loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Gay And The Magic High Heels (BXB) COMPLETED

The Gay And The Magic High Heels (BXB) COMPLETED

CHAKASALSAL · 80 chapters · 45,076 words

BABALA

Season 1:

BOOK STYLE WRITING

Season 2:

MOVIE STYLE WRITING

Season 3:

SHORT STYLE WRITING

CHAPTER 1

THIRD POV

“ELMO, manganganak na ako!!!” sigaw ni Reyna Gladies mula sa loob ng kanilang silid. Agad naman itong narinig ng mahal na hari, kaya dali-dali siyang pumasok sa silid kung saan naroon ang kanyang asawa kasama ang ilang kawal. Nataranta si Haring Elmo at agad na inutusan ang mga kawal, “Ipatawag si Romina,” utos ng hari.

(Si Romina ay matalik na kaibigan ng hari at reyna at siya rin ang pinakamahusay na manggagamot sa kaharian.)

“Nasaan ang mahal na reyna?” tanong ni Romina nang makapasok na siya sa bulwagan. Agad siyang sinamahan ng mga kawal sa silid kung saan naroon ang mag-asawa. Lumapit si Romina sa reyna at mahinahong nagsabi, “Mahal na hari, maaari po bang lumabas muna kayo?” Sumunod naman ang hari at lumabas ng silid.

“Ahhhhhh…” ungol ng mahal na reyna sa loob ng silid, rinig na rinig ito ni Haring Elmo sa labas. “Sige pa, mahal na reyna, kaunting ire na lang,” sabi ni Romina habang tinutulungan ang reyna. “Ahhhhh…” huling ire ng reyna, at naisilang na ang kanyang anak.

“Ngahhhh…” iyak ng sanggol na nagmula sa sinapupunan ng reyna. “Lalaki ang anak mo,” nakangiting sabi ni Romina sa matalik niyang kaibigan. Ibinigay ni Romina ang sanggol kay Reyna Gladies, at masaya namang niyakap ng reyna ang kanyang anak. Tumayo si Romina at binuksan ang pinto ng silid upang papasukin ang hari.

Pagkapasok ng hari, agad siyang lumapit sa kanyang asawa at anak. “Lalaki ang anak natin, mahal,” masayang sabi ni Reyna Gladies. Tumango si Haring Elmo, at lumabas na si Romina upang bumalik sa kanyang tungkulin dahil marami pa siyang gagamutin sa kaharian.

Habang masayang pinagmamasdan ng mag-asawa ang kanilang anak, nagulat sila nang biglang lumiwanag ang dibdib ng sanggol. Nang nawala ang liwanag, may naiwan na marka ng heels na lalong ikinagulat ng mag-asawa.

Agad nagpatawag ng kawal si Haring Elmo. “Puntahan ninyo si Havanna at sabihing pumunta dito ngayon na,” utos ng hari.

(Si Havanna ay isang magandang bakla na nag-iisang Guardian ng Kingdom Heelia at kaibigan rin ng hari at reyna.)

Agad lumabas ang kawal at nagtungo kay Havanna. Bagamat nasa liblib na lugar si Havanna na mahirap puntahan, may kapangyarihan ang mga kawal na Teleportation – kaya nilang lumipat ng lugar basta alam nila ang itsura nito.

Pagdating sa harap ng bahay ni Havanna, maingat na kumatok ang kawal. “Sino yan?” tanong ni Havanna. “Pinapatawag po kayo ng hari at reyna, kailangan daw po kayong pumunta sa palasyo ngayon,” sagot ng kawal.

“Ah ganun ba? Bakit ngayon ka lang? Tara na, ang bagal mo,” natatawang sagot ni Havanna. Hindi rin kasi siya tumatanda.

Ginamit ng kawal ang kapangyarihan niya at agad silang nakarating sa harap ng silid ng hari at reyna. “Oh, anong problema ng mag-asawa?” tanong ni Havanna nang makapasok at makita ang sanggol sa tabi ng reyna. “Nanganak ka na pala, babaita ka! Di ka man lang nagpasabi,” biro ng bakla.

“Hehe, pasensya na Havanna, biglaan kasi,” sabi ng reyna. “Pero pinatawag ka namin dito dahil meron kaming gustong malaman.”

Naging seryoso ang mukha ni Havanna at lumapit. “At ano naman yun?” tanong niya.

“Ano ang gustong ipahiwatig ng tattoo na nasa dibdib ng aming anak?” tanong ng hari.

Tumingin si Havanna sa sanggol at nakita nga ang tattoo. Itinaas niya ang kanyang kamay, at biglang lumiwanag ang kanyang palad pati ang kanyang mga mata. Maya-maya’y natigilan si Havanna, mukhang nagulat at namangha.

“Ano ang nakita mo, Havanna?” tanong ng reyna.

“Ang inyong anak… ay hindi pangkaraniwan,” sabi ni Havanna.

“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ng hari.

“Kabilang siya sa ikatlong lahi,” sagot ni Havanna.

“At ano naman ang ikatlong lahi?” tanong ng reyna.

“Ang ikatlong lahi ay nagmula sa nilikhang lahi ni Dyosa Stephanie – ang kauna-unahang bakla na naging Dyosa,” paliwanag ni Havanna.

“SO ABNORMAL ANG ANAK NAMIN?!” gulat na tanong ng hari.

Ngumiti si Havanna, humarap sa kanila nang seryoso, at nagsabi, “Normal ang anak ninyo. Ang mga kabilang sa ikatlong lahi ay may kakayahang manganak kahit lalaki, at makabuntis kahit babae. Hindi lang iyon… nakita ko sa kanyang kapalaran na siya mismo ang magwawakas ng laban na dapat ay nagwakas na noon pa.”

Nagulat ang mag-asawa. “Yun lang ang masasabi ko,” sabi ni Havanna, at bigla na lamang naglaho sa harapan nila.

Hanggang sa araw na iyon, pinili ng mag-asawa na isantabi muna ang nalaman nila at inalagaan ang kanilang anak na parang isang normal na bata – at sa kanilang puso na lang nila iniukit ang sinabi ni Havanna.

Other Dimension POV

“Mahal na reyna, nanganak na daw si Reyna Gladies,” balita ng isang kawal.

“So, nanganak na nga ang babaeng yun…” bulong ni Reyna Renia sa kanyang isipan. “Pwes, ito na ang oras para sumalakay sa kanilang kaharian! Hahaha! Sabihin sa mga halimaw na maghanda na. Susugod tayo habang mahina pa ang reyna ngayon!”

“Opo, mahal na reyna,” sagot ng kawal bago umalis.

“Sisiguraduhin kong mamamatay ka na, Gladies – pati ang anak mo. Mapapasakin na si Elmo at ang buong kaharian… Wahahaha!” malademonyong tawa ni Reyna Renia, ang panganay na kapatid ni Reyna Gladies na nagtataglay ng Black Magic, at nais maghiganti dahil inagaw daw ni Gladies si Haring Elmo mula sa kanya.

ABANGAN…

CHAPTER 2

Third POV

“Heto na ang araw na sasalakayin natin ang kaharian ng kapatid kong hangal!!!” sigaw ni Queen Renia, at nagsi-ungol naman ang mga halimaw mula sa impyerno na kanyang nilikha.

“Transferia transferia flora dimensia,” sambit ni Queen Renia – isang spell ng teleportation magic. Pagkasambit ng spell, agad silang napunta sa bayan ng Kingdom Heelia, kung saan naroon sina King Elmo at Queen Gladies.

“Sugod!!!” sigaw ni Queen Renia. Nag-uunahang tumakbo ang mga halimaw patungo sa mga mamamayan ng kaharian, ngunit bago pa man sila makalapit, biglang tila may invisible shield na tumama sa kanila at nagpatilapon sa kanila nang walang kahirap-hirap.

“Anong nangyayari?!” takang tanong ni Queen Renia (tawagin na lang natin siyang Evil Queen o EQ ).

“Hahahaha! Wala ka pa ring kupas, bruha!” sabi ng isang tinig. Nainis ang reyna kaya agad siyang naglabas ng malakas na enerhiya na unti-unting sumisipsip ng lakas ng mga tao sa paligid kaya’t nanghina ang mga ito.

“Lumabas ka!!!” sigaw ng Evil Queen.

“Nandito ako, bruha!” sabi ng tinig, at biglang lumitaw sa ere si Havanna.

Nakita agad siya ni Evil Queen kaya’t tinamaan niya ito ng itim na enerhiya, ngunit nasalag ni Havanna.

“Oh… chill, bitch! Di pa nga ako nakapaghanda,” sabi ni Havanna kay Evil Queen. Pero pagkatapos sabihin iyon, umatake na si Havanna.

“Wind slicer!!!” sigaw niya, at nagkapinsala ang mga halimaw – ngunit hindi si Evil Queen.

“Tangina mong bakla ka!!!” atungal ni Evil Queen. “Darkness strip!” sigaw niya. Lumabas mula sa kanyang mga kamay ang isang daang itim na shadow na kamay na sumugod kay Havanna.

Dahil sa tindi ng impact, natumba si Havanna at nawalan ng lakas. Agad naman siyang kinuha ni Evil Queen gamit ang kanyang mahika at teleport papunta sa loob ng palasyo. Pagdating doon, agad niyang nakita si Good Queen ( GQ ), at ngumiti ng matagumpay.

Sa kabilang dako, hindi nasundan ni Havanna si Evil Queen dahil marami pang halimaw na kailangang pigilan sa bayan. Kung iiwan niya iyon, siguradong mamamatay ang mga tao – kaya nanatili muna siya roon at nakipaglaban.

Sa loob ng palasyo…

“Demons roar!” sigaw ni EQ. Lumabas mula sa kanyang bunganga ang itim na ilaw na may kasamang malakas na huni at tinapat ito kay GQ.

Pero! “Angels roar!” sigaw naman ni GQ. Hindi kagaya ng sa EQ, ang ilaw na lumabas kay GQ ay kulay puti. Nagbanggaan ang kanilang kapangyarihan, na nagdulot ng matinding lindol sa buong kaharian.

“Yan lang ba ang kaya mo?!” tanong ni GQ kay EQ.

Alam ni EQ na hindi niya basta-basta matatalo ang kapatid, kaya noon pa lang ay naghandang ibigay ang kanyang kaluluwa kay Satanas para makakuha ng mas malakas na kapangyarihan. Ngumiti siya, at sa wakas, inilabas ang tunay na kapangyarihan ni Satanas.

“Anghel na makasalanan, ako’y iyong pakinggan! Galit at puot, iyong pakiramdaman! Talunin ang kapatid kong hangal!!! Wahahahahaha!” sigaw ni EQ.

Biglang nagdilim ang buong langit at ang loob ng palasyo. Nanghina si GQ dahil sa epekto ng sumpa. Ilang sandali pa, lumabas na mula sa silid si Good King ( GK ), na iniwan pansamantala ang kanilang anak matapos umiyak ito nang malakas, na parang nararamdaman ang nangyayari.

Pagkababa niya sa hagdanan, nakita niya ang nanghihinang reyna at dali-daling tumakbo papalapit. Ngunit bigla siyang tinamaan ng itim na kuryente, at nanigas sa kinatatayuan na parang estatwa.

“Wag!!!!” sigaw ni GQ, pero nanghihina na siya. Ginamit na lang niya ang natitirang lakas para makapunta sa silid ng kanilang anak – at nagtagumpay siya.

Niyakap niya ang kanyang anak at nag-cast ng spell.

“Diyos ng maykapal, ako’y inyong tulungan, gawin ninyong makapangyarihan, iligtas ninyo ang aking pinakamamahal na anak… transferia transferia eartha floriana,” bigkas ni GQ.

Nagliwanag ang kanyang anak, ngunit biglang pumasok si EQ sa silid at nagtangkang patamaan ang bata ng itim na enerhiya. Sa kabutihang palad, bago umabot, nawala ang bata at napunta sa ibang dimensyon – sa isang lugar na tanging si GQ lang ang nakakaalam: ang Earth.

Sa sobrang inis ni EQ at nanghihinang GQ, pinakawalan niya ang itim na enerhiya kay GQ, na naging sanhi para manigas din ang kanyang kapatid gaya ng hari. Ang mahika ni EQ ay mula kay Satanas – kaya’t kontrolado na niya ngayon ang lahat ng tao sa kaharian.

“Sumunod ka sa akin, kapatid,” sabi ni EQ kay GQ. At sumunod nga ito, na parang wala lang.

Pagdating nila sa bulwagan, nakita ni EQ ang hari na nakatayo at nakangiti. Kasabay ng spell na ginawa ni EQ, nabura ang alaala ng lahat ng tao sa kaharian – ang iniisip na nila ngayon ay si EQ ang tunay na reyna at asawa ng hari, at si GQ ay isang hamak na alila lamang.

Lumapit si EQ kay GK, at naghalikan silang dalawa. Nagdiwang ang lahat ng mga halimaw na nasa bulwagan, na parang wala nang bukas.

Someone’s POV

Nakita niya ang lahat ng nangyari sa bulwagan. Nanghina siya sa sakit nang masaksihan ang paghalikan nina EQ at GK, habang si GQ naman ay nakatayo lamang na parang walang nararamdaman.

Agad siyang umalis – alam niyang hindi niya kayang talunin si EQ ngayon, lalo na at kontrolado na ni EQ ang buong kaharian.

Nag-cast siya ng spell at napunta sa kanyang bahay. Nag-isip siya kung nasaan ang anak ng reyna na kanyang kaibigan.

“Oras ay ibalik, ipakita sa akin ang nangyari kanina,” sabi niya. Lumiwanag ang harap niya, at nakita niya kung paano pinaalis ng reyna ang anak nito mula sa kanilang mundo.

“Pangako ko… hahanapin ko ang inyong anak. Ako mismo ang mag-eensayo sa kanya. At babalik kami dito para ibalik ang kaharian sa dati nitong sigla. Ako si Havanna – at sinusumpa ko, mananalo tayo sa dulo,” sabi ni Havanna.

Nag-cast siya ng spell: “Sundan mo kung nasaan ang anak ng hari at reyna… transferia hula huliana bineda.”

Nagliwanag ang kanyang katawan, at napunta na rin siya sa mundong tinatawag na Earth.

ABANGAN…

CHAPTER 3

THIRD POV

Napunta ang anak ng reyna sa kagubatan ng Earth. Sakto namang may mag-asawa—sina Liway at Henry—na nangunguha ng kahoy na gagamitin nila sa pagluluto mamaya, nang bigla silang makarinig ng iyak ng sanggol.

“Wahhh uwahhh!!!” iyak ng bata na anak ni Good Queen. Hinanap ng mag-asawa kung saan nanggagaling ang iyak, at sa wakas ay nakita nila ang sanggol na nakabalot sa malalaking dahon, na tila proteksyon nito.

Naawa si Liway kaya’t inalis niya ang mga dahon at binuhat ang sanggol. Doon niya lang napansin na lalaki pala ito. Bigla namang umilaw ang bahagi ng dibdib ng bata at lumitaw ang tattoo na hugis heels. Saksi ang mag-asawa sa kanilang nakita, pero maya-maya lang ay bigla ring nawala ang tattoo na parang bula.

“Anong klaseng nilalang ka?” tanong ni Henry sa bata. Sa sobrang awa, nagmakaawa si Liway sa kanyang asawa na kupkupin ang sanggol, at pumayag na lang si Henry sa hiling ng kanyang asawa.

Bago sila umalis, bigla namang may lumabas na malakas na liwanag sa kanilang harapan. Sa sobrang silaw, napapikit at napatakip sila ng mga mata, pero ang bata ay masayang-masaya. Pag nawala na ang liwanag, lumitaw ang isang pares ng maliit na heels na pambata na yari sa ginto at brillante. Dahan-dahang lumipad ito papunta sa bata na hawak ni Liway, at nang mahawakan ng bata ang heels, bigla itong umilaw at nawala rin kaagad.

Dahil sa kanilang nasaksihan, nagpasya ang mag-asawa na manahimik at huwag itong ipaalam kaninuman. Umuwi na sila kasama ang bata.

Samantala, pagkarating ni Havanna sa Earth, bigla siyang lumitaw sa gitna ng kagubatan.

“Gosh!!! Bakit sa kagubatan?! Bitch!!! Baka may ahas dito—I CANNOT!” reklamo ni Havanna.

“Pero okay lang… for the sake of my beloved friends and also the kingdom,” dagdag pa niya. “Bakit kasi dito pa napunta ang anak nina Elmo at Gladies… ang hirap lang, ah,” sabi ni Havanna habang lumilipad para hanapin ang bata.

Pagkatapos ng isang oras ng paghahanap, hindi pa rin niya makita ang sanggol. “Bakit wala dito ang bata?” tanong niya sa sarili. Pumikit siya at pinakiramdaman ang paligid. Nararamdaman niya ang kapangyarihan na kagaya ng kapangyarihan ng kanyang mga kaibigang mag-asawa.

“Oh my gosh!!! Don’t tell me may kumuha na sa bata,” sabi ni Havanna. Kayang-kaya niyang hanapin ang bata, pero naisip niyang baka ito ay plano ng Diyos—na hindi pa panahon para magkasama sila. Kaya’t nagdesisyon na lang siya na mag-cast ng spell para maprotektahan ang kalusugan ng bata.

“Iyong alagaan bata sa kanilang sinapupunan, huwag pababayaan ang bata kahit kailan… healthia binedra!” sabi ni Havanna. Biglang lumakas ang hangin sa paligid, pero maya-maya lang ay nawala rin ito—kasabay ng pag-alis ni Havanna.

Sa bahay ng mag-asawa, habang nagluluto sila ng makakain nila at ng sanggol, bigla nilang naramdaman ang malakas na hangin. Nang tumawa ang bata, bigla ring nawala ang hangin na parang wala lang nangyari. Naiwan ang mag-asawa na nagtataka, gulat na gulat sa lahat ng nangyari.

Bagaman nadagdagan ng bagong problema ang kanilang buhay dahil sa pagdating ng bata, isinantabi na lang nila ang kanilang mga alalahanin. Napagpasiyahan nilang huwag ipaalam sa iba ang kanilang nakita. Balang araw na lang nila sasabihin sa bata ang totoo kapag ito’y handa na—dahil karapatan pa rin ng bata na malaman ang kanyang pinagmulan.

Kaya nagpatuloy na lang sila sa kanilang ginagawa…

ABANGAN…

CHAPTER 4

GEORGE POV

“Anak, gumising ka na d’yan! Tanghali na!” sigaw ng pinakamagandang ina sa balat ng lupa.

“Opo, Nay!” sagot ko naman. Pero sa totoo lang, tapos na akong maligo at nakapaghanda na rin ako—kain na lang at toothbrush, gora na tayo! Wahahahaha!

Lumabas na ako ng kwarto at nakita kong nakaupo na sina Tatay at Nanay. Lumapit ako sa kanila, binati nila ako, at bumati rin ako pabalik na may ngiti sa mukha.

“Oh, kamusta na ang iyong pag-aaral, anak?” tanong ni Tatay. Ngumiti ako at sumagot,

“Mabuti naman po, Tay.”

“Mabuti kung ganun. Pagbutihin mo ang iyong pag-aaral, anak, kasi ’yan ang pinakamahalagang sandata mo sa buong buhay mo,” sabi naman ni Nanay—nag-aala teleserye na naman, at parang may mali pa sa sinabi niya, pero hinayaan ko na lang.

“Opo, Nay,” sagot ko habang puno pa ng pagkain ang bibig ko.

“Ano ba ’yan, anak, maghinay-hinay ka nga sa pagkain mo baka mabilaukan ka,” sabi ni Nanay.

Nang matapos na kaming kumain, sabi ni Nanay na siya na raw ang maghuhugas, at isasabay na lang ako ni Papa sa kanyang pagbiyahe para maihatid ako. Baka raw kasi may lalaki na magtangkang manligaw sa akin, para mapagalitan daw niya agad. Hahaha! Si Tatay talaga.

Lumabas na kami ng bahay at sumakay ako sa jeep namin. And wait!!! Sa haba ng monologue ko, hindi ko pa nasasabi ang pangalan ko: Ako nga pala si George Pambalan, 17 years old, Grade 12 na ako. Simple lang ang buhay namin dito sa mundong ito. Pinapangarap ko pa ngang sana prinsesa na lang ako, at sana may kapangyarihan ako para mapabilis ang pag-aaral ko.

And yes!!! Tanggap ako ng mga magulang ko, and I’m so masaya dun. Matagal na ring nagsimula ang klase, kaya malapit na ang second grading examination at naloloka na ako sa mga pasabog ng mga teachers—nakaka-arggghhhh!!! Alam mo ba ’yung feeling na hindi mo namamalayan, parang sinasaksak ka na ng mga teachers mo sa likod dahil sa dami ng pointers to review? Shit lang!!!!!! Comment down below kung na-feel mo rin ’to, wahahahaha! Parang vlogger lang. Kaya support nyo na rin ang vlog ng ating pinakamagandang writer na si Pempem Vlogs sa YouTube! Yun lang hahahaha!

Back to the story… MY story! Hihi.

So yun nga, malapit na ang examination at wala pa akong nagagawang requirements. Beep beep! Yan ang tunog ng jeep, at doon ko lang napansin na nasa harap na pala kami ng paaralan. Bumaba na kaming lahat. Mostly kasi, mga estudyante rin ang sumasakay sa jeep ni Papa.

“Oh, anak, mag-iingat ka d’yan. ’Wag gagawa ng gulo,” sabi ni Tatay.

“Opo, Tay,” sagot ko at pumasok na ako sa gate ng aming paaralan.

Sa totoo lang, wala talaga akong kaibigan dito sa school. Sabi nila parang naiiba raw ako sa ibang estudyante. Tuwing lalapit daw ako, parang nanlalamig o naiinitan sila. Ewan ko sa kanila! Para nga silang may diperensya sa utak. Ano ako, may kapangyarihan?! Pero hinayaan ko na lang—buhay ko naman ’to, ’di ba?

Pumasok na lang ako sa classroom namin. Saktong pagkapasok ko, dumating na rin ang aming guro. Habang naglalakad ako papunta sa upuan ko, napapansin ko ’yung mga tingin ng classmates ko sa akin. Pero cheee! sila. Like, duh!

“Okey class, ang gagawin natin ngayon ay by partner. Gagawa kayo ng PowerPoint tungkol sa same sex marriage,” sabi ni Sir. Sabay “Yes, sir!” kaming lahat.

Nagbunutan kami kung sino ang makakapartner namin, at napunta ako sa pinaka-bully kong classmate. Tumayo siya bigla at…

“Ayoko sa baklang ’yan!!!” sigaw niya. Nasaktan ako pero hinayaan ko na lang. Pero nagsalita na naman siya,

“Ayoko talaga, Sir, tangina! Bakla na nga, parang alien pa! Nakakatakot, eh!” sabi niya.

Sa puntong iyon, parang may galit akong naramdaman na gustong kumawala. Biglang naramdaman ko na uminit nang sobra ang classroom. Ang init na halos umiyak na ang ibang babae. Tumayo ako at tiningnan ko ’yung lalaki—kitang-kita kong nahihirapan na rin siya sa init.

“Hahahahaha! Ako??? Alien??? Fuck you ka!” sabi ko, at biglang may lumabas na apoy mula sa akin—parang ahas na umikot at tinamaan ang lalaki. Nasusunog na ang damit niya!

Pero biglang lumapit si Sir, itinapat ang kamay niya sa mga kaklase ko at nakatulog silang lahat. Nawala rin ang apoy at ’yung sobrang init kanina. Nagulat ako: Bakit ko nagawa ’yun? May kapangyarihan ba ako? At bakit nagawa rin ’yun ni Sir? May kapangyarihan din ba siya?

“Tama ka sa iniisip mo. May kapangyarihan ka, George… at may kapangyarihan din ako,” sabi ni Sir.

“Bakit? Paano?” tanong ko, takang-taka.

“Pati po kayo? Paano nyo po nagawa ’yun? Saan nyo po nakuha ang kapangyarihan nyo? At saan ko po nakuha ang kapangyarihan ko?” sunod-sunod kong tanong.

“’Wag na tayo dito. Dun tayo sa office ko. Baka biglang magising ang mga estudyante dito—mahirap na,” sabi ni Sir. Hinawakan niya ang balikat ko, at bigla kaming napunta sa kanyang office. Nagulat ako sa nangyari, pero hindi ko rin maiwasang mamangha.

“Kailan mo pa alam na may kapangyarihan ka na?” tanong ni Sir.

“Hindi ko po alam, Sir. Bigla lang po itong lumabas kanina. Wala talaga akong kaalam-alam na may ganito pala akong… kapangyarihan,” sagot ko.

“Okey, let’s say na may kapangyarihan ka na. Ano ang susunod mong gagawin? Hindi pwedeng ganito na lang palagi na ako na lang ang laging nagbubura ng memorya ng mga estudyante. Oo, may kakayahan akong burahin ang memorya ng tao,” paliwanag ni Sir. Napaisip tuloy ako.

“Sir… burahin nyo na rin ang memorya ko. Ayokong tanggapin na may kapangyarihan ako. Paano na lang kung dahil dito, makasakit ako ng ibang tao? Kaya Sir… burahin nyo na lang, para ’di ko na maalala ang nangyari kanina,” sagot ko, habang mabigat ang loob.

“Sigurado ka ba d’yan? Pag nabura ko na, hindi mo na talaga maaalala ang lahat ng nangyari,” sabi ni Sir. Tumango ako, buong tapang kahit may kaba.

Lumapit siya sa akin, hinawakan ang ulo ko, at biglang umilaw ang kanyang mata. Parang may biglang nawala sa utak ko… kaya pumikit na lang ako at hinayaan ang lahat ng nangyayari.

ABANGAN…

CHAPTER 5

GEORGE POV

Biglang may malakas na pwersa na tumama kay Sir kaya tumalsik siya sa lamesa, dahilan para masira ito… sabay ramdam ko sa katawan ko na parang may gustong kumawala, at biglang umilaw ang mga mata ko.

THIRD POV

Gulat na gulat ang guro sa kanyang nakikita ngayon. Hindi pa siya makabangon dahil sa pagkabigla. Nawala naman ang ilaw sa mga mata ni George at nakita niya ang kanyang guro na nakahandusay sa sahig kaya nilapitan niya ito at inalalayan.

“Sorry po, Sir,” sabi ni George.

“It’s okay,” sagot ng guro.

“Ano pong nangyari, Sir? Bakit meron pa rin akong naaalala sa mga nangyari kanina?” tanong ni George.

“Hindi ko rin alam. Pero kung titignan natin, mukhang ang kapangyarihan mo ang pumipigil sa kapangyarihan ko para mabura ang iyong memorya. And I’m telling you this, kakaiba ang kapangyarihan mo,” sabi ng guro na nagpakunot ng noo.

“So, ano na po ang gagawin ko, Sir? Alangan namang ganito na lang ako,” may lungkot na sabi ni George.

Pero biglang umilaw ang dibdib ni George at nang tingnan niya ito, may nakita siyang marka na parang heels. Biglang umilaw ang mga mata ng guro at ngumiti.

“Wag kang mag-alala, merong paaralan dito sa Earth na puno ng mahika,” sabi ni Sir kay George. Napatingin si George sa guro at maya-maya lang, nawala na rin ang ilaw sa kanyang dibdib.

“Saan po ’yun, Sir?” agad na tanong ni George.

“Sa La Fins Scolastica . Kailangan mo munang dumaan sa isang portal para makarating doon. Kaya kong buksan ’yun, pero kakausapin ko muna ang mga magulang mo,” paliwanag ni Sir.

“Luh! Sir, wala po silang alam sa mga nangyayari sa akin,” sabi agad ni George.

“Kung wala pa silang alam, karapatan nilang malaman kung sino ka at kung ano ka,” sagot ni Sir. Tumango na lang si George.

“Wag ka na lang pumasok bukas para makausap ko ang mga magulang mo. Para next week, Monday, pupunta ka na sa bago mong school. Maliwanag ba?” sabi ni Sir. Tumango na lang si George.

Sa araw na iyon, tinapos na lang ni George ang mga requirements para makapag-transfer. At ang mga kaklase niya? Parang wala lang sa kanila ang nangyari kanina, kasi nabura na ang memorya nila. Masaya pa nga sila nang malaman nilang magta-transfer siya. Pero okay lang, sabi na lang ni George sa sarili niya.

Pagkatapos ng klase, umuwi na rin siya kasabay ng ibang estudyante. Nakita niya si Papa Henry na naghihintay sa labas ng gate, kaya lumapit na siya at sabay na silang umuwi.

Pagdating nila sa bahay, nadatnan nilang nagluluto si Mama Liway sa kusina.

GEORGE POV

“Oh, magbihis na kayo d’yan para kakain na tayo mamaya,” sabi ni Mama sa amin ni Papa.

“Opo, Ma,” sagot ko at tumakbo na papunta sa kwarto para magpalit. Habang nagpapalit, iniisip ko kung ano kaya ang magiging reaksyon ng Mama at Papa bukas kapag nalaman nilang may kapangyarihan ako—na iba ako sa ibang tao.

Pero iwinaksi ko muna ang isipin iyon. Bumaba na ako sa kusina para kumain. Habang kumakain, tinanong ako nina Mama at Papa kung kumusta na ang pag-aaral ko. Sinabi ko naman na okay lang, at sinabi ko na rin na hindi na muna ako papasok bukas. Hindi na sila nagtanong pa.

Nang matapos akong kumain, umakyat na ako sa kwarto at natulog para kahit papaano ay makalimot sa mga nangyari kanina.

Kadiliman lang ang nakikita ko. Hindi ko alam kung bulag na ba ako, nasaan na ba ako, at pati sarili ko hindi ko na makita.

“Tulungan mo kami!!” sigaw ng mga tinig na naririnig ko—nakakatakot pakinggan.

“Asan ka na!!!???” narinig ko pa, kaya kumaripas ako ng takbo kahit hindi ko alam kung saan patungo.

“Asan ako!!!???” yan lang ang sigaw ko.

Bigla na lang akong nagising.

“Ano ’yun? Parang napunta ako sa ibang lugar… my gosh! Nakakatakot ’yun ah,” sabi ko sa sarili ko.

“Anak, baba ka na d’yan, may bisita tayo! Nandito guro mo!” sigaw ni Mama. Dali-dali akong bumaba, at tama nga—nandun si Sir Charles. Nagulat kayo, noh? Charles pala ang pangalan ng guro ko na nabanggit ko sa last chapters! Hahaha! Anyway…

“Maghanda ka muna ng maiinom, anak,” sabi ni Mama, kaya pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng juice. Hahaha mahirap lang kami, wala kaming Coke o Pepsi, juice lang talaga.

Bumalik ako sa sala kung saan nakaupo na sina Papa at Mama, kaharap si Sir Charles.

“Ano pong pag-uusapan natin, Sir?” tanong ni Mama.

“Gusto ko sanang ilipat si George ng paaralan kasi hindi siya nabibilang sa dati niyang pinapasukan,” diretsahang sabi ni Sir Charles, na ikinagulat nina Mama at Papa.

“Anong ibig nyo pong sabihin?” tanong ni Papa.

“Alam ko na alam ninyo na merong kakaiba sa anak ninyo,” sagot ni Sir, na nagpatahimik sa kanila.

Pero nakapagsalita rin agad si Mama, “Wala kaming alam sa mga sinasabi nyo, Sir.”

“Wala nga ba?” tanong ni Sir, at naalala ko na nakakabasa pala siya ng isipan.

“Kagaya ng anak ninyo, meron din akong kapangyarihan,” sabi ni Sir, na lalo pang nagpagulat kay Mama at Papa.

“Kaya ko ring basahin ang laman ng inyong isipan, at masasabi ko na meron kayong alam sa nangyayari kay George,” sabi ni Sir.

“Oo, tama ka… pero bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa lumabas ang kapangyarihan niya?” sabi ni Mama, sabay luha.

Hindi ako galit sa kanila, kahit alam nilang ganito ako. Bakit ako magagalit? Sila naman ang nag-alaga at nagmahal sa akin.

Niyakap ko si Mama para patahanin siya.

“Saan naman mag-aaral ang anak namin?” tanong ni Papa.

“Sa paaralan na puno ng mahika, pero wag kayong mag-alala, nasa parte pa rin ’yon ng ating mundo. La Fins Scolastica ang pangalan,” sabi ni Sir Charles.

ABANGAN…

CHAPTER 6

George POV

“Mag-iingat ka doon, anak. Kung meron mang paraan para makatawag ka man lang, tawag ka agad ah…” ’Yan ang sabi ni mama, at hindi niya napigilang umiyak.

Kaya nilapitan ko na siya at niyakap. Napatingin ako sa direksyon ni papa… at hindi na rin niya napigilang umiyak sa gilid.

“Pati ba naman ikaw pa, lapit ka na dito sa amin ni mama para mayakap na din kita, pa,” sabi ko, na naiiyak na rin kasi nadala na ako sa iyak nilang dalawa. Lumapit na rin si papa sa amin ni mama.

“Tama ang mama mo, anak. Tumawag ka agad pag meron mang paraan para makontak mo kami,” sabi ni papa nang tapos na kaming magyakapan.

Tumango akong nakangiti sa kanila. Kahit masakit at nakakalungkot, kakayanin ko ito para sa kanila. Lumingon na ako kay Sir Charles na kanina pa nakatayo sa gilid at lumapit na ako sa kanya.

“Mauna na kami,” sabi ni Sir Charles sa aking mga magulang. Lumabas na kami ng bahay, at nakita ko na nasa labas na ang kotse ni sir.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse niya pero lumingon muna ako sa bahay namin. Nakita ko sina mama at papa na nakatayo sa pintuan. Maraming alaala ang bumalik sa akin… at talagang mamimiss ko sila, pati na rin ang bayang ito kung saan ako lumaki. Hayaan ninyo, mama at papa, babalikan ko kayo at yayakapin ng mahigpit. Pumasok na ako sa kotse…

At pumunta na kami ni sir sa lugar kung saan matatagpuan ang lagusan papunta sa paaralan ng mga kagaya kong may kapangyarihan.

Habang nasa biyahe kami, may inabot sa akin si sir na panyo. Napatingin ako sa kanya na may pagtataka sa mukha. Doon ko lang namalayan na lumuluha na pala ako, kaya kinuha ko na ang panyong nasa kamay niya.

“Okay lang ’yan. Kaya mo ’yan. Balang araw, malalaman mo rin at matutuklasan mo kung sino ka talaga,” sabi ni sir.

“Pero natatakot ako sa pwede kong malaman, sir, sa pagpunta ko sa sinasabi mong paaralan,” sabi ko sa kanya.

“Wag kang matakot kung katotohanan na ang humahabol sa’yo. Ngumiti ka na lang at tanggapin ito, kasi ito ang pagkatao mo,” sabi ni sir. At tama naman ang sinabi niya kaya hindi na lang ako nagsalita.

“La Fins Scolastica… saan po talaga iyon?” Tanong ko bigla kay sir.

“Sa totoo lang, ang La Fins Scolastica ay isang unibersidad para sa mga kagaya natin. Hindi lang siya basta-bastang paaralan. Hindi ko maipaliwanag ng buo… basta malalaman mo rin pag nandoon ka na. At ang unibersidad na iyon ay matatagpuan sa Kingdom of Scola,” sabi ni sir.

“Ah, ganun po ba? Eh, saan po matatagpuan ang lagusan papunta sa Kingdom ng Scola?” tanong ko kay sir, kasi nagtataka talaga ako kung saan nga ba kami pupunta. Eh halos dalawang oras na kaming nagbibiyahe at wala pa rin… magpasalamat siya kasi gwapo siya… kung hindi lang… hay nako! Hahaha!

“Pupunta tayo ngayon sa Ilocos Sur,” sabi ni sir, na ikinagulat ko.

“Ilocos Sur, sir?! Ang layo pala! Kaya pala ang tagal na nating nagbibiyahe, at hindi pa rin tayo nakakarating. Edi wow! Haha,” sabi ko na lang na pa-biro, ewan ko kung nakakatawa pero napa-smirk naman siya kaya… go lang girl! Landi pa more! Hahaha!

Habang nagbibiyahe kami, naisipan ko na lang umidlip muna para makaipon ako ng lakas pagdating namin sa Ilocos Sur.

ABANGAN

CHAPTER 7

George POV

Ang sarap ng tulog ko nang biglang may yumugyog sa akin, dahilan para magising ako at makita ang mukha ni sir.

“Nandito na tayo sa San Emilio, Ilocos Sur,” sabi ni sir. Lumabas na siya ng kotse at sumunod na rin ako.

Nang makalabas na kami sa kotse, doon ko lang napansin na nasa parte kami ng kagubatan. At kung saan nag-stop ang kotse ni sir, doon na rin nagtatapos ang kalsada. Ibig sabihin, may lalakarin pa kami?

“Tama ang iniisip mo. Maglalakad muna tayo bago makarating sa lagusan papunta sa Kingdom ng Scola,” sabi ni sir, at nagsimula na siyang maglakad. Sumunod naman ako sa kanya.

“Nag-iisa po ba ang Kingdom ng Scola na may mga taong may kapangyarihan?” tanong ko kay sir.

“Hindi ko naman masasabing mga tao talaga sila. Mas tama sigurong tawagin silang mga wizards. Pero meron ding mga ordinaryong tao doon na namumuhay lang ng normal. At hindi lang iisa ang Scola—maraming ibang kaharian sa dimensyong pupuntahan mo ngayon, kung saan magbabago ang lahat,” sabi niya.

“Bakit po, sa hinaba-haba ng panahon, nananatili pa rin po kayo dito sa mundo namin? Panget po ba sa mundo ninyo kaya kayo napadpad dito?” tanong ko.

“Hindi naman panget sa mundo namin. Sadyang mas gusto ko lang ang normal na buhay, at gusto kong mabuhay na walang nakakalam na may kapangyarihan ako,” sagot niya.

“Eh paano po sina mama at papa? Alam nilang may kapangyarihan ka,” sabi ko na may halong pangamba.

“May tiwala ako sa mga taong nag-alaga sa’yo, kasi mababait sila. Alam nga nilang may kapangyarihan ka, pero anong ginawa nila? Nanahimik lang sila at inalagaan ka sa abot ng makakaya nila,” sabi niya. Oo nga naman—kung tutuusin, mga magulang ko sila.

“Nandito na tayo,” sabi ni sir. Hindi ko maiwasang mamangha, kasi nasa tabi kami ng ilog na ang ganda-ganda. Malinaw ang tubig, kita ang mga bato sa ilalim, at napakalinis. Para talaga itong hardin ng Eden.

“Handa ka na ba?” tanong ni sir.

“Mamimiss ko po kayo, sir. At pakibantayan po sina mama at papa, ha,” sabi ko sa kanya. Niyakap ko siya, at nang kumalas ako, may binigkas si sir:

“Portalyos Demensyos.”

Biglang parang nag-ipon ng alon ang tubig, at sa gitna nito ay parang may nabuo na butas. Kahit natatakot, tumalon ako nang nakapikit, pigil ang hininga, at yakap-yakap ang bag kong puno ng mga damit.

✨ (KINGDOM OF SCOLA) ✨

Naririnig ko ang mga taong nag-uusap, huni ng mga ibon, at iba pang tunog. Nang buksan ko ang mga mata ko, doon ko lang napagtanto na nandito na pala ako sa Kingdom ng Scola. May nakikita akong mga wizards na lumilipad at mga ordinaryong taong naglalakad.

Naglakad-lakad ako at nagtanong kung saan ang University ng La Fins Scolastica. Sabi nila, diretso lang sa kanto, liliko sa kaliwa, tapos may makikita akong puno ng balete; liliko ulit sa kaliwa at nandoon na raw ang La Fins Scolastica.

Sinunod ko naman ang sinabi ng ale, at may nakita nga akong puno ng balete. Sa mundo namin, kadalasan kinatatakutan ang puno ng balete dahil sinasabing tirahan daw iyon ng mga multo. Pero dito, ang balete nila ay ang ganda—ginto ang mga dahon at kumikinang-kinang pa. Kung sakim lang siguro ako, baka pumitas na ako. Pero pinalaki ako ng maayos ng mga magulang ko kaya hinayaan ko na lang ito.

Lumiko ako sa kaliwa at naglakad pa ng kaunti, at doon ko na nakita ang Unibersidad ng Scola. Sa totoo lang, ang laki nito—gate pa lang, ang lawak na. Sa labas pa lang, ang ganda-ganda na… paano pa kaya sa loob, ’di ba?

Biglang nagbukas ang gate kaya pumasok na ako. Nakikita ko ang mga wizards na nag-uusap, may nag-eensayo, may naglalaro, at marami pang iba. Nakita ko ang isang estudyanteng naglalakad mag-isa kaya hinabol ko siya at kinalabit para matanong kung paano mag-enroll at kung nasaan ang office ng mga Winx.

Sabi ni sir Charles, parang unibersidad din ito sa mundo ng mga tao—kailangan mag-enroll. Ang pinagkaiba lang, ang tawag sa mga teachers dito ay Winx—mga higher wizards sila. Nahahati rin ang mga estudyante depende sa kung gaano sila kalakas at anong klase ng kapangyarihan nila, kasi may isa raw sa mga Winx ang nakakakita kung saan dapat ilagay ang isang wizard student.

Sinabi niya na nasa pinakatuktok ang office nila, sa ikalimang palapag ng unibersidad. Kaya nagpatuloy ako sa paglalakad at nakita ko ang isang transparent na elevator. Sumakay ako at pinindot ang 5th floor .

Habang umaakyat ang elevator, iniisip ko kung ano ang kahihinatnan ko sa university na ito…

ABANGAN

CHAPTER 8

Havanna POV

“Naghahasik na naman ng lagim si Evil Queen. Marami na naman siyang napatay na mamamayan ng Kingdom of Magma. Ang mga wizards ng apoy ay nahihirapan kalabanin ang mga halimaw ni Evil Queen,” sabi ni Professor Lerma.

“Paano na yan? Baka makarating ang mga halimaw ni Evil Queen dito sa Kingdom of Scola,” sabi naman ni Professor Marife.

Nakita ko sa mga mata ng iba ko pang kasamahan ang pangamba. Kung tutuusin, ako mismo ay kinakabahan at natatakot para sa mga mamamayan ng Kingdom of Scola. Pero kailangan kong maging matatag. Tumayo ako at nagsalita:

“Oo, alam kong makapangyarihan si Evil Queen. Pero nandito pa rin tayo para ipagtanggol ang mga estudyante natin at ang mga mamamayan ng Scola. But now, we need to act normal for today kasi first day ng pasok ngayon, at dapat maituro na natin ang mga dapat nilang gawin. Kailangan mahasa na sila sa kanilang kapangyarihan bago pa dumating si Evil Queen dito sa Kingdom of Scola.” Sabi ko, at nagsitanguan sila.

Tok… tok… tok…

May narinig kaming katok sa pintuan ng opisina. Kinumpas ko ang aking kamay at nagbukas ang pinto. Pagbukas nito, biglang may malakas na bugso ng hangin na pumasok sa silid, dahilan para mapatingin ang mga kasamahan ko sa pintuan.

May nakita akong estudyante na tila may kakaiba sa kanya… at alam ko na, kung bakla ba siya o hindi—and masasabi ko, bakla siya.

“Anong maitutulong namin sa’yo?” Tanong ko sa kanya habang lumalapit. Napansin ko na parang napatulala siya… siguro nagandahan siya sa akin. Hahaha! Charot!

“Mag-eenroll po sana ako,” sabi niya sa akin.

“Saang kingdom ka nagmula?” tanong ko.

“Actually, sa Earth po ako nanggaling,” sagot niya—na talagang ikinagulat ko. Baka kakilala niya ang anak nina Good Queen at Good King. Pinakiramdaman ko siya, kung mararamdaman ko ang kaparehong kapangyarihan ng mga Good Queen at King, pero wala akong naramdaman. Kaya binalewala ko na lang.

Pinitik ko ang aking kamay at awtomatikong naisulat ang kanyang pangalan sa listahan ng mga estudyanteng wizards dito sa La Fins Scolastica.

“Tapos na, nakapag-enroll ka na. Ang gagawin mo na lang ay pumunta sa covered court ng university na ito, kasi doon lahat magsasama-sama ang old and new wizards,” sabi ko. Napatingin siya sa akin na may pagtataka sa mukha.

“Paano po ako na-enroll agad? Eh hindi n’yo pa po alam ang pangalan ko,” sabi niya, halatang naguguluhan pa rin.

“Your name is George Pambalan, 17 years old. At kung anong klase ng kapangyarihan ang meron ka, malalaman mo mamaya sa covered court. Yun lang. Salamat sa pag-enroll dito sa aming university, and I hope marami kang makilalang friends,” sabi ko, at umalis na siya.

Sino ka ba talaga?

ABANGAN

CHAPTER 9

George POV

Lumabas na ako sa silid at sumakay ulit sa elevator para makapunta sa sinabi ng isang prof—na pumunta raw kami sa covered court ng university na ito.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mamangha sa mga nakikita ko. Ang daming mga wizard na estudyante na kagaya ko, at nakakabilib ang mga kapangyarihan nila. Ako? Ewan. Hindi ko pa talaga alam kung ano ang kapangyarihan ko. Alangan namang apoy? Hindi naman bagay sa personality ko, pero apoy ang lumabas noong nasa mundo pa ako ng mga tao.

Pero hindi ko na lang ito pinag-isipan pa at naglakad na lang ako. Habang naglalakad, may narinig akong nagsisigawan—parang sinisigaw nila na umalis daw ako?! Napatingin ako sa direksyon nila, at may nakita akong kuryenteng mahika na papalapit sa akin. Sa sobrang pagkagulat, hindi ako nakagalaw—parang na-stock na lang ako sa kinatatayuan ko. Pinikit ko na lang ang aking mga mata, hoping na sana panaginip lang ito.

Pak!!

Yun ang tunog na narinig ko. Napadilat ako bigla, at may nakita akong babae na nakatayo sa harapan ko. Kung titignan, parang sinangga niya yung kuryente kanina.

“Okay ka lang, sis?” tanong ng babae sa akin at humarap siya. Mas matangkad ako ng kaunti at mas mataba siya, pero halatang sanay na sanay siya sa paggamit ng kapangyarihan niya.

“Okay lang ako,” sabi ko.

“Hi, ako nga pala si Ruhama Bangsaliw—a Shield Wizard. Ikaw?” tanong ni Ruhama.

“Ako nga pala si George Pambalan,” sabi ko.

“And your power?” tanong niya.

“Hindi pa ako sure,” sabi ko naman.

“Not even a clue?” tanong niya ulit.

“Ahhmmm… clue… baka apoy ito,” sabi ko.

“Wow! So nanggaling ka sa Kingdom ng Magma?” tanong niya, at napakunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kanya. By the way, naglalakad na kami papunta sa covered court—siya na lang daw ang magle-lead kasi alam niya kung nasaan ito.

“Kingdom ng Magma? Saan yun? Nanggaling ako sa Earth. Doon ko lang nalaman na may kapangyarihan pala ako. Tapos, may nag-rekomenda na pumunta ako sa lugar o dimensyon na ito, kaya umoo na lang ako—for the sake ng mga magulang ko. Ayoko ring makasakit ng ibang tao sa mundo namin,” paliwanag ko.

“Ah, ganun ba??? Edi welcome sa aming mundo! Malapit na pala tayo—bilisan na natin, baka masarahan tayo ng mahika,” sabi niya.

“May ganun?” tanong ko.

“Oo, ganun daw yun. Kaya bilisan na natin para malaman na natin kung anong kapangyarihan ang meron ka, at kung anong section tayo mapupunta,” sabi niya, na parang siya pa ang mas nae-excite sa mangyayari sa akin. Masaya siyang kasama kaya okay lang sa akin na makasama siya kahit gaano katagal pa yan.

At nakapasok na kami sa covered court. Wala naman itong pinagkaiba sa covered court sa Earth, pero biglang may nagsilabasan na mga upuan na parang hangin lang ang nagtulak palabas. Kaya umupo na lang kami sa bandang likuran.

Grabe, ang daming estudyante! Kung titignan, baka nasa limang libo (5,000) kaming lahat. Nang nakaupo na kaming lahat, biglang may umusok sa harapan at iniluwal ng makapal na usok ang mga Wizard Professors.

ABANGAN

CHAPTER 10

George POV

“Magandang umaga sa ating lahat! Heto na ang unang araw ng inyong bagong buhay. Wag kayong matakot lumapit sa amin para magtanong, kasi sasagutin at tutulungan namin kayo sa abot ng aming makakaya,” sabi ng isang Wizard Prof.

Sabi naman ni Ruhama sa tabi ko na siya raw si Havanna—isa sa pinakamahusay na wizard ng Kingdom of Scola. At aaminin ko, maganda siyang bakla.

Third POV

“Kaya ngayon, hintayin ninyong matawag ang inyong mga pangalan, at saka kayo tatayo at pumunta dito sa harapan, kayong mga bagong wizards, para malaman kung saang section kayo mapupunta,” sabi ni Havanna habang nakatingin sa lahat ng bagong estudyante.

“Ito ba ay sa Defence Section—kung saan nandoon ang mga wizards na may kapangyarihan sa paggawa ng shields o kahit anong klase ng mahika na nagbibigay proteksyon at harang sa ating paaralan; Sa Healing Section—para sa mga wizards na biniyayaan ng kapangyarihan na makapagpagaling ng kapwa wizards o kahit sino; Sa Element Section—kung saan napupunta ang mga wizards na may kapangyarihan ng apoy, hangin, tubig, at lupa; Sa Double Ganger Section—para sa mga wizard na may kapangyarihan mangopya ng itsura at pisikal na anyo, at kaya ring kopyahin ang kaunting kakayahan ng iba; At ang huli, ang Demistar Section—kung saan nandoon ang mga anak ng mga dugong bughaw, at makikita roon ang mga wizards na may kakaibang kapangyarihan na hindi pa matukoy ng ating bolang krystal na ngayon ay ating gagamitin para malaman kung saang section ba kayo mapupunta,” paliwanag ni Havanna habang tahimik na nakikinig ang mga bagong estudyante.

“Ruhama Bangsaliw!” tawag ng isang wizard prof, kasi umupo na si Havanna at pinapanood na lang ang mga estudyanteng tinatawag.

Tumayo si Ruhama na katabi ni George, at pumunta sa harapan. Hinawakan niya ang bolang krystal, at biglang nagkaroon ito ng mata at bunganga, saka ngumiti at nagsalita:

“Defence Section,” sabi ng bola.

Nagbigay ito ng kaunting takot sa mga bagong wizards, pero para sa mga dati nang wizard, sanay na sila sa ganitong nangyayari.

Nagtuloy-tuloy ang roll call at isa-isang pumunta sa harapan ang mga bagong wizards habang binabanggit ang kanilang pangalan.

“George Pambalan!” tawag ni Prof. Lerma.

Tumayo si George, pumunta sa harapan, at napatingin kay Havanna. Napangiti si Havanna sa kanya, at gumanti na lang siya ng ngiti.

Nang malapit na si George sa bolang krystal at hahawakan na sana niya ito, biglang gumalaw ang bola na para bang may lindol! Nagulat ang mga Wizard Professors pati na ang mga kapwa niya estudyanteng wizard.

Napatayo si Havanna at mabilis na nilapitan si George.

“Anong nangyari?” tanong ni Havanna.

“Hindi ko po alam… hindi ko pa nga po nahahawakan ang bola eh!” depensa ni George, kasi totoo naman—hindi pa niya nahahawakan ang bola nang bigla itong gumalaw mag-isa.

“Subukan mo ulit hawakan,” sabi ni Havanna.

Unti-unting inabot ni George ang bolang krystal… pero bigla na lang itong tumawa—isang nakakakilabot at napakalakas na tawa!

ABANGAN

CHAPTER 11

Third POV

Tumawa ng malakas ang bolang krystal na nagpakilabot sa mga estudyante, pero ang mga wizard na kabilang sa Demistar Section ay tahimik lang na nagmamasid sa susunod na mangyayari.

“MAMAMATAY KAYONG LAHAT!!!”

sigaw ng bolang krystal, at bigla itong nabasag—dahilan para mapaatras si George sa gulat sa kanyang nasaksihan. Tumingin naman si Havanna kay George, saka biglang kinumpas ang kanyang kamay. May malalaking ugat na sumulpot mula sa semento at binalot ang mga kamay at paa ni George para hindi ito makatakas.

“Sino ka!!!???”

pasigaw na tanong ni Havanna.

“Pakawalan n’yo po ako dito! Isa lang akong tao! Parang awa, pakawalan n’yo ako… wala naman po akong ginagawang masama!!!”

sabi ni George habang nagsimula nang lumuha. Pero hindi ito pinansin ni Havanna.

“Prof. Lerma,”

sabi ni Havanna. Tumayo si Prof. Lerma at tinitigan si George sa mata. Bigla na lang napasigaw si George, na parang nakararanas ng matinding sakit. Ang kapangyarihan kasi ni Prof. Lerma ay kaya niyang saktan ang isang tao o wizard gamit lamang ang kanyang isipan—kahit hindi niya ito hinahawakan.

“Sino ka!!!??? Kung hindi mo sasabihin kung sino ka, tiyak na ikamamatay mo ang nangyayari sa’yo ngayon!”

sigaw ni Havanna kay George.

“Pakawalan n’yo ako!!! Ahhhhh!!!”

sigaw ni George dahil sa sakit na kanyang nararamdaman.

Si Ruhama, na kanina pa nanonood, ay naawa na sa kanyang bagong kaibigan. Gusto niya sanang tulungan si George, pero hindi niya magawa dahil natatakot siya sa kayang gawin ng mga wizard professors. Kaya kahit masakit sa kanya ang makita ang paghihirap ni George, hinayaan na lang niya ito at ipinagdasal na kayanin ito ng kanyang kaibigan.

Tumigil si Prof. Lerma sa kanyang ginagawa—pero biglang tumawa si George, isang nakakakilabot na tawa, at nagsalita:

“’Yan lang ba ang kaya mo?”

Makikita na nag-iba na ang kulay ng kanyang mata—naging itim. May mga itim na ugat na rin ang lumitaw sa kanyang leeg at pisngi.

“Manahimik ka!!!”

sigaw ni Prof. Lerma, at muling tinitigan si George. Pero gumanti ng tingin si George kay Prof. Lerma—dahilan para bigla na lang mapasigaw sa sakit si Prof. Lerma.

“Itigil mo ’yan!!!”

sabi ni Havanna. Hinigpitan niya ang mga ugat na nakababalot kay George at nilagyan ng kuryente. Pero hindi man lang ito tinablan ng bagong katauhan ni George.

“Wahahahahaha!”

tawa ni George, saka hinawakan ang ugat na may kuryente—na agad na lamang nangitim, natuyo, at naging abo.

“Protektahan ang mga estudyante!!!”

sigaw ni Havanna. Pupunta na sana ang ibang professors, pero—

“Oh no, you don’t,”

sabi ni George, at pumalakpak ng isang beses. Bigla na lang may lumabas na energy wave na tumama sa mga professors at napabagsak sila sa sahig, kasama na si Havanna.

Humarap si George sa mga estudyanteng wizard at muling pumalakpak—may lumabas na soundwave na papunta sa kanila. Pero isang babae ang humarang at sinangga ang soundwave. Napangiti si George, at bigla na lang lumitaw ang babae sa kanyang harapan. Tiningnan niya ito sa mata—at biglang naging estatwa ang babae. Ang ginamit ni George ay kombinasyon ng Territory Magic at Medusa Eye , kaya naging bato ang babae, na ikinagulat ng lahat ng estudyante.

Kinumpas ni Havanna ang kanyang kamay at napalipad sa ere si George, na parang nasasakal. Pero muling ginamit ni George ang Territory Magic at bigla siyang lumitaw sa harapan ni Havanna, saka sinuntok ito—dahilan para mabagsak si Havanna sa lupa.

Tinaas ni George ang kanyang kamay at sinabing:

“Portal of Time!”

Biglang lumitaw sa kalawakan ang isang malaking itim na butas, na unti-unting humihigop sa buong covered court.

Pero bigla na lang may lumitaw na isang lalaki sa harap niya. Hinawakan nito ang balikat ni George—at bigla na lang nawalan ng malay si George. Sinalo siya ng lalaki. Siya si Robert Blanche —ang kanyang kapangyarihan ay Mind Control , kaya niyang lumipad, at gumagamit ng Owning Energy . Kaya napabagsak niya ang bagong katauhan ni George.

ABANGAN

CHAPTER 12

Third POV

“Evil Queen, merong kakaibang kapangyarihan ang nasa ating mundo. Kung tutuusin, nasa Kingdom ng Scola siya ngayon,” sabi ni Good Queen, na kontrolado pa rin ni Evil Queen.

“Anong ibig mong sabihin na kakaibang kapangyarihan?” tanong ni Evil Queen, na ngayon ay nagkakainteresado na sa sinabi ni Good Queen.

“Hindi maintindihan ang kanyang kapangyarihan… pero natitiyak kong kaya mo itong pantayan,” sabi ni Good Queen, na nagpangiti kay Evil Queen.

“Sabihin mo sa mga kawal na mag-ensayo para sa susunod nating sasalakaying kaharian. At ito ang Kingdom ng Winda. Ihuhuli natin ang Kingdom ng Scola,” utos ni Evil Queen kay Good Queen.

“Masusunod, mahal na reyna,” sagot niya at umalis na sa harapan ni Evil Queen.

George POV

Patayin mo silang lahat… gumising ka… maghasik ng lagim… wahahahahahaha…

Bigla akong napadilat. Pagtingin ko sa paligid, naroon pa rin ang mga estudyante—lahat sila ay nakatingin sa akin. Sa tabi ko, naroon ang mga Wizard Professors at ilan sa mga estudyanteng kasama sa Demistar Section.

Pero merong isang lalaking pumukaw sa aking paningin at nagpatibok ng puso ko: gwapo siya, maputi ang kutis, matangos ang ilong, mapupulang labi, at bilugang mga mata. Hinawakan ko sana ang aking dibdib para pakiramdaman ito, pero ngayon ko lang napansin na nasa loob ako ng isang bilog na salamin. Ang mga kamay at paa ko ay may kuryenteng nakatali. Pinipilit ko itong tanggalin pero sadyang malakas ang mahika.

“Pakawalan ninyo ako dito!” sabi ko.

“Hindi ka namin papakawalan hangga’t hindi namin nalalaman ang pakay mo,” sabi ni Prof. Lerma.

“Wala po akong pakay! Ang gusto ko lang ay mabuhay ng payapa dito sa inyong mundo,” sagot ko habang nagsisimula nang tumulo ang aking mga luha.

“Hindi kami madadala sa paiyak-iyak mo na ’yan,” sabi ng lalaking kanina ko pa tinitingnan.

“Pakiusap…” sabi ko, pero lumapit siya at hinawakan ang bolang salamin kung saan ako nakakulong. Bigla akong napasigaw sa sobrang sakit na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

“Hanggat hindi mo sinasabi kung sino ka, mawawalan ka ng lakas hanggang sa manghina ka. Kaya sabihin mo na kung sino ka!” sabi niya, at napahagulgol na ako sa sakit.

“Tama na ’yan!!!”

sigaw ng isang estudyante—si Ruhama pala.

“Wag kang makialam!” sabi ng babaeng kasama sa Demistar Section. Bigla na lang umitim ang kanyang mga mata, dumilim ang paligid, at pinatamaan niya si Ruhama ng kidlat.

“Wag!!!”

sigaw ko. Nakita ko na nasangga ni Ruhama ang kidlat, pero halata ang panghihina niya. Lalo na dahil inuubos pala ng lalaking nagpapahina sa akin ang lakas ni Ruhama, habang paulit-ulit siyang pinapaimbento ng babae ng kidlat.

Nakita ko rin na paminsan-minsan natatamaan na si Ruhama.

“Wag!!! Itigil mo ’yan!!!”

sigaw ko sa babaeng wizard.

Tumagal pa, at muntik na talagang tamaan si Ruhama ng kidlat, pero—

“Tama na ’yan!!!!”

sigaw ko, at biglang umilaw ang aking dibdib at ang aking mga mata. Nabasag ang bilog na salamin, at napatalsik ang mga Wizard Professors at mga Demistar Wizards. Bigla akong napunta sa tabi ni Ruhama at nasangga ko ang kidlat.

Hindi ko maintindihan kung paano, pero parang nag-teleport ako papunta sa tabi niya.

Third POV

Tumingin si Robert kay Marivic, na may kapangyarihan ng kidlat, at nakuha agad ni Marivic ang pinahiwatig niya—kaya patuloy niyang pinapaimbento ng kidlat sina Ruhama at George. Pero walang kahirap-hirap na sinasangga ito ni George.

Tumingin si Robert kay George, para kontrolin siya gamit ang Mind Control. Bigla namang tumigil si George—pero nang tumingin rin si George sa mata ni Robert, bigla na lang sumakit ang ulo ni Robert at napasigaw siya sa sakit. Nagulat ang mga Wizard Professors at mga Demistar Wizards, dahil ito ang unang pagkakataon na may tumalo kay Robert sa Mind Controlling.

“Tumigil na kayong lahat!!!!”

sigaw ni Havanna, na ngayon ay nasa ere at umiilaw ang mga mata.

ABANGAN

CHAPTER 13 (Characters & Magic)

Defence Section - Prof Reymart Healing Section - Prof Marife Element Section - Prof Lerma Demistar Section - Havanna

Kingdom Heelia         - George Kingdom Scola           - Robert Kingdom Winda        - Marivic Kingdom Magma       - Diana Kingdom Oceana       - Stephen Kingdom Landora     - Kevin Kingdom Healeria     - Britney Kindom Defencia       - Ruhama

Guardians

Havanna Samantha Rivanna Srilanka Mendora Kashera Healena Dilera

Main Magics

Light and Darkness Mind Control and Energy Owning Climate Control Fire Water Land Healing Magic Shield Magic Gaurdian Magic

CHAPTER 14

Third POV

“ Tumigil na kayong lahat!!!! “ sigaw ni Havanna.

Pinatamaan niya ng puting ilaw si George, pero nasangga niya ito. Hinawakan ni George si Ruhama sa kamay at nag-teleport sila papunta sa gate ng paaralan.

“Diyan ka muna. Babalik ako doon,” sabi ni George.

Aalis na sana siya pabalik pero nahawakan agad ni Ruhama ang kamay niya at nagsalita:

“Bakit ka pa babalik? Baka mapahamak ka lang,” sabi ni Ruhama, nag-aalala sa kanyang bagong kaibigan. Si George lang kasi ang natatanging kaibigan ni Ruhama. Alam n’yo naman ang buhay ng anak ng Reyna at Hari—mahirap makahanap ng totoong kaibigan. Pero kahit natatakot siya para kay George, wala na siyang magawa.

“Mag-iingat ka,” sabi ni Ruhama. Tumango lang si George, nakangiti sa kanya, at bumalik na sa Covered Court kung saan nagwawala na si Havanna.

“Oh, bumalik ka? Akala ko takot ka nang balikan ako,” sabi ni Havanna.

“Oo, meron akong takot sa sarili ko… pero hindi ko alam, may pakiramdam akong kailangan kitang patayin,” sabi ni George kay Havanna, dahilan para mawala ang ngiti sa mukha ni Havanna.

“Ako? Kailangan mo akong patayin!? Hahahaha! Isa ako sa mga Guardian ng bawat Kingdom, at kayang-kaya kitang patayin ngayon din,” sabi ni Havanna. Nag-teleport siya sa likod ni George at sasaksakin na sana ito patalikod—pero naka-ilag agad si George.

Nagsagupaan ang kanilang mga kapangyarihan—at sa sobrang bilis ng labanan, halos hindi na makita ng mga nanonood kung ano ang nangyayari.

Susugod na sana ang mga Demistar Wizards para tumulong, pero biglang nilagyan ni Havanna ng harang ang Covered Court para hindi sila makialam. Gusto kasi ni Havanna na patayin si George sa harapan ng lahat ng Wizards, na ngayon ay tahimik na nanonood.

Pagod na pagod na si George dahil hindi pa niya alam ang tunay na kapangyarihan niya. Ang kaya lang niya ay mag-teleport at iwasan ang mga atake ni Havanna. Pero nagulat siya nang biglang tumawa si Havanna, at nagdilim ang kanyang mga mata.

“ Wahahahahaha! “ Sobrang lalim ng tawa ni Havanna.

“Yan lang ba ang kaya mo? Iwasan lang ang mga atake ko?” insultong tanong ni Havanna kay George.

“Eh ikaw? Yan lang ba ang alam mo? Umatake lang nang umatake nang hindi nag-iisip?” balik na insulto ni George kay Havanna.

“Ngayon ko lang napagtanto… baka ikaw ang anak nila Good Queen at Good King,” sabi ni Havanna, nakatingin kay George. Nasa ere si Havanna habang si George naman ay nasa ibaba, kaya nakatingala siya habang sumasagot.

“Hindi ko sila kilala! Ang mga magulang ko ay nasa Earth—at sila lang ang mga magulang ko!” sumbat ni George.

Pero nagulat na lang siya nang nasa likuran na niya si Havanna.

“ Boo! “ mahina pero nakakakilabot na sabi ni Havanna sa bandang tainga ni George. At sinaksak siya gamit ang mahiwagang kutsilyo—isang kutsilyong may kapangyarihang pumapatay ng buhay.

Nagulat ang buong Demistar Section. Alam nila na may kababalaghan sa mga sinasabi ni George kanina, at tama ang hinala nila. Pero natatakot sila kay Havanna—simula pa noong nakaraang taon, may napapansin na silang kakaiba sa kanya. Wala rin silang magawa dahil sa mahika na humaharang sa kanila para tulungan si George.

Hindi alam ni George kung ano ang mararamdaman nang hinugot na ni Havanna ang kutsilyo mula sa kanyang dibdib. Napahandusay siya sa lupa. Si Havanna naman ay tinanggal ang harang at lumapit sa mga Wizard Professors na kasamahan niya—tumatawa siya, at sumabay na rin ang pagtawa ng mga Wizard Professors.

Lumapit ang mga Demistar Wizards kay George. Sinabi ni Robert kay Britney na patagong pagalingin si George. Sinubukan siyang pagalingin ni Britney, pero wala itong epekto—bumabalik lang ang kapangyarihan ni Britney sa kanyang katawan.

Pero nagulat na lang sila nang nasa likuran na nila si Havanna—itim pa rin ang kanyang mga mata, at halatang handa na siyang patayin pati ang mga Demistar Wizards.

“ Ano ang ginagawa ninyo!? “ galit na sigaw ni Havanna sa kanila.

✨ ABANGAN ✨

CHAPTER 15

THIRD POV:Other Dimension

Naka-upo si Good Queen sa harap ng salamin, nakatitig lang sa kanyang sarili—at walang kahit anong emosyon ang makikita sa kanyang mukha. Pero sa kalooban nito, nandoon ang totoong Good Queen—nakakulong sa sarili niyang isipan.

“ Nagagalaw ko nga ang aking katawan, pero di naman ito sumusunod sa akin… “ malungkot na sabi ni Good Queen sa sarili.

“ Lalo pa’t inaangkin na ni Evil Queen ang aking asawa… O Diyos ko, paano ako makakawala sa impyernong ito? “ dagdag pa niya, puno ng pagdurusa.

Hindi bago sa kanila ang paniniwala sa Diyos, dahil kagaya rin ng mga tao, meron din silang kinikilalang Diyos na siyang lumikha ng mahika na nagsilang sa kanilang lahi.

Tinititigan pa rin ni Good Queen ang sarili sa repleksyon. Itinaas niya ang kamay, hinaplos ang kanyang mukha sa salamin, at buong pusong nagdasal sa isipan niya—kung saan siya nakakulong.

“ Kung nasaan ka man ngayon, anak… magpakatatag ka. Hayaan mo ang iyong kapangyarihan na yakapin ka—at nasa sa’yo kung yayakapin mo rin ito. Maging malakas ka at gamitin mo ang iyong kapangyarihan sa kabutihan. Huwag mong hahayaang sakupin ka ng kadiliman. Sana magkita tayo muli… huwag kang susuko. Lumaban ka hangga’t kaya mo, ANAK KO. “ sambit niya, puno ng pananabik at pag-asa.

Hindi niya namalayang pumatak ang kanyang luha sa braso, kahit wala pa ring kahit anong emosyon ang makikita sa kanyang mukha.

Kingdom of Scola

George POV:

Anak ko…

Yan ang narinig ko na boses sa isipan ko. Hindi ko alam kung nasaan ako, pero ang huling naalala ko ay pinatay ako ni Havanna—sa harap mismo ng mga Wizard Students.

Hayaan mo na yakapin ka niya…

bulong ulit ng boses, na lalo lang nagpalito sa akin.

Sino ka!? Sino ang dapat yayakap sa akin!?

sigaw ko, nanginginig sa takot at pagkalito.

Walang sumagot, kaya sumigaw ako ulit, mas malakas.

Sino ang yayakap sa akin!?

Ang iyong kapangyarihan…

sagot niya, kalmado pero malalim ang tinig.

Biglang nagkaroon ng liwanag sa madilim na lugar kung saan ako naroroon. Kahit takot ako, hinayaan ko ang aking sarili na lamunin ng liwanag.

THIRD POV

Patuloy na nakikipaglaban ang mga Demistar Wizards kay Havanna. Samantala, kinulong ng ibang Wizard Professors ang mga bagong estudyante. Nagtataka ang mga Demistar Wizards kung bakit tila hindi dinadamay ang mga old students—hindi sila ina-atake ni Havanna. Pero kahit ganun, nakatuon pa rin ang buong atensyon nila sa labanan.

Kita mo sa kanila ang matinding pagod, at alam nilang wala talaga silang laban kay Havanna.

Biglang naglabas si Havanna ng malakas na enerhiya—napatalsik ang mga Demistar Wizards. Kinumpas niya ang kamay, at parang nilipad ng hangin isa-isa ang mga Wizards ng Demistar Section. Sinundan pa niya ito ng pagkidlat—tinamaan silang lahat.

At nung uulitin pa sana ni Havanna ang pagkuryente sa kanila, biglang umilaw ang katawan ni George. Napalingon ang lahat ng Wizards sa kanya. Si Havanna naman, nagulat na gulat:

“Bakit…? Paano…?”

Sa isip niya, hindi makapaniwala. Dahil ang kutsilyo na ginamit niya kanina—kayang pumatay ng libong tao sa isang saksak.

Bakit nabuhay pa si George?

Nabitawan ni Havanna ang pagkakasakal sa mga Demistar Wizards. Nakahinga naman sila ng maluwag, kahit nanatiling may takot at pag-aalala sa kanilang mga mata.

✨ ABANGAN ✨

CHAPTER 16

Third POV

Nawala na ang ilaw sa katawan ni George. Nakasuot na siya ng pure white na fitted pants at diamond heels. Wala siyang suot na pang-itaas; tama lang ang laki ng kanyang katawan—hindi mataba, medyo may abs, at makinis ang kutis. Wala rin siyang utong, dahil sa kanyang kapangyarihan—nawawala lang ito kapag nagta-transform siya.

Ramdam ni George na parang nagbago ang kanyang sarili—parang mas lumakas siya, at alam na niya ngayon ang dapat gawin sa kanyang kapangyarihan. Dahil sa paglabas ng kapangyarihan, kasama na rin ang kaalaman kung paano ito gamitin, kaya para bang biglang naging pamilyar kay George ang kanyang mga kakayahan.

Nagulat si Havanna sa kanyang nasaksihan, lalo na nang makita niya sa bandang dibdib ni George ang dalawang tatak ng magic heels —patunay na mula ito sa Kingdom Heelia. Pero bakit dalawa? Yan ang tanong ni Havanna sa kanyang isip. Sa mga wizard na lalaki ng Kingdom Heelia, ang tatak ay nasa right heel ; sa babae naman, nasa left heel . Pero kay George, parehong may right at left na tatak—nagpapahiwatig na hindi lang basta ordinaryong wizard si George.

Biglang tumawa si Havanna.

“Sa tingin mo ba, matatakot ako sayo dahil nag-iba ang anyo mo? Nagkakamali ka!!” sigaw niya, puno ng galit at pangungutya.

“Wala naman akong sinasabi. Ikaw ang may sabi niyan, Havanna. Pero… tanong ko lang, ikaw ba talaga yan?” sagot ni George na nagpagulat kay Havanna.

“Lapastangan!!!” sigaw ni Havanna.

Nag-teleport siya sa likuran ni George, at hahawakan na sana ang balikat nito para saksakin ulit gamit ang kutsilyo ni kamatayan . Pero—

“Territory.” mahinang bulong ni George.

Biglang nagpalit sila ng pwesto. Si George na ngayon ang may hawak ng kutsilyo at mabilis na sinaksak si Havanna. Napalingon si Havanna kay George, gulat na gulat.

“Paano nangyari ’yun? Paano!?” pilit na tanong ni Havanna, na ngayon ay nahihirapan ng huminga.

“Hindi ko rin alam.” nakangising sagot ni George.

Hinawakan niya ang ulo ni Havanna, pinaikot ito hanggang sa matanggal, na nagpagulat sa lahat ng bagong estudyante at maging sa mga Wizard Professors. Itinaas ni George ang ulo ni Havanna at sinunog ito mismo sa harap ng lahat.

“Baka kalaban din kayo?” tanong ni George sa mga Wizard Professors.

Pero umiling ang mga Wizard Professors, itinatanggi ang paratang ni George.

Tinalikuran sila ni George, itinaas ang dalawang kamay, at malakas na nagsalita:

“Kapangyarihan ng kabutihan, ipakita ang totoo nilang kaanyuan!”

Biglang may malakas na ilaw na bumalot sa buong covered court . Nagsisigawan ang mga Wizard Professors at ang mga dating estudyante—sila ang mga nasaktan ng sinag ng liwanag. Pero ang mga bagong estudyante at ang mga Demistar Wizards, walang naramdamang sakit; sila lang ang lumitaw na totoo.

Dahil sa liwanag, lumabas din ang mga halimaw sa loob ng katawan ng ilang estudyante at Wizard Professors na matagal nang nagtatago.

Nag-teleport si George papunta sa tabi ng mga Demistar Wizards. Tumingin siya sa kanila ng seryoso:

“Laban lang.” sabi ni George.

Tumango ang lahat, nagbigay ng tapang sa isa’t isa, at naghanda na para lumaban sa mga halimaw na handa na ring umatake.

✨ ABANGAN ✨

CHAPTER 17

Third POV

“Laban lang!” Sabi ni George sa mga kasamahang Demistar Wizards, at nagsisuguran na lahat ng mga halimaw sa direksyon nila.

Aatake na sana ang mga Demistar Wizards, pero inunahan na sila ni George.

“ Time Slowmo! “ Bigkas ni George.

Nagulat ang mga Demistar Wizards dahil biglang bumagal ang lahat — pati ang pagtakbo ng mga halimaw papunta sa kanila.

“Ngayon na!” Sigaw ni George.

Naghiwa-hiwalay sila para labanan ang mga halimaw.

Bago makipaglaban si George, lumipad siya sa ere at pumunta sa tapat ng mga baguhang wizard na nakakulong. Sinira niya ang mahika na bumubuo sa kulungan at sinabi:

“Umalis na kayo, pumunta kayo sa mas ligtas na lugar!”

Sumunod naman ang mga new wizards at nagsitakbuhan palabas ng covered court.

Robert POV

Nakita kong pinalaya ni George ang mga new wizards, kaya nakampante na ako sa kalagayan nila. Tumingin ako sa mga halimaw at lumipad papalapit sa kanila.

Naging puti ang aking mata at binigkas ko ang mga katagang:

“ Lumapit kayo sa akin. “

Biglang tumigil ang mga halimaw — mga 15 sila lahat — at lumapit sa akin na parang mga laruan.

Umilaw ang aking kamay at itinapat sa kanila.

“ Enerhiya Akira! “

Biglang naging abo silang lahat, at ang lakas nila ay napunta sa akin. Ramdam kong mas lumakas ako.

Bukod sa kaya kong magkontrol ng kahit sino, kaya ko ring utusan ang sarili kong katawan para lumaban — at ito na ang oras para gawin iyon.

“ Labanan mo ang mga halimaw. “

Sabi ko sa aking sarili, at gumalaw na ito, lumipad sa ere.

“ Mind Sword! “

Isang technique kung saan invisible ang espada; gumagalaw lang ang aking katawan na parang normal, pero ramdam nila ito physically.

Marivic POV

Tinaas ko ang aking kamay sa ere, at biglang dumilim ang kalangitan. Malakas ang hanging bumuga, sinira ang bubong ng covered court para mas magamit ko ang aking kapangyarihan.

Itinutok ko ang aking kamay sa mga halimaw, at biglang nagsilabasan ang mga kidlat mula sa langit. Tinamaan ang mga halimaw — tustado silang lahat.

Lumipad ako sa ere.

“ Tornado! “

Bigkas ko, at may malakas na ipo-ipo ang tumangay sa mga halimaw na kalaban.

Diana POV

Hayst. Ang brutal talaga ni Marivic — sinira pa talaga ang bubong. Pwes, papatayin ko rin ang mga halimaw na nasa harapan ko.

“ Fire Sword! “

Bigkas ko, at may nagkorteng espada ng apoy sa aking kamay. Isang hakbang ko pa lang, nasa harapan ko na ang isang halimaw. Hinawakan ko ang espada gamit ang dalawang kamay, at ikinumpas sa bandang leeg niya — napugutan agad ito.

May halimaw sa likod ko, kaya ipinalikod ko ang espada at nasaksak ang katawan niya. Ibinaba ko pa ang espada, kaya nahati ang katawan nito.

May paparating na halimaw, kaya hinagis ko ang espada — sakto sa ulo niya, at natumba ito.

Marami pang halimaw ang sumugod, kaya tumalon ako ng mataas.

“ Fire Wave! “

Bigkas ko habang nasa gitna ng mga nagkukumpulang halimaw. Lumabas ang apoy mula sa aking katawan, tumama sa mga kalaban, at nasunog silang lahat.

Stephen POV

Magpapakilala sana ako pero huwag na muna — marami pa kaming kalaban.

“ Water Explosion! “

Bigkas ko at itinapat ang kamay sa mga halimaw. Tinamaan sila — marami ang natumba, kaya tuloy-tuloy na lang.

“ Water Tornado! “

Bigkas ko, umiikot ang katawan ko, kasabay ang tubig sa paligid. Nahigop ang mga halimaw, at sumabog ang kanilang katawan sa loob ng aking water tornado.

Kevin POV

Inapak ko ang paa sa lupa, at gumalaw ito, nagdulot ng lindol. Itinaas ko ang kamay, at umangat ang lupa, saka ko ito ikinumpas papunta sa mga halimaw.

“ Land Mechanism! “

Bigkas ko. Nagkorteng kamay ang lupa, pinisil ang mga halimaw, at lumabas ang kanilang mga lamang-loob.

Britney POV

Kitang-kita ko ang pagod ng mga kasamahan ko — maliban kay George, na parang walang kapaguran.

“Demistar Wizards!”

Sigaw ko, at kinumpas ang kamay para lumapit sila sa akin. Kasama ko si Ruhama, ang prinsesa ng Kingdom Defencia.

“Protektahan mo kami habang pinapagaling ko sila,” pakiusap ko kay Ruhama.

Sumunod naman siya. May lumitaw na parang mahikang salamin na naging harang sa amin.

Ginawa ko ang tungkulin ko — pinagaling ang lahat at binigyan ng bagong enerhiya.

“Iba din yung lalaking yun… walang kapagod-pagod,” sabi ni Stephen.

Pagtingin namin, nakita namin si George — ang bilis gumalaw, tinatapos ang mga halimaw kahit naka-8 inch high heels. Simbolo na kabilang siya sa ikatlong lahi ni Dyosa Stephanie.

“Tapos na. Sabihin nyo lang kung nanghihina kayo, nandito lang ako,” sabi ko.

Nagsiliparan uli sila pabalik sa labanan. Kita na ring paubos na ang mga halimaw.

Bigla —

“Aaaaaaahhhhh!!!”

Nagulat kaming lahat sa nakabibinging sigaw.

“Hindi maaari… Ngayon ko lang narinig ang tinatawag nilang…

Devil’s Roar. “

✨ ABANGAN ✨

CHAPTER 18

George POV:

Gamitin mo ang Devil’s Roar…

Bulong ng isang tinig. Hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon, pero binalewala ko na lang ito at ipinagpatuloy ang aking pakikipaglaban sa mga halimaw. Kung makikita mo, malapit nang maubos ang mga halimaw, pero…

Gamitin mo na!!!

Sigaw ng tinig na naririnig ko, at bigla na lang akong nawala sa katinuan at natumba.

Third POV:

Natumba si George, ngunit bigla siyang tumingala at naging kulay itim ang kanyang mga mata. Tumayo siya mula sa pagkakatumba, na may ngiting demonyo sa kanyang mukha.

Devil’s roaaaaaaaaarrrrrrrr!!!!

Sigaw niya habang nakatayo, at biglang may malakas na sound wave na lumabas. Lahat ng halimaw na tinamaan nito ay naglaho na parang abo.

Napatingin ang mga Demistar Wizards kung saan naroon si George. Kita at ramdam nila kung gaano kalakas ang kapangyarihan ni George ngayon, at nakita nilang naglalaho ang mga halimaw na kanina lang ay kanilang kalaban.

Anak, huwag mong hayaan na sakupin ka ng iyong kapangyarihan…

Yan ang tinig na huling narinig ni George.

Kasabay ng pagkawala ng mga halimaw, bigla na lang napaluhod si George. Kaya’t agad na napatakbo ang lahat ng Demistar Wizards papunta sa kanya.

“Okey ka lang?”

Tanong ni Robert.

“Oo, okey lang ako,”

Sagot ni George, at tinulungan siya ni Ruhama na tumayo.

“Wait lang, pagagalingin kita,”

Sabi ni Britney. Tinutok niya ang kanyang kamay kay George at umilaw ang kanyang palad. Pero biglang…

“Aray!”

Daing ni Britney.

“Bakit?”

Tanong ni Marivic.

“Hindi ko siya mapagaling. Parang kapangyarihan niya mismo ang humaharang sa pagpapagaling ko,”

Sagot ni Britney na nagtataka.

“Naalala ko, hindi pala tumatalab sa akin ang healing magic ng ibang mga wizard,”

Sabat bigla ni George.

“Bakit daw? Alangan naman na pabayaan ka lang naming naghihina diyan,”

Sabi ni Robert.

“Hindi ko alam kung bakit, pero huwag kayong mag-alala—kaya kong pagalingin ang sarili ko,”

Sabi ni George. Bigla umilaw ang kanyang katawan, at nang mawala ang liwanag ay nawala na rin ang kanyang mga sugat. Kita na ulit ang lakas sa kanyang hitsura.

Manghang-mangha sina Robert at ang iba pang kasamahan sa nasaksihan nila.

“Woah! Astig!”

Sabi ni Stephen.

Pero biglang naalala ni George ang mga bagong wizards na pinalaya niya kanina.

“Hanapin muna natin ang mga bagong wizards at siguraduhing walang nasaktan sa kanila,”

Sabi ni George.

“Oo nga pala! Tara na!”

Sabi ni Kevin, at nagsimula silang hanapin ang mga bagong wizards.

Few minutes later…

Di nagtagal, nahanap nila ang mga bagong wizards at sinabihan silang manatili muna sa covered court, na ngayon ay sira na.

“Nasaan kaya sina Havanna? Saan kaya sila dinala ni Evil Queen?”

Tanong ni Diana.

“Ang tanong, kailan ba nagsimulang magbago ang kinikilos ng mga wizard prof?”

Tanong naman ni George, na nagpaisip sa lahat ng Demistar Wizards kung kailan nga ba nag-iba ang ihip ng hangin sa Paaralan ng Kingdom Scola.

“Tama!”

Biglang sabi ni Britney.

“Bakit? May naaalala ka na ba?”

Tanong ni Robert.

“Nagsimula ito limang araw bago dumating si Havanna dito sa La Fins Scolastica,”

Sagot ni Britney.

“At naalala ko rin, isang beses, sinundan ko si Fake Havanna. May pinuntahan siyang malaking kahoy sa kagubatan ng Kingdom Scola. Kahit malayo, sinundan ko pa rin siya kasi nagdududa na kami noon. Pero sa sobrang inip ko, hindi ko na hinintay kung anong gagawin niya sa harap ng kahoy at umalis na ako,”

Kwento ni Britney.

“Pero naaalala mo pa ang itsura ng kahoy na iyon, ’di ba?”

Tanong ni Ruhama.

“Oo,”

Sagot ni Britney.

“Kung ganon, tara na at hanapin natin iyon. Baka may kinalaman iyon sa pagkawala nina Havanna at iba pa,”

Sabi ni George.

“Huwag muna kayong aalis sa paaralan na ito para masigurado ang kaligtasan ninyo. Babalik din kami dito,”

Sabi ni Robert. Sumang-ayon naman ang mga bagong wizards.

“Tayo na.”

ABANGAN

CHAPTER 19

George POV:

“Tayo na,”

sabi ko, at tumango silang lahat. Bago kami umalis, sinabi muna namin sa mga bagong wizards na natira sa labanan kanina na maglinis sila rito at ayusin ang covered court na sira-sira na.

Ako naman, nagbalik na sa dati kong anyo—hindi na yung kanina na naka-fitted joggers na color white, slim na katawan na may konting abs, walang nipples, puting nail polish, at naka-high heels na gawa sa purong diamond. Pero aaminin ko, maganda pala yung style ko pag nagta-transform ako. Haha.

Nasa labas na kami ngayon ng paaralan, at nauna nang naglakad si Britney. Kasama ko naman si Ruhama habang naglalakad.

“Ah, George, may tanong ako,”

sabat bigla ni Marivic.

“Ano yun?”

tanong ko.

“Kung sabi mo kanina na tao ka, bakit may tatak kang heels na simbolo ng Kingdom Heelia—na noon pa ay sinakop na ni Evil Queen?”

tanong niya. Dahil sa tanong niya, napaisip ako: Oo nga, bakit nga ba? Tao naman ako, pero may tatak ako ng heels sa dibdib ko…

“Hindi ko rin alam… Oo nga pala, ano pala pangalan ninyo? Si Ruhama lang ang kilala ko dito eh. Haha.”

natatawang sabi ko.

“Ako nga pala si Marivic. Nakita mo naman kung ano ang magic ko, diba? Hihi,”

sabi niya.

“Ako naman si Diana, fire yung magic ko,”

sabi ni Diana.

“Balita ko, nasakop na ni Evil Queen yung kaharian ninyo,”

sabat bigla ni Ruhama, at naalala ko yung sinabi niya kanina sa covered court.

“Oo, tama ka. At magbabayad si Evil Queen sa ginawa niya. Pero kahit ganun, sinusubukan pa rin nila Ina at Ama na ibalik ito sa dati. Buti na lang, hindi tuluyang napasakamay ni Evil Queen ang aming kaharian—hindi kagaya ng ginawa niya sa Kingdom Heelia, na talagang inangkin niya mula kina Good Queen at Good King,”

sabi niya, na medyo nagpagulat sa akin.

Ewan ko ba, pero kahit hindi ko kilala yung mga binanggit niya, nakaramdam ako ng galit.

“Britney pala, healing magic ako,”

sabi ni Britney habang naglalakad pa rin sa unahan.

“Ako naman si Stephen, water yung magic ko,”

sabi ni Stephen—at masasabi ko, gwapo ito.

“Kevin ang pangalan ko, earth yung magic ko,”

sabi niya. Gwapo rin ito.

“Robert,”

sabi naman ni Robert na sobrang tipid kung magsalita. Kung tutuusin, siya yung pinakamagwapo sa kanila pero suplado pala. Naalala ko pa nga na siya yung lalaki na nagpahirap sa akin mentally nung nakakulong ako sa bilugang salamin. Pero sinawalang-bahala ko na lang yung ugali niya at ginawa niya kanina.

“Eh kayo, anong pangalan nyo? Kahit alam ko na, sabihin nyo pa rin para fair. Ganun yun, haha!”

sabi ni Marivic, na nagpatawa sa amin ni Ruhama. Makikita mo talaga na siya ang pinakajolly sa grupo. Pinagtataka ko lang kung paano sila nagkakasundo dito.

“George ang pangalan ko,”

sabi ko.

“At anong magic mo?”

tanong ni Marivic. Napansin ko ring nag-aabang ng sagot ko yung ibang Demistar Wizards, pati na si Ruhama.

“Hindi ko alam… basta bigla na lang akong nag-transform kanina. Diba nga sabi ko, tao lang ako?”

sabi ko.

“Eh kung ’di mo alam, bakit alam mo ang Devil’s Roar?”

takang tanong ni Britney.

“Ewan… basta merong bumubulong sa akin na gamitin ko daw yun. Ganun lang. Yun yung sabi ng bumubulong sa akin,”

sabi ko, kahit parang hindi sila kumbinsido.

“Hindi mo ba alam kung sino ang nag-imbento ng magic na yun?”

tanong ulit ni Britney.

“Hindi… kagagaling ko lang nga dito sa mundo nyo, diba? Sino nga ba?”

tanong ko rin.

“Si Evil Queen ang bumuo nun. Kaya baka si Evil Queen yung bumubulong sa’yo kanina,”

sabi niya, na nagpagulat sa akin.

“Kaya nagdududa pa rin kami kung kalaban ka ba o kakampi,”

supladong sabi ni Robert.

“Kung kalaban nga ako, bakit tinulungan ko pa kayo? Bakit kasama nyo pa ako ngayon? At kung si Evil Queen man yung bumubulong sa akin, bakit tutulungan niyang tapusin ang sarili niyang mga alagad?”

mahaba kong sagot sa kanila.

“Tama siya. At tumigil nga kayo sa pagdududa kay George. At teka lang! Hindi pa pala ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Ruhama, Defence Magic ako,”

sabi ni Ruhama, at naalala ko bigla na prinsesa pala siya.

“Ikaw! Prinsesa ka pala?! Nagsinungaling ka sa akin!”

kantyaw ko sa kanya.

“Eh kasi baka pag sinabi kong prinsesa ako, wala na akong maging kaibigan. Sino bang gusto makipagkaibigan sa isang prinsesa? Baka isipin nila na ‘Ay, prinsesa yan, mataas yan kung tumingin ng kaibigan.’ Kaya sinabi ko sa’yo na hindi ako prinsesa… at tama nga ako, naging kaibigan kita. Haha!”

mahaba niyang paliwanag.

“May point ka dun,”

pabirong sabi ko, at natawa na lang kaming lahat… maliban lang kay sungit.

ABANGAN

CHAPTER 20

George POV

“Nandito na tayo,”

sabi bigla ni Britney, na ikinagulat ko dahil hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa lugar na tinutukoy niya—kung saan daw pumupunta si fake Havanna. Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita ko yung puno na sinasabi ni Britney. Makikita mo na patay na talaga ito, itim na itim ang kulay mula puno hanggang dahon.

“Eh, anong gagawin dito?”

tanong ni Marivic, at napatingin kami lahat kay Britney.

“Aba! Malay ko,”

sabi naman ni Britney, sabay kibit-balikat.

“Eh kung sunugin ko kaya?”

sabi ni Diana.

“Magandang ideya yan. Isa-isa tayong subukan tirahin ang kahoy gamit ang kapangyarihan natin. Mauna ka na, Diana,”

sabi ni Marivic. Humakbang ng kaunti si Diana, huminga ng malalim at bumulong,

“Ring of fire.”

Tinutok niya ang kamay sa puno at biglang may pulang bilog na lumibot dito, sabay umapoy ng malakas. Sobrang saya naming lahat kasi akala namin nasusunog na yung kahoy.

Pero habang nagdiriwang kami, biglang nawala ang apoy at bumalik lang sa pulang bilog bago tuluyang naglaho na parang bula. At kung titingnan mo yung kahoy, parang walang nangyari—hindi man lang ito nasunog.

“Anong nangyari dun?”

napatanong ako.

“Hindi effective. Ikaw naman, Kevin,”

sabi ni Marivic. Pumikit si Kevin, kumumpas ng kamay, at biglang gumalaw ang itim na ugat ng puno. Pero habang kinokontrol niya ito, biglang umatake pabalik ang mga ugat kay Kevin kaya napahandusay siya sa lupa. Bumalik naman agad ang ugat sa dati nitong posisyon.

“Ako nga. Tumabi kayo diyan,”

sabi ni Stephen. Naghanda siya at bumulong,

“Water slicer,”

sabay kumpas ng kamay. Lumabas ang mga parang espada na gawa sa tubig at tumama sa puno—pero wala ring nangyari.

“Ikaw kaya, Marivic,”

sabi ko naman. Tumango siya, humarap sa kahoy, at biglang pumuti ang kanyang mga mata. Tinaas niya ang kamay, dumilim ang kalangitan, at may malakas na kidlat na tumama sa puno—pero wala pa ring epekto.

“Eh, paano yan? Wala man lang tumatalab sa mga kapangyarihan ninyo,”

sabi ni Ruhama.

“Ikaw din kaya, subukan mo,”

sabi ni Britney.

“Kapangyarihan nga nila hindi tumalab, ako pa kaya? Hello!?”

pabirong sabi ni Ruhama.

Biglang lumapit si Robert sa kahoy at pinagmasdan ito ng maigi.

“Ginagawa ng sungit na yan?”

tanong ko.

“Shhh, ganyan talaga yan pag nag-iisip. Manahimik na lang tayo,”

sabi ni Marivic.

Pagkalipas ng isang minuto, nagsalita rin si Robert.

“Ano kaya ang mga limang butas na ito?”

sabi niya. Dahil sa curiosity, lumapit ako at nakita ko nga yung limang butas. Hindi ko rin namalayan na sobrang lapit na pala namin sa isa’t isa, halos magkahalikan na kami kaya bigla kaming umatras. Ramdam ko na namumula yung mukha ko pero isinantabi ko muna yun. Pagtingin ko kay Robert, nakita ko na nakatingin siya sa mga daliri niya.

“Paano kaya kung gawin ko ito,”

sabi ni Robert. Lumapit siya sa kahoy habang kami namang lahat ay nakatingin lang. Pagkalapit niya, ipinasok niya ang kanyang limang daliri sa limang butas—nagulat kaming lahat. Pero bigla siyang napalipad at bumagsak sa lupa. Napalapit ako agad sa kanya.

“Okey ka lang?”

tanong ko. Tumango lang siya. Hindi ko rin alam kung bakit ganun ang reaksyon ko, pero basta… ganun na lang.

Tumayo na si Robert at pinagpag ang sarili. Bigla namang may umilaw sa harap ng kahoy—parang sulat na nagsasabing:

“Mabubuksan lang ang lagusan gamit ang kakaibang kapangyarihan, kakaibang kapangyarihan na kabilang sa ikatlong kasarian.”

Pagkabasa namin nun, napatingin silang lahat sa akin. Napa-buntong hininga ako.

“Here we go again,”

sabi ko. Lumapit ako sa kahoy, ipinasok ang mga daliri ko sa mga butas. Maya-maya, biglang umilaw ang paligid ng aking mga daliri ng bilog na liwanag. May nag-udyok sa akin na igalaw ang kamay ko, kaya pinaikot ko ng kaunti. Biglang nagliwanag ang kahoy, para bang magbubukas na ito, at nakita ko na masaya ang mga kasamahan ko—maliban kay sungit na seryoso pa rin ang mukha.

Pero bigla na lang may itim na ilaw na gumapang sa mga daliri ko, dahilan para hindi ko na matanggal ang kamay ko.

Third POV:

Biglang umitim ang mga mata ni George at nawalan siya ng kontrol sa sarili.

“Kinokontrol ng kahoy si George!”

sabi ni Marivic. Hinawakan niya si George na nakatayo na parang estatwa, pero napalipad lang siya palayo. Sinubukan ng lahat na ibalik sa ulirat si George pero wala ring nangyari—napapatilapon lang silang lahat.

Nagsawa na si Robert sa nakikita niya, kaya siya na ang lumapit kay George.

“George,”

sambit niya. Napatingin si George sa kanya. Ginamit ni Robert ang mind-controlling magic niya at inutusan si George:

“Itigil mo yan.”

At biglang bumalik sa ulirat si George. Tinanggal niya ang mga daliri niya sa kahoy at humakbang palayo.

Napatingin ang iba sa kanila kay Robert na may ekspresyong “paano niya nagawa yun?”

Tumingin si George kay Robert at nagpasalamat na may ngiti. Hindi alam ni Robert kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya, pero binalewala na lang niya ito.

Biglang umilaw ang kahoy at nagbukas na parang pintuan.

ABANGAN

CHAPTER 21

Third POV:

“Prof, hindi ko na talaga kaya,”

sabi ng isang wizard student kay Havanna.

“Tiis-tiis lang, makakalabas din tayo dito. Maghintay lang tayo,”

mahinahong sabi ni Havanna, kahit na sobrang hinang-hina na rin ang kanyang katawan—hindi lang niya pinapakita sa mga wizard students. Maya-maya, biglang nawalan ng malay ang wizard student na nagsalita kanina, na ikinagulat ng lahat, lalo na ng mga wizard prof.

“Havanna, paano na yan?”

tanong ni Prof. Lerma.

Sasagot na sana si Havanna nang biglang bumukas ang pintuan at ang sikat ng araw ang nagsilbing ilaw sa loob kung saan nakakulong ang mga wizard students at wizard profs.

“Prof!”

sabay na sigaw ng mga Demistar Wizards, at napatingin silang lahat sa mga bagong dating. Lumapit agad ang mga Demistar Wizards sa mga profs at nagtanong:

“Okey lang po ba kayo?”

tanong ni Marivic, at kitang-kita mo sa mga mukha nila ang pag-aalala.

“Okey lang kami. Britney, kung pwede, pagalingin mo na silang lahat—huliin mo na lang kaming mga prof. At tulungan nyo na rin silang makatayo; siguradong hindi na sila makalakad dahil sa pagod at gutom,”

sabi ni Havanna sa mga Demistar Wizards.

“Opo,”

sabay na sagot nilang lahat at umalis na sila para tulungan ang iba.

Pero napatingin si Havanna sa taong nakatayo malapit sa pintuan at inaninag niya ng mabuti kung sino iyon. Biglang umilaw ang dalawang markang heels sa dibdib ni George, na ikinagulat ni Havanna. Pinilit niyang makatayo para lapitan ang binata.

“Ikaw na ba yan?”

tanong ni Havanna, at napatingin naman ang lahat ng wizard students at wizard profs kina Havanna at George.

“Ako po ba?”

tanong ni George, nagtataka.

Biglang lumapit si Havanna kay George, tiningnan ang markang heels, at napangiti.

“Nagbalik ka… Ngayon, makakabalik na rin ako sa totoong anyo at kapangyarihan ko,”

sabi ni Havanna, na ikinagulat naman ni George.

Hinawakan bigla ni Havanna ang markang heels, at biglang umilaw iyon, kasabay ng buong katawan ni Havanna. Nawala na ang liwanag at ibang-iba na ang hitsura ni Havanna—nagbalik na ito sa pagiging Guardian at bumalik ang kanyang tunay na lakas at kapangyarihan.

Pero biglang nawalan naman ng malay si George. Buti na lang at nasalo siya ni Havanna.

“George!”

sigaw ni Ruhama. Tatakbo na sana siya papunta kay George, pero pinigilan siya ni Havanna.

“Ako na ang bahala. Bilisan na ninyo dyan para makabalik na tayong lahat sa La Fins Scolastica,”

sabi ni Havanna. Pinalipad niya ang katawan ni George sa ere at lumabas na siya, kasunod ang walang malay na katawan ni George.

Sumunod na rin ang lahat ng nasa loob at lumabas. Nang makasigurado si Havanna na nakalabas na silang lahat, saka lang siya gumawa ng portal para mabilis silang makabalik sa paaralan.

“Portalyos,”

bulong ni Havanna. Biglang lumakas ang hangin, na bumuo ng bilog at naging portal. Manghang-mangha ang mga wizard students, maliban sa mga Demistar Wizards at sa mga prof.

“Tayo na,”

sabi ni Havanna. Siya ang unang pumasok sa portal, kasama ang katawan ni George na nakalutang sa ere. At sumunod na rin ang iba.

ABANGAN

CHAPTER 22

Havana POV

“Kumusta na ang mga estudyante?”

tanong ko sa mga anak ng hari at reyna.

“Okey na po sila, Prof,”

sabi ni Marivic.

“Tawagin nyo na lang akong Havana, lalo na’t dumating na si Prince George,”

sabi ko sa kanila.

“Sya ba talaga ang anak nina Good King at Good Queen?”

tanong ni Ruhama.

“Oo, sya nga,”

sagot ko kay Ruhama.

“Siguro naman matatalo na nya si Evil Queen,”

walang emosyong sabi ni Robert.

“Yan ang dahilan kaya ko kayo ipinatawag. Nagbalik na si Prince George, at alam ko na alam nyo na rin na alam na ni Evil Queen na narito na ang anak nina Good King at Queen. Kaya pag nagising na si George, gusto kong kayo mismo ang mag-ensayo sa kanya,”

mahaba kong sabi sa kanila.

Pagkasabi ko noon, biglang naging tahimik ang buong kwarto.

“Bakit kami pa? Ikaw na lang kaya, Prof,”

sabi ni Britney.

“Kayo muna ang magtuturo sa kanya kung paano kontrolin ang mga elemento at kung paano kontrolin ang isipan ng isang wizard,”

sabi ko sa kanila.

“At pag naturo nyo na iyon, ako na ang bahala sa susunod na hakbang,”

dugtong ko pa.

“Ano ba talaga ang kapangyarihan ng George na yan?”

tanong ni Kevin. Napangisi ako, dahilan para mapakislot silang lahat—maliban kay Robert na parang walang pakialam.

“Makikita nyo ito pag nagsimula na ang inyong pag-eensayo sa kanya,”

sagot ko.

“Pero…”

may sasabihin pa sana si Marivic, pero sumabat na ako bago pa niya matapos.

“Umaasa ako sa inyo. At alam kong aasa din kayo kay Prince George kapag nagsimula nang sakupin ni Evil Queen ang mga kaharian ninyo,”

sabi ko.

“Kakalabanin namin sya,”

sabi naman ni Robert.

“Si Evil Queen ay hindi lang basta kalaban na kaya ninyong pantayan sa inyong mga kapangyarihan. Wag tayong magpadalos-dalos, at sundin ninyo ang sinabi ko. Siguraduhin ninyo na matutulungan nyo si George sa kahit anong paraan ng pag-eensayo. Tandaan nyo, si George lang ang daan sa pagtatapos ng digmaang ito,”

mahaba kong sabi—na parang naubos na ang laway ko. Hahaha charing! Manahimik! Walang tatawa! Seryoso tayo dito! Hahaha!

“Mausunod,”

sabay na sagot ng mga anak ng reyna at hari.

“Pwede na kayong lum….”

naputol ang sasabihin ko nang biglang lumindol ng malakas.

“Baka merong mga kalaban na umaatake!”

sabi ni Stephen.

“Gising na si Prince George,”

sabi ko, na ikinagulat nila—pero may halong saya rin.

Third POV

Alalahanin mo, anak… palagi kang mag-iingat. Alamin mo ang lahat ng dapat mong malaman para magkita na tayo muli, aking anak. Pero bago yan… gumising ka muna…

Biglang dumilat si George, dahilan ng malakas na lindol—dahil naapektuhan pati ang oras sa kanyang paggising.

Biglang naglaho si Havana mula sa silid kung saan naroon ang mga Demistar Wizards, at napunta siya agad sa harapan ni George.

“Gising ka na pala, mahal na prinsipe. Kumusta ang iyong pakiramdam?”

tanong ni Havana kay George.

“Mag-ensayo na tayo,”

mahinang sambit ni George, pero sapat para marinig ni Havana. Tumango na lang si Havana at napangiti sa kanyang narinig.

ABANGAN

CHAPTER 23

George POV

“Ano?! Di ka pa nga nakakarecover ah,”

may pag-aalalang sabi ni Havana sa akin.

“Okey na ako, Havana. Salamat sa pag-aalala,”

sagot ko, sabay bangon mula sa pagkakahiga. Biglang dumating ang mga Demistar Wizards—sina Marivic, Britney, Kevin, Stephen, Robert—at kasama na rin si Ruhama.

“Gising ka na, bes! Kumusta pakiramdam mo? May masakit ba? Okey ka lang ba talaga?”

Sunod-sunod na tanong sa akin ni Ruhama nang makalapit na siya sa hinihigaan ko.

“Okey lang ako, bes. Don’t cha worry, hihi,”

sabi ko sa kanya, at ngumiti na lang siya sa sagot ko.

“Kung ganon, simulan na natin ang pag-eensayo,”

sabi ni Havana.

Bigla niyang pinitik ang kanyang daliri at sa isang iglap, napunta na lang kami sa covered court ng school na naging battle ground. What do you expect? This world is magical. Pati lugar nagpapalit ng anyo—parang jowa mo noon, pinalitan ka na ngayon.

Hahaha, joke lang.

Wala nang ligo-ligo to—mabango naman ako, haha!

“Simulan mo kay Marivic. The rest, pumunta sa gilid at manood,”

utos ni Havana, at pumunta nga sila sa gilid.

“Bakit si Marivic?”

takang tanong ko.

“Oo nga, Prof. Bakit ako?”

tanong din ni Marivic.

“Sabi nga nila, alamin mo muna kung sino ang makakalaban mo bago ka sumabak sa gulo. Si Evil Queen ay mahilig sa ‘climate change’—kumbaga, lagi niyang ginagamit ang kalangitan kapag nakikipaglaban. Kaya ang gagawin mo ngayon, George, ay patigilin ang pabagsak na ulan na gagawin ngayon ni Marivic,”

mahaba at seryosong paliwanag ni Havana.

“Simulan mo na, Marivic,”

dagdag pa niya. Pwepwesto na sana si Marivic nang bigla akong magsalita.

“Wait lang! Paano ko pipigilan ang pabagsak na ulan kung ako mismo, hindi ko pa alam ang aking kapangyarihan?”

sabi ko kay Havana.

“Oo nga pala, Prof. Di pa nga niya alam ang magic niya,”

sang-ayon ni Marivic. Pero ngumiti lang si Havana bago nagsalita.

“Subukan mo lang. At kung wala pa, ulitin mo. At kung wala pa rin talaga, ulitin mo pa rin. Sa huli, malalaman mo rin kung anong magic ang nasa’yo,”

sabi ni Havana.

“Simulan nyo na,”

utos ni Havana, at bigla silang naglaho kasama ang mga Demistar Wizards papunta sa bleachers ng battle ground.

Nagpwesto na si Marivic, tinaas ang kanyang kamay, at biglang naging pure white ang kanyang mga mata. Hindi nagtagal, naging makulimlim ang kalangitan at mukhang babagsak na ang ulan. Pumikit naman ako at itinutok ang kamay ko sa langit.

Third POV

Tutok na tutok ang lahat sa gagawin ni George. Talagang naging seryoso sila sa panonood, lalo na nang magsimulang magdilim ang kalangitan. Nadagdagan pa ang kaseryosuhan nang itinaas na ni George ang kanyang kamay.

“Ayan na,”

sabi ni Stephen.

“Sigurado ka bang mapapatigil ni George ang ulan, Prof?”

tanong ni Robert.

“Let’s wait and see,”

sagot ni Havana.

Pagbaba ni Marivic ng kanyang kamay, kasabay nito ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Buti na lang at ang bleachers ng battle ground ay may silong, kaya hindi nabasa ang lahat ng nanonood doon.

Sa isang iglap, nabasa nang todo si George. In short—hindi niya napatigil ang ulan.

“As expected,”

sabi ni Havana.

“Anong ibig nyo sabihin, Prof?”

tanong ni Ruhama.

“Hindi pa lumalabas ang buong kapangyarihan ni George. Kaya, I expect you guys to help him, no matter what. Okey?”

sabi ni Havana. Tumango naman silang lahat sa sinabi niya.

ABANGAN

CHAPTER 24

George Pov

Ito na ang pangalawang araw ng pag-eensayo namin ni Marivic, at talagang nahihirapan pa rin akong patigilin ang ulan na siya namang ginagawa ni Marivic.

“Ulitin natin ulit,”

sabi ni Marivic, at tumango lang ako sa kanya. Tinaas niya ang kanyang kamay, naging kulay puti ang kanyang mga mata, at nagsimulang magdilim ulit ang kalangitan—hudyat na uulan na naman.

Pumikit ako at tinaas ang aking kamay. Wala akong naramdaman na patak ng ulan sa balat ko.

Third Pov

Nakita ng ibang Demistar Wizards ang ginawa ni George sa pagpigil ng ulan, at kitang-kita rin ito ni Havana. Pero bigla pa ring bumagsak ang ulan at nabasa sina George at Marivic sa gitna ng battle ground.

Dismayado ang mga Demistar Wizards sa kanilang nasaksihan.

“Nagawa nga, pero pansamantala lang naman,”

parinig ni Robert kay Havana.

“Ulitin niyo pa. George, mag-focus ka! Isipin mo sa sarili mo na kaya mo. Buksan mo ang iyong isipan at gawin mo kung anong naiisip mo,”

sabi ni Havana, na siya namang sinunod ni George. Ipinatibay niya sa sarili ang pag-iisip.

Kaya ko ’to…

sabi ni George sa kanyang sarili.

“Sige, ulitin pa natin,”

sabi ni Marivic.

Nagsimulang magdilim ulit ang kalangitan, at nakita ni George na pabagsak na naman ang ulan. Pinakiramdaman niya ang paligid, tinaas ang kanyang kamay—at nagulat siya dahil kitang-kita niyang napatigil niya ang ulan na dapat sana’y tatama sa kanya. Pinabalik pa niya ang ulan sa ulap, at biglang naging maaliwalas ulit ang langit.

Manghang-mangha ang mga Demistar Wizards sa kanilang nakita, at napangiti naman si Havana.

Pinitik ni Havana ang kanyang daliri, at agad silang napunta malapit kina George at Marivic, kasama ang lahat ng Demistar Wizards.

“Nagawa ni George, Prof!”

masayang sabi ni Marivic.

“So anong ibig sabihin nito?”

tanong naman ni Kevin.

“Ano po ba talaga ang kapangyarihan ko?”

takang tanong ko kay Havana.

“Kilala ang iyong ina bilang pinakamalakas sa larangan ng mahika ng oras,”

sabi ni Havana.

“Alam ko na ’yan! Ito po ba ang tinatawag na Time Manipulator?”

sabi ni Britney.

“Tama ka diyan, Britney,”

sabi ni Havana.

“Meron pa bang ibang kapangyarihan ang baklang ’yan?”

tanong ni Robert na halatang naiinis pa rin sa akin. Nakipagtitigan ako sa kanya, at hindi ako natinag sa mga titig niya.

George Pov

“Meron pa. Ang kakayahan ni George na pagalingin ang sarili niyang sugat, makapagbasa ng isip, at kumontra sa kahit anong tangkang pasukin ang kanyang isipan—nakuha niya ’yan mula sa kanyang amang hari, na anak ng mga ninuno ng Kingdom Scola. Kaya kahit subukan mong basahin, Robert, ang isipan ni George, hindi mo magagawa dahil mas mataas ang antas ng kanyang kapangyarihan. Pero kailangan mo pa rin siyang turuan kung paano basahin ang isipan ng ibang wizard, kasi hindi pa siya sanay dito,”

mahaba at seryosong sabi ni Havana.

“Ang lakas mo pala, pareng George!”

sabi ni Stephen, na ikinangiwi ko lang. Natawa sila—maliban kay Robert, na si Sungit pa rin.

“Pero bakit may marka siyang heels?”

biglang tanong ni Robert na nagpatahimik sa lahat. Napatingin silang lahat kay Havana, hinihintay ang kanyang sagot.

ABANGAN

CHAPTER 25

Havana Pov

“Kasi kakaiba si George. Nabibilang siya sa lahi ni Dyosa Stephanie—ang kauna-unahang bakla na naging dyosa at isa sa pinakamalalakas na diyos sa sanlibutan. At yun nga, biniyayaan niya si George ng kakaibang kapangyarihan, kung saan kaya niyang mag-transform sa kanyang totoong anyo. Yun ang nakita ninyo nung nilalabanan ninyo ang pekeng ako,” sagot ko sa tanong ni Robert.

“Eh ano naman kung magta-transform siya? May magbabago ba?” tanong ulit ni Robert sa akin.

“Nakikita ko na parang interesado ka kay George,” nakangising sabi ko kay Robert, na nagpatahimik sa kanya. Napansin ko rin na namula ang tainga ni George kaya napangiti na lang talaga ako.

“Hindi ah! Curious lang ako, Prof!” depensa ni Robert.

“Merong magbabago sa kanya. Mas magiging malakas siya—kumbaga madodoble ang kanyang lakas at kapangyarihan, na pwedeng tumalo kay Evil Queen,” paliwanag ko.

“Mabuti kung gano’n, Prof! Hahasahin na lang natin ang kapangyarihan niya para matalo na si Evil Queen,” masayang sabi ni Ruhama.

“Pero may kaakibat ito,” sabi ko.

“Ano naman yun, Prof?” tanong ni Stephen.

“Pag hindi nakayanan ng katawan ni George at ng kapangyarihan niya ang umangkin sa kanya, doon magsisimula ang malaking kaguluhan. Oo, binigyan nga siya ni Dyosa Stephanie ng kakaibang lakas, pero binigay din iyon bilang isang pagsubok—kung ipapaubaya ba ni George ang kanyang katawan sa kanyang kapangyarihan o lalabanan niya ito, at sa huli ay siya ang mananaig. Meron ding pagkasakim si Dyosa Stephanie, pero sa dulo, nagdudulot pa rin ito ng kabutihan para sa sanlibutan,” mahaba kong sabi. Nakita ko ang mga reaksyon nila, lalo na kay George, na gulat na gulat pa rin sa kanyang naririnig.

“Kaya tatanungin kita, Prince George… kaya mo bang isakripisyo ang iyong sarili para sa ikabubuti ng lahat? O tatakasan mo ang responsibilidad mo dito sa ating mundo?” prangkang tanong ko kay George.

“Nakakagulat… pero pag-iisipan ko muna,” sagot ni George, at bigla na lang siyang naglaho na parang bula.

“Kawawa naman si George,” sabi ni Ruhama.

“Tama ka d’yan, bes,” sabi naman ni Marivic.

“Hindi magiging madali ang desisyong gagawin niya. Kaya wala na tayong magagawa. Ang kaya na lang natin ay hasahin ang kanyang kapangyarihan,” sabi ko.

“Matanong ko lang, Prof… meron din bang mga guardian ang iba’t ibang kaharian?” takang tanong ni Britney.

“Meron. Sa katunayan, lahat sila ay nabibilang sa ikatlong lahi ni Stephanie. Pero naiiba pa rin ang kapangyarihan ni George, kasi magkaiba ang nilikha sa biniyayaan ng kapangyarihan. At si Dyosa Stephanie rin ang lumikha sa lahat ng kaharian—maliban sa Kingdom Heelia,” paliwanag ko, na ikinataka naman nilang lahat.

“Kung hindi nilikha ni Dyosa Stephanie ang Kingdom Heelia, at hindi ka pa niya nilikha, edi sino ang lumikha sa’yo, Prof, at sa Kingdom Heelia?” tanong ni Kevin, at nakita kong hinihintay nila ang sagot ko na para bang mga batang nag-aabang ng kendi.

“Ang ama ni Good Queen—si God Oddin, ang pinakamalakas na diyos sa sanlibutan,” sagot ko sa mga Demistar Wizards.

ABANGAN

CHAPTER 26

George Pov

Bigla akong napunta sa aking kwarto at nagpaikot-ikot dito, iniisip pa rin ang mga sinabi ni Havana kanina sa battle ground. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.

Habang nag-iisip, napansin ko ang malaking salamin na may kaharap na upuan. Nilapitan ko ito, tinitigan ang sarili kong repleksyon, at saka ako bumulong:

“Bakit ako pa? Bakit nangyayari sa akin ito? Sabi nila, anak ako nina Good Queen at Good King… pero bakit ganito? Wala man lang akong kaalam-alam sa kapangyarihan ko. Kung ang kapalit man ng buhay ko ay mailigtas ang aking ama, ina, at marami pang mga wizard… kahit masakit, tatanggapin ko. Mag-eensayo ako ng mabuti. Pero ang tanong… sapat pa ba ang mga araw na natitira? Baka nga habang nag-eensayo pa lang ako, sinasakop na ni Evil Queen ang paaralan at ang Kingdom Scola. Hanggang kailan namin makakamtan ang kapayapaan?”

Mahinang bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin. Napansin ko ang mga luhang bumagsak mula sa aking mga mata, kaya pinunasan ko iyon at humiga sa aking kama. Hindi ko na namalayan, nakatulog na pala ako.

Havana Pov

“Habang hinihintay natin si George, pumasok muna kayo sa inyong mga klase. Yun muna sa ngayon, may pupuntahan pa ako,” sabi ko sa mga Demistar Wizards, at naglaho ako sa kanilang harapan na parang bula.

Robert Pov

“Ang hirap ng gagampanan ni George… buhay ang kapalit para sa buhay ng nakararami,” sabi ni Ruhama, ang kaibigan ni George.

Napatingala ako sa kalangitan.

Sinusungitan ko si George, pero sa pagkakataong ito… parang naaawa ako sa kanya. Hindi ko alam, pero simula nang makita ko siya, naaalala ko ang aking huling kasintahan. Oo na, kahit sabihin pa nilang panakip butas lang o kung ano pa, wala na akong pakialam. Pero hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko kapag nakikita ko si George. Kaya sinusungitan ko siya—ayaw kong mahalata ng iba, lalo na niya, na nagkakainteres ako sa kanya. At ayaw ko ring malaman nilang iyon ay dahil sa huling kasintahan ko.

Siguro nagtataka kayo kung sino nga ba ang tinutukoy kong kasintahan ko.

Siya nga pala, si Malayra . Nag-aaral siya rito noon. Naging kasintahan ko siya, pero isang araw, bigla na lang siyang naglaho na parang bula. Hinahanap ko siya noon, nagpatulong pa ako kina Marivic, Stephen, Kevin, Britney, at Diana para ipahanap siya sa tulong ng kanilang mga kawal—pero wala kaming nakita, kahit bakas niya.

Matagal na rin iyon. Kung sakaling bumalik siya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Yayakapin ko ba siya? Hahalikan? Ewan!

“Asan ka na ba kasi, Malayra?”

Tanong ko sa aking isipan.

George Pov

Nasa isang madilim akong lugar at wala akong ideya kung nasaan ako. Biglang may umilaw sa aking harapan at nagpakita ang isang babae—halata mong isa siyang reyna, at napakaganda niya. Pero parang nakita ko na siya noon.

Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Dahil sa sobrang pagtataka, natanong ko siya:

“Sino ka?”

Tanong ko sa magandang reyna.

. . . . . . .

“Anak…”

Sabi ng reyna, dahilan para mapatitig ako sa kanya.

ABANGAN

CHAPTER 27

George Pov

Nagulat ako at napatakip sa aking bibig habang nakatingin sa magandang reyna na nasa harapan ko, na nagsabing anak niya daw ako. Tinitigan ko siyang mabuti, at hindi ako makapaniwala… kamukhang-kamukha ko nga siya.

“Ina!”

Sabi ko, at mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

“Kumusta ka na, aking anak?”

Tanong niya sa akin. Kumalas din ako mula sa aming yakapan.

“Hindi mabuti, Ina…”

Malungkot kong sabi.

“Patawarin mo ako, anak. Kung hindi lang ako natalo ni Evil Queen, sana hindi nangyari sa’yo ito,”

Sabi ni Ina, bakas sa kanyang boses ang lungkot at panghihinayang.

“Evil Queen na naman… Paano ko naman tatalunin ang Evil Queen na ’yan, Ina? Wala pa nga akong kaalam-alam sa kapangyarihan ko. Nagsisimula pa lang kaming mag-ensayo,”

Sabi ko sa kanya.

“Merong isang paraan para mabigyan ka ng kaalaman at kagalingan sa iyong kapangyarihan,”

Sabi ni Ina.

“At ano naman iyon, Ina? Para masabi ko na agad kay Havana at mapuntahan na namin,”

Tanong ko.

Ngunit umiling siya, na ikinagtaka ko.

“Walang ibang daan… kundi ako lang,”

Sabi niya.

“Saan po ba kasi ito, Ina?”

Tanong ko, litong-lito.

“Sa Harden ng Gardenia,”

Sabi niya.

“Eh kung ikaw lang ang tanging daan, paano mo naman ako matutulungan? Hawak pa ni Evil Queen ang katawan mo,”

Tanong ko.

“Sa pamamagitan ng iyong panaginip, anak. Pwede kitang dalhin doon,”

Sabi ni Ina, na ikinagulat ko. Kaya pala madilim… nasa sariling panaginip pala ako.

“At pag nakapunta na ako sa Harden ng Gardenia, ano ang dapat kong gawin?”

Tanong ko.

“Hanapin mo ang puno sa pinakagitna, at kainin mo ang sagradong prutas na bunga nito. Sa pamamagitan noon, mabibigyan ka ng kaalaman at kagalingan sa iyong kapangyarihan,”

Paliwanag niya.

“Pero mag-iingat ka sa iyong pagtawid sa Tulay ng Orasan,”

Babala niya.

“Bakit po, Ina? Ano po ang posibleng mangyari?”

Tanong ko, kinakabahan.

“Pwede mong makalimutan ang iyong mga alaala, kasama ang iyong misyon, kapag hindi ka naging maingat sa pagtawid sa tulay na iyon,”

Sabi niya. Bigla akong kinabahan.

“Paano ko maiiwasan iyon?”

Tanong ko.

“Kapag tumawid ka na, natural na makakalimutan mo. Pero babalik at babalik ang iyong memorya kung talagang pursigido kang manalo at matutunan ang iyong kapangyarihan,”

Sabi niya.

Tumango ako, dama ang determinasyon sa sarili.

“Handa na ako, Ina,”

Sabi ko. Napangiti siya, at naisip ko… ang ganda-ganda talaga ni Ina! Like bitch! Nagmana talaga ako sa kanya! Wahahaha!

Biglang kinumpas ni Ina ang kanyang kamay.

“Pintuan ng Orasan, buksan ang iyong lagusan sa Harden ng Gardenia!”

Sambit niya, at biglang may lumitaw na puting pintuan sa aming gilid.

“Mag-iingat ka, anak. Huwag mong kakalimutan: kapag may determinasyon ka, babalik at babalik ang iyong mga alaala,”

Paalala niya.

“Opo, Ina. Gagawin ko ito para sa inyo… at para sa lahat,”

Sabi ko. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito. Pero sa huling segundo, lumingon ako kay Ina, ngumiti, at saka pumasok sa lagusan.

Good Queen Pov

“Sana magtagumpay ka, aking anak…”

Mahinang bulong ko, at bigla akong napabalik sa aking katawan—ang katawan na kontrolado pa rin ng sakim kong kapatid na si Evil Queen.

Balang araw… makakawala rin ako rito. At papatayin kita, Evil Queen…

George Pov

Nawala na ang liwanag, at sa harap ko, nakita ko ang tulay. Sobrang haba nito, at kulay pula… parang dugo.

Hindi ko na lang pinansin ang itsura nito. Huminga ako ng malalim, at sinimulan ko nang tumawid sa

Tulay ng Orasan.

ABANGAN

CHAPTER 28

George Pov

Nakikita ko na ang Harden ng Gardenia at sobra ang liwanag na dala nito. Pero habang tumatagal, parang unti-unti ko nang nakakalimutan kung sino ako, saan ako nagmula, at bakit ako nandito…

Third Pov

Unti-unti nang nakakalimutan ni George ang kanyang mga alaala, para bang hindi na ito kailanman naging kanya.

Ang Harden ng Gardenia ay isang lugar kung saan napupunta ang mga wizards na namatay—doon na sila maninirahan. Bakit may Tulay ng Orasan ? Dahil lahat ng namamatay ay dadaan doon para makalimutan ang kanilang masasakit, masasaya, at nakakaiyak na alaala noong sila’y nabubuhay pa.

Ang Harden ng Gardenia ay nilikha ni God Odin, ang ama nina Good Queen at Evil Queen. Ngunit ibinigay ito ni God Odin sa pangangalaga ni Good Queen, at doon nagsimula ang pagkainggit at pagkasakim ni Evil Queen. Dahil doon, iniwan niya ang kanilang kaharian sa langit at bumaba sa lupa ng mga wizards para doon manirahan at maghasik ng lagim—na sinimulan niya sa Kingdom Heelia.

Ang Sagradong Prutas ay isang bunga na nagtataglay ng kaalaman at kagalingan sa kapangyarihan. Ang sinumang kumain nito ay makakamit ang kaalamang taglay ng prutas. Hindi ito katulad ng kay Adan at Eba, na kapag kinain ang prutas ay malalaman ang tama at mali.

Nakarating na si George sa Harden ng Gardenia , at nakangiti siyang nakipagkamay sa mga namayapa nang wizards. Ngunit sa oras na iyon, tuluyan na niyang nakalimutan ang kanyang misyon at kung bakit siya naroon—ang natatandaan na lang niya ay ang kanyang pangalan.

“Anong pangalan mo?”

Tanong ng ale.

“Ako nga pala si George,”

Nakangiting sagot ng binata.

“Ako si Pekpek, pero tawagin mo na lang akong Aleng Pekpek,”

Sabi ng ale, na nakangiti rin.

“Halika ka na po kuya, kain na po tayo!”

Yaya ng isang bata, sabay hila kay George papunta sa lamesang puno ng pagkain.

At nagsimula na silang kumain. May nagkakantahan, nagkukwentuhan, at nagtatawanan habang kumakain. Hindi na naalala ni George ang kanyang misyon—nakisaya na lang siya kasama ang iba.

Pagkatapos nilang kumain, pinasyal si George ng mga bata sa Harden ng Gardenia . Napadpad sila sa Ilog ng Babelonia , isang ilog na pabaliktad kung umagos. Namangha si George sa nakita niya: bukod sa kakaibang agos, napakalinis din ng tubig kaya’t kitang-kita ang mga bato sa ilalim nito.

(Isang araw ang lumipas)

“Bumangon ka na d’yan, George, at kumain na tayo!”

Sigaw ni Aleng Pekpek.

“Opo,”

Sagot ni George.

Bumangon siya mula sa kanyang higaan, lumabas ng bahay, at lumapit sa mahabang lamesa na puno ng pagkain. Wala halos pinagkaiba ang senaryo: may nagtatawanan, nagkukwentuhan, at nagkakantahan habang kumakain.

George Pov

Tahimik lang akong kumakain nang biglang may bumulong sa tenga ko.

“Sagradong prutas…”

Bulong ng isang tinig. Napalingon ako, pero wala akong nakita.

“Pinakagitna ng Harden ng Gardenia … kainin mo ang sagradong prutas.”

Bulong muli ng tinig—at doon ko lang napagtanto na hangin pala ang bumubulong sa akin.

Matapos kumain, umalis ako sa lamesa at naglakad-lakad. Iniisip ko ang bulong kanina.

“Ano ba kasi ’yon… sag— sagra— sagradong prutas!!! Tama, sagradong prutas!”

Third Pov

Malakas na sabi ni George. Bigla na lang sumakit ang kanyang ulo, at pilit na bumalik ang kanyang mga alaala—nagkaroon ito ng matinding impact na dahilan para mapasigaw siya sa sakit. Pero di nagtagal, nawala rin ang sakit ng kanyang ulo, at dahan-dahan siyang tumayo.

“Tama… ang sagradong prutas. Ngayon, naaalala ko na,”

Sambit ni George, na may halong determinasyon sa boses at paningin.

ABANGAN

CHAPTER 29

George Pov

Nag-ikot-ikot ako sa Harden ng Gardenia at pilit kong hindi ipinapahalata sa kanila na naaalala ko na ang lahat. Sa hinaba-haba ng aking paghahanap, natagpuan ko rin ang isang puno na, sa tantya ko, ay nasa pinakagitna ng harden.

Lumapit ako at pinagmasdan ito. Ginto ang mga dahon nito, at ang bunga ay bilog at pulang-pula na parang dugo.

Mas lalo pa akong lumapit at itinaas ang kamay para abutin ang bunga. Matagumpay ko itong nahawakan, nang biglang—

“Anong ginagawa mo!?”

Sigaw ni Aleng Pekpek. Nakita kong kasama na niya ang iba pang mga wizards na namayapa na—pero para madali, tawagin na lang natin silang “anghel” dahil nga patay na sila, ’di ba?

“Dapat kainin ang prutas na ito,”

Sabi ko, sabay tangkang kagatin ang prutas, pero bigla—

“Ahhh!!!”

Sigaw ni Aleng Pekpek habang nag-iba ang kanyang anyo. Mula sa pagiging anghel, naging demonyo siya—pati na rin ang iba pang “anghel.” Doon ko lang napagtanto na ang mga anghel na ito ang tunay na mga demonyo.

Biglang lumipad si Aleng Pekpek, kumumpas ng kamay, at sabay-sabay umawit ang mga demonyo sa kanyang harapan.

Third Pov

Kapag nagagalit ang mga anghel dito, nagiging demonyo sila. Dahil sa ginawa ni George na pagpitas ng bunga ng Sagradong Kahoy , nagalit sila at nagkatawang-demonyo.

Ang awit nila ay may kapangyarihang iparalisa o kontrolin ang sinumang nilalang.

Aalis na sana si George, pero biglang naging tuwid at nanigas ang kanyang katawan—para bang hindi na niya ito kayang kontrolin.

“Anong nangyayari sa akin!?”

Sigaw ni George.

“Hindi ka namin pwedeng patayin, pero ang sarili mong katawan ang papatay sa’yo,”

Sabi ng demonyong si Aleng Pekpek.

Tama ang nabasa ninyo: ang mga namayapa na naging anghel (na ngayo’y naging demonyo) ay hindi na maaaring direktang pumatay, pero binigyan sila ng kapangyarihang gawing instrumento ang katawan ng isang nilalang para patayin ang sarili nito.

“Anong ibig mong sabihin!?”

Tanong ni George.

“Ngayong araw na ito, mamamatay ka na ng tuluyan,”

Sabi ni Aleng Pekpek—na lalo pang nagpagulo at nagpabahala kay George.

Lumapit ang isang batang demonyo at ipinahawak kay George ang Punyal ng Kamatayan —na naalala niyang ginamit ng pekeng Havana noon sa covered court.

Patuloy ang pag-awit ng mga demonyo. Gumalaw ang kamay ni George na may hawak ng punyal, at tumutok ito sa kanyang sariling leeg. Pero kasabay ng pagtaas ng kamay niyang may punyal, pinilit din ni George na itaas ang isa pa niyang kamay na may hawak ng sagradong prutas.

Nakatutok na ang punyal sa leeg niya at nagkaroon na ng sugat, pero mabilis niyang itinapat ang prutas sa kanyang bibig at kinagat ito. Biglang nagliwanag nang matindi ang kanyang buong katawan—na nagpagaling sa sugat sa leeg niya.

Pagbalik ng liwanag, nakamtan ni George ang kaalaman at kagalingan sa kanyang kapangyarihan.

Pero hindi natuwa ang mga demonyo. Sabay-sabay silang sumugod kay George, pero mabilis na itinapat ni George ang kanyang kamay sa kanila—at bigla silang naging mga estatwa, sa hindi maipaliwanag na paraan.

Kinain pa ni George ang natitirang bahagi ng sagradong prutas, dahil “the more you eat, the more you gain knowledge and power.”

Pero dapat isang prutas lang talaga, dahil maaaring mamatay ang kumain kung uulit pa.

Nang tuluyan na niyang maubos ang prutas, may lumitaw na puting pintuan sa kanyang harapan—parehong pintuan na dinaanan niya papunta sa Harden ng Gardenia .

Wala nang pag-aalinlangan, pumasok agad si George sa pintuang iyon.

. . . . . . . . . . .

ABANGAN

CHAPTER 30

Third POV

Dahil nakain na ni George ang sagradong prutas , nag-reflect ito sa kanyang katawan. Nag-transform siya sa kanyang totoong anyo: nakasuot ng fitted white pants, walang pang-itaas pero wala ring makikitang nipples, hindi masyadong maskulado pero may tamang kaseksihan. May puting nail art, puting buhok, at suot ang diamond high heels na kahit kailan ay hindi matatanggal—kahit sino pa, o kahit anong pagsubok ang dumaan.

At hindi nagtagal, napamulat si George. Dali-dali siyang lumapit sa salamin sa kanyang kwarto at bumulong,

“Nagtagumpay ako, aking Ina,”

Bulong niya sa hangin, at sabik na lumabas para sabihin kay Havana at sa mga Demistar Wizards na malakas na siya.

Pero pag bukas niya ng pintuan ng kanyang silid, nagulat siya—nakita niyang nagsisitakbuhan ang lahat ng mga wizards, hinahabol ng mga nilalang ng kadiliman na kilala bilang Goblin Wizards . Hindi na siya nagpatumpik-tumpik. Itinapat niya ang kamay sa mga ito at bumulong,

“Knives of Time.”

Biglang may lumabas na mga kutsilyo mula sa bawat sulok ng dilim sa hallway. Hindi ito ordinaryong kutsilyo, dahil bawat masaksak nito ay nagiging hangin ang target—parang hindi sila kailanman nabuhay sa mundong ito.

Napatamaan ang mga goblin wizards at naglaho sila, naiwan lang ang hangin.

Humarap si George sa mga wizards na kanyang niligtas. Kahit takot na takot ang karamihan, nagtanong siya:

“Anong nangyayari?”

Buti na lang, may isang wizard na kahit nanginginig ay sumagot,

“Si… si… sinasakop na ni Evil Queen ang Kingdom Scola gamit ang mga nilalang ng kadiliman… nadamay ang ating pa… paaralan…”

Nauutal niyang sabi.

“Asan ang mga Demistar Wizards?”

Tanong ni George.

“Ewan… pero malamang nasa harapan sila ng school at nakikipaglaban ngayon.”

Sabi pa nito.

Marivic POV

“Rain of Poisons!”

Sigaw ko, at umulan ng lason. Pero nagulat ako—hindi ito tumalab sa mga goblin wizards. Biglang may lumitaw sa harapan ko na goblin, hinawakan ang leeg ko at bumulong ng:

“PAANO?”

Stephen POV

“Water of Death!”

Biglang nagkaroon ng malakas na agos ng tubig na parang nasa gitna kami ng dagat. Pero laking gulat ko—nakatayo pa rin ang mga goblins, parang walang nangyari.

Kevin POV

Pagod na ako, at hindi ko na kayang gumamit ng magic. Maya-maya lang, bigla akong sinakal ng isang goblin wizard.

Diana POV

“Fire of Hell!”

Sigaw ko habang nasa likod ko si Britney. Si Britney na may healing magic lang—wala siyang magamit na offensive magic. Pero laking gulat ko—hindi man lang nasunog ang mga goblin; nakangiti pa silang nakatingin sa amin. Kinumpas ng goblin ang kamay niya, at may papalapit na apoy.

“Ito ang apoy ng demonyo…”

Bulong ko sa sarili ko, kabado.

Ruhama POV

“Aggghhh… ang sakit na ng katawan ko…”

Sabi ko, habang kitang-kita kong papalapit na ang mga goblins.

“Ito na ba ang katapusan ko?”

Tanong ko sa sarili ko.

Havana POV

“Paano na yan, Havana?”

Tanong ni Reymart.

“Tayo na! Tulungan natin sila!”

Sabi ko, at bigla kaming naglaho—at sa isang iglap, nasa harapan na kami ng mga goblin wizards.

Robert POV

“Die.”

Sabi ko, pero ramdam ko ang pagod sa boses ko. Kita rin sa iba pang Demistar Wizards at sa ibang mga wizards na pagod na pagod na kami. Pero mas nakakapagtaka—hindi gumana ang aking controlling magic.

“Dahil mahina ka na, hindi na gagana sa akin yang controlling magic mo! Wahahaha!”

Sabi ng goblin wizard, sabay taas ng kamay na may hawak na espada. Napapikit na lang ako, iniisip— Kumusta na kaya si George?

. . . . . . . . . . .

ABANGAN

CHAPTER 31

Third POV

Habang nakikipaglaban sila at malapit na silang malagutan ng hininga, biglang lumiwanag ang kalangitan. Nakita ng mga wizards, Demistar Wizards , at pati na rin ng mga profs si George na animo’y ibang tao dahil sa kanyang awra at anyo—nakita na naman nila ang kanyang ikalawang anyo.

“Time Manipulation Magic: Existence!”

(Isang magic na kapag tinamaan ang kalaban ng dilaw na liwanag, magiging abo ito—para bang nawalan na ng saysay sa buhay kung bakit siya nilikha o naipanganak. At kaya niya ring piliin kung sino lang ang dapat maging abo.)

Biglang may dumaan na dilaw na liwanag sa mga katawan ng mga Goblin Wizards at naging abo ang mga ito.

Gulat na gulat ang lahat sa kanilang nasaksihan. Kasabay ng gulat, dama rin ang pasasalamat—dahil akala nila iyon na ang katapusan nila.

Bumaba si George mula sa ere at pagkatapak niya sa lupa, nagsilapitan ang mga Demistar Wizards at mga profs kasama si Havana. Hindi pa rin matanggal ang pagkabigla sa kanilang mga mukha.

George POV

“Oh, parang nakakita kayo ng multo? Isang araw lang naman akong nawala, ah.”

Biro ko sa kanila.

“Baliw ka ba?! Anong isang araw?! Isang buwan kang nawala! Buti nga bumalik ka pa!”

Sigaw ni Robert.

“Eh bakit parang galit ka? At—isang buwan?! Excuse me, sa pagkakaalam ko, isang araw lang akong nawala!”

Sabi ko, at magsasalita na sana si Robert nang biglang sumabat si Havana.

“Tama si Robert. Isang buwan ka na talagang nawawala. Akala nga namin bumalik ka na sa mundo ng mga tao.”

Sabi ni Havana na ikinagulat ko.

“Saan ka ba kasi nagpunta?”

Tanong ni Havana.

“Naglakbay ako papunta sa Harden ng Gardenia .”

Mahina kong sabi na ikinagulat ni Havana.

“Ano yun, prof?”

Sabay na tanong nina Kevin at Stephen.

“Ang Harden ng Gardenia ay isang lugar kung saan naninirahan ang mga namayapa na. Paano ka nakapunta doon? Ang alam ko, si Good Queen lang ang tanging daan papunta roon.”

Takang tanong ni Havana.

“Huwag mong sabihing…”

Sabi ni Havana pero pinutol ko na.

“Tama ka, Havana. Nagkita kami ni Ina.”

Sabi ko.

“Pero paano? Kontrolado pa siya ni Evil Queen .”

Sabi ni Havana.

“Lumalaban pa rin siya, Havana. Ginamit niya ang aking panaginip para buksan ang lagusan papunta sa Harden ng Gardenia .”

Sabi ko.

“At paano mo naman nalaman ang technique na ’yon sa iyong kapangyarihan?”

Tanong ni Havana.

“’Yun ang dahilan kung bakit ako pumunta roon. Sabi ni Ina, kainin ko raw ang sagradong prutas …”

Sabi ko, pero pinutol ako ni Britney.

“You mean… ang prutas na nagbibigay ng kaalaman at kagalingan sa ating kapangyarihan?”

Tanong ni Britney.

Tumango ako bilang sagot.

“Kung ganon, hindi mo na kailangang mag-ensayo?”

Tanong ni Marivic.

“Mag-eensayo pa rin tayo bukas, para masubukan ko ang mga kakayahan ko. Pero ngayon, unahin muna nating gamutin ang mga sugatang wizards.”

Suhestiyon ko, at tumango ang mga Demistar Wizards . Lumapit sila sa mga sugatang wizards, at pupunta na sana ako para tumulong nang…

“Mabuti at bumalik ka na. Sadyang kahanga-hanga ang iyong Ina… Sana hindi pa huli ang lahat para sa kanila.”

Malungkot na sabi ni Havana.

“Lalaban tayo hanggang sa huli. Kakayanin natin ito.”

Sabi ko.

At biglang naglaho na silang apat sa aking harapan. Naglakad ako papalapit sa mga sugatan para tumulong.

. . . . . . . . . . .

ABANGAN

CHAPTER 32

George POV

Isang araw ang nakalipas

Nag-transform ako sa aking pangalawang anyo at binaling ang tingin ko kay Marivic.

“Simulan mo na, Marivic. Isipin mong kalaban mo ako, kaya atakehin mo na!”

Sabi ko sa kanya. Tinaas niya ang kanyang kamay at bumulong:

“Rain of poisons”

(Isang klase ng ulan na pure poison)

Biglang dumilim ang kalangitan at bumagsak ang ulan.

Third POV

Tinamaan ng ulan si George at bigla itong napasigaw nang malakas, na ikinagulat ng mga Demistar Wizards at ni Havana na naka-upo sa bleachers ng battleground. Ititigil na sana ni Marivic ang kanyang ginagawa, pero narinig niyang tumawa si George sa kanyang harapan.

“Rain of poison?”

Ngising tanong ni George. Tinaas niya ang kanyang kaliwang kamay, iniikot ito, at biglang sumabog ang ulan, naging tornado, at itinama niya ito kung saan nakatayo si Marivic.

“Ikaw na ang susunod, Kevin.”

Sabi ni Havana. Pinagpalakpak niya ang kanyang mga kamay, at sa isang iglap, napunta si Kevin sa gitna ng battleground kung nasaan si George, habang si Marivic naman ay napunta sa bleachers kung saan naka-upo kanina si Kevin.

“Handa ka na?”

Tanong ni George. Tumango si Kevin at pumwesto. Lumuhod si Kevin sa lupa, tinutok ang kanyang kamay kay George, at sinabi:

“Land of Death”

(Isang uri ng magic na kung saan gagalaw ang lupa na parang demonyo)

Biglang gumalaw ang lupa na tila nagkaroon ng lindol.

“Imposibleng makayanan ni George ang taktikang ’yan, prof. Yang technique na ’yan ay nanggaling mismo sa Demon Lord of Land at ipinasa kay Kevin. Baka matalo na siya d’yan.”

Suhestiyon ni Robert.

Gumalaw ang lupa, nagkorteng malalaking kamay, at pilit na pinuluputan ang katawan ni George.

“Ahhhhh…”

Daing ni George, habang nanatiling nakakulong sa pagkakahawak ng lupa.

“Matatalo na yata si George, haha!”

Natatawang sabi ni Stephen.

Binatukan naman siya ni Ruhama.

“Time Manipulator, Reverse.”

(Isang uri ng magic na kayang baliktarin ang sitwasyon pag mahika na ang pinag-uusapan)

Pagkabigkas ni George, biglang kumawala ang mga kamay ng lupa sa kanya, na ikinagulat ni Kevin. At sa isang iglap, gumalaw muli ang lupa at si Kevin naman ang binalot nito. Kinumpas ni George ang kanyang kamay, at tumilapon si Kevin sa gilid.

“Nakita n’yo ba? Kaya matuto kayong maghintay para malaman ninyo kung ano talaga ang mangyayari sa huli.”

Sabi ni Havana.

Pinagpalakpak muli ni Havana ang kanyang mga kamay.

“Ikaw na, Diana.”

Sabi niya, at napunta si Diana sa gitna ng battleground habang si Kevin naman ay napunta kung saan kanina nakaupo si Diana. Samantala, ginagamot ni Britney sina Kevin at Marivic.

“Simulan mo na.”

Sabi ni George.

“Fire of hell!”

(Isang uri ng magic na kung saan nilalabas ng lupa ang apoy ng impyerno)

Biglang lumabas ang apoy mula sa lupa, ngunit hindi naapektuhan si Diana.

Lumipad si George sa himpapawid at bumulong:

“Time Bridge, Ice of Alaska.”

(Ang Time Bridge ay isang uri ng magic na kayang paglakbayin ang kahit na anong bagay para gamiting panlaban)

At ang apoy ni Diana ay naging yelo.

. . . . . . . . . .

ABANGAN

CHAPTER 33

George POV

Natalo ko si Diana kanina, kaya ang kalaban ko ngayon ay si Ruhama. Kahit friend ko siya, sorry na lang kasi nasa gitna kami ng pag-eensayo, kaya isinantabi ko muna ang aming pagkakaibigan.

“Shield of Kindom Defencia”

(Isang uri ng magic na tanging hari, reyna ng Kindom Defencia, at ang anak nila ang nakakaalam. Isang shield na kayang harangin lahat ng kapangyarihan, dahilan kaya nahihirapan si Evil Queen na sakupin ito)

Bulong ni Ruhama. Biglang may nagpalibot sa akin na pink na shield—hindi lang isa kundi sampung pink na shield ang nakapalibot sa akin.

Napangiti ako at sinabi:

“Sword of Time.”

Biglang may lumabas na espada sa aking kamay. Pumwesto ako, pinaikot ang katawan kasabay ng espada, at unti-unting nahiwa lahat ng shield na ginawa ni Ruhama. Nagkaroon pa ng impact kaya napahandusay si Ruhama sa gilid.

Robert POV

“Gamitin mo ang Forbidden Magic ng Kingdom Scola.”

Sabi ni Havana sa akin, habang naglalaban pa sila George at Ruhama sa battleground.

“Ano!?! Delikado po ’yun, Prof!”

Suhestiyon ko.

“Mas magandang magamit mo na sa kanya ’yun para malaman natin kung kaya niyang protektahan ang kanyang isipan pag nakalaban niya si Evil Queen.”

Sabi ni Prof. Havana. Wala na akong nagawa sa sinabi niya, at nakita ko na rin na natalo na ni George si Ruhama.

Third POV

“Ikaw na ang susunod.”

Sabi ni Havana. Pinagpalakpak niya ang kanyang kamay at biglang nagkapalit ng pwesto sina Robert at Ruhama.

“Ikaw na pala, sungit!”

Nakangiting sabi ni George. Hindi malaman ni Robert kung maiinis ba siya o hindi, kasi naaalala niya si Malayra—ang kanyang huling kasintahan na bigla na lang nawala na parang abo.

“Manahimik ka at simulan na natin ang laban.”

Sabi ni Robert kay George.

“Tsk… sungit talaga.”

Bulong na lang ni George sa sarili.

Biglang umatake si Robert gamit ang Mind Sword —isang espada na kahit sino ay hindi makakakita. Pero naging alerto si George, at nailabas niya ang Sword of Time para sanggain ang atake ni Robert, na nagpagulat sa binata.

“Paano nakita ni George ang Mind Sword ni Robert, Prof?”

Tanong ni Britney kay Prof. Havana.

“Ang Mind Sword ay katulad ng Time Sword—parehong hindi nakikita. Pero dahil gusto ni George na maging pantay ang laban, pinapakita niya ang anyo ng kanyang espada. Kaya nakikita rin niya ang Mind Sword kasi pareho itong invisible by nature.”

Paliwanag ni Havana.

“Ang galing naman!”

Sabay na sabi nila Kevin at Stephen.

Sa battleground, nagsasalpukan pa rin ang mga espada nina George at Robert.

“Forbidden Magic, Mind of God Odin!”

(Isang uri ng magic na binigay ni God Odin sa anak ng hari at reyna ng Kingdom Scola, kay Robert. Ito ay kayang kontrolin ang lahat ng wizard o kahit sinong nilalang—maliban na lang kung kadugo ni God Odin ang kokontrolin.)

Biglang naging parang estatwa si George, at nabitawan niya ang kanyang espada dahil sa mahika na ginamit ni Robert.

. . . . . . . . .

ABANGAN

CHAPTER 34

Third POV

Ang akala ni Robert ay matatalo na niya si George gamit ang forbidden magic ng Kingdom Scola — pero biglang tumawa si George sa kanyang harapan.

“Nakalimutan mo yata… o dapat ko bang sabihing lolo ko si God Odin? Kaya hindi tatalab ang forbidden magic na ’yan.”

Sabi ni George, at bigla niyang ginalaw ang kanyang katawan kaya nakawala siya sa magic na ginawa ni Robert kanina.

“Imaginary Thunder!”

(Isang uri ng magic na kabaliktaran ng imaginary — hindi mo nakikita pero masasaktan ka na parang totoo.)

Sigaw ni Robert, at biglang naglaho.

Biglang tinamaan si George ng kidlat na hindi nakikita, kaya napalipad siya sa ere. Pero biglang umilaw ang kanyang mga mata at naging pure white, dahilan para makita niya ang mga invisible na kidlat. Umiwas siya na parang sumasayaw.

Nakita ni George na nasa gilid si Robert — invisible pa rin — pero sorry na lang si Robert, kasi nakikita siya ni George. Biglang naglaho si George at napunta kung nasaan si Robert. Kasabay naman nito, dumating ang imaginary thunder na dapat kay George, pero ginamit niya si Robert na panangga. Kaya tinamaan mismo si Robert ng sarili niyang kapangyarihan.

Napahandusay si Robert sa ground.

“Sabi nga nila, minsan sarili mong kapangyarihan ang magpapahamak sa’yo.”

Sabi ni George habang nakatingin kay Robert na nakahandusay pa rin.

Biglang lumapit ang mga Demistar Wizards at si Havana kung saan naroon sina George at Robert.

Tumakbo agad si Britney sa tabi ni Robert, pinahilata ito at tinapat ang kanyang kamay sa dibdib ni Robert. Umilaw ang palad niya, at nagsimula na niyang gamutin ang katawan ni Robert.

George POV

“Ngayon, handa ka nang harapin si Evil Queen,”

Sabi ni Stephen, at tumango lang ako.

“Naalala ko, bes… di ba dati sabi mo apoy ang kapangyarihan mo?”

Tanong ni Ruhama, medyo nagtataka.

“Yun din ang akala ko noon, pero ang nagamit ko pala nung time na yun ay ‘Time Bridge Magic.’”

Sagot ko.

“Wow… dami mo nang pinagbago. Ang dami mo na ring alam sa iyong magic!”

Sabi ni Marivic, at napangiti ako.

“At di lang yun… natalo mo pa kaming lahat — kaming mga Demistar Wizards!”

Sabi ni Diana.

“Simpleng bagay lang yun, hahaha.”

Birong sagot ko, sabay tawa, at natawa na rin sila.

Third POV

Habang pinapagaling pa ni Britney si Robert, na malapit nang gumaling, at nagtatawanan ang iba… biglang ginalaw ni George ang kanyang ulo at sinalo ang isang pana na bigla na lang lumipad papunta sa kanya. Hindi nila alam kung saan ito nanggaling, kaya nagulat ang mga Demistar Wizards at si Havana.

“Tingnan ninyo ang paligid!”

Sabi ni Havana.

Bigla silang naglaho isa-isa para mag-scan ng paligid gamit ang kanilang magic. Pero bumalik din agad sila at sabay-sabay na nagsabing wala silang nakita.

“Ano yan?”

Tanong ni Ruhama.

Tinignan ni George ang pana, at unti-unting naging papel ito.

“Yan ay isang magic paper. Kapag binuklat mo yan, may maririnig kang mensahe. Huwag kang mag-alala, pakinggan natin kung ano ang sasabihin nito.”

Sabi ni Havana.

Binuklat ko na nga ito. . . . . . . . . .

ABANGAN

CHAPTER 35

George POV

Binuklat ko ang letter na hawak ko — yung pana na muntikan na akong tamaan kanina. Bigla itong lumipad sa ere at nagsimulang magsalita.

“Buti hindi ka natamaan sa pana ko, aking pamangkin,”

Sabi ng boses mula sa papel na lumulutang sa hangin.

“Evil Queen…”

Mahinang bulong ni Havana, na dinig ko rin.

Binalik ko ang tingin ko sa papel na patuloy na nagsasalita.

“Buti buhay ka pa. Sayang lang at hindi kita napatay nung sanggol ka pa lang — nung bagong panganak ka ng iyong ina,”

Sabi ng papel. Napakuyom ang aking kamao sa galit.

“Pinadala ko ang magic paper na ito para ideklara ang isang digmaan na magaganap sa ikatlong araw simula ngayon. At kung hindi ka papayag, aking pamangkin… pasensyahan na lang tayo, dahil siguradong mamamatay ang iyong amang hari at inang reyna sa aking kamay. Kaya dapat sumunod ka na lang sa aking kagustuhan,”

Patuloy ng papel.

Dahil sa sobrang galit ko sa aking naririnig, hindi ko napigilang sunugin ang magic paper — at naging abo ito sa aking palad.

Unang araw bago ang digmaan

Nasa loob kami ngayon ng battle ground. Lahat ng mga wizards ay nakaupo sa bleachers, tahimik at halatang kabado.

Napag-usapan na namin ng mga Demistar Wizards, mga prof, at si Havana na ngayong unang araw bago ang digmaan, dapat mag-impake na ang lahat. Sa ikalawang araw, lilipat muna sila pansamantala sa Enchanted Forest sa mundo ng mga tao — para hindi sila madamay sa darating na laban.

“Inaatasan ko kayong mag-impake na ng mga gamit ninyo para pansamantala kayong manirahan sa Enchanted Forest sa mundo ng mga tao. Sa ganitong paraan, hindi kayo madadamay sa digmaang magaganap dito sa ating dimensyon. Ngayong araw mag-impake na kayo, at sa pangalawang araw ay aalis na kayo, dadaan kayo sa lagusan ng mahiwagang kahoy,”

Paliwanag ni Havana.

Para sa mga hindi nakakaalam: ang Lagusan ng Mahiwagang Kahoy ay isang portal na kayang pagsabay-sabayin ang napakaraming wizards para dalhin sa ibang dimensyon o mundo.

Maraming bulungan ang narinig ko mula sa mga wizards. Kita ko ang takot sa kanilang mga mukha, at ang iba parang hindi pa rin makapaniwala.

Di nagtagal, nagsialisan na rin sila para mag-impake ng kanilang gamit.

Nang nakaalis na ang ibang wizards, ako naman ang nagpatuloy sa pag-eensayo kasama ang mga Demistar Wizards dito sa battle ground. Pare-pareho kami ng goal: Manalo… at sana, walang mamatay.

(Other Dimension) – Evil Queen POV

“Sa wakas… malapit ko na ring mapatay ang anak ng tanga kong kapatid,”

Sabi ko habang malakas na tumawa.

“Nandito na po ang mahiwagang salamin, Evil Queen,”

Sabi ng aking kapatid na si Good Queen, na hanggang ngayon ay kontrolado ko pa rin.

“Isabit mo diyan,”

Utos ko sa kanya, at sumunod naman siya. Sinabit niya ang mahiwagang salamin sa gilid.

Tumayo ako mula sa aking trono, nilapitan ang salamin, at nagtanong:

“Salamin, salamin… sabihin mo nga sa akin: mananalo ba ako sa digmaan laban sa aking pamangkin?”

Tahimik saglit ang salamin, at saka sumagot:

“Alam ko ang mangyayari… pero hindi ko sasabihin, dahil wala kang karapatan na alamin ang hinaharap.”

Dahil sa inis at galit, tinaas ko ang aking kamay. May lumabas na itim na liwanag na tumama sa salamin at agad itong nabasag sa aking harapan.

“Good Queen! Itapon mo ang mga piraso ng salamin na ’yan sa mundo ng mga tao!”

Sigaw ko.

Lumapit si Good Queen, yumuko, pinulot ang mga basag na piraso, at naglakad palayo para itapon ang mga ito.

“Patawarin mo na lang ako, Good Queen, kung mapapatay ko ang anak mo sa digmaan sa ikatlong araw… pero… okay lang pala yun, wahahahaha!”

Sabi ko pa, at nilisan ko ang silid habang nakangising demonyo.

. . . . . . .

ABANGAN

CHAPTER 36

Third POV

Ikalawang araw bago ang digmaan

Nagpunta ang buong grupo ng mga Demistar Wizards kasama si George sa opisina ng mga wizard profs. Pagkapasok nila, naupo sila sa mga bakanteng upuan, tahimik na naghihintay.

“Ano po iyon, prof?”

Tanong ni George, habang nakatingin kay Havana.

“Pagkatapos ng araw na ito, digmaan na. Kaya meron akong ipapakuha sa inyo — isang bagay na magagamit niyo laban kay Evil Queen,”

Sabi ni Havana, seryoso ang tono.

“At ano naman iyon?”

Usisa ni Robert, nakakunot ang noo.

“Ang mahiwagang punyal ni God Odin,”

Sambit ni Havana, sabay tingin sa kanila isa-isa.

“Imposible ’yon, prof! Paano kami makakapunta doon? Walang kahit sinong wizard ang karapat-dapat na makaapak sa ulap ng kanyang kaharian,”

Sabi ni Marivic, halatang nag-aalala.

Ngumiti lang si Havana at tumingin kay George.

“Wag mong sabihing…”

Magsasalita na sana si Robert pero mabilis siyang pinutol ni Havana.

“Tama. Sa pamamagitan ni George — na apo mismo ni God Odin — puwede nating hiramin ang mahiwagang punyal,”

Sabi ni Havana.

George POV

Pumayag na ako sa plano ni Havana. Ako man, gusto kong makita at makausap ang aking lolo… si God Odin.

“At ang tanging daan para makarating doon ay ang dugo ni George,”

Dagdag pa ni Havana.

Napatingin ako sa kanya, bahagyang nagtataka.

**“Pumunta kayo sa likuran ng paaralan. Sugatan mo ang sarili mo, George, at iguhit sa pader ang pabaliktad na bituin. Pagkatapos, bigkasin mo ang mga katagang:

‘Forbidden portal of God Odin, portalos apatagos.’

Ito ay isang magic na kailangang gamitin ng kadugo ni God Odin para mabuksan ang lagusan papunta sa kanyang kaharian,“** Paliwanag pa ni Havana.

Tumango ako, sabay tayo mula sa upuan. Tumayo na rin ang iba pang Demistar Wizards. Sabay-sabay kaming lumabas ng opisina ng mga wizard profs.

Wizard Profs POV

“Sana nga magtagumpay sila,”

Mahinang sabi ni Lerma, habang nakatingin sa pintuan.

“Sigurado ako… maiuuwi nila ang mahiwagang punyal ni God Odin,”

Sabi ni Havana, naniniwala sa kakayahan ni George at ng Demistar Wizards.

Third POV

Nakatayo na silang lahat sa likod ng paaralan, sa harap ng malaking pader. Sinugatan ni George ang kanyang palad at ginamit ang dugo para iguhit ang pabaliktad na bituin gaya ng itinuro ni Havana.

Pagkatapos iguhit, biglang bumalik sa dati ang sugat sa kanyang kamay.

“Forbidden portal of God Odin, portalos apatagos!”

Malakas na bigkas ni George.

Biglang umilaw ang buong pader. May malakas na higop ng hangin… at tuluyan silang nalunok ng liwanag.

Pero sa di nila alam, may isang nilalang na palihim na nagmamasid sa kanila — at bigla ring naglaho.

Other Dimension

“Evil Queen, naglakbay po ang mga Demistar Wizards kasama si George sa ibang dimensyon,”

Sabi ng isang goblin, na siyang nagmanman kanina.

“At saan naman sila nagpunta?”

Tanong ng Evil Queen, malamig ang boses.

“Hindi ko po alam, Evil Queen…”

Sagot ng goblin, nanginginig sa takot.

Dahil sa galit, kinumpas ng Evil Queen ang kanyang kamay. Tumalsik ang goblin sa gilid ng palasyo, bagsak at napasigaw.

“Pakisabi sa mga Demon Assassins na pumunta dito. Meron akong ipapagawa sa kanila,”

Utus niya, malamig ang tinig.

Dahan-dahang tumayo ang goblin, kahit halatang nasasaktan pa, at nag-bow bago mabilis na umalis para sundin ang utos.

Naiwang nakangisi ang Evil Queen sa kanyang trono, tila may binabalak na masama.

. . . . . .

ABANGAN

CHAPTER 37

Third POV

At nakarating na nga sila George at ang mga Demistar Wizards sa Kingdom of Heaven .

Hindi maikakaila ang nakakamanghang ganda ng kaharian dito sa kalangitan: Puting-puti ang mga ulap, tila perlas sa liwanag ng araw. May mga anghel na sayaw nang sayaw kasama ng mga ulap, Mga anghel na nagkakantahan, napupuno ng kasiyahan ang hangin, At mga anghel na pinagpala ng nakamamanghang kagandahan at kagwapuhan — tila lahat sila’y nilikha para maging perpekto.

Sa tapat ng napakalaking pintuan ng kaharian, nakahanay ang mga guard angels , nakabihis ng puting baluti, matikas at mahigpit ang bantay. At paglapit nila George, biglang itinutok ng mga guwardya ang kanilang mga sandata sa grupo nila George at ng mga Demistar Wizards.

“Ako si Prince George, anak ni Good Queen… at apo ako ni God Odin.”

Sabi ni George, matatag ang boses.

Nagulat ang mga guard angels. Mabilis nilang inayos ang tindig, saka sila sabay-sabay na nag-bow bilang paggalang sa apo ni God Odin.

Ngumiti si George at nagpatuloy silang maglakad. Biglang bumukas nang dahan-dahan ang napakalaking pintuan ng kaharian.

George POV

Kung akala ko’y kamangha-mangha na ang labas ng kaharian, mas higit pa pala ang kagandahan sa loob. Mamahaling marmol, gintong haligi, at mga ulap na bumabalot sa sahig na tila mo’y naglalakad ka sa langit mismo.

Habang iniikot ko ang tingin, may narinig akong pamilyar at malambing na tinig sa harapan:

“Nandito na rin kayo… aking apo.”

Pagtingin ko, halos mapanganga ako — si Lolo. Kahit may edad na, nandoon pa rin ang angking kakisigan. Matipuno ang tindig, mahabang puting balbas, at mga matang punô ng karunungan. Gwapo pa rin kahit halata ang pagiging hari niya.

“Paano mo nalaman, Lolo, na pupunta kami dito?”

Tanong ko, medyo nagtataka.

“Apo, ako si God Odin. Alam ko ang mga nangyayari sa ibabaw ng lupa. Pero bago tayo mag-usap… kain muna tayo.”

Napangiti ako nang mapansin kong pinitik lang niya ang kanyang daliri, at bigla kaming napunta sa loob ng napakalaking kusina ng palasyo.

Sa harap namin, nakahain ang iba’t ibang pagkain — lahat mukhang masarap at nakakaakit. Alam kong inihanda ito ni Lolo para sa amin.

Umupo kaming lahat sa mahabang lamesa.

Third POV

Tahimik na kumakain ang mga Demistar Wizards, habang si George naman ay nakatingin kay God Odin, kita sa mukha ang bigat ng tanong.

“Alam kong marami kang tanong, apo. Sabihin mo na,”

Sabi ni God Odin, kalmado ang boses.

“Bakit hindi nyo tinutulungan si Ina? Nakakulong siya sa kapangyarihan ni Evil Queen… na anak nyo rin, Lolo?”

Tanong ni George, bakas ang lungkot at galit.

Tahimik na kumain ang mga kasama, ayaw makialam sa usapan nilang mag-lolo.

“Apo, kahit anak ko sila pareho, hindi ako puwedeng makialam sa mga nangyayari sa lupa. May sariling kapalaran ang bawat isa. Ang tanging puwedeng direktang makialam sa mga anak ko… ay ako mismo — pero pinili kong huwag.

Pero iyong mga panaginip na nakakausap mo ang ina mo… iyon, ako ang nagbigay ng daan.

Paliwanag ni God Odin, malumanay.

“Paano? Akala ko ba bawal kang makialam?”

“Hindi ko naman direktang pinakialaman ang mga nangyayari. Binigyan ko lang ng kaunting kalayaan ang iyong ina — nakakulong man ang kanyang katawan, ang kanyang isipan ay malaya parin. Hindi iyon napapansin ni Evil Queen.”

Napangiti si George, bagamat may lungkot pa rin.

“Kung gano’n… maraming salamat, Lolo. Dahil sa tulong mo, nagkaroon ako ng kaalaman at kagalingan sa aking kapangyarihan.

Pero… Lolo, kaya rin kami nandito para hiramin sana ang mahiwagang punyal mo.“

Napangiti si God Odin, mabait ngunit misteryoso ang tingin.

“Alam ko na yan, apo… pero sa isang kundisyon.”

Nagtaka si George.

“At ano naman iyon, Lolo?”

“Kailangan mo akong talunin… sa isang labanan.”

Nakangiting sabi ni God Odin, may halong hamon sa kanyang tinig.

. . . . . .

ABANGAN

CHAPTER 38

Third POV

Ipinitik ni God Odin ang kanyang daliri — at sa isang iglap, napunta sila George at ang mga Demistar Wizards sa Battle Kingdom of Heaven . Isang sagradong lugar kung saan naglalaban ang mga gods at goddesses mula sa iba’t ibang dimensyon.

Ngayon, hindi ordinaryong laban ito — magtutuos ang mag-lolo: si God Odin at ang kanyang apo na si George .

Sa paligid, puno ng mga anghel ang bleachers, tahimik na nanonood, habang naroon din ang mga Demistar Wizards, ramdam ang tensyon at bigat ng laban.

Sa Battle Kingdom, kapareho ang oras sa lupa — hindi kagaya ng Harden ng Gardenia , kung saan isang araw lang sa loob ay katumbas ng isang buwan sa labas.

Tahimik lang nakatayo ang dalawa — pero ramdam ng lahat ang nakakabinging presensya ng kapangyarihan nila.

George POV

Ako ang unang umatake.

“Time Bridge: 100 Swords of Angel Gabriel!”

(Isang uri ng kapangyarihan mula kay Angel Gabriel na ginamit niya noon laban sa mga demonyo.)

Sa harap ko, may bumukas na portal — at lumipad mula rito ang isandaang espada, mabilis na papunta kay Lolo God Odin.

Narinig ko ang bahagyang paghinga ng gulat ng mga kasama ko — di nila akalain na kaya kong maglabas ng ganito karaming espada. Sa ibang wizard, baka sumabog na ang katawan dahil sa bigat ng magic — pero iba ako.

Biglang tumalon si Lolo nang mataas, na parang kay gaan lang para sa kanya. Itinuro niya ang kanyang kamay pababa, at mahina lang niyang binigkas:

“Light Explosions.”

Sa isang kisapmata, lumabas ang liwanag mula sa kanyang palad at sumabog sa mismong mga espada ko — nagbalik pabalik ang mga espada papunta sa direksyon ko!

Mabilis akong nakagawa ng panangga, pero dahil sa lakas ng impact, natulak pa rin ako palayo, halos mahulog sa gilid ng arena.

Third POV

Hindi na nag-aksaya ng oras si God Odin.

“Time Bridge: Thousand Swords of Athena!”

Mas malakas, mas mabagsik — isang libong espada ang lumabas mula sa portal sa harapan niya, lahat papunta kay George.

George POV

Pagkakatapak ko sa lupa, sumigaw ako:

“Time Bridge: Shield of Jupiter Armor!”

Lumabas sa magkabilang kamay ko ang malalaking half-shields — pinagdugtong ko ito, at nabuo ang dambuhalang kalasag. Doon sumalpok ang libong espada ni Athena.

Ramdam ko ang bigat ng mga espada — unti-unti akong natutulak palayo.

Hindi puwedeng manatili lang ako rito — kaya lumipad ako paitaas, binawi ang shield at saka:

“Time Manipulator: Slowmo!”

Biglang bumagal ang lahat — pati mga espada, pati ang mga anghel na nanonood. Pero si Lolo… unaffected. Kita ko sa mga mata niya — alam niyang gagawin ko ito.

Third POV

Biglang nawala si God Odin mula sa pwesto — at sa likuran ni George siya muling lumitaw.

Isang malakas na sipa sa likod — at tumilapon si George pabagsak sa lupa, bumangga nang malakas, nabiyak ang sahig ng battle kingdom.

Sa pagbagsak na iyon, bumalik na rin ang takbo ng oras sa normal.

Nakatingin ang lahat — kita sa mga mata nila ang pag-aalala.

George POV

Habang nakaluhod, huminga ako nang malalim.

Hindi pa tapos.

“Time Bridge: Magic Arrow of Good Queen!”

(Sariling kapangyarihan ng aking ina, ang Good Queen. Kahit si Lolo, mahihirapang makita o maramdaman ito.)

Sa gitna ng usok, may lumipad na liwanag papunta kay Lolo. Nakailag siya — pero ang kaliwang kamay niya, tinamaan. Dumanak ang dugo.

Nagulat ang lahat ng anghel. May narinig pa akong bulong: “Imposible… paano nasugatan si God Odin?”

Third POV

Tumayo si George, kahit hirap. Nakahanda na sanang umatake ulit — pero biglang tumawa si God Odin sa ere.

Nawala ang sugat sa kanyang kamay, at buong pagmamalaki niyang sinabi:

“Tunay ngang apo kita. Ikaw pa lang ang nakasugat sa akin… kaya idinedeklara ko na ikaw na ang nanalo sa labanang ito!”

Kita sa mga mata ni God Odin ang pride at tuwa.

Nagpagaling si George gamit ang sarili niyang magic, at agad tumakbo ang mga Demistar Wizards sa kanya — masaya, proud, at nabunutan ng tinik.

Bumaba na rin si God Odin mula sa ere.

“Heto ang mahiwagang punyal,”

Sabi ni God Odin, inilabas mula sa kanyang kamay ang pinakamaganda at pinakamalakas na punyal sa buong daigdig.

Kinuha ito ni George, hawak-hawak na parang kayamanan, at nilingon ang kanyang mga kasama — nakita niya ang nakangiting si Robert, at parang nawala lahat ng pagod.

“Sana gamitin ninyo ito sa kabutihan,”

Paalala ni God Odin.

“Makakaasa ka, Lolo.”

Sabi ni George, nakangiti.

Sa isang iglap, nasa harap na sila ng gate ng La Fins Scolastica , ang paaralan ng Kingdom Scola.

Pagpasok nila… gumimbal sa kanila ang tanawin na bumungad.

. . . . . .

ABANGAN

CHAPTER 39

Third POV

Sa araw ding iyon na nagpunta sila George sa Kingdom Heaven , doon na rin sinalakay ni Evil Queen ang La Fins Scolastica gamit ang kanyang mga demon assassins . Matindi ang pinsalang iniwan sa paaralan: wasak ang mga gusali, sugatan ang mga wizard profs pati si Havana — at kahit nakipaglaban ang ibang mga wizards, natalo rin sila.

Pagdating nina George, bigla silang nagsilaho papunta sa opisina ni Havana. Pagbukas nila ng pinto, nakita nilang sugatan ang lahat ng profs — maliban kay Havana. Lumapit agad si Britney at ginamot sila.

“Anong nangyari dito, prof?”

Tanong ni Robert, bakas sa mukha ang pagkabigla.

“Sinalakay kami ng mga demon assassins,” sagot ni Havana, mabigat ang boses.

“Bakit? Hindi ba’t sa ikatlong araw pa dapat ang digmaan?”

Tanong ni Marivic.

“Niloko lang tayo ng Evil Queen. Hindi siya sumunod sa kasunduan,” paliwanag ni Havana.

“Asan ang ibang mga wizards? Ligtas ba sila?”

Tanong ni George, halatang nag-aalala.

“Kinuha sila ng mga demon assassins. Ang tanong namin… bakit? Ano ang balak nila?”

Sabi naman ni Prof. Reymart.

Tahimik si George, saka niya mahina lang naibulong:

“Gagawin silang bitag ni Evil Queen…”

“Hindi ko na palalampasin to!”

Mariing sabi ni George, bakas ang galit.

“Susugod tayo mamayang gabi!”

Sumang-ayon ang lahat. Isa-isa silang nagsilaho — ngunit naiwan si Britney, ginagamot pa ang mga sugatang profs.

Pagsapit ng gabi — Ikalawang araw

Sa dilim ng gabi, naglakad ang mga Demistar Wizards papunta sa portal tungo sa Kingdom Heelia — ang kaharian na ngayon ay sinakop ng Evil Queen.

Tagumpay silang nakapasok sa palasyo at nagmasid-masid.

“Pupuntahan ko na si Evil Queen,” sabi ni George, malamig ang boses.

“Sigurado ka ba?” tanong ni Ruhama, halatang nag-aalala.

“Oo. Kapag narinig niyo na ang pagsabog sa loob, sumugod na kayo laban sa mga halimaw.”

Tumango ang lahat. Sa isang kisapmata, naglaho si George — diretso sa bulwagan ng palasyo.

George POV

Tahimik ang loob ng bulwagan. Walang halimaw na nagbabantay.

Doon ko nakita si Evil Queen , nakaupo sa trono ng aking ama at ina — parang pag-aari na niya ang lahat.

“Welcome, pamangkin… sa iyong palasyo, na ngayon ay akin.”

Malamig niyang ngiti, puno ng paghamak.

“Walang sa’yo, Evil Queen!”

Matigas kong sabi, ramdam ang galit na kumukulo.

“Time Bridge: Light of the Sun!”

Isang nakasisilaw na liwanag ang tumama sa kanyang mata — plano ko siyang bulagin, saka umatake.

Pero ngumisi lang siya.

“Children’s play.”

At bigla siyang naglaho — sa isang iglap, nasa likuran ko na siya, papatama ang kanyang poisonous nail .

Mabilis kong naiharang ang Time Sword — ngunit dahil sa lakas, napatalsik ako sa gilid.

Lumipad siya, muling umatake, gamit ang kanyang kuko. Nasalo ko ng espada — pero kasabay noon:

“Dark Explosions!”

Isang itim na liwanag ang sumabog mula sa kanyang kamay, papunta sa akin.

“Time Bridge: Shield of Jupiter Armor!”

Lumabas ang malaking kalasag. Sumabog ito — pero tinangay pa rin ako, napabagsak nang malakas.

Agad akong tumayo. Hindi pwedeng huminto.

Labas ng palasyo

Narinig ng Demistar Wizards ang pagsabog. Oras na.

“Shield of Kingdom Defencia!”

Sigaw ni Ruhama — at lumabas ang sampung pink shields, protektahan sila mula sa atake ng mga halimaw.

“Pain.”

Mahinang bulong ni Robert — at ang mga halimaw, biglang napasigaw sa kirot na parang pinupunit ang kaluluwa nila.

“Water Whirlpool!”

Sabi ni Stephen — at nabuo ang dambuhalang ipo-ipo ng tubig, nilamon ang maraming halimaw.

Kevin: Tinaas ang kamay — gumalaw ang lupa, naging dambuhalang kamay ng bato na pumisil at nag-ipit sa mga halimaw.

Diana:

“Multiple Fire Ball!”

Lumipad ang nagbabagang mga bola ng apoy, sumabog sa kalaban.

Marivic:

“Thunder of Zeus!”

Umulan ng kidlat na parang galit ng langit — mga halimaw, nagliyab at nagkalat.

George POV

Pagod na pagod na ako. Si Evil Queen… parang hindi man lang hinihingal.

“Saan mo dinala ang mga wizards?!”

Sigaw ko, halos punit ang lalamunan.

Ngumisi siya.

“Baka napatay na sila… ng sarili mong mga kasamahan.”

Napakunot ang noo ko.

Bigla akong napaisip — at naintindihan ko.

“Hindi…”

Mabilis akong naglaho — lumabas sa palasyo.

At doon ko nakita: ang mga kasamahan ko, pinapatay na ang mga “halimaw” — na ang totoo, mga wizards pala na ginawang halimaw ni Evil Queen.

“Time Bridge: Ice of Alazka!”

Binalutan ko sila ng yelo — nagpigil sa huling hampas ng mga kasama ko.

Huminga ako nang malalim, humarap sa kanila.

“Wag niyo silang patayin! Mga kaklase natin ’yan… ginawang halimaw lang ni Evil Queen!”

Pero biglang — may malamig na braso sa leeg ko.

Si Evil Queen, nasa likod ko.

“Akin ka lang.”

Sinakal niya ako, tinapon palayo.

Bigla kong ginamit ang buhok ko — pumulupot kay Evil Queen, hinila ko siya palayo para hindi niya masaktan ang mga kaibigan ko.

“Wag nyo akong alalahanin!”

Sigaw ko, kahit sumisigaw ang katawan ko sa sakit.

Muling sumugod ang mga Demistar Wizards — pero sa halip na patayin, pinatulog lang nila ang mga halimaw na dati nating kaklase.

George POV

Napagod ako. Nanginginig ang tuhod ko.

Pero biglang — isang itim na ilaw ang tumama sa akin.

Napadaing ako, nanginginig, pero pinilit ko pang tumayo.

Si Evil Queen, nasa harapan ko na.

“Poisonous nail.”

Narinig ko ang bulong niya — at nasaksak ako sa tapat ng baga.

Nabutas ang hininga ko. Namutla ang mundo.

Pero sa huling lakas ko:

“Time Bridge: Bomb of World War 2!”

Hinawakan ko ang ulo niya — at sumabog.

Akala ko tapos na — pero tumayo siyang muli, tumatawa.

Napagaling ko ng kaunti ang katawan ko, pero ang sakit, parang apoy na kumakain sa loob.

“Slowmo!”

Nag-slow motion ang lahat, kahit siya.

“Sword of Time!”

Sumugod ako — pero nagulat ako: nasangga niya ang espada gamit lang ang kanyang kuko.

Evil Queen:

“Darkness of the Night, dance my souls!”

Lumabas ang mga itim na kaluluwa — sumugod sa akin.

“Time Sword: Blackhole Teleportation!”

Pinaiikot ko ang espada, hinati ang mga kaluluwa — at nilamon sila ng itim na blackhole.

Pero distraction lang pala iyon.

Sa gitna ng laban, narinig ko ang malamig na bulong niya sa likod ko:

“Katapusan mo na.”

Nararamdaman ko ang talim ng Punyal ni Kamatayan na bumaon sa dibdib ko.

Sumirit ang dugo. Nanigas ang katawan ko. Nakita ko ang mga ugat sa katawan ko, namumula — hudyat ng kamatayan.

Napahinga ako ng malalim, halos wala na akong marinig.

Sa huling sandali — tumingin ako sa mga kasamahan ko. At ang huli kong nakita…

…ay ang purong kadiliman.

. . . . . .

ABANGAN

CHAPTER 40

Third POV

Nagulat ang lahat sa kanilang nasaksihan — nakitang nakabulagta si George , wala nang malay, habang nakatarak pa rin sa kanya ang punyal ni Evil Queen . Sa sobrang galit at sakit, walang inaksayang sandali ang Demistar Wizards . Sabay-sabay silang sumugod, handang gumanti.

Pero biglang — isang puting ilaw ang tumama sa kanila, nagpatigil sa kanilang galaw. At doon nila nakita: lumabas si Good Queen , tila prinoprotektahan si Evil Queen.

Hindi nagpatinag ang Demistar Wizards. Tumayo sila, pumwesto ulit, handang umatake. Pero narinig nila ang isang matigas na boses:

“Wag kayong gagalaw!”

Lumabas si Good King , nakapwesto sa harap ni Evil Queen.

“Wala na ang propesiya na sinabing tatalo sa akin,”

Sambit ni Evil Queen, malamig ang ngiti.

“Sadyang mas makapangyarihan lang ako. Ngayon… kayo naman ang isusunod ko.”

Itinaas niya ang kamay — at isang itim na enerhiya ang mabilis na lumipad patungo sa kanila.

Ruhama POV

“Shield of Kingdom Defencia!”

Lumabas ang sampung malalakas na pink shields. Pero sa isang iglap lang — nabitak at nabasag lahat nang tumama ang itim na enerhiya. Gulat at takot ang pumalit sa tapang ko.

Robert POV

Tiningnan ko si Evil Queen, pilit pasukin ang kanyang isipan — pero biglang parang piniga ang utak ko sa sakit! Napatingin ako kay Good King — siya ang naglalagay ng proteksyon sa isipan ni Evil Queen.

“A-ahhh!”

Sigaw ko sa hapdi na parang bumabaluktot ang bungo ko.

Stephen POV

“Electric Water Explosion!”

Pinasugod ko ang tubig na may kuryente papunta kay Good King — pero laking gulat ko nang bumalik sa amin ang tubig! Sumabog ito sa mismong pwesto namin. Napaatras kami, damang-dama ang init at hampas ng pagsabog — kagagawan iyon ni Good Queen.

Kevin & Diana POV

Tumingin kami sa isa’t isa, sabay tumango.

“Land of Fire!”

Pinagsama namin ang lupa at apoy — at biglang nagliyab ang lupa sa ilalim ng mga halimaw. Maraming wizards na ginawang halimaw ang nadamay.

Pero bago kami makagalaw muli — itinutok ni Evil Queen ang kamay at nagpakawala ng itim na bola. Tumama iyon sa amin — at napaatras kami, nahandusay, ramdam ang init at sakit sa balat.

“Wala na kayong laban sa akin,”

Sambit ni Evil Queen, bakas ang paghamak sa kanyang mga mata.

Itinaas niya ang dalawang kamay.

“Ako si Evil Queen… binubuksan ang portal ng kailaliman ng kadiliman… higupin lahat ng aking mga kalaban!”

Biglang lumakas ang hangin. Lumindol. Sa langit, bumukas ang dambuhalang itim na butas — nakakatakot, parang sumisipsip ng liwanag.

“Ngayon, makukulong kayo at mamamatay sa kailaliman ng kadiliman. Wala nang makakapagligtas sa inyo — kahit si God Odin!”

Nakangising sabi ni Evil Queen.

Pero…

“Pero punyal niya ang papatay sayo.”

Isang mahinang tinig mula sa likod ni Evil Queen.

Nagulat siya, lumingon — pero huli na. Si George — nakatayo, duguan pero buhay — at buong lakas niyang isinaksak ang mahiwagang punyal ni God Odin sa dibdib ni Evil Queen, sa tapat mismo ng puso.

Third POV

Namangha ang mga Demistar Wizards. Akala nila patay na si George — pero ang katawan na nakita nilang bumagsak kanina, bigla na lang naging abo , nilipad ng hangin.

Tumulo ang luha sa ilan sa kanila — pag-asa ang pumalit sa takot.

“Tapos na ang laban, anak,”

Malumanay na sabi ni Good Queen , habang lumapit kasama si Good King sa tabi ni George.

Nanghihina na si Evil Queen.

“Pa…paanong…?”

Bulong niya, nahihirapan huminga.

“Hindi ka ba nagtataka… kung bakit ang hina ng kalaban mong ako kanina?”

Sagot ni George, malamig ang boses, pero bakas ang pagod at galit.

“Hi… hindi… i-ito… maaari…”

Sabi ni Evil Queen, nanginginig, nagtataka rin kung paano napakawala ni George ang kanyang mga magulang sa kapangyarihan niya.

Kasabay ng lahat, nawala ang itim na blackhole sa kalangitan. Napatigil ang hangin. Kumalma ang paligid.

George, hingal na hingal, pero ngumiti habang nakatingin kay Evil Queen.

“Paalam… at matulog ka ng matagal, Evil Queen.”

. . . . . .

ABANGAN

CHAPTER 41

Flashback

George POV

Nakapasok na ako sa loob ng palasyo. Huminga ako ng malalim at nilikha ko ang aking clone — siya ang papasok sa bulwagan ng palasyo bilang pain, habang ako naman ay maghahanap sa tunay kong pakay:

ang aking mga magulang — sina Good King at Good Queen.

Tahimik ang paligid, wala akong nadaanang halimaw. Pero biglang, mula sa dilim, lumitaw ang limang nilalang na naglalakad na parang anino.

“Sino kayo?”

Tanong ko, nangingibabaw ang lamig ng boses ko.

“Kami ang mga Demon Assassin’s,” sabay-sabay nilang sagot.

“So kayo pala ang kumuha sa mga wizards sa aming paaralan,”

Sabi ko, at marahan kong hinugot ang aking espada, ang talim nito kumikislap sa liwanag.

Mabilis akong umatake — inasinta ko ang kanilang mga tiyan. Naagapan nila, pero nakita kong tinamaan pa rin sila.

“Black magic!”

Sigaw nila, at biglang may itim na enerhiya ang lumipad patungo sa akin.

“Time manipulation — slowmo.”

Bumulong ako, at ang lahat sa paligid ay parang nalusaw sa kabagalan. Maging ang mga Assassin’s, napatigil ang galaw, tila mga estatwa.

“Time manipulation — reverse.”

Sa isang iglap, bumalik ang itim na enerhiya sa kanila. At sumabog silang lima, isa-isa, sa mismong puwersa ng sarili nilang kapangyarihan.

Nagbalik ang oras sa normal.

“Ang hihina niyo… kapangyarihan niyo lang pala ang papatay sa inyo.”

Nakangisi kong sabi, habang pinupunasan ang dugo sa aking espada.

Naglaho ako at napunta sa second floor ng palasyo. Isa-isa kong binuksan ang mga pintuan, pero wala… puro katahimikan lang ang bumungad.

Hanggang sa dulo ng pasilyo, isang kakaibang pintuan ang aking nakita — ginto ang kulay nito, naiiba sa lahat.

Sa tibok ng puso ko, naglaho ako at napunta sa harap mismo ng pintuan. Dahan-dahan ko itong binuksan.

At doon ko sila nakita…

Nakahiga sina Ina at Ama sa king-sized bed, parang mahimbing na natutulog. Hindi ko mapigilan ang lumuha. Matagal ko silang hinanap. Sa wakas… sa wakas, nasa harapan ko na sila.

Lumapit ako, titig na titig sa kanila.

“Sa wakas… Ina, Ama… nakita ko na rin kayo,”

Sabi ko, nanginginig ang boses at basang-basa ng luha ang aking mga pisngi.

Kinuha ko ang mahiwagang punyal ni Lolo God Odin . Nilapitan ko sila at huminga ng malalim.

“Sariling dugo ang gumawa sa inyo… sariling kadugo ang magpapalaya din sa inyo. Ako si George, ang inyong anak. Pinapalaya ko kayo mula sa mahika ng kapatid ng aking Ina. Dugo sa dugo… mahikang itim, maglaho ka.”

Sinugatan ko ang aking palad, at pinatak ang aking dugo sa kanilang mga labi.

Maya-maya, gumalaw sila.

Nagmulat ng mata ang aking Ina, nakangiti, habang si Ama ay nagtataka kung sino ako.

“Ama, Ina… ako po ito… ang anak ninyo.”

Hagulgol ko, habang niyayakap silang dalawa.

Niyakap nila ako pabalik. Sandaling iyon… parang tumigil ang mundo.

“Ikaw na ba yan, anak?”

Mahinang tanong ni Ama.

“Opo, Ama… ako na po ito.”

Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko, pero ngayon, luha na ng pag-asa.

“Masaya kami na ligtas ka, anak. Ngayon, kami na ang tatapos sa labanang ito.”

Sabi ni Ina, tumingin kay Ama na tumango rin.

Pero agad akong umiling.

“Wag na, Ina! Ako na ang tatapos sa laban. Ang gawin nyo lang… magpanggap kayong kontrolado pa rin ni Evil Queen. Sa ganun, maisasaksak ko sa puso niya ang punyal ni Lolo.”

Nakangiting tumango si Ama.

“Nakilala mo na pala ang Lolo mo,” sabi niya.

“Opo, Ama! Naglaban pa nga kami — at nasugatan ko siya!”

Sabi ko, may konting yabang, kahit pagod na pagod ang katawan ko.

“O siya, mahal, tayo na.”

Sabi ni Ina kay Ama.

Naglaho silang dalawa.

Ako rin — naglaho, at napunta sa labas ng palasyo. Doon ko nakita: patay na ang aking clone, nakabulagta sa sahig.

At eksaktong lumabas si Evil Queen, abala sa pagbukas ng black hole. Hindi niya alam — nasa likuran na niya ako.

At doon ko isinaksak — diretso sa kanyang puso — ang punyal na mula kay God Odin.

. . . . .

ABANGAN

FINAL CHAPTER (Season 1)

📜 Isang Taon ang Nakalipas

George POV

Oo, tama kayo — isang taon na mula nang tuluyan naming napaslang si Evil Queen.

Asan na si Evil Queen?

Inilibing namin ang kanyang katawan sa Bundok ng Kamatayan — doon inihihimlay ang mga pinakamalupit na kaaway ng bawat kaharian.

Kumusta sila Ama at Ina?

Nagmamahalan pa rin, at muling nabuhay ang sigla at ganda ng Kingdom Heelia. Nagsibalikan din ang mga dating mamamayan sa aming bayan.

Kumusta ang ibang kaharian?

Unti-unti ring bumalik sa dating anyo — nabawi ang lahat ng kinuha ni Evil Queen, at muling naitayo ang mga winasak noon.

Kumusta ang mga Demistar Wizards?

Heto, kasama ko sila ngayon dito sa canteen ng La Fins Scolastica. Nagyaya si Marivic — libre daw niya.

“Asan na ba yung manliligaw mo? Gutom na ako eh!”

Iritang tanong ni Diana.

Nagtataka kayo kung sino?

“Ayan na pala si Robert.”

Sabi ni Marivic, at sabay lingon ko.

At ayun siya… Nakangiti, may dalang bulaklak, at naglalakad palapit na parang wala siyang pakialam sa daan-daang nakatingin.

Makalipas ang dalawang buwan mula nang matapos ang digmaan, nag-aminan kami ni Robert na may nararamdaman kami sa isa’t isa. Pero sabi ko sa kanya, kahit gusto ko rin siya — manligaw pa rin siya, at dapat marunong siyang maghintay.

At heto nga… isang taon na… hindi pa rin siya sumusuko.

“Para sayo,”

Nakangiti niyang sabi. This guy… he’s really handsome when he smiles.

Nginitian ko siya at kinuha ang bulaklak — pero biglang nagdilim ang langit. Nakita ko sa bintana ng canteen ang makapal na ulap.

Naglaho ako sa harap ni Robert, napunta agad ako sa labas… At nang tumayo na ako roon — biglang nawala ang dilim.

Napatingin ako sa paligid — may mga wizards, bawat isa may hawak na pulang rosas. At sa gitna… si Robert… hawak ang mikropono… at nagsimula siyang kumanta:

🎶

I found a love, for me…

Darling, just dive right in, and follow my lead…

🎶

Habang umaawit siya, isa-isa akong nilapitan ng mga wizards at iniabot ang kanilang mga rosas. Hindi ko napansin, naiiyak na pala ako. Ngayon ko lang naramdaman… parang sa wakas, buo na ulit ang puso ko bilang babae…

🎶

Baby, I’m dancing in the dark, with you between my arms…

Barefoot on the grass, listening to our favorite song…

🎶

Unti-unting lumapit si Robert. At kahit kumakanta pa, kitang-kita ko ang luha rin sa gilid ng kanyang mata.

“Ikaw ah… marunong ka palang kumanta,”

Biro ko, kahit tumutulo na ang luha ko.

“Kakanta lang ako… para lang sayo.”

Sagot niya — at kinilig talaga ako doon.

“Eh, bakit nagdilim kanina?”

Tanong ko, pero nakita kong tumingin si Robert kay Marivic — na nag-peace sign pa. Ah, kaya pala… si Marivic talaga!

Maya-maya, lumuhod si Robert. Inilabas ang isang maliit na kahon, at sa loob nito, may singsing na may munting brilyante.

“George… mahal na mahal kita. Ang singsing na ito, magiging saksi ng pagmamahal ko sayo… At sana, maging saksi rin ito ng kinabukasan nating dalawa.”

Medyo naiiyak na rin siya.

“Can you be my hubby? Or should I ask… can I be your hubby?”

Todo na ang iyak ko.

“Alangan namang tatanggi pa ako, eh sa sobrang gwapo mong lalake! HAHAHA! Edi… OO!”

Nagtawanan ang lahat. Niyakap ako ni Robert ng mahigpit.

“Salamat… at tinanggap mo ako,”

Bulong niya habang yakap pa rin ako.

Naghiwalay kami sa yakap — at hinalikan niya ako sa labi. Hindi ko inasahan… pero hinayaan ko… sa harap ng lahat.

Nang naghiwalay na kami, doon ko lang napansin: Nandoon ang mga hari at reyna ng iba’t ibang kaharian. At nakita ko rin sina Ama at Ina — nakangiti, at nag-thumbs up pa.

🌑 Other Dimension

(Bundok ng Kamatayan)

Third POV

May isang dalaga ang dahan-dahang naglakad papalapit sa puntod ni Evil Queen. Bawat yapak niya, nalalanta at namamatay ang mga dahon na nadadaanan.

Pagkarating niya sa mismong harap ng puntod, bahagya siyang yumuko. Kinumpas niya ang kanyang daliri — nilinis ang puntod ng alikabok at dumi.

“Hindi ko alam na matagal ka na palang patay… Evil Queen. At nakita ko ring masaya sila ngayon sa Kingdom Scola.”

Napatitig siya sa pangalan sa puntod — at sa wakas, bumulong ng may nanlilisik na mga mata:

“Pangako… Ipaghihiganti kita…

.

.

.

.

.

…Aking Ina.“

✨ THE END ✨

SEASON2 NOT BOOK2

I decided na gawing Season 2 ang magiging Book 2 sana ng kwentong ito

Kaya lahat ng mga Season ng kwentong ito ay dito ko na I-Uupdate❤️ Para hindi na kayo mahirapan

Mahal ko kasi kayo eh… Wahahhahahha

PS. FOLLOW ME PLEASE ON

CHAKASALSAL

Season 2 Movie Trailer

BABALA:

ANG KWENTONG ITO AY

MOVIE STYLE WRITTING

ANG BAWAT MOVIE CLIPS AY NAGLALAMAN LANG NG

200

  • WORDS

AT KUNG AYAW MO NG MAIIKSING CHAPTERS AY PWEDE MO NG LISANIN ANG KWENTONG ITO

AT SA MGA MAKAKATAPOS NG KWENTONG ITO AY NAGPAPASALAMAT NA AKO NG MAAGA KASI TINIIS AT ININTINDI NINYO ANG AKING STILO KUNG PANO KO SULATIN ITONG KWENTO

PS. VOTE & FOLLOW

MAHAL KO KAYO MGA KASALSAL❤️

📜 Narrator

Sa katahimikan ng dapithapon, isang babae ang naglalakad paakyat sa tuktok ng isang bundok — ang Bundok ng Kamatayan. Dito, inihihimlay ang mga katawan ng pinakamalalakas at pinakamalupit na naging kaaway ng mga kaharian.

Sa bawat hakbang niya, nalalanta at namamatay ang mga damo at bulaklak na nadadaanan ng kanyang mga paa. Sa kanyang kamay, may hawak siyang isang itim na bulaklak — kasing-itim ng kanyang galit at pananabik na makapaghiganti.

Pagdating sa pinakatuktok, huminto siya sa harap ng isang puntod. Tahimik. Mabigat ang hangin sa paligid.

“Nandito na naman ako, aking Ina,”

Mahinang sabi niya, saka inilapag ang itim na bulaklak sa mismong puntod.

“Matagal na mula nang una kitang dinalaw… Evil Queen… Ina…”

May poot at pait sa kanyang tinig.

“At heto na rin ang simula ng aking paghihiganti. Sisiguraduhin kong magdudusa silang lahat… dahil sa ginawa nila sayo.”

Ang babaeng ito — ang nag-iisang anak ng Evil Queen. Isang anak na noon, nakalimutan at isinakripisyo ng kanyang sariling ina para sa kapangyarihan. At ngayong nawala na ang Evil Queen, ang anak naman niya ang papalit sa kanyang trono ng kadiliman.

Ang hindi alam ng lahat, pati na ng Evil Queen noon… Mas malakas, mas mapanganib, at mas tuso ang kanyang anak kaysa sa kanya. Kung nalaman lang sana iyon ng Evil Queen, baka ginamit at kinontrol na niya ang anak mula pa noong una.

Ngunit sadyang itinadhana ng kapalaran ang pagkamatay ni Evil Queen… At ang pag-usbong ng isang mas madilim na puwersa.

Sa kwentong ito, muli nating saksihan ang laban na matagal na nating hinintay. Sa unang yugto, nasilayan natin ang Magic High Heels ng ating bida — pero nasaan nga ba ang tunay niyang kapangyarihan na dapat kasama sa listahan? Ano ang nangyari? Ano ang nakatadhana?

Tunghayan muli ang kwento ni George Pambalan . Pero tawagin na lang natin siyang Prince George … o mas bagay daw… Prinsesa George … Kasi yun talaga ang gusto ni bakla! Hahahahaha!

.

.

.

ABANGAN.

Movie Clip 1

George POV

Nandito kami ngayon, nag-eensayo kasama ang mga Demistar Wizards — at syempre, kasali na ako sa grupo.

Kumusta naman kami ni Robert?

Ayun… Ang sweet pa rin niya, kahit isang buwan na ang nakakalipas mula nang naging kaming dalawa. Tanggap naman kami ng aming mga ama at inang reyna, kaya masaya talaga ako.

“ Bes, kain muna tayo. Nagutom ako eh! “ Suhestiyon ni Ruhama, at umoo naman kaming lahat. Sa totoo lang, kami lang nina Ruhama, Britney, Marivic, at Diana ang magkasamang nag-eensayo ngayon. Hindi kami totally na kumpleto bilang grupo.

Asan ang mga boys?

Ewan, hindi rin namin alam kung saan nagpupunta ang mga yun. Tuwing ensayo kasi, bigla na lang silang tumatakas. Nagsimula lang ito last week, kaya nagtataka na rin kami kung ano bang meron at anong inaatupag nila.

“Tayo na,” sabi ko, at sabay-sabay na kaming pumasok para pumunta sa canteen.

Habang naglalakad kami, ramdam ko ang daming matang nakatingin sa amin. Hayst… Hindi na bago ito sa amin.

Mula nang natalo namin si Evil Queen, ang dami na talagang sumusubaybay sa bawat galaw namin dito sa paaralan. Kung sa mundo ng mga tao pa, ang tawag sa kanila — fans .

Pero ang mas iniisip ko ngayon… Mula nung huli naming laban kay Evil Queen, parang nawala na ang marka ng Magic High Heels ko. At kahit anong pilit ko, hindi ko na rin mailabas ang anyo ko kapag ginagamit ko sana ang magic nito.

In other words…

Hindi ko na magamit ang magic ng high heels. At, sa totoo lang… hindi ko alam kung bakit. At hindi ko rin alam kung paano at kailan ito nangyari.

At dito nagsisimula ang panibagong tanong… at bagong kabanata ng kwento ko.

. . .

ABANGAN.

Movie Clip 2

George POV

. . . .

Ito na ang araw ng 1st monthsary namin ni Robert — pero wala man lang siyang paramdam. At may napapansin na rin ako sa mga Demistar Wizards… Parang umiiwas sila sa akin, na parang may sakit ako… o ewan ko ba.

Pero kahit ganun, lumabas na lang ako sa room ko na may pilit na ngiti sa mukha.

At oo, room.

Napag-usapan na namin nila Ama at Ina na mananatili muna akong boarder dito sa La Fins Scolastica . Mas ligtas na rin daw at para kasama ko ang mga kaibigan ko palagi.

Habang naglalakad ako papuntang canteen ng university — kasi nagugutom na rin talaga ako — Biglang dumilim ang kalangitan . Narinig ko ang malakas na kulog at kidlat na parang yayanig sa buong paligid.

Dahilan para magsigawan ang mga wizards na nasa labas. Dali-dali akong lumabas ng building para tingnan kung may nakapasok bang kalaban.

Paglabas ko, bigla ring umaraw ulit — at doon ko nakita sina Robert kasama ang buong Demistar Wizards, lahat sila nakangiti.

Tumingin ako sa taas, at nakita ko ang malaking tarpaulin na may nakasulat:

✨ “Happy First Monthsary Mahal Ko” ✨

Napangiti ako ng malapad, at hindi ko napigilan. Pinaglaho ko ang sarili ko sa kinatatayuan ko — at sa isang iglap, nasa harapan na nila ako.

“ Mga letche kayo!! “ natatawa kong sabi habang nakangiti, “May ganito pala kayong plano! At talagang ginaya nyo rin yung ginawa nyo nung nag-propose sa akin si Robert about a month ago!”

Yinakap ko agad si Robert, at ngumiti rin sa iba naming kasamahan.

Pero bago pa kami tuluyang makapag-celebrate, biglang…

“ AHHHHHHHHH!! “

Isang malakas na sigaw mula sa isang wizard ang pumukaw sa atensyon namin.

Napalingon kaming lahat. At doon na nagsimulang kumabog nang mabilis ang dibdib ko…

May nangyayari.

. . . .

ABANGAN.

Movie Clip 3

George POV

. . . . .

Dali-dali kaming naglaho at napunta kung saan nanggaling ang sigaw. Pagdating namin doon, nakita ko ang isang babae na walang malay, punit-punit ang damit, at puro dungis ang katawan.

Pagtingin ko sa mga kasama ko, kita ko sa mga mukha nila ang pagkabigla… Lalo na kay Robert .

“ Malayra… “

Mahinang sambit ni Robert ng pangalan ng babae.

At doon biglang rumihistro sa isip ko — Siya yung ex ni Robert… Kaya parang nanlamig ang buo kong katawan at hindi ako agad nakakilos.

Pero si Robert, mabilis na lumapit, binuhat si Malayra, at naglaho. Sigurado akong dinala niya sa clinic ng university.

“ Omo!! Buhay pa pala ang babaeng yun!? “ Singhal ni Marivic, halatang gulat na gulat.

“Kaya nga… buti naman at nagbalik na siya,” sabi naman ni Diana, kahit may halong pagtataka sa boses.

“Pero… ano kayang nangyari sa kanya?” Sabi ni Britney habang nakakunot ang noo. “Parang nakalaban siya ng malakas. Kita mo naman sa itsura.”

“Parang hindi kayo masaya na nagbalik na ang kaibigan nating si Malayra ah?” Nakangising tanong ni Kevin, sabay kindat.

“ Duh!! “ sagot ni Marivic, “Siguro mabibilog na naman ang ulo ni Robert nyan…”

“Kaya ikaw, George…” sabat ni Diana, tinaas pa ang kamao niya, “ Don’t let your guard down! “

“Hayst… ang dami n’yong sinabi,” sagot ko, pilit na ngumiti. “Puntahan na lang natin si Robert, para makita rin natin ang lagay ng babae.”

Sabay-sabay kaming naglaho. At sa isang iglap, nasa harap na kami ng clinic .

Tumibok nang mabilis ang puso ko… Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko ngayon.

At doon ko naisip…

Bakit kaya ngayon pa bumalik si Malayra?

. . . .

ABANGAN.

Movie Clip 4

George POV

. . . .

Hinawakan ko ang doorknob, dahan-dahan ko itong binuksan… At doon ko narinig ang boses ni Robert.

“ Buti nagbalik ka na… “

Mahina pero ramdam ko ang saya sa tono niya.

Sumilip ako ng kaunti… At nakita ko siya — nakaupo sa tabi ng kama ni Malayra. Hawak niya ang kamay ng babae, habang nakangiti siyang nakatitig sa mukha nito.

“ Na-miss kita… “

’Yun ang mga salitang muntik nang magpatigil ng tibok ng puso ko.

Parang nabingi ako sa isang iglap. Namamanhid ang kamay ko habang hawak pa ang pinto. At bago pa ako tuluyang maiyak, isinara ko na lang ang pintuan.

Tahimik akong naglakad palayo, pilit na pinipigil ang bigat sa dibdib…

Pero bigla kong nasalubong ang mga Demistar Wizards sa pasilyo.

“Oh George, natignan mo na ba sila?” Tanong ni Stephen, nag-aalala ang mukha.

“Ah… hindi, biglang may ipinatawag daw sa akin si Havana. Kaya… kayo na muna ang kumumusta para sa akin,” Pagdadahilan ko habang pinipilit ngumiti.

Kita ko ang pagtataka sa mga mukha nila, pero binalewala ko na lang ’yon at mabilis akong umalis.

Diretso na ako sa kwarto ko… Doon ko lang hinayaang pumatak ang mga luha.

3 Days Later…

Tatlong araw na…

Tatlong araw na parang wala nang pakialam si Robert sa akin. Ramdam na ramdam ko ang paglayo niya, at kahit pilit kong intindihin… ang sakit pa rin.

Napapansin ng barkada ko — sina Ruhama, Marivic, Diana, Britney… Pero hindi sila nagtatanong. Parang hinihintay nilang ako na mismo ang magsabi. Pero… hindi ko pa kaya.

Simula nung bumalik si Malayra, parang bigla na lang nagbago ang lahat. Naisip ko tuloy… Naghiwalay ba talaga sila dati?

Ang sabi ni Robert noon, basta na lang nawala si Malayra — walang malinaw na break-up. Kaya ano kami? Rebound?

Nasa gitna ako ng pag-iisip, nang biglang nag-ring ang cellphone ni Diana.

“ What!? Gising na si Malayra!? “

Sigaw niya sa kabilang linya. Sabay-sabay kaming napatingin lahat sa kanya.

At doon ko lang napagtanto… Mas lalo pang mababago ang lahat simula ngayon.

. . . .

ABANGAN.

Movie Clip 5

George POV

. . . .

Dali-dali kaming naglaho papasok sa clinic.

At doon ko nakita si Malayra   nakaayos na, suot ang magandang damit na parang wala man lang nangyari sa kanya. Parang… parang mas lalong gumanda pa siya.

“ Welcome back, Malayra! “ Ngiting bati nina Kevin at Stephen.

“ Oh? Parang hindi masaya ang mga girls na nagbalik na ako, ah? “ Nakangising sabi ni Malayra, nakataas pa ang isang kilay.

“Ah… Hahaha… welcome back,” sarkastikong sabi ni Marivic.

“Oh!!!! … Yehey… nagbalik ka,” sarkastikong sabat naman ni Diana, sabay pikit ng mata.

“Buti at mabuti na kalagayan mo ngayon,” nakangiting sabi ni Britney, kahit ramdam kong pilit ang ngiti niya.

Maya-maya, napatingin si Malayra sa akin. Kita ko ang kunot ng noo niya habang sinusukat ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

“ At sino naman siya? Bagong kasali ba sa grupo? “

“Ah, sya pala si Prince George , anak nila Good King at Good Queen. Siya lang naman ang nag-iisang pumatay kay Evil Queen”

Nakita ko biglang napa-ismid si Malayra nang marinig ’yung parte na “pumatay kay Evil Queen.”

“… at boy—” Hindi na natuloy ni Marivic ang sasabihin niya.

“ Kaibigan namin siya! “ Mabilis na sabat ni Robert, nakangiti kay Malayra.

Para akong tinusok sa dibdib.

Kaibigan lang?

Yun lang ba ako ngayon, Robert? Bakit hindi mo masabi sa harap niya na ako ang boyfriend mo?

Gusto ko sanang sumabat, pero parang may nakabara sa lalamunan ko. Nakangiti na lang ako kahit ramdam kong nanginginig ang labi ko.

Napansin ko na lang na pinanlakihan ako ng mata nina Marivic at Diana para bang sinasabi nilang, “George! Kumontra ka man lang!”

Pero wala… wala akong nasabi.

“ Ah… ganun ba… Welcome to the family… Tara na Robert, nagutom ako bigla. “ Sabi ni Malayra, at ngumiti kay Robert.

Tumango lang si Robert, at sabay silang naglakad palabas ng clinic.

Nilingon ako ni Robert bago siya lumabas pero walang kahit anong emosyon sa mga mata niya. Wala ni kaunting awa… o kahit kunting ngiti man lang.

At doon ko lang napagtanto… Siguro… sa paningin niya ngayon… wala na akong puwang.

ABANGAN.

Movie Clip 6

George POV

. . . .

Isang linggo na.

Isang linggo na mula nang dumating si Malayra dito sa La Fins Scolastica — at sa loob ng linggong iyon… Pakiramdam ko parang unti-unti na akong nawawala sa mundo ni Robert .

Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang tanungin nang diretso:

“May tayo pa ba?”

Pero tuwing naiisip ko na titigan siya sa mata at itanong iyon… Wala. Parang may mabigat na lubid na humihila sa dibdib ko, at nawawala lahat ng lakas ko.

Ngayon, nandito ako sa canteen kasama ang barkada. Tila sila na lang ang pahinga ko sa gulo ng utak at puso ko.

“ Hindi parin ba kayo nagkakausap ni Robert? “ Tanong ni Marivic, may halong pag-aalala sa boses.

Umiling lang ako. Tahimik. Ayokong bumuka ang bibig ko dahil baka sa halip na salita, luha ang lumabas.

“ Gosh!! Hanggang ngayon!?, aba, may saltik yata ang Robert na yan! “ Singhal ni Diana, sabay kalabit sa braso ko.

“ Girls, kalma… Wala pa tayong naririnig kay Robert kaya kumalma lang kayo. “ Sabi naman ni Stephen.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ang dating sa akin…

Kampi siya kay Robert.

“ Pero bakit ganun nga si Robert kay George? “ Suhestyon ni Britney, ramdam ko ang pagkadismaya sa tono niya. “ Akala mo naman parang hindi sila magkasintahan… “

Nilayo ko ang tingin ko. Ayokong makita nila na namumuo na naman ang luha sa mata ko.

At sakto… Sa direksyon ng tingin ko, nakita ko sina Robert at Malayra . Magkasabay. Dumidiretso palapit sa amin.

Huminga ako ng malalim. Hinanda ang sarili.

Hanggang sa nasa mismong harapan na namin sila.

“ Speaking of the devil… “ Mahinang sabi ni Diana, pero rinig ko iyon. Rinig na rinig — parang kumurot pa lalo sa puso ko.

Tumigil ang mundo ko nang makita ko si Robert.

Ni hindi man lang niya ako tinignan.

Parang… parang hindi niya ako nakikita.

At doon ko na lang tahimik na naisip:

Bakit parang ako na lang ang may alam na kami pa?

Bakit parang… ako na lang ang may pakialam?

Movie Clip 7

George POV

Kanina pa kami dito sa canteen. Tahimik lang… parang may nakabiting mabigat sa hangin na ayaw bumitaw.

Walang gustong magsalita. Hanggang sa biglang…

“ Ang tahimik yata, ikaw, George… “ Malumanay pero may halong yabang ang tono ni Malayra .

“ Prince George. “ Madiin na sabi ni Diana . Alam ko ang ibig niyang iparating:

Igalang mo si George, wag kang bastos.

Tinignan ko si Diana. Ngumiti ako ng kaunti, pilit.

“ Okey lang… “ Sabi ko. Ayokong palakihin.

“ Bakit? “ Tanong ko kay Malayra.

“ Naging kayo ba ni Robert? “ Diretsong tanong niya, na parang kutsilyong tumusok sa gitna ng dibdib ko.

Napatingin ako kay Robert . Pero nanatiling blanko ang mukha niya. Walang emosyon. Walang reaksyon. Parang hindi niya ako kilala.

“ Ah… o— “ Sisimulan ko na sanang sabihin ang totoo…

Pero inunahan ako ni Robert.

“ Hindi. At wala akong balak. “ Mabilis at matalim ang sagot niya.

Napatayo si Marivic , kita sa mukha niya ang galit.

“ Robert!!! Nababaliw ka na ba!? “ Sigaw niya, dahilan para mapatingin sa amin ang lahat ng wizards sa canteen.

Pero hindi man lang gumalaw si Robert. Wala siyang kahit anong paliwanag.

At doon na sumabat si Malayra.

“ Tama naman si Robert. Imposibleng papatol siya sa baklang kagaya ni George. “

Sa salitang bakla , parang may sumabog na something sa loob ko. Mainit. Masakit. Humapdi ang puso ko — pero mas matindi ang pandidiri at galit na naramdaman ko.

Alam kong wala na akong heels magic… Pero may natira pa akong gravitational magic ng Orasan .

At bago ko pa napigilan ang sarili ko, biglang…

WHOOSH!

Nagsimulang masakal si Malayra sa ere. Nakataas siya, pilit humihinga, pilit kumakawala.

Nagulat ang lahat. Pati ang barkada ko. Pati si Robert.

Tumingin ako kay Robert — at nakita ko sa kanya ang gulat. Sa unang pagkakataon, nakita ko rin ang takot sa mata niya.

Napangisi ako.

Galit na galit.

Bumaling ako kay Malayra na kanina pa nagkakandairapan sa ere.

“ Bastusin mo na ako pag nakatalikod ako… pero wag na wag mo akong babastusin pag nasa harapan ko ako. “

Pak!

Binagsak ko siya sa lamesa. Nabasag ang mesa. Narinig ko ang collective gasp ng mga tao sa canteen.

Lumapit ang mga Demistar Wizards sa tabi ko, parang handang sumalo kung anuman.

Pero si Robert? Lumapit kay Malayra. Tinulungan siyang makatayo.

At doon siya tumingin sa akin.

“ Break na tayo. “

Napalaki ang mata ko. Parang may sumabog sa loob ko.

At iniwan nila ako roon. Sa harap ng lahat. Sa harap ng barkada ko. Sa harap ng buong paaralan.

At doon ko lang naramdaman… na mas masakit pala ang pagbagsak ng puso kaysa sa pagbagsak ng mesa.

Movie Clip 8

George POV

Bigla na lang nanghina ang mga tuhod ko nang makaalis na silang dalawa. Parang nabura lahat ng lakas ko. Buti na lang at nasalo ako ni Stephen at Kevin .

“ Okey ka lang ba, George? “ Nag-aalalang tanong ni Britney .

Hindi ko sila sinagot. Kumalas ako sa pagkakahawak ni Stephen. Tahimik lang akong naglakad palayo… Papunta sa building ng university — doon sa tinatawag naming “boarding house,” pero sa totoo lang, punô ng magic ang lugar na iyon.

Pagdating sa kwarto… Napaupo ako sa malamig na sahig.

Hindi ako iiyak.

Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko. Nabigla lang siguro si Robert kanina… kaya niya nasabi ’yon. Siguro bukas, okay na kami.

Lumapit ako sa king size bed namin. Oo, tama kayo — magkasama kami ni Robert dito simula pa noong naging kami. Marami kaming gabing magkasama, kwentuhan, tawanan… yakap at halik bago matulog.

Napatingin ako sa picture frame na nakapatong sa gilid ng kama. Kinuha ko iyon.

Tinitigan ko ang litrato naming dalawa. Nakasmile si Robert, nakayakap sa akin mula sa likod. Ang saya ko noon… ang saya naming dalawa.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto.

Akala ko…

Akala ko kakausapin na niya ako. Aayusin na namin.

Pero nakita ko siyang diretsong pumunta sa malaking kabinet. Kinuha ang malaking bag na matagal nang nakatago sa gilid.

“ Saan ka pupunta? “ Mahina pero puno ng takot kong tanong.

“ Babalik na ako sa kwarto ko. “ Blanko ang mukha niya. Walang emosyon. Parang hindi ako kaharap.

“ Bakit? Ano bang nangyayari sa atin? “ Halos pabulong kong tanong. Ramdam ko na nanginginig ang boses ko… pilit kong nilulunok ang luha ko.

“ Wala nang tayo. “ Sabi niya, habang patuloy na nilalagay ang mga gamit niya sa bag.

“ Babalik na ako sa kwarto ko. Naghihintay na doon si Malayra. “

Parang binasag ng isang salita ang buong mundo ko.

Si Malayra.

“ Dahil sa kanya! Kaya tayo nagkakaganito! “ Napahiyaw ako, hindi ko na napigilan.

“ Wag mo siyang sisiin. Sisiin mo sarili mo… dahil bakla ka! “ Matalim. Diretsong tinaga ang puso ko. “ Lalake ako — at napagtanto ko, babae pa rin pala ang hanap ko! “

Wala na akong nasabi. Tiningnan ko lang siyang lumabas, buhat ang bag niya.

Pagkasara ng pintuan, doon na tuluyang bumigay ang lahat. Isa… dalawa… tuloy-tuloy nang bumagsak ang luha ko.

“ Bakit tayo nagkaganito… mahal ko? “ Mahina. Pabulong. Para bang inaabot ko pa rin siya… kahit alam kong wala na siya.

At sa gitna ng kwarto, mag-isa akong lumuhod sa sahig. Tinitigan ang litrato namin. At doon ko lang naramdaman ang sakit ng isang pusong iniwan… dahil lang sa kung sino ako.

Movie Clip 9

George POV

“ Aba, tarantado pala yang Robert na yan ah! “ Sabi ni Britney , at ngayon ko lang narinig si Britney magmura… Nakakapanibago. Nakakatuwa rin — kahit paano, alam kong nasa likod ko sila.

Nagtataka siguro kayo kung nasaan ako ngayon?

Nandito kami sa ground sa harap ng university. Gabi na. Tahimik ang paligid maliban sa kaluskos ng hangin at usapan naming barkada.

Naisipan kong ilabas ang lahat. Para hindi naman ako mabaliw kakaiyak sa kwarto, ’di ba? Mas mabuti nang mailabas kaysa mabulok sa loob.

“ So anong plano mo? “ Tanong ni Stephen sa akin.

Napatingin ako sa kanya. Inobserbahan ko yung mata niya. Totoo bang nag-aalala siya? At oo… Nakita ko doon yung pag-alala — at kahit paano, parang gumaan ang pakiramdam ko.

“ Wala. Ano pa nga bang magagawa ko? “ May pait sa boses ko. “ Nagbalik na yung first love niya… anong laban ko dun? “

Tumango lang si Stephen. Wala ring masabi.

“ Pag makita ko lang yang Robert na yan bukas, patatamaan ko siya ng kidlat! “ Sabi ni Marivic , na ikina-ngiti ko kahit paano.

“ Wag… wag nating idaan sa dahas ang lahat. “ Sabi ko. “ Pagkakamali ko na yun noong una — yung kay Malayra… Inuna ko galit kaysa umunawa. Wag nyo na akong gayahin. “

“ Okey, sabi mo eh… kahit na nagmukha ka nang tanga d’yan. “ Sabi ni Diana na may halong biro. Napatawa na lang ako.

Tumayo ako. Napatingin silang lahat.

“ Tayo na… baka magkakasipon tayo dito. “ Sabi ko, pilit na ngumiti.

“ Ang mahuhuli, siya ang bibili ng pagkain para sa barkada bukas! “ Sigaw ni Kevin — at parang mga batang nagsitakbuhan silang lahat.

Ako na lang ang natira. Huminga ako ng malalim… handa na sanang tumakbo nang —

Bigla kong napansin ang isang babae na palihim na lumalabas ng university gate. Parang nagtatago… may dalang maliit na bag.

Pinagmasdan ko pa ng mabuti sa ilalim ng ilaw ng poste. Doon ko lang nakita ang mukha niya nang lumingon siya sandali.

Malayra.

“ Saan ka pupunta… Malayra? “ Mahina kong sabi. Pero sa loob-loob ko — bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit parang may itinatago siya? At bakit ngayong gabi pa?

Movie Clip 10

Malayra POV

Tahimik akong tumingin sa paligid. Siguradong walang nakakakita… Nagsimula na akong lumabas ng university — malayo, malayo sa bayan ng Kingdom Scola .

Mula sa bulsa ko, kinuha ko ang itim na bato . Pinikit ko ang mga mata at mahinang binigkas ang mga salitang alam ko nang kabisado:

“ Portalyos… dalhin mo ako sa Bundok ng Kamatayan. “

Pagkabagsak ng bato sa lupa, inapakan ko ito. Kumalat ang makapal na usok… At nilamon ang buong katawan ko.

Pagdilat ng mata ko — naroon na ako. Sa harapan ng katedral na palasyo na nakatago dito sa Bundok ng Kamatayan .

Walang sino mang nakakaalam na may kaharian dito… Dahil sa malakas na mahika ng Prinsesa na nakaupo sa kanyang trono. Kahit sa mapa ng Land of Crown , wala itong bakas.

Pumasok ako, diretso sa bulwagan. Lumuhod ako, marahang yumuko.

“ Maligayang pagbabalik, mahal kong tagasunod. Ano na ang nangyayari sa La Fins Scolastica? “ Tanong ng Prinsesa — malamig ang tinig pero matamis ang ngiti.

“ Napag-alaman ko po… bumalik na si Havanna sa Kingdom Heelia para gampanan ang pagiging Guardian niya. “ Sagot ko, diretso ang tingin sa marmol na sahig.

“ At ang mga demistar wizards? Sina Robert… at George? “ Tanong niya ulit.

Ngumiti ako.

“ Hiniwalayan na po ni Robert si George. At nagsisimula nang magkakainitan ang barkada nila… “ Napatingin ako sa Prinsesa. “ Tama po kayo… nahulog nga si Robert sa akin. Paano po nangyari iyon? “

Tumawa ang Prinsesa — malamig, parang tumagos sa balat.

“ Hindi talaga siya nagkagusto sayo… “ Sabi niya. “ Nahulog lang siya sa mahika ko na nilagay ko sa iyong mga mata. Sa oras na magkita kayo, mahuhulog siya agad sayo. “

Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko.

Akala ko mahal na niya ako…

Pero mahika lang pala. Sandali akong natahimik. Umaasa pa naman ako.

“ Kung gayon… “ Nagpatuloy ang Prinsesa — wala siyang pakialam sa iniisip ko. “ Bukas… ilayo mo si Robert mula sa Kingdom Scola. Dahil may inihanda akong surpresa para sa mga demistar wizards… at para na rin sa Hari at Reyna ng Kingdom Scola. “

Tumawa siya — mahaba, malamig. Na para bang pinaplano na niya ang mismong pagguho ng lahat.

Tumayo ako, tumalikod. Lumabas ng palasyo — mahigpit ang hawak sa itim na bato.

“ Maghanda kayo… bukas. “ Mahinang sabi ko sa hangin. “ Sa surpresa ng Mahal na Prinsesa. “

Movie Clip 11

Malayra POV

“ Babe? “ Mahinang tawag ko kay Robert — agaw pansin.

Tumalikod siya, ngumiti sa akin.

Diyos ko… ang gwapo niya talaga kapag nakangiti.

“ Ano yun, babe? “ Tanong niya, sabay yakap sa balikat ko. Ramdam ko ang init ng kanyang mga palad, at napangiti ako kahit pilit.

“ Wag muna tayong pumasok ngayon… “ Kinagat ko ang labi ko. “ Gusto ko lang mamasyal sa Kingdom Heelia ngayong araw… pwede ba? “

“ Pwede naman, babe. “ Walang alinlangan niyang sagot. “ Basta lahat ng sasabihin mo… susundin ko. “

Napangiti ako — pero sa likod ng ngiting iyon, may kaba. Hindi ko rin kasi alam kung anong oras ang “surpresa” ng Mahal na Prinsesa .

Kaya nagmamadali kaming nag-empake para makaalis na agad.

George POV

Naglalakad ako papunta sa classroom, nakatingin lang sa sahig… Pero napatingin ako nang makita ko sina Robert at Malayra na palabas ng university.

Napakunot ang noo ko.

Hindi ba papasok ngayon si Robert?

Tanong ko sa isip ko.

Pag-upo ko sa classroom, hindi ko maiwasang mapaisip. Bakit kaya? Bakit sila lalabas sa ganitong oras?

Ah, oo nga pala… bago umalis si Prof. Havanna — o mas tamang sabihin, Guardian Havanna — naisipan niyang ipasok kami, mga demistar wizards , sa normal na klase. Kasama ng ibang wizards na ka-year level namin. Para raw masanay kaming makihalubilo.

Ako? Sanay na sanay na ako. Dati rin naman akong kasama sa kanila bago pa ako naging demistar. At kahit ang barkada, natututo na ring makihalo kahit sa mga wizards na mas mababa ang rank.

Pero kahit anong dami ng tao… Kahit gaano kaingay ng paligid… Hindi ko maiwasang mapansin na wala si Robert .

At sa puso ko, parang may kung anong mabigat na bumabalot.

Movie Clip 12

George POV

Nasa canteen kami ngayon. Katapos lang ng second subject, kaya naisipan naming kumain muna. At oo — libre ko ngayon kasi ako yung nahuli kagabi sa paunahan. Napakamahal pa naman ng pagkain dito, kaya medyo bumigat ang bulsa ko. Pero okay lang, barkada eh.

“ Asan kaya ngayon yung dalawang iyon? “ Tanong ni Marivic, halatang naiirita. Alam kong ang tinutukoy niya ay sina Robert at Malayra .

Nabuntong-hininga lang ako. Magsasalita na sana ako ng biglang…

“ Nagkakagulo sa bayan ng Scola!!! “ Sigaw ng isang wizard na padating at halos mawalan ng hininga.

Napatayo kaming lahat — parang biglang nawala ang gutom.

“ Pumunta kayo sa mga prof at sabihin ang mga kaganapan sa bayan! “ “ Ang iba, protektahan ang university! “ “ Maliwanag!? “ Sigaw ko, hindi ko na namalayang ako na pala ang nag-utos.

“ OO! “ Sigaw nilang lahat, at tumingin ako sa barkada.

Nagkatinginan lang kami — isang sulyap lang, sapat na para magkaintindihan.

At sabay-sabay kaming nagsilaho .

🌪️ Sa Bayan ng Scola…

Pagdating namin sa gitna ng bayan, halos hindi ako makahinga sa nakikita ko.

Nagkakagulo ang mga tao — nagsisigawan, nagtatakbuhan — At ang mas malala… marami na ang naging bato .

“ Anong nangyayari!? “ Takang tanong ni Marivic, nanginginig ang boses.

Biglang sumagot si Diana, pero mahina lang, parang takot na takot:

“ Si… Medusa… “

Napalingon kaming lahat sa direksyon ng malakas na tawa .

At doon… kitang-kita ko ang isang babae — Ang buhok niya… puro ahas , at gumagalaw pa na parang may sariling buhay.

Sa paligid niya, sunod-sunod ang pagdating ng mga taong ahas — mga alagad niya.

“ Hanggat maaari… wag kayong titingin sa mata niya! “ Babala ni Britney, seryosong-seryoso.

“ Bakit? “ Tanong ni Kevin, halatang kinakabahan.

“ Kundi… magiging bato kayo. “ Dugtong ko, halos pabulong, pero mabigat ang boses ko.

“ Bilisan natin! “ Sigaw ko, pinipilit itago ang kaba.

“ Unahin natin ang mga taong ahas! “ Sabi ko pa, at biglang nagliyab ang kamay ko ng mahika.

At sabay-sabay kaming umatake — Ako, sina Marivic, Diana, Britney, Kevin, at Stephen.

Walang atrasan. Para sa bayan. At para sa isa’t isa.

Abangan…

– Sa susunod, sino kaya ang makakaharap mismo kay Medusa?

Movie Clip 13

⚡ Marivic POV

“ Thunder of Zeus! “

Sigaw ko, at biglang dumilim ang kalangitan .

Sunod-sunod ang malalakas na kidlat na bumagsak mula sa langit — bawat tama nito, nagliliyab ang balat ng mga taong ahas, napapasigaw, at gumugulong sa lupa bago tuluyang bumagsak, wala nang malay.

Ramdam ko ang pag-alon ng kapangyarihan sa ugat ko. Pero alam kong hindi pa ito sapat .

🔥 Diana POV

Nakita ko ang epekto ng atake ni Marivic, kaya hindi na ako nagdalawang-isip .

“ Fire Roar!!! “

Sa isang iglap, bumuga ako ng malaking apoy mula sa aking bibig — parang naglalagablab na dragon. Maraming sanake ang natamaan; nagsisigaw sila habang nilalamon ng apoy.

Tumalon ako sa ere, nagpaikot, at sa pagbaba ko, inapakan ko ang ulo ng isang sanake sabay pinaliyab pa lalo ang apoy mula sa aking mga paa.

Isa pa!

Hindi ko sila titigilan.

🛡️ Ruhama POV

“ Shield of Kingdom Defencia! “

Sabi ko, at agad na bumalot ang liwanag na parang kristal sa paligid ng mga mamamayan ng Kingdom Scola.

Nakikita ko ang takot sa kanilang mga mukha, pero kahit papaano, nakahinga sila ng maluwag nang makita ang mga kalasag na gawa ng mahika ko.

“Huwag kayong matakot! Nandito kami!”

🌊 Stephen POV

Nilabas ko ang aking Water Sword — kumikislap ito sa liwanag ng araw.

Nagpalit-palit ako ng pwesto, nagpapalaho-laho para makarating sa likuran ng mga sanake.

Isa… dalawa… tatlo…

Sa bawat iglap, pinupugutan ko sila ng ulo.

Dinig na dinig ko ang sigaw ni Kevin:

“ Pugutan ninyo ng ulo ang mga sanake para hindi sila makabalik sa kanilang anyo! “

At tama siya — bawat mapugutan ng ulo, tuluyang nagiging abo ang katawan ng sanake.

🪨 Kevin POV

Tinaas ko ang aking dalawang kamay.

Sa isang iglap, gumalaw ang lupa sa harapan ko at nabuo bilang malalaking kamay na gawa sa bato.

Pinisil nila ang mga sanake na parang langgam… at sabay ko silang pinugutan gamit ang talim ng bato na lumabas sa gilid.

“ Hindi na kayo babalik pa… “ Mahina kong sabi habang tuluy-tuloy ang atake.

💥 George POV (panandalian)

Pinagmamasdan ko ang barkada ko.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa gitna ng kaguluhan.

“ Ito ang tunay na Demistar Wizards… “ “ At hindi kami matitinag… “

Pero hindi pa tapos ang laban — nararamdaman ko.

Malapit nang lumabas ang Medusa.

At doon, magsisimula ang tunay na banggaan.

Movie Clip 14

⚔️ George POV

Kanina pa ako nakikipaglaban sa mga sanake, at sa gilid ng paningin ko, nakita ko si Medusa — abala sa pag-ikot at ginagawang bato ang mga mamamayan ng Kingdom Scola .

Hindi ko na inisip — naglaho ako at sa isang iglap, nasa harapan na niya ako.

Napanganga siya sa gulat.

“ Wag kang titingin sa mata nya! “ Sigaw ni Britney mula sa malayo, habang pinapagaling niya ang mga sugatang mamamayan.

Narinig ko siya — pero huli na, napatingin na ako kay Medusa.

Bigla siyang ngumisi, ang mga ahas sa ulo niya nag-alon sa galit.

“ Wahahahahaha… “ Pero ang ngisi niya ay naputol at napalitan ng takot.

“ Ba-bakit… bakit hindi ka natatablan!? “ Nauutal niyang sabi, halatang hindi makapaniwala.

Napangisi ako. Ramdam ko ang kapangyarihan na dumadaloy sa dugo ko.

“ Ikaw si Medusa. “ “ Ako si Prince George… apo ni God Oddin. “ “ At kasama sa sumpang ibinigay sayo noon: kahit sinong kadugo ni God Oddin, hindi tatablan ng kapangyarihan mo. “ Sabi ko sa kanya, diretso ang tingin.

“ Hindi maaari! Hindi!! “ Sigaw niya, at bigla siyang bumuga ng layaw — apoy na may halong lason, kaya nitong sunugin ang balat ng kahit sinong kalaban.

Pero agad kong itinaas ang espada ko . Kumikinang ito ng bughaw na liwanag habang sinasalag ang kanyang atake.

“ Sabihin mo kung paano ibabalik ang mga tao sa dati nilang anyo. “ Mahinahon pero madiin kong pakiusap.

“ Ano ka!?! Kahit mamatay ako, hindi ko sasabihin sayo! “ Sigaw niya, nanginginig ang boses.

“ Yan ang sabi mo? Pasensyahan na lang tayo. “ Maanghang kong sagot, sabay napangisi .

Naglaho ako muli , at sa isang iglap, nasa tabi na niya ako.

Pak!

Isang malakas na tadyak sa leeg ang binigay ko — halos mabilaukan siya.

Sabay kumampas ang espada ko — isang malalim na hiwa ang naiwan sa kanyang dibdib. Nakita kong sumuka siya ng malapot na berdeng dugo .

Hindi pa ako tapos.

Muli akong naglaho at lumitaw sa likuran niya, naka-upo sa ere.

Pak!

Hinawakan ko ang kanyang paa, binuhat at binalibag siya sa gilid — bumagsak siya sa bato, gumuhit ang bitak sa lupa.

Paglapag ko sa harap niya, tumalon ako at inapakan ang kanyang leeg. Ramdam kong nahirapan siyang huminga , habang ang mga ahas sa ulo niya ay nagkikisay sa galit at takot.

“ Sabi ko sayo… huwag mo kaming babanggaing mga kadugo ni Oddin. “ Mahina pero matalim kong sabi.

At sa tingin ko… alam niyang tapos na siya.

Movie Clip 15

⚔️ George POV

“ Ma.. Ma… Awa ka sa akin! “ Habol-hiningang pakiusap ni Medusa habang hinahawakan ko ang kanyang buhok na ahas.

“ Maaawa ako sayo… pag sinabi mo kung paano ibabalik ang mga tao sa dati nilang anyo. “ Malalim, malamig kong sagot.

“ Ayoko! Mas magandang mamatay na lang ako!! “ Sigaw niya, nanginginig ang boses.

“ Ah ganun… “ Mahina pero matalim kong sabi.

Hinila ko ng pwersahan ang buhok nyang ahas — sabay napasigaw siya sa sakit.

“ A-ano’ng… g-gagawin mo!? “ Utak niya punô ng takot.

Pero hindi ako sumagot.

Hinugot ko pa ulit — kasunod ang isa pa — hanggang sa marinig ko ang kanyang hiyaw na bumabali sa katahimikan ng paligid.

“ Oo na! Basta itigil mo na yan! “ Sa wakas, napipilitan niyang sabi.

“ Paano namin maibabalik ang mga tao sa dati? “ Mahina kong tanong, pero ramdam sa boses ko ang banta.

“ Sa pamamagitan ng dugo ko… pahidan niyo lang ang mga naging bato, kahit konti lang, at babalik sila sa dati! Pakawalan mo na ako!! “ Halos umiiyak na siya.

“ Gamit pala ang dugo mo… “ Mahinang bulong ko.

“ Time sword. “ Sa isang iglap, sumiklab ang bughaw na liwanag sa aking palad — ang espada ko.

“ Anong gagaw— “ Naputol ang salita niya.

Isang mabilis na hagupit.

Napugot ang kanyang ulo. Tinusok ko ang kanyang mga mata — para tapusin ang sumpa.

Kinalong ko ang duguan niyang ulo, at inipon ang dugo sa isang sisidlan. Para sa mga mamamayang naging bato.

🌙 Pagbalik sa bayan…

Nagbalik na sa dati ang mga tao. Akala ko’y tapos na ang gulo.

“ Anong nangyayari dito!? “ Sigaw ni Robert, may halong galit at pagtataka. Kasama niya si Malayra sa tabi.

Biglang humakbang si Stephen — galit na galit — at kinwelyuhan si Robert .

“ Nagtimpi ako nung binabastos mo si George… “ “ Inintindi ko nung nakipaghiwalay ka sa kanya… “ “ Pero tangina!!! Hindi ko matatanggap na pagbibintangan mo pa kami sa nangyari dito — kahit na kami pa ang sumagip sa mga mamamayan na dapat ikaw bilang prinsipe ang gumagawa!!! “

Pinagalaw ni Stephen ang tubig mula sa tabi — BOOM!

Tinamaan si Robert — napalipad at bumagsak sa lupa.

“ Tama na yan, Stephen. “ Sabi ko, mahina pero mabigat. “ Wala nang saysay makipagtalo sa taong hindi alam ang buong istorya. “

Nagsimula na kaming maglakad palayo.

“ Anong ibig mong sabihin huh!? “ Sigaw ni Robert, galit at litong-lito.

Susugurin ulit siya ni Stephen, pero hinawakan ko ang braso ni Stephen .

🩶 Pero napuno na rin ako.

“ Nakakaawa ang mga mamamayan ng Kingdom Scola, “ Malamig kong sabi habang tumitig kay Robert.

“ …dahil nagkaroon sila ng prinsipe na babae lang ang inaatupag, at kinalimutan ang kanyang tungkulin na dapat sana’y inuuna para sa bayan. “

Itinaas ko ang kamay ko.

Naramdaman ko ang pag-ikot ng hangin at bigat ng kapangyarihan ko.

“ At sana… wag kang magsalita kung hindi mo alam ang buong storya. “ Sigaw ko — sabay sinakal ko siya sa ere gamit ang gravitational force .

Nakita ko sa mga mata ni Robert — parang may gusto siyang sabihin… parang may kirot, parang pagmamakaawa. Parang may lihim na hindi masabi.

Pero binalewala ko iyon.

Binagsak ko siya ng malakas sa lupa.

“ Maliwanag ba? “ Matalim kong tanong.

Nakita ko pa rin ang anyo niya: pumayat , maputla , at parang pagod na pagod.

“ Ano ba ang pinapahiwatig ng mata mo, Robert? “ Tahimik kong tanong sa isip ko.

“ Bakit parang may itinatago ka…? “

Movie Clip 16

⚡ Marivic POV

“ Thunder of Zeus!!! “

Sumigaw ako habang itinaas ang dalawang kamay sa langit. Dumilim ang paligid at mga kidlat na parang galit ng langit ang bumagsak sa mga shadow monsters.

Pero… ano ’to?

“ Huh? Tumatagos lang!? “ Napaatras ako, kinilabutan.

🌊 Stephen POV

“ Water nebula! “ Sigaw ko, sabay ikot ng aking espada sa ere.

Kinuha ko ang ulan mula sa ulap ni Marivic, at ginawa kong malaking alon na umiikot — parang buhawi ng tubig — na bumalot sa mga halimaw.

Sa una, natuwa kami.

“ Nice one Stephen! “ Sabi ni Kevin.

Pero…

Biglang tumagos ang mga anino sa tubig ko — parang usok na walang bigat .

“ Tangina… hindi sila tinatablan! “ Sigaw ko, at sabay-sabay silang sumugod pabalik sa amin.

🔥 Diana POV

“ Fire Roar! “

Nagsalita ako habang bumuga ng apoy mula sa dibdib ko — malaking pulang liyab na parang dragon.

Ngunit paglapit ng apoy sa kanila, umusok lang ang paligid at dumiretso pa rin sila sa amin.

“ Anong klase kayang halimaw ang mga ito!? “ Tanong ko, napaatras, kabado.

🛡️ Ruhama POV

“ Shield of Kingdom Defencia! “

Inangat ko ang kamay ko, at isang makapal na liwanag na parang bubong ang lumitaw para protektahan kami.

Pero nung tumama ang shadow monsters — nag-bend lang sila, sumuot sa ilalim ng shield ko na parang wala lang.

“ Hindi sila halimaw… sila’y purong anino… “ Bulong ko, nanginginig.

🪨 Kevin POV

“ Earth Smash! “

Pinagalaw ko ang lupa, at naglabasan ang malalaking bato mula sa ilalim — parang higanteng kamao — at pinisil ang mga anino.

Ngunit nakita ko na tumagos lang sila sa bato — at parang nakangisi ang mga anyo nila.

“ Tangina… wala man lang epekto… “ Ramdam kong pinagpawisan ako sa kaba.

⚔️ George POV

Tinitigan ko sila, nanlamig ang batok ko sa takot… pero pilit kong pinatatag ang sarili ko.

“ Wala tayong oras! Stephen, protect the front line! Kevin, kontrolin mo ang lupa para hindi sila makapasok sa building! Marivic at Diana, sunod-sunod ang atake! Ruhama, protektahan ang mga estudyante! “ Mabilis kong utos.

Tumango sila — kahit ramdam ko ang takot sa mga mata nila.

Naglakad ako paabante — at tinapik ang espada ko.

“ Time Sword… Gravitational Field! “

Bumigat ang paligid — parang may higanteng kamay na umiipit sa mga shadow monsters.

Ngunit nagulat ako…

“ Hindi rin sila tinatablan!? “ Sigaw ng utak ko, habang tumagos sila sa puwersa ko.

“ Tangina… ano kayo talaga… “ Mahina kong bulong.

At biglang nagliwanag ang ball of telepathy sa tabi ko.

“ George, humanda ka! Hindi lang yan basta shadow monsters… may kasama silang— “

Naputol ang mensahe ng biglang may lumitaw na malaking anino sa likuran ko — mas malaki, mas matulis ang mga mata.

🌙 Narrator POV

Ang mga demistar wizards — kahit alam nilang sila ang pinakamalakas sa buong unibersidad — unang beses nilang naramdaman ang takot na parang malamig na kamay na humawak sa puso nila.

At sa gitna ng dilim, isang anino ang bumubulong:

“ Simula pa lang ito… ng pagbagsak ninyo… “

Movie Clip 17

🌙 George POV

Kanina pa kami nakikipaglaban. Hingal na hingal na kami, pawis na pawis, halos mangalay na ang mga braso namin sa kabibigat ng mga espada.

Pero kahit ilang beses naming hiwain, sunugin, pasabugin o pitpitin ang mga shadow monsters…

Bumabalik lang sila. Parang usok na hindi kayang sakalin ng kahit anong kamay.

“ Ano na ang gagawin natin!? “ Narinig kong tanong ni Britney, nanginginig ang boses niya pero pilit pa ring matapang.

“ Walang epekto sa kanila ang mga atake natin! “ Sabi naman ni Kevin, na parang gusto nang bumigay.

“ Wag tayong mawalan ng pag-asa! “ Sigaw ko — kahit ako mismo, ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko.

Huminga ako ng malalim.

“ Kailangan ko nang gamitin… “

“ Slow mo! “ Sigaw ko, at sabay umikot ang Sword of Time sa kamay ko.

🕰️

Biglang bumagal ang paligid — parang huminto ang mundo. Mga dahon na nahuhulog, na-stuck sa ere; mga anino na parang estatwa.

Pero ang barkada ko, nakakagalaw pa rin. Kita ko sa mata nila ang gulat, pero agad ding napalitan ng determinasyon.

“ Oh!!!! Anong nangyayari!? “ Sabi ni Stephen, hawak ang kanyang Water Sword.

“ Nakaslowmo ang paligid! Oras na para atakihin ang mga shadow monsters hanggat kaya ko pang patigilan ang oras! “ Sabi ko, halos sumabog ang dibdib ko sa kaba at pagod.

⚔️

Sabay-sabay naming nilabas ang mga espada:

Sword of Time (ako)

Water Sword (Stephen)

Earth Sword (Kevin)

Climate Sword (Marivic)

Fire Sword (Diana)

Tumalon kami, umatake — lahat ng direksyon, walang tigil.

Sa bawat hiwa, bawat kidlat, bawat apoy na lumalamon sa kanila,

Akala ko… matatapos na.

Pero nang bumalik sa normal ang takbo ng oras…

Napaupo ako sa lupa, hingal na hingal.

Pagtingin ko… Nabuo ulit sila.

Parang walang nangyari. Parang ginuhit lang namin ng basang pintura ang anino sa pader — at natuyo lang agad.

👂

Bigla, may malamig na hangin na dumaan sa batok ko. At may narinig akong mahina, malalim na boses na bulong sa tenga ko:

“ Gamitin mo… ang dissolving magic of lightness… “

“ Ano…? “ Bulong ko, nagtataka.

Tumayo ako, hawak pa rin ang Sword of Time — nanginginig ang kamay ko sa pagod at takot.

“ Ano ang… Dissolving Magic of Lightness…? “

Pero naramdaman ko:

Sa dibdib ko… parang may liwanag na gustong kumawala.

Parang apoy — pero hindi mainit, kundi magaan, maliwanag, puro.

“ George… anong ginagawa mo…? “ Narinig kong tanong ni Diana, bakas sa mukha niya ang takot.

Huminga ako nang malalim. Tumingin sa mga kasamahan ko. At nilagay ang dalawang kamay ko sa dibdib ko.

“ Kung hindi sila matatalo ng dilim… baka sa liwanag… “

“ Dissolving… Magic… of Lightness! “

🌟

Biglang sumabog ang liwanag mula sa dibdib ko — parang maliit na araw. Pumikit ako dahil sa sobrang tindi ng sinag.

Naramdaman kong umaagos ito sa espada ko — at sa mismong kaluluwa ko.

Sana… sana ito na ang sagot…

Para matapos na ito…

Para protektahan ko kayong lahat…

Movie Clip 18

🌟 George Pov

Ramdam ko ang bigat ng katawan ko. Para akong nilalamon ng liwanag na hindi ko maintindihan.

Dissolving magic of lightness… paano ko ito napapatawag? Sino ang bumubulong sa akin?

Pero wala na akong oras mag-isip. Nakita ko ang takot at pag-asa sa mata ng mga kasama ko… At ang pagod na pagod na si Britney, na todo bigay ng enerhiya.

“ Dissolving magic of lightness!!! “ Sigaw ko mula sa ere, at ramdam ko na parang bumagsak ang mundo sa isang tibok ng puso.

Biglang kumalat ang liwanag mula sa katawan ko.

Puting liwanag — hindi lang basta maliwanag, kundi parang may buhay, parang may kaluluwa.

At ang boses ko… Parang sabay-sabay na boses ng libo-libong nilalang — malalim, matigas, parang umuugong sa buong bulwagan.

✨ Narrator Pov

Napatigil sa laban ang lahat ng wizard at mga propesor.

“ Anong klaseng mahika ito…? “

Ang mga shadow monsters — na kanina pa nila walang magawa kundi atakihin — biglang nanginig .

At nang tamaan sila ng liwanag ni George…

Naglaho sila. Hindi lang basta nawasak… kundi parang natunaw, nawala ang kanilang anino mismo.

Si Britney, nanlalambot na, pero pilit na nakatayo.

“ Kaya mo pa George… tapusin mo… “ Mahina niyang bulong, nanginginig na ang mga tuhod.

🌙 George Pov

Ramdam ko ang paglabas ng enerhiya mula sa akin. Parang sinasakal ang dibdib ko — pero hindi sakit, kundi bigat ng kapangyarihan.

Wala akong balak umatras. Hindi ko hahayaang may masaktan pa.

Dahan-dahan akong bumaba mula sa ere — hawak pa rin ang Sword of Time na nagliliwanag na rin.

Nakita ko ang mga kasamahan ko.

Si Marivic, Diana, Stephen, Kevin… at si Britney na nanginginig pero nakangiti sa akin.

Pagbaba ko, para akong nabunutan ng tinik.

Tapos na…

Pero sa likod ng utak ko, may naririnig pa rin akong bulong… Mas mahina na, pero paulit-ulit:

“ Hindi pa ito ang huli… George… “

Huminga ako ng malalim. Nilapitan ko si Britney, hinawakan ang balikat niya.

“ Salamat… “ Mahina kong sabi, bakas sa mukha ko ang pagod — pero may ngiti.

Hindi ko alam kung anong klaseng mahika ito…

Pero kung ito ang kailangan para protektahan ko kayo…

Handa akong gamitin ito… kahit kapalit pa ang lahat.

Movie Clip 19

⚔️ George Pov

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Malayra nang lumabas ako mula sa pinagtataguan ko.

“Huli ka ngayon…”

Mahina pero madiin kong sabi, habang naglalakad palapit.

Biglang namutla ang mukha niya — pero mabilis niyang tinakpan ng ngiti.

“Ah… Prince George, anong ginagawa mo dito?” Pilit niyang tanong, pero ramdam ko ang kaba sa boses niya.

“Tama na ang pagbabalat-kayo mo, narinig ko lahat, Malayra,” Madiin kong sabi habang lumalapit pa. “Ikaw pala ang traydor. Ikaw pala ang may koneksyon sa prinsesa ng kadiliman…”

Nakita ko kung paano niya pinisil ang ball of telepathy, pero bago niya ito maitaboy —

“Freeze in time!”

Mahinang bigkas ko.

At natigil sa ere ang ball of telepathy — pati ang kamay niya, nanatiling nakalahad.

🩶 Narrator Pov

Biglang tumigil ang oras sa paligid nila. Si George lang ang nakagalaw.

Sa mga mata ni George, parang bumagal ang lahat — at kita niya ang liwanag na nagmumula sa ball of telepathy.

🌙 George Pov

Lumapit ako kay Malayra. “Hindi mo na maitatanggi. Narinig ko lahat.”

Huminga ako ng malalim, ramdam ko ang bigat ng puso ko.

“Bakit mo ginagawa ito? Para saan? Dahil kay Robert?”

Nakita ko ang unti-unting pagtulo ng luha niya — kahit nakapigil ang oras, ramdam ko ang bigat ng iniiyak niya.

Bakit ka umiiyak, Malayra? Hindi ba’t ikaw ang may kasalanan?

Binawi ko ang freeze sa kanya — pero mahigpit kong hinawakan ang braso niya.

“Sumagot ka, Malayra! Ano ang plano mo sa amin? Bakit ka nakikipagsabwatan sa prinsesa ng kadiliman?” Sigaw ko, at nanginginig ang boses ko dahil sa galit… at pagkalito.

🩶 Malayra Pov

“Tama ka…” Mahina kong sabi, pero malakas ang kaba ng dibdib ko.

“Pero George… hindi mo alam ang lahat…” Napasigaw ako, habang pilit kong binabawi ang braso ko mula sa mahigpit niyang hawak.

“Anong hindi ko alam?!” Sigaw ni George, at lalo niyang hinigpitan ang hawak niya.

“Na gusto mo kaming ipapatay? Na traydor ka?!”

Huminga ako ng malalim. Tumulo ang luha ko.

“Hindi ko ito ginagawa para lang sa akin… may kapalit ang lahat, George… may tinatago ang prinsesa sa akin… may hawak siya laban sa akin…”

⚡ George Pov

Natigilan ako.

“Anong hawak? Ano ang tinatago niya?!”

Pero bago pa siya makasagot, biglang nanginginig ang ball of telepathy , at lumabas mula dito ang hugis anino — Itim na usok na hugis babae, na may korona.

“Malayra… masyado kang madaldal!” Matinis pero malamig na boses.

BLAG!

Tinamaan ako ng malakas na puwersa mula sa anino, at tumalsik ako palayo.

Pagdilat ng mata ko, nakita kong lumuhod si Malayra sa harap ng anino.

“Patawad, mahal na prinsesa… patawad…”

🩶 Narrator Pov

Napatayo si George, duguan ang labi, pero mahigpit pa rin ang hawak sa espada.

“Hindi ko hahayaang masaktan ang mga kaibigan ko… at ang buong Kingdom Scola… kahit ikaw pa, Malayra!”

“Anong plano niyo!? Ano ang totoo!?”

Sigaw ni George, kahit ramdam niyang nanlalambot na ang tuhod niya.

Ngumisi ang anino. “Malalaman mo rin, Prince George… pero baka huli na ang lahat…”

MOVIE ENDING (Season 2)

🌙 Narrator Pov

Tahimik ang buong covered court.

Nakahandusay ang mga sirang upuan, natumba ang ilang estudyante at professors, at mabigat ang hangin na parang may naiwan pang bakas ng itim na mahika ni Malayra.

Walang makapagsalita. Lahat ay tila humihinga nang mabigat sa pagkabigla at takot.

🩶 George Pov

Nanlambot ang tuhod ko. Nakita ko pa ang dugo na kumalat mula sa katawan ng impostorang Malayra. Ang babaeng muntik ko nang patayin kanina… na, sa bandang huli, nilikha lang pala para dayain kami lahat.

Huminga ako ng malalim, pero pakiramdam ko ay may bumara sa dibdib ko.

“Gayuma lang pala, Robert…”

Ramdam ko ang hapdi sa puso ko. At mas lalong sumakit nung makita ko ang bakas ng luha sa kanyang mata bago sila nawala.

“ Mahal ko… hintayin mo ako… “ Mahinang bulong ko, pero para na rin akong sumisigaw sa loob.

Napaluha ako, at ang mga kamay ko ay nanginginig sa galit at takot.

⚡ Narrator Pov

Unti-unting lumapit ang barkada kay George. Si Marivic, Diana, Britney, Stephen, Ruhama at Kevin — lahat tahimik. Kita sa mukha nila ang pagkabigla at pangamba, pero mas nangingibabaw ang pag-aalala sa kaibigan nila.

“George…” Mahinang sabi ni Britney, pero hindi niya maituloy.

Si Marivic naman, tinapik ang balikat ni George, pero bakas sa mata niya ang galit.

“Lintik na Malayra na yan… pati si Robert dinamay pa…”

🩶 George Pov

Tumingala ako, pilit pinipigil ang luha ko.

“Hindi ako pwedeng sumuko ngayon… Hindi ko hahayaang mapahamak si Robert… Kahit galit ako sa kanya… kahit nasaktan niya ako…”

Tumayo ako, kahit nanghihina pa ang tuhod ko.

“ Makinig kayong lahat! “ Sigaw ko, at nakita kong napatingin sa akin ang buong barkada — pati ang ibang professors at mga estudyante.

“ Hindi pa tapos ang laban. “ Madiin kong sabi, at naramdaman ko ang panginginig ng boses ko.

“ Si Robert… kasama niya si Malayra. Hindi natin alam kung ano ang plano nila… pero isa lang ang tiyak ko: hindi ko hahayaang saktan nila ang pinakamamahal kong tao. “

⚔️ Narrator Pov

Nakita ng lahat kung paano bumalik ang apoy sa mga mata ni George — kahit bakas pa rin ang sakit at takot sa puso niya.

🩶 George Pov

“ Buhay pa siya. At hahanapin ko siya. “

Hinawakan ko ang pendant na iniwan sa akin noon ni Robert — tanda ng pangako niya. Kahit hindi na kami… kahit nagkahiwalay kami… kahit nagalit siya sa akin… alam kong may parte sa puso niya na naniniwala pa rin sa akin.

“ Demestar! “ Sigaw ko, at tumayo ang buong barkada sa paligid ko.

“ Magsisimula na ang totoong laban. Hanapin natin sila. Kahit saan man sila dalhin ng prinsesa ng kadiliman… ililigtas ko si Robert. “

Napatulo ang luha ko habang nakatingin sa malayo.

“Mahal ko… hintayin mo ako. Kahit galit ka… kahit hindi mo na ako mahal… hindi ko pababayaan na tuluyang mawala ka.”

🌙 Narrator Pov

At doon, sa gitna ng wasak na covered court, sa gitna ng takot at pagkaguluhan, muling tumindig si George — bitbit ang galit, sakit… at pag-asa.

SEASON 3

ANG PAGLALAKBAY PARA MAHANAP SI ROBERT

CHAPTER 1

George POV

Pagkatapos ng laban sa covered court, pakiramdam ko naubos ang lakas ko. Hindi lang dahil sa mga shadow monsters, hindi lang dahil sa biglang paglitaw ni Malayra kundi dahil sa bigat ng katotohanang nabunyag. Buong katawan ko’y parang tiniklop ng pagod, at ang isip ko ay punô ng gulo, parang kulog na paulit-ulit na umaalingawngaw sa ulo ko.

Tahimik akong naglakad palayo. Gusto ko lang ng sandali para huminga. Napadpad ako sa fountain malapit sa dorm paborito ko itong tambayan dati kasama si Robert. Doon kami madalas umupo pagkatapos ng klase, nagkukwentuhan tungkol sa hinaharap, o simpleng tahimik lang na magkatabi, pinapakinggan ang lagaslas ng tubig.

Ngayon, mag-isa na lang ako.

Umupo ako sa malamig na bato sa tabi ng fountain. Pinagmasdan ko ang tubig na pumapatak mula sa bibig ng estatwang dragon. Malamig ang gabi, pero mas malamig ang pakiramdam ko sa loob. Saka ko napansin ang mga kamay ko nanginginig. Hindi ko alam kung dahil sa pagod, o dahil sa takot na baka hindi ko na makita si Robert… o baka hindi na siya bumalik sa dati.

Biglang, isang malambot na liwanag ang kumislap sa harap ko. Isang ball of telepathy umiilaw ito ng malamlam na kulay pilak, para bang hinihigop ang liwanag ng buwan. Para akong napako sa kinauupuan ko, tinitigan ko ito, at ramdam kong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Dahan-dahan ko itong binuksan, nagbabakasakaling makakakuha ako ng sagot.

May narinig akong boses—malalim, malamig, at parang nagmumula sa kailaliman ng lupa:

“Kung mahal mo talaga ang prinsipe, hanapin mo kami sa Kaharian ng mga Ulatan. Magmadali ka bawat oras, unti-unting nawawala ang kaluluwa niya.”

Pagkarinig ko noon, parang may malamig na hangin na dumaan sa likod ko. Nanindig ang balahibo ko. Ang boses na iyon… hindi ko kilala, pero ramdam ko ang bigat at katotohanan ng sinabi niya.

Kaluluwa ni Robert… unti-unting nawawala?

Napuno ng galit at desperasyon ang dibdib ko. Parang may nagliyab sa puso ko, at hindi ko na napigilan ang sarili ko—napasuntok ako sa lupa sa tabi ng fountain. Rinig ko ang tunog ng bato na nabasag, pero wala na akong pakialam. Lahat ng sakit, lahat ng takot, lahat ng galit—nasa isang suntok na iyon.

Hindi lang pala katawan ni Robert ang nilalabanan ko pati kaluluwa niya. At kung mawawala iyon… baka kahit mabalik ko pa siya sa tabi ko, hindi na siya magiging si Robert na minahal ko.

Maya-maya, naramdaman ko ang mga yabag ng barkada na papalapit. Naroon si Diana, Marivic, Stephen, Britney, Kevin, Ruhama… lahat sila, tahimik na nakatingin sa akin. Kita ko sa mga mata nila ang pag-aalala, pati na rin ang pagod. Pero higit sa lahat, ramdam ko na kasama ko sila.

Lumapit si Diana, bahagyang yumuko para matitigan ako sa mata.

“George… ano ’yon?”

Hindi ko alam kung paano uumpisahan, pero kailangan nilang malaman.

“Si Robert… kailangan ko siyang iligtas bago mahuli ang lahat,” mahina kong sabi. Ramdam ko ang panginginig ng boses ko, pero pilit ko itong pinatibay.

Sandaling natahimik ang lahat. Saka tumango si Marivic, hinawakan ako sa balikat.

“Kung saan ka man pupunta, sasama kami,” sabi niya, at ramdam ko ang bigat at katapatan ng pangako niya.

Isa-isang tumango ang iba. Si Stephen, nakapamewang, pero kita sa mga mata niya ang determinasyon. Si Britney, bagaman halatang pagod na pagod, ngumiti at nagsabing,

“Hindi ka namin pababayaan, George.”

Napalunok ako. Ramdam ko ang bigat ng responsibilidad hindi lang para sa sarili ko, kundi para kay Robert, at para sa kanila. Pero ramdam ko rin ang lakas na binibigay ng barkada. Hindi ako nag-iisa.

Napatingala ako sa langit, sa malamlam na buwan na natatakpan ng maninipis na ulap. Ang daming tanong na umiikot sa isip ko: Bakit si Robert? Bakit ako? Paano ko siya ililigtas? Pero isang bagay ang sigurado ako: hindi ako titigil.

At doon ko napagtanto—ito ang simula ng mas mabigat na laban. Isang laban na hindi lang laban ng mahika, espada, at lakas—kundi laban ng puso, laban ng pag-ibig na handang magsakripisyo, at laban ng pagkakaibigang handang sumugal para sa isa’t isa.

Huminga ako nang malalim.

“Tara,” sabi ko sa kanila, sabay tayo. “Maghanda tayo. Bukas… hahanapin natin ang Kaharian ng mga Ulatan.”

At sa unang pagkakataon matapos ang mahabang araw, nakita ko ang sarili kong muling nakangiti—kahit may takot, may pag-asa pa rin.

Robert… hintayin mo ako. Hahanapin kita, kahit saan ka man dinala ng dilim.

CHAPTER 2

Narrator POV

Naglakbay ang barkada kasama si George papunta sa Kaharian ng mga Ulatan isang lugar na matagal nang itinuturing na alamat, na kung saan daw nakatira ang mga nilalang na gawa sa usok at anino. Sa bawat hakbang nila, lalo nilang nararamdaman ang bigat ng hangin, na para bang pilit silang pinapabagal. Sa malayo, animo’y may mga matang nakatingin mula sa likod ng ulap, ngunit kapag nilingon nila, wala naman silang makita.

Tahimik ang lahat. Ang dating maingay na grupo, ngayon ay nakatulala at abala sa kani-kanilang iniisip. Maging ang kalikasan ay tila nakikisama sa katahimikan: walang ihip ng hangin, walang tunog ng mga ibon. Tanging ang mabigat na paghinga ng bawat isa at ang tunog ng kanilang mga yabag sa basang lupa ang maririnig.

Habang papalapit sila sa malaking arko na gawa sa makalumang bato, napansin nilang nababalutan ito ng makapal at maitim na ulap. Sa gitna ng arko, may nakaukit na sinaunang mga simbolo na kumikislap ng bahagya sa liwanag ng buwan. Ang mga ukit na iyon ay parang gumagalaw, sumasayaw, at kumikindat sa kanila.

Biglang, mula sa loob ng arko, lumabas ang isang nilalang na nababalot ng makapal na ulap ang bantay ng Kaharian ng mga Ulatan. Ang mukha nito ay hindi ganap na kita; nagbabago ito depende sa anggulo ng tumitingin. May sandaling mukha ito ng matandang lalaki, tapos magiging bata, at minsan parang babae rin.

Sa malalim, tila nagmumula sa ilalim ng lupa na tinig, nagsalita ito:

“Bilang kabayaran, iwanan mo ang isang alaala na pinakamamahal mo.”

Napatigil ang lahat. Napatitig kay George, dahil alam nilang siya ang lider at dahilan ng kanilang paglalakbay.

George POV

Napapikit ako. Ang daming alaala ang pumasok agad sa isip ko: mga tawanan namin ni Robert, ang mga gabing magkasama kami sa ilalim ng bituin, ang maliliit na pag-aalaga niya sa akin noong nasugatan ako sa training, at ang mga simpleng yakap kapag pagod na ako.

Pero may isa sa lahat ng iyon na pinakamatamis, pinakamasakit ding pakawalan: Ang unang yakap namin.

Naalala ko pa kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko noon. Kung paano ko kinabahan habang dahan-dahang inilapit ni Robert ang katawan niya sa akin, at sa gitna ng malamig na hangin, sinabi ko sa kanya ng buong tapang at pag-ibig:

“Mahal kita.”

Yun ang sandaling alam kong pareho naming tinanggap ang isa’t isa, kahit laban sa lahat kahit alam naming mahirap at puno ng pagsubok.

At ngayon, kailangan kong bitawan iyon.

Pinilit kong hindi umiyak. Pinilit kong hindi pagdudahan ang sarili ko.

“Kunin mo,” mahina kong sabi sa bantay.

Naramdaman ko ang isang malamig na hangin na parang dumaan sa dibdib ko, at sa isang iglap, parang may piraso ng puso ko na nawala. Naramdaman ko agad ang puwang isang butas na mahirap ipaliwanag. Alam kong may kulang, pero hindi ko na matandaan kung ano iyon.

Dumilat ako, at nakita ko ang mga kasama ko na nakatingin sa akin. Kita sa kanilang mga mata ang awa at pag-alala.

Ngunit pilit kong ngumiti.

“Tara na,” sabi ko, bagaman ramdam ko ang panginginig ng tinig ko.

Narrator POV

Habang tuluyang pumapasok sa loob ng Kaharian ng mga Ulatan, binalot sila ng mas makapal na ulap. Ang paligid ay halos hindi na nila makita; nagmistulang panaginip na kulay abo at itim ang lahat.

At kahit hindi man nila sabihin, ramdam ng bawat isa: Nagbago na si George. At baka iyon ang simula ng mas mahirap pang laban na kakaharapin nila.

CHAPTER 3

Diana POV

Pagkapasok namin sa loob ng Kaharian ng mga Ulatan, agad kaming sinalubong ng malamig na simoy ng hangin hanging may dalang paninindig-balahibo na parang binubulong na “Hindi kayo ligtas dito.” Sa bawat hakbang, ang usok sa paligid ay unti-unting kumakapal, hanggang sa parang kinalulon na kami ng ulap ng kadiliman.

Tila biglang tumigil ang oras nang maramdaman naming may gumagalaw sa harap namin. Mula sa usok, lumitaw ang mga nilalang na kalahating tao, kalahating anino. Ang kanilang mga mata, pulang-pula at naglalagablab, nakatitig sa amin na para bang alam ang bawat takot na tinatago namin.

“Mga bantay ni Malayra…” mahina kong sabi, halos pabulong lang.

Napakarami nila tila wala silang katapusan. Sa bawat sulok ng usok, may tumutubo pang bago, at ang buong paligid namin ay napalilibutan na ng anino.

Hinigpitan ko ang hawak sa aking Fire Sword. Ramdam ko ang init na nagmumula rito, at ang init na iyon ang nagsilbing paalala na hindi ako nag-iisa .

“Fire roar!” sigaw ko nang buong lakas.

Mula sa aking bunganga, lumabas ang rumaragasang apoy na parang isang dragon na nagngangalit. Nilamon ng apoy ang mga nilalang sa harap, at ilang saglit, naglaho sila na parang usok na tinangay ng hangin.

Pero laking gulat ko nang makita kong, sa mismong lugar kung saan nawala ang mga halimaw, ay may mga bagong anino na namumuo muli. Parang mga halamang tumutubo mula sa lupa, mabilis, madilim, at mas marami pa kaysa dati.

“Hindi sila nauubos!” sigaw ni Ruhama, bakas sa mukha ang pag-aalala.

Marivic POV

Pinakawalan ko ang aking kidlat.

“Thunder of Zeus!” buong lakas kong sigaw.

Dumilim ang langit sa itaas namin, at biglang gumuhit ang naglalakihang mga kidlat. Isa, dalawa, tatlong malalakas na kidlat ang tumama sa lupa, tinamaan ang maraming aninong bantay at winasak sila.

Sa loob ng ilang segundo, nagkaroon ng kaunting katahimikan. Huminga ako nang malalim, ngunit napasinghap ako nang makita kong muling sumibol ang mga anino mula sa lupa mas matangkad, mas matulis ang mga kuko, at mas pulang-pula ang mga mata.

“Parang wala tayong nagagawa…” mahina kong sabi, pero pilit kong tinatag ang sarili ko.

Hindi puwedeng matakot ako. Hindi puwedeng bumitaw ako. Dahil kung bibitaw ako, pati sila, bibitaw rin.

George POV

Kinagat ko ang labi ko sa inis. Ramdam ko ang init ng dugo ko na parang nag-aapoy na rin sa galit at pagkadismaya. Hinugot ko ang aking Sword of Time at binulungan ito, “Tulungan mo ako… kahit ngayon lang.”

“Gravitational force!” sigaw ko.

Umangat ang lupa sa paligid, at ang mga anino ay naitulak pababa ng bigat ng gravity na nilikha ko. Nakita kong nadurog ang iba sa bigat ng pwersa, pero pagkalipas ng ilang segundo, muli silang bumangon. Parang usok na muling bumabalik sa dati nilang anyo.

“Para lang akong sumusuntok sa usok…” bulong ko sa sarili, at naramdaman kong nanlalamig ang mga daliri ko sa takot.

Britney POV

Nakikita ko ang lahat ang pagod, ang takot, ang pagkadismaya ng bawat isa. Gamit ang Energy of Limitless, sinubukan kong bigyan sila ng panibagong lakas.

“Energy of Limitless!” bulong ko, at lumipad mula sa aking katawan ang mga liwanag na parang alitaptap.

Ramdam kong nababawasan ang enerhiya ko, parang hinihigop ng dilim sa paligid. Pero tiniis ko. Nakita kong bahagyang lumiwanag ang mga mata ni George, Diana, at Marivic. Kahit papaano, muling tumayo ang balikat nila handa pa ring lumaban.

Stephen POV

Humakbang ako sa gitna ng anino, at ramdam ko ang malamig na hangin na parang sumasakal sa akin. Sa kaliwa, lumitaw ang tatlong aninong bantay. Sa kanan, may lima pa.

“Water nebula!” sigaw ko.

Umakyat ang tubig mula sa lupa, bumalot sa akin, at sumabog sa lahat ng direksyon na parang isang alon. Tumilapon ang mga anino, ngunit gaya ng dati, bumalik sila mas mabilis pa ngayon.

“Tangina… hindi na sila nauubos!” sigaw ko, at napatigil ang puso ko sa takot. Pero sabay ko ring pinilit na huminga, pilit na tinatagan ang loob.

Diana POV

“George! Ano’ng gagawin natin? Hindi sila humihina!” sigaw ko, desperado.

Nakita ko siyang napapikit, tila nag-iisip nang mabilis. Sa likod ng pawis sa kanyang mukha, nakita ko ang determinasyon determinasyon na mas matigas pa sa bakal.

“Hindi natin sila kayang talunin kung aatake tayo nang sabay-sabay,” sabi ni George, hingal ang boses. “Kailangan natin ng plano.”

George POV

Huminga ako nang malalim, pilit na binabalikan ang lahat ng natutunan ko mula sa lolo Oddin ko.

“Kailangan nating hanapin ang pinagmumulan nila!” sigaw ko.

Tumingin ako sa paligid, at doon ko napansin: mula sa ilalim ng anino, may manipis na sinulid ng usok na kumokonekta patungo sa gitna ng kaharian isang mataas at sira-sirang tore, napapalibutan ng ulap.

“Doon nanggagaling ang lakas nila! Doon tayo pupunta!”

Kevin POV

“Pero paano? Ang dami nila!” tanong ko, nanginginig ang kamay ko habang hawak ang Earth Sword.

“Ako ang bahala sa pagprotekta sa inyo,” sabi ni Ruhama, bakas ang tapang sa boses.

“Shield of Kingdom Defencia!” sigaw ni Ruhama.

Biglang bumalot ang makapal at makinang na kalasag sa paligid namin. Kahit na binangga ng mga aninong bantay, parang salamin itong hindi nila mabasag.

“Takbo!” sigaw ko, at nagsimula kaming tumakbo papunta sa tore.

Narrator POV

Habang tumatakbo sila, naririnig nila ang malalakas na dagundong ng aninong bantay na bumabangga sa kalasag ni Ruhama. Sa bawat segundo, nababawasan ang ningning ng kalasag, pero nanatiling matatag si Ruhama—pikit ang mga mata, nanginginig, ngunit matatag ang loob.

Sa unahan, natanaw nila ang tore. Matangkad, kulay abo, at balot ng itim na usok. Sa itaas nito, animo’y may mga matang pula na nakamasid, nagbabantang sirain sila anumang oras.

“Konti na lang!” sigaw ni George, bakas ang pag-asa sa kanyang tinig.

George POV

Habang papalapit kami, mas ramdam ko ang bigat ng hangin. Parang may bumubulong sa tenga ko: “Bumalik ka na… hindi mo siya maliligtas…”

“Hindi…” bulong ko sa sarili. “Hindi ko siya iiwan…”

Tumingin ako sa barkada basang-basa na ng pawis, sugatan, pero hindi sumusuko.

Ito ang tunay na lakas namin—ang pagkakaibigan at ang pag-ibig na hindi sumusuko.

Sa wakas, narating namin ang paanan ng tore.

At sa loob ng makapal na usok, narinig ko ang mahinang tinig ni Robert parang tulong na humahaplos sa puso ko.

“George… tulungan mo ako…”

Narrator POV

Sa harap ng tore, nakatayo ang barkada, sugatan ngunit puno ng pag-asa. Hindi nila alam ang mangyayari sa itaas, pero alam nilang walang atrasan.

Ito ang simula ng pinakamabigat na laban—para sa pag-ibig, para sa kalayaan, at para sa kaluluwa ni Robert.

CHAPTER 4

George POV

Pagkarating namin sa paanan ng tore, halos bumigay ang tuhod ko sa pagod. Ang bawat hinga ko ay parang tinutusok ng malamig na hangin ng Kaharian ng mga Ulatan. Sa paligid, usok at ulap na tila may sariling buhay umiikot at bumubulong sa tenga ko ng mga salitang pilit akong pinanghihinaan ng loob.

Huminga ako nang malalim, pilit na nilalabanan ang takot. Napatingin ako sa barkada basang-basa ng pawis sina Diana, Marivic, Ruhama, Stephen, Britney, at Kevin. Sugatan man, bakas sa kanila ang determinasyon. Hindi na ito basta laban lang para sa akin; laban na rin nila.

Naupo ako sa isang malaking bato sa tabi, pilit na nagpapahinga kahit na ang puso ko ay parang binibigti ng kaba at lungkot. Sa bawat pintig ng puso ko, pangalan niya ang bumabalik sa isip ko.

Robert… nasaan ka na? Buhay ka pa ba?

Narrator POV

Sa gitna ng katahimikan, isang malamlam na liwanag ang sumilip mula sa damuhan sa tabi ng bato. Isang maliit na ball of telepathy umiilaw ng mahinang bughaw na tila pagod na rin sa paglalakbay nito.

George POV

Napatingin ako doon, at halos mapatalon ang puso ko. Lumapit ako at maingat na kinuha ang ball of telepathy. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ito, pilit na pinipigilan ang sarili kong umasa.

Pagkabukas ko, agad kong narinig ang boses niya.

“George… kung maririnig mo ’to… mahal pa rin kita…”

Nanlaki ang mata ko, at napakapit ako sa ball of telepathy na parang mawawala ito sa kamay ko.

“…Pero hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa kayang labanan ang kadiliman…”

Napapikit ako, at ramdam ko ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko. Ang lamig ng hangin ay parang lumalamon sa akin, pero mas malamig ang pakiramdam sa loob ng dibdib ko.

Narrator POV

Sa mismong sandaling iyon, naalala ni George ang lahat ang unang araw na nagkakilala sila ni Robert, ang mga tawa, ang mga yakap, at ang unang beses na narinig niya mula kay Robert ang salitang “Mahal kita.”

At ngayon, ang parehong boses na iyon ang nagsasabing baka hindi na niya kayanin.

George POV

“Robert… maghintay ka. Papunta na ako,” mahina kong sabi, halos pabulong lang, pero buong puso.

Hinawakan ko ang ball of telepathy nang mahigpit, para bang naroon siya sa mismong palad ko. Sa loob ng ilang segundo, gusto kong pigilan ang oras para manatili ako sa sandaling iyon, kasama ang boses niya.

Pero hindi puwede. Hindi ko siya maliligtas kung mananatili ako rito.

Robert… hintayin mo ako. Hindi ko hahayaang kunin ka ng kadiliman.

Marivic POV

Napansin ko ang mga luha sa pisngi ni George. Nilapitan ko siya at marahang hinawakan ang balikat niya.

“George… okay ka lang?”

Hindi siya agad nakasagot. Ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya, pero nakita ko rin ang apoy sa kanyang mga mata mas matindi pa kaysa dati.

George POV

Tumayo ako, at huminga nang malalim. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng kamay ko, at saka ko tiningnan ang barkada.

“Kahit ano’ng mangyari… kailangan nating marating ang tuktok ng tore,” sabi ko, mas matatag na ang tinig ko.

Britney POV

“Ano’ng meron sa itaas?” tanong ko, kabado pero handang sumunod.

“Si Robert… at ang lihim kung bakit siya nawala,” sagot ni George. Napalunok ako, ramdam ko ang bigat ng mga salita niya.

Diana POV

Tahimik kaming naglakad papasok ng tore. Mula sa loob, narinig namin ang mga mahinang bulong mga anino na tila nagbubunyag ng mga sikreto na dapat ay hindi marinig ng kahit sino.

“Huwag kayong makinig,” sabi ni George, seryoso ang mukha.

Pero mahirap. Ang bawat hakbang ay may dalang boses mula sa dilim: “Iiwan ka niya… Hindi ka niya mahal… Lahat ng ito, kasalanan mo…”

Stephen POV

Pinikit ko ang mga mata ko, at mahigpit na hinawakan ang Water Sword ko. Kailangan kong protektahan ang sarili kong isip, dahil alam kong ito ang una nilang sasalakayin.

“Hindi kayo mananalo sa amin…” mahina kong bulong.

George POV

Habang paakyat kami, mas lalo kong nararamdaman ang presensya niya. Hindi ko alam kung buhay siya sa itaas, o anino na lang siya ng sarili niyang pagkatao.

Robert… kahit anong anyo mo, mahal pa rin kita.

Narrator POV

Sa gitna ng dilim, naalala ni George ang mga mata ni Robert yung dati laging puno ng saya at pag-asa. Pero sa huling beses na nakita niya ito, bakas na ang sakit, pagod, at takot.

George POV

Robert… sana naririnig mo ako. Sana nararamdaman mo pa rin kung gaano kita kamahal.

Tumingin ako sa barkada, at nakita ko sa kanilang mga mata ang tiwala. Hindi lang ako ang lumalaban para kay Robert kasama ko sila.

Ruhama POV

“George, anuman ang mangyari, hindi ka namin iiwan,” sabi ko, seryoso.

George POV

Napangiti ako, kahit punung-puno ng kaba ang puso ko.

“Salamat,” bulong ko.

Narrator POV

Sa bawat baitang ng hagdan ng tore, mas lalong bumibigat ang hangin, mas lalong lumalakas ang bulong ng dilim. Pero mas lalong tumitibay ang panata ni George: Ililigtas ko siya. Kahit ano’ng mangyari.

George POV

Robert… mahal pa rin kita. At kahit na anong sinasabi ng kadiliman, hindi kita bibitawan.

Narrator POV

Ito ang simula ng pag-akyat tungo sa katotohanan. At sa tuktok ng tore, naghihintay ang pinakamadilim na lihim ang lihim ni Robert.

CHAPTER 5

Narrator POV

Matapos ang maraming araw ng paglalakbay sa mga masukal na kagubatan, malamig na kabundukan, at nakakabinging katahimikan ng Kaharian ng mga Ulatan, sa wakas, tumambad sa kanilang harapan ang Palasyo ng Kadiliman.

Nakatayo ito sa gitna ng malawak na kapatagan na balot ng makapal na usok at ulap. Ang palasyo mismo ay kulay itim na tila sumisipsip ng liwanag mula sa araw. Ang mga tore nito’y matatalas na parang sibat na nakaturo sa kalangitan, at ang mga pader ay may naglalakad na anino mga nilalang na nagbabantay sa bawat sulok.

Sa harap ng palasyo, libo-libong shadow soldiers ang nakahanay. Tahimik, ngunit ramdam ang nakakatakot na enerhiya na bumabalot sa kanila. Sa bawat galaw ng barkada, gumagalaw din ang mga anino, tila hinihintay lang ang tamang oras para umatake.

George POV

Humigpit ang kapit ko sa Sword of Time . Ramdam ko ang bigat ng responsibilidad hindi lang para sa sarili ko, kundi para kay Robert… para sa lahat.

Robert… nararamdaman mo ba? Andito na ako…

Nagkatinginan kami ng barkada. Seryoso ang mga mukha nila, punô ng pagod ngunit matatag pa rin ang loob.

“Wala na tayong atrasan,” sabi ko, pilit pinapatatag ang boses ko.

Stephen POV

Nilabas ko ang Water Sword ko, at ramdam ko ang lamig ng tubig na dumadaloy sa palad ko. Pinikit ko ang mga mata ko, iniisip ang lahat ng dahilan kung bakit namin ginagawa ito.

“Para kay Robert… at para kay George,” bulong ko.

Marivic POV

“Climate Sword!” sigaw ko, at biglang nagdilim ang langit. Umiikot ang hangin, nagbabadya ng kidlat at kulog.

Britney POV

Naramdaman ko ang kilabot ng takot, pero pilit ko itong nilabanan. Energy of Limitless ang nasa isip ko, para suportahan sila kung kailangan.

“Kaya natin ’to,” mahina kong sabi, halos dasal.

Narrator POV

Sa isang iglap, sumugod ang libo-libong shadow soldiers. Ang lupa ay nayanig sa bigat ng kanilang hakbang, at ang hangin ay napuno ng malagim na sigaw ng kadiliman.

George POV

“Sword of Time!”

Pinalibutan ng makislap na liwanag ang espada ko, at kumilos ako nang higit pa sa bilis ng normal. Naglaho ako at muling lumitaw sa likod ng ilang shadow soldiers, hinahati sila sa gitna.

Pero laking gulat ko unti-unti silang nagbubuo muli.

“Hindi pa rin sapat!” sigaw ko.

Stephen POV

“Water Slash!”

Pinagsiklab ko ang tubig mula sa espada ko, bumalot ito sa mga shadow soldiers at pilit silang tinangay.

Sandali silang nadala, pero muling bumangon.

“Hindi sila nauubos!” sabi ko, halos maiyak sa pagkadismaya.

Marivic POV

“Thunder of Zeus!”

Bumagsak ang malalakas na kidlat mula sa langit, lumilipas sa lupa, tinatamaan ang mga anino. Ilang segundo lang, nagmistulang abo ang iba pero muling nag-anyo ang usok at nagsanib pabalik sa hugis ng mga halimaw.

“Walang katapusan!” sigaw ko.

Ruhama POV

“Shield of Kingdom Defencia!”

Pinalibutan ko ng panangga ang barkada, pinipigilan ang mga anino na makalapit. Pero ramdam ko ang bigat ng magic unti-unti akong nanghihina.

“Hindi ko na ito kayang patagalin!” sigaw ko, nanginginig ang tuhod.

Kevin POV

“Earth Sword!”

Pinabagsak ko ang lupa, gumawa ng matataas na pader para hadlangan ang mga anino. Pero unti-unti silang dumaan, tila usok na walang sagabal.

Britney POV

“Energy of Limitless!”

Pinilit kong ipadala ang lakas ko kay George. Ramdam ko ang init at pagod na dumarating sa akin, pero hindi ako puwedeng sumuko.

“George… kailangan mo ’ko…” bulong ko.

Narrator POV

Sa kabila ng lahat, sa unang pagkakataon, naramdaman ng barkada ang kaunting pag-asa.

Pinagsama-sama nila ang lakas ng mga espada: tubig, kidlat, apoy, lupa, at oras. Ang mga espada ay kumislap ng matinding liwanag na parang unang sinag ng umaga sa gitna ng dilim.

George POV

“Ngayon! Sabay-sabay!”

Muling kumislap ang Sword of Time . Ginamit ko ang Slow Motion magic para bumagal ang paligid. Sa loob ng ilang segundo, para kaming mga anino na gumagalaw nang napakabilis kumpara sa kalaban.

“HAAAAAH!”

Sabay-sabay naming tinaga ang mga shadow soldiers. Ang bawat espada, kumikislap sa lakas at pag-asa. Ang mga sigaw namin, humalo sa kulog at hangin.

Narrator POV

Sa unang pagkakataon, may narinig silang matinis na kalabog tanda ng pagbagsak ng harang ng palasyo.

Sa likod ng makapal na usok at anino, bumungad ang malaking tarangkahan ng Palasyo ng Kadiliman. Niyayanig ito ng kidlat at hangin, pero tila bumubukas, unti-unti.

Diana POV

“Bukas na ang daan! Bilis!”

George POV

“Tayo na!” sigaw ko, halos pumutok ang puso ko sa kaba at pag-asa.

Tumakbo kami, pilit na nilalampasan ang natitirang mga halimaw. Ilang ulit akong nadapa, pero tumayo akong muli.

Narrator POV

Sa wakas, narating nila ang tarangkahan. Sa pagpasok nila, naramdaman nila ang malamig at malagim na enerhiya sa loob.

George POV

Robert… konti na lang. Papasok na ako.

Nilingon ko ang barkada. Sugatan, pawisan, nanginginig sa pagod pero nakangiti sila. Kahit sa gitna ng takot, ramdam ko ang tiwala at pag-asa.

Narrator POV

Ito ang simula ng pinakamabigat na laban sa loob ng palasyo. Pero sa puso ni George, isa lang ang sigurado: Gagawin ko ang lahat. Robert, hintayin mo ako.

CHAPTER 6

George POV

Pagkapasok namin sa trono ng Palasyo ng Kadiliman, bumungad sa akin ang tanawin na pinakakinatatakutan ko.

Si Malayra, nakaupo sa napakataas at malamig na trono na yari sa itim na bato at balot ng mga nakapulupot na anino. Sa kanang kamay niya, hawak-hawak ang Punyal ng Kamatayan ang parehong punyal na minsan ko nang nakita sa kamay ng Evil Queen. Sa harap niya, nakaluhod si Robert, nakayuko, at tila wala sa sarili. May mga bakal na kadena na nakapulupot sa kanyang mga braso at leeg, pinipigil ang bawat galaw niya.

Ang makita siyang ganito, parang may humiwang matalim na espada sa dibdib ko. Robert…

Narrator POV

Tahimik ang lahat ng barkada. Naramdaman nila ang bigat ng enerhiya sa loob ng bulwagan parang ang hangin mismo ay humihinga ng kasamaan.

Ang liwanag mula sa mga espada nila ay tila pinipilit sumindi, ngunit nangingibabaw pa rin ang kadiliman na bumabalot sa buong trono.

George POV

“Bitawan mo siya!” sigaw ko, at ramdam ko ang panginginig ng boses ko. Hindi ko na naisip ang pagod, sugat, o takot ang nasa isip ko lang ay si Robert.

Malayra POV

Napangisi ako, hinimas ko ang malamig na bakal ng punyal. Ang kinang ng takot sa mga mata ni George ang matagal ko nang gustong makita.

“Kung gusto mo siyang mabuhay…” sabi ko, dahan-dahang inilapit ang talim sa balat ni Robert. “…ialay mo ang sarili mo sa akin.”

George POV

Pumikit ako. Huminga ng malalim. Robert… mahal na mahal kita.

Alam ko ang ibig sabihin ni Malayra hindi lang ang paglapit ko. Kailangan kong isuko ang lahat: kapangyarihan ko, alaala ko, at siguro pati kaluluwa ko.

Pero kahit anong sakit, handa akong gawin. Para sa kanya.

Narrator POV

Sa gilid ng bulwagan, nakatago ang barkada. Nakita nila ang pagpupumilit ni George na huwag maluha, ang bigat ng desisyon na bitbit niya.

Marivic POV

“George… wag,” bulong ko, pero alam kong hindi niya maririnig.

Diana POV

Ramdam ko ang kabog ng puso ko. George, wag kang sumuko… may plano tayo.

Stephen POV

Hinawakan ko ang Water Sword ko nang mas mahigpit. Kahit anong mangyari, handa akong sumugod.

George POV

Lumapit ako sa hagdan papunta sa trono. Bawat hakbang, parang may bumabawas sa lakas ko. Naramdaman ko ang lamig ng sahig, ang bigat ng titig ni Malayra, at ang kabog ng puso kong parang puputok.

“Malayra… wag si Robert. Ako ang kunin mo,” sabi ko, halos pabulong.

Malayra POV

Tumayo ako mula sa trono, nilapitan ko si George. Sa bawat hakbang ko, gumagalaw ang mga anino sa paligid ko, parang mga ahas na handang kumagat.

“Talaga bang mahal mo siya?” tanong ko, at inilapit ko ang mukha ko sa kanya. “Kahit ang kapalit ay ang pagkawala ng lahat ng alaala niyo?”

George POV

“Oo,” sabi ko, at nag-angat ako ng tingin. “Kahit mawala lahat… basta siya’y mabuhay.”

Pero sa loob ko, alam kong hindi ito dapat matapos dito. Nakita ko mula sa gilid ng mata ko ang barkada naghihintay, handang sumugod kapag binigyan ko sila ng senyas.

Narrator POV

Sa likod ni Malayra, biglang gumalaw si Robert. Kahit mahina, umangat ang kanyang ulo. Namumugto ang mga mata niya, puno ng pagod at sakit.

“George…” mahina niyang sabi, halos di marinig.

George POV

Tumulo ang luha ko. Robert… gising ka pa.

Malayra POV

“Tama na ang drama!” sigaw ko, at hinila ko ang buhok ni Robert para ipakita ang punyal na nakatutok sa leeg niya. “George, lumuhod ka!”

George POV

Walang pag-aatubili, lumuhod ako. Ramdam ko ang bigat ng desisyon ko pero ramdam ko rin ang init ng pag-asa mula sa barkada na nakatago.

Ngayon… konti na lang.

Narrator POV

Sa gilid, sumenyas si Diana kay Marivic at Stephen. Ibinulong ni Diana ang plano sa tamang oras, aatakihin nila si Malayra sabay-sabay.

George POV

“Gawin mo na, Malayra. Pero bitawan mo siya.”

Malayra POV

Napangisi ako. Itinaas ko ang punyal, handa na akong hiwain ang alaala at kapangyarihan ni George pero bago ko ito nagawa…

Narrator POV

“Now!” sigaw ni George, at biglang lumiwanag ang espada ng barkada.

Stephen POV

“Water Cage!”

Lumitaw ang malaking hawla ng tubig sa paligid ni Malayra at kay Robert, panandaliang naharang ang mga anino.

Marivic POV

“Thunder Strike!”

Bumagsak ang matinding kidlat sa mismong harap ng trono, tinamaan ang mga anino at nagbigay liwanag.

Diana POV

“Fire Roar!”

Sumiklab ang apoy sa buong bulwagan, tinaboy ang mga anino.

George POV

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod. Hinawakan ko ang Sword of Time at tinutok kay Malayra.

“Bitawan mo na siya!!!” sigaw ko, ubos-lakas.

Narrator POV

Nayanig ang buong bulwagan sa lakas ng atake. Tumalsik si Malayra mula sa trono, at sa unang pagkakataon, bumitaw ang punyal mula sa kamay niya.

George POV

Tumakbo ako papunta kay Robert. Hinila ko siya, niyakap ko siya nang mahigpit.

“Robert… gising ka… andito na ako,” sabi ko, halos maiyak.

Robert POV

“George…” mahina kong sabi. “Pasensya na… ang hirap labanan… pero naramdaman ko na andito ka.”

George POV

“Hindi pa tapos,” sabi ko. “Lalaban tayo… magkasama.”

Narrator POV

Sa gilid ng bulwagan, muling bumangon si Malayra, puno ng galit sa mga mata. Ang mga anino sa paligid niya, mas lalong dumami at naging mas malakas.

Malayra POV

“Akala niyo tapos na? Hindi pa tayo nagsisimula, mahal kong pinsan,” sabi ko, puno ng poot.

George POV

Hinigpitan ko ang hawak ko kay Robert. Ramdam ko ang tibok ng puso niya laban sa dibdib ko.

“Hindi na kita pakakawalan… kahit anong mangyari.”

At doon namin napatunayan: ang laban na ito… ngayon pa lang magsisimula.

CHAPTER 7

Narrator POV

Mula sa pagkakatalo ni Malayra sa unang pag-atake ng barkada, muli siyang bumangon. Ang kanyang mahahabang itim na buhok ay tumayo na parang buhay, at ang mga mata niya ay nagliliyab ng galit at pagkasuklam. Ang mga anino sa paligid niya ay nag-umapaw, kumalat sa sahig ng bulwagan, at halos nilamon ang bawat sulok ng trono.

Hawak niya ang Punyal ng Kamatayan , tinutok niya ito kay George, na ngayon ay nakatayo sa harap ni Robert. Naramdaman ni George ang matinding lamig na para bang ang mismong kaluluwa niya ay nilalamig.

George POV

Tumibok nang mabilis ang puso ko. Sa gitna ng kadiliman, alam ko ang tanging paraan para mailigtas si Robert: ialay ang sarili ko .

Lumapit ako, lumuhod sa harap ng prinsesang puno ng poot. Ramdam ko ang kilabot sa paligid parang bawat hininga ko ay binabantayan ng libo-libong mata ng kadiliman.

Robert… tanging pangalan niya ang nasa isip ko. Kung ito ang kailangan para mabuhay ka… tatanggapin ko.

Malayra POV

Napangisi ako habang hawak ang punyal. Pinagmamasdan ko ang pinsan kong handang isakripisyo ang sarili para lang sa isang prinsipe. Nakakatawa, pero nakakagalit din dahil sa kabila ng lahat, hindi ko pa rin matalo ang pagmamahalan nila.

“George, ikaw ang alay na pinaka-aasam ko…” bulong ko, habang inilalapit ang talim sa kanyang dibdib. “Sa oras na bumaon ito, ang puso mo… ang kapangyarihan mo… magiging akin.”

Narrator POV

Mabilis ang mga pangyayari. Kitang-kita ng barkada ang paglapit ng punyal sa dibdib ni George. Ngunit bago pa man tuluyang sumayad ang talim sa balat niya—

Diana POV

“Hindi ka namin pababayaan, George!!!” sigaw ko, puno ng galit at takot.

Fire blaze!!! Sigaw ko, at isang dambuhalang haligi ng apoy ang bumalot sa paligid ni Malayra. Ang init ng apoy ay sumabog, nagpasiklab ng liwanag na kahit ang mga anino ay napaatras.

Ruhama POV

“Hindi ka namin hahayaang mawala!”

Shield of kingdom defencia!!! Hinampas ko ang lupa ng staff ko, at lumitaw ang isang dambuhalang kalasag na gawa sa ginintuang liwanag. Nakapalibot ito kay George at Robert, nagprotekta sa kanila laban sa mahika ni Malayra.

Stephen POV

“Robert, George… wag kayong bibitaw!”

Storm surge!!! Itinaas ko ang Water Sword , at biglang umikot ang tubig mula sa paligid naging dambuhalang alon na sumalpok kay Malayra. Ang bigat ng hampas ng tubig ay nagpatumba sa kanya, at tila nabasag ang kanyang mahika.

Narrator POV

Nayanig ang buong bulwagan. Tumilapon si Malayra paatras, natumba ang trono at nagkalat ang mga basag na bato sa sahig. Ang kanyang mga anino ay nagsilayasan, nagmistulang usok na lumipad sa paligid.

Ngunit bago pa man siya makabangon, naglakad si George papalapit mata niya’y nagliliyab, puno ng pag-asa at galit.

George POV

Hindi ko na naramdaman ang takot. Ang tanging nararamdaman ko ay ang apoy sa dibdib ko. Mahal kita, Robert. Hindi ko hahayaang kunin ka ng kadiliman.

“Malayra! Hindi mo kami madadaig! Hindi mo kayang talunin ang pagmamahalan namin!”

Inangat ko ang Sword of Time . Ang talim nito ay kumislap, at kahit ang paligid ay tila huminto saglit sa oras.

Narrator POV

Naramdaman ng lahat ang bigat ng kapangyarihan ni George. Kahit si Malayra, kahit sugatan, ay napaatras.

Ngunit hindi siya sumuko. Tumayo siya, duguan ang labi, at muling itinuro ang punyal kay George.

“Hindi pa ito tapos!!!” sigaw niya, puno ng poot.

Marivic POV

“George! Wag kang lalapit nang mag-isa!” sigaw ko.

Pero alam ko sa puso ko si George lang ang makakaharap kay Malayra ngayon.

George POV

Lumapit ako kay Robert. Nakayuko siya, nanginginig. Hinawakan ko ang kanyang pisngi, pinilit ko siyang tumingin sa akin.

“Robert… gising ka. Laban tayo, ha? Hindi ka nag-iisa,” sabi ko, halos mahulog ang luha ko.

Robert POV

Mahina kong binuksan ang mata ko. Para akong gising sa bangungot, pero ang boses ni George ang nagtulak sa akin bumalik.

“George… wag… wag kang lumuhod sa kanya… mahal kita…” bulong ko, kahit halos wala nang boses.

George POV

Napangiti ako kahit puno ng luha ang mata ko. Robert… buhay ka pa… naririnig mo pa ako.

“Oo, mahal. Laban tayo. Magkasama.”

Narrator POV

Sa likod nila, dahan-dahang lumapit ang barkada. Ang mga espada nila ay nagliliwanag, nagbigay ng pag-asa sa gitna ng kadiliman.

Malayra POV

“Hindi ko hahayaang mabigo ang plano ko!” sigaw ko. Inangat ko ang punyal, at ang mga anino ay muli kong tinawag mula sa sahig.

George POV

“Hindi na!” sigaw ko. “Sword of Time… give me strength!”

Kinumpas ko ang espada, at isang malakas na ilaw ang kumawala. Parang nahati ang oras sa pagitan namin pumigil sa paglapit ng mga anino.

Diana POV

“George, andito kami!” sigaw ko. “Fire roar!!!” Muling bumulusok ang apoy sa paligid ni Malayra.

Stephen POV

“Hindi ka namin iiwan!”

Torrential water blade!!! Sumugod ang alon, inatake ang anino.

Ruhama POV

“Light shield!!!” Nilagyan ko ng liwanag si George at Robert, parang baluti ng pag-asa.

Narrator POV

Sa harap ng lakas ng barkada at pagmamahalan nina George at Robert, unti-unting nabasag ang mahika ni Malayra. Ang mga anino ay tila nasunog sa liwanag.

George POV

“Malayra! Hindi mo kayang talunin ang pagmamahal! Hindi mo kayang sirain ang alaala namin!”

Malayra POV

Nanghina ako. Ramdam ko ang apoy ng pag-asa at pagkakaibigan na bumabalot sa kanila mas matindi pa sa kahit anong dilim.

“Hindi… hindi…!!!” sigaw ko, habang bumabalot sa akin ang liwanag.

Narrator POV

At doon, nagsimula ang pagbitak ng trono ng kadiliman. Ang barkada, puno ng sugat at pagod, ay muling nagkaisa.

Ang alay ni George? Hindi ang buhay niya kundi ang katapangan niyang tumindig kasama ang mga taong mahal niya.

George POV

Robert… magkasama tayo hanggang dulo.

At doon ko naintindihan ang tunay na lakas ay hindi ang sakripisyo ng sarili, kundi ang paniniwala na kahit madilim ang paligid, hindi ka kailanman nag-iisa.

CHAPTER 8

George POV

Tumayo ako sa gitna ng trono ng kadiliman, ang sahig ay basag-basag, ang hangin ay mabigat sa usok ng mahika at dugo. Sa harapan ko, si Malayra ang prinsesang anak ni Evil Queen halos hindi na makalakad sa dami ng sugat, pero ang mga mata niya’y nagliliyab pa rin ng poot at pagkasuklam.

Sa likod ko, ramdam ko ang lakas ng barkada: sina Diana, Ruhama, Stephen, Marivic lahat sila sugatan, pagod, ngunit buo ang loob. At nasa tabi ko, si Robert. Nanghihina man, nakatayo siya, pilit na itinatayo ang sarili para lang makasama ako sa huling laban.

Huminga ako nang malalim. Ramdam ko ang tibok ng puso ko, mabilis, puno ng takot, galit, at pagmamahal. Ito na. Wala nang atrasan.

Malayra POV

“Hindi pa rin kayo mananalo!” sigaw ko, ang boses ko’y paos at puno ng galit.

Tinaas ko ang Punyal ng Kamatayan , at biglang lumitaw ang itim na apoy mula sa lupa mga anino na parang may sariling buhay. Umiikot sila sa paligid ko, humuhuni, tila sabik na sa dugo.

“George, kahit ikaw pa ang apo ni God Oddin… madudurog ka rin!” sabi ko, at inihampas ko ang punyal, nagpapakawala ng malakas na alon ng kadiliman.

George POV

Muntik na akong matangay ng alon ng kadiliman, pero pinigilan ko ang sarili kong umatras. Pinikit ko ang mata ko at naramdaman ko ang init ng kapangyarihan sa dugo ko.

“Blessing of Light and Time!” sigaw ko.

Biglang nagliwanag ang espada ko ang Sword of Time . Sa bawat kumpas ko, ang mga anino ni Malayra ay natutunaw, parang usok na tinamaan ng araw. Ang paligid ay naliwanagan, at ilang sandali, ang buong bulwagan ay tila napuno ng liwanag na kasingputi ng pag-asa.

Narrator POV

Nanginginig ang katawan ni Malayra. Ang mahika ni George, pinaghalong liwanag at kapangyarihan ng oras, ay napakalakas hindi lamang tumatama sa katawan, kundi pati sa mismong kaluluwa. Ang mga sugat niya’y tila kumikirot nang mas matindi, dahil natatamaan ang mismong kadiliman sa puso niya.

Malayra POV

“Hindi!!! Hindi!!!” sigaw ko. “Hindi ko hahayaang matalo sa liwanag na yan!”

Inangat ko ang mga kamay ko, at isang dambuhalang anino ang umakyat mula sa sahig. Umatake ito kay George parang halimaw na may libo-libong kamay, sabik na sakalin siya.

George POV

“Robert, lumayo ka!” sigaw ko.

Inangat ko ang espada ko, at ginamit ang lahat ng natitira kong lakas.

“Eternal light… divine strike!!!” bulong ko.

Lumabas mula sa espada ko ang isang malinis, purong sinag ng liwanag diretso sa halimaw na anino. Nabasag ito, nadurog na parang salamin, at ang mga pira-piraso nito’y naglaho sa hangin.

Diana POV

“George, hindi mo kailangan gawin mag-isa!” sigaw ko. “Fire roar!!!”

Naglabas ako ng dambuhalang alon ng apoy, tumulong sa pagwasak ng mga anino.

Stephen POV

“Storm wave!!!” Pinaikot ko ang tubig sa hangin, naging sibat na sumugod kay Malayra.

Ruhama POV

“Light shield of defencia!” Binuhusan ko ng proteksyon si George para sa susunod na pag-atake.

Narrator POV

Nagkakagulo ang bulwagan. Ang sahig ay nabiyak, ang kisame ay nabasag, at ang mga anino ni Malayra ay unti-unting nauupos sa ilalim ng kapangyarihan nina George at ng kanyang mga kasama.

Ngunit si Malayra, sugatan man, ay tumayo pa rin. Ang punyal niya’y nakahanda, at ang mga mata niya’y nagngingitngit.

Malayra POV

“George… akala mo ba tapos na ito? Ako ang anak ng Evil Queen! Hindi mo ko kayang talunin!!!”

George POV

Ramdam ko ang kabog ng puso ko. Pawis, dugo, at luha ang bumalot sa akin, pero tumingin ako kay Robert.

“Robert… kaya natin ’to, mahal,” bulong ko.

Si Robert, kahit halos mahimatay, tumango.

“George… tapusin mo na. Andito lang ako.”

Narrator POV

Hawak ang Sword of Time , tumalon si George. Ang espada niya’y nagliliwanag na parang araw. Sa paglapag niya, tinaga niya si Malayra sa balikat at ang liwanag ay kumalat sa katawan nito, parang apoy na sumusunog sa dilim.

Malayra POV

“Hindi… hindi…!!!” sigaw ko, habang nararamdaman ko ang apoy ng liwanag sa loob ko.

“George… isang araw… babalik ako….”

At sa huling sandali, nawala ako sa gitna ng liwanag naging abo, naglaho na parang usok.

George POV

Hinawakan ko ang espada, hingal na hingal. Ang paligid ay tahimik na, maliban sa pag-iyak ng barkada, at ang mahihinang hinga ni Robert.

“Tapos na… tapos na…” bulong ko, kahit nanginginig pa rin ang kamay ko.

Narrator POV

Sa wakas, ang kadiliman ay natalo ng liwanag hindi dahil sa lakas lang ni George, kundi dahil sa pagkakaibigan, pagmamahal, at paniniwala na hindi siya nag-iisa.

Ang anak ng Evil Queen ay natalo. Ang kwento nila George at Robert, at ng buong barkada, ay nagpatuloy sa gitna ng sugat, luha, at pag-asa.

CHAPTER 9

Narrator POV

Sa wakas, nawala ang mahika ni Malayra. Ang buong bulwagan ng palasyo ng kadiliman ay nabalot ng katahimikan, para bang kahit ang hangin ay nag-aalangan huminga. Nasa gitna ng nawasak na trono, nakaluhod si Robert nakayuko, basang-basa ng pawis at dugo, at ang kanyang katawan ay nanginginig.

Unti-unti niyang iniangat ang ulo niya, at doon nakita ni George ang matagal niyang hinahanap: ang tunay na Robert walang belo ng gayuma, walang kadena ng mahika ng kasinungalingan.

George POV

Hindi ko alam kung paano ko nagawang tumakbo sa kanya kahit nanginginig ang tuhod ko sa pagod. Hindi ko na inisip ang sakit sa katawan ko, ang pagod, o ang takot. Ang alam ko lang, kailangan kong marating siya.

Nang magtama ang mga mata namin, nakita ko ang basang luha sa pisngi niya. Hindi ko alam kung kelan pa siya umiiyak. Siguro matagal na. Siguro habang nilalabanan niya ang kadiliman.

“Robert…” bulong ko.

Robert POV

Hirap akong huminga. Ang dibdib ko, parang binibigatan ng libong bato. Pero nung narinig ko ang boses ni George, parang may ilaw na sumikò sa gitna ng dilim.

“Patawad…” bulong ko, halos hindi lumalabas ang tinig ko. “Patawad… mahal pa rin kita… kahit habang ginagapos ako ng gayuma, tinatanggihan ko sa puso ko… pero wala akong lakas…”

George POV

Lumuhod ako sa harapan niya. Hawak ko ang magkabilang pisngi niya, ramdam ko ang init ng luha niyang tumutulo sa daliri ko.

“Shhh… Wala kang dapat ihingi ng tawad,” bulong ko, pilit pinipigil ang luha ko. “Mahal pa rin kita. Hindi ka nawala sa puso ko, Robert. Kahit sa pinakadilim mong sandali… minahal pa rin kita.”

Niyakap ko siya. Mahigpit. Hindi ko na kayang bitawan. Parang kung bibitaw ako, baka mawala na naman siya.

Narrator POV

Sa gitna ng abo, basag na marmol, at alaala ng kadiliman, bumuo sila ng sandaling puro liwanag lang ang naroon. Hindi na sila prinsipe at demistar wizard. Hindi na sila biktima at tagapagligtas. Sa sandaling iyon, sila lang: dalawang pusong sugatan, pero nagmamahalan.

Robert POV

Ramdam ko ang init ng yakap niya. Isang init na hindi kayang sirain ng kahit anong mahika. Napapikit ako at bumulong:

“George… akala ko mawawala na ako. Pero narinig kita… kahit anong dilim, narinig ko ang boses mo. Yun ang kumapit sa akin.”

George POV

“At ako, Robert… hindi ko naisip na sumuko, kahit isang beses,” sabi ko habang pinupunasan ang luha sa pisngi niya. “Dahil alam ko… ikaw pa rin yan. Mahal pa rin kita, kahit pilit kang binago ng kadiliman.”

Hinalikan ko siya sa noo. Pakiramdam ko, sa halik na iyon, naipasa ko sa kanya ang lahat ng lakas ko, lahat ng tiwala at pagmamahal.

Narrator POV

Lumapit ang barkada sina Diana, Ruhama, Stephen, Marivic. Sugatan man, nakangiti sila habang pinagmamasdan ang muling pagtatagpo nina George at Robert. Lahat sila’y saksi kung gaano katindi ang pinagdaanan ng dalawa at ngayon, kung gaano rin katibay ang pagmamahalan nila.

Diana POV

“Robert… welcome back,” sabi ko, pilit na ngumiti kahit nangingilid ang luha ko. “Walang mas mahalaga sa amin ngayon kundi makita kang ikaw ulit.”

Robert POV

Tumingin ako sa kanila, nag-iba ang boses ko sa sobrang bigat ng loob.

“Patawad… lahat kayo, nadamay dahil sa akin… Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang ginawa ninyo…”

Stephen POV

“Hoy, wag ka na nga diyan,” sabat ko, tumawa kahit may kirot sa gilid ng labi ko. “Basta tandaan mo: barkada tayo. Hindi mo kailangang bayaran ang pagmamahal.”

Ruhama POV

“Tama,” dagdag ko, habang pinapahid ang luha sa pisngi. “Basta safe ka na, yun lang ang mahalaga.”

Narrator POV

Tumayo si George, at tinulungan niyang tumayo si Robert. Magkahawak sila ng kamay, at kahit pareho silang sugatan at pagod, kita sa mata nila ang isang bagay na mas malakas pa sa mahika: pag-asa.

George POV

“Robert… ipangako mo,” bulong ko habang magkalapit ang noo namin. “Na kahit anong mangyari, lalaban tayo. Magkasama.”

Robert POV

Tinitigan ko siya, at sa unang pagkakataon, muli akong ngumiti isang ngiting totoo, kahit may kasamang luha.

“Pangako. Hanggang sa huling tibok ng puso ko.”

Narrator POV

Sa gitna ng wasak na trono ng kadiliman, dalawang pusong nasaktan at napagod ang nagtagpo. Hindi man agad mawawala ang sugat, hindi man bumalik agad ang normal, pero ang mahalaga magkasama silang muli. Walang gayuma, walang kasinungalingan. Tunay, malinis, at tapat.

At sa di kalayuan, sumilip ang unang sinag ng liwanag mula sa bitak ng madilim na langit. Isang paalala: may bukas pa. At ang bukas na iyon, sila na ang pipili kung paano mabubuo.

George POV

“Wala nang kadiliman ang makakapaglayo sa atin, mahal…” bulong ko, habang mahigpit ko siyang niyayakap. “Ito ang pangako ko ngayon at magpakailanman.”

CHAPTER 10

Narrator POV

Sa pagkakaakap nina George at Robert, tila tumigil ang oras sa paligid nila. Ang dating madilim at malamig na bulwagan ng palasyo ng kadiliman ay unti-unting nababalutan ng banayad na liwanag na parang pagsikat ng araw pagkatapos ng mahabang gabi.

Sa bawat paghinga nila, naaalala nila ang lahat ng pinagdaanan: ang takot, ang sakit, ang pagdududa at higit sa lahat, ang pag-asa na hindi kailanman nawala.

Nasa paligid ang barkada, tahimik na saksi sa muling pagkikita ng dalawa. Sugatan man at pagod, pero sa puso nila, may ningning na muling bumalik.

George POV

Nakahawak pa rin ako sa kamay ni Robert, ayokong bitawan. Pakiramdam ko, kung bibitaw ako, baka maglaho na naman siya.

“Robert… natatakot pa rin ako,” bulong ko. “Baka balikan ka ng dilim, baka mawala ka ulit sa akin.”

Tinitigan niya ako. Ang dating malamlam niyang mga mata, may sigla na ulit. Umiling siya, at sa kauna-unahang pagkakataon mula nang mailigtas ko siya, ngumiti siya ng buong-buo.

“George… natatakot din ako. Pero ngayon, alam ko nang hindi ako nag-iisa,” sabi niya. “May ikaw. May tayo.”

Sa simpleng mga salitang iyon, parang may tinanggal na mabigat na kadena mula sa puso ko.

Narrator POV

Lumapit ang barkada. Si Diana, si Marivic, si Ruhama, si Stephen. Lumuhod sila saglit sa tabi nina George at Robert, at doon nag-usal ng tahimik na panalangin ng pasasalamat.

“Ang importante, ligtas kayong dalawa,” sabi ni Diana, hawak pa ang balikat ni George. “Pinatunayan ninyo sa amin na ang pagmamahal… mas makapangyarihan pa kaysa sa anumang mahika.”

Stephen POV

Napangiti ako. Ngayon ko lang nakita si Robert na ganito katotoo ang ngiti. Hindi na siya parang puppet na pinapaikot ng mahika ng gayuma. Buhay ulit siya.

“Akala namin mawawala na siya,” sabi ko, sabay buntong-hininga. “Pero George, grabe ka. Hindi ka bumitaw hanggang sa dulo.”

George POV

“Hindi ko talaga kayang bitawan,” sagot ko, medyo paos ang boses dahil sa pagod at emosyon. “Kahit na minsan, parang gusto ko nang sumuko… lagi kong naaalala ang dahilan ko para lumaban siya.”

Robert POV

Tumingin ako sa kanila sa barkadang hindi ko akalaing magiging pamilya ko rin pala.

“Salamat… sa inyong lahat,” sabi ko, halos maiyak ulit. “Kung hindi dahil sa inyo, baka hindi na ako bumalik.”

Narrator POV

Habang nag-uusap sila, unti-unting gumuguho ang palasyo ng kadiliman. Ang mga pader na binuo ng mahika ng kadiliman ay nagbibitak, bumabagsak sa lupa, at nagiging alabok na lamang.

Sa gitna ng pagbagsak, may makikitang sinag ng liwanag mula sa labas parang niyayaya sila palabas, pabalik sa tunay na mundo.

George POV

“Tara na,” sabi ko, hawak pa rin ang kamay ni Robert. “Umuwi na tayo.”

Lumakad kami palabas, dahan-dahan. Sa bawat hakbang, naririnig ko ang paghinga niya mahina pero totoo, at yun lang ang mahalaga.

Narrator POV

Sa kanilang paglabas, nakita nila ang natitirang anino ng kaharian ng kadiliman na unti-unting naglalaho. Sa wakas, natapos na ang isang madilim na kabanata ng kanilang buhay.

Paglabas nila, sinalubong sila ng malamig na simoy ng hangin at ang unang sikat ng araw, banayad, mainit, at puno ng pag-asa.

Ruhama POV

Napahinga ako ng malalim. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong katahimikan sa puso.

“Sa wakas… tapos na,” sabi ko, at napatingin kay George at Robert na magkahawak ng kamay. “Pero alam kong hindi d’yan nagtatapos ang lahat. May panibagong simula.”

Marivic POV

“Tama ka,” sabi ko. “Pero kahit ano pa ang dumating… alam ko na kayang-kaya na namin. Lalo na kayo.”

George POV

Tumigil ako saglit, at hinarap si Robert.

“Handa ka na bang umuwi?” tanong ko.

Tumango siya. Pero bago pa kami tuluyang umalis, tumingin kami sa likod sa bumagsak na trono, sa alabok ng palasyo, sa lahat ng masasakit na alaala na iniwan namin doon.

“Paalam… sa lahat ng sakit,” bulong ko. “Salamat… dahil doon ko nalaman kung gaano kita kamahal.”

Robert POV

“At salamat… dahil kahit anong dilim ang pilit sumira sa akin, hindi mo ako iniwan,” sabi ko, at mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. “Hindi lang kita mahal, George. Ikaw ang dahilan kung bakit ako bumalik.”

Narrator POV

Lumakad sila pabalik sa landas kung saan naghihintay ang barkada. Sa bawat hakbang, nararamdaman nilang unti-unting bumabalik ang lakas nila—hindi dahil sa mahika, kundi dahil sa lakas ng pagmamahal, pagkakaibigan, at pag-asa.

At sa di kalayuan, tanaw nila ang tore ng La Fins Scolastica ang kanilang tahanan.

George POV

“Robert… anong gagawin natin pagbalik?” tanong ko, nakangiti.

“Magpapahinga,” sagot niya, natawa ng mahina. “At pagkatapos… ipagpapatuloy ang laban. Pero this time, magkasama na tayo. Walang sikreto, walang takot.”

Narrator POV

Sa bawat araw na lilipas, dadalhin nila ang sugat at aral mula sa dilim. Pero higit sa lahat, dadalhin nila ang alaala ng isang pag-ibig na tumibay dahil sa unos.

At sa wakas, ang landas na minsang natakpan ng kadiliman… ay muli nilang tinahak magkasabay, at may liwanag na sa puso.

🌅 At doon, sa pagbalik nila sa liwanag, nagsimula ang bagong kabanata ng kanilang buhay—hindi bilang bihag ng nakaraan, kundi bilang dalawang pusong pinatibay ng pag-ibig at pagkakaibigan. 🌅

FINAL CHAPTER

Narrator POV

Lumipas ang mga buwan mula nang bumagsak ang palasyo ng kadiliman at maibalik si Robert mula sa bingit ng pagkawala. Sa pagdaan ng panahon, maraming nagbago hindi lang sa Kingdom Scola, kundi pati na rin sa puso ng bawat isa sa kanila.

Sa muling pagbangon ng kaharian, tinanggap ni George ang bagong responsibilidad bilang Guardian ng Kingdom Scola . Isang tagapangalaga, hindi lang ng mahika, kundi pati ng kapayapaan at pagkakaisa.

At si Robert ang dating prinsipe na minsang nadamay sa madilim na plano ay muling tinanggap ng mga tao. Hindi bilang isang perpektong lider, kundi bilang isang prinsipe na natutong bumangon, humingi ng tawad, at magmahal ng totoo.

George POV

Gabi na, at tahimik kaming nakaupo ni Robert sa tuktok ng tore ng La Fins Scolastica. Mula dito, tanaw ang buong kaharian ang mga ilaw sa kabahayan, ang kumikislap na ilog, at ang mahahabang kalsada na tila wala nang dulo.

Huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko, sa bawat paghinga ko, napapawi ang lahat ng bigat na dinadala ko noon.

“Alam mo, minsan iniisip ko…” sabi ko, hindi inaalis ang tingin sa malayong ilaw. “…kung hindi ka ba nasaktan ng sobra dahil sa lahat ng nangyari.”

Tahimik siya sandali, bago sumagot.

“Nasaktan ako, oo,” sagot ni Robert, mahina pero matatag. “Pero mas natakot akong hindi na kita makikita. Mas natakot akong tuluyan na akong lamunin ng dilim… at hindi mo na ako makikilala.”

Narrator POV

Napasandal si Robert sa balikat ni George. Sa gitna ng lamig ng gabi, nagbigay ito ng init hindi lang sa katawan, kundi sa puso nilang dalawa.

Sa baba ng tore, tahimik ang bakuran ng paaralan. Ang mga kaibigan nila sina Diana, Marivic, Ruhama, at Stephen ay nasa dormitoryo, nagpapahinga. Pero alam nilang lahat: ang laban na pinagdaanan ng dalawa ay hindi lang laban ng mahika, kundi laban ng puso.

Robert POV

“Mahal ko… salamat,” sabi ko, ramdam ko ang kabog ng puso ko. “Salamat, kasi nilabanan mo ang dilim para sa akin.”

Lumingon siya sa akin, at sa ilalim ng malamlam na liwanag ng buwan, nakita ko ang pagod sa mukha niya pero higit doon, nakita ko ang katatagan. Ang pag-ibig.

“At salamat din, Robert,” sabi niya. “Dahil ikaw ang nagturo sa akin kung paano mahalin ang sarili ko. Hindi lang dahil mahal mo ako… kundi dahil ipinakita mo na karapat-dapat akong mahalin.”

George POV

Napalunok ako. Hindi ko akalain na darating ang araw na masasabi ko ang lahat ng ito nang walang takot.

“Minsan kasi… akala ko, kaya lang ako lumalaban dahil lang sa’yo,” tuloy ko. “Pero natutunan kong lumaban din para sa sarili ko. Dahil ang tunay na pagmamahal… hindi lang para protektahan ang mahal mo, kundi para mas maging buo ka rin.”

Narrator POV

Sa paligid nila, tahimik ang hangin, pero para bang nakikinig ito. Sa likod nila, sumikat ang buwan malaki, bilog, at maliwanag na tila isang basbas mula sa mga Diyos.

Tila ba sinasabi nito: “Tama na ang pagdurusa. Panahon na para sa bagong simula.”

Robert POV

Hinawakan ko ang kamay niya, mahigpit.

“George… may takot pa rin ako,” bulong ko. “Na baka balang araw, bumalik ang dilim. Baka mawala ulit ako.”

Nilingon niya ako, at ngumiti.

“At kung mangyari man ’yon… hahanapin pa rin kita. Kagaya ng ginawa ko noon,” sagot niya. “Hanggang sa dulo, hindi kita bibitawan.”

George POV

Ramdam ko ang bigat ng mga salitang iyon—hindi lang pangako, kundi katotohanan. Sa lahat ng pinagdaanan namin, natutunan naming dalawa na ang tunay na pagmamahal ay hindi lang matamis na salita; ito ay sakripisyo, tapang, at pagtanggap.

“Hanggang sa dulo… ikaw at ako,” sabi ko, sabay pisil sa kamay niya.

Narrator POV

At doon, sa tuktok ng tore kung saan nila nasulyapan ang dilim at ang liwanag, sabay nilang hinarap ang bukas.

Sa ilalim ng iisang buwan, bumuo sila ng panibagong pangarap. Hindi bilang dalawang taong sugatan, kundi bilang dalawang pusong pinatibay ng laban at pinag-isa ng pag-ibig.

Sa mga susunod na araw , si George, bilang Guardian ng Kingdom Scola, ay tumulong sa pagbabalik ng sigla at kapayapaan sa kaharian. Si Robert, bilang prinsipe, ay naging mas bukas at mas malapit sa mga tao hindi na takot, kundi may tapang na mula sa pagkatutong mahalin ang sarili.

Ang barkada sina Diana, Marivic, Ruhama, at Stephen ay hindi iniwan ang tabi nila. Sama-sama silang humarap sa hamon ng bagong panahon: ang pagpapanatili ng kapayapaan, at ang pagprotekta sa lahat ng mahalaga.

George POV

Minsan, may mga gabi pa rin na naiisip ko ang mga sugat ng nakaraan. Pero pag tinitingnan ko si Robert, alam ko: ang sugat ay hindi para kalimutan. Ang sugat ay para maalala kung gaano tayo lumakas. Kung gaano kalalim ang pagmamahal na bumuo sa atin.

Robert POV

At sa bawat umaga, pag muling dumilat ang mga mata ko at makita ko siya sa tabi ko… nasasabi ko sa sarili ko:

“Salamat. Buhay pa ako. Dahil may isang taong naniwala sa akin.”

Narrator POV

At doon, sa liwanag ng bagong umaga, nagsimula ang kanilang kwento hindi na bilang mga biktima ng kadiliman kundi bilang dalawang nilalang na pinatibay ng pag-ibig, pagkakaibigan, at pag-asa.

✨ THE END ✨

(Ngunit sa bawat puso na marunong magmahal, ang katapusan… ay isa lang bagong simula.)

EPILOGUE

Narrator POV

Lumipas ang limang taon mula nang bumagsak ang kadiliman at magsimula ang bagong pahina ng kasaysayan ng Kingdom Scola. Marami na ang nagbago hindi lang ang kaharian, kundi pati ang mga pusong minsan nasaktan, bumangon, at muling nagmahal.

Mula sa dating wasak at natatakot na kaharian, ngayo’y matatag na sentro ng mahika at pagkakaisa ang Kingdom Scola. Sa bawat sulok ng kabisera, makikita ang mga bagong itinayong paaralan, masiglang palengke, at mga batang wizard na masayang nag-eensayo ng kanilang unang mahika.

At sa pinakasentro ng lahat ng ito, naroon ang dalawang pusong minsan naghiwalay at muling pinagtagpo ng tadhana.

George POV

Ako ngayon ang kinikilalang Grand Guardian ng Kingdom Scola. Hindi ko na inisip dati na darating ako sa ganitong posisyon na balang araw, ako ang magiging tagapangalaga ng hindi lang kaharian, kundi ng lahat ng taong umaasa rito.

Marami pa rin ang araw na bumabalik ang alaala ng mga pinagdaanan namin. Ang laban sa Kadiliman. Ang halos pagkawala ko kay Robert. At higit sa lahat, ang takot na baka maulit ang lahat.

Pero tuwing umaga, pag nagigising ako at makikita ko si Robert sa tabi ko, alam ko: kinaya

namin . At kaya pa rin naming kayanin, anuman ang dumating.

Robert POV

Ako naman ang prinsipe hindi na lang sa titulo, kundi sa puso ng mga tao. Pinatawad nila ako, kahit minsang nabalot ng kadiliman ang puso ko. At mas mahalaga, natutunan ko ring patawarin ang sarili ko.

Hindi naging madali ang lahat. May mga gabi pa ring napapanaginipan ko ang mga ginawa ko noon, ang panahong hindi ko na alam kung sino ako. Pero sa tuwing mararamdaman ko ang takot, hinahanap ko ang kamay ni George at sa isang mahigpit na hawak, napapawi ang lahat ng takot.

Narrator POV

Sa loob ng limang taon, hindi lang kaharian ang binuo nila, kundi ang sarili nilang tahanan isang maliit na bahay malapit sa gilid ng ilog na dumadaloy sa tabi ng palasyo. Doon sila nakatira, kasama ang katahimikan ng gabi at ang tunog ng tubig na dumadaloy parang alaala ng lahat ng lumipas at patuloy na pag-agos ng buhay.

Barkada POV

At syempre, naroon pa rin ang barkada. Sina Diana, Marivic, Ruhama, at Stephen hindi sila nawala. Sila ang naging haligi sa bawat laban, at maging sa mga araw ng pagdiriwang.

Si Diana, ngayon ay isa nang kilalang mahika instructor sa La Fins Scolastica itinuturo ang Fire Magic sa mga bagong wizard. Si Marivic, naging isa sa mga pinuno ng Council of Storms , at nakilala sa husay sa pagbantay sa hangganan ng kaharian. Si Ruhama, nagpatuloy bilang tagapangalaga ng mga sinaunang spell at tagapagturo ng Shield Magic. Si Stephen, naglakbay sa iba’t ibang kaharian pero bumabalik palagi sa Scola, dala ang bagong natutunan. Si Kevin at Britney naman ayun nililibot ang Earth upang maghanap pa ng mga kagaya namin.

Tuwing nagkikita sila, parang walang nagbago pareho pa rin ang tawanan, asaran, at ang hindi matitinag na pagkakaibigan.

George POV

Minsan, habang nakatingin ako kay Robert na nagtuturo ng mahika sa mga bata sa bakuran ng palasyo, napapangiti ako. Hindi ko akalaing dito hahantong ang lahat na pagkatapos ng napakaraming sakit, matatagpuan pa rin namin ang tahimik na saya.

“Ano’ng iniisip mo?” tanong ni Robert, nakangiti. “Iniisip ko lang… kung nasaan kaya tayo kung hindi nangyari lahat ng ’yon,” sagot ko.

Tumabi siya sa akin, pinatong ang ulo sa balikat ko.

“Siguro… hindi natin mararamdaman kung gaano kahalaga ang isa’t isa,” bulong niya.

Tama siya. Minsan, kailangan nating maligaw sa dilim para mahanap ang tunay na liwanag.

Narrator POV

Isang gabi, habang nakaupo silang dalawa sa paborito nilang pwesto sa tuktok ng tore, dumating ang barkada dala ang alak, prutas, at mga alaala.

“Tara, mag-celebrate tayo!” sigaw ni Diana, may hawak na bote. “Sa ano?” tanong ni George, nakatawa. “Sa lahat sa panalo, sa pagkakaibigan, sa pagmamahal… at sa atin,” sabi ni Marivic.

Nagkatawanan silang lahat. At sa gitna ng kasiyahan, biglang humina ang tawanan, at nagkaroon ng sandaling katahimikan. Pinagmasdan nila ang kaharian sa ilalim ng liwanag ng buwan ang Scola na minsang nalugmok, pero ngayon ay buong taas na nakatayo.

Robert POV

“Salamat… sa inyong lahat,” sabi ko, seryoso. “Dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung nasaan ako ngayon.”

“Walang anuman,” sagot ni Stephen. “Pamilya tayo, ’di ba? Wala nang iwanan.”

George POV

Napatingin ako kay Robert, at sa harap ng lahat, hinawakan ko ang kamay niya.

“At salamat sa’yo,” bulong ko. “Dahil ikaw ang dahilan kung bakit ko nalaman kung sino talaga ako.”

Ngumiti siya, at nakita ko sa mga mata niya ang parehong pagmamahal na una kong nakita noon pero mas malalim, mas totoo.

Narrator POV

Sa ilalim ng bituin, nangako sila sa isa’t isa na anuman ang mangyari, sila pa rin. Na kahit ilang dilim pa ang dumating, hahanapin at ililigtas nila ang isa’t isa.

At habang unti-unting sumikat ang araw, tila ba sinasabi ng kalangitan na tama na ang pagdurusa; panahon na para mamuhay, magmahal, at bumuo ng bagong alaala hindi na puno ng sakit, kundi ng pag-asa.

Ilang taon pa ang

lumipas , at ang alamat nina George at Robert ay naikwento na sa buong Land of Crown bilang dalawang taong lumaban sa kadiliman, hindi lang gamit ang mahika, kundi gamit ang katapangan ng puso.

Sa bawat kwento ng kabataan, ang mensahe ay iisa:

Hindi mo

kailangang

maging

perpekto

para

magmahal

, at lalong hindi mo

kailangang

mawalan ng

pag-asa

dahil kung totoo ang pagmamahal, laging may daan pabalik sa liwanag.

Author’s Note

Thank You very much kasi natapos ninyo ang kwentong ito.

Don’t forget to follow me to all my Social Media Accounts.

My Social Media Accounts

Wattpad: Chakasalsal

FB: George Rosewell Lapitan

Instagram: georgerosewelllapitan

Youtube: Jojo Brillantes


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.