loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Heir (BL)

The Heir (BL)

MrAoiKun · 42 chapters · 93,392 words

Prologue

October 24, 2009

     

“ Kakapasok lamang po na balita. Natagpuang patay sa kanyang tinutuluyang condominium unit ang dating aktres at businesswoman na si Athena Del Mundo, asawa ng business tycoon na si Carmelo Del Mundo. Matatandaang naging mainit na topic sa showbiz news ang pakikipaghiwalay ni Athena sa kanyang asawa matapos ang labing limang taon na pagsasama. Wala pang lumabas na resulta sa imbestigasyon at humihiling ang pamilya ni Athena Del Mundo ng panahon ng pagdadalamhati at piniling huwag nang magbigay ng pahayag ukol sa pangyayaring ito. Naiwan ni Athena Del Mundo ang kanyang nag-iisang anak na lalaki na si Winchester Del Mundo.“

    Gulat si Aling Chona sa kanyang nakita sa TV habang nagluluto ng hapunan para sa kanyang asawang tricycle driver at dalawang anak na papauwi pa lamang mula sa eskwela. Hinahangaan niya ang napabalitang namatay na si Athena Del Mundo at parang hindi pa rin niya mapaniwala ang sarili na ito ay papanaw sa hindi mapaliwanag na dahilan.

    “Nakakatakot talaga ang mundo ng mayayaman. Hindi na natin alam kung ano ang pwedeng mangyari sa’yo dahil sa dami ng pera mo.” biglang nagsalita ang asawa ni Aling Chona na si Oscar.

    “Mabuti nalang talaga ang hindi tayo naging mayaman. Kahit simple lang ang buhay natin, hindi natin nararanasan ang mga ganitong klaseng pangyayari. Nakakaawa lang si Athena. Napakabata pa niya para pumanaw.”

     Tumayo ang asawa ni Aling Chona at pumasok sa banyo upang maligo.

     “May mga bagay talaga na hindi natin malalaman. Mga bagay na tanging mayayaman lamang ang makakaintindi.” usal pa nito bago simulan ang pagligo nito.

     Umiling na lamang ang ginang at inayos na ang kanilang mesa dahil ilang sandali nalang ay maluluto na ang tinolang manok na kanyang niluto. Dumating na rin ang panganay niyang anak na pinagpapasalamat niya sa Diyos. Isa itong responsable ang mabait na bata. Marunong na ito sa maraming bagay at marami na rin itong nakakamit sa eskwelahan sa edad nitong kinse.

    “Luke, mabuti naman at dumating ka na. Kakain na tayo. Nasaan si Jacob?” tanong ng ginang sa kanyang anak na kinataas lang nito ng kilay.

    “Mama.. Pinapapunta ka ni Mrs. Gerona sa principal’s office bukas. Gumawa nanaman ng gulo si Jacob.”

    Napakamot ng ulo si Aling Chona sa narinig niya mula sa anak. Ano nanaman ang kinasangkutang gulo ng bunsong anak niya? Kung anong kinabait ng panganay niya ay siya namang sakit ng ulo na bigay sa kanya ng bunso.

   Dumating ito na may pasa sa mukha na agad na linapitan ni Aling Chona. Lumayo ang bunsong anak niya mula sa kanya at naupo sa sofa ng kanilang sala.

    “Ano nanaman bang nangyari, Jacob? Nakipagbugbugan ka nanaman ba sa mga barkada mong wala nang ibang ginawa kundi bigyan ako ng sakit ng ulo?”

    Napailing lang si Jacob sa sermon ng kanyang ina. Wala na itong nakita kundi ang mga ginagawa niyang mali sa mata nito.

    “Katorse anyos ka na, Jacob. Matuto ka nang maging responsable sa mga ginagawa mo. Ayokong mabalitaan ko nalang isang araw na nasa ospital ka na dahil diyan sa ginagawa mong ’yan.”

    “Pinagtanggol ko lang si Gerald, Ma.. Ano bang masama dun? Hindi ba pwedeng ipagtanggol mo ang taong wala manlang kalaban laban sa mga gagong classmate ko?”

     Lumapit ang ginang sa kanyang ina at tinaas nito ang nakayukong ulo ng anak. Kita niya ang mumunting pasa sa pisngi nito at sa gilid ng kanyang bibig.

    “Pwede mong ipagtanggol ang isang tao na hindi gumagamit ng dahas, Jacob. Hindi tama na mananakit ka ng tao dahil lang sa inaapi ito ng kapwa niya.”

    Napailing nalang ang panganay habang tinitingnan ang nangyayari sa sala ng kanilang bahay. Alam niyang noon pa man, si Jacob na ang special sa mata ng kanyang ama at ina. Kahit ito ang palaging nasasangkot sa gulo, ito ang kanilang pinapanigan. Pakiramdam niya ay hindi siya parte ng pamilya. Kailangan niya palaging patunayan ang kanyang sarili sa mga ito.

   “Aakyat na po ako sa kwarto. Kumain na po ako sa turo-turo. Kayo nalang po ang maghapunan.” nagtatampong saad ni Luke at umakyat na papunta sa kanyang kwarto.

   Nilapag niya ang kanyang bag sa kanyang maliit na kama ang nagsimulang hubarin ang kanyang uniporme. Sa kanyang edad, matangkad at may hubog na ang katawan ni Luke. Dahil na rin sa pagsisideline niya bilang tagabuhat ng mga palay sa isang rice mill na malapit sa kanila. Sa isang maliit na lugar, wala siyang magagawa kundi dumiskarte at makatulong sa kanyang pamilya. At magkaroon na rin ng kaunting ipon para sa kanyang pag-aaral ng kolehiyo.

    Pumasok bigla ang kanyang kapatid sa kwarto at naghubad din ito ng kanyang uniporme.

    “Sinumbong mo nanaman ako kay Mrs. Gerona. Kahit kailan talaga sipsip ka sa principal natin. Kulang nalang isipin ko na may nangyayari sa inyong dalawa.”

    Naginit ang ulo ni Luke sa kanyang narinig mula sa kapatid at binalingan niya ito ng matalim na titig.

     “Dapat ba pabayaan lang kita na gumawa ng gulo sa loob ng eskwelahan? Hindi ka ba nahihiya sa mga magulang natin? Sa mga taong naaagrabyado mo sa kaiksian ng pisi mo?”

    Linapitan siya ni Jacob at dinuro sa kanyang dibdib. Hindi naman nagpatinag si Luke at patuloy lang niyang tinitigan ang bunsong kapatid.

    “Ano ba kasing pakialam mo sa mga diskarte ko? Bakit? Hindi mo ba alam na laman ka palagi ng usapan ng mga chismosa kong classmate? Sabi nila, malalaki ang grado mo dahil pinagpapantasyahan ka ng mga teachers natin. Hindi ba mas nakakahiya ’yun? O baka naman totoo talagang pinapatulan mo ang mga gurang nating teacher.”

   Napuno na si Luke ng tuluyan at dinamba niya ng suntok ang kapatid sa mukha nito. Hindi naman nagpatalo ang bunso at tuluyan silang nagpalitan ng suntok na gumawa ng ingay sa buong bahay ng mag-anak.

    Umakyat si Aling Chona at Mang Oscar upang alamin kung ano ang nangyayari sa kwarto ng kanilang mga anak. Napasapo ng bibig si Aling Chona nang makita niyang nasa ibabaw ni Jacob si Luke at binibigyan ito ng suntok sa mukha.

    Inawat ni Mang Oscar ang panganay na anak at agad niya itong binalibag sa kama nito at agad na itinayo ang bunso nilang mag-asawa.

    “Ano bang nangyayari sa inyo? Bakit kayo nag-aaway?!” sigaw ng ama ng tahanan na hindi naman sinagot ng dalawang anak.

     “Gusto niyo ba talagang atakehin ako sa puso sa pinaggagawa ninyo? Hanggang dito sa bahay ba magaasal kalye kayo?” sigaw din ni Aling Chona.

     “Alam niyong hindi ako ang nagsisimula ng away sa bahay na’to..”

     Napaismid lang si Jacob sa sinabi ng kanyang kapatid at tiningnan ito ng masama.

      “Luke.. Ikaw ang panganay. Sana naman hindi mo na pinapatulan itong kapatid mo. Bakit ba hindi mo nalang siya intindihin ha?” sermon ni Aling Chona sa kanyang panganay.

     “Ma! Siya ang nagsimula ng away.. Kung ano-ano ang pinagsasabi sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko.” pagtatanggol ni Luke sa kanyang sarili.

     “Hah! Hindi ba totoo naman kasi ang mga sinabi ko kaya mo ako sinugod.”

     Susugurin na ulit sana ni Luke si Jacob ngunit inawat siya ng kanyang ama.

    “Tama na! Ikaw Luke.. Akala ko ba nagkaintinidhan na tayo noon?” galit na sigaw ni Mang Oscar na mas kinasama ng loob ni Luke sa kanyang ama.

     “Oo ’Pa! Ako nanaman ang mali.. Kahit na wala na akong ginawa kundi gumawa ng tama at maayos, ako pa rin ang lumalabas na masama. Sabagay, sampid lang naman ang tingin niyo sa’kin.”

    “Luke! Ano bang sinasabi mo diyan? Bakit mo nasasabi ’yan sa amin ng Papa mo?”

      Tiningnan ni Luke ang lumuluha niyang ina na kanina pa hawak hawak ang kamay ng kanyang kapatid.

      “Hindi niyo ako tunay na anak.. Hindi ba?”

    Nagulat ang mag-asawa sa sinabi ni Luke. Hindi nila inaasahan na sa gabing iyon, tuluyan nang naungkat ang sikretong matagal na nilang tinatago sa panganay nilang anak.

    “Hindi niyo ako anak.. Bata pa lang ako kinukutiya na ako ng mga kaklase ko na hindi kayo ang mga magulang. Paano nga ba magkakaanak ng isang lalaking maputi at matangkad ang mag-asawang kayumanggi ang balat at katamtaman lamang ang tangkad. Hindi ko naman kwinestyon ang pagpapalaki niyo sa akin. Pero alam kong hindi ako parte ng pamilyang ito.”

    Linapitan ni Aling Chona ang kanyang anak. Umiiling siyang niyakap ang kanyang panganay ngunit hindi ito tumugon sa kanyang yakap.

     “Luke– Luke anak.. Bakit mo naman iisipin na hindi ka namin anak? Anak ka namin ng Papa mo. Hindi totoo ang mga sinasabi nila.”

    “Ma! Tama na.. Alam ko na po. At nagpapasalamat po ako na kinupkop niyo ako kahit hindi niyo ako tunay na anak. Narinig ko ang usapan niyo ni Papa. Alam kong napulot lang ako ni Papa sa labas ng isang simbahan noong gabibg naisip niyang magsimba. Naawa siya sa akin kaya inuwi niya ako dito. Hindi niyo na binalak ba ireport ako sa mga otoridad. At lumaki akong kayo ang kinikilala kong magulang.”

    Hindi na napigilan ng ina na mapaluha sa mga sinabi ng kanyang panganay. Alam niyang naging madamot siyang sabihin dito ang katotohanan sa pagkatao nito. Ngunit wala talagang sikretong hindi malalantad. At ito pa mismo ang nakatuklas nito.

    Maging si Jacob ay hindi makapaniwala sa mga nalaman niya mula sa kanyang kapatid. Kaya pala malayo ang loob niya rito. Hindi pala sila totoong magkapatid.

      “Luke.. Kahit kailan, hindi namin inisip ng Mama mo na hindi ka nanggaling sa amin. Noong dumating ka sa buhay namin, naging maayos ang pagsasama naming dalawa dahil sa wakas, nagkaroon na kami ng dahilan upang manatiling mag-asawa. Hanggang sa dumating si Jacob na pinagpapasalamat namin sa’yo. Nagkaroon din kami ng sarili naming anak.”

    Puno ng hikbi at luha ang silid na kinaroroonan ng pamilya. Ang tagpong iyon ay isang pangyayari na hindi nila inaasahang darating sa kanila sa mga sandaling iyon.

    “May gusto lang po akong malaman.. Inalam niyo po ba kung sino ang totoo kong mga magulang? Bakit nila ako iniwan? Bakit nila ako iniwan sa labas ng simbahan?” umiiyak na tanong ni Luke sa mga kinilala niyang magulang.

    Umiling si Aling Chona at pinahid ang luha ni Luke. Alam niyang mahirap ipaliwanag dito ang mga pangyayari.

     “Wala kaming alam kung sino ang totoo mong magulang. Tanging pranela lang na may burda ang inawan sa iyo noong napulot ka ng Papa mo sa simbahan.”

     Tumango naman si Luke sa kanyang nalaman. Siguro nga ay hindi siya ginusto ng kanyang mga totoong magulang. Hindi niya mapigilang makaramdam ng galit sa kanyang mga totoong magulang.

    “May balak ka bang hanapin pa ang mga totoo mong magulang?” nag-aalalang tanong ni Mang Oscar.

     “Pag may kakayahan na po akong gawin ’yun.. Hahanapin ko po sila.” tanging sagot ni Luke na kinatango naman ni Mang Oscar at Aling Chona.

     “Basta tandaan mo.. Hindi ka namin tinuring na ibang tao. Mahal ka namin ng Papa mo. Patawarin mo kami kung nilihim namin lahat sa’yo. Ayaw lang namin na masaktan ka.”

    Yinakap ni Luke ang kanyang ina at nakaramdam naman ng awa si Jacob para sa kanyang kapatid. Hindi niya alam kung ano pa ba ang iisipin.

   ———————————————————————–

   Del Mundo Mansion

  

Uminom sa hawak niyang baso si Carmelo at kanina pa hindi mapalagay. Hindi pa rin lumalabas ang autopsy report ng kanyang asawa at hinihintay niya ang tawag ng kanyang father-in-law.

     Tumunog ang kanyang cellphone at agad niya itong inabot sa kanyang bulsa. Ang kanyang father-in-law ang tumatawag sa kanya at hindi na niya napigilang kabahan sa mga sasabihin nito.

     “ What did you do to my daughter, Carmelo? “          Hindi siya nakasagot kaagad dahil banaag sa boses nito ang matinding galit. Litong lito siya sa mga sandaling iyon. May kung anong punyal ang tumutusok sa lahat ng bahagi ng katawan niya.

     “Dad.. I didn’t do anything. Wala akong alam sa mga nangyari. I was in the office the whole day and just like you I am in pain and I am hurt.”

    “Don’t you dare lie to me.. Alam kong may kinalaman ka sa pagkamatay ng anak ko. You scumbag. Alam ko noon pa man.. You will destroy my daughter’s life.”

   Binaba ng kanyang manugang ang tawag at hindi napigilan ni Carmelo na ibato ang hawak niyang baso at nagkapirapiraso ito na kinagulat ng mga maid na nagbabantay sa kanya.

   “Get out of here!!” sigaw niya sa mga katulong na nagsialisan naman dahil sa takot na naramdaman nila mula sa kanilang amo.

     Nanginginig si Carmelo at naninikip ang kanyang dibdib. Halo-halo na ang emosiyon na nararamdaman niya.

    “You are the reason why Mom died.. So don’t ever feel pain or be hurt. Wala kang karapatan para maramdaman ’yun, Dad!” sigaw ng isang malalim na boses na nangagaling sa hagdanan ng mansion.

   Napabaling ng tingin si Carmelo sa binatang nakatayo sa hagdanan ang mugto ang mga mata dahil sa pag-iyak nito.

     “Win— Win listen to me.. This is a misunderstanding. Wala akong ginawa sa Mommy mo.”

      “Anong wala? You’ve been having an affair with your mistress for 5 years and you think you are still innocent? Bakit? Kating kati ka na ba na palitan si Mommy at ibahay dito ang kabit mo? So you plotted to kill her?”

    Nanlaki ang mata ni Carmelo at humakbang papalapit sa kanyang anak at hinablot ang kwelyo nito.

     “Watch what your mouth says, Win.. I’m still your father and you have no right to say those words to me. You have no right to judge me!”

     “You are my father? Have you ever been my father? Much more like a dummy father who never even given any attention to his son. Mas naging tatay ko pa si Mang Tony kesa sa’yo Dad.. So please, don’t act like you know the pain I feel right now.”

   Linayo ni Win ang sarili niya sa ama at umakyat muli sa malaking hagdanan ng mansion. Napahawak sa kanyang ulo at unti-unting kumawala ang luha ni Carmelo dahil sa halo-halo na niyang nararamdaman.

    At narinig niya ang mga sirena ng police car na nasa labas ng mansion. Bumukas ang main door ng malaking bahay. Tumambad ang arresting officer na may dalang arrest warrant.

    Naglakad ito palapit sa kanya at kinuha ang posas mula sa belt nito.

    “Mr. Carmelo Del Mundo.. You are under arrest for the murder of Mrs. Athena Del Mundo. “     Nabigla ang lahat ng mga katulong na nasaksihan ang nangyari sa kanilang amo. Maging ang tagapagmana ng mga Del Mundo ay nakikita ang ginagawang pag-aresto ng mga pulis sa kanyang ama mula sa ikalawang palapag ng mansiyon.

    Galit at poot ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Hindi niya akalain na magagawang patayin ng kanyang ama ang kanyang ina.

    

Itutuloy….

♧Chapter I♧

Present Time

     

Inip at bagot ang kanyang nararamdaman habang minamaneho ang Maserati na regalo sa kanya ng kanyang Lolo noong siya ay nagdiwang ng ikadalawampu’t tatlong kaarawan. Inayos niya ang kanyang suot na office suit at tiningnan ang mukha niya sa rearview mirror ng mamahalin niyang kotse. Kita niya ang pagkamangha ng mga kasabayan niya sa trapiko. Wala siyang magawa kundi magtiis sa napakahirap na sistema ng trapiko ng bansa.

    Pinindot niya ang calling system ng kanyang kotse at tinawagan ang kanyang sekretarya.

     “Lena.. Is everyone in the board room now?” tanong niya sa kanyang sekretarya nang sagutin na nito ang tawag niya.

     “ Yes, Sir.. They’re all waiting for you.“  sagot sa kanya nito. Wala siyang nagawa kundi humanap ng paraan para makaabot sa meeting ng nasa tamang oras.

     “Call a towing service right now. This traffic will kill me. I will find a way to get there in 30 minutes.” utos niya sa kanyang sekretarya na agad namang sinunod ang bilin niya.

     Inayos niya ang suit niya at bumaba ng kotse bago iwanan ito sa auto pilot. Marami itong security features kaya walang sinuman ang magtatangkang nakawin ito.

    Pagkababa niya ay agad niyang kinuha ang kanyang office bag at sinuot ang dark shades na panlaban niya sa malakas na sinag ng araw. Palagi siyang may dalang sunscreen kaya inispray niya ito sa mukha niya at agad pumunta sa gilid ng malaking highway upang magabang ng motor. Iyon nalang ang naiisip niyang paraan para makaabot sa importanteng meeting na ano mang oras ay magsisimula na.

    Hindi naman siya nabigo dahil may isang motor na paparating sa kanyang banda at pinara niya ito pero hindi siya nito pinansin. Napataas ang kilay niya dahil hindi niya inaasahan ang pambabalewala nito sa kanya.

    Pero nagulat siya nang bumalik ito sa kanyang kinalalagyan at tinanggal nito ang helmet na suot. Hindi niya maiwasang mapahanga sa angking kaamuhan ng mukha nito. Gwapo ito sa kanyang paninging. Makakapal na kilay. Bilugang mga mata. Matangos na ilong. Mapulang labi. Perpektong hubog ng mukha at katawan. At sa kanyang pagtantiya ay kasing tangkad niya ito.

    “Kailangan mo ba ng tulong?” tanong nito sa kanya na gamit ang malamig ngunit malalim na boses.

     “I need to go to a meeting in thirty minutes. Can you give me a ride to DLM Tower?”

     Ngumuya naman ito bigla ng bubblegum at inabot sa kanya ang isang reserbang helmet at tumango.

     “Tara.. Hatid na kita.” pagpayag naman nito na kinagulat niya. Hindi manlang ito nakipagnegosasyon sa kanya. Marahil ay isa itong masamang loob.

     Nag-aalangan siyang abutin ang helmet na inaabot nito sa kanya ngunit wala na siyang ibang pagpipilian.

      “Huwag kang mag-alala. Hindi ako masamang tao. Malapit lang sa DLM ang trabaho ko. Kaya sakay na.” tugon pa nito sa katahimikan at pag-aalinlangan niya.

    Tumango nalang siya at inabot ang helmet at sinuot ito. Amoy pawis man ay wala na siyang pakialam. Kailangan niyang makarating sa meeting as soon as possible.

    Umangkas siya sa backride ng motor at umikot sila sa isang kanto at mabilis na pinaharurot ng lalaking kakikilala palang niya ang motor nito. Parang propesyonal na motor race driver ito dahil hindi manlang ito natatakot na baka mabangga sila ng mga sasakyang nauuna sa kanila.

     “Can you drive a little slower? Baka maaksidente tayo?” may halong takot na sa boses niya pero hindi siya nito pinakinggan.

   Malapit na sila sa DLM dahil sa bilis nitong magpatakbo. Namalayan niya na lang na nasa harapan na siya ng mataas ng tower ng kompanya kanyang pinamumunuan.

    Siya ang CEO ng DLM Group. Ang pinakamalaki at pinakamayamang grupo ng mga kompanya sa buong bansa.

    Pinahinto ng driver ang motor niya at agad naman siyang bumaba mula rito. Napahinga siya ng maluwag dahil narating niya ang tower sa tamang oras.

    Tinanggal niya ang helmet at agad niyang inabot ang wallet niya at inabot sa lalaki ang apat na libong peso na hawak niya.

    Nalukot pa ang noo ng may-ari ng motor nang makita niya ang kumpol ng pera na hawak nito sa kamay.

    “Here.. Take it. Salamat sa paghatid mo sa akin.”

    Umiling ang lalaki at bumaba sa kanyang motor. Tama ang hula niya na magkasingtangkad lang sila nito nang magkaharap na sila.

    “Hindi na kailangan.. Sabi ko sa’yo malapit lang dito ang trabaho ko.” kumindat pa ito sa kanya at muling bumalik sa motor nito.

    Pinaandar ito at tuluyang nawala sa kanyang harapan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Parang hindi siya makapaniwala na wala manlang itong hininging kapalit mula sa kanya.

  –––––––––––––––––––––––––––––––––––

     “Mr. Del Mundo is here..” saad ng sekretarya niya sa mga board members at nagsitayo ang mga ito nang makapasok na siya sa loob ng conference room.

     Nang makaupo siya ay siya rin namang pag-upo ng mga ito.

     “Lena? What’s the agenda for today’s meeting?”

    May biglang tumikhim at nakita niya agad kung sino ito. Ang isa sa major shareholders ng kompanya, Si Achilles Laurente. Anak ni Simon Laurente na nagretiro niya at ipinasa dito ang kanyang shares sa kompanya.

     “Mr. Del Mundo.. The foriegn investment we have done is doing the opposite? Thailand is not a wise choice for our expansion either. Some things are not going right at the moment. How do you plan to handle them? The shareholders are worried that you are not ready to take on the job as the CEO. Your grandfather managed DLM for the last 11 years and it seems like, wala kang kalahati sa kakayahan na meron ang lolo mo?”

    Hindi niya mapigilan ang makaramdam ng panliliit sa mga sinabi ni Achilles sa kanya. Ngunit kinontrol niya ang sarili niya. Alam niya ang kakayanan niya. Hindi siya magpapatalo sa taong gustong makuha ang pamumuno ng kompanya mula sa kanya.

    “Mr. Laurente.. How much does DLM Group spend for your luxurious lifestyle and nightly parties? 500 Thousand? 1 Million per night? You are pointing out that I can’t manage a business that feeds the mouth of 30 Thousand people?”

     Tumayo siya at tiningnan isa-isa ang kanyang mga kasamahan sa conference room.

     “Thailand is a rising economic power in Asia. In the next 5 years, its GDP will be up to 10% from where it is now. We are focusing on the target of expanding our capacity to acquire new businesses that will reinforce the conglomerate more. We don’t shoot for short term, small gains here, we aim for bigger returns. And as for you Mr. Laurente, did you even manage to bring one investor into DLM since your father retired?”

    Nakaramdam si Achilles ng hiya sa mga sinabi ni Winchester Del Mundo. Matagal na siyang nagtitimpi sa kayabangan nito. Hindi niya matanggap na ang isang tulad nito ang maglalabas ng baho na tinatago niya sa harapan mismo ng mga shareholders.

      “You should think before playing with words on me. I know more than what you think I do. Let’s go back to the agenda shall we?”

    Naging matagumpay si Winchester sa sandaling iyon. Napatahimik niya ang taong matagal nang gusto siyang hanapan ng butas. At sa tuwing nasusupalpal niya ito ay mas lalo pa itong naghahangad na malaman ang mga tinatago niya.

    ———————————————————————

    “Luke.. Ito i-dedeliver mo sa Forex Office diyan sa address na ’yan. Tapos yung mga regular natin alam mo na kung ano ang orders nila, ikaw na bahala magdeliver nun sa kanila ha?”

    Tumango lang si Luke sa mando ng may-ari ng pinagtratrabahuan niyang restaurant. Siya ang delivery man ng restaurant sa loob ng apat na taon na pamamalagi niya rito sa siyudad.

     “Mamu.. Pwede ba ako mag day-off bukas? Midterm exam ko na kasi. Kailangan kong mag-aral ng mga lessons ko.” biglang pakiusap ni Luke sa kanyang amo. Napangiti naman ito at hinawakan ang kanyang kamay.

     “Luke.. Sabi ko naman sa’yo na basta pag-aaral ang dahilan, pwede kang lumiban sa trabaho. Suportado ko ang pag-aaral mo diba?”

     Napangiti lang si Luke na hindi naman maiwasang mapansin ng mga regular sa restaurant na ang tanging dahilan ng pagkain dito ay ang masilayan ang napakagwapong mukha ng delivery man dito.

     “Salamat, Mamu.. Sige idedeliver ko na’to. Tsaka isasabay ko na rin ang pagkuha ng mga gulay sa supplier natin sa palengke.” sabay kindat ni Luke sa kanyang amo na kinangiti lang nito.

    Malaki din ang swerteng dala ni Luke sa kanyang negosyo. Dahil karamihan ng mga pumupunta ay para usisain ang gwapo niyang delivery man.

    Sakay ng kanyang motor ay agad na pinaharurot ni Luke ito at isa-isa nang pinuntahan ang mga parokyano ng restaurant nila. At alam niya rin na ang makita lang siya ng mga ito ang dahilan kung bakit sila palaging umoorder sa restaurant nila.

     Hindi rin mawala sa isip ni Luke sa mga oras na iyon ang sitwasyon ng kanyang pamilya ngayon na naiwan sa probinsya. Sarili niyang sinusuportahan ang pag-aaral niya dahil si Jacob ay nasa kolehiyo rin tulad niya. Kumukuha siya ng kursong Criminology at balak niyang pumasok sa pulisya.

    Siguro dahil gusto niyang maging imbestigador at mahanap ang kanyang tunay na mga magulang. Iyon ang tanging pangarap na gusto niyang matupad. Kung may patutunguhan man ang kanyang mga plano, hindi niya alam. Ang mahalaga ngayon ay makatapos siya ng pag-aaral.

    ––––––––––––––––––––––––––––––––––        Bumukas ang malaking gate ng mansion ng mga Del Mundo at pumasok sa loob nito ang kotse na Maserati ni Winchester. Hindi niya alam kung paano niya natitiis na umuwi pa sa mansion na ito ngunit ito ang kanyang bahay. Kahit alam niya sa loob nito, hindi na ito matatawag na bahay.

     Nang makababa siya ng kotse ay agad na sumalubong sa kanya si Tony na tagapamahala ng buong mansion. Ang nagdidisiplina sa tatlumpong kasambahay ng malaking mansion.

    “Magandang gabi, Young Master. Ipapahanda ko na ang dinner.” bati sa kanya ni Tony na tinanguan niya lang.

    Agad niya namang naabutan sa sala ng mansion ang dalawang babae na busy sa kanilang mag cellphone at may mga nagmamasahe sa likod ng mga ito. Ang isa sa kanila ay may nagmamanicure pa sa mga paa nito.

    Maganda ang dalawang babaeng nasa sala. Ngunit ang isa ay halatang umeedad na rin. Naglakad siya patungo sa hagdan ngunit nakuha niya ang atensiyon ng isa sa mga babae.

     “Hindi mo manlang ba ako babatiin ng Good Evening, my dear Son?” tanong nito sa kanya ngunit hindi niya ito sinagot.

     “Winchester.. Baka nakakalimutan mo na? Asawa ko ang ama mo, kaya bigyan mo ako ng galang kapag kinakausap kita!” sigaw nito sa kanya na kinapanting ng tenga niya.

   Naglakad siya papalapit dito at pilit na kinalma ang kanyang sarili. Ayaw niya ng gulo. Kaya pinipilit niyang huwag nalang itong patulan.

    “Good Evening.. Mama.” tugon niya rito at tumalikod na mula rito.

     “Gianna’s boyfriend is coming for dinner. Sana naman tratuhin mo na siya ng maayos unlike before.”

    Napalingon siya dito at tiningnan ang mas nakababatang babae na katabi ng kanyang madrasta.

     “Sinabi ko na sa’yo noon pa na hiwalayan mo na ang lalaking ’yun! Ano? Gagawa ka nanaman ng eskandalo dahil lang sa lalaking ’yun? Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo, Gianna?”

    Binaba ni Gianna ang hawak niyang cellphone at nakataas ang kilay na sinagot ang kapatid niya sa ama.

    “Eskandalo? Wow.. Eh hindi ba punong puno na ng eskandalo ang pamilyang ito? Hindi ka pa ba nasasanay, Kuya? Tradisyon na nga ata ng pamilyang ito na gumawa ng eskandalo.”

    Bago pa siya makasagot ay isang lalaking may edad na rin ang pumasok sa loob ng sala ng mansion.

    “You two are fighting again? What’s this all about again?”

    Tiningnan lang ng masama ni Winchester ang lalaking dumating. Ang lalaking kinamumuhian niya noon pa man. Ang lalaking sumira sa buhay ng kanyang ina.

    “You create a mess you can’t even handle. Now look what is the result of that. You better discipline your daughter or I will be forced to send her away.”

    Umalis si Win sa sala at nagtuloy na sa malaking hagdanan ng Mansion. Hindi niya alam kung paano niya nahaharap ang araw-araw kasama ang mga taong naging dahilan ng pagkawala ng kanyang ina.

    Hindi napatunayan na ang kanyang ama ang pumatay sa kanyang ina. Sa halip ay lumabas itong nagpakamatay. Sinarado ang kaso dahil wala nang ibang ebidensiyang magpapatunay na pinatay ang kanyang ina. Pero alam niyang may nangyaring hindi niya pa nalalaman. Ilang taon na niya itong guston irequest para sa retrial ngunit bigo siyang makakalap ng ebidensiya.

    Nakita niya ang portrait painting ng kanyang stepmother at ni Gianna sa corridor ng second floor. Napaismid siya at umiling na lamang.

    Si Lucy Tolentino.. Ang babaeng pinagpalit ng kanyang ama sa kanyang ina. Ito ang babaeng gumunaw sa mundo ni Athena Del Mundo.        Tiningnan niya ng maiigi ang mukha ni Lucy at ni Gianna.

     “Ngayong ako na ang namumuno ng DLM.. Your days are in a countdown. Sisiguruhin kong mabubuksan muli ang kaso ni Mommy. At kapag nangyari iyon, mapapatunayan ko na rin kung sino ang totoong may sala.”

    Agad naman niyang tinungo ang kanyang silid  upang makapagbihis na at maghanda para sa dinner nilang pamilya.

   ———————————————————————

    “Babe try my steak.. Sinabihan ko na ang cook namin na medium rare ang gusto mo. I will fire him later.” sabay subo ni Gianna sa steak na nasa tinidor niya sa kanyang kasintahan.

    “Thank you, Babe..” at hindi naman ito tinanggihan ng kanyang nobyo.

    Hindi maatim ni Winchester na makita ang ginagawa ng kanyang kapatid sa kasintahan nito.

     “So when are you going to get married, Bobby? Matagal na kayong nagdadate ng kapatid ko di ba? You have no plans on marrying her?”

     Napatingin naman si Gianna ng masama kay Winchester. Ayaw niya sa lahat na pinapangunahan siya at ginagawang parang bata ng kanyang pamilya.

     “We are getting there, Win.. I just want to make sure that I am stable enough for Gianna to rely on me.” sagot naman ng kasintahan ni Gianna.

     “Stable enough? An architect barely passed the licensure exams. With no architectural firm established after 3 years passing the board exams? Reliable? My sister’s weekly expenses is 1 Million Pesos.. Sa tingin mo ba kaya mong masustain ang luxury ng kapatid ko?”

    “Kuya!! Are you really doing this tonight? He just came here for dinner! Stop being annoying!”

     Tumahimik na si Winchester at sa isipan niya lihim siyang napangiti dahil sa nakita niya ang reaksiyon ng mga kasama niya sa malaking hapagkainan ng mansion.

     Nabubuhay nalamang siya para sa pagnanais na mahanap ang hustisya para sa kanyang ina. At hindi siya titigil hanggang di niya nakukuha ang bagay na ’yun. At habang hinahanap niya ang katarungan, patuloy niyang pahihirapan ang takbo ng buhay ng mga taong may kinalaman sa pagkawala ng kanyang ina.

   

Itutuloy…

♤Chapter II♤

Laurente Mansion

          Habang nakaupo ang pamilya sa malaking hapagkainan ay hindi maiwasan ng padre de pamilya ng mga Laurente na mapansin ang pananahimik ng kanyang nag-iisang anak na lalaki.

     “Achilles? What’s wrong? Kanina ka pa hindi nagsasalita.” tanong nito at kinaagaw naman ng atensiyon ng iba pang kasama nila.

    “For how long do I keep on being humiliated by Winchester? Kanina sa board meeting namin pinahiya nanaman niya ako sa mga shareholders. Don’t you think he has gained so much confidence dahil siya ang naappoint na CEO and not me instead?”

    Napailing nalang ang padre de pamilya at hindi sinagot ang tanong ng kanyang anak. Tahimik naman na minamasdan ng ina ang kanyang panganay na anak. Alam niyang noon pa man kulang na ang atensiyon na binibigay ng ama nito dito. Hindi niya mapigilang sumabat sa usapan.

    “Kung ginawa lang ng Daddy mo ang lahat para makuha ang iba pang shares na dapat sana ay sa atin, hindi na sana si Winchester ang nakaupo sa pwesto na nararapat lamang para sa’yo. His grandfather was just too naive to think that his grandson is much better than you.”

    “Mildred! This is not a topic you should even bother talking or giving opinion with. Napagdesisyunan na ng lahat na si Winchester ang mamuno sa DLM. He holds the biggest company shares. At wala na tayong magagawa kundi tanggapin iyon.”

    Inilapag ni Achilles ang hawak niyang kutsilyo at tinidor. Nawalan na siya ng gana dahil sa kawalan ng suporta ng kanyang ama. Hindi niya kailanman narinig dito na proud ito sa kanya. Wala siyang ibang ginawa kundi patunayan ang sarili niya rito ngunit walang kahit na anong pagkilala manlang sa mga nagawa niya ang nakamit niya mula sa kanyang ama.

    “I’m done.. Aakyat na ako sa kwarto. I will go out with my friends tonight.” walang emosiyong hayag ni Achilles bago umalis sa hapagkainan.

    Hindi napigilang mas lalong magtanim ng galit si Mildred sa kanyang asawa.

    “Hanggang ngayon.. Hindi mo pa rin ba makita na ginagawa ng anak natin ang lahat ng kanyang makakaya para mapasaya ka? Binabalewala mo lahat ng effort na ginagawa niya kaya lumaki siyang malayo ang loob sa’yo.”

   Napatitig ng matalim si Simon Laurente sa kanyang may-bahay na hindi naman kinasindak ng huli.

    “Have you ever asked yourself Mildred? Bakit nga ba malayo ang loob ko kay Achilles? I think you know the answer.”

    Tinapos na rin ni Simon ang kanyang pagkain at naiwan ang ginang sa hapagkainan na mariin ang hawak sa kutsilyo at tinidor. Inutusan niya ang katulong na bigyan siya ng wine at binuhusan naman nito ang kanyang wine glass.

    “ Hindi ko hahayaan na malaman mo ang katotohanan.“

    ———————————————————————–

 

Rodriguez Compound

 

  Gabi na nang makarating si Luke sa compound ng mga Rodriguez kung saan nakatira siya sa isang boarding house sa loob nito. Naabutan niya sa labas ng gate ang apat na kalalakihan na nag-iinuman. Kilala niya ang mga ito at kadalasan ay iniiwasan niya ang mga ito dahil sa kakulitan nila. Umiinom siya ng isang shot ng gin o kahit na anong alak na inaalok ng mga ito sa kanya.

   “Oy— Andito na pala si chickboy.. Tamang tama ang dating at kakasimula pa lamang natin.” usal ng isa sa mga ito nang mapansin siyang papalapit sa bukana ng gate.

    “Luke! Halika— Tagay muna tayo. Pampawala lang ng stress. Alam mo naman dapat sa panahon ngayon kailangan mag relax din paminsan-minsan.” giit naman ng isa pa sa mga ito.

    Ngumiti lang si Luke at inabot ang baso na inaalok sa kanya. Pagkatapos niya itong tunggain ay agad siyang nagpaalam sa mga ito.

    “Midterm na namin sa isang araw.. Kaya mauna na ako sa inyo. Kailangan kong makapasa para makagraduate na ako sa susunod na taon.”

    Napatango naman ang apat at nakipagfist bump ang mga ito sa kanya.

    “Iba ka talaga pare.. Matalino na, pogi pa.. Kaya lahat ng chicks dito ikaw ang hinahabol. Paano nalang kami?”

    Nagkatawan naman silang lahat bago niya lisanin ang mga ito at nagtuloy na sa gate ng compound.

    Pagkarating niya sa kanyang boarding house ay naabutan niyang nanenermon si Irma sa mga kasamahan niya.

    “Matuto naman kayong magtipid mga iho ano? Ang laki ng bayarin natin sa kuryente at tubig ngayong buwan. May patakaran tayo dito sa loob ng bahay na ito diba? Kapag ako talaga hindi na nakapagtimpi, baka lahat kayo dito ay paalisin ko nalang!”

   Napalingon naman sa kanya si Irma at biglang nagbago ang tono ng pananalita nito nang pumasok na siya sa loob.

    “Luke.. Mabuti naman at dumating ka na. Narinig mo naman siguro lahat ng sinabi ko sa kanila di ba? Kaya sana tulungan mo rin ako na pagsabihan sila.” sabay kindat nito sa kanya na kinangiti niya lang.

    “Ate Irma! Bakit pagdating kay Luke ibang iba ang ugali mo. Nakakatampo na ah?” reklamo ni Pipo, malapit na kaibigan ni Luke sa boarding house.

    “Opo, Ate Irma. Palagi ko naman silang pinapaalalahanan.”

    Nakangiting tumango si Irma sa kanya at matalim na tumitig kay Pipo na kinakamot naman ng ulo ng huli.

    “Sa susunod na punta ko dito kukunin ko na mga upa niyo ha? Schedule ng paglilinis nakalagay na sa may ref.. At ikaw Pipo, wala kang pakialam kung iba ang pakikitungo ko kay Luke.”

    Tumalikod na ito at umalis ng boarding house. Naiwan ang pitong kasamahan ni Luke sa boarding house na puro kalalakihan.

    “Ibang klase talaga si Ate Irma.. Kapag si Luke ang nakikita parang nawawala ang sapi. Ano bang meron sa’yo Luke na parang napapaamo mo lahat ng babae?”

    Umiling nalang si Luke sa sinabi ni Pipo sa kanya. Nagtungo siya sa kanyang kwarto at agad na binaba ang dala niyang bag at linagay sa taas ng cabinet ang dalawang helmet na dala niya araw-araw.

   Naghubad siya ng kanyang mga damit at kita sa salamin ng cabinet ang perpektong hubog ng katawan ni Luke. Galing sa mahirap na pamilya, pinagsikapan ni Luke ang lahat para makapasok sa isang magandang eskwelahan. Naging full scholar pa siya ng gobernador ng probinsiya nila na naging malaking ginhawa para sa kanya. Ang tanging iniisip nalamang niya ay ang pang araw-araw na pangangailangan niya.

    Ang maputi niyang balat ay mas lalo pang naging pino nang mapunta na siya sa siyudad at hindi na siya madalas mabilad sa init ng araw maliban lamang kung siya ay nagdedeliver ng mga pagkain mula sa restaurant.

    Agad na humiga si Luke sa kanyang maliit na kama at agad na inabot mula sa maliit na mesa ang libro ng Constitutional Law. Kailangan niyang mag-aral dahil kailangan niyang maipasa lahat ng kanyang subject upang masiguro niyang siya ay makakagraduate na sa susunod na taon.

    Sa kanyang pagbabasa ay bigla niyang naalala ang lalaking hinatid niya kaninang umaga. Hindi niya maipaliwanag kung bakit niya naisipang ihatid ito gayong kita naman na mayaman ito lalo na at ito ay nagtratrabaho sa DLM Tower. Alam niyang ito ang pinakamalaki at pinakamayamang grupo ng kompanya sa bansa. May kung anong bagay siyang di matukoy nang makita niya ito.

    Sayang nga lang at hindi niya naitanong ang pangalan nito. Alam niyang makikita pa niya ito at hindi niya napigilang ngumiti. Sa puntong iyon, tanging ang mukha lang nito ang nasa isipan niya. Ngunit kailangan niyang magfocus.

   –––––––––––––––––––––––––––––––––––

   Del Mundo Mansion

    

Matapos masiguro ni Winchester na maayos na ang kanyang suot na black Armani Suit set ay inayos niya ang kanyang buhok. Importante sa kanya ang kanyang itsura. Hindi niya kayang lumabas ng kanyang kwarto na hindi maayos ang kanyang mukha, ang kanyang pananamit at lalo na ang kanyang buhok.

    Ang mukha niya ay parang sa isang anghel. Ngunit ang kanyang pangangatawan naman ay parang sa isang modelo na hulmang hulma. Matangkad siya sa kanyang height na 6’2“. Muli pa niyang tiningnan ang sarili sa whole body mirror ng kanyang kwarto at ngaspray na ng sunscreen sa kanyang mukha.

    Pagkababa niya ay agad na inanunsiyo ng maid ang pagpasok niya sa hapagkainan nila. Nakaupo na doon ang kanyang ama at ang kanyang madrasta ngunit si Gianna ay wala pa.

   Umupo siya sa tabi ng kanyang ama at inutusan ang maid na ihain sa kanya ang kanyang almusal.

    “Where’s Gianna? Sumama nanaman kay Bobby?” tanong ni Winchester sa kanyang madrasta na hindi naman sumagot.

    “Why don’t we arrange her marriage to someone I know, Mama. I know you don’t like Bobby for your daughter.”

     “Winchester! Ano bang sinasabi mo? Arrange marriage? Are we still living in the medieval era?”

     Napangiti lang si Win sabay kain ng fresh tuna salad na nasa plato niya.

    “Why? Sa tingin mo ba mabubuhay ni Bobby si Gianna sa klase ng buhay na nakasanayan niya? When you moved in to this house, she has been living like a princess? Makakaya mo bang ipakasal si Gianna sa isang lalaki na walang ipon? Walang stable na trabaho?”

    Dinamba ni Carmelo ang mesa na kinagulat naman ng mga maid at maging si Lucy at natakot sa ginawa ng kanyang asawa. Ngunit si Win ay patuloy lang sa kanyang pagkain.

    “Stop talking about this, Winchester.. Gianna is your sister. And you have no right to dictate whatever she wants to do in her life.”

     “Just like what you did to my mother? Parang may mali ata sa sinabi mo Dad? Hindi ba dinidiktahan mo si Mommy sa mga gusto niyang gawin noon? She given up her passion para lang sa’yo. Pero nagawa mo pa siyang lokohin? I wonder how you can act like nothing happened. At dinala mo pa dito ang pinagpalit mo kay Mommy.”

     Tumayo si Carmelo at kwinelyuhan niya ang kanyang anak. Pinupuno na nito ang kanyang pasensiya.

    “Your mother killed herself and I have nothing to do with it. Masakit din sa akin ang pagkawala ng Mommy mo but you will never understand what I feel dahil noon pa man, you see me as your enemy.”

    Tumayo di si Winchester sa kanyang kinauupuan at tinanggal ang kamay ng kanyang ama sa kanyang kwelyo at inayos itong muli.

    “Pero bakit parang kahit saan ko tingnan, may kasalanan ka sa nangyari kay Mommy? So don’t even try to feel remorseful in front of me because you never regretted what you did. This house is full of lies and it really makes me sick.”

    Umalis si Winchester sa harapan ng ama at tuluyang nilisang ang hapagkainan ng mansion. Naiwan si Carmelo na hindi alam kung ano pa ang gagawin para mapatawad siya ng kanyang anak. Samantalang ang galit ni Lucy para sa anak ni Carmelo sa pumanaw nitong asawa ay mas lalong sumisidhi.

    “Kapag patuloy niya tayong trinatonng ganito, hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko sa anak mong ’yan.” may himig ng pagbabanta sa boses ni Lucy na kinalukot ng noo ni Carmelo.

    “We deserve his anger.. Kaya pareho tayong magdusa.”

     “Carmelo? You are his father.. Yet tinatalo ka ng anak mo. Are you even a real man? Hindi ito ang pinangarap kong buhay para kay Gianna. Pinagtatawanan ako ng mga kaibigan ko dahil hanggang ngayon, kabit pa rin ang tingin nila sa akin.”

    Hindi na nagsalita pa si Carmelo. Napuno ang isipan niya sa kung ano ang binabalak ni Winchester. Maraming pwedeng gawin ito at alam niyang hindi gumagalaw ang kanyang anak ng walang nakahandang plano.

   ———————————————————————

   

DLM Tower

   

“What’s this Lena? Sino ang nagpadala nito?” tanong ni Win sa kanyang sekretarya habang tinitingnan ang mga mail na nakaaddress sa kanya.

    Isang puting sobre iyon na tanging post stamp lang at pangalan niya ang nakalagay kasama na ang address ng DLM.

     “Dinala po lahat ’yan ng Mail Man. Hindi ko po alam kung sino ang nagpadala niyan. Nagtataka din po ako kung bakit wala manlang sender.”

    Tumango nalang si Win at agad na binuksan ang misteryosong sobre para sa kanya.

    Nagulat siya nang may mga pictures sa loob ng sobre. Mga litrato ito ni Athena Del Mundo na  may kausap sa baba ng condominium building nito. Hindi makita ng maayos ang mukha ng lalaki dahil naka hoodie jacket ito. At ang huling litrato na nakita niya ay tila ba nakikipagtalo ang lalaki sa kanyang ina.

  Bigla siyang nakaramdam ng kung anong sigla at pagtataka. Sino ang nagpadala sa kanya ng mga litratong iyon? Alam niya na kung sino man ang nagpadala nito, may nalalaman ito tungkol sa nangyari sa kanyang ina.

    “Lena.. Samahan mo ako sa Post Office. I need to know who sent this mail to me. Kailangan kong malaman ang origin nito.”

    Agad namang sumunod si Lena sa utos ng kanyang amo at sinundan niya ito papalabas ng opisina nito.

    Bago paman sumara ang elevator ay may kamay na pumigil sa pagsara nito. Bumulaga kay Winchester ang mukha ni Achilles na halatang nakainom nanaman noong nakaraang gabi.

    “What’s with the rush, Win? Meeting with someone?” tanong nito na inuusisa ang kanyang mata. Nakipagtitigan lang si Winchester dito sabay ngumiti.

    “I don’t think I have to disclose my personal matters with you, Mr. Laurente.”

     “Yeah.. You are the chairman of this company anyway. I have no right to ask you.”

    Hindi na nagsalita pa si Win hanggang sa makarating sila sa ground floor ng tower.

    “But I will not stand and just let you have a hold on everything, Win. Tandaan mo, kayang kaya kong kunin mula sa’yo ang titulong pinagmamalaki mo sa akin.”

    Napabaling ng tingin si Win sa taong nasa tabi niya sa loob ng elevator. Pagkabukas nito ay hindi muna siya lumabas. May huli siyang sinabi bago tuluyang lumabas.

    “Well, goodluck trying to tear me down. You need an army for you to make it happen, Achilles.”

    Pagkalabas ni Winchester ay naiwan si Achilles sa loob ng elevator. Napangiti siya at hindi niya hahayaan na patuloy siyang tapaktapakan nito.

    “I will soon find your weakness, Winchester Del Mundo.”

    

Itutuloy…

♡Chapter III♡

Sakay ng kanyang company car na Audi ay linakbay ni Winchester at Lena ang daan patungo sa Post Office na pinanggalingan ng mga sulat ng DLM Tower. Hindi niya pa rin mapigilang makaramdam ng pag-asa na mayroong lihim na tumutulong sa kanya sa kaso ng hindi maipaliwanag na pagpanaw ng kanyang ina.

   “Sir– Hindi naman sa nanghihimasok ako, pero baka siya pala ay ginagamit ng totoong pumatay kay Ma’am Athena para madivert dito ang attention mo? Kasi kadalasan sa mga pinapanood kong crime series, gagamit ng ibang tao ang totoong suspect para mapagtakpan ang kanyang kasalanan.”

    “Lena.. That’s not how criminals work. They bury the crime that they made so no one will find it out. Kung kasabwat siya ng totoong pumatay kay Mommy, then the more na dapat ko siyang makilala. I need to have my hold on his neck. Doon ko lang masisiguro ang lahat. Sa ngayon, wala akong magagawa kundi umasa na makikilala ko ang taong ito.”

    Hindi na muling nagsalita ang sekretarya at sa halip ay tinawagan ang post office upang ipaalam na darating ang kanyang amo at nais makausap ang head nito.

    Habang nasa daan sila ay may napansin si Winchester. May isang officer ng HPG ang kausap ang isang lalaki na nakamotor at kita niya kung paano nito dinuduro ang lalaki. Nang masilayan niya ang mukha nito ay hindi siya nagkamali na makilala ito.

    “Jerome.. Itabi mo muna ang sasakyan.” utos ni Winchester sa kanyang driver at agad na bumaba ng kotse na pinagtaka naman ng dalawang naiwan sa loob.

   Tinakbo ni Winchester ang kinaroroonan ng HPG officer at ng binatang tumulong sa kanya noong isang araw. Kahit pa maraming sasakyan ang muntikan na siyang banggain at binubusinahan na siya. Humihingi naman siya ng pasensiya sa mga ito.

    “Sir— Wala po akong nilabag na batas trapiko. May lisensiya po ako at bagong rehistro po ang motor ko. May suot akong helmet at humihinto ako sa tamang oras. Ganito ba talaga kayo kadesperado na may mahuli? Bakit ang mga tulad kong maliliit na tao ang pinagdidiskitahan ninyo?”

    “Aba’t ang lakas din ng loob mong sagutin ako ah? Bakit? Ikaw na ba ang nagpapasunod sa batas trapiko ng bansa? Sino ka ba? Anak ka ba ng presidente ng Pilipinas? Huh! Akin na ang lesinsiya mo kung ayaw kitang dalhin ngayon sa presinto at sa kulungan ka na magpapaliwanag.”

   Naabutan ni Win ang sitwasyon kaya naman hindi na niya napigilan na gumawa ng paraan para matulungan ang lalaking tumulong din sa kanya.

    “Hindi ko iaabot sa’yo ang lisensiya ko dahil wala akong linabag na batas.”

     Tatawag na sana sa radio niya ang HPG Officer nang harapin siya ni Win. Hindi agad ito nakakilos at nagulat naman ang lalaking nasasangkot sa gulo.

    Hindi niya akalain na makikita niyang muli sa ganitong pagkakataon ang lalaking isinakay niya sa kanyang motor noong isang araw. Ang lalaking hindi niya mawala sa isipan niya.

    “An HPG Officer accussing someone of traffic violations without solid proof. Hindi ba’t ikaw ang mas mahihirapan kapag ireport ko sa superior mo ang ginagawa mong anumalya? Hihingan mo siya ng mas malaking multa? You will threaten to take his license away if he retaliates? Ganyang ba talaga kabulok ang sistema ng batas sa bansa natin?”

    Nalukot ang noo ng HPG Officer at hindi niya napigilang harapin si Winchester dahil sa mga sinabi nitong kinapanting ng kanyang tenga.

    “Huh.. Sino ka ba? May ginawang paglabag ang taong ito kaya ko siya binibigyan ng warning. Ginagawa ko lang ang trabaho ko.”

    Inabot ni Winchester sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone at may kinontact na numero. Nang masagot na ng kabilang linya ang kanyang tawag ay agad siyang nagsalita.

    “Hello Chief Cruz.. This is Winchester Del Mundo. There is a certain HPG Officer I want you to talk to. You know I have high respect for you and its sad that someone from the HPG is harassing my friend.”

    Inabot ni Win ang cellphone niya sa HPG Officer na nagtataka parin sa ginagawa ng binata. Agad niya itong inabot at nanlaki ang mata niya nang marinig niya ang boses nito.

    “Chief.. Sorry.. Hindi na po– Hindi na po mauulit. Opo, Sir! Right away po, Sir!”

   Nanginginig itong inabot kay Win ang kanyang cellphone at napangiti ang binata. Nagpasalamat siya sa Chief of Police ng siyudad at agad na nitong binaba ang tawag niya.

    “Sorry— Sorry Sir.. Hindi ko na po uulitin ito. Huwag niyo lang po ako irereport.” nawala na ang yabang nito at muntik pang lumuhod sa harapan ng dalawang binata.

    “I think you should apologize to him, not me.” turo ni Win sa kanyang katabi at napailing naman ang binata.

    “Ang mga taong katulad mo talaga hindi dapat nagiging pulis. Kasi dinudungisan mo ang pangalan ng kapulisan. Isa ka sa mga lason sa loob ng ahensiyang nangangakong proprotektahan ang bayan.”

    Umalis na sa harapan nila ang HPG Officer upang bumalik sa headquarters nito at ang parusang naghihintay sa kanya.

    Nagkaharap naman ang dalawang binata at hindi napigilan ni Win na mapangiti dito.

    “Salamat.. Hindi mo na ako dapat tinulungan. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sa kumag na ’yun.”

     Napatawa ng mahina si Win.. Ibang klase din ang kumpiyansa sa sarili ng lalaking kaharap niya ngayon.

     “I never thought I will see you again. And I just repaid what I owe to you. Ngayon quits na tayo. Wala na akong utang sa’yo.” sabi pa ni Win na kinangiti naman ng binata sa kanya.

    “Luke— Luke Gamboa.. Salamat ulit sa tulong.”

     Nakilala din ni Win sa wakas ang lalaking hindi niya maunawaan kung bakit bigla nalang siyang napapahanga sa angking kagandahan nito. Alam niya sa sarili niya— Naaakit siya sa lalaking nasa harapan niya ngayon pero kailangan niyang pigilan ang kanyang sarili.

    “Win– Winchester Del Mundo.” paglahad naman ng kamay ni Win kay Luke na kinagulat nito.

    “Teka–– Winchester? Winchester Del Mundo.. Ikaw— Ikaw ang tagapagmana ng DLM Group?”

     Umiling si Winchester at tinanggal niya ang kamay niya mula sa pakikipagkamay ni Luke sa kanya. Nakakaramdam na kasi siya ng kakaibang kuryente mula dito.

     “Sabihin nalang natin na ako na ang may-ari ng DLM Group.” sabay ngiti niya na kinamangha naman ni Luke.

    Nasa harapan niya ngayon ang pinakamayamang tao sa buong bansa. Hindi niya akalain na ang lalaking hindi niya mawaksi sa isipan niya mula nang makita niya ito, ay ang may-ari pala ng DLM Group.

    “Its nice to see you again, Luke.. Sana hindi pa ito ang huli.” paalam ni Winchester sa binata sa harapan niya bago siya naglakad at tumakbo pabalik sa kotseng naghihintay sa kanya.

   Naiwan naman si Luke na puno pa rin ng gulat at pagkamangha sa kanyang nadiskobre mula sa lalaking nakaharap niya.

    “Winchester— Mukhang mapapadalas ang pagkikita natin.” sabay ngiti ni Luke sa nasabi niya sa kanyang sarili at agad na siyang sumakay sa kanyang motor.

    Malapit na ang oras ng kanyang exams at baka mahuli pa siya dito.

  —————————————————————––

    “Mr. Del Mundo.. Its nice to see you. Congratulations on your appointment as the new CEO.” bati kay Winchester ng may edad nang babae na head ng Post Office habang nasa loob siya ng opisina nito.

     “Thank you, Mrs. Carrion. And thank you for accepting my prompted call. This is an important matter I need to ask.”

      Napatango lang ang ginang na kahit umeedad na ay halatang inaalagaan nito ng mabuti ang sarili at magaling din ang style ng pananamit nito.

     “What can I do for you? Is it about the mail service?” tanong naman ng ginang na inilingan lang ni Win.

      “Its about this mail sent to me by an unknown sender.” sabay abot ni Win sa sobreng may laman na pictures ng kanyang ina.        Nagulat ang ginang nang makita ang mga pictures sa loob nito at nagkatitigan sila ni Win.

    “This is unusual. Kadalasan ng mail na pinapadala sa DLM ay palaging may sender information. Something must have happened along the process. Maybe this is a doing of the mail man.”

   Agad na chineck ng ginang ang mail transmission ng DLM mula sa nakaraang isang buwan at wala siyang nakitang record ng nasabing sobre na walang sender.

     “I’m sorry but there was no entry for this mail. I have a hunch that the mail man today put these into your mails on purpose.”

    Nagpatango si Winchester sa sinaad sa kanya ng ginang. Posibleng ito nga ang nangyari. Ngayong alam niya na hindi dumaan sa post office ang sobreng iyon. Ang kartero ang kanyang susunod na kailangang makausap.

    “Thank you for giving me your time, Mrs. Carrion. Please, can this be just between the two of us. This is a very serious matter. At ayokong may makaalam sa bagay na’to.” pakiusap niya sa ginang na tinanguan siya.

     “Don’t worry. We don’t disclose informations to anyone anyway. I know you are doing this for your mother. At naiintindihan kita. Isa din akong ina. Sana naman, mahanap mo na lahat ng kasagutan sa mga tanong mo.”

    Nagpasalamat si Winchester sa ginang bago siya nagpaalam dito at agad na hinablot ang kamay ni Lena papalabas ng Post Office.

     “I need you to secretly sneak into the Security Room and review the CCTV Footage yesterday and today. Find the logs of the guards. Alamin mo kung sino ang kartero na nadeliver ng mail today.” utos niya kay Lena habang naglalakad sila patungo sa kotse.

    “Yes, Sir.. Pero bakit po yung kartero? Ibig po bang sabihin, hindi dumaan sa Post Office ang sobreng ’yun?” tanong ni Lena na tinanguan lang ng kanyang amo.

     “I need to dig more out of this. Kapag nakilala ko kunh sino ang taong may-ari ng mga pictures ni Mommy, magkakaroon na ako ng sapat na ebidensiya para marequest ko ang retrial para sa kaso ni Mommy.”

     Bumalik na sila sa DLM Tower at nagpanggap na walang nangyayari sa araw na iyon. Kailangan niyang maging maingat sa kanyang mga galaw. Alam niya na marami ang nais na malaman ang nilalaman ng isip niya. Hinahanapan siya ng kahinaan. Maraming gustong magkamali siya. Pero hindi niya hahayaan na mangyari iyon.

    ––––––––––––––––––––––––––––––––––

    DLM Tower

    

“You see, Winchester is a very secretive guy. Ang alam lang natin sa kanya, his grandfather passed on the inheritance to him instead of his own son. He owns 32% of the DLM shares. His mother owned 12% which automatically was passed to him when she died. And the 20% of his grandfather was passed to him after his succession. Those are big numbers. And you only own 23% of shares.”

    Tumango si Achilles sa lalaking nagpapaliwanag sa kanya tungkol sa shares niya at ni Winchester sa DLM.

     “So there’s no way of winning with him with the numbers alone. I need to find another way of taking him down.” saad pa niya habang nakadekwatrong nakaupo sa couch sa loob ng kanyang opisina.

     “Mr. Laurente.. I am just your lawyer. I don’t know what your plans are but don’t ever make reckless moves that will further harm your chance of being the CEO of DLM.” babala sa kanya ng lalaking kaharap niya ngayon sa kanyang opisina.

     “Don’t worry. Hindi ako kumikilos na hindi ko pinagiisipan ang lahat. I just need to find his weakness. And I will take that weakness into my advantage.”

     Nakangiti siyang tumayo sa couch at pumunta sa kanyang mesa. Marami siyang kailangang gawin. Hindi siya pwedeng magkamali. Kung gusto niyang makuha mula kay Winchester ang posisyon, kailangan na niyang kumilos ngayon.

    Samantalang nakabalik na si Winchester at Lena sa DLM at agad na ginawa ni Lena ang pinaguutos ng kanyang amo. Pinuntahan niya ang security room ng DLM Tower at saktong kilala niya ang nakabantay na security staff kaya agad niyang nakuha ang kopya ng CCTV at ang logs naman ay kinuha niya mula sa Chief Security Guard ng DLM.

    Dinala niya ito sa opisina ni Winchester at agad naman nila itong inusisa.

    Pinanood nila sa laptop ang CCTV Footage sa nakaraang dalawang araw at nahanap nila ang oras ng pagdating ng kartero sa DLM Tower. Nakasuot ng mask ang kartero kaya hindi ito makilala ng maayos. Maliban sa suot nito ang uniporme ng Post Office ay wala na itong ibang pagkakakilanlan.

    Chineck nila ang log ng mga bisita sa DLM at tinugma nila iyon sa oras ng pagdating ng kartero.

    “Jerry Orbus.” iyon ang nakita ni Lena na pangalan sa log. At tugma ang oras ng pagdating nito sa DLM sa CCTV Footage.

   “Company Address ang nilagay niya as address information.”

    Tumango lang si Winchester. Wala siyang nagawa kundi tawagan ulit ang Post Office at alamin kung meron bang Jerry Orbus na empleyado dito.

    “This guy is not an employee of the Post Office. Maaring nagpanggap lang siya na mail man. This is his way of taking caution. Alam kong may kinalaman siya sa nangyari 11 years ago.”

    Napakuyom si Win ng kanyang kamay at napatingin muli sa CCTV Footage na nagpaplay sa kanyang laptop.

    “Sir! You will not believe this. Tingnan mo!”

   Kinuha ni Winchester sa kamay ni Lena ang kanyang cellphone.

    “ Model and Fashion Designer Devie Morguñez is back in the Philippines after he successful 3 year tour around the world.“

  

     Napailing lang si Win sa kanyang nabasang balita.

    “Try to warn the security if she ever barge into the building.” utos niya sa kanyang sekretarya at napatango lang ito bilang pagsunod sa kanya.

     “So you are back after 3 years.. You are such a b*tch..”

     

Itutuloy…

◇Chapter IV◇

3 Years Ago

Magkaharap ang dalawang matanda sa isang magarbong country club cafè na pagmamay-ari ng isa sa dalawa. Ang isa ay ang may-ari at nagtatag ng DLM Group, Si Alfonso Del Mundo at ang isa naman ay isang magaling na professional golfer at naging magkaibigan ang dalawa sa loob ng tatlumpu’t limang taon.

Humigop sa tasang hawak si Alfonso at ninamnam ang Black Persian Tea na inalok para sa kanya ng kanyang mabuting kaibigan.

“Alfonso, I’ve been thinking about this lately. Since nasa tamang edad naman na ang ating mga apo, why not consider marrying them with each other. Matagal ko nang gustong maging isang pamilya ang mga Del Mundo at Morguñez.”

Napatitig ang matandang Del Mundo sa kanyang kaibigan at tila nahihimigan niya na may iba itong ibig sabihin sa pagtatakda ng kasal ng kanilang mga apo.

“Winchester is a very timid young man. Hindi ko alam kung gugustuhin niyang magpakasal sa apo mo. She is very sophisticated and straightforward. Baka hindi sila magkasundo. I can’t force my grandson into something he does not want.”

Tumango ang matandang Morguñez at nakaramdam siya ng pagkapahiya sa sinabi ng kanyang kaibigan. Tila ba ayaw nitong maipakasal ang apo niya sa apo nito.

“Its just for family’s sake. Sa ganung paraan mas magiging matibay ang pagsasamahan ng ating mga pamilya. Don’t you agree with that?”

“We are living in a modern age now. It was fortunate for me I married a woman who was understanding and patient enough to deal with me during my younger years. And I want my grandson to have that kind of experience too. Don’t you agree, Millord?”

Tumango nalang ang matanda sa sinabi ng kanyang kaibigan ngunit sa loob niya ay hindi siya makakapayag na hindi matuloy ang balak niyang pagpasok sa buhay ng mga Del Mundo.


Del Mundo Mansion

Sa loob ng study room ni Winchester ay pumasok si Alfonso at naabutan niya itong abala sa pagharap sa laptop nito at may tasa ng kape sa mesa nito. Tambak din ang mga files na nasa mesa nito. Napangiti ang matanda dahil nakita niya ang kanyang apo na pursigido sa pagiging leader ng kompanyang binuo niya kasama ng iba pa niyang partners sa negosyo.

“Hello, handsome boy.. Always busy these days? Di mo na ako madalaw sa bahay ko.” basag ng matanda sa katahimikan na kinagulat naman ni Winchester.

Napangiti ang binata at agad na linapitan ang kanyang lolo upang yakapin ito. Masaya namang yinakap ng matanda ang kanyang apo.

“You should have called me para ako na mismo ang sumundo sa’yo sa bahay mo. Why won’t you stay with me here in the mansion anyway? This is your house.”

“Let’s not get into that again, Win.. Alam mo kung ano ang dahilan kung bakit ayaw ko sa pamamahay na ito. Carmelo is still my son. And he is your father. Whatever he decides to do with his life, wala na akong pakialam. Naibigay at naituro ko na sa’yo ang lahat ng dapat mong malaman.”

Napatango nalang si Winchester sa sinabi ng kanyang lolo. Alam niyang hindi na kailanman sila magkakasundo ng kanyang ama.

“What brought you here by the way? You don’t just come by kung hindi importante ang sadya niyo.”

Umupo ang matanda sa mini couch ng study room ni Winchester. Linibot niya ang paningin niya at puro shelves na puno ng libro ang kanyang nakikita maliban sa ilang classic painting na napanalunan niya sa auction during his younger years sa Italy at France.

“That woman is back.. Have you done something about it already? You know what happened to us 3 years ago because of her vulgar mouth.”

Napakamot si Winchester ng kanyang ulo at naalala na nakauwi na pala si Devie Morguñez.

“Mabilis ka talagang makasagap ng balita. Don’t worry.. She will never do that to me again.”

“You are newly appointed as the CEO of DLM. Ayokong mabahiran ng kahihiyan ang pangalan mo dahil sa babaeng iyon. I should’ve never agreed to that stupid engagement.”

Bigla namang may kumatok sa study room at pumasok doon si Tony na butler ng mga Del Mundo.

“Master Alfonso, Young Master Winchester.. You need to go down to the foyer. Someone is waiting for you. And I don’t know how to deal with her.”

Nagkatinginan ang mag-lolo at agad na sumunod kay Tony pababa ng malaking hagdanan ng bahay. Isang magandang babae ang inaayos ang kanyang mukha sa malaking salamin ng bahay sa foyer nito. Mahaba ang buhok nito na kinulayan ng light brown. Ang suot nitong backless gown na kulay pula ay talagang agaw atensiyon. Nang humarap ito ay halos lumuwa na ang dibdib sa laki nito. Ang mukha nito ay puno ng kolorete.

“Hi Baby! Did you miss me?” sambit pa nito kay Winchester na kinabaling lang ng binata sa kanyang lolo.

Bumaba si Winchester at ang lolo niya sa foyer at nagkaharap silang tatlo.

“What the hell are you doing here, Devie?” tanong ni Winchester sa babaeng mabilis na lumingkis sa kanya.

“Oh my god? Ganyan mo na ba itretreat ang fiancee mo? I’m so hurt right now.”

Umiwas si Winchester sa balak na paglingkis sa kanya ni Devie at may dalawang babae namang biglang sumulpot mula sa dining area ng mansion.

Gulat ang dalawang babae sa kanilang nakita. Nakaramdam na si Winchester ng sakit ng ulo hindi pa man nagsisimula ang pwedeng mangyari.

“What— What is this bitch doing here?!” hindi napigilang mapabulyaw ni Gianna sa babaeng dumating sa mansion.

“Oh? Gianna! The little miss ugly parrot. Its so nice to see you again.” pangiinsulto pa ni Devie na kinalaki ng mata ni Gianna.

Hindi niya akalain na sa loob ng tatlong taon babalik ang brihang fiancee ng kanyang kapatid.

“Kuya?! Lolo? What’s going on here!” hindi makakalma si Gianna sa mga nangyayari.

“Can’t you see? I’m back to be the queen of the Del Mundo Empire!” pagmamalaki pa nito na mas lalong kinagalit ni Gianna.

Linapitan ito ni Gianna at mabilis na hinablot ang buhok nito. Napasigaw si Devie sa sakit ng paghablot ni Gianna sa buhok niya.

“Ahhh!! Oh my god! This woman is savage! Help me, Win!” sigaw ni Devie nang hindi siya tigilan ni Gianna sa pagsabunot.

“How dare you step on this mansion after all the mess you did to our family!! How dare you, bitch!!”

Nagsigawan ang dalawa na agad namang pinagitnaan ni Winchester. Inawat niya ang kapatid niya at napabitaw naman ito sa buhok ni Devie. Sa lakas ni Winchester ay hindi na nakapalag pa si Gianna.

“Stop it already!!! Para kayong mga pinanganak sa kalye!” sigaw ng matandang Del Mundo na kinatigil ng lahat.

Nagsidatingan naman ang iba pang miyembro ng mga Del Mundo.

Napahawak sa bibig niya si Lucy nang malaman kung ano ang nangyayari maging si Carmelo ay pinanlakihan ng kanyang mata.

“What are you doing here?! Sino ba ang tangang guwardiya na nagpapasok sa babaeng ’to?!” sigaw ni Lucy sa mga katulong na nakapalibot na rin sa foyer ng mansion.

Nakiusyoso na rin sila sa nangyayari. At ang ilan na nakikilala ang babaeng dumating sa mansion ay hindi rin napigilang magulat.

“This house is so unwelcoming.. Where is the hospitality? I can’t believe I will be living in this shitty mansion.”

Hinablot ni Winchester ang kamay ni Devie at inutusan ang lahat na magsibalik na sa kanilang mga trabaho. Naiwan ang ibang miyembro ng mga Del Mundo sa foyer at wala silang ideya kung ano ang binabalak ni Winchester sa babaeng nanggulo sa kanila.

Nakarating si Winchester at Devie sa kanyang kwarto at nilock niya iyon.

Yumakap naman sa kanya si Devie ngunit hindi siya tumugon dito. Inangat ni Devie ang mukha nito para magtama ang mga tingin nila ni Winchester.

“I have decided to marry you now, Winchester.”

Napatawa lang ng mahina si Win at napalukot naman ang noo ni Devie sa reaction ng kanyang fiancé.

“Decide to marry me now? Are you nuts, Devie? We called off the wedding 3 years ago if you don’t remember?

“I never agreed to that. I was drunk that night. I don’t know what I was saying?!”

Hinawakan ni Win ang magkabiling braso ni Devie at tiningnan ito ng matalim.

“My grandfather almost had a cardiac arrest with your actions that night, Devie. Calling me names. Calling my family as the legion of the devil? Pinahiya mo ang buong angkan namin sa harapan ng maraming tao. And still you have the guts to show up like this and tell me you want to marry me? You’re delusional, Devie.”

“You know exactly why I acted that way, Winchester.. Alam mo kung bakit nagpakalasing ako ng gabing ’yun. And for 3 years, dala dala ko pa rin dito sa puso ko ang ginawa mo sa akin.”


3 Years Ago

“Devie.. Look. You are beautiful, smart and you have everything that a man could want from a woman. Pero hindi ako ang lalaking ’yun. This marriage is just for the sake of our grandparents. I don’t want you to expect me to love you.”

Binalik ni Devie ang pagtatakip niya sa kanyang bathrobe. Nagsayang lang siya ng make up. Nagsayang siya ng pagbili ng sexy lingerie sa isang exclusive boutique. Nagsayang siya ng oras para lamang mapasakanya ang lalaking noon pa man ay pinapangarap na niya. Tatanggihan lang pala siya nito and it hurt her ego.

“What do you even mean by that? Are you gay?”

Umiling si Winchester at hinawakan ang magkabilang braso ni Devie.

“I don’t feel anything towards you. And marrying you will never change that fact. So please, just get out of my room now.”

Tumayo si Devie mula sa king size bed ng kwarto ni Winchester at agad na nagsuot ng kanyang damit at muling binalingan ng tingin ang nakatakdang pakasalan niya at galit lamang ang mababanaag sa kanyang mukha.


Hinawakan ni Devie ang mukha ni Win at tinangka niya itong halikan ngunit umiwas si Winchester dito. Mas lalo lang niyang naramdaman ang pangliliit sa sarili. Hanggang ngayon, after her success, wala pa ring pagbabago sa pagtingin ni Winchester sa kanya.

“Hindi napipilit ang isang bagay, Devie. You have brought enough humiliation to me and to yourself. So please, just leave this place and don’t ever come back. Dahil kahit anong gawin mo, I will never marry you.”

“You think you are all mighty now. You are the owner of the biggest conglomerate in the country. But let me tell you one thing, I have something I know that will blow the minds of the people around you like a bomb. Kaya kung ako sa’yo, mag-iingat ka.”

Umalis na si Devie sa kanyang kwarto at naiwan siyang napapaisip sa sinabi nito. It is something that might ruin his reputation kaya hindi niya iyon dapat hayaan. He needs to keep his eye on Devie Morguñez.

Pagkababa ni Devie sa foyer ay nasa couch ang mag-inang Lucy at Gianna na hinihintay ang pagbaba niya.

Taas kilay pa rin si Devie nang harapin na siya ng dalawa. Para silang mga dragon na handang magbugahan ng apoy.

“Napakakapal din talaga ng mukha mo na magpakita pa dito after your tasteless tantrum on your engagement party? Wala ka talagang breeding!”

“Oh my god?! You are telling me about breeding? Sino ba talaga sa atin ang totoong walang breeding? Lucy Tolentino? Ang dakilang pokpok na nakabingwit ng anak ni Alfonso Del Mundo na may asawa at anak na. See? You hit all the boxes of being a trash slut.”

Sasampalin na sana si Devie ni Lucy nang pigilan siya ni Carmelo na dumating sa tamang oras.

“Lucy! Tama na! Why are you acting like this? Hindi ka ba nahihiya sa mga nakakakita sa’yo?”

Nanlilisik ang mata ni Lucy na tiningnan ang asawa. Para siyang sinupalpal nito sa ginawa nitong pagpigil sa kanya.

“Oopps! Daddy Carmelo is such a classy man. Sana manlang nagkamatch kayong dalawa sa classiness. Pero kahit isa, wala ka talagang nakuha. Ciao, Ugly Parrots!” panunuya pa ni Devie sabay tawa bago tuluyang umalis ng mansion ng mga Del Mundo.

“Ahhh!! Bwisit talaga ang babaeng ’yun. Nakakapikon! She is the devil incarnate. Bakit ba kasi siya ang napili ni Lolo na ipakasal kay Kuya.”

Narinig ni Winchester ang mga nangyari sa foyer kaya naisip niyang may pwede siyang gawin upang mapunta sa kanyang panig si Devie. Alam niyang mahihirapan siyang gawin iyon pero kapag nagawa niyang maging kakampi si Devie, maari niyang malaman ang katotohanan kay Lucy. Kung may kinalaman ba ito sa pagpatay sa kanyang ina.

Tinawagan niya ang isang importanteng tao na nasa phone contacts niya. Nagring ito at agad namang sumagot.

“Taron.. I need your help. This is something serious. Let’s meet up in my office tommorow.”

Sumangayon naman ang nasa kabilang linya at pinatay na ni Win ang tawag niya dito.

Sumasagi pa rin sa isipan niya ang nalaman niya tungkol sa misteryosong nagpadala ng sobre sa kanya. At naghire na siya ng imbestigador upang malaman kung sino ang taong iyon.

“Mommy.. Malapit ko nang malaman ang katotohanan sa pagkamatay mo. I hope you are helping me find out the real culprit. Hindi ako naniniwalang kinuha mo ang sarili mong buhay. I know something will show up very soon.”

Itutuloy…

♧Chapter V♧

Rodriguez Compound

   

Napansin ni Pipo ang kanina pang nakangiting si Luke habang nagbabasa ito ng libro ngunit alam niyang wala naman doon ang atensiyon nito.

    “Luke? Naengkanto ka ba? Bakit ka ngumingiti diyan eh Constitutional Law ’yang binabasa mo?”

   Napabaling ng tingin si Luke sa kanyang kaibigan at matagal na rin na kasama sa boarding house na iyon.

    “Wala.. May magandang nangyari lang kaninang umaga. Tsaka nalaman ko na ang pangalan niya.”

    Biglang umandar ang pagkamausisa ni Pipo at nilapitan sa kama nito ang kaibigan.

    “Kaya naman pala.. Ano ’yan? Parang ngayon ko lang ata narinig ang mga bagay na ’yan mula sa dakilang isnabero sa buong mundo? May nakabihag na finally sa puso mong sobrang pihikan?”

    Tumango lang si Luke at hindi na nagpapigil si Pipo na kutyain ang kaibigan.

     “Eh dapat pala magpapansit tayo ngayon.. Magpa-isang case tayo para sa tropa.. Its a call for celebration!”

     Kinutungan ni Luke ang ulo ni Pipo at tumawa lang dito. Hindi talaga siya kailanman titigilan ng kaibigan niya.

     “Kakakilala ko lang sa tao.. Tsaka baka hindi din niya ako magustuhan kasi masiyadong malayo ang agwat ng mga buhay namin. Suntok sa buwan.”

   “Luke? Kahit pa suntok sa Jupiter ’yan.. If its meant to be, it will be! Parang duda ka ata sa kakayanan mong paibigin ang isang tao? Tuturuan kita manligaw! Kung hindi pa sapat.. Ako na mismo manliligaw para sa’yo?!”

   Natawa nalang si Luke sa pinagsasabi ng kanyang kaibigan. Alam nito kung ano ang pinagdaanan niya sa buhay kaya komportable na itong asarin siya at bigyan ng dahilan para tumawa.

    “Pero pare.. Ito seryoso ah? Kapag nagmahal ka ng isang tao, mahirap tanggihan ’yan. Lalo na kung pakiramdam mo siya na talaga. Gagawin mo talaga lahat mapasayo lang ang taong ’yun.”

   “Sana nga ganun lang kadali ’yun, Pipo. Isang malaking tao ang piniling gustuhin nito..” sabay hawak sa kaliwang dibdib niya.

    Napatango nalang si Pipo sa sagot ng kanyang kaibigan. Kailangan nito ng motivation.

     “Eh di mas dapat lalo kang magpapansin at mag effort. Para tuluyan ka niyang mapansin at mapasagot mo. Ganun lang ’yun.”

    “Alam mo.. Maniniwala na talaga ako sa’yo na naka trentang girlfriend ka na. Sa dami mong alam tungkol sa pag-ibig. Eh wala naman akong nakilalang maski isa na naging syota mo?”

     Napailing nalang si Pipo sa sinabi ng kaibigan. Alam niyang maski siya ay hindi pa talaga naranasan ang totoong relasyon.

     “Pre naman.. Walang ganyanan. Alam mo naman nilalaan ko ang sarili ko para sa “the one”.

     Natawa nalang si Luke sabay balik sa kanyang pagbabasa. Ang tanging nasa isip niya lang sa mga sandaling iyon ay ang ginawang pagtatanggol sa kanya ni Winchester Del Mundo.

    “ Sana naman kahit kunti lang ay may pag-asa akong makilala ka, Winchester Del Mundo.“

   ———————————————————————

   

DLM Tower

    

    Nakaupo si Winchester sa kanyang couch sa loob ng opisina niya at hinihintay ang pagdating ng kanyang bisita. Pumasok si Lena at kasama na nito ang kanina pa niyang hinihintay.

     “You can leave us now, Lena..” utos ni Win sa kanyang sekretarya at iniwan na sila nito sa loob.

      Napangiti ang bisita kay Win at ganun din naman ang ginawa ng binata.

      “So what is it that you want me to do, Mr. Del Mundo? Mr.Chairman I stand corrected.”

    “Quit with the formality, Taron. I’m still your friend and you don’t have to act like that.”

     Natawa naman si Taron sa sinabi ng kaibigan at tumayo upang puntahan ang mini bar ng opisina upang pumili ng pwede niyang inumin.

     “So ano bang kailangan mo? Its not like you to ask me a favor? Parang nagiging excited tuloy ako sa gusto mong ipagawa.”

     “Date Devie Morguñez.. That’s what I am asking you to do.” sambit ni Winchester na kinabaling sa kanya ni Taron na nanlalaki ang mata.

    “Date— Date who? That bitch ex-fiancee of yours? Wait.. Seryoso ka ba, Win?”

    “Do I look like I’m joking right now, Taron. Sabi ko, idate mo si Devie Morguñez.”

    Kumuha si Taron ng whisky sa mini bar at nagsalin siya sa basong hawak niya. Uminom muna siya bago siya muling nagsalita.

     “Why? What’s the reason behind this? May ginawa nanaman ba siya sa pamilya mo?”

      “It has to do with her being on my side. To be my ally. She holds something that can mess up everything I worked har for. At kapag nagawa mo siyang paibigin. I’m sure she will do whatever you want her to do. Right?”

     Napailing nalang si Taron sa gustong ipagawa sa kanya ng kaibigan. Pagdating sa mga babae, mabilis niyang napapaibig ang mga ito. Siguro dahil na rin sa kagwapuhang taglay niya. Pinanganak siya sa isang mayamang pamilya. Ang ama niya ay isang Pranses at ang ina niya ay hating lahi. Ang karisma na meron siya at talino sa pakikipag-usap ang isa din sa mga mabilis na magpatibok ng puso ng mga babae kaya nahuhulog ang mga ito sa kanya.

    “Taron Batisse, you owe me something. And I am now asking you to return the favor. Its something you don’t usually do but I run out of options. Ikaw na lang ang maasahan ko sa bagay na’to.”

    “Win.. If this plan of yours fails. We will all go down in flames. Mas lalong madudungisan ang pangalan mo kapag nagkataon. Are you even weighing your odds here?”

     Tumayo si Win sa kanyang couch at linapitan si Taron at kinuha ang baso nitong may laman na whisky. Ininom niya ang laman nito at muling ibinalik sa kaibigan.

    “We both know what your capable of. May schedule siyang fashion show during the weekends somewhere in Northern Paramore. That would be a good starting point? At kung paano mo gagawin ang mga bagay.. Its all up to you.”

    Napangiti nalang si Taron. Hindi niya talaga matutumbasan ang galing ng kanyang kaibigan sa pag-iisip. Parang pinaghalong sa demonyo at anghel ang ugali ni Winchester kaya napapahanga siya dito.

     “Well.. If the king commands his knight. Then it shall be done.” tugon pa ni Taron bago niya muling salinan ng alak ang kanyang baso.

   –––––––––––––––––––––––––––––––––––       “The expansion project is running smoothly in Thailand, Mr. Chairman. And as for the month’s revenue, we exceeded the target of 15% increase in sales of all our brands and products. The fourth consecutive month to be exact, Sir.” paliwanag ng Vice President ng DLM kay Winchester habang nasa loob sila ng board room.

    “Great job everyone. We shall maintain this trend as we always uphold the changing manners of the global market. We cannot risk anything at this moment. And I expect everyone to do their best. That’s all for today.”

    Tumango ang mga executives ng DLM bago sila isa-isang nagsilabasan ng board room. Pero naiwan si Achilles sa loob ng board room. Silang dalawa ni Winchester ay magkaharap sa magkabilang panig ng mesa.

    “Do you want to talk about somethinh, Mr. Laurente?”          Umiling lang ito at naginat bago muling sinandal ang likuran niya sa swivel chair.

     “You are doing a great job as CEO.. Winchester. Can I call you that? Tayong dalawa lang naman dito sa loob. At least I can talk to you informally since we were friends anyway.”

  Hindi sumagot si Win sa halip ay nakinig lang siya sa mga sasabihin nito sa kanya.

     “You see.. I am equally capable of running DLM Group as you are. But how can everyone only see you as the leader and not me?”

    Tumayo si Achilles at naglakad palapit kay Winchester. Kita sa mukha nito ang pagkamuhi at pagkainggit dahil sa mga nakakamit na tagumpay ng kanyang katunggali sa posisyong matagal na niyang gustong makuha.

    “The difference between us.. Is that what you are pointing out, Aki? I use to call you that way back in the day. The difference between us is that you cling to much to your greed for gaining this position. While I despise being in this position. But what makes me better than you are? I don’t make stupid decisions and short term gains. I move thing my way. No one dictates me to do what I want.”

   “Napakayabang mo talaga.. All my life. I worked hard just to make my father see how good I am. But still, he chooses you to be the CEO and not me. That’s why I will do everything, to take that position from you.”

    Tumayo si Winchester at nakipagtitigan lang kay Achilles bago siya tumalikod dito at muling nagsalita.

     “Your dad does not treat you as his son. So why would you do everything for him? If you want to take my position. You should start doing things your way, Achilles. Or you will never win over me.”

    Naglakad na paalis ng board room si Winchester at naiwang puno ng galit si Achilles. Alam niyang totoo ang mga sinabi sa kanya ni Winchester. Wala siyang ibang ginawa kundi patunayan ang sarili niya sa kanyang ama. Ang kanyang ama na hindi siya itinuring na anak kahit kailan.

    ––––––––––––––––––––––––––––––––––

    Pagkalabas ni Win sa DLM Tower ay agad agad naman siyang sumakay sa kanyang Maserati at naisipan niyang pumunta sa isang lugar. Hinihintay niya ang resulta ng kanyang pagpapaimbestiga. Ngunit habang wala pa iyon, gusto niyang bisitahin muna ang kanyang ina sa himlayan nito.

    Nasa driveway na siya ng building nang may makita siyang pamilyar na mukha. Nasa motor niya ito at may hawak na mga plastic bags. Food delivery siguro ang mga iyon pero nagtaka siya kung ano ba ang ginagawa nito sa harap ng building.

  Bumuba siya ng kotse at maingat siyang lumapit dito. Kinalabit niya ang balikat nito at napalingon naman ito sa kanya.

    Hindi naman agad nakakilos si Luke nang makita na niya kung sino ang tumapik sa kanyang balikat. Parang tumigil ang mundo niya at tanging mukha lang nito ang kanyang nakikita. Para itong anghel na hindi niya mapigilang mahulog. Sa angkin nitong ganda ay para ba siyang inaakit kahit wala naman itong ginagawa.

   “Hi? We meet again..” maiksing saad ni Win na kinalulok naman ng laway ni Luke. Bigla siyang pinagpawisan dahilan para ibaba niya ang mga plastic bags na dala niya.

    “Winchester.. Ano– Ah– Kumusta na? Ahh— Sorry.. Mr. Del Mundo pala.”

     Natawa si Win sa pagkaaligaga ni Luke pero nagustuhan niya ang kinikilos nito. Unang kita palang niya dito ay napahanga na siya nito sa angkin nitong pisikal na anyo at likas na kabaitan nito.

    “Kalma ka lang. You can call me Win. Wala tayo sa loob ng DLM for such formalities.” masayang tugon ni Win na kinangiti naman ng binatang kaharap niya.

    “May nagpadeliver kasi ng pagkain dito.. Hinihintay kong lumabas kasi sabi bawal daw pumasok. Company Policy.”

    Tumango si Win at inabot niya ang mga plastic bag na hawak niya. Tiningnan niya ang laman nito. Mga food packs nga ang mga ito. At isang regular na restaurant ang pinanggalingan nito.

   “So you are a delivery man? Then what was that book you were holding last time? Constitutional Law? You mean nag-aaral ka pa?”

   “Hopefully makagraduate na ako this year. Tsaka sideline ko lang ’tong pagdedeliver. Kailangan ko rin ng panggastos para sa sarili ko at makapagpadala na rin kahit kunti sa probinsiya.”        Napatango si Win at agad na kinuha ang kanyang card case. Binuksan niya iyon at kumuha ng isang maliit na piraso ng papel.

    “Here.. If you want my help. If you need anything. Just call me. At pwede mong ipasok sa loob ang mga pagkain na dala mo. I am the owner of that building.”

    Kumindat si Win kay Luke bago niya ito tuluyang iwanan. Naiwan namang hindi pa rin makapaniwala si Luke. Tiningnan niya ang piraso ng papel na hawak niya.

    Hindi niya napigilang ngumiti dahil sa wakas, may paraan na siya upang makausap ang taong inaamin niyang nagpapatibok na ng kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganito sa isang tao. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag umiibig na?

    Agad naman niyang nilagay sa kanyang wallet ang call card na binigay sa kanya ni Winchester. At mabilis na naglakad papasok ng DLM Tower.

    Habang nagmamaneho papunta sa isang pribadong memorial park ay hindi pa rin maiwasan na Win na mapangiti habang inaalala ang nangyaring tagpo sa pagitan nila ni Luke.

    “ Stop being stupid, Winchester. You have a name to protect. You must not let your heart win over your head.“

   Isang bahagi ng isipan niya ang kumokontra ss nararamdaman niya. Alam niyang kapag nalaman ng pamilya niya at ng buong DLM Group ang bagay na iyon, maaring mawala sa kanya ang lahat.

   “Mommy.. Should I follow my heart, like what you did in the very end of your life?” tanong ni Win habang nasa puntod na siya ng kanyang ina at sinindihan ang kandila at inayos ang bulaklak na dala niya para dito.

    “I’ve always been afraid of how Lolo will accept if I ever tell him about the secret you and I have always kept from them. Pero Mom.. Mahirap din pala kapag nasa ganito kang posisyon. You can’t risk everything. I won over Dad. I won over a lot of people that have hurt you. But still, I am at a losing side if I ever show my real self.”

    Hindi napigilan ni Win ang mapaluha habang kinakausap ang kanyang inang nakahimlay na. Ang kanyang ina lang ang tanging nakakaintindi sa kanya at hanggang sa mga sandaling iyon, ito ang kailangan niya.

    “But I will do everything I can to get through it. I will never let you down, Mommy. I will find everything about your death. And I will never let them take what they want from me.”

    Pinahid niya ang kanyang luha at nagbigay ng kanyang huling panalangin bago lisanin ang himlayan ng kanyang ina.

   

Itutuloy…

♤Chapter VI♤

Del Mundo Mansion

   

Dinungaw ni Lucy sa bintana ng kanilang kwarto ni Carmelo ang pagpasok ng sasakyan ni Winchester. Pinatay niya ang nakasinding sigarilyo sa ashtray at inayos ang kanyang suot na bestida at tiningnan ang kanyang mukha sa salamin na perpekto ang paglakalagay ng kolorete.

    Kakikitaan pa rin ng kagandahan si Lucy Tolentino sa kanyang edad. Bilang isang real estate broker noon ay dapat presentable siya sa pagharap ng mga kliyente niya. Ngunit isa sa mga kliyente niya ang bumihag talaga ng kanyang puso at ginawa niya ang lahat makuha lang ang pagmamahal nito. Si Carmelo Del Mundo. Ang anak ng pinakamayamang negosyante sa buong bansa. Lahat ng babae ay nais na makuha ang atensiyon ng gwapong tagapagmana ng DLM Group. Ngunit sa kasamaang palad ay mayroon na itong napiling mapangasawa at itinakda itong maikasal sa isang sikat na aktres na si Athena Mullèr.

    Sa ganda at estado ng buhay ni Athena ay walang sinabi ang tulad ni Lucy Tolentino ngunit hindi niya makalimutan ang pag-ibig niya para kay Carmelo Del Mundo. Kaya ginawa niya ang lahat upang mapunta sa kanya ang atensiyon nito.

   Nakababa si Lucy ng hagdanan at sakto lamang ang pagdating ni Winchester sa foyer ng mansion.

   “Pwede ba kitang makausap, anak?” tanong ng ginang sa anak-anakan niya.

    Pinaalis naman ni Winchester si Tony at ang mga maids na nakasunod sa kanya. Naiwan silang dalawa ni Lucy sa foyer at inutusan siya nitong pumunta sila sa patio ng mansion.

    “What is it, Mama?” mahinahong usisa ni Win sa gustong sabihin ng madrasta.

     “Kelan mo ba titigilan na halukayin ang kaso ni Athena? Natapos na ang imbestigasyon 11 years ago, Winchester. Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin matanggap na nagpakamatay si Athena dahil hindi niya matanggap ang kahihiyang binigay niya sa pamilyang ito?”

    Napakuyom ng kamao si Win at hinarap ang kanyang madrasta. Hindi niya mapigilang makaramdam ng galit sa mga sinabi nito.

    “Kahihiyan? Wow.. Isn’t it the other way around? Kayo ni Daddy ang sumira sa pamilya namin. Dahil sa inyong dalawa, nagawa ni Mommy ang mga bagay na hindi niya dapat ginawa.”

    “Nagpapanggap lang siyang masaya sa piling ng Daddy mo, Winchester. At ako ang totoong minahal ni Carmelo. Hindi pa ba sapat na dahilan ’yun para sabihin kong isa siyang kahihiyan?”

    Linapitan pa niya lalo si Lucy at nanlilisik ang matang tinitigan ito. Linuwagan niya ang masikip niyang necktie at hinubad ang coat ng kanyang office suit.

    “Don’t you ever badmouth my mother again or you will regret it the next time. Nandito ka lang sa pamamahay na ito dahil ikaw ang ina ng kapatid ko. You think you are above anyone else just because you married a Del Mundo? Well guess what, stepmother. You married the wrong Del Mundo.” sambit pa ni Winchester bago niya iwanan ng tuluyan ang madrasta.

    Napakuyom naman ng kanyang mga kamao si Lucy at pinipigilang mangilid ang luha dahil sa galit na nararamdaman niya. Hanggang kailan siya mamaliitin ng anak ng kanyang asawa? Napataas siya ng kilay at pinahid ang luhang pumatak sa kanyang mata.

    ––––––––––––––––––––––––––––––––––

    Habang binabasa ang isang project proposal ay biglang tumunog ang cellphone ni Win. Isang unknown na numero ang nakita niya sa kanyang screen at may nakasulat doong mensahe.

   “Hello. Si Luke ’to. Salamat sa pagpapapasok mo sa akin sa DLM Tower. Nadagdagan ng customers ang restaurant ni Mamu. :)”

   Hindi naman napigilan ni Win na mapangiti ng mabasa ang mensahe ni Luke. Gusto niya sana itong sagutin pero marami pa siyang gagawin pero rineply niya ito ng maiksi.

    “You’re welcome.”

  Bumalik na siya sa kanyang ginagawa at tila ba ginanahan na siyang magtrabaho sa gabing iyon.

    Bago siya naghanda sa pagtulog ay may tumawag sa kanyang numero. Sinagot niya ito at hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya.

     “Mr. Del Mundo. May lead na ako kung sino ang Jerry Orbus na nagpadala sa’yo ng mga pictures ni Miss Athena.”

    “Really? Oh– Yeah—– Ahmm. Magkita tayo bukas sa Riley’s Café. We need to be careful. 7 PM.”

    Nagkasundo silang dalawa ng hinire niyanf imbestigador at binaba na nito ang tawag. Napangiti si Winchester dahil sa wakas ay unti-unti na siyang napapalapit sa katotohanang matagal na niyang hinahanap.

   ––––––––––––––––––––––––––––––––––

  

Sitio Amarillo

   

Hinahanda na ni Aling Chona ang hapag kainan para sa kaniyang bunsong anak na sa mga oras na iyon ay hindi pa rin dumarating mula sa OJT nito sa isang maliit na opisina sa bayan. Alam niyang walang hilig sa pag-aaral ang kanyang bunso at napilitan lang itong sumunod sa kanila dahil na rin sa lihim na kompetisyon na meron ito sa kanilang panganay na si Luke.

    Nakarating na ang hinihintay niya ngunit amoy alak nanaman ito at madungis ang damit na pang-ilalim.

    “Jacob? Ganyan na lang ba ang gagawin mo gabi gabi? Papatayin mo ang atay mo sa kakainom mo?” may galit na tanong ni Aling Chona sa kanyang bunso.

    “Birthday ni Sir Mando.. Nagkaayaang uminom ng kunti. Si Mama talaga.”

     “Puro ka naman may dahilan kesyo ganito, kesyo ganun. Biente kwatro anyos ka na, Jacob. Pero para ka pa ring teenager sa mga kinikilos mo. Kelan ka ba magiging responsable?”

    Napakamot si Jaco ng kanyang ulo at naglakad na papaakyat ng hagdanan ng bahay.

     “Kinakausap pa kita. Huwag mo akong tatalikuran, Jacob.” bulyaw ng ginang na labis ang sama ng loob sa kanyang anak.

     “Tapos ano ’Ma? Ikokompara nanaman ninyo ako dun sa ampon niyo? Si Luke ang magaling. Si Luke ang madiskarte. Si Luke kayang gawin ang lahat! Puro na lang si Luke ang laman ng bibig niyo ni Papa! Nakakarindi na! Bakit hindi niyo siya sundan sa siyudad! Doon kayo magsama-sama!”

      Napaluha ang ginang sa mga sinabi ng anak. Hindi na siya nito naintindihan kahit noon pa man. Mas lalong naging malayo ang loob nito sa kanila. Hindi na niya alam kung paano pa siya magagampanan ang pagiging ina dito.

    “Sawa na ako sa mga sermon ninyo. Parang buong buhay ko nalang nakasunod ako dapat sa ginagawa ni Luke!”

   Umakyat si Jacob sa kanyang kwarto at napasuntok siya sa sementong dingding nito. Sa paglipas ng mga panahon ay mas lalo niyang kinamuhian si Luke. Maraming beses niyang pinatunayan sa kanilang pamilya na may saysay din ang mga ginagawa niya pero hindi sapat ang mga iyon para sa kanya mga magulang. Hindi niya kailanman naramdaman na pinuri siya ng mga ito. Puro kamalian lang ang nakikita ng mga ito sa kanya.

    May tumawag sa kanyang cellphone at kinuha niya agad ito sa kanyang bulsa. Sinagot niya ito nang mabasa niya ang nakalagay na pangalan nito doon.

    “Jake? Pwede ka bang pumunta ngayon dito sa bahay? I need you right now. Please.” saad ng isang malamyos na boses at huminahon naman si Jacob nang marinig niya ito.

    “Hilda.. Wala ba diyan ang asawa mo?” tanong ng binata sa kanyang kausap sa cellphone.

     “Wala si Mando dito.. Nasa inuman pa. Please, puntahan mo na ako ngayon sa bahay. I really need you right now.”

    Napakamot ng ulo si Jacob at sumang-ayon naman sa gusto ng kanyang kausap sa kabilang linya. Ang asawa ng kanyang boss sa OJT na matindi ang pagnanasa sa kanya.

    Kapalit ng pera na kanyang iniipon upang tuluyang masundan si Luke sa Maynila. Gusto niyang ipakita sa mga magulang niya na mas higit pa ang mararating niya kesa sa ampon ng kanilang pamilya.

   Naligo siya sa banyo at agad na nagpalit ng damit. Maganda ang hubog ng katawan ni Jacob. Kung ikukumpara siya kay Luke, may angkin siyang kagandahang lalaki ngunit kayumanggi ang kulay ng balat niya. Nangingintab ang mga linya ng kanyang abs habang nasisinagan ng kaunting liwanag ng kanyang kwarto. Ang matitigas na masel niya na nahulma sa kanyang pagpalit sa iniwang trabaho ng kanyang kapatid sa rice mill ng sitio nila. Ang makakapal na kilay at pilik mata niya maging ang pares ng nakakahumaling na mga mata ang nakakabihag na bahagi ng kanyang mukha. Matangos na ilong at mapulang labi. Isang lalaking hindi magpapahuli sa pagandahan.

     “Saan ka nanaman pupunta? Kararating mo lang?” tanong ni Aling Chona nang makitang pababa si Jacob mula sa hagdan at pormado ito.

   Kinuha nito ang susi ng motor at agad na lumabas ng bahay. Hindi na ito nagpaalam pa at pinaandar ang may kalumaan na nilang motor at agad na tinahak ang daan patungo sa bayan. Sa bahay ng kanyang amo. Tinitiis niya ang mga bagay na ito dahil ayaw na niyang makulong sa lugar na iyon. Gusto na niyang gawin ang dapat ay matagal na niyang ginawa.

    —————————————————————––

   

Batisse Residence

    

Napansin ni Almarie ang katamlayan ng kanyang nagiisang anak na lalaki habang nakaupo ito malapit sa pool area. May dala itong bote ng beer at nakatanaw lang sa langit.

    Linapitan niya ito at umupo sa tabi nito. Alam niya ang mga pinagdaraanan ng kanyang binatang anak. Matapos silang iwanan ng ama nito apat na taon na ang nakakaraan, ito na ang nangasiwa sa negosyong naiwan ng kanyang asawa.

    “Is something the matter?” tanong niya sa anak na napabaling ng tingin sa kanya at napangiti sabay akbay nito sa balikat niya.

    “Just some stuff. Your son is strong enough to handle them so don’t worry, Mommy.”

    “Taron.. Alam mong pwede mong sabihin ang lahat sa akin. Its not like I don’t know everything about you? I’m your mother.”

    Tumango si Taron sa sinabi ng kanyang ina at muling tumingin sa langit na naiilawan ng maliwanag na buwan.

     “After all these years, wala pa rin akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko.”

     Napatungo ang ulo ni Almarie at alam niyang anumang sandali ay luluha na ang kanyang anak.

     “I’ve always wanted to tell him everything pero natatakot ako na baka mawala nang tuluyan ang friendship na meron kami. I’m afraid I might lose him.”

     “If you cannot be true to yourself. And be honest with that person. Then how will you know that you will lose them?”

    Muling binalingan ni Taron ng tingin ang kanyang ina at pinakawalan niya ang mga luha na kanina pa niya sinusubukang pigilan.

     “I just don’t know how to do it. I act cool and nice around him. Pero hindi ko naman magawang iconfront siya sa totoong nararamdaman ko.”

    Tumango lang si Almarie at niyakap ang anak. Hinaplos niya ang likod nito at hinayaang umiyak.

     “Whatever the consequences will be, you have to face them. Sabihin mo sa kanya ang totoo kung handa ka na. But please, don’t punish yourself like this anymore. Be brave enough to tell him your feelings.”

      “Not now. Now that he is the most powerful person next to the president.”

    Napatango nalang si Almarie sa sinabi ng kanyang anak. Wala siyang ibang gusto kundi ang kaligayahan nito.

   Niyakap niya lang ito ng mahigpit at mas lalo din itong humigpit ng yakap sa kanya.

  


 

     Del Mundo Mansion

   

  Nasa hapagkainan ang mag-anak na Del Mundo at ramdam ang tensiyon sa pagitan ni Lucy at Winchester. Hindi naman mapigilan ni Gianna na basagin ang katahimikan ng lahat.

     “Kuya? You’re birthday’s coming! Any plans for this year’s party? You are the CEO of DLM Group. The youngest ever. Kaya dapat bongga ang party mo this year, don’t you agree?”

     Nagkabulungan naman ang mga maids at hindi nila napigilang maexcite sa gaganaping party sa loob ng mansion.

     “Tony will be handling the party with the terms I discussed with him last week. So its all settled.”

     “But Kuya? I want to be a part of the preparation. Just to show you how much I love being your little sister.”

     Napataas nalang ng kilay si Winchester sa sinabi ng kapatid niya.

     “Then talk to Tony about what you want and let him decide it. Its a very important event, Gianna. So please don’t make anything absurd. The president of this country will be there to so behave yourself.”

      Napapalakpak namam si Gianna at muling bumalik sa kanyang pagkain. Nagkatitigan pa si Lucy at Winchester bago tuluyang umalis ang huli sa hapagkainan.

     “Its his 26th birthday.. I should find a good gift for him this year.” saad naman ni Carmelo na kinataas lang ng kilay ng kanyang asawa.

    “Nakakalimutan mo na ba, Carmelo. Kahit isang regalo mula nang pumanaw ang kanyang ina, wala nang tinanggap si Win mula sa’yo.”

     “Hindi ako susuko hangga’t di ako napapatawad ng anak ko. So stop being petty, Lucy. I am trying to win back my son.”

     Tumahimik ang ginang at nagpatuloy sa pagkain. Ang buhay niyang pinangarap ay unti-unti nang nagiging abo sa pagdaan ng mga araw.

    

Itutuloy…

♡Chapter VII♡

DLM Tower

     

“Pinagbigyan lang kita kahapon dahil pinagpipilitan mong kilala mo ang chairman. Pero hindi mo na ako mauuto ngayon, boy.. Kaya kung ako sa’yo lumabas ka na bago ka namin kaladkarin palabas.” maangas na saway ng guwardiya kay Luke nang tangkain niya ulit na pumasok sa loob ng lobby ng DLM Tower.

     Napakamot siya ng ulo at kinuha ang call card na binigay sa kanya ni Win sa kanyang wallet at pinakita ito dito.

     “Boss, malinaw naman siguro na hindi basta bastang nagbibigay si Mr. Del Mundo ng kanyang call card sa kung sino lang na tao. Kilala niya ako at mapapatunayan ko ’yun.”

     “Sige.. Total pinipilit mo naman, hintayin natin ang chairman. At kapag nalaman ko na hindi ka niya kilala, huwag na huwag ka nang magpapakita ulit dito. Naiintindihan mo ba?”

    Nagkandaugaga naman ang mga tao nang biglang may matangkad na lalaking naglalakad sa loob ng lobby mula sa private entrance ng tower at nakita naman ni Luke at ng guwardiya kung sino ang lalaking iyon. Nasa likod niya ang sekretarya niya at ang Vice President ng Operations.

     Napangiti si Luke nang magtama ang mga mata nila ni Win ngunit hindi ito tumugon s kanyang ngiti at sa halip ay naglakad lang ito papunta sa elevator section ng building.

      “Nakita mo naman siguro.. Hindi ka kilala ni Mr. Del Mundo kaya pwede ka nang umalis dito. Inaabala mo kami sa trabaho namin.”

     Hindi naman maintindihan ni Luke kung bakit ganun nalang ang kinilos ni Win. Ngunit nagulat siya nang may tumapik sa kanyang likuran at napalingon siya dito.

       “Come to my office.. I need to talk to you.”

     Napatulala lang si Luke sa taong kaharap niya ngayon. At mas lalo lang siyang naguluhan. Bakit gusto siya nitong kausapin sa kanyang opisina.

      Tumango lang siya at kahit pinagtitinginan na siya ng mga empleyado ng DLM Tower ay hindi na lamang niya ito pinansin maging ang guwardiya na humaharang sa kanya ay walang nagawa.

        Tahimik siyang nakasunod kay Win at pumasok sila sa loob ng elevator. Walang imikan at maging si Lena ay naguguluhan sa nangyayari. Sino ang lalaking kasama nila ng amo niya sa elevator?

       Pagkabukas ng elevator ay napaluwa ang mata ni Luke sa kanyang nasilayan. Puro salamin ang dingding ng palapag na iyon ng tower. Lahat ay kitang kita niya. Ang mga nagkikintabang muebles at mga dekorasyon. Mga halaman at mga mamahaling painting. Napakaelegante ng buong paligid na para bang nakapasok siya sa isang palasyo.

      “Lena.. I need to talk to him for a while. Tatawag na lang ako sa’yo kung may kailangan ako.”

     At agad namang tumango ang sekretarya at tinungo ang kanyang sariling opisina. Ang buong palapag na iyon ay nakalaan para kay Winchester at sa kanyang sekretarya lamang.

     Sumenyas si Win kay Luke na sundan siya nito at iyon nga ang ginawa ng huli. Pumasok sila ng tuluyan sa loob ng opisina ng pinakamayamang tao sa buong bansa.

    Hindi niya mapigilang pagpawisan dahil kinakabahan siya sa kung anong gustong sabihin sa kanya ng taong bumihag sa kanyang puso.

     “What were you doing here?” tanong ng deritso ni Win kay Luke na hindi naman agad nasagot dahil iba ang titig ni Winchester sa kanya. Iyon bang may halong pagkairita na hindi niya maunawaan.

     “Ano— Ahmm may magpapadeliver sana ng pagkain dito kaso nakalimutan ni Mamu na ilista ang mga ioorder nila kaya ako nalang mismo pumunta dito para kunin ang orders nila.”

     “You could have called the person? Bakit kailangan mong pumunta pa dito? For what reason?”

     Napailing si Luke dahil iba ang pinapakitang ugali ni Winchester ngayon kumpara sa kanyang nakikita dito noong mga nakaraang pagkikita nila. Iniisip ba nito na sinasadya niyang puntahan ito upang magpapansin?

     “Mr. Gamboa.. I am the CEO of this company. And whatever I will do, will reflect my personality and can ruin everything. So please, kung may binabalak ka man.. Itigil mo na ngayon din. Because I am not someone you can just get your claws on.”

    “Teka teka.. Ano bang sinasabi mo? Iniisip mo ba na inaakit kita? Nagpapacute ako sa’yo para magustuhan mo ako? Hindi ba ikaw na mismo nagsabi sa akin noon na kung kailangan ko ng tulong, tawagan lang kita? Parang ako pa ngayon ang nagpupumilit na pumasok sa buhay mo.”

     Napatayo si Winchester sa kanyang swivel chair at hinarap si Luke. Nakipagtitigan siya dito at hindi niya alam kung bakit ganun na lang ang bugso ng damdamin na nararamdaman niya para dito.

     “You can be the end of me, Luke. So just please don’t ever come near me again. Ayokong pagsisihan lahat ng bagay.”

      “Ibig mong sabihin— May nararamdaman ka para sa akin? Ganun ba? Kaya gusto mo akong lumayo dahil ayaw mong malaman ng buong bansa na nagkakagusto sa kapwa niya lalaki ang CEO ng DLM Group?        Kwinelyuhan ni Winchester si Luke at nilapit niya ang mukha nito sa kanya. Rumaragasa ang emosiyon sa kanilang dalawa ngunit pilit niya itong pinanglalabanan.

      “Leave now before I call the security.. Sana ito na ang huli nating pagkikita. Whatever it is that you feel for me, kalimutan mo na. Or I will make your life harder than it is now.”

      “Hah! Ganun ba talaga kayong mayayaman? Akala niyo lahat ng tao susunod nalang sa bawat buka ng bibig niyo? Kung iniisip mo na nagustuhan kita dahil sa pera mo, nagkakamali ka dun, Winchester Del Mundo. Akala ko pa naman iba ka sa mga mayayamang tao na takot mawala sa kanila ang lahat. Isa ka rin pala sa mga iyon.”

    Inalis ni Luke ang kamay ni Win at itinulak niya ito palayo sa kanya.

     “Huwag kang mag-alala. Hindi na kita guguluhin pa kung ’yan ang gusto mo. Iniisip ko lang kung bakit takot na takot kang mawala sa’yo ang lahat. Kasi ako, handa akong kalimutan ang lahat para lang sa taong mahal ko.”

    Tinalikuran ni Luke si Win at pakiramdam niya ay tinapakan ng husto ang pagkatao niya. Alam niyang suntok sa buwan ang lahat ng gusto niya. Pero hindi niya inaasahan na ganito pala kasakit ang lahat. Gusto niyang lumuha pero pinigilan niya ang sarili niya.

     Habang si Win naman ay hindi na napigilang pakawalan ang luha na kanina pa niya pinipilit panlabanan. Alam niya sa sarili niya na may nararamdaman na siya para kay Luke. Sa ilang araw na palagi nitong pagkikipag-usap sa kanya.

    Mabilis ang lahat pero alam niyang iba si Luke sa mga taong binalak na pumasok sa kanyang puso. Ramdam niya ang pagkakatulad nila.

    “Lena.. Come to my office and read my schedule for today.” pindot niya sa intercom at tuluyang pinahiran ang luha sa kanyang mata.

     “I cannot risk everything I have just for this stupid feelings.”

   ———————————————————————

     Mabilis na naglalakad si Luke sa lobby ng DLM Tower na hindi namamalayang may makakabanggaan siyang isang lalaki. Napaangat siya ng tingin at nagtama ang kanilang mga mata.

    “Sorry po– Nagmamadali lang akong makalabas dito. Hindi niyo po ako kailangang ipakaladkad sa mga guwardiya.”

    “Whoa? Wait.. Ano ka ba dito? Are you applying for a job or what? Ang angas mo ata?”

     Napailing lang si Luke at pinipilit na tatagan ang sarili habang kaharap ang estranghero.

     “Pasensiya na po talaga. At hindi po ako nandito para mag-apply. Kinausap ko lang po si Mr. Del Mundo.”

      Napatango naman ang nakabanggaan ni Luke at tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

     “Well, maybe I can help you with something? Parang kailangan mo ata ng tulong ko. Do you know how to drive a car?”

      Nagulat si Luke sa sinabi sa kanya ng estranghero at hindi naman niya napigilang tumango dito.

      “Good. You can wait for me here in the lobby. I just need to talk to someone and you can drive me home.”

      Napakamot si Luke sa kanyang ulo dahil hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng estranghero sa kanya.

      “Ahh– Lolo? Hindi ko po kayo maintindihan eh..”

       “I am hiring you as my personal driver? What do you think? I really like your attitude. You remind me of my younger years.”

      Hindi naman agad nakasagot si Luke at iniwanan na siya ng estrangherong kausap niya.

    Naglakad siya patungo sa guwardiya na pumipigil sa kanya na pumasok kanina sa loob ng DLM Tower.

      “Boss.. Kilala mo ba ang matandang ’yun? Yung may suot na sombrero? Yung kakapasok pa lang?”

      “Paanong hindi ko makikilala eh si Don Alfonso Del Mundo yun? Ang nagtatag ng DLM Group?”

     Hindi naman makapaniwala si Luke sa narinig mula sa guwardiya. Gusto siyang maging driver ni Alfonso Del Mundo.

     “Bakit mo natanong? At bakit ba nandito ka pa?”

     Napangiti si Luke at para bang lahat ng kanyang kalungkutan na naramdaman sa pag-uusap nila ni Win ay nawala. May pag-asa pa pala siya dito. Naniniwala na siya na tinadhana silang dalawa ni Winchester Del Mundo.

     “Ako lang naman ang personal driver ni Don Alfonso Del Mundo.”

     Nanlaki ang mata ng guwardiya at kinindatan naman siya ni Luke. Hindi pa rin makapaniwala ang binata sa mga nangyayari.

     —————————————————————

   

Northern Paramore

    

Busy sa pagfifit si Devie ng kanyang imomodelong damit sa unang araw ng Paramore Fashion Week. Maraming fashion shows na siyang linakaran at marami na rin sa mga damit na siya mismo ang nagdisenyo na nagustuhan ng malalaking clothing brand na pilit siyang kinukuha bilang kasapi ng mga ito.

     Pero mas pinili niyang maging independente. Mas naipapakita niya ang kanyang kakayanan kapag siya lamang ang may hawak ng kanya oras, pagpipiliang materyales at paggagawaan ng kanyang mga damit.

     Pero naagaw ang atensiyon ni Devie nang may pumasok sa fitting area na isang matangkad at magandang lalaki. Alam niyang napakarami ng lalaking dumaan sa buhay niya. Ngunit ang isang ito na kaharap niya ngayon ay iba sa lahat ng kanyang mga nakilala.

    Napangiti siya at pinatigil ang assistant niya sa ginagawa nito at tanging underwear lang niya ang kanyang suot nang lapitan niya ang lalaking namimili din ng mga susuotin nito. Marahil ay isa rin itong model tulad niya.

     “Hi? Are you a model of Schantz too?” tanong ni Devie nang makalapit na siya sa lalaki at napabaling ito ng tingin sa kanya.

    Napangiti ito at tumango lang bilang sagot sa tanong ng dalaga.

     “I’m Devie.. Devie Morguñez.” lahad niya sa kamay niya at tinanggap naman ito ng lalaking kausap.

    “Taron– Taron Batisse.” pakilala ng binata at tila nakaramdam ng kiliti si Devie nang marinig na niya ang boses nito.

     “Nice to meet you, Taron.. I hope we can have some private time after the show. Its gonna be stressful you know?”

      “Yeah– I got used to it. But a private time would be nice..”

      Nagkasundo ang dalawa at para bang hindi na mawaglit ni Devie ang mga titig niya sa lalaking kaharap. Ito ang perfect type niya sa isang lalaki. Derikta itong sumagot na tulad niya. Gusto niya ang mga ganoong tao kaya alam niyang makakasundo niya ito.

     Nagsimula ang fashion show at puno ang Northern Paramore ng mga taong mahilig sa mga damit mapa ordinaryo man o isang artista. Pagtitipon iyon ng mga kilalang personalidad.

     Lahat ay napapahanga sa eleganteng paglalakad ni Devie suot ang mga damit na gawa ng isang kaibigang fashion designer.

     Natapos ang gabing iyon na walang pagkakamaling nangyari. At nasagawa ni Taron ang kanyang balak na mapaibig sa kanya si Devie Morguñez.

   


    Del Mundo Mansion

   

Papalapit na ang kaarawan ni Winchester at pinili nitong ilaan ang ilang araw na pahinga para manlang makapag-isip siya ng mabuti. Palagi kasing nasa isipan niya ang ginawa niyang pagtataboy kay Luke at mula noon ay mas lalo itong hindi nawala sa kanyang isipan.

    Inimbitahan niya ang kanyang lolo na maglaro sila ng gulf sa paborito nilang golf course na pag-aari din ng DLM Group.

    Papunta na siya ngunit nakita niya sa driveway ang kotse ng kanyang Lolo Alfonso. At hindi niya inaasahan ang lalaking lumabas sa driver seat nito.

    Nanlaki ang mata niya nang makita niya ito. Nakasuot ito ng casual suit na kailanman ay hindi niya naimagine na babagay ang mga ito dito. Ang buhok nito ay maganda rin ang pagkakaayos at alam niyang kahit nakasuot ito ng salamin ay kilalang kilala niya ito.

    Mabilis siyang lumapit dito at hinablot niya ang braso nito.

     “What the hell are you doing? Anong ibig sabihin nito?”

     Lumabas ang kanyang lolo mula sa backseat at tumikhim ito para patigilin si Winchester sa kanyang ginagawa.

      “He is my personal driver, Win.. He is Luke Gamboa.”

     Bumaling muli ng tingin si Win sa lalaking hawak hawak niya ngayon. Nakangiti ito sa kanya at para bang masayang masaya ito sa mga nangyayari.

     “Nice to meet you po.. Mr. Del Mundo.” bati ni Luke kay Win na kinataas lang ng kilay nito.

      “Are you really trying my patience, Luke?”

     “Wait lang ah.. Sa pagkakatanda ko, si Don Alfonso ang naghire sa akin bilang personal driver niya?”

     Napatingin si Winchester sa kanyang lolo at nakangiti ito sa kanya. Sumenyas na itong sumakay sa loob ng kotse at wala sa loob naman na binitawan ni Win si Luke.

     Bago paman siya makapasok sa loob ng kotse ay nakita pa niya ang pagkindat sa kanya ni Luke na kinailing na lamang niya.

    “This guy will make me crazy..”

     

Itutuloy…

◇Chapter VIII◇

Habang nagmamaneho si Luke ay hindi niya maiwasang tingnan sa rearview mirror si Winchester at ang lolo nito. Napairap si Win kay Luke nang mapansin niya ang ginagawa nito.

    “Luke is a very good student. Taking up Criminology while working at a restaurant as a delivery man. Kaya naman tinanggap ko siya bilang driver. His skills in driving is very good.”

     “Lolo.. You should have consulted me that you are changing your personal driver. Nelson was a good driver. And do you even know this guy’s background?”

     Nakaramdam si Luke ng pagkadismaya sa mga sinabi ni Win sa lolo nito. Alam niyang gusto siyang palayuin nito sa buhay niya pero tadhana na mismo ang gumawa ng dahilan upang mas lalo silang magkalapit. Kaya kahit anong pagtaboy na gawin sa kanya ni Winchester, hindi siya bibigay dito.

     “Nagsimula ako bilang isang mekaniko sa isang talyer noong kinse anyos ako, Winchester. At alam ko kung gaano kahirap ang trabaho doon. You can’t see someone’s character just because of how they live their life or what they do with it. Alam kong mabuting tao si Luke. You should have known it first hand. You know each other right?”

    Hindi na nakasagot pa si Win sa tinuran ng kanyang lolo. Si Don Alfonso ay hindi masalitang tao. Pagdating sa kanyang mga desisyon sa buhay, hindi siya kailanman nagkamali. Kaya lumaki at lumago ang DLM Group dahil sa pagiging maingat niya sa mga desisyon na ginagawa niya.

    Pagkarating nila sa golf course na tinatawag nilang Lilia’s Cavern ay ipinark ni Luke ng maayos ang sasakyan bago siya bumaba at pagbuksan ng pinto si Don Alfonso. Pupunta na sana siya sa kabilang pinto para pagbuksan si Win pero nakalabas na ito at nagkaharap silang dalawa.

     “You go ahead, Lolo. I need to talk to your new driver here.”

     Tumango naman ang matanda at naglakad na papasok sa villa na pinatayo niya mismo para sa kanilang pamilya. May mga bodyguards na nakapalibot sa buong lugar at may mga maids at staff din ang villa na umaasikaso sa mga Del Mundo.

     Nakangiti lang si Luke habang kaharap si Win na ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari.

      “What did you do to earn my grandfather’s trust? Gagawa ka ba talaga ng paraan para mapalapit sa pamilya ko?”

      “Wait lang.. Bakit ba takot na takot ka na makalapit ako sa pamilya mo? Tsaka si Don Alfonso mismo ang gustong maging driver niya ako. Hindi ko pinilit ang sarili ko sa kanya o nagmakaawa.”

     Linapitan pa lalo ni Win si Luke at hindi naman ito nagpatinag.

      “Wala ka naman sigurong tinatago sa kanila hindi ba? Kaya bakit ka matatakot? Tsaka hindi kita guguluhin. Ikaw na mismo ang nagsabi na kalimutan ko ang nararamdaman ko sa’yo. Kaya sinusubukan ko nang gawin ’yun.”

      “Don’t mock me, Luke.. I know what I said to you. And you should’ve rejected Lolo’s offer. Yet you are here trying to mess with me. Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?”

    Ngumiti lang si Luke at tinapik ang balikat ni Win. Kumindat pa siya dito bago maglakad palayo. Pero muli siyang lumingon at nagsalita.

     “Alam mo kung ano ang gusto ko, Win.. Hindi ako susuko hanggang hindi ko nakukuha ang bagay na ’yun.”

     Hindi na napigilan ni Winchester na mapabuntong hininga at sumunod sa lalaking nagpapagulo sa takbo ng isip at puso niya.

     —————————————————————–

   

Sitio Amarillo

    

Naalimpungatan si Jacob sa narinig niyang sunod sunod na busina ng sasakyan na nasa labas ng kanilang maliit na pamamahay.

    Walang pang-itaas at tanging boxer shorts lang ang suot niya nang bumaba siya. Nasa palengke ng bayan si Aling Chona at namamasada naman si Mang Oscar kaya siya lamang ang naiwan sa bahay.

     Pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya sa taong bumaba mula sa kotse. Isang matandang galit na galit ang mukha.

    Pumasok ito sa kanilang gate at agad siyang sinugod at pinatamaan ng suntok sa kanyang panga na kinabuwal niya.

    “Hayop ka, Jacob! Matagal mo na pala akong iniiputan sa ulo ko! Pinagkatiwalaan panaman kita.”

    “Sir— Sir Mando.. Hindi ko po alam ang sinasabi niyo.” pagmamaang-maangan pa ni Jacob kahit alam niya kung ano ang kinagagalit nito.

    “Si Hilda.. Hindi ba’t matagal niyo na akong linoloko? Mula nang magsimula ka sa OJT mo sa aking opisina, alam kong kursunada ka na ng aking asawa. Hindi ko lang inaasahan na papatusin mo siya!”

    Napatayo si Jacob at akma sana siyang susugurin ulit ni Mando nang may babaeng pumasok sa loob ng bahay at pinigilan ito. Isang maganda at may kabataan pang babae. Ito ang asawa ni Mando na si Hilda.

    “Mahal! Tama na! Walang kasalanan si Jacob dito.. Ako ang may gusto nito.. Ako ang may kagagawan ng lahat!!”

     Napabaling si Mando ng tingin sa kanyang asawa na pinagtaksilan siya. Matagal na niya dapat itong hiniwalayan pero hindi niya magawa dahil sobrang mahal niya ito.

     “Matapos kong ibigay sa’yo ang lahat? Nagawa mo pa rin akong lokohin? Ganun ka ba talaga kasakim, Hilda? Alam mo kung saan kita napulot.. Binihisan kita at pinakain. Tapos ito lang ang igaganti mo sa akin?”

     “Nagkamali ako, Mando.. Hindi ko lang maiwasang matukso. Pero hindi si Jacob ang may kasalanan. Ako ang may kasalanan.”

    Napatawa si Mando at muling napabaling ng tingin sa kinakalantari ng kanyang asawa.

     “At anong kapalit ng panloloko niyo sa aking dalawa? Pera ba? Sabagay.. Mukha namang uhaw na uhaw ka sa pera, Jacob.”          Napayukod si Mando at tinitigan ng masama si Jacob habang nakatitig lang sa kanya si Jacib at namamawis dahil sa kabang nararamdaman.

     “Ginamit lang ako ni Hilda.. Iyon ang totoo. Wala akong nararamdaman para sa kanya. At oo, pera lang ang habol ko sa asawa mo!”

     Hindi naman makapaniwala si Hilda sa mga narinig mula kay Jacob. Akala niya totoong minahal siya nito. Puro lang pala kasinungalingan ang lumalabas sa bibig nito. Hindi niya maiwasang maluha dahil sa mga nagawa niya.

     “Haha! Ito ba? Ito ba ang pinagmamalaki mo sa akin Hilda? Pare parehas lang kayong manggagamit. Dapat pala talaga kayong magsamang dalawa.”

    Sinuntok pa ni Mando si Jacob sa tiyan nito bago kaladkarin si Hilda papalabas ng bahay.

     Naiwan si Jacob na nanghihina dahil sa mga tinamo niyang suntok sa matanda. Alam niyang darating ang pagkakataong ito.

    Hindi na siya pwedeng manatili dito at baka masangkot pa sa gulo ang mga magulang niya. Kailangan na niyang makaalis sa lugar na ito.

    Umakyat siya sa kanyang kwarto at agad na kinuha ang isang malaking bag. Kailangan na niyang makaluwas ng siyudad. Makalayo sa mga mata ni Mando. Alam niyang hindi siya nito titigilan.

    Hinalungkat niya ang maliit na kahon na pinaglalagyan niya ng naipong pera. Nasa Dalawampung libo na iyon. Sapat na para makaluwas siya at makahanap ng pansamantalang matitirahan.

      —————————————————————–

    

French Restaurant

   

   Magkaharap si Winchester at ang imbestigador na kanyang hinire para sa paghahanap sa lalaking nagpadala sa kanya ng mga litrato. Si Detective Carlos Nigito.

     Tago ang kanilang pagkikita dahil sa nag-iingat si Win sa mga taong posibleng nagbabantay din sa kanyang mga kinikilos.

      “I searched on every police files I can get but there is no matches for Jerry Orbus. Clearly wala siyang criminal records. But I tracked him down.  Isa siyang paparazzi noon. He took pictures of celebrities and big actors and actresses like your mother. And there is something off about him. Palipat lipat siya ng hotel na tinutuluyan every two weeks.”

     “So you mean he is always on the move? May tinatakasan siya? Is he giving me a message to find him and for him to tell me the truth about my mother’s death.”

    Napatango si Detective Carlos pero may linabas din siyang folder. Iyon ang case file ng pagkamatay ni Athena Del Mundo.

     “Ayun sa autopsy report, the gunshot wound was not the main cause of death of Athena, but she was strangled. Maybe she was dead even before a bullet was shot into her chest.”

    Hindi makapaniwala si Win sa kanyang mga narinig. Nanginginig siya at para bang nararamdaman niya ang sakit at paghihirap na pinagdaanan ng kanyang ina.

     “Whoever did this to her, I will make sure that person will pay ten times more than what she did to my mother.”

     “We need to find Jerry Orbus as he may be our only witness to the crime. As for the evidences, we need to dig deeper into that but that would be easy.”

     Napatingin si Win sa imbestigador at ngumiti ito sa kanya. Alam niya ang ibig sabihin nito.

     “We can open your mother’s case again for retrial.”

      Napatango lang si Win at muling tiningnan ang case file ng kanyang ina. Alam niyang malapit na siya sa katotohanan. Mabibigay na niya ang hustisyang hinihiling niya para sa kanyang ina.

    –––––––––––––––––––––––––––––––––––

    Rodriguez Compound

    

Nakatingin pa rin si Pipo sa kaibigan niya habang nagsusuot ito ng magarang damit. Tila ba isa itong artista na pagpapantasyahan talaga ng lahat ng babae at binabaeng makakamasid sa tinataglay nitong kagandahang lalaki.

     “Hindi pa rin ako makapaniwala, Pre.. Isa ka na ngayong personal driver. At hindi lang basta bastang personal driver.. Si Alfonso Del Mundo? Paanong nangyari ’yun? Alam mo ba kung gaano kayaman ang mga Del Mundo?”

     Tumango lang si Luke habang inaayos ang kanyang buhok sa salamin. Tiningnan pa niya ang kaibigan at kumindat dito.

     “Hanep ka talaga.. Siguro ang daming chicks ni Don Alfonso kaya ka nagpapagwapo ng ganyan. Baka naman pwede mo rin akong ipasok kahit tagawalis lang ng playground ng mga aso niya.”

    Natawa si Luke at umupo sa kami kaharap ang kanyang kaibigan.

     “Mabait si Don Alfonso.. At ayokong abusuhin ang kabaitan sa akin ng matanda. Mayaman siya pero hindi pumasok sa ulo niya ang kayamanan na naipundar niya sa mahabang panahon.”

     “Kaya nga maraming nagmamahal sa kanya. Pinag-aaral ng DLM Foundation ang bunso namin kaya malaking pasalamat talaga ako sa pamilya nila. Pero teka, hindi ba ’yung apo na niya ang CEO ng DLM Group ngayon?”        Tumango si Luke sa kaibigan at muling naalala ang palitan nila ng mga salita ni Winchester noong pumunta sila sa golf course ng mga Del Mundo.

     “Si Winchester Del Mundo..”

     “Tama.. Yun nga. At balita ko noon ikakasal na ’yun kay Devie Morguñez.. Isang sikat na model. Pero nagkagulo daw sa engagement party tapos umalis ng bansa kinabukasan yung babae. Kaya ayun, hindi na natuloy ang kasal.”

    Napalukot ang noo ni Luke sa rebelasyong narinig niya mula sa kaibigan. Bakit hindi niya alam ang bagay na iyon? May pakakasalan na pala dapat ang taong mahal niya?

     “Saan mo narinig ang mga balitang ’yan? Bakit parang alam na alam mo ang buhay ng mga Del Mundo?”

    Napatawa si Pipo at lumapit sa kaibigan. Hinimas nito ang mga balikat ni Luke at muling nagsalita.

     “Para na silang first family ng bansa. Mas sikat pa ang pamilya nila kesa sa pamilya ng mga artista.”

     Napatango nalang si Luke. Hindi niya mapigilang makaramdam ng pagbigat sa kanyang kalooban. Si Winchester. Siya lang ba ang nakakaalam sa totoong pagkatao nito?

   


    Del Mundo Mansion

     

Nakauwi si Win mula sa meeting nila ng imbestigador at naabutan niya ang kanyang ama na umiinom sa mini bar ng mansion. Nagpapatugtog din ito ng classical music at kumukumpas pa ito sa saliw nito.

    Linapitan niya ang ama at napatingin naman ito sa kanya.

     “Ito na lang ba gagawin mo, Dad? Uminom ng uminom?”

     Napangiti naman si Carmelo at inutusan ang maid na kumuha ng isa pang baso. Nagsalin siya ng paboritong whisky niya sa baso para sa kanyang anak.

      “I’m just trying to relax, son.. Here, drink with me.”

      “I requested a retrial for Mom’s case. And I am expecting to hear something from the court in two days.”

     Napatigil si Carmelo sa sinabi ng anak at nalukot ang noo nito.

       “You did what? Winchester! That case was closed 11 years ago? Anong retrial ang sinasabi mo?”

      “Dad–– Mom.. Mom did not take her life.. She was murdered.”

      Natulala si Carmelo sa sinabi ng kanyang anak. Noong dinampot siya ng mga pulis dahil sa pagaakusang siya ang pumatay sa kanyang asawa ay hindi siya makapaniwala. Hindi niya magagawang patayin si Athena dahil mahal niya ito kahit may nagawa pa itong mali sa kanya.

     “I know you are innocent, Dad.. Pero mahahanap din natin ang totoong pumatay kay Mommy. Kaya sana, this time. Just for once. Iparamdam mo sa akin na ikaw ang aking ama. Show me that you are worthy of the Del Mundo blood my grandfather has given to you.”

     Naiwan si Carmelo na tulala pa rin sa mga narinig mula sa kanyang anak. Naalala niya ang mga pangyayari ng gabing iyon bago ang malagim na trahedyang nangyari sa kanyang asawa.

    “ Athena… I’m so sorry.. I’m sorry.“

   

   

Itutuloy…

♧Chapter IX♧

Devie’s Condominium Unit

    

“You know what, why don’t you try out modelling for Alexander McQueen or Emporio Armani. Established brands will really expand the limits that you have. Sayang naman ang galing mo sa pagmomodelo kung mananatili ka lang dito sa Pilipinas?” saad ni Devie habang nakalingkis ang hubad niyang katawan sa hubad rin na katawan ni Taron.

     Mula nang makilala ni Devie ang binata mula sa fashion week ng Paramore ay hindi na ito nawala sa kanyang isipan. Para narin maabala niya ang kanyang isipan at hindi na isipin pa ang sakit na binigay sa kanya ni Winchester. Alam niyang kahit anong gawin niya, hindi na kailanman maitatama ang nagawa niyang pagkakamali noon.

     “I have a business to take care of. This thing I do is just for fun and better connections for the business. I meet a lot of people. Potential investors.”

    “See.. You have everything. You are smart. You know what you want. You are devilishly handsome. What more can someone ask for?”

    Napangiti naman si Taron sa hinayag ni Devie sa kanya ngunit sa ilalim ng ngiting iyon ay ang pagnanais na matapos na ang pagpapanggap niya para dito.

    “I heared you were suppose to be married to Winchester Del Mundo three years ago. What went wrong? I’m just curious.”

    Inalis ni Devie ang paglingkis niya kay Taron at sumandal sa headboard ng kanyang malambot na kama at kumuha ng sigarilyo at sinindihan ito. Napahithit siya dito ang nagbuga ng usok bago sagutin ang tanong ni Taron.

     “Winchester Del Mundo is not what he seem he is. He looks powerful and commanding. With his angelic feature, he has this devil persona that you don’t wanna mess with. We never really clicked with each other. Bumalik ako dito sa Pilipinas para sana subukan kung nagbago na ba siya. But he is still the same. Cold hearted and distant. I don’t want to marry a guy like him.”

    Tumango si Taron at hindi niya akalain na may ganito palang side si Devie Morguñez na talagang hindi niya mapaniwalaan.

     “But you do like him? ’Cause you wanted to marry him. Was it an arranged marriage thing going on?”

     “Well my Lolo and Don Alfonso agreed that we should marry. I liked Winchester even when we were really young. He used to hang out in our country club. Dala siya palagi doon ni Don Alfonso. And yeah, I agreed to it because I have a crush on him.”

    Natawa si Taron. Hindi lang pala siya ang nahulog ang loob kay Winchester sa unang pagkikita palang. Hindi niya tuloy maiwasang maguilty sa ginagawa niya dito.

    “Enough with that stupid guy.. He likes someone else. I know that. Ayoko na rin sumiksik sa buhay nila. That family is full of vile creatures. Ayokong maging step mother in law ang bruhang Lucy Tolentino na ’yun. And his sister is ugly and annoying. Pakiramdam ko nga hindi siya anak ni Tito Carmelo.”

     Napagtanto ni Taron na wala na rin palang dahilan para magpanggap siya. Ramdam niya na wala itong nalalaman tungkol kay Win. Maaring banta lamang iyon at wala talagang dapat ikatakot si Win kay Devie.

     “Well, I have to go now. I had fun, Devie.”

    Tumayo si Taron mula sa kama at isa-isang pinulot ang mga damit na nagkalat sa kwarto ni Devie.

     “I am hoping this won’t be the last time, Taron.. I enjoy your company. You know that.”

      Ngumiti lang si Taron at tumango sa dalagang kumot lang ang nakatapis sa katawan.

   –––––––––––––––––––––––––––––––––––

    

Bus Station

    

Nagsisibabaan na ang mga pasahero ng bus na sinakyan ni Jacob papunta sa siyudad. Walang kaalam-alam ang mga magulang niya sa biglaan niyang pag-alis. Ayaw na niyang ipaalam sa mga ito kung nasaan siya dahil alam niyang ipapahanap lang siya ng mga ito kay Luke at magiging magulo lang ang lahat.

     Habang nasa eskinita si Jacob at nagaabang ng masasakyang jeep ay napansin niyang may apat na lalaki na nakaaligid sa kanya. Madilim ang bahaging iyon ng daan at kaunti nalang ang tao sa daan ng mga sandaling iyon. At alam niyang masasamang loob ang mga ito.

     Mabilis siyang naglakad sa kabilang bahagi ng daan at sinundan naman siya ng mga ito. Mabilis siyang kumaripas ng takbo at ganun din ang ginawa ng mga ito. Natakbo na niya ang apat na kanto bago siya umiba ng deriksyon ngunit nakasunod pa rin sa kanya ang mga ito. Hindi siya nito linulubayan.

     Tatawid na sana siya sa kalsada nang may isang kotse siyang nakita at sumenyas siya ng tulong. Itinaas niya ang kanyang mga kamay at pilit na pinanglalabanan ang pagod at takot na nararamdaman.

     Samantalang sa loob ng kanyang kotse ay hindi naman napigilan ni Taron na mapahinto sa kalsada nang may isang lalaking parang baliw na tumatalon at para bang pinapahinto siya nito. Tumakbo ito palapit sa kanya at dinadamba nito ang salamin ng kanyang kotse.

    Ibinaba niya ito at kita niya ang pasa nito sa mukha at tumatagaktak ang pawis.

      “Tulungan mo ako. May gustong humoldap sakin.. Please, parang awa mo na. Wala akong kilala sa lugar na’to.”

     Tiningnan ni Taron ang kabilang kalsada at may apat na kalalakihan nga na tumatakbo papalapit sa kanila at agad niyang binuksan ang kabilang pinto ng kotse.

     “Well you are in real trouble, aren’t you.” saad pa ni Taron at pumasok ng tuluyan si Jacob sa kotse nito.

      Humihingos si Jacob habang mabilis naman na pinaharurot ni Taron ang kanyang kotse papalayo sa lugar na iyon. Alam niyang maraming masasamang loob ang naghihintay ng kanilang mabibiktima sa mga ganitong pagkakataon.

     “You should be careful lurking around the city at this hour. Maraming masasamang loob dito. You’re lucky you found me.”

      “Salamat talaga, Pare. Ayos lang sana kung isa lang ’yun. Pero apat na. Hindi ko kayang labanan ng patas ang mga ’yun.”

     Napangiti naman si Taron. Ang lalim ng boses nito at sa unang tingin niya palang dito ay isa itong magandang lalaki. Batak din ang katawan dahil sa masikip na tshirt na suot nito na namumutok ang mga masel.

      “You’re always in trouble? Parang sanay na sanay ka na sa mga away.”

      “Hindi ko na mabiling kung ilang suntok at bugbog ang inabot ko. Siguro pinanganak ako para masangkot lagi sa gulo.”

     Natawa si Taron sa sinabi ng estranghero na nakasakay sa kanyang kotse.

      “Wala akong alam sa siyudad. Lumuwas lang ako dito at nagbabaka sakali. Kaya maraming salamat at tinulungan mo ako.”

      “Its nothing. And I know someone who can take you in. Ayoko namang iwanan ka nalang basta basta. Sasagarin ko na pagtulong ko sa’yo.”

      Napangiti si Jacob sa lalaking nagmamaneho ng kotseng tumulong sa kanya. Ito ang kaunaunahang pagkakataon na nakaramdam siya na may pakialam ang isang tao sa kanya.

      “Ano palang pangalan mo? Para naman mapalasamatan kita ng maayos?” nahihiyang tanong ni Jacob na kinangiti lang ni Taron.

      “Taron— Just call me Taron.”

      “Jacob, pare.. Salamat sa tulong mo, Taron.”

     Tumango lang si Taron at muling namayani ang katahimikan sa dalawang binata. Binaybay nila ang kalsada at ilang sandali pa ay dumating sila sa isang mataas na building at may gwardiyang lumapit sa kanila.

       Inusisa sila ng gwardiya at nagulat ito nang makita si Taron at agad na binuksan ang gate ng malaking building.

      Pagkapasok nila ay pinababa ni Taron si Jacob mula sa kotse.

      Nalula naman si Jacob sa tayog at laki ng building na nasa harapan niya ngayon.

       “Dito ka ba nakatira? Grabe ang yaman mo pala.” hindi napigilang magtanong ni Jacob.

       “No— I live somewhere else. But I have a friend who is living in a unit that is under my name. Since wala ka namang mapupuntahan, sa kanya ka muna titira. Sabi ko di ba? Sasagarin ko na ang tulong ko. You seem helpless.”

      “Hindi mo naman kailangang gawin ito, Taron. Nakakahiya na masiyado. Naabala na kita ng husto sa ginawa ko tapos patitirahin mo pa ako sa building na ito?”

     Napangiti si Taron. Magaan ang loob niya sa lalaking kanyang tinulungan. Minamasdan niya ang mga kilos nito at halatang hindi pa ito nakatuntong sa siyudad.

      “Okay.. You can stay here for the night. At kung gusto mong umalis. You can go. Pero inalok ko na ang unit ko para tirahan mo. Its up to you what you will do with it.”

    Napatango si Jacob at sumunod na kay Taron papasok ng building.

    


 

     Del Mundo Mansion

     

Hindi mapakali si Lucy habang nasa veranda siya ng mansion. Ang malamig na hangin ay balewala sa kanya. Patuloy niyang naiisip ang mga narinig niya mula sa usapan ni Winchester at ni Carmelo.

     Kinuha niya ang kanyang phone. Pinindot niya ang isang numero mula sa screen at hinintay niya na sagutin ito ng kabilang linya.

      “Sagutin mo ang tawag ko! Hindi pwedeng mabuksan ulit ang kaso ni Athena!”

       Pero wala siyang sagot na nakuha mula dito. Napahithit siya sa sigarilyong hawak at bumuga ng usok at ninanamnam ang lasa nito. Pero kahit anong gawin niya ay hindi siya makakalma.

     Habang sa loob naman ng study room ay hinahanap ni Winchester ang mga dating larawan ng kanyang ina. Ang mga pictures nito nang nag aartista pa ito. Mga taong posibleng may kinalaman sa pagpatay sa kanyang ina.

    Malaki pa rin ang hinala niya na si Lucy ang pumatay sa kanyang ina. Ito lang ang may motibo para gawin iyon. Pero parang may mali? Kung si Lucy man ang pumatay sa kanyang ina, mararamdaman niya ang guilt nito noon pa. Paano kung may pinagtatakpan ito?

    Biglang tumunog ang kanyang cellphone at nakita niya ang pangalan ng nasa screen. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang niya itong dinampot at sinagot.

     “What do you want, Luke?” tanong niya sa taong nasa kabilang linya na napasinghap naman dahil sa pagsagot ni Win dito.

     “Ah ano— Kasi gusto ng Lolo mo na umattend ako ng birthday party mo.”

    “And what is the problem? Umattend ka kung gusto mo. But just don’t ever get close to me.”

     “Win— Bakit ba gusto mong iwasan kita? Kahit anong gawin mong pagtataboy sa akin, hindi ko kayang layuan ka. Alam mo kung bakit ganun ang nararamdaman ko.”

      Napabuntong hininga si Win at alam niyang nahihirapan din siya na umiwas kay Luke lalo na’t napapadalas ang pagkikita nila sa mga nakaraang araw.

      “Luke.. Our worlds are different. Mabigat ang nakapasan sa mga balikat ko. I am shouldering a company that feeds more than 20 Thousand people. You know what will happen if I ever make just one mistake.”

    “Kelan ba naging mali na magmahal.. Win, alam kong nararamdaman mo rin ang nararamdaman ko. At handa akong panindigan ka at damayan ka. Wala akong kayamanan, pero kaya kong ibigay sa’yo ang puso ko.”

     “Just stop this nonsense, Luke. You don’t know what you are asking for. Hindi mo alam kung anong pwedeng gawin ng mga taong gustong mapunta sa posisyon ko.”

    Binaba ni Winchester ang tawag at agad na napasandal sa kanyang swivel chair. Hinilot pa niya ang kanyang sintido at tumitig sa ceiling ng study room.

     Naroon ang takot niya. Masiyado nang sumisidhi ang nararamdaman ni Luke para sa kanya at iyon ay magiging dahilan ng pagbagsak ng pangalan niya. Prinoprotektahan niya ang pangalan niya. Hindi siya matatanggap ng mga board members at stakeholders kapag nalaman ng mga ito ang totoo niyang pagkatao.

   


    11 Years Ago…

      

May isang babaeng nakasuot ng mamahaling bestida at naglalakad ito papunta sa kanyang tinutuluyang apartment. May luha sa kanyang mga mata at pinipilit niyang paglabanan ang bigat ng kanyang nararamdaman.

      Bago siya pumasok sa kanyang apartment ay may humablot sa kanyang braso at nagulat siya sa kanyang nakita.

      “Athena.. Where did you go? Kanina pa ako tawag ng tawag sa’yo.” saad ng lalaki  sa magandang babaeng hindi pa rin inaasahan na makikita niya ang lalaki sa mga oras na iyon.

     “Alco? What are you doing here?! I told you to stay away. I am fixing everything!”

     “Oh? Right? So you wanna get back together with that stupid asshole? Makikipagbalikan ka na sa asawa mo? Ganun ba Athena?”

    Mas hinigpitan pa ng lalaki ang kapit sa kamay ng babae na pilit namang pumipiglas mula rito.

      “I don’t like your games anymore, Alco. I love Carmelo. Kaya layuan mo na kami!”

      “Yeah.. Right.. Carmelo Del Mundo will be the next CEO of DLM Group kaya gusto mo nang makipagbalikan sa kanya. Natatakot kang maghirap?”

     Sinampal ng babae ang lalaki at napatawa lang ito sa lutong ng sampal na binigay sa kanya ng babae.

     “You deserve that for ruining my family. Ikaw pa talaga ang may gana na pagsalitaan ako ng ganyan? Oh right.. I know why you don’t want me to get back with my husband.”

      “Shut your mouth, Athena.. You know nothing about it.. I am warning you.”

       Napangiti ang babae at tuluyan siyang binitawan ng lalaking hinahamon ang kanyang pasensiya.

     “I will not let you ruin the future of our family, Alco. Kaya binabalaan kita. Layuan mo na ako. Or I will tell everything to Dad and to Carmelo.”

  

     

Itutuloy…

♤Chapter X♤

Golden Leaf Hotel

     

Maingat ang ginagawang pagmamasid ni Detective Nigito sa lalaking naglalakad papasok sa loob ng hotel na tatlong araw na niyang minamanmanan. Ito ang tinutuluyan ngayon ni Jerry Orbus at ngayon na rin ang araw na kokomprontahin niya ito at aalamin ang lahat tungkol sa nalalaman nito sa pagkamatay ni Athena Del Mundo.

     Tinawagan niya si Winchester upang kompirmahin na nahanap na niya ito. Gusto ng tagapagmana ng mga Del Mundo na makita niya ito ng harap-harapan at hindi niya maaring palampasin ang pagkakataong iyon.

    Matapos ang kanilang masinsinang usapan ay lumabas na si Detective Nigito mula sa kanyang kotse at agad na pumasok sa loob ng hotel. Maingat siya sa kanyang mga galaw at naabutan pa niya si Jerry na naghihintay ng elevator na bumukas. Pagkabukas noon ay tumakbo siya upang mapigilan ang pagsara nito nang makapasok na sa loob ang kanyang target.

    Hindi kumikibo ang dalawa sa loob ng elevator. Nagpapakiramdaman sa ikikilos ng isa’t-isa. Nang bumukas muli ang elevator sa ikapitong palapag ng hotel ay lumabas si Jerry at sumunod naman sa kanya ang detective. Nararamdaman na ng paparazzi na may motibo sa kanya ang taong nakasunod sa kanya kaya mabilis siyang tumakbo ngunit agad naman siyang nahabol nito.

     Kinakabahan siyang hinarap ang imbestigador at naitaas niya ang kanyang kamay dahil may hawak itong baril.

     “Jerry Orbus.. Ako si Detective Carlos Nigito. May mga tanong lang ako sa’yo tungkol sa pagkamatay ni Athena Del Mundo.”

     Nanlaki ang mata ni Jerry at hindi niya inaasahan na ganoon kabilis kikilos ang tagapagmana ng mga Del Mundo. Agad naman siyang tumango sa imbestigador.

     “Where is your room?” tanong pa ng detective at agad naman siya nitong pinasunod sa kwartong tinutuluyan nito.

    Pagkapasok nila ay umupo sa kama si Jerry at nanatiling nakatayo lang si Detective Nigito.

    Linabas ng imbestigador ang mga larawang pinadala nito kay Winchester. Kinuha naman ito ni Jerry nang iabot ang mga ito sa kanya.

     “Bakit mo pinadala kay Mr. Del Mundo ang mga litratong iyan? Ano ang gusto mong iparating sa kanya?”          “Hindi na makaya ng konsensiya ko ang mga nangyayari. Gusto ko lang na bigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Athena.”

     Lumapit si Detective Nigito sa lalaking kausap niya at umupo ito sa couch na naroon.

     “Ibig mong sabihin, may cover up na nangyari sa pagkamatay ni Athena?”

      Tumango si Jerry at nanginginig ito. Naluluha na rin siya dahil sa nararamdamang kaba.

       Tumunog ang cellphone ni Detective Nigito at si Winchester ang nasa screen nito kaya agad niya itong sinagot.

     “Yes, Mr. Del Mundo. Its Room 356. Its on the seventh floor.”

     Pagkababa niya ng tawag ay naguguluhang tinanong ang imbestigador ni Jerry.

      “Sinong Mr. Del Mundo? May kasama ka ba?” takot siya habang tinatanong ang imbestigador.

      “Si Winchester Del Mundo. Ang pinadalhan mo ng litrato ng kanyang sariling ina bago pa ito mamatay.”

     Bumukas ang pinto ilang sandali pa at hindi napigilan ni Win na lapitan si Jerry at tingnan ng maigi ang mukha nito. Napapayuko naman ang lalaki dahil sa ginagawang pagtitig sa kanya ng binatang Del Mundo.

      “Patawarin mo ako.. Wala akong nagawa para iligtas si Athena.”

      Naluluha si Winchester habang nakikita niya ang pagluha ng lalaking kaharap niya ngayon.

      “Tell me everything that you know about that night. Alam kong wala kang kasalanan pero nagmamakaawa ako sa’yo. Sabihin mo sa akin ngayon kung sino ba talaga ang pumatay kay Mommy!”

     Umiiling si Jerry habang pigil ang kanyang pagluha. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin ang lahat sa binatang kaharap niya ngayon.

     “Pwede kang makasuhan sa pagtatago mo ng katotohanan Jerry. At kung mapatunayan man na kasabwat ka sa pagkamatay ni Athena, sa kulungan ang bagsak mo.”

     “Maraming bagay ang hindi mo nalalaman tungkol sa pamilya mo, Winchester. Marami silang sikretong tinatago mula sa’yo.”

     Kwinelyuhan ni Winchester si Jerry at pinatayo niya ito. Galit na ang binata dahil sa mga pasikot sikot nitong sinasabi.

      “I don’t like playing mind games right now.. Kaya kung pwede sabihin mo na kung ano talaga ang nangyari kay Mommy! Who killed her?!”

    “Si–– Si— Carmelo.. Ang daddy mo ang pumatay sa kanya.”

     Nanlaki ang mata ni Winchester at para bang pinaglalaruan lamang siya ng taong kaharap niya ngayon. Napapatawa siya habang lumuluha.

    “Ginagago mo ba ako? There was no evidence that he murdered my mother. Hinuli siya ng mga pulis noon but he was sent home because there was no solid evidence that points him as the killer.”

    Umiling si Jerry at tinuro niya ang maliit na bag. Agad namang kinuha ni Detective Nigito ang bag na iyon at nang buksan niya iyon ay maraming litrato at mga papel ang laman ng bag na iyon.

    “Plinano ni Carmelo ang lahat.. Ang paghuli sa kanya ng mga pulis noon ay parte ng plano niya. Ang pagpapatahimik niya sa mga pulis ay parte din ng plano niya. At maging sa akin, patuloy niya akong tinatakot na huwag lumantad sa’yo. Isang demonyo ang ama mo, Winchester.”

    Hinalungkat ni Detective Nigito ang bag at napakaraming litrato ni Carmelo at ng isang di pa niya nakikilalang lalaki ang naroon.

    Inabot ni Detective Nigito ang mga larawan kay Win at nakita niya ang daddy niya na may kahalikang isang lalaki. Hindi niya maunawaan ang mga nangyayari. Bakit may mga ganitong litrato ang ama niya.

    “Si Carmelo ay may karelasyong lalaki habang kasal sila ng mommy mo. Si Malcom Juarez. Alco ang tawag sa kanya ng mga nakakakilala sa kanya. Isa siyang bar owner at madalas silang magkita ng ama mo sa bar na pagmamay-ari nito.”

    Nanginginig ang kamay ni Win habang tinitingnan niya ang mga litrato ng ama at ng lalaking nagngangalang Alco.

    “Magkaibigan kami ni Athena. Nagsimula siya bilang isang artista. Nagpundar ng ilang negosyo at yumaman dahil na rin sa malakas na koneksiyon niya sa mga businessman na inendorse niya ang mga kompanya. Kinasal siya sa iyong ama at doon na nagsimulang magbago ang lahat.”

   May mga papel pa siyang nakuha na print out ng palitan ng messages ng kanyang ama at ng lalaking kinakalantari nito.

     “Kinasal si Athena sa ama mo dahil sa siya ang napusuan ni Don Alfonso na maging asawa nito. At alam kong may pagtingin din noon si Athena kay Carmelo. Sino ba ang hindi magkakagusto sa iyong ama? Mayaman.. Gwapo.. Ang pinakaaasam na binata ng mga dalaga noon.”

    Patuloy na nakikinig si Winchester sa paliwanag sa kanya ni Jerry.

     “Sa una, maayos ang relasyon nila ngunit nang dumating si Alco sa buhay ni Carmelo. Doon na nagsimulang magulo ang lahat. Hindi malaman ni Athena kung ano ba ang mali sa iyong ama. At hiningi niya sa akin ang tulong na kailangan niya. Pinasundan niya sa akin si Carmelo. At doon ko na nalaman ang pakikipagrelasyon ng ama mo kay Malcom Juarez.”

    “Why would Dad be in a relationship with a guy? You mean he likes men even before he got married to Mom?”

     Hindi agad nakasagot si Jerry. Iyon ang bagay na hindi niya alam. Marahil noon pa man ay kakaiba na talaga si Carmelo Del Mundo.

     “Si Alco ang naging dahilan kung bakit naghiwalay ang mommy at daddy mo. At dahil nga tuso ang iyong ama, pinalabas niya na may ibang babae na sa buhay niya. Si Lucy Tolentino.”

     Hindi makapaniwala si Winchester sa mga nalalaman niya kay Jerry. Parang may isang pinto na bumukas na naglalabas ng napakaraming rebelasyon na hindi niya masagap lahat.

     “Ibig sabihin, pati si Lucy kasabwat din ni Daddy sa pagtatago niya sa totoong relasyon nila ni Alco? Is that what you’re saying?”

     “At si Alco ay gumawa din ng paraan upang ipalabas na siya ang kabit ng Mommy mo. Pinaniwalaan siya ng media. Nasira ang pangalan ng mommy mo. At maging si Don Alfonso ay napaniwala din ni Alco. Kaya pinalayas siya sa mansion ng mga Del Mundo.”

    Naluluha si Winchester sa trahedyang sinapit ng kanyang ina. Dahil sa kahayupang ginawa ng kanyang ama. Maraming tao ang nasira ang buhay dahil sa kanyang ama.

    “Pinalabas ni Carmelo na buntis si Lucy. At iyon ang magiging grounds para sa annulment nila ni Athena. Ngunit ayaw ni Athena na makipaghiwalay sa daddy mo. Mahal na mahal ni Athena ang daddy mo.”

    “Napakawalang kwentang tao niya. Mas masahol pa siya sa hayop.. I swear to God I will make him pay for everything he has done.”

   Pinakalma ni Detective Nigito si Winchester dahil gusto na nitong suntukin ang dingding ng kwartong iyon.

     “Paano mo nasisiguro na si Carmelo nga ang pumatay kay Athena? Si Alco? Si Lucy?”

     “Dahil nakita ko kung paano pinatay ni Carmelo si Athena sa loob ng kanyang apartment.”

     Tumango lang ang detective at hindi na muli nagtanong pa. Malakas na ang kanilang ebidensiya laban kay Carmelo.

     “Kailangang maprotektahan natin si Jerry, Detective. You have to get him somewhere safe. At ako na ang bahala sa mga taong involved sa pagkamatay ni Mommy. Bago ang retrial, gusto ko munang masigurado na wala na silang kawala pa.”

   ––––


 

    Secret Place

   

  Pagkalabas niya sa kotse ay agad siyang pumasok sa isang townhouse na pinatayo niya para sa taong kanyang kakausapin ngayon.

     Pinindot niya ang doorbell at isang maid ang lumabas para pagbuksan ito.

     Pumasok siya sa loob at nakita niya ang taong kinakailangan niyang makausap na nakaharap lamang sa telebisyon. Kompara noong kabataan nila, malaki na ang pinagbago nito. Hindi na ito ang taong nakilala niya noon.

     Linapitan niya ito at nang magtagpo ang kanilang mga tingin ay wala itong kahit na anong reaksiyon na pinakita sa kanya.

      “Alco– Hanggang kailan mo ba ako tratratuhin ng ganito? I am doing everything I can to stop the retrial. Pero wala na akong kapangyarihan para gawin ’yun. And maybe its about time that we pay for our sins.”

     Tumayo si Alco sa couch na inuupuan niya at naglakad papunta sa kusina at sinundan naman siya ng taong bumisita sa kanya.

     “Kung ginawa mo lang ang lahat para mapunta sa’yo ang kompanya, wala sana tayonsa ganitong sitwasyon. And you know exactly what to do. Pero hinayaan mo lang na ibigay ng ama mo ang lahat ng shares niya sa anak niyo ni Athena? Now we are all screwed up!”

     “Alco.. Si Daddy ang nagdesisyon na ibigay kay Winchester ang lahat. Kahit anong gawin kong paglaban, the board won’t even back me up. Wala akong kapangyarihan over them. They see me as the manwhore who keeps juggling women in my life.”

     Natawan naman si Alco sa sinabi sa kanya ni Carmelo. Hindi niya alam kung ano pa ba ang gagawin.

     “And I am one of those people who you juggle in your life. My life was ruined because you never had balls to tell your father that you like dicks! And I don’t really care if you go to jail. You did everything to yourself.”

    Kinabig ni Carmelo si Alco palapit sa kanya at nagkatitigan silang dalawa.

     “You were there with me when I killed Athena that night. You were the one who wants her dead. I will not let you get away with it. Sabay sabay tayong babagsak at walang matitira sa atin.”

    Tinulak ni Alco si Carmelo palayo sa kanya at napangisi naman ito. Kumuha siya ng baso at nagsalin ng alak dito.

    “You really are the devil’s work, Carmelo. I should have known right from the start that you will bring tragedy to my life. I really wished you just killed me when you had the chance.”

    Nakaramdam si Carmelo ng pagbabanta mula kay Alco. May kadiliman siyang nakita mula sa mga titig nito.

    “Well.. I guess I killed the wrong person.”

  


    Del Mundo Mansion

   

Kalmado si Winchester habang naglalakad siya papunta sa dining area ng mansion. Nasa upuan na ng hapagkainan si Lucy at Gianna ngunit ang kanyang ama ay wala pa.

     Umupo siya sa gitna ng mesa na kinagulat naman ni Lucy at Gianna.

     “Winchester? That’s your father’s seat.. Parang nakakalimutan mo na ata ang etiquette ng bahay na’to?”

    Napangiti lang si Winchester at tinaasan ng kilay ang kanyang madrasta. Uminom siya ng wine at hinarap ito.

     “Well, I just realized that I am now the Chairman of DLM Group. At nararapat lang naman na ang chairman ang nakaupo sa upuang ito, right Stepmother?”

     “Kuya? Why are you acting so wierd? May nangyari ba sa’yo?”

     Napailing si Winchester at nagsimulang hiwain ang steak na nakahanda sa kanyang plato.

     “Wala naman.. I just realized that this house is full of lies and mystery. Hindi ka ba nagtataka, Gianna? Why does it seem like you and me ahve nothing in common? Do you really think that I am your brother?”

     Nanginginig ang kamay ni Lucy habang hawak ang baso upang uminom. Marahil ay nalaman na ni Winchester ang tinatago niya.

    “What are you talking about, Kuya? What’s with you today? You really make me feel uncomfortable!”

     “Just wait and see, little sister. Something is gonna blow up. Even bigger than my birthday party.”

     Napaubo si Lucy at agad naman siyang linapitan ng mga maids na pinalayo niya.

    Nagkatitigan pa sila ni Winchester at nakakalokong ngiti lang ang binigay nito sa kanya.

    

Itutuloy…

♡Chapter XI♡

Hinihintay ni Winchester ang pagdating ng kanyang ama. Pinipilit niyang pakalmahin ang sarili ngunit kapag naiisip niya ang mga ginawa nito sa kanyang ina ay hindi niya mapigilang magpuyos ng galit at mapakuyom ng kanyang mga kamao. Uminom siya ng vodka mula sa kanyang baso. Nasa bar siya ngayon ng mansion at marami ang pumapasok sa kanyang isipan.

     Nakarinig siya ng mga yabag ng sapatos patungo sa kanyang direksyon at napabaling siya ng tingin dito. Nakita niya ang kanyang ama na para bang normal lang lahat dito. Wala siyang makitang takot dito. Noon pa man alam na niya na hindi ito nagpakaama sa kanya.

    “I was waiting for you.. You missed dinner which was your usual routine when I was still  younger. Kami lang ni Mommy madalas ang magkasama sa dinner at ang mga maids. And sometimes you even yell at her when she is asking you where you’ve been.”

    Muling lumagok si Winchester ng alak mula sa kanyang baso at napangisi sa kanyang ama. Tinamaan na siya ng alak ngunit iyon ang gusto niya para tumapang ang loob niya lalo. Upang pigain ng husto ang kanyang ama na sinara ang buhay ng kanyang ina.

     “The retrial was granted. And this time, the real culprit will be found out and pay for what he did to my mother.”

    Nakita ni Winchester ang pag-iba ng direkston ng tingin ng kanyang ama at nilapitan niya ito. Hinawakan niya ang mukha ng kanyang ama at hindi niya napigilang lumuha.

     “You know how much I hated you for abandoning my own mother? Just for your selfish acts. Para lang masatisfy mo ang pansarili mong mga kagustuhan. Do you really think that everything will go in vain just because you choose to forget things?”

    “Winchester.. What are you trying to say? Let’s cut the chase.”

      Hindi manlang nakaramdam ng takot o pagsisisi ang kanyang ama. Paano niya naging ama ang isang tulad ni Carmelo? Isang walang puso at halang ang kaluluwa.

     “I know that you were the one who killed Mom. Why? Why did you kill my mother? Ano ang nagawa niya para patayin mo siya!”

    “I never wanted to kill her. I loved your mother. But she left me no choice. Everything I worked for will go in vain if everyone finds out about who I really was.”

     Sinuntok ni Winchester ang kanyang ama at napasubsob ito sa sahig. Pinatayo niya ito at bakas sa kanyang mukhang ang poot at galit.

     “I will never forgive you. No matter how much you plead for my forgiveness, I will never give it to you. You will rot in jail. And I will make sure that everyone else that was involved in your doing will not get away unpunished.”

    Hindi na nagsalita pa si Carmelo at walang kahit anong emosiyon siyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Marahil ay tama na ang labing isang taon na pagtatago niya sa katotohanan. Ang panlilinlang niya sa kanyang anak. Ang kasalanan niya na hindi kailanman mabibigyan ng kapatawaran.

     “But I won’t surrender you to the police yet.. I want you to admit everything that you did, tomorrow. That will be the greatest gift that you will ever give me.”

     Muling tinulak ni Winchester ang kanyang ama at umalis na sa bar ng mansion habang naiwan si Carmelo na tulala at namamaga ang panga dahil sa suntok na ginawad sa kanya ng anak. Hindi niya alam na darating sa ganito ang lahat. Ang pagtatago niya ng buong katotohanan ay matutuklasan din ng kanyang anak.

     At alam niyang iyon ang dapat gawin. Iyon lamang ang paraan upang mapagbayaran na niya ang lahat ng kanyang kasalanan.

    Nagmadali siyang pumasok sa silid nila ni Lucy at nakita niya si Lucy na nakaupo lamang sa may veranda habang humihithit ng sigarilyo. Napansin nito ang kanyang pagdating ngunit hindi ito tumayo o kumibo manlang.

     “Winchester knows everything. Alam na niya na ako ang pumatay kay Athena.”

     Tumayo si Lucy at naglakad papunta sa kinatatayuan ni Carmelo. Kita sa mata ni Lucy ang kawalan ng pag-asa. Ang pagguho ng lahat ng kanyang pangarap.

      “Lahat ng bagay ginawa ko para pagtakpan ang mga kasalanan mo. Pero wala ka pa ring nagawa para pigilan ang anak mo na alamin ang buong katotohanan. At ano nang mangyayari sa amin ni Gianna ngayon? Everything I planned for my daughter is ruined dahil sa kapabayaan mo! Dahil mahina ka, Carmelo!”

     “Huwag mo akong pagsasalitaan na para bang ang linis linis mo. Kasabwat ka namin ni Alco sa panloloko kay Athena noon. I will never sleep with someone like you, Lucy. Pinakasalan lang kita para itago kay Daddy ang totoo. And you still wonder why your friends call you a mistress. Mas masahol ka pa sa mistress.”

    Sinampal ni Lucy si Carmelo at nangilid ang luha niya dahil sa galit na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

    “Your life being a parasite will end soon, Lucy. Kaya kung ako sa’yo, magempake ka na ng iyong mga damit at nakupit na alahas. Kakailanganin mo yun sa oras na idemanda ka rin ni Winchester.”

     Umalis ng silid si Carmelo at naiwan si Lucy na napapatawa nalang. Tiningnan niya ang palibot ng kanilang kwarto. Napakalaki nito at kompleto sa mamahaling muebles at mga koleksyon niya ng sapatos at mga damit. Lahat ng iyon ay mawawala na sa oras na aminin ni Carmelo ang katotohanan.

     —————————————————————–

   

Le Château Building

    

Inaayos ni Jacob ang kanyang mga gamit sa isang maliit na closet na pinahiram sa kanya ni Taron. Siya lamang ang nakatira sa unit ni Taron sa mga sandaling iyon dahil nasa ibang bansa ang kaibigan nitong nakatira dito. Panandalian lamang ang panunuluyan niya dito dahil alam niyang masiyado nang nakakahiya ang mga ginagawa para sa kanya ng binatang kakakilala pa lamang niya.

    Habang hinahalungkat ang mga gamit ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niya kung sino ang tumatawag at sinagot niya naman ito agad.

    “ Jacob? Nasaan ka ba? Kahapon pa tawag ng tawag sa akin si Mama. Bakit hindi ka manlang nagpaalam sa kanila na aalis ka?“

    Napabuntong hininga nalang si Jacob dahil narinig nanaman niya ang boses ng kapatid niya na palaging pinupuri ng kanyang mga magulang.

    “Nasa siyudad ako at pwede ba, huwag ka nang umarte na parang may pakialam ka sakin. Ako na ang tatawag kay Mama para ipaalam sa kanya na maayos ang lagay ko. Huwag mo na ako ulit tatawagan.”

     “ Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Sarili mo pa rin ang iniisip mo. Wala ka nang pakialam kung may nasasaktan kang ibang tao.“

     Pinatay ni Jacob ang tawag sa kanya ni Luke at bumalik na sa kanyang ginagawa. Bumili siya ng diyaryo ng bumaba siya para bumili ng kanyang makakain at maghahanap siya ng trabaho. Upang makaalis din siya kaagad sa tinutuluyan niya ngayon.

     Pumunta siya sa mesa at agad na nagsimulang basahin ang advertisement section ng diyaryo. Naiwan niya ang mga credentials niya sa Sitio Amarillo ngunit hindi na iyon mahalaga. Pasasaan ba at makakahanap din siya ng maayos na trabaho.

     Hindi siya kasing talino ni Luke. Pero maabilidad siya at mabilis matuto. Iyon ang tanging puhunan niya. Nakahanap na siya ng isang trabaho na swak sa kanya. Isang sanitary officer ng DLM Group.

    Agad niyang tinawagan ang numero na naroon at sinagot naman siya nito agad. Nakapasa siya sa initial interview at pinapapunta siya sa DLM Tower para sa kanyang susunod na interview.

  “Magiging ayos din ang lahat, Jacob Gamboa.”

  ————————————————————————

   

DLM Tower

     

Sinuyod ng mga mata ni Jacob ang lobby ng DLM Tower. Hindi siya makapaniwala na ito pala ang pagtratrabahuan niya kung sakaling makapasa siya sa interview. Kumikislap ang mga salamin na nasisinagan ng araw at tila hindi nauubusan ng tao na pumapanhik sa iba’t ibang direksyon. May mag naghihintay din sa lobby na tulad niyang nagbabakasakaling makapasok dito.

    Nagkagulo ang lahat nang may isang lalaking naglalakad mula sa silangang bahagi ng building tumigil ang mga ito ng dumaan ito sa kanilang banda at yumukod sila upang magbigay galang dito. Nakatitig lang si Jacob sa lalaking naglalakad at hindi niya maiwasang mamangha sa taglay nitong mukha. Napakaamo nito at para itong anghel. Ngunit may kakaiba sa pagkatao nito na para bang mapapasunod ka nito sa bawat sasabihin niya.

    Narinig niya ang pagbubulungan ng mga kasama niya sa lobby at hindi niya maiwasang usisain ang pinaguusapan ng mga ito.

    “Ah.. ’Yan pala si Mr. Del Mundo. Ang gwapo at ang tangkad niya. Grabe.. Napakabata naman noya para maging CEO ng DLM Group.” rinig ni Jacob mula sa babaeng katabi niya na tila ba manghang mangha sa lalaki patuloy na tinititigan ng kanyang mga mata.

    Napangiti si Jacob nang napatingin sa kanilang banda si Winchester at hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. May kung ano sa tao na hindi niya mapagtanto.

     Nagsibalikan sa kanilang ginagawa ang mga tao sa lobby nang nakapasok na sa elevator si Winchester habang si Jacob naman ay hindi maialis ang imahe ng binatang CEO ng DLM Group.

     May isang babaeng nakasuot ng corporate attire ang lumapit sa kanilang kumpol at inutusan silang sumunod dito.

     Nararamdaman ni Jacob na makakapasa siya sa interview. At kapag nangyari iyon, magiging maayos na ang lahat. Maipapakita na niya sa mga magulang na may mararating siya sa buhay higit pa sa inaakala nila.

    ––––––––––––––––––––––––––––––––––

    

Don Alfonso’s Residence

      

Pinapaliwanag ni Luke sa kanyang mga magulang na kausap niya ngayon sa kanyang cellphone ang naging usapan nila ng kanyang kapatid. Alam nilang lahat na hindi sila magkakasundo ng kapatid kahit kailan. Maraming bagay na ang sinubukan ni Luke upang mapalapit sa kanyang kapatid ngunit patuloy lang itong lumalayo sa kanya.

     Sinuguro niya sa mga ito na maayos ito at tatawagan sila kapag tumawag sa kanya si Jacob.

     “Everything okay? Parang may problema ka ’ata sa bahay?” tanong ng matandang Del Mundo habang inaayos ang kanyang damit sa loob ng kotse.

    May pupuntahan silang importanteng tao para sa regalo ng matanda sa kanyang apo sa kaarawan nito.

      “Opo, Don Alfonso. Ayos lang sila. ’Yung kapatid ko po kasi bigla nalang umalis doon sa amin at nalaman ko na nandito na siya ngayon sa Maynila.”

      “The Prodigal Son? Parang mahirap paamuhin ang kapatid mong ’yun. Alam ko ang pakiramdam dahil may kapatid din akong mas nakababata sa akin. Hindi kami kailanman nagkasundo. Pinili niyang mamuhay ng simple kahit na binigay ko na sa kanya lahat ng gusto niya. May mga taong mahirap maunawaan kung ano ba talaga ang gusto nilang patunayan sa buhay.”

     Tumango nalang si Luke bilang pagsang-ayon sa matanda. Nagmaneho na siya at linakbay nila ang kanilang destinasyon.

     Habang nasa biyahe ay hindi naman napigilan ni Luke na tanungin ang matanda tungkol sa bagay na matagal na niyang gustong malaman.

     “Don Alfonso.. Pwede po ba akong magtanong tungkol sa daddy ni Sir Winchester? Bakit hindi ko po kayo nakikitang magkasama o magkausap manlang?”

     Hindi agad nakasagot ang matanda sa sagot ng binatang driver niya. Napasulyap siya sa labas ng salamin ng kotse at suminghap ng hangin.

     “We never treated each other as father and son eversince Athena died. Ayokong pag-usapan pa ang bagay na ’yun. And we have to keep it that way.”

    Hindi na muling nagsalita pa si Luke dahil alam niyang mabigat ang paksang iyon para sa matanda. Alam niyang may mas malalim pang dahilan kung bakit hindi magawang kausapin manlang ng matanda ang kanyang sariling anak.

     Matapos ang kanilang pakay ay naisip ni Don Alfonso na dalhin si Luke sa isang Men’s Boutique. Gusto niya itong bilhan ng magandang suit na susuutin nito para sa birthday ng kanyang apo.

   Nagulat naman si Luke sa ginawa ng matanda para sa kanya. Pinasukat sa kanya ang mga suit and tie maging tuxedo na makikita nito at wala naman siyang nagawa kundi sundin ito.

    Sa bandang huli isang kulay pulang suit ang napili niya at binili iyon ng matanda para sa kanya.

    “Pero Don Alfonso, ang mahal po nito? Hindi ko po ’to matatanggap.”

    “You don’t have to. Gusto kong maayos kang aattend sa birthday ng apo ko. Marami kang pwedeng makaharap doon. Oportunidad na rin para mapalawak mo ang koneksiyon mo?”

    Napangiti lang si Luke at tinanggap ang binigay sa kanya ng matanda. Mula nang siya ay magtrabaho dito ay para na rin siyang tinuring na anak nito. Maayos ang pakikitungo at pagdadala ng matanda sa kanya. Minsan pa nga ay tinatawag siya nitong apo.

    Hindi niya tuloy maiwasang isipin na may alam na ito tungkol sa pagkatao ni Winchester. At boto ito para sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti habang iniisip ang bagay na iyon.

   

Itutuloy…

◇Chapter XII◇

Del Mundo Mansion

 

    

Nagsisidatingan na ang mga bisita sa malaking mansion ng pinakamayamang pamilya sa buong bansa. Mga negosyante, artista, government officials at mga taong may kinalaman sa buhay ng taong magdidiwang ng kanyang kaarawan sa gabing iyon.

    Nakamasid ang binata sa veranda ng kanyang silid at maliwanag ang buong lawn ng mansion. Ang mga dekorasyon ay naayon sa kanyang kagustuhan at ang mga mesa ay nakaakma na sa mga taong nararapat na umupo dito. Ang mga bisita ay nagkakamayan at nagbebeso. Minamasdan lang ng binata ang mga ito mula sa malayo.

    Biglang tumunog ang kanyang cellphone at agad niya itong binunot sa bulsa ng kanyang coat. Isang puro itim na tuxedo ang suot ng binata na may nakalagay na brooch sa kaliwang dibdib niya. Para siyang isang anghel ngunit ang linalabas niyang aura ay may kasalimuotan.

    “ Sir.. We have him now. The van is arriving in fifteen minutes.“ tugon ng lalaking nasa kabilang linya. Napangisi ang binata at linahad dito ang dapt nitong gawin sa special na taong hawak nila.

    “Make sure you go through the secret entrance, I’ll be waiting for his arrival.”

     Binaba ng binata ang tawag at lumagok ng alak na nasa basong hawak niya.

     “ Its showtime..“

      Linapag niya ang baso sa mesa ng kanyang kwarto at nagmamadaling bumaba patungo sa foyer kung saan naghihintay ang mga taong inaasahan niyang naroon. Ang kanyang Lolo Alfonso, Si Lucy, Si Gianna, Si Tony at ang kanyang Ama.. Si Carmelo.

     Nakangiti siyang bumaba at yinakap ang kanyang lolo. Maraming mata ang nakatitig sa mala anghel na binata. Ang mga maids ng mansion ay hindi maiwasang pamulahan nang ngumiti sa kanila ang kanilang amo.

    “Happy Birthday Master Winchester.” sabay sabay na bati ng mga ito sa kanya.

     “Thank you everyone.. And please enjoy the party.” masayang tugon ni Winchester sa mga ito.

     Muling hinarap ni Winchester ang kanyang lolo at tinapik nito ang kanyang balikat. At may inabot ito sa kanya mula sa kanyang bulsa.

     “Happy Birthday my precious boy.. You are making me proud with all the things you are accomplishing for DLM. And this is just a small gift from me.”

     Isang susi na kinalako ng mata ni Winchester. Susi iyon ng yate. Hindi niya akalain na ibibigay na ito sa kanya ng kanyang lolo sa wakas.

     “Before you say anything, I am giving you “Aquarius” because you deserve it.“

    Niyakap muli ni Winchester ang kanyang lolo.

     “Thank you, lolo. I’ve been wanting to get Aquarius for myself and you made it come true.”

      Napangiti ang matanda at naglakad na papunta sa lawn at kinausap ang mga kaibigan nito. Habang naiwan si Winchester at ang kanyang kinalakihang pamilya.

     Linapitan siya ni Gianna at binigyan siya nito ng isang maliit na box. Binuksan niya ito at isang mamahaling relo ang nasa loob nito.

     “It’s a Limited Edition Royal Rouser. I was lucky to get one for you. Happy Birthday Kuya.”

     Ngumiti si Winchester ngunit sa kalooban niya ay galit ang nararamdaman niya para sa mga taong niloko siya. Ngunit hindi niya gustong madamay si Gianna sa lahat ng ito. Alam niyang hindi din alam ni Gianna ang totoong pagkatao nito.

     Umalis na rin si Gianna upang puntahan ang mga kaibigan nito at si Bobby na boyfriend niya.

     Naglakad palapit sa kanya si Lucy at ngumiti lang ito sa kanya sabay bati sa kanya.

     “Happy Birthday my dear son.. I hope you are enjoying already.”

      “Oh yes.. I am gonna enjoy this night, stepmother.” nakakalokong sagot ni Winchester sa kanyang madrasta.

      Kita sa mukha ni Lucy ang takot at pangamba sa posibleng gawin ni Winchester sa gabing ito. Wala siyang alam sa plinaplano nito.

      Umalis sa harapan ni Winchester si Lucy at pumunta sa lawn at kumuha ng inuman mula sa mga waiter na naglilibot.

     At ang huling nakaharap ni Winchester ay ang kanyang ama. Sinubukan siya nitong yakapain ngunit lumayo siya dito.

      “Stop the act, Dad. You already know what I need from you. And I hope this time, you will make things right just for once in your messed up life.”

      Hindi na niya hinintay pang magsalita si Carmelo at umalis na ng foyer patungo sa lawn upang makaharap ang kanyang mga bisita. Nagpapalakpakan ang mga taong naroon at nagchecheers ang mga ito para sa kanya.

      Minasdan lang ni Carmelo ang kanyang anak sa foyer at nagulat na lamang siya nang biglang may sumulpot na lalaking hindi niya inaasahan na pupunta sa lugar na iyon.       Nakasuot din ito ng suit and tie at nakangiti ito habang naglalakad papunta sa kanya.

      “Alco?! What the hell are you doing here?”

      Ngumiti lang si Alco habang minamasdan niya ang buong paligid. Ang mansion na matagal na niyang ginustong matuntungan manlang.

      “Well your son invited me.. So I came. Nakakahiya naman kapag hindi ko paunlakan ang imbitasyon ng nag-iisa mong anak.”

       “If you want to make a scene here, huwag mo nang subukan pa. Masiyado nang malaking kahihiyan ang ibibigay mo.”

     Natawa ng mahina si Alco at tinutukan ng mariin ang lalaking minsan ay minahal niya ng sobra ngunit binigo lamang siya.

     “Why would I feel ashamed for showing up in a party? Everything is destroyed because of your stupidity anyway. Might as well join the crash down? Right, Baby?”

       Naglakad si Alco papunta sa lawn at naiwan si Carmelo na kinakabahan. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa gabing ito.

    —————————————————————–        Pinipilit ni Luke na maging komportable sa kanyang suot na pulang suit and tie. Nasa isang mesa siya na malapit kay Don Alfonso na abala sa pakikipagusap sa mga bisita ni Winchester.

    Namalayan na lamang niya na may lumapit na sa kanyang isang maganda at eleganteng babae na may hawak na champagne glass.

     “Hey? Can I join you?” tanong ng babae kay Luke at hindi naman niya napigilan na tumango at tumabi ang babae sa kanya.

      “Are you related to the Del Mundo’s? You seem close to Don Alfonso. I can’t help but watch you from afar earlier.”

      “Ah— Ano.. Personal driver ako ni Don Alfonso.”

     Tumango ang babae at linahad niya ang kamay nito sa binatang nakabihag ng kanyang mga mata.

    “I’m Chloe.. What’s your name?”

    “Ah— Luke..” nanginginig ang kamay ni Luke habang nilalahad niya ito sa babaeng kaharap niya ngayon.

     Hindi maitatanggi ang kagandahan nito at para itong modelo ng gatas dahil sa kaputian nito. Walang kahit anong kapintasang makikita sa mukha nito maging sa pagdadala nito sa kanyang sarili.

    Sa isang banda ay hinahanap ni Winchester ang binatang inaasahan niyang naroon sa mga sandaling iyon. At nang makita niya ito ay hindi niya inaasahan na nakangiti ito habang may kausap na isang babae.

     Masaya ang usapan ng dalawa sa kanyang hinuha at hindi niya mapigilang makaramdam ng pagbigat sa kanyang damdamin. Alam niyang  pinapalayo niya ito sa kanya at ayaw niyang makaramdam ng kahit ano para dito pero ang puso niya mismo ang nakakaramdam ng pagkainis dito. Nagseselos ba siya?

     “Hey, you?! Happy Birthday.” bati ng isang malalim na boses mula sa kanyang likuran at napaharap naman dito si Winchester.

    Maya hawak na dalawang champagne glass ang gwapong lalaki na kaharap niya ngayon. Inabot nito ang isa sa kanya at nagcheers silang dalawa.

    “Thank you, Taron.. Sorry I had no time to catch up with you. I was so busy with a lot of things.”

    “Its okay.. And you need not to worry about anything anyway. Wala ka nang magiging problema kay Devie.”

     Napalukot ang noo ni Winchester sa huling sinabi ni Taron sa kanya.

     “Devie knows nothing about you and whatever it is that you are hiding. It was like she was testing you. But she has nothing against you. I think it was more of teenage tantrums she had.”

     “I’m relieved but I feel guilty that I involved you with this. Wala din palang silbi ang pagpapagawa ko sa iyo ng bagay na ’yun.”

     Si Taron naman ang nagulat sa sinabi ni Winchester sa kanya. Hinintay niya na magsalita ito.

      “I found out everything about my mother’s death. And I hope you are ready for a big bomb tonight.”

     Tumango lang si Taron at hindi niya napigilang tapikin ang balikat nito.

     “I’m sure whatever it is, its for Tita Athena’s death to be served the rightful justice.”

      Gusto man niyang manatili ay naglakad si Winchester papunta sa gitna ng stage kung saan nagsasalita ang host ng kanyang birthday party.

    Siguro iyon na ang tamang pagkakataon para isiwalat niya ang pasabog niya sa gabing iyon.

     Kinuha niya ang mic mula sa host at nagpalakpakan ang mga tao sa ibibigay niyang speech sa gabing iyon.

    “Thank you… Thank you everyone for making my birthday a special one. I’ve always been privileged to bear the Del Mundo name. But its not all the luxury and pleasure of life that I have in my plate. As you all know, My mother.. Athena Del Mundo, passed away when I was just fifteen years old. The night that she died was the most painful night of my life. I— I lost everything when I lost my mom.”

    Hindi na napigilan ni Winchester na maluha habang binabanggit niya ang pangalan ng kanyang ina.

      “My mother was the most wonderful woman. She given up her passion to make sure I grow up into a man that I am expected to be. She beared all the responsibility of being a parent to me. And I will always be grateful for that. And this night is not about me, but for my mother. Because after 11 years, I finally found the truth about her death.”

     Nagkatinginan ang mga bisitang naroon na para bang hindi nila maunawaan ang sinasabi ng tagapagmana ng mga Del Mundo.

      Si Don Alfonso naman ay nanginginig ang kamay habang pinanonood ang apo at narinig ang mga huling sinabi nito.

     Si Carmelo naman ay pinipilit na maging kalmado kahit alam niyang ito na ang oras na kinatatakutan niya.

     At si Lucy naman ay hindi na mapalagay na pinagtatakhan ng kanyang mga kaibigan. Para ba itong may kinatatakutan.

     “Lucy? Are you alright? You are freaking out..”

     Tumango lang si Lucy sa kanyang kaibigan at pinilit na ngumiti dito. Para na siyang baliw sa kakaisip sa kung anong susunod na sasabihin ni Winchester.

    “I requested for a retrial on my mother’s case and the court approved my petition. I have enough evidences to prove the guilt of the real culprit.”

     Dumilim ang paligid at agad namang bumukas ang spotlight at may isang lalaking naglakad papunta sa gitna nito.

     Nanlaki ang mata ni Carmelo, Alco at Lucy sa kanilang nakitang tao na nakatayo sa entablado ngayon.

     “Magandang gabi sa inyong lahat.. Marahil karamihan sa inyo ngayon ay hindi ako kilala. Pero sa ibang tao na narito ay kilalang kilala jila ako. Ako po si Jerry Orbus. At narito ako upang handugan ng isang regalo si Winchester Del Mundo. Bilang kaibigan ng kanyang namayapang ina ay narito ako upang ilahad lahat ng aking nalalaman.”

    Lumakas ang bulungan sa paligid at naglakad si Carmelo papalapit sa entablado. Hindi niya akalain na buhay pa pala ang taong kaharap niya ngayon.

     “Nasaksihan ko po ang lahat ng nangyari sa gabing pinatay si Athena Del Mundo sa loob ng kanyang apartment.”

     Napakuyom ng kanyang kamao si Carmelo at sinugod si Jerry sa taas ng entablado.

    Nagkagulo na ang mga tao dahil sa ginawa ni Carmelo. Nakahiga si Jerry sa sahig at pinipilit na labanan ang pagpapaulan ni Carmelo sa kanya ng suntok.

     Hindi maintindihan ni Alfonso ang mga nangyayari at unti-unti siyang naglakad palapit sa entablado.

     Ang mga bodyguards ni Winchester ang umawat kay Carmelo at Jerry habang walang emosiyon lang silang pinagmamasdan ng binata.

     “Hayop ka! Ikaw pala ang dahilan ng lahat ng ito! Dapat pala sinuguro kong patay ka na noong gabing ’yun.”

     Napangiwi si Jerry sa sakit ng suntok na ginawad sa kanya ni Carmelo ngunit hindi siya natakot na harapin ito.

    “Ganun ka ba talaga kadesperado para patayin si Athena. Hindi mo ba naisip na hahantong sa ganito ang lahat? Nagpapasalamat ako at nabuhay ako mula sa balang ipinutok mo sa akin. Ngayon, pagbabayaran mo na lahat ng ginawa mo.”

    “Anong ginawa mo Carmelo? Sabihin mo sa akin ngayon din!”

     Ang sigaw ni Don Alfonso ay nagpahinto sa lahat ng taong naroon. Iilan na lamang ang naroon dahil pinaalis na ng mga guwardiya ang mga bisita sa gabing iyon.        “Dad.. Hindi ko sinasadya ang lahat.” naluluhang saad ni Carmelo sa kanyang ama.

     Kwinelyuhan ng matanda ang kanyang anak at kita sa mukha nito ang labis na galit.

      “Ikaw— Ikaw ang pumatay kay Athena?”

     Tumango si Carmelo at isang malakas na suntok ang natikman niya mula sa kanyang ama. Parang nadudurog ang puso ng matanda sa rebelasyong kanyang nalaman.

     “You son of a bitch!! Paano mo nagawa iyon kay Athena!? Ano ang dahilan mo para patayin siya?”

      “Because he likes men, Lolo. Mas mahal niya ang lalaki niya kesa kay Mommy. Hindi niya makuha ang gusto niya kaya pinatay niya si Mommy.”

     Mas lalong nagliyab ang galit ng matanda na naging dahilan upang sumakit ang dibdib nito.

     Napaluhod ito at agad naman siyang sinalo ni Winchester.

      “Lolo? Are you alright? We need to take you to the hospital.”

      Umiling ang matanda at tumayo upang harapin muli ang kanyang anak.

      “Don’t act like you have nothing to hide, Dad.. You and I both know what you have been hiding to the world all this time!”

      Napangisi ang matandang Del Mundo sa paghahamon ng kanyang anak sa kanya.

      “You don’t deserve my name, Carmelo. You are a disgrace to this family. Mabubulok ka sa kulungan sa lahat ng ginawa mo.”

       Napuno nanaman ng mag katanungan sa isipan ni Winchester matapos niyang marinig ang mga sinabi ng kanyang ama sa kanyang lolo.

     “I will not go to jail without Winchester knowing about the whole truth!”

     “Subukan mo, Carmelo. Or I will kill you right now!”

   

Itutuloy…

☆Chapter XIII☆

Maraming katanungan ang umuusbong sa isipan ni Winchester sa mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung parte lamg ba ito ng retaliation ng kanyang ama o meron talagang tinatagong katotohanan sa kanya ang kanyang lolo.

     “You really have no guts to tell Winchester the truth about his birth, don’t you? Parehas lang tayo Dad.. Pareho nating niloko ang mga taong nakapalibot sa atin. And for what? Just to make sure you will remain in control? Lahat ng ginawa mo para kontrolin ang buhay ko?”

     “Because you were the only one I have? I always do what was best for you. And you turned out to be this ingrate murderer who has no guilt for what he did. Hindi kita pinalaki para maging mamatay tao, Carmelo.”

    Natawa si Carmelo habang naluluha. Pinaling niya ang kanyang ulo at linapitan si Winchester. Hindi naman pumalag pa si Win sa ginagawa sa kanya ng kanyang ama.

      “Win— Listen to me.. You have to know the truth. Tama na ang lahat ng kasinungalingan. Ayokong pati ikaw ay paikutin ng matandang kinilala mong lolo.”

      “Carmelo! I’m warning you right now..”

      “Let him talk, lolo. Once and for all, I will let my father talk his heart out.”

     Napayuko ang ulo ni Carmelo at humagulhol ito ng iyak. Nasasaktan din si Winchester sa pinapakita ngayon ng kanyang ama. Hindi niya maintindihan kung bakit parang napakalaking bagay ang malalaman niya mula dito.

      “You see.. When I married Athena, she was already pregnant. Pinatest ko ang blood sample mo when you were born. Malaki ang hinala ko na hindi kita anak. Because how can Athena be pregnant when we haven’t had sex before we got married.”

     Nanginig ang mga kamay ni Winchester at napatingin sa direksyon ng kanyang lolo na ngayon ay natutulala din at pinanlalakihan ng kanyang mata.

     “Stop whatever nonsense your saying, Camelo!”

      Ngunit hindi na pinakinggan ang matanda ng kanyang anak. Tiningnan ni Carmelo si Winchester sa mga mata nito.

      “The paternity test turned out to be negative. I was not your father. And I run another test. And this time, it was your grandfather’s sample.”

     Napasinghap si Winchester maging ang mga taong nakapaligi doon.

     Si Lucy at Gianna ay parang naeestatwa sa mga sinasabi ni Carmelo kay Winchester. Wala silang alam sa bagay na ito.

    Maging si Luke na nasa tabi ni Don Alfonso ngayon ay hindi makapaniwala sa mga naririnig niya mula kay Carmelo. Minamasdan niya ang reaksiyon ng lalaking mahal niya at hindi niya mapigilang makaramdam ng awa dito.

     Parang guguho na ang mundo nito sa araw mismo na dapat ito ay nagdiriwang.

     “And what—What happened Dad!! Sabihin mo sa’kin! Please cut the crap now!”

     Napatingin si Carmelo sa matanda at alam niyang ito na ang ganti na matagal na niyang gustong ibigay dito.

     “Your grandfather.. is your real father.”

     Nanlaki ang mata ng lahat ng naroon. Nanlalambot ang tuhod ni Winchester nang marinig niya ang huling sinabi ng kanyang ama. Ang kinilala niyang ama.

     “Is that true? Lolo? Totoo ba ang sinasabi ni Daddy!?”        Naglakad si Winchester palapit sa matanda at kita niya ang panlalaki ng mga mata nito. Para itong inuntog ng isang malaking bato sa ulo at hindi agad nakasagot sa kanyang tanong.

     “Your grandfather was obssesed with Athena. Athena had this episode of drinking when we were just getting to know each other. Hinatid ko siya sa kanyang apartment one night. And to my surprise, your grandfather was following us. May motibo ang lolo mo noon pa man. Hinintay niya akong makaalis sa apartment ni Athena, and he made his hideous plans towards your mother.”

     Napapailing si Don Alfonso sa mga sinasabi ni Carmelo kay Winchester. Habang si Winchester naman ay parang mababaliw na sa kaiisip kung ano ba talaga ang totoo.

      “He raped Athena. But Athena never knew about it. She was so drunk that night. She can’t remember anything the next day.”

     Napakuyom ang kamao ni Winchester. Lahat ng nalalaman niya sa buhay niya. Lahat ng dinaanan niya ay puro kasinungalingan. Ang sarili niyang pamilya ag ang mismong sisira sa sarili niyang buhay.

     “Is that true, Lolo? Totoo ba ang lahat? Ha!?” sigaw ni Winchester sa matanda na hindi na rin napigilang lumuha at mapaluhod sa harapan ng binata.

     “I’m— I’m sorry.. I’m so sorry Winchester.”

     Napasigaw si Winchester at para bang pinupunit ang puso niya sa mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Parang may kung anong demonyo ang sumanib sa kanya at nagawa niyang tumakbo ng mabilis papalayo sa lugar na iyon.

     Hindi siya makahinga at pinipilit niyang makarating sa garahe ng mga kotse.

     Samantalang si Luke naman ay hindi nagdalawang isip na sundan si Winchester. Alam niyang hindi nito kinakaya ang lahat ng mga nalaman niya dahil maging siya ay hindi pa rin makapaniwala sa lahat ng mga nalaman niya.

     Mabilis niyang tinakbo ang lugar na pupuntahan ni Winchester. Naabutan pa niya itong pinapaharurot ang kotse nito at hindi na siya nagatubili pang sumakay na rin sa kotse ng kanyang amo at sinundan niya ang lalaking alam niyang kailangan siya ngayon. Hindi niya hahayaan na mapahamak ito.

     ––––––––––––––––––––––––––––––––

    Hindi alam ni Winchester kung anong lugar ang napuntahan niya pero isa itong tahimik na parke at sa mga oras na iyon ay wala nang tao. Lumabas siya ng kanyang kotse at naglakad patungo sa gitna ng parke upang umupo sa madamong bahagi nito.

     Pinipilit niyang huwag lumuha ngunit kusang umaagos ang mga ito sa mata niya. Hindi niya pa rin mapaniwalaan ang lahat ng nangyari. Para siyang nasa loob ng isang bangungot.

     “Win! Winchester!” tawag ng isang boses sa kanya at alam niya kung sino ang pinanggagalingan nito.

     Napalingon siya at tumatakbo ito palapit sa kanya. Hindi na siya tumayo pa at wala na siyang lakas para gawin pa ang bagay na ’yun.

    “Ayos ka lang ba? Hindi ko alam kung dapat ba kitang kausapin ngayon. Nag-aalala lang ako sa’yo.”

    “Everything I know about my life was a lie.. Alam mo ba kung gaano kasakit ’yun, Luke? Ang pamilya ko? Ang pamilya ko mismo ang patuloy na nagsisinungaling sa akin?”

    Hinawakan ni Luke ang kamay ni Winchester ngunit tinabig ito ng binata.

     “Alam mo, noong kinse anyos ako.. Nalaman ko sa mga magulang ko na ampon lang ako. Nakita lang ako ni Papa sa labas ng isang simbahan noong nagpasya siyang magsimba. Alam mo ba kung gaano ako nasaktan noon? Kwinestiyon ko rin ang buong pagkatao ko.”

    Napatingin si Winchester sa lalaking katabi niya ngayon. Linalahad sa kanya ang sariling karanasan ng kasinungalingan.

     “Alam ko naman na hindi nila ako tunay na anak. Pero pinalaki pa rin nila ako. Binihisan. Pinakain. Pinag-aral. Iyon ang mahalaga para sa akin. Hindi ako kailanman nagtanim ng galit sa kanila.”

    “We have different situations, Luke. Ikaw ampon ka. But I was fooled by my own grandfather. And he turned out to be my real father? Hindi ba nakakatawa? Para akong ginawang laruan nilang lahat? Pinaikot nila ako. Para ano? Para sa pansarili nilang mga interes? They made me a tool, Luke.”

    Sa isa pang pagkakataon, ginagap ni Luke ang kamay ni Winchester at sa pagkakataong iyon ay hindi na ito pumalag sa kanya.

   Inilapit niya ang katawan niya dito at sinandal niya ang ulo nito sa matipuno niyang dibdib.

    “Iiyak mo lang ’yan.. Alam kong masakit. Pero huwag mong saktan ang sarili mo at ang ibang tao dahil nasasaktan ka. Hindi mo alam na mas doble ang sakit na nararamdaman nila kapag nakikita ka nilang ganyan.”

    “No one ever cared how I feel, Luke. Walang sinuman ang may pakialam sa nararamdaman ko. The only person that trully cared for me was my mother.”

    Umiling si Luke at napangiti sa sinabi ng binatang nakasandal sa kanyang dibdib.

     “Nandito ako.. Makikinig ako sa’yo at sasamahan kita. May pakialam ako sa nararamdaman mo dahil mahal kita.”

     Napasinghap si Winchester at napatingala sa binatang nasa tabi niya ngayon. Ang tanging tao na nakita ang sakit na pinagdaraanan niya.

    Hindi na niya napigilan ang sarili at kinabig niya ang mukha nito palapit sa kanya. At hindi naman nagpapigil pa si Luke sa paglapat niya sa labi niya sa mga labi ng binatang minamahal niya.

    Banayad ang halik nila na mas lalong sumidhi katagalan. Hindi alam ni Winchester ang nararamdaman niya. Para siyang sinisilaban sa init ng mga halik na pinagsasaluhan nila ni Luke. Maging si Luke ay parang nakalutang at hindi mapigil ang sarili sa kanilang ginagawa.

    Huhubarin na sana ni Winchester ang kanyang suot na suit ngunit pinigilan siya ni Luke.

     “Hindi ito ang tamang oras para sa bagay na ’yan, Win.. Umuwi na tayo at alam kong nag-aalala na silang lahat sa’yo.”

     Napalayo si Win kay Luke at inayos niya ang nagulo niyang damit.

      “You can go back, Luke.. Hindi ko pa kayang bumalik sa bahay na ’yun. Matapos lahat ng aking nalaman?”

    Tumayo si Winchester at naglakad pabalik sa kanyang kotse at hinabol naman siya ni Luke.

     “Saan ka naman pupunta? Ihahatid na kita.”

     “Please, Luke.. Just go back.. I can take care of myself.”

     “Dahil ba ’to sa hindi natin tinuloy ang ginagawa natin?” biglang tanong ni Luke na kinapula naman ng pisngi ni Winchester.

     “Stop being nosy, Luke.. At walang kinalaman ang gagawin ko sa hindi natuloy na ginagawa natin. Whatever you call it.”

     Napangiti si Luke at alam niyang kahit papano ay napagaan na niya ang loob ng lalaking mahal niya.

     “Saan ka nga kasi pupunta? Sabi ko sa’yo sasamahan kita di’ba?”

     “Pupunta ako sa sementeryo.. Dadalawin ko si Mommy.”

     Pinanlakihan naman si Luke sa narinig niya mula kay Winchester.

     “Ganitong oras pupunta ka sa sementeryo? Hindi ka ba natatakot sa multo?”

     “The only person scarier than ghost are the people in that mansion. Kaya mas gugustuhin ko pang makasama ang mga multo kesa umuwi doon. Dad will be issued warrant tonight anyway. Ayokong makita ang pagmumukha niya habang dinadala siya ng mga pulis.”

     Tumango lang si Luke kay Winchester at ang huli naman ay naghihintay na pumasok sa kotse niya ang binata.

     “Ano? Hindi ka ba papasok sa kotse?”

    “Ah— Eh pano yung kotse ni Don Alfonso?”

    Napailing nalang si Win at may tinawagang tao at sumenyas kay Luke na pumasok na sa kotse. Agad naman itong tumalima at umupo sa tabi ni Winchester.

     Tahimik lamang ang dalawa habang nilalakbay ang daan patungo sa memorial park na pinaglibingan kay Athena.

    “Alam mo.. Hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa iyon ni Don Alfonso. Napakabait niyang tao.”

   “Don’t say that, Luke. Ngayon alam mo na kung anong tunay na kulay niya. I don’t even know if I will call him Dad or Lolo. Hindi ko alam kung tinago din ni Mommy sa akin ang katotohanan.”

    Napapailing nalang si Luke habang pinapakinggan si Winchester.

    “Tama nga sinabi ni Mama.. Napakasalimuot ng buhay ng mayayamang pamilya. Ngayon ko na napatunayan na totoo ’yun.”

     “Paano kung mayaman din pala ang pamilya mo? Would you still feel the same?”

    Tumango lang si Luke sa sinabi ni Win. Tinitingnan niya kung kalmado na ba ang binata at sa tingin niya naman ay napakalma na niya ito.

     “Kung mayaman man ang pamilya ko, hindi ko hahabulin ang kayamanan na meron sila. Gusto ko lang malaman kung bakit nila ako pinabayaan. At aalis ako doon. Mas gusto ko pa rin mabuhay ng simple lang. Iyon ang nakasanayan ko.”

     “This just given me more reason to hold on to the power that I have. Babaguhin ko ang pananaw ng mga tao tungkol sa isang Del Mundo. Itatama ko lahat ng naging pagkakamali ni Daddy.. At ng totoo kong ama.”

    Narating ni Luke at Winchester and himalayan ni Athena at muling bumuhos ang luha ng binatang Del Mundo.

    “Mommy— I finally figured out everything. Sinabi na sa akin ni Daddy ang lahat. I know you tried to hide everything just to make sure that I will be safe. Masakit man sa akin but it is the truth. Wala kang naging kasalanan. They used you. They all used you, Mom. At pagbabayarin ko silang lahat sa mga ginawa nila sa’yo. All of them.”

    Pinakikinggan lang ni Luke ang sinasabi ni Winchester at alam niyang nilalamon pa rin ito ng galit niya sa mga nalaman nitong katotohanan. Ngunit sa isip niya, hindi niya iiwanan si Winchester dahil ayaw niya itong masadlak sa kalungkutan at paghihiganti.

    “ Gabayan niyo po sana ang anak niyo, Maam Athena. Huwag niyong hayaan na lamunin siya ng galit. Alam kong mabuti ang puso niya. At pinapangako ko pong mananatili ako sa kanyang tabi“

     Ang buhay ni Winchester ay nabago sa gabi ng kanyang kaarawan. Ngunit alam niyang simula pa lamang iyon ng mas malaking giyera na haharapin niya.

  

Itutuloy…

☆☆Chapter XIV☆☆

Le Château Building

    

Sunod sunod na katok ang narinig ni Jacob mula sa pinto ng unit na pansamantala niyang tinutuluyan. Inayos niya ang mga gamit na pinaglutuan niya ng kanyang pagkain sa gabing iyon bago niya buksan ang pinto.

     Napangiti naman siya nang makita niya ang taong nasa pintuan. Si Taron iyon at mukhang nakainom na ito sa kanyang hinuha.

     “Taron— Ahh ano, kakatapos ko lang magluto.  Gusto mo bang sabayan ako sa pagkain.”

     Ngumiti si Taron at pumasok sa loob ng kanyang condominium. Naamoy niya naman ang linutong ulam ni Jacob at hindi niya napigilang pumunta ng kusina.

    “Wow– That smells good. Marunong ka palang magluto?”

     Sumunod naman si Jacob sa kusina at nakita humihigop na ng sabaw ng tinolang manok na niluto niya si Taron.

     “Ano– Nanonood kasi ako palagi sa Mama ko kapag nagluluto siya. Tapos sinubukan ko lang gawin ngayon kasi wala naman na akong ibang  aasahan kundi sarili ko. Hindi ko din alam kung anong lasa niyan.”

     “Its good actually.. This will sober me up.” nakangiting sabi ni Taron bago humigop ulit ng sabaw.

     “Pasensiya na kung nakialam na ako sa mga gamit dito. Tsaka hindi naman ako magtatagal dito. Nakahanap na ako ng trabaho at nakapasa sa mga interview. Mga requirements nalang at ibang mahahalagang papel ang aasikasuhin ko. Makakapasok na ako.”

     Napatango si Taron at muling humigop sa sabaw ng tinolang manok ni Jacob.

     “You can stay here for as long as you want. And I am happy that you found a job right away.”

     Lumapit naman si Jacob sa mesa at umupo sa harapan ni Taron na wiling wili sa paghigop ng sabaw ng niluto niya.

    “Bakit ba ang bait mo sa’kin? Hindi mo pa nga ako kilala pero bakit ang bilis mong magtiwala?”

     Napatigil si Taron at linapag niya ang kutsarang hawak niya at napatitig kay Jacob.

     “I don’t know. Kailangan bang may dahilan para maging mabait ako sa’yo?”

     “Hindi mo manlang ba aalamin kung saan ako galing? Anong klaseng pamilya meron ako? Anong nakaraan sa buhay ko?”

     Umiling si Taron at napangiti sa sunod-sunod na tanong sa kanya ni Jacob.

     “You know.. After what I just witnessed tonight, parang wala na talagang mapagkakatiwalaang tao. Every person has their own deep secret that no one wants to know. At kung masama ka talagang tao, you would have robbed this place and disappear without any trace.”

      “Umalis ako sa amin kasi nakipagrelasyon ako sa asawa ng amo ko sa aking pinapasukang OJT.”

     Napalukot ang noo ni Taron sa narinig niya mula kay Jacob. Handa si Jacob na ilahad sa bagong kaibigan ang katotohanan sa buhay niya.

      “Para sa pera kaya pinasok ko ang bagay na ’yun. Ayoko nang manatili sa lugar namin. Gusto kong may mapatunayan sa pamilya ko. Sa mga magulang ko. Para makita nila na kaya kong umangat sa buhay na hindi nila ako kinokompara kahit kanino.”

     “Yeah— We all have our own struggles. But its tiring you know? Patunayan mo ang sarili mo para sa ano? Para sa pride? Our crushed ego?”

    Hindi naman nakasagot si Jacob at nanatiling nakatingin lang kay Taron. Ilalapit na sana nito ang kamay nito sa kanya pero nilayo niya ang mga ito. Nakaramdam naman ng pagkahiya si Taron sa kanyang ginawa.

     “Anyway, I just came by to check on you. Aalis na rin ako. I have too much to think of tonight.”

     “Hindi ka ba kakain? Sabayan mo na ako..”

    Umiling lang si Taron at tumayo na sa kanyang upuan para magpaalam. Nakaramdam si Jacob na parang may tinatago si Taron na hindi niya maintindihan.

     “Don’t try proving yourself for someone. It will just drive them away from you. Gawin mo ang mga bagay dahil iyon ang magpapabago sa sarili mo.”

    Tuluyang umalis si Taron sa kanyang condo unit at naiwan si Jacob na napapaisip sa huling sinabi ng binata.

    ––––––––––––––––––––––––––––––––

 

    Del Mundo Mansion

     

“Did you know anything about this Mommy? This is crazy? Si Lolo? Si Daddy..”

     Pinakalma ni Lucy ang anak habang nasa loob sila ng silid nito. Pero pinalayo lang siya nito at muling naglakad sa loob ng kwarto na parang nawawala sa sarili niya.

     “Gianna! Get yourself together. Wala akong alam sa mga sinabi ng Daddy mo. I was shocked.”

     “Huh?! Shocked? Magsisinungaling ka pa talaga sa akin Mommy? Kaya pala ang layo ng loob sa akin ni Daddy pati na ni Kuya. Because I am not a part of this family. Buong buhay ko pinaniwala niyo ako na isa akong Del Mundo?”

    “Gianna… Listen to me. You will always be a Del Mundo. It was given to you and you have the right to have that name.”

    “That’s bullshit.. I was only your pawn. Alam kong ginagamit mo lang ako para mabahagian ka ng kayamanan ng mga Del Mundo. But sorry to say, you can’t control me anymore now that I already know the truth!”

     Sinampal ni Lucy si Gianna na kinaluha naman ng dalaga. Nanginginig ang kamay ni Lucy nang ibaba niya ito at hawakan ang mga bisig ng anak.

     “I did all of this to secure your future. Ayokong pagdaanan mo ang hirap na dinanas ko. Kaya kahit magpakatanga ako, sabihan nila akong kabit. Sabihin nilang desperada ako. Ginawa ko iyon para sa’yo. Para masiguro kong hindi ka maghihirap. At ngayon sasabihin mo ang lahat ng ’to sa akin?”

    “I never asked for any of this Mommy.. Sa totoo lang sukang suka na ako sa bahay na ito. Hindi ko kailanman naramdaman na may nagmahal sa akin sa loob ng bahay na’to. So I will leave this place. And for what you did, I’m sure Kuya— I mean Uncle Winchester will  put you in jail where you belong.”

     Umalis si Gianna sa harapan ng kanyang ina at naiwan naman si Lucy na pinipigilan ang pagtulo ng kanyang luha.

     Ang lahat ng bagay na binalak niya para sa kanyang anak. Mawawala na iyon dahil sa kagagawan ni Carmelo. Napakuyom ang kanyang mga kamay. Hindi siya pwedeng makulong. Kailangan niyang makalayo kaagad sa bahay na ito. Alam niyang hindi siya titigilan ni Winchester kapag napagtanto na nito ang lahat.

    —————————————————————        Dala ni Gianna ang kanyang maleta pababa ng hagdan samantalang si Lucy naman ay nagmamadali ding magempake ng kanyang mga gamit. Kailangan niyang maisama si Gianna. Hindi niya ito pwedeng iwanan.

     Habang pababa na siya ay naabutan niya si Gianna at pinigilan niya ito.

     “Gianna.. Where are you going?” tanong ni Lucy at hindi naman siya pinansin ni Gianna at patuloy lang ito sa pagbaba ng hagdan hanggang marating nito ang foyer.

    “Gianna! Stop where you are right now!” sigaw ni Lucy na tuluyang nagpatigil kay Gianna.

     “Aalis ako.. And pwede ba? I am a grown woman. I can do everything I want.”

     “Sasama ka sa akin.. I won’t let you go somewhere without me.”

     Biglang nagulat ang mag-ina nang pumasok bigla sa foyer si Winchester. Kita ng dalawa ang lukot nitong noo at napatingin sa mga maletang hawak nila.

    “Trying to get away from me? Para atang nakakita kayo ng multo?”

     Hindi nakapagsalita ang dalawa at ramdam ni Win ang takot ng mga ito sa kanya.

     “Where are you going by the way, my dear sister in law?” nakangising tanong ni Winchester kay Lucy.

     Naglakad siya palapit sa dalawa at sobrang kaba ang nararamdaman ng mag-ina sa mga sandaling iyon.

     “Let us go, Winchester. Lalayo na kami ni Gianna. Total wala na kaming dahilan para manatili pa sa mansion.”

     “Oh— Right.. Kasi ngayon nakakulong na ang asawa mo. Ang tatay ng anak mo. Or is he? I thought he never even touched you once.”

     “That’s enough Winchester.. Hayaan mo na silang umalis!”

    Napalingon si Winchester sa pinanggalingan ng boses.

     Hawak ni Tony si Don Alfonso na nahihirapang huminga dahil sa paninikip ng dibdib nito. Mahina na ang puso ng matanda at hindi nito nakayanan lahat ng mga nangyari ng gabing iyon.

     “Right?! Haha! I never thought kakampihan mo pala si Lucy. Sabagay, pinagtulong tulungan niyo nga ako. You all made me believe with all these lies about who I really was.”

    Linapitan ni Winchester and matanda at hindi niya napigilang hawakan ang mga bisig nito at pisilin ito ng malakas.

     “I looked up to you because I thought you were the only one I can count on. Mas masahol ka pala sa kanilang lahat. I don’t know how I will call you right now actually. Daddy? Lolo? I fucking don’t know.”

     Pinalayo ni Tony si Winchester mula kay Don Alfonso at sinampal niya ito ng malakas.

     “You are speaking to your own father, Winchester. At kahit anong nagawa niya noon, ginawa niya ang lahat upang protektahan ka at pangalagaan ka.”

      Natawa ng malakas si Winchester habang lumuluha sa harapan ni Tony. Yinakap ni Tony si Winchester at napayakap naman si Winchester sa matanda na kinilala niya na ring ama.

     “They all lied to me, Tony.. They all deserve my rage and anger. Pinagkaisahan nila ako.”

     “Hindi ko ginustong itago sa’yo ang katotohanan. I loved you mother, Winchester. Minahal ko si Athena but she choose to love Carmelo over me.”

     Umiling si Winchester sa sinabi sa kanya ng kanyang tunay na ama.

     “That’s why you raped her thinking that she will not get pregnant? And then you realized, I was the fruit of your doing. You raped my mother!”

     “Alam kong hindi mo ako maiintindihan. I can’t ask you to forgive me for what I did to Athena. Pero hindi ko pinagsisihan na ikaw ang naging bunga ng pagmamahal ko para sa kanya.”

    Napaluhod si Winchester at patuloy ang pagluha. Yinakap naman siya lalo ni Tony.

     “What do you really know about love, Alfonso Del Mundo? Even your son can’t even stand how much of a control freak you are. He was suffocating. He wanted freedom. And he killed my mother because he can’t get away from the jail that you put him through. Ikaw ang may kasalanan kung bakit pinatay ni Carmelo si Mommy.”

    Tumayo si Winchester at bumaling sa mag-inang patuloy lang na nanonood sa mga nangyayari.

     “You can go wherever you want, Lucy. But you will not take away Gianna. And if you force yourself on taking her, I will put you in jail.”

    Nagkatinginan naman ang mag-ina sa sinabi ni Winchester. Ang galit sa mga mata nito ay nakakatakot.

    Nagtuloy si Winchester sa kanyang silid at doon niya binuhos lahat ng galit at sama ng loob na nararamdaman niya. Binasag niya lahat ng pwedeng mabasag. Mga vase, glass scultures, mga trophies na napanalunan niya. Nakita niya ang malaking portrait ni Don Alfonso na nasa sentro ng kanyang malaking kwarto at tinitigan niya ito ng matagal. Hindi na niya napansin ang pagdurugo ng kanyang kamay dahil sa pagwahawak niya sa basag na piraso ng vase at hinablot niya ang portrait ni Don Alfonso na gawa sa canvas at pinunit punit niya ito gamit ang piraso ng salamin na hawak niya.

    Para siyang mawawala sa kanyang sarili. Hindi niya alam kung ano pa ang mga sumunod na nangyari dahil nawalan na siya ng malay.

     –––––––––––––––––––––––––––––––

   

DLM Tower

    

“Well, as I expected.. Marami talagang bahong tinatago ang mga Del Mundo. I just had to make their heir do what he needs to do and voila, everything was like a domino in effect.” saad ni Achilles habang umiinom sa kanyang baso na may lamang alak.

   Nasa harapan niya si Atty. Rome Avialles. Ang pinagkakatiwalaan nitong tao higit kanino pa man.

    “I just had to give that investigator the things that he needed. The real case files hidden by the police.” saad ni Rome sa lalaking nakatayo sa harapan niya ngayon.

     “How did you even manage to find that? What did you do?” nakangiting tanong ni Achilles sa kanyang abogado.

     “Aki? You know what I’m capable of. Anything that you want me to do. I will do it.”

    Linapitan ni Achilles si Rome at umupo ito sa tabi nito. Nagkatitigan ang dalawa at hindi nagatubiling sinakmal ni Achilles ang abogado na hindi naman nagtaka sa ginawa sa kanya ng kanyang kliyente.

    Marahas ang halikan na pinagsasaluhan nilang dalawa. Pareho na silang tinatablahan ng init na kailangan nilang ilabas sa mga sandaling iyon. Hinubad nila ang lahat ng kanilang saplot at parang sumasaliw sa mahinang musika na nakapalibot sa opisina ang ginagawa nilang pagpaparaos sa isa’t-isa.

    Hanggang sa marating nila ang rurok ng ligaya. Napahiga sila sa carpet ng opisina ni Achilles na habol ang hininga.

     “Winchester Del Mundo will go down in flames finally.”

     Nakangiti si Achilles habang patuloy naman siyang hinahalikan ni Rome sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

   

Itutuloy…

☆☆☆Chapter XV☆☆☆

DLM Tower

   

  Sa conference room nagtipon ang ilang directors at executives ng DLM Group kabilang na si Achilles na Vice President ng Operations.

     “What is this all about, Achilles? Why did you call for a meeting?” tanong ng Director of Finance.

     Nakangiti lang si Achilles sa kanilang lahat habang nasa gitna siya ng mahabang mesa at nakaupo.

     “You heard about what happened to Mr. Del Mundo’s birthday last night? It was a total mess. The media is outside trying to get a statement from the company. And the person who has to answer those questions are not present right now.”

     “The chairman is still on leave. The press conference will be held this afternoon and Lena will answer everything on his behalf.” sagot naman ng Media Ambassador ng DLM Group kay Achilles.

     “You don’t get the picture here everybody. The stocks will be plummeting in the next days if we don’t do something about this scandal. That family has been hiding a lot in their sleeves. Hindi niyo ba nakikita? Sila ang magpapabagsak sa DLM Group.”

    Nagkatinginan naman ang mga directors at executives na ang iba ay pabor sa sinasabi ni Achilles. Ang iba naman ay malaki ang tiwala kay Winchester kaya hindi sila nag-aalala sa mangyayari.

     “Mr. Laurente.. We understand your concerns but this is a family issue that will be resolved by the Del Mundos. We are not riding a sinking ship.”

     Tumayo si Achilles at ngumiti lang ng mapakla sa Director of Finance.

      “I expect you to protect the chairman because your family remains loyal to his family. Well, I will see to it that in the next few days, people will see the effect of that family’s scandal.”

    Umalis na si Achilles na may nakakalokong ngiti mula sa conference room. Pumunta siya sa kanyang opisina at may apat na taong naghihintay sa kanya doon.

    Mga stakeholders ng DLM na nakatakdang ibahagi sa kanya ang mga shares nila. Napangiti siya habang kinakamayan ang mga ito. Nakuha niya sa wakas ang loob ng mga ito.

   “Mr. Laurente.. I know we doubted your capability of handling this company but I know you will be a good leader. Hindi na namin kayang ipagkatiwala kay Winchester ang lahat ng meron kami.”

    “Mrs. Mendoza, I understand your concern. I mean, maski ako hindi ko na kayang pagkatiwalaan ang kakayanan ni Winchester na pamunuan ang kompanyang ito. He might turn out to be just another Del Mundo who has a tendency to taint the name of this conglomerate.”

    Napatango ang apat na taong naroon sa sinabi ni Achilles at napangiti lang ang huli. Naaayon na sa kanya ang takbo ng mga bagay. Makikita na ng kanyang ama na mas higit pa ang magagawa niya kesa sa inaasahan nito sa kanya.

    -


    

   Rodriguez Compound

   

  “Oy? Bakit pormadong pormado ka nanaman? Akala ko ba day off mo ngayon kay Don Alfonso? Tsaka kalat na kalat ngayon sa social media at sa balita ang nangyari sa party ni  Winchester.”

     Hinarap ni Luke ang kanyang kaibigan habang inaayos ang kanyang damit. Isang long sleeved na polo na pinares niya sa itim na maong niya at isang leather boots na binili niya noong unang sahod niya kay Don Alfonso.

     “Pupunta ako sa mansion. Kailangan kong tingnan kung ano ang kalagayan ni Don Alfonso. At para na rin malaman ko kung anong nangyayari kay Winchester.”

     “Eh bat parang concerned na concerned ka diyan?”

     Napailing si Luke at hindi na sinagot pa ang tanong ng kaibigan.

     “Sabihin mo nga sa akin.. Si Winchester Del Mundo ba ang sinasabi mong taong nagugustuhan mo noon? Tama ba ako?”

    Napatingin si Luke kay Pipo at hindi agad siya nakasagot dito. Marahil ay wala din namang dahilan para itago dito ang totoo.

     “Sinasabi ko na nga ba.. Pre? Seryoso ka.. Winchester Del Mundo? Parang magiging under the pantalon ka kapag napangasawa mo ’yun. Mukhang anghel lang sa panlabas ’yan pero sabi nila mala demonyo daw yun kapag nagagalit.”

    “Alam ko kung ano ang ugali niya. Mahirap siyang pakisamahan minsan. Pero may prinoprotektahan siyang pangalan kaya ganun ang pinapakita niya. Pero mabuting tao si Winchester. Kaya napamahal ako sa kanya dahil alam ko kung sino talaga siya.”

    Napapailing nalang si Pipo at inuusisa ang mga reaksiyon ng kanyang kaibigan habang nagsasalita ito.

     “Tinamaan ka talaga dun. Malala na tama mo. Pero Luke, ito ah.. Lalaki kayong dalawa. Ewan ko kung ano ba talaga pagkatao niya. Mahirap ang sitwasyong pinasok mo. Mas lalong mahirap sa kanya. Ayoko lang humantong kayo sa isang pagsubok na parang gugustuhin niyo nalang na kalimutan ang isa’t-isa.”

    “Nangako ako sa kanya.. Kahit anong mangyari ay hindi ko siya iiwanan. Hindi ako bibitaw sa kanya.”

    Lumapit si Pipo sa kanyang kaibigan at inayos niya ang kwelyo nito at hinawakan ang balikat upang pisilin ito ng marahan.

     “Malaking tao si Winchester Del Mundo. Dala niya ang isang pangalan na malaki ang naiambag sa buong bansa natin. At ayoko mang sabihin ito pero may masasaktan at masasaktan sa inyong dalawa. Ilalaban ni Winchester ang karapatan niya sa kompanya.”

    Hindi na muling nagsalita pa si Luke at iniwan ang kanyang kaibigan sa silid nila. Ngunit napaisip siya sa mga sinabi nito.

    Pinapalayo siya ni Winchester dahil sa bigat ng responsibilidad nito sa kanyang mga kamay. At alam niyang sa bandang huli, ang pagiging CEO ng DLM Group ang pipiliin nito higit sa anumang bagay.

   At kapag naiisip niya ang bagay na iyon, nasasaktan ang damdamin niya dahil umaasa siyang sa bandang huli, siya ang pipiliin ng binatang minamahal niya.

   


    Del Mundo Mansion

   

Nagising si Winchester sa ibabaw ng kanyang malambot na kama. Napansin niya ang benda sa kanyang kanang kamay at may bahid ito ng dugo. Maayos na ang kanyang kwarto at nawala na ang mga kalat nito. Tumayo siya at sinuot ang kanyang bathrobe at pumasok sa kanyang banyo upang maligo.

    Tinanggal niya lahat ng kanyang saplot at binuksan ang shower. Ang katawan ni Winchester ay kakikitaan ng kakisigan ngunit naroon din ang kalambutan nito lalo na at maputi ang kanyang balat. Hinahayaan niyang dumaloy sa kanyang katawan ang tubig. At iniisip niya pa rin ang mga nangyari noong isang gabi.

    Tumulong muli ang kanyang luha pero pinahin niya ito agad. Hindi ito ang panahon para maging mahina siya. Kailangan niyang magpakatatag dahil alam niyang sasamantalahin ng mga kalaban niya ang kanyang kahinaan.

    Pagkatapos niyang linisin ang kanyang katawan ay agad siyang nagpunas ng tuwalya at muling sinuot ang kanyang bathrobe at nagpasyang lumabas ng banyo.

     Nagulat siya nang may isang tao na nakatayo sa gitna ng kanyang silid at nililibot nito ang paningin sa paligid.

    “Luke?! Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?”

     Nagulat naman si Luke sa pagtawag ni Winchester sa kanya at hindi niya maiwasang mapalunok dahil sa kanyang nakita. Hindi nakatali ng maayos ang bathrobe ni Winchester kaya nakita niya ang nakabuyangyang nitong pag-aari.

    Huli na nang malaman ni Winchester ang kanyang hindi pag-iingat at pinamulahan siya ng pisngi at napatalikod mula kay Luke.

    “Ano— Wala— Wala akong nakita. Madilim naman dito sa kwarto mo.”

     “Stop lying. Alam kong nakita mo na lahat. So please just go outside and let me change first.”

     Hindi naman nagdalawang isip si Luke na lumabas ng silid ni Win at nang makalabas siya doon ay hindi niya mapigilang pamulahan din. Hindi iyon ang unang beses na nakakita siya ng hubad na katawan ng isang lalaki dahil sa kanilang boarding house ay puro sila lalaki at minsan ay nagkakatuwaan ang mga ito.

    Ngunit ibang iba ang naramdaman niya ng makita niya ang hubad na katawan ni Winchester. Napapangiti siya na hindi niya maintindihan.

    Habang sa loob ng kanyang kwarto ay napapalukumos ng mukha niya si Winchester dahil sa hiya. Hindi na siya teenager para makaramdam ng hiya pero ang lalaking nagpapatibok ng puso niya ang nakakita ng kanyang kahubdan kaya normal na siguro na makaramdam siya ng hiya.

    Pinili niya ang isang simpleng tshirt at sweatpants na isuot. Hindi pa siya handang pumasok sa kanyang trabaho lalo na’t kailangan pa niyang paghandaan ang posibleng pagsuko ni Don Alfonso sa mga pulis. At mas lalong magiging mahirap ang kanyang kalagayan. Mawawalan ng tiwala sa kanya ang mga investors at stakeholders ng DLM.

    Lumabas siya ng kanyang silid at naabutan niya si Luke na nasa hallway ng ikalawang palapag at minamasdan ang mga painting na koleksiyon ni Donya Lilia. Ang napayapang sawa ni Don Alfonso.

     “That’s “A Rain in the Garden”.. Si  Richard Van Der Horst ang puminta niyan. Doña Lilia was a classy woman. She liked the arts and designs. Siya ang unang namili ng interiors ng DLM Tower when it was built. I wish I had spent time with her. Sadly she died before my real father decided to rape my mom and I came out to the world.“

    Napabaling si Luke kay Winchester at kita niya pa rin dito ang galit na nararamdaman para kay Don Alfonso. Alam niyang hindi agad iyon huhupa. Iba magtanim ng galit ang lalaking mahal niya.

     “Alam kong galit ka kay Don Alfonso. At lahat ng tao, maski siguro ako ay magagalit din sa kanyang mga nagawa. Pero sana huwag mong gawing instrumento ang galit na ’yan para makapanakit ka ng ibang tao. Lahat ng sugat ay maghihilom sa tamang panahon.”

    “Marami akong bagay na kailangang gawin at pag-isipan, Luke. At dahil sa galit na nararamdaman ko, hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa totoo lang. Naguguluhan ako. Nahihirapan ako.”

    Niyakap ni Luke si Winchester at napayakap naman sa kanya ang binata.

     Hindi alam ng dalawa na may dalawang matang nakamasid sa kanila. Kanina pa ito nagmamasid sa mga nangyayari at mabilis itong lumisan matapos niya matunghayan lahat ng iyon.

   


   

  Sa foyer ay naghihintay na ang mga pulis kay Don Alfonso. Napagpasyahan niyang sumuko na at tuluyang pagbayaran ang naging kasalanan niya kay Athena.

    “Mr. Alfonso Del Mundo, you are under arrest for the crime of rape to Mrs. Athena Del Mundo.”

    Pinosasan ang matanda ng mga pulis at ang mga maids at maging si Tony ay hindi mapigilang mapaluha sa nangyayari. Habang sa hagdanan naman ay kita ni Winchester ang pagdala ng mga pulis sa kanyang tunay na ama. Marami ding press ang naghihintay sa labas ng mansion dahil isang malaking balita ang pag-amin ng matanda sa kanyang mga nagawa.

   Naramdaman ni Winchester ang isang taong nasa likuran niya at napabaling siya dito. Si Gianna iyon at walang ekspresiyon ang mukha nito.

    “I still feel like this is just a nightmare that I can’t seem to wake up. Sa isang iglap lang naging ganito na ang pamilya natin. The great Del Mundo empire is beginning to collapse.”

    “You carry that name with you, Gianna. And I will make sure that our name will never go down just like what you are expecting it to happen.”

    Napasuklay si Gianna ng kanyang buhok at kinulot kulot ito na parang isang bata.

    “And why did you even stop me from moving out of this house? You know for yourself that we are not related at all.”

    “I need you to be the new director for the fashion brand that I recently opened. I need more people by my side, Gianna.”

     Nagulat si Gianna sa inalok sa kanya ni Winchester at napababa siya ng hagdan para makaharap ito.

     “You want me to be the director of Athena’s Helm? Are you sure about that, Kuya.. Uncle?”

    “You are capable of handling that brand. I’m sure you need more cash since you really want to marry Bobby.”

    Napangiti si Gianna dahil isang malaki at sikat na brand ngayon ang inoffer sa kanya ni Winchester.

     “And what should I do for you in return? I know there is a catch.”

     “You’re smart as I expected, Gianna. But I will discuss it with you next time. For now, I have to attend an important meeting.”

     Tumango lang si Gianna at naglakad na papunta sa living room ng Mansion.

    Kinuha ni Winchester ang kanyang cellphone at may tinawagang numero. Alam niyang may linuluto si Achilles at hindi niya hahayaan na magawa nito ang binabalak nito.

    “Dr. Victoria, did you recieve the samples I sent you?” tanong ni Win sa taong nasa kabilang linya.

    “Yes Mr. Del Mundo.. The lab is analyzing them at the moment.”

    “That’s great news. I will be expecting some news from you in a week. I might just need this card to win a battle.”

    Pinutol ni Win ang tawag at napahinga ng malalim. Binuksan niya ang TV sa foyer at kalat na sa lahat ng news outlet ang pagsuko ni Don Alfonso sa mga pulis.

    “The real battle is just beginning, Winchester.”

  

Itutuloy…

•Chapter XVI•

Pumasok si Jacob sa loob ng isang maingay at mamahaling bar. Hindi siya sigurado kung tama ba ang pinagdalhan sa kanya ng driver ng taxi pero mukhang ito naman ang sinasabi ng taong tumawag sa kanya na pumunta doon.

      Hinanap ng kanyang mga mata ang taong pakay niya. Sa ingay at dami ng taong nakapalibot sa buong lugar ay nalilito siya kung saan siya pupunta. May sumubok pang lapitan siya at alukin ng alak pero tumanggi siya rito. Linakad niya ang isang naiilawang pasilyo at nagtuloy iyon sa pinakasentrong bahagi ng bar at nakita niya sa wakas ang hinahanap ng kanyang mga mata.

    Sumasayaw ito sa gitna ng maraming tao at halatang lango na ito sa alak. Napailing nalang si Jacob at naglakad patungo sa direksyon nito. Hinatak pa siya ng isang babae para isayaw siya pero tumanggi muli siya rito. Kailangan niyang maialis si Taron mula sa lugar na iyon dahil para na itong wala sa sarili.

    “Taron! Halika na.. Iuuwi na kita sa condo mo.” hinablot ni Jacob si Taron ngunit pumalag ito at nang mapagtanto nito na si Jacob ang may hawak sa kanyang kamay ay napangiti ito.

    “Jake— Jacob? Come on. Lets dance. Samahan mo ako. Sayaw tayo.”

     “Taron.. Lasing ka na. Baka kung mapano ka pa. Sabi ng waiter sa akin kanina ka pa umiinom. Tinawagan niya ako sa cellphone ko.”

    Tumawa lang si Taron habang nakaakbay ang mga kamay niya sa balikat ni Jacob at sumasayaw ito sa saliw ng nakakaindak na musika.

     “Jimmy always butt in with my business.. Kaya ko ang sarili ko.”

     “Lasing ka na.. Kaya uuwi na tayo. Ayokong may masamang mangyari sa’yo.”

    Napangiti si Taron sa sinabi ni Jacob. Ngayon niya lang narinig mula sa isang tao ang mga salitang iyon. Jacob was acting like he really cared.

     “Talaga? Ayaw mong may masamang mangyari sa akin? Bakit? Dahil naaawa ka sa akin?”

     Nalukot ang noo ni Jacob nang makita niya ang biglang pagluha ni Taron. Napapatawa pa ito habang umiiyak.

     “Ano ba talagang nangyari sa’yo? Noong nakaraang araw lasing ka rin na pumunta sa condo mo?”

     Umiling lang si Taron saka pinahid ang mga luha niya.

      Hinablot ni Jacob si Taron at dahil sa lakas niya ay hindi na ito nakapalag pa. Pumunta siya sa waiter at sinabi nitong member si Taron ng bar na iyon at wala itong babayaran.

    Nagmadali silang lumabas ng bar at hinanap niya kung saan nakapark ang kotse nito. Marunong din siya magmaneho ng kotse dahil na rin sa trabaho niya sa rice mill na minsan kailangan niya magmaneho ng truck.

     “Akin na ang susi mo.. Ako na magdradrive.”

    “Jacob! Please huwag ka nang makialam. You don’t have the right to act like you care for me.”

     “Taron? Kaibigan kita. Kaya may pakialam ako sa’yo. Noong kailangan ko ang tulong mo, nagdalawang isip ka ba na tulungan ako?”

     Napaupo si Taron sa semento ng parking lot at muling naluha at umupo sa kanyang tabi si Jacob. Gusto nitong malaman kung ano ba talaga ang pinagdadaanan nito.

     “Ano ba kasing nangyayari sa’yo? Iniwan ka ba ng syota mo? May problema ba sa bahay niyo?”

     Umiling lang si Taron at napatingin sa langit. Palagi niya iyong ginagawa para mawala agad ang mga luha sa kanyang mata.

     “I just realized how pathetic I was.. Umasa ako na balang araw makikita niya na nandito ako para sa kanya. Pero ibang tao pala ang mas pipiliin niya. Ayoko nang magpakatanga pa.”

    “Tama nga ako.. Syota mo nga problema mo.”

    Napayuko si Taron at pinipilit na pakalmahin ang kanyang sarili.

     “Hindi lang siguro ako kamahal mahal na tao. I feel like I’m always in the shadows. Never seen by the person that I love.”

     “Siya ang tanga. Alam mo, noong nagkasyota ako perstaym. Sabi ko sa sarili ko, siya na siguro ang magpapabago sa pagtingin ko sa buhay. Pero walang kwenta ang babaeng ’yun. Ginawa lang akong gago. Pinabugbog pa ako sa mga kaibigan ng kanyang number two.”

    Napangiti naman si Taron sa narinig na kwento mula kay Jacob. Hindi niya alam ba makwento pala ito. Naaaliw siya sa paraan ng pagsasalita nito. Totoong totoo ito sa kanyang sarili.

     “Lalaki ang taong tinitibok nito..” sambit ni Taron sabay turo sa dibdib niya at napatingin kay Jacob na nabigla din sa sinabi nito.

     “Ano– Ibig mong sabihin, bakla ka?”

     “I just happen to fall in love with a guy. Siguro. Bakla na kung bakla. But I treasured him. I treasure that person so much that I was willing to do whatever he wants me to do. Pero sa ibang tao pala siya mapupunta.”

    Linapitan ni Jacob si Taron at inakbayan ito.

     “Tama na ’yan.. Makakalimutan mo rin ang taong ’yun. Hindi mo dapat aksayahin ang panahon mo sa taong alam mong hindi ka ituturing na higit pa sa isang kaibigan. May mga bagay na hindi talaga pwede kahit anong pilit natin.”

    Sa unang pagkakataon naramdaman ni Taron na may taong nakikinig sa kanya maliban sa kanyang ina. Hindi niya napigil na yakapin si Jacob at ibuhos ang sakit na nararamdaman niya.

    “Tama yan.. Iiyak mo lang ’yan. Para bukas.. Mas kaunti na ang sakit na nararamdaman mo.”

   


 

    Thai Restaurant

    Magkaharap si Winchester at ang taong katagpo niya ng gabing iyon. Walang imik ang isa’t isa habang kumakain ng mga nakahandang pagkain para sa kanilang dalawa.

    Nagpahid ng kanyang bibig ang lalaking kaharap ni Winchester at tumikhim ito dahilan para itigil ni Winchester ang ginagawa niya.

     “I know its hard for you to absorb everything that is happening right now, Winchester. At maging ako nahihirapan din na tanggapin na nagawa ni Tito Alfonso ang bagay na ’yun.”

    Uminom si Winchester ng tubig at pinahiran din ang kanyang bibig bago magsalita.

     “Because he is good at manipulating people. We were all manipulated by that old man. I don’t even know how he managed to keep my so called father to shut his mouth and say nothing.”

    “Carmelo was always distant and cold. Hindi kami naging magkaibigan even our fathers are business partners.”

    Tumango lang si Winchester sa sinabi sa kanya ng taong kaharap niya ngayon.

     “Tito Simon.. I just hope that you are still on side after all the things that you have learned from our family. Alam kong pipilitin ka ni Achilles na pumanig sa kanya. He is planning an emergency stakeholders meeting. And I know it is intended to oust me in the position.”

    “You know that I admire your hardwork in leading DLM Group. You achieved so much in jut a short period of time. But Aki is my son. A father will never neglect his own child.”

    Napangiti si Winchester at inilapit niya ang mukha niya kay Simon. Hindi naman maunawaan ng huli ang ginagawa ng binata.

    “Tito.. Don’t fool yourself. Alam kong hindi mo nararamdaman kay Achilles ang pagiging isang Laurente. He has achieved nothing for you to be proud of. Numerous scandals? Public Humiliation? Expensive Lifestyle? DLM Group will fall down in less than a year if he becomes the CEO.”

    “What do you really want, Winchester? Lets stop beating the bush and tell me what’s on your mind?”

     May kinuha si Winchester mula sa bulsa ng kanyang coat. Inabot niya ito kay Simon at nalukot naman ang noo nito nang makita ang sobre.

     “You see, I did a secret investigation about your son. He is secretly transfering questionable amount of money to a certain bank account. It traces to Switzerland. Its an offshore bank account. That money belongs to DLM Group and its only a matter of time before the auditors and the finance department finds out the discrepancies of the revenue the company is gaining.”

    Binuksan ni Simon ang sobre at nakita niya ang ilang pahina ng papel na nagsasaad ng mga numerong hindi bababa sa anim na pigura. Napapailing na lamang ito at nanginginig ang kamay dahil kahit kailan hindi niya inisip na pagnanakawan ng kanyang anak ng pera ang kompanya.

    “And one more thing.. The DNA results will be coming in a few days. Its a paternity test between you and Achilles.”

     “Wha— What are you talking about, Winchester? You have already crossed the line. Why did you do that? I am the father of Achilles. You should give me some respect!”

    Ngumiti lang si Winchester at tumayo sa kanyang inuupuan para maunang umalis pero may huli pa siyang sinabi sa padre de pamilya ng mga Laurente.

     “I did you a favor, Tito Simon. Alam kong noon pa man nagdududa ka na sa totoong pinagmulan ni Achilles. Now is the time for you to know the truth. Unless you did it and your wife covered the whole truth.”

     Umalis na si Winchester sa restaurant na iyon at naiwan si Simon na pinagpapawisan at maraming katanungan ang pumapasok sa kanyang isipan.

   


    

Mamu’s Restaurant

    

“Nakakaloka talaga. Hindi ko ineexpect na ganung klaseng tao ang amo mo. Kawawa naman si Winchester. Ano na mangyayari sa DLM Group ngayon?”

    Ngumiti lang si Luke sa pag-aalala ni Mamu kay Winchester at sa magiging kalagayan ng kompanya nito ngayong usap usapan na sa buong bansa ang nangyari sa party nito.

    “Kaya ’yun ni Winchester.. Alam kong malalapasan niya lahat ng iyon. Tsaka handa akong suportahan siya.”

    “Teka nga.. Ikaw ha? Jowa mo na ba si Winchester Del Mundo?”

    Hindi nakasagot si Luke at ngumiti lang kay Mamu. Para namang kiti kiti itong naglupasay habang hawak ang braso ni Luke.

     “Ayy shet naman!! Nakakakilig.. BL Fan ako alam mo ’yan. Support ako diyan.. Teka ano bang ship name niyo? LukeWin? TerLuke? Ayy ang baboy nung huli..”

    “Mamu.. Wala pa kami sa puntong ’yun. Tsaka mahirap ang sitwasyon niya ngayon. Kaya maiintindihan ko kung hindi niya ipraprioritize ang nararamdaman namin sa isa’t-isa.”

    Hinawakan ni Mamu ang balikat ni Luke at pinandilatan niya ito.

     “Luke?! Dapat ipaglaban natin ang feelings na ’yan.. Hindi na uso ngayon ang pavirgin at pabebe. Torjakin mo na agad kung kailangan para sure na sure na hindi na makawala! Hindi uubra sa akin ’yan pagiging 1950’s style mo. Bulok na bulok na ’yan.”

    “Kailangan ko siyang irespeto. Hindi madali ang pinagdadaanan ng tao. At kung talagang mahal niya ako. Ipaglalaban niya rin ang nararamdaman niya sa akin.”

    Napataas kilay lang si Mamu at tinalikuran si Luke.

     “Alam mo.. Kapag kukupad kupad ka, may ahas na biglang lilitaw. At hindi mo nalalaman, natuklaw na pala nito ang taong minamahal mo. Goodbye to you my trusted friend.. Payo lang ha? Gawin mo na lahat para masigurong hindi maaagaw sa’yo ang minamahal mo.”

    Naiwan si Luke sa kusina at inayos na sa delivery box ang mga pagkain na idedeliver niya.

     Pinili niyang bumalik kay Mamu matapos na sumuko si Don Alfonso sa mga pulis. Binigyan siya ni Tony ng ibang trabaho ngunit tinanggihan niya ito. Hindi niya gustong samantalahin ang kabaitan sa kanyang ng matanda. Mas gusto niyang bumalik nalang sa dati.

    Ngunit naisip niya na tama si Mamu.. Kailangan na niyang gumawa ng paraan para masiguro na mahal siya ni Winchester.

   Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan niya ito. Pero hindi ito sumasagot sa kanya. Marahil ay marami ang ginagawa.

    Lumabas siya ng kusina at nagulat siya nang may isang pamilyar na mukha ang nakaupo sa pinakagitnang mesa ng restaurant. Nagtapat ang kanilang mga tingin at nginitian siya nito.

    Lumakad siya at umarte na hindi niya ito kilala.

    “Luke? Its me, Chloe.. From the party the other night?”

    Hindi kumibo si Luke at patuloy lang na naglakad dala ang delivery box niya at napataas ng kilay naman si Mamu nang mapansin ang paghawak ng babae sa braso ni Luke.

    “I was really searching for you.. Luckily I found out that you are working here after what happened to Don Alfonso.”

    “May trabaho pa ako Miss.. Kaya pasensiya na. Mauuna na ako.”

     Kumuha ng pera sa kanyang wallet si Chloe at agad niya itong nilapag sa mesa at napakunot naman ang noo ni Luke.

  “What? Its not enough for your daily wage here? Magkano ba ang dapat kong bayaran?”

   “Miss.. Hindi po nabibili ang oras ko.. At pasensiya na. Wala akong panahon para sa ibang tao.”

    Napahiya si Chloe sa inasal sa kanya ni Luke. Ngayon lang siya nakaranas ng ganitong pagkapahiya sa buong buhay niya.

    At ngayon lang din siya nakaramdam ng ganitong pagkagusto sa isang lalaki.

    “So you wanna play tough, huh? Let’s see who will go down first.”

      Umalis si Chloe at naiwan si Luke na tiim ang bagang. Hindi niya akalain na may gagawa sa kanya ng ganitong bagay.

     Para tuloy siyang kinakabahan sa pwedeng gawin nito sa kanya. At iyon pa ang maging dahilan ng pagkasira nila ni Winchester.

 

Itutuloy…

••Chapter XVII••

Laurente Mansion

   

Habang nagpapahid si Mildred ng moisturizer sa kanyang mukha ay bigla namang pumasok sa kanilang kwarto ang kanyang asawa. Napabaling siya rito at kita niya ang galit nito sa mga mata. Hindi niya maunawaan kung ano ang dahilan ng pagkagalit nito. At amoy niya rin ang alak mula dito.

    “For Christ sake, Simon.. Lasing ka ba? And why are you looking at me like I have done something wrong?”

    Tinapon ni Simon ang mga papel na binigay sa kanya ni Winchester at agad naman itong pinulot ni Mildred at nanlak ang mata niya nang mapagtanto niya kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon.

   “Your son’s ambition of taking over the leadership of DLM Group will put us all in danger. He is embezzling money and I can’t believe he is doing this.”

  “Simon.. I will talk to him. This is not his doing. I’m sure kagagawan ito ni Winchester just to take down our family for good. Para siya na ang magkontrol sa DLM Group”

   Napalakumos si Simon sa kanyang mukha at hindi siya mapakali sa posibleng mangyari sa kanya kapag lumabas ang mga ito sa buong kompanya.

  “You are trying to protect him again like you always do. Hindi tama ang pinaggagawa ni Achilles. He might end up in jail kapag nalaman na ito ng buong kompanya. Naiintindihan mo ba.”

  “Yes! I always protect our son dahil kahit kailan hindi mo pinaramdam sa kanya na ikaw ang kanyang ama. Why do you always resent him? Ano bang nagawa niya para hindi mo manlang maipakita sa kanya na ikaw ang kanyang ama.”

   Linapitan ni Simon ang kanyang asawa at nakipagtitigan siya rito. Naalala niya lahat ng nangyari sa nakaraan. Ang ginawa nito noon. At kapag naaalala niya iyon ay hindi niya mapigilang magalit.

   “Because you are his mother.. You know the reason why I resent him. And now I might even hate you for hiding the truth from me.”

   “What are you talking about? Wala akong tinatago sa’yo Simon.. Pinagsisihan ko na ang mga nagawa ko sa’yo noon.”

   Tinalikuran ni Simon ang kanyang asawa at napahinga siya ng malalim. Matindi ang duda niya sa kanyang asawa. Magmula nang lokohin siya nito noon.

     “Siguruhin mo lang na wala kang tinatago sa akin Mildred. Dahil kapag nalaman ko ang buong katotohanan. I will never forgive you.”

     Umalis si Simon sa kanilang silid at naiwan si Mildred na kinakabahan at napahawak siya sa kanyang dibdib. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at may tinawagan siyang isang importanteng tao. Hindi maaring malaman ng kanyang asawa ang katotohanan.

    Ilang beses nagring ang kabilang linya bago ito sagutin ng taong kailangang kausapin ni Mildred.

   “Froilan? Nahanap mo na ba sila? Nauubusan na ako ng oras. I need to shut them for good bago pa malaman ni Simon ang katotohanan.” mahinang saad ng ginang sa taong nasa kabilang linya.

  “ Ma’am.. Matagal nang wala ang mag-asawa sa kanilang huling tinirahan. Hinahanap ko na sila sa kalapit na mga probinsya ngunit wala ako mahanap na makakapagturo sa kinaroroonan nila.“

 “ Gawin mo lahat ng paraan para mahanap sila. Mapapahamak tayong dalawa kapag nalaman ni Simon ang buong katotohanan. Naiintindihan mo ba?“

  Pinatay ni Mildred ang tawag at agad na bumalik sa kanyang ginagawa. Kung si Winchester ang may pakana ng lahat ng ito, hindi niya ito hahayaan na kunin nito lahat ng pinaghirapan niya.

 


   Del Mundo Mansion

   Nasa living room si Winchester habang may binabasang libro at biglang sumulpot si Gianna na may dalang mga file folder at linapag ito sa mesa.

Tiniklop naman ni Winchester ang binabasang libro at hinarap ang kanyang pamangkin.

    “So— I dig in to more details and I found out that 10 shareholders have decided to sell their shares to Achilles. And the emergency meeting will likely be held within this week.”

   “I expected that outcome already. I want the names of the executives who will be in favor of my ousting.”

    Inabot ni Gianna ang isang folder kay Winchester at naglalaman ang mga ito ng mga taong pumapayag na mawala siya sa pwesto bilang CEO ng DLM Group.

   “Dahil sa mga nangyari kaya mas pinapanigan nila ngayon si Kuya Aki. And if he earned enough shares.. You will lose your position to him.”

   “I will let him.. Its already planned. But before that. I will fire everyone who favored him to take over.”

    Nagulat naman si Gianna sa sinabi ni Winchester. Hahayaan niyang maging CEO si Achilles?

   “You mean, talagang ibibigay mo sa kanyang ang chairmanship? Nababaliw ka na ba Kuya?”

   “People that craves for power falls down easily. Akala ni Achilles madali lang ang kanyang pinapasukan. He only wants to be the CEO of DLM Group para may mapatunayan siya sa kanyang daddy. But he has no capability of handling things in a large conglomerate. Before he knows it, DLM will start to collapse.”

   Napangiti naman si Gianna dahil hindi niya talaga ineexpect ang ganitong side mula kay Winchester. Kakaiba itong maglaro. Pero sa isang parte ng isipan niya natatakot siya. Hindi niya alam kung hanggang saan siya kakailanganin nito.

      “I will be watching his every move. And we will see just how far his reckless behavior will take him.”

    “I just want to know one thing. Why did you and Kuya Aki hate each other? Hindi ba magkaibigan kayo noon?”

    Tiniklop ni Winchester ang folder na hawak niya at hinarap si Gianna. Ngumiti siya dito at napasandig sa sofa na inuupuan niya.

    “I really don’t know how to answer that. He just stopped talking to me and he keeps his distance from me. But it doesn’t matter anymore. We are different people now. His hate towards me will always remain unknown.”

 

 —————————————————————————————–

  Le Chateau Building

    Naalimpungatan si Taron sa tama ng sinag ng araw sa kanyang mukha. Parang binibiyak ang ulo niya sa hangover. Napabangon siya mula sa kama at napagtanto niya na nasa condo siya at wala sa kanilang bahay. May naamoy siyang mabango mula sa kusina at alam niyang si Jacob iyon. Napangiti siya at naglakad patungo roon.

    Naabutan niya itong walang pang-itaas at tanging boxer shorts lang ang suot. Hindi niya napigilang mapalunok sa tanawing kanyang nakikita. Ang likod ni Jacob ay talagang nakakaakit na. Maganda ang hubog ng katawan nito at halatang batak na batak.

    Lumapit pa siya lalo at doon lang siya napansin ni Jacob na napalingon sa kanya.

   “Oy! Gising ka na pala. Teka lang at maluluto na itong sinangag na kanin. Tsaka may itlog na rin at tocino diyan sa mesa. Ito lang ang meron ako. Gusto mo ba ng kape?”

    Hindi alam ni Taron kung ano ang mararamdaman. Ngayon pa lamang siya nakaranas ng ganitong pag-aaruga mula sa ibang tao. Parang mas lalo lamang niyang napapatunayan na isang mabuting tao si Jacob at hindi malabo na mahulog siya rito.

   “Ako na gagawa ng kape ko.. Di mo naman kailangan na magluto pa.”

   “Kailangang kumakain tayo ng almusal. Iyon ang pinakaimportanteng parte ng araw. Kaya dapat busog tayo bago gawin ang mga dapat nating gawin.”

     Ngumiti nalang si Taron at binuksan ang cabinet na pinalalagyan ng kape at binuksan niya ang coffee brewer.

     “Have you always been like this? Pinagluluto mo rin ba ang parents mo doon sa inyo?”

    “Si Mama palagi ang nagluluto. Pinapanood ko siya. Madalas kaming hindi magkasundo ni Mama dahil alam mo na.. Ako palagi ang masama sa paningin nila.”

     Napabaling si Taron ng tingin dito. Naramdaman niya ang pagababgo ng tono ng boses nito.

    “And why would they think of you that way?”

    “Siguro dahil palagi akong nasasabit sa gulo. Mga gulo na kadalasan ay hindi naman ako ang nagsisimula. Alam mo ’yun? Hindi ba pwedeng ipagtanggol ko ang sarili ko?”

     Tumango lang si Taron tsaka kumuha ng dalawang tasa. Unti-unti na niyang nakikilala si Jacob at nakakaramdam siya ng awa para dito.

     “I’m sure naiintindihan ka naman nila. Ayaw lang din nila na pumapasok ka sa gulo. Paano kung mas higit pa sa suntukan lang ang abutin mo?

     “Alam mo.. Parehong pareho kayo ni Mama. Ganyang din ang palagi niyang sinasabi sa akin.”

    “You should treasure your life. Hindi mo alam na may mga taong nasasaktan kapag nakikita nilang nasasaktan ka.”

   Napangiti na lang si Jacob bago niya ihain ang sinangag na kanin. Natakam naman si Taron at sabay silang kumain ng almusal.

    “Salamat sa pagdala sa akin dito kagabi.. I was too hurt to even realize that I was so drunk.”

   “Walang anuman.. Kaibigan kita at tutulungan kita sa abot ng makakaya ko.”

   Napangiti si Taron at nagpatuloy sila sa kanilang pagkain at masayang usapan.

    –––––––––––––––––––––––––––––––––––––––––

     

DLM Tower

      Nagulat si Jacob sa dami ng tao na nag-aabang sa labas ng building. Ito ang unang araw niya sa trabaho bilang isang sanitary officer ng DLM Tower. Suot na niya ang kanyang ID at maayos naman ang kanyang porma. Mabilis siyang naglakad at hindi niya inaasahan na may papadaan pala na kotse at napahinto ito sa kanyang harapan.  Ibinaba nito ang salamin at kitang kita ni Jacob kung sino ang nagmamaneho ng kotseng iyon.

    Nanlaki ang mata niya at napayukod siya kaagad. Walang emosiyong bumaba ang lalaki sa kanyang harapan at inutusan siya nitong itaas ang kanyang ulo. At nagkatinginan silang dalawa.

    “Are you an employee of this company?” tanong sa kanya ng binata at para bang estatwa siya dahil nakatingin lang siya sa mukha nito.

    “Ano—Ah ano po, first day jo po ngayon bilang sanitary officer.” sagot ni Jacob at tiningnan ng binata ang ID nito.

    Napalukot naman ang noo ng binata nang makita niya ang pangalan at apilyedo nito.

    “Jacob– Follow me.” utos ng binata kay Jacob na tinalima naman nito.

   Ayaw niyang mawalan agad ng trabaho sa unang araw niya palang sa DLM Group.

    Nagsilapitan naman sa kanila ang mga taong may mga hawak na mikropono at mga camera at napagtanto ni Jacob na mga reporter ang mga ito. May dalawang lalaki naman na biglang sumulpot para protektahan ang binatang kasama niya para hindi makalapit ang mga ito dito.

    At mabilis silang nakapasok sa loob ng kompanya at nagsiyukod ang bawat taong makikita ang mukha ng binatang kasama ni Jacob. At may isang babaeng maganda at matangkad ang biglang lumapit dito na kitang kita ang pag-aalala.

    “Sir— Everyone is expecting to hear your side on what happened. The media won’t stop bugging us. Nakakapagod na.”

    “Don’t worry, Lena. I have everything under control. For now, help me clean my office.”

     Nagulat naman ang babae sa sinabi ng kanyang amo. Si Jacob naman ay tahimik lang na sumusunod sa kanila. Pumasok sila sa elevator na nakalaan para lamang sa CEO at nakatabi ni Jacob ang binata at amoy na amoy niya ito. Kakaibang pabango ang suot nito. Nakakaakit na hindi niya maunawaan.

    Pagbukas ng elevator ay bumungad sa kanya ang isang malawak na opisina na napapalibutan ng mga salamin, chandelier at mga mamahaling muebles. Para siyang nasa loob ng isang palasyo.

     Lumakad sila papunta sa loob ng opisina at huminto ang binata sa harapan ni Jacob at bumaling ito ng tingin sa kanya.

     “I want you to help me clean this office. Lena will give you the list of the things that should be taken away from here.”

   “Ah— Sir, mawalang galang lang po. Pero bakit niyo po ipapalinis itong opisina ninyo? Hindi ko po maintindihan.”

    “Because in two days, I will not be staying here anymore.” sagot ng binata sa kanya na hindi pa rin maintindihan ni Jacob.

   “Someone will take over my position. And this office will belong to him. Nalinawan ka na ba?”

   Tumango angsi Jacob ngunit hindi niya maunawaan kung bakit papalitan ang binatang kanyang kausap. Ang CEO ng DLM Group.

  “I have to ask you one thing.. Do you know someone named Luke?”

   Nakaramdam si Jacob ng kaba ng marinig niya ang sinambit na pangalan nito.

   “Ah— Wala po. Luke? Wala po akong kilalang Luke.”

    Tumango lang si Winchester at pumunta na sa kanyang table at hinarap ang tambak na folders na kailangan niyang pirmahan.

    “Lena– Gather all the executives in the board room. After I address the press conference. I have a surprise for them.”

  “Right away, Sir.” saad naman ni Lena bago lumabas ng opisina.

   Nakatayo lang si Jacob at hindi niya alam kung bakit parang nakakaramdam siya ng takot sa harapan ng binata.

    “Are you scared of me Jacob?”

   “Hin–Hindi naman po. Naninibago lang ako. Unang sabak ko sa trabaho at ito po agad ang dadatnan ko. Tsaka hindi po biro na makaharap ang isang CEO. Kaya pasensiya na po kung naiilang ako.”

   Napangiti si Winchester at kumuha ng isang folder at binasa ito bago pirmahan.

    “I like people who speak what’s on their mind without hesitation. Pero ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang nagsisinungaling sa akin. Are you one of those people, Jacob?”

   Umiling si Jacob. Kahit anong mangyari hindi niya pwedeng sabihin na kilala niya si Luke. At bakit nga ba natanong nito si Luke? Kilala din ba nito ang kanyang kapatid?

   “Well.. Welcome to DLM Group, Jacob.”

      Itutuloy…

•••Chapter XVIII•••

DLM Tower

   

  Nakaupo lang si Winchester sa pinakagitna ng boardroom habang tinitingnan lahat ng executives at directors ng DLM Group. Karamihan ay naghihintay sa sasabihinniya at ang ilan naman ay nagbubulungan kung para saan ang meeting na pinatawag ni Winchester.

    Nagdilim ang paligid at binuksan ni Lena ang projector upang ipakita ang isang pie graph na naglalaman na mga numero.

    “As you all may know, our family has been the eye for bad reputation after the revelations my own father has given through all the media platforms. I am the second son of Alfonso Del Mundo and I now currently sits in the position as the CEO of DLM Group. But while I was not here and trying to make sense of all the things that has happened to me which for a fact, I had no idea too, someone has taken advantage of that situation.”

    Lalong lumakas ang bulungan sa loob ng boardroom at linipat ni Lena ang slide sa senyas sa kanya ni Winchester.

     “Currently, Mr. Laurente has 29% of the total shares in the company while the shares of our family remains at 32%. But since there was a silent voting for my ouster as the CEO, 56% of all the executives and directors agreed to this. And now, as company protocol, Mr. Achilles Laurente shall become the new CEO of the company.”

     “That’s right, Mr. Del Mundo. Mr. Laurente has been appointed as the new CEO based on the percentage of votes of the executives and directors. But it was not held properly. This is a sabotage.”

    Umiling si Winchester sa Director of Finance at pinatahimik niya ito. Nagsitahimik din lahat ng executives at director na naroon.

     “The decision has been made either way. So even if it was an official voting or not, Mr. Laurente clearly won the approval of the stakeholders and most people in this company.”

    Nagkatinginan ang mga executives at para bang hindi nila maintindihan kung bakit ganun nalang kadaling sinuko ni Winchester ang kanyang posisyon.

     “But before everything ends today, as my last day being the CEO of DLM Group, everyone that voted for Mr. Achilles Laurente.. You are all fired .”

    “And as for me, I will be the Director of Human Resource Management as the company rules out the CEO can choose a managerial position before he steps down.”       Nagkagulo ang buong boardroom at ang iba ay nagkakapikunan na. Hindi nila inaasahan na gagawin iyon sa kanila ni Winchester. Nahulog sila sa isang patibong.

    Nagmamadaling lumabas si Winchester sa boardroom at agad na bumalik sa kanyang opisina.

    “Sir? Is this what you really want? This will cost the company too much. Maraming investor ang madidiscourage sa inyong ginawang pasya.”

    “Lena. That’s exactly the point. To discourage investors. Lets see how Achilles can handle shit like that. And those executives and directors will be running towards me and beg for my forgiveness. That was all in the plan.”

    Hindi na alam ni Lena kung si Winchester pa ba na kilala niya noon ang kaharap niya ngayon. Tila may nagbago na rito. Marami na itong desisyong ginagawa na maaring ikapahamak ng nakararami. Pero may tiwala siya rito. Marahil ay hindi lang niya makita sa ngayon ang kabuuan ng plano nito.

    Nang makabalik sila sa opisina ay abala pa rin si Jacob sa kanyang ginagawang pagsasalansan ng mga importanteng dokumento.

     Nagulat si Lena at Winchester dahil wala na itong damit pangitaas at litaw na litaw ang batak nitong pangangatawan. Pinagpapawisan ito dahil narin sa bigat ng mga file boxes na binubuhat nito.

    “Mr. Gamboa? Why are you naked inside my office?” tanong ni Winchester na kinagulat naman ni Jacob. Hindi niya namalayan na bumalik na pala ang kanyang amo.

    “Ah— Sir pasensiya na.. Mabilis kasi akong pagpawisan kaya hinubad ko muna ang uniform ko. Sayang naman at bagong laba.”

     Napatawa naman si Lena ng marahan at kinuha ni Winchester ang damit ni Jacon na nakapatong sa couch ng kanyang opisina.

     “You are a good looking guy.. But please don’t make it too obvious, okay? Put this on. Nasa loob  ka ng aking kompanya. People here has to follow some protocols.”

    “Pasensiya na talaga, Sir. Hindi na mauulit.”

      Bumalik si Winchester sa kanyang mesa at muling binuklat ang mga files na naroon. Mga memos at project proposals na kailangan niyang pirmahan.

     Pero muling bumalik sa isipan niya si Luke. At tiningnan niya muli si Jacob na abala sa kanyang ginagawa. Walang pagkakapareho ang dalawa. Maputi si Luke samantalang kayumanggi ang kulay ni Jacob. Wala ding pagkakapareho ang mukha ng dalawa pero bakit malakas ang kutob niya na magkakilala ang dalawa?

  “I must be going crazy now. Its getting harder for me to trust people.”

  

   


    

“What the— Anong sinabi mo? He fired everyone that approved my appointment as the CEO? Hah! Gago talaga ang Winchester na ’yun.. He will never give up that easy. Pero hindi ko inaasahan na gagawin niya ang bagay na ’to.”

    “He has the right to do that since he is still the CEO.. Ans he still is the major share holder of this company.”

    Napasabunot si Achilles ng kanyang ulo at ginulo niya ang kanyang mesa na kinagulat naman ni Rome.

    “This will fuck me up.. Its like I won over him but he is still in control. That’s even worse.”

     Linapitan ni Rome si Achilles at hinilot nito ang kanyang mga balikat. Maging siya ay hindi rin inaasahan ang ginawa ni Winchester which is a very bold yet destructive to the company.

     “I need to talk to that asshole.. I will not let him do this to me. Matapos ang lahat ng ginawa ko he will just turn things on his favor again?”

    Nagmamadaling umalis sa kanyang opisina si Achilles at naiwan si Rome na napapailing na lang. Hanggang kailan ba niya kayang manatili sa tabi ng taong minamahal niya?

     Nakarating si Achilles sa opisina ni Winchester at nakita niya ang tambak na mga file boxes and ilang mga tao na abala na sa pagtanggal ng mga gamit nito sa loob ng opisina.

    “Why will you fire half of the executives a day before my appointment? Are you really that desperate to take me down?”

    Hindi pinagtuunan ng pansin ni Winchester ang biglaang pagpasok sa kanyang opisina ni Achilles.

    “You see, I am the CEO now.. Pinagbotohan iyon ng lahat. Including the stakeholders and executives.”

    “And without my presence? That’s how you did your secret appointment. And I am also giving you my farewell gift as the CEO of this company.”

    Linapitan lalo ni Achilles si Winchester at dinamba niya ang mesa nito at yumukod para magpantay ang kanilang mga mata at nagkatitigan.

    “Because they don’t want to put their trust towards your trashy family, Winchester. Your real father is a rapist. And your brother, is a murderer. How can they trust in you when they know you came from a family of criminals.”

    Tumayo si Winchester at hinigit sa kanyang kwelyo si Achilles at napapatawa naman si Achilles sa nakikitang galit sa binata.

    “I will never be like my father or my brother.. Because I know what I am capable of and I know what my limits are. You can insult my family, but you can never compare me to them.. And let me tell you this, I know a lot of secrets that your family is hiding from you too. We both came from a trashy family, Achilles.”

   At malakas na tinulak ni Winchester palayo sa kanya si Achilles at nakaramdam naman ito ng pagkapahiya at mabilis na lumabas ng opisina.

    Nasaksihan naman ni Jacob ang mga pangyayari at hindi niya mapigilang matakot. Ganito pala kagulo ang mundo ng mayayaman at makapangyarihan. Gagawin ang lahat malamangan lang ang isa’t-isa.

   


    Rodriguez Compound

    

Nasa labas palang ng gate si Luke nang may mapansin siyang nakaparadang kotse sa harapan nito. Mabilis siyang naglakad papunta sa kotse at siniguro niyang ito ang sasakyan ni Winchester.

   Binaba nito ang salamin at dumungaw ito nang sapat lamang para makita niya at napangiti siya.

    “Paano mo nalaman na dito ako nakatira? Si Mang Tony ba ang nagsabi sa’yo?”

    “He knows everything that goes on in our family. At lahat ng nagbabalak na pumasok sa buhay ng aming pamilya ay alam niya.”

    Napakamot ng ulo si Luke at napangiti naman si Winchester sa pamumula ng pisngi nito.

     “May gagawin ka pa ba? Gusto ko sana samahan mo ako sa isang importanteng event.”

    Napalunok naman si Luke at hindi agad nakasagot sa lalaking kaharap niya ngayon.

     “Ah— Anong event? Baka puro mayayaman lang ang nandoon. Alam mo namang hindi ako sanay sa mga ganun.”

     “Sinabi mo sa akin na hindi mo ako iiwanan.. Tapos ngayon tatanggi ka sa invitation ko sa’yo?”

    Napakamot nalang ng ulo si Luke at napatango nalang dahil hindi rin naman siya dito makakatanggi. Mahal niya ang tao.

    “Sige pero kailangan ko munang ipasok sa boarding house ko ang mga gamit ko..”

     “Okay– Sasamahan na kita.” at bumaba si Winchester sa kanyang kotse na talaga namang kinagulat ng mga taong naroon. Bukod sa napakagandang suot nito ay ang mala anghel nitong mukha ang agad napansin ng karamihan.

    “Pagkakaguluhan ka ng mga tao rito.. Hindi mo ba alam na para ka nang artista.”

     “Hayaan mo na sila.. Its also nice to experience this kind of attention.” at kumindat si Winchester kay Luke habang sabay silang pumasok sa loob ng gate habang ang mga tao naman ay nagkumpulan sa kotse ni Winchester at parang ngayon lang ang mga ito nakakita ng ganoon kagarang kotse.

    Nang makapasok na sila sa compound ay nagtilian ang mga babaeng nakakita sa mukha ni Winchester.

    “OMG!! Mga baklaaa!! Nandito si Winchester Del Mundo.” sigawan ng mga babae sa loob ng compound at si Luke naman ay hindi napigil na mamagitan dahil dinumog sila ng mga tao.

     “Luke!! Huwag mong ipagdamot samin.. Magpapapicture lang naman kami!” sita kay Luke ng isang babae na nakatira din sa loob ng compound.

    “Its okay, Luke.. Hayaan mo na sila.” saad pa ni Winchester at lumapit siya sa mga ito at hindi magkamayaw ang mga kababaihan na kunan si Winchester ng litrato. Ang iba ay nagrerequest pa na makipagselfie.

    Natuwa naman si Luke dahil ngayon niya lang nakita ang ganitong ugali ni Winchester. Siguro nga may mga bagay pa siyang hindi nalalaman sa lalaking mahal niya.

    “Oh— Tama na ’yan! May pupuntahan pa si Winchester.. Balik na kayo sa mga ginagawa niyo!”

     Nagpulasan naman ang mga ito at nakaramdam naman ng tuwa si Winchester. Ngayon niya lang din nalaman na ganoon pala talaga siya kakilala ng mga tao.

    “They really know me that well.. Nakakatuwa mga tao dito.”

     “Oo– Natabunan mo na kagwapuhan ko. Dati ako ang hinahabol dito.”

    Natawa naman si Winchester sa sinabi ni Luke. Aminado siyang napakagandang lalaki ni Luke at ito ang unang nakabihag sa kanyang mga mata.

    Nang makapasok sila sa loob ng boarding house ay mas lalong nagkagulo.

     “Luke? Bakit– Bakit mo kasama si Winchester Del Mundo?” tanong ng isa niyang kasama sa bahay.

    Nagsitayuan ang mga ito mula sa pagkakahiga sa sofa at tila mga bata na napagalitan ng kanilang nanay na umayos ng upo at ang iba naman ay nagsuot ng kanilang mga hinubad na damit at inamoy amoy pa ang sarili.

    “Himala talaga– Ikaw lang ang nakagawa sa kanila niyan.” mahinang bulong ni Luke kay Winchester na kinangiti lang nito.

    “Magandang hapon sa inyo.” bati ni Winchester sa mga ito na kinayukod ng mga ito.

    Nagulat naman si Pipo pagkalabas niya ng kwarto nang makita niya si Winchester at Luke na magkasama sa loob ng kanilang boarding house.

    “Win– Winchester Del Mundo!!” sigaw ni Pipo na kinagulat naman ni Luke at Win.

     “Winchester Del Mundo.. Sa wakas nakaharap ko na rin ang idol ko!” sigaw pa ulit ni Pipo sabay takbo palapit kay Luke.

    “Pipo! Tumahimik ka nga.. Nakakahiya kay Winchester.”

    “Nice to meet you, Pipo.” at linahad ni Winchester ang kanyang kamay kay Pipo at para namang nasa langit ang pakiramdam nito nang malapat ang kamay sa binata.

    “Epifanio Rosales po.. Pipo for short. Nice meeting you din po, Sir Winchester.”

    “Just call me Win.. Mukhang malapit naman kayo ni Luke?” nakangiting saad ni Winchester kay Pipo at tumango tango lang ito.

    “Naku— Itong kumag na’to? Close ba close kami nito. Lahat ng bagay sinabi na nito sa akin.”

    Tinakpan ni Luke ang bibig ni Pipo at nanlaki naman ang mata ni Winchester sa narinig mula kay Pipo.

    Napangiti naman ng pilit si Luke kay Win at alam niyang magagalit sa kanya si Winchester.

    “Ahh— Marami pala siyang nasabi tungkol sa akin kung ganun?” nakataas kilay na tanong ni Win kay Pipo.

   Kinagat ni Pipo ang kamay ni Luke at mabilis naman nitong nabitawan ang bibig ni Pipo.         “Naku! Napakarami mo.. Sa totoo nga po—”

    “Pwede pumasok na muna tayo sa kwarto? Masiyado na siyang maraming nasasabi.”

    Napatawa nalang si Winchester sa pagkataranta ni Luke. Natutuwa siya dahil ngayon ay mas lalo na niya itong nakikilala bilang isang tao at isang kaibigan.

   

Itutuloy…

°•°•Chapter XIX°•°•

Auction House

    

Sabay na naglalakad si Winchester at Luke sa hallway ng magarang auction house na pinuntahan nila. Bago pa man sila makarating doon ay dumaan sila sa clothing brand ng DLM Group na Athena’s Helm upang bigyan ng isang pares ng suit and tie si Luke.

     Nakaw tingin ang dalawa na tila ba napuno ng kagandahan ang paligid na dinadaanan nila. Nagbubulungan pa ang ilang nakakakita sa kanilang dalawa at ang karamihan ay ngumingiti kay Winchester.

    “Winchester.. So you decided to come?” tawag ng isang boses sa dalawang binatang magkasama sa hallway at napabaling dito ng tingin si Winchester.

     Isang babaeng nasa kuwarenta pataas na ang edad ang nagmamadaling yumakap at bumeso kay Winchester na nginitian lang naman ng binata.

     “Tita Mafrey.. You know you always have my back when it comes to events like this. And I am interested in a particular piece tonight. I hope I will get it.”

     “Very well.. And I won’t be asking you any personal questions so I won’t ruin your night. But who is this gorgeous guy you brought with you tonight?” nakangiting tanong ni Mafrey kay Winchester at may panlalagkit ng tingin ang ginawad nito kay Luke.

     Linapitan ni Winchester ang babae at binulungan ito na kinapula naman ng pisngi nito at hinampas ng marahan siWinchester.

     “Okay— I get what you mean.. Please! Enjoy the night.. See you around, Luke.” sabay beso nito kay Luke at umalis na sa hallway.

     Naiwan namang walang alam si Luke sa mga nangyayari habang nakangiti lang si Winchester.

     “Anong sinabi mo dun? Bakit parang ang lagkit makatitig sa’kin?” tanong ni Luke kay Win na kinangiti lang ng huli.

     “Tita Mafrey is my mom’s friend. She is a collector of art pieces and sometimes she resort to archeological findings. She auctions them and that’s how she got rich and famous.” sagot ni Winchester pero hindi naman nito nasagot ang tanong ni Luke.

    “Akala ko panaman dadalhin mo ako sa isang date.. Eh wala naman akong pera? Anong gagawin ko dito?” sunod sunod na tanong ni Luke.

    “I need someone by my side.. That’s all. And if you want a date. Then we are on a date right now.”

    Hindi na nakapagsalita pa si Luke at sumunod nalang siya kay Winchester. Pumasok sila sa isang pinto at isang magarang balcony ang tumambad sa kanila. Sa baba nito ay isang ballroom at maraming tao ang nakaupo sa mga upuan at ramdam ni Luke ang karangyaan sa buong lugar.

    “Hanep talaga ang mayayaman. Hindi ko pa talaga naranasan ang ganito sa tanang buhay ko.”

    “I just get ousted as the CEO of DLM Group today.” malungkot na saad ni Winchester na kinalaki naman ng mata ni Luke.

    “Ousted? Tinanggal ka sa posisyon? Pero bakit? Paanong nangyari ’yun?” tanong ni Luke at ngumiti lang si Winchester ng mapakla.

    “I expected that to happen. After all the things that happened in my family. It will take a toll on my reputation.” sagot lang ni Winchester at hinawakan ni Luke ang kanyang kamay. Walang nakakakita sa kanila sa parteng iyon ng balkonahe kay malaya silang magagawa ang ganoong bagay.

    “Alam mo naman na kahit anong mangyari, nandito ako para sa’yo. Pwedeng mawala lahat sa’yo, pero ako.. Dito lang ako sa tabi mo.”

    Hindi naman napigilan ni Winchester na makaramdam ng kilig sa sinabi ni Luke. Hindi niya alam kung bakit ganun na lang kabilis nito pagandahin ang araw niya. Siguro nga mahal na niya talaga ito. Hindi niya gagawin ang mga bagay na ito kung hindi niya mahal ang lalaking nasa tabi niya ngayon.

    “Saan mo natutunan ang mga pick-up line na ’yan? Napapadalas na paghirit mo ah?”

    “Galing sa puso ’yan, Win.. Hindi ’yan inaaral.” at kumindat si Luke na kinatawa lang ni Win.

     Bumaba na ang dalawa dahil malapit ng magsimula ang auction. At sa pagbaba ni Winchester at Luke ay isang babaeng pamilyar ang kanilang nakasalubong.

    Elegante ang pananamit nito at hapit ito sa magandang hubog ng kanyang katawan. Ang magandang mukha nito ay mas tumingkad pa dahil sa magarang koloreteng suot nito.

    Napatigil ito sa harapan ng dalawa at kalaunan ay ngumiti. Bakas sa mukha ni Luke ang pagkagulat dahil muli nanaman niyang nakita si Chloe. At si Winchester naman ay naalala ang mukha nito noong party niya. At ito ang kausap ni Luke noon.

    “Mr. Winchester Del Mundo.. What a nice surprise. I didn’t know you come to auction events like this?”

     Bumaling ng tingin si Chloe kay Luke at napaigtad naman ito ng kindatan siya ng dalaga.

     “Surprised to see you too here, Luke.”

    “Excuse me, but who are you?” tanong ni Winchester na walang ibang nararamdaman kundi pagkairita sa babaeng nasa harapan niya ngayon.

    “Oh? Sorry.. I’m Chloe Jean Peñaranda. I think you are acquainted with my father, George Peñaranda?”

    “Yes— The one who sell off his company to DLM Group in the midst of bankrupcy 2 years ago? I certainly know him for being reckless and short term minded businessman.”

    Nakaramdam ng pagkapahiya si Chloe sa sinabi ni Winchester. Mabuti nalamang at walang nakarinig sa mga sinabi nito.

     “Well I am now taking over my father’s stupidity and we managed to reclaim the company. And we are back on track again.”

    “I see— You know what, Chloe.. One piece of advice, don’t try so hard acting mighty and powerful. Because its not working for you. You are a beautiful lady, but you are not fit to be a queen. So, I hope you have a good night.”

    Napangiti si Luke ng patago dahil alam niyang nabara ni Winchester si Chloe at nang magtagpo ang mga mata nila ay kita niya ang pagkapahiya nito.

    Naglakad ito palayo sa kanilang dalawa at binalingan ni Winchester si Luke.

    “Tuwang tuwa ka na pinag aagawan ka?”

    “Siya lang naman kasi lapit ng lapit sa akin. Alam mo naman kung sino laman nitong puso ko di ba?”

    Umirap lang si Winchester at pinasunod na niya si Luke sa kanya sa mga upuan dahil magsisimula na ang auction.

    


 

    

“The Emerald Gold Brooch.. is a piece created by Hans Duvre for Empress Wilhelmina of Brunswick in 1704 to commemorate her life long achievements in all of the Holy Roman Empire. Ofcourse this is just the exact replica but still the same materials that was used. Bidding starts at 250 Thousand..”

    Si Mafrey mismo ang nagpapakilala sa mga naroon kung ano ang inoauction niya. At nagkataon na ito ang bagay na gustong gusto na makuha ni Winchester kaya di na ito nagdalawang isip.

    “500 Thousand!” sigaw ni Winchester habang nakataas ang numero niya. At nagtinginan naman ang lahat ng naroon at nagulat sila sa ginawang iyon ni Winchester.

    “600 Thousand!” isang boses ng babae ang sumigaw at nagtaas ng kanyang numero at napabaling ng tingin dito si Winchester at nakangiti sa kanya si Chloe at tila ba hinahamon talaga siya nito.

    “600 Thousand? GOING ONCE…”         “750 Thousand!” sigaw ni Winchester na lalong kinalakas ng bulungan ng mga tao roon. Nagulat pa ang ilan na sa napakaliit na bagay ay handang magbayad ang binatang Del Mundo para makuha ito.

    “800 Thousand!” sigaw ni Chloe na kinangisi lang ni Winchester. Hindi talaga siya titigilan ng babaeng iyon.

   “1 Million!“sigaw ni Winchester at maging si Luke ay nanlalaki na ang mata dahil sa laki ng perang ilalabas ni Winchester para lang sa isang brooch?

    “Win? Hindi ka ba nanghihinayang sa pera? Isang milyon para sa bagay na ’yan.”

     “Hindi ito dahil sa bagay.. That bitch is trying to play games with me. I will show her I’m not someone to play with.”

     Napangiti si Mafrey sa nangyayari. Talagang hindi magpapatalo si Winchester kapag mag ginusto itong bagay.

    “1 Million?! GOING ONCE!! GOING TWICE!! SOLD TO MR. WINCHESTER DEL MUNDO!”

    Nagpalakpakan naman ang mga tao sa loob ng  silid na iyon at muling tiningnan ni Winchester ang mukha ni Chloe. Nakangiti lang ito at nagcheers pa sa kanya sa hawak nitong champagne glass.

    “Pwede na iyong makagawa ng eskwelahan sa lugar namin.” usal ni Luke dahil sa panghihinayang sa pera.

    “I’m a billionaire, Luke. Don’t worry about it.”

   


   Le Chateâu Building

      

Nagulat si Jacob ng makita niya ang tambak na mga grocery bags na nasa mesa. Agad niyang tiningnan ang kwarto at narinig niya ang pagtagaktak ng shower sa banyo. Binuksan niya iyon at nanlaki ang mata niya na hindi pala nakatabon ang shower curtain.

    Abalang nagsasabon si Taron ng kanyang katawan at napalunok si Jacob sa kanyang nakita.

    “Oh God!! Why are you watching me take a bath?” singhal ni Taron nang makita niya si Jacob na nasa harapan niya at tulala lang na nanonood sa kanyang maligo.

    “Ah— Ano! Nagulat lang kasi ako. Akala ko kung sino na ang nandito..” napatalikod si Jacob na kinatawa naman ni Taron.

    “Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking naliligo sa harapan mo?”         “Syempre hindi! Nakakahiya lang.. Para naman kasing wala lang sa inyong mga laking mayaman na may makakita sa katawan niyo.”

    Natawa si Taron sa pinagsasabi ni Jacob. Bakit nakaramdam ito ng hiya sa kanya?        “Bumili ako ng groceries.. Kasi— Dito na ako titira sa condo ko from now on.”

    Nalukot ang noo ni Jacob.. Anong ibig sabihin nito? May karapatan naman talaga itong tumira dito dahil kanya ang condo pero bakit biglaan ang pagtira nito dito?

    “Eh pano yung pamilya mo? Tsaka bakit dito ka na titira? Akala ko ba ayaw mo dito?”

     “Because I have a reason to like this place now.”

     Napailing nalang si Jacob at lumabas na ng banyo at naiwan si Taron na nakangiti.

     Pumunta si Jacob sa mesa matapos niyang makapagbihis at inayos niya ang mga pinamiling grocery ni Taron.

    Lumabas si Taron na nakaboxers lamang at litaw na litaw ang maganda nitong pangangatawan. Maputi at matangkad si Taron. Hulmang hulma ang bawat parte ng kanyang katawan. Ang perpekto niyang mukha ay hindi maiwasang titigan ni Jacob habang naglalakad ito palapit sa kanya.

    “Napakarami naman ata nitong binili mo? Parang may ibabahay ka na dito? Kailangan ko na bang umalis?” sunod sunod na tanong ni Jacob na kinatawa lang ni Taron.

    “Para sa ating dalawa ’yan.. At bakit ka naman aalis? Ayaw mo ba na makasama ako dito?”

    Hindi maintindihan ni Jacob kung bakit siya nakakaramdam ng init sa kanyang tiyan. Parang may kakaibang pinararamdam sa kanya si Taron at hindi niya ito maunawaan.

    “Taron– Alam kong napakabuti mong tao. At ayokong abusuhin ang kabaitan mo sa akin. Wala akong balak na magtagal dito dahil alam kong hindi naman ako nararapat dito.”

   “Jacob? You talk too much.. Sinabi ko na sa’yo na hindi mo kailangang umalis dito sa condo.. At hindi kita sisingilin ng kahit na ano. Because you are a good friend to me. At ayokong makaramdam ka ng pagkaasiwa dahil lang sa maganda ang pakikitungo ko sa’yo.”

    “Ayoko lang na maging pabigat. Umalis ako sa amin dahil pakiramdam ko pabigat na ako sa pamilya ko. Tapos pupunta ako rito para makituloy sa isang tao na hindi pa ako lubos na kilala.”

    Linapita ni Taron si Jacob at hinawakan nito ang balikat ng binata. Magkasingtangkad ang dalawa kaya pantay ang kanilang mga tingin.

     “Hindi ka pabigat, okay? Pinapagaan mo ang nararamdaman ko sa totoo lang. So stop being hard on yourself.”

   Ngumiti ang dalawa at bumalik si Jacob sa kanyang ginagawang pagtatabi ng mga pinamili ni Taron habang pinapanood lang siya nito.

    Biglang tumunog ang doorbell at nagulat ang dalawa. Hindi nila alam kung sino ang bigla nalang pupunta sa condo ng ganung oras.

    Tiningnan ni Taron ang tao sa labas sa monitor pad ng pinto at nagulat siya dito.

    “Bakit parang gulat na gulat ka? Sino ba ’yang babaeng nasa labas? Ang ganda panaman. Pinaghihintay mo.”

    “You don’t know how much I want to get away from this woman.. Bakit niya nahanap ’tong condo ko?”

    Napailing nalang si Jacob at walang imbot na pinagbuksan ng pinto ang babaeng nasa labas.

    “Hey— Wait? Who the hell are you?” matinis ang boses ng babae na kinalukot ng noo ni Jacob. Syota ba ito ni Taron? Tanong ni Jacob sa kanyang sarili.

    “Si Taron ba hinahanap mo? Wala siya dito.” hindi alam ni Jacob bakit nakaramdam siya bigla ng pagkainis at pamimigat ng kanyang dibdib habang pinapasadahan niya ng tingin ang babae.

   “That guy is really pissing me off.. Pinagtataguan ba niya ako?”

    “Miss.. Wala dito si Taron. Kaya kung pwede umalis ka na?” may inis na taboy ni Jacob sa babae.

    “Pinaaalis mo ba ako? Bakit? Ano ka ba ni Taron?” inis din na tanong ng babae na pinagtaasan lang siya ng kilay.

    “Syota niya ako? Bakit may angal ka?” sagot ni Jacob na kinalaki ng mata niya. Maging ang babaeng kausap niya ay hindi inaasahan ang mga sinabi niya.

   At si Taron naman na nagtago sa likod ng pinto ay hindi rin inaasahan ang sinabi ni Jacob at hindi niya alam kung ano pang susunod na gagawin ni Devie dahil sa nalaman nito mula kay Jacob.

    “Syota? Ikaw? Excuse me.. If you are pranking me, hindi ka nakakatuwa. I am Devie Morguñez and I want to talk with Taron right now. Alam kong nandito siya.”

    “Ang kulit mo naman eh.. Sinabing wala dito ang bebe ko eh.”

    Muntik nang masamid sa sarili niyang laway si Taron sa narinig niya mula kay Jacob.

    “What? BEBE?!  Yuck! That’s so gross.. Whatever! Basta sabihin mo sa kanya na dumaan ako dito. We have an unfinished business to talk about!”

    At umalis si Devie na naguguluhan pa rin sa nangyayari. Para siyang maduduwal sa pinagsasabi ng lalaking iyon sa kanya.

     Nang maisara ni Jacob ang pinto ay humahagalpak sa tawa si Taron. Tinaasan lang siya ng kilay ni Jacob.

     “Kala mo kagandahan siya.. Mukha namang pokpok.”

    “That was the most epic conversation I’ve ever heard!” hindi mapigilan ni Taron na matawa sa mga narinig niya mula kay Jacob.

    “Prinotektahan lang kita sa babaeng ’yun. Nabuntis mo ba ’yun? Kung makaasta eh parang inagawan siya ng asawa.”

    Hindi napigilan ni Taron na yakapin si Jacob at hindi naman nakapalag pa si Jacob sa ginawa sa kanya ng binata.

     “Thank you— You saved me again.”

   

  Itutuloy…

°•°•Chapter XX•°•°

Del Mundo Mansion

    

2 Weeks Later

   

  “Is this some kind of a joke? Seriously, Wimchester.. Pinapunta mo ako dito just to tell me this bullshit? Sa tingin mo ba maniniwala ako sa’yo?” singhal ni Achilles kay Winchester habang nasa patio sila ng mansion.

     Nakaupo sila sa mesa at magkaharap nilang pinagsasaluhan ang isang almusal na nagbabadyang mauwi sa isang gulo.

     “Well, I wouldn’t want you to learn it from me pero sa tingin ko, your family has been hiding the truth from you all this time.”

     “So now you are dragging me to your own mesiry huh? My family tells me everything. So please, if you are just doing this to disrupt all my plans for the company, don’t waste your time.”

    Ngumiti lang si Winchester at binigay kay Achilles ang isang folder na naglalaman ng mga sekretong transactions niya na hindi narereport sa DLM Group maging ang mga offshore accounts niya sa ibang bansa.

     “The company is slowly dying the moment you taken over that position. And yet you still insist that you only want the best for the company. Those things says otherwise?”

    Tumayo si Winchester at humarap sa malawak ng lawn ng mansion. Linagay niya ang kanyang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.

     “What happened to you, Aki? Bakit naging ganyan ka kasama? You just turned your back on me. You just left me clueless. You ended our friendship. And you suddenly wanted to compete with me? I have so many questions. Pero kahit isa, wala kang sinagot.”

     Napatawa si Achilles at alam ni Winchester na ang mga tawang iyon ay puno ng pait at galit.

     “Why don’t you just drop the act, Winchester. Acting like you don’t know why I end up like this? Why I wanted to compete with you? Seems like you are the one who has forgotten that day.”

   Napabaling ng tingin si Winchester kay Achilles at kita niya ang pait na nararamdaman nito sa kanyang mga mata.

     “I was— I was in love with you.” usal ni Achilles na nagpalaki sa mga mata ni Winchester.

     “I wanted to tell you.. But you started having this ambitions. Taking over the company. Making all those people that killed your mother pay. I was there. Listening to you. And I have always been there when you needed me.”

    Tumayo si Achilles at linapitan niya si Winchester at hinigit niya ang mga braso nito.

     “But when I knew the truth about who I really was… I needed you to be there for me. Pero wala ka. All you cared about was the company. You wanted to be better than anyone else. And it driven me crazy. Because I can never be that man who will have you.”

     “So you knew everything about your identity? Alam mo na noon pa na hindi ka anak ni Tito Simon?”

     Natawa si Achilles at para ba siyang mawawala sa katinuan habang malakas niyang kinakabig palapit sa kanya si Winchester.

     “Oo! Matagal ko nang alam, Win… Matagal ko nang alam na nabubuhay ako sa kasinungalingan. I wanted answers. But I can’t find them out. You were never there to bother. So I decided to stop talking. Even try to forget that I was in love with you.”

    Napalunok si Winchester sa mga nalalaman niya mula kay Achilles.

    “So I promised myself that I will take everything from you. I want to have everything that you have. So that you will realize, I am the one that you need. Maybe I am obessesed with you. Baliw na nga siguro ako.”

    “I treated you like my brother.. I was there for you when you needed someone to talk to. I was your bestfriend. We did a lot of things and made memories together. Pero hindi ko kailanman naisip na mamahalin mo ako higit pa sa isang kaibigan.” mahinahong tugon ni Winchester kay Achilles.

    “Because you were selfish. Noon pa man makasarili ka na. You only deal with things on your own. Yes, you were my bestfriend. But I needed you more than just a friend. I wanted to feel that I was wanted. You know how useless I was in the eyes of my father. Pero kapag nasa tabi kita, I feel so important.”

    Napapailing si Winchester habang nakikita niya ang unti-unting pagluha ni Achilles.

     “But it doesn’t matter anymore.. We can start over again. Now that you know how I feel. Gagawin ko ang lahat para bumalik tayo sa dati.”

    Sinubukan ni Achilles na halikan si Winchester pero umiwas ito sa kanya at napatawa naman si Achilles.

     “Stop this nonsense, Achilles.. You have crossed the line already. You are making things harder for you even more.”

     “It was already hard for me… There’s no challenge in taking you down easily. Lets see who will give up in the end.”

    Inalis ni Winchester ang pagkakahawak ni Achilles sa kanya at napangiti naman ito sa kanya.

     “You can present those evidences if you want. But I assure you, nothing will end well if I go to prison. You will just make it harder for you to take over the company again.”

     “No— I will not send you to prison right away. I will make it even harder for you. If you want to play this game, then I will give it to you.”

    Napangisi lang si Achilles at tuluyang iniwan si Winchester sa patio ng mansiyon. Ngayong malinaw na sa kanya ang lahat, mas lalo siyang natatakot sa kung anong pwedeng gawin ni Achilles sa kanya at sa mga taong malapit sa kanya.

  


    Sitio Amarillo

    

Nasa hapagkainan ang mag-asawang Chona at Oscar at nagpapakiramdaman ang dalawa kung sino ang unang magsasalita sa kanila.

     “Chona.. Tumawag na ba si Jacob? Kumusta daw ang lagay niya sa siyudad.” tanong ni Oscar sa kanyang asawa.

     “Maayos naman daw siya.. Nakahanap na siya ng trabaho sa isang malaking kompanya. Hindi niya sinabi kung ano. Alam mo naman na masama pa rin ang loob ng batang iyon sa akin.”

    Hinawakan ni Oscar ang kamay ng asawa para aluin ang nararamdaman nito.

     “Maiintindihan ka rin ni Jacob.. Mabait ang batang ’yun. Natatakpan lang ng galit ang puso niya dahil siguro pakiramdam niya ay mas pinapaboran natin si Luke sa maraming bagay.”

    “Matagal nating iningatan si Luke.. Hindi ko alam kung hanggang kelan pa natin itatago sa kanya ang buong katotohanan sa pagkatao niya.”

    Umiling si Oscar kay Chona.. Hindi maaring malaman ni Luke ang katotohanan sa pagkatao niya dahil mas lalo lang magiging magulo ang mundo nito.

    “Mabuti nang di niya malaman ang katotohanan.. Dahil kapag nalaman niya ang lahat, baka mapahamak pa siya. Hindi ko hahayaan na masaktan niya ang anak natin.”

    “Oscar! Hindi natin siya anak. Pinagkatiwala lang siya sa atin ni Madam Eunice!”

     Napatango si Oscar at pinahid ang luha sa mga mata ni Chona upang patahanin ito.

    “Pinangako ko kay Madam Eunice na hindi ko ipapakita kay Simon ang kanilang anak. Hindi pwedeng malaman ni Simon na nagkaroon sila ng anak ni Madam Eunice dahil papatayin siya ni Mildred.”

   “Malayo na tayo sa kanilang lahat. Hindi na tayo kailanman mahahanap ni Mildred. Ipagdasal na lamang natin na hindi magtagpo ang landas ni Luke at ni Simon.”

    Napaluha lalo si Chona at yumakap ito sa kanyang asawa. Hindi nila alam kung ano ang naghihintay na kapalaran para sa kanilang dalawa. Ngunit ang pangalagaan si Luke ay ang kanilang pinakamalaking sakripisyo.

  


     DLM Tower

    

Palabas si Jacob mula sa building dahil uwian na at may namataan siyang isang pamilyar na mukha na nasa motor at tila ba may hinihintay ito. Naglakad siya palapit dito at nagulat itong makita siya.

    “Ja– Jacob? Dito ka nagtratrabaho?” gulat na tanong ni Luke sa kanyang kapatid nang magkaharap silang dalawa.

    Seryoso lang ang titig nito sa kanya at tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Mamahalin ang mga kasuotan ni Luke at nahihimigan niyang meron itong tinatago sa kanya na dapat niyang malaman.

    “Tapatin mo nga ako.. Syota mo ba si Mr. Del Mundo?” tanong ni Jacob sa kanyang kapatid na kinalaki lang ng mata nito.

   Napangisi naman si Jacob dahil nalaman na niyang meron ngang namamagitan sa dalawa.

    “Ibang klase ka rin talaga.. Isang Del Mundo? Iyan ba ang gusto mong patunayan sa pamilya natin? Nakikipagrelasyon ka sa isang Del Mundo? At ano? Pakakasalan ka niya at magiging mayaman ka na?”

    “Teka nga? Ano bang problema mo sakin? Mula nang umalis ako sa atin, hindi na nagbago iyang ugali mo.. Akala ko pa naman titino ka na sa haba ng panahon na hindi mo ako nakikita? Hanggang ngayon ba dahil pa rin sa pagiging paborito ako ng mga magulang natin ang pinuputok ng butchi mo?”

    Natawa si Jacob at dinamba niya ng suntok ang kanyang kapatid sa tiyan nito. Napaluhod si Luke sa sakit ng suntok na ginawad sa kanya ni Jacob.

    “Dahil ikaw nalang palagi ang tama.. Ikaw palagi ang magaling. Alam mo ba kung anong nangyari sa akin para lang makaluwas ako dito sa Maynila? Kinakantot ko ang asawa ng boss ko sa aking OJT! Para magkapera ako!”

    Natawa si Luke at tumayo upang bigyan din ng suntok si Jacob sa kanyang panga na kinatumba naman nito sa lupa. Sinundan pa ito ng suntok ni Luke at pumatong siya sa ibabaw nito.

    “Hindi ko kasalanan kung naging gago ka! Pinili mo ang mga bagay na ’yan para sa sarili mo! Bakit? Sinisi ba kita noong binubugbog ako ng mga taong naagrabyado mo noon?”

    Nakaw atensiyon na ang dalawa at hindi nila namalayan na may dalawang tao na pala na papalapit sa kanilang dalawa. Mabilis na hinablot si Luke ng isang binata na may dalawang bodyguards na sumunod dito.

    “What the hell are you doing, Luke? Bakit ka nakikipagsuntukan—”

    “Jacob!!” tawag naman ng isa pang boses na kinagulat ni Winchester. Papalapit ito sa kanila at hindi niya maunawaan ang mga nangyayari.

    “Taron?! What— What’s going on here?” tanong ni Winchester na naguguluhan.

   Tumayo si Jacob na may dugo sa gilid ng kanyang bibig. Pinahid niya ito at napabaling siya ng tingin kay Taron na naguguluhan din sa mga nangyayari.

    “Wait— Do you know each other?” tanong ni Winchester kay Luke at si Jacob naman ay tahimik lang.

    Alam niyang mapapahamak siya dahil kapag sinabi ni Luke kay Winchester na magkapatid sila, maaaring matanggal siya sa trabaho.

    “Si Jacob… Kapatid ko siya. May hindi lang kami napagkasunduan.” saad ni Luke at napailing nalang si Jacob.

    “Jacob? You told me that you don’t know a name called Luke.. At ngayon malalaman ko na magkapatid pala kayo?”

    “I’m really confused right now.. What is this all about, Winchester? Bakit mo kilala si Jacob?”

    Linapitan ni Winchester si Taron. At napatingin kay Jacob ng masama. Pati na rin kay Luke.

    “Well apparently, this two men know each other. And they are brothers. At nagsinungaling si Jacob sa akin.”

    “Maybe he was just scared that you might freak out if you knew that this other guy was his brother.. Which apparently is someone special to you.” at tinaasan ng kilay ni Taron si Winchester na napailing naman.

    “Look.. For what its worth. Mabuti na nalinaw na sa iyo ang lahat. Jacob didn’t mean to hide the truth from you.”

    Napaikot nalang ng mata si Winchester at napangiti naman si Taron sa kanya.

    “And why do you care so much for Jacob? Parang close na close din kayo ah? Pinagtanggol mo pa siya sa akin.”

    “Lets just say.. We are in a domestic kind of relationship.”

     Nagulat si Winchester sa rebelasyon sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan. Hindi niya inasahan na marinig iyon mula dito.

    “I see.. I won’t dig deep into that. There’s too much going on right now.”

    Napabaling silang dalawa ng tingin sa magkapatid na hindi nagpapansinan.

    “Luke.. Why don’t you introduce me to your brother. Para na rin maging pormal ang pagkakakilala naming dalawa.”

    Tumango lang si Luke at tinapik niya ang kanyang kapatid at sumenyas dito.

    “Hindi ko po sinasadyang itago sa inyo ang katotohanan, Sir Winchester. Pero magkapatid po kami. At hindi na mauulit itong nangyari ngayon.”

    “Good.. Because the two of you are fighting in front of my company. Sana naman magkaayos na kayo kung ano man ang pinagdadaanan niyong dalawa.”

    Tumango lang si Jacob at ngumiti si Luke kay Winchester. Napatingin din siya kay Taron at linahad nito sa kanya ang kanyang kamay.

    “I’m Taron.. Nice to meet you, Luke.” pagpapakilala ni Taron sa kanyang sarili.

     Hindi nila alam kung ano pa ang sasabihin kaya naghiwahiwalay na silang apat.

     Magkasama si Taron at Jacob papunta sa kotse nito samantalang naiwan si Luke at Winchester at inutusan niya itong pumasok sa kotse niya.

    “So when will you tell me about your family? Napakaliit ng mundong ginagalawan natin. And why does it seem like Jacob hates you? Ano bang ginawa mo sa kanya?”

    Napailing lang si Luke at napahinga ng malalim dahil nananakit parin ang kanyang tiyan.

    “Kung ikukwento ko sa’yo lahat lahat, aabutin tayo ng dalawang araw. Pero naiintindihan ko siya. Alam ko kung bakit siya galit sa akin. Pakiramdam ko kasalanan ko rin naman kung bakit nabuo ang galit niya sa akin. Hindi ako naging mabuting kapatid sa kanya.”

    “Whatever you have done. Alam kong hindi ka masamang kapatid. Maybe he is just driven by jealousy. Ganun naman lahat sa isang pamilya. I would know that first hand. But your brother is a good man too. Nakikita ko kung gaano siya kasipag sa kanyang ginagawa. You are both good people. Sana lang magkaayos kayo before anyone gets admitted to the hospital soon.”

   Napangiti naman si Luke sa sinabi ni Winchester. Hindi pa rin alam ng binatang Del Mundo kung ano ang ginagawa ni Luke sa harapan ng kompanya.

    “So why were you here anyway? Wala naman tayong usapan na magkikita ngayong araw?”

    “Eh kasi birthday ngayon ni Pipo.. May hinandan kaming sorpresa nila Mamu at ng mga gagong boardmates ko sa restaurant. Kaya gusto sana kitang isama. Gusto ka rin niya kasing makita bilang regalo na rin sa kanya.”

   Natawa naman si Winchester. Agad naman siyang tumango at inutos sa driver na pumunta muna sa isang boutique para bumili ng regalo para kay Pipo.

   

  Itutuloy…

♧♧Chapter XXI♧♧

Laurente Mansion

    

Nakaupo si Simon sa sofa ng living room at hinihintay na dumating si Achilles. Nakakuyom ang kanyang kamay habang naaalala ang mga nalaman tungkol sa pagkatao nito. Marami siyang katanungan. Hindi niya akalain na lolokohin siya ng ganito ng mga taong akala niya ay pamilya niya.

    Narinig niya ang pagpihit ng pinto at napabaling siya ng tingin dito at nakita niya ang papasok na si Achilles na lango nanaman sa alak. Tumayo ito sa harapan niya at ngumiti lang ito sa kanya ng mapakla. Tatalikod na sana ito nang tawagin niya ang atensiyon ng binata.

    “So this is how you spend your time being a CEO? Pagiinom? Pagsusugal? Pagnanakaw sa kompanya na tinatag ng lolo mo?” maanghang na sambit ni Simon na kinangisi lang ni Achilles.

   “Well nothing surprises you anymore, Dad. Ano pa bang dapat kong gawin? Ako na ang CEO ng DLM Group? Hindi ba iyon naman ang gusto mong mangyari?”

    “Be a responsible piece of shit.. That’s what I want you to be. Pero ano pa nga bang aasahan ko sa’yo? You’re not even my son.”

     Hindi mapigil ni Achilles na makaramdam ng galit. Lahat na lang ng nakikita sa kanya ng mga taong labis niyang minahal ay ang kanyang kamalian. Ang kanyang kinilalang ama. Ang taong pinakamamahal niya. Wala siyang ibang magawa kundi mapatawa na lang sa pait na kanyang nararamdaman.

     “I know.. I was never your son. That’s not surprising to me anymore. Lahat ng pagpupursigi ko just to earn your favor. Para lang makita mo na gagawin ko ang lahat maging sapat lang para ituring mo na anak mo. But in the end, I am still a disgrace in your eyes. I am actually beginning to realize, you are so dumb not to realize your wife was manipulating you this whole time.”

    Linapitan ni Simon si Achilles at hinapit niya ito sa kwelyo at itinulak ng malakas sa marmol na dingding. Natawa lang si Achilles sa ginawa ng kanyang ama sa kanya.

     “Gaano na katagal akong linoloko ni Mildred? Kailan mo pa nalaman na hindi kita anak?” galit na tanong ni Simon kay Achilles at umiling lang ito.

    “That bitch was never my mother.. She was only clinging to you because of your money. Kahit kailan hindi ko naramdaman ang pagiging ina niya sa akin. And I did my own part of investigating. Matagal ko nang alam, Dad. Matagal ko nang alam na hindi mo ako anak. But I still see you as my father. But now, I really don’t care. Wala na akong pakialam sa kung ano man ang isipin mo sa akin.”

   Tinulak ni Achilles si Simon palayo sa kanya at naglakad na papunta sa hagdanan ng mansion. Naiwan si Simon na puno ng galit. Iniisip niya kung ano ang ginawa ni Mildred noon.

   Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at tinawagan ang isang importanteng tao para malaman niya ang totoong nangyayari.

    Sumagot ang taong nasa kabilang linya at nakaramdam ng kapanatagan si Simon nang marinig niya ang boses nito.

    “Erica.. Salamat at sumagot ka. I need you to do something for me. It looks like there will be changes with my will. May mga tao akong ipapahanap. I need to know what happened 26 years ago. Kung anong nangyari kay Eunice.”

   “You don’t have to worry about that, Simon. Before Eunice died, I found out from someone close to her that she was pregnant that time. I never thought it will take this long for you to realize na niloloko ka lang ni Mildred noon pa.”

   Napasinghap si Simon at mas nadagdagan ng pag-asa ang kanyang puso nang malaman niya kay Erica ang posibilidad na buhay ang anak nila ni Eunice.

    “Eunice loved you.. She was in love with you. Pero ayaw ng Papa mo sa kanya dahil kalaban niya sa negosyo ang pamilya ni Eunice. Then he decided to marry you to an awful bitch who does nothing but to glamorize herself. Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagtitiis sa kanya.”

    “I had to do it for our family.. Eunice— I loved her too. Pero hindi ko rin kayang talikuran ang pamilya ko. Even her own family does not want me to marry her. But I’m just glad that there is a chance that my child with her is still alive.”

     Napatigil naman sa pagsasalita si Erica sa kabilang linya. Siya ang abogado ni Simon na matagal na rin niyang kaibigan. At hindi alam ni Simon ang gagawin kung wala si Erica na gumagabay sa kanya.

     “Eunice went missing when her family disowned her. Nagsinungaling siya sa totoong ama ng dinadala niya just to stop her father from coming to you. I should have told this things to you noon pa man, pero ayoko ring guluhin ang isipan mo. You have a family name to preserve. And I guess I let you believe that Aki was your son. And just let Mildred mess with your feelings.”

    “Kasalanan ko rin naman lahat. Kung pinanindigan ko lang talaga si Eunice noon, things would have turned out differently. Ang mahalaga ngayon, mahanap natin kung sino ang pinagkatiwalaan ni Eunice sa anak namin. And I will do everything just to bring back that child here.”

   


   Le Château Building

    

Nakarating si Taron at Jacob sa condo unit at walang nasasalita sa kanilang dalawa. Pinakikiramdaman ni Jacob ang posibleng sabihin sa kanya ni Taron.

      Napaupo ito sa sofa at hinubad ang suot ng coat mula sa trabaho niya sa sarili nitong kompanya.

     “Hindi ko alam na magkaibigan pala kayo ni Mr. Del Mundo. Pasensiya ka na sa inasal ko kanina. Hindi ko lang talaga mapigilang ilabas ang sama ng loob ko kay Luke.”

     “Your brother seems a nice person to me. Bakit ba ang laki ng galit mo sa kanya? It feels like you want to get rid of him.”

    Napahinga ng malalim si Jacob at alam niyang hindi na maganda ang pagtingin ni Taron sa kanya matapos ang nasaksihan nito kanina.

     “Marami kaming hindi napagkakasunduan bata pa lang kami. Siguro naiinggit lang ako sa kanya dahil lahat ng puri ay napupunta sa kanya at ako palagi ang masama sa harap ng mga magulang namin.”

    Nakikinig lang si Taron kay Jacob habang nagpapaliwanag ito sa kanya. Ngayon niya lang ito nakitang naging emosiyonal.

     “Siguro naging masiyado lang akong makasarili din. Alam ko naman na ginagawa niya lang din ang lahat para maging proud sa kanya si Mama at Papa. Hindi kami totoong magkapatid. Inampon lang siya ng mga magulang namin. Kaya siguro malayo ang loob ko sa kanya.”

    “But he’s still your brother. Hindi na maaalis yun. He was with you all your life. At hindi mo maaalis ang katotohanan na malaki ang bahagi niya sa pagkatao mo. So you should apologize to him. For everything. Matatanda na kayo para magsapakan sa daan na parang mga teenager.”

   Tumango lang si Jacob bilang pagsang-ayon sa sinabi sa kanya ni Taron. Tumabi siya dito ng upo at hinapit niya ang balikat nito palapit sa kanya.

    “Ikaw lang ang taong nakaintindi talaga sa akin. At tama ka, hindi na ako bata para umarteng iresponsable. Marami akong dapat itama sa buhay ko. At salamat kasi pinpaalala mo sa akin ang mga bagay na dapat kong gawin.”

    Ngumiti lang si Taron at hindi rin mapigilan ni Jacob na ngumiti dito. Ilalapat na sana ni Taron ang labi niya sa labi ni Jacob pero umiwas ang huli at mabilis na tumayo.

     “Maghahanda lang ako nga hapunan natin. Mukhang nagugutom ka na eh.. Nagugutom na rin ako.”

    Naglakad si Jacon papunta ng kusina at naiwan si Taron sa sofa na nakangiti. Pero sa loob niya hindi niya alam kung saan patutungo ang nararamdaman niya para kay Jacob. Natatakot siya na baka isang araw talikuran din siya nito.

    Pumunta na siya sa kanyang kwarto at naisipang magbihis. Habang si Jacob ay kinukuha sa ref ang mga lulutuin niya. Iniisip pa rin niya ang muntikan nang paghalik sa kanya ni Taron.

   Hindi na rin niya alam kung bakit may parte sa isip at puso niya na gustong mangyari iyon pero may humihila sa kanyang pwersa na dapat niyang pigilan iyon. Naguguluhan na siya sa nararamdaman niya kay Taron.

   Mahal niya ba ito? O dahil lang sa nararamdaman niya rito ang pagtanggap na matagal na niyang gustong maramdaman?

   Matapos silang maghapunan ay nagpunta sa Veranda si Taron upang tanawin ang langit. Malinaw ito at puno ng bituin. Naramdaman niyang hindi na siya nag-iisa doon.

    “You know what, when I was younger.. I always wanted to be an astronaut. Gusto ko makapunta sa outer space and see what really is out there. Nagpatahi pa si Mommy noon ng Astronaut Costume ko sa aming class project and I won that. Pero nung lumalaki na ako, it was harder that I thought. Akala ko madali lang maging isang astronaut.”

    “Lahat naman ng bagay hindi madaling pagdaanan. Noong bata ako, gusto kong maging boksingero. Sabi kasi ni Papa malalakas daw suntok ko. Basag ang mukha ng mga bata noon na nakakaaway ko. Hindi ko alam pero siguro noon pa man meron na akong galit na hindi ko maintindihan. Nasa pagkatao ko ang galit na ’yun. Kaya nga nagtataka ako, bakit kahit isang beses hindi ko nagawang magalit sa’yo?”

   Napabaling si Taron ng tingin kay Jacob at nakatitig na pala ito sa kanya. Magkatabi silang nakatayo sa veranda at napangiti ang binata.

     “Maybe you just know how to control it more now. Marami nang nagbago sayo simula nang magkasama tayo.”

      “Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari, Taron. Ayoko mang aminin pero himdi na normal ang nararamdaman ko para sa’yo. Palagi kong iniisip na baka paghanga lang sa’yo ang nararamdaman ko. Pero sa tuwing iniisip ko iyon, ayaw tanggapin nito.” sabay turo ni Jacob sa kanyang puso.

    “At hindi ko alam kung bakit.. Bakit ganun ang nararamdaman ko sa’yo.”

      At hindi na pinalagpas ni Taron ang pagkakataon. Ginagap niya ang mukha ni Jacob at masuyo niyang nilapat ang labi niya sa labi nito.

    Ang mainit na labi ni Taron ay parang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ni Jacob. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon nalang ang pagtanggap niya sa mga labi nito? Hindi siya nandidiri dito. Bagkos, nagustuhan niya ang labi na lumalapat sa kanyang sariling labi.

   Banayad hanggang sa naging marahas ang pinagsasaluhang halikan ng dalawa. Hinubad ni Taron ang suot na damit ni Jacob at tumambad sa kanya ang katawan nitong talagang noon pa man ay hinahangaan na niya. Hinawakan niya ito na nagpapaigtad naman kay Jacob. Naghahalo ang sarap at kiliti sa bawat haplos na ginagawa ni Taron sa kanyang katawan.

    Bago ang pakiramdam na iyon para sa kanya. Sa mga babaeng naikama na niya, hindi siya nakaramdam ng ganitong pagnanasa. Hinubaran niya rin si Taron sa suot nitong roba at tumambad naman sa kanya ang hubo’t hubad na katawan nito.

    Hindi niya napigil na tingnan ang pagkalalaki nito na naghuhumindik na sa pagnanasa. Napalunok siya sa laki nito. Naisip niyang mas malaki pa ito sa kanyang pagkalalaki pero hindi na niya masiyadong inisip pa iyon. Kailangan niya lang na maiparamdam dito ang pagnanasang nararamdaman din niya.

    “We don’t have to do this if you don’t want to..” mahinang saad ni Taron pero siniil lang siya ni Jacob ng halik. Patunay na gusto nito ang nangyayari sa kanilang dalawa.

     Hinigit ni Jacob ang kamay ni Taron at mabilis silang naglakad patungo sa kwarto nito. Tinulak ni Jacob si Taron sa kama nito at muling siniil ng halik. Para kay Jacob, wala na isip niya na pareho silang lalaki ni Taron.

    Ang mahalaga ay ang nararamdaman niya para dito. Ang iparanas niya rito ang ligayang kaya niyang ibigay.

    Ang mga ungol mula sa nagniniig nilang katawan ang maririnig sa silid na iyon. Ang mga halinghing ng pagnanasa at ang pagsinghap ng hangin dahil sa sarap na nararamdaman.

    Iyon ang gabing hinarap ni Jacob ang totoo niyang nararamdaman. At ang gabing iyon ang babago sa buhay nilang dalawa.

    

Del Mundo Mansion

      

“Haggang kailan mo itatago ang relasyon niyong dalawa? Kapag nalaman ni Achilles na may relasyon kayong dalawa, gagamitin niya si Luke laban sa’yo.” giit ni Mang Tony habang nasa bar silang dalawa ni Winchester.

     Sumimsim si Winchester ng Vodka mula sq baso niya at napabaling sa matandang tumayong ama na niya simula pa noong pinanganak siya. Kung may tao mang mas nakakakilala pa sa kanya, si Mang Tony iyon.

     “I wish you were my real father. Kasi ikaw lang ang nakakaalam sa lahat ng totoo sa buhay ko.”

     “Huwag monh ibahin ang usapan natin, Win. Maraming kayang gawin si Achilles na mas ikakapahamak mo pa. Hindi na natin siya pwedeng pabayaan na gawin ang gusto niya.”

     Umiling lang si Winchester bilang sagot sa matanda.

     “He said he was in love with me.. And it was my fault for not recognizing his feelings. At hindi ko hahayaan na idamay niya si Luke sa gulo naming dalawa. He will have to face my wrath if he ever lay his hands on Luke.”

     “Alam kong mahal mo ang batang ’yun.. Pero nakahanda ka bang tanggapin siya kapag nalaman mo ang buong katotohanan?”

     Napalukot ang noo ni Winchester sa huling sinabi ng matanda sa kanya. Hindi siya kumurap habang hinahintay ang sasabihin pa ni Mang Tony sa kanya.

     “Tony? What are you talking about? Anong buong katotohanan ang sinasabi mo?”

      Uminom ang matanda sa baso niyang may whisky at muling hinarap si Winchester.

      “He is the son of Simon Laurente. The real son.”

      

Itutuloy…

◇◇Chapter XXII◇◇

Del Mundo Mansion

      “How did you find this out, Tony? Did you order a secret investigation without me knowing?” tanong ni Winchester na gulat pa rin sa kanyang mga nalaman mula kay Tony.

      “Mas mabuting sumunod ka sakin sa study room. Doon ko ipapaliwanag sa’yo ang lahat.” sagot naman ni Tony na tinalima naman ni Winchester.

    Mabilis nilang tinahak ang hagdanan patungo sa ikalawang palapag at nang makarating sila sa study room ay umupo si Winchester sa couch habang si Tony naman ay agad na pinaandar ang malaking TV Monitor at nagsimulang lumabas ang mga larawan ni Luke.

    “Luke Gamboa.. Noon pa man malakas na ang kutob ko na may kakaiba sa batang ’yun. Nakita ko na ang mga mata niya sa isang taong kilala ko.”

     “That does not make sense, Tony. Base lang sa pagkakahawig niya sa taong kilala mo, you started to investigate him?”

    Nagpatuloy ang paglabas ng mga larawan ni Luke hanggang sa may lumabas na larawan ng isang babae na nasa singkwenta pataas na ang edad.

     “Conchita Gamboa.. Siya ang foster mother ni Luke. Nanilbihan siya sa isang mayamang pamilya noong dalaga pa siya. At ang pamilyang iyon ay ang pamilya Hernandez.”

    Nalukot ang noo ni Winchester sa kanyang narinig. Isang mayamang pamilya ang mga Hernandez na noon pa man ay sinusubukan niyang makuha ang loob para makuha ang kompanya na pag-aari ng mga ito. Ang Legend Corporation.

     “Ang mga Hernandez ay biniyayaan ng isang lalaki at isang babaeng anak. Leonard is currently the president of Legend Corporation. Pero wala siyang anak.”

     “Yes.. That’s why I wanted to take that company and be under our conglomerate since that company will only cripple in the hands of wrong executives.”

     Tumango si Tony at nagpatuloy lang sa kanyang paliwanag.

     Isang larawan ang nagpalaki sa kanyang mga mata. Isang magandang babae na nasa biente anyos mahigit lamang ang edad. Elegante ito at napakaganda. At kamukhang kamukha nito si Luke. Maging ang porselanang balat nito.

     “Siya si Eunice Hernandez.. Ang babaeng anak ng pamilya Hernandez. At alam kong nagugulat ka sa iyong mga nakikita. Siya ang ina ni Luke. Kaya ko nasabi sa iyo na kahawig niya ang isang taong kilala ko noon, dahil kaibigan ko si Eunice Hernandez. Kaibigan din siya ng Mommy mo.”

    “So— How did he end up being the son of Tito Simon? Did they have a relationship? Wala na bang katapusan ’tong mga surpresa sa buhay ko?”

     Lumapit si Tony kay Winchester at inabot niya rito ang isang envelope na hindi pa nabubuksan.

     “Nakakuha ako ng hibla ng buhok ni Luke noong nilinis ko ang kotse ni Sir Alfonso. At sa tulong na rin ng mga kilala ko sa pulisya, nakakuha ako ng DNA sample ni Eunice. Pumanaw siya sa isang sakit. Komplikasyon din sa kanyang panganganak.”

    Binuksan ni Winchester ang sobreng hawak niya. Hindi niya alam kung ano ang laman ng sobreng iyon.

     “At kumuha ako ng sample ni Simon nang bumisita ako sa kanilang mansion. Palihim. At nasa loob ng sobreng iyan lahat ng resulta ng DNA Test na pinagawa ko.”

     At nang tuluyang makuha ni Winchester ang mga papel sa loob. Hindi niya alam kung ano pa ang mararamdaman. Tama ang sinabi ni Tony sa kanya.

    Si Luke ang tagapagmana ni Simon Laurente at ang tanging tagapagmana ng mga Hernandez. Tiniklop niya ang mga papel na hawak at napahinga ng malalim.

     “Does he know about this already? Alam na ba niya kung sino ang totoo niyang mga magulang?”

     “Sa ngayon hindi pa.. Pero kumikilos na si Simon. Its only a matter of time bago niya malaman na ang totoo niyang anak ay matagal na palang nakapasok sa kanyang mundo. Simon wants to take over DLM Group. Alam niyang hindi niya magagawa iyon kung si Achilles lamang ang aasahan niya. He will try to convince Luke na umuwi sa kanyang mansion and to start brainwashing him.”

    Maraming bagay ang pumapasok sa isipan ni Winchester. Darating ang pagkakataon na malalaman din ni Luke ang lahat ng ito at natatakot siya sa kung anong pwedeng mangyari kapag nalaman na nito ang totoong pagkatao.

     “I won’t let them use Luke for their own interest. Hindi ko hahayaan si Achilles o si Tito Simon na gamitin si Luke laban sa akin. That’s why I have to make a sacrifice.”

      “You have to take him out of your life, Winchester. Mapupunta sa kanila ang lahat ng pinaghirapan mo at ng mga magulang mo kapag sila na ang may kontrol sa buong DLM Group.”

     Tumango si Winchester. Ngunit hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha. Kung kelan siya nakaramdam ng kaligayahan sa unang pagkakataon, bigla naman itong babawiin.

      Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad niyang tinawagan si Luke.

     “Oy? Napatawag ka.. Miss mo na ako agad? Kasama palang tayo kanina ah?”

    Napangiti naman si Winchester habang pinapahiran niya ang luha niya na tumulo sa kanyang mukha.

     “Can we go out tomorrow? Let’s go out of town. Tayong dalawa lang. Pwede ba?”

     “ Aalis tayo? Sige ba! Basta kasama kita.. Kahit saan pa ’yan. Sasamahan kita.“

      Kailangan ni Winchester na maging mahinahon at gawin ang tama upang hindi tuluyang maglaho sa kanya ang mga bagay na matagal niyang inilaban.

     


     Aquarius Yacht

   

  Nanlalaki pa rin ang mata ni Luke habang linilibot niya ang napakagarang yate ni Winchester. Lahat ng kanyang nakikita ay mamahalin at talaga namang nakakaagaw ng atensiyon.

     “Grabe. Ang gara naman nitong yate mo. Parang pwede ka na ritong manirahan. Lahat ng kailangan mo nandito na.” manghang saad ni Luke kay Winchester habang nagsasalin ito ng alak sa dalawang baso na may yelo.

   Inalok ni Winchester kay Luke ang isang baso at tinanggap naman iyon ng huli.

     “I always wanted to have this yacht noon pa man. Palagi akong dinadala ni Lolo, my father, sa isang sekretong isla na pag-aari ng pamilya namin. And that’s where we are headed today.”

     “Bakit mo naisip na dalhin ako sa isang isla? May binabalak ka ba na hindi ko nalalaman?” may panunukso sa mga mata ni Luke habang linalapitan niya si Winchester at hinapit niya ito palapit sa kanya.

    Hinalikan naman siya ni Winchester sa labi at nanatili silang ganoon bago nila mapansin na hindi lang sila ang naroon. May kasama silang dalawang maids at ang nagmamaneho naman ay si Dennis na matagal nang naglilingkod sa kanilang pamilya.

     “Let’s just enjoy ourselves. Matagal ko na rin kasing hindi nagagawa ’to. Now I have more time to do this.”

     Ngumiti lang si Luke at muling uminom sa basong hawak niya. Hindi naman alam ni Winchester ang gagawin niya kapag natapos na ang mga sandaling kasama niya si Luke.

     Kapag nalaman nito ang buong katotohanan, hindi niya alam kung ano rin ang magiging reaksiyon nito. Alam niyang magiging malaking balakid sa kanilang relasyon ang pagiging kapwa tagapagmana nila.

     At sa huli, mas pipiliin niya ang mabawi ang posisyon niya sa DLM Group. Dahil alam niyang iyon din ang gagawin ni Luke kapag nalaman na niyang siya ang tunay na tagapagmana ng mga Laurente.

     Hindi niya kayang bitawan ang lahat ng kanyang pinaghirapan. Proprotektahan niya si Luke sa paraang alam niya. At iyon ay ilayo ang sarili niya rito.

    Narating nila ang isla na pag-aari ng mga Del Mundo at nagulat si Luke sa ganda ng lugar. Puting buhanginan sa dalamapasigan. Isang magarang bahay na gawa sa kahoy at konkreto. Matatayog na puno ng niyog at naggagandahang halaman sa paligid. Hindi niya maipaliwanag ang ganda nito.

    “Para ka ngang nasa isang paraiso. Napakaganda pala talaga dito. Mawawala lahat ng problema mo.” usal ni Luke na kinangiti lang ni Winchester habang nakaakbay ito sa kanya.

    “That’s why I come here to rest my mind. Sabihin nalang natin na this is my perfect getaway.”

    Tumango tango lang si Luke at naglakad na sila patungo sa bahay na pansamantala nilang tutuluyan habang nasa isla sila. May nangangalaga dito at nakahanda na ang mga pagkain nila nang makapasok sila sa loob ng bahay.

    Namamangha pa rin si Luke kahit simple lamang ang loob nito. May mga painting at ilang mga sculpture na gawa sa kahoy. Magagandang muebles at isang malaking flat screen TV sa sala na kompleto din sa mga gamit. Lahat ng kailangan mo sa isang bahay ay naroon na rin.

    “Gaano ba talaga kayo kayaman? Parang hindi na ata maghihirap lahat ng miyembro ng pamilya ninyo hanggang sa ikalimang henerasyon?”

    “That depends on how they will handle the money.. Hindi lahat ng mayayamang pamilya, habangbuhay ay mayaman. Siguro maswerte lang din ako dahil pinanganak na ako sa ganitong estado ng buhay.”

    Umupo si Luke sa tabi ni Winchester. Nasa couch sila ng sala dinadama ang banayad na ihip ng hangin mula sa bukas na bintana na bumubungad sa dalampasigan ng isla.

     “Sana ganito nalang tayo palagi. Iyong hindi kalkulado lahat ng kinikilos mo. ’Yung Winchester na alam din paano maging isang normal na tao.”

    Napabaling si Win ng tingin kay Luke habang nakamasid lang ito sa dalampasigan.

     “Alam kong iniisip mo pa rin na bawiin ang pagiging CEO mo sa DLM Group. Pero natatakot ako kapag umaasta ka bilang isang Winchester Del Mundo. At hindi ang Win na nakilala ko sa daan na dumidiskarte upang makarating lamang sa kanyang trabaho sa tamang oras.”          Pinakikinggan lang ni Winchester lahat ng sinasabi sa kanya ni Luke.

     “Iyon ang Winchester na napamahal sa akin. Iyong alam niya ang tama. Ang Winchester na kayang sabayan ang isang normal na taong katulad ko. Mahal kita at kaya kong ilaban ka. Pero kapag ang kompanya na, ang ambisyon mo, ang paghahangad mo ng kapangyarihan ang umiiral sa isipan mo, nakakatakot.”

    Hindi namalayan ni Winchester na lumuluha na pala siya habang sinasabi ni Luke ang lahat ng iyon at nang mapabaling ito sa kanya ay nagulat ito dahil sa kanyang pagluha.

     Pinahid ni Winchester ang luha niya at muling binalik ang kanyang tingin sa dalampasigan. Yinakap siya ni Luke at pinasandal siya nito sa dibdib nito.

     “Hindi mo kailangang maging malakas palagi, Win.. Hindi ko kayang nakikita kang palaging pinaglalaban kung ano ang gusto mo. Nandito ako.. Nandito ako para damayan ka. At kahit anong mangyari, hinding hindi kita bibitawan.”

   Mas lalo lang naging mahirap kay Winchester na gawin ang kanyang binabalak. Paano pa niya tatalikuran ang taong tanging nagparamdam sa kanya na isa siyang tao. May damdamin at kaya ding magmahal.

     “Let’s just enjoy everything while we are here.. Shall we?” saad ni Winchester na tinanguan lang ni Luke habang nakayuko ito at nakatitig sa kanya.

    Hinalikan muli ni Luke si Winchester at patuloy lang nilang dinama ang mapayapang lugar na kinaroroonan nila sa mga sandaling iyon.

  


     Laurente Mansion

      

Hindi mapakali si Mildred habang hinihintay ang isang tawag mula sa taong kanyang pinagkatiwalaan na hanapin ang mga taong may hawak ng anak ni Eunice.

     Tumunog bigla ang kanyang cellphone at nakita niya sa screen nito ang pangalan ng taong tumatawag sa kanya.

     “Froilan? What the hell is taking you so long? Hanggang ngayon ba wala ka pa ring update tungkol sa location ni Conchita at Oscar?”

    Nauubusan na siya ng panahon. Kumikilos na rin si Simon at kapag nalaman nito ang buong katotohanan, tuluyan nang mawawala sa kanya ang lahat.

    “Nalaman ko na nasa probinsiya sila ng Zambales. Sitio Amarillo sa bayan ng Castillejos.”

    “Then what are you waiting for? Hanapin mo na sila doon. At pwede ba? Bilisan mo. Hindi kita binabayaran para sa kakuparan mo!” galit na bulyaw ni Mildred at binaba na ang tawag sa kanya.

    Nasa hardin siya ng malaking mansion at hindi niya namalayan na nakikinig pala sa kanya si Achilles habang nakikipag-usap sa kanyang tauhan.

      “So? Any luck finding your buried treasure?” nakangising tanong ni Achilles habang naglalakad palapit sa kanyang ina.

      “You were eavesdropping my conversation? Ganun ka na ba talaga kawalang galang ngayon, Achilles?” tanong ni Mildred sa kanyang anak at lumapit ito sa kanya.

    Linagay nito sa bulsa ng kanyang pantalon ang mga kamay nito bago huminga ng malalim at tumawa ng may panunuya.

      “Where did you think I learned it from? You are the best mother in the world right?” sarkastikong saad ni Achilles na dahilan para sampalin siya ni Mildred sa mukha.

      “I am your mother, Aki! You should know your place.. Hindi porquet ikaw na ang CEO ng DLM Group ngayon, aasta ka na parang hindi ako ang nagbigay ng buhay sa’yo?”

      Hinawakan ni Achilles ang pisngi niya na sinampal ng kanyang ina.

      “You know what.. Sometimes I wish you never given birth to me.. Because look at me now? I am turning into a monster like you.”

    Tinalikuran ni Achilles si Mildred na puno ng galit. Wala siyang ibang maramdaman kundi pagkamuhi sa mga taong nakapaligid sa kanya.

     “Pagbabayarin ko kayong lahat sa ginawa niyo sa akin. You will see what kind of a monster I am.”

    Mabilis na nagtungo sa garahe si Achilles at agad na sinakyan ang kanyang Audi paalis ng mansion. May kakatagpuin siyang isang tao. At iyon ang magiging simula ng kanyang ganti sa lahat.

   


    Japanese Restaurant

     

Takaw atensiyon ang pagpasok niya sa loob ng restaurant. Ngunit hindi na niya pinagaksayahan pa ng tingin ang mga taong namamangha sa angkin niyang kagwapuhan.

    Nahanap niya ang mesa na kinauupuan ng taong kakatagpuin niya rito. Napangiti siya nang magtagpo ang mga mata nilang dalawa.

      Nang makaupo na siya ay tanging pagtungo lang ang ginagawa ng taong nasa harapan niya ngayon.

      “So— You are Jacob Gamboa. Sanitary officer right? That must be a tough job for you.” tanong ni Aki kay Jacob na nakatungo pa rin ang ulo.

     “Opo– Mr. Laurente. Hindi ko pa alam kung ano po ang sadya niyo sa akin.”

      “Drop the formality.. I just want to ask you a few questions since I did a background check on you. And I find your family interesting.”

    Napatingin ng tuluyan si Jacob kay Achilles at kita niya rito ang sarkastikong ngiti. Hindi niya maintindihan ang takot na nararamdaman niya mula rito.

      “You see… I have been looking for this two people for a long time now. And voila! It so happened that they are your parents?” nakangiting saad ni Achilles kay Jacob.

      “Ano pong kinalaman ng mga magulang ko dito? Kung sa trabaho ko po ang problema, sana hindi na po madamay ang pamilya ko..”

      Sumenyas si Achilles na hindi iyon ang nais niyang malaman. Kinakabahan na si Jacob sa kung anong binabalak ni Achilles sa kanya at sa kanyang pamilya.

      “Conchita Gamboa and Oscar Gamboa.. Tell me, is there any other family member that you want to add in the list?”

     Hindi alam ni Jacon kung ano ang isasagot. Pero wala siyang pagpipilian kundi sabihin rito ang totoo.

     “Si Luke.. Ampon siya ni Mama at Papa.”

     At isang maluwag na ngiti ang sumilay sa mukha ni Achilles.

      “Wonderful.”

        

Itutuloy…

♡♡Chapter XXIII♡♡

“How is your relationship with Luke? Since he is your adoptive brother.. I’m sure you don’t like him around.” tanong ni Achilles kay Jacob habang patuloy namang nakayukod ang huli.

     Hindi alam ni Jacob kung ano ang kailangan ni Achilles sa kanilang pamilya. Meron bang nagawang kasalanan ang mga magulang niya para usisain nito ang mga bagay? Hindi niya mawari kung bakit ganito ang inaasal nito sa kanya.

     “Mawalang galang na po, pero hindi ko po kailangang idetalye sa inyo kung ano mang meron sa pamilya ko, Mr. Laurente. Kung ano man ang kailangan niyo sa pamilya ko, sabihin niyo sa akin. Mahal ko po ang pamilya ko.”

    Napatawa ng mahina si Achilles na kinaangat ng tingin ni Jacob. Hindi niya maintindihan ang kinikilos nito at para bang may masama itong binabalak.

     “You see, maraming bagay ang tinatago sa’yo ang mga magulang mo. Siguro hindi rin alam ni Luke ang buong katotohanan sa pagkatao niya.”

     Napalukot ang noo ni Jacob dahil mas lalo lamang siyang naguguluhan sa mga sinasabi sa kanya ni Achilles.

     “Ano po bang ibig niyong sabihin?”

     Nilapit ni Achilles ang mukha niya kay Jacob at ngumiti dito. Naaasiwa man ay pinanindigan ni Jacob ang tapang niyang harapin ito.

      “Luke is the long lost son of my father. Ibig sabihin lang, he is an heir of the Laurente legacy.”

     Hindi agad nakakilos si Jacob sa kanyang kinauupuan. Parang nabingi siya sa kanyang narinig.

      “And its only a matter of time bago malaman ni Daddy na anak niya si Luke.”

     “Kung ano man ang binabalak mo kay Luke.. Hindi ko hahayaan na magawa mo iyon.”

    Natawa si Achilles sa kanyang nakitang reaksiyon mula kay Jacob.. Hindi niya akalain na proprotektahan nito si Luke at hindi iyon ang inaasahan niya.

      “Well.. Its too late for that. I’m just here to warn you that your parents are in danger. And you must tell Luke about what you heard from me. Kung ayaw mong maniwala, bakit hindi mo tanungin ang mga magulang mo?”

      “Pati mga magulang ko idadamay ninyo? Wala na talaga kayong mga kaluluwa. Para lang sa kayamanan, gagawin niyo ang lahat para hindi kayo maunahan ng kahit na sino! Binabalaan ko kayo.. Kapag nasaktan ang kahit na sino sa pamilya ko.. Hinding hindi ko patatahimikin ang mga buhay ninyo.. At hindi niyo makukuha si Luke!”

     Iniwan ni Jacob si Achilles sa mesa at tuluyang nilisan ang restaurant. Habang nakangiti lang si Achilles sa kanyang sarili.

      “The real game is about to start..”

    


   

Secret Island

      

Pinagmamasdan ni Winchester ang bilog na buwan sa malinaw na langit habang nakaupo siya sa wooden bench na malapit sa dalampasigan. Patuloy pa rin niyang iniisip kung dapat ba niyang ipaalam kay Luke ang totoo nitong pagkatao.

      Ang malaman nito na isa itong tagapagmana ng isang marangyang pamilya ay hindi kailanman pumasok sa isipan niya. At mas lalong maguguluhan si Luke kapag nalaman nitong anak siya ni Simon Laurente.

     “Ang lalim naman ng iniisip mo, hindi mo napansin na nandito na ako.” pagbasag ni Luke sa katahimikan at napabaling ng tingin sa kanya si Winchester.

    Nasa tabi na niya ito at may dalang dalawang bote ng beer. Binigay ni Luke kay Win ang isang bote at napangiti naman ang huli.

     “Pasensiya na.. Marami lang talagang pumapasok sa isipan ko lately. Kaya nga pumunta ako dito para mawala ang mga ’yun but it seem like hindi ko parin siya mawaglit.”

     “Kahapon ko pa napapansin na parang may gusto kang sabihin sa akin. Kanina noong naliligo tayo sa dagat parang wala ka rin sa sarili mo. Alam mo naman na makikinig ako palagi sa’yo diba?”

    Napasinghap si Winchester at ngumiti nalang kay Luke bilang tugon. Ayaw niyang ipakita dito na nag-aalala siya sa kinabukasan ng kanilang sinimulang relasyon.

     “You know what, noong una kitang makita, I was really smitten by your charm. You look so handsome when you took off your helmet and lend me a ride. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Dahil alam kong magtatagpo at magtatagpo ang mga landas natin. And I was not wrong. Each time that we are together, mas lalo kong napapatunayan sa sarili ko na mahalaga ka sa akin. You made my life so different. Dati, puro sarili ko lang ang iniisip ko. My ambitions. My plans of a global business empire. Hindi ko kailanman binigyan ng panahon ang puso ko. And it all changed when I met you that day.”

     Nakikinig lamang si Luke sa mga sinasabi ni Winchester habang nakatitig ito sa kalangitan. Napapangiti naman siya sa tuwing nangingiti din ito sa kanyang mga sinasabi.

     “You were like this fireball that just suddenly appeared out of nowhere and changed everything I know about my life. And I am thankful for that. You were with me through my tough times. Pinapangiti mo ako sa tuwing may mga bagay na nahihirapan akong tanggapin. You just make things easier to bear.”

    “Bakit di mo nalang kasi sabihin na mahal mo ako? Doon din naman tayo pupunta?” panunuya ni Luke kay Winchester na kinabaling ng tingin nito sa kanya.

    Umusog ang binata palapit kay Luke at hinaplos nito ang maamo nitong mukha. Kung magtatapat ang dalawa ay parang hulog sila ng langit sa malaanghel nilang wangis.

    “Mahal kita, Luke.. I love you and I’m sorry if it took a while for me to realize that.” nakangiting saad ni Winchester at yinakap naman siya ng mahigpit ni Luke.

     “Alam ko naman na mamahalin mo rin ako balang araw.. Sorry kung nakulitan ka sa akin. Pero hinding hindi kita susukuan. Alam mong mula nang makilala kita, ikaw na ang laman nitong puso ko. Ikaw lang at wala nang iba.”

     “And you are so corny.. That’s why I fallen for you.”

     Natawa silang dalawa at ang gabing iyon ay parang pinagbuklod na sila ng tuluyan ng tadhana. Ang paglingkis ni Winchester sa leeg ni Luke at ang pagsiil nito ng halik sa kanya ay parang isang tanawin na kaiingitan ng maraming tao. Masuyo at banayad na halikan ang namagitan sa dalawang binata.

    Ang malamig na simoy ng hangin at banayad na karagatan ang naging saksi ng kanilang pagmamahalan. Parang isang panaginip na hindi na nila nanaisin pang gumising.

    


   Le Chateâu Building

      

Nagaayos ng kanyang mga dadalhing damit si Jacob sa silid nila ni Taron. Wala pa si Taron at nais niyang umalis na hindi siya nito naaabutan. Kailangan niyang umuwi ng probinsya upang masigurong ligtas ang kanyang mga magulang. Ilang araw na din niya itong hindi makontak sa cellphone.

     Nang maiayos na niya ang bag na dadalhin niya ay bigla namang bumukas ang kwarto at pumasok doon ang bihis na bihis pang si Taron mula sa trabaho nito. Nagulat ito sa kanyang naabutan.

     “What’s going on? Bakit may dala kang bag? Aalis ka ba?” nagtatakang tanong ni Taron dito.

    Linapitan ni Jacob si Taron upang gawaran ito ng halik sa labi. Ngumiti siya dito pero banaag pa rin ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha.

     “Kailangan ko lang umuwi sa amin. Hindi ko makontak si Mama at Papa. Baka may nangyari nang hindi maganda sa kanila.”

    Nataranta naman bigla si Taron at agad niyang kinuha sa closet niya ang isang maliit na maleta. Ginagamit niya iyon kapag may madalian siyang pupuntahan.

     “Sasamahan kita.. Mas mabuti nang ligtas kang  makakarating sa inyo. At huwag kang tatanggi. We are together now. And I will always help you in whatever way I can.”

      “Paano ang trabaho mo sa kompanya mo? Kaya ko naman ’tong gawin mag-isa, Taron.”

     Umiling lang si Taron at hinablot niya ang kamay ni Jacob at lumabas sila ng kwarto.

     “My people can handle things.. And please, your family is important to me as well. Kung may masamang mangyari sa kanila then I will feel so guilty not doing anything.”

     Wala nang nagawa pa si Jacob kundi pumayag gusto ni Taron. At agad nilang nilisan ang building patungo sa parking lot nito.

     Nagmamadaling pinaharurot ni Taron ang sasakyan niya. Sinusubukan namang tawagan ni Jacob si Luke ngunit hindi niya rin ito macontact.

     “What’s going on really? Bakit sobrang nag-aalala ka?” hindi maiwasan ni Taron na tanungin si Jacob. Ngunit hindi ito makasagot sa kanya.

      “Kailangan ko munang malaman kung ligtas si Mama at Papa. Kailangan ko ring malaman mula sa kanilang ang buong katotohanan.” sagot ni Jacob kay Taron at nagtataka pa rin ito sa kinikilos ng kasintahan.

     Hindi na muling nagtanong pa si Taron kay Jacob at nagpatuloy lang sa pagmamaneho at sinigurong makakarating sila sa probinsya nito bago pa sumikat ang araw.

   


    Sitio Amarillo

    3 Days Earlier

   

  Habang nagwawalis ng bakuran si Aling Chona ay may isang sasakyan ang pumara sa kanilang harapan. Bumaba rito ang isang babaeng nasa kuwarenta na ang edad. May mga kasama itong dalawang kalalakihan at nang makita ni Chona ang mukha nito ay pinanlamigan siya sa buong katawan niya. Hindi niya inaasahan na darating pa ang araw na ito.

    “Its been a while, Conchita.. Sa wakas ay nahanap rin kita.” usal ng magandang babaeng nakatayo ngayon sa harapan ni Aling Chona.

     “Miss— Miss Erica? Paano— Paano niyo nahanap ang lugar na’to?” tanong ni Aling Chona sa babaeng kaharap niya.

     “Believe me.. It was not easy. Pero salamat na rin sa mga kaibigan ko sa police department at isang private investigator, nahanap kita. And you are lucky na ako ang nakahanap sa’yo.”

    Napapailing lang si Aling Chona habang patuloy namang nakangiti si Erica. Matutuwa si Simon kapag nalaman nitong nahanap na niya ang posibleng kumupkop sa anak nito kay Eunice.

     “Miss Erica… Nanahimik na kami ng aking pamilya. Kung ano man po ang inyong gustong malaman, wala po kayong makukuha mula sa akin.”

     “Chona— That’s how Eunice always called you right? Noong naninilbihan ka pa sa mansion ng mga Hernandez? She was so fond of you. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan niya.”

     Napayukod lang ng kanyang ulo si Aling Chona bilang pagpapatotoo sa tinuran ni Erica sa kanya.

     “Alam na ni Simon na may anak siya kay Eunice.. At alam ko rin na ikaw ang nagpalaki sa batang ’yun. I want to know where he is right now.”

    Umiling si Aling Chona. Kahit kailan, hindi niya ilalapit si Luke sa buhay ng mga Laurente at mga Hernandez. Ayaw niyang maging kasangkapan lang ng mga ito si Luke sa kanilang  kasakiman.

     “Wala akong alam sa sinasabi ninyo, Miss Erica.. Hindi po nabuhay ang anak ni Sir Simon kay Maam Eunice.”

     Natawa naman si Erica sa kasinungalingan ni Aling Chona sa kanya. May kinuha siya mula sa folder at ibinigay niya iyon kay Aling Chona.

     “Buhay ang anak ni Eunice.. At kayong mag-asawa ang tumayong mga magulang niya. Hindi pwedeng magkamali ang birth records na nakuha ko mula sa PSA. And please drop the act, hindi mo ba alam na sa ginagawa mo, tinatanggalan mo ng karapatan na malaman ng anak ni Eunice ang totoo niyang pagkatao?”

    “Nangako ako kay Miss Eunice na hinding hindi ko ibibigay sa inyo si Luke.. Kahit patayin niyo pa ako. Hinding hindi ko hahayaan na makuha niyo si Luke.”

     Napangiti lang si Erica at may tinawagan sa kanyang cellphone.

     “Yes.. Its confirmed. Buhay ang anak niyo ni Eunice. And his name is Luke.”

     Binaba ni Erica ang tawag at muling hinarap si Aling Chona.

      “Simon is a powerful man, Chona.. Lahat ay gagawin niya makuha niya lang ang kanyang anak. I am giving you the option to remain silent and face his anger. Or you will obey me and tell me where his son is right now.”

   Naluluha si Aling Chona habang iniisip ang maaring maramdaman ni Luke sa oras na malaman nito ang buong katotohanan.

      “I will not harm you.. In fact, nandito kami para dalhin kayo sa isang mas ligtas na lugar. Mildred is after you. At hindi maganda ang kalalabasan kapag natunton na niya ang kinaroroonan niyo. She wants your family dead. Ayaw niyang malaman ni Simon ang katotohanan.”

     “Gusto kong makausap si Sir Simon.. Gusto kong masiguro na walang masasaktan sa pamilya ko.” hiling ni Aling Chona na nginitian lang ni Erica.

     “Ofcourse.. Whatever you want.” at muling kinuha ni Erica ang kanyang cellphone at tinawagang muli si Simon.

   


 

    Sitio Amarillo

   Present Time

   

  Pinarada ni Taron ang kanyang sasakyan sa harapan ng bahay ng pamilya ni Jacob. Agad na bumaba ng sasakyan si Jacob at agad na kinatok ang pinto ng kanilang munting tahanan.

    “Mama!! Papa!!” sigaw ni Jacob ngunit walang sumasagot mula sa loob ng bahay.

    “Jacob? Baka naman nasa labas sila. Lets try asking your neighbors?”

     Tumango naman si Jacob sa suhestiyon ni Taron at agad niyang tinakbo ang kalapit nilang bahay na sila Aling Melba.

     “Nanang Melba? Si Jacob po ito!” tawag ni Jacob sa kanilang kapitbahay na matandang dalaga.

     Pinagbuksan siya ng pinto nito at nagulat pa itong makita siya roon.

     “Jacob?! Aba’t hindi na kita nakilala ah? Lalo ka atang pumogi sa Maynila.” nakangiting saad ng matanda na nginitian lang ni Jacob.

     “Alam niyo po ba kung nasaan sila Mama? Ilang araw ko na po kasing hindi makontak.” alalang tanong ni Jacob sa matandang dalaga.

     “Eh may isang kotseng pumarada diyan sa inyo tatlong araw na ang nakakaraan. Hindi ko alam kung bakit biglaan ding umalis ang Mama at Papa mo. May dala silang mga bag. Uusisain ko sana pero mukhang nakakatakot yung babaeng kasama nila. May pagkakautang ba kayo na hindi niyo nababayaran?”

    Umiling lang si Jacob at mas lalong natakot sa posibleng nangyari sa kanyang mga magulang. Tumakbo siya at naabutan niya si Taron na may kausap sa telepono.

     “Taron.. May kumuha daw kina Mama na isang kotse. Masama ang kutob ko. Mukhang may gagawing hindi maganda si Mr. Laurente sa mga magulang ko.”

    “Hey! Calm down, okay? Ano bang sinasabi mo? Anong kinalaman ni Mr. Laurente dito?”

    Hindi na alam ni Jacob kung paano pa niya itatago kay Taron ang kanyang mga nalaman.

    “Si Luke… Hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi si Sir Achilles sa akin. Pero siya daw ang nawawalang anak ni Mr. Laurente. Siya ang tagapagmana ng mga Laurente.”

    Nalukot ang noo ni Taron at hindi niya rin agad naproseso ang mga sinabi sa kanya ni Jacob.

     “Luke is the heir of Simon Laurente?” gulat na tanong ni Taron kay Jacob.

      Napatango lang ang huli at hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil alam niyang hawak ng mga ito ang kanyang mga magulang.

       

Itutuloy…

♧♧Chapter XXIV♧♧

Laurente Mansion

     

Hindi pa rin mapakali si Mildred habang pabalik-balik siya ng kanyang lakad sa loob ng kanilang silid mag-asawa. Hindi siya nagtagumpay na mahanap si Chona at Oscar at alam niyang sa mga sandaling iyon ay naunahan na siya ni Simon sa paghahanap sa mag-asawa.

    “Ahhh!! Napakainutil mo talaga Froilan! Now everything that I worked hard for ay mapupunta lang sa anak ni Eunice!”

     Hindi namalayan ni Mildred na nakapasok na pala sa kanilang silid ang kanyang asawa.

     “So all this time you were planning to kill my son? Tama ba ako, Mildred?” galit na tanong ni Simon nang marinig niya lahat ng sinabi ng kanyang asawa. Malinaw na sa kanya ngayon ang lahat. Inasahan niyang kahit papaano ay minahal siya nito pero mas higit pa pala ang pagkagahaman nito sa kanyang hinuha.

    “I will never kill anyone.. Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa akin, Simon? Did you even try to ask me why I am doing all of this?!” sigaw naman ni Mildred na puno ng galit. Hindi na niya napigilan ang bugso ng kanyang damdamin.

     “All this time.. All these years, si Eunice pa rin ang nandiyan sa puso mo! Pinakasalan mo lang naman ako di ba dahil nabuntis mo ako? Pero hindi ako ang mahal mo, si Eunice. That bitch who is long dead and still the one who owns your heart!”

     “You know how much I tried.. Pero hindi kita magawang mahalin. All I see in you is defeat. Lahat ng mga ginawa ko just to win Eunice, nawala lahat ng iyon ng pakasalan kita. And guess what? Achilles is not even my child.”

     Nagulat si Mildred sa tinuran ni Simon. Paano nito nalaman na hindi niya anak si Achilles?

     “Stop acting so surprised, Mildred. I given you many chances to tell me the truth. Tell me everything about what really happened between you and me. Because as far as I know, I never had any attraction towards you to begin with. Napilitan akong pakasalan ka dahil iyon ang gusto ni Daddy. At dahil ayaw niya ng eskandalo sa pamilyang ito.”

      Natawa si Mildred. Para siyang binasagan ng napakaraming pinggan sa kanyang mukha. Pakiramdam niya ay napakaliit niya at gusto niyang bumunot ng baril at barilin ang lalaking nasa harapan niya ngayon.

     “You just used me as a tool for your convenience. I was never a wife to you. I can’t even remember the last time you touched me. And everytime I try to, you just push me away. Everything I did was never enough for you. Para akong tanga na umaasang isang araw mamahalin mo ako. At magiging masayang pamilya tayo. But it was just a dream.”

     Hindi sumagot si Simon bagkos ay yumukod lamang at dinukot ang kanyang bulsa at huminga ng malalim.

      “Let’s get a divorce, Mildred. So you can free yourself from me. This is the only thing I can do for you.”

     Hindi agad nakakilos si Mildred sa kanyang kinatatayuan. Iyon ang pinakaayaw niyang marinig mula kay Simon.

       “You will get enough money to start your life away from this country. And I will take Achilles out of my will. Since I have no connection with him.”

       “Achilles is your son! Hindi mo pwedeng tanggalan ng karapatan si Aki.. I will fight to the death for my son’s place in this family!”

     Umiling lang si Simon sa pagkadismaya. Ayaw na niyang palalain pa ang sitwasyon kaya iniwan niya si Mildred sa kanilang silid.

     Napaluhod si Mildred at napahawak sa kanyang dibdib. Hindi niya akalain na dito magtatapos lahat ng pinaglaban niya ng mahabang panahon.

   


       Del Mundo Mansion

      

Nakarating si Achilles sa mansion ng mga Del Mundo at maluwag na ngiti ang ginawad niya sa matandang naabutan niya sa foyer na inaayos ang mga bulaklak sa isang magarang flower vase.

      “You never get tired of doing that Tito Tony.. Hanggang ngayon ginagawa mo pa rin ang mga bagay na dapat ginagawa ng mga maids.” pagbasag ni Achilles sa katahimikan ng matanda at napalingon ito sa kanya.

      “Ito ang nagpapasaya sa akin, Aki.. At hindi ako magsasawa na gawin ito.” saad naman ni Tony habang patuloy niyang inaayos ang mga bulaklak.

     “I was expecting to see Winchester here pero mukhang wala siya dito.. I really want to talk to him.”

     Tumigil si Tony sa kanyang ginagawa at hinarap niya ng tuluyan ang binatang nasubaybayan din niya ang paglaki. Hindi niya maiwasang maawa dito dahil sa laki ng pinagbago ng ugali nito.

      “Noong maliit ka pa.. Palagi kitang kinakarga kapag sinasama ka ng lolo mo dito sa mansion at masaya kayong naglalaro ni Winchester. Hanggang sa nagbinata kayong dalawa. Pareho niyong hilig maglaro ng basketball at golf. At nagpupustahan pa kayo sa kung sino ang mas makakalamang.”

      “That was a long time ago, Tony.. Ibang tao na ako ngayon. And I don’t like dwelling on sentimental things.” napailing nalang si Achilles at nang magtangka siyang umalis ay pinigilan siya ng matanda.

      “Huwag mong hayaan na lamunin ka ng galit mo sa mga taong nasaktan ka. Alam kong marami kang pinagdadaanan. Pero lahat ng bagay ba nararamdaman mo ngayon, may kapalit na ligaya kapag pinili mong magpatawad.”

    Natawa naman si Achilles sa sinabi ng matanda at muli itong hinarap. Para sa kanya, wala nang halaga ang mga pangaral nito.

      “You don’t have any idea of how I feel right now..” saad pa ni Achilles bago niya muling talikuran si Tony at umalis ng tuluyan sa mansion.

    Naabutan ni Gianna ang pagalis ni Achilles at ang pagkatulala ni Tony sa foyer.

      “What was he doing here? Bakit parang galit ba galit ’yun?” tanong ni Gianna kay Tony at bumaling ito ng tingin sa kanya.

       “Hindi na siya ang nakilala nating Achilles noon.”

      “He changed so much.. People in the company hates him because of his stupid decisions. Maraming investors na ang umaatras and it will only get worse kung patuloy siyang aarte ng ganyan.”

      Umiling lang si Tony sa narinig niya mula kay Gianna. Tama ang kanyang hinuha. Hindi ma magiging maganda ang takbo ng mga bagay kung patuloy ang kinikilos ni Achilles.

   


     Rodriguez Compound

    

Matapos ang apat na araw na pananatili ni Winchester at Luke sa sikretong isla ay nakabalik na sila ng tuluyan sa siyudad. Nasa sasakyan pa si Luke at ayaw pa niyang bumaba. Tila ba bagong kasal sila ni Winchester dahil napakasaya ng mga sandaling magkasama sila sa islang iyon.

     “Sana hindi na tayo bumalik. Doon na lang tayo nanirahan sa isla.” malungkot na saad ni Luke na kinangiti lang ni Winchester.

      “You know that’s impossible. I have a job. I have a company to guard on. At ikaw, matatapos mo na ang pag-aaral mo. May trabaho ka pa kay Mamu. We have people that needs us.”

     “Alam ko naman ’yun. Kaya lang parang ayaw ko na talaga kasing magkahiwalay tayo.”

     Natawa pa lalo si Winchester sa inaakto ni Luke. Para itong teenager. At alam niyang siya ang una nitong pag-ibig. Nakakapanibago din para sa kanya ang lahat.

    “Are you suggesting that we live together?”

    Nanlaki ang mata ni Luke sa narinig niya mula kay Winchester. Hindi niya inaasahan ang sasabihing iyon ng minamahal.

     “Talaga? Magsasama ba tayo sa isang bahay?”

     Kinutungan ni Winchester ang kasintahan dahil sa mga sinasabi nito. Patuloy lang siya sa kanyang pagkamangha dito. Marami pa siyang bagay na nalaman tungkol dito sa mga panahong magkasama sila sa isla.

    Maalaga ito.. Ito ang nagluluto para sa kanilang dalawa. Magaling din itong kumilatis ng mga bagay na kulang at sapat na sa isang lugar. May mga mumunting pilat ito sa katawan na nakuha niya mula sa trabaho nito sa rice mill noong bata pa siya. Maraming hirap ang pinagdaanan nito at sa tuwing naiisip niyang ito ay anak ng isa sa pinakamayayamang tao sa buong bansa. Hindi niya mapigilan na matakot sa kung anong pwedeng maging epekto nito kay Luke.

     Nang makababa si Luke at Winchester sa kotse ay pinagtitinginan ulit sila ng mga taong nakatira sa compound. Ang kababaihan ay hindi maiwasang mapatili dahil sa naguumapaw na kagwapuhan ng dalawang lalaki.

    Ngunit biglang may isang magarang kotse ang huminto sa harapan ng compound na kinagulat ni Winchester at Luke. Hinintay nila na may lumabas mula dito at laking gulat ni Luke nang makita niya si Chona na lumabas mula sa loob ng kotse at kasama nito ang isang babaeng halos kaedaran na rin ng kanyang ina.

     Napangiti si Chona nang magtagpo ang mga mata nila ng kanyang anak ngunit si Erica naman ay naguguluhan nang malaman niyang kasama ni Luke si Winchester Del Mundo.

     “Mama? Anong–– Anong ginagawa niyo rito?” gulat na tanong ni Luke habang nilalapitan niya ang kanyang ina.

      Habang si Winchester naman ay kinakabahan na sapagkat kilala niya ang babaeng kasama ng ina ni Luke. Nalaman na ni Simon na anak niya si Luke at mabilis ang pagkilos nito. Hindi niya alam kung mapipigilan pa ba niya ang pagkabunyag ng katotohanan.

     “Nasorpresa ba kita anak? Pasensiya na.. Biglaan lang din ang pagpunta namin dito. At may mahalagang bagay kang dapat malaman kaya nandito ako para dun.”

     “Mama— Masaya ako na bumisita kayo dito.. At tamang tama lang din ang pagpunta niyo rito. May tao akong gustong ipakilala sa inyo.”

    Linapitan ni Luke si Winchester at kinuha nito ang kamay ng binata at nilingkis niya rito ang kanyang palad.

      “Mama— Si Winchester po.. Kasintahan ko.”

   Nanlaki ang mata ni Erica nang marinig niya ang sinabi ni Luke. Maging si Chona at Winchester ay nagulat sa ginawa ni Luke.

      “At sino naman po ang kasama ninyo? Hindi ko naman alam na may bigatin ka palang kaibigan, Mama.” pagbibiro pa ni Luke sa kanyang ina at hindi na nito alam kung ano pa ang sasabihin.

     Si Erica na mismo ang lumapit kay Luke at nagpakilala sa kanyang sarili.

     “I’m Atty. Erica Corpuz.. I am the legal counsel of Mr. Simon Laurente. Its nice to finally meet you, Sir Luke.”

    Napalukot ang noo ni Luke sa huling sinabi ng babaeng nasa harapan niya ngayon. Habang si Winchester naman ay walang kibo at patuloy pa rin ang kabang nararamdaman.

      “Napakagalang niyo naman po attorney.. Simpleng tao lang po ako.”

      “That was before I found out that you are the true heir of Simon Laurente.”

      Napahigpit ang kapit ni Winchester sa kamay ni Luke na kinabaling naman ng tingin nito sa kanya na naguguluhan pa rin sa mga nangyayari.

      “Ano bang sinasabi ninyo? Anong true heir? Tagapagmana ba ’yun? Pasensiya na po. Mahina po kasi ako sa English.”

     “Oo anak— Ikaw ang tagapagmana ni Simon Laurente.” hindi na napigilan ni Chona na sabihin ang lahat sa kanyang anak.

      Kahit labag sa kanyang kalooban ay dapat na niya itong sabihin dahil natatakot siya sa pwedeng gawin ni Simon sa kanilang mag-asawa.

      “Mama naman.. Ano bang klaseng biro ’to? Ako? Anak ni Simon Laurente?”

       Walang imik pa rin si Winchester at patuloy niya lang na hinahawakan ang kamay ng kasintahan. Hinihintay niya ang gagawin nito. Dinadasal niya na sana ay hindi mawasak ng katotohanang iyon ang pagkatao ng lalaking minamahal.

      “Lahat ng sinabi namin sa iyo noon, lahat ng iyon kasinungalingan. Hindi totoong sa simbahan ka napulot ng Papa mo. Pinagkatiwala ka sa amin ng iyong una bago siya pumanaw dahil sa panganganak niya sa’yo. Ayaw niyang malaman ng mga taong malapit sa kanya na nabuhay ka. Ayaw niyang maranasan mo ang magulong mundong kinalakihan niya.”       Linapitan ni Chona ang anak habang lumuluha at lumuhod ito sa kanyang harapan.

     “Patawarin mo ako, Luke.. Patawarin mo si Mama sa lahat ng nagawa niya. Gusto lang kitang protektahan.”

    Umiiling si Luke at tuluyang napabitaw kay Winchester. Natulala naman si Winchester at hindi niya namalayang may pumatak na luha na pala sa kanyang mata.

     “Ibig sabihin alam niyo ang katotohanan sa pagkatao ko pero mas pinili niyong pagsinungalingan ako sa tanang buhay ko? Para saan Mama? Protektahan ako? Alam niyong gustong gusto kong makilala ang tunay kong mga magulang pero ngayon sasabihin niyo sa akin na kilalang kilala niyo pala ang mga magulang ko. Ang sakit Mama!!” hindi na napigilang mapasigaw ni Luke sa sakit na nararamdaman niya.

    Pinagtitinginan na sila ng mga tao ngunit wala na silang pakialam. Nabunyag na ang katotohanan kay Luke at napasinghap ng malalim si Winchester.

     “Totoo lahat ng sinasabi nila, Luke.”

     Napatigil si Luke at binalingan ng tingin ang kasintahan. Nagkatitigan sila at kapwa namumula ang mga mata dahil sa pagluha.

     “Kaya ba sinama mo ako dun sa isla at umaakto ka na wala sa sarili mo? Dahil alam mo na pala ang katotohanan sa pagkatao ko? Ganun ba ’yun Winchester? Parehas lang kayong lahat.”

   “I didn’t want you to find it out from me!! Sa tingin mo ba hindi ako natakot nang malaman ko na ikaw ang tunay na anak ni Tito Simon?”

     Linapitan ni Luke ang kasintahan at tiningnan ito ng may galit sa mga mata niya.

     “At ano sa tingin mo ang gagawin ko kapag nalaman ko na ako ang anak ni Simon Laurente? Magdidiwang ako sa ligaya dahil sa wakas isa na akong anak mayaman tulad mo? Wala akong pakialam sa kayamanan, Winchester! Pero pinamukha mo sa akin ngayon na isa akong kalaban. Ayaw mong malaman ko ang katotohanan dahil inisip mo na kukunin ko mula sa’yo ang lahat ng meron ka.. Tama ba?”

    “Luke! I am protecting the legacy of my family.  At kapag nawala sa akin ang lahat.. Everything that I did for DLM Group will be for nothing!”

    Natawa ng mapakla si Luke at umiling habang pinapahiran ang luha sa kanyang mga mata.

     “Ibig sabihin lang nun.. Wala kang tiwala sa akin.. Ano pa nga bang aasahan ko. Noon pa man puro kompanya na ang iniisip mo.. Kahit kailan hindi mo inisip ang sarili mong kaligayahan. At huwag kang mag-alala. Hinding hindi ko kikilalaning ama si Simon Laurente. Hindi ko hahabulin ang kayamanan ng pamilyang hindi ko naman nakilala!”

    Iniwan ni Luke si Winchester at umalis ng tuluyan sa compound sakay ng kanyang motor.

     Hindi napigilan ng binatang Del Mundo ang maluha dahil sa sakit na nararamdaman. Iniisip niyang kasalanan din niya ang lahat.

     “I’m so sorry, Luke.”

    

Itutuloy…

Chapter XXV

Nasa harapan ng hagdanan ng malaking mansion ng mga Laurente si Jacob at Taron. Hindi mapigilan ni Jacob na kutuban na may kinalaman si Achilles sa pagkawala ng kanyang mga magulang. Maaring ito ang may pakana ng lahat ng nangyayari.

      “Sigurado akong dinala dito ng mga Laurente ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa mga taong ’yun kapag may masamang nangyari sa kanila.”

      “Jacob.. This is not the time to be frantic. Hindi pa tayo sigurado kung sila talaga ang kumuha sa mga magulang mo. Maybe you are wrong. Baka ito pa ikapahamak mo. I’m warning you, Simon Laurente is a vicious person.”

    Umiling lang si Jacob sa sinabi ng kasintahan. Alam niyang makapangyarihang tao ang haharapin niya ngunit wala siyang pakialam. Ang mga magulang niya ang sinadya niya rito at hinding hindi niya hahayaan na masaktan ang mga ito.

    “Kahit sinong Pontio Pilato pa siya, haharapin ko siya. At bakit ba kailangan nilang idamay si Mama at Papa sa gulo ng pamilya nila? Para lang sa kayamanan, kailangang madamay ang mga taong tahimik na namumuhay?”

    “There is more to that than what you think, Jacob. I can say that for myself. Pinanganak akong mayman. I have everything that would want in life. And believe me, its like a disease that consumes you if you get it to your head. And that’s the case of Simon Laurente. He wants to have everything. At gagawin niya ang lahat para walang makalamang sa kanya.”

    Napasinghap ng hangin si Jacob at nagsimulang hakbangin ang mga baitang ng hagdanan ng mansion. Sinalubong sila ni Taron ng dalawang bodyguards na agad silang pinigilan pumasok sa malaking pinto ng mansion.

     “We’re here to talk with Mr. Simon Laurente. Just tell him that Taron Batisse is here to speak with him.” pagsalba ni Taron sa kanyang kasintahan na hindi na makapag-isip ng tama.

   “Palabasin niyo ang amo niyo dito at harapin niya ako. Si Achilles Laurente! Si Simon Laurente! Lahat sila ilabas niyo!”

    Ginagap ni Taron ang balikat ni Jacob upang pigiilan ito sa ninanais nitong gawin. Galit na galit ito at alam niyang hindi niya ito mapapakalma. Ngayon niya lang naita ang ganitong bahagi ng pagkatao ni Jacob.

     “Let them through.. Hindi niyo dapat pinaghihintay sa labas ang mga bisita.” utos ng isang boses mula sa kanilang likuran.

    Nang mapabaling ang magkasintahan ay si Achilles ang kanilang nakita at nakangiti ito na tila ba inaasahan ang pagdating nila.

   Susugod na sana si Jacob ngunit pinigilan siya ni Taron na kinatawa lang ni Achilles.

   “Whoa! You are undoubtedly a fierce one, Jacob. Hindi ko naman inaasahan na meron ka palang kasama. And what a nice surprise, its the famous whore, Taron Batisse himself.”

   Napakuyom ang mga kamao ni Jacob at sa lakas niya ay nabitawan siya ng tuluyan ni Taron at nasapak niya sa mukha si Achilles na kinabuwal nito. Dumugo ang ilong nito at natatawa pang bumangon mula sa binagsakang semento.

    Susugurin pa sanang muli ni Jacob si Achilles pero nahawakan na siya ng dalawang bodyguard.

   “Hayop ka! Alam kong ikaw ang kumuha sa mga magulang ko! Ilabas mo sila ngayon din kung hindi mapapatay talaga kita.”

    “First of all, I don’t know what you’re talking about. And secondly, I can put you in jail for punching me in the face but that’s not me. I like tasting someone’s fist punching my face.”

     Nagpupumiglas pa si Jacob pero hindi na siya makakilos dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ng mga bodyguards.

     “Achilles, let him go. He is upset that’s why he is doing all this. I will not blame you for whatever happened to Jacob’s parents but please, tell us where they are.”

    Pinahid ni Achilles ang dugo sa ilong niya at nilapitan si Taron. Ngumiti lang ito sa kanya at umiling na pahiwatig na wala din itong alam.

     “You can accuse me of a lot of things. But kidnapping people will never be on the list of things that I will do.” 

   Biglang bumukas ang malaking pinto ng mansion at niluwa noon ang haligi ng mga Laurente. Nakasuot ito ng itim na swero at nakaayos ang buhok na tila ba may mga hinihintay na bisita. Kahit kakikitaan na ng pagedad ay makisig pa rin tingnan si Simon Laurente.

    “What the hell is going on here? Who are these people?” galit na tanong ni Simon at humarap sa kanya lahat ng nasa labas ng pintuan.

     “Maybe he can answer your questions.. I have to get inside and fix my face. Marami pa tayong pag-uusapan, Jacob.” nakangiting saad ni Achilles at kinindatan pa niya si Jacob bago tuluyang umalis at pumasok sa loob ng malaking mansion.

    Hindi napigilan ni Jacob na mangigil sa inasal sa kanya ni Achilles at maging si Taron ay nakaramdam ng pagkainis sa ginawa ni Jacob sa kasintahan nito.

    “Sino kayo at anong kailangan niyo? You are invading the privacy of my home and I don’t tolerate such disrespect.”

    “Ako si Jacob Gamboa. Anak ni Conchita at Oscar Gamboa. Alam kong nandito ang mga magulang ko. Kaya nakikusap ako sa inyo, ilabas niyo na sila kung ayaw niyong magkagulo.”

     Napangiti naman si Simon sa klase ng pagsagot sa kanya ni Jacob. Ngayon pa lamang siya nakakita ng isang binatang kaya siyang hamunin at hindi natatakot sa maari niyang gawin dito.

  “Mr. Laurente.. I have to apologize for his rudeness. Ako po si Taron Batisse. George Batisse’s eldest son.”

    “I remember now. You are George’s son. The popular model. You made a name for yourself and that would give honor to your father. He was a good friend.”

    Linapitan ni Simon si Jacob at minasdan nito ang mukha ng binata. Napatango siya at sinenyasan ang dalawang bodyguards na pakawalan ito.

      “Your parents are not here. But they are safe. I can guarantee you that. Kailangan ko lang masigurong uuwi dito ang anak ko. I need my son back.”

     “Mr. Laurente.. Kapag sinaktan niyo ang mga magulang ko, mas liliit ang pag-asa niyong makita si Luke.”

     Umiling lang si Simon at pinasok ang mga kamay nito sa bulsa ng kanyang pantalon at tumingin sa malawak ng hardin ng mansion.

     “Luke will come to me and he will be a part of this family. I will make sure of that.”

   

  ———————————————————————————–

   Mamu’s Restaurant

    Nagulat si Mamu nang biglang sumulpot si Luke sa kusina ng restaurant at sinuot agad nito ang uniporme nito. Pati ang reliever nito ay nagulat sa biglang pagdating ng binata.

   “Luke?! Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba isang linggo kang mawawala?” gulat na tanong ni Mamu ngunit hindi lang siya pinansin ni Luke sa halip ay tiningnan isa isa ang mga resibo ng mga idedeliver na orders.

    Linapitan siya ni Mamu at hinigit siya nito sa kanyang mga balikat at pinaharap. Kita ni Mamu ang lungkot nito at napansin niya ang nangingilid nitong luha at agad niyang niyakap ang binata na para na rin niyang anak.

    “Ano ba kasing nangyari? Bakit nagkakaganyan ka? May nangyari ba sa inyo ni Winchester?”

    “Ang sakit lang malaman na hindi ka pinagkakatiwalaan ng taong mahal na mahal mo.”

  Mas lalong hinigpitan ni Mamu ang yakap niya kay Luke at inalo niya ito dahil tuluyan na itong umiyak.

    “Hindi mo kailangan magpaliwanag ngayon pero kung ano man ’yan.. Sana hayaan mong magpaliwanag ang tao. Baka may dahilan siya.”

    “Mamu.. Buong buhay ko, binuhos ko para lang maging isang mabuting anak sa mga magulang ko na kahit hindi ako kadugo ay pinalaki ako ng tama. At umibig ako sa isang tao na kayang kong gawin ang lahat mapasaya lamag kahit wala akong karangyaan na maibibigay sa kanya. Tapos ngayong nalaman na niya ang buong pagkatao ko, ang tingin na niya sa akin ay isang kaaway na kukunin sa kanya ang lahat na meron siya.”

     Napapailing si Mamu at muling pinaharap sa kanya ang binata dahil naguguluhan siya sa mga sinasabi nito.

     “Teka nga kasi, ano bang siansabi mo? Anong totoong pagkatao?” kuryosong tanong ni Mamu na hindi agad nasagot ni Luke.

     Huminga ng malalim ang binata at pinahid ang kanyang mga luha. Nagpakatatag siya at alam niyang kahit anong tago niya, malalaman pa rin ng buong bansa na siya ang totoong anak ni Simon Laurente.

    “Si Simon Laurente.. Siya ang tunay kong ama. Ang isa sa may-ari ng DLM Group.”

    Napatigil si Mamu sa kanyang paghinga at hindi niya agad maproseso ang sinabi sa kanya ni Luke. Para siyang nabingi sa rebelasyon nito sa kanya.

     “A–Ano bang kalokohan ’yang sinasabi mo.. Hindi magandang biro ’yan, Luke.” 

    “Kung alam mo lang Mamu kung gaano ko kagustong isipin na isang bangungit lang lahat ng ito.”

     Napahawak sa sentido niya si Mamu dahil pa rin sa pagkagulat sa mga nalaman niya. At doon na niya napagtagpi lahat ng sinasabi ni Luke sa kanya.

      “Eh di mas dapat kang kampihan ni Winchester ngayon. Ikaw ang tagapagmana, siya rin ang tagapagmana ng mga Del Mundo. Hindi ba’t dapat magkakampi kayo? At magjowa kayo. Dapat sinusuportahan niyo ang isa’t-isa.”

    Umiling si Luke dahil hindi ganoon ang nakikita sa kanya ni Winchester. Dahil sa bandang huli, ang pagiging isang businessman pa rin ang pinili nito. At kita ni Luke sa mata ni Winchester na natatakot itong mawala ang lahat sa kanya.

     “Siya na mismo ang nagpatunay sa akin na mas mahal niya ang DLM Group kesa sa akin.”

      


    Del Mundo Mansion

    Hindi pa rin umiimik si Winchester habang nakamasid lang siya sa malawak na lawn ng mansion mula sa kanyang veranda. Maraming pumapasok sa isipan niya at hindi niya alam paano aayusin ang lahat. Iniisip niya ang naging huling pag-uusap nila ni Luke at ng ina nito.

    “Sana huwag mo siyang sukuan… Alam kong mahal ka ng anak ko. Madala ka niyang ikuwento sa akin sa telepono. Hindi ko lang akalain na isang Del Mundo pala ang kasintahan ng anak ko. At hindi ko siya kailanman pinigilan sa anumang gusto niya sa buhay.”

  “I disappointed your son, Tita. Hindi ko ginusto na magkaganito ang lahat. Hindi ko lang alam kung paano sisimulang iproseso lahat. Natatakot ako.”

   “Mabait na bata si Luke. Hindi niya hinangad ang isang marangyang buhay. Gusto niyang pagsumikapan lahat ng kailangan niya. At doon ako humnga sa batang ’yun. Kaya sana, huwag mong tanggalin sa isip mo na isang mabuting tao si Luke.”

   Kinuha ni Winchester ang kanyang telepono at agad na tinawagan ang mga taong posibleng kasama ni Luke ngayon. Alam niyang wala iyon sa boarding house niya kaya agad niya namang tinawagan si Mamu.

    “Hello.. Mamu speaking, sino po sila?” tanong ng matinis na boses sa kabilang linya.

    “Mamu… Si Winchester po ito. Nandiyan ba si Luke?” tanong ni Winchester na nagpatili naman sa babaeng nasa kabilang linya.

    “Hay naku.. Sabi ko na nga ba at hindi mo matitiis tong alaga ko. Puntahan mo dito sa restaurant, pagusapan niyo kasi ang problema ninyo.” saad naman ni Mamu.

   “Yes— I’ll be right there. Huwag niyo siyang paaalisin. I need to talk to him.” masayang sagot ni WInchester bago niya ibaba ang tawag.

    Mabilis niyang nilisan ang kanyang silid at tumatakbong bumaba sa magarbong hagdanan ng mansion.

    Hindi niya namalayan na nasa foyer pala si Gianna at nakatutok ito sa malaking screen TV. Nanlalaki ang mata nito at parang hindi it makapaniwala.

     “Binunyag ng business tycoon na si Simon Laurente ng DLM Group na nahanap na niya ang nawawala niyang tagapagmana. Si Simon Laurente ang isa sa mga major shareholders ng conglomerate na ngayon ay pinamumunuan ng kanyang anak na si Achilles Laurente. Kaya isang malaking balita ang biglaan niyang pagsiwalat na may isa pa siyang anak na nahanap niya matapos ang dalawampu’t anim na taon.”

   Napabaling si Gianna kay Winchester na katabi niyang nanonood ngayon sa TV.

    “Did you know about this? First, all the shit of our family got revealed to the whole worlf and now this one? This will cause more chaos inside the company. Hindi pa kami nakakasal ni Bobby, mukhang mawawalan na ako ng trabaho.”

   “That’s what we are aiming for, Gianna. The art of war states that you have to lose and arm just to keep the head. Hindi magtatagal at maraming kompanya ang tuluyang babagsak dahil sa kanilang kagagawan.”

    Hinarap ni Gianna si Winchester at napahalukipkip ito. Hindi niya maunawaan ang takbo ng isipan nito.

    “Why don’t you just pull out your aces and throw them while it can still save this company’s ass? I should not care about DLM Group to begin with but we are a team now.. Alam kong hindi tayo ganun ka close but I am telling you, pull your shit together kung ayaw mong mawala lahat sa’yo.”

  Ngumiti si Winchester sa sinabi ni Gianna. Ngayon niya lang nakita na nagbago na ito mula nang ilagay niya ito sa kompanya. Malayong malayo ito sa kanyang ina. 

    “Well.. You just given me the biggest decision that I will ever make in my entire life.”

   Naguguluhan si Gianna sa sinasabi sa kanya ni Winchester at muli tong tumitig sa TV Screen.

   “I’m going to marry the true heir of Simon Laurente.”

    Nanlaki ang mata ni Gianna sa huling sinabi ni Winchester.

   

 Itutuloy…

Chapter XXVI

Mabilis na pumasok si Winchester sa loob ng restaurant ni Mamu at sa mga sandaling iyon ay naisip ni Mamu na isarado ang buong restaurant ayon na rin sa kagustuhan ni Winchester. Nasa bulsa ng kanyang pantalon ang isang maliit na kahon at buo na ang kanyang desisyon. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon ng kanyang kasintahan pero iyon na lamang ang naiisip niya para matapos na ang lahat ng gulo. Kapag naikasal silang dalawa ni Luke, magiging isang malaking merger ng shares ang mangyayari at wala nang magagawa si Simon maging si Achilles kapag nangyari iyon. Ito rin ang paraan para masiguro niyang titigilan na ni Simon si Luke. Kailangan niyang kumilos ng mabilis. Dahil mas mabilis ang ginagawang kilos ni Simon Laurente.

    May kadiliman ang loob ng restaurant at napangiti si Winchester nang maabutan niya si Luke na nakaupo sa gitnang mesa ng restaurant. Tumikhim siya at doon lang napansin ni Luke ang pagpasok niya.

     “I hope you’re not mad at me anymore.. Hindi ko ginustong itago sa’yo ang katotohanan. I really wanted to tell you but I was scared of the consequences.” agad na paliwanag ni Winchester ng panig niya nang makaharap na niya ang kanyang kasintahan.

    “When I found out that Tito Simon was your father, I was shocked and even tried to question the validity of things, pero sapat ang ebidensiyang nakita ko para paniwalaang ikaw nga ang totoo niyang anak.”

    “Win— Wala akong pakialam kung ako man ang anak niya.  Hindi ko gustong maging parte ng buhay niya. Marami akong tanong pero alam kong magiging magulo lang ang buhay ko kapag sinunod ko ang isipan ko.”

   Hinawakan ni Winchester ang mga kamay ni Luke at napatitig naman ang binata sa kanya.

     “Kahit anong pagtalikod na gawin mo, you are meant to find the truth about your birth. And it is your right to be known as Simon Laurente’s son. Pero naiintindihan ko ang nararamdaman mo. At hindi kita kailanman ituturing isang kalaban. Mahal kita, at alam mong iyon ang mas mahalaga sa akin. But things will never be over until we put at end to it.”

   Nilabas ni Winchester sa kanyang bulsa ang maliit na kahon na siya mismo ang namili sa isang mamahaling jewelry store. Binuksan niya iyon at nagulat si Luke nang makita niya ang isang magarang singsing sa loob ng maliit na kahon.

     “I know this is not the right way to do things. Baka iniisip mo rin na gagawin ko lamang ito para sa kapakanan ng kompanya. But this is for the both of us. For your safety. Alam kong kaya mong protektahan ang sarili mo pero hindi ko kayang makitang gipitin ka ni Tito Simon para magawa niya lang lahat ng gusto niya.”

     Inalis ni Luke ang mga kamay niya sa paghawak ni Winchester. Hindi nagustuhan ng binata ang mga sinabi ng kanyang kasintahan.

      “Mahal mo ba talaga ako, Winchester? Dahil sa nakikita ko, ang kompanya pa rin ang iniisip mo. Ang DLM Group pa rin ang mahalaga sa’yo. Pakakasalan mo ako? Para ano? Para makita ng totoo kong ama na nanalo ka laban sa kanya? Parehas niyo lang din akong gagamitin para sa pansarili niyong kagustuhan. Kaya pasensiya na.. Pero hindi kita pakakasalan. Wala akong papanigan kahit na sinuman sa inyong dalawa.”

     Tumayo si Luke sa kanyang kinauupuan at tinalikuran si Winchester. Hindi alam ni Winchester kung ano ang sasabihin dahil pakiramdam niya nawalan na ang tiwala sa kanya ni Luke ng tuluyan.

   “Then that means you are ending things between us… Am I right? Kung iniisip mo man na gagamitin kita laban sa pamilya mo, you are the only one who thinks of it that way. I was planning to take you away with me and make a new life away from all this shit. I was willing to give up everything if you just said you will marry me.”

     Hindi makakilos si Luke.. Nasasaktan pa rin siya sa lahat ng mga nangyayari. Magulo na ang isip at puso niya. Hindi na siya makapag-isip ng maayos.

    “I won’t force you to take it.. But I will leave this ring right here. I want you to weigh things. Mahal kita kaya gusto kitang pakasalan. I hope I explained myself enough.”

       Tumayo si Winchester at tinalikuran na rin si Luke. Hinintay niyang magsalita ito ngunit wala siyang narinig mula rito kaya pinili niyang lisanin na ng tuluyan ang lugar na iyon.

 

 ———————————————————————

     Laurente Mansion

      “ Master, naayos na po ang kwarto ni Young Master Luke. Kung may kailangan pa kayong ipalagay, just tell me so I can ask the interior designer to add more things.“

      Tumango lang si Simon habang sumisimsim sa basong hawak niya. Nakahawak siya sa kanyang bulsa at hinihintay ang isang tawag.

    “So finally… You have found your long lost son. That must be a great accomplishment to you, Dad.” biglang litaw ni Achilles sa bar ng mansion at kumuha ng sarili niyang baso at kinuha ang paborito niyang inumin at tumabi sa inuupuan ng kanyang kinilalang ama.

  “He will be here by tomorrow. I can’t wait to finally meet my son. They said he looks exactly like his mother.”

   Napangiti ng mapakla si Achilles habang nakikita ang kasiyahan ng kanyang ama.

  “I never seen you smile like that my whole life.. Every night, I always wished that you will give me that smile at tell me how proud you were that I am your son.” 

    Napabaling si Simon sa binatang katabi niya at minasdan niya ang mukha nito. Puno ito ng galit ang pagkasuklam sa kanya.

    “Your mother was ambitious just like you. She always wanted to get things that she wanted and she will do whatever it takes to take them. I know I was not the father that you wanted, but believe me, I did everything to make a man out of you. That’s the best I can do. But you were not doing enough, Achilles.”

    Dinamba ni Achilles ang bar counter at ibinato ang kanyang baso sa dingding na dahilan para magkapira-piraso ito.

      “Not doing enough?! Lahat ng ginawa ko Dad.. It was all for you! Don’t you even know how much I wanted to kill myself nang malaman kong hindi ikaw ang totoo kong ama? How betrayed I was? But you were not there to listen to me. My own mother was busy whoring herself. I was growing into someone I never want to be. A hateful monster. But you all pushed me to end up this way.”

    “That’s the last time you will raise your voice in front of me, Achilles. I want you to resign as the CEO of DLM Group.. I already asked the executives to make another shareholders meeting and discuss Luke’s appointment as the new CEO of DLM Group.”

   Natawa na lang ng malakas si Achilles at kinuha niya ang bote ng alak at tinungga niya iyon.

    “Do you still think the shareholders will put their trust on your long lost son who has no experience in running a large conglomerate. They would rather take Winchester again rather than your son.. I feel pity for him. Magiging katulad ko lang din siya. Gagamitin para lang makuha lahat.”

   Tinalikuran na ni Achilles ang kanyang ama at nagtuloy sa main door ng mansion. Hindi niya kayang manatili sa lugar na iyon. 

   Tumunog naman ang cellphone ni Simon at agad niyang sinagot iyon.

   “Did you find him? Make sure you won’t hurt him no matter how hard he fights? Naiintindihan niyo ba?”

   “Nasa labas kami ng restaurant, Boss. Nasa loob pa siya at may kausap. At mukhang hindi niyo aakalain kung sino ang kausap niya ngayon.”

    Nalukot ang noo ni Simon sa huling sinabi ng kanyang bodyguard  sa kanya. Sino ang kausap ng kanyang anak.

     “Si Winchester Del Mundo.. Siya ang kausap ni Sir Luke ngayon.”

    Hindi na nakasagot pa si Simon at binaba ang tawag. Bakit naroon si Winchester? Kilala ba ni Winchester si Luke?

    Agad niyang hinanap ang numero ni Erica at tinawagan niya iyon. Kailangan niyang masiguro na walang namamagitan sa pagitan ni Winchester at ng kanyang anak.

    “Erica.. What do you know about Winchester’s relationship to my son?”

     Hindi agad nakasagot si Erica sa kabilang linya habang nawawalan na ng pasensiya sa Simon dahil hindi niya gusto ang wala siyang nalalaman tungkol sa mga bagay.

    “Simon… I was trying to tell you this earlier pero hindi ko alam kung paano mo matatanggap. I was also shocked to find it out.”

    “Tell me right now! Anong nalalaman ni Winchester sa pagkatao ni Luke?”

   “Winchester and Luke is in a romantic relationship, Simon.”

    Napaawang ang bibig ni Simon nang malaman niya kay Erica ang katotohanan. Talagang pinaglalaruan siya ng tadhana.

     

 ———————————————––

    Le Chateau Building

      Napaupo si Jacob sa sofa ng sala ng condo unit ni Taron. Habang ang huli naman ay nakatayo parin at nakahawak sa kanyang bewang.

    Hindi alam ni Jacob paano kakausapin ang kasintahan dahil sa inasal niya sa mansion ng mga Laurente.

     “What you did earlier was out of line. Alam mo bang pwede ka nilang ipakulong sa mga ginawa mong pagbabanta?” panenermon ni Taron at tahimik lang iyong tinanggap ni Jacob.

    “I know you have this hatred towards them. Pero kailangan mong ikalma ang sarili mo kapag gagawa ka ng mga bagay na maaring ikapahamak mo.”

    “Taron… Pamilya ko ang pinag-uusapan dito. Hindi ko pwedeng hayaan na lang sila na gawin ang gusto nila dahil lang sa mayaman sila. Masiyado nilang inaapakan ang mga pagkatao namin.”

   Yumukod si Taron sa harapan ni Jacob at hinawakan niya ang mga kamay nito. Nagkatitigan silang dalawa at alam ng dalawa na mahirap ang pinagdadaanan ng isa sa kanila.

    “I will be unfair to you if I don’t understand kung ano ang pinagdadaanan mo. PEro kailangan mong kontrolin ang galit mo. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung may nangyaring masama sa’yo.”

   Yinakap ni Jacob ang kasintahan at humigpit din ito ng yakap sa kanya. Walang imik ang dalawa at biglang tumunog ang doorbell na hindi nila inaasahan sa mga sandaling iyon.

   Agad na tiningnan ni Taron ang taong nasa pinto sa door monitor at napaluwa ang mata niya nang makita niya ang kanyang Mama.

    Bago paman niya magawang sabihin kay Jacob na ayusin ang sarili dahil nakahubad ito ng kanyang pang-itaas ay nakapasok na sa ang kanyang Mama.

  “Ma! What are you doing here? Why didn’t you call me first.”

    Nagulat naman si Jacob nang marinig ang boses ni Taron mula sa pinto. Nandito ang ina nito.

   “I was worried about you.. Sabi ng office mo dalawang araw ka na daw hindi pumapasok. And you are staying here alone..”

   Pero napansin ni Almarie na may isang pares pa ng sapatos sa may pintuan at alam niyang hindi lang nag-iisa ang kanyang anak sa condo unit nito.

   “So how long would you keep this person from me? Wala ba siyang manners para ipakilala manlang ang sarili niya?” nakataas ang kilay ni Almarie at agad na nagtungo sa sala at naabutan si Jacob na inaayos ang suot na tshirt na kinatawa lang ng ginang.

   Napayukod ang ulo ni Jacob ng makita niya ng tuluyan ang ina ni Taron.. Nakaramdam siya ng hiya dito.

    “Mama— This is Jacob, Jacob—This is my mother, Almarie.”

    “Its nice to finally meet you, Jacob.” nilapitan ni Almarie ang kasintahan ng kanyang anak at niyakap ito na kinagulat naman ng binata.

    “Ah— Ano— Nice to meet you din po.” tanging naisagot ni Jacob sa ginang.

    “You are a gorgeous young man.. No wonder magugustuhan—”

     Tinakpan ni Taron ang bibig ng kanyang ina at pinalayo na sa kanyang kasintahan.

     “Mama– We are still getting to know each other.” pagdadahilan pa ni Taron na kinangiti lang ng kanyang ina.

    Dinala niya ito sa kusina. Tiningnan ni Almarie ang buong kusina at nagulat ito na maayos ang lahat ng gamit dito at pino ang refrigerator ng mga pagkain.

    “Since when did you become this responsible? This is the first time that I ever seen this fridge full of stuff.” nakangising saad ni Almarie sa anak na kinakamot lang nito sa ulo.

    “Jacob does all the cooking here. Nakakahiya naman na wala akong gagawin so ako na ang naggrogorcery.”

   “Ibig sabihin, you are like a married couple? That’s so sweet!” kinikilig na sambit ni Almarie.

    Hindi agad nakasagot si Taron at tiningnan ang kasintahan na nakaupo parin sa sofa at nakayukod ang ulo.

    “You found a good man, Taron. I can feel it from him. I hope this time, kakalimutan mo na ang duda mo sa sarili mo. You are a lovable person.”

   “I can only hope for the best.. Lalo na ngayon na may pinagdadaanan ang pamilya niya. And I wish I can do something for him.”

   Tinapik ni Almarie ang balikat ng anak at ngumiti ito bago nagsalita.

  “Just be there for him. And he will come by even stronger. Iyon lang ang dapat mong gawin.”

   Nakangiti sa isa’t-isa ang mag-ina bago sila tingnan muli ni Jacob na iniisip pa rin ang maaring sabihin ng ina ni Taron sa kanya.

   

Itutuloy…

Chapter XXVII

Wildfire Bar

      Ang ingay ng paligid ay hindi alintana ni Pipo habang siya ay naghahatid ng inumin sa isang mesa. Isang linggo na siya sa pagtratrabaho bilang isang waiter sa bar na iyon dahil kailangan niyang dumoble kayod lalo na at malapit na ang final exams at hindi pa niya nabubuong bayaran ang kanyang tuition sa ikalawang semestre ng huling taon niya sa kolehiyo. Alam niyang nakapasok siya sa bar na iyon dahil na rin sa kanyang itsura. Magandang lalaki din si Pipo at may katangkaran. Balingkinitan ang pangangatawan ngunit ang kanyang masayang pagkatao ang talagang nakakaakit sa kanya na kailanman ay hindi nakita sa kanya ng kahit sin man.

   Inilapag niya sa mesa na puro kababaihan ang nakaupo ang dala niyang tray at isa-isa niya itong pinatong sa mesa.

     “Enjoy your drinks, girls.” kumindat pa siya bago niya lisanin ang mesa ng mga babae na kinatuwa ng mga ito. Habang humahakbang siya pabalik sa counter ng bar ay nahagip ng kanyang mata ang isang lalaki na nakatitig lang sa kanya.

     Hindi niya tuloy maiwasang mapakamot ng kanyang ulo dahil sa ginagawa niting pagtitig sa kanya. Pero alam niyang isa itong anak mayaman sa dating pa lang nito. At ang pananamit nito. Ngumiti ito sa kanya na nginitian lang din niya pabalik.

    “Ibigay mo ’to dun sa VIP table.. Huwag mong paghintayin ’yun dahil malilintikan tayo kay boss. Kaibigan niya ’yung tao.” saad sa kanya ng kasamahan niya nang makabalik na siya sa counter.

    Wala siyang nagawa kundi sumunod sa utos nito dahil maraming guest ang bar nila sa gabing iyon. Mabilis niyang nilagay sa tray ang bote ng vodka na hawak niya. Primera klase iyon at alam niyang VIP nga ang bibigyan niya nito kasi nasa pinakadulong bahagi iyon ng bar. At laking gulat niya na ang lalaking nakatitigan niya pala ang naroon sa VIP Table. 

   “Ah– Here’s your bottle of vodka, Sir.. Please enjoy..” tangi niyang nasabi nang makarating na siya sa mesa nito. Naaasiwa pa siya dahil nakangiti lang ito sa kanya habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa.

    “I’ve never seen you here before? Bago ka lang ba?” tanong sa kanya ng lalaki na unti-unti na niyang namumukhaan.

    “Ah— Isang linggo palang ako dito, Sir.” tipid na sagot ni Pipo sa lalaking kaharap niya ngayon na inutusan siyang umupo sa tabi nito.

   “Come here— Sit beside me. I find you interesting.” nakangisi nitong saad pero hindi naman tumugon si Pipo at alam niyang hindi iyon parte ng trabaho niya.

   “Waiter po ako dito, Sir.. At gustuhin ko man po, marami akong kailangang gawin. Pero kung kailangan niyo po talaga akong makausap, 1 AM po natatapos ang trabaho ko.”

    Natawa naman ang lalaking kaharap ni Pipo dahil sa kanyang sinabi. Hindi nito inaasahan ang magiging sagot nito sa kanya.

    “So you are one of those boys who still knows the word dignity and responsibility.. That’s quite amusing. Now I am liking you even more.” saad nito na halatang tinamaan na ng alak.

   “Pasensiya na po, Sir.. Kailangan ko na pong bumalik sa aking trabaho.” paalam niya dito at tumango lang ito sa kanya.

      Mabilis ang takbo ng oras at pakunti ng pakunti ang tao sa loob ng bar hanggang sa oras na ng pag-uwi ni Pipo. Tiningnan niya ang mesa ng guest nila na pamilyar sa kanya ang mukha. Ngunit wala na ito sa mesa at mukhang may sumundo na nga dito.

    Matapos niyang magpaalam sa guwardiya ay napadaan muna siya sa parking lot ng bar at napansin niya ang isang lalaking nakayukod ang ulo habang nakasandig ito sa kanyang kotse. May kadiliman man ay lama niyang ito ang VIP Guest kanina. Nagtaka siya kung bakit naroon pa ito?

   “Sir? Ayos ka lang ba? Kailangan mo ba ng tulong?” hindi niya maiwasang mahabag dito dahil habang lumalapit siya ay naririnig niya ang impit na pga-iyak nito.

    “Go away— Just leave me alone..” biglang salita nito na halos wala nang lumalabas na boses.

    “Sir— Kung may problema ka man, pwede mong sabihin sa akin ’yan. Magaling akong makinig sa mga taong may problema.”

    Hindi ito sumagot sa kanya at patuloy lang ang paghikbi nito. Maging si Pipo ay nakakaramdam na ng awa dito.

    “Sabi nga nila, mas magandang sabihin sa isang di mo kakilala ang mga problema mo. Dahil hindi ka nila agad huhusgahan. At naniniwala din ako doon.”

    Inangat ng lalaki ang kanyang ulo at kita ni Pipo ang mugto nitong mga mata na talagang nakakahabag tingnan. Hindi niya maiwasang lapitan ito at tabihan ito sa kotse.

    “You really believe that shit? Well, I am a fucked up person. Lahat ng bagay ginawa ko na just to earn my Dad’s approval. Pero ano? Wala pa rin akong kwenta sa kanya lalo na ngayon at nahanap na niya ang totoo niyang anak.”

    Hindi maintindihan ni Pipo ang mga sinasabi nito pero napakabigat nito para sa kanya. Dahil sa buhay niya, hindi siya kailanman pinagkaitan ng pagmamahal ng kanyang mga magulang. At ngayon katabi niya ang isang taong naghahanap ng pagmamahal sa isang magulang.

    “Ayokong magmura sa taong nagpalaki sa’yo pero isa siyang malaking gago kung pinaparamdam niya sa iyo na kulang ka. Maswerte pa nga siya kung tutuusin kasi ginagawa mo ang lahat para lang tanggapin ka niya.”

    Hindi nagsalita ang lalaki sa halip ay natawa ito ng mapakla at umiiling habang nakatingin sa kawalan.

     “Galing ka sa mayamang pamilya… At alam kong kadalasan ng mga mayayamang pamilya, magulo ang buhay. Kaya ako maswerte akong simpleng buhay lang ang kinalakihan ko. Hindi kita iniinggit pero, masaya ang buhay namin kahit simple lang. Ang importante nagmamahalan kami.”

     Tumango naman ang lalaking katabi ni Pipo at muli itong bumaling sa kanya na nakangiti.

    “Sana nga pinanganak na lang ako sa isang simpleng buhay.. A life that is not wealthy but full of love.”

    Hindi naiwasan ni Pipo na tapikin ang balikat ng lalaking katabi niya ngayon.

   “Sir— Hindi nakadepende sa ibang tao ang kaligayahan mo. Ikaw mismo ang dapat humanap nun.” payo pa ni Pipo dito na kinamangha naman ng binata.

     Ngayon niya lang naramdaman na may isang taong kaya siyang kausapin at iparamdam sa kanya na may kaya pa niyang mabago ang lahat sa sarili niya.

   

 ———————————————————————

    Naisarado na lahat ni Luke ang mga tarangkahan ng restaurant. Napilit niya si Mamu na siya na ang magsarado sa restaurant. Kailangan niyang mag-isip ng mabuti dahil sa mga bagay na hindi niya pa rin lubos na maproseso sa kanyang isipan.

   Ang pagiging isang Laurente niya. Ang pag-aalok sa kanya ng kasal ni Winchester. Ang posibleng mangyari sa oras na tanggihan niyang maging parte ng isang marangyang buhay.

   Napasabunot siya sa kanyang ulo. Bakit naging komplikado bigla ang buhay niya? Paano ang mga binubuo niyang pangarap para sa sarili niya? Para sa pamilya niya? Para sa taong minamahal niya?

   Kinuha niya ang kanyang bag at tuluyang lumabas ng exit ng restaurant at habang kinukuha niya ang kanyang motor ay may sumalubong sa kanyang apat na kalalakihan na kapwa nakasuot ng uniporme. Sigurado siyang mga tauhan iyon ni Simon Laurente.

   “Master Luke.. Nandito kami para dalhin kayo sa mansion ng mga Laurente. Sa utos na rin ng inyong ama. Kailangan namin ng inyong kooperasyon at hindi namin gusto ng anumang dahas.”

    Napangisi naman si Luke sa sinabi ng isa sa mga bodyguards na naroon sa kanya.

    “Sa tingin niyo ba lalaban ako sa inyo? Wala talagang patawad ang amo ninyo. Una, dinamay niya ang mama ko. Tapos ngayon magpapadala siya ng mga tauhan niya para lang madala ako sa kanyang mansion?”

  Hindi sumagot kay Luke ang apat na kalalakihan bagkos ay giniya ng mga ito patungo sa isang magarang sasakyan. Alam ni Luke na darating din ang puntong haharapin niya ang tunay niyang ama at siguro ito na ang pagkakataon. At marahil ang huling pagkakataong makakaharap niya ito.

   Sumakay si Luke sa magarang sasakyan na magdadala sa kanya sa mansion ng mga Laurente. Tanging nasa isipan niya ay ang makaharap ang taong pinipilit na maging ama niya.

   Nakarating sila sa mansion at hindi na nagulat si Luke sa laki at lawak ng nasasakupan nito. Kumpol ng mga kasambahay ang nahihintay sa kanya sa may hagdanan at yumukod ito sa kanya nang humakbang na siya paakyat at naghiwa-hiwalay ang mga ito upang bigyan siya ng daan habang nakasunod lang sa kanya ang apat na bodyguards. Binuksan ng isang may katandaan nang lalaki ang malaking pinto ng mansion.

     “Welcome home, Young Master Luke.” bati nito sa kanya at walang ekpresiyong pumasok si Luke sa loob ng malaki at magarang mansion na tila ba isang palasyo na puno ng gintong mga palamuti.

      Naabutan ni Luke ang isang lalaking nakatalikod at nakatayo sa foyer. Hindi niya makakaila na iyon na si Simon Laurente at nang humarap na ito sa kanya ay maluwang na ngiti ang sinalubong nito sa kanya.

    “I’ve finally meet my son.. You really are my son.” masayang saad ni Simon at nilapitan niya ang binata upang bigyan ito ng mainit na yakap ngunit pinigilan siya nitong gawin iyon.

    “Hindi ako sumama sa mga bodyguards mo para tanggapin ka bilang ama ko. Si Oscar Gamboa ang ama ko at wala ng iba. Nandito lang ako para sabihin sa’yo na hindi ko kailanman tatanggapin ang pagiging isang Laurente.”

     Napaawang ang bibig ni Simon sa sinabi sa kanya ng anak at tiningnan niya ang mga bodyguards niya at sinenyasan niya ang mga ito na iwanan silang dalawa.

    “Is that how you introduce yourself to your father? Ganyan ka ba pinalaki ng mga kinilala mong magulang?”

     “Hindi ko kailangang igalang ang isang taong hindi ko kailanman nakilala sa tanang buhay ko. Para sa akin, isa kayong estranghero. Hindi ko kayo kaano-ano. Kahit sabihin pa ninyong kayo ang aking ama.”

     Hindi alam ni Simon ang kanyang sasabihin. Marahil ay namanipula na ni Winchester ang utak ng kanyang anak.

      “That’s why I’m here to ask for your forgiveness. And for you to give me a chance to be your father.”

       “Hindi na po kailangan. Masaya na po ako sa pamilyang meron ako ngayon. Sana ito na po ang huling beses na magkakausap tayo.”

    Akmang tatalikod si Luke nang muling magsalita si Simon.

      “Nabilog na ba ni Winchester ang ulo mo? Siya ba ang nagsabi sa’yo ng mga bagay na ’yan. To tell me how you don’t want to be a part of this family?”

     Napalukot ang noo ni Luke dahil hindi niya maunawaan ang lalaking kaharap niya ngayon.

      “Don’t try to deny it.. I know that you are dating Winchester. And let me tell you this, ginagamit ka lang niya para tuluyang makontrol niya ang DLM Group. At mawawalan na tayo ng kapangyarihan sa kompanya.”

      Natawa si Luke sa mga sinabi sa kanya ng kanyang tunay na ama.

     “Alam niyo.. Mabuti nalang talaga at hindi ako nabuhay sa pamilyang ito. Pamilyang tanging kapangyarihan at pera lamang ang iniisip. At di hamak na mas mabuting tao si Winchester kesa sa inyo. At kung iniisip niyo na si Winchester ang nagsabi ng mga bagay na ’yun sa akin, nagkakamali kayo. Ako mismo ang ayaw na maging parte ng pamilyang ito.”

     Napupuno na ng galit si Simon sa mga sinasabi ng kanyang anak sa kanya.

    “Nawala si Eunice sa akin dahil hindi ko ipinaglaban ang pagmamahal ko sa kanya noon. And she died giving birth to you. Kaya ngayon, gagawin ko ang lahat para hindi ka nila makuha sa akin. You are my son. You are a Laurente!”

    Napapailing si Luke habang pinipigil niyang mapaluha dahil sa wakas ang nalaman niya ang pangalan ng kanyang ina. Sayang lang at hindi niya ito nakasama. Nasisiguro niyang ito ang maninindigan sa kanya sa harap ng kanyang tunay na ama.

    “Kung iniisip niyo na makokontrol niyo ako at magagamit niyo ako sa pansarili niyong kagustuhan. Nagkakamali kayo. Hindi ko kailanman tatanggapin ang apilyedo ninyo. At sana naman malinaw na sa inyo na hindi ko pinangarap maging parte ng pamilyang ito.”

   Tinalikuran ni Luke ang kanyang ama at naglakad na palabas ng malaking pinto ng mansion. Naguguluhan ang mga kasambahay at hindi na pinahabol pa ni Simon ang anak sa kanyang mga bodyguards.

    “He will come around.. Hindi niya matatakasan ang pagiging isang Laurente.” nasabi na lamang ni Simon sa kanyang sarili.

   


    Del Mundo Mansion

     

Mag-isa si Winchester sa patio at nakamasid lamang sa malawak na lawn ng mansion at dinadama niya ang malamig na simoy ng hangin ng gabing iyon. Hindi niya maiwasang malungkot sa mga nangyari sa araw na iyon.

      Hindi na rin siya sigurado kung may naghihintay pa bang kinabukasan sa kanilang dalawa ni Luke dahil alam niyang patuloy lamang silang masasaktan dahil sa pagiging parte nila ng isang pamilyang matagal nang magkasalungat ang pananaw.

      Napabaling si Winchester sa kanyang tabi at nakita niya si Tony na tahamik lamang na tumabi sa kanya.

       “Masaya na ako dahil nakilala ko na isang taong nagpakita sa akin ng totoong pakiramdam na mabuhay talaga. I was so close to that point of not caring anymore. And all of these crap happened?”

      Ginagap ni Tony ang balikat ni Winchester at tinapik tapik niya ito ng marahan.

     “Maraming bagay ang hindi mo inaasahan sa buhay na’to. Ganyan maglaro ang tadhana. Ang kailangan mo lang gawin ay isipin kung dapat pa bang ilaban ang isang bagay o kailangan mo na itong isuko dahil sa bandang huli, ikaw lang din ang mahihirapan.”

      Tumango lang si Winchester. Hihintayin niya ang magiging desisyon ni Luke. At handa na niyang kalimutan ang lahat. Ang DLM Group. Ang pagiging isang Del Mundo.

     Dahil hindi iyon ang mga bagay na magpapasaya sa kanya. Ang makasama ang taong mahal niya ang totoong magpapaligaya sa kanya.

     “If things will turn out the way I want it… Ikaw na ang bahala sa lahat, Tony. I have arranged everything for you. For Gianna.”

     Tumango lang si Tony kay Winchester at patuloy nilang minasdan ang malawak na lawn ng mansion.

    

Itutuloy…

Your Imagination Destroyed!

I always like putting my characters into reality and if ever this story becomes a real production. Well these guys should play my characters. Let me know if you agree with me or meh… Again, you can always disagree with me. Kaya may writer-reader relationship na sinasabi. Tell me if I given the characters the Justice!

    

Daniel Leong (IG: danielleongggg)

Dave Bornea (IG:davebornea23)

      

     

 

           

Bryce Dyer (IG:brycedyer)

    

 

      

Franz Garcia Presley (IG:werewolf_franz)

 

Limit na ako sa images. Next time would be Achilles and Pipo. So what do you think? Did I chosen the right people to play the characters?

☺😊❤

Your Imagination Destroyed! Part II

Sa screen test nalalaman kung pwede ba ang isang actor or feeling actor na gampanan ang isang role ng character na pinoportray nila. Kadalasan hindi sila ang nacacast sa character na iyon. But if I ever to be the casting agent of this story. I will definitely cast these people.

     

     

Eian Rances (IG: eianrances)

Chef Gerick Manalo (IG: gerickmanalo)

PS: He is a crush of mine.

😍😍

I highly appreciate your suggestions and this has been a hard decision to make. Joke lang. This is just to give insight to you guys on how I see my characters. Its still up to you kung paano niyo sila napipicture out.

So continue na tayo sa story nila.. More Drama and More Kilig!

Chapter XXVIII

Rodriguez Compound

      Nakauwi si Pipo matapos ang kanyang naging mapusong usapan nila ng kanyang bagong kakilala. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil para itong batang paslit kapag nalalasing. Hinatid niya ito sa isang malapit na hotel dahil hindi na ito pwedeng magmaneho at mukhang ayaw din naman itong umuwi sa kanilang pamamahay. Inabutan na siya ng alas tres ng umaga bago marating ang kanyang boarding house at nagulat pa siya nang makita niya si Luke na nasa labas at umiinom ng beer.       Mabilis siyang naglakad at nilapitan ang kaibigan sa labas ng kanilang boarding house.

     “Mabigat din siguro ang problema mo at maguumaga na umiinom ka pa rin.” salubong ni Pipo sa kanyang kaibigan at tinabihan ito sa pag-upo.

      “Nag-away ba kayo ni Winchester? At hindi mo pa nga nasasabi sa akin kung bakit nawala ka ng ilang araw. Nag-alala kaya ako sa’yo.”

      Huminga ng malalim si Luke bago ulit tumunga sa boteng hawak niya.

       “Ang sakit sa pakiramdam na malaman mo ang buong katotohanan. Katotohanan na sana hindi nalang naungkat. Para akong lumulutang ngunit mabigat ang puso ko.”

      “Pre? Easy ka lang.. Ano ba kasing nangyari? Bakit parang ang bigat naman ng mga binibitawan mong salita.”

       Hinarap ni Luke ang kaibigan at tinitigan ito sa kanyang mata. Kita naman ni Pipo ang kalungkutan ng kanyang kaibigan.

      “Sa dami ng tao sa mundong ito, ako talaga ang napiling ipanganak sa isang angkan na walang ibang pinahahalagahan kundi pera at impluwensiya.”

     Hindi pa rin maintindihan ni Pipo ang sinasabi ng kanyang kaibigan.

      “Nalaman ko ngayong araw na ako ang anak ni Simon Laurente. Ang nawawalang anak ni Simon Laurente.”

     Pinanlakihan ng mata si Pipo dahil alam niyang isa sa mga nagmamay-ari ng DLM Group ay ang pamilya ng mga Laurente.

      “Ikaw ang anak ni Simon Laurente? Paanong ikaw? Paanong nangyari ’yun?”

      Ikwenento ni Luke kay Pipo lahat ng kanyang nalaman. At nang matapos siya ay lutang din si Pipo na hindi na rin siya makasalita sa mga nabunyag sa kanya.

       “Kaya ako nasasaktan ngayon kasi hindi ko inaasahan na ililihim sa akin ni Winchester na alam na niya pala ang totoo sa pagkatao ko. Iniisip niya siguro na kapag nalaman kong ako ang anak ni Simon Laurente ay magtatatalon ako sa tuwa dahil sa wakas isa na akong anak mayaman.”

     “Luke— Hindi ganun ang pagkakaintindi ko sa ginawa ni Win sa’yo. Siguro naunahan lang siya ng takot kaya hindi niya sayo sinabi agad. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon mo. Tsaka hindi niya din naman ginusto na malaman niyang ikaw pala ang anak ni Simon Laurente.”

      Napaiwas ng tingin si Luke kay Pipo at muling uminom sa bote.

       “Inalok pa niya ako ng kasal para patunayan sa akin na wala siyang pakialam sa kayamanan. Na mas mahalaga ang nararamdaman niya para sa akin kesa sa kompanya. Paano ko pag siya paniniwalaan?”

      “Kailangan mo siyang bigyan ng pagkakataon na patunayan niya sayo na sincere siya sa hangarin niya. Ayaw mo nun? Ikakasal ka sa taong mahal na mahal mo. Pre— Alam kong mahal mo si Winchester. At pahihirapan niyo lang ang isa’t-isa kung hindi niyo pipiliing magpatawad.”

      Tinapik ni Pipo ang balikat ng kaibigan at nagpaalam na dito upang magpahinga na. Naiwan si Luke na iniisip pa rin ang sinabi sa kanya ng kanyang kaibigan.

    Agad niyang hinugot sa kanyang bulsa ang maliit na kahon at binuksan niya iyon. Nangingislap ang singsing na may nakalagay na isang maliit na diamante sa gitna nito. Singsing na kasyang kasya sa kamay ni Luke nang isukat niya ito.

     Napangiti siya at inisip na sana sa isang masayang pagkakataon siya inalok nga kasal ni Winchester. Alam niyang hindi siya titigilan ng kanyang tunay na ama. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin pa.

     

–––––––––––‐——————————

    

     Laurente Mansion

   

  Nakarating si Achilles sa mansion at pansin niya na hindi aligaga ang mga maids nila. Buong akala niya ay dumating na ang tunay na anak ng kanyang ama at mukhang hindi iyon nangyari.

     Naabutan niya sa dining room ang kanyang ina at mag-isa lamang itong kumakain ng almusal.

      “Where were you last night? You missed all the fun.”

       “I don’t have to tell you what I do with my life. I’m a grown man. And I don’t care about what happened last night. It doesn’t change the fact that we will be kicked out of this mansion soon.”

      Linapag ni Mildred ang kutsara niya at ininom ang juice mula sa basong hawak niya habang tinitingnan ang kanyang anak.

      “The divorce will be finalized but you will never be taken out of the will. I made sure of that.”

       “Just give up Mom.. Hindi ka pa ba napapagod kakahabol kay Dad? Because I am so done with all of this shit.. Pagod na akong manipulahin ng mga taong nakapalibot sa akin. I will step down as the CEO of DLM Group and open that position for Winchester if he still wants it.”

      Dinamba ni Mildred ang mesa at tumayo siya na nanlilisik ang mata.

      “Matapos ang lahat ng ginawa mo para mapunta sa posisyon na ’yan, bibitawan mo nalang ang lahat? Have you lost your mind?”

     “Because it is not what I want! Alam mo ba talaga kung ano ang gusto ko? Have you ever asked that yourself?”

       Umalis si Achilles sa dining room ng mansion at humakbang ng hagdanan patungo sa kanyang kwarto. Agad siyang pumasok sa banyo upang maligo. Handa na siyang gawin ang mga bagay na napagdesisyunan niya.

     Dahil sa lalaking nakausap niya kagabi, naliwanagan siya sa mga bagay. Lahat ng ginagawa niya ay para lang din naman sa ikakasira ng sarili niya. At ayaw niyang matulad sa kanyang ina at sa kanyang kinilalang ama.

     Maraming bagay siyang nagawang kalimutan para lang sa galit at kagustuhang mapatunayan ang kanyang sarili. Ngayon na ang panahon para bawiin niya lahat ng iyon.

    Matapos niyang maligo at mag-ayos ng kanyang damit para pumasok sa DLM Group ay bigla namang pumasok sa kanyang silid ang kanyang ama.

      “Are you making sure that I step down just the way you want it?” sarkastikong tanong ni Achilles sa kanyang ama.

      “DLM Group is in chaos right now. And I don’t want you to add to the chaos, Achilles.”

      “Oh? Isn’t it fun to do this right now? So that DLM Group will collapse and fall into ashes? That would be perfect to watch.”

       Inabot ni Simon ang kwelyo ng kasuutan ni Achilles at hinapit niya ito upang magkalapit silang dalawa.

      “You are making this a joke? All my sweat and blood and my father’s legacy is on that company. And the last thing that I will ever want is to see it fall. So make sure you will not make any move that will make us lose everything!”

     Inilayo ni Simon ang kanyang sarili at natawa lang sa kanya si Aki.

     “And where is your only son? I thought he will be the one to save your ass? Nasaan siya ngayon? Nasaan ang pinagmamalaki mong tunay na tagapagmana mo?”

     Hindi na umimik pa si Simon at mabilis na nilisan ang silid ni Achilles.

     Napangisi nalang si Achilles dahil sa inasal sa kanya ng ama.. Sa isip niya ay ito na ang simula ng pagbagsak nito. At nagpapasalamat siya sa tunay na anak ni Simon Laurente dahil pinapadali nito ang gusto niyang mangyari. Ang tuluyang bumagsak si Simon Laurente.

    


      DLM Tower

       

Nagtipon ang lahat ng executive ng DLM Group sa board room upang resolbahin nila ang lumalalang problema nito. Lahat sila ay natatakot na maaring bumagsak ng tuluyan ang DLM Group dahil sa sunod-sunod na mga issue na nakapaloob sa pamilya ng mga nagmamay-ari nito. At nalilito na ang karamihan sa kung ano ba talaga ang gagawing aksyon ng CEO ng kompanya.

      “This is outrageous and unacceptable! They represent everyone inside this company and they keep on tarnishing its good reputation!” sigaw ng isa sa mga ehekutibo ng kompanya.

      Pinakalma naman siya ng kanyang katabi habang si Gianna ay nanonood lang sa mga ito.

     Wala siyang plano na magsalita dahil hinihintay niya rin ang pagdating ni Winchester sa loob ng silid na iyon.

     “If Don Alfonso and Don Vicente never established DLM Group, do you think you can buy the luxury that you have right now, Mr. Fortuna?” basag ng isang boses na kararating lamang sa loob ng silid.

     Inayos ni Winchester ang kanyang suot na suit at umupo sa tabi ni Gianna na nakangiti lang sa kanya.

     “Winchester.. Isn’t it time for you to take the leadership again? We have to make a vote again.. This is an emergency situation. The investors are pulling out and our projects are getting delayed. At this rate, we might lose everything!” pasaring ni Mr. Nicolas na kakampi ni Winchester at ang marketing head ng DLM Group.

    “I have no desire on taking that position again. In fact, I am here to announce a very important matter. This is about the son of Simon Laurente. The real son of Simon Laurente.”

     Nagkatinginan ang lahat ng nasa silid na iyon at hindi mapakali ang ilan dahil gusto rin ng mga itong malamanang maaaring isiwalat ni Winchester.

      “I am dating Simon Laurente’s son. And his name is Luke. Actually, I just asked him to marry me.”

     “You asked him to what?” isang boses ang nangibabaw sa lahat ng ingay na maririnig sa silid na iyon.

    Napalingon ang lahat sa pintuan at isang naguguluhang mukha ni Achilles ang nakita nilang lahat.

     Napaismid naman si Winchester sa naging reaksyon ni Achilles sa kanyang inanunsyo sa lahat ng tao.

      “I asked Luke to marry me, Achilles.” saad pa ni Winchester na lalong kinagalit ni Achilles sa kanya. Nilapitan niya ito sa kanyang kinauupuan.

   Hinablot niya ang kamay ni Winchester at hinayaan naman ng binata na tangayin siya ni Achilles.

     Isinandig ni Achilles si Winchester sa sementong dingding sa labas ng board room at galit na galit itong tinitigan si Winchester.

     “So you knew about this? Kilala mo na kung sino ang totoong anak ni Dad noon pa man?”

     “If I tell you that I was surprised too, would you even believe me?” sagot ni Winchester na walang gana.

     “Of all the people that you will fall in love with? Alam mo bang mas lalo mo lang pinahirap ang sitwasyon? Dad will force him to do something stupid and I don’t know if I can help you with it.”

      Nagulat si Winchester sa biglang pagbabago ng ugali ni Achilles sa kanya. Binitiwan siya nito at napasabunot sa kanyang ulo.

      “And here I was thinking that you hated me so much.. Why are you acting so concerned right now?” tanong pa ni Winchester kay Achilles na kinabaling ng tingin nito sa kanya.

      “Because I’m done playing by that man’s game. I thought if I had taken over the company, if I step into the position he never achieved in his life, magiging proud na siya sa akin. Pero walang silbi lahat ng iyon, Win.. Dahil kahit kailan hindi naman niya ako tinuring na anak. And I’ve had enough of it.”

      Doon nakita ni Winchester ang kanyang kaibigan. Ang Achilles na naging malapit na kaibigan niya noong mga bata pa sila.

      “And now you made this stupid announcement in front of everyone.. Baka mas lalo lang maipit si Luke sa mga pangyayari. You know that man will do everything just to impose his control with people.”

      “I am not scared of Tito Simon, Aki.. I know how the way he thinks. He likes persuasion. But Luke can never be persuaded. And he will not do his bidding.”

     Umiling si Achilles kay Winchester at hinawakan niya ang mga balikat nito.

      “Listen to me, Dad will use Luke’s parents to make him do what he wants. Gagamitin niya ang pagmamahal niya sa parents niya. And I have no idea where those people are right now.”

     Doon na naramdaman ni Winchester ang kaba. Paano kung gamitin nga ni Simon kay Luke ang mga magulang nito. Iyon ang hindi niya inaasahan na gagawin nito.

     “I will hire people to find them.. But for now, you have to get back to that board room and tell them that you will not step down as the CEO of DLM Group.”

      “What are you planning to do, Win?” tanong ni Achilles kay Winchester.

       “We will play Tito Simon’s game.. And I will make sure that he will be the one to lose at the end.”

        Nagkatitigan silang dalawa at sabay na bumalik sa board room.

    


   Secret Hideout

    

Pumasok si Simon sa loob ng isang magarang bahay at naabutan niya si Chona at Oscar na nakaupo lamang sa sala habang may nakabantay na mga bodyguards sa mga ito.

     Napangiti si Simon sa mag-asawa ngunit wala siyang natanggap na ngiti mula sa mga ito. Sa halip ay tumayo si Oscar para lapitan si Simon.

     “Ano ba talagang binabalak mong gawin, Sir Simon?”

     Pinaupo ni Simon si Oscar ngunit hindi ito sumunod sa kanya.          “I just want my son to realize that I can do everything I want. At sa ganung paraan, malalaman niya na ako ang kanyang ama at kailangan niyang sumunod sa akin.”

      “Kailan ka ba naging ganito ka makasarili, Sir Simon? Siguro tama lang ang naging desisyon ni Miss Eunice noon na hindi ipaalam ang tungkol kay Luke. Dahil sa nakikita ko, hindi malayong lumaking makasarili si Luke na tulad mo.”

     Hindi maiwasang makaramdam ng galit si Simon at nilapitan niya ang ginang at hinablot niya ito sa manggas ng kanyang damit.

     “Baka nakakalimutan mong katulong ka lang ng mga Hernandez noon.. At ikaw ang may kasalanan kung bakit hindi ko nakilala ang anak namin ni Eunice. Kaya kitang ipakulong at hinding hindi ka na makakalabas sa kulungan. But I am kind enough to let you live freely dahil alam kong mas lalong lalayo ang loob sa akin ni Luke.”

     “Hindi laruan si Luke na basta mo nalang aangkinin at sasabihin dito ang dapat niyang gawin. May sariling isip ang anak mo. Hindi ba dapat kaligayahan ng anak mo ang iniisip mo, Sir Simon?”

     Binitawan ni Simon ang ginang na napaupo naman sa sofa at agad na dinaluhan ng kanyang asawa.

     “You have no right to question my way of dealing with things, Chona.. Now, listen to me. Kailangan mong kumbinsihin si Luke na umuwi sa bahay. Kundi pati ang totoo niyong anak, idadamay ko na para magkasama-sama na kayong lahat?”

      “Huwag mong idadamay si Jacob, Sir Simon.. Nagmamakaawa ako. Huwag mo nang idamay pa ang anak ko. Gagawin ko na lahat ng gusto niyong ipagawa huwag niyo lang idamay si Jacon dito. Wala siyang kinalaman sa lahat ng ito.”

     Tumango si Simon at agad na tinalikuran ang mag-asawa. Bago pa siya umalis ay muli itong nagsalita.

      “Convince him to move to the mansion, Chona. And I don’t have enough patience. Kapag nagawa mo na ’yun, maaari na kayong mamuhay ng tahimik ng pamilya mo.”

      At umalis na ng tuluyan si Simon at naiwan ang mag-asawang magkayakap. Iniisip pa rin ni Chona ang sasapitin ni Luke sa kamay ni Simon. Naluluha ang ginang dahil sa mga nangyayari.

   “Miss Eunice— Huwag mong pababayaan si Luke. Gabayan mo siya.”

    

   

Itutuloy…

Chapter XXIX

Rodriguez Compound

     

Naalimpungatan si Luke dahil sa tunog ng kanyang cellphone. May hilo pa siyang nararamdaman dahil pasikat na ang araw ng tuluyan siyang makatulog. Inabot niya sa mesang malapit sa kanyang kama ang kanyang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag sa kanya. Si Jacob iyon. Agad niya naman iton sinagot at malakas na boses ni Jacob ang kanyang narinig sa kabilang linya.

     “Mabuti naman at naisip mo nang sagutin ang tawag ko? Kanina pa ako tawag ng tawag sa’yo..”

     “Pasensiya na… Marami lang nangyari kaya inumaga na ako bago makatulog.”

     Hindi sumagot si Jacob at narinig ni Luke na huminga pa ito ng malalim bago muling nagsalita.

     “ Alam kong mabigat lahat ng nangyayari sa’yo ngayon. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ikaw pala ang anak ng Simon Laurente na ’yun. At alam mo bang hawak niya si Mama at Papa?“

    “Anong hawak niya si Mama at Papa? Nagkita kami ni Mama kahapon nang sabihin niya sa akin ang katotohanan. May kasama siyang babae. Sabi niya abogado daw siya ng tatay ko.”

     “ Ibig sabihin ko, nasa kamay ng totoo mong tatay si Mama at Papa. At paniguradong gagamitin niya sila upang makuha ka niya. Masiyadong desperado ang tatay mo, Luke.“

     Naisip ni Luke na posibleng nakaharap na ni Jacob si Simon at dahil sa napakaraming pumapasok sa isipan niya, hindi niya namalayang posibleng gawin ni Simon lahat ng bagay makuha lamang siya. Pati na idamay ang kanyang mga magulang.

     “ Huwag niya lang sasaktan si Mama at si Papa dahil dudurugin ko siya kapag nalaman kong sinaktan niya ang isa man sa kanila.“

    “Hindi niya sasaktan si Mama at Papa dahil kapag ginawa niya iyon, pagsisisihan niyang inalam pa niya na ako ang anak niya.”

    Binaba ni Jacob ang tawag at agad namang bumangon si Luke sa kanyang kama at agad na pumasok sa banyo.

    Pupungas pungas naman si Pipo nang maramdaman niya ang paggalaw ng kabilang kama at nang idilat niya ang kanyang mata ay isang nagmamadaling Luke ang nakita niyang pumasok sa banyo. Tiningnan niya ang oras. Alas nueve na ng umaga.

     Akala niya normal na ligo ang gagawin ni Luke pero mabilis itong lumabas ng banyo at para itong aligaga.

     “Bakit para atang hinahabol ka ng mga daga? May nangyari nanaman ba?”

     Hindi sinagot ni Luke si Pipo sa halip ay mabilis itong kumuha ng damit sa cabinet nito at madaliang sinuot ang mga iyon.

     “Luke? Natatakot ako sa ginagawa mo ah.. Bakit ka nagmamadali? Sino ba ang hinahabol mo?”

      “Hawak ni Simon Laurente si Mama at Papa.. At alam kong gagamitin niya ang mga magulang ko para mapasunod lang sa gusto niya.”

     Napabangon si Pipo sa kama at agad namang dinaluhan ang kaibigan.

      “Sasamahan kita.. Alam ko kapag ganyan ang kinikilos mo, may nangyayaring hindi maganda.”

      “Kaya ko na ’tong mag-isa, Pipo.. Hindi mo na kailangan pang madamay.”

     Tinapik ni Pipo ang balikat ng matalik niyang kaibigan at ngumiti siya dito.

      “Ano pang silbi ng pagiging bestfriend ko sa’yo kung iiwanan kita sa mga ganitong pagkakataon?”

    Kahit papano ay naibsan ang nararamdaman ni Luke dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan sa kanya. Alam niyang higit kanino man, ito ang maaasahan niya sa gitna ng pagsubok.

     “Hintayin mo ako, maliligo lang ako. At susugurin natin si Simon Laurente. Matitikman niya ang hagupit ng Team LukePo.”

     Nakita naman ni Pipo ang pagngiti ng kanyang kaibigan na nagpanatag sa kalooban niya.

   Matapos nilang makagayak ay agad din silang umalis sa kanilang boarding house at pinagtitinginan sila ng mga taga compound dahil kapwa sila bihis na bihis.

     Sinalubong sila ni Irma na landlady ng kanilang boarding house.

      “Aba? Magauaudition ba kayo sa isang pelikula? Ang gagwapo niyo ata ngayon?”

      “Aling Irma… Hindi ka pa ba sanay sa kagwapohan namin ni Luke? Tsaka kailangang presentable kaming haharap sa pupuntahan namin.”

      Napahalukipkip ang ginang at naalala nito ang chismis na may pumuntang magarang kotse sa labas ng gate kahapon at mukhang anak mayaman nga talaga si Luke.

    “Tototoo ba ang sinabi nila na isa kang anak mayaman? Pinuntahan ka daw dito kahapon ng Mama mo at ang gara daw ng dalang sasakyan.”

     “Aling Irma… Alam niyo po kasi—”

    Sinenyasan ni Irma si Pipo na tumahimik na sinunod naman nito.

      “Parang anak na rin ang turing ko sa inyong mga boarders ko. At kung may mga bagay na hindi ko maintindihan, hindi ba patas lang na sabihin niyo rin sa akin ang katotohanan para mapanatag ang loob ko?”

       “Kahapon ko lang din po nalaman ang katotohanan, Aling Irma… At sana hindi na ’to malaman ng iba pang taga compound. Ako po ang nawawalang anak ni Simon Laurente.”

     Nanlaki ang mata ni Aling Irma nang marinig niya ang pangalang Simon Laurente.

      “Simon Laurente? Ikaw yung sinasabi sa balita kahapon? Ay jusko! Mapagbiro talaga ang kapalaran.”

     “At wala po akong balak na maging isang Laurente. Kaya sana huwag niyo akong ituring na ibang tao.”

    Umiling lang si Aling Irma at hinawakan ang balikat ni Luke. Alam niyang mahirap din sa binatang napamahal na rin sa kanya ang pinagdadaanan nito.

     “Huwag kang mag-alala. Hindi naman magbabago ang turing ko sa’yo dahil lang sa nalaman kong anak ka ng isang bilyonaryo. Alam kong mabuti kang tao, Luke. Maprinsipyo ka at mahal mo ang pamilya mo.”

    “Salamat Aling Irma.. Pero sa ngayon, kailangan na naming umalis ni Pipo. May kailangan lang akong gawin.”

    Tumango lang ang ginang at agad namang sumakay ng motor si Luke at Pipo at umalis na ng tuluyan sa compound.

    


    DLM Tower

     

Pumasok si Rome sa opisina ni Achilles at naabutan niya itong may kausap sa kanyang cellphone at nakangiti pa ito.

    Nakaupo sa swivel chair ng kanyang mesa at hindi manlang napansin ang pagdating niya. May pagbabago na siyang nararamdaman mula kay Achilles at hindi niya iyon nagugustuhan.

     Nang maibaba ni Achilles ang tawag ay hinarap siya nito habang nakaupo siya sa couch. Nilapitan siya nito at umupo sa kanyang tabi.

     “I heared everything that you said on that board room. But I know something is wrong. May hindi ka sinasabi sa akin, Aki.”

     “You are thinking too much, Rome.. And why are you acting like this? If you want to have sex with me right now, you can strip me naked.”

      Tinaasan ni Rome ng kilay si Achilles na kinangisi lang nito. Hindi na niya gusto na hanggang sa pagtatalik nalang ang relasyon nilang dalawa.

      “Is that all you want from me? Sex? Aki— I’ve been with you for 4 fucking years! And you still treat me like your fuck buddy and I am sick and tired of it!”

      “Wait— It was your idea to stay that way? Sinabi ko sa’yo noon pa man that I don’t have any interest in having a romantic relationship with you. We only do it for pleasure. You represent me in the court. You are my attorney. But for fuck’s sake— I will never be your boyfriend if that’s what you are asking.”

    Tumayo si Rome mula sa couch at napasabunot sa kanyang buhok. Sawang sawa na siya sa pagtanggi sa kanya ni Achilles.

     “Because you still love Winchester?! After he announced in that board room that he is in fact, in a relationship with Simon Laurente’s real son! And he even asked that guy to marry him! Umaasa ka pa rin ba na matatauhan si Winchester and he will choose you?”

     “Stop this already, Rome.. You have been acting like a bitch and this is not what we agreed.”

       Pinipilit ni Rome na huwag pakawalan ang mga luhang namumuo sa mga mata niya pero hindi na ito kinayang pigilan ng emosyon niya.

     “I helped you reach this position. Lahat ng gusto mo sinunod ko para lang mapasaya ka. And all I get from you is rejection. Sinamantala mo ang nararamdaman ko sa’yo. You’re a coward Achilles… I am tired chasing for someone who will never want me the way that I want him. So starting today, I am resigning as your legal counsel. Keep my separation pay. I don’t want it.”

    Matapang na pinahid ni Rome ang mga luha niya at agad na pumanhik palabas ng opisina ni Achilles.

     Hindi rin naman napigilan ni Achilles na makaramdam ng lungkot at pagsisisi. Alam niyang sa puso niya, hindi niya magagawang maibigay kay Rome ang hinihiling nito. Mas makabubuti na rin sigurong maghiwalay na ang kanilang landas. Dahil sinisimulan na rin niyang baguhin ang kanyang sarili. Gusto na niyang lumaya sa mapait niyang kahapon.

     At makakalaya na rin si Rome mula sa kanya. Hindi niya na gusto pang patuloy itong magmahal sa kanya.

     


   

“All this time I thought hindi ka nagkakagirlfriend kasi napakapihikan mo.. You are into boys pala.. Sana manlang nalaman ko agad para naisama kita sa mga girls night ko noong single pa ako.”

      Napangiti naman si Winchester sa sinabi ni Gianna habang nasa loob sila ng kanyang opisina. Maliit iyon kompara sa opisina ng CEO pero magara pa rin at nasunod lahat ng gustong mangyari ni Winchester sa silid na iyon.

      “Actually— I never realized it myself. I thought I was just confused. When I tried to date girls before, wala akong maramdamang attraction sa kanila. It means nothing. God— I can’t even think about them sexually.”

      “That’s because you are into men.. Alangan naman sa halaman ka magkagusto?”

      Tumawa lang si Winchester. Ito ang unang pagkakataon na nakausap niya ng kaswal ang dalaga. Ito na lang din ang maituturing niyang pamilya dahil ang ama niya at ang kapatid niya ay kapwa nakakulong na at habang buhay na pagbabayaran ang mga nagawang kasalanan.

      “Did Lucy tried to reach out for you?” tanong ni Winchester kay Gianna na kinailing lang nito.

      “She tried but I always turn down every chance she gets. Matapos niya tayong lokohin lahat. I could never forgive her. She ruined your life. She taken away the chance of me knowing who my real father is.”

       Alam ni Winchester na isang matapang na babae si Gianna. At kaya niyang ipagkatiwala dito ang lahat. Naging biktima din ito katulad niya. Pareho silang walang alam sa tunay na mga nangyari sa nakaraan.

      “I know this is too early to tell you, but I’ve given you the shares of Carmelo in the company. That is about 12% of all the shares that our family has.”

     Nanlaki ang mata ni Gianna sa nalaman niya mula kay Winchester.. Wala siyang mailabas sa kanyang bibig.

       “And the Villa in San Francisco… Its in your name already.”

       Hindi napigilan ni Gianna na yakapin si Winchester at yinakap din siya nito pabalik.

      “Tell me you are kidding— This is too much, Kuya.”

      “I just given you the things that you deserve to have. And you can marry Bobby now, even though I am still not in favor of him.”

     Napabitaw si Gianna sa yakap niya at nginitian si Winchester habang pinapahid niya ang luha niya sa mata.

      “Thank you— Thank you kasi hindi mo ako binitawan. You believed in what I can do. And that was enough for me. Giving me all these are just way beyond.”

       Tumango lang si Winchester at agad namang pinahid ang luha sa mata ni Gianna.

       “You are my only family now. And we should stick together.”

        Nagkangitian ang dalawa at nagbukas ang bagong pagkakaibigan at tunay na pagmamahal sa pagitan nila.

    


 

      Le Chateâu Building

     

  Nagmamadali si Jacob na isuot ang kanyang jacket habang si Taron naman ay hindi pa rin maintindihan ang ginagawa ng nobyo.

      “Jacob? Where are you going? Don’t tell me babalik ka nanaman sa mga Lurente?”

      Binalingan ng tingin ni Jacob si Taron na nakahiga pa rin sa kama. Tumango lang siya dito na kinabangon naman nito.

      “I told you to stop this already… Hindi mo nakokontrol ang sarili sa harapan niya and you might end up hurting the person. And you will go to jail for that stupid reason.”

       “Taron! Pamilya ko ang hawak ni Simon Laurente. Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nakikitang maayos ang lagay ni Mama at Papa. Ginagawa niyang laruan ang mga tao at ’yun ang hindi ko hahayaang patuloy niyang gawin.”

      Linapitan ni Taron ang nobyo at hinawakan ang magkabilang balikat nito.

      “And what about me? Hindi mo manlang ba naiisip na kapag nakulong ka, it will be a mess. Kaya kitang ilabas but that will mean I will jeopardize my connection with DLM Group. Kung sarili ko lang ang iisipin ko, I will gladly do that. Pero maraming tao din ang nakasalalay ang buhay sa akin.”

      Hindi nakaimik si Jacob at alam niyang tama naman ang sinabi ng kanyang nobyo. Makasarili ang gagawin niya pero wala na siyang maisip na ibang paraan para mabawi ang kanyang mga magulang mula kay Simon Laurente.

      “If he really is keeping your parents— Then he only wants someone in return. And that is your brother which is his son. His real son.”

      “Alam kong hindi naging maganda ang relasyon namin ni Luke bilang magkapatid pero hindi ko rin gugustuhin na mapunta siya sa kamay ng taong ’yun kapalit ng paglaya ng mga magulang ko.”

      Umiling lang si Taron at naiintindihan niyang isang mahirap na sitwasyon talaga ang nangyayari sa pamilya ng kanyang nobyo ngayon.

      “I understand this whole situation is driving you mad… Pero ito ang sitwasyon na kailangan mong mamili. At ayoko mang pangunahan ang mga mangyayari, but I think Luke will do everything just to get your parents back and safe.”

    Napatiim bagang na lang si Jacob habang nakatitig lang si Taron sa kanya at pinipilit siyang pakalmahin.

    Hinalikan siya nito sa labi at hindi naman siya tumangging tugunan ito. Masuyong halik ang ginawad sa kanya ng nobyo at alam niyang iyon ang pagmamahal na kay Taron niya lang naramdaman.

      Dahil sa nararamdaman nilang pagnanasa ay agad na tinulak ni Jacob si Taron sa kama at muli niya itong hinalikan. Isa-isa niyang tinanggal ang kanyang kasuotan hanggang wala nang natira. Nakatambad ang matigas niyang pag-aari na agad namang sinunggaban ni Taron. Ang mainit nitong bibig ay nagbibigay sa kanyang ng kakaibang init at sarap. Ang pagtaas baba ng ulo nito sa kanyang sandata ay para bang isang eksena na gustong gusto niyang ulit-ulitin.

     Ang kanilang mga uhaw sa pagniniig na katawan ay nagkikiskisan habang nakapatong si Jacob sa taas ni Taron. Ang kanilang mga sandata ay kapwa naghihintay na makaalpas mula sa nararamdamang kamunduhan.

     Inabot ni Taron mula sa drawer ng mesa sa kanilang kwarto ang isang bote na may laman na likido. Binigay niya ito kay Jacob at agad naman itong tinanggap ng nobyo.

     Ang kanilang pagtatalik ay bago sa pakiramdam ni Jacob ngunit ito ang pinakamasarap na naranasan niya noong una nilang gawin iyon ni Taron.

    “Put it inside me now– Jacob..” nakakaakit ang boses ni Taron at hindi naman nagdalawang isip si Jacob na lagyan ang kanyang sandata ng malamig na likido at linagyan niya rin ang butas ni Taron at maingat na ipinasok ang daliri niya rito.

   Napapaigtad ang kanyang nobyo sa kanyang ginagawa. Napapapikit din ito at nang igalawa na niya ang kanyang daliri ay mas lalo itong napapaungol sa sarap na nararamdaman. Napangiti siya at agad naming tinanggal ang kanyang daliri.

     Agad niyang itinutok ang kanyang ari sa butas nito at dahan dahang binaon sa loob ng nobyo ang kanyang pagkalalaki. Napapangiwi ito ngunit mas nangibabaw ang sarap na nakikita niya mula rito nang dahan dahan na niyang igalaw ang kanyang katawan…

     Napapaarko ang katawan ni Taron sa bawat pagkadyot na ginagawa ni Jacob sa kanya. Kakaibang sarap ang naararamdaman niya at hindi niya mapigil na halikan ang nobyo.

     Mga ungol ng dalawang nagmamahalang nilalang ang pumuno sa kwartong iyon. Ang kanilang malagkita na pawis at nagbabagang katawan ay tila ba isang eksena sa isang erotikong palabas na nakakapanabik tingnan..

     Hanggang sa sabay na narating ng magkasintahan ang sukdulan ng ligaya at napahiga sa tabi ni Taron si Jacob na nakangiti at humihingal.

     

Itutuloy…

Chapter XXX

Laurente Mansion

      

Manghang mangha si Pipo sa kanyang nasisilayan sa loob ng malapalasyong mansion ng mga Laurente. Hindi niya akalain na makakapasok siya sa ganito kagarang pamamahay sa tanang buhay niya.

      “Grabe pala talaga kayaman ang totoo mong tatay… Kaya hindi talaga imposible na hawak niya ang mga magulang mo.” basag ni Pipo sa tahimik nilang pagakyat ni Luke sa hagdan ng mansion.

      Nasipat sila ng tagapamahala ng mansion at nanlaki ang mata nito nang makilala nito si Luke. Agad niyang tinawag ang mga maids at napayukod naman ang mga ito. Mabilis nitong binuksan ang malaking pinto ng mansion at malayang pumasok sa loob si Luke habang nagdadalawang isip pa si Pipo dahil sa karangyaang nasasaksihan niya.

      “Sabihin mo sa amo mo na nadito ako.. Kailangan naming magkausap ng masinsinan.” utos ni Luke sa tagapamahala ng mansion at agad naman itong sumunod sa utos niya.

     Ngayon lang din nakita ni Pipo na ganun katapang si Luke at hindi niya pa nakita ang ganitong bahagi ng pagkatao nito. Marahil ngayon lang ito lumabas dahil sa nalaman nitong katotohanan.

      “Pre— Kalma ka lang.. Kanina pa nakakuyom ’yang mga palad mo.”

      “Hindi ko kayang kumalma sa ganitong sitwasyon Pipo— Alam mong nandito ako para sa mga magulang ko. At kung hawak man niya si Mama at Papa, tama lang na ipakita ko sa kanya ang galit ko.”

     Hindi sila naghintay ng matagal dahil dumating sa foyer ng mansion si Simon at nakatapis pa ito ng bathrobe at halatang kakatapos lamang maligo.

      Agad niya namang nilapitan si Luke upang ngitian at subukang yakapin pero nilayo nito ang sarili sa kanya.

       “This is a surprise… I didn’t know you will be back so soon. Akala ko galit ka sa akin. Looks like you got it all figure out now.”

       “Saan mo dinala si Mama at Papa?!” matalim na tanong ni Luke sa kanyang tunay na ama at napangiti lang ito at inutos sa kanyang tagapamahala na ipaghain si Luke ng makakain.

      “We should sit down and talk for a moment, Luke.. You haven’t introduced your friend to me yet?”

    At napayukod si Pipo ng kanyang ulo nang magkatinginan sila ni Simon..

     “Ah— Ako po si Pipo, bestfriend po ni Luke. Nice to meet you po Mr. Laurente.” naaasiwang pagpakilala ni Pipo sa kanyang sarili.

     “Nice to meet you too, Pipo.. I just wish that my own son can be kind and nice enough to let me talk to him privately.. If you don’t mind?”

     Napailing lang si Pipo nang makita niyang siya ang sinasabihan ng may-ari ng mansion.

    “Hindi aalis si Pipo.. At kung may pag-uusapan tayo, sabihin mo na ngayon din dahil wala akong panahong makipaglaro sa inyo.”

     “See— That’s the problem there.. Hindi mo ako magawang irespeto bilang ama mo..”

     Ramdam ni Pipo ang tension sa pagitan ng mag-ama at napagtanto niya na maaring namana nga ni Luke ang ugali niyang iyon sa ama nito. Matapang din ang mukha ni Simon Laurente at isang makisig na lalaki kahit nasa lagpas kwarenta na ang edad nito.

      “Well— Its true that I have Chona and Oscar with me. And don’t worry.. Hindi ko sila sinaktan. They are in a very safe and comfortable place. After all, sila ang nagpalaki at nagalaga sa anak ko.. It would be very ungrateful for me kung papahirapan ko sila.”

     “Bakit hawak niyo sila? Para gamitin sa akin? Para maipilit mong tanggapin ko ang apilyedo mo? Ganun ba ang gusto mong mangyari?”

    Napaupo si Simon sa silyang gawa sa ginto at ang pang-upo nito ay mat malambot na pamatong na gawa sa mamahaling bulak at seda. Ngumiti lamang ito sa kanyang anak at tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.

      “They hidden the truth about your birth, Luke. Karapatan ko na malaman na nagkaanak kami ni Eunice and they chosen to keep you away from me. I could have given you the best life and you might even be the CEO of DLM Group by now.”

      “Hindi nila itinago ang pagkatao ko.. Dahil iyon ang gusto ng nanay ko.. Ayaw niyang mapunta ako sa inyo dahil alam niyang hindi kayo magiging isang mabuting ama sa akin.”

      Alam ni Simon na kailangan niyang maging mapagpasensiya sa kanyang anak ngunit hindi niya alam kung hanggang saan kakayanin ng pasensiya niya ang ginagawa nitong kawalang respeto sa kanya.

      “Papakawalan ko si Chona at Oscar… And in exchange of that, you will live in this mansion with me and start to accept that you are a Laurente. That’s the simple agreement that I will offer you.”

     Napakuyom lalo ang kamay ni Luke… Hindi niya kailanman tatanggapin ang gusto ng kanyang tunay na ama.

     “Pwede ko kayong ireport sa mga otoridad sa ginawa niyong pagkuha at pagkulong sa mga magulang ko na labag sa kanilang kalooban. Nag-aaral ako upang maging isang pulis. At alam ko ang sistema ng batas ng bansa natin. Kaya kung ako sa inyo, hindi ko na patatagalin ito.”

    Natawa lang si Simon sa katapangan at lakas ng loob ng kanyang anak. Hindi niya lubos akalain na mamanahin nito ang tapang ng ina nito.

      Inatasan niya ang isang maid at binulungan niya ito. Agad naman itong sumunod sa utos ni Simon at binuksan nito ang malaking flatscreen TV sa foyer at isang CCTV Video ang biglang lumabas doon.

     Nakita ni Luke at Pipo ang ginawang pagsugod ni Jacob kay Achilles.

       Nasorpresa naman si Pipo dahil iyon ang lalaking lasing na hindi niya pa rin makalimutan hanggang sa mga sandaling iyon. Naguguluhan siya.

      “Your brother— Jacob, attacked your other brother, Achilles inside of this mansion. Pumunta siya dito para guluhin ako… At dahil sabi mo nga, alam mo ang sistema ng batas ng ating bansa. I should probably report this trespassing action of your brother. Tama lang naman na gawin ko ’yun di ba?”

     Hindi alam ni Luke kung anong iisipin pa… Talagang iniipit siya ng kanyang ama at napabaling siya ng tingin dito.

      “Kung papayag ba ako sa gusto mo, nangangako kang lulubayan mo na ang pamilya ko?” tanong ni Luke dito at ngumiti lang naman si Simon sa kanyang anak.

     “If you agree on my terms, magiging malaya si Chona at Oscar and they can live peacefully together with your brother, Jacob.. But you will never see them again. You will never have any contact with them.”

       “Hindi mo pwedeng gawing kondisyon ang hindi ko sila makita at makasama dahil sila ang pamilyang nakasama ko noong mga panahong hindi pa kita nakikilala… Papayag lang ako sa gusto mo, kung hahayaan mo akong makasama sila kahit minsan lang.”

     Napangiti naman si Simon.. At doon na niya naisip ang kapalit ng kondisyong hinihingi ng kanyang anak.

     “Alright— I will give you what you want.. Pero may kapalit ang hinihingi mong kondisyon.”

     Sawa na si Luke na makipagtaasan pa ng pride sa kanyang totoong ama. Sagad na siya at alam niyang kahit anong gawin niya, ito pa rin ang mananalo. Ang kagustuhan pa rin nito ang masusunod kung pamilya na niya ang pag-uusapan.

     “Hiwalayan mo si Winchester… That’s my condition.”

     Napatiim ang bagang ni Luke nang marinig niya ang pangalan ng kasintahan. Maging si Pipo ay hindi inaasahan na maririnig niya iyon mula sa ama ng kaibigan.

     “Paano mo nalaman na may relasyon kami ni Winchester?”

      “Erica was there when you introduced him to your mother… I was surprised too. Hindi ko akalain na kasintahan na pala ang tunay kong anak ng isang Del Mundo. Don’t you know how I hate that family? Their arrogance and pride?”

    Hindi na inintindi pa ni Luke ang mga sinabi ng kanyang ama at agad itong lumuhod sa harapan nito. Hindi niya alam kung bakit niya gagawin iyon, pero para sa relasyon nila ni Winchester, magmamakaawa siya sa kanyang ama.

      “Mahal ko si Winchester… Alam kong hindi tama sa paningin mo ang pagmamahalan naming dalawa, pero mahal ko siya. Gagawin ko ang lahat ng gusto niyo, huwag niyo lang akong utusang hiwalayan ang taong nagpapasaya sa buhay ko.”

     Namangha si Pipo sa ginawa ng kanyang kaibigan. Lumuhod ito at nagsumamo sa kanyang ama para sa kanyang kasintahan.

     “You can only choose one of the conditions, Luke. Hahayaan kita sa relasyon mo kay Winchester, which will eventually fall.. Ginagamit ka lang niya para mapasakanya na ang lahat and I won’t let that stupid feelings that you have be the downfall of this family’s legacy.”

    “Or you can choose to break up with him… And you can be with your family whenever you want. Mahal mo ang pamilya mo hindi ba? Ipagpapalit mo ba sila sa isang tao na iiwanan ka rin kapag nakuha na niya ang gusto niya?”

     Umiling lang si Luke at doon na umagos ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya kayang mawala si Winchester. At ayaw niya ring tuluyang maputol ang relasyon niya sa kanyang pamilya.

 


     Hernandez Corporation

    

Sumimsim si Leonard ng tsaa na hinanda sa kanya ng kanyang sekretarya habang pinapanood sa isang news program ang pagkahanap ni Simo Laurente sa nawawala nitong anak.

     “So you had a child outside your marriage? Buti na lang talaga ang hinawalayan ka ng kapatid ko noon. If only she is alive, she would have had a better life. Sana hindi ka nalang noya nakilala.”

     May biglang pumasok sa opisina ni Leonard na kinagulat niya. Nauutal siya at hindi siya makapagsalita dahil parang nakakita siya ng multo.

     Nanlalamig si Leonard at nabalik lang ang wisyo niya nang may dalawang security na pilit na hinahablot palabas ng kanyang opisina ang sumulpot na tao.

     “Leonard—” saad ng babaeng dumating at doon napatunayan ni Leonard na totoo ang nakikita niya.

     “Eunice?! Paanong—How— I thought you were dead—”

      Umiling lang ang babae at pilit na kumakawala sa dalawang guwardiya na nakahawak sa kanya.

      “Let her go! Leave us alone! Now!” pasigaw na utos ni Leonard sa mga guwardiya at agad naman nagsialisan ang mga ito.

     Mabilis na tinakbo ni Leonard ang kanyang kapatid at mahigpit itong niyakap.

     “Oh my God!! Oh my God!! Tell me this is just a dream?!” histerikal na sambit ni Leonard habang yakap niya si Eunice.

     Inilayo niya ito at hinawakan ang mukha nito. Napakaganda pa rin nito kahit may bahid na ng edad. Ang kanyang kapatid na itinuring na patay ng kanyang pamilya. Buhay ito. Buhay na buhay.

     “I’m sorry… I know I should have appeared a long time ago. Pero hindi ko alam kung saan magsisimula. I had to stay away. Ayokong malaman ni Simon na nagkaroon kami ng anak.”

     Pinaupo ni Leonard ang kanyang kapatid sa couch ng opisina at binigyan niya ito ng tubig upang huminahon ito.

     “I don’t understand what you’re saying, Eunice.. Why do you have to stay away from Simon? Dad never approved of him in the first place.”

     “Simon fooled all of you… I never loved him… He was only using me para makuha niya ang Hernandez Corporation. He wanted to marry me but of course before it all happened, I was pregnant. Simon is a dangerous person. “

     “Ano bang sinasabi mo? These are all messed up.. So ibig mong sabihin pinalabas mong nabuntis ka ni Simon noon kaya ka pinalayas ni Daddy?”

     Tumango lang si Eunice sa tinuran ng kanyang kapatid. At hanggang ngayon gulat na gulat pa rin ito.

      “Pinalabas kong si Simon ang ama ng dinadala ko… So I can get rid of him once and for all. Pinalayas ako ni Dad. The marriage didn’t happen. But I left my baby in the hands of Ate Chona..”

     “And when I heared the news about Simon finding out about his lost son, I know that it was my son that he has found. Nahanap niya si Ate Chona. And my son— He might be in danger right now. That’s why I had to show up… I have to stop Simon.”

     Gulong gulo ang isipan ni Leonard at wala namang nagawa si Eunice kundi yakapin ang kanyang sarili.

     “Then who is the father of that child Eunice? Don’t tell me—”

     “My relationship with Simon was a forced one. But I never had sex with him. I had to hide my true relationship.”

      Napatango lang si Leonard sa sinabi ni Eunice. Ang tinutukoy na tao ng kanyang kapatid ay ang kanilang family driver noon.

     “Si Marcos ang totoong ama ng anak ko. But I can’t let Dad know about him. When I found out that Simon was interested in me, I had to play as his girlfriend para mapagtakpan ko ang relasyon namin ni Marcos.”

      “I have to get to my son bago pa siya gamitin ni Simon sa mga gusto niya. I can’t let him use my son.”

     Pinakalma ni Leonard ang kanyang kapatid. Hindi niya ito pwedeng hayaan na lang na umalis at harapin ng basta basta si Simon Laurente.

     “You need to calm down first and plan out the things that you have to do. You are putting your life in dager too, Eunice. Kailangan mong mag-ingat kung gusto mong mailigtas ang anak mo. And we need help if you want to take on Simon Laurente.”

     Tumango lang si Eunice sa kanyang kapatid. Matagal na panahon siyang nagtago at natakot para sa kanyang buhay ngunit ang sarili niyang anak ay hindi niya nagawang balikan manlang at protektahan ito mula sa taong maaring magpahamak dito.

       


   

     Dumating si Winchester sa park na tinukoy ni Luke sa kanyang tawag. Gusto siya nitong makausap dahil nakapagdesisyon na ito. Kinakabahan si Winchester dahil alam niyang magulo pa rin ang isip at damdamin ng kanyang nobyo ngunit alam niyang pipiliin siya nito.

     Mahal niya si Luke at ayaw niyang mawala ito sa buhay niya. Lahat ay kaya na niyang iwanan kung pipiliin nitong makasama siya.

      Nakaupo sa damuhan si Luke at nakayukod ang ulo nito nang dumating si Winchester sa kinaroroonan nito. Ito ang parke na una siyang dinaluhan ni Luke upang aluin sa pag-iyak noong nalaman niya ang buong katotohanan sa pagkatao niya. Dito umusbong ang kanyang nararamdaman para sa nobyo.         Umupo si Winchester sa tabi ni Luke at nang namalayan nito ang pagdating niya ay umayos agad ito ng upo.

       “Sorry, I had to finish some things bago pumunta rito. Hinanda ko lang ang mga bagay in case you will agree to marry me.” pagpapasaya ni Winchester sa seryosong paligid na nararamdaman niya mula kay Luke.

    Hindi ito makatingin sa kanya ng maayos at alam niyang may hindi tama.

       “Luke? Is everything okay? Pinuntahan mo na ba si Tito Simon?” sunod sunod na tanong ni Winchester at tango lang ang sinagot ni Luke dito.

       “Itigil na natin ’to— Winchester.” saad ni Luke na kinatiim ng bagang ng kanyang nobyo.

       “Itigil? Are you breaking up with me?” seryoso ang tono ni Winchester at pinipigilan naman ni Luke na huwag maiyak habang pilut na tinitingnan sa mata ang lalaking labis niyang minamahal.

       “Ayokong masaktan lang tayo pareho dahil sa relasyon natin. Tinanggap ko na ang gusto ng totoo kong ama. Tatanggapin ko na ang pagiging isang Laurente.”

      “What did he asked you to do? Ginamit niya ba ang pamilya mo? Iyon ba?”

        Tumango lang si Luke na kinakuyom ng palad ni Winchester.

         “Kung pipiliin kita, hindi ko na sila kailanman makikita… Maaring makulong si Jacob… Mahal ko ang pamilya ko, Winchester. Kaya ito ang makabubuti para sa lahat.”

       “And what about me? Kakalimutan mo na lang ako dahil iyon ang gusto ng ama mo? You will give me up? Hindi ba ako mahalaga sa’yo?” pinipigil ni Winchester ang kanyang emosyon para hindi kumawala ang galit na kanina pa niya sinusubukang kimkimin.

      “Magulong buhay lang ang naghihintay sa ating dalawa, Winchester.. Hindi matatahimik ang mga buhay natin habang nakakulong tayo sa isang mundong pera at pagkaganid lang ang umiiral.”

     Umiling lang si Winchester at tumayo mula sa kanyang kinauupuan.

      “Maybe you just don’t trust me enough… Siguro nga hanggang ngayon, iniisip mo pa rin na ang kompanya lang ang mahalaga sa akin. Maybe I am just believing in a fairytale that will never come true.”

    Pinahid ni Winchester ang kanyang luha bago niya lisanin si Luke.

     Tinapos na nito ang lahat sa kanilang dalawa. Gustuhin man niyang lumaban, alam niyang hindi siya ang pipiliin nito.

    

Itutuloy…

Chapter XXXI

Del Mundo Mansion

       

Pilit mang panlabanan ni Winchester ang sakit na nararamdaman ay hindi niya iyon magawa. Nakailang lagok na siya sa bote ng whisky na hawak niya pero hindi parin niya maibsan ang sakit na nararamdaman niya.

      Gusto niyang paurungin ang luha niya pero hindi ito sumusunod sa utos ng isipan niya..

      “Haaaaaaa!!!” sigaw niya at binasag niya lahat ng inuming nasa counter ng bar at napasalampak siya sa marmol na sahig ng mansion. Nasugatan ang kamay niya dahil sa bubog na nahawakan niya pero wala siyang pakialam. Ang sakit na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon ay walang kapantay..

    Natatakot naman ang mga kasambahay na lapitan ang kanilang amo kaya tinawag nila si Tony at agad naman itong nagtungo sa bar ng mansion.

     “Winchester!? Anong nangyayari? You’re bleeding!” gulat na sambit ni Tony nang marating niya ang bar at nakitang nakasalampak sa sahig si Winchester.

      “He— He rejected it, Tony… He broken up with me.” nahihirapan man ay nagawang sabihin ni Winchester ang kanyang nararamdaman kay Tony.

     Agad naman siya nitong inalo at yinakap. Hindi na napigil ni Winchester na humagulgol sa iyak. Hindi niya akalain na ganito pala ang masaktan ng sobra.

     “I— I was ready… I was willing to give it all up. Then he— He just throw away what we shared like it didn’t matter to him.”

      Hindi na sumagot si Tony at sa halip ay hinayaan niy lang ilabas ni Winchester lahat ng sakit na nararamdaman nito.

      Agad niyang inutusan ang isang kasambahay na kumuha ng first aid kit at ginamot niya agad ang sugat ni Winchester nang huminahon na ito.

       Umupo sila sa couch ng living room at doon na sila naabutan ni Gianna na biglang nagbago ang masayang mukha nang makita niya ang itsura ni Winchester.

       “Kuya? What— What the hell happened?” gulat na tanong ng dalaga at agad namang nilapitan si Winchester.

        “He broke all the bottles of liqour in the bar.. Nahawakan niya ang bubog kaya siya nagkasugat.”

        “I know that’s not the real reason.. Is this about Luke? May ginawa ba siya sa’yo.” galit na tono ni Gianna dahil bgayon niya lang nakita sa ganitong kalagayan si Winchester.

        Tumango lang si Winchester na kinakuyom ng palad ni Gianna.

        “I knew it… Hindi ka talaga paninindigan ng lalaking ’yun… He will still choose his family over you.”

        “Gianna— He made his choice.. Its all over now.”

     Umiling lang si Gianna nang balingan siya ng tingin ni Winchester.

       “Kuya?! Naririnig mo ba ang sarili mo? That guy should stood up for you… If he really loves you, he will do everything he can to protect your relationship.”

       “I said he made his choice! And that choice is to break up with me— Its crystal clear.”

       “Tito Simon made him choose over me and his family—And he chosen his family. And he agreed to become a Laurente. That’s the end of it.”

       Hindi na nagsalita pa si Winchester at agad na umakyat sa hagdanan patungo sa kanyang silid. Naiwan si Gianna at Tony na nag-aaalala sa pwedeng gawin ni Winchester. Alam nila kung ano ang kaya nitong gawin kapag nasasaktan.

    



     Laurente Mansion

      

Nakaupo lang si Pipo sa malaking mesang hapagkainan ng mansion ng mga Laurente. Napakaraming pagkain na nakahanda sa mesa at kita niyang umiinom lang si Simon ng alak sa hawak nitong baso.

        “Why don’t you start eating… Alam kong kanina ka pa nagugutom. I’m sure babalik na rin dito si Luke.” nakangiting saad ni Simon kay Pipo.

        “Sir Simon… Mawalang galang nalang po.. Pero hindi niyo po dapat pinapili si Luke sa pagitan ng kanyang mga magulang at kay Winchester. Dahil kung mahalaga ang pamilya ni Luke sa kanya, mahalaga din po sa kanya ang taong nagpapasaya sa kanyang puso.”

       Ngumiti lang si Simon sa tinuran ng matalik na kaibigan ng kanyang anak.

        “I admire your courage to speak your opinions in front of me, Pipo… But Luke is my son. And I am only doing what’s best for him. Hindi siya totoong mahal ni Winchester. He is a tactician. He is just using my son’s affection para makuha niya ang totoong pakay niya.”

     Hindi muling nagsalita si Pipo habang pinapakinggan niya lang ang mga sinasabi ng may-ari ng mansion.

       “You see, when Luke becomes a my heir, he will own 28% of all the shares in the company.. At kapag nabilog ni Winchester ang ulo ng anak ko, he can consolidate all the shares that Luke have.. Mapupunta sa kanya lahat and when that happens, iiwanan na niya ang anak ko.”

       “Hindi po ganun ang pagkakakilala ko kay Winchester, Sir Simon. Mabait na tao si Winchester. Oo mayaman siya, pero kaya niyang mamuhay ng simple para sa taong mahal niya. Nakita ko kung paano binaba ni Winchester ang sarili niya makasama lang niya si Luke.”

     Hindi namalayan ng dalawang lalaking nasa hapagkainan na dumating na pala si Luke at pinapakinggan lang sila nito habang nag-uusap. Masaya si Luke na pinagtatanggol niya si Winchester sa harapan ng kanyang ama.

      “Hindi niyo ba naranasan na magmahal? Dahil para po sa akin, hindi po mahalaga sa dalawang taong nagmamahalan kung ano ang estado ng mga buhay nila. Alam kong minahal ni Winchester si Luke sa panahong hindi pa niya alam ang totoong pagkatao ng kaibigan ko. Kaya sana Sir Simon,makita niyo diyan sa puso niyo na hindi lahat umiikot sa pera at kapangyarihan.”

    Doon na sumulpot si Luke sa harapan ng dalawa at tiningnan niya ng matalim ang kanyang ama.

       “Nagawa ko na ang gusto mo, ngayon ikaw naman ang sumunod sa usapan natin. Iharap mo sa akin si Mama at Papa.” mariing saad ni Luke na tinanguan lamang ng kanyang ama.

      Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na tinawagan ang bodyguards niya at inatasang dalhin sa mansion ang mga magulang ni Luke.

      “I told you— I always do the end of my bargain. Next week, I will throw a party to announce to everyone that you are my son. Its also your official listing to the family registry.”

     May biglang pumalakpak mula sa likuran ng mag-ama at napabaling naman si Luke dito. Isang lalaking pamilyar sa kanya ang mukha.

      Nasamid naman si Pipo nang makita niya ang mukha ng lalaking pumasok sa hapagkainan ng mansion.

      “Bravo! Hindi ka pa rin talaga kumukupas Daddy… Lahat na lang na gustuhin mo, nangyayari. Napakatuso mo talaga.”

     “That’s not how you welcome my son into this house, Achilles. So stop being foolish and sarcastic.”

     Umiling lang si Achilles at lumapit kay Luke at tiningnan niya ng maigi ang mukha nito.

      “Or what Dad? You will kick me out of this house because you have found your real son and you expect him to do a better job being your trophy? Being your achievement machine?”

       Napatayo si Simon at napatakbo naman si Pipo palapit kay Achilles at siya ang natamaan ng suntok na ibibigwas sana dito.

     Nabuwal si Pipo at gulat na gulat naman si Achilles nang makita niya ang mukha ng nakasalampak na lalaki sa sahig.

      “Ikaw— What— What are you doing here?” tanong ni Achilles at agad niya naman itong inalalayan upang makatayo. Agad na nagkapasa ang pisngi nito na tinamaan ng suntok ni Simon.

      “Sumosobra ka na talaga, Dad…”

      Agad namang tinangay ni Achilles si Pipo palayo sa hapagkainan ng mansion at naiwan si Luke at Simon.

       “Sino pa ang susunod mong sasaktan? Hindi ko akalain na isang katulad mo ang magiging ama ko. Sana hindi ko nalang hiniling noon na makilala kita. Dahil pinagsisisihan ko na ’yun. Nanalo ka na, nagawa mo na ang gusto mo. Pero ito ang tatandaan niyo, gagawin ko ang lahat upang protektahan lahat ng taong sinaktan mo. Pagsisisihan mo rin na ako ang naging anak mo.”

    Pagkatapos na bantaan ni Luke si Simon ay tuluyan na rin niyang nilisan ang hapagkainan upang sundan ang kanyang kaibigan at si Achilles.

   


  

     

Dinala ni Achilles sa living room ng mansion si Pipo at agad na inutos sa maid na dalhan siya ng cold compress para mawala ang pamamaga ng pisngi ni Pipo.

     “Grabe pala manuntok si Sir Simon… Akala ko matatanggal na ang ulo ko. Nahihilo pa rin ako hanggang ngayon.” pilit na pagpapatawa pa rin ni Pipo na hindi nagustuhan ni Achilles.

      “Can you explain to me, what the hell are you doing here?” tanong ni Achilles dito na nag-aalangan din sa isasagot.

      “Pramis— Hindi kita sinundan o inalam kung saan ka nakatira. Alam ko naman kasing magkikita pa tayo ulit. Hindi ko lang talaga inaasahan na anak ka pala ni Sir Simon. At ako ang bestfriend ng kapatid mo.”

       Napaismid lang si Achilles sa pagpapaliwanag ni Pipo sa kanya.

        “And you really think I want to see you again? What made you think that?” mapang-asar na tanong ni Achilles sa lalaking katabi niya sa sofa.

       “Ano— Sabi mo sa akin nung pahiga ka na sa hotel— I will see you again, cutie pie.”

     Bigla namang natawa si Achilles sa paraan ng pagkakasabi ni Pipo sa mga sinabi niya na hindi na niya matandaan.

      “I was just drunk kaya nasabi ko ’yun…”

      “Sus— Para kang bata kung umiiyak ka.. Nakakatawa mukha mo, may uhog ka pa kapag umiiyak ka.”

       Natatawa lang lalo si Achilles sa ginagawang pagpapatawa ni Pipo sa kanya. Kahit may pasa ito sa mukha, nagagawa pa rin nitong magbiro.

       “That was the first time I cried in front of someone. I was vulnerable when you saw me. Kaya masaya ako dahil sinamahan mo ako and you let me tell you about my pain.”

      Tumango lang si Pipo at ngumiti kay Achilles habang nilalagay nito ang ice pack sa pasa niya. Nagkatitigan silang dalawa at hindi mapigil ni Pipo na pamulahan. Iba talaga ang lagkit ng titig ni Achilles. Para siya nitong inaakit kaya napabaling siya sa ibang direksyon.

       “Alam ko na kung bakit galit ka sa ama mo… Kahit ako noong makita ko kung paano niya papiliin si Luke sa pagitan ng pamilya niya at kay Winchester, hindi ko mapigilang magalit sa kanya.”

      Hindi maintindihan ni Achilles ang sinasabi ni Pipo.

       “Anong pinapili? You mean they had an agreement?” tanong ni Achilles na tinanguan lang ni Pipo.

       “Pinapili siya ni Sir Simon kung ang kalayaan ba ng kanyang mga magulang at hindi pagpapakulong kay Jacob sa ginawa nito sa’yo.. O kung hihiwalayan niya si Winchester.”

      Napakuyom ng kamay si Achilles. Alam niyang gagawin iyon ng kanyang ama. At ngayon, nag-aalala na siya sa pwedeng gawin ni Winchester.

       “Nalaman mo ba kung anong pinili niya?”

       “Pinili ni Luke ang pamilya niya at ang pagkakataong makasama ang mga ito kahit kailan niya gustuhin.”

     Napailing lang si Achilles. Alam niyang mas lalo lamang gugulo ang lahat sa ginawa ng kanyang ama.

        “Pipo— I want you to do something for me… Mapagkakatiwalaan ba kita?”

       Hindi alam ni Pipo ang itutugon kay Achilles pero napatango lamang ito sa kanya.

       “Samahan mo ako sa mga Hernandez… Wala akong panahon para magpaliwanag. But I think I have to talk to Mr. Hernandez. Siya nalang ang pag-asa natin para matapos na lahat ng ito.”

      “Teka… May kinalaman ba ito kay Luke?”

      Tumango lang si Achilles. At alam niyang kailangan niyang maging maingat sa kilos niya.

       “Winchester will make his move for sure. Its a wage of war against my Dad. At maaring maipit si Luke dito. At kung may paraan ako para tapusin ang lahat ng ito, then i will do it.”

      “At ano ang meron sa mga Hernandez at hihingi ka sa kanila ng tulong?”

      “Because Luke’s mother is the sister of Mr. Hernandez. At kapag nalaman niyang buhay ang anak ng kapatid niya, he will be the buffer. Siya ang pipigil sa mangyayaring corporate war sa pagitan ni Dad at Winchester.”

      Naintindihan naman ni Pipo ang ibig sabihin ni Achilles. Pero sa kabila noon ay ang pag-aalala niya pa rin sa kanyang kaibigan.

      “Naaawa talaga ako kay Luke. Biglang naging komplikado ang buhay niya dahil lang isa siyang Laurente.”

       Tumango lang si Achilles bilang pag-sangayon at patuloy na diniinan ang pasa sa pisngi ni Pipo ng ice pack.

      “Sa susunod, huwag mo nang sasaluhin ang mga suntok na hindi naman para sa’yo. Are you a superhero? Nagpapaimpress ka ba sakin kaya ginawa mo ’yun?”

     “Hindi ah— Tsaka syempre ano— Nakakaawa ka kapag ikaw napuruhan. Ganda panaman ng mukha mo.”

     Napangiti si Achilles habang napalunok naman si Pipo dahil sa titig sa kanya ng binata.

      “So nagwagwapuhan ka sa akin? Ganun ba? I knew it— You also like men.”

      “Ano— Iba ka lang kasi sa lahat… Hindi ko alam bakit hindi ka mawala sa isip ko simula nang nagyari sa bar noong isang araw.”

      Tumango lang si Achilles at hindi na siya nagdalawang isip na dampian ng mabilis na halik si Pipo sa labi nito.

       “I like you too— Pipo.” saad nito sabay ngiti na kinapula lang ng pisngi ng binata.

    


     Batisse Residence

      

Nakarating ang magkasintahan sa tahanan ni Taron. Di hamak na mas maliit ito kompara sa mansion ng mga Del Mundo at mga Laurente ngunit maganda at moderno ang pagkakadesinyo nito. Malawak din ang hardin nito at puno ng halamang nanmumulaklak. Ang malaking pool na nakatanaw sa sumisikat na araw. Mataas ang lugar na kinatatayuan ng bahay kaya malamig ang paligid.

      Nakita ng dalawang kasambahay ang naglalakad na magkasintahan at agad naman nilang tinawag si Almarie upang ipaalam na nadito si Taron at may kasama itong binata.

     “Maam Almarie, nandito na po si Sir Taron.. At may kasama po siyang isang lalaki. Ang gwapo po niya.” nakita ni Almarie ang kilig sa mga mata ng kanyang kasambahay.

      “Mia, ayusin mo na ang mesa.. Tawagin mo na rin si Trevor at Tallisa.”

      Agad namang sinunod ng kasambahay ang utos ng ina ng tahanan.

      Nang bumukas ang pinto ng bahay ay namangha si Jacob sa kanyang nakita sa loob. Napakagara din nito at puno ng mamahaling gamit at muebles. Ang kanyang mata ay agad napatingin sa malaking piano na nasa entrada ng hagdanan.

     “Ma— Nandito na kami!” anunsyo ni Taron at agad namang sumulpot ang kanyang ina na nakagayak din. Sa edad ni Almarie, napakaganda pa rin nito at para lamang niyang kapatid ang kanyang mga anak.

     “I’m so glad that you granted my request anak… Gusto ko rin makasalo sa hapunan si Jacob.” baling ni Almarie ng tingin sa nobyo ng kanyang anak na nahihiya pa rin. Inabutan siya nito ng isang bouquet ng bulaklak na kinataba ng puso ng ginang.

     “Aw! This is so sweet, Jacob… Salamat.. Matagal na panahon na rin nang makatanggap ako ng ganito.”

     “Sometimes I feel like you are the one that my boyfriend is courting and not me?” taas kilay ni Taron sa kanyang ina na kinahagikgik lang nito.

    “Aba syempre! If he wants to be my son in law, he should bring me flowers more often.”

     Napailing nalang si Taron sa kalokohan ng kanyang ina at napangiti na rin si Jacob sa nakakatuwang relasyon ng mag-ina.

    Bigla namang nakita ni Jacob ang pababang binatilyo na may suot pang headphones sa kanyang tenga at ang isa namang pababa ay isang dalagita na may kausap naman sa cellphone nito.

     Natigil lang ang dalawa sa paghakbang nang makita nila ang kanilang kapatid at nagsitakbuhan ang mga ito para yakapin ito.

     “Kuya!! I thought you won’t be back for a while… I miss playing Call of Duty with you.” lambing ni Trevor sa kanyang kuya.

    Humalik naman si Talissa sa pisngi ng kanyang kapatid.

      “You promised to call me everyday… You broke that promise, Kuya.” dabog naman nito pero pinisil lang ni Taron ang pisngi nito.

     “I was busy with matters that you guys will not understand right now. But I will make it up to you. I promise.”       Tumango lang ang dalawa at napabaling ang tingin ang kasamang lalaki ng kanilang nakatatandang kapatid.

    “And who are you? I never seen you hang out with Kuya Taron before?” usisa ni Talissa kay Jacob.

     “Ah— Ano— Ako si Kuya Jacob niyo.”

     “He is my boyfriend..”

     Nagkatinginan si Trevor at Talissa at kapwa gulat ang mga ito.

       “Kuya— Am I in a BL Series?” tanong ni Talissa na namumula ang pisngi.

       “Ahhhhh!!! I KNEW IT!! Kuya likes boys!!”

     Tawang tawa si Talissa habang tinatakpan naman ni Trevor ang kanyang tenga. Kinatawa lang din ni Taron ang ginagawa ng bunsong kapatid niya.

     Samantalang si Jacob naman ay wala pa ring idea sa kataka-takang pamilya ng kanyang nobyo.

   

Itutuloy…

Chapter XXXII

Batisse Residence

        

“Are you a model too, like Kuya Taron? You are very tall and muscular. And you can wear any kind of clothes you like.” usisa ni Talissa sa nobyo ng kanyang nakatatandang kapatid habang nasa hapagkainan sila at nagsasalo-salo ng kanilang hapunan.

      Napailing lang si Jacob at ngumiti sa bunsong kapatid ng kanyang nobyo.

      “Ah— Hindi… Isang sanitary officer lang ako sa DLM Tower. Doon ako nagtratrabaho.” saad naman ni Jacob na kinailing ni Talissa.

     “You have all it takes to be a model. Bakit hindi mo siya ipasok sa modelling agency mo, Kuya?” taas kilay ni Talissa sa kanyang kapatid.

     “We haven’t talked about that, Lisa.. And it will be your Kuya Jacob’s decision. Ayoko siyang pangunahan sa gusto niyang gawin.”

      “You’re kuya is right, Lisa… Jacob is the one who can decide what’s bet for him. And for sure he will be great in what he will choose to do.”

    “He can also be a streamer like me… I earn a lot doing live streams.. Playing games and all that.” singit naman ni Trevor na kinailing lang ni Taron.

      “Simpleng buhay lang ang gusto ko. Sa totoo lang sa mga nangyayari ngayon sa pamilya ko, mas gusto ko ng tahimik na buhay. Kahit sa bukid ako manirahan at maging isang magsasaka na lang, basta alam kong maligay kami ng taong mahal ko, iyon ang pipiliin ko.”

      Napahanga naman si Almarie sa mga sinabi ng nobyo ng kanyang anak. Tama siya sa kanyang pagkilatis kay Jacob. Isa itong mabuting tao at kaya nitong alagaan ang kanyang anak at hindi siya nag-aalala sa bagay na iyon.

     Nagpunta si Jacob at Taron sa terasa ng malaking bahay at magkatabing umupo sa magkambal na upuang gawa sa rattan. Malamig ang hangin kaya naman natawa si Taron sa panginginig ng kanyang nobyo. Nilapit niya ito sa kanya at masuyong niyakap.

      “Totoo ba ’yung sinabi mo kanina sa dinner? Simpleng buhay lang ang gusto mo para sa ating dalawa?”

     Napabaling naman ng tingin si Jacob sa kanyang nobyo at tumango. Napangiti ang binata at dinampian ng halik sa noo ang kasintahan.

        “Alam mong bago pa kita nakilala, tanging hangad ko lang noon ay may mapatunayan sa aking pamilya. Ang makita nilang may silbi din ako tulad ni Luke. Nangarap ako. Ngunit ngayong nasa ganitong sitwasyon ang pamilya ko, kung paano ipitin si Luke ni Simon Laurente. Ayoko nang maghangad pa ng kahit na ano. Ang mahalaga sa akin, kasama ko ang taong mahal ko. Ang pamilya ko. Kuntento na ako sa ganun.”

    Mas lalong humigpit ang yakap ni Taron kay Jacob. Ngayon niya lang narinig ang mga salitang iyon mula sa nobyo at hindi niya mapigilang maging masaya dahil para sa kanya, mahalaga din ang gusto nitong mangyari sa kanyang buhay.

     “I guess I just have to buy a farmland in your province then… Maybe a mango farm? I love mangoes and we will export them.”

     “Basta kasama kita, Taron… Magagawa natin lahat basta magkasama tayo.”

      Hindi mapigil ni Taron na makaramdam ng kilig. Hinapit niya ang kanyang nobyo upang mahalikan ito sa labi… Ilang sandali silang nanatiling ganoon bago sila tawagin ni Almarie upang samahan siya sa entertainment room ng bahay.

     Masayang nagkantahan ang buong pamilya at maging si Jacob ay hindi na rin napigilang maramdamang parte na siya ng pamilya ng kanyang nobyo.

     “Kuya Jacob— Its your turn na… Sing a song for us… I mean— sing a song for Kuya Taron..”

      Impit namang napapatili ang mga katulong na nasa loob din ng entertainment room at nakikisaya sa pamilya.

      Napakamot naman ng ulo si Jacob… Hindi niya inaasahan na mapapasubo siya. Agad naman niyang hinanap sa songbook ang kantang gusto niyang kantahin para sa kanyang kasintahan.

    Nang magsimulang tumunog ang videoke machine ay nagpalakpakan naman ang lahat at si Taron ay nakangiti lang sa kanyang nobyo.

    More Than Words

Saying I love you

Is not the words I want to hear from you

It’s not that I want you

Not to say, but if you only knew

How easy it would be to show me how you feel

More than words is all you have to do to make it real

        Napaawang naman ang bibig ni Taron sa ganda ng boses ng kanyang kasintahan. Kopyang kopya nito ang boses ng orihinal na kumanta. Maging ang mga kasambahay ay napapapalakpak na rin sa galing ni Jacob.

     “OMG!! I have to capture this moment.. Ang sweet ni Kuya Jacob!!” panunuya ni Talissa sa kanyang kapatid.

       Then you wouldn’t have to say that you love me

’Cause I’d already know

What would you do if my heart was torn in two

More than words to show you feel

That your love for me is real

What would you say if I took those words away

Then you couldn’t make things new

Just by saying I love you

    Nagpalakapakan ang lahat nang matapos ni Jacob ang kanta at umupo siya sa tabi ng nobyo. Nagakangitian pa ang dalawa.

     “I didn’t know you sing like that… That was beautiful.” papuri naman ni Taron na kinahiya naman ni Jacob.

      “Ano— Sa mga barkada ko lang ’yan noon. Sa kanila ako natutong kumanta.. Wala ’yun..”

      Napatawa naman si Taron sa kinikilos ni Jacob. Ang gabing iyon ay isa sa mga hindi nila makakalimutang gabi bilang magkasintahan.

  


    Hernandez Residence

      Umupo si Eunice sa sofa ng living room ng kanilang bahay. Marami na ang nagbago rito simula nang umalis siya. Ang pagkawala ng kanyang ama ay labis niyang dinamdam dahil umaasa siya noon na magkakaroon sila ng pagkakapatawaran sa isa’t-isa. Ang portrait painting nalang nito na nakasabit sa malaking sala ng bahay ang nagpapa-alala sa kanyang ama.

    Lumapit siya sa painting at agad niya itong hinaplos at nagsimulang umagos ang luha niya sa mata.

    “I’m sorry if I caused you a lot of trouble and pain, Dad… Alam kong hindi ako naging mabuting anak sa inyo. I always defied what you want me to do. You want me to run the company but you know it was not my passion. I was a free spirit as you said. Gusto kong malaya ako. Now I realize, you only did what a parent would want for his children. At ngayong ang anak ko naman ang nasa kamay ng taong kinamumuhian ko, gagawin ko ang lahat upang mailayo siya kay Simon.”

    Pinahid ni Eunice ang luha niya. Giniya niya ang kanyang paningin sa iba pang bahagi ng bahay at doon lang pumasok si Leonard.

     “You know you can always stay here.. This is your home.” pagpilit pa ni Leonard na manatili roon ang kanyang kapatid.

      “Sister Carlota will be waiting for my return. Pati ang mga bata sa shelter.. Hahanapin nila ako.” saad pa ni Eunice na tinanguan lang ni Leonard.

      “I have one thing to ask of you, Leonard. Gusto kong puntahan mo si Anthony Permejo sa mansion ng mga Del Mundo. I need to talk to him. Alam kong dapat matagal ko na siyang kinausap but I was silently giving him messages about my whereabouts.”

     “You mean, this person knows that you are alive all this time?”

    Tumango lang si Eunice sa tinuran ng kapatid. Ito lang ang tanging maaasahan niya sa mga pagkakataong wala siyang malapitan.

    “Didn’t you even realize that you still have a brother wondering what really happened to you? You are unbelievable, Eunice. I know I shouldn’t be saying all this pero napakaselfish mo. Napakaraming tao ang nag-aalala sayo. And yet you chose to hide and made us believe that you are dead.”

     “Because I was scared… Dahil hindi ako titigilan ni Simon… I know something that will totally destroy his name and his family’s legacy. And I was waiting for that right moment.”

     Naguguluhan man si Leonard ay mas pinili nalamang niyang pakalmahin ang sarili at huwag nang pilitin pang alamin ang sinasabi ng kanyang kapatid.

     “Sir Leonard! May dalawang lalaki po sa may gate… Pinipilit po nilang pumasok dahil mahalaga daw po ang pakay nila sa inyo.”

     Napataas naman ang kilay ni Leonard at maging si Eunice ay nakaramdam ng kaba. Hindi pa siya handa kung sakaling kilala man niya ang taong gustobg makausap si Leonard.

      “Did you ask who are they? Ako na ang lalabas upang kausapin sila.”

      Hinigit ni Eunice ang braso ng kapatid at umiling siya dito.

      “Baka mga tauhan sila ni Simon… Maybe he knows that I’m alive..”

      “That’s impossible, Eunice… Pinalabas ni Daddy na patay ka na dahil sa isang sakit when you given birth. So he believes that you are indeed lying in a coffin that time.”

     Umalis si Leonard sa sala at agad na lumabas ng bahay upang tunguhin ang gate.

      Nakita niya naman ang isang lalaking dinuduro ang guard at pinipigilan ito ng isa pang lalaki.

      “I need to talk to Leonard Hernandez because his fucking nephew is gonna be a puppet of my monster father!! Naintindihan mo ba ako?!!” sigaw ng binatang nasa gate.

      “Aki— Kalma ka lang please… Baka masapak nanaman ako nito eh!” reklamo naman ng lalaking pumipigil sa binata.

     “Let him in!“sigaw ni Leonard sa guard na agad namang binuksan ang gate at mabilis namang naglakad patungo sa kinatatayuan ni Leonard ang binata at ang kasama nito.

      Nakilala agad ni Leonard ang binata. Si Achilles Laurente iyon at napataas naman ang kilay niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ito sumugod sa kanyang pamamahay.

     “What are you doing here Mr. Laurente?” usisa ni Leonard at naghintay pa siya ng ilang saglit bago magsalita ang binatang kaharap niya.

      “You heard the news right? Dad has your nephew in his hands now. And it will only a matter of time before he uses his son’s claim to take over your corporation.”

      Hindi agad nakasagot si Leonard dahil alam niyang kung totoo man iyon, maaring mapunta nga sa anak ni Eunice ang korporasyon. Hindi sa natatakot siyang ibigay ito sa pamangkin niya kundi ang malamang si Simon Laurente ang nagpapagalaw sa kanyang pamangkin ay hindi niya mapapayagan.

     “Simon Laurente was planning to take Hernandez Corporation a very long time ago.. At ngayon na may paraan na siya para makuha ito, you should not let it happen. That’s why I’m asking you to take action now. Bawiin mo ang pamangkin mo mula kay Dad.”

     “Napakagahaman talaga ni Simon… Matapos niyang hindi panagutan ang kapatid ko noon, ngayon ipagmamalaki niya na anak niya ang bunga ng kawalan niya ng bayag.”

     Hindi napigil ni Pipo na mapatawa sa sinabi ni Leonard na kinasiko ni Achilles dito. Tumahimik ang binata pero natatawa pa rin ito ng tahimik.

     “If you have something that will be used against him… Now is the time for that to take in action. Kundi mawawala sa’yo ang lahat and the chance of knowing your only family left will be gone..”

     Tumango lang si Leonard at alam niyang tama ang lahat ng sinabi sa kanya ng binata.

     “I will meet with Winchester Del Mundo tomorrow… Maybe its about time I give in to his request. I won’t let Simon take the corporation and I have to take my nephew away from him. That man has to be stopped.”

     Nagkatinginan si Pipo at Achilles at sekretong napangiti sa isa’t-isa. Alam nilang nagtagumpay sila sa kanilang pakay.

     “There will be a party at the mansion this weekend.. I think that’s the best time for you to introduce yourself to Luke. He will be happy to meet you.”

    Napangiti si Leonard at tumango lang sa sinabi ni Achilles. Maaring ito na rin ang tamang pagkakataon para makilala ni Luke ang kanyang ina na inakala ng lahat na patay na.

    


    Del Mundo Mansion

      Nagmamadaling bumaba si Winchester mula sa malaking hagdanan ng mansion patungo sa patio upang daluhan ang kanyang bisita.

     Dalawang araw ang lumipas matapos siyang hiwalayan ng tuluyan ni Luke ay hindi pa rin mawala ang sakit na nararamdaman niya. Ngunit kailangan niyang maging matapang. Dahil hindi iyon ang panahon upang maging mahina siya. Kailangan niyang ipakita kay Simon Laurente na hindi niya magagawa ang lahat ng kanyang binabalak na gawin.

      Nakaupo sa malambot na silya ang isang magandang babae na kahit may edad na ay kakikitaan pa rin ng kagandahan. Nasa tabi nito si Tony at masayang nag-uusap ang dalawa. Hindi niya akalain na makakaharap niya ito. At sa isang banda naman ay isang lalaki na sopistikado ang pananamit at kakikitaan ng kaamuhan sa kanyang mukha.

     Napaharap sa kanya si Tony at tumayo. Lumapit ito sa kanya at nakangiting sumenyas na kailangan niyang makausap ang dalawang bisita.

      “How was this possible? I thought—”

       Lumapit si Winchester sa kinauupuan ng dalawang bisita at hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nakikita.

      “Mr. Del Mundo… Its nice to see you again.” bati sa kanya ni Leonard Hernandez na tinanggap naman niya ang pakikipagkamay.

     “This is my sister… Eunice Hernandez.” pagpapakilala ni Leonard sa babaeng hindi pa rin mapaniwalaan ni Winchester na buhay.

     “I am confused right now… Is this for real?” tanong pa niya na kinatango lang ng babaeng kanina pa niya tinitingnan.

      “Alam kong iniisip mo na patay na ako… But I’m still alive. And I have reasons to remain silent. Kaya ako nagtago at pinalabas kong namatay na ako.” sagot ni Eunice kay Winchester.

     “My son is in danger, Winchester… I found out from Tony that you two were in a romantic relationship. I know your mother very well and we were good friends. Kaya alam kong inalagaan mo ng mabuti ang anak ko. And I know Simon is the reason why all of this is happening.”

     Tumango lang si Winchester at pinahid ang luha na tumulo sa kanyang mata. Ginagap ni Eunice ang kanyang kamay at hinawakan ito ng ginang.

    “I really want to be with my son and tell him that I never wanted to leave him behind and live  my own life like I didn’t know anything. Mabigat sa puso ko na araw-araw kong iniisip kung ano na ang nangyari sa kanya. Hindi ako matahimik. And when I found out that Simon found the people I entrusted my son with.. Hindi ko na natiis na magtago na lang at walang gawin.”

    “Tita— Luke will be so happy to finally meet you. And I am doing my best to take him back.. Alam kong ginamit lang ni Tito Simon ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga kinalakihang magulang para gawin niya ang mga bagay na alam kong ayaw gawin ni Luke. Napilitan lang siyang gawin ang lahat ng iyon.”

    May inilapag si Leonard na isang folder sa harapan ni Winchester.

     “That’s why I had to do this thing so that I can ensure that my nephew will not be used by that asshole. Tama na ang maraming taon na linoko niya tayong lahat.”

     Binuklat ni Winchester ang folder at nakita niya ang ilang litrato ng mga malalaking kubol at mga halaman na kilalang kilala ni Winchester. At ang ibang litrato naman ay ang pakikipagusap ni Simon sa mga kalaban ng DLM Group maging ang mga pulitikong malaki ang interes sa koneksiyon ng DLM Group.

     “Simon Laurente has been trying to sabotage DLM Group. He is acting like he cared about the company but that was only his front… He will use the power of DLM Group para mas lalo niyang mapagtakpan ang mga illegal na ginagawa niya. Incurring money both legally and underground has always been his thing. And its only a matter of time. Kapag nakuha na niya ang Hernandez Corporation using Luke, mawawalan ka na ng karapatan sa kompanya. And he will freely claim the company all to himself. Forcing you to give him all your shares kapalit ang buhay ng pamilya mo.”        Napakuyom ang kamao ni Winchester. Alam niyang maraming lihim si Simon Laurente at ang siniwalat ni Leonard sa kanya ay isang hudyat na kailangan na niyang ibagsak ng tuluyan si Simon Laurente.

     “Then its time to take him down, once and for all. He can’t get away with this. Sinisiguro kong pareho siyang mabubulok sa kulungan ng mga taong nanloko sa akin..”

    

Itutuloy…

Chapter XXXIII

Laurente Mansion

      

Nagising si Luke sa isang malambot na kama. Agad siyang bumangon at tiningnan ang kanyang sarili sa malaking salaman sa harapan ng kanyang kama. Giniya niya ang mata niya sa paligid ng silid na iyon. Napakalaki kumpara sa lahat ng silid na natulugan niya. Hindi niya alam kung bakit niya piniling dito matulog.

     “Chona and Oscar will be here tomorrow so why don’t you stay the night in your room. Dito ka na rin naman matutulog starting tonight. This is your home. Dito ka nararapat, Luke”

      Tumungo siya sa banyo upang gawin magsipilyo at maghilamos at nang lumabas siya sa kanyang kwarto ay isang Achilles na nakahalukipkip at nakangiti sa kanyang harapan ang sumalubong.

     “I wasn’t able to introduce myself to you properly yesterday.. But I’m Achilles.. Lets just say I am your brother. At kakampi mo ako.”

     Tumango lang si Luke kay Achilles at giniya niya pa ang mata niya sa paligid ng mansion.

      “Nakakalungkot siguro ang buhay mo sa bahay na’to.. Halos wala kang makita kundi mga ilaw at mga flower vase na puno ng bulaklak.”

    Napangiti si Achilles sa tinuran ni Luke at tumango lang ito.

     “Idagdag mo pa na halimaw ang mga nakatira sa bahay na ito.. At yun ang ayokong mangyari sa’yo. That’s why I’m asking you to never agree on what Dad will tell you to do.”

     “Sa tingin mo ba gusto ko ang ginawa ko? Hindi ko ginustong magkahiwalay kami ni Winchester. Mahal ko siya. Pero kung ang kapalit naman nun ay ang mawalay sakin ng tuluyan ang pamilya ko, hindi ko masisigurong magiging masaya ako sa naging desisyon ko.”

     Tinapik ni Achilles ang balikat ni Luke at sumang-ayon sa sinabi nito.

     “I know… That’s why you have to start resisting.. Hindi magtatagal at matatapos din ang lahat ng ’to. Dad will pay for all the things that he has done.”

     “May binabalak ka bang gawin? Dahil kung meron man, nakahanda akong tumulong.. Hindi ko hahayaan na kontrolin ni Simon Laurente ang buhay ko.”

     Ngumiti lang si Achilles at tinalikuran na si Luke.

     “I’m sure everything will be over soon… Kailangan mo lang magtiwala.. And what you have to do, is make sure Dad can’t get what he wants.”

     Bumaba si Achilles at naiwan si Luke na napapaisip. Sigurado siyang may ginagawang hakbang si Winchester at hindi siya mapanatag kapag naiisip niyang hindi niya malaman ang iniisip ng kanyang minamahal.

     Nang makababa si Luke nang tuluyan ay naabutan niya si Chona at Oscar sa living room kasama si Pipo.

      Agad namang napatayo ang mag-asawa at yinakap nila ng mahigpit ang anak. Napaluha si Chona habang hinahaplos niya ang mukha ng kanyang anak.

      “Diyos ko… Akala ko hindi na tayo magkikita Luke.. Patawarin mo kami anak… Patawarin mo kami kung wala kaming nagawa upang ilayo ka kay Simon..”

     Umiling lang si Luke sa kanyang ina at pinahid niya ang luha nito.

     “Huwag na kayong mag-alala. Hindi ko na hahayaan pang may gawin siya sa inyo… Hindi ko kayo pababayaan. Pinangako ko ’yan sa inyo.”

     “Si Jacob— Nakausap mo na ba siya anak? Kumusta siya? Sigurado akong nag-aalala na sa amin ang kapatid mo.”

      Tumango lang si Luke habanh pinapakalma niya ang kanyang ina.

       “Maayos lang si Jacob… Papunta na ’yun dito sa mansion.”

       Nagyakapan ang pamilya at hindi naman naiwasang makiyakap na rin ni Pipo sa mag-anak.

      Nakita naman ni Achilles mula sa kanyang kinatatayuan ang nangyayari sa sala ng mansion na kinangiti niya lang.

      Hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya si Simon at nakamasid din sa mag-anak.

      “He really loves those people… I wonder if he will hug me that way.” saad ni Simon na kinangisi lang ni Achilles na kinabaling ng binata sa kanyang ama.

      “That’s not gonna happen… After what you showed him.. At least you should have kept that evil side of you longer.. Siguro mas natanggap ka pa ni Luke.”

       “You can mock me all you want, Achilles. But my son will come to his senses. Makikita niyang lahat ng ginagawa ko ay para sa karangalan ng pamilya.”

       Napailing lang si Achilles at hindi niya napigilang muling sagutin ang kanyang ama.

       “No one can love someone who controls the people around them… I was a fool to believe that somehow if I follow everything that you say, mamahalin mo ako at ituturing mo akong tunay na anak. But nothing can satisfy you Dad.. And you’ll be disappointed how Luke will never bend his knees to your commands.”

       Hindi na hinintay pa ni Achilles na magsalita si Simon at tinungo niya ang sala kung saan masayang nag-uusap ang pamilya ni Luke.

      


  

     High Profile Correction Facility

     

   Kinalma ni Winchester ang kanyang sarili habang nakikita niyang naglalakad palapit sa kanya kasama ng dalawang prison guard ang kanyang ama.. Si Don Alfonso Del Mundo..

        Malaki na ang pinayat nito at nagsimula naring lumabas ang senyales ng katandaan nito dahil sa pananatili nito sa kulungan ng ilang buwan.

       Hindi naman mapigil ni Don Alfonso na makaramdam ng saya nang dalawin siya ng kanyang anak. Ang pinakamahalaga sa kanya. At gagawin ni Don Alfonso ang lahat mapatawad lamang nito.

        “How— How are you, Winchester? I’m so glad that you requested to see me.”

        Walang emosyon ang mukha ni Winchester habang nakatitig lang sa kanyang ama.

       “A lot has happened… And the fact that I am here in front of you makes me feel bad. Ayokong makita ka sa totoo lang. But I am desperate. And I need your help, Dad.”

      Napangiti si Don Alfonso nang tuluyan siyang tawaging ama ng kanyang anak. Hinawakan niya ang palad nito at pinisil iyon ngunit binawi naman ito agad ni Winchester.

       “Anything— Anything you want anak, sabihin mo kay Daddy. I will do everything I can to help you. That’s the only thing I can do to pay for all my sins to you and Athena.”

      “What do you know about the Marijuana plantation of Simon Laurente? Is this just his doing or kasabwat ka niya at ng iba pang pulitiko na may koneksiyon sa DLM Group?”

      Napailing si Don Alfonso… Matagal na niyang minamatiyagan ang kilos ni Simon Laurente ngunit hindi niya makitaan ng mga illegal na gawain ang anak ng kanyang business partner na nakasama niya sa pagtatag ng DLM Group.

      “I don’t know anything about it, Winchester.. Thomas was a good friend of mine. But Simon grew up differently. Alam kong iba ang batang ’yun sa ugali ng kanyang ama. He was stubborn and won’t listen. I had to stop him from engaging a high stake negotiation for a Palm Oil Plantation in an island in the Bahamas when he was just about your age.”

     Nakinig lang si Winchester sa kanyang ama habang linalahad nito ang kanyang nais na malaman sa pagkatao ni Simon.

      “He found his son, Dad… And you know who that person is? Its Luke..”

       Nanlaki ang mata ng matanda at hindi niya alam kung ano ang iisipin dahil sa sinabi sa kanya ni Winchester.

       “And he is using Luke to get Hernandez Corporation.. Because Luke is the son of Eunice Hernandez..”

       “Leandro’s daughter? So Luke is Leandro’s grandson?”

       Tumango lang si Winchester na kinamangha lang ng matanda. Hindi nito akalain na napakaliit pala talaga ng kanilang mundo.

     “I know you have feelings for that kid… Siya ba ang dahilan kung bakit mo ginustong makausap ako?”

      “Its not jut about him.. Its about everything that I’ve worked hard for and the people that will get affected once Tito Simon takes over the whole conglomerate. Mawawala sa atin ang lahat, which I really don’t care but there are people that depends on me, that depends on what our family has.. And I can’t be selfish if I know I can do something about it.”

     Napangiti naman si Don Alfonso sa tinuran ng binata sa kanya. Talagang naging responsable na ito at alam niyang kahit nagkulang siya bilang ama nito, lumaki pa rin ito na mabuti ang puso.

    “Then you have my blessing— Winchester.. There is a vault in my house… Doon nakalagay ang mga importanteng dokumento tungkol sa DLM Group. And one more thing, talk to General Abisamis. He is a good friend and he will help you crush down Simon’s illegal activities. Simon will have no more power once he has no aces left in his hands.”

      Sinabi ni Don Alfonso ang code sa kanyang vault at tuluyang nagpaalam si Winchester sa kanya. Kahit paano ay naibsan ang pangungulila ng matanda sa kanyang anak at alam niyang kaya nitong harapin ang lahat ng pagsubok dahil sa tapang ng loob nito.

        


      

Hinatid ni Achilles si Pipo sa kanyang ekswelahan at habang nasa kotse sila ay hindi naman mapigil ni Pipo na tingnan si Achilles na nakangiti rin.

      “Di talaga ako makapaniwala… Napakaliit pala talaga ng mundo natin.. Akalain mo ’yun. Magkakakilala pala kayo ni Winchester, ni Luke at yung topaking kapatid niyang si Jacob pati si Aling Chona at Mang Oscar.”

     Tumango lang si Achilles sa kanyang narinig mula kay Pipo.. Talagang napakaliit ng mundo para sa kanila.

     “Ayaw mo bang maging parte ng maliit na mundo namin?” panunuya ng binata na kinailing lang ni Pipo.

      “Hindi naman sa ganun… Eh ano ba kasing panaman ko? Ang yaman yaman ng mga pamilya ninyo… At isang hamak na anak ng magsasaka lamang ako. Nangarap lang akong makatapos dito sa Maynila para makahanap ako ng maayos na trabaho.”

     “Well— You don’t have to do that anymore… Nandito naman na ako para suportahan ka pati na ang pamilya mo… If you agree to marry me.”

      Napaawang ang bibig ni Pipo sa mga sinabi ni Achilles sa kanya.

      “Hoy! Anong marry me marry me? Kakakilala pa lang po natin noong isang araw tapos gusto mo na akong pakasalan.. Tsaka ano— Di mo pa nga ako lubos na kilala eh?”

     “I know what I want, Pipo… At ikaw ang gusto ko… I want you in my life.”

     Hindi alam ni Pipo kung paano pipigilan ang mga kulisap na nagrarambulan sa kanyang tiyan nang marinig niya ang sinabi ni Achilles sa kanya.

      “Puro ka biro eh… Tsaka nakakatakot ka magalit.. Baka kapag naging asawa mo ako, maging battered husband ako.” sabay lungkot ng mukha nito na kinatawa lang naman ni Achilles.

     “Bakit ko naman gagawin ’yun? Aalagaan kita… Alam ko kung anong klaseng tao ka, Pipo. You have seen me vulnerable. I never cried in front of anyone.. But you seen me and you never judged me. Instead, you encouraged me.”

    “Ang problema din kasi sayo… Puro english lumalabas diyan si bibig ko.. Kaunti lang naiintindihan ko.”

    Natawa lang lalo si Achilles at hininto niya ang kotse sa harapan ng University ni Pipo. Tinanggal niya ang seatbelt nito at mabilisang hinalikan sa labi na hindi naman prinotesta ni Pipo. Napangiti pa ito ng may pag-aalinlangan. Ngayon niya lang kasi naranasan ang mga ganitong bagay.

     “Susunduin kita mamaya… We have to go to a tailor.. Kailangan presentable tayo sa party ni Luke.”

    “Magbabarong na lang ako… Para pinoy na pinoy ang dating..”

     Umiling si Achilles at muling tiningnan si Pipo sa mga mata nito.

      “Seryoso ako sa mga sinabi ko, Pipo… Gusto kita at gusto kong makilala pa kita. Kaya sana bigyan mo ako ng pagkakataon.”

     Nahihiya namang tumango si Pipo na kinangiti lang ni Achilles. Bumaba na si Pipo sa kotse at kumaway kay Achilles upang magpaalam.

     Naiwan si Achilles na nakangiti habang nasa kotse at biglang tumunog ang kanyang cellphone. Si Winchester ang tumatawag.

    “Can I ask you a favor?” usal ni Winchester sa kabilang linya.

      “Yeah— What do you want me to do?” saad naman ni Achilles. Gusto niyang bumawi sa kanyang kaibigan at kahit na anong pabor na hingin nito sa kanya ay tutuparin niya.

     “ I know Luke is heavily guarded… But I need you to sneak him out of that mansion.. Gusto ko siyang makausap. He has to know something very important.“

      “Sure thing… I can do that… Where is the location?” usisa na Achilles at napalukot ang noo niya nang marinig niya ang sagot ni Winchester.

     “ Hernandez Residence… Take him there… Hihintayin ko kayo.“

    

    Hindi naman na nagtagal ang tawag ni Winchester at agad na bumalik si Achilles sa mansion. Naguguluhan pa rin siya kung bakit doon pinili ni Winchester na dalhin niya si Luke.

   


     Batisse Residence

     

Yinakap ni Almarie si Jacob habang nagpapaalam na ito at ang kanyang anak. Kailangan na ni Taron at Jacob na bumalik sa siyudad dahil gusto na ring makita ni Jacob ang mga magulang nito. Tinawagan ito ni Luke at kinumpirma nitong nasa mansion na ng mga Laurente ang kanilang mga magulang.

     “Thank you for taking care of my son, Jacob.. Pinagkakatiwala kon siya sa’yo. Alam kong mahal niyo ang isa’t-isa at sana manatili kayong ganun, anak.” saad ni Almarie kay Jacob na kinangiti lang ng binata.

     “Hindi ko po maipapangako na hindi ko po masasaktan ang anak ninyo… Pero gagawin ko po ang lahat upang maiwasan ko iyon. At hinding hindi ko po siya pababayaan. Nakita ko sa anak ninyo ang lahat ng nais ko sa isang tao.”

    Tumango lang si Almarie dahil napakaganda ng sainabi sa kanya ng nobyo ng kanyang anak.

     Habang si Taron naman ay nasa pool area at nakayakap sa kanya si Talissa.

     “Take care of Mama and Trevor for me, okay? Dadalaw naman kami dito every weekends.. And I will call you more often okay?”

     Tumango lang si Talissa habang pinapahid niya ang luha niya sa mata.

      “Pwede naman kasi kayong tumira dito so I can document a real life BL Couple like you and Kuya Jacob..”

     Natawa naman si Taron sa sanabi ng kanyang kapatid. Hindi talaga ito mawawalan ng sasabihin.

      “Pero I can really see how Kuya Jacob cares for you kuya… I thought he will take you away from us. But he is an addition to our family.. After Papa left us for another person.”

     “Papa has chosen that because that’s what makes him happy, Lisa. And he left everything behind for us.”

     Umiling lang si Talissa sa sinaad ng kanyang nakatatandang kapatid.

      “How about Mama’s feelings kuya? Mama loved him so much.. Alam nating tatlo kung paano si Mama dumaan sa depression. She even attempted to take her life away.”

     “Lets not dwell in the past okay? What’s important now is we have each other.. At kasama natin si Jacob dun.. And his family.. I’m excited to meet them.”

    Tumango lang si Talissa at muling kumuha ng litrato nilang magkapatid.

    “OMG! I can’t wait for you the two of you to get married na and have many babies.”

    Kinutungan lang ni Taron ang kapatid bago siya halikan nito sa pisngi at nagpaalam na.

    

Itutuloy…

Chapter XXXIV

Laurente Mansion

      Pagkapasok ni Luke sa kanyang kwarto ay bumulagta agad sa kanya si Achilles na nakaupo sa kanyang kama at nginitian siya nito. Tumayo ito at binigay sa kanya ang susi ng kotse.

      “Winchester wants to see you… Hindi ako pwedeng umalis dito kasi malalaman ng mga bodyguards mo na umalis ka. So I will be your proxy while you are out.”

     “Bakit pa niya ako gustong makita? Sinusumpa na niya ako ngayon dahil sa ginawa kong pakikipaghiwalay sa kanya.”

     Umiling si Achilles at kinuha ang kamay ni Luke upang ilahad dito ang susi ng kanyang kotse sabay pang ngiti nito.

       “Winchester won’t give you up that easily… Alam ko kung paano mag-isip si Win.. That’s the thing that I fallen in love with him actually..”

     Nalukot ang noo ni Luke sa sinabi ni Achilles… Nagkaroon ba ng relasyon si Winchester at ang binatang kaharap niya ngayon?          “I know what you’re thinking pero hindi naging kami ni Win… I was the only one who had that feeling… It was unrequited.. And its all in the past now. Alam kong ikaw talaga ang pumukaw sa natutulog niyang puso.. And believe me, hindi ka basta bastang bibitawan nun.”

      “Ayoko lang isipin niya na hindi siya mahalaga sa akin. Mahal na mahal ko siya. At wala din akong ibang minahal kundi siya. Kaya mahirap sa akin ang ginawa kong desisyon. At kung may pagkakataon man na bawiin ko lahat ng iyon, kahit ano gagawin ko.”

      “Then you’ve got the chance already, Luke… Puntahan mo na siya sa address na nakalagay sa GPS ng aking kotse. You know how to drive right?”

       Tumango lang si Luke habang nakangiti. Tinapik niya ang balikat ni Achilles. Hindi niya akalain na may tao palang tutulungan siya sa likod ng mahigpit na kamay ni Simon.

       “Salamat Achilles— Hindi ko talaga inaasahan ’to…”

       “I just want to make things right. And pay for all the things that I have done. Kundi naman dahil sa akin, hindi ka mahahanap ni Daddy.”

      Umiling lang si Luke at nginitian si Achilles.

      “Nandito na tayo sa ganitong sitwasyon.. Hindi na pagsisisihan ang dapat nating gawin.. Kundi tuluyang magising si Simon sa kanyang kahibangan at pagbayaran niya lahat ng kanyang nagawa.”

      Agad na tinuro ni Achilles ang sekretong daan ng mansion patungo sa garahe nito… Walang nagbabantay sa garahe at ang kotse naman ay pararaanin agad ng mga guwardiya dahil alam nilang mainitin ang ulo ni Achilles kapag hinaharang ito.

     Madali namang nagawa ni Luke ang lahat ng pinagagawa ni Achilles sa kanya at nakarating siya sa garahe na hindi natutunugan. Agad siyang pumasok sa kotse at pinaandar ito. Bumukas ang GPS Map ng kotse at nakita niya roon ang destinasyon ni Winchester. Pinaharurot niya ang sasakyan at tama ang hula niya, hindi siya pinigil ng mga guwardiya.

     Napangiti siya habang iniisip na makikita na niya muli si Winchester.

     Dinala siya sa isang simbahan ng kotse at pagkababa niya roon ay agad niya namang nakita si Winchester na nakatayo lang sa tabi ng kanyang kotse at tinitingnan ang relo nito.

    Napabaling ito ng tingin kay Luke at nagulat pa siya dahil nag-iisa lang ito at wala si Achilles.

     Mabilis na tumakbo si Luke at agad na yinakap si Winchester.. Kinabig din siya ng binata at alam niyang palihim itong umiiyak. Hinawakan niya ang buhok nito at marahang sinuklay.

    “Sorry… Sorry mahal ko… Patawarin mo ako.. Hindi ko ginustong gawin ’yun.. Alam mong mahal na mahal kita at sa kabila ng lahat, ikaw pa rin… Ikaw pa rin ang mahal ko.”

    “It was my fault… Kung noon pa man sinabi ko na sa’yo ang katotohanan.. Siguro hindi na tayo aabot sa ganito.”

    Bumitaw sila sa kanilang pagyayakapan at parehong nakangiti. Hindi na alintana ni Luke kung may tao mang makakakita sa kanila basta siniil niya ng malalim na halik ang kanyang kasintahan. Hindi niya kayang mawala ito sa buhay niya.

     Ilang saglit silang nanatiling magkasaklop ang labi bago naghiwalay at kita ni Luke ang pagkawala ng lungkot sa mata ni Winchester.

     Agad niya namang tinaas ang kanyang kamay at nakita ni Winchester na suot na nito ang engagement ring na binigay niya rito sa pag-alok niya ng kasal.

      “Alam kong nasaktan kita noong tinalikuran ko ang pangako ko sa’yo… Pero, ito na… Tinatanggap ko na ang alok mo sa akin… Handan na kitang pakasalan kahit dito mismo sa simbahan na ito ngayon, Winchester.”

       Hindi mawala ang ngiti ni Winchester habang hawak niya ang kamay ni Luke na may singsing. Muli niya itong niyakap.

       “As soon as everything is over— Magpapakasal tayo.. Thank you for never giving up on us.”

      “Iyakin ka pala… Akala ko pa naman ako ’yung palaging iiyak sa ating dalawa.”

    Natawa nalang si Winchester sa sinaad ni Luke at inilayo niya ito sa kanya.

      “Ikaw lang ang iniyakan ko ng ganito. Kasi ikaw lang ang minahal ko ng ganito.”

      “Ayan tayo eh— Lakas mo talagang bumanat eh… Kaya naiinlove ako lalo sa’yo.”

      Umiling lang si Winchester habang kinukusot ang mukha ng kasintahan.

       “Basta— Wala nang bawian ngayon. Kapag talagang hiniwalayan mo pa ako, itatali na kita at hinding hindi kita pakakawalan.”

       “Parang naiimagine ko na kapag naging mag-asawa na tayo… Palagi mo akong itatali— Sa kama.” ngisi ni Luke na kinakutong ni Winchester sa kanyang ulo.

     Sabay silang tumawa at muling naging seryoso ang mukha ni Winchester.

      “There is someone I want you to meet. Pwede mong iwanan dito sa simbahan ang kotse ni Aki and we can drive there with my car.”

      “Mukhang seryoso ka ah… Kinakabahan tuloy ako.”

      Ngumiti si Winchester at mabilis na dinampian ng halik sa labi ang nobyo.

       “Magugustuhan mo siya. Kaya nga huwag ka nang tumayo diyan. Get inside my car and we will go there.”

     Wala nang nagawa si Luke kundi sundin si Winchester at tahimik nilang binaybay ang kalsada patungo sa bahay ng mga Hernandez.

   


     Hernandez Residence

    

“Dati namamangha ako sa ganitong mga bahay pero ngayon, namimiss ko na manirahan sa Sitio Amarillo. Nakakamiss umuwi sa Zambales.” saad ni Luke at napangiti lang sa kanya si Winchester habang bumababa sila ng kotse sa harapan ng malaking bahay ng mga Hernandez.

     “We can always go there whenever you want.. Gusto mo doon na tayo tumira?”

     “Naku— Alam kong isang araw palang gugustuhin mo nang bumalik dito sa siyudad.. Mahirap mamuhay sa probinsya pero masaya.. Kuntento ka.”

    “Basta nandoon ka sa lugar— I think I can live with it. Wala kang tiwala sa kakayahan kong mag adapt.”

    Umiling nalang si Luke at agad na inakbayan ang nobyo habang naglalakad sila papasok sa malaking pintuan ng bahay.

     “Teka? Hindi manlang ba tayo kakatok? Bahay mo rin ba ito?” tanong ni Luke na kinailing lang nito.

     “You should go inside… Someone is waiting for you.. Hihintayin lang kita dito sa labas.”

     “Eh bakit hindi ka papasok? Ginogoodtime mo ba ako? Ito ba pambawi mo sa pakikipaghiwalay ko sa’yo?”  reklamo ni Luke na kinatawa lang ng mahina ni Winchester.

     “Just go inside. Sigurado akong magugustuhan mo ang taong naghihintay sa’yo sa loob.”

     Wala nang nagawa si Luke kundi tumalima sa gusto ng kanyang nobyo.

      Bumukas naman ang pinto ng malaking bahay at bumulaga sa kanya ang isang napakagandang sala na napapalibutan ng mga painting at vase na may bulaklak at nakakaenganyo ang amoy ng loob ng bahay. Parang may nagluluto sa kusina kaya sinundan niya nalang ang amoy.

     Napayukod naman ang mga kasambahay na makakasalubong sa kanya at hindi niya naiwasang magtanong sa mga ito.

      “Sino po ba ang may-ari nitong bahay? Parang nalilito po ako sa sinabi sa akin ng boyfriend ko kanina.”

     Nagkatinginan naman ang dalawang kasambahay na nagulat sa sinaad ni Luke. Pero ang isa ay tila kinikilig dahil sa kagwapuhan ng pamangkin ng kanilang amo.

     Biglang may nagpakitang lalaki sa harapan ni Luke at nakangiti ito sa kanya. Pinanlakihan naman ng mata si Luke dahil may pagkakahawig sila ng lalaking kaharap niya ngayon.

     “This is your house, Luke… And I am your Tito Leonard..” nakangiting pagpapakilala ni Leonard sa kanyang pamangkin.

      Linapitan niya ang pamangkin at yinakap ito. Nalilito man ay tinanggap din ni Luke ang yakap sa kanya ng lalaking nasa harapan niya.

     “Tito Leonard? Kung ganun… Ikaw ang kapatid ng nanay ko?”

      Tumango lang si Leonard nang magwalay na sila sa kanilang yakap at giniya niya si Luke papunta sa dining room ng bahay.

       Nagulat naman si Luke nang makita niyang may isang ginang na naghahanda ng mesa at nakasuot ito ng magarang bestida habang may kaunting kolorete sa kanyang mukha.

      Nagkatitigan silang dalawa at napaawang ang bibig ni Luke nang makita niya ng tuluyan ang buong mukha ng ginang.

      Natulala din si Eunice nang sa wakas ay makaharap na niya ang kanyang anak. Ang anak niyang matagal na nawalay sa kanyang piling.

     Inilapag niya ang hawak niyang bowl at agad na tumakbo palapit sa kinatatayuan ng kanyang anak at agad itong niyakap.

       “Oh my god! Its really you… My baby boy.. Its my baby boy.” naiiyak si Eunice habang yakap yakap ang kanyang anak.

       Hindi na rin napigilan ni Luke na maluha. Hindi niya akalain na talagang pinaglaruan siya ng tadhana. Buhay ang kanyang ina. Taliwas sa sinabi ni Simon Laurente na pumanaw na ito.

       “Anak— Patawarin mo si Mommy… Patawarin mo ako.” lumuluha pa rin si Eunice habang nakayakap ito kay Luke.

      “Sabi— Sabi ni Simon Laurente, matagal ka nang patay. Kasama din ba iyon sa kasinungalingan niya?”

      Linayo ni Eunice ang kanyang sarili sa anak at umiling ito.

       “I can explain everything, anak… I know— I know mahirap pa rin sayo paniwalaan lahat ng ito. But I’m alive. Pinili kong magtago dahil nanganganib ang buhay ko kay Simon.”

      “Nanganganib? Ibig sabihin mali din ang sinasabi niyang ikaw lang ang tanging mahal niya? Gagawa talaga siya ng mga kwento para lang makuha ang simpatiya ng isang tao?”

     Tumango si Eunice sa tinuran ni Luke at hinawakan niya ang kamay nito.

       “Gusto kong malaman mo na lumayo ako hindi para pabayaan ka… Kundi para maligtas ang ka mula sa kanyang kamay. Hindi ko gustong ilagay sa panganib ang buhay mo anak. Pero kahit anong gawin kong pagtatago sayo, nahanap ka pa rin niya. And I can’t let him do what he wants from you.”

     “Hindi niyo manlang ba naisip kung gaano kasakit sa akin na mabuhay na iniisip kung sino ba talaga ang tunay kong mga magulang? Naisip niyo ba na habang lumalaki ako, kinukutya ako ng mga kaklase ko, ng mga kapitbahay namin. Bakit iba ako sa pamilyang nagpalaki sa akin? Bakit niyo ako nagawang iwanan? Bakit hindi niyo ako pinanindigan!”

    Lumabas ang matagal na kinikimkim na emosyon ni Luke sa harapan ng kanyang ina na lalong nagpaluha dito. Lumuhod ito sa kanyang harapan at masugid na humingi ng tawad sa kanya.

     “I know you can’t forgive me for what I have done. Hindi ko gustong ilayo ka sa piling ko, Luke. But Simon will come to us… At kapag nahanap niya tayong dalawa, pilit niya rin tayong paghihiwalayin. At ayokong patuloy kang mabuhay na iniisip na pinabayaan kita sa kamay ni Simon. And you will grow up in his evil hands.”

     Pinatayo ni Luke si Eunice at tumango lamang ito sa mga sinabi ng kanyang ina.

      “Alam kong masamang tao si Simon Laurente. At kailanman, hindi ko nanaising maging katulad niya. Hindi niyo kailangang lumuhod sa harapan ko. Alam kong mahirap din ang inyong pinagdaanan.”

    Napangiti naman si Eunice at ginagap ang mukha ng kanyang anak. Pinagmasdan niya ang bawat detalye nito at napangiti.

     “You grown up to be like an angel.. Kuhang kuha mo ang mga mata ko at ang ilong ko.. And you have your father’s lips and his manliness.”

     “Para nga po akong nananalamin ngayon eh— Hindi ko pa rin akalain na makakaharap kita ngayon.”

     Napangiti lalo si Eunice habang may luha pa rin sa kanyang mga mata. Luha ng kaligayahan na kasama na niya sa wakas ang kanyang anak.

      “Pareho tayong nagulat nang biglang magpakita si Eunice sa akin… Your mother is a very strong woman, Luke. At alam kong namana mo rin sa kanya ’yun. You stand for what is right.”

    Napangiti naman si Luke sa kanyang tiyuhin na nakangiti lang din sa kanilang dalawa.

     “Where is Winchester? Akala ko ba magkasama kayong dalawa?”

     Agad namang sumulpot si Winchester na kanina pa pala nakamasid sa pagtatagpo ng mag-ina at ngumiti ito sa kanilang dalawa.

     “That was a beautiful reunion, Tita Eunice. Alam kong mapapatawad ka ni Luke. That’s how kind your son is.”

     “Oo kaya naaabuso ako niyan.. Ako pa pinaghuhugas ng pinagkainan niyan eh.. Pati brief ako pa naglalaba.”

     Napatawa naman si Eunice sa tinuran ni Luke at si Winchester naman ay pinamulahan sa sinabi ng kanyang nobyo. Maging si Leonard ay hindi na rin napigil na makitawa.

     “Hay naku— I’m just so glad that my son is with me now… At alam kong marami siyang gustong itanong sa akin. But the food is getting cold so why don’t we have dinner? Shall we?” anyaya ni Eunice na sinangayunan lang ng lahat.

     Puno ng tawanan ang hapagkainan ng pamilya Hernandez. Ang kakwelahan ni Luke at ang palagiang pamumula ni Winchester sa tuwing may nakakatawang sinasabi si Luke.

     “Itong si Winchester.. Napakaaksaya sa pera.. Alam niyo isang maliit na butones binid niya ng isang milyon?”

     “That’s because you’re stalker wants to show me that she can have you… Kaya pinapakita ko lang sa kanya ang kaya kong gawin.” pagdepensa naman ni Winchester sa kanyang sarili.

     “Alam mo namang pogi tong boyfriend mo… Syempre marami talagang maghahabol…”

      “Pinagyabang mo pa talaga sa harap ng Mommy at Tito mo.”

     Napapangiti naman si Eunice at Leonard sa kakulitan ng magnobyo.

      “Eh ano naman magagawa nila? Kahit anong habol nila, ikaw na ang nakahuli ng puso ko.”

     Muntikan pang masamid si Winchester dahil sa hiyang nararamdaman niya na kinatawa naman ni Leonard at Eunice.

     “You are the sweetes couple I’ve ever seen.. Parang tinalo niyo pa lahat ng mga loveteams noon.” saad ni Eunice na tinanguan lang ni Leonard.

     “Huwag niyo masiyadong gagalingan. Natetempt na tuloy akong maghanap ng mapapangasawa ko.” kindat pa ni Leonard sa magkasintahan na kinatawa lang ni Luke.

      “Bilis bilisan mo na Tito… Baka maunahan pa kita sa kasalan.”

     Nagkatinginan si Eunice at Leonard at muling bumaling sa magkasintahan.

      “Pumayag na po si Luke na pakasalan ako.”

     Napatayo naman si Eunice sa kanyang upuan at hinalikan sa pisngi ang kanyang anak at si Winchester.

     “Oh my God!! I’m so happy for the both of you.. I don’t care about the norms.. All I know is you both love each other. And I will always be here to support your relationship.”

     Napangiti ang magkasintahan sa isa’t-isa at para bang isang panaginip ang lahat ng nangyayari para kay Luke.

      Sa ilang saglit pa lang na kasama niya ang kanyang ina, ang kanyang tiyuhin at ang kanyang nobyo, tila naglaho lahat ng sakit at pighati na naranasan niya bago pa ang sandaling iyon.

   

Itutuloy…

Chapter XXXV

Hernandez Residence

“Simon is not your father, Luke. Pinalabas ko lang sa Daddy ko na siya ang ama mo. Simon knows that you are not his son dahil kahit kailan walang nangyari sa aming dalawa. It is all part of his game.” pagsiwalat ni Eunice ng katotohanan sa harapan ng kanyang anak at ng kasintahan nito.

Nanlalaki ang mata ni Luke at Winchester. Nagkatinginan ang dalawa dahil hindi nila maunawaan ang sinasabi ng ginang sa kanila.

“Marcos Castillo.. He was my lover. But unfortunately, isa lang siyang family driver ng mga Hernandez. Dad wants me to be married to someone in the circle of aristocrats. Pero hindi ako pumayag. And when he forced me to do so, nalaman kong nagkakagusto sa akin ang anak ni Thomas Laurente. Si Simon. And I taken that opportunity. Para itago ang totoo kong relasyon kay Marcos. But due to my actions, nabuntis ako ni Marcos and I had to find a way.”

“That’s why you coerced with Tito Simon that he is the father of your son… And in exchange, he will marry you off? Pero nagbago ang isip mo after finding out what he really is.” dugtong ni Winchester sa naputol na sasabihin ni Eunice.

“And when you changed your mind, it was too late. Tito Simon was eyeing the wealth of the Hernandez for too long..”

“Natatakot ako sa pwede niyang gawin sa anak ko… He will treat him like his puppet. At ayokong mangyari yun kay Luke. So I told my Dad about Simon getting me pregnant at iyon ay sobrang kinagalit niya. He doesn’t want to be associated with DLM Group.”

Tiningnan lang ni Winchester ang mukha ng kanyang nobyo. Alam niyang nahihirapan itong iproseso lahat ng kanyang nalalaman.

“Simon is not just a drug dealer, Luke.. He is also managing an underground black market of weapons and machines that are banned by all governments. Kaya natatakot ako. I was scares that he will make you into his rotten legacy.”

“You don’t need to worry about that now, Tita.. Alam na ng lahat ng government agencies ang tungkol sa illegal activities ni Tito Simon… And we collected enough evidence para mapatunayan na siya ang nagpapatakbo ng mga iyon.. And I have spoken to all the shareholders in a secret meeting at alam na nilang lahat ang ginagawa ni Tito Simon. And they unanimously voted for his ouster. And since Achilles is the CEO of the company, and he is his legal son, itratransfer kay Achilles lahat ng assets and properties niya dahil na rin sa kasunduan ni Dad at ni Sir Thomas before they built DLM Group from scratch. That rule was also applied to me.”

Napangiti naman si Eunice sa naging paliwanag ni Winchester. Nagpapasalamat siya at mabilis ang naging pagkilos ng nobyo ng kanyang anak.

Hinawakan niya ang kamay ni Winchester at ngumiti din naman ang binata sa ginang.

“Thank you for doing this, Winchester. Alam kong ikaw lang din ang makakagawa nito para sa anak ko. And for Simon to be stopped already. Hindi natin alam kung anong susunod niyang gagawin.”

“Sigurado akong naghahanda na siya sa pagpapakilala niya sa akin sa susunod na araw. Hindi ko talaga akalain na gagamitin niya ako para lamang sa sarili niyang kagustuhan. Napakasama niya.”

   Napakuyom nalang ng kanyang palad si Luke at tiningnan naman siya ni Eunice na may pagkabahala.

    “Luke.. Kung ano man ang iniisip mo, huwag mo na munang gawin. Kailangan nating mag-ingat.”

    “May plano na ako para sa party… And each one of you have to listen.. It will be the downfall of Simon Laurente. And if we get lucky, you can slap him in his face as much as you want.”

    Saad pa ni Winchester sa ina ng kanyang nobyo na kinangiti lamang nito. Maging si Leonard ay hindi na rin makapaghintay sa mga mangyayari.

   


  

    Laurente Mansion

   

   Magkasabay na tumapak si Taron at Jacob sa hagdanan ng mansion at sinalubong naman sila ng mga kasambahay na yumukod sa kanilang harapan.

     Pinapasok sila ng tagapamahala ng mansion at agad namang nagliwanag ang mukha ni Jacob nang makita niya ang ama at ina na nakaupo sa malaking sala ng mansion at hinihintay ang kanyang pagdating.

     Yinakap siya ng mga ito ng mahigpit dahil sa matagal din silang nagkawalay.

     “Ay Diyos ko!! Salamat naman at nandito ka na anak… Miss na miss na kita..” lingkis ni Chona sa kanyang anak at mahigpit din itong yumakap sa kanya.

     “Sorry Ma… Sorry Pa… Alam kong malaki ang kasalanan ko sa inyo.. Wala manlang akong nagawa para sa inyong dalawa. At ngayon naipit pa kayo sa ganitong sitwasyon.”

    Umiling lang si Oscar at hinimas ang likuran ng kanyang anak habang pinipigilan nito ang umiyak.

     “Wala kang kasalanan.. Kami ang nagkulang sa pagiging magulang namin sa inyo.. Hindi namin alam na malalim na pala ang tampo mo sa amin. At kahit ano pang nagawa mo, pinapatawad ka na namin anak.”

     Masaya ang naging pagtatagpo ng mag-anak na siya ring kinatuwa ni Taron. Napaluha siya dahil nakaramdam siya ng inggit sa pamilya ng kanyang nobyo.

    “Ah— Mama, Papa… Siya nga po pala… Si Taron po… Ano— Boyfriend ko po.”

    Nagkatinginan si Chona at Oscar sa huling nasambit ng kanilang anak.

    Naglakad si Chona papalapit kay Taron at agad niya naman itong hinawakan sa magkabilang kamay at ngumiti.

    “Taron— Kinagagalak kitang makilala… Salamat at ikaw ang tumulong sa anak namin habang narito siya sa siyudad. Alam kong hindi ito ang magandang panahon ng pagtatagpo natin pero masaya ako para sa inyo ng anak ko.”

   Hindi naman inaasahan ni Taron na ganoon din kabilis siyang tatanggapin ng pamilya ng kanyang nobyo na kinatuwa niya at tunango tango lang siya sa ginang na kaharap niya ngayon.

    “Ikaw ba’y pinapasakit ang ulo nitong bunso namin, Taron? Sabihan mo lang si Papa Oscar mo at ako mismo magdidisiplina diyan.” usal naman ni Oscar na kinatawa lang ni Taron at ni Chona.

   Napakamot naman ng ulo si Jacob at umiling lang sa narinig mula sa kanyang ama.

    “What a pleasant surprise? And what a lovely looking family.” saad ng isang malalim at maotoridad na boses.

    Naglakad naman palapit sa kanila ang pinangagalingan nito at biglang nagbago ang pakiramdam ng lahat sa paligid.

     “Taron and Jacob… Mabuti naman at nakapunta kayo.. I was actually sending the two of you the invitation to my son’s party this weekend..”

    “Talagang sinakal mo na ng tuluyan si Luke.. Gagawin mo talaga lahat para lang makuha ang gusto mo!” hindi napigilang magalit ni Jacob nang makaharap si Simon.

    “That attitude will not take you far in this world, Jacob.. Hindi ka ba tinuturuan ng “boyfriend” mo na maging mahinahon?“ panunuya pa ni Simon na lalo lang kinagalit ni Jacob at pinigilan naman siya ni Taron.

    “We’re just here for his parents, Mr. Laurente.. And you are holding them against their will.. Do you think this will go without prior actions?” paghahamon ni Taron sa lalaking kaharap nila na napangisi lang.

    “Well, you can take them if you like… Wala na rin naman silang silbi sa akin. I’ve got what I needed from them. Pero sila na mismo ang nakiusap na manatili dito hanggang sa araw ng party ni Luke. And I am a hospitable man. I took them in.”

    “Gusto lang naming makasama si Luke kahit sa sandaling panahon lang. Kaya hiniling namin na manatili na muna dito.” pagpapatunay ni Chona sa sinabi ni Simon.

   “At hinahayaan niyo lang siyang pagsalitaan kayo na para bang mga alipin niya kayo? May araw ka rin, Simon Laurente… At kapag dumating ang arawa na ’yun.. Ako ang unang sasapak sa mukha mo!” banta ni Jacob na kinangisi lang lalo ni Simon.

    “I’m scared of your threats.. Magpasalamat ka na mabait pa ako sa inyo.. Huwag mo nang hintayin na makita mo kung ano talaga ang kaya kong gawin.”

    “Jacob— Were leaving here.. Wala tayong magagawa kung gustong magpaiwan ng mga magulang mo dito.” usal pa ni Taron habang pinipigilan ang nobyo na gumawa ng maling hakbang.

    “Listen to your boyfriend, Jacob.. You had your welcomed stay.. Leave before I do something you wouldn’t like.”

    Tinaliman lang ng tingin ni Jacob si Simon bago siya higitin ni Taron at tuluyan silang lumabas ng malaking mansion.

    Habang pababa ay inaalis ni Jacob ang kamay ng kanyang nobyo.

     “Nakita mo ba kung paano niya lang tayo ituring? Akala niya kontrolado niya ang mga buhay natin?”

    “Jacob! Hanggang kailan ba ako makikiusap sayo? Pigilan mo ’yan galit mo! Hindi natin kilala si Simon Laurente at hindi natin alam ang kaya niyang gawin sa ating lahat! Hindi mo ba naisip na pwede niya tayong ipapatay o ipakulong with just one snap of his hand?”

   Doon lang humupa ang galit ni Jacob nang makita niya ang galit na mukha ng kanyang nobyo. Hindi niya lang talaga mapigilan ang kanyang sarili na magalit sa mga taong gumigipit sa kanya at sa kanyang pamilya.

    “Kapag kinakanti na ang pamilya ko, hindi ako tatahimik na lang.. Kung kaya kong basagin ang mukha ng gagong ’yun, ginawa ko na.”

    “And what? Kapag nagawa mo na, you think you can just get away with it? Sa tingin mo ba patatahimikin ka niya? Ang buhay ng pamilya mo?”

    Doon lang napagtanto ni Jacob na malaking tao nga talaga ang binabangga niya at hindi siya nag-iisip kapag lubusan na siyang nagagalit.

    “Hindi ko lang mapigilan ang magalit, Taron.. Hindi ko ginusto ang ganitong sitwasyon para sa ating dalawa. Para sa pamilya ko. Prinoprotektahan ko lang sila.”

    “But you have to do it the right way, Jacob— Hindi puro galit na lang ang papairalin mo… It scares me a lot seeing you loose control. Para kang isang tigre na nakawala sa kanyang hawla.”

    Agad namang kinabig ni Jacob si Taron at niyakap niya ito ng mahigpit. Umiiling si Jacob habang yakap ang kasintahan.

   “Sorry— Alam kong mali ang mga kinikilos ko minsan. Pero ganun ang pagkatao ko, Taron. Matapang ako at hindi ako umaatras kung alam kong nasa tama ako.”

    “I know that… But I don’t want you to act so foolish and immature. Baka iyan pa ang ikapahamak mo. Nag-aalala lang ako sayo.”

   Tahimik ang magkasintahang nagyayakapan at hindi nila namalayan na dumating na ang kotse ni Achilles na lulan si Luke.

    Napalukot ang noo ni Luke nang makita niya ang dalawang binata na nagyayakapan.

     Ginarahe ni Luke ang sasakyan ni Achilles at dahan dahang lumapit sa kinatatayuan ng magkasintahan at hindi niya mapigil na mapangiti dahil parang maamong tupa si Jacob habang yakap niya si Taron.

     Mahina niyang tinawag si Jacob at naagaw naman agad ang atensiyon nito at nakita siyang sumisenyas.. Tumakbo si Jacob papunta sa kinaroroonan ni Luke at maging si Taron ay sumunod na rin.

     “Luke? Anong ginagawa mo rito sa labas? Akala ko ba nakakulong ka sa loob ng mansion?”  usisa ni Jacob nang makaharap na niya ang kapatid.

     “Mahabang kwento… Nagkita na ba kayo ni Mama at Papa?” tanong pa niya habang tinitingnan ang papalapit na si Taron sa kanilang kinatatayuan. Isang madilim na sulok ng mansion.

     “Oo– Pero ayaw nilang sumama sa akin.. Hihintayin daw nilang matapos ang party mo.” sagot ni Jacob at napabaling ito ng tingin nang dumating si Taron ng tuluyan.

     “Ano— Si Taron nga pala… Syota ko.” nahihiyang pagpapakilala ni Jacob kay Taron na kinangiti lang naman ni Luke.

     “Kilala ko na siya— Kaibigan siya ni Winchester… At nagkasalubong na rin kami ng ilang beses.”

      “How is Winchester? We talked earlier on the phone… He said he was doing something very important.”

     Tumango lang si Luke kay Taron at muling humarap sa kanyang kapatid.

      “Makinig kang mabuti… Kailangan mong pumunta dito sa party.. May mahalagang bagay kang malalaman. At isa pa— Doon din gaganapin ang kasal namin ni Winchester.”

    Napaawang ang bibig ni Jacob at maging si Taron ay nagulat din sa kanyang nalaman.

      “Ano? Ikakasal na kayo ng syota mo? Hanep ka ah?! Ang bilis mo atang kumilos, Luke.”

     Napangiti lang si Luke at pinakita niya sa kapatid ang engagement ring nila ni Luke.

      “Ayoko na ring patagalin pa.. Tsaka sigurado naman ba akong si Winchester na ang gusto kong makasama habambuhay.”

      “I’m happy for the both of you, Luke… Alam kong aalagaan mo ang kaibigan ko. And if you ever hurt him, malalagot ka samin ng kapatid mo.” pagbibiro pa ni Taron na sinang-ayunan naman ni Jacob.

     “Magkakabayaw na pala ako.. Pero ano bang mangyayari at parang gusto mong mapanood namin?”

    Ngumiti lang si Luke sa kanyang kapatid at sinagot din ang tanong nito.

     “Ang pagbagsak ni Simon Laurente. At ang katahimikan ng ating mga buhay.”

   


      

Sinagot ni Simon ang tawag mula sa kabilang linya at nagulantang siya sa narinig niya mula rito.

     “Sir… The factory was raided just now.. Tinangay nila lahat.. It was an entrapment operation. It was General Abisamis order. Wala kaming nagawa to stop them”

    “Mga inutil talaga kayo! I told you to watch over the people that you are hiring as dealers! This is not what I expected.. Not now that I have my hands on everything!”

     At binaba niya ang tawag at humithit ng sigarilyong hawak niya. Hindi nagtagal ay muling tumunog ang kanyang cellphone at nakita niya ang pangalan nito sa screen.

     Sinagot niya ito at piniling kumalma.

    “Winchester… Napatawag ka.. What can I do for you?” malumanay na saad niya na kinaismid lang ng binatang nasa kabilang linya.

     “I’m just here to inform you that the shareholders have decided to cast you out as a member of DLM Group.. And as the rules of the company, Achilles Laurente will continue as the CEO of DLM Group and all your assets and properties will be freezed until you are proven guilty by the court. I am not talking as the legal counsel of the company, but as the major shareholder.”

     “You can’t do this to me, you will pay for this. You have all crossed the line!”

    Ibinato ni Simon ang kanyang cellphone at hindi ininda ang paso na nakuha niya mula sa paglukumos niya ng sigarilyo hawak niya.

     Hindi iyon ang katapusan ng kanyang mga hinahangad sa buhay. Hindi iyon ang katapusan ng uhaw niya sa kapangyarihan.

     Naglakad siya patungo sa kanyang silid at agad niyang kinuha ang isa pang cellphone.

     May tinawagan siyang mga tao at nang sundin na nito ang ipinagutos niya… Napangiti siya.

     “Lets see who will win this game, Winchester.”

   

 

Itutuloy…

XXXVI

Laurente Mansion

      

Pinauna ni Luke si Jacob sa kotse ni Taron at sinunod naman iyon ng kanyang kapatid. Naiwan sila ni Taron sa madilim ba bahaging iyon ng mansion.

      “Gusto ko lang sanang linawin ang lahat sa pagitan natin. Alam kong may pagtingin ka noon kay Winchester. Nakita kitang umakyat noon sa hagdanan ng mansion at naabutan mo kaming magkayakap ni Winchester. Gusto ko lang humingi ng tawad kung sakaling nasaktan man kita? Totoo ang intensiyon ko kay Winchester at mahal na mahal ko siya.”

    Napangiti lang si Taron at tinapik niya ang balikat ni Luke bago sumagot dito.

     “He was never meant to be mine, Luke. Alam kong hanggang pagkakaibigan lang ang aming magiging relasyon. I known him since we were in highschool at alam kong kontrolado niya lahat ng gusto niya sa buhay. But when he met you, I know something has changed in him. Nagkaroon siya ng buhay. He had this urge to change the way he thinks. At siguro dahil sa pagkakakilala niya natuto na rin siyang magmahal.”

     Linahad ni Taron ang kanyang kamay kay Luke at tinanggap naman ito ng huli.

    “He has chosen you because he found something in you that no one can give him. At nahanap ko na rin ang para sa akin. We are still going to be a big family anyway. Kaya sana, huwag mong paiiyakin ang bestfriend ko?”

     “Eh kung kayo namang dalawa ni Jacob ang bubogbog sa akin, magdadalawang isip talaga ako.”

     Nagkatawanan ang dalawa at tuluyang pumunta si Taron sa kanyang kotse. Napapalukot naman ang noo ni Jacob dahil sa ngiti ng kanyang nobyo.

     “Mukhang may usapan na kayo ng utol ko ah? Kasali ba ako dun?” usisa pa ni Jacob habang pinapaandar ni Taron ang kotse at ngumiti lang ito sa kanya.

       “It was just a good talk with your brother.. At hindi ka kasali dun.. Kaya huwag ka nang magtanong.”

      “Nakakaselos naman…” kunyaring tampo ni Jacob na lalong kinangiti ng kanyang nobyo.

     Habang mabilis namang pumuslit si Luke sa sekretong daanan ng mansion pabalik sa kanyang kwarto. Wala na doon si Achilles. Matagal siyang nawala kaya marahil ay nabagot na ito.

     Ngunit nagulat siya nang matagpuan niya sa couch ng kanyang kwarto si Simon at may hawak na baso ng alak.

     Napabaling ito ng tingin sa kanya at napangiti.

       “Nahanap mo pala ang secret passage ng mansion.. Mabilis kang matuto, Luke. That’s what I like about you.. Anak nga talaga kita.”

      Hindi natakot si Luke na lapitan si Simon at umupo sa harapan nito.

      “When I was your age, I was working in DLM Group as the Vice President for Marketing. And I was able to get a lot of praise dahil sa magagandang marketing strategies na prinepresenta ng aking team during meetings. Isa ako sa pinakamagaling na empleyado ng DLM. But sadly, hanggang doon lang ang role ko. Because the Del Mundos has more control over the company. So— I decided to take on another route… And I succeeded. I feel more valued. I feel more needed by those people who wants to be a part of that business I built on my own.”

     Hindi umimik si Luke at pinanood niya lang ang lango na sa alak na si Simon na ngumingisi habang linalahad sa kanya ang nakaraan.

     “Now that you are here… I will make sure that you will also follow the steps that I had taken. Ikaw ang magmamay-ari ng lahat ng meron ako.  And I will not let Winchester Del Mundo destroy everything I worked hard for!”

    Nagulantang si Luke dahil sa huling mga sinabi ni Simon.

     “Anong binabalak niyong gawin kay Winchester? Nasisiraan ka na ba talaga ng bait?”

    Umiling lang si Simon at tumayo ito upang tapikin ang mukha ni Luke at tumawa ito ng malakas.

     “He will never stop me from getting what I want…”

     Hinapit ni Luke sa kwelyo ang lalaking kaharap niya ngayon at tumaas lang ang kilay nito habang nakangiti.

     “Subukan mong saktan si Winchester at ako na mismo ang tatapos sa kahibangan mo!”

     Malakas niya itong itinulak at napasalampak ito sa sahig na lalo lang nitong kinatawa.

     “That will be too late… He’s gonna be dead before you even do that.”

    Mabilis na lumabas si Luke ng kwarto ngunit may nakaharang nang mga bodyguards sa pintuan ng kwarto niya. Tatadyakan na sana niya ang isa sa mga ito ngunit napigilan siya agad ng isa pang kasamahan nito at agad na ibinalik sa kanyang silid.

    Pinusas ng mga ito ang kamay niya at pilit siyang kumakawala.

     “Hayop ka talaga! Kahit anong gawin mo, hindi mo makukuha ang gusto mo kahit kailan!” sigaw ni Luke kay Simon na pasuray suray na lumalabas ng kanyang silid.

     Lumingon pa itong muli sa kanya at nagsalita.

    “I already have you, Luke… Wala na silang magagawa kundi ibigay sa akin ang lahat ng gusto ko.”

    


     Tailor Shop

     

Abala si Achilles sa pagpili ng ipapasukat niyang suit para kay Pipo samantalang nakaupo lang ang huli sa lounge ng shop ng iyon.

     Napili niya ang itim at grey na kulay na babagay sa balat ng binatang nagpapatibok ng puso niya.

      Dinala niya ang mga iyon sa harapan ni Pipo at napaawang naman ang bibig ng binata.

     “Seryoso ka ba talaga? Iyan ang ipapasuot mo sa akin?” tanong ni Pipo kay Achilles at tumango lang ang binata sa kanya.

     “Do I look like I’m joking? Hindi ba sabi ko sayo, dapat presentable tayong haharap sa mga bisita sa party ni Luke?” usal naman ni Achilles na kinakamot lang ni Pipo ng kanyang ulo.

     “Eh ang mahal naman kasi ng mga ’yan.. Tsaka paano kung madumihan ko ’yan?”

      “I’m buying it for you— So you don’t have to worry about that.” pagkumbinsi pa ni Achilles na kinalunok naman ni Pipo. Tinanggap niya ang mga iyon at tiningnan ang price tag na nakasulat sa card na nakasabit dito.

     P50,000.. Nanlaki ang mata ng binata ng makita niya ang halaga nito.

     “Napakamahal naman nito— Pwede naman kasi yung barong na lang ang isuot ko?”

      Tinaasan na ni Achilles ng kilay ang binata kaya wala na itong nagawa kundi sumunod dito. Ano pa bang magagawa niya? Ayaw niya rin naman sumama ang loob nito sa kanya. Hindi lang siya sanay sa ganitong klaseng atensiyon na ibinibigay sa kanya ni Achilles.

      Matapos niyang maisukat ang dalawang suit at napili niya ang itim na suit na bagay talaga sa kanya at sakto lamang sa hubog ng kanyang katawan.

      “You look so handsome wearing that..” puri ni Achilles kay Pipo na kinapula ng pisngi nito.

      “Ngayon pa lang ako nakapagsuot ng ganito.. Hanggang ukay-ukay lang naman kasi ang kaya ko.” sabay kamot pa ng ulo nito at napansin ni Achilles na mahaba na pala ang buhok nito.

      “Lets buy that one and we will go to a salon.. You need a haircut.”        Kinuha ni Pipo ang kamay ni Achilles bago pa man siya nito pabalikin sa fitting room.

     “Gusto ko lang malaman mo na nagugustuhan ko ang mga bagay na binibigay mo sa akin. Pero sana hayaan mo rin akong ipakita sayo ang mga bagay na kaya kong ibigay.”

    Nakaramdam ng saya sa puso si Achilles nang marinig niya iyon mula kay Pipo.

      “Well— Kung may kaya kang ibigay… You can give it to me whenever you want. Hindi naman ako—”

    Hindi na nagawang ituloy pa ni Achilles ang sasabihin niya dahil nasakop na ni Pipo ng tuluyan ang labi niya. Pumasok silang dalawa sa fitting room at doon ay mas masuyo silang naghalikan. Ramdam ni Achilles ang paginit ng kanyang katawan kaya pinigilan niya iyon at inilayo si Pipo sa kanya.

   “That was a surprise… Ang galing mo palang humalik.”

     Napayukod naman si Pipo dahil sa hiya na kinatawa lang ni Achilles.

     “Aki— Seryosong tanong lang… Gusto mo ba talaga ako? Ilang araw pa lang tayong nagkakakilala pero ganito mo na ako tratuhin.”

    “Its not about the time we spent together that matters to me, its the feelings that I developed towards you. Hindi ko din alam kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko para sa’yo. But I— I really do like you..”

    Tumango lang si Pipo at inabot ang kamay ni Achilles at pinisil ito.

      “Payag na ako— Basta hindi lang tayo magmamadali sa mga bagay. Sana hayaan mong makilala muna natin ang isa’t-isa? Ayos ba yun sa’yo?”

    Tumango lang din si Achilles at ginawaran ulit ng mabilis na halik sa labi ang binatang nasa harapan niya.

      “I can live with that— Pero sana bilisan na natin para makaabot pa tayo sa salon. Its getting late.”

     Natawa naman si Pipo at maging si Achilles ay natawa na rin sa kanyang sarili.

      


     Del Mundo Mansion

   

  “He’s gonna do something stupid— Nararamdaman ko ’yun Kuya.. Baka ipapatay ka niya or ipakidnap just like crazy guys in the movies do.” saad ni Gianna kay Wimchester habang nasa study room ang dalawa.

    Binabasa ni Winchester ang mga kontratang pinirmahan ni Simon na nakakonekta sa mga ilegal na gawain nito. Kita niya na halos 20 Billion din ang nalustay na pera ng kompanya para sa mga proyektong hindi naman natuloy at panigurado siyang pumasok lahat ng iyon sa ilegal na negosyo ni Simon.

     “Gianna, I know that he will be desperate.. And I know he has the capacity to order someone and kill me, but he can’t hurt me when I know I have something that will make him surrender or kill himself.”

    Linahad ni Winchester ang ilang litrato na maseselan kay Gianna at hindi rin ito makapaniwala.

      “What the— is this an orgy? OMG!! That’s the Senator Garcia right there… And some DLM Executives?”

      “Yes— He is somehow experimental.. And I got this from one of the executives who recorded the whole orgy scene. Ayaw niyang matanggal siya sa kanyang position so he had no choice but to surrender this to me.”

     Napapailing si Gianna sa kanyang mga nalaman.

      “He is a spawn of the devil… Mukhang may sira na talaga siya sa utak.”

        At bago pa man makasagot si Winchester ay isang malakas na pagsabog ang narinig niya na kinataranta naman ni Gianna. Tumakbo papunta sa labas ng study si Winchester at sinalubong siya ni Tony.

     “Your car was planted with a bomb… Mabuti nalang at nacheck ni Ronald ang mga kotse nang maglinis siya.. But there was only a few seconds left before the bomb exploded.. Nasira ang buong garahe and a part of the mansion is burning right now.”

      Napahawak si Gianna kay Winchester at si Winchester naman ay nanginginig sa takot at galit.

      “Is the firetruck coming? This place is not safe anymore.. We should move somewhere. Alam kong hindi titigil si Simon hanggang di niya nagagawa ang gusto niya.”

     “Sinabi ko na sa’yo.. That man is insane.” takot na sambit ni Gianna habang pilit sitang kumakalma dahil sa takot na naramdaman niya.

     “Sa mga Hernandez muna tayo… I know he wont suspect us being there. Until Luke’s party. Nakaplano na ang lahat sa araw na iyon. He will pay for what he did today and everything else he did before this.”

    Sumang-ayon si Gianna at Tony sa suhestiyon ni Winchester.

     “I can’t believe this is happening.. I’m about to get married with Bobby tapos mangyayari pa ito?”

    “Hindi lang ikaw ang ikakasal Gianna… I am marrying Luke too.”

     Napaawang ang bibig ni Gianna sa linahad ni Winchester sa kanya.

      “Are you making a joke in this situation, Kuya?”

      “No— I am marrying Luke and it will happen in his party.”

       Hindi na alam ni Gianna kung magtatalon ba siya sa tuwa o manginginig sa takot dahil sa mga nangyayari.

     “But we have to take down Simon Laurente first before it happens.”

    


     Breaking News

      

Business tycoon Winchester Del Mundo’s mansion has been burning since early morning due to a bombing incedent. The bombing is still under investigation. Meanwhile, one of the employees of the mansion was a casualty of this unfortunate incedent. No words coming from the media representative of the family and they are believed to be missing.

       Napahawak sa bibig niya si Chona nang marinig niya ang balita. Yinakap siya ni Oscar at  ramdam ng padre de pamilya ang takot na nararamdaman ng kanyang asawa.

      “Wala na talaga sa tamang pag-iisip si Sir Simon.. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin. Si Luke— Natatakot ako sa gagawin niya sa anak natin.”

     Yinakap lang ni Oscar ang kanyang asawa habang nasa isang silid sila at pinapanood ang balita.

     Natapon naman ni Taron ang hawak niyang bowl habang pinapanood ang balita tungkol sa pagsabog na naganap sa mansion ng mga Del Mundo.

    “Jacob! Jacob!” tawag ni Taron sa kanyang nobyo na nagbibihis sa kwarto nila pagkatapos nitong maligo.

    “Bakit? Anong nangyayari? Bakit namumutla ka?” tanong ni Jacob na may pag-aalala sa kanyang nobyo.

     Agad na tinungo ng dalawa ang sala kung saan naroon ang telebisyon.

      “Hayop talaga ang Simon na ’yan! Alam kong siya ang gumawa niyan kay Winchester… At ngayon nawawal sila? Paniguradong mawawala din sa katinuan si Luke kapag nalaman niya ito.”

     “Its better na huwag na muna nating ipaalam kay Luke.. Baka nagtago lang si Winchester at ang pamilya niya sa ligtas na lugar. This is sick!”

    Habang naghuhugas ng mga plato si Mamu ay nabitiwan niya ang hawak niya na dahilan upang mabasag ito. Nakikinig siya sa telebisyon at nang marinig niya ang nangyari pagbomba sa mansion ng mga Del Mundo ay hindi niya mapigilang matakot.

    “Jusko! Tabang! Sana maayos lang si Winchester.. Sino namang baliw ang gagawa nito sa kanya? Kapag talagang nalaman ko yung babaeng mukhang ostrich ang gumawa nito, kakalbuhin ko talaga lahat ng buhok niya pati bulbol niya!”

    Gigil na gigil si Mamu at gusto na sana niyang tawagan si Luke para ipaalam ang nangyari ngunit nagaalangan din siya dahil alam niyang mahirap din ang pinagdadaanan ng kanyang alaga.

   


     Hernandez Residence

   

  Hindi mapakali si Eunice habang palakad lakad siya sa harapan ni Winchester at pinipilit naman siya nitong pakalmahin.

     “I should go there! Ako lang ang makakabawi sa anak ko… He is getting insane. Hindi ko na kayang paabutin hanggang sa party ang pagpapakita ko kay Simon. Natatakot na ako para sa kaligtasan ng anak ko.”

    “Eunice! We have to stick to our plan! Hindi tayo pwedeng sumugod nalang dun and fall for his trap. I know he did this because somehow Winchester will come to him and that will be his masterplan complete. Nakuha niya si Winchester.. He will make him sign an agreement. Kapalit ang buhay ni Luke. He knows how to manipulate people. And we have to outwit him with that!” hayag ni Tony sa kanyang naiisip.

   “Tama po si Tony, Tita Eunice… Kailangan po nating mag-ingat. Now that he showed what he is really capable of doing, he has to be stopped. And he will continue with that party. Tito Leonard got the invitation already. So the show will go on. Now all we need to do is surprise him with our own party.”

    Napangiti naman si Gianna sa naisip ng kanyang kapatid.

     “I will make you pretty like a goddess Tita Eunice… And we will make sure that monster will gag to death just by looking at you.”

     Hindi naman napigil ni Eunice na mapangiti dahil alam niyang tama ang mga kasama niya sa silid na iyon. Kailangan nilang mag-isip at maging tama ang bawat hakbang nila.

     “Then we take him down beautifully.”

  

   

Itutuloy…

Chapter XXXVII

Laurente Mansion

    Handa na ang lahat para sa party na gaganapin para sa pagpapakilala ni Simon kay Luke sa mga taong may koneksiyon sa kanya. Nilagyan na napakalaking tent ang buong lawn ng mansion at masquerade ang tema ng pagdiriwang kaya inaasahang nakasuot ng maskara ang mga taong dadalo.

    Samantalang sa silid ni Luke ay inaayusan na siya ng isang babaeng inutusan ni Simon na mas lalong ilabas ang kagandahang lalaki niya. Nakaupo lang si Luke sa harapan ng salamin at tinitingnan niya ang mukha niya. Wala siyang ideya kung ano ang nangyayari. Hanggang sa mga sandaling iyon ay iniisip niya pa rin ang kalagayan ng kanyang nobyo. Gustuhin man niyang tumakas, manlaban at magalit, wala iyong magagawa dahil hawak siya sa leeg ni Simon.

     Pumasok naman ito sa loob ng kanyang silid at nakaayos na ito. Isang pares ng itim na suit ang suot nito at nakapaling sa gilid ang kanyang may kahabaang buhok. Nasa kamay niya naman ang isang baso ng alak at sa isang kamay ay hawak niya ang maskarang isusuot nito sa party.

    “The day has come finally… Makikilala mo na ang mga taong magiging parte ng buhay mo ngayon ikaw ay isa ng ganap na Laurente. I can’t wait for them to see how strong my son has grown.”

      Hindi nagsalita si Luke at kinuyom niya lang ang kanyang mga kamao. Gusto man niyang sugurin ang taong nakikita niya sa salamin mula sa likuran niya ay hindi niya iyon magagawa. Kailangan niya na lang magtiwala na gagana ang lahat ng plano ni Winchester.

      “Luke— This is your destiny. Ito ang nararapat para sa’yo. At alam mong nakalatay sa dugo mo ang pagiging isang Laurente.”

     Napaismid lang si Luke dahil alam na niya ang katotohanan. Pinipilit pa rin ni Simon na ipamukha sa kanya na siya ang anak nito.

      “Ama ba talaga kita? Kasi kung talagang ikaw ang ama ko, bakit wala akong maramdamang pagmamahal para sa’yo? Hindi ko alam kung talaga bang ikaw ang ama ko, o nagiilusyon ka lang na anak mo ako?”

     Hindi nakaimik si Simon at parang nahimigan niya sa boses ni Luke na may nalalaman ito. Nilapitan niya ito at pinatayo at iniharap sa kanya.

      “Ako ang ama mo, Luke… At kahit anong isipin mo, ginagawa ko ang lahat ng ito para sa’yo.”

     “Ginagawa mo ang lahat ng ito dahil ayaw mong maiwan mag-isa… Iyon ang katotohanan. Sino ba ang gustong makasama ang taong katulad mo? Makasarili ka! Sarili mong kagustuhan lang ang dapat masunod. At iyon ang hinding hindi mo makukuha. Walang taong susunod sayo ng buong puso. Dahil sakim ka, Simon Laurente.”

     Ibinato ni Simon ang basong hawak niya at sumigaw sa harapan ni Luke na kinatakot naman ng babaeng kasama nila sa loob ng silid na iyon.

      “You really think alam mo na lahat tungkol sa akin? Makasarili ako? Oo— Dahil lahat na lang ng tao na minamahal ko, iniiwan ako.. Like your mother… Ginamit niya lang ako tapos ano? Iiwanan niya na lang ako na parang bula?”

      “Hindi tama na sarili mong damdamin lang ang mahalaga… Dahil hindi ka mamahalin ng ibang tao kung hindi mo ipapakita sa kanila na mahalaga din ang opinyon nila. Mahalaga ang buhay nila. Mahalaga na nauunawaan niyo ang kagustuhan ng isa’t-isa.”

     Umiling lang si Simon at natawa. Hindi niya kailangan ang pangaral ng binatang nasa harapan niya.

     “I’ve had enough of this, Luke.. Make sure that you look good in front of my colleagues.”

      Bago pa man siya umalis sa silid ay may naitanong pa si Luke sa kanya.

      “Sana nakahanda ka nang pagbayaran lahat ng iyong mga nagawang kasalanan. Hindi mo na hawak ang panahon, Simon..”

      Hindi na siya pinansin pa ni Simon at naglakad na ito paalis ng kanyang malaking silid at naiwan si Luke na iniisip pa rin kung ano ang mga mangyayari sa gabing iyon.

    


     Nagsidatingan na ang mahahalagang bisita sa mansion ng mga Laurente at sa silid ni Achilles ay inaayos na din niya ang kanyang sarili. Hinihintay niya ang tawag ni Pipo ngunit hindi pa rin ito nagpaparamdaman sa kanya mula umaga.

    “Ano bang nagyari dun? I thought he’ll be here by now?” may inis na sambit ni Achilles na narinig naman ni Luke ng pumasok siya sa silid nito.

     “Si Pipo ba ang hinihintay mo, Aki?” biglang tanong ni Luke na nagpabaling kay Achilles sa direksyon niya.

     “Luke? How did you manage to sneak out of your room?” tanong ni Achilles at agad na nilapitan si Luke.

      “Sa bintana ako dumaan.. Medyo malaki ang pasilyo at alam ko naman ang posisyon ng kwarto mo mula sa kwarto ko.” ngiti pa ni Luke at kita ni Achilles na may pangamba sa mga mata nito.

     “I know this is not the time to tell this pero may nangyari sa mansion nila Winchester. A bomb exploded in their garage at nasira ang ilang portion ng mansion.”

     “Anong sinabi mo? Teka— Ano— Si Winchester? May— May nangyari bang masama sa kanya?” naging histerikal si Luke at agad naman siyang pinakalma ni Achilles at pinaupo niya ito sa kanyang kama.

     “Just relax okay? Walang nangyaring masama sa kanya. Nasa bahay siya ni Mr. Hernandez kasama ang Mama mo. He will be here tonight.” paniniguro ni Achilles sa binata at hindi naman ito tumigil sa pag-iisip na posibleng may masama nanamang mangyari sa gabing iyon.

    “Sinabi ko na sa kanya na hindi magandang idea na banggain niya ng ganun na lang si Simon Laurente. Napahamak tuloy siya at alam kong hindi titigil si Simon Laurente.”

     Umiling lang si Achilles at ngumiti kay Luke.

     “Hindi na niya tayo masasaktan pa. And I made sure of that.. The police force are just around the corner of the mansion at kapag oras na, they will infiltrate the mansion and Dad’s days as a free man will be over.” kindat pa ni Achilles.

    “Sana nga ito na ang gabing matatahimik na ang mga buhay natin. Sawa na ako sa gulo. Sawa  na ako sa pagiging instrumento ng kasakiman niya.”

      “Lahat tayo sawa na, Luke.. Kaya sana magtiwala ka kay Winchester.. Because I believed in what he can do. And he chosen to be headstrong para ipaglaban ka niya.”

     Napangiti naman si Luke sa narinig niya mula kay Achilles.

      “Narinig ko ang usapan ninyo ni Pipo noong una siyang tumuntong dito sa mansion at siya ang sumalo ng suntok para sa’yo. Hindi ko akalain na magkakasundo kayong dalawa.”

      Ngumiti na lang din si Achilles at umupo sa tabi ni Luke. Linahad niya na isang misteryo din ang pagtatagpo nila ni Pipo.

     “He was there when I really needed someone who I can talk my heart out. At nakita niya ang pinakamababang punto ng buhay ko. And he was their to uplift my spirit. And he makes me laugh. He makes me want to know him more. Iyon ang nagustuhan ko kay Pipo.”

     “Alagaan mo siya, Aki… Dahil marami ding hirap ang pinagdaanan ng kaibigan ko. Ang mangarap na makatapos sa pag-aaral upang maitaguyod din ang kanyang mahirap na pamilya. Iyon lang ang pangarap niya. At siguro ngayon, may kasama na siyang mangarap. At masaya ako na ikaw ’yun. Dahil alam kong sinusubukan mo ring baguhin ang sarili mo.”

    Napatango lang si Achilles at napangiti sa sinaad sa kanya ni Luke.

     “Magkaibigan nga talaga kayo… Pareho kayo mag-isip. Winchester and I are lucky to find guys like the two of you. At sana alagaan mo rin si Winchester dahil mananagot ka sakin kapag sinaktan mo ang kaibigan ko.”

     Nagkatawanan ang dalawa bago pa nila marinig ang pagsasalita ng host ng party ni Luke.

     “Well— The show is about to start…” saad pa ni Achilles bago niya isuot ang kanyang maskara.

   


    

Nasa gate na ng mansion ang mahabang limousine na lulan ang magkapatid na Hernandez at kasama nila roon si Winchester at si Gianna habang si Tony naman ang nagmamaneho nito.

    Inabot ni Tony ang invitation sa mga guwardiya at malaya silang pinapasok ng mga iyon.

    Nasa likod nila ang magnobyong si Taron at Jacob na kinakabahan pa rin sa mga mangyayari sa gabing iyon. Parehas nakasuot ng magarang suit ang magkasintahan at pilit na pinapakalma ni Taron ang nobyo.

     “Can you just relax? Everything will be fine. Kailangan nating magtiwala sa plano ni Winchester.” sambit ni Taron habang inaabot niya ang imbitasyon niya sa guwardiya.

     “Excited lang akong sapakin sa mukha ang Simon Laurente na ’yun. Matapos lahat ng kagaguhang ginawa niya sa ating lahat, dapat lang sa kanyang tamaan nitong kamao ko.”

     “I told you… Control your anger.. Hindi pa ba tayo tapos diyan, Jacob?” taas kilay na saad ni Taron na kinatigil naman ni Jacob.

      “Sorry na— Alam mo namang iba talaga ang galit ko sa taong ’yun. Kikilitiin ko na lang siya para naman hindi ka na magalit.”

     Natawa nalang si Taron sa inaasal ng nobyo at napailing. Tuluyan silang nakapasok sa mansion at nagsisimula na ang kasiyahan.

     Pawis na pawis naman si Pipo na dumating sa gate ng mansion.

     “Bwesit naman na taxi ’yun. Kung kelan malapit na ako saka pa nag-away ang mag-asawa. Bakit kasi sinasakay ng mga driver mga asawa nila sa taxi? Siguradong galit sa akin nito si Aki.”

     Inabot niya sa guard ang kanyang invitation at pinapasok naman siya ng mga ito at sinalubong siya sa bungad ng mansion ni Achilles na kahit nakasuot ng maskara ay nakilala pa rin ni Pipo.

     “Sinadya mo ba talagang paghintayin ako?” kunwaring galit ang boses ni Achilles habang naglalakad siya palapit kay Pipo.

     “Sorry… Nagpaalam pa kasi ako kay boss na hindi ako makakapasok ngayon kaya natagalan ako sa Wild Fire. Tsaka di ko rin nacharge yung cellphone ko kaya di kita natext manlang. May nangyari pa sa taxi na sinasakyan ko papunta rito.”

    Napapatawa naman sa isipan niya si Achilles habang natatarantang magpaliwanag sa harapan niya si Pipo.

     Nilapitan niya ito at niyakap at hinalikan sa noo.

     “You look handsome tonight… And you don’t need to apologize. Alam ko naman na darating ka.”

     “Syempre… Baka ano— Baka masayang tong suit na binili mo. Tsaka libreng kain na rin to.. Tsaka makakakita ako ng mga artista.”

    Natawa nalang si Achilles sa mga sinasabi ng lalaking kayakap niya.

    Naglakad sila papunta sa ginaganapan ng pagdiriwang na magkahawak kamay. Pinauna niyang pumasok si Pipo dahil mayroon pa siyang mahalagang gagawin.

     Habang ang grupo naman ni Winchester ay nakapasok na sa loob ng tent. Malamlam na liwanag lang ang nasa loob at kahit ganoon ay makikitang glamoroso ang mga taong dumalo sa party para kay Luke.

    “This is some good setup. Magaling din pala ang taste ng halimaw na ’yun.” saad ni Gianna habang nakasukbit ang braso niya sa braso ni Winchester.

    “We have to keep it low at the moment… Hanggang sa makalapit si Tito Leonard at Tita Eunice sa kinauupuan ni Simon. I’m sure any minute now, he will be speaking in fron of this crowd.”

    “Everyone is looking at Tita Eunice.. She really is an elegant woman. Everyone is gagging over her. She is serving it.” saad pa ni Gianna habang pinipitik pitik ang mga daliri niya na kinatawa lang ni Winchester.

    “Parang ginawa mo namang drag queen si Tita Eunice..” usal pa ni Winchester na kinatawa na lang din ni Gianna.

    “I just love how she carry herself. And she is very kind hearted pero palaban din at the same time. I see myself in her.” saad ni Gianna na sinangayunan naman ni Winchester.

    “She is an amazing woman. She had to sacrifice being away from his son just to make sure he grows up in a family full of love. And she deserves to get this moment of vengeance.”

    At hindi nga nagtagal ay pinaakyat na ng host si Simon Laurente sa stage upang ipakilala na si Luke sa lahat ng bisita.

    Kinuha ni Simon Laurente ang mikropono at masayang binati ang mga bisita.

    “I am greatly honored to see my friends from the business and some good friends who had been loyal to me through out the years. Recently, I had this discovery about my lost son. He is given to me by his adoptive parents and I was grateful that my ex lover, Eunice Hernandez, before she passed away was able to give me an heir to my legacy. And I will forever be grateful for that. Wherever she might be.”

     Biglang tumayo si Eunice sa kanyang kinauupuan at buong lakas siyang umakyat sa stage. Naguguluhan ang mga bisita maging si Simon dahil sa biglaang pag-akyat ni Eunice at dahan dahan niyang tinanggal ang kanyang maskara sa harapan ni Simon.

    At nang tuluyan niyang matanggal ang maskara niya ay nanlaki ang mga mata ni Simon. Muntik pa nitong mabitawan ang hawak niyang mikropono na agad namang naagaw sa kanya ni Eunice.

    “How does it feel to see someone rise from the dead, Simon?” saad ni Eunice na kinatili lang ni Gianna mula sa kinatatayuan nila ni Winchester.

    “Yes girl!! Work it!!” sigaw pa nito na kinatingin lang sa kanya ng mga bisita. Natatawa naman ng palihim si Winchester da ginagawa ni Gianna.

     “Sorry to disappoint you but I am alive and clearly breathing the same air that you breath. And I just want to clear one thing to everyone.”

    Hinarap ni Eunice ang mga tao at napapalakpak naman si Gianna at proud na proud siya sa tapang na pinapakita ni Eunice.

     “I know this is a big surprise to everyone who is here right now.. But I can no longer take into my burdened heart the lies that this man has been telling to each one of you. First of all, Simon and I never had a passionate relationship.. So it is impossible for him to be the child of my son.”

    Nagsimulang umingay ang paligid dahil sa rebelasyon ni Eunice at kita sa mukha ni Simon ang pagkagulantang. Hindi niya inaasahan na mangyayari ang lahat ng ito.

      “Simon Laurente is not the father of my son. The son that he is bragging about that will inherit his rotten legacy. Ano ang ipapamana mo sa anak ko, Simon? Your drug lord title? Your underground black market ring master title?”

   Napapapalakpak lang si Gianna sa sinasabi ni Eunice sa harapan ni Simon Laurente.

     “This is an Oscar worthy performance Miss Eunice Hernandez!”

      Nakakuyom na ang kamay ni Simon ngunit napansin niyang biglang may pumalibot sa buong tent na mga taong nakasuot ng uniporme at agad niyang hinanap ang kanyang mga bodyguards at mga tauhan. Pero walang kahit isa na nasa loob ng tent.

     “That’s right.. You heard me, everyone. This man has been fooling all of you.. And do you want this man to continue being free and letting him do what he desire?”

     “You bitch! Pinagplanuhan mo talagang sirain ang pinakaimportanteng gabi ng buhay ko!” sigaw ni Simon na kinataas lang ng kilay ni Eunice.

     “You were the one who destroyed your own life, Simon. So spare me from your drama.. I have no time for it. I need to be a mother to my son. And please, enjoy your stay in prison. Malay mo, dalawin kita roon paminsan-minsan.”

    Sinenyas pa ni Gianna ang daliri niya na talagang nagugustuhan niya ang takbo ng mga pangyayari.

    Lumapit sa stage ang isang lalaking nakauniporme at mataas ang katungkulan sa gobyerno at dala niya ang apat na pulis at agad niyang inutusan ang mga ito na dakpin si Simon at posasan ito.

    “Mr. Simon Laurente, you are under arrest for multiple heinous crimes including drug dealing, possesion of illegal firearms and black market operation.. You have the right to remain silent and have your own legal council to defend you against the said charges!”

    Pilit pang kumakawala si Simon sa ginagawang pag-aresto sa kanya ni General Abisamis pero wala na siyang nagawa.

     “I guess its over now… The monster has bitten his own tail.” saad pa ni Winchester na tinanguan lang ni Gianna.

     At umakyat naman si Luke papunta sa stage upang yakapin ang kanyang ina. Hindi napigil ni Eunice na maluha dahil sa wakas ay nagawa na niya ang tungkulin niya para sa kanyang anak.

     “Thank you po— Mama… Salamat at pinanindigan niyo ang pinangako niyo sa akin.”

     Tumango lang ang ginang habang yakap ang anak.

    “I will do everything just to make things right for you, anak. Iyon lang ang magagawa ko para makabawi sa napakaraming taon na nawala ako sa tabi mo.”

    Tinanggal ni Winchester ang kanyang maskara at naglakad na rin papunta sa stage. Nagkatinginan sila ng kanyang nobyo at hindi naman nito napigil na mapabitaw sa ina nito at agad na takbuhin ang kinatatayuan niya sa pinakagitna ng tent.

    Habang inaaresto ng mga pulis si Simon Laurente ay nasaksihan ng lahat ng naroon sa mga sandaling iyon ang paglapat ng mga labi ni Winchester at Luke na puno ng pagmamahal.

     “Oh my god! Hindi pa nagsisimula ang ceremony, kiss your husband na agad?” saad pa ni Gianna.

    

Itutuloy…

Chapter XXXVIII (Pre Finale)

Tumigil ang mundo sa pagitan ni Winchester at Luke habang magkasaklop ang mga labi nila. Hindi na nila alintana kung maraming tao na nakakakita sa kanilang pinapakitang pagmamahal sa isa’t-isa.

Ang masuyong halikan ay natapos na may mga ngiti sa labi ng magkasintahan at hinaplos ni Luke ang mukha ni Winchester.

“Natapos na din ang kahibangan ni Simon, mahal. At dahil ’yun sa ginawa mo ang lahat para mapagbayad siya sa mga nagawa niyang kasalanan.”

Umiling si Winchester at hinawakan ang kamay ni Luke na nakahawak sa kanyang pisngi.

“Tayong lahat ang may gawa nun.. We helped each other. Kung hindi mo rin tinapangan ang loob mo na itago ang lahat ng iyong nalalaman, baka hindi namin naisagawa ang plano namin.”

Bigla namang pumagitna si Eunice at binigyan ng masuyong yakap si Winchester.

“Winchester.. I– I can’t thank you enough for helping me through all of this. Nabawi ko na ang anak ko at mapapagbayad ko na rin si Simon sa kanyang mga kasalanan. At alam ko, hinding hindi mo pababayaan ang anak ko. I only wish the both of you happiness and joy in every moment that you will take together.”

Hindi naman napigil ni Winchester na maluha kasabay ng pagyakap niya kay Eunice na kinangiti lang ng ginang.

Bigla namang may nagsidatingan na mga tao na may dalang iba’t-ibang uri ng bulaklak na napakaganda ang paglakaayos. Lumiwanag ang buong lugar at namangha ang mga tao dahil biglang nilatag ang isang red carpet.

Lumakad sa gitna ng red carpet si Gianna tangan ang isang kumpol ng bulaklak at sumunod sa kanya ang maliliit na batang may dalang bulaklak at ang singsing na isusuot ni Winchester at Luke. At sa likod ng mga bata ay si Tony na may ngiti sa kanyang mga labi.

Tumabi naman kay Luke si Oscar at Chona. Maging si Achilles at Pipo ay biglang sumulpot sa kanilang tabi. At sa likod naman ni Winchester ay si Taron at Jacob na parehas ding nakangiti.

Hindi mapaliwanag ni Winchester at Luke ang sayang nararamdaman nila sa mga sandaling iyon.

Pumagitna naman sa kanila ang isang huwes na nakatakdang magkasal kay Winchester at Luke.

Hinalakin pa sa pisngi ni Gianna si Winchester bago tumabi kay Taron at Jacob samantalang niyakap naman ni Tony ang binata bago siya pumunta sa tabi ni Gianna.

Kumpleto ang pamilya ng magkasintahan. At ngayon ay papasok na sila sa bagong yugto ng kanilang mga buhay bilang mag-asawa.

“Nangyayari ba talaga ’to, mahal?” tanong ni Luke kay Winchester na kinatawa lang ng binata.

“It still feel like a dream for me too.” saad ni Winchester at hindi mapigilang makaramdam ng kilig ang bawat taong pinapanood ang nangyayari sa gabing iyon.

“We are all gathered here to celebrate the love and joy that these two people are sharing with us this evening. Winchester Del Mundo and Luke Gamboa, this is a new life that you are about to take. If anyone is against this wedding, let them speak now or forever hold silence in peace.”

Napataas pa ang kilay ni Gianna. Sino bang mag-aattempt pa na pigilan ang kasal ni Winchester at Luke.

“Sandali lang!!” sigaw ng isang matinis na boses na kinagulat ng lahat.

Ginigaya agad ng magkasintahan ang kanilang mga mata dahil kilalang kilala nila ang boses na iyon.

Kinabahan naman si Gianna at gusto na niyang sugurin ang babaeng gustong manggulo sa pinaka-importanteng gabi sa buhay ni Winchester at Luke.

“Taympers! Hinihingal ako… Nakakaloka naman kasi ’tong mansyon na ito! Dinaig pa ang Dalawang mall sa laki.”

“Mamu?!” sabay na saad ni Winchester at Luke.

“Oh bakit ganyang itsura niyo? Ininvite ako ni Winchester sa kasal ninyo! Nagarkila pa ako ng dress para sa kasal na ito tapos malalaman ko nagsisimula na ang ceromony? Di manlang ako nakarampa!”

Hindi napigilan na mapatawa ng magkasintahan sa kakwelahan ni Mamu at si Gianna naman ay nilapitan ang bagong dating.

“Wait— Hindi ka nandito para pigilan ang kasal nila?” taas kilay ni Gianna kay Mamu na pinantayan naman ng huli.

“Bakit ko naman pipigilan ang kasal nila eh ako ang number one fan ng kanilang love team. #LukeWin!”

Napatili naman si Gianna at sabay silang nagtatalaon ni Mamu na kinakamot lang ng ulo ng huwes na magkakasal kay Luke at Winchester.

“Girl– Ang bongga ng entrance mo ah.. Dahil diyan friends na tayo.. I’m Gianna Del Mundo.”

Nagkamayan ang dalawa ay naghagikgikan pa.

“Huh! Maliit na bagay… Sanay ako sa mga pasaberg na ganun.. I’m Mamurushka Borat.. But you can call me Mamu.”

Muntik pang mabilaukan si Gianna ng marinig niya ang apilyedo ni Mamu na kinatawa lang ni Winchester at Luke. Alam nilang matatawa ang lahat sa apilyedo ni Mamu kaya tinatago niya ito palagi.

“Ehem! Maari na ba tayong magsimula?” pagbasag naman ng huwes at tumabi na rin si Mamu sa bahagi ni Luke.

“Winchester, do you take Luke as your wedded husband, to love him, honor him and take care of him, in sickness and in health, in joy and in pain, to remain loyal to him for the rest of your lives?” tanong ng huwes kay Winchester na nakatitig lang kay Luke na hindi mawala ang ngiti sa mga labi.

“I do.” sagot ni Winchester na lalo pang kinabilis ng pintig ng puso ni Luke. Hindi pa rin siya makapaniwala na kinakasal na sila ng taong pinakamamahal niya.

“Luke, do you take Winchester as your wedded husband, to love him, honor and take care of him, in sickness and in health, in joy and in pain, to remain loyal to him for the rest of your lives?”

Ito ang oras na pinakahihintay ni Winchester. Sa loob ng napakaraming taon nabuhay siyang sarili lamang niya ang mahalaga. At ang lalaking mapapangasawa niya ang nagbago ng lahat ng iyon. Ito ang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. At ang makasama ito araw-araw ay hindi matutumbasan ng kahit na anong kayamanan na meron siya.

“I do.” saad ni Winchester at hindi mapigilan ni Gianna at Mamu na kiligin na napahawak pa sila sa katabi nila at inalog-alog ito.

Nagkatinginan si Taron at Jacob at masaya sila sa nangyayari sa mga sandaling iyon. Alam nilang dalawa na marami pa silang dapat ayusin sa relasyon nila at kailangan nilang dahan dahanin ang lahat bago pumasok sa isang kasal.

Habang si Achilles naman ay nakaakbay sa balikat ni Pipo habang nakapatong naman ang ulo ng huli sa balikat ni Achilles.

“Gusto ko na rin sana magpakasal. Kaso baka tagain ako ng nanay at tatay mo kapag nalaman nilang pinakasalan ko ang anak nila na wala manlang pasabi.”

Natawa naman si Pipo sa sinabi ng nobyo. Pinisil niya ang pisngi nito at patuloy nilang sinaksihan ang nangyayaring seremonya.

Kinuha ni Winchester ang isang singsing mula sa maliit na unan. At kasabay nun ang pagkuha niya sa kamay ni Luke. Ito ang punto na maari nilang sabihin sa isa’t-isa ang nais nilang sabihin.

“Luke, take this ring as a symbol of my love. This is my promise that I will be true to my words. That I will always be there for you. I will protect you and I will make sure that we will always be happy. You made me believe in love. That I am capable of loving someone other than myself. And it was you who made all of that possible. And I can’t wait for us to spend our lives together. To see new things. To have arguments. To laugh with our silliness. I want to do them all with you. Because I love you.”

At isinuot ni Winchester sa palasingsingan ni Luke ang kanyang hawak na singsing. Hindi na niya napigilang mapaluha at maging ang mga tao na nakarinig at nakasaksi sa kanyang mga sinabi ay hindi rin napigilang mapaluha.

Kinuha naman ni Luke ang singsing na para kay Winchester. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin ngunit alam niyang lalabas din sa bibig niya lahat ng nais niyang sabihin.

“Win– Mahal ko.. Tanggapin mo ang singsing na’to bilang tanda ng aking pagmamahal sa’yo. Para maging paalala na ikaw na ang bumihag ng puso ko una pa lang kitang nakita. Para kang isang anghel na bumaba sa lupa upang bigyan ako ng inspirasyon. Naging masaya at makulay ang buhay ko nang makilala kita at alam kong mas lalo pa akong liligaya ngayong makakasama na kita sa bawat paggising at pagtulog ko. Ikaw ang dahilan kung bakit lumaban ako. At hindi ko alam kung paano ko matutumbasan ang pagmamahal mo sa akin. Ang alam ko lang, kaya kitang mahalin na higit pa sa buhay ko.”

Parang tinutunaw ang puso ni Winchester nang marinig niya ang mga salitang iyon mula kay Luke. At nang maisuot na nito ang singsing sa kanyang daliri ay nagpalakpakan naman ang lahat.

Hindi na lang pinansin ni Tony ang pag-alog sa kanya ni Gianna na kanina pa parang kinukuryente sa kilig na nararamdaman.

“Oh my God!! This is way better than what I see in the movies! Hindi ko kaya ang kilig!”

Maging si Mamu ay hindi rin maiwasang alugin si Leonard na hinayaan lang din nito. Natutuwa siya sa kabibohan ni Mamu. Nagtama pa ang mga tingin nila at hindi na mawala ang titig ni Leonard sa babaeng naging mabuting kaibigan ng kanyang pamangkin.

“By the power vested in my by the law, I pronounce you man and husband..” iyon ang pinakahihintay ni Winchester at Luke na sabihin ng huwes.

“Maari mo nang halikan ang iyong asawa.” magiliw na saad ng huwes na kinatayo ng lahat ay nagpalakpakan ang mga ito.

Hindi magkamayaw ang luha at ngiti sa lahat ng nakasaksi ng kasal ni Luke at Winchester.

Mabilis na kinabig ni Luke ang kanyang asawa at banayad niya itong hinalikan sa labi at parang nasa ulap ang pakiramdam ng binata.

Naganap na sa wakas ang matagal na niyang pinapangarap.

Matapos ang kanilang sandaling halik ay humarap na sila sa mga taong naroon. Isang malaking balita agad ang naging kasal nilang dalawa.


Nakatanaw lang si Winchester sa mabituing langit mula sa balkonahe ng kanilang silid sa isang sikat na hotel. Kita niya ang pagkislap ng mga bituin habang nararamdaman niya ang unti-unting pagsaklop ng braso ni Luke sa kanyang bewang mula sa kanyang likuran.

“Hindi pa rin ako makapaniwala— Asawa na kita ngayon, mahal.” saad ni Luke sabay halik sa leeg ni Winchester na nagbigay ng kakaibang init sa binata.

Hinarap niya ang si Luke at yumakap siya rito. Nakasandal si Winchester habang nasa harapan niya si Luke at parang pinapahiwatig nito na dapat na nilang gawin ang ginagawa ng isang mag-asawa.

“Bakit ganyan ka makatingin?” panunukso ni Winchester na hindi naman maintindihan ni Luke.

“Masama bang titigan ang asawa ko? Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Tsaka ano— Kanina pa ano— Kanina pa matigas tong nasa gitna oh!”

Natawa naman si Winchester dahil itinuro pa ng kangyang asawa ang nakaumbok sa pantalon niya.

“So shall we so something about it? Mahal?”

Napapalunok naman si Luke dahil papalapit ng papalapit ang mukha ni Winchester sa kanya.

“Hindi mo lang alam kung gano ako katagal nagpigil para lang sa gabing ito.”

At siniil ni Luke ng halik ang kanyang asawa. Marahan hanggang sa parehas nang masidhi ang ginagawang paghalik ng isa’t-isa. Ang kanilang mga katawan ay kapwa sumasabay sa ritmo ng bawat isa. Hinubad ni Winchester ang kanyang natitirang saplot habang si Luke naman ay mabilis ding hinubad lahat ng kanyang damit.

Ang mainit nilang katawan ay magkasaklop habang tinatahak nila ang kama at magkahalikan pa ring humiga. Ninanamnam ang sarap at init ng bawat halik.

Pinisil ni Luke ang mamulamulang utong ni Winchester na kinagitla ng binata habang linalalamin nila ang kanilang halik. Ang pagsipsip ng dila ng isa’t-isa ay lalo pang nagpabuhay sa mga natutulog nilang alaga. Sinamyo ng isa’t-isa ang kanilang mainit na katawan at pumaibabaw si Luke.

“Mahal— Hindi ko na kaya…” halata na ang pagnanasa sa boses ni Luke na kinangiti lang ni Winchester at agad nilakbay ng kanyang kamay ang hulmadong tiyan ni Luke habang napapaigtad ito sa sensasyong binibigay ng bawat halos niya. Hanggang sa narating nito ang tigas na tigas na pagkalalaki ni Luke. Tinaas baba ng kamay ni Winchester ang sensitibong karne ni Luke at lalo pa itong napaigtad nang laruin ni Winchester ang ulo nito.

“Ah— Mahal— Ang– Ang sarap niyan.”

Napangiti si Winchester. Wala pa siyang karanasan sa pakikipagtalik pero napapanood na niya ang mga ganitong bagay kaya masaya siya ang nagugustuhan iyon ng asawa niya.

Dahan dahan niyang inurong pababa ang katawan niya at sapat lang upang ang ulo niya ay maabot ang matigas na pagkalalaki ni Luke. Dinilaan niya ang kahabaan nito na kinaigtad ni Luke. Ramdam niya ang kuryenteng dumaloy sa katawan niya at gusto niya ang pakiramdam na iyon. At hindi na pinatagal pa ni Winchester ang pananabik ng asawa at isinubo niya ang karne nito. Hindi maunawaan ni Luke ang sarap at kiliti na dulot ng mainit na bibig ni Winchester na tumataas baba sa kanyang pagkalalaki. May kahabaan iyon pero kaya iyong ipasok ni Winchester ng buo sa kanyang bibig.

“Hah! Mahal— Ah— Ang— Ang sarap ng bibig mo…” napapabayo na rin si Luke sa bibig ni Winchester ngunit may pag-iingat na ginagawa niya iyon.

Ilang saglit pa ay tumigil si Winchester at nagkatinginan sila ni Luke. Namamawis na ito sa pagtatalik na kanilang ginagawa.

“You want to try it further?” tanong ni Winchester at tumango lang si Luke.

Pinahiga niya si Luke at kinuha niya sa table ang isang maliit na bote. Laman nun ay likidong pampadulas. Naglagay siya sa kamay niya at ipinahid niya iyon sa pagkalalaki ni Luke. Habang naglagay din siya ng sa maliit na butas sa pagitan ng umbok na likuran ng asawa.

“Hah! Ang laming naman niyan.” gulat na saad ni Luke na kinangiti lang ni Winchester.

“Just relax… This will make you feel even better.”

At tinaas baba ni Winchester ang kanyang kamay sa pagkalalaki ni Luke at hindi maiwasan ng huli na mapaigtad dahil sa sarap ng paghawak ng kanyang asawa sa kanyang pagkalalaki.

Dahan dahang pinasok ni Winchester ang isang daliri niya sa butas ni Luke. Nakaramdam ng sakit si Luke at sinubukan niya pang alisin ang kamay ng asawa niya.

“Relax, Mahal.” bulong ni Winchester at siniil niya ng halik ang asawa.

Hinahalikan niya ito habang nilalabas masok niya ang kanyang daliri sa butas nito. Hindi nagtagal ay nagugustuhan na ni Luke ang ginagawa ni Winchester. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Winchester at alam niyang handa na ang kanyang asawa.

“Teka.. Mahal— Ipapasok mo ba ’yan sakin?”

Tumango lang si Winchester at agad namang tinakpan ni Luke ang butas niya.

“Ang— Ang laki niyan eh!” reklamo nito sa kanya na kinatawa lang niya.

Lumapit pa si Winchester at muling siniil ng halik ang asawa.

“I’ll be gentle, okay? I will make you feel my love.”

At napapayag na rin si Luke ng tuluyan dahil sa alam niyang mahal niya si Winchester. At walang mahalaga sa kanya kundi iparamdam din dito ang pagmamahal niya.

Nilagyan ni Winchester ng pampadulas ang matigas niyang paglalalaki. Kompara kay Luke ay mas malaki ito at mas mahaba din.

Itinutok niya ito sa butas ni Luke at marahan niyang ipinasok. Napapaigtad si Luke dahil sa sakit pero kinakaya niya iyon. Dahan dahan ding bumabaon ang pagkalalaki ni Winchester dito.

“Hah! Ang sakit mahal..” lahad pa ni Luke pero siniil niya lang ito ng halik para maibsan ang sakit.

At tuluyang naipasok ni Winchester ang pagkalalaki niya sa butas ng kanyang asawa. At dahan dahan niya itong iginalaw. Sinasanay niya ito sa laki ng kanyang karne.

Habanh si Luke naman ay unti-unti na ring nalilimutan ang hapdi na sumakop sa kanya nang ipasok ni Winchester ang pagkalalaki nito sa kanya.

Pabilis ng pabilis ang ginagawang pagkadyot ni Winchester at pareho na silang napapaungol at napapahalinghing sa sarap na kapwa nila nararamdaman.

“Ah— Ang— Mahal diyan… Ang sarap diyan.”

Napangiti si Winchester dahil natatamaan niya ang prostate ni Luke na dahilab upang mabuhay din ang pagkalalaki nito. Ang sarap nitong pagmasdan habang napapaigtad sa ginagawa niyang pagkadyot. Ang buong katawan nila ay nabalot na ng pawis.

“Uggghh! Malapit na ako mahal… Ahhh— Ayan na lalabas na.”

Mas binilisan pa ni Winchester ang pagkadyot niya dahil malapit na ring lumabas ang katas niya. Malapit na niyang marating ang sukdulan ng ligaya.

At bumulwak ang masaganang katas ni Luke mula sa pagkalalaki nito na siya ring paglabas ng katas niya sa loob ni Luke.

Parehong hingal ang mag-asawa at napapatong si Winchester sa basang katawan ni Luke. Hindi niya alintana ang malagkit na katas nito at siniil niya ng halik ang asawa.

“Mahal— Bakit sa loob mo pinutok?” tanong ni Luke na kinataas ng kilay ni Winchester.

“Why? Its gonna be okay.. Hindi ka naman mabubuntis kahit sa loob ko yun iputok.”

“Paano kung mabuntis ako?”

Natatawa naman si Winchester sa kalokohan ng kanyang asawa at tumawa na lang din ito.

Isang gabing hinding hindi nila makakalimutan ang pinagsaluhan nila.

“Ready ka na sa round two?” tanong ni Winchester na kinailing lang ni Luke.

Yumakap siya sa kanyang asawa at pareho silang nakaidlip na hindi manlang naglilinis..

Ewww!

Itutuloy…

Chapter XXXIX (Finale)

DLM Tower

    Palakpakan at ngiti ang namumutawi sa mga mukha ng mga taong nasa loob lobby ng DLM Tower. Matapos ang masalimuot na tagpo at halos pagkalugi ng DLM Group dahil sa eskandalong nasangkutan ni Simon Laurente ay lumipas din ang lahat ng iyon. At sa pagkakataong iyon, si Achilles na ang naging CEO ng buong DLM Group. Nasa kanya ang buong suporta ng lahat lalo na ni Winchester.

   Kita niya mula sa kanyang harapan ang nakangiti at pumapalakpak na si Pipo na hindi naman napigil ang kasiyahang nararamdaman para sa kanyang kasintahan. Isang taon na din simula nang maging sila ni Achilles. Isang taon na ang lumipas at masasabi nilang nakamit na nila ang tunay na kaligayahan.

    Matapos ang programa ay agad na dinala ni Achilles si Pipo sa penthouse ng DLM Tower. May nakahanda siyang surpresa para sa kanyang minamahal at iyon na ang nakatakdang panahon para gawin niya iyon.

   “Talagang pinapasikatan mo ako sa pagiging CEO mo ah? Bakit may ganito dito? Kinakabahan talaga ako sayo.”

   Natawa naman si Achilles sa sinabi ng kasintahan. Nasanay na siya sa pagiging kalog nito at iyon ang talagang nagpapaligaya sa kanya sa piling nito.

   “Hindi ba pwedeng nagdadate tayo? Parang hindi ka na nasanay na lagi kitang sinosurprise? Tsaka masanay ka na dahil alam mo namang magiging sayo na rin ang lahat ng to?”

   Di na pinansin pa ni Pipo ang sinabi ng kasintahan at nilibot niya ang buong penthouse na modernong moderno ang disenyo at napakaaliwalas sa pakiramdam ng paligid.

   “Sus, alam kong may iba kang binabalak sakin Aki. Sabi ko naman sayo, kapag pinakasalan mo ako, dun ko lang ibibigay ang lahat lahat sa akin. Nangako ka sa mga magulang ko diba?”

   “Just sit down and let’s have dinner. At promise, wala akong gagawin. I know how much it means to you na pangatawanan ko ang mga sinasabi ko.”

    Napangiti naman si Pipo sa sinabi ng nobyo. Habang sa loob ni Aki ay hindi na niya mapigilan ang kabahan sa magiging reaksyon ni Pipo sa gagawin niyang pag-alok ng kasal dito.

   “Si Winchester at Luke hanggang ngayon naghahoneymoon pa rin. Kulang na lang eh mabuntis ang isa sa kanila,” natatawang saad ni Pipo habang hinihiwa niya ng kutsilyo ang steak na nasa plato niya.

   “Nakakainggit nga sila. Isang taon na silang kasal pero parang kahapon lang nangyari. Now our lives has changed since then.”

    Tumango si Pipo na isa na ngayong law student matapos siyang makagraduate ng Political Science.

   “Hindi ka ba naiinggit sa kanila, babe?” tanong ni Aki kay Pipo na napatigil naman sa ginagawa niyang pagkain.

    Napatitig siya sa nobyo na kanina pa pala nakatingin sa kanya at ngayon niya lang napapagtanto ang lahat.

    Mabilis na kinuha ni Achilles ang maliit na kahon na nasa bulsa ng kanyang coat at nanlaki naman ang mata ni Pipo nang makita ang kulay asul na kahon.

    “I know I should have done this a long time ago pero ikaw na mismo ang nagsabi na kailangan muna nating kilalanin ang isa’t-isa. And spending almost everyday with you, I found out that you are the one that I can’t live without, Pipo. Dahil sayo, I changed how I see myself. I tried to be a better person that deserves your love. And now, I want to spend my life with you by my side. So I’m asking you, will you marry me? Epifanio?”

    Gustong maluha ni Pipo sa pagkakataong iyon at hindi niya inaasahan na mangyayari ang lahat ng iyon sa sandaling iyon. Hindi siya nananaginip at alam niyang totoo ang mga sinabi sa kanya ng nobyo. Nagbago na ito at nakita niyang naging isang mabuting tao si Achilles. Naging mabuting kasintahan at pinakita sa kanya ang pagmamahal na hindi niya lubos akalain na makukuha niya mula rito.

   Binuksan niya ang maliit na kahon at naantig siya ss ganda ng singsing na naroon. Simple lamang ang disenyo pero napaka halaga nun para sa kanya.

    Dahan dahang isinuot ni Pipo ang singsing at muling napatingin sa kanyang nobyo na natulala sa kanyang ginawa.

   “Baliw na siguro ako kung tatanggihan ko pang pakasalan ang isang tulad mo, Achilles Laurente.”

    Tumayo si Aki sa kanyang upuan at agad na yinakap nang nakaluhod si Pipo at hinagkan ni Pipo ang noo ng kasintahan na nagsisismula nang lumuha.

    “Para ka talagang bata. Bakit ka umiiyak diyan?” panunuya pa nito na kinailing lang ni Aki.

    “Because you’re making me cry!”

    Natawa nalang si Pipo at ginagap ang mukha ng nobyo. Pinahid niya ang mga luha nito at masuyong ginawaran ng halik sa labi. Tinanggap naman ni Achilles ang halik ni Pipo at umaapaw na kasiyahan ang nadarama ng kanilang mga puso.

   Tumayo silang dalawa at nagsimulang tumugtog ang paboritong awitin ni Pipo at hindi niya napigilang sumayaw na kinatawa naman ni Aki na kahit walang talento sa pagsasayaw ay sinabayan ang kanyang mapapangasawa.

    Ang gabing iyon sa pagitan ng magkasintahan ay ang gabing hinding hindi nila makakalimutan sa tanang buhay nila.

  


   Sitio Amarillo

   

  “This is so damn hard, Jacob! Mababalian ako ng buto nito.”

       “Eh sino ba kasi ang gustong gusto na gawin ’to? Di ba ikaw? Tapos ngayon magrereklamo ka?”

    Napasapo si Taron sa kanyang noo dahil sa hirap na kanyang nararanasan. Umuwi silang dalawa ni Jacob sa probinsya nito upang bumili ng lupa na pagtatayuan nila ng kanilang bahay bakasyunan.

    At ngayon ay nasa palayan sila ni Oscar na matagumpay na nabili ang lupain na dati ay sinasaka lang nito sa tuwing matumal ang pagtratricycle nito.

    “I never thought farming could be this hard. Buti na lang talaga at hindi ako mahilig kumain ng kanin,” saad pa ni Taron habang tinutusok niya ang mga binhi sa maputik na taniman.

    “Kaya dapat talagang pahalagahan natin lahat ng bagay. Maliit man o malaki. Kagaya na lang nito. Tsaka magtiis ka, dahil laking bukid ang mapapangasawa mo.”

    Tinaasan lang ng kilay ni Taron ang nobyo na hanggang ngayon ay mainitin pa rin ang ulo. Pero nasisiyahan siya dahil nagbago na rin ito. Marami na ring dumaan sa kanilang pagsubok at isa na nga roon ay ang pagkakaroon nito ng anak sa isang babae. Si Hilda na dating asawa ng boss ni Jacob sa kanyang OJT noon.

    “Hindi kaya nahihirapan si Mama sa pag-aalaga kay Boji? Ayokong mastress ang Mama mo sa anak natin.”

    “Mas magandang nandito ka kasi naprapraning ka talaga kapag ikaw ang nag-aalaga sa bata. Alam mo naman na pagdating sa mga bata, magaling si Mama mag-alaga.”

   Tumango na lang si Taron sa sinabi ng nobyo. Mula nang iwanan ni Hilda kay Jacob ang bata at sinuko nito lahat ng karapatan dito upang mangibang bansa at magbagong buhay, siya na ang naging katuwang ng nobyo sa pag-aalaga sa anak nito. At habang lumalaki ito ay nagiging klaro ang pagkakahawig nito kay Jacob na mas lalo niyang kinasaya.

    “Mahal ko ang anak mo, Jacob. And I can’t help but think about him whenever I’m away.”

   Napangiti naman si Jacob dahil sa sinabi ng kasintahan. Alam niyang mahal nito ang anak niya. At dahil dun ay mas lalo niyang minahal si Taron.

    “Nasa mabuting kamay ang anak natin. At napakaswerte namin ni Boji dahil ikaw ang makakasama namin sa habangbuhay.”

    “Boji is a sweet boy. Sana talaga hindi niya mamana ang init ng ulo mo. Sana magmana siya sa Daddy Taron niya.”

    Tinaasan lang ni kilay ni Jacob si Taron at pibahiran ng putik ang damit pangsaka nito na kinagulat naman ni Taron.

   At hindi na nga napigil ang gantihan ng dalawa na nauwi sa kulitan. Masaya ang dalawang bumagsak sa putikan at hindi na nila alintana ang dumi.

    Nang makauwi ang dalawa ay agad nilang tinungo sa kwarto nila ang natutulog na bata. Mahimbing ang tulog nito at para itong anghel.

   “Wala na talaga akong mahihiling pa. Ikaw, si Boji at ang simpleng buhay natin. Parang nakatadhana talaga ang lahat ng ito.”

   “Who would have thought that helping you out that night will turn out to be this way? Parang hindi pa rin ako makapaniwala na magiging isa na tayong pamilya when our wedding day comes.”

    Tumango lang si Jacob at ninakawan ng halik si Taron sa bibig at tinapik naman nito si Jacob at sinenyasang tumigil dahil baka magising ang bata.

    Masaya ang dalawa dahil nahanap nila sa isa’t-isa ang kasiyahan na matagal nilang hinanap. Mula sa masalimuot na nakaraan, naging sandigan nila ang isa’t-isa at hindi nila alintana kung ano mang tugma at hindi tugma. Nahanap nila ang pagmamahal na higit pa sa inaakala nila.

 


     Del Mundo Mansion

   

  Nananabik na si Gianna dahil anumang oras ay darating na si Winchester at Luke mula sa mahaba nilang paglalakbay sa iba’t-ibang panig ng mundo. At ilang araw na lang din ay gaganapin na ang kanyang kasal sa kanyang nobyo na si Bobby.

    “I hope one of them is pregnant,” pagbibiro ni Gianna na kinatawa naman ni Tony.

    “Mukhang nag-enjoy talaga ang dalawa sa buhay mag-asawa nila.”

    “Which makes me so envious! Bakit sila nag-enjoy na sa pagiging mag-asawa samantalang ako, ikakasal pa lang?”

    Napatawa na lang muli si Tony sa inasal ni Gianna at nang makarinig sila ng isang sasakyan na huminto mula sa entrada ng mansion ay hindi nila mapigil na ngumiti.

    Lumabas mula sa isang Black Cedan ang dalawang lalaki na halos hindi na makilala ng dalawa. Ang isa ay mahaba ang buhok na kinulayan ng brown at ang isan naman ay parang papasok sa army ang gupit at casual na casual ang kasuotan ng dalawa. Tinanggal ng mga ito ang suot na salamin at napaluwa ang mata ni Gianna sa pinagbago ni Luke at Winchester.

   “Oh my God? How did heaven created these creatures? Ito ba ang nagagawa ng pagpapakasal? Ang gwapo nilang dalawa. Sobrang bagay talaga.”

   Agad na kinuha ni Gianna ang kanyang cellphone at kinunan ng litrato ang naglalakad na mag-asawa palapit sa kanila.

   Mabilis na yumakap si Gianna kay Winchester at agad din namang kinamayan ni Luke si Tony.

    “I missed you so much! Grabe, iba ang glow mo ngayon ah? Siguro inaaraw-araw ka nitong si Luke no?”

  Napatawa naman si Luke at si Winchester ay pinamulahan.

    “That’s none of your business, Gianna. But I missed you too.”

    Natawa na lang din si Gianna sa reaksyon ni Winchester sa mga sinabi niya.

    “Iba pa rin talaga pag nasa Pilipinas ka. Namiss ko ang init dito. Puro malalamig na lugar kasi pinuntahan nami nitong asawa ko.”

    Tumango lang si Tony sa sinabi ni Luke at namangha siya dahil hindi pa rin ito nagbabago.

   “Mukhang pagod kayo galing sa biyahe, we made sure that you have good food.”

   At nang makarating na ang grupo sa kusina ay di nila inaasahan ang surpresang naghihintay sa kanila.

   “Welcome Home!” sigaw ng lahat nang naroon.

   Nagkatinginan ang mag-asawa dahil kompleto ang kanilang pamilya na naroon. Si Eunice at Leonard kasam si Mamu na ngayon ay magkasintahan na. Si Oscar at Chona na karga naman si Boji at si Taron at Jacob na inaayos din ang inihaw nilang pusit sa mesa.

   Agad na niyakap ni Luke ang kanyang dalawang ina at agad na kinuha si Boji mula kay Chona. Kinarga niya ang bata at tuwang tuwa naman ito sa ginagawa niyang pangungulit.

    “Kelan ba namin makikita ang apo namin sayo, Luke? Naunahan ka na nitong kapatid mo?” panunuya ni Chona na kinangiti lang ni Luke.

    “Pinag-uusapan na namin ni Winchester ang tungkol diyan, Mama. Pero sa ngayon, itong bonjing na ito muna ang magiging baby ni Tito Luke at Tito Win.”

    Agad namang inagaw ni Winchester sa kanyang asawa ang bata at ito ang kumarga dito. Yumakap ito kay Winchester na kinagulat ng lahat.

   “He likes me.” saad ni Winchester na kinatawa ng lahat. Masaya ang paligid at parang wala nang lugar ang kaguluhan at problema na dulot ng kahapon.

    “This is such a wonderful reunion everyone. And I can’t thank you all enough for being here.”

        “It’s better late than never.. Welcome home lovebirds!” isang boses mula sa likuran ni Winchester ang umagaw sa atensiyon ng lahat at napatingin ang mga ito dito.

    Si Achilles at Pipo na may dalang wine at cake na agad namang niyakap ang mag-asawa. Lalo na si Pipo at Luke na matalik na magkaibigan.

    “You guys look amazing. Mukhang napasarap ang honeymoon ninyo?” sabay kindat ni Achilles kay Winchester na kinatawa lang ng huli.

   “Well, how about you do the same with that guy and see how amazing you will look too.”

   Nagkatawanan ang magkaibigan at napuno na ng ingay ang malaking hapagkainan ng mga Del Mundo.

   Isang masayang pamilya ang meron ngayon si Winchester. Isang pamilyang nabuo mula sa kanyang magulong nakaraan. At ito ang pamilyang hindi niya nanaisin pang mawala sa kanya.

   Nagkatinginan sila ni Luke at isang matamis na ngiti ang ginawad nito sa kanya.

   Wala na siyang mahihiling pa. Ang saya na nararamdaman niya sa piling ng kanyang asawa. At ang kalayaan an matagal na niyang ninanais na madama. Lahat ay narito na.

 

—The End—

Special Chapters will begin soon.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.