The Heir and the Legacy of Revenge BOOK 4
Hffmanfirefly · 3 chapters · 3,480 words
SYPNOSIS
Hindi matanggap ng dating pagmamahal na wala na ang iniibig nitong hinintay pa ng mahabang panahon. Kung kayat ang bunga ng lahat ang mapagbubuntongan ng isang kimkim na galit mula sa taong may madilim na nakaraan.
Ang lumang pag ibig na sinira ng sakit at galit ay magbabalik upang gawin ang isang bagay na magpapagulo sa mga buhay ng bagong HENERASYON.
Mas mapait pa ito sa kahapon…
Prologue
THE BEGINNING
Malakas ang ulan na sinasabayan pa ng malakas na kulog at kidlat sa gabing iyon.Ngunit hindi alintana ang bagyong dumating na sumasagasa sa mag-asawa.Wala silang takot na sinuong ang patungong hospital ng bayan ng Corazon Rompiado.
Kaligtasan lamang ang iniisip ni mang Elari para sa manganganak na asawang si aling Nery,lahat ay gagawin maayos lang na maisilang ang kambal nilang anak.Kung kayat sa lahat ng subokang humarang sa daan kahit malakas pa na bagyo ay susuongin ni mang ELar maging maayos lang ang kanyang mag-ina.
Subalit kahit na ano pang tapang ang gawin ni mang Elar wala syang magawa nang tumambad sa kanila ang masamang balita pagdating ng hospital.
“Pasensya na ho,pero wala na pong bakanteng kwarto ang hospital na ito.” saad ng naghuhumayos na doktor.
Gulat at pagkabahala naman ang namutawi sa mukha ng mag-asawa.
“Sandali,anong wala nang bakante? Manganganak na po ang asawa ko.Alam nyong hindi nyo kami pweding tanggihan” Saglit na tinignan ni mang Elar ang asawa.Hindi na wala sa mukha nito ang pag-ngiwi dahil sa nararamdamang sakit mula sa tiyan nito.“Pwede ko kayong ireklamo kapag may nangyaring masama sa mag-iina ko” habol pa nito.
Tinignan ni mang Elar ang doktor at ang masamang kalagayan ng asawa nito,bago nya batuhin ng pansin ang iba pang mga pasyente sa paligid.Lahat natataranta,may sumisigaw,may mga umiiyak at may nagtatawag nadin ng doktor.
Alam ni Mang Elar ang sitwasyon,punong puno ng pasyente ang hospital ng kanilang maliit na bayan,dahil sa nangyaring sunog sa kanilang lugar.Marami ang nasugatan at mayroon pang mga naulat na namatay.
Subalit ang hospital lang na ito ay ang pinakamalapit na matatakbuhan nilang magasawa dito para maipanganak ang mag kambal.Ang iba at malalaking hospital ay nasa maynila na at alam nilang hindi nila kayang magpunta doon dahil sa kanila ring kalagayan.
Isa rin kasi sila sa nausunogan at walang wala ngayon.Sumabay pa ang panganganak ng kanyang asawa at kambal nga ito.Kung kayat hindi na alam ni Elar ang gagawin pagka tinanggihan sila ng hospital na ito.
Maaring mapahamak si Aling Nery.
“Wala akong pakialam sa sitwasyon ng hospital ngayon” ani Mang Elar nang mapansin ang alinlangan sa mukha ng doktor sa kanyang harap.“Trabaho nyo pong tulongan kaming lahat”
Hindi na sumagot ang doktor kung kayat tinuon muli ni mang Elar ang pansin sa asawa at nakita nyang lubos na talaga itong nahihirapan..
“Manganganak na ako” daing ni aling Nery “Hindi ko na kaya! Manganganak na ako!”
Hindi alam ni mang Elar ang gagawin nang marinig iyun sa asawa.Kinain na sya ng emosyon,takot at pagkabahala sa ideyang malala na ang kalagayan ng asawa at balak pa silang tanggihan ng doktor.
Kung kayat wala sa sarili si mang Elar na kwelyuhan ang doktor sa harap at tinitigan nya ito ng buong pagbabanta.
“Paanakin mo ang asawa ko!” bulyaw nya,subalit hindi makatingin sa kanya ang doktor at ang huling sinabi nito ang nagpatigil sa mundo nya.
“Im so sorry…ang hospital na ito ay wala nang magagawa”.
Lumaki na lamang ang mga mata ni mang Elar at kinain na sya ng buong galit.Kung kayat inamba nya nalang ang kamao upang bigyan ng isang malakas na sapak ang doktor.
Ngunit kasabay ng nagbabadyag suntok ni mang Elar ay ang kasabay naman na apat na pagpasok ng armadong kalalakihan.May dala itong baril at agad na pinalibutan ang mag-asawa.
Kahit masakit ang tyan gulat padin si Aling Nery nang isa sa armadong lalaki ang binuhat sya.
“Gawin nyo ang operasyon sa babaeng ito,kundi malilintikan kayo sa boss namin!” ani ng isa sa pa sa armadong lalaki na lumapit sa doktor tinutukan ito ng baril.
Nagtataka ang magasawa sa nangyayari.At ang lahat nang naroon ay walang magawa nang kumilos ang doctor at inuna ang mangnganak nang si Nery.
Naiwang nakatanga si Mang Elari,hindi alam ang nangyayari at hindi alam kung sino nga ba ang mga armadong bigla nalang nagsidating sa eksena.
Nanatiling tahimik ang buong paligid dahil sa dalang tensyon ng mga armadong kalalakihan.Ang kaninang mga pasyente na halos mabaliw sa mga iniindang karamdaman ay tahimik at tikom ang bibig.
Nagpatuloy pa ang nakakabinging katahimikan nang dumating pa ang isang tao na hindi inaasahan ni Elari na makikita nya pa ngayon pagkatapos ng mahabang panahon.Nanlaki ang kanyang mga mata dahil hindi nya inaasahan ang nilalang.
Tila nagbalik kasi ang mapait na kahapon at bahagya pa syang napaatras sa kinatatayuan.Tila mas lalong naging tahimik ang buong paligid.
Ang tunog ng sapatos lamang ng nilalang na iyun mula sa makapal na sapatos ang tila maririnig sa buong paligid.At ang isang wirdong pagiyak ng isang sanggol.
Ang nilalang na biglang pumasok ay kataka takang may bitbit na isang sanggol.
“M-Mr.Alaric” sambit ni Elari nang tumigil ang nilalang sa mismong harapan nya.
“Nagulat ka ba?” tanong nito sa kanya.“Elari Elacion,ang batang pastol”
Hindi nakasagot si Elari,natuon ang pansin nya sa kakaibang ngiti ng may katandaang lalaki na tinuon ang pansin sa hawak nitong sanggol na umiiyak.
Tinignan nya ang bata mukhang bagong kakapanganak lamang dito dahil hindi pa ito nahuhugasan ang mukha.Malaki ang pagtataka ni Elari,takot din ang namutawi sa kanya ngayon.
Sa kakaibang ngiti ng may katandaang lalaki,may ginawa itong hindi tama.At ang sanggol na hawak nito ay mukhang matindi na ang pinagdaanan sa kamay ng matandang kaharap.
“A-ano bang ginagawa nyo dit–” natigil ang iba pa sasabihen ni Elari nang biglang iabot sa kanya ang bata.Nagulat pa sya kapag kuwan dahil bigla itong tumigil sa pagiyak nang mapunta sa kanyang bisig.
“Biruin mo,kilala kana agad ng sanggol” ani ng matanda na may pangalang Alaric,kapagkuwan ay ngumisi ito “Siguro naramdaman nya na malapit kayo ng kanyang ama…si Augosti Martin”
Hindi na nakaimik pa si Elari.
“Hindi kona kailangang magpaliwanag kung bakit ako narito.Diba sinabi ko naman sayo,kahit pa na makaalis kayo ni Augosti sa puder ko,hahanapin ko kayong dalawa saan man sulok ng mundo kayo mapadpad”
Tila naging pipe si Elari ng mga sandaling iyun.Wala syang nagawa nang lampasan lang sya ni Alaric at magtungo ito sa kwarto ng kung saan nanganganak ang asawa.
Takot ang namutawi sa kanya,ito kasi ang araw na kanyang kinatatakutan.Ang magbalik si Alaric sa kanyang buhay at muli itong gulohin.
Wala sya sa sariling sinundan ang matanda.“M-Mr Alaric,ano po bang balak nyong gawin? bakit po kayo bumalik dito?”
Sinundan nya ito,hindi mabitawan ang sanggol na dala.Naluluha na sya dahil gaya ng bata sa bisig nya baka ang kambal naman nya ang galawin nito.
“Naniningil ako Elar” sagot ni Alaric “Naniningil na ako at ngayong araw na pagbabalik ko sa mga buhay nyo.Binalaan ko na kayo noon pa,hindi kayo makakawala saakin”
“Maawa po kayo pakiusap” anang sago ni Elari.Halata sa kanya ang takot,pero alam nya na ito na ang araw na iyun.At tila wala talaga syang magagawa.
“Ganyan din ako nang magmakaawa ako noon,nang kasing edad mo pa ako” malamig na sagot ni Alaric “Pero gaya ko rin ngayon Elar.Hindi na ako maaawa.Wala na akong puso sa kabila ng mga nangyari”
“Wala po kaming kasalanan ni Augosti sa kung ano mang pinagdaanan mo” sumagot si Elari “Kung sa tutuosin nga,si Augosti ang may matinding pinagdaanan sa mga kamay nyo diba?” sandaling napatingin ito sa hawak na sanggol.
“…at ngayon? hindi papo kayo nakuntento,idinamay nyo pa ang anak nya”
“Natatakot kaba?” kapagkuwang tanong ni Alaric.Ngumisi ang matanda pagkatapos.
“Magpasalamat ka dahil bumalik ako sa mismong araw na ito,at tinulongan ko ang asawa mo na ipanganak ang magkambal nyong anak.Kundi kung wala ako baka wala nang matira sayo.At alam mong mas labis ko pa iyun ikakatuwa,dahil sa kabila ng pagtatraydor mo saakin,dumating pa ako sa mismong araw na kailan mo ako kailangan”
Itinuon ni Mr.Alaric ang paningin sa pintuan ng kwarto kung saan nanganganak si Aling Nery.At mula sa pagkakataon na iyun,alam ni Elari na may masamang binabalak ang matanda sa kanyang mag-iina.
“May utang na loob ka nanaman saakin Elar” panunumbat ni Alaric.
“Hindi sa mga anak ko…Mr.Alaric” tiim naman na saad ni Elari.“Wala sa mga kambal ko ang gagalawin mo,ako nalang po.Ako nalang ang gantihan nyo”
“Alam mong wala kang magagawa sa gusto kong mangyare” ani Alaric “Kahit na umiyak kapa dyan ng dugo,gagawin ko ang mga plano ko”
“Ano na naman po bang binabalak nyo Mr.Alaric? patayin nyo nalang po ako kung ayun ang sa palagay na ikakatahimik nyo”
“Kukunin ko ang isa sa magkambal” saad ni Alaric.
Kapagkuwan ay tinapunan nito ng pansin ang hawak ni Elari na sanggol na nakatulog na magmula na mapunta ito sa bisig ng binata.
“Ano po bang ibig nyong sabihin?” naguguluhang ani ni Elari.
Ngumisi lamang si Alaric kung kayat unti unti napagtanto nya ang balak nitong gawin.
“Wag nyo pong sabihin na ipapalit nyo ang anak ni Augosti sa anak ko?” Hindi umimik si Alaric kung kayat nag patuloy si Elari “E saan nyo naman po dadalhin ang isang anak ko? paghihiwalayin nyo ang mag kambal?”
Patuloy na naluha si Elari,tila wala syang magawa para sa mga anak.
“Ibibigay ko sya sa mga taong dapat noon pa na nawalan” sagot ni Alaric “Gusto kong maranasan din nya ang mawalan at magdusa.Sya ang bunga ng kasakiman ni Maria Adele na iyon.Kung wala sya dapat kasama ko pa si Archi,kung wala silang mag-ina nasaakin pa sana ang lalaking pinaka mamahal ko.Kaya dapat ang Aiden na iyun ay magdudusa kagaya ko”
Biglang bumukas ang pinto ng emergency room.Bumungad sa kanila ang malungkot ngunit humahangos na doktor.
“I-Im very sorry po mga sirs” nauutal nitong saad.Hindi makatingin sa kanilang mga mata “Ngunit mahina po pala ang hearth rate ng isang bata.Ginawa napo namin ang lahat pero hindi po nagtagumpay ang operasyon.Patay napo ang isa sa kambal”
Sandaling katahimikan ang bumalot sa dalawa.Lalo pa nangilid ang luha ni Mang Elari.Kasabay nun ay ang pagiyak ng bata sa kanyang bisig.
Natuon ang kanyang pansin sa bata at dahil punong puno sya ngayon ng emosyon.Wala sa sariling niyakap nya ang bata.Ang anak ni Augosti na hindi nya alam na mapupunta sa kanya.
“Magaling,mas maganda” basag ni Alaric sa katahimikan.Itinuon nito ang pansin sa umiiyak parin na si Elari.Akap akap na nito ang anak ni Augosti na napagpangisi naman sa kanya.
“Learn to love that child Elar” ani Alaric “Dahil magmula ngayon,ang batang iyan na ang kapalit sa kambal ng anak mo”
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Elari,ngunit kasabay nuon ay ang pagtunog ng telepono ni Alaric,hindi na na nito maalis ang tingin sa nagdadalamhati paring si Elari at sa hawak nitong sanggol bago sagutin ang tawag.
“Tapos na ako dito” ani Alaric “Magaling kung nagawa mona ang pinapagawa ko.Ngayon gusto ko nalang makita kung paano magdusa at maramdaman ng Aiden na yan ang mawalan.Paano kaya ang magiging reaksyon nya na ang batang iuuwi nya ay wala na palang buhay”
Nanlulumo nalang si Elari sa mga nariring na salita mula kay Alaric.Isa lamang ang napatunayan nya,grabe ito kung gumanti.Idadamay nito kahit pa ang walang muwang na mga bata.
Hindi na binaba ng matanda ang tawag,kung kayat ang mga huling salita mula sa telepono ay hindi napigilang marinig ni Elari.
“Ano naman pong gagawin natin sa totoong anak nung Aiden? kay ganda po nitong bata ah.Parang batang babae,mana sa ama nya” saad ng nasa kabilang linya.
Ngumisi si Alaric kapagkuwan “Ako nang bahala sa isang yan.Dadalhin ko yan sa pinanggalingan ng tatay nyang si Brice Greyzson.Kung ang tatay nya ang taong gubat noon,gagawin konamang batang isla ang isang iyan.Sa ngayon damhin na muna nila ang sakit ng taong nawalan.Kagaya ko noon,nang mawala saakin si Archie…
…hindi pa natatapos dito ang lahat,nagsisimula palang ako,humanda saakin ang Aiden Endrad Greyzson na iyan“
Tumingin si Alaric kay Elari kapagkuwan.
“At kayo ni Augosti…hindi pa ako tapos sa inyo.Sisingilin ko pa kayo dahil sa ginawa nyo saakin.Magsi handa kayong lahat dahil nagbabalik na ako”
Abangan…
Chapter 1
“Nami! can you stop!” ani ng isang tinig na may halong pakikiusap.
Subalit hindi nya parin ito pinakinggan.Nagpatuloy sya sa paglakad.
“I said stop! ipapahamak mo lang ang sarili mo sa kahibangan mo e”
Natigilan sya nang marinig ang huling sinabi ng tinig na iyun.Nagiigting ang panga nyang hinarap ito.
“Para sayo kahibangan lang ang gusto kong mangyari” tiim na saad nya.Nangingilid ang luha sa mata subalit pilit nya paring pinipigilang pumatak ito.Galit at pag kadismaya ang nararamdaman nya sa kapatid.
Alam ni Nami sa mga oras na ito,despirada na sya.
“Bakit ayaw mo akong suportahan! kapatid mo ako kuya! magkambal tayo…bakit hindi ka sumusoporta sa mga pangarap ko”
“Dahil natatakot ako sa paraan ng gagawin mo” sagot ng kaharap “Natatakot ako sa kung anong paraan mo aabutin ang mga pangarap mo.Hindi kaba natatakot sa kanya? hindi mo ba talaga kilala ang taong pinag aalayan mo ng tiwala mo ngayon”
“I dont have choice” ani Nami,maya maya pumatak na ang kanyang luha “Sa tingin mo ba gusto ko itong nangyayare? gusto kong umasa sa lalaking iyun para makapasok sa wildwood academy?! sya nalang ang paraan para matupad ang mga pangarap ko…wala akong pagpipilian”
“Naniniwala ako na kaya mong pumasa sa WWA Nami” sagot ng kausap,kapatid nya ito,magkambal sila “Magaling ka,alam kong kaya mong makapasok sa prestigious school na iyun.Naniniwala naman ako sayo diba? magkasama tayo dito”
“Nasasabi mo lang yan dahil madali lang sayo ang lahat Iñaki” sagot nya “Nasasabi mo lang yan dahil magaling ka…matalino ka.Pero ako…sa gantong paraan ko makukuha ang gusto ko.Kaya kahit kapit patalim gagawin ko maabot ko lang ang pangarap ko.At ang makapasok iyun sa WWA”
“Hindi kana ba talaga makikinig saakin?” tanong nang nagngalang Iñaki “Kuya mo ako,alam mong ikabubuti molang ang iniisip ko diba”
“Oras lang ang agwat ng mga edad natin Naki” saad nya “Magkaedad parin tayo kung tutuosin.Kambal tayo at sabay tayong ipinanganak.Magka edad tayo kaya walang dapat na magmuno saating dalawa”
“Pero sabi ni dad ituring mona akong kuya” ani Naki “Dad said that your always be my baby sister.I promise to him that I need to protect you.Thats what Im doing now.Si dad nadin ang nagsabi na–”
“Si dad ang nagsabi,si dad ang nagsabi pero nasaan na sya?” sabat nya sa iba pang sasabihin sa itinuturing na kambal “Wala sya dito diba? 2 yrs ago na nang iwan nya tayo kasama si dada Jack.Pero asan na sila? hindi na sya bumalik kagaya ni mommy,iniwan na nila tayong lahat”
Hindi na napigilan ni Nami ang maibuhos ang luha.Kung kayat agad naman syang niyakap ng kambal para damayan ito.
Masakit ang kahapon na iyun para sa dalaga.Mahirap maiwan sa ere lalo sa panahon ng kanilang pagdadalaga at pagbibinata ng kambal ay kailangan nila ng gabay sa mga panahon na ito.
Walang mga magulang ang tumatayo sa kanila.Kung kayat ang pag dating ng isang tao ang tangi lamang nakitaan ng pagasa ni Nami upang maabot ang mga pangarap.
“Si Mr.Alaric” humihikbi parin nyang ani “Sya lang ang naandito ngayon,nagaalok ng isang tulong na mahirap tanggihan kuya Naki,masisisi mo ba ako? kailangan nating tumayo sa sarili nating mga paa”
Ilang saglit pang hindi umimik ang kambal na si Naki,pinatatahan sya nito at mas pinaghigpit pa ang kanilang mga yakap.
Alam ni Nami na mahirap din suwayin ang kambal,subalit mahirap ang buhay.Wala syang pagpipilian.
“Naiintindihan kita..” kapagkuwang ani ng binata “Natatakot lang ako para sayo,ayaw kitang mapahamak”
Maya maya kumalas sya sa pagaakap ng kapatid at pinakatitigan nya ito sa mata.
“Kuya Naki” ani Nami “Ipinapangako ko sayo,hindi ako mapapahamak.Gagawin ko ang trabahong ibibigay saakin ni Mr.Alaric kapalit ng ambisyon kong makapag aral sa Wild Wood Academy.Gagawin ko iyun ng pulido at malinis,kailangan bumilib saakin ang matandang iyun”
“Tapos na ba ang drama,twins?”
Kapwa natigilan ang magkambal nang biglang pumasok sa pinto ang kanina pa nilang pinag uusapan.
Si Mr.Alaric.
“Alam nyo naman kung nasaan na tayo hindi ba? alam nyo naman kung anong pakay kong ipagawa sa inyo”
“Im in” matapang na sagot ni Nami,bago nya tapunan ng pansin ang kakambal.
As usual walang emosyon ang mukha nito.Kahit alam nilang wala silang laban sa makapangyarihang kaharap.Nakitaan parin nya si Naki ng tapang tumingin dito.
“Im out” malamig naman na ani ni Naki “Kaya kong makapasok sa WWA nang walang tulong mo.Matalino at magaling ako,sapat na iyun para hindi ko ibenta ang kaluluwa ko sa kagaya mo”
Medyo kinabahan si Nami sa tabas ng dila ng kambal.Kung kayat inantay nya kung paano mag re react si Mr.Alaric sa saad ng binata.Subalit pagtawa lamang ang narinig nya dito.
“I see..kitang kita ko” ani Alaric “Manang mana kanga sa tatay mo.Mayabang,confident at ayaw humingi ng tulong sa iba.Isa lang ang kaibahan ng tatay mong si Clayton iho.Sya kasi lumaking may gintong kutsara sa hapag.Namuhay bilang pilengerong isang Greyzson na tagamana.Ikaw mataas na nga ang ihi mo,pero mas mahirap kapa ngayon sa daga”
“Kung ano mang binubuo kong pagkatao para sa sarili ko,walang kinalaman doon si Dad” sagot ni Naki “Kahit anong mangyare,ayokong idikit ang pangalan nya sa pangalang binubuo ko”
Tuloyan nang kinain ng kaba si Nami nang bahagyang lumapit si Alaric sa kapatid.
“Abo ka lang ng tatay mo” tiim na saad ni Alaric “Hinding hindi mabubura nito ang nakaraan nya at kung anong klaseng tao sya,ikaw na anak nya,ang magdadala ng madungis na pangalan nya sa lipunan”
Hindi man lang kumurap ang kapatid sa titig ng matanda.Matapang talag ito at tila walang kinatatakutan maging si Alaric.
“Ang dumi ni dad,ang gagamitin ko para malinis ang pangalang nakadikit na saamin ng kambal ko” ani Naki “At kahit anong mangyari,hindi hindi mo ako magagamit sa kung ano mang nakaraan ng tatay ko”
Ramdam na ramdam na ni Nami ang ang tensyon kung kayat nagpasya na syang kunin ang atensyon ng dalawa.
“Pero ako gagawin ko,kaya ko” ani nya na ikinatingin naman sa kanya ni Alaric.Kapagkuwan ay natawa ito maya maya dahil sa sinabi nya.
“Ano bang ineexpect ko sayo babae” ani Alaric.
“Kaya kong ipagawa ang ano mang gusto mong ipagawa” sagot nya “Wag mo akong maliitin, dahil kaya kong patunayan ang sarili ko makamit ko lang ang pangarap ko Mr.Alaric…gusto kong makapasok sa Wildwood Academy.Kapalit ng paguutos mo”
“Kahit ano?” nakangising ani ni Alaric “Kahit madungisan ang mga kamay mo”
Nang marinig nya ang huling sinabi ng matanda napatingin sya sa kambal.Inaasahan na nya na na dissapointed ito sa kanya.
Pero buo na ang desisyon nya.Buo na ang loob nya.
“Oo,kaya ko para sa mga pangarap ko lahat gagawin ko”
“Magaling” ani Alaric “Ngayon kilalanin mo si Emir Baltazar”
NASA katirikan sya ng araw naghahalungkat sa isang mabahong basurahan ng katanghaliang iyun.
Tinitiis nya ang init at ang baho ng basura sa paligid makuha lang ang mga latang kakailangan nyang maipon ngayong araw.
Nagkabit balikat sya sa hirap,ininda ang paso ng sikat ng araw at pinilit wag maamoy ang mabahong basura.
Nagtitiis sya,kinakaya nya ang lahat para lamang sa isang trabahong pinili nyang pasukan.
Pero napapatanong nadin sya minsan,worth it paba ang lahat ng sakripisyo nya?
“Kuya Emir!” isang matinig na boses ang kanyang narinig sa di kalayuan.Natigil sya sa ginagawa at napatingin sa pinagmumulan ng boses na iyun.
Patakbo lakad ang kapatid nyang si Remi patungo sa kanya.Malapad ang ngiti nito habang bitbit ang isang plastic na puno ng latang kailangan nya.
Lumawak din ang ngiti nya nang makita ang bitbit ng kapatid.
“Kuya wag ka nang maghalungkat nakaipon na ako ng kailangan mo” ani ng nag ngalang Remi habang hinihingal pa ito.
“Naku Remi,maraming salamat” halos naiiyak nyang ani sa kapatid “Kailangan na kailangan ngayon ito ni Boss e.May project ang team department namin para sa gagawing event at mga lata ang kailangan nya.Buti nalang nakakuha ka kaagad”
“Buti nalang pumayag si Aling pasing na saakin ibenta ang ibang lata ano” ani ng kapatid.
Napatitig sya sa kapatid kapagkuwan.Tila naluluha sya sa ginawa nitong effort para sa kanya.
“Salamat Remi ah..maasahan ka talaga kahit kailan” ani nya.
“Kuya,kapatid mo ako.Kambal mo ako kaya.Kahit madaming nagsasabi na anlayo ng mga mukha natin sa isat isa.Kahit madaming nagsasabi na hindi tayo magkapatid walang makakapagsabi ng kahit ano.Magtutulongan tayo hindi ba” saad nito “Maliit na bagay lang yan pag tulog ko sayo sa lahat ng sakripisyong ginagawa mo para saamin nila mamat papa.Magka edad lang tayo pero mas pinili mong magtrabaho ng maaga kahit nagaaral kapa para matulonga kami e”
Maya maya napahawak sya sa buhok ng kapatid at ginulo ito.
“Pano nilang hindi sasabihin na hindi tayo magkamukha ang cute cute mo” birong ani ni Emir sa kapatid “Para na kitang baby sister nyan,ang kulit kulit mo pa”
Napasimangot naman ang dalaga sa sinabi nya “Sabi ni tatay Elar ilang oras lang daw ang tanda mo saakin.Pero sabay padin tayong ipinanganak kaya walang matanda at bata saatin no”
“Hindi” nakangising ani nya “Basta baby sister kita ano mang mangyare.Kuya mo padin ako at magkambal parin tayo”
“Yun ang tumpak,kambal kita,at walang makakapag pabago nun” masiglang ani ng kapatid.
Itutuloy…

