The Gay Mermaid That I Loved (BXB) COMPLETED
CHAKASALSAL · 58 chapters · 14,285 words
PASILIP
Pag-ibig na ’Di Maipaliwanag
Lalaking saksakan ng kagwapuhan, Saksakan ng kayabangan, Ngunit may kaunting kabutihan. Lalaking mamahalin Ng baklang Nanggaling sa kailaliman ng karagatan.
Hindi maipaliwanag kung saan hahantong ang kanilang kwento.
Lalaki at bakla, Tao at sirena.
Dito pa naman sa mundong saksakan ng masasamang tao,
Hindi nila alam kung itutuloy pa ba nila ito Ang pag-ibig na para sa kanila ay tama, pero para sa iba Ay tunay na kapahamakan.
Tama sa tama, Tama sa mali, Mali sa mali.
Saksihan na lang natin ang katapusan.
PASILIP 2
Third POV:
“Itakas mo na ang anak natin!” Sigaw ng lalaki bago siya nasaksak sa tagiliran. Dali-dali namang kinuha ng babae ang kanilang sanggol at tumakbo tungo sa dagat, lumangoy nang mabilis para hindi sila maabutan.
May mag-asawang kakaiba — isang tao at isang taong-isda, o tawagin na lang natin siyang mermaid . Nagmahalan silang dalawa at nagtayo ng maliit na bahay malapit sa dagat.
Ang lalaki ay tao, at ang babae ay mermaid. Nagkakilala sila sa tabi ng dagat, noong minsang nalasing ang lalaki. Ang dahilan ng kanyang pagkalasing ay ang sakit ng pagkabigo — iniwan siya ng babaeng kanyang iniibig para sa kaibigan niyang lalaki. Sa sobrang sakit, nagpakalayo-layo siya at muntik nang magpakamatay sa dagat. Ngunit tila iyon ang itinakdang oras ng tadhana para magtagpo ang dalawang magkaibang mundo.
Noong una, natakot ang lalaki. Pero di nagtagal, bumalik siya sa dagat at hinanap ang mermaid. Nagkakilala silang mabuti, at dahil sa mermaid na iyon, natuto rin siyang patawarin ang dating kasintahan at ang kaibigan. Nagkabati-bati sila.
Makalipas ang isang buwan ng kanilang pagkikita, nagkaroon ng paa ang mermaid. Ipinakilala siya ng lalaki sa kanyang ama’t ina. Bagamat mayamang pamilya ang lalaki, mabait at maunawain ang kanyang mga magulang, kaya tinanggap nila ang babae.
Paglaon, naisipan ng magkasintahan na magpakasal. Masaya ang naging kasal nila at biniyayaan sila ng isang anak na lalaki. Mas pinili nilang manirahan sa simpleng bungalow malapit sa dagat, kaysa sa malaking mansyon. Mas gusto nila ang tahimik na buhay, na mas akma sa nakasanayan ng babae. Hindi man madali para sa mermaid ang mag-adjust sa mundo ng tao, natutunan din niyang mamuhay sa lupa.
Dumating ang oras na naisip ng mag-asawa na mahirap itago ang tunay na katauhan ng babae. Kinumpronta nila ang mga magulang ng lalaki at inamin ang lahat. Nagulat ang mga ito — may halong takot at pangamba. Pero dahil sa pagmamahal ng anak nilang lalaki, tinanggap nila ang katotohanan. Lalong napalapit ang mermaid sa kanyang biyenan at naging mas matibay ang pamilya.
Dahil sa pag-alam ng lihim, mas naging protektibo ang mga magulang ng lalaki sa kanya, sa asawa niyang mermaid, at higit sa lahat, sa kanilang apo.
Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, may nakarinig sa kanila — ang dating kaibigan ng lalaki. Sa kasakiman, binalak ng lalaking iyon na kunin ang mag-ina, ikulong, at gamitin para sa pansariling kapakanan at higit pang pagyaman. Mayaman na ang kaibigan niya, pero talagang gahaman sila sa pera.
Kaya’t lumangoy nang lumangoy ang babae, handang gawin ang lahat para mailigtas ang kanyang anak. Makakahinga ba ang sanggol? Oo, dahil kalahati siyang mermaid.
Sa kabutihang-palad, nakarating ang babae sa pinakamalalim na bahagi ng dagat, kung saan naroon ang mga tahanan ng mga mermaid. Kumatok siya sa bahay ng kanyang mga magulang. Pinagbuksan sila ng kanyang ina.
“Diyos ko! Bakit kayo naparito? Di ka man lang nagpasabi na uuwi ka,” sabi ng ina, puno ng pag-aalala.
Ngunit biglang nawalan ng malay ang babae. Nasalo naman ng ina ang sanggol. Agad siyang tinulungan ng ama at ipinasok sa loob.
Pagmulat ng babae, nakita niyang nakahiga siya sa kanyang dating higaan sa ilalim ng dagat. Ngunit alam niyang malapit na ang kanyang katapusan. Alam ng bawat mermaid na kapag minahal ka ng isang tao at minahal mo rin siya pabalik, doon lamang magpapatuloy ang tibok ng puso mo. Ngunit kapag namatay ang taong mahal mo — o kapag nawala ang pag-ibig niya sa’yo — mamamatay rin ang mermaid.
Naramdaman ng babae na patay na ang kanyang pinakamamahal, kaya’t alam niyang sandali na lamang ang natitira sa kanya.
Pumasok ang ina sa silid, kasunod ang ama. “Kumusta ka na, anak?” tanong ng ina, may lungkot sa tinig.
“Asan ang anak ko?” tanong ng babae.
“Andun sa kabilang kwarto, nakatulog na. Ano bang nangyari, anak?” tanong ng ama.
“Wala na akong oras, ina… ama,” sabi ng babae, tumingin sa kanila na may lungkot at panghihinayang.
“Wag ka namang magsalita ng ganyan,” sabi ng ina, habang nagsisimula nang lumuha.
Ngumiti ang babae, pilit na tinatago ang sakit.
“Patay na ang asawa ko… may pumatay sa kanya. Salamat sa Diyos at nakatakas kami ng anak ko. Alam nyo naman ang patakaran… mamamatay ang mermaid pag patay na ang taong nagmamahal sa kanya, kaya…” Napahinto siya, pinipigilang umiyak.
“Kaya ina, ama… alagaan ninyo ang anak ko, ang apo ninyo,” sabi ng babae, at tumango ang kanyang ina at ama, kapwa lumuluha.
“Ina… ama… pa-patawad… at pa-paalam,” sabi ng babae.
Napahagulgol ang kanyang mga magulang.
Habang nagdadalamhati sila, biglang umiyak ang bata sa kabilang kwarto. Mabilis na pumunta ang mag-asawa, nakita ang sanggol, at buong puso siyang niyakap ng lola.
“Tatagan lang natin, mahal… papalakihin natin ang batang ito na parang anak na rin natin,” sabi ng ama, at tumango ang ina. Pinunasan ang luha, at ngumiti habang nakatingin sa apo — ang tanging alaala ng kanilang nag-iisang anak na babae.
BABALA
MOVIE STYLE WRITING
PS. VOTE & FOLLOW
MAHAL KO KAYO MGA KASALSAL❤️
CHARACTERS
Main Characters
Jade Redge
Friends of Redge
Cam Fiona Kester Rosnel
Friends of Jade
Marigona Mark Serfina
CHAPTER 1
Jade POV
“Marigona! Asan ka!?? Marigonaaa!” Sigaw ko, yung talagang paulit-ulit at malakas na sigaw — as in, todo boses na talaga ako…
At kumatok-tok pa ako sa bahay nila. Oo! May bahay sa ilalim ng dagat, at kami ang mga nakatira dito. By the way, I’m Jade Tale, isang Generation Z na mermaid kaya may pagka-Taglish na talaga ang mga salita namin. And si Marigona here… wala pa ring sagot sa lahat ng sigaw ko.
“Anooo yun!!!” Sigaw niya bigla, tapos biglang dumilim ang dagat. Bumukas ang pinto ng bahay nila at yung loka… nagtu-toothbrush pa siya! Hahahaha! Naloka talaga ako dun.
“Gaga! Tapusin mo nga ’yan, at tanggalin mo yang pa-effect mo dito sa dagat. Pasok muna tayo sa bahay niyo, may pag-uusapan tayo.” At pumasok na kami sa bahay nila. Nakita ko sina mama at papa niya — sina Mrs. Pusit at Mr. Pusat… Hindi mo kinaya, ’no? Ganyan talaga ang names ng parents ni Marigona!
Nagtataka din siguro kayo kung sino si Marigona. Well, isa siyang baklang octopus. Hindi kagaya ko na mermaid na bakla. Ganun yun!
“Wait lang! Diyan ka lang! Ke-aga-aga kasi, may pa-sulpot-sulpot ka pa diyan… Toothbrush lang ako, bye!”
“Whatever, girl!” Sabi ko.
Diba, nasabi ko na sa inyo na Gen Z kaming mga mermaids? Pero hindi ibig sabihin nun na alam na namin lahat tungkol sa mga tao na may paa. Iba pa rin dito sa mundo namin, at iba doon sa kanila. Wag kayong ano dyan…
CHAPTER 2
Jade POV
“Gusto kong magka-paa, Marigona.” Agad kong sabi, habang nakaupo na siya sa harapan ko. At talagang nagulantang siya sa sinabi ko.
“Ano na naman yang mga pinagsasabi mo!? At bakit parang biglaan?” Tanong niya.
“Wala lang, gusto ko lang mamasyal sa lupa. Masama ba?” Tanong ko.
“Gaga! Masama talaga! Sinong serena ba ang gustong mamasyal sa lupa!?” Sabi niya, halatang shock na shock.
“Ako nga ’yon, diba!? Kaya nga gusto ko ng paa,” Sarkastiko kong sabi.
“Palitan natin yung sinabi ko… Sinong gustong maibunyag ang uri nila, na sila ay totoo!?” Sabi niya, medyo seryoso.
“Syempre hindi ako! Mamamasyal lang naman ako, Marigona. At hinding-hindi ko naman ilalabas na meron palang mga mermaid sa mundong ito,” Depensa ko, kasi totoo — gusto ko lang talaga makapamasyal sa lupa.
“Ang sabihin mo na lang… maghahanap ka ng lalaki doon!?” Sabi niya, sabay taas ng kilay.
“Pwede na rin… pero hindi. Kaya bigyan mo na ako ng paa, bes!” Sabi ko, medyo tumataas na yung boses ko sa inis at excitement.
“Okey, fine! Pumunta na tayo sa sagradong lugar… ang Limang Tipak na Bato,” Sabi niya, parang resigned na.
Alam ng lahat ng mermaids ang lugar na ito — kasi ito ang ginagamit noon ng ina ni Marigona, si Mrs. Pusit, nung panahon na kalaban pa talaga siya…
CHAPTER 3
Jade POV
“Oh ayan, suotin mo ’yan.” Sabi ni Marigona sa akin, sabay abot ng isang kwentas na may maliit na diyamanteng nakasabit.
“Anong gagawin ko dito?” Tanong ko naman.
“Kainin mo, lunukin mo… tapos iluwa mo din!” Sarcastic na sabi ni Marigona, kaya binatukan ko siya bigla.
“Ano nga!!!??” Tanong ko ulit, tapos sinuot ko na lang yung kwentas.
“Ikaw talaga… isuot mo lang ang kwentas, tapos pumunta ka sa lupa. Doon mo bigkasin ang mga katagang: ‘Isang baklang isda, bigyan ng paa, hiling ko’y iyong isagawa.’” Sabi niya.
“As in, yun talaga!?” Tanong ko, medyo nagdududa.
“Oo nga! I-try mo dun sa lupa, para maniwala ka sa akin.” Sabi niya.
“At wag kang mag-alala, pag nagkaroon ka ng paa, magkakaroon ka rin ng kasuotan. Wag mo na akong tanungin kung saan galing — yan ang kapangyarihan ng kwentas. Kaya go!!!” Dagdag pa niya.
“Ahmmm… bes?” Sabi ko, parang may gusto pa sanang sabihin.
“Ano yun?” Tanong niya.
“Samahan mo ako sa lupa…” Pagmamakaawa ko, medyo pa-cute pa.
“Aba! Aba! Matindi rin ang apog mo bes! Ako na nga yung tumulong sa’yo, ako pa ang magsasama sa’yo? Oh my gosh!” Mahaba niyang reklamo.
“Ehhh… sige na! Dami mo pang sinasabi. Tara na!” Sabi ko, at nagsimula na akong lumangoy papunta sa direksyon ng lupa.
“Eh ano pa nga bang magagawa ko… nag-umpisa ka na ngang lumangoy,” Sabi niya, sabay sumabay na rin sa akin, papunta sa lupa.
CHAPTER 4
Jade POV
“Oh, ayan! Nandito na tayo sa lupa. Bilisan mo na d’yan, bago ka pa makita ng tao!” Sabi ni Marigona, medyo kabado ang tono.
“Atat lang! Oo na, heto na…” Sabi ko, sabay hawak sa kwentas.
“Isang baklang isda, bigyan sana ng paa, kahilingan ay isagawa…” Mahina kong bigkas. Biglang umilaw mula sa aking paa pataas, at nang umabot sa beywang ko, biglang nagkaroon ako ng damit na sakto sa katawan ko.
“Nakakamangha talaga ang kwentas na ’yan,” Sabi ni Marigona, halatang namamangha rin.
“Subukan mong maglakad,” Utos niya.
Sinubukan kong itayo ang sarili ko. Sa unang subok, natumba ako. Pero di ako sumuko. Paulit-ulit kong tinry hanggang sa natuto rin akong tumayo nang maayos. Sunod, sinubukan kong lakarin ang aking mga bagong paa. Minsan natatapilok pa ako, pero tinuloy-tuloy ko lang hanggang sa nakuha ko rin ang tamang ritmo ng paglalakad.
“Kaya mo na ’yan. Oras na rin para umalis ako, baka may makakita pa sa akin. Basta tandaan mo: bumalik ka sa dagat kapag naramdaman mong nanghihina na ang katawan mo. Maliwanag ba?” Paalala ni Marigona, seryoso ang mukha.
“Salamat, Marigona. Pakisabi na lang kay Serfina kung nasaan ako. Pero sabihin mo rin sa kanya na wag na wag niyang sasabihin kina mama at papa. Pagagalitan talaga ako ng mga ’yon…” Nag-aalala kong sabi.
“Aba, syempre! Pero wag kang mag-alala. Sige na, mauna na ako.” Sabi niya, at kumaway na lang ako habang nakatingin sa papalayong katawan ng kaibigan ko.
CHAPTER 5
Redge POV
Nandito ako ngayon sa bar, kasama sina Cam at ang girlfriend niya na si Fiona, si Kester at ang girlfriend naman niya na si Rosnel. To be honest, best friends ko na talaga silang lahat — at sa barkadahan namin, walang lokohan at walang iwanan.
Nasaan kami? As usual, dahil mga mayayaman kami, nandito kami sa night club. Dapat boys’ night out lang talaga ’to, pero nagpumilit pa rin ang mga girls na sumama, para daw makapag-bonding ulit kaming lahat.
Lahat ng mga magulang namin, nagmamay-ari ng mga sikat na cellphone brands Mga magulang ko, Apple. Parents ni Cam, Samsung. Parents ni Kester, Nokia. Huawei naman ang family business nina Fiona. At Oppo sa pamilya ni Rosnel.
Bakit parang pare-pareho ang track ng business ng mga magulang namin? Kasi, ever since, magkakaibigan na talaga sila. Kung tutuusin, childhood friends ko na rin ang mga anak nila. Kaya heto, hanggang ngayon, solid pa rin ang samahan namin.
Habang nag-iinuman, may lumapit sa aking babae — at sa totoo lang, halos kita mo na ang kaluluwa niya sa suot.
“Hi, handsome,” Nakangiting sabi ng babae.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito, medyo pa-charming style.
“Wanna have some fun?” Nakangisi kong tanong. Ngumiti lang ang pokpok na parang sabik na sabik.
Tumayo na kaming dalawa.
“Mauna muna kami,” Sabi ko sa tropa.
“Use protection, Redge,” Paalala ni Fiona.
Tumingin ako sandali sa kanila, tapos binaling ang tingin kay Fiona at ngumiti.
“I will,” Sabi ko, sabay akbay sa babae. At naghanap na kami ng malapit na hotel.
CHAPTER 6
Jade POV
Naglakad-lakad ako at may nakita ako sa parteng dulo ng siyudad — ang daming iba’t ibang kulay ng mga ilaw. Nakaka-engganyo talaga siyang tingnan, kaya naglakad ako papunta sa lugar na ’yon.
Habang naglalakad, napapansin kong may mga taong nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong klaseng tingin ’yon — kaya tinuloy-tuloy ko lang ang paglakad sa gitna ng kalsada. Biglang may bumusina sa likuran ko.
Beep! Beep!
Sa gulat ko, napatalon ako bigla sa gilid at nakita ko ang mga makinang gumagalaw.
“Wow… ano yan?” Mahina kong tanong sa sarili ko.
Inilihis ko na lang ang tingin ko mula sa mga gumagalaw na makina at naglakad sa gilid ng kalsada.
Dere-deretso lang ako hanggang sa nakarating ako sa lugar na ’yon — at ang daming makukulay na ilaw! Ang ganda!
“Ano pong nangyayari?” Nakangiti kong tanong sa isang matandang babae.
“Ah… may fiesta dito ngayon, apo,” Sagot niya.
“Ano pong fiesta? Parang pagdiriwang po ba ’yan?” Tanong ko, curious na curious.
“Parang ganun na nga, apo,” Sabi niya, sabay ngiti.
“Ganun po ba…” Sabi ko.
“Babae ka ba, apo?” Tanong niya bigla. Ay! Si Lola, napagkamalan pa yata akong babae — at be honest, gusto ko ’yon!
“Hindi po… lalaki po ako,” Sabi ko, sabay ngiti.
“Hay… talagang matanda na ako. Hindi ko na madistinguish kung babae o lalaki ang isang tao. Sige na, apo, uwi na ako,” Sabi ni Lola.
Tumango lang ako, ngumiti sa kanya, at umalis na rin siya sa harapan ko.
CHAPTER 7
Redge POV
Katatapos ko lang kantutin yung babae sa hotel at iniwan ko na siya. Bahala na siyang magbayad ng kwarto doon — eh kinantot ko na nga siya, kaya siya na dapat ang magbayad sa nagamit naming kwarto.
Papasok na sana ako sa kotse ko nang mapansin ko yung nagaganap na fiesta sa kabilang parte ng bayan. Kita mo kasi yung mga ilaw na nagsisilabasan, parang may concert na ginaganap.
Wala naman talaga akong balak pumunta doon, pero parang may nagtutulak sa akin na puntahan ko ’yon. Nakakalito, ’di ba? Pero ganun talaga ako minsan. Kaya ang ginawa ko, sumakay ako sa kotse ko at nag-drive papunta doon sa lugar kung saan ginaganap yung fiesta.
Habang nagmamaneho ako, ikukwento ko na rin ng konti yung buhay ko. Ako nga pala si Redge, 25 years old, fourth year college na, at gusto kong maging isang sikat na businessman dito sa Pilipinas. Single pa rin ako hanggang ngayon. Ewan ko ba — sa dami ng mga babaeng nagkakandarapa sa’kin, parang may kulang. May hinahanap ako na hindi ko makita sa lahat ng babaeng nakasama ko… hanggang ngayon.
Pagdating ko sa lugar, naghanap ako ng parking area kung saan ko pwedeng iparada ang kotse ko. Maya-maya lang, nakahanap din ako ng bakanteng spot. Pinark ko na doon ang kotse, bumaba, at sinimulang maglakad papunta sa lugar kung saan ginaganap ang fiesta.
CHAPTER 8
Redge POV
Habang naglalakad ako, may nakita akong binata. Medyo maliit yung katawan niya kumpara sa akin, may konting muscles pero mas batak pa rin ako. Napansin ko siyang nakatitig sa isang machine — yung may claw na kumukuha ng mga stuffed toy, basta yung nilalaro pag may coins ka (sorry, di ko rin alam yung tawag, haha - author).
And to be honest… I found it cute.
Napansin ko rin na nakapaa lang siya ngayon. So, meaning, namamasyal lang siya ngayong gabi na nakapaa-paa.
Lumapit ako sa kanya at nagsalita:
“Hey,” Sabi ko.
Napatingin siya sa akin. Mas matangkad ako kaysa sa kanya, at hindi ko mapigilang titigan yung mukha niya… na nag-iwan sa akin ng tanong:
‘Lalaki ba talaga siya? Bakit ang ganda niya?’
Hindi ko maiwasang mapansin yung asul niyang buhok, yung bilugan niyang mata, matangos na ilong, at mapupulang labi. Nawala lang ang atensyon ko nang bigla siyang magsalita.
“Bakit po? Alam nyo bang laruin ito?” Nakangiti niyang tanong.
At hindi ko rin alam kung bakit, pero bigla na lang akong napangiti nung nakita ko yung ngiti niya.
“Oo naman,” Sabi ko, sabay kapkap sa bulsa kung may barya ba akong dala.
Naglaro ako, at kitang-kita ko sa kanya yung mangha — parang ngayon lang siya nakakita ng ganitong laro.
Bakit ang cute mo?
Bakit ang ganda mo?
Bakit bumibilis tibok ng puso ko pag tumatawa ka?
Sino ka ba?
CHAPTER 9
Jade POV
Ang gwapo naman ng mamang ito… Naglaro pa talaga siya kanina sa makinang may claw. At ngayon, hawak-hawak ko yung maliit na stuffed toy na nakuha niya para sa’kin habang naglalakad-lakad kami.
“Wala ka bang tsinelas o kaya sapatos?” Tanong niya sa akin.
“Ano yun?” Tanong ko pabalik, clueless talaga.
Napabuntong-hininga siya.
“Binata ka nga, pero parang bata kung umasta… Kasi parang hindi mo pa alam ang mga bagay-bagay dito sa mundo,” Sabi niya, sabay ngiti. At ako naman, napatulala lang sa ngiti niyang ’yon.
“Ah… Eh… Ah…” Nauutal kong sagot. Bigla niya akong hinawakan sa ulo, parang ginulo pa nga konti yung buhok ko.
“Tara dun, bibilhan kita ng tsinelas,” Nakangiti niyang sabi.
Tumango lang ako, at naglakad kami papunta sa gilid ng kalsada kung saan may nagbebenta ng tsinelas.
Binili niya yung kulay asul, kasi daw bagay sa buhok ko. Hindi ko alam kung paano ito isuot, kaya nung iniabot niya sa’kin, tinitigan ko lang.
Lumuhod siya, kinuha ang isa kong paa, at siya na mismo ang nagsuot ng tsinelas sa’kin. Ganon din ang ginawa niya sa kabila kong paa.
“Salamat…” Nakangiti kong sabi.
Pagkatapos nun, naglibot-libot kaming dalawa, parehong may ngiti sa mukha. At ngayon, nandito na kami sa may bilihan ng mga pagkain.
“Anong gusto mo?” Tanong niya.
“Kahit ano na basta masarap,” Nakangiti kong sagot.
Tumingin siya sa mga pagkain, at habang bumibili siya, bigla kong naramdaman na parang humihina yung katawan ko… parang nauubusan ako ng lakas.
Kahit labag sa loob ko, bigla na lang akong umalis nang walang paalam. Binilisan ko ang pagtakbo. Hindi ko namalayan, naiwan ko pala ang tsinelas… at nabitawan ko rin yung stuffed toy na binigay niya.
Takbo lang ako nang takbo. At pagdating sa dagat, tumalon ako — at bumalik ang aking buntot.
Pagkatapos, tumingin ako pabalik sa lupa…
Sana… magkita tayong muli.
CHAPTER 10
Redge POV
Paglingon ko sa likuran, wala na yung binata na kasama ko kanina…
Nagtaka ako kung nasaan siya, kaya iniwan ko muna yung binibili kong pagkain para sa amin at hinanap ko siya.
Nilibot ko na ang buong barangay, pero wala talaga akong makita. Ang tanging naiwan lang ay yung pares ng tsinelas na binili ko para sa kanya… at yung stuffed toy na binigay ko rin sa kanya.
Asan na kaya siya?
Bakit naiwan pa ang mga ’to?
…
Magmula nun, siya na lang palagi ang iniisip ko — hanggang sa bumalik na kami dito sa Maynila.
“Ang lalim na naman ng iniisip mo,” Sabi ni Cam.
“Ganyan na ’yan simula nung nanggaling tayo sa Ilocos Sur,” Sabat pa niya… Doon sa Ilocos Sur ko kasi nakilala yung misteryosong binata.
“Ah, wala ’to,” Sabi ko, pilit na ngumingiti.
“Ano kaya magandang gawin? Friends’ night out?” Tanong ni Kester sa amin.
“Mag-aral, babe. Kasi Monday na ngayon, kailangan nating pumasok,” Sabat ng girlfriend niya, si Rosnel.
“Yeah, Rosnel is right. Punta na ako, papasok pa ako eh,” Sabi ko. Tumayo na ako, umalis sa penthouse ng barkada, umuwi, at nagpalit ng damit para makapasok na.
Pagpasok ko sa kwarto ko, napatingin ako sa shelf — andun pa rin yung stuffed toy na binigay ko sa kanya.
Limang araw na pala ang lumipas mula nung makita ko yung misteryosong binata sa Ilocos Sur…
At hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya makalimutan.
Kailan kaya tayo ulit magkikita?
CHAPTER 11
Jade POV
“Anak, kakain na tayo. Lumabas ka na d’yan sa kwarto mo,” Sabi ni Mama.
“Opo, Ma,” Sagot ko, sabay langoy palabas ng kwarto.
“Anong ulam, Ma?” Tanong ko.
“Adobong pating,” Sabi ni Mama.
Kung hindi ninyo alam, nakakapagluto kami dito sa ilalim ng dagat kasi may kaunti kaming mahika na ginagamit sa pang-araw-araw naming buhay bilang mga sirena.
“Ang sarap naman n’yan, Mama!” Nakangiti kong sabi.
“Asan si Papa?” Tanong ko ulit.
“Nandoon sa labas, tawagin mo na siya para makakain na tayong lahat,” Sabi ni Mama.
Lumangoy ako palabas ng bahay at nakita ko si Papa na may kausap na ibang sireno. (Sireno pag lalaki, sirena pag babae.)
“Papa, kain na daw tayo!” Pag-aaya ko.
Tumingin siya sa’kin at tumango. May sinabi pa siya sa kausap niya bago ito umalis, at sabay silang lumangoy papasok ng bahay.
Pagkaupo naming lahat sa hapag, nagsimula na kaming kumain. Maya-maya lang, nagsalita si Papa.
“Ano ’tong nabalitaan ko, anak, na pumunta ka raw sa lupa? Limang araw na raw ang nakakalipas?” Tanong niya.
“Ano!?” Nagulat si Mama. “Anak, bakit ka naman nagpunta doon? Paano na lang kung may makakilala sa’yo na sirena ka?” Nag-aalala niyang tanong.
Oo, limang araw na nga ang nakakalipas mula nung makita ko yung gwapong binata… plus mabait pa talaga.
“Oo, Ma… Pa… pumunta ako sa lupa. Pero wag kayong mag-alala, hindi naman ako napahamak eh… Okay lang po ako,” Sabi ko sa kanila, pilit na ngumiti para hindi na sila masyadong mag-alala.
CHAPTER 12
Redge POV
“Punta tayo sa dagat bukas,” Suhestyon ni Fiona.
“Maganda ’yang plano mo, gurl,” Sang-ayon naman ni Rosnel.
“Gamitin natin yung isa naming barko,” Suggest din ni Cam.
“So ano, mga guys? Bawal tumanggi,” Sabi ni Fiona. Talagang tumingin pa siya sa akin na parang ako ang pinaparinggan. Well, tama naman siya — kasi may posibilidad na tatanggihan ko na naman yung offer nila.
Matagal na nila akong niyayaya pero lagi ko silang tinatanggihan. Pero ngayon… oras na rin siguro para subukan kong makalimutan yung misteryosong binata na ’yon. Siya kasi yung dahilan kung bakit hindi ako sumasama sa mga gala — kasi wala talagang araw at gabi na hindi ko siya naiisip.
“Good! Bukas tayo pupunta. Tutal holiday naman bukas. Bring extra clothes, guys!” Sabi ni Fiona, at hinila na niya ang boyfriend niyang si Cam, sabay silang umalis. Sumunod na rin si Kester at si Rosnel.
Tumayo na ako at lumabas na rin ng cafeteria. Uwian na kanina pero dumiretso lang kami dito para magmeryenda, at dahil holiday bukas — Friday — kaya ganun na lang kung makapagplano si Fiona.
…
Nandito na kami ngayon sa gitna ng dagat. At syempre, hindi mawawala ang inuman kapag may friends outing.
Nag-iinuman kami habang kaming mga lalaki ay nalasing na nang todo. Buti na lang yung mga girlfriend nila, juice lang ang iniinom — kaya sila yung nag-aasikaso sa amin ngayon.
Ako naman, pinilit kong tumayo… pero bigla akong napunta sa gilid ng barko. Biglang gumiwang yung barko, dahilan para mahulog ako sa dagat.
CHAPTER 13
Jade POV
Nandito ako ngayon sa hardin ng Oceana, medyo malapit ito sa lupa… Alam ninyo, yung mga lugar sa lupa magkakalayo — pero dito sa ilalim ng dagat, sa Oceana, parang magkakalapit lang. Kung ang Ilocos Sur ay malayo sa Manila sa lupa, pag sa dagat ang usapan, parang kapitbahay lang sila.
Kasama ko ngayon sina Serfina at Marigona.
“Kumusta na, bes?” Tanong ni Marigona.
“Heto… nalaman nila Mama na pumunta ako sa lupa, limang araw na ang nakakalipas,” Sabi ko.
“Sorry talaga, bes… Kung hindi dahil sa’kin, hindi nila malalaman na pumunta ka sa lupa. Kung hindi ko lang nakwento kina Mama at Papa, sana hindi nila nalaman…” Malungkot na sabi ni Serfina.
At tama ang iniisip ninyo — yung ama niya yung sirenong kausap ni Papa bago kami kumain nung isang araw. Pero hindi naman ako nagalit kay Serfina.
“Okay lang ’yun. Wala talagang sekreto na hindi nabubunyag,” Sabi ko, sabay ngiti.
“Oh, diba bes! May pa-ganyan-ganyan ka na!” Birong sabi ni Marigona. Natawa na lang ako sa biro niya…
Maya-maya lang, may barkong dumaan sa itaas namin. Mapapansin talaga namin ’yon kasi natatakpan ng barko ang sikat ng araw na nagbibigay liwanag dito sa ilalim ng dagat. Kaya dali-dali kaming tatlong sinundan ang barko.
Habang sinusundan namin, may nakita akong tao na nahulog mula sa gilid ng barko. At dahil mabait ako… dali-dali akong lumangoy papunta sa kanya para iligtas siya.
CHAPTER 14
Jade POV
Lumangoy ako nang lumangoy hanggang sa nakuha ko yung katawan niya sa kailaliman. At laking gulat ko — yung lalaking nahulog pala sa barko ay yung lalaking nakasama ko sa lupa! Kita ko na wala na siyang malay, kaya ginamit ko ang kapangyarihan ko para bigyan ulit siya ng hangin sa loob ng katawan niya.
Medyo bumukas ang talukap ng kanyang mata, at nakita niya ako… Pero bigla rin siyang nawalan ulit ng malay.
Kaya ang ginawa ko, pinalutang ko yung katawan niya sa tabi ng barko, at ako naman, nasa ilalim lang para hindi siya muling lumubog.
Hanggang sa nakita ko na may babaeng sumisigaw sa itaas ng barko, at may lalaking tumalon para sagipin yung binata na pinapalutang ko. Hudyat na rin iyon para umalis na ako doon, para hindi ako makita ng ibang tao.
…
Paglapit ko kung saan naghihintay sina Serfina at Marigona, nagulat sila nang makita nila ako — at nagtaka naman ako bakit.
“Bakit??” Takang tanong ko.
“Yung buhok mo… hindi na kulay asul, kulay itim na siya ngayon,” Sabi ni Serfina.
Pagtingin ko sa repleksyon sa shell, tama nga sila — itim na ang buhok ko.
“Eh ano ngayon?” Tanong ko, kahit may halong kaba.
“Masama ’to… wala kaming karapatang ipaliwanag,” Sabi ni Marigona, seryoso ang mukha. “Kaya umuwi na tayo — pamilya mo na ang bahalang magpaliwanag sa’yo.”
May kaba man sa dibdib ko… Sinimulan na naming tatlo ang paglangoy pauwi.
CHAPTER 15
Redge POV
May binatang tumulong sa’kin nung nahulog ako sa dagat… At nang tingnan ko, yung misteryosong binata pala yun.
Pero nakita ko na papaalis na siya… Wag kang umalis! Wag kang umalis! Bumalik ka!
Pero bigla na lang akong napabangon sa higaan. Panaginip lang pala iyon.
Tumingin ako sa paligid — at masasabi kong hindi ito yung kwarto ko.
Maya-maya, pumasok si Fiona na may dalang pagkain at lumapit sa higaan.
“Where are we?” Tanong ko.
“Nasa barko pa tayo. What were you thinking back then?” Tanong niya, at napakunot ang noo ko.
“Bakit? May ginawa na naman ba ako?” Tanong ko.
“Tumalon ka kaya sa gilid ng barko kahapon!” Sabi niya — na ikinagulat ko. So… totoo pala yung panaginip ko na nasa dagat ako.
“Buti na lang nakita kita agad at pina-rescue kita. At buti na lang, nakalutang lang yung katawan mo sa gilid ng barko. Kung hindi… baka nalunod ka na sa kailaliman ng dagat,” Sermon niya.
Pero… paano? Yan ang tanong na paulit-ulit na umiikot sa isip ko.
“Salamat sa pagliligtas sa’kin. Kamusta yung iba? Alam ba nila yung nangyari sa’kin?” Tanong ko.
“Nope. Tayo lang ang nakakaalam. Kaya kainin mo na ’yan at inumin yung gamot mo para maibsan yang sakit ng ulo mo. Lalabas muna ako — hinihintay na yata ako ni Cam dun. Kainin mo ’yan, ha!” Banta pa niya sa’kin, pero may ngiti sa mukha habang palabas ng kwarto.
CHAPTER 16
Jade POV
Nandito ako ngayon sa bahay, at nakita nila Mama at Papa ang kulay ng aking buhok.
Nagulat sila, at nagtaka naman ako kung bakit.
“Bakit po, Mama?” Tanong ko.
“Paano naging itim ang buhok mo?” Seryosong tanong ni Papa.
“Hindi ko rin po alam, Pa. Basta may tinulungan lang ako… tapos bigla na lang naging ganito ang buhok ko,” Paliwanag ko.
“At tao ba ang tinulungan mo?” Maluha-luhang tanong ni Mama.
“Opo,” Sagot ko.
“Mahal…” Malungkot na sabi ni Mama habang nagkatinginan sila ni Papa.
“Mauulit na naman ang nakaraan…” Sabi ni Papa, halatang mabigat ang loob.
“Ano po ’yun, Pa? Meron po ba akong dapat malaman?” Tanong ko, nagtataka at may halong kaba.
Umalis si Mama at pumasok sa kanilang kwarto. Maya-maya lang, lumabas siya na may hawak na litrato.
Pinakita niya iyon sa akin — at laking gulat ko, kamukhang-kamukha ko ang babaeng nasa litrato, na may asul na buhok.
“Sino po ito, Ma?” Tanong ko, habang nakatitig sa larawan.
“Patawarin mo kami, anak, kung itinago namin ito sa’yo… Siya ang tunay mong ina,” Sabi ni Mama, at hindi ko na namalayan, lumuluha na pala ako. Hinaplos-haplos ko ang larawan ng aking ina.
“Hindi po ako galit, Mama… Bagkus, nagpapasalamat po ako kasi hindi ninyo ito tinago sa akin magpakailanman,” Lumuluha kong sabi, at niyakap ko silang dalawa.
CHAPTER 17
Jade POV
Nakaupo na kami ngayon dito sa sala at ibinigay sa akin ni Mama ang isa pang larawan. Nakita ko doon si Ina, may kasamang lalaki na may pagkahawig din sa akin. Pero gumuhit sa mukha ko ang pagtataka kaya napatingin ako kay Mama.
“Sino po ang lalaking kasama ni Ina dito sa larawan?” Nagtataka kong tanong.
“Yan ang ama mo, anak,” Sabi ni Mama.
“Tao po siya?” Tanong ko.
“Oo, anak. Tao ang ama mo. At kung mapapansin mo, itim na ang buhok ng iyong ina sa larawan,” Sabi ni Mama.
Tumingin ulit ako sa litrato at doon ko lang napansin na itim na nga ang buhok ni Ina.
“Bakit po nagkagano’n?” Tanong ko.
“Kapag binigyan ng isang sirena ng buhay ang isang tao, magiging itim ang kulay ng kanyang buhok. At kapag nangyari iyon, dapat magkasa-kasama na kayo ng taong iyon para hindi ka manghina,” Paliwanag ni Mama.
“Nalilito po ako, Mama,” Sabi ko.
“At dapat mahalin ka ng taong iyon nang lubusan, dahil yun lang ang bubuhay sa’yo sa lupa — ang pagmamahalan ninyong dalawa,” Sabi naman ni Papa.
“So dapat nandun ako sa lupa, kasa-kasama siya?” Tanong ko.
“Oo, anak,” Sabi ni Mama.
“Paano po ’yun, Mama? Kung pupunta ako doon, tapos mababasa lang din naman ako ng tubig, babalik lang din sa pagiging buntot ang aking paa,” Sabi ko sa kanila.
“Wag kang mag-alala, anak. Kalahati sa’yo ay nananalaytay ang dugo ng tao. Kaya kapag tinanggap mong isa ka ring tao, magiging tao ka talaga. At kahit mabasa ka ng tubig, hindi na magiging buntot ang paa mo. Basta tanggapin mo lang na tao ka, at magtiwala ka sa sarili mo,” Sabi ni Papa, at tumango naman si Mama bilang pagsang-ayon.
CHAPTER 18
Jade Pov
Naniniwala akong isa din akong tao. Sabi ko sa aking sarili at biglang umilaw ang aking buntot at naging paa ito. Dahil din sa ilaw na iyon, nagkaroon ako ng damit para matakpan ang aking hubad na katawan.
“Mag-iingat ka, anak. Ang mundo ng mga tao ay iba sa mundo natin. Mas masama sila sa inaakala mo,” Paalala ni Mama.
“Opo, Mama. Mag-iingat din po kayo ni Papa.” Kahit lolo at lola ko sila, tinatawag ko pa rin silang Mama at Papa kasi yun na ang nakasanayan ko at sila na ang tumayong magulang ko.
“Bes, mamimiss ka namin,” Sabi ni Fiona.
“Kaya pag may nangyaring masama, tumalon ka lang sa dagat. Pak na pak na yun!” Pagpapatawa ni Marigona sa malungkot naming atmosphere.
Nagtawanan naman kami. Kalog talaga ang baklang ito.
Tumayo na ako at pinagpagan ang aking bandang pwetan. Tumingin ako kina Mama, Papa, Marigona at Fiona.
“Wag kayong mag-alala, aalagaan ko ang sarili ko. At pangako, hahanapin ko ang binata na magdudugtong sa aking buhay,” Nakangiti kong sabi pero hindi pa rin nakatakas ang mga luha ko at nagsipatakan na lang sila.
“Girl naman! Umiiyak ka na nyan,” Sabi ni Marigona.
“Gaga, hindi ba obvious?” Natatawa kong pambabara sa kanya.
“Oh siya, humayo ka na anak. Mauuna na kami habang wala pang nakakakita sa amin. Mahirap na,” Sabi ni Mama.
Umalis na sila. Ako naman ay kumaway at nagsimulang maglakad papunta sa syudad.
Sana mabilis lang kitang makita.
CHAPTER 19
Redge POV
Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang nag-friends night out kami at mula nang tumalon ako sa barko.
“Class dismissed,” sabi ng aming prof.
Nagsitayuan na kaming lahat.
“Bye, mauuna na kami ni Cam kasi magdi-dinner pa kami together with our parents,” sabi ni Fiona.
“Pati rin kami ni Kester. Sasamahan niya pa akong mag-shopping sa LR Mall. May bago kasing labas na mga fashion clothes doon,” sabi ni Rosnel.
“Bakit pa kayo nagpapaalam sa akin?” tanong ko na may halong sarcasm.
“Oh Redge, maghanap ka na kasi ng girlfriend mo para may pagbuhusan ka naman ng oras mo,” suhestiyon ni Fiona.
“Sakit lang sa ulo ang mga ’yan,” sagot ko habang kinukuha ang bag ko. Naglakad ako palabas ng room at tinaas ang kamay ko bilang hudyat na mauuna na akong umalis.
Pumunta ako sa parking area ng university at naisipang dumiretso sa park na malapit lang dito.
Pinark ko ang kotse at bumaba. Naglakad-lakad ako sandali sa paligid pero napansin ko ang isang binata na naglalakad na nakapaa. Nang tiningnan ko ang mukha niya, siya pala ang misteryosong binata na nakasama ko sa fiesta sa Ilocos Sur.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong nagmadaling lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at napatingin siya sa akin. Hindi ko inaasahan na ngingiti siya sa akin nang sobrang tamis.
CHAPTER 20
Jade POV
Naglakad-lakad ako at tumingin-tingin sa paligid, nagbabakasakaling makita ko yung binata na hinahanap ko.
Biglang may humawak sa kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil ang hinahanap ko palang binata ay nasa harapan ko na. Ang galing talaga ng tadhana; talagang pinagtagpo ang dalawa kung sila talaga para sa isa’t isa. At girl, may pa-hugot-hugot na din pala akong nalalaman.
“San ka pupunta?” tanong niya sa akin.
“Ahmmm… hinahanap ka,” sagot ko na nakangiti, at nakita kong napatulala siya sa sinabi ko. Doon ko lang narealize ang nasabi ko.
“Ah, naghahanap ng matutuluyan,” bawi ko agad.
“Naghahanap ka nga, pero unahin muna nating maghanap ng tsinelas mo,” sabi niya. Napatingin ako sa paa ko na medyo mapula-pula na sa kalalakad kahit malinis pa rin.
“Sige,” nakangiti kong sagot. Pumasok kami sa malapit na grocery at naghanap kung may tsinelas silang binebenta.
Nakabili nga siya at siya pa mismo ang nagsuot nito sa akin.
“Wag mo na ulit wawalain yan, gaya ng ginawa mo nung huli nating pagkikita,” nakangising paalala niya sa akin. Naalala ko nga na naiwan ko yung tsinelas na binili niya dati sa fiesta.
Tumango na lang ako, pero bigla niyang hinawakan ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.
“Ang cute,” mahina niyang sabi pero hindi ko masyadong naintindihan.
Biglang tumunog ang tiyan ko at napangiti siya, na ikinapula naman ng pisngi ko.
“Tara, kain muna tayo doon,” sabi niya sabay turo sa isang fast food chain.
CHAPTER 21
Redge POV
Nandito kami ngayon sa Jollibee kumakain, kasi ito lang yung pinakamalapit na kainan na nakita ko.
Nung sinabi niya na naghahanap siya ng matutuluyan, may nag-udyok sa akin na dapat sa bahay ko na lang siya tumira. Hindi ko alam kung bakit, pero yun talaga ang gusto kong sabihin pagkatapos naming kumain. Lalake ako pero tang*na, hindi ko maintindihan ang sarili ko pag kaharap ko na itong magandang binata sa harapan ko. And damn, hindi ko mapigilang titigan siya habang kumakain.
“Sa bahay ka na lang manirahan,” sabi ko habang umiinom siya ng Coke, kasi natapos na niyang kainin yung rice at iba pa.
At dahil sa sinabi ko, bigla siyang napangiti.
“Talaga?” tanong niya.
“Oo, malaki naman yung bahay, at mga yaya ko lang yung kasama ko doon. So why not come to my house? Nag-aaral ka ba?” tanong ko sa kanya.
“Ano yun?” tanong niya na may halong pagtataka, at napasmirk na lang ako. Ang cute talaga ng nilalang na kaharap ko ngayon.
“Don’t you worry, makakapag-aral ka rin,” sabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa, basta sinasabi ng damdamin ko na dapat araw-araw kaming magkasama.
“Salamat,” sabi niya sabay ngiti.
Ano ba ang ginagawa mo sa sistema ko?
CHAPTER 22
Redge POV
Nandito na kami sa bahay at sinalubong kami ni Yaya Mel. Binati niya kami, at sinabi ko sa kanya na ipatawag ang lahat ng mga katulong para magpunta sila sa sala dahil may iaanunsyo ako.
“Ngayon, makakasama nating tumira si Jade dito sa mansyon. Sana itrato ninyo siya gaya ng pagtrato ninyo sa akin,” sabi ko, at tumango silang lahat bilang sagot.
Ipinakita ko kay Jade ang magiging kwarto niya, na katabi lang ng kwarto ko. Talagang ipinaayos ko ang kwartong iyon para sa mga unexpected guest, at nagkataon na ang lalaking nagpapalito sa sistema ko ang siyang gagamit nito.
“Ang laki naman nito,” sabi niya pagkapasok namin.
“Feel at home, kasi ang bahay ko ay parang bahay mo na rin,” sabi ko sa kanya. Nakita ko siyang nagtatakbo at kinalikot ang lahat ng mga gamit, and I find it cute.
Parang bata siya kapag may nakikita siyang bago, and it makes me wonder why.
“Baba na tayo, baka nakapagluto na sila ng makakain doon. I’m sure gutom ka na dahil ginabi na tayong makarating dito sa bahay,” sabi ko.
“Tara na,” sagot niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng kwarto. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o talagang parang nakuryente ako nung magkalapit ang balat namin.
CHAPTER 23
Jade POV
Natapos na kaming kumain at nauna nang umakyat si Redge sa kanyang kwarto. Ako naman ay tumayo at tinulungan ang mga katulong sa pagliligpit ng mga nagamit na kubyertos sa hapag kainan. Sinasabi pa nga nila na kaya na nila ito, pero nagpumilit ako. Dahil nakulitan na rin sila sa akin, napangiti na lang sila at hinayaan akong tumulong.
Pagkatapos naming matapos sa kusina, naisipan kong lumabas ng bahay at nakita ko ang hardin sa gilid ng mansyon. Pumunta ako doon at pinagmasdan ang magagandang bulaklak, lalo na’t mas pinapaganda pa ng liwanag mula sa bilugang buwan.
Nagsimula akong umawit ng isang kanta, at dahil sa kapangyarihan ng aking tinig, sumayaw ang mga bulaklak na para bang naririnig nila ang aking boses. Ang ganda lang tignan ng tanawin na iyon.
Nilabas ko ang litrato ng aking ama at ina at pinagmasdan ang kanilang mga mukha. Hindi maikakaila na sila talaga ang aking mga magulang.
Ina at Ama, nandito ako ngayon sa poder ng lalaking mamahalin ko habang buhay. Sana mahalin niya rin ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya.
Naramdaman ko ang paglamig ng simoy ng hangin kaya naisipan ko nang bumalik sa loob ng mansyon at dumiretso sa aking bagong silid.
CHAPTER 24
Redge POV
Nauna na akong pumasok sa aking silid para maligo kasi ramdam ko nang nilalagkit na ang katawan ko mula pa kanina simula nang dumating kami ni Jade.
At speaking of the andek, naalala ko ang kanyang magandang mukha, mapupulang labi, pantay at mapuputing ngipin, at makinis na balat. Dahil sa naiisip ko siya, biglang tumayo ang aking alaga.
Damn, iniisip ko lang siya, napapatayo na agad. Kaya kinuha ko ang tuwalya ko at bago maligo, nag mariang-palad muna ako habang iniisip ang kanyang magandang mukha.
Forgive me Jade, you’re so fcking beautiful.
Nang natapos ko na ang kababalaghang ginawa ko, naligo na rin ako. Nagpalit ako ng itim na pantulog, lumabas ng aking silid at kumatok sa kwarto ni Jade pero walang sumagot. Binuksan ko ang pintuan at doon ko lang napagtanto na wala pala siya sa loob.
Lumabas ako ng mansyon at pumunta sa hardin, nagbabakasakaling nandoon siya, at hindi nga ako nagkamali.
Narinig ko siyang umawit at ang ganda ng kanyang tinig. Pinagmasdan ko siya nang mabuti at napansin ko na parang sumasayaw ang mga bulaklak sa paligid niya, pero binalewala ko na lang iyon. Malay mo, dala lang iyon ng hangin.
Hindi ko na narinig na kumanta pa si Jade kaya bumalik na rin ako sa loob ng mansyon. Baka bigla siyang pumasok at sabihin pa na para akong nambubuso sa kanya. Sana naman hindi.
CHAPTER 25
Redge POV
Nandito kami ngayon ng aking barkada sa canteen ng university at si Jade naman ay nasa kabilang table kasama ang mga bago niyang kaibigan. I’m glad na masaya siya ngayon. Pero habang tinititigan ko siya, nagulat ako nang biglang may kamay na pinitik ang nuo ko mismo sa harap ng mukha ko.
Pagtingin ko kung sino ang pumitik, nakita ko si Fiona na seryoso ang tingin sa akin, pati na rin ang ibang barkada.
“Could you explain to us what is happening?” tanong niya sa akin.
“Well, he is Jade, the guy I met in Ilocos Sur,” sagot ko.
Biglang na-spit ni Rosnel ang iniinom niyang cola at napatawa ako sa reaksyon niya.
“Is this for real? Hindi mo man lang sinabi sa amin na may nakilala ka palang ganun ka-cute na binata. And he’s a 1st year college student?” sabi ni Rosnel.
At tama kayo ng nabasa, 1st year siya at ako naman ay 4th year. Nagpagawa ako ng mga papeles na kailangan niya para makapasok, kasi nga sinabi ko na sa inyo na gusto kong magkalapit lang kaming dalawa. Hindi naman totally na magkadikit, basta makikita ko lang siya at masisiguradong walang masamang nangyayari sa kanya, ay okey na ako.
“Just be friends with him, and please don’t bully him around,” pakiusap ko sa kanila. Because I know them, baka asarin nila iyon o tanungin ng mga over-the-belt na questions.
“Hindi naman kami ganun kasama, he’s now our friend if our Redge is involved with him,” sabi ni Cam, na nagpakalma naman ng aking pakiramdam.
Mabuti naman kung ganun.
CHAPTER 26
Jade POV
Pumasok ako sa classroom kasi tinawag na ako ng guro para magpakilala. Pagpasok ko, napatingin silang lahat sa akin habang naglalakad ako papunta sa gitna. Dahil sa mga tingin nila, lalo akong kinabahan na magsalita.
“Go on,” nakangiting sabi ng guro kaya medyo gumaan ang kaba na nararamdaman ko.
“Ahm… Good morning sa lahat. Ako nga pala si Jade. Sana maging magkaibigan tayong lahat,” sabi ko.
Bigla naman silang nag-ingay at may mga narinig akong nagsasabi ng:
“Lalake ba yan? Ang kinis ng balat!” “Woah! Ang gandang lalake, pre!” “Bes, wala na! Kabog na beauty natin!” “Ang cute!” “Nasaan ang hustisya!”
Napatawa ako sa huli kong narinig.
“Quiet, class! You can sit there, dear, at the back. There’s a vacant seat there,” sabi ng guro.
Guro? Ano nga pala ang tawag sa kanila pag nasa kolehiyo? Ah, prof! Tama, prof pala.
Nagpunta na ako sa likod at hinanap ang bakanteng upuan na tinutukoy ni prof. Biglang may tatlong babae ang lumapit sa akin kahit nandoon pa si prof sa harapan.
“Hi, naamoy namin ang aming mga kalahi, kaya isa ka na doon. Hi, I’m Ria,” sabi ng isa.
“Hi, I’m Sha,” sabi ng pangalawa.
“And I’m Lara,” sabi ng pangatlo.
Nagtaka naman ako sa sinabi ni Ria na “naamoy namin ang aming mga kalahi.”
“Alam kong nalilito ka ngayon, pero mag-e-explain kami mamayang break time,” sabi ni Ria bago sila umupo sa kanilang mga sariling upuan.
Anong ibig nilang sabihin?
CHAPTER 27
Jade POV
Nandito kami ngayon sa tinatawag nilang canteen, at kasama ko sina Ria, Sha, at Lara. Sabi nila sila na daw ang bibili ng pagkain at ililibre nila ako. Pagkain na rin iyon kaya umoo na lang ako. Alangan namang tanggihan ko ang grasya, diba? Pagbalik nila sa table namin, dala na nila ang mga pagkain.
“Ano ang ibig ninyong sabihin kanina, Ria?” Tanong ko sa kanya, kasi kanina ko pa iniisip ang sinabi niya.
“Well, ang sinasabi ko is…” May pa-suspense pa talaga siya, parang si Serfina. Naalala ko tuloy sila. Kumusta na kaya sila, lalo na sina mama at papa?
“Ang gusto lang naming sabihin, pare-pareho tayong lahat dito na sirena,” sabi ni Sha sa medyo palihim na paraan.
Nagulat ako. Hindi ko akalain na may kagaya ko pala dito sa lupa. Masaya rin ako sa nalaman ko kasi hindi pala ako nag-iisa.
“Eh paano kayo nagtagal dito? Diba dapat may nagmamahal sa inyo at dapat tanggap kayo ng tao para manatili sa lupa?” Tanong ko sa kanila.
“Meron naman kami nun, Jade. At wait, there’s more! Magkakapatid pa kaming tatlo,” sabi ni Lara.
What? As in???
Gulat na gulat ako nang biglang may lumapit na tatlong binata sa table namin. Nang tignan ko silang tatlo, magkakamukha sila. Sila na ba yun?
“Sila na ba yun?” Gulat ko pa ring tanong.
“Oo, siya si Mark, boyfriend ko. Si Mate, boyfriend ni Sha. At si Markian, boyfriend ni Lara,” pagpapaliwanag ni Ria.
“At mga boys, siya naman si Jade. Kagaya namin siya,” sabi ni Sha sa kanila.
“Really? Well, that explains your beauty, young man,” sabi ni Mate na nakangiti.
“Anong year na sila?” tanong ko.
“4th year college na sila,” sagot ni Lara.
Same pala sila ni Redge ng year.
CHAPTER 28
Redge POV
Nakita kong may lumapit na tatlong lalake sa table nila Jade, at namumukhaan ko sila. Sila yung mga kapareho ko ring 4th year college. Hindi ko alam kung magseselos ba ako kasi nakakalapit sila kay Jade, pero nawala din agad ang pakiramdam na iyon nang bigla silang halikan ng tatlong kasama ni Jade na mga babae.
Mapapanatag na sana ang kalooban ko nang biglang may lumapit na isang lalake. Sa tantiya ko, nasa 1st year college pa lang ito, pero hindi ko nagustuhan ang kanyang asta sa harapan ni Jade. Para siyang nagpapacute na ewan.
Unang araw pa lang ni Jade dito, pero may umaaligid na agad sa kanyang lalake. At ang totoo, that pisses me off.
Kaya tumayo ako agad at hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ng barkada. Lumapit ako sa kanilang table at mas lalong kumunot ang noo ko nang makita kong pinapatawa pa ng lalake na iyon si Jade. Mas binilisan ko pa ang paglalakad papalapit sa kanila.
“Excuse me,” pang-aagaw pansin ko sa kanilang atensyon.
“Oh, Redge, ikaw pala. Bakit?” inosente niyang tanong. Damn… Ang cute niya talaga.
“Gusto kang makilala ng mga kaibigan ko. Pero bago ang lahat, ipakilala mo muna ako sa mga kaibigan mo,” nakangiti kong sabi.
CHAPTER 29
Jade POV
“Well, siya si Ria, ang boyfriend niya si Mark. Si Sha, ang boyfriend niya si Mate. At si Lara, ang boyfriend niya si Markian,” sabi ko kay Redge at tumango naman siya bago nakipagkamay sa kanila.
“Eh sino siya?” tanong ni Redge, sabay tingin sa lalaking katabi ko pa.
“Ah, siya si Mervin. Kakikilala lang namin kanina at kaklase ko rin siya,” sabi ko. Nakipagkamay si Redge kay Mervin pero nakita kong napangiwi si Mervin, bagaman binalewala ko na lang.
“Nice to meet you all. If you’ll excuse us, ipapakilala ko rin si Jade sa mga kaibigan ko,” nakangiting sabi ni Redge. Gwapo talaga ng lalaking ito.
Luh… Nagpantasya na naman si bakla.
“It’s okay. Basta ibalik nyo siya ha? Hahaha, joke! Go on,” sabi ni Ria.
Tumayo na ako at binuhat ang tray kung saan nakalagay ang pagkain ko.
“Ako na,” sabi ni Redge. Tatanggi na sana ako pero kinuha na niya agad ang tray mula sa kamay ko.
Nakarating kami sa table ng barkada nila at nakita ko ang dalawang magandang babae at dalawang gwapong lalaki na nakaupo roon. Pagkalapit namin ay nagsalita ang isang lalaki.
“Here comes the man,” sabi ni Kester at napatingin silang lahat sa akin.
Biglang lumapit ang isang babae at kinurot ang pisngi ko.
“How cute,” sabi niya.
“Fiona, tama na yan. Baka matakot sa’yo si Jade,” suway ni Redge sa tinawag niyang Fiona.
“Hi, I’m Fiona,” sabi ng babae at kinurot ulit ang pisngi ko.
“Cam, boyfriend ni Fiona,” pakilala naman ng isang lalaki sabay nakipagkamay.
“Kester, at girlfriend ko si Rosnel,” sabi ni Kester at nakipagkamay din sila sa akin.
“Siya si Jade. Ngayon na kilala na natin ang isa’t isa, pwede na nating ituloy ang pagkain,” sabi ni Redge.
Tinuloy nga naming kumain, at hindi rin maiwasang magkwentuhan. Nagkwento rin ako pero hanggang doon lang, dahil dapat hindi nila malaman na isa akong sirena.
Hanggang kailan ko kaya ito maitatago?
CHAPTER 30
Jade POV
1 month later
Tama po yung sinabi ni author, isang buwan na po ang nakakalipas. Gustong-gusto ko nang ilabas ang buntot ko. Nailalabas ko naman ito kapag lumalangoy ako sa swimming pool pero sinisigurado kong ginagawa ko lang iyon kapag walang katao-tao sa mansyon.
May napapansin din ako kay Redge. Una, parang lalo siyang gumagwapo. Pangalawa, nagiging overprotective siya sa akin kapag nasa university kami.
Gusto ko naman iyon, pero ano kaya ang gusto niyang ipahiwatig sa mga kilos niyang ganun?
Umaasa naman ako na gusto niya rin ako, kasi kung ako ang tatanungin ninyo, gusto ko na siya. Hindi dahil siya ang buhay ko, kundi dahil gusto ko siya bilang siya.
Nalito ka ba?
Pareho lang tayo kaya hayaan mo na lang yung sinabi ko.
Ngayon naisipan nila Ria na pumunta kami sa resort nila Mark para makalangoy naman kami sa dagat.
Sinabi kasi nila na doon sila madalas magbakasyon kapag gusto nilang ilabas ang mga buntot nila nang walang ibang makakakita na makikitid ang pag-iisip sa mga sirena.
Natuwa ako at pumayag agad. Pero nang malaman iyon ni Redge, kahit hindi ko pa nasasabi sa kanya, nagtampo siya. Sinuyo ko pa talaga siya para payagan niya akong sumama.
Pero may kondisyon siya. Dapat kasama rin siya at pati mga barkada niya.
Nang sinabi ko iyon kina Ria, pumayag naman sila basta siguraduhin lang na hindi matutuklasan ng mga kasama namin na sirena kami.
Bukas na kami pupunta sa resort nila Mark at excited na ako.
CHAPTER 31
Redge POV
Papunta na kami ngayon sa resort nila Mark at nakasakay kami sa bus na pagmamay-ari rin nila. Magkakatabi ang mga babae sa harap kasama na doon si Jade, at kami naman dito sa likod ang magkakasama.
Biglang nagsalita si Mark.
“Kailan ka na aamin, bro?” tanong niya at nagtaka naman ako kung ano ang ibig niyang sabihin.
“Come on, kailan ka aamin kay Jade?” sunod na tanong ni Cam.
Habang tumatagal na kaming magkakasama, naging barkada na rin namin ang mga kaibigan ni Jade kaya parang close na close na kami kung makapag-usap ng ganito.
“Wala naman akong dapat aminin kay Jade ah,” sabi ko.
“Stop denying it. Eh bakit over bakod ka kay Jade kapag nasa university tayo?” tanong naman ni Mate.
At yan ang tanong na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko. Parang nagkaroon lang ako ng pakiramdam na kailangan ko siyang alagaan at ingatan magmula nung makita ko siya.
“Wag mo nang patagalin, pre. Malalaman mo rin kung ano talaga yang nararamdaman mo at kung bakit ka nagkakaganyan kay Jade,” sabi naman ni Markian.
Tumingin ako sa bandang harapan at nakita kong nagtatawanan ang mga babae.
“Ilang oras ang biyahe natin?” tanong ni Kester sa magkakapatid.
“Two hours,” tipid na sagot ni Mate.
Kaya naisipan ko na lang na umidlip. Pero bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko, hinanap ko muna kung saan banda nakaupo si Jade. At nang makita ko siya, saka ko lang ipinikit ang aking mga mata na may ngiti sa labi.
CHAPTER 32
Redge POV
Sarap na sarap ako sa pagtulog nang may tumapik-tapik sa aking pisngi. Nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko si Jade sa harapan ko, na talaga namang ikinagulat ko. Napahagikgik siya sa reaksyon ko.
“Tara na, nakababa na silang lahat,” sabi niya.
Pagtingin ko sa loob ng bus, totoo nga, wala na silang lahat. Bakit hindi man lang nila ako ginising at talagang si Jade pa ang pinakiusapan nilang gumising sa akin? May araw din kayo sa akin evil smirk
“Tayo na,” sabi niya habang kinuha ang medyo may kalakihang bag. Pero lumapit agad ako sa kanya.
“Ako na magbubuhat niyan,” sabi ko. Binigay naman niya sa akin ang bag, pero napansin ko ang biglang pamumula ng kanyang mukha.
“Tayo na,” sabi ko ulit at tumango lang siya. Lumabas na rin kami ng bus at nakita namin ang iba naming kasamahan. Lalo na ang mga kalalakihan na todo ngisi habang kasama ang mga girlfriend nila.
Pinanlakihan ko sila ng mata bilang warning, pero binalik ko rin agad sa normal nang mapansin ni Jade na tumingin ako sa kanila.
Narinig ko ang mahihinang tawa ng barkada namin, kaya tumingin ako ulit sa kanila at muling pinanlakihan ng mata bago tuluyang naglakad papasok sa resort.
CHAPTER 33
Jade POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Sina Ria, Sha, at Lara ay iisang kwarto lang ang gagamitin nila, kasi mahirap na kung isasama pa nila sina Fiona at Rosnel. Ang mga boys naman ay sa dalawang kwarto nakatira, at ako lang ang mag-isa dito sa kwarto ko. Siyempre, alangan namang makisama ako sa kwarto ng mga babae o sumama naman sa boys.
Dito sa resort nila Mark, may malaking hotel. Sa likod nito ay may iba’t ibang style ng swimming pools, habang sa harap naman ng hotel makikita ang marami at magagandang cottage para sa mga gustong mag-beach. Kumbaga, nasa gitna ang hotel ng swimming pool at beach. Pero wala pa dito yung sinasabi nina Ria na part ng resort kung saan puwedeng lumangoy ang kagaya naming sirena at ilabas ang aming mga buntot.
Kaya heto ako, inaayos ang lahat ng gamit ko dito sa kwarto. Apat na araw kasi kaming mag-i-stay dito: Saturday, Sunday, Monday, at Tuesday. Holiday kasi sa Lunes at Martes kaya tinuloy-tuloy na lang nila ang plano.
Maya-maya, may kumatok sa pintuan. Tinungo ko ito at binuksan, at si Sha lang pala iyon.
“Halika na, kakain na tayo. Nandoon na silang lahat,” sabi niya sa akin. Nagsabay na kaming pumunta sa cafeteria ng hotel na ito.
Yes, cafeteria nga ang tawag dito, kasi gusto ng mga magulang nila Mark na gawing pangmasa ang style ng kainan dito sa hotel. May mga nagbebenta rin ng barbecue sa labas, kaya ang ganda talaga ng ambiance dito.
CHAPTER 34
Jade POV
Natapos na kaming kumain at bigla na lang akong hinila nina Ria papunta sa banyo ng hotel.
“Bakit?” tanong ko.
“Heto na ang oras para pumunta tayo sa kweba,” sabi ni Lara.
“Huh? Kweba? Doon natin ilalabas ang mga buntot natin?” sunod-sunod kong tanong sa kanila.
“Tama ka,” sagot ni Sha.
“Eh paano sina Fiona? Baka hanapin tayo ng mga yun, magtaka pa sila,” nag-aalala kong sabi.
“Wag kang mag-alala, bahala na sina Mark na magpaliwanag sa kanila,” sabi naman ni Ria.
Kaya wala na rin akong nagawa at sumama na lang ako sa kanila. Tumakas kami para pumunta sa kweba na sinasabi nila.
“Bakit sa kweba? May tubig dagat ba sa loob nun?” tanong ko habang pinapasok namin ang gubat. Tama ang iniisip nyo, may gubat sa gilid ng hotel. Buti na lang at malaki ang buwan ngayon kaya sapat ang liwanag para makita namin ang aming dinaraanan.
“Meron girl. Nagsusupply mismo ang kweba ng sarili niyang tubig dagat,” sabi niya.
“Huh? May ganun?” tanong ko nang may pagtataka, kasi parang imposible naman ang sinasabi niya. Diba, mga dear readers? Kung sang-ayon kayo sa akin, comment kayo ngayon at mapapasaya nyo pa si author, hihi.
“May ganun girl. Mahiwagang misteryo nga yun sa amin eh. At wag mo nang ipromote si author sa mga reader hahaha,” sabi ni Lara.
“Sorry naman, kawawa kasi si author,” sabi ko. Sorry author.
“Alam ba nila Mark to?” tanong ko ulit.
“Well, obviously, resort nila ito at sila ang pangalawang nakakaalam neto pero nauna kaming mga girls,” sabi ni Sha.
“Nandito na tayo,” sabi ni Ria. Napatingin ako sa kweba at ang ganda nito kasi tinubuan ito ng maraming bulaklak. Isama mo pa ang liwanag ng buwan na lalong nagpaganda sa aura ng kweba.
Pumasok na nga kami at talagang namangha ako sa aking nasaksihan sa loob nito.
CHAPTER 35
Jade POV
Ang ganda dito sa loob ng kweba kasi may butas sa itaas kung saan pumapasok ang liwanag ng buwan. Dahil dito, kumikinang-kinang ang tubig na para bang may sariling buhay.
“Ang ganda diba?” nakangiting tanong sa akin ni Lara.
“Sobra,” sagot ko.
“Tayo na,” sabi ni Sha. Sabay-sabay nilang tinanggal ang kanilang kwintas at tumalon sa tubig. Pagka-lubog nila, lumabas ang mga buntot nila.
“Ikaw naman ang sunod, Jade,” sabi ni Ria.
Kaya tumalon na rin ako. Nang nasa ilalim na ako ng tubig, saka ko lang binigkas, “Paa sa buntot, sanay maging sirena.”
Biglang lumiwanag ang aking mga paa, nawala ang damit ko at naging buntot ang aking mga binti.
“Bakit ganun? Hindi mo kailangan ng kwintas o kahit ano para maging paa ang buntot mo?” tanong ni Sha na may halong pagtataka.
“Oo nga, bakit?” dagdag pa ni Lara.
“Kasi kalahati ng dugong nananalaytay sa aking katawan ay dugo ng isang tao, at yun ay galing sa aking ama,” paliwanag ko na nagpagulat sa kanila. Sa tagal naming magkakasama, hindi ko pa naikukwento nang buo ang tungkol sa aking mga magulang.
“Kaya pala,” sabi nilang tatlo sabay-sabay.
Sila kasi ay talagang mga sirena, pati na rin ang kanilang mga magulang. Pero ginusto nilang mabuhay bilang tao kaya humingi sila ng tulong sa ina at ama ni Marigona. Kaya may suot silang kwintas na, kahit mabasa sila, ay hindi nagiging buntot ang kanilang mga paa. Pero kapag nasira ang kwintas na iyon, saka lang babalik ang kanilang pagiging sirena, kaya dapat nila iyong ingatan ng mabuti.
Pasalamat na lang talaga ako kay ama. Kung hindi dahil sa dugong nananalaytay sa akin galing sa kanya, hindi magiging ganito kadali ang pamumuhay ko dito sa lupa.
CHAPTER 36
Redge POV
Nandito kami ngayon sa isang cottage at nakalatag na ang mga alak na iinumin namin. Meron ding mga barbecue na pang-pulutan. Syempre, may light alcohol din para sa dalawang ladies. Pero ang ipinagtataka ko, nasaan yung tatlong babae at si Jade?
“Asan yung mga girlfriends nyo? At si Jade?” sunod-sunod kong tanong sa tatlong magkakapatid kaya napatingin sila sa akin.
“Oo nga, asan na sila?” kunot-noong tanong din ni Rosnel.
“Pumunta sila sa bayan, namasyal,” sagot ni Mate.
“Bakit ngayong gabi pa? At bakit hindi pa nila kami sinama para sana kaming lahat na lang ang pumunta?” sabat naman ni Fiona.
“Sorry mga girls, biglaan kasing plano yun kaya hindi na nila nasabi sa inyo. Hindi nga rin sinabi ni Ria sa akin agad, katetext lang niya kanina nung nasa bayan na sila,” paliwanag ni Mark.
Bigla akong nag-alala kay Jade.
“Oh, yun naman pala. Simulan na natin ang inuman,” sabi ni Cam. Kumuha kami ng tig-iisang bote ng alak, sabay nag-cheers at ininom ito.
“Doon na lang kami sa gilid, kakain na lang kami ng barbecue. Alangan naman na yang pulutan ninyo ang kainin namin, diba?” sabi ni Fiona. Tumango na lang kami. Tumayo sila ni Rosnel at lumabas ng cottage pero bitbit pa rin nila yung bote ng light alcohol.
CHAPTER 37
Jade POV
Natagalan kami dito sa kweba kasi nawili kami sa kakalangoy. Isabay mo pa na naglaro kami ng habulan sa tubig. Oo, alam namin na mga binata at dalaga na kami pero what can we do? Ang saya-saya kaya ng larong iyon.
“Tayo na baka hinahanap na tayo doon,” sabi ni Ria.
“Oo nga, tayo na. Tignan nyo naman oh, dalawang oras na tayo dito,” sabi naman ni Lara nang tinignan niya ang kanyang relo na iniwan niya sa mga bato para hindi mabasa.
“Tama kayo,” sabi ko at sabay bulong,
Buntot sa paa, sanay maging tao.
Umilaw ang aking katawan kaya dali-dali akong umahon para hindi mabasa ang damit ko na ngayon ay nagbalik dahil sa liwanag na dulot nito.
Sina Ria naman ay umahon din at kinuha ang mga kwintas nila. Umilaw ang kanilang mga katawan at nagbalik din ang mga damit na suot nila kanina dahil din sa liwanag.
“Buti ka pa, ang dali-dali lang sayo yung pag-transform ng buntot mo. Like, amazing!” sabi ni Lara at napatawa kami sa huli niyang sinabi kasi binago niya yung tono ng boses niya kaya nakakatawa.
At yun na nga, lumabas na kami ng kweba at nagsimulang maglakad pabalik sa resort. Buti na lang talaga at maliwanag ang buwan ngayon.
Hindi gaya ng hinaharap ko na flat. Hahahaha.
CHAPTER 38
Mark POV
Nandito na kaming lahat ngayon sa cottage kasi nagbalik na rin sina Fiona at Rosnel. Hinihintay na lang namin na makabalik sina Ria dito sa resort.
Buti at nakalusot yung sinabi kong dahilan kanina kay Redge, kasi kung hindi, ewan ko na lang kung ano ang gagawin sa akin ni Ria. Mahal ko yung tao eh. At oo, alam na namin na sirena sila at tanggap namin iyon. Alam na rin iyon ng mga magulang namin at todo protekta sila sa mga girlfriend namin ngayon. Masaya naman ako doon.
Maya-maya lang ay nagsalita si Redge.
“Meron akong sasabihin. Tutal magkakaibigan na tayong lahat dito, sana alam ninyo kung paano itago ang secretong ito,” sabi ni Redge at napatingin ako sa mga kapatid ko na parehong may pagtataka sa mukha. Ganun din ang mga kapatid ko.
“Wag mong sabihin, Redge, na sasabihin mo sa kanila iyon?” nag-aalalang tanong ni Fiona kay Redge.
“Oo naman. Mga kaibigan na natin sila kaya dapat nilang malaman para alam din nila kung paano siya protektahan,” sabi ni Redge. Dahil sa sinabi niya, hindi ko na mapigilang makisabat sa usapan nila ni Fiona habang nakikinig lang ang iba.
“At ano ang gusto mong sabihin sa amin?” tanong ko na may halong pagtataka.
Tumingin si Redge sa amin.
“Sana wag ninyo itong ipagkakalat, at sana sabay-sabay nating protektahan si Jade,” sabi ni Redge.
“Sirena si Jade,” dagdag pa niya.
CHAPTER 39
Redge POV
Nandito ako ngayon sa aking upuan kasama ang aking mga barkada at hinihintay namin kung ano ang sasabihin nila Mark tungkol sa ibinunyag ko.
“Alam na namin yan,” maikling sabi ni Mark.
“What!?” sabay-sabay namang sabi nila Fiona, Rosnel, Cam, at Kester.
Ako naman ay hindi makapaniwala sa kanilang sinabi kaya napatagal ang tingin ko sa kanila.
“Paano?” tanong ko.
“Kasi sirena din ang mga girlfriends namin,” sagot niya na talaga namang ikinagulat naming lahat.
“Huh!?” sabay-sabay naming tanong.
“So you mean?” tanong ni Fiona.
“Oo, sirena silang apat, at matagal na naming alam iyon,” sagot ni Mate.
“Buti hindi kayo natakot?” tanong ni Cam.
“Paano kami matatakot sa mga sirena kung alam naman naming sila ang nagligtas sa amin mula sa kamatayan,” sabi ni Markian.
“At dapat lang na protektahan mo siya, Redge, kasi binigyan ka niya ng isa pang buhay,” sabi ni Mark na nagpakunot ng noo ko.
“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ko.
“Alam kong wala ako sa posisyon para sabihin ito, pero heto na eh,” sagot ni Mark.
“Iniligtas ka niya nung araw na nahulog ka sa barko. Yan ang kwento niya sa amin,” dagdag pa niya.
At doon ko lang talaga naalala at napagtanto. Totoo nga na siya yung nakita kong sumagip sa akin habang nasa ilalim ako ng dagat.
I cannot believe it.
CHAPTER 40
Jade POV
Nakita namin sila sa bandang gilid at nandoon sila sa isang cottage kaya tinungo na namin iyon. Nang makita nila kami, agad-agad tumayo si Redge at yinakap ako. Nagtataka naman sina Ria sa inaasta ni Redge ngayon.
“Anong ganap? Bakit nagkakaganyan si Redge, mahal?” tanong ni Ria kay Mark.
Naamoy ko naman ang alak kay Redge kaya hinaplos-haplos ko na lang ang kanyang likuran para kumalma.
“Alam na niyang sirena kayong apat,” sabi ni Mark na nagpagulat sa akin. Napatingin ako kina Ria at kina Fiona na nakatayo ngayon sa gilid.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” tanong ni Redge kaya napatingin ako ulit sa kanya.
“Kasi iba noon at iba na ngayon. Hindi ko sinabi kasi baka matakot ka sa akin, kayo sa akin,” sagot ko sa kanya.
Bumitaw siya sa pagkakayakap at tumingin ng diretso sa aking mga mata.
“Tama ka naman dun, pero ngayon hindi mo na kailangang itago iyon sa amin. Alam na namin at tanggap ka namin,” nakangiti niyang sabi.
Bigla na lang akong napaiyak kasi hindi ko talaga inexpect na ganito lang pala kadali ang lahat. Masaya rin ako kasi alam na nila ang totoo, at wala na akong kinikimkim na sikreto. Ang gaan-gaan ng pakiramdam.
“Group hug!” sabi ni Fiona, at lahat ng barkada ay yumakap sa akin, pati na rin si Redge. Sabay hinalikan niya ang aking nuo.
CHAPTER 41
Jade POV
Nandito kami ngayon sa gilid ng dagat, nakaupo kami sa buhanginan habang pinagmamasdan ang alon na dahan-dahang humahampas sa dalampasigan.
“Eh bakit nandito ka ngayon? Diba dapat nasa dagat ka ngayon?” biglang tanong ni Redge sa akin. Napangiti ako.
“Kasi nandito ka. Kasi nandito ang buhay ko,” sabi ko at sa gilid ng aking paningin, nakita kong napatingin siya sa akin.
“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong niya ulit, halatang naguguluhan.
Akala ko sinabi na nila Mark ang dahilan, pero mukhang hindi pa pala. Salamat, Mark, kasi binigay mo sa akin ang pagkakataong ito na ako mismo ang magpaliwanag sa kanya.
“Nandito ako kasi nandito ka. Kung napansin mo, sina Ria may itim na buhok, pero dati iba-iba ang kulay ng aming buhok, gaya ng nakita mo noon sa fiesta na kulay asul ang buhok ko,” mahaba kong paliwanag.
“Oo, tama ka. Nagtaka ako noon sa kulay ng buhok mo. Pero ano ang koneksyon nun?” tanong niya ulit.
“Meron kaming taglay na kakayahan na magbigay ng isa pang buhay sa isang nilalang, pero iisa lang ang pwede naming ibigay sa isang tao. At noong binigyan kita ng buhay nung nalunod ka, naging itim ang aking buhok,” sabi ko.
Tumingin ako sa kanya, at nakita kong tahimik lang siyang nakikinig, seryoso ang mukha, parang iniintindi ang bawat salitang sinasabi ko.
“Pero may kapalit ito…”
CHAPTER 42
Redge POV
“Dapat kung saan man magpunta ang tao na binigyan namin ng buhay, dapat nandoon rin kami” mahaba niyang paliwanag. “Kasi sila na ang magsisilbing buhay namin. At dapat ang taong iyon ay mahalin kami at mahal din namin sila kasi yun lang ang tanging daan para mabuhay kami dito sa lupa ng matagal”
Dahil sa sinabi niya bigla akong nakaramdam ng lungkot. “Kaya pala nasa tabi kita ngayon… hindi dahil gusto mo kundi dahil kailangan mo lang ako?” malungkot kong tanong sa kanya.
Bigla na lang siyang umiyak sa tanong kong iyon.
“Mali ka ng iniisip” sabi niya habang umiiyak. “Oo sa una minahal kita kasi buhay kita pero sa isang buwan nating magkasama doon ko lang napagtanto na mahal kita kasi ikaw lang ang nag-iisang lalake na nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal maliban sa mga magulang ko”
At doon ako napangiti.
Bigla kong naisip na lahat pala ng ginagawa ko para sa kanya — ang pagiging overprotective ang pag-aalala ang saya ko pag nakikita ko siyang masaya — lahat pala yun dahil mahal ko rin siya.
Lumapit ako sa kanya at yinakap ko siya ng mahigpit. Hinagod ko ang likod niya para kahit paano ay kumalma.
“Tahan na mahal din kita” sabi ko.
Napatingin siya sa akin namumula ang mata pero may ngiti sa labi. “Talaga?” tanong niya na may halong ngiti. Tumango ako.
At bigla niya akong hinalikan. Hindi na rin ako nagpigil at gumanti ako ng halik.
“Yoho love birds tama na yan isipin ninyo nasa labas kayo ngayon” sabat ni Sha mula sa likod namin.
Napatigil kami pareho at napalingon. Nandoon pala ang buong barkada nakangisi at halatang natutuwa sa nakita.
Nahihiyang yumakap na lang ulit si Jade sa akin. Siguro nahihiya siya.
How cute.
CHAPTER 43
Jade Pov
Nandito kami ngayon ni Redge sa aking kwarto, at tama ang nabasa ninyo natulog siya kagabi dito sa kwarto ko at may nangyari sa amin. Nasabi ko din kasi kagabi na matutupad lang ang pamamalagi ko at pag-iisa ng aming buhay dito sa lupa kapag may mangyari sa aming dalawa (sex). Pero ginawa namin iyon ng may pagmamahal at hindi lang dahil sa pagnanasa. Ginawa namin iyon kasi gusto naming magkasama at magtagal ang pagmamahalan naming dalawa.
Kaya heto ako ngayon tinititigan ang natutulog na mukha ni Redge pero nagkamali pala ako kasi hindi pala siya tulog. Bigla siyang ngumiti at iminulat ang kanyang mga mata at nagtama ang tingin naming dalawa.
“Ikaw ha, tinititigan mo na naman ang gwapo kong mukha” sabi niya sa akin habang nanunukso.
“Saang banda?” sagot ko naman para mainis siya pero natawa lang siya. Tapos niyakap niya ako at hinalikan sa nuo.
“Tara na sa cafeteria kasi nandoon na daw sina Fiona” sabi niya at napakunot ang nuo ko sa narinig ko.
“Oo oo oo, alam ko na ang tingin mo na iyan. Oo kanina pa ako gising at nag-text na sila pero sinabi ko na muna na hihintayin kitang magising bago tayo bumaba” sabi niya. Kinurot ko naman siya sa tagiliran.
“Dapat ginising mo na ako agad para hindi na sila naghihintay doon” sabi ko at sabay na kaming tumayo at lumabas ng kwarto.
Naligo na rin kami kagabi pagkatapos ng ginawa namin. Hindi kagaya ng mga nababasa ninyo na nakakatulog daw agad pagkatapos mag-sex. Nakakadiri kaya ang ganun! At walang ganun oy!
CHAPTER 44
Redge Pov
Natapos na ang aming pagpunta sa resort na parang bakasyon na rin at pauwi na kami ngayon. Katabi ko ngayon si Jade.
Nakasandal ang kanyang ulo sa aking balikat at hindi ko maiwasang tingnan siya.
Sirena ang nilalang na ito. Sirena pero tinanggap ko. Sirena na nagligtas sa buhay ko. At sirena na siyang mamahalin ko hanggang mamatay ako.
“Nandito na tayo sa mansyon mo, Redge” sabi ni Mark at ginising si Jade. Bumaba na rin kami at bitbit ko ang dalawang bag kung saan nakalagay ang aming mga damit. Sabi pa nga niya na siya na raw ang magbubuhat ng isa pero tumanggi ako at sinabi kong ako na lang. Kaya wala na rin siyang nagawa. Hihi.
Pinindot ni Jade ang doorbell at pinagbuksan kami ng isang katulong.
“Nandito po ang mga magulang mo, sir” sabi niya. Nagulat kaming dalawa ni Jade dahil hindi namin alam na bibisita sila ngayon sa mansyon. Talagang biglaan. Hindi man lang sila nagpasabi kung kailan sila dadalaw para sana napaghandaan namin. Hindi yung ganito.
“Redge” mahina niyang tawag sa pangalan ko at nilagay ang bag sa isa kong kamay. Hinawakan ko naman ang kanyang kamay at sinabi,
“Okey lang, tatanggapin nila tayo sa ayaw man nila o sa gusto.” Sabi ko para mapanatag ang kanyang kalooban.
CHAPTER 45
Jade Pov
Nandito kami ngayon, naka-upo sa sala, kaharap ang mga magulang ni Redge. Grabe, nakakapanghina ng tuhod. Ganito pala kapag kaharap mo na ang mga magulang ng lalaking mahal mo. Parang gusto kong higupin na lang ng lupa ang katawan ko dahil sa sobrang nerbiyos na nararamdaman ko.
Nagtanong-tanong sila at sinagot ko naman ito nang magalang.
“Bakit pala kayo napapunta dito, Dad and Mom?” Tanong ni Redge kasi simula nang umupo kami, ako agad ang napansin nila. Nasabi na rin ni Redge na magkasintahan kaming dalawa at alam mo ba ang sabi nila?
“Wala akong pakialam sa buhay pag-ibig mo basta mag-aral ka nang mabuti at maipakita mo sa akin na kaya mo siyang buhayin sa sarili mong pera.” Yan ang sabi ng ama niya.
“Well sweetie, walang problema sa akin kung sino ang mamahalin mo at masaya na rin ako para sa’yo kasi may katuwang ka na sa buhay. Malaki na talaga ang baby namin.” Yan naman ang sabi ng kanyang ina.
Pagkatapos noon, pinugpog nila ako ng mga tanong.
“Sino pala ang mga magulang mo?” Tanong ng ama ni Redge. Sasabat na sana si Redge pero pinigilan ko siya at sinenyasan na okay lang. Alam na kasi niya na patay na ang mga magulang ko.
CHAPTER 46
Jade Pov
“Patay na po ang aking mga magulang, pero may nakagisnan po akong Mama at Papa,” sabi ko.
“Oh sweetie, we feel sorry for you,” sabi naman ng ina ni Redge.
“Okay lang po, pero may litrato po sila sa akin. Heto po sila,” sabi ko at kinuha ang litrato mula sa bag na kanina’y buhat-buhat ni Redge. Ipinakita ko ito sa kanila at, nang makita nila, bigla silang natahimik na parang nakakita ng multo.
“Anything wrong, Mom, Dad?” Takang tanong ni Redge sa kanyang mga magulang. Nagtataka na rin ako sa reaksyon nila, lalo na nang makita ang litrato ng aking mga magulang.
“Bakit po?” Tanong ko pa. Biglang lumuhod ang ama ni Redge.
“Dad! What are you doing!?” Sabi ni Redge, halatang nagulat.
“Patawarin mo ako, patawarin mo ako sa ginawa ko sa mga magulang mo, patawarin mo ako,” humahagulgol na sabi ng ama ni Redge sa aking harapan.
“Honey,” mahinang sabi ng ina ni Redge habang umiiyak na rin siya.
“Ano ang ibig ninyong sabihin?” Tanong ko, at hindi ko alam pero nakaramdam ako ng matinding galit dahil sa aking naririnig.
“Dahil sa akin, namatay ang mga magulang mo. Pinatay ko ang iyong ama, at dahil wala na siyang buhay, iyon din ang dahilan ng pagkamatay ng iyong ina. Patawarin mo ako,” sabi niya habang patuloy na umiiyak.
Sa sobrang galit ko sa aking nalaman, bigla ko siyang tinulak.
“Jade,” tawag ni Redge.
“Mga mamamatay-tao kayo!” Sigaw ko. At dahil sa kapangyarihan ng aking tinig, nabasag ang lahat ng salamin at vase sa loob ng sala.
“Hinding-hindi ko kayo mapapatawad!” Galit kong sabi at dali-daling umalis sa mansyon.
Paglabas ko sa kalsada, pumara agad ako ng taxi. Nang makita ko si Redge na tumatakbo papunta sa akin, binilisan kong sumakay dahil ayokong masaktan siya sa kapangyarihan ko. Pero ramdam ko rin ang kirot at galit, kasi anak siya ng mga taong pumatay sa aking tunay na mga magulang.
CHAPTER 47
Redge Pov
Nanghihina ang aking katawan habang papasok ako sa mansyon dahil hindi ko na naabutan si Jade.
Bakit pa nagkaganito? Bakit, kung kailan maayos na ang lahat, kung kailan maganda na ang takbo ng buhay namin, saka pa ito nangyari?
Pumasok ako at dumiretso sa sala kung saan nandoon pa sina Mom at Dad na umiiyak. Pinapatahan ni Mom si Dad.
“Now, care to explain to me everything?” Sabi ko sa kanilang dalawa. Pinunasan ni Dad ang kanyang luha, tumingin sa akin, at nagsimulang magkwento.
“Merong dalawang magkaibigang lalaki. Ang isa ay inagaw ang babae na mahal ng kaibigan niya. Dahil doon, napadpad yung isang lalaki sa dagat at doon niya nakilala ang isang sirena. Sa una, hindi siya tinanggap ng mga magulang ng lalaki pero habang tumagal, natutunan din nilang tanggapin ang sirena.
Nalaman ng kaibigan ng lalaki ang tungkol sa sirena at tinanggap din naman niya ito. Nagkaroon sila ng anak na lalaki. Pero habang tumatagal, nalaman ng lalaki na ang luha ng sirena ay nagiging perlas. Dahil sa kasakiman, naisipan ng kaibigan niyang kunin ang babae para pagkakitaan.
Pinigilan ng lalaki ang kaibigan niya. Doon na nagkagulo at nagsimula ang lahat. Sinabihan ng lalaki ang kanyang asawa na pumunta agad sa dagat para hindi sila masaktan kasama ang kanilang anak. Pero sa pag-alis ng babae, binaril ng lalaki ang kanyang kaibigan.
Alam ng lalaki na kapag namatay ang tao, mamamatay din ang sirena dahil magkaugnay ang buhay nila. Kaya mula noon nagsisi ang lalaki at sinubukang hanapin ang anak ng kaibigan niya para makabawi sa kasalanan. Pero dahil sa sobrang lawak ng dagat, tumigil na rin siya sa paghahanap at pinagpatuloy na lang ang buhay nila ng kanyang asawa.
Ngayon, ikaw ang anak ng lalaking iyon,“ mahaba at mabigat na paliwanag ni Dad.
“Wala na tayong magagawa, umalis na si Jade… umalis na ang taong pinakamamahal ko,” sabi ko at napaiyak na lang ako.
Yinakap naman ako ni Mom at hinagod-hagod ang aking likod.
“Patawarin mo kami, anak,” sabi niya na lalo pang nagpaiyak sa akin.
CHAPTER 48
Jade Pov
Umiiyak ako ngayon dito sa loob ng taxi at sinabi ko kay Manong driver na ihatid niya ako sa lugar na malapit sa dagat.
Hindi ko lubos maisip na ganito ang mangyayari sa aming dalawa ni Redge. Alam ko naman na wala siyang kasalanan, pero anong magagawa ko? Nasaktan ako sa mga nalaman ko, kaya naisipan kong bumalik muna sa dagat para makapag-isip-isip sa mga susunod kong gagawin.
“Nandito na tayo,” sabi ni Manong driver. Buti na lang may dala akong pera kaya agad ko siyang binayaran at hindi ko na kinuha ang sukli.
Tinanggal ko ang aking sapatos at nagsimulang maglakad nang nakapaa papunta sa dagat. Buti na lang at walang tao dito sa beach na ito. Kung hindi, mahihirapan akong mag-transform kapag nagkataon.
“Paa sa buntot, sanay maging sirena,” bulong ko at naging buntot ang aking paa. Lumangoy ako agad para makauwi.
Inabot ng dalawampung minuto bago ako nakarating sa bahay. Nagulat sina Mama at Papa nang makita nila ako sa harapan at agad akong niyakap ni Mama. Hindi rin niya napigilang umiyak at sumali na rin si Papa sa aming yakapan.
“Bakit mo naisipang umuwi, anak?” tanong ni Mama habang nakaupo na kami sa sala. Inaamin ko, maliit man ang bahay namin pero ang sarap pa rin sa pakiramdam na makabalik sa lugar na nakagisnan mo.
“Alam ko na kung sino ang pumatay sa mga magulang ko. Magulang siya ng taong niligtas ko. Kaya ako umuwi ngayon kasi hindi ko alam ang gagawin ko, Mama,” sabi ko at napaiyak na naman ako habang naiisip si Redge. Niyakap ako ni Mama at si Papa naman ay tahimik lang na nakaupo.
“Alam namin na sa pagpunta mo sa lupa, malalaman mo rin kung sino ang pumatay sa mga magulang mo. Pero wala na tayong magagawa doon, anak. Kung kaya lang naming ibalik ang buhay nila, sana noon pa nagawa na namin. Pero iyon ang gusto ng tadhana,” mahaba at mabigat na sabi ni Papa.
“Mahirap magpatawad, anak. Mismong kami, hindi rin namin kayang patawarin ang taong pumatay sa mga magulang mo. Pero ang una nating gawin ay tanggapin ang katotohanan. At saka na lang natin pag-isipan ang pagpapatawad kapag talagang natanggap mo na ang lahat,” sabi ni Mama habang mahigpit niya akong niyayakap.
CHAPTER 49
Redge Pov
Dalawang linggo na ang nakakalipas at dalawang linggo ko na rin siyang hinihintay at hinahanap sa dagat.
Pero wala pa rin. Andito ako ngayon sa penthouse namin ng magbabarkada at kasama ko sina Mark, Mate, at Markian kasama rin ang mga girlfriend nila.
“Nawawalan na ako ng pag-asa na makita siya pero mahal na mahal ko pa rin siya,” mahina kong sabi. Wala na talaga akong lakas magsalita dahil gabi-gabi na lang akong umiiyak mula nang umalis siya.
“Wag kang mawalan ng pag-asa, bro,” malumanay na sabi ni Mate.
Nagkwentuhan sila at pilit nila akong pinapatawa para kahit paano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman ko.
Jade Pov
“Dalawang linggo na girl, kailan ka babalik sa mahal mo?” tanong ni Serfina.
“Oo nga, baka naiinip na yun sa kakahintay sayo at makahanap pa ng ibang babae,” sabi naman ni Mark. Hindi si Mark na boyfriend ni Ria, kundi si Mark na isang gwapong sireno at matagal ko nang kaibigan. Nakwento ko na rin sa kanya lahat ng nangyari sa lupa kaya heto siya ngayon kasama namin.
Binatukan naman siya ni Marigona.
“Dapat positive lang,” sabi ni Marigona.
Nag peace sign naman si Mark at ngumiti.
“Oo nga, bes, kailan ka babalik sa mahal mo? Ang masasabi ko lang sayo, mahal na mahal ka talaga ng lalaking iyon,” sabi ni Marigona.
“At paano ka nakakasiguro?” tanong ko sa kanya.
“Tanga lang, bes. Kung hindi ka na niya mahal, edi sana patay ka na ngayon, diba?” sabi ni Marigona. Napaisip ako. Tama nga siya kasi kung tutuusin, pagmamahalan naming dalawa ang bumubuhay sa akin ngayon.
Hindi ko alam kung ano dapat kong maramdaman pero masaya ako at nakapagpasya na akong bumalik sa lupa.
Hindi nyo ako masisisi, miss ko na si Redge. Napatawad ko na rin ang mga magulang niya dahil iyon ang araw-araw na ipinapaintindi sa akin nina Mama at Papa.
Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at umuwi para sabihin kina Mama at Papa na babalik na ako sa lupa.
CHAPTER 50
Jade Pov
Kinabukasan din ay nagpunta na ako sa lupa at sinamahan ako nina Mama at Papa pati na rin ng mga kaibigan ko.
“Mag-iingat ka palagi dito anak,” sabi ni Mama at tumango naman ako.
Marami pang sinabi si Marigona pero hinila na siya ng mga kaibigan ko at umalis na rin sila kasi baka may makakita sa kanila.
Nandito na ako, Redge.
Pagkatapos ay pumunta ako sa kalsada, pumara ng taxi, at sinabi ang address ng mansyon ni Redge.
Redge Pov
Nandito ako ngayon sa mansyon sa loob ng aking kwarto. Ramdam ko na parang ayaw na ng katawan kong bumangon pero nang may marinig akong sumisigaw ay napatayo agad ako mula sa higaan.
Nang silipin ko sa sala, mga kaibigan ko lang pala ang naroon. Akala ko siya na. Akala ko si Jade na iyon, pero hindi pala.
Bumaba ako gamit ang hagdan at kahit hindi pa ako nakakalapit sa sala kung saan nakaupo silang lahat ay nagtanong na ako.
“Bakit kayo naparito?”
Ipinakita nila ang isang kahon ng cake at may dala rin silang iba’t ibang pagkain.
Ano na naman ang trip ng mga ito? Napansin ko rin na binili nila ang paboritong pagkain ni Jade, ang bananacue.
“Kain na tayo,” sabi nila. Pumunta kami sa kusina at ibinigay ang mga dala nilang pagkain sa mga katulong para ihanda.
Biglang bumukas ang malaking pintuan at pumasok ang nilalang na matagal ko nang hinihintay, ang nilalang na mahal ko.
Nagbalik na siya. Nagbalik na si Jade.
FINAL CHAPTER
Jade Pov
Tumakbo ako nang mabilis at binuksan ang malaking pintuan. Pagpasok ko ay nakita ko ang barkada at si Redge na sa tingin ko ay kagigising lang. Bigla siyang lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap.
“Buti nagbalik ka,” sabi ni Redge. Nararamdaman ko na nababasa na ang aking damit, umiiyak na pala siya.
“Alangan namang hindi… Nandito yung mahal ko eh,” sabi ko naman para mapagaan ang kanyang nararamdaman.
“Sana mapatawad mo ang mga magulang ko sa nagawa nila sa’yo at sa mga magulang mo,” sabi niya habang humihingi ng tawad.
Humiwalay ako sa yakap namin at tinignan siya sa mata.
“Okey na iyon, napatawad ko na ang mga magulang mo. Ano pa bang silbi ng galit ko, di ba?” sabi ko na may ngiti sa aking mukha.
Bigla niya akong hinalikan at sabay-sabay namang sumigaw ang barkada namin.
“Woooh…”
“Buti bumalik ka na, bes, para tumigil na ang isa dyan sa kakaiyak sa tuwing kakausapin namin siya,” sabi ni Cam. Napatingin ako kay Redge at tumingin siya sa gilid, kaya na-cute-tan ako sa kanyang ginawa. Hinalikan ko siya sa pisngi at napangiti naman siya.
“Tara na, kain na muna tayo. Dala din namin ang paborito mo, girl, ang bananacue!” sabi ni Fiona. Na-excite naman ako kaya pumunta na kami sa kusina.
Pero nang buksan nila ang bananacue, biglang nag-iba ang timpla ng sikmura ko at dali-dali akong nagtungo sa lababo at napasuka doon. Hindi ko maintindihan kung bakit.
“May problema ba, mahal?” tanong ni Redge sa akin.
“May nangyari ba sa inyo ni Redge, Jade?” tanong ni Ria. Tumango ako bilang sagot.
“My gosh! Buntis ka, girl!” biglang sabi ni Sha na nagpagulat sa aming lahat.
“What!?” sabay-sabay nilang tanong kay Sha, maliban kina Lara at Ria.
Naalala ko tuloy ang palaging sinasabi ni Mama sa akin:
Walang imposible sa pagiging sirena.
Ito na ba iyon, Mama?
EPILOGUE
Jade Pov
(5 years later…)
Nandito kami ngayon sa mansyon. Oo, nanganak na ako, at bakit parang ang bilis? Kasi ang pagbubuntis ng isang sirena ay isang buwan lang. Ngayon ay birthday ng panganay namin at magfo-four years old na siya.
Kinasal na din kami ni Redge kahit college pa ako. Si Redge naman ay nakapagtapos na at may sarili na siyang negosyo. Lahat ng mga kaibigan namin ay nakapagtapos na rin, maliban sa aming apat na sirena. Nakakatawa pero totoo.
Nagkabati-bati na rin kami kasama ang mga magulang ni Redge at ang mga magulang ko. Nandito ngayon sina Mama at Papa kasama sina Marigona, Serfina at Mark. Gusto daw nilang makita ang dalawa naming anak. Oo, dalawa na ang anak namin, parehong lalaki. Yung isa ay sanggol pa lang at natutulog ngayon sa kwarto namin ni mahal. Kapapanganak ko lang sa kanya last-last week.
Ngayon pababa ako ng hagdan kasama ang panganay namin. Nang makita niya ang kanyang lola na si Mama, tumakbo agad siya at niyakap sila ni Papa.
“Malaki na ang anak mo, anak,” sabi ni Papa at niyakap din ako.
“Magandang umaga po,” bati naman ng gwapo kong asawa na kararating lang mula sa kusina.
Ngayong birthday ng anak ko, simple lang ang gusto ko sa damit at sa handa. Mas mahalaga ang saya at ang samahan ng pamilya.
Dumating na rin ang mga magulang ni Redge at masaya silang nagkuwentuhan kasama ang mga magulang ko. Ang saya sa pakiramdam na close na close na silang lahat.
Dumating rin ang mga kaibigan namin dala ang kanilang regalo at bumati sa aming anak.
“Mahal, masaya ako kasi nakilala kita,” yan ang paulit-ulit na sinasabi sa akin ni Redge. Nagpapasalamat talaga ako na siya na ang the one and only ko. Ngumiti ako at hinalikan siya at gumanti rin siya ng halik.
……………………..
Kinantahan namin ang anak namin ng “Happy Birthday” at pagkatapos niyang hipan ang kandila, sabay-sabay naming sinabi, “Happy birthday baby.”
Bigla namang umiyak ang sanggol namin sa taas.
“Ang anghel natin gusto yatang batiin si kuya,” sabi ni Redge na may ngiti. Pinabayaan muna namin sina kuya sa sala at inakyat ang sanggol para kunin at patahanin siya.
Ako nga pala si Jade At ako naman si Redge
Salamat sa pagbabasa ng aming kwento.
Tandaan kahit sino pa iyan, tikbalang, sirena o kahit anong nilalang, basta mahal mo siya at wala kang naaapakang tao, huwag kang matakot. Ituloy mo lang ang pagmamahalan ninyo.
Wala na kaming ibang masasabi kundi maraming salamat sa lahat.
Paalam sa inyong lahat ❤️❤️❤️❤️
Author’s Note
Thank You very much kasi natapos ninyo ang kwentong ito.
Don’t forget to follow me to all my Social Media Accounts.
My Social Media Accounts
Wattpad:
Chakasalsal
FB:
George Rosewell Lapitan
Instagram:
georgerosewelllapitan
Youtube:
Jojo Brillantes

