklamo.
“Gago nagtooth brush ako!” tumalikod ako sa kaniya at pasimpleng inamoy ang hininga habang kunwari may hinahanap pang iba sa loob ng ref. Siraulo to, hindi naman mabaho ang hininga ko. Kinuha ko ang noodles sa loob ng ref at kaagad itong isinara.
“Yan talaga ang kakainin mo? Mukhang sobrang anghang niyan saka hindi naman masustansya yan papano ka gagaling niyan?” sabi niya at pilit niyang inaagaw sa akin ang noodles. Pasalamat siya at masama ang pakiramdam ko kung hindi nasapak ko na ang pagmumukha ng pakialamerong to.
“Wala kang pake, lumayo ka na lang sa akin para hindi mo maamoy ang hininga ko!” kahit gustuhin kong sumigaw ay hindi ko magawa dahil nanlalambot pa rin ako. Kailangan ko pa sigurong matulog at kumain ng marami para makarecover kaagad. Nang malagyan ko ng mainit na tubig ang bowl ay kaagad kong hinawakan ito para buhatin. Grabe hindi ako makapaniwala sa aking sarili dahil bukod sa mainit ang bowl ay hindi ko magawang buhatin ito. Ganito na ba talaga ako kahina? Ilang beses kong tinangkang buhatin pero pagkapaso lang ang inabot ko.
“Maupo kana dun sa couch ako na ang magdadala” pag-alok niya sa akin nang mapansin niyang hirap ako sa pagbuhat ng bowl. Hinayaang ko na lang siya para naman magkaroon ng silbi ang pang-iinis nya sa akin dito sa bahay. Tinakpan ko ang aking bibig habang naglalakad papalayo sa kaniya. Hiyang hiya naman ako baka maamoy niya ang mabaho ko raw na hininga. Kaagad kong binuksan ang tv at sakto palabas ngayon ang paborito kong anime.
Nilapag niya ang bowl ng noodles sa ibabaw ng maliit na mesa sa aking harapan. Kaagad ko namang kinain ito habang nanonood ng anime sa tv. Maya-maya pa ay bigla na lang siyang pumuwesto sa likuran ko, hindi ko alam ko ano na namang trip ng siraulong to kaya hinayaan ko lang siya tinuon ang aking paningin sa tv. Nakaupo siya sa likuran ko at ang mga hita ko ay nasa pagitan ng mga hita niya. Patuloy pa rin ang aking pagkain at unti-unti kong nararamdaman ang pagpatak ng aking pawis dahil sa kumot na nakapalibot sa aking katawan. Mas lalo pang uminit ang aking pakiramdam nang siya ay yumakap sa akin. Ilang beses ko siyang sinisiko para bumitaw sa pagkakaap pero ayaw niya pa ring umalis. Tatapusin ko lang tong kinakain ko at makakatikim sa akin tong lokong to. Nang malapit na akong matapos kumain ay muli ko siyang siniko.
“Wag ka nang makulit. Kapag siniko mo ako nang siniko ay matatapon pa yang kinakain mo” sabi niya sa akin pero paubos na ang kinakain ko kaya walang matatapon kung sakali mang ipagpatuloy ko ang pagsiko sa kaniya.
“Hayaan mo munang maglabing si kuya sayo para pag-initan ka at mabilis kang gumaling” dugtong niya at pinatong ang kaniyang baba sa ibabaw ng aking balikat. Hindi ko malaman kung ano bang trip nito o taglibog tong lokong to.
“Ku-kuya? Kahit na mas matanda ako sayo?” tugon ko at nagpatuloy sa pagkain. Kung ano-ano na naman ang naiisip niya. Bat ba kasi nandito to, mas makakapaghinga ako kung wala siya eh.
“Ahh basta ako ang kuya mo simula ngayon at aalagaan kita bilang kapatid ko” dugtong niya pero hindi muna ako sumagot at sinimot ang aking kinakain. Nang ako ay matapos ay kaagad kong tinanggal ang kumot na nakapalibot sa aking katawan dahil labis na ang pawis na tumutulo sa aking katawan. Nilagay ko ang aking mga kamay sa bawat gilid ng magkabila niyang braso at unti-unting nilapit ang aking mukha sa kaniya. Pansin ko na kaagad ang pagkailang niya at marahang pag-atras habang ang mukha ay papalapit sa kaniya.
“Sa totoo lang hindi kita pwedeng maging kuya” seryosong sabi ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Alam kong hindi na siya komportable sa ginagawa ko pero nagpatuloy pa rin ako sa aking binabalak.
“Ba-bakit?” tanong niya nang magkalapit na ang aming mga mukha at ang aming mga ilong ay magkadikit na.
“Dahil may gusto ako sayo!” mabilis kong sagot at pinikit ko ang aking mata. Naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking pisngi at alam kong yun na ang hudyat na nahulog na siya sa aking bitag. Humagalpak ako nang pagtawa nang muli kong makita ang mukha niya na parang pato dahil nakanguso siya habang nakapikit. Nagulat siya nang marinig niya akong tumawa kaya kaagad niyang dinilat ang kaniyang mga mata at nagtataka kung bakit ako tumatawa. Nagawa ko lang namang pumikit dahil gusto kong iwasan ang tingin niya dahil hindi ko mapigilang matawa kapag nakikita ko siyang ganun ang hitsura.
“Hoy ano bang nakakatawa?” tanong niya at ako ay patuloy pa rin sa pagtawa hanggang sa makaupo ako sa tabi niya. Hindi maipinta ang kaniyang mukha na magkahalong inis at pagtataka. Sa bilis ng karma ay kaagad akong inubo nang malakas sa kakatawa.
“Well deserved” sabi niya habang patuloy ako sa pag-ubo at nang tumigil ito ay inabutan niya ako ng tubig. Ininom mo kaagad ito para maibsan ang pangangati ng aking lalamunan.
“Bakit ka tumawa?” tanong niya habang nakakunot ang noo.
“Mukha ka kasing pato” muli akong napangisi nang maalala ko ang mukha niya.
“Sa gwapo kong to, mukhang pato?” tanong niya na tila naiinis at ako nama’y tumango habang nakangisi.
“Ahh ganun. Pwes ipaparanas ko sayo kung pano manuka ang pato” sabi niya at bigla na lang siyang ngumuso at pilit na nilalapit ang mukha niya sa mukha ko.
“Gago ka! Sa ibang tao mo ilabas yang libog mo wag sa akin!” sabi ko habang tinutulak palayo ang mukha niya sa akin. Buong lakas ko siyang tinulak pero hindi pa rin siya tumigil hanggang sa napahiga ako sa ibabaw ng couch at siya nama’y nasa ibaba ko. Ang akala ko ay itutuloy niya ang biro niya pero bigla na lang niyang hiniga ang kaniyang ulo sa ibabaw ng aking dibdib. Nakaakap siya sa aking mga braso para pigilan ang aking paggalaw. Ilang minuto kaming nasa ganitong posisyon at walang nagsasalita sa aming dalawa. Tila naubos ang aking lakas sa pagpupumiglas kaya hindi na ako kumikilos pa.
“Kaya siguro hindi ako nabigyan ng kapatid kasi darating ang araw na pagtatagpuin tayong dalawa” bigla niyang sabi habang nasa ibabaw pa rin ng aking dibdib ang kaniyang ulo. Hindi ako sumagot sa mga sinabi niya dahil hindi ko alam kung anong biro na naman ang sasabihin niya.
“Siguro kong naging kapatid kita, hinding hindi siguro ako makakaramdam ng lungkot” dugtong niya. Nang sabihin niya yun ay ramdam na ramdam ko sa kaniyang boses ang lungkot at alam kong totoo ang mga sinabi niya.
“Bakit nga ba wala kang kapatid?” tanong ko at bigla na lang niyang kinuskos ang kaniyang mukha sa dibdib ko na para bang asong naglalambing.
“It’s a long story, ang importante ay nandito kana” tumingin siya sa akin habang nakapatong ang kaniyang baba sa ibabaw ng aking dibdib habang nakangiti.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko habang iniiwasan ko ang kaniyang tingin na para bang may namumuong kalokohan na naman sa kaniyang isipan.
“Simula ngayon ikaw na ang tatayong bunsong kapatid ko” masaya niyang sabi na parang bata. Pinagpipilitan niyang siya ang kuya sa aming dalawa kahit na ako ang mas matanda sa amin.
“Mas matanda pa rin ako sayo” pagtutol ko at bigla niya akong tiningnan nang masama.
“Hindi ako aalis dito hanggang hindi ka pumapayag” pagbabanta niya at lalo pa niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin.
“Pucha, para kang bata!” inis kong sambit habang pilit akong kumakawala sa kaniya. Nakalimutan niya atang may sakit pa ako at hinahayaan niya akong mapwersa ng ganito. Muli niyang hiniga ang kaniyang ulo sa ibabaw ng aking dibdib at nagtulog-tulogan. Napagod ako sa kaniyang ginawa kaya naman tumigil na din ako sa pagpumiglas. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas nang tumahimik si Lance pero pakiramdam ko ay nakatulog na nga si gago. Muli na namang bumuhos ang ulan kaya lumamig ang paligid. Sa ganitong panahon ay unti-unti akong dinadalaw ng antok hanggang sa ako ay nakatulog.
Nagising ako nang makaramdam ako ng pamamanhid sa aking dibdib. Nagising ako na nakahiga pa rin sa aking dibdib si Lance. Hindi ko alam kung ilang oras kaming nakatulog sa couch pero ang pinagtataka ko ay bakit may kumot na nakabalot sa aming dalawa ni Lance. Marahil gumising siya kanina para magkumot dahil sa lamig. Nakalimutan niya rin sigurong patayin ang ilaw kaya nakasindi pa rin ito. Kasalukuyang nakalaylay na ang kamay ni Lance sa sahig at minabuti kong pagmasdan ang oras. Kung hindi mali ang nasa orasan ay ala sais na ng gabi. Seryoso ba ganun katagal kaming natulog ni Lance?
Ilang sandali lang nang may maamoy akong niluluto mula sa kusina. Kung hindi ako nagkakamali ay nakauwi na si Ate Fritz at marahil siya ang naglagay ng kumot para sa aming dalawa. Marahan kong ginigising si Lance para umalis na sa ibabaw ko pero ilang beses kong ginawa yun ay hindi pa rin siya nagigising. Sa inis ko ay inipit ko ang kaniyang ilong para hindi siya makahinga kaya ayon bigla siyang bumalikwas at napaupo.
“Bat mo ginawa yun?” habang hinahabol ang kaniyang paghinga. Hindi niya pa hustong dinidilat ang kaniyang mata pero alam niyang ako ang umipit sa kaniyang ilong.
“Kanina pa kita ginigising at ayaw mong magising. Namamanhid na ang dibdib ko at ang sakit na ng likod ko dahil sa bigat mo!” reklamo ko at para bang wala siyang naririnig at nagagawa niya pang maghikab. Sinamantala ko ang pagkakataon na nakanganga siya nang siya’y humikab at kaagad kong binato ng unan sa mukha.
“Ano bang problema mo? Nagpapansin ka ba kay Kuya?” tanong niya at muling humikab. Para siyang batang kakagising lang mula sa pagpapatulog sa kaniya sa maghapon. Ibang iba ang pinapakita niya kapag nasa school at kapag kaming dalawa lang. Kung hawak ko lang ang cellphone ko ngayon ay nagawa ko nang kuhaan siya ng video kung papano siya kumilos kapag ako ang kasama niya. Malamang marami ang madidismaya sa kaniya kapag napanood nila ito. Sa sobrang dami ng humahanga sa lokong to ay hindi man lang nila nakikita ang pagiging isip bata ni Lance.
“Ohh bat natulala ka diyan? Pogi ni kuya pag bagong gising no?” sabi niya at kumindat sa akin. Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa kaniya.
“Sana nakikita nang mga nagkakacrush sayo kung gaano ka kaisip bata ngayon” tugon ko at siya nama’y unti-unting lumapit sa akin.
“Magugustuhan pa rin nila ako kahit ganito ako” sabi niya habang inaakbayan niya ako. Lakas talaga ng hangin nito, kaunti lang naman ang nilamang niya sa akin sa kagwapuhan kaya napapailing na lang ako.
“At saka yung taong mahalaga lang sa akin ang pinapakitaan ko ng totoong ugali ko” bulong niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit tila iba ang aking naramdaman nang marinig ko mula sa kaniya yun. Alam kong pinagtitripan niya na naman ako pero hindi ko alam kung bakit ako naaapektuhan sa kaniyang sinasabi. Wala akong maisagot kaya tinginan ko na lang siya nang masama at siya nama’y nakatingin sa akin habang nakangiti.
“Bago kayo magtukaan dyan. Kumain muna kayo ng sopas!” biglang singit ni Ate Fritz. Hindi ko inaasahang bigla na lang siyang susulpot na may dalang tray at na may dalawang bowl ng sopas.
“Ate!!” saway ko at si Lance nama’y tumawa lang. Tinanggal niya ang kaniyang pag-akbay sa akin at kinuha niya ang tray mula kay Ate Fritz.
Nilapag ang tray sa ibabaw ng mesa, kukunin ko sana ang bowl na para sa akin pero sinita ako ni Lance dahil nais niyang siya ang magserve nito para sa akin dahil ayaw niya daw akong mapaso. Para akong bata na kaniyang pinagsisilbihan, ewan ko ba. Kumain na lang ako at hinayaan silang mag-usap. Saglit akong tumigil sa pagkain para abutin ang remote control ng tv para buksan ito. Hindi kasi ako interesado sa kanilang pinag-uusapan kaya ko binuksan ang tv. Habang aliw na aliw sa panonood ng tv ay hindi ko maiwasang marinig ang kanilang pag-uusap. Nagpapaalam kasing dito matutulog si Lance kahit na may pasok kaming dalawa kinabukasan. Wala akong narinig na pagtutol mula kay Ate Pritz kaya ako na mismo ang pumigil sa balak ni Lance.
“Saan mo naman yan papatulugin ate?” tanong ko at muling humigop para simutin ang sabaw ng sopas. “Sa tabi mo” mabilis niyang tugon habang inaabot sa akin ang gamot.
“Haaa? May sakit nga ako di ba? Bat mo pa sa akin ipapatabi yan? Papano ako makakapagpahinga nang husto kong itatabi mo sakin yan?” sunod-sunod kong tanong at tiningnan lang ako nang masama ni ate. Nakuha ko na ang gusto niyang iparating, pinapapaalala niya na isa akong scholar sa school na pagmamay-ari nila Lance at itong mayaman na mayabang na punong puno ng kalokohan ay pinagsisiksikan ang sarili sa maliit naming tahanan. Bla!Bla!Bla!
“Ang sarap nga ng tulog mo kanina kahit nakapatong siya sa ibabaw mo” hindi ko inaasahang babanggitin niya yun. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa sinabi niya at itong si Lance naman ay tatawa-tawa pa. Sasagot sana ako pero tinaasan na ako ng kilay ni ate kaya nanatiling nakatikom na lang ang aking bibig. Kinuha ko ang gamot na inabot niya at kaagad itong ininom. Ngingisi pa tong katabi ko na parang baliw, ang sarap sapakin sa mukha.
Matapos akong magtoothbrush at magpunas ng sariling katawan ay nagawang kunin ni ate ang init ng katawan ko gamit ang thermometer. Ayon sa kaniya ay bumaba na raw ang aking lagnat at maayos na tulog lang ang kailangan ko para makapasok ako kinabukasan. Napapakamot ulo na lang ako dahil sa isip-isip ko ay matatagalan na naman ako sa pagtulog dahil makakatabi ko na naman si Lance. Ang tagal ko bago makatulog dahil minsan kung saan saan nakakarating ang kaniyang kamay kapag siya ang katabi ko. Matapos ang lahat ay bumalik na ako sa aking kwarto para matulog.
“Inayos ko na ang kama nating dalawa bunso” sabi niya habang nakahiga sa ibabaw ng aking kama. Tanging boxer shorts lang ang kaniyang suot at ang kaniyang mga kamay ang nagsilbing unan sa paghiga niya. Napapaisip tuloy ako kung nagdaan na ba talaga sa pagkabinata itong si Lance dahil halos wala akong makitang buhok sa kaniyang kili-kili at ang puti-puti pa nito.
Inayos ko ang unan ko at ang aking kumot. Nagdagdag ng kumot si ate pritz para hindi makipag-agawan ng unan sa akin si Lance. Nabigyan din siya ng sarili niyang kumot para hindi na siya makipaghilaan sa akin. Hindi ko na aalahanin na may kamay na maliligaw sa loob ng kumot ko dahil may kaniya-kaniya na kaming kumot. Mukhang magiging masarap ang tulog ko dahil walang mang-iistorbo sa akin kapag ako ay nakatulog na. Naglagay ako ng kumot sa pagitan naming dalawa para hindi na siya makadikit sa akin. Nakakapagtaka lang na hindi man lang siya umangal sa mga ginagawa ko at tahimik lang siya habang pinagmamasdan ang bawat kilos ko.
Bago pa kami makatulog ay kanina niya pa ako kinukulit kung bakit ako nagkasakit at bakit ako nagpupunta sa ospital nang hindi nagsasabi sa kaniya. Sa totoo lang ay gusto ko namang sabihin sa kaniya yun pero hindi ko alam kung bakit nahihiya akong sabihin sa kaniya. Alam kong normal lang naman na dalawin ang isang kaibigan kapag hindi maganda ang kalagayan nito. Ilang beses nang nangyari ito sa mga tropa ko pero kailanman ay hindi ako nakaramdam ng pagkahiya sa tuwing dadalawin ko sila. Saktong nandun ang pinsan ni Lance sa tuwing dadalawin ko siya sa ospital. Tuwing dadalaw ako ay madalas tulog si Lance kaya hindi ko siya nakakausap. Wala naman akong dapat sabihin sa kaniya ang gusto ko lang malaman ay kung maayos ba ang kalagayan niya. Ang nakakailang pa ay kakaiba ang tingin ng pinsan niya sa tuwing dadalaw ako kay Lance. Magpinsan talaga sila dahil parehas silang wirdo.
“Salamat nga pala” nasabi ko nang maalala ko na yun ang dapat kong sabihin sa kaniya kapag gumising siya. Dahil sa kaniya ay ligtas akong nakauwi. Pero hindi ko magawang sabihin sa kaniya nitong mga nakaraang araw dahil paulit ulit na nunumbalik sa aking isipan ang mga pagkakataong hinahalikan niya ako sa aking labi. Gulong gulo ang aking isipan kaya hindi ko na pinaalam sa kaniya ang lihim kong pagdalaw sa kaniya. Hindi ko alam kung gusto ko bang alamin ang kalagayan niya sa ospital o sadyang namimiss ko lang siya kaya halos araw-araw akong dumadalaw simula nang maospital siya. Nagawa ko pang pumunta sa ospital kahit na umuulan ulan kaya ngayon nagkasakita ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero ang alam ko ay dapat hindi magtagal itong nararamdaman ko.
“Anong sabi mo? Humarap ka nga! Hindi kita maintindihan” utos niya pero nanatili akong nakatalikod sa kaniya. Ilang beses niya akong kinulit sa pamamagitan ng pagtapik sa likod ko at pagkiliti sa batok ko hanggang sa humarap na ako sa kaniya para tigilan niya lang ito.
“Sabi ko salamat” mabilis kong sabi. kahit na madilim ay may kaunting liwanag pa rin kaya naaaninag ko pa rin ang kaniyang pagmumukha. Kitang kita ko kung gaano siya kasaya nang sabihin ko ang mga salitang yun.
“Lahat gagawin ko para sayo” sabj niya at kaniyang pinatong ang kaliwang kamay sa ibabaw ng braso ko para yakapin ako. Hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng dibdib ko at bakit ganito ang nararamdaman ko nang sabihin niya yun. Tatalikod na sana akong muli pero pinigilan niya ako. Pinikit ko na lang ang aking mga mata para hindi ko magtagpo ang aming mga tingin. Hindi rin nagtagal nang kumalma ang aking kalooban at dalawin ng antok.
Sa oras ng kasarapan ng aking pagtulog ay muli akong nakaramdam ng bigat sa ibabaw ng aking katawan. Siguro ay mabigat na naman ang pakiramdam ko dahil sa lagnat ko. Ramdam ko rin kasi na tila muling nag-iinit ang aking katawan. Nagulat naman ako nang maramdaman kong may bagay na kumikiskis sa hinaharap ko. Habang tumatagal ay nakaramdam ako ng sarap sa bawat pagkiskis nito. Nang idilat ko ang aking mga mata ay nakita ko sa ibabaw ko si Lance na patuloy sa pagkiskis ng aming mga hinaharap. Sa gulat ko ay natapik ko siya nang malakas para umalis siya sa ibabaw ko pero tila hindi siya natinag sa ginawa ko at nagawa pa niyang umungol nang idiin niya ang kaniyang hinaharap sa akin.
“Pasensya ka na bunso, hindi na talaga makayanan ni kuya” sabi niya at bigla na lang niyang hinalikan ang leeg na kinaungol ko sa sarap. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa aking katawan at hinahayaan kong gawin ni Lance sa akin ito. Nang magsawa siya sa aking leeg ay bigla na lang niya akong hinalikan sa aking labi at patuloy na dinidiin at kinikiskis ang aming hinaharap habang may mga suot pa kaming pang-ibaba.
Itutuloy….
A/N: Move ko na ang update every saturday na lang LOL. Sobrang busy talaga these days pero I’ll keep my promise na mag-update every week.
Please keep on VOTING ! Thank you.
Chapter 12: His Ally
Dylan as Lance
Lance’s POV
Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko nang marinig mula kay Gunter ang salitang ‘salamat’. Napakasimpleng salita pero sobrang saya ang dinudulot nito sa akin. Alam kong nahihiya pa siyang sabihin yun pero nagawa niya pa ring sabihin sa akin. Nagtangka pa siyang tumalikod sa akin pero pinigilan ko siya kaagad dahil gusto kong makita ang mukha niya kapag nahihiya. Pinigilan ko ang aking sarili na huwag tumawa dahil baka masaktan na naman niya ako pero nakakatuwa talagang pagmasdan ang hitsura niya sa tuwing siya ay nahihiya. Hindi rin nagtagal at pinikit niya ang kaniyang mata habang ako ay patuloy na pinagmamasdan siya. Alam kong hindi pa siya lubusang natutulog dahil halatang pilit lamang ang kaniyang pagpikit.
Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatitig sa mukha niya. Tila hindi pa rin ako dinadalaw ng antok at siya nama’y mahimbing na ang tulog. Bumitaw ako mula sa pagkakayakap sa kaniya at kinuha ang aking phone. Maraming missed calls ang nareceived ko mula kay Eisen. Ilang text messages na nagtatanong kung nasan daw ba ako. Nagreply lang ako na nandito ako kina Gunter matutulog. Mabilis akong nag airplane mode para hindi na niya ako tawagan at kulitan pa na umuwi. Naglaro ako ng ilang offline games na meron ako sa phone dahil nagbabaka sakaling dalawin ako ng antok. Ang tagal naming natulog kanina kaya siguro hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok.
Nagsawa na ako sa mga offline games na meron ako sa phone pero hindi pa rin ako makatulog. Muli akong tumingin kay Gunter at gaya pa rin kanina ay mahimbing ang kaniyang tulog. Hinawakan ko ang kaniyang noo para alamin kung bumaba na ba ang kaniyang lagnat. Mukhang unti-unti nang bumabalik sa dati ang init ng kaniyang katawan. Itinaas ko ang kumot hanggang sa kaniyang balikat dahil bumababa na ito sa sobrang likot niyang matulog. Nanood na lang ako ng ‘Another Life’ sa Netflix. Mabuti na lang at nakadownload ang series na to offline kaya hindi ko kakailanganin na buksan ang aking data para mapanood ito at saka ayoko ring maisturbo kapag nangulit na naman ang aking pinsan.
Nang dumating sa kalagitnaan ang aking pinapanood ay bigla na lang akong nakarinig ng kakaibang tunog. Noong una ay hinayaan ko lamang ito dahil baka sa kasama ito sa pinapanood ko. Pero nang kumilos ako at biglang nahugot ang earphone jack mula sa aking phone ay matic na huminto ang aking pinapanood. Muli kong narinig ang tunog na kanina ko pa naririnig at pagtingin ko kay Gunter ay tuloy tuloy na ang kaniyang pag-ungol. Ang akala ko pa nga noong una ay binabangungot siya at gigisingin ko sana pero iba yung ungol na ginagawa niya. Bakas sa mukha niya na tila nasasarapan siya habang patuloy ang kaniyang pag-ungol. Hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang aking buong katawan nang marinig ang bawat pag-ungol niya. Sobrang nadala ako sa pangyayari kaya hindi ko namalayan na ang aking kamay ay nasa ibabaw na ng kaniyang dibdib at marahang hinahaplos ito. Nang mapagtanto ko na mali ang aking ginagawa ay kaagad kong binawi ang aking kamay at marahang tinapik ang kaniyang braso para gisingin siya.
“Bunso gising!” sabi ko sa kaniya. Habang tumatagal ay nakakasanayan ko na siyang tawaging bunso na para bang kapatid na ang turing ko sa kaniya. Nang idilat niya ang kaniyang mata ay tila binuhusan siya nang malamig na tubig nang makita niya ang aking mukha. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang niya akong tinulak.
“Gago ka bat mo ginawa yun?” sabi niya at napaupo siya sa kama. Nabigla ako nang sabihin niya yun dahil hindi ko akalaing gising na pala siya nang himasin ko ang dibdib niya. Eh kung gising na pala siya kanina pa at bakit niya kailangang gawin ang pag-ungol na yun? Hindi kaya gumaganti sa akin tong loko na to?
“Anong pinagsasabi mo?” pagmamaang-mangan ko.
“Bakit ka pumatong sa ibabaw ko tapos ikikiskis mo sakin yang ano mo!” hindi niya natuloy ang kaniyang sinabi pero nakatingin siya sa gitna ng aking mga hita at nakuha ko kaagad kung ano ang ibig niyang sabihin.
“Tanga, ginising kita dahil nanaginip ka!” sabi ko at tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko sa kaniya kaya hinawakan niya ang kaniyang katawan hanggang sa umabot ang kaniyang kamay sa kaniyang leeg. Muli siyang tumingin sa akin at nagtataka pa rin. Natatawa ako sa reaksyon niya ngayon dahil para siyang gago na wala sa sarili. Nang makita niyang seryoso ako ay bigla na lang siyang nagpaalam para pumunta sa banyo.
Nang tuluyan siyang makaalis ay kaagad kong sinubsob ang mukha ko sa unan at saka tumawa nang malakas para walang makarinig. Hindi ako pwedeng tumawa nang malakas dahil baka magising si Ate Pritz at baka isipin ni Gunter ay pinagloloko ko lang siya. Nang matapos ako sa kakatawa ay hindi pa rin nakakabalik si Gunter. Bigla tuloy akong napaisip kung bakit ganun na lang ang naging panaginip niya. Hindi kaya may pagnanasa na sa akin si bunso? Ang sabi niya ay pumatong daw ako sa ibabaw niya habang kinikiskis ko ang harapan ko sa kaniya. Yun din ba ang dahilan kung bakit siya umuungol habang natutulog?
Ilang sandali pa ay nakabalik na rin si Gunter sa kwarto. Pansin ko na medyo basa ang kaniyang bangs. Binuksan ko ang ilaw para alalayan siya dahil medyo alanganin pa ang kaniyang paglalakad. Pagsindo ng ilaw ay kitang kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha.
“Anong nangyari sa mukha mo?” tanong ko at bigla siyang lumapit sa akin para patayin ang ilaw.
“Wala, matulog ka na” mahinahon niyang tugon. Hindi niya magawang makatingin sa akin ng deretso at halos masubsob pa siya sa kama nang bigla siyang kumilos. Mabuti na lang at nagawa ko siyang saluhin dahil kung nagkataon ay tatama ang ulo niya sa bakal. Kinabig niya ang aking kamay at pumuwesto na siya sa ibabaw ng kama para matulog. Nagtakip siya ng kumot sa buong katawan at maging ang ulo niya ay kaniyang tinakpan.
Gusto ko pa sana siyang kausapin kung maayos ba talaga ang kaniyang pakiramdam pero hinayaan ko na lang siyang makapagpahinga. Bago ako humiga ay muli kong tingningnan ang oras sa aking phone at nagulat akong pasado ala-una na ng madaling araw. Pinatong ko ang aking cellphone sa ibabaw ng maliit na mesa na malapit sa kama at saka inayos ang aking sarili para matulog. Lalapit sana ako sa kaniya para yakapin siya habang natutulog pero bigla na lang huminto ang aking kamay sa pag-abot sa kaniyang katawan. Kapag niyakap ko siya ay marahil magising siya sa init. Pinagmasdan ko na lang ang kaniyang likuran hanggang sa ako ay dalawin ng antok.
Nagising ako nang maramdaman kong may palakad lakad sa aking paligid. Pagmulat ng aking mata ay kaagad sumalubong sa akin si Gunter na nagsusuot ng kaniyang polo. Siguro hindi niya napansin na gising na ako at nakatingin ako sa kaniya habang siya ay nagsasara ng bawat butones ng kaniyang uniform. Hindi ko alam kung bakit tila pakiramdam ko ay inaakit niya ako sa bawat sandaling sinasara niya ang kaniyang mga butones. Sa isipan ko ay para bang mas gusto kong buksan niya isa-isa ang mga yun habang ako ay nakatingin sa kaniya. Masyado akong nilamon ng aking imahinasyon at nagulat na lang ako nang tumama sa mukha ko ang tuwalyang basa.
“Hanggang kailan ka hihiga dyan?” sabi ni Gunter. Mabilis kong inalis ang tuwalya sa mukha ko at ibabato sana sa kaniya pabalik pero mabilis itong nawala sa kwarto. Tumayo ako para lumabas ng kwarto pero bago pa man ako makalabas ng kwarto ni Lance ay kaagad niya akong tinulak pabalik sa loob.
“Sa tingin mo makakalabas ka ng ganyang ayos?” tanong ni Gunter. Saka ko lang napansin na tanging boxer shorts lang ang suot ko. Kapansin-pansin din na paninigas ng hinaharap ko at natural lamang yun dahil naiihi na ako.
“Bakit tinatamaan ka na ba sa akin?” sabi ko sabay hawak sa kaniyang baba habang nakangiti. Gusto ko lang asarin siya pero hindi ko inaasahang iiwas siya ng tingin sa akin at tila nahihiya pa.
“Gago! Baka nakakalimutan mong may babae tayong kasama sa bahay. Ito ang tuwalyo mo at yung uniform mo na naiwan noong nakaraan ay nalabhan na ni ate at pwede mong nang gamitin” pagkaabot niya sa akin ng tuwalya at uniform ko ay kaagad siyang lumabas ng kwarto. Anong problema nun?
Nagsuot ako ng tshirt na hindi ko naman nagamit kagabi. Mabuti na lang at mahaba ito kaya hindi ko na kailangang takpan ang nakaumbok sa hinaharap ko kapag lumabas ako. Kanina pa talaga ako naiihi kaya mabilis akong lumabas ng banyo. Nakita ko kaagad si Ate Pritz nang mapadaan ako sa kusina kung saan siya nagluluto. Saglit ko siyang binati at nagpunta na ako kaagad sa banyo para umihi habang naliligo. Kahit nakailang buhos na ako ng tubig sa aking katawan ay hindi pa rin humuhupa ang paninigas ng aking alaga. Matagal-tagal na rin nang huli akong magparaos at siguro naman ay hindi nila mahahalatang matagal ako sa banyo. Naupo ako sa bowl para gawin ang pagsasarili. Madalas na nasa isipan ko ay mga babaeng modelo o kaya yung mga babaeng nakasex ko na dati. Pero sa ngayon hindi ko alam kung bakit paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang hitsura ni Gunter habang siya ay nagbibihis. Habang iniisip ko ang kaniyang pagmumukha ay lalo akong tinitigasan. Panay na ang kambyo ko sa aking hinaharap pero parang ang tagal ko pa ring labasan. Ilang minuto pa ang nagtagal nang biglang marinig ko ang pagkatok sa pinto ng banyo.
“Hoy wag kang magkalat dito ng similya mo!” sigaw ni Gunter. Nagulat ako nang marinig ko yun, tumingin kaagad ako sa paligid at hinanap kong may butas ba ang banyo dahil baka nakikita na nila ang ginagawa ko.
“Gago tumatae ako!” sigaw ko at bigla akong nagbuhos sa bowl para kunwari tumae talaga ako. Narinig kong sumigaw si Ate Pritz kay Gunter na tigilan ako. Natawa na lang ako dahil nakarma siya kaagad. Ramdam ko na ang pananakit ng puson ko dahil sa pagkabitin sa aking ginawa. Hirap pa akong ayusin ang brief ko dahil kahit saan ko iliko si junjun ay lumalagpas pa rin siya sa brief ko. Naiinis na ako dahil hindi pa rin siya kumakalma. Lumabas ako ng banyo habang nakasuot na ng slacks. Bahagyang nakasampay ang dulo ng tuwalya sa aking balikat at ang kabilang dulo naman ay pababa hanggang sa aking hinaharap. Ayokong mapansin nilang tinigasan pa rin ako hanggang ngayon. Pinaupo kaagad ako ni Ate Pritz para sumabay sa kanilang kumain. Napansin kong nakatingin sa akin si Gunter habang paupo ako at marahang nagpupunas ng buhok gamit ang dulo ng tuwalya. Kumindat ako sa kaniya at bigla na lang niyang iniwas ang kaniyang tingin. Ano bang nangyayari sa kaniya hindi naman siya dating ganito?
Matapos kaming kumain ay mabilis akong nagtungo sa kwarto para kunin ang polo ko. Gusto ko pa sanang umupo kasi kakatapos ko lang kumain pero itong si Gunter ay masyado akong minamadali. Bakit pa ba kasi kailangang magmadali kung malilate din naman? Pagkapasok ko sa loob ay hindi ko napansing nakasunod din pala siya. Lumapit siya sa akin para iabot ang sachet ng deolotion.
“Nag-abala ka pa, pero sa totoo lang hindi ko na kailangan niyan dahil laging mabango to” sabi ko sabay patong ng aking kamay sa ibabaw ng aking batok para ipakita sa kaniya ang kili-kili ko.
“Wag na wag kang lalapit sa akin kapag nangamoy baktol ka!” sabi niya at lalabas sana siya pero hinila ko siya papalapit sa akin. Hindi siya kaagad nakapalag kaya nagawa kong isubsob ang kaniyang mukha sa aking kili-kili. Hindi ko alam kung bakit parang tumigil ang oras para sa aming dalawa. Kapwa kaming napatigil habang hawak-hawak ko ang kaniyang batok para isubsob sa aking kili-kili at siya nama’y nanatili sa ganong posisyon. Kakaibang kiliti ang naramdaman ko nang tumama ang kaniyang ilong sa aking kili-kili at lalong lalo na nang maramdaman ko ang kaniyang hininga.
“Puro ka kalokohan!” sabi niya at tinulak niya ako. Saka lang ako natauhan sa aking ginawa. Pansin ko nam naman ang pamumula ng kaniyang mukha na hindi ko alam kung bakit ito nagdudulot ng saya sa akin. Minabuti kong magsuot ng polo at ayusin ang sarili bago lumabas ng kaniyang kwarto.
Habang kami ay naglalakad papunta sa school ay halos hindi niya ako kausapin dahil sobra ang kaniyang pagmamadali. Ilang beses ko siyang tinawag sa tuwing mapapalayo siya sa akin pero hindi niya ako nililingon. Binilisan ko ang aking paglakad hanggang sa maabutan ko siya. Inakbayan ko siya habang kami ay naglalakad. Kahit nakaakbay ako sa kaniya ay ambilis pa rin ng kaniyang lakad at lumalabas tuloy na para bang kinakaladkad niya ako. Walang salitang lumabas sa kaniyang bibig habang kami ay naglalakad hanggang sa marating namin ang aming classroom. Kakasimula pa lang ng klase namin nang pumasok kami sa aming advisory class. Naging tampulan kami ng tukso ng aming mga kaklase dahil sabay kaming pumasok.
“Nagkapuyatan, naks naman” sabi ng isa naming kaklase sa dulo.
“Mukhang nakascore na!” gatong pa ng isa naming kaklase na ikinatawa ng aming kaklase. Gulong gulo naman ang aming guro kung anong ibig nilang sabihin kaya sila nagtatawanan.
Wala akong narinig na reklamo mula kay Gunter. Nanatili lang nakayuko ang kaniyang ulo at laging iniiwasan ang tingin ko. Hindi kaya nagalit siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kaniya kanina? Kahit papano ay matagal ko nang nakasama si Gunter pero hanggang ngayon ay may ugali siyang hindi ko pa rin naiintindihan. Minsan para siyang babae na ang hirap maintindihan.
Sa loob ng klase ay nanatili akong tahimik at hindi ko siya masyadong kinukulit dahil baka lalo siyang mabadtrip sa akin. Ang nakakapagtaka lang ay hindi siya masyadong nakikipag-usap sa akin pero kapag nilalapitan siya ng mga babae naming kaklase ay masigla siyang makipag-usap. Naulit ito sa mga sumunod na subject dahil may mga nagtatanong sa kaniya tungkol sa technique sa pag drawing. Bago pa man makalapit ang aming kaklase ay kaagad kong inakbayan si Gunter at tiningnan nang masama ang aming kaklase at kaagad itong umalis. Tumingin sa akin si Gunter at binawi ko ang masama kong tingin at nginitian siya habang nanatiling nakaakbay sa kaniya. Ang akala ko ay magagalit siya sa akin pero tiningnan niya lang ako at muling bumalik sa kaniyang ginagawa.
Ang buong akala ko ay mananatili siyang ganun pero sa mga dumating na araw ay nanumbalik naman ang dati niyang pagtrato sa akin. Madalas kong sinusuway ang aming mga kaklase dahil sa panunukso nila sa aming dalawa. Lagi kong iginigiit na parang kapatid ko na si Gunter kaya ganun na lang ang turing ko sa kaniya. Ewan ko ba at ayaw pa rin nila kaming tigilan. Hindi naman sa pagmamayabang pero marami talaga akong tagahanga sa loob at labas ng campus. Meron pa ngang gumawa ng fan page ko na para bang artista talaga ako. Ang kinagulat ko ay ang malaman na meron na rin pala kaming mga fans. Minsan kapag naglalakad kami sa hallway at maraming nakatingin sa aming dalawa ay bigla ko na lang hahawakan ang kamay niya. Noong una ay nagugulat si Gunter sa tuwing ginagawa ko yun pero kalaunan ay nasanay siya nang malaman niyang ginagawa ko lamang yun para sa mga fans namin. Ang lakas ng hiyawan nila sa tuwing gagawin namin yun na para bang nasa stage kami habang nagprepresent ng play.
Nakasanayan namin ni Gunter ang maging komportable sa isa’t isa. Sa tuwing hihirit ako ng biro sa kaniya ay hindi na masyadong naiinis at minsa gagatungan niya pa ito. Halos hindi kami mapaghiwalay sa tuwing kami ay magkasama. Ngayon ko lang naramdaman ang maging komportable sa isang tao. Marami na akong nakasalamuhang tao na nakakapalagayan ko ng loob yun ay dahil sa parehas kami ng hilig at estado ng buhay. Kabaliktaran naman ito ng sa amin ni Gunter dahil maraming bagay ang pinagkaiba namin sa isa’t isa. Sa tagal kong nakasama si Gunter ay nakalimutan kong napapalayo na pala ang loob ko sa iba ko pang barkada.
“Uy Lance kamusta” bati sa akin ni Kiero. Tinapik niya ang aking braso at tinapik ko rin ang kaniya bilang pagbati.
“Mukhang nag-eenjoy tayo sa bago nating kaibigan ahh” natatawang sabi ni Ralph.
“Yun nga eh, parang nakalimutan na niya tayo” gatong ni Kiero habang kinukumbinse ang iba naming kaibigan. Nakangiti lamang ako habang hinahayaang kantyawan nila ako.
“Siguro magaling at masikip” tugon ni Ralph at nagtawanan silang lahat. Alam kong gago tong mga tropa kong to pero hindi ko inaasahang gaguhin nila ako ng ganito.
“Anong sinabi mo?” lumapit ako sa kaniya at pinatong ang kamay sa ibabaw ng kaniyang braso.
“Uy Lance, relax nagbibiro lang si Ralph!” pag-awat sa akin ni Kiero. Bago pa siya makalapit sa pagitan namin ay nagawa ko siyang matulak na naging sanhi para matumba siya.
“Totoo naman di ba?” maangas na tanong ni Ralph.
“Bakit hindi mo sabihin nang maayos para magkaintindihan tayo dito?” tanong ko habang nakangiti nang sarkastiko.
“Kaya hindi kana sumasama sa amin kasi mukhang nababakla ka na dun sa bago mong kaibigan?” pagkasabi niyang iyon ay hindi ko napigilan ang sarili na hawakan ang kaniyang kwelyo sa galit ko.
“Bawiin mo yang sinabi mo!” sabi ko habang hawak-hawak ko ang kaniyang kwelyo at wala akong pakialam kung nasasakal na siya. Ang iba naming tropa ay pilit akong pinipigilan pero sa galit ko ay hindi ako nagpapigil.
“O baka naman magaling siyang magpaligaya at ikaw pa ata ang nakauna kaya ngayon ay baliw na baliw ka sa kaniya?” may gusto pa sana siyang sabihin pero mabilis na tumama ang kamao ko sa kaniyang mukha. Si Keith na lumapit sa akin ay mabilis kong napatumba sa isang suntok kaya naman ang iba pa nilang kasama ay hindi na lumapit sa akin. Wala akong pakilalam kong gaano kadami ang dugong lumabas sa bibig ni Ralph dahil hindi mawala-wala ang galit ko sa mga sinabi niya. Habang nasa sahig siya ay walang awa ko siyang pinagsisipa sa kaniyang tiyan.
Ilang beses nila akong sinubukan na awatin pero hindi mawala-wala ang inis ko sa gagong to. Kahit na may nagsisigawan na ang mga taong nasa paligid ko at maging ang PE teacher namin ay nagawa kong itulak nang awatin niya ako. Tumigil lang ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa aking likuran. Marahan niya akong hinila papalayo sa kanila. Sasapakin ko na sana ang taong umawat sa akin pero nang harapin ko sjya ay saka ko lang nalaman na si Gunter pala ang umawat sa akin.
“Sige sapakin mo din ako!” galit na sabi niya sa akin. Huli na nang malaman kong siya ang nasa harapan ko dahil hindi ko nagawang bawiina ng aking kamao na kasalukuyang nasa ere na dapat isusuntok sa kaniya. Tinulak niya ako na naging dahilan para mapaupo ako sa sahig. Hindi naman kalakasan ang pagtulak niya sa akin pero hindi ko alam kung bakit tila nanlambot ang aking mga tuhod nang makita ko siyang galit sa akin.
Magkasabay kaming pinapasok sa loob ng principal’s office. Ang dami nilang sinabing masama tungkol sa akin. Ayon sa kanila ay ako daw ang nagsimula ng gulo at bigla ko na lang daw silang pinagsusuntok. Wala ako sa sarili dahil ang nasa isipan ko ay kung papano hihingi ng tawad kay Gunter. Sa sobrang pagkabalisa ko ay inamin ko ang mga kasalanang hindi ko naman ginawa. Wala rin namang maniniwala sa akin kahit na ang aking ama ay malamang mas paniniwalaan nila ang gagong to kaysa sa sarili niyang anak. Dahil sa aking pag-amin ay napatawan ako ng suspension. Umuwi ako ng bahay para magpalamig ng ulo dahil parang nakukulangan pa ako sa mga sinuntok ko kanina.
Malakas na sigaw ang bumungad sa akin nang makarating ako sa bahay. Hindi ko inaasahan ang biglang pag-uwi ni daddy. Malamang nalaman na niya ang mga nangyari sa school kaya nandito siya. Napupunta lang naman sa akin ang atensyon niya sa tuwing may nagagawa akong masama. Kahit minsan ay hindi ko naramdaman na nag-alala siya sa kalagayan ko kaya pag nandito siya sa bahay ay alam ko nang may masama akong nagawa kaya siya umuuwi.
“Hanggang kailan mo ba to gagawin Lance?” bulyaw ni daddy sa akin. Sanay na sanay na ako ganitong pangyayari kaya kunwari naglilinis ako ng tenga sa harapan niya na tila wala akong naririnig sa mga sinabi niya.
“Alam mo bang gusto ka nilang ipa-expel sa school dahil sa pagiging bayolente mo? Hindi lang students ang binugbog mo pati ang teacher na umawat sayo ay nagawa mong saktan. Ano bang gusto mong mangyari?” napangisi ako sa mga sinabi niya dahil wala siyang nakakaligtaan sa tuwing nakakagawa ako ng mali.
“Kinakausap kita ng maayos tapos tatawanan mo lang ako?” palakas ng palakas ang boses niya sa galit at wala naman akong pakialam. Ngumiti akong muli para lalo siyang mainis sa akin.
“Wala akong anak na kagaya mo!” biglang nawala ang ngiti sa aking labi nang marinig kong sabihin niya yun.
“Bakit sino bang nagsabi sayong alagaan mo ako at ituring na anak?” hindi ko napigilang sabihin kaya ayun nakatikim ako ng malakas na sampal sa kaniya. Matagal tagal na rin ng huli kong maranasan ang pagbuhatan ako ng kamay ni dad. Ngumiti lang ako bilang ganti sa pagsampal niya sa akin para lalong siyang mainis. Sasampalin niya pa sana ako pero nagawa siyang pigilan ni Eisen.
“Lumayas ka sa bahay na to!” sigaw ni dad. Bigla siyang napahawak sa kaniyang dibdib na tila nahihirapang huminga. Tinalikuran ko at ginawa ang gusto niyang mangyari. Ilang beses sumigaw sa akin si Eisen habang humihingi ng tulong pero hindi ako lumingon dahil alam kong ikakasama lang lalo ng loob ni dad kapag nakita niya pa ako.
Nakalimutan ko ang susi ng kotse sa loob ng aking bag na nilapag ko sa ibabaw ng couch. Hindi na ako bumalik pa para kunin yun dahil ayokong makita si dad. Sumakay ako ng kotse para at sinabi sa driver na ibyahe ako kahit saan. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta basta ang gusto ko ay mapalayo sa bahay. Dalawang beses akong pinaalalahanan ng driver na tumataas na ang bill ko dahil ilang oras na kaming nasa byahe. Sa inis ko ay hinagis ko lahat ng cash na meron ako sa wallet para manahimik siya. Alam mong sobra sobra na yun para manahimik siya. Simula nang hinagis ko ang pera ay hindi na siya muling nagsalita. Habang patuloy ang pag-iikot namin ay bigla na lang napadaan sa harap ng aming school. Paglagpas namin sa school ay nagsabi na ako sa driver na ibaba na ako sa kanto.
Malapit na maghating gabi pero nandito pa rin ako nakaupo sa harapan ng gate nila Gunter. Hindi ko alam kung bakit nahihiya akong pumasok sa loob. Hindi ko alam kung galit pa rin ba sa akin si Gunter hanggang ngayon. Walang wala na kasi akong mapuntahan at siya na lang ang huling taong alam kong kakampihan ako. Nakapatay na ang mga ilaw sa loob nang muli kong silipin ang bahay nila. Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni ate pritz kung saan nakalagay ang susi kung sakaling gusto ko raw pumasok sa bahay kapag wala sila. Kinuha ko ang extrang susi sa ilalim ng bato malapit sa tray kung saan nakalagay ang kanilang mga tsinelas.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at iniwasang gumawa ng ingay habang papasok sa loob ng kanilang bahay. Gamit ang ilaw ng aking phone ang naging silbing liwanag para mapuntahan ko ang kwarto ni Gunter. Mabuti na lang at hindi mahilig mag-lock ng pinto si Gunter kaya madali para sa akin ang pasukin ang kaniyang kwarto. Malalim na ang kaniyang pagtulog kaya hindi niya namalayan ang pagpasok ko sa kaniyang kwarto. Naabutan ko siyang mahimbing ang tulog. Tila ba nawala ang lahat ng inis at pagod ko sa buong araw na to nang makita ko siya. Hindi ko napigilan ang aking sarili na sumampa sa ibabaw ng kaniyang kama at pumatong sa kaniyang ibabaw. Hiniga ko ang aking ulo sa ibabaw ng kaniyang dibdib at pinakinggan ang bawat paghinga niya.
“Anong ginagawa mo dito?” narinig kong sabi niya. Hindi ko alam kung galit ba siya dahil hindi ko lubusang maintindihan sat ono ng kaniyang boses.
“Pwede bang dito muna ako? Pwede bang kahit ngayon ay huwag ka munang magalit sa akin? Ikaw na lang kasi ang kakampi ko. Kahit sana ngayong gabi lang ay mapagbigyan mo ako” hindi ko alam kung bakit tila ang naging emosyonal ako simula nang makasama ko si Gunter. Hindi ko naman inaasahan na bigla niyang hahaplusin ang ulo ko. Tila lahat ng galit na meron ako sa aking dibdib ay biglang nawala nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa akin.
Itutuloy…..
A/N: Sorry sa late update. Pabalik balik kasi ako sa clinic nitong weekend kaya hindi ko matapos tapos ang chapter na to.
Mukhang inaasahan nyo na na may mangyayari sa kanila no? Syempre hindi pa sa ngayon. Siguro malapit na rin. LOL!
Please don’t forget to VOTE !
Chapter 13: His bike
Darren as Gunter
Gunter’s POV
Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ganun na lang ang nararamdaman ko kapag kasama ko si Lance. Nalagpasan ko na to dati pero bakit parang nanunumbalik na naman ang ganitong pakiramdam. Hinding hindi ako magkakagusto sa lalaki dahil alam kong babae ang gusto ko at hinding hindi magbabago yun. Pero kakaiba talaga ang kaba na nadarama ko sa tuwing magkasama kaming dalawa. Para bang hindi ako mapalagay na para bang naiilang ako sa tuwing tititigan niya ako kahit alam kong minsan ay nagbibiro lang siya. Ilang gabi rin akong nananaginip na may nangyayari sa aming kakaiba. Alam kong panaginip lamang yun pero sa tuwing gigising ako ay pakiramdam ko ay totoo ang lahat ng mga nangyayari. Pilit kong nilalayo ang sarili ko sa kaniya pero para siyang linta na laging nakadikit saan man ako magpunta.
Matagal-tagal din bago natigil ang mga bangungot na nararansana ko gabi-gabi. Nang tumigil ang mga panaginip ko nay un ay unti-unting nanumbalik ang dating ako. Hindi na ako masyadong naiilang sa kaniya dahil habang lumilipas ang panahon ay nakakalimutan ko ang masamang panaginip na yun. May pustahan kami kahapon na kung sino man ang manalo sa custom game namin sa mobile legends ay siyang manlilibre sa break time. Alam kong magaling siyang maglaro pero hindi ko inaasahang ganun siya kabihasa para mabilis niya akong matalo. Kaya ngayon para akong utusan niya na nakapila ngayon sa cafeteria para bumili ng pagkain na aming kakainin.
Nang makabili ng pagkain para sa aming dalawa ay mabilis akong naglakad dahil halos 15 minutes na ang nauubos sa break time namin. Sarap buhay ni gago at mag-aantay na lang siya ng pagkain tapos gastos ko pa lahat. Hindi man lang niya nagawang mag-abot kahit magkano para sa mga pagkaing hiniling niya. Katumbas na to ng apat na araw kong baon. Kinakailangang kong magtipid sa mga susunod na araw dahil wala paubos na agad ang pera ko. Kasalukuyang naglalakad ako ngayon pabalik sa aming building para kitain si Lance sa rooftop kung saan namin napagpasiyahang kumain. Hindi daw siya sanay kumain sa cafeteria dahil maraming tao at saka baka dumugin lang daw siya ng mga babae dun. Sobrang arte at sobrang hangin talaga.
Aakyat na sana ako sa hagdan nang marinig ko ang boses ni Lance. Maraming tao rin ang naririnig kong nagsisigawan sa likod ng building. Hindi ko ugaling makialam sa problema ng iba pero mukhang seryoso ang nagaganap sa likod ng building kaya mabilis kong pinuntahan ito para silipin kong ano ang nagaganap doon. Pagkarating ko ay hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko si Lance na may binubugbog na estudyante. Nagulat ako nang makita kong itulak niya ang PE teacher namin na umaawat sa kaniya. Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Lance. Iba na ang lagay ng estudyante dahil kitang kita ko kung pano ito sumuka ng dugo. Mabilis kong binitawan ang mga dalang pagkain para awatin siya. Inakap ko ang magkabilang braso niya para hindi siya makapiglas kaagad. Hindi ko inaasahang mabilis ko siyang mahihila palayo sa estudyante pero laking gulat ko nang humarap siya sa akin at muntik na niya akong masapak.
“Sige sapakin mo din ako!” nasabi ko dahil nagulat ako sa kaniyang balak gawin. Tumigil siya sa kaniyang balak pero nanatili pa rin sa ere ang kaniyang kamao at hindi pa rin nawawala sa kaniyang mukha ang labis na galit. Sobra akong nadismaya sa kaniyang inasal kaya nagawa ko siyang itulak palayo sa akin. Alam kong mahina lang ang pagkakatulak ko sa kaniya pero hindi ko alam kung bakit napaupo siya nang gawin ko yun. Sa sobrang inis at pagkadismaya ko ay umalis ako at hinayaan siyang harapin ang gulong pinasok niya.
Bumalik ako sa classroom na walang laman ang tiyan. Ramdam na ramdam ko ang pagkalam ng aking sikmura pero wala akong ganang kumain ng kahit ano. Inaasahan ko nang hindi kaagad makakabalik si Lance sa klase dahil malamang ay nasa prinicipal’s office siya ngayon. Sa sumunod na klase ay pumasok siya sa classroom at napako kaagad ang atensyon ng aming mga kaklase sa kaniya. Ang lalaking hinahangaan ng karamihan hindi lang dahil sa kagwapuhan nito dahil kilala rin siya bilang malinis sa katawan at maayos na pananamit. Habang naglalakad siya papasok ay kapansin-pansin ang dumi at mga gusot sa kaniyang uniform na bakas ng gulong kaniyang pinasok. Hindi ko alam kung bakit simula pagpasok niya ay sa akin nakatuon ang kaniyang tingin. Umiwas ako nang tingin at nagkunwaring may sinusulat sa aking notebook.
Nang makaupo siya sa aking tabi ay nanatili lamang siyang tahimik. Kahit isa sa aming mga kaklase ay hindi naglakas loob na magtanong kung ano ba ang nangyari. May iilang nakakaalam pero siguro piniling manahimik na lang dahil natatakot na madamay sa galit ni Lance. Habang nagkaklase ay hindi ko pa rin siya kinakausap at ganun din naman siya sa akin. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam kong nakatingin siya sa akin pero hindi ko na lang ito pinansin. Nakaugalian kong magsulat habang nagtuturo ang aming guro. Mas mabilis ko kasing natutunan ang tinuturo sa akin kapag sinasabayan ko ng pagsulat. Habang ako ay nagsusulat ay bigla na lang dumulas ang ballpen sa aking kamay. Nalaglag ito sa bandang paanan ko kaya yumuko ako para abutin ito. Hindi ko inaasahang balak ding damputin ito ni Lance pero bago niya pa magawa ito ay nagawa ko siyang unahan. Saka ko lang napansin na may benda pala ang kanang kamay niya at napansin kong may namumuong dugo sa benda niya na ibig sabihin ay patuloy parin ang pagdurugo nito.
Kahit nag-aalala ako sa kalagayan nya ay wala pa rin akong lakas ng loob para makipag-usap sa kaniya. Marahil masama pa rin ang loob ko dahil pakiramdam ko ay wala siyang sinasanto kapag uminit ang kaniyang ulo. Oo nga pala nakalimutan kong si Lance nga pala ito. Wala nga talagang sinasanto ito kapag siya ay nagagalit. Nakakadismaya lang dahil ang buong akala ko ay nagbago na siya. Sa tagal naming nagsama ay marami akong nakitang pagbabago sa kaniya pero hindi ko inaasahang na magagwa niya pa rin ang ganitong bagay dahil tinuturing ko na siyang matalik na kaibigan na kahit minsan ay ginagago niya lang ako.
Natapos ang aming klase na hindi kami nag-uusap. Wala naman akong dapat sabihin sa kaniya kaya hinayaan ko na lamang siyang mapag-isa sa classroom habang isa-isa kaming nagsisilabasan. Hindi ko alam kung bakit parang may nagtutulak sa aking bumalik sa loob ng classroom para kausapin si Lance. Bago pa man ako makalabas ng gate ay naisipan kong bumalik sa classroom para kausapin siya. Siguro may malaking dahilan kong bakit niya nagawa yun. Siguro kailangan ko siyang kausapin para lubusan kong maintindihan ang mga nagawa niya. Dapat siguro hindi ko siya hinayaang mag-isa sa oras na kailangan niya ako.
Nang makabalik ako sa classroom ay wala na akong naabutan ni isa sa mga kaklase namin. Wala na si Lance. Hindi ko man lang siya nakasalubong kanina nang bumalik ako. Saka ko lang naalala dahil hindi pala siya dadaan sa main gate dahil may sarili siyang sasakyan. Kaagad kong tinakbo ang parking lot at nagbaka sakaling maabutan siya ngunit kagaya ng nangyari sa classroom ay nabigo ako dahil wala na rin ang kaniyang sasakyan nang makarating ako dun. Bigla akong nakonsensya sa aking inasal kanina. Ilang beses siyang nagpakita ng motibo na nais niya akong kausapin pero hindi ko siya pinapansin. Ngayon kung kailan wala na siya ay saka ko siya hinahanap.
Dinala ako ng aking mga paa pauwi sa bahay. Dala-dala ko ang sama ng loob nang makauwi ako. Alam kong mali ang inasal ni Lance kanina pero hindi ko man lang siya tinanong kung ano ang nangyari kanina. Pagkarating ko sa loob ng bahay ay kaagad akong dumapa sa ibabaw ng couch habang suot-suot ko pa ang aking bag sa aking likuran. Naisipan kong tawagan siya sa kaniyang cellphone pero nakailang tawag na ako sa kaniya pero hindi niya pa rin sinasagot ang tawag ko. Siguro masama rin ang loob niya dahil pakiramdam niya ay iniwan ko siya sa ere kanina. Napabalikwas ako nang marinig kong bumukas ang pinto at nadismaya ako nang makita ko si Ate Pritz.
“Ohh bat ganyan ang hitsura mo?” tanong niya. Napansin niya siguro ang pagkadismaya ko nang malaman kong hindi siya ang inaasahan kong pumasok sa bahay.
“Wala po” matipid kong sagot at inayos ang sarili.
“Magsaing kana para makapaghain na ako ng hapunan” sabi niya habang papasok ako sa loob ng aking kwarto. Hindi ako sumagot at pumasok na ako sa loob ng aking kwarto. Narinig ko pang sumigaw siya para itanong kung dito ba maghahapunan si Lance. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kaniya dahil alam kong uusisain niya ako kaya nanatili lang akong tahimik at nagkunwaring walang narinig.
Kaagad akong nagpalit ng pambahay na damit bago magsaing. Halos kalahating oras na nang tumawag ako sa kaniya pero hindi pa rin siya sumasagot sa akin kahit sa text man lang. Nang makapagsalang ako ng sinaing ay kaagad akong pumuwesto sa sala para manood ng tv. Ilang minuto ang lumipas pero hindi ko malaman kung ano ba ang panonoorin ko. Hindi ako makapagfocus sa aking pinapanood dahil iba ang tumatakbo sa aking isipan.
“Ano bang nangyayari sayong bata ka?” usisa ni Ate Pritz at nilapag sa harapan ko ang maliit na planggana na naglalaman ng dahon ng malunggay. Umiling lang ako bilang pagtugon sa kaniya at sinimulang pitasin ang mga dahon ng malunggay.
“Kanina pa kita tinatanong kung dito ba si Lance kakain pero hindi ka sumasagot” dugtong niya at inagaw sa akin ang remote para ilipat sa ibang istasyon.
“Hindi ko po alam” ang naisagot ko at muling tinuon ang paningin sa mga malunggay.
“Nag-away ba kayo ni Lance?” tanong niya pa at napakamot ulo sa pangungulit niya.
“Mukha po ba akong palaaway? At kung mag-aaway man kami siya ang magsisimula nun!” hindi ko namalayang napataas ang boses ko kaya nang lingunin ko si ate pritz para humingi ng tawad ay bigla niya na lang hinatak ang tenga ko.
“At sinong nagsabi sayong may karapatan kang taasana ako ng boses ha?” Sabi niya habang hatak-hatak niya ang aking tenga.
“Sorry-sorry na ate!!” pagmamakaawa ko sa kaniya. Mukhang mapipigtas ang aking tenga sa lakas ng paghatak niya dito.
“Tapusin mo yang ginagawa mo!” sabi niya nang bitawan niya ang aking tenga. Bumalik kaagad siya sa kusina para ipagpatuloy ang niluluto niya habang ako ay hinihimas ang tenga ko na tila namamaga sa kaniyang ginawa. Nilipat ko ang istasyon ng tv para manood ng ibang palabas pero sumigaw si Ate Pritz na ibalik sa dating istasyon. Pano kaya siya makakanood ng tv kung nasa kusina siya?
Nang matapos magluto si ate Pritz ay kaagad kong inayos ang mesa para makapaghain ng aming hapunan. Hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang mag-alala para kay Lance. Alam kong sila ang nagmamay-ari ng school pero mukhang malabong hindi siya patawan ng suspension sa ginawa niya kanina. Sa pagkakaalam ko ay mayamang estudyante din ang binugbog niya kanina. Ayun kay Lance ay hindi maganda ang relasyon nila ng kaniyang ama at hindi naman sila ganun ka close ng kaniyang pinsan. Malamang wala siyang kakampi ngayon sa kanilang bahay kapag pinagalitan siya ng kaniyang ama.
“Darating si Lance?” tanong ni Ate Pritz. Hindi ko maiwasang mapakunot noo dahil halos bukambibig na ni ate si Lance.
“Hindi po” sagot ko at iniwasang magtaas ng boses dahil baka mapigtas na ang tenga ko kapag muli niya pa itong hatakin.
“Eh bakit naghanda ka para sa tatlong tao?” sabi niya at pagtingin ko sa mesa ay saka ko lang napansin na nakapaghain pala ako para sa tatlong tao. Nakapaglapag ako ng tatlong pinggan na may mga kutsara at tinidor sa ibabaw. Nakapaglagay din ako ng ulam sa tatlong bowl na katabi ng mga pinggan. Pati rin pala baso ay nagawa kong maglagay para sa tatlong tao.
“Ah eh para sa akin yan ate kasi gutom talaga ako” pagsisinungaling ko habang nagkakamot ng ulo.
“Ehh bat ang layo sayo at saka bakit ka pa kumuha ng isang pinggan kong tayo lang naman ang kakain?” dugtong pa niya at napakamot ako lalo dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nilapit ko na lang ang isa pang ulam sa akin habang nakatingin pa rin sa akin si Ate Pritz na may halong pagdududa.
Wala talaga akong ganang kumain ngayon pero napasubo ako dahil sa ginawa ko. Siguro dahil napapadalas ang pamamalagi ni Lance dito sa bahay kaya nasanay ako na maghain para sa tatlong tao. Busog na busog na ako pero kinailangan kong ubusin ang aking kinakain dahil bawat pagsubo ko ay nakatingin sa akin si ate na para bang nag-aantay na gumawa ako ng mali. Grabe ang pagkawirdo niya ngayon. Nang matapos akong kumain at nagsimulang maghugas ng pinggan ay hindi pa rin natapos ang pagtatanong niya sa akin tungkol kay Lance. Napilitan tuloy akong magsinungaling at sinabi kong pinapauwi siya sa kanila dahil may mahalaga silang pag-uusapan ng daddy niya. Mabilis namang naniwala si ate pritz kasi nasa office nila kanina ang daddy ni Lance. Bihira lang daw ito magpakita gawa ng maraming negosyo at trabahong inaasikaso. Kung nasa bahay nga nila ito ngayon ay malamang malilintikan talaga si Lance.
Naupo ako sa kabilang dulo ng couch habang nasa kabilang dulo naman si ate at hook na hook sa Korean drama na kaniyang sinusubaybayan. Tapos na ako sa mga gawaing bahay na dapat kong asikasuhin kaya malaya na ako para humilata. Sinubukan kong magfacebook at bumungad kaagad sa newsfeed ko ang mga nangyari kanina sa school. Usap-usapan na nambugbog daw si Lance ng tanungin siya tungkol sa kaniyang kasarian. Binibiro lamang daw siya ng kaniyang mga tropa pero bigla na lamang daw siyang nanuntok. Marami ang nagcomment sa comment section at hindi ako nakaligtas sa usap-usapan. May iba na ako ang sinisisi kung bakit ganun ang nagiging asal ni Lance. Ang dating sisiga-siga ay nagiging lambutin na daw simula nang makasama ako. Gusto ko sanang magreply at pagmumurahin ang mga siraulong nagcomment pero wala ring namang magbabago sa pananaw nila kapag pinatulan ko sila. Nag-off na lang ako ng phone dahil may iilang nangungulit sa akin sa messenger tungkol sa nangyari kay Lance. Ilang beses din akong natag at namention sa post na hindi ko na binigyan ng pansin.
Pumasok ako sa aking kwarto para matulog ng maaga dahil wala rin naman akong mapapanood na magandang palabas kapag si ate pritz na ang nakatutok sa tv. Hindi ko rin magawang magbukas ng Nintendo switch ko dahil pinagbabawalan ako ni ate gamitin ito kapag may pasok kinabukasan dahil napupuyat daw ako at gusto niya ring makatipid sa kuryente. Wala akong ginawa kundi ang magpagulong gulong sa ibabaw ng aking kama at pinipilit ang sarili na matulog. Hindi ko namalayang ilang oras na pala akong nagmumunimuni sa ibabaw ng aking kama. Sa tingin ko ay malapit na maghating gabi kasi kadalasang pinapatay ni ate pritz ang mga ilaw kapag natapos na ang mga dramang sinusubaybayan niya. Mas lalong dumilim ang aking kwarto sa pagpatay ni ate pritz ng ilaw sa sala. Muli kong pinikit ang aking mata at nagbaka sakaling antukin.
Ilang sandali ang lumipas pero hindi pa rin ako makaramdam ng antok. Kanina pa ako palipat lipat ng pwesto ng paghiga pero hindi pa rin ako makatulog. Kinapakapa ko ang aking kama para hanapin ang aking cellphone at nang mahanap ko ito ay may narinig akong yabag na papalapit sa aking kwarto. Muli akong nahiga at nagkunwaring tulog. Baka kasi si ate pritz to at may iutos pa sa akin kaya nagpanggap ako. Hindi nagtagal at biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Habang nakapikit ay nakikiramdam ako sa pagpasok ni ate pritz sa aking kwarto. Ang pinagtataka ko lang ay hindi pa rin siya nagsasalita. Mukhang ilaw pa ng cellphone ang gamit niya. Nagulat ako nang bigla siyang pumatong sa ibabaw ko. Dinilat ko kaagad ang aking mata dahil sa ginawa nya. Laking gulat ko nang makita ko si Lance na nakahiga sa aking ibabaw.
“Anong ginagawa mo dito?” ang tanging nasabi ko. Hindi ko man lang nagawang magpanggap na kakagising ko lang kasi hindi ko naman inaasahan na papasok siya sa bahay namin ng hating gabi. At papano nga pala siya nakapasok dito?
“Pwede bang dito muna ako? Pwede bang kahit ngayon ay huwag ka munang magalit sa akin? Ikaw na lang kasi ang kakampi ko. Kahit sana ngayong gabi lang ay mapagbigyan mo ako” nagulat ako nang sabihin niya yun. Ramdam na ramdam ko sa kaniyang boses ang panginginig na tila pinipigilan ang sariling emosyon. Base sa kinikilos niya ay marahil nagtalo sila ng kaniyang ama. Hindi ko naman mapigilang makaramdam ng awa sa kaniya dahil alam kong marami sa mga tao ngayon ay kinamumuhian siya sa kaniyang ginawa.
Hinaplos ko ang kaniyang ulo habang ito ay nakahiga sa ibabaw ng aking dibdib. Ang kaniyang malalim na paghinga kanina ay unti-unting naging mahinahon. Habang tumatagal pa ay nararamdaman kong humihigpit ang kaniyang pagyakap sa akin. Ramdam ko ang buong kabigatan niya sa aking katawan pero hindi ko alam kung bakit sobrang komportable pa rin ng aking pakiramdam kahit nasa ibabaw ko na siya. Habang hinahaplos ko ang kaniyang ulo ay unti-unti akong nakakaramdam ng antok.
Napasarap yata ang tulog ko at sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Napapapikit pa ako dahil gusto pang matulog. Hindi ko alam kong ilang minuto akong napapikit at nagising na lang nang maramdam ko ang mainit na hininga sa aking batok at mahigpit na pagyakap mula sa aking likuran. Marahan akong umatras para makabwelo ng pagharap ko sa kaniya at nang makaharap ako sa kaniya ay gising na pala ang loko. Hindi ko inaasahang bigla niya na lang akong hahalikan sa noo.
“Good morning bunso!” masaya niyang sabi. Tinulak ko naman ang mukha niya papalayo sa akin habang pinupunasan ang noo ko.
“Gago ka! Ang aga-aga puro ka kalokohan” sabi ko at siya naman ay tumawa. Tumingin ako sa alarm clock na nasa maliit na mesa sa tabi ng kama ko at napabalikwas ako nang makita kong malapit ng mag-alas otso.
“Pahiga-higa ka pa dyan, hindi mo man lang alam na malilate na tayo” inis kong sabi habang pababa ng kama.
“Sino naman nagsabi sayo na may pasok din ako?” sagot niya at napalingon ako sa kaniya nang makuha ko ang tuwalya. Tumingin ako sa kaniya nang masama habang inaantay ang paliwang niya sa kaniyang sinabi.
“Look, I’m suspended kaya wala akong pasok ng dalawang linggo” sagot niya habang yakap-yakap ang unan na ginamit ko at inaamoy amoy pa ito.
“Sana ginising mo man lang ako!” tugon ko habang nagkakalkal ng underwear na masusuot.
“Ilang beses kitang ginising pero ayaw mong gumising. Ayaw mo ngang bumitaw sa pagkakayakap sakin” sabi niya habang nakaunan ang kaniyang ulo sa kaniyang mga kamay. Sobrang komportable na niya sa pagtulog dito sa bahay at lagi na lang boxer shorts ang kaniyang tanging suot.
“Hayaan mo tuturuan kita kung pano magkaroon nito” dugtong pa niya sabay himas sa abs niyang hindi kahalata. Sa inis ko ay binato ko sa kaniya ang uniform niya na nakasabit sa dulo ng aking kama. Lumabas ako ng kwarto habang siya ay tumatawa pa rin.
Nais ko sanang magreklamo kay ate pritz kung bakit hindi niya ako nagawang gisingin pero bago pa man ako magsalita ay sinalubong niya na kaagad ako nang makahulugang ngiti. Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya dahil iba na naman ang tumatakbo sa kaniyang isipan kaya siya nagkakaganyan. Dali-dali akong pumasok sa banyo para maligo. Pinagsabay ko na ang pagsasabon at paggamit ng shampoo. Kaunting hilod sa singit at batok. Apat na buhos ng tubig mula sa tabo ay natapos din ako sa pagligo. Lumabas ako ng banyo na tanging boxer shorts ang suot ko. Hindi naman ako naiilang dahil kami lang ni ate pritz sa bahay at saka may suot din akong brief panloob. Mabilis akong pumasok sa aking kwarto at nakalimutan kong may kasama akong ibang tao sa aking kwarto. Pinalabas ko muna si Lance bago ako nagbihis ng aking uniform. Hindi kasi ako komportable na nasa loob siya habang nagbibihis ako.
Wala na akong oras para kumain ng almusal kaya nagpaalam na ako kay ate na sa school na lang ako babawi ng kain. Bago pa man ako makaalis ay inabot ni ate ang ginawa niyang sandwich para daw hindi ako magutuman sa klase. Nagtataka ako kung saan nagpunta si Lance dahil paglabas ko ng sala ay wala na siya dun. Paglabas ko ng pinto ay nakita ko si Lance sa labas na nakasakay sa bike. Hindi ko alam kung kelan niya nagawang magbihis at ngayon ay suot suot na niya ang shorts at tshirt ko.
“So dahil wala kang pasok kaya magba bike-bike ka na lang?” tanong ko habang binubuksan ko ang gate.
“Ano ka ba? Kinuha ko ang bike na to para mahatid kita sa school” tugon niya at humarang pa siya sa daan para magpumilit.
“Malapit lang ang school dito kaya hindi na kailangan” sabi ko habang pinapaalis siya sa daan pero nagmatigas pa rin siya. Wala akong nagawa kundi ang umangkas sa likuran ng bike. Bago pa man siya magpatakbo ng bike ay muli pa siyang nagsalita.
“Kumapit ka nang maghigpit. Baka kasi mafall ka” sabi niya sabay kindat. Tiningnan ko lang siya nang masama. Tangina kasi, halos tatlong minuto na akong late sa klase tapos puro pa kalokohan ang pinagsasabi ng lokong to.
Pagdating sa school ay muntik-muntikan na akong masarahan ng gate dahil late na talaga ako sa klase. Bago pa man ako makalayo ay sumigaw si Lance na susunduin niya daw ako mamaya pero hindi ko na siya pinansin dahil alam kong nagbibiro lamang siya. Nagawa ko pang makiusap sa manong guard para lang papasukin ako dahil late na talaga ako sa klase. Nasa policy kasi na kapag late ka na ng more than 10 minutes ay papauwiin ka na sa bahay. Buti na lang at hinayaan niya akong makapasok. Sakto sa pagpasok ko ay nagchecheck pa lang ng attendance ang advisor namin. Halos gumapang ako papasok sa classroom papunta sa aking upuan para lang hindi ako makita ni maam.
Habang break time ay nagawa kong makipagkwentuhan sa mga kaklase namin. Usap-usapan pa rin ang naging suspension ni Lance. Marami na daw nagawang kalokohan si Lance at mas malalala pa dito pero ikinagulat nila ang pagpataw ng suspension sa kaniya. Nakinig ako sa usapan nila sa mga nangyari. Ang ilan ay nagsabing nagkapikunan daw. Hanggang sa may nagsabi ng totoong nangyari. Hindi ko akalaing magagawa ni Lance yun dahil lang sa pang-iinsulto ng kaibigan niya sa akin. Nakaramdam tuloy ako nang labis na pagkakonsensya dahil sa akin ay na suspend siya sa school.
Dahil nga sa balita ay marami tuloy sa school ang nagdududa sa kasarian ko. Hindi ko na lang sila iniintindi dahil hindi ko naman kailangang magpaliwanag sa kanila. Ang mahalaga ngayon ay nasa akin ang simpatiya ng aking mga kaklase. Sila yung mga nagtatanggol sa akin sa mga maling paratang sa amin ni Lance. Masaya ako at nakahanap ako ng mga mabubuting kaklase sa school na to. Tinuon ko na lang ang aking sarili sa pakikinig nang mabuti sa mga lessons namin dahil bilang ganti ay ituturo ko kay Lance ang mga lessons na natutunan ko ngayon para hindi naman siya mapag-iwanan sa klase.
Bago matapos ang huling klase ay nakareceive ako ng text message mula kay Lance na mag-aantaay siya sa labas ng gate. At nang matapos ang klase ay hindi ko inaasahang gagawin niya nga ang sinabi niya. Maraming mga kababaihan ang nagkukumpulan sa kaniya habang pinipicturan siya na nakasakay sa bike. Tila nakalimutan nila ang nagawa ni Lance kahapon at ngayon ay artista na naman ang paningin nila sa lokong to. Sino ba naman kasi ang poporma pa kung sasakay ka lang naman ng bike? Lumihis ako ng daan para hindi niya ako mapansin at tatakas na lang ako pauwi. Nasira ang plano ko nang marinig ko siyang sumigaw.
“Uy bunso! Halika na, sumakay ka na kay kuya!” sigaw niya at bigla na lang naghiyawan ang mga taong nasa paligid niya. Hiyang hiya ako sa ginawa niya na halos ayaw ko na siyang lingunin dahil sa mga kalokohang pinagsasabi niya.
“OMG bakla! Narinig mo yun? Parang ang sarap maging kuta ni Lance tapos sasakyan ko siya araw-araw” sabi ng isang bakla na nasa tabi ko at nagawa pa nilang magsabunutan habang tumatawa. Bigla naman akong kinilabutan sa mga sinabi nila hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin si Lance.
“Tara na?” masaya niyang sabi. Sobra siyang nag-eenjoy na ipahiya ako sa maraming tao. Alam kong wala na akong magagawa kapag nagpumilit pa siya kaya umangkas na ako sa likuran ng bike. Inuntog ko ang ulo ko sa likuran niya para ipatakbo na niya ang bike dahil nagagawa niya pang magposing posing sa camera habang kinukuhaan kami ng pictures.
Nakayuko ako habang pinapatakbo niya ang bike. Ayokong makita ng mga tao ang hitsura ko sa kahihiyang ginagawa ni Lance. May iilang tao na tumatawag sa kaniya at nagtatangka pa siyang tumigil pero inuuntog ko ang ulo ko sa likod niya at pinagpapatuloy niya ang pagpapatakbo ng bike. Sobrang kahihiyan na para sas akin ang nangyari kanina sa school. Kaya nang makauwi kami sa bahay ay kaagad ko siyang pinagsabihan.
“Bakit mo naman nagawa yun? Pinag-uusapan na nga tayo sa school dahil sa mga kalokohan mo at napaaway kana dahil dun tapos ganyan pa rin ang ginagawa mo?” inis kong sabi sabay bato ng bag sa couch.
“Naisipan ko nga kanina na bakit hindi na lang kaya totohanin natin ang mga kwento-kwento nila sa ating dalawa?” sagot niya habang papalapit siya sa akin.
“Anong pinagsasabi mo?” sabi ko habang papaatras upang makalayo sa kaniya.
“Ayaw mo nun? Hindi na tayo mahihirapang dalawa” nakangisi niyang sabi habang papalapit siya nang papalapit sa akin. Ako naman ay paatras ng paatras hanggang sa mapahiga ako sa couch. Bigla naman siyang puma ibabaw sa akin at sa pagkabigla ko ay hinawakan ko ang magkabila niyang braso para pigilan siya sa kung ano man ang binabalak niya.
“Saglit lang akala ko ba kapatid ang turing mo sa akin?” sabi ko habang sya ay patuloy na nagpapabigat sa ibabaw ko.
“Higit pa sa isang kapatid ang turing ko sayo. Sa tingin mo ginagawa ng magkapatid to?” bulong niya sa akin at bigla na lang niyang kinagat ang aking leeg na ikinaungol ko.
Itutuloy…….
A/N: I’m losing my spirit to write so please bare with me kung mabagal ang update. Let me know if you’re still enjoying the flow of the story. I’m trying to build their relationship as good as possible. Please don’t forget to VOTE !
Chapter 14: His plans
Dylan as Lance
Lance’s POV
Nagising ako nang marinig ko ang maingay na tunog sa alarm clock ni Gunter. Ginising ko siya para bumangon na dahil may pasok siya ngayon at ako ay wala. Dahil nga suspended ako ng isang linggo. Pabor na rin sa akin to dahil sa susunod na linggo ay school break na. Parang napaaga lang ng isang linggo ang pagpapahinga ko. Tatayo na sana ako para abutin ang maingay na alarm clock pero bigla na lang pumatong sa katawan ko ang kamay ni Gunter na ikinagulat ko. Ang akala ko ay nagloloko lang siya at gising na dahil yung kamay niya marahang humihimas hanggang sa tiyan ko. Tangina, bat ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang nakakaramdam ako ng libog sa ginagawa niya? Alam kong tulog siya kaya wala siyang kaalam-alam sa pinaggagawa niya sa akin. Bago pa man makarating sa maling lugar ang kamay niya ay inangat ko ito hanggang sa dibdib ko. Napaungol naman ako nang haplusin niya ang dibdib.
“Pasalamat ka at tulog ka” hindi ko mapigilang sabihin nang matapos akong umungol sa ginawa niya.
Ang akala ko ay magiging malikot pa ang kamay niya pero kalaunan ay nanatili lang ito sa tagiliran ko at ngayon ay nakayakap lang siya sa akin. Hindi ko tuloy magawang tumayo para abutin ang nakakabwisit na ingay na ginagawa ng kaniyang alarm clock. Nahirapan pa akong abutin ito dahil sa tuwing lalapit ako sa pwesto ng maliit na mesa kung saan nakapatong ang alarm clock ay bigla na lang akong hahatakin ni Gunter palapit sa kaniya. Nakikiliti pa ako sa tuwing tumatama ang bibig niya sa braso ko at nararamdaman ko ang malalim niyang paghinga.
“Ahhh fuck..Ituloy mo pa yan, makakatikim ka talaga sa akin!” sabi ko. Pakiramdam ko kasi ay nanadya na tong si Gunter. Isang beses pa ay napagtagumpayan kong abutin ang alarm clock at pinatay ko ito.
Lalo pang lumala ang pagyakap sa akin ni Gunter dahil nagawa niya pang idantay ang kaniyang hita at nakapatong pa to sa ibabaw ng hinaharap ko. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko dahil bigla na lang talagang nagalit yung akin nang gawin niya yun. Tinulak ko ang kaniyang hita pababa sa hinaharap ko at tinaas ang boxer shorts ko dahil nakita kong dumudungaw na ang ulo ni junior. Napahawak ako sa hinaharap ko nang biglang pumasok si Ate pritz sa kwarto ni Gunter.
“Gon bat hindi ka pa rin….” Hindi na niya natuloy ang dapat niyang sabihin nang makita niya ang ayos naming dalawa. Nakayakap sa akin si Gunter habang ako na may nakatakip sa hinaharap ko. Pilit na ngiti ang pinakita niya sa akin bago pa siya lumabas ng kwarto ni Gunter. Baka isipin ni Ate pritz na may ginagawa kaming mali ni Gunter kaya inalis ko ang kamay niya sa aking katawan. Pagkaalis ng kamay niya ay muling dumantay ang hita niya sa akin at sa pagkakataong ito ay natuhod niya si junior. Namilipit ako sa sakit habang siya ay walang kamalay-malay sa pinaggagawa niya.
“Tandaan mo to. Sisingilin ka namin ni junior sa ginawa mo!” sabi ko habang nakahawak sa hinaharap ko at namimilipit pa rin sa sakit.
Nagpalit siya ng pwesto nang paghiga patalikod sa akin. Tumalikod na rin ako sa kaniya baka bigla niya ulit matuhod si junior. Todo himas talaga ako sa hinaharap ko para lang mawala ang sakit. Nang mawala ang sakit na aking nararamdaman ay muli akong bumalik sa dati kong pwesto. Hindi ako sanay mahiga sa kaliwang direksyon kaya humarap ako kay Gunter. Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya para mapigilan ko ang biglaan niyang pagharap sa akin. Hindi pa ako nakontento at mas lumapit pa ako sa kaniya hanggang sa dumikit ang mukha ko sa kaniyang batok. May mga namumuong pawis dito pero hindi ko alam kung bakit inaamoy amoy ko ang kaniyang batok na para bang ito ang pinakamabangong bagay na naamoy ko. Ilang sandali pa ay bigla na lang siyang umatras papalapit sa akin at kalaunan ay bigla na lang siyang humarap sa akin. Pagkaharap niya sa akin ay bigla ko na lang siyang hinalikan sa noo para mang-asar.
“Good morning bunso!” masaya kong sabi at bigla na lang niyang tinulak ang mukha ko palayo sa kaniya habang pinupunasan ang kaniyang noo.
“Gago ka! Ang aga-aga puro ka kalokohan” sabi niya at ako naman ay tumawa para lalo siyang mainis sa akin. Kung alam mo lang kung ano ang pinaggagawa mo kanina ay mas higit pa sa ganito ang ganti ko. Nakita kong tumingin siyasa alarm clock na nasa maliit na mesa sa tabi ng kaniyang kama at bigla na lang siyang napatayo.
“Pahiga-higa ka pa dyan, hindi mo man lang alam na malilate na tayo” inis niyang sabi at bumaba ng kama. Gustong gusto ko nang patulan dahil kung alam niya lang ay kumikirot kirot pa ang mga itlog ko sa ginawa niyang pagtuhod sa akin.
“Sino naman nagsabi sayo na may pasok din ako?” masaya kong sagot. Tumingin siya sa akin nang masama habang nag-aantay ng sasabihin ko.
“Look, I’m suspended kaya wala akong pasok ng dalawang linggo” dugtong ko at kinuha ang unan na ginamit niya at niyakap-yakap habang inaamoy ito. Gustio kong maasar siya at mainggit sa akin.
“Sana ginising mo man lang ako!” sagot niya habang ako ay patuloy pa rin sa pagyakap ng kaniyang unan.
“Ilang beses kitang ginising pero ayaw mong gumising. Ayaw mo ngang bumitaw sa pagkakayakap sakin” pinatong ko ang aking ulo sa ibabaw ng aking mga kamay para ipakita sa kaniya kung gaano ako kakomportable dahil wala akong pasok ngayon at hindi ko kailangang magmadali papasok sa school. Napansin ko namang nakatitig siya sa aking katawan kaya napangisi ako.
“Hayaan mo tuturuan kita kung pano magkaroon nito” dugtong ko pa sabay himas sa abs ko na bunga ng madalas na pagbabasketball. Sa inis niya ay binato niya sa akin ang uniform na hinubad ko na nakasampay sa dulo ng kaniyang kama. Natawa ako sa hitsura niya kaya ganun na lang kalakas ang pagtawa ko hanggang sa makalabas siya ng kaniyang kwarto.
Gusto ko pa sanang makipag-asaran sa kaniya kaso malilate na siya sa klase. Lalabas sana ako sa kaniyang kwarto pero naalala ko na nakaboxer shorts lang ako at baka magalit na naman sa akin si Gunter kapag nakita niya akong palabas-labas sa kwarto niya na nakaboxer lang. Nahihiya din naman ako kay Ate Pritz baka hindi rin siya komportableng makita ako sa ganong ayos. Naghanap ako ng pwedeng mahirap na damit mula sa cabinet ni Gunter. Habang naghahanap ako ng shorts ay may nakita akong mga magazine sa ilalim ng kaniyang mga damit. Kumuha ako ng isa at natawa ako nang makita ko na isa tong playboy magazine. Dito niya lang pala tinatago ang mga pinagjajakulan niya. Hindi ko mapigilang matawa dahil ano na lang kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niyang hawak-hawak ko ito.
Hindi pa ngayon ang oras para makibiruan ako sa kaniya kaya binalik ko kaagad ang magazine sa ilalim ng mga damit niya. Mabilis akong nagsuot ng shorts at kinuha ang tshirt para suotin rin sana kaso bago ko pa man ito nasuot ay bigla na lang niya akong pinalabas sa kwarto niya dahil magbibihis daw siya. Nakayuko siya habang pinapaalis niya ako ng kaniyang kwarto na para bang hubo’t hubad ako sa paningin nya. Buti na lang at nakasuot na ako ng shorts dahil sakto nasa kusina si Ate pritz at inalok akong mag-almusal. Sinuot ko ang tshirt na hawak ko at saka ako lumapit sa lababo para magmumog at maghilamos. Binigyan ako ni ate pritz ng bagong toothbrush at tuwalya para ipamunas ko. Nang matapos ako ay nagpaalam ako sa kaniya na lalabas lang saglit.
Pagkalabas ko ay mabilis akong nagtungo sa ikatlong bahay na malapit sa kanila. Nakita ko kasing may binibentang bike doon. Ilang araw ko nang nakikita ito pero wala pa ring nakakabili. Kinausap ko ang may-ari na ibenta sa akin ang bike at mamaya ko babayaran ng doble para makumbinse siya. Nagamit ko na kasi lahat ng pera ko sa taxi kaya wala na akong cash ngayon. Nag-alangan pa siya noong una na ibenta sa akin pero nang maalala niyang lagi kong kasama si Gunter ay pumayag naman siya. Napangiti ako nang una kong sakyan ang bike. May magagamit na kami ni Gunter sa pagpasok sa school sa tuwing sa kanila ako matutulog. Pagbalik ko sa kanila ay sakto namang kakalabas lang ni Gunter mula sa pinto. Lumapit siya sa gate habang nakakunot ang noo.
“So dahil wala kang pasok kaya magba bike-bike ka na lang?” tanong niya habang nagbubukas ng gate.
“Ano ka ba? Kinuha ko ang bike na to para mahatid kita sa school” sagot ko at hinarang ang aking sarili sa gate para hindi siya makadaan.
“Malapit lang ang school dito kaya hindi na kailangan” pagmamatigas niya at pinapaalis pa ako sa daan. Hindi ako umalis kahit tinutulak na niya ako. Alam kong bibigay din siya kasi wala rin siyang choice kundi ang umangkas sa bike dahil mas lalo lang siyang malilate kapag naglakad siya. Lumapit siya sa likuran ng bike para umangkas at bago pa man kami umaalis ay muli ko siyang inasar.
“Kumapit ka nang maghigpit. Baka kasi mafall ka” sabi ko sabay kindat sa kaniya. Pigil ako sa pagtawa ng makita kong asar na asar siya sa akin. Hindi ko alam kung napapansin niya ba nagpapagewang gewang ang takbo namin dahil pinipigilan kong huwag matawa.
Sa pagdating namin sa tapat ng school ay muntikan pa siyang masaraduhan ng gate. Bago pa man siya makalayo ay sumigaw ako na susunduin ko siya mamayang uwian. Marami akong oras ngayon kaya mababagot lang ako kapag sa bahay lang ako maglalagi. Ewan ko ba kapag kasama ko si Gunter ay nawawala ang pagkabagot ko at para bang ang gaan lagi ng pakiramdam ko kapag kasama siya. Nang muli akong lumingon sa kaniya ay kitang kita ko na nakikiusap siya sa guard na papasukin siya. Hindi na sana siya papapasukin ng guard pero nang makita ako ng guard ay tinanguan ko ito at nakuha naman niya agad ang gusto kong mangyari kaya pinapasok niya si Gunter.
“Madami ka ng utang sa akin bunso. Sisingilin kita sa susunod” hindi ko mapigilang sabihin. Umiling ako dahil para akong baliw na nagsasalita mag-isa.
Sunod na ginawa ko ay ang umuwi sa bahay. Medyo matatagalan ako sa pag-uwi dahil bike lang ang gamit ko. Naalala ko palang may savings card ako sa wallet kaya ang sunod kong pinuntahan ay ang ATM machine na pwede kong mag withdrawhan ng pera. Pagpasok ko ng ATM card ay hindi ko magawang makakuha ng pera dahil nakadisable daw ang account ko. Sinubukan ko pa ang isa kong card pero ganun din ang lumalabas sa screen. Dinisable na naman ni dad ang account ko. Hindi ito yung unang pagkakataomg ginawa niya to kaya hindi na ako nagulat. Wala akong choice kundi ang umuwi sa bahay gamit ang bike. Medyo matatagalan ako dahil medyo may kaluyuan ang bahay namin mula sa school.
Halos isang oras din ang lumipas bago ko nakarating ang aming bahay. Mabilis akong pinapasok ni manong bert nang makita niya ako sa labas ng gate. Pawis na pawis akong pumasok sa loob ng aming bahay. Dumirecho kaagad ako sa aking kwarto dahil baka makita ko na naman si dad at pagagalitan na naman ako. Pagpasok ko sa aking kwarto ay kaagad kong binuksan ang aircon habang nagpupunas ng pawis sa katawan. Ilang minuto akong nagpahinga bago pumasok sa shower room para maligo. Sobrang dumi ng aking binti hanggang sa aking talampakan. Unti-unting gumaganda ang pakiramdam ko nang mababad ang katawan ko sa tubig. Pakiramdam ko kanina ay sobrang dumi ko at ngayon lang ako muling nakaligo.
Matapos akong maligo ay mabilis akong nagpalit ng aking damit pambahay. Sumilip ako sa labas ng aking kwarto at saktong papalapit ang isa naming maid. Tinanong ko siya kung nasa bahay pa ba si daddy. Ayun sa kaniya ay kanina pa raw umaga umalis si dad at kagabi pa raw akong hinahanap. Hindi ko na masyadong pinakinggan ang iba niyang sinabi dahil ang importante sa akin ay wala si dad sa bahay. Hindi naman sa natatakot ako sa kaniya, ayoko lang talagang pinapagalitan niya ako dahil nauuwi sa pagtatalo ito. Dumirecho ako kaagad sa kusina para kumain. Hindi ko na kasi nagawang kumain ng almusal kanina dahil hinatid ko si Gunter sa school. Sa sobrang gutom ko ay ang dami kong pinalutong ulam pero hindi ko naman naubos lahat.
Nang mabusog ay bumalik ako sa aking kwarto para magpahinga. Imbes na magpahiga ay bigla kong naisipang buksan ang PS4 ko. May hindi pa ako natatapos na quest sa Assassin’s Creed na dapat kong ipagpatuloy. Masyado akong natuwa sa paglalaro at hindi ko namalayan ang oras. Pagtingin ko sa orasan ay lumipas na pala ang tanghalian. Bababa sana ako para muling kumain pero bigla akong nakaramdam ng antok nang maihiga ko ang aking sarili sa ibabaw ng kama.
Nagising ako nang makaramdam ako ng matinding gutom. Tumingin ako sa orasan para alamin kong ilang oras akong nakatulog. Mabilis akong bumangon nang makita kong malapit na ang uwian namin sa school. Nagsabi ako kay Gunter na susunduin ko siya ngayon kaya kinailangan kong magmadali. Pumasok ako sa banyo para maghilamos at magtooth brush. Nagpalit ako ng damit dahil hindi naman pupwedeng pumunta ako sa harap ng school na ganito ang ayos ko. Bago ako lumabas ng aking kwarto ay bigla kong naalala na wala nga pala akong pera kaya bumalik ako sa loob at kumuha ng pera sa drawer ko. Ilang beses nang sinuspend ni dad ang mga cards ko kaya lagi akong handa sa ganitong pangyayari at nakakapagtabi ako lagi ng cash sa drawer ko. Sakto na siguro tong P10,000 sa loob ng isang linggo.
Kanina ko pa hindi mahanap ang susi ng kotse ko kaya ito ang una kong tinanong sa isa sa aming mga maids. Sabi njya ay kinuha daw ni dad ang susi ng kotse ko kagabi nang maiwan ko ito sa aking bag. Napakamot ako sa aking ulo habang padabog na lumabas ng bahay. Pano ko masusundo si Gunter nito kung wala yung susi ng kotse ko? Nag-isip ako nang mabuti at napagdesisyunan kong mag bike na lang dahil alam kong hindi rin naman magiging komportable si Gunter kapag may kotse akong gamit kapag sinundo siya. Nagpahatid ako sa isa naming driver papunta sa school. Alam ko namang hindi nila ibibigay sa akin ang susi ng ibang sasakyan sa bahay kaya nagpahatid na lang ako. Inangkas ko sa likuran ang aking bike at pinasok sa loob ang bag na naglalaman ng ilang damit ko. Balak ko kasing mamalagi ng ilang araw kila Gunte habang mainit parin ang ulo sa akin ni daddy. Ayoko namang hiramin lagi ang damit niya kaya nagdala na ako ng para sa akin.
Pagkahatid sa akin sa harap ng school ay pinauwi ko na kaagad ang driver namin. Ilang minuto akong tumayo sa harap ng school habang nagkukunwaring may inaantay pero ang gusto ko lang mangyari ay hindi malaman ng driver namin kung saan ako pupunta. Nang makalayo ang sasakyan ay kaagad akong sumakay sa bike at nagtungo sa bahay nila Gunter para ihatid ang damit ko. Muli akong nakapasok sa loob ng kanilang bahay dahil hindi pa rin nagbabago at dun ko pa rin nakita ang susi ng kanilang bahay. Halos ibato ko ang bag ko sa ibabaw ng kama ni Gunter nang makapasok ako. Nagmamadali na kasi akong makabalik sa harap ng school dahil ilang minuto na lang ay uwian na.
Sakto ang dating ko dahil uwian na ng mga estudyante. Pumuwesto ako malapit sa gate kung saan madali akong makikita ni Gunter. Mukha nagkamali pa ako ng pwesto dahil imbes na si Gunter ang makapansin sa akin kaagad ay ang ibang mga estudyante ang nakakita sa akin. Panay ang lingon ko sa paligid habang patuloy ang pagkuha nila ng pictures sa akin na para bang isa akong artista. Nang makita ko siya ay sumigaw kaagad ako para makuha ang atensyon niya. Halos mabingi ako sa mga hiyawan ng mga taong nasa paligid ko. Mukhang hiyang hiya ngayon si Gunter dahil hindi niya man lang ako magawang harapin. Lumapit ako sa kaniya habang patuloy ang hiyawan ng mga tao sa paligid namin.
Nang makalapit ako sa kaniya ay mabilis ko siyang inaya na umangkas sa bike. Hindi ko inaasahang papayag kaagad siya. Ramdam ko ang ulo niya sa aking likuran kaya malamang ay nakayuko siya ngayon. Bago ko patakbuhin ang bike ay ngumiti pa ako sa camera para lalo siyang asarin. Bigla na lang niyang inuntog ang kaniyang ulo sa aking likuran na naging hudyat sa akin na ipatakbo na ang bike dahil napipikon na siya. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nagmamaneho ng bike dahil alam kong inis na inis ngayon si Gunter.
Pagdating namin sa loob ng kanilang bahay ay kaagad niya akong pinaggalitan sa ginawa ko kanina. Kahit na nakauwi na kami ay bakas pa rin sa mukha niya ang pamumula. Hindi ko alam kung namumula ba siya sa inis o naapektuhan na siya sa aking ginagawa. Nakaisip ako tuloy ng pang-asar sa kaniya. Unti-unti akong lumapit sa kaniya habang siya ay patuloy na umaatras hanggang sa mapahiga siya sa ibabaw ng couch. Mabilis akong pumaibabaw sa kaniya para hindi siya makatakas. Hinawakan ko ang magkabila niyang braso para hindi siya tuluyang makatayo.
“Saglit lang akala ko ba kapatid ang turing mo sa akin?” sabi niya at ako namay lalong nagpapabigat sa ibabaw niya habang unti-unti akong lumalapit sa kaniyang tenga.
“Higit pa sa isang kapatid ang turing ko sayo. Sa tingin mo ginagawa ng magkapatid to?” bulong ko sa kaniya at kinagat ko ang kaniyang leeg.
Wala naman talaga akong balak na kagatin ang kaniyang leeg pero hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para gawin to. Hindi ko inaasahang mapapaungol siya ng malakas sa aking ginawa. Para bang nadadala ako sa kaniyang pag-ungol kaya pinagpatuloy ko ang marahang pagkagat ko sa kaniyang leeg. Ang kaninang malakas na pagtulak niya ay unti-unting humina hangga sa mapahawak na lang siya sa aking balikat. Sinasabayan ko pa ng marahang pagsipsip ang lugar kung saan ko siya kinakagat at pinapasadahan ko rin ito ng aking dila na mas ikinabaliw niya. Nalalasahan ko ang kaniyang pawis na para bang nagawa ko na to dati. Sa bawat pagkagat ko sa kaniyang leeg ay lalong nagkadikit ang aming katawan. Laking gulat ko nang maramdaman ko ang kaniyang hinaharap sa akin at ramdam ko ang unti-unti nitong pagkabuhay. Habang tumatagal ay naapektuhan na rin ako sa aking ginagawa at tinatamaan na rin sa bawat pagkiskis ng aming hinaharap. Inagat ko ang aking mukha para ilapat ang labi ko sa labi niya pero mabilis niyang hinarang ang kaniyang kamay sa kaniyang mga labi. Hinalikan ko na lang ang kaniyang ilong at saka ngumiti.
Buti na lang at nagawang takpan ni Gunter ang kaniyang mga labi. Sa ginawa niyang yun ay napagtanto ko na hindi ko dapat ginagawa sa kaniya ito. Noong una ay ginawa ko lang ito para asarin siya na mukhang effective naman dahil sa naging reaksyon niya pero hindi ko inaasahang ako rin ay maapektuhan sa aking ginawa. Nang makatayo ako ay pilit akong tumatawa para palabasin na nang-aasar pa din ako. Dahan-dahan akong naglalakad habang nakatakip ang aking mga kamay sa hinaharap ko. Pucha, bakat na bakat yung hinaharap ko kaya hirap akong maglakad. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya ngayon habang pilit akong tumatawa patungo sa banyo. Nanatili pa rin siyang nakaupo sa couch nang silipin ko siya bago ako pumasok sa loob ng banyo.
Sa loob ng banyo ay pinilit kong umihi dahil baka sakaling mawala ang paninigas ni junior. Nakaihi na ako pero hindi pa rin ito kumakalma. Naisipan kong buhusan ito ng tubig para mawala ang paninigas nito. Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal ko sa loob ng banyo. Narinig ko na lang ang boses ni Ate Pritz na hindi kalayuan sa banyo. Bigla na lang may kumatok sa banyo.
“Gon, bilisan mo naiihi na ako!” sabi niya habang patuloy na kumakatok. Inayos ko ang aking sarili bago ako lumabas ng banyo.
“Ano bang ginagawa mo sa loob at ang tag-” hindi niya natapos ang kaniyang dapat sabihin ng makita niya ako.
“Ay ikaw pala yan Lance. Pasenya ka na naiihi na talaga ako” sabi ni Ate Pritz habang pilit na ngumingiti. Tumabi ako para makadaan siya at kaagad naman siyang pumasok sa loob ng banyo.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Gunter at naabutan ko siyang nagbibihis ng tshirt habang nakatalikod sa akin. Hindi niya ata namalayan ang pagpasok ko sa loob ng kaniyang kwarto kaya patuloy lamang siya sa kaniyang ginagawa. Muli kong nasilayan ang kaniyang katawan. Bihira lang ako mamangha sa pangangatawan ng isang tao at isa sa mga yun ay kay Gunter. Sa totoo lang ay payat ang kaniyang pangangatawan pero masasabi mo parang sexy ito at hindi masagwa tingnan. Sobrang kinis ng kaniyang balat na tila hindi nakaranas ng galos o sugat sa katawan. Tinitigan ko siya mula sa kaniyang batok hanggang sa pababa ng pababa ang aking tingin. Nagulat na lang ako nang may tumamang damit sa mukha ko.
“Ano na namang binabalak mong kalokohan?” narinig kong sabi ni Gunter habang nasa mukha ko pa rin ang uniform niya. Kaagad kong tinanggal ito at lumapit sa kaniya.
“Ang sexy talaga ng bunso ko” sabi ko habang papalapit sa kaniya para yakapin siya. Bago pa man ako makalapit sa kaniya para yakapin siya ay bigla na lang niyang hinarang ang kaniyang kamay sa aking mukha para pigilan ako. Pilit kong inaabot ang kaniyang braso para mayakap siya pero hindi ko maabot dahil sa pagharang niya sa akin. Bigla na lang niya akong tinulak sa ibabaw ng kama at lumabas ng kaniyang kwarto.
Naiwan ako sa loob ng kaniyang kwarto habang nag-iisip ng kung anong dapat gawin sa mga susunod na araw. Sanay naman na si daddy na nawawala ako sa bahay sa tuwing nagtatalo kami kaya hindi ko na aalahanin kung magtatagal ako ng ilang araw dito kila Gunter. May sapat naman akong pera para umabot sa buong linggong gastos ko. Mag-aabot na lang ako kay Ate Pritz ng pera para pandagdag sa gastusin nila kahit sa pang-ulam lang sa araw-araw. Alam kong mahirap ang kaniyang trabaho at hindi madali para sa kaniya ang buhayin at pag-aralin si Gunter ng mag-isa. Kaya kahit papano ay nahihiya akong kumain at matulog dito ng libre dahil alam kong pangdalawang tao lang ang nagiging budget niya at dumagdag pa ako.
Nang sumapit ang gabi ay palihim akong nag-abot ng pera kay Ate Pritz habang bumibili ng soft drinks si Gunter. Noong una ay ayaw niya pang tanggapin ito pero nagawa niya rin itong tanggapin dahil sa pagpupumilit ko. Nangako siyang magluluto siya ng mga paborito kong pagkain kapalit ng perang binigay ko. Ipinagbilin ko kay Ate Pritz na wag ipaalam kay Gunter ang tungkol sa perang binigay ko dahil alam kong aawayin niya ako tungkol doon. Naging masaya ang aming hapunan na tila isa kaming pamilya. Mas naeenjoy kong kumain ng hapunan kapag kasama ko sila. Kahit na simpleng pagkain lang ang nakahain ay napapasarap ang aking pagkain.
Dumating ang oras para matulog na kami. Sa totoo lang ay maaga pa para matulog pero dahil may pasok si Gunter bukas ay sumabay na rin ako sa kaniya sa paghiga sa kama. Ilang beses ko siyang niyayakap habang nakahiga kami sa kama at ilang beses niya ring tinanggal ang kamay ko. Nagpumilit ako hanggang sa malapit ko nang husto ang aking katawan at mayakap siya nang husto.
“Lance ano na naman ba to? Matutulog na ako at may pasok pa ako bukas” sabi niya habang pilit niyang kinakalas ang pagyakap ko sa kaniya.
“Sige na matulog ka na. Hayaan mo lang na yakapin kita” sabi ko at lalo ko pang hinihigpitan ang pagyakap ko sa kaniya. Ang akala ko ay manlalaban pa rin siya pero hindi na niya ito ginawa. Ilang minuto rin siyang nanahimik kaya inakala kong natutulog na siya. Nilapit ko ang ilong ko sa kaniyang leeg at kakagatin ko sanang muli ang kaniyang leeg pero bigla na lang niyang pinitik ang aking noo. Napaurong ako habang marahang kinukuskos ko ang aking noo at siya naman ay tumawa. Sa inis ko ay kiniliti ko siya hanggang sa magmakaawa siya sa aking tigilan ko na. Halos magpagulong gulong kami sa ibabaw ng kaniyang kama habang skiya ay kinikiliti ko. Kapwa kaming napahiga sa kama nang makaramdam kami ng pagod.
“Anong plano mo sa sembreak?” bigla kong tanong.
“Wala naman. Siguro maglalaro na lang ng mga games sa Nintendo switch ko at tutulong sa gawaing bahay” sagot niya habang inaangat ang kumot para takpan ang katawan.
“Samahan mo ko sa tagaytay” sabi ko at hinila ko ang kumot niya para harapin niya ako.
“Ano namang gagawin natin dun?” tanong niya at hinila niya pabalik sa kaniya ang kumot.
“Lahat ng gusto mong gawin na hindi natin nagagawa dito” mabilis kong sagot habang hinihimas ang dibdib niya.
“Puro ka kalokohan!” sagot niya at tinanggal ang kamay ko sa ibabaw ng kaniyang dibdib at saka tumalikod.
“Pwera biro, may rest house kami dun na pwede nating puntahan para sa bakasyon” sabi ko habang pinipilit siyang humarap sa akin.
“Wala akong pera para pumunta dun. Wala kang kotse na magagamit natin. At sabi mo sakin kanina ay suspended ang lahat ng cards mo kaya wala kang pera kaya papano tayo dun?” tanong niya habang nakatalikod parin sa akin.
“Hayaan mo, makakagawa ng paraan si kuya” sabi ko at niyakap ko siya habang nakatalikod siya sa akin.
“Bahala ka!” ang huli kong narinig na sinabi niya at pinikit ko ang aking mata.
Lumipas ang ilang araw kung saan nagiging tagahatid at tagasundo ako ni Gunter sa school. Padami ng padami ang mga taong nag-aabang sa aming dalawa tuwing uwian na lalong kinaiinis ni Gunter. Malapit nang sumapit ang weekend kung saan plano ko pa man ding dalhin si Gunter sa rest house namin sa tagaytay kaso hindi parin sapat ang pera ko. Hindi ko pa rin nababawi ang susi ng aking kotse mula kay daddy. Bigla na lang akong naalala ang pinsan kong si Eisen at nakaisip ako ng paraan para magkaroon ng pera.
Gaya ng inaasahan ko ay wala na naman si daddy nang umuwi ako sa bahay. Hindi sapat ang pera na meron ako para gamitin namin ni Gunter kaya naman wala akong choice kundi gumawa ng paraan sa tulong ng aking pinsan. Pumasok ako sa kaniyang kwarto at naabutan siya natila may hinahanap. Napangisi ako dahil alam ko na kaagad kung ano ang bagay na hinahanap niya.
“Oh nakabalik kana pala” sabi niya nang mapansin niya ako at patuloy pa rin siya sa paghahanap. Alam kong mahalaga sa kaniya ang diary niya na ilang araw ko nang nakikitang madalas niyang hawak.
“Bumalik ako dito para hiramin ang kotse mo at saka pahiram na din ng sampung libo” sabi ko at nahiga nang komportable sa ibabaw ng kaniyang kama.
“Hindi pwede! Idadamay mo pa ako sa galit ni tito. Atsaka wala akong pera para maipahiram ko sayo ang ganun kalaking pera” sagot nya habang naghahanap pa rin.
“Hindi naman mapapansin ni daddy na nawawala ang kotse mo dahil bihira lang siyang umuwi dito. Atsaka alam kong malaki ang savings mo dahil wala ka naman masyadong pinagkakagastusan” sagot ko at bigla siyang tumigil sa paghahanap at tiningnan niya ako nang masama.
“Hindi kita matutulungan diyan” ang tanging sinabi niya.
“Ganun ba? Sayang naman, alam ko pa naman sana kung saan makikita yung hinahanap mo” sabi ko at halatang nagulat siya.
“Nasa iyo ang diary ko?” tanong niya at tumango ako.
“Akin na. ibigay mo na!” utos niya pero hindi ako natinag sa mga banta niya.
“Kung ayaw mong tumulong edi wag” sabi ko at tumayo ako mula sa kaniyang kama. Lumapit ako sa harap ng kaniyang pintuan at muling nagsalita.
“Dear diary, sabi nila hindi mo raw makakalimutan ang unang karanasan mo. Hindi ko aakalaing si Jehtro ang makaka-” bago ko ituloy ang dapat kong sabihin ay bigla na lang nanakbo si Eisen at tinakpan ang bibig ko.
“Oo na, tutulungan na kita basta ibalik mo na ngayon din ang diary ko” sabi niya pero hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan hanggang hindi niya binibigay ang gusto ko. Tumalikod siya sa akin at may kinuha sa kaniyang drawer. Pagbalik niya ay binigay niya sa akin ang pera at susi ng kaniyang kotse. Napaakbay ako sa kaniya sa sobrang tuwa ko.
“Alam mo, kung lagi kang ganyan ay lagi tayong magkakasundo” sabi ko sabay kurot sa pisngi niya. Kahit na mas matanda siya sa akin ay mas matangkad pa rin ako sa kaniya.
“Ito na ang una’t huli” sabi niya sabay tapik sa kamay ko. Natawa ako sa kaniya at muling sumagot.
“I love you too” sabi ko sa kaniya para pang-asar at bigla siyang lumingon sa akin at biglang sumeryoso ang mukha.
“Matapos mo akong asarin ay wag na wag mong sasabihin yan!” sabi niya habang pinandidilatan ako ng kaniyang mga mata.
“Bakit madalas bang gawin sayo to ni Jethro?” biro ko at mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko kaya tinulak niya ako palabas ng kaniyang kwarto at sinarado ang pinto.
“Whatever… weirdo!” ang nasabi ko bago ako umalis sa harap ng kaniyang pinto.
Sa totoo lang ay nakonsensya ako sa aking ginawa. Hindi ko inaasahan na ganun ang magiging reaksyon. Sino ba kasi yung Jethro na yun at bakit ganun na lang pagkagusto niya sa lalaking yun? Hindi naman na lihim sa akin ang sexual orientation ni Eisen. Inaamin niya rin naman yun sa amin ni daddy. Wala naman akong pakialam kung ano pa siya dahil pagdating niya dito ay hindi naman kami masyadong nag-uusap. Habang tumatagal ay unti-unti ko siyang nakikilala, alam kong mabuti siyang tao at ramdam ko na may malasakit siya sa amin ni dad. Nang maiwan niya ang kaniyang diary sa isang couch ay nagawa kong basahi to dahil mas gusto ko siyang makilala. Hindi ko inaasahang mababasa ko ang mga kwento niya sa kaniyang buhay at sa taong pinakamamahal niya na si Jethro.
Kahit na may pagitan sa school namin ay iisa lang kami ng school na pinapasukan ni Eisen. Kahit na high school student pa lang ako at siya naman ay college na ay marami pa rin akong kaibigan sa college na nakakakilala kay Eisen. Ayun sa mga kakilala ko ay nagiging lapitin daw ng mga lalaki itong pinsan ko dahil nga sa mukha at hugis ng katawan niya na para bang babae. Binalaan ko sila na wag nilang gagalawin ang pinsan ko dahil kundi ako makakatapat nila. Noong una ay gusto ko lang na protektahan ang pangalan ng pamilya namin dahil baka pag di ko ginawa yun ay kung sino-sino na lang na lalaki ang samahan ni Eisen at madadawit pa ang pamilya namin sa mga gagawin niya. Pero nagkamali ako ng pagkakilala sa kaniya kaya habang tumatagal ay ginagawa ko ang lahat ng ito para protektahan siya. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ay tutulungan ko siyang makalimutan ang Jethro na yun.
Nang maisaayos ko na ang lahat ay kaagad kong binalita kay Gunter na matutuloy na ang pagpunta namin sa tagaytay. Hindi ko alam kung bakit sobrang excited ko na umalis kasama si Gunter. Sa loob ng limang araw ay mapapasaaming dalawa lang ang rest house at magagawa namin ang lahat na gusto namin na walang magsasabi sa amin kung dapat ba o hindi dapat naming gawin. Nagawa kong ipaalam si Gunter kay Ate Pritz at pumayag naman ito basta ba’y kokontakin namin siya every 4 hours sa umaga para mag-update sa kalagayan namin.
Sumapit na ang araw na pinakahihintay ko yun ay ang magroad trip kami ni Gunter patungo sa rest house. Nakaready na ang mga gamit ko sa loob ng sasakyan at ang mga kakailanganin namin ay nakahanda na rin. Sa bahay pa ako natulog kagabi para lang madala ang kotse ni Eisen. Masaya akong binabaybay ang daan patungo sa bahay nila. Halos sumabog ang speaker ng sasakyan ni Eisen sa lakas ng tugtog ko. Hinding hindi pa rin nalalaos sa playlist ko ang mga kanta ng Maroon 5. Halos kalahating oras ang tinakbo ng sasakyan bago makarating sa bahay nila Gunter. Bumusina ako ng tatlong beses para magbigay pahiwatig na nasa harap na ako ng bahay nila. Hindi rin nagtagal at lumabas si Gunter na may dalang malaking bag pack. Hindi ko aakaling kulang pa pala sa kaniya ang mga gamit na meron kami sa sasakyan dahil ngayon ay may dala na naman siyang gamit. Napailing na lang ako habang nakangiti. Binuksan niya ang pinto sa likurang bahagi ng sasakyan at saka nilagay ang malaking bag bago sumakay sa loob.
“Usapan natin di ba na dito ka sa tabi ko uupo” sabi ko at pinaandar ko ang makina ng sasakyan.
“Saglit wag mo munang patakbuhin ang sasakyan!” sabi niya at nang lingunin ko siya ay may bigla na lang pumasok na lalaki sa loob ng sasakyan.
“Sorry Lance hindi ko kaagad nasabi, biglaan kasi.. siya nga pala si” hindi niya natuloy ang kaniyang pagpapakilala sa lalaking nasa tabi niya dahil siya mismo ang nagpakilala sa sarili niya.
“Ako nga pala si Andrew best friend ni Gunter, nice meeting you pare at salamat nga pala sa pag-imbita sa rest house nyo” sabi niya habang inaabot ang kaniyang kamay para makipaghand shake sa akin.
Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ito ang inaasahan kong mangyayari sa lakad namin ni Gunter. Muli kong binaling ang paningin ko kay Gunter at kitang kita ko sa hitsura niya na pinipilit ngumiti na tila ba humihingi rin ng tawad. Tiningnan ko siya nang masama dahil sinira niya ang pangako niya na sa aming dalawa lang itong lakad na to.
Itutuloy…….
A/N: Ngayon ko lang natapos ang chapter na to. Medyo busy at sobrang pagod sa trabaho. Buti na lang at US holiday kaya wala akong pasok at naisingit kong mag-update. So far ito na ang pinakamahabang chapter sa story.
Please wag nyo namang ipagdamot ang VOTE. Labyuu!!!
Chapter 15: A total stranger when he’s mad
Junfeng
as Andrew
Gunter’s POV
Ilang araw ko ring sinuyo si Ate Pritz na pumayag para makasama ako sa rest house nila Lance sa tagaytay pero ayaw niya akong payagan. Isang beses lang nagsabi sa kaniya si Lance at kaagad itong sumang-ayon. Hindi ko alam kung bakit napakabias ni ate sa aming dalawa ni Lance, hindi ko na nga alam kung sino nga ba ang tinuturing niyang kapatid sa aming dalawa. Wala naman talaga akong balak na sumama sa rest house dahil mas gugustuhin kong magpahinga at tumambay lang sa bahay kapag sembreak. Pero itong si Lance ay sobrang mapilit kaya napapayag na lang ako sa kaniya para tigilan niya ang pangungulit sa akin.
Wala siyang tiwala sa akin. Ang akala pa niya at ay iindyanin ko siya sa araw ng alis namin kaya kagabi pa lang ay kinuha na niya ang mga gamit na dadalhin ko para sa lakad namin. Ngayon ay susunduin na lang niya ako sa bahay. Medyo maaga akong nagising dahil kahit papano ay naeexcite din akong pumunta sa lugar na hindi ko pa napupuntahan. Alas otso ang usapan namin ni Lance na pagsundo niya sa akin pero ala sais pa lang ay nakaligo na ako at nakaready nang umalis. Kaya grabe na lang ang pang-aasar sa akin ni ate pritz dahil nga mas maaga pa ako sa kaniyang nagising. Dahil masyado akong maagang nakapaghanda ay sinubukan kong maglaro ng ML para patayin ang oras at hindi mabagot. Nasa kasagsagan ako ng paglalaro nang may marinig akong pagkatok sa pinto.
“Pumasok ka na! Ngayon ka pa ba nahihiyang pumasok?” sabi ko at pinagpatuloy ang paglalaro. Alam kong si Lance ang kumakatok sa pinto at pinagtitripan na naman ako. Saglit akong tumingin sa orasan at mukhang napaaga rin ang pagdating niya. Naagaw ang atensyon ko sa paglalaro at sa kaniyang pagkatok kaya nawala ako sa focus kaya mabilis akong napatay sa clash. Padabog kong binuksan ang pinto habang nag-aantay ma respawn ang character ko.
“Kanina ko pa sinabing pumasok ka di ba! Namata-” pasigaw kong sabi pero laking gulat ko nang may yumakap sa akin.
“Namiss kita Gon!” sabi niya sabay gulo sa ulo ko. Marahan ko siyang tinulak para makita kung sino ang yumakap sa akin at saka ko lang nakilala ang taong ito. Si Andrew, ang kababata at best friend ko.
“Andrew? Teka anong ginagawa mo dito pare?” tanong ko dahil hindi ko inaasahan ang bigla niyang pagdalaw sa akin.
“Bakit hindi ka masayang nandito ako?” tanong niya at ako naman ay tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Ang laki ng pinagbago niya sa ilang buwan naming hindi pagkikita. Tila ba lumaki ang kaniyang pangangatawan.
“Mukhang lumaki ang katawan mo ngayon ahh, naggigym ka na ba o lumaki lang yang braso mo kakajakol?” pang-aasar ko sabay tawa. Bigla niya na lang akong sinakal gamit ang kaniyang braso.
“Sa tingin mo magkakaroon din ako neto sa pagjajakol lang?” tanong niya sabay kuha sa kaliwang kamay ko at pinahawak niya sa akin ang abs niya. Bilang ganti ay hinampas ko ito gamit ang palad ko kaya napaurong siya at nabitawan niya ako.
Normal na sa amin ang ganitong bagay dahil sa tagal ng pinagsamahan naming dalawa. Sabay pa nga kaming tinuli at dati ay madalas pa naming ipagkumpara ang laki ng ari ng isa’t isa. Sa kanilang dalawa ni Kei ko natutunan ang magsarili. Minsan ay manonood kami ng porn sa kwarto ni kei kapag walang tao sa kanila. Kapag magsasarili kami ay may sari-sarili kaming kumot na ginagamit para takpan ang aming mga ari. Syempre nakakawalang ganang magsarili kapag nakikita mo yung mga ari ng mga kasama mo. Pero habang kami ay tumatandan ay may mga bagay na hindi na namin ginagawa at isa yun sa bagay na kinalimutan na namin at malabong maulit. Ang tanging hindi mawawala sa amin ay ang pagiging komportable namin sa isa’t isa.
“Bakit hindi mo naman sinabi sa akin na dadalaw ka?” tanong ko habang inaaya siyang maupo sa couch. Nilapag niya ang malaking bag pack na kaniyang dala-dala sa couch at naupo sa tabi ko.
“Eh kung sinabi ko kaagad sayo eh hindi na magiging surprise ang pagdalaw ko dito” tugon niya at napatango na lang ako. Kumuha ako ng tubig para ibigay sa kaniya dahil pansin kong kanina pasiya pinagpapawisan. Nagsalin ako ng tubig sa isang baso at kaagad niya itong ininom.
“Eh si Kei kamusta naman?” tanong ko habang siya ay umiinom.
“Pinilit kong sumama kaso hindi makasama dahil nabisto ng dalawa niyang syota na pinagsasabay niya ang mga ito” natatawang sabi ni Andrew at ako rin ay natawa kaya pala bihira ko na lang makitang magpost si Kei sa facebook yun pala ay may mga pinagtataguan.
“Bakit bihis na bihis ka ngayon, mukhang may date ka ah” sabi niya sa akin nang mapansin niya ang ayos ko.
“Ahh wala may pupuntahan lang” saka ko naalala ang lakad namin ni Lance. Patay, papano na yan? Nangako pa man din ako kay Lance na sasamahan ko siya sa rest house nila ngayon at kaming dalawa lang ang magkasama.
“Sige, ayos lang antayin na lang kita dito pagbalik mo para hindi ko kaya maisturbo” pang-aasar niya at ako nama’y pinilit tumawa. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya at papano ko ipapaliwanag kay Lance na hindi siya magagalit sa akin. Alam kong magagalit talaga yun si Lance dahil bilin niya sa akin na wag na wag magsasama ng ibang tao. Pero anong gagawin ko? Alangan namang iwanan ko si Andrew dito sa bahay kasama si ate habang ako ay limang araw na mawawala?
“Bakit kasi hindi ka nagsabi kaagad na pupunta ka?” ang muli kong sabi.
“Bakit saan kaba pupunta ngayon?” tanong niya sa akin.
“May usapan kami ng isa kong tropa na pupunta kami sa tagaytay ngayon. Nangako na ako at nakaayos na ang lahat at ngayon ang alis namin” sabi ko sa pinakamahinahong tono na kaya kong gawin. Ayoko naman kasing iparamdam na pinagtatabuyan ko siya. Alam ko pagod din siya mula sa byahe niya dahil galing pa siyang Caloocan.
“Eh di pakiusapan mo ang tropa mo na isabit ako sa lakad niyo, promise behave lang ako” sabi niya habang nakataas pa ang kanang kamay para mangako. Hindi ko magawang banggitin sa kaniya ang bilin ni Lance na huwag magsama ng ibang tao. Ang kaninang excitement na nararamdaman ko ay napalitan ng kaba. Mukhang nararamdaman ko nang hindi magiging masaya ang byahe namin.
Nang lumabas si Ate Pritz sa kaniyang kwarto matapos maglinis ay saka niya lang napansin ang pagdating ni Andrew. Niyakap niya kagaad ito nang makita niya. Para narin kasing kapatid ang turing ni Ate Pritz kay Andrew. Malaking tulong din kasi ang nagawa ng pamilya nila sa amin ni ate sa tuwing nagigipit kami. Sobrang bait ng magulang nila sa amin lalong lalo na ang mama niya na si mama minda. Mama ang tawag namin sa kaniya dahil yun ang gusto niyang itawag namin sa kaniya. Maging si Kei ay mama ang tawag kay mama minda. Madalas kaming dumideretso sa bahay nila Andrew para kumain ng merienda na hinahanda sa amin ni mama minda kapag galing sa school o kaya kapag natapos naming maglaro ng basketball. Pang larong kalye lang ang galing ko sa pagbabasketball kaya hindi ako sumasali sa try outs sa school. Si Kei at Andrew ang magaling diyan pero malakas ang loob kong kalabanin silang dalawa sa basketball dahil kahit anong pangangantyaw nila sa laro ko ay hindi ako naiinis.
Nagluto ng almusal para sa amin si Ate Priz dahil hindi pa rin pala nakakakain si Andrew ng almusal dahil maaga siyang umalis para lang maiwasan ang traffic. Tanging tinapay at kape lang ang kinain ko kanina dahil ayokong kumain ng marami dahil baka saan ako abutin ng aking tiyan. Mahirap makahanap ng maayos na palikuran lalo na kapag nasa byahe ka. Habang nag-aantay kami ng niluluto ni Ate Pritz ay nagawa pa naming maglaro ng rank game sa ML. Magaling sa maraming bagay si Andrew. Pagdating sa online games, mobile games at maging sa basketball ay hanga ako sa kaniyang paglalaro. Sa kaniya ako natuto ng mga techniques na nagagamit ko sa paglalaro. Maging sa panliligaw ay siya rin ang nagturo sa akin. Sa aming tatlo ay siya ang pinakagwapo at pinagkakaguluhan ng mga babae sa aming school. Pwera biro ako ang sumunod at pangatlo lang si Kei. Pero sa aming tatlo si Kei ang pinakababaero dahil para sa kaniya ay mas pogi ka kapag mas marami kang babae.
Saktong natapos namin ang laro at nagawa pa naming manalo sa aming kalaban kahit na AFK ang isa sa amin. Naging tagilid ang laban pero nagawa naming makuha ang epic comeback dahil sa husay ni Andrew sa paggamit kay Gusion. Kaagad kaming kumain habang patuloy na nakikipagkwentuhan si Ate kay Andrew. Hindi lang ako ang nakapansin ng biglang paglaki ng pangangatawan ni Andrew dahil si Ate Pritz ay yun rin ang napansin. Habang sila ay nagkakatuwaang kumain ay ako naman ay mabilis na tinapos ang kinakain dahil bigla kong naramdaman na kailangan ko nang magbawas. Napabilis ang pagbabawas ko dahil pagkatok ni Andrew sa banyo dahil kinakailangan na rin niyang gumamit nito. Nang matapos ako ay kaagad naman siyang pumasok sa banyo. Nagreklamo pa siya sa naiwang amoy na ikinatawa ko. Masyado kasi siyang atat pumasok kaya hayan may sumalubong na amoy sa kaniya.
Habang nasa loob ng banyo si Andrew ay tumulong ako sa pagligpit ng pinagkainan namin. Nagsipilyo kaagad ako nang mailagay ko lahat ng pinagkainan sa lababo. Huhugasan ko sana kaso nagpumilit si Ate Pritz na huwan na dahil kailangan niya daw i-sterilize ang mga kutsara at baso dahil dito na kumakain si Lance. Baka daw kasi magkasakit kapag sabon sabon lang ang ginawa niya. Buti pa si Lance naaalala niya pero yung sarili niyang kapatid ay hinahayaan lang niya. Napailing na lang ako habang nagsisipilyo. Bigla ako nakarinig ng tatlong busina ng kotse at ayun na nga ang naging hudyat na nasa tapat na ng bahay si Lance. Nanakbo ako patungo sa banyo para kumatok kay Andrew at sabihing aalis na kami. Sinabihan niya akong mauna na dahil patapos na rin siya at yun na nga ang ginawa ko. Bago ako lumabas ng pinto ay sinuot ko ang bag ni Andrew sa aking likuran para lumabas na sa akin ito at hindi kaagad maghinala si Lance. Wala naman na siguro siyang magagwa kapag nasa loob na si Andrew at ang bag niya.
At ganun na nga ang nangyari. Kahit masama ang tingin sa akin ni Lance nang malaman niyang may sinama pa akong iba sa aming lakad ay nagawa niya pa ring patakbuhin ang sasakyan. Hindi ko magawang makatyempo para magpaliwanag sa kaniya dahil nasa tabi ko si Andrew at panay ang kwento sa akin. Naiintindihan ko naman kung bakit halos hindi maunbusan ng kwento si Andrew dahil ilang buwan din kaming hindi nagkita pero ang kinababahala ko ay mukhang lalong naiinis si Lance sa pagiging madaldal ni Andrew. Nagulat na lang ako ng biglang magpatugtog nang malakas si Lance.
“Uy pare nakikinig ka rin pala sa Ghost” sabi ni Andrew nang marinig niyang tumugtog ang kanta. Tumango lang si Lance bilang sagot at hindi man lang kami nililingon. Hindi ko nga alam kung kanta pa bang maituturing ang pinapatugtog ni Lance dahil mas marami ang sigawan kaysa pagkanta.
“Alam mo bang paborito ko sa kanta nila yung version nila ng Crucified, napakaangas nun!” dugtong pa ni Andrew at hindi man lang sumagot si Lance. Ito namang si Andrew ay sumasabay pa sa kanta at halatang kabisado niya ang mga tugtugin ng banda na to. Sa tinagal tagal naming magkasama ni Andrew ay ngayon ko lang nalaman na mahilig pala siyang makinig sa ganitong kanta. Madalas kasi niyang pinapatugtog ay mga JRock at ang nakakatawa pa ay isa siyang fan boy. Sobrang fan siya ng girl group na Twice. Pinag-iipunan niya pa ang mga merchandise at albums nila. Kaya madalas siyang inaasar na bakla ni Kei kasi kahit steps ay alam niya. Grabe daw kasi ang paghanga niya sa isang miyembro nito na si Tzuyu. Kahit ako ay nagagandahan sa babaeng yun pero kahit na gaano siya kaganda ay hindi niya ako mapapasayaw sa mga kanta nila.
Sa tinagal ng pagbabyahe namin ay napatunayan ko na parehas ang gusto ni Lance at Andrew pagdating sa music. Maliban na lang siguro sa pakikinig ni Andrew sa JRock at sa pagpafan boy niya sa Twice. Halos lahat kasi ng pinatugtog ni Lance ay alam niya ang lyrics o kaya familiar siya sa kanta. Medyo matraffic ang naging byahe namin kaya inabot kami ng halos isa’t kalahating oras bago makarating sa rest house nila Lance. Medyo naantala din kasi ang byahe namin kanina nang may kausapin si Lance sa cellphone niya at kinailangan niya pang bumaba ng saksakyan para magkarinigan sila ng husto ng kaniyang kausap. Ang ganda ng rest house nila dito at napakaaliwalas ng paligid dahil sa mga nakapalibot na puno. Ayun kay Lance ay kasalukuyang naka day-off ang care taker ng rest house kaya naman kaming tatlo lang ang magiging tao sa malaking bahay na to.
Dala-dala ang mga gamit ay pumasok kami sa loob ng rest house at isa-isang nilapag ang mga gamit sa lapag ng sala. Kahit hindi ako ang nagmaneho ay ramdam ko pa rin ang pagod dahil sa init at traffic na dinaanan namin makapunta lang dito. Kahit di nagsasabi si Lance ay alam kong napagod din siya at nang makapagpahinga kami ay nagprisinta naman ako na magbitbit ng mga gamit sa aming kwarto. Si Andrew naman ang nag-ayos ng mga pagkain at sangkap na dapat ilagay sa ref na aming magagamit sa pagluto.
“Yung mga gamit natin ay dalhin mo sa master bed room at yung gamit ni Andrew ay dalhin mo sa kwarto ng care taker” gamit ang kaniyang daliri ay pinagtuturo niya lang ang mga kwartong ito para maging gabay ko.
“Teka andaming kwarto dito sa rest house niyo tapos magtatabi lang kayo ni Gunter sa iisang kwarto?” angal ni Andrew habang hawak-hawak pa ang isang kilo ng manok na nakabalot sa plastic. Tiningnan ko nang masama si Andrew dahil sa inasal niya. Kami na nga lang itong makikituloy tapos aangal pa siya. Pero sa isip-isip ko ay may punto si Andrew dahil kung hindi ako nagkakamali ay nasa pitong kwarto kasama ang kwarto ng care taker ang meron ang rest house na to. Siguro naman may iba pang guess room na pwedeng tulugan si Andrew.
“Dahil matagal na kaming natutulog nang magkatabi” hindi ko inaasahang sasabihin yun ni Lance. Sasagot sana ako para magpaliwanag pero muling nagsalita si Lance.
“84 years na ang tanda ng rest house na to. May mga antique na kagamitan sa bawat kwarto. Dalawang tao lang ang inaasahan ni manong jun na darating ngayon kaya pinalipat ko sa kaniya ang mga antique sa ibang kwarto at ipinasara ang mga ito para masigurong hindi ito magagalaw. Nakalock ang lahat ng kwarto at nasa kaniya ang susi. Iniwan niya lang na nakabukas ang kwarto niya at ang master bedroom” dugtong niya at kaagad siyang naglakad patungo sa master bedroom.
Bago ako sumunod kay Lance sa master bedroom ay lumingon muna ako kay Andrew na patuloy pa ring naglilipat ng mga sangkap sa loob ng ref. Nag-okay sign siya sa akin at ngumiti bilang tanda na wala siyang pagtutol sa mga nangyayari. Muli kong nilapag ang mga gamit namin ni Lance sa sahig at inunang dalhin ang bagpack ni Andrew sa magiging kwarto niya. Mas malapit kasi ito at hindi na ako magpapabalik-balik. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay kaagad kong nilagay ang bag pack ni Andrew sa ibabaw ng kama. Wala naman masyadong kakaiba sa kwarto niya at mukhang nagsisilbing tulugan lamang ito para sa care taker ng bahay dahil wala gaanong gamit sa loob at kahit mga palamuti ay wala kang makikita.
Sinunod ko namang dalhin ang mga mabibigat naming bag ni Lance patungo sa master bedroom kung saan kami matutulog. Hindi ko alam kung kailangan ba talaga ni Lance ang lahat ng mga gamit na dala niya. Hindi naman ako makapagreklamo na hindi man lang siya tumulong sa pagbubuhat dahil alam kong napagod din siya sa pagmamaneho. Pagkarating ko sa harap ng pinto ng master bedroom ay binuksan ko ang pinto ng kwarto gamit ang aking paa. Marahan lang ang pagkakasipa ko para mabuksan ito dahil hindi ko magawang hawakan ang door knob sa dami ng bitbit ko. Pagpasok ko sa loob ay naabutan kong nagpupunas ng pawis sa kaniyang katawan si Lance. Tumingin siya sa akin ng isang beses bago siya nagsuot ng kaniyang tshirt. Nilapag ko naman sa sahig ang aming mga gamit.
Hindi ko napigilan ang aking sariling mapamangha sa loob ng kwarto. Ang ganda ng pagkakadesign ng kwarto, para kang nakatira sa sinaunang panahon na may twist ng modern design. Ang mga kurtinang ginamit ay tila kasing tagal na ng bahay na to. Nasasabi ko yun dahil sa desenyo nito at hindi sa kulay dahil ang mga tela ay tila hindi man lang nabahiran ng dumi o mantsa sa sobrang puti. May iilang larawan na nakasabit sa dingding na masasabi kong totoong taong nanirahan sa bahay na to. Sabi ni Lance kanina ay lahat ng mga antigong kagamitan ay nasa ibang kwarto na pero may iilan paring naiwan sa kwartong to. Bumalik ang tingin ko kay Lance nang mahiga siya sa ibabaw ng kama.
“Lance tungkol pala Andrew, gusto ko sanang..” hihingi sana ako ng tawad pero bigla na lang niya akong pinutol.
“Pagkatapos mo dyan pwede ka nang lumabas. Gisingin nyo na lang ako kapag nakahanda na ang lunch” sabi niya sabay suot ng headset at lagay ng bindfold. Mukhang ayaw talaga niya akong makausap kaya naman lumabas ako para tulungan si Andrew.
Tinulungan ko si Andrew na maghanda ng aming lunch. Marami kaming napag-usapan tungkol sa mga nakaraang buwan. Pinagmamayabang pa niya sa akin na ilang buwan na daw siyang single. Syempre, bilang matalik na kaibigan niya ay hindi ako naniniwala dahil sa dinami-dami ng mga babaeng nagkakagusto sa kaniya ay malamang may kasunod na kaagad ang ex niya. Isa pa sa kinaiinggitan kong talento ni Andrew ay ang galing niya sa pagluluto. Namana niya ang husay ni Mama Minda sa pagluluto. Buti na lang at nandito siya dahil baka puro prito at noodles ang kakainin namin ni Lance. Sa tagal naming magkasama ni Lance ay wala siyang nabanggit tungkol sa pagluluto kaya ang pagkakaalam ko ay kagaya ko lang din siya na magaling lang sa pagkain.
Ang daming kalokohan na ginawa nilang dalawa nang malipat ako sa Laguna. Bigla ko tuloy namiss yung samahan naming tatlo habang patuloy sa pagkukwento si Andrew. Pero mas maraming nakwentong kalokohan si Andrew tungkol kay Kei kasi sa aming tatlo ay siya ang pinakamaloko. Panay ang tawanan naming dalawa habang nagkukwento siya sa mga kagaguhan na pinaggagawa ni Kei. Habang kami ay naghahanda ng pagkain ay panay pa rin ang tawanan naming dalawa na para bang mga batang walang kinatanda dahil sa mga simpleng kwentuhan ay grabe ang nagagawa naming pagtawa. Nagulat na lang ako nang biglang naupo si Lance sa mesa kung saan mga plato at kanin pa lang ang nakahain.
“Andyan ka na pala, gigisingin na sana kita para kumain eh” sabi ko sabay lapag ng adobong manok na nakalagay sa malaking bowl sa ibabaw ng mesa.
“Hindi na kailangan, sa ingay nyo pa lang nagising na ako kaagad” reklamo niya at mukhang hindi nagustuhan ni Andrew ang tono ng pananalita ni Lance. Madalas talagang maangas at mayabang ang pananalita ni Lance kaya kung hindi mo siya kilala ay maiinis ka talaga. Naiintindihan ko ang naging reaksyon ni Andrew pero mabuti nagawa ko siyang pigilang magsalita dahil baka lalong lumala ang galit ni Lance.
“Alam mo ba pre, itong si Lance ang MVP ng school namin. Mukhang magkakasundo kayo sa basketball” sabi ko habang nakaakbay kay Andrew at marahang tinatapik ang kaniyang balikat para magbigay ng mensahe na maghinay hinay sa kaniyang sasabihin.
“Talaga ba? Mukha ngang magkakasundo kami” sagot ni Andrew habang nakangiti. Alam ko namang pinipilit niya lang ngumiti. At ito namang si Lance ay parang gusto akong patayin sa sama ng tingin niya sa akin.
“Oh siya tara na’t kumain” pag-iba ko sa topic. Gusto ko na lang matapos kumain para makaiwas sa kung ano mang alitan meron sila.
Habang kami ay kumakain ay bigla na lang ako nawalan ng gana sa pagkain dahil para silang bata na nag-aagawan sa parte ng manok. Nagtatalo pa sila kung sino baa ng nararapat sa parte na yun. Kahit wala akong gana kumain ay nagmadali akong kumain para lang makaalis sa mesa dahil naiinis na ako sa kanilang dalawa. Nang matapos akong kumain ay nagtungo ako sa labas ng bahay para magpahangin. Sakto na mayroong duyan sa bakuran ng rest house. Nakatali ang duyan sa pagitan ng dalawang puno at ang maganda pa ay natatakpan ng mga puno ang sinag ng araw kaya hindi ako masyadong naiinitan at nasisilawan. Nagpasiya akong umidlip saglit dahil bigla na lang akong nakaramdam ng antok. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag wala ka masyadong naririnig na ingay ng mga sasakyan. Tapos sobrang gaan sa pakiramdam ng nilalanghap mong hangin.
Nagising ako nang maramdaman ko ang panlalagkit ng aking katawan. Pawis na pawis na pala ako at wala na masyadong hangin sa sandaling ito. Tumingin ako sa cellphone ko para tingnan ang oras at nakita kong alas kwatro na at hindi man lang ako nagising ng mga siraulong yun. Kaagad akong pumasok sa loob ng bahay at inakalang nakatulog din ang dalawa kaya hindi nila ako nagising. At nang ako’y makarating sa sala ay naabutan ko silang naglalaro ng Tekken 7. Napakawalanghiya hindi man lang nila ako nagawang gisingin para ayaing maglaro.
“Wow, so kayo lang ang maglalaro at hindi nyo man lang ako ginising?” reklamo ko at naupo sa couch.
“You were sleeping” maiksing tugon ni Lance.
“Wag na baka matalo ka lang” pang-aasar naman ni Andrew.
Hindi ko alam kung nakailang round na sila sa paglalaro pero kaagad kong napansin ang maliit na notebook sa harapan nila kung saan may mga pangalan nila at may mga guhit na nagsisilbing tantos sa pagkapanalo. Sa tingin ko ay kanina pa sila naglalaro nang hindi man lang ako niyayaya.
“I told you, matatalo ka lang!” sabi ni Lance nang manalo siya sa laro nila.
“Maswerte ka lang dahil mabilis akong mangalay ngayon dahil nagluto ako kanina” sagot naman ni Andrew. Inabot sa akin ni Lance ang controller at ang akala ko ay makikipaglaro sa akin si Andew pero bigla na lang siyang tumayo at sumunod kay Lance.
“So anong susunod?” narinig kong sabi ni Andrew habang nakabuntot siya kay Lance.
Napakalabo nilang dalawa. Kanina lang ay halos magpatayan sila sa kapirasong manok tapos ngayon ay mukhang mas close pa silang dalawa. Wala akong nagawa kundi ang magtiyaga sa pakikipaglaro sa AI. Kahit na AI lang ang kalaban ko ay na-challenge pa rin ako dahil tinaasan ko ang difficulty ng laro. Kanina ko pa nararamdaman na parang ako lang ang tao sa loob ng rest house at nagtataka kung nasan na yung dalawa kong kasama. Nang matalo ako ng dalawang beses ay tinigilan ko na rin ang paglalaro at hinanap ang dalawa kong kasama. Pagtingin ko sa labas ay hindi ko sila mahanap. Bumalik ako sa kwarto namin ni Lance pero wala siya dun. Sa kwarto naman ni Andrew ay wala ring tao. Mga siraulo iniwan nila akong dalawa sa lumang bahay na to. Wala akong ideya kung saan sila nagpunta kaya sinubukan ko silang tawagan pero nang tawagan ko ang mga cellphone nila ay walang sumasagot. Saka ko lang napansin na naiwan pala nila ang kanilang cellphone.
Habang tumatakbo ang oras ay lalong dumidilim ang paligid. Kahit nakabukas na ang mga ilaw sa rest house ay hindi pa rin ako mapakali dahil pakiramdam ko ay may taong nagmamasid sa lahat ng ginagawa ko. Hindi ko na natiis at lumabas na ako ng bahay. Naglakad-lakad ako sa labas dahil kahit papano ay may mga nakikita akong mga tao at sasakyan. Ewan ko ba parang ayokong bumalik sa loob ng mag-isa dahil pakiramdam ko ay hindi na ako makakalabas kapag pumasok akong muli. Hindi naman ako matatakutin pero iba talaga ang pakiramdam ko sa bahay na to. Hindi rin nagtagal at nang matanaw ko silang dalawa na tumatakbo pabalik sa direksyon ko. Naunang nakapasok sa loob ng gate si Andrew habang nakataas pa ang kamao na para bang tumakbo sa isang paligsahan at siya ang nanalo.
“Patas na tayo ngayon” sabi niya habang hinihingal. Ang akala ko ay ako ang kausap niya yun pala ay si Lance na nasa likuran ko na hingal na hingal din.
Ngayon ko lang nakita si Lance na ganito kapagod. Alam kong mataas ang stamina niya dahil sa training na ginagawa niya sa basketball. Napaisip tuloy ako kung gaano kalayo ang tinakbo nilang dalawa para mapagod ng ganito. Habang ako ay tulala at walang kaalam alam sa nangyayari ay bigla na lang naghubad ng tshirt si Andrew at binato sa mukha ko ang damit niyang basang basa ng pawis.
“Gago ka!” sabi ko nang alisin ko ang tshirt niya sa mukha ko. Ibabato ko sana sa kaniya ang damit niya pero bigla na lang siyang nanakbo habang tumatawa.
Hahabulin ko sana siya kaso nakita ko na naman ang mukha ni Lance na hindi masaya kaya nanatili na lang ako sa kinatatayuan ko dahil baka isipin niya na planado ko ang lahat ng to. Huminga ako nang malalim at sasabihin sana ang dahilan kung bakit nakasama si Andrew kaso inunahan na naman niya ako.
“Nakapagsaing ka na ba?” tanong niya niya sa akin na para bang may sapi siya ni Ate Pritz sa tono ng pagtanong niya sa akin.
“Hi-hindi pa po” ang bigla kong nasabi. Pakiramdam ko kasi si ate yung nasa harap ko kaya na pa po ako sa kaniya.
“Ano pang ginagawa mo dito?” inis niyang tanong at naglakad siya papasok sa bahay.
Kanina pa ako nagtitimpi sa inaasta nitong si Lance pero nagpipigil lang ako. Unang una hindi ko naman ginustong pumunta sa lugar na to at siyang lang tong nagpumilit. Pangalawa hindi ko naman alam na darating ngayon si Andrew, alangan naman iwanan ko siya sa bahay matapos niyang bumiyahe makita lang ako. Dapat talaga hindi na ako sumama sa lakad na to dahil mukhang silang dalawa naman ang nag-eenjoy at sila lang tong may sariling mundo. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo sa labas ng bahay pero dahil sa malamig na hangin ay bigla akong kinilabutan kaya nagmadali akong pumasok sa bahay.
Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko si Andrew na umiinom ng tubig at hindi pa rin nakakapagbihis ng damit. Habang lumalagok siya ng tubig ay dahan-dahan akong naglakad para hindi niya mapansin na papalapit ako sa kaniya. Nirolyo ko ang tshirt niya na basang basa ng kaniyang pawis at bigla ko na lang hinampas ito sa kaniyang tiyan. Nabuga niya ang iniinom niyang tubig dahil sa ginawa ko. Tawang tawa ako nang makita siyang umuubo habang hawak niya ang kaniyang tiyan.
“Tarantado ka! Hindi mo man lang ako pinatapos uminom ng tubig” natatawa niyang sabi. Nilagay niya ang basong kaniyang pinag-inuman sa lababo at nanakbo papunta sa akin. Bigla niyang inipit ang aking leeg gamit ang kaniyang braso.
“Alam ko namang naiinggit ka sa abs ko kaya hahayaan kitang i-kiss to!” sabi niya habang pilit niya akong nginungudngod sa tiyan niya habang tumatawa.
“Gago kinikilabutan ako sayo!” sabi ko sabay pitik ko sa tiyan. Napasigaw siya sa sakit pero hindi pa rin niya ako binibitawan.
“Maghaharutan na lang ba kayo dyan?” biglang tanong ni Lance. Mahinahon ang kaniyang pagkakasabi pero halata sa kaniyang mukha na hindi siya natutuwa. Bumitaw sa akin si Andrew habang tumatawa at ako naman ay dumirecho na sa kusina para makapagsaing.
Habang naglilinis ako ng bigas ay hindi ko inaasahang makita na si Lance mismo ang naghahanda ng mga sangkap na lulutuin para sa hapunan namin. Mukhang gutom na gutom na siya at hindi siya makapag-antay para makakain kaya siya na mismo ang naghanda ng mga sangkap. Nang maisalang ko ang sinaing ay laking gulat ko na lang nang makita ko siyang naghihiwa ng isdang bangus. Seryoso ba talagang marunong siyang magluto?
Tahimik lamang akong nagmamasid habang siya ay naghahanda ng ulalamin namin. Sino ba naman ang mag-aakalang si Lance Fuentes ay marunong magluto ng paksiw na bangus? May mga pagkakataong tumitingin siya sa akin habang siya ay nagluluto. Sa tuwing nahuhuli niya akong nakatingin ako sa kaniya ay kaagad naman akong ngumingiti pero wala man lang siyang sinasabing salita at nanatiling malalim ang kaniyang pagtingin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya ngayon. Ganun ba kalaki ang galit niya dahil sinama ko si Andrew? Pero parang hindi naman ganun ang inaasta niya dahil mas madalas niya pa ngang kasama ito kaysa sa akin. Dapat ako na lang ang hindi sumama sa kanilang dalawa.
Nang kami ay nagsimulang kumain ay naging tahimik ang hapag kainan. Kahit si Andrew na sobrang daldal ay naging tahimik habang kumakain. Ako naman ay natahimik talaga dahil napasarap ang aking pagkain. Hindi ko inakalang may talento pala si Lance sa pagluluto. Sa tuwing kakain siya sa bahay ay kahit isang beses ay hindi siya nagreklamo sa luto ng ate ko. Kung tutuusin pa nga ay mas masarap ang pagkakaluto niya ng paksiw kaysa sa pagpapaksiw ni Ate Pritz.
Pagkatapos naming kumain ay kaagad umalis si Lance para makaligo. Hindi pa rin kasi siya nakakapagpalit simula nang magjogging silang dalawa ni Andrew kanina. Ako naman ay nagkusang magligpit ng aming pinagkainan at si Andrew ang naghugas ng pinggan. Konting kwentuhan ang ginawa namin habang naghuhugas siya ng mga pinagkainan namin. Inaantay ko pa kasing matapos maligo si Lance bago ako pumasok ng kwarto dahil yun lang ang magagamit naming paliguan. Maliban pala sa isang banyo na nasa labas ng bahay malapit sa garden kung saan malapit ang sampayan. Ayokong lumabas ng bahay para lang maligo baka may makita pa ako dun na hindi ko dapat makita.
Pumasok ako kaagad sa loob ng kwarto nang makalabas na si Lance at mukhang kakatapos niya lang maligo dahil hindi man lang niyang nagawang magpatuyo muna ng buhok bago lumabas ng kwarto. Pinagsabay ko na ang paggamit ng shampoo habang nagsasabon sa katawan dahil iba talaga ang pakiramdam ko sa bahay na to. Ewan ko bas a tuwing mag-isa ako sa isang lugar ng bahay na to ay para bang may nagmamasid sa lahat ng ginagawa ko. Kagaya ni Lance ay napalabas ako ng kwarto nang hindi man lang nagpapatuyo ng buhok. Napaisip tuloy ako kung parehas ba kami nang nararamdaman ni Lance kaya napalabas kaagad siya ng kwarto.
Nagtungo ako sa sala at naabutan ko na naman silang naglalaro ng Tekken 7. Lumapit ako para makisali sa kanila. Kagaya ng kanina ay meron na namang notebook sa harapan nila at naglalagay sila ng tantos sa tuwing may mananalo sa kanilang dalawa. Ilang rounds din ang nagawa nila at naiinip na ako dahil gusto ko rin sumali. Tumabi ako kay Andrew para agawin ang controller sa kaniya para ako naman ang kasunod pero hindi ko inaasahan na pagagalitan ako ni Lance.
“Wag ka ngang magulo, laban namin to!” sabi niya at halatang pikon siya ngayon. Alam kong pikon siya dahil lamang sa kaniya si Andrew. Kaya nga kinukuha ko na ang controller kay Andrew para hindi na lalong mainis si Lance peroi mukhang lumalala pa lalo.
“Ohhh pasenya na ahh!” padabog kong inabot kay Andrew ang controller habang nakatingin nang masama kay Lance. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na mainis sa inaasal niya.
“Sana sinabi nyo na kayo lang ang mag-eenjoy sa lakad na to para hindi na ako sumama!” pasigaw kong sabi habang naglalakad palayo sa kanila. Sobrang inis ko kaya pumunta na lang ako sa kwarto para maglaro sa cellphone ko. Maglalaro sana ako ng mobile legends kaso pulang pula ang connection ko kaya hindi ko na tinuloy kasi masisira ko lang ang laro ng team kapag sobrang lag ko. Dahil wala rin naman akong gagawin ay nagpasiya na lang akong matulog.
Hating gabi nang maramdaman kong may yumayakap sa akin. Alam kong si Lance ito kaya naman inalis ko ang kaniyang kamay at lumayo sa kaniya. Bawat paglayo ko ay siya namang paulit-ulit niyang paghila sa akin papalapit sa kaniya. Kung matigas ang ulo niya ay mas matigas ang ulo ko kaya mapapagod lang siya kakahatak sa akin. Hindi nagtagal nang sa tingin ko ay napagod na siya kakahatak sa akin kaya ako naman ay napanatag dahil makakatulog na ako nang maayos nang hindi siya nakaakap sa akin. Nasa kaliwang bahagi ako ng kama at siya nama’y nasa kanan. Kasalukuyang nakatalikod ako sa kaniya dahil ayokong makita ang pagmumukha niya dahil pakiramdam ko ay maiinis lang ako lalo at hindi makakatulog.
“Alam mo bang may namatay na sa kawrtong to?” hindi ko inaasahang sasabihin nya yun.
“Ewan ko sayo!” ang tanging nasabi ko pero naiinis ako dahil alam kong nang-aasar lang siya pero mali ang timing niya ng pang-aasar dahil hating gabi na at sobrang dilim sa kwarto. Tanging ilaw na nagmumula sa labas ng bahay na tumatagos sa bintana ang nagsisilbing liwanag sa loob ng kwarto.
“Kung hindi ako nagkakamali ay diyan mismo sa cabinet na nasa dulo kung saan siya dati nagsabit ng tali para magbigti” dugtong pa niya. Tangina lang talaga, kitang kita ko mismo sa pwesto ko yung cabinet na sinasabi ni Lance. Hindi ako nagsalita dahil alam kong nanakot lang siya pero imbes na tumigil ay nagsalita pa siyang muli.
“Wag na wag kang titingin sa salamin na nakadikit sa cabinet. Dahil kapag hating gabi ay makikita moa ng anino ng kaniyang paa na nagpapadyak habang nalalagutan siya ng hininga” dugtong pa niya. Umabot na sa sukdulan ang takot ko dahil parang may nakikita nga akong anino sa salamin kaya pinikit ko ang aking mata. Bukas na bukas din ay aalis na ako sa bahay na to tangina mo talaga Lance!! Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong napapaurong sa pwesto ko kaya naman nang may maramdaman akong malamig na kamay sa aking balikat ay napasigaw talaga ako ng malakas.
“Gago ako to!” sabi ni Lance. Nanatili akong nakapikit dahil ayokong may makitang kakaiba sa paligid ko. Hinarap ako ni Lance sa kaniya at niyakap niya ako. Kahit alam kong si Lance na ang yumayakap sa akin hindi pa rin mawala-wala ang takot. Mas malala ang nararamdaman kong takot dahil naiimagine ko lalo ang mga sinabi ni Lance nang pumikit ako. Gustong gusto ko siyang sapakin sa ginawa niyang pananakot sa akin pero nanginginig ang katawan ko at halos wala akong nagawa. Hindi ko inaasahan ang susunod na ginawa niya. Bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Hindi ko alam kung bakit niya nagawa yun sa ganitong pagkakataon. Ewan ko kung bakit hinayaan ko lang siyang gawin ang gusto niyang gawin. Sandaling nawala ako sa aking sarili nang ginawa niya yun pero nagawa ko siyang itulak nang maramdaman ko ang pagpasok ng kaniyang dila sa loob ng bibig ko.
“Gago bat ginawa mo yun?” sabi ko sabay hawak sa aking mga labi.
“Oh di ba nawala ang takot mo?” natatawa niyang sabi. Saka ko lang napansin na hindi na nga nanginginig ang aking katawan. Hinawakan niya ang likod ng aking ulo para ilapit muli ang aming mga mukha pero nanatiling nakatakip ang aking kamay para harangan ang aking mga labi.
“Relax ka lang at matulog kana habang kaya ko pang kontrolin ang sarili ko!” pagkasabi niya nun ay bigla na lang niyang tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa aking mga labi. Ramdam na ramdam ko ang malalim niyang paghinga dahil sa sobrang lapit ng aming mukha sa isa’t isa.
“Hayaan mo bukas ay tayong dalawa na lang ang matitira sa bahay na to” hindi ko alam kung nananakot ba siya o may ibig sabihin ang kaniyang sinabi. Gamit ang kaniyang kamay na nakahawak pa rin sa likod ng aking ulo ay nagawa niyang ilapit ang aking mukha sa kaniyang dibdib habang ang kaniyang baba ay nasa ibabaw ng aking ulo. Hinawakan niya ang aking baywang para paglapitin nang husto ang aming katawan hanggang sa….
Itutuloy……..
A/N: LOL! Hindi ko mapanindigan ang ‘His’ at ‘He’s’ na title so ayan muna. Grabe para akong nagsulat ng climax ng CLWY sa haba ng chapter na to. 6k words ang chapter na to, baka naman mag-Vote na yung iba dyan! Nasa next chapter na ang pinakaaantay nyo at maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa story ko. Kaya medyo mabagal ang phasing ng story dahil plano ko na paabutin to ng 40-45 chapters.
VOTE! VOTE! VOTE!
Chapter 16: Kiss and Pleasure
Darren as Gunter
Lance’s POV
Kanina pa ako inis na inis sa kasama ni Gunter. Ilang beses kong pinaulit ulit sa kaniya na ang lakad naming ito ay para sa aming dalawa lang tapos nagsama siya ng hindi ko man lang kilala. Si Ate Pritz nga hindi ko nagawang yayain tapos nagsama pa siya ng kaibigan niya. Habang nasa byahe kami ay hindi ko sila kinikibo dahil naiinis talaga ako. Nagawa ko nang lakasan ang tugtog sa kotse ko pero bawat kanta na pinapatugtog ko ay alam ni gago. Panay ang tanong sa akin ni Andrew sa mga bagay-bagay na hindi naman ako interesadong pag-usapan. Naging matipid ang mga sagot ko sa kaniya dahil ayokong pangunahan ng init ng ulo ang lakad na to dahil baka mas may ilalala pa to kapag hindi ako nagpigil. Habang nasa byahe ay nag-iisip ako kung papano makakaganti kay Gunter sa ginawa niyang to.
Bago kami makarating sa rest house ay tumawag muna ako kay Mang Carlos na baguhin ang set-up sa bahay. Inutusan ko siyang i-lock ang mga guest room at dalawang kwarto lang ang itira niya yun ay ang master bed room at ang kaniyang kwarto. Nag-aalangan pa si Mang Carlos na ipagamit ang kaniyang kwarto dahil mas komportable daw sa bisita ang ibang guest room pero nagpumilit ako na sa kaniyang kwarto ang gagamitin dahil hindi ko naman talaga bisita ang isa naming kasama. Pagkatapos kong magbilin ay kaagad akong pumasok sa kotse para magpatuloy sa pagmamaneho. Naabutan ko silang dalawang nagkakantyawan sa isa’t isa. Samantalang ako ay pinagmumukha nilang driver. Ano bang pakialam ko kung best friend niya si Andrew? Dapat kasi pinauwi niya na lang yan dahil alam naman njyang may lakad kaming dalawa.
Pagkarating namin sa rest house ay sakto namang kakaalis lang ni Mang Carlos. Nagawa niya ang lahat ng mga inutos ko bago pa kami makarating sa rest house. Hindi ko inaasahan na mamangha si Gunter sa rest house dahil iilan na lang ngayon ang nakakaappreciate ng mga vintage na bahay. Masaya ako na nagustuhan niya ang bahay na to pero mas masaya sana ako kung kaming dalawa lang ang tao sa loob nito. Naiinis ako sa tuwing humihirit itong si Andrew na para bang close na kaming tatlo at sobrang komportable niya sa akin na wala man lang siyang nararamdamang hiya. Bago ako pumasok sa kwarto ay sinabi ko kay Gunter kung saan siya matutulog at kung saan matutulog si Andrew. Nagsinungaling ako tungkol sa mga iniingatang antique figures para hindi na sila magtanong pa. Wala rin namang choice si Andrew dahil sampid lang naman siya sa lakad na to.
Pumasok ako sa kwarto para tingnan kung naligpit na ba ni Mang Carlos ang mga gamit na hindi naman namin kakailanganin. Inikot ko ang buong kwarto para tingnan isa-isa ang mga kagamitan kung nasa maayos pa ba itong kalagayan. Bago ako magbihis ay may bigla akong naalala. Kumuha ako ng bangko para gawing tungtungan at inabot ang painting sa may gitnang bahagi ng kwarto. Dahan-dahan kong hinawi ang painting para makita kung gumagana pa ba ang hidden camera na nakalagay sa likod nito. Gaya ng inaasahan ko ay gumagana pa rin ito. Sinabihan ko na si Mang Carlos na i-disable lahat ng hidden camera sa loob ng rest house dahil gusto ko ng privacy pero hindi niya ito sinunod dahil mahigpit na pinatutupad ni daddy na wag na wag i-disable ang mga camera sa rest house. Hindi ko alam kung anong dahilan niya dahil wala namang katao-tao sa rest house na to para gawin niya yun. Gamit ang electrical tape ay tinakpan ko ang camera para wala na itong marecord na video sa loob ng master bedroom. Sunod na tinakpan ko ay ang hidden camera na meron sa loob ng banyo.
Nang ako’y matapos ay naghubad ako ng damit dahil basang basa na ng pawis ang aking damit. Hindi ko na nagawang buksan ang aircon dahil ayokong maabutan ni Gunter na nagtatakip ako ng mga hidden camera sa kwarto. Baka hindi rin niya magustuhan kapag nalaman niya na maraming hidden camera ang rest house na to. Kumuha ako ng malinis na towel at binasa ito ng tubig bago lagyan ng alcohol bago ipunas sa aking katawan. Mabuti naman at ang pagpupunas ng aking katawan ang naabutan ni Gunter at hindi yung pagtatakip ko ng mga camera. Kagaya ng kanina ay manghang mangha siya sa desenyo ng kwarto. Habang nililibot ng kaniyang paningin ang bawat sulok ng kwarto ay ako nama’y nahiga sa ibabaw ng kama.
“Lance tungkol pala Andrew, gusto ko sanang..” bigla siyang nagsalita nang bumalik ang tingin niya sa akin. Alam kong gusto niyang humingi ng tawad pero mabilis kong pinutol ang gusto niyang sabihin.
“Pagkatapos mo dyan pwede ka nang lumabas. Gisingin nyo na lang ako kapag nakahanda na ang lunch” mabilis kong tugon at nagsuot ng headset at naglagay ng blindfold sa mata.
Ayoko muna siyang kausapin hanggang hindi pa ako nakakaisip kung anong parusa ang gagawin ko sa ginawa niyang pagsira sa lakad na para sa aming dalawa lang.Wala naman talaga akong balak na matulog pero ginawa ko lang na dahilan ito para hindi ako kausapin ni Gunter. Gusto ko kasing makonsensya siya sa pagsira niya sa aming usapan. Pinikit ko ang aking mata para umidlip lang sana pero hindi rin nagtagal ay nakaramdam ako ng antok at ako’y nakatulog.
Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto. Tiningnan ko kaagad ang aking cellphone para malaman kung anong oras na. Halos magtatanghaling tapat na pala at ang natapos na ang playlisyt na pinapatugtog ko kaya wala ng music na tumutugtog. Ano naman kayang ginagawa ni Andrew kay Gunter at bakit ganun na lang ang lakas ng pagtawa ni Gunter. Sa tinagal-tagal kong nakasama si Gunter ay hindi ko pa siya naririnig na tumawa nang ganun kalakas. Ewan ko ba at napipikon ako sa pagtawa niya. Bakit ba kasi ganyan siya kasaya kapag si Andrew ang kasama niya? Kapag kaming dalawa naman ang magkasama ay mas madalas pa siyang nakasimangot sa akin.
Nang kami ay kumain ay nabanggit ni Gunter na magaling daw itong si Andrew sa basketball. Napaisip tuloy ako kung anong bagay baa ng hindi niya ginagawa na ginagawa ko dahil halos lahat ng ginagawa ko ay ginagawa niya rin. Ang nakakapikon pa ay kakain na lang kami ay nakikipag-agawan pa siya sa parte ng manok. Syempre hindi ako nagpatalo dahil inaagaw na nga niya ang atensyon ni Gunter tapos pati ba naman sa pagkain ay aagawan niya ako. Nainis siguro sa amin si Gunter kaya nauna na siyang umalis sa mesa nang matapos siyang kumain. Nagkaroon tuloy kaming dalawa ni Andrew na makapag-usap ng kaming dalawa lang.
“Pwede bang magpakatotoo ka ngayon at sabihin mo sa akin kung bakit ka sumama dito?” tanong ko sa kaniya nang maagaw ko ang hita ng manok.
“Syempre gusto kong makasama ang bestfriend ko habang sembreak” sagot niya habang ngumunguya ng manok na tila nang-aasar.
“Pwede bang tigilan mo na ang pagpapanggap dahil hindi ako natutuwa. Pasalamat ka pa nga at pinatuloy pa kita dito!” sabi ko at siya nama’y nagulat.
“Chill lang pre! Wala naman talaga akong balak na magtagal dito. Gusto ko lang makasama si Gunter nang magtagal bago…” tumingin siya sa akin at hindi pinagpatuloy ang kaniyang dapat nasasabihin at muling kumain.
“Bago ang alin?” tanong ko sa kaniya pero ngumiti lang siya sa akin na lalo kong kinainis.
“Sasabihin mo o papaalisin kita dito?” dugtong ko at siya nama’y tumigil sa kakakain.
“Ganito na lang. Bakit hindi na lang tayo gumawa ng challenge tapos kapag natalo mo ako ay aalis na kaagad ako dito” sagot niya habang nakangiti na naman sa akin na parang nang-aasar.
“Sa tingin mo papayag ako sa ganyang kalokohan mo?” tugon ko at kinuha ko ang baso para uminom.
“Bakit natatakot ka bang matalo kita?” tanong niya at ako nama’y natigil sa pag-inom habang nakatingin sa kaniya nang masama.
Syempre hindi ako pumayag na insultuhin niya ako sa loob ng bahay ng aming mga angkan kaya pumayag ako sa hamon niya. Tinanong niya ako kung may Tekken 7 ba ako sa PS4 at sakto may dala akong copy ng Tekken 7 dahil balak ko talagang laruin namin ni Gunter ito. Nagsabi siyang huhugasan lang daw niya ang pinggan habang ako ay siniset-up ko ang PS4. Mabilis ko lang naayos ito pero si Andrew ay naghuhugas pa rin ng pinggan. Hinanap ko si Gunter para ayaing manood at ipakita ko sa kaniya kung papano ko tatalunin ang kaniyang bestfriend. Pagpunta ko sa aming kwarto ay wala siya doon.
Lumabas ako ng bahay para hanapin siya at nakita ko siyang nakahiga sa duyan malapit sa garden. Ang akala ko ay nagtutulog tulugan lang siya kaya lumapit ako para sana gulatin siya pero nang makalapit ako ay mahimbing na ang kaniyang pagtulog. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha na may namumuong pawis. Wala akong dalang panyo kaya naman hinubad ko ang aking tshirt para ipunas sa mukha niya. Sobrang sarap siguro ng kaniyang tulog at hindi man lang siya nagising. Kanina lang ay inis na inis ako sa kaniya pero heto ako ngayon nakangiti habang pinagmamasdan ang mukha niyang natutulog.
Bumalik ako sa loob ng bahay para magpalit ng damit. Naabutan kong nakaupo na sa couch si Andrew habang nag-aantay siya sa akin. Mabilis akong nagpalit ng damit at kaagad naupo sa couch at kinuha ang isang controller. Napagpasiyahan namin na kung sino man ang manalo ng 15 times ay siyang magkakaroon ng 1 point sa challenge. Meron kaming limang challenge na gagawin at kung sino man ang manalo sa amin ng tatlong beses ay ang siyang panalo sa pustahan. Kailagan kong matalo si Andrew nang mabilisan para masolo na namin ni Gunter itong rest house.
Nagsimula kami sa mga kilalang character sa laro. Ginamit niya si Law at ako naman ay gumamit kay Hwoarang. Nakailang rounds din kami bago kami nagpalit ng mga best pick characters na ginagamit namin sa laban. Hindi lang isa’t isa ang nagiging kalaban namin dahil kalaban din namin ang pangangalay. Halos dikit ang nagiging puntos namin sa isa’t isa. Nagagawa kasi naming macounter pick ang isa’t isa kaya hindi nagkakaroon ng malaking agwat ang score naming dalawa. Sa sobrang intense ng laban namin ay hindi namin namalayan ang pagdating ni Gunter. Gusto niya sanang sumali kaso nasa kasagsagan kami ng competition sa isa’t isa ni Andrew at kung sino man ang magbaba ng controller ay magiging talo. Dumating sa punto na parehas kaming may 14 points at isang round na lang ang paglalabanan namin. Aminado akong medyo hindi ako kampante sa round na to dahil dumudulas na ang kamay ko sa controller dahil sa pawis at pangangalay. Kahit na ganun ay nagawa ko pa ring matalo si Andrew sa huling round.
Sa sobrang saya ko ay nagawa kong iabot kay Gunter ang controller ko. Dapat nga pala ay hindi ko siya pinapansin o kinikibo para lalo sjyang makonsensya. Tumayo na lang ako pumunta sa kusina para makainom ng tubig para maiwasan ang pakikipag-usap kay Gunter. Nakaiwas nga ako kay Gunter pero may isang asungot naman na nakasunod sa akin at nangungulit kung ano daw ba ang kasunod naming gagawin. Habang nagpapahinga ay nag-iisip din ako ng susunod naming paglalabanan pero wala akong masyadong maisip na paglalabanan naming dalawa. Maya-maya pa ay bigla na lang niya akong tinapik sa balikat na akala mo ay close talaga kami. Sabi niya ay magpaligsahan daw kami sa pagtakbo. Malawak ang kalsada sa labas at hindi masyadong nadadaanan ng mga sasakyan dahil private ang area na to kaya saktong sakto at magiging malaya kami sa gagawin namin.
Nagpalit kami ng damit para komportable ang pagtakbo namin. Nauna nang lumabas si Andrew at ako naman ay sumunod. Bago lumabas ay nadaanan ko pa sa sala na naglalarong mag-isa. Gustong gusto ko siyang kulitin at asarin habang nakikipaglaro siya sa AI pero pinigilan ko ang sarili ko dahil gusto ko muna siyang pahirapan. Kasalanan niya din kasi eh, kung hindi siya nagsama ng iba eh di masosolo niya lang ako buong araw. Nanakbo na kaagad ako paglabas at naabutan si Andrew na nag-iistretching. Syempre hindi rin ako nagpahuli kaya nagsimula na akong mag-streching. Nang kami ay naging handa na ay pinag-usapan namin kung hanggang saan ang tatakbuhin naming dalawa bago kami babalik sa rest house.
Mukhang panatag si Andrew na siya ang mananalo dahil ilang kilometro din ang tatakbuhin naming dalawa. Para kaming nasa marathon sa layo ng pustahan namin. Kanina lang ay sinubukan namin ang tibay ng aming mga kamay sa pagpipindot ng controller at ngayon naman ay mapapalaban ang aming mga daliri. Ngayon ay susubukin naman ang tibay ng aming mga hita at binti sa pagtatakbo. Hindi pa ako nakakasali sa mga marathon at tanging sa school ko lang nasusubukan ang bilis ko sa pagtakbo. Halos araw-araw din kaming nagpapractice ng basketball kasama na ang conditioning ng katawan. Masasabi kong hindi ako basta-basta matatalo ni Andrew sa ganitong paligsahan.
At ayun na nga ang nangyari. Masyado kong minaliit ang kakayahan ni Andrew at nagawa niya akong matalo. Grabe yung pagod ko sa pagtakbo at paghabol sa bilis ni Andrew. Ngayon ko pa lang naranasan ang mapagod ng ganito. Hindi ko mapigilan ang sariling mainis dahil nagawa akong matalo ni Andrew at nagawa niya pang makipagbiruan kay Gunter sa aking harapan na para bang wala lang sa kaniya ang tinako namin. Sa inis ko ay napagbuntungan ko tuloy ng galit si Gunter.
Pati sa ikatlong challenge namin ni Andrew ay hindi ko napigilang mapagbuntungan ng inis si Gunter na ikinasama ng loob niya. Wala namang pinagbago sa challenge na to dahil gusto pa ring patunayan ni Andrew na kayang kaya niya akong talunin sa larong to. Pero sa ikalawang pagkakataon ay natalo ko siya kaya naman lamang na ako sa puntos sa kaniya. Pagkapanalo ko ay tinigil na kaagad namin ang paglalaro at nagpasiyang matulog. Hindi man namin aminin sa isa’t isa pero parehas kaming pagod na pagod dahil mahahalata mo ito sa mga combo at moves na sablay na ginagawa namin sa laban. Gusto pa sanang kulitin ni Andrew si Gunter bago matulog kaso hindi ko siya hinayaan na guluhin si Gunter dahil alam kong tulog na ito.
Pagkapasok ko sa loob ay kaagad akong nahiga sa kanang bahagi ng kama. Malaki ang kamang ito para sa aming dalawa kaya pwedeng pwede kaming matulog ng hindi nagkakasikuhan at tuhuran. Kahit na pagod na pagod ako ay hindi ko pa ring magawang makatulog. Kanina pa ako nag-iisip kung galit pa rin ba sa akin si Gunter. Hindi ko naman intensyon na paabutin sa ganito ang mangyayari sa lakad namin. Kaya hindi ko rin natiis at lumapit ako kay Gunter para yakapin siya. Nanlaban siya sa aking ginawa kaya para bang atras-abante ang nangyayari sa tuwing hinihila ko siya papalapit sa akin.
Nang mapagod ako sa kakahila sa kaniya ay ginamit ko ang alas ko at yun ay ang takutin siya. Ayun kay Ate Pritz ay kahit ayaw aminin ni Gunter ay matatakutin siya pagdating sa mga multo. Saktong sakto dahil marami talagang nagpaparamdam sa bahay na to dahil sa ilang henerasyon nang pinagpasapasahan ito. Dati natatakot pa akong matulog sa rest house nato dahil sa pagpaparamdam ng mga taong dating nanirahan dito pero habang lumalaki ako ay nakasanayan ko na. Madalas kasi akong ikulong ni daddy dito sa master bedroom kung saan maraming nagpaparamdam sa tuwing may nagagawa akong mali at pinarurusahan niya ako. Sobrang takot ko pa noon dahil nararamdam ko pa minsan ang paghablot nila sa kumot sa tuwing matutulog ako. Pero nang lumaki ako ay wala pa ring pagbabago sa pagpaparamdam nila sa banyo sa tuwing maliligo ako. Kapag sinasara ko ang shower curtain ay may makikita kang anino ng babae na nakatayo sa likuran nito pero paghinawi mo ay wala naman. Minsan kapag nagigising ako sa madaling araw at napapatingin ako sa malaking salamin ng aparador ay may nakikita ko ang reflection ng babaeng nagpakamatay doon. Sa tinagal tagal nilang pananakot sa akin ay minsan nagsasawa na ata sila. May mga pagkakataon na hindi sila nagpaparamdam sa akin kung kelan kailangan ko silang maramdaman. Minsan napapaisip kasi ako na para bang nandyan lang sila palagi sa tuwing ako ay nag-iisa. Siguro nagtampo sila nang sumigaw ako dahil naiistorbo ang pagtulog ko sa kakahablot ng kumot ko.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit sila nagpaparamdam sa akin. May mga pagkakataong tinatanong ko sila kung bakit sila nagpapakita sa akin. Pero nagmukha lang akong tanga dahil malabo naman na sagutin ako ng isang multo. Hindi ko nasabi kay Gunter ang tungkol sa bagay na to dahil alam kong hindi siya sasama kapag sinabi kong may multo sa bahay na to. Ang nakakatawa pa ay kung kelan kasama ko si Gunter ay saka ko naramdaman ang presensya nila. Noong nakaraang taon ay hindi ko na nakikita ang anino ng babae sa CR. Maging ang reflection ng nagbigti sa salamin ay hindi ko naaninag. Pero ngayong nandito si Gunter ay para bang nagsama sama sila sa loob ng kwarto para takutin siya. Kaya napatunayan ko na malakas ang trip ng mga multong naninirahan sa bahay na to.
Nagawa kong halikan ang labi ni Gunter para mapatigil ang panginginig ng kaniyang katawan. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging takot niya. Sobrang nadala ako sa ginawa kong paghalik sa kaniya kaya hindi namalayan na nagiging malalim na pala ang paghalik ko sa kaniya. Nang sinubukan kong ipasok ang akong dila sa loob ng kaniyang bibig ay bigla na lang niya akong tinulak papalayo sa kaniya.
“Gago bat ginawa mo yun?” sabi niya habang hawak-hawak niya ang kaniyang labi.
“Oh di ba nawala ang takot mo?” tumawa ako para mas lalong gumaan ang pakiramdam niya. Napansin ko na nawala na ang panginginig ng kaniyang katawan. Hinawakan ko ang likod ng kaniyang ulo para paglapitin ang aming mga mukha. Mas lalo akong natatawa dahil nanatiling nakatakip ang kaniyan kamay sa kaniyang labi.
“Relax ka lang at matulog kana habang kaya ko pang kontrolin ang sarili ko!” tinanggal ko ang kaniyang kamay at ngayon ay ramdam na ramdam na namin ang bawat paghinga ng isa’t isa.
“Hayaan mo bukas ay tayong dalawa na lang ang matitira sa bahay na to” pinapangako ko sa kaniya na maipapanalo ko ang pustahan namin ni Andrew para kaming dalawa na lang ang matitira sa bahay na to. Nilapit ko ang kaniyang mukha sa aking dibdib para hindi na siya lumingon sa iba pang direksyon. Dahil malamang matatakot lang siya sa makikita niya. Nilapit ko rin ang katawan namin sa isa’t isa para mas maramdaman niyang safe siyang kasama ako. Hanggang sa bigla na lang may humablot ng kumot namin sa paanan.
“Matutulog na kami!” naiinis kong sabi.
“Ano yun?” biglang tanong ni Gunter.
“Wala matulog kana bunso” niyakap ko siya nang mahigpit para hindi na siya magtanong. Napaka wrong timing ng mga lokong to na mang trip. Buti na lang at hindi na naulit kaya nakatulog na rin ako.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa mahinang pagtulak ni Gunter sa akin. Nanatili pa rin kasi akong nakayakap sa kaniya. Rinig na rinig din sa buong kwarto ang pagkatok habang tinatawag ang pangalan namin ni Andrew. Masyado pang maaga para makipagtalo sa lalaking yun kaya niyakap ko na lang muli si Gunter dahil sobrang napapasarap talaga ang tulog ko kapag siya ang katabi ko.
“Lance….mainit!” reklamo ni Gunter habang marahan niya akong tinutulak palayo sa kaniya. Hindi ko alam at bigla na lang akong nanggigil sa kaniya kaya nagawa kong kagatin ang kaniyang leeg.
“Argghh.. Lance masakit” napasigaw si Gunter at natulak niya ako nang malakas.
“Hoyy anong ginagawa nyo dyan?” sigaw ni Andrew. Hindi ko inaasahan na ganun ang magiging reaksyon ni Andrew kaya naman naghubad ako ng tshirt bago ako lumabas ng kwarto.
Nakaabang na sa harap ng pinto si Andrew ng buksan ko ito. Tinanong niya ako kung anong ginawa ko kay Gunter at bakit pawis na pawis ako. Tanging pagngiti lang sinagot ko at kitang kita sa mukha niya ang tila pagkainis sa ginawa ko. Mas lalo akong natawa dahil sa naging reaksyon niya. Bigla na lang siyang pumasok sa loob ng kwarto para kamustahin si Gunter habang ako naman ay nagtungo sa lababo para maghilamos at magmumog.
Malaking pakinabang rin pala na nandito si Andrew sa rest house dahil may naghahanda ng pagkain para sa amin ni Gunter. Hindi ko alam kung anong oras siya gumising para lang maihain niya ang lahat ng ito. Hindi na ako nakapag-antay sa kanila at nauna na akong kumain ng almusal. Habang ako ay kumakain ay dumating na rin ang dalawa para saluhan ako. Nang magtagpo ang aming paningin ni Gunter ay kaagad niya akong tiningnan ng masama. May nakadikit na pain relieving patch sa leeg niya kung saan ko siya kinagatan. Kumindat ako sa kaniya habang kumakain ng toasted bread na lalo niyang kinainis.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin na may nagmumulto sa bahay na to?” tanong ni Gunter nang magsimula siyang kumain.
“Pag sinabi ko ba sayo, sasama ka pa ba?” tanong ko sa kaniya.
“Lalong hindi ako sasama!” inis niyang sagot at natawa naman ako.
“Wala kang pinagbago Gon at hanggang ngayon ay matatakutin ka pa rin” gatong ni Andrew kaya lalo siyang nainis. Nagpatuloy kami ng pagkain at ni isa sa amin ay walang nagsasalita. Hanggang sa muling magsalita si Gunter.
“Gusto ko nang umuwi bukas” halos mabulunnan ako nang marinig kong sabihin niya yun.
“Sige sasamahan na kita pauwi” dugtong ni Andrew na lalong kinainis ko.
“O sige na magsiuwi na kayo!” sabi ko at umalis ako sa mesa sobrang inis ko.
Nagpunta ako sa garden kung nasan ang duyan para magpahangin. Hindi ko inaasahan na masisira na lang ang plano ko sa lakad namin dahil lang kay Andrew. Dapat hindi na ako pumayag sa pustahan namin at pinaalis ko na siya kaagad kahapon para hindi maisipan ni Gunter na umalis. Habang nag-iisip ako ay bigla namang sumulpot itong si Andrew.
“Pasensya ka na pre at mukhang nasira ko pa tong lakad niyo” sabi niya sa akin pero mukhang hindi naman talaga siya nagsisisi.
“Ano ba kasing dahilan mo kung bakit ka nandito?” hindi ko mapigilang mainis sa kaniya.
“Hindi ko pwedeng sabihin sayo dahil sa kaniya ko lang dapat sabihin yun” tumingala siya sa ibabaw ng puno para iwasan ang tingin ko sa kaniya.
“Napakaarte mo naman. Ano bang bagay ang hindi mo masabi sa kaniya eh matagal naman na kayong magkasama?” muli siyang tumingin sa akin habang nagkakamot ng batok.
“Hindi naman kasi ganun kadali yun” muli siyang nag-iwas ng tingin na para bang nahihiya pa si loko.
“Ganito na lang, kapag natalo kita sa basket ball ay sasabihin mo kay Gunter yang dapat mong sabihin at aalis kana kaagad dito” tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa duyan para ipakita sa kaniya na seryoso akong gawin na kaagad yun.
“Gustong gusto mo talaga akong mawala dito no?” natatawa niyang sabi.
“Oo kaya magbihis kana para makapaglaro na tayo” sabi ko at naglakad na ako papasok sa bahay. Dumiretso kaagad ako sa kwarto para magbihis ng susuotin sa laban namin ni Andrew. Pagkalabas ko ng kwarto ay nagkasalubong pa kami ni Gunter pero hindi kami nag-usap. Ilang beses ba mangyayari ang ganitong tagpo sa aming dalawa?
Sumama sa amin si Gunter kahit na hindi siya kasali sa laro naming dalawa. Mas gugustuhin niya daw kasing mainitan kaysa naman may magparamdam ulit sa kaniya sa bahay. Wala siyang kaalam alam tungkol sa pustahan naming dalawa ni Andrew. Sa totoo lang ay wala pa rin akong ideya sa gustong sabihin ni Andrew kay Gunter at bakit hindi niya masabi sabiito. Kaya naman kailangan kong galingan para mapaalis ko na siya kaagad at masabi na niya ang dapat niyang sabihin kay Gunter.
Nang magsimula ang laban namin ni Andrew sa 1 on 1 sa pagbabasketball ay naging maging mainit agad ang laban namin. Masasabi kong tama nga ang sinabi ni Gunter na magaling si Andrew sa paglalaro. Bawat pagtangka kong pagshoot ng bola ay nagagawa niyang i-block. Syempre hindi naman ako nagpaghuli sa kaniya kaya naman hindi ko rin siya binigyan ng pagkakataon na makashoot na lang basta basta.
Habang tumatagal ang laban namin ay nararamdaman kong medyo nagkakapisikalan na kami sa laro. Para bang wala kaming pakialam kung magkasakitan kami dahil ang tanging gusto naming gawin ay ang makascore. Ilang beses na kaming tinangkang patigilin ni Gunter dahil nagkakasakitan na raw kami pero walang tumigil sa amin hanggang sa walang nananalo. Nang maagaw ko ang bola kay Andrew ay kaagad kong kinuha ang chance na makshoot nang ma-out balance siya. Dahil sa score na yun ay ako ang nanalo sa pustahan naming dalawa. Hindi natuwa si Gunter sa resulta ng laban namin ni Andrew. Hindi dahil sa natalo ko ang best friend niya yun ay dahil puro kami pasa at galos pagkatapos naming maglaro. Naging sports pa rin namin kami sa isa’t isa dahil nagawa pa naming mag handshake ni Andrew nang matapos namin ang laro.
Pagkauwi sa bahay ay kaagad akong nagpahinga sa couch. Tumabi naman sa akin sa si Andrew. Nang makita namin ang mga galos at pasa ng isa’t isa ay sabay kaming natawa sa pinaggagawa namin. Sa tutuusin ay maayos din tong kasama si Andrew. Kung nasa maayos na pagkikita lang kami nagkakilala ay malamang magkakasundo kaming dalawa. Kahit na may galit sa amin si Gunter ay nagawa niya pa rin kaming asikasuhin ni Andrew. Naghanda pa siya ng merienda at maiinom para sa aming dalawa.
“Mahal na mahal talaga ako ng bunso ko” sabi ko kay Gunter nang magsalin siya ng juice sa baso para sa akin. Hindi ko inaasahang magbablush siya sa sinabi ko.
“Bunso?” tanong ni Andrew.
“Parang bunsong kapatid ko na rin kasi to si Gunter” tugon ko at kumain ng sandwich.
Nagsimulang magkwento si Andrew tungkol sa pagkakaibigan nila ni Gunter. Ayaw na ayaw daw ni Gunter na tinatawag siyang bunso o tinuturing na bata sa kanilang magkakaibigan kaya nagtataka siya kung bakit hinahayaan ako ni Gunter na tawagin siyang bunso. Kahit na si Gunter ang pinakabata sa kanilang magkakaibigan ay ayaw niyang binibaby siya ng dalawa niyang kaibigan. Pero lagi daw nagiging bata ang isipan ni Gunter sa tuwing multo na ang pinag-uusapan nila.
Nang makapagpahinga ako ay nagtungo na ako sa shower para makaligo. Ngayon ko lang naramdaman ang hapdi ng mga galos sa aking katawan. Buti na lang talaga at hindi kami nagkainitan ng ulo ni Andrew kanina. Ayoko rin namang mabaliwala ang mga scores ko kaya mas pinili kong makipaglaro kaysa naman mauwi sa basag ulo ang laban namin. Pagkatapos kong magshower ay nagbihis kaagad ako ng damit at lumabas ng kwarto habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang towel. Naabutan kong malalim ang pinag-uusapan ni Gunter at Andrew. Hindi nila napansin na papalapit na ako sa kanila at narinig ko ang kanilang usapan.
“So sa hongkong kana mag-aaral?” tanong ni Gunter.
“Oo at hanggang college ay dun na ako mag-aaral” sagot naman ni Andrew.
“Alam ba to ni Kei?” tanong pa niya. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko habang nagpupunas ng buhok. Ayokong maistorbo ang usapan nila dahil mukhang ito na yung bagay na mahirap para kay Andrew na sabihin. Siguro nga dahil magkasama na sila simula pagkabata kaya mahirap para sa kaniyang magpaalam sa kaniyang matalik na kaibigan.
“Oo at alam niya rin na matagal na akong may gusto sayo” seryosong sabi ni Andrew. Imbes na magulat si Gunter ay bigla na lang siyang tumawa.
“Gago yung sa hongkong maniniwala pa ako kasi dati kapa pinapalipat ni tito doon dahil ayaw mo lang” sagot ni Gunter at muli siyang tumawa.
“Kaya nga kasi ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako makaalis” sa pagkakataong ito ay mukhang hindi na talaga biro ang sinasabi ni Andrew.
“Umayos ka nga!” mukhang naiinis na sa kaniya si Gunter.
“Totoo nga ang sinasabi ko. Si Kei pa mismo ang nagsabi sa akin na sabihin ko sayo to na baka sakaling..” natigilan sa pagsasalita si Andrew.
“Na baka sakaling hindi ka tumuloy kapag nalaman mong may gusto din ako sayo?” dugtong ni Gunter. Tanging pagtango lang ang naging sagot ni Andrew.
“Ewan ko sayo” ang huling sinabi ni Gunter bago siya umalis sa couch.
Sa buong araw ay halata ang ilangan ni Gunter at Andrew. Ilang beses tinangka ni Andrew na kausapin si Gunter pero ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa inamin sa kaniya ni Andrew. Wala sa tipo ni Andrew ang magkakagusto sa kapwa niya lalaki kaya hindi ko inaasahan ang pag amin niya sa kaniyang best friend. Hindi man nagpapakita ng interes si Gunter kay Andrew dahil sa pag amin niya dito ay hindi pa rin ako napapanatag kapag nagkakasama silang dalawa. Ewan ko ba para bang may balak na gawing masama si Andrew sa kaniya kailangan nakabuntot ako sa kanilang dalawa. Lalong lalo na kay Gunter. Nagalit pa nga sa akin si Gunter dahil panay daw ang pagsunod ko sa kaniya.
Sumapit ang gabi na kailangan na naming matulog at kagaya kanina ay hindi pa rin nag-uusap nang maayos ang dalawa. Hindi ko alam kung bakit kailanagang madamay ako sa init ng ulo ni Gunter samantalang si Andrew lang naman ang hindi niya kasundo. Kanina ko pa nga napapansin na malalim ang kaniyang iniisip. Kahit na nakatalikod siya sa akin ay alam kong gising pa rin siya. Nagawa ko na siyang takutin para lang humarap siya sa akin pero hindi pa rin niya ako hinaharap. Hinawakan ko ang kaniyang balikat para iharap siya sa akin pero nanlalaban siya. Kaya naman pumatong ako mismo sa ibabaw niya para hindi niya maiwasan ang mukha ko.
“Ano ba kasing iniisip mo?” tanong ko habang tinutulak niya ako pababa.
“Wala kang pakialam, okay?” sagot niya at patuloy pa rin siya sa pagtulak sa akin pero nanatiling mas malakas pa rin ako sa kaniya.
“Ano bang mahirap dun? Kung hindi mo siya gusto edi sabihin mo yung totoo. Hindi naman niya intensyon ang lokohin ka eh. Kasi pakiramdam ko ay nagawa niya lang maglihim sayo dahil ayaw niyang sirain ang pinagsamahan nyo” hindi ko alam kung saan nanggagaling itong mga pinagsasabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko pinagtatanggol ang lokong yun.
“Ano bang alam sa pinagdaanan namin?” naiinis niyang tanong.
“Wala pero ang masasabi ko lang ay masisira lahat ng pinagsamahan at pinagdaanan nyo kung hindi nyo aayusin yan” hindi talaga ako magaling sa pagkoconsole ng tao dahil mas madalas akong makipag-away kaysa makipagbati o magbigay ng payo. Bigla na lang siyang nanahimik at mukha napaisip sa walang kakwenta kwenta kong payo.
“Pero sa aming dalawa ni Andrew sa tingin mo sino ang mas magugustuhan mo?” tanong ko sa kaniya at bigla na lang nagbago ang hitsura ng kaniyang mukha.
“Wala. Dahil best friend lang ang turing ko sa kaniya. At ikaw..” iniwas niya ang mukha niya sa akin nang hindi niya maituloy ang gusto niyang sabihin.
“At ako?” tanong ko habang nilalapit sa kaniya ang mukha ko.
“Ikaw, para lang kitang kapatid. At saka… di ba bunsong kapatid lang ang turing mo sa kin?” sagot niya na nauutal pa sa kaba.
“Ginagawa ba ng kuya niya to sa kapatid niya?” bigla ko na lang siyang hinalikan sa labi. Mabilis lang ang pagkakahalik ko sa kaniya kaya hindi siya kaagad nakapalag.
“Normal lang na pagbati ito sa ibang bansa” pagdadahilan niya kaya naman muli ko siyang hinalikan nang mas mariin pa. Ramdam ko ang kaniyang mga kamay sa ibabaw ng aking dibdib na nagtutulak sa akin palayo sa kaniya. Imbes na kumalas ay lalo akong ginanahan nang maramdaman ko ang mga kamay niya. Wala akong suot na pang-itaas ngayon kaya ramdam na ramdam ko ang paglapat ng kaniyang kamay.
“Ginagawa ba ng magkapatid yan?” tanong ko at sa sandaling yun ay naubusan na siya ng salitang sasabihin. Tinakpan niya ang kaniyang labi para hindi ko na muling mahalikan ito. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko para ipagpatuloy pa ang paghalik kay Gunter. Masyado akong nadala sa bugso ng damdamin ko kaya naman hinalikan ko ang kaniyang leeg dahil tinakpan niya ang kaniyang mga labi. Muli kong narinig ang pag-ungol ni Gunter nang halikan ko ang kaiyang leeg. Mas lalo kong pinasarap ang kaniyag nararamdaman nang bigyan ko pa siya ng mahihinang pagkagat at pagsipsip sa kaniyang leeg. Ang kaniyang kamay na kanina nakatakip sa kaniyang labi ay ngayo’y nakahawak na sa aking buhok.
Alam kong nagugustuhan na ni Gunter ang ginagawa ko sa kaniya dahil sa bawat pagdampi ng aking labi at pagdila sa kaniyang leeg ay lalong humihigpit ang kaniyang paghawak sa aking buhok. Hindi ko mapigilang mapakagat labi sa tuwing maririnig ko ang pagpigil niya sa kaniyang ungol. Para akong mababaliw kapag naririnig ko yun kaya mas lalo akong nanggigil sa kaniya. Kaya naman naging marahas ako at nasira ko ang damit niyang suot para lang mahubad ito. Hinaplos ko ang kaniyang katawan hanggang sa umabot ang aking kamay sa kaniyang nipple.
“Agghh… Lance” parang musika sa tenga ko ang pag-ungol niya habang binabanggit niya ang pangalan ko.
Bumaba ang paghalik ko sa kaniya hanggang sa umabot ito sa kaliwang nipple niya. Hindi na bago sa akin ang magpaligaya sa katawan ng tao dahil maraming beses ko ng naranasan ito. Pero sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang ako nakaramdam ng labis na pagkasabik sa sex. Kaya naman binaliw ko sa sarap si Gunter habang panay ay pagsipsip at pagkagat ko sa kaniyang nipple. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan sa tuwing padadaanan koi to ng aking dila. Mukhang hindi pa nararanasan ni Gunter ang ganito.
“Lance ang saraaap” sabi niya nang magtungo ang aking dila sa kabilang utong niya. Habang patuloy ang pagsipsip ko sa magkabila niyang utong ay nagtungo naman ang aking kamay sa kaniyang ari. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakahawak ako ng ari ng lalaki maliban yung sa akin. Noong una ay nahihiya pa siyang ipahawak ito sa akin pero mabilis kong naibaba ang boxer shorts niyang suot at kaagad kong tinaas baba ang aking kamay sa kaniyang ari.
Binalik ko ang aking paghalik sa kaniyang leeg habang nagtataas baba ang aking kamay sa kaniyang ari. Ang sarap pagmasdan ng kaniyang mukha habang nagtataas baba ang aking kamay. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang kaniyang ulo dahil sa sobrang sarap na kaniyang nararamdaman. Gamit ang kaliwang kamay ko ay hinawakan ko ang kaniyang ulo para iharap sa aking mukha. Hinalikan ko siya sa kaniyang labi at laking gulat ko nang maging palaban siya sa halikan namin sa pagkakataong ito. Buong laya kong napasok ang kaniyang bibig gamit ang aking dila na walang pagtutol sa kaniya. Halos mawalan siya nang hininga pagkatapos naming maghalikan at kasabay nun ang paglabas ng tamod mula sa kaniyang ari.
“Agghhh… tangina ang sarap” mahabang ungol ni Gunter at ako nama’y hinalikan siya sa pisngi.
“Ang bilis mo namang labasan” sabi ko habang pinupunas sa kumot ang mga tamod na nasa kamay ko. Hindi siya nagsalita at binato lang niya sa akin ang unan kaya natawa ako.
“Masarap ba?” tanong ko sa kaniya at ngayon ay hindi na niya ako matingnan sa mata. Lumapit sa kaniyang tenga para bumulong sa kaniya.
“Ngayon mo ako tawaging kuya!” sabay halika sa kaniyang pingi. Dumapa siya para maitago ang reaksyon niya sa akin kaya naman ako natawa.
“Hoy ano tutulugan mo na lang ba ako?” sabi ko sa kaniya habang inuuga siya para hindi makatulog.
“Ano yun ikaw lang ang nasarapan tapos ako hindi mo tutulungan?” dugtong ko pa. Totoong hindi pa humuhupa ang libog na nararamdaman ko ngayon at kailangan na kailangan naming magpalabas ni junjun. Nang wala akong marinig mula sa kaniya ay bigla ko na lang hinimas ang pwet niya at puatong sa ibabaw niya habang nakadapa siya. Wala akong naramdamang pagtutol sa kaniya habang marahan kong kinikiskis sa pwetan niya si junjun na natatakpan pa rin ng boxer shorts. Muli kong kinagat ang kaniyang leeg sabay sipsip para makuha ang atensyon. Nang muli kong marinig ang kaniyang pag ungol ay saka ako bumulong.
“Pwede ko bang pasukin to?” hindi ko na inantay ang kaniyang sagot kaya kaagad kong hinubad ang ang aking boxer shorts at saka ko ginawa ang balak ko.
Itutuloy …..
A/N: Mas lumalala ang word count nito kaysa sa CLWY. 6K words again mga repa! Charot sa repa LOL!
Balak ko sanang tapusin ito nong Friday kaso nagkasakit ako Thursday pa lang kaya absent ako sa work for 2 days. Hindi ko rin siya magawang tapusin noong mga araw na may sakit ako dahil grabe ang sakit ng ulo ko at sobrang pagkahilo. I’ll try my best na mas maging maganda ang mga mangyayari sa dalawa nating bida. Kaya mag-
VOTE
kayo at sabihin nyo sa akin sa
comment
section kung nagugustuhan niyo ba ang flow ng story.
Thank you!
Chapter 17: His kiss is driving me crazy
Dylan as Lance
Gunter’s POV
Matalik na magkaibigan kami ni Andrew simula pagkabata. Walang lihim na maitatago sa aming dalawa. Halos lahat ata ng nangyayari sa aming buhay ay alam ng bawat isa. Alam niya ang naging buhay ko nang mawalan kami ng magulang ni Ate Pritz. At ako rin naman ay saksi sa paghihiwalay ng kaniyang mga magulang. Lahat ng pagsubok at kalokohan ay aming napagsamahan sa mga nagdaang panahon. Ang buong akala ko nga ay wala ng makakapaghiwalay sa aming dalawa. Solid na solid ang samahan namin lalong lalo na nang masama si Kei sa samahan namin kung saan mas lalong gumulo at sumaya ang grupo.
Habang kami ay nagbibinata ay may kaniya-kaniya kaming nagugustuhang bagay. Mas nagiging halata ang pagkakaiba namin sa isa’t isa. Kahit ganun pa man ay malawak pa rin ang pang-unawa namin at respeto sa gusto ng bawat isa. Isa sa mga hindi ko makakalimutan ay yung nagset pa si Kei ng rule para sa aming tatlo na bawal ligawan ng isa sa amin ang kapag nagkagusto na ang isa. Madalas kasi sa mga nagugustuhan ni Kei ay may gusto kay Andrew kaya naman ginawa niya nag rule na yun para hindi ligawan ni Andrew ang mga babaeng crush niya.
Pagdating sa usaping pag-ibig ay open kami sa isa’t isa. Maging sa mga experience pagdating sa pakikipagsex sa aming mga kasintahan ay napag-uusapan namin. Naging buo ang samahan namin nang matagal dahil sobrang open namin sa isa’t isa. Hinding hindi namin hinahayaang maglihim ang bawat isa dahil alam naming kalaunan ay mabubunyag din naman ito. Pero nagkamali pala ako sa bagay na masyado kaming tapat sa isa’t isa dahil matagal na palang naglilihim ang dalawa sa akin. Noong una ay hirap akong paniwalaan ang mga sinasabi ni Andrew pero sa aming magkakaibigan ay siya ang pinakaseryoso at hindi mahilig magbiro ng matagal. Kapag nagsisimula siya ng prank ay kaagad siyang nabibisto dahil nauunahan siya ng pagtawa. Ngayon ay walang bahid ng kalokohan ang mga sinabi niya dahil naging iba ang kinikilos niya. Dahil sa mga nangyari ay hindi ako nakatulog sa kakaisip.
Hindi ko rin inaakala na magagawa namin ni Lance ang isang bagay na hindi dapat ginagawa ng dalawang lalaki. Dati ay nagagawa niya pa akong pagtripan gaya ng paghalik halik niya sa akin pero ngayong nahawakan na niya ang aking ari ay ibang usapan na ito. Ang malala pa ay nagawa kong magpalabas sa tulong ng kamay niya habang hayok na hayok kaming sa paghahalikan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at nagawa ko ang bagay na yun. Sa sobrang pagod ko ay napadapa ako sa kama at panandaliang iniwas ang paningin kay Lance.
“Hoy ano tutulugan mo na lang ba ako?” narinig kong sabi niya pero parang masyadong nanlalambot ang katawan ko para sawayin pa siya.
“Ano yun ikaw lang ang nasarapan tapos ako hindi mo tutulungan?” bigla na lang siya dumagan sa ibabaw ko at naramdaman ko ang kaniyang hinaharap na tumutusok sa pwetan ko. Tangina! Gusto ko siyang itulak pababa sa kama pero bakit parang nanghihina ang buong katawan ko. Natatakot ako sa binabalak niya at ayokong gawin niya yun sa akin.
“Pwede ko bang pasukin to?” nanlamig ang batok ko nang marinig ko yun at bago pa man ako makapagsalita ay nagawa niyang ibaba ang boxer shorts na suot-suot ko. Nataranta ako kaya naman napatayo ako at naitulak ko siya palayo sa akin.
“Tigilan mo ako Lance!” malumanay kong sabi. Nanlalambot talaga ako, para bang nahigop lahat ng lakas ko.
“Eto naman hindi mabiro, sige na matulog ka na” sabi nya sabay halik sa noo ko. Nabigla ako sa ginawa niya dahil hindi ko inaasahan na magpaparaya siya ng ganun ganun lang.
“Ooh bat ka sakin nakatingin ng ganyan? Itutuloy pa ba natin?” dugtong niya habang nakangisi.
“Ewan ko sayo!” tugon ko sabay talukbong ng kumot sa aking katawan. Habang nasa loob ng kumot ay inangat ko ang aking boxer.
Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin at ang akala ko pa ay magbibiro siyang muli pero nanatili lamang siya sa ganong posisyon. Wala na akong narinig na ano mang salita mula sa kaniya at mukhang natulog na siya. Hindi ako sanay matulog ng nakatalukbong dahil parang malulunod ako sa loob ng kumot. Idagdag mo pa ang pagkakayakap sa akin nang mahigpit ni Lance. Nang hindi ako makatiis ay tinanggal ko rin ang kumot na nakatakip sa aking mukha. Para akong sumisid sa ilalim ng tubig at umangat para makakuha ng hangin. Nanatili ako sa ganong posisyon ng ilang minuto bago ako lumingon kay Lance. Pagkaharap ko sa kaniya ay dilat na dilat pa ang mata ni loko. Nagawa niya pang ngumiti nang magtagpo ang aming mga mata.
“Bat gising ka pa?” tanong ko. Wala akong matinong masabi matapos ng nangyari kanina.
“Inaantay ko na magbago ang isip mo” masaya niyang sagot. Ang weird niya ngayon para siyang siraulo sa kakabungisngis niya. Hindi ko nagawang makasagot sa kaniya at nanatili lamang akong nakatingin sa kaniyang mukha. Kitang kita ko ang pagbabago sa kaniyang reaksyon mula sa pangiti-ngiti hanggang sa maging seryoso ang kaniyang mukha. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nakatitig sa isa’t isa na para bang kinakabisado namin ang bawat parte ng mukha ng isa’t isa. Hanggang sa bitawan ko ang isang tanong na matagal ko nang gustong itanong sa kaniya.
“Sa tingin mo bakit natin ginagawa to?” tanong ko sa kaniya. Matagal siya bago nakasagot at tila hindi narinig ang aking sinabi. Huminga siya nang malalim bago siya magsalita.
“Noong una ay gusto lang kita talaga pagtripan. Hindi ko alam kung bakit aliw na aliw ako sayo sa tuwing nakikita kitang napipikon. Hanggang sa mapansin ko na lalong lumalalim ang samahan natin at nagiging normal na sa akin ang mga ginagawa ko sayo” sagot niya na walang halong pagbibiro dahil bakas sa mukha niya na seryoso siya sa kaniyang mga sinasabi.
“Pero hindi normal sa magkaibigan itong ginagawa natin” sagot ko.
“Syempre higit na dun ang pagsasama natin” nagulat ako nang sabihin niya yun.
“Anong ibig mong sabihin?” mabilis kong tanong.
“Matagal kong pinag-isipan to eh. Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung ano kaba talaga sa akin. Hindi pa ako nakakatagpo ng tao na nagparanas sa akin ng ganitong pakiramdam. Yun bang kontento na ako na ikaw lang ang kasama ko. Madalas akong natutulog sa inyo hindi dahil gusto kong tumakas sa bahay. Hindi dahil sa nagugustuhan ko ang luto ng ate mo. Yun ay dahil nandun ka sa bahay na yun kaya ako nanatili dun” tumigil siya sa pagsasalita at bigla na lang hinaplos ang mukha ko.
“Ang nakakainis pa ay sa tuwing mag-isa ako ay ikaw tong laging naalala ko. Noong una akala ko ay nagagawa ko ang lahat ng to dahil parang kapatid lang ang turing ko sayo pero higit pa pala dun. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na hindi ako bakla at hinding hindi ako magkakagusto sa kapwa ko. Pero ewan ko ba pagdating sayo ay iba ang nararamdaman ko. Kaya kita inaya sa bahay na to para alamin ko sa sarili ko kung tama nga ba tong nararamdaman ko para sayo. At mukhang tama nga ang naging desisyon ko dahil mas napatunayan kong hinding hindi kita kayang ibigay sa iba. Sobrang napamahal kana sa akin at hindi ko kayang makita ka sa iba” para bang binuhusan ako ng malamig ng tubig sa buong katawan nang marinig ko ang pag-amin ni Lance. Yung kay Andrew pa nga lang ay nahihirapan na akong paniwalaan tapos idagdag mo pa tong si Lance. Pinagmasdan ko nang husto ang kaniyang mukha kung nagbibiro ba siya pero seryoso talaga siya sa kaniyang mga sinabi.
“Ano wala ka man lang sasabihin?” sabi niya nang mapansin niyang natulala ako.
“Anong gusto mong sabihin ko?” tanong ko naman sa kaniya. Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam ang sasabihin sa kaniya. Pero ewan ko ba kung bakit natutuwa akong marinig ang pag-amin niya sa akin. Ibang iba ang nararamdaman kong to kumpara sa pag-amin ni Andrew sa akin.
“Edi sabihin mong, Lance mahal din kita. Matagal na akong may gusto sayo at sobra kong pinagnanasaan ang kagwapuhan mo. Walang makakapantay sa kagwapuhan mo at hinding hindi matutumbasan ni Andrew ang pagmamahal ko sayo” bigla kong tinapik ang kamay sa aking mukha at bahagyang napaatras.
“Gago!” ang tangi kong nasabi at siya naman ay tumawa. Hindi ko tuloy malaman kung kelan siya seryoso at hindi.
“Pero hindi ko alam kung nagliligawan din ba ang mga taong ganito ang relasyon” tumingin siya sa akin na para bang nag-aantay ng sagot ko.
“Aba malay ko, wala pa akong karanasan sa ganyan” mabilis kong tugon at iniwas ang tingin ko sa kaniya.
“So sinasabi mong posibleng maging tayo?” tanong niya at lumapit siya sa akin.
“Wala akong sinasabing ganun” pag depensa ko at lumayo ng kaunti sa kaniya.
“Pero sa totoo lang wala pa akong karanasan sa pangliligaw” napailing ako nang marinig kong sabihin niya yun.
“Walang maniniwala sayo!” sagot ko sa kaniya at ako nama’y inakbayan niya para hindi ako makalayo sa kaniya.
“Totoo nga, sila kasi tong nagpapakita ng motibo sa akin tapos pag gusto ko rin sila ay nagiging kami na na walang panliligaw na nangyayari” pagkasabi niya ay hindi ko mapigilang mapabuntong hininga dahil wala talagang makakapantay sa kayabangan niya.
“Pero hayaan mo. Ipapakita ko sayo kung pano manligaw ang isang Lance Fuentes” kumindat siya sa akin habang ang aming mukha ay sobrang lapit sa isa’t isa.
“Itulog mo na lang yan” ang tangi kong nasabi. Bigla na lang akong nakaramdam ng hiya nang kumindat siya sa akin. Kaya naman nahiga ako habang nakahawak ang isa kong kamay sa aking dibdib. Ewan ko ba kung bakit sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Nang nakahiga na ako at nakatalikod sa kaniya ay buong akala ko ay matutulog na siya pero muli siyang yumakap sa akin at nagsalita.
“Ano kayang magiging tawagan natin kapag naging tayo na?” tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot at pinikit ko na lang ang aking mga mata. Nagkunwari akong tulog para hindi na niya ako kulitin pero ang hindi ko kayang itago ay ang mga ngiti sa aking labi.
Kinabukasan ay nagising ako na sobrang gaan ng pakiramdam ko. Naging komportable ang aking pagtulog dahil sa lamig ng panahon at ang malakas ang air condition sa kwarto. Sa kapal ng kumot ay ramdam ko pa rin ang lamig sa paligid. Mabuti na lang at medyo mainit ang niyayakap kong unan. Kiniskis ko ang aking mukha sa unan para damhin ang init nito at marahang hinaplos ito. Habang nakapikit ako ay sobrang sarap ng pakiramdam ko. Nagulat na lang ako nang may maramdaman akong kamay sa likod ng ulo ko at napadilat ako.
“Mukhang napasarap ang tulog mo ahh” ang sabi kaagad sa akin ni Lance. Ilang beses kong pinikit at dinilat ang aking mata para malaman kong nanaginip lang ba ako pero totoo ang nakikita ko.
“At nagawa mo pang himas himasin tong katawan ko” dugtong pa niya habang nakangiti na tila nang-aasar. Pagsilip ko sa aking kamay na nasa loob ng kumot ay nakapatong ito sa ibabaw ng pusod ni Lance. Napabalikwas ako sa kama at napahawak sa katawan ko.
“Anong ginawa mo sa akin?” tanong ko sa kaniya habang kinakapa ko ang sarili kong katawan.
“Excuse me? Ikaw kaya tong nagkiskis ng mukha sa dibdib ko at humihimas sa abs ko tapos ako tong pagbibintangan mo?” tugon niya. Pucha hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya napatakbo ako sa banyo at mabilis na sinarado ito.
Nagtungo kaagad ako sa lababo para tingnan ang aking sarili sa harap ng salamin. Bakas sa aking mukha ang pamumula nito kaya kaagad akong naghilamos para magbaka sakaling mawala ito. Ngunit sa bawat paghilamos ko ay tila hindi nawawala ang pamumula nito. Nagawa ko pang sampalin ang aking sarili para lang gisingin ang aking sarili baka binabangugot lang ako. Ano bang nangyayari sa akin at hindi ko magawang ikalma ang sarili ko? Si Lance lang naman yun at mukhang pinagtitripan lang ako. Kahit ilang beses kong kumbinsihin ang sarili ko na wala lang ito ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko yung kahihiyang ginawa ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nanatili sa loob ng banyo at narinig ko na lang pagkatok ni Lance sa pinto ng banyo.
“Hoy matagal ka pa ba dyan? Ako naman gagamit ohh.. hindi pa ako nakakaraos kagabi kaya bilisan mo!” sigaw niya na para bang kaming dalawa lang ang tao sa bahay na to. Papano na lang kapag narinig ni Andrew yun malamang iisipin niya na may nangyari sa amin ni Lance. Ang ibig kong sabihin ay baka iba ang kaniyang isipin kapag narinig niya ang sinabi ni Lance kasi hindi talaga ganun ang nangyari kagabi. Haay bat ba ako nagpapaliwanag sa sarili ko?
“Solve ba?” bungad ni Lance nang makalabas ako ng banyo. Sa inis ko ay hinampas ko siya ng tuwalyang ginamit ko na mabilis namang niyang nasalag ng kaniyang kamay. Nanakbo siya papasok sa loob ng banyo habang tumatawa. Hindi nagtagal nang marinig ko ang kaniyang boses mula sa banyo.
“Uggh…ganyan nga Gunter, galingan mo pa!” sabi niya. Napakagago talaga niya. Wala akong nagawa kundi lumabas ng kwarto baka marinig ni Andrew ang pang-aasar sa akin ni Lance at isipin niya na may ginagawa kaming kakaiba. Hahayaan ko siyang magmukhang tanga sa loob ng banyo.
Paglabas ko ng kwarto ay naamoy ko kaagad mula sa kinatatayuan ko ang mabangong niluluto. Mukhang masarap ang niluluto ni Andrew na nagpakalam lalo ng sikmura ko. Mabilis akong nagtungo sa kusina para alamin kong ano ang niluluto niya. Hindi niya napansin ang pagdating ko at hindi ko napigilan ang aking sarili na matuwa nang makita ko ang paborito kong ulam sa almusal ang niluluto niya.
“Wow ang sarap niyan ahh” sabi ko sabay akbay sa kaniya. Napatingin siya sa akin dahil sa ginawa kong pag-akbay. Halata sa kaniyang mukha ang pagkabigla dahil sa aking ginawa. Saka ko lang napagtanto na may ilangan parin pala kami sa isa’t isa. Binawi ko ang aking kamay na nakaabay sa balikat niya habang nakangiti.
“Sa tuwing nagtatalo kasi tayo dati nasusuyo kita kapag binibigyan kita ng ulam na to” sabi niya habang binabaliktad ang piniprito niyang dinaing na bangus.
“Sana masuyo pa rin kita kahit na malaki na tayo” dugtong niya. Naghalo ang lungkot at saya sa aking damdamin. Malungkot dahil para bang hindi na namin maibabalik yung dating samahan na meron kami dati dahil sa biglang pag-amin niya. Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya dahil sa ginawa niya. Medyo nakakailang lang sa akin dahil sabay kaming lumaki at parang kapatid na rin talaga ang turing namin sa isa’t isa. Masaya dahil kahit ilang beses kaming magtalo ni Andrew ay nariyan pa rin siya at gumagawa ng paraan para maayos ang aming pagkakaibigan.
“Drama mo!” sabi ko sabay suntok na mahina sa kaniyang braso. Tumawa siya nang mahina habang nagluluto.
Tinulungan ko siya sa paghahain ng pagkain. Bawat minuto ng pag-uusap namin ay tila nanunumbalik ang mga masasayang alaala na meron kami. Unti-unting nawawala yung ilangan na meron kami at nagagawa naming mag-asaran. Siguro yun ay dahil walang nagtangka sa aming dalawa na mag-open tungkol dun. Hindi ko rin alam kung papano sasabihin sa kaniya ang totoong nararamdaman ko dahil baka pag hindi ako nag-ingat ay maaaring magkaroon ng lamat ang aming samahan.
Walang pinagbago kay Lance dahil nang makarating siya sa mesa ay nakahain na ang lahat at wala na siyang gagawin kundi ang kumain. Kahit kelan senyorito pa rin ang loko. Kanina lang ay ang ingay namin ni Andrew dahil nagagawa naming magkulitan pero nang dumating si Lance ay natahimik ang hapag kainan. Ang nakakainis pa ay sa tuwing magtatagpo ang tingin namin ni Lance ay bigla na lang siyang kikindat at ngingiti na parang gago. Hindi nakalagpas ang mga bagay na yun kay Andrew kaya halata sa kaniyang mukha ang pagtataka sa kinikilos ni Lance. Nang matapos ang aming almusal ay bigla na lang nagsalita si Andrew.
“Gon, uuwi na ako mamaya” biglang sabi niya.
“Finally!” tugon ni Lance habang nakataas pa ang dalawang kamao sa ere. Tiningnan ko siya nang masama at siya naman ay tumingin sa akin na para bang sinasabi niya na wala naman siyang maling ginagawa.
“Tumawag sa akin si mama kanina at kailangan ko na daw bumalik dahil may aayusin pa kaming papers bago ang flight namin” dugtong niya at binalewala ang narinig niya mula kay Lance. Nalungkot naman ako nang marinig ko ang mabilis niyang pag-alis.
“Good luck dun pre, mag-ingat ka sa mga babae dun” sabi ko habang pinipilit ang pagtawa. Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko. Sa sandaling ito ay dapat nagpapaalam ako ng maayos sa kaniya dahil wala ring kasiguraduhan kung kelan mabubuo ang samahan naming tatlo. Imbes na mainis ay ngumiti siya bilang sagot sa sinabi ko na lalong nagpalungkot sa akin.
Ako na ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Kumukuha pa kasi ako ng lakas ng loob para kausapin ng maayos si Andrew. Ewan ko ba kung bakit dinadaga ako eh matalik naman kaming magkaibigan nito. Isa pa ay ayoko ring makasalamuha saglit si Lance dahil kung ano-anong kalokohan ang naiisip niya kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Hindi ngayon ang tamang panahon para makipagtuos ako kay Lance dahil mas mahalaga ang makapag-usap kami ng masinsinan ni Andrew. Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay kaagad kong hinanap ang kinaroroonan ni Andrew at nakita ko siyang nakaupo sa duyan labas ng bahay. Dahan-dahan akong lumapit dahil ayokong maistorbo ko siya dahil mukhang may kausap siya sa cellphone.
“Kahit naman magpaalam ako ay hindi niyo rin naman ako papayagan di ba? Uuwi na ako mamaya!” inis niyang sabi at kaagad niyang tinigil ang tawag. Pagkalagay niya ng cellphone sa kaniyang bulsa ay saka niya lang ako napansin. Umuurong sya sa duyan at inaya akong maupo sa tabi niya.
“Pinapauwi ka na?” tanong ko nang makaupo ako sa kaniyang tabi.
“Sa totoo niyan ay hindi talaga ako nagpaalam kay mama nang pumunta ako sa inyo” sagot niya habang nakayuko ang ulo at kinikiskis ang mga paa sa damo. Huminga ako ng malalim bago ako magsalita.
“Wala ka pa ring pinagbago, sa tuwing tumatakas ka sa inyo ay laging ako ang kasama mo. Buti na lang at hindi ako nadadamay sa pagpalo ni Mama MInda sayo” natatawa kong sabi habang inaalala ang aming mga nakaraan at siya nama’y ngumiti sa akin.
“Lagi kang nandiyan sa tuwing kailangan kita. Lahat ng problema ko noon ay alam mo at sinasabi ko sayo. Ikaw pa nga tong nagturo sa akin sa panliligaw. Tapos ngayon..” tumingin ako sa kaniya para makita ang reaksyon niya bago magsalita. Nanatiling kalmado ang mukha niya habang nag-aantay ng aking sasabihin.
“Hindi naman ako galit na naglihim ka sa akin. Siguro nagulat lang ako dahil labis ang pag-iidolo ko sayo simula bata pa lang tayo. Kaya naman halos lagi akong nakabuntot sayo at ikaw ang madalas kong hinihingan ng payo. Pero kahit ganyan ang pagtingin mo sa akin ay mananatili ka pa ring matalik na kaibigan ko. Hindi ko man maibigay ang gusto mong mangyari ay hinding hindi pa rin magbabago ang turing ko sayo” nakaluwag sa aking damdamin nang sabihin ko ang mga salitang yun. Masaya din ako nang makita ko ang labis na pagngiti niya.
“Hindi pa nga nagsisimula panliligaw ko ay nabasted na kaagad ako?” nagulat ako nang sabihin niya yun pero bigla siyang natawa kaya naman alam kong pinagloloko lang niya ako.
“Salamat. Sa totoo lang ay hindi naman ako umaasa na mamahalin mo rin ako. Ang gusto ko lang ay malaman mo ang totoong nararamdaman ko bago man lang ako umalis. Gusto rin kasi kitang makasama bago man lang ako umalis dito” tumango ako bilang pagsang-ayon sa mga sinabi niya.
“Tama na nga ang drama at kailangan mo nang umuwi baka mapalo ka pa ni Mama Minda” pang-aasar ko at bigla na lang niya akong inakbayan nang mahigpit at nilapit ang ulo ko sa kaniyang dibdib at saka niya ako kinutusan ng mahina.
“Grabe ang pananatsing mo ahh!” dugtong ko pa kaya naman hinawakan niya ang tagiliran ko kung saan malakas ang kiliti ko. Napakadaya dahil mas malakas siya sa akin kaya hindi ko magawang makalaban sa kaniya. Halos maubusan na ako ng hangin sa kakatawa ng marinig kong sumigaw si Lance.
“Maghaharutan na lang ba kayo dyan?” inis niyang sabi. Mukhang handang handa na siyang umali dahil sa bihis niya. Hindi rin naman nagtagal ay pumasok siya sa loob at kami naman ni Andrew ay muling nagtawanan na parang mga bata. Habang naglalakad kami papasok ng bahay ay may binulong sa akin si Andrew.
“Alam mo mag-iingat ka dyan sa Lance na yan. Mukhang may balak na masama sayo” sabi niya habang ako ay napapailing na lang. Wala siyang kaalam-alam na nagawa na ni Lance kagabi ang sinasabi niyang balak gawin.
Pumasok kami sa loob ng bahay para makapag-ayos ng gamit. Bago ko iligpit ang aking mga gamit ay inuna ko muna ang pagpaligo. Wala naman akong masyadong kailangang iligpit dahil halos lahat ng gamit ko ay nilalagay ko kaagad sa bag. Hindi ko rin ginawa ang sinabi ni Lance na ilipat ang mga gamit ko sa cabinet dahil noong una pa lang ay kakaiba na talaga ang nararamdaman ko sa bahay nato. Kaya naman kapag nakaramdam ako ng masama ay madali kong mabibitbit ang bag ko palabas ng bahay. Nagawa kong magmadali sa paliligo dahil sa bigla kong naalala ang mga kakilakilabot na pangyayari sa bahay na to.
Paglabas ko ng banyo ay nagulat na lang ako at nakahanda na ang damit na susuotin ko. Ang pinagtataka ko lang ay wala na ang bag at ilang gamit ko. Pupunta sana ako sa labas para itanong kay Lance pero naalala kong hindi pa pala ako nagbibihis. Nang matapos akong magbihis ay nilagay ko sa plastic ang mga damit na pinaghubaran ko. Lumabas ako ng kwarto at wala akong naabutang tao sa labas ng sala. Sunod kong pinuntahan ang naging kwarto ni Andrew pero wala siya roon at wala na rin ang mga gamit niya. Napalabas ako ng bahay sa sobrang taranta ko. Maging ang kotse sa parking lot ay nawawala. Nanakbo ako palabas para hanapin sila pero bago pa man ako makalabas ng gate ay bigla na lang nila akong ginulat.
“MGA GAGO!” sigaw ko dahil halos mapatalon ako nang gulatin nila akong dalawa. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa tindi ng pagkagulat ko habang sila naman ay nakahawak sa kanilang mga tiyan dahil sa labis na pagtawa. Sa inis ko ay nauna na akong pumasok sa kotse na nakaparada sa labas ng bahay.
Mga walang hiya kahit na nasa loob na kami ng kotse ay pinagtatawanan pa rin nila ako. Sinusumpa ko ang araw na to at alam kong makakaganti rin ako sa kanila. Buti na lang at naiba ang naging takbo ng usapan nang magsimula kaming bumiyahe. Pareho kaming nakaupo ni Andrew sa likuran dahil ayokong tumabi kay Lance at baka may gawin siyang bagay na hindi ko magugustuhan. Mabuti na lang at hindi kami masyadong natraffic kaya mabilis naming nahatid si Andrew sa sakayan ng bus pauwi sa Caloocan. Bumaba kami ng kotse para maihatid siya at bago pa man siya makasakay ay niyakap niya ako nang mahigpit. Gumanti ako ng pagyakap sa kaniya dahil alam kong matagal-tagal bago ko makikita ang lokong to at sobrang mamimiss ko siya. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming magkayakap ni Andrew dahil napabitaw na lang kami nang hawiin kami ni Lance. Hiniling ko sana na magkaroon pa kami ng pagkakataong magsama-sama kasama si kei. Siguro magagawa na lang namin yun kapag nakabalik na ng bansa si Andrew.
Pagbalik sa kotse ay dalawa na lang kami ni Lance ang nasa loob. Muli akong naupo sa likod at siya nama’y tahimik na pumuwesto sa harap. Hindi ko alam kung bakit ang tagal niyang magmaneho ang iniisip ko noong una ay baka gusto niya lang magpahinga saglit pero nang mapansin kong halos magkakalahating oras na kaming nakatigil ay hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.
“Anong oras tayo aalis?” tanong ko at mabilis naman siyang lumingon para sagutin ang aking tanong.
“Kapag tumabi ka na sa akin!” sagot niya at binalik ang atensyon sa kaniyang cellphone. Nakikipagmatigasan ako sa kaniya dahil ayokong gawin niya akong sunod-sunuran sa lahat ng gusto niya kaya nanatili akong nakaupo sa likuran. Dahil solo ko naman ang pwesto sa likuran ay pinili ko na lang na umidlip hanggang sa maubos ang pasensya ni Lance.
Nagising ako nang makaramdam ako ng init. Nanlalagkit ako sa sobrang pawis. Tumingin ako sa paligid at nakita kong nakahinto pa rin pala ang aming sasakyan. Nakabukas ang bintana ng kotse pero hindi pa rin ito sapat para malamigan ang aking katawan. Isa sa kahinaan ko ang matinding init at itong siraulong to ay wala man lang malasakit sa akin. Hinarap ko na ang aking pagkatalo dahil alam kong walang mas titigas pa sa ulo ni Lance. Naupo na ako sa tabi nya at sa sandaling yun ay pinaandar na kaagad niya ang kotse. Ilang oras din ang nasayang namin dahil sa kalokohan niya. Ang malala pa ay inabot na kami ng traffic dahil rush hour na ang naging byahe namin. Dahil sa pagmamatigas namin sa isa’t isa ay nakalimutan naming kumain ng pananghalian. Mabuti na lang at may mga drive thru sa daan kaya nagawa naming kumain habang nasa byahe.
Madilim na nang makauwi kami sa bahay. Akala ko nga ay makikitulog pa si Lance. Pero ang sabi niya ay kailangan daw niyang iuwi ang kotse ni Eisen sa kanilang bahay dahil baka makahalata ang kaniyang daddy. Nagawa naman niya akong tulungang ilabas ang mga gamit ko sa sasakyan. Bago ako pumasok sa gate ay bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Sa gulat ko ay mabilis ko siyang naitulak papalayo sa akin. Lumingon kaagad ako sa paligid namin baka may nakakita sa kaniyang ginawa pero mabuti na lang at wala.
“Bat mo ginawa yun?” tanong ko sa kaniya at siya nama’y tinatapik tapik ang balikat ko.
“Sinisingil ko lang ang bayad mo sa pagpapahirap mo sa akin. Wag kang mag-alala aaraw-arawin ko ang paniningil para makabaydd ka kaagad” sagot niya habang nakangisi sa akin. Mas matindi pa to sa babae si Lance dahil sa pabago bagong mood niya.
“Asa ka namang magkikita tayo araw-araw” dugtong ko at sabay kuha ng bag sa lapag. Ngumiti lang siya sa akin habang inaantay akong makapasok sa loob ng bahay.
Kinabukasan ay laking gulat ko na lang nang dumating si Lance sa bahay na may dalang bulaklak at chocolates. Hindi ko alam kung anong kalokohan ang pumasok sa isipan nya para gawin ang mga to. Ang malala pa ay naabutan ni Ate Pritz si Lance na may dalang bulaklak at chocolates kaya tinanong siya ni ate.
“Oooh Lance, bakit may dala-dala kang bulaklak at chocolates? Wag mong sabihing nabasted ka at dito ka dumiretso?” tanong ni ate habang naghuhubad ng kaniyang sapatos.
“Ahh sa totoo nga po nyan ay nandito ako para manli-” bago pa niya banggitin ang salitang yun ay nagawa kong takpan ang kaniyang bibig.
“Nandito po siya para maliiii…Maligo, tama! Maligo dahil matagal daw siyang pinag-antay ng kaniyang nililgawan tapos hindi sumipot kaya ito nangangasim na sa pawis” nilapit ko pa mismo ang ilong ko sa kaniyang leeg para amuyin siya pero taliwas ang amoy niya sa sinasabi ko dahil napakabango niya.
“Sino yang babae na yan? Napakatanga naman niya para pag-antayin ka. Sayang naman tong bulaklak na binili mo para sa kaniya” tumingin sa akin si Lance para sumenyas na tanggalin ang kamay ko sa bibig niya.
“Sa inyo na lang po yan Ate Pritz. Mukhang hindi rin naman niya po yan magugustuhan” sinabi niya ang mga salitang yun habang nakatingin sa akin. Balak niya talaga akong konsensyahin. Hihingin rin sana ni Ate Pritz yung chocolate pero nagawa ko siyang maunahan dun.
Sa mga sumunod na araw ay iba-ibang klase ang mga ginagawa niya. Nagdadala siya ng mga pagkain, binibilhan niya pa ako ng mga damit at pati si Ate Pritz ay parang sinusuhulan na niya. Nauubusan na ako ng palusot kay Ate Pritz kung bakit ginagawa to ni Lance kaya naman kinausap ko si Lance para itigil na to.
“Hindi mo kailangang gawin to okay, saka hindi normal tong ginagawa mo!” sabi ko habang pinipilit na hinaan ang boses ko dahil nasa loob lang kami ng aking kwarto.
“Wala akong pakialam basta ang alam ko ay gusto kita. At alam kong may gusto ka rin sa akin at nagpapakipot ka lang kaya ayaw mong aminin” halos malaglag ang aking panga ng marinig ko ang kayabangan niya.
Sa inis ko ay pinagtulakan ko siya palabas ng aking kwarto. Imbes na lumabas ay nanlaban pa si loko at ayaw ring lumabas sa kwarto ko. Habang nagtutulakan kaming dalawa ay nawalan ako ng balanse at napahiga ako sa kama at siya nama’y napadapa sa ibabaw ko. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa at ramdam na ramdam ko ang kaniyang paghinga. Bigla na lang niya akong siniil ng halik. Tinutulak ko siya palayo sa akin dahil hindi dapat namin ginagawa ang bagay na to lalong lalo na sa bahay. Nagawa niyang itaas ang mga kamay ko para hindi ko siya maitulak at buong pwersa niyang inuupuan ang mga hita ko para hindi ako makapanlaban sa kaniya.
“Tangina, hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin para magkaganito ako sayo. Gustong gusto kong pigilan ang sarili ko at hayaan na ikaw mismo ang humingi sa akin ng pabor pero sa tuwing kasama kita ay hindi ko mapigilan ang sarili ko” pagkasabi niyang yun ay bigla na lang niya akong hinalikan sa leeg. Nagawa kong umungol ng malakas at huli na ng takpan ko ang aking mga labi. Kinagat ko na ang ibabang bahagi ng aking labi para hindi ako mapaungol sa sarap na ginagawa sa akin ni Lance.
Nang bumitaw siya sa paghalik sa aking leeg ay muli niyang binalik ang kaniyang halik sa aking labi. Nakakabaliw ang paraan niya ng paghalik. Para bang sa tuwing maglalapat ang aming mga labi ay para bang lalo akong nauuhaw at nasasabik na matikmang muli kaniyang mga labi. Malaya niyang napapasok ang loob ng aking bibig sa tuwing pinapasok niya ang kaniyang dila. Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumigil sa paghalik sa akin. Pinasok niya ang niyang kamay sa loob ng aking tshirt at hinaplos ang aking dibdib hanggang pababa sa aking tiyan. Napaigtad ako sa sara nang laruin niya ang aking mga utong. Hindi na siya nakapagpigil kaya marahas niyang tinaas ang aking damit. Nang biglang…
“Gon, nga pala mamaya bumili ka sa palengke nang…..” nagulat ako sa biglang pagpasok ni Ate Pritz sa kwarto ko. Laking gulat din niya nang makita niya si Lance na kasama ko. Hindi lang kasama dahil nasa ibabaw ko ngayon si Lance habang hawak hawak ng kaniyang kanang kamay ang aking mga kamay sa ibabaw ng aking ulo at ang kaniyang kaliwang kamay ay nakahawak sa tshirt ko. Hindi ko alam kung anong paliwanag ang sasabihin ko dahil bakas sa mukha niya na hindi niya nagustuhan ang nasaksihan niya.
Itutuloy……
A/N: Ito na ang update na inaantay nyo. Medyo nahihirapan akong mag-update ngayon dahil ilang weeks na pabalik balik ang vertigo ko. Sobrang stress at pagod din ako sa work dahil andaming trabaho at ang dami kong adhoc na ginagawa. Ang hirap magpakabibo sa office para lang may magandang performance. How I wish na anak mayaman ako at chill chill lang sa bahay habang nagsusulat. Pero dahil maraming bills na dapat bayaran ay no chill muna LOL!
Mas matindi ang pagiging busy ko this week dahil everday ay may presentation ako kung saan magdidiscuss ako sa harap ng maraming tao including Managers, Supervisors, Team leaders at Team members. English Only Policy ang class kaya ngayon pa lang ay kinakabahan na ako dahil mukhang mauubusan ako ng English sa Q & A hahaha. Dahil sa kaba ko ay natapos ko ang chapter na to dahil di ako makatulog. Anyway wish me luck!
I’m so happy na bumabalik ang dami ng reads ng story na to at utang na loob ko sa inyo yun. Maraming salamat. Medyo busy kaya hindi ko masasagot messages at comments pero please leave your questions in the comment section
AND DON’T FORGET TO VOTE. VOTE IS LIFE DUH!
Chapter 18: Taste of your lips
Darren as Gunter
Gunter’s POV
Hindi ko inaasahan ang biglaang pagpasok ni Ate Pritz sa aking kwarto. Sa ayos namin ngayon ni Lance ay iisipin niyang may ginagawa kaming masama. Wala akong nagawa kundi ang magpanggap na naghaharutan lang kami ni Lance. Inaangat ko ang aking binti para kunwari ay sisipain ko ang kaniyang hinahaharap pero dahil sa taranta ko ay napalakas ang pagsipa ko na ikinaungol niya sa sakit. Habang hawak-hawak niya ang kaniyang hinaharap ay bigla akong tumayo para itumba siya sa kama at dinaganan siya na para bang nagre wrestling kaming dalawa.
“Hoy loko ka Gunter masakit yun!” sigaw ni Ate Pritz.
“Wala yun ate, sanay na kami sa ganitong harutan ni Lance” sabi ko habang tinatapik ang braso ni Lance.
“Ayos ka lang ba Lance?” tanong ni Ate Pritz. Kasalukuyang nakatalikod si Lance kay ate kaya hindi niya makita ang reaksyon ni Lance. Tanging pagsenyas gamit ng kaniyang kamay ang ginawa ni Lance para sabihin okay lang siya pero ang totoo ay namimilipit siya sa sakit.
“Hindi maganda yang harutan nyong ganyan at nagkakasakitan na kayo!” pagsaway niya sa amin. Naawa ako sa kalagayan ni Lance pero kailangan ko pa rin ipagaptuloy ang pagpanggap ko na naghaharutan lang kami ni Lance dahil ayokong maghinala sa amin si ate.
“Oh siya tigilan nyo na yan dahil baka magkapikunan pa kayo. Gaya nga ng sabi ko bumili ka ng broccoli mamaya sa palengke dahil magluluto ako ng beef broccoli mamaya dahil dito daw matutulog si Lance” sabi ni Ate Pritz at ako nama’y tumingin kay Lance na kasalukuyang pinipilit ang pagngiti.
Pagkalabas ng kwarto ni Ate Pritz ay bigla na lang hinablot ni Lance ang braso ko. Mabilis ang naging reaksyon ko kaya naman dumulas ang kamay niya sa braso ko. Napatayo ako sa kama at nang aakma siyang abutin ako ay tumalon ako sa sahig para di niya ako maabot. Nang makita kong patayo siya sa kama ay nanakbo ako sa harap ng pinto at humawak sa door knob. Napahinto siya sa kaniyang kinatatayuan habang hawak-hawak ko ang door knob. Alam niyang hindi na niya ako pwedeng harutin dahil parehas kaming mapapagalitan ni Ate Pritz kapag nakita niya kami.
“Mamayang gabi ka sa akin” sabi niya habang nakangiti pero mas nangingibabaw sa mukha niya ang pagkainis kaya naman nilabas ko ang aking dila para mabanas siya lalo at tumawa ako palabas ng kwarto.
Inabot sa akin ni ate ang pera pambili ng mga sangkap at kaagad akong nagtungo sa palengke. Habang naglalakad ako sa palengke ay panay ang tinginan ng mga babae sa akin. Isang patunay na hindi pa rin nawawala ang charisma ko kahit na nakapangbahay lang ako. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil ngayon ko lang ulit naranasan ang pagtinginan ng maraming babae. Hinayaan ko na lang silang magpantasya sa kagwapuhan ko kahit na ang ilan sa kanila ay tipo ko. Nang makompleto ko ang mga sangkap na pinabili sa akin ay bumalik ako sa daan kung saan maraming tindera at babaeng nakatingin sa akin. Kahit na malayo pa lang ako sa kinaroroonan nila ay rinig ko na kaagad ang kanilang tilian sa aking pagbabalik.
“Ayan na ulit siya” sabi ng isang dalagang may suot ng apron. Kahit na pang tindera ang suot niya ay mapapansin mo pa rin ang kaniyang kagandahan. Napangiti na lang aot na ko sa kaniyang sinabi.
“Mukha siyang artista mamang” sabi ng isang bakla sa kasama niyang tindera ng gulay. Pakiramdam ko tuloy artista talaga ako pagdumadaan ako dito.
“Mas gwapo kaya siya kapag wala siyang suot na shades?” tanong ng isang babae habang kinikilig.
Napahinto ako sa kinatatayuan ko at napaisip dahil wala naman akong suot na shades kaya naman bigla akong lumingon sa aking likuran. Nakita ko ang lokong si Lance na nakasuot ng shades at suot suot pa rin ang polo niyang black na pinaresan ng pants ng black din. Mukha siyang kasama sa casting ng MIB sa suot nya. Sino ba naman ang pupunta sa palengke na ganito ang suot? Noong una ay nagpanggap pa siyang hindi ko siya napansin at kunwaring tumitingin sa mga paninda. Naglakad ako para iwanan siya pero mabilis niya akong hinabol.
“Eto naman hindi mabiro, akin na ako na magbibitbit” sabi niya habang nakangiti at kaniya kaniyang tilian ang mga babaeng nasa paligid namin. Sa sobrang kahihiyan ko ay binigay ko lahat ng pinamili ko sa kaniya at naglakad nang mabilis.
“Hoy antayin mo naman ako!” sigaw niya pero hindi ko na siya nilingon at nanakbo na ako pauwi sa bahay.
Tuluyan ko siyang tinakbuhan at hindi ko alam kung bakit. Wala naman siyang ginawang masama pero hindi ko malaman kung bakit ako nahihiya sa nangyari kanina. Inalok lang naman niya akong tulungan sa pagbitbit ng mga pinamili ko. Bakit ba kasi ganun ang reaksyon ng mga siraulong babae na yun? Ang buong akala ko pa naman ay ako yung pinagpapantasyahan nila yun pala ay si Lance na kanina pang nakabuntot sa akin ang kanina pa nila pinagtitinginan. Pagod na pagod akong pumasok sa loob ng bahay. Naupo ako kaagad sa couch at binuksan ang electric fan para itapat sa akin. Makalipas ang ilang minuto ay lumapit sa akin si Ate Pritz na mukhang kakalabas lang ng banyo dahil may tuwalya pa sa kaniyang basang buhok.
“Oh nasan na ang pinamili mo?” tanong niya sa akin habang pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalya. Sa kinauupuan ko ay kitang kita ko kaagad na papasok na si Lance sa gate dala-dala ang mga pinamili ko kanina.
“Ahh wala, na-snatch po yung pera sa akin” sagot ko at nanakbo ako sa loob ng aking kwarto. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay kaagad kong ni-lock ito. Rinig ko pa ang pagsigaw ni Ate Pritz nang malaman niyang si Lance ang nagbitbit ng mga pinamili ko sa palengke. Ilang beses siyang nagsisigaw para pagbuksan ko siya ng pinto pero hindi ko ito ginawa. Hindi sa natatakot ako sa maaari niya gawin. Ang totoo niyan ay gusto ko lang iwasan si Lance dahil sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko yung nangyari kanina at lalong lumalakas ang kabog sa aking dibdib sa tuwing maaalala ko ang kaniyang mga ngiti.
Ang buong akala ko ay umuwi na si Lance dahil hanggang sa pagsapit ng dilim ay hindi na niya ako kinulit. Napalabas ako ng aking kwarto dahil hindi ko na mapigilan ang ihi ko. Naabutan kong tumutulong siya sa paghanda ng hapag kainan. Nakangiti siya sa akin nang magtagpo ang aming mga tingin. Pilit ko namang iniwasan ang masamang tingin sa akin ni ate. Pagkalagpas sa kanila ay nagmadali akong umihi. Nang matapos ay kaagad akong naghugas ng kamay sa lababo at nagtungo sa lamesa kung saan nakaupo na silang dalawa.
Gaya nga ng inaasahan ko ay sermon na naman ang inabot ko kay Ate Pritz habang kami ay kumakain. Mabuti na lang talaga at masarap ang pagkakaluto ni ate sa ulam kaya hindi ako nawalan ng gana. Habang ako ay pinapagalitan ni ate ay panay naman ang pagngisi ni Lance para kantyawan ako. Parang may nagbago sa kaniya na hindi ko maipaliwanag. Imbes na mainis ako sa pangangantyaw niya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti rin habang kaharap siya.
“So ano masaya ka pa? Anong nakakatawa Gunter?” biglang sabi ni ate nang makita niya akong nakangiti habang patuloy ang kaniyang pagsermon. Tumingin ako kay Lance para sisihin sana siya kaso si gago kunwari kanina pang nag-aayos ng kaniyang relo. Katakot-takot na panenermon na naman ang inabot ko kay ate.
Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng aming pinagkainan. Habang ako ay naghuhugas ng plato ay siya namang pagpapahiram ni ate pritz kay Lance ng mga damit ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil wala akong magawa kapag si ate na ang nagdesisyon. Bago pumasok sa banyo si Lance ay winawagayway pa niya ang boxer shorts ko na pinahiram sa kaniya ni ate. Sa inis ko ay binato ko siya ng sponge na gamit ko kaso mabilis niyang nasara ang pintuan ng banyo kaya sa pinto tumama ang binato kong sponge. Nagawa niya pang humalakhak para lalo akong mainis. Mabilis kong pinulot ang sponge nang makita kong papalapit sa kusina si ate saktong pagdampot ko sa sponge ay naabutan ako ni ate na nakayuko sa pinto.
“Hoy bata ka sinisilipan mo si Lance?” tanong niya at pilit hinihinaan ang kaniyang boses. Sa pwesto ko kasi ngayon ay para nga akong naninilip kay Lance. Wala na akong nagawa kundi aminin sa kaniya ang totoo kaysa naman isipin niyang naninilip ako. Walang sermon akong narinig sa kaniya pero nagawa niyang piningutin ang aking tenga bago siya umalis.
Sumapit ang oras ng aming pagtulog. Kagaya ng dati ay nakikihati na naman si Lance sa maliit kong kama. Hindi ako makatulog dahil panay ang pag-alis ni Lance ng mga unan sa pagitan naming dalawa. Gusto ko nang magpahinga kaya naglagay ako ng unan sa pagitan namin dahil baka kung ano-anong kalokohan na naman ang gawin niya bago kami matulog. Kahit ilang beses kong binalik ang unan sa aking likuran ay patuloy niya pa rin itong tinatanggal hanggang sa ako na mismo ang sumuko sa kaniyang ginawa. Lumapit siya ng pwesto at saka niya ako niyakap. Mas lalo akong hindi nakatulog dahil naiilang ako sa kaniyang ginagawa. Inaamoy amoy niya ang aking ulo patungo sa aking leeg hanggang sa aking balikat. Tumataas ang balahibo ko dahil may dalang kiliti ang kaniyang pag-amoy sa akin. Dahan-dahan akong lumayo sa kaniya pero nagagawa niya pa ring paglapitin ang aming mga katawan. Naramdaman ko na lang na tumatama na ang kaniyang hinaharap sa aking likuran.
“Gago, napakalibog mo naman!” humarap ako sa kaniya para maitulak siya palayo sa akin pero nabigla ako nang hatakin niya akong muli palapit sa kaniya. Ngayon ay lalo kong naramdaman ang kaniyang katigasan dahil tumatama na ngayon ito sa aking hinaharap.
“Wala kang idea kung gaano ko pinipigilan ang sarili ko ngayon matapos akong mabitin kanina” lumakas ang kabog sa aking dibdib nang banggitin niya ang mga salitang yun. Sobrang lapit namin sa isa’t isa na halos sabay na aming paghinga. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking ilong. Habang tumatagal ay parang tumataas ang libido ko sa pwesto naming dalawa. Pinikit ko ang aking mata para labanan ang aking nararamdaman. Sa aking pagpikit ay tanging mukha ni Lance ang aking nakikita kung saan inaakit ako ng kaniyang mga labi. Umabot sa sukdulan ang aking pagpipigil na ako na mismo ang gumawa ng bagay na hindi ko dapat ginawa. Inangkin ko ang kaniyang labi na hindi man lang inantay ang kaniyang pahintulot. Sobra-sobra ang pagkahumaling ko sa kaniyang labi na para bang uhaw na uhaw ako sa kaniyang mga halik. Sa bawat pagdampi ng aming mga labi ay para bang kinikiliti ang buong kalooban ko na ilang sandali lang ay sasabog na ito sa sobrang saya.
Sa mga sumunod na pangyayari ay hindi ako nakontento sa aming posisyon. Sobra akong nadala sa aming halikan kaya ako na mismo ang pumatong sa ibabaw niya. Naging marahas na ang paghalik ko sa kaniya at nagagawa ko ring ikiskis ang aming hinaharap habang nagpapakalunod kami sa laway ng isa’t isa. Wala akong pakialam sa nangyayari sa aming paligid dahil nalasing ako sa sandaling ito at bigla na lang natigil ang panandaliang kasiyahan nang marinig ko ang sigaw ni Ate Pritz.
“Hoy Gunter, anong oras na. Tantanan niyo na yang harutan nyo ni Lance!” sigaw ni ate ngunit hindi pa rin tuluyang nagkakalayo ang aming mga mukha dahil kagat-kagat ko pa rin ang ilalim na bahagi ng labi ni Lance. Hindi ko namalayan na gumagawa ng ingay ang kama sa tuwing pinagkikiskis ko ang hinaharap naming dalawa. Hinawakan ni Lance ang likod ng aking ulo para paglapitin nang husto ang mga labi. Napabitaw ako sa pagkakagat sa kaniyang labi nang maramdaman ko ang paglaro ng kaniyang dila sa aking labi.
“Easy lang, hinding hindi ka mauubusan. Kahit na araw-arawin pa natin to!” nakangiti niyang sabi. Bigla naman akong nakaramdam ng kahihiyan dahil sa pagkakataong ito ay ako ang naging agresibo sa aming dalawa.
Hinawakan ni Lance ang magkabila kong braso at naupo siya. Kinuha niya ang kumot at bigla niyang hinagis ito sa sahig kasama ang dalawang unan. Bumaba siya sa sahig kung saan nakalapag ang kumot. Naupo siya sa ibabaw nito na hindi man lang inayos at naghubad siya ng kaniyang sando. Tumingin siya sa akin na walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Marahan siyang tumango para ayain akong bumaba sa kama. Para akong alipin niya na dahan-dahang bumaba sa ibabaw ng kama para lumapit sa kaniya. Pagkalapit ko sa kaniya ay kaagad niya akong siniil ng halik. Pinaupo niya ako sa ibabaw ng kaniyang mga hita. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang katigasan na minsa’y tumatama sa aking pwetan. Mas lalo siyang naging marahas nang tanggalin niya ang suot kong tshirt at bigla na lang niyang kinagat ang kaliw kong utong. Mabuti na lang at kagat-kagat ko ang pang-ilalim kong bibig kaya nagawa kong pigilang magpakawala ng ungol. Hindi na kinaya ng pagkagat lang ng labi at tinakpan ko na mismo ang aking bibig gamit ng aking kamay. Halos mapahiyaw ako nang laruin niya ang magkabila kong utong gamit ang kaniyang dila. Para akong mababaliw sa sobrang sarap ng aking nararamdaman.
“Pagtiisan mo muna sa ngayon. Kapag nasa aking kwarto natin to ginawa ay malaya kang umungol kahit gaano pa kalakas” sabi niya habang marahan niyang hinahalikan ang aking balikat.
Nang magsawa siya sa paghalik sa aking balikat ay muli niyang pinaglaruan ang aking mga utong. Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapasabunot sa kaniyang buhok. Ngayon ko lang naranasan ang ganito kasarap na pakiramdam at hindi ko lubos maisip na sa isang lalaki ko pa ito mararanasan. Nang umangat ang kaniyang paghalik patungo sa aking leeg ay marahan niyang kinuha ang aking mga kamay. Tumigil siya sa paghalik at dinampi niya ang aking mga kamay sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang dibdib hanggang sa maabot ang kaniyang tiyan. Hindi ko inaasahan na ipapasok niya ang mga kamay ko sa loob ng kaniyang boxer. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakahawak ako ng ari ng isang lalaki. Hindi ako kaagad nakakibo nang mahawakan ko ito gamit ng dalawang kamay ko. Di hamak na mas malaki ang kay Lance kumpara sa akin. Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapayuko sa bagay na hawak-hawak ko at totoo ngang may kalakihan ito. Binalik ko ang aking paningin sa mukha ni Lance para pagalitan siya sa kaniyang ginawa pero napako ang aking mga mata nang makita ko ang reaksyon ng kaniyang mukha habang hawak-hawak ko ang kaniyang ari. Para akong sinaniban ng kung ano at hindi ko namalayan na nagtataas baba na pala ang aking kamay sa kaniyang pagkalalaki. Kagaya niya ay impit na ungol ang kaniyang ginagawa dahil ayaw naming marinig kami ni Ate Pritz.
Patuloy ang ginawa kong pagpapaligaya sa kaniya habang ang kaniyang mga mata ay nakapikit habang ninanamnam ang bawat pagtaas-baba ng aking kamay. Habang tumatagal ay tila lumalakas ang pag-ungol niya kaya wala akong nagawa kundi ang halikan siya para hindi na siya gumawa pa ng kung anong tunog. Habang tumatagal ay nararamdaman ko na nanlalagkit ang aking kamay dahil siguro to sa kaniyang paunang katas. Dumating ang sandali na pinatigil niya ako at buong akala ko pa nga ay ayaw na niyang ituloy ito. HInalikan niya ang aking leeg hanggang sa makarating ang kaniyang mga halik sa aking tenga.
“Kaya ko pang pigilan ang sarili ko kaya kung ayaw mo nang ituloy to ay dapat na nating itigil to” taliwas sa kaniyang mukha ang kaniyang mga sinasabi. Alam kong hindi ko magugustuhan ang magiging kahahantungan nito pero may nag-uudyok sa akin na ipagpatuloy ang ginagawa namin. Hindi nagdalawang isip na muli siyang halikan para ipaalam na nais kong ipagpatuloy ang aming ginagawa.
Sa pagkakataong ito ay mas lalo siyang naging agresibo. Ang kaninang marahan niyang paghalik ay may kasama nang kagat at pagsipsip. Halos mamaga ang pang-ilalim ko na labi dahil sa matinding pagakagat ko upang mapigilan ang paglikha ng ingay. Naging sunod-sunuran ako sa mga gusto niyang gawin. Gamit ang kaniyang mga kamay ay dinala niya ang aking ulo sa kaniyang dibdib. Mabilis kong nakuha ang nais niyang ipagawa sa akin. Hindi na bago sa akin ang pagpapaligaya sa pagsipsip ng utong dahil may karanasan na ako dito maliban na lang siguro sa kapwa ko. Kaagad kong dinilaan ang kaniyang utong at marahang kinakagat-kagat ito. Alam kong matinding sensasyon ang dinudulot nito sa kaniya kaya naman pinag-igihan ko ang pagpapaligaya sa kaniya. Nalalasahan ko rin ang mga namumuong pawis sa kaniyang katawan na mas lalong nagpataas ng libido ko.
Habang patuloy ang pagpapaligaya ko sa kaniya ay kinuha niya ang kanang kamay ko at binalik ito sa kaniyang ari para muling paligayahin siya. Samantalang ang aking kaliwang kamay ay nilapit niya sa kaniyang bibig. Marahan niyang kinakagat ang aking dalawang daliri. Marahil ito ang kaniyang paraan para hindi mapaungol. Napakagamahan niya para ibigay sa akin ang lahat ng trabaho.Ang buong akalay ko ay hanggang doon lang ang gagawin namin ngunit laking gulat ko nang binaba niya ang aking ulo sa kaniyang naghuhumindik na pagkalalaki. Muli akong tumingala para magtagpo ang aming paningin. Umiling ako bilang pagtanggi sa kaniyang nais gawin.
“Please, kahit hindi mo na isagad. Kahit yung ulo lang!” pagmamakaawa niya sa akin. Marahan niya akong hinalikan sa aking labi na muling nagpalambot sa aking damdamin. Tila ba nagagawa niya akong pasunurin sa bawat salita na lumalabas sa kaniyang labi sa tuwing ako’y kaniyang hinalikan. Para akong alipin na naging sunod-sunuran sa kaniyang gusto. Para bang may nagkokontrol sa aking katawan at ngayon ay nakayuko na ako upang gawin ang nais niyang ipagawa sa akin.
Ngayon ko pa lang naranasan ang gawin ito. Aminado ako na nagawa na namin ito ng ex ko pero iba pa rin pala kapag ikaw na mismo ang nagtatrabaho. Bago ko ipasok sa loob ng aking bibig ay muli kong tiningnan ang kabuoan nito. Hindi nga ako nagkakamali dahil di hamak na mas malaki ang kay Lance kumpara sa akin. Malaki rin ang ulo nito pero sakto lang sa kaniyang pangangatawan ang katabaan nito. Alam kong hindi ko makakaya ang haba nito kaya naman gagawin ko na lang kung ano ang sinabi niya. Nang maisubo ko ito ay para bang masusuka ako. Wala namang kakaibang amoy o lasa, yun ay dahil sa laki nito. Noong una ay sinunod ko ang gusto niyang gawin na kahit ang ulo lang pero habang tumatagal ay tila lumalim dahil sa pagsabay niya ng pag-ulos sa aking bibig. Minsan nawawala ako sa ritmo kaya nagrereklamo siya.
“Uggh.. dahan-dahan lang dahil yung ngipin mo sumasabit” tugon niya. Bigla niya akong pinatigil sa aking ginagawa. Nakahinga ako ng maluwag dahil ang buong akala ko ay sapat na sa kaniya yun. Pinasubo niya sa akin ang dalawa niyang daliri na wala akong nagawang pagtutol. Gamit ang kaniyang daliri ay tinuro niya sa akin ang tamang pagsubo na kinalaunan ay mabilis kong natutunan.
Nang makuha ko ang nais niyang ipagawa sa akin ay muli niyang pinasubo sa akin ang kaniyang ari. Sa pagkakataong ito ay wala ng ngipin na sumasabit sa kaniyang ari. Kahit na nagagawa ko na ang kaniyang nais mangyari ay hindi ko pa rin nakakayanang isagad ang kaniyang ari dahil nabibilaukan ako. Habang tumatagal ay mas lalong bumibilis ang kaniyang pag-ulos na nagpahirap sa akin ng husto. Bigla na lang siyang tumigil at kumuha ng unan sa ibabaw ng kama. Pinahiga niya ako sa isang unan at ang isang unan naman ay ginamit niya para ilagay sa pwetan ko. Nakaramdam ako ng kaba dahil alam ko na kung ano ang nais niyang gawin. Mabilis niyang tinanggala ng boxer shorts ko kasama ng aking brief. Saka lang ako natauhan nang maramdaman ko ang kaniyang ari sa aking pwetan.
“Lance, ayoko nito. Masakit to, iba na lang gawin natin!” pakiusap ko sa kaniya. Hinawakan niya ang aking pisngi at marahang hinahaplos ito. Tumingin siya sa akin ng seryoso habang hinapalos niya ang aking mukha.
“Don’t worry, I’ll be gentle. Sa umpisa ka lang masasaktan” sa muling pagkakataon ay napapayag niya ako sa nais niyang gawin. Para bang nasa ilalim ako ng kaniyang gayuma na kahit labag sa aking loob ay nagagawa ko siyang pagbigyan. Ang kaniyang kanang kamay ay naglakbay sa aking mukha hanggang sa nilapit niya ito sa aking labi. Muli niyang pinasubo sa akin ang kaniyang daliri. Mula sa isa hanggang sa naging dalawa ito. Nang masiguro niyang basang basa na ng laway ito ay walang pasabing pinasok niya ang kaniyang daliri sa aking lagusan. Napangiwi ako sa kaniyang ginawa at labis ang sakit na aking naramdaman kaya nagawa kong itulak ang kaniyang kamay para maalis ito. Sa sobrang sakit ay napahawak ako sa aking pwet at tinakpan ito.
“I’m sorry Gon, I’m sorry!” sabi niya habang pinapaulanan niya ng halik ang aking mukha. Ilang sandali rin siyang nakayakap sa akin habang ang kaniyang mukha ay nakasubsob sa aking leeg. Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad sa kaniyang ginawa at paulit ulit ko ring sinabi na ayos lang ako dahil ginusto ko rin ito.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganong pwesto. Tila wala nang may balak sa amin na ipagpatuloy pa ang aming sinimulan. Tanging tunog ng aming paghinga ang aming naririnig dahil sa matinding katahimikan ng gabi. Sa loob-loob ko ay pakiramdam ko’y binigo ko siya. Inangat ko ang kaniyang mukha at pinaglapit ko ang aming mga labi. Laking gulat ko nang marahan niyang tinulak ang aking mukha.
“Gusto mo ba talaga o napipilitan ka lang?” tanong niya sa akin. Hindi ako nagdalawang isip na muli siyang halikan sa labi.
“Gusto ko” ang sabi ko sa gitna ng paghahalikan naming dalawa. Habang kami ay naghahalikan ay muli siyang pumaibabaw sa akin at muli naming ninamnam ang labi ng isa’t isa. Walang sawa kami sa pagtikim sa labi ng isa’t isa na tila hihinto lang kapag malalagutan na ng hininga. Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at ang akala ko ay doon na matatapos yun pero nakita kong may dala siyang lotion nang tumabi siya sa akin.
“Alam kong hindi kapa handa kaya wag muna tayong magmadali” pagkasabi niyang yun ay binuksan niya ang lotion at nilagyan niya ang kaniyang kamay bago ipahid sa kaniyang naghuhumindik na ari.
Mukhang taliwas ang sinasabi niya sa gusto niyang mangyari. Napalunok laway ako dahil alam kong wala nang magiging atrasan ito. Inalalayan niya ako patagilid habang siya ay pumupwesto sa likod ko. Naramdaman ko na lang ang kaniyang ari sa pagitan ng hita ko. Inayos pa niya ang pwesto ng aking hita para mas lalong maipit ito. Kakaiba ang pakiramdam nang mag-atras abante siya sa pagitan ng aking mga hita. Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang ari at ang lagkit na sanhi ng lotion. Rinig na rinig ko rin ang paghabol niya ng kaniyang hininga habang bumibilis ang kaniyang pagbayo. Ang kaniyang mga kamay ay naging malaya sa paglaro sa magkabila kong utong at pinaglapit niya ang aming mga labi para hindi makawala ang aking ungol.
Matapos niyang paglaruan ang aking mga utong ay ang isa niyang kamay ay bumaba sa aking ari at nagtaas-baba ang kaniyang kamay. Halos mabaliw ako sa sobrang sarap na nadarama habang nilalaro niya ang aking utong at nagtataas-baba ang kaniyang kamay sa aking ari. Hindi naging bakante ang aking bibig dahil nagagawa niyang galugarin ang loob nito gamit ang kaniyang dila. Ramdam na ramdam ko ang panlalagkit ng aming mga katawan dahil sa pawis at nagbibigay dulas kapag magtatama ang aming balat. Habang tumatagal ay mas lalong bumibilis ang kaniyang pag-ulos at lalong humihigpit ang kaniyang kamay sa aking ari na nagpapasarap lalo ng aking nararamdaman.
“Tanginaa…Lance ang sarap…Lalabasan na ako!” sabi ko nang magkalas ang aming mga labi.
“Malapit na rin ako, sabay na tayo!! Ugghhh!” sa puntong yun ay bigla na lang sumabog ang aking katas at ramdam ko rin ang pagsabog ng kay Lance dahil sa mainit na likidong tumatama sa aking hita. Hindi ko mabilang kong nakailang beses ang pagsabog ng aking katas basta ang alam ko ay para bang nasa langit ako sa sandaling ito. Hindi ko maipaliwanag ang labis na kaligayahan na aking nadarama at ngayon ko lang ito naranasan.
Nang kami ay mahimasmasan ay kaagad kaming nagpunas sa aming katawan. Sobra ang panlalagkit ng aming mga katawan gawa ng pawis at tamod na tumama sa aming katawan. Gustuhin man naming maligo pero hindi namin magawa dahil alam kong maghihinala si Ate Pritz kaya naman pinagtiyagaan namin ang pagpunas ng bimpo sa aming katawan. Matapos kaming magpunas ay nahiga kami kaagad sa ibabaw ng aking kama. Sa pagod ay tinamad kaming magbihis at nagpasiyang matulog na lang na hubo’t hubad. Bago ko pa man ipikit ang aking mata ay bigla na lang nagsalita si Lance.
“Hindi ko aakalain na mapapapayag kita. Ang buong akala ko ay madadaan ko sa pagpilit ang lahat pero nagpaubaya ka para sa akin. Dahil diyan mas lalo kitang minahal” pagkatapos niyang banggitin ang mga salitang yun ay bigla na lang niya akong hinalikan sa noo.
“I love you” ang pahabol niyang sabi. Hindi ako nakakibo kaagad sa kaniyang sinabi. Hindi ko kasi inaasahan na sasabihin niya yun nang ganun kadali. Inabot pa ako ng ilang sandali bago magpasiyang magsalita pero nang magsasalita na sana ako ay muli niya akong hinalikan sa aking labi.
“Hindi mo na kailangang magsalita. Saka mo na sabihin ang sagot mo kapag handa kana” hindi na ako nakaimik pa nang sabihin niya yun. Pinaglapit niya ang aming katawan para mayakap niya ako nang husto. Hindi na ako nagdalawang isip na yumakap rin sa kaniya at saka ko pinikit ang aking mga mata.
Sa pagsapit ng umaga ay nagising na lang ako sa boses ni ate. Napabalikwas ako ng bangon at tinakpan ko ang aking katawan. Nagulat pa si ate dahil sa aking inasal. Ang buong akala ko kasi ay hubo’t hubad ako ngayon pero nakita kong suot-suot ko na ang aking damit maging ang brief at boxer shorts ko. Nagsinungaling na lang ako na binangungot ako kaya ganun ang naging reaksyon ko na mabilis namang nakalusot sa kaniya. Ginising niya lang ako para mag-almusal dahil kanina pa daw ako ginigising ni Lance pero ayaw kong bumangon. Paglabas ni ate ay nakita kong nakaabang si Lance sa harap ng pinto na nakangisi habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang para na para bang may masama siyang balak. Hindi ko malaman kong maiinis ba ako o matatawa sa inaasal ni Lance.
Lumipas ang ilang linggo at nakabalik na kami sa school. Kasalukuyang nasa ikalawang linggo na ngayon nang magsimula ang pasukan. Sobra sobra ang katamaran ko sa pagpasok dahil mukhang nabitin pa rin ako sa bakasyon. Malaki ang pinagbago ni Lance simula nang pumasok kami sa school. Lagi na lang siyang nakabantay sa akin at maging sa pagpunta sa banyo ay sinasamahan nya pa ako. Ang nakakainis pa ay imbes na mapabilis ang aking pag-ihi ay napapatagal ito dahil bigla na lang niya akong hinahatak sa isang cubicle at bigla na lang niyang ila-lock ang pinto para makipaghalikan sa akin. Minsan pa ay bigla na lang niyang hahawakan ang aking kamay sa harap ng maraming tao na sobrang kinaiilang ko. Kaya sinabihan ko siya na mas mabuti pang akbayan niya ako kaysa hawakan niya ang aking kamay. Simula nang sabihin ko yun ay lagi na siyang nakaabay sa akin.
Isang hapon ay sabay naming nilakad ang hallway palabas ng school. Di alintana ang mga taong nagtitinginan sa aming dalawa. May mga taong natutuwa at kinikilig pero hindi mo pa rin maiiwasan ang mga taong maiinis at mandidiri. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw ang estado ng relasyon namin ni Lance dahil sa akin ay hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga siya sa akin. Sa ngayon ay masaya ako kung ano man ang meron kami ngayon. Bago kami makalabas ng gate ay rinig na rinig ang boses ng isang babae na sumisigaw.
“Lancelot!!!!! Hey Lancelot!!!” sigaw ng isang babae. Bago pa man ako makalingon ay bigla na lang may yumakap sa likuran ni Lance. Dahil sa bigla niyang pagyakap ay napakalas ang pag-akbay sa akin ni Lance. Pagtingin ko sa babae ay hindi ko napigilan ang aking sarili na mapamangha sa ganda ng babaeng nakayakap kay Lance. Para siyang anghel sa sobrang amo ng kaniyang mukha.
“Hey Lancelot, I miss you!” sabi niya nang mahawakan niya ang pisngi ni Lance na at nagagawa niya pang kurot-kurutin ito. Nagulat na lang ako nang biglang nilapit ng babae ang mukha niya kay Lance at balak pa atang halikan si Lance. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sandaling yun dahil tila huminto ang oras para sa kanilang dalawa at ako ay napako sa aking kinatatayuan para panoorin sila.
Itutuloy……
A/N: Masaya na ba kayo? Masaya? Natuloy na ang pagkakanton na walang halong kalamnsi. LOL! Sana napasaya kayo sa chapter na to dahil ako ay hindi masaya. Hahaha. Napa-update ako ngayon dahil sa matinding insomnia na kahapon ko pa nilalabanan. Goodluck sa shift ko mamayang gabi. Anyway ngayon lang ako nakapag-update dahil sa sobrang busy ko last week at hindi ko natapos ang chapter na to.
Pansin ko lang na dumadami ang silent reader ko. Mas maappreciate ko kapag dito kaya nagcomment kaysa magmessage kayo sa IG ko. Need your feedback sa mga chapters na ginagawa ko. Or else magpapakasilent din ako ng ilang linggo. LOL!
P.S. Hindi lahat ng sinusulat ko ay ibig sabihin may karanasanan na kaagad ako dun. Madali lang naman manood ng videos at magbasa ng manga. HAHAHA
PLEASE DON’T FORGET TO VOTE!!!
IM GOING TO SLEEP AT SANA MAKATULOG!! UGGH!
Chapter 19: Hidden desire
Dylan as Lance
Gunter’s POV
Naging masarap ang aking pagtulog. Tila ang gaan-gaan ng aking pakiramdam. Hindi ko lubos na maisip kong papano ko nagawa ang lahat ng mga nangyari kagabi. Unti-unti kong dinilat ang aking mata at nakita kong mahimbing pa rin ang tulog ni Lance. Kasalukuyang nakaakap pa rin sya sa akin at ako naman ay ganun din sa kaniya. Ilang sandali pa nang yakapin niya ako nang husto at ang mukha ko ay nakadikit na sa kaniyang leeg. Muli kong pinikit ang aking mata at dinama ang bawat sandali na magkayakap kaming dalawa. Sa bawat paghinga ko ay naamoy ko ang natural niyang amoy. Habang tumatagal ay para akong nahuhumaling sa kaniyang amoy kaya mas lalo ko pang nilapit ang aking ilong para malayang malanghap ito. Nagsilbing pangpakalma sa aking katawan at isipan ang kaniyang amoy na nagparelax sa akin at naging dahilan para ako’y makatulog muli.
“Anong oras na Gunter at bakit hindi ka pa bumabangon dyan?” narinig kong pagsigaw ni Ate Pritz. Napabalikwas ako sa aking kama at tinakpan ang aking katawan dahil alam kong wala akong saplot ngayon.
“Anong nangyayari sayo?” gulat na tanong ni Ate Pritz dahil bigla talaga akong napatayo mula sa aking kama. Tiningnan ko ang aking ayos at saka ko lang napagtanto na may suot-suot na akong damit. Ngayon ay may suot na akong damit at pati underwear saka boxer shorts ay suot-suot ko na rin.
“Ahh wala ate… masama lang ang naging panaginip ko” pagsisinungaling ko habang pilit na tumatawa. Mabilis namang nakalusot sa kaniya ang pagdadahilan ko.
“Kanina ka pa daw ginigising ni Lance at ayaw mong magising. Anong oras na? Lumabas kana para masamahan mo si Lance na mag-almusal!” utos ni ate at kaagad naman siyang lumabas ng kwarto ko. Pagkalabas niya ay saka ako naupo sa aking kama at huminga nang malalim dahil akala ko talaga ay naabutan ako ni ate na walang saplot.
Tumayo na ako mula sa aking kama nang marinig ko ang muling pagtawag sa akin ni Ate Pritz. Nakapasok na pala siyang muli nang hindi ko namamalayan at lumabas din kaagad. Kinuha ko ang tuwalya ko para gamiting pamunas sa aking mukha pagnatapos akong maghilamos. Nakita ko kaagad sa bungad ng pinto si Lance. Nakatingin siya sa akin habang kagat-kagat niya ang pang-ilalim niya na labi habang nakangiti. Mukhang pinipigilan niya ang ngumiti o matawa dahil alam niya kung bakit ganun ang naging reaksyon ko sa pagpasok ni ate sa kwarto ko. Nagawa niya pang tingnan ako mula ulo hanggang paa na para bang may masama siyang binabalak. Napailing na lang ako sa kaniya dahil hindi ko malaman kong matatawa ako o maiinis sa kaniyang inaasal. Pagkalabas ko ng kwarto ay bigla na lang niyang hinawakan ang likuran ng aking ulo at nilapit niya ang sarili sa akin.
“Good morning” sabi niya matapos niyang halikan ang aking noo. Mabilis ko siyang tinulak dahil sa kaniyang inasal.
“Gago ka, makita ka ni ate!” sabi ko sabay tingin sa paligid namin dahil baka nakita ni ate ang ginawa ni Lance.
“Wala na sa banyo siya ngayon” sabi niya habang nakangiti. Hindi na ako nakipagtalo sa kaniya at nagtungo na lang ako sa lababo para makapaghilamos.
Walang nagbago sa mga lumipas na araw dahil halos gawing bahay na rin ni Lance ang bahay namin. Ang nakakapagtaka lang talaga kay ate ay hindi man lang siya nagrereklamo na laging nakatambay sa amin si Lance. Sa mga pagkakataong kaming dalawa lang ang magkasama ay kinukuha niya ang pagkakataon para molestyahin niya ako. Lalong lalo na noong mga huling araw ng bakasyon namin dahil dinala niya ako sa kanilang bahay. Inaya niya kasi akong maglaro ng mga bagong games sa PS4 niya pero imbes na maglaro ay puro panghahalay ang ginawa niya. Hindi naman na ulit ang nangyari sa amin nang gabi nay un dahil hanggang paghalik at paghaplos lang ang ginagawa niya sa akin dahil ayaw niya daw akong madaliin. Pero taliwas ang mga sinasabi niya sa ginagawa niyang panghahalay sa akin. May parte ng kalooban ko na gustong itigil ang mga kalokohang ginagawa niya sa akin pero sa tuwing dumadampi ang kaniyang labi sa aking labi ay tila napapasunod niya ako sa lahat ng gusto niyang mangyari.
Sumapit ang pasukan at lalo siyang naging clingy. Halos pati pagpunta ko sa banyo ay sinasamahan pa niya ako. Tumindi tuloy lalo ang usap-usapan na may namamagitan na sa aming dalawa dahil sa inaasal niya. Hindi naman ganun kalayuan ang banyo mula sa aming classroom pero kapag siya ang kasama ko ay inaabot kami ng 15-20 minutes bago makabalik sa classroom. Pag-ihi lang talaga ang rason ko para pumunta sa banyo pero kapag siya ay nakabuntot sa akin ay bigla na lang niya akong dadalhin sa bakanteng cubicle at saka niya ako papaulanan ng halik. Katakot-takot na paliwanag ang ginagawa ko sa tuwing bumabalik kami ng classroom. Ang nakakainis pa ay hindi siya nagpapaliwanag dahil ang nagiging sagot niya ay kung ano daw ang dahilan ko yun din daw ang kaniya. Itong mga kaklase ko na imbes na tumulong na maitawid ang palusot ko ay gumagatong pa kaya naghihinala na din ang mga teachers namin.
May pagkakataon na bigla na lang niyang hahawakan ang aking kamay habang maraming taong nakakakita sa amin. Para sa kaniya ay normal lang ito pero sa akin ay hindi. Ilang beses ko siyang pinagsabihan pero paulit-ulit niyang ginagawa. Hanggang sa magsabi ako na imbes na paghawak sa aking kamay ay hinahayaan ko siyang akbayan na lang ako at ganun na nga ang kaniyang ginagawa. Kapag wala kami sa classroom ay lagi siyang nakaakbay sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay may nadagdag sa bag ko na mabigat na bagay na araw-araw kong pinapasan. Hindi mawawala ang pagtinginan kami ng maraming tao. Habang tumatagal ay mas marami ang nagiging FAN kuno ng tamabalan namin. Isang beses na may makasalubong kaming dalawa na ubod ng harot at hindi ko mapigilang matawa sa kanila.
“Baklaaaaaa… ayan na sila jusko!!” sigaw ng isang bakla sa kaniyang kaibigan na parang mahihimatay sa kilig.
“Kaloka tehh laglag na yung panty ko sa kilig” sagot ng kaibigan niya. Kahit na malayo pa kami sa kanila ay rinig na rinig ko ang kanilang usapan dahil sa lakas ng kanilang boses. Pinigilan ko ang aking sarili na wag matawa pero napangiti pa din ako. Samantalang si Lance ay derecho lang ng tingin habang kami ay naglalakad sa hallway.
“Gaga wala kang panty. Brief ng tatay mo yang suot mo kaya lawlaw!” sagot ng kaibigan niya. Muntikan na akong humagalpak sa kakatawa habang naglalakad kami pero nagawa ko pa ring magpigil. Sa inis ng kaibigan niya ay pinagpapalo niya ito at umakmang sasabunutan ang kaniyang kaibigan. Nagpang-abot sa dinadaanan namin ang harutan nila at muntikan na akong maatrasan ng isa bakla pero nagawa akong hatakin ni Lance papalapit sa kaniya. Nakapatong pa ang kaniyang kanang kamay sa aking dibdib habang yakap-yakap niya ako. Kita ng karamihan ang ginawang paghatak sa akin ni Lance na naging sanhi ng hiyawan ng mga kababaihan at mga binabae.
“Sana all!” sigaw ng isang babae.
“Sana oil!” dugtong naman ng isang bakla.
“Sana oil, hope oil, baby oi” sabi ng isa pang bakla na natigil sa kaniyang pagsasalita nang masampal siya ng kaniyang kaibigan sa mukha.
“Uhhm bakla ka, kaka sana oil moa ng oily na ng mukha mo!” sabi niya sabay punas sa ng kamay niya sa uniform nito. Hindi ko na talaga napigilang matawa sa kanila dahil nagsakitan na naman silang dalawa. Habang ako ay tumatawa ay hindi ko namalayan na dahan-dahan na pala akong hinahatak palayo ni Lance. Nang ako ay mahimasmasan sa kakatawa ay tumingin ako sa kaniya na para bang bagot na bagot siya habang nakatingin sa akin. Ang kaniyang tingin ay para bang tinatanong kung ano bang nakakatawang bagay ang nasaksihan ko para tumawa ako ng ganun.
Gusto kong maging normal lang ang pagtingin sa amin ng mga tao sa school. Na para bang walang namamagitan sa aming dalawa. Mas gusto ko pa yung paliwanag ng iba na bromance lang ang meron kami. Sa ganong lagay kasi ay wala masyadong mangingialam sa buhay naming dalawa. Wala masyadong expectations at hindi masyadong maissue. Isang araw ay nasa roof top kaming dalawa ni Lance kung saan madalas kaming kumain kapag lunch break.
Simula ng bumalik kami sa school ay lagi niya na lang akong kinocorner dito sa taas at saka niya ako sisiilin ng halik. Ang pinakaayaw ko pa ay madalas niya tong ginagawa pagkatapos naming kumain. Halos malasahan pa namin ang kinain ng isa’t isa pero wala lang sa kaniya yun. Samantalang ako ay naiilang dahil para akong nakikipaghalikan ng hindi pa nakakapagsipilyo. Ang kaniyang mga kamay ay nasa pagitan ng aking ulo na nagsisilbing harang para hindi ko malayo o maiwasan ang kaniyang paghalik. Bawat paggalaw ng kaniyang labi ay sobra sobrang kaligayahan ang dinudulot nito sa akin. Para bang uhaw na uhaw ako sa kaniyang mga halik kahit na halos araw-araw naming ginagawa ito. Hindi ko napigilan ang aking sarili at humawak pa ako sa bawat dulo ng kwelyo ng kaniyang uniform para mapalapit siya ng lubusan sa akin. Ramdam ko ang kaniyang pagngiti habang kami ay naghahalikan. Habang kami ay nalalango sa labi ng isa’t isa ay hindi namin namalayan na may tao na palang nakasaksi sa aming ginagawa.
“Sorry” ang tanging nasabi ni Ailene nang magtagpo ang aming paningin. Kaagad kong natulak si Lance palayo sa akin dahil sa gulat ko. Bago ako makapagsalita ay nakaalis na kaagad si Ailene. Saktong pag-alis ni Ailene ay muling lumapit sa akin si Lance para ipagpatuloy ang ginagawa naming dalawa na para bang walang nakasaksi sa aming ginawa. Nagawa niya ilapat ang kaniyang labi sa aking labi pero sa sumunod na sandali ay iniwas ko ang aking mukha para pigilan siya kaya ang kaniyang halik ay tumama sa aking pisngi. Nagawa niya akong yumakapin. Hindi pa rin siya natigil at hinalikan niya ang aking pisngi pababa sa aking panga hanggang sa makarating ang kaniyang halik sa aking leeg. Ilang sandali siyang nanatili sa aking leeg hanggang sa malalim na paghinga na lang ang nararamdaman ko sa kaniya. Walang siyang ginawang kakaiba kaya nagtaka ako at nang tingnan ko siya ay nakatulog na pala ang gago.
Sa mga lumipas na araw ay hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkailang sa tuwing magtatagpo ang paningin namin ni Ailene. Mukhang wala pa naman siyang pinagsabihan sa kaniyang nasaksihan. Kagaya ni Ailene ay parang wala lang din kay Lance na may nakakita sa aming ginagawa at ganun pa rin ang kaniyang pakikitungo sa bawat isa. Napansin siguro ni Ailene ang pag-iwas ko sa kaniya kaya sa sumunod na araw nilapitan niya ako. Sinabi niya sa akin na wala siyang pinagsabihan sa kaniyang nakita at hindi na daw bago sa kaniya ang bagay na yun. Dati-rati pa raw niya kaming napapansin na sabay magbreak ni Lance sa rooftop na para bang may sarili kaming mundo. Ayon sa kaniya ay nagpunta siya doon para ayain kami ni Lance na kumain kasama ng mga kaklase namin sa cafeteria dahil birthday ng isang kaklase namin pero hindi niya inaasahan ang kaniyang nasaksihan. Nagpatuloy siya ng pagkwento sa mga bagay na nasaksihan niya kagaya ng sa amin. Naaliw ako sa mga kwento niya at ang iba pa ay sobrang nakakatawa. Kapwa kaming natahimik nang maubusan siya ng ikukwento.
“Alam mo bang ganyan na ganyan si Lance kumilos kapag in-love siya?” bigla sabi ni Ailene. Nagulat ako sa kaniyang sinabi kahit na alam kong may idea na siya na may namamagitan sa amin ni Lance.
“Pa-pano mo naman nasabi?” nauutal pa ako habang nagtatanong.
“Noong main-love kasi si Lance sa isang estudyante dito sa school ay ganyan na ganyan ang kinikilos niya. Alam mo bang maraming nagsasabing bagay na bagay sila dahil para silang angel at devil na couple. Kilala mo na kung sino ang devil” sabi pa niya habang natatawa at nagpatuloy sa pagkukwento.
“Sobrang ganda at bait ni Euphy kaya siguro nahulog ang loob sa kaniya ni Lance. Simula nang maging sila ni Euphy ay naging matino si Lance. Natigil ang pagiging bully nya at makikita mong laging masaya habang kasama si Euphy. Dun ko napatunayan na kayang kaya talagang baguhin ng pag-ibig ang puso ng isang tao” damang dama ko ang pagkukwento ni Ailene dahil para siyang nasa broadway kung magkwento dahil may hand gestures pa siya na nagmumukha siyang ewan pero nakakatuwa siyang pagmasdan.
“Bakit pala sila naghiwalay?” hindi ko mapigilang itanong.
“Sa europe na mag-aaral si Euphy dahil malubha ang sakit ng kaniyang lola na hinihiling na makasama siya” ang kaninang masaya niyang pagkwento ay naging malungkot na.
Napaisip ako kung may naging maayos na closure ba ang paghihiwalay nina Lance at Euhpy. Wala kasing nabanggit si Ailene dahil sa pagkakataong magtatanong ako sa bagay na yun ay biglang dumating si Lance. Matagal na kaming nagkakasama ni Lance pero ni minsan ay hindi niya nabanggit sa akin ang tungkol kay Euphy. Nagawa niya akong tanungin tungkol sa mga ex ko pero hindi niya nabanggit sa akin ang tungkol kay Euphy na naging ex niya na dating nag-aaral sa school na to.
Unti-unti kong napapansin ang pagbabago sa kinikilos ni Lance dahil kapansin-pansin na mas nagiging matured ang kaniyang kinikilos. Wala na siyang panahon na mambully o mang-asar ng ibang tao. Hindi na ganun ka mainitin ang kaniyang ulo. Madalas ko rin siya nakikitang nakangiti o tumatawa kapag kaming dalawa ang magkasama na taliwas niyang pinapakita sa ibang tao. Siguro gusto niyang ipakita sa karamihan ang cool side niya kahit na nagiging cold na kinikilos niya sa ibang tao. Kapag kaming dalawa lang ang magkasama ay para siyang isip bata na maraming naiisip na kalokohan at mga bagay na magagawa para pagtripan ako. Habang tumatagal ay nawawala na sa isipan ko ang tungkol kay Lance at Euphy hanggang sa isang araw na muling magtagpo ang kanilang landas.
“Lancelot!!!!! Hey Lancelot!!!” sigaw ng isang babae. Bago pa man ako makalingon ay bigla na lang may yumakap sa likuran ni Lance. Dahil sa bigla niyang pagyakap ay napakalas ang pag-akbay sa akin ni Lance. Pagtingin ko sa babae ay hindi ko napigilan ang aking sarili na mapamangha sa ganda ng babaeng nakayakap kay Lance. Para siyang anghel sa sobrang amo ng kaniyang mukha.
“Hey Lancelot, I miss you!” sabi niya nang mahawakan niya ang pisngi ni Lance na at nagagawa niya pang kurot-kurutin ito. Nagulat na lang ako nang biglang nilapit ng babae ang mukha niya kay Lance at balak pa atang halikan si Lance. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sandaling yun dahil tila huminto ang oras para sa kanilang dalawa at ako ay napako sa aking kinatatayuan para panoorin sila. Bago pa man maglapat ang kanilang mga labi ay mabilis nahawakan ni Lance ang pingi ng babaeng yumakap sa kaniya at hinalikan ito sa kaniyang noo.
“Welcome back, Euphy” masayang sabi ni Lance matapos niyang halikan ito sa kaniyang noo. Para bang huminto ang oras sa kanilang dalawa na di alintana ang daming tao na nagkukwentuhan sa kanilang paligid. Masaya silang nag-uusap na para bang sila lang tao sa mundo. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang at pakiramdam ko ay wala ng dahilan para manatili pa ako dito kaya nagtangka akong umalis. Bago pa man ako makaalis ay nagawang hawakan ni Lance ang aking braso at mabilis akong inakbayan.
“Nga pala Euphy, ito si Gunter yung sinasabi ko sayo” biglang nagulagt si Euphy nang banggitin ni Lance yun at mabilis namang ngumiti para batiin ako.
“Hi, nice meeting you” sabi niya at bigla niya akong niyakap. Hindi ako kaagad nakakilos dahil sa ginawa niya. Nang mayakap ko siya ay naamoy ko ang kaniyang gamit na pabango na sobrang sarap sa pang-amoy. Nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay saka ko lang napagmasdan ng husto ang kaniyang pagmumukha. Sobrang ganda niya at napakaganda ng kaniyang kutis. Sobrang nakakadala ang kaniyang pagngiti na hindi mo maiwasang mapangiti habang nakatingin ka sa kaniya. Malabong walang lalaking hindi magkakagusto dahil sa gandang taglay niya at sa kagandahan ng kaniyang kalooban. Kaya ngayon ay napagtanto ko na kung bakit sobrang minahal ni Lance si Euphy.
Matapos ang maikling kwentuhan ay nagpaalam sa akin si Lance at Euphy na aalis daw silang dalawa. Makikipagkita daw si Euphy sa daddy ni Lance at ihahatid din ni Lance si Euphy sa kaniyang condo pagkatapos nito kaya hindi na matutuloy ang plano namin na magmomovie marathon. Wala naman akong nagawa kundi ang sumang-ayon dahil alam kong namiss nila ang isa’t isa at bakas yun sa kanilang mga mukha.
Naging bali-balita ang pagbabalik ni Euphy sa school kaya naman ang kwento tungkol sa aming dalawa ni Lance ay mabilis na naglaho. Nang maging kaklase namin si Euphy ay nagkaroon ng adjustment sa seating arrangement namin dahil hiniling ni Euphy na magkatabi sila ni Lance kaya naupo siya sa pagitan naming dalawa. Pansin naman ng bawat isa ang pagiging malapit ni Lance at Euphy dahil dati rin silang magkasintahan. Wala mang pagkompirma sa dalawa ay mukhang nagkabalikan na silang dalawa dahil sa kanilang kinikilos. Malaki rin pinagbago ni Lance simula nang dumating si Euphy sa school. Siguro ang malaking pagbabago ay yung pakikitungo niya sa akin. Dahil hindi na niya ako masyadong inaakabayan dahil madalas na silang magkaholding hands ni Euphy. Hindi na namin nagagawang kumain ng sabay dahil sabay na rin silang dalawa kumain sa aming tambayan. Hindi ko alam kung ginagawa nila ang ginagawa namin ni Lance sa tuwing nasa roof top kami pero ayoko na ring malaman. Baka nga siguro dati na nilang ginagawa yun bago pa kami magkakilala.
Habang lumilipas ang araw ay nagiging malapit kami sa isa’t isa ni Euphy buhat nang magkatabi kami ng upuan. Sobrang bait niya at sa kabila nang mahinhin niyang kilos ay nagtagago ang pagiging palaban niya. Hindi lang ang kaniyang ngiti ang nakakahawa dahil maging ang kaniyang pagtawa ay may kakaibang dala rin na sobrang nakakagaan ng loob. Habang tumatagal ay hindi ko namamalayan na unti-unti na palang nahuhulog ang aking loob kay Euhpy.
Isang linggo ang lumipas simula nang dumating si Euphy ay malaki ang pagbabago sa samahan namin ni Lance. Ang mga dati naming ginagawa ay hindi na namin nagagawa. Maging si Ate Pritz ay nagtatanong kung may matindi ba kaming pinagtalunan ni Lance dahil hindi na raw natutulog sa amin si Lance. Dahil sa muling pagsasama ni Lance at Euphy ay wala na akong masyadong nakakasabay tuwing break time. Pero nagbago ang lahat ng yun nang kausapin ako ni Ailene para sumabay sa akin sa tuwing lunch. Naging malapit kami sa isa’t isa na para bang dati na kaming magkaibigan at muling pinagtagpo makalipas ng ilang taon. Sobrang komportable namin sa isa’t isa dahil siguro walang masyadong kaartihan si Ailene sa katawan. Aaminin kong maganda si Ailene kaya nakakapagtaka na walang nanliligaw sa kaniya. Ang dahilan niya naman ay masyadong isip bata pa ang mga lalaking nanliligaw sa kaniya kaya hindi niya sinasagot ang mga to.
Isang araw ay inaya kaming dalawa ni Ailene na sumama sa Enchanted kingdom para mag double date. Tatanggi sana ako dahil mali ang inaakala ng karamihan sa pagiging malapit namin ni Ailene sa isa’t isa. Pero bigla na lang sumang-ayon si Ailene kaya hindi na ako tumanggi para hindi siya mapahiya. At sa pagsapit ng araw ng nasabing double date namin ay parang tuko kong makakapit ang dalawa sa isa’t isa dahil halos hindi sila mapaghiwalay. Hindi ko naman inaasahan na biglang hahawakan ni Ailene ang aking kamay habang kami ay naglalakad. Noong una ay naiilang ako pero dinirecho ko na lang ang aking paningin dahil ayokong ipahiya si Ailene. Sa ayos namin ngayon ay hindi malabong mapagkalaman kaming magkasintahan. Nang mapansin ni Lance na magkahawak kamay kami ni Ailene ay bigla na lang kumunot ang noo nya at nang mapansin ko ito ay kaagad niyang binaling sa iba ang kaniyang paningin.
Iba’t ibang rides na ang sinakyan namin at tila walang kapaguran ang dalawa naming kasamang babae. Sobrang namiss siguro ni Euphy ang pilipinas kaya sobrang saya niya ngayon. Pero marami din naman sigurong rides na ganito sa Europe, yun ay siguro dahil kasama niya ngayon si Lance. May mga pagkakataong hinahalikan ni Euphy si Lance sa pisngi at tanging pagngiti ang nagiging tugon ni Lance. Hindi ko mapigilang makaramdam ng inggit kay Lance. Ano kayang pakiramdam nang mahalikan ng isang babae na kagaya ni Euphy? Gaano kaya kasarap sa pakiramdam ang hawakan ang kaniyang kamay sa harap ng maraming tao? Ano kaya ang pakiramdam ni Lance sa tuwing niyayakap siya ni Euphy? Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa dalawa at nakalimutan kong hawak-hawak ko pa rin ang kamay ni Ailene.
Nang mapagod ang lahat sa kakaikot at kakasakay sa kung ano anong rides ay naisipan naming kumain na. Maging sa pagkain ay sobrang sweet ni Euphy kay Lance. Napakaswerte ni Lance kay Euphy dahil kong ako sa kaniya ay hindi ko na siya pakakawalan pa. Kung kasing yaman ko lang sila Lance ay susundan ko si Euphy kahit na sa Europe pa ako mag-aral basta magkasama lang kami. Pagkatapos naming kumain ay inaya ni Euphy si Ailene na magtungo sa banyo. Naiwan kami ni Lance na magkaharap sa mesa.
“Di mo naman nasabi na sobrang ganda pala ng ex mo” masaya kong sabi pero taliwas ang naging reaksyon niya.
“At ngayon kayo na ulit, mukhang tinadhana talaga kayo para sa isa’t isa” dugtong ko pa para mapagaan ang usapan pero mas lalong kumunot ang kaniyang noo.
“Sino naman nagsabi sayo na kami na ulit?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko.
“Ba-bakit hindi ba?” naiilang kong tanong dahil mukhang totoo ang sinasabi niya.
“Hindi pa kami nagkakabalikan ni Euphy, sadyang ganyan talaga siya ka sweet sa akin” kwento niya habang iniiwasan ang tingin ko.
“Ahh.. okay… Kung ako sayo ligawan mo na siya baka maunahan ka pa ng iba” pagbanggit ko nun ay muling napako ang kaniyang paningin sa akin.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong niya at biglang tumaas ang tono ng boses niya.
“Syempre sa ganda ba naman ni Euphy malamang maraming nagkakagusto sa kaniya at” hindi pa ako tapos magsalita nang muli siyang sumagot.
“At isa ka sa mga yun, tama ba?” nabigla ako nang tanungin niya ako kaya hindi kaagad ako nakakibo. Mukhang sapat na sa kaniya ang hindi ko pagkibo sa sagot na inaantay niya kaya tumayo siya para umalis pero bago siya makalayo ay pinigilan ko siya.
“Wait Lance! Ayaw kong manghimasok pero ang akin lang ay sana wag mo nang saktan si Euphy dahil hindi niya deserve yun. Alam kong naging malayo kayo sa isa’t isa pero hindi naman siguro dahilan yun para hiwalayan mo siya” hindi ko alam kung bakit ko nasasabi ang mga bagay na to pero alam kong dapat ko nang itigil ito.
“So sinasabi mo bang mas deserving ka sa kaniya?” hindi ko alam kung bakit yun ang naging tanong sa akin ni Lance dahil hindi naman ganun ang nais kong ipahiwatig at nakagawa ako nang malaking pagkakamali nang sumagot ako ng.
“Oo” matapos kong banggitin yun ay hinawakan niya ako sa aking kwelyo. Napapikit ako dahil ang buong akala ko ay sasaktan niya ako. Binitawan niya ako nang marinig niya ang pagsigaw ni Euphy. Pagkatulak niya sa akin ay kaagad siyang naglakad palayo sa amin.
Sinundan ni Euphy si Lance at ako naman ay sinamahan ni Ailene. Sobra akong nahihiya kay Ailene dahil alam kong hindi ito ang gusto niyang mangyari sa araw na to pero mukhang sinira ko hindi lang ang araw niya kundi ang araw nilang tatlo. Sabay kaming umuwi ni Ailene dahil nauna na si Lance at Euphy. Sa aming byahe ay hindi siya nagtanong kung anong nangyari dahil ako naman ay wala rin sa mood para makipag-usap. Nagpresenta akong ihatid siya pero sinabi niyang mas komportable siyang umuwi mag-isa kaya hindi na ako nagpumilit.
Sa araw ng linggo ay hindi ako mapakali sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung papano sila haharapin bukas dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam kung papano ako hihingi ng tawad. Pansin ni ate ang kakaibang kinikilos ko pero hindi naman niya ako kinukulit kapag ayaw ko nang pag-usapan. Maging sa pagkain ng hapunan ay naging matamlay ako na para bang kumakain ako ng pagkain habang may sakit. Nagawa pa ngang kapain ni ate ang noo ko para malaman kung may sakit ba talaga ako. At sa aking paghiga sa kama bago matulog ay yun pa rin ang pumapasok sa isipan ko. Nagpatugtog ako sa aking cellphone para mabaling sa iba ang aking isipan at napagtagumpayan ko ito nang makaramdam ako ng antok.
Sa aking pagnaginip ay tila hindi pa rin ako nakakatakas sag galit ni Lance. Kahit na nakahiga na ako sa aking kama ay nakikita ko pa rin ang mukha niya. Hawak-hawak niya ang aking damit na para bang gigil na gigil sa galit dahil sa higpit ng pagkakakapit niya. Taliwas naman ang pinakita ng kaniyang mukha dahil nanatiling maamo ito habang nakatingin sa akin. Ilang sandali pa ay bigla niya nalang pinaglapit ang aming mga labi. Habang marahan niya akong hinahalikan ay hindi ko mapigilang mapangiti dahil napakamatutuhanan nang panaginip na to. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang labi at ang kaniyang mainit na hininga. Habang lumalim ang kaniyang paghalik ay biglang nanumbalik ang alaala ko nang magkasama si Lance at si Euphy sa Enchanted kingdom. Yun yung sandaling hinahalikan ni Euphy si Lance sa pisngi at tanging pagngiti ang nagiging tugon ni Lance. Hindi ko mapigilang makaramdam ng inggit kay Euphy.
Ano kayang pakiramdam ang mahalikan ang isang lalaki na kagaya ni Lance kung saan hindi kailangang magtago sa iba? Gaano kaya kasarap sa pakiramdam ang hawakan ang kaniyang kamay sa harap ng maraming tao? Ano kaya ang pakiramdam ni Euphy sa tuwing niyayakap niya si Lance na para bang wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba?
Ngayon ko napagtanto kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Lance. Ang masaklap ay maging sa panaginip na ito ay hindi ko masabi sa kaniya ang totoo kong nararamdaman. Hahayaan ko na lang siyang maging masaya sa babaeng minamahal niya at ikukulong ko na lang ang aking sarili sa masayang panaginip na ito kung saan ramdam na ramdam ko ang kaniyang pagmahahal sa pamamagitan ng kaniyang mga halik.
Kinabukasan ay nagising ako sa paggising sa akin ni Ate Pritz. Alam kong lunes na ngayon at may pasok sa school. Wala akong gana pumasok dahil wala pa akong lakas na loob para harapin sila. Lalong lalo na’t mukhang di ko kakayanin ang makita si Lance at Euphy na magkasama. Nagsinungaling ako kay ate na masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako makakapasok. Mabilis siyang kumuha ng thermometer para malaman kung masama talaga ang pakiramdam. Alam kong masasaktan ako kapag nalaman nyang nagsisinungaling ako pero nagulat na lang ako ng sabihin niyang mataas ang lagnat ko. Kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko kanina ang buong akala ko ay tinatamad lang ako bumangon.
Tumawag si ate sa school para sabihan ang adviser ko na hindi ako makakapasok dahil mataas ang aking lagnat. Naghanda naman ng makakain si ate para iwanan sa akin at naghanda na rin ng gamot. Hindi niya magawang lumiban sa trabaho dahil bawat araw ay importante sa kaniya at sa aming ikabubuhay. Sinuguro ni ate na naubos ko ang aking pagkain bago siya umali ng bahay. Ang buong akala ko ay makakapahinga ako nang makainom ako ng gamot pero hindi ako nakatulog. Nag-isip ako ng mabuti kong papano ako makakahingi ng tawad sa kanila pero hindi ko alam kung papano sasabihin.
Pagsapit ng hapon ay tila may sumapi sa akin at nagkaroon ako ng lakas ng loob na pumunta sa bahay nila Lance. Hindi pa ako tuluyang magaling kaya halos balutin ko ang sarili ko sa jogging pants at makapal na jacket. Saktong nakasalubong ko sa gate nila si Eisen ang pinsan ni Lance kaya mabilis akong nakapasok kahit na walang kaalam alam si Lance sa aking pagpunta. Hindi na ako pinag-antay ni Eisen sa living room at pinaderecho na niya ako kaaagad sa kwarto ni Lance.
Pagkarating ko sa tapat ng kwarto ni Lance ay kaagad akong kumatok pero walang sumasagot. Pinihit ko ang doorknob at sumilip sa loob. Nakabukas ang ilaw sa loob ng kaniyang kwarto per hindi ko siya makita sa loob. Pumasok ako sa loob ng kaniyang kwarto habang tinatawag ang kaniyang pangalan. Nagulat nalang ako ng bigla siyang lumabas sa banyo. Wala siyang suot na pang itaas at basa ang kaniyang buhok na mukhang kakatapos lang maligo pero suot suot na niya ang kanyang pantalon. Mukhang nagpapatuyo na lang siya ng buhok dahil patuloy pa rin itong tumutulo sa kaniyang katawan. Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatingin sa kaniyang katawan dahil nagulat ako nang makita siya sa aking harapan.
“Anong ginagawa mo dito?” sa tono pa lang ng pananalita niya ay alam kong hindi siya masayang makita ako ngayon.
“Gusto ko lang sana humingi ng tawad sa nangyari noong sabado” hindi ko alam kung papano ko nasabi nang ganun kabilis yun dahil kanina lang ay hindi ko alam kung papano uumpisahan ang paghingi ng tawad sa kaniya.
“Yun lang ba? Sige pwede ka nang umalis” sabi niya habang nagbibihis ng long sleeve na puti.
“Mukhang may lakad tayo ngayon ah” hindi ko mapigilang magkomento habang nagbibihis siya.
“May date kami ni Euphy ngayon at painform na rin sa adviser natin na hindi kami makakapasok bukas” sabad niya at ako naman ay nagtaka kung bakit.
“Bakit naman?” mabilis kong tanong.
“Dahil magdamag kaming magsasama at alam mo na kung ano ang ginagawa ng babae at lalaki sa loob ng hotel” sagot niya habang nakangisi at mabilis na tumalikod sa akin. Nag-spray siya ng pabango sa kaniyang katawan at naglakad patungo sa pinto para lumabas. Mukhang wala siyang pakialam sa presensya ko at nais niyang makaalis kahit nasa loob pa ako ng kaniyang kwarto. Nataranta ako kaya mabilis ko siyang hinabol at bago pa man niya buksan ang pinto ay napigilan ko siya sa pamamagitan ng pagyakap sa kaniya mula sa kaniyang likuran.
“Anong ginagawa mo?” tanong niya. Hindi ko masabi kung anong nararamdaman niya ngayon dahil mahina ang pagkakasabi niya.
“Please dito ka na lang” wala akong pakialam kong anong isipin niya basta ang mahalaga ay wag matuloy ang plano nila ni Euphy.
“At ano namang gagawin ko dito na kasama kita?” dugtong niya at ako naman at mabilis nag-isip ng sasabihin ko pero wala akong maisip na maganda kaya.
“Gagawin ko lahat ng gusto mo basta wag ka lang umalis dito” ang nasabi ko sa kaniya.
“Kahit ano pang gawin mo ay babae pa rin ang magpapaligaya sa akin” para akong binagsakan ng malaking bato nang marinig kong sabihin niya yun. Mabilis niyang kinalas ang aking kamay na nakaakap sa kaniya at lumabas ng kwarto.
Hindi ko alam kung anong gagawin sa sandaling yun. Tila lalong nanghina ang aking katawan at nanlambot ang aking mga tuhod. Dahan-dahan akong lumapit sa kama ni Lance para maupo dahil bigla akong nahilo. Naupo ako habang hawak-hawak ko ang aking ulo. Hindi ko matanggap sa sarili ko na muli akong nabigo sa pagtapat sa aking nararamdaman para kay Lance. Ngayon ay huli na ang lahat at mukhang hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon para sabihin sa kaniya.
Wala akong ideya kung gaano ako katagal na nakaupo sa kama ni Lance. Kanina’y gulong gulo ang isipan ko kaya hindi ako makapag-isip ng maayos. Nang makabalik ako sa aking katinuan ay nagpasiya akong tumayo pero sa biglang pagtayo ko ay nakaramdam ako ng hilo kaya pinikot ko ang akin mata. Bago ko maidilat ang aking mata ay nakarinig ako ng yabag ng paa papalapit sa akin at sa sandaling pagdilat ko ng aking mata ay nakita ko si Lance na nasa harapan ko. Hingal na hingal siya habang tumatagaktak ang kaniyang pawis na para bang ang layo ng tinakbo niya. Ilang sandali siyang nakatayo sa harapan ko bago siya nagsalita.
“Gagawin mo lahat ng gusto ko di ba?” tanong niya sa akin at hindi pa man ako nakakasagot ay buong lakas niyang binuksan ang kaniyang polo kaya nasira ang butones nito at nalaglag sa sahig. Napatingin ako sa kaniyang katawan na nangingitab ng pawis at muling binalik ang aking paningin sa kaniyang mukha. Napalunok laway ako bago ako nakasagot.
“Oo” alam kong wala ng bawian kapag sinabi ko yun pero naglakas loob ako na sabihin yun upang mapanatili si Lance dito sa kaniyang kwarto. Nang marinig niya ang aking sagot ay bigla na lang gumihit ang mga ngiti sa kaniyang mga labi at mabilis akong sinunggaban ng paghalik.
Itutuloy…….
A/N: Ohhh for now ayan muna dahil 5.4k words na yan at napakahaba na naman ng sinusulat ko at hindi naman masipag magVOTE yung iba.
Shereeep be ni Dylan/Lance sa above photo? Ganyan ko siya na imagine sa scene na tinanggal niya ang kaniyang polo habang nakayoko at nakatitig kay Gunter na nakaupo sa kaniyang kama.
Sobrang restless ako last month kaya I’m hoping na maging magaan ang buwan na to at makapagsulat pa ako ng madaming chapters. At sa mga nagrerequest ng twice a week na update. MALABO, dahil may trabaho ako kapag weekdays at pag-uwi ko sa bahay ay pinapahinga ko na lang ang sarili ko.
PLEASE DON’T FORGET TO VOTE!!
Chapter 20: You In Me
Darren as Gunter
Lance’s POV
Matapos may mangyari sa amin ni Gunter ay para bang nahihibang ako dahil siya na lang palagi ang nasa isipan ko. Simula nang pumasok kami sa school ay hindi ko hinahayaang mawala siya sa paningin ko. Maging sa pagpunta niya sa banyo ay sinasamahan ko siya dahil natatakot akong baka sa isang iglap ay mawala siya sa akin. Sa tuwing kaming dalawa lang ang magkasama ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na iparamdam sa kaniya ang aking nararamdaman. Alam kong minsan ay ayaw niyang gawin ang mga bagay na ginagawa ko sa kaniya pero lagi siyang nagpaparaya para sa akin. Ayoko siyang madaliin kung wala pa talaga siyang nararamdaman sa akin pero sa totoo lang ay sabik na sabik na akong mapasa akin siya bilang kasintahan ko. Nahihibang na yata ako dahil hindi ko mapigilang maging possessive sa kaniya kahit na hindi pa naman kami.
May mga pagkakataon na lumalagpas ako sa aking limitasyon at minsan muntikan ko na siyang galawin kahit labag sa kaniyang kalooban. Hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili kaya walang araw na hindi ko siya nahahalikan sa kaniyang labi na para bang kasama nato sa pangangailangan ko. Halos sa kanila na nga ako natutulog dahil gusto siya palaging kasama. Wala naman akong masyadong naririnig na pagtutol sa kaniya pero hindi ko mapigilan ang sarili na mag-isip na baka dumating ang araw at magsawa siya sa aming ginagawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kong ano ba ang meron kami. Ang mahalaga ngayon ay kasama ko siya pero hanggang kailan ang ganitong pagsasama namin?
Tuwing weekends ay umuuwi ako sa bahay dahil ayokong maghinala si daddy na wala ako lagi sa bahay. Kailangan kong magpagood shots sa kaniya dahil baka ikulong na niya ako sa bahay kapag nalaman niyang wala ako lagi. Mabuti na lang at nandiyan si Eisen na nagagawa akong pagtakpan kay daddy. Isang araw ng sabado nang magising ako sa tawag ng cellphone ko. Sinagot ko ito na hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag.
“Namiss mo na kaagad ko?” sabi ko nang sagutin ko ang tawag.
“Yes, sobra kitang namiss my Lancelot” napabalikwas ako sa aking higaan nang makita kong si Euphy ang kausap ko ngayon. Ang akala ko ay si Gunter ang kausap ko dahil magdamag kaming magkausap sa cellphone kagabi.
“Euphy?” ang tangi kong nasabi.
“Ahh-huh.. hindi mo naman kaagad sinabi sa akin na may gusto ka pa rin pala. Too late may bago na ako” sagot niya at may sinabi pa siya pero hindi ko masyadong naintindihan dahil sa ingay.
“Nasan ka ba ngayon at bakit ang ingay sa paligid mo?” tanong ko habang humihikab.
“Nasa airport ako. Magpapasundo sana ako sayo pero ngayon mo lang nasagot ang tawag ko. Anyway, magkita tayo sa dating tagpuan” sabi niya at hindi ko na inintindi ang iba niyang sinabi.
“Ngayon na?” sabi ko nang mapagtanto ko ang kaniyang sinabi pero huli na ang aking tanong dahil binaba na niya kaagad ang aking tawag.
Muli akong nahiga sa aking kama dahil tinatamad akong kumilos. Nang ipipikit ko ang aking mata ay sunod-sunod akong nakareceive ng text message mula kay Euphy na bumangon na. Hindi ko pinansin ang kaniyang mga text pero nang makita kong magflash sa screen ko ang text message ni Gunter ay dali-dali koi tong binuksan para basahin.
Magsabi
ka
kung
pupunta
ka
mamaya
dahil
aalis
nandito
si
ate at baka kung
ano
ano
ang
gawin
mo -Gunter
Imbes na magreply ako sa kaniyang text message ay tumawag ako sa kaniya. Dalawang beses niyang hindi pinapansin ang aking tawag pero sa ikatlong beses ay sinagot niya rin ito.
“Bakit ba?” sabi niya nang sagutin ang tawag ko at agad naman akong napangiti nang marinig ko ang kaniyang tawag.
“Ang dami mo pang sinasabi, bakit ba kasi nahihiya ka pang bumati sa akin ng good morning?” sabi ko at tila hindi siya nakapagsalita. Tumingin ako sa phone ko baka kasi binabaan na naman niya ako pero hindi dahil patuloy pa rin ang aking tawag.
“Nga pala hapon na ako makakapunta dyan” dugtong ko dahil hindi pa rin siya sumasagot.
“Ano naman ngayon?” ang sabi niya. Ang labo din minsan kausap nitong si Gon para siyang babae. Kanina lang ay sinabihan niya ako sa text na magsabi kung pupunta ako sa kanila tapos ngayon nagsasabi ako ay sasabihin niya sa akin na “Ano naman ngayon?”.
“Wala naman, baka namimiss mo na ako kaagad” sabi ko habang tumatawa tapos bigla na lang niyang pinutol ang tawag.
Pagkatapos ng pagtawag ko kay Gunter ay muli kong chineck ang mga messages na meron ako at 32 unread messages ang meron ako mula kay Euphy. Napilitan akong bumangon sa aking kama para pumunta sa banyo at maligo. Habang naliligo ay hindi ko mapigilang mag-isip kung bakit nandito sa pilipinas ngayon si Euphy. Wala man lang siyang pasabi at bigla bigla na lang tatawag na nasa airport siya. Sa pagkakatanda ko kasi sa susunod na taon pa ang balik niya at plano pa naming pumunta ng Palawan na matagal na naming plano noong panahong kami pa. Maayos ang paghihiwalay namin ni Euphy at walang kinalaman ang kaniyang lola sa paghihiwalay namin. Bago pa man siya magtungo sa Europe para doon mag-aral ay napagpasiyahan na naming maghiwalay. Totoong minahal ko siya ng sobra at ganun din naman siya sa akin pero nang tumagal ang aming relasyon ay para bang nawala ang dati naming nararamdaman sa isa’t isa. Karamihan sa mga taong nasa paligid namin ay masasabing perpekto ang relasyon namin dahil sa pagsasama naming dalawa. Pero nagkakamali sila dahil may pagkakataong nagtatalo din kami ni Euphy at nagkakatampuhan. Dumating ang araw na pakiramdam namin ay hindi na namin mahal ang isa’t isa kagaya ng dati kaya nagpasiya kaming dalawang maghiwalay.
Walang nakakaalam ng totoong dahilan ng paghihiwalay namin ni Euphy dahil ayaw rin naming ipagsabi ito. Basta pinalabas na lang namin na naghiwalay kami dahil sa hindi na kami muling magkikita dahil sa ibang bansa na siya mag-aaral. Naging usap-usapan kasi na nambababae daw ako kaya ako hiniwalayan ni Euphy. Kaya naisipan ni Euphy na gusto niyang siya ang magmukhang dahilan ng kanilang hiwalayan para hindi mabaling sa akin ang issue. Wala naman sa akin ang pag-isipan ng masama dahil wala naman akong dapat ipaliwanag sa kanila pero nagpumilit si Euphy na mas gusto niyang ganun ang isipin ng tao na dahilan ng hiwalayan namin dahil mas mapapanatag daw ang kaniyang kalooban kapag ganun ang nangyari.
Maging sa aking pagdadrive ay panay ang tawag ni Euphy dahil kanina pa raw siya nag-aantay dun. Hindi ko alam kung bakit atat na atat siyang makipagkita ngayon. Mabuti na lang at nabalik na sa akin ang kotse ko dahil hindi na magiging hassle kung saan man balak kong magpunta. Halos tanghaling tapat na nang marating ko ang coffee shop kung saan madalas naming pagtambayan ni Euphy. Sa totoo nga niyan ay kilalang kilala na kami ng may-ari ng shop na to at maging ang kanilang empleyado. Natigil lang ang pagpunta ko sa shop na to simula nang maghiwalay kaming dalawa.
“What took you so long? Kanina pa ako nag-aantay dito” bungad na bati ni Euphy habang tinatanggal ang kaniyang shades. Nanibago ako sa kaniyang ayos dahil ang dating simpleng babae na ubod ng ganda na minahal ko ay malaki na ang pinagbago ngayon. Ang dating maiksing buhok na lagi niyang pinapagupitan para mapanatili ang ikli nito ay ngayon ay napakahaba na. Ang istilo ng kaniyang pananamit ay para bang binihisan ng tanyag na stylist dahil mas lalong umangat ang kaniyang ganda sa malamodelo niyang ayos.
“Enjoying the view?” tanong niya at hinawi ang kaniyang buhok. Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa kaniya. Sobrang laki kasi ng pinagbago niya na para bang ibang tao ang nasa harap ko.
“Bat napauwi ka?” tanong ko at naupo sa upuan paharap sa kaniya. Napansin ko ang kaniyang pag-irap ng hindi ko sinagot ang kaniyang tanong.
“Boring kasi dun kaya umuwi ako. At saka namiss kita” sabi niya sabay hawak sa kamay ko at ngumiti.
“Drop the act Euphy, Ano bang kailangan mo sa akin?” tanong ko sabay bawi sa kamay ko.
“Cold as Ice, Hot as Fire. Yan yung dahilan kung bakit ako nainlove sayo” sagot niya na may halong paglalandi sa kaniyang boses. Mukhang hindi na si Euphy na nakilala ko ang nasa harap ko ngayon. Ang dating Euphy na kilala ko ay sobrang mahiyain at mahinhin. Pero itong nasa harapan ko ngayon ay kulang na lang ay ayain akong makipag sex sa shop na to. Hindi ako sumagot at pinagmasdan ko lang siya dahil sa isipan ko ay ibang tao ata ang kausap ko.
“Kahit acting man lang hindi mo na kayang maging sweet sakin?” reklamo niya at nanatili pa rin akong nakatingin sa kaniya na hindi nagsasalita.
“Okay, fine. Nandito ako ngayon dahil kailangan ko ang tulong mo” dugtong niya.
“Tell me” tugon ko at nagsimula na siyang magsalita.
Ayon sa kaniya ay nilalakad daw ng kaniyang lola ang magpakasal sa isang lalaki na hindi naman niya gusto. Dati pa raw balak na ipagkasundo si Euphy at lalaking ito pero natigil lang nang malaman niyang may boyfriend na ang kaniyang apo. Nang maghiwalay kami ni Euphy ay muling inaasikaso nila ang kasal ng dalawa dahil matagal ng magkaiban ang mga pamilya nila. Gusto raw mapalawak ang business at mapatagtag ang samahan ng dalawang pamilya sa pamamagitan ng kasal nila. Kagaya ng pagkakakilala ko kay Euphy ay wala pa talaga siyang balak mag-asawa dahil noong kami pa ay sinabihan ko siyang magpapakasal kami kapag nagtapos kami ng college. Tumanggi siya sa sinabi ko dahil marami pa daw siyang plano sa buhay at hinding hindi siya magpapakasal hanggang hindi niya pa nagagawa ang mga yun.
“So are you planning na gamitin ako para hindi matuloy ang kasal nyo?” bakas sa mukha ko ang pagkainis na hindi ko naitago nang tanungin ko siya. Tanging pagtango at mukhang nagmamakaawa ang pinapakita niya sa akin. Iniwas ko sa kaniya ang paningin ko dahil kailangan kong mag-isip nang mabuti bago ko pasukin ang gulo na to. Problema ko pa nga kung pano mapapasagot si Gunter tapos dadagdag pa to. Hanggang sa makaisip ako ng plano.
“Papayag ako pero kailangan mo muna akong tulungan” sabi ko at bigla na lang lumiwanag ang kaniyang mukha nang marinig niyang sabihin ko yun.
“Yes, yes, yes. I’ll do anything for you to help me” muli niyang hinawakan ang aking kamay at kulang na lang ay magtatalon siya sa ibabaw ng mesa sa sobrang saya.
At ganun na nga ang aming naging usapan. Tutulungan ko siyang makalusot sa kasal na yun basta masisiguro niyang wala akong magiging sabit kapag pumalpak ang plano nya. Ginamit na rin ang pagkakataon na to para alamin ang totoong nararamdaman sa akin ni Gunter. Si Euphy mismo ang nakaisip ng plano na pagselosin si Gunter hanggang sa umamin siya na may nararamdaman na rin siya sa akin. Hindi ko inaasahan na magiging natural lang ang ganitong usapan kay Euphy dahil hindi man lang niya ako tinanong kung bakit ako nagkagusto kay Gunter. Ang naging focus niya lang talaga ay kung papano niya ako matutulungan. Kaya naman planado ang pagkikita namin ni Euphy sa sandaling magkasama kami ni Gunter. Bago pa man siya makabalik sa school ay kinausap ko na ang school director tungkol sa pansamantalang pagbabalik ni Euphy. Malapit ang school director namin kay Euphy dahil matalik na kaibigan nito ang yumaong ina ni Euphy kaya hindi kami nahirapan sa pagpasok muli ni Euphy sa school. Hiniling ko naman kay Euphy na magpanggap pa rin siya sa dating personalidad na meron siya dahil maraming maninibago sa bagong pagkatao niya ngayon. Hindi naman naging mahirap sa kaniya ang ganong bagay dahil lumalabas pa rin na natural sa kaniya ang pagkilos na yun.
Sinunod ko ang lahat ng payo ni Euphy na mas lalong maging malambing kay Gunter tapos sa susunod na araw ay magiging cold na ako sa kaniya sa pagdating ni Euphy. Ayun sa kaniya ay effective daw yun para mamiss ni Gunter lahat ng mga bagay na ginagawa ko sa kaniya. Kaya kahit na nasa loob kami ng classroom ay grabe ang pagpipigil ko sa aking sarili. May pagkakataon kasi na nakikita ko siyang malungkot sa tuwing nakikita niya kaming magkasama ni Euphy. Para bang gusto ko siyang yakapin at iuwi na lang sa bahay. At sa tuwing nawawala ako sa aking kontrol ay nagagawa akong pigilan ni Euphy dahil masisira daw ang plano.
Kinakain din ako ng konsensya ko sa tuwing makikita ko siyang kumakain mag-isa kapag break time. Mabilis din kasing kumalat sa school ang pagbabalikan daw namin ni Euphy. Bawat sandali na magkasama kami ay may mga matang nakamasid kaya hindi namin pwedeng bawiin ang pagpapanggap namin kahit na isang saglit dahil mabilis kaming mabibisto. Sa mga sumunod na araw ay nakikita kong kasama na niya laging kumain tuwing lunch si Aileen. Naiinis ako sa aking sarili dahil dapat ako yung kasama niya ngayon at ako dapat ang nagpapangiti sa kaniya sa mga sandaling yun pero nandito ako sa tabi ni Euphy na patuloy na nagpapanggap sa pekeng relasyon namin.
Isang araw ay mag-isa akong nagpunta sa cafeteria para bumili ng maiinom. Simula nang magpanggap kaming nagkabalikan ni Euphy ay nagagawa niya akong alipinin sa pag-uutos ng kung ano-ano. Hindi naman ako makatanggi kahit ayoko dahil kailangan ko daw maging sweet na boyfriend sa harap ng maraming tao. Hindi ko hilig na pumunta sa cafeteria sa ganitong oras dahil maraming tao pero ginawa ko pa rin para sa utos ni Euphy. Pagbalik ko sa classroom ay nakita ko na lang na masaya silang nag-uusap ni Gunter. Pinagmasdan ko nang mabuti ang kilos ni Gunter at reaksyon niya sa tuwing magkausap sila at doon nabuo ang pangamba ko. Ganyan na ganyan kasi ang kinikilos ko nang mahulog ang loob ko kay Euphy. Ayokong mahulog ang loob niiya kay Euphy dahil wala sa plano yun dahil sa akin siya dapat magkagusto hindi sa ex ko. Ginawa ko ang lahat ng paraan para mabawasan ang pagkakataon na magkasama silang dalawa. Nagmumukha tuloy akong possessive kay Euphy pero ang dahilan ko talaga ay mailayo si Gunter sa kaniya at para magselos si Gunter pero habang tumatagal ay iba ang nagiging resulta ng plano namin.
Nakaisip ng mas magandang paraan si Euphy yun ay ang magkaroon daw kami ng double date. Hindi ako sang-ayon sa ganong set-up dahil nagseselos ako kapag nakikita kong magkasama si Gunter at Ailene. Alam ko namang walang nararamdaman si Gunter kay Aileen pero ayokong may taong umaaligid sa kaniyang iba. At sa mismong araw ng double date namin ay hindi ako mapakali dahil magkahawak ang kamay ni Gunter at Ailene. Napapadalas ang pagyakap sa akin ni Euphy hindi dahil sa nilalambing niya ako, yun ay dahil sa pinipigilan niya akong gumawa ng bagay na pagsisisihan ko. Ilang beses ko kasing tinangka na lapitan si Gunte at bawiin ang kamay niya mula kay Ailene pero nagagawa akong kurutin sa tagiliran ni Euphy. Ang sakit na nga rin ng braso ko dahil sa mga kurot niya at ang hahaba pa ng mga kuko niya.
Matapos kaming kumaing apat ay sumenyas sa akin si Euphy na bibigyan niya kami ng time na kaming dalawa lang ni Gunter para makapag-usap. Umaasa ako na sa pagkakataong ito ay aamin na rin siya sa totoong nararamdaman niya sa akin kapag wala na si Euphy at Ailene sa paligid namin. Pero hindi ko inaasahan na iba pala ang aaminin niya. Nangyari na nga ang kinakatakutan ko dahil umamin si Gunter na may gusto siya kay Euphy. Hindi ko siya masisisi na magkagusto kay Euphy pero hindi ko naman inaasahang ganun ka bilis siyang mahuhulog sa ex ko. Sa inis ko ay lumayo na lang ako sa kaniya dahil ayokong makapagbitaw ng masakit na salita. Sumunod naman kaagad sa akin si Euphy para samahan ako.
Wala akong naging balita kong nakauwi ba sila ng maayos dahil sasakyan ko ang ginamit namin papuntang Enchanted kingdom. Wala rin naman akong narececive na text message mula kay Gunter. Kanina pa nga ako hindi mapakali dito sa kama ko kakaisip kung papano maibalik ang relasyon na meron kami ni Gunter. Sa ngayon ay masasabi kong palpak ang plano namin ni Euphy dahil imbes na mapaamin siya sa akin ay napalayo lalo ang loob niya sa akin. Sa dinamidami ng babaeng magugustuhan niya ay ang ex ko pa talaga. Wala naman akong issue kay Euphy pero isipin mo yung taong mahal mo ngayon ay nahuhulog ang loob sa taong dating minahal mo, dyahe di ba?
Araw ng linggo ay wala pa rin akong narereceive na text o kaya tawag man lang kay Gunter. Umaasa pa rin kasi ako na hihingi siya ng tawad sa akin. Kagabi ko pa balak na pumunta sa kanila pero nang papunta na ako kila Gunter ay bigla naman akong hinatak ni Euphy na mag-chill sa bar na pagmamay-ari ng pinsan niya. Balak pa ngang pumunta ulit ni Euphy ngayon gabi pero inunahan ko na siya kaagad dahil mabilis akong tumanggi. Wala talaga ako sa mood na magparty o magsaya. Ang gusto ko lang ngayon ay makasama si Gunter, kahit na makita lang siya saglit ay masaya na ako.
Pagsapit ng gabi ay pumunta ako kina Gunter. Sinakto ko talaga na tulog na sila nang pumasok ako sa bahay nila. Nagmumukha tuloy akong magnanakaw sa tuwing papasok ako sa bahay nila ng ganitong oras. Meron naman akong permiso mula kay Ate Pritz na pumasok sa bahay nila kahit kailan ko gusto. Siguro naman pasok na yung oras na to sa permiso niya. Gusto ko lang naman makita si Gunter kahit panandalian lang tapos aalis kaagad ako. Mabilis akong nakapasok sa loob dahil may susi ako ng bahay nila na binigay ni Ate Pritz. Derecho sa kwarto ni Gunter ang punta ko at sa pagpihit ko ng door knob sa kaniyang kwarto ay nabuksan ko kaagad ito. Mukhang hindi mahilig maglock ng pinto si Gunter. Simula ngayon ay kailangan kong tandaan palaging maglock ng pinto para hindi kami magkaroon ng hindi inaasahang bisita. Kaagad ko namang ni-lock ang pinto matapos kong isara ito. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniyang kama para tingnan ang kaniyang kalagayan at nakita ko siyang mahimbing ang pagtulog. Masaya akong pinagmasdan ang kaniyang mukha na natutulog. Siguro ilang minuto rin akong nakatayo habang pinagmamasdan sya at nang magpasiya akong halikan siya sa noo bago ako umalis ay bigla na lang siyang nagsalita.
“Euphy…Euphy…Euphy!” sabi niya habang nakapikit ang kaniyang mata. Sa inis ko ay lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang damit. Halos mapunit ito sa sobrang panggigil ko.
“Ako na yung nasa tabi mo tapos si Euphy pa rin ang hinahanap mo?” sabi ko habang hawak hawak ko pa rin ang kaniyang damit. Wala na akong pakialam kong magising man siya pero nagulat ako nang muli siyang nagsalita.
“Euphy, kung pwede ba layuan mo si Lance?” tila ba tumigil ang paghinga ko nang marinig kong sabihin niya yun. Mukhang gusto na niyang palayuin ako kay Euphy dahil nagseselos siya sa akin at mukhang nahulog na nga ng tuluyan ang loob niya kay Euphy.
“Sinabi na ni Lance na ako ang mahal niya, kaya pwede bang layuan mo na siya?” mas lalo akong nagulat nang marinig ko yun. Nanatiling mahigpit ang aking pagkakahawak sa kaniyang damit habang tinititigan ang kaniyang mukha kong nananaginip ba talaga siya. Makalipas ang ilang sandali ay nakita ko ang unti-unting pagdilat ng kaniyang mata. Nang magtagpo ang aming mga mata ay hindi ko na napigilan ang aking sarili at hinalikan ko kaagad siya. Lahat ng pagtitiis at pagpipigil ko sa mga nakaraang araw ay tila naglaho nang mahalikan ko siyang muli. Hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay ito pa rin ang kauna-unahang pagkakataon naming maghalikan dahil ibang iba pa rin ang dulot nito sa aking pagkatao. Ngayon ko nalaman na gumagana nga ang plano namin ni Euphy dahil alam kong yun na ang pag-amin ni Gunter sa kaniyang nararamdaman para sa akin.
Tumigil ako sa paghalik sa kaniya nang maramdaman kong hindi na siya gumaganti sa aking mga halik. Nang tumingin ako sa kaniyang mukha ay mahimbing na siyang natutulog. Napangiti ako at muli siyang hinalikan bago ayusin ang kaniyang kumot. Bago ako lumabas ng kaniyang kwarto ay muli akong bumalik para halikan ang kaniyang noo. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kaniyang kwarto at umuwi sa bahay na may ngiti sa mga labi.
Kinabukasan ay excited akong pumasok ng school dahil nalaman ko kagabi na may nararamdaman na nga para sa akin si Gunter. Halos hindi ako nakatulog at nagawa ko pang abalahin si Euphy para ikwento sa kaniya ang magandang balita. Balak namin ngayon na pagselosin siya ng husto para sa kaniya na mismo manggaling ang pag-amin. Malapit nang magsimula ang klase pero wala pa rin si Gunter. Nagtataka ako dahil hindi basta-basta nahuhuli sa klase yun. Kung mahuhuli man siya ng gising ay nariyan si Ate Pritz para gisingin siya. Hanggang sa magsimula na ang klase ay wala pa rin siya. Itetext ko sana si Ate Pritz para itanong ang kalagayan ni Gunter pero inanunsyo ng adviser namin na absent daw si Gunter ngayon dahil meron siyang sakit.
Nang sumapit ang break time ay hindi ako mapakali dahil gusto kong bisitahin si Gunter at alamin ang kaniyang kalagayan. Noong bumisita ako sa kaniya kagabi ay maayos pa naman ang kalagayan niya kayta nagtataka ako bakit hindi siya nakapasok ngayon. Kagaya ng dati ay nariyan si Euphy para pigilan ako. Pinaalala niya rin sa akin na mamayang gabi daw kami makikipagkita sa lalaking ipapakasal dapat sa kaniya. Gusto niya akong ipakilala sa lalaking yun para ipaalam na nagmamahalan pa rin kami para daw tigilan na siya nito. Gusto ko sanang ipagpaliban ang araw na to dahil mas importante sa akin si Gunter pero nangako na ako sa kaniya dahil kasama ito sa kasunduan namin. Magdududa din ang lalaking yun kapag hindi ako nagpakita sa araw na to kaya wala akong choice kundi ang samahan si Euphy.
Nang matapos ang aming klase ay dumerecho na kaagad ako sa bahay para makapaghanda. Naupo ako sa couch habang nagtatalo ang aking isipan kong tatawagan ba si Gunter o hindi. Nasa screen ko na ang number ni Gunter at tanging pagpindot na lang ng dial ang gagawin ko pero hindi ko pa rin magawa. Pagkinamusta ko siya ngayon ay baka isipin niyang nag-aalala ako. Dapat magmukha pa ring normal ang usapan namin para lumabas na hindi na ako interesado sa kaniya pero papano ko gagawin yun? At nang makapagdesisyon ako na tawagan siya ay saka naman tumawag sa akin si Euphy. Pinaalala lang niya na dadaanan niya ako at may kalahating oras na lang ako para mag-ayos. Wala akong nagawa kundi kumilos at nagtungo sa banyo.
Madaliang shower lang ginawa ko at kaagad akong lumabas ng banyo. Pagkatapos kong magpunas ng katawan ay kaagad akong nagsuot ng under wear at pantalon. Nakalimutan ko pang magtooth brush kaya bumalik ako sa banyo para gawin yun. Paglabas ko ng banyo ay hindi ko inaasahang makikita si Gunter sa loob ng kwarto ko. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata sa kaniya. Ang pinagtataka ko lang ay bakit siya nandito kung may sakit siya ngayon?
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko na medyo pagalit ang tono pero ang totoo niyan ay sobrang tuwa ko nang makita siya na kulang na lang ay yakapin siya pahiga sa ibabaw ng kama ko.
“Gusto ko lang sana humingi ng tawad sa nangyari noong sabado” sagot niya. Malumanay ang kaniyang pananalita at halatang hindi maganda ang kaniyang pakiramdam.
“Yun lang ba? Sige pwede ka nang umalis” mabilis kong tugon. Tangina, naiinis ako sa sarili ko at bakit yun ang nasabi ko. Sa totoo lang ay awang awa ako sa kalagayan niya.
“Mukhang may lakad tayo ngayon ah” sabi niya habang nagbibihis ako. Tinutuon ko sa ibang bagay ang atensyon ko dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at makalimutan ko ang usapan namin ni Euphy.
“May date kami ni Euphy ngayon at painform na rin sa adviser natin na hindi kami makakapasok bukas” pagsisinungaling ko dahil mukhang wala siyang balak na paalisin ako ng ganun kabilis.
“Bakit naman?” mabilis niyang tanong.
“Dahil magdamag kaming magsasama at alam mo na kung ano ang ginagawa ng babae at lalaki sa loob ng hotel” sagot ko at tumalikod habang nag-iispray ng pabango. Malapit na akong bumigay sa tingin niya kaya naman tumalikod ako para hindi niya ako magawang akitin. Nang maglakad ako palabas ng kwarto ay bigla na lang niya akong niyakap mula sa aking likuran.
“Anong ginagawa mo?” nakaramdam kaagad ako ng init sa aking katawan nang maramdaman ko ang kaniyang pagyakap sa akin. Pagnagtagal pa to ay sigurong hindi na ako makakalabas ng kwartong to.
“Please dito ka na lang” pakiusap niya sakin. Bigla akong nakaramdam ng awa at tinanong ang aking sarili kung bakit ko ba pinahihirapan ng ganito ang taong mahal ko?
“At ano namang gagawin ko dito na kasama kita?” maging ako ay naguguluhan kaya hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang usapan namin ni Euphy.
“Gagawin ko lahat ng gusto mo basta wag ka lang umalis dito” muntik na akong mapamura nang marinig ko yun dahil sa totoo lang ay tinigasan ako nang sabihin niya sa akin yun.
“Kahit ano pang gawin mo ay babae pa rin ang magpapaligaya sa akin” mabilis kong kinalas ang kamay niya sa aking katawan dahil kahit papano ay nagawa ko pa ring kontrolin ang aking sarili. Matinding paghingi ng tawad ang gagawin ko kay Gunter dahil sa sinabi kong yun. Napakagago ko at nasabi ko ang mga salitang yun.
Para akong siraulo na naglalakad palabas ng bahay na nakatakip sa aking hinaharap. Hirap akong maglakad dahil naiipit si junior sa brief ko. Kasalanan tong lahat ni Gunter eh, ay mali kasalanan tong lahat ni Euphy. Kung hindi dahil sa kalokohan niya ay malamang nabibiyayaan na ngayon si junior sa loob ng kwarto ko. Ang nakakainis pa ay napansin pa ni Euphy ang pagtakip ko sa hinaharap ko kaya naman inasar-asar niya ako habang nagsisimulang patakbuhin ng driver niya ang sasakyan. Wala akong balak na pag-usapan ang dahilan ng boner ko dahil naiinis ako sa nangyayari ngayon. Naging makulit si Euphy at pinipilit akong magsalita tungkol sa bukol ng pants ko kaya sinabi ko sa kaniya lahat.
“What the F Lance? bat ka pa nandito?” tanong niya sa akin.
“Malamang sasamahan pa rin kita” tugon ko at pinalo niya ako sa aking hita.
“Yun na yung chance mo para paaminin siya tapos tinalikuran mo lang?” sabi niya na halos di makapaniwala sa ginawa ko.
“May choice ba ako?” reklamo ko dahil napipilitan lang naman talaga akong samahan siya.
“Of course, kayang kaya kong i-handle si Ambrose. Kaya dapat nag-stay ka na lang!” hindi ako makapaniwala na sasabihin niya yun at ang nakakainis ay kung kelan nakalayo na kami sa bahay ay saka niya lang sinabi to.
“Bat ngayon lang sinabi?” inis kong tanong at tila napalakas ng husto ang boses ko.
“Eh ngayon ka lang nagkwento!” sagot niya at mas malakas pa sa boses ko yung sinagot niya. Oo nga naman, kanina niya pa ako pinapakwento pero ayokong pag-usapan.
“Manong itabi mo yung kotse sa gilid” utos ko at kaagad naman niyang ginawa. Ang akala ko ay aantayin niya pa ang signal ni Euphy.
“Wait san ka pupunta?” pagpigil niya sa akin nang binuksan ko ang pinto ng kotse.
“Saan pa ba? Eh di sa baby ko” tugon ko at napaatras siya sa sinabi ko na para bang pinaghalong gulat at pandidiri ang reaksyon niya.
“Ewww ang corny mo!” sagot niya at nagtawanan kaming dalawa. Ang akala ko ay nandiri siya sa relasyong meron kami ni Gunter pero sa sinabi kop ala siya nandiri.
Nanakbo na ako pabalik ng bahay dahil alam kong mas mabilis gawin ito dahil hindi basta basta makakabalik ng bahay ang sasakyan dahil one way lang ito at kailangan pang mag-uturn. Hindi ko pwedeng pag-antayin ng matagal si Gunter sa bahay dahil baka umalis siya. Ilang kanto ang tinakbo ko para lang habulin ang oras at nagbabaka sakaling maabutan si Gunter. Nang makarating ako sa tapat ng gate namin ay nagreklamo pa ako sa bagal ng pagbukas ng gate. Para akong kakapusin ng hininga sa pagod gawa ng pagtakbo ko. Basang basa na rin ng pawis ang aking polo. Pagkabukas ng gate ay nanakbo kaagad ako sa aking kwarto. Halos mapatalon ako sa tuwa nang makita kong naroon pa rin si Gunter at nakaupo sa ibabaw ng aking kama. Labis na pananabik at saya ang aking naramdaman sa sandaling ito kaya nang makalapit ako sa harap niya ay kaagad akong nagsalita.
““Gagawin mo lahat ng gusto ko di ba?” tanong ko sa kaniya at bago pa man niya sagutin ang tanong ko ay binuksan ko na agad ang aking polo. Wala akong pakialam kahit nasira na ang ibang butones nito dahil mas nananaig ang pagkasabik ko sa sandaling ito. Kitang kita ko sa kaniyang reaksyon ang pagkagulat at napalunok laway pa siya nang pagmasdan niya ang aking katawan.
“Oo”napangiti ako at sa sobrang kasabikan ay sinunggaban ko siya kaagad ng halik sa kaniyang labi.
Itutuloy….
A/N: CHAROOOT.. puputulin ko na sana kaso feeling ko dalang dala na kayo ngayon. Kaya VOTE! VOTE! naman dyan!!
Lance’s POV
Wala akong sinayang na oras kaya naman habang hinahalikan ko siya ay unti-unti kong hinuhubad ang kaniyang damit. Sinimulan ko sa kaniyang jacket habang patuloy ang paggalugad ko sa loob ng kaniyang bibig. Ramdam ko ang kakaibang init ng kaniyang labi na tila hindi normal pero nagpatuloy pa rin ako. Nang mahubad ko ang kaniyang tshirt ay mas naramdaman ko ang init ng kaniyang katawan at saka ko lang naalala na may sakit pala siya ngayon. Bigla akong nakaramdam ng awa kaya naman tinigil ko ang ginagawa namin.
“Bakit ayaw mo na ba sa akin?” tanong niya na tila nalungkot nang kumalas ako sa paghalik ko sa kaniya.
“Wag na nating ituloy ito.. may sakit ka pa” lalo siyang nalungkot sa sinabi ko dahil akala niya siguro ay nandidiri ako sa kaniya pero ang totoo ay ayokong gawin sa kaniya to lalo na’t hindi maganda ang pakiramdam niya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan nya at bigla niyang hinatak ang mukha ko para muling paglapitin ang aming mga labi. Pilit kong pinipigilan ang aking sarili pero nadadala ako sa mga halik niya. Nang kumalas siya sa halikan naming dalawa para makahinga ay iniwas ko na ang aking mukha para pigilan siya pero bigla na lang niyang dinilaan ang aking dibdib. Kasabay ng pagkagulat ay napaungol ako ng malakas dahil sa sarap. Hindi siya nakontento sa pagdila at marahan niya itong kinakagat kagat at sinisipsip na mas lalong kinabaliw ko. Napahawaka ako sa kaniyang ulo para mas lalong idiin ang kaniyang mukha sa aking dibdib.
Walang pigil ang pag-ungol ko dahil alam ko namang walang makakarinig sa ginagawa naming dalawa dahil sound proof itong kwarto ko. Nang magawa niyang sipsipin ang magkabilang utong ko ay inangat ko ang kaniyang mukha para muling halikan ang kaniyang labi. Habang naglalaban ang aming mga dila ay unti-unti kong binababa ang kaniyang jogging pants habang siya naman ay panay ang himas sa hinaharap ko na halos gustong kumawala sa loob ng pantalon ko. Bumaba ang aking paghalik sa kaniyang panga hanggang sa marating ko ang kaniyang leeg. Nanatili ako sa paghalik sa kaniyang leeg hanggang sa mataganggal ko ng tuluyan ang kaniyang jogging pants kasama ang kaniyang brief. Nahiya pa siya nang pagmasdan ko ang kaniyang katawan at nagawa niya pang takpan ang aking kaniyang ari. Marahan kong hinawi ito at pinagmasdan ang kaniya. Meron namang maipagmamalaki si Gunter pero mas malaki pa rin ang lamang ng sa akin.
Matapos pag masdan ang kabuoan niya ay hinubad ko na rin ang natitira kong saplot. Rinig na rinig ang pagpitik ng aking ari sa aking tiyan nang mahubad ko ang brief ko. Ako ay pumatong sa ibabaw niya habang sabik na sabik sa paghalik sa kaniyang labi. Sa tuwing magtatama ang aming ari ay ibang kiliti ang hatid nito sa aming mga katawan. Mas lalo akong nanggigil kaya habang tumatagal ay lalo kong dinidiin ang ari ko sa kaniya. Umabot sa sukdulan ang aking pagtitiis at nais ko na siyang pasukin. Bago ko gawin yun ay dapat ihanda ko muna siya dahil baka hindi niya kayanin kapag binigla ko siya. Gamit ang dalawang daliri ay nilapit ko ito sa kaniyang bibig at mabilis niyang nakuha ang gusto kong mangyari. Kakaibang sensyasyon na naman ang aking naramdaman noong nasa loob na ng bibig niya ang aking mga daliri. Nang masigurong basa na ito ay binawi ko rin ang mga to sa kaniya. Muling nagtama ang aming paningin at tinanong ko siya.
“Sigurado ka ba talaga dito?” tanong ko sa kaniya.
“Oo, gagawin ko lahat ng gusto mo” sagot niya sa akin kahit na alam kong may pag-aalinlangan pa siya.
Yun lang ang kinakailangan kong marinig para magpatuloy dahil ang katotohanan ay gustong gusto ko na siyang pasukin. Sinimulan ko sa pagpasok ng aking daliri sa loob ng kaniyang lagusan. Dahan-dahan ang pagpasok ko pero sa pagpasok nito ay napangiwi kaagad siya sa sakit. Hindi ko muna ginalaw ang aking daliri at hinayaang masanay siya hanggang sa unti-unti kong pinasok ito sa pinakaloob na maabot ng daliri ko. Habang nilalaro ko ang loob ay kitang kita ko ang pagngiwi niya na tinitiis ang sakit. Naawa ako sa kaniyang kalagayan pero mas nanaig ang tindi ng pangangailangan ko kaya pinagpatuloy ko pa rin. Nang mapansin kong nasasanay na siya sa isang daliri ay naging dalawa na ang pinasok ko. Mas lalo siyang nasaktan sa dalawang daliri pero hindi siya nagreklamo o nagsabi na itigil. Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa at unti-unting binabanat ang kalooban niya para maihanda ito.
Kahit na lumipas na ang ilang minuto ay mukhang hindi pa rin siya nasasanay kaya naman naisip ko na pasukin na lang siya kaysa patagalin pa ang paghihirap niya. Pagkahugot ko ng aking mga daliri ay nagpunta kaagad ako sa aking drawer para kunin ang lubricant. Mabilis kong binuksan ito at nagpahid sa kabuon ng aking ari habang ako’y naglalakad pabalik sa kama. Hinatak ko siya papalapit sa dulo ng kama at nilagyan ng unan ang bandang pwetan niya para mas maiangat pa ito. Muli akong tumingin sa mukha niya habang piniposisyon ko ang sarili ko sa kaniya. Alam kong natatakot siya sa gagawin ko pero tumango pa rin siya sa akin para bigyan ako ng sensyas na handa na siya sa gagawin ko sa kaniya. Hindi na ako nagdalawang isip at tinutok ko na ito sa kaniyang butas at dahan-dahang pinasok ang ulo nito sa loob niya.
“Ahhhh” ang kumawala sa kaniya bibig nang maipasok ko ang ulo ng aking ari. Mas malala ang sakit na nararamdaman niya ngayon dahil alam kong mas mataba pa to sa pinagsamang daliri ko kanina. Ayokong patagalin ang paghihirap niya kaya naman binigla ko na ang pagpasok nito. Walang ingay na lumabas sa kaniyang bibig dahil sa biglang pagsagad ko sa loob niya pero kitang kita ko ang pangngingilid ng mga luha sa kaniyang mata.
“I’m sorry kung kinakailangan kong biglain. Mas mahihirapan ka kasi kapag pinatagal ko pa” sagot ko habang hinahalikan ko ang kaniyang labi patungo sa kaniyang pisngi hanggang mahalikan ko ang gilid ng kaniyang mata. Nagawa ko pang malasahan ang kaniyang luha na unti-unting pumapatak. Hindi ako gumalaw at niyakap ko lang siya nang mahigpit habang nasa loob pa rin niya ang ari ko. Binaling ko ang aking mukha sa kaniyang leeg para halikan ito. At Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang ang pagkayakap niya sa likod ko. Muli kong tiningnan ang kaniyang mukha at nakita ko ang pagngiti niya kahit na nahihirapan siya. Umangat ang kaniyang kamay mula sa aking likod papunta sa aking batok hanggang sa mahawakan niya ang aking mukha.
“Gagawin ko ang lahat para mapasaya kita” sabi niya at muling pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. Alam kong mahirap para sa kaniya to pero ginagawa niya ang lahat para sakin.
“Sa umpisa lang to masakit, sa mga susunod na gagawin natin to ay nangangako akong hahanap-hanapin mo ang paglabas masok ko sa loob mo!” sagot ko at muli kong sinunggaban ang kaniyang labi. Nagsimula na akong maglabas masok sa loob niya habang magkadikit ang mag labi. Marahan ko namang nilalaro ang kaniyang utong para maibasan ang sakit na nararamdaman niya. Pigil na pigil ang bawat ulos ko dahil ayokong puro sakit lang ang maramdaman niya. Bawat paglabas masok ko sa kaniya ay para akong mababaliw sa sarap. Sobrang sikip na para bang sakal na sakal ang kabuoan ko. Ngayon ko pa lang naranasan ito kaya halos tumulo ang laway ko nang kumalas si Gunter sa aming halikan. May pagkakataon pang kumikibot ang kalooban niya na lalong nagpapasikip kaya naman napapaungol ako sa sarap.
“Gon…ang sarap sa loob mo, Gon!” bulong ko sa kaniya habang nakakapit ako sa mga braso niya para mas lalong maibaon ang aking ari sa loob niya. Hindi ko alam kong nasasarapan na siya sa ginagawa namin pero panay ang pagbaling baling ng kaniyang ulo na para bang hindi ito mapakali. Sa mga sumunod na sandali ay binuhat ko siya patayo nang hindi nahuhugot ang ari ko sa loob niya. Ako naman ang nahiga habang nasa ibabaw ko siya.
“Ahhhh.. ugghhh” ungol niya habang nagtataas baba siya sa kabuoan ko. Naghahalo ang sakit at sarap sa kaniyang pag-ungol na nagpadagdag lalo sa libog ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na hawakan sa kaniyang bewang para pabilisin ang pagtaas-baba niya at nagagawa ko ring salubungin ito. Bawat pag-angat niya ay nakikita ko ang lagusan at ari ko na may dugo na tanda na ako ang nakakuha ng virginity niya. Sa tindi ng pagnanasa ko ay mabilis kong naabot ang limitasyon ko.
“Gon malapit na ako…hayaan mong iputok ko sa loob” sabi ko habang hinahabol ang aking hininga. Makalipas ang ilang sandali at naramdaman ko na ang nalalapit na paglabas nito.
“Ayan na Gooonn…Ugggh” mahabang ungol ko habang sumasabog sa loob niya ang tamod ko. Siya naman ay napadapa sa ibabaw ko at naramdaman ko na lang na may malagkit na bagay na tumatama sa tiyan ko. Napangiti ako dahil nagawa niyang magpalabas kahit na hindi ko ginagalaw ang kaniyang ari.
Niyakap ko siya habang nakapatong siya sa ibabaw ko. Inabot ko ang ibabaw ng kaniyang ulo para siya ay halikan. Ramdam ko ang kaniyang pagod dahil halos hindi na siya makagalaw sa pagkakahiga niya sa ibabaw ko. Hinayaang ko na lang na matanggal ang aking ari nang lumambot ito. Nagpahinga ako saglit at masayang pinagmamasdan si Gunter na nakahiga sa ibabaw ko. Para akong nasa langit sa sobrang saya ko sa sandaling ito. Nang ako’y makapagpahinga ay marahan kong ginising si Gunter pero mahimbing na ang kaniyang pagkakatulog. Wala akong nagawa kundi ang bumangon at inayos ang kaniyang paghiga. Humiga ako nang maayos at hiniga siya sa aking dibdib at pinatong ko ang kaniyang kamay sa ibabaw ng aking braso na para bang nakayakap siya sa akin.
Isang oras matapos ang mainit na tagpo namin ay nagising siya mula sa pagkakahiga niya sa aking dibdib. Sinalubong ko siya ng ngiti at nakita ko na bigla siyang nahiya kaya pilit siyang ngumiti. Iniwas niya ang tingin niya sa akin pero hinawakan ko ang kaniyang baba para pagtagpuin ang aming tingin.
“You’re mine, kaya simula ngayon ay ako lang ang pwedeng gumawa sayo nito. Tandaan mo yan!” sabi ko habang nakangiti pero ang laki ng boses ko na para bang nagbabanta sa kaniya.
“I love you” pahabol ko sa pinakamalambing kong boses.
“Papano si Euphy?” alam kong itatanong niya yun.
“Matagal ng wala kami ni Euphy at wala na akong nararamdaman sa kaniya dahil may mahal na ako at ikaw yun!” sabi ko at bigla na naman niyang iniwas ang mukha niya dahil pakiramdam ko ay nahihiya siya sa akin. Bago pa man niya ako iwasan ay hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa labi.
“Nag-aantay ako sa sagot mo” sabi ko nang matapos ko siyang halikan.
“Bakit mo pa ba tinatanong ang bagay na alam mo naman ang sagot?” reklamo niya sa akin kaya natawa ako.
“Gusto kong marinig mismo sayo yun!” sagot ko at siya naman ay napakagat labi na tila nag-iisip ng isasagot.
“Ahhh… I” sagot niya at biglang pinutol ang kaniyang sasabihin kaya tumingin ako ng masama sa kaniya. Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita.
“I……love you too” mabilis na gumuhit ang mga ngiti sa aking labi nang marinig ko ang mga salitang yun habang ang mukha niya ay pulang pula sa kahihiyan. Sa tuwa ko ay muli ko siyang siniil ng halik sa labi. Sa pagkakataong ito ay naging marahan at tama lang bawat paggalaw ng aking labi upang ipadama sa kaniya kung gaano ako kaseryoso sa aking nararamdaman. Humawak siya sa aking pisngi para mapanatili ang aming paghahalikan hanggang sa makarinig kami ng malakas na katok mula sa aking pinto. Kapwa kaming napatingin sa isa’t isa at sabay na lumingon sa pinto.
Itutuloy……
A/N: For real na dahil 6.8k ang chapter na to at mahina pa rin ako sa VOTES. LOL!
The reason why kaya ini-encourage ko ang lahat na magvote dahil kapag mas madaming votes ang story ay mas mataas ang chance niya na lumabas sa recommended na story at mapataas ang ranking ng story sa mga nakatags dito.
Finally, umabot na sa 50k reads ang TCOFK kaya maraming salamat sa patuloy niyong pagbabasa. Nasa kalahati na tayo ng story mga 20-25 chapters left. Hindi ko sure kung makakapagsulat ako this weekend dahil magpofocus ako sa editing ng Living with my Step Brothers. Plano ko na siyang i-submit sa isang publishing company at hopefully mapili at mapublish at maging book na talaga. So wish me luck and patience dahil mapapansin nyong madaming typo at maling grammar sa story na yun dahil hate ko ang proof reading. Yung imbes na ‘tito’ ang isulat ko ay ‘titi’ ang nalagay ko hahaha.
Nakuha ko ang title ng chapter na sa kanta ng KARD na You in me. Napakadouble meaning kasi niya. Kaya bahala na kayo mag-isip!
PLEASE DON’T FORGET TO VOTE OR ELSE I’LL FORGET YOU! HANUDAW??
Chapter 21: I love you Georgina
Dylan as Lance
Gunter’s POV
Hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa rin ako kung tama ba ang ginawa ko. Matapos mangyari sa amin ni Lance ay tila hindi pa rin ako sigurado kung parehas kami ng nararamdaman para sa isa’t isa. Kahit na hindi ako sigurado sa kaniyang damdamin para sa akin ay binigay ko pa rin ang lahat ng gusto niya. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naging mapagbigay ako sa taong mahal ko pero ito ang unang pagkakataon na nilunok ko ang pride ko para lang mapaligaya siya. Sa totoo lang ay kanina pa ako gising pero patuloy kong pinipikit ang aking mata dahil natatakot akong malaman na baka pagmulat ko ng aking mata ay panaginip lang ang lahat ng mga to. Hindi parin mawala ang labis na kirot sa aking pwetan hanggang sa aking balakang. Pakiramdam ko ay hindi ako makakalakad ng ilang araw dahil sa sakit.
Ramdam na ramdam ko ang kaniyang balat sa aking pisngi. Kasalukuyang nakahiga ako ngayon sa ibabaw ng kaniyang dibdib. Di ko man idilat ang aking mata ay alam kong nasa ganitong ayos kaming dalawa. Amoy na amoy ko rin ang kaniyang pabango na tila hindi nawala kahit na labis ang kaniyang pagpapawis kanina. Para akong aso na hindi matigil sa kakaamoy sa kaniyang katawan. Bawat singhot ay para bang nahihibang ako sa bawat pagpasok nito sa aking ilong. Nang hindi na ako makapagpigil ay unti-unti kong dinilat ang aking mata para malaman kong nanaginip lang ba ako pero nang pagdilat ko ng aking mata ay ang kaniyang paningin kaagad ang aking nakita. Sinalubong niya ako ng ngiti at dahil hindi ko inaasahan yun ay napilitan na rin akong ngumiti. Umiwas ako ng pagtingin sa kaniya dahil nakaramdam ako ng labis na pagkahiya pero nagawa niyang hawakan ang aking baba para muling pagtagpuin ang paningin.
“You’re mine, kaya simula ngayon ay ako lang ang pwedeng gumawa sayo nito. Tandaan mo yan!” sabi niya na hindi ko maintindihan kung nagbabanta ba siya sa akin.
“I love you” dugtong pa niya at biglang nagbago ang tono ng kaniyang pananalita. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya naman.
“Papano si Euphy?” ang tanging naitanong ko.
“Matagal ng wala kami ni Euphy at wala na akong nararamdaman sa kaniya dahil may mahal na ako at ikaw yun!” sabi niya at bigla na naman akong nakaramdam ng hiya. Hindi ako sanay na ganito ang trato sa akin ni Lance kaya hindi ko maiwasang mahiya sa kaniyang sinasabi. Bago ko magawang iwasan ang kaniyang paningin ay nagawa niyang hawakan ang aking pisngi at hinalikan ang aking mga labi.
“Nag-aantay ako sa sagot mo” sabi niya matapos niya akong halikan.
“Bakit mo pa ba tinatanong ang bagay na alam mo naman ang sagot?” tila ang init-init ng mukha ko ngayon. Sobrang nakakahiya ang tagpo na to na hindi ko alam kung anong isasagot ko.
“Gusto kong marinig mismo sayo yun!” Mapilit talaga siya at nais niyang marinig ang aking sasabihin. Napakagat labi ako habang nag-iisip ng isasagot sa kaniya.
“Ahhh… I” ang buong akala ko ay may sapat na ako ng lakas ng loob para sabihin sa kaniya ang totoong nararamdaman ko pero bigla na lang dinaga ang dibdib ko. Tumingin naman siya ng masama sa akin nang hindi ko tinuloy ang dapat kong sabihin. Huminga ako ng malalim bago ako muling nagsalita.
“I……love you too” nang masabi ko yun ay para bang gusto kong manakbo at magtago mula sa kaniya dahil sa labis na kahihiyan. Pero nang marinig niya ang aking sagot ay kaagad gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi. Sa sobrang saya niya ay nagawa niya akong halikan sa aking labi at sa pagkakataong ito ay naging marahan ang kaniyang paghalik na para bang bawat galaw ay ramdam na ramdam namin ang isa’t isa. Hindi ako nakontento sa aming paghahalika at nagawa ko pang hawakan ang kaniyang ulo para mas lalong mapalapit ang aming mga mukha. Habang kami ay naghahalikan ay bigla na lang kaming nakarinig ng malakas na katok mula sa pinto. Kapwa kaming napatingin sa isa’t isa bago kami tumigin sa pinto.
“Stay here” utos niya sa akin. Tumayo siya sa kama at ako naman ay nanatiling nakahiga. Tinakpan ko ng kumot ang aking katawan pero nagagawa kong sumilip sa kumot para alamin kung sino ang kumatok. Samantalang si Lance ay walang arte na naglalakad ng hubo’t hubad sa kaniya kwarto. Napahawak ako sa aking noo nang makita ko ang bakas ng aking pagkabirhen sa kaniyang ari. Nagsuot lang siya ng bathrobe bago niya binuksan ang pinto.
“Now what?” bungad niya kahit hindi niya pa nakikita ang tao mula sa likod ng pinto.
“You only have 5 minutes to prepare dahil aakyat ngayon si tito para kausapin ka” rinig kong sabi ng taong kausap ni Lance. Medyo pamilyar sa sakin ang kaniyang boses at kung hindi ako nagkakamali ay mukhang yun ang pinsan niyang si Eisen.
“Haa… bakit daw?” natatarantang tanong ni Lance. Bigla rin akong kinabahan ng marinig ko yun.
“Sinabihan ko na tulog ka pero..” naputol ang kaniyang sinabi nang may lalaking nagsalita.
“Lance, kailangan nating mag-usap!” biglang sabi ng isang lalaki na ubod ng lalim ng boses.
“Si-sige dad, magbibihis lang ako” natatarantang sagot ni Lance.
“No need, dito na tayo mag-usap sa loob ng kwarto mo” tugon ng kaniyang daddy. Nang makita ko ang kamay nito na nakahawak sa pinto ay kumaripas ako ng pagtayo at muntikan na akong mapahiyaw sa sakit ng pwet ko pero nagawa ko pa ring pigilan. Maluha-luha akong nagtago sa ilalim ng kama na tanging kumot lang ang saplot sa aking katawan.
“Pero Dad magulo ang kwarto ko” pagtutol ni Lance.
“Kelan ba naging maayos ang kwarto mo?” tugon ng kaniyang daddy at mukhang nakapasok na ito sa loob ng kwarto ni Lance dahil rinig na rinig ko ang mga yabag ng paa papalapit sa kama ni Lance. Lalo akong kinabahan nang makita ko ang mga paa nila na nakatapat sa kama. Hinihiling ko na wag sumilip ang kaniyang daddy sa ilalim ng kama kundi mabibisto talaga kami.
“Bakit may dugo ang bedsheet mo Lance?” tanong ng daddy niya. Napamura ako sa isip-isip ko dahil hindi pa pala napapalitan ni Lance yung bedsheet. Napadasal ako na sana makaisip ng magandang dahilan si Lance para maging palusot niya.
“Ahhh kasi Dad” saad ni Lance na hindi pa rin makaisip ng isasagot sa tanong ng kaniyang daddy.
“Mukhang wala ka namang sugat…teka don’t tell me?” natigilan sa pagsasalita ang papa niya at base sa kilos ng kaniyang paa ay parang iniikot nito ang kaniyang paningin sa loob ng kwarto hanggang sa muling tumapat ang kaniyang mga paa sa harap ng kama. Sa sandaling yun ay napapikit na ako dahil malamang yun na ang sandaling mabubuko ang pagtatago ko.
“Don’t tell me na may kasama ka ngayong babae? Where is she?” muling tanong ng daddy niya.
“Ahh Dad na sa banyo po….naliligo. Tama, naliligo siya ngayon” nauutal na sagot ni Lance. Rinig ko ang pagtapik ng daddy ni Lance sa kaniya habang sinasabing.
“Manang mana ka sa Daddy mo! Virgin pa tong nauwi mo” natatawang sabi ng kaniyang daddy. Hindi malaman ni Lance kung tatawa ba siya sa mga sinabi ng kaniyang ama.
“Anyway, hindi na ako magtatagal dito para hindi ko kayo maistorbo. I just came here to inform you that I will be attending a business meeting sa macao at mawawala ako ng 2 weeks” kwento ng kaniyang ama at bigla silang napaupo sa kama. Umurong ako ng kaunti paatras dahil yung inuupuan nila ay may umbok na tatama sa ulo ko.
“And I’m so happy to hear na gumaganda daw ang records mo sa school. Nag-improve ang attendance at scores mo. Malaking improvement……dahil ba yan sa babaeng kasama mo?” dugtong pa niya at parehas kaming dalawa na nag-aantay ng isasagot ni Lance.
“Opo dad, Mas lalo akong ginanahang pumasok sa school dahil sa kaniya” sagot ni Lance at ako nama’y hindi mapigilang mapangiti at tila nakalimutan pansamantala ang nararamdamang sakit.
“Well that’s great. Kung maganda ang influence niya sayo ay gustong gusto ko siya para sayo. 11:30 pa naman ang flight ko bukas. I’m expecting na makilala siya bukas sa pagsabay niya sa atin ng breakfast” nanlamig ang aking katawan at tumagktak ang aking pawis nang marinig kong sabihin yun ng kaniyang ama.
“Pero dad” pagtutol ni Lance pero tumayo na sa kama niya ang kaniyang daddy.
“Gumising kayo ng maaga at please wag kalimutan gumamit ng protection!” ang tanging sinabi ng daddy niya bago lumabas ng kaniyang kwarto. Sa pagkakataong ito ay hindi namin alam kung papano ilulusot ang problema na to. Matapos niyang mailock ang pinto ay kaagad akong tinawag ni Lance para makalabas na sa aking pinagtataguan. Nagulat pa siya nang hawakan ko ang kaniyang paa bago ako makalabas sa ilalim ng kaniyang kama.
“Kabado na nga ako sa sinabi ni daddy tapos gugulatin mo pa ako” reklamo niya habang inaalalayan niya akong makalabas sa ilalim ng kaniyang kama. Muli kong naramdaman ang pananakit ng pwet at balakang ko. Sinubukan kong umupo pero hindi ko kaya ang kirot kaya naman nahiga ako pero mas naging malala ang sakit kaya dumapa na lang ako sa ibabaw ng kaniyang kama. Habang hirap na hirap ako sa sakit ay itong si Lance ay parang gago na pinagmamasdan ang kabuoan ko.
“Ready for round 2?” sabi niya habang dinidilaan ang pang-ibabaw ng kaniyang labi. Sa inis ko ay binato ko siya ng unan sa mukha.
“Gago, halos di na ako makagalaw sa sakit dito tapos puro kalokohan pa yang nasa isip mo” tumawa siya habang pinupulot ang unan sa sahig. Nang makalapit siya sa akin ay hinalikan niya ang aking noo.
“Biro lang” sabi niya matapos niyang humalik.
Wala akong ideya na ganito pala kalambing si Lance kapag nagmamahal. Ibang iba ang pagkakakilala ko sa kaniya nang una kaming magkita. Sino ba naman ang mag-aakalang hahantong sa ganito ang relasyon naming dalawa. Nagsimula sa magkaaway at ngayon ay parehas na naming iniibig ang isa’t isa. Kahit ako ay hirap paniwalaan na nangyayari to ngayon pero hindi talaga natin mapipili ang taong mamahalin natin dahil may pagkakataon na mahuhulog an gating damdamin sa taong hindi natin inaasahang mamahalin natin.
“Anong iniisip mo?” tanong niya sa akin habang nakahiga siya sa tabi ko at nakaunan sa kaniyang ulo ang kaniyang mga kamay.
“Ahh wala…napaisip lang ako kung papano natin malulusutan yung daddy mo” wala sa isip kong sabi. Nnag mapagtanto ko ang sinabi ko ay bigla akong nakaramdam ng kaba dahil bukas nga pala kami kakain ng breakfast kasama siya.
“Oo nga pala” sagot ni Lance sabay hawak sa ulo niya na para bang hirap mag-isip.
“Papano mo sasabihin na hindi ako babae?” ang tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin habang nag-iisip. Tila kahit anong gawin niya ay parang walang pumapasok sa kaniyang isipan na magandang palusot. Ilang sandali pa ay bigla na lang siyang ngumiti sa akin.
“May taong makakatulong sa atin” masaya niyang sabi at imbes na masiyahan ay bigla na lang akong nakaramdam ng kaba sa naiisip niya.
“Sino?” mabilis kong tugon.
“Bago yan mag-shower na muna tayo!” tumayo siya mula sa kama at naghanap ng mga damit na maipapahiram sa akin.
“Ikaw na lang, hindi ko kayang tumayo at maglakad sa banyo” reklamo ko dahil yun naman talaga ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin humuhupa ang sakit. Kung laging ganito ang mararamdaman ko sa tuwing magtatalik kami ni Lance ay hindi ko na uulitin pa to kahit magpumilit pa siya.
“Sino naman nagsabi sayo na maglalakad ka sa banyo?” pumuwesto siya sa paanan ko at sumenyas na sumampa ako sa likuran niya. Noong una ay ayoko talaga pero hindi ko na rin matiis ang panlalagkit ng katawan ko lalong lalo na yung dugo na tila natuyo na sa hita at singit ko. Wala sa loob ko na sumampa sa kaniya habang tinitiis ang kirot ng aking balakang.
“Uyy, sinasadya niyang ikiskis sa likod ko si junjun” pang-aasar niya sa akin sabay tawa.
“GAGO!” bulyaw ko sa kaniya at tumawa pa siya lalo habang patungo sa banyo at nakasamapa ako sa kaniyang likuran.
Habang nasa banyo ay limitado pa rin ang aking mga galaw. Halos nakasandal lang ako sa pader habang tinutulungan ako ni Lance hugasan ang aking katawan. Wala naman siyang ginawang kalokohan dahil pakiramdam ko ay naaawa rin siya sa kalagayan ko. Halos siya na nga ang magpaligo sa akin dahil maging sa pagsabon ng aking katawan ay hirap ako. Nang matapos kaming maligo ay siya pa mismo ang nagpunas sa katawan ko. Para akong bata na nakaupo sa upuan habang pinapatuyo niya gamit ang blower ang buhok ko. Hindi niya muna ako pinahiga sa kama dahil papalitan niya daw muna ang bedsheet. Habang tinatanggal niya ang bedsheet ay nagtaka ako kung bakit niya nialagay sa puting plastic ang bedsheet ang buong akala ko ay itatapon na niya ito pero nang tanungin ko siya ay sabi niya remembrance daw ito. Hindi talaga nauubusan ng kapilyuhan itong si Lance. Nang makasigurong maayos na ang higaan ay inalalayan niya akong maglakad palapit sa kama. Tumanggi ako sa pagsampa sa kaniya dahil hindi naman kalayuan ang kama sa inuupuan ko.
“Dahan-dahan lang babe baka makunan ka” sabi niya at kahit na nanghihina ako ay nagawa ko pa rin siyang masuntok sa braso na saktong masasaktan siya sa walang humpay na pang-iinis niya sa akin. Magkahalong tawa at pananakit ng braso ang kaniyang naging reaksyon nang makaupo ako sa kama. Marahan niyang hinimas ang kaniyang braso na nagsimulang mamula. Bigla naman akong nakonsensya sa ginawa ko pero hindi pa rin ako humingi ng tawad.
Nang masigurado niyang nasa magandang kalagayan na ako sa kaniyang kama ay nagpaalam siya sa akin para tawagin ang taong makakatulong sa amin. Napaisip ako kung sinong tao ang mapapapunta niya ngayong oras sa loob ng kwarto nya. Kahit na marami siyang kaibigan ay malamang tatanggi ang mga yun sa hihingin niyang pabor. Habang nag-iisip ay bigla kong naalalang magtext kay Ate Pritz. Nataranta ako nang makita ko na marami siyang text messages at missed calls. Tatawag na sana ako pero nabasa ko sa pinakahuling message niya na mag-iingat daw ako at huwag maging pabigat kay Lance. Mukhang naipaalam na ni Lance kay ate yung pagpunta ko dito sa bahay nila.
“Grabe, idadamay mo pa talaga ako sa kalokohang to?” bulyaw ng taong biglang pumasok sa kwarto ni Lance. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang may biglang papasok sa kwarto niya. Tila nagkagulatan pa kaming dalawa nang makita namin ang isa’t isa.
“Huwag mong sabihin na siya yung babaeng tinutukoy ni tito?” sabi ng kaniyang pinsan na si Eisen habang nakaturo sa akin. Tumango naman si Lance habang nakangiti sa kaniyang pinsan.
“Mukhang mapapalayas na rin ako sa bahay na to” sabi ni Eisen habang nakatakip ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha.
“I’ll do everything you want, just…just please help us out!” pakiusap ni Lance. Umirap si Eisen kay Lance at saka huminga ng malalim bago siya tuluyang sumagot.
“Fineeee!” tugon niya na may halong pag-angal.
Naupo sa tabi ko si Lance at nagawa pang umakbay sa akin. Hindi pa ako sanay na may ibang taong nakakakita sa aming dalawa kaya sinasaway ko si Lance pero hindi niya inalis ang kaniyang kamay. Mas lalo naman akong nailang nang maupo si Eisen sa upuan na nakatapat sa kama ni Lance at yung kaniyang mga ngiti sa akin na makahulugan ay mas lalo akong hindi napalagay. Para bang yung mga ngiti niya ay may alam siyang tinatago kong sekreto at nakasasalay sa pananahimik niya ang magiging reputasyon ko. Hanggang sa magsimula siyang magsalita at sabihin sa amin ang balak niyang plano. Bawat salitang binabanggit niya ay tila napapaatras ako at napapailing dahil hindi ko kayang gawin ang sinasabi niya.
“Hindi ko kayang gawin yan!” mabilis kong pagtutol.
“kayang-kaya mo yun! Naalala mo noong nagkaroon ng festival sa school tapos nag dress-up ka bilang isa sa mga maids” pagsuyo sa akin ni Lance pero mabilis akong umangal.
“Papano mo?” ngunit bago pa man ako makapagsabi ay nilagay nya ang daliri niya sa aking labi para hindi ako makapagsalita.
“Honestly, na love at first sight ako sayo nang makita kita noon” nakangiti niyang sabi. Naiinis ako sa kaniya kung bakit niya ako pinipilit gawin ang bagay nato at naiinis ako sa sarili ko kung gaano ako kabilis na napapapayag sa mga gusto niyang mangyari. Hindi na ako nakasagot at mukhang yun ang naging hudyat sa kanila nang pagpayag ko kaya naman hinalikan ako ni Lance sa ulo.
“Jusme, get a room!” angal ni Eisen.
“We’re in my room” mabilis na sabat ni Lance.
“Owww sabi ko nga” sagot naman ni Eisen na tila pinipigil ang sarili sa pagtawa dahil napahiya siya.
“Wala bang plan b?” hindi ko mapigilang itanong.
“Ito na yung best option natin. Sa tuwing nasa bahay si tito ay laging nirereport ng guard kay tito ang sino mang lumalabas at pumapasok ng gate. Kung si Lance ay nahihirapang makatakas, papano pa kaya kung dalawa na kayo? Sa pagkakaalam ko nagtatrabaho ang ate mo kay tito. Masasabit ang ate mo sa gulo kapag nahuli kayo ni tito na tumatakas dito kasama si Lance. Iisipin ni tito na bad influence ka sa kaniya lalong lalo na ngayon na mataas na ang expectation niya kay Lance dahil sa improvement ng mga grades niya” paliwanag ni Eisen. Masasabi kong malaki ang punto niya at mahihirapan din kaming makatakas dito. Hindi naman kami secret agents na makakaiwas sa cctv at bantay na guards. Ayoko ring idamay si Ate Fritz sa gulong to.
“Pano kung magpasok na lang tayo ng babae na gaganap na girlfriend ni Lance” sabi ko at mabilis namang umiling si Lance bilang pagtutol niya.
“Gaya ng paghahanap ng babaeng magpapanggap na girlfriend ni Lance ay mahihirapan din tayong ipasok yun dito. Sabi ko nga kanina lahat ng mga pumapasok at lumalabas ng bahay ay nirereport kay tito. Sa tingin mo hindi siya magtataka kung bakit may pumasok na babae sa bahay ng disoras ng gabi? At sa pagkakaalam niya ay nasa loob na ng kwarto ni Lance ang babaeng inaasahan niyang girlfriend ng anak niya? Mas maghihinala si tito at mas lalo tayong mahihirapang magpaliwanag” sumuko na ako sa Plan B dahil lahat na ata ng option na sasabihin ko ay may butas para kay Eisen.
Dahil wala na kaming maisip na ibang plano ay pumayag na rin ako sa planong naisip ni Eisen. Siya na daw ang bahala sa pag-aayos sa akin para magmukha daw akong babae bukas. Mariin niyang habilin na huwag na huwag akong magsasalita dahil hindi ko rin kayang mag-ipit ng boses. Sila na daw ang bahala ni Lance na magpapaliwang kay tito kung bakit hindi ako makapagsalita. Mukha namang excited ang lokong si Lance sa ideya ni Eisen at para bang tuwang tuwa pa siyang ipapahiya ko ang sarili ko sa harap ng kaniyang ama kinabukasan.
Nang magpaalam si Eisen ay kaagad naman kaming nagpasiyang matulog ni Lance. Bago kami mahiga sa kaniyang kama ay binigyan niya ako ng pain reliever at gamot para sa aking lagnat. Kahit na nakainom na ako ng pain reliever ay nahihirapan pa rin akong makatulog dahil sa kirot na nararamdaman ko. Ilang beses akong kinamusta ni Lance sa pakiramdam ko pero laging “okay lang ako” ang sinasagot ko sa kaniya. Napagpasiyahan kong matulog nang nakadapa pero pinagbawalan ako ni Lance dahil mahihirapan daw akong huminga. Lumapit siya sa akin at hiniga niya ang ulo ko sa kaniyang dibdib. Hinatak niya ang aking binti at dinantay sa ibabaw ng kaniyang hita. Naglagay naman siya ng unan sa pwetan ko para hindi tuluyang tumama sa foam ang pwet ko. Huli niyang hinatak ang aking kamay para ipayakap ako sa kaniyang katawan. Sa ginawa niyang yun ay naging komportable ang aking paghiga. Hindi ako nahihirapang huminga o nakakaramdam ng ngalay.
“Saan mo natutunan to?” tanong ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi ito ang unang pagkakataong ginawa niya ito sa ibang tao. Sa dami ba naman ng mga naging girlfriend niya.
“Turo sa akin ni Eisen, para daw hindi ka mahirapan” nagulat ako nang sabihin niya yun. Ibig sabihin may karanasan na ang pinsan niya?
Hindi ko na inusisa pa si Lance sa bagay na yun dahil mas nanaig sa akin ang antok nang maging komportable ang aking paghiga. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan ni Lance dahil tanging boxer shorts lang ang suot niya ngayon. Sa paghigpit ng kaniyang pagyakap sa akin ay mas lalo akong nakaramdam ng antok kaya naman mabilis akong nakatulog.
Kinabukasan ay nahuli kami ng gising ni Lance. Nagulat pa kami nang kumatok si Eisen mula sa pinto ni Lance. Sa gulat ko ay nabigla tuloy ako sa pagkilos kaya napangiwi ako sa sakit nang maiurong ko ang aking pwetan. Muntik na akong mapamura nang malakas dahil sa sobrang sakit. Tangina, kelan ba huhupa ang sakit nito? Mabilis namang pinagbuksan ni Lance si Eisen at pumasok sa loob ng kwarto dala-dala ang iba’t ibang gamit na ipapasuot sa akin. Inutusan akong maghilamos at magtoothbrush ni Eisen bago niya ako ayusan. Wala na daw kaming time para magshower kaya hilamos na lang daw ang aking gagawin. Inalalayan naman ako ni Lance papuntang banyo dahil iika-ika pa rin akong maglakad. Habang inaasikaso ko ang aking sarili ay rinig na rinig ko ang pagtatalo ng magpinsan.
“Bakit ang dami mong gamit na pangbabae?” tanong ni Lance.
“Nagcocosplay kasi ako” tugon ni Eisen.
“Eh hindi naman pang-cosplay ang mga to?” hirit pa ni Lance.
“Eh bakla ako, okay na Lance?” halos maibuga ko ang bumubulang toothpaste sa bibig ko dahil sa sagutan nilang dalawa.
Nang matapos ako ay kaagad akong pinaupo ni Eisen sa upuan para maayusan niya. Bago pa man ako makaupo sa upuan ay naglagay ng unan si Lance para hindi ako mahirapan sa pag-upo. Nagbihis lang ng pambahay si Lance at lumabas ng kwarto para kausapin ang daddy niya para hindi kaagad ito mainip. Pagkaupo ko ay mabilis akong inayusan ni Eisen para magmukha akong babae. Hindi ko alam kung anong bagay ang pinaglalagay niya sa aking mukha dahil ang dami niyang pinapahid. Noong una ay akala ko pinagloloko niya lang ako dahil mukha akong character sa avatar sa mga pinaglalagay niya sa akin mukha. Ang sabi niya sa akin ay kasama daw yun sa preparation dahil highlights daw ang tawag dun. Nang gumamit na siya ng brush para iblend daw ang mga ito ay naging maayos na ang aking mukha. Parang hindi ko lubusang makilala ang sarili ko sa salamin dahil nag-iba ang hitsura ko sa paglagay ng make-up sakin ni Eisen. Nagmukha nga akong babae.
Sunod niyang ginawa ay pinasuot niya sa akin ang isang dress pero mabilis niya ring pinahubad dahil masyado daw sexy para sa akin. Kaya naman kahit hirap akong kumilis ay hinubad ko ito. Sa pangatlong dress nabinigay niya ay sa wakas at bumagay na daw sa akin. Huling binigay niya sa akin ang dress na may mga floral designs at may manipis na straps. Tantiya ko ay 1-inch ang pagitan ng palda mula sa aking tuhod kaya masasabi kong maayos pa ito. Nagtaka ako kung bakit hindi niya ako pinasuot ng bra at bago ko pa man itanong sa kaniya yun ay uso na daw ngayon ang sa mga babae ang nagninipple tapes at hindi malaking issue kong flat ka. Mas komportable ako sa ganun kaysa magsuot ako ng pekeng boobs.
Huling pinasuot niya sa akin ay ang wig na na hindi mo aakalaing wig dahil gawa raw ito sa totoong buhok. Nang maisuot niya sa aking ulo ay nagmukhang natural nga sa akin ito na para bang ganito talaga kahaba ang aking buhok. Tuwang tuwa siya nang makita niya ang resulta ng kaniyang ginawa dahil higit pa daw ito sa resultang inaasahan niya. Pambahay na tsinelas ang pinasuot niya sa akin para daw mas maging natural ang aking pagpapanggap. Sakto naman ang pagkatok ni Lance mula sa pinto at kakatapos lang akong ayusan ni Eisen.
“Maaari ko na bang makita ang mapapangasawa ko?” tanong ni Lance habang nasa kabilang bahagi pa siya ng pinto.
“Hindi maaari dahil ayun sa pamahiin ay mamalasin ang kasal nyo kapag nagkita kayo” tugon naman ni Eisen habang bumubungisngis.
“Pakakasalan ko na lang siya ulit kapag minalas kami” natatawang sagot ni Lance at pumasok siya kaagad sa kwarto. Hindi na rin napigilan ni Eisen ang sarili kaya natawa na rin siya. Magkamag-anak nga ang dalawang to dahil parehas silang may pagkukulang sa isipan. Lumapit sa amin si Lance habang tumatawa pero bigla siyang napatigil sa pagtawa nang makita niya ang bagong ayos ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin na tila hindi niya alam ang kaniyang sasabihin.
“Yung bibig mo baka pasukan ng langaw” sabi ni Eisen sabay angat sa baba ni Lance dahil nakanganga siya nang makalapit sa akin.
“Pwede ko bang malaman ang pangalan mo binibini?” tanong niya sa akin habang hawak-hawak ang aking kamay. Napaurong naman ako habang nakakunot ang aking noo dahil hindi ako komportable sa trip niya.
“Hmmmpp….pwede mo siyang tawaging Ashly. Mabenta ang name na yun sa mga bakla” tugon ni Eisen.
“Wala bang mas feminine?” tanong ni Lance habang nananatili ang kaniyang kamay na nakahawak sa akin.
“Alam ko na Kimberly! Babaeng babae” mabilis na tugon ni Eisen.
“Pwede ba yung walang L-Y sa dulo ng pangalan?” muling tanong ni Lance.
“Ohh sige Jet Li, maiba naman L-I yun. Hayy bahala na kayo mag-isip sa ipapangalan sa kaniya dahil mauuna na ako sa inyo at nagugutom na ako” sabi ni Eisen at kaagad siyang lumabas ng kwarto ni Lance.
“May naisip ka bang pangalan tanong ni Lance sa akin” nag-isip naman ako nang mabuti na mas babagay sa akin.
“How about Guntress?” tanong ni Lance sa akin at ako naman ay umiling.
“Ang sagwa” komento ko at natawa siya.
“Mas gusto ko yung Georgina” dugtong ko at bigla niyang kinuha ang isang towel sa kama para punasanan ang aking pawis sa noo.
“bakit naman Georgina?” tanong niya sa akin habang pinupunasan ang aking pawis.
“Yun kasi ang pangalan ng mommy ko” tugon ko at bigla niya akong niyakap nang mahigpit.
“Mas lalo akong naiinlove sayo” sabi niya nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.
“Mukhang nagustuhan mo lang ako dahil sa pagbibihis babae ko” tugon ko sa kaniya at biglang kumunot ang noo niya na tanda na hindi nagustuhan ang aking sagot.
“Wag mo akong susubukan! Baka gusto mong hubarin ko lahat ng mga suot mo ngayon at iparamdam sayo kung gaano ko kamahal ang totoong tao sa likod ng pagpapanggap mo?” serysong sabi niya sa akin at ako naman ay napalunok laway sa kaniyang sinabi.
“Di ka naman mabiro!” pilit na tawa kong sabi habang tinatapik ko ang balikat niya. Pero nanatiling seryoso ang kaniyang mukha.
“Tara na” pag-aya ko sa kaniya. Nang hawakan ko ang kaniyang kamay ay biglang umaliwalas ang kaniyang mukha at unti-unting ngumiti sa akin. Gusto pa talagang sinusuyo si loko. Hinawakan niya nang mahigpit ang aking kamay at inalalayan sa paglalakad.
“I love you Georgina” bulong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa dining area nila. Hindi ko alam kung matutuwa ako o kikilabutan sa sinabi niya.
Dahan-dahan kaming naglakad sa dining area dahil iika-ika pa rin akong maglakad. Madalas din akong pagpawisan, hindi ako sigurado kong dahil ba to sa kabang nararamdaman ko o dahil hindi pa tuluyang maayos ang aking pakiramdam. Nang makarating kami sa bungad ng dining area ay pilit kong inayos ang aking lakad at magmukhang normal lang ito kapag kaharap ko na ang daddy ni Lance.
“Andito na po sila tito” sabi ni Eisen nang makita niya kami ni Lance. Napako naman ang aking mata sa taong nakatayo at nakatalikod na di kalayuan sa aming kinatatayuan. At nang humarap ito ay hindi ko inaasahang makikita ko ang ama ni Lance sa unang pagkakataon. Laking gulat ko nang makita ko ang kaniyang mukha na tila hindi malayo ang pagkakaparehas nila ni Lance. Para lang siyang pinatandang version ni Lance. Ang nakakapagtaka pa sa akin ay tila nagulat rin siya nang makita niya ako.
“Georgina??” sabi ng kaniyang daddy. Kapwa kaming napilingon ni Lance sa isa’t isaat nagtataka kung papano niya nalaman kaagad ang pangalan na gagamitin ko sa pagpapanggap dahil malabong si Eisen ang nagsabi nito dahil wala na siya sa kwarto nang piliin ko ang pangalan na yun.
Itutuloy……………
A/N: So ito na ang inaantay nyong update. Medyo matatagalan ako sa pag-update dahil mas priority ko ang health ko. Pabalik-balik ako this week sa clinic at St. Lukes para sa follow check-up at lab procedures dahil may mild to severe hearing loss ako. Kaya nakikiusap ako na wag naman kayong maging rude kung hindi ako nakakapag-update agad. Wala naman akong profit dito sa pagsusulat sa wattpad para unahin ko to at ang hinihingi ko lang ay Votes. Kung hindi nyo man mabigay yun ay kahit respeto na lang sa author dahil hindi ganun kadaling gumawa ng isang chapter ng story lalong lalo na’t nagtatrabaho ako at may inaasikaso ako sa health ko. If you can’t wait for my updates please do me a favor, paki-unfollow na lang ako at paremove ng story ko sa library nyo. Mas need ko ma uplift yung mood ko ngayon para makapagsulat dahil sa dami ng inaaalala ko.
Thank you pa din sa mga patuloy na umuunawa. Maraming salamat sa inyo!
Chapter 22: Blood, Sweat and tears
Darren as Gunter
Gunter’s POV
Kapwa kaming napatingin sa isa’t isa ni Lance nang marinig namin ang pagtawag sa akin ng kaniyang daddy bilang Georgina. Wala kaming ideya kung papano niya nalaman ang pangalan na gagamitin ko bilang pagpapanggap. Malabong si Eisen ang nagsabi sa daddy ni Lance dahil wala siya sa kwarto ni Lance nang mapag-usapan namin ito. Nagawa pang lumapit sa amin ng daddy ni Lance na mas lalong nagpakaba sa akin nang husto. Sa bawat hakbang ng kaniyang paglapit sa akin ay para bang kinikilatis niya ang buong pagkatao ko. Pinagdarasal ko na lang talaga na hindi niya ako kaagad mabisto. Nang makalapit siya sa amin ay nagawa niya pa akong tingnan mula ulo hanggang paa.
“Do you know her Dad?” tanong ni Lance na nagtataka rin sa kinikilos ng kaniyang ama.
“Ohh.. I’m sorry. Pasensya na sa inasal ko. I’m so glad to finally meet you hija” sabi ng kaniyang daddy habang inaabot ang kaniyang kamay. Ang akala ko ay makikipagkamay siya sa akin pero nagulat na lang ako nang bigla niyang halikan ang aking kamay. Mabuti na lang at hindi niya nahalata ang pagkagulat ko.
“My name is Kendrick Fuentes and you are?” tanong niya at muntikan na akong magsalita mabuti na lang naunahan ako ni Lance.
“Her name is Georgina Dela Cruz, She’s my girlfriend dad” sagot ni Lance na para bang lumalim nang husto ang boses. Hindi ko alam kung galit ba siya o sadyang ganyan lang talaga ang boses niya kapag kaharap niya ang kaniyang ama.
“Really? What a coincidence. May kaibigan akong pangalan ay Georgina at kamukhang kamukha mo siya kaya akala ko noong una ay ikaw siya” natatawang sabi ng daddy ni Lance. Tumingin sa akin ang daddy ni Lance at mukhang nag-aantay ng aking isasagot.
“She can’t speak right now dad. Masakit kasi ang lalamunan niya dahil sa nangyari kagabi” sagot ni Lance at lalo akong nanliit sa harapan ng kaniyang ama dahil sa pinagsasabi niya. Pano niya nasasabi ang ganong bagay sa harap ng kaniyang ama?
“Manang-mana ka talaga sa akin” sagot ng kaniyang ama sabay tawa. Tatawa rin sana si Lance pero naunhan ko ang pasimpleng pagkurot sa kaniyang tagiliran para makaganti kaya imbes na tumawa siya ay napangiwi siya.
“Anyway, mukhang napakabata pa nitong si Georgina at dapat hindi mo siya binibigla lalong lalo na sa ganyang bagay and please make sure na laging safe ang pagsesex nyo dahil hindi pa kayo handang bumuo ng pamilya” dugtong ng kaniyang ama. Hindi ba siya nakakaramdam na sobrang awkward ng usapan na to.
“Oo naman dad” at umakbay sa akin si Lance habang marahang hinihimas ang aking braso. Kung wala lamg kami sa harap ng kaniyang ama at hindi ako nagpapanggap ay kanina pa sa akin nakatikim ng sapak itong si Lance.
“Aheem..Excuse mo po tito may kumakain” reklamo ni Eisen habang nakatuon sa kaniyang kinakain.
“I’m sorry” mabilis na tugon ng daddy ni Lance. Naninibago tuloy ako sa kaniya dahil mukhang hindi naman ganun kasama ang ugali ng kaniyang daddy base sa mga kwento ni Lance sa akin.
“Come on hija. Please join us na magbreakfast!” pag-aya sa akin ng daddy ni Lance at tanging pagngiti ang aking sinagot sa kaniya dahil hindi ako pwedeng magsalita.
Inalalayan naman ako ni Lance na maupo sa isang upuan na nakaharap sa kaniyang pinsan. Siya naman ay naupo sa tabi ko na hindi kalayuan sa kinauupuan ng kaniyang daddy. Nakalaki ng dining table na to para sa tatlong taong nagsasalo sa hapag kainan. Mukhang bihira pa nga silang kumain ng sabay dahil sa dami ng negosyong inaasikaso ng kaniyang ama. Habang kami ay kumakain ay panay ang tanong ng daddy ni Lance tungkol sa relasyon naming dalawa. Inaasahan ko namang si Lance ang sumagot sa lahat ng tanong ng kaniyang daddy dahil hindi ako pwedeng magsalita. Pero kalaunan ay inabot sa akin ni Eisen ang isang ipad para isulat ko raw ang aking sagot. Gusto kasi ng daddy ni Lance na sa akin manggaling ang mga sagot na kaniyang tinatanong.
Kahit na hindi ako nagsasalita ay panay ang tanong niya kaya naabala ang pagkain ko para lang isulat sa ipad ang sagot ko. Kanina pa nga ako naiilang sa scarf na nakapulupot sa aking leeg. Hindi rin nakatakas kay Tito Kendrick ang scarf na yun kaya di niya napigilang itanong. Ang sagot naman ni Lance ay nahihiya daw akong makita ng iba ang mag chikinini na nilagay niya sa leeg ko. Gustong gusto ko siyang murahin nang sabihin niya yun. Sa dinamidami ng idadahilan niya ay laging may kaugnayan sa sex yung ginagawa niyang palusot. Natatawa si tito pero mabilis siyang nakumbinse sa sagot ng kaniyang anak. Sa totoo lang ay nilagay ang scarf na yun para takpan ang aking adams apple. Hindi kasi magagawang takpan yun ng make-up kaya scarf ang binigay sa kin ni Eisen. Unti-unti ko namang nakakasanayang tawaging Tito ang daddy ni Lance dahil yun ang gustong mangyari ng kaniyang ama. Sobrang natutuwa daw siya sa magandang impluwensyang binibigay ko sa kaniyang anak kaya inaasahan na raw niya akong magiging parte ng kanilang pamilya. Hilaw na ngiti na lang ang aking nagiging sagot dahil alam kong iba ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang totoo kong pagkatao.
“So hija, I’m expecting na madalas kitang makikita sa bahay simula ngayon” biglang sabi ni tito Kendrick habang kumakain kami ng dessert. Tumingin ako kay Lance dahil hindi ko alam kung papano ako tutugon sa sinabi niya sa akin.
“Of course dad, Kapag may time ay bibisita dito si Gun-Gerogina” sabi ni Lance at muntikan pa siyang madulas at sabihin ang totoo kong pangalan. Para pagtakpan ang kaniyang pagkakamali ay nagawa niyang halikan ang aking kamay at saka ngumiti sa kaniyang daddy.
Matapos ang nakakakabang almusal namin kasama si tito Kendrick ay nagpaalam naman siya sa amin dahil may business trip siya ngayon at kailangan niyang magmadali para hindi malate sa kaniyang flight. Bago pa siya umalis ay humingi siya ng pabor kung pwede ko raw ba siyang yakapin. Tumango lang ako bilang pagtugon at saka niya ako niyakap. Ang nakakapagtaka lang ay bakit ako niyakap ni tito Kendrick samantalang pagkaway lang ang ginawa niya sa kaniyang anak.
Pagkaalis ng kaniyang daddy ay marahan akong hinatak ni Lance patungo sa kaniyang kwarto. Muli ko na namang naramdaman ang pananakit ng aking balakang at pwet habang kami ay naglalakad. Nang makapasok kami sa loob ng kaniyang kwarto ay kaagad niyang inasikaso ang mga gamit ko. Napag-usapan namin kanina na uuwi sa bahay pagkatapos naming lokohin ang kaniyang daddy este ang sumabay ng almusal sa kaniyang daddy. Nanatili naman akong nakatayo habnag nakasandal ang aking ulo sa pader. Inalok niya akong mahiga o maupo muna sa kaniyang kama pero mas pinili kong tumayo dahil masakit talaga ang aking pwet kapag inuupo. Pagkatapos maisalin ni Lance ang mga gamit ko sa isang bag ay kaagad ko syang tinanong sa balak ng daddy niya na makita ako sa susunod na pagkakataon.
“Lance anong gagawin natin kapag nagtanong ang daddy mo tungkol sa akin?” di ko mapigilang itanong dahil maaaring nalusutan namin siya ngayon pero hindi habang buhay ay magagawa kong magpanggap. Tumingin siya sa akin na tila nag-iisip din.
“Papano na lang kung gusto niya ako kausapin tapos hindi ko siya masagot dahil hindi ko kayang baguhin ang tono ng boses ko?” dugtong ko at napatayo siya mula sa kama at lumapit sa kinaroroonan ko.
“Papano kung magpunta siya sa school o kaya ipahanap niya yung pangalang Georgina tapos wala siyang makita dun?” muli kong tanong pero nanatili siyang tahimik habang nakatingin sa akin ng seryoso.
“Papano kung-” natigil ako sa kakatanong ng ilapat niya ang labi niya sa akin. Banayad lang ang kaniyang paghalik na unti-unting nagpakalma sa akin. Muli akong nagsalita nang kumalas siya sa paghalik sa akin.
“Lance intindihin mo naman ang sinasabi ko, ano-” muli niya akong pinatahimik gamit ng kaniyang mariing paghalik na halos ikalunod ko. Kapwa kaming hiningal nang kumalas siya sa aming halikan.
“There will be no next time!” saad niya at ako naman ay tumingin sa kaniya na takang taka sa kaniyang sinasabi.
“Hindi ka na niya muling makikita” dugtong niya na mas lalong nagpagulo sa aking isipan.
“Ayokong maging karibal ang daddy ko sayo” nagulat ako nang sabihin niya yun.
“Anong pinagsasabi mo?” halos pasigaw kong sabi dahil hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kaniyang pinagsasabi.
“Kakaiba ang tingin sayo ni dad, kilala ko ang daddy ko dahil hindi siya ganun tumingin sa babae maliban sayo” sabi niya na mas lalong nagpasakit ng ulo ko.
“Hindi ako babae!” pagtutol ko.
“I know! Basta hindi ko gusto yung tingin niya sayo na para bang dati pa siyang may gusto sayo!” inis niyang sabi. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis na nakikita siyang nagseselos pero utang na loob naman sa dinamirami ng kaniyang pagseselosan ay bakit yung daddy pa niya?
“Magtapat ka nga sa akin may gusto ka ba sa daddy ko?” tanong niya at sa gulat ko ay natulak ko ang kaniyang dibdib. Imbes na mapaurong siya ay mas lalo niyang nilapit ang kaniyang katawan sa akin habang nasa pagitan ako ng kaniyang braso dahil nakahawak ang kaniyang kamay sa pader para macorner ako.
“Gago ano ba yang pinagsasabi mo?” inis kong sabi. Ang akala ko pa nga ay nagbibiro siya pero seryoso ang kaniyang mukha.
“Pansin ko kanina ay iba rin ang tingin mo kay daddy” saad niya na naging dahilan para mapabuntong hininga ako.
“Mukhang panis yang nakain mo kanina at kung ano-ano ang pinagsasabi mo! Wala akong gusto sa daddy mo. Masyado lang akong naaliw dahil halos pinagbiyak kayo na buko ng daddy mo. Mas mapagkakalaman kayong magkapatid kaysa mag-ama. Edad lang ang magsasabing mag-ama kayong dalawa” bigla naman ngumiti ang gago nang marinig niya ang paliwanag ko.
“Mas mabuti na yung malinaw. Yaman lang naman ang lamang sa akin ni daddy. Mas gwapo ako at mas bata pa dun kaya mas madami kang mapapakinabangan sa akin” tugon niya habang nakangiti na nakakaloko.
“Gago ka, puro ka kalibugan!” sambit ko at pilit na pinapaalis siya sa harap ko pero hindi pa rin siya umaalis.
“Sinasabi ko lang ang totoo para hindi kana magdalawang isip na iwanan ako” bigla akong natawa nang marinig kong sabihin niya yun. Kaagad naman niya akong niyakap nang mahigpit. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko sa usapang to.
“Papano mo nga ipapaliwanag kay tito?” tanong ko habang yakap-yakap namin ang isa’t isa.
“Ako na ang bahala dun. Ang alalahanin mo ngayon ay ang pag-alaga sa magiging anak natin” pagkasabi niyang yun ay kaagad kong pinitik ang kaniyang tiyan.
“Yan ang alalahanin mo ngayon!” natatawang sabi ko habang nakikitang hawak-hawak ni Lance ang kaniyang tiyan dahil sa sakit at kinalaunan ay tumawa rin.
Matapos masiguro na nasa bag na ang lahat ng gamit ko ay saka kami nagtungo sa garahe kung saan nakapark ang kaniyang kotse. Kinailangan ko pang magpanggap na babae sa harap ng mga katulong at gwardiya nila Lance. Kanina pa ako nangangati at naiitan sa suot kong wig. Hindi ko pa siya maaaring hubarin hanggang hindi pa kami nakakalayo sa bahay nila Lance. At nang simulan simulan ni Lance ang pagpapatakbo ng sasakyan ay inuunti-unti ko ang pagtanggal ng mga suot ko. Nakahinga lang ako ng maluwag nang matanggal ko na ang wig at marahang nagpupunas ng mukha dahil sa kapal ng make-up na nilagay sa akin. Kapag titingnan mo ay parang natural lang ang make-up na ginamit sa akin pero nang tanggalin ko ito ay halos magputik ang wet wipes na ginamit ko. Ang ibang make-up ay hindi ko matanggal kaya sumuko na ako at nagdesisyon na maghihilamos na lang akong muli sa bahay.
Hindi naging madali ang daan namin pauwi sa aming bahay dahil sa traffic na tumambad sa amin. Naramdaman ko na naman ang labis na panghihina dahil hindi pa rin bumubuti ang aking pakiramdam. Idagdag mo pa ang mainit na panahon dahil halos magtatanghaling tapat na. Pinahiga ng kaunti ni Lance ang aking upuan para hindi ako mahirapan. May mga pagkakataong siya pa mismo ang nagpupunas ng aking pawis dahil hinang hina na ako. Kahit na mainit at buhol-buhol ang traffic ay hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Lance sa akin na nagbibigay sa akin ng lakas. Kahit papano ay gumagaan ang aking pakiramdam sa tuwing masisilayan ko ang kaniyang pagngiti sa akin.
Sampung minuto na lang ang natitira bago sumapit ang alas dose nang marating namin ang aming bahay. Nagpresenta pa si Lance na buhatin ako papasok ng bahay pero nagpumilit ako na kaya ko. Pero sa unang hakbang ko pa lang ay muntikan na akong matumba kaya inakay na niya ako papasok ng bahay. Halos wala na akong lakas nang ihiga niya ako sa aking kama. Ang plano kong maghilamos ng mukha ay hindi ko na rin kayang gawin dahil hindi ko na kayang magtungo sa banyo o kahit man lang sa lababo ng kusina. Mabuti na lang at nandiyan si Lance at tinulungan akong magpunas ng aking katawan gamit ang maligamgam na tubig. Sinugurado niya na walang natirang make-up sa aking mukha bago niya ako muling pinahiga.
“Mas lalo kang uminit ngayon, dahil ba yan sa akin?” sabi niya habang kunwaring nagpapaypay sa sarili.
“Sira!” ang tangi kong nasabi dahil wala ako sa wisyo na makipagtalo sa kaniya.
“Dalhin na kaya kita sa hospital para matingnan ka ng doctor?” kanina niya pa sinasabi to sa loob ng kotse pero nagmatigas ako na hindi na kinakailangang dalhin ako sa hospital.
“Gamot at pahinga lang to” ang naging tugon ko sa kaniya. Halos matuyo na rin ang aking lalamunan sa sama ng aking pakiramdam.
“Sige dito ka na lang muna dahil bibili ako ng gamot at pagkain mo para bumuti yung lagay mo” sabi niya at tanging pagtango lang ang aking naisagot.
Nang maramdaman kong wala na sa tabi ko si Lance ay saka naman ako nilamon ng antok. Sa aking pagtulog ay nakaranas ako ng kakaibang panaginip. Nasa pagkakataong naging masaya kami ni Lance sa aming relasyon nang may dumating na isang lalaki na gumulo ng aming relasyon. Isang lalaking hindi ko lubusang kilala dahil ang labo ng kaniyang mukha sa aking paningin. Sa kaniyang pagdating ay unti-unting nasira ang masayang pagsasama namin ni Lance hanggang sa humantong sa napipintong hiwalayan ang aming relasyon. At sa pagkakataong nais na akong hiwalayan ni Lance ay hinabol ko siya nang hinabol habang ang mga luha sa aking mga mata ay tila hindi nauubos sa pagpatak. Ilang beses kong tinawag ang kaniyang pangalan hanggang sa marinig niya ang aking boses. Nang lumingon siya sa akin ay may nakakasilaw na liwanag at nang ito ay maglaho ay nakita ko na lang na walang malay na si Lance sa aking harapan. Labis-labis ang aking pagsusumamo habang sinisigaw ko ang kaniyang pangalan.
“Lance wag mo akong iiwan” sigaw ko at bigla na lang akong nakaramdam ng marahang haplos sa aking mukha.
“Hinding hindi kita iiwan” narinig ko ang boses niya at sa pagdilat ng aking mata ay nasa harapan ko si Lance na nakangiti sa akin habang pinupunasan ang aking luha. Mas lalo akong naging emosyonal dahil nagpapasalamat ako dahil panaginip lang ang lahat. Naiyak ako habang yakap-yakap siya. Halos mabasa ko ng husto ang dibdib niya dahil sa aking pagluha.
“Tahan na, panaginip lang yun” sabi niya sa akin habang marahang hinahaplos ang aking likod. Hindi ko alam kung bakit sobrang makatotohanan ng panaginip na yun. Hinihiling ko na sana ay manatiling masamang panaginip na lamang yun at hindi na magkatotoo.
Nang ako’y mahimasmasan ay tumayo si Lance para ipaghanda ako ng pagkain. Noong una pa ay ayoko siyang umalis pero nangako siya sa akin na babalik siya kaagd at saka lang ako bumitaw. Sa kaniyang pagbalik ay dala-dala niya ang tray na naglalaman ng binili niyang ulam at kanin. Kahit na wala akong ganang kumain ay pinilit kong kumain para hindi masayang ang effort ni Lance. Siya pa mismo ang nagpapakain sa akin dahil maging sa paghawak ng kutsara’t tinidor ay nahihirapan ako. Nakakailang subo pa lang ay tila busog na busog na ako. Tumanggi na ako sa pagkain nang muli niya akong subuan. Pakiramdam ko kasi ay tila sasabog na ang aking tiyan sa sobrang kabusugan.
“Sige na isubo mo na to tapos pagmagaling kana iba naman ang isusubo mo” sabi niya at bigla ko siyang tiningnan nang masama. Hindi ko alam kung papano niya nagagawang magbiro sa sandaling ito. Nang makita niya ang mukha ko ay kaagad siyang tumawa habang nakataas ang dalawang daliri na nagpapakita ng peace sign at bahagyang umatras dahil inaasahan niyang sasaktan ko naman siya. Imbes na mainis ay natawa na lang ako sa kaniya. Tila nakakahawa ang kaniyang tawa at reaksyon kaya natawa narin ako.
Hindi na niya ako pinilit nang sabihin ko sa kaniyang busog na busog na ako. Pinasandal niya muna ako sa kama habang hinahanda niyan ang gamot na ipapainom sa akin. Saka ko lang napagtanto na pangalawang beses na niyang ginawa itong samahan ako kapag may sakit ako. Babawi ako sa kaniya kapag bumuti na ang aking kalagayan. Sa ngayon ay hinayaan ko muna siyang mag-alaga sa akin.
Matapos kong inumin ang gamot ay unti-unti rin akong nakaramdam ng antok. Kailangan ko talagang ipahinga nang mabuti ang aking katawan para makapasok na ako bukas. Ayoko namang alagaan ako ni Lance hanggang sa gumaling ako. Lalong lalo na ngayon na muli niyang nakuha ang tiwala ng kaniyang daddy dahil sa magagandang marka na nakukuha niya sa palagiang pagpasok sa school. Ayokong maging sagabal sa kaniyang pag-aaral kaya kailangang gumaling ako kaagad upang makabawi sa kaniya.
Habang ako’y nakahiga ay nagigising ako dahil nakakaramdam ako ng matinding lamig. Nakapatay naman ang electric fan kaya nagtataka ako kung bakit ako giniginaw. Halos dalawang patong na ng kumot ang nakabalot sa aking katawan pero hindi pa rin nawawala ang panginginig ko. Napansin ito ni Lance kaya siguro bigla nalang siyang pumasok sa kumot para yakapin ako. Buong ingat siya sa pagkilos dahil alam niyang masakit pa rin ang aking balakang at pwet.
“Kumuha ka na lang ng kumot na isa pa, baka naman magkasakit ka niyan dahil pwede kang matuyuan ng pawis” sabi ko sa kaniya na taliwas sa aking nararamdaman dahil sa totoo lang ay gustong gusto ko ang kaniyang pagyakap sa akin dahil unti-unting nawawala ang panlalamig ko.
“Okay lang yun para kahit papano ay mag-init ka sa akin” napabuntong hininga na lang ako nang marinig ko yun dahil hindi ko alam kung hanggang kailan niya ako titigilan sa mga hirit niya. Ininda niya ang matinding init para lang hindi ako ginawin kaya labis-labis ang pasasalamat ko at nandito siya para sakin. Bago ko pa ipikit ang aking mata ay masaya kong pinagmasdan ang kaniyang mukha. Kahit may mga namumuo ng pawis sa kaniyang noo at may tumutulo na paminsan minsan sa kaniyang mukha ay wala akong reklamong narinig mula sa kaniya. Nagawa niya pang banggitin ang saitang ‘I love you’ kahit na walang boses na lumalabas sa kaniyang bibig. Kaya bago ko tuluyang ipikit ang aking mga mata ay nakapag-iwan ako ng ngiti mula sa aking mga labi.
Bahagya akong nagising nang marinig ko ang pagtapik ni Ate Fritz sa aking pisngi. Hindi ko masyadong naiintindihan ang kaniyang pinagsasabi dahil nangingibabaw ang pagod at antok ko. Halata sa kaniyang kinikilos at boses na natataranta siya pero hindi ko alam kung bakit dahil sa muli kong pagpikit ay kinain na naman ako ng labis na antok at muling nakatulog. Nang muli kong idilat ang aking mga mata ay nagising na lang ako na nasa ospital na pala ako. Sa aking kanan ay nakita ko si Ate Fritz na hindi pa rin nawawala ang pangamba sa kaniyang mukha. Tinanong niya ako kaagad sa aking nararamdaman ngayon pero imbes na sagutin ko ang kaniyang ay.
“Tubig, gusto ko ng tubig” ang naisagot ko dahil sa labis na pagkauhaw. Nagmamadali naman siyang magsalin ng tubig mula sa pitsel at nilagay sa malinis na baso bago ako painumin. Halos ibuhos ko lahat ng laman ng baso sa aking lalamunan para maibsan ang matinding uhaw na aking nararamdaman kaya naman nang maubos ko ito ay humingi pa ako ng isa.
“Nasan si Lance ate?” tanong ko nang pakiramdam ko ay bumubuti na ang aking kalagayan.
“Huwag kang mag-alala papunta na raw siya dito” tugon niya habang pinupunasan niya ang aking noo.
“Ano po bang nangyari at bakit po ako nandito?” tanong ko sa kaniya.
“Naabutan kitang nagsasalita habang tulog at nang lagyan kita ng thermometer ay saka ko lang nalaman na sobrang taas ng lagnat mo kaya sinugod na kita kaagad dito” mabilis niyang tugon. Nagtataka ako kung bakit wala si Lance dito sa ospital at nang tanungin ko si Ate Fritz ay kasalukuyang may binibili daw si Lance sa palengke nang isugod niya ako sa ospital. Nagawa na rin daw akong painumin ng gamot kaya bahagyang bumaba ang aking lagnat. Kailangan pa daw naming mamalagi sa hospital dahil may inaantay daw na resulta si ate fritz. Nagawa daw kasi akong icheck-up ng doctor habang ako ay natutulog.
Halos mag-aalas nuwebe na nang dumating si Lance. Hindi ko alam kung saan siya nang galing at bakit ngayon lang siya nakarating. Alalang alala siya sa kalagayan ko at humingi kaagad siya nang tawad sa akin dahil sa pag-alis niya sa tabi ko. Hindi ko magawang magalit sa kaniya dahil masaya akong makita siya na nasa maayos na kalagayan. Sa lahat ng mga sinabi niya ay tanging pagngiti na lang na parang nahihibang ang aking nagawa.
Sumapit ang oras na kinakailangan nang umuwi ng mga bisita dahil iisa lang ang pinapayagang magbantay sa bawat pasyente. Nagpumilit si Lance na siya na daw ang magbabantay sa akin. Tutol si Ate Fritz dahil kinakailangan na daw pumasok ni Lance kinabukasan sa school. Upang mapapayag si ate ay nangako si Lance na maaga siyang magigising para makapasok sa school basta hahayaan siya ni ate fritz na magnbantay sa akin. Walang nagawa si ate kundi ang pumayag dahil mukhang walang plano si Lance na iwanan ako dito. Sa pagpayag ni Ate Fritz ay kapwa kaming naging masaya ni Lance.
Nang matutulog na ako ay inaya ko siyang tumabi sa akin sa kama. Magkakasya kaming dalawa sa kama kaya nagpumilit akong tumabi siya dahil mahihirapan lang siyang matulog sa upuan. Labis na ang kaniyang sakripisyong ginawa kaya ayokong makita pa siyang nahihirapan dahil sa akin. Hindi na rin ako masyadong nahihirapang kumilos dahil unti-unti nang nawawala ang pananakit ng aking balakang at pwetan. Mabuti na nga rin sigurong naisugod ako sa hospital dahil bumubuti na ang aking pakiramdam.
Sa aming pagtatabi ay naging tahimik at maayos ang pakikitungo sa akin ni Lance. Hindi siya gumagawa ng kalokohan na madalas niyang gawin. Siguro dahil pakiramdam niya ay masama pa rin ang aking pakiramdam. Yakap-yakap niya ako habang nakahiga siya sa aking tabi. Hindi na rin ako masyadong giniginaw kahit na manipis ang kumot. Sobrang komportable ko dahil nandito sa tabi ko si Lance. Itatanong ko sana sa kaniya kung bakit siya umalis kanina at kung anong ginawa niya sa palengke pero nang muli kong tingnan ang kaniyang mukha ay naunahan niya pa akong makatulog. Kahit na siguro gumaling ako kinabukasan ay hindi pa rin ako papasukin ni Ate Fritz.
Habang mahimbing na natutulog si Lance ay siya namang pag-iisip ko ng mga bagay-bagay. Ewan ko ba kung bakit ang dami kong naiisip samantalang ang katabi ko sa kama ay sobrang himbing ng pagkakatulog. Sobra siguro siyang napagod sa pag-aasikaso sa akin sa maghapon. Biglang humigpit ang kaniyang pagyakap sa akin at ang kaniyang mukha ay lumapit sa aking dibdib. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang paghinga na tuluyang nagpakalma sa akin. Para bang sa bawat paghinga niya ay tila hinihele ako para makatulog dahil unti-unti akong nakaramdam ng antok.
Kinabukasan nang magising ako ay mukha agad ni Lance ang sumalubong sa akin. Hindi ko alam kung gaano siya kaagang nagising dahil nakasuot na siya ngayon ng uniform dahil tutuparin niya talaga ang pangako niya kay Ate Fritz na papasok sya ngayon. Masaya niya akong binati ng ‘Good Morning’ at ganun din ang aking naging tugon. Nakahanda na sa tabi ko ang aking almusal at bago pa man ako kumain ay tinulungan niya muna akong magmumog. Matapos kong makapagmumog ay kukunin ko sana ang pagkain na nasa tray kaso nagpumilit si Lance na siya pa rin daw ang magpapakain sa akin. Ilang beses kong sinabi sa kaniya na maayos na ang pakiramdam ko at kayang kaya ko nang kumain. Pero masyado siyang makulit hanggang sa napapayag niya ako. Nang isusubo na niya sa akin ang pagkain ay bigla na lang pumasok si Ate Fritz sa loob ng kwarto.
“Gunter umamin ka nga sa akin. Kasali ka ba sa fraternity?” tanong ni ate na tila may inis sa tono ng kaniyang pagtatanong. Umiiling ako bago sumagot.
“Hindi po. Itanong nyo pa kay Lance” tugon ko at tumango naman si Lance bilang pagsang-ayon. Mabilis naman napaniwala si Ate Fritz dahil alam niyang nagsasabi ng totoo si Lance.
“Pwes, umamin ka nga sa akin…” tumingin siya sa akin ng derecho at tila nag-aalangan pa sa kaniyang itatanong hanggang sa banggitin na niya ito.
“Bakla ka ba?” tanong niya na kapwang ikinagulat namin ni Lance.
“Hi-hindi po!” mariin kong pagtanggi.
“Eh anong ibig sabihin nito?” inis niyang tanong habang padabog na inabot sa akin ang findings ng doctor.
“Sabihin mo sakin papano ka nagkaroon ng anal fissure? Kagabi nang dalhin kita sa dito ay napansin kong may dugo ang pants mo at ayun kay doc nagkaroon ka daw ng trauma sa anal mo kaya mataas ang lagnat mo” ramdam ko ang galit sa kaniyang mga salita na nagpatahimik sa akin. Hindi ko magawang depensahan ang aking sarili dahil lahat ng mga sinabi niya ay totoo.
“Ano hindi ka magsasalita? Sabihin mo sa akin kanino ka nakipagsex?” halos maluha ako nang sabihin niya yun dahil ngayon ko lang siyang nakita na magalit nang ganun. Gustuhin ko mang magsalita pero tila walang boses na lumalabas sa aking bibig.
“Sa akin” mahinahong tugon ni Lance. Tumayo siya pero pinigilan ko ang pagtayo niya bilang senyales na wag na siyang magsalita. Takang taka si Ate Fritz habang nakatingin sa kaniya.
“May sinasabi ka Lance?” tanong ni ate na hindi maitago ang galit kahit si Lance ang kausap niya.
“Ako po ang may kagagawan kaya nagkaroon ng trauma si Gunter. Pero nagawa ko po yun dahil mahal ko ang kapatid nyo at handa po akong harapin ang responsibilidad sa ginawa ko sa kaniya” sabi ni Lance habang hawak-hawak ang aking kamay. Marahan niya pa itong inangat para ipakita kay Ate Fritz na seryoso siya sa kaniyang sinasabi.
Sa ngayon ay hindi lubos maipinta ang mukha ni Ate Fritz. Kasalukuyang nakakuyom ang kaniyang mga kamay na pinipigilan ang sarili. Tila isa siyang bulkan na sa ilang saglit lang ay handa nang sumabog. Hindi ko pa nakitang magalit nang ganito si ate kaya naman labis ang takot ko sa mga bagay na magagawa niya at sasabihin nya dahil sa kaniyang nalaman.
Itutuloy…..
A/N: Napaaga ang pag-update ko ngayon dahil maliit ang chance na makapagsulat ako sa Sunday dahil gagawa ako ng armor para sa costume na gagamit namin sa office para sa Halloween event. Jusme ngayon palang napapagod na ako. So ginamit ko ang 1 and half hour ko na break matapos lang isulat to dahil may follow check up ako sa ENT mamaya at pag-uwi ko sa bahay ay hindi ko na magagalaw ang laptop ko. Maraming salamat sa concerns nyo sa health ko and again yung health concern ko ay sa hearing. Sa tenga po yun dahil humihina ang aking pandinig dahil history ko ng infection at tinnitus. So please wag mag-assume na may HIV ako at nagrerecommend na magpatest. Ang OA nyo ah hahahaha.
At sana itigil nyo na ang issue kay Demi at Johan dahil hindi mangyayari na magiging sila dahil magkapatid lang talaga sila. So spoiler dahil ginigigil nyo ako. Darating ang time na marerealize ni Demi na hindi talaga siya inlove sa kuya niya kasi ang magpaparealize sa kaniya ng true love ay ang kapatid ni Scarlet na si Cyan. CyanXDemi, so may separate book sila sa 2020. Bahala na kayo dyan!!!
Thank you as always and don’t forget to
VOTE
!!!!!!!
Chapter 23: Drunken Kiss
Dylan as Lance & Darren as Gunter
Lance’s POV
Habang nasa kusina ako para ihanda ang mga pagkaing binili ko para sa kaniya ay bigla ko na lang narinig ang boses niya na para bang tinatawag ang boses ko. Kumuha kaagad ako ng baso na may lamang maligamgam na tubig at nagbabakasakaling nauuhaw lang siya. Pagkarating ko sa kaniyang kwarto ay naabutan ko siyang umiiyak habang tinatawag ang pangalan ko. Halos matapon ang tubig sa baso na hawak-hawak ko dahil sa pagkataranta ko. Lumapit ako kaagad sa kaniya at hinaplos ang kaniyang mukha.
“Hindi kita iiwan” ang tanging nasabi ko. Pinipilit kong maging mahinahon sa mga sandaling iyon. Pansin ko ay lalong tumataas ang kaniyang lagnat kaya dapat lang ay uminom na siya ng gamot. Mabuti na lang at napatahan ko siya dahil mas makakabuti yun para sa kaniya. Hindi maganda sa kaniya ang umiyak nang husto lalo na’t sobrang taas ng kaniyang lagnat. Nang tumahan naman siya ay inalalayan ko siya para makakain. Sobra ang panghihina niya ngayon kaya ako na mismo ang nagsubo sa kaniya ng mga pagkain. Nakokonsensya tuloy ako kung bakit ko pa minadali ang maangkin siya kahit na alam kong hindi maganda ang pakiramdam niya nang gawin namin yun. Sana nag-antay pa ako para hindi siya nahihirapan kagaya ngayon.
Matapos kumain ay sinigurado kong nainom niya ang mga gamot na kakailanganin niya. Hindi ko siya nagawang sabayan sa pagkain dahil sinigurado ko talagang magiging sapat ang kaniyang kakainin para mabilis siyang gumaling. Nang makaramdam siya ng antok ay nagpasiya siyang matulog habang ako ay nagliligpit ng kaniyang mga pinagkainan. Pagbalik ko sa kwarto ay naabutan ko siyang giniginaw at pagtingin ko sa electric fan ay nakapatay naman ito. Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng kumot para yakapin siya at kahit papano ay maibsan ang panlalamig niya. Tiniis ko ang init at panlalagkit ng aking katawan para lang gumanda ang pakiramdam niya. Muntikan na rin akong makatulog pero nilabanan ko ang aking antok. Nang masigurado kong tulog na siya ay kaagad akong kumuha pa ng kumot para ibalot sa kaniya.
Tumawag ako kay Eisen para humingi ng tulong. Sa lahat ng mga taong kilala ko ay siya lang ang palagi kong naasahan at siguradong bukal sa loob ang pagtulong sa akin. Kinakailangan ko kasi ng gamot para kay Eisen lalong lalo na ang pain killer dahil sa tingin ko ay yun ang pananakit ng kaniyang pwet at balakang ang dahilan kung bakit lumalala ang kaniyang lagnat. Mukhang hindi kasi effective ang ibuprofren sa kaniya at kinakailangan ng gamot na may prescription sa doctor. Isang himala na lang talagang nangyari na nakakuha ng gamot si Eisen at hindi ko na siya tinanong kung papano siya nakakakuha ng mga yun at nagpunta na lang ako sa isang coffee shop kung saan malapit sa school para kunin ang mga yun sa kaniya.
Bago umalis ay sinigurado kong nasa maayos na kalagayan si Gunter. Muli kong hinawakan ang kaniyang ulo para alamin ang init ng kaniyang katawan. Bahagyang bumaba ang kaniyang lagnat pero hindi pa rin ito tanda na bumubuti ang kaniyang lagay. Nang masiguro kong nasa maayos siya na kalagayan ay kaagad akong nagtungo sa coffee shop na hindi kalayuan sa school. Mabilis kong natunton ang lugar na to dahil kahit papano ay napapatambay kaming magtotropa paminsan-minsan dito. Kumaway kaagad sa akin si Eisen nang makita niya ako. Lumapit kaagad ako sa kaniya para kunin ang mga ito.
“Maraming salamat kuya” ang nasabi ko at parehas kaming nagulat sa sinabi ko. Yun ang kauna-unahang tinawag ko siyang kuya dahil madalas ko siyang tinatawag sa kaniyang pangalan. Kaagad naman siyang tumango at ngumiti sa akin. Ako naman ay nahihiya pero ngumiti na rin sa kaniya.
Wala siyang balak na magtagal sa lugar na to kaya sabay na kaming lumabas ng coffee shop. Nagawa pa naming mag-usap sandali. Dapat ay magtutungo siya ngayon sa bahay ng kaniyang kaklase dahil may group project silang gagawin at dinaan niya lang itong mga gamot na to. Hindi ko na siya tinanong kung papano niya nakuha ang mga gamot na to dahil mukhang wala naman siyang balak na pag-usapan ito. Inantay ko siyang makasakay ng taxi bago ako magpasiyang umalis.
Habang kami ay nagkukwentuhan sa pag-aantay ng taxi ay bigla na lang may dalawang lalaking nakasakay ng motor na huminto sa harapan naming dalawa. Nagulat ako nang bumunot ng baril ang isang lalalaking nakaangkas sa likod. Tinutok niya ang baril kay Kuya. Nataranta ako kaya sinipa ko kaagad ang motor at sa lakas ng aking pagkakasipa ay natumba ito kasama nang dalawang sakay na lalaki. Bago pa man matumba ang motor ay nagawang magpaputok ng lalaki ng kaniyang baril. Sa malakas na tunog ng baril ay tila na bingi ako at tila bumagal ang oras sa mga sandaling iyon. Paglingon ko sa aking pinsan ay may tama na siya sa kaniyang kanang braso. Napaupo siya sa habang hawak-hawak ang kaniyang kanang braso kung saan mabilis ang pagdaloy ng dugo mula rito. Gusto ko siyang tulungan pero mas nauna akong tumakbo patungo sa lalaking gustong abutin ang nabitawan niyang baril. Nagawa kong sipain ito palayo sa kaniya habang ang kaniyang kasama ay abalang pinapatakbo ang motor. Nang hindi niya natuloy ang kaniyang balak ay muli siyang umangkas sa kasama niya ngunit nagawa kong hawakan ang kwelyo sa bandang batok ng kaniyang jacket kaya nang patakbuhin ng kaniyang kasamahan ang motor ay nalaglag siya sa sahig.
Mabilis ang pagpapatakbo ng kaniyang kasama at hindi na nilingon pa ang kasamang nalaglag. Sa sobrang galit ko ay pinagsisipa ko siya hanggang sa sumuka siya ng dugo. Mabilis na tumulong ang ilang tambay na nasa paligid sa pagbugbog sa lalaking namaril kay Eisen. Muli kong naalala ang kalagayan ng aking pinsan nang marinig ko ang isang babae na humihingi ng tulong. Kaagad akong nanakbo sa kaniyang kinaroroonan para tulungan siya. Halos ibato ko ang aking cellphone dahil hindi marecognize ng phone ang finger print ko dahil sa dugo na meron sa aking kamay. Mabuti na lang at may taong nakatawag ng ambulansya. Kinuha ko ang panyo mula sa bulsa ng kaniyang pantalon dahil alam kong hindi siya nawawalan ng panyo kapag siya ay umaalis. Ginamit ko ito para maglagay ng pressure para hindi lumakas ang pagdaloy ng dugo.
Bawat sandali ay sobrang halaga dahil maaaring ikamatay ni Eisen ang kapag hindi siya naidala kaagad sa ospital sa dami ng dugo na nawala sa kaniya. Ilang beses ko siyang kinukumbinse na magiging maayos lang ang lahat at parating na ang ambulansya pero sa totoo niyan ay hindi ko rin alam kung kelan ang dating ng ambulansya. At sa pagdating nito ay para bang gusto kong ako na lang ang magpasok kay Eisen sa loob ng ambulansya. Mabilis naman siyang naasikaso at nabigyan ng paunang lunas habang nasa loob kami ng ambulansya. Nang marating namin ang emergency room ay kaagad akong tumawag kay daddy tungkol sa nangyari kay kuya. Makalipas ang dalawampung minuto ay nagdatingan kaagad ang mga pulis para magbantay kay kuya. Habang kinakausao ako ng pulis ay biglang tumawag sa akin si Ate Pritz. Hindi ko sana sasagutin ito pero mukhang importante dahil bihira lang siya tumawag sa akin dahil madalas nagtetext lang ito sa akin.
“La-lance, nasaan ka?” natatarantang tanong ni Ate Pritz nang sagutin ko ang tawag niya.
“Ahh nandito lang po sa may palengke, may binili lang po ako” pagsisinungaling ko dahil ayoko munang ipaalam sa kanila ang nangyari sa pinsan ko.
“Ahh ganun ba. Si Gunter kasi mataas ang lagnat kaya papunta kami ngayon ng hospital” halata sa boses niya ang labis na pag-aalala.
“Sige po ate susunod po ako” ang tanging naging tugon ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin sa mga sandaling iyon. Bago niya itigil ang tawag ay nagawa niyang sabihin sa akin kung saang ospital niya isusugod si Gunter. Mabuti at nasa iisang ospital lang sila kaya hindi ako mahihirapang puntahan siya kapag nasiguro kong maayos na ang kalagayan ni kuya.
Napamura ako sa aking isipan dahil bakit ba nangyari itong mga bagay na to sa loob ng iisang araw. Naiwan ko si Gunter sa kanilang bahay na mataas ang lagnat habang ang aking pinsan naman ay may tama ng baril. Hindi ko rin magawang iwanan si Eisen dahil kinakailangan niya ako ngayon. Pinagdasal ko na lang na sana’y hindi na lumala pa ang sakit ni Gunter.
Ilang oras akong nag-antay sa operating room para masiguro ang kalagayan ni kuya. Pagkalabas ng doctor ay kaagad kong kinamusta ang kalagayan niya. Ayun sa doctor ay stable na ang kalagayan ni kuya at nagawa nang kunin ang bala mula sa kaniyang braso. Nagawa na ring masalinan siya ng dugo kaya nasa mabuting kalagayan na siya. Kinakailangan niya lang magpahinga ng mabuti para mabilis ang kaniyang paggaling. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa nabalitaan ko. Ako ang naatasang magbantay kay Kuya habang nasa business trip si daddy. Hindi siya kaagad makakabalik at inaasahan ko rin namang hindi siya kaagad babalik dahil kahit ako ang nasa kalagayan ni Kuya ay hindi rin naman niya gugustuhing bumalik kaagad dahil mas importante sa kaniya ang negosyo niya.
Nagpasiya akong umuwi muna sa bahay para makaligo at makapagbihis. May mga bakas kasi ng dugo at putik ang aking damit kaya kailangan kong makapagpalit ng hindi maghinala sa akin si Gunter at Ate Pritz. Alam kong magtataka pa rin si Gunter pagdating ko dun dahil sa tagal ng pagpunta ko pero wala akong magagawa kundi ang humingi na lang ng tawad sa kaniya. Wala pa akong balak na sabihin sa kaniya ang mga nangyari kanina para hindi narin siya masyadong mag-alala.
Pagkarating ko sa ospital ay sumaglit muna ako kay kuya para kamustahin ang kalagayan niya. Ayun sa kasambahay namin na nagbantay ay wala pa ring malay si kuya. Pagkalabas ko ng kwarto niya ay sinabihan ko ang mga gwardiya na higpitan pa lalo ang pagbabantay dahil maaaring balikan siya ng kasamahan ng bumaril sa kaniya. Nakausap ko kanina ang isang hepe na umaasikaso sa kaso ng pinsan ko. Kasalukuyang nakakulong ang lalaking bumaril kay Eisen. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagsasalita ayon sa kasabwat niya at kung sino ang nag-utos sa kaniya na gawin ang bagay na yun.
Nang masiguro ko na nasa maayos na ang lahat ay kaagad akong nagtungo sa kwarto kung nasaan naka confine si Gunter. Pagkarating ko sa tapat ng pinto ng kwarto ay tila dinaga pa ako dahil hindi ko alam kung papano ko haharapin si Gunter matapos ko siyang iwanan na nasa malubhang kalagayan. Nang marinig ko ang boses niya habang binabanggit ang pangalan ko ay tila nawala lahat ang pangamba ko dahil alam kung sa sandaling iyon ay nasa mabuti na siyang kalagayan. Unti-unti kong binuksan ang pinto hanggang sa makita ko ang mukha niya na masayang kausap si Ate Pritz.
“Speaking of the devil” sambit ni Gunter at biglang nabawi ang kaniyang mga ngiti.
“Oh Lance saang ospital ka ba nagpunta at bakit ngayon ka lang nakarating?” dugtong naman ni Ate Pritz.
“Ahh..ehh pasensya na po may emergency kasing nangyari” tugon ko kay Ate Pritz habang magkadikit ang mga palad bilang paghingi ng tawad.
“Anong klase namang emergency yan?” tanong ni Gunter habang nakakunot ang noo. Tanging pagngiti na lang ang naisagot ko habang patuloy na humihingi ng tawad. Mabuti na lang at hindi na ako inusisa pa ni Ate Pritz dahil wala naman akong balak na sabihin sa kaniya at saka ayoko ring magsinungaling sa kaniya.
“Ohh siya..Ikaw muna ang bahala sa kapatid ko dahil may aasikasuhin lang ako sa lab results ni Gunter” sabi ni Ate Pritz habang nililigpit ang pinagkainan ni Gunter.
“Huwag po kayong mag-alala nasa magandang kalagayan po siya” tugon ko pero na kay Gunter ang atensyon ko. Halata sa mukha niya ang pagkabigla at kapansin pansin din ang kaniyang pagpigil ng pagngiti. Bumaling ang pagtingin ko kay Ate Pritz na kasalukuyang nakatingin sa aming dalawa. Ngumiti siya habang napapailing. Hindi ko alam kung napapansin na ba ni Ate Pritz ang pagbabago sa relasyon naming dalawa. Darating din ang araw na sasabihin ko sa kaniya kung gaano kamahal ang kaniyang kapatid. Pagkalabas ni Ate Pritz ay tinangka ko kaagad na halikan ang labi ni Gunter pero bigla na lang niya itong iniwas.
“Hindi pa ako nagtotooth brush” reklamo niya sabay takip sa kaniyang bibig.
“Eh ano naman?” sabi ko sa kaniya at siya naman ay tumingin ng seryoso sa akin. Hindi ko napigilan ang pagngiti nang hawakan niya ang aking pisngi. Alam kong hinding hindi niya ako matatanggihan sa mga bagay na gusto ko kaya naman alam kong mapagbibigyan niya ako. Pinikit ko pa ang aking mata para lang maramdaman nang husto ang kaniyang paghalik. Ngunit ng malapit nang magdikit ang aming mga labi ay bigla na lang niya akong binugahan ng kaniyang hininga. Saktong sakto sa aking ilong ang pagbuga niya. Napaatras ako sa kaniya habang hawak-hawak ko ang aking ilong. Totoo ngang kasalukuyang mabaho ang kaniyang hininga dahil alam kong kanina pa siya hindi makapagtooth brush dahil sa sama ng kaniyang nararamdaman.
Habang nakakunot ang aking noo at ang aking kamay ay nakatakip sa aking ilong ay siya namang pagtawa niya na tila walang katapusan. Kanina lang ay halos putlang putla ang kaniyang mukha dahil sa iniindang sakit at ngayon ay pulang pula sa sobrang pagtawa. Sa sandaling ito ay para bang nawala lahat ng mga iniinda niyang sakit. Hindi ko napigilan ang aking sarili na halikan siya sa sobrang saya na aking nadarama. Hindi siya naging handa sa aking ginawa kaya naman nagawa niya akong itulak nang maglapat ang aming mga labi.
“Bat mo ako hinalikan?” sabi niya sabay punas sa kaniyang labi.
“Bakit hindi?” mabilis kong tugon.
“Hindi ka ba nandidiri? Hindi pa nga ako nakakapagtooth brush di ba at saka ikaw tong nagsabi na” hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil muli ko siyang hinalikan. Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay para pigilan siya sa pagtulak sa akin. Noong una ay nagpupumiglas pa siya pero nang magtagal ay hinayaan niya rin akong angkinin ang kaniyang labi.
“Hinding hindi ako mandidiri sayo kahit isang linggo ka pang hindi magtoothbrush” sabi ko at siya naman ay hindi na nagsalita. Kanina lang ang mukha niya ay pulang pula sa kakatawa pero ngayon ay malamang iba na ang dahilan ng pamumula nito.
Masaya kaming nag-usap habang wala pa si Ate Pritz. Mas nakabuti talaga kay Gunter ang pagpunta sa ospital dahil kapansin-pansin ang panunumbalik ng kaniyang lakas. Hindi na rin siya masyadong nagrereklamo na masakit ang kaniyang balakang at pwet. Marahil nabigyan siya ng mataas na dosage ng pain killer kaya hindi na niya masyadong dama ang sakit. Madalas kaming gumagawa ng sarili naming mundo sa tuwing kami ay magkasama. Hindi namin namamalayan ang oras na lumilipas. Natigil lang ang aming masayang kwentuhan nang dumating si Ate Pritz at sabihing kailangan ko na daw umuwi dahil tapos na ang oras ng pagbisita.
“Dito na lang po ako matutulog at ako na lang po ang magbabantay kay Gunter” pagkumbinse ko kay Ate Pritz.
“Hindi pupwede Lance. Kailangan mong pumasok bukas sa school. Hindi pwedeng umabsent ka dahilkay Gunter. Nag-inform na ako sa manager namin na maglileave muna ako para bantayan si Gunter” sagot ni Ate Pritz pero nagpumilit pa din ako na magbantay kay Gunter.
“Promise po maaga akong gigising para makapasok kinabukasan” pagpupumilit ko at napailing na lang siya habang nakangiti. Alam kong tanda na yun ng kaniyang pagsang-ayon.
“O sige basta siguraduhin mong papasok ka haa..kundi ako malalagot sa daddy mo” ngumiti ako at sumaludo sa kaniya bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. Habang nag-aayos ng gamit si Ate Pritz ay binalik ko ang aking atensyon kay Gunter. Ngumiti ako sa kaniya dahil natutuwa akong muli kaming magtatabi sa pagtulog. Alam kong kagabi lang ay magkasama kami sa iisang kama pero para bang hinahanap hanap pa rin ng katawan ko ang makasama siya sa tuwing ipipikit ko ang aking mata. Bigla naman niya akong tinitigan nang masama na para bang inaakusahan niya akong may balak akong gawing masama sa kaniya. Pwes nagkakamali siya dun dahil wala pa akong balak sa kaniya, sa ngayon.
Naging maingat ako sa pagtabi sa kaniya sa oras ng aming pagtulog. Kahit di man niya aminin ay alam kong may iniinda pa rin siyang sakit. Kaya maging sa pagyakap sa kaniya ay naging maingat ako. Ayoko nang nakikita siyang nahihirapan. Lalong bumibigat ang loob ko sa tuwing nakikita siyang nasasaktan. Nagkunwari akong tulog para hindi na niya ako kausapin. Ramdam ko kasing gising pa siya pero mas pinili kong magpanggap para mabilis siyang antukin. Kinakailangan niyang magkaroon ng pahinga para mas mapabilis ang kaniyang paggaling. Madaling araw na siguro ako nakaramdam ng antok at bago ko ipikit ang aking mata ay muli kong tiningnan ang kaniyang mukha at sinuguradong mahimbing na ang kaniyang pagtulog.
Maaga akong nagising hindi dahil sa kinakailangan kong bumangon ng maaga. Sa katunayan ay maya-maya akong nagigising sa tuwing naririnig kong nagsasalita si Gunter na para bang binabangungot. Hindi rin mawala sa isipan ko ang kalagayan ng aking pinsan. Alam kong nasa mabuti na siyang kalagayan pero nag-aalala pa rin ako na baka balikan siya ng taong nagpabaril sa kaniya. Buong ingat akong kumilos upang makatayo mula sa kama na hindi naaantala ang pagtulog ni Gunter. Bago ko lisanin ang kaniyang kwarto ay hinalikan ko muna ang kaniyang noo bago magpaalam.
Nagtungo ako sa kwarto ni kuya para kamustahin ang kaniyang kalagayan. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Sabi daw ng doctor ay normal lang yun dahil maraming nawala sa kaniyang dugo kaya bumabawi ang kaniyang katawan. Alerto naman ang mga pulis na nagbabantay sa kaniya sa labas ng kwarto at hindi rin nakakaligtaan ng aming kasambahay na alagaan siya. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kaniya dahil kaming dalawa na lang ni daddy ang natitira niyang pamilya pero wala kami sa kaniyang tabi sa mga sandaling ito.
“Babawi ako sayo kuya, pangako yan” sabi ko habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha. Alam kong marami na siyang pinagdaanan kaya sisiguraduhin kong pagbumuti na ang kaniyang kalagayan ay sisiguraduhin kong siya naman ang pasisiyahin ko dahil alam kong deserve niya yun.
Muli akong bumalik sa bahay para makaligo at makapagsuot ng uniform para sa pagising ni Gunter ay hindi na ako mahihirapang magbihis at maisasakatuparan ko rin ang pangako ko kay Ate Pritz. Kung ako lang ang masusunod ay hindi talaga ako papasok ngayong araw dahil mas pipiliin kong samahan si Gunter at si Kuya dito sa ospital. Kaso hindi ko pwedeng ilagay sa alanganin si Ate Pritz kaya kinakailangan kong pumasok.
Nagpang-abot pa kami ni Ate Pritz nang bumalik ako sa ospital. Masaya siyang bumati sa akin dahil tinupad ko raw ang pangako ko at ang aga ko pa raw nagising. Wala siyang kaalam-alam na wala pa akong masyadong tulog kaya malamang matutulog lang ako sa klase mamaya. Nagpresenta akong magbitbit ng mga dala niyang gamit na mukhang mga damit ni Gunter, mga prutas at pagkain. Pagpasok namin sa loob ng kwarto ni Gunter ay naabutan namin siyang mahimbing pa rin ang kaniyang pagtulog. Naging maingat kami sa pagkilos para hindi maisturbo ang kaniyang pagpapahinga. Matapos maayos ni Ate Pritz ang lahat ay nagpaalam din siya kaagad para alamin ang mga results sa test ni Gunter.
Pagkaalis ni Ate Pritz ay kaagad kong inasikaso ang almusal ni Gunter. Alam kong magigising siya kapag nakaamoy siya ng pagkain. Hinanda ko na rin ang baso at tabo na gagamitin niya kapag nagmumog siya. Nang masigurado kong nakahanda na ang lahat ay kaagad akong pumuwesto malapit sa kaniya. Masayang pinagmasdan ang kaniyang mukha habang sya ay natutulog. May mga pagkakataong napapatingin ako sa kaniyang labi at sa tuwing mapapatitig ako dun ay kakaibang sensasyon ang aking nararamdaman. Napapahawak ako nang mahigpit sa kama habang pinipigilan ko ang aking sarili. Nang subukan ko siyang halikan ay bigla na lang dumilat ang kaniyang mga mata.
“Good morning” sabi ko habang nakangiti at pilit na tinatago sa kaniya ang aking pagkagulat. Ganun din ang kaniyang naging tugon at unti unting ngumiti sa akin.
Inalalayan ko siyang maupo para makakain na siya ng almusal pero bago yun ay inabot ko sa kaniya ang baso ng tubig na may halong asin para gamiting pangmumog. Alam ko kasing magrereklamo siya sa magiging panlasa niya kapag mouth wash ang ipapagamit ko sa kaniya. Matapos niyang makapagmumog ay kaagad niya itong dinura sa tabong hawak-hawak ko. Ngumiti siya sa akin at nagpasalamat. Marahan ko namang hinawi ang kaniyang buhok na tumatama na sa kaniyang mata at nagawang hawakan ang kaniyang noo para alamin kung bumaba na baa ng kaniyang lagnat. Mukhang wala na siyang lagnat dahil mukhang normal na ang kaniyang temperature. Sunod kong inalalayan siya para makakain. Nagpumilit pa ako na ako ang magsubo sa kaniya at noong una pa ay ayaw niyang pumayag pero mas naging mapilit ako kaya ako wala siyang nagawa kundi pumayag sa aking gusto. Habang masaya ko siyang sinusubuan ay bigla na lang pumasok si Ate Pritz.
“Gunter umamin ka nga sa akin. Kasali ka ba sa fraternity?” biglang tanong ni Ate Pritz kay Gunter. Napatingin naman ako kay Gunter dahil alam kong malabo sumali siya sa ganun.
“Hindi po. Itanong nyo pa kay Lance” ang naging sagot ni Gunter at mabilis akong tumango bilang pagsang-ayon.
“Pwes, umamin ka nga sa akin…” tumingin siya kay Gunter na para bang may gusto siyang sabihin pero nag-aalinlangan siyang itanong ito.
“Bakla ka ba?” hindi ko inaasahan na itatanong ni Ate Pritz yun kaya kapwa kaming nagulat ni Gunter.
“Hi-hindi po!” pagtanggi ni Gunter at ako naman ay napaisip bigla kung bakit naitatanong ito ni Ate Pritz.
“Eh anong ibig sabihin nito?” ngayon ko pa lang nakitang mainis nang ganito si Ate Pritz na halos ibato niya ang mga papel sa mukha ni Gunter nang iabot niya ang mga to.
“Sabihin mo sakin papano ka nagkaroon ng anal fissure? Kagabi nang dalhin kita sa dito ay napansin kong may dugo ang pants mo at ayun kay doc nagkaroon ka daw ng trauma sa anal mo kaya mataas ang lagnat mo” sa pagkakataong iyon ay tila tumigil ang sandali na para bang kapwa kaming napahinto ni Gunter. Hindi niya alam ang sasabihin niya sa kaniyang ate at ako naman ay nagdadalawang isip kung magsasalita ba ako dahil maaaring hindi niya magustuhan ang sasabihin ko.
“Ano hindi ka magsasalita? Sabihin mo sa akin kanino ka nakipagsex?” halos sumigaw na si Ate Pritz sa sandaling yun at kitang kita ko sa mukha ni Gunter na nagpipigil na wag maiyak. Hindi ko matiis na makita siyang ganun kaya naman hindi ko na napigilan ang aking sarili na magsalita.
“Sa akin” ang naging sagot ko. Pilit kong kinakalma ang aking sarili dahil ayokong mabastos si Ate Pritz dahil mataas ang paggalang ko sa kaniya dahil siya na lang kinikilalang pamilya ng taong mahal ko.
“May sinasabi ka Lance?” tanong ni ate sa akin at ramdam ko ang galit niya habang kausap niya ako.
“Ako po ang may kagagawan kaya nagkaroon ng trauma si Gunter. Pero nagawa ko po yun dahil mahal ko ang kapatid nyo at handa po akong harapin ang responsibilidad sa ginawa ko sa kaniya” sagot ko at hinawakan ko ang kamay ni Gunter at dahan-dahan kong inangat ito para ipaalam sa kaniya na seryoso ako sa aking sinasabi.
Kitang kita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamay na para bang nagpipigil ng husto sa kaniyang saloobin. Kahit na saktan pa niya ako ay hindi ako bibitaw sa pagkakahawak sa kamay ng kaniyang kapatid. Alam kong labis ang takot ni Gunter sa sandaling iyon pero pinapalakas ko ang kaniyang loob sa pamamagitan ng paghawak ng mahigpit sa kaniyang kamay. Ilang sandaling natahimik si Ate Pritz habang nakatingin sa aming dalawa. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon pero duda ako na nagugustuhan niya ang nakikita niya ngayon.
“Kailan pa?” bigla niyang tanong na bumasag sa katahimikan namin.
Si Gunter sana ang sasagot pero inunahan ko na siya at sinagot ko ang tanong ni Ate Pritz. Sinimulan ko sa umpisa kung papano ko binully dati si Gunter. Kung papano ko siya pinahirapan sa school hanggang sa lumalim ang aming samahan. Nang mas naging malapit kami sa isa’t isa ay mas lalong nahulog ang loob ko sa kaniya. Pinaliwanag ko sa kaniya na hindi biglaan ang pagkakagusto ko sa kapatid niya dahil alam ko sa sarili ko na kailaman ay hindi ako nagkagusto sa kapwa ko maliban na lang kay Gunter.
Habang ako ay nagpapaliwang sa kaniya ay tila naging mahinahon siya kaya pinagpatuloy ko ang pagkwento. Hindi ko na rin nilihim sa kaniya ang bagay na naging dahilan kung bakit nasa ospital ngayon si Gunter dahil alam kong nais niyang marinig ang aking paliwanag kaya ginawa ko. Halos hindi naman makatingin si Gunter sa kaniyang ate habang ako ay nagkukwento dahil alam kong nahihiya siya sa sandaling iyon. Inantay kong sumagot si Ate Pritz pero walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Tila nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Binalewala niya ang mga sinabi ko na para bang hindi niya narinig ang mga iyon. Maging sa pag-alis ko sa ospital ay hindi na niya ako kinausap.
Ang buong akala ko ay makakatulog ako sa klase pero hindi ko magawang makatulog sa kakaisip. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Ate Pritz sa relasyon naming dalawa ni Gunter. Ayokong isipin na siya ang magiging hadlang sa aming relasyon dahil alam kong mahihirapan si Gunter kapag ganun ang nangyari kaya naman kailangan kong gawin ang lahat para lang makumbinse siya at hayaan kami ni Gunter na maging masaya. Binalak kong magpunta kaagad sa ospital pero nakausap ko sa cellphone si Gunter at nakikiusap na huwag daw muna akong magpapakita dahil kinakailangang mapakalma muna namin ang sitwasyon. Tutol man ako sa ideyang yun pero labis ang pakikiusap sa kin ni Gunter na ito daw ang mas makakabuti dahil iba raw magalit si Ate Pritz.
Sa mga sumunod na araw ay nalaman ko na lang na sa susunod na linggo pa daw makakabalik sa klase si Gunter. Kinakailangan niya pa rind aw magpahinga ng husto yun ay ayun sa doctor. Maging sa pagdalaw sa kanilang bahay ay pinipigilan ako ni Gunter. Sobrang akong naiinis sa sitwasyon ito dahil hindi talaga ako mapalagay kapag matagal na hindi ko siya nakikita. Hanggang sa pagtawag at video calls na lang ang naging pag-uusap namin ni Gunter. Kapansin pansin naman sa kaniya na bumubuti na ang kaniyang kalagayan. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na manggigil sa kaniya sa tuwing siya ay tumatawa sa mga hirit ko. Sa sobrang cute niya ay para bang gusto ko siyang paulanan ng halik sa kaniyang mukha at labi pero hindi ko magawa dahil hindi pa rin kami pwedeng magkita.
Sa mga araw na hindi kami nagkikita ni Gunter ay tanging bahay, school at ospital lang ang aking pinupuntahan. Masaya ako na nagkamalay na si kuya at unti-unting bumubuti ang kaniyang kalagayan. Sa tuwing dinadalaw ko siya ay tila ba mas nagiging malapit kami sa isa’t isa. Lalong lalo na nang makwento ko ang tungkol sa amin ni Gunter. Nakapagbigay naman siya sa akin ng payo dahil may karanasan na siya sa ganong klase ng relasyon. Pero kapag tinatanong ko siya tungkol sa taong pinakamamahal niya ay bigla na lang niyang binabago ang usapan. Siguro mahal niya pa rin ito at hindi pa rin siya nakakamove-on kaya lagi niyang iniiwasang mapag-usapan ito. Sa araw-araw na pagdalaw ko sa kaniya ay pinadama ko sa kaniya na may kakampi at pamilya syang kaagapay sa sandali ng kaniyang pangangailangan.
Sumapit ang linggo at hindi pa rin ako mapakali sa bahay. Sobra sobra na ang pagpipigil ko sa sarili ko. Sa bawat sandali na magkausap kami sa cellphone ni Gunter ay lalo ko lang siyang namimiss ng husto. Hindi ako nagsabi kay Gunter na pupunta ako sa kanila dahil alam kong makikiusap lang siya na wag ko nang ituloy. Hapon akong pumunta dahil alam kong ganong oras namamalengke si Ate Pritz. Gustong gusto kong masilayan ang mukha ni Gunter kahit sandali man lang. Mahawakan ang kaniyang kamay, mayakap siya at mahalikan ang kaniyang labi para lang maipadama ko sa kaniya kung gaano ko siya namimiss at hindi ko na maantay ang kinabukasan para lang magkita kami sa school. Marahan kong binuksan ang pinto ng kanilang bahay nang makapasok ako sa gate. Pagsilip ko sa loob ay wala akong makitang tao sa sala. Tama nga ang hinala ko na wala si Ate Pritz ngayon kaya dahan-dahan akong nagtungo sa kwarto ni Lance para puntahan siya. Marahil naglalaro yun ngayon o kaya naman ay natutulog. Hindi na kasi siya nakapagreply sa text ko kanina. Pagbukas ko ng pinto ng kaniyang kwarto ay wala siya roon at halos tumalon ang puso ko sa gulat nang marinig ko ang boses ni Ate Pritz mula sa likuran ko.
“Wala diyan si Gunter” rinig kong sabi niya. Marahan ko siyang hinarap habang pinipilit ko ang pagngiti.
“Ganun po ba, nasan po pala siya?” nahihiya kong tanong na para bang ito ang una naming pagkikita.
“Nagsimba at namalengke” mabilis niyang tugon at seryosong seryoso ang mukha niya.
“Ahh ganun po ba sige po” tumango ako at marahang naglakad patungo sa pinto ng bahay para sana lumabas pero bago pa man ako makalabas ay muli siyang nagsalita.
“Hindi ka pa pwedeng umalis!” sabi niya at napalingon ako sa kaniya.
“Maupo ka dyan at mag-uusap tayo” utos niya sa akin habang tinuturo ang couch. Alam kong darating kami sa pagkakataong ito pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa sandaling ito. Kakaiba kasi ang dating sa akin ngayon ni Ate Pritz. Tila ba isang pagkakamali ko lang na magawa ay hindi na ako makakalabas ng buhay dito sa kanilang bahay. Habang nag-iisip ako ng mga bagay na isasagot sa mga magiging tanong niya sa akin ay nagulat na lang ako nang maglapag siya ng anim na bote ng red horse.
“Tig tatlo tayo!” sabi niya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin sa sandaling iyon dahil ngayon ko pa lang makikitang uminom si Ate Pritz. Kahit may pag-aalinlangan ay kinuha ko pa rin ang tatlo at sinimulang uminom nang sabihan niya ako. Tahimik lang ako habang iniinom ang alak dahil inaantay ko siyang magsalita. Dahil ayun sa kaniya ay mag-uusap kaming dalawa. Nakakadalawang bote na kaming dalawa pero wala pa ring nagsisimula ng kwentuhan at nang magsasalita na sana ako ay bigla na lang siyang tumayo at sa kaniyang pagbalik ay may apat na bote ng redhorse siyang dala at binigay sa akin ang dalawa.
Pangiti-ngiti na lang ako sa tuwing magtatagpo ang aming paningin dahil tila nakalimutan ko na ang dapat kong sabihin sa kaniya. Wala akong ideya na ganito pala siya kalakas uminom. Kahit kelan ay hindi ko naisip na umiinom ng ganito si Ate Pritz. Sa kadalasan kong pagpunta dito sa kanilang bahay ay madalas kong nakikitang ininom niya ay kung ano anong tea habang nanonood ng mga favorite niyang Korean drama. Ngayon ay magkasama kaming dalawa na nag-iinom dito sa kanilang sala at hanggang nagyon ay wala pa ring nagsasalita.
“Tama na po yan ate” ang nasabi ko nang mapansin kong tumatagas na kaniyang bibig ang kaniyang iniinom. Nakaka-apat na bote na siya ng red horse at pulang pula na ng kaniyang mukha. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik si Gunter kaya ako ang responsable sa kahahantungan ni Ate Pritz ngayon. Mabilis niyang kinabig ang kamay ko ng pigilan ko siya sa pag-inom.
“Alam mo ikaw…ikaw na lalaki ka!” sabi niya habang nakasandal ang ulo sa couch at yakap-kayap ang bote ng beer.
“Po?” ang tanging tugon ko habang inaantay ang kaniyang sasabihin.
“Sobrang gwapo mo eh tapos ang bait mo pa kapatid ko… ang buong akala ko ay makakahanap na ng mabuting kaibigan dito si Gunter. Kaso…” bigla siyang tumigil at muling lumagok ng beer.
“Alam kong malulungkot sya kapag nalayo siya kina Andrew at Kei pero naging masaya ako nang makilala ka niya kaso..kaso hindi ko inaasahan na ikaw mismo ang titira sa kapatid ko!” kasalukuyan akong lumalagok ng beer nang sabihin niya yun. Bigla kong nabuga ang iniinom ko dahil sa kaniyang sinabi.
“Tinira mo siya kung kelan masama ang pakiramdam niya at pinapunta mo pa talaga siya sa bahay nyo para gawin lang yun?” sabi niya sa akin na para bang pikon na pikon.
“Ate magpapaliwanag po ako” pero pinigilan niya ako sa pagsalita nang ilapat niya ang daliri niya sa aking labi para tumahimik ako.
“Shhhhsshh… wala kang karapatang magsalit, ako lang dapat okay?” sabi niya at tumango lang ako dahil nakalapat pa rin sa aking bibig ang kaniyang daliri na nangangamoy alak na rin.
“Matapos niyang magkasakit dahil sa ginawa mo ay bigla mo na lang siyang iiwan sa bahay na masama ang pakiramdam?” sa pagkakataong iyon ay bigla na lang umagos ang luha sa kaniyang mga mata. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kalala ang nagawa ko sa kaniyang kapatid. Kahit na maganda ang intensyon ko sa pag-alis ko ay hindi ko dapat basta-basta iniwan si Gunter na mag-isa. Kinuha ko ang panyo mula sa aking bulsa at binigay ito sa kaniya para ipunas sa mga luha niya.
“Wala akong pagtutol sa kung ano man ang relasyon na meron kayo pero nakikiusap ako sayo Lance, sana naman ingatan mo ang kapatid ko dahil siya na lang ang natitirang pamilya ko” lalo siya naging emosyonal kaya lumapit na ako sa kaniya para amuhin siya. Sumandal siya sa aking balikat habang umaiiyak.
“Pangako po hinding hindi ko pababayaan ang iyong kapatid” sabi ko habang patuloy siya sa kaniyang pag-iyak. Kahit siguro hindi niya pinapakita sa amin ay labis-labis siguro ang pag-aalala niya nang maospital si Gunter.
“Siguraduhin mo lang dahil kahit anak ka pa ng boss ko ay bubugbugin talaga kita kapag may nangyaring masama ulit sa kapatid ko” sabi niya at hindi ko naman mapigilang matawa. Hinayaan ko siyang sumandal sa akin habang patuloy ang pagpunas niya sa kaniyang luha. May bagay pa siyang pinagsasabi na hindi ko masyadong maintindihan dahil tila nabubulol na siya sa sobrang kalasingan. Ilang sandali pa ay bigla na lang nagbukas ang pinto at pumasok si Gunter. Naabutan niyang nakasandal sa akin si Ate Pritz na mahimbing na natutulog. Tumingin siya sa akin ng masama at tila nagtatanong kung bakit ako nandito sa kanila.
Nang mailapag niya ang kaniyang pinamili sa palengke ay kaagad nyang inalalayan si Ate Pritz papasok sa kawarto nito. Tutulong sana ako kaso tiningnan niya ako ng masama kaya hindi na ako nagpumilit. Pagkabalik niya sa akin ay katakot-takot na sermon kaagad ang inabot ko. Malaki ang pagkakapareha nila ng ate niya dahil nakakakot silang magalit. Pero sa sandaling iyon ay mas nanaig ang kasiyahan sa aking dibdib dahil sa wakas ay nakita ko na siyang muli. Habang pinapagilatan niya ako ay hindi ko mapigilang mapangiti. Napapaisip kasi ako na kung magsasama kami ni Gunter sa iisang bahay ay malamang ganito ang aabutin ko sa tuwing uuwi ako ng lasing sa bahay namin. Para akong asawa niya na pinapagalitan dahil umuwi ng hating gabi at lasing. Hindi ko na napigilan ang aking sarili ko kaya kahit nahihilo ako ay tumayo ako para lang mayakap siya ngunit nilayo niya ang sarili niya sa akin.
“Ayoko, lasing ka. Tatawag na akong ng taxi para makauwi ka” sabi niya sa akin. Biglang nawala ang mga ngiti sa aking labi dahil sa kaniyang sinabi. Muli niya akong pinaupo habang kinakalkal niya ang phone niya. Sabi niya ay tatawagan niya lang daw ang taxi driver na kakilala niya para maihatid ako sa amin. Hindi na ako nangulit pa at hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang mangyari. Lumabas pa siya ng bahay para masigurado na mahanap kaagad ang driver dahil malapit lang daw ito sa kanila. Day-off daw nito tuwing linggo pero tumatanggap ng pasahero sa mga kapit bahay nila kapag kinakailangan. Sa kaniyang pagbabalik ay sinabi niyang nasa labas na daw ang driver at inaantay ako.
“Gon kahit yakap lang ohhh…miss na miss na kita eh” sabi ko nang akayin niya ako. Bago pa man kami makalabas ay tumigil siya sa paglalakad. Humarap siya sa akin at ginawa ang hiling ko. Labis-labis ang pagkasabik ko sa kaniya kaya naman di ko napigilan ang aking sarili na higpitan ang pagkakayakap sa kaniya habang inaamoy ang kaniyang leeg. Sobrang bilis lang ng pangyayari at kumalas din siya sa pagkakayakap niya sa akin. Sobra akong nabitin pero hindi ako umangal pero ang kinagulat ko ay ang biglag paghalik niya sa aking labi. Hindi maipaliwanag ang saya na aking nadarama kaya habang magkadikit ang aming mga labi ay bahagyang nakangiti ako.
“Ngayon lang to at hindi na mauulit. Hinding hindi ako nakikipaghalikan sa amoy alak dahil nasusuka ako sa amoy nito sa ibang tao” sabi niya sa akin nang tumigil siya sa paghalik sa akin.
“Yes babe, tatandaan ko yan!” masaya kong sabi habang nakasaludo. Ang kaniyang mukha naman ay hindi maipinta matapos kong sabihin yun.
“Napakabaduy mo!” tugon niya at ako naman ay natawa. Sa kakatawa ko ay muntikan pa akong matumba. Nagawa niya akong alalayan bago ako matumba at ako’y inakay niya hanggang sa makapasok ako sa loob ng taxi.
Hindi ko alam kung saan ako nalasing sa alak ba o sa pag-ibig. Sobrang saya ko kasi ngayon na halos hindi na maalis sa aking labi ang pagngiti. Masaya akong malaman na hindi tutol si Ate Pritz sa aming pagmamahalan. Naparami nga rin siguro ang pag-inom ko dahil sinalo ko ang ibang bote ni Ate Pritz para hindi na siya uminom pa. Kahit na kakakita lang namin kanina ay excited akong pumasok bukas para muling makita si Gunter.
Kinabukasan ay nahuli akong nagising dahil sa himbing ng pagkakatulog ko. Nagmadali kaagad akong nagtungo sa shower para kahit papano ay mahimasmasan ako dahil may hang-over pa rin ako. Hindi rin ako nagtagal dahil kailagan kong umabot sa klase. Matapos kong maligo at nagmamadali akong magbihis para makapasok sa school. Nagpahatid na ako sa aming driver dahil medyo nahihilo pa rin ako kaya hindi ako pwedeng magmaneho.
5 minutes akong late nang pumasok ako sa gate. Mabilis kong tinakbo ang classroom namin para makahabol sa klase. Habang tumatakbo ako ay bigla kong naisip kung bakit ko ginagawa to. Dati ay kahit ilang minuto pa akong late ay naglalakad pa rin ako patungo sa aming classroom at minsan pa nga ay mag-aayos pa ako sa banyo kahit na late na ako. Ibang iba ngayon dahil wala na akong pakialam kung anong hitsura ko basta makaabot ako sa klase.
“Present!” halos pasigaw kong sabi ng marinig ko ang pangalan ko. Sakto ang pagpasok ko sa classroom sa pagkakatawag sa pangalan ko.
“Owww.. mukhang kakagising mo lang ata Mr. Fuentes?” tanong ng Adviser namin at nagtawanan ang mga kaklase ko. Saka ko lang napansin na ang gulo gulo pala ng buhok ko at nakabukas pa ang tatlonf butones ng polo ko. Natawa na rin ako habang naglalakad patungo sa aking upuan. Pagkaupo ko ay ang masamang tingin agad ni Gunter ang sumalubong sa akin. Pinagdikit ko kaagad ang aking mga palad na bilang tanda ng paghingi ko ng tawad sa kaniya habang tumatango.
Tila nagbalik ang lahat sa dati. Nariyan pa rin ang mga taong pilit na nakikiusisa sa totoong relasyon namin ni Gunter. Gustong gusto kong sabihin sak kanila pero pinipigilan ako ng Gunter kaya naman ngumingiti na lang ako ng makahulugan sa tuwing tatanungin nila ako sa bagay na yun. Ang araw na to ay para bang date namin ni Gunter dahil hindi ako makapagfocus sa klase at napapadalas ang pagtingin ko sa kaniyang mukha.
“Nasa mukha ba ni Mr. Dela Paz ang topic natin Mr. Fuentes? Kanina ka pa nakatingin sa kaniya imbes na makinig ka sa tinuturo ko eh!” reklamo ng history teacher namin at bigla naman kami naging tampulan ng tukso sa klase. Hindi nagsalita si Gunter pero halata ang pamumula ng kaniyang tenga habang ako naman ay umiiling lang at tumatawa.
Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko kaya napapadalas talaga ang pagtingin ko sa kaniya. Kaya naman nang sumapit ang lunch break ay halos hindi na ako malayo sa kaniya at maging sa paglalakad namin sa hallway pauwi ay dikit na dikit pa rin ako sa kaniya. Hindi pa rin siya komportableng makipaghawak kamay kaya naman inaakbayan ko pa rin siya. Habang masaya kaming naglalakad ay may pamilyar na tao kaming nakasalubong. Nagulat ako nang makilala ko ito sa malapitan.
“Kanina pa kita inaantay” sabi niya na nagpatigil sa aming dalawa sa paglalakad.
“Dad?” ang tangi kong nasabi dahil hindi ko inaasahan ang pagpunta niya sa school at ito ang unang pagkakataon na pumunta siya sa school at ako ang sadya niya.
“I was hoping na kasama mo si Georgina ngayon” saad niya at tumingin siya kay Gunter na tila napako din sa kinatatayuan niya nang makita niya ang daddy ko.
“You seem familiar, have we met before?” tanong ni Daddy kay Gunter.
Hindi ko inaasahan ang pagdating ni daddy sa school at hindi ko alam kung papano ko lulusutan ang sandaling ito. Papano kung makilala nya si Gunter bilang si Georgina? Ohh Crap!!!!
Itutuloy….
A/N:
6.8K words, mukhang napasarap ang pagsusulat ko. Sorry, ngayon lang ako nakapag-update. Sobrang busy talaga sa work hindi maganda ang pakiramdam nitong mga nakaraang araw kaya hindi ako makapagsulat. May mga times na gusto ko na talaga itigil ang pagsusulat dahil sa dami ng mga nangyayari sa career at personal life ko na minsan ay parang wala na akong time para sa sarili ko kaya ako nagkakasakit. And here I am, nagsusulat pa din kahit kulang sa tulog. Kagaya nyo ay ayoko ring magbasa ng kwento na hindi natatapos kaya susubukan kong makapagsulat sa tuwing may
FREE TIME
ako. Kapag hindi ako nakapagsulat please stop asking me kung kelan ang update dahil ibig sabihin non ay maging ako ay hindi ko alam kung kelan ako makakapagsulat agad dahil sa busy ako.
Thank you sa walang sawang pagsuporta. Wag kalimutang mag
VOTE
kung ayaw umitim ang itlog! JK!
Chapter 24: His Highness
Darren as Gunter
Gunter’s POV
Ang buong akala ko ay hindi na ako kakausapin ni Ate Pritz simula nang umamin si Lance sa kaniya tungkol sa namamagitan sa aming dalawa. Sa totoo lang ay hindi pa ako handa para sabihin iyon sa kaniya dahil maging ako ay hindi pa ganun kahanda sa ganitong klase ng relasyon. Aminado naman ako na mahal ko si Lance pero sadyang bago pa sa akin ang ganitong klaseng relasyon. Marahil natatakot akong mahusgahan kaming dalawa kaya mas gusto kong huwag munang ipaalam sa iba.
Hindi naman nagbago ang pakikitungo sa akin ni Ate Pritz dahil nariyan pa rin ang pagkakataon na pinapagilatan niya ako kapag sinusuway ko ang kaniyang utos. May pagkakataong nahihiya akong kausapin siya lalong lalo na kapag tatanungin niya ako tungkol kay Lance. Panay ang tanong niya kung bakit hindi pumupunta si Lance dito sa bahay. Kung ano anong dahilan ang pinagsasabi ko sa kaniya para lang maiwasan ang pagpunta ni Lance dito sa bahay. Una ayokong magkainitan sila ni ate at pangalawa natatakot talaga ako. Nakakahiya mang aminin pero lahat ay ginagawa ko para lang makaiwas kay Lance. Natatakot kasi akong baka pagkaming dalawa lang ang magkasama ay maulit muli yung nangyari sa aming dalawa.
Maging sa pagbalik ko sa eskwelahan ay hindi pa rin nawawala sa akin ang mangamba dahil mas lalong naging komportable si Lance buhat nang pagsang-ayon ni Ate Pritz sa aming relasyon. Sa katunayan ay masaya akong malaman iyon dahil hindi rin kaya ng konsensya ko ang magsinungaling palagi sa nag-iisa kong kapatid. Sa ngayon ang tangi inaalala ko ay kung papano kami magsasama ni Lance na hindi mahahantong sa kakaibang bagay ang pagsasama. Masyadong naging mabilis ang relasyon namin ni Lance at hindi ko rin inaasahang hahantong kami sa bagay na yun. Ang buong akala ko ay masisiyahan ako kapag tumagal pero puro sakit lang ang naramdaman ko hanggang sa matapos kami. Hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin ako kung anong idadahilan kay Lance para maiwasang maulit ang bagay na yun.
“Hoy kanina pa kita kinakausap” sambit ni Lance sabay tapik sa aking balikat. Hindi ko namalayan na kanina pa pala niya kinakausap. Masyado akong nawawala sa tuwing naiisip ko ang bagay na yun. Lumingon ako sa kaniya na tila nagtatanong sa bagay na kaniyang sinabi.
“Ang sabi ko kanina ay” nilapit niya ang kaniyang mukha sa aking tenga para marinig ko ito ng husto.
“I love you!” bulong niya sa akin. Kahit na mahina lang ang pagkakabanggit niya ay nabahala pa rin ako na baka may taong makarinig sa likuran namin kaya sinuko kaagad siya palayo sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang siya naman ay tumatawa habang hawak-hawak ang kaniyang dibdib kung saan tumama ang siko.
“Eto naman hindi mabiro” sambit niya nang makahabol siya sa akin. Muli nyang binalik ang pag-akbay niya sa akin at patuloy na naglalakad. Hindi na bago sa amin ang pag-usapan sa hallway sa tuwing kami ay magkasama ni Lance. Hanggang ngayon ay naiilang padin ako sa tuwing may kukuha ng larawan naming dalawa kapag kaming dalawa ang magkasama.
“Ang sabi ko kanina ay nakapagpaalam na ako kay Ate Pritz na dun ka matutulog sa bahay kapag wala tayong pasok” dugtong niya na ikinabahala ko.
“Haa? Kakabalik ko pa lang sa school, marami akong dapat pag-aralan sa weekend para makahabol sa klase at isa pa kailangan kong makabawi kay ate” pagdadahilan ko sa kaniya ngunit hindi siya nagpatalo.
“Akong bahala sayo dahil sinigurado kong nakapagsulat ako ng mga notes sa bawat subject na meron tayo. Tuturuan kita sa bahay hanggang sa matuto ka” sabi niya sabay kindat sa akin.
“Kailangan kong tumulong sa gawaing bahay dahil marami-rami na rin ang nakatambak na labahin at ayokong mapagod ng husto si ate” pag-apila ko.
“Naipadala na sa laundry shop ang lahat ng mga labahin nyo kaninang umaga at balita ko ay may team building ang opisina nila Ate Pritz sa sabado hanggang linggo kaya siya pumayag sa bahay ka matutulog sa weekend” ramdam ko na kaagad ang masama niyang binanalak dahil malayo pa ang weekend pero yung ngiti niya ay halos hindi na mawala sa kaniyang mukha.
“Malabong mangyari yun dahil hindi mahilig si Ate Pritz sa ganiyang bagay dahil mas gugustuhin nun na manoond na lang ng K-Drama kaysa bumiyahe sa malayong lugar at mapagod” tugon ko dahil alam kong hindi naman talaga mahilig si ate sa ganong bagay.
“Syempre mapipilitan siyang sumama dahil balita ko ay magiging bisita nila si Dad” muli akong napalingon sa kaniya dahil hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo.
“Kahit ako ay hindi makapaniwala pero si Ate Pritz mismo ang nagsabi sa akin” pagkasabi niya ng mga yun ay tila nawalan na ako ng lakas para makipagtalo sa kaniya. Wala naman siyang dahilan para magsinungaling sa akin. Ginulo niya ang aking buhok nang mapansin niya ang pananahimik ko. Hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Iniisip ko kung papano maiwasan ang bagay na yun. Pano kaya kung wag akong magtooth brush para mawalan siya ng gana? Kaso mukhang hindi gagana dahil nagawa niya akong halikan kahit na mabaho ang hininga ko. Eh kung magpanggap kaya ako na may diarrhea? Baka sakaling maiwasan pa namin yun dahil sino bang gugustuhing makipagtalik sa may diarrhea? Hindi ko mapigilang mapangiti dahil nakaisip na ako ng pangontra sa kaniya.
“Kanina pa kita inaantay” kapwa kaming napatigil sa paglalakad nang marinig namin ang boses ng isang lalaki.
“Dad?” nagulat ako nang sambitin ni Lance yun at kaagad akong napatingin sa lalaking nasa harapan namin. Siya nga ang daddy ni Lance. Sa sandaling iyon ay hindi ko alam ang gagawin. Natatakot ako na baka mamukhaan niya ako kaya nanatili lang akong nakatingin at hindi makapagsalita.
“I was hoping na kasama mo si Georgina ngayon” nang sabihin ng kaniyang daddy ang mga salitang iyon ay bigla na lang napunta sa akin ang kaniyang atensyon. Dapat sa sandaling iyon ay binabati ko na siya para hindi niya ako paghinalaan pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko magawang makapagsalita.
“You seem familiar, have we met before?” dugtong pa niya na lalong nagpakaba sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa mga tingin niya pa lang ay tila kinikilatis na niya ang buong pagkatao ko. Alam ko sa sandaling iyon ay nabuko na niya ang pagpapanggap namin ni Lance. At sa sandaling magsasalita na ako para humingi ng tawad ay bigla na lang sumagot si Lance.
“Ahhh.. Dad meet my friend Gunter. Ngayon nyo pa lang po siya nakita pero madalas ko na siyang sinasama sa bahay para mag-aral at minsan ay tumambay” sabi ni Lance pero mukhang hindi pa rin kumbinsido ang kaniyang daddy dahil hindi pa rin mawala-wala ang kaniyang paningin sa akin.
“Kapatid po siya ni Priscilla na isa sa mga empleyado nyo kaya siguro namumukhaan nyo” dugtong ni Lance at biglang nagliwanag ang mukha ng kaniyang daddy.
“I knew it! Kaya pala medyo namumukhaan kita yun pala ay kapatid ka ni Priscilla” masayang sabi ng kaniyang daddy at ako naman ay napilitang ngumiti.
“That woman is such a gem, magaling at sobrang sipag pagdating sa trabaho” dugtong niya at ako naman ay napangiti habang tumatango bilang pagsang-ayon sa kaniyang pagpuri kay ate.
“By the way, kamusta ka na pala? Nag-leave ang ate mo last week para daw bantayan ka” tanong niya at bago ako sumagot ay lumingon muna ako kay Lance. Tumango siya sa akin para ipahiwatig na maaari na akong magsalita.
“Maraming salamat po. Maayos na po ang kalagayan ko at salamat din po pala sa pagbigay ng pahintulot kay ate” bahagyang yumuko ako bilang pagbigay ng galang.
“Don’t mention it. She deserved it kaya binigay ko sa kaniya yun. Sana makapag-usap tayo minsan kapag nagpunta ka pero mukhang magiging bihira lang ang pagkakataon na yun” tugon niya habang tinatapik ang aking braso.
“Naiintindihan ko po dahil alam kong sobrang busy nyo pong tao” sagot ko at mabilis siyang umiling habang nakangiti.
“Mas mapapadalas ang pag-uwi niya sa kaniyang girlfriend sa bahay kaysa magdala ng barkada” gamit ang kaniyang kanang kamay ay nagkunwari pa siyang bumubulong habang sinasabi sa akin ito.
“I can hear you, dad” tugon ni Lance at nagtawanan naman ang mag-ama.
“Marunong naman akong magbalanse ng time sa mga kaibigan ko at sa taong mahal ko” makahulugang sabi ni Lance habang tinatapik niya ang aking balikat. Ngayon ko lang napagtanto na hindi niya pa rin pala inaalis ang kaniyang pagkakaakbay sa akin.
“Bago ko makalimutan, nasan nga pala si Georgina?” muling tanong ng daddy ni Lance. Sa tagal niyang sumagot ay napalingon tuloy ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung bakit wala siyang masabi.
“Ahh-ehh.. may group activity daw po sila ng kaniyang team kaya nagmamadaling umalis kanina” pagsisinungaling ni Lance. Ramdam ko ang takot niya na baka mahuli siya ng kaniyang daddy sa kaniyang pagsisinungaling. Alam kong malala ang ugali ni Lance kapag ginusto niya pero kapiraso lang ang ugali niya kung ikukumpara sa kung ano ang meron ang kaniyang ama kaya naiintindihan ko kung bakit siya nagkakaganun.
“Ganun ba? Sayang naman pala ang pagpunta ko dito kung hindi ko siya makikita” sambit ng kaniyang ama. Hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit ba gustong gusto makita ng daddy ni Lance si Georgina? Ang weird lang dahil ako rin naman yung taong tinutukoy ko.
“Para hindi naman masayang ang pagpunta ko dito, how about samahan nyo akong kumain ng dinner?” tanong niya sa aming dalawa. Muli akong tumingin kay Lance kung dapat ba talaga akong sumama sa kanila. May chance kasi na baka mabuko kami kapag nagtagal pa ang pag-uusap namin. Hindi ko inaasahang ngingiti sa akin si Lance bago siya sumagot sa kaniyang ama.
“Oo naman dad, hinding hindi tatanggi sa pagkain itong si Gunter!” sabi niya sa kaniyang ama. Kung wala lang ang kaniyang ama sa aming harapan ay kanina ko pa siya binatukan. Pinagmukha niya pa akong patay gutom sa harap ng daddy niya.
“Hahaha… that’s great. Don’t worry hijo, kumain ka mamaya hanggang sa mabusog ka!” masayang sabi ng kaniyang ama. Hiyang hiya na talaga ako sa sandaling iyon dahil hindi naman talaga ako ganong klase ng tao.
“Ahhm…magpapaalam po muna ako kay Ate bago po sana ako su-” hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ay kaagad sumabat ang kaniyang ama.
“I’m going to call her now. Please hold on!” gusto ko siyang pigilan pero sumenyas na siya sa akin na huwag mag-ingay kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa nais niyang mangyari.
Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Ang buong akala ko ay papasok lang ako ngayon sa school at uuwi sa bahay para makapagpahinga ulit. Hindi pa nga ako nakakahanap ng idadahilan kay Lance ay dumagdag naman itong ama niya sa dapat kong intindihin. Sobrang awkward na makasama ang kaniyang ama sa loob ng sasakayan. Nakaupo kaming tatlo sa likuran habang nasa pagitan namin si Lance. Kung ano-anong tanong pa ang binabato sa akin na hirap pa akong sagutin. Nang makarating kami sa restaurant ay mas dumami pa ang kaniyang tanong sa akin habang nag-aantay kami ng order.
“Alam mo bang mapagkakamalan kitang kapatid ni Georgina kung hindi mo sinabi sakin na kapatid ka ni Priscilla” bigla niyang sabi. Ako naman ay kinabahan habang pilit na ngumingiti sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit bukambibig niya ang pangalan ni Georgina. Nagsisimula na tuloy akong magduda at maniwala sa sinabi ni Lance.
“Ahhh.. mukhang anlayo naman po kasi sobrang ganda ni Georgina para maging kapatid ko” habang nagsasalita ako ay naramdaman ko ang kamay ni Lance na humawak sa aking kamay para mawala ang aking pangamba. Imbes na mawala ang pangamba ko ay mas lalo akong kinabahan dahil baka makahalata ang daddy niya. Hindi naman sumagot ang kaniyang daddy pero nakangiti ito habang tumatango.
“You know what? I’m glad na may kaibigan si Lance na kagaya mo dahil mukhang ikaw ang pinakamatino sa mga naging kaibigan niyang nakilala ko” sambit ng kaniyang ama na ikinatuwa ko.
“Naku dad hindi mo lang kung gaaano ka-” bago pa man siya makapagbanggit ng salitang sisira sa pagkatao ko ay nagawa ko siyang sikuhin. Napahawak naman kaagad siya sa kaniyang braso at napangiwi sa sakit. Panandalian kong nakalimutan na nasa harapan pala namin ang kaniyang ama. Humingi kaagad akong tawad sa inasal ko.
“Nakakatuwa kayo dahil para kayong magkapatid” natatawang sabi ng kaniyang ama. Nakakapanibago ang pagiging maamo at masiyahin ng ama ni Lance. Taliwas sa madalas kong naririnig sa kaniya. Ganitong ganito din kasi ang kaniyang inasal nang magpanggap ako bilang babae sa katauhan ni Georgina.
Bigla akong napaisip kong sakaling magkapatid nga kami ni Lance ano kaya ang trato namin sa isa’t isa ngayon? Madalas kaya kaming mag-away o magkasundo sa maraming bagay? Kahit kailan man ay hindi sumagi sa isipan ko na maging kadugo si Lance. Ang dami naming pinagkaiba mula sa ugali, antas ng pamumuhay at mga bagay na gusto. Kung sakaling magkapatid rin kami ay tiyak hindi aabot sa ganito ang relasyon naming dalawa.
“Manghang-mangha ka naman sa kapogian ko no?” ang salitang pumukaw sa akin. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatitig kay Lance habang iniisip ang bagay na yun.
“Sira!” ang tangi kong naisagot kaya lalo niya akong kinatiyawan.
Sobrang nakakailang ang gabi nay un dahil hindi ko malaman sa daddy ni Lance kung bakit panay ang tingin niya sa akin. Para akong nahihibang kakaisip na baka kinikilatis niya nang husto ang aking pagmumukha dahil namumukhaan niya ako bilang si Georgina o kaya may iba siyang iniisip na hindi ko magugustuhan.
Kanina pa ako nagpapagulong gulong sa ibabaw ng aking kama dahil hindi ako makatulog kakaisip. Kanina pa rin ako nagpaalam kay Lance na matutulog ako ng maaga. Bawat gabi na lang ay magkausap kami sa phone na para bang ang tagal naming hindi nagkikita. Wala naman kaso sa akin ang bagay na yun dahil habang tumatagal ay hinahanap-hanap ko ang boses niya sa tuwing ako ay matutulog. Nasanay na rin siguro ako na siya ang katabi ko bago ko ipikit ang aking mata. Hindi ko siya pinahihintulutan na makitulog sa bahay dahil mahigpit na bilin ni Ate Pritz na wag na wag naming gagawin sa bahay yun.
Sa sumunod na araw ay hindi pa rin nanunumbalik ang kasipagan ko sa pag-aaral. Kakasimula pa lang ng klase ay tila gusto ko na kaagad umuwi para magpahinga. Samantalang itong katabi ko ay mukhang hindi nauubusan ng lakas at ganadong ganado sa bawat sandali. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas para maging ganito kaaktibo sa klase na kapanipanibago sa aming mga nakakakilala sa kaniya. Sa pagsapit ng break time namin ay nagtungo kaagad kami sa aming tambayan na kaming dalawa lang ang naglalagi. Hindi umabot ng sampung minuto ang pagkain namin dahil sa bilis namin sa pagkain. Hindi ko kinakailangang pumila sa cafeteria para sa kakainin namin dahil laging nagbabaon si Lance para sa aming dalawa. Mas makakabuti daw kasi sa akin kapag masusustansyang pagkain ang kinakain ko. Kahit na hindi ako mahilig sa salad at mapili sa pagkain ng prutas ay nagawa kong kainin ang baon niya na para sa aming dalawa.
“Mainit diyan, lumapit ka dito sa akin babe” sabi niya sa akin. Hindi ko alam kung kailan niya titigilan ang pagtawag sa akin ng babe kasi sobrang nababaduyan ako. Kasalukuyan kaming naglalaro ngayon ng Mobile legends at tutok na tuto sa screen ng aming cellphone. Hindi ko siya pinansin dahil mas inalala ko ang clash na nangyayari sa laro. Habang tutok na tutok ang aking atensyon sa paglalaro ay siya namang paghatak sa akin ng dahan-dahan papalapit sa kaniya. Hindi ko naman magawang pumalag dahil pagbumitaw ako ng saglit sa cellphone ko ay baka matalo kami.
“GG mga NOOB!” hindi ko mapigilang sambitin nang matalo namin ang mga trashtalker naming kalaban. Kanina pa ako nang gigil sa laro dahil sa mga kakampi at kalaban namin. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala si Lance. Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang kaniyang paghalik sa aking leeg habang niyakakap niya ako.
“Lance!” pagsuway ko sa kaniya pero wala siyang naririnig at pinagpatuloy niya lang ang kaniyang ginagawa. Ayokong gawin niya ang bagay na yun dahil nasa school kami at maaaring may makakita sa aming ginagawa. Ngnunit ang aking mga sinasabi ay taliwas sa nagiging reaksyon ko. Unti-unti akong nilalamon ng matinding pagnanasa na tila matagal kong pinigilan. Sa bawat paggalaw ng kaniyang labi sa aking leeg ay parang bang libo-libong bultahe ng kuryente ang dumadaloy dito na nagpapanginig ng husto sa aking katawan.
Nang siya ay magsawa sa paghalik sa aking leeg ay marahan naman niyang hinawakan ang aking mukha at hinarap sa kaniya. Dahan-dahang naglapit ang aming mga labi na para bang uhaw sa isa’t isa. Kahit na kapwa kaming sabik sa bawat isa ay naging marahan pa rin ang aming halikan. Sa bawat pagdampi ng aming labi ay para bang kay tagal naming nawalay sa isa’t isa. Sobra kong namiss ang bagay na to na hindi ko namalayang naging marahas na pala ako sa paghalik kay Lance.
“Dahan-dahan lang babe” sambit ni Lance matapos niyang kumalas sa aming halikan. Napansin ko kaagad ang pagdugo ng pang-ibaba niyang labi. Pinunasan niya ito habang nakangiti sa akin hindi ko alam kung papano niya nagawang ngumiti sa sandaling iyon. Hinawakan niya ang labi ko habang masayang nakangiti sa akin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya sa sandaling iyon. Masyado akong napako sa mukha niya na masayang nakatingin sa akin. Matapos niyang hawakan ang aking labi ay siya namang naglakbay ang kaniyang kamay patungo sa aking batok. Ginabayan niya ang aking ulo papalapit sa kaniyang mukha at bago maglapit ang aming mga labi ay mabilis akong napahawak sa kaniyang dibdib. Tumingin siya sa akin na tila nagtatanong kung bakit.
“Inaantok ako” ang tangi kong nasabi. Sa dinami-dami ng dapat idahilan ko ay yun ang nabanggit ko sa kaniya. Ang akala ko ay magtatampo siya sa pagbitin ko sa kaniya pero ngumiti lamang siya sa akin habang umiiling. Bigla na lang niya akong niyakap at sinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib. Hindi alintana ang init sa paligid dahil komportable ako sa tuwing kasama si Lance. Narinig ko siyang sumipol na tila nagtatawag ng hangin sa paligid. Sa bawat huni ng kaniyang pagsipol ay para bang humihele sa akin at unti-unti kong nararamdaman ang antok.
Nagising ako sa matinding ingay sa paligid ko. Marahan kong inangat ang aking ulo at pinagmasdan ang nasa paligid ko. Unti-unting naging pamilyar sa akin ang paligid nang igala ko ang aking paningin. Ngayon ay napagtanto ko na nasa loob na pala ako ng classroom namin. Ang pinagtataka ko lang ay kung papano ako nakarating sa klase dahil ang huling naaalala ko ay umidlip ako na kasama si Lance kanina sa may rooftop. Tumingin ako sa tabi ko at nakita kong mahimbing ang tulog niya. Tinanong ko kaagad ang aming kaklase dahil nangamba ako na baka nakatulog kami sa klase. Napanatag naman ang aking kalooban nang sabihin niyang absent daw ang guro namin sa oras na to. Nang mapansin ng iba naming kaklase na gising na ako ay bigla na lang nila akong nilapitan.
“Kamusta ang inyong tulog mahal na prinsesa?” tanong ng isa sa mga ungas kong kaklase. Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam kung ano ang nais niyang ipahiwatig. Napakunot noo na lamang ako habang nakatingin sa kaniya. Ilang sandali pa ay pinakita ng isa naming kaklase ang isang video na nakapost sa facebook. Laking gulat ko nang makita ko ang sarili ko na buhat-buhat ni Lance habang mahimbing ang tulog. Napamura ako nang makita ko yun. Hindi ako makapaniwala na sobrang himbing ng tulog ko sa sandaling iyon. Sa dinami-rami ng mga kaklase naming naglolokohan sa paligid namin ay siya namang himbing ng tulog ko.
“Maaaring paraanin nyo kami? Nagmula pa kami sa malayong kaharian at labis ang pagod na nararamdaman ngayon ng mahal na prinsesa” narinig kong sabi ni Lance sa video. Ang iba sa mga kaklase namin ay nagtatawanan habang ang karamihan ay pumatol sa kalokohan ni Lance.
“Nakahanda na po ang kwarto ng mahal na prinsesa, maaari na po kayong gumawa ng inyong tagapagmana” sambit ng isa naming kaklase at nagtawanan ang lahat. Napahawak na lang ako sa mukha ko sa labis na kahihiyan. Humanda talaga tong loko na to at makakabawi rin ako sa kaniya.
Simula ng maupload sa facebook ang video ay naging tampulan na ako ng panunukso sa school. Sino ba namang matutuwang tawaging prinsesa? Halos lahat yata ng mga estrudyante sa campus namin ay yun ang tawag sa akin. Sobrang nakakababa ng pagkalalaki ang tawag nila sa akin. Habang ako ay nagdurusa sa walang tigil nilang panunukso sa akin ay siya namang labis na kasiyahan ng siraulong si Lance. Tuwang tuwa pa siyang tinatawag na ’ kamahalan ’ o ’ Mahal na
prinsepe ’. Minsan hindi ko na nga siya kinakausap dahil sa inis ko. Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa akin kung bakit hindi ako nagising kaagad sa sandaling iyon. Masyado akong sensitibo sa ingay pero sobrang himbing ng tulog ko sa oras na yun.
Sumapit ang araw na pinangangambahan ko. Natatakot ako na mawalan ng kontrol sa sarili kapag kamig dalawa na lang ni Lance ang magkasama. Natatatok akong baka maulit muli ang nangyari sa amin na halos hindi ako makalakad ng ilang araw. Ano na lang ang idadahilan ko kay Ate Pritz kapag nangyari yun? Ayokong isipin niya na sobrang hayok namin ni Lance pagdating sa sex. Nagdadalawang isip pa nga akong magpunta sa bahay nila kaso kapag hindi ako pumunta sa kanila ay siya tong pupunta sa bahay namin. Mahigpit ang bilin ni Ate Pritz na wag na wag naming gagawin yun sa bahay kahit sa ano mang pagkakataon. Hindi naman nangangahulugang may mangyayari sa amin ni Lance dahil pinili kong magpunta sa kanila dahil iniisip ko lang na baka mangyari ang bagay na hindi namin dapat gawin. Sa kakaisip pa lang ay parang mahihibang na ako dahil sumasalungat sa katwiran ko ang ginagawa ko.
Gaya nga ng napag-usapan namin ay pumunta ako sa bahay nila na dala-dala ang mga gamit ko. Hindi ako nagpasundo sa kaniya dahil sa ayokong mapaghalataan kami ng mga taong nasa bahay nila. Mas komportable akong pumasok sa bahay nila bilang bisita na magkukusang pumunta sa kanila. Pagkarating ko sa loob ng bahay nila ay kaagad akong binilinan ng isang kasambahay nila na mag-antay kay Lance sa loob ng kaniyang kwarto. Lumabas lang daw ito saglit dahil may bibilhin. Wala naman nasabi sa akin si Lance na may pupuntahan siya o kaya bibilhin. Siguro biglaan kaya hindi na niya ako nagawang pagsabihan. Sinunod ko na lang ang habilin sa akin at nagtungo sa kwarto ni Lance. Nagawa ko pang ikutin ang kaniyang kwarto upang hanapin siya dahil inakala kong kasabwat niya ang katulong para pagtripan ako. Halos nasilip ko na ang bawat sulok ng kaniyang kwarto pero wala talaga siya sa loob.
Naupo ako sa ibabaw ng kaniyang kama at nagtext sa kaniya na nakarating na ako. Hindi naman nagtagal nang sumagot siya na pauwi na rin siya. Wala siyang nabanggit kung ano ang binili niya at kung saan siya manggagaling. Hindi na rin ako nagtanong kaya nag-antay na lang sa loob ng kaniyang kwarto. Nang marinig ko ang yabag ng mga paa papalapit sa pinto ng kaniyang kwarto ay kaagad akong nagtago sa gilid ng pinto kung saan hindi niya ako kaagad makikita. Pagkabukas ko ng pinto ay kaagad ko siyang ginulat nang makapasok siya sa loob ngunit imbes na siya ang magulat ay ako ang nagulat sa nakita ko.
“Ti-tito? Este Sir Fuentes” natataranta kong sabi dahil nabigla ako nang mapagtanto ko na hindi si Lance ang pumasok sa kwarto.
“Kailangan nating mag-usap Gunter” sambit niya at ngumiti siya sa akin na tila makahulugan. Wala akong ideya kung ano ang dapat naming pag-usapan pero tumindi ang kaba ko nang makita ko ang paglock niya sa kwarto ni Lance. Wala akong nagawa kundi mapalunok ng laway sa sandaling iyon.
Itutuloy…….
A/N: Hello sa mga silent readers ko dyan LOL! 12:40 am at nasa bus ako pauwi habang sinusulat ang author’s note na to. Dapat kahapon pa ako mag-a update kaso di ko matapos dahil nasa mid shift na ako so need ko mag-adjust ng tulog. Malaking advantage niya kasi nagagawa kong magsulat bago mag-umpisa ng trabaho.
Sa mga hindi pa nakakapansin nakapag-upload na ako ng bagong story ang title ay “Enigma”. Fantasy/Romance/BL/Mystery ang genre niya. Maniwala kayo mas magaling ako sa fantasy kaysa sa usual kong sinusulat. Dapat ito ang first book ko sa wattpad kaso namove dahil hindi pa plantsado ang plot pero ito na talaga itutuloy ko na at sana suportahan nyo.
Don’t forget to VOTE!
Chapter 25: Please date me!
Dylan as Lance and Darren as Gunter
A/N: Magready ng tissue!
Gunter’s POV
Bago pa man ako makarating kila Lance ay marami na talagang gumugulo sa isipan ko. Hindi ko alam kung papano ko sasabihin sa kaniya na natatakot akong maulit ang nangyari sa amin. Nagawa ko pang magresearch tungkol sa bagay na to dahil natatakot akong masaktan ulit kapag naulit yun. Sabi sa internet ay makakaramdam naman daw ako ng sarap kalaunan lalong lalo na kung marunong ang magtatrabaho. Dun pa lang ay alangan na ako dahil alam kong wala kaming karanasan sa ganitong relasyon at alam kong first time ni Lance na gawin ang bagay yun. Ang ibig kong sabihin ay yung pagpasok sa likuran dahil alam ko namang marami na siyang karanasan sa mga naging girlfriend niya.
Ngayon ay hindi pa rin ako mapakali habang nag-aantay sa kaniya dito sa loob ng kaniyang kwarto. Ilang beses kong pinag-isipan kung anong dahilan ang babanggitin ko para hindi mapunta sa ganong bagay ang pagsasama naming dalawa ngayon. Sana lang ay hindi sumama ang loob niya kapag tinanggihan ko siya. Kalaunan ay narinig ko ang mga yabag ng mga paa papalapit sa pinto ng kaniyang kwarto. Kaagad akong nagtago sa gilid ng pinto kung saan hindi niya ako kaagad makikita. Nagtataka ako kung papano siya nakarating kaagad dahil ilang minuto pa lamang ang lumilipas simula nang magtext siya na pauwi na siya. Ganun pa man ay tinuloy ko pa rin ang balak kong paggulat sa kaniya. Sa pagbukas ng pinto ay nag-antay akong pumasok siya at saka ko siya ginulat nang humakbang ang kaniyang paa sa silid. Imbes na siya ang magulat sa sandaling iyon ay ako ang labis na nabigla sa taong kaharap ko.
“Ti-tito? Este Sir Fuentes” natataranta kong sabi dahil nabigla ako nang mapagtanto ko na hindi si Lance ang pumasok sa kwarto.
“Kailangan nating mag-usap Gunter” sambit niya at ngumiti siya sa akin na tila makahulugan. Wala akong ideya kung ano ang dapat naming pag-usapan pero tumindi ang kaba ko nang makita ko ang paglock niya sa kwarto ni Lance. Wala akong nagawa kundi mapalunok ng laway sa sandaling iyon. Pilit na ngiti ang sinukli ko sa kaniya habang siya ay masayang nakatingin sa akin.
“Nabalitaan ko kasing dito ka matutulog habang nasa team building ang ate mo” sabi niya habang naglalakad patungo sa kama ni Lance. Ako naman ay nanatiling nakatayo sa aking posisyon at di malaman ang gagawin sa sandaling iyon. Tumingin siya sa akin na para bang nag-aantay siya ng aking isasagot.
“O-po” ang tangi kong nasabi. Ngumiti siya na para bang katawa-tawa ako sa kaniyang paningin. Hindi ko alam pero ganun ang pakiramdam ko sa sandaling ito.
“Mabuti naman, Kukunin ko na ang pagkakataon na to habang wala pa si Lance sa bahay. Halika rito!” pagtawag niya sa akin nang makaupo siya sa kama ni Lance. Ako naman ay kaagad nakaramdam ng kaba dahil hindi ko alam kung anong gusto niyang ipahiwatig.
“Po?” ang tangi kong naisagot at bakas sa tono ng aking pananalita ang takot at pangamba.
“Wag kang matakot dahil hindi kita sasaktan” tumawa siya ng mahina habang pinapalo ang kama na nagpapahiwatig na maupo ako dun. Mabilis nawala ang aking pangamba nang makita ko siyang tumawa. Kagaya ni Lance ay may kakaiba sa ngiti nila na para bang mahuhumaling ka sa ganda ng kanilang pagngiti. Hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako sa tabi niya habang pinagmamasdan siyang tumawa. Tumigil siya sa pagtawa nang ipatong niya ang kaniyang kamay sa aking balikat. Nabigla ako sa kaniyang ginawa pero hindi ko ipinahalata dahil baka sumama ang kaniyang loob sa labis na pag-iisip ko ng masama. Unti-unting nagbago ang kaniyang hitsura, kanina lang ay tawang tawa siya sa akin pero ngayon ay biglang naging seryoso ang kaniyang mukha.
“Malapit na ang karaawan ng anak ko at humihingi ako sayo ng tulong dahil alam ko na ikaw ang pinakamalapit sa kaniya ngayon. Matagal-tagal na rin simula nang makasama ko siya sa kaniyang kaarawan. Alam kong marami akong pagkukulang sa kaniya bilang ama at ngayon ay nais kong bumawi sa kaniya. Sana ay matulungan mo ako” pakiusap niya sa akin. Sobra akong natutuwang marinig iyon mula sa kaniya dahil alam kong labis ang pangungulila ni Lance sa kaniyang ama. Hindi man niya ito pinapakita pero alam kong yun ang nararamdaman niya.
“Makakaasa po kayo sa akin” masaya kong tugon at bigla na lang nagliwanag ang kaniyang mukha.
“Masaya akong marinig yan” sabi niya habang marahang tinatapik ang aking balikat.
“Meron na po ba kayong ideya kung papano natin gaganapin ang kaniyang kaarawan?” tanong ko at nag-isip siya saglit bago siya tumugon sa aking tanong.
“Balak ko sanang dito na lang ganapin sa bahay. Alam kong karamihan sa inyo ay minor de edad pa kaya iilan lang sa mga kaklase at kaibigan ni Lance ang papayagan kapag ginanap ito sa ibang lugar. Mas magiging masaya si Lance sa birthday niya kapag nakita niyang kompleto kayo sa araw na yun” tumango ako bilang pagsang-ayon sa kaniyang naisip. Mas maganda nga namang ganapin ito sa malapit na lugar para makasama lahat o kung hindi man lahat ay marami pa rin ang makakadalo.
“Gusto ko rin sanang bigyan siya ng surpresa kaso hindi ko siya mahanap” dugtong niya.
“Ano po bang regalo ang hinahanap nyo para kay Lance baka sakaling makatulong ako?” mabilis kong tugon.
“Hindi naman siguro maipagkakaila na in love ngayon ang aking anak. Bilang ama niya ay pansin na pansin ko ang malaking pagbabago sa aking anak. Kitang kita ko na magandang impluwensiya ito sa kaniyang pag-aaral at pagkatao. Kaya naman sa kaniyang kaarawan ay gusto kong maging surpresa itong lahat kay Lance at ang pinakamagiging surpresa sa kaniya ay ang pagdalo ni Georgina sa kaniyang kaarawan” tila tinamaan ako ng kidlat nang marinig kong banggitin niya ang pangalang Georgina. Mukhang nahalata niya sa aking mukha ang pagkailang at bigla niyang ginulo ang buhok ko.
“Wag kang mag-alala. Alam kong may dahilan si Lance kung bakit niya tinatago sa akin ang pagkatao ng kaniyang girl friend at alam kong ginagawa mo lang din na pagtakpan siya bilang kaibigan niya” sabi niya habang nakangiti. Imbes na gumaan ang aking kalooban ay mas lalo akong kinabahan dahil pakiramdam ko ay alam na niya ang tungkol sa aming dalawa ni Lance.
“Alam kong hindi nag-aaral si Georgina sa school nyo dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko siya mahanap sa mga records na meron ang school. Alam kong tinutulungan mo si Lance na ilihim ito sa akin pero sana matulungan mo akong kausapin si Georgina na dumalo sa kaarawan ng anak ko at sana manatili itong sekreto hanggang sa dumating ang araw ng kaniyang kaarawan” kahit papano ay gumaan ang aking nararamdaman dahil ang akala ko ay alam na ni tito ang tungkol sa amin ni Lance.
“And please wag mo na akong tatawaging sir, yung can call me tito” masaya niyang sabi. Hilaw na ngiti na lang ang aking naisagot sa kaniya. Huli ko na rin kasing napagtanto ang tungkol kay Georgina. Hindi ko alam kung papano lulusutan si Tito Kendrick sa pagkakataong ito. Alam kong magdududa siya kapag sinabi kong wala pa ring boses si Georgina. Habang nakaupo kami sa ibabaw ng kama ni Lance ay bigla na lang namin narinig ang pagkatok ni Lance mula sa pinto.
“Gon pabuksan ng pinto!” sigaw niya mula sa kabilang banda ng pintuan. Ngumiti sa akin si Tito Kendrick bilang senyales na dapat ko ng pagbuksan ng pinto si Lance. Marahan akong tumayo at naglakad papunta sa pinto at bago pa ako makalapit sa pinto ay muli siyang nagsalita.
“Wag mong antayin na sabihin ko ang magic word” pang-aasar niya at dali-dali akong nanakbo patungo sa pinto upang pagbuksan siya.
“Buksan mo na ang pinto Ba-” muntik na niyang mabanggit ang salitang hindi dapat marinig ng kaniyang ama. Mabuti na lang at nagawa kong takpan ang kaniyang bibig. Tuwang tuwa pa si gago habang nakatakip ang kamay ko sa kaniyang bibig.
“Ano yung magic word?” nagulat ako nang magsalita si Tito Kendrick mula sa aking likuran. Maging si Lance ay nagtaka rin kung bakit nasa loob ng kaniyang kwarto ang kaniyang ama.
“Dad?” sambit ni Lance nang tanggalin ko ang kamay kong nakatakip sa kaniyang bibig.
“Ahh wala po yun tito, niloloko lang ako ni Lance” mabilis kong pagdepensa at si Lance naman ay napatingin sa akin nang tawagin kong tito ang kaniyang ama.
“Hahaha…nakakatuwa talaga kayong mga bata. Anyway, I need to leave na dahil kailangan kong makaabot sa team building” magkasabay niya kaming tinapik sa balikat ni Lance bilang paraan niya ng pagpaalam. Tila nawalan ng masabi si Lance dahil hindi man lang siya tumugon sa pagpaalam ng kaniyang ama.
Pagkaalis ng kaniyang ama ay halos ipagtulakan ako ni Lance papasok sa loob ng kaniyang kwarto. Hinagis niya ang mga bagong laro ng ps4 na kaniyang binili sa ibabaw ng kama. Nagulat na lang ako nang bigla niyang amuyin ang aking damit at tila may hinahagilap siya sa aking katawan.
“Aso ka ba?” tanong ko dahil paulit-ulit niya akong inaamoy.
“Anong ginawa nyo ni daddy dito sa kwarto ko?” tanong niya habang nakakunot ang noo. Hindi ko inaasahang itatanong niya sa akin yun.
“Nag-usap lang kami” mahinahon kong sagot dahil ramdam ko na iba ang iniisip niya ngayon.
“Nag-usap eh bakit kailangang i-lock ang pinto?” dugtong niya na tila lalong naiinis.
“Daddy mo ang naglock dahil ayaw niyang may makaistorbo sa usapan namin” tugon na habang pinipilit na maging mahinahon pa rin sa pakikipag-usap sa kaniya. Alam komng mag-aaway kami kapag sinabayan ko ang init ng kaniyang ulo.
“Ano naman ang pinag-usapan nyo na kinakailangan nya pang i-lock ang pinto ng KWARTO KO!” binigyang diin niya talaga ang pagbanggit niya sa kaniyang kwarto.
“Secret” ang tanging sinagot ko habang nakangiti sa kaniya. Sa sandaling iyon ay tila tumindi ang kaniyang pagkainis at nagawa niya akong itulak ng marahas sa ibabaw ng kaniyang kama.
Magrereklamo sana ako sa pagiging marahas niya sa akin ngunit bago pa man ako makapagsalita ay nagtagpo na kaagad ang mga labi. Ang kaniyang halik ay sobrang agresibo na para bang balak niyang kainin ang aking mga labi. Habang pilit niyang pinaglalapat ang aming mga labi ay siya namang paghubad niya sa aking damit na halos mapunit na sa kaniyang paghatak. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong huminga sa aming paghahalikan kaya nagawa ko siyang itulak ng marahas nang maramdaman kong kakapusin na ako sa hangin.
“Ano ba Lance bakit mo ginagawa to?” tanong ko sa kaniya nang magkalas ang aming mga labi mula sa matinding halikan.
“Ayaw mong sabihin sa akin ang totoo kaya idadaan ko sa ibang bagay ang pag-amin mo!” tugon niya at muling lumapat ang kaniyang labi sa aking katawan. Sa pagkakataong ito ay ang leeg ko naman ang kaniyang naging punterya. Pigil na pag-ungol ang aking ginawa habang nilalabanan ang bigat niya sa pagkakapatong niya sa ibabaw ko. Nang maramdaman ko ang sakit gawa ng pagkagat niya sa aking leeg ay muli ko siyang tinulak.
“Ano ba Lance, nasasaktan na ako!” reklamo ko. Bakas pa rin sa kaniyang mukha ang labis na galit na para bang nagtaksil ako sa kaniya.
“Wala ka bang tiwala sa akin?” tanong ko at biglang nagbago ang kaniyang reaksyon.
“May tiwala ako sayo pero sa daddy ko wala!” tugon niya habang mahigpit siyang nakahawak sa magkabila kong braso. Ramdam ko ang sakit gawa nang pagtusok ng kaniyang mga kuko sa aking balat. Imbes na magalit ay hinaplos ko ang kaniyang mukha. Sa bawat pagsayad ng aking kamay sa kaniyang balat ay unti-unting umamo ang kaniyang mukha hanggang sa bumitaw siya sa pagkakakapit sa aking balikat. Marahan niyang hiniga ang kaniyang ulo sa ibabaw ng aking dibdib. Inabot niya ang kaliwang kamay ko gamit ang kaniyang kanang kamay upang hawakan ito.
“Sorry” sambit niya na parang batang humihingi ng tawad sa nakaaaway na kalaro. Hindi ko mapigilang matawa ng kaunti dahil sa inasal niya. Natigil lang ang aking mahinang pagtawa nang maramdaman ko ang kaniyang pagkagat sa aking dibdib. Hindi ko nagawang itulak ang kaniyang ulo dahil mabilis lang ang kaniyang ginawang pagkagat.
“Bat mo ginawa yun?” tanong ko habang hinihimas ang parte kung saan siya kumagat.
“Seryoso akong nagsasabi ng sorry tapos tatawanan mo lang ako” reklamo niya. Marahan ko siyang tinulak palayo sa akin upang makatayo ako.
“Ewan ko sayo napakaisip bata mo!” sabi ko nang kapwa kaming makaupo sa ibabaw ng kaniyang kama. Tumingin siya sa akin ng seryoso na para bang ang lalim ng kaniyang iniisip. Bigla na lang niyang hinawakan ang ulo ko at inayos ang magulo kong buhok. Ang kaniyang kamay ay bumaba sa aking pisngi at muling tumitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iinisip niya sa sandaling iyon pero habang tumatagal ang kaniyang pagtitig sa akin ay para bang natutunaw ako sa kaniyang tingin at bigla na lang nakaramdam ng hiya.
“Sorry sa inasal ko” seryso niyang sambit habang hindi pa rin inaalis ang pagtingin niya sa aking mata. Ako na ang nakaramdam ng hiya kaya napayuko habang sumasagot sa kaniya.
“Oo na, sa susunod ka-” mabilis niyang inangat ang aking mukha at muling pinaglapat ang aming mga labi. Sa sandaling ito ay naging marahan siya sa paghalik at naging maingat sa bawat paggalaw. Kahit ilang beses ko nang natikman ang kaniyang halik ay para bang nauuhaw ako lalo sa kaniyang halik kapag lumapat na ang kaniyang labi sa akin. Siguro nga totoo ang sumpa na meron sa kaniyang mga halik. Kung sumpa man ito ay buong puso ko itong tatanggapin. Sa pagitan ng aming paghahalikan ay unti-unti niyang nilalapit ang aking katawan sa kaniya. Hindi ko na namalayan na nakaupo na ako sa ibabaw ng kaniyang mga hita at ang aking binti ay nakakapit na sa kaniyang likuran. Sobrang sarap ang dinudulot ng kaniyang paghalik sa aking labi dahil napakaeksperto niya sa bagay na to. Ilang sandali pa ay bigla na lang siyang kumalas sa paghalik at ang buong akala ko ay tutungo sa aking leeg pero hindi yun nangyari kaya napakunot noo ako sa kaniya.
“I love you babe” sabi niya at ngumiti habang kagat-kagat ang pang-ilalim niyang labi. Tumingin lang siya sa akin na para bang inaantay niya ang aking magiging sagot. Hindi ako makaatras dahil kasalukuyang nasa ibabaw ako ngayon ng kaniyang mga hita at ang kaniyang mga kamay ay nakahawak sa aking likuran. Huminga ako ng malalim bilang tanda ng aking pagkatalo.
“I love you too” nahihiya kong tugon. Hindi naman sa napipilitan ako sadyang hindi lang talaga ako sanay magsabi ng ganitong bagay sa kapwa ko lalaki. Dahil bago pa sa akin ang lahat ng ito kaya nahihiya pa rin akong ipahayag sa kaniya ang totoong nararamdaman ko. Bakas naman sa kaniyang mukha ang labis na pagkatuwa nang marinig niya ang aking sinabi. Kahit na sumagot na ako ay nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin at tumango siya ng isang beses dahil inaasahan niyang may karugtong pa ang aking sasabihin. Ayaw na ayaw kong banggitin iyon pero naging mapilit siya kaya wala akong nagawa kundi sabihin ang salitang.
“babe” halos abot tenga ang kaniyang pagngiti nang banggitin ko ang salitang yun. Kung siya ay tuwang tuwa ako naman ay kinilabutan dahil sa sobrang kabaduyan ng salitang yun. Hindi ko alam bakit pinagpipilitan niyang maging tawagan namin ang salitang yun. Muli ay binigyan niya ako ng matamis na halik, halos limang segundo lang ang tinagal nito pero sapat na ang sandaling iyon para ipadama niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Pagkatapos ng halikang iyon ay ngingiti-ngiti si loko na para bang bata na sa wakas ay nabigyan ng kendi.
“Napakaisip bata mo talaga no!” sabi ko habang natatawa sa kaniyang reaksyon. Nagtaas ang kaniyang kilay habang nakangiting makahulugan matapos niyang marinig ang aking sinabi.
“Mas isip bata ka kaya” tugon niya at ngumisi habang nakatitig sa akin.
“Bakit?” tanong ko habang nagdududa sa kaniyang reaksyon.
“kasi pwet mo may rocket!” tugon niya at hindi pa rin nagbabago ang kaniyang reaksyon.
“Hahaha…ang bago niyan ahh!” sarkastiko kong pagtawa habang nakatingin sa kaniya na may halong pagkadismaya.
“Hindi mo nararamdaman ang rocket sa ilalim ng iyong pwet?” tanong niya at napangisi siya ng husto nang banggitin niya yun. Saka ko lang nakuha ang kaniyang ibig sabihin nang maramdaman ko ang matigas na bagay na tumutama sa aking pang-upo.
“Ewan ko sayo!” ang tangi kong nasabi. Umakma akong tatayo na dahil pinangangambahan ko na mapunta ito sa bagay na pilit kong iniiwasan ngunit mas matindi ang kaniyang pagkakakapit sa aking likuran kaya hindi ko agad magawang makatayo.
“Pero seryoso mas isip bata ka pa rin sa akin” sambit niya at sa sandaling ito ay seryoso na ang kaniyang hitsura.
“Bakit?” muli kong tanong. Wag na wag niyang uulitin ang joke na “pwet mo may rocket” kundi masusuntok ko na talaga siya sa sobrang kakornihan niya. Imbes na sagutin ang aking tanong ay nagawa niyang hawakanang aking leeg at marahang hinatak ako papalapit sa kaniya. Nang makalapit ang kaniyang mukha sa aking kanang tenga ay bigla na lang siyang bumulong.
“Dahil ang laki-laki mo na pero sumususo ka pa rin sa akin” malokong sabi nya sa akin at bigla ko na lang siyang tinulak. Labis-labis ang kahihiyan ko nang marinig ko iyon kaya umalis ako sa kaniyang kama habang siya ay halos mamatay sa kakatawa. Naglakad ako patungo sa kaniyang banyo at bago pa man ako makapasok sa loob ay bigla na lang siyang sumigaw.
“Uyy babe!” pagtawag niya sa akin. Magkahalong paglalambig at pagpigil ng tawa ang naging tono nito habang tinatawag niya ako. Hindi ko siya nilungon bagkus tinaas ko ang aking kamay habang nakaangat ang aking gitnang daliri para sabihin sa kaniya na ‘fuck you!’
“Sige mamaya pagbibigyan kita” tugon niya at muli siyang tumawa.
Pagkapasok ko sa loob ng banyo ay kaagad akong naghilamos ng mukha. Sa tuwing titingin ako sa salamin ay tila hindi nawawala ang pamumula ng aking pisngi dahil sa labis na kahihiyang nararamdaman. Napakagago kasi nitong si Lance at kung ano-anong pinagsasabi. Kaya minsan ay hindi ko magawang magtiwala sa mga sinasabi niya dahil madalas ay may halong kalokohan at kabastusan ang lumalabas mula sa kaniyang bibig.
Nanatili ako ng ilang minuto sa loob ng banyo at patuloy na hindi pinapansin ang pagtawag sa akin ni Lance. Mabuti na lang at dala ko ang phone ko kaya nagagawa kong maglaro. Nasa kasagsagan ako ng clash sa paglalaro ng ML. Gamit ko nggayon ang character ni Aurora kung saan ako ang inaasahan ng team na bilang setter. Habang nag-aabang kami sa damo ng aking mga kakampi para i-ambush ang aming mga kalaban kapag nagkumpulan na sila sa Lord ay bigla na lang nag chat sa messenger si Lance. Nakalimutan kong i-off ang notification mula sa kaniya kaya malamang magpapop-up yung message niya sa akin. Habang panay ang pagbale wala ko sa kaniya ay panay din ang pag message niya sa akin. Sa kakachat niya ay bumabagal ang internet connection ko. Sa kamalas-malasan ko pa ay saktong tumawag siya sa phone ko kung kelan nagsimula na ang clash. Sa isang iglap ay nabaligtad ang laro at natalo kami nang dahil sa akin.
Galit na galit ako nang lumabas ako ng banyo. Kanina niya pa ako iniinis at ngayon ay nasa sukdulan na ang aking pasensya. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko siyang sinusubukan niya pa rin i-dial ang number ko para muli akong tawagan. Lalo akong nainis dahil tila wala siyang kapaguran sa pang-aasar sa akin. Nang mapansin niya ako ay kaagad siyang tumayo para salubungin ako pero hindi ko siya pinansin. Kinuha ko ang bag ko para umalis dahil hindi ko alam kung saan hahantong ang galit ko kapag pinatulan ko pa siya.
“Ohh babe teka san ka pupunta?” tanong niya sabay hawak sa bag ko para pigilan akong umalis.
“Aalis na ako!” galit kong tugon sabay hatak sa bag ko ng buong pwersa.
“Bakit anong problema ba-” hindi niya natapos ang kaniyang dapat sabihin dahil dinuro ko siya bilang babala sa paggamit niya ng salitang yun. Hindi na niya nagawang makapagsalita dahil sa inasal ko. Ginamit ko ang pagkakataong ito para lumabas sa kaniyang kwarto. Hindi ko pinansin ang kaniyang pagtawag sa akin kahit paulit -ulit niya itong ginawa.
Halos takbuhin ko ang daan palabas dahil nakita kong sumusunod siya sa akin. Napagtagumpayan kong makalabas ng gate nila na hindi niya ako naaabutan. Saktong may dumaang taxi at pinara ko kaagad dahil nakita kong palabas na ng gate si Lance. Bago ko maisara ang pinto ng taxi ay narinig ko pa ang huling pagtawag niya sa aking pangalan. Nilakasan ko ang loob ko at hindi siya nilingon. Sinabihan ko kaagad ang driver na patakbuhin na ang taxi at sinabi sa kaniya ang address ng aming bahay.
Habang nasa byahe ay pinatay ko kaagad ang aking cellphone upang maiwasan ang kaniyang pangungulit sa pagtawag. Hindi rin ako mapakali at halos bawat minutong lumilipas ay sumisilip ako sa metro ng taxi. Tatlong daan lang ang laman ng aking wallet. Yung dalawang daan ay nanggaling pa kay ate pang budget ko raw sa dalawang araw kung saka-sakaling uuwi ako sa bahay at yung isang daan ay tira pa mula sa aking allowance. Pinagdasal ko na lang talaga na sana sumakto ang pamasahe ko.
Pagkarating sa may kanto malapit sa amin ay pumara na kaagad ako. Nasa 280 na kasi ang bill ng metro kaya kahit ilang bahay pa ang kailangang daanan ko ay pumara na kaagad ako para hindi na tumaas ang babayaran ko. Buti na lang at may tigbebente ako kaya hindi ako mahihiyang mag-antay ng sukli kasi sakto lang ang ibabayad ko. Nagpasalamat ako kay manong driver bago ko sinara ang pinto nang makalabas ako. Naglakad ako pauwi sa amin na nanlulumo dahil hindi ko alam kung papano pagkakasiyahin ang bente pesos sa loob ng dalawang araw. Saka ko lang naalala na wala nga palang stock ng grocery sa bahay kahit mga delata o noodles dahil sa lunes pa mamimili si ate. Binigyan niya ako ng pera para sa pagkain tapos ngayon ay mabilis itong naubos dahil sa katigasan ng ulo ko.
Tanghali na nang makapasok ako sa loob ng aming bahay. Buti na lang at dumaan ako sa tindahan para makabili ng noodles dahil saktong sakto ay nakaramdam kaagad ako ng gutom. Pagkalapag ko ng aking bag ay kaagad akong nagsalang ng kaldero na naglalaman ng tubig upang magpakulo. Binuksan ko ang tv at naupo sa couch habang nag-aantay na kumulo ang tubig bago ko isalang ang noodles. Habang nakaharap ako sa tv ay hindi pa rin mawala sa aking isipan ang nangyari kanina. Napaisip ako kung tama ba na umalis ako. Tama bang ganun na lang inasal ko? Papano kung tiniis ko na lang ang pang-iinis niya sa akin para hindi ako mahirapan ngayon?
Pagkaluto ng noodels ay kaagad akong kumain para maibasan ang labis na gutom na aking nararamdaman. Nanatiling nakapatay pa rin ang aking cellphone at tanging panood ng tv ang aking naging libangan. Matapos kumain ay hinugasan ko kaagad ang aking pinagkainan. Dinaan ko sa paggawa ng gawaing bahay upang maging abala ang aking isipan. Inayos ko ang aking kwarto kahit kakalinis ko lang dito kahapon. Maging ang banyo ay napagtripan kong linisin kahit na nilinis nato ni Ate Pritz kagabi. Marami akong ginawang gawaing bahay na hindi naman talaga kailangan. Nang maramdaman ko ang pagod ay pumuwesto ako kaagad sa couch para magpahinga. Ang pagidlip ko ay nauwi sa apat na oras na tulog.
Nagising ako sa pagkalam ng aking sikmura. Muli kong kinapa ang aking bulsa at napailing nang makita ang walang pisong barya na natitira. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para ipambili ng pagkain. Bigla akong napaisip na manghiram ng pera sa kaklase ko. Wala akong choice kundi buksan ang cellphone ko para ichat siya sa messenger. Sa sandaling nakasagap ng signal ang phone ko ay sunod-sunod ang mga messages mula kay Lance. Hindi ko muna ito binasa at pinagpatuloy ko ang balak na manghiram. Mabilis na nakapagreply sakin ang aking classmate na hiniraman ko pero sa kasamaang palad ay wala siya sa kanila ngayon. Wala na akong mahihiramang iba dahil yung iba kung kaklase ay may kalayuan na sa bahay ang kanilang tinitirahan.
Gusto ko sanang itulog na lang ang nararamdaman kong gutom pero hindi ko magawa dahil mas malakas ang pangangailangan ng aking sikmura. Kumuha ako ng isang basong tubig para uminom. Matapos kong maubos ang isang baso ng tubig ay bigla akong nakaramdam ng pananakit ng sikmura ko. Nabigla ata sa pag-inom ko ng tubig kaya muli ay naupo ako sa couch habang hawak-hawak ang aking tiyan. Nabaling ang aking atensyon nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Nakita kong may panibagong text message si Lance. Pinigilan ko ang aking sarili na huwag abutin ang cellphone at hayaan na lamang ito. Pero hindi rin nagtagal at hawak-hawak ko na ang aking phone.
Nagsimula ako sa pagbabasa ng mga text messages niya sa akin. Ang dami niyang sinabi kagaya ng pagtanong kung bakit ako umalis, kung bakit ako nagtaxi, may pera pa ba daw ako, natanong niya rin kung kumain na ba ako ng tanghalian. Karamihan sa mga text niya sa akin ay ang paghingi niya ng tawad. Sa dami ng ‘sorry’ sa text niya ay maiinis ka na lang basahin. Pero nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib nang mabasa ko ang huli niyang mensahe.
“ I love you“ - Lance
Napakasimpleng mensahe pero hindi ko alam kung bakit sobrang apektado ako dito. Bigla na lang akong nakonsensya habang paulit-ulit kong binabasa ang mensahe niya na yun. Muli akong bumalik sa messenger upang basahin ang mga message niya kanina sa akin na labis kong kinainis. Hindi ko nagawang basahin ang mga to dahil in-game ako kaya sa bawat pagpop-up ng bubbles ay nireremove ko ito sa screen. Puro pala pictures ang mga sinend niya sa akin. Sinimulan kong tingnan ang pinakaunang picture na sinend niya sa akin. Nagselfie siya habang hawak niya ang isang papel na may nakasulat na
‘I’
habang siya ay nakangiti. Sumunod na tiningnan ko ang pangalawang picture na sinend niya. Nakangiti pa rin siya picture na at ang tanging nabago lang ay ang hawak niyang papel na may nakasulat na
‘am’
. Mabilis kong sinundan ang pangatlong larawan kung saan may hawak siyang papel na may nakasulat na
‘sorry’
habang nakasimangot sya na parang tutang pinagdamutan ng pagkain. Hindi ko napigilang matawa sa hitsura niya. Sa sumunod na larawan ay nakahawak upo siya sa couch habang nakadisplay sa LED screen ang homescreen ng PS4. May hawak siyang mga snacks na paborito ko na nakalagay sa isang basket at ang kanang kamay niya ang controller ng PS4 na para bang inaaya niya akong maglaro. Marahil gumamit pa siya ng stand para makuhaan ng maayos to at may caption pa ang larawan na
“Date me please!”
Hindi ko napigilang maluha dahil huli na nang malaman ko na hindi niya pala ako pinagtitripan kanina. Wala lang talaga siyang alam na naglalaro ako sa loob ng banyo habang siya ay nag-aayos sa kabilang kwarto kung saan nakaset-up ang kaniyang PS4 at computer. Ngayon napagtanto ko na sa aming dalawa ay ako talaga ang isip bata. Hindi ko man lang siya kinausap o tinanong at basta-basta na lang akong umalis. Kinuha ko ang aking bag upang magtungo sa bahay nila Lance. Kahit na gabi na ay nagtungo pa rin ako sa kanila. Mabuti na lang at madalas niyang iniiwan ang bike niya dito sa bahay kaya may nagamit ako para makapunta sa kanila. Mahigit isang oras din akong nagbabike bago marating ang bahay nila. Ininda ko ang pananakit ng aking paa dahil mabilisang pagbike ko. Halos takbuhin ko ang kaniyang kwarto nang papasukin ako ng kanilang guard.
Pagkarating ko sa harap ng kaniyang kwarto ay kaagad kong hinawakan ang door knob para buksan ito. Hindi ako nagtagumpay na mabuksan ito dahil nakalock ang kaniyang kwarto. Kaagad akong kumatok sa kaniyang kwarto na para bang sobrang importante ng sadya ko at dapat niya kaagad pagbuksan ito. Sa sandaling bumukas ang pinto ng kaniyang kwarto ay kaagad kong nasilayan ang kaniyang mukha. Hindi ko alam at bigla na lang akong nakaramdam ng hiya nang makita ko siya. Hindi ko alam kung saan magsisimula at kung papano hihingi ng tawad sa kaniya. Nanatili lamang ako sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa kaniyang mukha.
“Kanina pa kita inaantay” bigla niyang sabi habang bahagyang nakadipa ang kaniyang mga kamay na tila inaantay na yakapin ko siya. Sa kaniyang pagngiti ay hindi ko napigilan ang aking sarili na lumapit sa kaniya upang yakapin siya nang mahigpit at humingi ng tawad. Ngunit ang plano kong pagyakap at paghingi ng tawad ay nauwi sa paghalik ko sa kaniyang labi. Ramdam ko ang pagkagulat niya dahil hindi siya kaagad nakatugon sa bawat paggalaw ng aking labi. Hindi rin nagtagal nang maramdaman ko ang kaniyang paghawak sa likuran ng aking ulo upang mapalalim ang aming paghahalikan. Sa bawat pagdampi ay pinadarama namin sa isa’t isa kung ano ang aming nararamdaman. Ang kaniyang paghalik ay mas lalong naging agresibo na halos magsugat ang aking labi sa tuwing kakagatin niya ito. Natigil lamang aming halikan nang tangkain niya akong halikan sa leeg.
“Huwag nanlalagkit ako sa pawis!” sabi ko matapos ko siyang itulak ng marahan.
“Ehh ano naman?” tanong niya. Hindi na niya inantay ang sagot ko at umakma siyang hahalikan ulit ito pero muli ko siyang pinigilan.
“Maliligo muna ako tapos ipagpatuloy natin to” pagkumbinse ko sa kaniya pero hindi siya sumagot. Tinaggal niya ang bag na suot suot ko. Hinatak niya ako papasok sa banyo at bigla na lang sinandal sa pader kung saan nakapwesto sa ibabaw ng ulo namin ang shower. Humawak siya sa aking tagiliran habang nakatingin sa aking mga labi.
“Alam mo namang hindi ako makakapag-antay” matapos niyang sabihin ito ay kaagad niya akong siniil ng halik. Habang hinahalikan niya ako ay bigla ko na lang naramdaman ang pagbuhos ng tubig na ikinagulat ko. Mahina lang ang pagbuhos ng tubig kaya nagagawa naming maghalikan nang hindi nakakaramdam ng pagkalunod.
Marahas niyang hinubad ang aking damit na tila walang pakialam kung masira man ito. Nang magtagumpay siya sa paghubad nito ay kaagad niyang hinalikan ang aking dibdib. Napaungol ako nang marahan niyang kagatin ang aking utong. Napasabunot pa ako sa kaniya nang sundan niya ito ng pagdila. Ginawa niya yun ng paulit-ulit na halos ikabaliw ko sa sobrang sarap. Hindi ko malaman kung saan ko ibabaling ang aking ulo dahil sa sobrang sarap na aking nadarama.
Kalaunan ay muling umangat ang kaniyang paghalik sa aking leeg na kanina pa nya pinanggigilan. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto niyang hinahalikan ang leeg ko. Habang abala ang kaniyang labi sa paghalik sa aking leeg ay siya namang paghaplos ko sa kaniyang katawan. Nakasuot pa rin siya ng damit kaya pinasok ko ang dalawa kong kamay sa loob upang paglaruan ang kaniyang mga utong. Rinig ko ang mahihina niyang pag-ungol habang marahan kong kinukurot ang mga to. Hindi siya nakontento sa ginawa ko kaya naman siya na mismo ang naghubad ng kaniyang damit. Nang masilayan ko ang kaniyang dibdib ay hindi na ako nag-antay ng kaniyang utos at pahintulot dahil kaagad ko itong sinisip na para bang bata na uhaw sa gatas.
“Ahhhh…ganyan nga babe ang sarap” malakas na pag-ungol niya na tila walang kinatakutan na baka may makarinig sa aming dalawa. Lango na rin ako sa sobrang pagnanasa kaya hinayaan ko siyang mag-ingay hanggang sa gusto niya. Nagsisimula pa lang ako sa pagpapaligaya sa kaniya pero muli niyang kinuha ang aking labi upang halikan itong muli.
“Hindi na talaga ako makapag-antay” pagkasabi niya ay kaagad niyang kinuha ang aking kanang kamay at kaagad pinakapa sa akin ang kaniyang naghuhumindik na pagkalalaki. Ramdam na ramdam ko ang katigasan nito kahit nasa loob pa lang ito ng suot ng shorts. Hindi naging sapat sakin ang bagay na yun kaya ako na mismo ang nagpasok sa loob ng kaniyang shorts at marahang nagtaas-baba nang mahawakan ko ito. Matapos niyang umungol ng marahan ay kaagad siyang ngumiti sa akin na para bang lango sa alak dahil lalong naniningkit ang kaniyang mga mata at muli ay inangkin niya ang aking labi.
Patuloy kong nilalaro ang kaniya habang walang sawang naglalaban ang aming mga dila sa pagitan ng halikan. Nagulat na lang ako nang tuluyan niyang hubarin ang shorts niya at nagawa niya ring ibaba ang pantalon na suot ko. Ngumiti siya sa akin bago niya tinaas-baba ang aking ari. Napaungol ako sa sandaling binilisan niya ang pagtaas-baba nito. Syempre hindi ako nagpatalo kaya kagaya ng ginawa niya ay ganun din ang ginawa ko sa kaniya. Makalipas ang ilang sandali ay pinatigil niya ako dahil baka daw labasan siya kaagad. Natawa ako nang sabihin niya yun dahil alam kong malakas siyang magpigil sa bagay na to pero hindi ko inaasahang makikiusap siya sa akin. Bigla na lang niyang hinawakan ang aking labi at gamit ang kaniyang hinlalaki ay marahan niya itong dinadampi. Nakuha ko kaagad ang gusto niyang mangyari kaya dahan-dahan akong lumuhod sa kaniyang harapan.
“Arrgghh… babe ang sarap” sambit niya nang simulan ko ang pagsubo sa kaniyang ari. Parang musika sa akin ang bawat pag-ungol niya kaya mas lalo kung pinag-igihan ang pagpapaligaya sa kaniya. Kahit na mabilaukan ako ay pinilit ko pa ring isubo ang kabuuan nito na mas lalong ikinabaliw niya sa sarap.
“Tangina ang sarap…isa pa please” pagmamakaawa niya at gaya ng pakiusap niya ay muli kong sinagad ang kaniyang ari hanggang sa maabot nito ang aking lalamunan. Ininda ko ang pakiramdam na masuka para lang mapaligaya siya. Halos siya na nga mismo ang nagkokontrol ng bawat paglabas masok ng kaniyang ari sa loob ng aking bibig.
Hindi ko alam kung gaano namin katagal na ginagawa ang bagay na to dahil ramdam na ramdam ko na ang pangangawit ng aking panga. Panandalian kong pinaghinga ang aking bigbig at para hindi siya mabitin ay ginamit ko ang aking dila upang dilaan ang palibot ng kaniyang ari. Marahan ko ring hinalikan ito hanggang sa makarating ang aking labi sa kaniyang bayag. Muli niyang hinalikan ang labi at ngumiti sa akin habang hawak-hawak pa rin ang panga.
“Malapit na ako babe” hindi ko nagawang tumugon sa kaniyang sinabi dahil hinawakan niya ang aking labi at pilit na pinanganga ako. Nang bumuka ang aking bibig ay bigla na lang siyang nag-ipon ng laway at dinura ito sa loob ng aking bibig. Imbes na mandiri ako ay tila lalong tumaas ang libido sa kakaibang karanasan na yun. Muli kong sinubo ang kanyang ari at sa pagkakataong ito ay mas lalong naging mabilis ang paglabas-masok niya sa aking bibig. Sinasalubong niya ang bawat pagbaba ng aking bibig sa kaniyang ari na halos mabilaukan ako. Ilang sandali pang pagtitiis at muli siyang nagsalita.
“Ayan na babe malapit na ako…Ayan na, lunukin mong lahat!!!” sigaw niya at sa sandaling lumabas ang kaniyang katas ay nagawang niyang isagad ang kaniyang ari sa aking lalamunan kaya lahat ng ito ay nagawa kong lunukin.
Napapunas ako sa aking labi matapos niyang tanggalin ang kaniyang ari mula sa aking bibig. Inalalayan niya akong makatayo dahil alam niyang kanina pa ako nakaluhod. Ngumiti siya sa akin bago niya ako binigyan ng halik. Wala siyang pakialam kung malasahan man niya ang kaniyang katas na natitira sa aking labi. Ang halik na ito ay hindi nagtagal dahil nakaramdam na rin ako ng lamig sa tagal namin sa banyo.
“Magsasabon lang ako tapos magbibihis na ako” sambit ko at bago ko pa man mahawakan ang sabon ay nagawa niyang pigilan ang aking kamay.
“Hindi pa tayo tapos” tugon niya at ako naman ay napatingin sa kaniya. Bigla na lang niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ng aking pwet at nilapit ng husto ang aming katawan.
“Wala pa tayo sa main dish” sabi niya habang binibigyan ako ng nakakalokong ngiti. Hindi ko inaasahang aabot pa kami sa bagay na to dahil ginawa ko na kanina ang lahat upang mapaligaya siya at hindi na kami humantong sa sandaling ito. Natatakot pa rin akong masaktan lalo na’t kapag nagsimula na siyang pumasok sa loob ko. Hindi ko alam kung papano siya tatanggihan lalo na nang muli niyang angkinin ang aking labi ay tila nawalan na akong ng lakas ng loob upang lumaban.
Itutuloy….
A/N: Puputulin muna natin ang mainit na sandali dahil sobrang haba na ng chapter na to. Pansin ko lang din na masyadong feel good na ang story na to kaya sisimulan ko na ang mga twist at conflicts sa mga susunod na chapters. Nasa 15 chapters na lang ang natitira kaya sulitin nyo na ang mga eksenang ganito.
Anyway, hindi ko pa alam kung gaano katagal bago akong makakapagsulat dahil sa linggo kung saan araw ng kaarawan ko ay nakaschedule ako na maconfine sa hospital dahil kailangan kong mag-undergo ng surgery. Sa mga susunod na araw ay baka hindi ko na mahawakan ang laptop ko dahil mag-aasikaso ang ako ng clearance kaya sana makapag-antay kayo sa susunod na chapter. Sana maging mabilis ang recovery ko after surgery para makapagsulat kaagad ako. Maraming salamat sa walang sawang pagsuporta nyo.
Please don’t forget to
VOTE!
Chapter 26: Wild Ones
Darren as Gunter
Gunter’s POV
Hindi ko inaasahang aabot pa kami sa bagay na to dahil ginawa ko na kanina ang lahat upang mapaligaya siya at hindi na kami humantong sa sandaling ito. Natatakot pa rin akong masaktan lalo na’t kapag nagsimula na siyang pumasok sa loob ko. Hindi ko alam kung papano siya tatanggihan lalo na nang muli niyang angkinin ang aking labi ay tila nawalan na akong ng lakas ng loob upang lumaban. Yumakap ako sa kaniya upang mapalapit ng husto ang aming katawan. Hindi alintana ang lamig ng tubig na bumubuhos mula sa shower dahil sa init na nagmumula sa aming mga katawan.
Pikit matang dinarama ang bawat sandaling magkalapat ang aming mga labi. Ang kaniyang kamay ay nanatili sa aking magkabilang pisngi ng aking pang-upo habang ang akin naman ay unti-unting naglalakbay mula sa kaniyang likod patungo sa kaniyang batok. Hindi ako nakontento kaya hinawakan ko na ang magkabila niyang panga upang lumalim ng husto ang aming paghahalikan. Labi sa labi, dila sa dila at laway sa laway.
Habang abala ang aming mga labi sa paghahalikan ay siya namang pagkikiskisan ng aming mga ari sa isa’t isa. Sabay kaming napapaungol sa sensasyong hatid nito. Kagaya ko ay naglakbay din ang kaniyang kamay mula sa pisngi ng aking pwet patungo sa aking likod hanggang sa marating niya ang aking pisngi. Napadilat ako sa sandaling pagtigil niya sa aming paghahalikan. Kaagad nagtagpo ang aming paningin nang idilat ko ang aking mga mata. Sobrang erotiko ng kaniyang pagtingin sa akin. Ang kaniyang mga mata ay tila nakakapaso kong tumingin na nagdadagdag ng labis na pagnanasa sa aking katawan.
Bigla na lang niyang hinawakan ang aking labi at pinaglaruan ito gamit ang kaniyang hinlalaki na para bang pinupunasan niya ito. Muli niyang nilapit ang kaniyang labi para bigyan ang ako ng isang halik. Mabilis lang ang pagkakadampi ng kaniyang labi dahil nasundan kaagad ito ng marahang pagkagat niya sa pang-ilalim ko na labi. Matapos niyang kagatin ito ay sinundan niya ng pagdila ang aking labi. Ilang beses niyang inulit ang paghalik, pagkagat at pagdila sa aking labi na hinihiling ko na wag sanang matigil dahil sa kakaibang sensasyong dinudulot nito. Hinawakan niya ang aking baba at ginamit ang kaniyang hinlalaki para mapabuka ang aking labi.
“Ibuka mo pa” sobrang nakakaakit ang paraan niya ng pagsabi nito kaya hindi ako nagdalawang isip na sundin ang kaniyang utos. Kaagad kong nilakihan ang pagkakabuka ng aking bibig na ayon sa kaniyang utos.
Habang nakabuka ang aking bibig ay hinawakan naman niya ang pisngi upang magabayan ako sa nais niyang mangyari. Nagulat na lang ako nang bigla siyang dumura sa loob ng aking bibig. Nilayo niya ang kaniyang mukha at napansin ko na para bang nag-iipon siya ng laway. Sa muling paglapit ng kaniyang labi sa akin ay naulit ang kaniyang pagdura sa loob nito. Naulit ito ng tatlong beses bago siya tumigil at pinasara ang aking bibig.
“Huwag mong lulunukin” mabilis niyang sabi at muntikan ko na ngang gawin yun. Buti na lang at mabilis siyang nakapagsabi. Sumunod ay nilapat niya ang kaniyang daliri sa aking labi.
“Isubo mo to kagaya ng pagkakasubo mo kanina sa burat ko” para akong alipin ng kaniyang mga salita at sa bawat utos niya ay wala akong kaangal-angal at kaagad ko itong pinagbibigyan.
Sinimulan ko ang pagsubo ng kaniyang hintuturo. Hindi niya ako hinayaang mahawakan ang kaniyang kamay dahil nais niya na siya mismo ang maglabas-masok ng kaniyang daliri sa loob ng aking bibig. Hindi naman ako nahirapang gawin ito dahil hindi naman ito kagaya ng ari niya na halos mabilaukan ako sa tuwing ipapasok sa aking bibig. Nang masiguro niyang basang basa na ang kaniyang hintuturo ay nagawa niyang bawiin ito mula sa aking bibig. Ang akala ko ay dun na matatapos ang pagpapalaro niya sa akin ng kaniyang daliri pero nagkamali ako dahil sa pagkakataong ito ay dinagdag niya ang kaniyang gitnang daliri sa pagpasok ng aking bibig.
Ang isa ay naging dalawa at ang dalawa ay naging tatlo. Umabot sa tatlong daliri ang naglalabas masok sa aking bibig na walang karekla-reklamong kong sinubo. Sinasabayan ko pa ito ng pagdila sa dulo ng kaniyang mga daliri na nagpapanginig sa kaniyang katawan. Kasalukuyang nakapikit ang kaniyang mata habang sarap na sarap sa aking ginagawa. Bigla kong naisipang kagatin ang kaniyang daliri na mabilis nagpadilat sa kaniyang mga mata dahil sa gulat. Habang marahan kong kinakagat ang kaniyang mga daliri ay siya namang pangiti niya sa akin ng nakakaloko habang nakataas ang isa niyang kilay na tila may binabalak na masama.
“Mukhang handa kana” sabi sabay ngumiti sa akin na may halong panggigil. Inalis niya ang kaniyang mga daliri sa loob ng aking bibig at bigla na lang niyang pinasok ang isa niyang daliri sa aking lagusan.
“Ahhhhh” ang tangi kong nasabi sabay kapit sa kaniyang mga balikat. Napayuko ako habang iniinda ang kirot sa pagpasok ng kaniyang daliri sa aking lagusan. Sa bawat pagkalikot niya dito ay tila naghahalo na ang sakit at sarap na aking nadarama. Paghigpit ng pahigpit ang aking pagkakakapit sa balikat ni Lance dahil magkahalong sensasyong nadarama sa paglaro niya sa aking lagusan. Hindi rin nagtagal nang dagdagan niya pa ito ng isa pang daliri. Tanging pagngiwi ang aking nagawa dahil sa pamilyar na kirot na muli kong naramdaman. Napansin naman ito ni Lance at upang maibsan ang sakit na aking nadarama ay muli niyang pinaglapat ang aming mga labi habang patuloy ang paglalaro niya sa aking lagusan.
“Mukhang handa kana” bulong niya sa akin at nagawa pang kagatin ang aking tenga.
Hinawakan niya ang aking kamay upang gabayan ako patungo sa may inidoro. Pagkalapit namin doon ay kaagad siyang naupo at may kinuha ang bote na naglalalaman ng pampadulas. Kinuha niya ang aking kamay at nilagyan niya ito ng maraming pampadulas. Mabilis ko namang nakuha ang gusto niyang mangyari kaya naman ako na mismo ang naglagay nito sa palibot ng kaniyang ari. Sa bawat pagtaas-baba ng aking kamay sa kaniyang ari ay napapahalinghing siya sa sarap. Kagat-kagat niya ang kaiyang labi habang nakatingila at ang kaniyang mga mata’y nakapikit. Nilaro ko ang palibot ng kaniyang ari bago ko ito dahan-dahang ibaba.
“Ahhh…fuck! Ang sarap niyan babe” sambit niya habang paulit-ulit kong ginagawa ang pagpapaligaya sa kaniya. Simula sa marahang pagtaas-baba ay naging mabilis ang ritmo ng pagtaas-baba ng aking kamay sa kaniyang ari na mas nagpabaliw sa kaniya sa sarap. Nadala na rin ako sa sandaling iyon dahil imbes na maglagay lang ng pampadulas sa ari ni Lance ay nauwi ito sa pagpapaligaya sa kaniya. Nabigla ako nang hawakan niya ang aking kamay na nagpatigil sa akin sa paglalaro ng kaniyang ari.
“Ahhhhh..Tama na babe, baka mauna akong labasan sa kamay mo bago pa kita mapasok” sabi niya habang hinahabol ang hininga matapos lumikha ng mahabang ungol. Binawi ko naman ang kamay ko matapos niya akong patigilin at muli niyang kinuha ang bote na naglalaman ng pampadulas at siya na mismo ang naglagay sa kaniyang ari.
Hindi ko napigilang mapalunok laway habang tinititigan ang kaniyang ari habang nilalagyan niya ito ng pampadulas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kinaya ko ang sakit nang pumasok sa aking lagusan ang ganon kalaking bagay. Aaminin kong natatakot pa rin ako namasaktan sa sandaling pumasok na iyon sa aking butas. Pero sa sandaling ito ay wala na akong dahilan para umurong.
“Ready?” tanong niya sa akin nang mapansin niyang matagal na akong nakatitig sa kaniyang ari. Nakangisi siya sa akin habang marahan niyang tinataas baba ang kaniyang ari na para bang inaakit niya akong maupo sa ibabaw nito. Lumapit ako ng husto sa kaniya pero nag-aalangan pa rin ako dahil sa sakit na maaari kong maramdaman. Kaagad naman itong napansin ni Lance kaya hinawakan niya ang magkabila kong kamay.
“Wag kang mag-alala, this time masasarapan ka na ng sobra” sambit niya habang nakangiti sa akin upang maibsan ang pangamba ko.
Tumango ako bilang pagsang-ayon bago pumatong sa ibabaw niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng aking pwet hind lang para maibuka ito ng husto at para rin maalalayan ako sa aking pag-upo. Hinawakan ko ang kaniyang ari para itapat sa bukana ng aking lagusan. Nangingig ang aking katawan nang maramdaman ko ang init ng ulo nito sa pagtama niya sa lagusan ko. Huminga ako ng malalim bago ko binaba ang aking sarili upang maipasok ng husto ang kaniyang ari sa aking lagusan. Kaagad akong napangiwi sa sandaling pumasok ang ulo nito sa loob. Maingat ang aking pagkilos dahil alam kong mas lalala ang sakit kapag binigla ko ito. Ulo pa lang nito ang nakakapasok pero parang hinihiwa na buong pagkatao ko dahil sa sakit.
“I-relax mo lang sarili mo babe para hindi ka masaktan” sabi ni Lance habang marahang hinihimas niya ang aking pwetan para kumalma. Tumingala ako at pinikit ang aking mata para makapag-concentrate. Muli akong huminga ng malalim bago ko pinagpatuloy ang pagbaba ng aking katawan upang maisagad ito. Unti-unting nawawala ang kirot kapag narerelax ko ang katawan ko pero biglang nanunumbalik ang sakit kapag nawawala ako sa concentration.
“Ahhhhhh” kapwa kaming napahalinghing sa sandaling naipasok ng sagad ang kaniyang ari sa loob ng aking lagusan. Napayakap ako kay Lance habang nakapatong ang aking noo sa kaniyang balikat. Hindi muna ako gumalaw dahil alam kong masasaktan akong muli kapag ginawa ko iyon.
“Take your time babe” sabi ni Lance habang inaamoy niya ang buhok ko. Ang kaniyang kaliwang kamay ay nanatili sa isang pisngi ng aking pang-upo at ang kanang kamay niya ay marahang humahaplos sa aking likuran. Sinunod ko ang kaniyang payo dahil gusto kong parehas kaming masarapan sa sandaling ito kaya ninamnam ko muna ang sandali at masanay ang aking lagusan sa kaniyang sukat.
Ilang sandali ang lumipas nang kumilos ako ng kaunti. Wala akong naramdamang sakit kaya sinubukan kong itaas ang katawan ko ng kaunti at nakaramdam kaagad ako ng hapdi. Pero sa sandaling ito ay nakakaya ko na ang kirot at hindi na ganun kalala. Matapos kong itaas ang aking katawan ay dahan-dahan naman akong bumaba. Muling napaungol si Lance nang maisagad ang kaniyang ari sa aking lagusan. Dahil sa kaya ko na ang kirot ay nagpaulit-ulit ako ng pagtaas-baba sa kaniyang ari pero bawat galaw ay buong ingat at marahan lang upang hindi ako makaramdam ng labis na sakit.
Nang makasanayan ko ang ritmo ng pagtaas-baba sa kaniyang ari ay unti-unting bumilis ang paglabas-masok nito sa aking lagusan. Sa bawat sandaling bumabaon ito sa aking kalooban ay tila may bagay itong tinatamaan na halos magpaliyad sa akin sa sobrang sarap na dinudulot nito. Pinatong ko ang aking mga kamay sa ibabaw ng balikat ni Lance para maalalayan ang aking sarili sa pagtaas-baba habang siya naman ay nakahawak na sa aking bewang at nagagawa na niyang salubungin ang pagbaba ng aking katawan. Muli akong napatingla sa labis na sarap na nadarama at halos tumirik ang aking mga mata sa tuwing natatamaan niya ang bagay na iyon. Ilang sandali pa nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Bigla na lang niyang dinilaan ito at pinaulanan ng mga halik. Lalong nadagdagan ang sarap na nadarama ko nang kagatin niya ito at sipsipin habang patuloy ang paglabas-masok niya sa aking lagusan.
“Laaance” pagtawag ko sa kaniyang pangalan ngunit wala na akong mabanggit na iba pang salita dahil sa labis na sarap na naradama.
“Nasasarapan ka na ba?” tanong niya sa akin habang patuloy ang paghugot-baon ng kaniyang ari sa aking lagusan. Tila napipi ako sa sandaling iyon dahil walang boses na lumalabas sa aking bibig at tanging mahihinang pag-ungol lang ang nagagawa ko. Tumango na lang ako bilang pagsang-yon sa kaniyang sinabi. Nang makompirma niya ang aking nararamdaman ay kaagad niyang hinawakan ang aking pisngi para abutin ang aking labi. Hindi ako nagdalawang isip na ibigay sa kaniya ang nais niyang mangyari. Sobrang lasing na lasing ako ngayon sa tindi ng sarap na aking nadarama. Nakaramdam ako ng sarap sa unang beses niyang pagpasok sa akin ngunit naroon pa rin ang sakit. Ngunit sa sandaling ito ay puro sarap na lang ang aking nadarama. Nakadagdag pa ng kakaibang sensasyon ang paglalaro ng aming mga dila sa pagitan ng halikan.
Pagkabitaw niya sa aming halikan ay kaagad niyang dinilaan ang pang-ibabaw niyang labi upang dilaan ang pinaghalong laway namin bago siya ngumiti sa akin. Kanina lang ay punong puno ng pagnanasa ang kaniyang mga ngiti pero sa sandaling ito ay punong puno ng kasiyahan ang kaniyang pagngiti. Pakiramdam ko tuloy ay parang may mga paru-paro sa aking tiyan na nais kumawala sa labis na sayang nadarama ko ngayon. Makalipas ang ilang sandali ay kumapit siya sa aking balikat upang maibaon ng sagad ang kaniyang ari na nagpa-ungol sa aming dalawa. Nagulat na lang nang bigla niyang hugutin ang kaniyang ari sa lagusan. Ang akala ko ay nilabasan na siya sa loob ko pero wala naman akong naramdaman. Pagtingin ko sa aking lagusan ay wala namang bakas ng kaniyang katas. Yun pala ay nais niya akong patayuin upang magpalit ng posisyon.
Muli niya akong ginabayan sa pamamagitan ng paghawak sa magkabila kong kamay patungo sa isang sulok ng shower room. Pinaharap niya ako sa pader at ang aking mga kamay ay nakahawak dito bilang pagsuporta sa aking katawan. Muli kong naramdaman ang init ng kaniyan ari nang ikiskis niya ito sa aking lagusan pero hindi niya muna ito tuluyang pinapasok. Nanginginig ang aking katawan sa kakaibang sensasyon dahil sa paulit-ulit niyang pagkiskis dito. Nang siya ay magsawa ay bigla na lang niyang pinasok ang kaniyang ari sa aking lagusan ng wala man lang pasabi. Nagulat ako sa bigla niyang pagbaon ngunit tila nasanay na ang aking lagusan sa kaniyang sukat kaya wala na akong sakit na naramdaman kundi tanging sarap na lamang.
Bawat sandali ng kaniyang pag-ulos ay tila mababaliw ako sa sarap. Nagawa niya pang hawakan ang aking mukha upang iharap sa kaniya. Naghalikan kami habang panay ang pag-ulos niya habang ako ay nakatalikod. Unti-unting dumidikit sa pader ang aking mukha dahil habang tumatagal ay nauubusan ng lakas ang aking mga kamay. Sa pagbitaw namin mula sa matinding paghahalikan ay hinawakan niya ang aking ulo gamit ang kaniyang kanang kamay habang ang kaniyang kaliwang kamay ay nakakapit sa aking balikat. Sa paraang ito ay nagagawa niyang ibaon ng husto ang kaniyang ari sa aking lagusan.
“Lance, ibaon mo pa!” dahil sa labis na kaligayahan ay nagawa kong sabihin ang nakakahiyang salita na yun. Hinalikan niya muna ang aking batok bago niya pagbigyan ang aking kahilingan. Kapwa kami napapahalinghing sa bawat sandaling maisasagad niya ito. Ang mga katawan ay basa na sa pinaghalong tubig at pawis. Hindi ko maiwasang mapahiling na sana wag nang matapos ang sandaling ito dahil sa labis na ligayang hatid nito sa akin.
Napakunot noo ako nang bigla niyang hugutin ang kaniyang ari. Pinaharap niya ako upang magtagpo ang aming paningin. Bigla siyang natawa sa naging reaksyon ko dahil sa ginawa niya. Upang makabawi ay binigyan niya ako ng halik sa noo, sa aking ilong at huli sa aking labi. Ngunit hindi pa rin ako natuwa sa kaniyang ginawa dahil bitin na bitin pa ako. Ngumiti siya at yumakap sa akin.
“Mukhang mapapalaban ako sa resistensya mo babe” bulong niya sa akin habang inaamoy ang aking leeg.
“Pero don’t worry, kayang kaya kitang pagbigyan. Anytime!” dugtong niya at muling binigyan ako ng matamis na ngiti.
Sa sandaling ito ay wala akong panahong makipag-usap dahil tanging halik at pakikipagtalik kay Lance ang nasa isipan ko. Kaya naman bago pa siya muling magsalita ay kaagad ko siyang siniil ng halik. Sobrang aggressive ko at nagawa ko pang makagat ang kaniyang labi sa pagitan ng matinding paghahalikan. Hindi ko namalayan na nasasakyan ko na pala siya at napakalas lang ako sa aming halikan nang may malasahan akong kakaiba. Pagtingin ko sa kaniyang labi ay nagdurugo na pala ito sa tindi ng pagkagat na ginawa ko.
“Hungry much?” imbes na magalit siya ay ngumiti siya sa akin habang pinupunasan ang dugo sa kaniyang labi.
“Tangina kasi binibitin mo ako” reklamo ko at kaagad siyang natawa.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Nanatiling namumula ang kaniyang labi at may bakas pa rin ng dugo. Ang kaniyang noo ay may namumuong pawis at ang kaniyang buhok ay nawala na sa hustong ayos.
“Malapit na kasi ako kaya gusto kong mapagmasdan ang mukha mo bago ako tuluyang labasan” sa pagkakasabi niyang iyon ay bigla na lang nag-init ang aking mukha. Napayuko ako at iniwas ang aking paningin sa kaniya. Hinawakan niya ang aking baba upang iangat ang aking mukha para magtagpo ang aming paningin. Sa pamamagitan ng kaniyang pagtitig sa aking mga mata ay tila nawalan na ako ng kontrol sa sarili kong katawan. Hinayaan ko siyang gawin lahat ng nais niyang mangyari. Saka lang ako muling natauhan nang maramdaman ko ang matinding lamig sa aking likuran.
“Konting tiis lang dahil malapit na ako. Yumakap ka sa akin para hindi ka masyadong lamigin” ginawa ko kaagad ang inutos niya dahil sa sandaling ito ay nakahiga na ako sa sahig. Ramdam na ramdam ko ang lamig nito dahil sa bakas ng tubig na nagpapanginig sa aking kalamanan. Kalaunan ay nawala rin ang ginaw na aking nadarama nang muling magdikit ang mga katawan.
Ngayon ay nasa ibabaw ko na si Lance. Hinahabol ang kaniyang hininga habang patuloy ang paglabas-masok sa aking lagusan. May mga pagkakataong napapakagat labi ako dahil sa tindi ng kaniyang pagkakabaon. Hindi ko rin mabilang kung ilang beses ko siyang nakalmot sa likod. Ang kaniyang pawis ay tumutulo na rin sa aking mukha dahil sa tindi ng kaniyang pag-ulos.
“Malapit na ako” sabi niya habang patuloy ang kaniyang pag-ayuda. Tanging pagtango lang ang aking naitugon dahil sarap na sarap ako. Pakiramdam ko ay lalabasan na rin ako kahit na hindi ko ginagalaw ang aking ari. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi upang mahalikan siya. Isang matinding halik ang pinadama namin sa isa’t isa bago namin marating ang sukdulan ng aming pagtatalik.
Sabay kaming nagpakawala ng mahabang ungol nang marating namin ang sukdulan. Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang tamod sa loob ng aking lagusan. Kahit na nakapagpalabas na siya kanina ay tila marami pa rin ang naipunla niya sa loob ko. Umagos ang kaniyang masaganang katas nang hugutin niya ang kaniyang ari. Masasabi kong mas nasiyahan ako sa sandaling ito kumpara sa unang pagkakataon naming magtalik.
Nang humupa ang aming matinding pagnanasa sa isa’t isa ay saka namin pinagpatuloy ang paglinis sa aming katawan. Wala na kaming ginawang kalokohan at mabilis kaming naglinis ng katawan sa kadahilanang hindi pa ako nakakain. Lumabas kami sa banyo na walang saplot sa katawan. Hindi man lang kami nakapagdala ng bathrobe o kaya tuwalya kaya ngayon ay para kaming basang sisiw na naglalakad sa kaniyang kwarto. Kumuha siya ng tuwalya para sa aming dalawa. Kaagad ko namang pinunasan ang aking sarili para makapagbihis na dahil sa lamig ng kaniyang kwarto at habang ako’y nagpupunas ay bigla ko na lang naramdaman na may umagos sa aking hita. Ang buong akala ko ay naubos na ito nang magshower kami pero may umaagos pa rin mula sa aking lagusan. Nang makita ito ni Lance ay kaagad siyang ngumiti na para bang tuwang tuwa pa sa kaniyang nakikita kaya naman bago ako bumalik ng banyo ay nagawa ko siyang hampasin ng tuwalya bago ako nanakbo patungo sa banyo.
“Ako na maglilinis babe!” sigaw niya nang isara ko ang pinto ng banyo. Ni-lock ko ito upang hindi na siya makapasok sa loob. Baka pagsumama pa siya ay mapunta na naman sa ibang bagay ang dapat ay paglilinis lamang.
Pagkatapos kong makapaglinis at masigurong wala nang tumutulo mula sa aking lagusan ay nagpasiya na rin akong lumabas ng banyo. Wala na sa loob ng kwarto si Lance nang lumabas ako ng banyo. Lumapit kaagad ako sa kama upang makakuha ng damit mula sa aking bag. Ngunit sa aking paglapit ay nakita kong may nakahanda nang damit para sa akin. May note pa sa ibabaw nito na nagsasabing bilisan ko ang pagbihis at magtungo sa kabilang kwarto. Kagaya ng kaniyang sinabi ay nagmadali ako sa pagbihis. Ininda ko ang kumakalam na sikmura ko at lumabas ng kaniyang kwarto. Katabi lang ng kaniyang kwarto ang tinutukoy niyang dapat kong puntahan. Ito yung room niya for gaming. Halos kompleto siya sa mga latest consoles at yung mga collections niya ng mga laruan ay dito rin nakalagay.
Sa aking pagpasok ay kaagad na pumukaw sa aking pansin ang pinaghalong amoy ng mga masasarap na pagkain. Kasalukuyang nakaupo si Lance sa couch at kasalukuyang namimili ng mga palabas sa Netflix. Ang maliit na mesa sa kaniyang harapan ay punong puno ng mga pagkaing paborito ko. Hindi ko alam kung mauubos naming dalawa ang mga ito pero sa tindi ng gutom ko ay mukhang marami talaga akong makakain. Pumuwesto kaagad ako sa kaniyang tabi upang masimulan na ang pagkain dahil kanina pa talaga ako nagugutom.
“Anong gusto mong panoorin” tanong niya sa akin bago pa man ako makakuha ng fried chicken.
“Ikaw ang bahala” ang tangi kong sinagot at saka ako kumuha ng pagkain.
Masaya kaming kumain habang nanonood ng palabas na kaniyang napili. Sa totoo lang ay hindi maintindihan ang palabas na aming pinapanood dahil mas naging tutok ako sa pagkaing nakahain sa aming harapan. Hindi ko nga mabilang kung ilang hita ng manok ang aking nakain. Basta hindi ako tumigil hanggang sa hindi ako makaramdam ng kabusugan. Sumandal ako sa kaniyang balikat nang makaramdam ako ng antok. Kinukurot niya pa nga ang aking utong para daw magising ako at masamahan ko siya sa panonood. Kahit anong pangungulit pa ang ginawa niya ay mas nanaig ang tindi ng antok ko kaya hindi rin nagtagal nang makatulog ako sa kaniyang balikat.
Madaling araw nang magising ako dahil sa matinding init. Nakahiga na ako ngayon sa ibabaw ng kama ni Lance habang siya ay nakayakap sa akin. Kapwa kami walang saplot na pang-itaas na damit kaya naman ramdam na ramdam ko ang panlalagkit dahil sa pinaghalong pawis naming dalawa. Nakabukas naman ang aircon ngunit labis ang init ngayong gabi. Tatayo sana ako para lakasan ang aircon ngunit kasabay ng pagtayo ko ay siya namang paghatak ni Lance sa aking kamay. Nawalan ako ng balanse kaya napadapa ako sa ibabaw niya. Kahit nakapikit pa ang kaniyang mga mata ay nagawa niyang ngumiti sa akin. Marahan ko siyang tinulak dahil sa panlalagkit ng aming mga katawan pero nagawa niyang pagpalitin ang aming posisyon at sa ngayon ay nasa ibabaw ko na siya. Magsasalita sana ako para balaan siya sa balak niyang gawin ngunit mas mabilis ang kaniyang labi na patahimikin ang sa akin sa pamamagitan ng paghalik. Ang halik na ito ay muling nagbigay buhay sa aming katawan at muling nangyari ang pag-angkin niya sa aking lagusan.
Kinabukasan ay nahuli na kaming gumising kaya ang almusal at tanghalian ay pinagsabay na namin. Matapos kaming kumain ay kaagad namang naglaro ng mga bagong games niya sa kaniyang PS4. Para kaming mga bata na nag-aasaran at nagsasakitan para lang maipanalo ang laro. Aaminin ko na mas magaling talaga sa akin si Lance sa ganitong laro kaya minsan ay hindi ko mapigilang maasar kapag hindi ko na siya matalo. Sa sandaling mapansin niyang nababanas na ako ay kaagad siyang babawi sa paglalambing sa akin na mauuwi na naman sa matinding bakbakan. Sa loob ng gaming room niya ay maririnig ang pinaghalong ingay ng mga zombie, baril at ang pinakamalakas sa lahat ay ang ungol na nililikha naming dalawa.
Sa pagsapit ng hapon ay nag-ayos na ako ng mga gamit para makauwi sa bahay. Mamayang gabi na kasi ang uwi ni Ate mula sa kanilang team building. Nagpumilit pa si Lance na sa kanila na lang matulog pero tumanggi ako dahil alam kong hindi naman pagtulog ang mangyayari sa amin kinagabihan. Hindi naman sa tinatanggihan ko siya pero kailangan din naming magkontrol lalong lalo na kapag may pasok kinabukasan. Grabe kasi kung manggigil itong si Lance na halos hindi na ako makatayo o makakilos ng husto sa pagod sa tuwing magtatalik kami. Kaya naman bago ako makaalis ay panay ang pang-aakit niya at paglalambing niya sa akin dahil nagbabakasakali siyang magbago ang isip ko.
“Babe dito ka na matulog” pakiusap niya habang hawak-hawak niya ang aking mga kamay. Umiling lang ako bilang pagtugon dahil desidido na akong uuwi ngayong gabi at baka mapagalitan pa ako ni Ate Pritz. Dahil sa naging tugon ko ay kinuha niya ang aking kamay at ginapang ang mga ito sa kaniyang dibdib patungo sa kaniyang tiyan. Nagawa kung bawiin ang aking mga kamay bago pa niya mailagay ang kamay ko sa kaniyang hinaharap. Natawa naman siya sa kinilos ko.
“Ganito na lang. Kiss mo na lang ako” bigla niya akong niyakap nang mahigpit para hindi ako makahindi sa nais niyang mangyari. Napailing muna ako bago ko ginawa ang nais niyang mangyari. Isang mabilis na halik lang ang ginawa ko na tila hindi niya nagustuhan.
“Samahan mo naman ng dila para mag-enjoy ako” seryoso niyang sabi.
“Gago!” mabilis kong tugon na ikinatawa niya.
“Bilis na isang kiss na lang” pinagbigyan ko siya sa nais niyang mangyari at hinalikan ko siya sa paraang gusto niya. Sa sandaling kakalas na ako sa aming halikan ay bigla naman niyang hinawakan ang aking pisngi para mapanatili ang pagkakadikit ng aming mga labi. Napangiti na lang ako sa pagitan ng aming paghahalikan ngunit hindi rin ito nagtagal nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Lance. Kapwa kaming nagulat dahil sa biglang pagbukas nito. Maging ang taong nagbukas ng pinto ay nagulat sa kaniyang nasaksihan. Huli na ang lahat bago kami kumalas sa isa’t isa at nasaksihan na ng taong ito ang bagay na pilit naming tinatago ni Lance.
Itutuloy…..
A/N: Thank you sa birthday wishes nyo at sa pagpray para sa fast recovery ko from surgery. Sa ngayon ay hindi pa rin ako fully recovered at madalas nahihilo dahil isa to sa mga side effects ng surgery na lalong nagpapahirap sa akin sa pagsusulat.
I’ll try my best na makapag-update kaagad basta sipagan nyo ang pagbo-vote. Pababa na ng pababa ang VOTES ng story na to kung kelan nagdesisyon akong i-extend pa siya. Pero depende pa rin sa demand nyo kung ilang chapters pa ang ihahaba niya.
THANK YOU! THANK YOU!
Chapter 27: Game on!
Dylan as Gunter
Lance’s POV
Nakakatawang isipin na para bang nagagawa ko ang mga bagay-bagay sa unang pagkakataon kapag kasama ko si Gon. Ang pakikipagdate sa kaniya ng palihim na akala mo strikto ang kaniyang mga magulang. Ang makaramdam ng kilig sa tuwing tatawagin niya akong babe. Ang hawakan ang kaniyang kamay nang patago. Mga simpleng tinginan na kaming dalawa lang ang lubos na nakakainitindi. Ang simpleng pagdampi ng aming mga labi na nauuwi sa matinding halikan. Syempre hindi mawawala ang mga nakaw na sandali na kung saan nagagawa naming magtalik. Napapamura pa rin ako na para bang first time ko palaging makipag-sex sa kaniya dahil ang bilis kong makaramdam na lalabasan na ako. Hirap na hirap akong pigilan ang sarili ko kapag siya ang kasama ko.
Ngayon ay sobrang saya ko na kasama ko siya sa buong maghapon sa bahay. Halos pagkain, paglaro at pagtatalik lang inatupag namin na para bang walang mga kapaguran. Masaya akong malaman na hindi na siya nasasaktan sa tuwing papasukin ko siya at madalas siya pa tong nag-aaya na masundan ng ilang round na hindi ko naman inuurungan dahil alam kong matatagalan pa bago masundan ang masasayang sandali na to para sa aming dalawa. Mamayang gabi lang ay kakailanganin na niyang umuwi sa kanila kaya naman sinulit ko talaga ang bawat sandaling magkasama kami.
Hindi ko pinigilan ang aking sarili na iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Kahit na minsan ay naiinis na siya sa pagiging clingy ko ay pinagpapatuloy ko pa rin ang paglalambing sa kaniya. Bago pa man siya makaalis ay humiling pa ako ng isang halik. Kung tutuusin ay kakatapos lang namin magmake-out matapos niyang makapag-ayos ng kaniyang mga gamit at ngayon ay humihirit pa rin ako. Syempre hinding hindi ako magsasawa sa kaniya kahit na siguro sa aming pagtanda ay magiging ganito pa rin ako sa kaniya. Sa pagitan ng aming paghahalikan ay ang biglang pagbukas ng aking pintuan na inakala kong nakalock.
“Oh Geez… I’m sorry!” mabilis na sambit ni Kuya Eisen. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat dahil sa kaniyang nasaksihan. Mabilis niyang sinara ang pinto bago pa man kami makapagsalita. Natawa na lang ako dahil sa inasal niya. Nagulat na lang ako ng bigla akong itulak ni Gunter palayo sa kaniya.
“Ohh bakit?” tanong ko nang makita kong nakakunot ang kaniyang noo.
“Anong bakit? Nalaman na niya ang tungkol sa atin at may pruweba na siya dahil kitang kita niya mismo ang ginawa natin. Papano na lang kung magsumbong siya sa daddy mo?” hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang natakot dahil sa pagkakaalam ko ay alam niyang may alam si Kuya sa relasyon naming dalawa. Lumapit ako sa kaniya at kaagad siyang niyakap.
“Kung yun ang inaalala mo ay huwag ka nang mag-alala. Akong bahala sa kaniya dahil sinisigurado kong hindi na siya magigising mula sa kaniyang pagtulog mamayang gabi” bulong ko sa kaniya at sa sandaling marinig niya ang mga salitang iyon ay kaagad niya akong hinawakan sa magkabilang braso upang makita sa aking mukha kung nagsasabi ba ako ng totoo.
“Pa-patayin mo ang pinsan mo?” nauutal niyang sabi. Pinilit kong maging seryoso habang tumatango pero hindi ko mapigilang matawa dahil sa hitsura niya. Isang malakas na suntok ang natamo ko sa kanang braso ko nang mapagtanto niyang niloloko ko siya.
“Puro ka kagaguhan!” naiinis niyang sabi at kinuha ang mga gamit niya para umalis. Pero mabilis ko siyang napigilan sa pamamagitan nang pagyakap sa kaniya nang mahigpit. Ilang beses siyang nagpumiglas pero hindi ko siya pinakawalan hanggang sa siya na mismo ang bumigay dahil sa pagod. Sa sandaling maramdaman kong huminahon na siya ay dahan-dahan ko siyang hinarap sa akin. Kaagad kong napansin ang mga namumuong pawis sa kaniyang noo dahil sa pagpupumiglas niya. Ginamit ko ang dulo ng aking tshirt para punasan ang pawis niya sa mukha. Nagawa ko ito dahil sa malalaki ang aking mga damit lalong lalo na aking mga pambahay. Mas komportable kasi akong nakasuot ng boxer shorts o kaya under wear lang ang pang-ibaba kapag nasa bahay lang ako. Kaso mukhang kailangan ko na ring masanay na walang salawal kapag kasama ko si Gon dahil sa kaniya ay lagi akong napapalaban.
“Wag kang mag-alala dahil hinding hindi magsusumbong yun dahil kakampi ko yun” sabi ko sa kaniya matapos kong punasan ang kaniyang pawis. Kulang na nga lang ay ipasok ko siya sa loob ng aking damit dahil sa laki nito. Gustong gusto ko ngang gawin yun kaso hindi ko ginawa dahil baka hindi na makauwi si Gon kapag ginawa ko yun. Iniisip ko pa lang na papasok siya sa loob ng tshirt ko ay nalilibugan na kaagad ako.
“Paano ka naman nakakasiguro?” tanong niya na pumukaw sa aking isipan na panandaliang nilipad dahil sa mga kakaibang bagay na pumapasok sa aking isipan. Hinawakan ko siya sa magkabila niyang pisngi at saka ngumiti bago tumugon sa kaniyang tanong.
“Dahil may alam na siya sa relasyon natin dahil inamin ko na ito sa kaniya. Kung may balak man siyang magsumbong ay dati niya pa dapat ito ginawa pero nanatili siyang tahimik dahil alam niya kung gaano kahirap ang sitwasyon ng ating relasyon dahil siya mismo ay naranasan na ang relasyong meron tayo” nang masabi ko ang mga salitang iyon ay naging mahinahon na rin siya.
“Atsaka tutulungan natin siyang magkaboyfriend para hindi siya mainggit sa ating dalawa” dugtong ko at sabay kindat sa kaniya na kaagad naman niyang ikinatawa.
Matapos naming maglambingan ay dumating narin ang sandali na kailangan na naming magpaalam sa isa’t isa. Ilang beses ko siyang kinumbinse na ako na lang ang maghahatid sa kaniya pauwi sa kanila pero wala siyang tiwala sa akin na iuuwi ko siya sa kanila. Kilalang kilala na niya talaga ako dahil ganun nga ang balak ko kapag hinayaan niya akong maghatid sa kaniya. Kung nagkataon na ganun nga ang nangyari ay iikot ko lang siya ng byahe pero babalik din kami agad sa bahay o kaya idederecho ko na siya sa hotel. Pero dahil sa hindi ko siya mapilit kaya pinahatid ko na lang siya sa aming driver dahil mas tiwala akong makakauwi siya ng ligtas kaysa sumakay siya ng taxi.
Nang makaalis ang sasakyan ay kaagad akong nagtungo sa kusina para makahanap ng makakain. Kanina pa talaga ako nagugutom dahil sa tindi ng pinaggagawa namin ni Gunter sa maghapon. Inaaya ko pa nga siyang kumain bago umalis kaso sasabayan daw niya ang kaniyang ate sa pagkain ng hapunan. Kaya ngayon ay mag-isa akong kumain habang nakikipagpalitan ng mga text messages sa kaniya. Maging sa text messages ay hindi nawawala ang pagiging clingy ko dahil madalas kong naitatanong sa kaniya kung nasaan na sila banda upang masiguro na maiuuwi siya nang ligtas.
Nang ako ay mabusog ay kaagad akong nagtungo sa aking kwarto para makapagpahinga. Bago pa man ako makabalik sa aking kwarto ay madadaanan ko muna ang kwarto ni Kuya Eisen. Minabuti kong puntahan ang kaniyang kwarto para kausapin siya tungkol sa nasaksihan niya kanina. Ngunit sa aking pagkatok sa kaniyang pinto ay wala akong sagot na naririnig kahit na ilang beses na akong kumakatok. Hindi na ako nangulit pa at nagdesisyon na bumalik na lamng sa aking kwarto upang makapagpahinga. Marahil ay natutulog na siya ngayon kaya minabuti ko na lang na huwag siyang abalahin. Mabilis kong natanggap ang message ni Gunter nang makauwi na siya sa kanilang bahay. Nagpaalam siya na hindi niya muna ako makakausap dahil may kailangan siyang gawin sa bahay nila. “
I love you“
ang naging tugon ko sa kaniyang message at kaagad nahiga sa ibabaw ng aking kama.
Sa loob ng halos dalawang araw ay napupuno ng ingay naming dalawa ang aking kwarto. Nakagawa kami ng masasayang alaala dito sa aking ibabaw ng aking kama, sa banyo at maging sa gaming room ko. Tila nagliwanag ang walang kabuhay-buhay kong kwarto sa panandaliang pamamalagi ni Gunter dito. Mula sa hindi mabilang na asaran, tawanan at sakitan hanggang sa matitinding pagpapaligaya sa isa’t isa. Ngayon ay nanumbalik na naman ang dating kulay ng aking kwarto nang umuwi si Gunter. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga bago tumagilid sa pagkakahiga. Dalawang beses kong pinindot ang power button ng aking cellphone para mapunta ito sa lock screen. Kakapalit ko lang ng wallpaper ko kanina na mukha ni Gunter ang nakalagay. Nagawa ko kasing kunan ng picture ang pagtulog niya sa ibabaw ng dibdib ko matapos niyang mapagod sa ilang rounds na pinagsaluhan namin. Nakafocus lang sa mukha niya ang pagkuha ko ng picture pero makikita pa rin ang aking dibdib kung saan siya nakahiga habang mahimbing ang kaniyang pagtulog. Kapansin-pansin din sa larawan ang medyo magulong ayos ng kaniyang buhok pero nanatili pa rin ang mukha niya na parang anghel habang natutulog sa ibabaw ng aking dibdib. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ko ang larawan niya. Nanatili akong nakatitig dito hanggang sa makaramdam ako ng antok.
Kinabukasan ay nagising ako sa paulit-ulit na pagtunog ng aking alarm. Bago kasi bitawan kahapon ni Gunter ang aking cellphone ay nilagyan niya muna ito nang maraming alarm para masiguro niyang magising ako ng maaga ngunit sa bawat pagtunog nito ay kaagad kong pinipindot ang switch para matigil ito. Kahit na hindi ko tingnan ang orasan ay alam kong maaga pa kasi madami siyang nilagay na alarm kaya bumalik ako sa pagtulog dahil kampante akong hindi pa ako mahuhuli sa klase. Ilang sandali pa ang lumipas nang marinig kong muli ang pagtunog ng aking cellphone. Sa pagkakataong ito ay hindi na ito tunog ng aking alarm kundi tumutunog ito dahil may tumatawag mula sa aking cellphone. Kahit na naniningkit pa ang aking mga mata dahil kakadilat pa lang nito mula sa mahabang pagtulog ay nagawa ko pa ring maaninag sa screen kung sino ang tumatawag. Hindi ko mapigilang mapangiti bago ko sagutin ang pagtawag nito.
“Good morning babe” mabilis kong sambit nang masagot ko ang tawag niya. Medyo paos pa ang aking boses dahil sa panunuyo ng aking lalamunan na nagpahalata lalo na kakagising ko lang.
“Asan ka na? Huwag mong sabihing kakagising mo lang?” galit niyang tanong pero tinawanan ko lamang siya.
“Ito na nga ohh babangon na. Ikaw ba nasan ka na? Gusto mo daanan kita sa inyo para sabay tayong pumasok?” tanong ko habang sinusuyo siya sa malambing kong boses.
“Wala ka nang aabutan sa bahay dahil naglalakad na ako papasok sa school. 7:40 na Lance at babangon ka pa lang?” nang mabanggit niya yun ay kaagad akong tumingin sa oras at halos mapatalon ako mula sa kinahihigaan ko dahil hindi nga siya nagbibiro. Nanakbo kaagad ako sa banyo pero hindi ko na nagawang maligo dahil tanging paghilamos ng mukha at pagsipilyo na lang ang aking nagawa. Paglabas ko ng banyo ay saka ko lang napagtanto na hindi pala ako nakapagpaalam kay Gunter bago ako magtungo sa banyo. Kagaya ng inaasahan ko ay naibaba na niya ang tawag nang muli kong kunin ang aking cellphone. Dali-dali akong nag-spray ng pabango sa aking katawan bago ako nagsuot ng aking uniform. Sa pagsuot ko ng aking uniform ay muli akong nag-spray ng pabango upang makasiguro na mabango pa rin ako kahit na hindi ako naligo. Isa pang spray ang ginawa ko sa aking buhok at kaunting ayos sa sarili bago ako lumabas ng aking kwarto. Tiwala pa rin naman ako na mamahalin ako ni Gunter kahit ilang araw akong hindi maligo.
Halos paliparin ko ang aking sasakyan para lang makaabot sa klase. Alas-otso na pero tinatahak ko pa rin ang daan patungo sa klase. Inabot ako ng sampung minuto bago ko marating ang school. Muntik na ngang magasgasan ang sasakyan ko dahil sa madalian kong pagpark. Tumakbo na rin ako para lang may maabutan ako kahit papano. Hindi ako natatakot sa adviser namin dahil kung siya lang ay malamang naglalakad lang ako ngayon. Mas natatakot akong mapagsabihan ni Gunter na para bang asawa ko siya kung pagsabihan ako. Pero kahit papano ay natutuwa ako dahil nakikita ko na ang magiging future namin kapag pinili naming magsama.
Sakto ang pagdating ko dahil kakatawag lang ng aking pangalan kaya sa bungad pa lang ng pinto ay nakasigaw kaagad ako ng ‘present’. Bigla namang nagtawanan ang aming mga kaklase at yung iba ay pumapalakpak pa dahil sa biglaan kong pagpasok. Dalawang tao lang ang hindi nasiyahan sa biglang pagsulpot ko yun ay ang adviser namin na walang magawa sa biglaang pagsulpot ko sa klase niya at si Gunter na naiinis naman sa pagiging late ko. Hindi rin nakatakas sa aking mga kaklase ang malakas na amoy ng aking pabango nang dumaan ako sa gitna.
“Mukhang may pinapabanguhan ahh” sambit ng loko-loko kong kaklase na tinanguan ko lang habang nakangiti. Kaagad naman akong naupo sa tabi ni Gunter na kasalukuyang nakatakip ng ilong.
Patuloy na nagtatawag ng mga pangalan ang aming guro at si Gon ay hindi magawang lumingon sa akin at nanatiling nakatakip sa kaniyang ilong.
“Hindi mo ba ako kakausapin?” bulong ko sa kaniyang tenga.
“Hindi ka naligo no?” tanong niya sa akin habang iniiwas niya pa rin ang kaniyang pagtingin.
“Love mo pa rin naman ako di ba?” nakangisi kong tugon.
“Ang sakit sa ilong ng pabango mo!” tugon niya at nagawa niya pang buhatin ang kaniyang upuan palayo sa akin. Nagtinginan tuloy ang mga kaklase namin sa aming dalawa pati na rin ang aming guro. Syempre hindi ko siya hinayaang layuan ako kaya naman binuhat ko rin ang aking upuan papalapit sa kaniya. Sa sandaling malapit ako sa kaniya ay siya namang pagbuhat niyang muli sa kaniyang upuan palayo sa akin. Naging paulit-ulit ang ganong pangyayari sa amin na nagagawa naming kantiyawan ng aming mga kaklase dahil narating na namin ang gitna ng silid.
“Mr. Fuentes and Mr. Dela Paz. Malayo pa ang Christmas party natin para dyan sa larong trip to Jerusalem nyo” pagsuway sa amin ng aming guro na ikinatawa ng buong klase.
Walang nagawa si Gunter kundi ang bumalik sa kaniyang puwesto at ganun din ang ginawa ko. Hindi ko mapigilang mapangisi dahil alam ko na nanalo ako mula sa pagmamatigas niya. Nagsimula ang klase na hindi ako nililingon ni Gunter at nanatiling nakatakip siya sa kaniyang mukha. Ilang beses ko siyang kinukulit ngunit hindi niya binibigyang pansin. Sa kalagitnaan ng klase ay biglang nagpaalam si Gunter na pupunta siya ng clinic dahil nahihilo raw siya. Nagsabi ako sa guro namin na sasamahan ko siya pero tumangging magpasama si Gunter. Kahit na hindi niya ako pinahintulutan ay sinundan ko pa rin siya palabas ng klase na ang paalam ko ay iihi lang. Bago pa man siya makalayo sa aming classroom ay bigla na lang itong nagsuka sa isang basurahan. Nang makita ko siya sa ganong ayos kaagad akong nanakbo para alalayan siya.
“Sasamahan na kita sa clinic” sabi ko nang tumigil siya sa pagsusuka ngunit hinawi niya ang kamay ko.
“Nahihilo ako sa pabango baka masukahan lang kita” tugon niya habang hinang hina na kumilos. Hindi ko alam na ganun pala katapang ang pabango na ginamit ko. Regalo sa akin to Euphy na galing pang Europe at ngayon ko pa lang siya nagamit. Hindi siguro siya sanay sa ganitong uri ng pabango kaya nahilo siya sa amoy nito. Gusto kong maghubad sa sandaling iyon upang mawala ang matinding amoy na nagmumula sa aking uniform ngunit naalala ko na pati pala ang katawan ko ay nalagyan ko ng pabango. Dali-dali ko siyang binuhat sa aking likuran upang mapadali ang pagtungo namin sa clinic.
“Tiisin mo muna yung amoy ko dahil dadalhin kita sa clinic ngayon” matindi ang nararamdaman niyang panghihina matapos siyang sumuka ng marami kaya hindi na niya nagawang manlaban sa pagbuhat ko sa kaniya.
Dali-dali ko siyang dinala sa clinic na hindi naman kalayuan sa building namin. Kaagad siyang inasikaso ng attending physician. Habang inaasikaso siya ng physician at nurse ay pinayuhan na nila akong bumalik sa aking klase dahil kinakailangang makapaghinga ni Gunter. Sinunod ko naman ang kanilang naging payo at nagtungo ako pabalik sa klase. Hindi rin makakabuti kay Gunter ang pagtigil ko sa clinic dahil sasama lang ang pakiramdam niya kapag naamoy niya ako.
Sa aking pagbalik ay patuloy pa rin ang klase. Ipinaalam ko sa mga sumunod na guro namin na kasalukuyang nasa clinic si Gunter dahil sa masama ang kaniyang pakiramdam. Madaming nakiusisa kung bakit bigla na lang sumama ang pakiramdam ni Gon dahil ayun sa kanila ay maayos naman ang kalagayan ni Gon nang pumasok siya. Hindi ko mapigilang sisihin ang aking sarili dahil sa pagiging batugan ko. Ilang kaklase ko ang tinanong ko kung sobrang lakas ba ng amoy ng pabango ko. Ayun naman sa kanila ay matapang ang amoy ng pabangong gamit ko pero hindi kagaya ng kay Gunter ang nagiging epekto nito sa kanila.
Pagsapit ng break ay naisipan kong magtungo sa shower room na ginagamit namin pagkatapos ng magpractice ng basketball team. Mabuti na lang at may natabi akong uniform sa locker ko na pwede kong ipamalit. Kaya nang matapos akong magligo ay kaagad akong nagpalit ng uniform. Binalewala ko ang mga gusot sa aking uniform at naglakad patungo sa clinic kahit na basa pa ang aking buhok. Gustong gusto kong malaman ang kalagayan ni Gunter kaya naman nagmadali akong pumunta sa clinic.
Pagdating ko sa loob ay naabutan ko siyang nakaupo na sa isang upuan at kinakausap ng nurse. Mukhang bumuti na ang kaniyang pakiramdam matapos niyang makapagpahinga. Hinayaan ko munang matapos silang mag-usap bago ako lumapit sa kaniya. Sa sandaling iwanan siya ng nurse ay kaagad akong lumapit sa kinaroroonan niya at nang mapansin niya ako ay bigla na lang siyang nagtakip ng ilong habang nakakunot ang noo.
“Naligo na ako at nagpalit ng uniform” sabi ko habang ginugulo ang buhok na kasalukuyang mamasa-masa pa. Saka niya lang tinanggal ang pagtakip sa kaniyang ilong nang mapansin niyang basa pa ang aking buhok.
Tumingin siya sa orasan at bigla na lang niya akong hinila papalabas ng clinic. Nagugutom na daw siya at gusto niyang kumain nang marami. Mabuti na lang at lagi akong handa dahil nakahingi ako ng pabor sa isa kong tropa na ibili kami ng pagkain. Hindi na namin kakailanganing magmadaling pumila sa cafeteria dahil nasa tambayan na namin ang mga pagkain na aming kakainin. Dumiretso kami dun para makakain na kaagad.
“Hindi ko alam na mabilis ka pa lang mahilo sa matapang na pabango” bigla ko sabi habang kami ay kumakain. Tumango siya sa akin at tinapos muna ang kaniyang ninunguya bago siya sumagot.
“Sa susunod gumising kana nang maaga para makaligo ka. Hindi yung naghahalo yung amoy ng pawis mo at pabango” nagulat ako sa kaniyang sinabi dahil sa unang pagkakataon ay may nagreklamo sa amoy ko.
“Grabe ka naman. Ikaw nga eh” tugon ko at sinadyang bitinin ang dapat kong sabihin na siyang paglingon niya sa akin.
“Anong ako? Laging akong naliligo” sagot niya habang nakakunot ang noo.
“Nagrereklamo ka sa tapang ng amoy ko pero nagagawa mong dilaan yung leeg ko kahit pawis na pawis ako” pang-asar ko sa kaniya at bigla na lang siyang napaubo dahil kasalukuyan siyang umiinom nang sabihin ko ang mga salitang iyon. Marahan kong hinimas ang kaniyang likod hanggang sa tumigil ang kaniyang pag-ubo pero kalaunan ay hinawi niya rin ang aking kamay.
“Pasalamat ka at nanghihina pa ako ngayon. Humanda ka at babawi ako sayo” inis niyang sagot na tinawanan ko lang.
“Cute mo talaga magalit” dugtong ko pa pero hindi na niya ako pinansin. Malamang kinikilig yan at ayaw lang ipahalata kaya sa tuwing mapapatingin siya sa akin ay kinikindatan ko na lang siya.
Sa mga sumunod na araw ay naging mabuti na ang pakiramdam ni Gunter. Kagaya nga ng kaniyang banta ay gumanti siya sa akin. Sampung beses niyang pinagpipitik yung kanang tenga ko hanggang sa mamula ito. Hindi nakaligtas sa mga mata ng aming mga kaklase ang pamumula nito kaya naman ng tanungin nila ako kung anong nangyari sa tenga ko ay sinabi kong kinagat ni Gunter. Muli akong nakabawi dahil tinukso siya ng mga kaklase namin dahil sa kaniyang ginawa pero alam kong babawian niya akong muli kaya ihahanda ko na ang kaliwang tenga ko.
Naging normal ang linggong ito para sa aming dalawa. Ang bago lang sa pang-araw araw naming ginagawa ay ang magmasid sa aking pinsan na si Kuya Eisen. Nagmumukha kaming stalker dahil sa kakasubabay sa kaniya sa tuwing matatapos ang aming klase. Gusto kasi namin siyang tulungang magkaroon ng love life kaya sisimulan namin sa pag-aral sa kaniyang ginagawa sa araw-araw. Sa loob ng tatlong araw ng lihim na pagmamasid namin sa kaniya ay lagi naming nakikita ang isang lalaking palaging kumakausap sa kaniya. May pagkakataong naiilang ang pinsan ko sa kanilang usapan kaya minsan gusto ko nang sugurin yung lalaki pero lagi akong pinipigilan ni Gunter sa kadahilanang mabubuko kami sa aming ginagawa.
Nagkaroon ng pagkakataon na makausap ko ang lalaking madalas na nangungulit kay Kuya. Nagulat nga ako nang batiin niya ako sa kauna-unahang pag-uusap namin. Nagpakilala siya sa akin bilang kaklase ni Kuya at ang pangalan niya ay Lester. Tinanong ko siya kung bakit niya kinukulit ang pinsan ko. Umamin siya sa akin na nanliligaw daw siya kay kuya pero mukhang malabong magkagusto daw ito sa kaniya. Nagawa ko siyang titigan mula ulo hanggang paa at masasabi kong gwapo ito at maayos ang pangangatawan. Pero syempre mas gwapo pa rin ako sa kaniya kaya siguro hindi masyadong attracted ang pinsan ko sa kaniya. Ganun pa man ay naisipan naming tulungan siyang manligaw kay kuya para makalimutan na niya yung dating lalaking nanakit sa kaniya.
Sa sumunod na linggo ay naging abala ako sa practice ng team para sa nalalapit na competition. Tuwing lunch break na lang kami nakakapag-usap ni Gunter tungkol sa panliligaw ni Lester kay kuya. Patuloy pa rin kami sa pagsuporta sa kaniya sa pamamagitan ng pagsabi sa kaniya ng mga hilig ng kuya ko at mga paborito nitong kainin na madalas niyang iregalo. Ayun kay Gunter ay nagsisimula na raw maging close ang isa’t isa kaysa sa una namin silang makitang dalawa. Natutuwa ako na hindi nasayang ang effort naming dalawa na magkaroon ng love life si kuya dahil pakiramdam namin ay malapit na itong magbunga.
Habang abala kami sa pagtulong kay Lester na mapasagot si kuya ay ang aming relasyon naman ang napapabayaan namin. Pumapayag naman si Ate Pritz na matulog sa amin si Gunter kapag weekend kaso gabi na kami nagsasama dahil kahit weekend ay may practice kami. Nangako ako sa kaniya na babawi ako at muli kaming magsasama na kaming dalawa lang. Balak kong i-date si Gunter sa araw mismo ng kaarawan ko. Yung ang birthday wish ko, yun ang magsama kami na kaming dalawa lang sa isang araw. Dalawang linggo na lang bago ang birthday ko pero gagawa ako ng paraan para maasikaso ko ang surprise date naming dalawa.
Ang kinakailangan ko ngayon ay magfocus na maipanalo ang competition dahil sa akin umaasa ang team at ang pride ng school. Ang school namin ang magiging host ng regional competition kaya aasahang maraming estudyante na magmumula sa iba’t ibang school ang darating sa susunod na linggo para maghanda. Noong nakaraang buwan pa nagsimula ang matinding practice ng team tapos ako ay nagsimula lang noong nakaraang linggo dahil masyado akong naging abala sa relasyon namin ni Gon. Kaya naman ngayon ay naging mahigpit na sa akin ang coach namin pagdating sa schedule ng practice.
Dumating ang araw para sa opening ceremony ng regional competition. Mabuti naging handa ang school sa pagdalo ng iba’t ibang team mula sa iba’t ibang school. Inaasahan kong madaming estudayante na dadalo pero hind ko inaasahan na ganito kadami. Kailangan kong pagtibayin ang loob ko at galingan sa paglalaro dahil alam kong nakasalalay ang pride ng school namin at ayokong ipahiya sa ibang school. Mabuti na lang at nariyan si Gunter na laging nagpapalakas ng loob ko. Isang sulyap lang sa bleachers ay tila nanunumbalik ang lakas ko sa tuwing nakikita ko siyang nagchecheer para sa akin.
Nagawa naming manalo laban sa unang school na natapat sa amin pero masyado pang maaga para magdiwang dahil marami pang school na nakaline-up na dapat naming talunin. Isa sa mga school na malakas naming makakatunggali ay ang school na pinagmulan ni Gunter. Kahit na wala na ang star-player nila na si Andrew dahil nasa Hongkong na ito nag-aaral ngayon ay hindi ko pa rin dapat maliitin ang kakayahan ng mga natitirang players. Isa pa sa usap-usapan ng mga ka-team ko ay ang bagong star-player ng team sa dating school ni Gon. Siya ang una kong napansin sa kanilang team dahil sa tangkad at laki ng pangangatawan nito. Ilang taon lang ang bibilangin ay pwedeng pwede na tong maglaro sa PBA o kaya sa NBA. Balita ko ay may lahi ito kaya napakalaking bulas na nagbibigay ng pangamba sa bawat team.
Naging interesado ako sa kung papano sila maglaro kaya naman naisipan namin na panoorin ang laban nila. Walang duda na magaling nga ang lalaking ito dahil walang kahirap-hirap niyang nabuhat ang team sa laban. Mabilis niyang naaagaw na bola mula sa kalaban dahil liksi ng kaniyang katawan at haba ng kaniyang kamay. Habang pinapanood namin ang kanilang laban ay lalo akong nangamba na mahihirapan kaming labanan ang isang kagaya niya. Nagawa nilang tambakan ang kaharap nilang school dahil nagtapos ang laban sa 44-71, kung saan pabor sa kanila ang score.
Matapos ang laban ay nagpasiya ang coach namin na magkaroon ng meeting para makagawa ng strategy kung papano maka-counter ang star-player ng susunod naming makakalaban. Malaking banta siya sa bawat team kaya naman kailangan naming magkaroon ng maayos na strategy bago namin sila makaharap. Makalipas ang kalahating oras na meeting ay siya namang pagtungo namin sa shower room para makapaglinis ng katawan. Kaniya-kaniyang pamamaalam nang kami ay matapos. Kinakailangan na rin kasi naming magkaroon ng sapat na pahinga para sa magiging laban namin kinabukasan.
Sobrang busy ko sa araw na to kaya hindi ko man lang nagawang kausapin si Gunter. Habang naglalakad sa hallway ay sinubukan kong tawagan si Gunter ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Marahil ay nagtatampo yun ngayon dahil hindi ko siya masyadong nabigyan ng pansin ngayon araw. Naisipan ko na lang na daanan siya sa kanila bago ako umuwi sa bahay. Sa aking paglalakad sa hallway ay naging kapansin-pansin kaagad ang kumpulan ng mga estudyante mula sa ibang school. Masaya silang nagdidiwang sa kanilang pagkapanalo. Masaya akong makita na at home sila sa school namin at hindi nahihiyang mag-ingay kahit na sila ay visitors.
Habang papalapit ako sa mga estudyanteng ito ay nagtama pa ang tinginan namin ng kanilang star player na kasalukuyang pinaggigitnaan ng mga ito. Sandaling tinginan lang pero tila makahulugan ito dahil para bang hinahamon ako nito sa sandaling iyon. Kaagad kong binaling ang aking paningin sa ibang direksyon dahil ayokong magsimula ng gulo dahil importanteng laro ang mangyayari bukas at ayokong madisqualify dahil sa init ng aking ulo. Sa totoo lang ay nakakapikon ang uri ng pagtitig nito pero hinayaan ko na lang dahil sisiguraduhin kong makakabawi ako sa laban namin bukas.
“Noong huli kitang nakita ang cute ka pa lang tapos ngayon sobrang cute mo na. Lalo akong naiinlove sayo” narinig kong sambit ng isang lalaki. Sa tingin ko ay ang star-player nila ang nagsalita dahil ang lalim ng boses nito. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hinayaan silang mag-asaran ngunit napatigil ako sa paghakbang nang may marinig akong boses.
“Gago!” rinig kong tugon ng isang binata. Hinding hindi ako magkakamali dahil alam kong boses yun ni Gon at sa aking paglingon ay nakita ko siyang yakap-yakap mula sa kaniyang likuran ng lalaking tinuturing kong banta sa magiging laban namin bukas.
“Gon!” kasabay ng pagtawag ko sa kaniyan pangalan ay ang paghalik ng lalaking ito sa kaniyang ulo.
Bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat nang makita niya ako kaya naman kaagad niyang kinalas ang kamay na nakayakap sa kaniya. Nilamon ako ng matinding galit kaya kahit anong paliwanag ang binabanggit niya ay hindi ko pinaniwalaan dahil mas nanaig ang kagustuhan kong bumasag ng bungo.
Itutuloy…..
A/N: Isang update bago sumapit ang pasko. Merry Christmas sa inyong lahat, ikatlong pasko ko na ito simula nang magsimula akong magsulat sa Wattpad. Maraming salamat sa walang sawang suporta niyo. So ito na nga babalik na tayo sa story at wala na masyadong fillers para lang mapahaba ang story LOL!
Nalulungkot lang ako na ang lakas-lakas nyo sa akin pero ang hina-hina ko sa inyo. 200 Votes lang naman hinihingi ko para Chapter 26. Hindi pa rin ako decided kaya tatanggalin ko muna siya (IcexFire) sa mga published stories ko. Fofocus na lang ako dito at sa Enigma. Saka ko na lang ulit pag-iisipan ang revision kapag masipag na ulit kayong magvote.
Again wishing you a happy holiday!! :)
Chapter 28: Not yet over
Darren as Gunter
Gunter’s POV
Meron na lamang akong dalawang linggo para matapos ang plano sa surprise birthday party ni Lance. Nagkasabay-sabay pa ang mga projects, homework at ang plano naming magkaroon ng love life si kuya Eisen. Hindi naman ako nagrereklamo na matulungan siya kaso nahahati ang time ko sa pagtulong na magkadevelopan ang dalawa at ang time ko para sa paghahanda ng birthday ni Lance. Mas lalong naging busy si Lance simula nang mag-ensayo siya para sa darating na regional competition at ang school namin ang magiging host. Naging puspusan ang kanilang pag-eensayo kung saan gabi na kami nagkikita ni Lance sa tuwing matutulog ako sa kanila. Matapos niyang makapaglinis ng katawan ay nakakatulog siya kaagad sa tabi ko kaya hindi ko magawang itanong sa kaniya kung anong gusto niyang matanggap sa birthday niya.
Isang araw bago maganap ang opening ceremony ng regional competition sa school ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Kei.
“Kamusta ang heartfelt confession sayo ni Andrew?” pambungad na pang-aasar niya sa akin.
“Gago!” mabilis kong tugon na ikinatawa niya ng malakas sa kabilang linya.
“Gusto ko rin sanang umamin sayo kaso naunahan ako ni Drew” dugtong niya na ikinatawa ko dahil alam kong nagbibiro lamang siya.
“Mukha mo! Malabong magkagusto ka sa akin dahil hindi ka mapakali sa tuwing hindi ka nakakatikim ng bagong hiyas” tugon ko sabay pigil sa pagtawa.
“Mismo!” mabilis niyang sagot at tumawa kami nang malakas. Matagal-tagal na rin nang makapag-usap kami ng ganito na para bang kausap namin ang isa’t isa sa personal na walang halong pagkukunwari.
“Napatawag ka?” tanong ko matapos kaming huminahon sa kakatawa.
“Regional competition na bukas!” sambit niya na tila may binabalak na masama sa tono ng kaniyang pananalita.
“Oooh ano naman?” wala sa sarili nang maitanong ko.
“Wag mong sabihing kasali ka?” mabilis kong dugtong na para bang batang sabik na marinig ang kaniyang isasagot.
“Naman!” buong pagmamayabang niya sa akin na ikinatuwa ko.
“Naku yari mukhang matatalo ang team nyo kaagad dahil sayo tapos wala nang magbubuhat sa team nyo dahil wala na si Andrew” pang-aasar ko sa kaniya habang sinisilip ang nakasalang na sinaing.
“Dyan ka nagkakamali dahil lalampasuhin namin ang school niyo!” matapang niyang tugon na ikinatawa ko.
“At sino naman ang ipanglalaban niyo? Ikaw? Eh halos magkasing galing lang tayo sa basketball” pang-aasar ko sa kaniya at halata sa boses niya na napipikon siya sa aking sinasambit.
“Naalala mo ba si Ryle Damulag?” tanong niya sa akin at napaisip ako dahil pamilyar sa akin ang taong binanggit niya pero hindi ko maalala kung anong hitsura niya at kung saan ko siya nakilala.
“Wait parang pamilyar kaso hindi ko matandaan kung sino” tugon ko bago uminom ng tubig.
“Yung first love mo noong elementary pa tayo” bigla kong naibuga ang iniinom kong tubig dahil sa sinabi niya.
“Anong pinagsasabi mo?” reklamo ko sabay punas sa tubig na tumapon sa sahig.
“Paglaki ko pakakasalan ko si Gon! Paglaki ko magkakaroon kami ng malaking bahay” sambit niya na para bang may ginagaya siyang bata dahil sa uri ng kaniyang pananalita. Bigla akong kinilabutan nang maalala ko yun.
Noong elementary pa lang kasi kami ay nagkaroon kami ng kaklase na para bang hindi angkop ang tangkad niya sa kaniyang edad. Madalas siyang mapagkamalang highschool dahil sa tangkad niya. Kahit na malaking bata siya ay nagiging tampulan siya ng tukso dahil sa pagiging malamya nito at pagiging iyakin. Kung tutuusin ay matatakot dapat ang mga kaklase namin dahil sa pangangatawan pa lang nito ay kaya niyang bugbugin na walang kahirap-hirap ang mga nanunukso sa kaniya. Minsan nang makaramdam ako ng awa ay pinagtanggol ko siya sa mga nanunukso sa kaniya at sa di inaasahang pangyayari ay bigla na lang niyang sinabi na nagustuhan niya raw ako dahil sa unang pagkakataon ay may taong nagtanggol sa kaniya.
Noong una ang akala ko ang ibig sabihin niya ng pagkagusto ay pagkagusto bilang kaibigan dahil naging mas close siya sa akin na ipinagtataka nila Kei at Andrew. Madalas niya akong bigyan ng baon niya na mas masarap pa kaysa sa mga binibenta sa canteen. Hindi rin nawawala sa isang linggo na mabigyan niya ako ng mga chocolates na nagmula pa sa Italy. Labis ang pagkainggit sa akin nila Kei at Andrew kaso ayaw ni Ryle na pamahagian ko sila kaya naman patago kong binibigyan ng chocolates ang dalawa.
Nakakapanibago lang dahil simula nang maging malapit kami sa isa’t isa ay bigla na lang lumakas ang loob niya. Sa tuwing magkasama kami ay hindi niya hinahayaang may manloko sa kaniya o manukso. Hahawakan pa lang niya ang kwelyo ng mga nanukso sa kaniya ay umiiyak na ang mga ito sa takot. Maging ako ay hindi nakaligtas sa pangngungutya ng mga bata nang maging malapit kami sa isa’t isa. Sa tuwing mangyayari iyon ay lagi niya akong pinagtatanggol bilang ganti sa minsang pagtanggol ko sa kaniya. Sa tingin ko ay kaya siya kinukutiya ng mga kaklase namin ay dahil sa inggit nila kay Ryle. Hindi klaro kung anong lahi ng ama niya dahil hindi niya naman ito nabanggit basta ang pagkakaalam ko ay nagtatrabaho ito sa Italy. Sa kaniya ako unang nakahawak ng Gameboy advance na madalas niyang ipahiram sa akin na kalaunan ay binigay niya dahil nagpabili siya ng bago para makapaglaro kaming dalawa. Marami siyang bagay na kinaiinggitan ng mga kabataan noon kaya naman nagiging tampulan siya ng tukso.
Habang tumatagal ang pagiging magkaibigan namin ay naging hudyat din ito ng madalas na alitan sa pagitan nila ni Andrew. Nagalit pa nga sakin si Andrew noon dahil mas marami pa raw akong oras na kasama si Ryle kaysa sa kanila ni Kei. Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang galit niya kay Ryle samantalang nakakasama ko lang si Ryle sa school at palagi ko naman silang nakakalaro sa tuwing sasapit ang uwian at kapag walang pasok.
Siguro ay naiintindihan ko ang nararamdaman ni Ryle bilang isang anak at walang kasamang magulang habang lumalaki. Ayun sa kaniya ay tanging mga kasambahay ang kaniyang kasama sa bahay at miminsan lang siya dalawin ng kaniyang mga kamag-anak. Kaya labis ang awa na nadarama ko para sa kaniya kaya kahit anong sabihin ni Andrew ay hindi ko magawang layuan si Ryle dahil alam ko ang pakiramdam na lumaki na walang magulag na gumabay.
“Naalala mo na ba? Lalong lalo na ang unang beses na mahalikan ka sa pisngi?” bigla akong natauhan sa aking pagbabalik tanaw ng muling magsalita si Kei. Muli kong naalala yung sandaling halikan ako ni Ryle sa pisngi nang magpaalam siya na sa Italy na raw siya mag-aaral. Ilang araw akong tinukso nila Kei at Andrew noon dahil bakas na bakas ang laway sa pisngi ko matapos niya akong halikan. Madalas rin kasing mangilid ang mga laway niya sa bawat dulo ng kaniyang labi dahil sa makakapal na bakal sa kaniyang ngipin dahil sa braces na nakakabit dito.
“Napakaluma na ng kwentong yan para gamitin mong panukso sakin!” tugon ko na tila ba hindi naapektuhan sa kaniyang pang-aasar.
“Hahaha ang sabihin mo ay napakaluma na pero hinding hindi mo pa rin makakalimutan” pangatiyaw niya sa akin.
“Bakit ba nasama sa usapan si Ryle?” tanong ko habang siya ay patulot pa rin sa pagtawa.
“Siya kasi ang star player namin ngayon” tugon niya na tila natatawa pa rin kaya naman nagdududa akong totoo ang mga pinagsasabi niya.
“Gago? Seryoso nga?” dugtong ko at bigla na lang siyang tumigil sa pagtawa.
“Basta bukas makikita mo!” tugon niya at bigla na lang pinutol ang linya ng pagtawag.
Kahit kailan ay napakaisip bata ni Kei. Napakaluma na ng panukso na yun at kinakailangan niya pang balik-balikan. Malabong umuwi si Ryle mula sa Italy para lang maglaro ng basketball o kaya mag-aral dahil kung ako man ang nasa katayuan niya ay mas pipiliin kong mag-aral sa ibang bansa. Yari sa akin to bukas si Kei, minsan na nga lang kami mag-usap at kung ano-ano pa ang pinagsasabi.
Kinabukasan ay naging abala ang school sa para opening ceremony ng regional competition. Literal na hindi mahulugang karayom ang gymanasium sa sobrang dami ng taong nasa loob nito. Mapapansin mo ang pagkakaiba ng mga estudyanteng nasa loob base sa uniforme na suot-suot nila. Naging bukas ang aming ekwelahan para sa ibang mag-aaral na nais i-cheer ang kani-kanilang team. Nagdadalawang isip pa nga akong manood dahil sobrang ingay at sobrang daming tao. Hindi ko alam kung saan ako pupwesto, mabuti na lang at tinawag ako ng mga kaklase ko na nagawang makapagreserve ng upuan para sa aming section. Gumawa pa sila ng banner para magbigay suporta kay Lance. Ang iba ay gumamit pa ng balloon na may tatak ng team ng aming school bilang pagsuporta.
Nagsimula sa opening prayer at nasundan ng opening remarks mula sa aming principal at iilang personalidad. Nagawa rin naming ipagmalaki ang galing ng cheer leading team ng aming school sa kanilang pagpapakitang gilas bilang parte ng programa. Ilang sandali lang ang lumipas nang umpisahan ang paligsahan sa pagitan ng aming school at ng school na nagmula mula pa sa quezon. Ang bawat team ay inanyayahan na magtungo sa court upang masimulan na ang laban. Dumagundong ang buong gymnasium ng sandaling pumasok ang koponan ng aming paaralan. Nangingibabaw ang boses ng mga estudyanteng nagchecheer para kay Lance.
“L.O.V.E. Lance! Lance!” paulit-ulit na sigaw ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang section. Hindi ko mapigilang matawa dahil bigla kong naalala ang pagchecheer ng mga kababaihan kay Rukawa sa anime na Slam Dunk. Nang marinig niya ito ay kaagad siyang lumingon sa bleachers para ngumiti at kumaway sa mga nagchecheer sa kaniya. Maging ang ibang estudyante sa kalaban naming koponan ay biglang nahulog ang mga loob nang masilayan ang pagngiti ni Lance. Dahil sa naging reaksyon ni Lance sa paraan ng kanilang pagcheer ay mas lalo nilang nilakasan ito.
“L.O.V.E. Lance! Lance!” paulit-ulit nilang sigaw na halos maubusan na sila ng boses. Hindi ko inaasahan na bigla na lang itong dudugtungan ng mga loko-loko kong kaklase.
“SABI NI GUNTER!” buong buo ang pagkakasigaw dahil karamihan sa mga nagsabi nito ay ang mga kaklase kong lalaki. Pinagmumura ko sila sa kanilang pinaggagawa pero hindi sila natinag sa kakasigaw sa tuwing magchecheer ang mga kababaihan. Siraulo talaga itong si Lance dahil nagawa pang pumatol sa kalokohan ng aming mga kaklase at naggawa pang mag flying kiss sa direksyon. Tangina lang, pinagtinginan ako ng maraming tao na halos gusto ko ng ibaon ang sarili ko sa kahihiyan. Samantalang itong mga gago kong kaklase ay hindi mapirmi sa kanilang kinauupuan dahil sa panunukso sa akin.
Kinalaunan ay huminto rin ang lokohan sa pagchecheer ng bawat team nang simulan ang paligsahan. Ilang beses ko na ring nakita kong papano maglaro si Lance kaya malaki ang tiwala ko na maipapanalo niya ang laban. Sa bawat sandali na siya ay makakascore ay talaga namang dumadagundong ang buong gymanasium sa sobrang ingay ng bawat sigaw at palakpakan. May mga pagkakataong lumilingon siya sa aking kinaroroonan sa mga sandaling napapagod siya o kaya sumasablay ang kaniyang pagtira. Syempre sinusuklian ko ito ng pagngiti at nagbibigay ng thumbs-up upang hindi siya mawalan ng gana sa paglalaro kahit na walang humpay ang pang-aasar sa akin ng aming mga kaklase.
Napagtagumapayan ng koponan nila Lance na maipanalo ang laban na ikinatuwa ng bawat isa na akala mo ay championship na ang kanilang napanalunan. Gusto ko sana siyang batiin mula sa kanilang pagkakapanalo kaso hindi kami makaalis sa aming kinauupuan dahil may susunod pang laban kaya hindi kami pinayagang umalis. Wala kaming nagawa kundi ang manatili upang panoorin ang susunod na laban mula sa magkaibang paaralan. Nagulat na lang ako nang biglang banggitin ang pangalan ng dati kong paaralan. Sa kanilang pagpasok sa court ay kaagad kong nakita ang isa sa matalik kong kaibigan na si kei. Wala pa ring pinagbago si gago, feeling sikat pa rin na akala mo ay kilala talaga siya ng mga tao sa loob ng stadium dahil grabe siya makakaway sa mga audience. Habang tawang tawa ako sa pagkakakaway niya ay bigla na lang may umagaw ng atensyon ko. Yun ay ang isang player nila na nangingibabaw sa lahat dahil sa kaniyang katangkaran. Masasabi mong siya ang pinakamatangkad na player sa lahat ng mga dumalo. Hindi rin mapirmi ang mga kababaihan dahil mabilis nitong nabihag ang loob ng mga kababaihan dahil sa kagwapuhan nito. Ilang beses ko siyang tinitigan dahil namumukhaan ko siya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita hanggang sa tumalikod siya at nakita ko ang kaniyang apelyido.
“Gallo? Ryle Gallo?” hindi ko mapigilang sambitin dahil hindi ako makapaniwala na tama ang sinabi sa akin ni Kei kagabi.
“Kilala mo siya Gunter?” tanong ng mga grupo ng babae kong kaklase mula sa likuran ko.
“Si Ryle Gallo?” tanong ko habang nag-aalangan kung tama nga ba ang hinala ko. Sabay-sabay silang tumango bilang pagsang-ayon.
“Kaklase ko siya noong grade school” ang tangi kong nasabi at bigla na lang nagtilian ang mga ito sa hindi ko malamang dahilan.
“OMG! So kilala mo rin si Keisuke Takahashi?” tanong ng isa sa kanila na ikinagulat ko dahil papano nila nalaman ang totoong pangalan ni Kei.
“Matalik kong kaibigan si Kei” naiilang kong tugon dahil para silang clown kung makangiti habang inaantay ang sagot ko.
“Nakakaloka girls. Totoong magnet ng mga hot guys itong si Gunter” sambit ng isa sa kanila at sabay-sabay silang nagtilian.
“Teka-teka papano nyo sila nakilala?” tanong ko dahil wala naman akong napagkukwentuhan tungkol kina Kei at Ryle sa mga kaklase ko.
“Syempre nagresearch muna kami ng mga team ng bawat school na lalaban at hindi namin pinalagpas ang paghahanap ng mga hot guys” malanding tugon ng isa.
“Si Kei hot?” napailing na lang ako habang pinipigilan ang pagtawa. Kaya naman pala ang lakas ng loob niyang kumaway-kaway sa audience eh alam niya pa lang may mga nakakakilala sa kaniya.
Ilang minuto ang lumipas nang magsimula ang paligsahan sa pagitan ng dati kong paaralan at sa katunggalin nito. First quarter pa lang ay nagpakita na kaagad ng husay itong si Ryle. Sa tuwing makukuha niya ang bola ay walang sino man sa kanilang kalaban ang makaagaw dito. Sa haba ng kaniyang kamay at sa kaniyang katangkaran ay mabilis niyang naaagaw ang bola mula sa kalaban. Halatang hirap ang katapat nilang sabayan ang mga kilos ni Ryle na siyang nangunguna sa court. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na matuwa para sa kaniya dahil sa laki ng kaniyang pinagbago. Ang dating iyakin at tampulan ng tukso ay ngayo’y iniidolo ng karamihan dahil sa galing niya sa paglalaro ng basketball. Ang katangkaran niyang pinagtutukso sa kaniya noong kami ay nasa elementarya pa lang ay lubos niyang nagagamit ngayon at pinakamalaking pinagbago niya ay ang kaniyang hitsura. Kung hindi siya nakauot ng Jersey ay hindi ko siya makikilala kaagad sa laki ng pinagbago ng kaniyang hitsura.
Walang duda na nagawang maipanalo nila ang laban na nagtapos sa score na 44-71. Sobra akong napabilib sa galing niya sa paglalaro ng basketball. Masasabi kong mas magaling pa siya kay Andrew na dating star player ng team nila. Tila naging tagahanga niya ako bigla at gusto kong magpa-autograph sa kaniya na para bang isa siyang sikat na basketball player sa kaniyang angking galing. Maging ang ibang estudyante mula sa iba’t ibang paaralan ay hindi mapigilang mapahanga sa kaniya.
Pagkatapos ng kanilang laban ay kaniya-kaniyang labasan na ang mga estudyante mula sa gymnasium. Lahat ay sabik na matunghayan ang mangyayaring laban sa pagitan ng aming paaralan at sa dati kong paaralan. Maraming nagsasabi na magiging mainit ang laban dahil halos magkasing galing si Lance at Ryle sa paglalaro ngunit lamang sa tangkad at lakas si Ryle. Syempre mas gugustuhin ko pa ring manalo ang team namin pero hindi pa rin mawawala ang pangamba dahil umaayon din ako sa usap-usapan na mas lamang si Ryle sa tangkad at lakas laban kay Lance.
Alas dos pa lamang ng hapon at nagpasiya ng umuwi ang karamihan sa mga estudyante. Buong linggo kaming walang klase dahil sa regional competition ngunit obligado kaming pumasok dahil paaralan namin ang naghohost nito. Wala namang problema sakin yun dahil papasok lang ako para manood ng basketball at tumambay sa classroom. Bago pa man ako umuwi sa bahay ay naisipan kong tawagan si Lance para batiin siya sa pagkakapanalo nila ngunit nang tingnan ko ang aking cellphone ay nasa 10% na lang battery nito. Nakalimutan kong patayin ang data at hindi ko pala na-pause ang Spotify ko na kanina pa pala tumutugtog sa loob ng bag ko. Pinatay ko na lang ito para hindi masira ang battery kapag na-drain ng husto at muling pinasok sa aking bag. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa hallway at sinubukang abangan ang pagdaan ni Lance.
“Ako na ang unang titira, DRAW!” rinig kong sabi ng pamilyar na boses mula sa aking likuran. Kasabay ng pagbanggit niya ng salitang ‘draw’ ay ang paghablot niya sa likuran ng aking kwelyo na bahagyang sumakal sa akin. Mabilis kong tinapik ang kamay nito na kaagad namang bumitaw.
“Gago!” sabay bitaw ng mahinang ubo gawa ng pagkakasakal sa akin. Alam ko na kaagad na si Kei ang gumawa nito dahil sa aming magkakaibigan ay kami lang ang gumagawa nito sa isa’t isa. Ginagaya namin ang pagkuha ni Yugi mula sa anime na Yugioh ng kaniyang baraha. Pero imbes na baraha ay kwelyo ng isa’t isa ang hinahatak namin para masakal ang isa’t isa. Matapos ko siyang murahin ay tinawanan lang ako ni loko. Natawa na rin ako dahil matagal na naming hindi ito ginagawa dahil para sa amin ay pangbata lang ang harutan na ito.
“Namiss kita Gon!” masayang sabi ni Kei at aakmang yakapin ako. Napansin ko kaagad ang sapatos na suot niya at halatang bago pa ito. Kaya naman binantaan ko siyang aapakan ko ang kaniyang sapatos kapag lumapit siya sa akin. Ugali kasi ni Kei ang mang-akap kapag basang basa siya ng pawis at gusto niyang ipunas ito sa aming dalawa ni Andrew.
“Grabe ka hindi mo man lang ako namiss?” tanong niya sa akin habang umaarte na para bang inaapi na parang tanga. Gustong gusto kong hubarin ang sapatos ko at ibato sa kaniya dahil sa pinaggagawa niya.
“Syempre hindi!” mariin kong tugon pero sa totoo lang ay namiss ko talaga ang siraulong ito.
“Eh ako ba hindi mo na miss?” nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Ryle sa tabi ni Kei. Bigla akong natulala sa harapan niya. Kanina lang ay halos gusto kong lapitan siya para humingi ng autograph tapos ngayong nasa harapan ko na siya ay tila wala na akong masabi.
“Gunter ako to si Ryle” masaya niyang sabi at tanging pagtango lang ang nagawa ko. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin. Sobrang higpit ng kaniyang pagkakayakap na para bang mapipisa ako. Pero imbes na magreklamo ay hinayaan ko lang siyang gawin ang nais niyang mangyari. Habang yakap-yakap niya ako ay siya namang pagdating ng kaniyang mga kasamahan sa team. Napapalibutan na kami ngayon ng kanilang team kung saan pinakilala niya ako sa mga ito. Hindi nakaligtas sa mga kasama niya ang pagiging malapit ni Ryle sa akin kaya naman naging tampulan kami ng tukso.
“Tangina, kailan ba matatapos ang tuksuhang ganito sa akin?” sabi ko sa aking sarili habang pilit na ngiti ang sinusukli sa mga siraulong kateam mates nila. Ang buong akala ko ay makikitawa lang itong si Ryle pero hindi ko inaasahang sasakyan niya ang mga panunuksong ginagawa ng kaniyang mga kasama. Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako mula sa aking likuran.
“Noong huli kitang nakita ay cute ka pa lang tapos ngayon sobrang cute mo na. Lalo akong naiinlove sayo” sabi niya sa akin at muli kaming kinatiyawan ng kanilang mga kasama.
“Kapag si Ryle ang umakap ayos lang pero kapag ako bawal” mahinang sambit ni Kei na inakala niyang hindi ko narinig.
“Gago!” mabilis kong tugon sa kaniya na inakala nilang iyon ang sagot ko sa sinabi ni Ryle. Hindi naman minasama ito ni Ryle sapagkat nagawa niya pang halikan ang aking ulo. Kasabay ng paglapat ng kaniyang labi sa aking ulo ay ang marinig na pagtawag sa aking pangalan.
“Gon!” mabilis akong napalingon dahil alam kong boses iyon ni Lance. Bakas sa mukha niya ang labis na galit nang makita niya ang paghalik ni Ryle sa aking ulo. Sa akin ay walang kaso iyon dahil alam kong naglolokohan lang kami at wala naman akong nararamdaman para kay Ryle ngunit sa pananaw ni Lance ay ibang kaso na ito. Kaya lumapit kaagad ako sa kaniya upang magpaliwanag dahil alam kong may balak siyang makipagpisikalan kay Ryle ngayon.
“Lance, nagbibiruan lang kami nila” hindi pa ako tapos magpaliwanag nang lumapit siya sa kinaroroonan ni Ryle at bigla na lang niya itong sinuntok. Kagaya ng pinapakita niya sa kaniyang paglalaro ay naging mabilis si Ryle sa pag-iwas sa kamao ni Lance. Nagawa niya pang sapuhin ang kamao nito at nang gamitin ni Lance ang kaniyang kaliwang kamay ay nagawa ring sapuhin ni Ryle ito.
“Chill bro, ano bang ginawa ko sayo?” tanong ni Ryle nanatiling kalmado ngunit ang kaniyang mga kasama ay para bang nag-aantay ng senyas upang pagtulungan nila si Lance.
“Wala kang karapatang halikan siya dahil” mabilis kong inakap si Lance palayo kay Ryle. Sa biglang paghatak ko sa kaniya ay hindi na niya nagawang tapusin ang kaniyang dapat sabihin. Mabuti na rin iyon dahil baka kung ano-ano ang ipagsasabi niya lalong lalo na’t galit siya ngayon.
Humingi ako ng pasensya sa kanila lalong lalo na kay Ryle. Sumenyas rin ako kay Kei na paamuhin ang mga kasama niya na gustong patulan si Lance. Nagpupumiglas man ay nagawa kong ilayo si Lance mula sa kanila at tumigil lang ako sa paghatak sa kaniya nang makalabas kami ng gate.
“Ba’t ba sobrang init ng ulo mo?” tanong ko sa kaniya matapos kong bitawan ang kaniyang kamay.
“Pagnakita mo akong nakikipaghalikan sa ibang babae, papalakpakan mo ba ako?” inis niyang tanong sa akin.
“Tanga ka ba? Syempre magkaiba yun! Hindi naman ako nakikipaghalikan kay Ryle at biruan lang yung ginawa niya dahil matagal na kaming hindi nagkita” sa sandaling ito ay hindi ko na rin napigilang magtaas ng boses.
“Ahh so matagal na pala kayong magkakilala at matagal na kayong hindi nagkikita tapos habang wala ako sa paligidi mo ay makikipaghalikan ka sa kaniya?” buong gigil ang pagkakabanggit niya sa pakikipaghalikan na para bang ganun talaga ang ginawa ko kanina. Gustong gusto ko siyang sapakin dahil sa pag-akusa niya sa akin sa kalasanang hindi ko naman ginawa. Tinalikuran ko na lang siya at naglakad palayo dahil alam kong walang mapupuntahan itong pagtatalo namin.
“Saan ka pupunta?” sigaw niya sa akin.
“Uuwi na ako!” tugon ko habang hindi siya nililingon. Habang naglalakad ako ay bigla na lang niyang hinawakan ang aking kamay na para bang wala siyang balak na bitawan ito. Nasasaktan ako sa paraan ng kaniyang paghawak ngunit wala siyang pakialam dahil ang mahalaga sa kaniya ay hindi ako makawala mula sa kaniyang pagkakahawak.
“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong ko sa kaniya habang kinakalas ang kaniyang kamay na nakahawak sa akin.
“Uuwi na tayo” tugon niya at nagulat ako sa biglang pagbago ng tono ng kaniyang boses. Kanina lang ay halos mabingi ako sa paraan ng pagsigaw niya at ngayon ay naging malumanay ang kaniyang boses.
“Eh hindi naman ito yung daan pauwi sa amin” reklamo ko at bigla na lang siyang nagpara ng taxi.
“Hindi pa tayo tapos dahil magtutuos pa tayo sa bahay!” kasabay nito ay ang pagtingin niya sa akin ng masama na kasalungat ng paraan ng kaniyang sabi. Bigla akong nakaramdam ng pangamba sa ibig niyang saihin lalong lalo na’t alam kong galit pa rin sya hanggang sa sandaling ito.
Itutuloy…..
A/N: Sa wakas natapos ko rin ang chapter na to. Kamusta naman ang pangalawang linggo niyo ng bagong taon? Wala pa ring nagbago sa akin. Busy pa rin na para bang gusto ko nang hatiin ang sarili ko para lang magawa ko lahat ng gusto kong gawin.
Anyway, magkakaroon ng bisitang character mula sa CLWY sa susunod na chapter. Sino ang hula niyo maliban kay Eisen?
Chapter 29: Here we go again
Dylan as Lance
Gunter’s POV
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ni Lance at bigla na langy niya akong sinama pauwi sa kanila. Kahit na nasa loob na kami ng taxi ay hindi niya parin magawang bitiwan ang aking kamay. Ayokong makipagtalo sa kaniya dahil nahihiya ako sa aming taxi driver. Matanda na si manong at mukhang malapit na magretire mabuti na lang at naging mahinahon pa rin si Lance kahit na ang higpit higpit na ng kaniyang pagkakahawak sa akin. Ugali pa naman niyang bastusin ang kahit sino kapag siya ay galit. Kahit papano ay naging magalang pa rin siya kay manong dahil kung sisigawan niya ito ay ako mismo ang susuntok sa mukha niya.
Sa aming pagbaba ay binigay na ni Lance ang buong isang libo sa manong driver. Napakamot pa ito sa ulo dahil ang akala niya ay maghihintay kami ng sukli. Dahil nauna na lumabas si Lance ay ako na mismo ang nagpaliwanag kay manong na para sa kaniya na ang sukli. Dinagdagan ko pa ito ng dalawang daan para pang meryenda niya. Hinikayat ko na rin siya na magpahinga kahit isa o dalawang oras dahil kapansin-pansin na hinihingal siya. Nagpasalamat siya sa akin at nagsabing susundin ang aking payo. Mabilis niyang nasabing kinakailangan niya daw kasing maka-extra dahil malapit nang magtapos ng kolehiyo ang kaniyang anak. Sa maiksing pag-uusap namin ay naging masaya akong nakatulong sa kahit maliit na bagay. Pero hindi pa rin mawala sa akin ang mangamba dahil sa kalagayan ni manong.
“Oh ano pati sa matanda makikipaglandian ka?” nakangiting sabi ni Lance ngunit halata sa kaniyang boses na siya ay nagiging sarkastiko lamang.
“Oo trip na trip ko si manong” sarkastiko kong tugon na mabilis kong pinagsisihan dahil ang kaninang pagpipigil ng galit niya ay ngayo’y tila sasabog na.
Wala siyang naging sagot sa aking sinabi bagkus hinila na lang niya ang aking kamay papasok sa kanilang bahay. Halos kaladkarin na niya ako papasok at wala siyang pakialam sa mga nakakakita sa aming dalawa. Nagpapanggap na lang ako na nakikipagkulitan kay Lance upang hindi maghinala sa amin ang kanilang mga kasambahay. Sa pagpasok namin sa kaniyang kwarto ay kaagad niya itong sinara at mabilis akong tinulak sa ibabaw ng kaniyang kama.
“Puta!” reklamo ko nang bumagsak ang aking katawan sa kama. Masyadong marahas ang pagkakatulak niya na kahit malambot ito ay nasaktan pa rin ako sa aking pagbagsak. Habang nakapikit ako at hawak-hawak ang aking balakang ay bigla na lang siyang pumaibabaw sa akin. Sa sandaling idilat ko ang aking mga mata ay nakita ko na lang nahubad na niya ang kaniyang pang-itaas na uniporme.
“Hindi ka pa makontento sa akin! Ngayon ipaparanas ko sayo matinding sarap para hinding hindi ka na maghanap” sambit niya at bigla na lang niya akong siniil ng halik. Ang halik na ito ay masyadong marahas para magustuhan ko. Ang kaniyang paraan ng pagkagat sa aking labi ay masyadong mariin na halos magsugat na ito. Buong lakas ko siyang tinutulak palayo sa akin ngunit nagagawa niya akong talunin gamit ang kaniyang lakas. Hindi ako naging handa sa bigla niyang pagdila sa aking leeg na nagbigay ng matinding sensasyon sa aking katawan. Napaungol na lang ako nang paulanan niya ng halik ang leeg ko.
“Tangina! Paayaw-ayaw ka pa tapos bibigay ka rin pala” sabi niya at muli niyang dinilaan ang aking leeg. Sa sandaling iyon ay tila nagising ang aking diwa at nagkaroon ako ng lakas upang itulak siya palayo sa akin.
“Anong bang nangyayari sayo ha?” buong lakas kong pagsigaw. Saglit siyang natulala dahil sa aking ginawa at hindi rin nagtagal nang sumagot siya sa akin.
“Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?” anas niya habang nakakuyom ang mga kamay.
“Sige sabihin mo sa akin! Ano bang mali ang nagawa ko at nagkakaganyan ka?” inis kong sambit kung saan halos nagpapataasan na kami ng boses sa loob ng kaniyang kwarto. Walang pakialam kung may makarinig man sa aming sigawan dahil nanaig ang inis namin sa isa’t isa.
“Saglit lang akong nawala sa tabi mo tapos makikita kong nakikipaglandian kana sa iba” tugon niya kung saan hindi ko napigilan ang sarili ko at muntikan ko na siyang masuntok sa mukha. Mabuti nagawa kong pigilan ang sarili ko dahil kaunti na lang talaga ay tatama na sana ang kamao ko sa kaniyang mukha. Ang labis na pinagtataka ko ay hindi man lang niya nagawang pumikit at mukhang balak niya talagang tanggapin ang paglapat ng aking kamao sa kaniyang mukha.
“Bakit hindi mo ituloy?” tanong niya habang nasa ere pa rin ang aking kamao at bigla kong binawi ang aking kamay nang mapagtanto ko ang aking ginawa.
“Ituloy mo! Ituloy mo na! Gusto mo akong suntukin di ba?” sabi niya habang hinihila niya ang aking kamay para ilapat ang kamao ko sa mukha niya. Para kaming mga tanga na naghihilaan sa kamay ko.
“Ano ba’t di mo magawa?” sigaw niya sa akin at sa sandaling iyon ay buong pwersa ko siyang tinulak kung saan napahiga siya sa ibabaw ng kama. Sa sobrang galit ko ay pumaibabaw ako sa kaniya at sa ikalawang pagkakataon ay umakmang susuntukin siya. Kahit na galit na galit na ako sa kaniya ay hindi ko pa rin siya magawang saktan. Hindi ko magawang ibuhos sa kaniya ang inis na nararamdaman ko kaya naman kusang nanggilid ang mga luha ko sa aking mga mata.
“Noong unang makilala mo ako, ano bang akala mo sa akin bakla?” inis kong sambit at binaba ang aking kamay ngunit nanatili itong nakakakuyom.
“Nais ko lang ipaalala sayo na hinding hindi ako nagkakagusto sa lalaki!” nanatili siyang tahimik at nakatingin sa akin na para bang walang nangyayari kahit na halos mapaos na ako sa kakasigaw.
“Maliban lang sayo” dugtong ko sa mahinang boses. Bigla kong pinagsisihan ang sinabi ko at hiniling na sana’y hindi niya narinig ang mga salitang iyon. Kaya naman dali-dali akong umalis mula sa pagkakapatong sa ibabaw niya at naupo sa gilid ng kama. Siya nama’y mabilis na tumayo at kaagad lumapit sa aking tabi.
“Hmmm… tama ang narinig ko na ako lang ang lalaking nagustuhan mo?” tanong niya sa akin habang pinipilit na huwag mapangiti samantalang ako ay inis na inis na sa kaniyang pagmumukha.
“Wala akong sinabi” tugon ko habang iniiwas ko ang tingin ko sa nakakaasar niyang pagmumukha na habang tumatagal ay palaki nang palaki ang kaniyang pangiti. Tatayo sana ako para makaiwas sa panggagago niya ay pwersahan niya akong hiniga sa kama at ikalawang pagkakataon ay pumaibabaw siya sa akin.
“Ano ba Lance hindi ka ba nagsasawa sa mga kalokohan mo?” inis kong sambit habang pinapaalis siya sa pagkakapatong sa akin.
“Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo inaamin sa akin” pagmamatigas niya at lalo pang hinigpitan ang pagkakaakap sa akin. Ramdam na ramdam ko ang panlalagkit ng aming mga katawan dahil sa pawis. Nakalimutan yatang buksan ni Lance ang aircon kaya naman ang init dito sa loob.
“Bahala ka sa buhay mo” pagmamatigas ko rin at iniwas ko ang aking mukha sa kaniya. Pinikit ang aking mata at humiling na sana’y umalis na siya sa ibabaw ko. Sa pwesto namin ngayon ay para akong bangkay sa loob ng kabaong habang may demonyong nakapulupot sa aking katawan. Ang akala ko ay mabilis ko siyang mapapasuko sa pamamagitan ng hindi pagpansin sa kaniya ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pang-iinis sa akin. Nagawa niya pang ihiga ang kaniyang ulo sa ibaba ng dibdib ko na mas lalong nagpainit sa sitwasyon namin.
“Oo na, inaamin ko na!” sigaw ko bilang tanda ng aking pagsuko. Hindi ko na kasi kayang tiisin ang init at panlalagkit ng aking katawan. Isama mo pa ang kaniyang pagyakap na habang tumatagal ay pahigpit ng pahigpit. At nang marinig niya ito ay kaagad siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Para siyang batang tuwang tuwa matapos kong sabihin iyon, samantalang ako ay inis na inis dahil sa labis na panlalagkit ng aming mga katawan.
“So hindi ka nagkagusto? Magkakagusto o magugustuhan si Ryle?” napailing ako nang marinig ko ang pagbanggit niya sa pangalan ni Ryle. Ayoko na sana ng issue na to ngunit alam kong mangungulit at mangungulit pa rin siya hanggang sa hindi niya naririnig ang sagot ko.
“Oo nga” malumanay kung tugon at sinundan ng malalim na buntong hininga. Matapos niyang marinig iyon ay hinawakan niya ang aking baba at pinagtagpo ang aming mga labi.
“I love you” masaya niyang sabi nang maghiwalay ang aming mga labi. Tanging pagngiti ang aking naitugon sa kaniya dahil sa nahihiya pa rin akong tumugon sa salitang iyon. Nagawa niyang tumitig sa akin ng matagal na para bang inaantay niya akong sumagot.
“I love y-” hindi ko na nagawang tapusin ang aking sinabi dahil siniil na niya ako ng halik.
“I Know - I know” tugon niya sa pagitan ng aming paghahalikan.
Nagsimula sa marahang halikan hanggang sa tumagal ay nagiging marahas na para bang uhaw na uhaw kami sa isa’t isa. Natitigil lamang ito kapag naramdaman naming kinakapos na kami ng hangin. Basang basa ang magkabilang gilid ng aking mga labi sa pinaghalong laway naming dalawa na kaagad ko namang pinunasan. Napangisi siya akin habang tinitigan niya ako mula sa aking pagkakahiga sa ibabaw ng kaniyang kama habang siya ay nasa ibabaw ko. Muli niya akong hinalikan at nagawang kunin ang aking kamay at kaniyang nilagay sa loob ng kaniyang underwear. Napaungol siya nang himasin ko ang kaniyang kahabaan. Dalang dala ako sa pag-ungol niya lalong lalo na kapag hinihigpitan ko ang pagkakahawak sa kaniyang ari.
“Sarap sarap mo talaga babe” gigil niyang sabi habang nag-aatras-abante na para bang pinapasok niya ang lagusan ko. Bigla naman akong napaungol nang ipasok niya ang kaniyang kamay sa loob ng aking uniform at marahas na hinimas ang aking dibdib. Nagawa niya pang laruin ang aking utong habang ako ay nagtataas-baba sa kaniyang ari. Rinig na rinig sa buong kwarto ang pinagsamang ungol naming dalawa. Kapwa kaming lango sa matinding pagnanasa sa katawan ng isa’t isa. Sa kalagitnaan ng aming paghahalikan ay bigla ko na lang siyang naitulak nang maalala kong hindi pala namin dapat ginagawa ito.
“Ohh bakit?” anas niya kung saan bakas sa kaniyang mukha ang pagkadismaya nang matigil ang paghimas ko sa kaniyang ari.
“Hindi natin to pwedeng ipagpatuloy” sagot ko na lalong nagpagulo sa kaniyang isipan.
“Ang alin?” biglang lumakas ang boses niya at saka ko lang napagtanto na parang makikipaghiwalay na ako sa paraan ng pagsabi ko.
“Ang ibig kong sabihin ay hindi natin to pwedeng gawin dahil may big game ka bukas” pagpapaliwanag ko ngunit hindi pa rin nagbago ang kaniyang reaksyon.
“And so what?” tugon niya at lumapit siya sa akin at muling hinalikan ang aking leeg. Muntik na akong mapamura ng malakas dahil sa mabilis niyang pag-angkin nito na kaagad nagdulot ng matinding sarap. Bago pa ako lamunin muli ng kamunduhan ay nagawa ko siyang pigilan.
“Seryoso nga ako. Kailangan mong magpigil kong ayaw mong panghinaan ka bukas sa paglalaro” tugon ko dahil alam kong hindi siya makokontento kapag isang beses lang siyang nilabasan.
“Don’t worry, marami akong energy para sayo at para sa laro ko” mabilis niyang tugon at binalak niyang muling halikan ang aking leeg pero mabilis kong iniwas ito.
“Makinig ka na lang sa akin. Alam kong pinapagawa rin sa inyo to ng inyong coach kaya tiis na lang muna” may sasabihin pa sana siya ngunit tumigil siya nang ako mismo ang humalik sa kaniyang labi. Nakalimutan na niya ang dapat niyang sabihin dahil sa pagkabigla sa aking ginawa. Mabilis lang ang ginawa kong paghalik ngunit kakaiba ang naidulot nito sa kaniya na para bang hindi na maalis sa kaniyang mga labi ang pagngiti.
Makalipas ang ilang sandali ay nagdesisyon kaming mahiga na lang. Kasalukuyang nakatalikod ako sa kaniya habang siya ako nakayakap sa aking likuran. Pinili kong tumalikod dahil kapag magkaharap kaming dalawa ay nauuwi sa halikan ang dapat na ipahinga naming dalawa. Maling mali na magkasama kaming dalawa ngayon dahil importante ang magiging laban nila bukas at ayokong maging dahilan sa pag-ubos ng lakas ng star player namin.
“Tigilan mo yan!” pagsaway ko sa kaniya nang maramdaman ko ang pagkiskis ng kaniyang hinaharap sa aking pang-upo.
“Grabe ka naman. Pinagbawalan mo na nga akong pumasok dito tapos pati ba naman pagkiskis bawal pa din” sagot niya habang patuloy lang sa kaniyang ginawa. Hindi na ako sumagot pa dahil alam kong walang pahahantungan kung pagtatalunan pa namin ang bagay na to. Hinayaan ko na lamang siyang gawin ang nais niyang mangyari basta ang mahalaga ay hindi siya mapagod ngayon. Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata para makatulog kaso maya-maya ako nagigising sa bawat pagkilos ni Lance.
“Malapit na birthday ko, anong regalo mo sa akin?” tanong niya sa akin sa tono ng kaniyang boses na may halong paglalambing.
“Wala” mabilis kong tugon. Sa totoo meron na talaga akong regalo sa kaniya at yung dalawang taong ipon ko para makabili ng gaming laptop ang aking ginamit para lang mabili ko ang regalo ko sa kaniya. Malayo pa sa katotohanan ang presyo ng laptop mula sa naipon ko pero hindi biro ang halaga ng inipon ko mabili lang ang bagay na alam kong magpapasaya sa kaniya. Pinili kong sabihin na wala akong regalo sa kaniya para hindi siya masyadong mag-expect sa kung anong kaya kong ibigay.
“Ganun ba?” tugon niya at biglang naging malumanay ang kaniyang boses na para bang nagtatampo. Kaagad kong naramdaman ang unti-unting pagkalas ng kaniyang mga kamay mula sa pagkakayakap sa akin.
“Ano bang gusto mo?” tanong ko at mabilis niyang binalik ang kaniyang kamay sa pagkakayakap sa akin.
“Gusto ko ikaw” tugon niya na nagpataas sa aking kilay. Gamit na gamit na masyado ang linya na yan pero pinili kong manahimik na lang.
“Gusto kong magcheck-in tayo sa hotel tapos dun tayo magpapalipas ng gabi. Kapag nag-sex tayo dapat nakasuot ka ng sailor moon costume. Yan ang wish ko sa birthday ko” dugtong niya habang kinikiskis niya ang kaniyang ilong sa aking batok.
“Gago!” ang naging tugon ko at humarap sa kaniya upang alamin kong seryoso siya sa kaniyang hiling.
“Seryoso ka?” dugtong ko at ngumiti siya sa akin habang tumatango.
“Gago, hinding hindi ko gagawin yun” sambit ko at bigla na lang naging seryoso ang kaniyang mukha. Napipikon ako sa tuwing ginagawa niya ang pagpapaawa niya sa akin na para bang ang tino-tino ng hinihiling niya sa akin.
“Bakit mo naman naisipan ang sailor moon na yan?” tanong ko sa kaniya na tila nagbigay ng liwanag sa kaniya.
“Wala, may napanood lang ako navideo tapos gusto ko lang i-try natin” sagot niya habang nakangisi na parang demonyo na tila may binabalak na masama sa aking pagkatao. Bigla ko na lang naalala yung video tungkol sa sailor moon na yan at saka ko napagtanto ang ibig niyang sabihin.
“Batang bata kapa at naexpose kana agad sa kakapanood ng porn kaya ang libog-libog mo” tugon ko sa kaniya na, imbes na mainis ay tila natawa pa siya sa sinabi ko.
“Bakit ikaw? Kung hindi ka maagang naexpose sa porn papano mo nalaman ang tinutukoy ko?” pang-aasar niya sa akin.
“Ewan ko sayo. Maghanap ka na lang ng babaeng willing gawin yang nirerequest mo” sagot ko at mabilis siyang tinalikuran. Ako pa talaga ang napahamak sa sarili kong salita.
“Talaga ba? Papayag kang maghanap ako ng babae para lang sa birthday wish ko?” tanong niya at mukhang excited pa sa tono ng kaniyang pagtanong. Sa inis ko ay muli akong humarap sa kaniya at umaktong susuntukin ang mukha niya pero mabilis niyang nahuli ang kamao ko.
“Eto naman hindi mabiro. Alam mo naman na ikaw lang sapat na!” mabilis niyang tugon sabay halik sa aking ilong. Matapos niyang gawin iyon ay napaatras ako sabay iling hindi dahil sa paghalik niya kundi dahil sa kaniyang sinabi.
“May nakapagsabi na ba sayo na para kang jejemon na binihisan ng maayos para magmukhang mayaman? Napakabaduy ng mga pinagsasabi mo” pang-iinsulto ko sa kaniya na kaniyang tinawanan.
“Ganun naman talaga pagnaiinlove ang lalaki. Nagiging baduy” tugon niya at nilapit niya pa sa akin ang kaniyang mukha kung saan ramdam na ramdam ko init ng kaniyang hininga. Mabilis akong tumalikod at hindi na nagsalita pa dahil nais kong pigilan ang sarili ko na wag magpadala sa ninanais ng aking katawan. Ayoko ko ring ipakita sa kaniya na masaya akong marinig na sinabi niyang inlove siya dahil alam kung tutuksuhin niya ako sa bagay na yun.
Makalipas ang ilang sandali ay naging tahimik na ang paligid. Kanina lang ay panay ang kalabit sa akin ni Lance at nagawa niya pang kagat-kagatin ang aking balikat pero nagpanggap akong natutulog para tigilan na niya ang pangungulit sa akin. Kahit na ilang minuto na ang nakalilipas mula nang tigilan ni Lance ang pangungulit sa akin ay hindi ko pa rin magawang antukin. Mukhang mahimbing na ang kaniyang pagtulog dahil napakatahimik na nito at hindi na gumagawa ng hindi kanais-nais na pagkilos. Nanatili pa rin siyang nakayakap sa akin habang ang kaniyang mukha ay nakasubsob sa aking batok kung saan ramdam na ramdam ko ang malalim niyang paghinga. Ang buong akala ko ay nakatulog na siya ngunit nagulat na lang ako nang bigla siyang magsalita.
“Simple lang naman ang wish ko sa birthday ko. Yun ay ang makasama ka sa araw na yun kung saan masosolo lang kita sa lugar na parang tayong dalawa lang ang magkasama na walang iniintinding ibang bagay. Yun lang ang hiling ko” pinili kong manahimik dahil alam kong inaakala niyang tulog ako kaya nasabi niya ang totoong kahilingan niya. Masaya akong marinig mula sa kaniya ang bagay na yun na nagpapatunay na hindi lang sa pagnanasa o sa pagtatalik ang nagbubuklod sa aming dalawa. Dahil alam kong higit pa sa bagay na yun ang nararamdaman namin sa isa’t isa.
Sumapit ang araw na pinanabikan ng bawat isa kung saan magtatagis ng galing sa larangan ng paglalaro ng basketball sa pagitan ng kupunan mula sa aming paraalan at sa kupunan ng dati kong paaralan. Syempre ang boto ko ay sa kasalukuyang kupunan ng aking paaralan hindi lang sa dahil dito ako nag-aaral kundi dahil kay Lance. Ngunit hindi rin mawala sa akin na magbigay suporta sa paglalaro ng isa sa matalik kong kaibigan na si Kei.
Naging mainit ang simula ng kanilang laban na para bang walang may balak sa kanilang magpapuntos. Kahit na maraming manlalaro ang nasa loob ng court ay tila napako ang mga tao sa paglalaro nina Lance at Ryle. Nangingibabaw ang kanilang performance sa loob ng court dahil sa bilis at galing nila sa larangang ito. Kahit na kapwa silang magaling ay meron at meron pa ring mangingibabaw sa kanilang dalawa. Mas mabilis na nakakaagaw ng bola at walang kahirap-hirap na makapuntos itong si Ryle. Malaking tulong sa talaga sa kaniya ang magandang pangangatawan at katangkaran kaya walang kahirap-hirap niyang naagaw ang bola kahit na si Lance ang kaniyang katunggali.
Natapos ang first quarter kung saan nangunguna ang kupunan nila Ryle na may score ng 27-32. Limang puntos lang ang lamang nila mula sa kupunan nila Lance. Naniwala akong makakabawi sila sa susunod na quarter dahil alam kung hinding hindi magpapatalo si Lance lalong lalo na kay Ryle na tinuturing niyang karibal hinding lang sa laro maging pagdating daw sa akin. Ewan ko bas a lalaking to, ilang beses ko na siyang sinabihan kagabi pero hindi pa rin maalis sa isipan niya na karibal daw niya si Ryle kahit ilang beses kong sinabi sa kaniya na wala akong gusto kay Ryle.
Gaya ng inaasahan ko ay nagawang habulin nila ang score kung saan nagtapos ang laro sa score na 42-40 sa second quarter ng laban. Masyado pang maaga para magbunyi pero ang mga tagasuporta ni Lance na karamihan ay nagmumula sa aming school ay di mapigil ang tuwa nang mahabol nila ang score. Kahit naman ako ay masaya dahil naniniwala akong kayang ipanalo ni Lance ang laban kahit na nahihigitan siya sa lakas at katangkaran ni Ryle.
Mabilis namang nabawi ang kaninang pagbubunyi dahil muling naging lamang sa laban ang kupunan nila Ryle na mas hinigitan ang lamang mula sa kupunan nila Lance. Natapos ang third quarter sa score na 51-70. Dahil sa tensyon ng magkabilang panig ay hindi maiwasang magkainitan ng ulo sa loob ng court. Ilang beses nahatulan ng foul ang panig nila Lance dahil sa madumi nitong paglaro. Tila nanamlay ang karamihan dahil sa sunod-sunod na pag-angat ng score ng kabilang grupo. Kapansin-pansin rin ang pananamlay ni Lance sa paglalaro na para bang sumusuko na siya dahil sa laki ng agwat ng score nila mula sa kalaban. Idagdag mo pa ang galing ni Ryle sa paglalaro na siya mismo ay nahihirapang sabayan.
Bago matapos ang quarter break ay lumapit ako kay Lance upang palakasin ang loob niya at gawin ang kaniyag makakaya upang ipanalo ang laban. Ngunit sa aking paglapit ay biglang sumenyas ang kanilang coach na tapos na raw ang quarter break at magsisimula na muli ang laban. Ewan ko kung bakit ko nagawang ibulong sa kaniya ang bagay na yun gawa na rin siguro sa pagkataranta at dahil sa kagustuhang palakasin ang loob ni Lance kaya nasabi ko ang mga salitang iyon.
Tila nanumbalik ang kaniyang sigla nang magsimula ang huling quarter ng laban. Marami ang nagtanong sa akin kung ano bang sinabi ko kay Lance at bigla na lang itong nabuhayan sa court. Maging ako mismo ay hindi makapaniwala sa naging performance niya sa court matapos kong sabihin sa kaniya iyon. Para bang pinilit niya akong sabihin ang mga salitang iyon bago niya ipakita ang natatago niyang galing sa paglalaro. Kani-kanina lang ay madaling naagaw ni Ryle ang bola mula kay Lance ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na niya magawang agawin ito. Tila nakagawa ng himala si Lance sa loob ng court at nagawa niyang habulin ang lamang ng score ng kanilang katunggali.
Nagbunyi ang karamihan nang magawang talunin nila Lance ang kupunan nila Ryle. Nagmistulang championship ang laban dahil sa tindi ng sigawan at palakpakan nang maipanalo nila ang laban. Maging ako ay hindi mapigilang sumigaw habang pumapalakpak bilang pagsuporta sa aming kupunan. Bago makaalis ang mga manlalaro sa court ay nagawang makipagkamay ni Ryle kay Lance bilang tanda ng pagbati nito mula sa kanilang pagkapanalo. Masaya akong walang naging alitan sa pagitan nila dahil masayang tumugon si Lance sa pakikipagkamay ni Ryle. Ang masayang pakikipagkamay ng bawat isa ay biglang natigil sa pagpasok ng game host upang kausapin ang dalawang star player.
“Anong masasabi mo ngayon at pasok na ang team niyo sa finals?” tanong ng host kay Lance. Ngumiti muna siya bago nagsalita.
“I just wanna say thank you sa lahat ng mga sumuporta sa akin dahil damang dama ko na hindi ako nag-iisa sa laban na ito” masaya niyang tugon na nagpahiyaw sa maraming kababaihan sa loob ng gymanasium. Hindi ko mapigilang mapailing dahil ginagamit na naman niya ang kaniyang charm sa mga kababaihan.
“at kay Gunter Dela Paz…make sure na paninindigan mo yung binulong mo kanina” dugtong niya na hindi ko inaasahang babanggitin niya sa microphone kung saan dinig na dinig ng lahat. Panay ang hiyawan ng mga katabi ko at ang ilan sa kanila ay panay ang pag-alog sa katawan ko. Tangina, parang gusto ko na lang liparin ng hangin sa kahihiyan. Bigla kong pinagsisihan kung bakit ko pa binulong ang salitang iyon sa kaniya na hindi ko nga alam kung mapapanindigan ko ba yun.
Makalipas ang sandaling nakakabingi ay si Ryle naman ang kinausap ng host. Naging maayos naman ang sagot nito at hindi rin nawala ang hiyawan na nagmumula sa kaniyang mga tagasuporta. Maayos sanang natapos ang maikling interview sa kaniya kaso dinugtungan niya pa ng.
“Also kay Gunter Dela Paz. How I wish na maibalik natin ang dati nating samahan at sana higit pa sa pagkakaibigan ang ituring mo sa akin” masayang niyang sabi kung saan halos bumagsak sa sahig ang baba ko sa kaniyang sinabi. Hati ang naging reaksyon ng ilang tagasuporta niya. May iilang hindi nagustuhan ito at may iilang tuwang tuwa sa kanilang narinig. Samantalang ako ay hindi makapaniwala na mababanggit niya yun sa harap ng maraming tao.
Bago pa man muling magkainitan sa loob ng court ay minabuti ng team nila Lance na lumisan na habang ako ay tila napako sa aking kinauupuan. Hinayaan kong magsilisan ang mga kaklase ko at ang ilang estudyante sa gymnasium. Hindi ko alam kung papano haharapin si Lance ngayon na alam kong mainit ang ulo dahil sa kaniyang narinig. Tangina, hindi ko rin alam kung dapat pa ba akong magpaliwanag dahil pero wala naman talagang namamagitan sa aming dalawa.
Sumunod na araw ay akala ko magiging maayos na ang lahat. Nakapagpaalam naman ako ng matino kay Lance at nagawa ko pa siyang batiin bago siya makauwi sa kanilang bahay. Kaso hindi ko inaasahang darating si Kei sa bahay para magsleep-over at sinama niya pa si Ryle. Ang mas masaya pa ay bigla na lang dumating si Lance na may dalang pagkain at hindi nagustuhan nang makitang nasa loob ng bahay si Ryle. Hindi ko na nagawang magpaliwanag dahil mabilis siyang nagwalk-out at hindi ako kinausap. Tuwang tuwa pa man din ako nang mareceive ko ang text niya ngayong umaga dahil ang akala ko ay maayos na ang lahat yun pala ay pinapaalala lang niya na ngayong araw daw matutuloy yung pagtulong namin sa manliligaw ng kaniyang pinsan. Ang galing ng timing.
Sa susunod na araw pa magaganap ang finals kaya ang mga estudyanteng nasa school ay kasama sa mga mag-aayos ng gymnasium at ang iba ay mga kasali sa cheering squad na nag-eensayo. Sinabihan ako ni Lance na magkikita kami pagkatapos ng practice nila bilang paghahanda sa finals bukas. Kakaunti lang ang naitulong ko kay Lester dahil nagawa na niya ang karamihan sa pag-ayos ng rooftop kung saan siya aamin kay Eisen.
Kagaya ng napag-usapan ay kasa-kasama na ni Lance si Eisen nang makarating sila sa buiding. Nagdadalawang isip pa nga noong una si Eisen kung aakyat ba siya dahil malapit na ring dumilim at iniisip niya na pinaprank lang namin siya ni Lance. Matapos niyang makita ang hitsura ni Lance na parang iritable ay kaagad na rin siyang umakyat. Ilang beses kong sinubukang kausapin si Lance ngunit hindi niya ako sinasagot. Hindi na ako nangulit pa baka madamay pa ang dalawang nasa itaas sa init ng ulo ni Lance.
Habang nag-aantay sa hagdan ay may natanaw akong lalaking nakasuot ng shades. Halos dumidilim na ang paligid pero nakakapagtakang nakasuot pa rin ito ng shades. Habang papalapit siya sa kinaroroonan namin ay unti-unti kong napagtanto na hindi ito estudyante o staff sa loob ng university. Sa libo-libong estudyante dito sa school at daan-daang staff na meron dito ay nakakatiyak ako na hindi siya nabibilang sa mga iyon. May kalakihan ang pangangatawan nito na masasabi mong nagpapahulma ng katawan sa gym. Sa kutis at pananamit nito ay masasabi mong nanggaling ito sa marangyang pamilya. Umakma siyang aakyat sana sa hagdan ngunit naging mabilis ang pagpigil namin sa kaniya ni Lance.
“Sorry hindi ka po pwedeng umakyat sa taas” sabi ko sa lalaking nakasuot ng shades. Masyadong kahina-hinala ang kilos nito kaya ang pinagtataka ko ay kung papano siya pinapasok ng mga guards.
“Ahmm..Someone told me na nasa taas daw si Eisen. I really need to talk to him right now” tugon niya. Itatanong ko sana kung anong kaugnayan niya kay Eisen ngunit naunahan ako ni Lance sa pagtanong.
“Sino ka ba at anong kailangan mo sa kaniya?” inis na tanong ni Lance. Nangamba ako na baka ibuhos niya sa lalaking ito ang kaniyang inis.
“I’m Jethro Wells, boyfriend ako ni Eisen. Please, please gusto ko siyang makausap!” pagpupumilit nito kay Lance. Nagulat naman ako nang malaman na may boyfriend pa pala si Eisen. Eh papano na lang si Lester?
“EX-BOYFRIEND! Ikaw pala yung tinutukoy niya. Sorry, pero hanggang dito ka na lang!” tugon ni Lance na tila mas lalong nainis nang magpakilala ito.
“Sino ka ba?” tanong ng lalaking nagpakilalang si Jethro. Halatang naiinis siya sa inaasta ni Lance at mukhang handang patulan ito.
“My name is Lance Fuentes, pinsan ako ni Eisen kaya back-off!” mabilis na tugon ni Lance. Nangangamba ako na baka umabot sa taas ang boses nila at maistorbo ang dalawa. Hindi ko na rin nagugustuhan ang inaasal ni Lance dahil kung kani-kanino na lang niya binubuhos ang kaniyang galit.
“Huminahon ka nga Lance” sabi ko na tila minasama niya ang pagsuway ko.
“Shut up Gunter!” nagulat ako sa kaniyang naging tugon. Hindi ko inaasahang pagsasabihan niya ako ng ganun. Habang nakatingin kami sa isa’t isa ay sinamantala naman nitong si Jethro na makaakyat sa itaas. Nagawa niya kaming matakasan at nagpatuloy ito sa pag-akyat. Hinabol namin siya sa itaas at hindi namin inaasahang hihinto siya sa bungad ng pinto. Gusto siyang hatakin pababa ni Lance ngunit pinigilan ko ang balak gawin ni Lance dahil maglilikha lang ito ng ingay na makakagulo sa dalawa. Pinagmasdan ko ang bawat kilos ni Jethro na para bang pumunta lang sa itaas upang masilayan si Eisen. Mula sa aming kinatatayuan ay rinig na rinig namin ang usapan ng dalawa.
“Tama ka, siguro nga dapat ko na kalimutan si Jethro. Masaya na siguro siya sa piling ng iba” sambit ni Eisen na rinig na rinig ng bawat isa.
“Ayoko nang masaktan. Panahon na siguro para sumaya naman ako. Ayoko nang iniisip si Jethro. Gusto ko nang maging malaya mula sa kaniya. Gusto ko nang maging masaya na hindi siya kasama..” natigil sa pagsasalita si Eisen dahil halata sa kaniyang pananalita ang pagpigil ng luha. Kasabay nito ang pag-alis ni Jethro kung saan sinundan siya ni Lance upang siguraduhin na hindi ito makabalik para manggulo.
“Pero ano mang gawin ko ay hindi ko magawang kalimutan siya. Sa araw-araw na pinipilit kong kalimutan siya ay siya pa rin ang sinisigaw ng damdamin ko. Masaya akong malaman na may tao pa ring nagkakagusto sa isang kagaya ko kaya humihingi ako ng tawad sayo dahil hanggang kaibigan lang maiaalay ko sayo. Hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya” tumigil na sa pagsasalita si Eisen at tuluyan na siyang umiyak. Naawa ako para kay Lester dahil sa lahat ng effort na ginawa niya ay hindi kayang suklian ito ni Eisen. Nalungkot din ako para kay Jethro dahil hindi niya nagawang marinig ang huling sinabi ni Eisen. Kung narito pa siya ngayon ay malamang maayos pa nila ang kanilang relasyon.
Kahit na hindi naging tagumpay ang naging plano namin ay nagpasalamat pa rin sa amin si Lester. Kahit na hindi siya kayang mahalin ni Eisen ay masaya pa rin siyang malaman na hindi magbabago ang turing sa kaniya ni Eisen. Kung tutuusin ay parang walang nangyari dahil matapos umiyak ni Eisen ay nanumbalik na sila sa dati. Masaya pa nga silang umuwi kung saan nagpresenta pa si Lester na maghatid kay Eisen habang kami ni Lance ay naiwan dito sa school na para bang hindi alam ang gagawin. Kapwa kaming nakaupo sa hagdan na hindi kalayuan sa isa’t isa. Nakakabingi ang katahimikan sa paligid dahil wala na masyadong mga estudyante sa oras ito. Nanatili kami sa hagdan na para bang nag-aantay na may magsalita hanggang sa baliin ni Lance ang katahimikan.
“Napapagod na ako” bigla niyang sabi na ikinabahala ko.
“Haaa… edi tara magpahinga kana dahil may laban ka pa bukas” mabilis kong tugon at hinihiling na sana mali ang iniisip ko sa ibig niyang sabihin.
“Itigil na natin ito” dugtong niya at napatingin ako ng derecho sa kaniyang mukha kung seryoso ba siya sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit kasabay nito ang pagbagsak ng aking luha.
Itutuloy…….
A/N:
Yes I’m back and I’m trying to update once in a while. Nasa stage na naman ako na nawawalan ng gana sa pagsusulat kahit andami-dami kong gustong isulat. Just bare with me dahil lilipas din ito.
By the way sa
Chapter 9
ng
CLWY
ay nabanggit ni Jethro na Valentines day siya pumunta sa school kung nasaan si Eisen. Paki-erase na yun sa inyong isipan hahaha. Nabura ko na rin yun dahil hindi ako pwedeng magskip ng months dahil December baby si Lance at isa sa highlight ng story ay ang birthday niya kaya hindi ko pwedeng i-skip kaya yung CLWY ang mag-aadjust ng date. LOL!
Sa mga nagtatanong kung bakit nawala ang Ice and Fire. Nakadraft pa rin siya dahil nawalan ako ng ganang isulat. Ang dami kasing expectations sa story na dapat ganito ang flow ng story dapat si ganito at ganiyan ang magkatuluyan si ganyan na lang ang kontrabida. Ang cliché na nga ng story tapos magiging predicatable pa yung character kaya nag-stop muna ako.
Anyway enjoy!!!!!!
Chapter 30: What a surprise
Darren as Gunter
Gunter’s POV
“
Itigil
na natin ito“
Napakaiksing salita ngunit tila magdudulot ito ng permanenteng sugat sa aking puso. Alam kong may mga pagkukulang ako pero hindi ko inaasahang aabot kami sa sandaling ito at isusuko na lang niya ng basta-basta ang relasyon naming binuo. Hindi ko magawang magreklamo o magalit man lang sa kaniya. Mas naunang bumagsak ang aking mga luha bago pa man ako makapagsalita. Nang makita niya ang biglang pagluha ko ay bigla na lang siyang nataranta.
“Ohh bakit ka umiiyak?” tanong niya sabay punas sa aking mga luha. Nainis ako sa kaniyang inasal kaya naitulak ko siya.
“Gago ka ba? Anong gusto mong gawin ko, pumalakpak?” napalitan ng inis ang aking nadarama dahil sa kaniyang ginawa. Matapos niyang sabihin na itigil na namin ang namamagitan sa aming dalawa ay bigla na lang siyang magtatanong kung bakit ako umiiyak. Nakakainis! Ang malala pa ay napatingin siya sa akin na para bang walang kaalam-alam sa kaniyang sinabi. Makalipas ang ilang sandali ay bigla na lang siyang napa palo sa kaniyang hita nang mapagtanto niya ang kaniyang sinabi.
“Fuck! Yun ang iniisip mo?” tanong niya na para bang natatawa pa sa nangyayari. Napakagago talaga. Nakakuyom na ang aking kanang kamay at nakahandang suntukin ang kaniyang pagmumukha dahil para bang tuwang tuwa pa siya sa nangyayari.
“Hindi ka titigil?” tanong ko habang nakahanda ang aking kamao upang suntukin siya.
“Uyy eto naman wala naman akong sinabing masama ahh” tugon niya habang papalayo siya sa akin at ang kaniyang mga kamay ay nakaabang sa pagsapo sa aking kamay.
“Tangina ano yung sinabi mo kanina? Pinagtitripan mo ba ako?” lalo akong napikon dahil hindi pa rin nawala sa kaniyang mukha ang pagngisi bilang tanda na hindi talaga siya seryoso sa nangyayari. Lumapit na talaga ako para suntukin siya pero mabilis niyang nahuli ang aking kamao at hinatak ako papalapit sa kaniya. Niyakap niya ako habang hawak-hawak niya ang magkabila kong kamay.
“Wait lang babe, mali ang iniisip mo” tugon niya habang nagpupumiglas ako.
“Ang ibig kong sabihin ay itigil na natin itong pagpapanggap natin bilang magkaibigan lang” dugtong niya na nagpatigil sa akin. Nang mapagtanto niya na tumigil na ako sa pagpupumiglas ay nagawa niyang bitawan ang aking mga kamay. Mula sa aking likuran ay niyakap niya ako nang mahigpit at sinandal ang kaniyang baba sa ibabaw ng aking balikat.
“Gusto kong ipaalam sa kanila kung gaano kita kamahal, kung gaano natin kamahal ang isa’t isa. Gusto kong malaman nila na ika’y akin lamang. Sa paraang ito ay malamang wala nang manggugulo sa ating dalawa” matapos niyang magsalita ay mas lalong humigpit ang kaniyang pagyakap sa akin na para bang wala siyang balak na ako’y pakawalan.
“Sinasabi mo lang yan dahil nagseselos ka kay Ryle” tugon ko at bigla niyang kiniskis ang kaniyang baba sa aking balikat tanda ng pagtutol sa aking sinabi.
“Hindi…Hindi lang dahil sa kaniya. Gusto ko kasing maging malaya na tayong iparamdam ang pagmamahalan natin sa isa’t isa. Yun bang hindi na natin kakailanganing magtago para lang mahalikan ang isa’t isa. Hindi natin itatago sa ilalim ng mesa ang ating mga kamay sa tuwing tayo ay magkahawak. Hindi na natin kailangang itanggi sa mga taong nakapalibot sa atin sa tuwing tatanungin nila tayo kung ano nga ba ang namamagitan sa ating dalawa” matapos niyang banggitin ang mga salitang iyon ay kaagad niya akong pinaulanan ng halik sa aking leeg na tuluyang nagpahina sa akin. Bago pa man kami humantong sa ibang bagay ay nagawa kong takpan ang aking leeg upang mapatigil siya sa paghalik.
“Handa ka na ba talaga? Hindi ka ba natatakot sa sasabihin ng iba? Papano na lang pagnalaman ng daddy mo?” sunod-sunod kong tanong habang siya ay muling kiniskis ang kaniyang baba sa ibabaw ng aking balikat.
“Oo handang handa na ako at saka kailan pa ba ako nagkaroon ng pake sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa akin? Ang mahalaga sa akin ay ang malaman ng bawat isa na sa akin lang si Gunter dela Paz. Walang pwedeng umagaw sa akin kay Gon dahil akin lang si Gon!” tugon niya na may halong panggigil khng saan lalong humigpit ang kaniyang pagkakayakap sa akin na halos ikapisa ko. Nagulat na lang ako nang bigla niyang kagatin ang aking balikat.
“Ahh..Tangina ka! Masakit” sambit ko matapos niyang bitawan ang pagkakakagat niya sa aking balikat. Dumila pa siya na parang bata nanunukso ng kaniyang kalaro.
“Pano nga pagnalaman ng daddy mo?” muli kong tanong dahil pakiramdam ko ay iniiwasan niya ang tanong ko na yun.
“Ipapakilala kita bilang girlfriend este boyfriend ko kay daddy. Gagawin natin yun pagkatapos nating magcelebrate ng birthday ko” tugon niya na para bang hindi siya natatakot na tumutol ang kaniyang daddy sa relasyon na meron kaming dalawa.
Nagsimula siyang magkwento ng gusto niyang mangyari sa kaniyang kaaarawan. Gusto niyang magtravel kami papuntang batangas dahil meron daw silang rest house doon kung saan malapit lang sa beach. Gusto niyang ipagdiwang namin ang kaniyang kaarawan na kaming dalawa lang ang magkasama. Ang dami niyang gustong gawin sa loob ng isang araw na yun. Nakakatuwang pakinggan ang paraan ng kaniyang pagkwento dahil para siyang bata na sobrang sabik na maranasan ang mga bagay-bagay. Habang siya’y nagkukwento ay bigla akong napaisip na wala nga palang kaalam-alam si Lance sa surpresang hinahanda namin sa araw ng kaniyang kaarawan. Siguro pagbibigyan ko na lang siya sa birthday wish niya kapag nairaos na ang surpresang hinanda namin para sa kaniya.
Limang araw bago sumapit ang kaarawan ni Lance ay palihim kaming naging abala sa pag-aasikaso nito. Si Eisen ang naatasang mamuno ng daddy ni Lance sa paghahanda. Naging katuwang ako ni Eisen sa pag-aasikaso mula sa mga pagkaing kakainin, sa cake at maging sa tema ng birthday party. Para kaming naghahanda ng debut sa dami ng dapat asikasuhin. Parang mas gusto ko na lang sumama kay Lance sa batangas dahil ang surprise birthday party na to ay sadyang nakakapagod. Sa dinamirami ng tema na maiisip para sa kaarawan ni Lance ay napili pa talaga ni Eisen ang temang Magic Knight Rayearth. Unang una ako sa pagtutol sa ideyang ito at alam kong hindi matutuwa si Lance kapag ganito ang ginawa namin sa kaniyang birthday. Ngunit nagawang kumbinsihin ni Eisen ang daddy ni Lance sa tamang ito dahil ayon sa kaniya ay matutuwang makita ni Lance si Georgina na nakaayos sa kasuotan ni Princess Emerald.
“Hmm.. mukhang matutuwa nga ang anak ko sa naisip mo” pagsang-ayon ni Tito Kendrick nang makita niya ang larawan ni Princess Emerald. Ewan ko ba at parang ang saya-saya niya habang pinagmamasdan ang larawan na ito.
“Sa tingin nyo matutuwa si Lance kapag ganito ang gagawin natin?” naiilang kong tanong kung saan tinanguan ako kaagad ni Eisen habang si Tito Kendrick ay ngumiti lamang. Syempre napanood ko rin naman ang anime na yun noong pagkabata ko pero ngayong malaki na ako ay parang masyadong pambabae ang magiging tema kapag yun ang pinili nila.
“Kahit ano pa ang maging tema ng birthday party ni Lance ay siguradong matutuwa yun kapag nakita nya kung gaano kaganda ang kaniyang GIRLfriend sa araw na yun” napangiti ako ng hilaw dahil sa lantarang panunukso ni Eisen. Binigyan niya pa ng diin ang salitang GIRL para tuksuhin ako. Wala namang pinagbago sa naging reaksyon ni Tito Kendrick at mukhang desidido na siya na ganun na nga ang magiging tema ng birthday party ni Lance. Hindi na ako kumonttra pa dahil ayokong makahalata si Tito Kendrick at saka baka magbago ang isip ni Eisen at palitan niya pa ng Sailormoon yung tema.
Sa loob ng mga natitirang araw ay naging abala kami sa paghahanda. Ako ang naging daan para masabihan ko ang aming mga kaklase tungkol sa nalalapit na kaarawan ni Lance. Lahat ay may kaniya-kaniyang role sa araw na yun at mukhang excited ang bawat isa namasuot ang kanilang costume. Samantalang ako ay parang gusto na lang tumakas sa araw na yun. Sino ba namang matinong lalaki ang magsusuot ng costume ni Princess Emerald? Hindi ko talaga napigilang mapamura nang makita ko kung gaano kahaba ang wig na susuotin ko. Iniisip ko pa lang na magsusuot ako ng costume na yun ay kinikilabutan na kaagad ako. Kung ako ay gaganap na Princess Emerald ay si Lance naman ang gaganap na Zagato. Tangina parang gusto ko na lang magpatiwakal sa sobrang kabaduyan na gagawin namin.
Huling araw bago ang kaarawan ni Lance ay siya naman ang naging abala sa paghahanda ng pagpunta daw namin sa batangas. Sobrang excited niya pa sa magiging lakad namin kaso wala siyang kaalam-alam na mauudlot ito dahil sa hinanda naming surpresa sa kaniya. Binuhos ko ang buong araw na ito sa paghahanda ng mga kakailanganin kinabukasan. Ayun sa plano ni Eisen ay kinakailangan kong sumama kay Lance kinabukasan kung saan babyahe kami patungong batangas. Pagkalipas ng dalawang oras ay kailangan kong magpanggap na may emergency sa bahay para bumalik kami kaagad na hindi pa nakakarating sa aming pupuntahan. Nakahanda naman na ang mga dekorasyon at ilalagay na lamang ito sa tamang pwesto kaya sapat na raw ang oras na nilakbay namin papunta at pabalik upang maayos nila ito.
Sobrang pagod ako sa maghapon naming paghahanda. Ang dami pang nagtatanong sa mga kaklase ko kung anong role daw ang gagampanan ko bukas. Hindi ko sila masagot ng maayos dahil hindi ko masabi na hindi ako makakarating bukas bilang Gunter. Si Georgina na kunwaring girlfriend ni Lance ang dadalo na hindi pa nila nakikilala. Natatakot nga akong pagtawanan bukas dahil pakiramdam ko ay mabilis nila akong makikilala sa magiging ayos ko. Sinubukan akong ayusan ni Eisen kanina simula sa make-up hanggang sa pagsuot ng kasumpa-sumpang costume ko. Aaminin kong ibang iba ang hitsura ko matapos niya akong ayusan pero pakiramdam ko ay may makakakilala pa rin sa akin kahit na ganun ang aking ayos. Hinihiling ko na lang na sana lamunin ako ng lupa kapag may nakakilala sa akin bukas.
Kinabukasan ay nagising ako sa sunod-sunod na pagtunog ng aking cellphone. Sobrang bigat ng pakiramdam ko dahil kulang pa ang aking tulog kaya naman pinatay ko ang aking cellphone para matigil ang panay na pagtunog nito at natulog muli. Ngunit ang masarap kong pagtulog ay biglang nailintana nang maramdaman ko ang mabigat na bagay sa ibabaw ko.
“Good morning babe” sambit ni Lance at nagawa pang halikan ang aking noo bago ko maidilat ang aking mga mata. Tanging pag-ungol na nagbibigay pahiwatig sa aking pagreklamo sa ginawa niyang paggambala sa aking pagtulog ang naging tugon ko.
“Bakit natutulog ka pa rin?” habang ang kaniyang kamay ay naglalakbay patungo sa aking hita.
“HUWAG KAYONG MAGLALAPUNGAN DITO AHH!!” rinig kong sigaw ni Ate Pritz.
“GINIGISING KO LANG PO SIYA ATE!” tugon ni Lance na nasundan ng mahinang pagtawa.
“Anong oras na ba?” Tanong ko habang nakatakip ang isang kamay ko sa aking bibig. Hindi pa kasi ako nakakapagmumog at ayokong mahalikan ni Lance sa ganitong pagkakataon.
“Oras na para sa ating honeymoon” tugon niya habang nakangiti ng pagkatamis-tamis.
“Maliligo na ako” ang tanging naging sagot ko at marahang tumayo mula sa aking kama.
“Wow, really? Hindi mo man lang ako babatiin?” reklamo niya nang makaalis ako sa kama. Kinuha ko ang tuwalya mula sa sampayan bago ko siya muling hinarap.
“Mamaya na kita babatiiin” tugon ko habang nakangisi. Hindi ko napigilang mapangiti habang iniisip ang magiging reaksyon niya sa surpresang hinanda namin para sa kaniya. Alam kong kahihiyan ang aabutin ko dun pero gusto kong makita ang mukha niya kapag nagmukha ng cosplay convention ang dapat birthday party niya. Hindi niya ako pwedeng sisihin kapag hindi niya nagustuhan ang surpresang iyon dahil ang pinsan niya ang nakaisip sa kalokohang iyon at ang daddy niya ang nagnbigay ng pahintulot para ituloy ito.
“Siguraduhin mo lang na masisiyahan ako diyan sa pagBATI mo” tugon niya at unti-unting lumalabas ang kaniyang mga ngipin sa kaniyang pagngiti na nakakaloko.
“Pakalibog mo gago!” sambit ko sabay bato ng pinaghubaran kong damit sa kaniya. Tumawa lang siya bilang tugon at ako nama’y nagtungo na sa banyo para makaligo.
Bago pa man ako makapasok sa banyo ay nagawa pa akong pagalitan ni Ate Pritz dahil kanina pa daw ako hindi bumabangon. Kasabwat siya sa plano kaya alam niyang dapat nasa byahe na kami ngayon ni Lance. Matapos masermonan ay kaagad akong pumasok sa banyo at dali-daling naligo. Halos wala pang limang minuto nang matapos akong maligo. Kanina pa tumatawag si Eisen kaso hindi ko siya magawang sagutin dahil nasa paligid lang si Lance. Hindi ko na rin pinagtuunan ng pansin ang mga hirit ni Lance habang ako ay nagbibihis dahil kalahating oras na kaming late sa nakatakdang alis namin. Nakatayo sa harap ng aking kama habang nagbibihis. Bago ko pa man isuot ang aking tshirt ay bigla na lang tumawag si Eisen. Mabilis akong nag-decline sa kaniyang tawag at nagmessage na paalis na kami ni Lance. Sa aking pagmamadali ay hindi ko man lang namalayan na nakaakap na pala saking baywang si Lance at hinahalikan ang aking tiyan.
“Tara na” pag-aya ko sa kaniya habang nakaakap pa rin siya sa aking baywang. Tumingin siya sa bag pack na nakapatong sa ibabaw ng aking kama bago nagsalita.
“Ayan lang ang dadalhin mo?” tanong niya nang makita niya ang dadalhin kong bag.
“Hindi ko naman kailangan ng madaming damit dahil huhubaran mo lang naman ako palagi” sagot ko at napangiti siya.
“Mabuti alam mo” sagot niya bago niya kagatin ang dibdib. Napahawak ako sa kaniyang buhok dahil sa pagkabigla at masarap na sensasyong nadarama. Inangat ko ang kaniyang mukha upang magtagpo ang aming labi kung saan binigyan ko siya ng mabilisang halik.
“Tara na” muling kong pag-aya habang napipigilan ko pa ang sarili ko sa bagay na hindi namin dapat gawin.
Halos ipagtulakan na kami ni Ate Pritz mapalabas lang ng bahay. Habang itong kasama ko ay parang lasing na kanina pa nakangiti. Masaya akong masaya siya araw ng kaniyang kaarawan pero nakakapanibago lang itong kinikilos niya dahil maging sa loob ng kaniyang kotse ay para bang hindi na mawala ang mga ngiti sa kaniyang labi. Panay rin ang paghalik niya sa aking kamay sa tuwing hihinto ang sasakyan. Hindi ko alam kung anong nakain niya at sobrang lambing niya ngayon.
Gaya ng aming plano ay nagpanggap ako na nagkaroon ng emergency sa bahay kaya kinakailangan naming bumalik. Muntikan pa akong mabuko dahil noong una ay ayaw pa niyang maniwala sa akin. Nakonsensya pa ako dahil nagawa ko siyang sigawan para lang patunayan na hindi ako nagbibiro. Hihingi na ang ako ng tawad sa kaniya mamaya kapag natapos na ang lahat ng mga kalokohan na to.
Nakaayon lahat sa plano kahit na late na kami sa tinakdang oras ng kaniyang pinsan. Pagkababa ko sa kotse ay siya namang pagtawag ni Eisen sa cellphone na Lance. Nagpanggap ang kaniyang pinsan na may nangyaring masama sa kaniyang daddy kaya kinakailangan niyang umuwi sa kanila. Nanatili akong nakasilip sa aming bintana at inaantay na makaalis si Lance ngunit hindi ko inaasahang papasok siya sa bagay.
“Anong nangyari kay Ate Pritz?” tanong niya sa akin nangmakapasok siya sa pinto. Mabuti na lang at mabilis nakapagtago si Ate Pritz sa kaniyang kwarto.
“Ahhh…ehhh may trangkaso si ate at dadalhin ko siya sa hospital dahil sobrang taas ng lagnat niya” pagsisinungaling ko.
“Tara na dalhin na natin sa hospital” tugon niya na ikinataranta ko.
“Ahhh hindi na.. Ano, magtataxi na lang kami” mabilis kong sagot habang hawak-hawak ang kaniyang braso upang pigilan siya sa paglapit sa kwarto ni ate. Napatingin siya sa aking kamay na nakahawak sa kaniyang braso kung saan mabilis kong binawi upang hindi siya maghinala.
“Ihahatid ko na nga kayo para hindi kana gumastos” halatang naiinis siya sa pagmamatigas ko dahil tumataas na ang tono ng kaniyang pananalita.
“Hindi na, kaya ko na. Atsaka may emergency sa bahay nyo kaya unahin mo na yun!” sabi ko at inalalayan siya palabas ng bahay ngunit bago pa man siya makalabas ng gate ay muli siyang nagtanong.
“Pano mo naman nalamang may emergency sa bahay?” bigla kong nakagat ang aking dila nang itanong niya sa akin yun. Siguro inabot ako ng sampung segundo bago ako nakaisip ng isasagot sa kaniya.
“Ahhh kasi nagtext kanina sa akin si Eisen at nagtatanong kung kasama daw ba kita dahil may emergency daw sa inyo kaya umuwi ka na sa inyo!” halos mautal ako sa pagsisinungaling ko. Muntikan na rin akong matawa sa reaksyon niya nang ipagtabuyan ko siya sa labas dahil yung mukha niya ay nanatiling gulong gulo dahil sa kinikilos ko. Wala na akong pakialam kong maghinala siya dahil ang importante ay mapabalik ko kaagad siya sa kanila.
Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay nang masiguro kong nakaalis na si Lance. Pagkarating ko sa loob ay parang pumasok ako sa isang dressing room ng isang sikat na artista. Kompletong kompleto sa kagamitan mula sa salamin na may mga bumbilya at mga make-up na para bang buong katawan ko ang lalagyan. Masayang nagpresenta si Ate Pritz na tumulong kay Eisen sa pag-aayos sa akin dahil nais niya raw makita ang kaniyang kapatid na nakapambabaeng ayos.
Mula sa paghilamos at kung ano-anong pinaglalagay sa mukha ko ang inumpisahan ni Eisen. Para akong tanga na sunod-sunuran sa mga sinasabi nila. Sisiguraduhin kong sisingilin ko si Lance sa paghihirap ko nato. Grabeng kahihiyan itong gagawin ko at ang ikinatatakot ko ay ang mabuko ng aking mga kaklase.
“Papano nga pala si Lance? Hindi ba siya magtataka kung bakit wala ka dun pagdumating siya sa inyo?” tanong ko kay Eisen habang nanatiling nakapikit ang aking mga mata dahil sa paglagay nya ng kolorete sa talukap ng aking mga mata.
“Si Tito Kendrick na ang bahala sa kaniya” maikling tugon niya habang naglalagay ng malagkit na bagay sa aking pilik mata.
“Si Ti-to Kendrick ang mag-aayos sa kaniya?” muli kong pagtanong at dinilat ang mga mata nang matapos siya sa paglagay ng pekeng pilik mata.
“Ang ibig kong sabihin ay may mag-aayos na sa kaniya dun at si Tito Kendrick na ang bahalang magkokontrol sa kaniya kung sakali mang bumalik siya dito” tugon niya at marahan akong pinatayo upang maisuot ko na ang gown na parang simpleng kasuotan lang na umaabot hanggang sa aking paanan.
“Wig na lang ang kulang” sambit ni Eisen nang iharap niya ako sa salamin. Nagulat ako sa hitsura ko dahil ibang iba ang ayos ko ngayon. Para akong si Rebecca Chambers nang makidnap ni Glen Arias na pinagsuot ng gown sa palabas na Resident Evil: Vendetta.
“Wow, sinong mag-aakala na mas maganda kapa sa akin kapag naging babae ka” komento ni Ate Pritz habang pinaggigilan ang aking braso.
Hindi na ako tumugon dahil baka kung ano pa ang abutin ko kapag kinontra ko pa ang kaniyang mga sinabi. Sa sobrang tuwa niya ay siya pa ang nagpresenta na magsuot sa akin ng wig. Halos pagsabayin niya ang pagpalakpak at pagtalon nang maisuot niya ang pagkahaba-habang wig na pinili ni Eisen. Sa sobrang tuwa niya ay nagawa niya pa akong yakapin nang mahigpit.
“Kalma lang mother, yung make-up masisira” pagsuway ni Eisen habang nilalayo ang mukha ko sa dibdib ni Ate Pritz.
“Mother?” mabilis na naging tanong ni ate.
“Para kang stage-mother kung umasta” sarkastikong sagot ni Eisen na ikinatawa ni ate.
Sa wakas natapos na rin ang orasyon at paglalagay ng kolorete sa aking mukha at katawan. Ang susunod ko namang pagsubok ay ang maitawid na hindi mahalata at magkamali sa harap ng maraming tao. Wala pang kalahating oras ay para na akong asong nasasakal sa suot kong choker. Kinakailangan ko daw itong isuot upang maitago ko ang aking adam’s apple. Isa pa sa naging pahirap sa akin ang mahabang wig na ang init sa ulo at ang hirap ikilos.
Hindi ko napigilang mapahanga nang marating namin ang kanilang bahay. Ilang beses ko nang nasilayan ang mga props at designs na gagamitin sa araw na to pero ngayon lang ako namangha ng husto nang mailagay na ang mga ito sa tamang ayos. Nagmukhang gate ng palasyo ng Cephiro ang kanilang pintuan dahil sa mga palamuting Kristal na nagliliwanag dahil sa LED light na nakalagay sa loob nito. At sa aming pagpasok ay nagmistulang palasyo talaga ang kanilang bahay mula sa pulang carpet at kakaibang palamuti na sa palabas mo lang makikita.
Habang iniikot ko ang aking paningin ay hindi ko inaasahang makakasalubong ko kaagad ang aking mga kaklase. Muntikan na akong magsalita at batiin sila isa-isa. Mabuti na lang at iba ang naging tingin nila sa akin na naging dahilan upang hindi ko sila lapitan.
“Sino siya?” rinig kong bulungan ng mga kababaihan kung saan ramdam ko ang pagtingin nila sa akin mula ulo hanggang paa. Samantalang ang mga kaklase kong lalaki ay taliwas ang naging reaksyon habang sila ay nakatingin sa akin. Kinabahan pa nga ako dahil baka pinagtatawanan nila ako at baka nakilala na nila ako sa ayos na to. Panay pa ang pagngiti ng mga gago.
Lumingon ako sa aking paligid at saka ko lang napansin na iniwanan na pala ako ni Eisen at Ate Pritz sa mga kaklase ko na para bang dadalo ng cosplay convention dahil sa kanilang ayos. Ngayon ko pa lang sila nakita sa ganitong kasuotan kaya hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan sila. Mabilis kong nakilala si Ailene sa kaniyang ayos dahil siya ang gumanap bilang si Hikaru at ang kaniyang mga matalik na kaibigan naman ang gumanap bilang si Umi at Fuu. Ang ibang mga karakter ay hindi ko na makilala kasi silang tatlo lang naman ang natatandaan ko at pati si Princess Emerald na laging umiiyak at si Zagato na parang bato sa kaniyang kasuotan.
“Hi, I’m Frank. May I know your name please?” nagulat ako nang magtanong sa akin si Franco na isa sa mga babaero naming kaklase. Tangina muntikan na akong humagalpak ng tawa mabuti na lang at nagawa kong kurutin ang aking hita para mapigilan ko ang aking pagtawa. Hindi kasi bumagay sa kaniya ang costume na suot-suot niya ngayon tapos ang lakas pa ng loob niyang makipaglandian.
“Hoy tumigil ka nga Franco!” pagsuway ng aming mabuting president na nagmukha ring ewan sa kaniyang suot. Ngumiti na lang ako bilang tugon pero sa loob-loob ko ay gusto ko nang magpagulong gulong sa pagtawa. Para silang pinasali sa isang children’s party kung saan napilitan silang magsuot ng costume na hindi naman bagay sa kanila.
“Eto naman panira ka ng diskarte” reklamo niya at nagtangkang lumapit sa akin ngunit natigilan siya nang marinig ng lahat ang boses ni Eisen.
Nagbigay ng kaunting paalala si Eisen gamit ang microphone. Ayun sa kaniya ay magsisimula na ang party sa loob ng dalawang minuto kaya naman pinayuhan niya kaming magpunta na sa aming pwesto. Bago pa man kami magkalayo sa isa’t isa ay nagawa pa akong kindatan ni Franco na nagpakilabot sa aking katawan. Hindi ko alam kung magpapasalamat pa ba ako na hindi niya ako nakilala kasi hindi ako komportable sa paraan ng kaniyang pagtingin sa akin.
Isang musika ang naging hudyat sa pagbaba ni Lance mula sa hagdan kung saan hanggang ngayon ay gulong gulo pa rin siya sa nangyayari. Kagaya nga ng Zagato na parang bato ay ganun ang naging ayos ni Lance. Biglang nanginig ang aking kamay habang hawak-hawak ko ang cake dahil sa pagpigil ko ng aking pagtawa. Ngayon ko lang napagtanto na hindi lang pala ako ang magmumukhang katawa-tawa sa araw na to. Pero sa totoo lang ay nangingibabaw pa rin kagwapuhan ni Lance sa kahit ano mang kasuotan ang kaniyang suotin. Tila napako ang paningin ng lahat habang pinagmamasdan siyang bumababa ng hagdan kung saan nakangiti siya nang masilayan niya ang mga kaklase namin na may kakaibang kasuotan.
Habang papalapit siya sa aming kinaroroonan ay siya namang paglapit ko sa hagdan. Sadyang hindi niya ako kaagad makikita mula sa aking kinatatayuan dahil ang katawa-tawang ayos ko ngayon ang isa sa magiging surpresa namin para sa kaniya. At sa sandaling masilayan niya ako na naglalakad papalapit sa kaniya dala-dala ang cake na may nakasinding kandila ay biglang nawala ang mga ngiti sa kaniyang mga labi. Tila huminto ang oras ng ilang segundo nang magtagpo ang aming paningin. Mula sa reaksyon niyang nagulat ay mabilis itong napalitin ng pagngiti na kung saan kapansin-pansin ang labis niyang kasiyahan. Bumilis ang kaniyang paglakad hanggang sa magtagpo kami sa gitna. Ang kaniyang mga kamay ay nakalapat sa aking mga kamay na nakahawak ngayon sa kaniyang birthday cake. Nagmistulang buhat-buhat namin ang cake habang ang aming mga kaklase at iilang matalik na kaibigan ni Lance ay nagsimula ng kumanta.
HAPPY BIRTHDAY TO YOU
Natapos ang pagkanta ng mga taong nasa palibot naming dalawa. Karamihan sa kanila ay sumisigaw ng speech at ang iba naman ay hinihiling na banggitin ni Lance ang kaniyang birthday wish. Nagiging maingay na ang paligid sa pinaghalong ingay ng music at ingay ng mga taong dumalo ngunit nanatiling tahimik si Lance at nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya dahil kanina pa niya ako tinitingnan na para bang kaming dalawa lang ang tao sa loob ng kanilang tahanan.
“Magwish kana at hipan mo na ang kandila” sambit ko at huli na nang maalala ko na hindi dapat ako nagsalita. Mabuti na lang at sobrang ingay ng mga kaklase namin kaya walang nakarinig sa boses ko nang magsalita ako.
“Ikaw lang naman makakapag grant ng wish ko” ngumiti siya sa akin bago niya hinipan ang kandila.
Sabay-sabay nagdiwang ang mga taong dumalo nang hipan ni Lance ang kandila. Kaagad naman kinuha ni Eisen ang cake na hawak-hawak ko at inilagay ito sa isang mesa kung nasan nakalagay ang iba pang pagkain. Takang-taka ako kung papano niya nagawang magbihis sa maikling panahon at nakapagsuot pa siya ng costume. Hindi ko na maalala ang karakter na suot niya basta ang naalala ko ay siya yung batang may hawak ng tungkod na may kapangyarihan. Halos bumagsak naman ang aking panga nang makita ko ang ayos ni Ate Pritz kung saan nakasuot ng costume na para siyang magbebelly dancing.
Sobrang nakakailang dahil hindi ako sanay na hawakan sa aking tagiliran. Kulang na lang ay yakapin ako ni Lance habang naglalakad kami sa loob ng kanilang tahanan. Hirap na hirap pa akong kumilos dahil sa mahaba kong kasuotan at mahabang wig. Sobrang lambing niya sa akin at hindi man lang naiilang na halikan ako sa harap ng aming mga kaklase. Gustong gusto ko siyang suwayin pero hindi ko siya masita sa pananalita dahil mabubuko kaagad ako kaya wala akong nagawa kundi pagbigyan siya sa lahat ng gusto niyang mangyari.
“I hate you Lance, may girlfriend ka na pala pero..” nabigla kami nang magsila si Julie na isa sa mga malapit na kaibigan ni Ailene.
“Pero?” dugtong ni Lance.
“Papano na si Gunter?” tanong ni Ailene kung saan nagbigay ng kaba sa akin.
“Oo nga pala bakit wala pa si Gunter?” dugtong ni Hikaru este ni Ailene.
“Kanina pa siya nandito, hindi niyo ba siya napansin?” tugon ni Lance habang nakangisi sa akin. Gamit ang aking paningin ay nakiusap ako sa kaniyang wag akong bistuhin sa harap ng aming mga kaklase.
“Haaa…kahit wala naman?” patingin tingin sa paligid upang hanapin ako.
“Hayaan niyo na. Basta ang alam ko ay masaya si Gunter para sa akin ngayon” tugon niya kung saan hindi niya pa rin inaalis ang pagtingin niya sa akin. Para akong kandila na unti-unting natutunaw sa pagtingin niya at idagdag mo pa ang masasamang tingin ng mga kababaihan sa akin.
“Hmmpp..cheater” sambit ni Julie at naglakad papunta sa mesa kung nasaan ang handa. Imbes na mainsulto ay tinawanan lang ito ni Lance.
Tila walang mga curfew ang aming mga kaklase dahil umabot pa ng hating gabi ang party. Mukhang wala silang balak na umuwi dahil aliw na aliw pa rin sila sa mga pakulo ni Eisen na sa totoo lang ay nakakatuwa naman talaga. Ang dami niyang naiisip na games na hindi pa namin nalalaro kaya lahat ay game na game sa bawat larong pinamumunuan niya. Nagulat na lang ako nang hawakan ako ni Lance sa kamay at pumuwesto sa gitnang bahagi ng sala kung saan kami naglalaro.
“Alam kong gustong gusto niyong makilala ang girlfriend ko kaya ngayon ay ipapakilala ko na siya sa inyo” nagulat ako nang sabihin yun ni Lance. Kakalas sana ako sa pagkakahawak niya sa akin ngunit sinabihan niya ako na magtiwala sa kaniya.
“Ang taong mahal ko ay” hindi pa niya natatapos ang kaniyang sasabihin nang muli niya akong halikan sa harap ng aming mga kaklase. Isama mo na ang kaniyang pinsan pati si Ate Pritz. Nanlaki ang aking mata nang bigla niyang hatakin ang wig ko hanggang sa tuluyan itong makalas.
“Ay walang iba kundi si Gunter” sambit niya matapos niya akong halikan na ikinagulat ng lahat.
Itutuloy………
A/N: Anong masasabi nyo sa kabaklaang ideya ni Eisen para sa birthday party ni Lance? Gusto ko na sana ilapag ang bomba sa chapter na to kaso masisira lang yung mood nyo. LOL!
Anyway thank you sa patuloy na pagsuporta at pagbigay ng mga positive feedbacks. Natutuwa akong mabasa ang mga comments at messages nyo. Lalong lalo na kay @HEROHEROIN at hello din kay @kim2tacky
Mag-iingat tayong lahat lalong lalo na sa virus na kumakalat. Love you!!!
Chapter 31: What a suprise part 2
Dylan as Lance
Lance’s POV
Walang salitang tutumbas sa ligayang nadarama ko ngayon. Hindi ko lubos akalain na magagawa nila akong supresahin sa aking kaarawan. Ang buong akala ko ay makakapagdiwang kami ng tahimik ni Gunter na kami lang ang magkasama ngunit heto ako ngayon naglalakad sa hagdan na para bang isang debutante. Ang init sa pakiramdam ng costume na binigay sa akin ni dad. Sobrang nawiwirduhan pa nga ako nang ibigay niya sa akin ang costume matapos niya akong batiin ng ‘Happy Birthday’. Nagdalawang isip pa ako kung isusuot ko pa baa ng costume ngunit minsan lang humingi ng pabor sa akin si dad kaya naman ginawa ko ang nais niyang mangyari. Takot ko lang na bawiin niya bigla ang birthday gift niya sa akin na bagong Matte black Lamborghini kaya naman na pabihis ako sa costume na to.
Sobra akong namangha sa ayos ng bahay dahil wala naman ang mga dekorasyon na to kaninang pagdating ko. Bago rin kasi ako makapasok sa loob ng bahay ay pinagsuot ako ng blindfold ni dad. Ang akala ko ay para lang yun sa surpresa niyang binigay na kotse sa akin. Yun pala ay para rin mapagtakpan ang hinanda nilang pakulo sa araw na to. Habang nililibot ko ang aking mata sa paligid ay mabilis kong napansin ang aking mga tropa at iilang kaklaseng dumalo. Kagaya ko ay nakasuot din sila ng mga costume na para bang dadalo kami sa isang cosplay convention. Ang pinagkaiba lang ay para kami yung sapaw lang sa event at hindi naman talaga magkocompete.
Hindi ko mapigilang mapangiti nang masilayahan ko ang nakakatuwa nilang ayos. Kasabay ng aking paglalakad ay ang tugtog na tila ba narinig ko na noong ako ay bata pa pero hindi ko maalala kung ano. Hinanap ko sa paligid ang salarin ng kalokohang ito at alam kong hindi si Gunter ay may pakana nito dahil malabong maisipan niyang magsuot ng ganito. Bago ko pa makita ang aking pinsan na siyang may pakana sa kakaibang ayos namin ay tila napako ako sa aking kinatatayuan nang makita ko ang isang babae na ubod ng ganda. Ang babaeng nasilayan ko ay walang iba kundi ang taong pinakamamahal ko. Hindi ko mapigilang mapamura sa loob-loob ko nang makita ko siya sa kaniyang kasuotan. Walang sinabi ang kagandahang taglay niya kumpara sa mga babaeng nasa paligid niya. Para bang nakakita ako ng isang diwata na may mahabang buhok na siyang may hawak ng birthday cake ko. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sobrang tuwang nadarama dahil kahit na labag sa loob niya ay ginawa niyang magbihis babae para lang sa kaarawan ko.
Mula sa mabagal na paglalakad ay bigla na lang bumilis ang aking pagkilos hanggang sa magtagpo kami sa gitna. Kaagad kong nilagay ang aking mga kamay sa ilalim ng kaniyang mga kamay upang alalayan siya sa pagbuhat ng cake. Para bang may mahika ang kaniyang pagtitig sa akin na tila nagpapawala ng aking pagkontrol sa sarili. Muntikan ko na siyang siilin ng halik sa harap ng mga taong nakapalibot sa amin ngunit mabuti na lang at nagsimula silang kumanta na pumukaw sa aking atensyon.
Masasabi ko na isa to sa pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko. Puro tawanan at lokohan ang nagiging usapan. Karamihan sa kanila ay masaya maliban na lang sa mga babaeng masama ang tingin kay Gunter. Wala silang kaalam-alam na ang akala nilang babaeng kasama ko ay ang kaklaseng kanina pa nila hinahanap. Kaya naman hindi ko inalis ang kamay ko sa kaniyang baywang upang hindi siya malayo sa akin. Baka sa isang iglap lang maiwan ko siyang mag-isa ay baka dumugin na siya ng mga kababaihan. Sinisita pa nila ako na panay daw ang bulong ko kay Georgina pero ang totoong ginagawa ko ay inaamoy ko lang siya dahil sobrang nakakahumaling ang amoy niya ngayon. Nang magkaroon ng pagkakataon na malayo sa aming mga kaklase ay kaagad kong niyakap nang mahigpit si Gunter.
“Tara derecho na tayo sa kwarto ko” pag-aya ko sa kaniya habang pasimpleng hinihimas ang kaniyang likuran.
“Gago!” ang tanging naisagot niya sa akin. Nakakatawa lang na taliwas sa hitsura niya ang boses na lumalabas sa kaniyang bibig. Kung gaano kaganda ang kaniyang mukha ay siya namang nilalim ng kaniyang boses na madaling mahahalata na siya ay isang lalaki.
“Dali na saglit lang to. Promise hindi nila mahahalata na nawala tayo” ngayong pa lang ay nanggigil na ako sa kaniya. Mukhang dito pa lang sa bahay ay magagawa ko na sa kaniya ang mga binabalak kong gawin sa aming lakad. Hindi dahil sa nakabihis babae siya yun ay dahil lalo akong napapamahal sa kaniya dahil sa mga bagay na ginagawa niya para sa akin upang ako ay mapaligaya.
“Tigilan mo ako. Halos matunaw na nga ako sa titig ng mga babae mo tapos maghihinala pa lalo yang mga yan kapag nawala tayo” tugon niya at muli akong napalingon sa kinaroroonan ng aking mga kaibigan. Kasalukuyang naglalaro sila ng larong pinamumunuan ni Kuya Eisen. Sobrang dami niyang pakulo kaya naman hindi nababagot ang aming mga bisita na laging game na game sa bawat larong gagawin nila. Kahit na may mga kalahok na sa laro ay nariyan pa rin ang ilang mga kababaihan na abala sa pagkuha ng pictures naming dalawa na alam kong gagamitin nila bilang ebidensiya sa pagsumbong kay Gunter. Naisipan kong halikan sa noo si Gon hanggang sa makarating ang halik ko sa kaniyang labi. Nagulat pa nga siya nang gawin ko iyon dahil hindi siya sanay na may nakakakita sa amin sa tuwing hahalikan siya. Pero ang mas nakakatawa ay ang mga naging reaksyon ng mga babaeng kaklase namin dahil mukhang galit na galit sila sa kanilang nasaksihan.
Nakakatawa lang na nagawa pa nila akong sabihan na cheater dahil pinagpalit ko daw si Gunter sa isang babae. Nagpipigil din ako ng malakas na pagtawa dahil ang mukha ni Gon ngayon ay pulang pula dahil sa kaniyang mga naririnig. Syempre dahil birthday ko ay hindi niya ako magagawang saktan kaya ginatungan ko ang mga sinasabi nila sa akin. Lalo akong naglalambing kay Gon kaya lalong nag-iinit ang mga ulo ng mga kababaihan. Kaso napag-isipan ko na sabihin na lang sa kanila ang totoo para hindi na kailangang magpanggap ni Gunter sa harap ng maraming tao. Una kong hinananap si Dad dahil gusto kong malaman niya ang nais kong sabihin sa lahat ngunit ayun sa aming mga katulong ay biglang umalis si Dad dahil may biglaang lakad ito. Hindi na ako nabigla dahil marami ng pagkakataon na nangyari ito. Ang mahalaga sa akin ay kasama ko ngayon si Gon at handa na akong ipagtapat sa kanila ang tunay na namamagitan sa aming dalawa.
Sa huling bahagi ng palaro ay sumenyas kaagad ako kay Kuya na may sasabihin ako. Mukhang mabilis niyang nakuha ang nais kong iparating kaya nagawa niyang lipunin lahat maging ang si Ate Pritz ay lumapit. Nagulat si Gunter nang hawakan ko siya sa kamay at dalhin sa gitnang bahagi ng living room kung saan ginanap ang mga palaro.
“Alam kong gustong gusto niyong makilala ang girlfriend ko kaya ngayon ay ipapakilala ko na siya sa inyo” muntik ng kumalas si Gunter sa pagkakahawak ko sa kaniya dahil pakiramdam ko ay hindi pa siya handa ngunit sinabihan ko siyang magtiwala sa akin.
“Ang taong mahal ko ay” panandalian akong tumingin sa karamihan bago ko binalik ang paningin ko kay Gon atsaka ko siya hinalikan. Iba ibang reaksyon ang narinig ko mula sa mga taong nasa paligid namin nang mahalikan ko si Gon. Matapos ko siyang halikan ay tila napako si Gon habang nakatitig pa rin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya bago ako muling nagsalita.
“Ay walang iba kundi si Gunter” dugtong ko sabay tanggal ng wig na kaniyang suot-suot.
Para bang tumigil ang oras dahil lahat ay nakatulala habang nakatingin sila kay Gunter. Maging si Gunter ay nagulat sa ginawa ko at napahawak pa siya sa kaniyang ulo. Mukhang maling hakbang ang nagawa ko na malamang ay pagbabayaran ko kapag kaming dalawa na lang ang magkasama.
“No way!!!!!!!!!!” tili ng isa sa mga babae naming kaklase at nagmadaling lumapit kay Gon. Hinila ko papalapit sa akin si Gon dahil ang akala ko ay sasaktan niya ito ngunit nagawa niyang hawakan ang mukha ni Gon at pinahid sa labi ni Gon ang hawak niya wet wipes. Mabilis nabura ang lipstick kung saan nakita ang tunay na kulay ng kaniyang labi.
“Affirmative” muli niyang sabi at naglapitan ang mga babae kay Gon at sabay-sabay nilang niyakap ito na para bang matagal na nilang nawawalang kaibigan.
Gusto kong bawiin si Gon sa mga kababaihan ngunit hinatak naman ako ng tropa ko para kompirmahin ang kanilang nasaksihan. Ang iba kasi sa kanila ay iniisip pa rin na pinagtitripan ko lang si Gunter hanggang ngayon pero pinaliwanag ko sa kanila na sa pagkakataong ito ay seryoso na talaga ako. Iba-iba ang naging reaksyon nila at ilan sa kanila ay hindi masyadong tanggap ang pag-amin namin. Inaasahan ko naman talaga na hindi lahat ay matatanggap ang relasyong meron kami pero ang mahalaga sa akin ay masabi ko sa lahat kung gaano ko kamahal si Gunter. Kung saan hindi na namin kailangang mapanggap sa harap nila at hindi na namin kailangang magtago.
Madaling araw na nang matapos ang pagdiriwang namin ng aking kaarawan. Iilan sa mga kaklase at mga kaibigan namin ang nagpasiyang umuwi sa kanila at iba naman ay natulog sa guest rooms. Dahil nga sa kaarawan ko ay hinayaan ni Ate Pritz na matulog si Gunter dito sa bahay atsaka plano naman talaga namin na magsama dahil itutuloy pa rin namin ang pagpunta sa batangas. Ngayong kami na lang ang magkasama sa kwarto ay siya namang naging tahimik itong si Gunter. Kanina ko pa siya nilalambing pero hanggang pag-ungol lang ang ginagawa niyang sagot.
“One round?” pilyo kong tanong habang kinakalikot ko ang kaniyang tenga gamit ang aking hintuturo. Kasalukuyan siyang nakahiga sa ibabaw ng aking dibdib. Parehas na kaming nakapagpalit dahil sa init ng costume na aming ginamit. Napapadalas na rin ang pagtulog ko ng nakatopless lalong lalo na kapag siya ang katabi ko dahil nakaugalian kong patulugin siya sa ibabaw ng aking dibdib. Ewan ko kung bakit pareho kaming nagiging komportable sa ayos na to sa tuwing kami ay matutulog.
Kahit na kinakalikot ko na ang kaniyang tenga ay hindi pa rin siya nagsasalita. Nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata na akala mo ay mahimbing na ang pagkatulog. Kaya naman binaba ko ang aking kamay patungo sa kaniyang leeg at dun nagsimulang gumalaw ang kaniyang ulo dahil alam kong may kiliti siya sa bandang batok. Bago ko pa maabot ang kaniyang batok ay bigla na lang niyang kinagat ang aking dibdib. Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapahiyaw sa sakit. Ngunit ibang sensasyon naman ang aking naramdaman nang lumapat ang kaniyang dila sa aking dibdib. Ang bilis napawi ng sakit na naramdaman ko dahil sa paglaro ng kaniyang dila sa aking dibdib. Napahawak pa ako sa kaniyang ulo dahil sa tindi ng sensasyong nadarama ngunit bigla na lang niya itong tinigil.
“Babawi ako bukas” sabi niya at muling hiniga ang ulo sa aking dibdib.
“Babe, ituloy muna!” pakiusap ko dahil bitin na bitin ako. Ang bilis kong tinigasan sa ginawa niya kaya galit na galit ngayon si junior. Ilang beses ko siyang kinulit pero hindi na niya ako pinapansin. Nagawa ko pang kunin ang kaniyang kamay at pinasok sa loob ng boxer shorts ko para malaman niya kung gaano kagalit si junior. Nawalan ng silbi ang pagpapahawak ko sa kaniya dahil mukhang malalim na kaniyang tulog. Marahil masyado siyang napagod sa mga surpresang hinanda nila sa akin. Halos mabali pa ang braso niya sa kakahila sa kaniya ng mga babae naming kaklase nang malaman nila na iisa lang si Georgina at Gunter. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ko ang lahat ng mga bagay na ginawa niya para sa akin. Hinalikan ko siya sa noo at nagpasiyang itulog na lang ang libog na nadarama dahil hindi rin naman ako mag-eenjoy kung tulog na ang kapareha ko. Hindi ko na inalis sa loob ng boxer ko ang kaniyang kamay para bukas ay magagawa ko siyang akusahan na pinagsasamantalahan niya ako habang tulog.
Kinaumagahan nagising na lang ako na wala na si Gunter sa tabi ko. Dali-dali akong tumayo upang silipin siya kung naliligo siya sa banyo ngunit pagkarating ko sa loob ay wala siya sa sadaling iyon. Lumabas kaagad ako ng kwarto at saktong nakasalubong ko ang isa naming kasambahay at kaagad kong tinanong kung nasaan si Gon. Hindi pa siya kaagad nakapagsalita at tila naiilang sa ayos ko. Halos pitong taon na siyang naninilbihan sa amin at madalas na niya akong nakikita na ganito ang ayos sa umaga kaya naman pinagtataka kung bakit ganun na lang siya makatingin sa akin. Ganun pa man ay binalewala ko na lang ito at nagtungo sa dining area kung saan kasalukuyang kumakain si Gon ng almusal ayon sa kaniya. Hindi malayo sa kinatatayuan ko nang makarinig ako ng iba’t ibang boses na nagmumula sa dining area. Mukhang nagkakatuwaan pa sila habang binabanggit ang aking pangalan. Sa sandaling makarating ako sa dining area ay bigla na lang natigil ang kulitan at tawanan nang mapansin nila ang pagdating ko.
“Alright! Alam ko namang gwapo ako kahit na bagong gising lang ako” sabi ko habang nakapamaywang ngunit nanatili silang tahimik. Ang ilang kababaihan ay pinipigilang mapahagikhik at tinatakpan ang mata ng isa’t isa. Si Gon naman ay natigilan sa pagkain ng pancake habang nakatingin sa akin na parang diring diri siyang makita ako.
“What?” tanong ko dahil hindi pa rin sila nagsasalita.
“Mukhang nabitin ka pa kagabi ahhh.. tingnan mo yang burat mo nakabukol pa!” tugon ng walang hiya naming tropa. Sabay-sabay ang mga gago sa pagtawa habang ang mga kababaihan naman ay tila hindi alam ang gagawin. Mabilis kong tinakpan ang hinaharap ko dahil iyon pala ang kanilang pinagtitinginan. Nagulat na lang ako nang tumama sa mukha ko ang tuwalyang kanina’y nakapatong sa balikat ni Gunter.
“Sweet” komento ni Ailene na isa rin sa mga nanatili sa bahay. Matapos kong itapis sa aking baywang ang tuwalyang binigay ni Gon ay mauupo na sana ako sa tabi niya ngunit napansin kong nakatingin ang iilang kaklase ko kay Gon. Manghang-mangha sila sa puti at kinis ng balat niya kaya naman tinaggal ko ang tuwalyang nakatapis sa aking baywang at muling binalik ito sa kanyang balikat upang takpan ang kaniyang balikat.
“Andamot” reklamo nila sa akin at saka lang ako naupo sa tabi ni Gon.
Kagaya ng mga nangyari kagabi ay naging maingay ang dining area sa walang humpay na kalokohan at mga walang kakwenta-kwentang bagay na aming napag-uusapan. Hindi pa rin sanay si Gon na nilalambing ko siya sa harap ng ibang tao dahil may mga pagkakataon na binabawi niya ang kaniyang kamay o kaya tinititigan ako ng masama. Hindi ko naman minamasama yun dahil hahayaan ko siyang makapag-adjust sa sitwasyon naming dalawa. Kagaya ng nakasanayan namin ay hinawakan ko na lang ang kaniyang kamay habang nasa ilalim ng mesa.
Matapos ang almusal ay isa-isang nagpaalam ang aming mga kaibigan. Ako na mismo ang naghatid sa kanila sa sakayan gamit ang sasakyan naming kasiya ang anim na katao. Ang ilang kaklase ko naman na hindi naman kalayuan sa amin ay nagawang ihatid sa kanilang bahay. Matapos kong gawin ang pagiging grab driver nila ay nagmadali na akong umuwi upang makaligo at makaalis na. Nagpaiwan si Gon dahil aayusin niya pa daw ang mga gamit namin. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kilig dahil para bang nagpapractice na siya bilang asawa ko.
Nawalan ng saysay ang pagmamadali ko dahil pagpasok ko sa aking kwarto ay tapos na siyang maligo. Halos talunin ko na kanina ang paghakbang ko sa hagdan para lang makasabay siya sa shower at makaisang round man lang bago umalis ngunit sa kasamaang palad ay tapos na siyang maligo. Kasalukuyang nagpapatuyo siya ngayon ng kaniyang buhok gamit ang aking blower. Napansin na niya ang pagpasok ko sa loob ngunit hindi niya man lang ako binati kaya naman lumapit ako sa kaniya at mabilis na pumaibabaw sa kaniya. Ngayon ay nakahiga siya sa ibabaw ng aking kama habang ako naman ay parang asong ulol na sabik na sabik makascore habang nakapatong sa ibabaw niya. Nang maramdaman ko ang marahang pagtulak niya sa akin ay kaagad kong inatake ng paghalik ang kaniyang leeg.
“Maligo kana dahil amoy pawis kana” malumanay niyang sabi. Mukha namang hindi siya galit at tila nadadala siya sa aking ginagawa kaya naman pinagpatuloy ko ito hanggang sa makaramdam ako ng mainit na hangin sa aking mukha. Mabilis akong napaatras dahil sa hapdi na naramdaman. Saka ko lang napagtanto na ito pala yung blower na hawak-hawak ni Gon. Lalapit pa sana ako sa kaniya para ipagpatuloy ang naumpisahan ko kaso tinutok niya kaagad sa akin ang blower na para bang isa itong baril.
“Uuwi kaagad ako sa bahay kapag hindi natin naabutan yung sunset sa batangas dahil diyan sa kalibugan mo” sabi niya habang nanatiling nakatutok sa akin ang hawak-hawak niyang blower. Imbes na matakot ay lalo akong nalibugan sa naging reaksyon niya. Ganun pa man ay sinunod ko na rin ang kaniyang utos at sa harap niya mismo ako naghubad. Sumipol ako sa kaniya upang agawain ang kaniyang pansin at tinuro ang aking ari na ngayon ay nakaturo na rin sa kaniya. Muli niyang tinapat sa akin ang blower at balak niya pa atang gamitan ng blower si junior kaya naman nanakbo na ako papasok ng shower room. Hindi man lang niya makuha na ibang blow ang gusto ko.
Pagkatapos kong maligo ay natapos na ring ayusin ni Gunter ang mga gamit na dadalhin namin sa batangas. Nagawa na niyang ilagay ang lahat ng mga ito sa loob ng aking kotse kaya naman nagbihis na kaagad ako upang mapabilis ang aming pag-alis. Sa kakamadali ko ay nanatiling basa pa rin ang aking buhok kaya naman kinuha ko ang blower para sana magpatuyo ng buhok.
“Blow mo naman ako” pilyo kong sabi kay Gon at hindi ko inaasahang magiging masunurin siya. Lumapit siya sa akin at kinuha ang blower sa aking kamay at siya mismo ang nagpatuyo ng aking buhok. Hinawakan ko siya sa kaniyang baywang at pinaupo sa ibabaw ng aking mga hita.
“Papano tayo matatapos niyan kung puro ka kalokohan” reklamo niya habang patuloy siya sa pagpapatuyo ng aking buhok.
“Ito naman naglalambing lang eh” tugon ko habanag yakap-yakap ang baywang niya.
Matapos niyang patuyin ang aking buhok ay nag-aya na siyang umalis ngunit hindi ko siya pinansin. Kanina pa ako naglalambing sa kaniya pero lagi na lang niya akong pinagtutulakan. Naisipan kong magtampo para lambingin niya rin ako ngunit mukhang nagpapatigasan lang kaming dalawa. Hindi ako sumuko at pinagpatuloy ko ang kunwaring pagtatampo sa kaniya hanggang sa hawakan niya ang aking kamay. Rinig na rinig ko ang paghinga niya ng malalim bago siya magsalita.
“Tara na babe. Alis na tayo” sambit niya sa pinakamalambing niyang boses. Magmamatigas pa sana ako kaso hindi ko talaga maitago ang pagngiti sa tuwing gagamitin niyang alas sa akin ang pagtawag niya ng ‘babe’. Tumayo kaagad ako mula sa aking kinauupuan at binigyan siya ng isang malalim na halik.
“Kahapon pa ako nanggigil sayo” sabi ko nang matapos ko siyang halikan. Nagulat na lang ako nang humawak siya sa aking pisngi at binigyan niya ako ng malalim na halik. Naputol lang ito ng maramdaman namin ang pagkakapos ng hininga.
“Nagpipigil lang ako dahil kapag sinimulan natin to ay malamang maghapon na lang tayong nakahiga sa kama mo” sagot niya na lalong nagpatindi ng excitement ko.
“Parang mas gusto ko yan” mabilis kong tugon at bago ko pa man mahalikan ang kaniyang labi ay mabilis niya ring nahila ang aking kamay upang makaalis na kami. Napailing na lang ako habang hawak-hawak niya ang aking kamay. Gusto sanang masubukang sumakay ni Gon sa bago kong sasakyan ngunit limitado lang ang espasyo nito sa loob kung saan hindi magkakasiya ang mga gamit naming dala. Nangako ako sa kaniya na magroroad trip date kami gamit ang bago kong Lambo kapag natapos namin ang lakad na ito.
Ilang oras din ang ginugol namin sa byahe upang marating ang resthouse namin sa batangas. Hindi naman ako napagod dahil masaya ako sa naging byahe naming dalawa. Sa buong byahe namin ay siya ang may hawak ng phone ko na nakaconnect sa aking kotse. Playlist niya ang nasunod habang ako ang nagmamaneho. Isa sa mga nakakatawang sandali ay ang pagkuha niya ng mga pictures gamit ang phone ko na hindi niya ginagawa. Nang tanungin ko siya kung bakit niya ginagawa yun ay sinisend niya daw sa mga babaeng nagchachat sa akin. Napapailing na lang sa mga pagbabago sa ugali niya simula nang umamin kami sa ibang tao.
Parang hindi siya nauubusan ng lakas dahil pagkapasok namin sa loob rest house ay kaagad siyang naghubad ng damit. Ang akala ko pa nga ay sabik na sabik siyang may mangyari sa aming dalawa. Yun pala ay sabik na sabik siyang maligo sa infinity pool kung saan masisilayan niya ang sunset. Wala akong nagawa kundi ang ipagpatuloy sa pag-ayos ng aming mga kagamitan. Nang maayos ko ang aming mga gamit sa loob ng master bed room ay kaagad akong sumunod sa pagpaligo sa infinity pool kasama si Gon. Sobrang saya ng sandaling ito dahil napakatahimik ng paligid at tila kaming dalawa lang ang tao sa buong mundo. Nakayakap ako sa kaniyang likuran habang pinagmamasdan namin ang ganda ng tanawin kung saan kitang kita namin ang dagat pati na rin ang araw na palubog. Totoong maganda ang tanawin mula sa aming pwesto pero mas umagaw sa aking pansin ang ganda ng ngiti ni Gon habang nakatitig sa paglubog ng araw.
“Alam mo bang para kang ice cream kapag tinititigan kita” pagbasag ko sa katahimikan kung saan nawala ang kaniyang ngiti at napalitan ng pagkunot ng kaniyang noo.
“Ano na namang kabaduyan yan?” inis niyang tanong.
“Sige na pagbigyan mo na ako” todo pigil ang pagtawa ko habang sinusuyo siya.
“Oh sige, dahil natutunaw ako sa paningin mo?” sarkatiko niyang tugon na lalong nagpangisi sa akin na lalo niyang kinainis.
“Yun ay dahil habang tumatagal ay mas lalo kitang gustong dilaan” tugon ko at mabilis na dinilaan ang kaniyang mukha na kaniyang ikinagulat. Sa kaniyang inis ay umakma siyang susuntunkin ako ngunit naiwasan ko ito at dun na nagsimula ang habulan namin sa pool. Inis na inis siya dahil hindi siya makabawi kaya naman nang mahuli niya ako ay ramdam na ramdam ko ang kaniyang kuko na nakadiin sa aking balikat. Napapikit ako nang akala ko ay sasaktan niya ako ngunit naramdaman ko init ng kaniyang labi sa sandaling lumapat ito sa akin.
Naging mainit ang aming halikan na para bang wala kaming pakialam kung may makakita man sa aming ginagawa. Halos magdugo ang pang-ilalim niyang labi sa tuwing kakagatin ko ito. Nakahawak siya sa aking batok habang ako naman ay nakahawak sa kaniyang pang-upo. Gigil na gigil akong nilalamas ito habang abala ang aming mga labi sa paglalaro sa isa’t isa. Natigil lang ang aming mainit na halikan nang kumalas si Gon.
“Sa loob na natin ipagpatuloy ito, lumalamig na ang paligid” sabi niya habang nakakagat sa kaniyang labi.
“Huwag kang mag-alala dahil paiinitin kita” sagot ko at kaagad pinaulanan ng halik ang kaniyang leeg. Nagawa ko man siyang mapaungol sa mainit na halik na aking ginawa ay hindi pa rin ako nagtagumpay na mapapayag siyang gawin ito sa pool dahil pakiramdam daw niya ay may nakatingin sa aming dalawa.
Umahon kami mula sa pool at nagmamadaling pumasok sa loob ng rest house. Sa sala pa lang ay halos hindi na namin mapigilan ang pananabik sa isa’t isa. Kung saan kaniya-kaniya kami sa paghubad ng aming swimming trunks habang abala ang aming mga labi at dila. Patuloy ang mainit naming halikan habang naglalakad kami patungo sa master bedroom. Sa sandaling maihiga ko siya sa ibabaw ng kama ay dali-dali akong pumaibabaw upang namnamin ang paghalik sa kaniyang leeg. Wala akong pakialam kong mag-iwan ito ng marka dahil ang tanging nasa isipan ko ay ang mapaligaya namin ang isa’t isa. Panay ang pag-ungol niya sa bawat pagkagat at pagdila ko kaniyang leeg. Sa tuwing hindi na niya makayanan ang labis na sarap at kiliti ay binabawi niya ang aking mukha at pinaglalapit ang aming mga labi. Sunod kong pinuntirya ang kaniyang dibdib kung saan kanina pa ako takam na takam.
“Ahh tangina ang sarap” sabi niya habang patuloy ako sa pagkagat ang pagsipsip dito. Hindi ko pinalampas ang magkabila niyang dibdib at hinayaan siyang mabaliw sa bawat pagdampi ng aking labi sa kaniyang dibdib. Pahigpit ng pahigpit ang kaniyang pagsabunot sa aking buhok habang ako ay walang sawa sa pagpapaligaya sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kaniyang katawan sa tuwing didilaan ko ang kaniyang utong.
Ang akala ko ay kontrolado ko na ang sitwasyon ngunit nagkamali ako ng bigla siyang pumaibabaw sa akin at siya naman ang sumipsip sa aking leeg na lalong nagpatigas sa aking ari. Napahawak ako ng mahigpit sa kama at iniwasang humawak sa kaniyang buhok dahil baka masaktan siya kapag napalakas ang pagsabunot ko sa kaniya. Alam na alam niya ang mga sensitbong parte ng aking katawan na siyang pinupuntirya ng kaniyang dila. Matapos siyang magsawa sa aking leeg ay siya namang paghawak niya sa aking panga upang mapanganga ako. Kagaya ng ginawa ko sa kaniya ay siya ring pagdura niya saking bibig na malugod kong tinaggap pero bago ko pa man malunok ito ay kaagad niya akong hinalikan kung saan nagawa niyang galugarin ang loob ng aking bibig gamit ang kaniyang dila. Bahagyang pinaglayo niya ang aming mga mukha habang nakalabas ang kaniyang dila. Nakuha ko kaagad ang nais niyang mangyari kaya naman nilabas ko rin ang aking dila ngunit daliri niya ang lumapat sa aking dila. Tila binasa lang niya ng laway ang kaniyang daliri at nilagay ito sa aking utong. Halos mabaliw ako sa sarap ng simulan niyang sipsipin ang aking dibdib.
“Tangina babe ang sarap niyan ahhh” hindi ko malaman kung saan ko ihaharap ang aking mukha dahil sa labis na sarap na nadarama.
Habang binabalik niya ako sa pag-angkin niya sa dibdib ay siya namang pagtaas-baba ng kaniyang kamay sa aking ari.
“Dahan-dahan lang babe ayoko pang labasan” reklamo ko nang humihigpit pa lalo ang kaniyang kamay sa paghawak sa aking ari. Tila wala siyang narinig at paatuloy siya sa pagtaas-baba. Hindi ko na talaga kayang pigilan dahil parang ilang sandali na lang ay lalabasan na ako dahil sa sobrang ligayang nadarama. Dahil sa tindi ng libog ko ay naging marahas ako sa paghawak ng kaniyang panga at gumanti ng pagdura sa kaniyang bibig. Mabilis kong pinuwesto ang aking ari sa kaniyang bibig upang makapagpalabas doon.
“Ahhh puta ang bilis kong labasan niyan” reklamo ko nang maramdaman ko ang init ng kaniyang labi na unti-unting lumalamon sa aking ari. Kahit anong pagpipigil ko para hindi labasan ay hindi ko pa rin magawa dahil habang tumatagal ay lalong gumaling sa pagtsupa si Gon. Nang maramdaman kong malapit na akong labasan ay bigla ko na lang sinagad ang aking ari hanggang sa kaniyang lalamunan.
“Fuck ayan na ahhh!!” hindi ko mapigilang mapahalinghing sa labis na sarap nadarama habang patuloy na pumuputok ang aking katas sa lalamunan ni Gunter. Sa sandaling wala na akong mailabas ay kaagad akong napahiga dahil sa tindi ng aming ginawa. Laking gulat ko na lang ng pumaibabaw siya sa akin at pinuwesto niya ang kaniyang pwet sa ibabaw ng aking ari. Hindi pa man ako tuluyang nakakapagpahinga ay ang kaniyang pang-upo naman ang lumamon sa aking ari. Kapwa kami napaungol ng maisagad ito sa kaniyang kaloob-looban.
“Hindi kita hahayaang magpahinga” sabi ni Gon habang nagtataas baba sa aking ari. Tila lalo akong nalibugan sa kaniyang sinabi kaya mabilis nanumbalik ang lakas ko at buong gigil siyang sinasalubong sa tuwing siya ay bababa.
Ngayon ay malaya kaming sumigaw at umungol habang nagtatalik dahil nakakatiyak kaming walang makakarinig sa aming ginagawa. Lalo ko siyang binaliw sa sarap nang bilisan ko ang pagsalubong sa kaniya hanggang sa manginig siya sa ibabaw ko. Pinatong niya ang kaniyang ulo sa aking dibdib habang nasa loob parin ng kaniyang butas ang aking ari. Ilang segundo lang ang lumipas nang maramdaman ko ang mainit na bagay sa aking tiyan. Yun ang hudyat na nilabasan na siya nang hindi man lang nagagalaw ang kaniyang ari. Hingal na hingal siya habang nakahiga pa rin sa aking dibdib. Humawak ako sa kaniyang pwetan at lalong diniin ito sa aking ari bago ko baguhin ang aming posisyon ng hindi natatanggal ang aking ari sa kaniyang butas.
“Hindi kita hahayaang magpahinga” ganti kong sabi at binigyan siya ng matinding pag-ulos na ikinasigaw niya sa sarap. Halos buong gabi naming sinulit ang sandali na mapaligaya ang isa’t isa na para bang ito na ang huling sandali namin sa mundo. Hindi na kami nag-abalang magbihis dahil alam namin sa isa’t isa na mahuhubaran rin kami kinabukasan.
Ang masayang bakasyon ay biglang nailantana dahil sa tawag na gumising sa aming dalawa. Nalaman ni dad na magkasama kaming dalawa ni Gon at sinabing umuwi na kami kaagad dahil may nais siyang sabihin. Gustuhin man naming manatili ay nagpasiya pa rin kaming umuwi dahil mukhang mahalaga ang sasabihin ni dad. Binilin niya na isama ko si Gon sa pag-uwi dahil may nais siyang sabihin. Hula namin na alam na niya ang tungkol sa aming relasyon. Kaya naman sa aming pagpasok sa loob ng bahay ay nanatiling magkahawak ang aming kamay nang harapin namin si dad.
Ang akala namin ay sasalubungin kami ng sermon ni dad ngunit nang makita niya kaming magkahawak ng kamay ay mabilis siyang nagbitaw ng ngiti sa aming dalawa na nagpalito sa amin ni Gon. Ang inaasahan namin ay magagalit siya sa sandaling malaman niya na kami na ni Gon ngunit taliwas ito sa kaniyang pinapakita.
“Welcome to the family Gunter” masayang sambit ni dad at siya pa mismo ang lumapit kay Gon para yakapin ito. Gulong gulo man sa nangyayari ay umakap na rin si Gon sa kaniya.
“Ang ibig sabihin ba nito dad ay” hindi pa man ako tapos magsalita nang dugtungan niya ang aking sinabi.
“ay magiging pamilya na tayo dahil si Gunter ang nawawala mong kapatid” masaya niyang sabi habang kami ni Gon ay kapwa nagulat sa kaniyang sinabi.
Itutuloy…..
A/N
: So ayan bumawi ako sa 5k words sa chapter na to. Para akong nagsulat ng Enigma.
So
magkapatid
pala si Gon at Lance? Ano to
Incest
?
Pinsan
pala ni Gunter si Eisen? Kelan ang
update
author?
Oh di ba alam ko na agad ang magiging tanong niyo. Syempre magkakaroon lang ng kasagutan yan sa susunod na kabanata. Meron na lang tayong 9 na kabanata na natitira bago makompleto ang istoryang ito. Book 2 at special chapters? Hindi ko pa alam dahil mataas naman ang reads pero ang hina ng votes kaya sobrang nakakawalang gana magsulat. Pag-iisipan ko muna kung kakayanin ko rin dahil ayokong gawan ng book 2 kung hindi ko rin mapapanatili yung ganda ng story.
Baka baguhin ko rin ang sex scene sa part na to dahil alam kong nabitin kayo.
Enjoy!!!
Chapter 32: Can’t let you go
Darren as Gunter
Gunter’s POV
Ang bigat ng aking pakiramdam simula ng idilat ko ang aking mga mata. Ayoko pa sanang gumising dahil labis ang pagod na aking nadarama dahil sa halos magdamagang paniniig namin ni Lance. Hindi ko maibalik ang aking sarili sa pagtulog dahil sa ingay na nagmumula sa cellphone ni Lance. Kanina ko pa siya tinatapik na sagutin ito pero tanging pag-ungol lamang ang kaniyang nagiging tugon. Hindi pa sapat ang tulog ko pero hindi matigil-tigil ang pagtunog ng kaniyang cellphone na gumagambala sa katahimikan ng paligid.
“Lance sagutin mo na yung phone mo kanina pa maingay eh” reklamo ko ngunit umungol lang siyang muli bilang tugon. Sa inis ko ay ako na mismo ang kumuha ng phone niya.
“Kapag hindi mo pa to sinagot ibabato ko to sa sahig!” pagtakot ko sa kaniya na kung saan nagawa niyang idilat ang kaniyang mga mata. Ngumiti siya sa akin habang inaabot ang kaniyang phone mula sa aking kamay. Ang akala ko ay aabutin niya lang kaniyang phone pero nagawa pa niyang pumatong sa ibabaw ko.
“Bumaba ka ang sakit pa ng katawan ko” reklamo ko habang tinutulak siya ng marahan. Ang sakit talaga ng katawan ko kaya wala akong pwersa ngayon. Maging ang pagpatong ni Lance sa ibabaw ko ay nakakadagdag sa sama ng nararamdaman ko. Kahit na patuloy ang pagtulak ko sa kaniya ay nanatili pa rin siya sa ibabaw ko at nagawa pa niyang takpan ang aking bibig nang sagutin niya ang tawag mula sa kaniyang cellphone.
“Yes dad? Opo, nandito ako ngayon sa rest house natin sa batangas” sambit ni Lance na tila si Tito Kendrick ang kaniyang kausap. Bigla akong nakaisip ng kalokohan. Sinamantala ko ang pagkakataon na dilaan ang kaniyang kamay habang nakatakip ito sa aking bibig. Mabilis siyang naapektuhan sa aking ginawa dahil nauutal at napapikit siya habang kausap niya ang kaniyang daddy. Ang akala ko ay bibitawan niya na ang aking bibig matapos kong paulit-ulit na gawin ang bagay na yun pero laking gulat ko ng magpakawala siya ng malakas na pag-ungol.
“Ahh..wala po yun dad. Si Gunter po kasi dinidi-” bago pa man niya masabi ang dapat sana’y sasabihin niya sa kaniyang ama ay mabilis kong nakagat ang kaniyang kamay na nagpahiyaw sa kaniya ng pagkalakas-lakas. Nagawa niyang bitawan ang aking kamay at siya nama’y napatingin sa akin ng masama. Muntik na akong matawa nang marinig ko ang pagsigaw ni Tito Kendrick mula sa cellphone ni Lance kung saan nagrereklamo ito dahil sa biglang paghiyaw ng kaniyang anak. Pangisi-ngisi ako habang humihingi ng tawad si Lance sa kaniyang ama dahil sa biglaang paghiyaw nito.
“Sorry dad, kasama ko po kasi si Guner ngayon tapos” balak niya pa ata akong bawian dahil nakangisi siya sa akin habang inaantay ang magiging reaksyon ko sa kaniyang sasabihin. Tiningnan ko siya ng masama dahil hindi magandang ideya na sabihin ang ganitong bagay lalo na’t hindi pa kami ganun ka desidido kung aaminin na ba talaga namin.
“Nagpapamasahe po kasi ako kay Gunter ngayon” dugtong niya at bigla na lang kinurot ang kanang pisnge ko.
Muli ko siyang tinulak at sa pagkakataong ito ay napaalis ko siya sa ibabaw ko. Upang mapigilan siya sa muling pagsampa ay kaagad akong naupo sa kama habang kausap niya ang kaniyang ama.
“Talaga po? Sige po dad uuwi na po kami” tugon ni Lance at kaagad binaba ang cellphone na hawak. Muli siyang tumingin sa akin gamit ang kaniyang nakakalokong pagtingin. Bakas sa kaniyang pagngiti ang masamang balak na namumuo sa kaniyang isipan. Bago pa man niya maisagawa ang kaniyang nais gawin ay kaagad kong hinila ang makapal na kumot upang matakpan ko ang aking katawan. Lumapit siya sa akin at walang kahirap-hirap na naalis ang kumot. Pareho kaming hubo’t hubad sa ibabaw ng kama gawa ng matagal na pagtatalik namin kagabi ay hindi na namin nagawang magbihis pa.
“Lance hindi pa ako nakakapagmumog” sabi ko nang pigilan ko siya sa paghalik sa aking labi. Binalewala niya ang aking babala at kaagad niya akong hinalikan sa aking labi. Noong una ay nagmatigas pa ako sa pag-angkin niya sa aking labi ngunit kalaunan ay bumigay din ako sa ligayang nadarama sa paraan niya ng pagsamsam sa aking mga labi. Natigil lang ang mainit na halikan nang kapwa kaming makaramdam ng pagkakapos sa aming hininga. Hindi pa man ako lubusang nakapagpahinga mula sa matinding halikan ay bigla na lang niyang inangat ang aking binti hanggang sa maipatong niya ito sa kaniyang balikat. Nanginig ang aking katawan nang maramdaman ko ang pagkiskis ng ulo ng kaniyang ari sa aking lagusan. Napapahalinghing ako sa sarap ngunit alam kong magiging masakit ito kapag ako’y muling pinasok niya.
“Lance hindi ko pa kaya. Medyo masakit pa rin eh” sambit ko na tumataliwas sa hitsurang pinapakita ko kay Lance kung saan napapakagat labi pa ako sa paraan ng pagkiskis niya sa aking lagusan.
“Edi dadahan-dahanin natin” tugon niya at bigla na lang siyang umulos ng marahan kung saan nagawa niyang ipasok ang ulo nito. Mabilis ang naging reaksyon ko dahil sa sakit na naramdaman ko sa ginawa niyang pagpasok sa akin. Kaya naman napaatras ako na naging sanhi upang matanggal ito mula sa aking lagusan.
“Hindi ko talaga kaya, ang sakit talaga” tugon ko habang iniinda ang kirot na nadarama. Pakiramdam ko ay first time ko ulit na pasukin dahil sa hapdi at kirot na nadarama.
Hindi naman na nagpumilit si Lance pero humingi siya ng pabor na laruin ko na lang daw ang kaniyang ari habang kami ay naghahalikan. Malugod ko itong ginawa upang mapaligaya siya. Paulit-ulit na nagtaas-baba ang aking kamay sa kaniyang ari hanggang sa maabot niya ang sukdulan. Kahit na siya lang ang nakaraos sa amin ay kapwa kaming napagod dahil sa pagkangalay na nadarama ko dahil ang tagal niyang labasan. Isabay mo pa ang halikan namin na para bang ito na ang huling araw namin na magagawa ang bagay na yun.
Matapos makapagpahinga ay sabay na kaming naligo sa shower room. Medyo nagtagal pa kami sa loob hindi dahil sa may milagro kaming ginawa kundi dahil napag-usapan namin ang tungkol sa pagpapauwi sa amin ng kaniyang ama. Ang hinala namin ay baka may alam na ito sa tunay na namamagitan sa aming dalawa ni Lance. Ilang beses niya rin akong sinuyo hanggang sa mapapayag niya akong umamin na kami sa kaniyang ama.
“Promise me na hinding hindi mo ako iiwan kahit na ano man ang kahihinatnan ng pag-amin natin kay Dad” sambit ni Lance at binigyan ng halik ang aking kanang kamay. Kasalukuyang nakaupo kami sa loob ng bathtub kung saan nakapwesto siya sa aking likuran. Ang kaniyang halik ay naglakbay mula sa aking kamay patungo sa aking braso. Marahan niyang kiniskis ang kaniyang ilong sa aking leeg na para bang aso na naglalambing bago niya ito hinalikan. Hinawakan niya ang aking baba upang pagharapin ang aming mga mukha kung saan nagawa kong ipikit ang aking mga mata dahil inaasahan ko na ang kaniyang paghalik sa aking mga labi. Ngunit ilang sandali na ang nakalipas at hindi niya pa rin ako hinahalikan kaya muli kong dinilat ang aking mga mata.
“Promise?” muling tanong niya habang nakangiti sa akin kung saan hawak-hawak niya pa rin ang aking baba.
“Promise!” mabilis kong tugon at ako na mismo ang humalik sa kaniyang labi bilang patunay sa aking sinumpaang pangako.
Matapos naming magpalitan ng mga maiinit na halik ay tinapos na rin namin ang pagbabanlaw sa shower. Kinakailangan na naming makabalik dahil bukod sa pinapauwi na kami ng kaniyang ama ay may mga projects kaming dapat ipasa. Hindi namin nagawang pumasok ngayon sa kadahilanang narito kami sa batangas pero hindi naman malaking bagay ang pagpaliban namin dahil sa wala namang discussion na mangyayari sa klase ngayon. Hindi na namin nagawang maghain ng almusal at nagpasiya na lang kaming magdrive thru para mapabilis ang aming byahe.
Habang nasa byahe ay nagmistulang alalay ako ni Lance dahil ako mismo ang naging tagahawak at nagpapasubo sa kaniya ng mga pagkain habang siya ay nagmamaneho. Ang inaasahan ko ay hihinto kami sa isang tabi para maenjoy namin ang pagkain ng almusal habang nasa loob ng kaniyang sasakyan pero taliwas itong nangyayari sa inakala ko. Tila napansin niya ang pagkunot ng aking noo sa tuwing susubuan ko siya ng pancake.
“Bat ganyan ang hitsura mo?” tanong niya sa akin.
“Malamang hindi ako makakain dahil ginawa mo akong alalay” mabilis kong tugon na ikinatawa niya.
“Grabe ka naman. Isipin mo na lang na nagpapractice kana bilang asawa ko” sagot niya at nagawang bumitaw ng kanang kamay niya sa manibela at tanging kaliwang kamay ang ginagamit sa pagmamaneho upang mahawakan niya ang aking kamay.
“Ganito pala gagawin mo sakin kapag naging asawa mo ako?” tanong ko sabay bawi ng aking kamay.
“So pumapayag kana na magiging asawa kita?” dugtong niya na ikinagulat ko. Ngumiti pa siya ng nakakaloko bilang patunay na alam niyang nanaig siya sa aming pagtatalo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa sinabi niya at tila nakaramdam pa ako ng labis na kahihiyan dahil sa paraan ng kaniyang pagtanong sa akin.
“Ganito na lang, isipin mo na lang na ito yung ganti mo sa akin sa tuwing susubuan kita” sabi niya habang dalawang beses niyang tinaas ang kaniyang kanang kilay. Napaisip ako sa sinabi niya kung kailan niya ginawa yun at saka ko lang nakuha ang ibig niyang sabihin.
“Gago!!!” sigaw ko atsaka siya tumawa ng malakas.
Napuno ng kalokohan at tawanan ang naging byahe namin pabalik sa laguna. Alam kong paraan ito ni Lance para maging kalmado ako dahil siguro nahahalata niyang kinakabahan ako dahil sa aming pagbalik ay kinakailangan na naming sabihin sa kaniyang ama ang tunay na namamagitan sa aming dalawa. Maraming maaaring mangyari kapag umamin kami at isa sa mga yun ay ang posibilidad na paghiwalayin kami ng kaniyang ama. Kaya naman nangako kami sa isa’t isa na ano man ang mangyari ay hindi kami bibitaw sa aming kasunduan.
Sa pagdating namin sa bahay nila Lance ay lalong tumindi ang kabog ng aking dibdib. Tila hindi ko kayang harapin ang kaniyang ama dahil malakas ang kutob ko na hindi ito sasang-ayon sa aming relasyon. Napansin siguro ni Lance ang pagiging tensyonado ko sandaling iyon kaya naman hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito.
“Huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan” nang sabihin niya ang mga salitang iyon ay kahit papano’y nabawasan ang pangamba na aking nadarama. Hindi siya bumitaw sa pagkakahawak niya sa aking kamay dahil nais niyang salubungin ang kaniyang ama ng buong tapang sa paglahad ng tunay naming relasyon. Ngunit nang makaharap na namin ang kaniyang ama ay biglang nanumbalik ang takot na aking naramdaman lalong lalo na’t nakatingin siya ngayon sa aming mga kamay na nanatiling magkahawak. Laking gulat namin nang ngumiti ito.
“Welcome to the family Gunter” hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon. Labis ko pang kinabigla nang lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Napatingin ako kay Lance at sumenyas kong anong nangyayari. Maging siya ay natulala sa kinikilos ng kaniyang ama kaya naman niyakap ko na rin si Tito Kendrick bilang ganti.
“Ang ibig sabihin ba nito dad ay” hindi pa man lubusang nakakapagsalita si Lance nang si Tito Kendrick na mismo ang dumugtong.
“Ay magiging pamilya na tayo dahil si Gunter ang nawawala mong kapatid” masaya niyang sabi na lalong ikinagulat naming dalawa ni Lance.
“Hahaha palabiro ka pala dad” pilit na tawa ang kumawala sa bibig ni Lance na naging dahilan para mapangiti ako ng hilaw.
“Nagsasabi ako ng totoo” tugon ni Tito Kendrick kung saan walang bahid ng pagbibiro ang pinapakita ng kaniyang mukha. Tila hindi ito nagustuhan ni Lance kaya naman hinila niya ang kamay ko upang ilayo ako sa kaniyang ama.
“It’s okay dad kung hindi niyo tanggap ang relasyon namin ni Gunter pero hindi niyo naman kailangang magsinungaling para lang hadlangan ang relasyon naming dalawa” sagot ni Lance na nagiging tensyonado. Isa sa hindi namin inaasahan ay ang pagdating ni Ate Pritz at ang kaniyang pagsali sa usapan.
“Nagsasabi siya ng totoo Lance. Magkapatid kayong dalawa ni Gunter” sabi niya nang makalapit siya sa amin. May kinuha siya mula sa envelop na kaniyang hawak-hawak at inabot ito kay Lance.
“Yan ang result ng DNA test ni Gunter na nagpapatunay na anak siya ng daddy mo” dugtong ni Ate Pritz. Mabilis kong inagaw kay Lance ang papel na inabot sa kaniya ni Ate Pritz at binasa ang nakasulat dito. Nagmula pa sa isang kilalang ospital ang resulta ng DNA test kung saan nakasulat ang aking pangalan at ang pangalan ng ama ni Lance. Tila may pumipisil ng aking puso na nagiging dahilan upang ako ay mahirapang huminga.
“Hindi ito totoo!” sambit ni Lance at mabilis niyang inagaw ang papel na hawak-hawak ko at kaagad niya itong pinunit. Labis akong naguguluhan sa mga nangyayari sa aking paligid lalo na nang magsimulang makipagtalo si Lance sa kaniyang ama. Para akong masisiraan ng bait nang mapagtanto ko na ang taong minahal ko ay siyang kadugo ko. Matapos naming gawin ang halos lahat na maaaring gawin ng isang magkasintahan ay saka namin malalaman na kami ay magkapatid. Labis ang pandidiri ko sa sarili ko dahil ang dami kong bagay na nagawa na hindi ko dapat ginawa ngunit huling huli na ang lahat para ito’y pagsisihan. Habang tumatagal ay wala na akong naiintindihan sa bangayan ni Lance at Tito Kendrick. Hindi ko alam kung kailangan ko na ba siyang ituring na ama dahil hindi ko pa rin matanggap ang nangyayari. Hindi nagtagal nang maramdaman ko na tila umiikot ang aking paningin hanggang sa muli kong maramdaman ang paghawak ni Lance sa aking kamay.
“Alis na tayo dito!” sabi niya sa akin ngunit bago pa man ako makapagsalita ay biglas na lang akong nasuka. Mabuti na lang at nagawa kong ibaling ang aking paningin upang hindi siya masukahan. Patuloy ang pagsuka ko sa sahig habang inaalalayan ako ni Lance hanggang sa tuluyang nandilim ang aking paningin.
Nagising ako sa pamilyar na lugar kung saan madalas akong nagkukulong at walang inaalalang problema. Ito ang nagsilbing lugar upang ubusin ko ang aking oras sa tuwing sasapit ang sabado at linggo. Nauubos ang oras ko sa pananatili dito lalong lalo na’t may bago akong laro. Ito ang kwarto ko na muling nanumbalik sa dati na kung saan ako lamang ang nakahiga sa aking kama. Walang ingay at magulong katabi. Walang nangungulit upang gisingin ako. Tila nanumbalik ang lahat simula ng gumising ako.
Lumabas ako sa aking kwarto upang hanapin si Ate Pritz. Nais ko siyang makausap tungkol sa tunay na pagkatao ko at kung ano nga ba ang totoo. Mabilis ko siyang natanaw na nakaupo sa madalas niyang pwesto sa couch kung saan siya mahilig manood ng K-drama. Sa pagkakataong ito ay tila nasa malayo ang kaniyang isipan at hindi nakatuon ang kaniyang paningin sa palabas na meron sa tv. Mabilis siyang tumayo nang mapansin niya akong papalapit sa kaniya. Marahan kong winagayway ang aking kamay upang tanggihan ang alok niyang pag-alalay sa akin ngunit ginawa niya pa rin.
“kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong niya sa akin nang kapwa kaming makaupo.
“Totoo po ba?” ang aking naging tanong na malayong sagot sa kaniyang tanong. Huminga siya ng malalim bago niya binaling ang pagtingin sa akin. Tumingin siya sa akin at tumango bilang pagkompirma sa katotohanang nais kong malaman. Mabigat man sa aking kalooban ay gusto kong manggaling mismo sa kaniya ang katotohanan dahil silang dalawa na lang ang labis kong pinagkakatiwalaan.
Nagsimula siya sa pagkwento tungkol sa aming nakaraan kung saan nabanggit niya na simula high school ay matalik na magkabigan ang aming mga magulang lalong lalo na si Kendrick Fuentes na siya raw tunay kong ama at ang kinilala kong ama na si Urelio Dela Paz. Isang transferee sa kanilang school si Georgina na aking ina na kung saan mabilis nakilala sa buong school dahil sa kaniyang kagandahan. Kahit na matalik na magkaibigan ang aming mga ama ay nagkaroon sila ng kasunduan na rerespetuhin nila ang relasyon ng sino mang mapipili ni Georgina dahil sabay nila itong niligawan.
Makalipas ang sampung buwan ay nakapagpasiya na rin si mama na piliin si Urelio bilang kaniyang nobyo. Gaya ng usapan nila ay naging masaya pa rin si Kendrick sa naging relasyon ng kaniyang matalik na kaibigan. Walang ilangan sa kanilang tatlo at nanatili silang magkaibigan hanggang sa makapagtapos sila. Naunang mabuntis si mama at yun daw ay si Ate Pritz bago siya pakasalan ni Urelio. Naging masaya ang kanilang pagsasama na nagtagal ng ilang taon hanggang sa dumating ang panahon na biglang nagbago daw ang ugali ni Urelio at nagawa raw mangbabae at madalas magwaldas ng pera sa alak. Masyado pa raw bata si Ate Pritz upang maalala ang lahat ng iyon. Ngunit ayon daw kay Kendrick ay apat na taon pa lang si Ate Pritz nang tumakas sila sa bahay upang magtungo sa bahay nila Kendrick upang takasan ang pagmamalupit ni Urelio. Nagawa silang itago ni Kendrick ngunit makalipas ang walong buwan ay nagawang bawiin ni Urelio si mama mula kay Urelio at hindi na raw sila muling nakita.
Sa loob ng walong buwan na pananatili ni mama sa puder ni Kendrick ay nahulog daw ang damdamin nila sa isa’t isa. Kaya noong unang pagkakataon niyang makita ako ay naramdaman niya raw kaagad ang lukso ng dugo dahil ramdam niya na may koneksyon kaming dalawa lalong lalo na’t kamukhang kamukha ko raw ang aking ina. Ang DNA test ang nagpatunay na ako raw ang resulta ng kanilang pagmamahalan sa loob ng maiksing panahon.
“Paano ka nakakasigurong totoo lahat ng mga sinasabi niya?” tanong ko kahit na alam kong hinding hindi magsisinungaling sa akin si Ate Pritz lalong lalo na sa sensitibong bagay na ito.
“Dahil sa akin niya unang binanggit ito. Natuklasan niyang anak tayo ni Georgina at kaagad siyang naghinala na anak ka niya kaya humingi siya ng tulong sa akin. Noong una ay nagdududa rin ako ngunit ginawa ko pa rin ang nais niya at ako mismo ang kumuha ng buhok mo at binigay ito sa kaniya. Kasama ko siya mula sa pagbigay ng samples at sa araw mismo ng pagbukas ng resulta” paliwanag niya at yumuko siya upang kunin ang isang maliit na brief case na naglalaman ng mga ilang papeles at lumang dyaryo. Isa-isa niyang inabot sa akin ito upang ipabasa ang mga nakasulat dito.
“Naibalita sa dyaryo ang pagkamatay nila papa at mama. Nakasaad diyan na sinandiya ni papa ang pagkahulog nila sa bangin at yun ay pinatunayan rin ng police report” sambit niya habang binabasa ko ang mga nakasulat dito upang makompirma ang kaniyang mga kinukwento sa akin. May ilang papel pa siyang inabot kung saan naglalaman daw police reports kung saan ilang beses ng nakulong si Urelio dahil sa pagmamalumpit nito kay mama at nagagawa lang magpiyansa sa tulong ng mga kakilala nitong nagtatrabaho sa ilegal na paraan.
Hindi ko na nagawang basahin lahat dahil sobra-sobra na ang impormasyong pilit na pinapasok sa aking isipan na lalo lang nagpapabigat ng aking kalooban. Gusto kong sumigaw at magwala pero hindi ko magawa. Wala rin namang magbabago kapag yun ang gawin ko dahil nangyari na ang lahat. Ang labis na kinaiinis ko ay bakit kinakailangan pang mangyari itong lahat bago pa nila matuklasan na magkapatid pala kami sa ama ni Lance. Ano na lang ang sasabihin ng mga kaklase namin kapag nalaman nila ang bagay na to? Ngayon pa na alam na nilang may namamagitan sa amin. Napayuko na lang ako habang nakatakip ang aking mga kamay sa aking mukha.
“Alam kong nahihirapan kang tanggapin ang lahat-lahat dahil sa namagitan sa inyo ni Lance. Pero sinisigurado kong wala nang ibang makakaalam nito. Sa totoo lang ay tayong apat lang ang nakakaalam sa bagay na to. Nais ilihim ni Tito Kendrick ang bagay na to maging sa kaniyang pamangkin na si Eisen dahil nakita niya ang naging reaksyon mo. Alam naming mahihirapan kayo ni Lance kaya naman nandito kami para tulungan kayo. Sa katunayan ay nag-alok siya na pag-aralin ka sa manila o kaya sa ibang bansa upang mapadali sayo ang mag-” alam ko na ang nais nyang sabihin kaya hindi ko na siya pinatapos nang magtaas ako ng boses sa kaniya.
“Sa tingin mo ganun lang kadali yun? Sa tingin mo mabubura lang ng ganun kadali ang mga nangyari? Ano aalis ako ng ilang taon tapos makikipagkita ako kay Lance bilang kapatid niya? Ganun lang ba kadali yun?” pasigaw kong tanong na labis na ikinagulat ni Ate Pritz. Ito ang unang pagkakataon na magtaas ako ng boses sa kaniya kaya naman hindi niya nagawang makapagsalita. Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng aking luha kaya naman nanakbo na ako sa loob ng aking kwarto at pabagsak na sinara ang pinto at sinuguradong nakalock ito.
Mula sa loob ay rinig na rinig ko ang paghingi ng tawad sa akin ni Ate Pritz habang kumakatok siya sa pinto ng aking kwarto. Hindi ko na lubusang narinig ang iba pa niyang sinabi dahil nilamon na ako ng kalungkutan at patuloy ang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata. Gusto kong sumigaw upang mabawasan ang bigat na aking nadarama. Hindi naman ako babaero at pagdating sa relasyon ay totoong seryoso akong nagmamahal. Pero bakit naman ganun? Kung kailan labis-labis na ang pagmamahal ko kay Lance ay saka ko malalaman na magkapatid pala kami. Ano ba ang nagawa kong mali upang maparusahan ako ng ganito?
Ilang araw kong kinulong ang aking sarili sa kwarto kung saan nagawa pang sirain ni Ate Pritz ang pinto upang mabuksan lang ito dahil sa labis niyang pag-aalala lalong lalo na’t hindi ako kumakain. May mga pagkakataong pumupunta si Lance sa bahay ngunit tumatanggi akong makausap siya at mas pinili kong manatili sa aking kwarto. Hindi ko pa siya kayang harapin matapos kong matuklasan ang totoong ugnayan namin. Ilang beses ko siyang narinig na nagmakaawa kay Ate Pritz ngunit pinili ko pa ring pagsarahan siya ng pinto hindi dahil sa wala na akong nararamdaman para sa kaniya. Yun ay dahil hanggang kaya ko pa ay ilalayo ko na ang sarili ko sa kaniya at ngayon pa lang ay maitigil ko na ang namamagitan sa aming dalawa.
Lumipas ang pasko at bagong taon na hindi ko man lang nagawang idiwang ito ng masaya. Andami naming plano ni Lance sa mga araw na ito ngunit lahat ng iyon ay hindi na naisakatuparan at alam kong hinding hindi na ito maisasakatuparan pa. Kailangan naming tanggapin na hindi kami para sa isa’t isa at kinakailangan naming itigil kung ano man ang nararamdaman namin para sa isa’t isa. Sobrang sakit para sa akin ang tanggapin ito pero ito yung makakabuti para sa aming dalawa.
Dumating araw na kinakatakot ko. Yun ay ang muli naming pagkikita ni Lance sa school dahil pasukan na naman. Nang magtagpo ang aming paningin ay mabilis ko na lamang itong iniwas. Kahit sa ilang segundong paghaharap namin ay mabilis kong napansin na malaki ang nagbago sa kaniyang sarili. Kapansin-pansin ang pangangayayat niya at halata sa kaniyang mga mata ang kakulangan sa pagtulog. Kagaya ko ay hindi niya rin magawang makipagbatian sa aming mga kaklase. Tila nanumbalik ang dating pagkatao niya na ang bilis-bilis uminit ng ulo. Hindi pa nagsisimula ang klase at yun ay napaidala na kaagad siya sa principal’s office dahil sa pagsuntok niya sa mukha ng aming kaklase. Habang siya’y nasa prinicipal’s office ay ako naman ang pinutakte ng mga katanungan na hindi ko masagot. Ano naman ang isasagot ko sa kanila? Aaminin ko na magkapatid kami ni Lance para pandirihan nila kami?
Sumapit ang lunch break nang hindi pa rin nakakabalik sa classroom si Lance. Sa tingin ko ay pinauwi na siya sa kanila dahil naisugod sa ospital yung kaklase naming sinuntok niya. Pinili kong lumayo sa mga kaibigan namin upang hindi na mapag-usapan ang tungkol sa amin ni Lance. kumain akong mag-isa habang nakapasak ang mga earphones sa aking tenga. Nilakasan ko ito sa pinakamalakas na kaya nito upang hindi ko marinig ang mga taong nag-uusap sa aking paligid. Habang ako ay kumakain ay bigla na lang akong nakatanggap ng tawag mula sa numerong hindi nakasave sa aking phone. Nag-alangan akong sagutin ito dahil baka nagkamali lang ito ng pagtawag ngunit sa ikalawang pagkakataon ay nagawa ko nang sagutin.
“Bago ko tapusin ang aking buhay ay sana man lang ay makita kita kahit sa huling sandali” mabilis akong napatayo mula sa kinauupuan ko at nanakbo patungo sa principal’s office dahil nagbabakasakali akong naroon si Lance. Pagkarating ko sa loob ay sinabi ng isa sa mga staffs na kanina pa pinabalik ng classroom si Lance. Muli akong nanakbo kahit na pinagsabihan na akong itigil ang pagtatakbo sa hallway lalong lalo na’t madulas ito. Tila wala akong narinig at patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa marating ko ang classroom namin. Ilang kaklase ko pa nga ang nagulat nang pasigaw kong tanong kung nakita nila si Lance ngunit walang nakapagsabi sa akin kung nasaan siya ngayon.
Halos kapusin na ako ng hininga kakatakbo upang hanapin siya hanggang sa mapagtanto ko kung saan siya posibleng naroon. Muli akong nanakbo paakyat ng hagdan at sa sobrang pagmamadali ko ay nagkamali akong ng apak kaya naman nasubsob ang mukha ko. Mabuti na lang at nagawa kong itugo ang aking kamay upang hindi tumama sa hagdan ang aking mukha ngunit nang mawalan ako ng balanse ay nauntog naman ang ulo sa bakal at napalakas ito. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa labis na sakit na nadarama. Kinapa ko pa ang aking ulo dahil inaasahan kong nagkabukol ako dahil dun ngunit imbes na bukol ay dugo ang nakita ko sa aking kamay. Isinantabi ko ang aking kalagayan at patuloy na umakyat patungo sa rooftop upang pigilan si Lance sa nais niyang gawin.
Hingal na hingal ako ng marating ko ang rooftop. Sandali kong hinabol ang aking paghinga bago ko hinanap ang kinaroroonan ni Lance. Mabilis ko siyang nakita dahil kapansin-pansin mula sa kinatatayuan ko ang kaniyang posisyon na nakatayo sa ibabaw ng semento na nagsisilbing harang sana sa mga nais umakyat dito at subukang magpakamatay. Hindi ko alam kung papano nagawang makaakyat ni Lance dahil wala akong makitang hagdan na ginamit niya.
“Lance bumaba ka diyan, pag-usapan natin to” paputol-putol ang pagsabi ko dahil hinahabol ko pa rin ang aking paghinga.
“Manunumbalik ba ang pagtingin mo sa akin kapag bumaba ako? Mamahalin mo ba akong muli kapag nagkausap tayo?” tanong niya habang nanatiling nakatalikod sa akin. Kasalukuyang nakaangat ang kaniyang mga kamay na tila handang handa ng yakapin ang kamatayan.
“Nakikiusap ako pwede pa natin tong pag-usapan” bigla akong nahilo nang mapatingin ako sa ibaba.
“Masaya akong makita ka sa huling pagkakataon. Mabuti na lang at pinagbigyan mo ang kahilingan ko” tugon niya na ikinataranta ko.
“Sandali” sa biglang pagkilos ko ay lalo akong nawalan ng balanse na naging dahilan para ako ay mapaluhod.
“Paala-” hindi niya naituloy ang kaniyang nais sabihin sa hindi ko malamang dahilan. Pinipilit kong iangat ang aking katawan dahil tila bibigay na naman ang aking katawan.
“Anong nangyari sayo” nagulat na lang ako nang makita ko sa aking harapan si Lance. Labis-labis ang pag-aalala ko sa kaniya kanina at ngayon nasa harapan ko na siya at siya naman ngayon ang nag-aalala sa kalagayan ko. Hindi ko magawang sumagot sa kaniya dahil masaya akong bumaba siya mula sa kinatatayuan niya upang lapitan ako. Kumuha siya ng panyo mula sa kaniyang bulsa at nilagay sa aking ulo upang pigilan ang pagdugo nito.
“Bakit ka pa nagpunta dito kung ganyan na ang kalagayan mo?” pagalit niyang tanong ngunit nanatili pa rin ang kaniyang kamay sa aking ulo. Iniwas ko ang pagtingin ko sa kaniya dahil baka pag hindi ko pinigilan ang aking sarili ay baka hindi ko na siya magawang iwan pa.
“Hawakan mo to at dumerecho kana sa clinic” sambit niya at bigla na lang siyang tumayo.
“Itutuloy ko pa ang sinimulan ko” labis ang takot na aking nadarama ng sabihin niya yun kaya naman napatayo ako at mula sa kaniyang likuran ay niyakap ko siya ng mahigpit upang pigilan siya.
“Dahil-dahil hindi ko kayang mawala ka. Kaya ako nandito!” sabi ko na mabilis nasundan ng pagtulo ng aking mga luha. Kinalas niya ang aking mga kamay na nakayakap sa kaniya. Ang akala ko ay iiwan niya ako ngunit ginawa niya lang pala ito upang makaharap siya sa akin. Binigyan niya ako ng isa halik. Isang halik na mabils nagpanumbalik ng masasayang alaala na aming pinagsamahan. Halik na nagpaalala sa akin kung bakit ko siya minahal ng ganito. At sa halik na ito’y tila hindi na ako makakatakas pa sa aking nararamdaman para kay Lance kahit na siya ay kadugo ko.
Ilang sandali kaming nanatiling magkayakap na para bang ilang taon kaming hindi nagkita. Labis labis ang pangungulila namin sa isa’t isa dahil ilang linggo rin kaming hindi nagkita at nagkaroon ng matinong pag-uusap. Pinaupo pa ako ni Lance sa gilid dahil tatawag siya ng ambulansya ngunit pinigilan ko siya dahil tumigil naman na ang pagdurugo ng aking ulo. Natatakot rin kasi ako na baka hindi na ulit kami magkita kapag umalis kami sa lugar na iyon.
“Samahan mo ako bukas sa ospital” bigla niyang sabi na ipinagtataka ko dahil wala namang problema sa kaniyang pangangatawan maliban sa mabilis niyang pangangayayat.
“Magpapa DNA test kang muli upang alamin natin ang katotohanan” dugtong niya na ikinagulat ko.
“Hindi ka ba naniniwala sa naging resulta? Kasama ni Ate Pritz si Tito Kendrick sa pagpasa ng sample at pagkuha ng resulta kaya malabong nagsisinungaling silang dalawa” tugon ko na nagpailing sa kaniya.
“Hindi ka ba nagtataka na andami nilang pinakitang ebidensya na sobrang kapani-paniwala at ultimo maliliit na detalye ay nagawa nilang ilahad kahit hindi naman natin naitanong o hindi man lang pumasok sa isipan natin ang mga pangyayaring iyon?” bigla akong napaisip na may punto si Lance dahil tama nga masyadong detalyado ang pagkakalahad nila na para bang pilit nila kaming pinaniniwala sa isang bagay na nangyari sa nakaraan na hindi madaling patunayan kong lahat ba ay tama.
Nagpasiya kami ni Lance na ilihim ang napag-usapan namin dahil nagdududa pa rin siya sa ikinikilos ng kaniyang ama at ni Ate Pritz. Pinalabas namin na hindi pa rin kami nag-uusap ni Lance upang hindi mabisto ang lihim naming pagkuha ng panibagong DNA test para sa akin.
Gamit ang isang app ay nagawa naming mag-usap ni Lance dahil pakiramdam niya ay maging ang kaniyang cellphone ay may tracker na rin ang kaniyang ama sa mga mensahe na kaniyang natatanggap. Hindi ko alam kung napaparanoid lang ba siya pero ginawa na rin namin ito bilang pag-iingat hanggang sa maisagawa namin ang aming binabalak na walang nakahadlang. At nang mapasa amin ang resulta ay napagpasiyahan naming buksan ito ng sabay. Dahan-dahan naming binuksan ang brown envelop na naglalaman ng resulta at magkasabay naming binasa ang resulta. Sabay naming binasa ito at ang naging resulta ay.
Itutuloy……
A/N
: Itutuloy talaga yung nakalagay sa brown envelop na binasa nila LOL.
So ito na nga at gumugulo na ang kwento at may igugulo pa ito. Ito ang ganti ko sa mga hindi nagvovote at mga silent readers. JK! Hindi ko pa rin sasagutin yung mga tanong niyo dahil ayokong maspoil kayo sa story. Siguro nasa chapter 35 or 36 yung magiging kasagutan sa lahat ng kaguluhan na inyong kinababaliwan. Hindi pa nailalahad kung bakit nga ba naghirap sila Lance. So abangan niyo!!
Mag-ingat pala ang lahat lalong lalo na sa mga madalas lumabas dahil lalong dumadami ang kaso ng nagpapositive sa NCOV19. Ang lapit ko pa man din sa BGC kaya nababahala ako sa health ko dahil at risk ako everyday dahil sa daily commute ko na daan-daang tao ang nakakasalamuha ko. Kaya pag hindi ako nakapag-update ng ilang buwan ay asahan niyong may NCOV na ako. JK! (Katok sa wood dahil hindi afford)
Please mag-ingat ang lagat dahil walang mag-aalaga sa inyo kundi ang kayo lalo na’t single tayo!!
Thank you as always <3
Chapter 33: One last kiss
Dylan as Lance
Lance’s POV
Tila nanadya ang tadhana dahil kung kailan lubos na ang pagmamahal namin ni Gunter sa isa’t isa ay siya namang nailantad sa amin ang katotohanang magkapatid kami sa ama. Katotohanan nga ba o isang kasinungalingan? Yan ang gumugulo sa aking isipan dahil hindi ko pa rin matanggap ang nangyayari sa amin ngayon. Kapalit ng masayang alaala sa aking kaarawan ay ito ba ang kapalit? Halos hindi na ako makakain at makatulog kakaisip para sa kinabukasan namin ni Gon. Sa panahong kailangan ko siya ay siya namang paglayo niya sa akin. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya kaya siya lumalayo sa akin. Masakit lang sa akin na ganito magtatapos ang aming relasyon.
Maraming gumugulo sa aking isipan na lalong nagpapalaki ng hinala ko na may iba sa mga nilalahad nilang kwento sa amin ni Gon. Bawat istorya ay may kaniya-kaniyang ebidensya na para bang pilit kaming pinapaniwala sa isang kaganapan na mahirap mapatunayan lalong lalo na’t matagal na itong nangyari. May mga nabanggit sa akin si Daddy na mga bagay na hindi ko naman iisiping itanong ngunit nagawa niya agad ikwento at mabigyan ng kapaliwanagan na para bang pinaghandaan niya ang araw na ito. Ngunit kung nagsisinungaling si Daddy ay bakit naman siya sasang-ayunan ni Ate Pritz? Masaya si Ate Pritz para sa aming relasyon kaya malabong mangyaring makipagsabwatan siya kay Daddy upang tutulan ang aming relasyon.
Ilang beses akong nagpunta sa bahay nila Gon ngunit ni isang beses ay hindi niya ako hinarap. Maging ang mga tawag at text ko ay hindi niya rin sinasagot. Sa mga sumunod na araw ay hindi ko na siya magawang tawagan yun ay marahil nakablock na ako sa kaniyang contacts. Sa galit ko ay nagawa kong ibato ang aking cellphone na mabilis nasira dahil sa taas ng pinagbagsakan nito. Nagkulong ako sa aking kwarto at walang kinausap na maging sino. Kahit na ang pinsan ko ay nagtataka sa biglang pagbago ng aking ugali ngunit hindi ko sa kaniya masabi ang katotohanan dahil kabilin-bilinan ni Dad na kaming apat lang daw ang pwedeng makaalam nito dahil nagiging sensitibo si Gon pagdating sa usaping ito. May posibilidad na mandiri siya sa amin ngunit alam kong maiintindihan niya rin ang aming kalagayan dahil naging kami ni Gon bago pa namin malaman na magkapatid kami sa ama. Hihintayin ko muna ang desisyon ni Gon kung papayag ba siyang malaman ito ni Kuya dahil ayoko ring kamuhian niya ako kapag nalaman niyang nagmula sa akin ang impormasyon.
Walang araw na hindi ko sibukang makausap si Gon sa pamamagitan ni Ate Pritz ngunit sa bawat pagpupumilit ko ay lagi namang nakikiusap sa akin si Ate Pritz na hayaang makapag-isip muna si Gon. Halos mabaliw ako sa kakaisip sa magiging kahihinatnan naming dalawa. Kahit na nalaman ko pang magkadugo kami ay hindi pa rin nito magawang alisin ang nararamdaman ko para sa kaniya. Sa katunayan ay wala akong maramdamang lukso ng dugo bilang kapatid dahil higit pa sa magkakapatid ang pagmamahal ko sa kaniya. Araw-araw kong dinadalangin na sana ay tuparin niya ang pangakong sinumpa namin sa isa’t isa na ano mang mangyari ay kami pa rin ang magsasama.
Matapos ang ilang linggong baksyon ay magsisimula na naman ang pasukan. Labis ang pananabik ko sa araw na to hindi dahil sa muli akong makakapasok sa school, yun ay ang pagkakataong makausap muli si Gunter. Nang sandaling magtagpo ang aming mga mata ay tila sasabog ang aking dibdib sa pinaghalong tuwa at pangungulila sa kaniya. Kung pwede lang sanang mahalikan ko siya sa harap ng maraming tao ay gagawin ko sana ngunit alam kong hindi niya iyon magugustuhan lalong lalo na’t magulo ang aming kalagayan. Segundo lang ang tinagal ng pagtitig namin sa isa’t isa ngunit sapat na sa akin yun para masilayan ang malaking pagbabago sa kaniyang hitsura at pangangatawan. Tila nawala na ang dating sigla sa kaniyang mukha. Kapansin-pansin sa kaniyang mga mata ang pamamaga na marahil ay sa labis na pag-iyak. Hindi rin nakaligtas sa akin ang mapansin ang bigla niyang pagpayat. Lalapit na sana ako upang kausapin siya ngunit mabilis siyang nag-iwas ng tingin at naglakad palayo. Hindi ko na siya hinabol dahil alam kong nahihirapan pa rin siyang mag-adjust sa mga nangyari. Kailangan ko munang pigilan ang aking sarili dahil ayokong kamuhian niya ako ng husto kapag ako’y nagpumilit.
Nang makapasok ako sa loob ng aming classroom ay kaagad akong nakarinig ng iba’t ibang pagbati mula sa aming mga kaklase ngunit wala ako sa sarili upang sagutin ang kanilang mga pagbati. Kinausap ko ang isa sa aking mga kaklase na nakaupo sa likurang bahagi ng aming classroom na makipagpalitan sa akin ng upuan dahil ayokong mailang si Gon sa akin. Noong una’y nag-aalangan pa siya ngunit nang titigan ko siya ng masama ay mabilis naman siyang nagpaubaya. Wala akong intenson na takutin siya. Sadyang hindi lang talaga maganda ang naramramdaman ko ngayon. Kahit na halata sa lahat na hindi kami magkasundo ni Gon ay mayroon pa ring mga kaklase namin na nangungulit upang alamin kung ano nga ba ang nangyayari sa aming dalawa.
“Feeling ko pre nahuli to ni Gon na nambabae” pabulong na sabi ng aming kaklase na sadyang naririnig ko naman.
“Oh baka naman hindi ka nakaisa kaya badtrip ka ngayon pre” tugon ng isa naming kaklase na nagpatawa sa iilang nakarinig. Nagawa niya pang akbayan ako na para bang sobrang close namin sa isa’t isa na mas lalong nagpapikon sa akin. Nakangiti ako ng lumingon sa kaniya na buong akala niya ay nakikipagbiruan din ako sa kaniya ngunit nagulat siya nang lumapat ang kamao sa kaniyang mukha.
Sa maswesrteng pagkakataon ay nasaksihan ito ng aming guro na kakapasok lang ng aming classroom. Karamihan ay nabahala dahil sa dami ng dugo na umagos mula sa ilong ng aming kaklase na nakatikim ng malakas kong suntok. Wala akong pakialam sa naging reaksyon nila para sa akin. Wala akong pakialam kung kamuhian nila ako dahil hindi na ito bago sa akin. Ang masakit lang ay ang makita mo na walang pakialam sayo ang taong pinakamamahal mo. Hindi man lang niya nagawang lingunin ako nang ipadala ako ng aming guro sa principal’s office. Siguro nga ay wala na talaga siyang naramramdaman para sa akin.
Gulong gulo ang isipan ko at lalo akong nawalan ng pag-asang lumaban pa dahil sa patuloy na paglayo sa akin ni Gunter. Ilang beses akong nasigawan ni dad sa telepono nang malaman niya ang ginawa ko. Idagdag mo pa ang makulit naming principal na pilit akong pinagsasalita sa pagkakataong ninais kong manahimik. Sa sandaling makaalis ako sa principal’s office ay para bang may nag-uudyok sa akin na tapusin ko na ang aking buhay sa kadahilanang wala na itong saysay. Isa lamang akong sakit sa ulo pagdating sa ama ko. Hindi ako mabuting kaibigan para sa mga kaklase ko. Ang malala pa ay hinding hindi na manunumbalik ang pagmamahal sa akin ng taong mahal ko dahil mabilis ng bago ang tingin niya sa akin nang malaman niyang magkadugo kami.
Sa huling pagkakataon ay tumawag ako sa kaniya upang ipaalam na nais ko siyang makita bago ko man lang tapusin ang aking buhay. Hindi ko inaasahang magiging mabilis ang kaniyang pagpunta dahil ilang minuto lang ang lumipas mula ng ako’y tumawag. Handang handa na akong harapin ang aking kapalaran ngunit sa sandaling akin siyang harapin ay tuluyan akong naawa sa kaniyang kalagayan. Labis akong nataranta nang makita ko siyang nakaluhod habang ang kaniyang ulo ay nagdurugo. Nakonsensya ako sa pagtangkang pagkitil ko sa aking buhay. Kung sakali mang pumanaw ako ay tila hindi ako matatahimik kung makikita ko siyang ganito ang kalagayan.
Sa sandaling maglapat ang aming labi ay tila umagos ang mga alaala ng aming mga pinagsamahan. Pinapaalala nito kung gaano namin kamahal ang isa’t isa. Labis-labis ang pananabik namin sa isa’t isa na para bang kay tagal naming hindi nagkita. Ngayon ko napagtanto kung gaano kahalaga ang buhay dahil sa sandaling bawiin sa akin ito ay tiyak na hindi ko na muling mararanasan ang bagay na ito. Hinding hindi ko na masisilayan ang matatamis niyang ngiti na siyang nagpalambot sa aking damdamin. Hinding hindi ko na mararamdaman ang kaniyang mga yakap na pumawi sa aking kalungkutan. Lalong lalo na ang kaniyang halik na nagpadama sa akin kung ano nga ba talaga ang pakiramdam ng totoong pagmamahal.
Naging lihim ang muli naming pagbabalikan sa dahil sa mga hinala’t katanungan na nais naming malutas sa sarili naming pamamaraan. Sa pamamagitan ng isang messaging app ang nagiging daan namin upang makapag-usap dahil pakiramdam ko ay mayroon ng tracker ang aking cellphone. Hindi ko ring magawang magpalit ng panibagong cellphone dahil alam kong maghihinala sa akin si dad kapag ginawa ko iyon. Lihim naming isinagawa ang muling pagkuha ng DNA test ni Gunter upang malaman kung nagsasabi nga ba ng totoo sina Dad at si Ate Pritz.
Sa pagkakataong makuha namin ang resulta ay kapwa kaming nangangamba dahil hindi pa rin nawawala sa amin ang umasang hindi kami magkadugo. Kung mapatunayan man naming hindi kami magkamag-anak ay ano kayang dahilan upang magsinungaling sa amin si Dad at Ate Pritz?
“Mali ito, tiyak na minamanipula ni dad ang resulta. Subukan natin sa ibang hospital na malayo sa lugar na to” mabilis kong sambit nang mabasa namin ang resulta na tumutugma pa rin na magkadugo si Dad at si Gunter. Hinawakan ko siya sa kaniyang kamay ngunit nanatili lamang siyang nakatayo habang nakayuko ang ulo.
“Anong problema?” tanong ko at sinubukang hawakan ang kaniyang mukha ngunit mabilis niya itong inangat.
“Tayo! Tayo ang problema Lance” sagot niya at bigla na lang tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Mabilis ko siyang niyakap papalapit sa akin. Hinigpitan ko ang pagyakap sa kaniya kahit na nasasaktan na ako sa marahas na pagpupumiglas niya.
“Bakit mo pa kasi ako pinagtripan? Bakit mo pa kasi ako pinagbibiro? Bakit mo pa kailangang ipakita sa akin ang mga mabubuting katangian mo na iilang tao lang ang nakakaalam? At bakit?” sigaw niya habang patuloy ang pag-iyak na siyang unti-unting dumudurog sa aking damdamin.
“Sa dinamirami ng mga taong maari kong mahalin ay bakit sayo pa ako nahulog?” Ikaw na…“ hindi niya naituloy ang nais niyang sabihin at nagawa niya akong itulak papalayo sa kaniya.
“Na ano? Ako na kapatid mo?” tugon ko na lalong nagpasikip ng aking damdamin. Ang hirap para sa akin na banggitin ang salitang kapatid lalong lalo na sa taong pinakamamahal ko.
“Wala tayong kasalanan Gon dahil kapwa tayong biktima ng katotohanan!” dugtong ko habang siya ay umiiling. Hindi na niya ako magawang tingnan sa mukha habang patuloy pa rin ang kaniyang pag-iyak. Sinubukan kong lumapit sa kaniya upang yakapin siya at patahanin sa kaniyang pag-iyak ngunit nagsimula siyang lumakad palayo sa akin. Bago pa man siya makaalis ay nagawa kong hawakan ang kaniyang kaliwang kamay upang mapigilan sa paglayo niya sa akin.
“Gusto kong malaman mo na… Kahit na magkapatid tayo ay hinding hindi magbabago ang nararamdaman ko para sayo” matapos kong sambitin ang mga salitang iyon ay siya namang pagpatak ng aking mga luha. Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya sapagkat pinili niyang kumalas mula sa pagkakahawak ko sa kaniya at nanakbo palayo sa akin. Tila nanlambot ang aking tuhod at hindi ko ito magawang ihakbang. Nais kong habulin si Gon dahil natatakot akong baka ito na ang huling sandali na magkikita kaming muli ngunit ano mang gawin ko ay ayaw makisama sa akin ng aking katawan.
Kasabay ng aking pag-iyak ay ang mabilis na pagbuhos ng malakas na ulan. Wala akong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng aking kotse habang nagmamadaling tawagan si Gon. Nag-aalala ako na baka may mangyaring masama sa kaniya dahil wala siyang masasakyan ngayong malakas ang ulan. Ilang beses kong sinubukang tawagan ang kaniyang number ngunit hindi niya ito sinasagot. Sa sobrang inis ko ay nagawa kong ibato sa backseat ang aking cellphone habang paulit-ulit na pinagsusuntok ang manibela na lumilikha ng ingay dahil sa pagtama ng kamao ko sa horn.
“Tangina bat ba nangyayari to?” hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa labis na sakit na aking nadarama. Parang bang pinaglalaruan ako ng tadhana. Alam kong hindi ako naging mabuting tao sa mga taong nakapalibot sa akin. Unti-unti kong binago ang aking sarili dahil kay Gon. Pero hindi naman ata patas na kabayaran ng aking mga kasalanan ang mga nangyayari ngayon.
Mula nang magkahiwalay kami ni Gon ay wala na akong naging balita sa kaniya. Hindi ko na siya magawang makita dahil hindi na siya muling pumasok sa school. Napapabalita na ililipat na daw siya sa ibang school na labis na ikinagulat ko at ng aming mga kaklase. Wala silang nakuhang impormasyon mula sa akin dahil maging ako ay walang alam sa nangyayari. Bago pa man pumutok ang balita sa paglipat ng school ni Gon ay walang araw na hindi ko siya sinubukang tawagan. Daan-daang mensahe ang aking pinadala sa isang app na aming ginagamit. Lahat-lahat ay gagawin ko makasama lang siya. Nabanggit ko pa nga sa aking mensahe na handa akong magpakalayo-layo at magtungo sa lugar na walang nakakakilala sa aming dalawa. Sa paraang iyon ay magagawa naming magsama ng masaya na walang huhusga at pipigil sa aming pagmamahalan. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita mula sa kaniya. Nais kong dalawin siya sa kanila ngunit mapapataas ko lang ang tsansa ng paghihinala ni Daddy sa aming dalawa.
Makalipas ang dalawang linggo ng makatanggap ako ng mensahe mula kay Gon ay halos mapatalon ako mula sa aking kama. Ayun sa kaniyang mensahe ay pumapayag na raw siya na magpakalayo-layo kaming dalawa. Mabuti na lang at naging handa ako sa pagkakataong ito. Nagawa kong ibenta ang kotse na binigay ni Dad sa akin noong birthday ko sa malaking halaga. Pinili kong ipa-cash ito dahil alam kong magagawang ipafreeze ni Dad ang aking account kapag nalaman niyang naglayas ako. Oo, mahirap gawing cash ang milyong halaga ng sasakyan ngunit dahil sa kagustuhan kong makasama si Gon ay nagawan ito ng paraan. Nagawa kong hatiin ang pera sa pamamagitan ng paglagay sa iba’t ibang account gaya ng paymaya, gcash at iba iba pang payment app. Mas mainam ito dahil kung sakali mang manakaw ang bag na naglalaman ng pera ay mayroon kaming alternatibong paraan na mapagkukunan.
Matapos kong masiguradong may sapat na kaming pera at ilang bagay na aming kakailanganin ay nagtagpo kami ni Gunter sa isang lugar na malayo kung saan kami nakatira. Sa sandaling makita ko siyang muli ay halos patakbo akong lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya nang mahigpit na para bang ang tagal naming nawalay sa isa’t isa. Hinawakan ko ang kaniyang mukha at pinagmasdan ng mabuti. Walang nagbago sa kaniyang hitsura dahil ito pa rin ang mukhang bumighani sa aking damdamin. Halos sumabog sa tuwa ang aking damdamin habang hinahaplos ko ang kaniyang mukha. Ngunit hindi nakatakas sa aking paningin ang kalungkutan sa kaniyang mukha.
“Bibigyan kita ng pagkakataon na baguhin ang desisyon mo kung hindi ka pa sigurado” sabi ko sa kaniya. Pinikit niya ang kaniyang mga mata at huminga ng malalim. Hinawakan niya ang aking kamay na nakahawak pa rin sa magkabila niyang pisngi. Marahan niyang kiniskis ang kaniyang mukha sa aking kamay na para bang isang pusa na naglalambing. Dinilat niya ang kaniyang mga mata at binigyan ako ng matamis na ngiti.
“Handang handa na ako” tugon niya na halos ikaiyak ko sa labis na tuwa. Kaagad ko siyang siniil ng halik bilang pagpapahiwatig ng labis na pagmamahal ko sa kaniya. Humawak ako sa kaniyang likuran upang paglapitin nang husto ang aming mga katawan. Ang marahan na halikan ay unti-unting naging marahas dahil kapwa kaming nalasing sa aming mga laway.
“Huwag dito” sambit ni Gon nang halikan ko ang kaniyang leeg. Hindi ko namalayan na naisandal ko na siya sa gilid ng sasakyan. Mabuti na lang at madaling araw kaya walang nakakita sa ginawa namin. Masyado akong naging mapusok dahil ang tagal din ng huli ko siyang mahalikan. Binigyan ko siya ng halik mula sa kaniyang labi patungo sa kaniyang ilong hanggang sa noo. Hinawakan ko ang kaniyang kamay na para bang wala akong balak na bitawan ito at dinala sa harap ng pinto ng sasakyan. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng sasakyan na mabilis niyang pinagtaasan ng kilay. Ayaw na ayaw niya kasing pinagbubuksan ko siya ng pinto ng sasakyan dahil parang tinuturing ko daw siyang babae.
“Pumasok ka na please para makapagtanan na tayo” sambit ko sabay kagat sa labi dahil kanina pa ako nanggigil sa kaniya na kaniya namang ikinatawa.
Nang makapasok siya sa loob ng kotse ay kaagad ko naman itong sinarado. Pumasok ako sa loob habang inaayos niya ang kaniyang gamit sa may back seat. Nang matapos siya sa pag-aayos ay sinumulan ko kaagad ang pagpapatakbo ng aking kotse. Mas pinili kong ibenta ko yung bago kong kotse hindi lang dahil sa mas mataas ang halaga nito kundi magiging takaw pansin rin siya sa daan na dapat naming maiwasan. Alam kong ipapahanap kami ni daddy kapag nalaman niyang nawawala kami kaya kinakailangan naming makapagtago kaagad.
Sa katunayan ay wala pa akong alam na lugar kung saan kami mananatili ni Gon na hindi matutunton ni Dad. Pero pinili naming bumiyahe pa norte at dun na kami mismo maghahanap ng matutuluyan o mabibilang bahay sa isang liblib na lugar. Ang mahalaga ngayon ay mapagtagumpayan namin ang makalayo sa sino mang hahadlang sa aming relasyon.
Ilang oras pa lang ang byahe namin ngunit nakaramdam na kaagad ako ng antok. Kaunti oras lang kasi ang nagawa kong pagtulog dahil sa paghahanda ko sa araw na to. Mabuti na lang at may nadaanan kaming stop shops kaya lumihis kami ng daan upang makapamili. Nang maiparada ko ang sasakyan ay kaagad namang nakapagtanggal ng seatbelt si Gunter at nagtangkang tumayo. Mabilis ko siyang hinawakan sa balikat upang pigilan sa paglabas ng kotse. Kaagad siyang lumingon sa akin na tila nagtatanong sa ginawa kong pagpigil sa kaniya.
“Bibili lang ako hindi ako lalayo” sambit niya at tinanggal ang kamay ko.
“Sasamahan na kita” tugon ko at nagtanggal na rin ako ng aking seatbelt.
“Bakit natatakot kang iwanan kita dito?” tanong niya at tanging pagtango ang tinugon ko. Ginamitan ko siya ng nakakaawa kong hitsura para makonsensya siya kapag sinubukan niya akong iwan.
“Anong akala mo maaawa ako sa hitsura mo?” dugtong niya at tanging pagtango ang sinagot ko habang nagmamakaawa pa rin ang pinapakita kong hitsura sa kaniya.
“Inaantok ka na habang nagmamaneho. Umidlip kana lang dito kahit 15 minutes. Ako na ang bahala sa pamimili” sambit niya pero hinawakan ko pa rin ang kamay niya na para bang bata na ayaw maiwan ng kaniyang magulang. Huminga siya ng malalim bago nagsalitang muli.
“Akala ko ba gusto mo akong maging asawa? Bakit ngayon ay pinipigilan mo akong gawin ang trabaho ko bilang asawa mo?” hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti sa sobrang tuwa nang marinig ko mismo ang mga salitang yun mula sa kaniyang bibig. Sa sobrang tuwa ko ay lumapit ako sa kaniya ngunit mabilis itong nakatayo.
“I love you” malumanay kong sabi ngunit sinara niya lang ang pinto ng sasakyan bilang tugon. Pero kinatok niya kaagad ang window glass ng sasakyan na mabilis kong naibaba.
“I love you too” tugon niya habang nakangiti sa akin ng pilyo at naglakad papalayo.
Pinagmasdan ko siya habang naglalakad siya patungo sa starbucks upang bumili ng kape. Samantalang ako ay hindi mawala ang ngiti dahil sa labis na tuwang nadarama. Pinagmasdan ko ang kaniyang katawan mula ulo hanggang sa makarating ang aking mga mata sa kaniyang maubok na pang-upo. Bigla akong napakambyo dahil sa bilis ng naging reaksyon ni junior sa aking nakita. Nang iangat ko ang aking paningin ay saka ko lang nakita na nakaangat ang kanang kamay ni Gon habang nakataas ang gitnang daliri. Bigla akong natawa dahil hindi ko alam kung nagkataon lang ba o mataas ang kaniyang pandama na pinagnanasaan ko ang kaniyang katawan habang siya ay naglalakad. Nang makapasok si Gon sa loob ng coffee shop ay kaagad kong sinandal ang aking ulo at pinikit ang aking mga mata upang makapagpahinga kahit ilang minuto man lang.
Ilang sandali nang magising ako sa pagbukas ni Gon ng pinto ng sasakyan. Inabot niya kaagad sa akin ang kape na pinaka kailangan ko ngayon upang magising. Nagsimula na rin kaming kumain na ng pagkaing nabili niya mula sa ibang store. Masaya naming pinagsaluhan ang aming almusal sa loob ng aking kotse at nagawa niyang magkwento ng mga nakakatawang sandaling natunghayan niya sa pagbili ng aming kinakain.
Nang matapos kaming kumain ay mabilis naming nilisan ang lugar. Malapit ng sumikat ang araw at sa tingin ko ay nakauwi na si dad ngayon mula sa kaniyang business trip. Kapag nalaman niyang nawawala kami ni Gon ay mabilis yung magrereport sa mga pulis upang ipahanap kami. Sa takbo ng aking sasakyan ay malabong mahabol niya kami dahil nasisiguro kong nakakalayo na kami.
Naging kapansin-pansin sa akin ang biglang pananahimik ni Gon dahil kani-kanina lang ay masigla siyang sumasabay sa pagkanta sa playlist na pinapatugtog niya sa spotify. Pansin ko din ang madalas niyang pagtingin sa bintana ng sasakyan at pinagpapawisan. Marahil ay kinakabahan pa rin siya sa aming naging desisyon kaya hindi siya mapakali. Binagalan ko ng kaunti ang pagpapatakbo ng sasakyan at sinubukang abutin ang kaniyang kamay ngunit bago ko pa man maabot ito ay bigla na lang siyang nagsalita.
“Ihinto mo sa tabi” sabi niya habang nakahawak sa bibig.
“Ba-bakit?” tanong ko at saka ko lang napagtanto ng makita ko siyang naduduwal kaya naman kaagad kong tinabi ang sasakyan sa gilid.
Mabilis siyang lumabas at sumuka sa gilid ng daan. Bago ko siya nilapitan ay kumuha muna ako ng pamunas at tubig. Nang makuha ko ang mga ito ay kaagad akong lumapit sa kaniya upang haplusin ang kaniyang likod habang patuloy siya sa pagsuka. Hindi rin nagtagal ng kumalma ang kaniyang sikmura at tumigil na siya sa pagsuka. Ako na mismo ang nagpunas sa kaniyang pawis habang siya ay nagmumog gamit ang tubig na binigay ko sa kaniya. Inalalayan ko siya pabalik sa loob ng kotse at pinasandal sa upuan. Hinayaan ko munang bumuti ang kaniyang kalagayan bago ko patakbuhin ang sasakyan.
“Tara na” sambit niya. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at pinakiramdaman ang kaniyang leeg kong may iniinda ba itong sakit ngunit mukhang normal naman ang kaniyang temperatura.
“Napapansin ko na parang napapadalas ang pagkahilo at pagsuka mo. Gusto mo bang dumaan muna tayo ng hospital upang magpacheck-up?” tanong ko dahil nag-aalala na ako sa kalagayan niya. Maayos naman ang pagpapatakbo ko ng sasakyan kaya malabong nahilo siya sa byahe.
“Hindi na, okay na ako” pagmamatigas niya.
“Baka naman may nililihim ka sa akin” dugtong ko na ikinakunot ng kaniyang noo.
“Ano namang ililihim ko sayo?” tanong niya at nagulat na lang siya nang ipatong ko ang aking kamay sa kaniyang tiyan.
“Hindi mo sa akin sinasabi na pinagbubuntis mo na yung panganay natin” sagot ko at sabay tawa ngunit tila hindi siya natuwa sa biro ko.
“Eh di magiging abnormal ang anak natin dahil bunga siya ng incest” malumanay niyang tugon.
“Hayy wag mo ngang isipin yun” lumapit ako sa kaniya upang yakapin at binigyan ng halik sa kaniyang noo.
Pinaramdam ko sa kaniya na kinakailangan niyang magtiwala sa akin. Pinaalala ko rin sa kaniya na simula ngayon ay kakalimutan na namin ang aming mga nakaraan at aming pagkakakilanlan upang makapagsimula ng bagong buhay na aming pagsasamahan hanggang sa huli.
Upang gumaan ang kaniyang pakiramdam ay pinasyal ko si Gon sa mga kilalang lugar dito sa Ilocos. Kahit na kulang sa tulog ay ininda ko ang init sa paglalakad sa iba-ibang lugar na hindi pwedeng daanan ng kotse ko. Nariyan pa yung pagsubok namin ng iba’t ibang sikat na kainan dito. Nagmistulang pamamasyal ang nagawa namin na dapat ay pagtatago. Hinayaan ko munang maging masaya si Gon dahil ayokong makaramdam siya lagi ng tensyon dahil sa napili naming paglayo.
Pagsapit ng hapon ay bumiyahe naman kami patungo sa pagudpod dahil nais daw ni Gunter maranasan ang sunrise doon. Kinakailangan naming makarating sa lugar bago dumilim dahil mas mababa ang tsansa na makakuha kami ng magandang kwarto sa hotel kapag gabi na kami nakarating. Unang beses ko pa lang na magdrive patungo sa lugar na ito kaya naman tanging Waze at patanong tanong sa mga taong nasa gilid ng daan ang ginawa ko upang marating namin ang beach.
Mabuti na lang at may natitira pang magandang kwarto para sa aming dalawa kaya naman laking kaginhawaan sa aming dalawa ito. Lalong lalo na sa akin dahil kanina pa ako pinagpapahinga ni Gon kaso mas pinili kong makaabot kami sa lugar na ito bago pa man dumilim dahil alam kong mas mahihirapan kami sa daan. Sa sandaling maipasok namin ang aming mga kagamitan sa loob ng kwarto ay kaagad akong nahiga sa kama at mabilis na dinalaw ng antok.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog dahil nagising na lang ako nang pukawin ako ni Gon para kumain ng hapunan. Tamang tama ang aking pagbangon dahil kumakalam na ang sikmura ko. Mabuti na lang at may room service sa hotel na aming pinagtuluyan at di na namin kinakailangang lumabas para kumain.
Pagkatapos naming kumain ay nagpresenta si Gon na mag-aayos siya ng aming kagamitan habang ako ay naliligo. Hindi niya ako magawang sabayan sa shower dahil tapos na raw siyang maligo habang natutulog ako. Hindi tuloy nagtagumpay ang balak ko na makaisa sa loob ng shower room. Di bale alam kong makakaisa naman ako mamaya bago kami matulog kaya naman nagmadali ako sa pagshower upang maihanda na ang sarili ko sa darating na bakbakan.
Nang dumating ang sandali na inaabangan ko ay hindi naman ako makatyempo dahil sa mga bagay na nais ni Gon na pag-usapan namin. Tanging underwear na nga lang ang suot ko sa pagtulog para lang maakit ko siya pero hindi man lang niya magawang magfirst move at patuloy pa rin sa pagbigay ng iba’t ibang topic na aming pag-uusapan. Kahit na kanina pa ako nanggigil sa kaniya ay pinagbibigyan ko siyang magkwento dahil mukhang ngayon lang niya nailabas lahat ng mga nasa isipan niya.
“Papano na yung pag-aaral mo?” tanong niya sa akin. Mas nabahala pa siya sa pag-aaral ko kahit na alam niyang kaming dalawa ang maaapektuhan sa aming naging desisyon.
“Huwag mo nang isipin yun ang mahalaga ay magkasama tayo” sagot ko na mabilis niyang sinundan.
“Pero hindi” hinalikan ko ang kaniyang labi upang hindi na siya magsalita.
“Kapag kumalma na ang sitwasyon ay pwede ka na muling mag-aral at akong bahala sa pag-aaral mo” sabi ko nang maghiwalay ang aming mga labi.
“Wag mo akong alalahanin dahil ako ang tatayong padre de pamilya sa pamilyang bubuoin nating dalawa. Ibibigay ko lahat ng pangangailangan niyo dahil ako ang magtataguyod para sa ating pamilya. Kung nakokonsensya ka ay maging mabuti ka na lang na asawa sa akin. Sa ganong paraan ay masaya na ako” sa pagkasabi kong iyon ay bigla siyang kumalas sa pagkakaakap niya sa akin.
“Ako pa talaga ang sinabihan mo na maging mabuting asawa ahh” sabi niya habang nakakunot ang noo.
“Biro lang, basta syempre bilang tagataguyod ng pamilya ay mapapagod ako sa araw-araw na pagkayod kaya naman dapat lang na maging mabuti sa akin ang aking asawa at pagbibigyan ako palagi” nagawa ko ring makahirit na nasundan ng pagkindat sa kaniya.
“Hindi ka pa nga nagsisimulang kumayod” tugon niya habang napapailing at pinipigilang matawa sa aking mga sinabi.
“Syempre ibang pagkayod muna ang gagawin ko” hindi ko na inantay ang kaniyang permiso at kaagad na akong pumaibabaw sa kaniya upang masimulan ang nais kong gawin.
Inabot kami ng hating gabi sa aming paniniig. Pigil pa sa pag-ungol si Gon dahil natatakot siyang may makarinig sa amin dahil hindi siya kompyansa na soundproof itong tinutuluyan namin. Sa tuwing napapalakas nga ang pag-ungol ko ay inaabot niya ang aking labi upang mapatahimik ako. Tangina, ang sarap lang sa pakiramdam na magkasama kaming dalawa sa lugar na hindi naman kami pamilyar kung saan nagagawa naming kalimutan ang lahat ng problema.
Kagaya ng ipinangako ko sa kaniya ay nagising kami ng maaga upang matunghayan ang sunrise. Nagawa naming magdala ng iilang pagkain na madaling bitbitin habang pinapanood namin ang pagsikat ng araw. Habang nakaupo sa buhanginan ay masaya kaming nagkukwentuhan habang kumakain at pinagmamasdan ang kagandahan ng pagsikat ng araw. Hindi pa matao sa oras na ito dahil karamihan sa mga ito ay tulog pa. May iilang mangingisda na dumaraan at mga taong maagang nagising upang matunghayan rin ang pagsikat ng araw. Kapag may pagkakataon ay nagnanakaw ako ng halik kay Gon dahil ayaw niya naman ng PDA kaya palihim na lang ang ginagawa ko. Lalong lalo na kapag wala ng taong nakatingin o dumaraan.
“Bigla ko lang naisip…” bigla na lang siyang nagsalita habang nasa dagat ang aking paningin.
“Pano kung dumating ang araw na sawa ka na?” seryoso niyang sabi na mabilis na pumukaw sa aking atensyon ko.
“Hindi yun mangyayari!” mariin kong tugon.
“Paano ka nakakasiguro?” dugtong niya habang nakatingin sa akin ng seryoso na para bang may nais siyang ipahiwatig.
“Dahil malabong maging sawa ako at kung magiging sawa ako ay ikaw ang una kong tutuklawin” sagot ko sa kaniya habang nakangisi.
“Gago!” sambit niya sabay irap sa akin. Inakbayan ko siya kaagad at sinabing..
“Hinding hindi ako magsasawang intindihin ka at lalong lalong hindi ako magsasawang mahalin ka. Yan ang pakakatandaan mo!” sabay bigay ng halik sa kaniyang labi. Hindi ko alam na may mga bata palang nakatingin sa amin kaya naman nang makita nila kaming nakatingin sa kanila ay bigla na lang silang nagtakbuhan na para bang nakakita ng multo. Imbes na mainis sa akin si Gon ay bigla na lang siyang humagalpak ng pagtawa dahil sa naging reaksyon ng mga bata.
Lumipas ang ilang araw nang makakita kami ng permanenteng matutuluyan ni Gon. Isa itong lumang bahay na pinapaupahan sa murang halaga. Hindi dahil sa haunted ang lugar na ito kundi dahil karamihan sa mga taong naririto ay may sariling tahanan. Nagawan naming mapalagyan ito ng internet connection upang hindi kami mabagot sa bahay habang nagtatago at nakapamili na rin kami mga kagamitan na magagamit namin sa pang-araw-araw.
Halos mag-iisang buwan na simula nang umalis kami ni Gon ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring mga pulis na naghahanap sa aming dalawa. Hindi ko naman hinihiling na matunton kami pero nakakapagtaka lang na para bang pinabayaan na kami ni dad ng ganun kadali.
Lumipas ang dalawang buwan kung saan nagmistulang honeymoon ang aming pagtatago ni Gon. Kung saan-saan kami bumibyahe sa norte. Pareho kaming nangitim dahil sa madalas na pagligo sa beach. Walang araw din na hindi lumipas na hindi namin naipapadama sa isa’t isa ang aming pagmamahal sa pamamagitan ng paglalambing at pagtatalik. Araw-araw maligaya si junior dahil lagi-lagi siyang nakakapagpalabas.
Ito na ata ang pinakamasayang sandali ng buhay ko na lagi kong pinapanalangin na magtagal pa ito ngunit isang araw ay nagising na lang na wala na sa tabi ko si Gon. Sa tuwing gigising ako ay lagi ko siyang nasisilayan na nasa tabi ko pero ngayon ay wala siya. Nagmadali akong puntahan ang kusina dahil baka naroon siya ngunit nabigo akong hanapin siya. Ilang beses kong tinawag ang kaniyang pangalan ngunit wala akong marinig na tugon mula sa kaniya. Minabuti kong balikan ang aming kwarto upang makapagbihis at kunin ang susi ng kotse dahil baka nasa bayan siya ngayon upang mamili dahil lahat naman ng kagamitan niya ay narito. Ngunit sa pagkuha ko ng susi sa ibabaw ng maliit na lamesa ay may nakita akong sulat at base sa paraan ng pagsulat ay kay Gon ito nagmula.
Lance ,
Sana mapatawad mo ako sa ginawa kong pag-iwan sayo. Sana mapatawad mo ako sa pagsisinungaling ko sayo. Nakiusap ako kay Ate Pritz at sa daddy mo na hayaan tayong magsama sa maikling panahon bago man lang ako tuluyang mamaalam sayo. Lahat ng ipinakita at pinaramdam ko sayo sa loob ng halos dalawang buwan, lahat yun ay totoo. Ayokong sirain natin ang ating kinabukasan dahil sa maling relasyong meron tayo. Ayokong dumating ang panahon na pagsisihan mo ang desisyong pinili mo. Gusto kong lumigaya ka sa tamang tao na deserving sa pagmamahal mo. Ang nais ko lang naman ay gumawa ng alaala bago ko tuluyang lumayo sayo. Mahirap sa akin ito dahil higit pa sa pagiging kapatid mo ang nararamdaman ko at alam mo yan kaya sana maintindihan mo ako at sana dumating ang araw na mapatawad mo ako.
-Gunter
Mabilis kong nilukot ang papel at kinuha ang susi ng aking sasakyan. Nagbabakasakali akong maabutan ko pa siya at mabago ang isip niya. Sobrang sakit sa damdamin lalo na’t sobrang lambing niya pa sa akin kahapon. Sinabi niya pang hinding hindi niya ako iiwan. Sa pagitan ng pagtatalik namin kagabi ay paulit-ulit niyang binanggit kung gaano niya ako kamahal. Wala akong kaalam-alam na yun na pala ang huli at yun na pala ang paraan niya ng pamamaalam. Daig ko pa ang pinagtaksilan sa sobrang bigat ng aking nararamdaman. Halos masira ang pinto nang buksan ko ito at nanakbo ako sa aking kotse ngunit bago pa man ako makasakay ay may grupo ng mga lalaking humablot sa akin palayo sa aking sasakyan. Mabilis akong nanlaban at nagawa ko pang masuntok ang isa sa mukha ngunit nadaig nila sa dami nila. Nagsisigaw ako upang pakawalan nila ako ngunit patuloy pa rin sila sa pagbuhat sa akin. Napatigil lang sa pagsisigaw nang makita ko si daddy na nakatayo sa harap ng itim na van.
“Ipasok niyo na siya sa loob” sambit niya.
“This is your fucking fault!!! You keep on messing with my fuckinggg life!!” bulyaw ko habang umiiyak at mabilis akong nakatanggap ng malakas na sampal sa aking mukha.
“Stop being a brat! Magkadugo kayo ni Gunter! Yan ang isaksak mo sa isipan mo!” tugon niya sa akin at bago pa man ako makasagot ay siya mismo mo ang naglagay ng busal sa aking bibig. Bigla na lang akong nakaramdam ng pagtama sa aking batok na unti-unting bumawi sa kamalayan ko.
5 months later
The old Lance is back! Para akong preso na kakalaya lang at muling nagagawa ang mga kalokohan na pansamantala kong itinigil. Lahat na ata ng mga dati kong bisyo ay muli kong nabalikan. May iilan din na hindi ko pa nasusubukan gaya ng paggamit ng pinagbabawal na droga. Dahil sa kasabikan kong masubukan ito ay naghanap ako ng mga taong mabibilhan nito. Ngayon ay patungo ako sa isang bar kung saan kami magkikita ng contact person ko. Sa aking pagpasok sa naturang bar na aming napag-usapan ay mabilis nagtagpo ang aming paningin ng taong pagbibilhan ko. Sumenyas siya sa akin na sumunod sa kaniya at akin namang ginawa hanggang sa makarating kami sa labas sa may likurang bahago ng bar.
“Dala mo ba ang pera?” tanong niya sa akin habang nakapamulsa sa hoodie niyang suot.
“Oo naman” mabilis kong tugon at pinakita ko sa kaniya ang envelop na naglalaman ng pera. Tumango lamang ito bago sumipol. Laking gulat ko nang may mga kalalakihang pumalibot sa akin at ang isa sa kanila ay nagawang hablutin ang perang hawak ko.
“Anong ibig sabihin nito?” tanong ko sa lalaking naging contact ko ngunit di na niya ako sinagot at tumalikod ito.
“Tangina mo makakaganti rin kami sa pagkana mo sa mga girlfriend namin” sambit ng isang lalaking nakasuot pa ng facemask kaya hindi ko makilala ang mukha. Aakma siyang susuntukin ako ngunit naging mabilis ang aking pagkilos at naunahan ko siya sa pagsuntok sa kaniyang mukha. Hindi na bago sa akin ang ganitong uri ng ambush kaya naman pinagbigyan ko sila sa kagustuhan nila at nagawa kong patumbahin ang tatlo sa kanila ngunit hindi ko inaasahang magtatamo ako ng saksak sa aking tagiliran.
“Mamatay kana gago!!!” sigaw niya habang paulit-ulit niyang sinaksak ang aking tagiliran.
Mabilis akong nanlambot at napaupo habang nakahawak sa aking tagiliran. Panay ang pag-agos ng dugo mula sa tama ng saksak sa aking tagiliran. Sinubukan kong hanapin ang aking cellphone upang humingi ng tulong ngunit nabigo ako dahil tila nagawa rin nilang kunin ang aking cellphone. Sinubukan kong sumigaw ng paulit-ulit para humingi ng tulong ngunit wala man lang nakarinig sa boses ko. Unti-unti akong nakaramdam ng panlalamig sa aking katawan. Pinipigilan ko ang aking sarili na huwag mapapikit ngunit sobrang lakas ng antok na aking nadarama hanggang sa may nakita akong lalaking papalapit sa akin at tuluyan na akong nawalan ng malay.
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Isa itong maliit na kwarto kung saan maririnig mo ang ingay ng mga taong naghahanap buhay sa labasan. Tila walang magtatagal sa lugar na to dahil sa amoy ng mabahong kanal na pumapalibot sa loob ng kwarto. Sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko magawa dahil sa sakit na aking nadarama. Ngayon ko lang naalala na nagtamo pala ako ng saksak sa aking tagiliran na ngayon ay may nakabenda na. Sa kaunting pagkilos ko ay napapangiwi ako sa labis na kirot na nadarama.
“Tangina, babawian ko talaga ang mga gago na yun!” hindi ko mapigilang sambitin.
“Hanggang salita ka na lang ba?” narinig kong may nagsalita na hindi kalayuan sa aking kinahihigaan.
Ngayon ko lang napansin na may lalaking nakaupo sa may lamesa na may hawak n dyaryo sa dilim. Hindi ko siya kaagad napansin dahil may kadiliman sa kaniyang kinaroroonan at may kakaunting ilaw mula sa labasan ang nagsisilbing ilaw upang makapagbasa siya ng dyaryo.
“Hanggang salita ka na lang ba o babawi ka?” muli itong nagsalita at tumayo sa kaniyang kinauupuan at humarap siya sa akin. Tanging butas-butas na pantalon ang naging kasuotan nito. Hindi pa rin ako nakapagsalita hanggang sa siya ay makalapit sa akin. Mabilis na pumukaw sa aking atensyon ang tattoo na nakalagay sa kaniyang dibdib dahil minsan ko na itong nakita sa likuran ni Daddy.
“Sino ka?” ang tanging nasabi ko at kaagad naman siyang ngumiti. Hindi ko alam kung bakit pamilyar sa akin ang paraan niya ng pagngiti dahil ngayon pa lang ang una naming pagkikita.
“Arthur, tawagin mo ako sa pangalang Arthur” tugon niya at inabot niya ang kaniyang kamay upang makipagkamay sa akin.
The End of Book 1.
A/N
: Nagulat ba kayo sa pa END OF BOOK 1. LOL!
Dalawang book talaga to kaso sobrang iksi lang ng naiisip ko para sa Book 2 kaya pagsasamahin ko na lang sila dito. Nanghihinayang din kasi ako sa reads gaya ng sa LWMSB at CLWY. Kung hindi ko sila pinaghiwalay ay malamang may story na ako na may 1M reads.
Sa mga emeng readers na nandidiri na daw sa flow ng story, susme naman parang wala naman kayong idea sa totoong relasyon ni Gon at Lance. Napaka cliché na ng ganitong set-up pero ayoko pa ring i-confirm dahil mas gusto ko na ang mga characters mismo ang magsabi.
Dapat
abangan
:
-
Syempre Update ko kasi wala kayong mababasa kong wala akong update.
-
Paghihiganti ni Lance (swear magugustuhan niyo to)
-
Reason kung bakit madalas mahilo si Gon
-
Totoong pagkatao ni Arthur (nabanggit na siya sa CLWY) pero hindi niyo pa siya lubusang kilala
I’ll try na makapag-update agad ngayong linggo o kaya sa lunes. Sobrang thankful ang company ko dahil BCP kami ngayon kaya kahit na nasa bahay ako at walang ginagawa ay sumusweldo pa rin ako. Sinusubukan kong maging productive sa pagsusulat kaya wait lang kayo. Laging maghuhugas ng kamay at iwasang lumabas ng bahay. Kapag walang magawa try nyong magflood votes para naman maiba sa usual nyong ginagawa na magbasa lang di ba? LOL!
Thank you and keep safe everyone<3
Chapter 34: It’s all coming back
Darren as Gunter
Book II - Chapter I
Gunter’s POV
Dalawang taon, dalawang taon ang inabot upang manumbalik ang lahat sa normal. Muli kong nakakasalamuha ang dati kong mga kaibigan. Nagagawa kong tumambay sa bahay nila Kei at nakakapagset ulit ng inuman na umaabot hanggang madaling araw. Hindi na rin ako masyadong pinaghihigpitan ni Ate Pritz dahil ayon sa kaniya ay malaki na raw ako at alam ko na ang mga bagay na ginagawa ko. Masasabi kong mas masaya ang college kaysa high school kasi hindi nagiging limitado ang mga kinikilos mo. Sa loob ng isang linggo ay hindi mo kinakailangang gumising ng maaga upang pumasok sa school dahil sa paiba-ibang schedule ng mga klase na papasukan mo.
Ang isa sa ikinatutuwa ko ay ang pagpasok sa iba’t ibang classroom kung saan may makikilala kang mga estudyanteng iba ang pinag-aaralang kurso ngunit nagiging kaklase mo sa iilang subject. Isa sa mga nakilala ko ay si Angelique. Bagay na bagay ang kaniyang pangalan sa kaniyang hitsura dahil para siyang anghel na nagtataglay ng maganda at maamong mukha. Ngunit taliwas ang kaniyang ugali at pagkilos dahil sobrang ingay at masiyahin nito. Madalas nagugulat ang mga tao sa tuwing siya ay magmumura na hindi mo aakalaing nasasabi ng isang babaeng kagaya niya.
Halos dalawang semester din kaming nagiging magkasama. Naging malapit kaming magkaibigan sa loob ng higit pa sa isang taon naming pagsasama. Hanggang sa dumating ang sandali na gumawa na ako ng hakbang upang ligawan siya. Ang akala ko nga noo’y mababasted ako dahil base sa mga kwento niya ay hindi basta-basta ang mga naging karelasyon niya. Sa estado ng pamumuhay at angking kagwapuhan ay tiyak matatalo nila ako pero hindi ako pinanghinaan ng loob at tinuloy ko pa rin ang panliligaw sa kaniya. Hindi naman niya ako tinanggihan dahil para sa kaniya ay mas mabuting kilalanin namin ang isa’t isa sa relasyong higit pa sa magkaibigan. Hindi ko pa nakukuha ang matamis niyang oo ngunit nagagawa niyang ipadama sa akin na espesyal ako sa kaniya dahil simula nang ligawan ko siya ay naging malambing ito sa akin.
Fine Arts ang kurso ko at siya naman ay nasa Journalism. Kahit na kapwa kaming abala sa aming mga kurso ay nagagawa pa rin naming magkita tuwing linggo. Madalas kasama ko ang pamilya ni Angelique sa pagsisimba tuwing linggo ng umaga. Kilala ako ng mga magulang nila bilang manliligaw ng kanilang anak. Mataas ang paggalang ko sa kaniyang mga magulang dahil mabubuti itong mga tao at hindi hinuhusgahan ang estado ng buhay ko. Kung tutuusin ay malaki ang agwat ng katayuan ng pamilya nila Angelique sa estado ng pamumuhay ko. Isang kilalang businessman ang kaniyang ama na nagmamay-ari ng sampung fast food chains at limang gasoline station sa buong Luzon. Kahit na nagbago na ang antas ng pamumuhay ko dahil sa pagkilala sa akin bilang anak ni Papa Kendrick ay hindi ito sapat upang mapantayan ang yaman na meron ang pamilya ng babaeng nililigawan ko.
Naging maingat ako sa bawat kilos dahil ayokong isipin ng pamilya nila na iba ang habol ko sa kanilang anak. May mga pagkakataon kasi na si Angelique mismo ang nagpapakita ng motibo ngunit nagagawa kong pigilan ang sarili ko dahil ayokong masira ang tiwala ng kaniyang magulang sa akin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya kung bakit niya nagagawa ang mga bagay na yun. Ang iniisip ko na lang ay baka sinusubukan niya lamang ako kung hanggang saan ba talaga ang pagtitimpi at respesto ko sa kaniya.
Kahit nasa sitwasyon kaming hindi pa kompirmado ang totoong relasyon naming dalawa ay nanatili pa rin kaming bukas para sa isa’t isa. Lagi naming sinisimulan ang umaga ng pagbati sa isa’t isa. Kapag may oras ay nagagawa naming tawagan ang isa’t isa ngunit kapag abala ay nagagawa pa rin naming bumati sa pamamagitan ng pagtext. Bago kami tuluyang mahimbing ay nagagawa naming kamustahin ang isa’t isa na para bang ganap na magkasintahan. Halos pitong buwan kaming ganito. Hindi pa man niya naibibigay ang matamis niyang ‘oo’ ay kahit papano ay nakokotento ako sa pakikitungo niya at pagbibigay ng atensyon sa akin.
Sa sumunod na buwan ay tila nanamlay ang pakikitungo niya sa akin. Alam kong hindi madali ang kursong pinag-aaralan niya at ganun din naman sa akin. Kaya madalas ay wala siyang panahon upang makipag-usap sa akin dahil binubuhos niya ang karamihan ng kaniyang oras sa pag-aaral na madalas niyang dinadahilan sa akin. Nakakasama ko pa rin naman siya tuwing linggo sa tuwing magsisimba kami kasama ang kaniyang pamilya ngunit hindi na namin nagagawang mag-date sa tuwing matatapos ang misa na madalas naming ginagawa. Mas naging abala siya sa pag-aaral at may pagkakataon na hindi na niya nasasagot ang mga text messages at tawag ko.
Nakaraang taon lang nang makasama ako sa kaarawan niya bilang isa sa malapit niyang kaibigan. Ngayong nasa estado na kami ng ligawan ay hindi ako nakasama sa importanteng araw ng kaniyang buhay sa taong ito raw ay mga kaanak lang daw nila ang makakasama niyang magdiwang. Lubos ang pag-intindi ko sa kaniya dahil nakikita ko naman na totoo ang mga sinasabi niya kaya ako na minsan ang gumagawa ng paraan upang makasama lang siya.
Ngayong linggo ang araw na napag-usapan namin ni Angelique na muli kaming magkikita upang ipagdiwang ang kaarawan niya kahit na isang linggo na ang nakakalipas nang sumapit ang kaniyang kaarawan. Nakatayo ako ngayon malapit sa sinehan na aming napag-usapan habang hawak-hawak ang bouquet ng bulaklak at isang papar bag na naglalaman ng iba’t ibang kulay ng lipstick mula sa paborito niyang brand matagal-tagal ko ring pinag-ipunan dahil may kamahalan ito. Halos isang oras na mula nang magsabi siya sa akin na papunta na siya ngunit hindi ko pa rin siya nakikita. Nagsimula na ang palabas na dapat naming panoorin ngunit hindi pa rin siya nakakarating. Kaya naman bumalik ako sa pila ng mga tickets upang bumili ulit ng bago para mapanood namin ang palabas sa kasunod na oras.
Nagsimula na akong magpalakad-lakad dahil unti-unti na akong nakaramdam ng pangangalay dahil sa matagal na pagtayo. Nang may nakita akong bakanteng upuan ay kaagad akong lumapit dito upang maupo. Nilapag ko sa aking tabi ang mga bulaklak at paper bag sa aking tabi bago ko muling tinawagan si Angelique. Nagawa kong tawagan siya ng dalawang beses ngunit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nag-iwan ako ng mensahe dahil baka sakaling siya ang nagmamaneho ngayon kaya hindi niya magawang sagutin ang tawag ko. Makalipas ang halos dalawampung minuto nang makatanggap ako ng tawag mula sa kaniya.
“I’m really sorry Gunter. May emergency sa bahay kaya ako bumalik” bungad niyang sabi nang sagutin ko ang kaniyang tawag.
“Ahh ganun ba” ang tangi kong nasabi.
“Promise babawi ako sayo. I’m sorry talaga” dugtong niya at naputol ang tawag. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya o kaya kamustahin kung anong nangyayari sa kanilang bahay. Syempre hindi nawala sa akin ang mabahala dahil minsan lang nagsasabi ng emergency si Angelique. Nang magkaroon ng emergency sa kanila dati ay yun yung araw na isinugod ang kaniyang daddy sa ospital dahil nahihirapan itong huminga. Hindi malayong yun rin ang nangyayari sa kanilang tahanan ngayon. Nakakapanghinayang man ang mga bulaklak at tickets na aking binili ay tinanggap ko pa rin na mas kailangan si Angelique sa kanilang tahanan dahil ang iba niyang kapatid ay nasa ibang bansa nag-aaral at sila lang ng kaniyang ina ang pamilyang inaasahan ng kaniyang ama.
Kinabukasan ay nag-iwan ako ng mensahe sa kaniya at kinakamusta ang kalagayan niya ngayon. Makalipas ang isang oras ay nagawa naman niyang tumugon sa aking mensahe. Hindi na niya nabanggit kung ang tungkol sa nangyari sa kanilang bahay ngunit nasabi niyang maayos na daw ang lahat. Nagpapasalamat pa siya sa akin dahil sa walang sawa kong pag-intindi at pagsuporta sa kaniya. Ganun naman talaga siguro kapag gusto mo ang tao. Nagagawa mong palawakin ang iyong pang-unawa at pagtatiyaga.
Sa aking paglalakad papasok sa unibersidad na aking pinapasukan ay mabilis kong natanaw ang kaibigan kong naging habulin ng mga babae. Hindi ako makapaniwala na sa aming tatlong magkakaibigan ay si Kei pa talaga ang magiging habulin ng mga babae ngayong nasa kolehiyo na kami. Kilala siya bilang star player ng basketball team ng aming paaralan. Marahil malaking tulong ang paglalaro niya ng basketball sa UAAP kaya dumarami ang mga tagahanga niya. Halos hindi niya ako napansing papalapit sa kaniya dahil abala siya sa pagsagot sa mga katanungan ng mga babaeng nakapalibot sa kaniya. Masasabi kong malaki ang pinagbago ni Kei dahil nagkaroon na ng laman ang dating patpatin niyang katawan. Natuto na rin siyang mag-ayos ng husto para sa sarili na dati ay hindi niya masyadong binibigyan ng pansin.
“Sorry girls nandito na yung baby ko” sabi ni Kei sa mga fans niya na mabilis lumingon sa kinaroroonan ko. Imbes na mainis ay nagsitilian pa ang mga lokong babaeng ito. Lumapit sa akin si Kei at inakbayan ako papalayo sa mga fans niya.
“Napakagago mo din eh no!” sambit ko at sabay tulak sa kaniya upang makawala sa pagkakaakbay niya sa akin nang makalayo kami sa mga kababaihan.
“Kaya siguro hanggang ngayon ay hindi ako sinasagot ni Angelique ay dahil iniisip niyang baka bakla ako dahil sa mga pinaggagawa mo” inis kong sabi. Madalas kasi akong gamiting dahilan ni Kei sa mga fans niya sa tuwing tatakasan niya ang mga ito. Nilalambing niya ako na para bang may namamagitan sa aming dalawa sa harap ng kaniyang mga fans. Kaya naman ang iba ay hindi maiwasang maghinala sa tunay na namamagitan sa aming dalawa. Isa pa sa mga nakakalokong resulta ng kagaguhan ni Kei ay nagkaroon na kami ng mga fans dito sa school na naniniwalang may relasyon kaming dalawa. Ilang beses kong sinabi na magkaibigan lang talaga kami pero hindi ko sila makumbinse dahil sa kinikilos ng gago kong kaibigan.
“Bakit hindi ba?” dugtong niya na labis na kinainis ko.
“Gago! Isang beses lang akong nagkagusto sa lalaki at hanggang dun na lang yun!” mariin kong tugon.
“Bakit hindi mo ulit subukan sa akin?” dugtong niya habang nakangiti.
“Hindi mo ako titigilan ha? Gusto mo bang ipaalam ko sa mga fans mo ang baho mong tinatago?” sambit ko na mabilis niyang tinugunan dahil sa takot.
“Eto naman hindi mabiro. Wala naman akong balak na sundan ang yapak ni Andrew” tugon niya habang nanatiling nakakunot ang noo ko.
“Bakit mo nga pala ako gustong makausap? Pag-iba ko sa usapan dahil ito naman talaga ang dahilan ng pagkikita namin ngayon dahil may nais siyang sabihin.
“Ahhh…pinapaalam lang ni Andrew na babalik siya ng pinas sa susunod na buwan” masayang sagot niya na ikinagulat ko.
“Haa..papano yung pag-aaral niya sa abroad?” tanong ko at muli niya akong inakbayan habang kami ay naglalakad.
“Lilipat na daw siya ng school para magkakasama tayong muli” tugon niya at napahinto naman ako sa aking paglalakad.
“Seryoso ka?” tanong ko at napailing siya sa aking naging reaksyon.
“Oo nga at saka nga pala kamusta yung date nyo ni Angelique kahapon?” biglang baling niya ng tanong. Nagdududa tuloy ako kung totoo yung sinabi niya tungkol sa pagbabalik ni Andrew.
“Wala hindi natuloy kasi may emergency sa bahay nila” malungkot kong tugon at nagulat na lang nang hatakin niya ako sa may sulok.
“Pare ayokong manghimasok sa inyo ni Angelique pero hindi ko kayang magsinungaling sayo” bigla akong nabahala sa pagbabago ng kaniyang tono. Matagal ko ng kilala si Kei kaya alam ko kung kelan siya seryoso at kung kelan siya nagloloko.
“Gago ilang beses mo ngang ginawa sa akin” hilaw natawa ang aking pinakawalan dahil nababahala ako sa sasabihin ni Kei.
“Gago ako Gon pero kilala mo ako kapag seryosong usapan na” tugon niya at pinalapit niya ako dahil may nais siyang ipakita sa akin mula sa phone niya. Kuha sa video ang paglalakad ni Angelique sa loob ng isang mall. Malinaw ang pagkakakuha kaya mabilis kong nakilala si Angelique. Nagulat ako nang lumapit siya sa lalaki kung saan nagawa niya itong yakapin at halikan sa labi. Hindi ko lubusang makita ang mukha ng gagong kahalikan ni Angelique dahil sa suot nitong itim na sombrero at may kalayuan na ang kanilang pwesto mula sa kumukuha ng video.
“Kailan pa to at sinong kumuha nito?” tanong ko kaagad kay Kei.
“Kuha to kahapon lang galing kay Margaux” ang babaeng tinutukoy niya ay isang miyembro ng cheering squad na tinuturing niyang fuck buddy. Bigla naman akong napaisip na kung kahapon lang kuha ito ay malamang ito yung sandali na hindi nakasipot si Angelique sa aming usapan. Hindi ko mapigilang mapamura ng malakas dahil sa sobrang galit.
“Pare, uulitin ko ayokong makialam sa inyo pero ayokong magmukha kang tanga kung sakali mang may karelasyon na si Angelique” sabi ni Kei habang tinatapik ang aking balikat upang kumalma.
Makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam ako kay Kei dahil may klase pa ako ng alas otso. Sa loob ng classroom ay naging lutang ang aking isipan sa aking napanood. Marahil wala akong karapatang magalit sa kaniya kung may nobyo na siya dahil hindi naman kami. Ngunit ang kinagagalit ko lang ay yung ginawa niya akong tanga na patuloy na sinusuyo at nililigawan siya ngayong mayroon na pala siyang boyfriend. Bago ko pa man siya ligawan ay tinanggap ko na ang posibilidad na mabasted pero mas gugustuhin ko pa ang mabasted kaysa naman lokohin ng ganito.
Sirang sira ang buong araw ko at halos hindi ako makapagfocus sa klase. May mga text messages sa akin si Angelique na hindi ko sinasagot. Nakailang missed calls na rin siya na hindi ko pa rin tinutugon. Ayoko muna siyang kausapin dahil baka may masabi akong masama. Nais ko sanang palamigin ang isipan ko bago ko siya kausapin sa bagay na to. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko siyang naghihintay sa akin sa may hallway. Tatalikod sana ako para iwasan siya ngunit mabilis niya akong napansin at tinawag ang aking pangalan. Wala akong nagawa kundi ang maglabas ng pilit na pangiti.
“Iniiwasan mo ba ako?” tanong niya habang nilalapit ang kaniyang mukha sa aking mukha. Marahan akong umatras habang umiiling bilang pagtanggi.
“Hmm..kanina pa kita tinitext at tinatawagan pero hindi mo sinagot yung phone mo” sambit niya na may halong pagtatampo sa kaniyang boses.
“Ahh ehhh kasi…nasa loob ako ng classroom kanina kaya naka-silent tapos nakalimutan kong i-off ang data at nakashuffle play ako sa Spotify kaya ayun nalowbat” pagsisinungaling ko na mabilis niyang pinagtaasan ng kilay na tila nagdududa sa aking dahilan.
“Okay….. asan na?” sabi niya habang nakalahad ang kaniyang kanang palad.
“Ang alin?” tanong ko dahil hindi ko naintindihan ang nais niyang ipahiwatig.
“Yung regalo mo sakin? Sabi mo ngayon mo ibibigay” tugon niya na tila nagtatampo.
“Ahh sorry, oo nga pala” mabilis kong sagot at kaagad kong kinuha ang maliit na paper bag na nasa loob ng aking bag. Nang maiabot ko to sa kaniya ay halos magtatalon siya sa tuwa at nagawa niya pa akong halikan sa pisngi. Hindi ko inaasahang gagawin niya yun. Tila nawala napawi ng isang halik sa pisngi ang galit na nararamdaman mo sa kaniya. Niyakap niya pa ako habang paulit-ulit na nagpapasalamat.
Wala na siyang klase kaya naman inaya niya akong kumain sa isang resto bilang pagdiwang namin sa kaniyang kaarawan. Hindi niya ako hinayaang gumastos na kahit magkano dahil ito raw ang paraan niya ng pagbawi sa akin. Tila nagkaroon ako ng pag-asa na baka may tsansa pa sa aming relasyon dahil sa pinapakita niyang paglalambing sa akin. Halos hindi nga niya mabitawan ang aking kamay nang mag-ikot kami sa loob ng mall. Hindi ko maipaliwanag ang saya na aking nadarama dahil nagmumukha kaming ganap na magkasintahan.
Sinamahan ko siyang mamili ng mga damit na gusto niya. Kinuha niya pa ang opinyon ko sa pagpili ng relo na kaniyang ireregalo sa nakakatandang kapatid na darating mula sa Amerika nitong parating na linggo. Kaya naman pinili ko ang relo na siguradong magugustuhan niya at naayon sa kaniyang personalidad. Ilang beses narin kasing nakwento sa akin ni Angelique ang tungkol sa kaniyang kuya kaya medyo pamilyar na sa akin kung anong ugali ang meron ito. Masaya ako na ako ang pinili niyang makasama sa araw na to at natulungan siyang makapili ng regalo para sa kaniyang kuya.
Matapos ang araw na yun ay muling nanumbalik ang pagiging malapit namin sa isa’t isa. Madalas na niya akong tinatawagan kahit na abala siya sa mga ginagawa niyang home works. Hindi rin natatapos ang araw na hindi namin nasasabi ang mga matatamis na salita na tila nagbibigay kahulugan sa totoo naming relasyon. Mabilis nabago ang buong linggo ko na para bang nasa alapaap ako na biglang nahila pababa sa lupa nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Kei. Kuhang kuha sa larawan na may kasamang lalaki si Angelique sa isang mall na hindi malayo sa condo na tinitirahan ko. Ang unang pumasok sa isipan ko ay marahil kuya niya ang kasama nito ngunit base sa larawan ay hindi masyadong malaki ang pangangatawan nito. Kaya naman malamang ito ulit ang lalaking kasama niya noong nakaraang linggo. Nakasuot na naman ito ng itim na sombrero at natatakpan ng shades ang kaniyang mga mata na para bang pilit na tinatago ang kaniyang pagkatao.
Mabilis akong nagpalit ng damit upang magtungo sa mall kung saan kuha ang larawan. Wala akong balak na makipag-away o manggulo. Ang nais ko lang ay mapatunayan kong totoo bang may kinikita na ibang lalaki si Angelique o sadyang sinisiraan lang siya ni Margaux dahil alam kong matagal na silang magkaaway.
Sa aking pagdating ay kaagad akong nagtungo sa lugar kung saan kinuha ang larawan ngunit nabigo akong makita sila doon. Nagtungo ako sa mga lugar na posible nilang puntahan gaya ng Arcade, Cinema at mga boutiques na madalas na puntahan ni Angelique sa tuwing kami ay nagpupunta sa mall. Halos kalahating oras na akong nag-iikot ngunit bigo akong mahanap ang dalawa. Naisip ko na marahil ay nakaalis na sila o kaya naman ay sadyang sinisiraan lang talaga ni Margaux si Angelique. Bago lisanin ang mall ay sinubukan ko munang tawagan si Angelique upang itanong kung nasaan siya ngayon. Bigo akong makausap siya dahil tila nakapatay ang kaniyang cellphone. Nagdesisyon ako na umuwi na lang at magpahinga ngunit habang naglalakad ako patungo sa main entrance ay kaagad kong nakita si Angelique na nakahawak sa kamay ng isang lalaki. Mabilis kong nakilala si Angelique dahil sa kaniyang pagtawa habang marahang pinapalo ang braso ng lalaking kaniyang kasama. Nanatiling nakatalikod ang lalaki habang ang pwesto ni Angelique ay nakatagilid na patuloy sa kumakausap sa kaniya.
Sinabi ko na sa sarili ko na nagpunta ako dito para patunayan kong tama ba ang paratang nila kay Angelique at hindi manggulo pero tila may sariling buhay ang aking mga paa na unti-unting naglalakad papalapit sa dalawa. Nang mapalingon sa aking kinaroroonan ay mabilis akong nakilala ni Angelique. Mabilis nawala ang kaniyang mga ngiti nang makita niya akong papalapit sa kanila.
“Gon, please huminahon ka. I can explain” mabilis na depensa ni Angelique kahit na wala pa akong sinasabi.
“Haa? Wala pa nga akong sinasabi” tugon ko habang nanginginig ang aking boses sa labis na galit. Ilang buwan ko siyang niligawan at ilang buwan niya na rin pala akong niloloko dahil malinaw na sa akin ngayon na may iba siyang lalaking kinikita. Base sa kinikilos at pananalita niya ay halatang guilty siya sa sandaling ito. Sinubukan akong ilayo ni Angelique sa lalaking kasama niya ngunit naging mabilis ang kamay ko at nagawang hawakan ang balikat nang lalaking kasa-kasama niya upang mapaharap sa akin. Gusto kong malaman kong ano ang lamang niya sa akin. Gusto kong malaman kong bakit mas pinili niya ang lalaking to kaysa sa akin. Gusto kong malaman kung papano niya akong gawing lokohin at ipagpalit sa lalaking may kahina-hinalang pagkatao. At sa sandaling makaharap ko siya ay tila tinamaan ako ng kidlat nang malaman ko na ang lalaking pinili ni Angelique ay walang iba kundi si Lance.
“Gon???” tanong niya at kaagad niyang tinaggal ang suot niyang shades na mas nagpatunay na hindi ako namamalikmata lamang. Tila napako ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa kaniya. Nagulat na lang ako nang lumapit siya sa akin at bigla na lang niya akong niyakap.
“Sobrang namiss kita” sabi niya habang yakap-yakap niya ako. May kung anong kirot akong naramdaman nang marinig ko ang mga salitang iyon. Mahigit dalawang taon kaming hindi nagkita at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita kami ngayon. Para bang huminto ang oras nang yakapin niya ako dahil tila ang tagal-tagal ng sandali bago siya kumalas sa pagkakayakap sa akin.
“Kamusta kana?” tanong niya habang ako ay natutulala pa rin sa nangyayari. Makalipas ang ilang sandali ay nagawa ko ring makasagot.
“Ahh ayos lang” ang tangi kong naisagot sa kaniya. Bigla na lang siyang umakbay sa akin at pinalapit ako kay Angelique.
“I want you to meet my girlfriend, Angel” pagpapakilala niya kay Angelique sa akin. Halos hindi makatingin sa akin ng derecho si Angel habang pinapakilala siya sa akin ni Lance.
Dalawang taon. Dalawang taon ang lumipas at ang akala ko ay naging normal na ang lahat. Dalawang taon ang lumipas nang maramdaman ko ang katahimikan na aking tinatamasa. Ngunit ngayon ay muling nanumbalik ang aking mga nakaraan na tila narito upang singilin ako sa aking pagkakasala. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sandaling ito. Halo-halong emosyon ang aking nadarama dahil sa natuklasan kong panloloko sa akin ni Angelique at nang malaman na ang lalaking tinuturing niyang kasintahan ay ang aking kapatid na si Lance.
Itutuloy………
A/N
: Sinusubukan kong pahabain ang istorya nang hindi nasisira yung quality. Paunti-unti muna tayo sa mga pangyayari para mas maging kaabang-abang ang mga susunod na kabanata.
Sobrang nakakabahala ang panahon ngayon kaya naman pinili kong magsulat para kahit papano ay mabawasan ang takot na inyong nadarama. Hanggang maari ay nagsusulat ako dahil natatakot din ako sa kalagayan ko. Mahina ang resistensya ko at mabilis akong dapuan ng sakit, I swear! Kaya kung madapuan ako ng COVID (huwag naman sana) ay maliit ang chance ko na magsusurvive dahil mahina talaga resistensya ko simula pagkabata pa lang. Kaya naman lagi ako ngayong nasa bahay. Sana kayo rin ay huwag maging pasaway at manatili na lang sa inyong tahanan.
Ugaliing maghugas ng kamay at maging malinis sa katawan.
Stay safe everyone. Malalagpasan din natin to!
Chapter 35: Up and down
Darren as Gunter
Gunter’s POV
Tila ako’y tinamaan ng kidlat na siyang nagpamanhid sa aking buong katawan. Hindi ko magawang makapagsalita o makalayo man lang. Labis ang sakit na aking nadarama dahil ang laki ng panahon na sinayang ko sa taong hindi naman pala talaga ako gusto. Matatanggap ko pa sana kong ibang lalaki ang nagustuhan niya pero sa dinamidami ng mga lalakig ay bakit sa kapatid ko pa?
“Ganyan mo ba ako kamiss at hindi ka na makapagsalita?”
Nagising ako mula sa malalim kong pag-iisip nang maramdaman ko ang pagtapik ni Lance sa aking balikat. Masyadong nabakante ang aking isipan at sa hindi ko malamang dahilan ay sadyang napatango na lang ako sa sinabi niya.
“Don’t worry marami tayong time para makapag-cacth up” masaya niyang sabi na para bang nabura na sa kaniyang alaala ang mga masasamang karanasan naming dalawa. Halos hindi ko nga magawang tumingin ng derecho sa kaniyang mukha dahil pinapaalala nito ang mga sandaling aming pinagsamahan. Sa ikalawang pagkakataon ay tinapik niya ang aking balikat habang ako ay malalim na naman ang iniisip. Sa paraang iyon ay nais niyang matuon ang pansin ko kay Angelique na kasintahan niya raw.
“Again, I want you to meet Angel” muling pagpapakilala sa akin ni Lance kay Angelique.
“Hi” ang tanging nasabi ni Angelique na para bang hindi talaga kami magkakilala. Nagawa niya pang iabot ang kaniyang kamay upang makipagkamay sa akin.
“Nice to meet you, Angel?” nag-aalangan ko pang tanong upang sakyan ang trip niyang hindi namin kilala ang isa’t isa. Siya nama’y napilitang ngumiti habang nakikipagkamay sa akin.
“Nga pala kailangan ko nang mauna dahil may pupuntahan pa ako” pagsisinungaling ko ngunit mukhang walang balak na paalisin ako ni Lance.
“Ngayon lang tayo nagkita aalis kana agad” sabi niya at muli akong inakbayan habang nagpapaawa ang kaniyang hitsura. Samantalang si Angelique ay hindi ako magawang tingnan.
“Pasensya na, napadaan lang talaga ako dahil may kukunin lang akong pre-ordered na game sa datablitz” pagsisinungaling ko dahil ang totoo niyan ay bukas pa ang release ng game na binili ko.
“Eh di sasamahan ka na namin, di ba babe?” tila ilang segundong napahinto ang pagtibok ng aking puso nang marinig ko yun. Hindi ko inaasahang maririnig kong muli ito mula sa kaniya kaya naman mabilis akong napatingin ngunit ang taong tinutukoy niya ay walang iba kundi si Angelique.
“Sure babe” masayang tugon ni Angelique na kung saan nilapitan pa siya ni Lance para halikan sa noo.
Mabilis kong iniwas ang paningin ko sa sandaling iyon. Tangina, gusto kong magmura sa sobrang sakit na aking nadarama. Marahil ito na nga ang kabayaran ko sa mga kasalanang nagawa ko. Pero parang hindi naman patas ito?
“Ahhh wag na! Nagmamadali talaga ako kasi pupunta pa akong airport” nauutal na akong magsalita dahil unti-unti na akong nawawalan ng kontrol sa aking damdamin.
“May flight ka?” tanong ni Lance at mabilis akong umiling bilang pagtanggi.
“Ahh kasi ngayon yung uwi ni Andrew galing Macau at gusto niyang sunduin namin siya” pagsisinungaling ko dahil alam ko namang sa susunod na buwan pa ang dating ni Andrew.
“Okay” ang tangi niyang naisagot at bigla na lang siyang naging seryoso.
Pinilit kong ngumiti at namaalam ng maayos. Hindi ko alam kung napansin nila ang panginginig ng aking labi habang ako ay nagsasalita. Wala na rin naman akong pakialam dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay makaiwas at makalayo na sa kanila. Hindi ko na rin inantay ang kanilang tugon dahil ramdam ko na ang pangingilid ng mga luha sa aking mga mata. Ayokong mapahiya at ayokong magmukhang kaawa-awa sa harap nilang dalawa. Kaya naman kahit na tinatawag ni Lance ang aking pangalan ay hindi ko na ito nagawang lingunin dahil sa pagtulo ng aking mga luha.
Nagawa kong lisanin ang mall kung saan hindi ko inaasahang muli kaming magkakaharap ni Lance na siyang kasintahan pala ng babaeng matagal kong nililigawan. Imbes na umuwi ako sa aking condo ay pinili kong dumerecho kina Kei. Saktong naroon din ang mga tropa niya na siya ring kagrupo niya para sa isang group project. Wala akong intensyon na makigulo sa ginagawa nila pero gusto ko lang talaga na kahit sa sandaling pagkakataon ay makalimutan ko ang mga nangyari kanina. Ang pagtitipon nila sa bahay nila Kei para sa group project ay nauwi sa inuman nang magpresenta akong sasagutin lahat mula sa alak hanggang sa pulutan.
May ideya na si Kei kung bakit ko naisipang magpainom ngunit tumanggi akong ikwento ang mga detalye. Sadyang gusto ko munang magsaya dahil ayokong lamunin ng matinding kalungkutan. Sa tantiya ko ay binubuo kami ng nasa labing anim na pawang kalalakihan lamang. Bumuo kami ng bilog kung saan nasa gitna namin ang mga alak at pulutan. Ang inuman namin ay naumpisahan sa pagkukwento ng kani-kanilang nakakatawang karanasan na siyang nagpatawa sa akin ng husto. Minsan kahit na hindi naman talaga nakakatawa ay tinatawanan ko pa rin dahil parang tumagal na hindi ako tumatawa ay para bang lalamunin ako ng kalungkutan. Dahil lahat kami ay puro kalalakihan ay hindi maiiwasang magkantiyawan sa isa’t isa. Hindi rin nawala ang mga bastos na usapin na madalas naman naming napag-uusapan. Nakabase sa pwesto ng aming pagkakaupo ang aming pagkwento. Kakatapos lang ni Kei na magbahagi ng kaniyang karanasan na sobrang bentang benta sa amin at ngayon ay ako na ang huling magkukwento.
“Yung sa akin talaga soooobrang nakakatawa” pangbungad ko sa aking kwento na ikinatawa ng ilan dahil sinabayan ko pa ito ng nakakatawang galaw.
“Ang kwento ko ay tungkol sa isang babae na niligawan ko” naputol ang pagsasalita ko nang mapadighay ako. Mabilis naman akong inakbayan ni Kei na sa tingin ko ay pinapatigil niya ako sa pagkwento sa bagay na ito. Hinawi ko ang kaniyang kamay mula sa aking balikat at nagpatuloy ako sa pagkwento.
“Grabe! Isipin niyo ilang buwan kong niligawan ang babaeng to tapos..tapos” muli akong napatigil dahil sa bwesit na pagdighay ko.
“Tapos nalaman mong chicksilog pre?” dugtong ng lokong kaklase ni Kei na ikinatawa ng karamihan. Nadala na rin ako ng kanilang pagtaawa kaya tumawa ako habang iniiling ang ulo bilang pagtanggi sa kaniyang sinabi.
“Nalaman ko na lang na may boyfriend na pala siya at ang malala pa ay sa utol ko pa” dugtong ko at sabay inagaw ang baso na naglalaman ng alak na iinumin sana ni Kei.
“Pucha, ang sakit niyan lalo na kung hindi mo pa nakakana” komento ng isang tropa ni Kei na kaagad niyang binatukan. Nagtawanan kaming lahat dahil muntikan ng masubsob sa mga alak yung tropa niya dahil sa lakas ng kaniyang pagkakabatok.
“Yun nga ang eh hindi ko pa nakakana” dugtong ko at balak ko sanang uminom muli ngunit nagawang agawin ni Kei ang aking baso.
“Bakit hindi mo na lang kausapin ang kapatid mo na mapagbigyan ka kahit isang beses lang” komento pa ng isa na hindi ko masyadong nagustuhan ang kaniyang sinabi ngunit tinawanan ko na lang.
Nagawang baguhin ni Kei ang sandali nang magpasiya siyang magjamming na lang kami sa mga tugtuginn ng parokya ni edgar. Saktong sakto na isa sa mga tropa niya ay musikero na laging may dalang gitara. Kahit na karamihan sa amin ay lasing na ay nagawa pa rin naming sumabay sa mga awiting hindi naluma ng panahon. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa masasayang awiting aming kinanta. Gaano man kasaya ang aming inuman ay darating pa rin sa punto na matitigil ito sa kadahilanang lasing na ang bawat isa sa amin. Gusto ko pa nga sanang bumili ng panibagong case ng alak ngunit hindi na ako hinayaan ni Kei.
“Ihahatid kana namin sa inyo” sambit ni Kei habang akay-akay ako sa paglalakad. Sobrang dami na ng nainom ko at halos hindi ko na maaninag ang nasa paligid ko dahil tila umiikot ang paningin ko.
“Wag na! Dito na ako matutulog” sabi ko sa kaniya dahil parang hindi na rin kayang lumabas ni Kei.
“Wala ka nang mahihigaan dito. Mukhang sa banyo na nga ako matutulog dahil nilasing mo lahat ng mga kaibigan ko” reklamo ni Kei at pansamanatalang pinaupo ako sa couch. Nagpaalam siyang magpapalit ng damit. Nagawa kong ipahinga ang aking sarili kahit limang minuto lamang. Sa muli kong pagdilat ay ngayon ko lang napansin na may natutulog pala sa couch na kinauupuan ko. Ang kanilang sala ay nagmistulang evacuation center sa mga taong nakahiga sa sahig. At sa pagbabalik ni Kei ay kasama na niya si Mama Yuki na nakakunot ang noo nang makita ako. Siya ang ina ni Kei na tinatawag naming Mama Yuki. Hindi niya totoong pangalan ang Yuki dahil kinuha niya lang ito mula sa bansag na japayuki ng mga chismosang kapitbahay nila. Imbes na ikahiya niya ang kaniyang nakaraan ay naging mas proud pa siya at ginamit niya itong alyas.
“Sino ang dahilan at bakit ka nagkakaganyan?” tanong sa akin ni Mama Yuki ngunit nginitian ko lang siya bilang tugon. Bigla na lang niyang kinurot ang aking pisngi dahil sa paglilihim ko sa kaniya.
“Sino ba yang babaeng yan at aahitan ko ang kilay?” dugtong pa niya habang nakapamaywang. Napatayo ako mula sa kinauupuan ko at binigyan ng mahigpit na pagyakap si Mama Yuki. Hindi na siya nagbigay pa ng komento at niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naging emosyonal at naiyak na lang ako habang yakap-yakap siya. Wala mang salita na lumalabas sa kaniyang bibig ay sapat na sa akin ang maramdaman ang kaniyang paghaplos sa aking likuran habang ako ay umiiyak. Sa ganitong sandali ay naaalala ko si Ate Pritz na madalas kong karamay ngunit naging mailap na ang aming pagkikita dahil sa pagiging abala niya sa kaniyang trabaho.
Muli nila akong pinaupo nang ako’y tumigil na sa pag-iiyak. Habang naghahanap ng taxi si Kei ay siya namang pagbibigay ng payo sa akin ni Mama Yuki. Panay lang ang pagtango ko bilang tugon dahil halos hindi ko na maintindihan ang kaniyang mga sinasabi dahil sa labis na kalasingan. Ilang sandali pa ay muli nila akong inakay upang alalayan sa pagsakay sa taxi. Sinamahan nila ako upang maihatid sa aking condo at habang nasa taxi ay nagawa kong makatulog dahil sa marahang paghaplos sa aking ulo ni Mama Yuki.
Muli akong nagising nang maramdaman ko ang pagkapa ni Kei sa aking katawan. Tila hinahanap niya ang susi sa aking condo kaya naman ako na mismo ang nag-abot sa kaniya nito. Hindi ko halos maidilat ang aking mata sa liwanag ng ilaw kaya naman nang makapasok kami ay mas pinili kong huwag nang buksan ang ilaw. Alam ko namang ihahatid lang ako ni sa kama ko at aalis na rin siya. Ngunit nang ihiga niya ako sa kama ay nahiga rin siya. Ang akala ko ay magpapahinga lang siya ngunit ilang sandali na ang lumipas ngunit hindi pa rin siya kumikilos. Marahan ko siyang siniko upang gisingin dahil baka kanina pa nag-aantay si Mama Yuki sa labas.
“Hoy Kei! Bumangon ka na diyan baka nag-aantay na si Mama Yuki sa labas” sambit ko ngunit pag-ungol lang ang tinutugon niya. Marami rin siyang nainom kagaya ko kaya siguro ay inantok na rin.
“I-text mo na lang si Mama Yuki kung dito ka matutulog” dugtong ko nang hindi pa rin siya kumikilos.
“Sinabi ko na” mahina niyang tugon at hindi ko na siya kinulit pa.
Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa aking likuran. Ito ang ayaw ko kay Kei kapag siya ang katabi ko dahil hindi siya nakakatulog kapag walang kayakap o niyayakap na bagay. Sinubukan kong alisin ang kaniyang mga kamay ngunit paulit-ulit niya lang itong binabalik.
“Sana binuksan mo man lang ang aircon bago mo ako yakapin” reklamo ko kay Kei.
“Bakit ka ba uminom?” tanong niya sa akin.
“Gago! Alam mo naman kung bakit di ba?” tugon ko habang nagkakamot ng leeg dahil nagsisimula nang uminit ang kwarto.
“Sabihin mo” malumanay niyang sabi.
“Eh di ba nga yung nililigawan ko na si Angelique ay may boyfriend na pala at sa dinami-dami ng pipiliin niya ay si Lance pa” inis kong tugon. Tila walang pinagkaiba ang pagdilat at pagpikit ng aking mga mata dahil parehong wala akong makita dahil sa kadiliman ng aking kwarto.
“Nagseselos ka?” pangungulit niya ngunit hindi ko siya sinagot. Hindi ko magawang makatulog dahil paulit-ulit niyang tinatanong sa akin ang salitang nagseselos. Kasabay ng pananakit ng aking ulo ay siya ring pag-ikot ng paningin ko.
“Oo na, tangina napakakulit mo!” inis kong tugon kay Kei at saka hinila ang kumot kahit na naiinitan ako.
“Nagseselos ka dahil may boyfriend na si Angelique o nagseselos ka dahil may girlfriend na si Lance?” dugtong pa niya ngunit hindi ko na ito sinagot. Gamit ang kumot ay tinakpan ko ang aking mukha at matakpan na rin ang aking tenga sa mga walang kakwenta-kwentang tanong ni Kei. Ngunit nagulat na lang ako nang maramdaman ko siya sa ibabaw ko.
“Anong sagot mo?” tanong niya sabay hila sa aking kumot at hinagis ito sa sahig. Halos hindi ko na maidilat ang aking mga mata dahil sa pinaghalong antok at hilo na aking nadarama tapos sasabayan ng trip ng gagong si Kei.
“Tangina mo Kei, trip mo ko?” inis kong sambit at buong lakas kong sinuntok ang dibdib niya. Para akong babae kong manapak dahil sa hina nito. Maging ang katawan ko ay nanlalambot na at kailangan nang magpahinga.
“Ayaw mong sumagot?” narinig kong sabi niya at lalo siyang dumagan sa ibabaw ko. Ang kaniyang hininga ay tumatama sa aking leeg na unti-unting nagbibigay ng kiliti sa akin. Ang masama pa ay yung belt niya ay tumatama sa hinaharap ko. Alam na alam ni Kei na sensitive ako kapag lasing kaya malamang ay sinasadya niya ito.
“Kei tigilan mo na to at inaantok na ako” reklamo ko habang tinutulak siya palayo sa akin ngunit tila mas lalo niyang binibigatan ang kaniyang sarili.
“Gago ka ayaw mong tumigil ahh” kinuha ko ang kaniyang kamay tapos pinatong ko ito sa aking hinaharap dahil alam kong mabilis siyang mandidiri at titigil na sa pangungulit sa akin.
“Ahh ganito pala ang gusto mo ahh” tugon niya at nagulat na lang ako nang ipasok niya ang kaniyang kamay sa loob ng aking salawal. Hindi ako makapaniwala na magagawa niyang hawakan ang aking ari.
“Gago ka Kei itigil mo to!” saway ko sa kaniya ngunit tila wala siyang narinig at patuloy siya sa paghimas sa aking ari na unti-unting nagagalit. Hindi ako makapaniwalang nagagawa sa akin ito ni Kei. Nagawa niya pang puwesto sa tabi ko upang mas maging komportable ang kaniyang ayos. Aaminin kong nagagawa naming magjakol ng sabay noong mga bagong tuli kami pero hindi namin hinahawakan ang ari ng isa’t isa. Hindi na siya nakontento at nagawa niya pang ibaba ang aking pantalon kasama na rin ang aking brief upang maging malaya siya sa paglalaro sa aking kaselanan.
“Kei itigil mo na to” pagmamakaawa ko sa kaniya habang nanatili pa rin ako sa aking katinuan. Ayokong masira ang aming pagkakaibigan dahil sa pagkakamaling ito.
“Sigurado ka bang gusto mo nang itigil ko to?” bulong niya sa akin at gamit ang kaniyang kamay ay bigla na lang niyang nilaro ang ulo ng aking ari. Ilang beses nagpaikot-ikot ang kaniyang mga daliri dito at bigla na lang niyang pinabilog ang kaniyang kamay pababa na nagbigay sa akin ng matinding sarap. Halos mapaigtad ako sa tindi ng sarap sa ginagawa niyang pagtaas baba sa aking ari.
Nagtatalo ang aking isipan at ang aking katawan. Nais ng aking isipan na itigil na ito dahil alam kong magkakailangan kami ni Kei pagkatapos nito ngunit ang aking katawan ay humihiling na ipagpatuloy ang ginagawa niya. Ilang taon na rin nang maranasan ko na may ibang humawak sa ari ko na bukod sa aking palad. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang aking ulo dahil sa tindi ng sensasyong akong nadarama. Bawat pagtaas-baba niya ay matinding ligaya ang dinudulot nito sa aking katawan. Kahit na kamay lang kaniyang gamit ay para na rin akong nakikipagtalik dahil sa sarap nito.
Sabi nila, matagal daw labasan ang mga taong lasing. Ngunit bakit ganito? Hindi pa nagtatagal ang pagpapaligaya sa akin ni Kei ay parang lalabasan na ako. Ilang beses na nga akong muntikang labasan sa tuwing lalaruin niya ang pinakaulo ng aking ulo hanggang sa dulo ng aking ari paibaba. Hindi ko na rin pinigilan ang aking sarili sa pag-ungol dahil masyado na akong nilamon ng aking pagnanasa. Habang tumatagal ay lalong pabilis ng pabilis ang kaniyang pagtaas-baba sa aking ari hanggang sa maramdaman ko na ang papalapit na pagsabog ng aking katas.
“Kei, lalabasan na ako” pagsaway ko sa kaniya upang maalis niya ang kaniyang kamay sa aking ari ngunit hindi niya ito ginawa.
Patuloy pa rin ang pagtaas-baba niya hanggang sa magpakawala ako ng malakas na ungol at kasabay nito ang pagbulwak ng aking katas. Tila hindi man lang siya nakaramdam ng pandidiri kahit na ang tamod ko ay kumapit na sa kaniyang kamay. Para bang sinimot niya lahat ng ilalabas ko dahil tumigil lang siya pagtaas-baba sa aking ari nang wala na akong mailabas. Matapos ang sandaling iyon ay mabilis akong dinalaw ng antok.
Kinabukasan ay nagising ako nang maramdaman ko ang lamig sa aking katawan. Tumingin ako sa gilid ng aking kama at wala na roon si Kei. Marahil ay maaga siya nagising at umalis na lang na hindi nagpaalam. Napamura ako nang maalala ko yung nangyari sa amin kagabi. Hindi ko tuloy alam kong papano kami mag-uusap dahil alam kong maiilang din siya. Ayokong iwasan si Kei lalong lalo na’t kailangan ko ng karamay ngayon at siya itong labis kong pinagkakatiwalaan. Pero hindi ko alam kung papano namin buburahin saming alaala ang mga nangyari. Para akong tanga sa kakaisip kung papano ko siya kakausapin at bigla na lang siyang tumawag sa aking number. Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi pero nilakasan ko ang loob ko at sinagot ito.
“Tangina ka! Anong oras na ba’t di ka pa nakakarating sa school?” bulyaw niya sa akin na para bang walang nangyari kagabi at normal siyang makitungo sa akin.
“Gago, bat di mo ako ginising? Sana man lang ay ginising mo ako bago ka umalis” inis kong sabi at nakiayon sa normal niyang pakikitungo sa akin.
“Ayos ahh..Ano ako nanay mo? Pupuntahan pa kita sa condo mo para gisingin ka ha?” pasigaw niyang sambit na para bang nanay talaga kong magsalita na labis kong ikinainis.
“Eh di ba nandito ka na rin naman kagabi sana man lang ay” hindi ko na naituloy ang aking dapat sabihin dahil baka maungkat ko yung nangyari kagabi.
“Ewan ko sayo basta magbihis kana lang. Wag kana maligo dahil wala ka namang girlfriend na aamoy sayo” pang-iinis niya.
“Wow tol, salamat sa pagpapaalala ahh” inis kong tugon at tanging pagtawa na parang nauulol ang kaniyang naging sagot kaya naman tinigil ko na ang kaniyang pagtawag.
Yung konsensya ko sa nangyari kagabi ay biglang nawala dahil sa pang-iinis niya sa akin. Kaaga-aga ay yun kaagad ang pinaalala sa akin. Idagdag mo pa tong ulo ko na ang sarap iuntog sa pader dahil hanggang ngayon ay kumikirot-kirot pa rin. Nagpasiya akong magtungo sa banyo para makapagshower dahil baka sakaling mawala ang aking hang-over. Nasa labas pa lang ako ng banyo nang marinig ko ang pagbuhos ng tubig mula sa shower. Naisip ko kaagad na marahil naiwanang bukas ni Kei ang shower bago siya umalis. Nagmadali akong buksan ang pinto upang mapatay ang shower sa takot kong tumaas ang bill ko sa tubig. Sa sandaling hawiin ko ang shower curtain ay tumambad sa akin ang katawan ng isang lalaking naliligo. Napamura ako sa gulat nang makita ko si Lance na naliligo sa aking banyo. Mabilis naman akong tumalikod nang mapagtanto kong hubo’t hubad siya ngayon.
Humingi ako ng paumanhin at mabilis na lumabas sa banyo. Takang taka ako kung papano siya nakapasok sa loob ng unit ko. Marahil ay pinapasok siya ni Kei bago ito umalis ng condo o kaya nabigyan siya ng spare key sa unit ko. Saka ko lang napagtanto na hindi dapat ako ang humingi ng tawad sa kaniya dahil siya itong pumasok nang hindi nagpapaalam kaya naman sinubukan kong katukin ang pinto ng aking banyo upang makausap siya. Ngunit bago ko man magawa iyon ay bigla na lang siyang lumabas sa banyo na walang saplot sa katawan.
“Tangina! Bat hindi ka nagdala ng tuwalya?” reklamo ko at sabay iwas sa pagtingin sa kahubdan niya.
“Nagmamadali na ako…at ano bang inaarte mo dyan eh nakita mo naman na to” tugon niya habang naghahanap ng tuwalya sa isang bag na nakapatong sa couch. Hindi ko man lang napansin na may bag palang nakapatong dun kanina pa.
“Ano bang ginagawa mo dito at papano ka nakapasok?” inis kong tanong at saka niya lang ako hinarap nang makapagtapis na siya ng tuwalya sa kaniyang baywang.
“Hello? Ikaw kaya ang nagpapasok sa akin dito. Pasalamat ka pa nga at inalalayan kita” napakunot noo ako dahil hindi ko mapagtanto ang kaniyang mga sinasabi.
“Huwag mong sabihing ikaw yung?” ang tangi kong nasabi nang mapagtanto ko ang mga nangyayari.
“Yep and you’re welcome” masaya niyang tugon habang nagsusuot siya ng underwear.
“And from now on ay dito na ako titira” dugtong niya na lalo kong ikinagulat. Hindi ko mapigilang mapamura sa isip-isip ko dahil tila sunod-sunod ang nagiging kamalasan ko.
Tangina, seryoso ba to?
Itutuloy…
A/N
: Heto na po ang inaantay niyong update. Gusto ko lang magpasalamat sa mainit niyong pagtangkilik sa story na to, lalong lalo na’t malapit na siyang magtapos. Gusto ko lang magshare kung papano ako nagsimula sa pagsusulat ng mga BL stories. Nagsimula ako sa
Living with my step brothers
noong December 2017. Una dahil naextend ang hiring date ko sa kasalukuyang kompanya ko at naisipan kong magsulat. Naging fan ako ni David dahil sa mga post niya sa IG at twitter at nainspired akong magsulat ng story na siya yung main lead kaya may
LWMSB
at nadugtungan
Can’t live without you
. Ito namang
TCOFK
ay nasulat ko dahil kasagsagan ng Meteor Garden na Chinese version nun. May scene na sobrang nakakakilig yung bromance ni Dylan Wang at Darren Chen kaya nainspired akong isulat to. Sumunod naman ang
Enigma
at nagmula ang inspiration ko sa panonood ng Wuxia/xiaxia series lalong lalo na ang The Untamed. Sobrang swak ng chemistry ni Wang Yibo at Xiao Zhan na kahit bromance lang ay sobra-sobra ang kilig ko. Ngayon ay may bago akong obsession kaya asahan niyong magiging bagong character sila sa isusulat ko.
BrightWin
CP o mas kilala
bilang
Sarawat at Tine from 2gether the series.
I’ll try my best na matapos ito bago o pagkatapos ng lockdown para mabigyan ng pansin yung mga pending stories ko. Magiging prioriy ko ang Enigma tapos irerelease ko na rin ang Gugma gikan sa bulan at pagkinaya ay isasabay ko na rin yung Seducing Jules o yung bagong story na pagbibidahan ng BrightWin couple. Wala akong ipapangako pero gagawin ko ang best ko.
Maraming salamat sa inyo.
P.S. Natapos kong isulat to dahil hindi na ako nakatulog matapos kong panoorin ang episode 7 ng 2gether the series kanina habang nakalive streaming ito. xD
Chapter 36: Helping each other
Dylan as Lance
Gunter’s POV
Alam na alam ko ang pinagkaiba sa boses ni Lance at Kei. Hindi ako pwedeng magkamali dahil alam kong si Kei ang kasama ko kagabi at hindi si Lance. Pero hindi ko maintindihan kong bakit nandito si Lance sa loob ng aking unit at siya pa mismo ang umamin na siya ang tumulong sa akin kagabi.
“Teka anong ibig mong sabihin na dito kana titira?” tanong ko habang patuloy pa rin siya sa pagbibihis.
“Hindi pa tapos yung renovation ng condo unit ko kaya dito muna ako” tugon niya matapos niyang makasuot ng polo.
“Gaano katagal?” dugtong ko na siyang nagpahinto sa kaniya sa kaniyang ginagawa na para bang hindi niya nagugustuhan ang pamamaraan ng pagtanong ko.
“A month, I guess?” sagot niya at saka ako tinalikuran para ayusin ang kaniyang bag.
“Isang buwan? Anong klaseng renovation ba ang gagawin sa unit mo at ganun katagal?” pangungulit ko dahil hindi talaga ako komportableng makasama siya sa iisang kwarto.
“Pinapalitan ko lahat ng furnitures at mga appliances. Pinapaayos ko ang wiring ng internet connection at maging ang set-up ng gaming station ko dahil plano kong maging game vlogger gaya ng idol ko na si James Wells” biglang nanumbalik sa aking alaala kung gaano kataas ang paghanga ni Lance kay James dahil dati ang mga videos niya madalas nitong panoorin kapag hindi niya matapos ang mission ng kaniyang nilalaro. Hinihikayat ko pa siya dati na maging game vlogger ngunit wala raw siyang panahon pero ngayon ay tila unti-unti na niyang inaabot ang mga bagay na matagal na niyang nais.
“Masyado naman atang matagal ang isang buwan?” hindi ko mapigilang magkomento.
“Kung kaya mong gawin yun in less than a month ay matutuwa akong i-hire ka” paghamon niya sa akin at siya’y naupo sa couch habang abala sa kaniyang cellphone.
“You can call dad kung may reklamo ka” dugtong niya at inabot sa akin ang cellphone niya na tumatawag kay Papa Kendrick. Mabilis kong pinindot ang end-call dahil ayokong maabala ang aming ama dahil sa kung ano-ano lang ang babanggitin ni Lance.
“Papasok na ako sa school and please save some space for me dahil maglalagay na rin ako ng mga damit ko sa drawer” huli niyang sabi bago siya lumabas ng pinto.
Naiwan ako sa loob ng aking condo unit na tulala at tila hindi maiproseso ng aking isipan ang lahat ng mga nangyayari. Una nalaman kong may nobyo pala ang babaeng matagal kong nililigawan at yun ay ang kapatid ko sa ama na si Lance. Pangalawa, ang labis na pinag-aalala ko na magkaroon kami ng ilangan ni Kei dahil sa nangyari kagabi ay hindi mangyayari dahil si Lance din ang taong tumulong sa akin para makaraos. At ngayon malalaman kong titira kami sa iisang kwarto?
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatunganga bago ko mapansin na 20 minutes na lang ang natitira bago magsimula ang una kong klase. Mabilis akong nagtungo sa banyo upang makaligo. Hindi ko na binigyan ng pansin ang tumatawag sa aking cellphone. Dumagdag pa sa kamalasan ko ay ang madulas sa banyo dahil sa labis na pagmamadali. Hindi ko napigilang mapahiyaw dahil sa labis na sakit na nadarama. Ang sama ng pagkakabagsak ko at ang balakang ko ang napuruhan. Halos hindi ko na magawang maligo ng maayos dahil sa kirot. Iika-ika akong lumabas ng banyo matapos kong maligo ng pahapyaw. Halos hindi ko maisuot ang aking pantalon dahil sa pananakit ng balakang ko. Hindi ko na mabilang kong ilang beses akong nagmura habang binabanggit ang pangalan ni Lance. Tila wala ng magandang nangyari simula nang magkita kaming muli.
Tiniis ko ang lahat para lang makapasok ako ngayon. Hindi ako pwedeng magpaliban ng klase dahil malaking kabawasan ito sa iniingatan kong grado. Kaya kahit na basa ang aking buhok at iika-ikang lumabas ng building ay tiniis ko. Kahit na iilang kanto lang ang layo ng school namin mula sa condo na tinutuluyan ko ay nagawa ko pa ring pumara ng taxi upang mapabilis ang pagdating ko sa school at dahil na rin sa hirap akong maglakad.
Sadyang hindi umaayon ang araw na ito para sa akin dahil pagdating ko sa school ay naiwanan ko pa ang id ko sa loob ng aking kwarto. Sobrang higpit pa naman ng patakaran sa amin pagdating sa mga walang id. Kahit na lumuhod ako sa harap ng gwardiya namin ay hinding hindi ako papapasukin. Buti na lang at sinalba ako ng mabait naming prof na medyo ka-close yung gwardiya. Hiningi nila ang pangalan ko at tinignan sa kanilang data base kung tutugma ang pagkakakilanlan ko at saka lang nila ako pinapasok. Hindi ko na kakailanganing magmadali ng husto dahil ang professor sa unang subject na papasukan ko ngayong araw ay kasabay ko ngayon.
“Ano bang nangyari sa yo at bat ganyan ka maglakad?” tanong sa akin ni Sir Lucas habang nakangiti na para bang may ginawa akong masama.
“Nadulas po kasi ako kanina sa banyo habang nagmamadaling maligo” tugon ko habang patuloy sa paglalakad.
“Hmm… nadulas nga ba?” pangungulit niya na lalong nagiging halata ang pagiging bakla niya sa uri ng kaniyang pananalita.
“Bakit po?” ayoko na sana patulan ang pang-aasar niya kaso wrong timing talaga.
“Nakita ko sa fan page niyo ni Kei na magkasama kayong nag-inuman kagabi ah” napailing na lang ako nang marinig ko ang tungkol sa fan page na yan na ilang beses ko nang nireport. Iniisip niya pa ata na may nangyari sa amin ni Kei. Pero yung totoo ay ganun din ang inisip ko kagabi ngunit si Lance pala ang tumulong sa akin. Muli akong napailing dahil sa pagbalik ng aking alaala sa sandaling iyon.
“Ewan ko sa inyo Sir, puro kayo kalokohan” ang tanging naisagot ko na kaniyang ikinatawa. Lumalabas kasing guilty ako dahil sa naging reaksyon ko pero wala akong pakialam kung ano man ang isipin niya dahil nagsasabi naman ako ng totoo.
Halos hindi rin ako makapagfocus sa klase dahil sa pananakit ng aking balakang. Naging tampulan pa ako ng tukso dahil ilang beses akong sinabihan ni Sir Lucas na pumunta sa clinic upang mapatingnan yung balakang ko. Syempre kahit maayos ang kaniyang pagkakasabi ay magkakaroon ito ng malisya sa mga kaklase ko dahil sa panay na pagngisi ng silahis kong professor.
Nagawa kong indahin ang pananakit ng aking balakang kahit na palipat-lipat ng building para lang makadalo sa iba’t ibang subjects na mayroon ang kurso ko. Hindi ko inaasahang magiging sikat ako sa school dahil sa tambalan kuno namin ni Kei. Para akong artista na naglalakad sa campus at panay ang kuha ng picture sa akin ng mga estudyanteng hindi ko naman kilala. May mga grupo pa ng mga estudyante na sumisigaw ng “Susu na P!!”. Umiwas na lang ako ng tingin dahil hindi ko maintindihan kong anong ibig nilang sabihin.
“Anong sususuhin?”
Nang sumapit ang lunch break ay hindi ko pa rin nakikita ang anino ng magaling kong best friend na si Kei. May usapan kaming sabay na kakain ng lunch dahil kailangan kong linawin sa kaniya ang mga nangyari kagabi. Ngunit tatlong beses na akong tumatawag sa kaniya ay hindi niya pa rin magawang sagutin ang tawag ko hanggang sa may maramdaman akong mabigat na kamay sa aking balikat.
“Kamusta na yung baby natin?” pambungad niya at kaagad ko siyang binatukan.
“Tangina kanina pa kita tinatawagan tapos kagaguhan ang ibubungad mo sa akin!” tugon ko at napakamot ulo naman siya kaagad.
“Ang akala ko pagbuntis hindi na nireregla eh bat ang init-init ng ulo mo?” napakuyom ang kamao ko sa inis dahil tila wala siyang balak na tantanan ako sa pang-iinis niya.
“Biro lang pre, eto naman. Alam kong gutom ka na kaya mainit ulo mo” sabi niya at umakbay sa akin pero kumalas ako dahil pinagtitinginan na naman kami ng mga tao. Nanguna na ako sa kaniya sa paglalakad patungo sa cafeteria habang humahabol siya sa aking likuran.
“Aakayin na nga kita para hindi ka mahirapan eh” sabi niya habang kumakaway sa mga fans niya na lalong nagpa-init sa ulo ko. Aakalain mong sincere yun pala ay gusto lang magfan-service ni gago.
Hindi ko na siya binigyang pansin at pumasok na ako sa loob ng cafeteria. Ang akala ko ay makakakain ako ng matiwasay dito pero nagkamali ako dahil mas malala pala dito. Ang daming mga matang nakatingin sa bawat hakbang na ginagawa namin ni Kei. Mabuti na lang at nakakita ako ng pwesto sa may bandang dulo ng cafeteria kung saan magagawa naming makapag-usap ng maayos ni Kei. Ngunit kahit na nasa isang sulok na kami ay hindi pa rin naalis ang paningin ng mga tao sa aming dalawa. Nagpasiya akong si Kei na lang ang oorder ng aming kakainin dahil sa hirap na rin akong kumilos at sobrang nakakailang ang tinginan ng mga tao sa amin.
Habang nag-aantay sa aming kakainin ay binuksan ko ang data ng phone ko. Napamura ako ng mahina dahil sa ingay ng phone ko dahil sa sunod-sunod na notification sa cellphone ko. Ang daming tags at mentions sa akin sa Facebook, Instagram at Twitter. Sinubukan kong tingnan ang mga tags sa akin at yun mga post tungkol sa aming dalawa ni Kei. May gumawa pa ng thread para masuportahan ang theory nila na may nangyari sa aming dalawa ni Kei kagabi. Simula sa inuman hanggang sa malasing ako at hinatid sa aking condo. Ang pinagtataka ko lang ay kung saan nila nakuha ang mga pictures na to. Nagdeactivate ako ng Facebook at ginawa kong private ang Instagram at Twitter ko dahil sa dami ng mga mga nagmemessage sa akin.
Nagulat ako nang biglang umingay ang cafeteria dahil sa mga pigil na hiyawan ng mga kababaihan. Napalingon ako sa kinaroroonan ni Kei dahil pakiramdam ko ay may ginawa na naman siyang kalokohan ngunit maging siya ay walang kaalam-alam sa nangyayari. Paglingon ko sa dereksyon kung saan nakatingin ang mga tao ay kaagad kong nakita si Lance kasama si Angelique. Halos abot tenga ang mga ngiti ni Angelique habang nakayapos siya sa braso ni Lance. Bigla kong iniwas ang aking paningin sa kanila nang maghanap sila ng mauupuan. Sakto ang dating ni Kei dala-dala ang pagkain namin. Pinaupo ko siya banda sa may harapan ko para makaiwas sa paningin ni Lance. Kakasimula pa lang namin sa pagkain nang marinig ko ang pamilyar na boses.
“Pwede ba kaming makishare sa table?” sabi nito at tumingin lang ako ng derecho kay Kei habang sumesenyas na huwag pumayag.
“Ahh sige lang pre, malaki naman tong table” ang naging sagot ni Kei kaya naman inapakan ko ang kaniyang paa dahil sa inis ko. Napangiwi ako sa kirot dahil sa pwersang ginawa ko ngunit si Kei ay hindi napigilan ang sarili.
“Owww” malakas niyang sambit na pumukaw sa atensyon ng dalawa. “May problema ba pre?” tanong ni Lance at tumingin sa akin si Kei na para bang minumura niya ako ng malakas sa kaniyang titig. Ganun din ang naging tugon ko sa kaniya para kaming nagsisigawan sa pamamaraan ng masasamang tingin namin sa isa’t isa.
“Ahh wala pre, nakaramdam lang ng ngalay yung binti ko” tugon niya kay Lance at muling binaling ang tingin sa akin.
“Wala ka bang balak na pansinin ang utol mo?” dugtong ni Lance kaya naman napilitan akong lingunin siya.
“Uy ikaw pala yan Lance” tugon ko na kahit sino mang makarinig ay alam nilang pekeng peke ang pagkakabanggit ko.
“Angel” turo niya sa girlfriend niya bago ko pa man bawiin ang tingin ko.
“Hi Angelique” kagaya ng pagkakasabi ko kay Lance ay mas naging peke ang reaksyon ko sa kaniya.
Bago pa man magsalita si Lance ay mabilis akong nagtanong ng walang kabuluhang bagay kay Kei. Mabuti naman at hindi tatanga-tanga itong si Kei at mabilis niyang nakuha ang nais kong mangyari. Gusto kong palabasin na abala kaming dalawa upang hindi na kami istorbohin ni Lance. Ang problema lang ay halos hindi kami magkaintindihan dahil sa ingay ng mga taong nasa loob ng cafeteria. Pinalipat ko si Kei sa aking kanang pwesto upang magkatabi kami. Nasa kaliwang bahagi ko nakaupo si Lance, mabuti na lang at malaki ang mesa kung saan magkakasiya ang limang katao sa magkaharap na upuan. Kaya naman kahit nasa kaliwang bahagi ko si Lance ay hindi niya maririnig ang pinag-uusapan namin ni Kei dahil halos dalawang katao ang pagitan namin sa isa’t isa.
“Sabihin mo nga sa akin ano ba talaga ang nangyari kagabi?” tanong ko kay Kei habang nakaakbay sa kaniya upang mas lalong mapalapit ang mukha sa kaniyang tenga. Hindi ko na pinansin ang mga taong kumukuha ng aming pictures dahil ang mahalaga sa akin ay ang magkaroon ng linaw ang nangyari kagabi.
“Wala ka ba talagang maalala?” tugon niya matapos niyang lunukin ang kaniyang kinakain. Gusto ko siyang batukan dahil sa sinagot niya kung hindi lang kami pinagtitinginan ay malamang nagawa ko na.
“Magtatanong ba ako kung may alam ako?” inis kong tugon na ikinatawa niya ng mahina. Lalo tuloy kaming pinagtinginan ng mga tao dahil sa naging reaksyon niya.
“Uminom tayo, nalasing ka, hinatid ka namin ni Mamayuki sa condo tapos ayun” mabilis niyang tugon at bumalik sa pagkain.
“Gago eh bakit nandun si Lance pagkagising ko?” tugon ko at medyo natagalan siya bago makasagot.
“Sorry pare, ayoko talagang makialam sa inyo. Noong hinatid ka kasi namin ni mama ay naabutan naming naghihintay sa harap ng pinto mo si Lance” sabi niya at sabay kaming napalingon sa kinauupuan ni Lance na masayang nakikipagkwentuhan kay Angelique bago niya itinuloy ang pagkwento.
“Nag-alok si Lance na siya na daw ang bahalang umasikaso sayo. Sa katunayan ay ayokong gawin yun dahil sa nangyari kaso nagpagkilala siya kay mama na kapatid mo raw siya. Alam mo namang malambot ang puso non sa mga kagaya ni Lance” sabi niya bago siya uminom ng tubig at ako nama’y napahawak sa aking ulo.
“Walang hiya binenta ako sa demonyo” hindi ko napigilang sambitin.
“Sinong demonyo?” napalingon ako sa kaliwang bahagi ko at laking gulat ko dahil sobrang lapit ng mukha sa akin ni Lance. Dahil sa ginawa niya ay bigla na lang akong napaurong sa kanang gawi na naging dahilan upang maibuga ni Kei ang kaniyang iniinom.
“Anong kalokohan ba ang pinaggagawa mo?” tanong ni Kei matapos siyang mabasa ng tubig na iniinom niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa kalagayan niya.
“Sorry-Sorry” ang tangi kong nasabi habang nakayoko at pinipigilang matawa.
“Pupunta muna ako sa banyo para patuyuin to. Wag kang aalis diyan ahh!” sabi ni Kei na ikinatuwa ng mga kababaihang malapit sa amin.
“Tangina anong nakakakilig dun?” sabi ko sa sarili ko.
“May namamagitan ba sa inyo ni Kei?” nakalimutan kong nasa tabi ko pa rin pala si Lance.
“Haa.. alam mo namang best friend ko si Kei” tugon ko habang iniiwasan ang kaniyang tingin.
“Sigurado ka?” pangungulit niya pero hindi ko na siya sinagot dahil kanina pa siya tinatawag ni Angelique at di naman niya magawang pansinin.
Umurong ako sa kinauupuan ni Kei kanina para mapalayo kay Lance. Wala na rin akong makakain sa pagkain namin dahil nabugahan na ito ng tubig na iniinom ni Kei kanina. Naglagay ako ng earphone sa magkabila kong tenga at nanood ng mga random videos sa youtube mawala lang ang pagkabagot ko habang inaantay kong dumating si Kei. Sa kalagitnaan ng aking panonood ay nagulat na lang ako nang makita ko sa harapan ko si Angelique. May binanggit siya ngunit hindi ko narinig kaya naman mabilis kong tinanggal ang earphones sa aking tenga.
“Ha?” ang tangi kong nasabi at lumingon ako sa kinauupuan ni Lance ngunit wala na siya roon. Tumingin ako sa paligid upang hanapin siya ngunit nabigo ako.
“Si Lance ba? Nagpunta siya ng banyo” tugon ni Angelique. Halos hindi niya magawang tumingin sa akin ng derecho. Gusto ko siyang murahin sa panloloko niya sa akin. Gusto ko siyang tanungin kong bakit niya ako ginago at kung bakit niya ako pinaasa ng ganun katagal. Pero sa tuwing masisilayan ko ang maamo niyang mukha ay hindi ko magawang isumbat sa kaniya ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko.
“Please naman Gunter, kausapin mo ako” pagmamakaawa niya sakin at nagawa niya pang abutin ang aking kamay na kaagad ko namang binawi.
“Wala tayong dapat pag-usapan!” tugon ko at nagmadali akong tumayo.
Hindi ko pinahalata ang sakit na naramdaman ko nang tumayo ako dahil sa aking balakang na lalong lumalala ang pananakit. Sinubukan kong humakbang ng dahan-dahan at sa bawat hakbang ay tila pasakit ang dinudulot nito sa akin. Bago ako makalabas ng cafeteria ay nakasalubong kong papasok si Lance. Napatigil ako sa paglalakad dahil nagawa niya akong hawakan sa kanang braso.
“Are you okay?” tanong niya sa akin nang mapansin niya hirap akong maglakad.
“Ayos lang ako. Hinahanap ka nga pala ni Angelique” pagsisinungaling ko at marahan kong inalis ang kaniyang kamay at nagpatuloy sa paglalakad. Magsasalita pa sana siya ngunit sumigaw na ako upang makuha ang atensyon ni Kei na may kausap sa kaniyang cellphone. Mabuti na lang at hindi na siya nangulit nang lumapit sa akin si Kei.
“Ang sakit talaga ng balakang ko” reklamo ko kay Kei na ngayon ay parang balisa.
“Anong nangyari sayo?” tanong ko dahil parang wala siya sa sarili.
“Pasensya na pre hindi kita masasamahan ngayon sa clinic” tugon niya habang nagkakamot ng ulo.
“Gago ano iiwan mo lang ako dito?” sabi ko habang siya ay hindi malaman ang gagawin.
“Sorry talaga kailangan ako ni Macy ngayon” tugon niya at nagmamadaling umalis.
“Promise babawi ako!” sigaw niya nang nasa malayo na siya. Itinaas ko na lang ang gitnang daliri ko bilang tugon sa kaniya.
Hindi ako makapaniwala na magagawa niya akong iwan lalong lalo na sa lagay ko ngayong hirap na hirap maglakad. Hindi ko mapigilang mapamura dahil sa bawat hakbang ko ay palala ng palala ang sakit ng balakang ko. Parang hindi ko kakayaning umabot sa clinic dahil sa lala ng pananakit. Uupo sana ako sa gilid nang may humawak sa aking braso.
“Tara na sasamahan na kita sa clinic” napalingon ako sa pamilyar na boses at hindi ako nagkakamali na si Lance ang humawak sa akin.
“Huwag na kaya ko naman” pagmamatigas ko at nang tatanggalin ko ang kaniyang kamay ay bigla na lang humigpit ang pagkakahawak nito.
“Huwag na ngang matigas ang ulo. Nahihirapan ka ngang maglakad oh!” hindi ko inaasahang pagtataasan niya ako ng boses. Makalipas ang dalawang taon ay ngayon ko lang muli nakitang magalit si Lance sa akin.
“Ehh baka maghintay si Angelique” tugon ko at tumingin sa paligid upang hanapin kong nakabuntot ba sa kaniya ang kaniyang nobya.
“Nasa banyo yun ngayon para magmake-up. Matatagalan yun kaya magagawa pa kitang ihatid sa clinic” sabi niya habang hawak-hawak niya pa rin ang aking braso na para bang wala siyang balak na pakawalan ako.
“Seryoso ako, ayos lang ako. Babae si Angelique, wag mo siyang pag-antayin” pagmamatigas ko at bigla na lang niyang hinawakan ang magkabilang pisngi.
“Subukan mo pang magmatigas, hahalikan kita dito mismo” Bigla akong napalunok laway dahil sa kaniyang pagbabanta. Hindi man marinig ng mga tao ang pinag-uusapan namin ay makikita naman nila ang gagawin sa akin ni Lance.
“Huwag ka namang magbiro ng ganyan alam mo namang” hindi ko magawang banggitin sa kaniya ang pagiging magkapatid naming dalawa.
“Kilala mo ako kung kelan ako nagbibiro at hindi” lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa aking pisngi na para bang handang handa na siyang gawin ang binabanta niya sa akin.
“Oo na” ang tanging kong sagot upang bitawan niya ang aking pisngi. Ayokong pag-usapan kami ng mga tao lalong lalo na’t magiging eskandalo ito kapag nalaman nilang magkapatid kami sa ama.
Nagawa niya akong alalayan sa paglalakad na kung saan ay hindi ako napupwersa ng husto. Kahit papano ay nagagawa kong ihakbang ang aking mga paa ng hindi nakakaramdam ng matinding sakit. Habang naglalakad kami sa hallway malapit sa clinic ay may mga grupo ng mga bakla na masasabi mong fan ni Kei. Humarang sila sa dinaraanan namin at nais kunin ang aming sagot sa kanilang katanungan. Nagulat ako dahil hindi man lang nila hiningi ang permiso namin bago sila magtanong. At ang unang tinanong nila ay kung magkaano-ano kami ni Lance. Nagtaka ako nang magpresenta si Lance na sumagot at pinasandal muna ako sa may pader. Ang akala ko talaga ay game na game siyang sumagot ngunit nagulat na lang kami nang agawin niya ang camera at binalibag niya ito sa sahig. Mabilis nabasag ang camera at hindi pa siya nakontento at nagawa niya pa itong apak-apakan.
“Nakikita niyo to? Ganito ang gagawin ko sa pagmumukha niyo kapag hindi niyo pa kami tinantanan!” galit na sambit ni Lance na kung saan nanakbo ang iba nilang kasama palayo dahil sa takot.
“Teh kakabili ko lang niyan kahapon” naiiyak na sambit ng isa sa dalawang kataong natitira sa grupo.
“Ano hindi pa kayo aalis? Gusto niyo bang ihampas ko pa sa pagmumukha niyo ito?” bigla na lang pinulot ni Lance ang wasak na camera at nagtangkang ibato sa dalawa ngunit mabilis akong kumilos upang pigilan siya.
Mabuti na lang at nanakbo na ang dalawa papalayo. Ilang beses ko nang nakita ang masasamang ugali ni Lance at hindi pa ito yung pinakamalala kaya naman mabuti na lang at umalis na sila. Bago pa man lumapit sa akin si Lance ay nagawa niyang itapon sa basurahan ang camera na hawak niya. Muli niya akong inakay upang maipagpatuloy namin ang paglalakad hanggang sa marating namin ang clinic. Sinabihan ko siyang mauna na dahil kinakailangan pa akong sumailalim sa x-ray test kung may nabali bang buto sa akin. Maayos naman siyang nagpaalam sa akin at sinabing i-text siya kung may kailangan ako sa kaniya. Napailing na lang dahil hindi ko rin naman magagawa iyon dahil wala naman akong number niya.
Matapos makuha ang resulta ng x-ray ay masayang binalita sa akin ng doctor na wala naman akong tinamong malala bukod sa pamamaga ng aking balakang. Niresetahan niya ako ng painkillers na siyang iinumin ko sa loob ng apat na araw. Kinakailangan ko lang daw ang magpahinga at hindi mapwersa upang mapabilis ang aking paggaling. Nagpasalamat ako sa doktor na umasikaso sa akin bago ako lumabas ng clinic. Sa aking paglabas ay hindi ko inaasahang makikita si Lance.
“Kamusta ang resulta?” tanong niya sa akin na para bang may malala akong sakit.
“Ahh normal naman daw at kailangan ko lang uminom ng gamot at magpahinga” tugon ko at nagulat na lang ako ng akayain niya akong muli.
“Teka saan mo ako dadalhin?” tanong ko sa kaniya at tumigil ako sa paghakbang.
“Uuwi na tayo para makapagpahinga ka” tugon niya at maingat niya akong hinila upang makapaglakad.
“Papano si Angelique?” tanong ko na ikinasama ng kaniyang mukha. Itinikom ko na lang ang aking bibig at sumama sa kaniya dahil gusto ko na ring magpaghinga. Mabuti na lang at wala na akong natitirang klase sa araw na to kaya naman magagawa kong magpahinga.
Hindi na ako nagtaka kung bakit siya may kotse sa school dahil alam kong hinding hindi siya papasok kapag wala siyang sariling sasakyan. Hindi ko na siya kinausap dahil napakainit ng ulo niya. Hindi ko alam kung nadadamay ba ako sa ginawa ng mga fans ni Kei kaya ang init din ng ulo niya sa akin.
Maging sa pagdating namin sa condo ay tila hindi pa rin humuhupa ang init ng ulo niya na para bang galit na galit siya sa mundo. Kamuntikan na niyang patulan ang bata na pumindot sa lahat ng floor kaya natagalan kaming makarating sa aking kwarto. Buti na lang at napigilan ko siya dahil tiyak malaking gulo ang kalalabasan nito. Kaya naman pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng unit ko ay kaagad ko siyang tinanong sa kung anong kinaiinit ng kaniyang ulo.
“Napakakulit mo kasi!” mariin niyang tugon na para bang kinokompirma niya na ako talaga ang dahilan ng init ng kaniyang ulo.
“Bakit ako, ano bang ginawa ko sayo?” mabilis kong tugon.
“Puro ka Angelique, bakit may gusto ka ba sa girl friend ko?” tila nanikip ang aking dibdib nang marinig ko ang pagbanggit niya kay Angelique bilang nobya.
“Wa-wala, ang sa akin lang ay ayokong paghintayin mo siya” ang tanging naisagot ko dahil hindi ko rin alam kung papano ko ipapaliwanag sa kaniya.
“Okay fine, aalis na lang ako! Pupuntahan ko si Angelique dahil minamasama mo naman ang pagtulong ko!” sambit niya at padabog niyang sinara ang pinto.
Napakamot na lang ako sa ulo dahil tila palala ng palala ang gulo na nangyayari sa buhay ko. Nauntog pa ako sa pader nang magkamali ako sa pagsandal sa aking kama. Palala ng palala ang katangahan at kamalasan ko. Idagdag mo pa ang muling pagkirot ng aking balakang. Hinanap ko kaagad ang aking bag upang hanapin ang maliit na envelop na naglalaman ng resetang gamot ni doc at dalawang pirasong pain killer. Saka ko lang naaalala na nailagay ko nga pala ito sa backseat ng kotse ni Lance. Aba ang malas talaga! Humiga na lang ako sa aking kama at pinilit na makatulog upang makalimutan ang sakit. Ngunit ano man ang aking gawin ay hindi ko magawang antukin dahil sa pagkirot nito.
Marahan akong kumilos upang makuha ang Nintendo switch lite ko na nakatago sa maliit na drawer malapit sa aking kama. Inaliw ko na lamang ang aking sarili upang kahit papano ay makalimutan ko ang pananakit ng aking balakang. Wala rin naman akong magagawa kundi ang antayin si Lance na makauwi upang makuha ko ang bag ko na nasa kotse niya. Malamang matatagalan yun sa pag-uwi kaya matatagalan din ang pagtitiis ko. Tinuon ko na lang ang aking sarili sa paglalaro para hindi ko mamalayan ang oras ngunit kalahating oras pa lang ang nakakalipas nang muling bumukas ang pinto.
“Ohh bakit ka bumalik kaagad?” tanong ko kaagad nang makita ko si Lance.
“Huwag mo akong simulan!” tugon niya at hinagis sa akin ang maliit na paper bag na dala niya.
Natuwa ako nang makita kong naglalaman ito ng mga gamot na nireseta sa akin ni dok. Ngunit binalaan niya ako na huwag munang uminom hanggang hindi pa siya natatapos sa pagluto ng ulam. Syempre hindi ako naniwala na marunong siyang magluto pero tinikom ko na lang ang aking bibig at hindi na nagbigay ng komento dahil baka kung saan pa ako pulutin. Hindi ko lubos maiwasang mapatingin sa kinaroroonan niya habang nagluluto siya. Mula sa pagsalang niya ng sinaing, paghiwa ng mga rekados at sa paghalo niya nito. Masasabi kong may alam siya sa pagluluto ngunit hindi ko makompirma kung masarap ba ito.
Natigil lamang ako sa paglalaro nang maglagay siya ng tray sa tabi ko. Hindi ko napigilang mapangiti dahil mukhang masarap nga itong sinigang na baboy na kaniyang niluto. Nagpasalamat ako sa kaniya bago ko sinimulang tikman ang hinanda niyang pagkain. Hindi ko inaasahang magiging ganito ito kasarap na para bang ulam na mabibili mo isang sikat na resto.
“Kailan ka pa natutong magluto?” tanong ko bilang pagpuri sa sarap ng kaniyang niluto.
“Simula nang iwan mo ko” mahina niyang tugon.
“Haa?” pagliliwanag ko dahil tila mali ang pagkakarinig ko.
“Wala, ang sabi ko ay kumain ka na diyan para makainom ka na ng gamot” tugon niya at hindi na ako nangulit pa.
Naging maayos ang pakikitungo niya sa akin matapos kaming kumain. Hindi siya tumabi sa akin sa kama dahil inaalala niyang baka masagi niya raw ako. Pabor sa akin dahil hindi ko iisiping may katabi ako sa kama at mapapadali ang pagtulog ko. Sa sumunod na araw ay nagpaliban muna ako sa klase dahil kinakailangan ko pang magpahinga. Si Lance naman ay nanatili sa kwarto ko dahil tinatamad daw siyang pumasok. Hindi na ako nangulit tungkol sa kanila nila ni Angelique dahil nauuwi sa pagtatalo ang aming usapan sa tuwing mababanggit ko ang pangalang iyon. Sa loob ng araw na iyon ay unti-unting bumubuti ang aking kalagayan dahil nasa tamang oras ang pag-inom ng aking gamot at hindi napupwersa ang aking katawan. Dumating ang isa sa kinakatakot ko nang sumapit ang gabi nang muling tumabi sa akin si Lance sa aking kama.
“Gon, tulungan mo naman ako” sabi niya na ipinagtataka ko dahil halos kalahating oras na kaming nakahiga sa kama upang makatulog.
“Tulungan saan?” tanong ko at nagulat na lang nang ipahawak niya sa akin ang kaniyang ari.
“Gaya ng pagtulong ko sayo. Sige na sobrang tigang na tiga ako ngayon” pagmamakaawa niya na tila kakapusin ng hininga.
“Umayos ka nga! Tandaan mo magkapatid tayo” hindi ko mapigilang sabihin at binawi ko ang aking kamay.
“Tutulungan mo lang naman akong makaraos, anong mali dun?” inis niyang tanong sa akin.
“Mali yun dahil magkapatid tayo” mariin kong tugon at iniwas ang tingin sa kaniya.
“Napakadamot!” ang huli kong narinig niyang sinabi ngunit hindi ko na ito binigyang pansin.
Hindi nagtagal nang mapansin ko ang panaka-nakang ilaw na nagmumula sa kaniyang cellphone. Sa aking pagtataka ay muli kong nilingon kung anong ginagawa niya. Muntik na akong mapamura nang makita kong kinukuhaan niya ng litrato ang kaniyang ari.
“Siraulo ka! Bat mo ginagawa yan?” sabi ko sabay iwas sa hubad niyang katawan.
“Nagsend kasi sa akin ng pictures ng kaniyang boobs si Angelique kaya naman ito ang irereply ko” masaya niyang tugon.
“Huwag mo naman ganyanin si Angelique, resputuhin mo naman ang babae” pagsuway ko na hindi niya ikinatuwa.
“Wag mong pakialaman ang personal na buhay ko” ang tangi niyang sinagot at hindi na ako binigyang pansin.
“Ano kayang magandang anggulo ang ise-send ko?” tanong niya sa sarili habang pinipili ang malaswang larawan na nais niyang ipadala kay Angelique.
Hindi ko natiis at inagaw ko ang kaniyang cellphone upang mapigilan siya sa kaniyang binabalak.
“Anong ginagawa mo?” reklamo niya nang agawin ko ang cellphone niya.
“Buburahin ko ang mga pictures na to dahil ayokong ganito ang maging trato mo kay Angelique” tugon ko at tinangka niyang agawin ang kaniyang cellphone sa akin.
Sa pagpupumilit niyang makuha ang cellphone ay nahawi niya ito kaya naman nalaglag ito sa sahig. Nagmistulang karera ang nangyari sa aming dalawa nang malaglag ito sa sahig at nagpaunahan pa kami sa pagdampot nito. Hindi ko alintana ang kirot sa aking balakang at ang tanging nasa isipan ko ay ang mabura ang mga larawan. Dahil mas malapit ako kaya napagtagumpayan kong makuha ang cellphone. Ngunit pilit itong inagaw ni Lance sa akin kaya naman napadapa ako sa sahig. Nakalimutan niya yatang may iniinda pa rin akong sakit. Hindi siya nagpatinag at dumagan pa siya ng husto nang tumanggi ako sa pag-abot ng cellphone sa kaniya.
“Lance umalis kana ang sakit na ng balakang ko!” pagsuway ko habang nilalayo sa kaniya ang cellphone.
“Ibigay mo muna yung cellphone” tugon niya na mabilis kong tinanggihan.
“Ayokong ganito ang pagtrato mo kay Angelique” mariin kong pagtanggi at lalo niyang binigatan ang pagkakasampa niya sa aking likuran. Bigla na lang akong may naramdaman sa aking pang-upo.
“Tangina Lance, huwag mong idikit yan!” sabi ko nang maramdaman ko ang kaniyang ari sa bandang pang-upo ko.
“Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo binibigay ang cellphone ko” tugon niya at lalo pa niyang diniinan na nagpainit sa aking tenga at pisngi.
Sa hindi inaasahang sandali ay bigla na lang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Kitang kita ng taong pumasok ang pangyayari sa amin ni Lance. Papaano ko maipapaliwanag ang sandaling hubo’t hubad ang aking kapatid na nakapatong sa ibabaw ko habang ako nama’y nakadapa sa sahig?
Itutuloy…..
A/N:
Ayan pinaabot ko ng 5k words para hindi kayo masyadong mabitin. LOL!
Ayoko na sanang magsalita pa tungkol dito pero habang lumilipas ang linggo ay nagiging toxic na naman. Alam kong nasasabik kayo dahil nga sa ECQ at wala masyadong mapaglibangan kaya inaapura niyo ako sa update at minsan hindi na kayo nagiging magalang sa paraan ng pakikiusap niyo. Gusto ko lang ipaalala na nasa pilipinas din po ako. Parehas po tayong nakakaranas ng ECQ. Nababagot, natatakot at naguguluhan. Karamihan sa mga writers ay emotionally driven sa pagsusulat. Minsan mood nila ang nagdadala kung papano nila matatapos ang isang chapter. Sa loob ng linggo na to ay hirap na hirap akong matapos ito dahil sa dami kong iniisip. Una nasa Pampanga ang magulang at mga kapatid ko dahil naabutan sila ng lockdown doon. Araw-araw kong iniisip ang safety nila at kung papano nila nairaraos ang pera na naipapadala ko. Iniisip ko rin ang kapakanan namin dito sa metro manila dahil palala ng palala ang sitwasyon. Kaya sana bago kayo magcomment/magmessage/magdemand ay sana inaalala niyo rin ang kalagayan ko. Escape from the reality ang pagsusulat ko ng kwento. Binabahagi ko ang karampot na talento ko sa pagsusulat para mapasaya kayo. Habang tumatagal ay nahihirapan na akong pasiyahin kayo sa totoo lang. I’m trying my best na maging stable ang pag-iisip ko sa pag-aliw sa sarili sa panonood ng mga palabas at pagsusulat kaso nagiging toxic na eh. Nakakawalang gana. Ngayon lang ako nag-update dahil hindi ko nalilimutan na holy week ngayon at sana nirerespeto pa rin iyon ng karamihan sa atin. Nakikiusap ako na huwag naman ngayon dahil pinipili ko pa ring magbigay ng saya kahit na ganito ang sitwasyon natin. Pasensya na dahil sobrang sensitive ko ngayon.
Praying for your safety and please pray for our country to heal.
Happy Easter
Chapter 37: Faker
Darren as Gunter
Gunter’s POV
Hindi ko alam kung papano ipapaliwanag sa taong nakasaksi sa aming kalagayan ni Lance. Kahit na sino mang makakita ng kasalukuyang ayos namin ni Lance ay iisiping may ginagawa kaming milagro. Si Lance na hubo’t hubad na nakapatong sa aking likuran habang ako naman ay nakadapa sa sahig. Kung alam ko lang na magpapang-abot sa ganito ay hinayaan ko na lang sana siyang gawin ang nais niyang mangyari.
“Wow naman!” sambit ng taong nakakita sa aming ayos. Mabilis siyang tumalikod nang mapansin niyang nakahubo si Lance.
“Ano to, Balak niyong markahan ang bawat sulok ng kwarto sa mga sexperience niyo?” dugtong pa niya. Kahit na hindi ko masyadong naaninag ang kaniyang mukha ay alam na alam ko kung kaninong boses ito at kung hindi ako nagkakamali ay siya ang nag-iisang pinsan ni Lance na maituturing ko na ring pinsan.
Matapos magsalita si Kuya Eisen ay bigla namang tumayo si Lance at nagtungo sa kama upang kunin ang kumot upang matakpan ang kaniyang katawan. Ako nama’y inayos ang sarili bago ko binuksan ang ilaw. Nang masiguro niyang nasa maayos na kaming kalagayan ay saka lang muling humarap sa amin si Kuya.
“Ano ba kasing ginagawa mo dito?” tanong ni Lance kay Kuya habang nagkakamot ng ulo.
“Kanino ngang idea ulit ang pagbisita ko dito?” sarkastikong tanong ni Kuya Eisen.
“Sana man lang nagsabi ka na pupunta ka dito para napaghandaan namin” tugon ni Lance na tinaasan ng kilay ni Kuya.
“Paano pa magiging surprise kung nagsabi ako?” iritableng tanong niya habang hinuhubad ang kaniyang sapatos. Matapos siyang maghubad ng sapatos ay lumapit siya sa akin.
“Pasensya na Gon kung hindi ako nakapagsabi. Halos dalawang taon din tayong hindi nagkita kaya naman gusto kitang surpresahin. Kanina pa sana ang dating ko kaso may nangyaring hindi maganda sa daan kaya ang lala ng traffic at ngayon lang ako nakarating. Hayaan mo pwede niyo namang ipapatuloy mamaya” sabay tapik niya sa aking likod na sinabayan ng isang pagkindat. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam na nakatitig na lang pala ako sa kaniya kung saan nag-aantay siya ng sagot mula sa akin.
“Hello?” pagpukaw ni Kuya sa aking atensyon. Sasagot na sana ako nang biglang hatakin ni Lance ang aking kamay patungo sa kama. Nabigla ako nang paupuin niya ako sa kaniyang mga hita kung saan mabilis kong nadama ang katigasan niya.
“Nahihiya lang to si Babe dahil nahuli mo kami kuya” nagulat ako sa inasal ni Lance lalong lalo na sa pagtangka niyang paghalik sa aking pisngi.
“Pasensya na Gon” natatawang sabi ni Kuya Eisen. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang bitbit nito ang isang plastik na sa tingin ko ay naglalaman ng pasalubong.
“Anong ginagawa mo?” mahinang tanong ko kay Lance nang mawala ang tingin sa amin ni Kuya Eisen. Inilayo ko ng bahagya ang aking sarili sa kaniya upang hindi ko madama ang kaniyang katigasan.
“Sakyan mo na lang!” tugon niya sa akin kung saan nagawa niya akong hawakan sa tiyan upang mailapit muli ang aming mga katawan.
“Gago!” mahina kong tugon dahil muli kong naramdaman ang kaniyang ari.
“Sira! Ang ibig kong sabihin ay yung ginagawa ko at mga sinasabi ko. Wala akong sinabing sakyan mo si Junjun” bulong niya sa akin habang pinipigilan ang pagtawa. Kung wala lang si Kuya Eisen ay nakatikim na ng malakas na pagbatok ito. Muli na namang nag-iinit ang aking pisngi at tenga dahil sa pinaggagawa niya.
Ilang sandali akong nakaupo sa mga hita ni Lance habang ang kaniyang mga kamay ay nakaakap sa aking tiyan at ang kaniyang baba ay nakapatong sa aking balikat. Panay ang tingin ko kay Kuya Eisen habang iniisip kong nararapat bang aminin na namin sa kaniya ang totoong namamagitan sa aming dalawa ni Lance.
“Nasasayo naman kung gusto mong aminin sa kaniya. Iniisip ko lang naman ay kung handa ka nang sabihin sa kaniya lalong lalo na’t may ideya siya na may nangyayari sa ating dalawa” sambit ni Lance nang mapansin niya ang panay na pagtingin ko sa aming pinsan.
“So ano maglalandian na lang kayo? Kung tumulong kaya kayo para makakain tayo ng dala kong Buko pie” sambit ni Kuya Eisen na siyang nagbigay ng dahilan sa akin upang tumayo at bago pa man ako makalayo ay muling humirit si Lance.
“Babe paabot naman ng boxer shorts ko” pakiusap niya sa akin at sabay pagnguso ng kaniyang boxer shorts na nasa sahig. Tiningnan ko siya ng masama dahil sa paggamit niya ng sitwasyon para sa pansariling kapakanan.
“Please” dugtong niya na parang batang nakikiusap. Wala akong nagawa kundi ang pulutin ang boxer shorts niya at hinagis ito na sumakto naman sa kaniyang mukha.
Natatawa akong nagtungo sa may kusina kong saan nag-aayos si Kuya Eisen ng kaniyang mga pasalubong. Hindi masyadong malaki ang condo unit na tinirahan ko dahil mas pinili ko ang ganitong espasyo dahil alam kong ako lang naman ang gagamit nito. Mula sa pinto ng aking condo unit ay mabilis matatanaw ang aking kama na nakapwesto sa pinakasulok kaya naman sa pagpasok ni Kuya Eisen ay yun agad ang kaniyang nasaksihan. Pinili ko kasing ilagay ang aking kama dito dahil sa tuwing pagod ako ay kaagad akong humihiga sa aking kama. Sa paanan ng aking kama ay nakapwesto ang mumunting sala na may isang malaking couch at dalawang maliit na upuan na pumapalibot sa isang maliit na lamesang yari sa babasaging salamin. Dito rin nakapwesto ang 50 inch tv ko kung saan nakaset-up ang PS4 ko na madalas kong nagiging libangan. Kasunod na bahagi ay ang munting kusina na may maliit na lamesa kung saan ngayon nakapwesto si Kuya Eisen at nasa likurana nito ang pinto kung nasaan ang aking banyo.
“Mukhang masarap yan Kuya ahh” komento ko nang isalin niya ang buko pie sa plato upang painitin sa microwave.
“Teka kukuha lang ako ng softdrinks sa ref” dugtong ko at saka kumuha ng tatlong in-can softdrinks na nakalagay sa ref.
Sa muling paglapit ko sa mesa ay nakapwesto na dun si Lance na nag-aantay na rin upang makakain. Inabot ko sa kaniya ang isang softdrink at ang isa naman ay kay Kuya. Habang nag-aantay kaming uminit ang buko pie ay hindi mapigilan ni kuya ang makapagkwento sa masamang karanasan niya sa pagpunta rito. Habang nagkukwento si kuya ay panay naman ang pagtingin sa akin ni Lance. Alam kong ginagawa niya lang ito upang magpanggap ngunit hindi naman siguro dapat napapadalas lalong lalo na’t hindi na ako sanay sa ganitong bagay.
Nang uminit na ang buko pie ay kaagad naman naming sinimulan ang pagkain nito. Habang kami ay kumakain sa espesyal na pasalubong ni kuya Eisen ay nag-umpisa na rin ang kwentuhan namin mula sa mga nanyari nitong mga nakaraang taon. Nagsimula sa pagkukwento si kuya sa kung papano nakarating sa kaniya ang biglaang pag-alis at paglipat ko ng school dito sa maynila. Naikwento daw sa kaniya ni Lance ito na kung saan naging sanhi ng aming cool-off. Halos ilang buwan daw nanumbalik ang pagiging sakit sa ulo ni Lance dahil sa pagkawala ko ngunit bumalik naman daw ito sa katinuan nang magkabalikan raw kami. Hindi ko mapigilang mapatingin kay Lance na kasalukuyang nakatingin rin sa akin. Hindi ko lubos akalaing magagawa niyang magkwento ng ganito upang mapagtakpan lamang ako sa ibang tao lalong lalo na sa aming pinsan.
Nabanggit din sa akin ni Kuya Eisen ang tungkol sa madalas na pag-aalala ni Lance sa kalagayan ko dahil raw madalas akong mahilo. Nagawa niya pa nga akong biruin na marahil daw ay nagdadalang tao ako. Hilaw na tawa ang naging tugon ko bago ko naipaliwanag sa kanila ang dahilan kung bakit ako madalas mahilo. Matapos akong lumipat dito sa maynila ay napag-alaman ng doktor na meron akong problema sa pandinig kung saan mas mahina ang pandinig ko sa kaliwang tenga. Ayon sa doktor ay mayroon akong Meniere’s disease kaya nakakaranas ako ng pagkahilo at pagsusuka dahil sa hindi balanseng pandinig. Mabuti na lang at naagapan ito kaya hindi na lumala pa sa pamamagitan ng ilang therapies at pag-inom ng mga gamot.
“Pagpasensyahan mo na Gon kung hindi ako makadalo sa birthday mo. Sobrang busy ko kasi sa school tapos wrong timing yung araw ng celebration kaya hindi ako makasama kay Lance sa tuwing luluwas siya para magcelebrate kayo” sabi ni Kuya Eisen na nagpatigil sa akin sa pag-inom ng softdrink. Hindi ako makapagsalita kaagad dahil nakokosensya ako sa mga ginawang dahilan sa akin ni Lance. Ang bigat sa loob na ginawa niya ang lahat upang mapagtakpan niya ang paglayo ko sa kanila.
“Ayos lang yun kuya, pabor nga yun sa amin dahil kaming dalawa lang ang nagkakasama sa buong araw ng birthday niya” tugon ni Lance na nasundan ng isang pagkindat. Alam ko namang sinasabi niya lang yun para hindi mahalata ni Kuya ang kawalan ko ng ideya sa kaniyang mga sinasabi. Ang akin lang ay bakit niya pa kailangang banggitin ang ganong bagay?
“Ayan puro na naman kalibugan” iritableng sambit ni Kuya Eisen na tinawanan lang ni Lance.
“Okay lang po kuya… marami pa namang susunod at aasahan ko ang pagpunta niyo” sagot ko upang mailayo na ang usapan sa sinagot ni Lance.
Masaya kaming nakapagkwentuhan na para bang dati lang. Ito rin ang kauna-unahang pag-uusap namin ni Lance nang matino maliban na lang sa mga hirit niya na hindi ko napaghahandaan. Halos hating gabi na rin nang magpasiya kaming matulog dahil may kaniya-kaniyang pasok kami ni Lance kinabukasan at meron namang dadalawin si kuya sa Caloocan. Magkatabi kaming matulog ni Lance sa aking kama habang si kuya naman ay mas piniling matulog sa mahabang couch.
“Anong ginagawa mo?” reklamo ko nang yumakap siya sa akin.
“Pinagtatakpan ka” tugon niya at nilapit pa ang kaniyang mukha sa aking leeg.
“Matutulog na rin naman tayo eh kaya hindi mo na kailangang gawin yan” sabi ko habang inaangat ang kaniyang kamay na nakaakap sa akin.
“Syempre para pagkagising niya ay makikita niya pa ring sweet tayong dalawa” pagmamatigas ni Lance at muling binalik ang kaniyang kamay sa pagyakap sa akin.
“Pwede mo namang gawin yun bukas” tugon ko at muling inalis ang kaniyang kamay sa pagkakayakap sa akin. Tila walang handang magpaubaya sa aming dalawa kung saan nagmukha kaming mga bata na naglilikot sa ibabaw ng kama. Natigil lang ito nang marinig naming magsalita si Kuya Eisen.
“Kung magsesex kayo simulan niyo na! Hindi yung nagbubulong bulungan at naghaharutan pa kayo diyan” inis niyang samnit at tinakpan ng kumot ang buong pangangatawan upang maiwasan ang ingay namin ni Lance.
“Bahala ka nga sa buhay mo” sambit ni Lance at inayos ang sarili upang makatulog.
“Sige na, hinahayaan na kita” tugon ko nang makaramdam ako ng pagkakonsensya sa inaasal ko. Muli ring nanumbalik sa aking isipan ang mga narinig kong kwento ni kuya at kung papano ako pinagtakpan ni Lance sa lahat ng taong iniwan ko.
Ilang minuto ang nakalipas nang bigyan ko siya ng pahintulot sa pagyakap sa akin ngunit tila nakatulog na siya dahil hindi na ito nagkikilos. Laking gulat ko nang maramdaman ko ang kanang kamay niya na pilit na sumisiksik sa ilalim ng aking unan hanggang sa maabot nito ang aking batok. Gamit ang kaliwang kamay niya ay mabilis niya akong nahila papalapit sa kaniya na kung saan ako na mismo ang nakaakap sa kaniyang katawan. Aatras na sana ako nang marinig ko ang pagbabanta niya sa akin.
“Sige subukan mong lumayo..hinding hindi ako matatakot na kantutin ka kahit nandiyan pa si kuya” bulong niya sa akin na labis kong ikinabahala.
“Gago” ang tanging naisagot ko. Hindi man ako sang-ayon sa kaniyang ideya ay napilitan na lang akong gawin ito dahil kilala ko si Lance sa tuwing nagbibiro siya at sa pagkakataong hindi. Ngayon ay ramdam na ramdam ko na seseryosohin niya ang kaniyang banta kapag hindi ako pumayag sa nais niyang mangyari. Nagawa niya pang ayusin ang aking pwesto na kung saan pinatong niya ang aking ulo sa kaniyang dibdib at ang kanang kamay ko ay pinatong sa kaniyang kaliwang braso.
“Good night” ang huling salitang narinig ko sa kaniya bago siya tuluyang magpahinga.
Pamilyar sa akin ang pakiramdam na to. Yung pakiramdam na mapaso ang pisngi sa init ng kaniyang balat. Ang kaniyang paghinga na tila isang oyayi na nagbibigay antok sa isang sanggol. Sa kaniyang tabi ay tila napapawi lahat ng kaba dahil pakiramdam mo ay ligtas ka sa ano mang kapahamakan. Sa bawat pag-angat at paglubog ng kaniyang tiyan na pawang nagsisilbing instrumento upang ako ay makaramdam ng antok dahil sa kaniyang mapayapang paghinga. Hinding hindi ko malilimutan ang pakiramdam na ito dahil isa ito sa mga masasayang alaala na aking pinangangalagaan.
Nagising ako sa labis na panlalagkit ng aking katawan. Hindi ko pa lubusang maidilat ang aking mata sa kadahilanang nais ko pang matulog kahit na ilang sandali pa. Ramdam ko ang lamig na nagmumula sa aircon ngunit pinagpapawisan pa rin ako. Hindi rin naging komportable ang pagkakadantay ko sa unan na yakap-yakap ko dahil sa matigas na bagay na tumatama sa hita ko. Madalas kong pinapatong ang flash light sa ibabaw ng drawer malapit sa aking kama upang magamit ito sa tuwing magkakaroon ng power interruptions. Hindi ko alam kong papano napunta sa kama ang bagay na ito dahil wala naman akong maalala na ginamit ko ito kagabi. Inabot ko ito habang nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Kinapa-kapa ko pa ang unan hanggang sa mahawakan ko ang flash light ngunit nang hilain ko ito ay bigla na lang akong nakarinig ng pag-ungol.
“Ahhhh..tangina. Mukhang naeenjoy natin ang pagpapanggap babe ahh?” narinig kong sabi nito at mabilis kong minulat ang aking mata. Nagawa ko pang kusutin ang aking mga mata upang siguraduhin kong tama bang si Lance ang nakikita ko. Ngayon ay nakatingin siya sa akin na may pilyong pagngiti. Nagtaas siya ng kilay bago niya binaba ang kaniyang pagtingin kung nasaan nakahawak ang aking kamay. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita kong nakapatong ang aking kamay sa ibabaw ng kaniyang boxer shorts at mahigpit na nakahawak sa kaniyang ari na nasa loob nito. Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga sa kama at mabilis na hinila ang kumot papunta sa aking katawan.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko na sadyang ikinagulat niya.
“Wait anong drama to? Bakit may pa amnesia na nangyayari?”
Napalingon ako sa taong nagsalita at yun ay walang iba kundi si Kuya Eisen. Saka ko lang napagtanto na katabi ko nga palang matulog kagabi si Lance at kararating lang din ni Kuya Eisen mula laguna.
“Ahhh pasensya na.. Nasanay kasi akong matulog mag-isa” tugon ko at nagkamot ng ulo dahil sa kahihiyang ginawa.
“kaya nga ako nandito para hindi ka na muling mag-isa” sagot ni Lance at nagulat na lang ako sa mabilis niyang pagyakap sa akin mula sa aking likuran. Muntik na akong mapamura nang maramdaman ko ang bagay na tumutusok sa aking likuran.
“Ewwww” komento ni Kuya Eisen habang naghahanda ng pagkain sa lamesa.
“Palibhasa walang love life” pang-aasar ni Lance habang nananatili ang kaniyang pagyakap sa akin.
“Excuse me? Priority ko ang pag-aaral kaya hindi ako nagboboyfriend!” matapang na tugon ni Kuya na ikinatawa ni Lance.
“Ang sabihin mo ay walang nagkakagusto sayo” marahas na sagot ni gago na akala ko ay ikakagalit ni Kuya ngunit naging palaban pa rin ito.
“Hayy naku.. nasa lahi ng mga Fuentes ang pagkaroon ng maraming admirers kaya hindi mo masasabing walang nagkakagusto sa akin” tugon nito na sinabayan pa ng pag-irap.
“Naman! Kaya nga hindi ako magawang hiwalayan ni babe eh” sambit ni Lance na sinabayan niya ng marahang pagkurot sa aking pisngi. Nakaramdam ako ng kaunting kirot hindi dahil sa nagawa niyang pagkurot sa aking pisngi yun ay dahil sa pagbanggit niya ng salitang ‘hiwalayan’. Bigla akong nakonsensya sa mga bagay na ginawa ko noon ngunit hanggang ngayon ay pinaninindigan ko ito dahil alam kong ito ang tama at ito ang makakabuti para sa aming dalawa.
“Mamaya na kayo maglandian dahil kalahating oras na lang ay malilate na kayo” sambit ni Kuya na nagpabalik sa aking kamalayan. Hindi nga siya nagkakamali dahil pagtingin ko sa aking wall clock ay nakita kong kalahating oras na lang ang natitira bago magsimula ang una kong klase.
“Ako na mauunang maligo dahil 9 am yung una kong klase” sabi ko kay Lance habang kumukuha ako ng bagong tuwalya.
“9 am din ang una kong klase. Magsabay na lang tayo sa pagligo” tugon niya at hinila ang aking kamay papunta sa banyo.
“Haaa..wag na! Sige na, ikaw na mauna” tugon ko at mabilis na kumalas mula sa kaniyang pagkakahawak.
“Huwag ka na mahiya babe nakita ko na rin naman yan” pagpupumilit niya at nagawa niya pa akong akapin mula sa likuran habang hinihila niya ako patungo sa banyo. Humingi ako ng saklolo kay Kuya Eisen ngunit nginitian lamang ako nito at sinabing galingan ko daw.
Kinabahan pa ako sa maaaring mangyari sa amin sa loob ngunit naging taliwas ang inasal ni Lance kanina sa nagaganap sa loob ng banyo. Tila isa akong multo na hindi niya napapansin at naligo siya na para bang solo niya ang banyo. Hubo’t hubad siyang naliligo habang ako ay suot-suot pa rin ang aking salawal. Alam kong nakita na namin ang pag-aari ng isa’t isa ngunit iba na ang sitwasyon ngayon kaya hindi ako komportableng maligo na siya ang kasama. Habang nakatalikod siya sa akin ay hindi ko mapigilang mapagmasdan ang pagbabago sa kaniyang pangangatawan. Ang kaniyang balikat ay tila lalo lumapad na sakto naman sa paglaki ng kaniyang braso. Kahit hindi niya sabihin ay kapansin-pansin na naglalagi ito sa gym upang mapaganda ang kaniyang pangangatawan. Kapansin-pansin din ang magandang hulma ng kaniyang dibdib at napaangat niya ng husto ang kagandahan ng kaniyang mga abs. Hindi ko na ibinaba pa ang aking paningin dahil hindi rin naman ako interesado sa pinagbago ng bagay na yun.
Kahit na sabay kaming nasa loob ng banyo ay siya pa rin ang pinauna kong magbanlaw dahil iisa lang ang shower. Malimit sa dalawag salita ang aming pag-uusap dahil alam namin sa isa’t isa na pagpapanggap lang ang aming pinapakita sa aming pinsan. Muli niya lang akong kinausap nang matapos siyang magbanlaw at pinaubaya na sa akin ang shower. Habang siya ay nagpupunas ng kaniyang katawan ay siya namang pagbanlaw ko sa aking sarili. Nang matapos akong magbanlaw ng aking katawan ay siya namang pagsenyas niya na lalabas na raw siya na akin namang tinanguan. Kasalukuyang nagmumumog ako nang siya ay lumabas ng banyo.
“Tangina ang bilis kong nilabasan dun ahh” pasigaw niyang sambit nang makalabas siya ng banyo.
Muntikan kong malunok ang minumumog ko dahil sa kaniyang sinabi. Sa sandaling matapos ako at lumabas ng banyo ay mabilis nagtagpo ang tingin namin ni kuya Eisen na kung saan nagawa niya pa akong palakpakan. Napapailing na lang ako dahil hindi ko rin naman masabi sa kaniya ang totoong nangyari.
Matapos kaming makapag-ayos ng sarili ay sinabayan na namin si kuya sa pagkain ng almusal na kaniyang hinanda para sa amin. Habang kami ay kumakain ay nakwento niya kung bakit niya nagagawang magpunta dito samantalang hindi pa naman kabuwanan ng pagbabaksyon. Ayun sa kaniya ay nagkaroon daw ng sunog sa building ng kanilang department kaya pansamantalang itinigil ang klase ng kanilang kurso. Kinakailangan pa raw magkaroon ng masusing pagkukumpuni bago nila muling magamit ito. Nagawa niya ring magpaalam sa amin na habang nasa eskwela kami ni Lance ay siya namang magtutungo sa Caloocan upang bisitahin ang kaniyang mga kaibigan.
Mabilis nanumbalik sa dati ang pakikitungo sa akin ni Lance nang makarating kami sa school. Mabuti na rin iyon dahil hindi magandang makita ng ibang tao ang pagiging sweet niya sa akin lalong lalo na’t alam ni Angelique na magkapatid kaming dalawa. Ayos na rin sa akin yung ganito dahil alam kong para sa ikakabuti namin ito. Bumalik siya sa pagiging malambing na nobyo ni Angelique habang ako ay mag-isa. Mag-isa dahil hindi ko na makita ang siraulo kong kaibigan na si Kei. Ilang beses ko siyang tinatawagan ngunit hindi niya ito sinasagot. Kung magrereply man ay huling huli na. Masyado siyang nababaliw sa pag-ibig at nakalimutan na niya ako.
Sumunod na araw ay ganon pa rin ang nangyari dahil hindi ko pa rin nakakasabay si Kei. Kahit makasalubong man lang sa campus ay hindi nangyayari. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ako kaya naman naisipan kong makibalita sa mga fan page niya sa facebook upang malaman kung ano ang pinagkakaabalahan niya. Nakakapagtaka dahil ilang beses kong hinanap sa facebook ang mga fan page niya ngunit walang lumalabas ni isa. Maging ang fan page na ginawa nila para sa aming dalawa ni Kei ay nawawala rin. Marahil ay nagsawa na sila sa pagpupumilit sa aming relasyon kaya binura nila ang fan page na to ngunit hindi ko alam kung bakit pati yung fan page ni Kei ay nawawala na din.
Araw ng sabado nang mag-aya sa amin si kuya na magtungo sa Dessert Museum. Ito na ang huling araw niya sa maynila kaya hinihiling niya na makasama kaming dalawa ni Lance. Ayun sa kaniya ay manunumbalik na raw ang kanilang klase simula sa lunes kaya naman nais niyang mapuntahan ang lugar na ito bago man lang siya umuwi. Malugod naming tinaggap ang kaniyang kahilingan dahil wala naman kaming klase ngayong araw kaya buong araw namin siyang masasamahan sa mga lugar na gusto niyang mapuntahan.
Sa loob ng apat na araw na aming nakasama si Kuya ay unti-unti akong nasasanay sa pagpapanggap ni Lance. Hindi na ako nabibigla sa tuwing yayakapin niya ako at hahawakan niya ang aking mga kamay. Ang hindi ko lang makasananayan ay yung biglaan niyang paghalik sa aking pisngi. Habang kami ay nasa loob ng Dessert Museum ay hindi napigilang magkomento ni kuya sa aming dalawa ni Lance dahil nagmumukha raw siyang third wheel sa aming dalawa ni Lance. Sobra-sobra naman kasi ang paglalambing sa akin ni Lance na para bang mawawala ako sa panangin niya kapag bumitaw ako sa pagyakap at paghawak niya sa aking mga kamay.
Masaya kaming nabigyan ng katuparan ang mga simpleng hiling ni kuya. Maliit lang naman na bagay ito kumpara sa mga naitulong niya sa aming dalawa. Sa sandaling ihahatid na namin siya sa kaniyang masasakyan pauwi ng laguna ay hindi niya mapigilang maging emosyonal. Masaya raw siya para sa aming dalawa dahil kahit anong pagsubok ang dumating sa aming dalawa ay nagagawa pa rin daw naming maging matatag. Hiniling pa niya na sana’y pagtibayin ng panahon ang aming relasyon upang hindi kami matulad sa naging relasyon niya.
“Hoy Lance! Ingatan mo tong si Gunter. Siya lang tong nakakaintindi at nakakatiis ng ugali mo kaya wag na wag mo tong pakakawalan” sabi ni kuya habang pinupunasan ang mga luha.
“Bakit ako? Siya dapat ang pagsabihan mo!” tugon ni Lance na para bang nagtatampo habang nakayakap mula sa aking likuran.
“Dahil may tiwala ako sa kaniya kaysa sayo” natatawang tugon ni kuya.
Tinamaan ako sa salitang iyon dahil walang kaalam-alam si kuya na matagal na kaming wala ni Lance. Sa aming dalawa ay ako dapat ang pinagsasabihan niya dahil ako ang unang bumitaw sa aming pangako at ako ang tumiwalag sa aming relasyon. Sa ilang araw na pagpapanggap namin ni Lance ay ngayon ay labis akong sinisingil ng aking konsensya sa pagsisinungaling sa aming pinsan. Tila hindi ko na kayang itago at maglihim sa kaniya dahil alam kong may karapatan siyang malaman ang mga nangyayari kaya naman nadesisyon akong aminin sa kaniya ang totoo ngunit nang magsasalita na ako ay bigla na lang hinawakan ni Lance ang aking baba at binigyan ako ng mainit na halik. Nagmistulang bloke ng yelo ang aking katawan dahil sa pagtigil ng aking pagkilos. Ang tanging init na aking nararamdaman ay nagmumula sa labi ni Lance na muli kong natikman. Sa bawat paggalaw ng kaniyang labi ay tila unti-unting natutunaw ang mga yelo sa aking katawan at kasabay nito ang pagkatunaw ng aking damdamin.
“Huwag kang mag-alala kuya. Mahal na mahal ko ito kaya hinding hindi ko siya pakakawalan” tugon ni Lance at inakap niya ako paharap sa kaniya. Ang isa niyang kamay ay gumabay sa aking ulo para mas lalong mapalapit ang aking mukha sa kaniyang dibdib na ngayo’y nakalantad dahil sa suot niyang pulo na nakabukas ang ilang butones. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi nang dumampi ang aking mukha sa kaniyang dibdib habang marahan niyang hinahaplos ang aking ulo.
“Ang saya no? habang nag-eemote ako dito ay maghahalikan kayo sa harap ko para inggitin ako” sarkastikong sambit ni kuya na mabilis tinawanan ni Lance habang ako ay hindi pa rin makagalaw sa aking kinatatayuan.
“Ohh siya aalis na ako dahil baka nabuburyo na kakaantay ang driver sa akin” huling pamamaalam ni kuya at nagawa niya kaming yakapin ng sabay habang yakap-yakap pa rin ako ni Lance.
Nanatiling nakayakap sa akin si Lance habang tinatanaw namin ang pag-alis ng sasakyang maghahatid kay kuya sa kanilang bahay sa laguna. Ngunit nang makalayo na ito ay mabilis namang bumitaw sa akin si Lance. Muling nanumbalik sa dati ang kaniyang pakikitungo na kung saan malimit lang kaming nag-uusap hanggang sa makauwi kami sa aking condo.
Sa paglipas ng araw ay balik sa dati ang turingan namin ni Lance at yun ay bilang magkapatid. May mga pagkakataong nag-uusap kami pero ito ay pawang mahahalagang bagay. Naging mailap na rin ang pagkikita namin ni Kei kaya madalas mag-isa akong kumakain sa cafeteria. Matapos akong kumain ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Lance na makipagkita raw ako sa kaniya sa kanilang building dahil may importante raw siyang sasabihin. Hindi naman kalayuan sa cafeteria ang kanilang building kaya pinuntahan ko na kaagad ito bago ako magtungo sa library upang manghiram ng libro. Nauna pa akong makarating sa lugar kung saan kami magkikita kaya nagawa ko siyang i-text upang sabihin na nasa harap na ako ng building nila. Ilang sandali pa nang matanaw ko siya kasama si Angelique na naglalakad patungo sa akin. Bago pa man kami magkaharap ay bigla na lang may umakap sa aking likuran at binuhat ako na para bang bata na nakikipaglaro. Hindi ko napigilang mapamura nang maibaba ako nito.
“Andrew?” gulat kong sabi nang makita kong si Andrew ang bumuhat sa akin.
“Miss me?” masaya niyang sabi at binigyan niya ako nang mahigpit na pagyakap.
“Ang akala ko ay susunod na buwan ka pa makakauwi?” tanong ko sa kaniya habang manghang mangha sa malaking pagbabago sa kaniyang hitsura.
“Nalaman ko kasing single ka kaya nagmadali akong umuwi para hindi na ako maunahan ng iba” tugon niya at binigyan ako ng isang kindat na siya namang tinawanan ko.
“Gago! Puro ka biro..pero seryoso nga dito ka na mag-aaral?” masaya kong tanong dahil kung totoo man ay hindi na ako masyadong malulungkot.
“Ang dami mo namang tanong.. ganito kumain na lang muna tayo ni Kei at isa-isa kong sasagutin ang mga tanong mo” tugon niya na mabilis kong tinanguan bilang pagsang-ayon.
“Ohh sige ba” masaya kong sabi at nakipagdikit ng kamao sa kaniya bilang pagbati sa kaniyang pagbabalik.
“Tara na?” pag-aya niya sa akin ngunit natigilan ako sa paghakbang nang marinig ko ang boses ni Lance. Nakalimutan kong siya nga pala ang dahilan kong bakit ako nagtungo dito.
“Kailangan nating mag-usap” sabi ni Lance habang nasa likuran niya si Angelique.
“Ahh sige saglit lang naman to di ba? May lakad kasi kami ng tropa” tugon ko kay Lance habang tinuturo si Andrew. Hindi ko na siya pinakilala dito dahil nakilala na niya ito dati pa.
“Kailangan nating mag-usap dalawa sa condo” mariin niyang sabi.
“Gaano ba ka importante yan? Kakarating lang kasi ni Andrew kaya magsi celebrate kami” masaya kong tugon na kaniyang ikinainis.
“Mamili ka ako o yang kaibigan mo?” bigla niyang naitanong sa akin. Lumapit sa akin si Andrew at umakbay dahil tila hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Lance. Si Angelique rin ay humawak sa braso ni Lance nang umakma itong lumapit sa aming dalawa.
Hindi ko mapigilang mapamura sa aking isipan dahil sa hindi inaasahang pangyayaring ito. Ang buong akala ko ay magiging normal na ang aming buhay nang makauwi si Kuya Eisen sa laguna. Ngunit tila panibagong gulo naman ang mangyayari sa pagbabalik ni Andrew. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Itutuloy…
A/N:
Maraming salamat sa mainit niyong pagtaggap sa istoryang ito. Lagi kong binabasa yung mga comments niyo mapapositive o negative man. Gusto ko lang ipaalam na meron na lang 8 chapters na natitira ang story na to kaya naman hinihimay-himay ko na ang mga eksena para hindi kayo mabigla sa mga susunod na mangyayari. Magkakaroon din ako ng palaro sa Chapter 40 at ang mananalo ay ililibre ko sa SB/Seattle’s best/Coco/SamG (your choice) at chance na makita ako in person. (WOW FEELING SIKAT?? Biro lang!!) pero kung outside metro manila ay bibigyan ko na lang ng P500 worth ng load bilang pasasalamat sa inyo. Chapter 40 pa ito ah!
Gusto ko rin sanang i-promote ang official facebook page at twitter account ko.
Facebook:
https://facebook.com/Eisenchann
Twitter:
Sana i-follow at i-like niyo ito. Dito na rin kayo mag message dahil mas magiging responsive ako dito kaysa sa pag DM niyo sa akin sa IG at messenger. Hindi na po ako sasagot doon kaya dito na lang po (FB Page & Twitter) kayo magmessage.
Hello nga pala sa kauna-unahang nagfollow sa akin sa Twitter at naglike sa facebook page ko na si @IamDanielArausa .Noong nakaraan ko pa nilagay yung link sa about me kung hindi niyo pa napapansin.
Keep safe
Maraming salamat <3
Chapter 38: Touch of Fire
Junfeng
as Andrew
Gunter’s POV
Ang buong akala ko ay matatapos ang araw na ito nang matiwasay. Simula nang umuwi si Kuya Eisen sa laguna ay nanumbalik na rin ang pakikitungo sa akin ni Lance bilang kapatid sa ama. Nagtungo lang naman ako sa building ng Engineering upang makausap si Lance ngunit hindi ko aasahang dito rin kami magtatagpong muli nang matalik kong kaibigan na si Andrew. Naging maayos ang aming kwentuhan dahil dalawang taon din kaming hindi nagkikita. Pero hindi ko malaman kay Lance kung bakit niya ako pinapapili sa kanilang dalawa eh ang usapan lang naman ay may sasabihin siya sa akin. Pwede naman niyang i-text o itawag sa akin pero heto ako ngayon nasa harapan niya’t di naman masabi.
“Tungkol saan ba kasi yun at bakit sa condo pa? Pinapunta mo ako dito para sabihing may pag-uusapan tayo sa condo? Ang labo mo naman tol!” inis kong sabi na tila ikinapikon niya.
“Sagutin mo ang tanong ko!” tugon niya at hindi na napigilan ni Andrew na sumali sa usapan.
“Ano bang problema neto?” sambit ni Andrew habang nakaduro kay Lance.
“Wag kang makisali dahil usapang magkapatid ito!” mariing sambit ni Lance at nilapitan si Andrew na para bang maghahamon ng suntukan. Mabilis akong pumagitna sa kanilang dalawa upang umawat. Marahan kong tinulak si Andrew palayo bago ko hinarap si Lance.
“Bakit ka ba nagkakaganyan ha? Kailan ba kita pinapili sa aming dalawa ni Angelique ha?” pasigaw kong sambit dahil sobra akong naiinis sa inaasal niya. Napadila siya sa pang-itaas niyang labi bago niya buong gigil na kagatin ang kaniyang pang-ibabang labi dahil sa pagpipigil sa sariling damdamin. Huminga siya nang malamim bago niya ipinatong sa aking balikat ang kaniyang kanang kamay.
“Eh bakit hindi mo itanong?” paghamon niya sa akin kung saan mabilis akong napailing.
“Sige kung papapiliin ka sa aming dalawa ni Angelique, sinong pipiliin mo?” tanong ko at nagawa ko pang tingnan si Angelique nang banggitin ko ang kaniyang pangalan. Ayokong masali siya sa gulo namin ni Lance ngunit masyado akong nilalamon ng galit.
“Syempre ikaw” mabilis niyang tugon na aming ikinagulat. Hindi ko inaasahang sasabihin niya sa harap mismo ng kaniyang nobya. Hindi tuloy malaman ni Angelique ang gagawin nang marinig niya mismo mula sa labi ni Lance ang mga salitang iyon.
“Kapatid kita, kadugo kita kaya natural na uunahin kita” dugtong niya habang tinatapik-tapik niya ang aking balikat. Muli akong napailing dahil sa kaniyang sinabi.
“Ang labo mo!” tugon ko at mabilis na inalis ang kaniyang kamay na nakapatong sa aking balikat.
Ayoko nang makarinig ng mga walang kwentang bagay mula sa kaniya kaya naman tinalikuran ko siya at lumayo kahit na ilang beses niyang sinisigaw ang pangalan ko. Gusto ko munang magkaroon ng pansamantalang katahimikan. Yung wala akong iisipin tungkol sa aking nakaraan, sa aking pamilya at lalong lalo na kay Lance.
Kanina pa ako nagpapalakad-lakad simula nang makalabas ako ng campus. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta hinayaan ko na lang ang aking paa na magdesisyon kung saan ako nito dadalhin. Sa layo ng aking nilakbay ay hindi ko namalayang kanina pa pala nakasunod si Andrew sa akin. Nang tanungin ko siya kung bakit niya ako sinusundan ay nais niya lang masigurong ligtas ako dahil wala raw ako sa sarili. Sa katunayan ay kanina pa raw niya tinatawag ang aking pangalan ngunit hindi ko raw siya sinasagot. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Kung tutuusin ay simpleng pagtatalo lamang ang namagitan sa amin ni Lance ngunit hindi ko alam kung bakit sobra akong apektado. Dahil wala naman akong kasiguraduhan sa aking pupuntahan ay hinayaan ko na lang si Andrew na dalhin ako sa lugar kung saan pansamantalang makakalimot ako.
Mabilis pumara ng taxi si Andrew upang mabilis naming marating ang nais niyang puntahan. Hindi ako nagtanong kung saan niya ako dadalhin dahil lubos kong pinapaubaya sa kaniya ang aking sarili. Kaya habang nasa taxi ay nanatiling tahimik kaming dalawa. Matagal na akong kilala ni Andrew kaya alam niyang mas gusto kong hindi nagsasalita sa ganitong sitwasyon. Ngunit habang nasa loob ng taxi ay hindi ko mapigilang mapaisip kung saang bar ba kami mag-iinom ni Andrew lalong lalo na’t nagiging pamilyar sa akin ang lugar na aming tinatahak.
Makalipas ang ilang minuto ay narating na rin namin ang lugar kung saan ang inaasahan kong bar ay nauwi sa tahanan nila Andrew. Pagbaba ko pa lang ng taxi ay kaagad akong napabalik tanaw sa lugar na aking kinagisnan. Ang bahay nila Andrew na dating dalawang palapag lang ay naging apat na palapag na. Dito ang lugar kung saan ako lumaki at kung saan ko nakilala ang mga matatalik kong kaibigan na sina Andrew at Kei. Tatlong kanto lang mula rito sa aking kinatatayuan ay ang lugar kung saan kami dating nakatira ni Ate Pritz. Wala pa ring pagbabago sa lugar na ito dahil marami pa ring batang naglalaro dahil malapit lang sa basketball court ang bahay nila Andrew. Mabilis akong napangiti nang muli kong malanghap ang amoy ng barbeque na niluluto ni Aleng Nena. Paglingon ko sa aking likuran ay muli kong nasilayan ang pwesto ng barbeque ni Aleng Nena. Tila nawala sa isipan ko ang dahilan kung bakit kami naparito dahil para bang hinatak ako ng nakakagutom na amoy patungo sa pinaggalingan nito.
“Anong sayo toy?” tanong ni Aleng Nena na hindi ko kaagad nasagot dahil napako ang aking mga mata sa masasarap na isaw, ulo ng manok, laman at Betamax na madalas ko pang ibabad sa maanghang na suka bago ito kainin.
“Sampung laman nga po, saka tatlong ulo ng manok, sampung isa at limang Betamax” masaya kong sabi at sunod-sunod niyang sinalang upang lutuin ang mga ito.
“Teka mauubos mo ba lahat yan?” tanong sa akin ni Andrew. Ngayon ko lang naalala na siya nga pala ang kasama ko sa lugar na to.
“Oo naman baka kulang pa nga sa akin to” masaya kong tugon habang sabik na nag-aantay ng mga nilulutong order ko. Kilala na sa lugar na to ang barbequehan ni Aleng Nena dahil sa masarap niyang pagtimpla sa mga sawsawan at maging sa pagmamarinate ng mga paninda niya. Kung hindi ako nagkakamali ay noong huling kain ko dito ay nagawa niyang pagtapusin ng kolehiyo ang dalawa niyang anak habang ang bunso na kaedaran ko lang ay patuloy na nag-aaral sa maayos na paaralan. Hanggang hangga ako sa sipag niya bilang nag-iisang tumatayong magulang ng kaniyang tatlong anak.
“Wag kang mag-alala toy marami pa akong nakahanda sa loob kaya kapag nabitin ka ay bumalik ka” sabi niya habang nagbabalot ng sukang hinihingi ng isang customer.
“Huwag naman ganun Aleng Nena, baka magalit sa inyo si mama kapag hindi na to nakakain ng hapunan sa bahay” tugon ni Andrew habang ginugulo ang buhok ko.
“Ikaw pala yan Andrew. Susme napakagwapong bata talaga nito ohh.. Hindi mo sinabi na bisita mo pala yan” sambit ni Aleng Nena at napatigil siya sa pagluluto nang titigan niya ang aking mukha.
“Teka parang kilala kita” sabi niya at napailing na lang ako dahil sa tagal ko nang naging suki niya ay nagawa niya pa ring makalimutan ako.
“Gon? Gon, ikaw na ba yan?” mabilis nagliwanag ang kaniyang mukha nang makilala niya ako.
“Ako nga po” ang nahihiyang sagot ko.
“Napakagwapong bata mo talaga!!” sabi niya na para bang teenager na kinikilig. Muntik na nga niya akong kurutin sa pisnge ngunit nagawang hatakin ako papalayo ni Andrew.
“Aleng Nena naman yung kamay niyo po mauling” reklamo ni Andrew habang nakaakbay sa akin.
“Ay pasensya na hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko kapag nakikita ko ang batang ito” tugon niya habang pinupunasan ang kaniyang kamay.
“Ang bilis naman po magbago ng taste niyo. Kanina lang ay puring puri kayo sa kagwapuhan ko tapos ngayon kay Gon na kayo pumapabor” pilit na pagtatampo ni Andrew na mabilis kong ikinatawa.
“Ay heto naman parang hindi mo naman kilala si Gon. Alam mo namang crush na crush ito ng Unica Hija ko… Asan na ba yang si Dayang?” tanong niya habang palingon lingon sa paligid. Ang babaeng tinutukoy niya ay ang kababata namin na crush na crush ako. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako ka pilyong bata noon dahil nagagawa kong pagsamantalahan ang damdamin ni Dianne upang makalibre ako ng barbeque sa tuwing bibili ako sa kanila. Ang sampung piso ko na pambili ng tatlong isaw ay nagiging lima kapag siya ang bantay. Tuwang tuwa lagi si Aleng Nena dahil andami kong nabibili sa kanila ngunit hindi niya alam na madalas ay libre ni Dianne ang karamihan sa mga iyon.
“Dayang asan ka??” sigaw ni Aleng Nena ngunit walang sumasagot. Sa ikatlong pagsigaw niya ay saka lang ito narinig ni Dianne na tila nasa loob lang ng kanilang tahanan.
“Ano ba yun Ma?? Kakaidlip ko pa lang eh!” sigaw nito mula sa loob ng kanilang tahanan.
“Bumaba ka rito, bilisan mo!” tugon ni Aleng Nena habang binabaliktad ang mga nakasalang na isaw.
“Ano ba yun?” rinig na rinig namin mula sa labas ang padabog na pagkilos nito. Walang pinagbago sa kanilang tahanan na tila naitayo pa noong panahon ng mga kastila. Lumang luma kong titingnan sa labas ngunit sobrang ganda at maaliwas ang nasa loob nito. Yari sa kahoy ang kanilang sahig kaya naman rinig na rinig namin ang padabog nitong pagkilos mula sa pangalawang palapag.
“Dalian mo dahil nandito na yung crush mo at mukhang balak nang manligaw sayo” sigaw ni Aleng Nena na ikinabigla ko. Tila bumilis ang mga hakbang ni Dianne nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang ina dahil rinig na rinig namin ang bawat hakbang nito. Hindi rin nagtagal nang masundan ito ng isang malakas na kalabog.
“Ano yan yang??” sigaw ni Aleng Nena at maya-maya pa ay nakita namin si Dianne na iika-ikang maglakad palabas ng kanilang bahay. Hula ko ay nalaglag pa ito sa hagdan kakamadali.
“Anong nangyari sayo?” tanong ni Aleng Nena nang makitang magulo ang buhok ng anak at iika-ikang maglakad.
“Ahhh wala naman.. ikaw na ba yan Gon?” mabilis niyang hinawi ang magulong buhok na humaharang sa kaniyang mukha at kasabay din nito ang mabilis na pagbago ng kaniyang postura na para bang walang iniindang sakit.
“Hi Yang” ang tangi kong nasabi dahil hanggang ngayon ay nakakaaliw pa rin siya. Masasabi kong pumayat siya mula nang huli ko siyang makita. Ngayon ay mas naging kaaya-aya ang kaniyang postura.
“Totoo ba yung narinig ko na gusto mo akong ligawan kaya ka nandito?” nakapamaywang niyang sabi at muling hinawi ang buhok. Sasagot na sana ako pero pinigilan niya akong magsalita.
“Wait.. bago ka magsalita ay nais ko lang ipaalam sayo na hanggang ngayon ay virgin pa rin ako at kahit na nagkaboyfriend ako ay nakareserve pa rin ito para sayo” dugtong niya na tila nang-aakit pa ang kaniyang boses. Suportado naman siya ng kaniyang inay na pumapalkpak pa ngunit nang mapagtanto niya ang sinabi ng kaniyang anak ay kaagad niya itong sinaway.
“Anong boyfriend? Kailan ka pa naglihim sa akin na nagkaboyfriend ka pala?” tanong ni Aleng Nena sa anak habang dinuduro ng barbeque stick.
“Ano ba Ma, matagal na yun at saka hindi naman ako nagpagalaw” tugon niya sa ina na para bang tropa niya lang ang kausap. Inirapan naman siya ni Aleng Nena bago binaling ang atensyon sa akin.
“Hay naku Gon, kahit lokaret yang anak ko ay magaling yan magluto. Tiyak lagi kang mabubusog diyan” masayang sabi ni Aleng Nena na para bang nandito talaga ako para manligaw sa kaniyang anak.
“At saka virgin!” dugtong ni Dianne na nagpailing sa akin. Para ako pa ang nahihiya sa kaniyang mga sinasabi.
“Tama! Tama!” pagsang-ayon ni Aleng Nena habang pumapalakpak.
“Hoooy!! Ikaw Nena imbes na suwayin mo ang anak mo ay ikaw pa tong bumubugaw sa kaniya” nagulat kami nang may biglang sumali sa usapan ngunit mabilis akong napangiti nang mapagtanto ko kung sino ang taong ito.
“Walang ganun mars! Eto naman.. Alam mo namang patay na patay ang anak ko na to kay Gon kaya sinusuportahan ko lang” paliwanag niya at lumapit sa anak upang akbayan.
“Huwag na kayong mag-aksaya ng panahon dahil anak ko ang mapapangasawa ni Gon, di ba nak?” tugon ni Mama Minda na kung saan lumapit sa akin upang yakapin ako sa muli naming pagkikita. Hindi kaagad ako nakakibo sa kaniyang pagbati dahil napaisip ako sa kaniyang sinabi.
“Pano naman mangyayari iyon eh puro lalaki ang mga anak mo? Wag mong sabihing may anak ka sa labas?” pag-usisa ni Aleng Nena at gayon din ang kaniyang anak na si Dianne. Nakakagulat nang dumami ang mga tao sa paligid na tila inaantay ang magiging sagot ni Mama Minda.
“Siguro” maikling tugon ni Mama Minda na ikinadismaya ng mga taong nakarinig. Hindi ko alam na ganito pala kalala ang mga chismosa sa lugar na ito.
“Tara na at makapaghapunan. Baka lumamig pa yung mga pagkain” sambit ni Mama Minda. Pumagitna siya sa amin ni Andrew habang nakakapit ang kaniyang mga kamay sa aming tagiliran.
“Teka Mars yung order ni Gon!!” sigaw ni Aleng Nena na dali-daling binabalot ang mga inorder ko.
“Mamaya Mars, para yan sa pulutan. Babalik ako para sa kwento ng anak ko sa labas” tugon ni Mama Minda na kung saan napapalakpak si Aleng Nena sa tuwa.
“Sige Mars! Bukas kami hanggang madaling araw para sayo!” sigaw nito habang papalayo na kami.
Bago pa man kami makapasok sa loob ay hindi napigilan ni Andrew na magtanong tungkol sa anak sa labas na tinutukoy ni Mama Minda. Maging ako ay walang ideya sa kaniyang sinabi kaya kagaya ni Andrew ay nag-aantay rin ako ng kasagutan.
“Biro lang yun. Alam niyo namang uhaw sa chismis ang mga tao dito” tugon ni Mama Minda habang tinatapik ang braso ng kaniyang anak.
“Sobrang namiss ko tong anak ko” sabi ni Mama Minda sa akin at binigyan ako ng halik sa pisnge matapos niya akong yakapin ng mahigpit.
“Paboritong anak” dugtong ni Andrew. Bigla ko tuloy naalala na sa kanilang magkakapatid ay madalas na kay Andrew ang atensyon ni Mama Minda dahil ito ang pinakabunso at ang kaniyang mga panganay at pangalawa ay nasa sampung taon ang agwat kay Andrew. Sa kanilang tatlo ay si Andrew daw ang pinakapaborito dahil bunso ngunit kapag nasa bahay nila ako ay ako raw ang nagiging paboritong anak ni Mama Minda.
“Hindi kasi kayo marunong maglambing” mabilis na depensa ni Mama Minda.
“Halina’t pumasok na kayo nang makapaghapunan na tayong tatlo” pag-aya ni Mama Minda sa amin habang ako ay parang bata na nakalabas ang dila upang asarin si Andrew sa pagpanig sa akin ng kaniyang ina.
“Sige ilabas mo pa yan dila mo..kakagatin ko talaga yan!” pagbabanta niya sa akin at kaagad ko namang binawi ang pagdila ko.
“Gago” ang tangi kong nasabi at tumawa siya habang nakaakbay sa akin patungo sa kanilang kusina.
Muling nanumbalik ang aking mga alaala sa paglibot ng aking paningin sa loob ng kanilang tahanan. Sa kanang bahagi ng kanilang pader kung saan nakasabit ang mga pictures nilang buong pamilya. May kaniya-kaniya ring larawan sina Mama Minda, Tatay Fred, Kuya Tope, Kuya Don at si Andrew. Masaya akong makitang muli ang kanilang sala kung saan naging tambayan naming madalas nina Kei at Andrew. Nakakatuwang nandito pa rin ang PS1 at PS2 na niluma na ng panahon.
“Nasan po pala sina Kuya Tope at Kuya Don?” tanong ko nang makaupo ako habang inaasikaso ni Mama Minda ang mga pagkain.
“Si Christopher ay kasama ang Papa niya sa Macau dahil mayroon silang project doon. Si Brandon naman ay nasa California nagso-soul searching matapos makipagbreak ng girlfriend niyang hindi naman kagandahan” parehas kaming natawa ni Andrew sa huling binanggit ni Mama Minda. Nakakatuwa lang na naging Engineer na rin si Kuya Tope gaya ni Tatau Fred at si Kuya Don na madalas na wala sa bahay nila ay ngayon sa ibang bansa na naglilibot.
Nakakatuwa ngang isipin na ang unang letra ng kanilang pamilya ay magkakasunod. Una si Andrew na bunso na nagsisimula sa letrang ‘A’. Sumunod naman ay ang pangalawang si Kuya Don na ang tunay na pangalan ay Brandon na nagsisimula sa letrang ‘B’. Ang panganay nila na si Kuya Christopher o mas kilala bilang Tope ay nagsisimula sa letrang ‘C’. Si Mama Minda na may totoong pangalang Emilia na may bansag na Minda dahil tubong Mindanao ay nagsisimula sa letrang ‘E’ at si Tatay Fred na ang buong pangalan ay Frederick na nagsisimula sa letrang ‘F’. Ang tanging kulang na lang ay letrang ‘D’ upang magkasunod-sunod ang mga letra ng kanilang pangalan na ayon kay Mama Minda ay ang unang magiging apo nila ay magsisimula sa letrang ‘D’. Ako naman bilang paboritong ampon ng pamilya ang dumugtong na nagsisimula sa letrang ‘G’ ang pangalan.
Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain na niluto ni Mama Minda. Walang kupas pa rin ang galing niya sa pagluluto lalong lalo na ang espesyal niyang recipe na Kaldereta na siyang paborito ko sa lahat. Napuno ng tawanan at kulitan ang aming pagsasalo-salo dahil sa mga usaping may kinalaman sa aming pagkabata. Saksi si Mama Minda sa paglaki naming tatlo. Mula sa kung papano kami nagkakilala hanggang sa samahan niya kaming magpatuli sa center at sa kung ano-ano pang kaganapang aming pinagdaanan. Sayang at hindi makakasama si Kei dahil may importante raw siyang gagawin kaya kaming tatlo lang ang nakapagsalo-salo. Habang kami ay kumakain ng panghimagas ay inutusan ni Mama Minda si Andrew na bumili ng coke. Tahimik akong kumakain ng leche plan nang biglang magtanong si Mama Minda.
“Nanliligaw na ba sayo si Andrew?” tanong niya sa akin na kung saan muntikan kong maibuga ang leche plan na kinakain ko.
“Po?” ang tangi kong naisagot sa kaniya dahil sa pagkabigla.
“Matagal ko ng alam ang pagkagusto ni Andrew sayo. High school pa lang kayo ng umamin siya sa akin” mas lalo akong nabigla nang sambitin ito ni Mama Minda.
“Noong mga bata pa lang kayo ay natural na kay Andrew ang pagiging malambing at pagiging over-protective niya sayo. Inisip ko noon na dahil malaki ang agwat ng kaniyang mga kapatid sa kaniya kaya naman tinuturing ka niyang nakakabatang kapatid. Ngunit habang tumatagal ay nag-iiba ang pakikitungo niya sayo na marahil ay hindi mo napapansin. Umamin lang siya sa akin nang makita ko ang litrato mo na kaniyang tinatago sa isang maliit na kahon” kwento ni Mama Minda at lumipat pa siya ng upuan upang mapag-usapan namin ng maayos.
“Anong litrato po?” tugon ko dahil wala namang naikwento sa akin si Andrew tungkol sa bagay na ito.
“Noong highschool pa kayo ay may tinatago yang maliit na kahon sa drawer niya. Nagagalit pa nga sa akin kapag namamali ako ng lagay. Nagtaka ako noon kung bakit niya sinisiksik ito sa pinakailalim ng kaniyang mga damit. Akala ko nga mga litrato mula sa mga bold magazine ang laman nito kaya niya tinatago pero nagulat na lang ako nang makita ko na puro litrato mo ang laman. Hindi sana ako magtataka kung magkahalong larawan niyo nila Kei ang laman nito ngunit tanging sayo lang ang laman nito. Kaya nang tanungin ko siya ay umamin rin siya sa akin at nangako ako sa kaniya na hindi ko ito ipagsasabi hanggang sa hindi pa raw siya handang umamin sayo”
Panandaliang natahimik ako sa naikwento ni Mama Minda. Hindi ko alam na ganun katagal na naglihim sa akin si Andrew. Maging ako ay wala masyadong naitabing mga larawan noong kabataan pa namain ngunit base sa kwento ni Mama Minda ay mayroon daw si Andrew nito mula noon hanggang ngayon. Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa mga naikwento sa akin ni Mama Minda.
“Sa katunayan ay ayokong magkagusto sa lalaki itong si Andrew dahil napakagwapong bata at sayang ang lahi ngunit kong ikaw ang makakatuluyan niya ay hinding hindi ako hahadlang dahil mahal na mahal ko kayo… kahit hindi niyo ako mabibigyan ng apo” sabay kaming natawa ni Mama Minda sa mga huling salita na kaniyang binanggit na kung saan saktong sakto ang pagdating ni Andrew.
“Ayan na naman si Mama, pinangungunahan na naman ako” reklamo nito matapos niyang mailapag sa mesa ang nabiling coke.
“Pinagmamalaki mong habulin ka ng babae at magaling kang manligaw pero hindi mo pa rin napapasagot itong si Gon” tugon ni Mama Minda sa kaniyang anak.
“Binasted nga di ba po?” tugon ni Andrew habang nakatingin sa akin.
“Pero hayaan niyo Ma, sa susunod na pagbisita niya rito ay ipapakilala ko na siya bilang syota ko” dugtong niya at nagawa pang kindatan ako. Mabilis akong napailing sa sinabi niya at hinarap si Mama Minda.
“Pasensya na Ma, pero pakiramdam ko ay eto na po yung huling pagkikita nating dalawa” biro ko kay Mama Minda na mabilis niyang sinakyan.
“Pakiramdam ko nga nak” tugon niya habang kunwari’y pinupunasan ang kaniyang mga luha.
“Ahhh ganun pinagkakaisahan niyo ako!” sambit ni Andrew at lumapit sa akin. Ginapos niya ang kaniyang kanang kamay mula sa aking likuran patungo sa aking didbib upang hindi ako makawala at ang kaniyang kaliwang kamay naman ay pinuntirya ang aking tagiliran.
Halos mapatalon ako sa kakatawa dahil sa ginawa niyang pangingiliti sa akin. Ilang beses na sinaway ni Mama Minda si Andrew sa kaniyang ginawa dahil kakakain lang namin. Naging binge niya sa mga pagsaway ni Mama Minda at tinigilan niya lang ito nang magmakaawa ako dahil naluluha na ako sa kakatawa.
Hinang hina ako nang matapos ang pangingiliti sa akin ni Andrew. Kagaya noong mga bata kami ay wala pa rin akong kalaban laban sa kaniya sa tuwing gagawin niya iyon. Ganun na ganun siya sa akin sa tuwing napipikon siya at hanggang ngayon ay wala pa ring pinagbago sa kaniyang inaasal. At nang kami ay makapagpahinga ay saka namin sinimulan ang inuman sa kanilang rooftop. Nakakatuwa lang nang umakyat kami sa itaas ay nakahanda na ang lahat. May tatlong upuan at maliit na mesa sa gitna. Ang mga inihaw na inorder ko mula kay Aleng Nena ay narito na at nadagdagan pa. Nasa isang sulok matatagpuan ang isang malaking cooler na naglalaman ng mga in-can beers na aming iinumin.
Naging masaya ang inuman namin kahit kaming dalawa lang. Madalas naming napag-uusapan ang mga kalokahan namin noong kami ay bata pa. Maging ang mga nakakatawang tagpo ay muli naming binalikan. Sinamantala na rin namin ang pagkakataong mapag-usapan si Kei dahil wala siya ngayon. Nagawa kong ikwento sa kaniya ang biglang pagbabago ng ugali ni Kei na para bang iniiwasan na niya ako. Marahil ay may mabigat itong dahilan kung bakit niya ito nagagawa ayon kay Andrew kaya naman siya na raw ang bahalang kumausap rito.
Habang tumatagal ang aming inuman ay nagkakaroon na rin kami ng tama sa mga alak na aming iniinom. Ilang sandali pa ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob na tanungin siya tungkol sa kahon na naglalaman ng aking mga larawan. Noong una ay tinatanggi niya pa at ayaw niyang aminin ngunit kalaunan ay napapayag ko rin siyang maipakita ito sa akin. Gusto ko rin kasing malaman kong ano-anong larawang ko ang naitabi niya kaya nang bumalik siya mula sa kaniyang kwarto ay dali-dali ko itong inagaw sa kaniya. Isa-isa kong tiningnan ang mga larawan kung saan kuha pa ito sa lumang camera ni Mama Minda. May litrato ako na naglalaro ng tumbang preso kung saan ang dungis-dungis ko. May larawan din ako kung saan nakikipag-agawan ako ng bola sa laro ng mga kabataan ng basketball. Karamihan sa mga ito ay stolen shots na minsan ay nagmumukhang katawa-tawa ang aking hitsura.
“Bakit mo naman naisipang itabi ang mga to eh parang engot naman ang mga kuha ko dito” sabi ko at bigla niya akong binatukan sa panlalait ko sa mga larawan.
“Syempre para may pang blackmail ako sayo kapag lumaki na tayo” tugon niya at binawi niya sa akin ang kahon na naglalaman ng mga larawan ko.
“Yung totoo..pinagjajakulan mo lang yang mga pictures ko eh” pang-aasar ko sa kaniya bago ako tumangga ng beer.
“Minsan” tugon niya at bigla kong nabuga sa kaniya ang alak na ininom ko.
“Tangina hindi ka man lang mabiro?” reklamo ni Andrew habang pinupunasan ang sarili. Hinubad niya ang kaniyang damit at ginamit na pamunas sa mga alak na naibuga ko.
Nagpatuloy kaming uminom na para bang walang bukas. Kagaya niya ay naghubad na rin ako ng pang-itaas na damit dahil nakakaramdam na rin ako ng init. Ang masaya naming pag-uusap ay naging seryoso nang magpasalamat ako sa kaniyang ginawa dahil kahit papano ay nakalimutan ko ang mga pinagdadaanan ko. Hindi ko nga maintindihan ang aking sarili kung bakit labis ang lungkot na aking nadarama hanggang sa maluha ako habang umiinom.
Nang mahimasmasan ako sa pag-iyak ay tinigil na namin ang pag-iinom. Inakay ako ni Andrew patungo sa kaniyang kwarto. Pagkapasok namin sa loob ng kaniyang kwarto ay kaagad siyang inabutan ni Mama Minda ng maliit na planggana na naglalaman ng bimpo at maligamgam na tubig. Pilit kong nilalabanan ang antok ko habang pinupunasan ni Andrew ang aking katawan. Nang masiguro niyang nasa maayos na akong kalagayan ay nagpaalam siya dahil sa kabilang kwarto raw siya matutulog. Bago pa man siya makaalis ay nagawa ko siyang pigilan.
“Samahan mo muna ako ngayong gabi” sabi ko na punong puno ng paglalambing habang nakayakap mula sa kaniyang likuran.
“Gon ginagawa ko ito dahil pinipigilan ko ang sarili ko sayo” tugon niya sa akin na para bang nagagalit.
“Walang kwenta! Sasabihin mong mahal mo ako tapos iiwanan mo lang ako di-” hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang maitulak niya ako sa ibabaw ng kaniyang kama. Mabilis siyang pumaibabaw sa akin habang hawak-hawak niya ang magkabila kong kamay.
“Binabalaan kita Gon! Nirerespeto ko ang damdamin mo kaya huwag na huwag mong gagamitin ang damdamin ko laban sayo. Sinasabi ko ito sayo bilang babala dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo kapag nawalan na ako ng control” sabi niya habang buong pwersa niyang tinutulak ang aking katawan sa kama. Napailing ako sabay tawa ng mahina.
“Tangina ang dami mong sinasabi” tugon ko at bigla kong nilapit ang aking mukha sa kaniyang mukha upang magtagpo ang aming labi. Noong una ay hindi pa siya gumagalaw dahil sa pagkabigla ngunit nang tumagal ay siya na mismo ang naging dominante sa aming halikan.
Sobrang tindi ng aming halikan na hindi natitigil hanggang sa kapusin kami ng hininga. Ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng aking laway dahil sa tindi ng paghalik ni Andrew sa akin. Ngunit kahit gaano man katindi ang halikan namin ay para bang wala akong maramdamang kakaiba. Hindi ko masabi kong nasisiyahan ba ako o gusto ko itong nangyayari. Paulit-ulit kong hinalikan ang kaniyang mga labi ngunit tila wala pa rin akong maramdamang kakaiba hanggang sa hinayaan ko na siyang gawin ang nais niyang mangyari. Napatingala na lang ako sa kisame nang halikan niya ang aking leeg. Sa pagtitig ko sa kisame ay tila nandidilim ang aking paningin hanggang sa tuluyang maipikit ko ang aking mata.
Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa labis na pananakit ng aking ulo. Tela hinampas ng baseball bat ang aking ulo dahil sa tindi ng kirot nito. Halos mapabalikwas ako sa aking kinahihigaan nang makita kong iba na ang suot kong salawal. Ang kobre-kama, punda at kumot ay tila napalitan na ng bago. Lasing man ako ay tandang tanda ko ang kulay nito mula sa kulay asul ay naging kulay puti ang mga ito. Nang lingunin ko ang sahig ay kitang kita ko ang mga damit namin ni Andrew na nagkalat sa sahig maging ang lumang kumot na aming ginamit kagabi. Mas nabigla ako nang pumasok si Andrew na nakatapis ang tuwalya sa kaniyang baywang habang kinukuskos ang basang buhok.
“Good morning” masaya niyang pagbati sa akin.
“Sabihin mo nga sa akin ang totoo” sambit ko habang palipat lipat ang tingin ko sa bagong suot kong salawal, sa bagong palit na sapin at kumot pabalik sa kaniyang mukha na tila nagtataka sa aking inaasal.
“Ang alin?” tanong niya habang papalapit sa akin.
“May nangyari ba sa atin?” walang pag-alinlangan kong tanong. Ngumiti siya at tumayo sa may harapan ko bago muling magsalita.
“Sa tingin mo?” tanong niya sa akin at bigla na lang niyang binaba ang tuwalyang nakatapis sa kaniyang baywang kung saan kitang kita ko ang bagay na nakatago dito.
Itutuloy…
A/N
: Sobrang rare ng ganitong pangyayari na makapag-update ako ng dalawang beses sa isang linggo kaya magbunyi ang lahat. Sobrang excited na ako sa susunod na chapter. Hindi ko magawang idugtong dito dahil aabutin na ako ng 9-10k words at hindi pa dapat mangyari yun kasi pang climax at ending lang ang wordings na ganun para sa akin. Magpapahinga lang ako ng ilang araw bago ako magsusulat ulit para sa chapter 39. I swear magugustuhan niyo ito pero syempre mabibitin pa rin dahil on-going.
Gusto ko lang batiin sina
Franz Ezekiel
at
Jade Pareno
na nagpaulan ng reaction sa facebook page ko. At kung nais niyong malaman kong kelan ang susunod na update ay maaaring I-like niyo ang Facebook page ko at I-follow ang Twitter account ko.
Facebook: https://facebook.com/Eisenchann
Twitter: https://twitter.com/eisenchan
Thank you and Keep Safe <3
Updated 11:50, April 19
Chapter 39: Touch of Ice
Dylan as Lance
Gunter’s POV
Nagulat ako nang biglang ibaba ni Andrew ang tuwalyang nakatapis sa kaniyang baywang. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko kaagad nagawang maiwas ang aking paningin at nasilayan ko ang ibabang parte ng kaniyang katawan. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nakasuot na siya ng salawal na kung saan tinatawanan niya ako dahil sa aking naging reaksyon.
“Napakawalang hiya mo!” inis kong sambit at hinampas sa kaniya ang unan.
“Bakit dismayado ka ba dahil may suot akong brief?” tanong niya habang nakangisi sa akin.
“Gago!” ang tanging naging tugon ko at binigyan siya ng isang suntok sa kaniyang braso. Bahagya siyang lumayo sa akin habang hinihimas ang braso na sinuntok ko ngunit ang kaniyang pagngiti na tila nang-aasar ay hindi pa rin nawawala.
“Hindi mo pa rin sinasagot yung tanong ko” sambit ko at iniwas ang tingin sa kaniya. Nakayuko ako nang muli siyang lumapit sa akin at saka bumulong.
“Bakit, ganyan ka na ba kaluwag at hindi mo malaman kong may nangyari sa ating dalawa?” bulong niya sa akin at mabilis na nilayo ang sarili. Ramdam ko ang mabilis na pag-init ng aking pisngi dahil sa kahihiyan at inis sa kaniyang sinabi. Hindi ko napigilang murahin siya ng malakas at di ko inaasahang maririnig ito ni Mama Minda.
“Sino ba yang nagmumura na yan?” sigaw ni Mama Minda mula sa labas ng kwarto. Nakalimutan kong halos magkalapit lang ang kwarto ni Mama Minda at ni Andrew kaya naman hindi malabong marinig niya ang pagsigaw ko. Isa pa man din sa pinakaayaw ni Mama Minda ay yung nagmumura kaya kapag narinig niya kaming magmura ay katakot-takot na sermon na may kasamang pagpingot sa tenga. Sa aming tatlo ay madalas napipingot si Kei dahil siya ang pinakamadaldal at maingay sa amin na madalas marinig ni Mama Minda.
“Mama Minda…minumura po ako ni Andrew” pagsisinungaling ko kung saan napatingin sa akin si Andrew at hindi makapaniwalang magagawa ko sa kaniya iyon.
“Humanda ka paglabas mo Andrew! Papasakan ko talaga ng siling labuyo yang bibig mo!” pagbabanta ni Mama Minda sa kaniyang anak habang ako ay todo pigil sa pagtawa. Walang nagawa si Andrew at napakamot na lang sa kaniyang ulo habang pinapakinggan ang pagsermon ng kaniyang ina. Ngunit nang makababa na ang kaniyang ina ay bigla na lang nagbago ang tingin nito. Ang kaniyang pagtingin sa akin ay tila nagbabanta ng kapahamakan na kung saan ang mga daliri sa kaniyang kamay ay tila gagamba ang pagkilos nito.
“Sorry na.. Aamin ako kay Mama Minda na ako yung nagmura” sabi ko sa kaniya habang umaatras sa pinakadulo ng kaniyang kama. Alam kong balak niya akong kilitiin hanggang sa manikip ang dibdib ko sa kakatawa kaya naman humingi na kaagad ako ng patawad sa kaniya.
Ilang beses akong humingi ng tawad sa kaniya ngunit naging bingi lang siya sa mga pakiusap ko. Kung ano-anong bagay na ang ginamit ko para lang masuyo siya ngunit hindi pa rin siya natinag hanggang sa dumapo na lang ang kaniyang mga daliri sa aking tagiliran. Nagawa ko pa siyang itulak ngunit nawalan din ako ng lakas nang mapahiga na ako sa kakatawa habang siya ay nasa ibabaw ko. Halos tumulo na ang aking laway sa kakatawa habang nakikiusap sa kaniya na itigil ito.
“Sinong nagmura kanina haa?” tanong niya habang ako ay patuloy na tumatawa.
“A-ahhh ako” halos hindi ko mabanggit ang saliting iyon dahil sa labis na pagtawa.
“Sino ngayon ang masusunod sa ating dalawa?” muli niyang tanong habang patuloy pa rin ang pangingiliti niya sa akin. Nagawa niya pang ipitin ang aking mga hita sa pagitan ng kaniyang mga hita upang hindi ako makapiglas.
“I-ikaw tangina tama naaa” pakiusap ko dahil hinihingal na ako sa pagtawa.
“Sino ang mas malakas sa ating dalawa?” tanong niya pa habang ako ay unti-unting nanghihina kakatawa.
“Ikaaaaw” ang tangi kong nasabi sa pagitan ng pagtawa.
“Sinong mahal mo?” tanong niya sa akin at tinigil niya ang pagkiliti sa aking tagiliran upang marinig niya ang aking sagot. Muli kong iniwas sa kaniya ang aking paningin dahil hindi ko alam kung anong isasagot sa kaniyang tanong. Naramdaman ko na lang ang paglapit ng kaniyang mukha sa akin na kung saan naging mabilis ang aking pagkilos at nagawang takpan ang aking bibig. Ngunit nabigla ako nang halikan niya ang aking noo.
“Hindi kita pipilitin kong ayaw mo. Marami pa tayong oras na makasama ang isa’t isa kaya hahayaan kitang mag-isip kong ano ba talaga ang nararamdaman mo sa akin. Kahit na lasing ka kagabi ay alam kong higit pa sa pagnanasa ang nararamdaman mo sa akin kaya ngayon ay hahayaan muna kitang mag-isip”
Muli akong nakaramdam ng kahihiyan sa kaniya dahil sa nagawa ko kagabi. Hindi ko rin alam sa sarili kung bakit ko nagawa iyon sa matalik kong kaibigan. Alam kong may gusto siya sa akin ngunit ayokong gamitin ang nararamdaman niya para sa akin upang mapasunod siya sa mga gusto kong mangyari.
Nang matapos siyang magsalita ay siya namang pagtayo niya sa kaniyang kama at lumabas ng kwarto. Basang-basa ako ng pawis kaya naman kinuha ko ang aking pinaghubarang damit upang punasan ang sarili. Ilang sandali lang nang makabalik si Andrew na may dala-dalang basong tubig at binigay ito sa akin upang inumin. At nang makapagpahinga ng husto ay naisipan kong makiligo sa kaniyang banyo ngunit bago pa man ako makapasok ay napatigil ako sa kadahilanang wala nga pala akong dalang pamalit. Lumapit naman sa akin si Andrew upang bigyan ako ng shorts at brief.
“Huwag kang mag-alala yang shorts na yan galing pang Macau. Kasama yan sa pasalubong ko sayo at itong brief ay nabili ni mama kagabi dahil alam niyang dito ka matutulog” sambit ni Andrew nang mag-alinlangan ako sa pagtanggap nito. Unang pumasok sa isipan ko ay baka nagamit na niya ang brief na to kaya naman nag-alangan ako sa pagtanggap. Pagkatanggap ko ay kaagad naman siyang nagbihis habang ako ay napapailing sa mga nangyayari.
“Mukhang planado ang pagpunta ko dito ah” Hindi ko mapigilang sambitin dahil tila lahat ay nasa maayos na kalagyan nang ako ay dumating dito sa kanilang tahanan.
“Oo naman. Nakapagstock nga ako ng maraming condom diyan sa drawer sa sobrang excitement ko” tugon niya habang nagsusuot siya ng pantalon na gagamitin niya pamasok. Alam kong nagbibiro lamang siya ngunit hindi ko pa rin napigilan ang sarili na silipin ang drawer na kaniyang tinutukoy. Nagulat ako nang makita ko na naglalaman ito ng napakaraming klase ng condom. Kinuha ko ang dalawang maliit na box at binato sa kaniya.
“Napakagago mo!” sabi ko sa kaniya na kaniya namang ikinatawa.
“Hindi ba talaga titigil yang pagmumura na yan?”
Muli naming narinig ang boses ni Mama Minda na nagsalita. Dali-dali akong pumasok sa banyo at pinihit ang shower upang mapalabas na kanina pa ako naliligo. Saktong sakto naman ang pagpasok ni Mama Minda sa kwarto ni Andrew. Para akong demonyo na nagpipigil ng tawa sa loob ng banyo habang pinapalo ni Mama Minda si Andrew at sinisermonan.
Sobrang gaan ng aking pakiramdam nang matapos akong makaligo. Tila ba lahat ng iniisip ko ay umagos na kasabay ng aking pagbanlaw. Masaya akong narito si Andrew dahil kahit papano ay gumagaan ang pakiramdam ko kapag kasama siya. Ganitong ganito ang nadarama ko noong mga bata pa kami. Pakiramdam ko ay siya ang nakakatanda kong kapatid bukod kay Ate Pritz na handang promotekta sa akin kaya naman panatag ang loob ko sa tuwing siya ang kasama.
Sa sandaling makalabas ako ng banyo ay naabutan ko siyang nakaupo sa ibabaw ng kaniyang kama. Ang kaninang makalat na sahig at magulong kama ay nakaayos na. Nakasuot na siya ng pantalon at sapatos ngunit nanatiling walang saplot ang kaniyang pang-itaas. Malabong naiinitan siya dahil nakabukas ang aircon ng kaniyang kwarto. Marahil kagaya na rin siya Kei na madalas ipagyabang ang pangangatawan nito. Kapansin-pansin ang pagbabago sa pangangatawan ni Andrew dahil mas naging batak ang kaniyang pangangatawan. Hindi lang dahil sa madalas na pagbabasketball kundi sa pagbubuhat nito sa gym. Hindi ko napigilang mapatingin sa aking pangangatawan dahil sa aming tatlo ay ako na lang ang napag-iiwanan. Muli akong tumingin sa katawan ni Andrew upang ikumpara ang sarili hanggang sa maisipang magpalaki na rin ng katawan dahil nagmumukha akong patpatin kapag pinagtabi kaming tatlo.
“Halika nga! Himasin mo na lang kasi kaysa naman naglalaway ka diyan” saka ko lang napagtanto na matagal na pala ang pagkakatitig ko sa katawan ni Andrew kaya ngayon ay inaasar na niya ako.
“Gag-” hindi ko natuloy ang pagmumura ko nang ituro ni Andrew si Mama Minda na nasa likuran ko.
“Ganda na ng pangangatawan ni Andrew, di ba Mama?” sabi ko sabay yakap kay Mama Minda at nagbabaka sakaling hindi niya napansin ang aking sinabi.
“Haay ewan ko sa inyo ang aga-aga niyong maglandian! Magsibihis na kayo para makakain na kayo sa baba nang hindi kayo malate sa school” mataray na tugon ni Mama Minda at naglakad palabas ng kwarto ni Andrew. Bago pa man siya tuluyang makababa ng hagdan ay pasigaw itong nagsalita.
“Ikaw Gon. Tigil tigilan mo na yang pagmumura mo. Hindi habang buhay ay sasaluhin ni Andrew ang mga kasalanan mo!” sambit nito bago tuluyang bumaba.
Hindi ko naman maintindihan kay Mama Minda kung bakit niya sinaktan ang sariling anak kung alam naman niyang ako ang nagmura kanina. Paglingon ko kay Andrew ay kasalukuyang nakangiti ito sa akin bago niya ako kinindatan. Binuka ang mga bibig at nagsalita ng walang boses ngunit nakuha ko ang nais niyang sabihin. ‘I love you’ ang pagkakasabi nito na mabilis nagpailing sa akin. Hindi ko mapigilang itanong sa sarili kung bakit ba patay na patay sa akin ang gagong to?
Muli kaming nagsalong tatlo sa almusal na hinanda sa amin ni Mama Minda. Ang nilagang baka na binudburan niya ng sili bilang parusa daw sa pagmumura ko ay nakatulong upang mabawasan ang hang-over ko. Matapos naming kumain ay pinaalis na rin kami ni Mama Minda dahil kinakailangan pa naming makahabol sa klase lalong lalo na ako na kinakailangan pang dumaan sa condo para makapagpalit ng uniform.
Nagawa akong ihatid ni Andrew gamit ang kaniyang bagong motor na kung wala akong alam sa kaniyang nararamdaman ay iisipin kong pamorma niya itong motor. Hindi ko na siya pinag-antay dahil mas mauuna ang klase niya sa akin. Mayroon pa akong kalahating oras para makapagbihis at ilang kanto lang naman ang layo ng school namin sa tinutuluyan kong condo. Sa aking pagpasok sa loob ng aking unit ay hindi ko inaasahang maabutan ko pa si Lance dahil alam kong sa sandaling ito ay nagsisimula na ang kaniyang klase.
“Saan ka nagpunta kagabi?” pambungad niyang tanong sa akin habang nakaupo sa ibabaw ng aking kama.
“Nag-inuman kami ni Andrew” maikli kong tugon matapos kong mahubad ang aking sapatos.
“Ilang beses akong nagtext at tumawag sayo pero hindi ka sumasagot” sambit niya na para bang siya pa mismo ang may ganang magalit sa aming dalawa.
“Nalowbat ako.. okay na?” ang tangi kong sinabi dahil wala akong panahong makipagtalo sa kaniya.
“Sana man lang ay nagsabi ka! Hindi yung buong gabi akong nag-aalala sayo” galit niyang sambit ngunit hindi ko ito binigyang pansin. Naglakad ako patungo sa lagayan ng aking mga damit upang makakuha ng uniform ngunit bago ko pa man mabuksan ang pinto nito ay mabilis na tinulak ni Lance ito upang mapigilan ang pagbukas ko.
“Ano bang problema mo?” inis kong sambit dahil sa kaniyang inaasal.
“Magtapat ka nga sa akin kayo na ba ni Andrew?” tanong niya sa akin habang ang kaniyang kaliwang kamay ay nanatiling nakasandal sa pinto ng lagayan ko ng mga damit.
“Hindi dahil magkaibigan lang kami at saka kung kami man ay wala ka nang pakialam dun!” mariin kong sambit at nabigla na lang ako nang itulak niya ang pinto gamit ang kaniyang kanang kamay. Ngayon ay nasa pagitan na ako ng kaniyang mga kamay habang galit na galit siyang nakatingin sa akin.
“May pakialam ako dahil……” sigaw niya ngunit hindi niya matuloy ang nais niyang sabihin.
“Dahil ano? Hindi nga kita pinapakialaman nang maging kayo ni Angelique di ba? Tapos ngayon binibigyan mo ng malisya yung…” Hindi ko nagawang ituloy ang dapat kong sambitin nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Mabilis kong iniwas ang aking mukha dahil alam kong balak niya akong halikan. Lumapat ang kaniyang labi sa aking pisngi dahil sa pag-iwas ko.
“Lance…magkapatid tayo” sambit ko habang hinahabol ang paghinga dahil sa mabilis na pagtibok ng aking puso.
“Yan na lang ba ang lagi mong sasabihin sa akin?” tanong niya na hindi ko magawang sagutin.
Nanatiling nakaiwas ang aking paningin sa kaniya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Nagkaroon lang ako ng lakas ng loob na tumingin sa kaniya nang alisin niya ang kaniyang mga kamay sa pagitan ng aking ulo. Nanatili siyang nakatayo sa harap ko habang nakapamaywang at nakatingala sa kisame. Ramdam ko ang pagpipigil niya ng emosyon dahil sa malalim niyang paghinga. At sa sandaling magtama ang aming paningin ay saka ko lang nasilayan ang pamumuo ng mga luha sa kaniyang mga mata. Hindi ako nakakilos dahil sa pagkabigla kaya naman hindi na ako nakapalag nang ako’y kaniyang yakapin.
“Pagpasensyahan mo na ako. Pangako, simula ngayon ay magiging mabuting kapatid na ako sayo” sambit niya habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko maipaliwanag kung bakit nagmistulang bato ako sa sandaling ito at maging sa paghalik ni Lance sa aking noo ay hindi ko nagawang pumalag. Matapos niya akong halikan sa noo ay ngumiti siya sa akin bago niya ginulo ang aking buhok. Bakas sa ngiti niya ang kalungkutan dahil kapansin-pansin na pilit lamang ito. Matapos ay nagpaalam siya sa akin na para bang ito na ang huli naming pagkikita.
Ilang minuto akong nakatayo sa aking pwesto kung saan ako niyakap ni Lance bago siya tuluyang umalis. Hindi ko alam kung bakit ganun katagal bago ako bumalik sa aking katinuan. Ang dami-daming bagay na naglalaro sa aking isipan dahil sa kakaibang kilos ni Lance. Kaya naman kahit na may sapat akong oras para makapaghanda sa pagpasok ay nahuli pa rin ako sa unang klase dahil sa pagkawala ko sa aking sarili. Halos hindi ako makapagfocus sa klase dahil paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang mga sinabi ni Lance. Kahit na sa sandaling kami ni Andrew ang magkasamang kumain ng tanghalian ay si Lance pa rin ang nasa aking isipan. Inaalala ko na baka tuluyan na niyang lisanin ang condo upang tuluyang umiwas sa akin.
“Yun naman talaga ang gusto kong mangyari” hindi ko namalayang nasambit ko ito habang kasama ko si Andrew.
“Ang alin? Ang maging tayo?” tanong ni Andrew na siyang pilit kong tinawanan.
Hindi ko alam kung bakit labis na lang ang aking pag-aalala dahil kung tutuosin ay matagal ko nang gusto na umalis si Lance sa condo unit ko. Ngunit sa ngayon ay para bang namomroblema pa ako kapag tuluyan siyang lumisan. Gusto ko siyang kausapin ngunit balita ko ay hindi raw siya pumasok sa school ngayon. Inisip ko na baka na kay Angelique siya ngayon ngunit ilang beses kong nakasalubong sa school si Angelique na hindi man lang kasama ito.
Pagkatapos ng klase ay dali-dali akong umuwi sa aking tinutuluyang condo. Mabilis kong natanggihan ang pag-aya ni Andrew na tumambay dahil dinahilan ko na may importante akong aasikasuhin na kaniya namang naintindihan. Sa bawat palapag na dinadaanan ng elevator ay para bang unti-unting nauubos ang aking oras kay naman nang makababa ako dito ay halo takbuhin ko na ang daan patungo sa aking kwarto. Hingal na hingal ako nang makapasok ako sa aking kwarto ngunit tila lahat ng pagod at pangamba ko ay nawala nang makita ko si Lance na nagluluto sa kusina.
“May humahabol ba sayo? Bakit pawisan ka at hinihingal diyan?” tanong ni Lance sa akin habang hinahalo ang kaniyang niluluto.
“Ahhh wala…kasi natatae na ako” ang tangi kong naisip na maipalusot na kaniya namang tinawanan.
“Ohh siya magbawas kana dun dahil malapit na tong maluto nang makakain na tayo” tugon niya at dali-dali naman akong pumasok ng banyo upang pangatawanan ang pagpapanggap ko na nadudumi.
Matapos akong magpanggap na nadudumi ay kaagad akong nagpalit ng damit bago ako sumalo kay Lance sa pagkain ng aming hapunan. Maraming bagay na talaga akong hindi nalalaman sa kaniya. Hindi ko inaasahang magagawa niyang magluto ng masasarap na putahe sa loob ng dalawang taong pagkakahiwalay namin sa isa’t isa. Sobrang normal ng dating ng aming hapunan dahil nawala ang ilangan nang magkwento kami sa mga bagay-bagay na walang kinalaman sa aming nakaraan. Ang aming pag-uusap ay mas lalong nagtagal nang ilabas ni Lance ang wine matapos kaming kumain. Hindi ko alam kung bakit ngayon niya lang ito nilabas dahil alam kong mas masarap ito kapag sinasabay sa pagkain.
Masaya ako na sa kabila ng naging alitan namin ay naging kalmado na ngayon si Lance at nagagawa nang makipag-usap sa akin bilang kapatid. Walang bahid ng malisya ang kaniyang mga sinasambit. Hindi mawawala ang mga kalokohan ngunit ang uri ng kaniyang pananalita ay maihahalintulad sa isang matalik na kaibigan. Habang tumatagal ang aming pag-uusap ay tila unti-unti akong tinatamaan sa aming iniinom. Unti-unting nagbabago ang pandinig ko na para bang ang bagal-bagal ng pananalita ni Lance. Maging ang aking pagkilos ay para bang bumagal hanggang sa sumuko na ang aking mga mata at tuluyan itong nagsara.
Sa kalagitnaan ng gabi nang ako’y magising dahil sa panlalamig ng aking katawan. Aabutin ko sana ang kumot na nakatakip sa pang ibabang bahagi ng aking katawan ngunit hindi ko magawa dahil may pumupigil sa aking mga kamay. Nagulat na lang ako nang makita ko ang aking mga kamay na nakagapos sa ibabaw head board ng aking kama. Maging ang aking mga paa ay nakatali sa magkabilang dulo ng aking kama na kung saan pinipigilan akong makakilos. Laking gulat ko nang makita ko si Lance na may dala-dalang maliit na bucket na naglalaman ng mga ice tubes. Mas lalo akong kinilabutan nang kainin niya ang isa sa mga ito habang nakatingin sa akin. Napamura ako sa sarili ko dahil bigla na lang akong nakaramdam ng libog dahil sa ginawa niya. Ang nakakahiya pa ay hindi ko mapigilang tigasan na kung saan ay nagiging kapansin-pansin kahit na natatakpan ito ng kumot. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hawiin ang kumot kung saan napagtanto ko na hubo’t hubad pala ako.
“Lance ano to?” natataranta kong sabi nang makita ko ang kahubdan ko habang ang aking kamay at paa ay nakagapos sa kama.
“Masyado kang nagiging pilyo kaya tuturuan kita ngayon ng leksyon” bulong niya sa akin na lalong nagpainit sa aking damdamin.
Hindi ko alam kung bakit ang tindi ng libog na nadarama ko ngayon. Napaisip ako kung dahil ba ito sa alak na ininom namin? Imposible dahil hindi naman ako ganito kapag ako’y nalalasing. Labis-labis ang aking pagpipigil upang hindi makalikha ng ingay sa tuwing bubuga ng kaniyang hininga si Lance sa aking leeg. Ramdam na ramdam ko ang malamig na hangin dahil sa ice tube na nasa kaniyang bibig. Sa bawat paghinga niya sa aking leeg ay tila libo libong boltahe ng kuryente ang tumatama dito na siyang nagpapaigting sa labis kong pagnanasa. Sa sandaling halos mabaliw na ako sa sarap ng kaniyang ginagawa ay bigla na lang niya itong tinigil.
“Lance ituloy mo na” pagmamakaawa ko sa kaniya.
“Ang alin?” tanong niya gamit ang boses na tila nang-aakit.
“Please ituloy mo na” muli kong pakiusap ngunit umiling lang siya bilang tugon.
“Parang awa mo na….hindi ko na kaya” sa pagmamakaawa kong ito ay saka niya lang pinagbigyan ang nais ko.
Nagawa niyang dilaan ang aking leeg bago niya ito hinalikan. Halos mapasigaw ako sa tindi ng sarap na nadarama. Hindi ito ang unang pagkakataong naranasan ang bagay na ito ngunit tila labis ang pagiging sensitibo ng aking katawan kaya naman ganito ang aking naging reaskyon. Sa marahang pagkagat at pagsipsip niya sa aking leeg ay tila mawawal ako sa aking katinuan. Nais kong kumawala sa pagkakagapos ng aking mga kamay upang hawakan ang kaniyang ulo upang mapanatili ang pagpapaligaya niya sa akin.
Hindi ko na napigilang magpakawala ng ungol dahil habang hinahalik-halikan niya ang aking leeg ay siya namang paglaro niya sa aking mga utong. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya at ganito ka tindi ang aking pagnanais. Palinga-linga ang aking ulo dahil sa labis na kaligayahang nadarama. Lagi kong nilalapit ang aking mukha sa tuwing iaangat niya sa aking panga ang kaniyang mga paghalik dahil umaasa akong hahalikan niya ang aking labi. Sa ikaapat na pagkakataong umasa akong hahalikan niya ang aking labi ay hindi naman niya ako binigo dahil sa pagkakataong ito ay binigay niya ang nais kong mangyari. Napapikit ang aking mga mata habang dinadama ang sarap na dulot ng kaniyang labi. Hindi ko mapigilang maluha dahil sa kagustuhang makawala sa pagkakagapos upang mahawakan ang kaniyang mukha habang kami ay naghahalikan.
“Lance…gusto ko pa” sambit ko nang kumalas siya sa aming halikan. Hindi pa ako lubusang nasisiyahan sa aming halikan kaya gusto ko pang ipagpatuloy ito ni Lance. Lalong tumindi ang libog ko nang makita siyang kagat-kagat ang kaniyang pang-ibabang labi habang nakangiti sa akin. Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang aking pang-ibabang labi upang bahagyang ibuka ang aking bibig. Sa paglapat ng kaniyang labi ay naramdaman ko ang pagdura niya sa loob ng aking bibig na mabilis kong tinanggap sa pamamagitan ng paglunok nito. Paulit-ulit niya itong ginawa bago niya ako muling hinalikan. Balak ata akong baliwin ni Lance sa sarap na hindi ko naman tututulan.
“Ahhhh..tangina Lance..Ang sarap niyan” halos mamaos ako sa pagsigaw nang sipsipin niya ang aking kanang utong. Halos manigas ang aking mga binti sa tuwing lalaruin niya ito gamit ang kaniyang dila. Paulit-ulit niyang bubugahan ng mainit na hininga bago niya didilaan ito at saka niya sipsipin. Hindi ko rin napigilang magpakawala ng malakas na ungol nang hawakan niya ang aking ari. Marahan niya itong pinipisil-pisil habang nilalaro ng kaniyang dila ang aking mga utong.
“Lance…itaas-baba mo na please! Hindi ko na talaga kaya” pagmamakaawa ko sa kaniya na kung saan tinawanan niya ako ng mahina. Ganun pa man ay pinagbigyan niya pa rin ako sa nais kong mangyari. Nagtaas-baba ang kaniyang kamay sa aking ari hang patuloy ang pagsipsip niya sa aking dibdib. Sa bawat pagbaba ng kaniyang kamay ay nagagawa kong salubungin ito sa pamamagitan ng pag-angat ko sa aking baywang. Mas domoble ang sarap na aking nadarama sa tuwing gagawin ko ito kaya naman bago kahit anong pagpipigil ang aking gawin ay mabilis na umabot sa hantungan ang pagpapaligaya sa akin ni Lance.
“Lance…bilisan mo pa ahh..Malapit na ako labasan” Pakiusap ko sa kaniya ngunit naging taliwas ang kaniyang ginawa. Imbes na bilisan niya ay unti-unti itong bumagal hanggang sa bitawan niya ang aking ari. Tinigil niya rin ang pagsipsip sa aking dibdib at muling nilapit ang kaniyang mukha sa aking tenga upang bumulong.
“Pasensya na..Ngayon ko lang naalala na MAGKAPATID pala tayo” binigyang diin niya talaga ang salitang magkapatid bago niya nilagyan ng packing tape ang aking bibig. Alam niyang makikiusap ako ngunit naunahan niyang takpan ang aking mga bibig upang hindi na ako makapagsalita. Nahiga siya sa tabi ko at yumakap sa akin.
“Good night” ang huli salitang kaniyang sinabi bago siya nagpasiyang matulog.
Gusto kong kumawala mula sa pagkakagapos sa aking kamay at paa. Kung hindi niya tatapusin ang pagpapaligaya sa akin ay ako na lang sana ang nagpatuloy nito ngunit hindi ko magawa dahil hindi malaya ang aking mga kamay. Sa dinamirami ng paraan ng kaniyang maiisip upang ako’y parusahan sa hindi ko malamang kasalanan ay bakit ito pa ang naisip niya? Hindi maibsan ang libog na nadarama ko dahil sa init ng kaniyang braso na nakayakap sa hubad kong katawan. Wala akong magawa kundi ang maiyak sa inis dahil sa pagkakaudlot ng ligayang matagal ko nang inaasam. Pinikit ko ang aking mga mata at kinumbinsi ang sarili na panaginip lamang ang lahat ng ito. Paulit-ulit ko itong ginawa hnaggang sa dalawin ako ng antok.
Nagising ako sa pagkalam ng aking sikmura dahil sa mabangong pagkaing aking naaamoy. Mabilis akong nakabangon at takang taka dahil hindi na nakagapos ang aking mga kamay at paa. Ngayon ay nakasuot na rin ako ng damit na aking suot-suot kagabi. Napaisip tuloy ako kung panaginip lang ba ang mga nangyari kagabi. Ngunit pinangunahan ako ng inis nang maalala ko ang ginawa sa akin ni Lance kaya naman nilapitan ko siya upang komprontahin sa nangyari.
“Bakit mo nagawa yun?” inis kong tanong sa kaniya habang iniinda ang pagkalam ng sikmura dahil sa bango ng kaniyang niluluto.
“Ang alin? Ang pakainin ka at painumin hanggang malasing?” natatawa niyang sambit at muling tinuon ang sarili sa pagluluto.
“Hi-hindi yung ano..” hindi ko mabanggit dahil nais kong manggaling ito sa kaniya.
“Alin dun? Yung alalayan ka pabalik sa kama dahil sa labis na pagkalasing?” muli ay tinawanan niya ako nang banggitin niya ang mga salitang iyon.
“Ang ibig mong sabihin ay panaginip lang yung nangyari sa ating dalawa?” hindi ko mapigilang sambitin dahil sa inis sa kaniyang pagtanggi.
“Hahaha..Nanaginip ka na may nangyari sa ating dalawa?” tanong niya at mas lalong lumakas ang kaniyang pagtawa.
Nagtungo ako sa banyo upang mapatunayan na hindi lang isang panaginip ang nangyari kagabi. Sinuri ko ang aking kamay at paa ngunit wala akong makitang marka mula sa lubid na ginamit niyang pangtali. Hinubad ako ang damit na aking suot upang suriin ang aking katawan sa maaaring markang kaniyang iniwan sa paghalik niya sa aking leeg at dibdib. Ilang beses ko mang suriin ay wala akong makitang marka na magsisilbing ebidensya sa nangyari sa aming dalawa.
Ilang araw makalipas mula nang mangyari ang kakaibang karanasan na yon na hindi ko pa rin malaman kong totoo nga ba o isang panaginip lamang. Tila unti-unting namumuo sa akin ang matinding pagnanasa sa aking kapatid matapos itong mangyari. Naging maayos naman ang pakikitungo sa akin ni Lance at naging malambing ito sa akin bilang isang kapatid. Walang bahid ng malisya sa kaniyang ginagawa ngunit sa tuwing yayakapin niya ako ay para bang gustong gusto ko siyang siilin ng halik at hubaran sa tuwing gagawin niya ito. Lalong lumalala ang pagnanasa ko sa kaniya habang lumilipas ang araw. May pagkakataong mapapatitig ako sa kaniyang adam’s apple at sa aking paningin ay nagmimistulang mansanas talaga ito na masarap kagat-kagatin. Mabilis ko namang winawaksi sa aking isipan ang mahalay na pag-iisip sa tuwing mahuhuli ako ni Lance na nakatitig sa kaniya. Sa mga sandaling magkasama sila ni Angelique ay hindi ko mapigilang naisin na sana ako ang nasa kaniyang katabi dahil aaminin kong nagseselos na ako kapag hindi ako ang kaniyang kasama.
Sa mga pagkakataong magkasama kaming dalawa ni Andrew ay gumagawa ako ng paraan upang subukin ang kaniyang pagnanasa sa akin ngunit sa tuwing gagawa na siya ng paraan ay pinapatigil ko rin siya dahil hindi ko maramdaman sa kaniya ang pagnanasang nadarama ko sa tuwing kasama ko si Lance. Naalala ko pa noong magkasintahan pa kami ni Lance ay labis ang pandidiri ko sa tuwing yayakapin niya ako kapag labis ang panlalagkit niya ng pawis mula sa pagbabasketball. Ngunit ngayon ay sa tuwing makikita ko siyang pawisan ay para akong baliw na iniisip na dilaan ang mga pawis na tumutulo sa kaniyang leeg. Hindi ko na malaman kong anong nangyayari sa akin dahil kahit na dumistansiya ako sa kaniya ay hindi pa rin humuhupa ang pagkahumaling ko sa kaniya. Minsan pa ay nahuli niya akong inaamoy ang kaniyang pinaghubarang damit.
“Bakit mo inaamoy yung pinaghubaran ko?” tanong niya sa akin na akin namang ikinabigla dahil buong akala ko ay matatagalan siya sa banyo.
“Ahhh kasi kaparehas kayo ng pabango ng kaklase ko…kaya nagtaka lang ako kung parehas kayo ng pabango” pagsisinungaling ko na kaniya namang pinaniwalaan.
“Bakit yan ang inaamoy mo? Halika amuyin mo ako nang malaman mo” pagyaya niya sa akin habang nakangisi. Wala akong pakialam kung nagbibiro lang siya dahil ginawa ko pa rin ang kaniyang sinabi. Inamoy ko ang kaniyang damit na para bang ito ang pinakamabangong bagay sa mundo. Pero sa totoo lang ay ang natural niyang amoy ang nagpapabaliw sa akin.
Sa tuwing matutulog kami sa gabi ay nagpapanggap akong nanaginip at ihahampas ko kunwari sa kaniyang katawan ang aking kamay. Sa tuwing mangyayari ito ay yayakapin ako ni Lance upang pawiin ang takot ko mula sa masamang panaginip. Sa pagkakataong ito ay nagiging malayo akong maamoy ang kaniyang katawan na tumutulong sa akin upang mahimbing.
Dumating ang araw na hindi ko na talaga mapigilan ang bugso ng aking damdamin. Nasa kalagitnaan na ng gabi nang magpaalam sa akin si Lance na magtutungo sa bahay nila Angelique dahil wala raw ang kaniyang mga magulang. Gagawin daw nila itong pagkakataon upang mapaligaya ang isa’t isa. Bago pa man siya makalayo sa kama ay kaagad ko siyang niyakap mula sa kaniyang likuran upang pigilan sa paglisan.
“Lance huwag ka nang umalis. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo basta manatili ka lang dito” pagmamakaawa ko sa kaniya na tila ba nangyari na ito dati.
“Gon sana hindi mo nakakalimutang magkadugo tayo” tugon niya at kaniyang inalis ang aking mga kamay. Ngunit hindi ako nagpadaig dahil alam kong tuluyang magbabago ang pagtingin sa akin ni Lance sa sandaling magtungo siya kina Angelique. Hinarap ko siya at mabilis na tinulak upang mapaupo siya sa kama. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong makapagreklamo dahil mabilis akong naupo sa kaniyang mga binti at kaagad siyang siniil ng halik. Nagsimula sa banayad hanggang sa naging marahas ang aming halikan. Walang kumalas sa aming halikan hanggang sa maubusan kami ng hangin.
“Wala akong pakialam kong imoral para sayo tong ginagawa ko. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko mapigilan ang aking damdamin na mahalin ka”
Nang marinig niya ang mga salitang ang aking binanggit ay kaagad niyang hinawakan ang aking pang-upo bilang pag-alalay sa paghiga niya sa akin sa ibabaw ng kama. Ngayon ay nasa ibabaw ko na siya habang nakatingin sa akin na hindi ko mawari kong galit ba siya sakin.
“Mahal mo ako kahit na magkapatid tayo?” bigla na lang siyang tumawa habang nakatingin sa akin. Nabigla ako sa pabago-bago ng kaniyang emosyon kaya hindi ko nagawang magsalita.
“Hindi ka ba nandidiri sa ideyang makikipagtalik ka sa kadugo mo? O sadyang matindi lang talaga ang nararamdaman mong li-”
Ayoko nang makarinig ng masasakit na salita sa kaniya kaya naman pinatigil ko siya sa pamamagitan ng paghalik. Pagod na akong saktan ang damdamin ng isa’t isa at ang nais ko ay maipadama sa kaniya ang aking nadarama sa pamamagitan ng pagpapaligaya namin sa isa’t isa.
“Tandaan mo, ikaw ang may gusto nito!” gigil niyang sambit nang kumalas siya sa aming halikan. Marahas niyang hinubad ang aking damit bago niya ako muling hinalikan.
Itutuloy…
A/N
: 5K words na ito at balak ko sanang i-extend hanggang 6k to 7k dahil iilang chapters na lang ang natitira. Kaso sobrang atat niyo at binibilangan niyo pa yung araw ng last kong update. So eto na bahala na kayong mabitin at mag-imagine sa susunod na chapter. Hindi po madaling kumuha ng inspirasyon sa pagsusulat ngayon kaya sana makaintindi naman kayo. Pero kung mas gusto niyo yung ganito edi sige ganitong klaseng update ibibigay ko.
I’m so done being nice. Sorry not sorry.
Chapter 40: Mark of ownership
Dylan as Lance
Note:
Ihanda
ang tissue para sa
inyong
mga luha.
Pakibasa
nang
mabuti
dahil
patalon
talon ang timeline ng POV ni Lance. Please read the whole author’s note.
Lance’s POV
Makalipas ng dalawang taong pagkakawalay namin sa isa’t isa ni Gon ay mabilis niya akong pinagpalit sa iba. Nagawa niyang manligaw sa isang babae habang ako ay hindi magawang tumingin sa iba dahil hanggang ngayon ay siya pa rin ang nilalaman ng aking damdamin. Bilang ganti sa kaniyang ginawa ay nagawa kong ligawan si Angelique na alam kong dati pang may gusto sa akin. Nakilala ko siya noong nagkaroon ng Sci-Math Quiz bee ang paaralan noong third year high school pa lang kami. Isa siya sa mga representative ng kanilang school at ako rin ay kabilang sa mga representative ng aming school kahit na hindi ako honorable student. Hindi sa pagyayabang pero magaling talaga ako sa Math at Science ngunit habang tumatagal ay nawawala ang interes ko sa pag-aaral.
Nagkaharap kami ni Angelique bilang magkatunggali at nagawa ko siyang talunin. Marahil ay swerte lang talaga ako sa araw na yon dahil hindi ako naghanda sa labang ito. Napilitan lang naman akong sumali dahil kinausap ng aming principal si daddy upang mapapayag ako sa kompetisyong iyon. Matapos kong talunin ay nagawa akong batiin ni Angelique sa aming pagkakapanalo. Naging derecho siya sa kaniyang intensyon na kunin ang number ko at dahil medyo tipo ko pa siya noon ay binigay ko naman ito.
Ilang buwan kaming nagkakausap gamit ang cellphone. Madalas siya ang tumatawag at nagtetext sa akin na para bang magsyota kaming dalawa. Sa totoo lang ay isa lamang siya sa mga babaeng pinaglilipasan ko ng mga oras. Aaminin kong may nangyari rin sa amin nang lumuwas ako ng Manila upang makipagkita sa kaniya. Dalawang beses lang may nangyari sa aming dalawa at pinutol ko na ang aming koneksyon dahil hindi ko tipo sa isang babae iyong masyadong clingy. Isang buwan matapos kong putulin ang ugnayan ko kay Angelique ay siya namang pagdating ni Gunter sa buhay ko.
Hindi ko akalaing kakailanganin kong kausaping muli si Angelique matapos kong putulin ang ugnayan naming dalawa. Ginawa koi to hindi dahil may gusto pa ako sa kaniya kundi ay upang pigilang tuluyang mahulog ang loob ni Gon kay Angelique. Isa rin itong paraan upang parusahan siya pagtalikod sa aming sinumpaang pangako sa isa’t isa.
Napagtagumpayan kong makuha ang loob ni Angelique nang muli kaming magkita. Walang kahirap-hirap na nakuha ko ang kaniyang damdamin sa isang oras naming pagkikita. Alam kong patay na patay siya sa akin noon ngunit hindi ko inaasahan na hanggang ngayon ay ganun pa rin ang kaniyang nararamdaman para sa akin. Matapos kong maihiwalay si Angelique kay Gon ay medyo naging panatag ang aking damdamin na hindi maghahanap kaagad ng iba si Gon dahil sa pag-agaw ko sa babaeng kaniyang nililigawan ng ilang buwan. Hindi madali para sa akin ang pigilan ang aking damdamin sa tuwing kaming dalawa lang ang nasa kwarto niya. Nais ko siyang yakapin at siilin ng halik upang maipadama sa kaniya kung gaano ako kasabik na muli siyang makasama. Gusto kong ipaalam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal na di ko magawang ipagpalit siya sa iba.
Ayokong masira ang mga plano ko para sa aming dalawa dahil lang sa hindi ko mapigilan ang aking damdamin. May mga pagkakataong palihim ko siyang niyayakap kapag mahimbing na ang kaniyang pagkakatulog. Nagagawa ko ring magnakaw ng halik sa kaniyang noo na lalong nagpalala sa kabilawan ko. Ayokong dumating sa punto na bigla ko na lang siyang gahasain dahil sa labis na pagpipigil ko sa aking damdamin kaya naman humingi ako ng tulong kay Kuya Eisen. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kaalam-alam na naghiwalay na kami ni Gon at ito ay magandang dahilan upang magpanggap kami ni Gon bilang magkasintahan. Umayon ang sandali sa aking plano nang masuspindi ang kanilang klase gawa ng sunog. Sa pagkakataong bumisita si Kuya Eisen ay nagawa kong idahilan ang pagpapanggap namin bilang magkasintahan sa harap niya ang mga nais kong gawin kay Gon. Malaya akong nayayakap siya at nahahawakan ang kaniyang mga kamay na para sa kaniya ay isang pagpapanggap lamang. Tila abot langit pa ang aking kasiyahan nang muli ko siyang mahalikan sa labi na matagal ko nang inaasam-asam. Ngunit ang masayang sandaling ito ay mabilis ding natapos nang bumalik si Kuya Eisen sa Laguna.
Nanumbalik ang turingan namin sa isa’t isa bilang magkapatid. Tinuloy ko pa rin ang plano ko na pagselosin siya hanggang sa umamin siya sa akin na mayroon pa rin siyang nararamdaman para sa akin. Alam kong hindi pa rin nawawala ang pagtingin niya sa akin at ang kailangan lang ay maipamukha sa kaniya ang aking halaga sa kaniyang buhay. Sa sandaling umamin siya sa kaniyang nararamdaman ay saka ko sasabihin ang katotohanang hindi kami magkadugo. Wala sa plano ang pagpasok muli ni Andrew sa buhay ni Gunter. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang bumalik na parang linta kong makadikit sa taong mahal ko. Kung gaano kabilis kong nailayo si Angelique kay Gon ay siya namang kay hirap pagdating kay Andrew. Hindi siya kagaya ni Kei na mabilis kong nasindak sa aking mga banta.
Aaminin kong ako ang may dahilan kung bakit nabura na ang fan page nila Kei at Gon. Binayaran ko ang mga admins nito upang mahikayat ang ibang fans nila na itigil ang pagsuporta sa dalawa. Binantaan ko rin ang si Kei na may mangyayari sa kaniyang masama kapag pinagpatuloy niya ang paglalambing at madalas na pagsama kay Gon. Kaya naman sa ngayon ay hindi na masyadong naglalapit si Kei kay Gon. Ngunit itong si Andrew ay alam kong mahihirapan akong mailayo kay Gon. Una dahil siya ang pinakamatalik na kaibigan ni Gon. Pangalawa ay labis ang pag-idolo ni Gon sa kaniya sa mula sa sports hanggang sa gaming. Pangatlo ay dahil kagaya ko ay may pagtingin din si Andrew kay Gunter.
Labis ang pagseselos ko nang malaman kong natulog si Gon kila Andrew. Maraming pwedeng mangyari lalo na’t pareho silang nakainom. May tiwala ako kay Gon dahil alam kong hanggang kaibigan lang pagtingin niya kay Andrew. Ngunit kay Andrew mismo ako walang tiwala dahil alam kong humahanap lang siya ng pagkakataon upang mapagsamantalahan niya si Gon. Sa tindi ng inis ko ay nagawa kong painumin ng pinagbabawal na gamot si Gunter upang parusahan siya. Ang gamot na ito ay nagpapataas ng libido ng sino mang makainom. Magiging sobrang sensitibo ng iyong katawan at sa simpleng haplos lang ay matinding libog na ang hatid nito sa sino mang uminom.
Naging epektibo nga ito kay Gon dahil labis ang pagnanais niyang paligayahin ko siya ng sandaling iyon. Bilang parusa sa ginawa niyang pagpalit sa akin kay Angelique at ngayon nama’y pagsama kay Andrew na may malalim na pagtingin sa kaniya ay nagawa ko siyang palibugin ngunit hindi ko siya hinayaang makaraos. Alam kong matinding parusa ito para sa kaniya lalo na’t habang may epekto ang gamot ay puro sekswal na bagay lamang ang nasa isip niya ngunit hindi niya magawang magparaos dahil nakagapos ang mga kamay at paa niya.
Isa sa matinding epekto ng gamot ay ang pagkahumaling ng uminom nito sa amoy ng taong nakasama niya sa sandaling labis ang kaniyang pagnanasa. Kapansin-pansin ito sa mga kinilos ni Gon. Ilang beses ko siyang nahuli na inaamoy ang mga damit na pinaghubaran ko. Hindi lang basta-bastang pinaghubaran ko dahil ang nais niya pa ay yung damit na matinding pinagpawisan ko. Sa tuwing makikita siyang inaamoy ang mga damit ko ay para bang sumisinghot siya ng ipinagbabawal na gamot na tila nadadala siya sa alapaap sa tuwing ito’y kaniyang malalanghap. Unti-unti ay nakaramdam ako ng konsensya sa aking ginawa kaya naman nang muli ko siyang makita ginagawa ito ay hinayaan ko siyang amuyin ang aking katawan.
Halos isang linggo na rin ang nakakalipas matapos niyang mainom ang pinagbabawal na gamot. Hindi na ganun kalala ang pagkahumaling ni Gunter sa aking natural na amoy ngunit may pagkakataon pa rin na ginagawa niya ito. Sa tuwing maglalambing ako sa kaniya bilang kapatid niya ay lalong nahuhulog ang damdamin ko sa kaniya at may pagkakataong muntikan na akong mawalan ng kontrol. Kaya naman isang gabi ay napagdesisyunan kong makipagkita kay Angelique kahit na hating gabi na. Hindi dahil sa gusto kong samantalahin ang pagkakataong wala ang mga magulang niya kundi ang sabihin sa kaniya ng personal ang pagtapos sa relasyong binuo namin. Hindi ko naman talaga tinuturing na relasyon ang namamagitan sa aming dalawa dahil ginamit ko lang siya upang mailayo ang damdamin ni Gunter sa kaniya. Hindi lang sa selos ang dahilan ko kung bakit ko nilalayo si Gunter kay Angelique. Yun ay dahil hindi nararapat si Gunte para sa kagaya ni Angelique na maraming lalaking pinaglalaruan. Alam kong nakikipagkita siya sa ibang lalaki habang masugid siyang nililigawan ni Gon.
Ang pakikipaghiwalay ko sa kaniya ay ang aking paraan upang maipaghiganti si Gon sa panloloko niya dito. Ito rin ang magiging daan upang muli kaming magkabalikan ni Gunter. Aaminin ko na sa kaniya ang katotohanan. Walang akong pakialam kong hindi katulad ng dati ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa akin. Gagawin ko na lang ang lahat upang maipaalala sa kaniya kung gaano namin kamahal ang isa’t isa hanggang sa dumating ang araw na muli niya akong ibigin gaya ng pagmamahal ko sa kaniya.
Wala pa sa plano namin ni Mang Arthur ang balak kong paglahad ng katotohanan kay Gon dahil wala pa sa tamang panahon. Ngunit hindi ko na kayang magtiis ng ilang oras, araw, linggo, buwan o taon bago pa namin maisakatuparan ang aming plano. Siya ang naglahad sa akin ng katotohanang hindi kami magkadugo ni Gunter at may patunay siya nito.
Nakilala ko si Mang Arthur limang buwan ang nakalipas nang iwanan ako ni Gon. Siya ang sumagip sa akin nang masaksak ako ng mga grupo ng lalaki. Nagpakilala siya sa akin bilang Arthur. Walang ibang pagkakakilanlan dahil ganun daw ang takbo ng buhay nilang mga nabubuhay sa ilegal na paraan. Alam kong hindi siya masamang tao at masasabi ko ring hindi lubusang mabuti dahil nasaksihan ko mismo kung papano siya kumitil ng buhay ng tao. Nilahad niya sa akin ang tungkol sa pagkatao ni daddy at kung saan nagmula ang yamang aming tinatamasa ngayon.
Ayon sa kaniya ay nagmula ang aming angkan sa mayamang pamilya. Dalawa ang naging anak ng aking lola na hanggang ngayon ay alam kong patay na ngunit ayon kay Mang Arthur ay nabubuhay pa. Nagkaroon ang aking lolo’t lola ng dalawang anak at yun ay si Daddy Kendrick at ang Tita Lyca ko na ina ni Kuya Eisen. Ayon sa kaniyang kwento niya ay napalayas raw si Daddy sa kanilang tahanan nang umibig ito. Hindi ko alam kung anong mali sa pag-ibig na pinili ni dad upang palayasin siya at tanggalan ng karapatan sa mana.
Simula daw nang mawalan siya ng suporta sa kanilang pamilya ay napagdesisyonan niyang pumasok sa illegal na gawain dahil sa paghikayat na rin ng kaniyang matalik na kaibigan. Habang tumatagal sila sa gawaing ito ay lalong lumalaki ang koneksyon niya sa mga malalaking tao sa likod ng mga ilegal na gawain. Kasama rito ang pagbebenta ng laman, pagbebenta ng pinagbabawal na droga, money laundering, pagbebenta ng mga kagamitang pandigma sa mga terorista at kung ano-ano pa.
Dahil sa pagiging matalino at madiskarte raw ng aking daddy ay narating niya ang kalaliman ng organisasyon kung saan iilang lamang nakakaalam. Yun ay ang mga taong nabubuhay upang pagsilbihan ang mga tao sa likod ng organisasyong ito at ang iba naman ay ang mga pinaslang dahil sa pagtangkang paglahad ng impormasyong tungkol sa kanila. Ang organisasyong kinabibilangan ng aking ama ay tinatawag na 7DS na ibig sabihin ay 7 Deadly Sins. Pitong tao ang namumuno sa malaking organisasyong ito dahil hindi lamang sila sa pinas gumagawa ng ilegal na gawain dahil maging sa iba’t ibang bansa ay may mga miyembro sila na gumagawa ng kanilang trabaho.
Sa pitong pinuno ng organisasyon ay tatlo pa lang ang daw ang nakilala sa personal ni Mang Arthur at apat naman ang sa aking ama. Ang pinakapinuno ng organisasyon ay kilala bilang
Master Gen
. Isa siyang Japanese-Filipino na kumakatawan sa simbolong ‘Pride’ na ayon sa bibliya ay ang pinakamalalang kasalanan ng tao. Siya ang tinuturing na pinakamataas na lider sa pitong namumuno dahil sa kakayahan niyang manipulahin ang mga matataas na lider ng iba’t ibang bansa. May kakayahan siyang humingi ng pabor o magbigay utos sa mga lider na kaniyang tinulungang maloklok sa kanilang pwesto. Bibihirang pagkakataon lang na magpakita si Master Gen sa ilang miyembro ng organisasyon at maituturing na maswerteng araw raw para kay Mang Arthur ang makilala niya ito.
Pangalawa sa lider na kaniyang nakilala ay kilala sa alyas na
Ares
na kumakatawan sa simbolong ‘Wrath’. Marahil nakuha niya ang alyas na ito mula sa tanyag na tauhan sa greek mythology na kilala bilang God of War. Angkop sa kaniyang pangalan ang uri ng trabahong kaniyang pinamumunuan. Siya ang namumuno sa pagbebenta ng mga ilegal na kagamitang pandigma sa mga terorista. Karamihan sa mga miyembro nito ay mga dating sundalo o kaya naman may mataas na katungkulan sa militar. Dito naninilbihan bilang espiya si Mang Arthur.
Ang huling lider na kaniyang nakilala ay si
August
. Siya ang lider na pinagsisilbihan ng aking ama na ang pangunahing trabaho ay lumikha at magtulak ng droga. Kilala sa underworld si August bilang matagumpay na drug lord dahil sa lawak ng kaniyang nasasakupan. Siya ang tinuturing na lider ng mga drug lords na kung saan kabilang ang aking ama. Noong una ay hindi pa ako lubusang naniwala sa mga impormasyong binigay niya sa akin. Ngunit nang banggitin ni Mang Arthur na may lihim na bodega sa ilalim ng aming tahanan na kung saan ay kaagad kong hinanap. Naging maingat ako sa paghanap nito dahil ayon kay Mang Arthur ay maraming CCTV ang paligid patungo sa bodega kaya naman tinulungan niya akong madisable ang mga ito. At sa sandaling marating ko ang bodega ay laking gulat ko nang makita mismo ang sako-sako ng mga pinagbabawal na gamot at ang iba pa ay nakalagay na sa karton.
Isa pa sa ikinagulat ko nang ituro niya sa akin ang paggawaan ng shabu na binebenta ng aking ama. Mismo ang laboratory namin sa school ay mayroong lihim na lagusan patungo sa malaking laboratory kung saan nila ginagawa ang mga shabu. Nagagawa nilang ipuslit ang mga ito sa tuwing maghahatid ng mga supplies ng pagkain sa school at kapag wala ng laman ang truck ay karton-karton naman ng mga shabu ang kanilang ipapalit.
Lahat ng mga binahagi niya sa aking kwento ay may patunay maliban na lang sa pagkakakilanlan ng mga lider na siya mismo bilang espiya ay hirap makakuha ng impormasyon. Nabanggit niya sa akin na maaari kong ikamatay kapag binahagi ko sa iba ang impormasyon na ito kaya naman tinanong ko siya kung bakit niya sinasabi ang mga bagay na ito.
“Alam kong malapit ka kay Gon. Hindi na rin lihim sa akin ang nararamdaman niyo para sa isa’t isa. Ang nais ko lang ay maprotektahan mo siya laban sa iyong ama” tugon niya sa akin nang siya’y aking tanungin.
“Bakit anong kinalaman ni Daddy dito?” tanong ko dahil malabo pa rin sa akin ang dahilan kong bakit pinalabas ni daddy na magkapatid kami ni Gon. Marami siyang paraan para paghiwalayin kami pero mas pinili niyang palabasin na anak niya si Gon at pinag-aral niya pa ito at inilayo sa akin.
“Balak gamitin ng daddy mo si Gon sa kaniyang mga plano sa organisasyon!”
Yun lang ang tanging sinabi niya sa akin. Hindi niya maidetalye sa akin lahat dahil limitado lang daw ang kaniyang nalalaman ngunit alam kong nagsisinungaling siya. Ayaw niyang sabihin ang lahat sa akin upang hindi lumalim ang aking kaalaman sa kanilang organisasyon. Ganun pa man ay lihim niya akong tinuruan ng mga defense tactics na kaniyang natutunan sa organisasyon at maging sa tamang paggamit ng baril. Ginawa niya ito upang ihanda ang aking sarili kung sakaling malagay sa peligro ang buhay ko. Halos isang taon akong lihim na nag-aral sa kaniya dahil nais kong maging handa sa kapahamakang papasukin ko. Nais ko ring magamit ang mga natutunan ko upang maprotektahan si Gon sa masamang balak ng aking ama.
Pumasok na rin sa isip ko na kausapin ang aking ama tungkol sa plano niya kay Gon ngunit kapag ginawa ko iyon ay buhay naming tatlo ang mapapahamak. Una kay Mang Arthur na nagbanggit ng impormasyon sa akin na hindi kasapi ng organisasyon. Pangalawa ay kung hindi ako magagawang patayin ni daddy sa impormasyong nalalaman ko ay papaslangin rin siya ng organisasyon kasama ako. Mahigpit na patakaran sa mga miyembro hindi pagbahagi ng impormasyon tungkol sa organisasyon at ang sino mang makaalam nito na hindi miyembro ay kaagad papaslangin.
Naisip ko na ring pasukin ang organisasyong kinabibilangan ni daddy upang maprotektahan si Gon ngunit malabo raw itong mangyari. Isang miyembro ng isang pamilya lang ang maaaring sumali sa organisasyon. Bale sa organisasyon ay si Daddy lang ang pwedeng sumali na may apelyidong Fuentes. Kapag namatay siya o kaya tinanggal sa kaniyang pwesto ay saka lang ulit sila magbubukas ng pinto sa ibang miyembro ng pamilya ng Fuentes na nais sumali. Iniiwasan ng organisasyon na magkaroon ng higit sa isang miyembro ng pamilya dahil sa posibilidad na magtulungan ito pagdating sa botohan sa desisyon at ang malala ay maaring magtulungang pabagsakin ang isa o higit pang miyembro ng organisasyon.
Alam kong hindi naging mabuting ama sa akin si Daddy Kendrick ngunit hindi ko naman inaasahan na ganito siya kasama at idadamay niya pa ang ibang tao para sa pansariling interes. Labis ang pagkasuklam ko sa kaniya at sa aking sarili sa paggamit ng yaman na nagmula sa masamang gawain. Nais kong wakasan ito nang walang masasaktan kina Daddy at kay Gon. Kaya ngayon ay buong tiwala na lang akong naghihintay sa magiging kahihinatnan ng plano ni Mang Arthur.
Pilit kong nilalabanan ang aking sarili na huwag bumigay sa maamong mukha ni Gon. Pilit kong winawaksi sa aking isipan ang kaniyang mapupula’t matatamis na labi. Ang kaniyang balat na tila unti-unting pumapaso sa aking katawan na siyang hinahanap-hanap kong kay tagal. Lahat ng pagpipigil ko ay tila unti-unting nawala nang si Gunter mismo ang gumawa ng hakbang upang muli kong matikman ang kaniyang halik.
“Wala akong pakialam kong imoral para sayo tong ginagawa ko. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko mapigilan ang aking damdamin na mahalin ka”
Tila tumigil ng ilang sandali ang aking puso sa pagtibok nang marinig ko ang mga salitang iyon. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o kaya nagkamali lang ako ng dinig. Wala akong sinayang na sandali at kaagad kong hinawakan ang kaniyang pang-upo upang maalalayan siya sa paghiga sa kama. Pumaibabaw ako sa kaniya at panandaliang tinitigan ang kaniyang mukha upang malaman kong siya nga ba ay seryoso sa kaniyang sinasabi.
“Mahal mo ako kahit na magkapatid tayo?” tinago ko ang tunay kong nadarama sa pagpilit ko ng aking tawa upang siya ay mainsulto. Sa katunayan ay sobra akong natutuwa na muling marinig mula sa kaniya na mahal niya ako.
“Hindi ka ba nandidiri sa ideyang makikipagtalik ka sa kadugo mo? O sadyang matindi lang talaga ang nararamdaman mong li-”
Gustong gusto kong sabihin sa kaniya na hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa kaniya, magkadugo man kami o hindi ay patuloy pa rin akong nagmamahal sa kaniya. Ngunit hindi ko malaman kung bakit tinatraydor ako ng sarili kong damdamin at iba-ibang salita ang lumalabas sa aking bibig. Mabuti na lang at muli akong hinalikan ni Gunter upang patahimikin dahil ayoko na ring magbitaw ng masasakit na salita sa kaniya.
“Tandaan mo, ikaw ang may gusto nito!” Gigil na sambit ko sa kaniya. Hindi dahil sa galit ako yun ay dahil sa matagal ko nang nais gawin ito sa kaniya at ngayong abot kamay ko na ang ligaya ay hinding hindi ako titigil kahit na magmakaawa pa siya sa akin. Kaya naman nabanggit ko ito bilang babala at ang kaniyang pananahimik ang naging senyales ng kaniyang pagsang-ayon.
Pinagpatuloy ko ang paghubad sa kaniyang mga damit hanggang sa wala na siyang saplot sa katawan. Ngayon ay muli kong napagmasdan ang kaniyang katawan na tila wala masyadong pinagbago nang huli ko itong makita. Makinis, maputi at kaakit-akit pa rin ang dating ng kaniyang pangangatawan. Nanggigil ang aking kanang palad sa paghimas sa kaniyang pwet na tila lalong nagkalaman. Hindi ko rin napigilang mapakagat labi nang muli kong masilayan ang mamula-mula niyang mga utong na para bang masarap na putaheng nakahain para lang sa akin. At nang ibalik ko ang aking paningin sa kaniyang mukha ay bakas sa kaniyang reaksyon ang labis na kahihiyang nadarama.
Wala akong sinayang na sandali at sinamsam ko kaagad ang kaniyang leeg. Wala akong pakialam kong mag-iwan ito ng mga marka dahil sa katunayan ay sinasadya kong mag-iwan ng marka na madaling makikita ng iba. Gusto kong malaman ng mga tao na may nagmamay-ari na sa kaniya at yun ay ako lamang. Walang pagtutol akong naramdaman mula sa kaniya kahit na minsan ay buong gigil akong kumakagat sa kaniyang leeg. Tanging paghalinghing at mahihinang ungol lamang ang naririnig ko mula sa kaniya na siyang nagpapasabik ng husto sa akin.
Matapos akong mag-iwan ng mga marka sa kaniyang leeg ay muli ko namang pinuntirya ang kaniyang mga labi. Nagawa ko munang dilaan ang mga ito bago ko siya muling hinalikan. Kapwa kaming sabik sa isa’t isa kaya naman naging matindi ang aming halikan. Laplapan kong laplapan na tila ba hindi kami nauubusan ng hangin. Salitan kami sa paggalugad ng loob ng bibig ng isa’t isa gamit ang aming mga dila. Wala kaming pakialam kong halos mabasa na namin ng laway ang pisngi ng isa’t isa at patuloy pa rin kami sa aming ginagawa.
Sinunod kong sinunggaban ang kaniyang namumulang mga utong na kanina pa akong inaakit na kainin. Napalakas ang ungol ni Gon nang kagatin ko ang kaniyang kanang dibdib. Para ba akong sanggol na sabik na sabik sumuso upang makatikim ng gatas na hindi naman lalabas. Ganun pa man ay patuloy pa rin ang pagpapaligaya ko kay Gon at kapwa kaming lango sa tawag ng laman.
“Huwag mong tigilan Lance” impit na sigaw niya habang ako ay ganado sa pagdila at pagsipsip ng kaniyang mga utong.
Hindi nakaligtas ang aking mga buhok sa mahigpit niyang pagsabunot sa tuwing didilaan ko ang kaniyang dibdib. Para siyang tatakasan ng bait sa tindi ng sarap na kaniyang nadarama. Plano ko talaga siyang baliwin sa sarap ngayon upang hindi na siya maghanap pa ng iba. Ilang sandali pa ay panandalian kong tinigilan ang pagpapaligaya sa kaniya nang inayos ko ang pagluhod sa kama upang hubarin ang aking damit na nagsisimula ng mabasa ng pawis. Ngunit bago ko pa man itaas ang aking damit ay kaagad akong pinigilan ni Gon. Binigyan niya ako ng malalim na halik habang unti-unti niyang tinataas ang aking damit. Kumalas lang kami sa halikan nang hihilain na niya ang aking damit mula sa aking leeg palabas ng aking ulo at nang matanggal ito ay muli niya akong hinalikan. Ang kaniyang halik ay bumaba sa aking leeg kung saan pinutirya niya ang aking adam’s apple. Halik, sipsip, dila at mahinang pagkagat ang ginawa niya dito na nagpaungol sa akin ng husto.
“Ahh fuck babe…ang sarap niyan!” hiyaw ko sa paulit-ulit niyang pagsipsip sa aking leeg.
Hindi pa siya nakontento at bumaba ang kaniyang mga halik patungo sa aking dibdib. Wala sa kaniya ang pagsipsip at pagdila sa pawisan kong dibdib na mas lalong nagpatindi ng libog ko. Kapwa kaming nakaluhod sa ibabaw ng kama habang patuloy siya sa pagkain sa aking mga utong. Hindi ko alam kung saan ibabaling ang aking ulo sa tindi ng sarap na nadarama. Maya-maya pa ay nagulat na lang ako nang itaas niya ang kanang kamay ko at bigla na lang niyang sinubsob ang kaniyang mukha sa aking kili-kili.
“Puchaa…saan mo natutunan to?” tanong ko nang himurin niya ang aking kili-kili. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kaming nagtalik ni Gon ngunit alam kong ito yung unang pagkakataon na gawin niya sa akin ito. Halos manlabot ang tuhod ko dahil sa pinaghalong kiliti at sarap nang himurin ni Gon ang aking kili-kili. Lalong lumakas ang aking pag-ungol nang maramdaman ko ang dila niya. Parang akong binatang unang beses nakaranas ng sex sa tindi ng sarap na nadarama ko. Ilang sandali pa ay hinila ko ang kaniyang mukha upang bigayan siya ng halik bilang pabuya sa pagpapaligaya niya sa akin.
“Lalo mo akong binabaliw Gon” Sabi ko sa kaniya habang nakahawak ang aking mga kamay sa magkabila niyang pisngi. Wala akong narinig na tugon sa kaniya sapagkat muli niyang sinamsam ang aking labi.
Pagkatapos niya akong baliwin sa paghimod sa magkabila kong kili-kili ay ang aking mga abs naman ang kaniyang pinuntirya. Basang basa ng pinaghalong laway at pawis ang aking tiyan sa kagagawan ni Gon. Habang ako ay nakatingala ay naramdaman ko ang paghaplos ng kaniyang kamay sa bukol mula sa loob ng aking shorts. Napaungol ako sa patuloy niyang paghimas dito habang hinahalik-halikan niya ang aking tiyan. Sabik na sabik na akong ipasok ang aking ari sa kaniyang bibig kaya naman inaya ko siyang bumaba sa kama habang ako ay naupo sa gilid ng kama. Dali-dali kong binaba ang aking shorts kasama ng aking brief na kung saan pumitik ang aking ari patungo sa aking pusod nang tuluyan kong matanggal ang aking salawal. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat nang muli niyang makita ang aking ari.
“Kaya mo ba?” Mapanuksong tanong ko sa kaniya dahil alam kong nagulat siya sa laki ng aking ari. Marahil ay nagtataka siya kung papano lumaki ang ari ko sa loob ng dalawang taon. Hindi na siya sumagot at kusang lumapit sa akin para dilaan ang ulo ng aking ari.
“Ohhh puta ka ang sarap niyan” hiyaw ko nang isubo niya ang aking ari. Halos dalawang taon akong kamay lang ang nagpapaligaya sa akin habang iniisip ko si Gon sa tuwing magjajakol ako. Ngayon ay narito na ang taong mahal ko sa pagitan ng aking mga hita at pilit na sinusubo ang kalakihan ng aking ari.
Hindi kagaya ng dati ay nagagawa niyang isubo ng buo ang aking ari. Wala namang kaso sa akin yun dahil ang mahalaga ay napapaligaya niya ako. Ngunit kahit nabubulunan na siya ay pinipilit niya pa ring isubo ito hanggang sa tumayo na ako mula sa kama habang siya ay nakaluhod sa aking harapan. Inalalayan ko ang kaniyang ulo sa marahan niyang pagsubo sa aking kabuuoan. Nang maramdaman ko ang ulo ng aking ari na tumatama sa kaniyang lalamunan ay hindi ko mapigilang isagad pa lalo ito hanggang sa tumama ang kaniyang ilong sa patubo kong bulbol.
“Tangina babe ang sikip ng lalamunan mo. Aaraw-arawin ko to ahhh” sabi ko habang buong nakabaon ang aking ari sa kaniyang bibig hanggang sa kaniyang lalamunan. Naramdaman ko na lang ang mahina niyang pagtapik sa aking pwet bilang senyales na nahihirapan na siyang huminga. Binunot ko kaagad ang aking ari mula sa kaniyang bibig at hinayaan siyang makapagpahinga. Ilang sandali pa ay hinawakan ko ang kaniyang panga upang maibuka niya ang kaniyang bibig. Pinasa ko ang aking laway sa pamamagitan ng pagdura dito dahil nais kong maging mas madulas ang kaniyang bibig sa muling pagpasok ko dito.
“Isa pa babe” pakiusap ko sa kaniya at tumango naman siya bilang tugon. Muli kong pinasok ang aking ari hanggang sa maramdaman ko ang pagtama ng ulo nito sa kaniyang lalamunan. Napapailing ako sa tindi ng sarap na nadarama sa tuwing isasagad ko ang aking ari sa kaniyang lalamunan. Sa bawat paglabas masok ko sa kaniyang bibig ay rinig na rinig ko ang kaniyang pagkaduwal sa tuwing isasagad ko ito. Noong una ay nahihirapan pa siya ngunit nang kalauna’y nasanay na rin siya sa bawat pag-ulos ko. Naging banayad ang bawat pag-ulos ko ngunit habang tumatagal ay hindi ko napigilang i-mouth fuck ang kaniyang bibig sa labis na sarap na aking nadarama.
“Ang bilis kong lalabasan nitooo..” mahaba kong ungol dahil sa tindi ng sarap at sa katunayan ay nararamdaman ko ng malapit na akong labasan. Kaya naman minsan ay tinitigalan ko muna ang pag-ulos sa kaniyang bibig upang bigyan siya ng halik bilang pabuya sa kaniyang galing. Paraan ko na rin ito upang hindi ako kaagad labasan ngunit sa tuwing sasagad ang ulo ng aking ari sa kaniyang lalamunan ay nawawalan ako ng pagpipigil sa sarili.
“Ahhh…fuck..Malapit na ako babe. Lunukin mo lahat yang pinaghirapan mo” Sambit ko sa pagitan ng marahas na pag-ulos ko sa kaniyang bibig. Hindi alintana na nahihirapan na si Gon dahil sa tindi ng paglabas-masok ko sa kaniyang bibig dahil ang tanging nasa isipan ko ngayon ay ang makaraos.
“Ayan na ako….ahhhhh” Mahaba kong ungol habang sagad na sagad sa lalamunan ni Gon ang aking ari. Kasabay nito ang pagsirit ng aking tamod sa kaniyang lalamunan na kaniya namang nilunok lahat.
Kapwa kaming hinang hina nang makapagpalabas ako ngunit hindi pa dito natatapos ang aming pagtatalik kaya naman makalipas ang ilang sandali ay lumapit ako kay Gon at muli siyang hinalikan. Sa pagitan ng aming halikan ay unti-unti ko siyang hinihila pabalik sa kama. Hindi alintana na nalalasahan ko pa ang sarili kong tamod sa kaniyang mga labi. Patuloy ang aking paghalik sa kaniyang mga labi hanggang sa maihiga ko siya sa kama. Muli kong pinagmasdan ang kaniyang katawan na kung saan ay muli akong tinutukso ng kaniyang mga dibdib na susuhin itong muli ngunit mas nanaig ang aking pagnanais na muli siyang pasukin.
Bumaba ako sa kama at hinila ang kaniyang mga paa hanggang sa umabot ang kaniyang pwetan sa dulo nito. Marahan kong binuka ang kaniyang mga hita upang muling masilayan ang kaniyang lagusan. Masaya ako na akong nakauna dito at sisiguraduhin kong ako lamang ang makikinabang dito. Nilayawan ko muna ang aking daliri bago ko pinasok sa kaniyang lagusan.
“Shit ang sikip mo pa din babe” sambit ko nang maipasok ko ang isa kong daliri. Ramdam na ramdam ko ang pagkakasakal ng aking daliri na para bang ito ang kauna-unahang pagkakataong pagpasok ko sa kaniyang lagusan. Rinig na rinig ko ang mahina niyang pagdaing sa pinaghalong sakit at sarap sa pagkalikot ko sa kaniyang butas. Matapos kong hugutin ang aking daliri ay sumunod ko namang dinilaan ang kaniyang butas na nagpaungol sa kaniya ng malakas. Pilit kong pinapasok ang aking dila sa loob ng kaniyang butas na siya namang nagpapaangat sa kaniyang pwetan dahil sa tindi ng sarap na nadarama.
“Ituloy mo lang Lance..shit ang sarap” hiyaw niya habang nakahawak sa aking ulo at pilit na sinusubsob ang aking mukha sa kaniyang lagusan. Ngunit naging taliwas sa kaniyang pakiusap ang aking ginawa. Tumigil ako sa paghimod sa kaniyang lagusan na kaniyang ipinagtaka.
“Makiusap ka muna” tugon ko na kaniyang pinagtaasan ng kilay. Muntikan na akong matawa dahil sa kaniyang reaksyon.
“Dali na Lance parang awa mo na!” tugon niya ngunit sa tono ng kaniyang pakikipag-usap ay nagmistulang inuutusan niya ako imbes na makiusap. Tumingin lang ako sa kaniya at umiling bilang pagtanggi dahil hindi iyon ang nais kong marinig. Huminga siya ng malalim bago siya muling nagsalita.
“Babe please, dilaan mo ulit ang butas ko”
Tila nabuhay ang lion sa pagkatao ko nang marinig ko ang boses niyang nang-aakit na himurin ang kaniyang butas. Walang sandali akong pinalampas at muli kong dinilaan ang kaniyang butas. Pilit kong pinapasok ang aking dila sa kaniyang butas at nilaro-laro ito na siyang nagpahiyaw sa kaniya sa tindi ng sarap. Halos masiraan siya ng bait sa tindi ng pagpapaligaya ko sa kaniya. Nais ko pa sanang ipagpatuloy ito ngunit sabik na sabik na akong pasukin siya kahit na hindi pa kompleto ang paghahanda ko sa kaniya.
“Subo mo ulit babe para dumulas” Pakiusap ko sa kaniya at dali-dali naman siyang naupo habang ako ay nakatayo upang maisubo niya ng maayos ang aking ari. Muli akong napahalinghing sa sarap nang buong buo niyang isubo ang aking ari.
Nang masiguro kong basang basa na ng laway ang aking ari ay kaagad ko siyang pinahiga malapit sa dulo ng kama. Nilagyan ko ng unan ang kaniyang pwetan upang maiangat ito ng kaunti. Siya na mismo ang humawak sa magkabilang pisngi ng kaniyang pwet upang maibuka ito ng husto habang ako ay marahang pinapasok ang kaniyang butas. Sa loob ng dalawang taong walang nakakapasok dito ay tila nanumbalik ito sa dating kasikipan dahil kahit ulo pa lang ng aking ari ay hirap na akong ipasok ito. Rinig ko rin ang mahihinang ungol ni Gon na tanda na siya’y nasasaktan. Patuloy pa rin ako sa pagpasok nito hanggang sa maipasok ko ang ulo sa loob ng kaniyang lagusan. Napamura ako ng mahina nang maramdaman ko ang init ng kaniyang lagusan. Sakal na sakal ang aking ari kaya hirap akong umulos. Kahit na marahan ang aking pagpasok ay hindi magawang magrelax ni Gon kaya labis siyang nasasaktan. Hindi rin nakatulong ang paghalik ko sa kaniyang labi upang marelax siya. Marahil ay hindi pa rin nakakapag-adjust ang kaniyang lagusan sa kahabaan ng aking ari.
“Pasensya na babe pero kailangan ko itong gawin” sabi ko sa kaniya at sinuksok ko ang aking mga kamay mula sa kaniyang likuran upang mapakapit ng husto sa kaniyang balikat. Nang masiguro kong mahigpit na ang aking pagkakakapit ay walang sabi akong umulos ng malakas upang mabaon ng husto ang aking ari.
“Ahhhhhhh…” Sabay naming sigaw nang mapagtagumpayan kong isagad ang aking ari sa kaniyang lagusan. Ang aking pagsigaw ay tanda ng labis na sarap na nadarama habang siya ay dahil sa sakit na nararansan. Hindi muna ako gumalaw at muli siyang hinalikan upang kumalma ngunit nakaramdam ako ng awa ng makita ko siyang lumuluha sa sakit. Niyakap ko siya at paulit-ulit na humingi ng tawad dahil hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Kahit na umiyak at magmakaawa siya ay hindi na ako mapipigilan sa pag-ulos sa kaniyang lagusan kaya labis-labis ang paghingi ko ng tawad.
“Titiisin ko ang kirot mapaligaya ka lang” Sambit niya na naging hudyat upang ipagpatuloy ko ang aking ginagawa. Sa bawat pag-ulos ko ay hindi ko magawang maisagad ang aking ari dahil pinipigilan ako ni Gon. Nakahawak ang kaniyang kamay sa aking dibdib at marahang tinutulak ang aking katawan sa tuwing magtatangka akong ibaon ito. Nais kong abutin ang pinakadulo na maaabot ng aking ari sa kaniyang lagusan ngunit ayoko ring makita siyang nasasaktan kaya naman nagpasiya akong padapain siya. Sa pagkakataong ito ay hindi na niya magagawang itulak ang aking katawan sa tuwing ibabaon ko ang aking ari. Ngunit ramdam ko pa rin sa tuwing isasagad ko ang aking ari ang pag-angat ng kaniyang balakang tanda na nasasaktan pa rin siya. Hinalik-halikan ko ang kaniyang batok upang matulungan siyang magrelax at mabawasan ang sakit na kaniyang nadarama.
“Bigyan kaya natin ng apo si daddy? Hmm…baka pagnagkaapo siya ay baka hayaan na niya tayong magsama” Sabi ko habang patuloy ko siyang binabayo mula sa likuran. Buong lakas kong dinadagan ang aking sarili upang maisagad ko ang aking ari. Dalawang taon kong hinihintay ang pagkakataong ito kaya naman labis labis ang ligayang aking nadarama na muling maransanang makipagtalik sa aking pinakamamahal.
Patuloy ang pagtatalik namin hanggang sa pinaayos ko siya ng pwesto para makapagdog style kami. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi upang salubungin ang aking mga halik habang ako ay patuloy na umuulos. Patuloy ang paglabas masok ko sa kaniyang lagusan hanggang sa maramdaman ko na malapit na naman akong labasan
“Malapit na ako babe…ipuputok ko to sa loob mo para makabuo na ulit tayo” sambit ko habang patuloy sa pagbayo. Tanging ungol lang ang naririnig kong tugon mula kay Gunter bilang tanda na siya’y nasasarapan na sa aming ginagawang pagtatalik. Nais ko pa sanang patagalin ngunit hindi ko na mapigilan ang sariling maabot ang rurok ng kaligayahan hanggang sa sumabog ang aking katas sa kaniyang lagusan.
“Ahhhh..tangina ang sarap mo talaga babe” ang tangi kong nasabi nang mailabas ko ang lahat ng aking tamod sa kaniyang lagusan. Kapwa kaming hinang hina na kung saan siya ay napadapa sa kama at ako naman ay napadapa sa ibabaw niya.
Nagpahinga ako saglit at hindi pa rin inaalis ang naninigas kong ari sa loob ng kaniyang lagusan. Hinayaan ko siyang makapagpahinga bago muling sinimulan ang aming pagtatalik. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas dahil hindi pa rin humuhupa ang libog na aking nadarama. Ngayon ay ako naman ang nakahiga sa kama at siya naman ang pumaibabaw sa akin upang sakyan ako. Bago pa man niya maipasok ang aking ari ay kitang kita ko kung papano umagos ang aking katas mula sa kaniyang butas na nagpadagdag sa libog na aking nadarama.
“Ahhhh…” kapwa naming ungol at sa sandaling ito ay parehas na kaming nasasarapan sa aming ginagawa. Sa bawat pagbaba niya ay siya namang pag-angat ng pwetan ko upang salubungin ito. Sobrang dulas na ng lagusan niya ngayon dahil sa mga natirang tamod ko sa loob nito. Nang humawak siya sa aking dibdib ay siya namang pagkakataon ko upang umulos ng todo hanggang sa mapahiyaw siya sa labis na sarap. Hindi rin nagtagal nang huminto sa pagtaas-baba si Gon at bigla na lang nanginig ang katawan. Kasabay ng kaniyang pagdapa sa aking katawan ay ang pagsirit ng kaniyang tamod sa aking tiyan na umabot pa sa aking dibdib.
“Ahhhh…ang sarap mo” Ang huling salita kong narinig sa kaniya bago niya hiniga ang kaniyang ulo sa aking dibdib. Sa tindi ng pagtatalik namin ay nilabasan si Gon ng hindi man lang hinahawakan ang kaniyang ari. Ang masama lang ay tila tinakasan na siya ng malay habang ako ay hindi pa nilalabasan. Wala akong nagawa kundi ipagpatuloy ang paglabas masok sa kaniyang lagusan kahit na wala na siyang malay. Hindi rin nagtagal at sa ikalawang pagkakataon ay muli akong nilabasan sa kaniyang lagusan. Hingal na hingal ako sa tindi ng aming pagtatalik kaya naman nang labasan ako ay mabilis akong dinalaw ng antok at kaagad nahimbing habang nanatiling nakadapa sa ibabaw ko ang pinakamamahal kong si Gon.
Madaling araw nang magising ako dahil sa mahinang paglapirot at paglalaro sa aking utong. Mabilis na sumalubong sa akin ang matatamis na ngiti ni Gon habang ako naman ay unti-unting tinitigasan sa ginagawa niyang paglaro sa aking dibdib. Habang ninanamnam ko ang sarap ng kaniyang paglaro sa aking mga utong ay bigla na lang siyang nagtanong sa akin.
“Lance pwede bang humingi ng pabor?” tanong niya sa akin habang patuloy pa rin ang paglaro ng kaniyang daliri sa aking dibdib.
“Gusto mo pa ng isa?” biro ko ngunit alam kong hindi yun ang nais niyang mangyari.
“Alam kong sa loob lang ng kwartong ito maipapadama ko ang pagmamahal ko sayo dahil sa magkaptid tayong dalawa. Alam kong hinding hindi matatanggap ng iba ang pagtingin ko sayo at alam kong may mahal ka ng iba pero sana ay hayaan mo akong mahalin ka hanggang sa mahanap ko rin ang para sa akin” malumanay niyang sambit na siyang nagbigay kirot sa aking dibdib.
“Hindi ako makakapayag diyan!” mariin kong tugon kong saan napatigil siya sa paglaro sa aking dibdib.
“Ang alin? Ang mahalin ka?” Emosyonal niyang tanong habang ako ay hindi makatingin sa kaniya ng derecho dahil naglalaban ang aking isipan kong dapat ko na bang sabihin sa kaniya ang totoo.
“Ang magmahal ka ng iba” Ang tangi kong naisagot habang maingat na pinag-iisipan kong ilalahad ko na baa ng katotohanan sa kaniya.
“Papano ako? Magiging parausan mo na lang ba ako hanggang sa ikasal ka at makabuo ng pamilya habang ako ay maiiwang mag-isa?” Tanong niya habang pinipigilang huwag maluha kaya naman hinawakan ko ang kaniyang mukha upang magtagpo ang aming paningin.
“Huwag kang mag-alala dahil narito ako hanggang sa pinakahuling sandali ng ating buhay” Tugon ko na siyang ikinagulat niya at ipinagtaka.
“Anong ibig mong sabihin? Ta-tayong dalawa ang magsasama?” tanong niya na halos mautal-utal sa pananalita na siyang nginitian ko naman habang tumatango bilang pagsang-ayon sa kaniyang tanong.
“Pa-pano si Angelique?” Dugtong niya at binigyan ko siya ng isang halik dahil nanggigil ako sa reaksyon niya. Sobrang cute niya habang nagtatanong sa akin na para bang batang inaway at nagsusumbong sa akin.
“Hihiwalayan ko siya para sayo” tugon ko at sabay kindat sa kaniya na siya namang ikinapula ng kaniyang pisngi.
“Kahit na magkadugo tayong dalawa?” pangungulit niya pa kaya muli ko siyang binigyan ng halik sa labi bago ko sinagot ang kaniyang tanong.
“Pano kong sabihin ko sayong hindi talaga tayo magkapatid?” tugon ko na labis niyang ikinabigla. Desidido na akong sabihin sa kaniya ang katotohanan sa aming dalawa ngunit hindi lahat ng bagay na aking nalalaman ay sasabihin ko sa kaniya. Hindi dahil sa gusto kong paglihiman siya yun ay dahil nais kong pangalagaan ang kaligtasan niya mula sa impormasyong aking nalalaman. Sinabi ko na lang na nais kaming paghiwalayin ni daddy kaya pinalabas niyang magkapatid kaming dalawa. Nangako akong magpapakita ng totoong resulta ng DNA test naming dalawa kinabukasan at bibigyang kasagutan ang ilan niya pang katanungan. Ang hiling ko lang sa kaniya ay paniwalaan ang mga sinasabi ko na hindi kami magkapatid.
Alam kong maraming siyang katanungan sa kaniyang isipan ngunit mas pinili niyang manahimik at nagtiwala sa akin. Kinakailangan kong masiguro ang kaligtasan ni Gon bago ko ilahad ang lahat sa kaniya lalong lalo na’t wala pa akong ideya kung ano ang plano sa kaniya ng aking ama. Sa ngayon ay inenjoy muna namin ang pagkayakap sa ibabaw ng kaniyang kama. Hindi alintana ang panlalagkit ng katawan dahil sa matinding pagtatalik na kung saan amoy na amoy sa kwarto ang pinagsamang amoy ng aming mga katas. Masaya kaming natulog habang magkayakap at sabik na sasalubungin ang umaga dahil napagdesisyunan naming i-date ang isa’t isa.
Taliwas ang inaasahan kong pangyayari nang ako ay magising. Nangako ako kay Gon na ako ang magluluto ng almusal at sabay namin itong kakainin sa ibabaw ng kaniyag kama. Ngunit ngayon ay wala sa tabi ko si Gon. Mabilis akong napabalikwas sa kama upang hanapin si Gon. Sinilip ko siya sa banyo ngunit walang katao-tao rito. Hindi ko napigilang silipin ang kaniyang mga damitan na kung saan ay halatang nabawasan ito. Dali-dali kong tinawagan ang kaniyang number ngunit walang sumasagot.
“Fuck Gon! Bakit ba sa tuwing bibigyan mo ako ng masarap na sex ay bigla ka na lang mawawala?”
Itutuloy…
A/N: Sorry for the delay dahil pinaabot ko lang naman ng 7K words ang chapter na to upang mabigyan ng hustisya ang POV ni Lance.
Feeling ko may mababasa na naman ako na “Sabi ko na eh parang nasabasa ko na to na pinalabas ng magulang ni isa na magkatatid sila para paghiwalayin silang dalawa”. Sobrang cliché ng story ko pero hindi ko naman hahayaang mapredict niyo ang mga mangyayari dahil hindi naman iyon ang dahilan ni Daddy Kendrick bwahahaha…
Nahulaan niyo rin ba ang dark-side ng story na to? Syempre marami pangpasabog na magaganap sa mga susunod na chapters. Narealize ko nga parang masyado kong tinotorture ang pamilyang Fuentes. Imagine si Eisen may ina at ate na mapaghigante na kayang pumatay ng inosenteng tao. Si Lance may drug lord na tatay. Tapos silang dalawa ay may pagkahomophobic na lola. (Ooppss… spoiler sa mga hindi pa nakakabasa ng Can’t Live Without You).
Maraming salamat sa patuloy niyong pagshare ng Facebook page/ Wattpad profile sa facebook at twitter. (Hello kila
Jhushua
at kay
vickzy_22
)
Game
How to join: Magmention lang kayo ng any characters na sa tingin niyo ay tumutugma sa kaunting description na ibibigay ko. Kapag nanghula kayo ng character dapat ganito ang format.
#CFP – Catherine (short description e.g. *hula ko lang/ feel ko siya to dahil etc……)
Hindi kailangang tama ang description ang gusto ko lang malaman kong bakit niyo napili ang character na yon.
CFP (stands for Character from the past)
Clue: May magbabalik na karakter mula sa nakaraan na may kinalaman sa buhay ni Lance. Lumabas na ang kaniyang karakter sa iba ko pang sinulat na istorya.
Prize : P500 worth of cellphone load or fund transfer (Dahil sa GCQ ay malabo ko na kayong malilibre ng milktea or SamG kapag within metro manila ang mananalo).
Deadline : Until May 15, 2020
*1 Character per user only. Kapag nagspam kayo sa comment section magiging invalid ang entry niyo.
Stay safe!
Chapter 41: I got you babe
Dylan as Lance
Lance’s POV
Hinahabol ko ang aking paghinga dahil sa paninikip ng aking dibdib. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong dumura na may kasamang dugo. Masakit na rin ang aking katawan na kung saan ang ilang bahagi nito ay nagsisimula ng magkaroon ng pasa. Lumalabo na rin ang aking paningin gawa ng marahas na pagsabunot sa aking buhok at kasabay nito ang nakakabinging sigaw ni Mang Arthur.
“Sa tingin mo sapat na yang mga natutunan mo? Sa tingin mo mapoprotektahan mo na si Gon?”
Paulit-ulit niyang sambit hanggang sa itulak niya ako na naging sanhi upang madapa ako sa sahig. Lalong nanlabo ang aking paningin at tila bibigay na ang aking katawan. Ngunit sa tuwing papasok sa aking isipan ang maaaring masamang mangyari kay Gon ay siyang nagiging dahilan upang ako ay patuloy na lumaban.
“Bilib ako sa tatag mo pero kulang na kulang ka pa sa ensayo…dahil maging ang kamao ko ay kayang kaya kang patayin!”
Matapos bitawan ni Mang Arthur ang mga salitang iyon ay siya namang pagdilim ng aking paningin sa sandaling dumapo ang kaniyang kamao sa aking mukha. Bigla na lang akong nagising mula sa panaginip na masasabing kong parte ng mga alaala ng mga pinagdaanan ko noong nagsasanay pa lang ako kay Mang Arthur. Tumingin ako sa aking kanan upang hanapin si Gon ngunit wala na siya sa aking tabi. Dali-dali akong tumayo mula sa kama upang hanapin si Gon sa loob ng banyo ngunit nabigo ako dahil walang katao-tao dito. Hindi ko napigilang silipin ang kaniyang damitan dahil inisip ko na baka muli niyang akong iiwan. Laking gulat ko nang makita kong bawas na ang mga ito kaya naman hindi ako nagdalawang isip na siya’y tawagan ngunit sa kasamaang palad ay walang sumasagot sa kaniyang cellphone.
“Fuck Gon! Bakit ba sa tuwing bibigyan mo ako ng masarap na sex ay bigla ka na lang mawawala?”
Hindi ko mapigilang sabihin sa aking sarili dahil ganitong ganito ang nangyari nang iwanan niya ako noon. Hindi ko kakayaning mawalay pa siya sa akin dahil sa pagkakataong ito ay sisiguraduhin kong kami ang magsasama hanggang sa dulo. Kaya naman nagmadali akong kumuha ng pantalon mula sa aming damitan. Hindi ko na inisip na magmumog o kaya maghilamos dahil kung hindi naglayas si Gon ay malamang ay may nangyari nang masama sa kaniya. Habang inaangat ko ang pantalon patungo sa aking baywang ay bigla na lang bumukas ang pinto kung saan kaagad kong nasilayan ang mukha ni Gon.
“Oh san ang punta mo?”
Tanong niya sa akin na halos magdapa pa ako kakamadali upang makalapit lang sa kaniya. Mabilis ko siyang niyakap kahit na may akap-akap siyang paper bag. Bago pa man siya makapagsalita at magreklamo ay kaagad ko siyang siniil ng halik. Lahat ng takot at pangamba ko ay mabilis nawala nang muli ko siyang mahagkan at mahalikan.
“Grabe hindi ka man lang nagtooth brush?” reklamo niya sa akin na akin namang tinawanan.
“Saan ba ang punta mo at nagmamadali ka?” Tanong niya habang kinukuha ko ang paper bag na dala niya. Nagawa ko munang silipin ang nilalaman nito bago ko siya sagutin.
“Para hanapin yung asawa ko” tugon ko habang tinataas ng dalawang beses ang aking kanang kilay.
“Oww… Oo nga pala may girlfriend ka nga pala” Bigla na lang siya naglakad papasok na para bang hangin lang ako sa kaniyang paningin.
“Magpunas ka muna ng katawan mo at magtooth brush bago umalis” Malumanay niyang tugon habang patungo sa kusina.
“Girlfriend?? Ehh nakapag break na ako kay Angelique kaninang madaling araw” Tugon nang makalapit sa kitchen table at nilapag ang paper bag na dala ni Gon.
“Ahh so may iba pa pala?” Tanong niya matapos uminom ng tubig. Hindi na ako nakapagpigil at muli akong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa kaniyang baywang upang pagdikitin ang aming mga katawan.
“Nauubos na ang pasensya ko ahh… Sinabi ko naman sayo kagabi na ikaw at ikaw lang ang mahal ko kaya pagsinabing kong asawa ko ay ikaw ang tinutukoy ko” Malumanay kong sambit pero may dalang gigil ang mga salitang aking binanggit. Tila nagulat siya sa aking sinabi kaya hindi na siya nakapagsalita.
“Bakit naman kasi hindi ka nagpaalam sa akin bago ka umalis” Dugtong ko na kaniyang sinimangutan.
“Sobrang himbing ng tulog mo at kahit pinupunasan na kita dahil sa basang basa kana ng pawis ay hindi ka pa rin nagigising” Tugon niya habang pilit na nilalayo ang sarili sa akin ngunit hindi ko siya hinayaang gawin yun dahil mas hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap sa kaniya.
“Punas nga lang ba ang ginawa mo sa katawan ko?” Pilyo kong tanong na kaniyang inirapan at hindi na sumagot.
“Ang akala ko ay iniwanan mo na ako eh” Sambit ko habang nilalapit ko ang nguso ko sa kaniya upang halikan siya na kaniya namang iniwasan.
“Ba’t ko naman gagawin yun?” Tanong niya sa akin habang tinutulak palayo ang aking mukha sa kaniyang mukha.
“Paano noong huling binigyan mo ako ng masarap na sex ay bigla ka na lang nawala” Hindi ko mapigilang sabihin na kung saan nanlaki ang kaniyang mga mata sa pagkabigla sa aking sinabi.
“Ewan ko sayo kung ano-anong naiisip mo. Pumunta lang ako sa laundry kanina para ihatid yung mga damit na natapunan ng energy drink mo na hindi ko malaman kung bakit nasa loob ng damitan mo iniwan ang iyong tumbler. Syempre sinabay ko na rin ang pagbili ng lulutuin sa almusal dahil wala ng stock sa ref” Tugon niya bilang pag-iwas sa usapin tungkol sa aming nakaraan. Wala naman akong intensyon na ungkatin ang nakaraan namin dahil ang mas importante sa akin ay ang pagtibayin ang relasyon namin ngayon hanggang sa mga darating na panahon.
“Samahan mo akong maligo” Pakiusap ko sa kaniya habang marahan siyang hinihila patungo sa banyo.
“Tigilan mo na to.. Tingnan mo! Nababasa na ng pawis mo yung damit ko” Pagkasabi niyang iyon ay lalo kong kiniskis ang aking hubong pang-itaas na katawan upang dumikit sa kaniyang damit ang aking pawis at mapapayag siyang sumabay sa akin sa pagligo.
“Sige na maligo ka na… Alam ko namang hindi ang pagligo ang gusto mong mangyari ehh… Ayaw mo bang ipagluto kita ng almusal?” Tanong niya sa akin habang nginingitian ako. Ginagamit na naman niya ang kahinaan ko sa kaniya kaya kahit na gusto kong makasama siya sa pagligo ay hindi na ako nagpumilit pa.
“Sige na nga basta sarapan mo ahh” Tugon ko matapos akong bumitaw sa pagkakahawak sa kaniyang baywang.
“Noted!” Maiksi niyang tugon na sinundan ng hilaw na ngiti. Marahil ay hindi siya ganun ka sigurado kong magiging masarap ba ang kalalabasan ng kaniyang lulutuin.
“Kasing sarap nong ginawa mo kagabi” Dugtong ko at dali-daling lumapit sa pinto ng banyo upang tumakas sa nagbabadyang pagsuntok niya sa akin.
“Kahit kelan…Lance Kendrick Fuentes ay napakabastos mo” Anas niya habang nakakunot ang noo.
“Kaya nga mahal na mahal mo ako di ba?” Pilyo kong tugon at binigyan siya ng isang kindat. Napangiti ako habang kagat-kagat ko ang pang-ilalim kong labi na siyang nagpailing sa kaniya at nagpangiti.
Tuluyan na akong pumasok sa loob banyo upang masimulan ang pagpaligo. Nanghihinayan man ako dahil sa hindi natuloy ang balak kong makascore muli kay Gon sa banyo ay mabuti na ring maranasan kong ipagluto niya ako ng almusal. Pakiramdam ko tuloy ay para na kaming ganap na mag-asawa na kung saan ay bilang kaniyang mister ay ipaghahanda niya ako ng almusal. Ang sarap sa pakiramdam na muli kong maranasan ang ganito na tila ba’y malaking tinik na natanggal sa aking lalamunan. Hindi pa man ganun kalaya ang aming pagmamahalan ay nagpapasalamat pa rin ako na hindi pa rin nagbabago ang pagtingin sa akin ni Gon. Wala na akong ibang hihilingin ngayon kundi ang kaligtasan niya mula sa aking ama at sa organisasyong kinabibilangan nito.
Matapos akong makaligo ay naabutan kong naghihiwa ng kamatis si Gon habang nakasalang sa kumukulong mantika ang boneless na bangus sa kawali. Hindi ko mapagilang lumapit pa ng husto upang usisain siya sa kaniyang niluluto kaya naman pagkalapit ko sa kaniya ay kaagad ko siyang niyakap mula sa likuran.
“Hmmm..Anong niluluto mo babe?” Tanong ko habang sinisinghot ang kaniyang leeg.
“Ang masarap na boneless bangus at naghihiwa ako ng kamatis saka sibuyas para ihahalo sa itlog na maalat” Tugon niya at patuloy pa rin ako sa pagsinghot sa kaniyang leeg na unti-unting pinagpapawisan.
“Curious lang ako babe…” Napahinto ako sa pagsasalita dahil pinipigilan kong matawa.
“Ano yun?” Tugon niya habang seryosong naghihiwa ng sibuyas ngayon.
“Yung itlog ko ba…maalat?” Tanong ko at saka ako napahawak sa magkabila niyang kamay upang pigilan ang balak niyang pagtutok ng kutsilyo sa akin. Todo pigil ako sa pagtawa habang pinagmamasdan ang kaniyang namumulang mukha.
“Bitawan mo ko! Subukan nating hiwain yung itlog mo tapos ihalo natin dito para malasahan mo kong maalat nga ba” Inis niyang tugon habang ako ay halos mapaluhod na sa harap niya sa kakapigil ng pagtawa. Bago pa man siya lubusang mainis ay niyakap ko siya paharap sa akin. Nagtangka akong halikan siya ngunit iniwas niya ang kaniyang mukha.
“Nakaligo na ako at nakapagmouth wash” Sabi ko sa kaniya habang nagmamakaawa ang aking hitsura.
“Seryoso Lance. Nagugutom na ako kaya tigilan mo muna yung mga kalokohan mo” Malumanay niyang tugon bilang tanda ng pagsuko niya sa pang-aasar ko.
“Isang kiss lang tapos hindi na kita kukulitin” Tugon ko at hinayaan niya akong halikan siya sa labi. Matapos ko siyang halikan ay hinawi ko kaagad ang kaniyang bangs dahil sa namumuong pawis sa kaniyang noo. Kaagad kong tinanggal ang tuwalyang nakatapis sa aking baywang at pinunasan ang pawis sa kaniyang mukha.
“Haay sa susunod ako na lang ang magluluto para sa ating dalawa. Tingnan mo pinagpapawisan ka ng husto. Alam mo namang ayaw kitang nakikitang napapagod” Sambit ko matapos kong punasan ang kaniyang mukha.
“Ayos lang dahil ikaw naman ang maghuhugas ng plato mamaya atsaka magwawalis, magmamop ng sahig at kukuha ng mga damit sa laundry shop” Masaya niyang tugon habang pinaghahalo ang itlog na maalat sa sibuyas at kamatis.
“Haa? Paano yung date natin?” Tanong ko sa kaniya na marahil ay kaniyang nakalimutan.
“Bukas na lang dahil hirap akong kumilos medyo masakit pa yung ano ko” Tugon niya na mabilis ko namang naunawaan ngunit umandar ulit ang pagkapilyo ko kaya kinulit ko siya sa bagay na ito.
“Yung alin babe?” Tanong ko sa boses kong naglalambing.
“Alam mo na yun” Mariin niyang tugon.
“Alin nga??” Pangungulit ko pa at bahagyang umatras mula sa kaniya.
“Gusto mo talagang hiwain ko yan at isama sa sahog ko?” Inis niyang tugon habang nakaturo sa ari ko ang hawak niyang kutsilyo.
Dali-dali akong nanakbo papalayo sa kaniya at nagtungo sa aming damitan upang makakuha ng underwear at boxer shorts. Tila nanumbalik ang mga alaala ko noong nasa laguna pa lang kami. Ganitong ganito kami magharutan at magtalo sa loob ng kwarto ko. Ang akala ko ay hindi ko na muling mararanasan ito kaya labis-labis ang pasasalamat ko nang malaman kong hindi kami tunay na magkadugo ni Gon. Dati ay pinagmamasdan ko lamang siya sa malayo dahil wala pa sa plano ang muli kong pagbabalik sa buhay niya kaya natuto akong makontento na makitang nasa maayos siyang kalagayan ngayon. At sa sandaling ito nama’y malaya na akong nakikita ang bawat pagngiti, pag-iyak, pagkainis at pagtawa niya nang hindi nagtatago mula sa malayo. Malaya ko rin siyang nahahagkan at nahahalikan kahit na ang kalayaang ito ay mananatili sa ngayon sa loob ng kwartong ito.
“Ano tutungaga ka na lang diyan?”
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nagmumuni-muni dahil sa ngayon ay nagsisimula na siyang maghain sa mesa. Dali-dali akong lumapit upang tulungan siya sa paghain ng aming almusal. Sa katunayan ay pwede na itong magpang-abot sa tanghalian dahil ilang minuto na lang at sasapit na ang alas diyes. Nang maisaayos namin ang lahat sa mesa ay kaagad kaming nagsimulang kumain matapos magdasal ni Gon.
“Masyado mo kasi akong iniistorbo kanina kaya ayan nasunog ang bangus” Reklamo ni Gon habang namimili ng bangus na ibibigay sa akin.
“Kahit hindi naman kita istorbuhin eh, wala naman magbabago sa resulta ng niluluto mo”
Sabi ko sa aking sarili dahil wala akong lakas ng loob na banggitin ito sa kaniya dahil baka kapag nangahas ako ay baka bigla na lang bumaliktad ang mesang pinagkakainan naming dalawa.
“Ayos lang kahit ano namang ihain mo ay sasarap basta kasama kitang kumain” Tugon ko upang hindi siya panghinaan ng loob dahil sa katunayan ay hindi naman sunog ang kaniyang niluto. Sadyang napasobra lang ang lutong nito at malayo pa sa estado ng pagkasunog.
“Simulan ngayon ay magtitiis ka na sa pangit na lasa na ihahain ko?” Tanong niya sa akin matapos ngumuya ng bangus na kaniyang binabad sa toyong may pinaghiwaan ng sibuyas at kamatis.
“Sabi ko nga di ba ayokong masyadong kang napapagod kaya pagdating sa pagluluto ay ako ang bahala… basta ikaw ang bahala sa pag-aalaga at pagpapalaki ng ating mga anak” Tugon ko na kaniyang ikinagulat dahil napaubo siya nang banggitin ko ito.
“Mag-aalaga sa ating anak? Kung magkakaroon man ay hindi mo ako maasahan diyan dahil mababa ang pasensya ko sa bata. Pero magiging responsable ako pagdating sa pagbibigay ng mga pangangailangan nila” Sagot niya na siyang nagbigay ngiti sa akin.
“Eh di ako na lang ang mag-aalaga sa anak natin” Tugon ko sabay nguya sa pinaghalong bangus at itlog na maalat na hinanda ni Gon.
“Ayos lang sayo yun?” Gulat niyang tanong dahil hindi niya inaasahang mabilis akong sasang-ayon.
“Oo naman.. basta ikaw ang kasama ko sa pagbuo ng pamilya ay wala akong magiging reklamo” Masaya kong tugon na siyang nagpapula sa kaniyang pisngi. Hindi na siya muling nagsalita pa at nagpatuloy sa pagkain ngunit hindi nakatakas sa akin ang lihim niyang pagngiti.
Hindi man malinaw ang magiging kinabukasan naming dalawa pero alam ko sa sarili ko na tanging si Gon lang ang siyang naiisip kong makasama sa pagbuo ng kompletong pamilya na matagal kong pinapangarap. Alam kong hindi magiging madali ang lahat para sa aming dalawa pero hanggang kasama ko siya ay patuloy akong lalaban sa mga hamong darating sa aming buhay.
Matapos nga kaming kumain ay ako na nga ang naghugas ng pinggan. Maging ang pagligpit ng aming higaan, pagwawalis at pagmamop ng sahig ay akin ring ginawa habang siya ay masayang naglalaro sa PS4. Gusto ko sanang makisali ngunit inutusan niya pa akong magtungo sa laundry shop upang kunin ang mga damit na kaniyang iniwan upang malabhan. Kung hindi niya pa ako pinagsabihan ay muntik na akong lumabas ng kwarto nang nakaboxer shorts lang ang suot.
Nagtungo kaagad ako sa laundry shop na halos katabi lang ng building ng condo na tinutuluyan ni Gon. Matapos kong iabot ang resibo ay kaagad kong nakuha ang isang bag na naglalaman ng pinaghalong damit namin ni Gon. Bago pa man ako bumalik sa condo ay dumaan muna ako sa convenience store para bumili ng ice cream. Humirit kasi si Gon ng avocado flavor na ice cream bago ako makalabas at mabuti na lang ay naalala koi to bago makabalik. Mabuti na lang at may natitira pang isang flavor kaya naman kaagad ko na itong binili. Pagkatapos kong makapagbayad ay kaagad kong tinungo ang pinto upang lumabas ng convenience store at laking gulat ko nang makita ko si Angelique na nag-aabang sa labas ng store.
“Lance let’s talk!” Bungad sa akin ni Angelique.
“Hindi pa ba sapat sayo ang text message ko at kailangan mo pang marinig mismo sa labi ko?” Iritable kong tugon sa kaniya. Alam na alam ni Angelique na ayoko sa lahat yung taong mapilit.
“Alam mo namang mahal na mahal kita. Ang tagal kong nagpakatanga at nag-antay sayo para mahalin mo rin ako tapos ngayon ay makikipaghiwalay ka na lang sa akin nang hindi ko man lang alam kung ano ang dahilan” Tugon niya na nagpailing sa akin dahil alam kong kasinungalingan lamang ang mga nauna niyang sinabi.
“Please mag-usap tayo, alam kong may puwang parin ako diyan sa puso mo” dugtong pa niya na hindi ko binigyang pansin at sa pagkakataong iyon ay ginamit ang pagkakataon upang ako ay mahalikan sa labi. Marahan ko siyang itinulak bilang tanda na hindi ako sang-ayon sa nangyayari ngunit hindi pa rin siya tumitigil hanggang sa maitulak ko siya ng malakas na naging dahilan upang matumba siya. Kasabay ng pagkatulak ko sa kaniya ay ang pagkapunit ng plastic na naglalaman ng ice cream na binili ko para kay Gon. Tumilapon ang ice cream at tumama sa kanto ng sementadong parte ng isang light post. Sa tindi ng pagkakatama ay nabasag ang gilid na bahagi nito na siyang naging dahilan upang matapon ang iilang laman nito.
“Ganiyan mo ba ako ka-hate at mas concern ka pa sa ice cream kaysa sa akin?” Naluluhang sambit ni Angelique. Sobra-sobra ang inis ko kay Angelique ngunit nagpipigil lang akong patulan siya dahil hindi ko pa rin nakakalimutang babae siya. Sadyang nababahala lang ako kung papano ko ipapaliwanag kay Gon ang nangyari sa ice cream na hiniling niya sa akin. Labag sa loob kong pinulot ito at itatapon sana sa basurahan ngunit pinigilan ako ng dalawang bata upang hingin sa akin ang ice cream.
“Eh madumi na to” sabi ko sa kanila ngunit nagpumilit silang hingin na lang ito. Sa katunayan ay maaari pang makain ang ibang parte nito dahil yung gilid lang naman ang tumama sa semento at nanatili paring nakasara ang takip ng ice cream.
“Oh eto ibili niyo ng pagkain at wag kung ano-ano” Sambit ko matapos mag-abot ng limang daang piso sa dalawang bata na masayang nanakbo matapos magpasalamat sa akin.
“So ano ako dito hangin lang sayo?” Narinig kong muling nagsalita si Angelique. Sa katunayan ay kung hindi siya muling nagsalita ay tuluyan ko nang makakalimutan na nariyan pala siya.
“Pwede bang tigilan mo na ako sa kaartehan at kasinungalingan mo! Ang akala mo ba ay wala akong alam sa ginawa mong pagpapaasa sa kapatid ko. Habang nililigawan ka niya ay mayroon na palang ibang lalaking kumakana sayo” Inis kong sambit na siyang ikinapula ng kaniyang mukha sa kahihiyan at galit. Kung kanina ay pinipigilan ko ang sarili kong magbitaw ng salita at huwag magalit dahil sa iilang taong nakakarinig sa aming pinag-uusapan. Pero ngayon ay sinagad na ni Angelique ang pasensya ko kaya hindi na ako nakapagpigil na magbitaw ng mga masasakit na salita sa kaniya .
“So sinasabi mong niligawan mo lang ako para maipaghiganti ang kapatid mo?” Tanong niya habang pinupunasan ang mga luha sa kaniyang mata.
“Paano kung sabihin kong yun nga ang dahilan ko?” Tugon ko na siyang nagpailing sa kaniya na para bang pinipigilang sumigaw at magalit. Sa katunayan ay may tatlong rason kung bakit ko siya niligawan. Ang una ay upang mailayo siya kay Gon upang mapigilan na makabuo sila ng relasyon. Pangalawa ay ang pagselosin ng husto si Gon hanggang sa umamin siya sa totoong nararamdaman niya sa akin. At ang huli ay ang maipaghiganti si Gon sa panloloko sa kaniya ng babaeng ito.
“Tandaan mo to Lance! Mahal na mahal ako ni Gon at sa ating dalawa ay ako ang paniniwalaan niya kaya darating ang araw na pagsisihan mo ang ginawa mo sakin kapag nalaman mong kami na ng iyong kapatid” Buong tapang niyang sambit bago niya ako tinalikuran at naglakad papalayo.
“Good luck!” Sigaw ko na siyang nagpalingon sa kaniya at bingyan ako ng middle finger sa ere.
“Kahit magtulong-tulong pa kayo nila Kei at Andrew. Hinding hindi niyo maagaw sa akin ang asawa ko”
Hindi ko mapigilang sambitin sa aking sarili dahil sa inis. Napakalakas ng charm ni Gon kaya andaming gustong umaagaw sa kaniya mula sa akin. Minsan napapaisip na lang talaga ako na itira siya sa pinakaliblib na lugar sa pilipinas na kung saan ay iilang tao lamang ang nakakakilala sa aming dalawa. Ngunit alam kong hindi gugustuhin ni Gon ang mamuhay ng ganon kaya kinakailangan ko na lang na pagbutihin ang pagiging tapat at ulirang asawa sa kaniya upang hindi na niya ako ipagpalit.
Matapos ang nangyaring paghaharap namin ni Angelique ay hindi kaagad ako nakabalik sa condo dahil alam kong malulungkot si Gon kapag wala akong dala. Kaya naman naisipan kong magtungo sa iba’t ibang convenience store upang maghanap ng avocado flavor ngunit sa nilayo ng nilakad ko mula sa condo ay wala pa rin akong mahanap. Unti-unti ko na ring naramdaman ang pangangalay ng aking braso sa bag na bitbit ko na naglalaman ng aming mga damit. Kung papalarin nga naman at lumapit pa sa akin ang grasya nang may mapadaan na isang ale na nagtitinda ng mga prutas at isa sa mga ito ay ang avocado. Bago ako bumalik sa condo ay dumaan akong muli sa convenience store upang makabili ng ice tubes upang magamit sa paggawa ng shake.
Pagkabalik ko sa loob ng condo ay wala naka-on parin ang PS4 ngunit wala na si Gon. Umadar na naman ang pagkapraning ko na baka bigla na siyang nawala kaya naman dali-dali kong tinawag ang pangalan niya at mabilis naman itong tumugon na nasa banyo niya upang maligo. Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ang kaniyang boses. Dali-dali akong naghubad ng damit at saka nagpunas ng bimpo na may halong tubig at alcohol bago ako naghilamos. Matapos akong makapagpunas ay balik ako sa boxer shorts ko na suot at nagsimulang gumawa ng avocado shake.
Marahil ay kakapasok lang ni Gon sa banyo nang dumating ako dahil saktong sakto sa paglabas niya ng banyo ang pagkatapos ng shake na ginagawa ko. Habang pinupunasan niya ang kaniyang buhok gamit ang tuwalya ay kaagad kong inabot ang shake na hinanda ko para sa kaniya. Bakas sa hitsura niya ang pagkagulat dahil sa ang inaasahan niyang Avocado Ice cream ay naging shake ngunit wala akong reklamong narinig sa kaniya at masaya niya itong ininom. Nagtungo siya muli sa may couch kung nasaan naka set-up ang PS4 at naglarong muli habang ako ay nagtungo sa banyo upang magtooth brush at magmouth wash. Matapos kong gawin ang mga ito ay kaagad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya mula sa kaniyang likuran upang maglambing. Wala akong narinig napagtutol sa kaniya ngunit nanatili lamang siyang tahimik.
“Babe, sorry” Maikling kong sabi bilang pagbasag sa katahimikan sa aming dalawa.
“Sorry saan?” Maikli niyang tugon habang nakatuon pa rin ang atensyon sa TV screen habang naglalaro.
“Tungkol dun sa Ice cream na request mo. Hindi ako nakahanap ng flavor kaya gumawa na lang ako ng shake para matugunan yung paglilihi mo” Biro ko sabay himas sa kaniyang tiyan.
“Gago” Ang tangi niyang sinagot na siyang nagpatawa sa akin ng mahina.
“Pero seryoso gusto ko magsorry kasi nagkita kami kanina ni Angelique” Dugtong ko na siyang nagpahinto sa kaniya sa paglalaro.
“Alam ko” Maikli niyang tugon.
“Paano mo nalaman?” Mabilis kong tanong at pinaharap ko siya sa akin.
“Dahil tumawag siya sa akin kanina at sinabing nakipagbreak na daw siya sayo ngunit nagpumilit ka pa rin daw upang makipagbalikan at pwersahang hinalikan siya sa harap ng marami” Nabigla ako sa pagbaliktad sa akin ni Angelique.
“Siya ang humalik sa akin hindi ako” Mabilis kong pagdepensa sa sarili.
“Nakapagtooth brush kana ba at nagmouth wash?” Tanong niya sa akin na akin namang tinanguan.
Laking gulat ko nang sumampa siya sa aking hita at bigla na lang niya akong hinalikan. Banayad na halika ang binigay niya sa akin na kalaunan ay naging marahas at puno ng panggigil. Paulit-ulit niyang dinilaan ang aking labi bago niya kagatin ang pang-ilalim kong labi at saka niya ipapasok ang kaniyang dila na malugod kong tinatanggap. Malaya namang naglakbay ang aking kamay mula sa kaniyang likuran patungo sa kaniyang pang-upo na kung saan ay tumatama na sa galit kong ari.
“Ngayon sabihin mo sa akin kung sino ang mas magaling sa amin ni Angelique pagdating sa paghalik?” Tanong niya na siyang ikinabigla ko. Hindi ko inaasahang makakaramdam siya ng insecurity kay Angelique dahil sa pagbanggit nito sa paghalik niya sa akin.
“Hindi mo naman na kailangang patunayan yun” Tugon ko habang hinihimas ang kaniyang pang-upo ngunit nabigla ako ng hawakan niya ang aking pisngi at napanguso ako dahil sa kaniyang pagpisil.
“Hindi mo sinasagot ang tanong ko” Buong gigil niyang sambit habang nakahawak pa rin sa aking mukha. Lalo akong nalibugan nang makita ko ang mukha niya na nanggigil sa akin.
“Syempre sa lahat ng mga naging karelasyon ko ay walang hihigit sa galing mo da-” Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita at muli niya akong siniil ng halik.
Sa pagkakataong ito ay mas naging mapusok ang kaniyang paghalik na umabot hanggang sa aking leeg. May mga pagkakataong nakakaramdam ako ng hapdi at sarap dahil sa pag-iwan niya ng marka dito. Ang akala ko ay mag-iiwan lang siya ng dalawang marka ngunit nagtaka ako dahil higit pa sa lima ang kaniyang ginagawa.
“Babe, may pasok tayo bukas papano ko naman itatago ang mga to?” Tanong ko habang patuloy siya sa pagsipsip sa aking leeg na siyang nagpapaliyad sa akin dahil sa sarap.
“Sinadya ko talaga na damihan para makita nila at malaman na akin ka lang” Gigil niyang tugon sa akin at parang bampira kung makasipsip sa aking leeg. Napamura ako sa loob-loob ko dahil sa labis na tuwa. Kung alam ko lang na sasabihin niya yon ay nirecord ko sana para magawa kong ulit-ulitin.
Balak talaga akong baliwin ni Gon dahil maging ang dibdib ko ay nilagyan niya rin ng mga marka. Madalas akong magbukas ng tatlong butones sa uniform kaya alam niyang makikita ito ng mga tao kapag nag-iwan siya sa aking dibdib. Maging ang aking mga utong ay hindi niya pinalampas sa pagkagat at pagsipsip. Mabuti na lang at nakapagpunas ako kanina kung hindi ay malalasahan niya ang alat ng aking pawis. Matapos niyang magsawa sa aking mga utong ay bigla na niyang tinaas ang kanang kamay ko at walang pasabing sinubsob ang mukha sa aking kili-kili.
“Arrrghh…babe huwag diyan…Hindi ko napunasan yan” Sambit ko habang hinihimod niya ang aking kili-kili. Taliwas sa aking sinabi ang tunay kong nararamdaman dahil halos ingud-ngod ko na ang mukha niya sa aking kili-kili gawa ng pinaghalong kiliti at sarap.
Tila naging fetish na ni Gon ang pawis at kili-kili ko na siyang nagpapabaliw sa akin. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong napahiyaw at napamura sa paghimod niya sa aking kili-kili. Tila wala siyang pakialam kahit na pinagpapawisan ito. Magkabilang kili-kili ko ang ginawaran niya ng matinding paghimod na siyang nagpatirik sa aking mata dahil sa tindi ng sarap. Hinawakan ko ang kaniyang mukha upang patigilin saglit dahil tila lalabasan ako nang hindi man lang ginagalaw ang ari ko. Walang sino man ang nakapagpaligaya sa akin ng ganito at tanging si Gon lang.
Sa kaniyang pagtigil ay aking nakita ang mukha niyang pawisan dahil sa matinding paghimod sa aking mga kili-kili. Inabot ko ang tuwalyang kaniyang ginamit sa pagpapatuyo ng kaniyang buhok upang ipunas sa kaniyang mukha. Matapos kong gawin ito ay ginawaran ko siya ng halik sa labi bilang pasasalamat sa pagpapaligaya sa akin. Sa pagitan ng aming halikan ay naglakbay ang kaniyang kamay papasok sa loob ng aking boxer shorts hanggang sa unti-unti niya itong binaba upang hawakan ang aking ari. Napapaungol ako sa pagitan ng aming halikan dahil sa pagtaas-baba ng kaniyang kamay sa aking ari. Bigla naman akong napaurong at nanginig ang katawan nang ikiskis niya ang kaniyang hinlalaki sa pinakadulong bahagi ng aking ari na siyang pinakasensitibo sa lahat.
“Ahhh…Ang sarap non babe” Sambit ko sa pagitan ng aming halikan habang patuloy siya sa pagtaas-baba sa aking ari.
“Babe isubo mo na please…feeling ko lalabasan na kaagad ako” Dugtong ko dahil tila labis ang libog na aking nadarama kaya hirap akong magpigil at para na akong lalabasan sa kamay pa lang ni Gon.
Hindi nagsayang ng oras si Gon at kaagad siyang pumuwesto upang makaluhod. Marahan niya munang hinalik-halikan ang palibot ng aking ari bago niya ito sinimulan sa pagsubo.
“Damn…. Ang sarap mo talagang magtrabaho babe” Hiyaw ko nang maisubo niya ang aking ari. Hindi pa man niya naisusubo lahat ngunit labis-labis na ang ligaya na aking nadarama. Para akong binata na unang beses makaranas ng blowjob dahil sa mabilis kong nadarama ang pakiramdam na malapit ng labasan. Nagulat na lang ako nang bigla niyang isagad hanggang sa kaniyang lalamunan ang aking ari.
“Fuck….ahhhh ang sarap babe” Halos mapaos na ako kakahiyaw at basang basa na ako sa pawis dahil sa pagkontrol sa sarili na huwag kaagad labasan. Ngunit lalo akong nabaliw nang maramdaman ko ang kaniyang lalamunan na para bang sumisikip sa paulit-ulit niyang paglunok.
“Wooohhh…Ahhh..babe saan mo natutunan yan?” Napahawak na ako sa ulo ko dahil tila tatakasan na ako ng bait sa pagpipigil na huwag labasan hanggang sa maramdaman ko na ito.
“Sorry babe” Maikli kong sabi at hinawakan ko ang kaniyang ulo upang umulos ng mabilis. Wala na siyang nagawa kundi hayaang maglabas masok ang aking ari sa loob ng kaniyang bibig hanggang sa kaniyang lalamunan hanggang sa ako’y labasan.
“Ahhhh…Tangina ang sarap” Malumanay kong sambit habang pumipintig ang aking ari sa loob ng kaniyang bibig. Pagkatapos nito ay mabilis akong napasandal sa couch sa labis na pagod na nadarama. Hindi rin ako binigo ni Gon dahil sa nagawa niyang lunukin ang lahat na tamod na aking nilabas. Hindi rin nagtagal at naupo siya sa tabi ko at biglang bumulong.
“Kaya bang gawin lahat yun ni Angelique?” Tanong niya na nagpatawa sa akin ng mahina. Sobrang worth it ang paghihirap ko kanina dahil nasuklian naman ito ng pinakamasarap na blowjob na aking narasanan.
Sumandal ako sa kaniyang balikat hanggang sa mapahiga ako sa kaniyang dibdib habang nilalaban ang antok na aking nadarama. Gustong gusto ko pang humirit ng isa ngunit nais na magpahinga ng aking katawan. Bago pa man ako takasan ng kamalayan ay nagawa ko pa ring banggitin sa kaniya ang salitang.
“I love you”
Sa mga lumipas na araw ay natuto akong magkontrol ng aking emosyon para sa kaligtasan ni Gon. May mga pagkakataon na gusto kong lapitan si Andrew at saktan sa tuwing gumagawa ito ng paraan upang makapanantsing kay Gon. Hindi ako pwedeng gumawa ng malaking gulo na tatawag sa pansin ng aking ama at baka magduda siya sa paglipat ko ng eskwelahan. Alam kong nagduda siya sa motibo ko sa paglipat ngunit nagawa ko pa rin siyang kumbinsihin na bilang kapatid na lang ang turing ko kay Gon. Isa sa pagpapatunay ko ay ang pagkukunwari ko na nakikipagrelasyon sa iba’t ibang babae hanggang sa pinakahuli ay kay Angelique.
Natuto akong maging maunawain at mapagpasensya sa tuwing magpapaalam sa akin si Gon na tatambay kasama sina Kei at Andrew. Syempre hindi nawawala ang takot at selos ko ngunit mas nanaig ang tiwala ko kay Gon na hinding hindi niya ako ipagpapalit. Naging bukas din kami sa isa’t isa lalong lalo na sa aming tunay na nadarama kapag nagseselos kami o kaya ay nakakaramdam ng galit. Syempre hindi lang ako ang nakakaramdam ng selos dahil nariyan pa rin ang mga babaeng nahuhumaling sa akin na nagbibigay ng dahilan upang magselos si Gon. Hindi ko hinahayaang umabot ng isang araw ang aming tampuhan dahil mas labis ang pagpapahalaga ko sa panahon at oras na aming ginugugol na magkasama. Habang tumatagal ay mas nauuwaan namin ang isa’t isa na naging pundasyon namin upang mapatibay ang aming pagmamahalan.
Makalipas ang ilang buwan mula nang magkabilakan kami ni Gon ay muli naming naisipang magkaroon ng dinnder date kahit dito man lang sa loob ng condo. Naging abala ako sa paghahanda ng aming kakainin habang siya naman ang nagpresenta sa pagbili ng cake at wine sa malapit na mall. Habang ako ay nag-aayos ng mesa ay bigla na lang akong nakatanggap ng tawag mula kay Mang Arthur. Bago ko pa man ito sagutin ay kinutuban na kaagad ako ng hindi maganda dahil sa bihira lang ito tumawag sa akin.
“Nasaan si Gunter?” Tanong niya kaagad sa akin nang sagutin ko ang kaniyang tawag.
“Na-nasa mall bakit?” Nauutal kong tugon dahil bigla akong nakaramdam ng masama dahil sa uri ng kaniyang pananalita. Nagulat na lang ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagputok ng baril.
“Hello Mang Arthur?” Dugtong ko matapos ang nakakabinging tunog ng pagputok ng baril.
“Pauwiin mo na si Gon dahil nagsimula nang kumilos ang daddy mo!” Sigaw niya at bigla na lang naputol ang pagtawag nang muli kong marinig ang mga pagputok ng baril.
Labis akong nataranta at natabig ko pa ang mesa kaya ito natumba. Dali-dali akong nagsuot ng sapatos habang tinatawagan ang numero ni Gon. Sa kasamaang palad ay tila nakapatay na ang kaniyang cellphone. Wala akong nagawa kundi ang puntahan siya mismo sa mall ngunit bago pa man ako makalabas ng pinto ay may nakita akong unread na message sa inbox ko at yun ay nagmula kay Gon. Napamura pa ako dahil 4 minutes ago na ito at tiyak na mas nauna pa ito sa tawag ni Mang Arthur na hindi ko man lang napansin. Nangilid kaagad ang aking mga luha nang mabasa ko ang kaniyang mensahe na para bang nagpapaalam na siya sa akin.
“Napapalibutan ako ngayon ng mga tauhan ng daddy mo at imposibleng matakasan ko sila. Kung ano man ang mangyari ay lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita”
- Gunter
Itutuloy…
A/N:
Woooh.. Finally natapos din ako after 5.5 K words. 5 am na nang matapos ko ang chapter na to at asahan niyo na hindi bababa sa 5K words ang mga susunod na chapter dahil nalalapit na itong magtapos. Bale
4 na chapters na lang ang natitira
at makakapagpahinga na ako sa pagsusulat. JK!
About nga pala sa game ay meron ng nanalo at just to let you know na hindi ito scam. HAHAHA. Hindi ko muna sasabihin kung sino ang nanalo hanggang hindi pa lumalabas sa chapter ang character na tinutukoy ko. Syempre kapag sinabi ko kaagad ay maiispoil kayo sa story. Rest assured na resibo ako sa pagbibigay ko ng award bilang patunay na hindi ko kayo ginugoyo.
Sana suportahan niyo rin ang iba kong sinulat lalong lalo na ang
Living with my step brothers
na malapit ng umabot sa 700K reads pati na rin ang
Can’t live without you
na halos 400K na rin ang reads. Bigyan niyo rin sana ng suporta ang
Enigma
na kasunod kong ia-update ngayong linggo.
Yun lang at maraming salamat!
Keep safe <3
Chapter 42: Dead or Alive
Darren as Gunter
Gunter’s POV
Warning: This chapter contains violence!
Sa loob ng dalawang taon ay nagawa kong talikuran ang nararamdaman ko para kay Lance. Ninais kong ipaglaban ang aming relasyon kahit na magkapatid kami ngunit hindi talaga umaayon sa amin ang pagkakataon. Totoong magiging masaya kami ngunit sisirain namin ang aming kinabukasan at maging ang relasyon namin sa aming pamilya. Masyado pa kaming bata noon upang magdesisyon sa isang bagay na walang kasiguraduhan kung ang pagbabasehan lang namin ay ang nararamdaman namin para isa’t isa. Mabigat sa loob ko na iwanan siya ngunit nagawa ko ito para sa aming dalawa.
Sa muling pagkikita naming dalawa ay napatunayan kong kahit anong pagkukubli ko sa tunay kong nararamdaman para sa kaniya ay kusa itong lalabas. Pilit kong kinukumbinse ang sarili na nagseselos ako na napunta sa kaniya si Angelique ngunit ang katotohanan ay nagseselos ako na napunta siya kay Angelique. Sa sobrang pagpipigil ko sa aking damdamin ay tila lalo lang umusbong ang pagmamahal ko sa kaniya. Sa bawat sandali na kami lang ang magkasama ay may nag-uudyok sa aking isipan na iparamdam sa kaniya ang tunay kong nadarama ngunit paulit-ulit ko itong nilabanan hanggang sa lumala at humantong sa kakaibang pagnanasa.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng labis na pagnanasa kay Lance. Hindi naman ako ganito noong magkasintahan pa kami. Sadyang kaakit-akit sa aking paningin sa tuwing makikita ko siyang pawisan at sa bawat pagkakataong nakikita ko siyang umiinom ay para bang inaakit ako ng kaniyang adam’s apple na halikan. Ilang beses kong winaksi sa isipan ang mga mahahalay na bagay hanggang sa dumating ang pagkakataong hindi ko na napigilan ang aking sarili na ipadama sa kaniya ang tunay kong nararamdaman. Ang akala ko ay pagsisihan ko ang nagawa ko dahil alam kong maaari akong kamuhian ni Lance ngunit yun ang naging tulay upang magkabalikan kaming dalawa.
Ang aking kwarto ang naging saksi sa pagmamahalan naming dalawa. Hindi man namin maipakita sa labas kung gaano namin kamahal ang isa’t isa ay nagawa naming makontento sa kung anong meron kami ngayon. Ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa at nagmamhalan, kahit na hindi pa rin malinaw sa akin ang dahilan kung bakit kailangang palabasin ng daddy ni Lance na magkapatid kaming dalawa upang paghiwalayin kami. Alam kong may malalim na dahilan si Lance kung bakit niya ayaw sabihin sa akin ang totoong dahilan ng kaniyang ama at nirerespeto ko yun dahil hindi lang dahil sa mahal ko siya, yun ay dahil sa malaki ang tiwala ko sa kaniya.
Noong una ay nahihirapan akong hatiin ang oras ko sa pag-aaral, pagsama sa mga matatalik kong kaibigan at maglaan ng sapat na oras para sa amin ni Lance. Mabuti na lang at malaki ang pinagbago ni Lance ngayon dahil natuto na siyang magkontrol ng emosyon hindi gaya dati nang una ko siyang makilala na isang basag ulong estudyante. Hinahayaan niya akong makihalubilo kina Kei at Andrew kahit na nagseselos siya kay Andrew sa tuwing gumagawa ito ng di kaaya-ayang hakbang. Buo ang tiwala niya sa akin dahil wala akong nararamdaman para kay Andrew dahil kaibigan lang talaga ang maituturing ko sa kaniya. Ilang beses ko na ring nilinaw ito kay Andrew ngunit hindi pa rin siya sumusuko na mapaibig ako.
Sa tuwing sasapit ang araw na pareho kaming walang pasok ay sinisigurado naming nakalaan ang araw na ito para sa aming dalawa. Lahat ng mga school activities at mga school works ay pinipilit naming matapos o magawa sa mga araw na may pasok kami upang ang buong araw na wala kaming pasok ay mailaan ng husto para sa isa’t isa. Sa araw na ito ay magkasama kaming dalawa sa couch habang naglalaro ng Tekken 7. Kasalukuyang nakakandong ako sa kaniya habang ang kaniyang mga kamay ay tila nakaakap sa akin dahil sa paghawak niya ng controller. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto niya ang ganitong kalagagyan naming dalawa dahil minsan ay natatalo ko siya sa kadahilanang hindi niya makita ang TV screen. Ngunit mas madalas pa rin siyang manalo kahit na sinasadya kong harangan ang paningin niya dahil ganon siya kabihasa sa larong ito.
“Pansin ko lang bakit napapadalas ang prutas at paggugulay mo ngayon?” Tanong ko matapos ang apat na beses na sunod-sunod kong pagkatalo sa kaniya.
“Wala. Gusto ko lang maging healthy para masustansiya ang ipapalunok ko sayo” Tugon niya habang inaamoy-amoy ang aking batok na para bang walang mali sa kaniyang sinabi. Lumingon naman kaagad ako sa kaniya at binigyan siya ng tingin na may pagdududa.
“Okay. Pansin ko kasi na naging obsession mo na yung pawis at kili-kili ko” Pagmamalaki niya sa akin na kaagad kong binigyan ng reaksyon.
“Wow!” Mabilis kong tugon na kaniyang ikinatawa.
“Fetish pwede na?” Tanong niya sa akin na hindi ko sinagot dahil kahit hindi ko aminin sa kaniya ay yun ang katotohanan.
“May kasabihan nga na ‘You are what you eat’ kaya sinisigurado kong healthy ang mga kinakain ko at laging naglilinis ng katawan para walang amoy kapag pinagpapawisan” Masaya niyang tugon at kaagad kong nilapit ang aking mukha sa kaniyang kili-kili hanggang papunta sa kaniyang leeg.
“Kahit naman dati eh hindi naman masangsang ang amoy mo kapag pinagpapawisan ka ah” Matapos akong sumagot ay nagtangka akong bumaba sa kaniyang kandungan ngunit hinila niya ako pabalik at hinirap sa kaniya.
“Bakit dati ba ay ginagawa mong himurin ang kili-kili ko? Nakaugalian mo ba ang pagdila sa pawis ko?”
Napaiwas na lang ako ng tingin dahil sa hindi ko magawang sagutin ang kaniyang tanong sapagkat nahihiya akong aminin na yun ang totoo. Sa dinamidami ng magiging fetish ko ay bakit yung pawis at Adam’s apple pa ni Lance? Pwede naman ang kaniyang mga labi na siyang nagpahumaling sa akin na sinasabi nilang may sumpa raw. Ewan ko ba at hindi ko rin magawang mandiri sa pagkahumaling ko sa katawan niyang pawisan.
“Kaya gagawin ko ang lahat para mag keep-up sa lahat ng mga pangangailangan mo” Dugtong pa niya na nagbigay ng ngiti sa aking mga labi. Ang dami nang nagawa na sakripisyo ni Lance para sa akin. Hindi ko nga alam kong papano ito susuklian dahil halos lahat ng bagay na kaniyang ginagawa ay may kaugnayan sa ikakabuti ko.
“Sige nga patikim nga kung lasang watermelon yung pawis mo” Biro ko sa kaniya at sabay halik sa kaniyang leeg.
Sa mga ganitong uri ng biruan palaging nagsisimula ang aming matinding bakbakan. Sa mga pagkakataong makikita ko siyang hubo’t hubad ay hindi nawawala sa aking pansin ang mga peklat sa kaniyang braso at likod. Nang tanungin ko siya tungkol sa mga peklat na ito ay nakuha niya raw sa pakikipagbasag ulo. Hindi ako naniniwala sa kaniyang rason dahil noong nasa high school palang kami ay kahit makipagbasag ulo siya ay hindi nagagawang mag-iwan ng marka ang kaniyang mga nakakalaban kaya pinagtataka ko kung papano niya nakuha ang mga peklat na ito. At sa tuwing masisilayan ko ang mga ito ay hindi ko mapigilan ang sarili na halikan ang mga ito dahil pakiramdam ko ay responsable ako sa mga sugat na tinamo ni Lance.
Naging maayos naman ang pagsasama namin ni Lance sa mga nakalipas na buwan. Ngunit may mga pagkakataong nais ko nang huminto sa pag-aaral dahil unti-unti kong nararamdaman na hindi ako karapat-dapat na tumira sa magarang condo at mag-aral sa mamahaling paaralan. Yun ay dahil sa hindi naman talaga ako anak ng daddy ni Lance. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit ako pinag-aaral ni Tito Kendrick gayong hindi naman niya ako tunay na anak at tutol siya sa relasyon namin ni Lance. Ilang beses ko ring sinubukang tawagan si Ate Pritz dahil nais kong ipagtapat sa kaniya ang nalalaman ko at nais kong lumipat ng paaralan dahil tinutubuan na ako ng hiya ngunit sobrang abala niya sa trabaho at lagi kaming hindi nagpapang-abot. Sa tuwing tatawagan ko siya ay nasa opisina siya para mag-over time at madalas ay late na reply na lang ang natatanggap ko. Maging sa text ay napakabihira na niyang mangamusta sa akin na para bang kinalimutan na niya akong tuluyan.
Hindi ko man aminin ang tunay kong nararamdaman ay alam ni Lance na nababahala ako sa mga nangyayari. Una sa dahilan ng kaniyang ama sa pagpapatira at pagpapaaral sa akin. Pangalawa nama’y hindi ko makausap ng maayos si Ate Pritz. Lalo pa akong nakaramdam ng pagkabalisa nang sabihin ni Lance na huwag na huwag akong makikipagkita sa kaniyang ama nang mag-isa. Kapag nais daw nitong makita ako ay dapat ko raw sabihin kay Lance o kaya dapat ay kasama siya. At para mabawasan ang takot na aking nadarama ay naisipan ni Lance na magkaroon kami ng dinner date hindi lang para madistract ako at yun ay para maipagdiwang namin ang muli naming pagsasama.
Ngayon ay nasa mall ako na hindi kalayuan sa tinutuluyan naming condo upang bumili ng cake at wine habang nagluluto naman si Lance ng aming kakainin. Hindi ako mahilihg sa wine at wala akong kaalam-alam sa pagpili nito ngunit si Lance mismo ang nagpumilit na bumili ako para sa date namin. Siya na mismo ang nagbigay ng magandang klaseng brand ng wine kung saan nakalagay pa mismo ang taon nito. Kabado pa ako noong una dahil unang beses kong bumili at tila hindi ako makakilos ng husto sa loob ng store dahil natatakot akong makabasag dahil hindi biro ang mga halaga nito. Lumapit ako sa salesman at binigay ang papel kung saan sinulat ni Lance ang pangalan ng wine. Masaya niya itong tinanggap at kinuha pinaalam sa akin na available raw ito kaya pinalapit na niya ako sa cashier upang bayaran ito. Inabot ko kaagad ang credit card ko nang hindi nagtatanong sa halaga ng nabili ko. Ayoko kasing lumabas na ignorante sa bagay na ito kaya hindi na ako nagtanong.
“Sir decline po ang card niyo” Sambit ng kahera at inabot sa akin ang aking credit card. Ang bilis kong na max-out yung limit ko ngayon buwan dahil sa mga binili kong libro para sa tatlo kong subjects at idagdag mo pa yung mamahaling pagkain ni Lance na mabilis maubos. Hindi ko mapigilang mapailing sa laki ng nagagastos ko.
“Sorry, magkano nga po ulit?” Tanong ko habang binibilang ko ang cash na laman ng aking wallet. Kompyansa ako na hindi naman aabot ito ng higit sa limang libo dahil yun na lang ang meron ako.
“P11,950 po sir” Nakangiting sambit ng kahera at muntikan na akong mapaatras sa gulat dahil sa laki ng halaga ng inumin na to. Meron pa naman akong pera sa savings account ko kaso kinakailangan ko munang magwithdraw. Nahihiya akong magsabi na kulang ang pera ko kaya nagkunwari akong nagbibilang ng pera habang iniisip kong anong sasabihin ko sa kahera. Habang nagkukunwari akong magbilang ay may nakita akong isa pang credit card sa loob ng wallet ko. Nakapangalan ito kay Lance at ang pinagtataka ko ay kung papano ito napunta sa wallet ko. Wala na akong ibang choice kundi ang gamitin ang credit card niya na kung saan ay napagtagumpayan kong bayaran ang mamahaling wine na kaniyang pinili.
Labis ang pag-iingat ko sa wine na dala-dala ko dahil halos katumbas na nito ang halaga ng Nintendo Switch lite. Gusto kong bulyawan si Lance dahil sa presyo ng wine na kaniyang pinili pero kinalma ko ang aking sarili dahil ayokong masira ang araw na to para sa aming dalawa. Pero sisiguraduhin kong makakaramdam siya ng kaltok sa akin kinabukasan. Halos yakap-yakap ko na nga yung mamahaling paper bag na kung saan nakapaloob ang wine upang masiguro na hindi ito mahulog.
Matapos akong makaalis sa store ng mga wine ay bumaba naman ako sa may ground floor kung nasaan ang store ng mga cakes. Habang nililibot ko ang aking paningin sa paligid ay napansin ko na tila may sumusunod sa akin. Ang akala ko ay nagkataon lang na parehas kami nang pupuntahan dahil mula sa wine store hanggang sa pagpunta ko sa pagpasok ko sa HerBench ay naroon din sila. Wala naman akong bibilhin dito dahil nais ko lang subukan kong sinusundan nga ba nila ako at tama ang nga naging hinala ko.
Sinubukan kong makihalubilo sa iba’t ibang customer upang matakasan sila ngunit habang tumatagal ay tila parang dumadami ang nakasunod sa akin. Sinubukan kong tawagan si Lance upang ipaalam ang sitwasyon ko ngunit nasa deadspot ng mall ang napuntahan ko kaya hindi ako makatawag. Kaya naisipan kong itext siya at saka ko lang isesend kapag maayos na ang signal. Ngunit nang paakyat na ako sa escalator ay nakita ko kaagad ang mukha ng daddy ni Lance na nag-aantay sa dulo nito. Baba na sana ako nang makita kong nakabuntot na rin sa likuran ko ang dalawang lalaking nakasunod sa akin kanina. Wala na akong nagawa kundi ang ipagpatuloy ang pag-akyat ngunit habang umaakyat ang escalator ay nagawa ko pa ring makagawa ng huling mensahe kay Lance.
“Napapalibutan ako ngayon ng mga tauhan ng daddy mo at imposibleng matakasan ko sila. Kung ano man ang mangyari ay lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita”
Masama ang kutob ko sa muli naming pagkikita at pakiramdam ko ay hindi maganda ang kahahantungan nito dahil nagawa pang magdala ng tauhan ni Tito Kendrick upang makipagkita sa akin. Kaya naman yun ang naging mensahe ko kay Lance dahil kung tuluyan man kaming magkalayo ay naipaalam ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. At sandaling makatungtong ako sa itaas na palapag ay kaagad akong inakbayan ni Tito Kendrick.
“Akin na yang cellphone mo anak” Bulong niya sa akin na kung saan ay nag-alangan pa ako sa pagbigay pero wala akong nagawa nang pwersahan niya itong hinablot sa akin. Matapos niya itong makuha sa akin ay kaagad niya itong inabot sa kaniyang tauhan na kung saan ay nagawang durugin gamit lang ang kaniyang kamay. Nagmistulang lata ito ng soft drink na mabilis niyang nasira at mabilis ring tinapon sa basurahan.
“Ayaw mo namang sigurong gumawa ng eksena dito di ba? Kung ayaw mong may madamay na ibang tao ay sumunod ka na lang!” Buong lambing na sambit sa akin ni Tito Kendrick na taliwas sa kaniyang mga sinabi.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Nanatiling nakaakbay siya sa akin habang ang kaniyang mga tauhan ay nakasunod sa amin. Hindi nawala sa aking isipan ang tumakas ngunit natatakot akong may madamay na ibang tao lalong lalo na’t nasa pampubliko kaming lugar na kung saan ay may mga batang maaring madamay. Kaya naman umayon na lang ako sa nais niyang mangyari hanggang sa makarating kami sa parking area ng mall. Una niya akong pinapasok sa itim na kotse habang ang isa niyang tauhan ay pumasok sa kabilang pinto ng sasakyan. Sa kanang bahagi ko nakaupo si Tito Kendrick at yung tauhan niya na sumira ng aking cellphone ay ang nasa kaliwa. Yung dalawang nakasunod naman sa akin kanina’y nasa front seat ngayon. Walang wala talaga akong matatakasan at hindi na rin ako magtatangka dahil sa takot kong madurog ang aking mukha mula sa kamao ng tauhan ni Tito Kendrick.
“Saan po ba tayo pupunta?” Lakas loob kong pagtatanong kay Tito Kendrick nang magsimulang umandar ang sasakyan.
“Huwag kang mag-alala at mag-eenjoy ka sa pupuntahan natin” Masaya niyang sabi na nagbigay ng kakaibang kilabot sa aking katawan. Ilang sandali lang ang lumipas nang ihinto nila ang sasakyan at bigla nalang sila nagsuot ng gas mask. Bigla na lang may usok na nagmula sa front seat at mabilis kong nakuha kong para saan yun kaya naman pinigilan ko kaagad ang aking paghinga. Kahit napaghandaan ko ang paglabas ng usok ay may hangganan pa rin ang pagpipigil ko ng aking hininga. At sa sandaling malanghap ko ang usok ay mabilis akong dinalaw ng antok hanggang sa tuluyan akong mawalan ng malay.
Nagising ako sa nakakabinging ingay sa aking paligid. Halos hindi ko maidilat ang aking mga mata dahil sa pagkasilaw sa liwanag na nagmumula sa itaas ko. Paulit-ulit akong pumipikit at dumidilat hanggang sa masanay ang aking mata sa liwanag ng paligid. Sinubukan kong tumayo ngunit tila nakagapos aking mga kamay at paa kaya nanatili akong nakaupo. Ilang sandali pa nang biglang mamatay ang mga ilaw at nagbukas ang isang spotlight kung saan nakatutok sa isang lalaki na kalauna’y na kilala ko rin.
“Good Evening, Ladies and Gentlemen” Paunang bati ni Tito Kendrick na kung saan ay nasundan ng mga palakpalakan at maiikling hiyawan. Saka ko lang napagtanto na marami palang tao ang nasa paligid ngunit hindi ko sila maaninag dahil sa dilim ng paligid. Tanging ang mukha lang ni Tito Kendrick ang nakikita ko dahil sa spotlight na nakatapat sa kaniya.
“This is the part of night that you all have been waiting…and without futher ado let me present to you our last contestant” Dugtong ni Tito Kendrick na mas lalong umigting ang palakpakan at hiyawan sa paligid. Nabigla na lang ako nang tumapat sa akin ang spotlight.
“He is Gunter Dela Paz also known as Gon. 18 years old with the height of 1.83 metres and a lean body. A college student major in Fine Arts. Bla Bla Bla!” Sambit ni Tito Kendrick habang binabasa ang mga impormasyon tungkol sa akin na nakasulat sa cue card na kaniyang hawak-hawak.
Matapos niya akong ipakilala sa mga taong nakapalibot sa amin ay bigla na lang gumalaw ang sahig na kinauupuan ko. Hindi ko alam kong anong nangyayari dahil sa dilim ng paligid. Sa tindi ng pagyanig ay iisipin mong lumilindol ngunit tanging ako lamang ang nakakaramdam nito. Ilang sandali pa nang magliwanag ang paligid kung saan nasilayan kong nakaupo akong ngayon sa gitna ng isang arena na halos ¾ ng laki ng isang basketball court. Ang arena ay napapalibutan ng mataas na pader na humahadlang sa sino mang magtangkang lumabas dito. Ngayon ko lang nasilayan ang mga taong nakaupo sa labas ng arena na kung saan ay nakasuot sila ng iba’t ibang magagarang maskara na tila dadalo sa isang masquerade ball. Ang kanilang kinauupuan ay mas mataas ng kaunti sa pader kaya kitang kita nila ang loob ng arena. Sa tantiya ko ay higit isang daan ang kataong nasa palibot ng arena at masasabi kong nagmula ito sa mararangyang pamilya base sa kanilang kasuotan at mga sariling body guards na kasama. Akin namang napansin ang apat na malalaking LCD screen na kung saan nakikita ko ang aking sarili. Mukhang nilagay ito upang makunan ang bawat eksena sa loob ng arena. Palingon lingon ako upang hanapin ang camera dahil kasalukuyang nakafocus ito sa akin na siyang lumalabas sa apat na screen ngunit bigo akong makita ito.
“I think he’s ready now!” Muling sambit ni Tito Kendrick na ngayo’y nakatayo sa isang maliit na podium na kung saan ay may malaking LCD screen sa kaniyang likuran. Hindi ko alam kung anong pakulo ang magaganap pero ang alam ko ay hindi magiging maganda ito. Kanina pa ako humahanap ng paraan upang makatakas sa pagkakagapos ngunit yari sa bakal ang nakakapit sa magkabila kong paa at kamay kaya imposibleng makalas ko ito.
“The first challenge for our contestant was drawn by Mrs. Limcaoco” Masayang sambit ni Tito Kendrick at may lumpit sa kaniya na isang babaeng may magarang kasuotan na kagaya ng karamihan ay may suot ring maskara. Tila hirap na ito sa paglalakad kaya inaalalayan siya ng kaniyang body guard upang makalapit ng husto kay Tito Kendrick. At sa kaniyang paglapit ay kaniyang inabot ang maliit na cue card na ayon kay Tito Kendrick ay binunot daw ng babaeng ito.
“Thank you Mrs. Limcaoco” Sambit ni Tito Kendrick at mabilis na sinilip ang cue card bago ngumiti. Nang makabalik ang babae sa kaniyang kinauupuan ay saka lang muling nagsalita si Tito Kendrick.
“The first challenge is…” Huminto muna si Tito Kendrick sa pagsasalita upang pasabikin ang mga tao sa paligid habang tumutugtog ang mabilis na pagtambol na nagbigay sa akin ng labis na kaba. Mula sa TV screen ay may lumalabas na salita ngunit hindi ko magawang mabasa dahil sa bilis nitong magpalit-palit. Para akong pumipili ng random stage sa isang laro na mabilis nagbabago ang nakasulat sa screen.
“Weigh your RIDDLE!!!!!” Malakas na sigaw ni Tito Kendrick at nagpalakpakan ang mga taong manonood. Sa bawat palakpak at sigaw ay tila lalong lumalakas ang aking pangamba dahil sa wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari.
“Ipapapaliwanag ko sayo nang husto sa salitang Filipino upang mas maintindihan mo!” Pang-iinsulto sa akin ni Tito Kendrick na ikinatawa ng karamihan.
Sa pagpitik ng kaniyang mga daliri ay bigla na lang gumalaw ang sahig maliban sa aking kinauupuan. Nahati sa dalawang parte ang sahig ng buong arena at kasalukuyang nasa gitna ang pwesto ng sahig na aking kinauupuan. Ang magkabilang sahig ay unti-unting bumaliktad hanggang sa mapalitan ito ng panibago. Mabilis kong napansin ang kumukinang nabagay sa sahig na akala ko ay desenyo ngunit nang matapos ang pagpapalit ng sahig ay saka ko lang napagtanto na ang buong arena ay napapalibutan ng sahig na mayroong mga bubog. Matapos magpalit ng sahig ay siya namang paglabas ng apat na mesa mula sa nagbukas na lagusan sa pader. Ang bawat mesa ay nakapwesto sa Hilaga, Silangan, Timog at Kanlurang bahagi ng arena. Bawat mesa ay naglalaman ng iba’t ibang uri ng kagamitan na hindi ko masyadong mapagmasdan ng dahil sa layo nito mula sa aking kinauupuan. At ilang sandali pa ay bigla namang kumalas ang mga bakal na nakagapos sa aking mga paa at kamay.
Nang makatayo ako ay nagsimulang magpaliwanag si Tito Kendrick sa hamon na kaniyang tinutukoy. Bibigyan niya ako ng sampung cue card na naglalaman ng iba’t ibang bugtong at ang bawat sagot sa bugtong ay may katumbas na gamit na mahahanap ko raw sa loob ng arena. Marahil ang tinutukoy niya ay ang mga kagamitang nakapatong sa apat na mesang nakapalibot sa akin na sa tantiya ko ay tatlo hanggang apat na hakbang ang layo ng mesa mula sa aking kinatatayuan. Ang bawat kagamitang katumbas ng sagot sa bugtong ay kailangan kong ilagay sa timbangan upang malaman kong tama ang aking sagot. Lumingon ako sa paligid ngunit wala akong makitang timbangan hanggang sa bigyan ako ng babala ni Tito Kendrick.
“Kung ako sayo ay aalis na ako diyan sa kinatatayuan mo”
Sambit niya at bigla na lang gumalaw ang sahig na kinatatayuan ko. Unti-unti itong lumulubog pailalim kaya napilitan akong tumapak sa sahig na may mga bubog. Sa sandaling tumama ang aking paa sa sahig ay napahiyaw ako sa labis na sakit na nadarama gawa ng pagkakabaon ng mga bubog sa aking paa. Mabilis na dumugo ang aking talampakan na siyang ikinatuwa ng mga taong nanonood sa akin. Patuloy na nagsalita si Tito Kendrick na tila walang pakialam sa sakit na aking dinadaing. Ang kaninang sahig na ang aking kinatatayuan ay napalitan ng isang malaking mesa na may kulay gintong timbangan. Sa bawat harap ng timbangan ay may tatlong bumbilya na may iba’t ibang kulay. Ayon sa paliwanag ni Tito Kendrick ay kapag sumindi ang kulay pula na bumbilya ay ibig sabihin ay mali ang aking sagot o maling bagay ang nailapag ko sa timbangan. Kapag kulay kahel naman ay ibig sabihin daw ay tama ang sagot ko ngunit kulang ang bagay na aking nilagay. At ang huling kulay ay kulay berde na ibig sabihin ay tumpak ang aking sagot at sapat na gamit ang aking nilagay. Sa pagitan ng ikalima at ikaanim na timbangan ay may maliit na orasan na hindi ko pa alam kung para saan. Kinapa ko ang aking likurang bulsa kung saan naroon daw ang mga cue card kung saan nakasulat ang mga tanong.
Pumasok kaagad sa aking isipan na hindi ako kikilos sa aking kinatatayuan upang mapahiya si Tito Kendrick sa mga tao. Wala naman silang magagawa kong hindi ako makikiisa sa karumaldumal na hamong pinapagawa nila ngunit nagbigay ng babala sa akin si Tito Kendrick. Mayroon lang daw akong sampung minuto upang matapos ang hamon na kaniyang pinapagawa dahil sa bawat minutong lumilipas ay bababa raw ang bakal na sumusuporta sa apat na screen. Sa ilalim na bahagi nito ay may malalaking kulay asul na tubo na yari na mayroon daw mataas na boltahe ng kuryente na siyang kikitil sa buhay ko. Noong una ay hindi ako nasindak sa kaniyang mga sinabi. Ngunit ang aking tapang ay biglang naglaho nang maghagis ng kalapati ang kaniyang tauhan patungo sa mga tubo. Sa sandaling pagtama ng kalapati sa mga tubo ay panadalian itong nangisay at mabilis nagliyab ang katawan nito pababa sa sahig na puno ng bubog.
“Ano bang nagawa ko sayo at ginagawa mo sa akin ito?” Sigaw ko mula sa arena na siyang pumukaw sa atensyon ni Tito Kendrick.
“Sasagutin ko lang ang katanungan mo kapag nalampasan mo ang mga hamong ipapagawa ko” Masaya niyang tugon at bigla na lang tumunog ang isang nakakabinging ingay na siyang hudyat na nagsisimula na ang hamon.
Napatingin ako sa likuran ni Tito Kendrick kung nasaan ang malaking screen. Nakalagay roon ang tumatakbong oras na siyang itatagal ng aking hamon. Sa pagligon ko sa maliit na orasan sa pagitan ng dalawang timabangan ay napansin ko kaagad na tugma ang oras nito sa natitirang oras na nakalagay sa malaking screen. Dinukot ko ang mga cue cards at mabilis na binasa ang ilan sa mga ito. Dalawa sa nabasa kong bugtong ay alam ko na kaagad ang sagot ngunit ayokong igalaw ang aking mga paa dahil sa sakit na nadarama sa pagtusok ng mga bubog sa aking talampakan. Nagmasid muna ako sa paligid upang alamin kong may malulusutan ako kapag tuluyang bumagsak ang bakal na may mga asul na tubo. Sa bawat laro ay may glitch o cheat kaya malamang sa hamon na ito ay mayroon ding parte ng arena na maari kong puntahan upang iligtas ang aking sarili. Sa aking pagmamasid ay hindi ko namalayang naubos na pala ang isang minuto ng oras na nilaan sa akin. Sa sandaling pagkabawas ng isang minuto sa aking oras ay siya namang paggalaw ng malaking parisukat na bakal na may mga tubong nakakamatay kapag nadikitan. Mula sa dati nitong pwesto ay bumaba ito ng kaunti na siyang nagpatanto sa akin na totoong ikakamatay ko ang hamon na to kapag hindi ko napagtagumpayan.
Ang unang bugtong na alam ko ang sagot ay ang bugtong na “ Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay ”. Ang kasagutan dito ay kandila na siyang hinahanap ng aking paningin sa apat na mesang nakapalibot sa akin. Nang makita ko ang kahon na naglalaman ng kandila ay kaagad akong kumuha ng tatlo upang mailagay sa gintong timbangan. Ang bawat timbangan at cue card ay may nakasulat na numero na siyang palatandaan kung saan ang tamang timbangan na dapat kalagyan ng sagot. Ininda ko ang sakit sa bawat hakbang na aking ginawa hanggang sa mailapag ko ang tatlong kandila sa ibabaw ng timabangan. Kung minamalas nga naman ay kulay kahel ang umilaw na bumbilya na ang ibig sabihin ay kulang ang kandilang nilapag ko. Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa mesang pinagkunan ko at dinamihan ko na ang pagkuha nito at sa aking pagbalik ay isa-isa kong nilagay ang kandila hanggang sa umilaw ang kulay berde na bumbilya.
Ang pangalawang bugtong na aking alam ay ang “Alipin ng hari, hindi makalakad kung hindi itali” na ang sagot ay sapatos. Palipat-lipat ako ng mesa sa kahahanap ko ng sapatos ngunit wala akong makita. Sa ikaapat na mesang aking napuntahan ay may nakita akong laruan na may suot na sapatos. Mabilis kong tinaggal ito at nagbaka sakaling ito ang hinihingi ng timbangan at sa pagkakataong ito ay naging maswerte ako at naging kulay berde kaagad ang bumbilya. Pinagpatuloy ko ang pagsagot sa bugtong at paglapag ng mga ito sa kanilang timbangan hanggang sa makaapat ako na tumpak na sagot. Napansin ko rin na sa bawat minuto ay unti-unting lumalapit patungo sa gitna ang mga mesang naglalaman ng mga bagay na aking mapapakinabangan sa pagsagot. Noong una ay natuwa ako dahil sa pabor sa akin ito upang hindi na ako mapapahakbang ng marami sa sahig na punong puno ng bubog. Naisip ko rin na maaari akong magtungo sa gilid ng arena kung saan bakante kapag tuluyang bumagsak ang parisukat na bakal na nasa ibabaw ko.
Apat pa lang ang tamang sagot ko ngunit halos limang minuto na lang ang natitira sa oras ko. Mabilis kong winaksi ang ideya sa pagtungo sa gilid ng arena nang makita ko na nagpalit na naman ang sahig sa bakanteng bahagi ng arena. Ang bakanteng sahig na nakapalibot sa arena ay mayroong maliliit na butas na kung saan ay bigla-bigla na lang may lumalabas na apoy. Nagmistulang impyerno ang palibot ng arena dahil sa mga apoy na nagmumula sa sahig. Ngayon ko napagtanto na walang balak si Tito Kendrick na buhayin ako at ang tanging paraan ko lang upang mabuhay ay ang mapagtagumpayan ang hamong ito.
Pinilit kong magfocus sa pagsagot ng bugtong upang mapagtagumpayan ko ang hamon. Mabilis kong sinuri ang bawat mesa kung saan nakapatong ang iba’t ibang bagay habang binabasa ko ang mga bugtong. Sa paraang ito ay nakakuha ako ng mga palatandaan sa aking sagot. Sinabaysabay ko na rin ang pagkuha ng mga kagamitan upang mapabilis ang aking pagsagot. Unti-unti ko na ring nararamdaman ang panghihina dahil sa dugo na patuloy na nawawala sa akin sa bawat paglakad ko sa mga bubog. Ngunit wala akong panahon upang magpahinga dahil habang papalapit sa akin ang mga mesa ay siya ring pagdami ng mga butas ng sahig sa palibot ng arena na nagdudulot ng matinding init.
Isa sa nagpahirap sa akin ay ang bugtong na “ Tubig na naging
bato
,
batong
nagiging tubig”. Kanina ko pa ito nababasa ngunit hindi ko alam ang kasagutan. Panay ang pagtagaktak ng aking pawis gawa ng init na nagmumula sa apoy na nakapalibot sa arena. Paulit-ulit kong pinunasan ang aking noo gamit ang aking braso habang nag-iisip ng sagot. Isa sa mga labis na nagpapawis ay ang ibabaw ng aking pamng itaas na labi kung saan tumutubo ang aking bigote. Gamit ang aking kamao ay pinunasan ko ito at aksidenteng lumapat ang aking kamay sa aking labi na siyang naging dahilan upang malasahan ko ang sariling pawis. Tila may bumbilyang nagliwanag sa ibabaw ng aking ulo nang mapagtanto ko ang sagot at yun ay asin. Halos nakayuko na akong lumapit sa mesa upang kunin ang isang balot ng asin. Hindi na ako pupwedeng tumayo ng tuwid dahil tatama na ang aking ulo sa kulay asul na tubo na siyang kikitil sa akin kapag nagkataon.
Ang
asin
ay pangwalo sa aking nasagot. Ang sagot sa unang timbangan ay limang
kandila
. Sa pangalawa ay isang pares ng
sapatos
. Sa pangatlo ay isang pares ng
mata
na kinuha ko sa isang laruan. Pang-apat ay tatlong piraso ng maliliit na
kampana
. Panglima ay isang pirasong
kalendaryo
. Ang pang-anim na ay isang
gunting
. Ang ikapito ay dalawang pirasong
tenga
na kinuha ko pa sa laruan na nagmumula sa isang character sa Toy Story na hindi ko matandaan ang pangalan. Dalawa na lang ang kulang sa aking sagot at ang mga bugtong na ito ay ang “ Dumaan
ang hari,
nagkagatan
ang mga
pari
” at ang isa ay “ Maitim
na parang
aspalto
,
Pumuputi
kahit hindi
labhan
” . Labis akong nahirapan sa dalawang ito dahil hindi ko talaga maaalala kung napagdaan ko na ba ito noong elementarya at high school. Dalawa at kalahating minuto na lang ang natitira sa aking oras at halos paupo na akong nakapwesto sa sahig dahil sa patuloy na pagbaba ng bakal sa ibabaw ko. Kasabay ng patuloy na pagbaba ng bakal ay siya ring pagbaba ng mga mesa kung saan nakapatong ang mga timbangan at mga mesa kung nasaan nakalagay ang mga bagay na aking isasagot. Naisipan siguro nilang maaari akong magtago sa ilalim ng mesa kapag naubos ang aking oras kaya maging ang mesa ay pinalulubog nila.
Isa’t kalahating minuto na lang ang natitira nang mapagtanto ko ang sagot sa bugtong na “ Dumaan
ang hari,
nagkagatan
ang mga
pari
” at yun ay
Zipper
. Kabisado ko na ang mga natitirang bagay sa ibabaw ng mga mesa at ni isa sa mga iyon ay walang nakalagay na zipper. Napatingin ako kay Tito Kendrick dahil inisip ko kaagad na ako ay kaniyang dinaya dahil wala akong mailalagay na zipper sa ikasiyam na timbangan ngunit muli kong naalala ang sinabi niya na “ Lahat ng bagay na
katumbas
sa sagot ng
bugtong
ay
mahahanap
mo sa loob ng arena ”. Napahawak kaagad ako sa suot kong shorts na kung saan ay mayroong zipper. Dali-dali kong kinuha ang gunting mula sa pang-anim na timbangan at sinubukang gupitin ang zipper mula sa aking shorts. Hindi ko kaagad naisagawa ito dahil sa hirap ako sa pagupit ng aking zipper sa kasalukuyan kong pwesto. Mula sa pwestong tila dumudumi ay wala akong nagawa kundi ang lumuhod upang mabilis kong magupit ang zipper mula sa aking shorts. Sa sandaling tumama ang aking mga tuhod sa sahig na puno ng bubog ay siyang pagbagsak ng aking mga luha habang kagat-kagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang sarili sa paghiyaw.
Nang magupit ko ang aking zipper ay kaagad ko itong nilagay sa ikasiyam na timbangan at laking tuwa ko nang umilaw ang kulay berde na bumbilya bilang patunay na tama ang aking sagot. Mabilis kong binalik ang gunting sa ikaanim na timbangan upang muling umilaw ang berdeng bumbilya dito. Limampung segundo na lang ang natitira sa aking oras at hindi ko pa rin alam ang sagot sa huling bugtong. Ang pinakatungtungan ng mesa ay pumapantay na sa sahig na puno ng bubog dahil sa patuloy na pagbaba ng parisukat na bakal sa ibabaw ko. Maging ang mga binti ko ay nakalapat na rin sa sahig na puno ng bubog dahil paluhod na ang aking pwesto habang nakayuko ang aking ulo. Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa tubong may mataas na boltahe ng kuryente sa bandang uluhan ko habang paulit-ulit kong binibigkas ang huling ng nakapikit.
“
Maitim
na parang
aspalto
,
Pumuputi
kahit hindi
labhan
”
“
Maitim
na parang
aspalto
,
Pumuputi
kahit hindi
labhan
”
“
Maitim
na parang
aspalto
”
“
Pumuputi
kahit hindi labhan”
“
Pumuputi
kahit hindi
labhan
”
Paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan. Hindi ko pa rin mawari ko anong bagay ang tinutukoy na maitim na aspalto na siyang pumuputi kahit hindi labhan. Kahit hindi labhan? Ibig sabihin ay natural ang pagputi nito? Isang bagay na kulay itim na siyang pumuputi habang tumatagal ang panahon. Ano ang bagay na ito? Matinding konsentrasyon ang aking ginugol hanggang sa mapagtanto ko ang tamang kasagutan sa bugtong at yun ay ang buhok. Buhok lamang ang naiisip kong bagay na siyang natural na pumuputi habang tumatagal. Mayroon na lang akong dalawampung segundo upang makuha ang wig na nakapatong sa mesa sa may kanlurang bahagi ng arena. Halos padapa na ako sa sahig na punong puno ng bubog dahil sa patuloy na pagbaba ng parisukat na bakal sa itaas ko. Nais ko mang gapangin ang mesa ngunit ayaw umayon sa akin ng aking mga binti dahil sa kirot na aking nadarama. Sa natitirang labing limang segundo ko ay muli kong kinuha ang gunting sa ikaanim na timbangan at mabilis na ginupit ang sarili kong buhok. Mabilis na umilaw ang kulay kahel na bumbilya bilang tanda na tama ang aking sagot ngunit hindi pa sapat ang buhok na nilapag ko. Wala na akong naging pakialam sa magiging hitsura ko basta patuloy ako sa paggupit ng buhok ko hanggang sa umilaw ang kulay berde na bumbilya. Hindi ko namalayan ang oras at meron na lang pala akong apat na segundo nang ibabalik ko na ang gunting sa ikaanim na timbangan.
Siguro nga ay tama ang mga napapanood ko na kapag malapit ka ng mamatay ay bigla-bigla na lang babagal ang oras na kasalukuyan kong nararanasan. Pinikit ko na lang ang aking mata bilang tanda sa pagharap ng aking kamatayan. Sa huling sandaling ito ay humiling ako sa diyos na sana man lang ay bago ako bawian ng hininga ay muli kong masilayan ang mukha ni Lance.
EEEEEEEEEEEEEEEEEEEENNNNNNNNNNGGGGGGG
!!!
Narinig ko ang isang nakakabinging ingay na kung saan ay muli kong narinig ang pinaghalong boses ng mga taong naghihiyawan sa tuwa at ang iba naman ay sa pagkadismaya. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at ang una kong nasilayan ay ang natitirang oras na meron ako sa maliit na oras na nakalagay sa pagitan ng ikalima at ikaanim na timbangan. Mayroon pa akong natitirang isang segundo nang mailapag ko ang gunting sa ibabaw ng ikaanim na timbangan na siyang naging dahilan upang mapagtagumpayan ko ang hamong ito. Unti-unting bumaba ang mesa kung saan nakapatong ang mga timbangan hanggang sa mapalitan ito ng makinis na sahig na kung saan ay kaagad kong ipinahinga ang aking sarili.
Muli kong narinig ang boses ni Tito Kendrick at sa pagkakataong ito ay nagsalita siya upang batiin ako sa pagkakapanalo ko sa hamon. Basang basa ako ng pawis habang nagpapahinga at nakatingala sa kinaroroonan ni Tito Kendrick. Bigla na lang lumabas sa malaking screen ang iba’t ibang pangalan na maaaring totoong pangalan o alyas ng mga taong naririto. Nahahati sa dalawa ang listahan ng mga pangalan kung sino-sino ang mga bumuto sa pagkapanalo ko at kung sino-sino rin ang bumuto sa pagkatalo ko. Ang mga nanalo ay nakalikom ng malaking halaga ng salapi mula sa mga talunang bumuto. Labis ang pagkamuhi ko sa mga taong nasa paligid ko dahil tinuturing lang nilang laro ang aking buhay at lalong lalo na si Tito Kendrick na naglagay sa akin sa kapahamakang ito.
Ang buong akala ko ay ligtas na ako mula sa kapahamakan ngunit muling binanggit ni Tito Kendrick na una pa lamang ito sa tatlong hamong hinanda niya para sa akin. Hindi pa ako lubusang nakakapagpahinga nang kaladkarin ako ng mga tauhan ni Tito Kendrick nang manumbalik sa dating ayos ang arena. Habang kinaladkad papalabas ng arena ay napansin ko ring nag-aalisan ang mga tao. Ang buong akala ko ay tapos na ang pagsubok sa araw na to ngunit nagkakamali ako nang malaman kong lumipat lang kami sa panibagong arena na halos katabi lang nang nauna.
Tanging tubig lang ang binigay nila sa akin habang nag-aangtay na makaupo ang lahat ng mga dumalo sa kani-kanilang pwesto. Matapos kong maubos ang tubig ay isa-isa kong tinanggal ang mga bumaong bubog sa aking talampakan. Muli kong tiniis ang kirot dahil maaaring maging sagabal ang mga bubog na ito sa susunod na hamon ni Tito Kendrick. Hindi pa man ako tapos sa aking ginagawa nang muling magsalita si Tito Kendrick bilang hudyat sa panimula ng bagong hamon. Kagaya ng nauna ay may isang panauhing lumapit kay Tito Kendrick upang iabot ang maliit na cue card na siya raw nabunot ng taong ito bilang susunod kong hamon.
“And the next challenge is…..Dance of Death” Masayang pag-anunsyo ni Tito Kendrick na muling ikinasabik ng mga panauhin niya.
“Alam kong mahilig ka sa arcade kaya tiyak na sisiw lang sayo ito” Sambit sa akin ni Tito Kendrick na siyang ikinatawa ng karamihan.
Pinaliwanag niya sa akin ang susunod na hamon na tinatawag nilang Dance of Death. Ang bagong arena na pinagdalhan sa akin ay mayroong malalaking puting tiles. Sa gitnang bahagi ng arena kung saan makikita ang pinakamalaking tiles ay may nakalagay ng mga arrow na may iba’t ibang kulay. Nakaturo ito sa hilaga, silangan, timog at kanluran na nagpaalala sa akin sa isang arcade game na tinatawag na Dance Dance Revolution. Si Tito Kendrick na mismo ang nagkumpirma na ang lalaruin ko sa hamong ito ay Dance Dance Revolution. Kahit papano ay nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil alam kong mas madali ito kaysa sa naunang hamon ngunit nang sabihin niya na sa bawat mamimiss kong arrow ay katumbas nito ang pagbagsak ng isang tiles. Nang makapwesto ako sa gitna ay pinasilip sa akin ni Tito Kendrick kung gaano kalalim ang babagsakan ng mga tiles. Kinilabutan ako sa lalim nito na dahil pagbumagsak ako ilalim ay tiyak hindi na ako makakaligtas dahil sa taas ng aking babagsakan. Pinaliwanag niya sa akin na ang kahuli-huling tiles na hindi ko pwedeng pabagsakin ay ang malaking tiles na kinatatayuan ko na kung saan nakalagay ang mga arrows.
Ayon sa kaniya ay isang kanta lang ang lalaruin ko ngunit walang kasiguraduhan kong anong kanta ang tutugtog dahil nakarandom ang pagpili nito. Kagaya sa naunang arena ay may malaking screen rin malapit sa kinatatayuan ni Tito Kendrick at dito lalabas ang susundan kong arrows sa paglalaro. Sobrang laki ng screen kaya kahit na nasa loob ako ng arena ay kitang kita ko ito. Muli kong tiningnan ang aking mga paa na may bakas pa rin ng dugo at nag-alala kong makakaya ko bang matapos ang buong kanta kahit na may mga bubog pa ang aking talampakan. Biglang tumunog ang huni ng roleta bilang hudyat sa pagpili ng random song sa aking pangalawang hamon. Ilang segundo lang nang marinig ko ang kantang napunta sa akin at yun ay walang iba kundi
“Sunkiss Drop by Jun with Alison
”. Tila naka default na ang difficulty nito bilang expert at naka X2 ang bilis niya. Huminga ako nang malalim bago magsimula ang aking hamon. Hindi ko pinahalata sa lahat ang tuwa na aking nadarama dahil sa katunayan ay kayang kaya kong ma-All combo ang kantang to kahit na nakapikit. Paborito kasi naming kanta ito sa DDR ni Kei na madalas naming pinaglalaban sa tuwing tatambay kami sa Timezone.
Ang buong akala ko ay mapapadali lang ang aking paglalaro dahil kabisado ko ang beat at arrows nito ngunit naging hamon sa akin ang pagkirot ng aking talampakan. May mga pagkakakataong muntikan na akong makamiss ng arrow dahil sa lalong pagbaon ng bubog sa aking talampakan na patuloy kong iniinda upang mapagtagumpayan ang hamon na ito. Tila hindi nasisiyahan ang karamihan sa sumunod na hamon dahil halos kalahati na ng kanta ngunit wala pa ni isang tiles ang bumabagsak. Nabigla na lang ako nang biglang mamatay ang screen kung saan ako nakatingin. Kaagad na nagkomento si Tito Kendrick na may technical difficulties kaya walang lumalabas sa screen ngunit hindi nila ako pinatigil at tuloy tuloy pa rin ang hamon. Dahil sa pagkadistract ko ay isa-isang nagbagsakan ang mga tiles bilang tanda na nagsisimula na akong makamiss ng mga arrows at sa sandaling iyon ay nagbunyi ang mga tao.
Nataranta ako nang makita kong unti-unting bumabagsak ang mga tiles sa paligid ko at nakalimutan kong tuloy pa rin ang hamon. Mas dumagdag sa kabang nadarama ko ay ang makita ang mga bakas ng dugo sa mga arrow na nagmula sa aking talampakan. Unti-unting nalagas ang mga tiles sa aking paligid hanggang sa tatlo na lang nag natitira. Bago pa man tuluyang maubos ang natitira kong mga tiles ay naisipan kong ipikit ang aking mga mata at tinuon ang aking atensyon sa pakikinig ng kanta. Muli kong inalala ang mga sandaling kasama ko ang aking mga matatalik na kaibigan habang nilalaro ang tugtuging ito. Sa masugid kong pakikinig sa tugtog ay muli kong nasabayan ang paglalaro gamit ang pag-alala sa bawat arrows na tatama base sa beat at lyrics ng kanta. Muling ko lang minulat ang aking mga mata nang matapos ang tugtog na kung saan ay napanatili ko ang natitirang tiles na meron ako.
Sa ikalawang pagkakataon ay muli akong binati ni Tito Kendrick sa aking pagkakapanalo ngunit sa pagkakataong ito ay dismayado siya dahil nagawa kong manalo kahit na dinaya niya ako. Kagaya ng naunang hamon ay muling ginawaran ang mga taong bumuto sa akin ng aking pagkapanalo bago simulan ang susunod na hamon. Ramdam na ramdam ko na ang labis na panghihina ng aking katawan dahil sa dami ng dugong nawala sa akin at tila hindi ko na magagawang mapagtagumpayan pa ang huling hamong ibibigay sa akin. Ang akala ko nga ay muli kaming lilipat ng arena ngunit nanatili pa rin ako gitnang bahagi ng arena na kung saan ay hindi pa rin nanunumbalik ang mga nawalang tiles.
“Sa huling hamong ito ay magiging espesyal dahil ako mismo ang pipili para sayo” Nakangiting sambit ni Tito Kendrick na kung saan ay taliwas sa tono ng kaniyang pananalita.
Mula sa pinakailalim kung saan nahulog ang mga tiles ay may biglang umangat na dalawang makinarya na tila ginawa upang gumiling ng mga karne. Laking gulat ko nang may unti-unting bumabang dalawang katawan na nakatali ng patiwarik mula sa kanilang mga paa. Ang kanilang mga ulo ay natatakpan ng maliit na sako na kung saan ay nakatapat sa dalawang makinaryang kasalukuyang nakapatay pa. Hindi ko mapigilang mapamangha sa galing ng pagkakaimbeto sa mga arenang ito dahil mula sa desenyo hanggang sa kapakinabangan ng mga ito ay sadyang pinag-isipang mabuti ngunit kasabay ng pagkamangha ko ay ang pagkamuhi dahil sa totoong dahilan sa paglika ng arenang ito. Yun ay ang paligayahin ang mga mahaharlikang tao sa pamamagitan ng pagpapahirap sa isa o higit pang individwal hanggang sa sapitin nila ang kamatayan.
Hindi ko lubos maisip na magagawang mandamay ng inosenteng tao si Tito Kendrick upang mapasuko ako sa ikatlong hamon. Habang nanatiling nakapatay ang makinarya ay pinaliwanag niya sa akin ang mangyayari. Sa pagkakataong ito ay hindi na siya isang laro na maaari kong ikamatay sapagkat bilang pabuya sa pagkakapanalo sa dalawang hamon ay mayroon daw akong kakayahang mamili sa dalawang nakalambiting tao kung sino ang nais kong sagipin. Madali lang kung tutuusin ang ipapagawa sa akin ngunit ang aking konsensya ang sisira sa aking kakayahang magdesisyon lalong lalo na’t may isa sa kanilang mamatay.
“Ngayon ay hahayaan kitang mamili mula sa dalawang ito”
Sambit ni Tito Kendrick at kinuha ang mahabang panungkit na may panggupit sa dulo. Nang magupit niya ang tali mula sa sako ay mabilis na lumantad sa akin ang mukha ng taong tinanggalan niya ng sako sa ulo. Kahit na punong puno ito ng pasa sa mukha ay hinding hindi ako magkakamali dahil alam kong si Ate Pritz ito.
“Hayup ka bat dinamay mo sa kademonyohan mo ang ate ko?” Labis ang galit ko nang makita ko ang mga pasa sa mukha ng nag-iisa kong kapatid na ngayo’y walang malay.
“SSSssshh… Makinig ka muna!” Suway niya sa akin at dahan-dahan siyang lumapit sa isa pang taong nakalambitin ng patiwarik at kaniya ring tinaggalan ng sako na nakatakip sa kaniyang ulo. Lumantad sa akin ang mukha ng isang lalaking tantiya ko ay nasa higit kwarenta anyos na. Meron itong makakapal na kilay at makapal na balbas. Hindi ko alam kung bakit dinamay pa ni Tito Kendrick ang lalaking ito gayong hindi ko naman ito kakilala kaya natural lang na pipiliin ko ang aking kapatid.
“Pinipili ko ang aking kapatid kaya ibaba mo na siya ngayon din!” Mariin kong utos na kaniyang inilingan habang nakangiti.
“Pakinggan mo muna ang sasabihin ko bago ka magdesisyon” Sambit niya na nagpakunot ng aking noo dahil sa ayaw niyang makinig sa aking hiling.
“Pipiliin mo pa rin bang iligtas ang Ate mo kung malalaman mong kasapi siya ng isang organisasyong sumusuporta sa mga terorista na siyang pumapatay sa mga inosenteng tao?” Dugtong ni Tito Kendrick na mabilis na nagpailing sa akin bilang pagtutol dahil alam kong hindi ganong klaseng tao si Ate Pritz.
“Hindi totoo yan! Hindi ganong klase ang ate ko!” Mariin kong tugon habang nanginginig ang aking boses sa labis na galit na siyang tinawanan lang ni Tito Kendrick.
“O kaya mapipili mo bang iligtas ang iyong ama na iniwan kayo para magdusa dahil sa kamaliang kaniyang ginawa?” Natatawang tanong niya sa akin na kung saan ay muli kong tinitigan ang lalaking nakabitin ng patiwarik. Tila nanlamig ang aking katawan dahil ngayon ko lang napagtanto na may pagkakahawig nga ito sa aking ama.
“Hindi! Hindi totoo yan dahil matagal nang patay ang ama ko!” Mariin kong pagtanggi ngunit labis ang pangamba ko dahil malakas ang kutob ko na hindi nagsisinungaling si Tito Kendrick.
“Ang katotohan talaga ay hindi pa patay si Urelio at nanatili siyang nagtatago bilang sa katauhan ni.. Ano nga ba yung alyas niya ngayon? AHHH… Bilang Mang Arthur” Tugon niya at bigla-bigla na lang tumawa nang malakas na para bang kaming dalawa lang ang taong nasa paligid.
“Sa tingin mo anong mapapala ko kung magsisinungaling pa ako ngayon?” Dugtong niya at sa isang pagpitik ng kaniyang mga daliri ay biglang umandar ang makinarya na ginawa upang gumiling ng laman.
Hindi ko alam kung anong gagawin sa sandaling ito dahil dalawang buhay ang nakasalalay sa aking desisyon at parehas silang kadugo ko.
Itutuloy…
A/N:
Wow ito na ata ang pinakamahabang chapter so far sa story na to. 8K words lang naman ang inabot ko upang matapos itong chapter na to.
Ito na naman ang kasunod na pasabog kung saan buhay pa ang ama ni Gunter at miyembro ng organisasyon si Ate Pritz. Malamang malilito ang lahat ng nakabasa ng CLWY dahil sa pagkatao ni Mang Arthur. Sinong mag-aakala na magiging ganito ka-dark ang twist ng story???.
Pagpasensyahan niyo na kung may lapses at typos. 9:35 am na at wala pa akong tulog masiguro ko lang na matapos ito at makapag-update ngayon araw.
Nagmula sa medieval era ang inspirasyon ko sa chapter na to. Kung nababasa niyo ang ilang dark history ng Europe kung saan ang mga elites ay may kakaibang libangan at yun ay ang makasaksi ng pinapatay o kaya aktwal na masaksihan ang panggagahasa sa isang minor de edad bago nila ito patayin. Nilagyan ko lang ito ng modern twist na aangkop sa organisasyong kinabibilangan ni Daddy Kendrick at Ate Pritz.
Yung CFP ay hindi pa rin lumalabas sa chapter na to at posibleng sa susunod na chapter na siya lumabas dahil napahaba ng husto ang pagsusulat ko dito.
Ito nga pala ang tinutukoy kong parisukat na bakal na kung saan ay may mga LCD screens sa gilid at sa ilalim niya ay may malalaking tubo na may mataas na boltahe ng kuryente. Ganiyang ganiyan ko siya naiimagine.
At eto naman yung gameplay sa nilaro ni Gunter mula sa DDR. Promise maraming nakakapag All combo nito kahit nakapikit maliban lang sa akin. HAHA
Pansin ko lang na dumami ang silent reader so ibabase ko ang bilis ng update sa dami ng MATINO, MAKABULUHAN at MAY KINALAMAN sa istorya ang comment niyo.
3 Chapters left!!!
Stay safe <3
Chapter 43: Past lovers
Dylan as Lance
Lance’s POV
Mabilis nangilid ang mga luha sa aking mga mata habang binabasa ko ang huling mensahe sa akin ni Gon. Ang inaasahan kong masayang araw na para sa aming dalawa ay hindi ko alam na mapupunta sa isang trahedya. Sana hindi ko na lang siya hinayaang umalis at hindi sana kami mawawalay ng ganito. Sana nilayo ko na lang ng tuluyan si Gon upang hindi na siya magawan saktan ni Daddy. Hindi ko mapigilang sisihin ang aking sarili ko kung bakit nangyayari ang lahat nang ito. Ganun pa man ay hindi ngayon ang panahon upang magmukmok at mag-iiyak dahil kaligtasan ni Gon ang nakasalalay dito. Hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit may masamang plano si daddy kay Gon. Hindi ko siya pwedeng basta-basta na lang komprotahin dahil hindi niya pwedeng malaman na may alam ako sa organisasyong kinabibilangan niya. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na ako mananahimik pa lalong lalo na’t kapag nalaman kong sinaktan niya si Gon.
Ilang beses kong sinubukang tawagan si Gon ngunit tila nakapatay na ang cellphone niya. Maging si Mang Arthur ay hindi ko na rin matawagan mula nang marinig ko ang malakas na putok ng baril nang siya ay tumawag sa akin. Wala akong ideya kung saan nila dinala si Gon ngunit malakas ang kutob ko na dadalhin ni daddy si Gon sa aming bahay sa laguna. Ayon kay Mang Arthur ay lahat ng mga transaksyon at kuta ni daddy ay matatagpuan sa laguna. Malakas ang impluwensiya niya sa laguna kaya naman nagagawa niyang maghari-harian doon. Napagtanto ko na kaya naman pala kahit gaano kayaman ang pamilya ng mga estudyanteng binubugbog ko sa school ay hindi nila ako magalaw dahil sa takot nila sa kayang gawin ni daddy. Ang akala ko pa noon ay masyadong malakas ang impluwensiya ni daddy o kaya naman mataas ang pagrespeto nila sa aking ama. Yun pala ay takot lang sila sa kademonyohan ng aking magulang.
Halos limang beses lang sa isang buwan ko nagagamit itong sasakyan ko. Sobrang lapit kasi ng university namin sa tinutuluyan ni Gon kaya hindi ko na ito nagagamit sa pagpasok. Kapag naman pumapasyal kami sa ibang lugar ay madalas kaming magcommute dahil masyadong takaw pansin daw ang kotse ko. Pero ngayon ay lubusan kong magagamit ang bilis nito sa pagtungo sa laguna. Hindi ko mabilang kong ilang road violations na ang nagawa ko mapabilis lang ang byahe ko pauwi sa amin. Ang byaheng dalawa’t kalahati hanggang tatlong oras mula sa Maynila patungo sa Laguna ay naging dalawang oras lang dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko.
Sa aking pagmamadali ay muntikan ko pang masagi ang sasakyang nakaparada malapit sa daan patungo sa aming tahanan. Nakakabingi ang ingay na nilikha ng aking pagpreno na kung saan ay hindi ko na rin nagawang ayusin ang pagkakaparada ng aking sasakyan. Halos takbuhin ko ang loob ng aming tahanan na ikinagulat pa ng aming guwardiya. Hindi ko tinugon ang pagtawag niya dahil dumirecho na ako patungo sa opisina ni daddy. Walang katao-tao sa loob ng kaniyang opisina nang pumasok ako sa loob ng opisina kaya pabagsak ko itong sinara nang ako ay lumabas. Maging ang mga katulong ay nagulat sa bigla kong pagbabalik ngunit ni isa sa kanila ay walang masabi kung saan ang kinaroroonan ni daddy. Nagtungo ako sa aking kwarto upang kunin ang isang bagay na maaari ko lang gamitin sa mahalagang pagkakataon at alam kong kakailanganin ko ito. Sinarado ko kaagad ang aking kwarto at mabilis na kinuha ang baril na nakatago sa lihim na lagayan sa loob ng aking cabinet. Kahit gaano katindi ang paglilinis ng aming mga katulong ay hinding hindi nila ito matatagpuan.
Ang baril na ito ay regalo sa akin ni Mang Arthur nang mapagtagumpayan ko ang aking pagsasanay sa pakikipaglaban. Binigay niya sa akin ito hindi para kumitil ng buhay, yun ay para maprotektahan ko ang aking sarili lalong lalo na’t may taning na ang aking buhay simula nang mamulat ako sa organisasyon. Sinigurado kong puno ng bala ang aking baril bago ko ito kinasa at sinuksok sa aking tagiliran. Ngayon ay natatakpan na siya ng suot kong tshirt at hindi mahahalata dahil sa kaliitan nito. Kasunod kong tinungo ang kwarto ng aking pinsang si Kuya Eisen. Bago ako tuluyang pumasok sa kaniyang kwarto ay kumatok muna ako bilang pagpapaalam ngunit ilang sandali pa’y wala akong marinig na pagtugon sa kaniya kaya pumasok na ako.
Pagpasok ko sa loob ng kaniyang kwarto ay nakasindi pa rin ang mga ilaw. Nakita ko siyang maayos na nakahiga sa ibabaw ng kaniyang kama at mahimbing ang pagkakatulog. Naisipan kong patayin ang ilaw at lumabas upang hindi na maistorbo pa ang kaniyang pagtulog. Sa pagkakataong pagpatay ko sa kaniyang lampshade ay hindi ko sinasadyang mahawi ang picture frame na katabi nito. Mabilis itong nalaglag sa sahig at nabasag kaya lumikha ito ng ingay. Lumingon kaagad ako kay Kuya upang humingi ng tawad ngunit hindi man lang ito nagising. Kahit kaunting pagkilos man lang bilang reaksyon sa ingay na aking ginawa ay hindi nangyari. Nagkaroon ng pagdududa sa aking isipan kaya naman lumapit ako sa kaniya upang gisingin siya. Ilang beses ko siyang inuga habang tinatawag ang kaniyang pangalan ngunit hindi ito magising-gising. Tama ang naging hinala ko na ginamitan siya ng pampatulog. Mabuti na rin ito para sa kaniya upang hindi siya magduda sa mga nangyayari at maging ligtas siya mula sa kapahamakan.
Hindi ko na nagawang ligpitin pa ang mga basag na salamin mula sa picture frame dahil sa pagmamadaling makaalis. Sa sandaling makalabas ako sa kwarto ni Kuya Eisen ay kaagad bumungad sa akin ang dalawang lalaki na may malalaking pangangatawan. Ngayon ko pa lang silang dalawa nakita sa bahay at marahil ay mga tauhan sila ni daddy.
“Sino kayo?” Tanong ko sa kanila kahit na may ideya na ako sa kanilang pagkatao.
“Ahh kami po pala ang bagong tauhan ni Sir Kendrick” Tugon ng isa sa kanila ngunit hindi siya nagbanggit ng pangalan.
“Ah ganun ba..Nasaan pala si dadyy dahil gusto ko siyang makausap?” Tanong ko at nagtinginan muna silang dalawa bago muling sumagot ang isa.
“May inaasikaso ang daddy mo ngayon at pinagbilinan kami na kapag umuwi kayo ay nais niyang manatili na lang muna kayo sa inyong kwarto para makapagpahinga”
“Okay. Inaantok na rin ako eh” Tugon ko at pineke ang paghikab habang naglalakad patungo sa aking kwarto.
Kung tutuusin ay magagawa ko silang labanan at matakasan ngunit hindi ko pwedeng makuha ang atensyon ni daddy sa sandaling ito. Kailangan palihim akong makapunta sa kaniyang kinaroroonan upang hindi malagay ng husto sa panganib si Gon. Inaasahan ko na maaaring mangyari na ikulong ako ni daddy sa aking kwarto kaya bago pa man ako lumuwas noon sa maynila ay nagawan ko na ng paraan ang magiging daan ko sa pagtakas. Halos isang buwan ang ginugol ko sa paggawa ng lihim na lagusan mula sa aking kwarto patungo sa gaming room na katabing kwarto lang ng sa akin. Mula sa ilalim ng aking kama ay may maliit na lagusan patungo sa gaming room na natatakpan ng couch. Matagal ang ginugol ko sa paggawa ng lagusan na to upang hindi nila mahalata ang lagusang aking ginawa. Kahit na linisin pa nila ang ilalim ng aking kama at aking couch ay hindi nila ito basta basta makikita maliban na lang kung tutuklapin nila ang wallpaper. Ang buong akala pa ni daddy noon ay nagmumokmok lang ako sa aking kwarto gawa ng paghiwalay namin ni Gon ngunit ang totoong pakay ko ay ang paggawa ng lagusang ito.
Hindi ako maaaring dumaan sa bintana ng aking kwarto dahil makikita kaagad ako sa CCTV na mahigpit na binabantayan ng iba pa naming gwardiya. Ang tanging madadaanan ko lang ay ang gaming room kung saan may malapit na puno sa bintana na pwede kong akyatin at isa rin itong blind spot ng CCTV. Bago ako tuluyang lumabas sa bintana na siguro kong nakaayos ang couch sa dati nitong pwesto upang walang makadiskubre ng aking ginawang lagusan. Kinuha ko ang remote na nakahalo sa Xbox, PS4 at Nintendo switch controllers na nasa loob ng drawer. Ang remote na ito ay nagmula pa kay Mang Arthur na siyang makakatulong sa akin sa pagtakas. Nakapag-install siya ng mababang klase ng explosive device sa pinakamalapit na Distribution transformer sa aming tahanan na kapag sumabog ay magkakaroon ng brown-out sa aming lugar.
Mula sa bintana ay buong lakas akong tumalon patungo sa puno na muntikan ko nang ikahulog ngunit nagawa kong makakapit ng husto sa matibay na sanga. Hingal na hingal akong nagpahinga sa ibabaw ng puno habang iniisip kong mapagtatagumpayan ko ba ang pagtakas ko. Ngayon ko pa lang masusubukan ang bagay na ito at hindi ako lubusang sigurado kong gagana ito. Napapalibutan kasi ng electric security fence ang ibabaw ng pader na nakapalibot sa aming tahanan upang maiwasan ang akyat bahay o sino mang taong nais manloob. Mataas ang boltahe ng mga wires na ito na sa isang hawak mo pa lang ay maaari ka ng mawalan ng malay. Ang pagtalon sa pader ang aking tanging paraan upang makatakas dahil matindi ang pagbabantay nila sa gate. Kaya naman buwis buhay ang aking gagawin dahil kapag hindi gumana ang remote na binigay sa akin ni Mang Arthur ay maaari akong makuryente at tuluyang hindi na makatakas pa.
Huminga muna ako ng malalim bago ako bumwelo sa pagtalon sa ibabaw ng bakod na may mga electric fence. Meron lamang akong limang segundo upang makahawak sa wires upang makatawid bago tumalon palabas. Sa pagsabog na mangyayari ay magkakaroon ng brown-out na kung saan ay mawawalan lahat ng supply ng kuryente ngunit sa loob ng limang segundo ay manunumbalik ito dahil sa back-up na generator. Dalawang beses kong sinampal ang aking kaliwang pisngi upang masiguro na nakatuon ang aking atensyon sa mga wires na aking makakapitan. Matapos akong makapagbilag ng tatlo ay kaagad akong tumalon mula sa puno patungo sa mga wires. Kasabay kong pinindot ang remote na aking hawak-hawak habang nasa ere ako. Mabilis akong nakarinig ng pagsabog at kasabay nito ang pagdilim ng paligid. Mabuti na lang at saktong sakto ang pagkakapit ko sa mga wires dahil wala na itong kuryente gawa ng brown-out. Wala akong inaksayang sandali at kaagad kong tinawid ang aking sarili hanggang sa pahiga akong bumagsak nang makabitaw ako sa wire. Sa sandaling makabitaw ako sa wire ay siya namang pagbalik ng mga ilaw sa aming tahanan na naging hudyat sa paggana ng generator.
Halos dalawampung segundo rin akong nakahiga sa halamanan dahil sa sakit ng pagkakabagsak ko. Nang makakuha ng lakas ay kaagad akong tumayo at dahan-dahang lumayo sa aming tahanan. Nang makalayo-layo ay saka ako nag-isip-isip kung saan ang kinaroroonan ni daddy ngayon. Bigla na lang nanumbalik sa aking alaala yung mensahe sa akin ni Mang Arthur nitong nakaraang buwan na mayroon daw ginagawang kahina-hinalang facility sa aming eskwelahan na nagbigay ideya sa akin na marahil ay naroon sila daddy. Lagpas na sa alas-diyes ang oras kaya halos wala ng dumadaang sasakyan sa kalsada. Kaya nama nang may dumaang motor ay kaagad akong humarang sa daan upang makahingi sana ng tulong sa paghatid sa aming eskwelahan.
“Putang ina! Magpapakamatay ka ba?” Bulyaw nito sa akin matapos ihinto ang kaniyang motor. Lumapit ako sa kaniya matapos kong bunutin ang aking baril mula sa aking tagiliran at kaagad itong tinutok sa kaniya.
“Hindi. Pero kung hindi mo ititikom yang bibig mo ay ikaw ang mapapatay ko!” Banta ko sa kaniya na namang ikinasindak.
Umangkas ako sa kaniyang likuran habang nakatutok sa kaniyang likod ang hawak kong baril. Inutusan ko siyang ihatid ako sa eskwelahang binaggit ko na siya namang sinunod. Wala naman talaga akong balak na saktan ang taong ito at nais ko lang siyang takutin upang mapasunod sa aking gusto. Sa sandaling makarating kami sa isang kanto na malapit sa eskwelahan ay kaagad ko siyang pinahinto. Mabilis akong dumukot ng pera sa aking wallet at ang lahat ng ito’y hinagis sa kaniya bilang kabayaran. Ang akala ko nga ay hindi na niya ito kukunin dahil sa takot ngunit natumba pa ang kaniyang motor dahil sa pagmamadali niya sa pagdampot ng mga pera.
Mula sa aking kinatatayuan ay rinig na rinig ang ingay na nagmumula sa loob ng aming school. Wala naman akong nababalitaang may okasyon ngayon ngunit tila may ipinagdiriwang ngayon sa loob ng aming dating paaralan. Nagawa kong silipin ang harapan ng aming dating paaralan kong saan may mga nakalagay na tarpaulin bilang tanda sa kaganapan sa loob ng paaralan. Ayon sa nakasaulat sa tarpaulin ay mayroong nagaganap na Alumni Event sa loob ng paaralan na aking ipinagtataka dahil 15 years pa lang ang tanda ng aming dating paaralan. Kung tama ang aking pagdududa ay maaaring ginagamit lang nila ito upang pagtakpan ang tunay na nangyayari sa loob.
Nagtungo ako sa likurang bahagi ng aming eskwelahan kung saan ang lihim na lagusang aming dinadaan ng aking mga tropang mahilig magbulakbol. Masaya ako na hanggang ngayon ay wala pa ring nakakatuklas ng daang ito maliban sa aming magkakaibigan na hanggang ngayon ay nagagawa ko pa ring daanan patungo sa loob ng aming paaralan.
Ang gusali na malapit sa lagusan ay ang gusali kung nasaan nakalagay ang mga classroom ng fourth year students. Nasa harap lang ng building matatagpuan ang gymnasium kung saan nagaganap ang Alumni party. Katabi lang din ng gymnasium ang parking area kung saan napansin ko kaagad ang dami ng mga magagarang sasakyan bilang tanda na marami ang dumalo. Hindi masyadong mahigpit ang seguridad sa loob kaya nagawa kong makasilip sa loob ng gymnasium. May nagaganap ngang Alumni Party dito ngunit hindi ganun karami ang nasa loob. Inaasahan ko na higit isang daan ang mga taong nasa loob ngunit nasa higit trenta katao lang ang nakikita ko. Inisip ko na baka nag-ikot sila sa ibang gusali kaya palihim akong nag-ikot sa aming paaralan. Ni isang pagpupulong ay wala akong nakita maliban sa iilang gwardiyang nagkukwentuhan. Saka ko naalala ang lihim na laboratoryo kung saan ginagawa ni daddy ang mga drogang kaniyang naibebenta.
Kaagad akong nagtungo sa gusali ng mga second year students kung saan naroon ang laboratory. Katakataka na wala man lang nagbabantay dito hindi kagaya nang una kong pagpasok rito upang kompirmahin ang siniwalat sa akin ni Mang Arthur. Hindi ko alam kung isa bang patibong ang pagpasok ko dito dahil ni isang gwardiya ay wala akong makita. Labis ang pag-iingat ko sa pagpasok sa loob hanggang sa makarinig ako ng ingay sa pinaka-ilalim na bahagi ng laboratoryo. Tutuloy na sana ako sa pagpasok nang makarinig ako ng mga yabag kaya dali-dali akong nagtago sa sulok na hindi ako mapapansin. Mula sa pintuan ng laboratoryo patungo sa ilalim na bahagi nito ay may dalawang lumabas na gwardiya. May bitbit silang body bag na siyang nagbigay ng pangamba sa akin. Hindi ko pa lubusang alam ang nangyayari sa loob at kung bakit may dala-dala silang bangkay. Nang masiguro kong wala na sila ay kaagad akong nagtungo sa harap ng pinto ngunit bago ko pa man ito mabuksan ay bigla na lang may nagsalita mula sa aking likuran.
“Look who’s here!” Sambit nito at dali-dali akong bumubot ng baril mula sa aking tagiliran.
Isang matangkad na lalaking may matikas na pangangatawan. Mayroon siyang mahabang buhok na lumalagpas sa kaniyang balikat. May angkin siyang kagwapuhan ngunit hindi maipagkakaila na sa kabila nito ay ang kakaibang presensya niya na labis na nagbibigay ng kilabot sa aking katawan. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang dalawang babaeng kasama niya na tila menor de edad pa. Ang isa ay buhat-buhat niya habang nakakapit ito sa kaniyang balikat at ang isa naman ay nakatayo sa kaniyang tabi. Hindi maipagkakaila na kambal ang mga ito dahil sa malaking pagkakahawig nila sa isa’t isa. Parehas silang nagtataglay ng inosenteng mukha at ang aking ganda na para bang mga banyagang hapon. Ang tanging pinagkaiba lang nilang dalawa ay ang haba ng kanilang buhok at ang kanilang kasuotan.
“Sabi ko naman po sayo na darating ang araw at malalaman niya ang tungkol sa organisasyon” Masayang sambit ng babaeng buhat-buhat ng matangkad na lalaki. Labis akong nagulat nang mapagtanto ko na hindi pala ito isang babae dahil sa kaniyang boses ay mabilis kong nakompirma na siya’y isang lalaki.
“Napakagaling talaga ng baby ko” Tugon naman ng matangkad na lalaki at kaniyang nilapit ang mukha sa kargang binata. Pinaglapit niya ang kanilang mga ilong marahang kiniskis sa isa’t isa bilang paglalambing na para bang wala ako sa kanilang harapan.
“Pwede ko po bang isama si Lance sa mga collection ko? Please daddy please!” Pakiusap nito sa lalaking tinawag niyang daddy. Hindi ako lubusang sigurado kung tunay ba silang mag-ama ngunit ang pinagtataka ko ay kung papano nila nalaman ang aking pangalan gayong ito ang una naming pagkikita.
“Hmmm… Hindi ko alam kung pwede na eh” Tugon nito at bigla na lang lumingon sa aking kinaroroonan. Halos dalawang taon akong nag-ensayo para sa ganitong pagkakataon at ilang buwang nagsanay sa tamang paghawal ng baril. Tila lahat ng iyon ay nabalewala dahil sa labis na panginginig ng aking mga kamay. Hindi ko alam kung anong meron ang lalaking ito na sadyang nagbibigay ng takot sa akin. Ganun pa man ay nanatiling nakatutok ang aking baril sa kaniyang dereksyon.
“Papano niyo nalaman ang aking pangalan?” Tanong ko ngunit bago pa man sila makapagsalita ay napagtanto ko na, na marahil ay nalaman nito gamit ang kanilang koneksyon bilang ang aking ama ay miyembro rin ng kanilang organisasyon.
“Sige pag-iisipan ko kapag binigyan mo ng masarap na kiss si daddy”
Tugon ng matangkad na lalaki sa binatang karga-karga niya na para bang walang narinig sa aking sinabi. Nabigla na lang ako nang halikan siya ng binata sa labi. Kung tunay na man na mag-ama sila ay hindi ko maintindihan kung papano nila nagagawa ito. Ang kanilang paghalik ay higit pa sa mag-ama dahil halos kapusin na ng hininga ang binata sa mariing paghalik sa kaniya ng lalaking bumubuhat sa kaniya. Sa aking pagkabigla ay hindi ko napansin na nawala na pala sa tabi ng matangkad na lalaki ang isang kasama nito. Nagulat na lang ako nang makita ko siya na nakalapit na sa akin nang hindi ko man lang namamlayan. Tinangka kong itutok sa kaniya ang baril ngunit mabilis itong napayuko at kasabay nito ang malakas na pagsipa niya sa aking kamay na naging dahilan upang mabitawan ko ang hawak kong baril. Bago pa man ako makakilos ay muli akong nakatanggap ng malakas pagsipa at ito’y tumama sa aking ulo na naging sanhi upang mawalan ako ng malay.
Nagising ako dahil sa ingay na aking naririnig. Hindi ko pa lubusang maidilat ang aking mga mata dahil sa pananakit ng aking ulo. Nanlalabo pa ang aking paningin nang idilat ko ang aking mga mata. Ilang beses kong pinipikit at muling ididilat ang mga ito hanggang sa manumbalik ang aking maayos na paningin. Inikot ko ang aking paningin upang alamin ang lugar na pinaglalagyan ko. Mabilis kong napansin ang mga monitor na nakadikit sa mga dingding. Sinubukan kong tumayo ngunit nabigo ako dahil nakagapos ang aking mga kamay sa makapal na tubo ng bakal. Paglingon ko sa aking kanan ay kaagad kong nakita ang matangkad na lalaking nakasalubong ko kanina. Kasalukuyan itong nakaupo sa isang couch habang kalong-kalong ang binatang tumawag sa kaniya ng daddy. Habang kalong-kalong niya ito ay siya namang paghalik ng binata sa kaniyang leeg na para bang ito ang pinakasarap na bagay ng kaniyang natikman. Hindi ko mapigilang maalala ang katulad na bagay na ginagawa sa akin ni Gon ngunit mabilis ko itong winaksi dahil hindi ngayon ang pagkakataon upang alalahanin ito. Ang isa namang binata na siyang nagbigay sa akin ng malakas na sipa ay kasalukuyang nakatayo sa gilid ng couch habang nakatingin sa akin. Wala akong makitang emosyon sa mukha ng binatang ito ngunit ang kaniyang pagtingin ay hindi mawala sa akin na para bang binabantayan niya ang bawat kilos ko.
“Saktong sakto ang pagising mo Lance dahil magsisimula na ang palabas na hinanda ng daddy mo”
Masaya sabi ng matangkad na lalaki na siyang nagpukaw sa aking atensyon upang lumingon sa monitor. Gaya nga ng kaniyang sabi ay tila may isang palabas o isang tournament na kung saan ang aking daddy ang magsasalita bilang host dahil sa hawak nitong microphone. Lumilibot ang camera sa upuan kung saan nakaupo ang mga panauhin na may suot na maskara. Mapapansin kaagad na mayayamang tao ang dumalo dahil sa kanilang kasuotan. Wala akong ideya kung anong klaseng laban ang mangyayari dahil nanatiling madilim ang pinakasentro ng arena.
“Halika na Rin at samahan mo na kami ni Ran na maupo dito sa couch”
Bumalik ang paningin ko sa matangkad na lalaking nakaupo sa couch nang ayain niya ang binata na tinawag niya sa pangalang Rin. Tila nag-aalinlangan pa ito sa pag-upo dahil hindi niya maalis ang kaniyang paningin sa akin ngunit kalaunan ay napaupo ito sa couch habang hindi pa rin inaalis ang pagtingin sa akin. Nabaling naman ang aking paningin sa matangkad na lalaki lalong lalo na sa kaniyang leeg na ngayon ay nangingintab dahil sa laway ng binata. Mas tumindi ang naramdaman kong pangamba nang makita ko ang tattoo na nakamarka sa kaniyang leeg. Nakatatak dito ang ikapitong numero na may hugis ng ulo ng baka sa tabi nito na sumisimbolo ng Lust. Ang mga miyembro ng organisasyon ng 7DS o Seven Deadly Sins ay may tatak sa kani-kanilang braso ng ikapitong numero bilang tanda na sila ay kasapi nito. Ang pitong matataas na namumuno naman nito’y may nakatatak na ikapitong numero at katabi nito ang hayop na sumisimbolo sa kasalanang kanilang kinakatawan ayon kay Mang Arthur.
Bihirang pagkakataon lang daw nakikipagkita ang mga matataas na pinuno sa mga miyembro na may mababang posisyon sa organisasyon. Maswerte ka na raw na maituturing kapag nakita mo sila sa personal o makasalamuha. Sa aking kalagayan ay hindi masasabing swerte ang aming pagtatagpo dahil alam kong buhay ang magiging kapalit dahil sa kaalamang meron ako sa kanilang organisasyon. Nang mapansin ng matangkad na lalaki na siyang isa sa mga lider ng 7DS na napako ang tingin ko sa kaniyang tattoo ay bigla niyang inangat ang kaniyang kwelyo upang matakpan ito. Bigla na lang siyang ngumiti at nilapit ang hintuturo sa kaniyang labi bilang tanda na huwag raw akong magsalita.
“Good Evening, Ladies and Gentlemen” Bigla kong narinig ang boses ng aking ama kaya natuon ang aking paningin sa malaking screen. Nagulat na lang ako nang makita ang loob ng arena kung saan mabilis kong nakilala ang taong nasa loob at yun ay walang iba kundi si Gon. Hindi ko alam kung bakit nasa loob ng arena si Gon ngunit alam kong hindi maganda ang mangyayari sa kaniya kapag nanatili siya roon. Kaya naman sinubukan kong makaalis sa pagkakagapos sa akin kahit na mahirap ay kailangan kong gumawa ng paraan. Nakatuon pa rin sila sa panonood sa malaking screen habang ako ay dahan-dahan inaalis ang pagkakagapos sa akin. May mga pagkakataong nililingon ako ni Rin ngunit nagpapanggap akong nakatuon sa TV.
Wala akong masyadong naiintindihan sa mga nangyayari sa arena dahil nakatuon ang atensyon ko kung papano ako tatakas at maililigtas si Gon. Nang ibaling ko ang aking atensyon sa malaking screen ay tila nagsisimula na ang kompetesyon ngunit ang pinagtataka ko ay kung bakit si Gon lang nasa loob nito. Sa loob ng arena ay pinakita ang sampung timbangan na may iba’t ibang ilaw. Hindi ko alam kung para saan ito at kung bakit tila abala sa pagbabasa si Gon. Nagulat na lang ako nang ilapit ng camera ang sahig na nilalakaran ni Gon na kung saan ay punong puno ng bubog. Mabilis akong nakaramdam ng panlulumo dahil sa labis na pagkaawa sa kalagayan ni Gon. Pilit siyang naglalakad sa sahig na punong puno ng bubog kung saan ay panay ang daing niya lalong lalo na’t dumudugo ang kaniyang talampakan. Sa bawat daing niya ay napapapikit ako dahil hindi ko kayang tingnan na nakikita siyang nagdurusa. Kung pwede lang sana ay magpalit kami ng katuyuan ngayon dahil mas nais ko pang maranasan ang hirap na kaniyang dinaranas kaysa sa makita siyang nasasaktan.
“Ano bang ginawa sa inyo ni Gon bakit niyo siya pinahihirapan? Wala siyang alam sa organisasyon niyo dahil ako ang may alam at ako na lang dapat ang pinahihirapan niyo at hindi siya”
Ramdam ko ang pangingilid ng aking mga luha dahil sa labis na galit ngunit pinipilit kong kalmahin ang aking sarili lalong lalo na’t hindi ko pwedeng galitin ang pinunong ito. Maaaring buhay ang maging kapalit kapag hindi niya magustuhan ang aking inaasal.
“I’m sorry pero wala akong kinalaman sa mga nangyayari. Naimbitahan lang ako para panoorin ang mga nagaganap dito at kung may dapat kang sisihin, yun ay walang iba kundi ang iyong daddy na siyang nagpasimuno ng ganitong palabas”
Ramdam ko na nagsasabi siya ng totoo lalong lalo na’t sabi ni Mang Arthur ay may hindi magandang balak si daddy kay Gon. Hindi pumasok sa aking isipan na aabot sa ganitong pagpapahirap ang gagawin ni daddy kay Gon. Hindi ko alam kung labis ba ang pagtutol niya sa aming relasyon kaya ngayon ay pinaparusahan niya si Gon sa pakikipagrelasyon sa akin? Wala akong maisip na ibang dahilan upang gawin niya ito kay Gon at ang hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang pagkamuhi niya sa kaniya.
Hindi ko napigilan ang pagluha ng aking mga mata dahil sa labis na galit. Wala man lang akong magawa para sa kalagayan ni Gon ngayon. Ang tanging hiling ko na lang ay mapagtagumpayan niya ang hamon na binigay sa kaniya. Masakit mang tanggapin ngunit yun lang ang magagawa ko sa sandaling ito. Tila nabale wala lahat ang naging pagsasanay ko nitong mga nakaraang taon dahil hindi ko napagtagumpayan na maprotektahan si Gon lalong lalo na sa sandaling kailangan niya ako.
Habang tumatagal ang pananatili niya sa arena ay lalong nalalagay ang kaniyang sarili sa panganib. Ang akala ko ay balak lang ni daddy na pahirapan si Gon ngunit sa nakikita ko ay wala na ata siyang balak na buhayin pa si Gon. Hindi ko na inisip kong ano man ang mangyayari sa akin ngayon dahil kinakailangan kong itigil ang pinapagawa ni daddy kay Gon. Ang kaninang marahang pagkalas mula sa aking pagkakagapos ay unti-unting naging marahas hanggang sa nagsisigaw na ako upang palayain nila ako. Ilang beses akong sinuway ng isa sa mga pinuno ng 7DS ngunit hindi ko ito binigyang pansin. Gusto kong magalit siya at mapunta sa akin ang kaniyang atensyon. Makikiusap ako sa kaniya na pakawalan na lang si Gon bago niya ako patayin. Ngunit imbes na ang lider ang lumapit ay yung nagngangalang Rin ang lumapit sa harap ko. Mabilis akong nakatikim ng sipa sa aking tiyan, dibdib at mukha na hindi ko magawang iwasan o salagin dahil sa nakagapos kong kamay. Paulit-ulit niya itong ginawa hanggang sa sumuka na ako ng dugo. Kahit na ganun ang aking kalagayan ay patuloy pa rin siya sa pagsipa sa akin.
Unti-unti akong nakaramdam ng panlalabo ng aking paningin dahil sa walang awa niyang pagsipa sa akin. Nang tanawin ko ang kaniyang mukha ay nanatili itong walang emosyon habang pinaparusahan ako. Tila robot o manika ang bumubugbog sa akin dahil wala man lang itong maipakitang emosyon ng galit o tuwa sa kaniyang ginagawa sa akin. Bago pa man ako mawalan ng malay ay hiniling ko na sana’y maging kapalit ng buhay ko ang magiging kaligtasan ni Gon. Yun lang ay matatahimik akong pumanaw. Sa kahuli-hulihang sandali ng aking kamalayan ay paulit-ulit kong binabanggit ang pangalan ni Gon hanggang sa naging blangko ang aking paningin.
Muli ay nagising ako mula sa malakas na ingay na aking naririnig. Sa pagkakataong ito ay nagmumula sa pinaghalong putok ng mga baril at hiyawan ng mga tao ang pinagmumulan ng ingay. Tumingin ako sa paligid at napagtanto ko na narito pa rin ako sa lugar kung saan may maraming monitors. Ngayon ay wala na isa sa mga lider ng 7DS at maging ang kaniyang mga kasama ay wala na rin dito. Ang aking mga kamay na kanina’y nakagapos ay tuluyan ng nakalaya. Nanghihina man ang aking katawan ay pilit akong tumayo at lumapit sa pinakamalaking monitor sa loob ng control room. Halos malaglag ang panga ko nang makita ko na walang habas ang pamamaril ng mga nakauniforme na tauhan sa mga panauhing nanonood sa arena. Hinanap ko kaagad sa ibang monitor ang kinaroroonan ni Gon at kaagad kong nakita na akap-akap siya ng isang lalaki habang ito ay walang malay. Hindi ko lubusang makita ang mukha ng lalaking umaakap sa kaniya dahil nakatalikod ito sa camera. Hindi ko alam kung bakit imbes na matakot ako ay mas nanaig ang selos ko nang makita akap-akap siyang ibang lalaki. Wala na sa isip ko ang magsagawa ng plano dahil minabuti ko na kaagad ang pagtungo sa arena dahil baka pinagsasamantalahan na si Gon habang ito ay walang malay.
Kagaya ng pagpasok ko sa laboratoryo ay wala ring mga bantay ang daan patungo sa arena. Alam ko naman na kapahamakan ang papasukin ko kaya hindi na ako nagdalawa isip na pumunta rito. Pagkapasok ko sa arena ay muli kong narinig ang malalakas na putok ng baril at sa pagkakataong ito ay wala ng buhay ang lahat ng mga taong dumalo sa arena. Labis na pagkamuhi ang aking naramdaman para sa aking ama dahil sa walang awa niyang pagpapahirap kay Gon at ngayon naman ay pagpatay sa higit isang daang kataong nanood sa arena. Nang tanawin ko ang kinaroroonan ni daddy ay kaagad kong nakita ang isa sa mga pinuno ng 7DS kasama ang kambal na kaniyang kasama kanina. Napapalibutan na ngayon ng mga armadong lalaki ang aking ama habang may kung anong bagay na inaagaw sa kaniya. Ngayon ko napagtanto na ang may kagagawan sa pagpaslang sa daang-daang kataong narito ay ang pinuno na siyang kasama ko kanina. Nang maagaw ang bagay na pilit na tinatago ng aking ama ay bigla na lang bumaba ang harang sa loob ng arena.
Nang makita ko na nawala na ang harang sa loob ng arena ay kaagad akong lumapit dito upang lapitan ang lalaking nakaakap kay Gon. Sa sandaling makalapit ako sa kanilang kinaroroonan ay saka ko lang nakilala ang lalaking nakaakap kay Gon at yun ay walang iba kundi si Mang Arthur. Nang iangat niya ang kaniyang mukha ay saka ko lang napansin na siya ay lumuluha habang yakap-yakap niya si Gon. Alam kong hindi pa sila nagkikita ni Gon sa personal dahil ayon Mang Arthur ay nakilala niya lang daw si Gon nang imbestigahan niya ang mga malalapit na tao sa akin. Kahina-hinala man ang kaniyang kinikilos ay lumapit pa rin ako upang kunin sa kaniya si Gon. Hindi siya tumutol nang bigla ko na lang agawin sa kaniya si Gon at nagawa pa nitong magpunas ng luha bago tumayo.
Sa pagkakataong ito ay marami akong nais itanong kay Mang Arthur ngunit hindi ko magawa dahil natuon ang aking atensyon sa walang malay na si Gon. Muling nangilid ang luha ko nang makita ko ang kaniyang mukha na pawis na pawis at may iilang bakas ng natuyong dugo. Ang kaniyang binti at talampakan ay nagdurugo pa rin at kapansin-pansin ang mga natitirang bubog na nakabaon pa rin. Nais kong tanggalin ang mga ito upang mabawasan ang kaniyang paghihirap ngunit hindi ito magandang ideya sapagkat lalo lang madurugo ang kaniyang mga sugat kapag ito’y aking ginawa. Kinakailangan ngayon ni Gon ng paunang lunas at maidala sa ospital dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya.
“Bibigyan ko kaya ng sapat na sandali upang makapag-usap bago tayo magtungo sa huling sandali ng palabas”
Napalingon ako sa pamilyar na boses at nakita kong papalapit ang isa sa mga lider ng 7DS na may tatak ng Ikapitong numero na may ulo ng baka sa kaniyang leeg. Kasama niya ang isa sa magkambal na tinawag niya sa pangalang Ran, pati na rin ang mga armadong lalaking pumaslang sa daan-daang katao na nanood sa arena. Mula sa kanilang likuran ay nakita kong nakasunod ang aking ama habang nakalagay ang mga kamay sa kaniyang batok at may nakatutok na baril sa kaniyang likuran na hawak-hawak ni Rin. Nang makalapit sila sa gitna ng arena ay kaagad sinipa ni Rin si daddy kaya napaluhod ito sa sahig.
“Hayop ka!” Sigaw ni Mang Arthur at bigla na lang lumapit kay daddy upang bigyan ng malakas na suntok sa kaniyang mukha.
“Bakit mo kailangang idamay ang mga anak ko sa galit mo sa akin?” Tanong niya habang kinukwelyuhan si daddy. Nagulat na lang ako nang sabihin niya yun at napalingon ako sa kaliwang bahagi ko kung nasaan may nakahigang babae na walang malay. Tinitigan ko ito ng mabuti hanggang sa mapagtanto ko na ang babaeng ito ay walang iba kundi si Ate Pritz. Maging si Ate Pritz ay dinamay ni daddy sa gulong ito? Ang mga anak ba na kaniyang tinutukoy ay si Gon at si Ate Pritz?
Muling bumalik ang aking paningin sa kanilang dalawa nang makita kong si Mang Arthur naman ang natumba sa sahig nang gumanti ng pagsuntok si daddy. Hindi pa siya nakontento at nasundan pa ito ng ilan pang suntok. Sinubukan kong lumapit sa kanila upang awatin sila ngunit nagulat na lang ako nang biglang may laser na nakatutok sa noo ni Gon. Pagtingin ko sa pinagmulan ng laser ay nagmumula ito sa baril na hawak-hawak ni Rin. Ngumiti sa akin ang kanilang pinuno at umiling bilang tanda na huwag raw akong makialam sa nangyayari.
“Sino ba ang nagsimula ng gulo na to Urelio at pati ang anak ko ay dinamay mo?” Galit na sambit ni daddy kay Mang Arthur na kaniyang tinawag sa pangalang Urelio.
“Hindi ko gagamitin ang anak mo kung hindi mo dinamay si Gon sa planong paghihiganti sa akin” Tugon ni Mang Arthur sabay dura ng dugo mula sa kaniyang bibig.
“Hindi ka pa ba nakontento at namatay si Georgina dahil sa kagagawan mo?” Dugtong ni Mang Arthur habang dahan-dahang tumatayo. Tinawanan naman ito ni daddy habang umiiling at muling lumapit kay Mang Arthur.
“Baka nakakalimutan mo na ikaw ang puno’t dulo nitong lahat. Kung nakalimutan mo ay ipapaalala ko ulit sayo” Galit na sambit ni dad habang dinuduro ang dibdib ni Mang Arthur.
“High school pa lang tayo nang umamin ako sayo sa totoong nararamdaman ko dahil higit pa sa magbest friend ang naging turing ko sayo. Pero sabi mo hanggang pakikipagkaibigan lang ang kayang mong ibigay para sa akin. Hindi naman ako naghangad na mahalin mo ako noon kaya lubusan kong tinanggap dahil kahit papano ay hindi mo ako nilayuan at best friend pa rin ang naging turing mo sa akin. Habang tumatagal ay unti-unti ring nawala ang nararamdaman ko sayo lalong lalo na’t dumating si Georgina sa buhay ko. Sobrang saya naman noon bilang magkasintahan tapos….” Pandaliang tumigil si daddy sa pagsasalita at huminga ng malalim upang mapigilan ang pagtulo ng kaniyang luha. Si Mang Arthur naman ay nanatiling nakayuko habang pinapakinggan ang bawat salitang sinasambit ng aking ama.
“Isang gabi pumunta ka sa bahay at sinabi mong mahal mo ako. Wala na akong nararamdaman para sayo noon kaya derecho ang naging sagot ko sayo. Pero anong ginawa mo? Araw-araw mo akong inaakit kahit alam mong kami na ni Georgina. Hindi ka pa nakontento hanggang sa may mangyari sa ating dalawa. Sa bawat araw na nagkakasala ako kay Georgina ay nariyan ka para sabihin sa akin na hinding hindi mo ako iiwan. Hanggang sa dumating ang sandali na mas pinili kita kaysa sa kaniya dahil kahit ano man ang gawin kong pagpigil sa aking sarili ay totoong mahal kita. Nagawa pa nga kitang ipagpalit sa pamilya ko eh dahil tutol sila sa relasyon nating dalawa. Pinagpalit kita sa karangyaang meron ako dahil nais mong magsama tayo sa hirap at ginhawa. Naghanap pa tayo ng puta para lang magkaroon tayo ng anak dahil gusto mong makompleto ang ating pamilya. Ikaw pa nga ang nagpangalan kay Lance dahil sabi mo siya ang magiging sandata mo laban sa akin kapag dumating ang araw na hindi tayo magkasundo sa bahay. Nagawa mo pa nga akong isali sa putang inang organisasyon na to para mabigyan natin ng magandang buhay si Lance. Labag man sa loob ko pero ginawa ko pa rin dahil malaki ang tiwala ko dahil labis ang pagmamahal ko sayo. Pero anong ginawa mo?” Tumigil sa pagsasalita si daddy at tuluyang kinuwelyuhan si Mang Arthur na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin magawang harapin ang mukha ni daddy.
“Matapos mo akong dalhin sa magulong mundong ito ay malalaman ko na matagal niyo na pala akong pinagtataksilan ni Georgina. Binubuo pa lang natin ang ating pangarap na pamilya ay nagbunga na kaagad ang pagtataksil niyo at yun ay si Priscilla! Ginawa mo ang lahat-lahat upang muli akong mapaibig sayo kasi yun pala ay matagal mo nang gusto si Georgina. Gumawa ka ng paraan para siraan ako sa kaniya tapos ikaw rin pala ang sumalo noong naghiwalay kami. Sinamahan mo ako sa kabaliwan ko sa pagbuo ng ating pamilya dahil nakokonsensya ka sa mga sinakripisyo ko para sayo pero hindi ka nakonsensya sa patuloy na panloloko mo sa akin?”
Muling nakatanggap ng malakas na suntok si Mang Arthur mula kay daddy na siyang nagpatumba muli sa kaniya sa sahig. Sa pagkakataong ito ay tuluyang dumugo na ang kaniyang ilong. Ako nama’y nanatiling nakaakap sa katawan ni Gon habang nakikinig sa mga impormasyong aking nalaman. Hindi ko lubos akalaing ginamit lang pala ako ni Mang Arthur upang maprotektahan si Gon. Ngayon ay litong lito ako sa mga sinabi ni daddy tungkol sa nakaraang relasyon nila ni Mang Arthur.
“Kung hindi pa ako makakasali sa organisasyong ito ay hindi ko pa malalaman na matagal niyo na pala akong niloloko. Nagawa niyo pang baguhin ang apelyido ng mga anak niyo upang hindi ko kayo matunton” Sigaw ng aking ama na siyang umaalingaw-ngaw sa buong arena.
“Ginawa ko yun dahil nais mong idamay ang pamilya ko sa galit mo! Sinet up mo pa si Georgina upang pag-initan siya ng organisasyon sa kaniyang nalalaman. Dahil sa ginawa mo ay napatay si Georgina sa salang hindi naman niya ginawa. Tinago ko ang mga anak ko mula sayo dahil ayokong sapitin nila ang sinapit ng kanilang ina dahil sayo. Pinalabas ko na napaslang ako kasama ni Georgina upang pansamantalang makawala sa organisasyon at mailayo ang mga anak ko dito. Pero hindi ka pa rin tumigil at nagawa mo ring idamay si Priscilla sa pagpasok sa organisasyon” Tugon ni Mang Arthur habang pinupunasan ang dugong tumutulo mula sa kaniyang ilong.
“Teka lang! Hindi mo ako pwedeng pagbintangan tungkol kay Priscilla dahil siya mismo ang kusang pumasok sa organisasyon upang imbestigahan ang pagkamatay niyo ni Georgina” Sambit ni daddy at binigyan pansin pa ang walang malay na si ate Pritz.
“Sa tingin mo maniniwala ako sa kasinungalingan mo?” Tugon ni Mang Arthur na punong puno ng galit.
“Bakit naman ako magsisinungaling sayo? Pwede mong tanungin ang yumao kong kapatid na siyang nag-udyok sa anak mon a sumali sa organisasyon. Tinulungan niyang makapasok ang anak mo kapalit ng pagiging mata ni Priscilla sa organisasyon. Mabilis nilang tinanggap ang iyong anak bilang kapalit mo dahil naniwala ang lahat na namatay kana maliban sa akin. Noong una ay wala akong ideya na kasapi ng organisasyon si Priscilla dahil nagtatrabaho pa siya sa kompanya ko at tinanggap ko pang iskolar si Gunter. Sa totoo lang ay hanga ako sa pagpapalit niyo ng apelyido mula sa Rodriguez na naging De la Paz. Nahirapan pa ako sa paghahanap sa mga anak mo at si Gon lang pala ang magiging daan ko. Pinagsuot lang siya ng wig ng anak ko ay mabilis akong nakumbinse na anak siya ni Georgina dahil kamukhang kamukha niya ito. Nagawa kong magpa DNA test mula sa hair strand na iniwan mo noong nagpa DNA test tayo para kay Lance upang makompirma kung sino ang ama niya dahil sabay nating kinasta yung nagluwal sa kaniya at dun natin nalaman na ako ang nakabuntis sa kaniya. Ang ibang sample mo ang ginamit ko para makompirma na si Gon nga ay anak mo”
Nang banggitin iyon ni daddy ay saka ko napagtanto na kaya pala iba ang tingin niya kay Gon noong nagbihis babae siya. Nakita niya kaagad ang malaking pagkakahawig ng yumaong ina ni Gon sa kaniya. Ang akala ko noon ay nagkataon lang na nabanggit niya ang pangalang Georgina kaya ngayon ay naging malinaw na sa akin ang lahat.
“Huwag mo sa akin isisi ang lahat dahil sila mismo ang lumapit sa aming buhay. Kaya nga nang malaman ko na miyembro si Priscilla ng organisasyon ay nagawa ko siyang takutin na idadamay ko si Gon sa organisasyon kapag hindi siya nakipagtulungan sa akin. Napaniwala ko sila ni Lance na magkapatid sila upang mapunta sa aking panig si Gon at alam kong lalabas ka mula sa pinagtataguan mo kapag nangyari iyon”
Isa iyon sa pinagtataka namin ni Gon kung papano na papayag ni daddy si Ate Pritz na sumang-ayon sa plano niyang pagpapanggap na magkapatid kami gayong hindi naman siya tutol sa aming relasyon.
“Lahat talaga ay gagawin mo para lang mapatay ako!!” Tugon ni Mang Arthur at tinangka niyang suntukin si daddy ngunit masyadong mabagal ang kaniyang pangangatawan gawa ng panghihina kaya naiwasan ito ni daddy. Mabilis na kinuwelyuhan ni daddy si Mang Arthur na halos masakal na niya ito.
“Sino bang nagsabi sayo na papatayin kita? Ang gusto ko lang naman ay mawala lahat ng sagabal sa ating buhay upang mabuo na natin ang pamilya natin kasama ang nag-iisang anak natin na si Lance” Sambit ni daddy na siyang nagbigay kilabot sa aking katawan. Handa siyang pumatay ng kahit sino basta mapagtagumpayan lang ang pangarap niyang pamilya kasama si Mang Arthur.
“Nababaliw kana talaga!” Tugon ni Mang Arthur at dinuruan si daddy sa mukha. Imbes na magalit ay napangisi pa si daddy sa ginawa ni Mang Arthur at lalo niya pang nilapit ang mukha niya dito.
“Sisihin mo ang sarili mo kung bakit ako nagkakaganito” Tugon ni daddy at bigla na lang niyang sinunggaban ang labi ni Mang Arthur na para bang sila lang tao sa arena. Halos malalaglag ang aking panga sa pagkabigla dahil hindi ko inaasahang magagawa yun ng aking ama. Marahas naman siyang tinulak ni Mang Arthur na siyang nagpatigil sa paghalik sa kaniya.
“Alright. Tapos na ang mini reunion niyo at nakahanda na ang lahat para sa huling parte ng ating palabas”
Muling napalingon ako sa isa sa mga lider ng organisasyon na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikilala. Dalawa sa mga tauhan niya ang lumapit sa amin ni daddy upang kunin ang aming finger print mula sa aming hintuturo. Hindi ko alam kung anong binabalak nilang gawin ngunit alam kong hindi maganda ang magiging kahihinatnan nito. Matapos nilang makuha ito ay may tila inaayos sila mula sa computer at kaming dalawa ni daddy ay nanatili sa loob ng arena habang sila ay nanonood sa labas. Muling tumaas ang mga harang sa bawat gilid ng arena upang pigilan kami sa pagtakas. Binalaan kami na huwag gumawa ng ano mang hindi kaaya-ayang pagkilos. Ngayon ay nakatutok ang baril sa sintido ng walang malay na si Gon bilang panakot sa akin na umayon sa kanilang laro. Maging si Mang Arthur ay may nakatutok na baril sa kaniyang sintido yun ay siguro upang takutin si daddy. Matapos niyang ihayag kung gaano niya kamahal si Mang Arthur ay malamang gagamitin nila ito laban sa kaniya.
“Ngayon tutungo na tayo sa huling parte ng palabas. Excited na ba kayo?” Tanong ng lider na siyang may hawak ngayon ng micropono. Nagawa pa nilang itapat ang camera sa mga nakahandusay na bangkay sa labas ng arena na tila ba’y tutugon ang mga ito habang pumapalakpak ang mga armadong lalaki. Hindi ko alam na ganito pala kasama ang organisasyong ito na tila pinamumunuan ng demonyo dahil sa walang kasing sama nilang gawain.
“Ang huling laro ay tinatawag nating…” Naputol ang pagsasalita niya ng biglang magsalita si daddy.
“Sa tingin mo makakatakas ka na lang ng basta-basta matapos mong paslangin ang mga taong ito na may malalakas ring impluwensya na pwedeng magpabagsak sayo?” Natatawang sambit ni daddy na tila ba’y hindi siya natatakot sa ano mang gawin sa kaniya.
“Sa totoo lang ay nadismaya ako dahil hindi ako naimbitahan sa pagtatanghal na ito. Mabuti na lang at bago mangyari ang lahat ng ito ay nagawa nang humingi ng tulong sa akin si Urelio o Arthur na ba?” Natatawa nitong sabi. Lalo akong nagalit kay Mang Arthur dahil sa pagsisinungaling niya. Alam niya pala na ganito ang mangyayari pero hinayaan niya pa rin na maging pain ang kaniyang anak upang makuha si Gon at makapaghiganti sa ama ko.
“Nagbabawas lamang ako ng mga kakompetensya mula sa underworld. Karamihan sa mga pamilyang ito ay maaaring maging tinik sa organisasyon kaya ngayon pa lang ay inunahan ko na sila. Huwag kang mag-alala dahil iisipin nila na ikaw ang pumatay sa kanilang lahat dahil sa pagkakalam ng organisasyon ay ikaw ang namuno sa uri ng palabas na ito. Mabilis lang na maibabaling sayo ang sisi dahil ikaw ang may pasimuno nito” Muli ay tumawa ang lider na para bang masisiraan ng bait.
“Yun ay kung aamin ako” Mapangahas na tugon ni daddy na nasundan ng pagtawa.
“Tingnan natin kung makakatawa ka pa kapag nalaman mo ang susunod na mangyayari” Tugon ng lider na kung saan ay biglang nagbago ang hitsura nito mula sa pagiging masiyahin ay bigla na lang naging seryoso.
“Gaya nga ng sinabi ko ay ang huling larong ito ay tinatawag nating Shoot or Die. Kung natatandaan mo ang batas Kendrick na isang miyembro lamang ng pamilya ang maaaring sumali sa organisasyon. Ang sino mang makakaalam sa organisasyong ito na hindi kasapi ay kaagad papaslangin. Ayoko sanang idamay si Lance dito dahil paborito pa naman siya ni Ran ngunit ang batas ay batas. Nahuli ko siyang pumasok sa laboratory kaya naman sa pagkakataong ito ay nasa kamay niyong dalawa ang desisyon kung sino sa inyo ang matitirang Fuentes na magpapatuloy sa organisasyon”
Sambit ng lider at bigla na lang may umangat na mesa na may nakatungtong na mga baril. Mabilis kong nakuha ang nais niyang mangyari. Yun ay kailangan naming mapatay ang isa upang mabuhay ang isa na siyang magpapatuloy sa organisasyon na nakaayon sa batas nito. Nabigla na lang ako nang biglang kunin ni daddy ang baril at walang takot na tinutok sa kaniyang sintido ang baril at kinalabit ang gatilyo. Ilang beses niyang kinalabit ito ngunit hindi ito pumutok.
“Nakalimutan ko pa lang sabihin na hindi niyo pwedeng iputok ang baril sa inyong sarili dahil hindi ito puputok. Kahit magpalit pa kayo ng baril ay ganun din ang mangyayari dahil naka-program ang baril sa pagbasa ng inyong finger print. Puputok lamang ito kapag tinutok niyo ito sa isa’t isa”
Sambit ng lider na sinundan niya pa ng pagtawa. Ngayon ay wala kaming magagawa kundi ang barilin ang isa’t isa hanggang sa matira kung sino ang mabubuhay. Kahit gaano pa katindi ang pagkamuhi ko sa aking ama ay hinding hindi ko magagawang kalabitin ang gatilyo upang paslangin ito. Ngunit tila kabaligtaran nito ang kay daddy dahil hindi man lang siya nagdalawang isip na itutok sa akin ang baril.
“Dad-d”
Hindi ko na natapos ang nais kong sabihin nang kalabitin niya ang gatilyo na siyang naging dahilan upang pumutok ang baril.
Itutuloy…
A/N
: Pasensya na sobrang nahirapan akong magsulat dahil sa stress. Hindi mawala sa akin yung takot na pabalikin kami sa work kapag nagkaroon na ng GCQ sa Metro Manila. Wala akong magiging choice kundi ang pumasok sa site habang nag-aantay ng laptop namin para sa WFH na nasa ibang bansa pa daw. Hangga’t maari ay gusto kong matapos ang istorya na to dahil kung ano man ang mangyaari sa akin ay hindi kayo mabibitin dahil meron na lang tayong dalawang chapters na natitira.
Final na talaga na sa susunod na chapter lalabas yung sa CPF. Sa lahat ng sumagot sa dating karelasyon ni Daddy Kendrick na siyang si Mang Arthur/Urelio na tunay na ama ni Gon ay mali po kayo ng hula. Related siya kay Lance pero hindi siya yung character na tinutukoy ko dahil ang character na tinutukoy ko ay babae. So lahat ng mga sumagot ng babae sa Chapter 40, sila na lang ang may chance na manalo. Sure na sure na next chapter. Check niyo yung comment box sa Chapter 40 para malaman niyo kung sino ang mga nasa entry doon.
At sa mga nagsasabing binago ko raw ang takbo ng kwento. Please read!
1 . From the very beginning ay dark na talaga ang twist ng story na to gaya ng sa revelation na nangyari sa LWMSB sa side ng mama at ate ni Eisen. Sinumulan ko sa light na start at mga pahapyaw na kilig hanggang sa lumalim ang kwento at unti-unti nauungkat ang mga sekreto. Naninibago kayo dahil sobrang saya ng pinapakita ni Lance at Gunter sa CLWY kasi nga tinago nila ang sekreto ng pagkamatay ng daddy ni Lance at ang tungkol sa organisasyon upang hindi madamay si Eisen. Base sa timeline ay mas mauuna ang TCOFK kaysa sa CLWY dahil sa pangungulit ng mga readers na unahin ang CLWY kaya naninibago kayo. Ito ang dark past nila Gon at Lance na pilit nilang tinatago.
2 . Bakit hindi nabanggit ang part na to sa LWMSB o CLWY? Dahil POV lang ni Jethro at Eisen ang nandun. Paano nila ikukwento ang bagay na hindi naman nila nasaksihan o hindi naman nila alam? Kaya iniiwasan kong gumawa ng 3rd person o narration sa story para hindi ma-spoil ang twist.
Kapag natapos ko lahat ng chapters pwede niyo akong balikan sa mga tanong lalo na kina Rin at Ran. Kambal sila pero kasama sila sa organisasyon? Bakit hindi napaslang ang mama ni Eisen ng malaman niya ang tungkol sa organisasyon? At marami pang iba… Iisa-isahin na tin yan. Hindi ko pwedeng banggitin lahat dahil maiispoil na kayo. (Pansin ko lang tuwing matatapos ang story ko ay pinuputakte ako ng mga katanungan.LOL)
Last 2 chapters na lang baka naman mahiya na kayong mag
VOTE!
Keep safe <3
Chapter 44: Free Woman
Dylan as Lance
Lance’s POV
Napapikit ako sa di inaasahang pagpapaputok ng baril na hawak ni daddy. Alam kong hindi siya naging mabuting ama sa akin ngunit hindi ko naman inaasahang magagawa niya iyon nang hindi man lang nagdadalawang isip. Isang sandali pa ay muli kong binuksan ang aking mga mata dahil wala akong naramdamang kahit anong sakit mula nang iputok ni daddy ang baril. Muli kong nasilayan ang kaniyang mukha na nakatingin sa baril na ngayo’y hindi na nakatutok sa akin.
“Gumagana nga kapag sayo ko itinutok ito” Sambit niya na para bang wala lang sa kaniya ang pagsubok sa kakayahan ng baril na kaniyang hawak-hawak.
“Hindi mo ba talaga kayang itutok sa akin ang baril?” Nabigla ako nang itanong niya sa akin ito.
“Hi-Hindi natin to kailangang gawin daddy” Nauutal kong tugon dahil pakiramdam ko ay seryoso talaga siya na barilin namin ang isa’t isa.
“Kapag hindi mo ginawa ang nais nilang mangyari ay tiyak na walang matitira sa ating dalawa, kaya ngayon ay binibigyan kita ng pagkakataong barilin ako” Mahinahong sambit ni daddy ngunit damang dama ko sa tono ng kaniyang pananalita ang kawalan ng pag-asa na malulusutan pa natin ito.
“Hindi natin kailangang gawin ito! Makakahanap pa tayo ng paraan upang malusutan ito” Pagmamatigas ko ngunit alam ko sa sarili ko na malabong malusutan pa namin ang pagsubok na ito.
“Kung hindi ka sana nakialam eh di sana hindi tayo aabot sa ganito!” Galit na sambit ng aking ama habang ako ay kaniyang dinuduro.
“Pero kung hindi ako nakialam ay malamang patay na ngayon si Gon” Sabat ko na kaniyang ikinagalit. Alam ko namang kamatayan ang magiging kapalit kapag nalaman ng organisasyon na may alam ako tungkol sa kanila ngunit nagpumilit pa rin ako alang-alang sa kaligtasan ng taong pinakamamahal ko. Hindi ko masisisi si daddy kung bakit labis ang galit niya kay Mang Arthur pero hindi naman tama na kailangan niyang idamay si Gon at si Ate Pritz sa kaniyang plano.
“Tutal mas mahalaga naman ang buhay ng kasintahan mo kaysa sa sarili mong ama ay bakit hindi mo na lang ako barilin ngayon? Kapag ako ang nabuhay sa ating dalawa ay sisiguraduhin kong mamatay si Gon at si Prisicilla!” Pagbabanta niya sa akin habang unti-unti siyang lumalapit at nakatutok sa akin ang hawak-hawak niyang baril.
“Dad-dy” Nauutal kong sabi habang dahan dahang inaangat ang hawak kong baril upang itutok ito sa kaniiya. Hindi dahil sa nais ko siyang barilin, yun ay dahil nais ko lang siyang takutin. Labis ang panginginig ng aking kamay habang tinututok ko ito sa kaniya. Kahit gaano pa man kasama ang kaniyang mga nagawa ay hindi ko pa rin kayang ilagay sa aking mga kamay ang batas. Hindi ko kayang kumitil ng buhay lalong lalo na’t siya ang aking magulang.
“Iputok mo na para matapos na ang lahat nang ito!” Sambit ni daddy nang tuluyan siyang makalapit sa akin at nakadikit na mismo sa kaniyang dibdib ang hawak kong baril. Wala siyang takot na maaari kong makalabit ang gatilyo na siyang kikitil sa kaniyang buhay.
“Kung hindi mo kayang gawin ay sabay na lang nating kalabitin ang gatilyo upang maging patas tayo sa magiging kahihinatnan ng isa’t isa” Dugtong niya at bigla na lang tinutok sa aking sintido ang kaniyang hawak na baril.
Mabilis nangilid ang mga luha sa aking mga mata hindi dahil sa natatakot akong mamatay, yun ay dahil hindi ko man lang nagawang magpaalam nang maayos kay Gon. Sa pagpasok ko sa gulong ito ay alam kong darating ang araw na babawiin nito ang aking buhay at hinanda ko na ang sarili ko para sa sandaling ito. Ang tanging kinakatakot ko lang ay ang mamatay nang hindi man lang nakakapagpaalam ng maayos sa kaniya. Marahil ay ito na nga ang nararapat naming gawin. Ang sino mang manatili sa amin ay siyang magdurusa. Umabot na ako sa pagkakataong ito upang maprotektahan si Gon kaya hindi ko hahayaang mapaslang siya ng aking ama. Labag man sa aking kalooban ay kailangan ko itong gawin alang-alang sa kaniyang kaligtasan at sa huling pagkakataon ay muli akong tumingin sa kaniyang kinaroroonan upang banggitin ang mensahe mula sa aking isipan.
“Alam mo kahit na puro galos ang iyong katawaan at wala na sa ayos yang buhok mo ay ikaw pa rin ang pinakamagandang nilalang sa paningin ko. Sinong mag-aakala na aabot tayo sa pagiging magkasintahan mula sa pagiging magkaaway nating dalawa? Gusto kong malaman mo na ikaw ang pinakamagandang bagay na dumating sa aking buhay. Mawala man ako ngayon ay sana ay laging mong iisipin na hindi dito nagtatapos ang pagmamahal ko sayo. Huwag na huwag mong pababayaan ang sarili mo dahil ayokong mag-alala ng labis sa kabilang buhay at sana’y huwag mong kakalimutan na minsan ay may nagmahal sayo na kagaya ko”
Sambit ko sa aking isipan na alam kong hindi naman niya maririnig. Sa ganitong paraan kasi ay mas magiging magaan sa akin ang pagtanggap na lilisanin ko na ang mundong ito. Huminga ako nang malalim bago ngumiti nang ibaling ko ang aking pagtingin sa aking ama. Nanatili pa ring nakatutok ang kaniyang baril sa aking sintido at ang akin naman ay sa kaniyang dibdib. Tumango ako sa kaniya bilang pagsang-ayon sa nais niyang mangyari at bigla na lang niya akong niyakap nang mahigpit habang nakatutok ang mga hawak naming baril sa isa’t isa. Bumulong siya sa akin ng mga salitang kailan man ay hindi ko pa naririnig mula sa kaniya. Mabilis umagos ang mga luha sa aking mga mata habang binabanggit niya ang mga salitang iyon. Kay tagal kong inasam na marinig ang mga salitang iyon mula sa kaniya at ngayon ay nagpapasalamat ako na marinig ito kahit na sa una’t huling pagkakataon.
Matapos niyang banggitin ang mga salitang nais niyang sabihin sa akin ay binigyan niya ako ng halik sa aking pisngi. Kasunod nito ang paghikayat niya sa akin na sabay naming ipuputok ang baril matapos niyang bumilang ng tatlo. Tumango ako bilang pagsang-ayon habang patuloy pa rin ang pagpatak ng aking mga luha. Hindi ko man lang nagawang tumugon sa kaniyang mga sinabi dahil pinangunahan ako ng aking emosyon. Hinawakan niya pa ang aking kamay na kasalukuyang may hawak na baril na nakatutok sa kaniyang dibdib. Sinugurado niyang nakatutok ito sa pwesto ng kaniyang dibdib na siyang tatama sa kaniyang puso. Mahigpit niya itong hinawakan upang masiguro na ipuputok ko ang baril sa sandaling matapos siyang magbilang. At sa pagkakataong nagsimula siyang magbilang ay kaagad akong pumikit dahil hindi ko kayang makita ang kaniyang mukha kapag kinalabit ko na ang gatilyo ng baril. Ngunit nasa ikalawang bilang pa lang ang kaniyang nabanggit nang marinig ko ang pagputok ng baril.
Tila tumigil ang sandali matapos kong marinig ang nakakabinging ingay mula sa pagputok ng baril. Sa sandaling imulat ko ang aking mga mata ay muli kong nasilayan sa bihirang pagkakataon ang matamis na ngiti sa akin ng aking ama. Ang ngiting iyon ay unti-unting nawala nang siya ay dahan dahang bumagsak sa sahig. Mabilis nanlamig ang aking mga kamay nang maramdaman ko dugo sa aking palad at sa hawak kong baril. Kaagad kong nabitawan ang hawak kong baril nang mapagtanto ko ang karumaldumal na krimen na aking nagawa. Kasabay ng pagbasak ng baril na aking hawak ay pagbuhos ng luha sa aking mga mata habang nakatingin sa aking ama na nag-aagaw buhay sa aking harapan. Kaagad akong lumuhod upang maipatong ang kaniyang ulo sa aking mga hita habang pinipigilan ang paglabas ng dugo mula sa kaniyang dibdib gamit ang aking kamay.
“Huwag kayong mag-alala daddy…da-dalhin ko kayo sa ospital… Tatawag ako ng ambulansya” Sambit ko habang siya ay pinipilit na magsalita ngunit walang lumalabas na boses mula sa kaniyang bibig. Paulit-ulit akong sumisigaw mula sa loob ng arena upang humingi ng tulong ngunit ni isa sa kanila ay walang lumapit upang matulungan ang aking ama na nag-aagaw buhay. Ilang beses akong nagmakaawa sa kanila na gagawin ko ang lahat nang nais nilang ipagawa sa akin basta maisalba lang nila ang buhay ng aking ama ngunit wala akong narinig na tugon mula sa kanila. Sa huling pagkakataon ay naramdaman ko ang haplos ng aking ama sa aking mukha habang pilit na nagsasalita kahit na walang boses na lumalabas sa kaniyang bibig. Tinuon ko ang buong atensyon ko sa kaniya upang maintindihan ang kaniyang nais sambitin hanggang sa unti-unti siyang bawian ng buhay.
“Daddy gising.. Daddy huwag mo akong iwan please” Pagsusumamo ko habang marahan kong tinatapik ang kaniyang mukha upang siya ay gisingin ngunit hindi na muling dumilat pa ang kaniyang mga mata. Labis ang sakit na aking nadarama habang yakap-yakap ko ang walang buhay na katawan ng aking ama. Sobrang sakit lalo na’t ako ang dahilan ng kaniyang pagkamatay. Ngayon ko napagtanto na kahit gaano kasama siyang ama sa akin ay hinding hindi ko pa rin makakayang mawalay siya sa akin.
Labis ang pagsusumamo ko habang yakap-yakap ang aking ama. Tila walang katapusan ang pagbuhos ng aking mga luha habang sinisigaw ang kaniyang pangalan. Sa buong arena ay tanging boses ko lamang ang maririnig na umaalingawngaw. Habang ako ay lumuluha ay aking napansin ang baril na kanina’y hawak-hawak ng aking ama. Mabilis ko itong dinampot at muling pinahawak sa kaniya. Sinubukan kong alalayan ang kaniyang daliri upang kalabitin ang gatilyo habang nakatutok ito sa aking noo, ngunit kahit ilang beses ko pang kalabitin ito ay hindi pa rin siya pumuputok.
“Isa pa sa mga nakalimutan kong banggitin ay hindi na gagana pa ang mga baril na yan kapag may isa nang namatay sa inyo” Nakangiting sambit ng hayop na pinunong ito. Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon ay nais kong ako mismo ang kumitil sa buhay ng demonyong to.
Sa ngayon ay wala akong magawa kundi ang umiyak sa pagkawala ng aking ama. Pakiramdam ko ay walang silbi ang naging pag-eensayo ko sa mahigit na dalawang taon dahil hindi ko rin naman ito napakinabangan sa sandaling kailangan na kailangan ko. Patuloy lang ako sa pag-iyak at hindi lumayo sa tabi ng aking ama. Paulit-ulit kong sinasambit sa walang buhay niyang katawan ang paghingi ko ng tawad. Halos hindi ko na nga alam kung gaano katagal na akong umiiyak dahil mismo ang aking mga mata na ang napagod sa walang tigil na pag-iyak ko. Lalong naningkit ang aking mga mata dahil sa pamamaga nito mula sa matinding pag-iyak. Maging ang aking boses ay unti-unting namaos sa pagsisigaw.
Ngayon ay tila tinakasan na ako ng katinuan at hindi na ako makakilos mula sa aking kinauupuan. Hindi ko nga namalayan na muli na palang nakabalik sila Mang Arthur kasama si Ate Pritz na ngayo’y gising na ngunit hindi makatingin sa akin ng derecho. Si Gon ay nanatiling wala pa ring malay habang karga-karga siya ni Mang Arthur. Ang buong akala ko ay matatapos na ang lahat nang mamatay si daddy ngunit una pa lamang pala ito sa nais mangyari ng pinuno.
“Malinis na ang pamilya ng Fuentes ngayon naman ay magsisimula tayo sa pamilyang Rodriguez” Sambit ng pinuno na siyang ikinagulat ni Mang Arthur.
“Akala ko ba napag-usapan na natin ito?” Tugon ni Mang Arthur nang maihiga niya sa malamig na sahig ang kaniyang anak.
“Ang napag-usapan lang natin ay sasagipin ko ang anak mo mula kay Kendrick. Wala sa usapan ang iligtas ko ang anak mo sa organisasyon. Hindi ko pwedeng suwayin ang batas!” Sagot ng pinuno at kaagad inutusang kunin ang mga finger prints ng mag-ama. Nagpupumiglas man ay nagawang makuha ang finger print ni Mang Arthur dahil sa dami ng tauhang pumigil sa pagkilos niya.
“Huwag kang mag-alala dahil kayo lang ni Gon ang isasali ko sa larong ito dahil malaki pa ang pakinabang sa akin ni Priscilla” Dugtong ng pinuno at kaniyang hinimas ang ulo ni Ate Pritz na tila na wala na rin sa kaniyang katinuan. Kahit kaunting pagtutol ay walang makikita sa kaniyang pagkilos.
“Hindi naman natin to kailangang gawin kong papatawan mo ako ng seklusyon” Pagsusumamo ni Mang Arthur habang muling hinahanda ang mga baril na siyang ginamit namin kanina ng aking ama. Sa ikalawang pagkakataon ay muli na naman itong kikitil ng isang buhay mula sa mag-ama.
“Alam mong isa lang sa inyo ang pwede kong bigyan ng seklusyon dahil si Priscilla pa rin ang kikilanin ng organisasyon mula sa inyong pamilya. Ang mabubuhay sa inyo ni Gon ang mabibigyan ng seklusyon upang maligtas sa hatol ng organisasyon kapalit ang mahalagang impormasyong binigay mo”
Lalong sumama ang loob ko nang marinig ang tungkol sa seklusyon. Maaari pang maiwasan naming magpatayan ni daddy kung makikipagkasundo kami sa kanila ngunit hindi nila ito hinayaang mangyari. Sa pagkakataong ito ay nasisiguro kong mapapahamak si Gon dahil wala silang balak na iurong ang pagsubok kahit na wala itong malay. Sa sandaling pinatayo nila si Gon ng pwersahan ay tila ba nanumbalik ang aking lakas sa pagkataranta. Bago pa man ako makalayo ay may humila kaagad sa aking damit na malapit sa aking batok. Paglingon ko ay nakita ko na naman si Rin na pumipigil sa nais kong gawin. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ako nagpalupig kaya dali-dali kong tinaas ang aking mga kamay at bahagyang lumuhod upang lumusot ang katawan ko sa suot kong damit bago nanakbo patungo sa kinaroroonan ni Gon. Nagawa kong agawin si Gon mula sa lalaking may hawak sa kaniya at mahigpit na niyakap ang kaniyang katawan.
“Kung balak niyong patayin si Gon ay isama niyo na rin ako” Sambit ko habang yakap-yakap ko ang walang malay na si Gon. Hindi ko kakayaning may isa pang mahalagang tao sa buhay ko na mamatay dahil sa demonyong organisasyong ito. Kung papatayin nila si Gon ay mas mabuting isama na rin nila ako dahil wala na ring saysay ang pananatili ko kung mabubuhay ako nang hindi siya ang aking kapiling.
“Wala ka bang balak na magpaubaya Urelio?” Natatawang tanong ng pinuno. Sukang suka ako sa inaasal ni Mang Arthur dahil hindi niya magawang magsakripisyo para sa kaniyang anak gayong siya naman ang dahilan ng gulong ito.
“Tutal wala na rin namang malay si Gon. Maituturing nating ikaw ang nagwagi sa pagkakataong ito maliban na lang kung pipiliin mo ang pagkatalo. Bibilang ako hanggang tatlo upang marinig mula sayo ang salitang pagsuko at kung hindi ay pauulan namin ng bala ang anak mo” Dugtong pa nito at karamihan sa kaniyang mga tauhan ay nakatutok na sa amin ni Gon ang kanilang mga baril. Ramdam ko na sa pagkakataong ito na hindi na ako makakaligtas mula sa kamatayan. Ngunit sa pagkakataong ito ay buong tapang kong haharapin ang aking kamatayan dahil sa huling sandali ng aking buhay ay si Gon ang aking kapiling. Yumakap ako ng mahigpit sa kaniyang katawan at nilapit ang kaniyang mukha sa aking dibdib habang nakasandal ang aking mukha sa kaniyang ulo. Paulit-ulit kong binubulong sa kaniyang tenga kung gaano ko siya kamahal. Naging maiksi man ang aming sandali dito sa mundo ay ang pagmamahalan naman namin ang naging pinakamagandang nangyari sa amin na habang buhay kong pinapasalamatan. Nang marinig ko ang pagbibilang ng pinuno ay kaagad kong pinikit ang aking mga mata bilang pagtanggap sa aming kapalaran.
“Isa, dalawa…” Malakas na sambit ng pinuno ngunit bigla na lamang natigil ang pagbibilang niya nang may nangahas magsalita.
“Grabe! No chill talaga Boss Keith?” Narinig kong sabi ng isang babae at kaagad kong dinilat ang aking mga mata upang malaman kung sino sa mga kasama niya ang nangahas na magsalita. Laking gulat ko nang makita ko ang pamilyar na mukha na mayroong mahabang buhok. Hindi ko napigilang sambitin ang kaniyang pangalan upang agawin ang atensyon nito.
“Ku-Kuya Eisen? Anong ginagawa mo dito?” Sambit ko na siyang ikinalingun niya kaagad. Mabilis kumunot ang kaniyang noo bago siya tumugon sa pagtawag ko.
“Kuya? Mukha ba akong lalaki sa paningin mo?” Tugon nito na aking ikinabigla. Babaeng babae ang boses nito na malayo sa pananalita ng pinsan ko. Hindi ko alam kung nililinlang ba ako ng aking paningin dahil ang laki ng pagkakahawig niya sa aking pinsan.
“Anong ginagawa mo dito Samantha?” Mahinahong tanong ng pinuno na tinawag nitong Boss Keith. Bigla ko na lang naalala na mayroon nga palang kapatid si kuya Eisen na ngayon ay nasa kulungan na ang pangalan ay Sam. Naguguluhan ako sa nangyayari dahil hindi ko malaman kong anong ginagawa niya dito kung kasalukuyan siyang nakakulong ngayon.
“Manonood lang sana ako kaso masyadong madrama itong pinsan ko kaya kailangan ko nang makisali” Tugon niya at doon ko nakompirma na siya nga ang nakakatandang kapatid ni kuya Eisen.
“What do you want?” Tanong ng pinunong pinangalanan niyang Keith. Gamit ang pagkumpas ng kaniyang kamay ay kaagad namang binaba ng mga armadong lalaki ang mga baril na nakatutok kay Sam.
“Kaligtasan ng pinsan ko” Mabilis nitong tugon at panandaliang tumingin sa akin upang kindatan ako.
“Kailan ka pa nagkaroon ng malasakit sa pinsan mo?” Tanong sa kaniya ni Keith at nilapit ang mukha kay Sam upang suriin ang mukha nito.
“Hindi ko naman to ginagawa para sa kaniya” Tugon niya at iniwas ang mukha mula kay Keith dahil halos halikan na siya nito.
“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Keith na maging ako ay naguluhan sa kaniyang sinasabi.
“Ginagawa ko to para sa kapatid ko. Look! Sobrang depress na niya mula nang mamatay si mama. Kriminal ang kaniyang kapatid at hindi na siya maalala ng kaniyang first love” Tugon niya at nagbitaw ng hilaw na pagtawa.
“Tapos ngayon ay patay na ang kaniyang tiyo na siyang sinasandalan niya sa kaniyang pag-aaral. At malamang kukunin niyo ang kayamanan na mayroon sila matapos niyong patayin si Lance tama? Kailangang mabuhay ni Lance para damayan ang kapatid ko dahil kapag nalaman niyang patay ang mga kaanak niya ay magiging suicidal ang loko” Dugtong nito na nasundan ng malalim na paghinga .
“Paano ka naman nakakasiguro na magpapakamatay si Eisen kapag nalaman niyang patay na ang kaniyang pinsan at tito?” Tanong sa kaniya ni Keith na kaniyang marahang inilingan.
“Dahil labis kong kilala ang bunso kong kapatid” Tugon niya na siyang tinawanan naman ni Keith. Maging ako ay hindi masyadong kumbinsido sa kaniyang dahilan.
“Lahat pa rin pala ng ginagawa mo ay para sa kaniya. Matagal ko na ring gustong makalaro si Eisen. Kailan mo ba siya isasama sa underworld?” Tanong ni Keith na kung saan bakas na bakas sa kaniyang mukha ang matinding pagnanasa. Mabilis namang natawa si Sam sa kaniyang narinig ngunit biglang naging seryoso ang mukha nito nang siya ay sumagot.
“Hanggang nabubuhay ako ay walang sino man sa inyo ang makakagalaw sa kapatid ko!” Seryosong sambit ni Sam na siyang ring tinawanan ni Keith.
“Ang lakas ng loob mong sabihin yan gayong palpak naman ang paghihiganti mo sa loob ng mansion ng Wells?” Tugon ni Keith habang umiiling na para bang ito ang pinakanakakatawang nabanggit niya.
“Planado na ang lahat at maging ang mga pulisya ay kontrolado ko na kung wala lang nagsulsol kay Chief Rinoa. Alam niya ang mangyayari sa mansyon at binayaran ko na ang hindi niya pagpakialam sa mga plano ko. Pero sino kaya tong hudas na binayaran ng doble ang balimbing na pulis upang bumaliktad sa aming usapan? Ang nakakatawa pa ay pinalabas niyong nasaksihan sa livestream ni James ang pagsalakay namin sa mansion gayong sinira namin ang lahat ng connection at nawalan pa ng kuryente ng isa-isa naming dinampot ang magkakapatid upang mailagay sa iisang kwarto” Inis na sambit ni Sam na siyang nagpa-atras ng kaunti kay Keith.
“Wala akong kinalaman diyan…Bakit hindi na lang tayo bumalik sa pakay mo?” Pagtanggi nito habang pinipigilang matawa at kaagad binago ang usapan.
“Wala naman talaga akong balak na patayin ang pinsan mo pero siya itong may gustong mamatay kasama ang kaniyang nobyo?” Dugtong niya at binigyan niya pa ng diin ang salitang nobyo para insultuhin ako.
“Alam ko yun kaya nga hinihingi ko ang kaligtasan ng kaniyang nobyo dahil alam kong wala siyang balak na mabuhay kapag namatay ito” Sambit ni Sam na para bang matagal na niya talaga akong kilala.
“At ano naman ang magiging kapalit nito?” Tanong ni Keith at kaagad dumukot si Sam sa kaniyang bulsa.
“Ang matagal mo nang hinahanap… Yin Yang Project” Tugon ni Sam habang hawak-hawak ang keychain na may nakasabit na dalawang flash drives na kulay puti at itim.
“Pa-panong napunta sa iyon yan?” Nauutal na tanong ni Keith nang makita niya ang mga flash drives. Hindi ko maipaliwanag nang husto ang kaniyang reaksyon dahil tila naghahalo ang takot at tuwa nang makita niya ang mga bagay na iyon.
“I have my ways” Tipid na tugon ni Sam at muling binalik sa loob ng kaniyang bulsa ang mga flash drives.
“Deal!” Mabilis na sambit ni Keith na para bang sobrang halaga ng mga flash drives na iyon at kaagad siyang sumang-ayon sa gustong mangyari ni Keith.
“Wait may isa pa akong demand!” Sambit ni Sam upang mapatigil si Keith mula sa kaniyang kinatatayuan. Halata sa kaniya ang labis na pagkasabik na makuha ang mga flash drives mula kay Sam dahil tila nagayuma ito papalapit sa kinatatayuan ni Sam.
“Niloloko mo ba ako?” Mabilis na sagot ni Keith na tila ba’y pag hindi niya nagustuhan ang isasagot ni Sam ay pauulanan na niya ito ng bala.
“Remember, Yin Yang Project ito. Ang unang demand ko ay kapalit ng flash drive na naglalaman ng soft copy ng Yin Project at ang kinaroroonan ng original files nito. Syempre iba rin ang magiging demand ko para sa nilalaman ng Yang Project. Pero nasasayo naman kung isa lang sa kanila ang kukunin mo. Ngunit nais kong malaman mo na hanggang ngayon ka lang pwedeng magdesisyon dahil kapag tinanggihan mo ito ay ibebenta ko na lamang ito sa mga interested buyers nito. Isipin mo maaari pa akong kumita ng daan daang milyon dahil lamang sa mga impormasyong ito” Natatawang sambit ni Sam. Labis akong napapahanga sa kaniyang tapang dahil nagagawa niyang makipag-usap ng ganiyan sa isa sa mga pinuno ng organisayon. Sa pagkaalaam ko ay malaki ang respeto ng mga miyembro sa mga pinuno nito dahil halos hawak na nila sa leeg ang mga ito. Pero sa uri ng pananalita ni Sam ay para bang ordinaryong tao lamang ang kaniyang kausap.
“Hindi ka ba natatakot na maaari kitang patayin mula sa kinatatayuan mo at agawin yang mga impormasyong meron ka?” Mahinahong pagkakasabi ni Keith ngunit ramdam na ramdam ang galit mula sa kaniyang pagbabanta.
“Hanggang ngayon ba naman ay minamaliit mo pa rin ako?” Natatawang tugon ni Sam at kaniyang ipinakita ang kulay gintong bracelet na kaniyang suot.
“Ang bracelet na ito ay sumusuri sa aking pulso at sa sandaling mamatay ako ay kusang mabubura ang laman nito” Dugtong ni Sam at muli niyang pinakita ang dalawang flash drives na kung saan ay may maliit na ilaw na kulay berde na nagpapatay-sindi gaya ng nasa bracelet ni Sam. Ito ay marahil bilang tanda na nakalink ang mga flash drives sa bracelet na suot ni Sam.
“Syempre ganun din kapag sapilitan niyong pinutol ang bracelet na suot ko. At kung sakali mang hindi ka tumupad sa usapan ay kakalat sa buong organisasyon ang pagpaslang mo sa mga miyembrong nanood sa munting palabas ni Tito Kendrick” Matapang na pagbabanta ni Sam na siyang nagpailing kay Keith habang tumatawa.
“Sa tingin mo ay maniniwala sila sayo?” Tanong nito at mas lalo pa siyang tumawa nang malakas.
“Sa akin hindi pero dito, oo” Bigla na lang may lumabas na video mula sa malaking screen na kung saan ay pinapalabas kung papano pagbabarilin ng mga tauhan ni Keith ang mga panauhin sa arena. Kitang kita rin mismo sa video kung papano pumasok sa eksena si Keith bilang patunay na siya ang tao sa likod ng pagpaslang sa daan-daang kataong naririto.
“Isa sa mga panauhin ni Tito Kendrick ay may suot na kwentas na mayroong hidden camera na nakainstall. Lahat ng nakuha niya ay derecho sa database ko na handang kumalata sa sandaling mamatay ako”
Nagawa pang ituro ni Sam ang kinaroroonan ng panauhing may suot na kwentas na mayroong hidden camera na siyang kinumpirma ng mga tauhan ni Keith. Imbes na mainis ay muling tumawa si Keith habang siya ay pumapalakpak na tila ba’y nasisiraan na siya ng bait.
“Ngayon ay humahanga na ako sayo at napatunayan kong anak ka nga talaga ng ama mo dahil parehas kayong magaling at tuso!” Natatawang sambit ni Keith habang pumapalakpak.
“I’ll take that as a compliment” Masayang tugon ni Sam bilang tanda na hawak niya ang sitwasyon.
“Okay let me hear your second request” Ani ni Keith habang nakapamaywang.
“Gusto kong ipasa mo ang lahat ng mga ari-arian ni Tito Kendrick kay Urelio na siyang papalit sa katayuan ni tito sa organisasyon” Kagaya ni Keith ay ako rin ay nabigla sa hindi inaasahang pabor na hinihingi ni Sam.
“Nakakalimutan mo bang hindi siya isang Fuentes?” Mabilis na tugon ni Keith.
“Kaya nga magpapalit siya ng apelyido upang maisakatuparan ito. Kung hindi ako nagkakamali ay nagawa mo na rin ito para sa ibang tao?” Sambit ni Sam na siyang nagpabago sa hitsura ni Keith. Bakas sa kaniya ang pinaghalong takot at galit mula sa kaniyang naririnig. Matagal-tagal rin siyang nag-isip kung sasang-ayon ba siya sa nais mangyari ni Sam. Labis akong nahihigawaan sa dahilan ni Sam kung bakit niya ipagpapalit ang mga impormasyong nagkakahalaga ng daan-daang milyon para sa mga hinihingi niyang pabor na walang kasiguraduhan kong makikinabang ba siya.
“Okay, It’s a deal” Labag sa loob na sambit ni Keith matapos ang ilang sandali niyang pananahimik.
Mula sa likuran ni Keith ay may lumapit na tauhang may dala-dalang maliit na libro at kaagad itong binuklat nang makalapit sa pagitan ng kaniyang amo at ni Sam. Sabay silang nagtusok ng matulis na bagay sa kanilang hinlalaki upang magdugo ito at isa-isa silang nag-iwan ng marka ng kanilang hinlalaki sa loob ng libro. Marahil ay ito ang magiging katibayan ng kanilang kasunduan dahil maging si Sam ay naglabas ay naglabas ng maliit na libro mula sa kaniyang dibdib. Gaya ng ginawa nila sa naunang libro ay nag-iwan rin sila ng kanilang marka dito.
“Siguraduhin mo lang na totoo ang nilalaman ng mga ito” Sambit ni Keith matapos mapasakay niya ang dalawang flash drives na inabot ni Sam.
“Limang taon mo na akong kilala Keith este Boss Keith. Madalas pa tayong magkasama noon bago mo maagaw ang posisyo-” Hindi na natuloy ni Sam ang kaniyang sagot nang pigilan siya ni Keith sa pagsasalita.
“Enough!” Pagsuway nito at sa pagkakataong ito ay hindi na niya napigilang magtaas ng boses.
“3 months bago mapapalitan ang apelyido ni Urelio dahil kailangan pa nating maisagawa ang pekeng paglilitis sa pagkamatay ni Kendrick at ang paglipat ng mga ari-arian nito kay Urelio” Dugtong niya na tanging pagtango lang ang naging tugon ni Sam pero kapansin-pansin ang mapang-asar na pagngiti nito kay Keith. Hindi rin nagtagal nang magpasiyang umalis si Keith dala-dala ang mga flash drives na tila ba isang premyong kaniyang napanalunan. Ngunit bago pa siya makaalis sa loob ng arena ay muli siyang lumingon kay Sam upang magbitaw ng salita.
“Siguraduhin mo lang na marami ka pang alas bukod dito dahil sinisigurado kong darating ang araw na magiging parte ng organisasyon ang kapatid mo” Sambit nito na siyang tinawanan ni Sam.
“For sure, you’ll be surprised” Masayang tugon ni Sam na siyang kinainis ni Keith. Hindi na ito muling nagsalita pa at nagpasiyang lisanin ang lugar kasama sina Rin at Ran.
Ang ilan sa mga tauhan ni Keith ay naiwan upang linisin ang crime scene. Kasama dito ang paglalagay nila sa daan-daang katao sa loob ng mga body bag. Malakas ang aking pagtutol na galawin nila ang katawan ng yumao kong ama dahil nais kong ako ang umasikaso sa mga labi nito. Sa tulong ni Sam ay naidala sa isang sekretong clinic si Gon upang gamutin. Hindi daw namin siya pwedeng dalhin sa ospital dahil maaaring magsanhi pa ito ng suspetya ng mga doktor sa totoong nangyari kay Gon. Kasabay nang paghatid kay Gon sa clinic ay siya ring paglagay sa katawan ni daddy sa loob ng isang malaking freezer upang mapreserve ang kaniyang katawan habang inaasikaso pa ang magiging pekeng dahilan ng kaniyang pagkamatay. Sobrang gulong gulo ng isip ko ngayon at hindi ko malaman ang dapat gawin. Mabuti na lang at nariyan si Sam upang umasikaso sa lahat. Mula sa pagpapagamot kina Gon hanggang sa pag-asikaso sa labi ng aking ama.
Madaling araw na nang makita ko si Sam na naghahanda upang lisanin ang clinic. Hindi ko talaga mapigilang ikumpara ang kanilang pagkatao ni Kuya Eisen. Sobrang laki ng pagkakahawig nila sa isa’t isa na halos mapagkakamalan mong kambal silang dalawa. Napansin niya siguro na kanina pa ako nakatingin sa kaniya kaya bago pa man siya umalis ay lumapit muna ito sa akin.
“Sa tingin mo ba ako pa rin si Eisen?” Tanong niya habang pilit niyang ginagaya ang boses ni kuya. Kung sa tipikal na pagkakataon ay malamang tumawa na ako sa uri ng kaniyang pagbibiro. Sa dami ng nangyari sa kagabi ay hanggang pagngiti na lang ang naigawad ko. Matagal akong nakatitig sa kaniya habang nag-iisip ng sasabihin ngunit ni isang salita ay walang lumalabas sa aking bibig.
“Siguro ay iniisip mo kung bakit ko ginawa ang lahat ng mga ito gayong pwede naman ako kumita ng malaking halaga kapalit ng impormasyong meron ako?” Nagulat ako ngunit tanging pagtango na lang ang naging tugon ko sa pagkakabasa niya sa aking isipan.
“Unang una ay ginawa ko ito hindi dahil sa gusto ko kayong tulungan. Ginawa ko ang lahat ng ito para sa nakakabata kong kapatid na nag-iisa mong pinsan” Sambit niya na binigyang diin pa ang mga salitang nag-iisang pinsan.
“Wala na akong kinikilalang pamilya maliban sa nag-iisa kong kapatid nang tahakin ko ang landas na ito. Ginagawa ko ang lahat nang ito upang maprotektahan siya mula sa organisasyon” Saad niya na lalong pumukaw sa aking kuryusidad.
“Anong kinalaman ni kuya sa organisasyon?” Mabilis kong tanong na siya ring kauna-unahang salitang nabanggit ko simula nang lumapit siya sa akin.
“Mahilig sa menor de edad na lalaki si Keith at ang isa sa mga tipo niya ay kagaya ng iyong pinsan” Sambit niya na lalong nagpagulo sa aking isipan.
“Nasa grade school pa lang si Eisen noon nang una siyang makita ni Keith na kung saan nakuha niya agad ang interes nito. Hindi pa siya ganap na lider noon nang organisasyon kaya wala siyang kapangyarihan upang maipasok ang aking kapatid sa organisasyon. Ngunit ngayon ay gagawin niya ang lahat upang mapasok sa organisasyon si Eisen” Dugtong pa niya na mas lalo kong hindi naiintindihan.
“Hindi na po menor de edad si kuya at saka nasa organisasyon na po kayo” Sabat ko na kaniyang inilingan.
“Ang buong akala namin ni mama ay titigil din siya kapag tumungtong na si Eisen sa hustong gulang ngunit hanggang ngayon ay malaki pa rin ang interes niya sa aking kapatid. Apelyido ni papa ang ginagamit ko at Fuentes naman ang kay Eisen. Binago namin ang dinadala niyang apelyido hindi lang dahil sa tinatago namin siya mula kay Barry. Isa pa sa dahilan namin ni mama ay ang mailayo si Eisen mula sa organisasyon dahil kung sakali mang masawi ako ay hindi si Eisen ang papalit sa aking katayuan sa organisasyon dahil hindi naman Fuentegilio ang kaniyang dinadalang apelyido. Hindi pa namin alam na kabilang si Tito Kendrick sa organisasyon nang palitan namin ang apelyido ni Eisen kaya ang apelyido ni mama ang ginamit namin” Tugon niya at tila unti-unti ko nang nauunawaan kung bakit niya ako niligtas kahit na hindi niya pa ito nababanggit.
“Nasa huling habilin ni papa na ilayo namin si Eisen sa organisasyon at yun ang patuloy kong ginagampaman. Kaya naman matagal na akong nagmamanman sa loob at labas ng inyong tahanan. May mga mata ako sa loob ng bahay niyo kaya alam ko ang mga nangyayari sa loob nito. Nang malaman kong ginamitan ng pampatulog si Eisen ay kaagad akong nagtungo sa lugar na ito. Hindi lihim ang pagtitipon na ito sa organisasyon kaya marami ang nakakaalam nito. Sinalba ko ang buhay mo at pansamantalang nilayo sa organisasyon para sa kaligtasan ng aking kapatid. Isipin mo, sa pagkamatay ng iyong ama ay ikaw ang magpapatuloy sa kaniyang sinimulan sa organisasyon. Sa sandaling masawi ka bilang baguhang miyembro.. sa tingin mo sino ang papalit sayo?”
Kahit na hindi niya banggitin ito ay nakuha ko na agad ang kaniyang dahilan kung bakit niya ako niligtas. Napagtanto ko na sa sandaling mamatay ako ay si Kuya Eisen ang papalit sa akin kaya naman ginawa ni Sam ang lahat upang hindi ito maisakatuparan. Hindi pa man ako nakakasagot ay muli na siyang nagsalita.
“Ganun katuso ang mga tao sa loob ng organisasyon. Matiyagang naghintay ng kahinaan at pagkakataon si Keith upang mabagsak ang iyong ama kaya ito nangyayari” Hindi ko alam kung bakit sa loob-loob ko ay sinisisi ko si Kuya kung bakit nasawi ang aking ama. Kung hindi dahil sa pagkahumaling sa kaniya ni Keith ay malamang buhay pa sana si daddy ngayon.
“May pagkakataon kang isalba si daddy, bakit hindi mo ito ginawa?” Hindi ko mapigilang itanong dahil sa labis na hinanakit na aking nadarama.
“Bago kita sagutin ay tatanungin din kita. Para sayo sino ang mas matimbang ang daddy mo o si Gon?” Nang banggitin niya yun ay muli akong hindi nakapagsalita dahil sa katunayan ay pipiliin ko si Gon pero hindi ko naman hahangaring mapahamak ang ama ko.
“Dalawa lang ang pwede kong hilingin kay Keith kapalit ng impormasyong meron ako. Kapag pinili ko ang kaligtasan ng ama mo ay mapapatawan siya ng seklusyon dahil sa kaalaman mo tungkol sa organisasyon. Hinding hindi ko mahihiling ang kaligtasan ni Gon sa pangalawa kong hiling dahil si Prescilla ang pinatawan ni Keith ng seklusyon. Kaya naman, ang tanging magaganap ay katulad ng nangyari sa inyo ng daddy mo yun ay ang kung sino ang matitira ay siyang maliligtas. Sa tingin mo ba makakalaban si Gon sa kalagayan niyang iyon at sa tingin mo ba magpaparaya si Urelio para sa kaniyang anak matapos niyang magtago nang matagal upang makaganti sa daddy mo?”
Tugon niya na lalong nagpalumo sa akin. Kung ako ang nasa katayuan ni Sam ay malamang mahihirapan akong timbangin kung sino ang aking isasalba. Hindi ko rin mapigilang sisihin ang aking sarili dahil kung nag-ingat lang ako ay malamang hindi namatay ngayon si daddy ngunit kung hindi naman ako dumating ay malamang si Gon naman ang nasawi.
“Sa dinami-dami ng miyembro ng organisasyon bakit si Mang Arthur o si Urelio pa ang napili mong pagpasahan ng yaman at katungkulan ni daddy? Ginagawa mo ba to para parusahan ako lalo?” Inis kong tugon at bigla na lang akong nakaramdam ng malakas na pagbatok mula sa kaniya.
“Hindi mo pa rin nauunawaan eh noh? Nilipat ko ang katungkulan ng iyong ama sa kaniya upang mailigtas ka mula sa organisasyon dahil kapag pumasok ka na sa under world ay hindi muna pwedeng makasalamuha si Gon. Sa tingin mo ba pinili kong malayo sa kapatid ko? Pinili ko siyang pumalit kay Tito Kendrick dahil alam kong handa siyang gawin ang lahat upang mabuhay gaya ng pag-iwan niya sa kaniyang mga anak upang magtago. Madiskarte at maraming nalalaman si Urelio sa under world kaya hanggang ngayon ay buhay pa rin siya. Hangang nabubuhay siya ay hindi maipapasa sayo ang responsibilidad ng ama mo at lalong malalayo sa kapatid ko ang organisasyong ito”
Lubusan kong naintindihan ang kaniyang sinabi ngunit masama pa rin sa loob ko na ang tao sa likod ng pagkamatay ng aking ama ang siyang makikinabang sa mga bagay na pinaghirapan nito. Alam kong magiging parusa sa kaniya ang madaming banta sa kaniya buhay dahil sa kagustuhang maipasok ni Keith si Kuya Eisen sa organisasyon.
“Wala tayong magagawa kundi harapin ang pagsubok na ito. Nagmula tayo sa pamilyang may koneksyon sa illegal na kabuhayan kaya natural lang na pagbabayaran natin ang magiging hatol nito” Sambit ni Sam nang tumagal ang aking pananahimik.
“Ano ba ang laman ng mga flash drives na yun at bakit daan daang milyong piso ang halaga nito?” Hindi ko mapigilang itanong at bigla na lang siyang tumayo mula sa kaniyang kinauupuan.
“Hindi mo na kailangang malaman. Kung ang iba ay nasa hukay na ang kanilang mga binti nang pasukin nila ang organisasyon. Ang buong pagkatao ko naman ay nasa impyerno na habang naglalakad ako sa dito sa mundo” Tugon niya na nasundan pa ng pagkindat.
“Ang tanging hiling ko lang sayo ay masiguro mo ang kaligtasan ng aking kapatid. Hindi ko sinuko ang aking sarili sa mga pulis dahil sa nakonsensya ako sa nangyari sa kaniya at sa kaniyang nobyo. Dahil sa loob ng preso ay mas madali akong nakakasagap ng impormasyon at mas matatag ang proteksyon ko laban sa aking mga kaaway. Ikaw lang ang inaasahan kong aagapay sa kaniya ngayon habang ako ay magsisilbi niyong proteksyon mula sa organisasyon” Tanging pagtango lang ang aking naging tugon sa mga bagay na kaniyang nilahad. Paulit-ulit na tumutunog ang kaniyang cellphone na hindi niya binibigyan ng pansin.
“Kinakailangan ko nang bumalik sa kulungan dahil preso ako sa umaga. Pagsapit lang ng gabi ako nagiging Free woman. Sana ito na ang huli nating pagtatagpo dahil sa susunod na magkrus ang landas natin ay maaaring susunod ka na sa yapak ng ama mo” Sambit niya bago siya tuluyang lumisan.
Hindi lubusang malinaw sa akin kung gaano kalakas ang impluwensiya ni Sam sa loob ng organisasyon at nagagawa niyang maglabas masok sa kulungan. Sobra akong nahihiwagaan sa kaniyang pagkatao dahil minsan ay hindi ko mapagtanto kung alin sa kaniyang mga sinasabi ang totoo at hindi. Sa paglisan niya ay muli akong bumalik sa kwarto kung saan kasalukuyang nagpapahinga si Gon. Balot na balot ng mga benda ang kaniyang talampakan hanggang sa kaniyang mga hita. Labis ang awa na aking nadarama sa tuwing masisilayan ko ang kaniyang kalagayan. Hinawi ko ang buhok na nakatakip sa kaniyang noo at binigyan ito ng halik bago ko tuluyang lisanin ang lugar.
Bago pa man ako makaalis sa clinic ay hinarang ako ni Urelio at sinabing nakahanda na raw ang lahat sa pag-uwi ko. Mabilis nabalitaan ng mga tauhan ni daddy ang kaniyang pagkamatay at mabilis ring nalipat kay Urelio ang pamamahala sa mga ito. Palalabasin nila na magdamag akong natulog sa aking kwarto upang magiging alibi ko sa pekeng imbestigasyong magaganap. Wala akong naging tugon sa kaniya kundi pagtango lang ang aking tugon habang patuloy siyang nagsasalita. Sa sandaling lumapat ang kaniyang kamay sa aking balikat ay kaagad ko siyang binigyan ng malakas na suntok sa kaniyang mukha. Kaagad siyang natumba sa sahig habang hawak-hawak niya ang nagdurugong ilong. Wala akong pakialam kong ama pa siya ng minamahal ko dahil alam kong hindi siya karapat-dapat na tawaging ama sa kabila ng kaniyang mga nagawa. Kulang pa nga ito sa panloloko niya na ginawa sa amin ni daddy.
Matapos kong bigyan ng malakas na suntok si Urelio ay kaagad akong lumabas sa lumang building na may lihim na clinic sa loob. Nag-abang ako ng taxi sa may kanto upang makauwi at ipahinga ang sarili. Halos hindi na ako makapag-isip nang husto dahil sa pinaghalong pagod at antok. Hindi ko lubusang maipikit ang aking mga mata sa loob ng taxi dahil sa pamamaga nito. Sinandal ko na lang ang aking ulo habang nakatingin ako sa bintana ng sasakyan. Patuloy ang pagtakbo nito habang ako ay nakatingin sa kawalan. Halos sigawan na ako ng driver nang hindi ko nagawang tugunan ang kaniyang pagtawag dahil hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay. Aking hinubad ang suot kong gintong kwintas upang ipangbayad sa kaniya dahil wala na akong pera. Narinig ko pa itong nagmura bago umalis dahil sa binayad ko sa kaniya. Kung malalaman niya lang ang halaga nito ay tiyak na magpapasalamat pa siya.
Bago pa man ako tuluyang pumasok sa aming tahanan ay aking pinagmasdan ang tahanang aking kinalakihan. Ang daming alaala sa akin na bumabalik kasama ang aking ama. Sa pagpasok ko ay naging tahimik ang buong bahay kahit na napakaraming tao ang naririto. Gamit ang kanilang pagyuko ay nagawa nila akong batiin at marahil ay paraan na rin nila ito ng pakikiramay. Nagawa kong libutin ang buong bahay upang sariwain ang mga alaalang nabuo rito dahil alam kong bilang na lang ang pananatili namin dito. Labis na kalungkutan ang aking nadarama lalong lalo na nang dalawin ko ang opisina ni daddy. Hindi ko mapigilang maging emosyonal nang makita ko ang kaniyang larawan. Gaano man kabigat ang aking nadarama ngayon ay hindi ko pa rin magawang lumuha dahil tila nailabas ko na ang lahat ng ito kagabi.
Nagawa pa akong alukin ng mga katulong na kumain ngunit kaagad ko itong tinanggihan dahil sa kawalan ko ng gana. Minabuti ko muna na matulog sa aking kwarto upang kahit papano ay mapawi ang pagod na aking nadarama. Nais ko ring ipahinga ang aking sarili mula sa walang katapusang pag-iisip ng mga bagay-bagay. Bago pa man ako magtungo sa aking kwarto ay muli kong sinilip ang aking pinsan na ngayo’y mahimbing pa rin ang pagkakatulog. Labis ang inggit na aking nadarama dahil wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari. Habang ako ay unti unting nilalamon ng sarili kong isipan. Pagbalik ko sa aking silid ay kaagad akong dumapa sa ibabaw ng aking kama at pinilit makatulog. Tila ayaw akong lubayan ng mga bagay na patuloy na tumatakbo sa isip ko kaya halos isang oras akong nakahiga bago ako nakaramdam ng antok at tuluyang nakatulog.
Nagising na lang ako nang makarinig ng malakas na pagkatok mula sa aking pinto. Tumingin ako sa orasan at napagtanto na nakatulog din ako ng limang oras. Halos nakapikit pa rin ang aking mga mata habang binabaybay ang daan patungo sa pinto upang pagbuksan ang sino mang gumambala sa aking pagtulog. Pagbukas ko ng pinto ay kaagad na sumambulat sa akin ang aking pinsan na halos namamaga na ang mata sa pag-iyak. Nauutal-utal pa siya nang banggitin niya sa akin ang tungkol sa pagkamatay ng aking ama na hindi ko na ikinagulat. Ang tanging nagpabigla sa akin ay ang kaniyang pagyakap habang patuloy itong umiiyak. Muling nanumbalik ang kalungkutang nadarama ko kagabi na siyang naging dahilan upang muli akong lumuha. Ang luha na akala ko ay naubos na ay muli na namang bumuhos sa aking mukha.
Makalipas ang isang araw matapos ang pekeng pagsusuri sa katawan ng aking ama ay kaagad naisagawa ang lamay. Iilan lang sa mga kakilala niya ang dumalo sa unang lamay dahil pinalabas na siya ang sinisisi sa pagkamatay ng daan-daang katao sa loob ng eskwelahan. Pinalabas nila na namatay ang mga ito nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki habang nagdidiwang sila ng Alumni party. Sinisisi nila ang kakulangan ng sekyuridad sa eskwelahan kaya naganap ang karumal dumal na krimen. Naging tikom ang aking bibig sa tunay na nangyari dahil alam kong mapupunta sa wala ang pagkasawi ni daddy kapag hinayag ko ang totoong nangyari. Wala akong kapangyarihan upang labanan ang organisasyon ngunit pinapangako ko sa aking sarili na darating ang araw na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni daddy.
Apat na araw lang ang tinagal ng lamay at kaagad na nilibing si daddy. Hindi nagawang makadalo ni Gon sa lamay at libing ni daddy dahil kasalukuyang nanatili pa rin siya sa clinic at nagpapagaling. Maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya labis ang panghihina ng katawan nito kaya napatagal ang kaniyang paggaling. Hindi ko na nagawang sagutin ang kaniyang mga tawag at hindi ko rin magawang magreply sa kaniyang mga text messages noong bumuti na ang kaniyang kalagayan. Hindi dahil sa wala na akong nararamdaman, yun ay dahil hindi ko alam kung papano namin haharapin ang isa’t isa matapos ang trahedya na to. Masyadong magulo pa rin ang isip ko at madalas mag-init ang aking ulo na maaaring hindi makabuti sa aming relasyon kaya pinilit ko munang lumayo sa kaniya. Kahit na ganon pa man ay nirespeto niya ang aking desisyon ngunit araw-araw siyang nagpapadala ng mensahe upang humingi ng tawad sa nagawa ng kaniyang ama sa aming pamilya.
Sa sumunod na buwan ay nagsimula ang pekeng paglilitis na kung saan sobrang makatotohanan ang kanilang pag-iimbestiga. Ang hurado at ang mga abogado sa loob ng korte ay pawang mga tauhan ng organisasyon na kung saan ay nagsasagawa ng pekeng paglilitis sa mga ari-arian ni daddy. Nagawan nila ng alibi lahat ng pinagkukunang yaman ni daddy ay nagmula daw sa illegal na pasugalan at ang karamihan sa mga ari-arian niya ay si Urelio daw ang tunay na nagmamay-ari. Kung maaari lang sana akong lumaban ay magagawa kong sagutin at punain ang mga butas sa kanilang alibi ngunit nanatili akong tahimik upang makiayon sa paglilitis na ito. Tanging ang pinsan ko na si Kuya Eisen ang pilit na nilalaban ang kayamanan ng aking ama alang-alang sa aking kinabukasan.
Gaya ng inaasahan ko ay mabilis natapos ang paglilitis na tumagal lang ng halos isang buwan. Binigyan kami ng tatlong araw upang lisanin ang bahay at napilitang mangupahan sa maliit na apartment. Halos wala akong nadalang bagay na mapakikinabangan ko dahil karamihan sa mga ito ay kinamkam nila bilang pag-aari ni Urelio. Simula sa mamahalin kong gaming console hanggang sa aking kotse ay naging pag-aari ni Urelio. Mabuti na lang at mayroong savings si Kuya Eisen na matagal niya nang napag-ipunan bago pa man siya dumating sa aming tahanan. Ito ang tumulong sa amin upang makapagsimula ng panibagong buhay. Ninais kong tumigil muna sa pag-aaral ngunit labis ang pagtutol ni kuya dahil gusto niyang makapagtapos kaming dalawa.
Ayon sa kaniya ay may sapat na pera siya panggastos sa buong taon naming renta at sa iba pang bayarin. Ang kinakailangan lang naming paghirapan ay ang pagkukunan namin ng ibabayad para sa aming tuition. Isang taon na lang ay magtatapos na sa kolehiyo si kuya kaya labis-labis ang pagsusumikap niya na maitaguyod ang kaniyang pag-aaral. Doble-doble ang naging part time job niya upang masiguro na sapat ang aming pera para sa pang araw-araw na gastusin. Gaya niya ay nagsumikap din akong magtrabaho sa iilang fast food chain upang may magamit na pera para sa aking pag-aaral. Ngunit kahit anong pagpupursige ko ay hindi naging sapat ang aking kinikita para matustusan ang aking pag-aaral. Mabuti na lang at nariyan lagi si kuya para isalba ako sa mga dapat kong bayaran sa eskwela. Sobra kaming naging abala sa trabaho at pag-aaral kaya minsan ay halos hindi na kami nakakapag-usap. Isang araw ay nakita ko siyang nakayuko sa ibabaw ng mesa habang may nakahaing noodles na lumamig na. Marahil ay nakatulugan niya ito habang nag-aantay na lumambot ang noodles sa mainit na tubig. Sa pagkakataong iyon ay labis akong nakonsensya dahil nagawa ko siyang sisihin sa pagkamatay ni daddy gayong ginagawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya para sa aming dalawa. Niyakap ko siya mula sa kaniyang likuran at paulit ulit na humihingi ng tawad habang ako ay umiiyak.
Sumapit ang bakasyon ngunit mas lalong naging abala ako dahil naging full time na ako sa fast food chain na aking pinagtatrabahuhan. Madalas akong umuwi na pagod o kaya naman nakakalimutan nang kumain at dumiderecho na lamang sa pagtulog. Isang umaga nang magising ako mula sa panaginip na totoong nangyari bago mamatay si daddy. Ito yung sandali na nakatutok ang kaniyang baril sa aking sintido habang mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay upang itutok sa kaniya ang baril.
“ Anak, sana ay dumating ang araw na mapatawad mo si daddy. Alam kong hindi ako naging mabuting magulang sayo at marami akong naging pagkukulang para sa iyo. Naging makasarili man ako sa mga naging desisyon ko ay hinding hindi ko hinangad na mapahamak ka. Sa pagkakataong ito ay nais kong ipaalam sayo na mahal na mahal ka ni daddy. Lagi mong tatandaan na ikaw ang pinaka mahalagang regalong dumating sa akin. Huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo sa pagkawala ni daddy dahil sa pagkakataong ito ay mas nais kong mamatay nang dahil sayo kaysa maghirap sa kamay ng iba”
Habang sinasariwa ko ang mga nangyari ay muling pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Muling nanumbalik sa akin ang sandali kung papano niya sinimulan ang pagbibilang hanggang sa pilit niyang pagtulak sa aking daliri upang makalabit ko ang gatilyo ng baril. Kahit ninais niyang mangyari ito ay hindi ko pa rin maiwasang sisihin ang aking sarili sa kaniyang pagpanaw. Isa hanggang dalawang beses sa isang buwan ko siyang dinadalaw sa kaniyang puntod upang siya ay kausapin at humingi ng tawad. Sa tuwing ginagawa ko ito ay tila ba nababawasan ang bigat na nadarama ko sa tuwing nakukwento ko sa kaniya ang mga nangyayari sa aking buhay. Naghirap man kami noong nawala siya ay naging daan naman ito upang mas bumuti akong tao na kung saan ay natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Araw-araw akong natututo na siyang na siyang nagpapatibay sa aking pagkatao.
Halos anim na buwan rin kaming hindi nagkita ni Gon at sa loob ng mga buwang ito ay hindi ko man lang nagawang kamustahin siya. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na makipagkita sa kaniya ngunit sa pagkakataong ito ay nakapagdesisyon na ako na makipaghiwalay sa kaniya. Nais kong kalimutan ang masasakit na aalaala na nangyari sa aming dalawa at nais kong magfocus kami sa aming mga sarili. Ipagpapasa diyos ko na lang kung muli kaming pagtatagpuin matapos maghilom ang mga sugat sa aming damdamin. Nasasabi ko ito hindi dahil sa wala na akong nararamdaman sa kaniya. Ang tanging hangad ko lang ay mapabuti ang aming kinabukasan at tuluyang mapagaling ang aming damdamin mula sa naging sugat ng aming nakaraan. At kung mabibigyan ng pagkakataon ang aming relasyon ay muli naming mamahalin ang isa’t isa na walang bigat na dinadala.
Handang handa na akong sabihin sa kaniya ang lahat ng ito at ang tanging hindi ko napaghandaan ay ang pagbuhos ng ulan. Wala akong dalang payong habang nag-aantay sa lugar na aming pinag-usapan. Wala akong masilungan kaya naman kinuha ko ang aking cellphone upang tawagan siya. Bago ko pa man matawagan ang kaniyang numero ay bigla ko na lang narinig ang pagtawag niya sa aking pangalan.
“Lance”
Malumanay niyang pagtawag sa aking pangalan. Sa aking paglingon ay muli kong nasilayan ang mukha ng taong pinakamamahal ko. Ang mukha ng taong nagpabago sa pananaw ko sa buhay. Ang mukha ng taong nagbigay ng dahilan upang maging masaya akong muli. Sinabi ko sa sarili ko na handa na akong makipaghiwalay para sa ikabubuti naming dalawa ngunit sa sandaling makita ko ang matamis niyang ngiti ay unti-unting nanumbalik ang pakiramdam kung papano ako labis na nahumaling sa kaniya. Hindi ko napigilan ang aking sarili na lumapit upang mayakap ang kaniyang katawan at bago pa man siya makapagsalita ay nagawa kong halikan ang kaniyang mga labi. Ramdam ko ang pagprotesta niya dahil marahan niya akong tinutulak sapagkat nasa mataong lugar kami ngayon na hindi ko binigyang pansin. Ang kaniyang pagtulak ay unti-unti nahinto hanggang sa mabitawan na niya ang payong na kaniyang hawak-hawak upang tugunan ang aking paghalik.
Itutuloy…
A/N
:
OMG, 8345 words!
Facts :
• Ang ama ni Eisen ay miyembro ng 7DS at pati na rin si Barry Wells. (May nagmana sa posisyon ng kanilang ama pero sekreto pa kung sino sa magkakapatid)
• Nakasaad sa Special Chapter ng Living with my step brothers ang pag-angkin ni Mang Arthur/Urelio sa mga ari-arian ni Kendrick.
• Ang kwento ng 7DS ay nagmula sa istorya ko noong nasa college pa lamang ako. Tatlo sa aming magkakaibigan ang mahilig magdrawing tapos naisipan naming magkaroon ng paligsahan sa paggawa ng sariling MANGA/COMICS na kami ang bibida. Ang naisipan kong gawin ay gumawa ng babaeng version naming magkakaibigan na kung saan ay may kaniya-kaniyang masamang karanasan mula sa organisasyon kaya bumuo sila ng grupo upang isa-isang patumbahin ang mga lider ng organasasyong ito. Mala Charlie’s Angel ang datingan kumbaga pero pinag iisipan ko pa kung magagawan ko sila ng sariling kwento.
• Magkakaroon ng 3 special chapters ang TCOFK kapag natapos na ang kwento. 1st Special chapter ay nakafocus sa muling pagsasama ni Gon at Lance bago mangyari ang pagdakip ni Kendrick kay Gon. 2nd Special chapter ay nakafocus sa paghihirap nila bilang working student at kung papano sila natulungan ni Jethro. 3rd Chapter ay nakafocus sa pamumuhay nila bilang live in partner.
At heto na nga ang pinakahihintay niyo, ang nanalo ng P500 ay walang iba kundi si JonaldRoldan . Please message me kung papano mo makiclaim ang iyong prize.
Sobrang stressed ko nitong mga nakaraang araw kaya hirap akong makapagsulat. Hindi ko alam kung bakit sumakto kung kelan dalawang chapters na lang ang natitira. Ngayong naupload ko na ito ay iisang chapter na lang para makompleto ko ang istorya.
Maraming salamat
Chapter 45: Finale
Gunter’s POV
Halos kakatapos lang ng shift ko sa isang coffee shop na aking pinapasukan nang mabasa ko ang text message ni Lance na naroon na raw siya sa lugar kung saan namin napag-usapang magkita. Kay tagal ko ring inantay ang pagkakataong ito na muli kaming makapag-usap. Matapos mamatay ang kaniyang ama ay hindi na kami nakapag-usap nang maayos. Halos hindi ako makapaniwala sa aking mga nalaman tungkol sa aming mga magulang. Simula pagkabata ay alam kong matagal nang namatay ang aking ama kaya laking gulat ko nang malamang buhay pa ito. Sadyang hindi ko matanggap ang bagay na kaniyang nagawa kay Lance at sa daddy nito. Sukang suka ako sa mga nagawa niya kaya kahit anong paghingi niya ng tawad ay hindi ko siya magawang mapatawad. Gaya ng kinagisnan ko ay mananatili na siyang patay sa aking alaala.
Sadyang nakakalungkot lang na wala ako sa tabi ni Lance sa mga sandaling kailangan na kailangan niya ng masasandalan. Sa mga sandaling iyon ay wala akong malay at patuloy na nagpapagaling sa mga sugat na aking tinamo. Isa rin sa hindi ko inaasahang malaman ay ang pagiging kasapi ni Ate Pritz sa organisasyong kinabibilangan ng aking ama at daddy ni Lance. Sa kaniyang pag-amin ay hinayag niya na hinikayat siyang sumali ng ina ni Kuya Eisen upang maging mata at tenga sa loob ng organisasyon habang ang kaniyang anak na babae ay nanatili sa mansyon ng mga Wells. Ito rind aw ang kaniyang paraan upang malaman ang totoong nangyari sa aming mga magulang ngunit kagaya ko ay wala rin daw siyang kaalam-alam na nabubuhay pa rin ang aming ama.
Sa pagkasangkot ko sa organisasyon ay napatawan raw siya ng seklusyon na kung saan ay pagbabawalan na siya ng organisasyon na makipagkita sa akin at sa iba pang malalapit sa kaniya. Hindi ko raw pwedeng ipagsabi ang tungkol sa kanilang organisasyon dahil kamatayan ang magiging kapalit nito sa amin. Hindi kagaya ng aking ama ay mas naiintindihan ko ang kalagayan ng aking ate. Kung ako ang nasa katayuan niya ay mapipilitan rin akong sumali sa organisasyon upang mabigyan ng proteksyon ang pamilya at kumita ng sapat para sa aming kinabukasan. Ang hindi lang kagandahan nito ay mula sa ilegal na paraan ang kaniyang pinagkukunan ng aming ikakabuhay.
Nabanggit niya pa na maaari raw kaming ipapatay ng mga kamag-anak namin na nais pumasok sa organisasyon kapag hindi niya tinanggap ang posisyon. Rodriguez ang tunay naming apelyido na siyang binago lang ng aming ama upang maitago kami sa ama ni Lance. Matagal na raw niyang alam ang tungkol sa tunay naming apelyido maliban sa tunay nitong dahilan hanggang sa lumalim ang pag-iimbestiga niya sa pagkawala ng aming mga magulang.
Ngayon ay sinusubukan kong mamuhay nang mag-isa sa loob ng isang maliit na apartment na may kalayuan sa aking pinapasukang paaralan. Ito na kasi ang pinakamurang apartment na pwede kong matuluyan na mapagkakasiya ko mula sa aking sinasahod. Hindi kasi naging maganda ang karanasan ko noong sinubukan kong mag dorm na kung saan ay may kahati ako sa silid na aking tinutuluyan. May mga pagkakataong muntikan na akong pagsamantalahan ng aking ka roommate kaya nagpasiya na lang ako na kumuha ng murang apartment. Hindi ko naman na inaalala ang ipangbabayad ko sa aking tuition fee dahil nabayaran na ni Ate Pritz ang kabuoang halaga nito hanggang sa pagtatapos ko. Ayon sa kaniya ay siya raw talaga ang nagbabayad ng tuition fee ko at hindi si Tito Kendrick. Tanging pagtira ko lang sa kaniyang condo ang napagkasunduan nila ni Ate Pritz. Nagawa na raw niyang bayaran ang kabuong halaga ng tuition ko upang masiguro na makapagtapos ako.
Mabigat man sa aking kalooban na malamang nagmula sa ilegal na paraan ang perang tumutustos sa aking pag-aaral ay tinanggap ko pa rin ito. Triplehin ko man ang aking paghahanap buhay ay hindi ko magagawang makalikom ng pera na maipambabayad sa aking pag-aaral. Nangako ako sa aking sarili na ibabalik ko sa kawang gawa ang perang nagamit sa aking pag-aaral sa sandaling makapagtapos ako at magkaroon ng maayos na hanap buhay. Sa ngayon ay kinakailangan kong magsumikap na magkaroon ng perang magagamit sa pang araw-araw kong gastusin at sa iba pang bayarin.
Matapos ang ilang sandali kong pagmumuni-muni ay tuluyan kong nilisan ang coffee shop na aking pinapasukan. Hindi ko pwedeng pag-antayin ng matagal si Lance dahil sa loob ng anim na buwan ay ngayon pa lamang siya pumayag na makipagkita sa akin. Halos araw-araw ko siyang sinuyo at humingi ng tawad sa mga nagawa ng aking ama sa kanilang pamilya. Naiintindihan ko ang kaniyang nararamdaman kaya hinayaan ko siyang makapag-isip dahil ayoko ring masakal siya sa aming relasyon gayong hirap pa siyang kalimutan ang nangyari sa kaniyang ama.
May halong kaba sa aking dibdib sa muli naming pagkikita. Hindi ko alam kung magiging maganda ang kalalabasan ng muli naming pagkikita. Handa naman ako sa mga masasakit na salitang pwede niyang sabihin sa akin. Hindi ko siya masisisi kung magagawa niyang magalit sa akin dahil sa nagawa ng aking ama. Lahat-lahat na pwede niyang isumbat sa akin ay nagawa ko nang paghandaan. Ang tanging hindi ko lang kayang mangyari ay ang makipaghiwalay siya sa akin. Gagawin ko ang lahat upang muli kong makuha ang kaniyang loob hanggang sa maibalik ko ang dati naming pagmamahalan.
Napahinto ako sa aking paglalakad nang maramdaman ko ang mahinang pagbuhos ng ulan. Mabilis kong kinuha ang payong mula sa aking bag at kaagad na binuksan ito. Lalo kong binilisan ang paglalakad dahil unti-unting lumalakas ang pagbuhos ng ulan. Maaaring mabasa ng ulan si Lance dahil alam kong hindi siya mahilig magdala ng payong kahit na sa panahong tag-ulan. Kaagad kong natunton ang lugar kung saan kami magkikita at mula sa aking kinatatayuan ay nakita ko siyang nakatalikod sa akin. Wala pa ring pagbabago sa kaniya na kung saan ay ang lakas-lakas pa rin ng kaniyang dating kahit na simple lang ang kasuotan nito. Hindi ko alam kung bakit ako biglang dinaga at nag-alangan pa ako sa paglapit sa kaniya. Lalong lumakas ang pagbuhos ng ulan at tuluyan siyang nabasa dahil wala siyang masilungan. Hindi na ako nag-atubiling lumapit sa kaniya dahil baka magkasakit pa siya sa pananatili niya rito. Sa paglapit ko sa kaniyang kinaroroonan ay nagawa niya pang bumunot ng cellphone, marahil ay susubukan niya akong tawagan kaya naman inunahan ko na ito sa pagtawag ng kaniyang pangalan.
“Lance”
Malumanay kong pagtawag na siyang pumukaw sa kaniyang atensyon. Tila napatigil pa siya sa kaniyang kinatatayuan nang magkaharap kaming dalawa. Muli akong nakaramdam ng kaba dahil sa uri ng kaniyang pagtingin sa akin. Pinilit kong ngumiti upang mapagaan ang sitwasyon ngunit laking gulat ko nang bigla niya akong yakapin. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging tagpo namin dahil base sa pag-iwas niya sa aking mga mensahe ay inaasahan kong malamig ang pakikitungo niya sa akin. Muli ko sana siyang babatiin ngunit bigla na lang niya akong hinalikan sa aking labi. Marahan ko siyang tinulak hindi dahil sa ayaw ko ang kaniyang ginagawa, yun ay dahil sa nasa matao kaming lugar ngayon. Kahit na tinutulak ko na siya upang mahinto ang kaniyang ginagawang paghalik sa akin ay hindi pa rin ito natinag at habang tumatagal ay unti-unti akong nadala sa kaniyang mainit na halik. Kay tagal na rin nang huli kong maranasan ang mahalikan niya at sa pagkakataong ito ay hindi ko na binigyang pansin ang mga taong nakapalibot sa amin.
Nag-uumapaw ang saya na aking nadarama sa aking dibdib. Tila ba may mga bagay na kumikiliti sa aking damdamin at nais kumawala dahil sa matagal na pagkakakulong nito. Hindi ko mapigilang mapangiti habang kami ay patuloy na naghahalikan. Ang sandali ay naging tahimik na para bang kami na lang ang taong natitira sa mundo habang bumubuhos ang ulan. Ang masayang sandaling ito ay bigla na lang natigil nang marinig namin ang malakas na hiyaw ng isang babae. Nakahawak pa sa aking pisngi si Lance nang lingunin namin ang pinagmulan ng ingay. Nakita namin ang dalawang babaeng magkayakap na hindi kalayuan sa aming harapan. Ang kanilang mga mukha ay punong puno ng saya habang nakatingin sa aming dalawa ni Lance. Bigla akong nakaramdam ng labis na hiya lalo na’t sa maikling sandali ay dumami ang mga taong nakatingin sa amin ni Lance.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang makita kung papano nabitawan ng isang ginang ang kaniyang hawak na payong habang nakatingin sa amin ni Lance. Bigla na lang akong napayuko dahil sa kahihiyang nadarama ngunit itong si Lance ay tila hindi tinatablan ng kahihiyan dahil nanatili pa ring nakahawak ang kaniyang mga kamay sa aking mukha. Dahan-dahan niyang inangat ang aking mukha hanggang sa magkatapat ang aming mukha. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti na siyang nag-alis ng mga takot at pangamba ko. Hindi ko mapigilang mapaluha habang nakangiti. Hindi ko alam kung napansin niya ito dahil umagos na lamang ito kasabay ng patak ng ulang tumatama sa aking mukha.
Pinaglapit niya ang aming mga noo hanggang sa magdikit ang aming mga ilong. Paulit-ulit niyang binanggit sa akin ang salitang ‘I love you’ na naging dahilan para mas lalo akong maging emosyonal. Tutugon na sana ako sa kaniyang sinabi ngunit sa pangawalang pagkakataon ay siniil niya ako ng halik. Habang nakadikit ang kaniyang labi sa akin ay marahan niyang pinunasan ang aking mga luha gamit ang kaniyang mga hinlalaki. Muli kong narinig ang malakas na hiyawan na nasundan ng palakpakan mula sa aming paligid. Sa pagkakataong ito ay hindi na kami napatigil ng mga taong nasa paligid namin. Wala kaming naging pakialam sa kung ano man ang isipin ng iba sa aming relasyon dahil ang mahalaga sa amin ay ang maipadama kung gaano namin kamahal ang isa’t isa.
Sa pagkakataong tumigil si Lance sa paghalik sa akin ay muli niya akong ginawaran ng matamis na ngiti. Walang pasabi at bigla na lang niyang hinila ang aking kamay. Hinila niya ako palayo sa mga taong nakapalibot sa aming dalawa. Marahan kaming tumakbo na para bang mga batang naliligo sa ulan. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli na tumawa ako ng ganito. Halos araw-araw na pagpahid ng mga luha ang madalas kong gawin simula nang masangkot kami sa gulo ng aming mga magulang. Ang tangi kong hiling ngayon ay sana magtagal pa ang masasayang sandali na kagaya nito hanggang sa dumating ang araw na tuluyan na naming makalimutan ang sakit ng kahapon.
Patuloy kaming naglakad sa kung saan na hindi malaman kung may patutunguhan ba talaga. Sa pagkakataong ito ay ako naman ang humila sa kaniyang kamay upang gumabay sa aming patutunguhan. Lalong lumalakas ang buhos ng ulan at hindi kami maaaring magtagal sa ulanan dahil pwede kaming magkasakit. Hindi kalayuan mula sa aming kinatatayuan ang lugar kung saan ako nakatira kaya nagpagsiya akong dalhin si Lance sa apartment. Basang basa kami nang pumasok kami sa apartment. Mula sa gate ay may apat na pintong madadaanan bago marating ang sarili kong kwarto. Bago pa man kami tuluyang makarating sa aking kwarto ay kaagad akong pinaharap ni Lance sa kaniya at muling hinalikan sa labi. Mabuti na lang at walang tao sa paligid kaya naman hinayaan ko lang siya na halikan ako. Dahan-dahan akong naglakad paatras habang patuloy pa rin kaming naghahalikan hanggang sa mahawakan ko ang door knob. Ilang beses kong kinapa ang susi sa bulsa ng aking pantalon hanggang sa makuha ko ito. Pilit kong binubuksan ang pinto habang patuloy kami sa paghahalikan ni Lance. Nabigla na lang ako nang bumukas ang pinto nang hindi ko pa naipapasok ng husto ang susi.
“Sino ba–” Natigilan ang babaeng nagbukas ng pinto nang masaksihan niya ang paghahalikan namin ni Lance. Maging ako ay nabigla dahil sa pagiging mapusok namin ay nagkamali ako ng pinto na napuntahan.
“Sa-sa kabila yung kwarto mo Gunter” Nauutal na sambit ni Aira, siya ang pinaka kasundo ko dito sa apartment hindi lang dahil sa magkatabi ang aming kwarto. Yun ay dahil din sa sadyang masiyahin at palakaibigan ito kaya madali ko siyang nakasundo. Sadyang nakakahiya lang na masasaksihan niya kami ni Lance sa pagkakataong ito, kaya tanging pagtango na lang ang naging tugon ko sa kaniya at dahan dahang nagtungo sa kabilang pinto.
Nang mabuksan ko ang pinto ay kaagad kong pinauna si Lance sa loob at bago ko pa maisara ang pinto ay narinig ko ang malakas na pagtawa ni Aira. Napahawak na lang ako sa aking mukha matapos kong maisara ang pinto dahil sa labis na kahihiyan. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang mainit na pagdampi ng mga labi ni Lance sa aking mga kamay na kasalukuyang nakatakip sa aking mukha. Sa sandaling inalis ko ang mga ito ay aking nasilayan ang pangangatawan ni Lance na ngayo’y wala ng suot na pang-itaas. Nais niyang isunod sa paghubad ang kaniyang suot na pantalon ngunit nagawa ko siyang pigilan. Gusto ko sanang makabanlaw muna kami at makapagpailit nang hindi kami magkasakit.
“Gusto mo bang mabasa ang kama mo?” Tanong niya sa akin na sinagot ko ng pagkunot ng aking noo.
“Hinding hindi mo ako mapapahinto!” Dugtong niya at muli niyang siniil ng halik ang aking mga labi. Hindi ko mapigilang mapangiti sa pagitan ng aming halikan habang unti-unti kaming naglalakad patungo sa aking kama. Ako na mismo ang nagpatuloy sa paghuhubad ng kaniyang pantalon at siya rin ang naghubad ng aking mga damit. Sa pagkakataong kapwa na kami hubo’t hubad ay kaagad niya akong tinulak sa ibabaw ng aking kama at siya nama’y pumaibabaw sa akin.
“Six” Sambit niya na nagpailing sa akin dahil akala ko ay nagkamali lang siya ng pagkakabanggit sa salitang sex.
“Six, six months tayong hindi nagkita kaya six rounds ang gagawin natin ngayon” Bulong niya sa akin habang pinapasadahan niya ng halik ang aking leeg. Magsasalita sana ako bilang pagtutol sa ideyang iyon ngunit muli niya akong pinatahimik gamit ang kaniyang mga labi. Hindi ko alam kung makakaya ko ba ang nais niyang mangyari ngunit hindi ko rin naman magagawang tumutol dahil sa alam kong hindi rin siya magpapapigil.
Umaga na nang magising ako dahil sa labis na pananakit ng aking katawan. Mabilis kong nasilayan ang pagmumukha ni Lance sa pagkakataong maidilat ko ang aking mga mata. Sobrang payapa ng kaniyang pagtulog na para bang anghel na nahihimbing sa tabi ko. Tila hindi man lang siya nakakaramdam ng pangangalay sa matagal na pagkakahiga ko sa ibabaw ng kaniyang dibdib. Hindi ko na lubusang maalala kung kailan ang huling sandali na mapagmasdan ko siya sa ganitong ayos kaya naman ninamnam ko ang bawat sandali na kasama siya. Nais ko pa sanang pagmasdan ang kaniyang mukha sa mas matagal pang sandali ngunit bigla kong naalala na may pasok pala ako ngayon sa isang bookstore. Sa katunayan ay day-off ko ngayon ngunit nakiusap sa akin ang manager ko na pumasok kahit kalahating araw dahil sa kakulangan ng tauhan sa store. Dali-dali akong bumangon upang makapagbihis ngunit bago pa man ako makaalis sa aking kama ay nagawang hilain ni Lance ang aking kamay at muli niyang akong hiniga sa aking kama bago siya pumaibabaw sa akin.
“Saan ka pupunta?” Tanong niya habang naniningkit pa ang kaniyang mga mata bilang tanda na kakagising lang talaga niya.
“May pasok ako ngayon sa bookstore at malapit na akong malate” Tugon ko na kaniyang inilingan habang humihikab.
“Walang kang papasukan ngayon” Tugon niya habang nananatili pa rin siyang nasa ibabaw ko. Matapos niyang muling humikab ay nilapit niya ang kaniyang mukha sa aking tenga.
“Dahil ako papasok sayo ngayon!” Dugtong niya na nagpainit ng aking pisngi. Buong pwersa ko siyang tinulak upang pigilan siya sa kaniyang binabalak ngunit nanaig pa rin ang lakas niya dahil sa panghihina ng katawan ko. Pinikit ko na lang ang aking mata at nag-isip kung anong magandang idadahilan sa boss ko.
Lance’s POV
Makalipas ang napakaraming taon ay nagawa naming makapagtapos ni Gon sa kaniyang kurso na aming pinili. Hindi naging madali ang daang ito para sa aming dalawa lalong lalo na’t kailangan naming kumayod para sa aming mga pangarap. Malaki ang pasasalamat namin kay Kuya Jethro dahil siya ang naging sandalan namin ni Gon sa panahon na matindi ang pangangailangan naming dalawa. Nakapagtapos ako sa kursong Civil Engineering habang si Gon naman ay nagtapos ng Fine Arts.
Hindi naging madali ang mga naging hakbang namin upang mapagtagumpayan ang trabahong napili namin. Totoong mahirap makipagsabayan sa mga taong mas maraming kaalaman sayo at sa mga taong biniyayaan ng natatanging talento. Ngunit hindi yun ang naging dahilan upang panghinaan kami ng loob ni Gon. Matiyaga naming inabot ang aming mga pangarap na walang impluwensiya ni Kuya Eisen at ni Kuya Jethro. Ilang beses nila kaming hinikayat na mabigyan ng boost sa aming career ngunit mas pinili namin ni Gon na pagsikapan ang lahat ng ito.
Ngayon ay maipagmamalaki ko na nagawa naming maging matagumpay ni Gon dahil sa aming pagsusumikap na marating ang ngayong kinatatayuan namin. Habang nag-aaral pa lang sa kolehiyo si Gon ay nakahiligan na niya ang pagdedesenyo ng mga sapatos at ngayon ay isa na siyang tanyag na designer. Nagawa na niyang makipag collaborate sa mga kilalang brands ng mga sapatos at isa na rito ay ang Addidas na hanggang ngayon ay mayroon pa rin siyang kontrata dito. Ako naman ay marami ng projects na nagawa mula dito sa pilipinas hanggang sa ibang bansa. Ang pinakakilalang building na nagmula sa mga proyekto ko ay ang Tianmen Rise na matatagpuan sa bansang taiwan. Sa lahat ng mga naging proyekto ko ay ang paggawa ng replika ng paaralang tinayo ng aking ama ang pinakapinagmamalaki ko. Nagmula ang pangalan ng paaralang ito sa pinagsamang pangalan namin ni Gon na siyang paaralan na ngayon ng aking mga pamangkin na si Demi at Briene.
Kasalukuyan akong narito sa Glance International School upang asikasuhin ang plano kong pagpoprose ng kasal kay Gon. Nasa Japan siya ngayon para sa isang fashion week na kaniyang dinaluhan at bukas pa siya makakauwi. Nais kong maging lihim ito lalong lalo na kay Kuya Eisen dahil hindi niya mapipigilang mag-ingay tungkol dito. Gumawa ako ng dahilan upang manatili ng ilang araw dito at yun ay pansamantalang tumugon sa tungkulin ng principal na si Mr. Gallado. Wala naman talaga akong gagawin dito kundi ang magmasid sa mga nangyayari sa school at ang plano kong pagpropose kay Gon. Ang mga trabaho na dapat gampanan ni Mr. Gallado ay siya pa rin ang aasikaso sa kaniyang pagbabalik kapag natapos na ang binabalak ko.
Masyado akong naging abala at hindi ko man lang nagawang kamustahin ang mga pamangkin ko. Kahit na narito na ako sa loob ng opisina ng principal ay kaliwa’t kanan pa rin ang natatanggap kong tawag mula sa sekretarya ko. Nang matapos ang aming pag-uusap ay nilibot ko muna ang aking paningin sa loob ng opisina ni Mr. Gallado habang inaantay ang pagdating ng isang organizer. Ang tahimik kong pagmamasid sa loob ng opisina ay biglang nabulabog nang biglang bumukas ang pinto.
“Tito?” Nagulat ako nang makita ko ang pamangkin ko na si Johan. Siya ang panganay na anak nila Kuya Jethro at Kuya Eisen. Hindi ko inaasahan ang pagdating niya ngayon dito dahil sa pagkakaalam ko ay sa susunod na araw pa siya magsisimula.
“Binatang binata ka na Johan, Ilang taon na rin nang huli kitang makita” Lumapit ako sa kaniya at bahagyang ginulo ang kaniyang buhok upang hindi maitago ang pagkabigla ko.
“Mr. Fuentes? A-ano pong ginagawa niyo dito?” Naguguluhang tanong ni Scarlet sa akin. Sobrang daming students sa school na ito ngunit hindi maipagkakaila na sa mga kababaihang naririto ay angat ang kagandahan ng batang ito. Nakilala ko siya bilang active member ng Student Council. Kapag may mga request siya tungkol sa school activities at mga equipments na hindi matugunan ng principal ay sa akin niya mismo pinapadala ang kaniyang mga request. Madalas siyang tumayo bilang host sa mga importanteng events sa school kaya naman pamilyar na ako sa kaniya.
“Oh I’m here to supervise the school while Mr. Gallado is not present… and of course to greet my nephew na kakatransfer lang sa school na to” Pagsisinungaling ko at kaagad inakbayan si Johan.
“Nephew?” Gulat na tanong ni Scarlet na tila ba hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.
“Yes, His name is Johan Endymion Wells. Ang panganay na anak ng aking pinsan na si Eisen Fuentes-Wells” Tugon na tila ba lalong naguluhan si Scarlet sa aking binanggit. Napalingon siya kay Johan at tinanguan naman siya nito. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa mga batang ito pero nararamdaman kong may namumuong relasyon sa dalawang ito.
“Ngayon naalala ko na na ang pinsan ko ang nag grant ng request niyo ng mga bagong equipments para sa laboratory na nagmula pa sa Japan at siya rin ang nagsponsor sa event na inorganize mo last year” Dugtong ko pa na kung saan bigla na lang namula ang mukha ni Scarlet habang si Johan naman ay pinipigilang tumawa. Sadyang wala akong alam sa mga nangyayari kaya palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
“Ohhh…great!” Ang tangi niyang naisagot at nanatili kaming tahimik ni Johan habang nag-aantay ng kaniyang sasabihin.
“It was nice meeting you… Yow-Johan, right? Anyway, I need to leave na dahil magsisimula na ang klase in….” Dugtong niya at panandaliang natahimik upang tingnan ang oras sa kaniyang suot na relo.
“In 5 minutes.. so bye!” Saad niya at bigla na lang lumabas sa opisina. Tumingin ako kay Johan upang alamin kung anong nangyayari sa pagitan nila ngunit umiling lang siya sa akin bilang tugon.
Bukas pa naman ang opisyal na simula ng kaniyang klase kaya hinayaan ko siyang manatili sa loob ng opisina habang inaantay kong dumating ang organizer. Masaya kaming nagkwentuhan sa mga kalokohang ginawa niya sa LA. Sadyang pilyo at babaero itong pamangkin ko na nagpapatunay na dumadaloy sa kaniyang dugo ang pagiging isang Wells. Kahit na hindi kami magkadugo ay masasabi kong may mga kaugaliang namana niya sa akin. Habang nakatingin ako sa kaniya ngayon ay tila nanalamin ako sa pagkatao ko noon bago pa man dumating sa buhay ko si Gon.
Halos ilang oras din kaming masayang nagkukwentuhan nang matanggap ko ang mensahe mula sa organizer. Humihingi ito ng paumanhin dahil hindi siya makakadalo sa aming usapan dahil naisugod raw ang kaniyang anak sa ospital. Hahanap na sana ako ng panibagong organizer ngunit naisipan kong gawin na lang ito ng personal at hiningi ko ang tulong ni Johan. Malugod niya itong tinanggap at nangakong hindi magsasabi kay Kuya Eisen tungkol sa bagay na ito. Bigla ko kasing naisip na mas maaappreciate ni Gon ang magiging proposal ko kung magiging personal ang set-up na gagawin ko.
Gunter’s POV
Kakatapos lang ng huling araw ng fashion week dito sa Tokyo, Japan. Nais ko na sanang bumalik sa hotel upang makapagpahinga ngunit hindi ako makatanggi sa pag-anyaya sa akin ni Antoine na dumalo sa after party. Siya ang may likha ng mga kasuotang binida sa huling araw ng fashion week. Masasabi kong kahanga-hanga ang kaniyang mga nagawa lalong lalo ang ang Autumn collection niya na mabilis naging usap-usapan sa social media. Nakilala ko si Antoine sa isang haute couture sa Paris noong baguhan pa lamang ako sa industriya. Malaki ang pinagkaiba namin dahil mga damit at gowns ang kaniyang mga likha. Samantalang ako ay sa paglikha ng mga sapatos at sandals naging bihasa.
Sa loob ng ilang taon sa industriya ay naging malapit kaming magkaibigan na kung saan ay nagawa niya pa akong ipakilala sa mga tanyag na desingers kagaya nina Manolo Blahnik, Gianvito Rossi, Nicholas Kirkwood at marami pang iba. Nakatulong ang pagkakaibigan naming dalawa upang maiangat ang isa’t isa sa industriya. Sa tuwing magkakaroon siya ng shows para sa kaniyang mga bagong collections ay lagi niyang pinaparesan ng mga sandals o sapatos na ako ang may likha sa mga bagong kasuotan na siya ang may gawa. Ganun din ang ginagawa ko sa tuwing may bago akong desenyo ng mga sapatos.
Masaya naman ang party dahil dinaluhan ito ng mga kilalang designers at mga hollywood stars. Sa dami nila ay hindi ko na mabanggit ang bawat pagkakakilanlan. May pagkakataong nalilito ako sa pakikipag-usap sa mga taong narito dahil iba-ibang lenggwahe ang kanilang ginagamit. Natuto akong magsalita ng french dahil kay Antoine at maging ang salita ng mga hapon ay natutunan ko na rin sa pabalik-balik ko rito sa Tokyo. May mga taong babati sa akin sa ingles, minsan naman ay french, meron ding mga hapon kaya minsan nagkakamali ako ng isasagot sa kanila.
Nang maramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi dahil sa pag-inom ng champagne ay minabuti kong magtungo sa banyo upang maghilamos at ayusin ang sarili. Nang masigurong maayos na ang aking mukha ay nagdesisyon na akong magpaalam kay Antoine dahil mayroon pa akong dadaluhang lunch meeting at flight sa hapon pauwing pilipinas. Habang papalapit ako sa kinaroroonan ni Antoine ay may nabunggo akong babae. Mabilis akong humingi ng tawad at inalalayan siyang tumayo. Bigla akong napatigil nang masilayan ko ang kaniyang mukha na kaagad naman niyang iniwas. Sa pagtayo niya ay nagpatuloy ito sa paglalakad ngunit huminto nang tawagin ko ito.
“Samantha?” Sambit ko dahil kamukhang kamukha niya ang nakakatandang kapatid ni Kuya Eisen nang dumalo ito sa kaniyang kasal. Panandalian lang ang paghinto nito at nagpatuloy din sa kaniyang paglalakad na para bang walang nangyari.
Malabong si Samantha yun dahil sa pagkakaalam ko ay kasalukuyan pa rin siyang nakakulong. Ngunit bigla na lang tumaas ang balahibo ko nang maalala ko ang katunayan sa kaniyang pagkatao. Isa siyang miyembro ng organisasyong kinabibilangan ng aming mga ama ni Lance. Malaya siyang nakakalabas masok sa kulungan sa bawat pagkakataong gustuhin niya ito. Pero hindi ko inaasahang makakarating siya hanggang sa ibang bansa.
Naalala ko rin ang babala sa akin ni Lance na hindi magiging magandang pagkakataon ang muli namin siyang makasalubong sa hindi inaasahang pagkakataon dahil maaaring panganib ang magiging kasunod nito. Labis akong nabahala kaya nagpasiya akong tawagan si Lance ngunit hindi ko rin ito natuloy nang maalala ko na kababalik lang din niya sa pinas mula sa Taiwan. Marahil ay pagod na rin siya at kasalukuyang nagpapahinga. Ayoko nang bigyan siya ng problema dahil pag nalaman niya ang tungkol dito ay kaagad itong lilipad ng Japan upang sunduin ako.
Matapos akong magpaalam kay Antoine ay kaagad kong kinausap ang pinaka pinuno ng mga security guards ko. Inabisuhan ko sila na paigtingin ang pagbabantay sa hotel na tinutuluyan ko at maging sa sasakyang sasakyan ko. Sa sobrang pag-aalala ko ay nagmistulang sasakyan ng politiko ang aking sasakyan dahil sa dalawang sasakyang nauuna sa aking sinasakyan at dalawa ring sasakyan nasa likuran upang masiguro ang aking kaligtasan. Naging ligtas ang pagbalik ko sa hotel na aking tinutuluyan ngunit hindi rin ako kaagad nakatulog dahil sa labis na pag-iisip.
Lance’s POV
Maaaga akong nagising dahil nais kong mailagay ang lahat sa ayos. Hindi man magawang tumulong ng organizer ay nagawa niyang magpagdala ng mga kagamitan na nauna kong nabanggit sa kaniya. Tanghaling tapat pa lang ay sinugurado kong malinis ang building na aming gagamitin at lalong lalo na sa rooftop nito na kung saan magaganap ang plano kong pagpropose ng kasal sa kaniya. Kahapon pa lang ay nagawa kong magbigay ng abiso sa lahat ng mga guro at staffs ng paaralan na maagang matatapos ang klase sa araw na ito. Lahat ng mga extra curricular activities na ginagawa pagkatapos ng klase ay suspendido muna sa araw na ito. Nais kong maging tahimik ang paaralan sa sandaling dumating si Gon.
Syempre hindi lang kami ni Johan ang nagtutulong tulong upang malagyan ng dekorasyon ang rooftop. Karamihan sa mga tumulong sa amin ay mga body guards ko na laging nakabuntot sa kung saan man ako magtungo. Mas napabilis ang aming pag-aayos dahil sa tulong na aming natanggap mula sa kanila. Habang pinagmamasdan ang hinanda kong suprise date para sa aming dalawa ay bigla na lang akong nakatanggap ng tawag mula sa kaniya.
“Andito na ako sa NAIA, dederecho na ako sa bahay” Malumanay niya tugon dala siguro ng pagod matapos ang kaliwa’t kanan niyang trabaho sa Tokyo.
“Please, please babe! Daanan mo na ako dito sa shool” Pagpupumilit ko kahit na naaawa na ako sa kaniyang kalagayan.
“Ano ba kasing ginagawa mo diyan?” Inis niyang sambit at narinig kong umandar na ang sasakyang sinasakyan niya.
“Miss na miss na kita… Gusto kong ikaw ang huling taong makita ko bago pa man ako mawalan ng malay sa dami ng trabahong ginagawa ko” Tugon ko habang nilalamyaan ang boses upang magpaawa sa kaniya.
“Mahigit 24 hours kang gising noong nasa Taiwan ka para magtrabaho. Nagawa mo pa ngang umattend ng birthday party pero hindi ka naman hinimatay” Bulyaw niya, na siyang nagpangiti sa akin dahil para bang ganap na kaming mag-asawa sa paraan ng kaniyang panenermon.
“16 hours akong walang malay non” Tugon ko habang pinipilit pa ring magpaawa gamit ang malumanay kong boses at sabay pindot ng mute upang tumawa.
“16 hours kang tulog dahil sa kalasingan mo!” Sabat niya na nagpaurong sa aking tenga mula sa aking cellphone dahil sa lakas ng kaniyang boses.
“Hindi mo na ba ako love?” Pangungulit ko sa kaniya at narinig ko pa siyang huminga nang malalim bago tumugon.
“Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Lance hindi na tayo high school students para mag-inarte ka ng ganiyan” Inis niyang tugon pero hindi pa rin ako tumigil sa pagkumbinse sa kaniya.
“Siguro mas masaya talagang kasama si Antoine at na gagawa mong umalis ng bansa kaagad kapag siya ang nakiusap sayo” Sa katunayan ay nagseselos talaga ako sa foreigner na yun dahil iba siya kung makatingin kay Gon.
“Huwag mo akong simulan Lance, masakit ang ulo ko!” Pagbabanta niya sa akin na tanda na napipikon na siya.
“Okay lang naman sa akin kung nagsasawa ka na at gusto mong sumama sa kaniya. Kahit masakit ay uunawain ko ang kalagayan mo dahil alam kong nagkukulang ako sa pangangailangan mo” Pangungulit ko at mabilis na pinindot ang mute para tumawa ng malakas. Rinig na rinig ko pa ang pagmumura niya at sinabi sa kaniyang driver na magtungo dito sa school.
“Humanda ka sa pagdating ko diyan! Itong sapatos na napanalunan ko sa auction na nagkakagalagang $9,000 ay ipupokpok ko sa ulo mo para malaman mo kung gaano kasakit yung ulo ko ngayon!” Inis niyang sambit at hindi ko na talaga napigilang matawa sa kaniyang sinabi.
“Yes babe, I’ll be waiting for you….hmmm ughh!” Tugon ko at na nagawa pang umungol sa huli upang lalo siyang mainis. Hindi ko na inantay ang kaniyang magiging sagot at kaagad kong pinutol ang kaniyang pagtawag.
Sinugurado ni Johan na nasa ayos na ang lahat mula sa mga dekorasyon hanggang sa pagkaing kakainin namin. Kaagad akong nagtungo sa isang private rest room ng school kung saan maaari akong makapagshower at makapag-ayos habang inaantay ang pagdating ni Gon. Sa tantiya ko ay aabutin siya hanggang dalawang oras bago siya makarating dito sa school. May sapat akong panahon para makapagrelax habang inaantay siya ngunit sa hindi ko malaman na dahilan ay tila natataranta ako sa bawat minuto na tumatakbo. Dumagdag sa takot na aking nadarama nang hindi ko siya magawang tawagan. Matagal na naming napagkasunduan na walang magpapatay sa amin ng cellphone kahit na gaano pa kalala ang tampuhan namin sa isa’t isa.
Nakaramdam ako ng kaginhawaan nang tumawag sa akin si Johan at sinabing nasa loob na raw ng school si Gon. Ang pananabik na nadarama ko kanina ay tila napalitan ng inis dahil sa labis na pag-aalala ko sa kaniya. Ayon kay Johan ay kasama na niya ito papunta sa gusali na kinaroroonan ko ngunit ang pinagtataka ko lang ay kung bakit hanggang ngayon ay nakapatay pa rin ang kaniyang cellphone.
Mula sa ikatlong palapag ng gusali ay sinilip ko ang daan na dadaanan niya upang makompirma ang kaniyang pagdating. Sa sandaling masilayan ko siya ay hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko ang dalawang sapatos na hawak-hawak niya. Bakas sa mukha niya ang matinding galit habang naglalakad ito. Maging si Johan ay natatakot na lumapit sa kaniya dahil sa kaniyang kinikilos. Hinanda ko ang aking sarili at inutusan ang mga tauhan kong patayin ang mga ilaw. Sa sandaling marating niya ang rooftop ay kaagad sumindi ang ilaw habang nakatayo ako sa gitna.
“Surprise!” Masaya kong sambit ngunit ako ang nasorpresa nang ibato niya sa akin ang sapatos. Mabuti na lang at naging alisto ako at nagawa kong iwasan ang kaniyang binato ngunit ang ikalawang sapatos ay hindi ko nagawang iwasan.
“Arrgg..Babe?” Reklamo ko nang tumama sa kaliwang braso ko ang sapatos na kaniyang binato. Mabilis akong napahimas sa aking braso dahil sa kirot na nadarama. Tila ba yari sa bakal ang sapatos na kaniyang binato dahil sa katigasan nito. Napaurong ako nang makita kong dinampot niya ang isang sapatos at muling lumapit sa akin upang hampasin ng sapatos na hawak niya.
“Babe… Maghunos dili ka! Tandaan mo halos kalahating milyon ang halaga niyan!” Sambit ko habang lumalayo sa kaniya.
“Wala akong pakialam kahit ilang milyon pa ang halaga nito. Hindi ako titigil hanggang hindi ko napupukol sa ulo mo to!” Galit niyang tugon at sa pagkakataong ito ay tiyak na mahihirapan akong pakalmahin siya.
Tila nagbalik kami sa aming pagkabata habang naghahabulan kami sa roof top. Patuloy niya akong hinahabol habang hawak-hawak niya ang mga sapatos. Panay ang takbo at iwas ko sa tuwing ibabato niya ito sa akin. Ang hinanda kong sorpresa para sa kaniya ay unti unting nasira dahil sa gulong nagawa namin. Ang mga mesa at upuan ay nakatumba na sa sahig. Nabasag na ang projector na dapat gagamitin namin para manood ng palabas. Ang nakalatag na karpet ay gusot-gusot na sa paulit ulit naming pag-apak dito.
Natigil lamang ang lahat ng ito nang dumaplis sa sintido ko ang binato niyang sapatos. Ang pagdaplis ng sapatos ay nag-iwan ng sugat na naging dahilan upang dumugo ito. Napaupo ako sa couch na nasa gilid ng roof top na siyang uupuan sana namin kapag kami ay manonood ng movie. Dahan-dahan akong naupo habang pinipigilan ang pagdugo ng aking sintido. Mabilis namang inatasan ni Gon ang kaniyang mga body guard na ipatawag ang nurse ng eskwelhan ngunit maging ang doktor ay nakauwi na rin dahil sa abiso ko. Mabuti na lang at bukas pa ang mga clinic kaya nagawang kumuha ng mga gwardiya ko ang first aid kit.
Si Gon na mismo ang nagpresenta na gamutin ang sugat na siya mismo ang may gawa. Parehas kaming tahimik habang nililinis niya ang sugat ko. Hindi niya magawang humingi ng tawad sa kaniyang nagawa kaya naman nanatili akong tahimik bilang pagtatampo. Matapos niyang takpan ng gasa ang aking sugat ay kaagad itong naupos sa aking tabi. Kapwa kaming napatingin sa gulong nilikha ng aming pagtatalo. Hindi ko mapigilang mapailing nang manumbalik ang mga alaala ng aming kahapon.
“Naalala mo ba yung unang pagkakataong nasuntok mo ako sa mukha?” Natatawang tanong ko sa kaniya at lumingon siya sa akin ngunit hindi nagsalita.
“Nasa roof top din tayo noon. Yun ang unang pagkakataong makatanggap ako ng suntok mula sayo. Nagpapasalamat ako sa suntok na iyon dahil nagawa mong pukawin ang atensyon ko. Labis akong namangha sa katapangan mo. Unti-unti akong nagkainteres sa pagkatao mo hanggang sa hindi ko namalayang nahuhulog na pala ako sayo. Sobrang espesyal para sa akin ng dati nating paaralan dahil doon nagsimula ang ating pagmamahalan. Dahil sa mga nangyari ay hindi na natin muling madadalaw ito dahil giniba na ang lahat ng mga gusali nito. Nais kong manatili hanggang sa aking pagtanda ang masasayang alaala natin kaya tinayo ko ang paaralan ito”
Masaya kong sambit habang inaalala ang mga masasayang sandali namin sa dati naming paaralan. Papasa na bilang replika ng dati naming paaralan itong paaralang tinayo ko dahil sa malaking pagkakahalintulad nito sa dati naming pinapasukan.
“I’m sorry” Malumanay niyang sambit habang nakaiwas ang tingin sa akin. Hindi ako sumagot sa kaniyang sinabi kaya naman inulit niya ito.
“Sabi ko sorry” Sabi niya at nagawa niya pang lakasan ang kaniyang boses.
“Parang hindi ka naman sincere” Reklamo ko at umurong ng kaunti mula sa kaniya.
“Anong gusto mong gawin ko?” Naiinis niyang sambit na para bang ako pa ang may kasalanan sa kaniya.
“Halikan mo yung ano ko” Sadyang pinutol ko ang sinabi ko upang matingnan ang kaniyang reaksyon. Tila hindi siya natutuwa sa aking sinabi dahil ang sama na naman niyang makatingin.
“Yung pisngi ko!” Paglilinaw ko at labag sa loob niyang ginawa ito.
“Yung kabila pa!” Dugtong ko ngunit hindi niya ginawa. Nanatili akong nakaupo at hindi siya muling kinausap.
“Parang bata na-”
Sa pagkakataong sinubukan niya akong halikan sa kabila kong pisnge ay ginamit ko ang pagkakataing ito upang mahalikan siya sa labi. Hinawakan ko ang likuran ng kaniyang ulo upang alalayan siya sa paghiga hanggang sa tuluyang makapatong ako sa ibabaw niya. Ilang sandali pa ay marahan niya akong tinulak upang putulin ang aming halikan.
“Lance nasa school tayo baka may makakita sa atin” Sambit niya at muli ko siyang hinalikan sa labi bago muling magsalita.
“Kahit na magsisigaw ka pa ay walang makakarinig sa ungol mo” Natatawa kong sambit at muling hinalikan ang kaniyang mga labi. Sa pagkakataong ito ay hindi na niya nagawang pumalag at umayon sa aking gusto. Ang kaliwang kamay niya na nasa tagiliran ko ay marahan kong hinawakan at habang palalim ng palalim ang aming halikan ay unti-unti ko namang sinuot sa kaniyang daliri ang singsing na aking hinanda. Nang maramdaman niya ang pagsuot ko ng singsing ay marahan niya akong tinulak at inayos ang sarili.
“Ano to?” Tanong niya habang pinapakita sa akin ang singsing na kaniyang suot-suot. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil bumagay sa kaniya ang singsing na aking pinili.
“Will you marry me?” Tanong ko at bigla na lang siyang umiling habang nakangiti.
“Hindi ba dapat mauuna muna ang pagtanong mo bago mo isusuot ang singsing sa kamay ko?” Sambit niya at binalak niya pang hubarin ang singsing ngunit nagawa ko siyang pigilan.
“Syempre para hindi ka na makatanggi” Natatawa kong tugon habang hawak-hawak pa rin ang kaniyang kamay.
“Napaka unromantic na nga ng lugar tapos sapilitan pa ang proposal” Sambit niya na ikinasama ng loob ko.
“Sino kaya ang nagsira ng pinaghirapan kong set-up?” Tugon ko at binitawan ko ang kaniyang kamay bilang pagtatampo. Hindi rin nagtagal ay sumampa siya sa mga hita ko habang nakahawak ang mga kamay sa aking balikat.
“I love you” Sabi niya sa akin habang buong buo ang pagkakangiti. Hindi ko ito binigyang pansin dahil nagtatampo pa rin ako sa kaniyang sinabi. Upang makuha ang aking atensyon ay binigyan niya ako ng mga halik sa aking noo, ilong, pisngi at sa aking labi. Sa katunayan ay labis akong natutuwa sa tuwing ginagawa niya sa akin ito ngunit sa pagkakataong ito ay pinipigilan ko ang aking sarili na mahulog sa nais niyang mangyari. Hindi ko ito binigyang pansin bilang tanda na nagtatampo pa rin ako ngunit hinawakan niya ang aking mukha upang pagtapatin ang aming mga tingin. Nakatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo at ang kaniyang mga mata ay tila nanlilisik sa galit na taliwas sa kaniyang sinasabi.
“Yes, I will marry you. Will you marry me too?” Tanong niya na tila ba binabantaan ang buhay ko. Hindi ko na napigilan ang sarili na matawa sa kaniyang pinaggagawa. Kasunod nito ay ang paghawak ko sa kaniyang pisngi upang muli siyang mahalikan at sa pagitan ng mga halik ko sa kaniya ay pauulit-ulit kong binabanggit ang salitang ‘I love you’. Nagpatuloy ang aming halikan hanggang sa muli ko siyang maihiga sa couch.
“Malakas ang loob ko na hindi mo ako matatanggihan sa aking proposal” Pagmamalaki ko sa kaniya habang nasa ibabaw niya ako. Ang aking mga kamay ay nakatukod sa ibabaw ng magkabilang balikat niya upang mapigilan ang pagkakadagan ng aking katawan sa kaniya.
“Bakit?” Pilyong tanong niya habang nakangiti sa akin.
“Let me remind you that you have been cursed.. Curse of a Fuentes kiss”
Hinawakan niya ang aking pisngi at ngumiti nang pagkatamis-tamis bilang tugon sa aking sinambit. Ang matamis na ngiting ito ay panghabang buhay kong pangangalagaan kahit na ano pa man ang maging kapalit. Kasabay ng patupad ng aming mga pangarap ay ang pagsigurado namin sa aming kinabukasan laban sa panganib na aming naranasan. Kailan man ay hinding hindi ko hahayaang muli kaming magkahiwalay dahil ang pag-ibig na ito ay nagmula sa sumpa na aming pinaninindigan.
The End
Author’s Note
Hello Readers,
Masaya akong sa ikatlong pagkakataon ay may natapos na naman akong isang nobela na masugid niyong sinubaybayan. Nais kong magpasalamat sa walang sawa niyong pagsuporta sa aking mga akda at sana ay patuloy niyo pa akong suportahan sa mga susunod ko pang isusulat. Alam kong ilan sa inyo ay dismayado sa kawalan ng bed-scene sa huling bahagi ng istorya pero kung nabasa niyo ang mga istorya ni Eisen ay hindi talaga ako mahilig maglagay ng bed scene sa huling parte ng istorya. Alam kong may katanungan pa kayo kagaya ng pagkikita ni Ate Pritz at Gunter sa CLWY kahit na napatawan ito ng seklusyon. Sa anong paraan natulungan ni Jethro si Gunter at Lance. Atbp. Ang mga katanungang ito ay masasagot sa tatlong special chapters na isusulat ko. Kaya may mga bagay-bagay pa rin kayong aabangan dito. At sinisigurado kong mananawa kayo sa mga bed scenes na meron ang mga chapters na to. Magagawa ko lamang ang special chapters kapag nagawa kong makapag-update sa Enigma at sana suportahan niyong lahat ito.
Ang nabasa niyong Teaser ay hindi pa OFFICIAL, dahil nais ko ring marinig ang feed backs mula sa inyo. Naisip ko lang na hindi pa tapos ang banta sa kanilang relasyon kaya nagawa kong makaisip ng sequel sa kanilang istorya. Ganun pa man ay hindi pa rin ako desidido dahil nais ko ring manatiling masaya ang kanilang relasyon sa kung papano natapos ang kwento. At kung sakali mang isusulat ko ito ay sisiguraduhin ko munang tapos ko na ang Enigma bago ito simulan. Masaya akong marinig ang mga suggestions niyo.
Nagpapasalamat ako sa patuloy niyong pag-intindi sa matagal kong pagsusulat at sana ay habaan niyo pa ang inyong pasensya dahil simula mamayang gabi ay magbabalik na ako sa paghahanap buhay. Mas magiging abala ako kahit na nasa bahay lang ako habang nagtatrabaho kaya humihingi na kaagad ako ng paumanhin. Sa mga taong patuloy na nagpapadala sa akin ng mensahe upang mabigyan ako ng inspirasyon sa patuloy na pagsusulat ay nais ko kayong pasalamatan.
Maraming-maraming salamat sa inyo.
Facebook: www.facebook.com/Eisenchann
Twitter: https://twitter.com/eisenchan
Email: eisenchann@gmail.com

