The Devil's Obsession (Mpreg)
Naughty Angela · 4 chapters · 3,563 words
DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical including photocopying, printing or by any information storage retrieval system without the permission of the author.
Do not re-copy, re-edit or republished this story.
Plagiarism is a crime.
Warning
:
Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below.
Enjoy Reading..
Prologue
Hindi mapakali si Kean habang tumatakbo sa madilim na daan.
Malakas ang bawat kabog ng kanyang dibdib habang kinakapos siya ng kanyang hininga.
Kanina pa siya tumatakbo habang binabagtas ang daan kung saan siya maging ligtas.
Hindi mawala sa kanyang isip ang malademonyong mukha ng lalake habang galit na galit ito na para bang handang pumatay ito ng dahil sa kanya.
Mabuti nalang at nakatakas siya sa mga kamay nito at sa mansyon nito kung saan siya kinukulong nito na para bang isang siyang hayop.
Nakapaa lang ito habang suot ang punit punit nitong damit na kakagawan ni Lucario.
Gulong gulo ang mahabang buhok nito na hanggang balikat.
Bumuhos ang malakas na ulan na para bang nag dadalamhati sa kanya. Nanginginig ang kanyang tuhod dahil sa ginaw.
Hindi parin siya tumigil sa pagtakbo na para bang hindi ito napanghinaan ng mga tuhod.
Kumulog ang malakas na kidlat na galing sa kalangitan kaya napa tili ito dahil sa takot.
Bata palang kasi meron ng phobia sa kidlat si Kean na hanggang ngayon ay dalang dala niya ito sa paglaki.
Napatigil siya sa kanyang pagkatakbo ng may makita siyang kulay itim na kotse na paparating sa parorounan niya.
Familiar ang kotse sa kanya pero isinawalang bahala nalang niya iyon. Ang nasa isip niya ay makaalis na siya sa lugar na ito.
Mabilis niyang kinaway ang kanyang dalawang kamay para humingi ng tulong.
Pumagitna siya sa daan para matigil ang pagtakbo ng kotse. Napapikit siya dahil akala niya babanggain talaga siya nito.
Napapreno ang itim na kotse sa kanyang harapan. Malakas ang bawat kabog ng kanyang puso dahil sa takot.
Mabilis pa sa alas kwatro na pumunta siya sa kotse at kumatok sa windshield ng kotse. “Tulungan mo ko please. “ Ang mabilis niyang sabi habang walang tigil ang agos ng luha sa kanyang mga mata.
Napatili naman ito ulit ng kumulog ng malakas. Dahil sa takot ay paulit ulit niyang kinatok ang kotse at humingi ng tulong.
Dahan dahang bumaba ang windshield ng kotse at napatigil siya sa kanyang kinatatayuan.
Para siyang nakakita ng multo habang napasinghap siya ng malaman niya kung sino ang nasa loob.
Nanginginig ang kanyang tuhod dahil sa malademonyo nitong ngiti.
“Akala mo ba matatakasan mo lang ako ng ganon nalang Kean? “ Ang malamig nitong sabi sa kanya.
Napaatras naman siya dahil sa takot nito sa kanya.
Bago paman siya makatakbo at makatakas sa demonyo ay mabilis siya nitong nahawakan sa palapulsuhan at kinaladkad siya papasok sa kotse.
“Bitiwan mo kong hayop ka! Bitiwan mo ko!!! “ Ang sigaw ni Kean at nag pupumiglas sa hawak ng lalake.
Walang tigil ang pagbuhos ng kanyang luha dahil ayaw na niyang makita ang pagmumukha ng lalake na dati niyang minamahal.
“Maawa ka sakin Lucario pakawalan mo nako.” Ang pagmamakaawa niya sa kanya habang tinatalian nito ang dalawa niyang kamay.
Pagkatapos siyang matalian nito ay madilim siya nitong tinitigan sa kanya ng mga mata.
“Akala mo ba ganon na lang kadali na papakawalan kita Kean?! “ Ang sigaw nito sa pagmumukha niya. Lumalabas ang litid sa kanyang noo dahil sa galit habang nag tatagisan naman ang kanyang bagang.
“Please pakawalan mo nako, ayoko na sayong hayop ka!! Napakademonyo mo Lucario! Napakademo–” Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil malakas siya nitong sinampal.
Hinawakan siya nito sa kanyang bagang habang dumidiin ito na para bang babasagin ang kanyang panga dahil sa sobrang galit.
Nag babaga ang tingin nito sa kanya at nag tatagis ang mga ngipin na para bang handa siyang kainin nito ng buhay.
“Akin kalang Kean.. Akin kalang.” Ang wala sa sariling sabi nito sa kanya at binitawan s’ya nito. Nakahinga naman siya ng maluwag dahil akala niya talaga na babasagin ng demonyong ito ang panga niya.
Mabilis na pumaandar ang kotse pabalik kung saan tumakas siya sa mansyon ng demonyong ito.
Wala siyang magagawa kundi ang umiyak nalang. Wala na talaga sa katinoan si Lucario.
Hindi niya alam kung may konteng pagmamahal pa ba siya sa lalakeng ito na ngayon ay magawa na siyang saktan at pag buhatan ng kamay.
Kabanata 1
“KEAN’S POV”
“Ate Kean kailan po ba ako papasok sa school? “ Ang saad ng kapatid ko habang dinidiligan namin ang mga bulaklak sa aming bakuran.
Napaisip naman ako kung sana buhay pa ngayon sina mama at papa hindi siguro kami ngayon nag hihirap ng ganito.
Mag isa ko nalang kasi tinataguyod ang aking kapatid na si Rina. 12 years old palang ito at napatigil sa pag aaral.
Kailangan ko na talagang mag hanap ng bagong trabaho kase hindi sapat ang kinikita ko sa restaurant na pinapasukan ko ngayon sa pantustos sa pag aaral ng kapatid ko ngayong pasukan.
“Wag kang mag alala Rina ngayong pasukan kana mag aaral. Mag hahanap muna ng bagong trabaho si ate ha? “ Ang saad ko dito at hinihimas ko ang malaman nitong pisnge.
“Baket pa mag hahanap kayo ng trabaho ate diba may trabaho kana po? “ Ang tanong naman nito na ikinangiti ko dahil sa kainosentahan ng kapatid ko.
“Hindi pa kasi sapat iyon Rina para sa pantustos sa pag aaral mo. “ Ang sagot ko naman dito. Napa tango naman ito at niyakap ako nito ng mahigpit.
“Salamat ate balang araw pag makapag tapos na po ako sa pag aaral at kapag may trabaho na. Bibili po ako ate ng malaking bahay at may swimming pool at malaking kotse na para sa atin ate.” Ang maligalig naman nitong sabi na nag papangiti sa akin.
Ginulo ko naman ang buhok nito. “Totoo ba ’yan i baka binubola mo lang ako Rina? “ Ang sabi ko naman dito.
Tinaas naman nito ang kaliwang kamay niya na para bang nangangako. “Promise po ate. Ipagbubuti ko po ang pag aaral para maisakatuparan ko po ang pangako ko po ate.” Ang bibong saad nito.
“Osya tapusin na natin ’to para makakain na tayo. “ Ang saad ko sa kapatid ko.
Ako po pala si Kean de Leon, nasa edad na bente dos anyos.
Bakla po ako at alam ’yan ng pamilya ko bago sila pumanaw at tanggap naman nila ang pagiging bakla ko.
Kaya ate ang tinatawag sa akin ni Rina. Sinasabi ko nga sa kanya na pwede namang kuya nalang pero ang sabi niya ay hindi daw bagay na tawagin niya akong kuya kundi ate daw itatawag niya sa akin.
Hindi ako nakapag tapos ng pag aaral dahil sa walang pantustos. Kaya sinikap ko nalang na ang aking kapatid ang aking pag papatapusin sa pag aaral.
Dahil alam kong mahirap ang walang kaalaman. Kaya mag babanat ako ng buto para lang makapag aral itong kapatid ko.
Wala na kaming pamilya dahil ang ama’t ina namin ay pumunaw na dahil sa isang aksidente.
Yes nong una mahirap talaga tanggapin ang pag panaw ng aming mga magulang. Pero dapat talaga kakayanin kase alam ko naman na hindi kami papabayaan ng diyos.
Isa lang itong malaking pag subok at alam kung malulusutan namin ng kapatid ko ito.
Pagkatapos namin madiligan lahat ng aming mga bulaklak ay pumasok na kami sa loob para makapag umagahan.
–
“Ate ang sarap ng ulam natin noh? “ Ang saad ni Rina sa akin habang punong puno ng pagkain ang bibig nito.
Pritong isda lang naman ang ulam namin na binili ko kanina sa palengke buti na nga lang mabait yong tindera kaya pinapatawaran niya ang presyo sa akin.
Tumango naman ako sa tanong nito at pinagpatuloy nalang namin ang aming pagsalo salo.
Pagkatapos naming kumain ay si Rina na ang nag hugas ng mga pinggan.
“Rina maliligo lang muna si ate ha? “ Ang saad ko habang hinubad ko ang aking damit at itinira ang short.
Kinuha ko ang timba at kabo sa banyo wala kasi kaming tubig. Matagal na kaming pinuputalan ng tubig dahil wala kaming pambayad.
Mabuti nalang may poso malapit lang dito sa amin kaya doon kami naliligo ni Rina at doon din kami nag iigib ng tubig para pambuhos pag nag babanyo kami at sa paghuhugas narin ng pinggan at doon rin kami umiinom ng tubig dahil malinis naman talaga ang tubig ng poso namin dito.
Tinanggal ko narin ang tali sa aking buhok na hanggang balikat ko lamang.
Maraming nag sasabi na mukha daw akong babae dahil sa maliit kong mukha at sa maputi kong balat.
Ilang beses na akong napagkamalan na babae dahil sa itsura ko. Kulay tsokolate ang aking mga mata ganun din kay Rina na namana namin sa aming ama na may halong kastila.
At sa maputi’t kinis naman ng aming mga balat ay na mana naman namin sa aming ina na pure talagang Pilipino.
Kinuha ko ang tuwalya at lagayan ng mga shampoo, sabon at iba pa para makaalis na.
Pagkadating ko sa may poso ay nilagay ko ang timba sa harap. Nag simula na akong mag bomba at nang mapuno na ang timba ay nag simula nakong maligo.
Sa kalagitnaan ng pag sasabon ko ay may umepal sa aking pag ligo.
“Usog ka nga doon mag iigib ako. “ Saad nito sa akin. Kaya umusog naman ako ng konte at napatingin sa lalake. Nakita ko pa ang pag sulyap niya sa dibdib ko.
“Uyy ikaw pala yan Bruno. “ Ang saad ko sa kanya at hindi naman niya ko pinansin. Patuloy lang ito sa pag bomba.
Ka edad ko lang si Bruno at malapit lang ang bahay niya sa amin. Palaging nakakunot ang noo nito na para bang hawak niya ang lahat ng problema sa mundo.
“Baket ka nag iigib Bruno eh di ba may sarili kayong tubig. “ Ang sabi ko naman sa kanya habang nag shashampoo ako sa mahaba kong buhok. Napasulyap naman ito sa leeg ko at kapag mahagip ko siya ay iiwas naman siya ng tingin.
“Pake mo ba! “ Ang galit nitong sigaw sa akin. Hindi ko alam kung baket galit ito sa akin palagi eh hindi ko naman siya ina ano. Guwapo ka pa naman sana kaso ang sungit mo!
Hindi nalang ako nag salita at binilisan ko nalang ang aking pag ligo para makaalis na. Para narin makahanap nako ng bagong trabaho.
Pagkatapos kong maligo ay bumalik nako sa bahay at hindi na pinansin si Bruno na nag bobomba parin kahit puno ng ang timba niya. Ano kaya ang iniisip nito.
Pagkadating ko sa bahay ay nakita kong nag wawalis sa bakuran si Rina.
“Oh baket ka nag wawalis d’yan na kakawalis lang natin ’yan kanina. “ Ang nag tataka kong saad sa kanya.
Tumigil naman ito at napakamot sa ulo nito.
“Eh kase ate nag lalagas na naman ng tuyong dahon ang manggang ito eh.” Ang sabi nito sabay turo sa puno ng mangga sa gilid ng bakuran namin.
“Osya pagkatapos mo diyan ay maligo kana ha? Kase ako mag hahanap muna ako ng bagong trabaho diyan sa bayan. “ Ang saad ko naman dito. Tumango naman ito sa akin at sumaludo pa na parang isang sundalo.
“Good luck po ate kaya mo ’yan. “ Ang saad nito.
Napailing nalang ako habang pumasok sa bahay. Nag suot nalang ako ng isang white T-shirt at pinarisan ko iyon ng black fitted pants at nag rubber shoes na din ako.
Nag lagay lang ako ng konteng pulbo sa mukha at liptint naman sa labi ko. Pagkatapos kong masuri ang itsura ko ay lumabas nako ng bahay.
Nakita ko si Rina na kakatapos lang mag walis.
“Rina aalis na ang ate, diyan kalang sa bahay ah wag kang aalis. “ Ang saad ko dito.
“Opo ate.” Ang sagot nito.
“At maligo ka pagkatapos mo diyan. “ Ang dugtong ko pa na ikinatango nito.
Lumabas nako sa bakuran namin at nag para ako ng tricycle para makahanap na ng trabaho.
Goodluck to me.
Sana nga makahanap ako ng bagong trabaho na may malaking sahod.
At kahit ano pa ang ipapagawa nila sa akin ay gagawin ko.
Basta wag lang ang pumatay ng tao kase iyan ang hindi ko magagawa.
Itutuloy
. ..
Kabanata 2
“KEAN’S POV”
“Dito lang po ako manong. “ Ani ko sa tricycle driver.
“Bayad mo iha? “ Anito habang nilahad ang kanyang kaliwang kamay.
“Sandali lang po manong ha? “ Ang saad ko at lumabas na sa tricycle.
Pasensya na talaga manong kung gagawin ko ito, wala na kase talaga akong pera pambayad eh.
At kung maglalakad naman ako sa amin hanggang dito sa bayan baka ma heat stroke ako sa daan sa sobrang layo.
“Mag kano po manong? “ Ang tanong ko sa kanya.
“Singkwenta lang iha. “ Ang sagot naman nito.
Nag kunwari akong dumukot sa aking bulsa na kahit piso ay wala talaga. Pasensya na po talaga manong dahil ma budol kita ngayon.
“Iha? “ Ang tawag nito sakin.
“Sorry po talaga manong, i love you. “ Ang sabi ko bago ako tumakbo palayo.
“Hoyyy!!! Ang bayad mo??!! “ Ang sigaw pa nito.
Mabilis akong tumakas dahil ito lang talaga ang magagawa ko kase wala talaga akong ma ibayad kay manong.
“Hoyy!! Tigil iha! “ Ang sigaw nito at hinahabol niya ko.
Putcha naman oh.
Pag bigyan niyo na po ako manong, please wag niyo na po ako habulin.
Kinakapos na ako ng aking hininga dahil kasing bilis pa ni ultra man ang aking takbo para lang matakasan ko si manong.
Nakokonsensya naman ako sa ginagawa ko dahil masama talaga ito pero no choice ako eh.
Liliko sana ako sa may kanto ng bigla akong mabangga sa isang matigas na pader.
Nyeta naman oh! Panira talaga ng araw. Napahimas ako sa aking noo dahil sa sakit nito.
Tumingala ako sa lalake na nasa harap ko. Naka suit ito na para bang isang business man.
Napakadilim naman ng awra ng lakakeng ’to.
“Hoyy!! Ayon mang gagantso mag bayad ka!! “ Ang sigaw ni manong na paparating sa akin.
Anak ng teteng naman oh! Akala ko ba natakasan ko ng isang ’to. Lakas ng resistensya ha?
“Sorry po talaga. “ Ang saad ko sa lalake.
Tatakbo na sana ako para makatakas pero pinigilan ako ng lalake gamit ang pag hawak niya sa palapulsuhan ko.
“Hoy! Bitiwan mo nga ako! “ Ang galit kong sigaw sa lalake. Pilit akong kumawala sa hawak niya pero ang hirap. Lintik na!
“Wag mong bibitawan ’yan hindi pa yan nag babayad sa akin.” Ang sabi naman ni manong na hinihingal dahil sa paghabol nito sa akin.
“Kababae mong tao tapos mang gagantso ka sa mahirap na katulad ko.” Ang galit nitong wika na ikinayuko ko nalang dahil sa sobrang kahihiyan.
May mga taong nakatingin na sa amin at nakikinig sa mga sinasabi ni manong.
Mga chismosa talaga!
Lupa please lamunin mo nako now na! Sobrang kahihiyan ito.
“Mag bayad kaba o hindi? Kung hindi ipapakulong talaga kita! “ Ang galit na saad nito.
Nanginginig na ang aking mga tuhod. Nag sisilabasan narin ang butil ng pawis sa aking noo.
“Pasensya na po talaga manong wala po kase akong pambayad eh. Sorry po talaga. “ Ang nahihiya kong pag hingi ng pasensya kay manong.
“Hindi pwede iyan iha may pamilya akong binubuhay. “ Ang sagot nito.
Nakonsenya naman ako dahil sa aking nagawa.
“Ako na ang mag bayad d’yan ito keep the change. “ Ani ng katabi ko na hanggang ngayon ay hindi parin niya binitawan ang kamay ko.
Binigyan niya si manong ng isang libo na ikinatuwa nito.
“Naku salamat malaking halaga na ito para sa pamilya ko. “ Ang sabi ni manong na ikinatango lang naman ng katabi ko.
Umalis na si manong na may malaking ngiti sa labi nito. Pati narin ang mga nakiki-usyuso.
Nakahinga naman ako ng maluwag.
Tumingala ako sa katabi ko na nakatingin pala sakin.
Madilim ang mga mata nito na kasing dilim ng gabi ng kalangitan.
Makapal ang kilay nito pati narin ang kanyang mga labi na kasing pula ng mansanas.
Matangos ang kanyang ilong habang may mahahabang pilik mata. Naka brush up ang buhok nito na kulay abo.
Matikas ang kanyang pangangatawan sa suot nitong suit. Mabango ang halimuyak niya na nakikibighani ng mga babae.
Sobrang tangkad niya na parang isang basketball player. Hanggang dibdib lang ako sa kanya.
Nahihiya nga ang height ko sa kanya eh.
Medyo may pagka sunog ang balat niya na sobrang na babagay naman sa kanya ang pagiging moreno niya.
In all sobrang gwapo niya. My ideal type of boyfriend.
“Salamat.” Ang nahihiya kong sabi sa kanya.
Hindi naman ito sumagot sa akin. Pinukulan niya lang ako ng nag babagang tingin bago niya ko binitawan at umalis.
Ang gwapo niya sobra kaso may pagka weirdo naman ang lalakeng iyon.
Tsk! Makahanap na nga ng trabaho.
Nag lakakad ako sa may gilid ng daan. Marami nakong na pag tanungan na pwedeng mapag trabahoan kaso lahat sila ay full na.
Ang malas ko talaga sa araw na to. Pati si manong dinadamay ko pa sa kamalasan ko. Buti nalang talaga nakabangga ko ’yong lalake at siya na ang nag bayad kay manong.
I think his my guardian angel. Hehe..
Gustong gusto ko na talagang makahanap ng bagong trabaho.
Lord please give me a sign.
Please..
Pleaseeeee…
Napatigil naman ako sa aking pag lalakad ng may biglang papel na sumapalpal sa mukha ko.
Tsk! Sa mukha ko talaga? Really?
Mukha ba kong basurahan?!
Nakaka highblood talaga ang araw nato.
Malas!
Malas!
Malas!
MALAAAAASSSS!!!!!
Dahil sa sobrang inis ko ay pupunitin ko sana ang papel na sumapalpal sa mukha ko ng may mabasa ako dito.
Wanted: Maid
10,000 per month
Stay in.
Contact: 099********
Ohmyy!!! Ito na siguro ang sign na binigay ni lord!
Ohmygod!! Thank you lord!
Sobrang thank you talaga.
Ang swerte ko naman ngayong araw. Babawiin ko na po ’yong sinabi na malas ako. Prank lang po ’yon. Ang totoo talaga ay sobrang swerte ko hehe..
Sana ito na nga, ito na nga ang hinahanap kong trabaho na nababagay sa akin.
Malaki ang aking ngiti habang binabagtas pa uwi ang papel na binigay sakin na sign ni lord.
Tatawagan ko mamaya ang number nato. Makiki tawag nalang ako mamaya kay Bruno kahit sobrang sama nito sa akin.
Wala kase akong sariling cellphone. Kaya makikihiram nalang ako mamaya kay Bruno. Sana nga mag papahiram ang damulag na ’yon sakin.
At sa wakas nakarating na din ako sa amin. Dumiwalwal na parang aso ang dila ko dahil sa sobrang pagod. Ginabi ako sa paglalakad.
Nadaanan ko ang bahay nila Bruno. Nakita ko siya na naka tambay sa labas nila.
“Uyy Bruno pa inom naman ng tubig d’yan sa inyo oh! “ Ang sabi ko sa kanya.
Hindi naman niya ko pinansin at nag bisi-bisihan sa pag tatype sa cellphone nito. Ang sungit talaga.
Hindi ko talaga alam kung baket naging ganito ka cold sakin si Bruno. Magkababata kami nito, sobrang close nga kami noon eh kaso bigla nalang siya naging cold sakin.
Hindi na niya ko pinapansin. Hindi ko nga alam kung baket naratinh sa ganito ang aming samahan ni Bruno. Siguro nga hindi niya ko gusto na maging kaibigan kaya ganito siya sa akin.
“Bruno pwede pahiram ng cellphone mo mamaya may tatawagan lang akong importante. “ Ang sabi ko dito at umupo ako sa tabi niya.
Tutok parin siya sa kakatype sa cellphone nito.
“Ayoko.” Ang madiin na sagot nito.
“Please naman Bruno, please, please, pleaseeeee… “ Ang kulit ko pa dito.
At sa wakas napatingin naman ito sakin. Ngumiti ako sa kanya na ikinaiwas nito ng tingin sa akin.
“No! “ Ang pinal nitong sabi.
“Please…. “
“No.”
“Please naman Bruno para ka namang others eh. “
“I said no. “
“Please, please, please Bruno gagawin ko ang lahat ng gusto mo basta papahiramin mo ko ng cellphone mo, sandali lang naman eh may tatawagan lang akong importante.” Ang saad ko dito.
Napatigil siya sa kanyang ginagawa.
Tumingin naman siya sakin ng seryoso.
Ang gwapo mo sana kaso ang panget ng budhi mo. Selfish handsome!
“Lahat? “ Ang saad nito.
“Anong lahat? “ Ang nag tataka ko namang tanong dito.
Napakamot naman siya sa batok nito na parang na iinis na ito sa tanong ko.
“Gagawin mo lahat para lang ipahiram ko sayo ang cellphone ko.” Ang saad nito.
“Oo naman gagawin ko lahat basta wag kalang humingi sakin ng pera kase wala ako no’n. “ Ani ko sa kanya.
“Kahit halikan mo ko ay gagawin mo ba? “ Ang mabilis nitong tanong sakin.
“Oo naman kahit ano basta gaga– ANO? “ ang gulat kong sigaw sa kanya.
“Magawa mo bang halikan ako? “ Ang saad naman niya na nakakapag pakabog ng aking dibdib.
“Seryoso ka ba sa sinasabi mo Bruno? “ Ani ko habang kunot na kunot ang aking noo dahil sa lalakeng ’to.
“Oo baket ayaw mo ba ede hindi ko ipapahiram ’tong cellphone ko sayo. “ Ang saad nito sabay talikod sa akin.
Napa tampal nalang ako sa aking noo. Nahihibang na siguro ang lalakeng ’to.
Nakalaklak siguro ng drugs.
Tsk!
Itutuloy
…

