THE GOLDEN BOYS meets THE SUPER STAR
Dex Pascual25 · 9 chapters · 14,160 words
Untitled Part 1
THE GOLDEN BOY meets THE SUPER STAR
Kapag PUSO na ang nasaktan
ISIP na ang lalaban!
Kapag PAMILYA na ang nasaktan
Hindi pwedeng dika LALABAN!
Sa mundong ating ginagalawan
Hindi pwedeng dika MAHIRAPAN
Pero sa lahat ng hirap na ating PINAGDAANAN
Tayo’y naging MATATAG at natutong LUMABAN
Para sa KATARUNGAN, PAG-IBIG at katotohan
Sa huli, Hindi padin sagit ang gumanti at makipag SAKITAN
Dahil ang nagiisang sagot sa ating KAPIGHATIAN
ay nag-iisang KATOTOHANAN
CHAPTER 1 WORLD WAR 1
KEN’S POV
Ako nga pala si Kenneth Ken Mendoza, 17 years old ang LIZA SOBERANO ng Antipolo City, charot lang! diba? lalaking lalaki ang pangalan ko? Pero ang puso kopo ay babaeng babae and before you judge me simpleng gay lang ako, hindi ako masyadong baklang bakla unlike sa mga ibang gays na todo kong mag foundation at pak na pak ang mga labi ako simple lang talaga kung hindi moko kakausapin di rin kita kakausapin, pero madaldal ako sa mga kaclose ko hindi din ako basta basta nagpapatalo lalo na sa mga bully at Ken nalang ang itawag nyo sakin, Dahil ayon ang tawag ng karamihan sakin, Para mas maikli daw.
Isa akong grade 11 dito sa isang kilalang school dito sa ANTIPOLO pero di ako mayaman, poor po ako nakakuha lang talaga ako ng scholarship kaya ako nakapag enroll dito.–Dahil first day of class maaga ako nagising kasi super excited ako sa new school ko, at sa mga new classmates ko.
“Ma papasok na po ako” Paalam ko kay Mama
“Sige anak ingat ka ha? eto nga pala ang baon mo, pagpasensyahan mona wala kasi akong nahiraman kahapon”
Inabot sakin ni mama yung 30 pesos na hawak nya, alam kong gusto nya akong bigyan ng malaking baon pero ayon lang talaga ang kaya nya at tanggap ko yon, ayos lang sakin kasi sanay ako sa hirap, hindi ako nag eexpect na malaking pera ang babaunin ko.
“Ano kaba Ma, ayos lang po yon ang importante may baon ako diba? Wag po kayo mag alala Ma mag-aaral po ako ng mabuti at kapag nakatapos ako? Maghahanap ako ng magandang trabaho at kapag nakaipon nako ibibili ko kayo ng magandang bahay at Hindi na kayo maghihirap dahil ako na ang bahal sa lahat.”
“Salamat Anak”
Niyakap ko ang mama ko at nagpaalam na aalis nako.
At ETO ang pinaka ayaw ko sa lahat ang walang katapusang TRAFFIC kahit saan lupalop pa ata ako dumaan diko maiiwasan ang traffic ang aga ko na ngang umalis ng bahay pero bakit ganon malelate paden ako, kung nilakad ko nalang siguro baka nasa school nako, tiningnan ko yung phone ko at 10 minutes nalang malelate nako pero mabuti nalang at nakarating padin ako.
Mabilis akong bumaba sa jeep sa pag aalala na malelate nako pero sa sobrang kamama dali ko hindi ko pala nakuha yung sukli ko sa binayad ko.
“Kuyaaaaaaa!!!!!!!!!!!”
Hindi nako narinig ng driver dahil nakaalis nasya.
P-PAAno nato! Hindi nako makakauwe nito wala nako ipapamasahe.
Wala ako sa wisyo ng pumasok ako sa school at lutang na naglalakad at hindi ko na napansin na may kasalubong ako at nag kabanggaan kami para akong nauntog sa pader kaya natumba ako, omg mga besh! ang sakit sobra pero imbis na mag sorry ay nagalit pa sakin yung naka bungguan ko.
“Are you blind?! o sadyang tanga kalang?!”
aba! bastos tong lalaking to ah, gwapo pa naman sana kaso bulok ang ugali di man lang marunong mag sorry! Sakit kaya! Sabi ko nalang sa sarili ko
“Sorry hindi ko kasi nakita na may kasalubong ako”
“Next time tumingin ka sa dinaanan mo ng hindi ka nakakabangga”
Yabang naman nitong lalaki nato sya nanga nakasakit at nag sorry na nga ako ayaw padin.
“Hindi kadin ba mag sosorry sakin?”
“Bakit ako magsosorry?!, kasalan mo yon kasi tatanga tanga ka”
aba! aba! sumusobra na talaga tong lalaking to, kung makapagsabi ng tanga akala mo kung sino.
“Tol tama nayan malelate na tayo”
Ngsalita na yung isa nyang kasamang lalaki, gwapo din ha at yung isa naman ay nanunuod lang gwapo din pero mukhang manyak #judgemental
“Eto kasing baklang to, bago kaba dito at hindi mo kami kilala? HINDI MOKO KILALA?”
Ay? kailangan talaga makilala ko kayo? lalong lalo kana YABANG artista ba kayo? gusto kasang sabihin sa kanila pero wag nalang
“Oo bago ako dito, ano naman? bakit kayo ba may ari ng school nato? atsaka wala akong balak makilala kayo, lalo kana YABANG”
“Anong sabi mo? pakiulit nga?”
Lumapit sakin yung lalaki na parang papatayin ako, jusko po ayoko ko pang mamatay marami pakong mga pangarap sa buhay huhuhu.
“Ah eh ih wala wala”
Tinulak ko sya at mabilis na tumakbo pero sumigaw sya.
“Magkikita din tayo bakla!”
kinabahan naman ako sa sinabi nya, Mamaya member pala sya ng isang sindikato baka ipapatay ako at kunin ang kidney ko, Pero ang masnakakatakot ngayon ay late nako! JUSMIYO MARIMAR AMO NI PULGOSO late nako ng 5 minutes buset kasi yung YABANG nayon eh paepal! First day na first day late agad ako huhuhu nakakahiya.
Mabuti nalang at mabait ang professor namin at hindi ako pinagalitan kahit late ako, Wag lang talaga mag krus ulit ang landas namin ni Yabang dahil pepektusan ko talaga ang atay nya.
TERRENCE POV
Ako si TERRENCE ALCANTARA 18 years old anak ng may ari ng school nato, at myembro ng varsity at madalas akong habulin ng mga babaeng diko kilala kaya madalas akong mag tago baka malapa pa ko ng mga ayon at hindi ako natutuwa sa ginagawa nila.
Gusto ko lang ng simpleng buhay yun lang. Pero ewan koba kung bakit hindi nila ako tantanan
Nakakabadtrip ngayong araw, badtrip nga sa bahay pati ba naman sa school badtrip den! tsssskk
“Tol baka naman mamatay lahat ng makasalubong natin dahil sa kunot ng nuo mo”
Nilingon ko si Kevin mabuti nalang talaga kaibigan ko sya kundi nasapak kona tong lalaking to, lakas mang asar sakin kundi kolang talaga to kilalang kilala iisipin ko na bakla to at may gusto sakin lagi kasi akong trip eh.
“Tama na nga yan, pumasok na tayo at malelate nadin tayo”
Buti patong si Lance kalmado lang at hindi ako kinokontra.
“Pero maiba tayo, Hindi imubra yung kagwapuhan mo dun sa baklang nakabangga mo kanina siguro malabo mata non” -KEVIN
tssk pina alala nya pa isa nga yon sa nakapag badtrip sakin, mag kikita din kami non at kapag nangyari yon humanda talaga sya.
“Hindi pa kasi nya tayo kilala kaya ganon umasta yung baklang yon.” Sagot ko nalang.
“So anong balak mo?” Tanong sakin nu Kevin?
Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya, Alam naman nya ang ginagawa ko sa mga taong hindi pa nakakakilala sakin.
“Late na tayo.” -Lance
“Wala na akong ganang pumasok, Nasira na ang araw ko.”
“Seriously? First day of class mag cucutting class ka?” -Lance
“Oo”
Napailing nalang si Lance at iniwan kaming dalawa ni Kevin, Saming tatlo si Lance talaga ang pinakamasipag mag-Aral at ayaw nya sa mga gawaing ganito.
KEN’S POV
Nung nagpaulan ng kamalasan ngayon nasalo ko lahat.
Una nalate na nga ako
Tnakilala ko pa si YABANG
at higit sa lahat yung perang tinitipid ko huhuhu nakalimutan kopang kunin yung sukli.
Ewan koba naman kasi sa mga driver hindi nalang binigay agad yung sukli ko edi sana hindi ko nakalimutan, lutang ako ngayong araw sa dami ba namang kamalasan na nangyari sakin, kaya ako ngayon eto naglalakad pauwe. Wala na kasi akong pamasahe huhuhu at habang nag lalakad ako biglang may huminto na kotse ang ganda at mukhang mamahalin, pero may nag laro na naman sa isip ko, hindi kaya ito yung kumukuha ng bata?
at kukunin yung kidney ko!?
Napa sign of the cross tuloy ako ng wala sa oras, biglang bumukas yung bintana ng kotse at bigla nalang may hinagis saking puro basura.
wtf sabi ko sa sarili ko, humarurot na paalis yung kotse hindi ko na nagawang sumigaw dahil nabigla ako sa pangyayari, Mukha bakong basurahan? oo alam kong hindi ako maganda pero hindi ako mukhang basurahan!
how dare them!
diko na talaga na pigilang umiyak naaawa ako sa sarili, bakit ba ako nagkakaganito?
dahil ba sa mahirap lang ako?
kaya kailangan kong danasin ang lahat ng ito?
habang naglalakad ako sa isang super market ay may nakita akong isang lalaki na medyo matanda na natumba kaya dali dali ko itong nilapitan at tinulungang makatayo.
“Si-sir? ayos lang po ba kayo?”
“Ah, oo anak medyo nahilo lang ako dala ng init, salamat nga pala sa pagtulong mo”
“Wala po yon sir kahit sino naman po gagawin yon, ay san po ba kayo samahan ko napo kayo?”
“nandon yung kotse ko sa may parking lot, pauwe na kasi ako”
Wow taray may kotse! richkid si sir! balato naman dyan! charot lang!
“Ganon po ba samahan ko napo kayo sir”
Sinamahan ko si sir papunta sa kanyang kotse, nagaalala kasi ako baka mamaya ay matumba ulit sya at walang tutulong sa kanya, inantay ko siya makasakay bago ako aalis.
“Anak taga saan kaba?”
tuggs tuggs tuggs tu tu tugs tuggs tuggs charot! magbubudots sana ako eh ahhahaha
“Ah dyan lang po sir malapit lang”
“Talaga? gusto mo ihatid na kita para naman mabayaran ko ang kagandahang loob mo”
“Ay wag napo sir ayos lang po sakin, baka maabala ko pa po kayo”
“Sige na pumayag kana, sige ka”
Nahihiya man ay pumayag nadin ako baka sabihin eh pabebe pako. hindi nako nagpahatid hanggang samin kasi medyo na kakahiya at nakakaabala pako at may inabot sya sakin.
“This is my calling card if you need my help you can call me anytime at nandyan din nakalagay yung address ko”
“Nako po sir salamat po talaga”
Pagbaba ko ay nagtinginan agad sakin yung mga kapit bahay naming chismosa.
Pag dating ko sa bahay ay sinalubong agad ako ng aking masipag at mapagmahal na ina, na katatapos lang ata mag laba.
“Anak bakit ganyan ang itsura mo?”
Bakas sa boses ni Mama ang pag aalala at ayoko kanang dagdagan ang mga iniisip nya.
“Nag PE po kasi kami kanina Ma kaya ganyan” palusot ko.
“Nag PE! sabihin mo humarot kalang bakla ka!”
Biglang dumating si kuya na nakainom at ang sama ng tingin sakin.
Hindi ko alam kung anong nagawa kong kasalan at ang init ng dugo sakin ni kuya. Sinusubuka ko naman syang intindihin kaya lang parang mas lalo syang nagagalit sakin.
“Tumigil ka dyan Cyruz! lasing kana naman! pagod na nga ako dumadagdag kapa! matulog kana!”
“Oo nga po kuya matulog kana, lasing kana oh”
Aalalayan ko sana si kuya pero tinulak nya ng malakas dahilan para matumba ako.
“Wag mo nga akong hawakan Nakakadiri ka! Bakla! Salot! (hik), at Wag moko Papakialaman sa ginagawa ko baka tamaan ka sakin!”
Sa pagkakataong yon ay umiyak nako, hindi ko alam kung bakit ganon sakin si kuya kung ituring nya ako parang hindi nya ako kapatid, kung saktan nya ako parang may nagawa akong kasalanan sa kanya, Kung sabihan nya ako ng masasakit na salita parang hi hindi ako nasasaktan ganito ba talaga pag bakla ka? ang tingin sayo salot at kadiri?
“Ikaw Cyruz sumusobra kana hindi mo dapat ginawa yon sa kapatid mo!”
“Kapatid! diko kapatid yan! magsama kayo ng anak mong bakla”
Inawat kona si mama para dina humaba ang gulo lasing si kuya at sigurado hindi yon mag-papatalo.
“Ma tama napo”
Niyakap ako ni Mama at hindi kona napigilang humagulgol ng iyak.
“Anak pag pasensyahan mo nalang ang kuya mo lasing lang yon”.
Pilit kong iniintind si kuya dahil baka may pinagdadaanan lang sya.
TERRENCE POV
“Pare ang lupit mo, Nagmukhang basura yung baklang yong kanina hahahahaha at mukhang na shock pa hahahaha”
Eto na naman si kevin ang ingay ingay ang sakit sa. Tenga.
“Hindi ba mukhang sobra naman ata yung ginawa nyo kanina?”
Eto namang si lance masyadong mabait tinalo pa yung isang santo.
“Pwede ba lance wag ka nga dyang kj, ayaw mo ba non happy natong tropa natin” -kevin
“Bagay lang yon sa kanya dahil sinira nya ang araw ko at ang sumisira sa araw ni TERRENCE ALCANTARA ay dina aabutan ng bukas”
Diniinan ko talaga ang pagkakasabi ng pangalan ko.
“Wow ang astig talaga ng tropa namin hu! Lodi ka talaga bro! Petmalu!” -kevin
Inakbayan na naman nya ako na ayaw na ayaw ko feeling ko kasi may malisya yung akbay nya hahaha pero straight talaga sya trip kolang na asarin na bakla sya para tigilan na yung pangungulit sakin.
~ ~ Pag uwi ko ng bahay naabutan ko si lolo sa may salas na nagpapahinga nag mano naman ako ng makalapit.
“Lo nakauwe napo pala kayo? bakit dipo kayo nagsabi sana na sundo po kita”
“Hindi ko talaga sinabi sayo apo because i want to surprise you, balita ko puro ka kalokohan at puro pang chichix at Basketball ang ginagawa mo”
“San mo naman po yan nakuha Lo? ang bait ko kaya”
Bigla akong Pinagpawisan sa sinabi ni lolo mabuti nalang talaga at mabilis ako mag isip
“Apo, hindi naman sa nanghihimasok ako sa mga gusto mo ang akin lang ay unahin mo ang pag aaral mo kesa dyan sa hilig mong basketball”
“Lo? basketball is my passion and my life at kung mawala to diko alam ang mangyayari.”
“Basta! kung patuloy na bababa ang mga grades mo mapipilitan akong ipadala ka sa States kasaman mo don ang mommy at daddy mo!” “lo?-”
Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil tinalikuran nako ni lolo, isa ito sa pinaka ayaw ko yung dinidiktahan nila ako sa mga bagay na ginagawa ko.
Kasalanan bang gawin ang gusto ko?!
CHAPTER 2
KEN’S POV
Kasalukuyan akong nag babasa ng mga lesson na Ipina sulat samin kahapon nakasanayan kona kasi ang mag advance reading malay mo magtanong samin at wala akong maisagot, mayamaya ay nagtaka ako kung bakit biglang naging maingay sa may campus at yung mga classmate kong babae at mga Bakla ay nagmamadaling llumbas kaya tinanong ko yung isa kong kaklase.
“Ate bakit kayo nnaglalabasan, ano pong meron?”
“Nandyan yung “
GOLDEN BOYS!“
Yun lang yung sinabi nya at nilayasan nako agad
“
GOLDEN BOYS?“
ano yon?
mga lalaking gawa sa ginto?
Dahil sa na curious ako ay sinilip kona ang labas at nawindang ako kasi halos lahat ng studyante ay nasa may corridor may pa banner at may mga nagsisigawan at nagtitilian at nakatingin sa may quadrangle kaya sinilip kodin, nasan ang sinasabi nilang
GOLDEN BOYS
? eh tatlong studyante lang naman ang nandon nababaliw naba ang mga studyante dito sa school?
Nang nilibot ko ang mga mata ko ay nakita ko yung kaibigan ko sa may baba dahil sa na excite ako ay sinigawan ko sya as in super duper mega sigaw.
“CHARLENE!!!
CHARLENE!!!!“
Dahil sa lakas ng sigaw ko ay narinig agad ako ni charlene eh nasa may 3rd floor lang naman ako hanggang 6th floor kasi tong school hahaha skl hahaha pero hindi lang si charlene ang nakapansin sakin, halos lahat ng studyante ay nakatingin na sakin lahat, Na para bang mangangain ng tao, problema nila?. narinig ko yung mga iba na nagbubulungan may mga nagsasabi
“sino sya?”
“na babaliw naba sya?”
“di ba nya kilala ang
golden boys
“
Ilan lang yan sa mga sinabi nila sakin at yung iba puro pang lalait na sakin, diko nalang si pinansin at bumaba nalang ako para puntahan si charlene. Malay koba sa GOLDEN BOYS nayan pake ko dyan.
“Besh! long time no see!”
Binati ko sya sabay niyakap ko sya masaya ako ngayon kasi may makakausap nadin ako. Akala ko talaga magiging anino lang ako dito sa school nato.
Habang nagchichikahan kami ni Charleneay may tatlong lalaking lumapit samin at yung isa hinawakan pako sa balikat at hinarap sa kanya.
“Wala ka ba talaga alam gawin sa buhay mo kundi ang sirain ang araw ko”
Pagtingin ko ay si Yabang lang pala pati yung Mga kaibigan nya!
Proble nya? May nagawa ba akong mali? O sasdyang trip nya lang ako?
Diko alam kung bakit tinopak na naman to siguro hindi to nakainom ng gamot o di kaya pinaglihi sa sama ng loob.
“Ano bang problema mo YABANG?”
“Anong sabi mo mayabang ako?”
“Ang sabi ko ang bait mo!”
“Di mo ba talaga ako nakikilala?”
Medyo naiinis na yung boses ni yabang ang sarap nya lang pikunin hahahaha.
“Pano kita makikilala eh wala ka namang ID”
Biglang namula si yabang at yung dalawa nyang kasama ay pinipigalan nalang ang pagtawa.
“Gusto mong pakaiinin kita ng id!?”
“Id? ayoko nga gusto ko kung pakakainin moko yung masarap na”
“Pinipilosopo mo ba ako?!”
“Hindi, bakit naman kita pipilosopohin”
Hihilahin ko na sana si charlene paalis dito sa grupo ni yabang para matapos na, baka kasi atakihin sa puso si yabang sa sobrang galit pero hinawakan ako ni yabang sa braso.
“San ka pupunta?!”
“Sa room ko, bakit sasama ka?”
“Hindi ka pupunta sa room mo!”
aba! aba! aba! sino sya para pagsabihan ako na wag pumunta sa room ko, bakit sya ba ang may ari ng school nato.
“Bakit ikaw ba ang may ari ng school nato ha yabang?”
dahil sa ang kulit ni yabang ay kinagat ko yung kamay nya para mabitawan nya ako sabay hila kay charlene at tumakbo kami pero sumigaw si yabang
“HUMANDA KA SAKING BAKLA KA!”
kinabahan naman ako sa banta nya nako baka katapusan kona huhuhu
Nang makalayo na kami ay huminto nadin kami.
“Baks? dimo ba talaga sila kilala? lalong lalo na yung yabang na sinasabi mo?”
halata sa boses ni charlene ang pag aalala.
“Bakit charlene sino ba sila?”
Kinuwenti sakin ni charlene ang tungkol sa tatlong magkakaibigan nayo sila daw ang “
GOLDEN BOYS
“ Bukod sa mga gwapo, mayayaman ay myembro din sila ng varsity ng school at talagang kilalang kilala sila sa buong campus at halos lahat ng babae at mga bakla ay nagkakandarapa mapansin lang sila ng tatlo at ako palang daw ang kauna unahang na naglakas loob na umaway sa tatlo lalong lalo na kay yabang, pero ang isang nag pakaba sakin ng sabihin ni charlene na ang may ari ng school na pinapasukan namin ay pamilya ni yabang!
OMG !
diko alam kung anong gagawin ko!
Ano bang ginawa ko huhuhu patay ako nito pamilya pala ni yabang ang may ari ng school nato.
“Baks ayos kalang ba bakit parang namumutla ka ata?”
“Ah eh ih a-ayos lang ako be”
Pumasok na kami sa room namin kasi magkaklase pala kami ni cha, at pag pasok ko nakatingin lahat sakin ang mga kaklase ko yung parang nakagawa ako ng malaking kasalanan, hindi ko nalang sila pinansin dahil may mas malaki pa akong problema!
Si yabang baka ano mang sandali ay ipatawag ako sa guidance office.
Mayamaya pa ay dumating na ang prof namin.
“Sino pala sa inyo si Mr. kenneth mendoza”
Nagulat ako kasi bakit nya ako tinawag, hindi nga ako nagkamali at sinabi nya na pinapatawag daw ako sa guidance at kailangan konang pumunta.
Kabadong kabado akong pumunta sa guidance pakiramdam ko ano mang oras ay matutumba ako sa sobrang nerbyos, habang naglalakad ako may mga studyanteng lumapit sakin at pinagbabato ako ng maraming papel ang sakit lang kasi nakabilog yung mga papel kaya solid ang pagtama saki, may lumapit naman sakin na lalaki at hinimas ang likod ko.
“Ayos kalang ba? pagpasensyahan mo na yung mga studyante nayon”
ouch na touch naman ako kasi meron pa palang natitirang mabait dito sa school namin habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako ng ibang mga estudyante at pinagtatawanan, anong problema nila?
nababaliw naba sila?
hanggang sa naramdaman kong parang may nakadikit sa likod ko kaya kinapa ko, may nakapa akong isang papel na ang nakasulat ay
“ BAKLA
AKO! SALOT AKO !“
diba ang hard nila sakin, inalala ko kung pano ako nagkaroon nito sa likod at naalala ko na yung lumapit pala sakin na lalaki kanina ang naglagay nito.
Nang makarating ako sa tapat ng guidance ay lalo akong kinabahan pero nilakasan ko ang loob ko at pumasok nako.
pagpasok ko sa loob nandon na si yabang at yung mga kaibigan nya pati si dean na lalong nagpakaba sakin.
“Good morning po ma’am”
“Siguro naman alam mona kung bakit kita pinatawag dito mr. mendoza”
“O-opo ma’am”
Jusko po halos mangiyak nako sa sobrang kaba hinihiling ko nalang na bumukas ang lupa para kainin nako.
“Alam mo ba na ang taong binastos mo ay anak lang naman ng may aring pinapasukan mo?”
“Hi-hindi ko naman po kasi alam”
“At alam mo ba na pwede kang mapatalsik sa eskwelahang ito? o di kaya naman ay mawalan ka ng scholar ship”
natahimik ako sa sinabi ni dean, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, paano ko sasabihin sa nanay ko ang tungkol dito kung mapatalsik man ako dito sa school san pa ko makakahanap ng magandang paaralan at mag sisimula ulit ako sa wala.
“Ma’am sorry po hindi ko naman po talaga sinasadya at hindi ko din po alam na anak si yaba- ay anak sya ng may ari ng school nato.”
“Hindi ka sakin dapat mag sorry, mag sorry ka kay mr. alcantara”
Hinarap ko si yabang at aba! nakangisa pa pati yung isang asungot na kaibigan nya, ano happy sya na nagyayari sakin to?
sama talaga ng ugali nya. Nag dadalawang isip ako kung manghihingi ba talaga ako ng sorry kasi una, sya naman yung nakasakit sakin at sibihan ba naman ako na bulag at tanga, pangalawa kinamista kolang naman yung kaibigan ko at bigla na lang sya sumulupot at kung ano ano ng sinabi kesho sinira ko daw ang araw nya at hindi ko daw ba sya kilala.
“Nako dean, mukhang ayaw nya atang mag sorry pakisabi nalang kay dad na palayasin na sya dito sa school” -yabang
“Wait lang, eto na nga eh mag sosorry na excited? may lakad? san punta? sama.
“Sorry po’ “
“Sorry yun lang? pag katapos mo kong kagatin kanina? sorry lang sasabihin mo?” -yabang
“Diba sabi mo mag sorry, Edi nagsorry na nga po ako, sorry po”
“Hindi ko matatanggap ang sorry mo gusto ko lumuhod ka sa harap ko tsaka ka mag sorry sakin, tapos ang usapan”
Mukhang gusto talaga akong pahirapan ng yabang nato, nag sorry na nga ako chuicy pa! piling pogi! dahil sa natatakot na mawalan ng scholarship at mapaalis dito sa school ay susundin ko nalang ang utos nya para matapos nato, pero habang papaluhod ako naalala ko ang sinabi ng Mama ko
“
anak kapag alam mong nasa tama ka wag kang
matakot
ipaglaban
ang sarili mo“
kaya imbis na lumuhod ay hinarap ko si dean.
“ Dean sorry po hindi kopo magagawang lumuhod dahil unang una wala akong ginawang kasalanan sa yabang na yan, at pangalawa hindi po ako aso para sundin ang ipinaguutos nya, tanggalan nyo po ako ng scholarship kung may kasalanan ako hindi po dahil anak yan ng may ari ng school nato“
pagkatapos kong sabihin yon ay umalis nako, kahit natatakot akong mawalan ng scholarship o hindi makapag aral ay magaan ang pakiramdam ko dahil naipaglaban ko kung anong dapat at kung ano ang tama, bubuksan ko na sana ang pinto ng may pumasok na isang babae at nabasa ko ang pangalan nya sa kanyang ID Ms. Lylanie Tuazon, nag isip ako bigla parang pamilyar kasi ang pangalan buti nalang at hindi ako makakalimutan at naalala ko na yun ang pangalan ng school dean namin, pero kung sya si Ms. Tuazon sino yung dean na kausap ko kanina?
kaya bumalik ako sa loob at laking gulat ko dahil nagtatawanan sila yabang at yung babaeng dean kanina ay biglang naging lalaki, biglang pumasok lahat sa isip ko kung ano ba talaga ang ginawa nila!
niloko nila ako?!,
Aagad kong dinampot yung basurahan at binato ko kala yabang!
“Ikaw talaga yabang! baliw ka! gusto mo talaga akong atakihin sa puso dahil sa kaba! mabuti nalang nalang at hindi ako tanga!”
sabay walk out, habang naglalakad ako pabalik sa room ko ay nakasalubong ko yung medyo matandang lalaki na tinulungan ko kahapon at nagulat din sya sa pag kikita namin.
“Sir kayo po pala, ano pong ginagawa nyo dito? may anak po ba kayo o apong nag-aaral dito?”
“Ay hindi anak, ako ang may ari ng school nato pero ang anak kona ang namamahala pero may apo din ako dito, Ang liigt naman ng mundo dito ka pala nag-aaral”
“ah eh opo sir, nakakuha po kasi ako ng scholarship dito sa school kaya nakapasok po ako dito”
habang naglalakad ay nagkwentuhan kami at mas nakilala ko pa sya. Si MR. EMILLIO ALCANTARA, kung ang tatay ni yabang ang may ari ng school nato ibig sabihin ay lolo nya si Sir Emillio pero bakit ang layo ng ugali nila sa isat-isa super layo talaga.
TERRENCE’S POV
Ang sakit ng ulo ko dahil sa ginawa ng baklang yon batuhin ba naman kami ng basurahan.
“Ano nakahanap din kayo ng katapat nyo”
Sinamaan ko ng tingin si lance hindi ko alam kung kaibigan ko talaga to eh, kasi di man lang ako inaalala.
“Terrance ayoko na lumapit don sa amazonang bakla nayon, ang tapang grabe hindi manlang natakot sayo ahahahahah” -kevin
dahil sa inis ko ay binatukan ko si kevin, hindi kasi sya nakakatulong eh nakakabwiset pwede pa, napakamot nalang tuloy sya sa ulo nya.
“May araw din sakin ang baklang yon ewan kolang kung hindi mawala ang pagiging matapang nya”
Habang nag usasap kami ay biglang dumating si lolo.
“Lo? ano pong ginagawa nyo dito?”
“Wala lang, i just wanted to visit my favorite grandson, bakit ganyan ang itsura nyo siguro nakipag away na naman kayo no?”
“Ay hindi po sir, may nagtapon lang po samin ng basurahan na isang bastos na estudyante” -kevin
“Are you sure na hindi kayo ang nanguna?”
“Opo sir hindi po” -kevin
“Sige bukas gusto kong ipatawag yang estudyanteng sinasabi nyo, at kayo din ay pumantang tatlo”
Pag katapos non ay umalis na si lolo, binatukan ko naman si kevin dahil sa katangahang ginawa nya.
“Aray ko terrence, buntis kaba? at ako ang pinaglilihian mo? o baka naman meron ka ngayon” -kevin
kita moto ang lakas na naman mang trip.
“Bakit mo sinabi kay lolo ang tungkol sa nangyari, yang bunganga mo talaga hindi matigil para kang babae”.
Ayaw ko nga muna sana makita ang baklang amazona nayon kasi panira ng araw pero dahil sa kapalpakan nitong si kevin ay kailangan ko ulit mag tyaga na makita ang baklang amazona nayon.
CHAPTER 3
KEN’S POV
Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng katawan ko parang pinipigilan ako na pumasok sa school.
Papalapit palang ako sa school ay nilapitan na agad ako ni charlene at pawis na pawis sya, Umagang umaga mukha na syang uwian hehe.
“Cha, anyare sayo? bakit pawis na pawis ka?”
Hinila ako ni charlene sa may gilid
“Ken, wag ka muna kaya pumasok” -charlene
Ha? nagtaka naman ako bakit hindi nya ako papapasukin?
“Ha? bakit naman?”
“Basta wag kanang pumasok umuwe kana muna” -charlene
“Bakit nga? sabihin mo sakin, may problema ba?”
“Kasi ken, hinabol ako nila Queenie at ng mga alepores nya at hinahanap kanila”
“Ha? Queenie? sino sya? at bakit nila ako hinahanap?”
Ikinuwento sakin ni charlene yung nangyari.
Si Queenie pala ay babaeng patay na patay kay terrence at ang mga babaeng kasama nya, hini hunting daw nila ako kasi binastos ko daw ang bebe nila, napakababaw naman ng dahilan nila. Pero natakot ako.
“Thats the gay! sugurin natin sya girls!”
Nilingon ko kung saan nang galing ang boses nayon, at nagulat ako kasi andaming babae at mga bakla na papalapit sakin.
“ken takbo! ako nang bahala dito, Pati sa sarili ko” -charlene
kumaripas ako ng takbo papalayo sa mga baliw na mga babae at mga bakla na supporters ni YABANG, habang tumatakbo ako ay may humila sa braso ko at tinakpan ang bibig ko, kinabahan ako mamaya hired killer to na inutusan ni yabang para patayin ako, pero bigla syang nagsalita.
“Wag kang maingay baka marinig ka nila”
Nilingon ko yung lalaking humila sakin, at isa ya sa mga kaibigan ni YABANG!, pag-silip ko nakaalis nadin yung mga baliw na mga babae at bakla.
“Ayos kalang ba?”
Omg! Besh bigla akong natatameme ito ba yung sinasabi nilang LOVE AT FIRST SIGHT? ang gwapo nya pala sa malapitan, matangos ang ilong ang ganda ng labi at nakakaakit ang mga mata nya.
“Ah eh oo salamat po”
“Ano kaba wag mo na ako i opo di naman tayo nagkakalayo ng edad, by the way i am LANCE BUENAVENTURA”
Inabot nya sakin ang kamay nya, hindi ko alam kung dapat ko ba to abutin, pero in the end inabot ko din hahaha pabebe lang.
“Ako na man si Kenneth Ken Mendoza, ken nalang for short”
“Tara sabay na tayo baka mamaya makita kapa ng mga babaeng humahabol sayo”
“Ah eh wag na po, nakakahiya naman”
“Ano kaba naman ayos lang yon, bakit kaba nila hinahabol?” -lance
“Ewan ko, Sabi lang ng kaibigan ko mga patay na patay daw kay Terrence.”
“Nako mukhang problema nga yan.”
Lalo akong kinabaha sa sinabi nya. Nako baka hindi ako magtagal sa school nato.
Sabay kaming naglalakad sa hallway ni Lance at yung ibang nakakita samin ng bubulungan parang mga bubuyog, pasimple kong tinitingnan ang mukha ni lance ibang iba sya kay yabang, ewan koba kung paano sila naging magkaibigan.
“Sa totoo lang wala naman talaga akong atraso sa mga yon, nagalit lang sila sakin kasi inaway kodaw ang bebe nilang si yabang”
“Sino si yabang?” -lance
“Sino pa edi yung kaibigan mong si Terrence!….. ay pasensya napalakas ata”
“hahaha nakakatuwa ka pala talaga kaya pala inis na inis sayo si terrence,” -lance
Habang naglalakad kami ay dumating si charlene at mukhang pagod kawawa naman tong kabigan ko nahirapan sigurong makatakas sa mga die hard fansssss ni Yabang.
“Ken may malaki tayong problema” -charlene
problema na naman hindi ba ako mauubusan ng problema??
“Anong problema cha?”
“Yu-yung may ari ng school nato yung lolo ni Terrence gu-gusto kang makausap”
Si sir Emillio gusto akong kausapin?
Siguro nagsumbong na yong YABANG nayon, ang tanda tanda na sumbungero paden ahahaha.
“Asan sya?”
“Nandon sa may admission office” -cha
“Tara cha samahan moko”
“Samahan ko nadin kayo” - lance
Sabay-sabay kaming pumunta sa Admition, Sigurado ako na sinisiraan na ako ni Yabang!!
TERRENCE POV
Ewan ko lang ngayon kung lalabas pa ang pagiging amazona ng baklang pag nakaharap na nya si lolo.
ha! ha! ha!
Ilang saglit pa ay dumating na si baklang amazona at kasama nya si lance, but why? bakit kasama ni lance si baklang amazona.
“Good morning po sir EMILLIO”
bati ni baklang amazona kay lolo, sandali……Pano nya nalaman ang pangalan ni lolo?
magkakilala ba silang dalawa?
“Ken? is that you?” -lolo
“opo sir, the one and the only KEN”
Pa one one and only pa eh mukhang tukmol naman, tumingin sakin si Baklang amazona at dinilaan pa ako.
“So ken, ikaw pala yung sinasabi ng apo ko na nagtapon sa kanya ng basurahan” -lolo
Yan sige po Lo pagalitan nyo yang bakla nayan wuhahahaha.
“Sya po kasi ang nanguna sir, pinagtripan ba naman po ako”
Nako paktay na nagkwento ni si baklang amazona at hindi napigilan ang bunganga nya parang armalite sa pag bira.
“So ang apo ko pala ang nanguna?” -lolo
“Parang ganon napo sir”
This time nakisali nako para naman malaman ni lolo ang side ko.
“Lo? wag ka ngang maniwala sa baklang yan sinungaling yan, sino bang paniniwalaan nyo? sya o ako na apo nyo?”
Kilala ko si lolo hindi sya kumukunsinto kung alam nyang mali at dahil sa kilala ako ni lolo alam kona kung anong susunod na mangyayari.
“Ah ken, pwede kanang bumalik sa room mo kasama ng kaibigan mo, ako nang bahala sa apo ko” -lolo
Kinabahan ako kasi alam kona kung anong gagawin sakin ni lolo walang katapusang sermon na naman at sigurado ako pipilitin na naman ako ni lolo na pumuntang ibang bansa at yun ang ayaw ko na mangyari.
“Terrence after ng class mo dumiretso ka ng bahay at mag uusap tayo”.
Pag uwe ko ng bahay ay dumiretso ako sa may library room namin dahil don madalas magpalipas ng oras si lolo.
“Lo? ano pong paguusapan natin?”
“Apo hindi kana ba talaga magbabago?”
“Lo ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo na hindi ako ang nauna, bakit ba ang hirap sa inyo na paniwalaan ako?”
“Kasi mahirap terrence, napaka hirap, kung hindi ka magtitino mapipilitan akong pasunodin sa daddy mo sa ibang bansa sa ayaw at gusto mo”
siguro para sa iba akala nila perpekto akong tao mayaman, maraming pera, gwapo at may talento sa larangan ng basketball pero hindi nila alam na gusto ko din maranasan maging malaya yung hindi titingnan o mamatahin yung nga ginagawa mo, yung malaya kang gawin kung anong gusto para sa sarili mo ng walang kokontra sayo.
CHAPTER 4
KEN’S POV
Maaga akong pumasok ngayon para hindi ako makita ng mga alipores ni Yabang mamaya kung ano pang gawin sakin eh.
Dahil sa sobrang aga ko ay ako ang una sa room namin at syempre ilang minuto lang din ay dumating na yung iba, At yung iba grabe makatingin sakin.
Kinakabahan na nga ako eh baka mamaya may sumugod sakin o di kaya bigla nalang ako buhusan ng asido.
First Class palang namin pagdating palang ng Prof. amin aymay iaannouce daw syang importante may bago daw kasi kaming classmate, kaya medyo na excite ako sino kaya yon, lalaki kaya?Sana hahahahah sana pogi ahhahahaha, pero taliwas lahat sa inaakala ko dahil ang pumasok sa classroom namin ay walang iba kundi si Yabang….
OO si yabang!
ang nagiisang si YABANG!
todo kilig naman yung mga iba kong kaklase akala mo sinilihan ang mga pwet sa pag pasok ni yabang!
akala mo kung sinong gwapo iwww! yakkkk! kadiriii!
“Okay class listen, Mr alcantara is your new classmate he wanted to be part of this section dahil may gusto daw syang makasama dito, sino kaya yon?”
Nagtilian naman yung mga pakawala kong classmates akala mo artista si yabang, may pa dahilan pa syang may gusto syang makasama dito, paki ko pwe!
“Okay mr. alcantara you can sit down beside of mr. mendoza since wala naman syang katabi”
Ano? what?! why?! sabihin nyong hindi totoo yung sinabi ng prof namin, tell me! huhuhu.
“Sir! what!”
Napatayo agad ako sa sinabi ni Sir at sakin naman na baling ang tingin ng mga kaklase ko at mga naka killer eyes pa sila ah may narinig pako.
“Hay nako ayan na naman sya, bidabida”
“ano bang problema nya”
“kung maka react kala mo maganda”
“Why Mr. Mendoza? may problema ba sa sinabi ko”
“Ah eh wala po sir, pasensya napo.”
Napaupo nalang ako at Tumabi naman sakin si Yabang at pangiti ngiti pa akala naman nya madadaan nya ako sa mga ngiti nya, neknek nya!
“Hi new sit mate, Terrence nga pala”
with matching abot kamay pa, inignore ko lang sya, dedma sa kanya lokohin na nya lahat pero wag ako!.
“Ay ang sungit naman po pala”
dedma ulit sya sakin, dedma na sana pero bigla syang bumulong .
“kung makapaginarte akala mo maganda”
Kalmado na sana ako kaya lang may pahabol pa eh parang umabot tuloy yung dugo ng 200 over 300 charot! hahahahaha.
“ANO BANG PROBLEMA MO YABANG! DI KANA NAMAN BA NAKAINOM NG GAMOT MO HA?”
dahil sa inis ko nawala sa isip ko na nasa Classroom pa pala ako kaya for the second time na sakin na naman ang atensyon ng mga classmates ko huhuhu.
“Mr. Mendoza kung hindi ka interesado sa subject ko pwede kang lumabas malawak ang pinto”
“So-sorry po sir”
Narinig ko namang ang mahinang tawa ni yabang kahit na pinipigilan nya ang tumawa, pero dahil ako si KENNETH KEN MENDOZA! lumapit ako sa kanya at pasadyang tinapakan ang paa nya kaya napasigaw sya sa sakit at sya naman ang napagalitan hahaha buti nga sa kanya masyado kasing papansin eh
May binato naman sya sa mukha ko na papel ang sakit ah sa feslak ba naman ibato bastos lang? nakasulat sa papel
“Humanda ka sakin mamaya”
sinagot kodin naman sya, akala nya sya lang?
“Takot ako grabe”. Ayan yung sinulat ko sa papel.
May binato ulit sya sakin at sakto talaga sa mukha ko, talagang nanadya sya.
“Hindi ka maganda ang pangit mo.”
Grabe personal na ang sinulat nya sa papel.
Nagsulat din ako, akala nya magpapatalo ako sa kanya? No way!
Sakto pagbato ko kay Terrence ay nakita ako ni Sir at nabigyan ako ng warning.
“Okay class meron kayong by partner na activity, and you can choose your partner”
yung mga classmate ko nakapili na sila ng mga partner pero ako wala pa kasi wala pa naman ako masyadong ka close.
Si Cha meron nadin nakuha, Bakit ba kasi ang layo namin eh.
“Tayo nalang partner”
sinamaan ko sya ng tingin kung may binabalak syang hindi maganda pwes hindi sya mag tatagumpay.
“Ayoko nga”
Akala nya ha? madadala nya ako sa pagpacute nya utot nya.
“Sige ka wala kang ka partner mazezero ka sa activity at babagsak ka at mawawalan ka ng scholarship”
Napaisip tuloy ako bigla sa sinabi nya.
“Oo na partner na tayo dami mo pang sinasabi dyan”
“Okay partner”
sarap pektusan sa esophagus ni yabang may pa partner partner pa.
~ ~ ~ PagkaBell palang ay lumabas na ako nagpaalam nalang ako kay Cha na pupuntang library para mapag-isa. Toxic kasi yung katabi ko.
Kaya lang Kanina pako hindi komportable dito sa kasabay ko pano ba naman nakabuntot sakin si YABANG! ewan koba kung bakit? at anong nakain nito at hindi nananahol hahaha.
“Bakit kaba sumusunod?”
“Ako sumusunod? Bakit naman ako susunod sayo, maganda kaba?, syempre maglalakad din ako sa daang to kasi nga recess diba?” -Yabang
OMG! pahiya ako don, masyado akong nag assume na sinusundan nya ko.
Inirapan ko nalang sya at dumiretso nako sa canteen Imbes na library ang punta ko wala eh nagutom ako sa pagmumukha nya.
Pagdating ko sa Canteen ay tumingin agad ako ng makakain kaya lang nang malaman ko ang mga presyo ay halos mangiyak ako,Diko afford ang mga bilihin dito kaya naisipan kong bumalik nalang ng room.
“San ka pupunta? di kaba mag rerecess” -Yabang
“Sa room paki mo ba?”
Nilagpasan ko nalang si yabang pero sa pangalawang pagkakataon may humarang ulit sakin ang mga babae ni YABANG.
Nagsalita naman ang isang babae na parang leader ata nila
“Look guys, nandito pala ang baklang nanakit sa bebe terrence natin”
Alis na sana ako pero hinawakan ako ng mga babaeng kasama nito, at hiniwakan naman nya ako sa pisngi.
“Ang ayoko sa lahat ay yung kapag kinakausap ko ay tatalikuran ako”
Inagaw nya ang tubig ng isang estudyante at ibinuhos sakin ang laman nito kaya nabasa ako at nakatingin na samin halos lahat, pero si YABANG?! ayon nakatingin lang na parang walang nakikita. nahihiya ako para saking sarili dahil wala man lang akong nagawa, muli nya akong nilapitan.
“Tandaan mo ang mukhang to, ako ang reyna sa campus nato kaya pipiliin mo ang babanggain mo, by the way kung di mo pa ako nakikilala hayaan mong magpakilala ako sayo, I AM QUEENIE IMPERIAL”
pagkasabi non ay tinulak nya ako at tumawa ng tawa ng isang kontrabida sa isang teleserye, para akong basang sisiw sa itsura ko tumakbo nalang ako, hindi ko alam kong saan ako pupunta basta kailangan ko lang makalayo sa mga taong yon, nakarating ako sa may likurang bahagi ng school building ng school at doon ako umiyak ng umiyak sayang wala dito si mama para mapagsabihan ng mga problema ko, habang umiiyak ako ay may lumapit sakin na lalaki at nagabot ng isang panyo nang tingnan ko ay si lance pala.
“Akala ko ba matapang ka?” -Lance
“Matapang? pano mo naman nasabi?”
“Kasi wala pang taong naka tapat kay Terrence, i mean ikaw palang ang naglakas loob na saktan sya, kaya nga tawag nya sayo amazona” -lance
Napangiti ako sa sinabi nya, amazona daw kasi sa ganda kong to amazona? da! hahahaha atsaka dapat lang kay Yabang yung mga ginawa ko he deserve it!
“Hindi ako amazona, Fairy ako”
“Oh ayan ngumingiti kana, bagay sayo” -lance
Tinitigan ko ang mukha ni lance hindi nakakasawang tingnan at biglang bumilis ang tibok ng puso ko, is this LOVE? wag naman po sana kasi mas priority ko ang pag aaral at ayoko nang muling mainlove kasi nakakatakot na masaktan para kasi sa mga kagaya kong bakla ay mahirap makahanap ng lalaking magmamahal sakin ng tunay at walang hihinging kapalit
“Bakit ka nakatingin sakin, may dumi bako sa mukha?” -lance
“Ah-eh wawaala, salamat nga pala dito sa panyo mo at sa pag comfort”
Wow?
ken comfort agad?
nag assume kana naman kaya ka nasasaktan eh.
“always welcome kahit sino naman siguro ay gagawin ang ginawa ko kapag may nakita silang taong umiiyak.” -lance
“Hindi lance, hindi lahat”
Pagkatapos namin magusap ay sinamahan nya ako pabalik sa room ko baka daw kasi makita na naman ako ng mga babae ni Terrence at saktan ako nahihiya man ay tinanggap ko ang alok nya.
Naikwento ko din kasi sa kanya kung bakit ako nandon at bakit ako umiiyak. Nakita kong nakaupo nadon si YABANG nakangiti pa sakin, parang nakakaloko akala nya siguro natutuwa ako.
“Bakit mag kasama kayo ni lance? Buti napagtyatyagaan ka ng kaibigan ko,si lance talaga ang hilig sa mga pusa”
Dinedma ko lang sya, Pero kung ako pusa? Sya naman Palaka! Aminin ko napikon ako sa sinabi nya pero mas nanaig paden sakin ang magpakumbaba dahil tinuro sakin ng nanay ko na dapat sa lahat ng pagkakataon kailangan nating magpakumbaba pero kapag sobra na hindi masamang lumaban at ipagtanggol ang ating mga sarili.
Nag mag uwian na ay nagmadali na akong lumabas baka kasi maabutan na naman ako ng mga babaeng yon lalo na si QUEENIE nakakatakot sya.
Ang sakit na kaya ng ginawa nila sakin, Baka mamaya may mas lalal padon.
CHAPTER 5
KEN’S POV
Pagkadating ko sa tapat ng bahay namin ay may nakaparadang isang magandang sasakyan, sa isip ko siguro kaibigan ni mama yon.
Pero pag pasok ko ay si Sir Emillio lang pala ano kayang ginagawa nya dito?
Ano kayang kailangan nya?
At maya-maya ay biglang lumapit si kuya sakin at inakbayan nya ko, Medyo nagulat ako kasi first time nyang gawin sakin na para bang hindi na sya galit sakin.
“Tol dimo naman sinabi samin na may kakilala ka palang mayaman, baka naman pwede mokong mautangan dyan”
Ako ang nahiya sa sinabi ni kuya, kaya naman pala bigla syang bumait basta talaga pag dating sa pera ay nagiging anghel sya, mabuti nalang at nandon si mama at hinila na si kuya paalis kaya kami nalang ni sir Emillio ang naiwan.
“Good Eve po Sir. Emillio ano po palang sadya nyo?”
“Didiretsohin na kita ken, Gusto kong ikaw ang maging tutor ng apo ko”
Na schocked ako sa sinabi ni sir emillio, me? Tutor? OMG! why me?
“Sir seryoso po kayo?”
“Yes i am.”
“Ah eh sir bakit po ako? marami naman pong iba dyan na mas magaling sakin”
Hindi ko lang talaga madiretso si sir emillio na kaya ayaw ko ay dahil sa ugali ng apo nya, baka isang araw palang na makasama ko si YABANG ay worldwar 2 na huhuhu.
Atsaka hindi naman ganon kataas ang IQ ko para maging tutor nang isang damulag.
“ 50 thousands a month , at bukod pa dyan ay kakatanggap ang pamilya mo na mga groceries“
Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi nya 50k ! a month!
san ka makakakuha non?
Kahit libutin mo pa ang buong pilipinas ay wala kang mahahanap na 50k.
Bakit parang ang laki naman ng gastos ni Sir para lang kay Yabang?
“Ah eh kasi sir ayos lang naman po sakin ang mag tutor, kaso lang po baka si YABANG, ay, yung apo nyo lang ang maging problema”
“Alam ko kaya nga kita inoferan ng malaking halaga, dahil alam kong mapag tyatyagaan mo ang apo, at alam kong kailangan mo ng pera para sa pamilya mo.”
Sa hinaba haba ng pag-uusap namin ay sa oo kodin nag tapos ang lahat sinabi nya din sakin na after class namin ay tuturuan ko si YABANG since am shift naman kami pareho.
Good luck talaga sakin sana lang talaga magkasundo kami ni Yabang, sana lang.
Parang kanina lang nag-aaway pa kami tapos sinugod ako ni Queenie, Tapos ngayon eto biglang naging tutor ako???
At ang malala pa nito ay bukas na ako agad mag sstart.
“Anak anong napag-usapan nyo ni Sir?”
“Trabaho po, Gusto nya po akong maging tutor ng apo nya.”
“Sunggaban mona, Pero din yan.” Biglang singit ni kuya sa usapan namin ni Mama.
“Tumigil ka nga dyan Cyruz….. Ano bang desisyon mo Ken? Makakaapekto ba ito sa pag-aaral mo?”
Bago ako sumagot kay Mama ay talaga ng pinag-isipan ko muna ang gagawin ko.
“Igagrab ko nalang siguro Ma, Sayang din kasi.”
“Kung anong desisyon doon ako at susuportahan kita.”
Higit kanino man si mama ang number 1 supporter ko.
~ ~ So back to reality na ulit, Maaga na naman ako pumasok para maiwasan ko ang mga alipores ni Terrence lalong lalo na si Queenie.
“GoodMorning kuya Guard.”
“Ang aga mo ah?” Tanong nya sakin.
“Wala kasing traffic ngayon kaya medyo napaaga ako.”
“Mabuti naman, Ayan talaga Ang palaging rason ng mga estudyante ngayon. Sobra daw ang traffic.”
“Oo nga po ang lala talaga ng traffic. Pero syempre hindi trafficang mag-aajust sa schedule natin, Dapat tayo yon.”
“Sana ganyan lahat mag-isip.”
“Mauna na ako kuya Guard baka mamaya malate talaga ako kaka chismis sayo.”
Natawa naman sya sa sinabi ko at naglakad na ako papuntang room pero syempre alisto padin ako baka makaya may mga nakatago lang dya sa tabi tabi at bigla nalang ako sugurin at pagsasambunutan.
Habang nag-lalakad ako ay luminga linga ako na parang ewan at wala namang nangyari sakin na hindi maganda.
Maayos naman akong nakarating sa room, Walang galos at buhay na buhay haha.
Kaya lang may panira ng araw ko eh at eto nasya palapit sakin na may malaking ngiti.
“Hi partner” bati nya sakin sabay upo sa tabi ko.
“Partner mo mukha mo.”
“Ang sungit naman nito, Meron kaba ngayon? At ang init ng ulo mo.”
“Wag mo nalang ako kausapin. Okay!?” Mataray kong sabi sa kanya.
“Pero maiba tayo, Sorry pala kung hindi kita tinulan kahapon. Kasi kung gagawin ko yon baka mas lalo silang magalit sayo, Dahil iisipin ng mga yon ay may something satin.”
Totoo bato?
Nagsorry si Yabang?
ah baka may sakit lang sya.
Tumingin lang ako sa kanya at saglit na ngumiti. Akala nya okay na kami? Ang dami kaya nyang kasalanan sakin.
TERRENCE’S POV
Mabilis na natapos ang klase at nagkayayaan kami nila Kevin at Lance na gumala after class.
“Hi Ken? San ka ngayon?” Tanong ni Lance kay baklang amazona.
“May lakad pa ako, Kaya mauna na ako. Bye lance.”
Tumakbo naman agad sya na parang may hinahabol na meeting. Hays bakit koba sya pinapakialaman, Bahala sya sa Buhay nya .
Aalis na sana kaming tatlo kaya lang Tinawagan ako ni lolo na pumunta daw sa condo unit nya dito sa may cainta, may mahalaga daw kasi syang sasabihin at kailangan sa personal na kaya kahit may lakad kami nila Kevin ay ikinancel ko para lang sa importanteng sasabihin ni Lolo
Halos mga 10 minutes akong naghintay bago nakarating si lolo at may kasama sya na nagpasakit sa mata ko, bakit kasama nya si baklang amazona?
“Lo, bakit kasama nyo nanaman yan?”
“Pumasok muna tayo apo sa loob at dun na tayo mag usap”
Ano bayan si lolo maguusap lang pala bakit sinama payang baklang amazona nayan pagnakikita koyan kumukulo ang dugo ko.
“Okay apo, kaya ko kasama si ken ngayon, because from now on he will be your tutor”
What! tama ba yung narinig ko! tutor! ano ako bata?! its a BIG NO! ano nalang sasabihin sakin ng mga kaibigan ko lalo na oag nalaman ni kevin parang babae pa naman yon mahilig pumutak ng pumutak.
“lo!? hindi napo ako bata para mag tutor pa”
“Exactly Terrance, hindi kana bata pero sa asal na pinapakita mo sakin ay mas masahol kapa sa bata” -lolo
“Lo pasensya napo hindi ko po talaga matatanggap ang mag ka tutor”
“Sigurado ka apo?”
“Yes lo, 100% sure”
“Okay madali lang naman ako kausap, sayang pa naman dito pa naman sana kita papatirahin sa condo ko at papayagan na sana kita na makuha ang kotseng pinapangarap mo, kaya lang mukhang ayaw mo ata
“Lumingon sya kay baklang amazona at sinabing
“Pasensya na ken ayaw ng apo ko,makakaalis kana”
dahil sa sinabi ni lolo kahit labag sa kalooban ko ay nagdesisyon akong pumayag nalang, minsan lang sabihin ni lolo to kaya igagrab kona ang opportunity baka mag bago pa ang isip nya. Atsaka tutor lang naman eh at mukhang hindi tatagl to.
“Sandali lang lo, pumapayag napo ako”
“Papayag din naman pala, pero sasabihin ako sayo apo dito din titira si ken”
Sabay pa kaming napa WHAT! ni baklang amazona! wow maka what sya kala mo naman gusto kong makasama sya kala mo maganda iwww.
“Pero sir wala po sa usapan natin yan diba? ang sabi nyo po tutor lang, bakit may pagtira na magaganap” -Baklang amazona
“Dont worry ken, napag usapan na namin yan ng mama mo kahapon bago kapa dumating at pumayag naman sya” -lolo
kung maka react naman si baklang amazona akala nya gusto kong makasama sya
“Lo ano ba namang kalokohan to, bakit nyo naman ako hahayaang makasama yan malay ko ba kung saang galing lupalop yan galing”
“Sa ayaw at sa gusto nyo ay wala na kayong magagawa, ken sabihin molang sakin kung may ginawang kalokohan tong si terrence”
nilapitan ni lolo si baklang amazona at sinabing
“Ikaw na ang bahala sa apo ko”
makaalis lang talaga si lolo ay yari sakin tong baklang to, grabe talaga si lolo sakin hayaan ba naman akong maiwan kasama tong amazona nato mamaya kung anong gawin nito sakin
KEN’S POV
Simula ng umalis si sir Emillio ay puro nalang reklamo si yabang akala naman nya natutuwa ako na makasama sya mabuti pa nga katabi yung mga aso eh madaling paamuhin kesa sa kanya na puro yabang sa katawan.
“Mag luto kana dyan nagugutom nako”
Aba! ano palagay nya sakin chef? very bossy sya, kung ito lang din ang magiging amo ko di bale nalang gusto kopang maging fresh at hindi ako magiging sunod sunuran sa kanya.
“Tutor mo lang ako, hindi moko katulong para utusan”
“Ganon nadin yon, diba binabayaran ka ni lolo? so kasama na yon sa trabaho mo ang pakain at alagaan ako” -Yabang
Kung hindi lang talaga masama pumatay kanina pato bumingo sakin, kapal ng mukha makapagsabi ng alagan sya akala mo baby tssskk.
Padabog naman akong pumunta sa kusina sinadya ko talaga ang mag dabog para naman makaramdam sya.
“Galit kaba?!” -yabang
“Hindi po sir, nasanggi kolang po kaya umingay”
Papunta nako ng kusina ng sumigaw ulit si yabang
“Paki sarapan ha! wag mo nang subukan lagyan ng lason, kasi pag namatay ako dito ikaw lang ang nag iisang suspect”
wow! coming from him eh mas mukha pa nga syang killer kesa sakin eh, sa mukha kong ito? killer? OO KILLER TALAGA! killer ang kagandahan! hahahaha.
A few minutes later
“Ano yan chocolate?” -yabang
“That is not chocolate its Fried Chicken yan”
“Fried chicken bayan? e bat sunog!?” -yabang
Grabe naman si yabang medyo na offend ako sa sinabi nya ha? sya na nga pinagluto sya pa todo makalait, ang hirap kaya mag luto nag effort ako! at kasalanan kodin ba na pritong itog at hotdog lang ang alam kong lutuin. Ang arte nya pasalamat na nga lang sya may kakainin pa sya.
“Kung ayaw mo edi wag mong kainin, ikaw na nga nilutuan choosy kapa”
“Talagang diko kakainin yan, Sino ba namang matinong tao ang kakain nyan ha? magpapa deliver nalang ako mas maigi pa, ibigay mo nalang yan sa mha pusang kagaya mo” -yabang
“Edi mag padeliver ka”
Oo nga sino ba naman ang matinong kakainin nito? sabi ko sa sarili ko.
Pero kahit ganon ay pinilit ko padeng kainin para ipamukha sa yabang na yan na masarap ang luto ko, pero ang pangit talaga Pero dapat marunong syang mag appreciate.
Pag katapos kumain ni yabang ay iniwan nya nalang basta basta ang mga kalat nya palagay nya ata sakin ay katulong nya, pasarap buhay lang sya.
Dahil sa gabi na ay naisipan konang matulog dahil sa maaga pa ang pasok ko bukas pero si yabang ay wala atang balak na patulugin ako.
sinakop ba naman ang buong kama papansin lang? Kaya inalog alog ko sya.
“Ano bayan natutulog na yung tao eh, iniistorbo mopa” -yabang
“Ako din sir matutulog na”
“Edi matulog kana, ano pabang problema mo?” -yabang
“Pano ako makakatulog eh sinakop mo ang buong kama, aber?”
“Edi sa lapag ka matulog mag latag ka nalang ng sapin” -yabang
Buset talaga tong yabang nato walang konsensya at walang awa, pero tingnan ko lang kung hindi to umayos sa gagawin ko kinuha ko ang phone ko para tawagan si sir emillio.
“Ayaw mo talaga ha? wait nga lang matawagan nga si Sir EMILLIO at masumbong ka tungkol sa ginagawa mo sakin, ewan kolang kung makuha mopa ang kotseng pinapangarap mo”
Napabalikwas naman ng tayo si Yabang at mabilis na inagaw ang phone ko.
“hoyyy akin na ang cellphone ko, ibalik mo yan sakin”
“Ikaw naman dika mabiro, eto na tabi na tayo dito oh” -yabang
Yun lang pala ang paraan para umayos tong si yabang eh, kinuha ko ang iba pang mga unan at hinarang sa gitna namin no yabang.
“Anong ginagawa mo?” -yabang
“Hinaharangan ko diba obvious? mahirap na”
Tumawa naman bigla si yabang, ay? ano nababaliw lang? bigla biglang tumatawa? baka mamaya habang natutulog ako tupakin to at bigl a nalang pagsasaksakin.
“Anong nakakatawa yabang?!”
“Ayang ginagawa mo nakakatawa yan hahahabhahaha” -yabang
“Panong nakakatawa ha? baliw kaba?”
“Nakakatawa kasi palagay mo naman papatulan kita? kahit may mangyari man satin ngayon wag kang mag alala dahil di ka naman mabubuntis kasi wala kang matres hahahaha” -yabang
Namula ako sa sinabi dahil nahulaan nya kung ano ang nasa isip ko, pano nangyari yon? may kapangyarihan ba sya? huhuhu nakakahiya.
“Hinarangan ko yan kasi ano –”
“Kasi ano?” -yabang
“Kasi ano–”
“Wala kang masabi kasi tama ako hahahahaba” -yabang
“Matulog kana nga ang ingay mo”
binato ko sya ng unan sa mukha at gumanti din sya sakin at ayon nagbatuhan na kami ng unan parang mga bata lang ang peg namin.
Maaga ako na gising pero mas maaga nagising Si yabang naabutan ko sya nag hahanda ng makakain sa may kusina.
“Kumain kana nagluta nako ng almusal” -yabang
Pinagmasdan kolang sya sa ginagawa nya, bukod sa magaling sa mangasar ay magaling din pala syang magluto.
“Walang lason yan wag kang magalala”- yabang
hindi nako nakipag talo pa kay yabang dahil mukhang maayos yata ang gising nya todo ngiti eh abot hanggang tenga, pagkatapos kumain ay dumiretso nako sa cr para maligo pero pag tingin ko sa salamin ay nakita kong puro sulat ang mukha ko at isa lang ang gagawa nito, si yabang lang! Kaya pala abot hanggang tenga ang ngiti nya.
“YABAAAAANNNNNGGGGGGGG!!!!!!!”
Pagdating ko ng school ay nakita ko agad si lance kinilig naman ako kasi crush ko na ata sya hahaha.
“Good morning ken” -lance
Omg! Binati nyako, anlayo talaga ng ugali nila ni yabang! Super layo!
“Goodmorning din lance”
Sabay kaming naglakad ni lance sa may hallway at ang mga chismosa ng campus namin ay naglabasan na naman at naging mga giraffe na dahil sa paghaba ng leeg.
“Ken may gagawin kaba mamaya?” -lance
“Ah eh wala naman, bakit?”
“Gusto sana kitang yayain na kumain mamaya may alam kasi ako na masarap na kainan na malapit lang dito, kung okay lang sayo” -lance
Omg! niyayaya nya ba akong makipag date?Pero sumagot naman ang utak ko tanga kakain kalang kayo! kakain lang yun lang! at hindi date yon, kain lang!
“Oo naman lance okay lang sakin wala naman akong gagawin mamaya”
“Talaga ba? sige dadaanan kita sa room mo mamaya ha?” -lance
Pagkatapos non ay umalis na si lance at ako naman ay naiwang naktulala pano ba naman ikaw kaya yayain ng crush mo kumain sa labas sinong di kikiligin don. .
QUEENIE’S POV
I am the QUEEN of this CAMPUS the one and the ONLY queen at walang makakaagaw non.
Pero Simula ng dumating yang Kenneth Ken Mendoza nayan dito sa school namin ay laging aya nalang ang laman ng usapan kesyo lagi nya daw kasama si bEbe Terrence at madalas pa sila mag kita ni lance at ayokong mangyari yon, dahil gusto ko na sakin lang ang atensyon ng
“Golden Boys”
lalong lalo na si Terrance at kung kinakailangan na gumawa ako ng paraan para mapaalis lang yan ken nayan gagawin ko. Wala pang taong nagtangkang lumaban sakin ang tumagal lahat sila tumba.
CHAPTER 6
KENNETH’S POV
After ng class ay pinuntahan nga ako ni Lance kinilig naman ako konti lang haahhaha, dinala nya ako sa isang mall malapit lang din sa school namin ay niyaya nya akong kumain sa isang fast food.
“Nako lance mahal ata yung mga pagkain dito? wala akong pera”
“Dont worry sagot kita, ako bahala sayo” -lance
Napaka bait talaga ni lance di katulad ni YABANG! hayy nako naalala ko na naman si YABANG! nakakapanira ng araw.
So ayon na nga kumain na kami medyo nahihiya pako kasi first time kolang kumain dito, at pag katapos non ay niyaya nya akong manuod sa sine kahit nahihiya ako ay pinagbigyan kona sya, sya naman kasi ang may gusto eh, habang naglalakad kami ay may mga matang nakatingin samin para bang may ginagawa kaming kasalanan.
“Wag mona silang pansinin ang importante alam mo sa sarili na wala kang ginagawang mali.” -lance
Pagkasabi non ay bigla nya akong hinawakan sa kamay kaya nakaramdam ako ng init sa aking mukha huhuhu grabe ka naman lance! wag mo naman akong pakiligin! hindi ako makatingin ng diretso sa kanya nahihiya ako.
Ang pinanod namin ay Horror Movie kaya naman pagmay nakakagulat na part ay napapahawak yakap ako sa kanya, hindi naman sa nanananching ako pero parang ganon naden charot! hahahahahaha after naming manood ay may pinuntahan pa kaming iba kaya naman inabot na kami ng 8 ng gabi, panigurado umuusok na ang tenga ni YABANG! hayaan mo sya hahaha kaya naman nya mag isa malaki na sya.
“Nag enjoy kaba?” -lance
“Ah eh oo naman, ang saya tsaka nabusog ako, salamat nga pala sa libre mo”
“Good to hear, kamusta na pala kayo ni Terrence?” -lance
“Kami ni Terrence? wala namang kami”
“I mean diba nakatira kayo ngayon parehas sa condo ng lolo nya, maayos ba ang pakikitungo nya sayo?” -lance
Hindi ko alam kung nag aasume lang ako o sadyang nag aalala si Lance sakin?
“hahaha wag kang mag alala sakin kayang kaya koyon si Yabang!”
“Hatid na kita papunta sa condo unit nyo, gabi naden kasi mahirap ng sumakay kung mag cocommute kapa” -lance
Habang nasa byahe kami ni lance ay tahimik lang kami parehong walang nagsasalita, pero napansin kong malalim ang iniisip nya ano kaya yon?
Nang maihatid ako ni Lance ay nagmadali nakong umakyat tiningnan ko ang phone ko at 9 na ng gabi, ibig sabihin ganon katagal ang traffic at inabot kami ng halos isang oras, nang makarating ako sa tapat ng pinto ay nag sign of the cross na iimagine ko na kasi na umuusok ang tenga ni Yabang sa sobrang galit.
Pag bukas ko ng pinto ay nakapatay lahat ng ilaw kaya kinapa ko ang switch para mabuksan ito pag bukas ng ilaw ay halos atakihin ako sa puso ng may lalaking nakatayo sa harapan ko, kaya sumigaw ako at binato ko sya ng bag at sapatos ko.
“AHHHHH!!! MAGNANAKAW! TIKBALANG! HALIMAW! ENGKANTO! RAPISSTTTTT!”
Tumawa naman ito ng malakas at pag tingin ko si Yabang lang pala, buset talaga to wala naba syang ibang alam gawin kundi ang asarin ako!
“Tumigil ka nga dyan sa kakasigaw, feeling mona man talaga may mang rerape sayo” -Yabang
“Buset ka talaga YABANG muntik nako atakihin sa puso!”
“Bakit ka Ginabi sa pag uwe? dimo ba alam na kanina pa ako naghihintay sayo dito” -yabang
Wow! himala concern si Yabang sakin, may puso din pala sya.
“May Group activity kasi kami”
“Anong Group activity? diba mag classmate tayo? kaya wag mokong lokohin” -yabang
Jusmiyo marimar oo nga pala nawala sa isip ko na mag classmate pala kami ni yabang hahaha.
“Basta, wag mo kanang magtanong pagod ako”
May kinuhang papel si yabang sa table at inabot sakin.
“Ano to?”
“Papel”
Pilosopo talaga tong si Yabang sarap sapakin kundi lang talaga masama kanina pa sya tumumba.
“Alam kong papel to yabang, ang ibig kong sabihin para san to?”
“Basahin mo kasi, uso magbasa”
Binuksan ko ang papel at binasa ko ang mga nakasulat, putek rules? ano namang kabaliwan to? tinopak na naman talaga si YABANG
*RULES
1.BAWAL GABIHIN SA
PAG-UWE
2.BAWAL UMALIS NG HINDI NAGPAPAALAM KUNG SAAN PUPUNTA O MAY MGA BAGAY NA
GAGAWIN
3.BAWAL MAG
REKLAMO
4.BAWAL
MANAKIT
at higit sa lahat
5.wag mona akong tatawaging YABANG! dahil una sa lahat hindi ako mayabang kaya tawagin moko sa pangalan ko.
Take note: kapag nasuway ang mga patakarang ito ay magiging alipin sya ng isang linggo at gagawin nya ang lahat ng utos at sasabihin nito sa kanya.
“Ano na namang kabaliwan to yabang?”
“Oopps diba nakalagay sa rules na bawal mag reklamo at wag mo na akong tatawaging yabang” -terrence
Hahatawin ko sana ulit sya kaya lang naalala ko na nakalagay sa rules na bawal manakit, pero hinampas ko padin sya hahahah.
“Bakit moko hinampas? diba bawal nga manakit?” -terrence
“Bakit? pumirma na ba ako dyan? kaya pwede kopang suwayin yang rules mo”
“Edi pirmahan mona” -terrence
“Ayoko nga gagawa din muna ako ng sarili kong rules, ha! ha! ha!”
Akala nya ha? sya lang may karapatang gumawa ng rule utot nya.
“Simulan muna para malaman kona” -terrence
“Excited? may lakad? san punta?”
“Pwede ba amazona tigilan mo na nga ako sa kakaganyan mo” -Terrence
WTF! bat ba amazona tawag ni yabang sakin, eh ang ganda ko naman tanggap kopa kung diwata ang tawag nya sakin, pero dahil maganda ang araw ko ngayon hinayaan ko nalang na asar asarin nyako.
TERRENCE POV
Nang magising ako wala na si ken sa tabi ko, oopppss wag kayong magisip ng kung ano! Pumayag lang ako na humiga sya sa kama ko dahil tinakot nya ako na magsusumbong daw sya kay lolo at ayoko ko naman na matulog sa lapag, pamilya ko ang may ari ng condo unit nato tapos sya lang makikinabang. Pagpunta ko sa kusina ay may nakahanda ng pagkain at may nakapatong na papel.
YABANG! este Terrence pala Pinagluto na kita ng pagkain mo! nakakahiya naman sayo baka sabihin mo sa lolo mo di kita pinapakain kahit wag na dapat kasi gurang kana, hindi nayan sunog kaya wag kanang mag inarte. Hindi nadin kita ginising kasi ang himbing ng tulog mo nakakahiya naman istorbohin kita.
Eto na pala yung mga rules na naisip ko, pinag isipan koto kagabi kaya napuyat talaga ako.
RULE #1 : BAWAL
MAGSUNGIT
RULE #2 : HINDI LAHAT NG
BAGAY
DAPAT KONG SABIHIN
SAYO
RULE #3 : TUWING LINGGO FREE DAY KO KAYA WAG MOKO PAPAKI
ALAMAN
RULE #4 : BAWAL MAG
REKLAMO
at higit sa lahat, ito yung pinaka dapat mong sundin sa lahat dahil kung hindi mamamatay ka! charot lang! hahahaha
RULE #5 WAG MO NA AKONG TATAWAGING AMAZONA DAHIL UNA SA LAHAT HINDI AKO AMAZONA! MAY PANGALAN AKO!
pakipirmahan nalang sa baba yun lang!
Yan lang pala isusulat nya napakadali, tapos napuyat pa sya? akala koba matalino sya? hayyyyssss.
KEN’S POV
Habang naglalakad ako sa may hallway ng school ay may asungot na sumabay sakin.
“Good morning ken”
hulaan nyo kung sino ang sumabay sakin si KEVIN Santos lang naman ang isa sa mga kaibigan ni YABANG
“Walang maganda sa Morning”
“Ang sungit naman nito ang agaaga, nakikipag kaibigan lang naman ang tao sayo”
Wow tao pala sya? akala ko kasi dati hayop sya, marami na kong narinig tungkol sa kevin nato mahilig daw to mangbabae at marami narin syang na paiyak na mga babae at mga bakla.
“Kung may masama kang plano, wag kanang mag tangka”
“Wow nakakatakot ka nga pala talaga, kaya pala hindi umubra si terrence sayo” -kevin
“Talaga! gusto mo makita ang pag ka amazona ko?”
“Ay wag na, sige aalis nako, bye ken!”
Sabayyyyyyy hinalikaaannn ako sa pisngi! i was shocked ng halikan nya ko, bakit nya ginawa yon? sabog bayon? nakatulala padin ako at hawak ang pisnging hinalikan nya kasi iniisip ko kung bakit nya ginawa yon. mabuti nalang dumating si charlene
“Uii baks! bakit nakatulala ka dyan?!” -Cha
“Wa-wala, wala tara na pasok na tayo?”
Habang naglalakad kami ni cha ay hindi paden maalis sa isip ko ang ginawa ni kevin, naguguluhan ako hindi naman sa nag aassume ako pero parang ganon na den, hanggang sa makarating ako ng room yung ginawa paden ni kevin ang nasa isip ko.
Dahil sa ihing ihi na talaga ako nagpaalam ako sa prof namin na mag ccr lang ako, puno ang cr ng 3rd floor kaya umakyat pakong 4th floor jusko kopo bago ako makarating ay sigurado makakahiya nako buti nalang walang katao tao kaya naka cr agad ako papalabas na sana ako ng biglang may nag sara nag pinto.
“Wooyyy!!! buksan nyo to! may tao pa dito!”
Biglang nag may bumukas ang pinto ng isa sa mga cubicles, meron pa palang ibang tao at sa hinding inaasahan ay si KEVIN yon! kinatok ko ulit ang pinto at sumigaw baka sakaling may mag bukas ng pintuan.
“Ano bang nangyari?” -kevin
“Diba obvious? malamang may nag sara”
“Sungit mo naman”
Diko sya pinansin at pinagpatuloy ang paglampag baka sakaling may nakarinig.
“Kahit anong gawin mong sigaw dyan walang makakarinig sayo” -kevin
“At bakit naman ha?”
“Kasi may laro kami ngayon” -kevin
“May laro kayo? anong konek?”
Lah sya? pampam porket may laro sila mawawalan na agad ng mga estudyante.
“Hindi mo pa talaga kami kilala, kami kaya ang GOLDEN BOYS ng School nato” -kevin
Narinig ko na naman yang GOLDEN BOYS nayan, pano sila naging golden eh mga tao sila? daming kaalaman maging mabait lang hindi
“Ano nga ngayon kung kayo ang GOLDEN BOYS ?”
“Walang mga estudyante ngayon dahil lahat sila ay manunuod ng laro namin” -kevin
tssk parang laro lang kailangan pagkaguluhan? eh parepareho din naman tayong umuutot.
“Tssk ang babaw ng kaligayahan nila”
“Kesa kuda ka ng kuda dyan, bakit dimo gamitin ang phone mo at itext mo ang mga kaibigan or kakilala mo” -kevin
Oo nga no! may point sya! matalino din pala sya, bat diko naisip yon hahahaha mabuti nalang dala ko yung phone ko, kaya lang….
“Bakit dika pa nag tetext? ano pang hinihintay mo pasko” -kevin
“Naalala ko kasi wala pala akong load hehe”
napakamot nalang sya ng ulo, di na kasi ako nagloload kasi wala naman akong katext kaya masasayang lang kung magpapaload ako. pano nato? mukhang matagal pa magbabalikan ang mga estudyante dahil sa laro nayon. Umupo nalang dahil sa pagod nadin ako pero tinabihan ako ni kevin at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
“Ken about pala sa ginawa ko kanina sorry pala” -kevin
“Anong ginawa mo?”
Kunwari wala akong alam baka kasi isipin nya na gusto ko yung ginawa nya.
“Yung paghalik ko sayo” -kevin
“Wala yon, ang isipin nalang natin kung pano tayo makakalabas dito, wala kabang phone?”
Huhuhu buti nalang matalino ako (medyo) at nakaisip agad ako ng idadahilan kay kevin
“Meron, kaso wala din akong load” -kevin
ano bayan puro palpak may mga cellphone nga kaming dala kaso wala namang mga load wala din silbi huhuhu anong oras pa kami makakalabas dito? hindi ako kumportable na kasama ko si kevin.
LANCE POV
hindi kami makapag start ng laro kasi hindi pa dumadating si kevin kaya kanina pa umuusok ang tenga ni terrence sa galit sigurado ako gera na naman to mamaya.
“Lance nasan naba yong baklang kevin nayon?!”
halata sa boses no terrence na inis na inis sya, kilala ko si terrence ayaw na ayaw pa naman nya ang naghihintay.
“Wait tatawagan kona”
“Sige bilisan mo lang” -terrence
Tinawagan ko na si kevin at mabuti nalang at sinagot nya agad, hindi pa nga ako nag sasalita ay nagsalita na sya agad,
sinabi nyang nakulong daw sila sa cr sa may 4th floor at kasama nya si ken, Sa isip anong ginagawa ni ken don? bakit sila mag kasama? agad naman akong lumapit ka terrence at sinabi ko kung anong nangyari.
“Ano! mag kasama si ken at si kevin na nakulong sa may cr!?” -terrence
“Oo magkasama sila”
pagkasbi ko non ay mabilis na tumakbo si terrence sinundan ko na sya syempre para tulungan nadin si kevin at ken na makalabas, dumiretso muna kami ni terrence sa may guard at kumuha ng susi sabi kasi ni kevin nalock na daw sila.
Nang mabuksan ni terrence ang pinto ay agad namang lumabas ng pinto sina ken at kev.
“Mga tol salamat” -kev
“Lance salamat sa pagtulong” -ken
“ah ken hindi ako ang nagbukas kundi si terrence”
“Yabang, ay este terrence salamat pala sa pagtulong” -ken
“Tssk hindi ikaw ang tinulungan ko si kevin kasi may laro pa kami, kung ikaw lang ang nakulong dyan hahayaan kita” -terrence
“Kahit pa, salamat paden” -ken
Masasabi kong nagiba talaga si terrence nung dumuting si ken dahil madalas kami lang talaga ang kinakausap nyang si terrence.
CHAPTER 7
KEN’S POV
malapit na ang Periodical Exam namin kaya todo review nako kaya lang itong si YABANG ay Terrence pala hahaha hindi nakikinig sakin daig pa ang bata, hanggang ngayon nahihirapan padin akong tawagin sya sa pangalan nya.
“Ano ba terrence kanina pa tayo dito, dimo paden yan nasasagot?”
My gosh mauubusan ako ng dugo dito kay terrence simpleng MATH EQUATION lang dipa masagutan, ano pa kaya pag actual examination na.
Pag tingin ko sa kanya aba ang mokong natutulog na hayss pinagmasdan ko ang natutulog na si Terrence gwapo nga talaga sya ang amo ng mukha nya sana lagi nalang sya tulog hahaha
Pagtingin ko sa orasan 7pm na gabi?! my gosh nakatulog pala ako habang nakatitig sa mukha ni TERRENCE nakakahiya, si Yabang mahimbing paden ang pagkakatulog napagod siguro sa mga pinag aralan namin ngayong araw.
Kinuha ko ang phone ko nang tingnan ko si Charlene my 20+ missed calls bigla akong kinabahan baka kasi may importanteng sasabihin sakin si cha at hindi ko nasagot huhuhu wala naman akong load kaya diko mareplyan, kaya binuksan ko ang Fb ko baka sakaling naka online si Cha para i chat ko nalang sya At na shocked na naman ako kasi 99+ ang notifications ko at ang dami ding messages pero biglang tumawag si charlene.
“My gosh buti sinagot mo”
bakas sa boses ni charlene ang pagaalala kaya lalo akong kinabahan
“Ano bayon? bakit para nanginginig ka ata?”
“Baks! nakita mo naba yung picture don sa fb page ng school group natin?” -cha
“Hindi pa, bakit? anong meron don?” “Basta baks tingnan mo nalang”
“Sige wait, i end ko muna to bye”
dali dali kong pinuntahan ang page na sinasabi ni charlene at halos malaglag ako sa kinauupuan ko dahil yung picture na nandon ay yung picture namin ni terrence na sabay natutulog, pano nangyari yon? may nakapasok sa condo unit ng hindi namin nalalaman at kinuhaan kami ng litrato? hayysss ang gulo! Halos 5k likes na yung picture naming dalawa at 200 shares at 300+ comments binasa ko yung ibang mga comment.
“Hala? bakit sila magkasama ni bebe terrence? boyfriend ba nya si bebe terrence? MALANDI SYA!”
“
Landi
naman nitong baklang to!“
“
Mangaagaw
!“
“Hay pag nakita ko yang baklang yan
makakalbo
ko sya“
“Ang harot mo girl! patay ka sakin pag nakita kita”
“baka in edit nya lang yan para
mapansin
ni bebe terrence,
desperada
!“
“
Iwww
kadiri naman yang kasama ni Terrence“
“Totoo bayan? bakit sila mag kasama?! Di sila bagay!”
Hindi kona natapos pang basahin ang mga ibang comments dahil sobrang sakit na ng mga sinasabi nila, yung iba namemersonal na. Nagbasa din ako nang ilang mga nagmessage sakin.
“Patay ka sakin bukas!”
“
Magtago
kana,
kakabulhin
kita,
maharot
ka!“
Diba ang harsh nila sakin? Natakot tuloy ako pumasok bukas baka kasi totohanin nila yung mga banta nila. At si yabang kakagising lang kaya wala pang alam sa nangyayaring kapahamakan sakin huhuhu sino ba kasi yung nag upload ng picture namin ni terrence napahamak pa tuloy ako.
“Oh bakit parang nakakita ka ng multo?”
“Ah-eh wala, wala matulog kana ulit”
Hu! Kinabahan talaga ako, pano nato?pano ako makakapasok bukas? malamang sa malamang sa gate palang may nag aabang na sakin, baka nga dito palang meron huhuhu sino ba kasi yung nag upload ng picture nayo?
at pano?
bakit?
Kahit kinakabahan ako ay pinilit ko padeng pumasok, dahil una diko naman kasalan kung nakatulog ako sa tabi ni terrence, tsaka tutor naman nya ako.
kaya lang mukhang mahihirapan akong ipaliwanag to sa mga babaeng nagkakandarapa kay Terrence akala naman aagawin ko ang bebe nila huhuhu.
Maaga akong pumasok at sa likod ako ng school dumaan para naman diko sila makasalubong pero mukhang desidido talaga sila na abangan ako at ayon maaga din sila pumasok mabuti nalang madami nadin ang pumasok ng umaga kaya nakisabay ako sa kanila para akong isang wanted na tinutugis ng batas at kailangan di nila ako mahuli.
Napadaan ako sa may audio room ng school tapos may mga narinig akong pamilyar na boses at para bang nagtatalo sila, dahil sa na curious ako ay sinilip ko at nakita ko si TERRENCE, KEVIN AT LANCE na nagtatalo.
“Tol hindi kona kaya to, sumusobra na tayo”
Anong sinasabi ni Lance? bakit parang nagagalit sya?
“Tol naumpisahan na natin kaya ituloy na natin”
Sinagot naman ni kevin ang sinabi ni lance
“Tol diba ang pustahan kung kanino maiinlove si ken sya ang panalo”
Ha? anong sinasabi ni terrence na mananalo kapag na inlove ako sa kanila? naguguluhan ako.
“Tol dika ba naaawa ang bait bait nang tao, ang bait ni ken” -lance
“Pwede ba lance wag ka ngang mag malinis, sating tatlo ikaw ang pinaka masama dahil ikaw ang mas nanloloko don sa baklang yon” -terrence
Ano bang
pinagsasasabi
nila?
naguguluhan
ako?
bakit may
pustahan
?
Pinagpupustahan ba nila ako huhuhu
“Wag na kayong mag away dahil sigurado ako na dahil sa picture na inupload mo panigurado makakaganti kadin kay ken” -kevin
Nung sinabi nyang nag upload nang picture ay lumapit sya kay terrence so ibig sabihin si terrence ang nag upload ng picture naming dalawa para magalit sakin ang mga estudyante, at yung pagiging close namin ni lance ay dahil lang sa pustahan? at yung pag lapit sakin ni kevin ay dahil din sa pustahan? bakit? ano bang ginawa ko sa kanila.
Dahil sa hindi kona kinaya ang mga narinig ko kahit mabigat sa pakiramdam ay binukasan ko ang pinto at nagulat sila ng pumasok ako, nilapitan ko sila.
“Ken kanina kapa ba dyan?” -lance
“Oo at lahat narinig ko mula sa pustahan hanggang sa pag upload nyo ng picture”
Pinigilan ko ang pagiyak ko para hindi nila makita na mahina ako.
“Edi maganda, alam mona pala hindi na kami mahihirapan pang mag explain sayo” -terrence
Nilapitan ko si terrence.
“ikaw, ano bang ginawa ko sayo? may ginawa bakong mali para ganituhin nyo ko?”
This time tumulo na talaga ang luha ko
“Alam mo kasi ken simula ng dumating ka naging komplikado ang lahat sakin, lalo na sa aking lolo bawat kilos ko kailangan alam nya at mas tinatanong ka pa nga nya kesa sakin na apo nya at bawat kilos ko kailangan limitahan ko dahil kasama kita at mag sumbong kapa kay lolo” -terrence
“Kasalanan ko ba yon?”
“Oo kasalanan mo bakit kasi dumating dating kapa?! diba pera lang naman ang dahilan mo kaya ka nagtatagal kasama ako? magkano ba kailangan mo? 50 thousands o 100 thousands? Just name your price at ibibigay ko sayo” -Terrence
Ang sakit lang na marinig na sa tingin nya ay pera lang ang habol ko kaya nagtatagal ako sa kanya maaaring ganon nga pero mali sya ng inaakala.
“Hindi ko kailangan ng pera mo”
“Hindi? sigurado ka!? Kaya ka nga nagtatagal kasama ako dahil sa pera diba? Nasan ba ang mga magulang mo? yan ba ang tinuro nila sayo ang kumapit sa pera!?”
Hindi ko na napigilan ang galit ko at nasampal ko sya ng malakas.
“Hinayaan ko lahat ng panlalait, pananakit at paninira nyo sakin, lahat yon pinalampas ko terrence! dahil ayoko ng gulo pero ang idamay mo ang mga magulang ko? Yun ang hindi ko mapapalampas! Sino ka para sabihing mukhang pera sila!? sino ka para kwestyunin ang pagiging magulang nila?! wala kang alam sa hirap na ginawa nila para makapag aral ako! Oo dahil sa pera kaya ako nag tatagal kasama ka! Pero yung perang ni lalang molang Malaki ang natutulong sa pamilya ko! Nakakakain na kami ng maayos sa isang araw! at nabibili na namin yung mga bagay na dati ay pinapangarap lang namin, kaya malaking halaga para saming mahihirap ang bawat sentimong nakukuha namin!”
Sinubukan akong pakalmahin ni lance kaya naman sya naman yung napag balingan ko.
“At ikaw lance?! akala ko mabait ka pero katulad kalang din pala nila ! Sige na, panalo kana sa pustahan nyo! kasi na INLOVE nako sayo eh! sa saglit na panahon nagustahan na kita, masaya kana?”
“Ken sorry” -lance
“Sorry? yan lang masasabi mo? sorry? mababalik ba non ang lahat ng nangyari? mapipigilan banon ang galit ng mga babaeng gustong manakit sakin”
Nilingon kodin si kevin akala siguro nya hindi kosya kokomprontahin.
“At ikaw naman kevin, mabuti nalang pala ay nabisto ko agad kayo dahil kung hindi baka mapahamak din ako sayo”
Hindi nyako sinagot pare pareho silang natahimik, tumakbo ako palabas ng audio room dahil hindi ko na kaya para akong mahihimatay dahil sa bigat ng nararamdaman ko pero hindi paman ako nakakalayo ay naharang nako ng mga babaeng gustong manakit sakin namukhaan ko ang ilan sa kanila lalong lalo na si Queenie.
“Nakita karin namin! Okay girls! attack!”
Lumapit sakin ang mga babae at pinagsasambunutan ako ang iba hinampas ako at may mga nangangalmot pa, maraming nakakakita sa ginagawa sakin pero lahat sila nag mistulang mga bulag at mga bingi sa mga nangyayari.
sinubukan ko silang mapigilan pero masyado silang marami kaya umiyak nalang ako at hinayaan sila na saktan ako.
Mayamaya ay Dumating ang golden boys at inawat nila yung mga babaeng nananakit sakin at inalalayan nila ako na makatayo pero hindi ko sila pinasalamatan dahil sila ang dahilan kung bakit nangyayari sakin ang lahat ng to! kaya hinarap ko silang tatlo.
“Ano masaya na kayo? diba ito naman ang gusto nyo? ang masaktan ako?! kaya bakit nyo sila pinigilan dapat hinayaan nyo sila na masakantan ako hanggang sa mamatay nako! Diba yon naman ang gusto nyo ang mawala ako sa buhay nyo!”
“Oo nga naman Terrence bakit nyo kami pinigilan e diba galit kayo sa baklang yan!” -Queenie
Pero bigla akong hinawakan ni Terrence sa kamay kaya naman tumirik na naman sa galit ang mga mata ng mga babaeng nanakit sakin, pinilit kong alisin ang pagkakakapit nya pero masyado itong mahigpit, biglang nagsalita si Terrence.
“KAYONG LAHAT! WAG NA WAG NYONG TATANGKAIN NA SAKTAN PA ANG GIRLFRIEND KO! DAHIL KAPAG GINAWA NYO YON! PARANG KINALABAN NYO NADIN AKO!” -Terrence
WTF! anong girlfriend? di naman ako babae?
ano na naman bato kasama na naman ba ito sa mga pustahan nila?
magsasalita na sana pero bigla akong hinila paalis ni terrence.
Ano bang ginagawa ni Terrance? di ba nya alam na dahil sa ginawa nya panibagong kapahamakan na naman ang nag aantay sa akin!
LANCE POV
Gusto kong puntahan si ken para humingi ulit ng sorry dahil sa nagawa ko pero alam kong masyado pang sariwa yung sakit na ginawa namin lalong lalo na ako sa kanya. Pero ang hindi maalis sa isip ko ay yung sinabi nya mahal na nya ako.
KEN’S POV
Dinala ako ni Terrence sa may labas ng school.
“Umuwe kana, mas mabuti pa sigurong humanap kana ng ibang school” - Terrence
“Masaya kana? kasi nag tagumpay kang mapaalis ako!”
Hindi ko naman mapigilang tumulo ang luha ko, sobrang sakit kasi ng dahil lang sa naiinis sya sakin kailangan pa talaga humantong sa ganito?
“At yung sinabi ko kanina? wala yon, sinabi kolang yon para tigilan kana ng mga babaeng yon, konsensya kopa kasi kung anong mangyari sayo” -Terrence
“So dapat pa pala akong mag pasalamat sayo? kahit ikaw naman ang punot dulo ng lahat ng to”
Kapal ng mukha nya parang ako pa yung sinisisi nya dahil kailangan nyang sabihin yung mga bagay nayon, lumayas nako at iniwan ko sya.
Pag uwe ko ng bahay ay naabutan ko si nanay na nagluluto.
“Anak bakit ganyan ang itsura mo?”
Hindi na napigilan umiyak lumapit ako sa kanya at niyakap sya.
“Nay sorry po, sorry po kasi mahina ako”
“Bakit anak may nanakit ba sayo?”
Hindi ko sinagot yung tanong ni nanay dahil sa pagkakataon ngayon ay ang gusto ko lamang ay mayakap sya, alam kong kahit hindi ako magsalita ay nalalaman ni nanay na may pinagdadaanan ako.
“Anak kung sino man yang nanakit sayo, wag mong gantihan bagkos ay gawan mo sila ng mabuting bagay”
May point si nanay dahil yan ang lagi nyang sinasabi sakin tuwing may nananakit sa akin, tama nga naman si nanay kung gagawan ko sila ng mabuti kapalit ng ginawa nila sakin na masama sigurado ako makakaramdam sila ng inis sa kanilang mga puso dahil hindi nila ako nagawang matibag.
TERRENCE POV
Dahil sa nangyari nalaman ni lolo ang ginawa ko kay Ken kaya naman halos mapatay na nya ako sa sobrang galit kahit anong gawin kong dahilan at palusot ay hindi naniwala sakin si lolo kaya sinabi kona sa kanya ang katotohanan binawi nya sakin ang condo at hindi na nya binigay ang dapat sana kotseng regalo nya.
2 araw na ang lumipas mula ng manyari yon 2 araw nadeng hindi pumapasok si ken ewan kolang kung lilipat na basya ng school nagkaroon din kami ng tampuhan ni lance at kevin ang akala ko’y dapat na tahimik na buhay dahil wala na si ken ay lalong naging magulo, una na nga dyan sa pamilya, kaibigan at maging sa mga academics ko halos mabababa kasi ang nakukuha kong mga scores.
Habang nasa bahay ako ay biglang dumating ang pinsan ko na galing sa US si ate Cindy matanda sya sakin ng halos 5 taon, sa lahat ng pinsan ko sya ang pinaka close ko.
“Hi terrence! I’m back!”
“Ate cindy?”
“Yes! The one and the only! Your ate cindy!”
Nakakatuwa naman kahit maraming masasamang nangyari ay meron paden maganda at yug ang pagdating ni ate cindy.
“Ate cindy kelan kapa umuwe?”
“Kahapon pa, pero pumunta muna ako sa bahay ng tita ko before ako pumunta dito”
“Ah okay”
“Terrence mukhang may problema ka ata? sa babae na naman yan no?”
Napatingin ako bigla kay ate cindy, wala naman kasi akong problema sa babae, pero sa bakla? oo meron, hindi ko alam kong bakit hanggang ngayon hindi paden mawala sa isip ko yung mga sinabi sakin ni Ken siguro nga inakala kolang na pera lang talaga ang kailangan pero hindi pala, medyo nakokonsensya din ako sa mga nasabi at nagawa ko sa kanya nag katampuhan din kasi kami ni Lance at tumatak sa isip ko yung mga sinabi nya sakin.
“Hoy! Terrence ano dika sasagot?” -cindy
“Ha? bakit ate? May sinasabi ka?”
“The main reason i came here dahil sinabi ni Lolo na napapariwara kana at gusto nya na sumama ka sakin pabalik sa Us”
“Ate okay lang ako, Medyo OA lang si Lolo.”
KEN’S POV
Kanina pa nandito si charlene pinipilit nako na pumasok kaso hindi ko paden kaya natatakot na baka makasatan na naman ako, natatakot ako na makita yung mga taong nanakit sakin at higit sa lahat natatakot ako para sa sarili ko.
“Baks pumasok kana kasi bukas, sasamahan kita akong bahala sayo” -cha
Mabuti nalang may kaibigan akong katulad ni charlene laging nandyan kapag kailangan.
“Cha, diko pa kaya”
“Okay baks dina kita pipilitin pero sumama ka sakin ngayon”
“Ha? saan naman?”
“Basta, sigurado akong masisiyahan ka sa pupuntahan natin” -cha
Ito talagang si charlene kahit kailan ang hilig manbitin, nakaka curious tuloy.
“Wait lang cha, magpapaalam lang ako kay mama”
“Wag na baks, napag paalam na kita kay tita at pumayag sya” -cha
Dinala ako ni cha sa isang lugar na malapit sa puso ko, sa park kung saan ko nakilala si cha at yung isa pa naming kababata nasi Taba kamusta na kaya sya? magmula kasi nang lumipat sila ng tirahan ay wala na kaming naging balita sa kanya.
“Sabi ko na nga ba ito lang magpapangiti sayo” -cha
“Kilalang kilala mo talaga ako”
Dito kasi sa park nato madalas akong maglaro kasama si cha, maraming memories ang nabuo dito malungkot pati masaya.
ANNOUNCEMENT
Hi GUYS???? I NEED MOre more time to revise this store but unfortunately i can’t do this now because i have on going story which is SCARLET.

