The Deogracia Lost Heiress (FINISHED)
SupremaNgBayan · 23 chapters · 45,742 words
DH:01
This is a work of fiction.Names,Characters,businesses,places,events and incidents are either the original products of an author’s imagination that used in fictions manner. Any resemblance to actual events is purely coincidental and not my intention.
Do not distribute,publish,transmit,modify or create derivative works or exploit the contents of this story in any way.Please asked my permission and do not copy paste or paraphrase this story.
PLAGIARISM IS A CRIME.
Date start of writing: February 18,2020-February 25,2020
KABANATA 1
ROSELLA
Maaga akong gumising dahil first day of class ngayon sa school dumiretao akong banyo para maligo at pagkatapos ay lumabas na din ako at pumunta sa hapagkainan.
“good morning ma” sabay kiss ko sa pisngi ni mama na nagluluto sa kusina tinulongan ko na din siyang ilagay sa mesa yung mga pagkain.
“good morning din anak umupo ka na jan at saka kumain na baka ma late ka pa sa school niyan ei” sabi ni mama
“Opo ma, Ma? si papa po umuwi po ba siya?” tanong ko kay mama nakita ko naman ang lungkot sa mga mata ni mama ng tinanong ko siya.
“anak kumain kana lang jan” tipid nitong ngiti sakin at hindi nasagot ang tanong ko.
Alam ko naman sa sarili ko na merong hindi magandang nangyayari kina mama at papa pero binabalewala ko na lang kahit naririndi na ang tenga ko na makinig sa mga pag aaway nila. Lagi na lang wala si papa sa bahag ang sabi ni mama busy lang ito dahil sa trabaho pero hindi ako naniniwala kasi minsan naririnig ko si mama na umiiyak sa kwarto nila at sinasambit ang pangalan ni papa. Masaya naman kami nung una pero bigla na lang nagbago simula nung mawala siya.Napabuntong hininga na lang ako saka tinuloy ang pagkain medyo kinakabahan nga ako ngayon dahil unang tapak ko ito sa College of Life ko, first year college na ako ngayon at kinuha kong course ay HRM. Hindi naman kami mayaman para makapag aral ako ang totoo niyan may kaya lang kami at si mama isa siyang maanger sa isang restaurant at si papa naman isang engineer. Nagsikap ako na makapag take ng exam sa university na pinapasukan ko ngayon at dahil dito nakapasa ako kaya naging scholar ako ngayon.
Pagkatapos kung kumain ay nag paalam na ako kaya mama na papasok na ako ng school.
“anak mag iingat ka dun ha at saka galingan mo kaya mo yan anak andito lang si mama ha.Proud kami ng papa mo sayo anak”
“Ma naman ang drama mo naman ei sa school lang po ako papasok para namang iiwanan kita ma. Ikaw din ma ha ingat ka din po mahal ko din kayo ni papa, sige na ma bye po” at saka hinalikan ko ulit sa pisngi si mama bago lumabas ng bahay at pumara ng taxi.
Pagkarating ko ng school ay manghang mangha ako dahil sa laki ng university na pinapasukan ko.Ang Philippines International University.Napansin ko din na puro mayayaman ang mga estudyante dito konti nga lang ang nakikita ko na gaya ko yung iba kasi mahahalata mo talagang mayaman dahil sa porma nila at nakikita ko din na lahat sila may magagarang sasakyan.Pumasok na ako ng gate saka pumunta sa registration office sabi kasi nila kunin namin doon ang ID at schedule namin.Nang makita ko ang office ay kumatok muna ako saka pumasok napansin ko na may limang estudyante din ang nasa loob.
“good morning po ma’am” bati ko dito.
“good morning to you what’s your name?” tanong nito.
“Rosella Libutan po ma’am” sagot ko.Pagkatapos kong sabihin yun ay may hinanap naman ito.
“Here, pakipirmahan mo na din ito” sabay abot niya sakin ng papel kaya pinirmahan ko na lang ito.
Pagkatapos ay lumabas na din ako saka tiningnan muna ang schedule ko kung saan ang room ko ngayon. B3-block 1 yun ang room ko.
Medyo nahirapan pa akong hanapin ang room ko dahil sa dami ng room nakakalito hanapin buti nga nahanap ko din. Pagkapasok ko ay medyo madami dami na din kami naghanap ako ng mauupuan dun na lang siguro ako sa may likudan. Napansin ko naman na tinitingnan ako ng iba kong mga kaklase hindi ko alam kung bakit.Ilang oras pa ay dumating na din ang professor namin si Mr.Cagua dahil first day naman ay nag orient lang siya about sa mga rules at grades.
Breaktime
Nandito ako sa canteen spaghetti lang inorder ko dahil nagtitipid ako at saka ang mamahal din kasi ng mga foods nila dito.Nakaupo lang ako at pinagmamasdan ang mga estudyante dito yung iba ang sososyal, mga magkakaibigan na masayang kumakain, may iba naman na mag girlfriend/boyfriend na nagsusubuan ng pagkain.Natigil ang pagmamasid ko ng biglang may nag iingay sa paligid nakita ko din na para silang kinikilig na ewan.
“ O maygod ang guwapo talaga nila“
“Sila ba yung sikat na banda? ang swerte ko nakita ko din sila ng personal”
“kyaaaahh si Brandon ba yun? ang pogi niya pala!”
“ang alam ko vocalist ng banda nila si Magnus ang galing talaga niyang kumanta”
“oo nga pero syempre magaling din naman si George ang alam ko nga siya guitarista nila”
“ang guwapo ni Samuel kyaaahh kinikilig ako best!”
“bakit apat lang sila? diba lima sila hindi nila kasama yung isa, sayang ang cute pa naman niya siya ata ang pinaka bata sa kanila”
Napansin ko naman na may apat na lalaki ang pumasok ng canteen mukhang sikat nga sila sa University na to naagaw kasi nila ng pansin ang mga tao dito lalo na ang mga babae tudo kilig.Pinagmasdan ko lang silang apat oo aaminin ko ang gagwapo nila lahat pero mukha silang maangas ang lakas kasi ng dating nila ei. Umupo naman silang apat sa isang mesa at nakita ko yung isa na inutusan niya yung estudyante na bumili ng pagkain nila. Base kasi sa kilos nila kaya nalaman ko.Ano kayang year nila? siguro 3rd or 4rth year na sila mukha kasi silang mga matured kung titingnan mo.
Hindi ko na lang sila pinansin saka tinuloy na lang ang pagkain ko ang alam ko kase 15 minutes lang ang breaktime namin nakita ko yun sa schedule ko.
Booggssshh
Nagulat na lang ako ng makarinig kami ng ingay kaya tiningnan ko kung saan iyun galing. Napasinghap naman ang ilang mga nakakita pinatid ng isa sa apat na lalaki ang isang estudyante kaya nadapa ito.Grabi naman sila wala namang ginagawa ang lalaki na yun tas papatidin pa nila, nainis ako bigla sa nakita ko ang saya saya pa nila na may taong napahiya at pinagtatawanan dahil sa ginawa nila.
“
Hahaha uy dude anong ginagawa mo dyan? tsk tsk dadaan ka na nga lang hindi pa nag iingat“ sabay tawa nung lalaki na brown ang buhok may earing siya na black sa kaliwang tenga.
“Baka akala niya swimming pool hahaha! uy kung gusto mo mag wimming doon ka sa swimming pool wag sa sahig” sabat naman nung isa na may blonde sa unahan ng buhok niya grabe kung ano ang ikinagwapo ng mga mukha nila ganun naman kapangit ng mga ugali nila.
“Tsss stupid lumayas ka nga dito napaka lampa mo naman” rinig ko namang sabi nung lalaki na may eyeliner sa mata.Umalis ka agad yung lalaki na pinatid nila,kawawa naman siya di ko alam na may mga nambubully din pala dito kahit saang school hindi talaga nawawalan ng mga bully.
“Bulag amputa!” mura nung isang lalaki na kasama ng apat.
“Oh anong tinitingin tingin niyo dyan? gusto niyo bang magaya sa kanya?” sigaw nung lalaki na may earing sa tenga kaya ibinalik ko na lang din ang tingin ko sa pagkain ko, sana naman maging maayos at tahimik ang college life ko dito nung high school kasi ako puro panget ang naging karanasan ko suki na nga ata ako ng bully kaya kahit masakit ang mga sinasabi nila tinitiis ko na lang at hindi pinapansin kaya nga nasanay na din ako ng mga panahon na yun. Pero sana wag ng maulit ngayon gusto ko lang na mag aral ng mabuti at ayoko ng gulo.
Pagkatapos ng breaktime ay bumalik na ako ng room tahimik lang ako sa upuan ko yung iba kong kaklase ay puro ingay lang at kung ano ano ang ginagawa narinig ko naman yung dalawa kong katabi na babae na nag uusap
“nakita mo ba yung nangyari kani sa canteen? kawawa yung lalaki no?”
“oo nga pero grabe ang gagwapo pala talaga nila hindi ko aakalain na makikita ko sila ng personal kaya nga dito ako nag enroll ei kyaahh”
“ang harot mo! pero tama ka naman ang angas pa nila pero hot pa din tingnan sana no ma notice man lang nila tayo”
“sino bang crush mo sa kanila? basta ako si george”
“bet ko hmm… si samuel ang pogi niya kasi hihihi”
Natigil lang ako sa pakikinig ng dumating na ang sunod naming professor at nag discuss siya about Geometry.Natapos ang mga subject na wala namang kakaibang nangyari sakin except lang doon sa nangyari kanina sa canteen na pambubully nung apat.At dahil uwian na napag pasyahan ko na dumaan ng library para manghiram ng libro may assignment kasi kami sa history.Pagkadting ko ay tahimik lang akong pumasok at hinanap ang libro ng makita ko ito ay pumunta ako sa librarian desk para hiramin ito pumayag naman ang librarian at inilista nito ang pangalan ko at ang libro.Dahil maaga pa naman napag isip isip ko na mag libot libot muna ng university para di naman ako maligaw.Anim ang building na nakikita ko dito at nadaanan ko din ang Basketball court dito sobrang lawak nga ei napansin ko naman na may mga naglalaro ng basketball mukhang nag pa practice ata sila.
“Pineda! ano ba yan kanina ka pa ayusin mo yang pag shohoot mo ng bola!” rinig kong sabi ng coach nila
“sorry coach masakit na kasi ang paa ko pwede pong time out muna?” sabi naman nung pineda at huminto ito saka parang hingal na hingal siya nakahawak ito sa mga tuhod niya.
“ano bang kalokohan yan pineda malapit na ang laban at hindi kayo pwede maging pa easy easy lang hala give me 5 lap! Aurellio ikaw ang pumalit dito kay pineda!” sigaw ulit ng coach nila at pumasok naman yung lalaking payat na matangkad.
“Coach naman!” rinig kong reklamo ni pineda at saka tumakbo paikot ng court.Mukhang napaka stikto ng coach nila. Nagulat naman ako ng biglang napatingin sakin yung Pineda kumunot naman ang noo nito kaya iniwas ko na lang ang tingin ko saka umalis na sunod ko namang pinuntahan ay ang gymnasium nila hindi pa ako nakakapasok ng may marinig akong mga kumakanta kaya dahan dahan kong binuksan ang pintuan sobrang dilim sa loob ang nakikita ko lang na maliwanag ay sa bandang stage kung saan nakabukas ang ilaw at nakatutok sa apat na lalaking parang nag coconcert.Hindi nila napansin na may tao palang nakatingin sa kanila dahil madilim dito sa parte kung nasaan ako ay hindi nila ako nakikita at pabor yun sakin.Pinagmamasdan ko lang sila habang busy sila sa pag papractice ng kanta.Totoo nga na magaling kumanta ang lalaking yun siya ata yung Lead Vocalist nila.
Napag pasyahan ko nang umuwi dahil hapon na din at baka magabihan pa ako sa daan mahirap na baka madami pa namang mga loko loko ngayon.Pagkauwi ko ay nagulat ako ng makita si papa na nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv.
‘kelan pa siya umuwi? buti naman umuwi na siya namiss ka na namin pa’ sabi ko sa isip ko.Lumapit ako kay papa at nagmano
“Pa, mano po.. kanina pa po ba kayo dito papa” tanong ko.
“Oh anak kaawan ka ng diyos, kakararing ko lang din sige na magbihis ka na at magmeryenda nasa lamesa iyong binili ko”
“sige po pa.” at pumasok ako ng kwarto saka nagbihis muna pagkatapos ay lumabas na din ako at nagmeryenda.
Nandito ako sa kwarto at nakahiga kakatapos ko lang sagutan yung assignments ko.Nakauwi na din si mama at nagulat nga siya ng makita si papa na umuwi hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung ano ba talagang nangyayari ayaw naman sabihin ni mama yung problema about sa kanila ni papa.
Bbblllaaaggg
Nakarinig ako ng parang may nabasag kaya bumangon ako saka lumabas ng kwarto nakita kong nakabukas ng konti ang pintuan ng kwarto ni mama kaya dahan dahan akong lumapit dito.
“ano ba clarrise pwede ba pagod ako! wag mokong sisimulan baka anong magawa ko sayo!”
“Tinatanong lang kita kung bakit ngayon ka lang umuwi? Ilang araw kang wala dito Roy hindi mo man lang ba kami naisip ng anak mo ha?!”
“Clasrrise sinabi ko na sayo diba busy ako sa trabaho ko at marami akong ginagawa hindi mo ba maintindihan yun?!” nanggigil na sagot ni papa at saka napasabunot ito sa buhok niya.Tiningnan ko naman si mama na umiiyak na din.Nadudurog ang puso ko sa tuwing naririnig at nakikita ko silang nag aaway.
“ha! talaga lang ba? trabaho? pamilya mo kami sana man lang naisip mong umuwi! siguro may iba kang inuuwian kaya pati kami ng anak mo hindi mo naalala”
“TUMAHIMIK KANA CLARRISE!”
PAAKK
Napahikbi na lang ako sa nakita ko ngayon dahil sa inis ni papa nasampal niya si mama kitang kita ko naman ang pagka gulat ni mama at umiyak ito.Tumakbo ako pabalik ng kwarto at napahagulhol hindi ko kaya na nakikita silang nag aaway at lalong lalo na si mama na umiiyak.
‘Bakit mo nagawa yun papa?’
Dahil sa kakaiyak ko nakatulog na lang ako.
DH:02
KABANATA 2
Rosella
Isang linggo na ang nakakalipas nung mag away sina mama at papa.Nakita ko nga kinaumagahan may pasa na si mama sa piangi niya alam kong sa pagsampal yun ni papa kaya niyakap ko lang si mama nun para iparamdam na nandito lang ako sa tabi niya at hindi siya iiwan.
Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako habang naglalakad sa hallway kaya hindi ko namalayan na may naka bunggo ako.
“Damn! ano ba hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? bwesit!” natakot naman ako sa lakas ng pagkakasigaw ng lalaki na nakabunggo ko kaya yung ibang estudyante napatingin na din samin.
“s-sorry po! pasensya na hindi ko po sinasadya.” sabay yuko ko ayoko siyang tingnan nakakatakot kasi yung sigaw niya.
“Tatanga tanga ka! Umalis ka nga dyan sa harap ko paharang harang ka ei!” sabi nito at dahil sa takot ko tumabi ako habang nakayuko pa din.
“uy girl si Brandon ba yun? hindi niya kasama yung iba”
“oo nga, wait mukhang may ginawa yung girl look oh sinigawa siya ni brandon”
“hindi kasi tumitingin sa dinadaanan buti nga sa kanya”
“kawawa naman si girl baka siya na ang isunod na ibully ng grupo ni Magnus”
Hindi ko maiwasang matakot ng marinig yung sinabi nung babae baka nga mabully ako ayokong mangyari yun.Tumakbo ako papasok ng Girls room nagulat naman yung iba dun ng makita ako pero di ko na lang pinansin at pumasok sa isang cubicle.
Lunch Break
Nakayuko ako habang kumakain ng spaghetti katulad nung first day ito lagi ang binibili ko dahil ito lang ang mura na pagkain dito yung iba kasi ang mamahal kaya hindi ko na lang binili lalo na at nag iipon ako ng pera.Habang kumakain ako narinig ko na lang na umabante ang isang upuan sa harap ko at ramdam ko na may umupo dito hindi lang isa kundi dalawa sila,hindi ko na lang sana papansini dahil baka makikiupo lang sila hanggang sa nagsalita yung isa.
“Hoy!” napaangat naman ako ng tingin at laking gulat ko ng makita yung lalaki kanina na nakabunggo ko.
“b-bakit? a-anong kailangan niyo?” nauutal kong tanong.Ngumisi lang ito saka nag cross arms.
“Anong kailangan namin? pag sinabi ko ba susundin mo? sagot!”
sigaw nito.
“easy par ikaw naman tinatakot mo agad itong si Binibini, Hi i’m George and this is brandon.What’s your name?” tanong nito.
“a-ako si Rosella..”
Napatango tango naman ito para bang tinatandaan ang pangalan ko.Maya maya bigla itong sumeryoso kaya kinabahan naman ako sa kanilamg dalawa hindi ko alam kung ano ang kailangan nila sakin.
“hmm so Binibining Rosella gaya nga ng sinabi ni Brandon sususnod ka ba sa sasabihin niya? At kapag hindi mo lang naman sinunod ang sinabi niya simple lang magiging laruan ka namin at ng estudyante for the whole year. Ayaw mo naman nun hindi ba?”
Natakot naman ako sa sinabi niya ayoko atang mabully na naman kaya kahit ano gagawin ko wag lang nila akong pagtripan.
“ano bang gusto niyo?”
“hmm gusto ko?.. Ibili mo kami ng pagkain total gutom na kami ng mga kasama ko damihan mo ah” sabi nung brandon at ang lawak ng pagkangisi niya sakin.
“s-sige.. akin na yung pera niyo ibibili ko kayo” sabi ko. Kumunot nqman ang noo nila at maya maya ay tumawa pa.
“hahaha pfftt! hoy tangang babae ang sabi ko ibili mo kami ng pagkain gamit yang pera mo! tatanga tanga talaga”
“p-pero pamasahe ko na lang iyun pauwi wala akong p—”
“alam mo binibini sumunod ka na lang ikaw na ang gumawa ng paraan kung paano makabili, masamang pinaghihintay ang mga kagaya namin lalo na kung gutom” sabi naman ni George.
“wala akong pakialam kung pamasahe mo na lang yun ang gusto ko ibili mo kami ng makakain at kapag hindi mo sinunod ang sinabi ko….papatayin kita” seryosong sabi ni brandon at matalim ang titig sakin napalunok na lang ako ng laway sa sinabi niya.
“s-sige na ibibili ko na kayo ng pagkain wag niyo lang akong saktan” sabi ko at saka tumayo na at pumila para bumili ng pagkain nila.Jusko bakit hanggang dito pa hindi pa din ako nilulubayan ng kamalasan.Pagkatapos kong bumili ay lumapit ako sa kanila at inilapag ang mga binili ko.
“Good girl.. mabuti naman at sinunod moko ayoko sa lahat yung tanga at hindi sumusunod.Hmm mukhang masarap tong binili mo ah”
“salamat binibini sa pagkain sa wakas naka libre din hahaha!”
Nakatungo lang ako at pinipigilan na huwag umiyak.
“mukhang nakahanap na naman ng mapapag laruan ang grupo nila”
“kawawang girl kung ako sa kanya aalis na ako sa school nila”
“balita ko scholar yang babae kaya nakapasok dito”
“ssshhh tumahimik na lang tayo baka madamay pa tayo hayaan niyo siya bagay lang sa kanya yan hindi siya bagay sa university nato”
Nasasaktan ako sa mga sinasabi nila kahit pala anong iwas ko mukhang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana.
“woohh nabusog ako dun ah, tama nga ang sabi nila na nakakabusog lalo na pag libre hahaha diba par?” sabi naman ni george kay brandon
“yeah. oh pano sa susunod ulit ah tangang babae? Tara pre baka nandoon na sila sa room” yaya ni brandon kay goerge at umalis na sila.Pagka alis nila doon na tumulo yung mga luha ko.
Uwian
Masama ang loob ko dahil sa nangyari kanina at ngayon nga ay naglalakad ako pauwi dahil ibinili ko yung dapat na ipapamasahe ko ngayon. Ang sasama talaga ng mga ugali nila lalo ang Brandon na yun ano bang nagawa ko? Kung dahil yun sa pagkakabunggo ko sa kanya hindi ko naman yun sinasadya ei ang babaw niya.Kaya kahit ayoko ginawa ko na lang dahil baka mas kung ano pa ang gawin nila sakin natatakot ako.
Malayo pa ang bahay namin mga limang kanto pa ang lalakadin ko baka makarating samin.Nakaramdam naman ako na parang may sumusunod sakin kaya binilisan ko ang paglalakad at tumingin sa paligid bakit ngayon ko lang napansin na walang tao dito shit! Nakaramdam ako ng may humawak sa kamay ko at hinila ako kaya napalingon ako kahit abot kaba na ang nararamdaman ko.
“Aaahhhh! bitawan moko! tulong!”
sigaw ko natakot talaga ako dahil nanlilisik yung mga mata niya.
“Tumahimik ka! kung ayaw mong gripuhan kita dito! sumama ka sakin!” sabi nito at hinila ako pinagsisipa ko naman siya.
“Tuulooong! tulongan niyo ako! ano ba bitawan moko hindi ako sasama sayo!” sigaw ko at tinuhod siya kaya naman nabitiwan niya ang kamay ko at saka tumakbo palayo sa kanya.
“ahh! puta kang babae ka!” sambit nito, nahabol niya ako sabay sabunot sa buhok ko ang sakit ng pagkakahawak niya matatanggal ata buhok ko nito ei.
“tangina mo ka! sige manlaban ka pa tutuloyan na kita dito!” sabay tutok nito ng kutsilyo sa leeg ko.Natakot naman ako ayoko pang mamatay, napaiyak na lang ako dahil sa sakit at takot na nararamdaman ko.
Booogggsshhh
Nagulat naman ako ng bigla na lang natumba yung lalaki na tumutok sakin ng kutsilyo kaya nabitawan niya ang buhok ko.
“Fuck you motherfucker!” mura naman ng isang lalaki na naka jacket ng itim at naka sumbrero ng itim din.Tumayo naman ang lalaki at sinugod yung lalaking nakaitim ng patalim niya buti na lang at nakailag ito saka hinawakan yung kamay nung lalaki at pinilipit niya kaya nabitawan nito ang kutsilyo saka sabay suntok dito saka sinipa sa mukha, nawalan naman ng malay yung lalaki na gusto akong saktan. Nanginginig akong nakatayo dito sa may tabi habang umiiyak.Buti na lang dumating siya kung sino man siya salamat sa kanya.
“sshhh your safe now don’t cry” sabi nito at lumapit sakin.
“m-maraming salamat sa pagligtas mo sakin..salamat!” pasasalamat ko.Muntikan na talaga ako kanina.
“Umuwi kana sa inyo baka kung ano pa ulit mangyari sayo dito,bakit ka ba naglalakad di mo ba alam na delikado sa lugar na to at mag isa ka pa?” naiinis niyang sambit.
“pasensya na wala kasi akong pera kaya naglakad lang ako pauwi sa amin”
sagot ko habang nakayuko.
“tsss.. let’s go ihahatid na kita sa inyo” napaangat naman ang tingin ko sa kanya.Nag simula na kaming maglakad tahimik at wala kaming kibuan habang naglalakad minsan napapasulyap ako sa kanya gusto kong makita yung mukha niya para alam ko kung sino siya kaso ayaw niyang ipakita bakit kaya? okay lang naintindihan ko kung ayaw niya sana balang araw makita ko ulit siya.Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa kanto namin kaya tumigil ako sa paglalakad ganun din siya.
“uhm ano dito na ako ayun na yung bahay namin salamat sa pagligtas mo sakin kanina”
“no problem. Just go..”
sabi nito sabay lagay ng mga kamay nito sa bulsan niya saka tumalikod na pinagmasdan ko ang likod niya na papaalis na hanggang hindi ko na ito nakita kaya pumasok na ako ng bahay namin.
“Mama andito na po ako!”
MAGNUS
“Hindi pa ba tayo magpapractice? hoy magnus ano practice na tayo gusto ko na umuwi” reklamo ni george, sa aming lima siya itong mareklamo at hindi makapaghintay kumbaga kulang sa pasensya.
“hintayin mo na natin yung dalawa wag kang atat jan
kung gusto mong mauna umuwi ka na walang pumipigil sayo
“
inis kong sagot dito.
“oo nga bakit ba napaka atat mo george kita mong wala pa yung dawala eh pano tayo magpapractice niyan kung kulang tayo diba” sabat naman ni samuel dito.
“tskk kainis naman! Nasan na ba kasi sila brandon at edward? tangina naman usapan 4:30 ang practice ei!” sabay sipa nito sa drum na nasa gilid niya.
Nandito kami ngayon
sa gymnasium kung saan lagi kami nag papractice malapit na kasi ang battle of the bands sa August na yun kaya kailangan naming maghanda para manalo.
“Bakit ba hindi ka makapag hintay? kung gusto mo ng umuwi mauna kana! wag mokong pinipikon jan George makakatikim ka sakin” banta ko dito, napabuga ito ng hangin saka kinuha nito ang gitara at lumayo samin magpapractice na lang siguro siya mag isa.
“samuel tawagan mo na nga iyong dalawa dapat kanina pa sila nandito kapag hindi pa sila sumating wag na nating ituloy ang pagsali ng banda” sabi ko dito saka kumuha ng stick ng sigarilyo at sinindihan ito.
“fuck! dude naman hindi pwede yan kailangan nating makasali alam naman natin diba kung bakit? Ayokong mawala lahat ng pinaghirapan natin” kinuha nito ang cellphone niya at kinontak ang dalawa, napabuga na lang ako ng usok sa sigarilyo.
Ilang saglit pa dumating na din ang kanina pa naming hinihintay sinamaan ko lang ng tingin ang dalawa.
“mga gago kayo bakit ngayon lang kayo?! kanina pa kami naghihintay dito ah!” napailing na lang ako sa kainitan ng ulo ni George sa dalawa.
“Sorry naman brad may nangyari lang kaya natagalan hahaha highblood ka na naman masyado” sagot ni Brandon.
“pasensya na par emergency kasi kaya di agad ako nakapunta” sabi nito.
“oh tigil na, pumwesto na kayo para makapag practice na tayo kailangan nating manalo sa battle of the bands tandaan niyo yan” paalala ko saka tinapon ko ang stick ng sigarilyo at inapakan ito.Kinuha ko ang mike saka umakyat na ng stage nagsimula na din silang patugtugin ang hawak nilang instrumento.
Pagkatapos naming matapos sa pagpractice ay umuwi na din kami.Pagkauwi ng bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto at binuksan ang ilaw. Nakita ko ang litrato naming dalawa sobrang saya pa namin dito pero sabi nga nila hindi lahat ng masaya laging masaya kasi minsan kailangan mo ding malungkot at umiyak.Ganon ba talaga kapag nagmahal ka? Kasalanan ko ang lahat sana nandito ka pa sa tabi ko.
‘I miss you so much baby…’
DH:03
KABANATA 3
ROSELLA
Nakaupo ako dito sa may swing narinig ko na may umiiyak na bata lalapitan ko na sana ito ng bigla namang dumating ang isang batang lalaki at pinapatahan niya ito.
“Bella wag kana umiyak gusto mo ng ice cream bibili ako para di ka na sad” sabi ng batang lalaki dito.
“Kwuya dwali bwili mwo tho ays krim” sabi nito.
“sige basta dito ka lang ah Bella bili lang kita ice cream” sabay bili ng batang lalaki sa nagtitinda ng ice cream pagkabalik niya binigay niya yung ice cream sa batang babae at umalis na sila, ang kyut nung batang lalaki siguro magkapatid silang dalawa hindi ko naman makita ang mukha ng batang babae malabo.
Hindi ko alam pero sinundan ko na lang sila at nakita ang dalawang magkapatid na nakaupo.
“masarap ba bella? sabi ko sayo eh”
“opwo thwuya shwarap pwo ays krem, twenchu kwuya” sabi nito, natawa na lang ako sa bata bulol pa siya mag salita.
“tandaan mo bella love na love kita ah.” sabi ng kuya nito.Pagkatapos nilang kumain ng ice cream ay bigla na lang may mga armadong lalaki ang dumating at pinilit na kuhanin ang batang babae, gaya kanina malabo pa din ang itsura nito at iyak ito ng iyak.
“kwuya! huk kwuya help mwo thwo huk bwad kayo!”
“Bella! bitiwan niyo patid ko! Bella! Tandaan mo love na love kita magiging okay din ang lahat.”
“kwuya tho huhuhu huk love dwin pwo thwitahuk”
Bang
Bang
“BELLA!!!”
“anak! jusko anong nangyari sayo?” napabangon ako bigla at taka akong napalingon kay mama.
“Ma? bakit po?”
“wala anak mukhang binangungunot ka ata, halika ka kumain kana nagluto na ako at baka ma late ka”
“sige po ma, susunod din po ako maliligo lang ako ma” sabi ko.
School
Pagkapasok ko ng school ay sobrang tahimik ng paligid nagtaka naman ako at tiningnan ang relo ko 7:35 palang at 8 o’clock pa ang time namin ah bakit wala man lang akong makita na estudyante dito? Hindi ko alam pero kinakabahan ako ang tahimik kasi eh hindi ako sanay.Dumiretso ako ng lakad at pumunta sa locker para kunin ang libro ko sa Science pagkabukas ko ng locker ganun na lang ang gulat ko.
“aahh!” napasigaw na lang ako dahil sa nakita ko isang patay na daga at nagkalat ang dugo nito sa locker ko.Hindi ko na nakuha ang libro saka umalis na lang.Hindi ako makapaniwala sino ang naglagay nun sa locker ko? Pumunta ko ng girls comfort room dahil hindi talaga maganda ang kutob ko ngayon.Pagkadating ko ng cr ay agad akong lumapit sa lababo at nag hilamos saka tumingin sa salamin.Kinuha ko ang towel na maliit sa bag ko saka pinunasan ang mukha ko.
“don’t scared rose ayos lang ang lahat, kaya mo to” sabi ko sa sarili ko at pinilit ngumiti.Naisipan ko na lumabas na pero pagkapihit ko ng doorknob ay ayaw magbukas teka bakit ayaw magbukas? okay pa naman to kanina ah.
“tao po! may tao ba jan? please lang buksan niyo itong pinto!” sigaw ko saka kinalampag itong pintuan.
“please buksan niyo ’tong pinto! tulong!” sigaw ko pa ulit.Napahikbi na lang ako bakit ba ang malas ko lagi ano bang nagawa ko at ganito na lang yung nangyayari sakin? Hindi ko na lang pinilit na buksan ang pinto sumandal ako dito saka umupo sa sahig.Hanggang kailan ba dapat ganito yung buhay ko? Ilang pagpapahirap pa ba ang dadanasin ko.Alam ko sa sarili ko na binubully na naman ako hindi lang isa kundi marami sila.Anong bang ginawa ko sa inyo? Umiiyak na lang ako dito sa loob bakit ba kasi ang hina ko pwede naman akong lumaban pero ayoko ng gulo gusto ko tahimik lang akong nag aaral pero ayaw talaga ata akong patahimikin ng tadhana eh.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nasa loob ng cr gusto ko nang lumabas.
“huy girl anong sagot mo kanina sa number one? mali kasi yungsagot ko”
“gaga ka kasi pinapa kopya na kita kanina ang arte mo pa”
“sorry na ayoko lang mabuking ng prof natin alam mo naman yun terror sa sub”
Nakarinig naman ako ng nag uusap kaya kinalampag ko ang pintua
“May tao ba jan? please buksan niyo itong pinto! tulong! parang awa niyo na huhuhu” sabi ko
“hala girl ano yun? narinig mo ba yun may tao ata sa loob ei?”
“ha? panu magkakaroon ng tao jan eh kita mo namang may nakalagay oh ‘don’t open the door’ sa pinto saka naka lock oh”
“eh may narinig talaga ako girl”
“hala baka may multo jan tara umalis na tayo!”
Nanlumo naman ako ng marinig ko yung yapak nila na umalis na wala na atang pag asa na makalabas pa ako dito.Kumukulo na din yung tiyan ko hindi pa ako kumakain.
“Tulong…” bulong ko hanggang sa nawalan na lang ako ng malay.
SOMEONE’S POV
Nakahiga ako ngayon dito sa may ilalim ng puno habang nilalasap ko ang sariwang hangin.
“uy girl tara na kasi balikan na natin sure ako may tao talaga dun ei”
“gaga ka sure ka ba sa sinasabi mo eh pano kung multo pala yun wag mo ngang isipin yun”
“naawa ako eh narinig ko talaga humihingi siya ng tulong naiyak pa nga eh malay mo may nag lock sa kanya dun”
“naku tigil tigilan mo na nga yan cheska may nakalagay nga diba ‘don’t open the door’ ang kulit mo din eh kung gusto mo ikaw na lang magbukas ng cr dun”
Naingayan naman ako sa dalawang babae na yun ang lakas lakas ng boses parang itik.Ano bang pinag uusapan ng mga yun? tss naniniwala pa sila sa multo eh hindi naman totoo yun.Dahil sa inis ko bumangon na lang ako saka tumayo kanina pa kasi ako naiihi,pagkarating ko ng cr pumasok ako sa boys cr saka jumingle pagkatapos ay naghugas lang ako ng kamay saka lumabas na din napadaan naman ako sa isang cr na sinasabi nung dalawang babae may nakalagay nga dito na ‘don’t open the door’ bakit kaya ayaw ipabukas ano namang meron sa loob? Hindi ko na lang sana papansinin at aalis na lang ng may napansin ako sa ilalim ng pinto kumunot ang noo ko ng makita ito.
‘siya to ah bakit nandito yung ID niya?’
Napatingin naman ako sa pinto at sa nakasulat dito ganun na lang ang pagka gulat ko ng marealize ang nangyayari.Pumunta ako sa Janitor’s room saka kinuha ang bakal na tubo at hinampas ang padlock hanggang sa masira ito.Mabilis kong binuksan ang pintuan at nakita ko siyang walang malay kaya naman binuhat ko siya at dinala sa clinic.
“Anong nangyari sa kanya? ilapag mo siya kama ako ng bahala sa kanya”
“nawalan siya ng malay sa cr” sagot ko napatingin naman sakin ang nurse.
‘wala talaga siyang patawad, kahit babae pinapatulan mo fuck!’
“Aalis na ako pag nagising siya pakibigay itong ID niya, wag mo na lang din sabihin na ako ang naghatid sa kanya” sabi ko sa nurse tumango lang ito kaya umalis na ako dun.
Pumasok ako sa gymnasium nakita ko sila na nag papractice.
“Oh pre mukhang naligaw ka ata ah” nakangising sambit nito.
“Hindi naman masama bang dalawin ang pinsan ko?” siya naman ngayon ang hindi nakapag salita ayaw na ayaw niya kasing tawagin ko siyang pinsan dahil wala daw siyang pinsan na katulad ko.
“fuck you! wala akong pinsan na kriminal!”
“pre tama na yan. Bakit ka ba kasi pumunta pa dito? ano bang kailangan mo?” sabat naman ni magnus
“tsk wala naman talaga akong plano na pumunta dito eh pagsabihan mo yang kaibigan mo pati babae hindi na pinatawad pareho sila ng ama niya walang puso at isa din siyang kriminal kaya namatay si tita” sagot ko. Kita ko naman ang pag ngitngit niya ng banggitin ko ang mga magulang niya.
“tangina mo! wala kang karapatan na sabihin yan! gago ka! hindi mo alam ang nangyari kaya wag kang mambintang” sigaw nito susugudin na sana ako nito ng hawakan siya ng mga kaibigan niya.
“umalis kana baka pati ako hindi makapag timpi mapatay kita” sabat naman ni George.
“sige lang ayaw mo nun pareho na tayong KRIMINAL, diba insan? Nagkakamali ka brandon dahil sa ating dalawa ikaw ang walang alam”
“fuck you hayop ka! wala akong pinsan na gaya mo! tumigil kana puro walang kwenta lang ang lumalabas sa bibig mo”
“the feelig is mutual Brandon..Wala ka din namang kwenta diba ? see yah..” at saka umalis na ako sa lintik na Gym na yun.
Flashback
Naglalaro ako ng basketball noon sa may garden namin ng may biglang tumigil na sasakyan sa harap ng bahay namin dahil bata pa ako nun wala akong alam sa nangyayari sa paligid hanggang sa nakita ko si Tito Billy na bumaba ng Van at pumasok ng bahay nagtago ako nun kaya hindi niya ako nakita.Sumakay ako ng van ng hindi ako nakikita ng driver nila doon ako sa pinaka likod nagtago dahil baka makita ako ni Tito Billy at pagalitan akala ko kasi sa bahay nila siya pupunta para sana mapuntahan ko si Brandon.Maya maya pumasok na si Tito Billy saka inutusan ang driver niya na paandarin na ang sasakyan.
“Hello nasaan na kayo? Good bantayan niyo lang sila at dyan lang kayo sa pwesto niyo malapit na kami jan”
narinig ko na may kausap si Tito Billy sa cellphone niya.
Pagkatapos ay tumigil ang sasakyan sa isang park.Anong gagawin ni Tito dito? Nandito siguro si Brandon at susunduin niya na yes! makakapag laro na din kami ng pinsan ko.
Yung saya na naramdaman ko kanina ay napalitan ng takot
Bang
Bang
Dalawang putok ng baril ang pumangibabaw ng katahimikan.
“Dalian niyo ipasok niyo na yan!” rinig kong sigaw ni tito.
“Boss paano yung bata na lalaki papatayin ba namin?” nagulat ako sa sinabi ng kausap ni tito.
“hayaan niyo na siya ang importante nakuha natin ang batang to! hawakan niyo yan” sabi nito.
“arrgh hmm” may narinig akong boses ng bata at nanlaki ako ng makita na duguan ito, anong gagawin nila sa kanya?
“Mga peste! ha! tingnan na lang natin kung makikita pa nila ang anak nila hahaha!!” parang isang demonyo ang nakita ko sa kanya at hindi ang tito ko. Natatakot ako hindi ko alam ang gagawin anong agawin nila sa babae? papatayin ba ni tito? Hindi ako makapaniwala sa mga nasaksihan ko ng oras na yun.
Huminto ang sasakyan sa isang abandonadong lugar at makikita mo na walang tao sa paligid.Bumaba sina tito at ang mga armadong lalaki pagkalabas nila ay lumabas din ako saka sinundan sila.Pumasok sila sa abandonadong lugar kaya sumunod lang din ako at nagtago sa may mga kahon. Inihiga nila ang batang babae at maya maya pa ay may dumating na babae hindi ko marinig ang usapan nilandahil malayo ako sa kanila basta ang alam ko lang kinuha ng babae ang batang babae at binigyan siya ni Tito Billy ng maraming pera na nasa bag.Ibininta niya ba ang batang babae sa Ale na yun? Pagkatapos ay bumalik na ako sa loob ng sasakyan at nagtago ulit sa likod. Nanginginig at takot na takot ako nun dahil sa nalaman ko akala ko mabait siya yun pala ang bad niya.
Dumiretso ang sasakyan sa Mansion nina Brandon pagkalabas ni Tito ay lumabas din ako gusto kong sabihin sa kanila ang nakita ko kaya pumunta ako ng taas at kinatok ang kwarto niya pero wala siya doon,
“Jack anong ginagawa mo dito? Wala si Brandon dito namasyal sila kasama ang lola niya”
Nabuhayan ako ng loob ng makita ko si Tita Rein.
“Tita may sasabihin po ako! may dapat po kayong malaman tita.. si tito po..”
“Hon? dumating kana pala halika na kumain na tayo tamang tama nandito si jack isabay na natin,ano nga pala yung sasabihin mo?” tanong ni tita rein.
Napalingon ako kay Tito Billy na takot na takot tumago ako sa likod ni tita rein.
“jack ano bang nangyari sayo bakit ka tumatago sa likod ko, nahihiya ka ba sa tito mo? Hindi ka kakagatin niyan okay” sabay tawa pa nito
“Hahaha common jack come here to tito”
Mas lalao akong tumago sa likod ni tita ayoko sa kanya bad siya!
“Ayoko sayo bad ka! bad ka!” sigaw ko, nagulat naman sila sa sigaw ko.
“Hey jack don’t say that hindi bad ang tito mo” pagtatanggol ni tita rein sa kanya.
“Pero bad siya tita huhuhu kung di siya bad bakit niya kinidnap yung batang babae at bininta sa Ale huhuhu bad ka! bad ka!”
Nakita ko kung pano siya nagulat at nanlaki ang mata.
“Panong…” hindi niya naituloy ang sasabihin.
“J-jack wag kang mag sinungaling ng ganyan mabait ang tito mo san mo natutunan yan ha?”
“huhuhu di ako nagsisinungaling tita nandun ako sa sasakyan marami siyang kasama na bad guys nagpunta kami ng park tas kinuha nila yung batang babae na duguan saka nagpunta kami ng malayong lugar dun niya binenta ang batang babae sa Ale binigyan niya pa nga ng maraming money eh huhuhu!”
“Hon? wag kang maniwala sa bata hindi totoo yun at gawa gawa lang nya ng kwento” sabi ni tito billy.
“pero hon hindi marunong mag sinungaling ang bata alam mo yan”
“hon wag kang maniwala sa bata okay hindi totoo yun! jack halika kay tito ihahatid na kita sa inyo”
“ayoko! sumbong kita sa pulis!” sigaw ko at tumakbo pababa ng hagdan pero hinabol niya ako at nahawakan
“bitawan moko! sumbong kita sa pulis bad ka!” at saka kinagat ko yung braso niya
“aarggh! lintik na bata ka halika dito!”
“aahhh! bitawan moko”
“Billy bitawan mo si jack! wag mo siyang saktan” sabay awat ni tita pero tinabig lang siya ni tito.
“wag kang makialam rein kung ayaw mong madamay!”
“aahh” sigaw ko dahil sa sakit ng pagkahawak niya sakin
“tumahimik ka dahil kapag hindi igagaya kita sa batang yun naintindihan mo ba!”
“oh my god billy so totoo nga?! Bakit? Bakit Billy!” hestirical na sabi ni tita.
“Dahil sa magulang ng batang yun kaya nagkanda letse letse ang mga negosyo natin! dapat lang sa kanila yun para maramdaman nila kung pano mawalan ng pag aari!”
“pero bata yun billy dapat hindi mo na siya dinamay wala siyang kinalaman!”
“wala akong pakialam kaya umalis ka jan dahil kapag hindi baka masaktan pa kita rein!”
“billy please! maawa ka pamangkin natin si jack wag mo siyang saktan!”
“wala akong pakialam!” sabay kuha niya ng baril sa tagiliran kaya mas lalo akong natakot.
Ang bilis ng pangyayari ang alam ko lang nag aagawan na sila ni tita ng baril.
Bang!
Napahagulhol na lang ako ng makita ko si tita na bumagsak sa sahig.
“T-tita?” wala sa sarili kong sambit. Ang alam ko lang dali daling umalis si tito pero nilagay niya sa kamay ko yung baril bago siya umalis at yun ang naabutan na eksena ni Brandon ng makita niyang wala ng buhay si tita. Ako ang sinisi nila at pinagbintangan sa pagkamatay ni tita.
DH:04
KABANATA 4
ROSELLA
Minulat ko yung mga mata ko puting paligid lang ang nakikita ko.Nasaan ako?
“oh mabuti naman at gising ka na,okay na ba ang pakiramdam mo? may masakit ba sayo?” napatingin naman ako sa nurse kung ganon nasa clinic ako.Bumangon naman ako saka umupo.
“okay na po ako, ano pong nangyari sakin? pano pala ako napunta dito?” sunod sunod kong tanong dahil nakakapagtaka naman ang alam ko lang nasa cr ako kanina.
“Nahimatay ka daw sa cr totoo ba yun? ah may nagdala dito sayo pero sabi niya wag ko sabihin kung sino siya hay nakung bata yun may pa mysterious effect pa” sagot naman niya sakin.
“opo nahimatay nga po ako may nag lock po kasi sakin sa cr”
“ano?! jusko maria kaya naman pala buti na lang at may nakakita sayo kawawang bata naman ito oh. Oh siya kumain ka dito nagpabili ako kanina ng pagkain tanghali na at wala ka pang kinain masama sa kaluasugan ang nagpapagutom” napangiti naman ako sa sinabi niya ang bait niya sana lahat ganun.
“maraming salamat po Ms.Nurse sa pag bantay po sakin at pag alaga tapos binilhan niyo pa po ako ng pagkain” kinuha ko naman ang plastic na may lamang pagkain at saka kinain ito, ang sarap para akong hindi nakakain ng ilang araw dahil sa gutom.
“oh dahan dahan wala namang naghahabol sayo naku mabulunan ka pa, anong ngang pangalan mo?” tanong niya.
“Rosell Libutan po..” sagot ko dito.
“ah.. ako naman si Jenny Salonga,tawagin mo na lang akong Ate Jen ay teka may ibibigay pala ako sayo yung ID mo” sabi niya kinapa ko naman sa kaliwang dibdib ko yung ID ko oo nga wala dito, nalaglag siguro.
“Oh eto binigay yan sakin ni pogi sabi niya ibigay ko daw sayo nalaglag mo siguro kanina nung mawalan ka ng malay”
sabay abot niya sakin ng ID ko ikinabit ko naman ito sa uniform ko pin lang kasi siya kumbaga hindi siya katulad ng ibang ID na isinasabit sa leeg.
“Ate jen maraming salamat po ah .. ahm aalis na din po ako may klase pa kasi ako” kinuha ko naman ang bag ko saka sinukbit ito sa balikat ko.
“oh sige mabuti pa nga at lalo na kanina hindi ka nakapasok sa pang umaga bawi ka na lang ulit sa sunod.Mag ingat ka din” “
“Opo Ate jen sige po aalis na ako.” paalam ko saka lumabas na ng clinic.
Naniniwala talaga ako na hindi lahat ng tao masama buti pa si Ate jen ang bait niya saka ang ganda pa salamat sa kanya kasi binantayan niya ako saka pinakain pa.Pero sino kaya yung nagdala sakin sa clinic paano ko siya mapapasalamatan eh hindi naman siya nagpakilala. Parang Deja Vu.
Pagkarating ko ng classroom ay tahimik lang sila habang nakatingin sakin ng pumasok ako hindi ko na lang sila pinansin saka dumiretso na sa upuan ko.Nag quiz lang kami sa isang subject namin at yung pangalawang subject naman ay nag by group lang about sa magiging activities namin bukas.Matiwasay naman na natapos yung araw ko ngayong hapon pero hindi dapat ako makampante dahil tiyak bukas may panibago na namang di kaaya ayang mangyayari sakin. Pagkalabas ko ng building namin ay naglakad lakad muna ako hanggang sa mapadpad ako dito sa isang garden kaya naupo na lang ako saka pinagmasdan ang kalangitan napaka aliwalas ng panahon ngayon malapit na ding lumubog ang araw, naisip ko tuloy para akong araw bawat kinabukasan kasi lumulubog ako i mean yung tipong lagi akong nadadapa na parang bata. Napabuntong hininga na lang ako naiisip ko sina mama at papa yung akala mo ang sweet nila at mahal ang isa’t isa pero kapag sila ng dalawa lagi kong naririnig ang iyak ni mama, alam ko nasasaktan na siya sa ginagawa ni papa minsan na lang siya umuwi naiisip ko nga pamilya ba talaga kami?
“Booo!”
“ay palaka!” napa sigaw na lang ako ng may gumulat sakin.
“hahaha ang gwapo ko naman atang palaka pfft” tiningnan ko lang ng masama iyong lalaki hindi ko naman siya kilala pero ang feeling close niya.
“Bakit mo ba ako ginugulat feeling close ka ha” sabay irap ko dito totoo naman kasi di ko naman siya kilala tas gugulatin ako.
“ehem! edi magpapakilala ako sayo I’m Jackson Pineda at your service” sabay kindat pa nito sakin.Grabe siya ang taas ng confidence sa sarili.Teka Pineda? Siya yun, oo nga siya yung naglalaro ng basketball.
“baka matunaw ako niyan miss, nagwapohan kana ba sakin?”
“kapal mo! ang panget mo kaya saka bakit kaba andito ang fc mo rin no?” sabi ko dito.
“wala namang masama kung makikipag kaibigan ako sayo diba? kaya lulubusin ko na ang pag ka fc ko sayo.. saka nakita kasi kita dito na mag isa kaya lumapit na ako.” sabi niya. Ano daw makikipag kaibigan siya sakin bakit naman? siguro may binabalak tong ungas na to.
“hep hep! hindi ako masamang tao miss kung iniisip mong may gagawin akong masama sayo pwes mali ka.Gusto lang talaga kitang maging kaibigan pansin ko kasi lagi kang mag isa” dagdag niya pa. Totoo yun lagi naman talaga akong mag isa pero okay lang sanay na ako.
“sanay na akong mag isa kaya iwan mo na lang ako” sabi ko. Tumayo na ako saka pinagpagan ang palda ko kailangan ko na palang umuwi baka hinahanap na ako ni mama sana umuwi si papa ngayon miss ko na siya.
“Uuwi ka na ba sabay na tayo? tapos na din kasi
akong mag practice ng basketball“ sabi niya pero hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy tuloy sa paglakad
“hoy pansinin mo naman ako ang snob mo naman,
mabuti nga tinulongan kita sa cr kanina eh“
sabi niya pero hindi ko narinig yung huli niyang sinabi bulong lang ata yun ei.
“hindi ako snober! ayoko lang talaga makipag kaibigan” sagot ko.
Hanggang pagkalampas namin ng gate ay sinundan niya pa din ako ayaw niya talaga tumigil.Naghintay ako ng taxi ng may matanaw ako ay agad ko itong pinara palapit pa lang ako pero may nauna na ditong sumakay kainis naman ako yung pumara eh tas iba yung sasakay.
“pfftt hahaha ang swerte nung babae nakasakay agad kawawa naman yung nagpara” tatawa tawa niyang sabi at mukhang inaasar pa ako kainis!
“anong tinatawa tawa mo dyan? kasalanan mo to eh!” gigil ko sa kanya.
“Ayaw mo daw kasi akong tanggapin bilang kaibigan kaya ayan ayaw ka din pauwiin haha” dahil sa inis ko sa kanya sinipa ko siya sa binti niya.
“aray! ang sadista mo naman ang liit mo na nga naninipa ka pa para kang kabayo” pang aasar niya pa sinamaan ko na lang siya ng tingin.
“ikaw naman Giant! kapre! kung kabayo ako ikaw tikbalang bleh!”
sabay dila ko dito.
“tsk duwende”
“anong sabi mo?!”
“wala sabi ko bingi ka”
“bwesit ka hmp!” hay naku akala ko naman matiwasay na yung hapon ko hindi rin pala.
Maya maya nakasakay na din kami ng taxi nagulat pa nga ako ng sumakay din siya eh nagtatalo pa nga kami kung sino saming dalawa ang unang ihahatid pero syempre di ako nagpaawat kaya ako ang nanalo hihihi Rosella for the win baby burn baby.
Pagkarating ko ng bahay para akong lantang gulay dahil sa nangyari sakin lalo na kaninang umaga hindi ko talaga malilimutan yun akala ko hindi na ako makakalabas, takot na takot pa naman ako lalo na at Cr pa napapanood ko kasi sa horror movie madalas sa CR magpakita ang mga multo.
“Oh anak nakauwi ka na pala kamusta ang school?” tanong ni mama kakalabas ko lang kasi ng kwarto pagkatapos kong magbihis.
“okay lang po ma. kayo po okay lang po ba kayo? Ma ako na lang po ang maglilinis magpahinga na po kayo sa kwarto niyo alam ko pagod na pagod din kayo sa work niyo” pansin ko kasi na parang stress na stress din si mama ngayon.
“ano ka ba rose okay lang si mama malakas yata ako” sabi niya pero bigla na lang itong nanlambot kaya pinaupo ko muna si mama sa upuan at kinuhaan ng tubig saka pinaimon siya.
“Ma hindi po kayo okay. Tingnan niyo po oh ang putla niyo ei” sabi ko kay mama kinapa ko naman ang noo ni mama at leeg ang init.
“anak kaya ko..”
“Ma pwede ba makinig naman kayo sakin, nag aalala din ako sayo ma tingnan niyo ang taas ng lagnat mo” iniwan ko muna si mama at pumunta sa lababo naglagay ako ng tubig sa planggana at saka kumuha ng maliit na towel at binasa dito pagkatapos ay lumapit ako kay mama at pinunasan ang noo niya at leeg.Pagkatapos ay hinatid ko si mama sa kwarto niya at pinahiga ito.
“anak salamat… sana balang araw mapatawad mo si mama ha i love you rose..”
“Ma ginagawa ko to dahil mahal ko kayo at saka salamat din ma kasi dumating ka sa buhay ko, Ma lalabas lang po ako bibili lang po ako ng gamot niyo” paalam ko.
“Mag iingat ka nak umuwi ka agad ha”
“Opo Ma..”
Pumara ako ng trycicle at saka nagpahatid sa malapit lang na botika binilhan ko si mama ng gamot biogesic,bioflu, at mefenamic pamapatanggal sa sakit ng ulo.Pagkatapos kong bayaran ay umalis na din ako gusto ko sanang mag trycicle na lang pero maglalakad na lang ako malapit lang naman to dalawang kanto lang ang lalakadin ko. Saka sayang tong sukli idadagdag ko na lang siguro to sa ipon ko.Isa pa maliwanag ang daan kaya wala naman sigurong magbabalak na harangin ulit ako o sundan diba? Nakalampas na ako ng isang kanto kaya isang kanto na lang at bahay na namin kaso may nakita akong lalaki na tumatakbo at pumasok sa isang eskinita napansin ko ang suot nito naka jacket siya ng itim at nakasumbrero din ng itim.Nanlaki ang mata ko ng makilala ko siya, siya yung nagligtas sakin pero teka bakit siya tumatakbo wala namang humahabol sa kanya ah. Nacucurious naman ako kung anong ginagawa niya eskinita kaya sinundan ko siya.Pagkatapat ko ay sobrang dilim ng eskinita nakakatakot.Pero dito siya nagpunta hindi man lang siya natakot ang dilim kaya buti na lang dala ko yung cellphone ko kaya kinuha ko ’to sa bulsa at binuksan ang flashlight.
“Hello?” sambit ko.Dumiretso lang ako papasok at sabay ilaw sa daanan kahit kinakabahan ako ay tinuloy ko lang ang paglalakad at hinanap yung lalaki.
“Hellooo?” sabi ko ng mahina mahirap na baka may masama pala ditong tao at makita ako.Habang palapit ako ng palait sa dulo ay nag tataasan naman yung mga balahibo ko.
“Saan siya kaya nag punta?” tanong ko sa sarili ko.
Nasa pinaka dulo na ata ako pero hindi ko siya makita saan yun nagpunta? Imposible naman na mawala siya eh dito ko siya nakitang pumasok kaya nga sinundan ko diba. Pabalik na sana ako para lumabas kasi hindi ko naman siya nakita ng may biglang tumakip sa mga bibig ko.Nabalot ng takot ang dibdib ko dahil baka may gawin siyang masama sakin.
“hmmpp! hmmp..” salita ko at dahil nakatakip ang kamay niya ay hindi niya maintindihan ang sinasabi ko dahil nagiging ungol lang ito.
“sshhh don’t shout kung ayaw mong makita tayo dito at mapahamak” sabi niya kaya tumahimik na lang din ako hindi ko din maintindihan yung sinabi niya ei kami lang naman dalawa ang nandito,nakatakip ang isang kamay niya sa bibig ko at ang isa niya namang kamay ay nakapulupot sa bewang ko.Tae tyansing ata to eh sisikuhin ko sana siya ng may marinig kaming boses buti at nakapatay na ang ilaw ng cp ko nalowbat na siguro.
“hanapin niyo siya nandito lang yun! hindi pa nakakatakas yun dahil natamaan ko yun”
“
yes boss! o kayo jan hanapin niyo sa likod baka nagtatago lang yun kayong dalawa tara samahan niyo ko sa eskinita“
“kapag nahanap niyo wag niyo munang papatayin ako ang papatay sa gagong yun!”
rinig kong utos ng boss ata nila yun, kinabahan naman ako baka makita nila kami dito lalo na at tatlo sila samantalang dalawa lang kami dito.Ano nang gagawin namin ngayon ayoko pa atang mamatay kasalanan ko to eh bakit kasi sumunod pa ako dito ang tanga tanga ko talaga kahit kelan.
“dito ka lang wag kang aalis, ako nang bahala sa kanila” sabi nito saka binitawan na ako at isinandal sa pader.Takot na takot naman ako kaya niya kayang talunin yung tatlo ei isa lang siya.
“hindi mo kaya tatlo sila saka isa ka lang” bulong ko baka kasi marinig kami nung tatlo.
“ssshhh dyan ka lang wag kang aalis hanggat di ako bumabalik naintidihan mo? kaya ko sila ako ng bahala”
sabi nito saka tumayo na hindi ko alam kung nasan siya dahil sobrang dilim hindi ko din alam kung nasan yung kalaban dahil ang tahimik ng paligid.
“Mag iingat ka” bulong ko kahit alam kong di niya iyon maririnig malayo na siguro siya.Nakaupo lang ako dito sa isang tabi habang nakasandal sa pader.Sana ayos lang siya sana walang nangyaring masama sa kanya.Lord please tulongan niyo po sana kami.
Maya maya nakarinig na ako ng mga kalabog sa paligid iniwasan kong mapatili baka kasi ikapahamak pa lalo namin yun.
Booggsshhh
“Aahh shit!”
“tangina ako yung sinuntok mo bwesit!”
“pasensya na boss hindi ko nakita ang dilim eh”
“hanapin niyo! nandyan lang yan takte”
Blaaaggg
Booggsshhh
Paakk
Bllaaamm
Boogssshh
“Damn arrghh fucking shit!”
Maya maya ay natigil na din ang laban kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari.
DH:05
KABANATA 5
ROSELLA
Napahikbi na lang ako dahil sa takot baka may nangyari na sa kanyang masama,tumayo ako saka dahan dahan naglakad papunta sa kanila.Pero hindi pa ako nakakalapit ng may yumakap sakin.
“sshhh ayos lang ako tara na umalis na tayo dito”
sabay bitaw niya sakin ng pagkakayakap at hinawakan ang kamay ko sabay naming dalawa na tinahak ang eskinita palabas.Sobrang natuwa ako dahil sa wakas nakalabas din kami ng buhay akala ko talaga katapusan na namin at nagpapasalamat ako sa kanya dahil hindi niya ako iniwan doon.
“woohh sa wakas nakalabas din tayo maraming maraming salamat sa pag–” hindi ko na natapos magsalita dahil paglingon ko bigla na lang siyang bumagsak sa sahig kaya kinabahan naman ako.
“uy gising! gising!” sabay yugyog ko dito pero talagang nawalan siya ng malay natakot naman ako anong gagawin ko? Dahil tinulongan niya ako kanina ako naman ngayon ang tutulong sa kanya tiningnan ko naman kung may sugat siya hanggang sa may nakapa akong malapot sa tagiliran niya kaya tiningnan ko ito, nanlaki ang mga mata ko ng makitang dugo ito. Nataranta naman ako lalo.
“Tulong! tulongan niyo kami! huhuhu”
“Miss anong nangyari?” nakaramdam naman ako ng tuwa ng may humintong trycicle
“Manong tulongan niyo ako dalhin natin siya ospital!” sigaw ko tinulongan niya naman ako na buhatin ito at pinatakbo ng mabilis ang tycicle.
Ospital
Magdamag akong walang tulog dahil sa nangyari, umaga na ngayon at antok na antok ako buti na lang at isinugod ko agad siya ng ospital dahil kung hindi ay baka marami ng dugo ang nawala sa kanya sabi sakin ng doctor. Nailipat na din siya ng room ayokong pumasok dahil natatakot akong malaman kung sino siya alam ko naman na ayaw niyang makita ko ang mukha niya kaya rerespetuhin ko yun kapalit ng pagprotekta niya ulit sakin ngayon.Kaya nga nandito lang ako sa labas at nakaupo.
Maya maya pa ay lumabas na ang doctor at nurse sa kwarto niya kaya tumayo naman ako at lumapit dito.
“Doc kamusta na po ang lagay niya? Gising na po ba siya?” tanong ko.
“wag kang mag alala stable na ang kalagayan ng pasyente hindi pa siya gising pero mamaya baka magising na din siya, ito reseta niya para gumaling agad ang sugat niya at hindi mainfection” inabot niya sakin ang reseta at kinuha ko naman ito.
“Maraming salamat doc.. ako na pong bahala ibibili ko na lang siya nitong mga reseta”
“sige..mauna na kami pwede kanang pumasok sa loob”
“sige po doc” pagkatapos ay umalis na sila.Naupo ulit ako sa upuan hindi ko na alam ang gagawin ko. Naisip ko naman si mama baka nag aalala na yun dahil hindi ako nakauwi lalo na at may lagnat din siya. May pasok pa ako ngayon hayss ang malas ko talaga kahit kelan.Siguro ay uuwi muna ako ngayon saka ko siya bibilhan ng mga reseta wala pa naman akong dalang pera ngayon. Umalis na ako ng ospital saka pumara ng trycicle sa bahay ko na lang siya babayaran, pagkarating ko ng bahay ay nadatnan ko si mama sa lamesa nakaupo ito at maga ang mga mata.
“Ma?” tawag ko dito.
“jusko ko anak saan ka ba galing bakit hindi ka umuwi alalang ala ako sayo akala ko may nangyari na sayong masama” sabay yakap nito sakin at naluluha pa.
“Ma pasensya na po kung pinag alala ko kayo may nangyari lang po kasi at saka Ma kailangan ko na pong umalis agad may kukunin lang po ako” saka pumasok ako sa kwarto at binuksan ang Box kung saan ko iniipon ang mga pera ko kinuha ko ito sa lalagyan at saka lumabas ng kwarto
“anak ano bang nangyari? saan ka pupunta hindi ka ba papasok ng school?”
“Ma pasensya na po talaga mamaya ko na lang po ikikwento kailangan ko pong bumalik agad ng ospital.. opo liliban muna ako ngayon sa school may kailangan lang po akong gawin” paalam ko kay mama hinalikan ko ito sa pisngi at binigay sa kanya ang gamot na binili ko kagabi.Sinabi ko din na inomin niya ito pagkatapos niyang kumain.Pagkaalis ko ng bahay ay dumiretso ako ng Pharmacy at binili ang mga nakasulat sa reseta.Pagkatapos ay bumalik ako ng Ospital
kung nasaan siya. Sinabi sakin ng isang nurse na gising na daw iyong dinala ko dito kagabi kaya dumiretso ako sa room kung saan siya naka stay.
Knock Knock
“Gising ka na ba? Ako to yung kasama mo kagabi binilhan kita ng mga reseta para gumaling agad yung sugat mo.” sabi ko. Sana naman gising na siya narinig niya kaya yung sinabi ko?
“Come in.” narinig kong sagot niya kaya binuksan ko yung pintuan nakita ko siyang nakatalukbong ng kumot alam ko naman kung bakit.Dahan dahan akong lumapit sa kanya saka inilapag sa maliit na table yung mga reseta.
“Ah ano binilhan kita ng reseta para gumaling na agad yung sugat mo, uhmn sorry kasalanan ko kung bakit nasa ospital ka pasensya na” hingi ko ng paumanhin sa kanya.
“it’s not your fault it’s mine..May tama na ako nun nung tumakbo ako papuntang eskinita.Ikaw bakit ka nandun anong pumasok sa kukote mo at pumasok ka ng eskinita?” napalunok na lang ako ng laway sa sinabi niya umiral na naman kasi yung katangahan ko kaya pumasok ako sa eskinita.
“A-ano ang totoo niyan galing akong botika nun tas nakita kitang tumatakbo at pumasok ka ng eskinita kaya nacurious ako kung anong ginagawa mo dun kaya sinundan kita at pumasok sa eskinita.” paliwanag ko sa kanya napabuntong hininga lang siya.
“alam mo ba yung kasabihan na curiousity kills cat? Paano kung masamang tao ang nandoon sa tingin mo ba makakalabas ka ng buhay dun? Sa susunod wag mong pairalin lagi yang kukote mo mag isip ka muna ng mabuti bago mag desisyon dahil yan ang ikapapahamak mo” sagot niya.Alam ko naman yun hindi kasi ako nag iisip ng mabuti at saka isa pa arrggh nevermind hays.
“sorry nacurious lang talaga ako saka ano.. ahm gusto ko lang ulit magpasalamat sa pagligtas mo sakin, salamat ng sobra” sabi ko dito
“Hindi mo kailangang magpasalamat dahil lang sa niligtas kita sana hindi na to maulit pa.”
nalungkot naman ako bigla sa sinabi niya.
“sorry talaga.. ano a-aalis na ako wag mong kalimutan na inumin yung mga gamot na binili ko..” sabi ko sa kanya lumakad na ako paalis ng kwarto niya bago pa tuloyang sumara ang pinto ay narinig ko siyang nagsalita.
“Thank you” napangiti na lang din ako. Pero at the same time medyo malungkot hindi ko kase nakita ang mukha niya ano ba tong pinag iisip ko nababaliw na ata ako hays.
ONE WEEK PASSED
Isang linggo na ang nakakaraan simula nung mangyari iyon sa isang linggo na lumipas marami na naman ang nangyari.Gaya pa din nung una hindi pa din nawalan ng pambubully sakin gaya na lang nung pumasok ako nun kinabukasan pagkabukas ko ng room may biglang bumuhos sa ulo ko na harina kaya lahat ng mga kaklase ko pinagtawanan ako.Meron naman na papatidin ka bigla kaya ang nangyari sumubsob yung mukha ko sa sahig at natapon yung binili kong spaghetti.Nung nakaraang araw naman pinahiya ako ni Brandon at binuhusan niya ako ng juice sa ulo kaya tumakbo ako nun at iyak ng iyak sa may garden. Buti na lang nandyan si Jackson at dinadamayan ako tuwing umiiyak ako. Ginawa niya nga yung sinabi niya kasi kahit saan ako magpunta lagi lang siyang nakasunod sakin except pag mag cCR lang ako.At sa buong linggo hindi ko na din nakita si Hero, hindi ko naman kasi siya kilala kaya Hero na lang ang tawag ko sa kanya.
“Hoy duwende nakikinig kaba sakin? saang lupalop na naman ba napunta yang isip mo” sermon sakin ni Jackson sabay pitik sa noo ko.
“aray ano ba? sakit nun ah.” inis kong sabi dito saka hinampas.
“aray naman! eh pano kanina pa kita kinakausap pero nakatulala ka lang dyan tsk”
Nandito nga pala kami ngayon sa tambayan namin sa garden nakaupo lang ako habang siya naman ay nakahiga sa damuhan.
“may iniisip lang ako ano ba yung sinasabi mo kanina ulitin mo na lang” sabi ko
“aba’t sino naman yang iniisip mo ha? ayoko nga nakakapagod magsalita tas hindi ka naman pala nakikinig nakakainis ka ding duwende ka” sagot naman niya saka salubong ang dalawa niyang kilay.HAHAHA Pikon ang kapre.
“sabihin mo na promise makikinig na ako! Dali na jackson!” sabay taas ng kamay ko na parang nanunumpa.
“Manood ka ng practice namin mamaya sa basketball saka sabay tayong umuwi baka mamaya kung ano ano namang mangyari sayo ang lampa mo pa naman” sabi niya tingnan mo to mang aasar pa sarap bigwasan ei.
“oo na! sge manlait ka pang kapre ka akala mo naman napaka galing mag basketball duling naman” natawa na lang sa pagkalukot ng mukha niya akala niya siguro siya lang marunong mangasar no syempre may pang bawi ako jan devil laugh
Toink
“hoy kapreng duling nakakailan ka na ah! kala mo ikaw lang ah” buong lakas ko siyang kinurot sa tagiliran niya kaya naman napaliyad siya sakit.
“aawww! aray duwende tama na ang sakit! shit talas ng kuko ei” reklamo niya.Buti nga sa kanya sakit kaya ng pagka batok niya ggrr.
Pagka uwian nga ay dumiretso ako ng Basketball court at pinanood si kapre na mag shoot ng bola.Nung una ay hindi niya ito na shoot pero nung pangalawa ay na shoot niya na ito hanggang sunod sunod na ang tira niya.
“first team give me 10 laps on the court! walang magpapahinga kapag tumigil ang isa sa inyo dadagdagan ko kayo ng kada 1 lap understand?!” sigaw ng coach nila grabe akala ko sa subject lang may terror pati rin pala mga coach.
“Aye aye Coach!” sagot nilang lahat.Natapos naman ng first team ang 10 laps ng walang pumapalya sa kanila at ang sunod ay ang grupo nina jackson naku baka dito sa grupo na to mag ka plus one sila.
“second team be ready! give me 10 laps walang magpapahinga ang titigil may dagdag na 2 laps got it?!”
“Yes coach!” sabay sabay na sagot nilang lahat kala ko 1 lap lang din pero 2 lap pala. Nakita ko naman silang nagtatakbuhan ang ilan sa kanila ay pagod na pero tinitiis na lang din at baka madagdagan pa lalo ng 2 lap ang pag ikot nila napakalaki pa naman ng Court.
“Pineda! ayusin mo yang pag takbo mo”
“yes coach!”
Kawawang kapre sure ako mamaya lantang lanta to. Sa pagkakaalam ko siya ang Captain ng Team nila kaya siguro talagang grabe ang pahirap ng coach nila malapit na din kasi ang Intrams ng school namin.
Pagkatapos ng practice nina kapre ay umuwi na kami halatang pagod na pagod siya dahil sa nangyari kaya siya na ang inuna kong ipahatid kay Manong driver.
“hoy kapre bumaba ka na andito na tayo sa inyo” yugyog ko dito mukhang nakaidlip pa ang loko.
“tsk oo na baba na, ikaw duwende ah uwi agad baka kung san ka pa dumaan baka manuno mo pa sila.. Manong siguraduhin niyo na naihatid niyo to ha pag hindi ipapapulis talaga kita”
“hoy kapre tumahimik ka na nga jan putak ka ng putak para kang manok! sige na aalis na ako ikaw din wag kang pagala gala baka mamaya makaapak ka pa ng tao sa sobrang taas mo.. Manong tara na!”
natawa na lang ako sa itsura niya para siyang natatae na ewan ppfft.
Pagkarating namin ay binayaran ko na si manong saka bumaba na pagkapasok ko ng bahay ay nakita ko ang isang maleta na nakakalat sa sala nakabukas ito at may mga damit sa loob narinig ko naman na nag tatalo sina mama at papa sa kwarto nila kaya sumilip ako.
“Roy naman wag kang umalis paano na kami ng anak mo? Roy please kahit para na lang kay Rose ayuain natin to” narinig kong pakiusap ni mama ibig sabihin iiwan na kami ni papa pero bakit?
“clarisse pwede ba wag mong idahilan ang anak mo sakin! baka nakakalimutan mo? napulot mo lang kung saan saan yan!” nagulat naman ako sa sinabi ni papa anong ibig sabihin niya? napulot ako?
“Roy! wag mong sabihin yan! anak ko si Rose kaya wala kang karapatan na ipamukha sakin ang bagay na yan!”
“Tumigil kana clarisse ayoko na sa bahay na to! Hindi na ako masaya sa pagsasama natin at oo may iba na akong inuuwian” sagot ni papa.Napaiyak na lang ako sa nalaman ko ang sakit sakit.
Bllaaaaggg
“anong sabi mo? walang hiya ka! bakit mo nagawa yun sakin ha manloloko ka! huhuhuhuk Bakit roy? Anong ginawa ko para ganitohin mo kami ng anak ko” umiiyak si mama at alam ko sobra na naman siyang nasaktan.Pero mas nasasaktan ako dahil iiwan na kami ni papa.Hindi ko namalayan na naitulak ko na pala ang pinto gulat silang napalingon sakin.
“Pa? totoo bang iiwan mo na kami ni mama? bakit papa?” umiiyak kong tanong sa kanila.
“anak? kanina ka pa ba diyan?” kinakabahang tanong ni mama.Samantalang si papa nakatayo lang at nakatingin sakin ilang saglit pa ay kinuha niya ang ilang mga damit niya saka ako nilampasan at lumabas.Hindi niya nasagot ang tanong ko, lumapit naman ako kay mama at niyakap siya ng mahigpit.
“narinig ko lahat ma huhuhuhuk hindi na ba tayo mahal ni papa? Mas mahal niya ba yung bago niya ma? huhuhu” iyak ako ng iyak.
“ssshhh anak patawarin mo si mama ha wala man lang akong magawa para pilitin na hindi tayo iwan ng papa mo”
“Ma nandito pa po ako iniwan man tayo ni papa pero kayo po hindi kita iiwan ma mahal na mahal kita ma ei”
“ang swerte ko sayo anak kasi mapagmahal ka sana wag kang magbago kahit anong mangyari sana wag balutin ng galit ang puso mo, mahal na mahal kita anak kaya gagawin ko ang lahat para sayo..” naguguluhan ako sa mga sinasabi ni mama pero hindi ko na lang yun pinansin.Narinig namin na umalis na ang sasakyan ni papa kaya ibig sabihin umalis na talaga siya at iniwan kami ni mama.Bakit papa?
DH:06
KABANATA 6
MAGNUS
Sabado ngayon kaya nandito ako sa kompanya namin para tulongan si papa sa pag hawak at pagpapalago nito.Pinipirmahan ko na lang itong ibang papeles na ipipresent sa mga boarders.
Ring
Ring
Natigil naman ako sa ginagawa ko at sinagot ang tawag sa kabilang linya
“Hello sir, pasensya na po sa istorbo pero may nagpupumilit pong pumasok ei ‘ano ba papasukin mo sabi ako eh! Girlfriend niya ako di mo ba narinig!’” rinig ko sa kabilang linya napahilot na lang ako sa sintido ko
“papasukin mo Ms.Valdez” saka ko ibinaba ang telepono, ano bang ginagawa ng babaeng yun dito napasandal na lang sa upuan.Maya maya pa ay bumukas ang pintuan at nakita ko siyang pumasok
“Anong ginagawa mo dito Jen?” tanong ko dito.Dumiretso ito sa couch at saka umupo
“wow ha ganyan mo ba batiin ang girlfriend mo Mr.Deogracia?”
“correction Ms.Salonga Fake Girlfriend lang kita, ano bang kailangan mo at pumunta ka pa dito?” naiinis kong tanong sa kanya.Totoong Fake Girlfriend ko lang siya, at isa pa siya na mismo ang humingi ng favor sakin na mag kunwaring mag boyfriend/girlfriend dahil ayaw niya kasing masakal este makasal sa lalaking iaarrange marriage sa kanya. Ka batch ko si Jen nung High School kami pero pagka college lumipat siya sa ibang bansa.
“Bakit sa tingin mo ba gusto ko ding pumunta dito kundi dahil sa hiningi kong pabor hindi ako pupunta dito.. Date tayo ngayon nagpadala ang daddy ko ng spy at ayokong mabuking tayo” mahabang litanya niya at sabay cross arms napataas na lng ako ng kilay sa sinabi nito.
“ibang klase ka din Jen ikaw pa ang nag yaya ng Date natin? ikaw na ba ang lalaki?” natatawa kong sabi.
“Gago! umu oo ka na lang wala din akong choice.. bakit nakita mo ba akong may lawit ha?!” nanggigil na tanong nito.Umuusok na naman yung ilong niya napaka pikonin talaga ng babaeng to.Napabuntong hininga na lang ako at saka tinapos ang pinipirmahan ko.Tinawagan ko ang secretarya ko at pina cancel muna ang meeting.
“Let’s go.. tumayo ka na jan” sabay kuha ko ng suit na nakapatong sa may mahabang couch saka ito sinuot.Tumayo na din ito saka sumunod sakin palabas.
ROSELLA
Nakaupo ako ngayon dito sa park buti pa dito nakakarelax yung tipong mawawala lahat ng problema mo sana naging bata na lang ulit ako yung tipong puro laro lang at walang iniisip na problema.
“Boo!” nainis naman akong lumingon sa kanya ang hilig niya talagang manggulat eh no.
“Nakakainis ka talaga kapre bakit ba ang hilig mong manggulat ha! bakit ngayon ka lang?” sabay hampas ko ng shoulder sa bag sa kanya
“aray! duwende napaka sadista talaga, na traffic kasi ako ayyiiee ikaw ah namiss moko no?” pang aasar niya sakin
“hindi no! asa ka at saka magpapasama lang ako sayo may bibilhin lang! dami mong alam eh” sagot ko.
“asus miss mo lang ako eh don’t worry na miss din kita hahaha! ayyiiee kinikilig na yan” namula naman yung pisngi ko parang tanga talaga niya kainis.
“taena mo wag kang assuming! dapat pala di na lang ako nagpasama sayo eh! arrgh bwesit ka talagang kapre ka!” sabay kurot ko sa tagiliran niya ilag lang naman siya ng ilang habang tumatawa.Dahil sa inis ko hinabol ko siya ng hampas ng bag takbo naman siya ng takbo kaya para kaming tanga dito na naghahabulan.
Ang totoo niyan wala naman talaga akong bibilhin ei nagpasama lang ako sa kanya para lumabas, wala kasi akong kasama sa bahay dahil may pasok sa trabaho si mama isa pa yun alam kong malungkot siya pero pinipilit niya lang ngumiti.Gaya ko malungkot din ako dahil sa pang iiwan ni papa samin pero kailangan naming tanggapin yun na hindi lahat ng mahal mo ay nag iistay sa tabi mo at hindi lahat ng mahal mo ay mahal ka din. Nag punta kami ni Jackson sa Mall niyaya niya akong maglaro daw kami sa Time Zone kaya pumayag na ako bumili siya ng mga token tas hinatian niya ako una naming nilaro yung baril barilan yung itututok mo yung plastic na baril sa screen tas may lalabas na mga kalaban at pag nawalan ka ng bala may aapakan ka sa baba para mag reload yung bala mo.Padamihan kami ng makatama kung sino ang kaunti makatama siya manglilibre ng pamasahe pauwi at syempre siya ang panalo ako ang talo hays.Sunod naming nilaro ay basketball alam kong wala akong panama sa kanya dahil shooter siya sa basketball pero hindi ako magpapatalo no babawi ako dito.Sabi niya kung sino ang maraming points yun daw ang ililibre sa Mcdo pagkatapos niyang sabihin yun ay sinimulan na naming mag laro ginalingan ko sa pag shoot ng bola 40 points yung akin sa kanya 50 na pero hindi ako nagpatalo at sunod sunod akong nag shoot ng mga bola kaya naman nahabol ko yung score niya nagulat pa nga siya ei pero ngumisi lang ako at nag shoot ng nagshoot nang bola natawa na lang ako ng bumara yung bola niya hindi lumabas kaya ang nanalo syempre ako.Ang saya saya ko kasi nanalo ako samantalang siya lukot na naman ang mukha at gaya ng sinabi niya nilibre niya akong McDo hihihi.
“ang saya mo duwende ah tssk ang daya” reklamo niya
“bleh! hahaha syempre ako nanalo sa laro ei ang galing ko mag shoot no? walang daya yun talagang nag istock ang bola mo haha!” sabay tawa ko
“mabulunan ka sanang duwende ka”
“aaarrcckkk!
cough
“ katulad nga ng sabi ni kapre nabulunan talaga ako bwesit nagdilang anghel pa ang ungas.Inabutan niya naman ako ng tubig kaya ininom ko yun.
“oh kita mo na nabulunan nga haha!”
“gago ka talagang kapre ka!”
“oh dalian mo dyan ubusin mo na yan para makauwi na tayo naubos ata pera ko sayo eh” sabi niya.
“sus ang sabihin mo kuripot ka lang haha, maghintay ka kitang kumakain pa baka mabulunan na naman ako” sagot ko.
“edi maganda” sabi niya sabay ngisi
“anong sabi mo?!”
“sabi ko bingi ka” napanguso na lang ako sa sinabi niya kahit kelan talaga napaka ano ng bibig niya.Pero masaya na ako ngayon hindi na kagaya kahapon na ang lungkot ng paligid namin buti na lang talaga sinama ko si kapre kasi dahil sa kanya nakalimutan ko yung problema ko.At nagpapasalamat ako kasi pinasaya niya ako ngayon kahit puro asaran lagi ang nangyayari samin.Pagkatapos naming kumain sa McDo ay lumabas na kami at saka sumakay ng taxi dahil ako ang natalo kanina nilibre ko na lang siya ng pamasahe para quits na kami.
BRANDON
Nasa kwarto lang ako ngayon at nag lalaro ng X box kasama si George sa aming limang magkakaibigan si George ang pinaka close ko simula nung mga bata pa kami kaya hanggang ngayon magkasama pa din kami.
“uy par tara gala naman tayo ang boring na dito ei” yaya niya ganyan talaga siya maikli ang pasensya pero ako sanay na ako sa mood niya.
“saan naman tayo pupunta? may alam ka bang mapag tatanggalan ng kaboringan mo?” tanong ko habang tinatalo siya sa laro namin.
“oh shit! muntik na amp. Punta tayong mall mas maganda mag laro dun ako na bibili ng maraming token nabuburyo na ako dito sa kwarto mo” napangisi naman ako
“sige ba game ako basta ikaw bumili ng token ha wag kang talkshit par” sagot ko.Tinapos muna namin yung laro saka lumabas na.
“tara na par”
Sumakay kami sa kotse ko wala kasi yung ferrari niya kinompiscate ng Daddy niya kaya nag commute na lang siya papunta dito.Pinaandar ko na ang kotse ko makalipas ang 30 minutes ay nakarating din kami ng mall kaya pinark ko na ang sasakyan saka lumabas na kaming dalawa. Habang naglalakad kami ay hindi maiwasang hindi mapatingin samin ng mga babae sino bang hindi syempre sa gwapo namin na to lahat mapapatingin napa ngisi na lang ako.
“ang gwapo naman nila”
“papicture tayo girl!”
“hala kilala ko sila taga PIU yan eh!”
“Ang gwapo nung isa may girlfriend na kaya siya?”
“bet ko yung isa hingiin natin yung number nila para textmate natin kyaahh”
Sumakay kami ng escalator paakyat ng thirdfloor doon kasi yung timezone na sinasabi ni George.
“Daming mga chix par sabi ko sayo eh mas maganda dito magpunta hindi boring” sabi niya, nakapamulsa lang ako pagkarating namin ng taas ay hinanap namin kung saan yung Timezone.
“Alam ko sino ba kasi nagsabi na pumunta ka ng bahay alam mo naman palang boring samin ei” sagot ko.Inakbayan niya lang ako at patawa tawa pa ang gago.
“haha chill lang par syempre ikaw bestfriend ko ei saka busy yung iba kaya ikaw lang ang alam kong mapupuntahan bakit guato mo ipagpalit na kita?”
“gago ka par para kang bakla hahaha!” tawa ko saka siya siniko napangisi na lang siya.Maya maya ay nakita na din namin yung Timezone pangalawang beses ko pa lang nakapunta dito nung una yung bata pa ako pangalawa ay ngayon.Bumili naman ng token si George kaya hinintay ko na lang siya ilang minuto pa ay bumalik na siya at saka ako binigyan ng token.
“Oh anong uunahin nating laruin par?” tanong nito at nag iisip kung ano ang lalaruin.
“kahit ano lang par bahala ka na basta ako maghahanap ako ng magandang laruin ge jan ka na” sabi ko dito sabay tapik sa balikat niya pumunta ako sa kaliwan at nag hanap ng lalaruin napangisi na lang ng makita ko to.Inihulog ko na ang isang token saka umupo sa upuan at pinindot ang red button.Dahil may kotse ako racing ang pinili kong laruin naaliw naman akong maglaro yung tipong pag nilaro mo siya para ka na din talagang nakikipag karera binilisan ko pa ang pag tapak at nilagpasan yung ibang sasakyan hinabol ko yung isang sasakyan saka ito binangga pero may police car na dumating at syempre binilisan ko ng takbo para di ako mahabol dahil pag naabutan ka game over kana sa laro.Pagkatapos kong maglaro ng car racing ay humanap naman ako ng sunod na lalaruin.
“waaahh huhu!!” napansin ko naman yung batang umiiyak di ko sana lalapitan kaso iyak ng iyak ei wala namang nalapit sa kanya kaya nilapitan ko siya.
“hey litle boy bakit ka umiiyak kalalaking bata ang iyakin mo” sabi ko dito harsh ba ang pagkakasabi ko pero totoo naman ei hindi dapat umiiyak ang mga lalaki tsk.
“huhuhu kashi po nawala po yung coin ko na ihuhulog di po ako makapag laro huhu” sagot niya parang yun lang eh pwede naman siyang bumili ulit.
“oh sayo na lang to bata tumigil kana sa pag iyak ang panget mo umiyak mukha kang bakla” sabi ko rito saka inabot yung dalawang token sa kanya kinuha niya naman to sakin.
“thank you po kuyahuk” sabi nito saka umalis na.Hinanap ko na lang si George saan kaya yun? Nag ikot ikot ako at hinanap yung ungas maya maya ay nakita ko din ito may kaakbay pa na babae akala ko naman naglalaro ang gagong to yun pala iba ang nilalaro.
“uy par? busyng busy ka chix ah” gulat ko dito napalingon naman siya sakin pati yung babae mukhang hipon amputa.
“ uy par tapos kana mag laro?“ tanong niya
“gago ikaw nga dyan ei kala ko naglalaro ka yun pala nangbibingwit ka ng hipon” sagot ko napangiwi naman siya sa sinabi ko
“chill lang pre hahaha hindi naman kita ipagpapalit love you par.. Babe sige una na kami nitong kasama ko txt txt na lang” sabi nito at saka iniwan yung babae sabay lapit sakin.
“ulol ka par mandiri ka nga fuck you!”
“sure tara sa kama par” pilosopong sagot nito napaka gago talaga niya.
“tangna mo par ikaw na lang mag isa! idadamay mo pa ako ei”
“hahaha joke lang par. tara na nga” sabi nito, palabas na sana kami ng timezone ng may nauna na saming lumabas at nagulat ako ng makilala ko sila.
“hahaha pano ba yan kapre panalo ako sa basketball yes McDo! McDo!”
“Nakatyamba ka lang duwende at saka ako dapat ang panalo hindi lang lumabas yung bola”
“Ngek hoy kita mo naman diba nag stock yung bola mo hahaha kawawang kapre hindi naka shoot”
“aray bat ka nambabatok masakit yun ha!”
“tama na daldal mo gusto mo bawiin ko hindi na lang kita ilibre?”
“tskk oo na natalo ka lang ei! bilisan mo gutom nako!”
“patay gutom”
“anong sabi mo?!”
“wala sabi ko bingi ka”
Nakasunod lang kami sa kanilang dalawa kelan pa sila naging close? Kita mo nga naman yung taong kinaiinisan ko at yung babaeng tatanga tanga nagsama.
“uy par mukhang close na close sila ng pinsan mo ah”
“hindi ko siya pinsan! wala akong pinsan na mamatay tao” nangingitngit kong sabi
“wooahh easy lang par anong balak mo?” sabi niya pero napangisi na lang ako sa naiisip ko kung ano ang gagawin ko.
“ako ng bahala dun” napakuyom na lang ako ng kamao ko.
“hmm mukhang may plano ka ng naiisip ah support kita par” sabay tapik nito sakin nakita namin na pumasok ang dalawa sa McDo sinundan ko lang sila ng masamang tingin.
’Be ready dahil sisiguraduhin ko na magugustuhan niyo ang gagawin ko, lalo ka na Jackson ipaparamdam ko sayo kung pano mawalan
“
DH:07
KABANATA 7
ROSELLA
Lunes na ulit bakit ganun ang billis ng mga araw maaga akong gumising at naligo na din pagkalabas kong kwarto ay nakita ko si mama na naghahanda ng almusal sa mesa lumapit ako saka umupo.
“good morning ma,ang aga niyo po atang nagising ma?” sabi ko kay mama
“syempre anak kailangan kong pumasok ng maaga sa trabaho dadating kasi ang may ari nung restaurant kaya hindi ako pwedeng ma late baka matanggal ako sa trabaho ko” sagot niya.
“ay ganun ba ma? basta ma wag kayong magpapagod sa work niyo ha”
“asus ang anak ko salamat sa concern nak ikaw din mag aral ka ng mabuti ha pag may nang aaway sayo sa school mo sabihin mo lang sakin” napatingin naman ako kay mama dahil sa sinabi niya ngumiti na lang ako sa kanya.
“ano ka ba ma okay lang po ako mababait po yung mga kaklase ko doon saka kasama ko naman po si kapr–jackson hehe” sagot ko na lang.Naikwento ko na kasi sa kanya si kapre kahit hindi niya pa nakikita hindi naman kasi ako makahanap ng tyempo na ipakilala sila sa isa’t isa dahil gabi na umuwi si mama.
“Alam mo nak gusto ko nang makilala yang jackson na yan kelan mo ba ipapakilala sakin ang kaibigan mo?”
“uhm next time ma ipapakilala ko po sa inyo si kapre”
“kapre?” takang tanong ni mama na natatawa.
“ah eh ang tangkad niya kasi mama eh para siyang kapre at saka captain po yun sa basketball team nila sa school namin” paliwanag ko naman tumango tango lang si mama na parang naiintindihan niya.Dahil maaga akong nagising nauna na si mama na pumasok ng trabaho samantalang ako ay nag review muna sandali sa History dahil may test kami mamaya mahirap ng ma zero baka di pa ako makapasa nito.
Pagkarating ko ng school ay tinginan na naman sakin yung mga estudyante ano bang problema nila sakin nananahimik ako dito.Hindi ko na lang ulit sila pinansin at naglakad na lang hindi pa ako nakakalayo ng may nagbuhos sakin ng tubig kaya nagulat ako sa nangyari tumingin namin ako sa gumawa nito apat silang babae yung isa may hawak siyang timba.
“ano bang problema niyo? bakit niyo ako binuhusan ng tubig?” galit kong tanong
“well wala kaming problema sayo girl at saka oppss sorry akala kasi namin halaman ka napalakad lakad kaya diniligan ka na namin”
“hahaha look at yourself kawawa ka naman bagay lang yan sayo” sabay tawa nilang apat marami na din ang nakikiusyuso samin yung iba pinagtatawan ako at yung iba may naawa naman.
“oohh iiyak na yan.. iiyak na yan.. what a crybaby haha napaka iyakin mo naman tsk weak” sabi nung babae na may hawak ng timba siguro siya yung nagbuhos sakin ng tubig dahil sa inis ko kinuha ko sa kanya yung timba at hinampas siya.
“what the?!.. hoy wag mo ngang saktan yung kaibigan namin!”
“hawakan niyo sa kamay yan!” bigla na lang nila akong pinagtulongan at inagaw sakin yung timba saka ako sinabunutan at sinampal.
“ano ba bitawan niyo ko! tama na!” sigaw ko napaiyak na lang ako dahil sa ginawa nila sakin
“tama lang yan sayo bitch ka!” sabi nung isa at pinagkakalmot ako hindi ko naman sila malabanan dahil may nakahawak sa mga braso ko.
“parang awa niyo na tigilan niyo na ako! ang sakit tama na!”
“fuck shit! anong ginawa niyo sa kanya itigil niyo yan!” bigla namang may sumigaw maya maya pa ay natanggal na ang pagkakahawak sakin sa braso at natigil na din yung nanabunot sakin napahagulhol na lang ako sa sobrang sakit ng katawan ko.
“omg girl si magnus!”
“hala lagot sila kawawa naman yung girl no pinagtulongan nila”
“ang sabihin mo mahina siya kaya laging binubully”
“sshhh tahan na dadalhin kita sa clinic wag ka nang umiyak” sabi niya hindi ko makita yung mukha niya dahil sa kakaiyak ko nahihiya din akong ipakita ang mukha ko dahil sa nangyari sakin.Bigla niya na lang akong binuhat habang umiiyak pa din ako hindi na lang ako nagreklamo dahil masakit din ang mga braso ko sa pagkalmot.
“oh my god anong nangyari sayo?! ano ba yan lagi ka na lang suki nitong clinic ko” sabi ni ate jen hindi naman ako makasagot, inalapag naman ako ng tumulong sakin dito sa kama parang kagaya nung una dito din ako sa kama nun.
“masakit ba yung mga sugat mo? don’t worry ako ng bahala magsabi sa principal kung anong nangyari sisiguraduhin kong masususpend ang mga yun” sabi sakin nung lalaki napatingin naman ako sa kanya at nanlaki na lang ang mata ko ng makita siya.Siya iyong kaibigan nina Brandon kung ganon siya ang tumulong sakin?
“s-salamat sa pag tulong mo sakin” sabi ko, lumapit naman si Ate jen sa akin saka ako ginamot nilagyan niya ng ointment yung mga sugat ko
“hay naku kung hindi ka naman nahimatay sugat naman ang dahilan kung bakit ka laging nasa clinic, basang basa ka pa ano bang nangyari sayo?” nag aalala niyang tanong
“bigla na lang po nila akong binuhusan ng tubig sa inis ko po kinuha ko yung timba at hinampas dun sa babaeng bumuhos sakin ng tubig pero pinagtulongan lang nila ako” kwento ko.
“tsk wala na talagang matinong magawa ang mga estudyante dito, binubully ka ba nila? Pansin ko lagi ka na lang nasusugod dito sa clinic eh” tanong niya pero iniwas ko na lang ang paningin ko at sakto naparingin ako dun sa lalaking tumulong sakin nakatingin lang din ito sakin.
“oh ayan nagamot ko na yang sugat mo teka kunin ko lang yung uniform.. oh eto magpalit ka jan sa may cr baka matuyuan ka pa ng basa at magkasakit ka hay” kinuha ko naman yung binigay niya saka pumunta ako ng cr at nagpalit ng uniform buti may uniform si Ate jen.Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako naabutan ko pa nga sila na parang nag uusap pero tumigil lang ng lumabas ako.
“Ate jen salamat po dito sa uniform pasensya na po kung lagi akong napupunta dito sa clinic” sabay yuko ko nahihiya na din kasi ako kay ate jen saka lagi niya na lang akong tinutulongan.
“wag mo nang isipin yan ano palang kwenta ko kung hindi ako Nurse dito diba? halika maupo ka muna dito” lumapit naman ako at umupo sa may kama habang nakayuko.
Blaaaggg
“Rosella! anong nangyari sinong may gawa niyan sayo ha duwende?” nagulat na lang ako at napaangat ng tingin ng marinig ko ang boses ni jackson bakas sa mukha nito ang pag alala.
“oh si knight and shining armor pala” singit ni ate jen di ko na lang pinansin ang sinabi niya nakatingin lang ako kay kapre lumapit ito sakin at hinawakan ang braso ko at tiningnan niya ang mga kalmot dito.
“fuck! sabihin mo sino ang gumawa sayo nito? hindi ko sila mapapatawad sa pananakit nila sayo” galit niyang tanong
“hindi ko kilala p-pero kilala ko naman ang itsura nila” kinakabahan kong sagot mukhang galit talaga siya dahil sa nangyari sakin kahit papano natutuwa ako kasi concern siya sakin.
“hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sayo duwende, sinaktan nila ang duwende ko” bigla na lang kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya uminit din bigla ang pisngi ko kaya napahawak na lang ako sa palda ko.
“Ako ng bahala sa nangyari ipapaalam ko ito sa principal” biglang singit ni Magnus, oo natandaan ko na yung name niya lagi ko kasing naririnig sa estudyante ang pangalan niya.Napalingon naman sa kanya si Jackson at parang galit din ito dito.
“dapat lang dahil kasalanan niyo din to, pagsabihan mo yang mga kaibigan mo Magnus ano bang nagawa ni Rosella sa inyo at ganun niyo na lang siya ibully ha?!”
sigaw nito kay magnus at nakakuyom ang kamao nito.
“wala akong kinalaman sa sinasabi mo at hindi ko alam ang sinasabi mo!” sagot ni magnus
“wag ka nang mag maang maangan pa kayong grupo mo lang naman ang mahilig mambully ng estudyante lalo na si Brandon lagi niyang binubully si Rosella!” napayuko na lang ako sa sinabi ni jackson totoo naman yun lahat ng nangyari sakin si Brandon ang may pakana wala naman akong nagawa na mali sa kanya.
“Hindi ko alam yun jackson.. aalis na ako.” sabi nito saka lumabas ng clinic naiwan kaming tatlo dito na tahimik pinapakalma naman ni jackson ang sarili niya para kasing manununtok siya kanina eh.
Pagkatapos ng ilang sandali ay napagpasyahan na namin ni kapre na pumasok ng room hinatid niya muna ako baka daw kasi may mambully na naman sakin mas mabuti na daw yung siya ang maghahatid sakin para safe natatawa na lang ako sa pagiging caring niya may tinatago din pala ito sa katawan niya. Dahil sa nangyari hindi ako nakapasok sa first subject pero okay lang sa sumunod na subject namin ay History mabuti nga at nakapag review ako kanina kaya pagkatapos ma chekan ang papel ko ay nakakuha ako ng score na 24/25 isa lang ang mali ko.Pagka lunch naman ay papalabas na ako ng room nun nang makita ko si kapre na nakasandal sa may pader katabi ng pintuan hinihintay niya pala ako para sabay na daw kaming kumain.Hindi talaga ako sanay sa pagiging caring ni kapre at saka himala hindi kami nag aasaran ngayon ayos na din to para minsan minsan naman ay matino siyang kasama saka kausap.Pagkauwian namin ay sinundo niya ulit ako sa room ko at sabay kaming umuwi nagtaka pa nga ako ei tuwing hapon kasi may practice sila pero sabi niya hindi daw muna siya magpapractice dahil may importante siyang pupuntahan saan naman kaya yun?
Pagkauwi ko ng bahay ay pumunta ako sa ref at kumuha ng malamig na tubig saka uminom.
Ring*
Ring
Kinuha ko yung cellphone sa bulsa saka sinagot ang tawag.
“hello?”
“hello anak? nakauwi ka na ba?” si mama pala ang tumawag.
“opo mama kakauwi ko lang po bakit po kayo napatawag ma?” tanong ko dito.
“ano kasi anak.. magbihis ka ng formal dress ha ipapasundo na lang kita sa anak nung boss ko, sige na anak bye..”
“teka ma? hell– tooot tooot”
napakunot noo na lang ako ano yung sinasabi ni mama? mag suot daw ng formal dress para saan at bakit? kahit naguguluhan ako ay sinunod ko na lang si mama naghanap ako ng dress kinuha ko yung color pink na dress na may design na isang rose at saka sinuot.Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin nakita ko yung mga kalmot sa braso ko kaya hinanap ko yung concealer ni mama sa kwarto niya saka nilagyan ito baka makita kasi ni mama ayokong mag alala pa siya pagkatapos ay sinuot ko yung doll shoes ko nag polbo lang ako at saka konting lipstick pagkatapos ay lumabas na ako at ni lock yung pinto ng bahay.
Nagulat ako ng makita si Magnus ibig sabihin siya yung sinasabi ni mama na susundo sakin? wala kaming imik ng sumakay ako sa sasakyan ganun din siya kahit gusto kong magtanong kung saan kami pupunta ay hindi na lang ako nagsalita dahil kinakabahan ako. Ilang minuto pa ay tumigil ang sasakyan pinagbuksan niya naman ako ng pinto at sabay kaming pumasok sa isang five star restaurant masasabi kong sobrang elegante ng lugar nakita ko din na maraming bisita parang may okasyon?
“anak! buti at nakarating na kayo” nakangiting salubong sakin ni mama saka ako niyakap naguguluhan ako kung bakit niya ako pinapunta dito.
“Ma? anong meron bakit po ako nandito? saka bakit niyo ako pinasundo?” naguguluhan kong tanong kay mama hinila niya naman ako saka dinala sa isang table at saka umupo.
“pasensya na anak utos kasi ng boss ko na imbitahin ka dito dahil gusto ka nilang makilala don’t worry mababait yun anniversary kasi nila ng asawa niya at saka may good news ako sayo nak lilipat na tayo ng bahay sa isang village” tuwang tuwa na sabi ni mama kaya ako naman ang hindi makapaniwala
“totoo ma? baka jinojoke time niyo lang ako ah? malaki po ba yung bahay na lilipatan natin?” tanong ko.
“aba syempre naman nak at secondfloor yun maganda din ang kwarto sure akong maguguatuhan mo nak” masayang sambit ni mama.
“p-pero ma? pano po tayo nagkaroon ng lilipatan na bahay? baka po mahal ang renta doon?” nag aalala kong tanong napatawa na lang si mama sakin
“haha anak ganito kasi yun diba anniversary nila ng asawa ng boss ko? nagpa raffle ang boss ko at ako ang nabunot kaya nga ang saya saya ko nak may bahay na tayo wala na tayong babayaran na upa dahil sa atin na yun” paliwanag ni mama kaya shock na shock ako sa nalaman ko.
“Mrs.Libutan congratulations ulit” napalingon naman ako ng may lumapit samin ni mama at nakipag kamay ito.
“Kayo pala Mrs.Deogracia maraming maraming salamat po talaga hindi na po namin kailangang mangupahan ng anak ko” pagpapasalamat ni mama dito kung ganon siya ang Boss ni mama? Napatingin naman ito sakin.
“your welcome Mrs.Libutan.. teka siya na ba iyong anak mo?” tanong nito tumango naman si mama kaya tumayo ako para sana magpasalamat din kaya napatitig ako sa mukha niya ganun din siya parang gulat na gulat siya.
“Bella…” sambit niya at bigla akong niyakap kaya nagulat ako sa ginawa niya. Bigla na lang siyang napahikbi hindi ko alam pero niyakap ko na lang din siya para bang sabik na sabik ako sa yakap niya.
“Bella.. anak ko..” sabi niya siguro namiss niya yung anak niya.
“Hon?” napalingon naman kami sa isang lalaki na may edad na siguro siya yung asawa ni Mrs.Deogracia kaya napabitaw namab siya ng yakap sakin.
“Hon buhay si bella.. tingnan mo hon bumalik si bella” sabi ni Mrs.Deogracia hinawakan naman ito sa bewang ng asawa niya
“Pasensya na kayo sa asawa ko kung napagkamalan ka niya, hon halika na magsisimula na ang event” sabi ng asawa nito. Nakatingin na din samin yung ibang bisita.
“wait lang hon, iha anong pangalan mo?” tanong niya sakin
“uhmm Rosella po.” sagot ko, napansin ko naman si Magnus na nakalapit na pala samin at inaakay si Mrs.Deogracia
“Mom let’s go.. please? Hindi siya si Bella mom,” sabi nito sa mommy niya pero tinabig lang ang kamay niya.
“Kasalanan mo to kung hindi mo sana niyaya si Bella na lumabas hindi siya mawawala!” sigaw nito kaya napatingin na yung mga bisita samin.
“Hon please calm yourself walang may gusto sa nangyari walang kasalanan si Magnus kaya wag mo namang sisihin ang anak natin” sabi dito ni Mr.Deogracia
Bigla naman akong napahawak sa ulo ko bigla na lang itong kumirot kaya napahawak na ako sa table feeling ko kasi matutumba ako eh.
“Anak anong problema? masama ba ang pakiramdam mo?” nag aalalang tanong ni mama
“Kumirot lang po ang ulo ko ma, ayos lang po ako”
sagot ko
“Kwuya bwili mw tho ays krim ah”
“oo naman bella basta good girl ka ah? wag kang pasaway kina yaya para bili kita ice cream”
“opwo kwuya pwomise pwo”
“okey sige na papasok na ako school I love you bella”
“alabwyo kwuya hihihi”
“anak anong masakit? gusto mo na bang umuwi?” tanong ni mama at saka inalalayan ako
“Mrs.Libutan anong nangyayari? okay lang ba siya?”
“hindi ko po alam Mrs.Deogracia kumikirot daw ho ang ulo niya”
“ganun ba? heto may pain reliever ako pinainom sa kanya para mawala”
“Bella halika dito kay mommy may gift ako sayo”
“twalaga pwo mwommy? anwo pwong gwift?”
“tadaa ang cute diba anong gusto mong ipangalan sa kanya?”
“wow gwanda nwa pwo mwommy gwutho tawag tho thwa Tweety hihi”
“anak umupo ka muna dito saka inumin mo itong gamot para mawala yung sakit ng ulo mo” sabay abot sakin ni mama ng gamot kinuha ko iyon para inumin pero nabitawan ko dahil sobrang sakit ng
ulo ko feeling ko mabibiyak ata eh.
“rose anak!” sabay lapit niya sakin.
“mama ang sakit po ng ulo ko parang bibiyak huhuhu” napaiyak na lang ako.
“jusko ano bang nangyayari sayo!”
“Clarrise anong nangyayari kay rosella? bakit siya umiiyak?”
“Hindi ko rin po alam sabi niya po masakit ang ulo para daw bibiyak jusko”
“mabuti pa tawagan ko na iyong doctor namin para matingnan natin siya”
“s-sige po”
“mommy… huhuhu mommy!” sigaw ko habang umiiyak.
“kwuya! huhuhu huk “
“bitawan niyo ko! bella! bella!”
“kwuya thwo help mwo thwo bwad twila”
“Bellaaaa!!”
“hey whats wrong ? anong masakit sayo?” rinig kong sabi ni magnus hinawakan niya ang kamay ko
“aahh! ang sakit ng ulo ko!”
“don’t worry parating na yung doctor”
“i love you bella mahal ka ni kuya tandaan mo lagi yan ha poproktehan kita hindi ako aalis sa tabi mo”
“Kuya mahal din kita wag kana aalis sa tabi ko”
Hindi ko na alam kung anong nangyari at nawalan na lang ako ng malay.
DH:08
KABANATA 8
MAGNUS
“Kuya mahal din kita wag kana aalis sa tabi ko” sabi nito pagkatapos ay bigla na lang siyang nawalan ng malay mabuti at nasalo ko siya.
“oh my god ang anak ko” saka lumapit dito ang mama niya
“wag kayong mag alala Mrs.Libutan nawalan lang po siya ng malay hintayin na lang natin na dumating ang doctor dalhin ko po muna siya bakanteng room” saka ko siya binuhat at dinala sa bakanteng room dito sa Five star. Ang restaurant na ito ay pag mamay ari ng pamilya namin.Pagkapasok ko ay inihiga ko siya sa kama hindi ko alam na nakasunod pala sina mommy at daddy.
“Mom, Dad what are you doing here? kailangan kayo ng mga bisita sa labas ako na lang po magbabantay sa kanya” sabi ko sa kanila
“Ito kasing mommy mo son hindi daw siya mapakali hanggat hindi nakikita ang anak ni Clarrise”
“Nag aalala lang naman ako saka sinabi ko na sa MC na ientertain muna ang mga bisita natin ayokong magcelebrate ng may ganitong nangyari” sabi ni mommy saka lumapit kay rosella hinaplos nito ang mukha niya.
“Ang ganda ganda niya para siyang anghel kung matulog ganitong ganito din si Bella”
“Hon please hindi siya si bella okay siya si Rosella” saka hinawakan ni daddy ang balikat ni mommy
Bigla namang pumasok ang mama ni Rosella kasunod nito ay ang Doctor namin si Mr.Ong mula pagkabata namin ay siya na ang naging doctor ng pamilya namin dahil siya lang mapagkakatiwalaan ni Daddy.
“Doc Ong please paki tingnan mo muna ang kalagayan niya bigla na lang kumirot ang ulo niya sabi ni Clarrise” sabi ni mama
“Doc ang anak ko sobrang sakit daw ng ulo niya at parang bibiyak hindi ko po alam kung bakit” naiiyak na sabi ng mama ni Rosella.
“Misis, Mrs.Deogracia wag po kayong mag alala ako na ang bahala sa kanya ang kailangan ko lang ay kunsoltahin ang ulo niya para malaman natin kung may something na kakaiba” paliwanag ng doctor pinaupo muna ni daddy si mommy gayundin si Tita Clarrise samantalang ako ay nakatayo lang at pinagmamasdan ang ginagawa ni Dr.Ong.May inilabas itong suitcase at may mga kung anong Xray na maliit saka inexamine ang ulo niya.May kinabit din ito sa ulo ni rosella na nakakonekta sa maliit nitong mini screen kung saan makikita ang damage nito.
Makalipas ng mahigit 30 minuto ay tapos na ding inspectionin ng Doctor ang ulo niya.Napabuntong hininga pa ito ng malalim bago nagsalita.
“Misis kelan niyo ho huling pina check up ang bata?” tanong ng doctor kay tita Clarrise
“Ang huli kong dala sa kanya sa ospital ay yung.. huk yung punong puno siya ng dugo sa ulo niya huhu” sabay hagulhol nito inalo naman siya ni mommy.
“Dr.Ong ano ho bang nakita niyo? kamusta na po ang lagay ni rosella?” nag aalalang tanong ni mommy
“Mrs.Deogracia wala po akong nakita na dahilan maliban lang po sa maliit niyang sugat sa ulo niya nung bata siya kaya siguro kumikirot pero hindi naman siya dahilan para sumakit bigla ang ulo niya.. Misis nag karoon po ba ng amnesia ang anak niyo?” tanong ng doctor kaya pati ako ay napakunot ang noo sa tanong nito.Tiningnan ko naman si Tita Clarrise mukha itong kinakabahan.
“Ang alam ko lang pagka gising niya wala na siyang maalala pagka gising niya isang linggo din siyang nacoma sa ospital” sagot nito.
“Mas mabuti pa misis dalhin niyo ulit siya sa ospital para obserbahan ang ulo niya.. Mr. and Mrs.Deogracia mauuna na po ako” paalam nito kina mom and dad.
“Sige Doc thank you for your help”
“Salamat Doc”
Pagkalabas ng Doctor ay niyaya na din ni Dad si Mom na lumabas para ituloy ang celebration nila ang naiwan lang dito ay ako at si tita clarrise.
“Kuya mahal din kita wag kana aalis sa tabi ko”
bigla na lang pumasok sa isip ko ang sinabi niya bago siya mawalan ng malay.
“Tita pwede po bang magtanong may anak po ba kayong lalaki?” tanong ko sa kanya nagulat naman ito sa sinabi ko.
“wala naman iho nag iisa ko lang na anak si Rose bakit mo naitanong?” sagot niya.
“ah wala po tita sige po lalabas na muna ako” paalam ko dito, kung ganon wala siyang anak na lalaki nakakapagtaka lang.
“Mommy?…Kuya?.. tulongan niyo ako”
“anak? sshh anak andito si mama..”
“Ma?”
Iyon ang narinig ko bago ako lumabas ng pinto.Kinuha ko ang cellphone ko saka tinawagan ang private investigator ko bago dumiretso sa table namin.
Makalipas ang ilang linggo ay Intrams na namin busy kami ngayon sa pagrerehearse dito sa likod ng Gym dito kasi gaganapin ang battle of the bands.
“kailangan ba talaga natin na mag rehearse eh kabisado na rin naman natin yung lyrics at tono ng kanta.” reklamo ni George habang nililinisan nito ang guitara niya
“wag ka na magreklamo par hindi rin natin masabi malay mo magagaling din yung kakompitensya natin” sabat sa kanya ni samuel
“Tama si samuel hindi dapat tayo maging easy sa event na to matagal nating pinaghandaan ang araw na to kaya sana lang walang pumalpak satin” sagot ko sa kanila habang tinitingnan yung lyrics ng kanta.
“hoy edward tulog ka na naman! gumising ka nga diyan malapit na tayong mag perform” panggising ni Brandon kay edward.
“hayaan mo na siya brandon alam niya ang gagawin niya.Ikaw ang kailangang mag practice dahil nahuhuli ka sa pagpindot ng piano” sabi ko dito.Magaling siyang magpiano dahil talent niya yun simula bata pa siya pero minsan nahuhuli siya at hindi nasusundan ang nota.
“shit!” sabay mura nito mukhang nainis ata.
“pumwesto na kayo magsisimula na tayo dahil mamaya magsisimula na ang concert natin” sabay ngisi ko at hinawakan ang mic.
ROSELLA
Nasa room ako ngayon at tinutulongan yung mga ka klase ko sa pagdedecorate ng mga decorations sa paligid horror booth kasi yung naisipan nila hindi ako nag isip niyan ha sila yun okay majority wins kasi.Pagkatapos namin ay nag asign yung president namin kung sino yung mananakot daw sa mga palasok ng booth namin at syempre isa ako sa napili.Pinasuot nila sakin ay puting bestida tapos nilagyan nila ng make up yung mukha ko na may dugo dugo saka sugat sa mukha tapos ginulo din nila yung buhok ko dahil ako daw ang magiging White Lady.
“oh ano ready na ba lahat?” tanong ng president namin
“oo pres tapos na silang magsuot ng costume at lagyan ng make up ayos ba?” sabay pinaharap ako sa president namin na mukhang natakot nga sa itsura ko
“oo nga jasmine hehe effective medyo natakot ako ah, oh siya yung mga hindi kasali labas na! para makapag simula na tayo” sabi ng president namin at lahat nga ng hindi kasali ay lumabas na siguro mga anim lang kami na natira dito sa loob mukha talagang nakakatakot yung design namin may mga bungo pa na naka display saka may sapot din at gagamba na malaki yung laruan at kung ano ano pa may pa uaok effect din akala mo may sunog ei. Pumwesto na kaming lahat at pinatay yung mga ilaw.
Pagkatapos naming manakot kanina ay nagpalit na din kami ng damit saka tinanggal ko muna yung make up ang kati sa mukha ei bahala na sila maglagay ulit.Tiningnan ko kung anong oras na shit ngayon nga pala yung laban nina kapre kaya dali dali naman akong tumakbo papuntang court pagkarating ko ay ang daming estudyante na nanunuod kaya nakisiksik na lang ako para mapanood kung anong score ng team nila.Humanap qko ng pwesto sa taas para kita yung laro nila nung may mahanap ako ay umupo na ako saka pinanood yung laro nila. 45-58 ang score ibig sabihin lamang ang team nila jackson.
“waahhh ang galing talaga niya mag shoot ng bola”
“kyaahhh go number 18! kaya niyo yan”
“waaahh ang gwapo talaga ng captain ng team blue”
“Go team Blue!”
“Pineda galingan mo!”
Halos mabingi na yung tenga ko sa kakasigaw ng mga babae dito.Pinagmasdan ko kung pano maglaro si kapre siya ang may hawak ng bola habang tumatakbo papuntang kabilang ring pero naharangan siya ng kalaban niya at inaagaw yung bola sa kanya pero naiwasan niya saka tumakbo malapit na siya sa ring ng may humarang ulit pinatalbog niya ang bola saka tumalon ng mataas para ishoot ang bola pero tumalon din ang kalaban niya at inabot ang bola akala ko makukuha ng kalaban pero hinawakan ni jackson ng mahigpit ang bola saka tumalon pababa sabay ikot kaya nalagpasab niya ang kalaban saka niya ito shinoot.Ang galing mo kapre! hindi ko maiwasang pumalakpak dahil sa ginawa niya.
“wooaahh go pineda!”
“team blue! team blue!”
“kyaahhh ang hot niya dun bes!”
Maraming beses pa siyang naka shoot ng bola kaya yung ibang kalaban siya ang binabantayan pero matalino si kapre at pinapasa niya ito sa mga kakampi niya pag malapit na siya sa ring kaya yung ibang kakampi niya ang nag shohoot kaya sa unang quarter ay panalo ang team blue nina Jackson natuwa naman ako dahil ang galing nila, nagpahinga muna sila dahil na din sa pagod at uminom ng tubig.Gusto ko sanang bumaba at puntahan si kapre kaso ang daming tao sa baba hindi ako makadaan kaya tiningnan ko na lang siya.Nagsimula ulit ang laro nila nasa kalaban naman ngayon ang bola kaya inagaw nila to pero nadaya din sila sa technique kaya naka shoot ang kalaban nila mukhang bumabawi ngayon ang Red team pagkatapos ng ilang oras panalo ang red team sa second quarter kaya naman tabla na ang laban nila.Pagka third game ay bumawi ulit ang team blue kaya nanalo sila. Hindi ko na pinanuod ang fourth game dahil naiihi na ako kaya nakisiksik ako at pumunta sa Cr may ilan ding estudyante ang nakakalat sa hallway.Pagkatapos kong umihi ay napagpasyahan kong tumambay sa garden sumandal ako sa puno saka ipinikit ang mga mata ko.Nitong mga nakaraang araw maraming mga imahe ang pumapasok sa isip ko kapag pinipilit ko namang alalahanin sumasakit lang bigla ang ulo ko minsan naman napapanaginipan ko hindi ko na lang sinasabi kay mama ayokong mag alala pa siya lalo.
“Happy birthday to you.. happy birthday! happy birthday! happy birthday to you… happy birthday baby princess”
“Happy birthday baby ko ang laki laki mo na bella ko..”
“bella may gift si kuya sayo binilhan kita ng barbie oh”
“twenkyu pwo dwaddy,mwommy and kwuya”
Minulat ko yung mga mata ko lagi ko na lang naririnig yung pangalan na Bella.Sino ka ba bella bakit lagi kitang napapanaginipan at naririnig?
“nandito ka lang pala duwende kanina pa kita tinitext ah bakit hindi ka nagrereply?” napalingon naman ako ng marinig ko yung boses ni kapre pawis na pawis ito at parang tumakbo ng marathon run,umupo ito sa tabi ko.
“sorry na kapre di ko napansin naka silent ata phone ko. Tapos na yung laro niyo? Sinong nanalo?”
“bakit wala ka doon hindi moko pinananood ei . panalo ang team namin syempre magaling ako eh” pagmamalaki nito.Alam ko naman na magaling siya saka buti at nanalo sila masaya ako para sa team nila.
“hoy nanood kaya ako ng laro mo umalis lang ako kasi naiihi na ako kanina.. wow congrats kapre! hindi ka magaling sadyang kapre ka lang talaga”
“hoy matangkad lang talaga ako at ikaw duwende ka naman” sabay batok niya pa.
“aray ko! bat ka nambabatok jan porket nanalo ka lang, di ako duwende sadyang cute lang heiht ko”
“pfft oo nga yung height mo cute parang aso hahaha!” sabay tawa nito,naku nanggigil na naman ako sa kanya ang lakas talaga mang asar ng kapreng to.
“aarrgh nakaka bwesit ka talaga kapre!”
“oh bakit? asar ka na niyan ahahaha! tara na nga umuwi na tayo napagod ako sa paglaro ng basketball” sabay akbay niya sakin.
“Oh akala ko ba uuwi na tayo ? hindi naman ito ang papuntang gate ah bakit sa gym tayo?” nagtataka kong tanong iba kasi ang dinadaanan namin saka papuntang gym yung direction namin, nakangisi lang naman ito habang naglalakad kami.
“chill lang duwende may papanoodin lang tayo tara na wag na madaming tanong iiwan kita dito eh”
“oo na!” nakabusangot kong sagot.
Maya maya nakarating na kami ng Gymnasium sobrang ingay ng paligid saka ang daming naghihiyawan na kinikilig.
“kyaaahhh ayan na sila! ang gugwapo talaga nilang lahat”
“I love you Magnus !”
“ang astig nilang mag banda kinikilig ako!”
“kyaaahh si edward ang cute cute niya talaga omaygad malalaglag ata panty ko bes”
“Let’s welcome ladies and gentleman The String Band!”
pagkapasok namin ni kapre ay punuan ng mga estudyante karamihan dito ay mga babae grabe ang sakit sa tenga ng mga boses nila.
“kapre anong meron dito? may concert ba?”
“battle of the bands ngayon panoorin mo na lang” sagot niya kaya tumingin na lang ako sa stage.Nakita ko sila Magnus may hawak itong microphone saka nakita ko din yung mga kaibigan niya na nakapwesto na din, si George may hawak siyang gitara si Samuel naman ay may flute nakita ko din si brandon nakaupo siya at teka marunong siyang mag piano? napansin ko yung isa nilang kasama ngayon ko lang siya nakita mailap siguro siya minsan kasi di ko siya nakikita na kasama nina Magnus, may hawak siyang violin.Biglang tumahimik ang buong paligid.
(Malaya by: Moira Dela Torre)
Pasensya na kung papatulogin na muna ang pusong napagod kakahintay
Kaya sana’y di natitirang segundong kayakap ka maaari bang mag kunwari akin ka pa
Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit
Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw,paglipas ng gabi
Kung ’di pipilitin hindi pa para sa ’akin
Baka sakaling maibalik..
Malaya ka (na)..
Malaya ka…
Susuko na ang sandata
Aatras na sa laban
’di dahil naduduwag,kundi dahil mahal kita
Mahirap nang labanan mga espada ng orasan
kung pipilitin pa lalo lang masasaktan
Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit
Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw paglipas ng gabi
Kundi pipilitin hindi pa para sa akin
Baka sakaling maibalik…
Malaya ka na…
Malaya…
Pagkatapos nilang mag perform ay nagpalakpakan ang mga tao sa paligid, ang lungkot ng kanta nila bakit yun yung pinili nila siguro may broken hearted sa kanila.Nakita ko si Ate Jen sa dulo sa may gilid para siyang umiiyak bakit kaya? Gusto ko sana siyang puntahan kaso nagyaya na si kapre na umuwi.
DH:09
KABANATA 9
ROSELLA
Mag isa ako ngayon na kumakain sa canteen hindi ko nakita si kapre ngayong araw hindi siguro sita pumasok may sakit kaya siya? hindi man lang ako tinext pag nakita ko talaga siya kakaltukan ko siya.Naramdaman ko na nag vibrate yung cellphone ko kaya kinuha ko to at tiningnan yung messages.
From:Mama
Anak baka hindi ako makauwi ngayong gabi, mag iingat ka pauwi ha ilock mo din ng mabuti iyong bahay gate at pintuan, wag kang mag alala may guard naman ang village kaya safe ka diyan.Iloveyou nak.
To:Mama
Opo mama kayo din po mag iingat ka din at wag magpagod sa trabaho niyo. I love you too ma mwuah!
Nakalipat na pala kami nung nakaraang araw dito sa isang village malapit siya sa school kaya pwedeng lakarin pag papasok hindi ko na kailangang mag pamasahe kaya nakakatipid ako.Masasabi kong maganda ang bahay na nalipatan namin ni mama second floor siya at color white and purple ang kulay yung kearto ko naman malaki siya at color pink ang kulay single bed ang kama ko malambot siyang higaan hindi katulad nung higaan ko sa dati naming bahay na katre lang at nilagyan ng foam para malambot higaan.Napabuntong hininga na lang ako mag isa pala ako mamaya sa bahay okay lang naintindihan ko si mama alam ko na nililibang niya na lang ang sarili niya sa pagtatrabaho para makalimutan si papa.Speaking of him kamusta na kaya si papa? Naaalala niya din kaya kami ni mama? Masaya ba siya sa bago niyang pamilya?
Pagkatpos kong kumain ay bumalik na ako ng classroom namin tahimik ang araw ko ngayon at walang bully na nangyari dahil kalat na kalat ang balita na excused ang grupo nina Magnus lumipad silang ibang bansa hindi naman sinabi kong anong bansa kaya mas okay na din yun dahil walang Brandon ang mambubully sakin.Hindi pa ako nakakapasok ng room ng may lumapit sakin.
“Miss? ikaw ba si Rosella Libutan?” tanong sakin ng isang lalaki kaya natigil ako sa paglalakad.
“Ah ako nga bakit anong kailangan mo?” nagtataka kong tanong
“May naghahanap sayo Jackson ang pangalan”
“Ha si Jackson? nasaan siya?” hinahanap ako ni jackson bakit naman eh pwede namang siya na ang lumapit sakin ah yari talaga yun di na nga siya nagpakita sakin ei.
“Nandun siya lumang building hinihintay ka may sasabihin daw sayo..sige una ako!” pagkatapos niyang sabihin yun ay mabilis siyang tumakbo paalis.Bakit kaya sa lumang building pa pwede niya naman akong kausapin dun sa tambayan namin eh. Sinunod ko na lang yung sinabi nung lalaki at tinahak ang daan papuntang lumang building. Hanggang third floor lang ang building na yun marami ang nagsasabi na may multo daw dito na nagpapakita may ginahasa daw kasing estudyante at pagkatapos ay pinatay ito hindi pa nakuntento sinunog nila ito dito. Pagkarating ko ay masasabi kong ang creepy ng lugar bakit pa kasi dito pa makikipag kita si kapre alam niya naman na takot ako sa mga ganitong lugar ei naglakad na lang ako papasok puro patay na dahon ang naapakan ko na tanging maririnig ko lang dahil sobrang tahimik.Pagkapasok ko sa loob ay hinanap ko si Jackson saan kaya siya?
“Kapre?” tawag ko dito umi echo sa buong paligid ang boses ko naglakad lakad pa ako at nilibot ang first floor mukhang wala naman siya dito baka nasa taas yun kaya dahan dahan akong umakyat ng hagdan pagkarating ko ng taas ay tahimik lang din ang paligid may mga upuan na sira sira akong nakikita.
“Jackson nasaan ka? hoy kapre wag mo nga akong pagtaguan nakakainis ka na” inis kong sigaw bwesit na yun gusto pa atang makipag laro ng taguan eh.
“kapre ano ba lumabas ka na dyan! ano bang sasabihin mo ha pwede namang sabihin mo sakin sa tambayan natin ah bakit dito pa?” sigaw ko.Nilibot ko ang buong paningin ko sa paligid
“Hahahaha!! wow may naligaw tayong bisita” napalingon ako sa gilid ng may mga lalaking lumabas kung saan anim sila kaya bigla naman akong napa atras.
“s-sino kayo?! nasaan si jackson?” sigaw ko
“tsk tsk tsk wala naman talaga dito si jakson miss ikaw ang sadya namin Hahahaha!!”
“Hahahaha” sabay tawa pa nila natakot naman ako sa sinabi nung lalaki mukha siyang adik ang dami niyang hikaw sa tenga at may hikaw din siya sa ilong hindi ko alam kung sino sila.
“Sino kayo? Anong kailangan niyo sakin!” natatakot kong tanong sabay atras dahan dahan namang lumapit yung maraming earing sakin.
“well simple lang dahil hindi namin makita si jackson ikaw na lang ang gagamitin namin para makaganti kami sa kanya hahahaha”
“A-anong gagawin niyo sakin! wala akong kasalanan sa inyo!”
“wala nga pero si jackson meron! hawakan niyo yung babaeng yan at dalhin sa taas!” utos niya sa mga kasama niya pero bago pa man nila ako mahawakan tumakbo na ako
“Tangina habulin niyo!”
Takbo lang ako ng takbo pababa na sana ako ng hagdan ng mapatapilok ako kaya nahulog ako dito at bumagsak sa sahig sumakit yung likod ko dahil sa pagkakabagsak kaya naabutan nila ako at itinayo hinawakan nila ako ng mahigpit sa mga braso ko at kinaladkad papuntang third floor
“tatakas ka pa ha? sa tingin mo ba makakaalis ka dito? ha!”
“aahh!”
napa aray na lang ako sa pagka sampal nito sakin napaiyak na lang ako sa takot.
“itali niyo yan! siguraduhin niyong mahigpit ang pagkakatali para hindi makatakas!” nilagay nila sa likod ko ang dalawa kong kamay at tinalian ng mahigpit pagkatapos ay hinawakan nila ako sa braso ng mahigpit para hindi ako makagalaw lumapit sakin yung lalaki na may hikaw.
“Hmm ano kayang magandang gawin sayo ha?” sabi nito na parang nag iisip kung ano ang gagawin nila sakin,tinitigan ko lang siya ng masama.
“Tangina mo pakawalan moko dito hayop ka! Tulong! tulongan niyo ko!” sigaw ko pero sinampal niya lang ulit ako nalasahan ko naman yung dugo sa bibig ko.
“tumahimik ka! kahit anong sigaw mo walang makakarinig sayo hahaha!!” sabi nito at tumawa na parang demonyo.Hinawakan nito ang pisngi ko at pinagapang ang daliri niya.
“Maganda ka hmm..”
“wag mo akong hahawakan! pwe!” saka ko siya dinuraan sa mukha niya mukhang nagalit siya sa ginawa ko kaya sinuntok niya ako sa sikmura.
“Aahh!” namilipit naman ako dahil sa sakit.
“Matapang ka ha yan ang gusto ko sa babae lumalaban pero tingnan lang natin kung makakapalag ka sa gagawin ko sigurado akong masasarapan ka.. Ihiga niyo yan!” sabi niya kaya kinabahan naman ako sa maaari niyang gawin pinahiga nila ako sa sahig at hinawakan ako ng dalawang lalaki sa balikat samantalang yung tatlo naman puro nakangisi lang nakaramdam tuloy ako ng matinding takot.Ayoko!
“Wag! maawa kayo sakin! tulong! tulongan niyo ko!” sigaw ko ulit sa sobrang inis niya sinuntok niya ulit ako sa tiyan kaya nahirapan akong pumiglas para na ding pipikit ang ang mata ko sa sobrang pagkahilo ng ginawa niya.Naramdaman ko na lang na nakapaibabaw na siya sakin at hinahalikan ang leeg ko.
“hmm ang bango wag kang mag alala masasarapan ka naman sa gagawin ko sayo” saka nito pinunit ang blouse ng uniform ko naramdaman ko din na hinihipuan niya ang hita ko habang dinidilaan ang leeg ko.
“Lord tulongan niyo ako huhuhu parang awa niyo na po”
“Pare pagkatapos mo sa kanya kami naman ha”
“oo nga pre matagal na din akong hindi nilalabasan sa babae hahaha”
“ako din tigang na tigang na din ako ughh”
Narinig kong sambit ng mga kasama niya napahagulhol na lang ako mga hayop sila!
Boooggsshhh
“Aaarcckk!”
“Puta sino ka?!”
“Putangina niyo mga baboy kayo!”
“Aahh!”
“Wag kang mangialam dito tangina mo din!”
“Mga hayop kayo anong ginawa niyo sa kanya!”
“edi ano pa tinitikman hahaha!”
“Papatayin kita!”
“Aahh shit!”
Boogssshh
Blaaaggg
“tangina suntukin niyo pano nakapasok yan dito!”
Bigla na lang akong may narinig na ingay wala na din yung lalaking nakapatong sakin at yung mga nakahawak sa balikat ko nanlalabo na din ang mga paningin ko hanggang sa dumilim na lang ang paligid ko.
JENNY
Nasa clinic ako ngayon at kumuha ng biogesic sa cabinet saka binigay sa estudyanteng pumunta dito dahil nilalagnat daw siya.
“oh bago mo inumin yan ay kumain ka muna ha” sabi ko rito.
“opo Nurse Jen salamat po sige po babalik na po akong room”
“okay sige..” pagka alis niya ay umupo na muna ako sa upuan para sana makapag pahinga pero nagulat na lang ako ng bumukas ang pinto at nakita ko siya na may buhat buhat na babae punit punit ang blouse nito at maraming pasa sa mukha at braso nawalan din ito ng malay.Nanginginig ang katawan ko ng makilala ang babae.
“Rosella?! anong nangyari sa kanya?”
histerical kong tanong.Inilapag niya ito sa kama at tinakpan ng kumot ang dibdib nito na kung saan punit ang uniform niya lumapit naman ako dito at hindi alam ang gagawin.
“Nurse Jen kailangan mo siyang gamutin lalo na yung mga pasa niya” pakiusap niya sakin.Naghanap naman ako ng gamot na maaaring gamitin para ilagay sa pasa niya pero wala na akong stock.
“w-wala na akong stock pang gamot ng mga pasa niya mabuti pa dalhin na lang natin siya sa ospital para mas matingnan siya ng doctor” suhestiyon ko
“shit!” agad niya naman itong binuhat at lumabas kaya sumunod na lang din ako.
Nakaupo kaming dalawa dito sa may upuan at hinihintay ang doctor na lumabas.Naaawa na ako kay Rosella lagi na lang siyang napapahamak at nagkakapasa sa katawan ano bang nagawa niya at ganito na lang siya saktan.Napatingin ako dito sa kasama ko na nakayuko lang at malallim ang iniisip saka teka nga bakit pala nandito siya akala ko ba pumunta silang ibang bansa?. Minsan napaka misteryoso niya talaga.
“Ano bang nangyari kay Rosella bakit ang dami niyang pasa sa mga braso at mukha?” tanong ko rito
“Muntik na siyang magahasa sa lumang building, mga hayop sila!” sagot nito mas lalo akong nagulat sa sinabi niya jusko lord kung sino man ang gumawa nito kay Rosella mamatay na sana sila mga demonyo sila.Sa tingin ko hindi na maganda itong nangyayari kay Rosella una ang pangbubully ng ibang estudyante sa kanya kaya nawalan din siya ng malay noon at pangalawa yung dinala din siya na basang basa at pangatlo yung puro sugat din ang ang katawan niya at ngayon mas lala na.Hindi ko na ata to mapapalampas.
Pagka dala namin kay Rosella dito sa ospital ay kinuha ko yung cellphone niya sa bulsa at tinawagan ang mama nang malaman nito ang nangyari ay iyak ito ng iyak.Nasan nga pala yung knight in shining armor ni Rosella bakit niya hinayaan na may mangyari ito sa dalaga?Kawawa naman si Rosella hays.
“Jenny? edward?” napalingon kaming dalawa sa tumawag samin nagulat ako ng makita si Tita Beatrice kasama ang mama ni Rosella kaya napatayo ako at sinalubong sila.
“tita Bea? bakit po kayo nandito?” tanong ko
“ito kasing si Clarrise iyak ng iyak kaya tinanong ko ang nangyari sinugod niyo daw si Rosella dito sa ospital kaya sumama na ako, totoo ba?” bakas sa mukha nito ang pag alala
“kamusta na ang anak ko! anong nangyari sa kanya?huhuhuk” sabay hagulhol nito.Inalo naman siya ni Tita natatakot tuloy akong sabihin ang nangyari magsasalita na sana ako ng unahan ako ni edward.
“Muntik na po siyang ma rape”
sagot nito makikita sa mukha ng dalawang babae ang pagka galit at pagkaawa dahil sa nangyari sa dalaga.
“Diyos ko! napakawalang hiya ang gumawa nito sa anak ko! mga hayop sila! huhu”
“Dapat sa mga iyon mamatay kakausapin ko ang eskwelahan tungkol sa nangyaring ito bakit nila hinayaan na may mangyari at kulang sila sa suguridad para sa mga estudyante!” sabi ni tita Bea.
“Wag po kayong mag alala nadakip na po ng mga pulis ang gumawa nito sa anak niyo” sabi ni edward
“dapat sa mga hayop na yun mabulok sa bilangguan! iho maraming maraming salamat sa pagligtas mo sa anak ko hindi ko kakayanin pag nawala siya sakin”
“walang ano man po Tita..”
Naputol ang mga pag uusap namin ng lumabas na ang doctor kaya hinarap namin ito at hinintay ang sasabihin.
“doc kamusta na ho ang anak ko?” tanong ni tita clarrise sa doctor
“kayo ho ba ina ng bata? mabuti na ang lagay niya nagamot ko na rin ang mga pasa na natamo niya buti na lang at walang injury na nangyari hintayin na lang po natin siyang gumising.. Ah misis may sasabihin po sana ako tungkol sa anak niyo..”
“a-ano ho yun doc?”
“Nakita ko ho kasi sa result ng check upin ko ang anak niyo ay nagkaroon ito ng amnesia noong bata pa siya hindi po ba? Unti unti na pong bumabalik ang mga alalaala niya at masasabi kong nagkaroon ito ng trauma bago siya mawalan ng malay kanina ho kasi habang ginagamot siya may mga pangalan siyang binabanggit at tinatawag sumisigaw din ito kanina na parang takot na takot.”
“patawad anak.. huhuhu!” sambit nito napakunot noo na lang ako.
“anong dahilan bakit nagka amnesia ang anak mo clarrise?” takang tanong ni tita dito
“pwede na kayong pumasok sa loob mauna na ako sa inyo” paalam ng doctor, nagpasalamat naman kami hindi nasagot ni Tita Clarrise ang tanong ni Tita Bea at pumasok na lang ito sa loob kaya sumunod din kami.Niyakap nito ang anak niya na mahimbing na natutulog sa hospital bed para itong anghel matulog kahit na puro pasa ang pisngi nito.
“edward? total ikaw naman ang nagligtas kay Rosella pwede ba akong humingi sayo ng pabor?” pakiusap ni tita kay edward.
“ano po yun Tita?”
“pwede bang mula ngayon bantayan at samahan mo si Rosella sa school? sasabihin ko din kay magnus na bantayan niyo si Rosella ayokong mapahamak pa ulit ang bata”
“sige po tita makaka asa po kayo”
“salamat, sayo din Jenny maraming salamat sa paghatid niyo sa kanya dito” sabi ni tita tumango lang ako hindi ko alam kung bakit ang laki ng pag aalala ni Tita kay Rosella.
“Tita bakit po ganun na lang ang concern niyo kay Rosella? wag po sana kayong magalit sa tanong ko”
“Hindi ko din alam basta ayoko lang siyang mapahamak, nakikita ko din sa kanya ang anak ko.. si bella” sabay ngiti nito at pinagmasdan ang natutulog na si Rosella.Naikwento na sakin ni Magnus ang kapatid niyang si bella hanggang ngayon sinisisi pa din nito ang sarili dahil kundi dahil daw sa kanya hindi mawawala ang kapatid niya.
DH:10
KABANATA 10
MAGNUS
Kakatapos lang tumawag ni Mommy ngayon nandito kasi kami ng mga kaibigan ko sa London apat lang kami ayaw kasing sumama ni edward kaya hindi ko na pinilit.
“oh brad anong sabi ni tita bakit napatawag? Pinapauwi ka na ba?” tanong ni Brandon sakin habang nakaupo ito sa couch at nanonood ng tv
“hindi naman gusto niya lang tayong makausap pag kauwi natin, hindi ko sinabi na matatagalan pa tayo bago umuwi” sagot ko
“fuck shit pre bakit moko binangga magkakampi tayo dito sa laro eh” narinig ko naman ang boses ni Samuel
“tangna mo par bakit kasi di ka umilag kasalanan ko ba eh binabaril na ako ng kalaban eh” sigaw naman ni George dito
“fuck ayan na sila! hoy george icover moko gago mamatay rayo dito”
“teka wala na akong bala shit!” salita ni George
“Fuck!”
“aray sino nambato?!” reklamo naman ng dalawa at sapo sapo ang ulo nila naglalaro kasi silang dalawa ng Online Games sa cellphone nila
“Tangina niyong dalawa ang iingay niyo! hindi ko marinig yung pinapanood ko eh!” sigaw ni brandon sa dalawa nilakasan nito ng todo ang volume ng tv.Napailing na lang ako sa kanila.Dito kami tumutuloy sa isang condo sa London kumpleto ang mga gamit at may kusina din dito.Bakit nga ba kami nandito?
Flashback
Pagkatapos makidnap ni Bella at ng malaman nina Dad at Mom ang nangyari ay galit na galit ito lalo na si mommy ako ang sinisisi niya at kasalanan ko naman talaga ang nangyari after noon nagbigay kami ng malaking pabuya kung sino ang makakapag turo kung nasan si bella at pagkatapos nun marami ang tumatawag samin pero fake news lang ang binibigay nila para magkapera sila.Hindi tumigil sina mom at dad sa paghahanap kay bella hanggang sa may matanggap kami na balitang nagpaguho sa amin. May isang bata ang natagpuan na sunog ang katawan kasing laki siya ni bella kaya halos magwala na si mommy nun pero hindi ako naniniwala na siya si Bella hindi pa patay ang kapatid ko.
After 10 years
Nasa kwarto ako at gumagawa ng research first year college na kasi ako ngayon sa PIU kaya ayokong ma disapoint sina mom at dad hanggang sa tumunog ang cellphone ko kinuha ko ito at tiningnan ang notification may email akong natanggap sa isang unknown kaya binuksan ko yun halos mabitawan ko ang cellphone sa nakita ko at nanginginig din ang mga kamay ko.Picture ni Bella duguan ito at walang malay maya maya ay may natanggap pa akong mensahe
Buhay ang batang hinahanap niyo wag kayong mag alala nasa mabuti siyang kalagayan may mga umampon sa kanya at nasa ibang bansa sila ngayon kasama ang kapatid mo.Kung gusto mo siyang makita at mahanap ito ang address ng bahay nila.
Weighland,London St.Marry Block1-unit8
At nakita ko ang picture ng isang dalagita na babae naka side view ito at mahaba ang brown niyang buhok.Ganun ang kulay ng buhok ni Bella kulay brown ito.
Kaya simula nun nag aral ako ng mabuti at bumuo kami ng banda para makapag ipon ako ng pera para mahanap si bella,hindi ko sinabi kay mom at dad ang tungkol dito.
Nagpunta ako ng kusina para magluto ng kakainin namin marunong kasi akong magluto at hindi ko naman maaasahan ang mga kasama ko.Pagkatapos kong magluto ay tinawag ko na sila para makakain dahil sisimulan na namin ang paghahanap sa kapatid ko.
“wow ang sarap ng mga niluto mo par ah pwede ka na mag asawa haha” sabi ni George sakin saka umupo ito sa upuan umupo na din ako
“porket marunong mag luto mag aasawa na agad sige nga ikaw George maruno kang lumangoy pwede ka na mag asawa, ang sagwa” sagot ni Samuel dito
“tss basag trip ka naman par eh”
“ano ba yan hanggang dito ba naman ang iingay niyo pa din” inis na inis namang sabi sa kanila ni brandon napa kibit balikat na lang ang dalawa at kumain na.
“Highblood mo masyado brad” sabi ko dito
“tss” yun lang ang isinagot nito. Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami ng condo at pinuntahan namin yung lugar kung saan ang address na ibinigay sa akin noon.Inihinto ko ang sasakyan sa tabi ng kalsada at sinulyapan ang malaking bahay.
“Sigurado ka ba par na ito na yung bahay?” tanong ni Samuel sakin
“
Oo ito yung address na na receive ko sa email ko“ sagot ko
“oh ano tara na baba na tayo gusto ko nang ma meet yung kapatid mo par” ngisi ngising sabi ni Brandon pero sinamaan ko lang siya ng tingin
“Taluhin mo na lahat wag lang ang kapatid ko brandon may kalalagyan ka sakin” sabi ko dito,
“chill lang bro joke lang yun hehe”
“Boom! Hahaha kung ako sayo magnus babantayan ko na kapatid ko at wag ipagkakatiwala sa tabi tabi diyan pfft” tawa naman ni George
“Lol isa ka pa mas lalo ka naman par chickboy ka kaya” sabi naman ni Brandon dito.
“wag mo naman akong ilaglag par kala ko ba bestfriend tayo?”
“Bahala nga kayong dalawa dyan” singit ni samuel saka bumaba ito ng sasakyan kaya bumaba na rin ako.
“Bella nandito na si kuya uuwi na tayo hindi na kita iiwan”
Saka naglakad ako papuntang bahay kasunod ko yung iba.
ROSELLA
Tatlong linggo na ang nakakaraan simula ng magising ako sa ospital hindi ko makakalimutan yung mga nangyari muntik na akong magahasa buti na lang may nagligtas sakin ikiniwento na din ni mama kung sino ang nagdala sakin sa ospital. Ang sabi pa ni mama dalawang araw akong walang malay puro pasa din ang mga braso ko kaya nagsusuot na lang ako ng long sleeve para di makita yung pasa ko. Sa isang linggo na yun hindi ko nakita si Jackson kahit anino niya hindi man lang nagpakita sakin, alam kaya niya na naospital ako? Lagi na din akong sinasamahan ni edward kahit saan ako magpunta wala na ding nambubully sakin kaya naninibago talaga ako sa paligid ko.
“oh bakit kunti lang yang pagkain mo? kaya ka hindi tumataba eh.. oh ayan ubusin mo yan wag kang magtitira” sabay lagay niya pa ng maraming kanin sa plato ko.
“ganito talaga ako kumain ano ba yan bakit mo dinagdagan ang dami tuloy” reklamo ko sa kanya ng nakasimangot
“wag ka na nga mag reklamo jan ubusin mo yan isusumbong kita kay Tita Clarrise pag hindi mo inubos” pananakot niya pa, ewan ko ba hindi ko alam kung paano sila naging close ni mama.Bago ako pumasok susunduin niya ako at ihahatid pauwi kaya nga minsan pinag uusapan kami ng mga estudyante dito eh kesyo daw nanliligaw sakin si edward at kung ano ano pa, hindi ko na lang sila pinapansin.
“tsssk ang sumbungero mo! oo na nakaka
inis ka naman e“ sabi ko pa.
“good girl..” sabay tap nito sa ulo ko inirapan ko na lang siya
Nandito kasi kami sa canteen kumakain dahil lunch break na namin sinusundo niya din ako sa room pag breaktime at lunch time, naalala ko tuloy si kapre ganun din yung ginagawa niya di ko maiwasan na hindi mamiss ang kapre na yun.
“ouch! bat ka ba nampipitik?”
“yung nguso mo humahaba nagmumukha ka tuloy na pato”
“sa cute kong to pato?”
“hahaha just kidding..”
Pagkatapos namin kumain ay naglibot libot muna kaming dalawa napunta kami sa soccer field at umupo sa damuhan samantalang siya ay nahiga naman at nakatingin lang sa langit pinapanuod ko naman yung ibang naglalaro.
“edward bakit pala hindi ka sumama sa mga kaibigan mo na pumuntang ibang bansa?” tanong ko dito hanggang ngayon kasi hindi pa din bumabalik sila Magnus.
“Magsasayang lang ako ng oras pag sumama pa ako dun saka wala ding saysay yung paghahanap nila dun” naguluhan naman ako sa sinasabi niya.
“Anong ibig mong sabihin? anong hinahanap nila dun?”
“Hindi ano kundi sino..”
“ha? eh sino nga?”
“Si Bella..” sagot niya kaya natigilan ako, narinig ko na naman ang pangalan na yun.
“ahm edward pwede ko bang malaman kung sino si Bella? Anong nangyari sa kanya?” kuryos kong tanong dito kaya bumangon naman ito saka napatingin sakin.
“Bakit mo gustong malaman? interesado ka?”
“hindi naman.. lagi ko kasing naririnig yung pangalan niya eh”
“Ha?”
“I mean kay Mrs.Deogracia narinig ko sa kanya ang pangalan na Bella” sagot ko.
“Naikwento samin ni Magnus nasa park silang dalawa ng kapatid niyang si Bella ng kidnapin ito kaya nga sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari dahil hindi niya man lang naprotektahan si bella hanggang sa may matanggap silang balita may isang batang babae ang natagpuan at sunog pero hindi siya naniniwala na patay na ang kapatid niya hanggang nung 1st year college niya dito naka tanggap siya ng email at sinabing nasa london ang kapatid niya buhay ito at may nag ampon pinakita din dun ang picture ni bella” kwento niya,ganun pala ang nangyari.
“kaya ba nasa ibang bansa sila para hanapin si bella?”
“exactlly..”
Napaisip naman ako para kasing pamilyar sakin yung kwento ni edward pero hindi ko na maalala.Maya maya ay narinig na namin na tumunog yung bell kaya hinatid niya na ako sa classroom namin.
“pumasok ka na room niyo hintayin na lang kita ulit dito pag kauwian pag wala pa ako wag kang aalis ah hintayin moko” sabi nito sabay pamulsa.
“oo na basta wag mo lang ako pag hintayin ng matagal uuna ako mag isa”
“wag kang makulit hintayin moko mamaya” saka ako tinulak ng mahina papasok ng room napatingin pa tuloy samin yung mga kaklase ko nakakahiya tuloy.Inirapan ko na lang siya pero nginisihan lang ako nito.Pumunta na lang ako sa upuan ko at umupo.
“Pansin ko lagi na silang magkasama ni edward?”
“oo nga pansin ko din diba dati yung captain ng basketball ang lagi niyang kasama?”
“ewan ko din eh di ko na rin yun nakikita”
“nililigawan siguro siya ni edward ang swerte niya naman”
Napabuntong hininga na lang ako at napasulyap sa mga kaklase kong nag uusap.Bahala na sila kung ano ang gusto nilang isipin pero naiisip ko talaga si Jackson ano kayang nangyari dun hindi man lang nagpakita at pumasok ng school ni hindi din siya nag text sakin.Pagkatapos ng tatlong subject na klase namin ay uwian na din inayos ko na yung bag ko saka lumabas akala ko wala pa si edward pero nakita ko itong nakasandal sa pader.
“tara na..ako na magdadala ng bag mo” sabay kuha nito sa nakasukbit kong bag
“ako na.. hindi naman mabigat ang bag ko e” saka agaw ko dito pero itinaas niya lang para di ko maabot.
“ako na wag na makulit” saka sabay tulak sa noo ko, bahala nga siya okay na din yun para may taga bitbit ako hihihi ang lawak tuloy ng ngiti ko.Naglakad na kami palabas nakita pa namin si Ate Jen na pasakay sa kotse niya kaya tinawag ko siya masasabi kong naging mas close pa kami ni ate jen sa isa’t isa minsan nga ay pinupuntahan ko siya sa clinic para makipag kwentuhan.
“Ate jen!” lumingon naman ito ng makita kami ay ngumiti ito samin
“Oh rosella, edward kayo pala pauwi na din ba kayo?”
“oo ate jen ikaw uuwi ka na din?”
“oo eh may dinner kasi kami ngayon ng family ko kaya maaga akong uuwi .. pano uuna na ako sa inyong dalawa ha ingat kayo” paalam nito
“oo ate ikaw din ingat ka po pauwi” nakangiti kong sabi dito,sumakay na ito ng kotse niya kumaway na lang ako ng nakaalis na ito at saka sumakay na din ako sa sasakyan ni edward.Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa akong ihatid gamit ang sasakyan ang lapit lang naman ng village kung saan kami nakatira ngayon nalaman ko na doon din pala siya nakatira pero nasa 4rth street ang bahay nila samantalang ang amin ay sa 1st street naman.Kaya nga pag weekends samin siya natambay eh nakilala ko na din ang parents niya Sina Tita Eunice at Tito Art mababait sila sakin sa katunayan nga mag close friend na sila ni mama eh.Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay bumaba na ako nag pasalamat ako kay edward at saka umalis na din ito kaya pumasok na ako sa loob ng bahay.
DH:11
KABANATA 11
ROSELLA
KINABUKASAN
Gaya ng dati at nakasanayan ko na din ang pagsabay naming dalawa papasok ng school ay nadatnan ko ito sa labas na nakasandal sa kanyang sasakyan at malalim ata ang iniisip niya.
“good morning.. ang lalim ata ng iniisip mo ah” bati ko dito napatingin lang ito sakin sabay buntong hininga
“good morning din, Hi tita good morning din po sa inyo” napalingon naman ako sa likod nakasunod na pala si mama sakin
“good morning din iho.. paano ikaw na ang bahala kay Rosella ha.. anak sige na pumasok na kayong dalawa mag aral mabuti ha iloveyou nak” sabay halik nito sa pisngi ko
“opo tita ako na pong bahala kay ella” ngayon ko lang narinig na tinawag niya akong ella.sabagay maganda naman ang name na ella.
“bye ma i love you too alis na po kami” paalam ko saka sumakay ng sasakyan.Pinaandar na din ni Edward ang sasakyan niya.Ilang minuto pa ay nakarating na din kaming school kaya pagka park niya ay bumaba na kami at naglakad.
“uy girl narinig mo na ba ang balita?”
“oo kanina ko lang din nalaman nakabalik na sila Magnus pero girl may kasama silang girl ngayon sino kaya siya?”
“narinig ko Bella daw ang pangalan nung babae yun ata ang nawawalang kapatid ni Magnus”
“hala totoo?”
“Uy pre pumasok na ulit yung Captain ng Basketball team niyo ah totoo ba?”
“Oo pre nagulat nga din ako ng dumating si Pineda kanina saka kasama siya kanina nila Magnus”
“kalat nga din na bumalik na sila”
Napatigil naman ako sa paglalakad ng marinig ang usapan nila bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko ng marinig ang pangalan ni Jackson ibig sabihin pumasok na siya? Andito siya?Halong tuwa at excitement ang naramdaman ko ngayon sa wakas makikita ko ulit siya babatukan ko talaga yun mamaya pag nakita ko hindi man lang nagparamdam sakin.At saka ano daw, si Bella? Ibig sabihin nahanap na ni Magnus yung kapatid niya? Ano kayang hitsura niya siguro maganda yun ang ganda kasi ni Mrs.Deogracia eh.
“tara na ella bakit kaba tumigil sa paglalakad?” nawala sa isip ko na kasama ko pala si edward kaya humarap naman ako dito.
“alam mo ba na nakabalik na sila Magnus ngayon? At nahanap na si Bella kaya ba ang lalim ng iniisip mo kanina?” tanong ko sa kanya.Hindi naman siya nakasagot sa tanong ko.
“So totoo nga?”
Bago pa siya makasagot ay may tumawag na sa kanya kaya napalingon kami at ganun na lang ang gulat ko ng makita si kapre kasama niya sila Magnus bakit sila magkasama? Napatingin naman ako sa babae para siyang manika dahil sa sobrang ganda niya maliit at bilugan ang mukha niya maputi din ang mga balat niya na mala porselana at ang kanyang mahabang buhok na kulay brown straight na straight ito.Nakangiti ito samin pero napansin ko ang mga kamay nito na nakakapit sa mga braso ni kapre.Parang tumigil naman ang mundo ko ng mapatitig ako kay Jackson at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Naputol lang ang titig ko sa kanya ng lumapit sila samin.
“Long time no see par namiss mo ba kami? haha!” sabay akbay ni George dito
“Nakabalik na pala kayo?” pabalik naman na sabi nito
“gago bakit parang ayaw mo atang makita na nakabalik na kami?” sabi naman sa kanya ni Brandon
“oh nandito pala si tanga tanga este ano ngang pangalan nito?” sabay turo sakin ni Brandon.Hindi ko na lang siya pinatulan at ayoko ng gulo.
“Rosella ata par” si samuel ang sumagot.
“kamusta ka dito edward?” si magnus naman ang nagtanong
“okay lang naman ako magnus mukhang nahanap mo na siya ah congrats” sabi ni edward sa kanya
“yeah.. uhm Bella siya si edward kaibigan namin at kabanda at siya naman si Rosella kaibigan ni Jackson” pagpapakilala nito kay bella.Ngumiti samin si Bella ng matamis
“Hi I’m Belladine Deogracia short for Bella nice to meet you and by the way fiancee of Jackson” para naman akong naestatwa sa sinabi nito napatingin ako kay jackson pero tahimik lang ito at walang imik.Hindi ko alam pero nainis ako sa sinabi ni bella na fiancee siya ni Jackson.Kaya ba ilang linggo siyang hindi pumasok?
“Excuse us.. mauuna na kami ni Rosella ihahatid ko pa siya sa room niya” sabay hila dakin ni edward at binitbit ang bag ko tahimik lang ako habang papunta ng room ni hindi man lang ako pinansin ni kapre o kaya ay kamustahin kung okay lang ba ako.
Breaktime
Sinundo ulit ako ni edward sa room sabay kaming pumunta ng canteen pagkarating namin ay nakita namin sila Jackson ng tumingin ako sa kanya ay umiwas lang ito saka humarap kay Bella na nakangiti lang.Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib hindi ko alam kung bakit.
“Edward! tara dito” sigaw ni Samuel kaya wala na kaming nagawa at dumiretso na lang sa table nila magkatabi kami ni edward samantalang kaharap naman sila Jackson at Bella.
“dito ka lang oorder lang ako ng makakain natin anong gusto mo?” tanong sakin ni edward
“uhm k-kahit ano na lang ikaw na bahala” sagot ko dito tumayo na ito saka umalis, nakayuko lang ako ayoko kasing humarap sa kanila hindi ako sanay na kasama ko sila sa iisang mesa.
“kamusta ka na Rosella? Nabalitaan ko yung nangyari sayo naikwento na sakin ni Mommy” napatingin naman ako kay Magnus ng magsalita ito.
“A-ano uhm ayos lang ako..” maikling sagot ko napasulyap naman ako kay Jackson na nakaakbay lang kay Bella sa upuan at nakangiti ito habang naguusap sila.Alam mo din kaya yung nangyari sakin kapre?
“huh bakit pre anong nangyari?” curious na tanong ni George
“Wala just don’t mind.. by the way simula ngayon satin na sasama si Rosella” sabi ni Magnus sa kanila kaya pati sila Jackson ay napatingin kay Magnus pagkatapos ay sakin pero saglit lang at ibinalik lang ang tingin sa nagsalita.
“What? are you serious bro?” gulat na gulat naman si Brandon
“Di nga pre bakit ?” si George.
“Wew mukhang dumadami ata tayo ah? Nice bro may babae na din sa atin haha” sabi ni samuel
“Wag nang maraming tanong basta sa atin na siya sasama sa ayaw at gusto niyo” sabi ni Magnus sa mga ito.
“good to hear that kuya para na din may kasama na akong girl you know about girl talk thingy” sabi ni Bella
“Ako gusto ko hahaha” sabat ni samuel.
Maya maya ay dumating na din si edward dala ang tray na may pagkain naming dalawa.Tahimik lang akong kumakain at hindi pinapansin ang usapan ng mga lalaki na kasama namin paminsan minsan ay napapasulyap ako kina jackson sinusubuan niya si bella ng pagkain nakaramdam tuloy ako ng lungkot at naiinggit ako kasi ni minsan hindi nagawa yan sakin ni kapre puro asaran lang ata ang lagi naming ginagawa eh.Parang nawalan tuloy ako ng gana kumain naramdaman ko na siniko ako ng mahina ni edward kaya tumingin ako dito.
“kumain ka ella sayang ang pagkain na inorder ko para sayo.” bulong nito sakin
“wala akong gana kumain..” sagot ko sa kanya.Bumuntong hininga lang ito saka binawasan niya yung pagkain ko at inilagay sa plato niya nagulat naman ako
“bakit mo binawasan?” taka ko.
“basta.. oh kaunti na yang pagkain mo ubusin mo na yan”
Inubos ko na lang yung natitirang pagkain sa plato ko saka kinain na lang.Naiinis ako dahil ang sweet sweet nung mga nasa harapan ko.Hindi ko na kayanan pa kaya tumayo na ako napatingin naman silang lahat sakin.
“uhm sorry.. mag ccr lang ako” sabi ko saka umalis hindi naman talaga ako pupunta ng cr palusot ko lang yun para makaalis hindi ko kasi makayanan yung atmosphere sa paligid eh.Dumiretso ako sa tambayan namin ni kapre namiss kong tumambay dito sa garden umupo ako saka sumandal sa may puno at pinakiramdaman ang malamig na hangin.Naalala ko pa nung unang beses na punta ko dito yung ginulat niya ako.Ipinikit ko yung mga mata ko at inalala yung una naming pag kakilala dito
“Booo!”
“ay palaka!” napa sigaw na lang ako ng may gumulat sakin.
“hahaha ang gwapo ko naman atang palaka pfft” tiningnan ko lang ng masama iyong lalaki hindi ko naman siya kilala pero ang feeling close niya.
“Bakit mo ba ako ginugulat feeling close ka ha” sabay irap ko dito totoo naman kasi di ko naman siya kilala tas gugulatin ako.
“ehem! edi magpapakilala ako sayo I’m Jackson Pineda at your service” sabay kindat pa nito sakin.Grabe siya ang taas ng confidence sa sarili.Teka Pineda? Siya yun, oo nga siya yung naglalaro ng basketball.
“baka matunaw ako niyan miss, nagwapohan kana ba sakin?”
“kapal mo! ang panget mo kaya saka bakit kaba andito ang fc mo rin no?” sabi ko dito.
“wala namang masama kung makikipag kaibigan ako sayo diba? kaya lulubusin ko na ang pag ka fc ko sayo.. saka nakita kasi kita dito na mag isa kaya lumapit na ako.” sabi niya. Ano daw makikipag kaibigan siya sakin bakit naman? siguro may binabalak tong ungas na to.
“hep hep! hindi ako masamang tao miss kung iniisip mong may gagawin akong masama sayo pwes mali ka.Gusto lang talaga kitang maging kaibigan pansin ko kasi lagi kang mag isa” dagdag niya pa.
Maya maya ay iminulat ko na din yung mga mata ko at napatulala ako ng makita siya
“Jackson…” sambit ko.Nakatayo ito nakalagay ang mga kamay niya sa bulsa niya habang nakatayo sa harapan ko at nakatingin sa akin.Napaayos naman ako at saka tumayo tiningnan ko din siya ang tahimik ng paligid namin.
“jackson bakit ngayon ka lang? ang tagal mong hindi nagpakita sakin” ako na ang pumutol ng katahimikan sa amin
“Marami kasi akong importanteng ginawa Rosella kaya hindi ako nakapasok” sagot nito.
“Bakit hindi ka man lang nag paramdam sakin ni hindi ka man lang nag text!” sigaw ko dahil sa inis
“nasira yung phone ko kaya di kita natext”
“Pwede ka naman gumawa ng paraan ah para matext ako, ni hindi mo lang ako kinamusta kung okay lang ba ako!” parang sasabog yung puso ko pinipigilan ko din na wag umiyak sa harapan niya.Yung nangyari sakin alam niya ba yun? Ang sakit sakit kasi wala siya sa tabi ko ng mga oras na muntik na akong ma rape.
“Please lang Rosella hindi kita girlfriend para itext kita at kamustahin dahil marami akong ginagawa”
“Tangina mo naman jackson alam mo ba yung nangyari sakin ha? huk kung kelan kita kailangan dun ka naman wala huhu! Hindi mo nga ako girlfriend pero kaibigan moko diba sana naman may pakealam ka sakin” hindi ko na napigilan at napaiyak na lang ako dahil sa nararamdaman ko
“Pwede ba Rosella kalimutan mo na lang na naging kaibigan kita”
parang pinipiga naman ang puso ko sa sinabi niya
“Bakit jackson bakit moto ginagawa sakin? akala ko ba magkaibigan tayo bakit lumalayo ka sakin? Bakit!”
“Dahil may fiancee na ako rosella at ayokong may kahati siya sa oras ko sa kanya” dahil lang sa kanya kaya gusto mo kalimutan na kita?
“huk mas mahalaga ba siya kesa sakin kapre? ha! bakit ko pa ba tinatanong syempre Fiancee mo nga pala siya at ako KAIBIGAN mo lang tama? ay mali pala ayaw mo na nga pala akong maging kaibigan” durog na durog yung puso ko ngayon
“Rosella sana naman maintindihan mo”
“Sige naintindihan ko kapre”
‘Pero ako ba naintindihan mo? sana maintindihan mo din na nasasaktan din ako sa mga sinasabi mo kapre..’
“salamat” pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya napaupo na lang ako saka napahagulhol bakit jackson? Kung kelan gusto kitang makasama saka mo naman ako iniwan? Nasasaktan ako ng sobra dahil sayo.Nakaramdam na lang ako ng mga braso na yumakap sakin.
“ssshhh tahan na ella simula ngayon lagi lang akong sa tabi mo hindi kita iiwan gaya ng ginawa niya sayo”
‘Sana nga…. sana nga edward’
DH:12
KABANATA 12
ROSELLA
Nakaharap ako ngayon sa salamin at pinagmamasdan ang hitsura ko brown na buhok hanggang balikat, mahabang pilik mata, manipis na labi, mga bilugang mata na itim na itim, matangos na ilong, bilog na mukha at maputing balat.Ngayon ko lang ulit pinagmasdan ng matagal ang hitsura ko napapansin ko hindi kami magkahawig ni mama itim kasi ang buhok ni mama ganun din si papa saka kulay brown yung mata nila pareho samantalang akin kulay itim.Napasimangot na lang ako wala man lang akong nakuha na hawig sa kanila.
Knock
Knock
“anak? tapos ka na bang mag impake ng mga damit mo? naghihintay na ang tita Eunice mo sa baba aalis na tayo” sigaw ni mama sa labas
“opo ma! tapos na po susunod na din ako” sagot ko saka binitbit ang malaking bag pack na may mga ilang damit na pwede kong suotin doon saka lumabas na ako ng kwarto ko. Nadatnan ko sa baba sina Tita Eunice at Tito Art tinulongan naman ako ni edward na bitbitin ang dala ko.
“hi po tita,tito” sabay beso ko sa kanila
“napaka gentle man talaga ng anak ko mana sakin” sabay tawa ni tito art ng makita si edward na kinuha ang dala ko.
“oo nga sweetheart bagay sila ni rose.. hello Rose ano excited ka na ba?” nailang naman ako sa unang sinabi ni tita Eunice.
“uhmm opo tita excited po ko sobra” sagot ko at ngumiti ng malaki, totoong excited ako ngayon lang ulit ako makakapag swimming at makakapag relax lalo na at sa beach iyon. Nagyaya kasi si Tita ng outing at ang destination namin ay sa Palawan.Mga dalawang araw lang naman kami dun dahil sa lunes may pasok na kami.
“oh siya ano pang hinihintay natin sumakay na tayo sa van at baka mahuli tayo sa flight” sabi ni tita
“anak dito kana maupo sa likod tabi na lang kayo ni edward” rinig ko namang sambit ni mama ng makapasok na ako sa loob.Hindi na ako nagreklamo at tumabi na lang kay edward habang nakikinig ito ng music sa heaaphone niya.Pagkapasok nila ay isinara na ni tito ang pintuan saka nag simula na ding mag drive ang driver nila.Pagkalipas ng isang oras ay nakarating na din kami ng North Paliparan dito sa Manila kaya bumaba na kaming lahat saka pumasok sa loob bago kami makasakay ng eroplano ay pinadaan muna namin sa Xray machine yung mga gamit namin saka dumiretso kung saan ang daan pasakay ng eroplano binigay naman namin yung ticket sa isang flight may pinunit siya dito saka binalik samin pagkatapos ay pumasok na din kami sa loob naghanap naman ako ng magandang puwesto yung malapit sa bintana kaya dito ako naupo kinuha naman sakin ni edward yung bag ko at inilagay sa taas bago siya umupo sa tabi ko.Napatingin muna ako sandali sa labas.
Attention to the all passenger’s please turn your phone into airplane mode for the security and if you need a help or anything else please free to asked us we will give you a good and helpful service thank you
Kinuha ko na lang yung cellphone ko at saka pinindot yung airplane mode saka binalik ito sa bulsa ko.Maya maya ay lumipad na din ang eroplanong sinasakyan namin dahil mahaba pa naman ang biyahe ipinikit ko muna ang mga mata ko para makaidlip.
Nagising na lang ako ng may tumapik tapik sa pisngi ko kaya kinusot ko ang mga mata ko saka napahikab nakita ko si naman si edward
“Bakit?” tanong ko.
“Nandito na tayo tara na bumaba na tayo tumayo kana jan nauna na din sina mommy at tita” sabi nito kaya tumayo na ako saka pinakuha ko sa kanya ang gamit ko sa taas hindi ko kasi masyadong maabot pagkakuha niya ay ako na ang bumitbit dahil may dala dala sin siyang maleta. Pagkakababa namin ay nakita ko sila mama na naghihintay sa baba pagkatapos ay sumakay kami ulit ng van saka inihatid kami nito sa isang malawak at nalaking Resort kaya pagkakababa ko ay napamangha na lang ako sa ganda ng lugar.
“wow! ang ganda dito mama!” masaya kong sabi kay mama
“oo nga nak makakapag enjoy din tayo dito”
“Nagustuhan mo ba ang resort rose? tiyak akong makakapag relax ka din dito dahil alam ko naman na subsob kayo sa pag aaral niyo diba edward?”
“yes mom..”
“nagustuhan ko po ang lugar tita ngayon lang po ako nakapunta sa ganitong resort kaya susulitin ko po talaga itong outing natin” masaya kong sagot.
“mabuti naman iha.. tara na pumasok na tayo sa loob para makapagpahinga na tayong lahat” yaya ni tita kaya sumunod kami naunang maglakad si mama kasunod ay si tita at tito at panghuli ay kami ni edward
“tulongan na kita sweetheart hindi na rin ako makapaghintay”
“hay naku sweetheart ikaw talaga ang pilyo mo”
“sayo lang naman ako pilyo sweetheart eh”
“ehem mom, dad”
“oh sorry son hahaha” sabay tawa ni tito napapoker face na lang si edward sa kanila sina Tito Art ang nag book ng magiging room naming lahat pagkatapos ay binigyan niya kami ng susi magkasama kami ni mama sa isang kwarto samantalang sina tito at tita ay magkasama din sa isang kwarto bale si edward lang ang solo sa room nito.Magkakatabi naman kami ng mga room kaya hindi na masama.Inilipag ko ang bag sa kama at nahiga napagod ata ako sa biyahe namin.
“anak lalabas na muna ako ha titingnan ko lang ang buong resort hindi na ako makapaghintay na makita ang beach” paalam ni mama saka ito nagpalit ng bestida na mahaba na pang beach
“okay po ma, matutulog lang po muna ako saglit gisingin niyo na lang po ako mamaya”
“sige anak..” saka ito lumabas ng room namin, napapatitig lang ako sa kisame hanggang sa makatulog na din ako.
SOMEONE
Nagsalin ako ng alak sa baso ko at ininom ito narito ako sa office at hinihintay ang tawag mula sa kanya.
Ring
Ring
kinuha ko naman ang telepono at sinagot ang tawag.
“hello kamusta ang pinapagawa ko sayo?” tanong ko rito
“ Dad parang ayoko nang gawin ang plano niyo nahuhulog na po ako sa kanya“
“wag mo akong biguin Claudia! sundin mo ang pinapagawa ko sayo kung ayaw mong may gawin ako sa Mama mo”
“y-yes dad i’m sorry.. nasa resort po kami ngayon kasama sila ano pong gusto niyo na gawin ko?”
“good to hear that.. ihanda mo ang sarili mo mamaya may nakahanda na akong plano para jan basta umarte ka lang at wag na wag kang papalpak! tandaan mo yan”
“o-opo dad copy that i’ll go now mag didinner na po kami”
Pabagsak kong ibinaba ang telepono saka nagsalin ng alak sa baso at uminom.
“Hindi pa ako tapos sa inyo at sisiguraduhin kong tuloyan kayong babagsak sa mga kamay ko HAHAHA!”
ROSELLA
Madilim na nang magising ako kaya napagpasyahan kong magpalit muna ng damit bago bumaba.Nasaan na kaya si mama? Lumabas ako ng Hotel na tinutuloyan namin at naglakad lakad sa labas isang malamig na hangin ang dumampi sa mga braso ko kaya nanginig naman ako sa lamig napatingin ako sa buong paligid ng resort ang daming makukulay na ilaw at nakakasalubong ko din yung mga tao na turista dito pumunta ako sa buhanginan malapit sa dagat at naglakad lakad sa dalampasigan hinayaan kong mabasa ng tubig dagat ang mga paa ko. Nang mapagod ako sa paglakad lakad ay umupo ako sa isang mahabang kahoy at pinagmasdan ang mga taong dumadaan at nagkakasiyahan meron din akong nakita na nagswiswimming kahit gabi na.Naramdaman ko na lang na may naglagay ng jacket sa mga balikat ko.
“Nandito ka lang pala” sabi niya saka umupo katabi ko
“Hinahanap ko kasi si mama hindi ko kasi nakita eh saka gusto ko ding mapag isa” sagot ko
“Nasa loob na si tita clarrise kaya pinahanap ka din niya sakin.. iniisip mo pa rin ba siya?”
“ayoko sana siyang isipin pero kahit saan ako tumingin nakikita ko siya.. sobrang sakit kasi iniwan niya ako dahil lang sa may fiancee siya, napaka babaw ng dahilan niya iwan ako hindi ko naman aagawin yung oras niya para sa fiancee niya eh basta magkaibigan pa rin kami pero mas pinili niyang tapusin at kalimutan na lang ang pinagsamahan namin”
“hayaan mo na siya hindi siya karapat dapat sayo kasi mas pinili niyang makasama ang iba keysa sa tulad mo na hindi dapat pinapaiyak, alam mo bang para kang isang dyamante? madaling mabasag pag hindi iniingatan.Wag ka mag alala nandito ako para protektahan ka lagi tulad ng ginagawa ko sayo ayokong makita ka na nasasaktan”
Napatingin naman ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya.
“Anong ibig mong sabihin? Kahit anong pigil o pagpoprotekta pa ang gawin mo masasaktan at masasaktan pa din ako hindi man physically pero mentally naman.. Alam mo bang doon ko lang narealize kung anong nararamdaman ko para sa kanya? Sa tagal naming magkasama hindi ko naisip na mahuhulog ako sa kanya kaya nga sobra akong nasaktan lalo na yung wala siya sa tabi ko kung kelan kailangan ko siya ng mga oras na yun pero di siya dumating kas–”
“Ako ang dumating para iligtas ka ella.. Hindi ko alam kung anong meron sayo at lapitin ka ng panganib buti na lang lagi kitang naliligtas” naguguluhan ako sa mga sinabi niya.
“hindi kita maintindihan edward” naguguluhan kong sabi
“edi ipapaintindi ko sayo… naalala mo nung may lalaki sayong humarang na may dalang kutsilyo? eh yung pumasok ka ng eskinita dahil may sinundan ka kaya muntik ka nang mapahamak naalala mo?”
“te-eka? bakit mo alam yun?” nagtataka kong tanong sa kanya.Paano niya nalaman yun? Bumuntong hininga muna ito bago sumagot.
“ako yun ella.. ako yung lalaking nagligtas sayo sa ng pangalawang beses pangatlo yung naabutan kita sa lumang building na muntik ka ng ma rape” parang hindi ata maproseso ng utak ko ang mga sinabi niya gulat na gulat pa din ako sa nalaman ko.Kung ganun siya ang lalaking laging nagliligtas sakin?
“ikaw?..” hindi ko alam pero naluha na lang ako sa sobrang saya ko na malaman na siya pala iyong Hero ko.
“tsss napaka iyakin mo talaga.. wag ka na ngang umiyak baka sabihin nila inaaway kita” saka pinahid niya ng daliri niya ang mga luha ko kaya napatawa na lang ako.
“baliw! masaya lang ako sa nalaman ko maraming salamat sa pagliligtas mo sakin ha napakarami ko nang utang sayo”
“tssk wag mo nang isipin yun hindi naman ako naniningil ng utang eh” sabi niya.
Ilang saglit pa ay napag pasyahan na rin namin na pumasok sa loob dahil malamig na sa labas,pagkarating namin ay kumain na din kami ng dinner maraming mga putahe ang nakahanda sa mesa karamihan ay sea foods kinikilig naman ako kina Tito at Tita dahil pati sa hapag kainan ay ang sweet nila naiinggit tuloy ako kung hindi ba umalis si papa ganyan din kaya sila ni mama ka sweet, napasulyap na lang ako kay mama na busy habang kumakain.Ipinagbalat naman ako ni edward ng crab kaya parang kinikilig naman sila tita natawa na lang ako sa reaksiyon nila.Masasabi kong masaya ang naging gabi namin dito sana bukas ay ganun din kasaya.
DH:13
KABANATA 13
ROSELLA
Maaga akong nagising at naghanda ng susuotin ko para pang swimming mamaya, pagkatapos kong mag shower ay kinuha ko lang yung short na maikli at hanging blouse saka isinuot ito.Naglagay din ako ng Sun block lotion para hindi ako umitim mamaya.Pagkatapos ay lumabas na ako. Nadatnan ko sila tita,tito,edward at si mama sa isang cottage nag iihaw sila ng isda at saka barbeque.Nagyaya naman si edward na mag swimming kami kaya kinuha ko yung isang salbabida sa gilid at tumakbo papuntang dagat sumunod naman siya sakin.Para kaming mga batang naglalaro sa ilog nakahiga ako sa salbabida habang siya naman ay nakakapit dito at dinadala ako sa medyo malalim kabadong kabado nga ako eh baka malunod kami pero pinagtawanan niya lang ako at ano daw silbi ng salbabida ko kung malulunod kaming dalawa.Pagkatapos naming magpalutang sa dagat ay umahon na kami nagpaturo na lang ako sa kanya kung paano mag surf board kaya ayun nagrenta kami ng dalawa saka pumunta kami sa pinakamababaw na tubig at dun niya ako tinuruan tawa siya ng tawa kasi lagi akong nadudulas tuwing isasakay ko ang paa ko sa surf board kaya prinactice pa namin ng prinactice hanggang natuto ako ng kunti pinasubukan niya akong mag surf sa mababaw kaya ginawa ko sobrang tuwa ko naman ng magawa ko ng hindi ako nalalaglag sa tubig napayakap pa nga ako sa kanya pero agad din akong bumitaw.
Napaupo kaming dalawa sa buhanginan.
“woohh napagod ako dun ah pero ang saya nag enjoy ako sa ginawa natin”
“oo nga ella kahit lagi kang nadudulas kanina pfftt pero galing mo dun ha nakuha mo din”
“aba syempre sabi nga nila try and try until you succed diba? at saka magaling ata magturo ang trainor ko haha” sabay tawa ko ginulo lang nito ang buhok ko
“oh ano namang gusto mong sunod na gagawin natin mamaya?” tanong niya kaya napaisip naman ako habang nakatingin sa lalaking nagjejetski kaya lumawak naman yung ngiti ko.
“hehe alam ko na jetski tayo! di ko pa nasusubukan yun e” sabay nguso ko.
“okay sige pero mamaya na kumain muna tayo.. tara?” yaya niya tinulongan niya akong tumayo saka bumalik kami sa cottage.
“oh nandito na pala kayong dalawa tamang tama luto na yung inihaw namin ni Clarrise, sweetheart luto na ba yung iba?” sabi ni Tita Eunice
“konti na lang sweetheart matatapos na” sagot ni tito.
“anak kumain na kayo ni edward mukhang napagod ata kayo kakalaro” saka binigyan kami ni mama ng paper plate na tig isa kinuha naman namin yun at nagsandok ng kanin saka ulam.Umupo na din kaming dalawa ni edward saka nagsimulang kumain ganun din sina mama at sina tita’t tito.
Gaya nga ng sinabi ko kanina sumakay kami ng jetski si edward ang nagmamaneho habang ako ang angkas niya sa likod napakapit na lang tuloy ako kanya pano ba naman ang bilis niyang magpatakbo kaya kinurot ko na lang siya sa tagiliran niya habang taw siya ng tawa.Pagkatapos ay palit naman kami ng puwesto ako ang nagmamaneho at nasa likuran ko naman siya para alalayan ako first time ko kasi na mag jetski kaya kinakabahan akong mag drive mabagal lang ang pagpapatakbo ko nung una hanggang nasanay na din ako ng tumagal kaya pinaharurot ko din ito gulat na gulat naman siya at napahawak sa bewang ko nailang naman ako sa ginawa niya pero patay malisya na lang ako akala niya siguro mabagal pa din yung pagpapatakbo kaya napamura siya . Bumalik na kami sa pangpang saktong pag baba namin ay nagulat kami kung sino ang nakita namin.
“wow kita mo nga naman nandito din pala kayo?” sabi ni Samuel.
“ang sweet niyo dun par nice!” si George naman ang nagsalita
“Hi Rosella!” si bella habang kumakaway na nakangiti nakasuot ito ng swimsuit bagay na bagay sa katawan niya nginitian ko na lang din siya, katabi nito si Jackson habang magkahawak silang kamay inalis ko na lang ang paningin sa kanila, nagulat ako ng makita si Ate Jen nakaswim suit din ito pero di kita dahil natatabunan siya ng kulay puting dress na manipis hanggang hita.
“Ate jen! nandito ka din pala?” tuwang tuwa kong sabi kay ate jen
“hahaha aba’y oo naman rosella syempre kelangan ko ding magrelax relax naiistress na ako sa clinic kakagamot ng mga estudyante” sagot nito kaya napatawa na lang ako sa sinabi niya
“Hi bro so kasama niyo din sila Tita at tito?” tanong ni Magnus kay edward
“yeah nasa cottage sila ngayon kasama si tita Clarrise.” sagot nito kaya napatango na lang si magnus dito.
“witwew! sexy mo ah?” sinamaan ko lang ng pansin si brandon wala talaga siyang matinong sasabihin.Biglang humarang na lang sa harap ko si edward.
“possessive much par? hahaha chill okay” tumatawang sabi ni brandon .
“Mauuna na
kami mga par kita kits na lang tayo mamaya“ paalam ni edward at tinapik ang balikat ni Magnus.Hinawakan naman ako nito sa kamay saka dumiretso kami sa Hotel pumasok na din si edward sa room niya at ako ay sa room namin ni mama saka naligo ako at nag palit ng damit.Umupo ako sa kama at hinawakan ang dibdib ko grabe ang lakas ng tibok ng puso ko kanina. Bakit sa dinami dami ng Beach Resort ay dito din sila pumunta? Akala ko naman makakapag relax ako ng mabuti hindi pala sana lang talaga ma enjoy ko yung outing namin ngayon ayokong masira yung araw ko dahil sa kanila hays.
Pagsapit ng dilim nagyaya si edward na pumunta ng kabilang cottage kung nasaan sila Magnus pagkarating namin ay naabutan namin sila na nagbobonfire sa laba ng cottage nakapabilog sila at may apoy sa gitna may hawak din silang stick na merong marsh mallow.
“Rosella! edward! buti naman at dumating kayo” tawag samin ni Ate jen ang saya nito ng makita ako kaya sa kanya na ako tumabi bale ang katabi niya ay si Magnus tumabi lang din sakin si edward dahil malaki naman ang space.
“Hoy jackson abutan mo nga sila rosella ng marshmallow wag kang swapang” sabi dito ni ate jen, napasulyap naman ako kay jackson mukhang nainis ito sa sinabi ni ate jen kumuha ito ng stick na may marshmallow saka inabot samin kinuha ko na lang ito kahit naiilang ako.
“hmm laro naman tayo guys hihi!” biglang singit ni Bella
“Ano namang lalaruin natin? isip kayo dali para hindi boring” si Brandon naman ang nagsalita
“tagu taguan na lang!” sigaw ni george binatukan naman siya ni samuel
“lol ano ka bata? pang batang laro naman yang sinabi mo eh” sabi nito sa kanya
“hmm ano lang.. Spin the bottle with truth or dare!” masayang sabi naman ni Ate jen kaya sumang ayon naman ang iba
“sige maganda yan ate Jenny!” excited na sabi ni bella
“yown may naisip din call ako diyan” -samuel.
“oh kung sino ang matapatan ng bote siya ang tatanungin ng T or D at kung kanino naman nakatutok yung likod ng bote siya ang magtatanong gets?” sabi ni ate jen tumango na lang kami . Alam na alam ko ang laro na to kahit sino naman sa atin alam laruin ito diba.Pinakuha ni Ate jen si Magnus ng bote at pagkabalik nito ay nag simula ng ipaikot ni ate jen ang bote.Pagkahinto ng unang ikot ay tumapat ito kay George kaya siya ang tatanungin ni Magnus.
“Truth or Dare?”
“truth!”
“Sino si elizabeth?”
Nagulat naman si George sa tanong ni Magnus dito
“a-ahh siya yung naging first love ko!” sagot nito
“ppfft akalain mo nga naman nainlab ka na pala dati pre? kala ko wala kang siniseryoso eh” kantyaw ni brandon sa kanya
“okay next!” at pinaikot uli ni ate jen ang bote ilang sandali ay huminto ito sa harap ni brandon at ang mag tatanong ay si Samuel.
“oh shit bakit sakin pa tumapat aish ang malas!”
“hahaha yown pre yari ka sakin .. Truth or Dare?”
“Dare”
“sumayaw ka ng otso otso pre hahaha pfft” utos ni samuel sa kanya nalukot naman ang mukha nito sa pinapagawa ng kaibigan niya
“sasayaw na yan! sasayaw na yan!” pag checheer naman sa kanya ng ibang kasama namin.Dahil wala na din siyang choice ay sumayaw na din ito habang sinasabayan ito nila George ng kanta na otso otso kaya pati ako ay napapatawa na lang din sa pagsayaw ni brandon.Pulang pula ang mukha nito na bumalik sa pagkakaupo niya.Pangatlong ikot ay tumapat ang bote kay Bella at ang dulo ay kay edward?
“Truth or Dare?”
“D-Truth! hehe” sagot niya.
“Anong totoo mong pangalan?” seryosong tanong nito kaya napatingin naman kami at nagtaka sa tanong niya kay Bella.
“ngek anong klaseng tanong yan pre?” sabi dito ni George.
“oo nga par bakit mo pa tinatanong eh kita mong si Bella yan” singit ni Brandon.
“huh? ang dali naman ng tanong mo edward” si ate jen naman ang nagsalita.Oo nga bakit pa tinatanong yun ni edward? Napatingin naman ako kay Magnus tahimik lang ito hindi man lang naimik.
“sagutin mo na lang ang tanong ko” utos ni edward sa kanya
“C-Bella-adine Deogracia..” kinakabahang sagot niya. Tiningnan ko lang si edward narinig ko pa itong bumulong
“sinungaling..”
Hindi ko na lang siya pinansin kinuha na lang ulit ni Ate jen ang bote at inikot ito, kinakabahan na tuloy ako baka sakin tumapat yung bote hindi ako handa.Sana wag tumapat sakin.. sana hindi ako.. panalingin ko.Maya maya pa ay tumigil na din ang ikot ng bote at tumapat ito kay Jackson? at ang huli ay kay ate jen. Ang laki naman ng ngiti ni Ate jen dito.
“Truth or Dare?”
“Dare”
“hmm ano kayang ipapagawa ko sayo?.. ah! alam ko na halikan mo nga yung babaeng Mahal mo” kumalabog naman ang puso ko sa inutos ni ate jen dito.Hindi ata maganda ang pinapagawa niya hindi ako makagalaw sa inuupuan ko at nakatingin lang sa kanya.Hinawakan naman ni edward ang kamay ko.Parang ayoko na ata. Ilang sandali pa ay humarap ito kay bella at hinawakan ang mukha kita ko ding kinikilig si Bella at namumula ang pisngi niya.Parang tinutusok ng karayom yung puso ko sa sobrang sakit.Dahan dahang inilapit ni Jackson ang mukha nito kay Bella hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko kaya naman pinatong ni edward ang ulo ko sa dibdib niya para hindi ko sila makita at kung paano ako masaktan ng sobra.Sobrang sakit!
“wooaahh mabuhay ang bagong sakal este kasal!” hiyaw ni Samuel.
“Grabe pre nilalanggam na kami dito tsk tsk”
- George
“🎶Sana all may jowa sana all mahal sana all pinili ka ng tao mong mahal pero ba’t ganun nilandi ka lang Hahahakdog na lang sa iyoooohh…🎶” kanta naman ni ate Jen.Sapul ako dun, pinunasan ko ng patago yung luha ko saka umayos ng upo yumuko na lang ako para hindi nila mapansin yung mata ko.
“gusto mo jumbo hotdog meron ako niyan” sabat naman ni Magnus sa kanya napatawa na lang yung iba.
“gago! okay next!” si ate jen.
Hindi na namin natapos ang laro ng tinawag na sila ni Mrs.Deogracia nqgulat pa nga ng nakita ako nito, kinamusta niya ako kung okay lang ba tumango lang ako saka sinabi ko din na kasama namin ngayon sina Tita at Tito pati si mama.Pinapasabi niya din na mag girls bonding daw sila nina tita at mama bukas.Pagkatapos ay bumalik na kami ni edward sa tinutuloyan namin tahimik lang kami at walang kibuan.Pagkadating sa tapat ng room namin ay niyakap niya ako bigla at magiging ayos din ang lahat sabi niya saka wag na daw akong umiyak.Pero hindi ko mapigilan lalo na at sariwa sakin ang nangyari kanina lang.Pagkapasok ko ng room ay tulog na si mama sa kama tumabi na lang ako sa kanya at saka tumalikod ng higa habang lumuluha.
DH:14
KABANATA 14
ROSELLA
Pangalawang araw na namin sa Beach Resort at masasabi kong nag enjoy naman talaga ako dahil sa ganda ng tanawin pwera lang sa hindi kaaya ayang tanawin na nakikita ko ngayon.Magkasama kasi sa isang bangka sina Jackson at Bella nakita ko kung gaano ngitian ang dalaga inilagay nito sa tenga ng babae ang nililipad niyang buhok dahil sa lakas ng hangin.Nawala sa paningin ko ang dalawa ng may humarang na katawan at saka ito pumantay sakin mukha ni edward ang nakita ko na sobrang lapit kaya napa atras ako.
“hoy ano ba lumayo ka nga saka bakit ka ba naharang dyan”
“ang kulit kulit mo sin kasi e. Sinabi nang wag mo silang titingnan masasaktan ka lang”
“handa akong masaktan kung kinakailangan psh” sagot ko.
“hays halika may pupuntahana tayo” sabay hila niya sakin patayo saka naglakad kami kung saan.
“uy, uy? saan naman tayo pupunta edward? wait lang ang bilis mo maglakad matatapilok ako niyan e” sabi ko rito pano kasi ang bilis bilis maglakad ang laki pa ng hakbang ng lakad niya.Tumigil ito at pumantay sakin ng paglalakad hindi naman gaano kalayo ang nilakad namin maya maya ay nakarating sa mga may may magkakatabing tindahan ‘Palawan’s Memorable Shop’ yun ang nakapaskil sa taas ng tindahan kaya hinila na ako ni edward papasok.Pagkapasok namin ay namangha ako sa mga tinda nila may bracelet na gawa sa sihi, may kwintas din na marmol na may nakaukit na palawan,may nakita din akong iba’t ibang kulay na t-shirt may mga naka print ditong ‘I love Palawan’ ‘It’s more fun in the philippines’ may mga short din na pang beach,sumbrero na malapad, at ang nagustuhan ko ay mga keychain kaya lumapit ako dito at pumili ng maganda.Nung nakapili na ako ay hinanap ko si edward busy din ito sa pagpili ng bibilhin niya nakita ko naman iyong white t-shirt kaya binilhan ko na lang din si mama.Pagkatapos ay binayaran na namin yung mga binili namin saka lumabas.
“Anong binili mo ella?” tanong niya
“binilhan ko lang si mama ng t- shirt ay oo nga pala wait lang..oh sayo na yan remembrance ko din sayo kasi uhm salamat sa pagliligtas mo sakin lagi kaya tanggapin mo yan wag mong iwala ah” sabay abot ko sa kanya ng keychain na Superman chibi ang kyut nga e.Tinanggap niya naman yun.Kinuha niya din yung kamay ko saka may kinuha siya sa bulsa at isinuot sa kamay ko, bracelet siya.
“Gift ko din sayo wag mo ding iwala yan” sabi niya napatingin na lang ako sa bracelet na binigay niya ang ganda ngumiti naman ako sa kanya.
“Thank you..”
Bumalik na kami sa Cottage namin naabutan namin na kumpleto sila doon nandon kasi sila Magnus at mga kaibigan niya pati si Mr. and Mrs.Deogracia naabutan namin sila na nagtatawanan.Lumapit naman ako kay Ate Jen.
“Ate may ibibigay ako sayo.. remembrance ko hehe” sabay abot ko sa kanya ng keychain din heart siya may nakasulat dito na ‘IlovePalawan’ natuwa naman ito sa bigay ko at nagpasalamat siya.Napansin ko na parang may kulang hindi ko nakita si Bella at Jackson.Wag ka na magtaka Rosella malamang magkasama sila ngayon.Nagpaalam ako kay ate jen na mag babanyo lang kaya bumalik ako ng Hotel pagkatapos kong mag cr ay humiga muna ako saglit at tumayo na din lumapit ako sa may bintana at pinagmasdan ang buong paligid.May nahagip naman ang mga mata ko nagulat ako ng makita si Bella na kinakaladkad ng mga lalaki,mabilis akong lumabas ng kwarto at tumakbo palabas hinanap ko sila at nakita ko na pilit dinadala si Bella sa may kakahuyan kaya sinundan ko sila.
“Ano ba let me go! Saan niyo ako dadalhin?”
“tumahimik ka kung ayaw mong patayin ka namin dito”
“help! tulong—” tinakpan ng malaking lalaki ang bibig ni Bella para hindi ito makasigaw dahan dahan ko silang sinundan at hindi gumawa ng ingay naghanap ako ng bagay na pwede kong magamit nakakita naman ako ng isang medyo mataba at mahabang kahoy pwede na to.Bali tatlo silang lalaki may baril sila sa bewang nakita ko nakaipit sa likod nila pano kung makita ako at barilin nila? Bahala na.Tumigil sila sa may malaking bato at tinulak pabagsak si Bella.
“kayong dalawa bantayan niyo siya may tatawagan lang ako” sabi nung isang lalaki at lumayo kaya ang natira ay yung dalawang lalaki nag hintay pa ako konti ng tyempo kung paano ko maililigtas si Bella.
“Pare najijingle na ako ikaw muna ang magbantay sa babae saglit lang ako” sabi nung isa at pumunta sa isang punong kahoy kaya ang natira ay yung lalaki nakatalikod siya sakin.Humakbang ako palapit sa kaniya at buong lakas na hinampas ko sa likod yung lalaki.
“ugh!” daing nito saka bumagsak kaya lumapit ako kay Bella saka tinulongan itong tumayo
“R-rosella?! paanong?” gulat na gulat nito
“saka ka na magtanong basta ang importante makaalis tayo dito at makahingi ng tulong” sabi ko saka kami tumakbo.
“Puta yung babae nakatakas! Pare habulin natin!”
“fuck! may nangialam na babae habulin natin sila”
Mabilis kaming tumakbo ni Bella pero nakasunod samin yung tatlo maaabutan na kami nila.Binilisan pa namin ni Bella ang pagtakbo hanggang sa bigla na lang siyang nadapa
“Aah! aray yung tuhod ko” sabi niya kaya tinulongan ko siyang tumayo may sugat yung tuhod niya.
“Bella halika na tumayo kana maabutan nila tayo dito!” saka ko hinila ang mga kamay niya para makatayo siya nakita ko din sa di kalayuan yung humahabol samin.
“mauna ka na lang Rosella iwan mo na ako dito”
“ano ba bella hindi kita iiwan dito kailangan nating makaalis at humingi ng tulong! tara na” tumayo na din ito saka tumakbo ulit kaming dalawa kahit medyo pilay pilay siya.
“Tumigil kayo kung ayaw niyong iputok ko sa inyo itong baril!” bigla naman kaming napatigil halos sasabog na ang dibdib ko sa kaba.
“ayoko pang mamatay Rosella huhu..” iyak nito humarap naman ako sa mga lalaki na nakatutok ang baril samin.
“Bella makinig ka sakin paglapit nila bibilang ako ng tatlo dapat pagkabilang ko tumakbo kana humingi ka ng tulong naiintindihan mo ba ako?” sabi ko dito ng mahina habang nakaharap sa mga lalaki na papalapit samin.
“ro-osella anong naiisip mo na g-gawin? wag mong sabihin na–”
“wag ka na magtanong bella, isa… dalawa… tatlo! takbo na bella!” saka ko siya tinulak palayo at hinarangan ang mga lalaki kumuha ako ng kahoy at yun ang pinang palo ko sa kanilang tatlo para hindi na nila masundan si Bella.
“Tangina mo pakialamera ka!” sigaw nung lalaki at inaagaw sakin yung kahoy pero sinipa ko lang ito sa mukha may humawak naman sa mga braso ko pero iniyuko ko na lang ang ulo ko saka umikot at hinampas ng kahoy ang likod nung lalaki.
“Aahh! bwesit!”
“halika ditong babae ka!” saka ako sinampal nung lalaki napaatras ako konti pero hindi ko yun ininda at kumuha ng bato saka inibato dito natamaan ito sa kaliwang mata niya kaya napa aray ito sa sakit, habang hindi pa sila nakakalapit sakin ay tumakbo na ako pero dalawang putok ng baril ang nagpatigil sakin sa pagtakbo.
BANG
BANG
Bigla akong nakaramdam ng kirot sa likod ko kaya pinilit kong kapain ito ganun na lang ang gulat ko ng makita ang maraming dugo namanhid ang buo kong katawan ramdam ko din ang init ng bala sa likod ko.Kaya bigla na lang akong bumagsak parang tumigil ang mundo ko nanatili lang akong nakamulat ang mga mata ko. Bigla na lang ako may maalala na pangyayari.
“Bella gusto mong ice cream bili ka ni kuya gusto mo?” tanong sakin ni kuya
“opwo kwuya gwustho kwo ays krim!” sagot ko naman. Kaya lumabas kami ni kuya at tinakasan yung guard na nagbabantay sa may gate ng bahay namin.Pumuntw kami ng park at may nakita kaming nagtitinda ng ice cream pagkatapos niya bumili ay umupo kami sa swing pero may bigla na lang lumapit saming mga lalaki at kinuha ako.
“kwuya! huk kwuya help mwo thwo huk bwad kayo!”
“Bella! bitiwan niyo patid ko! Bella! Tandaan mo love na love kita magiging okay din ang lahat.”
sabi nito sakin.
“kwuya tho huhuhu huk love dwin pwo thwitahuk”
kinagat ko yung kamay nung lalaki na nakahawak sakin kaya nabitawan niya ako tatakbo sana ako kay kuya pero binaril ako nito at binuhat.
“BELLA!!” sigaw ni kuya.Pinasok ako ng mga lalaki sa isang sasakyan kahit nanghihina na ako nun ay nakita ko ang mukha nila.
“Tingnan lang natin kung hindi mabaliw ang mga Deogracia sa pagkawala ng prinsesa nila HAHAHA!” nakatingin ako sa lalaking tumatawa may tattoo itong bungo sa leeg niya.Yun lang ang naalala ko at nawalan na akong malay.
Napatulo na lang ang mga luha ko naalala ko na lahat.. naalala ko na.. Tanginang tadhana to bakit sakin pa nangyari ang lahat ng to? Naalala ko na sina Mommy at Daddy at… at si Kuya Hans.Bakit kung kelan ang lapit lapit ko na sa kanila sa ganitong sitwasyon ko pa bumalik ang alaala ko,gusto ko na silang makasama at mayakap miss na miss ko na sila sobra. Hindi ko na kinaya ang sakit kaya napapikit na lang ako.Siguro hanggang dito na lang ako okay lang atleast nakita ko na sila masaya na ako.
“ROSELLAAAA!”
may narinig pa akong sigaw bago ako mawalan ng hininga.
MAGNUS
“Babe tingnan mo ang ang ganda ng binigay sakin ni Rosella na keychain” sabay pakita nito sa akin
“oo nga maganda..nasaan na si rosella?” sagot ko na lang
“hmm nagpaalam siya mag babanyo lang daw”
“Magnus nasaan na ang kapatid mo? kakain na tayo” tanong ni mom habang hinahanap si Bella.
“Mom don’t worry kasama niya naman po si Jackson baka pabalik na din sila” sagot ko.
“Wala din si Rosella dito asan na ba yun? edward nakita mo ba si Rose?” tanong naman ni Tita Clarrise dito napailing iling lang si edward.
“Ah tita? nag banyo po si Rosella” singit ni jen
“ay ganun ba? oh ayan na pala si jackson” sabi nito kaya napalingon naman kami sa kanya
“jackson nasaan na si bella? kakain na tayo” tanong ni dad dito
“huh? hindi ko po siya kasama tito kakagaling ko lang po ng suit natin” nagtataka din nitong sagot
“hay jusko mabuti pa hanapin mo na yun at ikaw edward puntahan mo na din si Rosella kakain na tayo” utos ni Tita Beatrice tumayo na lang ako hindi pa kami nakakaalis ng may sumigaw.
“Mom! Dad! tulong! huhuhu!” umiiyak nitong takbo papaunta samin may galos din ito sa tuhod.Nilapitan ito ni jackson at niyakap lumapit na din sila mom na alalang alala pati ako.
“sshhh tahan na..” yakap dito ni jackson
“Oh my god? anong nangyari sayo baby?” alalang sambit ni mom sa kanya.
“Princess bakit ka umiiyak?” si daddy naman.
“Bella bakit may sugat ka sa tuhod mo?” tanong ko rito
Lumapit na din yung iba pa naming mga kaibigan.Hinaplos naman ni mommy ang likod nito para tumigil na sa pag iyak.
“Bella anong nangyari sayo saka bakit ka tumatakbo at sumisigaw?” tanong ko.
“huk k-kanina may mga huk lalaking kumuha sakin dinala nila ako sa gubat pero huhu p-pero buti na lang dumating si Rosella huhu tapos.. tapos tinulongan niya ako huhuhu! mommy daddy tulongan natin siya huk” kwento nito.Para namang matutumba si Tita Clarrise sa narinig pati sila mom.
“A-ang anak ko? nasan? nasan si rosella!” sigaw nito.
“diyos ko si Rosella hon!”
“huhu nasa gubat po huk” dali dali namang umalis si edward sumunod ay kaming mga lalaki hindi pa kami nakakalayo ng may marinig kaming putok ng baril.
BANG
BANG
Parang bumalik naman sakin yung mga alaala ko nung nasa park kami ni Bella at may kumuha sa kanya hindi ko alam pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon parang may kung anong pumunit sa loob nito.Kaming anim na lalaki ang tumakbo papasok ng gubat sa hindi kalayuan ay may natanaw kaming mga lalaki na tumakbo ng mabilis paalis at nakita namin ang babaeng nakahandusay.
“ROSELLAAAA!” si edward ang sumigaw pagkalapit naming lahat ay punong puno ito ng dugo sa likod.Napaluhod naman si Jackson at nanginginig na hinawakan si Rosella napaiyak na lang ito.
“Du-uwen-de? tangina! fuck sorry! sorry! kung pinabayaan kita” iyak nito.
“shit rosella! gumising ka!” si edward naman at saka ito kinuha kay jackson at binuhat.
“Dalhin na natin siya ospital baka maubusan siya ng dugo!” sabi ko sa kanila.
OSPITAL
Pagkarating namin sa ospital ay dinala agad siya sa ER halo halong kaba at takot ang nararamdaman naming ngayon.
“fuck! fuck! aaahhh!” sabay suntok ni jackson sa pader.
“Tama na pre magiging ayos din ang lahat” pang pakalma naman ni Samuel dito.Tahimik lang sina George,Brandon at edward sa tabi na nakakuyom ang kamao nito maya maya ay lumapit ito kay jackson at sinuntok.
“shit!”
“uy par tama na yan”
“tangina mong gago ka! anong karapatan mo na iyakan si ella ha? diba inistyapwera mo na siya? kaya walang karapatan! walang kang kwenta!” galit na galit na suntok ni edward sa kanya.Inawat naman siya nila George at Brandon.Lumapit na ako sa kanila.
“edward please calm yourself! hindi nakakatulong ang pagsuntok mo kay jackson mabuti pa ipanalangin na lang natin si rosella na magising” sabi ko pa dito at pilit na pinapaupo sa upuan.Tinawagan ko na din sila Mommy at Daddy.
“Ang anak ko! ang anak ko huhuhh!” humahagulhol na sambit ni Tita Clarrise ng makarating sila dito sa ospital.Kasama niya sina Tito Art,Tita Beatrice,Bella,Jen at sina Mommy’t Daddy.
“Clarrise magiging okay din ang lahat matapang si rosella hindi siya pababayaan ng panginoon” pagpapakalma ni mommy.
“oo nga clarrise” si daddy naman.
“huk Bakit ba ito laging nangyayari kay rosella? huhu yung unang sugod niya sa ospital yung muntik na siyang ma rape tapos ngayon naman” singit ni Jen.Napalingon naman si Jackaon at tumayo.
“anong sabi mo?! Anong muntik na siyang ma rape?!” sigaw niya.
“Nagtatanong ka pa talagang gago ka?! dahil sayo.. dahil sayo muntik na siyang magahasa! kasalanan mo kaya sa kanya gumanti yung punyetang mga hayop na yun! Ano pa bang pakialam mo ha? Iniwan mo sihmya kung kelan kailangan ka niya putang ina mo!” sigaw ni edward at susugudin na naman si jackson buti ay napigilan ito ng dalawa pati ni tito Art na ngayon ay nakahawak sa anak niya.
“Ano ba huminahon nga kayo! edward hindi makakatulong ang paninisi, nangyari na ang nagyari!”
si Tita Eunice naman ang sumigaw.Inaalalayan naman ni Mommy si Tita Clarrise na nakaupo na sa sahig.Lumabas naman ang doctor sa ER.
“Doc! ano na hong lagay ni rosella?” si mommy na ang nagtanong.Inalis naman ng doctor ang mask nito bago nagsalita.
“Misis naalis ko na ang dalawang bala sa likod niya pero nauubusan na po siya ng dugo at kapag hindi siya agad nasalinan pwede niya itong ikamatay wag po kayong mag alalala lumalaban ang bata kailangan niyang masalinan agad ng dugo.Sino ang magulang ng bata?” sabi nito.
“a-ako doc ako ang ina niya handa po akong magbigay ng dugo para sa anak ko” sabi ni tita Clarrise.Pinasunod naman siya ng doctor sa loob.
“Sana hon maging maayos na si Rosella”
“wag kang mag alala hon mabait ang diyos ipagdasal na lang natin siya” sagot ni daddy kay mommy.
Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas ulit ang Doctor kasama si Tita na umiiyak.
“Misis hindi kayo nag match ng dugo ng anak niyo kailangan agad natin siyang masalinan” sabi ng doctor kaya nagtaka naman kami.
“Doc pasensya na gusto ko lang naman makatulong sa anak ko huhuh”
“Ang asawa niyo ba misis baka match sila ng anak niyo” sabi ng doctor.Umiling iling lang si Tita at napahagulhol
“Hindi din sila magka match doc huhu h-hindi namin totoong anak si Rosella” sagot nito nagulat naaman kami sa nalaman namin.
“Doc ano ho bang blood type ang kailangan?” singit nina Tito Art.
“Type O ang blood type niya isa iyong rear blood kaya mahirap tayong makahanap nun at pag hindi siya nasalinan mamatay siya” sabi nito. Type O? Biglang lumapit si Daddy sa Doctor.
“Doc ako ho type O ang dugo ko..” sabi nito
“Kung ganun tara na bago pa mahuli ang lahat” saka pumasok sila sa Operating room.
DH:15
KABANATA 15
Nakaupo lang kaming lahat dito sa labas at naghihintay ulit halos wala kaming imikan at nakatulala lang si Tita Clarrise sa nangyari.Si jackson na nakaupo sa sahig at nakayuko sa mga tuhod nito habang nakasandal sa pader, si edward na nakatayo sa gilid ako naman ay nakaupo sa upuan katabi sina Bella at Jen at sa tabi nila ay sina tito,tita, mommy at tita clarisse. Kung ganun hindi pala talaga anak ni Tita Clarrise si Rosella nalaman ko kasi nung oinaimbistigahan ko wala din siyang anak na lalaki kaya nagtataka tuloy ako kung sino iyong nabanggit ni Rosella.Natigil lang ako sa pag iisip ng bumukas ulit ang pinto lumabas dun si Daddy malungkot ang mukha nito.
“Hon? kamusta nasalinan na ba ng dugo si Rosella?” salubong ni mommy dito.Umupo lang si Daddy na tahimik.
“Hon?”
Maya maya ay may nagtatakbuhan na mga nurse papasok ng operating room..Kaya nagtaka na kami bakit sila nagtatakbuhan? May isa pa ulit na doctor ang pumasok kaya hinarang ko ito
“Doc anong nangyayari bakit maraming nurse ang pumasok sa loob?” tanong ko
“Nag aagaw buhay ang pasyente sa operating room kaya kailangan naming tumulong,pasensya na” saka ito dali daking pumasok ng loob dahil sa sinabi nito ay pumasok na kami sa loob wala kaming pakialam kung paalisin man nila kami
“Anak! parang awa mo na wag mong iwan si mama! huhu hindi ko kaya! anak ko!”
“huhuhuhuk r-rosella lumaban ka please kahit konting sandali lang kita nakasama napamahal na ako d?sayo” si jen habang humihikbi.
“I’m sorry kasalanan ko to sana di na lang kita iniwan sa gubat sana hindi ko na lang sinunod yung sinabi mo na umalis na ko” sabi ni bella.
“a-anak wag mong sisihin ang sarili mo walang may gusto ng nangyari”
“Ella! tangna lumaban ka! ella!”
“duwende shit! patawad! fuck! please kaya mo yan lumaban ka wag naman ganito oh promise babawi ako sayo wag mo lang ako iwanan fuck!”
Nakita ko ang mga nurse at doctor na pilit nila itong sinasalba gamit ang chest pum machine para bumalik yung tibok ng puso.
tttoooooottttt
“Clear!”
“hindi pa din doc”
“positive 145 charge”
“Clear!”
Napatingin ako sa machine kung saan makikita ang line ng tibok ng puso niya flat na ito.Nakaramdam na lang ako na lumuluha na pala ako at tuloy tuloy ang bagsak nito sobrang sakit din ng puso ko na parang pinipiga hindi ko alam kung bakit.
“ROSELLA!”
“CLEAR!”
“Positive 300 charge!”
“p-pero doc?”
“Gawin mo na !”
“Yes doc!”
“CLEAR!”
“D-doc bumalik na ang tibok ng puso niya!”
ttooottttooottttooott
Inilipat agad si Rosella sa Manila at dinala sa ICU pagkatapos ng ilang araw ay nilagay na siya sa isang private room, hanggang ngayon comatose pa rin siya at hindi sinabi ng doctor kung kelan siya magigising si Tita Clarrise ang nagbabantay sa kanya, tinutulongan din nina mommy at tita Eunice siya sa pagbabantay minsan din ay dumadaan kami dito pagkauwian galing school.Minsan ay sinasamahan sin ni Jen si Tita na magbantay dahil sa laki na din ng eye bug nito sa mata sa pagbabantay.Nag aalala na din kasi sina mommy sa kalagayan nito.
Hindi ko alam kung anong dahilan pero sa tuwing matutulog ako napapanaginipan ko si Rosella.
Nandito ako sa park kung saan madalas kami mamasyal ni bella.Nakita ko si Rosella na nakaupo sa may swing habang kusa nitong dinuduyan ang sarili.Lumapit naman ako dito at umupo sa kabilang swing napalingon siya sakin.
“Rosella?” tawag ko dito
“Bakit?” tanong niya habang bakqtingin lang sa harap
“Bakit ang tagal mong gumising alam mo bang marami na ang naghihintay sa pag gising mo? kawawa na si Tita Clarrise” sabi ko dito,hanggat kasama ko pa siya sa panaginip ko ay kausapin ko siya na gumising na.
“hhmm eh ikaw hinihintay mo din ba akong gumising?” sabay lingon nito sakin
“O-oo naman syempre malulungkot si jen kapag di ka pa gumising kaya hinihintay din kita” sagot ko.
“huk b-bakit ang saklap ng tadahana sakin? huhu kung kelan gusto ko kayong makasama saka naman napagod ang katawan ko..” sabay iyak nito. di ko maintindihan ang sinasabi niya.
“anong sinasabi mo rosella? ayaw mo na bang bumalik? bakit?”
“wag mokong tawaging rosella! Bella ang pangalan ko!” sigaw niya kaya nagulat ako sa pinagsasabi niya tumayo ito habang umiiyak.
“Rosella ano bang sinasabi mo? anong sabi mo?” naguguluhan kong tanong.. lumakad naman ito ng ilang hakbang saka nagsalita.
“Wala.. masaya akong.. masaya akong nakita kita ulit kuya Hans..paalam mahal ko kayo ni mommy at daddy kahit kinalimutan niyo ako..” humarap ito sakin at ganun na lang ang gulat ko ng makita ang batang imahe ni bella na nakangiti habang umiiyak.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.Anong ibig sabihin nito?
“Be-ella?”
“Paalam kuya…” saka ito biglang naglaho..
Napabangon naman ako at hingal na hingal dahil sa panaginip ko namalayan ko na lang na may tumutulo na palang luha sa mata ko.
RING
RING
Kinuha ko naman ang cellphone ko at sinagot ang tawag
“hello?” sagot ko.
“sniff huhu Magnus si.. si Rosella..” rinig kong hikbi ni jen.
“B-bakit anong nangyari? anong si rosella?!” sigaw ko.
“Nawawala si Rosella!” sigaw nito.Pinatay ko ang tawag at pumunta ng ospital.
6 MONTH’S
LATER
BELLADINE CYRA DEOGRACIA
Pagka ahon ko ng swimming pool ay mala modelo akong naglakad at saka tumigil sa harap ng maid.
“Señorita ito na po ang tuwalya niyo” kinuha ko sa kanya ang malaking towel saka umupo ako sa upuan at sumipsip ng buko juice sa isang buko na nasa mesa.
Tinawagan ko naman ang kaibigan kong si Syrine.
“Hello bitch?”
“oh miss me bitch? why did you call me?” sagot nito
“Well yayain lang sana kita na mag bar mamaya, are you free?”
“oh good idea.. of course you know i’m free anytime for my bitchfriend”
“alright then i’ll text you later bye” sagot ko dito saka pinatay ang tawag.Well she’s my bitchfriend yeah you heard right? we call each other as a Bitch unique eh.
“Apo!” napalingon naman ako ng makita si Grandma tumayo ako at sinalubong ito.
“Grandma mabuti naman at nandito na kayo? Namiss ko kayo grandma” sabay halik ko sa pisngi niya. Siya si Señora Madelline Deogracia ang mama ni Mommy.
“Namiss din kita apo! naku napaka seksi mo dyan sa swimsuit mo bagay na bagay sa maputi mog katawan” sambit nito natawa na lang ako kay Grandma.
“Grandma ang bolera niyo talaga sige kayo baka lumaki lalo ang ulo ko nito” sagot ko
“Hindi kita binobola apo nagsasabi lang ako ng totoo.Mana sakin ang ganda mo apo kaya di kita binobola” sabay tawa nito.
Ano nga bang nangyari at paano ko nakilala si lola? Isang buwan akong na coma at pagkagising ko ay hindi ako pamilyar sa silid kung saan ako nakahiga basta ang alam ko lang hindi siya ospital kumbaga isang magandang kwarto sa bahay.Bumungad sakin ang magandang mukha ng babae kahit may edad na tuwang tuwang ito ng makita niya akong gising na.Hanggang sa paunti unti niyang kwinento ang nangyari at kung paano ako napunta dito.Matagal na niya daw akong pinasubaybayan sa mga tauhan niya mula nung bata pa ako at yung kinidnap nga ako hanggang sa nawalan ako ng alaala noon.Yung babaeng bumili sakin ay tauhan niya pala para makuha ako dun sa lalaking may tattoo sa leeg.Pagkatapos ay ipinagkatiwala niya ako kay Mama Clarrise ang anak ng Matalik niyang kaibigan na namatay.Hanggang sa ituring nga akong parang tunay na anak ni mama inalagaan niya ako at binihisan at pinag aral.Ikwinento din ni lola kung paano niya ako kinuha sa ospital wala daw nagbabantay sa akin ng mga oras na yun inutusan niya yung tauhan niya na magpanggap bilang nurse saka ako sinakay sa sasakyan at dinala dito.Sinabi ko din sa kanya na bumalik na ang mga alaala ko.Sinabi ko din sa kanya ang tungkol sa pekeng Bella, pinaimbistigahan iyon ni Lola at nalaman namin na ang totoong pangalan niya ay Claudiabelle Mervaine isa siyang half,pinay ang mommy niya at ang totoo niyang daddy ay taga london pero matagal na itong patay at ngayon nga ay may step father siya si Billy Hermoso ang tunay na ama ni Brandon Hermoso.Galit at pagka suklam ang nararamdaman ko sa ginawa nila siya ang nagpakana ng lahat ng ito kung bakit nahiwalay ako sa mga magulang ko kaya hinding hindi ko siya mapapatawad.Gamit ang kapangyarihan ni Grandma ay kinuha niya ang totoo kung birth certificate at ngayon nga ay gamit ko na ang tunay kong pangala hindi na ako si Rosella Libutan na mahina.Sa ngayon ay nandito kami sa Baguio dito ako nakatira sa Mansiyon ni Lola sinabi niya din na hindi ito alam ni mommy kaya wala akong dapat na ikibahala.
“Grandma aalis nga pala kami
ni
Syrine pupunta kaming bar you know lola girls bonding“ paalam ko dito.
“oo naman apo walang problema ayoko naman na pagbawalan ka at saka isa pa dalaga ka na dapat lang inienjoy mo ang pagkadalaga mo hindi gaya dati na nag asawa agad ako” sabi ni lola.
“yes! thanks grandma! kaya love na love ko kayo e” saka siya niyakap.
EDWARD
Busy ako ngayon sa inaayos kong papeles about proposal sa business ng kliyete nina Daddy ng matapos ko ito ay lumabas ako ng kwarto ko saka kumuha ng malamig na tubig sa ref at saka umupo sa sofa nandito kasi ako sa condo ko dito sa Baguio. Dito muna ako nag stay ngayon pansamantala kapag wekeends.Kinuha ko ang cellphone ko saka binuksan ang facebook ko nagsalubong agad ang kilay ko ng makita ang nasa newsfeed ko. Damn this girl. Nagbihis ako saka dali daling lumabas ng condo ko at pinuntahan ang Bar kung nasaan siya.Ibang klase talaga ng babaeng yun marami nang bago sa kanya marunong na siyang mag babad sa bar kababaeng tao e.Kasama niya na naman kasi si Syrine kaibigan namin ni Cyra.Pagkadating ko ay pinark ko kaagad ang sasakyan ko saka pinuntahan sa loob ang dalawa, mula sa di kalayuan ay nakita ko silang sumasayaw sa dance floor at lasing na lasing na.Lumapit naman ako at inakay na ang dalawa hindi naman masyadong lasing si Syrine dahil sanay na sanay na itong uminom samantalang si Cyra ay medyo hindi pa sanay uminom kaya madali itong malasing.
“hmm bshitawan shmo ko hik ano bha kashi” sabi nito sakin.
“Cyra lasing ka na umuwi na tayo.. Syrine nilasing mo na naman si Cyra saka bakit kayo pumunta dito” tanong ko sa babaeng katabi ni Cyra
“aish siya kaya tanungin mo hik siya ang nagyaya e!”
sagot nito.
“hoysh shyrine shino bwa kaushap mo ha? teka shino ka bha?” sabay turo sakin nito.Kita mo to mag iinom tas hindi rin naman pala kaya ni hindi nga ako makilala eh panu na lang kung naguyo siya ng ibang lalaki at dalhin kung saan saan.
“hoy bitch! gaga ka ba si edward yan tskk lashing kana bitch”
“ahh shi edward pala hik haish edward shup?” hindi ko na lang siya pinansin saka sinakay sa sasakyan ko samantalang si Syrine naman ay umuna na sa kotse niya sinabihan ko naman ito na mag ingat sa pag drive lalo na at may tama na din siya.Diniretso ko siya sa Mansyon nila binuhat ko ito at dinala sa room niya kilala na din ako ng mga maid dito pagkahiga ko sa kanya ay kinumutan ko ito at tinggal ang suot niyang sandals.Pagkalabas ko ay nagulat ako ng makita si Lola Madelline na parang hinihintay ako.
“sumunod ka sa akin may kailangan tayong pag usapan tungkol sa apo ko” sabi nito at naunang maglakad kaya sinundan ko na lanh siya, sa mini library niya kami dumiretso.Naupo ako sa bakanteng upuan sa may coach ganun din siya kaharap ko saka nagsalin ito ng tsaa sa tasa saka humigop.
“Lola ano pong pag uusapan natin?” magalang kong tanong.
“Malaki ang tiwala ko sayo edward lalo na at maraming beses mo na siyang iniligtas mula sa kapahamakan.Kaya ipinagkakatiwala ko sayo ang apo ko”
“ano pong ibig niyong sabihin?” gulat kong tanong sa kanya
“Napag usapan na namin ito nina Eunice at Arthur, inaayos na namin ang tungkol sa pagpapakasal niyo ng apo ko”
“Pero lola masyado pa kaming bata ni Cyra para sa ganyan at isa pa hindi ko po alam kung matatanggap ito ng apo niyo, at hindi ko po alam kung kaya akong mahalin ng apo niyo” sabi ko rito.Hindi ko alam kung nakalimutan na ba ni Cyra ang lalaking yun.
“Pero mahal mo ang apo ko tama? kaya edward nakikiusap ako sayo ayoko nang makitang nasasaktan ang apo ko kaya sana ilayo mo ang puso niya sa mga taong makakasakit sa kanya”
“naintindihan ko po lola… kailan po natin sasabihin sa kanya ang tungkol dito?” tanong ko pa.Napabuntong hininga ito bago sumagot.
“Sa tamang oras at pagkakataon ayoko siyang biglain sa bagay na ito..Kamusta ang mga magulang mo wala ba silang pinagsabihan sa sikreto natin?” ang tinutukoy niya ay tungkol kay Cyra.
“wala po lola makakaasa po kayo samin..”
“mabuti kong ganun dahil malaki ang tiwala ko sa inyong magpamilya.” sabi nito saka ulit nagsalin ng tsaa niya sa tasa at uminom.Maya maya pa ay nagpaalam na din ako kay lola na uuwi na sa condo ko nagpasalamat naman siya sakin sa paghatid sa apo niya.
DH:16
KABANATA 16
JACKSON
Nandito kaming magkakaibigan sa Canteen katabi ko naman si Bella at sinusubuan ko siya ng pagkain.
“tangna ang sweet niyo talagang dalawa pre” si samuel ang nagsalita
“oo nga pre eh kinakagat na nga ako ng langgam aray! pakshet na langgam to nangangagat” sabay arte ni brandon na parang kinakagat ng langgam sa matagal na buwang nakalipas masasabi ko na medyo okay na kami ni brandon.
“Mga gago inggit lang kayo sa kapatid ko at kay jackson eh maghanap din kasi kayo” sabat ni magnus sa dalawa.
“edi kayo na may jowa isa ka pa may Jenny ka na par akalain mo yun maganda at seksing nurse pa nadali mo pre jackpot haha” tawa ni Brandon dito.
“fuck you dude!”
“tara sa kama pre! basta libre mo condom pfft” pamimilosopo nito binatukan nga siya ng dalawa.
“Bunganga mo brandon may babae tayong kasama ang bastos mo” sabi ko
“sorry na haha pfft ang bastos naka hubad!.. ouch! nakakarami na kayo ah” sabay sapo nito sa ulo niya.
“hahaha!” tawa na lang namin dito.
“Babe bili moko spaghetti please..” sabay puppy eyes naman sakin ni Bella. Kinurot ko na lang ang pisngi nito pareho sila ni Rosella mahilig kumain ng sphagetti naalala ko na naman siya hanggang ngayon hindi pa rin siya mahanap. Pagkatapos ng pangyayari na yun ang laki ng pagsisisi ko sa sarili ko kasi hindi ko man lang siya naprotektahan nagsisi din ako sa mga sinabi ko sa kanya.Kaya ipinangako ko na babawi ako pagkagising niya pero gumuho lahat ng iyon ng bigla na lang siyang nawala sa ospital.
“uy babe tulala ka na naman” sabay nguso sakin ni bella,ginulo ko na lang ang buhok nito.
“sorry.. sige na ibibili na kita” sabi ko saka tumayo at nag order ng spaghetti.Pagkabalik ko ay saktong dumating si George na hingal na hingal na umupo sa upuan niya.
“oh napaano ka pre para kang hinabol ng kabayo”
sabi ko rito
“hindi kabayo ang nanghabol dyan pre kundi manok haha pfft chix pa more” tawa ni brandon
“oh tubig par inom ka muna ng mahismasan ka naman” sabay abot ni samuel ng tubig dito.
“bakit ka ba tumatakbo?” nakakunot noong tanong ni magnus.
“Tangina mga pre hindi kayo maniniwala kung sino nakita ko!” sigaw nito na parang nakakita ng multo.
“bakit ano ba yun?” tanong ko inaabangan din namin ang sasabihin niya.
“Si.. Nakita ko si Rosella! Nandito siya mga par!” sigaw niya napatingin naman samin yung ibang estudyante na nakarinig alam din kasi nila ang nangyari kay Rosella kalat na kalat nga ito noon.Pati kami ay nagulat sa sigaw niya.
“seryoso ka ba jan sa sinasabi mo George?” tanong sa kanya ni Magnus.
“wag mo ngang biruin pre” sabi ni samuel.
“si Rosella?” gulat na gulat ding tanong ni Bella.
“Gagi mga pare hindi ko kayo pinagloloko totoo nakita ko siya may kasama siyang bebot na babae!” sagot niya.
Maya maya ay bigla na lang may nag ingay sa pintuan ng Canteen kaya napalingon naman kami dito. Bigla na lang kaming napatahimik ng may makita kaming pumasok halos lahat kami ay hindi makapaniwala sa nakikita namin. Pumasok ang dalawang babae na nakahigh heels at naka dress habang nakasunglasses ito ng itim kasunod ay ang isang lalaki.
“diba si edward yun? sino yung kasama niyang dalawang babae?”
“mukhang rich girl sina ate Guci yung bag nila”
“wait girl look pamilyar yung isang girl”
“Totoo ba itong nakikita ko pre?” rinig kong tanong ni samuel
“oh shit? ang kikinis at ang puputi ng legs” si brandon naman.
“oh my god!”
- bella
“Rosella..?”
Nakatitig lang kami sa babaeng naglalakad tinanggal nito ang salamin niya at napasinghap ang lahat ng makilala siya.Napatitig ako sa mga mata niya.Bumalik kana rosella.Halong pagkatuwa at pagkasabik ang naramdaman ko ng makita siya.Naglakad ito na parang modelo papuntang bakanteng mesa kasama ang isang babae at si edward.Ang tagal na namin siyang hinanap,alam ni edward kung nasaan siya? Gusto ko sanang lumapit sa kanya at yakapin siya gusto kong humingi ng tawad sa mga nagawa at nasabi ko.Miss na miss ko na si Duwende.
BELLADINE CYRA DEOGRACIA
Nakaupo kaming tatlo nina Syrine at Edward dito sa bakanteng mesa naalibadbaran naman ako sa mga taong nakatingin samin para silang nakakita ng multo well mukha nga.Pansin ko naman sa kabilang table yung grupo nila jackson na nakatingin samin napa smirk na lang ako.
“grabe yung entrance natin bitch para tayong nag fashion show daming nakatingin na audience gulat na gulat” sabi ni Syrine sakin,tumayo muna si edward at nag order ng pagkain.
“well i’m not satisfy of that entrance bitch pero pwede na din well I’m back not because for them but for my sweet and good revenge” sagot ko sa kanya.Makita ko lang ang pagmumukha ng peke na yun nanggigil na ako parang gusto kong balatan ang kapal ng mukha niya.
“i’ll support you bitch! hmm so what’s your plan now?” tanong niya.
“it’s surprise my bitchfriend i hope you’ll like it” sabay kindat ko dito
“eeww ang laswa mo kumindat bitch” tinawanan ko na lang ito.Dumating na din si edward na may dalang pagkain kaya kumain na kami. Pagkatapos naming kumain ay lumapit ako sa table nila Jackson nagulat naman sila ng makita ako.
“Hi? Can I join?” tanong ko sa kanila hindi pa man sila sumasagot ay naupo na ako sinadya kong umupo sa tabi ni Jackson para naman itong tuod na hindi makagalaw natatawa na lang ako sa isip ko.
“R-rosella? kamusta? ang tagal ka naming hinanap” tanong ni kuya Hans sakin.Talaga lang ha hinanap moko kuya? Sinungaling ka.
“I’m good by the way I want to introduce myself to all of you..sigurado naman ako na hindi niyo pa talaga ako kilala right?” sabi ko para naman silang naguluhan sa sinabi ko.
“huh? hindi mo na kelangan magpakilala rosella kilala ka na namin nag ka amnesia ka ba?” good answer my dear impostor bella..Nginitian ko ito ng ubod na tamis.
“Well yeah i have an amnesia BELLA, And by the way I’m Cyra Deogracia nice meeting you” pakilala ko parang nanigas naman siya sa sinabi ko tiningnan ko din silang lahat lalo na si kuya.What now my dear brother? Pati siya ay mukhang nagulat sa pagpapakilala ko. Alam niya ang buo kong pangalan BELLADINE CYRA DEOGRACIA.Bago kami pumasok sinabi sakin ni lola na gamitin ko ang second name ko which is Cyra para sa plano namin.
“D-eogracia? Cyra?” nagugulahang tanong ni George.
“What the hell? pano ka naging deogracia saka bakit iba na name mo?” si brandon naman
“well sinagot ko lang naman ang tanong ni bella kung may amnesia ako right? yes at nalaman ko ang tunay kong pagkatao pagkatapos ng aksidente” natahimik naman sila sa sinabi ko.Lalo na si jackson hindi man lang makatingin sakin at makagalaw.
“what do you mean?” tanong ni kuya.Nag smirk lang ako dito.
“well it’s your job to know what I mean… bye thanks for a little chitchat.. see you Bella when i see you” sabay kaway po sa dito at tumayo saka naglakad paalis.
“well hindi pa ako nagsisimula, intro ko pa lang yan bitch..”
Pumunta ako sa lugar kung saan nakilala ko siya at kung saan sinaktan niya ako na dumurog sa puso ko.Sinabi ko muna kina Syrine at Edward na may kukunin lang ako sa library.Totoo naman kasi naghiram ako ng libro na pwede kong basahin ilang buwan na din kasi akong hindi nakapasok it’s been 6 month’s and now I’m already here.Napabuntong hininga na lang ako saka inipit ko sa tenga ang nililipad kong mga buhok.Nakaharap ako ngayon sa puno na to kung saan saksi siya sa nangyari hinaplos ko naman ito.
“Rosella?” may narinig akong tumawag sakin kilala ko ang boses niya kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.Lumingon ako dito.
“I’m not Rosella.. Call me Cyra what do you need?” sabay bigay ko dito ng blankong tingin nakita ko naman ang paglungkot ng mukha niya.
“pwede ba tayong mag usap kahit saglit lang?” pakiusap nito, pinag cross ko lang ang mga braso ko at tumingin dito.
“Talk! 5 minutes lang ayokong nasasayang ang oras ko”
“Ro– I mean Cyra gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa at masasakit na salitang nasabi ko sayo..Tama ka hinsi dapat kita iniwan pero promise nung nag aagaw buhay ka pinagsisihan ko lahat hindi man lang kita naprotektahan alam kong malaki ang pagkukulang ko sayo.Nasabi na din sakin nina Magnus yung nangyari sayo sa lumang building yung..yung muntik ka ng ma rape patawad kung wala man lang ako sa tabi mo para bantayan ka at protektahan … Rosella..”
“Time’s up aalis na ako.. pero pwede ba wag mo na akong tataeagin na Rosella dahil matagal na siyang patay.Cyra Deogracia ang pangalan ko tandaan mo yan” at saka ko siya nilampasan,bumalik na sin ako sa room ko kung saan katabi ko si Syrine tinanong ako nito kung bakit ang tagal ko maya maya ay dumating na ang teacher namin.
DH:17
KABANATA
17
BELLADINE CYRA
Pumunta kami ni Syrine ng Cr pagkapasok namin ay nakita ko si Bellang impostora na nanalamin kay tumabi naman ako dito at si Syrine ay pumasok sa isang cubicle.Kinuha ko ang lipstick ko saka naglagay sa labi.
“Hi bella nice to see you here” sabay ngiti ko dito sa salamin kung saan kaharap namin ang sarili namin.
“Hello din Rosella..” pabagsak kong inilapag ang lipstick sa malamig na marmol ng lababo.
“Don’t call me rosella my name is Cyra Deogracia remember that and oh wag kang masyadong magbait baitan sa harapan ko dahil alam ko namang bitch ka pero mas bitch ako sayo” sabi ko dito. Parang natakot naman siya sa sinabi ko.
“ano bang sinasabi mo? bakit ka ba ganyan sakin?” sabay hikbi pa nito.Nainis na lang ako sa kaartehan niya.
“Nothing.. are you scared? such a cry baby pfft” natawa na lang ako maya maya ay lumabas na din si Syrine.
“hoy bitch ang aga mo para mang away lets go”
“hindi ko siya inaaway bitch kinakausap ko lang tsss” sagot ko saka binangga ang balikat ni bella.Dumaan muna ako sa locker ko saka kinuha ang libro pero may napansin akong papel kaya naman binuklat ko ito at binasa.
Meet me at top building
-M.
MAGNUS
Nandito ako sa top building at nagpapahangin habang nakatayo at pinag mamasdan ang buong paligid sa baba.Narinig ko na may mga yapak ang naglakad papasok dito sa taas. Naglakad ito at pumantay sakin habang nakatingin sa baba.Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay pinutol ko na ang pagiging tahimik at hinarap siya.Ang laki na ng pinagbago niya hanggang ngayon hindi pa din namin alam kung saan siya nagpunta nung pagkawala niya sa ospital.Mas naguguluhan tuloy ako sa pagkatao niya.
“Sino ka ba talaga?” tanong ko. nakita kong nag smirk lang ito at humarap sakin.
“Sino ako? I’m Cyra Deogracia nothing else..”
“Cyra Deogracia?! what the fuck! Paano ka naging Deogracia bakit mo ginagamot ang pangalan ni Bella ha!” galit kong tanong dito nakita ko ang pagbago ng reaksyon ng mukha niya.
“Hindi ko ginagamit ang pangalan niya, Dahil ito ang pangalan ko..”
“Sinungaling! ginagantihan mo ba ang kapatid ko dahil sa nanguari sayo sa gubat hindi niya kasalanan yun? o baka naman dahil kay jackson?” bigla na lang tumulo ang mga luha niya parang napasobra naman ata ang sinabi ko.Maya maya ay sinampal ako nito.
“Alam mo ba kung gano kasakit yung nangyari sakin na tipong katawan ko bumigay na para iligtas ang babaeng yun na kasalanan niya naman ang lahat kung bakit nangyayari to! Pero alam mo ba kung bakit pinilit kong mabuhay kasi may pamilya pa akong babalikan dahil gustong gusto ko na silang makasama.. huk p-pero yung taong nangako sakin na hindi aalis sa tabi ko ay hindi man lang ako nakilala.. Bakit? Bakit!” saka ito biglang humagulhol ng iyak napakuyom na lang ang kamao ko gusto ko siyang lapitan at humigi nga tawad sa nasabi ko.
“sorry hind–”
“sana sana hindi na lang ako nabuhay! sana hinayaan niyo na lang akong mamatay! i hate you!” sabi nito at tumakbo paalis naiwan naman akong malalim ang iniisip.
Uwian na at kay jackson ko na pinasakay si Bella dahil may kailangan lang akong daanan,pinuntahan ko ang address ng bahay ni Tita Clarrise alam niya kaya na nandito na ang anak niya pagkapasok ko ng village ay hindi pa ako nakakalapit sa bahay ni Tita ng makita ko si Cyra nakangiti itong niyakap ang mama niya may sinabi pa ito at pinasakay niya sa kotse pagkatapos ay pumasok siya sa driver seat, marunong na siyang magmaneho ng sasakyan? Saan naman sila pupunta? Sinundan ko na lang ang kotse nila teka sobrang layo na nitong binabiyahe namin ah san ba talaga sila pupunta ? Dumaan sila sa isang highway na shotcut papuntang Baguio.Pagkatapos ng mahabang oras na biyahe ay tumigil ang sasakyan niya sa isang malaking Mansiyon? Anong ginagawa nila dito? Bumaba sila pareho at namangha ang mama nito sa laki ng bahay pagkatapos ay pinagbuksan sila ng isang Maid.Pagkapasok nila ay bumaba na ako ng kotse ko saka lumapit sa babeng Maid nagulat pa ito ng makita ako.
“Ano pong kailangan niyo sir?” tanong nito
“ahh dito ba nakatira si I mean yung mga pumasok kanina? si tita clarrise at yung anak niya” napakunot noo naman ito at iniintindi yung sinasabi ko.
“Ah si Señorita Belladine po ba? ay naku ayaw niya nga palang tawagin siya sa name na yun..Si Señorita Cyra po ba ang tinutukoy niyo sir?” sabi nito para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa tinawag niya.
“Anong sabi mo? Belladine Cyra ang name niya?” paninigurado ko.
“opo sir siya po yung tunay na apong nawawala ni Señora Madelline. ano po bang kailangan niyo kina Señorita?” biglang naninigas ang buo kong katawan sa nalaman ko.Panaginip lang to diba? Hindi ito totoo?
“Maria bakit ba ang tagal mo jan sa labas! tinatawag tayo nina Señora!”
tawag sa kanya ng kasama niya. Umalis na ako at bumalik sa kotse ko litong lito na ako sa mga nangyayari hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko.Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa frustration.
“Aahh!” sigaw ko at hinawakan ng mahigpit ang manibela.Madelline? yun ang pangalan ni Lola ang Mama ni Mommy.
“Ah si Señorita Belladine po ba? ay naku ayaw niya nga palang tawagin siya sa name na yun..Si Señorita Cyra po ba ang tinutukoy niyo sir?”
“opo sir siya po yung tunay na apong nawawala ni Señora Madelline. ano po bang kailangan niyo kina Señorita?”
Paulit ulit kong naririnig sa isip ko yung sinabi ng katulong. Kung siya ang totoong Bella sino yung Bella na kasama namin sa bahay? Fucking shit! Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko at bumalik ng Manila dumaan ako sa shinort cutan namin kanina.
SOMEONE
Mukhang mapapadali ang plano ko sa mga Deogracia sa wakas lumitaw na din ang totoong Heiress ng mga Deogracia.Malapit ko na kayong mapabagsak kapag nagawa ko na ang pinaplano ko.
Knock
Knock
“come in.” kasabay nun ay pumasok ang isa kong tauhan dito sa mini office ko.
“Sir? nalaman po ng spy natin sa mga Deogracia na magkakaroon po ng isang event ipapakilala na po ang Heiress ng mga Deogracia at kasabay din po ng Engagement Party.” balita nito.Napangisi na lang ako ito na ang matagal kong hinihintay na mangyari.
“Kelan ito gaganapin at saan?”
“sa Deogracia Five star Hotel and Restaurant po sa gabi po ng miyerkules”
“good.. ihanda niyo ang mga tauhan natin at sasakyan kukunin natin ang Heiress nila at sa pagkakataong to hindi ko na ulit siya bubuhayin pa.”
BELLADINE CYRA
Pagkarating namin ni Mama sa loob ng bahay ay nadatnan namin sina Tita Eunice Tito Art at Edward na nakaupo sa mahabang sofa nandoon si Grandma pinatawag niya kami dahil may mahalaga daw itong sasabihin samin hindi ko alam kung ano iyon pero kinakabahan ako.
“Mabuti naman at nandito na kayo apo, clarrise.. kamusta ka na?” umupo namin kami ni mama
“mabuti naman po Señora Madelline” sagot ni mama.
“Grandma ano po palang sasabihin niyo bakit niyo kami pinatawag?” tanong ko naka receive na lang kasi ako kanina ng text mula sa kanya.Bumuntong hininga ito ng malalim bago nagsalita.
“Apo? wag ka sanang magagalit sa sasabihin ko pero para na din ito sa kalagayan mo.. At malaki ang tiawala ko kay edward na hindi ka niya pababayaan katulad ng lagi niyang pagliligtas sayo”
“Lola hindi ko po kayo maintindihan diretsuhin niyo na lang po ako”
“Tungkol ito sa Arrange Marriage niyo ni Edward apo at siya nga pala sa Miyerkules na ang Engagement Party niyo” gulat na gulat naman ako sa sinabi ni Lola.
“Po?! seryoso kayo Grandma?” sigaw ko.
“Pasensya na apo kung nabigla ko kayo lalo kana wag ka sanang magalit sa akin apo.” malungkot na sagot ni lola. Hindi naman ako galit sa desisyon ni Lola eh hindi lang kasi ako makapaniwala sa sinabi niya.Napatingin naman ako kay edward na malungkot ang mukha alam ko ang ibig sabihin ng mukhang yan.Sa tagal kong kasama si edward masasabi kong ang swerte ko kasi lagi siyang nansiyan para samahan ako,bantayan ako at iligtas sa kapahamakan.Siguro nga hindi lahat ng dumadating sa buhay mo ay para sayo na talaga minsan kailangan din nating masaktan at matuto na hindi lahat ng gusto natin ay napupunta sa atin kasi nga ang puso natin ay hindi natin pwedeng diktahan kung sino yung mamahalin natin at hindi.Katulad na lang ni Jackson siguro nga hanggang magkaibigan na lang kaming dalawa at tanggap ko na iyon hindi ko naman siya pwedeng pilitin na gustuhin ako kung ayaw niya naman talaga sakin diba.At may nakatadhana na talaga sakin mula pa nung una naming engkwentro kung paano niya ako iligtas at protektahan hindi ko alam kung kelan nagsimula itong nararamdaman ko pero isang araw nagising na lang ako na mahal ko na pala siya at kung gaano siya kahalaga sa buhay ko.Hindi ko alam na tumulo na pala ang luha ko.
“sshhh sorry kung ayaw mo naman sa desiayon ni lola okay lang sakin naiintindihan kita.. wag kana umiyak” at saka niyakap niya ako niyakap ko na lang siya pabalik natawa na lang ako sa sinabi niya.
“pfft haha! sira ka tears of joy lang to! masaya ako kasi makakasama na kita.. hindi ko alam kung kelan nagsimula to pero nagising na lang ako Mahal na pala kita..salamat kasi dumating ka sa buhay ko” sagot ko napatimik naman siya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko
“A-anong sabi mo? totoo ba yung mga narinig ko?”
“oo ang bingi mo naman e! sabi ko mahal kita!” sigaw ko sa kanya
“yes! sobrang saya ko Cyra I Love You”
“I love you din”
“cough ehem pwede ba namin kayong maistorbo?” putol naman samin ni Tito Art
kaya napahiwalay kami sa pagkakayakap ni edward.
“kyaaahhh sobrang saya ko sa inyo sa wakas magkakaroon
na din akong anak na babae“ tuwang tuwa tili ni Tita Eunice
“Congratulations anak, edward masaya ako para sa inyong dalawa” si mama naman ang nagsalita.
“Akala ko apo magagalit ka sakin pinakaba mo ako” sabi ni grandma,lumapit ako dito at yumakap
“The best talaga kayo Grandma salamat po!”
Pagkatapos ng inanounce ni Lola ay nag usap usap kami at may plano pa siya na gagawin ipapakilala niya ang Heiress ng mga Deogracia which means ako pero ang ipapaalam niya lang kina mommy ay si Bella na impostor ang tinutukoy niya.Ewan ko ba kay lola ang dami niyang pakulo saka naghanda na rin siya ng maraming tauhan na ikakalat sa loob at labas ng Venue para sa kaligtasan naming lahat.Mas mabiti na din daw iyong handa baka sakaling lumusob ang tauhan ng Billy na iyon.At kung mangyari man yun may back up si lolang mga pulis sa loob pati sa labas.
DH:18
KABANATA 18
BELLADINE CYRA
Kasama ko ngayon si Edward nasa Park kami namamasyal este nag di date.Magkahawak kamay kaming naglalakad ng may makita akong nagtitinda ng fish ball ay hinila ko siya papunta dito saka bumili kami nung una ayaw niya kumain pero sinubuan ko siya kaya ayun kumain din siya.Masarap daw kaya dumagdag pa siya.Pagkatapos naming kumain ng street foods ay may nakita kaming nagpaparenta ng mga bike sa namamasyal kaya rumenta kami ng isang bike siya ang nagmamaneho at nagpipidal samantalang ako ay nakakapit lang sa bewang niya habang nakaupo ako sa likod.Parang naulit lang nung nagjejetski kami isa yun sa mga moments naming dalawa na magkasama.Sinulit na namin ang araw namin ngayon hindi nga kami pumasok eh nagpadala na lang si lola ng excused letter namin sa school.
“Ang saya ko alam mo bang first date ko to sa isang lalaki na gusto ko?” sabi ko pa sa kanya nung nagpahinga kami sa isang upuan habang kumakain ng ice cream
“ako din naman first time kong maka date yung babaeng papakasalan ko” sabay tingin nito sakin maya maya ay inilapit nito ang mukha niya sa mukha ko at nakatingin pa ito sa labi ko.Kaya namula naman ang pisngi ko.Nagulat na lang ako ng dumapi ang labi niya sa gilid ng labi ko at dinilaan ito kaya hindi naman ako nakagalaw sa inuupuan ko.
“Hmm sweet lasang strawberry” sabi nito at kinindatan pa ako napayuko na lang ako sa pamumula ng mukha ko.Strawberry kasi yung flavor ng ice cream ko.
“Ang PDA mo!”
sabi ko dito saka hinampas siya sa braso sinangga niya lang ito, nakakahiya baka may mga naka kita sa ginawa niya.
“gusto mo naman? pfft haha namumula mukha mo oh your blushing Darling” pang aasar niya pa.
“hmmp ewan ko sayo” sabi ko dito.
DEOGRACIA FIVE STAR H&R
Dumating na ang pinaka hihintay naming event at nandito nga ako sa may dressing room kung saan nilalagyan ako ng make up sa mukha Red fit gown ang suot ko ngayon na mahaba hanggang paa may hiwa ito sa hita na kung san kita ang maputi kong legs, sigurado akong maiinis si edward dahil ganito yung suot ko well possessive much ang soon to be husband ko.Nakasuot din akong mataas na high heels pointed na kulay black siya pero sanay na akong mag suot ng ganito. Ginawa nilang bun ang design ng pagkakaipit sa buhok ko habang may mga ilang buhok naman na naiwan sa gilid ng tenga ko para style kumbaga.
“Wow ang ganda ganda niyo po señorita napaka swerte po sa inyo ni señorito edward dahil kayo ang mapapangasawa niya” compliment ng kasama ko ditong si Maria ang maid sa bahay ni lola.
“Thank you maria..” nakangiti kong sagot dito.
Halo halong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon pinagpapawisan na din ang mga kamay ko.Maraming mga bisita ang dumalo mga kakilala ni lola kasama nina mommy at daddy sa business at ilang malalaking kompanya ang dumalo dito.Hindi alam nina Mom and Dad kung para saan ba talaga itong event na to ngayon kasi irereveal ni Grandma ang totoo.Nakita ko din na ang mga bisita dito ay taga PIU at syempre sila jackson andito din si ate jen at syempre ang bitchfriend ko.Nung sinabi ko nga sa kanya hindi siya makapaniwala eh pero support daw siya samin ni edward.
Maya maya ay biglang bumukas ang pinto pumasok si Edward at masasabi kong ang gwapo gwapo niya sa suit niya.Lumapit ito sakin at niyakap ako na para bang sinasabi niya na nasa tabi ko lang siya at hindi niya ako iiwan.
“Don’t worry darling i’m here wag kang kabahan okay?” sabi nito.
“Yes Darling .. hindi naman maiiwasan yun syempre.. Nasan na pala si lola?”
“kasama niya sila mom and dad kasama ang mommy at daddy mo pati si tita clarrise” sagot niya.
“o-okay..”
“Ladies and gentle man magsisimula na po ang ating event so please arround and applause to the Señora Madelline Fuentabella Deogracia.”
rinig namin ang palakpakan ng mga bisita ng banggitin ang pangalan ni lola.
Thank you so much for being here in my event, as a Queen of Deogracia family I want to introduce in the world my long lost grand daughter..
Lumabas na kami ni Edward ng room at nagpwesto kung saan makikita namin si Lola na nagsasalita at yung ibang tao.Napatingin ako sa table nila Mommy at Daddy na tuwang tuwa sa sinabi ni Lola, napansin ko naman ang impostor na Bella ngiting ngiti ito katabi si jackson at kuya Hans, well tingnan natin kung makangiti ka pa mamaya.Ang kapal din talaga ng mukha mo na angkinin ang trono ko.
Please round of applause to my grand daughter and the real Heiress of Deogracia Clan.. Please let us welcome Belladine Cyra Deogracia..
Tumayo naman si Bella pati sina mommy at daddy pero natigil sila ng may kadugtong pang sinabi si Lola.
… And together with his fiancee Mr.Edward Buenavista…
Mukhang nagulat naman sila sa sinabi ni lola pati sina Bella at jackson sina kuya at Mom and Dad.Magkahawak kamay kami ni Edward na lumabas ng back stage at rumampa sa stage mas lalong lumakas ang ingay at bulong bulongan nila.Halong pagkagulat,lito at pagkamangha ang nakita ko sa mga reaksyon nila lalo na sina Claudia.Ano ka ngayon?
Lumapit kami kay lola at at nakipag beso saka humarap sa kanilang lahat tumayo naman sila Tita Eunice at tito saka lumapit samin nag beso din ako sa kanila.
“Congratulations to the both of you..”
“I’m happy for you son”
“Thanks dad/Thanks tita tito.”
“Palakpakan ulit natin ang Apo ko at ang Fiancee nito”
Lumapit sa amin sina Mom and Dad pati na din yung mga kaibigan ni Magnus.
“Mama? Anong ibig sabihin nito?huk” umiiyak nitong tanong na tila naguguluhan sa nangyari.
“Ma? ano to dalawa ang Bella? Rosella?” gulat na gulat na sabi ni Daddy.
“wala akong maintindihan mama” sinampal ito ni Lola kaya napasinghap ang lahat.
“pwes ipapaintindi ko sa inyong lahat para malaman niyo! at ikaw na impostora ka ang kapal ng mukha mo na magpakita dito! pareho kayo ng tatay mong kriminal”
“ano pong?–” Claudia
“Yang babaeng yan ay hindi ang totoong apo ko isa siyang peke! Claudiabelle Mervaine ang buong pangalan niya isang anak anakan ng taong kriminal na kumidnap kay belladine! at nagawa mo pa talagang magpanggap ano?!” sigaw ni lola kaya gulat na gulat sila sa rebelasyong binunyag ni grandma hinagis nito sa pagmumukha niya ang DNA test result na negative sa pag match kina mommy at daddy.
“ayan ang ebidensya!”
“Mama? kung ganon?” sabay tingin sakin ni mommy na umiiyak ganun din sina daddy at kuya.
“oo tama ka siya ang totoong Bella.. Napakapabaya niyong magulang Beatrice! Marcus! kung hindi ko pa pinapasubaybayan ang anak niyo sa tauhan ko ay baka tuloyan na talaga siyang nawala..Mabuti na lang inutusan ko ang isa kong tauhan na magpanggap na siyang bibili kay bella nung mga oras na kinidnap siya at binenta, awang awa ako sa apo ko kaya naman ng magka amnesia ito ay pinaalagaan ko siya kay Clarrise para iligtas sa kapahamakan .. at hindi nga ako nagkamali napalaki niyang maayos ang anak niyo.. anong silbi ng pagiging Deogracia niyo ni hindi niyo man lang inusisa at pinaimbistigahan ang impostor na yan at basta niyo na lamang tinanggap? at ikaw magnus! napaka pabaya mo sa kapatid mo! kaya noong naaksidente si Cyra ako ang kumuha sa kanya ng ma coma siya para ilayo sa mga taong makakapanakit sa kanya” mahabang salaysay ni grandma sa kanila. Umiiyak lang sila.. Maya maya ay lumapit sakin si Mommy at niyakap ako ng sobrang higpit umiiyak ito ng malakas.
“bella! I’m sorry baby! please patawarin mo si mommy huhu .. sorry! sorry baby! alam kong nasaktan ka namin! i’m sorry!huk ang tagal ka naming hinanap baby ..” tumulo na lang ng walang tigil yung mga luha ko ang sarap sa pakiramdam na mayakap ka ng totoo mong ina.Lumapit din sakin si Daddy at yumakap.
“Princess! patawarin mo din si Daddy anak! napaka walang kwenta kong ama .. i’m sorry princess promise hindi na kami aalis sa tabi mo babawi kami sa lahat ng pagkukulang namin sayo, sana mapatawad mo kami mahal na mahal ka namin anak” sabi ni daddy. Dahil sa sinabi niya mas lalo pa akong napahagulhol.Nakita ko si kuya na umiiyak alam kong sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala sakin lalo na yung mga masasakit na salitang nasabi niya sakin nung nakaraan.Bumitaw naman ako sa pagkakayakap nila at tumingin kay kuya..
“Kuya hans..” tawag ko dito
“Kuya huk kuya hans..” sabay takbo ko dito at niyakap siya hindi naman siya nakagalaw dahil sa ginawa ko maya maya niyakap niya din ako ng mahigpit na mahigpit habang umiiyak siya.
“Bella… fuck!”
“Kuya hans huhu huk namiss kita kuya wag kana ulit aalis sa tabi ko ah” sabay iyak ko.
“bella.. Bella ko ikaw nga.. promise hindi na ulit kita iiwan poprotektahan kita bella.. ayokong mawala ka ulit samin, bella..” ramdam na ramdam ko ang pagkasabik ng yakap namin ni kuya sa isa’t isa.
BANG!
BANG!
BANG!
Bigla na lang nagka gulo ang lahat dahil sa mga putok ng baril kaya napabitaw na lang kami ni kuya sa isa’t isa hinawakan naman ako sa kamay ni Edward na nag aalala halos lahat kami ay kinakabahan at naguguluhan sa nangyari. Shit! tama nga ang hinala namin ni Lola may hindi magandang mangyayari ngayon.
“Shit! san galing ang putok ng mga baril!” sabay yuko namin
“yumuko kayong lahat at saka magtago sa may backstage!” sigaw ni daddy kaya nagpuntahan kaming lahat sa backstage.
“oh my god! ano na namang nangyayari?” tanong ni mommy habang nakawak kay daddy
“Bantayan niyo si bella siya ang pakay nila!” sigaw ni lola
“ano!/what the hell?” -sila.
“fuck mga par wala tayong laban sa kanila may mga baril sila” sabi ni George
“Aahh!”
“magtago kayo bilis!”
“mga pulis kami huminahon kayo!”
“dumapa kayo!”
Boogggssshhh
BANG!
BANG!
BANG!
“Ayokong mawala ka ulit samin princess poprotektahan ka namin kahit anong mangyari” sambit ni daddy sakin habang nagtatago kami dito sa likod.
“Daddy…Mommy..Kuya.. natatakot po ako” sabi ko ayoko bumabalik sa alaala ko yung mga panahon na kinuha nila ako.
“wag kang matakot apo hindi ka nila makukuha sa amin at hindi namin hahayaan na mangyari yun” sabi ni Lola.
“Darling i’m here too.. i will peotect you no matter what happened..” sabay yakap ni edward sakin ng mahigpit.
“I hope…”
DH:19
KABANATA 19
BELLADINE CYRA
Hindi pa rin tumitigil ang putukan sa labas at anu mang oras ay matutunton kami ng kalban kaya kailangan agad naming umalis.
“Lola? Ano na pong gagawin natin pag tumagal pa tayong lahat baka matunton tayo nila dito” salita ko.
“Mabuti pa dun tayo dumaan tara habang hindi pa nila tayo nakikita dito .. nandoon ang van nakapark sa parking at kailangan agad nating makapunta dun at makaalis sa lugar na to”
Naunang maglakad at tumakbo sila mommy’t daddy pati sina lola at ang iba kami naman ni edward at jackaon ang nahuli sa unahan namin ay sina kuya. Hindi pa kami nakakalayo ng may sumulpot na lalaking may baril sa gilid balak na sana kami nitong paputukan
ng sipain ni edward ang kamay nito kaya tumalsik ang baril na hawak nito napa aray naman ang lalaki at sumugod ng suntok pero naunahan ito ni edward at sinuntok sa mukha sabay sipa nito sa tiyan ng lalaki kaya tumalsik ito sa pader.
“shit hindi rin tayo ligtas dito baka nasundan na tayo” sabi nito.Pinulot niya yung baril na nabitawan nung lalaki.
BANG!
BANG!
“Aaahh!”
“omg!”
“fuck muntik na ako tamaan par!”
Napayuko na lang kami at hinila ako ni edward sa kabilang pader para hindi kami mataan ng bala ganun din ang iba naming kasama patuloy itong nagpapaputok sa amin.Ikinasa naman ni edward ang hawak nitong baril at pinaputukan niya din yung lalaki kaya natamaan ito at natumba sa sahig napatakip na lang ako ng tenga.
“are you okay darling? don’t worry i’m here.. let’s go habang wala pang kalaban na dumadating.”
“okay lang ako.. tara” sagot ko
Lumabas kami sa pinagtataguan namin at saka tumakbo na pero napansin kong hindi ko makita sila mommy kasama sina lola. At ang kasama lang namin ay sina kuya magnus samuel at george.
“Kuya bakit kayo lang nasaan sila mommy at lola?” taka kong tanong habang tumatakbo kami
“wag kang mag alala princess pinauna ko na sila sa sasakyan ayaw nga sanang sumunod nina daddy pero hinila na sin sila ni lola kasama nila sina tita at tito at ang iba pa nating kasama bilisan na natin naghihintay na sila doon” sagot nito.
“shit par parang gusto ko din humawak ng baril”
biglang imik ni Samuel
“haha seryoso pare pfft ang hina mo naman”
“wag mo nga akong pagtawanan! kapag ako talaga natuto bumaril uunahin kita par”
asar na sabi nito kay George.
“uy joke lang par hehe ikaw naman parang di tayo magkaibigan niyan e”
“At saan kayo pupunta mga bata?” napatigil kami sa pagtakbo ng harangan kami ng apat na lalaking may baril kaya itinago naman ako nina kuya sa likod nila.
“tangina mga pre ayoko ma mamatay di ko pa nakikita yung babae na para sakin” salita ni George
“ulol sa chick boy mong yan par wala ka pading napipili ikaw pala ang mahina eh?” si samuel naman .
“tama na ang satsat! ibigay niyo samin ang babae!” sigaw nung lalaki na malaki ang katawan habang may nakatutok na baril ito sa amin.
“Paano kung ayaw namin? may mag
agawa ba kayo?“ matapang na sagot ni edward.
“Hindi ako papayag na kunin niyo ang kapatid ko dadaan muna kayo samin!” si kuya naman.Kaya ako tuloy ang kinakabahan sa mga sagot nila baka mamaya barilin na lang sila bigla.
“Aba matapang kayo bata ah! tingnan natin kung makapalag kayo .. “
Lumapit sila samin habang nakatutok ang baril samin kaya napapaatras naman kami.
“mga pre ganito pagkabilang ko ng tatlo alam niyo na ang gagawin natin” bulong ni kuya.
“sge pre/kinakabahan ako par ayoko pa mamatay pero sige bahala na” - sila.
“okay, 1…2….3!..ngayon na!” saktong pagkalapit ng apat ay kumilos naman ang mga lalaki kong kasama at pinagsusuntok at pinagsisipa ang mga kalaban.Si kuya naman ay iniilagaan lang ang suntok nung lalaking kalaban niya maya maya ay sinuntok niya din ito sa mukha ng sunod sunod at tinuhod sa sikmura.Nakita ko naman si Edward na nadaplisan ng suntok sa mukha kaya napaatras ito nakakuha ng tyempo ang kalaban niya para sana suntukin ulit siya pero mabilis siyang nakagalaw at yumuko sabay patid sa lalaki kaya natumba ito.Si George naman at samuel ay nakikipag laban din sa lalaking kalaban nila ilang saglit pa ay napatumba din nila ito.Biglang bumangon ang lalaking pinatid ni edward at pinulot ang baril na malapit dito pero nunahan itong paputukan ni kuya na may hawak na palang baril.Humihingal ito dahil sa pakikipaglaban nila.Lumapit sila sakin at inakay na para lumabas.Nakarating kami sa parking lot pero natigil kami ng makitang wala sila doon.May ilang mga kotse ang nakaparking pero wala kaming nakita na Van na sinasabi ni Lola.Nasaan sila?
“k-kuya nasaan sila? wala akong makitang van na sinasabi ni lola” tanong ko sa kanya.
“tangina kinakabahan ako pre ang tahimik” sabat ni George.
“oo nga pre takte akala ko ba nandito sila bakit hindi natin makita?” si samuel.
“sandali.. parang may mali eh..” sabi ni edward at sinenyasan na tumigil ang dalawa sa pagsasalita kaya ako ay tahimik lang din at pinapakiramdaman ang paligid.
“Tara dahan dahan lang tayo maglakad at hanapin sila tumingin tingin kayo sa paligid baka may kalaban” sabi ni kuya. Habang nagsimula na kaming maglakad.
“wait kuya, p-paano kung patibong to?” pigil ko sa kanila napatingin naman sila sakin at parang napaisip sa sinabi ko.
“tama si Cyra,Magnus.Baka trap ito para mahuli tayo nakakapagtaka kasi na ang tahimik ng paligid wala ba kayong napapansin na kakaiba?” sabi din ni edward.Tiningnan main ang buong paligid at nakiramdam.Isang ring ng cellphone ang pumukaw ng ingay,alam kong yung cellphone ko iyon kaya kinuha ko ito sa pouch ko at tiningnan ang caller si Mama? sinagot ko ang tawag mula sa kabilang linya.
JENNY
Dahil sa nangyari kanina pinauna kami ni Magnus na pumunta ng parking lot ayoko pa sanang sumama kaso hinatak na ako nila Tita Bea kaya nauna kami,pagkadating naming parking lot ay nakita namin ang van na sinasabi ni Señora Madelline mabilis kaming tumakbo papunta dito pagkabukas namin ng van ay nabigla na lang kami ng may mga armadong lalaki ang nandoon at nakatutok samin ang mga baril nila maya maya ay may mga humarang sa likod namin na dalawang Van na itim saka kami hiwalay na ipinasok dito.Lumapit sa amin ang mga armadong lalaki at tinutukan kami ng baril saka hinawakan sa braso para paghiwalayin.
“Hoy ano ba bitawan niyo kami sino ba kayo?!” si Tito Art ang sumigaw.
“Sweetheart please wag ka ng sumigaw baka saktan pa nila tayo” humuhikbi naman si tita Eunice.
“sshhh tahan na sweetheart hindi kita pababayaan”
“Hon natatakot ako.. ang mga anak natin sana ligtas silang lahat” iyak ding sambit ni Tita Bea.Niyakap naman ito ni Tito Marcus.
“Hon wag kang mag alala alam kong ligtas sila at saka isa pa hindi nila pababayaan ang prinsesa natin” sagot nito sa asawa.
“Oo nga clarrise nandoon si edward hindi niya hahayaan na saktan nila si Bella” sambit ni Lola
“Ipasok na ang mga yan sabi ni Boss! ang matanda kunin niyo at isakay sa isang van. Ihiwalay niyo din ang mga Matanda sa mga batang kasama nila. Bilisan niyo bago tayo maabutan ng mga swat” utos nung lalaki sa mga kasama nito.Nagpupumiglas naman kami sa kanila.
“Mama!! Saan niyo siya dadalhin?!” tawag ni Tita Bea kay Lola Madelline nang ipasok ito sa van na isa.Samantalang sina Tita Bea,Tita Eunice,Tita Clarrise,Tito Art At Tito Marcus ay sa isang itim din na Van samantalang kami naman nina Brandon,Jackson,Syrine, at ako ay ipinasok dito sa van na puti.
“Oh my god! anong gagawin nila satin?” kinakabahan kong tanong sa mga kasama ko.
“mukhang kikidnapin ata tayo” si syrine naman ang sumagot.
“shit! saan niyo kami dadalhin!” sigaw ni brandon.
“pakawalan niyo kami!” si jackson ang sumigaw.
“Tumahimik kayo!! kung hindi papasabugin ko ang mga ulo niyo!” sigaw nung lalaking kalbo at nakatutok samin ang baril nila.
“fuck you!!” sigaw ni brandon.Dahil sa sigaw nito ay hinampas siya sa ulo ng baril nung lalaki kaya nawalan ito ng malay natakot namin kami sa ginawa nung lalaki.
“Rogelio patulogin mo muna ang mga yan”
May itinabon naman sa aming panyo sa ilong na matamang ang amoy at ilang saglit pa ay nawalan kami ng malay.
DH:20
KABANATA 20
JENNY
Nagising ako dahil sa naramdaman kong may humahaplos sa mukha ko pagkamulat ko ay isang mukha ng panget na lalaki ang nakita ko.Nakatali ang mga kamay at paa ko kaya hindi ko magawang ikilos ang mga katawan ko inilibot ko naman ang paningin ko nakita ko si Syrine na wala pa ding malay nakatali din ito katabi ko ganun din sila Jackson at Brandon.
“wag mo akong hawakan lumayo ka sakin!” sigaw ko dito.
“aba gising kana din Miss Sexy hmm” sabay ngisi nito tiningnan ko lang ito ng masama.
“pakawalan niyo kami!” sigaw ko.
“Gusto mong pakawalan ko kayo? hmm pero may kapalit, papaligayahin moko miss” sabay lapit ng mukha nito sakin na may halong pagnanasa.Inilayo ko ang sarili ko sa kanya.
“Hayop ka!” sigaw ko.
Maya maya ay bumukas ang pintuan at may pumasok na lalaki.
“Pre ang sabi ni Boss wag silang galawin, lumabas ka na at magbantay sa pinto” sabi nito, binalingan lang ako nung manyakis na lalaki saka lumabas sila ng pinto narinig ko din ang pagkalansing ng bakal mukhang ni lock nila ito para hindi kami makatakas.Nasa isang madilim at madumi kaming kwarto tanging isang ilaw lamang ang nagsisilbing liwanag.Naisip ko tuloy sina Tita at Tito saan kaya sila dinala? pati si Lola Madelline.Niyugyog ko naman ang katabi kong si Syrine gamit ang balikat ko.
“syrine? uy gumising ka.. syrine! gising!” sabi ko pa ilang saglit pa ay gumalaw na din ito dahan dahang minulat ang mga mata niya.
“Jenny?. teka anong nangyari?” tanong nito saka tumingin sa paligid gulat naman itong nakita ang dalawang kasama namin na wala pa ding malay.Nagulat sin ito ng makita na nakatali ang kamay at paa niya.
“Hindi ko alam kung saang lugar tayo nila dinala basta nagising na lang ako ganito na ang kalagayan natin” sagot ko sa tanong niya.
“Pakshet naman paano tayo makakatakas nito sobrang higpit ng pagkakatali nila sa ’tin.” sambit nito at pilit na ginagalaw ang mga kamay at paa nito.
“hindi tayo makakatakas agad may nagbabantay sa labas at sska naka lock tayo dito para hindi tayo makalabas” dugtong ko pa mas lalo naman siyang nainis sa narinig niya.
“tangina pag ako lang talaga makawala dito yari talaga sila sakin mga bwesit sila!” galit na sigaw nito.
“sshhh wag kang maingay baka marinig tayo.. teka gisingin na lang natin yung dalawa” sabi ko pa at para akong uod na umuusod papunta sa dalawa saka sinipa sipa ang mga binti nila.
“psst jackson! brandon! gumising kayo.. huyy ano ba gumising kayo jan” sabi ko saka sinipa sipa ulit ang binti nila.Lintek tulog mantika.
“hoy mga kolokoy! gumising kayo nasusunog na tayo!” sigaw ni syrine bigla namang nagising ang dalawa at nagtataka pa saka tumgin sa paligid hanggang sa nakita nilang nakatali sila.
“Damn hindi ako makagalaw!” si jackson.
“tangina bakit ako nakatali? tayo?” si brandon naman.
“malamang kinidnap tayo eh tanga ka ba?” sagot ko dito at inirapan na lang..
“shit! paano na tayo niyan? anong gagawin natin?” dugtong nito na inis na inis.
“hindi tayo makakatakas ng ganito kailangan nating makawala sa mga tali nato, sina Tita at Tito?” sambit ni jackson.
“uselless lang din pag nakawala tayo dito nakalock ang pintuan at may nagbabantay sa labas mukhang bakal ang pintuan kaya hindi natin ito masisira basta basta..” paliwanag ko.
“hindi namin alam kung nasaan sila.Sana okay lang sila, ang ipinag aalala ko ay si Lola Madelline baka may gawin sila sa kanya” kinakabahang sagot ni Syrine.
Napabuntong hininga na lang kami at nag iisip ng paraan kung paano makakaalis dito.Kailangan naming makawala sa pagkakatali at hanapin sila Tito at tita pati din si Lola Madelline.Pero paano nwmin mapuputol ’tong tali lalo pa at ang higpit.
CLARRISE
Nakapiring ang mga mata ko kaya wala akong makita kung nasaan kami nakatali ang mga kamay ko sa likod ng upuan habang nakaupo ako.
“Shit! bakit nakapiring ako arrgh hindi ko rin magalaw ang kamay ko..Hon? Art? Eunice? Clarrise? okay lang ba kayo sumagot kayo” tanong ni Marcus.
“ayos lang kami/O my god hon wala akong makita nakapiring din ang mata ko..” -kami.
“salamat naman at okay lang kayo. Wag kang mag alala hon magiging ayos din ang lahat”
“Nasaan tayo ?” tanong ko
“Hindi rin namin alam Clarrise.. Nag aalala ako kina Jenny at sa tatlo hindi ko alam kung saan sila dinala nung ipinasok tayo sa van lalo na Señora Madelline” si Eunice.
“Sweetheart maging matatag tayo kailangan nating makaalis dito para mahanap sila.Siguro naman ay ayos lang sila wag sana silang saktan.” sabi ni Art.
“sina bella at sina magnus hon?” si Beatrice ang nagtanong.
“Hon ligtas sila alam ko nararamdaman ko na okay lang sila at wala dito mas mabuti na din yun ayokong mapahamak pa ulit ang anak natin matagal na siyang nawala satin kaya sana ay siya naman ang protektahan natin” mahabang sagot ni Marcus napatungo na lang ako sa narinig ko.Ang anak ko sana wag kang pabayaan nila edward.
Nakarinig naman kami ng pintuan na bumukas tunog ng kanyang mga sapatos ang maririnig sa loob maya maya ay tumigil ito sa harap namin.Naramdaman ko na may nagtanggal ng piring sa mata ko.Ilang sandali pa ay isang lalaki ang naaninagan ko.
“Sino ka?! Anong kailangan mo samin!” sigaw ni Marcus
“Hon tama na..” pigil naman ni Bea dito.Lumapit sa kanya ang lalaki at tama lang na makita namin ang mukha nito.
“Hindi mo na ba
ako natatandaan ha Mr.Deogracia? Ako lang naman iyong tinanggihan mo na makipag partnership sayo“ sagot nito habang nakangisi.
“Kaya bumagsak ang kompanya ko dahil sayo!” dugtong pa niya.
“Ha! tama lang iyon sayo dahil puro illegal ang negosyo mo at ayokong madungisan ang kompanya namin dahil lang sayo!” sagot ni Marcus.Lumapit ito kay marcus at gigil na sinuntok kaya may lumabas na dugo dito sa gilid ng labi niya.
“Hahaha dahil sa ginawa mo gumawa ako ng makakapag padurog sayo para maramdaman mo kung paano mawalan ng pag aari.Ako ang nag pakana na kidnapin ang anak niyo at binenta ko siya! pero walang saysay yun lahat dahil sa pakikialam ng matandang Deogracia na iyon!” ang tinutukoy niya ay si Señora Madelline.
“Nasaan ang Mama! anong ginawa mo sa kanya?!” sigaw ni Bea.
“Wala pa akong gagawin pero may naisip na akong plano para sa inyong lahat hahaha.. kunin mo ang cellphone at ibigay sakin may importante tayong bisita na papupuntahin dito” sabay ngisi nito at inutusan ang tauhan nito maya maya ay nakita ko ang pamilyar kong cellphone,kinabahan naman ako sa gusto niyang gawin wag naman sana..May idinial ito sa cellphone at tinawagan.Ni loud speak nito ang speaker para iparinig samin ang kausap niya.
“H-hello mama?”
Biglang kumabog ang dibdib ko ng marinig ang boses niya.Hindi.
“Kamusta ka na Heiress ng Deogracia”
“hayop ka! anong ginawa mo sa kanila bakit nasayo ang cellphone ni mama?!” sigaw nito.
“Aba matapang ka na ngayon ah hmm parang dati isa ka lang paslit na iyakin hahaha…Hindi na ako magpaligoy ligoy pa pumunta ka dito sa Quezon Ave. ibibigay ko sayo ang address at gusto ko ikaw lang mag isa ang pupunta at wag na wag kang magsasama ng kahit isa o sino dahil kung hindi papatayin ko ang mga mahal mo sa buhay!” sabay halakhak nito.
“Tangina mo! wag na wag mo silang sasaktan hayop ka!”
“Anak wag mo siyang pakinggan ayos lang kami dito!” sigaw ko,lumapit naman ang lalaki sakin at sinampal ako saka mahigpit na hinawakan ang buhok ko.
“aahh!” aray ko.
“Clarrise! hayop ka talaga bitawan mo siya!” si Art.
“jusko clarrise!” sigaw ni Eunice.
“Anong ginawa mo sa mama ko?!”
“well sinaktan ko lang naman ang mama mo kaya kapag hindi ka sumunod sakin isa na lang na malamig na bangkay ang maabutan mo dito hahaha!” saka ako binitawan at humalakhak.Pinatay na nito ang tawag sa kabilang linya.
“ayos ka lang ba Clarrise?” tanong ni Bea tumango lang ako dito.
“takpan ang mga bibig nila para hindi mag ingay! may sususurpresahin pa tayong bisita, at ipwesto niyo na din ang mga baril na nakatutok sa harap nila. Goodluck na lang sa inyo kung mabubuhay kayo swrte niyo na lang kung kayo ang pipiliin ni Bella na ililigtas hahaha” sabi nito saka lumabas na sila halos nanlamig naman ang buo kong katawan sa narinig. Diyos ko sana iligtas niyo kami.
DH:21
KABANATA 21
BELLADINE CYRA
Narito na ako sa lugar kung saan ibinigay ng Hermoso na yun ang address.Dahan dahan akong naglakad naglakad papasok ng malaking building medyo luma na ito at giba giba na ang ilang bahagi ng pader nito.Pagkapasok ko ay pinakiramdaman ko ang paligid ko at tiningnan kung may mga kalaban.
Maligayang pagdating Prinsesa hahaha! bago tayo magsimula maglalaro muna tayo..
narinig kong may nagsalita galing sa speaker at may nakita akong screen dito nakita ko sina Mama,Mommy’t Daddy pati na rin sina Tito at Tita na nakatali sa isang upuan may busal sin ang mga bibig nila at may nakatutok na baril dito.Halo halo ang nararamdaman ko ng makita ang kalagayan nila bigla itong nawala sa screen at nakita ko naman ang mga kaibigan ko nakatali ang kamay at paa habang ang sumunod namang lumabas sa screen ay si Grandma may sugat ito sa mukha at naka kadena ito ng nakatayo prehong may kadena ang dalawa niyang kamay na nakahiwalay.
Nakita mo na ang mga kalagayan nila hmm bibigyan kita ng 30 minuto para iligtas sila pero kapag hindi mo sila nailigtas papatayin ko sila..Kaya oras na para kumilos kana the time is start now.
pagkatapos niyang sabihin yun ay tumakbo na ako at hinanap kung nasaan sila itinago,sobrang laki at lawak nitong building kaya mahihirapan ako na hanapin sila.Pero kapag hindi ko naman sila nahanap sigurado akong papatayin sila at ayokong mangyari yun.Hindi pa man ako nakakalayo ay may humarang sakin na lalaki may hawak itong kutsilyo hindi na ako nag aksaya ng oras saka ito sinipa sa mukha napaatras naman ito sa ginawa ko pero sumugod ulit ito sakin umilag lang ako saka buong lakas na hinawakan ko ang braso niya at pinaikot sa likod niya saka ko siniko ang batok niya ng malakas at sinipa ang likod niya kaya napahiga ito kinuha ko ang kutsilyo magagamit ko ito mamaya.Hinanap ko ang mga kearto na pwedeng pagdalhan sa kanila.Pumasok ako sa isang kwarto pero walang tao dito ng mabuksan ko shit! nasaan sila? Naghanap pa ako ng kwarto pero wala din sila dito,nakarating ako sa may dulo at may isa akong kwarto na nakita naka lock ito humanap ako ng pwede kong pang sira sa padlock. May nakita akong tubo na bakal kinuha ko ito at buong pwersa na hinampas ang padlock, sa pangatlong hampas ko ay natanggal ito kaya dali dali kong binuksan ang pinto at nagulat ako ng makita ko sila.
“Nandito na ako! ligtas na kayo” sigaw ko.
JENNY
Natigil ang pag uusap namin ng marinig ang pag bukas ng pintuan may natanaw akong babae na nasa pintuan at lumapit samin may hawak itong baril.Nagulat naman kami ng makilala siya.
“Bella?” sambit ko.
“Sshhh wag kayong mag alala nandito ako para tulongan kayo” sabay lapit nito sa amin una niyang pinuntahan si jackson at pinakawalan ito sa pagkakatali sunod ay ako pinutol nito ang tali gamit ang isang maliit na kutsilyo at ganun din sa paa ko.Nang matapos niya kaming kalagan ay tumayo na kami.
“Anong ginagawa mo dito?!” sigaw ni Brandon sa kanya dahil sa nalaman namin kanina sa event ay nagalit kami sa ginawa niyang pangloloko.
“Brandon tumigil kana” saway ni jackson
“P-pasensya na kung niloko ko kayo h-hindi ko naman iyon ginusto sasaktan niya ang mommy ko kapag hindi ko siya sinunod.. Sorry sa lahat ng nagawa ko sana mapatawad niyo ko.” sabi nito, mukhang nagsasabi naman siya ng totoo.
“pinapatawad na kita alam kong wala kang kasalanan sa nangyari at tinakot ka lang ng hayop na yun” sabi ni jackson
“salamat.. uhm ang totoo kong pangalan ay Claudiabelle Mervaine tawagin niyo na lang akong Claudia” sabi nito.
“Okay sige Claudia? paano mo kami nahanap dito?” tanong ni syrine sa kanya.
“Sinundan ko kanina yung lalaki at saka nagtago ako sa may likod ng drum at hinintay ko sila na makaalis bago ako pumunta dito, tara na umalis na tayo baka bumalik sila” yaya nito kaya tumakbo na kaming lima plabas ng pinto na yun.May naramdaman kaming mga yapak ng paa malapit samin kaya pumasok kami sa isang kwarto at nagtago.Pagkalampas nila ay nag usap muna kami saka hindi na muna lumabas
“Anong gagawin natin paano natin sila mapapatumba?” sabi ni brandon.
“tama si brandon bago tayo sumugod dapat may armas tayo na pang laban o bagay na pwede nating magamit pang depensa” si jackson naman ang nagsalita.Nakita ko si Syrine na malayo na pala samin at mukhang may hinahanap.
“hoy halika kayo dito may nakita ako bilis” sabi nito kaya lumapit naman kami sa kanya
“Granada ba yan?” tanong ni Bella. Nakita namin ang isang kahon na may ilang granada
“tingnan natin ang ilang kahon baka may iba pa dito”
sabi ko saka binuksan namin ang ibang kahon na nadito.May nakita akong baril na Kalibre 45 ayos to magagamit namin to.
“Baril ba yan ang swerte natin may magagamit din tayo” sabi ni brandon.Kumuha kami ng baril saka mga magasine incase mawalan kami ng bala.
“Dalian niyo guys mukhang nakatunog na sila na nakawala kayo kailangan na nating makaalis at mahanap sina Mom– si Tita Beatrice pala” sabi nito. Lumabas na kami ng kwarto at tumakbo may nakasalubong kaming dalawang lalaki kaya agad namin itong pinaputukan.
BANG!
BANG!
BANG!
Napahandusay naman ang mga ito maya maya ay sunod sunod na ang dating ng mga kalaban bago kami mabaril nito ay tumago kami sa likod ng pader,sinilip ito ni jackson saka may hinagis na granada.
BOOOMMM!
Pumunta kami sa third floor ng building at may nakasalubong na naman kaming mga lalaki hindi ako nag aksaya na barilin ang mga ito.
“sa likod mo jenny!” sabay putok ni Syrine ng baril lumingon ako at nakita ang lalaki na nakabulagta
“salamat” sabi ko dito.
Madali lang namin na napatay ang mga kalaban pero paaubos na din ang mga bala namin at granada na lang ang meron kami.
“Ibaba niyo ang mga baril niyo!” nagulat naman kami ng may walong lalaki ang may hawak na armalite na nakatutok sa amin kaya nagtabi tabi kaming lima,kinuha nila samin ang mga baril na hawak namin saka ito itinapon sa malayo.
“fuck lagot na!” sambit ni brandon
“ang malas akala ko naubos na natin sila” si jackson ang nagsalita.
“hindi ka talaga maaasahan Claudia isa kang traydor!” biglang salita ng isang matandang lalaki at nakatutok samin ang baril nito.
“Ikaw?! mamatay tao ka talaga!” sigaw ni jackson at dinuro duro ang lalaki
“Dad?! ikaw? anong ibig sabihin nito?!” gulat na gulat na sigaw ni Brandon kaya pati kami ay nagulat sa sinabi nito.Ibig sabihin tatay niya ang lalaking yan?
“Oh my dear niece and my son, how are you two? Matagal tagal tayong hindi nagkita Jack naalala mo ba to?” sabay pakita ng baril na hawak niya.Tiningnan ko naman si Jackson na nanginginig ang katawan parang takot na takot ito.
“Dad? Bakit mo to ginagawa?!”
“Wala kang pakialam idadamay na din kitang bata ka dahil ayokong sayo ipamana ni Mama ang lahat ng kayamanan niya! kaya isasama na din kita” sabi nito napaka demonyo niya pati sarili niyang anak papatayin niya para lang sa kayamanan.
“tangina demonyo ka talaga! kaya pati si Tita Rein pinatay mo!” sigaw ni Jackson.
“Hindi ko yun sinasadya kung hindi niya inagaw ang baril sakin hindi ko siya mababaril at dahil yun sayo! kung hindi ka na sana nagsumbong at tumahimik na lang hindi sana mangyayari yun!”
“dahil kriminal ka dapat lang na isumbong kita sa pulis dahil kinidnap mo yung batang babae!”
“Hahaha ahh oo nakita mo pala iyon, ang anak ng mga Deogracia na dinukot ko at binenta” sagot nito ibig sabihin siya ang dahilan ng pagka wala ni Bella.
“Tangina dad! totoo ba lahat ng narinig ko?! ikaw ang pumatay kay mommy?!!” sigaw naman ni brandon na umiiyak.
“Oo pinatay ko nga siya at ikaw ang isusunod ko “
“Napaka demonyo mo talaga hayop ka!” si jackson.
“Hermoso!! pakawalan mo sila!” nagulat naman kami ng makita namin sila Tito Art na dumating kasama si Bella.
“Ate jen! syrine! ayos lang ba kayo?” tanong niya samin.
“oo bella/ayos lang kami bitch” sabay naming sagot ni syrine.
“oh matalino talaga ang anak mo Deogracia kita mo buhay kayo at nailigtas hmm pero nagkakamali kayo dahil may hindi pa kayo naililigtas” sabi nito.
“ikaw ang nagkakamali!” may sumigaw naman at nakita namin sila Magnus na kasama si Lola Madelline inaalalayan ito nina edward.
“Paanong? hindi ka tumupad sa usapan natin babae!” tukoy nito kay bella pero ngumisi lang ito.
“Pakawalan mo ang mga kaibigan ko! ako ang kailangan mo diba pakawalan mo sila” matapang na sigaw nito.
“Anak wag mong gawin yan”
“Bella anak..”
“hmm magandang idea.Lumapit ka dito! kayo pakawalan niyo ang mga yan at kunin si Bella!” pinakawalan nga kami ng mga lalaki at lumapit ako kina magnus niyakap naman ako nito.
“ayos ka lang ba babe? may masakit ba sayo?” nag aalala nitong tanong.
“wala babe. okay lang ako” sagot ko.
“Bella! demonyo ka bitiwan mo ang anak ko hayop ka” sigaw ni tita Bea.
“Wag mo siyang sasaktan papatayin kita!” si Tito Marcus
“yun ay kung magagawa niyo hahaha” sabay tawa nito.Hinawakan niya ng mahigpit ang buhok ni bella nakita ko naman siyang nasaktan sa pagkakahawak sa buhok niya.
DH:22 Last Chapter
ANG HULING KABANATA
BELLADINE CYRA
“walang susunod sa inyo!” sigaw ni Billy sa kanila at saka ako kinaladkad palabas ng building kasama ang mga tauhan nito pilit nila akong isinasakay sa isang van pero nanlaban ako buong lakas akong nakipaglaban sa mga lalaki may sumugod na isa pero sinuntok ko lang ito ng malakas sa panga at tinuhod kaya napaluhod ito sa sakit may humaeak naman sa braso ko pero pinilipit ko lang ito saka umikot at binali ang braso niya sabay aipa sa may likod niya kinapa ko ang isang kusilyo sa bewang ko saka isinaksak ito sa lalaking nasa harap ko ganun sa lalaking nasa likod ko kaya dalawa na lang ang natitira, nagulat naman sila ng mapatumba ko ang kasama nila.Pero tinutukan lang nila ako ng baril hindi pa sila nakakalapit ng mabilis kong nakuha sa kamay ng lalaki ang baril at pinaputukan ito ganun yung isa kaya ang natira ay si Billy na lang na nakatutok din ang baril niya sakin.
“Hindi ko akalain na kaya mong mapatumba ang mga tauhan ko ng ganun lang” hindi makapaniwalang sabi nito napa smirk na lang ako sa kanya.
“At ikaw na ang isusunod ko sisiguraduhin kong sa impyerno ang punta mo!” sagot ko pa.
“Matagal na akong demonyo at hawak ko sin ang impyerno at isasama kita dun” sabi nito. Gigil na gigil naman akong hinawakan ang baril ng mahigpit habang nakatutok sa kanya.
“Billy Hermoso mga pulis kami ibaba mo ang baril mo!” napalingon ako ng makita na may mga pulis na dumating kasama sina Mommy’t Daddy at ang iba pa.Hindi ko namalayan na nhawakan na ako ni Billy at kinuha sakin ang baril saka ako tinutukan sa ulo.
“bella diyos ko ang anak ko Marcus!”
“Bitawan mo siya Hermoso at ibaba ang baril sumuko ka na sa batas!” sigaw ng isang pulis.
“Hindi ako susuko at ako ang batas sge lumapit kayo at papasabugin ko ang ulo ng babaeng to!” sabay tutok niya ng baril sa ulo ko nanginginig tuloy ako baka iputok niya ang baril.
“Wag kayong lumapit baka patayin niya ang anak ko” si mommy ang nagsalita.
Kailangan kong gumawa ng paraan para makaalis sa hayop na tayo kailangan niyang makulong at pagbayarin lahat ng kasalanan niya napaka demonyo niya.Kinapa ko ang bulsa ko kung may naitago ba ako dito may nakapa akong ballpen sa bulsa ng short ko nailgay ko ito kanina nung nagbihis ako sa bahay pagkatapos matanggap ang tawag niya.Mahigpit ko itong hinawakan ng mahigpit at buong lakas na isinaksak sa braso niya na nakawak sa leeg ko kaya nabitawan niya ako at napa aray ito. Doon ako kumuha ng tyempo para makatakbo kila mommy pero isang putok ng baril ang narinig ko.
“Bellaaaa!!”
“Anak!! ughh!”
“Clarriseeeee!”
“Tita Clarrise!!”
BANG!
BANG!
BANG!
Bigla na lang akong natumba may daplis ng bala sa braso ko pero ganun na lang ang gulat ko ng makita si mama na nakahandusay at nakayak sakin.Nanginginig at napaluha ako ng makita na may tama ito.
“Ma? Mama?! hindi! gumising ka mama! huhu!” iyak ko at niyuyog siya.
“Baby! o my god Clarrise huhu! tumawag kayo ng ambulansya!” sigaw ni mommy umiiyak akong niyakap si mama.
“Clarrise huwag mong ipikit ang mga mata mo lumaban ka para kay bella.. Clarrise wag mong jwan si Bella, alam kong itinuring mo siyang parang tunay na anak at minahal nagpapasalamat kami sayo dahil hindi mo siya pinabayaan kaya sana maging matatag ka huwag kang sumuko” Sabi ni daddy sa kanya.
“Tapos na.. tapos na ang lahat.. magiging okay na din tayo huwag kayong mag alala patay na ang hayop na yun binaril siya ng mga pulis” si Tita eunice naman.
Maya maya ay may dumating ng ambulansya kaya isinakay na si mama doon sumama ako sa loob at hinawakan ang kamay ni mama habang iyak pa din ako ng iyak.
“Mama huhuhu huk ma lumaban ka please huwag mokong iiwan ha?”
“A-anak ta-tandaan mo mahal na mahal kita aackk”
“Mama huhu mahal na mahal ko din po kayo wag na po kayo magsalita makakasama yan sa inyo please lumaban ka ma malapit na tayo sa ospital ma huhu” iyak ko pa.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na din kami ng ospital at nilagay agad si mama sa stretcher saka mabilis na isinugod sa emergency room.Hindi kami hinayaan ng nurse na makapasok sa emergency room kaya naghintay lang ako sa labas.Lumapit sakin si edward at niyakap ako.
“sshhh wag kana umiyak magiging ligtas din si Tita ipagdasal natin siya darling” sabi nito.
“huk sana.. sana nga edward huhu..” sagot ko.
1 Month Later
Matapos ang isang buwan ng pangyayari na iyon ay masasabi kong marami ang nagbago.Ligtas na naoperahan si mama at natanggal ang bala sa katawan niya halos isang linggo din siya sa ospital na yun.Humingi din ng tawad sa amin si Claudia sa pagpapanggap niya bilang ako pero pinatawad na din namin siya, alam ko namang napilitan lang siya na gawin ang bagay na iyon dahil sa pananakot ng demonyo na yun mabuti nga at patay na siya wala siyang puso.Si brandon naman ay minsan tahimik na lang siguro hindi pa din siya makapaniwala sa nangyari dahil sa ama niya naging okay na din sila ni jackson pagkatapos ng nangyari.At ako? masasabi kong sobrang saya ko dahil nakasama ko na ang mga magulang ko sa katunayan nga dun na ako nakatira sa bahay nila mommy’t daddy lahat ng gusto ko binibigay nila sakin alam ko namang bumabawi sila lahat ng pagkukulang nila sakin ganun din si kuya Hans lagi niya akong pinapasyal tuwing sabado gaya ng dati madalas kaming kumaing ng ice cream sa park at maglaro sa Timezone sa mall.Kapag linggo naman ay may kanya kanya kaming gala kasama ko si edward samantalang si kuya kasama niya si ate jen si jackson naman kasama si Claudia masaya ako sa dalawang iyon dahil mahal na mahal nila ang isa’t isa. Si syrine naman nafifeel ko na may something sa kanila ni Samuel at masaya ako para sa kaibigan ko. At ngayon nga ay nandito kaming lahat sa University ngayon kasi ang graduation nila kuya at edward kaya napakasaya ko.Nagsimula nang tawagin ang mga estudyante at nagmartsa pa akyat ng stage.
“Buenavista,Edward V.”
“Deogracia,Magnus Hans S.
“Hermoso, Brandon L.”
“Labrica,George N.”
“Pineda,Jackson L.”
“Vellasinco,Samuel D.”
Pagkatapos naming marinig na tinawag ang lahat ng mga pangalan nila ay bumaba na din sila at lumapit samin.
“Congrats kuya!” sabi ko kay kuya at niyakap ito.
“I’m so proud of you son” sabi naman ni Daddy at niyakap din si kuya.
“Ako din anak nakakatuwa ng puso dahil lahat ng paghihirap namin ng Daddy mo sayo ay natapos na din,Congratulations Hans” sabi ni Mommy.
Nakita ko naman si Edward kaya lumapit ako dito kasama niya sila tita at tito.
“Darling Congrats ang saya saya ko!” sabi ko dito at niyakap kinikilig naman sila tita tito kaya napabitaw na din ako.
“Salamat darling, nakikita mo tong diploma ko para to sayo at sa future natin” pinamulahan naman ako ng mukha sa sinabi niya saka sinuot niya pa sakin yung sumbrero na sinusuot pag gagraduate.
“Ehem! anak magtrabaho muna at mag ipon para may magastos kayo kapag ikakasal na kayo ni Bella, masaya ako para sa inyong dalawa” sabi ni tita eunice
“oo nga son,hanggang tukaan lang muna ha saka na ang kainan kapag mag asawa na kayo ni bella” sabi ni tito Art sobrang pula tuloy ng mukha ko
“Dad naman! nakakahiya kay bella” sabi ni edward na namumula din ang tenga nito.
“sweetheart ang bibig mo ano ka ba kailangan mo pa talagang sabihin yun, bella pasensya kana sa bibig nitong sweetheart ko” sabi ni tita.Ngumiti lag ako sa kanila.Pinuntahan ko din ang iba at Cinonggratulate pati na si jackson na kasama si Claudia na proud na proud sa kanya.Maya maya ay nagsama kaming magkakaibigan kasama si ate jen at syrine saka Claudia nakaikot samin ang mga lalaki na kasama namin at masayang itinapon pataas ang sumbrero na nasa ulo nila.Ganun din ang iba na estudyante tanda na graduate na sila.Nag group hug kaming lahat na masaya. Nagyaya si Daddy na icelebrate ang Graduation nila kuya sa isang Malaking Yatch kung saan
kami kami lang ang magcecelebrate.
“CONGRATULATIONS SA ATING LAHAT! CHEERS!”
Napakasaya ko dahil sa wakas tapos na din ang lahat at masaya ako na kasama ko ang mga mahal ko sa buhay.Alam kong may mga pagsubok pa kaming pagdadaanan pero naniniwala akong malalampasan namin ito.
EPILOUGE
BELLADINE CYRA
AFTER 4 YEARS’S
Matapos ang apat na taon masasabi kong napaka saya ko dahil sa wakas may happily ever after na din ako.Pagkatapos kasi ng ilang buwan noon pagka graduate nila kuya ay nagsimula na din silang pasukin ang business si kuya Magnus ang CEO ng Deogracia Company busyng sbusy siya sa pagpapalago ng kompanya namin syempre dahil may binubuhay na din siya isang taon na kasi silang kasal ni Ate jen at ngayon nga ay 8 months na siyang buntis.Si edward naman syempre siya din ang namamahala ng Buenavista Airlines na kung saan sila ang nagpapatakbo dito.Si Jackson naman masaya ako dahil buntis na ang fiancee nitong si Claudia hindi ko nga alam kung bakit hindi pa siya nagpopropose dito gayong malaki na din ang tiyan ni Claudia, baby girl ang anak nila at kambal pa ito.Si George naman ay isa nang Professor sa PIU hindi nga namin akalain na magiging seryoso yun na guro dati kasi puro babae lang ang inaatupag.Si Brandon sa states na siya namamalagi kasama ang Lola nito pero minsan bumabakasyon naman siya dito sa Pinas.At si Samuel? Girlfriend niya na ngayon ang kaibigan kong si Syrine masaya ako para sa kanilang dalawa kaya pala dati may nafifeel akong something sa kanila.Si Mama ? ayun may nanliligaw sa kanya si Tito Leon isang biyudo namatay kasi ang asawa nito sa sakit na Lukemia at may isa itong anak si Lenny 13 year’s old na ito.At syempre ako naman ay kakatapos lang grumaduate noong tatlong buwan ang nakalipas at doon nag propose sakin si Edward iyak nga ako ng iyak nun e kasi nasurprise ako sa ginawa niya.At ngayon nga ay nakaharap ako sa isang salamin tinitingnan ko ang sarili ko na nakasuot ng puting wedding dress hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako ngayon.
Narinig kong bumukas ang pintuan at nakita ko si Mama at Mommy nakangiti sila pareho sakin.
“Ang ganda ganda mo anak”
“oo nga bella bagay na bagay sayo ang wedding dress hindi ako makapaniwala na ikakasal na ang prinsesa namin” naluluhang sambit ni mommy kaya natawa na lang ako.
“Ako nga din po Ma, Mom hindi ko namalayan na magiging isa na akong Mrs.Buenavista sobrang saya ko po talaga” sagot ko.
“oh basta anak tandaan mo kahit may asawa ka na tandaan mong mahal na mahal ka namin at ikaw pa din naman ang baby namin”
“oo nga anak at alam kong magiging isa kang mabuting ina sa magiging anak niyo excited na tuloy akong mag ka apo” namula naman ako sa sinabi ni Mama.
“salamat ma.. uhm masakit po ba kapag first time mommy?” nagkatinginan naman silang dalawa at tumawa nahiya tuloy ako.
“Hahaha wag kang mag alala nak sa una lang naman yan, sge na mauuna na kami sa labas anak magsisimula na ang kasal niyo” sabi ni mommy.
“Mom kinakabahan po ako” sabi ko niyakap naman nila akong dalawa kaya niyakap ko din sila.
“Alam ko anak ganun talaga kapag ikakasal ganyan din ako noon sa daddy mo ng ikasal kami” sagot ni mommy.
“oh siya anak mauuna kami sa labas naroon na din ang kotse na sasakyan mo”
“okay ma, mommy.. salamat po sa lahat lahat ng sakripisyo niyo sakin mahal ko po kayo pareho”
“Mahal din kita anak/Mahal ka din namin baby ng daddy mo” saka lumabas na din sila tiningnan ko pa ulit ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto at sumakay sa kotse na sasakyan ko patungong simbahan.Sa isang malaking simbahan ang venue namin at sigurado akong maraming bisita ang naroon.Hawak ko naman ang bulaklak sa kamay ko.Kinakabahan talaga ako nag inhale exhale muna ako.
Makalipas ang 30 minuto ay tumigil na din ang kotse sa harap ng simbahan nakasara na ang pinto nito.Dahan dahan akong bumaba saka naglakad sa tapat nito maya maya ay bumukas na din ang pinto at sumalubong sa mga mata ko ang mga bisita na nakatingin sakin nakita ko si Daddy na lumapit sakin kaya inangkla ko naman ang braso ko sa kamay niya,siya ang maghahatid sakin patungo sa lalaking mahal ko.
“Ang ganda mo anak, dati isa ka pa lang maliit at iyakin na bata pero ngayon ang laki mo na pero iyakin ka padin” naluluhang natawa naman ako sa sinabi ni daddy.
“Daddy naman eh syempre hindi naman po mawala sakin ang pagiging iyakin nagmana po ata ako kay mommy, salamat po dad sa lahat ng sakripisyo niyo sakin” naluluha kong sambit.
“Ako dapat ang magpasalamat nak kasi hindi mo kami sinukuan patawarin mo kami princess kung hindi ka man lang namin naprotektahan” malungot na sabi ni daddy
“dad tapos na po yun matagal na saka hindi po ako galit sa inyo at wala pong may kasalanan ng nangyari mahal ko kayo dad”
“Mahal din kita princess”
Nagumpisa na kami ni Daddy na maglakad sa red carpet ng nag play ang wedding song.Mabagal lang kami ni daddy na lumakad at nakangiting nakatingin sa taong mahal ko, nadaanan namin ni daddy sina Mommy,Mama,Tita,Tito,Tito Leon at Lola na nakatingin sakin at nakangiti.Sunod na nadaanan ko ay ang mga kaibigan namin masayang nakatingin sakin si Kuya Hans,Ate Jen,Syrine,Claudia,Jackson,Brandon,George at Samuel.Ilang saglit pa ay nakarating na kami ni Daddy sa harap ni Edward.
“Edward ipagkakatiwala ko na sayo ang prinsesa namin sana alagaan mo siya at wag na wag mong sasaktan.Malaki ang tiwala namin sayo lalo na at nakita ko ang pagpapahalaga at pagpoprotekta mo kay Bella..Congratulations to the both of you.”
“Maraming salamat po Tito at makakaasa po kayo sakin mahal na mahal ko po si Bella at handa akong mamatay mailigtas ko lang siya at maprotektahan.Hinding hindi ko rin po siya iiwan”
“Good to hear that and by the way call me Dad, my son.” nakangiting sabi ni daddy at tinapik ang balikat ni edward.Ibinigay na din ni daddy ang kamay ko sa kanya at inabot niya naman iyon pagkatapos ay umalis na din si Daddy at bumalik sa pwesto nila.
“Your so beautiful darling the wedding dress suit in you..hindi na ako makapaghintay na iuwi kita mamaya” sabi niya kinurot ko lang siya sa braso ng mahina
“hmmp ang atat mo masyado darling may reception pa tayo mamaya,ikaw din ang gwapo gwapo mo sa tuxedo mo” sabi ko.
“ehem” naputol naman ang usapan namin ng may tumikhim, si father pala nakakahiya tuloy.Lumapit na kami sa kanya at pumwesto na.
“Welcome to the all family,friends,peers and love one’s of the bride and groom.We gather here today to witness the wedding of Belladine and Edward.You are here to celebrate, support, and share the love of two the of them to become a legal husband and wife in formal commitment.To allow Belladine and Edward to start their married life together and surrounded by the dearest people and important guests.” panimula ng pari.
“Will you Belladine Cyra Deogracia take Edward Buenavista to be your Husband?
“I do father.. I Belladine Cyra Deogracia take Edward Buenavista to be my husband, to have and to hold him from this day and for forward.For better or worse, in richer and poorer, for sickness and health, for love and pain.I will stay in your side until death do us apart “ nakangiti kong sagot sabay tingin kay Edward.
“Will you Edward Buenavista take Belladine Cyra Deogracia to be your Wife?”
“I do father.. I Edward Buenavista take Belladine Cyra Deogracia to be my lovely Wife,
to have and to hold her from this day and for forward.For better or worse, in richer and poorer, for sickness and health, for love and pain. I will stay in your side until death do us apart“
sagot niya na malawak ang ngiti.May iba pang sinabi ang pari at maya maya ay nagpalitan na kami ng Wedding Ring.Siya ang nauna at kinuha ang daliri ko saka ito nagsalita habang isinusuot ang singsing sa daliri ko.
“I give you this ring as a symbol of my love and faithfulness as I place it to your finger. I commit my heart and soul to you.I want you to wear this ring as a reminder of the vows we spoken today in each other as a legal couple in our wedding day.” napaluha na lang ako ng naisuot niya na ito sa daliri ko sobrang ganda at saktong sakto.Kinuha ko naman ang isang singsing at isinuot din ito sa daliri niya saka nagsalita.
“
I give you this ring as a symbol of my love and faithfulness as I place it to your finger. I commit my heart and soul to you.I want you to wear this ring as a reminder of the vows we spoken today in each other as a legal couple in our wedding day.“
pagkatapos ko itong misuot ay pinahidan niya ang luhang tumulo sa mga mata ko. Muli ulit nagsalita si father
“By the power of your love I’ll give the two of you a Blessing to be a Husband and Wife.You may kiss the bride” pagkatapos iyong sabihin ni father ay itinaas ni Edward ang belo ko saka ako marahang hinalikan sa labi,narinig naman namin ang palakpakan ng mga tao.
Lord thank you for making me a happiest woman in this day.I am now Mrs.Belladine Cyra Deogracia-Buenavista.

