loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Faraway BRO

The Faraway BRO

Pyhurrehunk · 6 chapters · 6,427 words

PROLOGUE

An: Published under DREAME.

The higher we climb, the harder we fall..

Hanggang

saan

ang

kaya

mong

takbuhin

kung

yung

finish line

mo

ay

tumatakbo

din

palayo

sayo

?

They say two opposite things attract.

But we are not opposite. We are actually the same.. Therefore it’s impossible for us to bound ourselves together.

One day there’s a guy who fell

inlove

with his

bestfreind

.. Oh!

Thats

me.

Love??

Love can make people alive..

But l say its a lie.

Because the day l fell

inlove

..

my heart actually

fell apart.

I am

just a guy

.. I climbed up high to reach his heart. But now

lm

falling hard even the gravity cant catch and stop me from falling deeply in the ground with a broken heart.

Authors Note:

Hey! Mga bro. This is my first bxb story in wattpad. If hindi mo gusto ang ganitong genre ay wag mo ng basahin but still just give this story a shot. Hindi lang kasi ito umiikot sa kilig at bromance but lessons to make life meaningful. Kaya hala basa!

Dedicated to: JasonGillo

Chapter 0ne

An: Sinulat ko ang librong ito during my jeje days. Kaya pagpasensiyahan mo nalang kung ano ang mga maencounter mo dito okay? Labyu!

“Dalian mo, bro!!! Baka di na natin maabutan.” Hinila ni Wessley ang  kamay ko paakyat, habang binabagtas namin ang  mataas, at madamong burol. Kanina pa niya hila hila ang kaliwang kamay ko.

Di ko alam ang lugar na aming patutunguhan, kaya hinahayaan ko na lang siyang akayin ako, dahil sa pagod at paghahabol ng aking hininga. Gabi na at tanging liwanag mula sa kakalitaw na buwan ang aming tanging ilaw sa damuhang tinatahak namin ngayon.

“Pagod na ako, bro! Pahinga muna tayo,” reklamo ko sabay upo sa damuhan, habang pinapahid ng palad ko ang pawis na tumutulo sa noo. Napatigil naman siya sa paglakad, pero hawak pa rin niya ang aking mga kamay.

“Ay ano ba yan!  Baka di na natin maabutan.” Inis na maktol niya sa akin. Nangunot pa yung noo niya dahil sa inis. Tagaktak na din yung pawis niya  sa pisngi at hinihingal pa.

“Ano ba naman kasi ang ipinupunta natin dito Wess? Kung alam ko lang na mag alay lakad lang pala tayo dito sa mataas na burol na ito, ay sana di na ako sumama sa iyo. Nangangati na nga itong paa at binti ko dahil sa damo,” saad ko. Walang anu- anoy pinatayo niya ako, saka naman siya umupo paluhod sa  damuhan.

“Uy, ano ba ’yang ginagawa mo, ha?” takang tanong ko sa kanya.

“Dami mong arte. ’Lika, angkas ka na sa balikat ko.”

“Ha? Ayaw ko nga!”

“Ano ba naman yan, Trei! Ginagawan ka na nga ng pabor. Sasakay ka, o itulak kita hanggang sa gumulong ka pababa dito sa burol.” See?! Galit na siya niyan. “Dali na, at mahaba haba pa yung lakarin natin bago tayo makarating sa tuktok.”

Matagal tagal din ang aming pagtatalo, pero napaoo na rin ako sa huli. Wala na nga talaga akong nagawa, kundi ang sumakay na lamang sa balikat niya.  Saka naman siya nagpatuloy sa paglalakad. Ewan ko ba sa bro kong ito. Ano kayang masamang damo ang nakain niya, bakit naisipang mag alay lakad kami ngayon pataas sa burol na ito. Eh, sa nakakaloka na man talaga! Alas syete na ng gabi! Ang walang hiya ay dinamay pa ako sa kaadikan niya!

“ Kumapit ka ng maigi sa ulo ko, baka mahulog ka. Di kita masalo.“ “Opo, bossing,” ani ko.“ Matagal

na

nga

akong

nahulog

sayo

di

mo

lang

ramdam

. “

“May sinabi ka?”

“Wala.”

’Yan.., ’yan si bro, Wessley. Bespren ko yan. Magkasama na kaming lumaki mula noong ipinanganak kami. Mas matanda nga lang siya ng dalawang buwan sa akin.

Ganito ’yun. Mag bestfreind kasi yung mama ko, at yung nanay niya, kaya naging close din kami ni Wessley. Naging matalik na magkaibigan kami mula pa noong magkamuwang kami sa mundo. Sabay kaming lumaki. Kaklase ko siya mula kinder, hanggang ngayon na kapwa na kami nasa kolehiyo.

Mula pagkabata kaming dalawa na ang laging magkasama. Ika nga nila, para kaming magkapit tuko na di mapaghiwalay sa isa’t isa. Kung nasaan siya,dapat naroon din ako. At higit sa lahat mahal na mahal namin ang isa’t isa. Magkasama kami sa lahat ng kalokohan, at kapwa pinagtanggol ang isat isa sa sinumang mang mang-aagrabyadu sa amin.

Gwapo ’yang si bro. Oo, ubod ng gwapo. Matangos ang ilong niyan,mapupula ang labi saka ang lalim ng dimples na bumabagay sa maamo niyang mukha. Japanese ang tatay niyan, kaya medyo singkit ang kanyang mga mata, at sobrang nipis pa ng labi na mamula mula. Kaya nga siguro maraming babae ang  naghahabol sa kanya, pero ewan ko ba hanggang ngayon wala ’yang girlfreind.

Noong minsa’y tinanong ko siya, bakit wala siyang girlfreind?  Eh, sa  dami ba namang babae ang nagkakandarapa para mapansin lang niya. Alam mo ba kung anong isinagot niya? Hindi daw niya kailangan ng girlfreind. Ako lang daw sapat na. Ayaw daw niyang ma left behind daw ako. Baka raw mawalan siya ng time para sa akin, at maghanap ako ng ibang bro. See?! Mahal na mahal ako niyan. Kala ko nga bakla ’yang  si Wess,  pero straight ’yan peksman. Eh, regional player nga yan ng basketball sa school namin eh noong hayskul pa kami.

At ako naman si, Trei. Ako ang bro niya, na tanga. May  lihim akong  pagtingin sa kanya. Hindi ko alam kung kailan ’to nagsisimula, pero gumising nalang ako isang araw na nahuhulog na sa kanya.

Naguguluhan ako, kung bakla na ba ako? Pero sa tingin ko ay hindi. Lalaki naman ang galaw at kilos ko. Tanging ang  kakaiba lang talaga sa akin, kahit isang minsan ay di ako nagkaroon ng interes sa mga babae. Tanging si Wessley lang talaga ang crush ko simula pa noon.  Isang sikreto na itinatago ko pati na rin sa kanya. At kagaya nga ng iba isa ako sa mga lihim na may pagtingin kay Wessley. Pero hanggang doon lang yun. Sapat na sa akin na mahal niya ako bilang kaibigan, kesa naman sa wala talaga. Siguro takot lang ako.  Straight kasi ’yang bro ko. Eh sa umpisa palang, alam kong talo na ako sa larong ito. Siguro, hayaan ko nalang ’tong sarili ko na ibigin siya ng patago, hanggang sa mapagod at kusang susuko ang puso ko.

Bakit sa dinami daming tao bakit siya pa? At isa pa, kung may pagkakataon mang gusto din niya ako, alam kong hindi pwede. Bawal sa paningin ng iba, at higit sa lahat bawal sa paningin ng Diyos. Kaya kahit mahirap pilitin ko nalang siguro yung puso ko na palihim na iibig sa kanya.

“Bro.” Sambit niya kaya natauhan ako bigla.“Bro naman nakikinig ka ba? “

“Oo naman bro nakikinig, ako,‘’ Tugon ko naman.

“Di ka naman nakikinig eh. Sabi ko bumaba ka! Ang bigat mo, di ko na kaya!” nahihirapang saad ni Wess, kaya  natawa ako. Ang epal kasi. Eh hindi pa nga yata siya nakahakbang ng sampu buhat noong umangkas ako sa balikat niya! Patalon akong bumaba. Nang makababa ako ay napaluhod at naglupaypay siya sa damuhan. Mas lalo tuloy akong natawa.

“Kapagod. Ang bigat mo na pala.” Natatawang sabi niya sa akin. Kaya naman napasimangot ako ng bahagya. Pero nagdiwang yung puso ko sa ginawa niyang yun. Abay

libre

chansing

din

yun

.

“Eh sino bang maysabi na buhatin mo ako ha?” Angal ko pabalik. Kunwari nainis ako sa tinuran niya. Pero sinuklian lamang niya ako ng kindat dahilan para maramdaman ko ang kilig. Pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya. Shet

!

Pogi

niya

talaga

.

Nalaglag

ata

brief ko

sa

pagkindat

niyang

iyon

.

Nagpatuloy naman siya sa paglalakad habang nakasunod naman ako sa kanya.

Nagpatuloy kami sa pag-akyat nang muli siyang nahsalita. “Ito yung lugar na sinasabi ko sayo noon pa. Yung secret place ba na lagi kong sinasabi sayo na pagdadalhan ko ng babaeng mamahalin ko balang araw.” Sabi niya  sa akin. Parang kinurot ang puso ko sa tinuran niyang iyon. See malabo ngang magkagusto ito sa akin dahil kahit kailan hindi maghahanap ng talong ang bro ko na ito kundi talaba. Nakaramdam ako ng lungkot dahil doon

Tanda ko nga yung lagi niyang kinukwento sa aking secret place daw niya na pagdadalhan daw niya ng babaeng mamahalin niya balang araw ito pala yun. Lol. Wala naman akong nakitang maganda dito ah kundi mga damo at mga puno sa paanan ng burol.

“Ang pangit naman dito bro. Ano ba yan. Pinapagod mo lang ako eh.” Reklamo ko.

“Sandali nalang malapit na tayo sa tuktok. Wag ka ngang atat diyan. Malapit na tayo.” Hingal na sa sabi niya.

Nagpatuloy pa kami sa paglalakad  hanggang sa marating namin ang pinakatuktok nito at ganun nalang ang pagkamangha ko nang makita ko na sobrang patag pala ang tuktok ng burol na ito at talagang napa wow ako ng pagtingin ko sa ibaba ay namasdan ko ang kumikinang na city lights at ang mga mumunting ilaw  mula doon sa dagat. Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat at isinasayawsayaw nito ang ilang hibla ng aking buhok. Napatingala ako sa mga bituin na ngayoy nagkikislapan sa himpapawid at ang buwan na lumiliwanag sa madilim na gabi. Napangiti ako sa kaloob looban ko. Ang ganda.

Napalingon ako sa kanya na ngayoy matamis na nakangiti habang mariin na nakatitig sa akin. Napalunok ako para kasing tinutunaw niya ang kalooban ko sa paraang pagtitig niyang iyon.

“Bakit?” Takang tanong ko sa kanya.“Para kang ulol diyan.

Napatawa naman siya ng bahagya saka itinuon ang tingin sa dagat.

“Ang ganda dito no. Nagustuhan mo ba?” Tanong niya sa akin habang may kung anong bagay siyang kinuha mula doon sa backpack na kumot pala at inilatag sa damuhan saka siya umupo. Napatango naman ako.

“Bakit nakatayo ka lang diyan? Lika na upo ka na dito.” Sabi niya saka naman ako umupo katabi niya.

“Bakit mo nga pala ako dinala dito? Diba sabi mo na yung babaeng mamahalin mo lang ang dadalhin mo dito?” Tanong ko sa kanya. “Mahal mo na ba ako bro?” Pabirong tanong ko sa kanya. Umaasang oo ang isasagot niya.

“Ulol! Walang ganun. Di tayo talo bro.” Diritsong sagot niya saka ako binatukan sa ulo. Mas ramdam ko pa yung sakit dito sa puso ko kesa doon sa batok niya. Napangiti ako ng pilit.

Hahaha

.

Ganito

pala

yung

pakiramdam

kapag

sasampalin

ka

ng

katotohanang

abot

kamay

mo

lang

yung

mahal

mo

pero

anlayo

naman

ng

pagkakataon

mahalin

ka

rin

niya

sa

paraang

gusto

mo

.

Umpisa

pa

lang

talo

na

talaga

ako

.

Ang

sakit

pala

.

Chapter Two

“Aray! Ansakit nun ah. Biro lang naman yun ah.” Napakamot ako sa ulo ko kunwari para burahin yung lungkot sa mga mata ko.“ Eh bakit mo nga pala ako dinala dito ngayon eh di ba sabi mo para lang to sa maswerteng babaeng mahal mo?

“Napag isip isip ko kasi na mas mahal pala kita kaysa future gerpren ko. Kasi bro kita at siyempre love na love kita bro.” Sabi niya sabay akbay sa akin at hinila palapit sa dibdib niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Masaya ako at the same time malungkot din. Ewan baliw na ata ako.

“Di mo ba alam kung anong araw ngayon bro?” Mayamayay tanong niya sa akin. Kaya naman napakunot yung noo ko at biglang napaisip.

“Bakit ano bang meron sa  araw pala ngayon bukod sa Sabado ngayon?” Tanong ko pabalik.

“Nakalimutan mo talaga?”

“Itatanong ko ba kung may alam ako?”

Walang sabi sabi ay may kinuha uli siyang di kalakihang box doon sa back pack niya. Nagtaka naman ako kung ano yun.

“Ano yan?” Takang tanong ko sa kanya.

“Secret!”

“Ano nga yan.”

“Pikit ka muna.” Utos niya sa akin. Kaya napapikit naman ako. “Pagbilang ko ng tatlo saka mo lang buksan yung mga mata mo ha.

“ Okay.“

“Okay… Isa.. Dalawa.. Tatlo!” Sabi niya saka ko binuksan ang aking mata.

“SURPRISE!!! HAPPY BIRTHDAY BRO!”

Tumambad sa akin ang isang  cake na animoy niwakwak ng aswang na nagkalasog lasog ang laman pero sa halip na matawa ay parang natutunaw ang aking puso sa tanawing nasaksihan lalo na at may nakalagay na nakasinding candle na number 18 sa ibabaw ng animoy taeng cake. Napangiti ako ng malaki dahil sa galak na nadarama.

“Haaha! Ang aga naman ng pabirthday mo bro. Bukas pa kaya yung birthday ko.” Natatawang sabi ko sa kanya.

“Alam ko bro. Eh gusto ko lang naman kasi na ako yung pinakaunang taong babati sa  birthday mo. Eh kung bukas pa eh baka maunahan pa ako ng iba kaya napagdesisyunan kong gawing super aga para ako talaga yung mauna.” Mahabang sabi niya. “Happy birthday haha pahug nga ng super higpit sa pinaka gwapong bespren ko in the whole world!” Walang ano anuy naramdaman ko nalang yung braso niyang mahigpit na nakayakap sa akin. Di na nga ako nakahinga ng maayos sa higpit nun.

“Aray bro di ako makahinga.” Reklamo ko pero parang nagpiyesta yung puso ko sa sobrang kilig sa ginawa niyang yun.

“Hayaan mo na. Para ramdam mo talaga kung gaano kita ka lab bro. I lab you bro!” Sabi niya at kalaunay binitawan na rin niya ako.

“Thank you bro.” Super siglang sabi ko sa kanya. Bigla namang lumungkot yung mukha niya.

“Ang sabi ko ay labyu! Aylabyu bro. Tapos sabi mo thank you! Nakakasakit ka naman sa damdamin bro.” Parang batang maktol niya sa akin. Napatawa naman ako sa pagiging childish nito.

“Haaha. Ano ba dapat ang isasagot ko?” Pabebe kong tanong sa kanya.

“I labyu too dapat!” Sagot naman niya.“ Uulitin ko ah. Ay labyuuu brrro!“ Sigaw niya kaya naman nag echo yung boses niya dahil sa lakas ng pagkasigaw niya.

“Sige na nga. Ay labyu too bro.” Sabi ko. Haha sarap umihi ng bato ngayon dahil sa sobrang kilig ng aking nadarama.

“Ay ang hina. Isigaw mo bro gaya nung akin ba.” Nakapout pa rin siya habang nangunot ng sobra yung noo niya.

“AY LABYU TOO BROOOO!” Sobrang lakas ng pagkasigaw ko. Nakita ko naman yung unti unting pagsilay ng ngiti sa gwapo niyang mukha. Kaya napangiti na rin ako.

“Haha. Payakap nga uli bro.” At walang ano anuy naramdaman ko uli yung bisig niya na nakapulupot sa akin.

“Tama na yan bro ah. Chansing ka na.” Sabi ko. Tinulak ko siya palayo para kunwari naalibadbaran ako sa yakap niya kahit gustong gusto ko na yakapin niya ako buong magdamag ay okay lang. Pero sa halip na lumayo ay mas lalo lamang niyang hinigpitan yung yakap niya sa akin na labis kong ikinatuwa.

Maya maya pay kusa na rin siyang bumitaw.

“Uy lapit ng maupos yung kandila bro. Wish ka na saka blow mo na.” Utos niya sa akin. Kaya naman pagkatapos kong magwish ay hinipan ko na yung kandila.

“Ano pala yung wish mo bro?”

“Sa akin na yun.”

“Kasama ba ako doon?” Seryosong tanong niya sa akin.

“ Oo naman.“

“Talaga? Di nga?” Puno ng galak yung mukha niya. Napatawa tuloy ulit ako.

“Promise yan ha?” Nakangiting sabi niya sabay kurot ng aking magkabilang pisngi. Bahagya pa niyang inilapit yung mukha niya sa akin kaya biglang nag init yung pisngi ko at pakiramdam koy namumula na ito ngayon. Buti na lang di niya masyado makita ang reaksyon ko.

Napatanga ako ng ilang saglit hanggang sa di ko namalayan na nakipagtitigan na pala ako sa kanya. Walang nagsasalita at kapwa kami nakiramdam sa isat isa habang yung mga mata namin ay nakatutok sa isat isa. Ramdam ko ang unti unting pagregidon ng aking puso lalo na nung mas inilapit niya pa yung mukha niya sa mukha ko. Laghap ko ang mainit at mabango niyang hininga habang itoy palapit ng palapit sa akin. Napalunok ako. Hahalikan

niya

ba

ako

? Kusang nagpaubaya yung sarili ko ng sa unti unti ay napapikit ang aking mga mata. Dinig ko ang kabog sa aking dibdib. Animoy nalulunod ako sa init ng kanyang hininga habang hinintay ko ang pagdantay ng kanyang labi sa akin.

Pero ilang saglit pa ay bigla akong napadilat ng maramdam ko ang malamig at malagkit na icing ng cake na ipinahid niya sa aking  pisngi.

“Ang bad mo talaga bro! Nu ba yan ang lagkit kaya bro!” Sabi ko pero bakas pa din ang sobrang pagka dismaya hindi dahil sa pinahiran niya ako ng icing kundi dahil sa pag aakalang hahalikan niya ako. Sinabunutan ko yung sarili ko sa isip ko. Ang

assuming ko

naman

kasi

talaga

.

Urrrgh

!

“Bro.” Tawag niya sa akin. Pero inirapan ko lang siya. Kainis naman kasi.

“Uy bro.” Sabi niya sabay kalabit sa akin. Pero di ako umimik habang iniwas ang tingin ko sa kanya at itinuon iyon sa mga city lights na tanawin mula dito sa tuktok ng burol.

“Galit ka ba bro?” Tanong niya sa akin. May himig ng lungkot ang boses niya. Di ko siya sinagot.

Walang nagsasalita sa amin at katahimikan ang namayani. Hindi ako nakatingin sa kanya pero kitang kita mula sa gilid ng aking mata ang mariing pagtitig niya sa akin. At nakapout na naman kasi siya kaya kahit nainis ako ay mas lalo lang tuloy akong nainlove dito.

Pero tangina fren! Napahiyaw ako sa gulat ng bigla niya akong kinabig palapit sa kanya at hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa niya.

Dinilaan niya yung icing doon sa mukha ko. Waaaah!

Chapter Three

Parang nalaglag ata ang panga ko sa ginawa niyang iyon. Tumayo yung balahibo ko sa katawan ng maramdaman yung init ng dila niya at kahit saglit lang ang paglapat nun sa aking pisngi ay matindi pa rin ang epekto nito sa akin lalo ng maramdaman ko ang kiliti sa pagdampi ng dila niya sa pisngi ko.

Tawa naman siya ng tawa sa ginawa niya. At dahil sa kilig ay nahampas ko tuloy yung balikat niya.

“Di mo kasi ako pinapansin eh. Alam mo ang kyuuut mo pala bro kapag ganun yung itsura mo.” Tatawa tawang sabi niya habang yung isang braso niya ay ipinatong niya sa aking balikat.

“Napakaadik mo talaga bro. Kadiri ka.” Sabi ko at umaktong nandiri nga pero sa kalooban koy para akong lumulutang sa ulap. Hahaha. Malaki nga talaga ang epekto ng lalaking ito sa buhay ko hindi lang dahil bro ko siya kundi dahil mahal na mahal ko ito higit pa sa kaibigan.

“Hahaha. Wag ka na kasing magalit bro. Nalulungkot kasi ako kapag binabalewala mo ako. Siyempre labs na labs kaya kita. Ikaw kaya ang bro ng buhay ko.” Napangiti naman ako sa sinabi niyang yun sa kalooban ko. Sinimangutan ko uli siya siyempre pabebe muna ako.

“Uy ngiti ka na diyan oh.” Sabay kalabit sa tagiliran ko. Pero tinampal ko lang yung kamay niya.

“Bakit ganyan ka na ngayon? Di mo na talaga ako labs bro eh. Sinasaktan mo na ako oh. Masakit dito oh!” Arte niyang ganun habang hinihimas himas yun dibdib niya. At umakto pa talaga siya na parang nasasaktan. Utuin pa ako ng mokong nato. Ganyan naman kasi yang bro ko na yan. Pag di ko siya kinakausap abay panay pa cute sa aakin na siya na mang kahinaan ko.

“Balaka diyan.” Pakeme kong sabi pabalik. Haha haba talaga ng buhok ko pagdating dito sa bro ko na ito.

“Ayaw mo talaga ha?”

Akala ko tatahimik na siya pero napahiyaw nalang ako sa susunod na ginawa niya.

Bigla kasi siyang kumilos at sobrang bilis ng pangyayari ngayoy nakahiga na ako sa kumot na inuupoan namin habang siya namay nakadagan sa akin habang panay ang kiliti niya sa tiyan ko.

“Ayaw mo talaga ha. Pwes dadaanin kita sa Wessley powers ko. Haha!” Sabi niya sa akin habang patuloy parin siya sa pagkiliti sa akin kaya naman di ko mapigilan ang sarili ko na mamilipit dahil sa kiliti habang panay naman yung tawa ko.

“Wag diyan! Ano ba may kiliti ako diyan. Ahahaha ano ba tigilan hahha mo na kasi ahahaha. Bwisit haha wag sabi haha tangina.” Sabi ko habang panay naman ng tawa ko dahil sa ginawa niyang iyon. Pero di pa rin kasi siya tumigil. Abay papatayin ata ako nito sa kakatawa.

Huminto siya saglit habang tinitingnan ako ng seryoso saka sumilay na naman yung ngiting aso sa mukha niya.

“Sabihin mo munang ang gwapo ko. Sabihin mong ang gwapo ni Wessley! Sabihin mo munang mahal mo ako bro.”

“Ayaw ko nga. Ang pangit mo kaya.”

“Ahhh ganun pwes! Magkilitian tayo hanggang bukas!”

“HAAHAHAHA! ANO BA? SIGE NA! OO NA!”

“Oo ng ano?” Tanong niya sa akin.

“Oo na. Gwapo ka na. At aylabyu!” Hingal na hingal ako. Napatawa naman siya saka umalis sa pagkadagan sa akin.

“Bati na tayo ha?” Sabi niya. Ang isip bata talaga.

“Oo na. Matitiis ba naman kita?”

“Ahahaha. Labs na labs mo talaga ako bro no? Wag kang mag alala bro labs na labs din kita.” Nakangiting sabi niya sa akin. Bakit kaya ang sweet nito sa akin ngayon? Haha sana pala birthday ko everyday para araw araw sweet ito sa akin.

Wala na kaming kibuan ngayon kapwa nakahiga sa kumot na nakalatag sa damuhan unan ang aming mga bisig habang pinagmasdan ang bilog na buwan sa itaas at mga bituwin.

Nalungkot tuloy ako nang mamasdan ang kagandahan ng buwan. Pakiramdam ko kasi ang lapit lang nito sa akin pero imposible namang maabot. Napatingin din ako kay bro na mariin ding pinagmasdan ang kasinagan ng mga bituin sa langit. Ano kayang nasaisip niya ngayon? Napangiti naman ako ng mapait. Hanggang

tingin

lang

talaga

ako

sayo

bro.

Para

ka

kasing

buwan

.

Ang

lapit

lapit

mo

lang

sa

akin

pero

imposible

ka

namang

maging

akin.

Mahal

na

mahal

kita

bro

pero

natatakot

ako

.

Natatakot

ako

sa

katotohanang

hindi

tayo

para

sa

isat

isa

at

kahit

kailan

alam

kong

di

mo

ko

kayang

mahalin

sa

paraang

gusto ko.

Pero

kahit

ganoon

pa man

di

ako

mapapagod

magmamahal

sayo

kahit

malabo

at

kahit

nasasaktan

na

ako

.

Andito

lang

ako

umaasa

baka

sakali

kasi

na

hanggang

sa

huli

ay

may

nakaabang

na

kwentong

pag

ibig

para

sa

ating

dalawa

.

Aylabyu

bro.

“Bakit? May dumi ba ako sa mukha bro? Kanina ka pa kasing nakatitig sa akin?” Saka naman ako nagbalik sa aking katinuan nang marinig ko siyang nagsalita. Di ko pala namalayan na nakatitig na pala siya sa akin.

“Ha? Ah wala bro. Masaya lang ako bro.” Palusot ko sabay iwas ng tingin ko sa kanya.

Natahimik naman siya at muling itinuon ang tingin sa itaas. Ganun na din ang aking ginawa.

Mahabang katahimikan ang namayani. Hindi ko alam kung natutulog na ba siya o ano. Sobrang tahimik ng paligid at tanging mga huni ng kuliglig lamang ang maririnig kasabay ng pagtibok ng puso ko sa aking dibdib.

Natigilan ako nang tumagilid siya ng bahagya paharap sa akin at saka niya ipinatong ang braso niya sa akin at yumakap sa aking bewang kaya napatingin ako sa kanya.

Seryoso ang kanyang mukha na animoy may mga bagay na bumabagabag doon. Nakita ko ang paglunok niya at ang paggalaw ng kanyang adams apple sa leeg.

“Sana babae ka na lang bro ano? Hahaha. Paano kaya kung naging babae ka bro tapos liligawan kita sasagutin mo ba ako?” Tanong niya dahilan para huminto ng mabilis yung mundo ko kaakibat ng unti unting paglakas ng tibok sa aking dibdib.

“Ewan bro. Di naman ako babae ah. Ano ba yang tanong na yan. Nababakla ka na ata sa akin bro.” Sabi ko ng magbalik ako sa aking sarili. Ngumiti ako ng peke para ikubli ang ang lungkot na namayani sa aking dibdib. Ang bigat sa pakiramdam.“ Bakit bro pag nagkataon ba na naging babae ako liligawan mo ba ako?“

“Oo naman bro siyempre.” Sabi niya sabay dantay ng kanyang binti sa aking magkabilang hita. Napalunok ako dahil naramdaman ko ang init ng kanyang hininga sa aking leeg. Sana

naging

babae

nalang

talaga

ako

. Napahiling ako sa aking pisngi.

Umiwas ako ng tingin at ibinalik ang aking tanaw sa mga bituin at hinayaan ko na lamang siya sa pagyakap sa akin. Pero ilang saglit pa ay muli siyang nagsalita.

“Bro?”

Napalingon ako sa kanya na ngayoy titig na titig sa aking mga mata. Parang may maraming bagay ang nais niyang iparating sa titig niyang iyon.

“Ano bro?”

“Huwag kang mahulog sa akin bro ha? Kasi kung may pagkakataong mahulog ka sa akin pasensiya na di kita kayang saluhin.”

Chapter Four

Huwag

kang

mainlove

sa

akin bro ha?

Kasi

..

Di

kita

kayang

saluhin

.

Di

kita

kayang

saluhin

.

Di

kita

kayang

saluhin

.

“ Urrrrrgh!! Tangina!“ Napasabunot ako sa aking sariling buhok habang isinubsob ang aking mukha sa unan. Nakahiga ako ngayon sa kama ko at pinipilit ang sarili na matulog pero di ko magawa. Palagi kasing sumasagi sa isip ko ang mga salitang iyon. Ang sakit. Nakakabaliw. Alam ko naman yun sa umpisa na hindi kami pwede sa isat isa pero mas masakit pala talaga na sa kanya mismo mangagaling ang mga katagang di niya ako kayang mahalin. Kainis naman kasi eh. Bakit ba naging bakla ako? Edi sana di ko naranasan ang ganitong pakiramdam na iibig sa kapwa ko lalaki at sa kamalas malasan ay sa mismong bespren ko pa. Pero ano ba naman ang magagawa ko diba? Nagmahal lang naman ako sa kanya na di ako kayang mahalin pabalik sa paraang gusto ko. At higit sa lahat di ko rin siya masisisi kung hanggang bespren lang ang tingin niya sa akin. Yung sarili ko ang may kasalanan kasi kahit anong pilit ko na huwag umibig sa kanya pero itong tanginang puso ko ay patuloy pa rin na nagmamahal sa kanya kahit na ang sakit sakit na.

Napatihaya ako saka tiningnan ang orasan na nasa dingding ng kama ko. 11:11 na pala. Kainis gusto ko ng matulog pero ayaw talaga ng katawang lupa ko. Gusto kong makalimot at kahit ngayong gabi man lang ay mawala saglit sa isip ko ang mga salitang binitawan niya na lubos na nagpadurog sa aking puso.

Mayamaya pa ay may narinig akong katok sa pinto mula sa labas ng aking kwarto. Urrrrgh! Kainis ano na naman kayang kailangan ng lalaking ito? Gusto ko nga siyang iwasan muna ngayon.

Nakatira kasi ako sa isang apartment malapit sa kolehiyong pinapasukan ko kasama si bro. Oo magkasama kami sa iisang bubong pero may kanya kanya kaming kwarto dito sa apartment na tinutuluyan namin.

Nagkunwari akong tulog at di siya pinagbuksan. Eh sa ayaw ko muna siyang makita muna sa ngayon.

“Bro?” Dinig kong tanong niya sa labas. Napaiiling lang ako at nanatiling tahimik. Huwag

muna

ngayon

bro. Please

patahimikin

mo

muna

yung

puso

at

isipan

ko.

“ Tulog ka na bro?“ Tanong niya ulit?

“Bro buksan mo naman ang pinto oh. Please! Nabagabag lang kasi ako kasi parang di ka okay. Di ka kasi lumalabas ng kwarto mo simula kanina. May problema ba tayo bro? Na mimiss na kita bro. Galit ka ba sa akin?” Mahabang sabi niya. May himig na kalungkutan yung paraan ng pagkasabi niyang iyon.

Para namang kinurot yung puso ko sa sinabi niyang iyon. Siguro ngay sobra ang kanyang pag alala kasi buhat pa kagabi nung nanaog na kami pauwi mula sa burol ay masyado na akong tahimik hanggang sa nakauwi na kami dito ay diritso lang ako sa aking kwarto at nagkulong buong araw. Paulit ulit na nga yan sa pagkatok pero di ko siya pinag buksan.

“Sabihin mo naman sa akin yung problema mo bro. Galit ka ba sa akin? May problema ba tayo bro? Di ako sanay sa ganito bro. Please buksan mo naman itong pinto.”

Ahhhhhh! Wala na nga akong nagawa ng namalayan ko nalang yung sarili ko paharap sa pinto habang nakahawak doon sa knob at marahang iniunlock iyon at pinihit pabukas ng marahan. Di na kasi ako nakatiis.

Bumungad sa akin ang malungkot niyang mukha. Napasinghap ako ng bigla siyang lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit.

“Namiss kita bro.” Sabi niya nang kumalas siya mula sa pagkakayap sa akin.“ May masakit ba sayo bro? Ano? Bakit di ka lumabas mula pa kanina. Pinag alala mo ako bro. Saka bakit mukha kang malungkot? Ano ba yan?“ Sunod sunod na tanong niya sa akin. Kitang kita ko ang pag alala sa kanyang mukha. See paano ko naman turuan yung puso ko na balewalain si bro kung siya naman yung kusang lumalapit sa akin? Ewan di ko na alam.

Ayaw ko ng saktan yung sarili ko pero ayaw ko rin siyang saktan. Kung iiwas ako sa kanya masasaktan ko siya. Pero kapag hindi ako lalayo ako naman ang magdusa.

“Wala bro.”

“Anong wala? Hindi ka okay bro. Ngayon ka pa ba magsisinungaling sa akin ha? Bro naman. Sanggol pa lang tayo magkasama na tayo wag ka na mang maglihim sa akin. Sabi mo labs mo ako bro? Pero bakit ngayon pakiramdam ko ang layo layo mo na sa akin? Parang di na ikaw yung Trei na bro ko.” May himig na pagtatampo yung boses niya. Bigla naman siyang tumalikod at humakbang palayo sa akin saka muling nagsalita.

“Kausapin mo na lang ako kapag bumalik yung dating bro ko na hindi ganyan. Yung bro ko na masayahin at mahal na mahal ako.” Puno ng hinanakit na sabi niya saka tuluyan na ngang nilisan yung pintuan ng kwarto ko.

Atumatiko namang kusa na kumilos yung sarili ko saka siya hinabol.

“Bro sandali.” Sigaw ko saka niyakap siya mula sa likod nang maabutan ko siya. Napahinto naman siya pero di pa rin lumingon sa akin kaya naman di ako bumitaw mula sa pagkakayakap sa kanya.

“Sorry bro. Sorry kasi pinag alala kita. Mahala na mahal kita bro. Promise ako pa rin ito.” Sabi ko. Bumitaw ako ng kumilos siya paharap sa akin na nakangiti. At muli ko namang nasilayan ang matamis niyang ngiti na nagpalusaw lahat ng hinanakit ko sa kanya. Nadala ako sa mga ngiting iyon kaya natagpuan ko nalang yung sarili ko na nakangiti na rin.

“Ehhh bakit kaba kasi nagkaganyan bro eh.” Parang batang maktol niya sa akin.

“Wala nga bro. Malungkot lang ako kasi nakalimutan nila mama na batiin ako sa birthday ko.” Pagsisinungaling ko.

Napaaray naman ako ng bigla niya akong binatukan.

“Ganyan ka na ngayon! Akala ko ba kapit kamay tayo sa lahay ng bagay. Bakit di mo sinabi yan sa akin ha? Bakit itinago mo pa at naglungkot lungkutan ka mag isa edi sana nabilhan kita ng ice cream para di kana malungkot. Pero di bale nalang andito naman ako bro kaya wag ka na malungkot.” Sabi niya saka lumakad pabalik sa kwarto ko. Sumunod naman ako sa kanya.

“Uy! Uy! Ano yang ginagawa mo?” Nawindang yung katawang lupa ko ng pagkapasok niya sa kwarto ko ay bigla na lamang siyang naghubad ng saplot at tanging maliit na kulay puting brief nalang ang tumatakip sa kahubaran nito.

Chapter Five

“Eh wag ka ng ano diyan bro dito ako matutulog ngayong gabi.” Nakangising sabi niya sa akin sabay back dive doon sa kama ko. Para naman akong tanga kasi biglang nag init yung pisngi ko at pinipilit yung mata ko na hindi mapatingin doon sa malaking bukol na nakatago doon sa puting brief niya. Abay dinisplay pa talaga niya ah? Printe kasi siyang nakabukaka doon saka pumikit. Nagtulog tulugan kamo.

“Bro naman alam mo namang di ako makatulog pag may katabi diba?” Keme kong ganun. Sinuntok  ko ang sarili ko sa aking isipan ng may mga bagay akong naisip na kahalayan doon. Tangina talaga!

Wala naman akong nakuhang sagot at ilang saglit pa ay narinig ko na siyang humuhilik. Oh

tukso

layuan

mo

ako

!

Lumapit ako sakanya saka ko niyugyog yung kabilang paa niya.

“Wag ka ngang magtulog tulugan diyan bro. Alam ko na yang drama mong yan. Alis ka na sabi eh.” Napataas yung kilay ko ng makita kong umangat yung pang itaas niyang labi at pagnngisi niya ng kaunti at ikinubli din  agad iyon. See abnormal talaga!

“Bro naman eh!” Maktol ko sa kanya. Eh ayaw ko nga siyang katabi eh baka di ko mapigilan yung sarili ko at baka may magawa akong katarantaduhan sa kanya. Kahit na pabor sa akin iyon ay di ko naman gawin yun ano. Malaki ang respeto ko sa bro ko na abnormal na gwapo at hot! At kahit na gustong gusto ko mang halayin ito ay hindi pwede! Hindi ako ganoong tao.

“Nagtulogtulugan ka pa ah. Di uubra sa akin yang ganyang aktingan mo bro.” Sabi ko sabay hila doon sa kamay niya. Pero nabigla nalang ako imbis na pabangunin ko yung katawan niya ay ako pa ngayon ang napasubsob doon sa dibdib niya nung hindi siya nagpahila sa akin bagkus ay ako ang hinila niya. Sobrang lapit ng aming mga mukha at ilang sintemetro lang ang layo nito. Sabay kaming napalunok sa isat isa habang nagtatagpo ang aming mga mata. Naamoy ko ang mabango niyang hiniga animoy dinidiligan nito ang uhaw na uhaw kong kalamnan at nilulunod na naman niya ako sa paraan ng pagtitig niyang iyon. Rinig na rinig ko ang kabog ng aming mga puso.

Bigla naman akong natauhan ng maramdaman ko doon sa parteng hita ko ang unti unting pagtigas ng ano niya.

Kaya bigla akong umalis sa pagkapatong sakanya at umupo doon sa kama na katabi niya. Parang napaso ata yung balat ko sa pagkalapit naming iyon. Nakakalunod at nakakabaliw ang mga libu libung boltahe ng kuryente ang gumagapang sa aking katawan nung naglapat ang aming mga balat.

“Sorry.” Sabay namin sabi. Ang akward mga tol! Pinagpawisan nga yung noo ko.

“Matulog na tayo bro.” Sabi niya. Wala na nga akong nagawa kundi ang humiga nalang katabi niya pero nakatalikod ako mula sa kanya.

“Bro?” Maya maya pay tawag niya sa akin.

“Bakit bro?” ang aking tugon.

“Mahal mo raw ako.” Nanlamig ako bigla! Para yata akong nanigas sa kinahihigaan ko! Paano? Paano niya nalaman? Matagal na ba niyang alam? Oh, shit! Patay na! Ito na ang sinasabi ko eh! Hindi ako handa! Iiwan na niya ako! Para  akong pinaliguan ng yelo doon sa sinabi niya. Natigilan ako kasi parang huminto yung mundo ko.

“At sino namang may sabi niyan?” ang pagalit kong pagtatanong. “ Baliw ka na talaga bro. Imposible yang sinasabi mo.“ Angal ko pabalik kahit na parang tinutusok ko ang sarili kong puso ng toothpick ng palalim ng palalim sa pagbitaw ko ng mga salitang iyon.

“Yan ang sabi nila nung minsay nalasing tayo.” Sabi niya pabalik at saka niya pinatong yung braso niya sa tagiliran ko.

“Nalasing? Adik ka ba? Di nga tayo umiinom eh!” Angal ko pabalik saka napasinghap ng isiniksik niya sa batok ko yung mukha niya at inamoy amoy yun. Nararamdaman ko na naman uli ang pagkabuhay ng kuryente sa aming mga balat nang maramdaman ang kakaibang sensasyong iyon.

“Wala na mang magbabago bro sa pagtingin ko sa iyo,” ang namamaos niyang pahayag. Napalunok ako ng malaking laway. Tila may nakabarang malaking bagay sa loob ng aking lalamunan!

Pero teka lang! Parang narinig ko na somewhere yang mga sinabi niya sa akin! Tama! Kanta yun eh! Animal! Niloloko ako ng damuhong ito!

“Urrrgh! Ayan ka na naman sa mga lyric prank mo eh!” Sabi ko sabay alis ko ng braso niya sa aking bewang.

“Ha paano nalamang lyric yun bro,” takang pagtatanong niya. “ Manghuhula ka ba bro?“

“Eh sikat kaya yang kantang yan bro. Adik mo talaga! Matulog na nga lang tayo. Kung ano ano pa yang kagaguhang alam mo.” Sabi ko sabay talukbong ng kumot. At di na nga kumibo. Mabuti pa ay matulog na nga! Ang dami pang kagaguhan ng isang ito!

“Bro?” Mayamaya pay tawag niya sa akin. Pero di ako sumagot at nagkunwaring tulog. Ano ba? Gusto ko ng magpahinga!

“Uy.” Sambit niya uli sabay kalabit sa akin. Pero pinikit ko lang yung mata ko at di siya pinansin.

“Tulog ka na nga siguro bro. Good night!” Malambing na sabi niya sabay haplos sa braso ko na natabunan ng kumot.

“Tanda mo pa kaya yung mga bata pa tayo bro nung sabay tayong nagpatuli?” Patawatawa niyang sabi. Naalerto naman yung tenga ko. At matamang nakikinig sa kanya.

“Hahaha iyak ng iyak ako nun kasi natatakot ako. Eh kasi naman bro sino bang di matakot eh yung pantuli ni Mang Ador ay yung kutsilyo pangkatay ng baboy. Takot na takot ako at tumakbo nga ako nun eh kasi ayaw kong magpatuli. Pero nung nakita kitang buong tapang na nagboluntaryo na maunang tuliin doon nagsisimula yung pag ka idol ko sayo. Di ka nga umiyak nun eh. Kahit tumutulo na nga yung luha mo sa pisngi eh di ka man lang pumalahaw ng iyak. Eh sakit kaya nung pinugaan ng katas ng bayabas yung sugat sa putotoy natin. Eh ikaw iniinda mo lahat yun. Grabe ka bro! Astig ka talaga nun.” Proud na proud niyang sabi.

“Mahal na mahal mo talaga ako mula pa noon bro. Tanda ko pa nga eh kapag umiiyak ako sa gabi kasi sumasakit yung nangangamatis na pututoy ko ay hinihipan mo iyon. Pasalamat talaga ako ni Lord bro na binigay ka niya sa akin. Sana huwag kang magbago bro ha? Sana  pagtanda natin magkasama at magkaibigan pa rin tayo. Huwag mo akong iwan bro ha? Alam ko minsan naiinis ka sa akin kasi abnormal ako eh hayaan mo na yun hahaha. Abnormal nga ako eh promise bro. Labs na labs po kita. Siyempre ikaw kaya ang bro ng buhay ko. Ikaw kaya yung super bro ko! Ay labyu bro!”

Maging ako pa kaya ang maging super bro niya, kung malalaman niyang umibig na ako sa kanya?  Hindi! Alam kong kamuhian niya ako kapag malaman niya ang lihim kong pag-ibig sa kanya. Ayaw kong mangyari ang bagay na iyan. Natatakot ako, na baka magising na lamang ako isang araw na lumalayo na aming mga loob sa isat isa.

Paano ba maputol itong pagtingin ko sa kanya? Gusto kong mawala na ito. Pero di ko alam kung paano. Ayaw kong masira ang matibay na samahan naming dalawa dahil lang sa lecheng pag-ibig na ito. Hindi ko ginusto ang lahat ng ito! Itong potang inang puso ko lamang ang sadyang napaka sadista. Kahit nasasaktan na, kahit alam namang hindi tama. Hala! Sadyang hindi talaga madadala. Gustong gusto niyang masaktan!

Sino ngayon ang labis na nahihirapan? Ako! Kung may tableta lang sanang pwedeng inumin para mawala na itong nadarama ko, kahit gaano pa yan kamahal ay bibilhin ko. Ayaw ko na! Gusto ko ng tumigil! Ngunit yung dibdib ko ayaw paawat. Dahil sa tuwing sinusubukan kong kalimutan ang nararamdaman para sa kanya  mas lalo lang mag-aalburuto ang aking puso.

Nakakabaliw! Nakakaloka. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Haaays! Ang hirap naman nito!

A/N:

Enjoying the story?

You can continue reading this book in DREAME under the pen name of PYHURREHUNK.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.