The Emperor's Husband (BL)
MrAoiKun · 23 chapters · 37,608 words
Prologo
Isang maunlad at natatangi ang imperyo ng Raijin na matatagpuan sa isang malayong kontinente.
Maraming sumubok na pabagsakin ito ngunit walang nakakatalo sa lakas ng pwersa at bangis ng emperador nito. Ang lalaking may lakas ng isang daang kabayo at tindig ng isang mabangis na oso. Siya si Emperador Rakim. At dahil sa kanyang nakakatakot na reputasyon ay walang sinuman ang kumakalaban sa kanya sa loob ng kanyang nasasakupan.
Ngunit ang isang bagay na hindi pa nagagawa ni Emperador Rakim ay ang magkaroon ng asawa. Sapagkat isang nakakagimbal na hula ang binigay sa kanya ng isang shaman na kapag siya ay nagkaroon ng empress ay hihina siya at tuluyang babagsak ang imperyo. At iyon ang ayaw niyang mangyari.
Ngunit hindi na niya mapigil ang bugso ng pangangailangan ng kanyang katawan. Ang kanyang pakikipagtalik sa mga babae ay hindi nagbibigay sa kanya ng kaligayahan. Bawat indayog ng mga ito sa malaki niyang ari. Ang lahat ng babae sa imperyo ay ninanais siyang mapangasawa ngunit walang sinuman ang pwedeng angkinin ang emperador dahil sa sumpa.
“Ah! Kamahalan! Idiin niyo pa!” pagsumamo ng babaeng utusan na katalik ng emperador. Ang kanyang malaporselanang katawan at ang malulusog niyang dibdib ay tumatalbog kasabay ng pagkadyot ni Rakim mula sa kanyang likuran.
Ang silid ng emperador ay isang lugar na pinapangarap ng mga kababaihan at ang mabigyan ng pagkakataon na mapunlaan ng kinatatakutan at makapangyarihang nilalang sa buong imperyo ay isang malaking karangalan. Subalit walang sinuman sa kanila ang pinalad na magdala ng supling ng emperador.
Pabilis ng pabilis ang ginagawang pag-ulos ng emperador dahil malapit nang bumulwak mula sa kanyang naghuhumindik na ari ang kanyang katas at mabilis niya itong hinugot mula sa puwerta ng babaeng katulong at ipinulandit niya ito sa maumbok nitong pang-upo.
Napasandal ang emperador sa hamba ng kanyang malaking higaan at nagtapis naman agad ng sedang tela ang kanyang nakatalik.
“Maaari mo na akong iwanan. Tapos na ang iyong trabaho.” saad ni Rakim sa babaeng katulong at agad naman nitong sinunod ang utos niya.
Kahit sinumang babae sa imperyo ay hindi maibigay sa kanya ang pagnanasang matagal na niyang hinahanap. At sa panaginip niya lamang ito madalas makita. Ang mahaba nitong itim at tuwid na buhok na nakapungos gamit ang isang pantali na yari sa ginto at napapalamutian ng bulaklak ng lotus. Ang mata nito na mapupungay at ang talukap nito ay tila berdeng emeraldo na nangingislap sa pagtama ng araw. Ang pino nitong mga buhok sa kilay at ang matangos nitong ilong. Ang mala hugis palasong labi nito na nakakatakam na tikman. At ang manipis nitong pangangatawan na nakapaloob sa maputlang kulay ng balat. Napakaganda nitong pagmasdan. Sa panaginip ni Rakim ay ito ang nais niyang makatalik. Ito ang magpupuno sa pangungulila ng katawang lupa niya.
Pinapasok niya ang isa sa mga bantay at inatasan niya itong puntahan ang punong shaman ng imperyo upang siya ay daluhan. Nais niyang makausap muli ito dahil naganap na ang eklipse na hinihintay niya. Nakikita na niya ang pagtakip ng anino ng mundo sa bilog at maliwanag na buwan.
“Nakatakda nang mahanap ang aking mapapangasawa.” napangiti si Rakim sa kanyang naisip. Mahahanap na niya sa wakas ang nilalang na nasa panaginip niya.
**************
Lumuhod ang punong shaman sa harapan ng emperador bago nito muling itukod ang kanyang sarili patayo at nakayukod itong bumati.
“Kamahalan, naganap na po ang eklipse na ating hinihintay. At nakausap ko na ang mga espiritu na nagbigay sa akin ng nakakamanghang pangitain.” usal ng punong shaman sa emperador na tanging manipis na roba lamang ang kasuotan at kitang kita ang laki ng pangangatawan nito.
Mula siya sa pamilya ng mga matatapang na mandirigma at likas sa kanilang dugo ang pagiging malaki ang katawan sa murang edad at paglaon ay nadadagdagan pa ang lakas na taglay nila kaya hindi na bago sa kanilang pamilya ang malimit na pagbubunong braso at maliliit na bangayan. Mula sila sa hindi kilalang pamilya na at ngayon ay sila na ang namumuno sa buong imperyo ng Raijin.
Marami man ang nahuhumaling sa kagandahang lalaki ng emperador ngunit ito mismo ay pihikan sa kanyang mga nagugustuhan. Liban pa sa sumpang iginawad sa kanya bago pa man siya isinilang sa mundo.
Kaya mahirap mabihag ang puso ng emperador.
“Ano ang sinabi ng mga espiritu sa iyong pangitain, punong shaman?” tanong ni Rakim sa matandang nasa harapan niya.
“Sa bulubundukin ng Ysgarda, matatagpuan ang isang hiyas na ipinanganak sa pagitan ng huling araw ng taglamig at ang unang sibol ng mga bulaklak ng tagsibol. Ang hiyas na ito ay walang katulad. At ito ang magbibigay sa imperyo ng walang hanggang kasaganahan.”
Napangiti si Rakim sa tinuran ng punong shaman. Binabanggit nito na nakatakda na niyang makilala ang kanyang mapapangasawa.
“Ngunit ang hiyas na ito ay hindi madaling makuha. Isang mailap at mapagkunwaring hiyas. Na nagtatago sa katawan ng isang musiko. Tangan ang kanyang bandolino at plawta. At tututog ito sa kalagitnaan ng himbing.”
Hindi naunawaan ni Rakim ang sumunod na sinabi ng matandang shaman. Gusto niyang linawin iyon ngunit marami pa itong nais ipahiwatig sa kanya.
“Ito ang magbibigay sa imperyo ng ginintuang kinabukasan. Ngunit, hindi dapat angkinin ang hiyas na ito. Sapagkat kapag napatid ang kaugnayan niya sa spiritwal na mundo, tuluyang maglalaho ang kanyang kinang at siya ay magiging isang bato.”
Tumigil ang matanda sa kanyang mga siniwalat at hindi maunawaan ng husto ni Rakim kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon.
“Ako ay maguguluhan sa iyong mga sinabi, punong shaman. Ano ang nais ipahiwatig sa akin ng mga espiritu?”
Tumango ang punong shaman sa kanyang emperador at inalog niya ang kanyang tungkod at tinawag ang hangin. Biglang nagsiliparan ang mga sedang nakatakip sa silid ng emperador ngunit sanay na siya sa ganitong ritwal na ginagawa ng punong shaman mula nang siya ang itinakdang sumunod na emperador.
Ang mga bulong sa hangin ay naririnig ni Rakim ngunit isa itong antigong linguahe na kakaunti na lamang ang nakakaalam. Habang tumatagal ang panahon ay nawawala na rin ang koneksiyon ng mga tao sa spiritwal na mundo.
Tumigil ang punong shaman sa kanyang ritwal at nag-aatubili siyang tapatin ang emperador tungkol sa kanyang mga nalaman.
Ang puting roba niya at kanyang inayos at muling yumukod sa kanyang emperador.
“Hindi ko po alam kung matatanggap niyo po ang linahad sa akin ng hangin. Ngunit, ako po ay naatasan lamang ng mga espiritu na ipaalam sa inyo ang nararapat.”
“Wala na akong oras para sa paligoy-ligoy mo, punong shaman. Sabihin mo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng linahad sa iyo ng mga espiritu!” mariing bulyaw ni Rakim dahil nawawalan na siya ng pasensiya.
“Sa blubundukin ng Ysgarda, doon niyo matatagpuan ang inyong ninanais na mapangasawa. Ngunit, isa po siyang lalaki.”
Pinanlakihan ng mata ang emperador dahil sa kanyang narinig mula sa punong shaman. Napakuyom siya ng kanyang kamao at dinamba niya ang kanyang upuang gawa sa puno ng dragon.
Nagitla ang matandang shaman sa galit ng emperador. Hindi gugustuhin ng sinuman na galitin ang emperador dahil sa nakakatakot ito at kadalasang may matinding pinsala sa katawan o hindi naman ay humahantong sa kamatayan ang sinumang kagagalitan ng emperador.
“Ako ba ay iyong pinaglalaruan, punong shaman? Ang aking nakatakdang mapangasawa ay isang lalaki?”
Napatawa ng pagak si Rakim habang pinapanood siya ng punong shaman na inaasahan na ang magiging saloobin nito sa mga nilahad niya.
“Iyon po ang katotohanan. Isang lalaking musiko na naninirahan sa tahimik na bahay ng isang ermitanyo ang lalaking nakatakda niyong maging asawa. Isang mahirap na pagsubok ang pagdadaanan ninyo upang makuha ang loob ng lalaking iyon. Dahil siya lamang ang makapagbibigay sa inyo ng tagapagmana.”
“Tila nawawala na rin sa kanilang katinuan ang mga espiritu at talagang isang lalaki pa ang gusto nilang maging asawa ko. Isang paghamak sa aking pagkalalaki ang kanilang mga sinabi. Hindi kailanman sumagi sa isip ko na isang lalaki ang aking mapapangasawa. At higit pa roon, siya ang magdadala ng aking magiging anak?”
Tanging pagtango lamang ng kanyang ulo ang sinagot ng punong shaman sa kanyang emperador.
Hindi naman mapakali si Rakim sa kanyang kinauupuan. Hindi pa kailanman nagkamali ang mga payo ng espiritu sa kanya at lahat ng tagumpay na natamasa niya ay dahil na rin sa gabay ng mga ito. Ngunit isang bagay na hindi makatotohanan ang kanyang narinig. At ang tanggapin iyon ay malayo sa kanyang hinuha.
“Kamahalan, hindi po ito ang panahon upang kayo ay magduda sa mga sinasabi ng espiritu. Ang iyong katayuan bilang isang emperador ay hindi masisiguro habang wala ang iyong imperatris. Ang iyong katuwang sa pamumuno ng buong imperyo. Iyon ang nakagawian ng ating mga ninuno.”
“At nangyari na ba noon na ang isang emperador ay nag-asawa ng isang lalaki at tinawag niya itong emperatris? Magiging isang malaking usapin ito lalo na sa loob ng konseho.”
Ngunit wala nang ibang naisagot pa ang punong shaman.
“Ang inyong kahilingan ang masusunod kamahalan. Maraming bagay ang hindi natin lubos na nauunawaan sa umpisa. Ngunit kapag atin na itong napagtanto, doon natin makikita ang tunay na pahiwatig nito.”
Umalis na ang punong shaman sa silid ng emperador at buong gabi niyang inisip ang lahat ng kanyang nalaman.
“Hindi maaaring isang lalaki ang nakatakda kong maging asawa.”
Iniisip niya pa ang mukha ng nilalang na kanyang napapanaginipan sa gabi at tila ba nagiging malinaw na sa kanyang isipan na ang napapanaginipan niya ay isa palang lalaki.
“Kung siya man ang nasa panaginip ko. Bakit mas maganda pa siya sa lahat ng babaeng nakilala ko? Kung totoo mang lalaki siya, bakit ganoon kasaya ang puso ko kapag napapanaginipan ko siya?”
******************
Sa bulubundukin ng Ysgarda ay may isang maliit na pamayanang itinatag sa matarik na bundok at tanging tulay na gawa sa lubid at kahoy ang daanan patungo rito. Ngunit bago paman ito marating ay isang araw na paglalakbay muna ang kailangang gawin bago marating ang tulay na kahoy ng pamayanan.
Simpleng pamumuhay ang matatagpuan dito dahil sagana sa matabang lupa ang lugar kaya namumuhay ang mga tao roon na malayo sa malupit na sibilisasyon. Lalo na at nilalayo nila ang sarili nilang masakop ng imperyo ng Raijin.
Sa isang bahay na malapit sa ilog na puno ng bulaklak ng lotus ay matatagpuan ang pamilya ni Ginoong Farok. Ang pinuno ng pamayanang iyon. At ang kanyang nag-iisang anak na si Dani’ya. Madalas mapagkamalang babae si Dani’ya dahil na rin sa angking kagandahan nito.
Ngunit isa ito sa pinakamagagaling humawak ng espada at napakagaling na musiko gamit ang kanyang bandolino at plawta. Siya ay madalas na dayuin ng kabataan upang marinig ang kanyang nakakabighaning pagtugtog ng plawta na tila hinehele ka sa tuwing maririnig mo ito.
Ang kanyang manipis na pangangatawan at malaporselanang balat ay kinaiingitan din ng mga kababaihan doon. Ngunit kailanman ay hindi ninais ni Dani’ya na maging mas maganda pa sa isang babae.
Ang marugdong niyang tiyan ang pagkakakilanlan na isa siyang lalaki. Sa tuwing huhubarin niya ang kanyang sedang kasuotan upang magensayo ng espada ay palihim siyang minamasdan ng mga babaeng may pagtingin rin sa kanya. Ngunit mas malaking hugot ang ginagawa niya sa kalalakihan ng kanilang pamayanan na matagal nang gustong maangkin ang inosenteng katawan ng binata.
“Dani’ya! Halika na at maghahapunan na tayo. Tapos na ang eklipse at marami pa tayong kailangang gawin sa taniman ng kundol bukas.”
Lumapit si Dani’ya sa hapagkainan ng munti nilang bahay at sinamahan ang kanyang ama sa pagkain ng hapunan.
“Nakakamangha talaga ang eklipse ama. Napakagandang tingnan ang pagtakip ng anino ng mundo sa napakaliwanag na buwan.”
Tumango lamang si Farok sa kanyang anak. Naulila na si Dani’ya sa kanyang ina mula ng isilang ito. At isang lihim ang mataga na itinatago ni Farok sa kanyang anak.
Ang kakayahan nitong magkaroon ng supling dahil na rin sa ang kanyang ina ay isang nympa. Isang espiritung naninirahan sa ilog ng Ysgarda. Pinili ng nympa na maging tao upang makasama si Farok at dahil doon ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan.
Dahil sa pagiging isang kalahating espiritu ay tinaglay ni Dani’ya ang sumpa ng mga nympa kapag sila ay pumiling maging tao. Ang mga supling nila ano man ang kasarian ay magkakaroon ng kakayahang magsilang.
Kaya iniingatan ni Farok na huwag malaman ni Dani’ya ang katotohanan sa kanyang pagkatao.
“Lalong lumakas ang mga imaheng pumapasok sa panaginip ko noong mga nakaraang gabi bago pa man dumating ang eklipse. Mga panaginip na hindi ko maunawaan.”
Napatigil si Farok sa kanyang pagkain. Napatingin siya sa kanyang anak na hindi pa ginagalaw ang pagkain.
“Panaginip? Anong uri ng panaginip ba ang nakikita mo, Dani’ya?”
“Isang lalaking may hawak na malaking espada. Napakalaki niya. Para siyang isang oso. Ngunit ang mukha niya ay tila ba hinulma ng langit. Hindi ko alam kung bakit ako nananaginip ng ganoon?
Ramdam ni Farok na may mangyayari at patungkol ito sa kanyang anak. At sisisguruhin niyang walang sinuman ang makakapanakit sa kanyang anak habang siya ay nabubuhay.
“Isang panaginip lamang iyon Dani’ya. Walang ibig sabihin.”
Ngunit sa isipan ni Dani’ya, alam niyang higit pa iyon sa isang panaginip. Ang mukha ng lalaking iyon ay hindi niya makalimutan. Para itong tinatawag ang pangalan niya. Ngunit hindi siya pwedeng makaramdam ng ganoong pagnanasa.
Dahil hindi niya kailanman naisip na magkakaroon siya ng ganoong pakiramdam sa isang lalaki.
“Siguro wala nga talagang ibig sabihin ’yun. Masiyado lang akong nagpapaniwala sa mga sinasabi ni Tandang Jabir.”
●○●○●
Itutuloy ●○●○●
Kabanata 1: Paglalakbay
Hankar: Kapitolyo ng Imperyong Raijin
“Kamahalan, isang hangal lamang ang maniniwala sa sinasabi ng punong shaman na isang binata ang nakatakdang mapangasawa ninyo. Hindi ba kayo natatakot sa maaaring pagtuligsa ng matataas na angkan sa buong Raijin? Bakit hindi ninyo pakasalan si Prinsesa Ayessa na anak ng punong heneral? Matagal nang nais ng heneral na maitali sa inyo ang kanyang anak. Siya ang pinuno ng angkan ng Shik kaya isang malaking kaginhawaan sa atin kung magiging mas malapit ang inyong pamilya sa isa’t-isa.”
Pinakinggan ko lang ang hayag ng saloobin ng aking tagapayo na si Rodan. Ang matandang naging tagapayo rin ng namayapang emperador bago ako humalili dito. Nakaupo ako sa maliit ng upuan sa aking silid pahingahan. Nais kong siya lamang ang makakaalam ng mga siniwalat sa akin ng punong shaman na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalaan. Paanong isang binata ang aking nakatakdang mapangasawa gayong alam ng buong imperyo na sa babae lamang ako nagkakaroon ng pagnanasa at kahit kailan ay hindi ko gagawin ang mga bagay na gusto kong gawin sa isang lalaki.
“Nakalimutan mo na siguro na may kapatid si Heneral Assan na nagnanais ding maging isang emperador noon? At dahil lamang sa aking mga nakamit kaya ako ang naging pinuno ng imperyomg ito. Masiyadong marupok ang pundasyong kinatatayuan ko ngayon, Rodan. At isang bitag ang pagpapakasal ko kay Prinsesa Ayessa. Magiging kontrolado ng mga Shik ang mga ministro at gobernador ng bawat probinsya na ayaw kong mangyari.”
“Ang pumanaw na Emperador Jarkin ay isang malupit na pinuno, kung kaya’t lahat ay nagdiwang nang ikaw ang pumalit bilang isang emperador. At umunlad ng husto ang ekonomiya ng buong nasyon dahil sa inyo, kamahalan. Ngunit kung patuloy ninyong iiwasan ang ideya ng pagpapakasal, maaring mawala din ang suporta ng mga tao sa inyo. At kung talagang tama ang sinabi ng matandang shaman, ay hindi ko kayo pipigilan sa inyong balak na paglalakbay.”
Tumayo ako sa aking upuan. Tinawag ang aking mga tagasilbi at agad nilang dinala ang aking kasuotan na gagamitin ko sa aking paglalakbay. Nakahanda na ang lahat. Maging ang mga guwardiya ko ay nakaantabay na sa aking pag-alis.
“Mapanganib ang daan patungo sa kabundukan ng Ysgarda kamahalan. Mababangis na hayop at mga mahiwagang nilalang ang nakapalibot sa pook na iyon. Sana ay pag-ingatan niyo ang sarili ninyo.”
Tumango ako kay Rodan at nang matapos akong ayusan ng mga tagasilbi ko ay tuluyan akong lumabas ng aking silid pahingahan. Nakayukod ang mga kawal na nakakasalubong ko sa makipot ng pasilyo ng aking palasyo. Hanggang sa marating ko ang malaking bulwagan at tuluyang lumabas patungo sa malawak na harapan ng palasyo na nasa taas ng isang may kataasang lambak. Matatayog na puno ng palmera at mga halamang tanging sa tuyong lugar matatagpuan.
Nakabantay na ang aking mga kawal sakay ng kanilang mga kamelyo at kabayo. Yumukod sila sa harapan ko at nagbigay pugay.
Si Sakar at Kahan ang aking mga tapat na tagasunod ay naghihintay na sa kanilang mga kabayo. Umangkas na ako sa aking kabayo at namaalam na ng tuluyan kay Rodan na siyang pansamantalang mamumuno habang ako ay wala. Siya lamang ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng tao sa buong imperyo maliban sa aking pamilya.
“Apat na araw ang lalakbayin natin bago marating ang paanan ng Ysgarda. At kinalulungkot kong sabihin na hindi natin madadala ang mga kabayo at kamelyo pagakyat ng bundok, kamahalan,” saad sa akin ni Sakar habang nasa kalagitnaan na kami ng paglalakbay.
Isang mas madaling ruta ang aming tinatahak na hindi malalaman ng mga tao lalo na ng mga taga palasyo na ako ay naglalakbay. Isang lihim na paglalakbay ito upang matiyak kung tunay nga ba ang linalahad ng punong shaman na isang binata ang nakatakda kong mapangasawa.
“Kamahalan, bakit nga ba sa kabundukan ng Ysgarda? Alam niyo bang napakadelikado ng lugar na iyon? Ang daming naliligaw doon at maraming hindi na nakakauwi ng buhay? Bakit tayo makikipagsapalaran doon? Mas gugustuhin ko pang makipaglaban sa giyera kesa mapunta sa lugar na iyon.”
Napatitig ako kay Kahan na agad namang ibinaling sa ibang direksyon ang tingin. Silang dalawa ni Sakar ay mga kaibigan ko simula pa noong mga bata kami. At silang dalawa lang ang may kakayanan na makipagbiruan sa akin kahit alam nilang ako ang emperador.
“Nababahag na ba ang buntot mo? Umurong ba ang bayag mo, Kahan? Eh dinaig ka pa pala nitong si Kiki.”
“Ack! Kahan supot! Kahan supot!”
Di ko napigilang mapatawa dahil sa alagang loro ni Sakar. Di nagtagal ay nagbangayan na ang dalawa at pinakinggan ko na lamang sila. Linalakbay namin ang mainit na disyerto ng Raijin at natapos ang isang araw at agad na nilatag ng mga tagasilbi ang magiging pahingahan namin sa gabing iyon.
Dala ni Kahan ang kanyang gitara at tumugtog siya sa gitna ng apoy na ginawa upang maging pampainit sa malamig na gabing iyon. Katabi ang aking mga tagasilbi habang ako ay nasa malayo at nakaupo lang sa isang maliit ng silya ay nakikinig ako sa kanyang mahusay na pagtugtog ng gitara. Napatingala ako sa langit ng punong puno ng bituin.
Iniisip ko pa rin kung tama ba itong aking ginagawa. Dahil kung hindi ko rin ito gagawin, baka hindi ko na rin mahanap ang kasagutan sa napakarami kong tanong. Kung bakit ako isinumpa? Kung bakit hindi ako makahanap ng babaeng magdadala sa akin ng isang supling na magiging tagapagmana ng imperyo. Ang supling na bubuo sa aking pagkatao.
Isang matapang na emperador. Isang brutal at walang awang emperador. Ngunit dahil sa aking tapang at pagiging brutal ay nagapi ko ang mga kalaban na matagal na pinabayaan ng dating emperador. Mapusok? Natural lamang siguro sa isang lalaking katulad ko na maging mapusok dahil kailangan ko ng panadaliang aliw. Kailangan ko ng sarap na naibibigay sa akin ng pakikipagtalik.
At siguro nga, hinahanap ko rin ang isang bagay na kailanman ay hindi ko pa naramdaman. Ang umibig sa isang tao. At kung kahinaan mang maituturing ang pag-ibig, para sa akin ay kalakasan iyon. Isang bagay na gusto kong maranasan.
Napuno ng tawanan ang mabuhanging pahingahan. Lalo na at si Kahan at Sakar ay madalas gumawa ng mga nakakatawang bagay. Hindi ko na rin napigil na tumawa sa ginagawa nilang mga kalokohan sa isa’t-isa. Masiyado akong napako sa aking buhay sa palasyo na nakalimutan ko na ang mga ganitong pagkakataon kasama ang aking mga kaibigan.
—————————–
Samasadi: Maliit na Bayan ng Ysgarda
“Dani’ya! Nandito ka nanaman ba para mauto ni Tandang Jabir? Alam mo namang may sakit utak ang matandang iyon, patuloy ka pa ring nagpupunta dito,” nakasimangot na salubong sa akin ni Fanfan.
Siya ang tagapangalaga ni Tandang Jabir na pinakamatandang miyembro ng Samasadi. Nginitian ko lang siya at hindi na binigyan ng pansin at nagtungo sa pabilyon na nasa gitna ng lawa ng Samasadi. Puno ng lutos at iba pang halamang tubig ang lawa na parang isang malaking salamin kapag natatamaan ng sinag ng araw.
Natagpuan ko si Tandang Jabir na pinapatunog ang kanyang lumang plawta na kinangiti ko. Siya ang nagturo sa akin ng pagpaplawta. Para sa akin, isang magaling na guro si Tandang Jabir.
Nakakahumaling ang kanyang piyesang tinutogtog na ngayon ko pa lamang narinig. Habang papalapit ako ay tumigil siya sa pagtugtog.
“Kanina ka pa ba nakikinig sa akin, Dani’ya?” tanong agad sa akin ng matandan nang makaupo na ako sa malamig na sahig ng pabilyon na gawa sa kahoy.
“Pasensiya na Tandang Jabir. Nagagandahan lang ako sa piyesang tinutugtog niyo kanina. Hindi ko pa kasi iyon narinig simula nang turuan niyo akong magplawta.”
Hindi siya agad nagsalita at tumayo siya sa pagkakaupo at tinataw ang napakapayapang lawa. Ginaya ko siya at tumabi ako sa kanya habang minamasdan ang malinaw at nakakabighaning ganda ng lawa.
“Ang piyesang iyon ay tinatawag kong “Awit ng mga Nympa” na isang napakagandang tugtugin na itunuro sa akin ng aking ina.“
“Awit ng mga Nympa? Bakit ganun po ang tawag sa piyesang iyon?” kuryoso kong tanong na kinangiti naman sa akin ng matanda.
“Madami ka pang hindi alam sa iyong pagkatao, Dani’ya. Hindi ka ba nagtataka kung bakit nakakabighani ang iyong mukha gayong isa ka namang lalaki? Hindi ka ba nagtataka na prinoprotektahan ka ni Farok sa gayong mas malakas ka namang nilalang kesa sa kanya? Ang galing mo sa paggamit ng espada? Isa kang espesyal na nilalang, Dani’ya.”
Tama nga siguro si Fanfan. Wala na sa katinuan ang matanda at kung ano ano nalang ang sinasabi sa akin. Espesyal na nilalang? Eh wala nga halos magkagusto sa aking babae dahil mas maganda pa ako sa kanila, iyon palagi ang dahilan nila. At madalas akong gawing katatawanan ng mga lalaki dahil sa dahilan ding iyon.
Sa totoo lang, hindi ko na din alam kung may lugar ba ako sa bayang ito? Parati kong tinatanong si Ama kung bakit nga ba ganito ang aking anyo. Pero hindi ko naman makuha ang sagot sa kanya. Palagi niyang sinasabi na wala akong dapat ikatakot. Pero alam kong merong mali sa akin. At ang panaginip na ’yun. Simula ng masaksihan ko ang eklipse, mas lalo pang nagiging malinaw ang kanyang mukha sa akin.
Isang lalaki. Isang malaking lalaki na parang isang oso ang katawan ngunit napakaamo ng mukha. Hindi ko makakalimutan ang mukha niya at tinatawag niya ang pangalan ko.
Umalis ako ng tuluyan sa pabilyon at pumunta ako sa paaralan ng mga bata upang simulan na ang aking pagtuturo ng musika sa kanila. Nakakatuwang masdan ang mga bata na hindi ako hinuhusgahan dahil sa aking itsura. Ang inosente nilang mga mata ay nakatingin lamang sa akin habang hinaharana ko sila ng aking bandolino.
“Ang ganda niyo po talaga Gurong Dani’ya. Mas maganda pa kayo kesa sa aking ina.” papuri sa akin ng isang batang lalaki na palaging nagdadala ng bulaklak para sa akin.
Natutuwa naman ako dahil sa mura nilang isip. Pero alam kong paglabas ko ng paaralan ay ibang mundo naman ang naghihintay sa akin.
Nagtungo ako sa gubat pagdating ng hapon upang mag-ensayo ng aking espada. Hinubad ko ang aking pang-itaas at tiningnan ko sa dumadaloy na ilog ang aking itsura.
Ang katawan ko ay sa isang lalaki, ngunit ang mukha ko, ang mukhang palagi kong dinadasal na sana hindi ko taglay.
“Kailan ko ba mahahanap ang kasagutan sa aking mga tanong?” saad ko sa aking isipan at bumalik na sa aking pag-eensayo.
Tusok, atras, sulong, hawi at ikot. Lahat ng posisyon at galaw ay alam ko na. Mabilis ang aking mga galaw na para bang nasasabayan ko ang hangin sa bilis nito. Iniisip ko palagi na anumang oras ay lulusubin ng mga taga imperyo ang aming bayan kaya kailangan ko ding ipagtanggol ang aking ama at ang mga taong mahalaga sa akin sakaling dumating man ang sandaling iyon.
“Nakapakinis pala talaga ng balat mo, Dani’ya. Ngayon ko lang napagmasdan ng maigi ang katawan mo. Napakaganda ng mukha mo na kahit isa kang lalaki ay hindi na mahalaga sa akin.”
Isang boses ang narinig ko mula sa kawalan at agad ko namang dinampot ang aking pang-itaas.
“Lumabas ka ngayon din. Pinagnanasaan mo ang anak ng pinuno ng bayang ito, alam mo ba ang kaparusahang naghihintay sayo?”
Natawa lamang siya at unti-unti kong nakita ang isang anino na lumalabas mula sa isang kahoy at nang tuluyan siyang lumantad ay agad kong itinutok ang espada ko sa kanya.
“Hindi mo ako masasaktan sa espadang iyan, Dani’ya. Dahil isa akong anino. At hanggat di mo nahahanap ang totoo kong katawan, malaya kong magagawa ang gusto ko sa’yo. Matagal na panahon na kitang pinagmamasdan. At ngayon, oras na upang mapasaakin ka.”
Mabilis akong tumakbo papalayo at para namang isang kidlat na hinahabol ako ng aninong iyon. Alam kong isa siyang kakaibang nilalang. Isang espiritu? Ngunit wala na akong panahon upang mag-isip pa dahil kailangan kong makalabas sa gubat.
“Hindi ka makakalabas ng gubat na ito, Dani’ya. Nakatakda na ang ating pagniniig!”
Pero nakarinig ako ng isang malakas na tunog ng plawta na napakatinis at parang pinupunit nito ang loob ng aking tenga.
Napaluhod ako at agad na tinakpan ang aking tenga at napalingon ako at kita ko ang unti-unting paglaho ng anino na kanina ay himahabol sa akin.
Napabaling ako sa direksyon ng tunog na bigla ding huminto nang mawala ang anino. At si Tandang Jabir ang aking nakita.
“Kailangan mo nang malaman ang katotohanan sa iyong pagkatao. Sumama ka sa akin at may pupuntahan tayo.”
Napatayo ako at agad na sinundan ang matanda.
☆ ☆
Itutuloy☆☆
Kabanata 2: Ang Tunay na Pagkatao
Talon ng Ysgarda
Mabilis ang pagkilos ni Tandang Jabir na para bang hindi siya umeedad ng isang daang taon. Wala sa kanya ang matarik na dinadaanan namin papunta sa paanan ng talon. Hindi ko alam kung ano ang kanyang nais sabihin sa akin at sa tunay kong pagkatao dahil hanggang ngayon, wala pa rin talaga akong ibang iniisip kundi ang aninong gusto akong gawan ng karahasan. Iyon ang unang pagkakataon na may kakaibang nilalang na nagbanta sa akin.
Habol hininga ako na narating ang paanan ng talon samantalang si Tandang Jabir ay wala manlang naramdaman na pagod.
“Hubarin mo ang iyong mga kasuotan, Dani’ya. At talunin mo ang tarik na ito patungo sa rumaragasang tubig ng talon.” utos sa akin ng matanda na agad na kinakunot ng aking noo.
“Teka nga lang po, bakit ko po huhubarin ang mga kasuotan ko? At bakit ako tatalon sa tubig? Naguguluhan po ako sa mga sinasabi ninyo.”
“Nasa likod ng talon na iyan ang kasagutan ng lahat ng iyong katanungan.”
At hindi nagtagal ay tumalon si Tandang Jabir sa bangin at agad siyang naglaho sa rumaragasang tubig ng talon na kinatakot ko ng husto. Ano ba talagang nais niyang malaman ko? Kailangan ko na lang sigurong magtiwala sa kanya dahil alam kong hindi niya ako ipapahamak. Parang naging pangalawang magulang ko na rin si Tandang Jabir.
Tinanggal ko ang aking natitirang saplot at hubo’t hubad akong tumalon patungo sa rumasagasang tubig. Ramdam ko ang lamig ng tubig at tila ba may humigop na malakas na pwersa sa akin at naimulat ko ang ang mata na nasa loob na ako ng isang malamig na kweba. Pero hindi ko alintana ang lamig na iyon. Para akong kinumutan ng lamig pero hindi ako nanginginig o nahihirapan kumilos. Parang pamilyar sa aking katawan ang lamig na iyon.
Inikot ko ang aking paningin at unti unting lumiwanag ang paligid. May mga mumunting ilaw na tila mga paru-paru na pumupuno sa buong paligid. At nakita ko si Tandang Jabir na nakatingala sa isang malaking estatwa na gawa sa emeraldong bato. Lumapit ako sa kanya at napahinga siya ng malalim bago siya nagsalita.
“Siya si Azinia. Ang diyosa ng tubig. At sa mahabang panahon ay ginabayan niya ang mga tulad natin ngunit isang bagay na labis niyang pinagbabawal ang nilabag ng ating lahi. Tayo ay mga nympa, Dani’ya. Tayo ay mga espiritu ng tubig na malayang namumuhay sa ibabaw ng lupaing tahanan ng mga mortal na tao.”
Wala akong maintindihan sa sinasabi ni Tandang Jabir. Nympa? Espiritu ng tubig? Baliw na ba talaga siya? Ngunit paanong nandito kami sa lihim na lugar na ito kung biro lamang lahat ng kanyang sinasabi.
“Bilang espiritu, hindi tayo maaaring magmahal ng isang mortal sapagkat mawawala sa atin ang ating walang hanggang buhay at tayo ay mamumuhay bilang isang tao. At kalakip nun ay ang isang sumpa na tatapos sa ating buhay. At iyon ang nangyari sa iyong ina, Dani’ya. Ang iyong ina at si Farok ay pumasok sa isang pinagbabawal na ugnayan. At ikaw ang naging bunga ng kanilang ugnayan.”
Tiningnan ko ng maiigi si Tandang Jabir at alam kong nagsasabi siya ng katotohanan. Nakatitig lamang siya sa estatwa at itinaas ang kanyang kamay at sa isang iglap ay nagbago ang kanyang anyo. Ang kaninang matanda na nakikita ko ay isang makisig at halos kasing edad ko lamang na binata na nababalot ng asul ba liwanag ang kanyang katawan.
“Sapat na ba ang iyong nakikita para paniwalaan mo ako, Dani’ya? Isa akong nympa at ang iyong ina ay katulad ko rin. Ngunit mas pinili niya ang magmahal sa isang mortal at ang kanyang parusa ay hindi niya kailanman maiiwasan.”
Itinuro ni Tandang Jabir sa akin ang isang nagliliwanag na malaking kristal na perpekto ang pagkakabilog at nasa loob noon ang isang katawan. Isang napakagandang babae na hindi ko maikakailang kawangis ko. At hindi ako maaring magkamali. Siya ang aking ina.
Pumatak ang aking mga luha dahil sa haba ng panahon, inisip ko na hindi ko kailanman masisilayan ang mukha ng aking ina ngunit tinago lang pala sa akin ang lahat ng aking ama.
“Totoo ba ang lahat ng ito? Hindi… Hindi ko akalain na masisilayan ko ang mukha ng aking ina.”
Linapitan ko ang kristal at agad na dinampi ang aking kamay roon. Ang mukha ng aking ina na para bang natutulog lamang ng mahimbing.
“Ang kanyang buhay ay inalay niya para sa iyo, Dani’ya. Maraming beses kong sinubukan na pigilan siya na magmahal ng isang mortal ngunit nabigo ako. At dahil sa aking pangako na ililihim ko ang totoo mong pagkatao ay nagpanggap ako bilang isang matanda na may sakit sa pag-iisip upang mapangalagaan ka. Ikaw na lamang ang natitira kong kalahi at pinangako ko na proprotektahan kita sa abot ng aking makakaya.”
“Pero bakit nilihim sa akin ni ama ang lahat ng ito? Ano ba ang hindi ko dapat malaman? Ano ba ang kinatatakot niya?”
Hindi agad nakasagot si Tandang Jabir sa akin at sa halip ay tiningnan din ang aking ina na nasa loob ng kristal.
“Nasawi si Prasha dahil sa kanyang pagsilang sa iyo. At iyon ang kaparusahan ng mga tulad naming nympa. Hindi kami maaaring magmahal ng mortal. Dahil hindi kami nabibilang sa mundong ito.”
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman dahil sa nalaman ko mula kay Tandang Jabir. Dahil sa akin, kaya namatay ang aking ina. Mas lalo kong naramdaman na hindi pala ako dapat nabuhay sa mundong ito. Kaya pala iba ako sa lahat.
“Ngunit huwag mong iisipin na kasalanan mo ang lahat ng nangyari. Hindi mo kasalanan na maging bunga ng isang pagmamahalan. At hindi ko sinisisi ang iyong ina at si Farok sa kanilang ginawa. Nandito ako para gabayan ka. Mula nang ikaw ay isilang hanggang sa puntong ito ng buhay mo, inalay ko na rin ang aking buhay para pangalagaan ka kagaya ng aking pinangako sa iyong ina.”
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Tandang Jabir at hindi ko napigilang ilabas ang aking nararamdaman. Hindi ko akalain na ito pala ang tunay kong pagkatao. Hindi ko alam kung paano ba tatanggapin ang lahat ng ito.
- - - - - - -
Kagubatan ng Kurda
“Talasan niyo ang inyong paningin. Isa itong mapanganib na gubat. Hindi lang mga mababangis na hayop ang nandito. Pati mga halimaw at mahiwagang nilalang.” rinig kong utos ni Kahan sa mga kawal habang hawal nila ang kanilang mga espada.
Nilalakbay namin ang huling bahagi ng paanan ng kabundukan ng Ysgarda. Kapag nalampasan namin ang gubat na ito ay mararating na namin ang maliit na bayan na nasa pinakatuktok ng bundok na kahit sinumang nagdaang emperador ay hindi pa nararating.
Wala akong takot na nararamdaman. Pagkasabik ang nangunguna sa akin dahil makikita ko na ang aking mapapangasawa kahit may pag-aalinlangan ako sa kanyang pagkatao.
“Kamahalan? Sigurado ka ba talagang isang lalaki ang sinabi sayo ng shaman? Ngayon pa lamang ako nakarinig ng ganung klaseng pangitain mula sa isang shaman.” tanong sa akin ni Sakar habang sumasabay sa akin sa paglalakad.
“Sakar. May tiwala ako sa punong shaman. At kung isang lalaki nga ang nakatakda kong mapangasawa, kailangan kong masigurado na mapapaamo ko siya at malalaman ko ang kanyang kakayanan. Hindi ako basta basta lang din papasok sa isang bagay na walang kasiguraduhan.”
Nakita ko pa siyang tumango at bago pa man siya magsalita alam ko na ang kanyang nais sabihin.
“Paano yung ano? Alam mo na? Paano yung pagniniig ninyo? Hindi ko kasi maisip kung paano niyo gagawin iyon?”
Napailing na lamang ako at tiningnan siya ng masama. Dahil pagdating sa bagay na iyon, alam kong wala pa din akong karanasan. Maliban sa pakikipagtalik sa maraming babae ay hindi ko kailanman naisip na makipagtalik sa isang lalaki.
“Akala ko ba ginagawa na ninyo ni Kahan ang ganoong bagay?” pagbibiro ko sa aking kaibigan na kinalaki ng mata niya.
“Ha! Kamahalan? Pinagdududahan niyo ba ang aking pagkalalaki? Isa akong makisig na mandirigma ng Raijin. Hindi ko kailanman pagnanasaan ang isang tulad ni Kahan.”
Namumula ito na kinatawa ko na lamang. At bago pa man ako makapagsalita ay isang malakas na hangin ang biglang umihip sa mga punong nakapalibot sa amin. Agad kong itinaas ang aking espada dahil alam kong may panganib na nakaabang.
“Ahhhh!!” sigaw ng isang kawal at napalingon ako sa pinanggagalingan nito. Nawala ang isa sa aking mga kawal at mas lalo pang lumalakas ang hangin na nakapalibot sa amin. Para kaming tinatangay nito papunta sa ibang direksyon.
Tinaas ni Kahan ang kanyang pana at bumunot ng palaso. At maingat niyang itinutok ang palaso sa isang direksyon. At nang sapat na ang pwersa niya ay pinakawalan niya ito at biglang tumigil ang hangin at isang malaking ibon na may katawan ng lion ang aming nakita.
“Isang grypus!” sigaw ni Kahan at agad kong kinuha ang aking espada. Hindi madaling paslangin ang nilalang na ito. Hindi lamang lakas ang kailangan dito ngunit mahika.
At sa pagkakataong ito ay wala akong kasamang salamangka upang gawan ng paraan ang paglapit ko sa nilalang.
Umugong ang malakas na huni ng halimaw at alam kong aatake ito patungo sa akin. Agad akong nagtago sa isang malaking puno ngunit inilagan lamang niya ito. Mabilis akong kumilos at sinubukang tagain ang likuran nito ngunit natabig niya ang aking braso gamit ang kanyang buntot at tumilapon ang aking espada.
“Kamahalan!” sigaw ni Kahan at nakita kong pinatatamaan niya ang grypus kaya mabilis kong hinugot ang buntot nito na kinahiyaw nito lalo. Mabuti na lamang at hindi pa ito isang malaking grypus. Dahil kung nagkataong isang malaking grypus ang aming kinakalaban ay hindi namin kakayanin.
Tinamaan ito ng palaso sa tagiliran at mabilis itong tumatakbo habang pinapagaspas niya ang kanyang pakpak ngunit wala na siyang panimbang kaya mas lalo kong linakasan ang pagbunot sa kanyang buntot at tinangay ako nito habang bumabanga sa mga puno at nagsisitumbahan ang mga iyon.
Tumama iyo sa isang malaking bato at tuluyang nawalan ng malay. Mabilis namang tumakbo sa akin ang mga kawal pati si Kahan at Sakar.
Tumayo ako at hindi ako kumilos dahil ramdam ko ang sakit ng pagtama ko sa mga puno.
“Kamahalan! Ayos ka lang ba? Napakarami mong sugat!”
Agad naman akong pinaupo ni Sakar at nilabas niya sa kanyang saklay ang iba’t-ibang klase ng gamot. Isa siyang mangagamot at nagpapanggap na isang mandirigma na akin na lamang sinasakyan dahil sa siya nga ay aking kaibigan.
“Wala ang mga sugat na iyan sa aking dinanas sa mga digmaan.” usal ko pa na kinailing lang ni Sakar.
“Hindi mo ba alam na kung nagkataong nakagat ka ng grypus, mahihirapan kang gumaling sa iyong sugat. Mabuti na lamang at hindi iyon nangyari.”
“Kailangan muna nating humanap ng mapagtataguan. Hindi malayong may inahin ang batang grypus na iyon. Mas lalong mapanganib kapag iyon ang ating naengkwentro, kamahalan.” saad ni Kahan na tinanguan ko naman.
Agad akong tumayo at sinubukan nila akong alalayan ngunit inalis ko ang kanilang kamay. Ang isang emperador ay hindi kailanman magpapaakay sa kanyang mga nasasakupan.
“Kumilos na tayo bago pa mahuli ang lahat.” utos ko sa kanila at mabilis naming nilisan ang kagubatang iyon.
Ilang oras pa ang aming nilakbay at narating namin ang isang tulay na gawa sa kahoy. Narating na naman sa wakas ang aming destinasyon.
“Narating na natin ang bayan ng Ysgarda. Mukhang nakatakda na talaga ang inyong pagkikita, kamahalan?” saad ni Sakar sa akin at hindi ko na mapigilang lakarin ang tulay na gawa sa kahoy.
Nasa kalagitnaan na ako ng makita kong walang sumusunod sa akin.
“Kamahalan!” sigaw sa akin ni Kahan at sumisenyas siya sa akin na bumalik at bago ko paman iyon magawa ay may naramdaman na akong malakas na hangin.
Hindi maaring mangyari ito. Napatingala ako at isang malaking grypus ang lumilipad at galit ang mababanaag sa mukha nito.
Bakit kung kelan pa malapit na ako sa aking tadhana ay saka pa nagpakita ang halimaw na ito.
Agad kong kinuha ang aking espada at naghanda sa posibleng pagatake nito. Tumakbo ako papunta sa kabilang parte ng tulay na. Maraming puno ang nahihintay doon at mas maigi na doon ko labanan ang nilalang na ito. Mahina ang kanilang utak at tanging pag-atake lamang ang alam nila kaya alam kong kaya ko itong harapin.
Bago ko paman narating ang kabilang parte ng tulay ay naramdaman ko na ang paparating na grypus at handa na itong dambain ako ngunit agad kong winasiwas ang ang espada at umilag siya dahil muntik ko nang matamaan ang kanyang tuka.
Nagtago ako sa isang puno ngunit alam kong naaamoy niya pa rin ako. Hanggang sa isang malakas na paghampas sa mga puno ang naramdaman ko at para isang buhawi ang lakas ng pagaspas ng pakpak ng grypus. Nakita niya ako at mabilis niyang tinakbo ang kinaroroonan ko para sugurin ako.
Sa puntong iyon ay wala na akong pagtataguan at tanging espada ko nalang ang aking maaasahan. Nakahanda na ako sa kanyang pagsugod.
Ngunit bigla akong nakarinig ng isang tunog na galing sa isang plawta. Nakakaakit na tunog na para ba akong dinuduyan sa ulap sa sandaling narinig ko iyon. Unti-unting humina ang takbo ng grypus patungo sa akin at maging ako ay di na alam ang sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay dahil sa napakagandang tugtugin na iyon.
Itutuloy…
Kabanata 3: Unang Pagkikita
Tahanan ng Pinuno
Tangan ko pa rin sa aking isipan ang lahat ng ibinunyag sa akin ni Tandang Jabir o mas maiging sabihing si Jabir dahil sa nagpapanggap lamang siya bilang isang normal na tao. Marami akong katanungan na gustong masagot ng aking ama at habang papalapit ako sa silid niya ay mas lalong umiigting ang aking galit na nararamdaman.
Nagbabasa siya ng libro nang madatnan ko siya sa kanyang mesa. Bilang pinuno ng bayan ay sa kanya nakasalalay ang lahat ng pamamalakad at pamamahala sa maliit na bayan na ito na nasa tuktok ng kabundukan ng Ysgarda. Bilang magaling na mandirigma, sa kanya ko natutunan ang lahat ng nalalaman ko sa paghawak ng espada. Mga tamang pamamaraan sa pakikipaglaban at tamang paraan ng pagtigil kung kinakailangan.
Humarap siya sa akin at nakita ko ang pagbabago ng ngiti na sinalubong niya sa akin.
"Hanggang kailan mo binabalak na itago sa akin ang lahat, Ama? Buong buhay ko... buong buhay ko parati kong dinadala sa puso ko na isa akong sinumpang nilalang kaya ganito ang aking anyo. Pero hindi pala, dahil taglay ko pala sa aking katauhan ang totoong pagkatao ng aking ina," hindi ko napigilang mapabulyaw sa kanya.
Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at mabilis akong nilapitan upang aluin ngunit nilayo ko ang sarili ko sa kanya.
"Dani'ya, patawarin mo ako. Gusto ko lamang na pangalagaan ka sa abot ng aking makakaya. Iyon ang pinangako ko sa iyong ina. Alam kong nagkamali ako na hindi sabihin sa iyo ang katotohanan habang maaga pa, ngunit naduduwag ako. Natatakot ako na baka tuluyan kang lumayo sa akin sa oras na malaman mo ang hiwagang nakabalot sa pagkatao mo."
Umiling ako at pinakita ko sa kanya ang aking hinanakit.
"Tama ba na ipagdamot mo sa akin ang katotohanan? Dalawampung taon! Ganun niyo na katagal itinatago sa akin ang lahat. Wala ba talaga akong karapatan para pumili ng ano ang nararapat kong gawin sa buhay ko kaya niyo inilihim sa akin ang lahat?"
"Mapapahamak ka, Dani'ya. At hindi ko hahayaan na mangyari yun sayo. Patawarin ako ng mga diyos ngunit hindi ako nagkamali na pangalagaan ka. Wala akong ibang nais kundi ang mapabuti ka."
Hindi ko napigilang lumuha at mabilis akong niyakap ng aking ama. Masakit ang katotohanan ngunit siguro ay ito na rin ang nagpalaya sa akin ng tuluyan. Alam ko na hindi ako isang normal na tao. Kabahagi ko ang spiritwal na mundo. At mas lalong dapat kong pangalagaan ang sarili ko.
Hindi nagtagal ay may malakas na ugong akong narinig at maging si Ama ay napabitaw sa aking pagyakap. May pumasok din sa silid ng aking ama at si Lumas iyon, ang mensahero.
"Pinuno! May mga taga imperyong nakapasok sa kagubatan. At maaring anumang sandali ay nandito na sila sa paanan ng bundok."
“Pakawalan ang grypus! Hindi sila maaaring makatapak sa ating bayan! Ngayon na!” utos ni ama at nalukot ang aking noo sa aking narinig sa kanya.
Agad kong pinigilan si Lumas sa kanyang binabalak na gawin. Hindi ko siya hahayaan na pakawalan ang grypus. Alam nila na mapanganib ang nilalang na iyon at gagamitin nila para saktan ang mga taga imperyo na hindi manlang nalalaman ang pakay?
"Alam niyong mapanganib ang grypus na iyon! Bakit niyo pakakawalan? Alam niyo ba kung anong pakay nila? Hahayaan niyo bang isipin nila na isa tayong lupon ng mga barbaro? Hindi tayo ganoon, ama?"
"Sasakupin nila tayo, Dani'ya! Gahaman ang mga taga imperyo at hindi ko hahayaan na masaktan nila ang kahit na sino sa ating bayan. Lalo na ikaw."
Mabilis na kumilos si Lumas at lumabas ng silid. Tinanggal ko ang paghawak ni ama sa aking kamay. At mabilis din akong tumakbo para sundan si Lumas sa kweba na pinagkulungan ng grypus.
Tinawag pa ako ng aking ama ngunit tumalon na ako sa puno at mabilis na binaybay ang bubong ng mga bahay para maabutan ko si Lumas. Ngunit natunugan na niya ang balak ko kaya huli na ako. Hindi ko pa man nararating ang bukana ng kweba ay malakas na pagaspas ng hangin na ang lumamyos sa aking katawan. Nakalipad na ang grypus. At maaring mapahamak ang mga taga imperyo na nasa kagubatan ngayon.
Sinundan ko ang mabilis na daan patungo sa gubat. Alam kong pag nakatawid na sa tulay ang mga tao ay tiyak ang kanilang kamatayan. Hindi basta bastang nilalang ang isang grypus. Ang kanilang mga tuka ay parang espada na kayang hatiin sa dalawa ang katawan ng sinumang aatakihin nila.
Nakita ko ang pagtitipon ng mga bantay sa tarangkahan ng bayan ngunit nakapuslit ako. Mabilis ang aking kilos. Iyon ang isang katangian na natatangi sa akin. Parang nakasakay ako sa hangin kapag tumatakbo ako. Kapalit noon ang mabilis ding pagkawala ng enerhiya ko para lumaban.
Nakita ko ang tulay. At hindi nga ako nagkamali, nasa isang panig ang ilang kalalakihan na nakasuot ng mga baluti at nakahawak sa kanilang mga espada. Hindi maitatanggi na mga taga imperyo sila.
Pero huli na ako para pigilan sila dahil nakita ko na ang grypus. Nasa gitna na ito ng tulay at may isang taong naroon. Hawak niya ang kanyang espada at winasiwas niya ito na muntik nang tumama sa tuka ng grypus na dahilan para lumayo ito sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya. Tumakbo siya papunta sa aking kinaroronan. Nagtago ako sa taas ng puno at hindi nga ako nagkamali sa aking hinala, aatake ang grypus gamit ang kanyang pakpak kaya napakapit ako sa malaking sanga upang di ako matangay ng mala buhawi na pagaspas ng kanyang pakpak.
Napabalikwas ako nang malaman kong tumigil na ito at hindi ko na napigilang kunin mula sa aking sabitan sa bewang ang aking plawta. Nanganganib ang buhay ng lalaking inaatake ng grypus. Kailangan ko siyang iligtas. Hindi ko alam kung bakit may naguutos sa akin na iligtas ko siya.
Agad kong nilagay sa aking labi ang plawta at maingat na inihipan ito. Pinatugtog ko ang melodiyang nakakapagpatulog ng sinumang makakarinig nito. At mabilis na sumipol ang plawta na dahilan upang marinig ito ng grypus. At dahil doon ay bumagsak ito sa lupa. Nakatulog ito sa aking pagpapatugtog at napahinga ako ng malalim. Mabilis akong tumakbo patungo sa kinaroroonan nito at nakita ko nga ang nakahandusay na lalaki at laking pasalamat ko na hindi siya tinamaan ng kahit na ano.
At nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang mukha ng lalaking iyon. Alam kong nakita ko na siya. At para bang may kung anong ngiti ang gumuhit sa aking labi. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Parang may kung anong humuhugot sa akin patungo sa kanya at mas lalong pagmasdan ang kanyang mukha.
Pero nakarinig ako ng mga yapak ng paa na papalapit sa aming kinaroroonan kaya mabilis akong nagtago sa isang malaking puno.
"Kamahalan! Kamahalan!" tawag ng mga kawal ng imperyo.
Kamahalan? Kung ganun... Siya ang emperador ng Raijin?
- - - - - - - -
Tahanan ni Jabir
Nagising ako sa isang maliit na silid na naiilawan ng mumunting kandila. May nakatapal sa aking katawan na mga dahon. Napabaling ako sa aking paanan at nakita ko si Sakar na aligaga sa kanyang ginagawa.
"Sakar?" tawag ko sa kanya na napabaling siya sa akin at gulat na lumapit sa akin.
"Kamahalan! Mabuti naman at nagising ka na! Pinag-alala mo ako ng sobra. Akala ko talaga natamaan ka na ng tuka ng grypus na iyon."
Napangiti siya habang sinusubukan kong umupo sa maliit na higaan. Dahil sa laki ng aking katawan ay para na itong higaan ng isang maliit tao.
"Nasaan tayo? Narating na ba natin ang bayan ng Ysgarda?" agad kong tanong sa kanya na tinanguan niya naman. Napahinga naman ako ng malalim at ibinuga iyon dahil matapos ang mapanganib na aming pinagdaanan ay narating din namin ang bayan na ito.
“Mabuti na lamang talaga at niligtas ka ng lalaking iyon. Kung hindi dahil sa kanya, naging katapusan na ng inyong buhay.”
Napalukot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya. At biglang bumalik ang aking ala-ala. Ang tunog ng plawta bago pa man ako mawalan ng malay.
Iyon marahil ang naging dahilan para hindi ako tuluyang nadamba ng grypus. At agad kong tiningnan si Sakar na kanina pa nakangiti.
"Sa totoo lang, hindi ako makapaniwala na isa palang lalaki ang binatang iyon. Kung hindi pa siya nagsalita sa harapan ng kanyang ama, hindi ko talaga masabi."
Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Sakar. Kaya tumayo ako at hinanap ang aking kasuotan ngunit hindi ko iyon mahanap.
"Nakausap niyo na ba ang pinuno ng bayan na ito? Nasiwalat niyo na ba ang pakay natin?"
"Kausap na siya ni Kahan ngayon. At mukhang kailangan mo ring magtungo sa kanyang tahanan. Dahil mukhang nahanap na natin ang inyong tinutukoy na lalaking inyong mapapangasawa."
Napabaling akong muli kay Sakar na may katanungan sa aking mata.
"Kamahalan. Siya ang nagligtas sa iyong buhay. Ang iyong mapapangasawa," hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ni Sakar.
"Dalhin mo ako sa kanya. Kailangan kong masiguro na siya nga ang sinasabi ng shaman sa akin."
Tumango lang si Sakar at naunang lumabas ng silid. Napayuko ako dahil sa tangkad ko ay hindi ako nagkasya sa pintuan ng silid na iyon.
Naabutan ko sa labas ng silid ang isang matanda na kausap ang isang babae. Napabaling sa akin ang matanda at kita ko sa mata niya ang pagkabahala. Marahil ay dahil sa alam na nila na ako ang emperador.
"Kamahalan, siya si Tandang Jabir. Ang may-ari ng tahanan na ito."
Yumukod sa akin ang matanda maging ang babaeng kasama niya.
"Kinagagalak kong makilala ka, Tandang Jabir. Isang pasasalamat ang aking maibibigay sa iyo bilang pagtanggap sa akin."
"Ikaw ang emperador ng Raijin. Ang isinumpang lupain ng mga diyos. At alam kong narito ko upang kunin ang magpapalaya sa iyo sa sumpa."
Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang lahat ng iyon. Bakit niya alam ang mga bagay na iyon?
"Ipagpatawad ninyo, may kapansanan sa kanyang pag-iisip ang Tandang Jabir. Hindi po sita makausap ng matino."
Pero kahit nagpaliwanag pa sa akin ang babaeng kasama ng matanda, alam kong may alam siya sa aking sumpa.
"Hindi ko hahayaan na kunin mo siya. Dahil sa oras na kunin mo siya, isang digmaan ang hindi mo kakayaning ipanalo. Hindi mo maaring kunin ang isang hiyas mula sa kanyang kinabibilangan dahil isang sakuna ang hindi mo mapipigilan."
Hindi ko na siya pinakinggan at nagtuloy palabas sa tahanan niya. Maging si Sakar ay nahihiwagaan din habang magkasabay kaming naglalakad sa may kadilimang daan. Malayo sa kapitolyo na sagana sa ilaw at buhay na buhay ang mga daanan dahil sa kalakalan at aliwang nagaganap tuwing gabi, napakapayapa ng lugar na ito. At ang maliwanag na sinag ng buwan ang tanging liwanag na gagabay sa iyo.
"Mukhang hindi lang ang pinuno ng bayan ang may ayaw sa iyo, pati ang matandang iyon. Hindi na siguro tayo makakalabas dito ng buhay, kamahalan?"
"Hindi tayo uuwi ng palasyo na hindi ko dala ang aking mapapangasawa. At hindi ang matandang iyon o ang pinuno ng bayan na ito ang makakapigil sa akin."
Narating namin ang isang malaking bahay na napapalibutan ng mahalimuyak na amoy. At parang hindi ko mapigilan ang sarili kong makaramdam ng pagnanasa.
"Naaamoy mo ba ang halimuyak na iyon, Sakar?" tanong ko sa aking kaibigan na nalukot lamang ang noo.
"Wala akong naaamoy maliban sa usok galing sa chimineya ng bahay na ito. At ito ang bahay ng pinuno. Naririnig ko na ang bunganga ni Kahan mula rito."
Kung ganun? Ako lamang ang nakakaamoy ng mabangong halimuyak na iyon na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Para akong inaakit nito.
Pagbukas ni Sakar ng pinto ay mas lalong lumakas ang mabangong halimuyak na iyon. At para ba akong hinuhugot patungo sa kanya. Alam kong nasa loob ang taong pinanggagalingan ng amoy na iyon.
Ang boses ni Kahan at ang isa pang boses na nagbabangayan ang aking naririnig. Ngunit nawawala ako sa aking katinuan. Ang amoy na iyon ang aking sinusundan. Napahakbang ako sa isang hagdanan. At nang marating ko ang ikalawang palapag ng tahanan na iyon ay nakita ko ang isang nilalang na nakaupo sa isang silya habang hawak ang isang bandolino.
Hindi ako maaaring magkamali. Siya ang nasa panaginip ko. At nang magtama ang aming mga paningin ay para bang tumigil ang buong paligid.
At siya lamang ang aking nakikita. Ang kanyang mata. Ang kanyang manipis na labi. Ang mahaba niyang tuwid na buhok. Ang napakaganda niyang mukha na walang kasintulad.
Ang aking hiyas na hinahanap.
Itutuloy…
Kabanata 4: Balakid
Tahanan ni Farok
Nakatitig lang ako sa kanya habang siya rin ay nakatitig sa aking mga mata. Pinakikiramdaman namin ang isa’t-isa. Kami lamang ang nasa mundo ng mga sandaling iyon. At tila dinala kami sa ulap dahil sa galak at sayang nadarama ko na alam kong nararamdaman niya rin.
Tumayo siya at yumukod sa aking harapan. Siguro nga ay kahit ganito ang pakiramdam namin sa isa’t-isa, naroon pa rin ang katotohanan na ngayon pa lamang ang aming pagkikita.
“Hindi mo na kailangang magbigay galang sa akin. Alam kong nararamdaman mo ang nararamdaman ko ngayon,” nakangiti kong saad sa kanya at muli niyang tinaas ang kanyang ulo at nasilayan kong muli ang kanyang napakagandang mukha.
“Ikaw ang emperador ng Imperyong Raijin. Bilang ordinaryong tao ay kailangan kong magbigay galang. Maligayang pagdating sa Ysgarda, kamahalan. Ako si Dani’ya” malalim ang kanyang boses na talagang nakakamangha. Napakaganda ng mukha niya ngunit isa siyang lalaki. Siya nga talaga ang sinasabi ng shaman sa akin.
“At ikaw ang nakatakdang maging imperatris ng Raijin kaya’t pantay na ang ating posisyon sa imperyo,” saad ko sa kanya na kinalukot ng kanyang noo.
Lumapit ako sa kanya at hinaplos ko ang kanyang mukha. Hanggang sa mahaplos ng aking daliri ang kanyang malambot at mapulang labi. Gusto ko siyang halikan sa mga sandaling iyon. Parang may pwersa humuhugot sa akin na gawin iyon pero kailangan kong pigilan ang sarili ko.
Alam kong kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang aking pinagparito. Gusto kong malaman niya ang akong intensyon.
“Wala akong nakitang nilalang na katulad mo, Dani’ya. Ako si Rakim. At hindi mo ako kailangang tawaging emperador. Alam kong naguguluhan ka sa nangyayari. Handa akong ipaliwanag ang lahat sayo.”
“Kama… Rakim? Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy mong nararamdaman ko, pero kailangan ko nang pumanhik sa aking silid. Masiyado akong napagod sa araw na ito. At nasa mabuti ka namang kalagayan kaya, maiiwan na kita.”
Napalukot ang noo ko. Ang buong akala ko ay pareho ang nararamdaman namin. Itong paghanga na nararamdaman ko. Kung higit man doon ang nadarama ko, wala na akong pakialam. Ngunit ang bigla niya akong talikuran? Tinatanggihan niya ba ako? “Kung ano man ang nais mong ipaliwanag sa akin, sa umaga na lamang natin pag-usapan ang lahat. Magandang gabi, Rakim.”
Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na magsalita? Ganun ba siya kahirap basahin at amuhin? Mukhang nagkamali ako sa pagtantiya sa pagkatao niya.
Napangiti ako ng lihim. Mukhang hindi mapapadali ang aking pagkuha sa kanya. Nakahanda ako kahit ano man ang mangyari. Hindi ako aalis ng Ysgarda nang hindi ko siya kasama.
Pagkababa ko ng hagdanan ay narinig ko na ang ingay sa loob ng silid na sinasabi ni Sakar na tanggapan ng pinuno ng bayang ito. Pumasok ako at napailing na lamang ako sa aking nakita.
Si Kahan ay busangot ang mukha at si Sakar naman ay pilit na pinipigilan ang pagtawa habang nakikinig lamang sa bangayan ng dalawang kalalakihan.
“Ang anak mo mismo ang nagsabi na kayo ang nagpakawala ng grypus na iyon. Hindi niyo ba alam ang bigat ng parusa na ipapataw sa inyo sa pagkapahamak ng buhay ng mahal na emperador?”
“Hindi sakop ng imperyo ang Kabundukang ito. Baka nakakalimutan na ninyo na kayo ang nangahas na pasukin ang lugar na ito. Kami ay namumuhay ng mapayapa. Tapos lulusob kayo? Sa tingin niyo ba hindi kami nakahanda ss mga ganitong pagkakataon?”
Naglakad ako sa kanilang kinatatayuan. Napabaling sa akin ng tingin ang dalawa. Dahil di hamak na mas matangkad ako sa kanila ay napatingala sila sa akin. Naramdaman ko naman ang pagkaalarma ng kausap ni Kahan.
“Kamahalan! Ano po ang ginagawa ninyo rito? Dapat nagpapahinga po kayo dahil ss mga sugat ninyo!”
Umiling ako kay Kahan habang nakatingin lang sa ginoong kaharap niya. Mahaba ang kanyang buhok at nahahaluan na ito ng mga puting kulay. Nakapungos ang gitna nito gamit ang gintong ipit na may emeraldong bato sa gitna. Ang kanyang kasuotan ay puting roba na may itim na mga manggas at kakikitaan siya ng kakisigan. Isa siyang mandirigma dahil sa mga peklat na napapansin ko sa kanyang mga kamay.
“Ipagpaumanhin ninyo ang aking pagsugod sa inyong bayan. Hindi ako naparito upang guluhin ang kapayaan ng lahat ng narito. Ako ay narito upang kunin ang aking mapapangasawa. At sa tingin ko ay dito sa tahanang ito naninirahan ang aking mapapangasawa.”
Napangiti ako sa ginoo na hindi naman maunawaan ang aking mga sinasabi.
“Ginoong Farok, ang tinutukoy po ng mahal na emperador ay ang iyong anak. Ang nagligtas sa kanyang buhay mula sa inyong kapangahasan.”
Napatingin kay Kahan at Sakar ang ginoo na tinatawag na Farok na siya palang ama ni Dani’ya.
“Mapapangasawa? Ang anak ko? Hah! Nasisiraan na ba kayo ng bait? Lalaki ang anak ko! Paanong nangyari na siya ang mapapangasawa mo?”
“Itinakda ang aming pagkikita, Farok. At walang kahit na anong pwersa ang makakapigil sa akin na tuparin ang tadhanang nilahad sa akin ng mga spiritu.”
Umiling si Farok at dinamba niya ang kanyang mesa. Alam kong hindi niya rin maintindihan ang mga nangyayari.
“Isang shaman ba ang nagsabi sa iyo na siya ang iyong mapapangasawa? Tama ba ako, kamahalan?”
Tumango ako sa kanya ngunit malakas lamang ang kanyang pagtawa na kinagalit lalo ni Kahan ngunit pinigilan ko siya sa binabalak niyang gawin sa ama ni Dani’ya.
“Kailangan kong malaman kung sumasangayon ka sa aking binabalak na pakikipag-isang dibdib sa iyong anak. Dahil nais kong maging makatao pa rin ang pakikitungo ko sayo bilang ama ng aking mapapangasawa.”
“Hindi mo alam ang sinasabi mo. Hindi ko kailanman ibibigay ang anak ko. Mamamatay muna ako bago niya makuha mula sakin!”
Maging si Farok ay ayaw ding ipahintulot na makuha ko mula sa kanya ang kanyang anak.
“Kung gayon, nakahanda ako na kunin siya sayo kahit pa may magbuwis ng buhay. Iyon ba ang nais mong mangyari, Farok?”
“Kamatayan ang naghihintay kay Dani’ya sa oras na umalis siya sa bayang ito!” sigaw ni Farok habang nagtatagis ang luha niya na ngayon ko lamang nakita sa isang lalaki.
Mukhang may hindi ako nalalaman na sila lamang ang nakakaalam. Ano ba ang mangyayari kay Dani’ya kung siya ay umalis sa bayang ito?
- - - - - -
Paaralan ng Ysgarda
Naririnig kong nagbubulungan ang mga magulang ng mga batang tinuturuan ko ng musika. At alam kong si ama at ang mga taga imperyo ang pinag-uusapan nila.
Hindi ako nakatulog ng maayos ng nakaraang gabi dahil iniisip ko ang mukha ni Rakim. Ang taong palaging laman ng panaginip ko, sa wakas ay nakita ko na rin. Aaminin ko, naroon ang kakaibang pakiramdam na para bang gusto kong yapusin at damhin ang kanyang katawan. Hindi ko kailanman naramdaman ang bagay na iyon sa kahit kanino.
Kakaiba ang pakiramdam na hatid niya sa akin at natatakot ako. Ayokong tuluyang mahulog sa pakiramdam na iyon. Dahil ayokong magkamali. Ayokong matulad ako sa aking ina.
Kamatayan. Iyon ang dahilan kung bakit pinagbabawalan tayong magmahal sa isang mortal. Dahil kamatayan ang dala nila sa atin.
Lumapit sa akin ang mga bata at nginitian ko silang lahat bago ako magsimulang turuan sila ng bagong melodiya gamit ang aking bandolino.
Hindi pa man ako nakakapagsimula ay nagsilapitan na sa akin ang mga bata at banaag sa mukha nila ang takot. Napatingin ako sa bakuran ng paaralan at naglalakad palapit sa kubo na kinaroroonan ko si Rakim.
Kung iisipin, napakalaking tao niya. Parang oso ang laki ng kanyang katawan. At wala pa akong nakitang tao na kasing tangkad niya. Hapit na hapit sa kanya ang robang suot niya kaya kitang kita kahit mga litid ng ugat sa maumbok niyang pangangatawan.
Napatayo ako at binilin sa mga bata na hintayin lamang ako sa loob ng kubo.
Naglakad ako upang salubungin siya. Nakangiti siya sa akin at may dala siyang mga bulaklak na hindi ko maintindihan ang ibig sabihin.
“Magandang umaga, Dani’ya. Ang sabi ng mga tao ay narito ka sa paaralan. Kaya dinalhan kita ng mga bulaklak. Sana ay magustuhan mo.” Inabot niya sa akin ang mga bulaklak at tinanggap ko naman ang mga iyon pero nakatitig lang ako sa kanya na walang emosyon.
“Wala ka man lang bang sasabihin sa iyong manliligaw?”
Nalukot ang noo ko. Manliligaw? Wala akong alam sa konseptong panliligaw dahil kailanman ay hindi ko pa iyon naranasan.
“Rakim ang nais mong itawag ko sa iyo diba?”
Tumango siya na nakangiti. Alam kong sa loob ko ay hindi ko maitanggi ang paghanga sa kanya. Sa kabila ng malaki niyang pangangatawan at nakakatakot na presensiya, naroon ang tunay na hangarin niya.
“Una sa lahat, natatakot sa iyo ang aking mga estudyante. At pangalawa, hindi ako babae para dalhan mo ng bulaklak at ligawan. Pero dahil binigay mo na ito, sayang naman kung itatapon ko lang. Magandang palamuti ito sa kubo.”
Tatalikuran ko na sana siya pero bigla niyang hinawakan ang aking braso na nagpatigil sa akin sa gagawin ko.
“Tatapatin na kita. Ikaw ang sinadya ko rito, dahil ikaw ang nakatakda kong mapangasawa. Alam kong isa kang lalaki, at maging ako ay hindi rin maalis sa isipan iyon. Pero alam kong hindi nagsisinungaling ang nararamdaman ko.”
“Mapapangasawa? Nahihibang ka ba? Alam mo ba ang mga sinasabi mo? Isa kang emperador ngunit ang iyong isipan ay malayo ss iyong estado.”
Mas hinigpitan niya ang hawak sa aking braso ng subukan kong pumiglas sa kanya.
“Alam kong hindi mo naiintindihan ang lahat sa ngayon. Kaya nga nandito ako para bigyan mo ng sapat na panahon para patunayan sa iyo ang totoo kong nararamdaman. At hindi na sa akin mahalaga kung isa kang lalaki. Ang mahalaga sa akin, alam kong malalim ang aking nadarama para sayo kahit sa panaginip lamang kita nakikita.”
Panaginip? Kung ganun, napapanaginipan niya rin ako? Pareho naming napapanaginipan ang isa’t-isa.
“Marami akong gustong malaman. Ngunit mas mabuti na rin sigurong ngayon pa lamang ay tumigil ka na sa iyong binabalak. Pareho tayong lalaki. Isang kapangahasan ang sinasabi mo. Bibigyan lamang natin ng kahihiyan ang isa’t-isa.”
Umiling si Rakim at hinugot ako palapit sa kanya. Napalunok ako dahil niyuko niya ang kanyang ulo para maglapit ang aming mga mukha.
“Kung ganun, hayaan mong ipadama ko sa iyo ang nararamdaman ko, Dani’ya.”
Mabilis na inilapat niya sa akin ang kanyang labi na kinagulat ko. Iyon ang kaunaunahang pagkakataon na may lumapat sa aking labi. At para bang sa isang iglap, hindi ko na nakontrol ang aking sarili. Ang init na mula sa kanyang labi ay nagbigay daan upang tumugon ako sa kanyang ginagawang paghalik sa akin.
Para akong nasa ulap sa mga sandaling iyon. Parang siya lamang ang naroon at ipinikit ko ang aking mga mata. Nararamdaman ko ang kakaibang ligaya sa aking kalooban. At hindi ko alam kung mapipigilan ko pa bang di tumugon sa kanya.
Parang pinagbuklod na kami ng kalangitan sa mga sandaling iyon. Bago ko pa man napagtanto na nagkawalay na kaming dalawa sa mainit na halikan.
Nakatingin lamang si Rakim sa akin habang nakangiti at mabilis kong inilayo sa kanya ang aking katawan.
“Kahit anong pagtanggi mo, alam kong pareho nating nararamdaman ang isa’t-isa. Kaya hindi ako susuko hanggang hindi ka pumapayag sa aking nais na mangyari.”
“Isang kabaliwan ang nararamdaman natin. Hindi maaaring magsama ang dalawang taong magkaiba ang mundo at mas lalong hindi dapat dahil pareho ang ating kasarian! Naiintindihan mo ba ako?”
“Ang kasarian natin ay walang kinalaman sa nararamdaman natin. At handa kong ipaglaban iyon. Kaya sana pag-isipan mong mabuti ang aking mga sinasabi sayo, Dani’ya.”
Nilisan ni Rakim ang bakuran ng paaralan at naiwan akong sinusundan ng tingin ang kanyang likuran.
Itutuloy…
Kabanata 5: Hiyas
Tahanan ni Farok
Walang imik si Farok habang nasa mahabang mesang hapagkainan kami at magkaharap. Pinagsasaluhan namin ang isang pananghalian kasama ang aking mga kawal at ang dalawa kong kaibigan na wala nang ginawa kundi magbangayan.
“Hindi ako aalis sa Ysgarda na hindi kasama si Dani’ya, Farok. Linahad ko na sayo ang aking layunin and ninanais sayong anak. Alam kong hindi ko matutumbasan ang pag-iingat mo sa kanya ngunit sapat na ang nadarama kong pag-ibig para sa kanya. Sapat na iyon para patunayan sa iyo na pangangalagaan ko siya.”
Umiling si Farok bilang pagsuway sa aking mga nilahad sa kanya. Sadyang mahirap kunin ang kanyang loob. At hindi ko kailanman dadaanin sa pwersa ang lahat dahil ayokong kamuhian ako ni Dani’ya sa bandang huli.
“Ginoong Farok? Bakit ba natatakot kayo na ipaubaya sa mahal na emperador ang iyong anak? Kung pangangalaga lamang ang iyong inaalala, marami kaming nakahandang pangalagaan siya. Proprotektahan namin siya laban sa lahat ng masamang bagay,” pagsuporta naman sa akin ni Sakar.
“Isang karangalan na piliin ng emperador ang iyong anak bilang kanyang kabiyak sa kabila ng lahat ng balakid sa kanilang dalawa. At mas mapapabuti ang kalagayan ni Dani’ya kung nasa piling siya ng emperador,” dagdag pa ni Kahan sa ama ni Dani’ya.
“Si Dani’ya ay anak namin ni Prasha. At ang kanyang ina ay isang nympa.”
Napakunot ang noo ni Kahan at Sakar at hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksiyon nila sa sinabi ni Farok.
“Isang nympa? Teka, ang sinasabi mo Ginoong Farok ay bunga si Dani’ya ng pag-iibigan niyo ng isang nympa? Paanong nangyari yun?”
“Ano ang ibig sabihin nito, Sakar?” tanong ko sa aking kaibigan dahil naguguluhan ako sa kanilang palitan ng mga salita.
“Karugtong ng buhay ni Dani’ya ang spiritwal na mundo. At kapag linisan niya ang Ysgarda, kamatayan ang naghihintay sa kanya.”
Umiling ako at hindi ko napigilang mapadamba sa malaking mesa na kinabuwal ng maraming kasangkapan.
“Sinasabi mo lang ba ito para tuluyan kong layuan ang iyong anak? Dahil ano pa mang klaseng nilalang si Dani’ya, hindi nun mababago ang nararamdaman ko para sa kanya!”
“Sa oras na may mangyari sa inyong dalawa, kamahalan. Ayon sa aking nalalaman sa mga alamat na kwento sa akin ni Tandang Amira, tuluyang mapuputol ang kaugnayan ni Dani’ya sa spiritwal na mundo na siyang nagbibigay sa kanya ng buhay,” lahad ni Sakar sa kanyang nalalaman.
“May kakayanan si Dani’ya na magbunga ng supling. At iyon ang magiging kapalit ng buhay niya. Kagaya ng pagkawala sa amin ng kanyang ina,” mahinahong dugtong naman ni Farok na nagpalinaw na ng lahat.
Hindi ko lubusang maintindihan kung bakit may ganitong kalagayan si Dani’ya. Kamatayan dahil sa kakayanan niyang magbigay ng supling?
“Kung gayon, ibig bang sabihin ay walang ibang paraan kung paano puputulin ang sumpang iyon? Alam kong lahat ng bagay ay may solusyon. At gagawin ko ang lahat upang masiguro kong hindi masasaktan si Dani’ya.”
Biglang may dumating sa aming pagtitipon at nakatutok ang mata ng matanda sa akin. Hindi ko alam kung ano ang kanyang nais na sabihin ngunit alam kong ayaw niya rin na kunin ko mula sa kanya si Dani’ya. Mahiwaga ang pagkatao ng matanda. Parang nagtatago siya sa isang maskara at hindi ito ang tunay niyang anyo.
“Isang bagay lamang ang makakapagwakas ng sumpang iyon. Ang muli siyang mabuhay.” walang pag-aalinlangang saad ng matanda sa aming lahat ng kinagulat ng aking mga kasamahan.
“Jabir! Nahihibang ka na ba talaga? Bakit mo sinasabi sa kanilang ang bagay na iyan?” galit na usal ni Farok sa matanda.
Alam kong hindi ito ang tunay na anyo ng matanda kaya agad kong kinuha ang aking espada at tumayo upang itutok sa leeg ng matanda ang katalimang bahagi nito.
“Ipakita mo sa akin ang tunay mong pagkatao, tanda. Ayaw na ayaw kong nililinlang ako ng kahit sino man. Kaya ngayon din, ipakita mo sa akin kung sino kang talaga!”
Alam kong nakakagimbal at nakakatakot ang aking boses kapag napupuno ako ng galit. At dahil doon ay lubha akong kinatatakutan ng lahat. Napayukod si Sakar at Kahan at maging si Farok ay hindi makaimik.
“Hindi mo ako mapapatay gamit ang simpleng espada lamang. Isa akong spirito at masiyadong matalas ang pakiramdam mo para sa isang normal na tao, mahal na emperador.”
Bago pa man ako makapagsalita ay unti-unti siyang nabalot ng liwanag. Tila kulay berde na asul ang liwanag na pumapalibot sa kanya. Isa nga siyang nympa.
At nagbago ang kanyang itsura. Tila nahihipnotismo ang sinumang makakakita sa kanya. At aaminin ko isa ako sa nadadala doon ngunit walang makakapantay sa gandang taglay ni Dani’ya. At tila ba siya na lamang ang may kakayanan na akitin ako. Wala ng iba pa.
“Alam kong hindi ka na tinatablan ng aking taglay na kakayanan. Lahat ng nympa ay ginawang kaakit-akit sa paningin. Dahil sa ikaw ay umiibig na kay Dani’ya kaya wala nang epekto ang aking hipnotismo.”
“Hindi ako narito upang alamin kung ano ang kakayanan mo o ano pang ninanais mong sabihin. Ang gustong kong malaman ay paano mapuputol ang sumpa kay Dani’ya!”
Napangiti lang sa akin si Jabir at mas lalo kong itinutok sa kanya ang aking espada. Hindi isang simpleng espada lamang ang aking hawak. Dahil gawa ito sa mismong pangil ng dragon na si Raijin. Ang nagtatag ng imperyo ng Raijin libong taon na ang nakakaraan.
“Si Dani’ya ay isang nympa. At ang spirito niya ay tuluyang mawawala kapag pinili niyang umibig sa isang mortal. At bibilis ang kanyang panahon sa mundo. Hanggang sa tuluyan siyang mawalan ng buhay.”
Nakita ko ang pagkalungkot ng mukha ni Farok nang marinig niya ang mga salitang iyon mula kay Jabir.
“At sa kanyang kamatayan, may tatlong araw siya upang mabigyan ng pagkakataong muling mabuhay. Bilang isang mortal.”
“Jabir! Tama na! Hindi na dapat maulit pa ang nangyari kay Prasha sa aming anak! Dahil kahit na sinong mandirigma ay hindi kakayanin ang pagsubok na kinakaharap niya makuha lamang ang spirito ng isang nympa.”
Napatiim bagang ako at muli naman ngumiti si Jabir sa akin dahil sa kanina pa ako naghihintay ng kanyang kasagutan. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at nabigo si Farok na mapagtagumpayan ang pagsubok na sinasabi ni Jabir ngunit nakahanda akong gawin ang lahat masiguro lamang na hindi mawawalay sa akin si Dani’ya. Kahit sa kamatayan ay susundan ko siya kung kinakailangan.
“Kailangan mong isuko ang iyong katawang lupa at maglakbay sa ibayong mundo gamit ang iyong spirito. Ang iyong kaluluwa. At may tatlong pagsubok na naghihintay sa iyo pagdating mo sa mundong iyon.”
“Kamahalan! Hindi ako makakapayag na isuko mo ang iyong buhay para lamang sa isang pagsubok na wala namang kasiguraduhan na ikaw ay magtatagumpay!”
Napabaling ako ng tingin kay Kahan at pinanlakihan ko lamang siya ng aking titig. Hindi ito ang panahon para makaramdam siya ng kaduwagan.
“Kapag napagtagumpayan mo lahat ng pagsubok ay kusang ibibigay sa iyo ang spirito ni Dani’ya na nakahimlay sa ibayong mundo. At iyon lamang ang kaisa-isang paraan upang makasama mo siyang muli.”
Hindi ko inaasahan na ganito pala kakomplikado ang lahat. Ito pala ang kapalaran ng aking minamahal. Ngunit sakali mang mangyari iyon ay nakahanda ako. “Ano ang nalalaman mo tungkol sa akong sumpa, Jabir?” tanong ko sa kanya dahil alam kong may nalalaman siya tungkol sa akin.
Bilang isang spirito ay mas nakakalamang siya ng kaalaman tungkol sa mga bagay na hindi hawak ng isang mortal.
“Ang sumpang hindi ka kailanman magkakaroon ng supling sa kahit na sinong babaeng iyong mapusuan? Nahanap mo na ang iyong kasagutan. Tanging si Dani’ya lamang ang makakapagbigay sa iyo ng ninanais mo.”
“Bakit ang emperador, Jabir? Bakit kailangang ang anak ko ang itinakda para sa kanya!” galit na sabat sa amin ni Farok.
“Gustuhin ko mang ipagtabuyan ang emperador ngunit nakatakda na ang kanilang pagkikita. Ilang beses kong sinubukang pigilan na dumating ang araw na iyon, ngunit hindi madidiktahan ang tadhana. Nakaukit na sa panahon ang lahat ng mangyayari. Magbabago lamang ang lahat kung si Dani’ya ang magpapasya.”
Si Dani’ya ang makakapagbago ng takbo ng mga bagay? Kung hindi niya pipiliing sumama sa akin, maaring hindi maganap ang mga bagay na posibleng mangyari. Ngunit kapalit noon ang pang habangbuhay na kalungkutan para sa akin.
“Kung gayon, isa lamang ang naiisip kong paraan upang malaman natin kung karapatdapat ba akong maging kabiyak ni Dani’ya. Mga pagsubok. At ikaw Farok, ikaw ang magtatalaga ng mga pagsubok na iyon. Kung hindi ako magtatagumpay, kusa akong aalis ng Ysgarda at hindi na gagambalain pa ang inyong kapayapaan. Ngunit kung ako ay magtagumpay, may pagkakataon akong tanungin si Dani’ya kung nais niya akong maging kabiyak o manatili sa lugar na ito.”
Napatahimik ang lahat sa aking mga nasabi. Iyon lamang ang naiisip ko upang maging patas ang lahat. Iniisip ko pa rin na sana ay madali lang ang lahat. Ngunit buhay ni Dani’ya ang nakasalalay kung sakaling piliin man niya akong makasama. At patas lamang na makuha ko siya sa tamang pamamaraan.
“Pumapayag ako sa iyong kagustuhan, kamahalan,” tugon ni Farok na siyang aking kinangiti.
- - - - - - - - - - - - - -
Kagubatan ng Ysgarda
Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang mga tagpo kaninang umaga sa paaralan ng mga bata. Napahawak at napisil ko ang aking labi dahil hindi ko malimutan ang ginawang paghalik sa akin ni Rakim. Naguguluhan ako. Bakit ganoon na lamang ang aking pagkagusto sa nangyari? Isa akong lalaki. Hindi ako dapat nakakaramdam ng ganoong pagnanasa sa isa pang lalaki.
Hinubad ko ang aking pang-itaas na kasoutan at tanging aking manipis na pang-ilalim lamang ang aking suot. Kita sa repleksyon ko sa tubig ang manipis ngunit hulmado kong katawan. Ang aking balat ay nangingintab sa pagtama ng sikat ng dapithapong araw sa aking balat.
Agad kong kinuha ang aking espada at pinakiramdaman ang paligid. Baka nagmamasid nanaman sa akin ang aninong umatake sa akin kailan lang. Agad kong winasiwas sa aking harapan ang aking espada dahil nakaramdam ako ng malakas na presensiya at nagulat ako na isang malaking tao ang nasa harapan ko. Wala siyang suot na pangitaas at talagang nakakamangha pagmasdan ang kanyang pangangatawan.
“Mahusay kang makiramdam sa iyong paligid. Tila ba isa kang eskwisitong manghahabi na kayang punan lahat ng kulang na sinulid sa kanyang mga hinahabing kasuotan.”
Napatingala ako sa nakangiting si Rakim at agad naman akong lumayo sa kanya. Mukhang galing din siya sa pagsasanay dahil sa pawisan ang kanyang katawan. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa init na nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang tila nililok na mga umbok sa kanyang dibdib at sa kanyang tiyan.
“Mukhang nakakasanayan mo na ang manirahan dito sa Ysgarda. Pati ang kagubatan ay alam mo na ang pasikot-sikot. Halos dalawang araw pa lamang simula nang dumating ka.”
Lumapit siya sa akin at mas lalo lamang bumilis ang tibok ng puso ko na hindi ko talaga mawari kung bakit.
“Ayaw mo ba na inaalam ko kung saan maaaring magpunta ang aking minamahal? Alam mo namang hinahanap hanap ka ng aking mga mata at kailanman ay hindi ako magsasawang tingnan ka sa malayo. At lalong hindi ko mapigil ang sarili ko habang kaharap ka ng ganito.”
“Pwede bang tigilan mo ako sa mga ganyang pananalita? Hindi ka ba nandidiri? Tsaka wala akong nararamdaman.”
Napangiti lang siya lalo at bigla niyang inilapat ang kanyang malaking kamay sa aking di gaanong maumbok na dibdib at para akong nakaramdam ng dumadaloy na kuryente sa kaloob-looban ko. Para akong inuutusan na mas lalong lumapit sa kanya.
“Iyon ba talaga ang nararamdaman mo? Bakit parang tuwang tuwa itong nandito habang hawak ko ang dibdib mo?” saad pa ni Rakim na nagpatayo ng mga balahibo ko.
Inilayo ko ang kamay niya at umalis ako sa kanyang harapan at nagtungo sa umaagos na bahagi ng ilog upang doon ipagpatuloy ang aking ginagawa. Pero hindi niya pa rin ako tinigilan.
“Samahan mo akong maligo. Matapos ang maghapong pageensayo, mukhang masarap maligo sa bahaging ito ng ilog. Hindi ba, mahal kong Dani’ya?”
“Tigilan mo nga ako sa kakatawag na “Mahal kong Dani’ya” dahil hindi mo ako kasintahan o kung ano pa man!“
Ngunit huli na na bawiin ko ang aking pagbaling dahil nakatambang sa aking harapan ang hubad na katawan ni Rakim. Hindi ko mapigilang mapalunok ng laway dahil sa napakagandang hubog ng pangangatawan niya. At iyong… Iyong pagkalalaki niya.
Parang ngayon pa lamang ako nakakita ng ganung kalaking ari sa tanang buhay ko.
Itutuloy…
Kabanata 6: Ang Itim na Serpiente
Kagubatan ng Ysgarda
Pilit kong kinakalimutan ang imahe ni Rakim sa aking isipan. Ngunit para bang isang ginuhit na larawan na nakatatak na agad sa aking isipan ang bawat detalye ng kanyang katawan.
“Huwag mong pigilan ang iyong sarili, mahal ko. Alam kong gusto mo ring maligo sa malamig na ilog na ito. Kaya samahan mo na ako rito,” nanunuya niyang paanyaya sa akin na akin namang kinataas ng kilay.
“Mas gusto kong pagtuonan ang pageensayo ko ng aking espada dahil ito ang magliligtas sa buhay ko sa sandaling nahaharap ako sa isang panganib.”
“Bakit mo pa kailangang pag-igihan ang pag-ensayo mo ng espada. Magaling ka na. At narito naman ako para ipagtanggol ka sa anumang kakaharapin mo.”
Napaikot ako at mabuti nalamang ay nakalubog na ang kalahati ng katawan niya sa tubig kaya’t hindi na ako naasiwa pa.
“Siguro naman sa puntong ito alam mo na kung bakit patuloy kitang tinatanggihan? Bukod sa parehas tayong lalaki. Wala kang makukuha mula sa akin. Hindi ako prinsesa. Hindi ako anak ng isang heneral o mayamang pamilya? At bukod pa doon, hindi ikaw ang tipo ko. Isang babae ang nais kong mapangasawa.”
Napangiti lamang si Rakim sa aking mga sinabi. Parang kahit ano namang sabihin ko ay hindi niya pakikinggan. At iyon ang kinakainis ko.
“Alam ko na ang lahat tungkol sayo, Dani’ya. At nakahanda akong gawin ang lahat, para lamang makuha ko ang loob mo at gagawin ko ang lahat upang ikaw ay aking maging kabiyak.”
Sa mga salitang iyon, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng saya. Ngayon pa lamang ako nakaranas ng ganitong klaseng emosyon. Simula pagkabata ko, tanging pangungutya lamang at kapalaluan ang nakukuha ko mula sa ibang tao. Kahit pa ako ang anak ng pinuno ng bayang ito, tila ba hindi ako nabibilang sa kanila. At si Rakim, siya pa lamang ang nagsabi sa akin na gagawin niya ang lahat upang makuha lamang ang loob ko.
Pero sa likod ng mga salitang iyon, alam kong hindi pa rin maaari ang gusto niya. Hindi kami pwedeng magkahulugan ng loob. Masasaktan lamang namin ang isa’t-isa.
“Nakatakda akong subukin ng iyong ama sa darating na mga araw. At ang mga pagsubok na iyon ay magtatakda ng iyong desisyon. Kung mabigo ako, aalis kami ng tuluyan at babalik ng kapitolyo. At hindi na tayo magkikita pa kahit kailan. Ngunit kung magtagumpay ako, bibigyan kita ng pagkakataon na magpasya kung sasama ka sa akin at maging kabiyak ko. O manatili rito sa Ysgarda sa habang panahon.”
Hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya. Bakit nila ginagawang sugal ang aking pasya? Wala ba akong karapatan na magsalita at magdesisyon ng sarili ko lamang? Bata pa ba ako para gawin nila iyon?
“At tinanong niyo man lang ba ako kung gusto ko ang inyong ginawa? Pinangunahan niyo na ako? Naturingan kang emperador ngunit wala kang pakialam sa damdamin ng ibang tao? Sabagay, mukhang nagagawa mo naman lahat ng gustuhin mo. Ang bastusin nga ako sa harapan ko ay nagagawa mo.”
Tumayo siya at wala na akong pakialam kung makita ko pa ang kahubdan niya. Nasa isipan ko na iyon at hindi na siguro iyon mawawala. Siguro di ko lang talaga maamin sa sarili ko na una pa lamang na makita ko ang kanyang mukha, naroon na itong pagtibok ng puso ko na hindi na humina simula ng araw na iyon.
“Dahil gusto kong patas kitang makukuha. Ayaw ng ama mo na kunin kita mula sa kanya. Alam ko ang isusugal ko kung sakaling piliin mo mang makasama ako, Dani’ya. Kaya sana hayaan mo akong gawin ang mga pagsubok na iyon. Sapagkat iyon lamang ang naiisip kong paraan.”
“Ano pa bang magagawa ko? Nakapagdesisyon ka na hindi ba? Ayokong may mapahamak na tao, lalo pa at isang emperador dahil lang sa gusto niya akong maging isang kabiyak.”
Napangiti siya at hinawakan ang aking pisngi na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Tila ba nagiging sanay na ang puso ko sa ganitong pakiramdam.
“Nakahanda akong makuha ka sa patas na pamamaraan. At kung ano man ang kahihinatnan ng aking haharapin, hindi ko pagsisisihan na nakilala kita, Dani’ya. At ikaw lamang ang mamahalin ko. Wala na siguro akong makikilalang tulad mo.”
Hindi na siguro napigil ng aming mga damdamin ang pagbugso nito kaya’t naramdaman kong muli ang mainit na labi ni Rakim na sumakop sa sarili kong labi. Ang bibig niya na tila ba nag-aapoy sa init. Ang aking kalamnan ay lumulutang sa hangin. Hindi ako makagalaw. Ang tanging gusto ko lamang ay tumugon sa halik ni Rakim. Ang halik niya na hinahanap-hanap ng aking katauhan.
Mas sumidhi ang kanyang paghalik sa akin at tinutugon ko iyon. Para kaming mga kamelyong uhaw na uhaw sa tubig ng disyerto. Uhaw kami sa isa’t-isa. Ngayon pa lamang ako nakaranas ng ganitong katinding pangangailangan.
Tumigil si Rakim at inilayo niya ako sa kanya. Nagkatitigan kami at napansin kong may matigas na bagay na hawak ang kamay ko.
“Gustuhin ko man, pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Kung alam mo lang kung gaano ko gustong sakupin ang buong katawan mo.”
Nakakaakit ang kanyang pananalita at doon lang ako bumalik sa aking wisyo at binitawan ko ang matigas niyang ari.
Natawa siya sa aking ginawa. At muli siyang lumusong sa dumadaloy na ilog.
“Rakim, ingatan mo ang sarili mo. Hindi basta ang mga pagsubok na ibibigay sayo ni Ama. Kilala ko siya. At kung sakaling may gawin siyang ikakapahamak mo, ako na mismo ang magpapatigil sa lahat ng ito.”
“Siguro naman, may tiwala ka sa iyong mapapangasawa. Ako ang emperador ng Raijin, kung nalilimot mo man. At ako ang pinakamalakas sa buong imperyo.”
Napabaling ulit ako ng tingin sa kanya at inismiran siya.
“Hindi lahat ng bagay ay sa lakas mo paghuhugutan. Isang mahiwagang lugar ang Ysgarda. Hindi mo alam kung ano ang kakaharapin mo. Kaya sana, sundin mo ang payo ko. Bilang isang ano… Bilang isang kaibigan.”
Napangiti siya sa aking linahad bago ko siya lisanin at patuloy pa rin ang pamumula ng aking pisngi sa mga nangyari.
Temporaryong Kampo ni Rakim
“Nahuhulog na ang loob ni Dani’ya sayo? Isang magandang balita iyon kung ganun, kamahalan!” masiglang saad ni Sakar habang naghahalo siya ng isang inumin na pambawi ng aking lakas. Palagian niya iyong ginagawa sa tuwing ako ay lulusob sa isang labanan. At bilang isang magaling na manggagamot ay hinahangaan din siya sa buong imperyo.
“Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa tuwing magkakaroon kami ng maliit na argumento. Mahusay siya sa pakikipagpalitan ng mga salita. Alam niya ang ginagawa niya. Ngunit pagdating sa akin, nawawalan siya ng lakas.”
“Masiyado namang malakas ang hangin dito? Wala naman akong nababalitaan na may bagyo sa Ysgarda?”
Natawa ako sa kanyang tinuran. Alam kong may taglay akong kayabangan. Ngunit lahat emperador ay kailangang ipakita ang kanyang kalakasan at kaakibat noon ay ang kanyang kakayahang ipamalas sa iba ang kanyang galing at lakas.
“Sa tingin ko, hindi naman siya mahirap amuhin. Pero may masama akong kutob sa nympa na iyon. Tila ba sinasabi niya ang lahat ng nalalaman niya upang takutin ka at huwag makuha si Dani’ya mula sa kanya. Sa tingin ko, may nililihim siyang motibo.”
Napatingin ako kay Sakar. Ramdam ko rin na tila may tinatago si Jabir. Hindi ko lamang matukoy kung ano ang bagay na iyon.
Isang mensahero ang pinadala ni Farok sa aming kampo at agad ko namang tinanggap ang isang liham mula sa ama ni Dani’ya.
Para sa iyong unang pagsubok, magtungo ka sa isang bahagi bulubundukin ng Ysgarda. Ang pinakamataas na tuktok ay ang magiging lugar ng iyong unang pagsubok. May nananahang itim na serpiente sa kwebang naroon. Pagtagumpayan mong putulin ang kanyang dila at ikaw ay magtatagumpay sa pagsubok na ito.
Itinupi ko ang kapirasong papel at napangiti. Isang itim na serpiente? Gaano ba kalaki ang serpienteng ito?
Hindi ko namalayang inabot na pala mula sa akin ni Sakar ang maliit na papel.
“Kamahalan! Isang makamandag na nilalang ang itim na serpiente. Ang lason na binubuga niya mula sa kanyang bibig ay sapat upang tunawin ang iyong laman. Bakit parang napapangiti ka lamang sa pagsubok na ito?”
“Ilang dambuhalang serpiente na ba ang nakaharap ko, Sakar? Hindi ako takot sa serpiente. Alam ko kung paano sila paslangin. Isang simpleng pagsubok lamang iyon. Siguro ay inaakala ni Farok na matatakot ako sa isang malaking serpiente?”
Agad kong tinawag si Kahan at ilang kawal. Kakailanganin ko ang tulong nila. Dala ang aking espada at ang aking makintab na baluti ay tinungo na namin ang nakasaad na lugar ng pagsubok.
Ilang oras din ang aming linakad at matatarik na bangin na hinarap bago matunton ang madilim at nakakasulasok ang amoy na lugar na iyon. Nagkalat ang mga buto ng mga patay na hayop maging mga tao.
Hindi ko akalain na may ganito palang lugar sa bulubunduking ito.
Pinakiramdaman ko ang buong paligid. Wala akong maramdamang kakaiba. Hindi iyon nababalot ng spiritwal na enerhiya. At mabilis naman akong pumasok sa mas malalim ba bahagi ng kweba. Tangan ang sulo at ang aking espada. Si Kahan ay nasa aking tabi at nakahawak sa kanyang palaso at pana.
“Kung aatake siya sa likuran, sigurado akong mauubos ang mga kawal natin,” saad sa akin ni Kahan at sinenyasan ko ang mga kawal na maghiwahiwalay.
Nakarinig ako ng ugong na nagmumula sa pinakamalalim na bahagi ng kweba. Mukhang tama ang hinala ko, naramdaman na niya ang aming pagdating.
“Gawin mo na ang sinasabi ko, Kahan.” utos ko sa aking kaibigan at hindi naglaon ay nakita ko nang nag-aapoy ang kanyang pana.
Malakas na inunat iyon at maingat niyang binitawan at naglakbay ito patawid sa matubig na bahagi ng kweba hanggang sa makarinig ako ng atungal.
Galing iyon sa serpiente at ilang saglit pa ay yumayanig na ang kweba. Nagalit na ng tuluyan ang serpiente at sa pangalawang pana ni Kahan ay doon na namin nasilayan ang buong anyo nito.
Ito na siguro ang pinakamalaking serpienteng nakita ko sa tanang buhay ko. Sa aking mga paglalakbay ay ngayon lang din ako nakakita ng ganito kalaki at kagandang nilalang.
Tama ba pasalangin ko ito para lang sa kagustuhan ni Farok?
“Kamahalan!” sigaw ni Kahan. Naikilos ko ang aking sarili bago pa ako tamaan ng likidong lumabas mula sa bibig nito.
Itim na itim ang kaliskis niya na may halong gintong detalye sa paligid nito. Ang kanyang mga mata ay pula. At talagang agresibo siya dahil wala siyang pakundangan sa pagbuga ng likido niya patungo sa amin ni Kahan.
Isang sibat ang aking nakita at tumama iyon sa katawan ng serpiente ngunit tila wala itong epekto sa kanya.
Kaya tumalon ako sa isang bato at inakyat iyon. Nagambala na namin ang kanyang pananahimik. Huli na para mag-alinlangan akong paslangin ito.
At mabilis naman siyang pumulupot sa batong aking inaakyat. Nabungaran ko ang malaki niyang bibig sa pinakatuktok nito. Handa na siyang pakawalan ang likido mula sa kanyang bibig ng mabilis kong iwasiwas ang aking espada. Dahil sa talim nito at bilis ng aking kamay at nahiwa ang kanyang dila at tumalsik ito mula sa kanyang bibig. Nangisay ang serpiente at bago pa man siya makabawi ay tumalon na ako sa kanyang ulo para ibaon ang aking espada sa bahaging kumukonekta sa kanyang katawan at ulo.
Malakas kong ibinaon ang aking espada sa bahaging iyon at mabilis namang bumagsak ang ulo ng serpiente na naputol mula sa kanyang katawan.
Mabilis akong tumalon sa matubig na bahagi ng kweba at sa aking pagalpas mula sa tubig ay ang tuluyang pagtigil ng pag galaw ng serpiente. Ang kanyang ulo ay humiwalay sa malaki niyang katawan at agad naman akong inalalayan ni Kahan.
“Napakamapanganib ng iyong ginawa, kamahalan. Paano kung mas mabilis ang naging pagkilos ng serpiente? Siguradong lusaw ang buong katawan mo!”
Napangiti ako kay Kahan habang pinupulot ang naputol na dila ng serpiente.
“Wala ka pa rin bang tiwala sa aking kakayanan, hanggang ngayon aking kaibigan? Hindi mo ba alam na ako ang pinakamalakas sa aming angkan? Kaya’t ako ang pumalit sa mahinang emperador natin noon na walang ibang ginawa kundi ibigay sa mga kalaban natin ang kagustuhan nila?”
Napailing si Kahan. Alam kong isa siya sa mas nakakalilala sa akin ng lubos. At alam niya lahat ng aking mga naging laban dahil nasa tabi ko siya sa mga panahong iyon.
“Nag-aaklas ang mga Shik laban sayo, kamahalan. Hindi mo pa rin ba nakikita na sila ang totoong panganib. Si Dani’ya ay walang magagawa kung si Ayesa at Hisham ay magtagumpay sa kanilang mga binabalak!”
Napatiim bagang ako. Hindi lang ang suliranin tungkol kay Dani’ya ang aking kakaharapin. Ang buong imperyo ay magkakagulo sa oras na mag-aklas ang mga Shik. Ang matagal nang kalaban ng aking angkan.
Itutuloy…
Kabanata 7: Parehong Nararamdaman
Nagdadalawang isip man ay tinungo ko pa rin ang pinakamalaking kubol sa kampo ni Rakim at nang masipatan ako ng ilang mga kawal na naroon ay agad silang yumukod at nagbigay ng galang sa akin. Hindi naman ako sanay sa ganoong klaseng pagpapakita ng galang dahil sa pantay-pantay lahat ng nandito sa aming bayan.
Wala akong naisagot sa kanila kundi isang matipid na ngiti hanggang sa marating ko ang kinaroroonan ng malaking kubol. May siga na pinatungan ng isang malaking kawa na kumukulo ang tubig at napakaganda ng amoy nito. Nakakakalma sa pakiramdam kaya ako ay mas lalong napalapit sa kubol hanggang hindi ko namalayan na nasa loob na pala ako nito.
Isang tao lamang ang naabutan ko roon abala ito sa pagtitimpla ng kung ako sa isang maliit na garapon at napabaling siya sa akin ng tingin at agad naman siyang napangiti nang makita niya ako.
“Dani’ya! Mabuti naman at naisipan mong dalawin ang aming kampo. Ngunit sa kasalukuyan ay wala ang kamahalan sapagkat nasa isa siyang pagsubok na kagagawan ng iyong ama. Kaya kung siya ang iyong nais makausap ay kinalulungkot ko.”
Napailing naman ako sa kanya. Hindi ko pa rin kasi alam ang kanyang pangalan kahit maraming beses na kaming nagkita. Marahil ay ayaw ko lamang talagang malaman kung ano bang meron sa buhay ni Rakim sapagkat ngayon pa lamang ay nabuo na ang desisyon ko.
“Alam kong nasa isa siyang pagsubok. At alam kong malalampasan niya iyon. Sa taglay niyang lakas, madali niyang matatalo ang itim na serpiente.”
Tumango sa akin ang lalaking kasamahan ni Rakim at lumapit siya sa akin upang ilahad ang kanyang kamay.
“Ako si Sakar Ima ngunit mas sanay akong tinatawag na Sakar. Ako ang opisyal na manggagamot ng Emperador ng Imperyong Raijin. At sana ay maging mabuti tayong magkaibigan.”
Napangiti ako at tinanggap ko ang kanyang kamay. Sa wakas ay nalaman ko rin ang kanyang pangalan at isa nga siyang napakamasayahin at mabuting tao.
“Malayong malayo ang ugali mo sa iyong emperador. Masiyado siyang mapusok at padalos-dalos sa kanyang mga desisyon.”
Ngumiti si Sakar at tumango bilang pagsang-ayon sa aking nilahad sa kanya.
“Ganoon nga talaga siguro si Rakim. Mga bata pa lamang kami ay nakatadhana na ang pamumuno niya sa buong Raijin. Ang kanyang pagiging mapusok at padalos-dalos ay naging dahilan upang magapi niya ang mga kalaban ng imperyo. Ang pag-aaklas ng mga tao sa dating emperador ay siya din ang naging dahilan. Nakita nila na mas karapat-dapat siyang mamuno.”
Habang sinasambit niya ang mga iyon ay minamasdan ko lamang siya sa kanyang ginagawa. Siguro nga ay mas marami pa akong hindi nalalaman tungkol kay Rakim. At kahit anumang pagtanggi ko sa aking isipan, ang puso ko ay iba ang pakiramdam kapag nakikita ko siya. Lalo na kapag nalalapit siya sa akin na talagang kinanginginig ng buo kong katawan.
Isa siyang kahanga-hangang tao. Para maging isang emperador ng isang napakalaking imperyo. At narito siya sa Ysgarda upang makuha lamang ang isang tulad ko na wala namang alam tungkol sa buhay sa labas ng aking bayang kinalakihan.
Naroon din ang katotohanang hindi ako isang simpleng mortal lamang. Merong bahagi sa akin na konektado sa spiritwal na mundo at kapag nawala iyon ay maari din akong masawi tulad ng sinapit ng aking ina.
“Alam kong marami kang alinlangang tungkol sa maaring mangyari sayo kapag pinili mong sumama sa emperador. Ngunit ang tangi kong masasabi ay hinding hindi niya hahayaan na masaktan ang taong mahalaga sa kanya. Hindi niya kami pinabayaan ni Kahan noong mga panahong nasa bingit ng panganib ang aming mga buhay. Mas lalong hindi ka niya hahayaang masaktan, dahil ikaw ay iniibig niya.”
Pinamulahan ako sa huling sinabi ni Sakar bago ako napalapit sa kanyang kinaroroonan at minasdan ang mga boteng naglalaman ng iba’t-ibang klase ng likido. May mga nag-iilaw din na laman at may mga kakaibang klaseng halaman na ngayon ko pa lamang nakita.
“Ikaw lang ang sasabihan ko ng bagay na ito. At sana ay manatili itong nasa pagitan lamang nating dalawa. Bilang aking kaibigan.”
Tumingin si Sakar sa akin at nakangiting tumango.
“Matagal ko nang napapanaginipan si Rakim at noong makita ko siyang nasa panganib habang tumatawid siya ng tulay ay doon ko napagtanto na siya nga siguro ang tinadhana para sa akin. Sa kabila ng pagtutol ko dahil sa parehas kaming lalaki. At sino bang lalaki ang nanaisin ding makapangasawa ng isang lalaki, pero iba ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko at kaba ko kapag nakikita ko siya. Kahit pakitaan ko siya ng kagaspangan ng ugali at pagtutol. Hindi mawawala ang nararamdaman kong ito para sa kanya.”
Ngumiti lamang si Sakar at humarap sa akin at tinapik niya ang mga balikat ko.
“Ang tawag sa pakiramdam na iyan ay pagmamahal. Hindi nasusukat ng kahit na anong bagay ang pagmamahal ng isang tao. Maski pa ang inyong kasarian ay hindi makakasagabal. Dahil kapag nagmahal ka, puso mo lamang ang iyong papakinggan.”
Hindi ko alam ang sasabihin pa dahil alam kong kita rin ni Sakar sa mga mata ko ang tunay kong nararamdaman.
“Kaya sana, piliin mo si Rakim sa bandang huli. Pero nasayo ang desisyon, Dani’ya. Maraming bagay ang hindi ko rin maintindihan tungkol sa iyong pagkatao. Ngunit sana manaig pa rin sa puso mo ang nararamdaman mo para sa aming emperador.”
Napatango ako kay Sakar bago namin marinig ang isang malakas na pag-ugong. Hudyat na nakabalik na si Rakim at ang kanyang mga kasamahan mula sa kanilang pagsubok.
Nang makalabas kami ni Sakar sa malaking kubol ay nakita ko na sa malawak na sanayan si Ama at Rakim na nag-uusap.
Tangan ni Rakim ang dila ng Serpiente na pinapalakpakan ng kanyang mga kawal maging ang mga taga Ysgarda ay napahanga niya na rin.
Tila naglilibot ang paningin niya upang hanapin ako at nang mapatingin na siya sa gawi namin ni Sakar ay isang malaking ngiti ang ginawad niya sa akin. At maging ako ay hindi na rin napigilang mapangiti.
Tama nga siguro si Sakar. Pag-ibig ang nararamdaman ko para kay Rakim.
Isang napakagandang tanawin ang nasisilayan ko habang nakatingin sa akin si Dani’ya. Lahat ng aking pagod na naramdaman dahil sa pagsubok na aking napagtagumpayan ay tila ba natanggal na niya ng tuluyan. Dahil siya lamang ang may kakayanan na gawin iyon.
“Magtataka ako kung hindi mo napagtagumpayan ang pagsubok na ito. Ngunit hindi ko inaasahan na maging ang mga taga Ysgarda ay mapapahanga mo,” pagbungad sa akin ni Farok habang naglalakad siya palapit sa akin. Maging ang kanyang mga tauhan ay nakamasid lamang sa aming pangkat.
“Marahil ay nakukuha ko na ang kalooban ng mga taga Ysgarda. Nararapat lamang siguro iyon dahil kapag naging asawa ko na si Dani’ya ay magiging kabahagi na ng imperyo ang kabuuan ng Ysgarda.”
“Hindi ka pa nakakasigurong mangyayari iyon, kamahalan. Ngunit ako ay tutupad pa rin sa ating napag-usapan. Bukas mo malalaman ang susunod mong hamon.”
Yumukod sa akin si Farok bago tuluyang lumisan sa malawak na sanayan ng aming kampo. Naiwan akong nakamasid sa kanyang papalayong bulto bago muling tingnan si Dani’ya na kasama ni Sakar sa labasan ng malaking kubol.
Nagmamadali akong naglakad patungo sa kanyang kinaroroonan at hindi ko mapigilang mapangiti at hawakan ang kanyang magkabilang kamay.
“Dalawang pagsubok na lamang at masisigurado ko nang mapapangasawa kita.”
Nakita ko namang pinamulahan si Dani’ya ng kanyang pisngi ngunit mabilis din siyang nagbago ng ugali. Agad niya akong inismiran na kinangiti ko lang lalo.
“Masiyadong malakas ang iyong kompiyansa sa sarili, Rakim. Pero alam ko namang mapagtatagumpayan mo ang pagsubok na iyon. Napakadali lang kung tutuusin.”
“Hindi ko mawari kung para saan ang biglang kagaspangan ng pakikitungo mo sa akin ngunit masaya ako dahil binati mo ako sa aking tagumpay.”
Hindi magaling si Daniya sa pagtatago ng kanyang emosyon kaya napapangiti nalamang ako sa mumunting pagpihit niya ng kanyang ulo upang hindi magtama ang aming mga tingin.
“Napadaan lamang ako rito dahil may kailangan ako kay Sakar. Isa siyang mahusay na mangagamot at marami akong nalaman tungkol sa kanyang mga gawain bilang iyong manggagamot.”
“O baka naman inalam mo kay Sakar paano mo ako mas lalong mapapa-ibig? Tama ba mahal kong Dani’ya?”
Pinamulahan lang siya lalo ng pisngi na lalo lang nagpabighani sa akin sa kanyang anyo. Napakaganda ni Dani’ya kahit pa alam kong isa siyang lalaki. Ang puso ko ay ang kagandahan niya ang nakikita. Hindi na sa akin mahalaga ang kasarian niya. Iniibig ko na talaga siyang tunay.
“Nagkakamali ka, Rakim. Napadaan lamang talaga ako para malaman ang mga sikreto ng pangagamot ni Sakar. Hindi ba, Sakar?”
Napatingin naman ako sa kinatatayuan ng aking kaibigan at tumango ito na nakangiti. At alam kong hindi talaga iyon totoo kaya mas lalo lamang akong nasiyahan.
“Maari bang samahan mo ako mamaya sa ilog? Gusto kong maligo at kailangan ko ng may maghihilod sa aking likuran. At bilang iyong mapapangasawa, nais kong simulan na nating kilalanin ang isa’t-isa ng mas malalim.”
Napatigil si Dani’ya at nakatitig lamang sa akin. Ngiti lang ang aking ginawad sa kanya at ilang sandali pa ay kanyang pagtango ang aking natanggap mula sa kanya.
“Aasahan ko yan mahal ko. Sa ngayon ay gusto ko munang magpahinga. At maari mo rin akong samahan sa loob ng aking kubol. At tabihan sa aking pagtulog.”
“Hi-Hindi na, Rakim. Magtuturo pa ako sa mga bata ng bagong piyesa ng bandolino. Maiwan na kita. Magkita nalamang tayo sa ilog mamayang hapon.”
Hindi na nagtagal pa si Dani’ya at nagmamadali siyang umalis ng kampo. Lumapit sa akin si Sakar at isang malapad na ngiti ang aking nakita sa kanyang mukha.
“Isang magandang pangitain ang nakikita ko, kamahalan. Mukhang tuluyan mo nang napaibig ang iyong magiging kabiyak.”
Tumango lamang ako at sinuklay ang aking buhok gamit ang kamay ko. Ang mahaba at kulay kahel kong buhok ay isang katangian ng emperador ng Raijin. Ang mga piniling emperador lamang ang nagkakaroon ng kulay kahel na buhok.
“Maari ko na sigurong masabi na mapagtatagumpayan ko ang susunod pang pagsubok dahil alam kong may pag-asang madadala ko sa palasyo si Dani’ya. Ngunit hindi ko pa rin maialis sa isipan ko na maaring mawala siya sa akin kapag tuluyan siyang nawalay sa spiritwal na mundo.”
“Kailangan muna natin sigurong hintayin ang kanyang huling pagpapasya. Siya pa rin ang masusunod sa lahat ng ito. At karapatan din niyang bigyan ng huling hatol ang kapalaran niya.”
Wala na akong nasabi pa at tuluyang pumasok sa aking kubol at tinanggal lahat ng aking kasuotan. Ang aking hapong katawan ay namamasdan ko sa malaking salamin kahit malabo ito. Ang katangkaran ko at laki ng aking katawan ay pamana ng aking lahi. Mula sa mga angkan ng mangangaso at mandirigma na sa pagsilang pa lamang ay linalagyan na ng tinta bilang tanda na galing ako sa angkan ng mga Dasari.
Ang matinding kalaban ng angkan ng Shik na kasalukuyang pinakamalakas na angkan sa buong Raijin. Dahil sa pagtaas ng mga posisyon ng mga napapabilang sa kanilang angkan gaya nalamang ni Ayesa na isang prinsesa.
Ang bawat angkan ng Raijin ay may karapatan na maging emperador sa oras na dumating ang nakatakdang panahon ng pagbaba sa trono ng isang emperador.
Apat na taon pa lamang akong namumuno at ngayon ay mas lalong nagiging mas delikado ang aking posisyon. Paano kung malaman ng buong imperyo na ang aking mapapangasawa ay isang lalaki?
Tiyak na magkakaroon ng matinding hidwaan ang aking angkan laban sa iba pang angkan. At iyon ang malaking suliranin na aking kakaharapin kapag dinala ko na sa imperyo si Dani’ya. At higit sa lahat, kapakanan niya ang aking uunahin. Kahit pa maging dahilan noon ang aking pagbaba sa trono bilang tagapangalaga ng Raijin.
“Masiyadong malalim ang iniisip mo, kamahalan. May sinabi nanaman ba si Kahan na nagpapaigting ng iyong pag-iisip?”
Narinig ko si Sakar na naglalakad palapit sa akin tangan ang isang kopa na may lamang inumin. Marahil ay isa sa mga pampanumbalik ng lakas na palagi niyang binibigay sa akin.
“Masiyadong mahirap ang sitwasyong kakaharapin ko kapag natapos na ang lahat ng ito. Sa likod ng kaligayahan na ibibigay sa akin ni Dani’ya kapag siya ay maging asawa ko na, ay ang mga balakid sa pagmamahalan namin. Lalo na ang angkan ng Shik.”
“Hindi magiging madali para sayo ang lahat. Si Ayesa ang napipiling mapangasawa mo ng buong konseho at kapag naging kalaban mo ang punong konseho ay isang malaking kaguluhan ang magaganap.”
Napailing nalamang ako habang sinisimsim ang laman ng kopang inabot sa akin ni Sakar.
Hindi mahalaga ngayon ang mangyayari sa pagbabalik ko ng imperyo. Ang mahalaga ngayon ay ang magiging huling pagpapasya ni Dani’ya.
Habang binabagtas ko ang daanan patungo sa ilog ay kita ko na ang kalahating hubad na katawan ni Dani’ya na nangingintab na sa pawis dahil sa kanyang ginagawang pag-eensayo ng kanyang espada.
Hindi maiwasan ng aking katawan na makaramdam ng pag-iinit na kahit ang aking pag-aari ay nagsisimulang mapunuan ng aking dugo at unti-unti itong naninigas at naghuhumindig habang minamasdan ang makinis at maputlang kutis ni Dani’ya.
Sadyang nakakabighani ang bawat galaw niya at ang kanyang napakaamong mukha. At lalo na ang kanyang maliit na katawan na talagang ninanais ko nang maangkin.
“Napakaganda mo talagang pagmasdan mahal ko,” bati ko kay Dani’ya na kinagitla niya at kinatigil sa kanyang ginagawang pag-eensayo.
“Kanina ka pa ba nariyan, Rakim?” tanong niya at umiling ako bilang sagot.
“Ngayon lamang ako nakarating sa ating tagpuan. At hindi ko na mapigilang humanga sa iyong kagandahan.”
Lumapit ako sa kanya at alam kong pinipigilan niya ang sarili niya na angkinin ang aking labi kaya ako na ang kusang gumawa nun.
Alam kong pareho na ang aming nararamdaman at sa sandaling naglapat ang aming mga labi ay nadama kong muli ang ligaya na si Dani’ya lamang ang nakakapagbigay sa akin.
At higit pa sa ligayang ito ang nais kong makamit mula sa kanya.
Itutuloy…
Happy New Year Everyone!!!
Kabanata 8: Ang Korte ng Imperyo
Hankar: Kapitolyo ng Imperyong Raijin
“Hindi ko maunawaan kung bakit hindi manlang sinabi ng kamahalan ang dahilan ng kanyang pag-alis sa kapitolyo? Siguro naman ay malalim ang dahilan ng kanyang paglisan?”
Tiningnan ni Rodan si Hasar na punong ministro ng korte ng imperyo. Alam niyang darating ang puntong tatanungin siya at uusisain ang kinaroroonan ng kanyang kamahalan. Si Hasar ay isa sa mga taong umaayaw sa pamumuno ni Rakim at kahit palihim ang mga ginagawa nito ay alam niyang naghahanda ito ng tamang pagkakataon para mapaalis ang emperador sa kanyang trono.
“Ako ay hindi nasabihan ng kamahalan kung saan siya patutungo. Ang tangi kong nalalaman ay may mga pag-aaklas na kailangan nating resolbahin habang wala pa ang ating emperador.”
“Ang mga pag-aaklas ay bunga ng kanyang pamumuno na dinadaan niya sa dahas. Hindi siya kasing lupit ni Rakjin ngunit si Rakim ay hindi natutong tumimbang sa tama at kamalian ng isang pinuno.”
Nahihimigan ni Rodan ang pagkasuklam ni Hasar sa emperador kaya nilapitan niya ito at masinsinang tinitigan sa mga mata nito. Parehas silang may edad na at nakita nila ang pagbagsak at muling pagbangon ng kanilang imperyo.
“Tandaan mo, Hasar. Kung hindi dahil sa kamahalan, ang iyong angkan ay tuluyan nang naubos ng angkan ni Rakjin. Sa tingin mo ba kakayanin ng angkan niyo ang angkan ng ating emperador?”
Hindi agad nakasagot si Hasar sa halip ay tumingin siya sa labas ng balkonahe ng palasyo. Tanaw mula sa kanyang kinatatayuan ang disyertong siyudad ng Hankar.
“Hindi ko kailanman makakalimutan ang iyong tahasan na pagpapahayag ng iyong saloobin sa ating kamahalan.”
“Ang nakapagtataka lamang Rodan, bakit hanggang ngayon pilit mo pa ring tinatago na ikaw ang unang kumokontra sa pagiging emperador ni Rakim. Hindi ba’t gusto mo ring si Ysval ang maging emperador dahil hindi tulad ni Rakim na puro lakas lamang ang ginagamit sa pamumuno, si Ysval ay may talinong taglay.”
Hindi nakasagot si Rodan sa sinabi ni Hasar sa kanya. Ang kanyang anak na si Ysval na tagapamahala ng pananalapi ng imperyo. Alam niyang naghangad din siya na maluklok ang kanyang anak sa posisyon ngunit ang mga tao ang nagdesisyon na si Rakim ang mamuno ng imperyo.
“Wala na akong dapat pang sabihin, punong ministro. Maiiwan na kita.”
Hindi pa man nakakalayo si Rodan ay muling nagsalita si Hasar.
“Tayong mga taga Shik ang dapat na mamuno sa imperyo. Sa atin nanggaling lahat ng magigiting na emperador ng Raijin.”
“Sa atin din nagmula ang pinakamahina at pinakamasamang emperador. Sana hindi mo nakakalimutan.”
Tumango pa si Rodan bago niya iwanan ang matandang ministro. Habang nakangiti si Hasar sa paglalakad ni Rodan palayo sa kanya. Nagsisimula nang umikot sa kanyang mga palad ang tadhana.
Hindi magtatagal at isang Shik nanaman ang mailalagay sa posisyon bilang pinuno ng imperyo. Ang kanyang malaking sagabal lamang ay kung magkaroon ng asawa ang emperador at magbunga ng supling ang mapapangasawa nito.
Kailangan niyang mapigilan na mangyari iyon dahil hindi maaring mamuno ang isa pang nakalinya sa angkan ng emperador. Ang mga Dasari ay hindi maaring lumakas. Dahil tuluyang hihina ang kanilang impluwensiya at hindi na nila mababawi pa ang mga bagay na maaring mawala sa kanila.
Agad niyang nilisan ang balkonahe at nagtungo sa tanggapan niya upang magkapag-isip.
“Nakakasiguro ka ba na sa Ysgarda patungo ang emperador? Wala ba talaga siyang kinatatakutan? Hindi na sakop ng imperyo ang bulubunduking iyon.” hindi makapaniwalang saad ni Prinsesa Ayessa na anak ng punong heneral ng hukbong sandatahan.
“Iyon ang aking narinig sa pag-uusap nila ni Ginoong Rodan, prinsesa.”
Sumimsim si Ayessa sa kopa na hawak niya. May laman itong alak at napapalibutan siya ng kanyang mga tagapagsilbi. Kasalukuyan siyang nasa kanyang paliguan na humahalimuyak sa bango ng bulaklak ng jasmin at pomegranito. Nakakatukso siyang tingnan dahil sa napakagandang hubog ng kanyang katawan na litaw sa malinis na tubig.
Umahon siya at agad namang nasilayan ng kanyang mga kasamahan sa silid na iyon ang mala porselana niyang balat. Ang kanyang manipis na pigura na walang makakapantay. Ang maganda niyang mukha na kahit na sinong lalaki ay maaakit. At higit sa lahat, ang kanyang katusuhan na hindi kailanman maaaring subukin ng sinuman.
“Wala man lang bang nabanggit si Rodan sa kung ano ang pakay niya sa Ysgarda?” tanong ni Ayessa habang binabalot siya ng roba ng kanyang mga tagasilbi.
“Napag-alaman ko na bago pa siya umalis ay nakausap niya ang punong shaman. Matindi ang hinala ko na patungkol iyon sa kanyang nakatadhanang mapangasawa.”
Napakuyom si Ayessa ng kanyang mga kamao at banaag sa mukha niya ang pagkagalit.
“Tinanggihan na niya akong pakasalan tapos ngayon ay gagawa siya ng paraan para lalong magkagulo ang mga angkan. Hindi talaga siya nag-iisip. Inuuna niya ang kanyang pansariling kagustuhan at ang imperyo ay linalagay niya sa hulihan.”
Nilisan siya ng kanyang tauhan matapos niya itong paalisin kasama na ang kanyang mga tagasilbi. Hindi na siya makakapayag na mas lalong lumiit ang kanyang pagkakataon na maging isang imperatris. At hindi si Rakim ang makakapagbigay ng bagay na iyon sa kanya.
Si Yslav na lamang ang kanyang naiisip at kailangan niyang masiguro na hindi na makakabalik pang muli si Rakim sa kapitolyo. Ngunit alam din niya hindi madali ang kanyang mga naiisip. Kailangan niya ng magandang plano.
Sa pagmamadali niya ay hindi na namalayan ni Yslav na nakabunguan na sila ni Gui na siyang tagapag-ulat niya sa mga nangyayari sa loob ng palasyo.
“Ginoong Yslav, ipagpaumanhin ninyo” pagyukod ni Gui dahil alam niyang malaking kasalanan ang mabangga ang isang miyembro ng angkan ng Shik. Lalo na ang tagapagmana.
“Alam kong may nalalaman ka Gui at palalampasin ko ang ginawa mong pagbangga sa akin kung may magandang balita kang ibibigay” saad ni Yslav at tumindig siya ng matikas sa harapan ng kanyang tagasunod.
“Ang emperador ay nasa kabundukan ng Ysgarda. Hinahanap niya ang kanyang mapapangasawa na doon ay naninirahan. At nalaman ko sa isang tagapaglingkod ng punong shaman na nagtataglay daw ito ng kapangyarihanna babago sa takbo ng buong imperyo.”
Napatitig si Yslav ng mariin kay Gui at tinitimbang niya kung nagsasabi ba ito ng katotohanan. Ngunit walang dahilan upang magsinungaling sa kanya ang kanyang tapat na tagasunod. Hawak niya ang lahat ng taong nakapalibot sa kanya. Ang kanyang talino at kakisigan ay hindi mahahalintulad sa emperador.
Balingkinitan at maliit ang pangangatawan ni Yslav. Ngunit marami ang nabibihag sa kanyang mapaglarong mga mata. Napakaamo din ng kanyang mukha na walang makakatulad sa buong angkan niya. Ngunit dahil doon ay hindi rin siya ganoon kabihasa sa labanan dahil noong siya ay bata pa lamang ay maraming sakit ang ininda ng kanyang katawan.
Nabawi niya ang impluwensiya niya sa pamamagitan ng pag-aaral ng matematika at siyensya maging ang astronomiko at iba pang may kinalaman sa pagpapatakbo ng isang malaking imperyo.
Siya ang napipisil na maging emperador noon subalit dahil sa mas pinili ng nakararami si Rakim na isang malakas na mandirigma ay hindi niya naituloy ang mga balak niya para sa Raijin.
“Kung ganun, kailangan nating tipunin ang ating mga mandirigma. Ito ang pagkakataon natin upang tuluyang wakasan ang pamumuno ni Rakim. Pero maghintay tayo, kailangan kong masiguro na hindi mapapasakamay ni Rakim ang taong binabanggit ng punong shaman. Kailangang mapunta siya sa aking panig.”
Isang malaking ngiti ang ginawad ni Yslav kay Gui bago siya nito iwanan. At sa pag-alis ni Yslav ay napakuyom si Gui ng kanyang mga kamao. Ang hindi alam ni Yslav, na may pagtingin sa kanya ang kanyang pinagkakatiwalaang tauhan. Matagal na siyang lihim na iniibig nito.
“Hindi ko hahayaan na magtagumpay ka sa binabalak mo, Yslav. Kapag naging emperador ka, mas liliit ang aking pag-asang mapapasakin ka. Gagawin ko ang lahat upang mapigilan lahat ng iyong binabalak. Upang sa bandang huli, ako ang iyong tatakbuhan at hindi ka na makakawala pa sa aking mga kamay.”
At humakbang na palayo ng madilim na pasilyo ng palasyo si Gui.
Ysgarda
“Hindi natin masisiguro na magtatagumpay ang kamahalan sa susunod na pagsubok na igagawad sa kanya ni Ginoong Farok. At kahit pa sabihin natin na may nabuo nang pagtitinginan sa pagitan ni Dani’ya at Rakim, may mga bagay pa rin na dapat natin kaharapin sa oras na maganap na ang dapat mang maganap.”
Nasa gitna ng masukal na gubat si Kahan at Sakar habang naghahanap ng mga halamang gamot na matagal nang gustong makita ni Sakar.
Bilang isang mangagagamot at mahusay sa pag gawa ng mga mahiwagang bagay ay isang malaking hamon kay Sakar na makuha ang mga natatanging halamang gamot na tumutubo lamang sa kabundukan ng Ysgarda.
“Iniisip mo ba si Ginoong Rodan? O kaya naman si Prinsesa Ayessa? O baka si Ministro Yslav? Ang mga Shik ay hindi titigil hanggat hindi nababalik sa kanila ang kapangyarihan ng Raijin” usal ni Sakar habang nilalagay sa kanyang hinabing lalagyan ang halamang gamot na tinatawag na adrona na mabisang pamuksa sa impeksyon at magpagaling ng mga malulubhang sugat.
“At hindi naiisip ni Rakim na kapag ipilit niyang pakasalan si Dani’ya, ay isang kaguluhan ang magaganap sa buong imperyo. Hindi matatanggap ng mga tao na ang konsorte niya ay isang lalaki!”
“Kung gayon, magagalit din ba ang buong angkan mo kapag nalaman nilang iniibig ng magiting na si Kahan ang mangagamot na si Sakar?” biglang sabat ni Kahan na ikinagitla nito.
Napatayo si Sakar at hinarap ang lalaking kausap niya. Noon pa man ay alam niyang may pagtingin sa kanya si Kahan at ganoon din siya dito. Ngunit dahilan nga sa kanilang katayuan sa imperyo ay palihim nilang pinadadama sa isa’t-isa ang pag-ibig na iyon.
“Alam mong kahit pa hindi tanggapin ng aking angkan ang pag-ibig ko sayo ay wala akong pakialam. Mahalaga sa akin ay mapasaya kita at maging masaya tayong nagsasama.”
“Kung ganoon ang iniisip mo, ano pa kaya ang naiisip ni Rakim kay Dani’ya? Kita ko sa mga mata nila na tinadhana silang magtagpo. At nakatadhana silang baguhin ang buong imperyo. Naniniwala ako doon. Kahit anong pagsubok, malalampasan nilang dalawa dahil ngayon pa lamang ay pinapatunayan na nila iyon.”
Bumalik si Sakar sa pangangalap ng adrona habang napapailing na lamang si Kahan. Alam niyang may punto si Sakar ngunit ang mas malaking larawan ng kaguluhan ang kanyang nakikita.
Matapos ang maghapon na kanilang pangangalap ay nagdesisyon na silang bumalik sa kampo.
Mabilis na ibinalik ni Dani’ya ang kanyang espada sa lalagyan nito at tumatagaktak ang pawis niya dahil sa kanyang ginagawang pag-eensayo.
Nasa di kalayuan ay pinagmamasdan siya ni Rakim na mangha pa rin sa taglay na kagandahan ng lalaking iniibig niya. Tila ba habang tumatagal na sila ay magkasama ay mas tumitindi ang pagmamahal at pagnanasa na nararamdaman niya para dito.
“Hindi ko alam kung ang paggamit ko ba ng espada ang tinitingnan mo o ang hubad kong itaas?” tanong ni Dani’ya kay Rakim na kinangiti lang ng huli.
“Alam mong walang duda na magaling ka sa paghawak ng espada. Gusto ko lamang pagmasdan ang iyong kagandahan. Dahil sa bawat araw na dumaraan ay mas lalo kang nagiging kaakit-akit sa aking paningin.”
Hindi naman napigilan ni Dani’ya na makaramdam ng kakaibang tuwa sa loob niya. Nginitian niya si Rakim at linapitan ito.
“Hindi ka ba natatakot na kung sakaling lisanin ko ang lugar na ito ay tuluyang mawala sa iyo ang lahat? Alam mong isa akong lalaki at kahit pa sabihin nating mahal natin ang isa’t-isa, hindi natin hawak ang hinaharap. Maaaring isa sa atin ay mapahamak.”
Hinawi ni Rakim ang nakausling buhok ni Dani’ya mula sa pagkakapulupot nito at tinitigan ito ng mabuti sa mga mata. Ang maamo at nakakabighaning mga mata ni Dani’ya na nagpapaligaya sa kanyang puso.
“Wala akong kinatatakutan, at lalo na dahil alam kong ikaw ang pinili ng puso ko. Maraming pagsubok ang darating sa aking daan dahil sa kagustuhan kong makasama kita, pero nakahanda na ako. Handa ako sa kahit na anong darating dahil alam kong kasama kita. At ikaw ang bubuo sa aking buhay.”
Ginawaran ni Rakim ng masuyong halik sa labi si Dani’ya at lumalim pa ito lalo nang tumugon ang huli. Mas sumisidhi ang nararamdaman nila at tila ba ang kanilang mga katawan na ang nagpapasya na sila ang dapat maging isa.
Ang kamay ni Dani’ya ay lumapat sa naninigas na pagkalalaki ng emperador at hindi niya alam kung bakit ganoon kalakas ang pagnanasa niyang hawakan ito at pisilin pa na mas lalong kinalakas ng pagnanasa ng emperador.
“Kung hindi mo bibitawan ang aking pagkalalaki ay baka hindi ko na mapigilan pa ang nais kong mangyari, mahal ko.”
Bumitaw naman agad si Dani’ya sa matigas na ari ni Rakim at dumilat siya upang makitang nakangiti sa kanyang ang emperador.
Kailangan niyang pigilan ang kanyang nararamdaman. Hindi pa ito ang tamang panahon.
Kailangan niyang igalang ang kagustuhan at napagkasunduan ng ama niya at ng emperador.
Itutuloy…
Kabanata 9: Ang Jin ng Kagubatan
Napakaraming tumatakbo sa aking isipan. Habang nakadungaw ako sa bintana ng aking silid at tinatanaw ang mahamog na kalangitan. Kita pa rin ang buwan dahil malapit nanaman itong maging bilog.
Mag-iisang buwan na rin simula ng makilala ko si Rakim at ang pananatili niya dito sa Ysgarda ay talagang nagbigay ng pagbabago sa pananaw ng mga tao tungkol sa imperyo ng Raijin.
Narinig kong may kumatok sa pinto ng aking silid at alam ko na si ama ang naroon sa labas nito. Hindi ko din alam kung ano ang pakay niya at malalim na ang gabi.
Binuksan ko ang pinto at walang imik na pumasok sa loob ng aking silid si ama.
“Tapatin mo ako, Dani’ya… Umiibig ka na rin ba sa emperador? Iyon ba ang nararamdaman mo sa tuwing magkasama kayo sa kagubatan at sabay na nagtatampisaw sa ilog?” Alam kong itatanong niya ito sa akin at kahit naman kailan hindi ako natutong magsinungaling sa kanya.
“Ama, kahit anong pilit kong iwasan si Rakim, may pwersang nag-uugnay sa aming dalawa at kahit na ilang pagsubok pa ang ibigay mo sa kanya, sa bandang huli ay nakapagdesisyon na ako.”
“Kung ganun, sinasabi mo na sasama ka pa rin sa emperador kahit na kapalit nito ang buhay mo? Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni Jabir? Oras na lumisan ka ng Ysgarda, mapuputol ang kaugnayan mo sa spiritwal na mundo at ikakamatay ko kung pati ikaw ay mawala sa akin.”
Linapitan ko ang aking ama. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin at dama ko ang kalungkutan niya. Mahal na mahal ko ang aking ama at ayokong mawalay sa kanya ngunit ito ang dikta sa akin ng tadhana. Nakatakda ang lahat ng mga bagay. At alam kong mayroong mas higit pang naghihintay sa akin sa labas ng kabundukang ito.
“Mahal na mahal kita, ama. At alam mong kahit ipilit ko mang talikuran ang tadhana ko, patuloy akong uusigin nito. Hindi ako magiging maligaya kung ang tanging iisipin ko lamang ay ang pagkawala ng aking spiritwal na pagkatao. May mga bagay akong dapat na malaman. May mga bagay na hinahanap ng aking puso na hindi maibibigay ng kahit na sinuman na nandito sa Ysgarda.”
Hinawakan ni ama ang aking mga bisig. Ngayon lamang ulit kami nagkaroon ng masinsinang pag-uusap. Ang huli ay ang pagtatangka kung pumunta sa itim na kagubatan na pinamumugaran ng mga jin.
“ Gusto ko lang malaman mo na ginagawa ko ang mga pagsubok na ito upang mapatunayan na karapat-dapat ba ang emperador sa iyong pagmamahal. Alam mong ikaw ang tagapagmana ng Ysgarda. At hindi ko hahayaan na basta nalang kunin ng kahit na sino ang nag-iisang hiyas ng buhay ko. At kung iyan man ang nasa loob mo, at may desisyon ka na… Wala na akong magagawa pa kundi ang ibigay sa iyo ang iyonh kagustuhan.“
Hindi ko alam ngunit kusang gumalaw ang aking katawan at niyakap ang aking ama ng mahigpit. Alam kong nagulat din siya sa aking inasal dahil hindi ko pa siya kailan man nabigyan ng isang masuyong yakap.
“Alam mong kahit saan ako mapunta, lagi kitang iisipin at ikaw ang magbibigay sa akin ng lakas upang harapin ang bagong mundo. Ikaw ang aking ama. At malaki ang aking pasasalamat sa’yo dahil hindi mo ako pinigilan sa kahit na anong gustuhin ko.”
Ang gabing iyon ay sadyang nakapagbigay sa akin ng kaligayahan dahil kita ko sa mga mata ng aking ama na binibigay niya na sa akin ang kalayaan na piliin ang nilalaman ng aking puso.
- - - - - - -
“Isang jin ang nais kong hulihin mo at ilagay sa mahigawang urna na hawak ko. Ilang linggo na ang nakakaraan at ibinalita sa akin na isang jin ang gumagala sa kagubatan na nakalabas mula sa itim na kagubatan. At isa nga sa mga muntik nang maging biktima nito ay si Dani’ya.”
Nalukot ang aking noo habang nasa harapan ko si Farok at ang kanyang mga tauhan upang ibigay sa akin ang aking susunod na pagsubok. Si Kahan ay agad na linapitan si Farok at inabot mula dito ang isang gintong urna.
“Mapanganib ang jin na ito dahil kaya niyang magpalit ng kanyang anyo. Kadalasan ay hindi mo mapapansin na nasa iyong likuran na ang masamang nilalang. May enkantasyon ang urnang hawak ng iyong tagasunod. At sa oras na lumabas ang jin sa kanyang tunay na anyo, buksan mo ang takip nito at hihigupin siya ng urna at tuluyang makukulong sa loob nito.”
Pagkatapos ng paliwanag ni Farok ay lumisan na siya at magkatabi lamang kami ni Kahan sa aking kubol habang inuususi ang mabigat na bagay na hawak ko.
“Isang jin? Hindi ba’t kadalasan ay sa desiyerto lamang nananahan ang mga ganoong nilalang? Bakit pati dito sa Ysgarda meron nito?”
“Dahil iba’t-ibang uri ng nilalang ang mga jin, Kahan.”
Napatingin ako sa papasok na si Sakar at tangan niya ang isang bote na may lamang dilaw na likido. Mayroon na nanaman siyang nadiskobreng bagay o mahika na hindi ko mawari dahil wala akong kakayahan pagdating sa mga ganoong bagay. Tanging lakas lamang at tapang ang mayroon ang isang tulad ko.
“Sa tingin mo, Sakar. Ano kaya ang maaari naming gawin upang mahuli ang isang jin na kadalasan ay nasa disyerto. Hindi tayo bihasa sa mga bagay na ginagawa sa lugar na ito.”
Napatingin sa akin si Sakar at muling nagsalita upang sagutin anga tanong ni Kahan.
“Ang mga jin ay spirito. Katulad sila ng mga nympa na kayang magkatawang tao kung nanaisin nila. At base sa mga nalalaman ko mula pa sa aking mga ninuno na ang isang jin ay nagiging masama lamang kapag hindi nila nakukuha ang kanilang kagustuhan. At kapag hindi nila iyon nakuha ay nagagawa nilang magpalit ng anyo upang mas lalong mapalapit sa bagay o nilalang na ninanais nila.”
Napakuyom ako ng aking kamao. Kung ganun, maaaring nasa paligid lamang ito at mukhang may isang nilalang nga itong ninanais. Kung bakit ito nagiging marahas ay dahil may gusto siyang makuha.
“Si Dani’ya ang pakay ng jin. Kailangan kong puntahan si Dani’ya ngayon.”
Hindi ko na hinintay pang magsalita ang dalawa. Nagmamadali akong lumabas ng aking kubol tangan ang aking espada at ang urna.
Mabilis ang aking paglalakad na ginagawa hanggang sa marating ko ang paaralan ng mga bata. Naabutan ko naman doon si Dani’ya at masaya siyang nagtuturo sa kaniyang mga estudyante.
Natigil sa pagtugtog ang mga ito ng makita nila akong papalapit sa kanilang guro.
“Rakim? Anong ginagawa mo rito? Hindi ba’t sinabi ko na sayo na huwag ka munang pupunta rito kapag nasa kalagitnaan ako ng pagtuturo?”
Minasdan ko siya at ang kanyang paligid. Wala akong maramdamang masamang pwersa sa kanyang paligid. Siguro nga ay hindi mangangahas ang jin na iyon na pasukin ang paaralan.
“Patawad ngunit mayroon akong mahalagang bagay na nais sabihin sa iyo. Maari bang mag-usap tayo?”
Nagpaalam naman siya sa mga bata at agad na sumunod sa akin sa may di kalayuang bahagi ng paaralan. Napapalibutan kami ng mahahalimuyak na tanim na namumulaklak.
“Ano ba ang nangyayari sa’yo? At ano iyang tangan mo? Huwag mong sabihin na iyan ang ibibigay mong regalo sa akin? Hindi ako mahilig sa mga ganyan.”
“Hindi ito regalo para sayo, mahal ko. Ito ay isang urna na lalagyan ng masamang spirito. Isang jin na nakawala mula sa itim na kagubatan ang nais na makuha ka at alam kong alam mo ang aking tinutukoy?”
Hindi agad nakasagot si Dani’ya at sa halip ay napatingin sa kawalan na tila ba may inaalala.
“Jin? Ibig mo bang sabihin iyong anino na nagmamasid sa akin ilang linggo na ang nakakaraan?” tanong niya sa akin na kinagitla ko naman.
“Kung ganun, isang anino pala ang nakita mo? Natatandaan mo ba kung saan mo ito huling nakita?”
“Si Tandang— Si Jabir ang nagtaboy sa nilalang na iyon noon. Ginamit niya ang plawta upang mapalayo ito at simula noon ay hindi ko na nakita pa ang anino na iyon.”
Si Jabir? Kung ganun, may kinalaman din ba si Jabir sa pagtakas ng jin na iyon sa itim na kagubatan? “Kailangan mong mag-ingat, Dani’ya. Maaring nasa paligid mo lamang ang nilalang na iyon at nagpapanggap bilang kakilala mo o mga tauhan ng ama mo o maging isa sa mga mag-aaral mo. Kailangan kang maging handa, naiintindihan mo ba?”
“Kaya kong labanan ang isang spirito, Rakim. Kaya hindi ka dapat mag-alala sa akin. Masiyado mong minamaliit ang aking kakayanan.”
Umiling lang ako at sinabayan ng ngiti sa labi bilang pagtanggi sa kanyang paratang.
“Hindi ko kailanman mamaliitin ang iyong kakayanan, mahal ko. Dahil ngayon pa lamang, kaya mo nang paluhurin ang isang emperador sa iyong harapan.”
Namula naman bigla ang mga pisngi ni Dani’ya na kinangiti ko lamang. Alam kong kapag nagsasalita ako ng mga ganoong bagay ay nawawalan siya ng mga salitang ibabato pabalik sa akin.
“Kahit kailan talaga. Palagi mo akong dinadaan sa mga salita mo. Makikita mo, mamamangha ka rin sa kakayanan ng tagapagmana ng Ysgarda. Baka kapag nakita mo akong makipaglaban, mas lalo kitang mapa-ibig.”
At bago pa man siya lumisan ay binigyan niya ako ng isang kindat na kinalakas lalo ng kabog ng aking dibdib. Hindi ko na talaga matagalan ang parusang ito. Gusto ko nang makasama at mapasakin si Dani’ya. Ngunit hindi ko pa rin alam ang kahihinatnan ng lahat.
Kaya kailangan kong mahuli ang jin na iyon. At si Jabir lamang ang makakapagbigay sa akin ng katotohanan tungkol dito.
- - - - - - -
Sa isang maliit na bahay sa gitna ng lawa tinuro sa akin ng mga tao ang kinalalagyan ni Jabir kaya mabilis ko itong tinungo at natunton ko naman ito kaagad.
Isang mahabang tulay na gawa sa pulang mga tabla na gawa sa kahoy. Binaybay ko ito hanggang sa marating ko ang pintuan ng kanyang maliit na tirahan.
Isang bata ang naroon at agad niya namang tinawag si Jabir at nagulat ako na isang matanda ang sumalubong sa akin.
“Alam kong nagtataka ka na ganito ang aking anyo. Dahil iyon ang nais ng ina ni Dani’ya upang masubaybayan ko ang paglaki ng kanyang supling.”
“Masubaybayan ang kanyang paglaki upang isang araw ay kunin mo rin mula sa kanyang magulang? Tama ba ako, Jabir?”
Napangiti lamang ang tusong nympa sa akin. Alam kong ninanais niya na mapasa kanya si Dani’ya at hindi ko hahayaan na ang isang tulad niya ang kumuha ng aking kaligayahan.
“Si Dani’ya ay naarapat lamang mapunta sa kanyang kauri. Dahil hindi siya mawawalan ng spiritwal na lakas at ang kasiguruhan na mananatili ang aming lahi ay nasa kanyang mga palad.”
“Kung kaya ba gumawa ka ng paraan upang siya ay takutin at bigyan siya ng dahilan para mas pagkatiwalaan ka pa? Kagaya ng pagpapatakas mo ng isang jin mula sa itim na kagubatan?”
Hindi ito agad nakaimik at alam kong sa mga mata pa lamang niya, siya ang may kagagawan ng bagay na iyon.
“Magdahan-dahan ka sa iyong mga paratang sa akin, kamahalan. Wala akong kinalaman sa pagpapakawala ng isang masamang nilalang para sa pansarili ko lamang na kagustuhan.”
“Nagiging masama lamang ang isang jin kapag ito ay may ninais at gusto niyang makuha. Sabihin mo, inutos mo ba sa jin na iyon na takutin si Dani’ya dahil kapalit noon ay ang kalayaan niya mula sa itim na kagubatan?”
Hindi na siya nakapagsalita pang muli. Huli na siya sa kanyang mga ginawa. Ngayon ang kulang na lamang ay malaman ko kung saan nagtatago ang jin na iyon.
“Kung iniisip mo na ako ang may pakana ng mga bagay na iyon, wala akong magagawa. At kahit naman magtagumpay ka sa paghuli sa jin na tinutukoy mo, wala akong pakialam dahil kaligtasan lamang ni Dani’ya ang mahalaga sa akin.”
“At kung may pakialam sa rin sa kaligtasan ni Dani’ya, sasabihin mo sa akin ngayon din kung nasaan ang kinaroroonan ng jin na iyon o ikaw mismo ang ilalagay ko sa loob ng urna?”
Hindi na siya kumibo pa at sa halip ay kinuha ang kanyang plawta at inutusan ako na samahan siya sa kagubatan. Iyon ang paraan upang lumabas ang jin at tuluyang mahuli.
Ngunit wala akong tiwala kay Jabir. Maaaring isang patibong lamang ang pagsama ko sa kanya sa gubat kaya hinanda ko ang aking sarili.
Kung isang labanan man ang mangyayari ay nakahanda ako para talunin siya.
Itutuloy…
Kabanata 10: Isang Hiling
Hindi pa man kami nakakarating sa sinasabing lugar ni Jabir ay ramdam ko na ang kakaibang enerhiya sa paligid ko. Ito na siguro ang parte ng kagubatan na kailangan kong mas lalong pag-igtingin ang aking pakiramdam. Dahil kapag isang maling kilos ang aking gawin ay baka mas lalong mapahamak si Dani’ya.
“Mas lalo kong napapatunayan na ikaw nga ang may kagagawan ng pag atakeng ginawa ng jin na iyon kay Dani’ya. Bukod sa wala kang imik ay tila dinadala mo pa ako sa parte ng kagubatan na walang ingay na maririnig ang mga tao.”
Narinig ko ang kanyang pagtawa ng mahina ngunit hindi iyon dahilan para ako ay matakot sa kanya. Hindi siya isang diyos na hindi ko mapapatay gamit ang aking espada, isa lamang siyang spirito at tanging ang pagkakaibigan lang nila ni Dani’ya ang pumipigil sa akin na gawin iyon.
Hindi ko basta nalang na saktan si Jabir dahil hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nito sa pagtingin sa akin ni Dani’ya.
“Mabigat ang iyong mga paratang sa akin, kamahalan. At kung talagang ako man ang nagpakawala ng jin na iyon, hindi kita sasamahan upang hanapin ito at isilid sa hawak mong urna. Lalo pa’t mapanganib ang isang spirito na puno ng galit at pagkasakim tulad ng isang jin.”
“Kung gayon, sabihin mo sa akin kung nasaan ang jin na iyon at ako na mismo ang haharap sa kanya.”
Humarap siya sa akin at tinuro niya ang isang kweba na napapalibutan ng maraming baging sa bukana nito.
“Nasa loob ng kweba na iyan ang jin na tinutukoy mo. Noong umatake ito kay Dani’ya bago ka pa man dumating sa Ysgarda, sinundan ko ang kanyang anino. At sa loob ng kweba na iyon nagtungo ang anino. Hindi basta umaalis ang isang jin kapag hindi buo ang buwan. Dahil doon niya kinukuha ang lakas niya para muling magawa ang kanyang binabalak.”
Napatango ako at walang pag aalinlangang tinungo ang bukana ng kweba. Kung ito lamang ang paraan upang malampasan ko ang pagsubok ni Farok at para na rin sa kaligtasan ni Dani’ya ay gagawin ko.
“Masiyado kang nagmamadali, kamahalan. Mas mainam na hintayin natinna dumilim at magpakita ang buwan. Dahil kapag sinubukan mong pasukin ang kanyang pinagtataguan ngayon, maaring mas mapahamak ka dahil hindi mo siya makikita.”
“Nagmamalasakit ka ba sa akin, Jabir? Mukhang hindi lang si Dani’ya ang nais mong paglaruan. Ngayon pa lamang, huwag mo nang tangkain na bilugin ang aking ulo dahil hindi mo iyon magagawa. At alam kong wala sa kwebang iyan ang jin.”
Nalukot ang noo ni Jabir dahil akala niya siguro ay hindi ko nararamdaman ang aking paligid. Alam kong may enerhiya ngunit ang enerhiyang iyon ay nangagaling lamang sa kanya. Balak niya akong ikulong sa loob ng kwebang iyon. At akala niya siguro ay mahuhulog ako sa kanyang patibong sa pagsasabi niya ng isang kasinungalingan.
“Alam ko ang binabalak mo Jabir. At hinding hindi ka magtatagumpay na makuha sakin si Dani’ya dahil nakatadhana na kaming maging isa.”
“At nakatadhana rin ang kamatayan ni Dani’ya sa iyong mga kamay, emperador. Isa kang makapangyarihang tao sa iyong imperyo. Ngunit wala kang magagawa kapag ang tadhana na rin ang nagbigay ng kanyang hatol sa inyong mga buhay. Si Dani’ya ay bunga ng isang pagkakamali. At hindi na siya dapat pang gumawa ng isang maling bagay na magpapahamak lamang sa kanya.”
Umiling ako kay Jabir at binuksan ang urnang hawak ko. Nasa aking likuran na ang jin sa mga sandaling iyon at agad kong ihinarap iyon dahilan upang mapahiyaw ito at kitang kita ko ang nakakahindik na anyo nito. Ang mga mata na nanlilisik at ang matatalim na ngipin nito maging ang sungay nitong kahugis ng isang usa. Ang kalahati ng kanyang katawan ay hinihigop ng urna dahilan upang ibaba ko ito at unti unti siyang mawala at agad ko itong tinakpan.
Napatingin ako sa aking likuran at naroon lamang si Jabir at tahimik na minamasdan ang aking ginawa.
“Hindi ko hahayaan na ang tadhana ang magwakas ng pagmamahalan namin ni Dani’ya. Kung kailangan ko mang talunin ang tadhana, gagawin ko upang makapiling ko sa habang buhay si Dani’ya.”
Iyon ang aking nasambit kay Jabir bago ako tuluyang naglakad palayo at pabalik na sa bayan ng Ysgarda. Hindi magtatagumpay si Jabir sa kanyang binabalak. Mas lalo kong dapat na bantayan si Dani’ya dahil alam kong hindi pa dito natatapos ang pagnanais ni Jabir na makuha si Dani’ya mula sa akin.
- - - - - - - - “Sa pagkakaalam ko, kapag nahuli ng isang tao ang isang jin, bumabalik ito sa kanyang dating mabuti at dalisay na pagkatao. At bilang gantimpala, binibigayan ng isang jin ang humuli sa kanya ng isang kahilingan.” saad ni Sakar habang minamasdan ko ang urna na hawak hawak ngayon ni Rakim.
Kanina ko pa siya minamasdan at tila ba may bumabagabag sa kanya na hindi ko din naman malaman kung ano.
“Ano pa ba ang mahihiling ni Rakim? Nasa kanya na ang lahat ng nanaisin niya sa mundo hindi ba? Isa siyang emperador. Siya ang pinuno ng pinakamalaking imperyo sa buong mundo. At marami siyang mabubuting kaibigan.”
Napatingin sa akin si Rakim nang may tiim bagang na kasama. Para bang may kinatatakutan siya na ako lamang ang nakakapansin. Ngayon ko lang napagtanto na hindi din ako mapalagay kapag mayroon siyang iniisip. Tila ba pinag isa na nga ng tadhana ang aming nararamdaman.
“May isang hiling ako na nasi gawin. Ngunit alam kong hindi pa rin iyon mabibigay ng isang jin sa akin. Mas mabuting nakakulong siya sa urna na ito at hindi na muling makawala pa. Dahil kapag nagkaroon nanaman siya ng pagkakataon ay may taong maaring mapahamak nanaman.”
Talagang isa nga siyang emperador dahil mabilis siyang magdesisyon tungkol sa mga bagay. Mga bagay na kaya niya matimbang kung saan ay mas makakabuti at makakasama sa nakararami.
“Kung gayon ay ipapaalam ko kay Ginoong Farok na nagtagumpay ka sa iyong pagsubok. Yaman na din lamang at napagdesisyunan mo nang hindi palayain ang jin.”
Tumango si Rakim kay Kahan bilang pagsang-ayon at agad naman itong lumabas. Sumunod na rin sa kanya si Sakar tangan ang mga halamang gamot na ngayon ko lang din nakita.
Naiwan kami ni Rakim sa loob ng kanyang kubol at pinagmasdan ko siyang tinatanggal ang kanyang mga kasuotan.
“Hindi mo ba alam na kapag naiiwan tayong dalawa sa iisang lugar at walang nakakakita sa atin ay parang sinisilaban ang loob ko? Gustong kumawala ng pag-ibig na nararamdaman ko para sayo pero dahil ginagalang ko ang aming kasunduan ng iyong ama ay hindi ko iyon magawa.”
Lumapit si Rakim sa aking kinauupuan at mas lalo lang din nag-init ang pakiramdam ko. Parang nauuhaw ako bigla sa init na nasa loob ko. Kahit pagsaklupin namin ang mga labi namin ay hindi mapatid ang uhaw na nararamdaman ko ngunit bago ko pa mas lalong mapalalim ang halik namin ay si Rakim na ang lumayo sa akin.
“Alam kong kanina mo pa ako gustong tanungin tungkol sa kinikilos ko. Ang dahilan ay si Jabir. Siya ang may kinalaman sa pag atake sa iyo ng jin. At nakita ko mismo kung gaano niya ako gustong mawala sa landas niya upang matupad niya ang pansarili niyang kagustuhan.”
Hindi din ako makapaniwala sa aking mga narinig. Si Tandang Jabir. Si Jabir na naging mabuting kaibigan ng aking ama at ang naging guro ko ay kaya akong gawan ng masama para lang sa kanyang pansariling kagustuhan?
“Totoo ba ang mga sinabi mo, Rakim? Talaga bang siya ang gumawa ng lahat ng iyon?”
“Makasarili ako pagdating sayo, Dani’ya. Ngunit ang pagiging makasarili ko ay bunga ng tadhana. Tadhana ang nagtulak sa akin para hanapin ka. Ngunit ang ginagawa ni Jabir ay paglaruan ka at isipin mo na kakampi ka niya at handa ka niyang iapgtanggol. Pero higit pa roon ang gusto niya mula sayo, mahal ko. Gusto ka niyang angkinin at iyon ang hindi ko hahayaan.”
Napakuyom ako ng aking palad. Buong akala ko ay isang mabuting kaibigan si Jabir. Ngunit ito pala ang iniisip niya simula pa noon?
“Ikaw ang natitira niyang pag-asa na magpatuloy ang lahi ng mga nympa. At alam kong gagawin niya ang lahat upang makuha ka niya. Sa kahit na ano mang paraan.”
“Iyon ang pagkakamali niya. Ang akalain na isa akong maamong tupa na basta na lamang susunod sa kagustuhan niya. Ako mismo ang makikipagtuos sa kanya. Nang malaman niya na hindi ako pinanganak sa mundong ito para sumunod sa kahit na sinuman!”
Iba ang galit na nararamdaman ko sa mga sandaling iyonna maging si Rakim ay napabitaw sa pagkakahawak niya sa akin.
May kung ano sa loob ko na bigla nalang kumawala at hindi na ako nagtagal pa sa kubol ni Rakim. Tumakbo ako ng mabilis na nagpatalon talon sa taas ng mga puno hanggang sa narating ko ang maliit na bahay ni Jabir sa gitna ng lawa.
Maliwanag ang sinag ng buwan at kita ko ang paglibot ng mga gintong koi sa gitna nito. Napakabanayad ng lawa ngunit ang kalooban ko ay punong puno ng galit.
Naramdaman ko ang presensiya ni Jabir at agad naman akong bumaba mula sa punong pinagtataguan ko at agad ko siyang sinundan sa kanyang pupuntahan. Naglalakad siya na hawak ang kanyang plawta. Ang kanyang palaging matandang itsura ay bagay lamang sa huwad niyang pagkatao.
Napatigil ako nang bigla siyang tumigil sa paglalakad. At humarap siya sa akin. Kita sa sinag ng buwan ang kanyang mukha at napangiti lamang siya sa akin.
“Sinabi na ba sa iyo lahat ng mahal mong emperador ang tungkol sa akin? Iyon siguro ang dahilan kung bakit mo ako sinusundan. Tama ba, Dani’ya?”
“Kung sabihin ko bang tama ang hinala mo, aaminin mo ba sa akin ang totoo mong binabalak?”
Galit ang mga mata kong tiningnan si Jabir at napatawa ito ng pagak.
“Nasaan na ang mabait at masunurin na Dani’ya na nasubaybayan kong lumaki? Sa isang iglap, parang ibang nilalang na ang aking kaharap ngayon? Dahil sa isang emperador na wala kang kaalam-alam kung ano ba talaga ang pinagmulan? Mas pinili mo siyang paniwalaan kaysa sa akin na buong buhay ay nakasama mo?”
“Kaya nga hindi ako makapaniwala na malaman ang lahat ng iyon kay Rakim. Dahil malaki ang aking respeto sayo. Ikaw ang nagturo sa mga bagay na dapat kong malaman ngunit sa likod pala ng lahat ng iyon, gusto mo lang akong maangkin dahil natatakot ka na mawala na ang lahi ng mga nympa?”
Hindi agad nakapagsalita si Jabir at alam kong ito na rin ang pagkakataon na aaminin niya ang lahat sa akin.
“Tama ka, gusto ko na magpatuloy ang ating lahi dahil kapag tuluyan tayong naglaho sa mundong ito, mawawala ang balanse. Mahalaga ang ating kaugnayan sa spiritwal na mundo dahil tayo ang kadugtong ng kapangyarihan ng mga diyos patungo sa mundong ito. Kapag ako ay naglaho, wala nang pag-asa na magpatuloy pa ang lahi natin.”
Nahihimigan ko amg kalungkutan sa huli niyang mga sinabi. Alam kong gusto niya lamang pangalagaan ang pinaglalaban niya ngunit hindi ako ang sagot sa kanyang kagustuhan.
“Kapag umalis ka sa Ysgarda, tuluyang hihina ang koneksiyon ko sa spiritwal na mundo. At unti unti akong maglalaho at magiging isang butil nalamang ng tubig na papatak sa lawa. Kung mangyari iyon, katapusan na ng mga nympa ng Ysgarda.”
“Nakahanda ako sa anumang mangyayari kapag umalis ako sa Ysgarda. May tiwala ako kay Rakim at alam kong mas maraming bagay pa ang naghihintay sa akin sa labas ng kabundukang ito. Kaya mas nanaisin kong umalis na lamang dito kaysa manatiling nakatali sa isang bagay na hindi naman magbibigay sa akin ng kaligayahan.”
Tumango si Jabir at nilahad sa akin ang hawak niyang plawta.
“Ayoko nang dagdagan pa ang aking kasalanan sa iyo. Gusto lamang kitang pangalagaan at wala nang iba pa. Kahit sabihin mo pang masama ang aking hangarin. Para sa akin, pangangalaga sayo ang aking ginagawa. Ngunit nakapagdesisyon ka na. At kung iyon man ang magpapaligaya sayo, hindi na kita pipigilan pa.”
Inabot ko sa kanya ang berde plawta na gawa sa kawayan. Ngunit hindi ito naluluma at napakaganda ng tunog nito sa tuwing iihipan ni Jabir at patutugtugin.
“Sana ay tama ang iyong pipiliing landas. Dahil kapag nagkamali ka, hindi ka na maaring bumalik pa. Hindi ka na makakabalik pa ng Ysgarda. At hindi mo na makakapiling pa ang mga taong naging malaking bahagi ng buhay mo.”
Iyon ang huli niyang tinuran bago ako talikuran at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa gitna na lawa.
Itutuloy…
Emperador Rakim
Disclaimer: Photos of model Niccolo Neri is portrayed as the emperor of Raijin Empire.
Ang mga larawan ng modelong si Niccolo Neri ay ginamit upang bigyang buhay ang emperador ng imperyong Raijin.
What do you guys think? 😊❤
Kabanata 11: Ang Mandirigma
Habang nasa gitna ako ng daan patungo sa tahanan ni Ginoong Farok ay naramdaman ko ang isa pang pares ng mga paa na nakasunod sa akin. Alam kong may nais siyang sabihin ngunit kanina ko pa iyon winawalang pansin.
“Kahan! Pwede bang mag-usap muna tayo? Kanina mo pa ako hindi kinikibo at hindi ko alam kung ano ba ang nasabi ko at naging ganyan ka katahimik?” malakas na bulway sa akin ni Sakar at dahilan upang mapatigil ako sa aking paglalakad at harapin siya.
Naaaninag ko sa sinag ng buwan ang kanyang maamong mukha na nagligtas sa akin pitong taon na ang nakaraan. Sa panahong hindi pa sigurado kung ano ang kahahantungan ng malupit na pamumuno ng dating emperador. Si Sakar na hindi nagdalawang-isip na isalba ang aking buhay kahit alam niyang kalaban ako ng kanyang angkan.
“Sakar, kailangan mo akong tulungan na hikayatin ang kamahalan na itigil ang lahat ng ito habang may panahon pa. Alam mong iyon ang aking gustong mangyari. Upang wala nang buhay pang isakripisyo at lalong lalo na ang buhay ni Dani’ya.”
“Alam mong hindi na natin mababago pa ang kanyang isipan. Maraming pagsubok na ang nalampasan niya para lang makuha ang kanyang hinahangad. Ang tanging magagawa na lamang natin bilang kanyang mga tagapaglingkod ay suportahan siya sa abot ng ating makakaya. Hindi ba’t iyon ang pinangako natin sa kanya noong nabuo ang ating pagkakaibigan?”
Napatango na lamang ako ngunit sa loob ko, hindi pa rin ako mapanatag. Nararamdaman ko na mayroong mangyayaring hindi maganda sa pagbabalik namin ng Hankar. Ang korte, ang mga angkan ng Raijin, ang mga estado, ang lahat ng may kaugnayan sa emperador. Hindi nila matatanggap ang isang lalaking konsorte. At mas lalo lamang lalalim ang dahilan ng mga ministro para patalsikin si Rakim sa kanyang pamumuno.
“Iniisip ko lamang ang magiging hinaharap ni Rakim at Dani’ya kung sakaling sila man ay maikasal. Alam nating dalawa na hindi tanggap sa nakararami ang pag-iisa ng parehong kasarian lalo na at sa isang emperador. Si Dani’ya ang magiging dahilan ng pagbagsak ni Rakim sa kanyang pamumuno.”
Tiningnan ako ng maiigi ni Sakar bago niya ako lapitan at hinaplos ang aking pisngi. Amoy ko ang bango na nanggagaling sa kanyang katawan. Iyon ang parati kong naaamoy sa tuwing kami ay magkakatabi sa pagtulog at magkayakap buong magdamag.
“Hindi natin alam ang hinaharap at kung ano ang naghihintay para sa ating lahat. Ngunit ang kaligayahan ni Rakim ang pinipili niya. Hindi ba’t iyon din ang nais mo para sa ating dalawa? Kung sakaling si Rakim ay mapalitan bilang emperador, sa tingin mo ba iiwanan niya si Dani’ya? Tandaan mo, bago pa naging isang emperador si Rakim, isang hamak na mandirigma lamang siya na walang inisip kundi ang kapakanan ng mga Dasari.”
Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakahaplos sa aking pisngi at bumuntong hininga.
“Kaya kung iniisip mo man ang kahihinatnan ng lahat ng ito, isipin mo rin na mas malaya si Rakim kung wala siya sa palasyo. Kung hindi siya ang emperador. Ngunit alam kong ilalaban niya ang kanyang posisyon kaya hindi tayo dapat mawalan ng tiwala sa kanya. Kailangan niya ang magpapalakas ng loob niya. At tayo kasama na ni Dani’ya ang makakapagbigay ng bagay na iyon sa kanya.”
Tumango ako bilang tugon sa kanyang mga tinuran. Mas malawak ang pang-unawa ni Sakar kompara sa ibang tao kaya marami ang napapamahal sa kanya. Mapalad ako at ako ang napili niyang pagtiwalaan ng kanyang pag-ibig.
“Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa piling ko. Ikaw ang nagpapaliwanag sa panahon na marami akong pagdududa sa aking posisyon bilang mandirigma ni Rakim. At ikaw ang nagpapawala ng aking takot sa tuwing sasabak ako sa mga labanan. Kaya pinangako kong proprotektahan kita sa abot ng aking kakayanan.”
Ngumiti lamang si Sakar sa akin bago niya ako bigyan na mabilis na halik sa aking labi. Isang halik na hindi ko kailanman pagsasawaang matanggap mula sa kanya.
“Kaya magtungo na tayo kay Ginoong Farok at sabihin ang balita ng pagkakadakip ng jin. Mukhang mayroon ding komprontasyong nagaganap sa pagitan ni Dani’ya at ni Jabir. Sana lang ay walang magkasakitan sa kanilang dalawa.”
- - - - - - - -
“Nais kong malaman kung magiging ligtas ba si Dani’ya sa inyong mga kamay kung sakaling dumating na ang araw ng kanyang pagdedesisyon?”
Nagkatinginan kami ni Sakar sa tinanong sa amin ng ama ni Dani’ya. Puno ng pangamba ang kanyang mukha at alam kong kahit na sinong magulang ay iyon ang mararamdaman.
“Ginoong Farok, ako po ay isang mabuting kaibigan ni Dani’ya. Sa maikling panahon ng aming pagkakakilala ay naging malapit na kami sa isa’t-isa. Makakaasa kayo na hindi malulungkot ang inyong anak kapag siya ay naglakbay kasama namin pabalik ng Hankar.”
Una nang nagpahayag si Sakar ng kanyang saloobin. Alam kong sa kaunting panahon at sa aking pagmamasid ay naging malapit na nga sila ni Dani’ya sa isa’t-isa.
“Siya ang promotekta sa aming emperador noong siya ay nasa bingit ng kapahamakan, kaya makakaasa kayo na ganoon din ang gagawin namin sa kanya sa oras ng pangangailangan.”
Napatango ang ginoo at tumayo sa kinauupuan niya. Tila ba marami pa din siyang agam-agam tungkol sa magiging kalagayan ni Dani’ya.
“Minsan na akong nagtungo sa imperyo. Sa bayan ng Guta. Isang maunlad na bayan sa silangan ng kapitolyo. At marami akong naging karanasan sa mga taga Raijin.Nanatili ako ng ilang taon at marami akong natutunan sa pakikipaglaban. Ngunit hindi ako tiyak sa kung ano ang magiging kalagayan ni Dani’ya sa Hankar lalo na at siya ay naiiba sa lahat ng kalalakihan.”
Napatingin ako sa kinatatayuan ng ama ni Dani’ya. Nang marinig ko ang bayan ng Guta ay alam kong hindi basta bastang tao pala si Ginoong Farok. Ang bayan ng Guta ay ang sanayan ng malalakas na mandirigma sa buong imperyo. Mapalad ang mga pumapasa sa pagsubok upang mas lalong mapaghusayan ang kanilang kakayanan.
“Ako po ay naging estudyante ni Maestro Zabzini. Isa siyang mahusay na mandirigma. Ngunit dahil sa isang sugat na hindi na gumaling pa mula sa labanan ay naging isa na lamang siyang guro.”
“Totoo ba ang iyong tinuran? Si Zabzini? Isa siyang mabuting kaibigan. At kasabay ko siya sa pagpasok sa sanayan. Siguro nga ay panahon na rin upang malaman ninyo kung bakit ko napiling mamuhay malayo sa imperyo.”
Nagkatinginan kami ni Sakar at siguro nga ay nahulaan ko na ito sa simula pa lamang. Alam kong may nililihim si Ginoong Farok sa kanyang pagkatao.
“Dalawampu’t limang taon na ang nakalilipas nang lisanin ko ang Raijin. Isang hamak na magsasaka lamang ang aking mga magulang na mula sa bayan ng Sumir. Dahil sa digmaan ng mga taga Sumir at Kari’ima kaya napilitan ang mga magulang ko na ipadala ako sa isang bangka. Nalaman ko na lamang na nasawi sila ng sunugin ang kanilang pansamantalang tinutuluyan.”
Unti-unti kong ibinaba ang aking mga kamay at dumampi ito sa aking mga hita. Ramdam ko ang bigat ng pinagdaanan ni Ginoong Farok. Dahil maging ako ay naging isang ulila din sa magulang dahil sa mga digmaan ng iba’t-ibang bayan.
“Napadpad ang bangka na lulan ko sa Guta at doon ako nanatili. Nagsanay gumamit ng espada, nagtrabaho bilang tagahugas sa isang bahay aliwan. Nagtrabaho sa isang malupit na may-ari ng lupa bilang magsasaka. Tiniis ko ang lahat upang mabuhay. Para malampasan ko ang kung ano mang binibigay sa aking pagsubok ng tadhana.”
Maging si Sakar ay kakikitaan na rin ng kalungkutan dahil sa nalalaman niya tungkol sa pagkatao ng ama ni Dani’ya.
“At nang malaman ko na maari akong maging isang sundalo ng imperyo kapag nakapasa ako sa pagsasanay sa Guta ay hindi ako nagdalawang-isip na kunin ang pagkakataon. Doon ko nakilala si Zabzini. Isang maliit at payat na binata. Akala ko nga ay nagpapatawa siya dahil walang sinumang maestro ang tatanggap sa kanya bilang estudyante sa kanyang liit at kapayatan.”
Napalingon siya sa amin at aninag sa mukha niya ang pagkamangha at kasiyahan habang sinasalaysay niya ang kwento ng pagkakaibigan nila ni Maestro Zabzini.
“Ngunit nagkamali ako. Isa pala siyang bihasa sa larangan ng espada. Ang bawat galaw niya ay hindi mo mahuhulaan. Bawat pagsugod at pagbawi niya ay tila ba kalkulado na niya. Hanggang sa siya ang nanguna sa pagsubok at ako ay talagang naging isang tagahanga niya. Sabay kaming nagsanay at pagkatapos ng apat na taon ay naging ganap kaming sundalo ng imperyo.”
Nakakamangha pakinggan ang kwento ni Ginoong Farok. Ngayon pa lamang ako nakakilala ng isang dating mandirigma na sinasalaysay ang mga pinagdaanan niya sa buhay.
“Sa utos ng bagong emperador. Si Rakjin ng angkan ng mga Shik ay pinadala kami sa Kari’ima upang wakasan ang patuloy na pagaaklas ng mga ito laban sa imperyo. Ngunit nabigo ang aming hukbo dahil sa may mga kakampi ang mga Kari’iman. At ako ay muntikan pang mapaslang sa gitna ng labanan. At sa aking pagtakas mula sa labanan ay alam kong hindi na ako maaaring bumalik pa ng imperyo. Dahil papatayin ako ng heneral dahil sa aking ginawang pagtalikod sa aking sinumpaang tungkulin.”
At iyon ang naging dahilan kung bakit siya napunta dito sa Ysgarda. Isang napakalayong lugar na hindi kailanman binalak na puntahan ng kahit na sinuman sa imperyo.
“Hindi niyo kasalanan ang tumakas sa gitna ng labanan. Gusto niyo lamang na mabuhay. Ayaw niyong matapos ang buhay ninyo sa isang digmaang hindi din naman nawakasan ng dating emperador. Si Emperador Rakim ang tanging nakaresolba sa lahat ng sigalot na nangyayari sa imperyo dahil sa kapabayaan ng dating pinuno” sambit ni Sakar na aking sinangayunan.
“Kaya malaki ang tiwala namin sa kanya na pangangalagaan niya ang anak ninyo, dahil sa nagawa niya para sa buong imperyo. At alam ko rin naman na kakayanin lahat ni Dani’ya ang mga pagsubok sa bagong mundo na kanyang gagalawan dahil naroon kami ni Kahan para gabayan siya.”
Hindi na ako nagsalita pa at sa halip ay nakinig na lamang sa sasabihin pa ng ginoo.
“Si Dani’ya na lamang ang natitirang mahalaga sa aking buhay. Noong ibigin ko si Prasha ay hindi ko inaakalang isa siyang nympa. Isa siyang spirito na nag-aanyong tao lamang. Walang araw na hindi ko siya binibisita sa kanyang tahanan sa gitna ng kagubatan. Ang tanging nasa puso ko lamang noon ay ibigin siya at bumuo kami ng masayang pamilya. Si Prasha ay nagdalang tao at napakabilis ng kanyang pagbubuntis. Hindi ko inakala na nangyayari ang mga bagay na iyon sa akin. At sa pagsilang niya kay Dani’ya ay tuluyan na rin siyang binawian ng buhay.” Muling naging malungkot ang mukha ni Ginoong Farok. Siguro nga ay napakarami na niyang pinagdaanan at kahit ako ay hindi ko maaatim na mawala sa akin ang aking minamahal.
“Hiningi ko ang tulong ni Jabir. Ginawa ko ang lahat upang maibalik sa akin ang aking minamahal ngunit hindi sapat ang aking spiritwal na lakas upang tumawid sa mundo ng mga spirito at muling kunin ang nahihimlay na kaluluwa ni Prasha. Kaya pinangako ko sa aking sarili na hindi ko kailanman ilalayo sa piling ko si Dani’ya.”
“Mahirap pakawalan ang isang mahalagang bagay lalo na ang isang tao. Ngunit sa bandang huli, kaligayahan din nila ang ating iisipin” sagot ni Sakar sa ginoo na sinangayunan naman nito.
“Kapag nangyari man ang aking kinakatakutan, sana ay nakahanda si Rakim na gawin ang lahat upang mailigtas ang aking anak. Dahil tulad ng kanyang ina, nakasalalay sa spiritwal na mundo ang buhay niya.”
Muling tumalikod si Ginoong Farok at kami ay naghanda na ni Sakar upang magpaalam dito.
“Maraming salamat sa pagtitiwala ninyo, Ginoong Farok. Makakaasa kayo na nasa mabuting kamay si Dani’ya sa oras na piliin niyang sumama sa amin pabalik ng imperyo. At kung sakali man, hindi namin tatanggihan ang inyong pagsama sa amin.”
Umiling lang si Ginoong Farok sa aking huling nasabi sa kanya.
“Kailangan ako ng Ysgarda. Ang mga taong naninirahan dito ay mahalaga sa akin. At sila ang aking naging tahanan simula nang iwanan ko ang imperyo. Naisin ko man na samahan si Dani’ya, ayaw kong iwanan ang mga ala-ala ng aking nasirang asawa at ang mahahalagang bagay na maiiwan ni Dani’ya.”
Napatango na lamang kaming dalawa ni Sakar bago lisanin ang silid ng ginoo. At nang makalabas kami ay masinsinan kaming nagkatitigan.
“Hindi alam ni Rakim ang bigat ng responsibilidad na dadalhin niya kaya dapat lamang niyang pag-ingatan si Dani’ya.”
Napangiti sa akin si Sakar at kinurot ang aking pisngi.
“Si Ginoong Farok ba ang ama ni Dani’ya o ikaw? Mukhang napamahal na din sayo ang magiging asawa ng ating emperador?”
Napailing na lamang ako at tinangay na si Sakar pabalik ng kampo.
Itutuloy…
Kahan Dutshak
Disclaimer: The photos of model Shaun is used to portray the character of the emperor’s royal guard Kahan Dutshak
Ang mga larawan ng modelong si Shaun ay ginamit upang bigyang buhay ang karakter ng mandirigma ng emperador na si Kahan Dutshak.
What do you guys think? ❤
Kabanata 12: Ang Mangagamot
Narinig ko ang paghawi ng kurtina sa aking kubol. Dito ako naglalagi sa aking pagsisiyasat sa mga nadiskubre kong mga halamang gamot dito sa Ysgarda. Napansin ko ang paglapit sa akin ng isang pamilyar na tao at base lamang sa kanyang amoy ay alam ko na kung sino siya.
“May maitutulong ba ako, Dani’ya? Napapadalas yata ang pagbisita mo sa akin sa aking kubol?”
Napalingon ako sa kanya at hawak na niya ang isang bote ng bagong gawa kong gamot na panlaban sa matinding impeksyon at mabisa din sa pagpapatigil ng mabilis na pagdurugo ng mga sugat. Ang adrona na matatagpuan lamang dito sa Ysgarda ay sadyang nakamamangha kaya ako ay nagpunla nito upang madala ko sa kapitolyo. Ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay kahit isa sa mga punla ay walang nabuhay.
“May gusto lang akong malaman tungkol sa nakaraan ni Rakim. Kung anong klaseng tao siya, bago pa siya naging emperador?”
“Hindi ba’t siya dapat ang iyong tinatanong ukol sa mga bagay na dapat mong malaman sa kanyang pagkatao? Siguro naman sa puntong ito ay hindi niyo na kailangang magtago pa sa isa’t-isa lalo na at halos lahat na ng tao dito sa Ysgarda ay alam ang tungkol sa namamagitan sa inyo ng kamahalan?”
Hindi agad sumagot si Dani’ya, sa halip ay binuksan niya ang bote ng gamot at inamoy niya ito at kita ko ang paglukot ng kanyang noo dahil sa amoy nito. Sadyang magandang halaman ngunit nakakasulasok ang amoy ng adrona.
“Kagaya ng amoy ng adrona, parang sa unang tingin ay napakagandang halaman. Nakakaakit at nakakahumaling. Magandang pagmasda ngunit kapag nilapitan mo na at kinuha ang kulay dilaw na bulaklak nito, tila ba pagsisishan mo na ginawa mo iyon dahil ang amoy nito ay hindi na matatanggal” wika ni Dani’ya na para bang hinahambing niya ang adrona sa kanyang mga katanungan tungkol kay Rakim.
“At tulad din ng adrona, magandang halaman at napakaraming nagagawang mabuti sa katawan ng tao. Hindi ba’t ang amoy ay hindi mo na iisipin pa dahil alam mong ito ang makakagaling sa iyo?”
Napatingin sa akin si Dani’ya at inilapag niya sa mesa ang bote na hawak niya.
“Alam ko na si Rakim lang ang makakasagot sa akin ng mga katunungan ko. Mula nang makita ko siya sa kauna-unahang pagkakataon, may kung anong pwersa ang patuloy na humuhugot sa akin na mapalapit at mas lalong ibigin siya.”
“Dahil iyon ang pwersa ng pag-ibig. Kahit anong gawin nating pagtutol dahil sa tingin natin ay mali at hindi naaayon sa nakasanayan ng karamihan, wala tayong magagawa. Pinili ng puso natin na magmahal sa taong hindi natin inaakala.”
Napatango siya bilang pagsang-ayon at nagpatuloy ako sa aking ginagawang pagsiyasat.
“Iyon din ba ang naramdaman mo para kay Kahan? Tama ba ang hinala ko, Sakar?”
Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko akalain na mahihimigan ni Dani’ya ang namamagitan sa amin ni Kahan. Ganoonba kalakas ang kanyang pandama na nalaman niya iyon?
“Kita ko sa mga mata ni Kahan kung paano ka niya tingnan. Ganoon din kasi tumingin sa akin si Rakim. Parang hindi ka niya papakawalan. Parang gusto niyang nasa tabi ka lang niya.”
“Kung gayon ay wala na rin akong dahilan upang itanggi pa sa iyo na may namamagitan nga sa amin ni Kahan. Ngunit nakikiusap ako, Dani’ya. Kailangang hindi ito malaman ni Rakim o ng kahit na sinuman.”
Napalukot ang noo ni Dani’ya dahil hindi nga niya maintindihan kung bakit kailangan kong itago ang bagay na iyon.
“Hindi ba’t dapat ay maging malaya kayo na mahalin na ang isa’t-isa dahil ngayon, ang taong pinaglilingkuran niyo ay umiibig na rin sa isang lalaki?”
“Dahil hindi tama na kami ay magmahalan. Nasa isang malaking hidwaan ang aming mga angkan. Anak siya ng pinuno ng mga Dutshak. Ako ay anak ng isang Kari’iman. Malaki ang kasalanan ng Kari’ima sa mga taga Sumir at doon nanggaling ang galit ng mga Dutshak para sa aming angkan. Kami ang tinuturing pinakamababang angkan sa buong Raijin. Ang angkan ng Ima ang namumuno sa Kari’ima kaya ginusto ng aking mga ninuno na mas umangat pa dahil bukod sa nasa kalagitnaan ng disyerto ang aming bayan ay umaasa lamang kami sa kakayanan ng ekonomiya ng ibang bayan.”
Batid ko na hindi ito ang tamang panahon para ilahad sa kanya ang totoong nangyari sa pagitan namin ni Kahan noon. Kailangan ko lamang isalaysay sa kanya ang dahilan kung bakit hindi maaaring malaman ni Rakim ang aming ugnayan.
“Hindi ba’t ito na ang tamang panahon upang malaman ni Rakim ang namamagitan sa inyong dalawa. Marahil ay alam na din niya ang kung anong meron sa inyo at hinihintay niya kayong magsabi sa kanya.”
“Mabigat ang nakapatong na responsibilidad sa aming mga balikat ni Kahan. Higit sa lahat, ang imperyo ang aming pinaglilingkuran. Kung sakaling malaman na mayroon kaming relasyon ni Kahan, maaaring ito ang maging dahilan upang mapaalis kami sa aming mga posisyon at mawalan ng haligi si Rakim. Iyon ang dahilan kung bakit hangga’t maaari ay lihim ang aming pagtitinginan.”
Tumango si Dani’ya at alam ko sa puso ko na mapagkakatiwalaan ko siya sa aking lihim. Alam kong hindi siya ang taong basta sumisira ng tiwala. Dahil napakainosente pa rin niya kung iisipin. Marami pa siyang hindi nalalaman sa totoong mundo.
Ang mundong marahas at puno ng panlilinlang na nakaabang sa kanya sa oras na piliin niyang sumama sa emperador.
“Makakaasa ka, Sakar. Hinding hindi ko ito sasabihin kay Rakim. Bilang naging magkaibigan na tayo at ikaw lamang ang tunay na nakakaintindi sa aking nararamdaman. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin inaakala na isa akong lalaki na iibig din sa isa pang lalaki. Inaamin ko, mahal ko si Rakim at nais kong makasama siya. Ngunit nalulungkot din ako dahil marami akong bibitawan. Iiwanan ko ang Ysgarda upang sundin ang aking puso.”
Linapitan ko si Dani’ya at hinawakan ang kanyang mga balikat. Napakaganda niyang pagmasdan. Kahit na sinong lalaki ay maaakit sa kagandahang taglay ni Dani’ya. Kaya mapalad si Rakim.
“Ang matimbang para sa puso mo ang dapat mong piliin, Dani’ya. Hindi mo maaring makuha lahat ng bagay sa mundong ito. Kagaya ng sitwasyon mo ngayon, ang makasama ang kamahalan ba? O ang patuloy na manirahan sa tahimik na lugar na ito at makasama ang mga mahal mo sa buhay?”
“Maraming salamat sa pakikinig sa akin, Sakar. Tama nga ang sinasabi ni Kahan, ikaw ang pinakamatalino at pinakabihasa sa pagbibigay linaw sa mga bagay. Kaya mapalad din si Kahan siya ang iniibig mo.”
Napangiti ako sa kanyang winika at kinurot ang kanyang pisngi.
“Napakarami talagang sinasabi si Kahan tungkol sa akin. Mukhang kailangan ko siyang turuan ng leksyon mamaya. Ano sa tingin mo?” sabay kindat sa kanya na kinapula ng mga pisngi niya.
“Ibig mo bang— Hindi… Hindi ko pa rin naiisip na pwede pala mangyari yun? Yung ano— Yung ganun.” sabay senyas ng kanyang mga kamay na kinatawa ko ng malakas.
“Hindi parusa ang tawag diyan Dani’ya. Ang pagtatalik ng dalawang tao ay simbolo ng pagmamahalan nila at pagpapatunay ng kanilang tapat na hangarin. Ang parusang tinutukoy ko ay ang hindi ko pagtabi sa kanya sa pagtulog.”
Kumindat muli ako sa kanya na kinangiti naman niya. Inosente nga si Dani’ya. Marami pa siyang bagay na dapat matutunan bago siya tumapak sa lupa ng Hankar.
- - - - - - - - -
“Ang mga nakalap kong halamang gamot dito ay walang kahalintulad sa buong imperyo. Ang adrona, husra, pomegranitong puti at yamiso. Naisipan kong magpunla ng mga ito ngunit bigo ako sa aking pagsubok. Mukhang hindi ito tutubo sa lupa ng Raijin. Mananatili lamang ito sa Ysgarda.”
Paliwanag ko sa emperador sa aking mga bagong natuklasan habang binabasa niya ang mga diagramong aking sinulat sa papel. Napatango lamang siya at isa isa niyang inusisa ang mga halamang tinukoy ko.
“Malaki ang maitutulong ng mga ito sa larangan ng medisina at siyensya para sa imperyo ngunit pinangako ko kay Dani’ya na hindi ko gagalawin ang Ysgarda at mananatili itong independente. At sino naman ang hangal na magtutungo rito upang makakuha lamang ng mga halamang gamot?”
Napatawa ako ng mahina sa kanyang huling sinabi. Hindi ba’t nagtungo kami rito upang kunin ang kanyang mapapangasawa. Ngunit alam kong hindi iyon kahangalan. Dahil napatunayan niya na mayroong naghihintay sa kanya.
“Kamahalan, may nais lang akong itanong sa iyo. Isang mahalagang bagay na dapat mabigyan ng linaw.”
“Alam mong kahit anong mahalagang bagay ay maari mong itanong sa akin. Ano ba iyon, Sakar?”
Minamasdan pa rin niya ang mga halaman at inaamoy pa ang mga ito.
“Si Ysval. Alam kong matagal mo nang binabalewala ang aking mga hinala tungkol sa pag-aaklas na siya ang nagpapasimuno. Hindi ka ba nagtataka na hanggang ngayon ay wala pang bumabalik na mensahero mula sa imperyo? Maaaring nagbabalak na siyang pigilan ang pagbabalik mo sa imperyo. Iyon ang bumabagabag sa akin. Hindi mapagkakatiwalaan ang mga Shik. Lahat ng nasa posisyon ay mula sa angkan ng Shik.”
“Si Ysval? Sa tingin mo kakayanin niyang gumawa ng taktika upang salubungin tayo at paslangin sa daan? Hindi niya alam ang kakayanan ko. Hindi niya pa ako nakita sa labanan. At kung iniisip niya na mapapasakamay niya ang pagiging emperador sa pamamagitan ng impluwensiya niya sa mga tao? Nakakalimutan na niya siguro ang malaking kapabayaan na ginawa ni Rakjin na galing sa kanyang angkan.”
“Hindi mananahimik si Ministro Hasar. At kahit si Ginoong Rodan, wala akong tiwala sa kanya. Alam mong nang ikaw ay malagay sa iyong posisyon ay marami ang sumangayon. Ngunit nagbabago ang isipan ng tao. Sa bawat maling desisyon na gagawin mo ay lalong lalayo ang loob nila.”
Nilapag ni Rakim ang mga hawak niya at dinamba ang mesa ng malakas. Alam kong binigyan ko siya ng dahilan upang magalit ngunit iyon ang nais kong malaman niya. Maaring magkaiba ang pananaw namin ni Kahan ukol sa mga bagay, ngunit pagdating sa pangangalaga ng imperyo at sa emperador ay pareho ang aming nasasapuso.
“At sa tingin mo ba, mali ang desisyon ko na dalhin si Dani’ya sa Hankar at ipakilala siya sa lahat bilang aking mapapangasawa? Iyon ba ang sinasabi mo, Sakar?”
Malakas at may diin ang pagkakasabi ni Rakim sa mga salitang iyon ngunit nanatili akong kalmado bilang tagapayo niya at isang mabuting kaibigan.
“Kailangan nating itago si Dani’ya sa mata ng karamihan hanggang sa araw ng inyong kasal. Dahil kapag nalaman ng lahat kung sino siya, maaaring mapahamak si Dani’ya dahil maraming mata ang nakasaksi sa kanyang mukha. At maaaring gamitin siya ng mga kalaban mo laban sa iyo. Tandaan mo, hindi alam ni Dani’ya ang kalakaran sa loob ng palasyo. Marami ang pwedeng makapanakit sa kanya. Gusto ko lang din pangalagaan siya bilang kanyang kaibigan.”
“Sa puntong ito ay maaring nalaman na ng mga Shik ang aking kinaroroonan. Ano pa ang punto ng pagtatago ko kay Dani’ya kung makikita lang din naman nila siya kalaunan?”
Umiling ako sa emperador. Alam kong ayaw niyang malayo kay Dani’ya ngunit nakasalalay sa kanya ang buhay ni Dani’ya.
“Kailangang itago natin si Dani’ya sa Guta. Hanggang sa araw ng inyong kasal. Hiwalay ang araw ng ating pag-alis. Kung sakali man na magdesisyon si Dani’ya na sumama, ako at ang ilang sundalo na kasama natin ang magdadala sa kanya sa Guta. Habang kayo ni Kahan at ang karamihan sa sundalo ay babalik sa Hankar. Dala ang isang huwad na Dani’ya.”
Nalukot ang noo ni Rakim sa aking naging suhestiyon. Ito ang naiisip kong makakabuti para sa aming lahat.
“Hindi natin nasisiguro na walang gagawin si Ysval o ng kahit na sino pang nais na mawala ka sa posisyon. Alam natin na isang malaking patibong ang ginawa nating pagpunta dito sa Ysgarda. Kailangan lamang natin na pag-ingatan si Dani’ya.”
Hindi nagsasalita si Rakim, sa halip ay nakikinig lamang sa aking mga sinasabi sa kanya.
“Kung siya man ang nakatakdang magbalik ng kasaganahan sa buong imperyo, kailangan nating masiguro na ang inyong kasal ay magaganap. At ang pag-iisang dibdib ninyo ay hindi dapat mauwi sa trahedya. Kaya iyon ang naisip kong paraan.”
Huminga ang emperador ng malalim bago siya muling nagsalita. Sana nga ay sundin niya ang aking pinapayo.
“Kung gayon, sino ang naiisip mong maging huwad na Dani’ya? Sa tingin mo ba may taong papantay pa sa ganda ng aking minamahal? Hindi ako paniniwalaan ng mga tao.”
“Si Jabir.”
Itutuloy…
Sakar Ima
Disclaimer: The photos of model Gabe is used to portray the character of the royal physician Sakar Ima
Ang mga larawan ng modelong si Gabe ay ginamit upang bigyang buhay ang karakter ng mangagamot na si Sakar Ima.
What do you guys think? ❤
Kabanata 13: Ang Tagisan ng Galing
Matapos ang aking matagal na paghihintay ay dumating na rin ang araw ng pagdedesisyon ni Dani’ya. Kinakabahan man ay kailangan kong tanggapin kung ano man ang magiging desisyon niya. Mahal ko siya ngunit alam kong maraming bagay ang isasakripisyo niya kapag pinili niyang sumama sa akin pabalik ng imperyo.
Minamasdan ko ang aking sarili sa salamin habang isinusuot sa akin ni Kahan ang aking pinakamagarang kasuotan. Bilang isang emperador, kaakibat nito ang ipakita sa buong Ysgarda na ako ang may hawak ng posisyon na iyon. Kung sakali man na maging asawa ko na si Dani’ya ay magiging bahagi na rin ng imperyo ang bayang ito sa taas ng kabundukan.
“Ang plano ni Sakar ay hindi mo dapat pinakinggan. Maaaring mas lalong mapahamak lamang si Dani’ya sa ganoong pamamaraan. Kaya natin siyang protektahan kung sakali man na salubungin tayo ng mga tauhan ni Ysval o ng kahit na sinuman.”
“Kahan, alam kong kaya natin siyang protektahan. Ngunit hanggang kailan? Hangga’t hindi kami kinakasal at wala siya sa posisyon bilang aking asawa, ay marami ang maaaring manakit sa kanya. Ang mas malala pa ay gamitin siya laban sa akin.”
Hindi nagsalita si Kahan sa halip ay inayos ang aking lalagyan ng espada sa aking bewang at sinaklob sakin ang makapal na roba bago niya ako tuluyang iwanan sa aking kubol. Alam kong iniisip din niya na si Sakar at Dani’ya ang magkakasama sa hiwalay na paglalakbay. Isang plano na alam kong mas magiging mainam kaysa sa magkakasama kaming lahat na magiging mas mapanganib.
Narating ko ang tahanan ni Farok at sinalubong naman kami ng mga mamamayan ng Ysgarda. Sa malaking bakuran ng kanilang tahanan nagtitipon ang mga ito. At nakita ko nga si Farok na katabi si Dani’ya.
Silang lahat kasama na ang aking mga sundalo ay nasa isang tabi lamang at ako naman ay tumayo sa harapan ng mag-ama.
Napatingin ako sa lahat at sumenyas kay Farok na ilahad na ang kanyang ninanais na sabihin sa lahat.
“Isang magandang araw sa inyong lahat. Tinipon ko kayo upang ipagbigay alam sa inyo na ang aking anak na si Dani’ya, ay nakatakdang magdesisyon ukol sa isang malaking bagay na matagal na inilihim namin. Siya at ang emperador ng Raijin ay mayroong ugnayan at alam kong iilan sa inyo ay napansin ang pagiging malapit nilang dalawa.”
Narinig ko ang bulungan ng mga tao at ang karamihan ay hindi pa rin maunawaan ang nangyayari ngunit ako na mismo ang pumagitna upang magsalita.
“Ngayong araw nakatakdang magdesisyon si Dani’ya kung siya ba ay tatanggapin ang aking kamay bilang kanyang asawa. Alam kong naguguluhan kayong lahat dahil sa kaming dalawa ni Dani’ya ay mga lalaki. Ngunit hindi mahalaga sa akin ang kasarian ni Dani’ya. Pareho ang tinitibok ng aming damdamin.”
Napatingin ako kay Dani’ya at isang matipid na ngiti lamang ang ginawad niya sa akin.
“Isang karangalan para sa akin ang pakasalan ang isang natatanging nilalang. Walang katulad si Dani’ya at mapalad ako na natagpuan ko siya dito sa lugar na inaakala kong hindi totoo. Kaya anumang maging desisyon niya, ay maluwag kong tatanggapin. Dahil hindi ako isang emperador na kapag hindi nakuha ang kanyang gusto ay magbabanta ng kaguluhan. Pumarito ako ng payapa ang hatid. Lilisanin ko ang Ysgarda ng mapayapa anuman ang maging desisyon ni Dani’ya.”
Muli kong binaling ang aking tingin sa mag-ama at nakita ko ang lungkot sa mata ni Farok. Alam kong mahirap para sa kanya na pakawalan si Dani’ya at ang tanging maipapangako ko na lamang sa kanya ay siguruhing ligtas sa aking pangangalaga ang kanyang anak.
“Oras na, Dani’ya. Ibigay mo na ang iyong naging desisyon.” wika pa ni Farok at napakuyom ako ng aking mga mga kamay bilang antisipasyon.
Naghahalo ang kaba at pananabik sa aking puso. Sa puntong iyon ay ang sagot nalang ni Dani’ya ang mahalaga.
Lumapit si Dani’ya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. Pinisil niya ang mga ito at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.
“Nakahanda na akong lisanin ang Ysgarda at tuklasin ang bagong mundo na kasama ka. At tinatanggap ko ang iyong kamay bilang aking mapapangasawa, Rakim.”
Hindi ako nakagalaw o nakausal ng kahit isang salita manlang. Tanging ang nakangiti at napakagandang mukha ni Dani’ya lamang ang namamayani sa aking isipan.
Nagpalakpakan ang mga taong nakapalibot sa aming dalawa. Para bang iyon na ang hudyat na kami nga ay binigyan na ng basbas ng mga diyos at ng mga taong malapit sa puso ni Dani’ya.
Hindi ako nagdalawang isip at hinalikan ko sa kanyang labi ang aking minamahal. Hindi ko alintana kung may mga taong magsasalita ng hindi maganda ukol sa akin o sa aming dalawa ni Dani’ya.
“Farok? Hindi ba’t tradisyon natin na kapag mayroong ikakasal na miyembro ng ating pamilya ay kailangang magkaroon ng tagisan ng galing sa pagitan ng ikakasal na anak at ng mapapangasawa nito? Magagaling na mandirigma ang mga ninuno natin kaya nararapat lamang na bigyan ng emperador ng karangalan ang ating tradisyon?”
Napatingin ako sa taong nagsalita. Isa itong matandang babae at naglalakad ito palapit sa amin ni Dani’ya. Puno siya ng mga kwentas na gawa sa iba’t ibang uri ng bato at ang kasuotan niya ay naiiba sa nakasanayan na damit ng mga taga Ysgarda.
“Atrusia. Hindi ko inaakala na bababa ka mula sa iyong tahanan upang masaksihan lamang ang araw na ito.”
Lumapit si Farok sa matandang babae na tinawag niyang Atrusia at humalik ito sa kamay nito.
“Kamahalan, siya si Atrusia. Ang punong shaman ng Ysgarda. Siya ang gabay namin sa mga panahon na kailangan namin ng kalinawan sa mga bagay na hindi namin maipaliwanag.”
“Maaari niyo nang lisanin ang bakuran ni Farok. Kami lamang ang maaaring maging saksi sa mangyayaring tagisan ng galing. Iyon ang nakasanayan.” usal ni Atrusia na siya namang sinunod ng mga tao.
Isa-isa silang nagsialisan at ang mga sundalo ko naman ay inutusan kong bumalik na rin mg kubol.
Hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari. Ngunit sa tingin ko ay isa pa itong pagsubok na kailangan kong malampasan kung ninanais kong makasama si Dani’ya.
- - - - - - - - -
“Atrusia? Kailangan pa ba talaga naming maglaban ni Rakim? Hindi sa minamaliit ko ang kakayanan ko, ngunit hindi pa ba sapat na nakikita ninyo kung gaano siya kadalisay sa kanyang hangarin na ako ay mapangasawa?”
Hinawakan ni Atrusia ang mga kamay ko at mabilis niya akong inilayo kay ama at kay Rakim. Napunta kami sa isang bangin na sa ilalim nito ay ang nakalatag na daanan pababa ng kabundukan.
“Isang sumpa ang nakapaloob sa katawan ng emperador. At ang sumpang iyon ay ang hindi siya biyayaan ng supling habang siya ay nabubuhay. Inaakala niya na ikaw ang makakapagbigay ng bagay na iyon sa kanya dahil alam kong iyon ang inutos ng isang shaman na nagmumula sa kanyang imperyo.”
Hindi ko maunawaan ang sinasabi ng matanda. Ngunit alam kong hindi siya magsisinungaling pagdating sa mga ganitong bagay.
“Ibig mo bang sabihin ay gagamitin niya lamang ako upang makuha niya ang ninanais niya?”
“Ikaw ang makakasagot sa katanungan mong iyan, Dani’ya. Ang iyong tadhana ay nakaukit na sa mga bituin. Sa iyong paglisan sa Ysgarda, babaguhin mo ang takbo ng imperyo. Kaya pag-ingatan mo ang iyong sarili. At huwag mong hayaan na gamitin ka ng kahit na sinuman. Dahil iyon ang maghahatid sayo sa walang hanggang pagdurusa.”
Tinangay ako ni Atrusia pabalik sa aming malaking bakuran at napansin kong inalis na lahat ni Rakim ang kanyang kasuotan at tanging ang maiksing pang-ibaba niya ang natitira. Litaw sa liwanag ng araw ang kanyang magandang pangangatawan na tulad sa isang oso. Ilang ulit ko na itong nakita ngunit hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako.
“Nakahanda na si Rakim sa tagisan ng galing. Nakahanda ka na ba, Dani’ya?” tanong sa akin ni ama at agad akong tumango bilang pagsangayon sa kanya.
Ito ang nasasaad sa tradisyon at siguro nga ay nararapat lamang na gawin ko ang lahat upang bigyan ng pugay ang mga ninuno ng Ysgarda.
“Walang kalakip na premyo ang tagisan ng galing na ito. Ang inyong laban ay sisimbolo na nakahanda kayong pangalagaan ang bawat isa kahit pa sa sarili ninyong asawa. Ito ay tanda na sa gitna na panganib, wala kayong pagkakatiwalaan kundi ang inyong mga sarili. Kaya kung nakahanda na kayo, simulan na ang laban.”
Ito ang mga sinabi ni ama bago ko tanggalin sa aking linalagyan nito ang aking espada. Isang manipis ngunit kasing liksi ng hangin na espada. Maraming beses ko na itong nagamit sa pakikipaglaban sa mga dayo na inaakalang madali nilang makukuha ang ninanais nila ngunit pinagsisihan nila iyon.
Winasiwas ko ang aking espada at tumayo ako ng tuwid at pinakiramdaman ang pintig ng puso ni Rakim.
Nasa harapan ko siya at hawak din niya sa kanang kamay niya ang kanyang espada. Nakababa ito sa lupa at siguro ay nag-aalangan siyang sumugod sa akin.
“Hindi ito ang panahon upang isipin mo ang nararamdaman mo para sa akin, Rakim. Isa itong pagsubok na kailangan nating malampasan.”
“Ayokong saktan ka, Dani’ya. Hindi ko kailanman makakayang gamitin ang espada ko laban sayo.”
Ako na mismo ang nagsimula dahil alam kong ito ang nararapat.
Tumalon ako sa itaas ng isang puno at mabilis din akong bumaba rito at patakbo akong sumugod kay Rakim. Hindi niya namalayan ang mabilis kong pag-atake kaya nawalan siya ng balanse. Nakailag siya sa aking paghiwa sa kanyang braso.
At dahil doon ay inikot ko ang aking espada at muling sumugod sa kanya. At sa pagkakataong iyon at sinangga niya ito gamit ang sarili niyang espada. Malaki ito at walang sinabi ang sarili kong espada ngunit kailangan kong ilabas ang kanyang pagiging isang mandirigma kaya tumalon ako at paglapag ko sa likuran niya ay agad kong pinatid ang kanyang mga paa na kinabuwal niya.
Mabilis ko siyang dinaganan sa kanyang katawan at hindi siya agad nakakilos dahil sa bilis ng aking ginawang pagpatid sa kanya.
“Masiyado kang nagpapadala sa emosyon mo, Rakim. Hindi mahalaga ang nararamdaman mo para sa akin kung ikaw ay nasa bingit ng panganib. Hahayaan mo bang tapusin ko ang buhay mo na walang laban?”
Nakita ko sa kanyang mga mata ang pagbabago nito. Kung kanina ay natatakot siyang labanan ako dahil baka masaktan niya ako. Ngayon ay parang lumabas na ang tunay na pagkatao niya. Ang emperador ng Raijin.
Napailag ako nang subukan niyang hawakan ang aking kaliwang binti at dahil doon ay mabilis niyang nakuha ang kanyang espada at agad itong iwinasiwas na muntikan nang madaplisan ang aking hita kung hindi lang dahil sa bilis ng aking mga kilos.
Tumakbo ako palayo sa kanya at muling tumindig na hawak ang aking espada. Ngayon nakikita ko na kung paano nga ba makipaglaban ang isang emperador.
Mabilis siyang kumilos papalapit sa akin at hindi siya nagdalawang isip na iwasiwas sa akin ang kanyang espada na nailagan ko naman. Lumiyad ako at muling pinatid ang isa niyang paa ngunit nahawakan niya ang kamay kong hawak ang aking espada.
Napahiyaw ako sa sakit dahil sa lakas ng paghigit na ginagawa niya sa akin na naging dahilan upang mabitawan ko ang aking espada. Ngunit hindi magpapatalo sa kanya. Kinuha ko mula sa aking roba ang aking plawta at tinadyakan ang paa na Rakim na dahilan upang mabitawan niya ang aking kamay at mabilis akong nakalayo sa kanya.
Agad kong itinutok ang plawta sa aking bibig at agad na pinatunog ang piyesa na matagal ko nang inaaral. Hindi man ako manalo sa pisikal na labanan, ang musika na linilikha ko ay isang pwersa na kahit na si Rakim ay hindi kayang labanan.
Lumabas mula sa plawta ang huni na hindi mo nanaising marinig. Ang tunog na kayang magpahinto ng isang nilalang at hindi na makagalaw pa.
At bago pa man tuluyang matapos ang piyesa ay tinigil ko na ito dahil nanghihina na si Rakim at maging si Ama at Atrusia ay apektado na sa aking ginagawa.
Agad akong tumakbo palapit kay Rakim at kita ko ang paghahabol niya ng hininga. Ito ang ayaw kong mangyari. Kahit na sabihin pang isa lamang itong pagsubok. Ngunit ang makita ng ganito si Rakim ay hindi matanggap ng aking puso.
“Rakim… Patawad. Hindi ko naisip na maari kang mahirapan ng ganito kapag ginawa ako ang bagay na iyon. Patawarin mo ako, mahal ko.”
Niyakap ko siya habang hinahabol pa rin niya ang kanyang hininga. Hindi ko inakala na mapanganib na piyesa pala ang aking nagawa.
May kung anong bumulong sa aking tenga ngunit hindi ko na ito pinansin pa. Ang mahalaga ngayon ay madala si Rakim sa kanyang kampo at mabigyan ng lunas ni Sakar.
Itutuloy…
Kabanata 14: Jabir
Tanging si Dani’ya lamang ang mahalaga. Kung siya man ay tuluyang aalis ng Ysgarda ay pipiliin kong samahan siya sa kanyang paglalakbay papunta sa imperyo ng Raijin. Hindi ako makakatawid sa mundo ng mga spirito kapag hindi ko nagawa ang aking tungkulin.
Ang panahon ng mga diyos at mga spiritwal na nilalang ay unti-unti nang naglalaho simula nang wasakin ng mga tao ang tirahan ng iba’t-ibang nilalang na mapayapang namumuhay sa mundong ito. At kahit ang aking mga kauri ay hindi nakaligtas sa kalupitan ng mga tao kung kaya pinili namin ni Prasha na magtago sa Ysgarda ngunit nabigo pa rin akong pangalagaan siya dahil umibig siya sa isang tao na hindi maaaring mangyari sa mga tulad naming spirito. Ang aming katawang lupa ay tuluyang masisira kapag ibinigay namin ito sa isang tao.
“Jabir, hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa kong ito. Pero kailangan ko ang tulong mo.” saad ni Dani’ya sa akin habang humahangos siya.
Nasa harapan siya ng aking pintuan habang ako ay umiinom ng aking paboritong tsaa. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan. At inayos ang aking puting roba. Hinaplos ko ang aking puti at tuwid na mahabang buhok. Ang aking asul na mga mata na tulad din sa mata ni Dani’ya ay ipinukol ko sa kanyang deriksyon.
“Alam ko ang ginawa mo, pinanood ko kung paano mo patunugin ang plawta na aking ibinigay sa iyo. Hindi ko akalain na gagamitin mo ito agad.”
Kinuha ko mula sa kanyang kamay ang plawta at binigyan ko siya ng ngiti.
“Kung ganun nakita mo pala ang tagisan ng galing namin ni Rakim. Ngunit bakit nangingiti ka? Masaya ka ba na nasaktan si Rakim na kagagawan ko?”
Umiling ako sa kanya dahil kahit kailan ay hindi ko ninais na manakit ng isang tao. Mali ang iniisip nila tungkol sa akin. Prinoprotektahan ko lamang siya sa posibleng maganap sa kanya. At ngayong nakapagdesisyon na siya, magsisimula nang magbago ang lahat.
“Kailanman ay hindi ko inisip na gawan ng masama ang emperador. Gusto ko lamang maging malinaw sayo na hindi ako mapanakit. Prinoprotektahan lamang kita sa maraming bagay kagaya ng pinangako ko sayong ina. Ngunit ngayong nalaman ko na ang lahat, wala na rin akong magagawa kung iyon man ang pinili mong landas. Hindi na kita pipigilan pa.”
Hindi siya nagsalita pa. Tahimik lamang niyang tinitingnan ang aking mukha. Alam kong napakaraming bagay ang umiikot sa isipan niya sa puntong iyon.
“Ikaw lang ang may kakayanan na baliktarin ang epekto ng musika sa katawan ni Rakim. Ang piyesang pinatugtog mo sa plawta ay isang uri ng enkantasyon na nagpapahina sa paghinga ng isang nilala. Itinuro ko sa iyo ang lahat ng nalalaman ko. Ngunit hindi ko pa narinig ang piyesang iyon. Ikaw ang may gawa at ikaw din ang makakalunas sa kanya.”
Napapailing siya at alam kong natatakot siya na baka tuluyang mawala sa kanya ang taong minamahal niya.
“Ngunit hindi ko alam na ganoon pala ang epekto ng ginawa kong iyon sa kanya. Maging si Sakar ay hindi makaisip ng paraan para maayos ang kalagayan niya. Ano na ang gagawin ko?”
Ibinigay kong muli sa kanya ang plawta at pinayuhan siya sa kanyang dapat gawin.
“Nasa puso mo ang lahat ng kasagutan, Dani’ya. Hindi ako o kahit na sinuman ang makakatulong sa emperador kundi ikaw lamang. Bago pa mahuli ang lahat, gawin mo ang dapat mong gawin.”
Siguro ay napagtanto niya mula sa mga sinabi ko na kailangan niyang pakinggan ang nilalaman ng puso niya. At iyon ang dahilan upang magmadali siyang lisanin ang aking tahanan. Sa bilis ng kanyang kilos ay parang bula siyang naglaho.
“Sana lang ay hindi mabahiran ng kadiliman ang puso ni Dani’ya. Dahil kapag nangyari iyon, hindi ko alam ang posible niyang gawin sa mga taong nanakit sa kanya.”
Isang pamilyar na tinig ang aking narinig mula sa di kalayuan. Napatingin ako rito at si Atrusia nga dala ang kanyang tungkod at naglalakad siya patungo sa aking kinatatayuan.
“Hindi pa niya alam ang buong katotohanan sa pagkatao niya, Jabir. Bakit patuloy mong itinatago sa kanya ang katotohanan?”
Hindi ko agad sinagot si Atrusia. Hindi siya ang magdedesisyon sa bagay na iyon. Alam kong masiyadong naging maramot ako sa pagbibigay ng kaalaman kay Dani’ya ngunit para na rin iyon sa kanyang ikabubuti.
“Kapag nalaman niya kung sino ba talaga siya, maaring hindi niya ito kayanin at mas lalong lumalim ang kadiliman sa kanyang puso. Iyon ang pinipigilan kong mangyari, Atrusia.”
“Nangyayari na ang mga kinatatakutan natin. Kapag nagkatotoo ang lahat ng mga nakasaad, sana ay nakahanda si Rakim upang gawin ang sakripisyong iyon.”
Tumango ako bilang sangayon sa sinabi ni Atrusia. Kapwa kami nakatingin sa payapang lawa habang papalubog ang araw mula sa kalangitan.
“Kung talagang mahal niya si Dani’ya. Gagawin niya ang lahat. At kung hindi man, ako mismo ang gagawa noon.”
Linisan ako ni Atrusia at pumanhik naman ako papasok sa aking tahanan.
- - - - - - - - -
Hawak ko ang kamay ni Rakim habang minamasdan ang namumutla niyang labi. Habol pa rin siya sa paghinga at wala pa rin akong maisip na paraan upang siya ay bumalik sa dati.
“Kahan! Walang may gusto na mangyari ito kay Rakim. Ginagawa ko na lahat ng aking nalalaman sa pangagamot upang malunasan siya. Ngunit ito ay gawa ng mahika. Hindi ko alam kung paano babaliktarin ang epekto ng enkantasyon na ginamit ni Dani’ya sa kanya.”
Narinig ko pa ang madiinna boses ni Sakar habang sila ay nagtatalo ni Kahan sa loob ng kubol ni Rakim.
Nakahiga si Rakim sa kanyang malaking higaan at pinipilit ko pa ring hindi isipin na kasalanan ko kung bakit nasa ganito siyang kalagayan. Kung hindi ko sana ginamit ang plawta, hindi ito mangyayari kay Rakim. Nadala ako sa bugso ng aking damdamin. Masiyado akong naging pursigido na hindi maisahan.
At ang naging bunga noon ay ang masaktan at mahirapan ang aking minamahal.
“Kung hindi niya itinuloy ang pakikipag-duelo sa emperador, hindi sana umabot sa ganito ang lahat. Paano niya nagawang saktan ang taong sinasabing mahal niya? Ganyan ba siya magmahal? Kailangan niyang maging mapanakit?”
“Kasalanan ko ang lahat. At humihingi ako ng tawad dahil hindi ko naisip na maaaring maging ganito ang epekto ng aking gagawin kay Rakim. Higit kanino man, alam kong pinag-iingatan niyo ang inyong kaibigan. Pero hindi ako perpekto. Kagaya niyo, nasasaktan din ako na makitang ganito ang kalagayan niya ngayon. Hindi ko sinadya ang lahat ng ito.”
Napabaling silang dalawa sa akin at si Sakar ang agad na lumapit sa akin at napaluhod sa harapan ko, hinawakan niya ang aking mga balikat at ngumiti.
“Hindi kita sinisisi sa nangyari. Alam kong may mga bagay na sadyang nangyayari at hindi natin napipigilan. Ang isipin nalang natin ngayon ay kung paano gagaling si Rakim. May kinalaman ba ito sa plawta? Bakit may ganoon kang kakayahan?”
Tumango ako at ilinabas ang aking plawta mula sa madumi kong kasuotan. Kinuha naman ito ni Sakar at pinagmasdan niya ng maigi.
“Hindi pa ako nakakita ng ganitong plawta. Kakaiba ang hugis nito sa pangkaraniwan. At mukhang gawa ito sa materyal na hindi matatagpuan sa mundong ito. Sino ang nagbigay nito sayo?”
“Nang magkaroon kami ng kompromtasyon ni Jabir, sinabi niya lahat ng mga ginawa niya para pigilan si Rakim na magtagumpay sa kanyang mga pagsubok at ang pagpilit niya sa akin na huwag sumama kay Rakim. Ngunit sa bandang huli ay wala din siyang nagawa. Alam niya ang damdamin ko para kay Rakim. At hindi ko nais na palampasin ang pagkakataon na maranasan ang mahalin ng isang taong kapareho ng aking nararamdaman. Kaya binigay niya sa akin ang plawta na iyan.”
Tiningnan ko ang plawta at kinuha ito sa kamay ni Sakar. Tila ba may boses na nanggagaling dito na ako lamang ang nakakarinig. Nakikipag-usap ito sa aking isipan.
Atsha vish urpa… Za vish dratsari Dani’ya..
Para akong nahihipnotismo sa boses na aking naririnig. Alam ko ang aking ginagawa ngunit parang wala akong kontrol. Nagkusa ang mga kamay ko na itutok ito sa aking bibig at nagsimula akong ihipan ito.
Nagsimulang tumugtog ang isang napakagandang musika na hindi ko pa kailanman narinig. Hindi ako ang gumagawa ng bagay na iyon kundi ang kumokontrol sa akin. Tila ba may ibang pagkatao ang bigla nalamang lumukob sa akin na pilit ko mang paglabanan ay hindi umaalis.
Ang musika na linalabas ng plawta ay may kung anong dalang saya sa sinumang makakarinig nito. Dahil iyon mismo ang nararamdaman ko. Ang imahe ni Rakim sa aking panaginip. Ang aming unang pagtatagpo. Ang aming mga naging asaran sa ilog habang ginugulo niya ang aking pag-eensayo. Ang mga salitang narinig ko mula sa kanyang bibig. Ang mga ngiti niya na nagpapasaya sa aking puso. Ang kanyang pagmamahal para sa akin kahit pa alam niyang pareho kaming lalaki.
Iyon ang namayani sa aking puso at nang matapos ang musika ay tila ba bumalik ako sa aking katawan at naging malinaw ang buong paligid. Kita ko ang pagtitig ni Sakar sa akin na tila ba gulat na gulat siya sa mga nangyari.
“Da—Dani’ya.”
Napalingon ako at nakita ko ang nakatayong si Rakim sa aking harapan. Para bang walang nangyari sa kanya at nanumbalik na ang kanyang lakas.
“Ra–Rakim! Patawarin mo ako. Patawad sa aking nagawa. Hindi— Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa akin. Marami akong pagbabagong nararanasan.”
Niyakap ako ni Rakim ng mahigpit nang makulong ako sa kanyang mga bisig. Hinaplos niya ang aking likuran at hinalikan ang aking ulo.
“Huwag kang matakot. Nandito ako upang samahan ka at nangako ako sayo na proprotektahan kita. Hindi kita iiwanan. Sasamahan kita hanggang sa huli.”
“Ngunit paanong naging maayos na ulit ang kalagayan mo? Pinatugtog ko ang plawta at hindi ko na alam ang sumunod pang nangyari.”
Inilayo ako saglit ni Rakim at napatingin kaming dalawa kay Sakar at maging si Sakar ay hindi rin maunawaan ang mga nangyari.
“Pinatugtog mo ang plawta at ang musika na nangagaling doon ay isang napakagandang ala-ala. Tanging iyon lang ang aking naalala sa mga sandaling iyon, Dani’ya. Nakakamangha ang iyong ginawa. Tila ba lahat ng galit at sakit na nararamdaman ng tao ay kayang tanggalin gamit lamang ang musika na pinapatugtog mo. Anong klaseng nilalang ka ba talaga, Dani’ya?”
Hindi ko na nasagot pa ang tanong ni Sakar dahil si Kahan ay lumapit sa amin at nagulat din siya na maayos na ang kalagayan ni Rakim.
“Anong nangyari? Nakatulog ba ako? Magaling ka na, kamahalan? Paano?”
Lahat kami ay walang ideya kung anong nangyari. Para bang napunta kaming lahat sa ibang bahagi ng aming mga isipan sa oras na lumabas ang musikang iyon sa aking plawta.
“Hindi na mahalaga ang bagay na iyon. Ang mahalaga ay maayos na ang kalagayan ko at si Dani’ya ang dahilan ng aking paggaling.”
Hindi ako bumitaw kay Rakim at kahit pa sinasabi niya na malakas na siya ay hindi ko siya iniwanan sa kanyang kubol.
Linisan kami ni Sakar at Kahan at ngayon nga ay kaming dalawa na lamang ay agad ko siyang siniil ng halik sa labi. Malalim ang aming naging halikan hanggang sa maramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin at unti-unti niya akong inihiga sa kanyang malaking higaan na napapalibutan ng balat ng oso at tigre.
Hindi ko alam kung bakit bigla nalamang ako nakaramdam ng matinding pagnanasa kay Rakim. Lahat ng pagbabagong nagaganap sa akin ay hindi ko pa rin mabigyan ng paliwanag.
Idiniin ni Rakim ang kanyang katawan sa akin at pinisil niya ang aking dibdib na nagbigay sa akin ng kakaibang sensasyon. Tinanggal niya ang aking pang-itaas na damit at malaya niyang napagmasdan ang aking katawan.
“Napakaganda mo, Dani’ya. Hindi ko alam kung mapipigilan ko pa ba ang sarili ko na angkinin ka ngayong gabi.”
Tinanggal niya ang natitira niyang saplot sa katawan at alam kong ang naghuhumindik niyang ari ay naghihintay na mapaligaya.
Ang puso ko ang nagnanais nito. Nais kong maranasan lahat ng bagay na matagal ko nang iniisip at hindi nabibigyan ng kasagutan.
At ang pag-iisa ng katawan namin ni Rakim ay hindi ko na rin mapigilan pa.
“Nakahanda na ako, Rakim. Hindi na ako makapaghintay pa na maranasan ang iyong pagmamahal.”
Isang makahulugang ngiti ang ginawad niya sa akin bago niya ako muling siilin ng halik at nagsimula ang labi niyang gumapang pababa hanggang sa marating nito ang aking dibdib.
Itutuloy…
Ikalawang Yugto
Ang mundo ni Dani’ya ay tuluyan nang magbabago sa kanyang pagsama kay Rakim sa imperyo ng Raijin. At kalakip nito ay ang pagkatuklas niya sa lihim ng totoo niyang katauhan.
Dalawang pagkatao na maghahasik ng lagim sa buhay ni Rakim at ng kanyang pamumuno bilang emperador ng isang marupok na imperyo at ang kanyang puso ay mahahati sa kung sino nga ba ang dapat niyang pagkatiwalaan at pangalagaan.
Sa kanilang paglalakbay ay mahahanap ni Sakar at Kahan kasama ni Jabir ang kasagutan sa matagal nang suliranin na kanilang kinakaharap sa katauhan ni Dani’ya.
At ang pagsilang ng bagong tagapagmana ng Raijin na magiging dahilan ng mas malaking kaguluhan sa pagitan ng mga angkan ng Raijin at ang pag-aaklas na pamumunuan ni Ayesa at Yslav.
Pag-ibig, pagtataksil at pighati. Ano ang naghihintay sa kanilang mga buhay?
Abangan ang ikalawang yugto…
Kabanata 15: Si Dani’ya at Dana’ri
Hindi ko maipaliwanag ang aking kaba sa tuluyang pagtanggal ni Rakim sa aking natitirang kasuotan. At ang aking buong katawan ay mabubunyag na sa kanyang mga mata. Ang aking katawan na matagal ko ring pinagkaitan ng kamunduhang pagnanasa ngayon ay hindi na napipigilan ng kahit na anong alinlangang. Dahil sigurado na ako sa aking pagmamahal para kay Rakim. Nakahanda na akong ibigay sa kanya ang lahat sa akin.
“Isa kang hangal kung inaakala mong mapapasa kanya ang katawan mo. Hindi ko hahayaan na isang hamak na mortal lamang ang makakuha ng iyong katawan. Isa kang basal. Hindi mo pa siguro nauunawaan ngunit hindi ito ang panahon para ikaw ay magpaalipin sa kamunduhan!”
Napatigil ako sa aking ginagawang paghalik kay Rakim dahil sa tinig na aking narinig. Tila ba kinakausap ako ng boses na mismong galing sa akin.
“Itigil mo ang iyong ginagawa ngayon din, kung hindi ay ako mismo ang pipigil sa kanya!”
“Haaaaaaa!!” sigaw ko na kinabigla naman ni Rakim at agad niya akong hinaplos sa aking mukha.
May boses akong naririnig sa aking isipan. Ngunit ang boses na iyon ay katulad ng boses ko. Ang pagkakaiba lamang ay isang nakakahindik na boses at may malaking galit itong nararamdaman.
“Dani’ya? Anong nangyayari? May masakit ba? May mali ba akong nagawa?” puno ng katanungan ang mukha ni Rakim habang patuloy niyang hinahaplos ang aking mukha.
“May boses akong naririnig. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero pinipigilan niya akong makipagniig sayo, Rakim.”
Alam kong hindi rin nauunawaan ni Rakim ang nangyayari ngunit nakahanda na ako. Handa na akong ibigay sa kanya ang aking katawan.
“Kung gayon ay hindi muna natin dapat gawin ito. Baka mayroong kaugnayan ito sa sinasabi ni Jabir na kapag tayo ay nagtalik, mawawala na ang iyong spiritwal na kapangyarihan.”
“Ngunit nakahanda na akong ibigay sayo ang lahat sa akin, Rakim! At hindi mapipigilan ng boses na iyon ang aking nararamdaman para sayo.”
Napangiti si Rakim at alam kong parehas naming gustong makamtan ang ninanais ng aming mga puso kaya muli niya akong sinungaban ng halik at ngayon ay pati ang aking labi ay sumasabay na rin sa ritmo ng kanyang nakakapanghinang labi.
At kapwa kaming hubad ang katawan habang minamasdan ang isa’t-isa. Ang malalaki niyang braso at ang nangingintab niyang dibdib na nasisinagan ng ilaw ng lampara. Ang kanyang mga pinong buhok na naglalakbay pababa sa malagong buhok ng kanyang ari ay hindi nakakakasawang pagmasda. Napako ang aking mga mata sa malaki niyang ari. Iyon na siguro ang pinakamalaking ari na makikita ko sa buong buhay ko.
Tila ba may sariling isip ang aking kamay at hinawakan ko ang kanyang ari na nagpasinghap kay Rakim. Ang mga mata niya ay punong puno ng pagnanasa at sa aking pagtaas baba ng aking kamay sa kanyang ari ay sumasabay siya sa pagkadyot nito na tila ba ito ang kauna unahan niyang pakikipagtalik.
“Ahhh… Ganyan nga Dani’ya. Mga palad mo palang ay nagbibigay na sakin ng kakaibang sarap.”
Hindi ko na rin alam ang ginagawa ko. Nalunod na ako sa pagnanasang nararamdaman ko para kay Rakim at tuluyan kong nilandas pababa ang aking bibig at hinayaan kong laruin ng dila ko ang malaking ari ni Rakim. Nakakapanghina at mas lalo akong nalulunod sa aking kamunduhang nararanasan.
“Huh! Dani’ya… Sayo lamang ang lahat sa akin, mahal ko…”
At sa mga binitawan niyang salita ay tuluyan kong isinubo sa aking bibig ang kanyang malaking ari. At kasabay nun ang marahan na pagkadyot niya. Nakakabaliw ang ginagawa niya. Parang matagal na akong nakahanda para sa ganitong pagkakataon at ang katawan ko ay pinapaubaya na ang lahat sa pagnanasa na nararamdaman ko.
Hindi na napigilan ni Rakim ang kanyang sarili at agad niya akong binuhat. Hinalikan niya ako muli sa labi at ang kanyang daliri ay naglalandas sa aking pang-upo at hinahanap nito ang aking butas. Tila ba may kung anong kidlat na tumama sa aking katawan ng unti-unting ipasok ni Rakim ang malaki niyang daliri sa loob ng aking butas.
Ngunit ang kidlat na iyon ay mabilis na napalitan ng kakaibang kiliti at sarap habang pabalik balik na nilalakbay ng daliri ni Rakim ang aking butas.
“Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko, Dani’ya. Maaari ko na bang pasukin ang iyong butas?”
Wala akong pag-aalinlangan at sinenyasan ko siyang gawin na ang nais niya. Nakahanda na ako.
At sa pagpasok ng malaki niyang ari sa aking naghihintay na butas ay tila ba may malakas na enerhiyang kumawala sa akin. Mabilis akong ibinaba ni Rakim muli sa higaan at dahan dahan niyang binabayo ang aking pang-upo. Nanghihina man ako ay nandoon pa rin ang aking pagnanasa. Nandoon ang aking kagustuhan na mapag-isa namin ni Rakim ang aming mga katawan.
“Napakainit sa loob mo, Dani’ya. Napakasikip. Ikaw lamang ang nakapagbigay ng ganitong ligaya sa akin.”
At mas lalo pa niyang binilisan ang pag-ulos na ginagawa niya at ako ay nakakaramdam din ng kakaibang sarap sa bawat pagtama ng kanyang ari sa parteng iyon sa aking loob. Totoo ngang nakakabaliw ang ganitong karanasan.
Hindi ko na rin napigilang sagalsalin ang aking ari at tila ba gusto nang kumawala ng aking katas mula dito. At sa kanyang huling pag-ulos ay ang pagbulwak ng aking katas mula sa aking pagkalalaki.
Hingal din si Rakim at nakangiti sa akin. Alam kong sabay naming narating ang rurok ng kamunduhan. At sa kanyang pagtabi sa akin sa aming higaan ay kapwa kaming nakaranas ng pagod at tuluyang dinalaw ng antok.
×-×-×-×-×-×-×-×
Malamig na hangin ang humaplos sa aking mukha na siyang kinagising ng aking diwa. Madilim pa ang paligid ngunit alam kong magbubukang liwayway na. Napangiti ako habang muli kong naiisip ang nangyari sa aming dalawa ni Rakim.
Napaharap ako sa aking likuran at naroon siya. Mahimbing ang kanyang tulog at hindi ko naman napigilang halikan ang kanyang labi.
“Tuwang tuwa ka na binigay mo ang ating katawan sa isang mortal? Ganun lang ba kadali para sa iyo na ibigay ang buo mong pagkatao para sa isang mortal na maari kang iwan?”
Napagitla ako sa boses na aking narinig at hinanap ng mga mata ko ang pinanggagalingan nito.
“Mukhang tama lamang ang naging desisyon ko na lisanin ang mortal na katawan natin bago ako tuluyang nabura sa mundong ito.”
Nang harapin ko ang katabi kong maliit na mesa ay doon ko nakita ang isang nakaupong tao. Nakatalikod siya at hindi ako maaring magkamali. Iyon ang aking buhok. At sa hugis ng kanyang katawan ay alam kong iyon din ang katawan ko.
Nababaliw na ba ako? Nasisiraan na ba ako ng bait?
“Sino ka?” yun lamang ang lumabas sa aking bibig at nang tuluyan akong harapin ng taong nakaupo sa mesa ay nagulantang ako at agad kong kinuha ang aking espada at itinutok ito sa kanya.
Natawa pa ito at hinawi sa kanyang harapan ang aking espada at itinutok ito pababa.
“Dani’ya? Ganyan mo ba gustong patayin ang sarili mo?”
Napapailing ako. Hindi totoo itong nakikita ko. Alam kong nananaginip lang ako.
Tinampal ko ang aking sarili ngunit sobrang sakit nun kaya alam kong hindi ako nananaginip.
“Anong nangyayari? Bakit— Bakit kamukha kita? Ikaw ba yan Jabir?”
“Nakakatuwa ka talagang pagmasdan. Ang inosente mong pagkatao ang muntik nang magpahamak sa akin. Mabuti na lamang at nakaalis ako sa tamang oras.”
Naglakad siya papunta sa salamin ni Rakim at minasdan niya ang kanyang sarili.
“Hindi mo ba ako nakikilala? At kung inaakala mong ako si Jabir, isa ka ngang hangal. Ikaw ay ako at ako ay ikaw.”
Napakamot ako sa aking ulo ngunit hindi ko alam kung ano pa nga ba ang sasabihin. Siya ay kamukhang kamukha ko. Ngunit paano ito nangyari?
“Huwag kang mag-alala. Ikaw lamang ang nakakakita sa akin. Dahil tayong dalawa ay pinag-isa ni Prasha. Ang ating ina.”
Kung ganun. Siya ay kakambal ko ngunit isa lang siyang spirito? O siya ay ako ngunit isa katauhan na nakatago sa kaibuturan ng aking isip at puso.
“Napakadali mong mauto, Dani’ya. Kaya ako na mismo ang nagpalaya sa aking sarili. At matagumpay ako sa aking ginawang pagtakas.” at sabay niyang itinuro sa akin ang plawta na bigay sa akin ni Jabir.
“Tinugtog mo ang piyesang magpapalaya sa akin gamit ang plawtang iyan. At alam mo kung sino ang may gawa ng piyesang iyong tinugtog sa tagisan ng galing niyo ng iyong minamahal?”
Napakuyom ako ng aking mga kamay. Kung gayon. Hindi pala ako kundi siya ang gumawa ng nakakapanghina at nakakamatay na musikang iyon na muntik ng ikapahamak ni Rakim.
“Hindi mo ba alam na muntik ng mamatay ni Rakim ng dahil sa ginawa mo?”
“At mas gugustuhin kong siya ang mamatay kesa tuluyan akong maglaho sa mundong ito. Hindi ko kailanman hahayaan na isang mortal lamang ang magtanggal ng aking karapatan na mabuhay sa mundong ito.”
Magkapareho ang aming mukha at tindig. Ang aming mga boses. Ngunit naiiba siya sa akin. Siya ay makasarili at masamang bahagi ng aking pagkatao.
“Mas mabuti nga na nawala ka na lamang kung isa ka rin lang makasariling nilalang na nabubuhay sa loob ng aking katawan.”
Napangiti siya at inabot ang plawta. Minasdan niya ito ng maiigi at tila ba may liwanag na lumalabas mula rito.
“Tinawag mo ako Dani’ya noong ikaw ay nangangailangan. At ako rin ang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog ni Rakim. Kung inaakala mo na ikaw ang aking kalaban, nagkakamali ka. Prinoprotektahan ko lamang ang basal na pinaglagyan sa akin ni Prasha. At ikaw ang basal na yun.”
“Kung ano man ang ginawa ng aking ina upang ikaw ay magkaroon ng pananagutan sa akin, ngayon pa lamang ay kalimutan mo na. Hindi ko kailangan ng proteksiyon mo dahil kaya ko ang aking sarili.”
Muli siyang napangiti sa aking mga tinuran. Siguro nga ay mahiwaga talaga ang mundong aking ginagalawan at kasama ang nilalang na ito sa mga hiwagang kailangan kong harapin.
“Mas lalo kitang dapat pag-ingatan dahil nakasalalay sa iyo ang buhay ng magiging anak natin.”
“Anak natin? Nababaliw ka na ba talaga?”
Lumapit siya sa akin at itinuro niya ang hubang kong tiyan at nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya na namumuo sa parteng iyon ng katawan ko.
“Nagdadalang tao ka na, Dani’ya. At kapag may masamang mangyari sa iyo o ss batang nasa loob niyan, maglalaho ako. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, bahagi ako ng iyong pagkatao.”
Hinawakan ko ang aking tiyan habang nakaharap sa nilalang na kamukha ko. Para bang nakaramdam ako ng saya habang iniisip ko ang sinabi niyang nagdadalang tao na ako.
“Ako si Dana’ri. At hindi ako masama. Hindi din ako makasarili. Prinoprotektahan ko lamang ang aking pinagmulan.”
At sa isang iglap ay bigla siyang naglaho. Bumagsak ang plawta mula sa paglitaw nito sa hangin at doon nagising ng tuluyan si Rakim.
Hindi ko namalayan na sumisikat ba pala ang araw.
“Ang aga mong nagising mahal ko? Hindi mo ba gustong matulog muli dito sa bisig ko?”
Napaharap ako kay Rakim at napangiti sa kanya. Hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang mga nangyari. Ang pagsulpot ni Dana’ri at ang pagkatuklas ko na ako ay nagdadalang tao.
“Nakaramdam ako ng uhaw kaya nauna na akong bumangon. Gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain?” pangiti kong sagot kay Rakim na mas kinalaki ng kanyang pag ngiti sa akin.
“Magandang mungkahi yan. Hindi na ako makapaghintay na makauwi tayo sa Raijin at ipakilala ka sa lahat bilang aking asawa.”
Napatango lamang ako at lumapit sa kanya upang gawaran ng isang mabilis na halik.
Inayos ko ang aking sarili at agad na umalis sa kanyang kubol.
Sa aking paglabas ay sumalubong naman sa akin ang isang pamilyar na mukha.
Itutuloy…
Kabanata 16: Ang Ikalawang Pagkatao (Unang Parte)
Nararamdaman ni Jabir kahit malayo pa siya sa kubol na kinaroroonan ni Rakim at Dani’ya na may kakaibang nangyayari. Hindi siya maaaring magkamali na isang enerhiya na nagmumula sa isang spirito ang naroon at hindi maganda ang dulot nito. Nagmamadali siyang humakbang upang maabutan niya ito at agad na makompronta kung ano man ang binabalak nito ngunit pagdating niya sa dungawan ng kubol ay isang walang pang itaas na kasuotan na Dani’ya ang kanyang naabutan at bakas sa mukha nito ang pagkalito at pagkagulat.
“Dani’ya. Tama ang hinala ko. May spirito na naligaw dito. Nararamdaman ko pa rin ang enerhiya niya.”
Nakatitig lamang si Dani’ya kay Jabir na patuloy ang pagsiyasat sa kalooban ng kubol. Ngunit di niya rin maitatatwa ang pagkailang nito habang namamasdan nito ang kanyang hubad na katawan.
“Alam kong pupuntahan mo ako dito ngunit huli na para komprontahin mo siya. Bumalik na siya sa loob ng aking katawan.”
Lalong naguluhan si Jabir sa narinig niya kay Dani’ya. Hindi tama ang ganitong pangyayari. Humihiwalay na ba sa mortal na katawan ni Dani’ya ang spirito nito? Ano ang ibig sabihin nito? Wala pang ganitong nangyari sa maraming taon na nabubuhay siya sa mundo.
“Hindi ko maipaliwanag kung anong nangyayari. Kamukhang kamukha ko siya. At meron din siyang pangalan. Danari. At sabi niya, kailangan kong lumayo kay Rakim, kung hindi ay tuluyan akong maglalaho kasama siya.” sambit ni Dani’ya habang patuloy naman niyang hinihimas ang kanyang tiyan.
Napatingin si Jabir sa kamay ni Dani’ya at nakikita niya ang mumunting kislap na nagmumula roon. Tama nga ang hinala niya. Kayang magbuntis ni Dani’ya kahit ang katawang lupa na ibinigay sa kanya ay naaayon sa isang lalaki.
“Linagay na sayo ang binhi ng sumpa. Ikaw na ngayon ang magdadala ng sumpa ng emperador na nasa loob mo. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa iyo pero habang maaga pa ay dapat mo nang putulin ang ugnayan mo sa emperador. Nanganganib ang buhay mo. At alam mong kapag naglaho ka, walang matitira sayo. Kahit ang iyong spirito ay hindi na makakabalik sa ating mundo.”
Umiling si Dani’ya. Hindi niya kayang iwanan si Rakim. At kahit ano pang sabihin ni Jabir at kahit ng kanyang spirito pa ay mananatili siya sa tabi ng emperador. Mahal niya ito. Totoong pag-ibig ang nasa puso at isip niya. At isipin niya pa lamang na mawawala siya sa tabi ni Rakim ay hindi na niya alam ang gagawin.
“Maaring tama ka sa mga sinabi mo pero nakahanda akong tanggapin kung ano man ang kapalaran na naghihintay sa akin. Nung tinanggap ko ng buong puso ang pagmamahal ni Rakim, tinanggap ko na rin kung ano ang maaring mangyari sa akin sa bandang huli.”
Napailing na lamang si Jabir sa narinig niya mula kay Dani’ya. Sino nga ba siya upang pakinggan nito? Mas mahalaga ang emperador kesa sa kanyang buhay, yun ang nararamdaman niya mula kay Dani’ya. At wala na siyang magagawa pa roon. Ngunit ang kanyang pagmamahal para kay Dani’ya ay hindi lamang para dito ngunit para din sa kanyang layunin na mapanatiling buhay ang spirito nito.
At kung sakaling mangyari man ang kinatatakutan niya, maaaring iyon na din ang mga huling sandali niya sa mundo. Dahil habang nabubuhay si Dani’ya at ang kanyang spirito, ay mayroon siyang dahilan upang hindi rin maglaho.
“Nais ko lang ipaalala sa iyo na isa akong spirito na tulad mo. At tayong dalawa na lamang ang natitira dito sa Ysgarda. Kung maglaho ka ng tuluyan ay wala na din saysay na ako ay mamuhay pa na nag-iisa.”
“Hindi nakasalalay sa kamay ko ang kapalaran mo, Jabir. Alam mong hanggang ngayon ay hindi ko pa rin napapatawad ang mga bagay na ginawa mo upang pagtakpan ang pagkatao ko at ilihim aa akin ang lahat. Ngunit pinakita mo naman sa akin na kaya mong magbago ay hinahayaan kita na sabihin ang mga nais mo. Ngunit sa pagkakataong ito, ang desisyon ko ay ang susundin ko.”
Umalis si Dani’ya sa harapan ni Jabir at ang huli naman ay tuluyan na ding linisan ang kubol. Wala nang saysay pa na ipaglaban niya ang kanyang layunin kung ayaw makinig ni Dani’ya sa kanya.
Sana nga ay mali siya sa kanyang nararamdaman. Dahil kung tama man siya, mas malaking kaguluhan pa ang naghihintay at ayaw niyang dumating ang puntong iyon.
——————
“Buntis? Nagdadalang tao? Tama ba ang naririnig ko? Nagdadalang tao ka?” natataranta pa rin si Sakar habang hinahaplos niya ang tiyan ni Dani’ya.
Nasa malawak na damuhan sila sa gitna ng kagubatan dahil kailangang mamitas ni Sakar ng mga kakailanganin niyang halaman upang gawing gamot sakaling sila ay lumisan na pabalik ng Raijin.
“Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Rakim ang lahat. Alam kong magugulat din siya dahil hindi naman niya aakalain na magdadalang tao ako.”
Alam ni Sakar na kakaiba si Dani’ya bilang isang kalahating spirito. Ngunit hindi niya inaasahan na ang magdalang tao ito ay isang nakakatwang bagay para sa kanya.
“Hindi mo maaaring itago sa emperador na bagay na yan dahil sa bandang huli, malalaman niya rin naman na dala mo ang kanyang tagapagmana. Mahalaga sa emperador na may tagapagmana siya upang hindi maibalik sa mga gahaman sa kapangyarihan ang katungkulan bilang pinuno ng Raijin. Ayaw na niyang maulit pa ang nangyari sa huling emperador na kanyang pinalitan.”
Hindi man alam ni Dani’ya ang buong pangyayari ngunit alam niyang isang mahalagang bagay din para kay Rakim na mayroon siyang tagapagmana. Ngunit paano ba niya dadalhin ang batang iyon? Lalo na at may isa pang bagay na gumugulo sa isip niya. Paano kung may gawin si Danari. At paano kung may ibang naiisip na gawin si Jabir kahit sinabi na nito na hahayaan na siya nito?
“Masiyadong maraming bagay ang gumugulo sayo. Kung hindi mo sana pinakinggan ang tawag ng katawang lupa mo, hindi ka sana nagkakaroon ng maraming iniisip. Hindi ba nakakatakot ang pwedeng mangyari, Dani’ya?”
Ang boses na iyon ay kusa niyang narinig mula sa isipan niya. Alam ni Dani’ya na nababasa ni Danari ang naiisip niya dahil isang katawan lamang ang meron sila.
“Ang manggagamot? Ang kanyang minamahal na mandirigma? Ang iyong minamahal na emperador? Lahat sila ay nanghihintay lamang ng pagkakataon na gamitin ka para sa pansarili nilang kagustuhan. Di mo lang alam kung gaano ka kaimportante, Dani’ya. Pipiliin mong sundin ang puso mo sa halip na maging mas higit pa sa isang hamak na kalahating spirito? Isang mortal na maaring mamatay sa isang hampas lamang ng espada. Hayaan mong ako ang maging—”
“Tama na! Umalis ka na sa isipan ko!”
Nagulantang si Sakar sa inasal ni Dani’ya. Napabitaw siya sa paghawak niya dito at tila ba may kung anong itim na marka ang lumabas sa kamay nito ngunit bigla ding naglaho.
Habol hininga si Dani’ya at takot ito habang nakatitig sa kawalan. May nangyayari dito na alam niyang mas higit pa sa pagdadalang tao nito.
itutuloy….
Kabanata 17: Ang Ikalawang Pagkatao (Ikalawang Yugto)
“Marami kang dapat matutunan muna bago mo pasukin ang korte ng imperyo. Hindi basta basta ang mga taong nakapalibot sa emperador. Marami siyang kalaban na naghihintay lamang na magkamali siya. At iyon ang una at dapat na iwasan mo, ang magkamali. Dahil kapag nagkamali ka ng isang beses, manganganib ang emperador maging ang buong angkan niya. At ikaw Dani’ya ay hindi rin makakaligtas sa kapahamakan na dulot ng isang pagkakamali.”
Nakatingin lang ako ng maigi kay Kahan habang paroo’t parito ang lakad niya sa akin harapan. Nakaupo ako sa higaan namin ni Rakim. Nangaso si Rakim kasama ang ilang sundalo niya upang ipagdiwang ang aming nalalapit na pag-alis dito sa Ysgarda at ngayon nga ay naiisip ko na mangyayari na nga ang lahat. Ang pagbabago ng aking buhay kasama si Rakim at ng magiging anak namin sa imperyo ng Raijin.
“Hawak ko sa aking kamay ang dalawang libro na naglalaman ng mga kaalaman na kailangan mo upang mapanindigan ang pagiging asawa ng emperador. Ang kortesiya ay mahalaga sa pagpapatakbo ng mga bagay sa loob ng iyong nasasakupan. Kapag ikaw na ang emperatris, kailangan mong bumuo ng konseho na aagapay sa iyo at mapagkakatiwalaan mo sa loob ng imperyo. Maari mong piliin ang iyong mga tagapangalaga na pipiliin namin ni Rodan kapag nakabalik na tayo sa imperyo.”
Inabot ko mula sa kanya ang librong tinutukoy niya at hindi pamilyar sa akin ang mga titik na nakasulat sa pamagat nito. Iba ang linguaheng gamit sa Raijin at dito sa Ysgarda dahil ang salita na gamit namin ay mula pa sa mga ninuno naming pinili na manirahan dito sa bundok at malayo sa kabihasnan. Ang Tulka na pangunahing linguahe ng Raijin ay natutunan ko lamang mula sa aking ama na lumaki sa Raijin. Ngunit ang karamihan dto sa Ysgarda ay hindi nagsasalita ng Tulka kundi Agu’ini.
“Itong pamagat ba ay pormal na Tulka o mas matanda pa sa linguahe ng Raijin? Hindi ko mabasa ang mga titik na ito.”
Napangiti si Kahan sa akin at agad naman niya pinakli ang unang pahina at doon ko napagtanto na panlinlang lamang pala ang pamagat na aking nabasa.
“Maraming mga mata at tenga ang nakamasid sa akin kaya mabuti na ang nag-iingat ako. Hindi maaaring ilabas ang mga librong ito sa Silid Aklatan ng palasyo kaya kinailangan kong gawan ng paraan upang ito ay aking maipuslit. Dahil alam kong kakailanganin mo ito.”
“Kahan, kung ano man ang magiging parte mo sa aking kapalaran sa bagong mundo, sana ay hindi mo ako kamuhian kung sakali mang hindi umayon sa kagustuhan natin ang lahat.”
Tumango lamang siya bilang pagsang-ayon sa akin. Alam ko sa loob ko, naroon ang takot ko. Naroon ang takot ko na baka gumawa ng di maganda ang spiritong nananahan sa aking katawan. Pilit kong hinahanap ang kasagutan kung paano siya mawawala ngunit sa tuwing nagigising siya ay wala na akong ibang magawa kundi ang hayaan siyang magsalita at lasunin ang aking isipan.
Alam kong karugtong siya ng aking pagkatao ngunit paano kung dumating ang panahon na siya ang magpahamak ng tuluyan sa akin. Sa buhay ng aking magiging anak at ng aking minamahal?
Hindi ko muna iyon inisip at nagsimulang basahin lahat ng pahina ng libro. Kahit papaano ay naibsan noon ang mga pangamba ko. Ang mahalaga ngayon ay malaman ko kung ano ang sikreto ng Raijin at paano ko maproprotektahan ang aking sarili at si Rakim kung sakali mang may mga kalaban nga na biglang maisip na patalsikin siya sa kanyang pagiging emperador.
Napakarami akong nalaman. Ang tatlong sangay ng pamahalaan. Ang mga huwes na nagtatakda ng hatol sa mga taong nagkakasala. Ang konseho ng mga maharlika. Ang konseho ng mga komon at ang byorokratikong pamamahala sa galaw ng ekonomiya. Ang mga konseho ay may tatlong pamilyang namumuno, at isa doon ang pamilya ni Rakim ang isa ay ang mga Shik na pinamumunoan ni Ysval. Siya ay mahigpit na kalaban ni Rakim pagdating sa pamunuan ng Raijin. Kung hindi lamang sa lakas na taglay ni Rakim ay maaring si Ysval na ang naging emperador ng Raijin.
Ang imperyo ay hindi namamana. Ngunit kapag napatunayan ng kasalukuyang emperador na siya ay isang malakas at mapagkakatiwalaang pinuno ay maaari siyang palitan ng kanyang panganay na anak na lalaki sakaling siya ay pumanaw. Ngunit kapag napatunayan na siya ay walang silbing emperador ay buong pamilya niya ay tatanggalan ng kahit na ano mang karapatan at titulo na ipinagkaloob ng imperyo sa kanila.
Isang mapaglaro at nakakatakot na mundo ang ginagalawan ni Rakim. Kaya nauunawaan ko na kung gaano kahalaga sa kanya na maipakita sa imperyo na siya ay isang malakas at karapatdapat na pinuno nito.
Habang abala ako sa pagbabasa ay nahihimigan ko sa aking isipan ang muling pagkagising ng diwa ni Dana’ri. Ang kanyang pangalan na sa hinuha ko ay ginawa niya lamang nung siya ay umusbong mula sa kawalan. O kaya naman siya ay nagising sa tinakdang panahon ng tadhana. Kung alin man sa dalawa ang tama, hindi ko pa rin alam kung ano talaga ang magiging papel niya sa buhay ko at ni Rakim. Ang alam ko lang ay may pagkamuhi siyang nararamdaman para sa mga taong nakapalibot sa akin.
“ Masiyado mo namang pinaparusahan ang sarili mo para isipin ang mga bagay na iyan. Ang pagkakaiba lang natin Dani’ya, nababasa ko ang diwa mo ngunit hindi mo alam kung ano ang naiisip ko. Nakakatuwa hindi ba?“
Binalewala ko na lamang ang kanyang tinig sa aking isipan. Alam kong kaapg bumigay ang aking loob at magsimula nanamang kausapin siya ay maiisipan ni Kahan at ng mga sundalong narito sa aming kubol na nasisiraan na ako ng bait.
“Tandaan mo lang, hindi mo maitatago sa matagal na panahon ang totoong ikaw. Kung ano ba talaga ang kaya mong gawin, Dani’ya. Masiyado mong ginagalingan ang iyong pagpapanggap.”
————
“Huwag mo nang isipin pa ang mga mangyayari kapag ikaw ay nasa Raijin na. Hindi man sumusuporta ang buong Ysgarda sa iyong pasya, alam mong kahit anong mangyari ang pagmamahal at pagsuporta ko sa iyo anak ay hindi kailanman mawawala.” saad sakin ni ama habang kami ay nasa kanyang silid tanggapan habang nilalatag niya ang mga kasulatan na sa aking pag-unawa ay mga kasunduan sa pagitan nila ni Rakim.
“Ano ba ang pinangako ni Rakim sa iyo ama? Gusto ko lang malaman na aalis ako ng Ysgarda na walang panganib na nag-aabang lamang sa oras na ako’y lumisan na.”
Tumingin siya sa akin at napangiti. Linapitan niya ako at hinawakan ang aking mga balikat at patuloy ang pagngiti niya.
“Ang kasunduan sa pagitan namin ni Rakim ay isang malaking bagay na kailangan niyang panagutan. Alam mong ikaw ang pinakamahalaga sa akin. Pinagkaingatan kita ng mahabang panahon at kung si Rakim lamang ang maglalagay sa iyo sa kapahamakan ay handa akong bumaba sa imperyo upang kunin ka at ibalik dito sa Ysgarda.”
Madamdamin ang mga salita ng aking ama. At alam kong pagdating sa aking kapakanan ay totohanan lahat ng kanyang mga salita.
“May ibibigay ako sayong espesyal na bagay na pinagkaingatan ko. Buhat ng mawala ang iyong ina, etong aking espada ay wala nang naging dahilan kundi ang pangalagaan ka. Binasbasan ito ng isang magiting na heneral noon at ipinasa ito sa akin ng aking ama. Ang iyong ina ang nakaisip na lagyan ito ng isang sumpa na sa oras na kailanganin mo ng tulong, ang espadang ito ay magiging sandata mo na magiging saligan mo sa lahat ng kapahamakang darating sa iyo.”
Ibinigay niya sa akin ang isang mahabang patalim. Nang dumampi ang talim nito sa aking kamay ay nagkaroon ito ng kakaibang ilaw na ngayon ko lamang namasdan. Ilang saglit pa ay tuluyan itong naglaho at isang marka ang gumuhit sa aking palad at bigla akong nakaramdam ng isang malakas na sipa mula sa aking tiyan.
“Dani’ya? Anong nararamdaman mo? May nangyayari ba sa katawan mo? Bakit ganyan ang iyong kinikilos?”
Hindi ko namalayan na nakahawak pala ako sa aking tiyan na alam kong mayroong buhay. At ito ang bagay na hindi ko pa nasasabi sa aking ama.
“Ama, dinadala ko ang anak ni Rakim.”
itutuloy….
Kabanata 18: Mga Liriko
Inihanda ko na ang lahat. Alam kong darating na ang araw na ito na lilisanin ko ang Ysgarda upang magtungo sa imperyo ng Raijin. Ang isipin pa lamang na magiging parte ako ng isang malawak at makapangyarihang imperyo ay mas lalo akong natatakot at kumbimsihin na lamang si Rakim na mamuhay ng tahimik ngunit hindi iyon maaari. Alam kong mas pipiliin niya pa rin ang katungkulan na iginawad sa kanya ng mga ninuno niya at hinirang siya ng kanyang mga nasasakupan.
Habang binubukod ko ang mga kasangkapan na kakailanganin ko habang tinatahak namin ang matarik na daan pababa ng kabundukan ay naramdaman ko ang isang haplos sa aking pisngi.
Napalingon ako at naabutan ko si Jabir na nakangiti. May dala siyang isang nakabalot na sisidlan at inabot niya ito sa akin.
“Nais ko lang iabot sa iyo ang bagay na ito. Hindi ito ang oras upang isipin mong isa nanaman patibong ang inihahandog ko sa iyo. Natanggap ko na sa pagkakataong ito na mas pipiliin mo si Rakim lalo nat dinadala mo ang magiging supling ninyong dalawa.”
Tinanggap ko ang ginawad niyang sisidlan at binuksan ko iyon. Tatlong magkakaibang bagay ang nasa loob nun. At di ko mawari kung ano ang nais niyang ipabatid sa mga bagay na iyon.
“Noong binabantayan kita habang ikaw ay lumalaki at nagiging isang mahusay na mandirigma at mang aawit, aking binuklod ang mga lirikong iyan. Alam kong makapangyarihan ka. Taglay mo ang lakas ng mga espiritu at meron kang nakatataas na katungkulang gagampanan ngayong nasa tiyan mo ang magiging tagapagmana ng imperyo. Ang mga lirikong iyan ay magiging kaagapay mo upang pangalagaan ka at ang batang nakatakda. Alam kong di mo pa ito mauunawaan ngayon ngunit ang batang iyan ay hihigitan pa lahat ng nakamit ng Raijin. Siya ay nakatakdang maging makapangyarihan sa lahat. Kaya pangalagaan mo siya gamit ang handog kong ito.”
Napatungo ako at agad kong ibinuklod ulit ang pagkakatali nito at hinarap si Jabir.
“Marami akong gustong itanong sayo noon pa man at alam kong karamihan noon ay nasagot mo na. Ngunit hindi pa rin ako mapanatag. Ang maging isang kalahating espiritu ay isang bagay na hindi ko hiniling. Ngunit ang magdala ng anak ng emperador, iyon ang kinatatakot ko. Makakayanan ko ba? Hindi na pagkamuhi ang nararamdaman ko Jabir, kundi ang kasiguruhan na magiging matagumpay akong gampanan itong itinadhana sa akin ng kalangitan.”
“Alam kong ito ay isang mabigat na tadhana ngunit walang ibang makakapaghanda sa sarili mo kundi ikaw. Naibigay ko na sayo ang lahat ng aking maaaring ituro. Alam kong naging makasarili ako noong isipin ko na ikaw lamang ang pag-asa para muling umusbong ang lahi ng mga espiritu ng Ysgarda ngunit nararamdaman kong ang iyon magiging supling, kasama ng iyong kalakasang taglay ay muling pagbubuklurin lahat ng lahi sa mundong ito.”
Nagpaalam na si Jabir at naiwan akong mag-isa sa kubol namin ni Rakim habang tinatapos lahat ng aking paghahanda. Iniisip ko din na ang pagkakatuklas ni Ama sa aking pagdadalang tao ay hindi naging madali sa kanya.
“Nagkatotoo nga ang sinabi ni Jabir. Nagkatotoo lahat ng sinabi sa akin ng namayapa kong asawa. Kailangan kitang pangalagaan ngunit ako ay nabigo dahil ngayon ikaw ay tiyak na malalagay sa kapahamakan. Alam mo bang ang iyong pagdadalang tao ay hindi dapat nangyari? Ngunit ito na nga at naganap na ang itinakda.”
Ramdam ko ang kanyang takot. Maging ako ay napaluha noong yakapin ako ng mahigpit ng aking ama dahil ang katotohanan, natatakot din ako. Alam kong kaya kong dalhin ang batang nasa tiyan ko ngunit ang iluwal siya. Paano ang mangyayari? Dadaan ba ako sa pagsubok ng isang normal na babae na iniluluwal ang kanyang anak sa kanyang kaariang pambabae? Hindi ako isang pangkaraniwang nilalang ngunit mortal pa rin ako.
—————––
Ilang araw pa ang lumipas at nagsimula na akong magbigay pugay sa mga nakatatanda bilang hudyat ng aking paglisan. Isa isa kong tinungo ang mga bahay ng mga nakatatanda ng Ysgarda at binigyan nila ako ng basbas. At ang sumunod ay ang pamamaalam ko sa aking mga tinuturuang kabataan na labis ang pagtangis dahil sa kanilang nalaman ang aking paglisan. At ang pinakahuli ay ang aking mabubuting kaibigan at ang aking ama na sa huling gabi ng aking pananatili sa Ysgarda ay hindi ako pinatulog at pinatugtog ako ng aking bandula at plawta.
“ Sida a’i sawani, la’i nawani. Dani’ya“
“La’i wa nadiwa matwanaga’i. Dani’ya”
Umaawit ang mga kabataan at matatanda habang ako ay tumutugtog ng aming hymno kapag mag umaalis sa aming kabundukan.
Habang ginagawa ko iyon ay lihim namang pinapanood ako ni Rakim habang nasa tabi niyan si Sakar at Kahan kasama ng mga sundalo niya na sinasaluhan ang aking ama sa kanilang malaking mesa. Puno ng pagkain at inumin ang kubol ng aking ama at naroon lahat ng mamamayan ng Ysgarda
At nang matapos ang aking pagtugtog ay siya namang pagtayo ni Rakim at ang lahat ay napatingin sa kanya. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapaniwalaan na ang isang tulad niya ay iniibig ako at siya ang magiging ama ng aking anak. Napapangiti ako ngunit naroon ang pangamba na hindi na mawawala pa kahit dumating na ang araw ng kapanganakan ng aming supling.
“Dawa’i nawai, Ysgarda(Lubos na pasasalamat). Buong puso kong kinasisiya ang inyong pagtanggap sa akin kahit ang teritoryong ito ay hindi pag-aari ng aking imperyo. At sa aking paghahanap sa aking pinakamamahal, natutunan ko na mas marami pang bagay ang dapat kong alamin sa mundong aking kinabibilangan. Ang inyong kabundukan ay mananatiling sa inyo. Hindi ko kailanman gagambalain ang inyong tahimik na pamumuhay. Ito ang aking pinangako kay Dani’ya. Walang sinuman ang magtatangkang gambalain kayo dahil sa aking mga kamay sila ay babagsak.”
Itinaas ni Rakim ang kopa niyang may laman na alak at kanyang sinambit ang mga sumunod na salita.
“Lawa’i dasi atuk ma’i! (Mapayapang kinabukasan ang aking igagawad)”
Humiyaw ang mga tao at sabay sabay silang uminom at nagsimulang magkasiyahan. Kinuha sakin ng aking mga estudyante ang bandula at plawta at sila naman ang nagsimulang tumugtog ng mga nakakaaliw na kanta at ako ay napasayaw na rin dahil sa saya. At marahil ito na rin ang huling pagkakataon na makakasayaw ko silang lahat. Sumali na rin sa kasiyahan si Sakar at Kahan habang ako ay isinayaw na rin ng kabataang naging bahagi ng aking buhay.
———––
Ako ay pumunta na sa aming kubol ni Rakim upang mamahinga at nang ako ay maghubad ng aking kasuotan ay nakita ko ang unti unting pag usbong ng aking tiyan. Totoo ngang nangyayari ito sa akin. Ano ang aking magiging katungkulan sa batang ito. Ako ang magluluwal sa kanya ngunit tatawagin niya ba akong ina? Ako ba ang magiging ina niya o iba ang itatakda? Napakaraming bumabagabag sa isipan ko.
“Si Rakim ay nakatakdang ikasal sa isang malakas na pamilya. Hindi siya ikakasal lamang sa isang babae, kundi sa kanyang buong angkan. Iyon ang nakagawian ng Raijin. Alam kong magiging mahirap sayo ang isipin na ikakasal si Raijin sa ibang tao, ngunit iyon ang tradisyon ng imperyo. Ang mapanatiling balanse ang kapangyarihan ay kaakibat ang maraming sakripisyo at pagpili ng naaayon para sa lahat.”
Ipinaliwanag na sakin ni Sakar laht ng iyon at alam kong hindi ko gustong mangyari na isang araw gumising na lamang ako at hindi na ako ang mahal ni Rakim. Para saan ang lahat ng ito kung hindi ako ang pipiliin niya. Kinibit balikat ko nalamang ang isiping iyon at ako ay nagtungo na sa aming higaan.
At bago ko paman makadaupang palad ang aking antok ay naulinagan ko si Dana’ri na nasa aking paanan at minamasdan ako.
“Hindi ko gusto na basta ka nalamang nagpapakita sa akin kung kelan mo gusto. Nagkaunawaan na tayo, hindi ba?”
Napangiti siya at mabilis na nagtungo sa aking tabi upang haplusin ang umuusbong kong tiyan.
“Alam mo bang kanina ko pa naririnig ang mga agam agam mo tungkol sa magiging buhay mo sa imperyo? Alam kong gusto mong ikaw lamang ang piliin ni Rakim at hindi ang itinakda sa kanya.”
Napalukot ang noo ko at alam kong hindi ko talaga maitatago ang bagay na iyon sa kanya.
“At sa tingin mo ba may paraan para pigilan ang mga bagay na yun?”
Napangiti muli siya at tumango bilang pagsang-ayon na meron siyang naiisip na paraan.
“Tandaan mo, ikaw ay nagdadalang tao at siya ay ikakasal pa lamang sa isang malakas na pamilya. Kung iisipin mo, mas magiging malaki ang impluwensiya mo dahil ikaw ang magsisilang ng isang tagapagmana. At bukod pa roon, isa kang di pangkaraniwang tao. Nauunawaan mo ba kung gaano kadali sayo paikuti ang mga bagay?”
Tinungo niya ang pinagpatungan ko ng aking espada at ng aking plawta. Umihip siya dito at nakita kong lumabas mula doon ang itim na usok.
“Kaya kong gawin ang hindi mo kayang gawin, Dani’ya. Iyon ang pagkakaiba natin. Kaya kung nais mong mapasayo ang lahat. Huwag mong hayaang ako ang gumanap ng mga bagay na iyon, para sa iyo at sa magiging anak natin.”
Naglaho si Danari at ako naman ay napaisip pa lalo. Kung sakali mang hindi ako ang piliin ni Rakim sa huli, hindi maganda ang kinabukasang haharapin ng Raijin.
itutuloy…

