The Illicit Affair
ZefPenya · 40 chapters · 89,282 words
Cast of Characters
The Illicit Affair
Cast of Characters
Main Characters
Diego Loyzaga as Ezekiel ‘Zeek’ Lacsamana
Ian Veneracion as George Salcedo
Jodi Sta. Maria as Rebecca ‘Bek’ Cruz-Salcedo
Sofia Andres as Hazel Magbanua
Supporting Characters
Theresa Loyzaga as Vivian Lacsamana
Erika Padilla as Jennifer ‘Jen’ Diaz
Dominique Roque as Lucas
Wilbert Ross as Owen Manlapaz
Dennis Trillo as Arnold Magbanua
Carla Abellana as Daisy Gonzaga-Magbanua
Enzo Pineda as Marco Antonio
Extended Character
Ana Abad Santos as Miss Noguierra
Mikael Daez as Anthony Dimalanta
TIA: Chapter 1 (Ang Simula)
“And now, by the power vested in me, I hereby pronounce you husband and wife” sambit ng pari bilang pagtatapos ng misa ng kasal “You may now kiss your bride”
Walang sabi-sabi ay kaagad naman hinalikan ni George ang kanya nang asawa na si Bek. Halos limang taon silang mag-nobyo at mag-nobya bago sila magpakasal. Masasabi at mahahalintulad natin sila na isang karaniwang magkarelasyon dahil may mga pagkakataon na masaya at meron ding awayan at tampuhan. Pero natural naman iyon sa isang relasyon dahil wala namang perpekto na relasyon sa mundo. Ang importante ay nahanap nila ang isa’t-isa at nagmamahalan talaga sila ng totoo.
Masaya ang buong bisita habang nasasaksihan nila ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ng bagong mag-asawa.
Natapos din ang seremonya sa simbahan at pumunta na ang lahat para sa reception na gaganapin sa The Deluxe Suites Hotel na kung saan si George din ang may-ari ng hotel na ito.
"Masayang-masaya talaga ako dahil kasal na kayo ng bestfriend ko, George" sambit ng matalik na kaibigan ni Bek na si Jen. Nakatayo siya sa harapan ng mga panauhin, na nakaupo at habang kumakain. "Good boy ka na ha..." dugtong niya at nagtawanan ang mga tao sa biro nito "Alam mo, kung gaano ko kamahal itong si Mads ko. Pinoprotektahan ko siya noon sa'yo dahil alam natin lahat kung gaano karami ang karibal niya sa'yo. Pero tapos na iyon at ilagay na natin yan sa nakaraan dahil ang importante ay nagkatuluyan na talaga kayo at wala nang makakasira sa samahan at pagmamahalan ninyong dalawa. Ito lang ang masasabi ko sa'yo, George. Huwag na huwag mong lolokohin ulit ang bestfriend ko kung hindi, ako na mismo ang puputol yan." Nagtawanan ulit ng malakas ang mga bisita at ngumiti din si Jen. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay na may hawak-hawak na wine glass "To my Mads, Rebecca and to her husband, George. Best Wishes sa inyong dalawa."
Natapos ang reception ng kanilang kasal dakong alas-otso na ng gabi at kaagad silang sumakay sa auto na may nakakumpon na mga bulaklak sa unahan nito. Excited ang lahat lalung-lalo na ang kanyang bestfriend na si Jen dahil aalis na silang mag-asawa para sa kanilang honeymoon.
"Go Mads. Enjoy your travel tomorrow ha" payo ni Jen sa kanya "Pahinga muna kayo ngayon. Bawi na lang kayo kapag nandun na kayo sa Tagaytay. Okay?"
"Loko ka talaga, Mads. Sige na, alis na kami" sagot naman ni Bek sa kanya "Salamat po ulit sa inyo na pumunta sa kasal namin" kaway at sigaw niya sa bintana. Kaagad naman umandar ang kanilang sasakyan at isinara naman ni George ang bintanang nakabukas. Tumingin naman siya kaagad sa kanyang asawa na malagkit ang pagkatingin nito sa kanya "O bakit ganyan ka makatingin?? May dumi ba sa mukha ko?"
"Wala naman." at inakbayan ni George ang kanyang asawa "Masaya lang ako dahil asawa na kita ngayon. Solong-solo na kita"
"Hmmp! Baka maghanap ka na naman ng iba ha. Ayoko na"
At kinuha ni George ang kamay niya at hinalikan ang sa likuran ng kanyang palad “Hinding-hindi ko na gagawin yon dahil nagbago na ako at mahal na mahal kita. Ikaw lang ang nasa puso’t-diwa ko, Mahal. Pangako yon”
"Talaga...?"
"Yes. Promise"
"Hmmm. Okay" ngiti ni Bek "Mahal na mahal din kita, George. Pinatawad na kita sa mga nagawa mo noon sa akin. At alam ko na nagsisisi ka sa ginawa mo at hinding-hindi mo na gagawin iyon"
"I love you, Mahal" tanging sagot ni George
"I love you too, Mahal"
Kinabukasan ng hapon ay nakadating na nga sila sa kanilang destinasyon. Nag-check-in sila sa Taal Vista Hotel para doon sila magpalipas ng ilang araw para sa kanilang honeymoon.
Pagkatapos nila pumasok sa kanilang silid ay nagdesisyon silang dalawa na lumabas at saksihan ang magandang view ng Taal Lake.
"Ang ganda talaga ng view Mahal noh??" sambit ni Bek sa asawa habang nakayakap si George mula sa kanyang likuran "Perfect talaga ang pinili ni Jen para sa honeymoon natin"
"Oo nga Mahal" sabay halik sa gilid na leeg ni Bek "...sana ganito lang parati,.. na wala tayong iniisip na problema... na parang tayo lang ang tao sa mundo" dugtong pa ni George "...siyempre, kasama natin ang mga anak natin"
"Oo nga Mahal" buntong-hininga ni Bek "Walang problema"
"Pero wala naman tayong magagawa dahil may hotel akong pinapatakbo. Puro stress at reklamo ng mga guest parati ang hinaharap ko" sagot ni George at may naisip siya na magandang ideya "Mahal.."
"Yes..?"
"What if kung ibenta ko na lang ang hotel??" mungkahi niya sa kanyang asawa "Sa isang malaking kumpanya"
"Ha?? Bakit mo naman ibebenta ang hotel?"
"Kakapagod na kasi eh. Hindi ko na kaya ang stress"
"Oh tapos? Kapag nabenta mo na. Saan ka kukuha ng gagastusin natin?"
"Edi maghahanap ako ng trabaho. Madali naman maghanap eh"
Napahinga ng malalim si Bek sa sinabi sa kanya ng asawa. Tila hindi siya sang-ayon sa kanyang desisyon “Ewan ka sa’yo, George. Bakit mo naman naisip yan?? Baka nakakalimutan mo, mag-asawa na tayo at magkakaanak pa. Magpasalamat ka pa nga na may negosyo kang pinapatakbo. Yung iba nga, maraming mga anak, gutom dahil walang trabaho at wala pang may maisip na negosyo. May negosyo nga ang iba pero maliit lang” at inalis niya ang mga bisig ni George sa kanyang katawan. Humarap siya sa asawa at tumingin sa kanyang mga mata “Kaya huwag mong ibenta ang negosyo. Kailangan ito ng magiging anak mo, para sa kanyang hinaharap. Kailangan ng pamilya natin, okay?”
"Sige" tanging sagot ni George.
"Very good" sabay masahe ng kanyang asawa sa kanyang balikat "Makakaya mo yan, Mahal"
Kinabukasan
“Good morning Mahal. Breakfast in bed” bati ni George sa kanyang asawa na may dala-dalang tray na pagkain papunta sa kama.
"Wow Mahal... salamat" ganti ni Bek sa kanya. Kaagad niya namang kinuha ang dala ni George na tray na may pagkain at ipinatong ito sa kanyang paa "Sorry Mahal, ako sana ang gagawa sa'yo ng ganito"
"Naku. Huwag kang mag-sorry, Mahal" sabat naman niya sa asawa "Okay lang sa akin ito. At isa pa, hindi naman kita pinakasalan dahil sa serbisyo mo. Pinakasalan kita dahil mahal na mahal kita" sabay halik sa kamay ni Bek. "At masaya ako kapag inaasikaso ko ang aking reyna"
"Sweet naman ng Mahal ko. Umupo ka dito sa tabi ko, Mahal. Samahan mo ako" at umupo nga si George sa tabi ng asawa. "Oh" sambit ni Bek na hawak-hawak niya ang kutsara na may lamang kanin at ulam "Kumain ka, Mahal"
"Parang baby ako ah" sagot naman niya "Huwag na Mahal"
"Kumain ka na. Huwag kang maarte, Mahal"
"Sige na nga" kaagad niya namang sinubo ang hawak ng asawa. Ngumuya ito ng ilang beses at linunok ang pagkain.
Pagkatapos ng ilang araw nilang pananatili at pagbabakasyon sa Tagaytay ay nagdesisyon silang umuwi na kaagad sa kanilang lugar.
Pero napansin ni Bek na mali ang direksyon na tinatahak na daan ng kanyang asawa “Mahal. Diba doon tayo liliko?” sabay turo ni Bek sa kanyang likuran “Doon kasi ang daan pauwi sa bahay niyo diba?”
"Oo. Alam ko"
"E bakit dumederecho tayo?"
"Basta... May sorpresa ako sa'yo" sambit naman ni George na nakangiti habang nagmamaneho.
Pumasok sila sa isang sikat na village sa kanilang lugar. Wala pa din ideya si Bek kung ano pinaplano ng kanyang asawa. Gusto niya lang kasi na magpahinga sa isang mahabang biyahe at miss na miss niya na ang kanyang kama.
Pagkatapos ng mahabang pagmamaneho ni George ay huminto sila sa harap ng isang dalawang palapag na malaking bahay. “Kaninong bahay ’to, Mahal? Ang laki ah”
"Bakit? Maganda ba?"
"Oo kaya. Ang ganda ng bahay, Mahal. Bagay na bagay sa ating pamilya" sambit ni Bek na tila naiinggit sa nakatira sa bahay na iyon "Balang araw, Mahal. Balang araw, titira din tayo sa ganyang kalaking bahay."
"Bakit balang araw pa?" sabay taas ni Georfe ng kanyang kamay na may nakakabit na susi.
"Ano yan Mahal? Kaninong susi yan?"
Umusog ang pwet ni George para humarap sa kanyang asawa. Hinawakan niya ang dalawang kamay at tila may sasabihin itong importante sa kanya “Mahal. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa’yo dahil marami akong nagawa sa’yo na masasakit noon subalit ay pinili mo pa din na patawarin at mahalin ako… Bilang ganti ko sa pagmamahal mo sa akin, pinag-ipunan ko ang bahay na ’to para ito ang magiging bahay ng pamilya natin” paghigpit ng kanyang paghawak sa kamay ng asawa “Dito tayo gagawa ng mga alala ng ating pamilya hanggang sa pagtanda natin”
Napanganga na lamang si Bek sa sorpresa ni George sa kanya. Hindi niya talaga inaasahan na may ganito ang kanyang asawa. “Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, Mahal. Pero maraming salamat. Salamat talaga hindi dahil sa bahay na ’to,kundi sa pagmamahal mo din sa akin. Nararamdaman ko na nagbago ka na talaga, Mahal”
Nagyakapan ang mag-asawa ng mahigpit at napaiyak si George ng matindi. Pinunasan niya lamang ang mga mata na puno ng luha “Bumaba ka na Mahal. Tignan mo ang magiging bahay natin” kaagad na kinuha ni Bek ang susi ng bahay at nagmamadaling bumaba ito sa sasakyan “Mahal… dahan-dahan ka lang” paalala ni George sa kanya. Mabilis kasi itong pumasok sa bahay at tila excited na talaga itong makita
Napatigil siya at tila manghang-mangha sa kanyang nakita. Pero sa kanyang pagpasok ng bahay ay parang umiba ang kanyang pakiramdam. Parang bigla itong nahilo at hinawakan niya kanang kamay sa ulo… at hindi niya namalayan na tuluyan na pala siyang bumagsak.
Nagising si Bek na nakahiga sa isang hospital bed, katabi niya si George na nakatitig sa kanya at hinahawakan ang kamay nito.
"Mahal. Gising ka na" sambit ni George.
"Mahal? Saan ba ako?" tanong ni Bek sa asawa habang pilit na bumabangon sa kama.
Samantala si George naman ay pinapahiga ang asawa at pinipigilan na tumayo “Huwag ka munang bumangon, Mahal. Kailangan mong magpahinga”
"Bakit?? Ano ba ang nangyari sa akin?"
"Bigla ka kasing nahimatay habang papasok tayo sab ago nating bahay"
"Ha?? Bakit?" hindi sumagot si George sa tanong sa kanya ng asawa pero ngumiti lang ito at parang masaya. "Mahal?? Ano ba ang problema?" tanong ni Bek sa nakangiting asawa "Bakit ka nakangiti??"
"Masaya lang ako, Mahal. Masayang-masaya"
"Bakit nga??" pagpupumilit ni Bek "Sabihin mo sa akin"
"Mabuti pa, si Dok na lang ang kakausap sa'yo, okay?"
Tumingin si Bek sa kabila ng kama niya. Nakatayo pala ang babaeng doktora na nakangiti din sa kanya “Ano ba ang problema dok? Bakit ako nahimatay? May sakit ba ako?”
"Well. Based on your result" habang binabasa ng doktor ang papel na hawak-hawak niya "Wala ka namang sakit"
“Salamat naman sa Diyos dahil wala akong sakit” buntong-hininga ni Bek.
“Pero kailangan mo pa din magpahinga Mrs. Salcedo” mungkahi ng doktor sa kanya “Nawalan ka lang ng malay dahil kulang ka sa pahinga at pagkain. Better if you rest and eat more, especially you will expecting a baby”
"Po?" ulit ni Bek
"Yes Mrs. Salcedo. You're pregnant"
Abot-tenga ang ngiti ni Bek sa balita ng doktor sa kanya. Iyon pala ang dahilan kung bakit nakangiti si George sa kanya kanina. Nagyakapan ang dalawa ng mahigpit dahil sa wakas, magiging magulang na sila.
Samantala. Nasa paaralan sina Zeek at ang kanyang girlfriend na si Hazel. Nakaupo sila sa isang bakanteng upuan at inaayos ang kanilang requirements para sa kanilang pagpapracticum.
“Ano ba naman ’to. Magpaprocess pa lang ng mga requirements sa practicum natin, magastos na” reklamo ni Zeek sa kanyang girlfriend “Alam mo, dito na lang kaya ako magpapracticum para hindi masyado magastos”
Si Ezekiel Lacsamana o mas kilala sa tawag na Zeek ay 21 na taong gulang, Mestiso, 5’10“ ang kanyang tangkad, matikas ang pangangatawan at mapupungay ang mga mata. Marahil ito siguro ang isa sa mga rason kung bakit sinagot siya ng kanyang girlfriend na si Hazel, ang kanyang mga mata.
"Pero gusto mo dun sa Boracay magpapracticum diba? Sige na, Huwag ka nang magreklamo. Para din naman sa'yo 'to eh" paalala ni Hazel sa kanya.
"Hayy. Oo nga, pero magastos oh. Tignan mo naman, may mga medical test pa akong kukunin. Hindi lang isa o dalawa ha? Lima pa" sabay pakita ni Zeek ng mga requirements kay Hazel at buntong-hininga niya "Dito na lang kaya ako, Berry. Sigurado na ako"
"Cookie... sayang eh. Diba nakalista na ang pangalan mo na pupunta sa Boracay?"
"Oo... pero magastos nga" pagmamatigas niya "Hindi kaya ni Mama ang ganito kalaking bayaran. At isa pa, ayoko naman maging matagal kitang hindi nakikita"
"O sige, ikaw ang bahala. Desisyon mo yan, Cookie ha. Hindi kita pinipilit" sabay buntong-hininga ni Zeek habang hinihimas ni Hazel ang kanyang kamay sa likod ng nobyo. "So ano na ang plano mo?" tanong ni Hazel sa kanya "Saan ka magpapracticum?"
"Hmmm. May dalawang choices ako Berry eh... Sa Atria Hotel o sa The Deluxe Suites Hotel"
"Wow. Diba mga Five-star hotels yan?"
"Yup. Pero mas sosyal sa The Deluxe Suites. Doon na lang kaya ako"
"Sige Cookie. Kung iyan gusto mo, I'll support you na lang"
"Thanks Berry" sabay ngiti niya sa kanyang nobya.
Patuloy ang lambingan ng dalawa sa sofa at hindi nila namalayan na dumating na pala galing grocery ang ina ni Zeek na si Vivian.
"Kanina pa ba kayo??" bati niya sa kanilang dalawa. Kaagad namang tumayo at nagtungo sila kay Vivian upang magmano dito. Kinuha ni Zeek ang mga pinamili ng kanyang ina at dinala ang mga ito sa hapagkainan. "Kamusta na pala ang hotel na papagpractikuman mo sa Boracay, 'nak?" pansin ni Vivian sa mga nakakalat ng mga papeles sa center table nila.
"Ahmmm. Ma, tungkol po pala dun" sabay lapit niya sa ina "Hindi na po ako sa Boracay magpapapracticim" sagot naman niya.
"Ha?? Bakit naman? Bakit nagbago ang isip mo?" paalala niya sa anak "...pangarap mo doon na magtrabaho diba?"
"Oo Ma" buntong-hininga niya sa ina "Pero magastos pala eh. Hindi pa nga kami nakakaalis, marami nang babayaran" rason ni Zeek "E dito na lang ako"
"Sigurado ka ba, 'nak?" ulit ng kanyang ina sa kanya "Baka gusto mo dun. Hahanap ako ng paraan para sa gastusin mo"
"Huwag na, Ma. Promise. Okay lang ako" paniniguro ni Zeek sa ina "At isa pa, sakto lang ito sa pagkain natin at sa upa ng maliit na bahay na ito"
"Sige anak" yakap ni Vivian sa anak "Ang bait talaga ng anak ko. Salamat sa Daddy mo na binuntis niya ako. Kita mo, may anak pa akong sobrang bait"
"Ma naman. Yan ka na naman eh. Huwag mong sambitin ang taong yan"
"Ito naman. Naglalambing lang eh" ngiti niya kay Zeek "O pano, magbibihis muna ako ha. Tapos magluluto ng hapunan" sabay tingin kay Hazel "Dito ka na lang kumain, Hazel"
"Sige po, tita. Tatawagan ko na lang sina Mommy at Daddy na magagabihan po ako" sagot naman ni Hazel. "Excuse me po, Tita" at lumabas muna ng bahay si Hazel para tawagan at magpaalam sa kanyang magulang.
Samantala. Sa loob. Muling nagkausap ang mag-ina.
"Nak. Kamusta na pala ang magulang ng girlfriend mo?"
"Sila??" balik na tanong niya sa ina habang nakakunot ang mga noo nito "Okay lang. Ayon. Katulad ng dati, ayaw nila sa akin dahil mahirap lang tayo"
"Hindi ka ba nila inaway nak?"
"Kinakausap lang naman nila ako nang may halong pang-iinsulto" buntong-hininga ni Zeek "Anong magagawa natin, e pinanganak akong mahirap eh"
Natamaan naman si Vivian doon sa sinabi ng anak. “Anak. Pasensiya na ha? Kung pinanagutan sana ng Daddy mo ang ginawa niya noon sa atin, siguro ay mayaman na tayo. Hindi ka ngayon ganito, ang mababa ang paningin ng mga tao dahil mahirap tayo” buntong-hininga din niya “Pero hindi naman mangyayari iyon. Hindi ako mamahalin ng Daddy mo dahil isa lang akong bayaran na babae. May sariling pamilya ang Daddy mo”
"Ma??! Ano ba?? Huwag niyo na nga sambitin ang taong yan, pwede? Naiinis lang ako eh" sabat naman ni Zeek sa ina "At hindi naman kita sinisisi sa buhay natin ngayon eh. Nag-aaral nga ako ng mabuti Ma, para makapagtapos at makahanap ng trabaho. Ayaw ko na dito sa mabahong lugar na ito"
Napangiti naman si Vivian sa snabi ng anak. “Yon nga ang pinsasalamatan ko sa’yo anak. Dahil nag-aaral ka ng mabuti, hindi mo pinababayaan ang mga grades mo. Kaya naging scholar ka sa University na gusto mo” at yumakap ng mahigpit si Vivian sa anak “Matutupad din ang lahat ng mga pangarap mo, nak”
"Mama naman. Nagdadrama na naman siya eh" ganting yakap ni Zeek "Huwag kayong mag-alala, Ma. Kapag mayaman na ako, hindi na ako maiinsulto ng magulang ni Hazel at tatanggapin na nila ako"
Magkalipas ng ilang oras ay kumain na nga silang tatlo para sa kanilang hapunan. Sarap na sarap si Zeek sa kanyang kinakain dahil paborito niya ang niluto ng kanyang ina na menudo.
Ilang sandali ay natapos na din sila kumain. Tinulungan ni Hazel si Vivian para magligpit ng kanilang pinagkainan habang si Zeek naman ay bumalik sa kanyang mga papeles sa kanyang OJT.
Nagpaalam na umuwi si Hazel sa kanilang dalawa dakong alas-otso ng gabi. Nagdesisyon naman si Zeek na ihatid ang kanyang nobya sa kanilang bahay pero hindi pumayag ang babae dahil kaya niya nang umuwi at sasakay na lamang siya ng taxi.
Pumasok si Zeek sa kanilang bahay pagkatapos na mapasakay si Hazel sa taxi at umupo muli sa sofa at iniisip ang kanyang requirements na aasikasuhin.
"Zeek. May problema ba anak?" pansin ni Vivian sa kanya "Tungkol ba yan sa mga requirements mo?" at tumango si Zeek bilang sagot "Alam mo, magpahinga ka na, anak. Umiitim na ang ilalim ng mata mo oh"
"Mamaya na po Ma"
"Ezekiel. Huwag kang pasaway. Magpahinga ka na"
"Hindi pa po ako inaantok Ma eh"
"Kahit na. Magpahinga ka na sa kuwarto mo. Gabi na"
"Haay. Okay po" sabay ligpit ngmga kalat niya sa center table at tumayo.
"Ops. May nakalimutan ka pa"
"Ano yon?"
"Saan ang kiss ni Mama?"
"Ma naman eh. Matanda na ako oh."
"Kahit na. Ikaw pa din ang baby boy ko"
"Ma naman eh"
"Sige na Zeek. Kiss na si Mama sa cheeks" habang palapit ang pisngi ni Vivian sa mukha ng anak. Walang magawa si Zeek at hinalikan na lamang ang pisngi ng ina. "Good boy. Naglalambing lang ang Mama mo, Zeek. Simula nung nagka-girlfriend ka, hindi mo na ako pinapansin eh"
"Nagtatampo ka ba Ma?"
"Hindi ako nagtatampo. Namimiss ko lang yung mga yakap at halik ng anak ko noon"
"Si Mama. Nagsesenti"
"Hindi noh. Pero masaya ako na siya ang naging girlfriend mo, anak. Mabait siyang babae at maaalahanin"
"Oo nga Ma eh. Swerte talaga ako kay Hazel"
"Kaya huwag na huwag mo na siyang pakakawalan Zeek. Gusto ko siya na ang mapapangasawa mo"
"Asawa agad Ma??"
"Oo. Bakit? Ayaw mo ba na siya ang magiging asawa mo??"
"G-gusto...pero mga bata pa kami eh. 22 pa lang kami"
"Ano naman ngayon?" sagot naman ni Vivian "Isang semester na lang magtatapos na kayo sa college"
"Kahit na Ma. Hindi ko pa iniisip yan eh"
"E ano ang plano mo sa relasyon ninyong dalawa ni Hazel?? Wala lang??"
"Magpapakasal siyempre. Pero hindi pa nga ako handa diyan Ma" paliwanag ni Zeek sa ina "At isa pa, wala pa akong trabaho"
"Edi maghanap ka pagkatapos niyong magpakasal"
"Hay. Mama naman. Bakit ka ba nagmamadali?"
"Wala lang. Gusto ko lang makita ang apo ko habang buhay pa ako"
"Hayy. Huwag kang mag-aalala Ma. Makikita mo din ang magiging apo ninyo sa lalong madaling panahon"
"Promise yan ha??"
"Promise." ulit ni Zeek "Sige po Ma. Pasok na po ako sa kuwarto ko" sabay alik sa pisngi ng ina.
"Goodnight anak. I love you"
"I love you din Ma. Goodnight"
Itutuloy…
TIA: Chapter 2 (Selosang Asawa)
Gabi nang nakauwi si George sa kanilang bagong bahay mula sa kanyang trabaho. Pinamumunuan at pinagmamay-aian niya ang isa sa pinakasikat na hotel sa kanilang lugar, Ito ang “The Deluxe Suites Hotel”.
"Hello Mahal" bati ni Bek na sa kakapasok lang na asawa "How's your day?"
"Heto..." buntong-hininga ni George "As usual. Pagod sa trabaho. Meron kasing event kanina eh. Reception ng kasal."
"Ahh. Kaya pala. O sige, umupo ka na para makakain ka na. Ipaghahain na kita"
"Naku Mahal, huwag na. Ako na lang"
"Ano ka ba. Asawa mo ako, so gagawin ko ang responsibilidad ko sa'yo"
"Huwag na nga. Kailangan mo kaya magpahinga" sambit ni George "Nagpaalala sa'yo ang doktor na huwag kang magpapagod diba?"
"Oo, pero buong araw na ako kanina nakahiga. Gusto ko lang naman gumalaw ng konti"
"Huwag nang matigas ang ulo. Ako na lang, okay?"
Pumayag na lang si Bek na ang kanyang asawa na lang ang maghahanda sa kanyang kakainin.
Ilang saglit ang nakalipas ay natapos si George kumain at kaagad silang umakyat sa kanilang silid upang magpahinga na.
Kina-umagahan ay maaga siyang naligo at kumain ng agahan upang pumasok sa kanyang trabaho, Nagulat lamang si George dahil nakita niya ang kanyang asawa na nakabihis na din na tila may pupuntahan din.
"O Mahal. Saan ka pupunta?"
"Sasama sa'yo siyempre"
"Bakit pa? Diba sabi ng doktor ay magpahinga ka??" sambit ni George "Huwag na kasing makulit"
"Nababagot na ako dito sa bahay Mahal eh. Sama na lang ako sa'yo sa Hotel. Please??"
"Mas mababagot ka kung nasa office ka, Mahal" sambit ni George "At isa pa, doon sa hotel natin ginaganap ang Business Summit, Hindi kita mababantayan ng maayos dahil magiging busy ako mamaya"
"Okay lang yun, Mahal" sagot ng asawa "Kaya ko ang sarili ko"
"Sigurado ka ba?" ulit ni George "Kasi baka buong araw kita hindi mapapansin, Mahal. Alam mo naman na puro mga mayayaman at malalaking mga negosyante ang nasa hotel natin mamaya. Kailangan natin magpakitang-gilas"
"Yup. Sigurado ako" sagot niya "Magpakitang-gilas? Teka. Don't tell me na i-pu-push mo pa rin ba ang pagbebenta mo ng hotel?"
"Ha? Hindi noh" sabat naman ni George "What I mean is, kailangan nilang makita ang galing at ganda ng Deluxe Suites, para naman magiging mabango ang paningin nila sa atin at baka may willing na mag-invest sa kumpanya natin" paliwanag ng maayos ni George kay Bek "Ayaw mo yon?? Kung may mag-iinvest, lalaki pa lalo ang hotel natin at lalaki ang kita"
"Hmmm. Kung sa bagay. May point ka, Mahal"
"Diba??" ngiti ni George dahil sa wakas ay naiintindihan ng kanyang asawa "So?? Sasama ka pa rin ba?"
"Ha?? Oo naman" sabay kunot ulit ng noo ni Bek "Teka.... Parang ayaw mo ata akong isama, George" at doon na umiba ang tono ng boses at mukha ni Bek sa asawa "May tinatago ka ba?" Marami ka kasing palusot eh"
"Hindi naman sa ganun, Mahal. Ang point ko lang naman, baka mapagod ka nga dun"
"Anong mapapagod? E sigurado ako buong araw tayo uupo lang" sabay kunot ng noo niya sa asawa "At isa pa, naiintindihan ko naman ang lahat eh. Don't worry, hindi kita kukulitin mamaya sa hotel"
Nagpabuntong-hininga na lang si George sa gusto ng asawa “Sige na nga lang. Sumama ka na para wala nang away”
"Talaga Mahal? Yey! Thank you" sabay halik sa labi ng asawa.
"Haay. Ano pa nga ba." sambit niya kay Bek "Teka, kumain ka na?"
"Wala pa. Mamaya na lang ako kakain kapag nasa office na tayo, Mahal"
"O sige. So, let's go??"
Sumakay na si Bek sa kanilang sasakyan at ganun din naman si George. Pina-andar ni George ang sasakyan at kaagad silang umalis at nagtungo sa kanilang Hotel.
Pagdating nila sa Hotel ay pinark ni George ang sasakyan at bumaba sila kaagad. Pumasok ang dalawa sa pintuan ng gusali habang nakatayo ang mga empleyado ng kanilang hotel sa magkabilang gilid upang batiin sila.
"Good Morning Mr. and Mrs. Salcedo" bati ng mga empleyado sa kanilang dalawa. Ngumiti na lamang sila bilang ganti sa bati.
"Andiyan na ba sila sa Ballroom, Lucas?" tanong ni George sa kanyang Assistant.
"Yes sir. Kumpleto na silang lahat doon at ikaw lang ang hinihintay"
"Good. Sige, pupunta na ako doon"
"Okay sir" sabay lakad palayo sa kanyang boss
"Ahhm, Lucas?" at bumalik siya kay George "Paki-alalay ang Ma'am Bek mo sa opisina ko" sabay tingin sa asawa "Mahal, punta na ako sa function room ha?"
"Sige, Mahal. Mag-iingat ka"
"I will. Sige na, Mahal. Pumunta ka na kayo sa opisina ko"
"Ma'am Bek?? Let's go?" dugtong ni Lucas
Kaagad lumakad si George papunta sa elevator para umakyat doon sa isang malaking Ballroom para sa Business Summit na dinadaos doon. Pero habang lumalakad siya ay biglang napalingon si George dahil nandoon pa din ang kanyang asawa sa kanilang kinatatayuan kanina.
May napansin kasi ang kanyang asawa na si Bek sa may sulok. Dalawang dalaga na tila kinikilig sa pagdaan ng gwapo nilang boss. Napataas ang kilay ni Bek sa kanilang dalawa at kaagad niya pinuntahan ang nakangising mga babae.
"May problema ba??" kaagad namang umiling ang dalawa na tila kinakabahan sa paglapit niya "Well, so stop smiling na parang nakakita kayo nang pangkamot sa inyong namamaasang ari" insulto niya sa dalawa "This is not a striptease show na parang hinuhubaran niyo ang makita niyong gwapo na lalake"
"Sorry po, Ma'am Rebecca" sabi ng isang babae
"It's Bek, not Rebecca. Is that clear??"
"Opo Ma'am Bek"
"Mga nag-oojt ba kayo?" sabay tango nila ng mabilis "Kaya naman pala. Alam niyo na naiinis talaga ako sa mga nagpapracticum na mga walang experience na mga estudyante sa trabaho??" insulto pa niya dito "Kasi ang mga taong tulad ninyo ay ang rason kung bakit nasisira ang mga pamilyang nagtatrabaho dito... "
"Sorry po Ma'am. Hindi na po mauulit"
"Mabuti naman ay klaro sa inyo ito"
"Sorry po ulit, Ma'am"
"Bumalik na kayo sa trabaho ninyo"
Kaagad naman silang umalis sa harap ni Bek na namumutla ang mga labi. Hindi niya naman namalayan na bumalik ang asawa niya.
"Mahal" napasulyap naman si Bek sa tawag sa kanya ng asawa "Ano yon?"
“Wala. Pinagalitan ko lang sila kasi hindi nila ginagawa ang trabaho nila” paliwanag niya sa asawa “Oo nga pala, bakit ka bumalik?”
“Nakita kasi kita na kinakausap mo sila kaya ako bumalik.” sagot niya “Pabayaan mo lang sila, Mahal. Bawal sa’yo ang mapagod eh. Magpahinga ka na lang sa loob ng opisina ko”
"Sige Mahal. Pasensiya na talaga"
"It's okay. Kapag may kailangan ka, andito lang si Lucas, okay?"
"Sama na lang ako, Mahal"
"Ha?. Bakit ka pa sasama?"
"Gusto ko lang kita makita habang nagmemeeting. Masama ba yun?"
"Ano?? Diba sabi mo na sa opisina ka lang?? Bakit nagbago na naman ang isip mo?"
"Ehhh. Baka mababagot ako doon eh. Sige na Mahal. Sama na ako,Please?"
"Yan nga ang sinasabi ko eh. Kaya nga ayaw ko na sumama ka dahil alam ko na mabilis kang mabagot"
"Ganon??? So ayaw mo akong makasama?? Sige. Kung iyan ang gusto mo, George. Uuwi na lang ako"
"Sige na nga. I have no choice naman" buntong-hininga ni George sabay kuha ng kamay ng asawa.
Lumakad silang dalawa papunta sa elevator at sumakay doon. Umakyat sila sa third floor ng hotel para pumasok sa malaking Ballroom.
Nang pagpasok nilang dalawa ay nag-uumpisa na ang programa. Kaagad silang umupo sa may bakanteng upuan na may mesa habang may nagsasalita sa podium.
Sa lahat na nangyayari doon ay tanging napansin ni Bek ay ang malagkit na pagkatitig ng kanyang asawa sa nagsasalita sa harap. “Ahhm, Mahal?”
"Yes Mahal?" at napatingin naman siya sa asawa
"Sino ang nagsasalita?"
"Ang nagsasalita?" ulit ni George "Si Jeffrey Dy, Mahal. Pero José Hidalgo na ngayon ang kanyang pangalan dahil inampon siya ng isang negosyante mula Espanya. Alam mo, siya ang dating may hawak sa Dy Group of Companies at may share din siya sa Teng Prime Holdings" at tumingin muli sa nagsasalita sa harap "Siya na ngayon ang pinakamayaman na negosyante sa Pilipinas"
"Talaga?" habang nakatingin siya sa asawa habang nanginginig sa galit dahil sa selos.
Nang matapos niyang magsalita ay bumaba ang lalaki sa gilid ng stage. Nakita niya na nakabantay pala si George at inaabangan siya dito.
"Mr. Salcedo.." sambit niya dito "Is that you?? Wow. It's been a long time since the last time I saw you. Kamusta ka na?"
"I know" ganti ni George "Ito. Okay lang naman. Pilit na kinakaya ang negosyo"
"Well. That's good" ngiti din nito "Mabuti at hindi ka sumusuko sa kabila ng maraming kompitensya sa service industry"
"E ikaw? Kamusta ka na Mr. Hidalgo?"
"Well. It's Mr. Rodgers now" ngiti niya kay George
"Ha? May asawa ka na?"
"Yes. Nagpakasal na kami two years ago"
"Wow. And who's that lucky guy?"
"Nathan. His name is Nathan Rodgers"
"Well... I'm happy for you" ngiti ni George sa kanya "Mabuti ka pa"
"Oh bakit? Ikaw kamusta ka na? Wala ka bang may nakita na para sa'yo?"
"After naging tayo?? Hmmm. Wala" sagot niya "But nagpakasal na kami ng girlfriend ko"
"Oh yun naman pala eh. Happy naman ang lovelife mo"
"Mas happy ako nung naging tayo"
"Ewan ko sa'yo, George. Matagal na yun. Nung hindi ko pa siya nakilala"
"Ahheeeemmmm" napatingin silang dalawa sa hindi malayo. Si Bek at lumalapit sa kanilang dalawa habang nakangiti "Anong nangyayari dito?"
Nakataas ang isang kilay ni Bek sa kausap ng kanyang asawa. Parang narinig niya ang usapan ng dalawa. Nakita naman ito ni George at linapitan din ang asawa.
"Ahhmm. Mahal, si Mr. Rodgers" pakilala niya sa asawa "Siya ang sabi ko sa'yo kanina na ang dating may-ari ng Dy Group of Companies at may malaking shares sa Teng Prime Holdings" at tumingin muli sa lalaking kaharap niya "Should I say, one of the successful businessman in the Philippines"
"Wow. Sobra naman yan, Mr. Salcedo. Hindi naman masyado" at sumulyap siya sa asawa ni George "Hello. I'm José Hidalgo-Rodgers, and you are?"
"Rebecca Salcedo. George's wife"
Napangiti ang lalaki sa harapan ni Bek sa kanya. “Nice to meet you, Mrs. Salcedo” bati nito “Okay lang ba kung umupo na tayo? Napapagod na kasi ang mga paa ko sa kakatayo eh”
"Sure" sagot naman ni George "Doon ka na lang umupo sa table namin" at napatingin si Bek sa kanya na parang pinipigilan ito.
Nakita naman ng Mr. Rodgers ang ginawa ni Bek. “Parang ayaw naman ng asawa mo na tumabi ako sa inyo. Mr. Salcedo”
"No. It's okay, Mr. Rodgers" dugtong naman ni George "Okay lang sa asawa ko na doon ka umupo sa amin"
"Sige. Kung ganun naman ang gusto ninyong dalawa"
Kaagad nagtungo silang tatlo sa mesa ng mag-asawa. Umupo sila doon; napagitna nina Bek at Mr. Rodgers si George. Masaya ang usapan ng dalawang lalaki at parang inaalala ang kanilang pagsasama noon.
As usual, masakit pa rin ang tingin ni Bek at nagseselos sa kasamang lalaki ng asawa, Para gusto kasi nitong agawin ang kanyang asawa sa kanya. Nakuha naman ni Mr. Rodgers ang ibig sabihin ng mga tingin ni Bek sa kanya, pero ngumiti lang ito na parang nang-iinis.
"Jeff?? Mahal?" tawag ni George sa dalawa at napatingin naman sila dito "Punta muna ako sa CR" paalam niya sa dalawa.
"Sige Mahal. Mag-ingat ka"
Kaagad tumayo si George sa kanyang upuan at lumakad patungo sa banyo. Naiwan silang dalawa sa mesa at nagkakatitigan habang nakangiti sa isa’t-isa.
"Matagal na ba kayong magkakilala ng asawa ko, Mr. Rodgers?" panimula ni Bek sa usapan.
"Aaahmm" habang inaalala ang nakaraan "Oo. Matagal na rin pero matagal na panahon din kaming hindi nagkausap ng ganitong kasinsinan" paliwanag nito
"Talaga?? Siguro napakatagal na panahon na yan noh?" sambit ni Bek "Years?"
"Yup. Siguro more or less, 25 years na"
"Wow. Matagal na nga" habang tinititigan niya pa din ang lalaki "Kaya naman pala na parang napakasaya ninyo na nagkita kayo at nagkausap"
"Oo nga eh" ngiti nito "Nagkikita lang kami sa ganitong klaseng event pero minsan lang kami nagkuwentuhan ng ganitong kasaya"
"Paano ba kayo nagkakilala?" sabay hinga ni Bek ng malalim. Gusto niya na kasi saktan ang lalaki.
"He's my classmate way back in high school. Naging close kami tapos hindi ko pala alam na may gusto pala siya sa akin" at doon na naramdaman ni Bek ang galit. "At naging kami nga for two months dahil inamin niya ang nararamdaman niya sa akin" kuwento niya sa asawa ni George
"Ganon ba??" tanging sambit ni Bek na parang nanggigigil na ito
“Sorry kung nakuwento ko sa’yo ito ha? Tinanong mo kasi eh” ngiti ni Mr. Rodgers sa kanya “At alam mo naman ang tungkol sa same-sex relationship diba?”
"Yup. Alam ko ang tungkol doon" sagot naman ni Bek "Doon nga kami muntikan maghiwalay at i-cancel ang kasal namin"
"Ha? What do you mean?"
"I caught him fucking with a dirty and cheap faggot" habang pumatak ang isang luha sa kaliwang mata "Biglang dumilim ang paningin ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakita ko.Napatay ko ang bakla. Ginamit niya ang taong iyon para sa kaligayahan niya?? At ako?? Ano ang papel ko sa buhay niya?? Diba ako dapat ang magbibigay sa kanya ng ganyang kaligayahan??" kita sa mukha ni Bek ang galit nito sa panahon na iyon
Itutuloy…
TIA: Chapter 3 (Ang Pagkikita)
Napalunok na lamang si Mr. Rodgers sa kuwento sa kanya ng asawa ni George. “Kaya wala nang tao o hayup na bakla pa ang makakasira sa relasyon namin, Lalung-lalo na ngayon dahil mag-asawa na kami” at tumingin si Bek sa lalaki “Kaya pag-isipan mo ng mabuti ang susunod mong galaw sa asawa ko. Baka ikaw ang isunod ko sa baklang yon”
Napatawa na lang ng malakas si Mr. Rodgers sa banta ni Bek “Mrs. Salcedo. Pinapatawa mo ako”
"I'm not joking. Totoo ang mga sinasabi ko. Stay away from my husband baka ano pa ang magawa ko sa'yo" dugtong nito "Mag-ingat ka"
"Well. Lahat ng mga sinasabi ay pawang nakakatawa, Mrs. Salcedo" sagot nito "At talagang naisip mo na aagawin ko sa'yo ang asawa mo?? You are so funny. For real?? Meron pa talagang taong katulad mo??" nagpabuntong-hininga ang lalaki na kasama niya sa mesa at parang nagagalit na ito sa mga paratang sa kanya "Alam mo, narinig ko na ang klaseng pambabanta na yan at hindi na ako natatakot"
"Narinig mo na? So ang ibig sabihin ay may iba ka pang lalaki na may asawa na nilandi mo bago ang akin?" habang nakangiti ito na parang naiinis kay Mr, Rodgers "Hindi ko aakalain na ganyan ka pala kababa ang moral mo, Mr. Rodgers. Tinagurian ka pa naman na pinakamayaman na negosyante sa Pilipinas pero ganito pala ang ugali mo?? Isang homewrecker??"
Napangiti na lamang si Mr. Rodgers sa mga pang-iisulto nito “Mrs. Salcedo. Kung ano man ang problema ninyong mag-asawa, please lang. Huwag ninyo akong idamay diyan dahil meron akong sariling problema na mas makabuluhan pa diyan” at nakatingin lamang si Bek sa kanya “Kung iniisip mo na isa akong homewrecker, well, wala na akong rason para depensahan ang aking sarili dahil hinusgahan mo na ako. Hindi mo alam kung ano istorya ng buhay ko para husgahan mo ako ng ganyan. You never there para saksihan ang totoong nangyari sa buhay ko. Kaya huwag mo akong paandaran sa mga hugot at kapraningan mo sa buhay, katiting lang yan sa mga nangyari sa buhay ko”
"Ano ba ang pinagyayabang mo?? Yang yaman mo??" balik ni Bek pagkatapos ng ilang segundo na pananahimik "Mawawala din yan at hindi mo maisasama sa pagkamatay mo ang mga yaman mo"
"Speaking of DEATH. Hindi mo ba alam na merong babae na namatay dahil sa kapraningan niya?? Siya rin mismo ang nagdala sa kanyang sarili sa mismong kamatayan niya dahil marami siyang maduduming naiisip sa amin ng asawa niya. Kaya ayon, namatay ang babae" sabay tingin ni Mr. Rodgers kay Bek mula ulo hanggang paa "Kaya ikaw, ikaw ang mag-ingat, Mrs. Salcedo. Dahil baka ikaw ang sumunod sa kanya"
Tumayo si Mr. Rodgers sa upuan dahil gusto niya nang umalis doon na kasama ang babae. Sakto din na nakabalik si George mula sa banyo. Nagtaka ito dahil tumayo ito na naiinis ang mukha.
"Mr. Rodgers? Where are you going?"
"Wala. Pupunta lang ako sa banyo"
Nagdesisyon agad si George na dumerecho sa kanilang upuan. Nakita niya ang kanyang asawa na nanginginig sa galit at takot.
"Mahal. Okay ka lang?"
"Yeah. I'm okay" sagot ni Bek.
"Are you sure? Parang hindi eh" habang hinimas niya ng likuran ng asawa.
"Honestly?? Hindi"
"Ha? Bakit naman, Mahal?"
"Ikaw. Kayo!" sigaw ni Bek. Nagtinginan ang mga tao sa kanilang dalawa dahil sa ingay
"Rebecca" saway ng asawa niya sa kanya "Huwag naman dito. At ano naman ang ibig mong sabihin na ako?"
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na naging kayo pala ni Mr. Rodgers?"
"E matagal naman yun ehh. Nung high school pa kami. There's no big deal about it"
"Sa'yo siyempre wala. Pero sa akin na asawa mo, meron" dugtong ni Bek "Magsabi ka nga ng totoo, George. Kayo pa rin ba hanggang ngayon?"
"Ano?? Saan naman yan nanggaling?? Bek. Pwede ba? Pati siya ay pinagduduhan mo? Ano ka ba naman?? Huwag dito" habang nilibot niya ang kanyang paningin "Tinitignan na tayo ng mga tao"
"E siya kasi eh..."
"Anong siya?? I know na bisexual yun si Mr. Rodgers pero may asawa na yon Bek." tanggol niya sa lalaki "At wala akong plano na maghanap uli dahil may asawa na ako. At ikaw yon"
Nahimasmasan naman si Bek sa paliwanag sa kanya ng asawa at kaagad niya itong niyakap “Sorry Mahal. Hindi ko talaga alam na may asawa na siya. Sorry talaga. Natatakot lang ako na mangyari ulit noon sa atin”
Naawa si George sa asawa at niyakap niya din ito “Yun ang problema mo Mahal eh. Sana alamin mo muna ang lahat bago ka magreact” sambit ni George “Iyan ba ang dahilan kung bakit siya umalis dito?”
"Oo" tanging sagot nito "Pero sorry na, Mahal. Hindi ko talaga alam. Sana mapatawad mo ako"
"It's okay. Naiintindihan naman kita kung bakit mo ginawa iyon. Pero sa susunod ay alamin mo muna lahat, okay?"
"Oo Mahal. Sorry talaga" ulit ni Bek "Mahal, favor naman oh"
"Ano yon?"
"Tulungan mo naman ako na kausapin si Mr. Rodgers. Hihingi lang ako ng tawad sa kanya"
"Sige. Hahanapin natin siya mamaya at hihingi ng tawad sa ginawa mo" pagsang-ayon ni George "Basta tatandaan mo na hinding-hindi na mangyayari iyon, okay? Pangako. Please naman. Magtiwala ka sa akin"
Tahimik lang si Bek habang umiiyak at yakap-yakap ng asawa.
Samantala
Naghahanda si Zeek para pumunta sa The Deluxe Suites Hotel para asikasuhin ang kanyang application doon.Mag-isa lang siya pupunta sa hotel para mag-submit ng kanilang resumé ng kanyang kaklase. Dalawa lang sila kasi ang mag-papracticum doon dahil karamihan ng kanilang mga kaklase ay doon sa Boracay.
Pumasok siya sa lounge ng hotel na hawak-hawak ang folder na may laman ng kanilang resumé. Kinakabahan siya dahil baka hindi sila matanggap bilang On-the-job Trainee doon. Mapili kasi sila sa pagpili ng mga magtetraining, lalung-lalo na sa mga mag-aapply ng trabaho sa kanila establishment.
Hindi na lamang inisip iyon at dumerecho siya kaagad sa front desk ng hotel. Bumungad sa kanya ang isang napakatangkad at napakagandang babae na nakatayo at nakangiti sa kanya.
"Good Morning, Sir. Welcome to The Deluxe Suites Hotel" bati ng babae sa kanya "How may I help you?"
"Ahmmm. Miss, magsusubmit po sana ako ng resumé" sagot naman ni Zeek "For practicum" sabay abot niya ng kanilang resumé.
Kinuha naman kaagad ng babae ang inabot ni Zeek habang nakangiti, sabay tingin at basa dito “Ahmm. Wait lang po Sir ha. I’ll just inform the H.R. Department kung ano po ang status ng application niyo ha”
"Ay hindi Miss. Nag-aapply pa lang po kami ng classmate ko."
"Opo Sir. Pero nagsubmit na ang Adviser niyo po dito ng application letter tungkol sa inyong dalawa"
"Ahhhh." sambit lamang ni Zeek "Sige Miss. Salamat"
"Umupo lang muna kayo sa couch, Sir"
Kaagad namang pumunta sa sofa si Zeek at umupo doon. Naghintay siya ng tawag ng babae na pinaalam niya sa HR ang tungkol sa kanilang application.
Ilang saglit lamang ay dumating ang isang maposturang babae. Siguro nasa late 30’s ang kanyang edad. Namangha siya sa kanyang nakita, malamang siya na ang Head ng HR Department. Nag-uusap sila ng babae kanina sa front desk at tila may tinatanong at para siya ang kanilang pinaguusapan dahil panay tingin ang babaeng postura sa kanya.
Lumapit ang babae sa kanya at kaagad naman tumayo si Zeek.
"Ikaw ba ang mag-aapply for practicum?" matigas na tanong nito.
"Ahhm. Yes, Ma'am. Ako po... at yung classmate ko"
Sabay sulyap ng babae sa bandang likuran ni Zeek na kung may kasama nga ito. “I don’t see anyone, except you” sambit nito.
"Sorry po Ma'am. Ako lang po talaga ang pumunta dito"
"And why is that?" sabat niya kay Zeek "Nasaan ang kasama mo?"
"Kasi may emergency po yung classmate ko eh" paliwanag ni Zeek "That's why hindi siya nakasama dito ngayon"
"Emergency...??? Are you kidding me?? Nag-aapply kayo sa isang Five-star hotel at tapos hindi kayo magpapakita??? That's slothful"
"Po...??"
"My God! Ang sabi ko... napakatamad niya..." paliwanag pa niya "Hindi ko kayo maiintindihan, late na nga kayo sa pagsa-submit ng resumé ninyo, hindi pa kayo kumpleto. Naglolokohan ba tayo dito?"
"Hindi naman po sa ganun, Ma'am. May emergency lang po talaga"
"At talaga sumasagot ka pa noh??"
"Sorry po..." sabay tingin niya sa sahig.
"Sorry din pero hindi namin matatanggap ang application ninyo."
"Bakit po, Ma'am?"
"Because of your attitudes."
"Ma'am please. Kailangan ko po ito"
"Then maghanap ka ng iba, Mr. Lacsamana. I'm sorry" pagmamatigas ng babae "Ngayon pa lang ay alam ko kung ano ang magiging performance ninyo dito"
"Ma'am. Nagmamakaawa ako" sabay hawak sa braso ng babae.
"Ano ba??!! Don't touch me" sigaw niya GUARD!!"
Kaagad naman pumunta ang guard na nakatambay sa pintuan “Yes Ma’am?” sulpot ng guard
"Anong 'yes ma'am, yes ma'am'? sabay tingin ng babae sa guard "Ilabas mo ang taong yan!"
Hinawakan at hinila ng guard si Zeek palabas ng hotel. Maraming nakatingin na mga tao sa nangyayari sa lounge dahil sa kanilang ginagawa.
“Stop that! Ano yan??” napatingin ang mataray na babae sa lalake na lumabas mula sa elevator.
"George" sambit ng babae.
"Bek, ano na naman ba 'to??" sambit niya sa babae "Ano yan?"
"Eto kasing batang 'to. Napakabastos"
"Bakit? Ano ba ang ginawa niya sa'yo?"
"Hinawakan ako sa braso ko."
"O tapos...?"
"Nagmamakaawa kasi siya na tanggapin ang application nila dito na magpapracticum. Pero wala ang kasama niya daw. Absent. Tapos sumasagot siya naman sa akin"
"Hindi po ako sumsagot,Ma'am. Nagpapaliwanag lang po ako" dugtong ni Zeek.
"O kita mo, George. Sumasagot pa din"
Matagal matapos makasagot si George sa sinasabi ng kanyang asawa “Sige na guard. Bitawan mo na ang batang yan. Ako na ang kakausap sa kanya” sabay tingin kay Zeek. “Pakidala na lang siya sa opisina ko” utos niya sa guard.
"But, George" sambit naman ni Bek.
"Ako na ang bahala sa kanya, Bek. Salamat sa ginawa mo"
"George..."
"Tumahimik ka na. Mag-uusap pa tayo mamaya. Namumuro ka na sa akin" pambabanta ni George sa asawa. Tumalikod siya sa kanyang asawa at sumunod sa guard at kay Zeek.
Nang pagdating doon sa opisina niya ay kaagad niya itong pinaupo sa bakanteng upuan. Umupo din naman si Zeek at ganun din si George.
"Sorry about what happened" sambit ni George sa kanya.
"It's okay po, Sir. I understand. Tama din naman siguro si Ma'am dahil sumasagot ako sa kanya eh. Pinagtatanggol ko lang naman ang kaklase ko, na hindi siya nakasama dito sa akin dahil may emergency po siya"
"Ganun ba??" sabay hinga ng malalim si George "Ano ba ang sinabi niya?"
"Tamad daw po siya."
Muli siyang nagbuntong-hininga sa narinig niya sa bata. Hindi niya talaga maiintindihan ang kanyang asawa, parang umiba na ang kanyang ugali pagkatapos ng kanilang honeymoon. “Hayaan mo. Ako ang kakausap sa asawa ko. By the way, what’s your name?”
"Ezekiel Lacsamana po, Sir. But you can call me Zeek"
"Ahh. Good to know you, Zeek. I'm George Salcedo. The owner of The Deluxe Suites Hotel"
Kaagad naman tumayo si Zeek at kinuha ang kamay ni George at kinamayan niya ito. “Naku po Sir. Nice meeting with you po.”
"No need to do that, Zeek. Sige na. Umupo ka na" bumalik at umupo naman kaaagad ito sa kanyang upuan. May kinuha siyang grupo ng mga papel mula sa kanyang mesa at binasa niya ito. Napansin kaagad ni Zeek na ang binabasa pala ng Sir George niya ay ang kanilang resumé "Ahmm. Tungkol sa application ninyo, Zeek."
"What about it, Sir?" sabay lunok ng kanyang laway na tila kinakabahan sa sasabihin ng may-ari.
"Well. Looks promising. Pero kailangan pa natin idaan sa mga screening ang application ninyong dalawa bago kayo makapag-start dito"
"But Sir. I'm still applying for practicum, not a job"
"Exactly, Zeek. Hindi kami basta-basta nagpapasok kung sino-sino lang" sagot naman ni George. "This is a five-star hotel, and we need excellent workforce"
"Okay po, Sir. Sorry, Naiintindihan ko" sabay tingin sa kanyang sapatos.
"Good. Well, bumalik kayo dito bukas for an interview"
"Okay po Sir. Salamat talaga sa pagbibigay ng chance"
"No worries, Zeek."
"Pero paano yung kaklase ko? Baka hindi siya makarating bukas?"
"And it's his lost. Binigyan ko na kayo ng chance, don't waste it"
"Sige po Sir. Salamat talaga" tumayo kaagad si George at ganun din si Zeek. Nagkamayan silang dalawa ng napakatagal. Parang may nararamdaman si George na init sa kanyang katawan habang hinawakan ang kamay ni Zeek. Napansin naman ito ni Zeek at kaagad inalis ang kanyang kamay "Sige po, Sir. Thank you ulit"
"See you tomorrow, Zeek"
Itutuloy…
TIA: Chapter 4 (Bistado)
Nagdesisyon na umuwi kaagad si Zeek para ipaalam sa kanyang girlfriend at ina ang resulta ng kanyang pag-aapply sa isa sa pinaka-luxurious at isa sa pinakamagandang hotel sa kanilang lugar.
Nang pagpasok niya sa kanilang bahay ay nadatnan niya si Hazel na nakaupo sa sofa samantala ang kanyang ina naman, ay gumagawa ng meryenda.
"O anak. Nandito ka na pala" sambit ni Vivian sa anak "Tamang-tama, gumawa ako ng meryenda. Halika na at kumain"
"Sige po, Ma" kaagad naman siya lumapit sa ina at nagmano ito at kumuha ng isang sandwich sa pinggan.
"Kamusta pala ang application mo dun?" dugtong naman ni Hazel.
"Hmmm. Okay lang naman, Berry. Nakaproblema nung una pero naging maayos din naman kaagad"
"Ha? What do you mean, Cookie?"
"Muntik na kasi hindi matanggap yung application namin eh. Dahil sa mataray na asawa ng may-ari"
"Bakit naman?" tanong ulit ni Hazel. Habang nakikinig din si Vivian sa kanilang usapan.
"Sinabihan pa naman na tamad ang kaklase ko. Tapos pinaliwanag ko lang naman... tapos ang sabi niya sa akin, hindi niya na daw matatanggap ang application namin dahil sa ugali naming tamad" kuwento ni Zeek "Ayon, nagmamakaawa ako sa kanya na bigyan niya muna kami ng pagkakataon pero pinalabas niya ako sa guard"
"Ganon?? Ang sama ng babaeng yun ah" sambit ni Vivian sa kuwento ng anak "Pinahiya ka niya sa maraming tao"
"Mabuti nga lang na dumating talaga ang may-ari eh. Pinagtanggol niya ako sa asawa niya at binigyan niya ako ng chance"
"So...?? Okay na ang application mo, Cookie?" sabat naman ni Hazel
"Hmm. Hindi pa, kasi babalik pa ako bukas para sa interview "
"Okay na yan, Cookie. Alam ko na makakaya mo yan at sigurado ako na makapasok ka diyan"
"Salamat Berry" hawak sa kamay ng nobya. "Maliban kay Mama, ikaw ang taong pinagkukunan ko ng lakas ng loob. Maswerte talaga ako sa'yo" sabay halik sa noo "Mahal na mahal kita, Berry"
"Mahal na mahal din kita" sagot din ni Hazel. Kaagad siyang tumingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Napagtanto niya na mag-a-alas-sais na pala ng hapon at kailangan niya nang umuwi "Cookie, I need to go home na. Hinahanap na ako ni Daddy sa amin eh. Mag-gagabi na kasi"
"Ha? Uwi ka na agad?" at biglang nalungkot ang mukha ni Zeek "Kararating ko lang eh"
"Ang aga naman yan" dugtong naman ni Vivian na may bitbit na meryenda "Mamaya ka na umuwi. Magmeryenda ka na muna"
"I'm sorry, tita. Pero kailangan ko na talagang umuwi. Baka magalit si Daddy sa akin. Hinitay ko lang si Zeek na makauwi bago ako makaalis" habang nagmamadaling nagtungo sa sofa at kinuha ang kanyang bag . Bumalik ulit sa nobyo na nakatayo pa din doon na malungkot pa ang mukha "Sige na Cookie. Alis na ako. Bawi na lang ako sa'yo bukas, okay?"
"Sige" buntong-hininga ni Zeek "Ano pa nga ba magagawa ko"
"Sige Cookie. Alis na ako" at tumingin din sa ina ng boyfriend "Tita, alis na po ako"
"Mag-iingat ka, Hazel"
Habang lumalabas ang dalaga sa gate ng bahay ay pumasok na lang si Zeek sa kanyang kwarto at parang nainis sa ginawa ng girlfriend.
Samantala. Sa bahay ng mag-asawang Salcedo.
“Bek… ano na naman ba yun??” bati ni George sa asawa habang papasok sila sa kanilang bagong bahay.
"Ang ano??" pagmaang-maangan ni Bek.
"Ang kanina. Sa ginawa mo sa bata"
"Ahh. Sa kanya..." sambit naman niya na tila alam ang ibig sabihin ni George "I don't want to explain kasi alam ko ang ginagawa ko para hotel mo, George"
"Na ano?? Na bastusin mo ang mga taong mag-aapply sa hotel ko...?"
"Bastos?? How dare you, George"
"Totoo naman eh. You know, what. Nagbago ka na talaga, Bek." Dugtong ni George "Parang mainit palagi ang ulo mo sa mga tao na pumapasok sa hotel ko. Ano ba ang problema mo??"
"Problema?? Talagang tinatanong mo pa ako sa problema ko, George????"
"Oo. Sabihin mo kung ano ang problema mo. Para hindi ako parati manghuhula kung ano ang nararamdaman mo"
"Ganun?? Huwag na. Hindi mo pala alam eh"
"Mahal naman. Huwag ka namang ganito oh" pagmamakaawa niya sa asawa "Kanina ka pa ng umaga ah"
"Sino ba naman ang hindi magagalit sa dalawang practicumer na babae na panay ang ngiti sa'yo dahil dumaan ka. Tapos, nilalandi ka ni Mr. Rodgers na yun kanina, na parang gusto mo din"
"My God! Yun lang ba, Bek? Yun lang ba ang pinuputak ng bibig mo??" sambit ni George na tila naiinis sa rason ng asawa. "Ang mga walang kakawentang bagay?"
"Oo. Yun nga"
"Mahal naman" sabay hawak sa kamay ng asawa "Hanggang ngayon ba ay wala kang tiwala sa akin?"
"May tiwala ako sa'yo... pero wala akong tiwala sa mga taong nakapaligid sa'yo, lalung-lalo na ang mga bakla" tingin niya sa asawa "Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa ninyo ng bakla noon"
"Bek. Asawa na kaya kita, hinding-hindi na kita kayang saktan dahil mahal kita" sambit ni George na malumanay ang boses "Oo, aaminin ko na nagawa ko yun, dala sa tawag ng laman. Pero ikaw ang mahal ko. At hindi ko na talaga gagawin yon, okay?"
"Hmmm. Talaga?" sambit ni Bek na tila humihina na ang tono ng boses.
"Oo kaya. Please Mahal. Magtiwala ka lang sa akin"
"Hmmm. Ikaw kasi eh. Ang gwapo mo kaya maraming nagkagusto sa'yo" ngisi ni Bek at ganun din naman si George.
"Hindi kaya ako gwapo. Maputi lang ako kaya ganun" sagot ni George habang nakangiti din.
"Sus. Ang cute mo kaya Mahal" sabay kurot sa pisngi ng asawang lalake.
"Hehe. Edi cute kung cute" sambit naman ni George "So, okay na tayo, Mahal??"
"Oo na. Okay na tayo. Pasalamat ka dahil cute ka"
Pasado alas-siyete nang makauwi si Hazel sa kanilang bahay. Alam niya na magagalit ang kanyang magulang dahil late na siya sa curfew na binigay sa kanya ng kanyang magulang.
Habang papasok siya ng gate ay nakita niya ang kanyang Daddy na nakatayo sa may pintuan ng bahay.
"Good evening po, Dad" bati niya sa ama pero hindi siya nakatingin dito dahil kinakabahan ito
"Bakit ngayon ka lang??" sagot ng ama "Diba ang sabi namin ay alas-sais ng hapon ay nandito ka na sa bahay?? Seven-thirty na, Hazel."
"Sorry po, Dad. Nawili po kasi ako sa kuwentuhan naming magkakaibigan eh"
"Kaibigan?? Sigurado ka na sila ang kasama mo kanina?"
"Opo Dad"
"Sinunggaling" dugtong nito na may matigas na ang tono "Tinawagan ko ang mga kaibigan mo, Hazel. Ang sabi nila ay wala kayong pasok sa huling period ninyo. Nakita ka nila na sumakay kaagad sa taxi at nagmamadali" kita sa mata at mukha ng kanyang ama ang galit sa pagsisinungaling nito "Magsabi ka nga ng totoo babae ka. Saan ka ba pumunta pagkatapos ng dismissal ng klase ninyo?"
"Sa mall po, Dad" sagot nito
"Napakasinunggaling mo talagang bata ka"
"Yun nga ang totoo, Dad. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo" paliwanag ni Hazel
"Sa tingin mo ba ay naniniwala ako sa'yo? Saan ka nga pumunta, Hazel??" ulit nito sa pagtatanong "Sa kanya ka ba nanggaling?? Sa lalaking hampas-lupa na yon??!"
"Hindi po Dad. Hindi na po kami nagkikita simula nung pinagbawal mo na ang aming relasyon"
"Talaga lang ha?" at may kinuha siya sa bulsa ng kanyang pantalon. Isang cellphone at kaagad niyang binuksan ito. Pinakita ng kanyang ama ang litrato na kung saan magkasama sila ni Zeek na papasok sa maliit na bahay ng binata. "Ano 'to?? Magsabi ka ngayon na nagsisinungaling ako"
Hindi makadugtong at makarason si Hazel sa ama dahil bistado na talaga ang kanyang pagsasaway sa magulang “I’m sorry, Dad” tanging sabi niya.
"Bakit ka nagsinunggaling sa akin, Hazel?" tanong niya sa anak "At bakit mo sinuway ang sabi namin sa'yo ng Mommy mo na itigil na ang pagkikita mo sa taong iyon?"
"Mahal ko si Zeek, Dad. Bakit hindi ninyo naiintindihan ni Mommy iyon??!" pagtaas ng tono ng boses ng dalaga.
"Dahil hindi siya ang lalaki na para sa iyo, Hazel!!" sigaw din niya sa anak habang tumutulo na ang luha ng dalaga sa kanyang mga mata "Napakababa niyang nilalang para sa'yo. Paano ka niya bubuhayin? E siya nga, hindi nila mabuhay ng maayos ng kanyang ina ang kanilang sarili"
"May pangarap siya Dad. May pangarap siya sa aming dalawa"
"Pangarap?? Anong pangarap?" ulit niya "Isa pa lamang siyang estudyante na kagaya mo. Wala pang klaro ang hinaharap niya dahil mahirap lang siya. Pero ikaw, anak. Klarong-klaro ang kinabukasan mo. Makinig ka lang sa amin ng Mommy mo"
"Pero Dad..."
"Wala nang pero-pero, Hazel. Nakapagdesisyon na ako. Bukas-makalawa ay aalis tayo ng bansa kasama ng Mommy mo" sambit ng kanyang ama sa kanya "Doon na tayo sa Amerika titira at doon mo na lang ipagpatuloy ang pag-aaral mo"
"Pero Dad. Graduating na ako. At ayaw kong iwanan ang Pilipinas"
"As I said. Nakapagdesisyon na ako, Hazel. Sumunod ka na lang sa akin. Para din sa iyo ito, anak"
Pumasok kaagad ang kanyang Daddy sa bahay habang siya naman ay nakatayo pa din malapit sa gate. Hindi siya makapaniwala sa desisyon ng ama na aalis sila kaagad ng bansa.
Kinabukasan
Napansin ni Vivian na may problema ang anak at nakaupo lamang ito sa sofa at tila may iniisip na malalim. Kaagad naman pumunta niya ang kanyang anak at umupo sa tabi nito
“Anak okay ka lang ba?” bati niya kay Zeek.
"Okay lang naman po ako, Ma" sagot niya naman sa ina na tila mahina ang boses.
"Sigurado ka??" paninigurado niya sa anak.
"Opo, Ma."
"Parang malungkot ka kasi, anak eh. Dapat masaya ka dahil interview mo na mamaya sa Deluxe Suites"
"Ganun nga po Ma eh. Kinakabahan ako mamaya para sa interview ko" buntong-hininga ni Zeek. "Parang hindi ko kaya. Paano kung mag-uutal ako mamaya sa sagot ko?? Pano kung hindi ko masagot ng maayos ang tanong nila sa akin?"
Nagpabuntong-hininga din si Vivian sa sinabi ng anak at ipinatong niya ang kanyang kanang kamay sa balikat ng anak “Zeek anak. Natural lang siguro na kabahan ka dahil first-time mo tong interview. Ang gawin mo lang, ngumiti at ‘be-yourself’ lang sa pagsagot sa mga tanong sa’yo, okay??”
"Okay po, Ma. Pero ang istrikto kasi ng may-ari ng hotel Ma eh"
"Ganun talaga yon. Syempre, siya ang may-ari pero prove to him na deserve mo na makapasok sa hotel niya, okay?"
"Salamat po, Ma. Biglang nadagdagan ang kumpiyansa ko sa sarili sa mga sinabi mo po"
"Walang anuman, anak" sagot naman ni Vivian "Sige na, Zeek. Maghanda ka na para mamaya"
"Sige po, Ma"
Dakong alas-diyes ng umaga ay nakadating na si Zeek sa hotel. Isang oras bago mag-umpisa ang kanyang interview at tila kinakabahan muli ito.
Biglang naisip niya na hindi talaga makapunta ang kanyang kaklase at kahit anong pilit niya sa kanya ay hindi talaga siya makapunta. Nagawa niya naman ang lahat para pilitin ito pero wala talaga.
Lumapit siya sa front desk ng hotel upang magtanong tungkol sa kanyang interview “Excuse po, Miss. I’m Ezekiel Lacsamana. Nandito po ako kahapon tungkol sa application”
"Oh yes, Sir" sagot naman ng babae. "Mr. Salcedo is expecting you in his office. Pumasok na lang po kayo" habang inuunat ng babae ang kanyang kanang kamay at itinuro ang pintuan ng opisina ni George.
"Sige Miss. Salamat"
Lumakad siya patungo sa pintuan at kaagad siyang kumatok at binuksan ito. Mabilis ang kabog ng dibdib ni Zeek habang papasok sa opisina ng may-ari ng hotel. Kinakabahan siya dahil ito ang una niyang interview at tila hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin at sasagutin.
Habang lumalakad siya patungo sa mesa ni George ay lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib nito. Ngumiti na lang siya kay George para ipakita dito na hindi siya kinakabahan.
"Please sit down, Mr. Lacsamana" sambit ni George sa kanya.
Kaagad naman umupo si Zeek sa upuan na kung saan inupuan niya kahapon. “Good Morning po, Sir” bati naman niya kay George.
"Good Morning" sagot naman niya habang kinuha ang resumé ni Zeek at binasa niya muli ito "So, ready ka na...?"
"Ready saan po, Sir?" tanong niya na tila blanko ang kanyang mukha.
"On your interview, Mr. Lacsamana" sagot niya "Okay ka lang ba? Parang wala ka sa'yong sarili"
"Sorry po, Sir. It's my first time to have an interview kasi eh. Medyo kinakabahan lang"
"Don't be. Huwag kang kabahan Mr. Lacsamana. Parang nagkukuwentuhan lang naman tayo dito" sabay abante ng katawan ni George sa mesa at hawak sa kamay ni Zeek. Nabigla naman ito sa pagkahawak sa kanya ni George at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. "Relax. Ako ang bahala sa'yo"
"Okay po, Sir. Salamat"
"Well. Let's start, Mr. Lacsamana" habang huminga ng malalim si Zeek bilang paghahanda "So, tell me about yourself"
"I am Ezekiel Lacsamana, my friends call me Zeek. I am in fourth year college, currently taking up Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management" sagot ni Zeek na tila walang pang-uutal "Me and my mother are the last of our family"
"Why?? Where is your father?"
Biglang natigilan si Zeek sa tanong sa kanya ni George. Nag-init ang tenga niya nung tinanong sa kanya ang tungkol sa kanyang ama. Ayaw niya kasing banggitin o marginig man ang pangalan o ang tungkol sa kanyang walang kwentang ama.
Itutuloy…
TIA: Chapter 5 (Paghihiwalay)
Halos isang minuto din ang pananahimik ni Zeek sa tanong sa kanya ni George tungkol sa kanyang ama. Galit pa rin siya kasi sa ginawa ng ama niya sa kanilang dalawa ng kanyang ina; ang pag-iwan nito sa ere at hindi na bumalik sa kanila.
“Hmmmm. He had his own family, Sir. We have not heard from him since I was a baby.”
"Sorry to hear that. Hindi ko alam"
"It's okay, Sir. He left us even when I was young . I do not even know how it feels to have a father" at nakita ni George ang galit sa mata ni Zeek
"Are you okay?"
"Yes Sir. I'm okay" sabay punas ng kanyang luha "Sorry"
"No. you don't have to be sorry. Kasalanan ko kung naging upset ka" sambit ni George sa kanya "Very well" sabay ayos ni George ang kanyang pag-upo "Let's continue. So, what are your strengths?"
"Strengths...???" ulit ni Zeek na tila hindi niya ito napaghandaan.
"Yes. Strengths."
"Well... I think I am very optimistic and dedicated and hard working person" malalim na pag-iisip niya "I love to learn new things because I'm always curious on many stuffs"
Napatango naman si George sa sinagot sa kanya ni Zeek nang may biglang tumunong ang telepono sa kanyang mesa. Kinuha niya ito at sinagot. Ilang saglit ay binaba niya ito at sumulyap kay Zeek. “I’m sorry, Mr. Lacsamana. But I’m afraid to we’ll stop this interview”
"Ha? Bakit po Sir"
"I have an urgent meeting"
"So, paano po ang application ko dito, Sir?"
"Hmmm. I'll just contact you later or maybe tomorrow. Sorry, I can't decide it yet eh. Pahingi na lang ng number mo" Binigay naman ni Zeek ang kanyang cellphone number kay "Got it. Sige na Zeek. You may go. I'll just inform you. A.S.A.P"
"Okay Sir. Salamat"
Naunang lumabas si Zeek sa opisina at sumunod naman sa kanya si George. Nagmamadali siya nagtungo sa kanyang Assistant na si Lucas na nakatayo malapit sa elevator.Hindi niya kasi alam ang ang tungkol sa emergency meeting at bakit sila nagpatawag nito.
"Lucas. Ano yon?"
"Sir George.. andito ka na pala" sambit ni Lucas
"Ano na? Sino ang nagpatawag ng emergency meeting?"
"Ahhmmm.. Si ano po.." parang hindi makasagot sa tanong sa kanya ng kanyang boss
"Sino nga..? Bakit hindi ka makasagot?"
"Ako ang nagpatawag sa'yo, George" sambit ng babae na nasa likuran niya.
Lumingon kaagad si George sa babaeng nasa likuran niya. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata dahil nagulat siya sa taong iyon.
"Bek?" sambit niya "What are you doing here? Bakit ka nagpatawag ng meeting? Meron bang problema?"
"Wala naman" sabay tingin ni Bek kay Lucas "Salamat sa pagsunod sa utos ko Lucas. Pwede mo nang kaming iwan"
Kaagad naman umalis si Lucas sa piling ng mag-asawa. Kitang-kita sa mukha ni George na naguguluhan ito sa nangyayari.
"Bek. Ano to?" tanong niya sa asawa "Ano ang inutos mo sa assistant ko?"
"Inutusan ko lang naman siya na palabasin ka sa opisina mo dahil parang hindi ka maistorbo sa ginagawa mo sa loob"
"Ano??? E siyempre, nagtatrabaho ako" paliwanag ni George sa asawa "Mahal naman. Sana pumasok ka na lang sa opisina para malaman mo ang ginagawa ko"
"Ahh ganon? So ikaw pa ngayon ang galit?"
"E sino naman ang hindi magagalit sa ginawa mo? Inistorbo mo ako sa kalagitnaan ng interview ko"
"Sino ba ang hayup na tao na kasama mo kanina sa opisina mo?!" sagot ni Bek
"Si Zeek. Ang taong ininsulto mo kahapon" paliwanag ni George
"E diba trabaho ng H.R. yan?? Bakit ikaw ang nag-interview?" patuloy pa din ang pagtatanong ni Bek "Magsabi ka nga ng totoo, George. May gusto ka ba sa kanya?"
"What??! Ang klaseng tanong yan, Bek?"
"Pakisagot na lang, George. Kasi ibang klaseng treatment ang binibigay mo sa kanya eh"
"Ano ba yan? Hindi siyempre" sagot ni George sa asawa "Nag-volunteer na lang ako na ako mag-interview sa kanya dahil sa ginawa mo kahapon. Baka hindi mo siya papasukin sa hotel ko. Sayang lang naman kasi ng batang yon"
“Fine!” sigaw niya sa asawa “Ako na naman ang may kasalanan. Pasesniya na ha. Namimiss ko lang kasi asawa ko eh. Don’t worry, George. Hindi na kita iistorbohin sa susunod”
Pinigilan ni George ang kanyang asawa sa pag-alis. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanang braso ng asawa. “Mahal. Sorry na oh. Hindi na mauulit. Huwag ka na lang umalis, please?”
"Oh sige. Hindi na ako aalis. Pero it doesn't mean na bati na tayo" paliwanag niya asawa "Galit pa rin ako sa'yo"
"Okay Mahal. Dito ka na lang muna sa hotel. Sabay na lang tayo uuwi mamaya"
Samantala
Kakarating lang sa bahay ni Zeek na mahina ang katawan at malungkot ang kanyang mukha. Nang pagpasok niya sa bahay ay nadatnan niya ang kanyang ina na si Vivian na nanonood ng tv. Nagtungo siya doon sa ina at nagmano.
"Andiyan ka na pala,nak" sambit ni Vivian "Kamusta ang interview mo?"
"Okay lang naman po, Ma. So far" buntong-hininga ni Zeek.
"Bakit naman?"
"Naputol kasi ang interview namin eh. May meeting daw siya" paliwanag niya sa ina "Hindi pa alam kung ano ang resulta ng application ko doon"
"Ganon ba? Gusto mo ba na sasamahan kita bukas doon sa hotel?"
"Ma naman. Huwag na" pagtanggi ni Zeek "Binigay ko naman kay Sir George ang number ko eh. Tatawagan niya na lang daw ako kung ano ang resulta"
"Ahhh. Yan naman pala eh. Don't worry anak. Sigurado ako na makakapasok ka dun"
"E pano naman kung hindi, Ma?" sagot niya kay Vivian "Saan ako a-apply??"
"Marami naman diyan na ibang hotel, 'nak eh. Doon ka na lang"
"Ayoko Ma. Gusto ko dun"
"Oh! Edi huwag kang nega. Isipin mo na makakapasok ka"
"Pano kasi, kinakabahan na ako"
"Ang OA mo talaga, Zeek. Para kang babae mag-isip eh" dugtong naman ni Vivian sa anak "Kung wala ka sigurong girlfriend, iisipin ko na bakla ka"
"Bakla talaga, Ma? Hindi pwede na ganito talaga ako?"
"Nagbibiro lang,'nak" sabay tawa ni Vivian
"Ma naman. Lalo mo pang dinadagdagan ang kaba ko eh"
"Hay naku, Zeek. Magbihis ka na nga at tulungan mo ako magluto ng hapunan natin" sambit ni Vivian "Pagod lang yan"
Kinabukasan.
Maagang bumangon si Zeek at umupo sa sofa. Nakita naman ni Vivian ang anak habang nagluluto siya ng agahan. Kaagad niya naman pinuntahan si Zeek sa sala.
“Anak, kamusta na? Nagtext na ba si Sir George mo?”
"Wala pa Ma eh. Kanina ko pa 'to tinititigan ang cellphone ko pero hindi pa rin siya nagtetext o tumatawag"
"Yaan mo, nak. Magtetext din yan. Magtiwala ka lang" paniniguro niya sa anak.
"Salamat po, Ma"
Ngumiti si Vivian sa pagpapasalamat ng kanyang anak sa kanya. “Kumain ka na, anak at marami pa akong gagawin pagkatapos”
Habang kumakain silang dalawa ng kanilang agahan at sa hindi inaasahan na sandali ay tumunog ang kanyang telepono. Nagmamadali siya na buksan at basahin ang mensahe ng kanyang natanggap. Pero sa kanyang pagbukas ay umiba kaagad ang timpla ng kanyang mukha
"Sino yan, nak? Si Sir George mo na ba yan?"
"Hindi Ma" tanging sagot niya sa ina
"E sino yan? Bakit umiba ang itsura ng mukha mo?"
"Si Hazel Ma"
"O... Siya naman pala eh. Bakit ganyan ang pagmumukha mo?"
"Iiwan niya na ako" sabay sa pagtulo ng luha niya
"Ha? Nakipaghiwalay na siya sa'yo?"
"Hindi Ma"
"E ano nga, Zeek? Sabihin mo"
"Aalis na sila papuntang Amerika" sagot niya sa ina "Nagtext siya na magkita kami mamayang gabi para mapag-usapan namin ang pag-alis nila"
Nagulat si Vivian sa binalita sa kanya ni Zeek. Tumayo siya sa kanyang inuupuan at linapitan ang anak at hinimas ang likuran nito “Magiging maayos din lahat anak. Pag-usapan niyo mamaya kung ano ang magiging plano ninyo sa inyong relasyon”
Nakipagkita si Hazel kay Zeek sa mall upang pag-usapan nga ang pag-alis ng kanyang pamilya papuntang Amerika. Ayaw niyang pumunta sa bahay ng kanyang nobyo dahil alam niya na masasaktan lang din ang nanay nito.
Umupo silang dalawa sa isang bakanteng upuan sa food court ng mall para doon sila mag-usap.
"Kamusta na pala ang appiication mo dun sa Deluxe Suites?" panimula ni Hazel.
"Ayos lang naman. Hinihintay ko lang tawag o text ng may-ari"
"Wow. Talaga? Sana makapasok ka na nga dun, Cookie" sambit niya. Napansin ni Hazel na walang imik si Zeek at alam niya na kung bakit "Cookie..."
"Hazel. Please, kung may sasabihin ka. Sabihin mo na." dugtong ni Zeek. "Ayaw ko sa lahat ang binibitin ako eh"
Huminga muna ng malalim si Hazel para mag-relaks siya ng kaunti sa kanyang sasabihin na alam niya na may masasaktan “Okay Cookie. Sorry” sabay buntong-hininga niya “Katulad sa text ko kanina sa’yo, aalis na kami papuntang Amerika, Cookie. Doon ko na daw tatapusin ang pag-aaral ko”
"Talagang iiwan mo na ako noh?"
"Sorry Cookie. Kailangan kasi"
"Ganon?? Kailan ba kayo aalis?"
"Bukas na, Cookie" sagot nito
"Ano?? Bukas agad?? Ang bilis naman"
"Oo Cookie eh. Pati nga ako ay nagulat nung sinabi ni Daddy sa akin 'to eh"
"Hindi mo naman siya pinigilan?"
"Cookie. Si Daddy iyon. Ayaw kong sumuway sa utos niya"
“Okay” tanging sagot ni Zeek
"Ano?? Yun lang ang sagot mo? Okay lang?"
"E ano pa ba ang gusto mo??" balik niya kay Hazel "Magmamakaawa na hindi mo ako iiwan?? Kahit anong pilit ko sa'yo, pamilya mo pa rin ang susundin mo. Alam ko naman na ayaw nila sa akin eh. Kaya yun ang plano nila"
"Cookie. Hindi naman sa ganon"
"E ano?? Wala naman akong nakikita na ibang dahilan. Kundi ako lang. Ayaw nila sa akin"
"Cookie naman" sabay abot ni Hazel ng kamay ng nobyo subalit tinanggal ni Zeek ang kanyang kamay "Cookie. Intindihin mo naman ako oh. Hindi ko naman ginusto 'to. At ilang taon din naman eh. Babalik din ako" paliwanag niya dito "May job opportunity lang si Daddy sa Amerika kaya ganon"
"Hindi ginusto?? Kung hindi mo ginusto, sana gumawa ka ng paraan para maiwan ka dito sa Pilipinas" unting-unti tumataas ang tono ng kanyang boses "Pero ano? Wala kang ginawa, Hazel. Mas gusto mo pa na iwan ako at pumunta sa Amerika"
"Cookie" sabay tulo ng mga luha ni Hazel
"Ano....?? Sabihin mo nga sa akin, Hazel. Hindi ba totoo? Na ako ang dahilan ng pag-alis ninyo??"
"Pinaliwanag ko sa'yo lahat, Zeek. Pero hindi mo talaga ako naiintindihan. Maniwala ka... gusto ko na hindi kami aalis pero alam na nila na tayo pa rin at nagkikita pa rin tayo"
"Ayunnnn. Lumabas na mismo sa bibig mo na ayaw ng mga magulang mo sa akin" lalo pang lumalakas ang boses ni Zeek dahil napatingin na ang mga katabi nilang tao na kumakain doon sa food court. "Nagsinunggaling ka pa sa akin na may job opportunity ang Daddy mo doon?? Sagutin mo nga ako, Hazel. Mahal mo ba talaga ako??"
"Oo naman. Mahal na mahal kita. Maniwala ka naman, Zeek."
"Pwes. Magtanan na tayo"
Nagulat si Hazel sa alok ni Zeek sa kanya. Hindi pa siya handa sa ganitong pamumuhay “Ano?”
"Oo. Magtanan tayo. Prove to me na mahal mo talaga ako"
"Hindi naman sa ganitong paraan"
"Bakit? Natatakot ka?" sabat niya kay Hazel "Ngayon mamili ka. Ako o sila"
Napalunok na lamang ng laway si Hazel at napaisip ito ng malalim. Ilang saglit at tumingin siya kay Zeek “Sorry Zeek. Pero mas mahal ko ang pamilya ko kesa sa’yo. Mas pipiliin ko sila kesa sa’yo. Sorry.”
Napatango na lamang siya sa sagot ni Hazel “Mabuti dahil alam ko na talaga ang laman ng puso mo. Kahit na masakit, tatanggapin ko.” Kaagad namang ulit tumayo si Zeek at inayos ang kanyang damit “Salamat na lang sa oras at pagmamahal mo, Hazel. Goodbye”
Samantala. Sa The Deluxe Suites Hotel.
Nakaupo si George sa kanyang upuan ng opisina niya. Tulala at malalim ang iniisip. Iniisip niya ang tungkol sa kanyang buhay at sa buhay may asawa. Paano kaya kung single at wala siyang asawa ngayon? Siguro ay marami siyang ginagawa na mga gawain na para lamang sa walang asawa katulad ng paghahanap ng aliw sa iba.
Masaya naman si George sa buhay may asawa pero mas gusto niya kasing mahalin ang kapwa niya lalaki. Gusto niya ito, dahil iba ang kanyang pakiramdam at masaya siya dito lalung-lalo na kung sa sex na ang usapan. Para kasing na-sasatisfy talaga ang kanyang libog o tawag ng laman kumpara sa babae.
Lalung-lalo na nung nakita niya si Zeek, napukaw muli ang kanyang nadarama sa kapwa niyang lalaki. Isang mas bata at inosente ang pagmumukha at parang wala pang karanasan sa pagtatalik sa kapwa lalaki . Gusto niya itong akitin at ipaparanas sa kanya ang ligaya na makukuha sa parehong kasarian.
Itutuloy…
TIA - Chapter 6 (Orientation)
Sa sobrang malalim na pag-iisip ni George, hindi niya namalayan na pumasok pala ang kanyang assistant sa opisina “Sir…” sambit nito
"Yes Lucas? May problema ba?" sabay ayos ng kanyang sarili
"Wala naman po, Sir. Magpapaalam lang po sana ako na uuwi na ko" paalam niya sa amo "Alas-nwebe na kasi ng gabi"
"Ano? Sobrang late na pala" sabay tayo sa kanyang upuan "Sige, sabay na lang tayo bababa"
Kaagad naman sila nagtungo ng elevator at pumasok sila sa loob. Habang nasa loob sila ay may napansin si Lucas sa kanyang boss
"Sir??" at tumungin naman si George sa kanya "Okay ka lang po ba? Para kasing malalim ang iniisip ninyo eh"
"Okay lang ako, Lucas. Tungkol lang ito sa problema ng kumpanya" sagot nito "Oo nga pala, saan na ang Ma'am Bek mo?"
"Nauna nang umuwi kanina Sir eh. Hindi ka na niya hinintay"
"Ganon ba?" sabay hinga niya ng malalim "Lucas?"
"Yes sir?"
"Pagpasensyahan mo na lang ang Ma'am mo ha. Ganon talaga siya eh"
"Okay lang po yon, Sir. At wala po akong karapatan magreklamo dahil amo po ko kayo" ngiti ni Lucas. Bumukas ang pintuan ng elevator at naunang lumabas si Lucas "Sige po Sir George. Mauna na po ako"
"Sige Lucas, Mag-ingat ka"
Sumunod naman siya lumabas ng elevator at sa kanyang paglabas sa ground floor ay madilim na ang paligid dahil pinatay ng janitor ang mga ilaw. Kaagad siyang lumabas ng gusali at dumerecho sa kanyang sasakyan.
Kinabukasan.
Nakaupo si Zeek sa may upuan sa labas ng kanilang bahay. Naghihintay ng tawag ng hotel at nagbabaka-sakali na matanggap siya doon. Nadagdagan pa ang kanyang lungkot dahil iniwanan na siya ng kanyang girlfriend at hindi niya naman siya ipinaglaban sa magulang nito.
"Zeek, anak" sabay lapit ng kanyang ina na si Vivian "Kumain ka na. Handa na ang agahan natin"
"Sige po, Ma. Susunod lang ako"
Hinamas naman ni Vivian ang balikat ng anak at ngumiti “Magiging maayos din ang lahat, anak. Makakalimutan mo din si Hazel”
"Sana po. Kasi ang sakit-sakit nung ginawa niya sa akin eh. Hindi ko siya mapapatawad" sabay tulo ng kanyang mga luha "Katulad rin siya pala ng ama kong walang-kwenta. Iniwan ako sa ere"
"Anak naman. Kalimutan mo na ang ama mo" dugtong niya sa anak "Magkaiba sila dalawa dahil mahal na mahal ka ni Hazel, hindi katulad ng ama mo"
"Mahal? Hindi niya ako mahal, Ma. Mas pinili niya ang mga magulang niya kesa sa akin. Mahal na ba ang tawag doon?"
"Oo naman, Zeek" sagot niya sa anak "Siyempre, bata pa kayong dalawa at marami pang pwedeng mangyari sa buhay ninyo. At hindi naman natin siya masisisi kung mas pinili sila ni Hazel kesa sa'yo dahil gusto niya pang tapusin ang kanyang pag-aaral para sa kinabukasan niya"
"Hindi Ma. Ang sabihin mo ay napaka-selfish niya. Sarili niya lang ang iniisip niya at hindi ang aming relasyon. Hindi niya man lang ako pinagtanggol sa mga magulang niya" pagmamatigas ni Zeek "Humand sya. Patutunayan ko sa kanya na mali ang naging desisyon niya na iwan ako. Balang araw ay yayaman din ako"
Sakto din na tumunog ang kanyang telepono at kaagad niyang sinagot ito. Kita sa mukha ni Zeek ang galak at tuwa sa narinig na balita mula sa kabilang linya.
Lumipas ang ilang saglit ay binaba niya ito. Nakangiti pa rin ito at masaya “Sino ang tumawag, anak? At bakit masaya ang itsura ng mukha mo?”
"Ito na, Ma. Ito na ang sinasabi ko sa'yo" pambibitin niya sa ina
"Ang ano, Zeek?"
"Mabait talaga ang Diyos at sinagot niya agad ang hiling ko"
"Ang ano nga? Pwede ba Zeek. Sabihin mo sa akin kung ano iyan"
"Tanggap na po ako, Ma. Mamaya na po ng ala-una mag-uumpisa ang OJT ko sa Deluxe Suites. Excited na ako" sambit ni Zeek na masaya ang mukha
"Talaga Zeek? Sabi ko sa'yo eh, kaya mo" sambit ng ina "Ikaw lang naman ang walang tiwala sa sarili mo"
"Oo nga Ma eh" sagot ni Zeek "Pero hinding-hindi ko na bibitawan ang pangarap ko. Unting-unti ko na naabot. Pangako ko sa sarili ko na magsisipag ako ngayon bilang OJT. Para makita ng may-ari ang kasipagan ko at tanggapin na ako bilang regular"
"Sana nga, anak. Ipapanalangin ko talaga iyon"
"Salamat po, Ma. Pangako talaga sa'yo balang-araw ay makakaalis din tayo sa mabahong lugar na ito"
Dakong alas-dose ng tanghali ay naghahanda na si Zeek na maligo at para sa kanyang unang araw sa hotel. Nang pagkalabas niya ng silid ay nakatayo ang ina niya sa labas ng pintuan na tila sabik na sabik ang kanyang mukha.
"Bakit nakatayo ka diyan, Ma?"
"Wala naman, anak. Excited lang ako sa unang pasok mo bilang OJT sa pangarap mong hotel"
"Ma. Mag-o-OJT pa lang ako. Hindi pa ako magtatrabaho" sagot ni Zeek
"Sorry anak" sagot naman ni Vivian "Masaya lang kasi ako na sa kabila ng kahirapan natin ay malapit ka nang matapos sa pag-aaral mo"
"Oo nga Ma. Parang kailan lang noh?" at niya niyakap ang kanyang ina "Pero Ma. Pangako ko sa'yo na hindi masasayang ang sinakripisyo mo sa akin. I-aahon ko mula sa kahirapan ang buhay natin"
"Salamat anak. Alam ko na gagawin mo yan para sa atin"
"Salamat ulit sa'yo, Ma. Mahal na mahal po kita"
“Mahal na mahal din kita, Zeek” ganti din niya kay Zeek “Sige na, anak. Tama na ang drama na ito. Umalis ka na at baka mahuli ka pa”
"Sige po, Ma. Alis na po ako"
Kaagad siyang umalis ng kanilang bahay, nagmamadaling sumakay ng dyip para pumunta na sa hotel. Nang pagdating niya doon ay tumungo siya agad sa front desk para kausapin ang babae na nakatayo at nakangiti sa kanya.
"Yes Sir? How may I help you?" sambit ng babae sa front desk
"Ahhhm. Miss? OJT po ako" paalam niya dito "Saan po ako pupunta?"
"What's your name, Sir?" habang nakatingin sa kompyuter na parang may hinahanap "... para mahanap kita dito sa computer"
"Ezekiel Lacsamana po, Miss"
"Ahh. Ikaw pala yan" ngiti ng babae "Pakihintay na lang ang HR para sa orientation mo. Umupo ka na lang muna"
"Sige Miss. Salamat"
"Dianne. Sino yan?" sambit ng isang lalaki na palapit sa front desk
"OJT po, Sir" sagot naman niya
Napatingin si George kay Zeek na parang malagkit ang kanyang tingin. Lumapit at lumakad siya sa binata na nakaupo sa lounge ng kanyang hotel. “Zeek..?”
"Sir George" sabay tayo ni Zeek sa sofa "Andiyan po pala kayo"
"Well. This is my hotel. Siyempre nandito ako" sagot nito habang nakangiti "Anyways. Narinig ko ay nakapasok ka na dito"
"Ahhm. Yes po, Sir. Si Ma'am ng HR ang tumawag sa akin kanina"
"Good. Very good. Congratulations, Zeek"
"Thank you po Sir"
"Salamat saan?"
“Sa pagtitiwala mo sa akin, Sir. Kasi kung wala sa’yo ay hindi na siguro ako makakapasok dito”
“Well. Thank you for acknowledging the fact” dugtong ni George “Pero hindi ka pa nagsisimula dito as regular employee, Mr. Lacsamana. Tandaan mo na student intern ka pa lang. Prove to me na worthy ka na makapasok dito”
“I will, Sir. Thank you ulit”
Napangiti si George sa pasasalamat sa kanya ng binata. Parang nadagdagan ang paghanga niya kay Zeek dahil sa ugali nitong magalang at pagrespeto sa kanya bilang amo. “It seems na wala pa siya. So, ako na lang ang magbibigay ng orientation mo”
"Okay lang ba, Sir?"
"Oo naman. Wala namang problema sa akin"
"Okay Sir"
"Yun naman pala eh. Huwag kang mag-alala, Zeek. Ako ang bahala sa'yo"
Lumakad silang dalawa at naglibot sa buong parte at lugar ng hotel. Nauna silang pumasok sa kitchen. Napanganga na lamang si Zeek dahil sa laki at hi-tech na mga gamit sa kusina doon.
"Wow Sir" sambit ni Zeek "Ang laki nito ah. Kitchen pa lang pero sobrang ganda na"
"Of course, Zeek. This is a five-star class hotel" dugtong naman niya "Lahat ng makikita mo na mga gamit ay makabago at magagara"
"Hindi talaga ako nagkamali na dito ako mag-o-OJT, Sir"
"At hindi rin kami nagkamali na pinasok kita dito sa hotel namin, Zeek" sabay tingin ni George sa kanya sa mata. Sakto din na pinatong niya ang isang kamay sa balikat ng binata "Ladies and Gentlemen, can I disturb you for a moment please?" utos ni George sa mga chef na nandoon sa loob ng kusina. Narinig naman nila ang tawag ng may-ari at kaagad lumapit sa kanya at sa binata na katabi nito "This is Ezekiel Lacsamana. Our newest intern in our hotel" sabay tapik ulit ni George sa balikat nito. Napangiti naman ang lahat sa kanya "This is Chef Abigail Tan, our Pastry Chef" turo niya sa isang hindi masyadong katandaan na babae "This is Chef Mark Mendez, our Sous Chef" sabay ngiti sa 26 na taong-gulang na lalaki "Chef Edward Dela Peña and Chef Jonalyn Cabrera. And of course, Chef Benjamin Fournier, the Executive Chef and the boss of this kitchen" ngiti ni George "He is a French"
"Nice to meet you, Monsieur Lacsamana" sambit naman ng Executive Chef kay Zeek na may French accent. "You're welcome here in my kitchen"
"Merci beaucoup" sagot naman ni Zeek na parang nagpapakitang-gilas.
"So, You speak French?" namangha naman ang Chef sa kanya.
"A little bit. I learned this when I was in school"
"I'm impressed" sagot nito
"Well I hope that all of you will give Zeek proper training if ever he will be assigned here" sabi ni George sa mga chef sa kanyang harapan
"Don't worry, Monsieur. It will be our privileged to train him in our kitchen"
"Good" buntong-hininga ni George "Well, that ends your introduction" putol ni George sa usapan "You can go back to your work" sabay tingin kay Zeek "Lumabas na tayo dito. Marami pa tayo pupuntahan"
Bumalik nga ang mga tinawag ni George na mga chef sa kanilang mga gawain. Samantala ay lumabas silang dalawa sa kusina at lumakad papunta sa elevator.
Umakyat silang dalawa papunta sa isa sa mga function room at ballroom ng hotel. Pinakilala ni George ang ilan sa mga waiters na nandoon. At pagkatapos ng ilang paalala ay bumaba na sila.
Napansin naman ni Zeek na tumitingin ang may-ari sa kanya “Bakit po, Sir?”
"Wala naman, Zeek" ngiti nito "Namangha lang ako sa'yo dahil marunong ka pala magsalita ng French nung nandoon tayo sa kitchen. Alam mo, magagamit mo ang kaalaman mong iyan kapag nakaharap mo na ang mga foreigner na nanggaling sa kanilang bansa"
"Hindi naman po ako marunong, Sir. Meron lang akong kaunting kaalaman"
"Kahit na. Ang importante ay may alam ka tungkol doon" sabay tapik muli sa balikat ni Zeek "Just keep it up, Zeek" ngiti niya sa binata "So far, ay pinakita mo sa akin na tama ang desisyon ko na papasukin ka dito sa hotel ko"
"Thank you po, Sir" sagot naman niya "Oo nga pala, Sir. Saan pa tayo pupunta?"
"Umuwi ka na. Tapos na ang orientation natin" sambit ni George pagkatapos ng maraming paliwanag "You will start tomorrow"
"Yun lang ba Sir?" tanong ni Zeek sa kanya habang pababa na sila gamit ang elevator. "Bakit ang bilis?"
"Well. Wala namang dapat i-oorient sa'yo. Napag-aralan mo na ito diba?" sabay sulyap niya kay Zeek "So, it's time to apply all your knowledge about our industry sa totoong mundo"
"Okay Sir. Don't worry. Susubukan ko"
"Huwag mong subukan, Zeek. Gawin mo"
"Okay Sir" habang nanlalaki ang mga mata niya sa kaba
"Good" sagot ni George na parang naging istrikto ang boses "Seven in the morning ang duty mo. Wear white long-sleeves, black pants and black shoes. Sa Function ang una mong assignment" huling payo ni George "I'lljust inform the H.R. later tungkol doon"
"Thank you ulit, Sir George"
"Anytime, Zeek. Anything for you" sabay tingin niya sa mata ni Zeek
Napansin naman niya ito at inalis ang tingin niya sa may-ari “Sige po, Sir. Uwi na po ako”
"Sige Zeek. Mag-iingat ka. See you tomorrow. And goodluck"
Mabilis na lumabas ng elevator si Zeek at kaagad nagtungo sa main door ng hotel para lumabas. Nahalata niya na ang bawat titig at haplos ni George ay may halong malisya pero pinabayaan niya na lamang ito at inisip na iyon lang talaga ang ugali ng kanyang magiging boss.
Samantala. Sa Airport.
Kakarating lang ni Hazel, kasama ang magulang doon. Totoo na talaga na aalis sila papuntang Amerika at iwan ang kanyang nobyo na si Zeek.
Mahal na mahal niya talaga ito pero wala siya talagang magagawa sa desisyon ng kanyang magulang.
"Dad,,," lapit niya sa kanyang Daddy na humingi muli ng huling pagkakataon na hindi siya sasama at maiwan lang sa Pilipinas.
"Yes Hazel?" sagot nito "Kung magmakaawa ka lang na hindi tayo aalis. Please. Huwag na. Para naman ito sa'yo, Hazel. Kaya sumunod ka na lang"
"But Dad"
"Ano?? Anong gusto mo? Gusto mo na maiwan ka dito para makasama ang walang-kwentang taong yan??" sigaw ng kanyang ama sa kanya "Utang na loob, Hazel. Kalimutan mo na ang lalaking iyan"
"But Dad. I love him"
"Love?? Bakit? Mabibili ba ng 'pagmamahal' na yan ang mga kailangan mo?" dugtong niya "Mabubusog ka ba niya?? E mas mahirap pa sila sa daga!"
"Arnold. Tama na. Andito tayo sa airport at marami nang mga tao ang tumitingin sa atin" saway naman ng asawa niya. Kaagad naman siya tumingin sa anak "Hazel. Please. Huwag nang matigas ang ulo mo. Para naman sa'yo ito and besides, siya na mismo ang nakipaghiwalay sa'yo" at hinawakan ng ina ang kanyang braso "Let's go? Sasakay na tayo ng eroplano"
Wala talagang magagawa si Hazel sa plano ng kanyang magulang sa kanya. Nang pag-akyat at pagsakay nila ng eroplano ay lumingon si Hazel bilang huling sulyap sa iiwanan nilang Pilipinas.
Itutuloy…
TIA: Chapter 7 (Unang Araw)
Maagang gumising si Zeek sa kanyang unang araw The Deluxe Suites Hotel bilang isang student intern. Alas-singko pa lang ng umaga ay nagising na siya at naghanda na para sa alas-siyete ng umaga niyang duty.
Dumating siya sa hotel dakong alas-sais y medya ng umaga at kaagad dumerecho sa locker ng mga empleyado. Nakita niya doon ang isang lalaki na nag-aayos ng sarili.
"OJT ka brad?" tanong niya sa lalaki
"Ahmm. Oo. First day ko ngayon eh"
"Talaga ba? Ako din eh. First day ko ngayon" sagot naman ni Zeek "Saan ba assignment mo?"
"Sa Function" sagot nito "Ikaw ba?"
"Sa Function din ako"
"Talaga? Tamang-tama. Magkasama pala tayo" sabay abot niya sa kanyang kamay "Ako nga pala si Owen Manlapaz"
"Zeek Lacsamana" at tinanggap niya ang alok ng isa na makipagkamayan "So, tayo na?"
"Sige" naunang lumabas si Zeek ng locker room. Sa pagtangka niyang pumasok sa loob ng hotel, pinigilan siya ni Owen "Zeek. Hindi ka pa nakapag-time-in"
Lumingon naman siya sa sinabi ng kasama “Time-in? Saan?”
"Dito" at napatingin ito sa bundy clock "Mag-time-in muna tayo dito bago ka pumasok diyan. Para marecord ang oras mo"
"Ha? Talaga? Hindi ko alam yan ah" sabay lapit niya kay Owen "Teka, saan mo ba yan nakuha?"
"Ang ito?" sabay wasiwas ng time card na hawak niya "Binili ko"
"Ano? E, meron ka pa ba diyan?" sambit nito "Hindi ko kasi alam na may ganyan pala eh"
"Talaga?" sambit ni Owen habang nagtungo siya sa kanyang bag at kinuha ang ekstrang time card niya at kaagad siyang bumalik kay Zeek at inabot ito "Oh. Pasalamat ka na may meron akong extra. Bigay ko na 'to sa'yo"
"Talaga? Salamat talaga, brad" ngiti ni Zeek "Don't worry, babayaran kita oras na magkapera ako"
"Naku 'wag na, Zeek. Hindi na kailangan. Sa'yo na yan" tanggi nito "Sige na, brad. Pumasok na tayo"
"Sige"
Kaagad nga silang nag-time-in sa bundy clock at pumasok sila sa hotel para magsimula na sa kanilang duty.
Alas-tres na ng hapon nang matapos ang kanilang unang araw bilang intern sa The Deluxe Suites Hotel. Nakakapagod ang buong araw ni Zeek at gusto niya nang umuwi sa bahay at magpahinga.
Nang pagpasok niya sa locker room ay nakita niya si Owen na nandoon na din at nakaupo sa isang silya. Hindi makagalaw dahil pagod na pagod din sa unang araw nila.
"Brad. Out mo na?" bati ni Zeek kay Owen.
Napasulyap naman ang isa habang masarap ang kanyang pagkaupo sa silya. “Oo eh. Ikaw ba?”
"Yup. Kakababa ko lang"
"Ganun ba?" sagot nito "Kung gusto mo, sabay na lang tayo umuwi"
"Sige ba" sagot naman ni Zeek "Pero sandali lang brad. Magbibihis muna ako"
"Sige brad. Take your time" dugtong naman ni Owen habang nakaupo pa rin "Nagpapahinga pa naman ako dito eh"
"Sige" ngiti ni Zeek sa kanya
Lumipas ang ilang mga minuto ay natapos ding magbihis si Zeek. Bumalik ang sigla ng mukha niya dahil naka-freshen-up na ito at nakabihis ng bagong damit. Nakita ni Owen na tapos na ang kanyang hinihintay, kaagad tumayo ito sa upuan at para sabay nga silang uuwi.
"Kamusta pala duty mo, Brad?" tanong ni Zeek sa kanya habang naglalakad sila palabas ng complex.
"Nakakapagod, brad" buntong-hininga ni Owen "Lalung-lalo na kapag nagbubuhat tayo ng mga malalaking lamesa papasok ng Function Room at mag-aayos ng table cloth. Hindi ko pala alam na ganito pala kahirap. Parang gusto ko nang sumuko eh"
"Suko agad?? Unang araw pa lang natin ah"
"Ewan ko. Ang sama na ng pakiramdam ko eh" sagot nito "Parang hindi na ako papasok bukas"
"Grabe ka naman"
"Totoo naman eh. Nakakaubos ng lakas" buntong-hininga ni Owen "Ayaw ko na talaga"
"Uyy. Huwag kang ganyan, brad"
"Nakakapagod na kaya" reklamo pa ni Owen "Hindi ko na siguro makakaya ang ganong klaseng trabaho"
"Hmmm. Baka naninibago ka lang" dugtong ni Zeek sa kanya "Alam ko naman ang nararamdaman mo ngayon eh. Pagod na pagod rin ako. Pero magtiwala ka lang sa akin at masasanay rin tayo habang tumatagal"
"Sana nga.." buntong-hininga niya.
"Trust me. Ito..." at inakbay niya si Owen sa balikat "...isipin mo na lang na ilang mga intern o empleyado ang gustong makapasok dito. Magpasalamat na lang tayo kasi sa dinarami-rami ng mga gustong makapasok dito ay tayo pa. Maswerte pa rin tayo, brad. Kaya cheer-up"
"Sige, brad" ngiti ni Owen "Pag-iisipan ko ang payo mo sa akin" hindi nila namalayan na nakarating na pala sila nang labasan ng complex. Naghintay sila kaagad ng masasakyang jeep para makauwi na. Pero habang naghihintay ay may biglang naalala si Owen at tinanong si Zeek tungkol dito "Oo nga pala, brad" sabay tingin niya kay Zeek "Bakit hindi mo alam ang tungkol sa DTR at sa bundy clock? Teka. Sino ba ang nag-orient sa'yo?"
"Bakit mo naman naitanong?"
"Nagtataka lang kasi ako na hindi binanggit ni Ma'am Noguierra sa'yo ang tungkol sa bundy clock eh" paliwanag ni Owen
"Ma'am Noguierra? Sino yon?"
"Hindi mo siya kilala? Siya nga yung Head ng HR dito. Siya yung nag-orient sa amin"
"Ahh. Siya ba? Hindi ko alam eh" sagot ni Zeek "Si Sir George kasi ang nagbigay ng orientation sa akin"
"Ano? Ang may-ari pa mismo ng hotel ang nag-orient sa'yo?"
"Oo. Siya nga brad"
"Wow" nagulat at namangha ang mga mata ni Owen sa kanyang narinig mula kay Zeek "Paano naman nangyari na siya mismo ang nagbigay sa'yo ng orientation, brad?"
"Naku brad. Napakahabang kwento" sagot naman ni Zeek "Ang bilis lang kaya ng orientation namin ni Sir George. Hindi niya nabanggit sa akin ang tungkol doon"
"Masyado kasi siyang busy. Kaya siguro hindi kumpleto at minadali niya lang ang pag-oorient sa'yo"
"Baka nga.."
"Huwag kang mag-alala, brad. Ako na lang ang bahala sa'yo" paniniguro ni Owen sa kanya "Tuturuan kita sa mga bagay-bagay na hindi mo alam sa hotel"
"Salamat brad" ngiti ni Zeek.
Nakarating si Zeek sa kanilang bahay dakong alas-kwatro y media ng hapon. Nang pagpasok niya sa kanilang tahanan ay nadatnan niyang walang tao ang bahay.
Malamang ay hindi pa nakakauwi ang kanyang ina galing sa pagtitinda ng mga kakanin sa labasan. Nagdesisyon na lamang siya na humiga sa maliit na sofa at doon na lang magpapahinga.
Samantala. Sa The Deluxe Suites.
Kakarating lang ni George at ng kanyang Assistant na si Lucas sa kanyang opisina. Habang papasok silang dalawa ay sinalubong sila kaagad ng kanyang asawa na si Bek.
"Oh Mahal" sambit ni George sa kanyang asawa. Kitang-kita sa mga mata niya ang gulat dahil hindi niya inaasahan o nagpasabi man na pupunta siya sa opisina "Andito ka??"
"Of course I'm here" sabay tingin niya kay Lucas "Bakit? Hindi ba pwede?"
"Hindi naman, Mahal. Nabigla lang kasi ako na andito ka sa opisina" inalok niya ng upuan ang asawa at umupo din ito sa kanyang pwesto. Samantala si Lucas naman ay nakatayo pa rin at nakatitig sa selosang asawa ni George "Kanina ka pa?"
"Oo. Kanina pa" sagot nito na parang mainit ang ulo "Kanina pang umaga"
"Umaga pa?" ulit ni George "E bakit hindi ka na lang sumabay kanina sa akin?"
"Gusto ko lang naman na sorpresahin kita, Mahal. Kaya hindi ko pinaalam sa'yo na pupunta ako dito" at tinignan niya si Lucas "Magkasama pala kayo ng Assistant mo buong maghapon?"
"Ha? Oo Mahal" sagot niya na parang nag-iisip siya ng pwedeng i-dahilan "Ahmm. Naghahanap kasi kami kanina ng pwedeng tayuan ng bagong hotel natin"
"Bagong hotel??" ulit ni Bek "E bakit hindi ko alam yan? Hindi mo naman sinabi sa akin na kailangan mo ng kasama. Naistorbo mo pa ang Assistant mo" tingin uli ni Bek dito.
"Biglaan lang kasi Mahal. Kanina ko lang napagdesisyunan" paliwanag pa nito "Pero hindi pa solid ang mga desisyon ko. Kailangan ko pa ng approval ng Board"
"Well. Sana ma-approve ng Board ang gusto mo, Mahal" sabay abot ng kamay niya sa kamay ng asawa na nakatungtong sa mesa "Pero maraming pera ang kailangan yan. Sigurado ka ba diyan?"
"As I said. Wala pang approval ng Board" sagot ni George "Pero kampante ako na sasang-ayon sila sa gusto ko. And this is an investment. Malaki ang mabawi natin kapag tatayo uli tayo ng isa pang hotel"
Napangiti na lang si Bek sa paliwanag sa kanya ng asawa dahil mali pala ang kanyang akala. Umarte na lang ito na parang walang nangyari “Sige Mahal. Kung ano man ang magiging plano mo sa hotel ay susuportahan ko”
"Salamat Mahal. Alam ko naman na that you will support me"
"Oo naman. You're my husband" at sumulyap muli siya sa Assistant ng asawa at ngumiti. Umirap naman ang mga mata ni Lucas dahil alam niya na nagdududa ang asawa nito sa kanya kahit hindi niya sinasabi "Mahal. Alis na ako ha"
“Ha? Aalis ka kaagad?” at tumayo muli silang dalawa
“Oo Mahal. Kanina pa kaya ako nandito. Kailangan ko nang magpahinga” paliwanag ni Bek sa asawa “Pagod na pagod na kasi ako, lalung-lalo na ang magiging baby natin” ngiti lamang ang sinagot ni George at hinalikan niya si Bek sa labi “Sige. Alis na ako. Mahal. See you later”
“See you later, Mahal. I love you”
“I love you too” sagot din nito. Tuluyan na ngang lumabas si Bek sa opisina habang masaya ang mukha nito.
Nang pagkalabas ni Bek sa opisina ay huminga sina George at Lucas ng maluwag. Parang may nabunot na matalim na bagay sa kanilang dibdib.
"Muntik na tayo dun Sir ah" sambit ni Lucas "Kinabahan ako doon"
"Oo nga eh" sagot naman ni George "Mabuti na lang at nakagawa ako ng dahilan"
"E pano yan? Yung 'PROJECT' na sinabi mo kanina? Totohanin mo ba yon?"
"Don't worry, Lucas. Totoo ang sinabi ko kanina sa kanya. Napaghandaan ko na ang mga dahilan ko" sabay lapit niya sa kanyang Assistant at hinalikan ito sa labi "Basta ang pinaka-importante sa ngayon ay maging masaya tayong dalawa... at hindi niya tayo mabisto. Alam mo naman kung paano magalit iyon" halik niya sa leeg ni Lucas.
"Oo nga eh. Parang tigre magalit" sagot nito "Hindi mo ba nakita ang ginawa niya sa akin kanina? Pinapainis niya ako at pinariringgan"
"Huwag mo nang pansinin ang mga ginawa niya. Baka kasi kung magrereact ka pa, magdududa pa siya lalo na may ginagawa tayong dalawa. Just act normal, okay?"
"Sige" sagot ni Lucas.
"Good. Sige na Lucas" sabay alis niya sa harap ng Assistant at umupo sa kanyang upuan "Bumalik na tayo sa trabaho. Pwede ka nang lumabas" at tumingin muli ng malagkit sa kanya "Basta mamayang gabi na naman dito sa opisina ko"
"Okay Sir. I can't wait" kagat niya sa kanyang labi.
Samantala.
Bandang alas-siyete na ng gabi nakauwi ng bahay ang ina ni Zeek na si Vivian.
"Oh Ma" sambit ni Zeek sa ina habang naghahanda siya ng hapunan "Andito ka na pala. Kamusta lakad mo, Ma?"
"Ito. Pagod na pagod sa pagtitinda ng mga kakanin" sabay upo sa sofa habang minamasahe ang kanyang balikat at mga paa "Ikaw anak? Kamusta na pala ang unang araw mo sa Deluxe Suites?"
"Ayos lang naman po, Ma. Naninibago lang yung katawan ko sa trabaho" sagot ni Zeek sa ina "Pero masasanay din po ako"
"Oo anak. Sa simula lang naman yan"
"Pero naalala ko yung kasama kong intern Ma" dugtong ni Zeek
"Bakit? Anong nangyari anak?"
Sinimulan niya nang ikuwento sa ina ang tungkol kay Owen “Napagod din siya sa unang araw namin kanina. Pero titigil na daw siya at hindi na daw papasok bukas”
"Ganon? E paano naman matatapos ang pag-aaral niya kung ganon lang din ang ugali niya?" sagot ni Vivian na parang nagagalit sa kwinento ng anak "Hindi niya naman sineryoso ang kanyang pag-aaral? Sayang naman ang pinapaaral sa kanya ng kanyang mga magulang"
"Ma... kalma ka lang, okay?" ngiti ng anak sa kanya dahil naiinis na si Vivian "Kwinento ko lang sa'yo ang tungkol sa kanya. Huwag OA"
"Nakakainis kasi anak eh. Sayang. Isang step na lang bago siya makatapos ng college"
"Hayaan mo na Ma. Sinabihan ko naman siya kanina eh" dugtong ni Zeek "Pero ako, Ma. Hindi ako susuko. Umpisa pa lang ito sa mga pangarap ko"
"Masaya ako para sa'yo, 'nak" ngiti ni Vivian sa anak at proud na proud ito sa kanya "Malapit na talaga"
"Oo Ma. Konting tiis na lang po at makakamit ko na ang pangarap ko at pangarap ko sa ating dalawa"
"Napakaswerte ko talaga sa anak ko" habang nilapitan niya si Zeek at niyakap ng mahigpit "Ano ang ginawa ko para makaanak ako ng ganitong kabait"
"Ma naman. Nag-drama ka na naman eh"
"Hindi naman Zeek. Naalala ko lang kasi kanina ang kwinento mo sa akin" sambit niya sa anak "Hindi talaga kasi ako mapakali na may ganyang klaseng bata. Hindi marunong magtanaw ng utang na loob sa paghihirap ng kanilang magulang. Kaya ikaw. Huwag na huwag kang gumaya sa kanila ha? Tapusin mo ang inumpisahan mo para makapag-graduate ka na... at makahanap ng matinong trabaho"
"Oo naman Ma" ngiti niya sa ina "Iyon nga ang pangarap ko at kung may marami na tayong pera, lilipat na tayo sa magandang bahay"
Itutuloy…
TIA: Chapter 8 (Si Jen)
Unang araw ng mga Magbanua sa Amerika at masaya ang mag-asawa na sina Arnold at Daisy dahil nandoon na ang buong pamilya lalung-lalo ang kanilang anak. Sama-sama nilang harapin ang mga bagong hamon sa bansa na hindi pamilyar sa kanila.
Pero iba ang nararamdaman ni Hazel. Malungkot at walang ganang bumangon sa kanyang kama. Nakatingin lang ito sa kisame ng kanyang silid na hindi kumukurap ang mga mata. ‘Gusto ko nang umuwi ng Pilipinas. Ayaw ko dito sa Amerika. Miss na miss ko na si Zeek, ang Cookie ko’ sambit niya sa kanyang sarili habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.
Hindi niya namalayan na pumasok pala sa kanyang kwarto ang kanyang Mommy. “Hazel. Bakit hindi ka pa bumabangon diyan? Diba ang usapan natin ay maaga pa tayong aalis? Pupunta tayo sa bagong school mo dito. Aasikasuhin natin ang mga papers mo para makapasok ka na agad” pero hindi siya umimik sa kanyang ina at patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha. Napansin naman ito ni Daisy at tinignan niya ng mabuti ang pisngi ng anak na parang basa ng luha “Umiiyak ka ba?”
"Hindi po, Mommy" sabay punas ng kanyang pisngi "Sinisipon lang ako"
"Umiiyak ka eh. Huwag mo nga akong lokohin" lapit niya sa kanyang anak "Bakit ka naman ba umiiyak?"
"Wala nga po..."
"Tungkol ba 'to sa lalaki na iniwan mo sa Pilipinas?" panghuhula ni Daisy "Diba ang sabi sa'yo ng Daddy mo ay kalimutan mo na siya? Andito na tayo sa Amerika, anak. We can start a brand new life here"
"But Mom. Mahal ko si Zeek. Miss na miss ko na siya. Gusto ko nang umuwi sa Pilipinas"
"Huwag na huwag mong gagawin yan, Hazel" pambabanta niya sa anak "Alam mo na magagalit ang Daddy mo kapag hindi mo sinunod ang gusto niya"
"Pero..."
"...No buts, Hazel. Sundin mo na lang ang Daddy mo para walang gulo. Paran naman sa'yo ito eh"
"Mom. Bakit ganyan ka? Nung nakilala mo noon si Zeek, ang sabi mo masaya ka para sa amin at hinding-hindi ka sasagabal sa pag-iibigan namin"
"Kasi iba na ngayon, anak. Alam na ng Daddy mo ang tungkol sa kanya at ayaw niya kay Zeek" paliwanag nito sa anak "Ayaw ko naman na mag-away kami ng Daddy mo para lang sa lalaking iyon. At isa pa, tama naman siya. Wala kang makikitang kinabukasan kay Zeek"
"Pero Mom. Mahal ko nga siya. Hindi ko siya kayang iwan"
"Bakit napakatigas ng ulo mo? Ano ba ang pinakain sa'yo ng lalaking iyon na parang ayaw mo siyang iwan at bitawan??!"
"Hindi pa ba sapat na mahal ko siya?"
"Hindi" sagot ng ina na matigas ang tono ng boses "Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pag-ibig o pagmamahal ang dahilan para mabuhay sa mundong ito. Kailangan ding gamitin ang utak para mabuhay" doon na siya lumakad palabas ng silid ng anak "Sige na... magbihis ka na at pupunta tayo sa bagong school mo"
Walang nagawa si Hazel kundi sundin na lang ang kanyang magulang, dahil kahit lalayas siya sa kanilang bahay ay wala pa rin siyang pera pauwi sa Pilipinas.
Ang kailangan niya lang gawin ngayon ay sundin muna sila, para kung matapos niya na ang kanyang pag-aaral ay babalik siya kaagad ng Pilipinas. At siguro tama din naman sila dahil wala namang magulang na magkagusto na mapahamak ang anak.
Kaagad siyang tumayo sa kama at tinignan ang Mommy niya “Sige Mommy. Magbibihis na ako”
"Mabuti naman at tumayo ka na" dugtong ni Daisy sa anak na pinunpunas ang kanyang mga luha sa pisngi "Sundin mo lang kami because it's for your own good... and for your future"
"Opo Mommy"
"Good girl" ngiti ni Daisy sa anak
Samantala. Sa bahay nina George at Bek.
Dakong alas-nwebe na ng gabi. Nakaupo si Bek sa kama habang nagbabasa siya ng paborito niyang libro. Samantala si George naman ay nasa loob ng banyo at naliligo dahil kakarating lang mula sa opisina.
Nawili si Bek sa pagbabasa at natapos niya ang limang kabanata ng libro. Doon niya na napansin na hindi pa rin lumalabas ng banyo ang asawa magkalipas ang isang oras. Nagdesisyon na lang si Bek na tumayo at puntahan ang asawa sa banyo.
Balak niya sanang buksan ang pintuan pero naka-lock ito.
"Mahal" tawag niya sabay katok ng pintuan "Bakit ang tagal mo diyan? Okay ka lang ba?"
"S-sandali Mahal. Naliligo pa kasi ako" sagot naman ni George
"Ano? Hindi ka pa tapos diyan? Kanina ka pa diyan ah"
"Heto na. Malapit na akong matapos"
Ilang sandali din ay lumabas nga si George ng banyo. Basang-basa ng pawis at parang nanghihingal.
"Oh. Bakit ka basa? Pawis ba yan?" pansin ni Bek
"Hindi Mahal. Tubig lang ito" punas niya gamit ang tuwalya sa kanyang katawan "Hindi ko pa napunasan eh"
"Talaga? E bakit nanghihingal ka?" at may isa pang napansin si Bek "At bakit mo dala ang cellphone mo sa loob?"
Biglang uminit ang ulo ni George sa mga sunod-sunod na tanong sa kanya “Bakit ang dami mong tanong?? Pulis ka ba?” at kumuha siya ng malinis na mga damit sa aparador
"Hindi naman, Mahal. Nagtatanong lang naman ako"
"Nakakainis na eh. Naligo lang ako diba?"
"Oh edi naligo. Wala namang kaso diyan eh" sagot ni Bek sa asawa "Nagtatanong lang naman ako"
"Nagtatanong o nag-iimbestiga?"
"Ano? Ano ba ang pinagsasabi mo diyan?"
"Oh c'mon. Don't act na parang wala kang ginagawa"
"Ha? Ano ang ibig mong sabihin?" sambit niya. Hindi niya talaga alam ang mga pinagsasabi ng asawa.
"Na nagdududa ka sa akin. Na parang may ginagawa akong masama sa loob ng CR"
"Ha?? I'm just asking, okay? Ano ba ang problema dun...?" sabat ni Bek na mainit na din ang ulo "Wala naman eh. Unless na meron talaga"
"Ano'ng 'unless meron'?"
"Wala. Nevermind. Matutulog na lang ako"
Mahihiga n asana si Bek sa kama pero hinila siya ni George patayo muli “Kausapin mo nga ako babae. Ano yon? Sa tingin mo ba ay may ginagawa akong masama??”
"Wala akong sinabi, George. Nagtatanong lang ako kung bakit nanghihingal ka at dala mo ang telepono mo sa loob" ulit ni Bek "Huwag kang masyadong defensive. Dahil diyan ka mahuhuli"
"Hindi ako defensive. Naiinis lang ako na parati kang tumatanong na parang pulis... na parang may ginagawa ako. Doon ako nasasakal" habang tumataas na ang tono ng mga boses nila.
"Nasasakal? Bakit ka naman masasakal? Nasasakal ka dahil totoo siguro ang mga duda ko sa'yo!" sigaw niya sa asawa
"Of course not. Hindi totoo yan. Nagbago na ako"
"Nagbago ba talaga??"
"What? What are you trying to say? Na may iba na naman ako? May bago na naman ako? Ganon ba yon?"
“Sa totoo lang. Oo” sabat ni Bek “Naiinis ako sa’yo ngayon, George. Dahil alam ko na hindi ka pa rin nagbabago. Ikaw pa rin ang dating George na niloko ako” pagbabalik ni Bek sa nakaraan at ang nakita niya kanina “At akala mo hindi ko alam?”
"Ang ano na naman ba yan?"
"Na magkasama kayo kanina ng Assistant mo"
"Oo. Diba andoon kanina sa opisina? Nakita mo kami kanina na pumasok ng sabay diba? At alam mo kung nasaan kami nanggaling"
"Nagkakamali ka. Hindi ko alam kung saan kayo nanggaling" sagot ni Bek "Saan nga ba, George?? Sa Motel? Sa bahay niya?? O sa gilid-gilid lang??"
"Why are you doing this, Bek?? Bakit ka ganyan?! Ano ba ang problema mo sa akin??!" pagmaang-maangan ni George sa kanya "Wow... for real Bek?? Inuungkat mo pa ulit ang dati?? At gumagawa ka pa ng kwento tungkol sa amin ni Lucas. Tapos na yon, okay?? Kasal na tayo. Stop for so being insecure"
"I'm not. Dahil nga ang sabi mo diba? Asawa na kita, kasal na tayo. I'm just protecting our marriage"
"Protecting?? Wala naman akong ginagawa ah"
"Wala ba...?"
"PUCHA naman Bek. Paulit-ulit tayo eh!"
Nabigla si Bek sa sinabi ng kanyang asawa at kaagad niyang sinampal ito ng malakas. “Huwag mo akong murahin, George. Rumespeto ka sa akin dahil asawa mo ako..”
Hindi sumagot si George sa kanya at tanging paglisik lang mata ang nakuha ni Bek. Kaagad siyang lumabas ng silid at isinara ang pintuan ng napakalakas. Napaiyak na lamang si Bek sa ginawa ng kanyang asawa. Mukhang bumabalik kasi ang dating ugali nito nung bago niyang nalaman na may karelasyon ang asawa niya na bakla.
Kinabukasan.
Tinawagan ni Bek ang kanyang bestfriend na si Jen. Pinapapunta niya ito sa bahay nila para makapagkwentuhan at samahan siya sa bahay dahil sobrang bagot na ito.
Nang pagdating ni Jen doon ay kaagad niyang ikwinento ang nangyari sa kanila ng kanyang asawa kagabi.
"Alam na" tanging sambit ni Jen.
"What do you mean Mads?"
"Na may iba siya. Dahil sobrang defensive niya sa mga tanong mo sa kanya"
"Hindi naman siguro Mads"
"Ganon? So kinakampihan mo na siya ngayon?" dugtong ni Jen "Ikaw nga ang may sabi na napaka-defensive niya kagabi diba?"
"Oo Mads. Pero baka wala naman sa kanya yun. Baka naging OA lang ako sa pag-iisip"
Nagpabuntong-hininga si Jen sa sinabi ng kaibigan tungkol sa kanyang asawa “Naririnig mo ba ang sinasabi mo. Mads? Gumising ka nga. Huwag ka nang magpakabulag sa ginagawa ng asawa mo sa’yo”
"E wala ngang ginagawa. Eto naman" sabay ngiti niya kay Jen "Ang OA mo Mads. Kwinento ko lang sa'yo ang sama ng loob ko sa kanya. Pero it doesn't mean na totoo. Sumama lang ang loob ko sa kanya"
"E paano nga kung totoo?? Paano kung may iba na naman siya?" dugtong niya sa kaibigan "Mads. Kapag ang babae ay malakas ang pagdududa sa kanyang asawa, sigurado na totoo yan"
"WALA nga. okay?" pagdidiin ni Bek "It's just my crazy mind playing again"
"Naku Mads. Basta ha. Napagsabihan na kita"
"OPO. Alam ko naman ang ibig mong sabihin"
"Nag-aalala lang kasi ako sa'yo. Baka maulit na naman ang nangyari noon na muntikan ka nang mabaliw dahil doon"
"Ano ka ba naman Mads. Tapos na yon, At isa pa, okay na ako"
"Pero hindi mo maalis sa akin na mag-alala ako sa'yo dahil kaibigan kita" sabay hawak ng kamay ng kaibigan "Ipangako mo sa akin na kahit ano man ang gawin ni George ay hindi ka muli mabaliw sa kanya"
"Baliw??" ulit ni Bek "I'm not insane. Kwinento ko lang sa'yo ang problema ko, baliw na kaagad? Mads ha"
"Basta ipangako mo lang Mads"
"Haaay, Oo na. Sige na. Para matapos na ito" sabat ni Bek "Promise ko sa'yo na ako mababaliw. Oh. Okay na ?"
"Okay na" ngiti lang ni Jen.
"Oo nga pala, Mads" dugtong ni Bek sa usapan. "Kamusta na pala kayo ni Jason?"
"Hmmm. Okay naman kami. Going strong pa din sa pinili naming buhay mag-asawa"
"Talaga?? Kaya mo naman, Mads?"
"Oo naman. Bakit hindi?"
"Hindi ko pa rin kasi maiintindihan ang trip ninyong mag-asawa eh" sambit nito "Parang nawewerduhan ako"
"Normal lang yan, Mads. Iyon lang talaga ang trip ng katulad naming Swingers. Ang sex ay parang sport. Parang laro or isang hobby. The more, the merrier. Sharing is loving kumbaga" paliwanag ni Jen sa kaibigan "Ang importante ay we're enjoying sex kahit magkaiba kami ng partner" dugtong niya sa kanyang paliwanag na parang proud ito sa kanilang mag-asawa "Kahit ilan pang tao ang ma-sex ninyo, basta alam niyo na mahal ninyong dalawa ang isa't-isa"
"Naku. Hirap pa din Mads eh" buntong-hininga ni Bek at napaisip siya kung mangyari sa kanilang mag-asawa iyon "Parang niloloko niyo lang ang isa't-isa ng harapan"
"Hindi kaya. Sa ginagawa namin yan ay mas lalo pang tumatatag ang relasyon naming mag-asawa"
"Ganon?? Paano naman?"
"Basta Mads. Nag-eenjoy lang kami"
"Hindi ka man nagselos na may kasama siyang iba?"
"Hmmm. Aaminin ko, sa umpisa. Nagselos ako" sagot ni Jen "Pero habang tumatagal at parati niyo nang ginagawa ay okay naman. Siguro sa pagiging mature na din. At masaya, Mads. Promise"
"Masaya? Talaga?"
"Oo kaya. Balak ko pa sana kayong i-reto sa mag-asawang nakilala namin ng asawa ko eh" sabay kagat ni Jen ng kanyang labi "Ang hot nila, Mads. Especially ang lalaki."
"Okay ka lang Mads? Ayaw ko. Yuck!"
"Kung makapagsabi naman ng Yuck ito oh. Virgin lang..?!"
"E hindi naman. Pero alam mo naman ako. Selosa" sambit niya sa kaibigan "Hindi ko siguro makayanan na nakikita ko ang asawa ko na may ka-sex na iba habang may nakapatong din na lalaki sa akin"
"Kung sa bagay. Tama ka, Mads. Mahina kasi ang loob mo eh. Lalung-lalo na diyan kapag si George na ang pinag-uusapan" sang-ayon ni Jen sa pagtanggi ng kaibigan "Pero kami ng asawa ko, masaya kami. Sobrang masaya. At walang magiging problema kung alam ninyo na mahal ninyo ang isa't-isa"
"Hmmm. Sige. Ikaw ang bahala, Mads" sabay hinga ni Bek ng malalim "Tutal naman ay tatatanda niyo na. Alam niyo naman ang mabuti sa hindi"
"Don't worry Mads. Kaya ko ang klaseng lifestyle na pinili naming mag-asawa. At isa pa, nag-eenjoy naman ako eh"
"Okay. Masaya naman ako kapag masaya ka" ngiti na lang ni Bek sa kaibigan
"Salamat Mads"
Ilang segundo ang pananahimik ni Bek bago siya makapagsalita “You’re welcome, Mads. Pero kapag may problema, o nag-away kayo, o hindi mo na kaya. Andito lang ako para damayan ka ha”
"Okay Mads. Salamat ulit" ngiti ni Jen sa kaibigan "Pero Mads ha. Ang sinabi ko sa'yo kanina tungkol sa asawa mo"
"Opo. Naalala ko. Don't worry"
"Good" sabay ngiti ni Jen. Tumayo ito at inayos ang kanyang sarili. "So pano. Alis na ako"
"Bakit? Saan ka pupunta?"
"Uuwi na ako"
"Ha? Ang aga naman, Mads. Dito ka muna, samahan mo muna ako dito"
"I would love to. Pero may darating pa kami na bisita mamayang gabi eh. Maghahanda pa ako" tingin niya kay Bek "Mag-asawa, Mads"
"Ha?? Don't tell me na...."
"... Yup. Kaya excited na ako uuwi dahil maglalaro pa kaming apat mamaya"
"Ahhhh" tanging sambit ng kaibigan.
"Sige Mads. Alis na ako ha. Mag-iingat ka dito"
"Salamat. Kaw din Mads. Mag-iingat ka" sabay beso niya kay Jen.
"I will" kindat niya "Bye..."
Sinundan ng mga mata ni Bek ang papalabas na kaibigan sa kanyang bahay. Bigla niyang naisip muli ang ginagawa nilang mag-asawa. Ayaw niya talaga na mangyari sa kanila ni George ang ginagawa nina Jen at Jason.
Pero wala naman siyang magagawa kay Jen dahil ginusto niya iyon. Ilang beses niya na itong pinagsabihan pero matigas pa rin ang ulo nito at mahal na mahal niya si Jason kaya ginagawa niya daw ito.
Kaya hinayaan na lang niya ang kaibigan na si Jen na kung paano siya sa paghawak ng relasyon nilang mag-asawa.
Itutuloy…
TIA: Chapter 9 (Secret Affair)
Nasa opisina na si George at nakaupo ito sa kanyang upuan. Nakatulala at parang may iniisip na malalim.
"Good morning Sir" bati ni Lucas habang papasok siya sa opisina.
"Good morning din"
Napatingin naman si Lucas sa amo habang papalapit sa mesa. Nahalata niya na parang may problema ito “Okay ka lang ba, Sir?”
"Yes. I'm okay"
"Hmm. Parang hindi eh. Gusto mo ba ng masahe? " at dumerecho siya sa bandang likuran ni George at minasahe ang balikat nito "Ano? Masarap ba..?"
Napaungol ng malakas si George sa ginagawa sa kanya ni Lucas. Isang masarap na masahe ang kanyang tinatanggap. Bawat diin at bawat hagod ng kamay ng assistant niya ay napapaungol ito sa sarap “Ugghh. Sige Lucas. Diin mo pa”
Pinagpatuloy pa ni Lucas ang paghagod sa balikat ng kanyang amo. Unting-unti niya inilipat sa dibdib nito at patuloy na bumababa sa pantalon ni George. Sinimulan niyang binuksan ang zipper ng pantalon at pinasok ang kamay nito sa loob.
Naramdaman naman kaagad ni George ang pinagagawa ng kanyang assistant at kaagad tumayo.
"What are you doing??" sambit niya dito
"Bakit? Ayaw mo ba?"
"Gusto siyempre. Pero huwag dito sa opisina ko" sabay ayos ng kanyang zipper.
"E bakit naman? Ang sarap kaya kapag dito gawin" ngiti ni Lucas "Try natin"
"Are you out of your mind??! Gusto mo bang mahuli tayo ng asawa ko? Alam mo naman kung paano magalit diba?!"
"Oo. Pero gusto ng adventure. I want some thrill"
"Adventure? E doon nga tayo kahapon sa bukid eh" paalala niya sa assistant "Diba you want outdoors?? Ibinigay ko naman sa'yo ang gusto mo"
"Pero iba dito sa office eh"
"Nababaliw ka na talaga, Lucas"
"Sige na. Please. I can't control it na eh" pagmamakaawa niya kay George "I want to be fucked"
"I can't believe it. Adik ka na talaga"
"Oo George, Adik na ako. Please. Sige na"
"NO!" sigaw niya kay Lucas "Huwag ka nang makulit, okay? Marami akong gagawin ngayon"
"Edi mamayang gabi. After ng office hours"
"Hindi pwede mamaya"
"Bakit??"
"Uuwi ako kaagad mamaya. Magpapalamig muna tayo"
"Bakit na naman ba? Ano ba ang nagawa mo?"
"Ginawa natin" pagtatama ni George "Sa ginawa ko kagabi sa loob ng CR ay nagdududa na siya, lalung-lalo na nung kahapon na anong oras na tayo nakarating dito"
"Ha? So ako pa ang sinisisi mo kagabi? E ikaw nga ang hindi marunong mag-ingat eh" sisi niya kay George "Gusto mo pa kasi mag-video call tayo"
"Pasensiya na. Kasalanan ko na nga"
"So anong plano mo?"
"As I said, magpapalamig muna tayo. Huwag muna tayo lumabas or mag-sex, baka mahuli niya na tayo"
"Sige" sagot lamang ni Lucas. Kitang-kita sa mukha niya ang pagka-dismaya sa sinabi ni George.
Napansin naman ni George ang pagkadismaya ng isa at kaagad itong pinuntahan, niyakap at hinalikan sa labi. “Huwag ka nang magtampo, Lucas. Konting tiis lang dahil sa lalong madaling panahon ay magagawa din natin ulit ang ginagawa natin. Pero mag-ingat muna tayo ngayon”
"Pero ang tanong, hanggang kailan ako magtitiis?"
"Hindi ko alam. Pero ito lang ang masasabi ko sa'yo. Hinding-hindi niya ito malalaman. Hanggang sa kamatayan ay hindi niya ito malalaman" paliwanag niya kay Lucas "Dahil kapag nalaman o nahuli niya ako, katapusan na ng mundo ko at isusumpa niya ako"
"So, mahal mo siya?"
"Oo naman. Mahal ko siya" sagot niya na walang pag-aalinlangan "Bakit mo naman natanong?"
"Wala naman. So, ano lang ito para sa'yo...? Ang ginagawa natin? Wala lang?"
"Oo. Wala lang. Pampaalis libog lang"
"Sige" at biglang umiba muli ang mukha ni Lucas.
"Teka. Are you expecting something from me?"
"Wala. Siguro umasa lang ako na maging tayo"
"What?! Okay ka lang? May asawa ako, Lucas... at alam mo yon" paalala ni George sa kanya "Diba simula pa lang ay sinabi ko na sa'yo na walang kasamang emosyon ang ginagawa natin? Plain sex lang dapat diba?"
"Oo na. Alam ko" habang nanginginig ang boses niya na parang iiyak "Huwag mo nang ulitin dahil alam ko naman yon"
"Alam mo naman pala eh" dugtong ni George "E ano pa ang dahilan na nagdadrama ka? May I remind you, Lucas. Binabayaran kita sa serbisyo mo sa akin, yung lang yun. No strings attached"
"Opo Sir. Pasensiya na talaga. Hindi na muulit" sagot naman niya.
"Good to hear that. Sana alam mo na ang lugar mo ngayon, Lucas" hindi siya sumagot sa dugtong ni George "So... what's my schedule for today?"
Kinuha niya ang planner na nakapatong sa mesa ng boss at binasa ang schedule nito sa ngayong araw “Meron po pala kayong meeting sa lahat ng mga Department heads”
"Ano'ng oras?"
"9 a.m. Sir"
Tinignan naman ni George ang kanyang relo sa kamay “Really? I’m ten minutes late” kaagad siyang tumayo sa upuan “See Lucas. Sa pag-aambisyon mo na maging tayo ay hindi mo nagawa ng maayos ang trabaho mo. I’ll deal with you later”
Nagmamadaling lumabas si George sa kanyang opisina dahil sobrang late na niya sa meeting. Samantala si Lucas naman ay nakatayo pa rin malapit sa mesa ng kanyang boss. Nanlulumo ang mga mata dahil nasaktan siya sa sinabi at pambale-wala ni George sa kanya.
Kakarating lang ni Zeek sa hotel. Nanghihingal siyang pumunta sa locker room, bumihis ng uniporme at kaagad lumabas patungo sa hotel. Sa kanyang pagpasok, hindi niya namalayan na nandoon pala si Miss Noguiera, ang head ng HR Department.
"Good morning, Ma'am" bati ni Zeek sa kanya
"Good morning din. And you are..?"
"Zeek Lacsamana po, Ma'am"
"Bagong empleyado ka ba dito? Parang hindi kita nakita"
"No Ma'am. Student intern po ako" sagot ni Zeek "Kahapon lang ako nagsimula"
"Talaga?" tingin niya kay Zeek mula ulo hanggang paa "Parang hindi kita nakita nung orientation"
"Yes Ma'am. Wala nga ako nung nag-conduct ka nag orientation"
"Ano? Bakit wala ka? At bakit ka nakapasok at naka-umpisa ng duty mo nang walang orientation?" sasagot na sana si Zeek pero pinigilan niya ito ng nakataas niyang kamay "Don't need to explain. Kahit mag-explain ka pa ay hindi ko pa rin i-coconsider yan dahil hindi ka nakadalo sa orientation. Hindi mo ba alam na bago ka makapag-umpisa ay kailangan mong dumalo para alam mo ang mga rules dito sa hotel"
"Sorry Ma'am. Hindi ko alam"
"So alam mo na" dugtong niya "Sino ka ba talaga? Magnanakaw ka ba??"
"Ha? Hindi po, Ma'am" habang nanlalaki ang mga mata ni Zeek dahil nabigla ito sa paratang ng babae "Intern nga po ako dito"
Kumukha ang babae ng radyo at may pinindot dito “Hello Guard. Pumunta ka dito sa may Annex. May nakapasok na magnanakaw dito”
"Hindi nga po ako magnanakaw Ma'am. Bakit hindi ka naniniwala sa akin?"
"Because you're not convincing. Hindi ako naniniwala na intern ka dito dahil hindi kita nakita nung orientation" pagmamatigas ng babae kay Zeek "Kung sino man ang pumasok sa'yo dito, I'm sorry. Pero hindi ka nakapasok sa standards ko"
"Pero Ma'am..."
"Sorry. I have made my decision" sakto din na dumating ang guard "Oh guard, andito ka na pala. Iyan ang magnanakaw. Dakpin mo na"
Sinunod naman ng guard ang utos nito at dinakip si Zeek. Hinawakan niya ito sa kanang braso ng mahigpit. “Ma’am. Hayaan mo muna na magpaliwanag ako”
"Don't need to explain" at tumingin muli siya sa guard na nakahawak sa binata "Guard. Palabasin mo na siya dito sa hotel. Nakakasira lang siya ng ambiance"
"What's the commotion all about?"
"Sir George. Ikaw pala" sambit ni Miss Noguiera sa dumating na lalaki
"Bakit ninyo siya dinadakip, Miss Noguiera?"
"He's claiming kasi Sir na student intern siya at kahapon pa siya daw nag-umpisa"
"And...?"
"And hindi ko siya nakita nung nag-conduct ako ng orientation" sagot niya sa amo "Alam mo naman Sir ang SOP ng mga student intern dito sa atin"
"Of course, I know. Ako ang gumawa ng mga rules" dugtong naman niya "At bakit may guard ka pang kasama?"
"Kasi nagdududa ako sa kanya, Sir. Baka magnanakaw siya o ispiya ng kalaban natin"
"Magnanakaw talaga?" dugtong ni George "Miss Noguierra, if he's claiming na intern siya, bakit hindi mo tsinek muna ang files mo sa opisina mo, to prove na totoo ang sinasabi niya? Hindi mo pa nga napatunayan, pinadakip mo pa siya agad sa guard?"
"Sorry Sir. I'll check it later"
"Later? Bakit later pa?" sabat niya sa babae "For your information, Miss Noguierra. Mister Lacsamana was not able to attend your orientation dahil ako mismo ang nagbigay sa kanya nun"
"Totoo ba yan Sir?"
"Oo naman. Sa tingin mo ba ay nagsisinungaling ako?"
"Hindi naman po sa ganon, Sir. Hindi ko lang kasi alam"
"It's okay. Pero ngayon alam mo na"
"Opo. Sorry talaga sa ginawa ko" tingin niya sa binata. "Hindi ko naman talaga alam eh"
"Okay lang po yon, Ma'am. Wala na pong problema" sagot naman ni Zeek "Iyon po pala ang sasabihin ko sa'yo kanina na magpapaliwanag ako. Pero hindi kayo nakinig eh. Pinadakip niyo pa rin ako"
Napangiti na lamang siya sa katangahan na ginawa niya. Parang matutunaw siya sa kahihiyan dahil mali pala ang akala niya kay Zeek at ang amo niya pa pala ang nagpapasok. Wala siyang nasabi at kaagad na lang umalis at bumalik sa kanyang opisina
Samantala ang dalawa naman ay naglalakad sa hallway.
"Sorry sa ginawa ng empleyado ko sa'yo, Zeek"
"Okay lang naman po Sir. Nakakatuwa lang dahil pangalawang beses na akong muntikang mapalabas ng guard sa hotel ninyo" ngiti ng binata.
"Oo nga eh. Pero ako parati ang nakakasagip sa'yo"
"Opo Sir. Salamat pala diyan. At sorry na din kasi ikaw pa talaga ang magtatakip sa mga kapalpakan ko"
"Anong kapalpakan? Hindi ka palpak Zeek" sambit niya sa binata "Ako nga ang manghihingi sa'yo ng pasensiya dahil hindi ko pinaalam kaagad sa HR ang tungkol sa'yo eh, kaya nagkaganito"
"Hindi po. Wala kang kasalanan, Sir. May kasalanan din naman ako dahil hindi ko rin mismo pinaalam sa kanya"
"Tama na nga yan" sabat ni George sa kanya "Ang mabuti pa ay pumasok ka na sa duty mo ba ako na naman ang magalit sa'yo" sabay ngiti niya sa binata.
"Okay po, Sir. Salamat ulit"
"You're welcome, Zeek"
Umakyat si Zeek sa isang Function Room ng hotel para tulungan ang iba niyang kasamahang student intern. May event kasi sa araw na iyon at kailangan nang tapusin ang pag-aayos ng silid bago pa makarating ang mga bisita.
Nang pagpasok niya sa silid ay nakita niya si Owen, na akala niya ay hindi na papasok. Nagbubuhat siya ng mga silya at inaayos ang mga ito.
"Uy Brad. Nandito ka?" bati niya kay Owen.
"Oo Brad. Narealize ko na tama ang sinabi mo sa akin" sagot naman niya kay Zeek "Na bihira lang ang makapasok sa isang five-star hotel na ito bilang empleyado o sa kaso nating intern"
"Good. Mabuti naman ay napag-isip ka ng maayos"
"Oo Brad, Salamat talaga ha" tapik niya sa kaliwang braso ng bagong kaibigan.
"Naku. Wala yon"
"Oo nga pala. Bakit na-late ka?"
"Muntikan kasi ako na hindi makapasok"
"Ha? Bakit naman?"
"Pinagdudahan kasi ako ni Miss Noguiera na magnanakaw dahil hindi siya naniniwala sa akin na student intern ako. Dahil wala daw ako sa orientation niya"
"Ganon? Grabe naman siya" dugtong ni Owen habang inaayos nilang dalawa ang mesa "E pano ka nakalusot?"
"Ayon. Mabuti na lang na dumating si Sir George habang kinukuha ako ng guard" sabay ngiti nito "Nakakatuwa lang kasi pangalawang beses na ako muntikang mapalabas ng hotel eh. At pangalawang beses na din ako sinagip ni Sir"
"Pangalawang beses?" ulit ni Owen "E kailan nung una?"
"Yung pinalayas ako ng asawa niya. Rebecca ata yung pangalan" kuwento nito sa kaibigan "Nagalit lang siya sa akin dahil wala ang kasama ko nung nagpasa ako ng resume namin. Pero grabe yung magalit"
"Talaga? So totoo nga pala ang usap-usapan dito"
"Na ano?" tanong lang ni Zeek. Parang interesado din siya na makinig sa sasabihin ni Owen sa kanya.
"Na mainitin daw ang ulo niya. Dahil sa sobrang selosa niya" sagot niya "Dahil akala niya na lahat ng tao ay nagkagusto kay Sir George"
"Talaga?"
"Oo brad.Pero hindi naman siya masisisi dahil ang gwapo ng amo natin eh. Nakatikim nga mismo yung dalawang naunang intern na babae sa kanya" dugtong niya sa kanyang kuwento "Parang dragon daw magalit"
"Oo nga brad eh. Tama nga sila. Parang dragon talaga magalit ang asawa ni Sir George"
Napatigil silang dalawa dahil pumasok ang Supervisor para tignan ang kalagayan ng silid. Itinuloy na lang nila ang pag-aayos dahil ilang oras na lang ay darating na ang mga bisita na gagamitin ang Function Room na iyon.
Alas-singko na ng hapon at nakaupo si Bek sa sofa, nakaupo at nakatulala lang sa hangin na parang may iniisip. Iniisip niya kasi ang sinabi ng kaibigan niya tungkol sa kanyang asawa, na baka may iba na siya at kailangan niya maging alerto dito.
Pero naniniwala siya kay George na nagbago na talaga iyon at pilit niyang inaayos ang relasyon nilang dalawa.
Magkalipas ang ilang saglit ay may pumasok sa main door ng bahay. Tumayo si Bek at sinalubungan ng yakap ang pumasok ng bahay.
"Good evening Mahal" bati niya.
"Good evening din Mahal"
"Kumain ka na ba? Kain na tayo" alok niya sa asawa "Hinintay kita para sabay tayong kakain"
"Ganon ba? Naku Mahal, sana kumain ka na lang"
"Bakit naman? Hindi ka ba kakain?"
"Sorry Mahal. Hindi eh. Busog pa kasi ako" sambit ni George "Kumain na ako sa labas eh. Pumunta kasi ako sa bahay ni Lucas. Birthday kasi ng nanay niya"
Kumunot ang noo ni Bek sa sinabi ng kanyang asawa. “Hindi ka naman nagpaalam o pinaalam man lang sa akin na may pinuntahan ka pala na birthday. Saan yon? Sa nanay ni Lucas?”
"Oo Mahal eh" niyakap din niya si Bek "Huwag ka nag magtampo, Mahal. Biglaan lang kasi yun"
"Ganon? E kahit na. Ipaalam mo pa rin sa akin dahil asawa mo ako" paninindigan ni Bek sa asawa "At alam mo naman na ayaw ko sa kanya, pero patuloy ka pa rin sumasama sa kanya"
"So, binabawalan mo ako na sumama ako sa kanya? Ganon?" sabay alis niya ng kanyang yakap sa asawa
"Oo. Yun na nga"
"Tungkol pa ba 'to sa pagdududa mo sa akin kagabi?" pero hindi sumagot si Bek "Oh god Bek. Para kang bata. Nagagalit sa mga maliit na bagay. Akala ko kasi ay okay ka na at nagtatampo ka lang kagabi pero hanggang ngayon....?"
"Masisisi mo ba ako kung magselos ako sa inyong dalawa ni Lucas? Parati kayong magkasama. Parang ayaw ninyong magkahiwalay na dalawa"
"Of course. He's my Assistant" sagot ni George "At ano naman ang problema doon? At sino ba ang gusto mong kasama ko parati? Ikaw? E napakaselosa mo eh"
Umakyat kaagad si George ng hagdanan ng walang pasabi sa asawa. Samantala ay nakatingin lamang si Bek sa asawa na tumutulo ang luha dahil hindi niya na talaga maiintindihan ang ugali nito.
Itutuloy…
=
TIA: Chapter 10 (Salat sa Pera)
Pagkatapos niyang nagbihis ng uniporme niya mula sa trabaho ay nagtungo kaagad si Zeek sa sala, umupo sa sofa at binuksan ang telebisyon. Pero habang nanonood ay biglang namatay ito kasabay ng ilaw.
"Ma..!" tawag niya kay Vivian "Walang kuryente!"
Lumapit naman ang ina niya na nanggaling mula sa kusina. Tinangka pinaandar ang switch ng ilaw pero hindi nga ito umilaw. “Naku anak. Baka naputulan tayo ng kuryente”
"Ha?" tumayo si Zeek sa sofa at hinarap ang ina na si Vivian "Bakit Ma? Diba binigyan kita ng pera nung isang araw? Hindi ka pa ba nakabayad?"
"Hindi pa anak eh" buntong-hininga niya at tumingin siya sa kanyang anak na parang may sasabihin "Anak. May sasabihin sana ako sa'yo. Pero huwag ka sanang magalit sa akin"
"Ano naman ba yan, Ma?" sagot ni Zeek. Parang alam niya ang susunod na sasabihin nito sa kanya "Huwag mong sabihin na ginamit mo naman ang pera sa pampautang mo"
"Pasensiya na anak. Naawa kasi ako sa kanya eh" biglang umamo ang boses niya sa anak "Kailangan lang talaga nila eh"
"E kailangan naman din natin ang pera. Paano tayo ngayon? Wala tayong kuryente" sambit ni Zeek "Alam mo naman na iyon lang ang natirang pera ko sa nagdaan kong trabaho eh"
"Anak. Babayaran naman daw tayo nila kaagad kapag nagka-pera na sila"
"At naniwala ka naman sa kanila, Ma?" balik niya dito "Sino na naman ba ang maswerteng taong nakatanggap ng biyaya mo?"
"Si Aling Malou, anak"
"Ano..?? Siya..?"
"Oo anak. Pero nangako naman siya sa akin na magbabayad siya kaagad"
"Naku Ma. Kalimutan mo na lang ang pangako niya sa'yo dahil hindi totoo yan" dugtong ni Zeek "Ano na naman ba ang drama niya ngayon sa'yo?"
"Kailangan niya daw kasi ng pera para pambayad lang sa ospial, anak" paliwanag niya kay Zeek "Na-ospital daw kasi ang apo niya eh. Alam mo naman na maawain ako sa mga bata" napahinga na lang ng malalim si Zeek sa ginawa ng kanyang ina. Hinaplos niya ang likuran ng anak para mapakalma ito "Anak. Huwag ka nang magalit sa Mama mo oh"
"Hindi naman ako galit, Ma" dugtong niya sa ina "Nainis lang kasi ako sa ginawa mo. Hindi naman tayo mayaman para magkawang-gawa parati sa mga tao dito"
"Alam ko, anak. Pero naaawa lang talaga ako sa kanya at sa apo niya. Intindihin mo naman ako"
"Intindihin..?? Naku Ma. Lalo pa nilang aabusuhin ang kabaitang mong yan. Pwede ba, Ma? Itigil mo na yan"
"S-sige anak. Pipilitin ko" at niyakap niya ng mahigpit si Zeek "Pero anak. Huwag ka nang magalit sa akin. Patawarin mo na ako"
"Ano ba naman magagawa natin kundi patawarin ka. Mama kita eh" at niyakap niya din si Vivian ng mahigpit.
"Sorry talaga, anak. Hindi na talaga mauulit. Pangako yan"
"Okay na yun, Ma. Wala na naman tayong magagawa dun. Ibigay na lang sa kanila ang perang iyon" sabi niya sa ina "So, ano ang plano mo, Ma? Saan ka kukuha ng pera para pambayad ng kuryente at mga gastusin natin dito?"
"Hindi ko rin alam, anak" sagot niya sa anak "Naubos lahat ng pera natin sa kanila. Kahit nga pang-kapital sa kakanin ay nadali rin"
Nagpabuntong-hininga muli si Zeek sa sinabi sa kanya ng ina “Sige na. Ako na lang bahala diyan. Susubukan kong manghiram ng pera sa mga kakilala at kasama ko sa hotel”
"Talaga? Salamat talaga anak. Marami talaga akong atraso sa'yo"
"Wala yon, Ma. Responsibilidad kita dahil nanay kita. Wala namang ibang tao na aasahan natin kundi ang isa't-isa diba?"
"Pero ako ang ina, Zeek. Ako dapat ang maghahanap ng pera para sa gastusin natin"
"As I said, ako na ang bahala dun, Ma. Okay?"
"Sige anak. Sorry"
Tinanggal kaagad ni Zeek ang kanyang mga braso sa kanyang ina. Kinuha ang bag niya na parang nagmamadali at nagpaalam kay Vivian. “Alis muna po ako”
"Saan ka pupunta, anak? Gabi na ah"
"Pupunta lang po ako sa convenience store, Ma. Ang init kasi dito eh"
"Sige anak. Mag-iingat ka ha. Uwi ka kaagad"
"Opo Ma"
Kinabukasan.
Maagang umalis si Zeek papunta sa hotel para kausapin ang mga kasamahan niyang trainee. Nagbabakasakali siya na makahiram ng pera para ipambayad sa kanilang kuryente at sa mga gastusin sa loob ng bahay.
Nang pagpasok niya sa locker-room ay nakita niya si Owen na nagbibihis at nag-aayos ng sarili. Kaagad niya itong pinuntahan at binati.
"Good morning, brad" panimula ni Zeek.
"Uy brad" lingon ni Owen sa kanya "Good morning din. Ang aga mo 'ata"
"Oo brad. Maaga ako pumunta dito kasi meron akong problema" sabay hina ng kanyang boses.
"May problema ka? Ano naman yon? Sabihin mo sa akin, baka makatulong ako sa'yo"
"E kasi..." at sumeryoso na ang mukha ni Zeek "May pabor kasi ako sa'yo, brad. Kung okay lang sana sa'yo"
"Ano yan? Huwag mong sabihin na pera ha. Wala din akong pera, brad"
"Yun nga ang kailangan ko brad eh" hingang-malalim ni Zeek "Wala kasi kaming pambayad ng kuryente at pang-gastos sa loob ng bahay."
"Ehh pano yan? Wala ba kayong natabi na pera?"
"Meron naman. Pero ginastos ni Mama lahat"
"Ahh. Ganon ba?" sagot ni Owen "Matanong ko lang brad, saan ba ginastos ng Mama mo ang pera?"
"Pinautang niya kasi sa kapitbahay namin, brad" kuwento niya kay Owen "Naaawa daw siya kasi na-ospital daw ang apo. Kaya lahat ng pera namin ay ibinigay niya kahit ang pang-kapital niya sa kakanin na binebenta niya"
"Wow.. mukhang malaking problema talaga yan, brad"
"Oo nga eh. Hindi ko alam kung saan ako manghihiram ng pera"
"Sorry brad ha" tapik ni Owen sa balikat niya "I would love to help pero nagastos ko din ang pera ko eh. Meron naman ako dito pero pambili lang ng pagkain"
"Okay lang brad. Naiintindihan ko naman yan"
"Maiba ako. Kumain ka na ba?"
"Hindi pa nga eh. Maaga akong pumunta ako dito dahil nagbabakasakali ako na makahiram"
"Kawawa ka naman" at umiba ang mukha niya kay Zeek. Naaawa din siya sa kaibigan dahil sa kalagayan nito "Ito na lang, ililibre kita mamaya sa lunchbreak"
"Naku brad. Salamat na lang. Pero nahihiya ako eh"
"No. I insist"
"Hindi na brad. Salamat na lang talaga pero mas kailangan ko talaga ng pera. Para makakain din si Mama"
"Sigurado ka?"
"Oo brad. Salamat na lang"
"Bait mo brad ha" ngiti nito sa kaibigan "Subukan mo kaya sa ibang kasamahan natin? Baka meron sila"
"Gusto ko din sana pero nahihiya rin ako sa kanila. Alam mo naman na ikaw lang ka-close ko dito"
"Ganon? Try mo kaya silang kaibiganin. Pangit naman kung ako lang kaibigan mo dito"
Napatango na lamang si Zeek sa payo na ibinigay ng kanyang kaibigan “Sige brad. Susubukan ko na kausapin sila mamaya”
"Sige. Pag-akyat mo sa hotel ay kakausapin mo sila kaagad"
"Sige"
Kaagad naman tinapik ni Owen ang balikat niya “Huwag kang mag-aalala brad. Makakahanap ka din ng pera. Tiwala lang”
Natapos ang kanilang shift pero wala pa ring makitang pwedeng mahiraman ng pera si Zeek. Kitang-kita sa mukha niya ang pagka-dismaya dahil walang tao ang pwedeng hingian niya ng tulong.
Habang nag-aayos siya ng kanyang sarili sa locker-room, dumating si Owen at binati siya nito “Oh brad. Kamusta? May nakita ka na ba na pwedeng mahiraman?”
"Wala brad eh" buntong-hininga ni Zeek.
"Hala. Pano yan?"
"Hindi ko rin alam" dugtong nito
"Ano ba yan... naaawa ako sa'yo brad. Pasensiya na talaga ha"
"Okay lang yon" ngiti niya kay Owen "Huwag ka nang humingi ng tawad"
May naisip si Owen na magandang solusyon at kaagad sinabi niya ito kay Zeek “Alam ko na brad. Alam ko na kung saan ka pwedeng makahiram”
"Saan naman?"
"Hindi saan. Sino"
"Eh sino..?"
"Kay Sir George.."
"Sa kanya? Bakit? Ayaw ko. Nahihiya na ako sa kanya"
"Akala ko ba ay magkakakilala kayo? It's your chance na makahiram sa kanya"
"Huwag na brad, Marami na akong utang sa kanya. Ayaw ko nang madagdagan pa"
"Ang arte nito. Parati ka na lang nahihiya. Subukan mo na lang kaya" sabat ni Owen sa kanya "Wala naman mawawala sa'yo."
"Oo nga. Pero siya ang may-ari dito. Ayaw ko naman abusuhin ang pagkakaibigan namin dahil siya ang may-ari"
"Exactly, my point. Siya ang may-ari" sagot ni Owen "Hindi ka namang magnanakaw eh. Hihiram ka lang naman"
Nagpabuntong-hininga si Zeek at inisip ng mabuti ang payo sa kanya ni Owen. Kailangan niya talaga ng pera ngayon para ipambayad sa mga gastusin nila sa bahay at gagawin niya ang lahat para makautang ng pera.
"Sige" sagot ni Zeek sa kanya "Papatulan ko na lang ang payo mo kahit kinakabahan ako kay Sir George. Pupunta na ako kaagad ngayon"
"Good" ngiti ni Owen "Mabuti naman ay nakinig ka sa akin. Sige. Edi mauna na ako" sabay kuha ng kanyang bag. Tinignan niya ng mabuti si Zeek at tinapik ang braso nito "Kaya mo yan. Huwag kang kabahan. Nagkakakilala na kayo eh"
Tumango na lamang si Zeek sa kanya at kaagad lumabas si Owen ng locker-room habang siya naman ay hinihanda ang sarili para kausapin ang may-ari ng hotel.
Magkalipas ang ilang minuto ay nagdesisyon na siyang umakyat gamit ang elevator. Pilit niyang binabasa ng kanyang laway ang lalamunan niya dahil natutuyo ito sa sobrang kaba. Baka ano ang sasabihin ni Sir George sa kanya dahil uutang ito. Hindi niya talaga alam kung ano ang ginagawa niya, kakapalan niya na lang ang mukha niya para lang sa kanyang ina.
Nang pagbukas ng elevator sa top floor ng hotel ay kaagad siyang lumabas. Dahan-dahang naglakad siya sa pintuan ng opisina ng boss. Nagtaka ito dahil walang tao na nakaupo sa mesa ng assistant.
‘Baka pumunta lang siguro sa banyo. Kakatok na lang ako dito’
sambit nito sa kanyang sarili.
Kumatok nga si Zeek ng tatlong beses pero walang sumagot mula sa loob. Doon na lang siya nagdesisyon na pumasok sa opisina.
Pero imbes na derederecho ang pagpasok niya sa opisina ay napahinto ito sa kanyang nakita; nakatuwad paharap sa pintuan ang kanyang assistant sa mesa habang nakatayo si George sa likurang ni Lucas, nakahubad ito habang binabayo ng malakas ang assistant.
Naaninag naman ni Lucas na may pumasok sa opisina. Kinabihan ito at nagmamadaling tumayo. Sa pagmamadali niya ay natamaan ng kanyang ulo ang bibig ni George.
"Aray!!" sigaw ni George habang hawak niya ang kanyang bibig "Bakit ba...?"
"May tao"
"Ha? Saan?"
"Ayun oh" turo ni Lucas sa may bandang pintuan. Pero nang pagtingin nila doon sa pintuan ay wala na ang tao na sinasabi ni Lucas. "Shit. Umalis na siya"
"Ano? E saan siya pumunta?" habang sinusuot nila ang kanilang mga damit.
"Hindi ko alam, okay? Pareho lang naman tayo nandito"
"Nakita mo ba kung sino?"
"Oo. Parang kilala ko"
"Sino?"
"Si Zeek"
"Ang intern natin?"
"Oo. Siya" sagot naman ni Lucas na parang nababahala "So paano na 'to? Nahuli na tayo. Paano kung magsumbong siya?"
"Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala kay Zeek" sambit ni George sa kanya "Ako ang kakausap sa kanya"
"Talaga? Sigurado ka?"
"Oo naman. Ako ang bahala. Just act normal. Okay?"
"Sige"
Samantala.
Nagmamadaling lumakad palayo si Zeek sa opisina ng may-ari. May halong kaba at lito ang kanyang nararamdaman sa kanyang nakita. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa sandaling iyon. Gusto niya lang na makaalis kaagad sa gusali at makatakas sa kanyang nakita.
Pumasok siya ng elevator at pinindot ang G, bilang ground floor. Nanginginig ang buong katawan niya at gusto niya nang makauwi agad. Nang pagkababa niya, kaagad siyang lumabas at nagmamadaling lumakad palabas ng gusali.
Pero sa hindi inaasahan ay tinawag siya ng isang babae sa front desk.
"Mister Lacsamana...?" at lumingon naman siya at lumapit sa babae "Ikaw ba si Ezekiel Lacsamana?"
"Yes Miss. Ako nga po. Bakit po?"
"Pinapatawag ka kasi ni Sir George Salcedo sa kanyang opisina"
"Po...?" sabay lunok ng kanyang laway.
"Ang sabi ko.. pinapatawag ka ng may-ari ng hotel na pumunta ka ngayon sa taas. Sa kanyang opisina"
"Opo. Narinig ko. Ang ibig ko pong sabihin, bakit ako pinapatawag??"
"Abay ewan ko" pagtataray ng babae sa front desk "Hindi naman ako ang nagpatawag sa'yo noh, kundi si Sir George. Kung ako sa'yo, pumunta ka na lang sa opisina niya" sabay taas ng kanyang kilay.
"Ahhmmm. S-sige po, Miss" sambit ni Zeek sa mataray na babae habang nanginginig ang kanyang boses "Aakyat na ako"
"Okay"
Dahan-dahang lumakad siya pabalik ng elevator para umakyat at bumalik muli sa opisina. Sa lugar na kung saan may nakita siyang hindi maganda sa pagitan ni George at sa kanyang assistant na si Lucas.
Nang pagkadating niya uli doon ay nakita niya na si Lucas, nakaupo na sa kanyang pwesto at parang may ginagawa sa kanyang computer.
"Excuse po Sir" bati ni Zeek kay Lucas
"Yes?" sagot naman niya na hindi makatingin kay Zeek.
"Pinapatawag po daw ako ni Sir George?"
"Yup, He's waiting for you. Pumasok ka lang"
"Sige po"
Biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib habang papasok siya sa opisina. Bakit siya pinatawag? Alam na ba nilang dalawa na nahuli sila kanina sa kanilang ginagawa? O baka naman pinatawag siya dahil papaalisin na siya sa hotel.
"Good afternoon po, Sir" sabay lapit ni Zeek papunta sa kanyang mesa. Nakita niya na seryoso ang itsura ni George at parang galit ito "Pinapatawag niyo po daw ako?" Tumingin lang si George sa kanya mula ulo hanggang paa at hindi umiimik. Lalong kinabahan si Zeek dahil baka ano ang gagawin nito sa kanya.
Itutuloy…
TIA: Chapter 11 (The Offer)
“Yes. Pinatawag kita” sagot nito pagkatapos ng ilang minutong pananahimik “Umupo ka, Zeek”
Kaagad naman umupo si Zeek sa bakateng upuan habang malakas pa rin ang kabog ng kanyang dibdib. “Bakit po, Sir?”
"Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa, Zeek" sambit nito sa binata "May nakita ka ba kanina nung pumasok ka dito?"
"Ha? Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo"
"Zeek. Alam ko na pumasok ka dito kanina at alam ko na may nakita ka" dugtong ni George "Magsabi ka na lang ng totoo sa akin. Hindi naman ako magagalit" Natahimik ng ilang saglit si Zeek, iniisip niya kung magsasabi siya ng totoo o magsisinungaling siya sa amo. "Alam ko na kinakabahan ka ngayon dahil kita ko sa mukha mo na namumutla ka. Pero huwag kang mag-aalala. Hindi ako magagalit sa'yo. Gusto ko lang naman na magsabi ka ng totoo sa akin. Magtiwala ka lang" sabay ngiti niya kay Zeek.
"Op-p-po Sir. Nak-kita ko kayo kanina" pang-uutal na sagot ni Zeek
"Ano ang nakita mo, Zeek?"
"... na may nangyayari sa inyong dalawa ng assistant mo" sabay tingin niya kay George sa mata "Pero don't worry, Sir. Hindi ko naman nakita lahat. Umalis ako kaagad eh"
Ngumiti lang si George sa sinabi ni Zeek. Tumayo ito at lumakad papunta sa kanya. “Good. Mabuti kung ganon” sambit nito.
"Ahhmmm. Yun lang po ba, Sir?"
"Oo. Yun lang"
"Pwede na po ba ako makaalis?"
"Hindi pa"
"Po..?? Bakit po?" dugtong ni Zeek. Kinakabahan na siya sa mga oras na iyon dahil baka mapaalis na siya bilang intern ng hotel "Papaalisin niyo po ba ako?"
"Ha? Papaalisin?" sambit ni George at nagulat ito sa sinabi ng binata "Hindi. Hindi pa sa ngayon. Bakit mo naitanong?"
"E kasi nakita ko kayo Sir eh. Baka papaalisin niyo na ako dahil dun"
"Of course not. Hindi ako ganyan" at kumuha siya ng isang bakanteng silya at inilagay ito sa harap ni Zeek. Doon siya umupo at tinignan ng mabuti ang binata "Maiba tayo..."
"Ano po yon?"
"Bakit ka pala pumunta dito kanina sa opisina ko? May kailangan ka?"
Ito na ang pinakahinihintay niya na sandali, ang sasabihin niya sa kanyang boss kung bakit siya umakyat dito kanina.
"Opo Sir. Meron po"
"And..? Ano yon?"
"Nahihiya po kasi ako Sir"
"No... don't be. I'm here to help" sabay hawak niya sa kamay ng binata. Nahalata naman kaagad ito ni Zeek at kinuha ang kanyang kamay. "Sorry.."
"It's okay, Sir" dugtong nito "May problema po kasi ako ngayon, Sir"
"Ano ba yon? Pwede bang malaman?"
"Si Mama po kasi. Pinautang niya sa kapitbahay namin ang lahat ng pera namin" kwento niya kay George "Kaya wala na kaming pambayad sa ilaw dahil naputulan kami at kahit panggastos para sa araw-araw ay wala na din. Hindi na nga kami makakain, Sir"
"Talaga? Kawawa naman kayo kung ganon" sambit ni George "So, ano ang maitutulong ko?"
"Kung pwede sana po, mag-uutang sana ako sa inyo ng pera" sabay tingin niya sa sahig dahil nahihiya ito "Kahit limang-libo lang po, Sir"
"Limang libo? Ang laking pera yon"
"I know, Sir. Pero kailangan talaga namin eh. Kasama na din yan sa magiging kapital ni Mama sa kanyang mga kakanin na ibebenta"
"Bakit sa akin pa? Bakit hindi sa mga kasamahan mo sa baba?"
"Sinubukan ko nga po kanina, pero wala din silang pera eh" sabay tingin niya sa mga mata ng amo "Sir. Parang awa mo na, kailangan namin talaga. Gutom na gutom na kami ni Mama. Pangako po, babayaran kita"
"Babayaran? Papaano?"
"Sa mga kita ni Mama sa kanyang binebenta. At gagawa pa ako ng paraan na makahanap ng pera para mabayaran kita, Sir"
Pero imbes na pumayag sa alok sa kanya, bigla na lang itong tumawa “Talaga? Sa tingin mo ba ay mababayaran mo ako buo kung iyan ang source of income ninyo? Baka kulang pa yan sa interes eh. Huwag mo akong gawing tanga Mister Lacsamana. I’m not that stupid na pumatol sa offer mo”
"Sir naman. Huwag mo naman insultuhin ang hanapbuhay ng Mama ko. Marangal po ang paghahanap niya ng pera"
"I'm sorry" tanging sagot niya at nawala ang tawa sa kanyang mukha "Pero hindi ko kayo iniinsulto. I'm just stating the fact"
"Okay, Sir. Naiintindihan po kita. Sorry na lang po sa abala" tumayo si Zeek at inayos ang kanyang damit "Salamat na lang po. Alis na po ako"
"Wait" tawag niya sa binata pagkatapos ng ilang hakbang papalabas ng opisina. Humarap muli siya kay George "I have way more better offer, Mister Lacsamana"
"Talaga Sir?"
"Yes"
"Ano naman po iyon?"
"But before that, magsabi ka muna ng totoo sa akin, Zeek" panimula ni George sa kanyang alok "May sinabihan ka na ba kanina sa baba kung ano ang nakita mo dito?"
"Wala po, Sir. Promise. Wala talaga"
"Good" sagot niya at napahinga siya ng maluwag nang marinig ito "So, this is my proposal. I'll give you P100,000 para sa panggastos ninyo ng ina mo, at kung ano pa ang gusto ninyong bilhin."
"Po?? Sobrang laki naman yan, Sir"
"Teka, Hindi pa ako tapos..." sabat niya "BUT..." tingin niya kay Zeek "Kailangan mong tumahimik at hindi ka magsusumbong sa asawa ko o sa ibang tao kung ano ang nakita mo, kahit pa ang ina mo. Naiintindihan mo?"
"Sige po Sir. Kaya po yan"
"Are you sure...?" dugtong naman ni George at tumago si Zeek habang nakatingin sa kanya "Pero hindi pa ako tapos. May isa pa akong kondisyon para makuha mo ang pera ng buo"
"Anything Sir. Gagawin ko ang gusto ko para sa ina ko"
Huminga ng malalim si George bago niya sabihin ang kasunod na kondisyon kay Zeek “Bibigay ko sa’yo ang pera ngayon din kung papayag ka na makipagtalik sa akin sa loob ng isang buwan”
"Po...?" sabay lunok ni Zeek at nabibingi sa sinabi ni George. "Sex..?"
"Yup. Tama ang narinig mo, Zeek" sagot naman niya "Tuwing gabi, pagkatapos ng duty mo. O pwede din, kung kailangan ko gusto, Ipapatawag lang kita kay Lucas para umakyat dito sa akin. Basta maghanda ka lang"
"Ha...?" napanganga na lang siya at hindi makapaniwala sa sinabi ng amo "P-pero bakit? Parang hindi naman maganda yan, Sir. Lalaki ka, at lalaki din ako. Tapos may asawa pa po kayo"
"So....?? Ito naman ang uso ngayon. Ang nakita mo kanina sa amin ni Lucas? Natural na lang yon" habang lumalapit siya kay Zeek malapit sa pintuan.
"Pero hindi ko pa rin naiintindihan, Sir. Bakit ako?"
"Ikaw..?" ulit ni George "Kasi iba ka sa kanila, Zeek. May nararamdaman ako sa'yo na wala sa iba. At isa pa, gusto kita. Simula pa lang nung una tayong nagkita ay nagustuhan na kaagad kita"
Biglang natahimik si Zeek sa mga nalaman niya mula sa may-ari ng hotel. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito “Sorry Sir. I’m speechless”
"I know. Alam ko naman na magugulat ka sa sasabihin ko sa'yo, but no pressure" dugtong ni George "Pag-isipan mo ng mabuti ang proposal na sinasabi ko sa'yo.Wala naman tayo talong dalawa; makukuha mo na ang pera na gusto mo at mababayaran mo na ang ilaw ninyo. At ako naman, ay masasatisfy sa gagawin ko sa'yo"
"Sige po, Sir. Pag-iisipan ko po iyan ng mabuti"
"Good. Very good, Zeek. Hinding-hindi mo pagsisihan ito, maniwala ka" sabay tapik niya sa balikat ng binata
"Okay po"
"You may go, Zeek"
"Sige po, Sir. Salamat po uli"
Tumalikod kaagad si Zeek at lumabas ng opisina. Napansin naman siya ni Lucas na nakapwesto doon. Bigla itong tumayo at tangkang hahabulin ang binata.
"Lucas..." tawag ni George sa kanya na nakasunod pala kay Zeek sa paglabas ng opisina.
"Sir.." sagot ni Lucas
"Huwag mo na siyang habulin" sambit nito "Nakapag-usap na kaming dalawa"
"And...?? Kamusta ang pag-uusap ninyo?"
"Pumayag naman siya na manahimik sa kanyang nakita sa atin kanina"
"Talaga? Ganon lang kadali?" sabat niya sa kanyang amo "Paano ka naman nakakasiguro na hindi siya babaliktad sa usapan ninyo?"
"Because I've made an agreement"
"Agreement?"
"Yes. An agreement between me and him"
"Ano naman yon?"
"It's none of your business"
"Bakit hindi? May karapatan akong malaman kung ano ang pinag-usapan ninyo dahil may kinalaman ako dito"
"You have no right, okay?" dugtong niya "Assistant lang kita at ako ang amo mo. At kasalanan mo 'to eh" sisi niya kay Lucas "Hindi mangyayari ito kung hindi ka nagpupumilit na dito tayo magsesex. You better keep your mouth shut at pumayag ka na lang sa gusto ko dahil wala ka namang maitutulong sa problema na ginawa mo"
"Sorry na nga. Akala ko naman ay ni-lock ko ang pintuan, hindi pala" kita sa mukha ni Lucas ang pag-aalala "Kinakabahan ako baka magsumbong siya. Ayaw kong mawalan ng trabaho"
"Well. It's your recklessness ang nagdala sa atin dito. Magtiis ka" sambit niya kay Lucas "You better pray na hindi siya magsumbong at hindi malalaman ni Bek ito kundi tayong dalawa ang mapapahiya"
Kinabukasan.
Niyaya ni Jen ang kanyang kaibigan na si Bek na magkape sa isang mall malapit sa kanilang lugar. Pumayag naman ang kaibigan at nagkita silang dalawa sa isang mamahalin na coffee shop para doong magkape.
Kwinento niya ang nangyari sa kanilang dalawa ng kanyang asawa sa mag-asawa na naka-sex nila noong isang gabi.
"Oh my god, Mads. Napaka-hot nilang dalawa" habang kinakagat ni Jen ang kanyang labi habang nagkukwento siya sa kaibigan "That was the hottest sex ever"
"Talaga..?" tanging sagot naman ni Bek na parang hindi gusto ang kanilang pinag-uusapan.
"Oo Mads. Sarap sobra" sabay higop ng mainit niyang kape.
"So ano naman ang nasabi ng asawa mo?"
"Nag-enjoy daw siya. And he thanked me dahil sinasakyan ko daw ang trip niya"
"Mabuti naman kung ganon, Mads" kita sa mukha ni Bek na walang gana ito at parang lutang kung kinakausap.
Napansin naman ito ni Jen at tinignan niya ang kaibigan “Mads… are you okay?”
"Yes. I'm okay"
"Are you sure?" dugtong naman ni Jen "Are you uncomfortable sa topic nating dalawa?"
"No. Hindi Mads" ngiti niya sa kaibigan "May iniisip lang ako"
"Ano naman yon? Don't tell me na si George na naman yan ha" hindi sumagot si Bek at humigop na lang ng kanyang kape. "Kita mo... ano na naman ba yan, Mads? Parang parati ka na lang may problema diyan sa asawa mo"
"Wala lang 'to. Simpleng tampuhan lang"
"Simple? E parang ang bigat-bigat na ng mukha mo" pansin ni Jen sa kaibigan "Ano ba ang pinag-awayan ninyo?"
"Si George kasi, Mads. Hinintay ko siya buong gabi para sabay kami kumain ng hapunan"
"Oh tapos..?"
"Nang pagdating niya, nakakain na daw siya" kwento niya sa kaibigan "Hindi niya naman pinaalam sa akin. At ang masama pa dun, kasama niya si Lucas. Pumunta daw sa birthday ng ina niya"
"Si Lucas.. ang assistant niya?" at tumango naman si Bek "Wala naman akong nakita na problema diyan, Mads. Natural lang naman na magsama sila dahil kasama ni George si Lucas sa trabaho"
"Nang hindi nagpapaalam sa akin..? Asawa niya ako, Mads. May karapatan akong malaman kung ano ang mga galaw ng asawa ko sa loob at labas ng trabaho niya"
"Ang OA mo din ha. Huwag kang ganyan, Mads. Nasasakal ang lalaki kapag binabantayan o inaalam mo kung ano ang ginagawa nila. Let them be, it's just a birthday party" payo ni Jen sa kaibigan "At ano naman ang problema kapag magkasama sila ng assistant niya?"
"Kasi nagdududa ako kay Lucas, Mads" sagot niya dito "Parang may ina silang koneksyon. Hindi dahil na magkasama sila sa trabaho pero may iba akong nararamdaman kapag tinitignan ko si Lucas. Parang may malisya kapag tumitingin sa asawa ko"
"So ang ibig sabihin ay nagseselos ka?? Hindi naman kita masisisi Mads dahil iyan ang dahilan nung muntikan hindi matuloy ang kasal ninyong dalawa eh" dugtong ni Jen "Pero hinay-hinay lang sa pagdududa dahil baka iyan pa ang rason na magkahiwalay kayo ng tuluyan ni George"
"Hindi Mads eh" pagmamatigas pa ni Bek "Hindi ko nga pala naikwento sa'yo nun sa bahay na pumunta ako sa opisina niya ng maaga pero wala siya at ng assistant niya. Buong araw ako naghintay doon at hapon na sila nakapasok"
"Talaga? Anong sabi niya?"
"Naghahanap daw ng lote para papatayuan ng bagong hotel namin. Pero nung tinignan ko si Lucas habang nagpapaliwanag ang asawa ko, parang namumutla ito at hindi makatingin sa akin"
"Really Mads? Sigurado ka ba diyan?"
"Oo Mads. Parang iba ang nararamdaman ko sa kanya"
"Well, in that case. Let's hire a Private Investigator. Para malaman na natin ang katotohanan sa kanila ng asawa mo"
"Private Investigator agad? Huwag na, Mads"
"Ano ka ba. Ikaw na nga ang may sabi diba? Na iba ang nararamdaman mo sa kanilang dalawa, so kailangan natin ng confirmation kung totoo nga duda mo"
"Huwag na nga"
"Ang labo mo talaga. Nagpupumilit ka pa kanina na may iba sa kanila, pero nung ako ang mag-a-advice na kukuha tayo ng imbestigador, ayaw mo"
"Sayang lang sa pera, Mads. Nag-iipon nga ako ngayon para sa magiging baby namin"
"Edi ako ang bahala. Ako ang magbabayad para sa Private Investigator na yan"
"Huwag na nga, Mads. Okay? Tama ka. OA lang ako"
"Mads.." sabay hawak niya sa kamay ni Bek
"I said, It's okay, Mads. It's just my paranoia"
Nagpabuntong-hininga na lamang si Jen sa katigasan ng ulo ng kanyang kaibigan. Hinigop niya ang huling kape na nasa tasa niya tumingin kay Bek na nag-aalala sa mga kilos nito,
Bakit ayaw niyang kumuha ng imbestigador para malaman na niya na ang katotohanan? Ayaw niya bang malaman o natatakot siya sa kanyang malalaman?
Itutuloy…
TIA: Chapter 12 (Kapit sa Patalim)
Nakaupo si Zeek sa hapag-kainan habang malalim ang kanyang iniisip. Hindi pa rin siya mapakali sa sinabi kahapon ng kanyang boss. Ito ay tungkol sa alok nito na hindi niya ipagkakalat ang nakita niya at ang ikalawang kondisyon na papayag siya na may mangyari sa kanila kapalit sa pera na ibibigay sa kanya ni George.
"Anak.." bati ni Vivian kay Zeek habang lumalapit siya dito "Bakit ka pa andito? Hindi ka ba papasok?"
"Hindi po, Ma" sagot naman niya "Day-off ko po ngayon"
"Kaya pala" sambit ni Vivian "Oo nga pala, nak. May pera ka na ba diyan? Pambili sana natin ng pagkain eh"
"Wala pa, Ma. Umutang ka na lang muna sa tyangge"
"Yun nga, nak eh. Hindi na ako papautangin sa tyangge. Kasi malaki na daw ang utang natin"
Napatingin na lang si Zeek sa kanyang ina at napahinga ng malalim “Ganon ba? Huwag po kayong mag-alala. Gagawa ako ng paraan bukas. Susubukan kong muli na manghingi ng pera sa mga kasamahan ko sa hotel” sambit ni Zeek habang nakangiti pero kitang-kita sa kanyang mga mata ang paghihirap nito “Sa ngayon po, magda-diet muna tayo. Uminom lang muna tayo ng tubig. Wala naman tayo magagawa eh”
"Sige anak" tanging sagot ni Vivian kay Zeek. Umupo siya sa tabi nito at hinawakan ang kamay ng anak "Zeek anak. Galit ka pa rin ba kay Mama?"
"Hindi po, Ma. Bakit niyo naman naitanong yan?"
"Kasi hindi mo ako pinapansin anak eh" sagot niya sa anak "Kahapon mo pa ako hindi pinapansin nung pag-uwi mo. Naisip ko tuloy na galit ka pa rin sa akin dahil sa ginawa ko"
"Ma naman.." sabay tingin niya sa mga mata ng ina "Hinding-hindi ako magagalit sa'yo. Siguro sumama lang ang loob ko pero hindi ako galit sa'yo"
"Talaga anak? Pasensiya na talaga ha"
"Ayos na nga yon, Ma" sagot ni Zeek "Marami lang kasi akong iniisip ngayon kaya hindi kita napansin. Maraming bumabagabag sa isip ko eh"
"Ano ba ang problema mo, anak? Baka makatulong ako sa'yo"
"Wala 'to, Ma. Kaya ko naman ito"
"Tungkol ba 'to sa pera anak?" pero hindi sumagot si Zeek sa tanong ng ina "Pasensiya na talaga anak ha. Naipasa ko pa sa'yo ang responsibilidad ko"
"Responsibilidad din naman kita, Ma. Dahil ikaw ang ina ko at ang natatanging pamilya ko" dugtong niya sa ina "Kaya itigil mo na ang paghingi ng tawad dahil hindi naman ako galit sa'yo"
"Salamat anak" sagot ni Vivian "Napakabuti mo talagang bata"
"Mahal na mahal kita, Mama"
"Mahal na mahal din kita, anak" sagot niya kay Zeek "Teka lang ha, iinom muna ako ng tubig. Gutom na gutom na kasi ako, kahapon pa 'to eh
Kaagad tumayo si Vivian at nagpunta sa kusina upang uminom ng tubig para pampatawid gutom. Nakita naman ito ni Zeek at parang nagi-guilty ito dahil kita sa mukha ng ina niya na gutom na gutom na pero wala silang pera para ipambili ng pagkain.
Kinabukasan. Sa hotel.
Katatapos lang bumihis si Zeek ng kanyang uniporme at handa na pumasok sa trabaho. Nilagay niya ang kanyang hinubarang damit sa bag nang may biglang nagsalita mula sa pintuan.
"So, how's your off kahapon?" bati ni George habang lumalakad papasok sa locker-room
"Sir. Andito ka pala. Nagulat ako" sambit ni Zeek "Okay naman po. Nakapagpahinga din sa wakas"
"Good. Mabuti naman kung ganon" dugtong niya "So kamusta kayo kahapon? Nakakain ba kayo ng maayos?"
"Po..? Paano niyo po nalaman?"
"W-wala. Hula ko lang kasi kita sa mukha mo na parang masaya ka sa day-off mo"
"Ahmm. Opo Sir" sagot ni Zeek "Merong mabait daw na tao ang nagbigay ng isang kilong pansit kay Mama sa bahay habang natutulog ako. Kaya kahit papaano ay nakatawid kami sa gutom"
"Good. Masaya ako para sa inyo" ngiti ni George sa kanya. Ang hindi alam ni Zeek ay sa kanya galing iyon dahil naaawa siya kay Zeek at sa ina nito.
"Oo nga po eh. Sobrang saya namin kahapon. Pero parang hindi din, kasi malaki pa din ang problema namin eh"
"Ganon ba? Oo nga noh. May mga dapat bayaran pa pala kayo" dugtong ni George "Zeek. Tanggapin mo na kasi ang alok na ibinibigay ko sa'yo"
"Yun nga po, Sir. Pinag-iisipan ko pa hanggang ngayon"
"No pressure Zeek" sagot niya "Alam ko naman na magdedesisyon ka ng tama, para naman sa'yo at ng ina mo. Wala namang mawawala sa'yo kapag pumayag ka"
"Sige po, Sir" tanging sagot ni Zeek "I can't decide pa eh. Pero huwag po kayong mag-aalala. Hindi ito magtatagal at makapag-desisyon po ako sa lalong madaling panahon"
"Good" ngiti ni George sa kanya "And I can't wait sa magiging desisyon mo" at dahan-dahang lumakad siya palabas ng silid. "Sige na, Zeek. Pumasok ka na sa trabaho mo"
Mula sa bahay nila kahapon hanggang ngayon sa hotel ay hindi makapag-isip ng maayos si Zeek dahil sa bumabagabag sa kanyang isipan na alok ni George. Naisip niya na hindi naman masama ang alok nito. Sa halagang P100,000, makapagbayad na sila ng mga utang at makabili pa sila ng mga bagong gamit nila sa bahay at sa kanilang personal na gamit.
Pero biglang naisip niya ang ikalawang kondisyon ni George, na gagamitin siya nito para pampalipas oras at libog.
"Uy brad. Kamusta?" gulat ni Owen sa kanya
"Ayos lang naman ako, brad"
"Parang malalim ata ang iniisip mo diyan ah" pansin ng kanyang bagong kaibigan "Kanina ko pa kasi kita nahahalata. Parang lutang ka"
"Sorry brad. May iniisip kasi ako eh"
"Tungkol pa rin ba 'to sa problema mo sa pera?"
"Oo brad"
"E akala ko ba ay pumunta ka kahapon kay Sir George. Ano ba ang nangyari?"
"Hindi ako nakapunta eh" pagsinunggaling nito "Nahiya ako. Umalis ako kaagad nung malapit na ako sa opisina niya"
"Ganon?? Ang arte mo talaga, brad. Para kang babae eh. Wala kang lakas ng loob"
"Hindi naman. Natatakot lang ako baka magalit siya"
"Hindi mo naman malalaman kung ano ang magiging reaksyon niya kung hindi mo sinusubukan diba?" sabat ni Owen sa kanya "Alam mo brad, kahit siya ang may-ari ng hotel nito. Marami ang nagsasabi na sobrang bait niya. Kaya huwag kang matakot"
"Talaga?" tanging sambit ni Zeek pero nakangiti ito. Parang sumasang-ayon sa sinabi ni Owen.
"Oo kaya" at lumapit ang ulo niya kay Zeek "Pero brad ha. May sasabihin ako sa'yo. Huwag mo sanang ipagkakalat kahit na kanino"
"S-sige. Ano yon?"
"Merong usap-usapan kasi na mahilig daw siya sa mga katulad natin. Sa mga bata"
"Ha? Ano ang ibig mong sabihin?"
"Kasi..." bulong niya sa kaibigan "...merong usap-usapan na ginagamit niya ang ilan sa mga empleyado niya dito. Sine-sex tapos binabayaran"
"Talaga? Saan mo naman narinig yan?"
"Dito sa mga waiters" sagot ni Owen at parang sigurado sa kanyang narinig. "Yun ang usap-usapan namin kanina dito"
"Wehh? Tsismis lang yan. Hindi naman totoo yan eh" tanggol ni Zeek kay George. "Naniniwala ka kaagad sa mga ganyan"
"Baka nga. Pero hindi natin alam"
"Pero kung totoo, papatol ka?"
"Ako..?" ulit ni Owen "Hmmm. Siguro. Hindi natin alam. Pera na iyon eh. Okay lang naman siguro dahil lalaki din siya. Wala din naman mawawala sa akin basta magkapera lang"
"Kung sa bagay, brad. May point ka"
"Diba...?" dugtong niya "Kung ako sa'yo, puntahan mo na mamaya si Sir George. Baka sakali magustuhan ka niya. Jackpot ka kapag nangyari iyon"
Biglang natahimik at napaisip si Zeek sa sinabi ni Owen sa kanya. Tama nga naman at wala namang mawawala sa kanya kapag gagamitin siya ng kanyang boss. Gagawin niya ang lahat para sa kanyang ina para makatawid lang sa gutom at lalung-lalo na sa kahirapan.
Pagkatapos ng shift ni Zeek ay umakyat siya sa opisina ni George. Buo na ang kanyang loob para sa alok ni George sa kanya.
Nang pagdating niya doon ay nandoon ang assistant na si Lucas, nakaupo sa kanyang pwesto.
"Good afternoon po" bati niya kay Lucas "Andiyan po ba si Sir George?"
"Yes. Bakit?" habang nasa harap siya ng computer at may ginagawa.
“Pwede ko po ba siyang makausap?”
“Why?? Do you have a scheduled appointment with the owner?” patuloy pa din ang pagta-type niya.
“Wala po. Pero may sasabihin lang po ako sa kanya”
“Name…?” tanong nito at parang mainit ang kanyang ulo sa tao na dumating.
“Ezekiel Lacsamana po”
Napahinto si Lucas sa kanyang narinig na pangalan. Kaagad siyang tumingin sa nakatayong tao para kumpirmahin na siya nga iyon. “Ikaw pala yan. Sorry hindi kita nakilala”
"It's okay" ngiti naman ni Zeek.
"Busy kasi ako ngayon" paliwanag niya dito "Tungkol po sa ano ang pag-uusapan ninyo ng boss?"
"Ahmmm. It's too confidential" ngiti niya "Mabuti pa na manahimik na lang ako"
Parang nakuha naman iyon ni Lucas ang ibig sabihin ni Zeek. “Sige. Pwede ka nang pumasok”
"Salamat"
Kumatok muna siya sa pinto bago ito pumasok sa opisina ni George. Nang pagpasok niya ay nadatnan niya si George na nakaupo sa kanyang upuan at may ginagawa din.
"Good afternoon po, Sir" panimula ni Zeek habang lumalakad patungo sa kanya.
"Oh Zeek. Ikaw pala" sagot niya at ngumiti ito sa hindi inaasahan na bisita "Good afternoon din. Take a seat"
"Salamat po" umupo naman siya kaagad sa bakanteng upuan na inupuan niya kahapon.
"So, how's being an intern? Kamusta ang trabaho mo dito?"
"Okay naman po, Sir. Nakakapagod pero ine-enjoy ko naman"
"Good. Mabuti naman" ngiti niya pa kay Zeek. "Maiba tayo, Zeek. Nakapagdesisyon ka na ba sa offer na ibinigay ko sa'yo?"
"Ahmmm. Yon nga po ang dahilan kung bakit ako pumunta dito, Sir" sagot ni Zeek "Nakapagdesisyon na ako"
"Talaga? Sounds exciting" abot tenga ang ngiti ni George nang marinig niya iyon "Sana hindi mo ako ma-dissapoint sa desisyon mo, Zeek"
"No po, Sir. You won't"
"So..? What's your decision?"
Huminga muna si Zeek ng malalim bago niya sabihin ang kanyang desisyon tungkol sa alok ni George sa kanya. “Tinatanggap ko na po ang offer ninyo sa akin”
"Really..??" at biglang lumiwanag ang mukha nito sa kanyang narinig mula sa binata
"Opo"
“Teka. May I remind you na may ikalawang kondisyon pa ako na sinabi sa’yo. So, tinatanggap mo rin ba yon?”
“Opo, Sir” sabay lunok ni Zeek ng kanyang laway “Tinatanggap ko iyon”
“Are you sure..? Papayag ka sa gagawin ko sa’yo”
“Yes. Sigurado ako” sabay lunok ni Zeek “At isa pa, sex lang naman yan. Walang mawawala sa akin dahil lalaki din ako”
“Good.” at tumayo si George mula sa kanyang upuan. Dahan-dahang lumapit siya sa binata “Yan ang gusto ko. Sumusunod sa gusto ko. Sa tingin ko ay mag-eenjoy tayo sa gagawin natin”
Tumayo si George sa harap ng binata at inumpisahan niyang binuksan ang butones ng kanyang pantalon at binaba kaagad nito.
Hindi naman makatingin si Zeek sa kanya ng derecho dahil naiilang pa ito. “Ano po ang ginagawa ninyo, Sir?”
"Relax. Ako ang bahala sa'yo" sambit niya at habang binababa niya ang kanyang brief sa harap ni Zeek "Zeek. Tumingin ka sa harap mo" nanlaki ang mga mata ni Zeek sa kanyang nakita, matigas at malaki na ari ang bumungad sa kanyang harapan. "Natahimik ka ata, Zeek. Ang laki diba?"
"Op-po, Sir. Ang laki" sambit niya
"Kanina ka pa niyang hinihintay"
"Talaga po?"
"Oo naman" at may napansin si George sa kanyang mukha "Oh.. Bakit ka naman namumutla?"
"Sorry Sir. It's my first time kasi na makakita ng titi ng ibang lalaki eh" paliwanag niya "Na-o-awkward ako"
"Oo nga naman pala. Don't say sorry, I understand" ngiti ni George sa kanya "At masasanay ka rin kasi palagi mo na 'to makikita" sabay galaw ni George ng kanyang ari. "So.. ano pa ang hinihintay mo..?"
"Po..?"
"Sorry nakalimutan ko pala, virgin ka pa pala sa ganito" dugtong niya "Ang ibig sabihin ko ay isubo mo 'to. Ipasok mo sa bibig mo ang ari ko"
Biglang nandiri si Zeek sa inutos sa kanya ni George. Paraw ayaw niya itong ituloy “Kailangan po ba yan? Parang hindi ko kaya eh”
"Kaya mo yan, Zeek" dugtong ni Geroge sa kanya "Sa umpisa lang naman yan. Subukan mo lang muna dilaan at dahan-dahan mong isubo" napatango naman ang binata sa kanya "Sige na, Zeek. Gawin mo na. Isipin mo lang ang deal natin dahil pagkatapos nito ay makatanggap ka ng pera mula sa akin"
Walang nagawa si Zeek kundi sundin na lang ang utos sa kanya ng amo na pagsubo niya ng ari. Sinunod niya ang utos alang-alang sa pera para sa kanila ng kanyang ina.
Pagkatapos ng ilang minutong pagsubo ni Zeek sa kanyang amo, umupo na si George sa kanyang pwesto habang siya naman ay kakarating lang mula sa banyo.
"Tagal mo naman sa banyo, Zeek" sambit ni George sa kanya.
"Sorry po, Sir. Hindi kasi matanggal ang langsa sa bibig ko eh" paliwanag niya kay George "Kaya ilang beses ako nagmumog ng tubig para matanggal"
"Ganon ba? Sana nilunok mo na lang" payo nito sa binata "Sayang kasi eh"
"Po? Lulunokin ko?"
"Yup. Masarap yan. Matamis" paglalarawan ni George "Pangako. Masasarapan ka"
"Okay po"
"Sa susunod, lunokin mo, okay?"
"Okay po, Sir"
"Napakamasunurin mo talaga na bata" at inabot ni George ang kapirasong papel "Ito na, Zeek"
Kinuha naman niya ito at kaagad binasa ang nakasulat sa papel “Fifty-thousand pesos?” habang nanlaki ang mga mata niya.
"Yup. Kalahati lang muna ang ibibigay ko sa'yo, Zeek" paliwanag niya sa binata "Tsaka na ang kalahati kapag natapos ko na ang kailangan ko sa'yo"
"Pero napakalaking pera ito. Sobra-sobra na nga ito eh. Hindi ko po alam kung saan ko gagastusin ang sobrang pera"
"Well. Pwede mong ibili ng mga gusto mo, mga material na bagay na gusto mong bilhin" payo niya kay Zeek "Or better yet, itabi mo para sa future mo"
"Opo Sir. Tama po kayo. Itatabi ko na lang ang sobrang pera" at napansin ni Zeek na ngumiti sa kanya ang kanyang amo "Bakit po kayo ngumiti? May mali ba sa sinabi ko?"
"No. Wala Zeek. Masaya lang ako dahil nakilala kita at nakita kitang masaya" sambit niya dito "Parang nabuo ulit ang pagkatao ko"
"What do you mean po..?"
"W-wala. Nevermind na lang" sagot ni George "Oo nga pala, kung may kailangan ka pa sa akin, andito lang ako ha. I'm willing to help you and your mom"
"Okay po. Salamat talaga, Sir. Malaking tulong talaga ang pera na ito sa amin" kitang-kita sa mukha ni Zeek ang tuwa sa hawak niyang tseke "Sigurado ako na matutuwa na ito si Mama mamaya"
"I'm happy to hear that, Zeek"
"Sige po, Sir. Uwi na po ako" paalam niya sa kanyang amo.
"Sige. Mag-iingat ka"
Itutuloy…
TIA: Chapter 13 (Away ng Mag-Asawa)
Dakong alas-siyete ng gabi nang makauwi si George sa kanilang bahay na mag-asawa. Nang pagpasok niya ng bahay ay napansin niya na masyadong madilim ang bahay.
Nakapatay kasi ang mga ilaw sa sala at sa hapag-kainan. Tanging ilaw lang mula sa kandila na nakatung-tong sa dining table ang kanyang naaninag.
"Mahal?" tawag niya sa kanyang asawa "Bakit walang ilaw ang bahay? Hindi ba tayo nakabayad ng kuryente natin?"
Walang sumagot sa kanyang tanong at doon na siya kinabahan. Nagdesisyon na lamang siya na umakyat. Nang pagkadating niya sa hagdanan ay napahinto si George dahil may nakita siyang pira-pirasong mga talulot o petals na nakakalat sa bawat baitang ng hagdanan.
Unting-unti niyang sinunod ng kanyang mga mata kung hanggang saan ang petals. Nang pagtingin niya sa taas ay nakita niya ang kanyang asawa na si Bek na nakatayo doon at sexy ang suot nito. Nakasuot siya ng kulay na violet na nighties at nakatingin din sa kanya ng malagkit habang kinakagat ang labi nito.
Kaagad umakyat si George patungo sa kanyang asawa. “Hi Mahal. Andito ka na pala. Kanina pa kita hinihintay”
"Pasensiya Mahal. Medyo busy kasi sa office eh"
"Okay lang yun, Mahal" sagot ni Bek "Ang importante ay nandito ka na at nakauwi ng ligtas" sabay yakap niya ng mahigpit sa asawa "Miss na miss kita, Mahal"
"Mahal? Okay ka lang? At ano ba 'to?"
"Okay naman ako, Mahal" sagot ni Bek na patuloy pa rin ang paglalandi sa kanyang asawa "Bakit mo naman naitanong?"
"Parang may nag-iba sa'yo eh" pansin ni George sa kanya "Parang nag-agresibo ka ngayon"
"Aggressive? Do I?" ulit nito habang naka-akbay ang dalawang braso no Bek sa magkabilang balikat ng asawa "Hindi naman ah. Na-miss ko lang ang asawa ko kaya ganito ako ngayon. Mahal, sorry sa mga sinabi ko sa'yo, Mahal. Promise ko sa'yo. Magbabago na ako"
"Talaga..?"
"Oo naman. Pangako yan" habang nilagay ni Bek ang mga kamay niya sa bukol ng pantalon ng asawa "At na-miss ko 'to Mahal" at hinalikan niya sa labi ang asawa pababa sa leeg habang hinuburan niya ang polo nito.
"Bek..." alis niya sa kamay ng asawa. May napansin si George sa hininga ng asawa "Teka. Naka-inom ka ba? Bakit amoy alak ka?"
"Hindi Mahal"
"Anong hindi? E amoy na amoy ko ang baho ng alak sa hininga mo oh" kumpirma ni George sa hinala "Yung totoo Bek. Sagutin mo ako ng derecho, nakainom ka ba?"
"Sorry na Mahal" sabay alis niya ng kanyang mga kamay sa asawa "Ngayon lang naman eh"
"Ngayon lang...?" ulit ni George at unting-unti tumataas ang tono ng kanyang boses "Alam mo ba na masama yan sa baby?! Ano ba ang pumasok diyan sa utak mo para uminom ka ng alak ha??!!"
“Gusto ko lang naman bumawi sa’yo, Mahal eh” sagot ni Bek “Gusto ko lang maibalik ang dating init ng pagmamahalan natin”
“Kaya uminom ka??”
“Sorry na nga Mahal. Hindi na mauulit” pagmamakaawa niya kay George
"Ewan ka sa'yo, Bek. Parati na lang ganito" buntong-hininga niya sa asawa.
"Mahal naman. Hayaan mo naman na bumawi ako sa'yo oh" ulit ni Bek sa kanya "Hindi ko naman sinasadya ang pag-iinom eh"
"Hindi sinasadya..?" ulit niya "Paano kung may mangyari sa baby natin? Hindi ba yan sinasadya??" kitang-kita sa mukha ni George ang galit at pagkadismaya nito sa asawa "Rebecca. Alam mo naman na marami akong ginagawa sa hotel diba? Pagod na pagod ako.. at sa pagkauwi ko dito, ito pa ang dadatnan ko? Ayusin mo ang mga kalat mo sa hagdan ha... lalung-lalo na ang buhay mo?!"
"Sorry talaga Mahal" iyak ni Bek
"At kanino mo naman nakuha ang ideyang ito? Kay Jen na naman galing ito noh??"
"Hindi Mahal" habang tumutulo ang mga luha niya "Wala siyang kinalaman dito. Akin ang ideyang ito. Ako ang sisihin mo, hindi siya"
"Good. Buti alam mo" at lumakad si George patungo sa pintuan ng kanilang silid habang nakatingin sa asawa mula sa hagdan "Ito tandaan mo, kung may mangyari masama sa anak natin, ikaw ang sisisihin ko at baka maisumpa pa kita. Kaya mag-ingat ka, Bek. NAIINTINDIHAN MO??!!"
Tumango na lang si Bek bilang sagot sa banta ng kanyang asawa. Hindi niya alam na mahahantong ulit sa awayan ang plano niya sana na bumawi sa asawa sa kanyang mga nagawa. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil nawala sa kanyang isip na may dinadala pala siyang sanggol. Malaki talaga ang magiging kasalanan niya kay George kapag may mangyari na masama dito.
Samantala. Sa bahay nina Zeek at ng kanyang ina.
Nakaupo siya sa sofa at hinihintay ang kanyang ina na si Vivian. Hindi siya mapakali at gusto niya nang sabihin ang mabuting balita sa ina na nakahanap na siya ng pera para pambayad sa mga gastusin nila sa bahay.
Magkalipas ang ilang mga minuto ay nakarating na si Vivian sa kanilang bahay. Malungkot ang mukha at parang dismayado ito. Tumayo naman si Zeek upang salubungin ang ina sa pagpasok at nagmano kaagad ito.
"Bakit ngayon ka lang, Ma?" tanong niya sa kanyang ina "Saan ka ba nanggaling?"
"Pasensiya anak. Naghanap pa kasi ako na pwede nating mauutangan pero wala talaga eh"
Napangiti na lamang si Zeek at hinila ang kanyang ina papunta sa hapagkainan “Halika, Ma. May ipapakita ako sa’yo”
"Sandali naman Zeek, Dahan-dahan lang. Madadapa ako"
Bumungad sa kanilang dalawa ang sampung plastic bag na punong-puno ng mga groceries. Napanganga na lamang si Vivian sa kanyang nakita at parang hindi makapaniwala.
"Surprise..!" sambit ni Zeek habang nakangiti ito, na tumutulo ang mga luha.
"Anak. Saan ba 'to galing? Bakit ang dami? Sa atin ba 'to?"
"Oo naman, Ma. Sa atin lahat yan" ngiti ni Zeek "Nakahanap na ako ng mabuting tao na mahiraman ng pera"
"Talaga anak? Sino naman ang mabait na taong yon?"
"Kay Sir George, Ma" sagot ni Zeek "Pinautang niya ako ng pera"
"Sir George?" ulit ni Vivian "Sino naman iyan, anak?"
"Ang may-ari po ng hotel, Ma"
"Talaga? Mabuti naman kung ganon, anak dahil pinahiram ka niya ng pera" at niyakap niya ang anak ng mahigpit "Nagpapasalamat talaga ako sa'yo dahil napaka-responsable mong bata" sambit niya "Napakaswerte ni Hazel kung magkakatuluyan kayo, nak"
"Ma naman. Kalimutan mo na nga ang babaeng yon" at umiba ang mukha ng binata "Wala naman siya dito. So, huwag mong banggitin ang pangalan niya"
"E ano naman? Girlfriend mo naman siya diba?"
"Hindi na noh. Nakipaghiwalay na ako sa kanya"
"Pero mahal mo pa siya?" pero hindi nakasagot si Zeek sa tanong sa kanya "Hindi ka nakasagot, Zeek. Silence means, yes"
"Ma naman. Huwag mo nang ipagpilitan yan"
"Sige..." ngiti ni Vivian "Oo nga pala, Zeek. Magkano ba ang inutang mo kay Sir George mo?"
"Maliit lang, Ma. Ako lang ang bahala na magbayad sa kanya"
"Sigurado ka?"
"Oo naman, Ma"
"Sige. Kung iyan ang gusto mo, hindi na ako maging makulit" ngumiti lang si Zeek bilang ganti sa sinabi ng ina "Oh. Kumain na tayo anak. Magluto na tayo ng uulamin natin" habang hinahanap ang mga delata na pagkain sa mga plastic bag.
"Naku Ma. Itabi mo muna yan"
"Bakit?"
"Bumili ako ng ulam natin sa labas kanina. Lechong manok" sambit ni Zeek "Nandiyan na sa mesa, Ma. Binili ko yan dahil pangarap ko talaga na makakain yan eh"
"Kawawa ka naman anak" at hinawakan ang pisngi nito "Pasensiya na talaga kung hindi ko maibigay lahat ng mga kailangan mo ha"
"Ano ka ba, Ma? Ayos nga lang sa akin noh" sabat niya kay Vivian "Huwag na tayong magdrama pa, Ma. Kumain na lang tayo. Gutom na gutom na ako eh"
Umupo sila kaagad sa hapagkainan at kumain ng masarap na lechong manok.
Kinabukasan.
Hindi nakatulog si Bek sa pag-iisip sa kanilang problema na mag-asawa. Nakaupo lamang siya sa hagdan habang tumutulo ang kanyang mga luha. Hindi siya pumasok kagabi sa silid kasi galit pa ang kanyang asawa at baka mag-away na naman sila. Kaya nagdesisyon na lamang siya na sa hagdan na lang umupo buong gabi.
Naramdaman niya na bumukas ang pintuan ng kanilang silid. Lumingon naman siya dito at nakita niya na lumabas si George at nakabihis na papunta sa kanyang trabaho.
"Anong ginagawa mo diyan?" kibo niya dito kay Bek "Bakit hindi ka pumasok at doon natulog sa loob?"
"Hindi Mahal" sagot ni Bek "Alam ko naman kasi na galit ka sa akin eh. Kaya hindi ako pumasok"
Nagpabuntong-hininga na lamang si George sa dahilan ng kanyang asawa. Pinuntahan niya si Bek at inilalayan sa pagtayo “Ano ba ang pumasok sa utak mo, Bek?” sambit niya dito “Oo. Galit ako sa’yo pero hindi ibig sabihin na ayaw kitang makatabi at makasama sa kama”
"Sorry Mahal. Sorry talaga sa nagawa ko sa'yo"
"Oo na. Sorry din kasi nagalit ako sa'yo" sambit ni George "Sobrang pagod lang kasi ako kagabi"
"Okay lang yun, Mahal. Naiintindihan naman kita"
"Good" dugtong niya "So, saan ka natulog? Dito sa hagdan?"
"Hindi Mahal eh. Yung totoo kasi, hindi ako nakatulog sa sobrang kakaisip sa away natin kagabi"
"Ano...?! Hindi ka nakatulog?"
"Oo Mahal. Pero matutulog din naman ako agad pagkaalis mo"
"Ewan ko sa'yo. Talagang inaabuso mo ang kalusugan mo noh?!" sigaw niya kay Bek
"Huwag ka namang magagalit sa akin, Mahal. Please" sambit niya sa asawa "Akala ko ba ay okay na tayo..?"
"Akala ko din eh. Pero hindi ka nag-iingat, Bek" sabat niya dito "Yung totoo, sinasadya mo ba talaga 'to?! Na patayin ang baby natin?! Gumaganti ka ba sa ginawa ko sa'yo noon?!"
"No. of course not. Hindi ko magagawa sa baby natin ang sinasabi mo, Mahal. Mahal ko ang baby natin"
"E bakit hindi ka pumasok kagabi at natulog..? Pinalalabas mo talaga na mas mataas ka sa akin noh? Na ikaw ang magkokontrol sa akin..??!!"
"No. Hindi Mahal. Hindi ganyan" habang hinihimas niya ang mga braso ng asawa para mapakalma lang ito.
"E ano lang?!" sigaw niya sa asawa "Alam mo, kapag may mangyari talaga na masama sa bata ay isusumpa kita"
"Ang sakit naman, Mahal" dugtong ni Bek habang nanlulumo ang kanyang mga mata "Mas concern ka sa anak kesa sa akin..? Asawa mo ako diba..??"
"Tumahimik ka ha...?" panduduro ni George sa asawa "TUMAHIMIK KA!!!" Kitang-kita sa mukha ni George ang galit nito dahil nanlilisik ang mga nito at namumula ang mga pisngi na parang kamatis. Ngayon niya lang itong nakita na magalit ang asawa ng husto "Ayaw na kitang makita o makausap ma lang" at nagmamadali siya bumaba sa hagdan at umalis ng bahay.
Samantala.
Dakong alas-siyete y medya nang umaga nang makarating si George sa hotel. Kaagad siyang dumerecho sa kanyang opisina upang pakalmahin ang nanginginig niyang katawan mula sa away nilang mag-asawa sa bahay.
Hindi tumagal ay kumalma na din siya at kaagad tumayo para kumuha ng alak. Nilagay ito sa baso at humigop ng kaunti. Bigla na lang pumasok ang kanyang assistant na si Lucas.
"You're late" sambit niya kay Lucas habang lumalakad siya patungo sa kanya
"I'm not late. Maaga ka lang" hindi naman sumagot sa sinambit sa kanya ng assistant "Oo nga pala, Sir. Bakit nga pala ang aga ninyong pumasok?"
"Wala. Gusto ko lang ng maaga"
"Talaga? Hindi ba kayo ng nag-away ng asawa mo?"
"Hmmm. Oo. Nag-away kami ni Bek"
"Again..?" dugtong nito at tumayo naman si George sa kanyang upuan. Pumunta sa bintana at humigop muli ng alak sa kanyang baso "Parang palagi na ang awayan ninyo ah. Hindi ka ba nababahala sa relasyon ninyo?"
"Hindi naman" sagot ni George sa kanya "It's just a little misunderstanding"
"Really...?? Talaga lang ha. Ano naman yon?"
"That's none of your business, Lucas"
"Sorry po, Sir" sambit niya sa amo "Nasanay lang kasi ako, na parati mong sinasabi sa akin ang mga naging problema ninyo noon"
"Then don't. Huwag ka nang masanay dahil iba na ngayon" sabat sa kanya ni George "Iba na ang panahon na yon dahil nagdududa na ang asawa ko sa'yo"
"Bakit..?? Mahal mo ba siya..?"
"Oo. Kung kinakailangan. Mamahalin ko pa rin siya"
"Bullshit" sambit ni Lucas na habang nakatawa.
"Hey. Watch your word, Mister. Baka nakakalimutan mo, I'm still your boss" sambit ni George na parang tumataas ang tono ng boses. "Ito ang tatandaan mo, kalimutan mo na ang lahat na nangyari sa atin dahil tapos na yon"
Kumurot ang dibdib ni Lucas sa mga masasakit na sinabi sa kanya ni George. Hindi pa rin siya nagbabago at sex lang gusto niya, at may nakita na siyang bago.
"Si Zeek ba... siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mo na sa akin..?"
"What are you talking about??"
"Just answer me!" sigaw niya kay George "Ngayon ko lang naiintindihan kung bakit wala ka nang gana sa akin. Dahil may bago ka na" habang namumula ang kanyang ilong "Ano ba talaga ang pinag-usapan ninyong dalawa? Meron ka bang hindi sinasabi sa akin??"
"Ano ba ang pinagsasabi mo, Lucas? Hindi kita maiintindihan"
"Nagmaang-maangan ka na naman. Pwede ba, huwag mo akong gawing tanga. Hindi ako ang asawa mo"
"That's the point. You're not Bek. Wala akong obligasyon na magpaliwanag sa'yo tungkol sa pribado kong buhay" sabat niya kay Lucas "Wala kang karapatan na magreklamo dahil alam mo na ginamit lang kita, at pangalawa, empleyedo kita dito. Learn to respect your boss"
"Oo nga. Alam ko. Pero umaasa pa rin ako kasi na mahalin mo ako kahit kaunti lang. Yung lang naman ang hinihingi ko"
"Nababaliw ka na talaga. May asawa ako, Lucas. At mahal ko siya, is that clear?" at tumango naman siya bilang sagot "Good. Sana naging klaro na sa'yo iyan, na walang namamagitan sa ating dalawa. It's just sex"
"I'm sorry, Sir" napili na lang ni Lucas na tumahimik na lang bago pa may ibang makarinig sa kanilang bangayan.
"It's okay" buntong-hiningha ni George. Lumakad siya muli papunta sa kanyang upuan at umupo "Pakitawag na lang si Zeek. Sabihin mo sa kanya na pumunta dito dahil may ipapagawa ako sa kanya"
"Sige po. Masusunod" kaagad din siyang lumabas sa opisina at bumaba sa mga Function Rooms para hanapin si Zeek.
Itutuloy…
TIA: Chapter 14 (Dalamhati ni Bek)
Kakalabas lang ni Zeek mula sa locker-room at handa na siyang pumasok sa hotel para magtrabaho. Nang pagpasok niya ay may taong papalapit sa kanya.
"Mister Lacsamana" tawag nito sa kanya.
Napalingon naman kaagad si Zeek sa taong tumawag sa kanya “Yes? Bakit po?”
“Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap sa mga Function Rooms”
“Sorry po. Kaka-log-in ko lang kasi” paliwanag nito kay Lucas “Bakit po ninyo ako hinahanap?”
“Well. Hindi ako. Inutusan lang ako ng may-ari ng hotel dahil pinatawag ka niya” sambit nito na parang nagagalit ang tono “Pumunta ka na daw ngayon sa opisina niya”
“Pero may duty pa po ako” dahilan niya Lucas “Marami pa kaming gagawin sa taas, baka mapagalitan ako ng Supervisor namin”
“The owner wants to talk to you” sagot niya “Sino ba ang susundin mo? Yung Supervisor ninyo…? O ang may-ari mismo?”
“Siyempre, ang may-ari”
“Good. Mabuti naman na alam mo” dugtong ni Lucas “So… ano pa ang hinihintay mo diyan? Umakyat ka na.. he’s expecting you in his office within 15 minutes”
Umalis kaagad si Lucas pagkatapos niyang pinaalam kay Zeek na pinatawag siya. Wala naman magagawa ang binata at sinunod na lang ang inutos sa kanya ng assistant ng may-ari.
Samantala. Sa opisina ni George
Kakapasok lang ni Lucas doon at kaagad nagtungo kay George. Nakaupo pa rin siya sa kanyang pwesto at hinihintay ang student-intern.
"He's on his way" sambit ni Lucas.
"Good" sagot naman ni George "Pwede ka nang lumabas Lucas. Hihintayin ko na lang siya dito sa loob"
"Okay Sir" sabay tumalikod siya at tangkang lumakad palabas.
"Ahmm. Lucas" tawag ni George uli dito. Lumingon naman ang assistant sa kanya "Pagpasok na pagpasok ni Zeek mamaya dito ay mag-abang ka na lang sa labas, okay? Timbrehan mo kami kapag may taong parating"
Ngumiti naman si Lucas sa kanya “Okay Sir. Kuha ko”
Nang pagkalabas ni Lucas sa opisina niya ay kaagad niyang inayos ang kanyang sarili. Naghahanda para sa gagawin nila ni Zeek. Hindi na siya talaga makapaghintay at sabik na sabik na ito sa binata.
Lumipas ang ilang mga minuto ay may kumatok na sa kanyang pintuan.
‘Andito na siya’
sambit ni George sa kanyang sarili
‘Humanda ka mamaya sa gagawin ko sa’yo’
Unti-unting bumukas ang pinto at naka-abang si George sa pagpasok ni Zeek. Pero nanlaki ang mga mata niya dahil hindi pala iyon si Zeek kundi ang kanyang asawa.
"Bek..?" sambit niya sa asawa habang lumalakad papunta sa kanya "Bakit ka nandito? What are you doing here?" sabay silip ni George sa may pintuan kung may nakasunod sa asawa
"Gusto lang kita makita, Mahal" sagot ni Bek habang may dala-dala na isang box na cake.
"Gusto mo akong makita? E kanina lang tayo nagkita diba? At sa iisang bahay naman tayo nakatira"
"Bakit? Ayaw mo ba na nandito ako, Mahal?" at nilagay ni Bek ang isang box ng cake sa mesa at niyakap ang asawa.
"Hindi naman. Pero busy ako eh"
“I just want to apologize lang sa pagiging reckless ko. I’m sorry, Mahal. I am really sorry…”
"It's okay. Pinapatawad na kita" habang namumutla ang kanyang labi.
"Okay ka lang ba?" napansin ng kanyang asawa ang mukha niya at ang pagmumutla ng labi nito "Parang namumutla ka ata"
"I'm okay. Pagod lang ako siguro sa trabaho, Mahal"
"Haayy" buntong-hininga ni Bek at niyakap ulit ang asawa "Huwag kang magkapagod, Mahal. Ibigay mo na lang yan sa sa assistant mo. You look stressed eh"
"Hindi pwede eh. Dapat ako ang gagawa ng mga trabahong ito"
"Talaga? E anong silbi ng assistant mo dito? Wala lang..?" umiba na naman ang tono ng boses ni Bek
"Excuse me...?"
"Totoo naman, Mahal. Parang wala namang silbi ang assistant mo sa labas. Kung ako sa'yo, fire him"
"Kailangan ko siya. Hindi ko siya pwedeng paalisin dito"
"Kailangan saan? Sa pleasure mo..?" pang-iinsulto ulit ni Bek sa asawa "No offense Mahal ah. Parang nahahalata ko na kasi na pinagtatanggol mo siya eh"
"No. I'm not"
"Yes, you are" ganti niya "Huwag ka nang magka-ila dahil bisto na kita"
Biglang uminit muli ang ulo ni George sa mga sinasabi ng kanyang asawa “Tumigil ka na ha. Tumigil ka na” panduduro ni George sa kanya. Kaagad niyang inalis ang mga kamay ng asawa. Lumayo at pumunta sa may bandang bintana.
"Bakit?? Totoo naman eh" pagdidiin pa ni Bek sa asawa "Alam mo, mas nararamdaman ko pa na mas may pabor ka pa sa kanya kesa sa akin na asawa mo!"
"That's not true. Alam mo yan"
"Hindi. Alam ko ang nararamdaman ko. At iyon ay ang may nangyayari sa'yo ni Lucas behind my back!!"
"SHUT UP!!" sigaw ni George "Hindi ka na pumipili ng lugar para mag-away tayo noh?? Akala ko ba nagsosorry ka dahil sa mga ginawa mo sa akin? E ano 'to??" magsasalita na sana si Bek pero pinigilan siya ng kamay ni George "Huwag ka nang sumabat. Ayaw ko nang marinig ang boses mo dahil nakakairita na. Isang sumbat mo sa akin at matatamaan ka na"
"Bakit ganyan ka sa akin?" at humina muli ang boses ni Bek na parang nagpapaawa "Bakit wala kang respeto? Bakit sa tuwing babanggitin ko si Lucas ay parang nagagalit ka? Parang sinusumpa mo ako. Magsabi ka nga ng totoo, George"
"Gusto mo ba malaman ang dahilan ko..?!" sigaw niya sa asawa "Kasi ang pppraning mo..! Kasi kahit anong paliwanag ko sa'yo, hindi ka naniniwala sa akin" habang nanginginig sa galit si George sa kanya "Naiinis ako sa'yo dahil gumagawa ka ng issue kahit na wala!!"
Doon na nahimasmasan si Bek sa mga sigaw sa kanya ni George. Kaagad niyang linapitan ang asawa at niyakap ito ng mahigpit “Mahal. I’m sorry. Nabigla lang ako. Hindi ko sinasadya, Mahal”
"Paulit-ulit lang tayo, Bek eh. Bakit ka ba ganyan?? Anong problema mo?"
"Hindi ko alam, Mahal. Hindi ko alam" sabay pagtulo ng luha niya
"Alam mo, huwag muna tayong mag-usap o magkita, okay?" pero walang sagot si Bek "Dahil wala namang kwenta kung magsama tayo dahil parati na lang tayo nag-aaway"
"Mahal... makipahihiwalay ka ba sa akin?"
"No. Pero huwag mo akong pilitin na gawin ko yon" sagot ni George
"Mahal naman. Sorry na.."
"Alam mo kung ano ang pinakakina-iinisan ko sa lahat?" at inalis niya muli ang mga kamay ni Bek "Dahil nagpabaya ka sa anak natin. Uminom ka at hindi nakatulog kagabi. Inaabuso mo ang katawan mo, para sa ano? Para makaganti sa akin?"
"Hindi. Hindi Mahal"
"E ano??" hindi nakasagot si Bek at napayuko na lang sa sahig. "SUMAGOT KA!!"
"Hindi ko alam. Sorry Mahal. Please. Huwag ka namang ganito oh" pagmamakaawa pa ni Bek sa nagagalit na asawa "Mahal na mahal kita"
"Alam ko. Pero inaabuso mo ako. Mabuti pa na umuwi ka na. Huwag mo nang hintayin na mawala na nang tuluyan ang respeto ko sa'yo" dugtong niya "Parang awa mo na, umalis ka na dahil marami pa akong gagawin dito"
"Sige Mahal. Kung iyan ang gusto mo. I'll respect it" sambit niya sa asawa habang tumutulo ang kanyang mga luha "Doon na lang ako sa bahay natin, maghihintay sa'yo" pero walang sinagot si George sa sinabi sa kanya. Pinunasan na lang ni Bek ang kanyang luha at lumakad patungo sa pintuan.
Samantala.
Bago umakyat si Zeek sa opisina ni George ay dumerecho muna siya sa banyo. Hindi niya talaga kasi mapigilan at kailangan niya nang ilabas ito. Inayos niya muna ang sarili niya bago siya lumabas. Pagkalabas niya ng CR ay kaagad siyang nagtungo sa elevator para umakyat sa top floor.
Pero habang hinihintay niya ang pagbukas nito ay may napansin siya sa dulo ng hallway. Isang babae na nakaupo sa sahig habang humagolhol sa iyak. Naawa naman si Zeek sa nakita niyang babae at nagdesisyon na lang puntahan iyon.
"Miss, okay ka lang?" sambit niya sa babae na tinatakpan ang kanyang mukha ng kanyang mga palad "Miss, bakit ka umiiyak?" at tumingala ang babae sa kanya. Doon niya nakita ang mukha ng umiiyak na babae "Ma'am Bek. Sorry po. Ikaw pala"
"It's okay" sambit ni Bek habang pinunasan niya ang kanyang mga luha.
"Tumayo ka po, Ma'am" sambit ni Zeek sa kanya habang inalok nito ang kanyang kamay kay Bek. "Madumi po diyan" ngiti niya
Pero tinarayan pa rin niya ang magandang pakikitungo sa kanyang ng binata. “I don’t care, alright? I don’t care!!” sigaw niya kay Zeek “Mas mabuti na madumihan ako. Wala namang nagmamahal sa akin”
"But Ma'am. Andito ka sa hallway, baka may makakita sa'yo dito"
"Wala kang pakialam" sabat niya sa binata "At bakit ka ba nandito? Diba student intern ka? Magtrabaho ka. And please, umalis ka na. Leave me alone!"
"Pero Ma'am. You're not okay"
"I am okay. Pabayaan mo na ako!"
Wala nang magagawa si Zeek kundi pabayaan na lang ang asawa ng kanyang amo. Gusto niya sanang tulungan ito dahil alam niya at kitang-kita na may pinagdadaanan ito at parang kailangan niya talaga ng makakausap “Sige po, Ma’am. Sorry po ulit sa istorbo” kaagad siyang nagdesisyon na umalis sa tabi ni Bek.
"Sandali"
Huminto si Zeek at lumingon muli sa kanya “Bakit po?” pero hindi naman sumagot si Bek. Lumapit na lang siya kay Bek at tinignan niya ng mabuti ang detalye ng mukha ng babae.
Namumula ang kanyang ilong at parang namamaga ang mga mata nito sa kakaiyak “May tanong ako sa’yo” sagot ni Bek pagkalipas ng ilang minuto “Naranasan mo na bang umibig?”
"Opo. Sa Mama ko. Mahal ko kasi si Mama eh"
"Not like that. I mean, romantic love" sabay tingin niya kay Zeek "Naranasan mo na ba?"
"Opo Ma'am" sagot naman niya kay Bek "I had a relationship before. Pero wala na kami. Pumunta po kasi siya sa Amerika" habang inaalala ni Zeek ang nangyari sa kanilang dalawa ng kanyang nobya na si Hazel "Iniwan niya ako dito sa Pilipinas at sumama sa mga magulang niya"
"Talaga? Paano kayo nagkahiwalay?"
"Ayaw kasi ng mga magulang niya sa akin, Ma'am" paliwanag ni Zeek "Kasi wala daw, hindi daw ako bagay sa anak nila dahil wala akong pangarap para sa sarili ko porket nakatira lang kami sa aquatter ng Mama ko"
"Wow. That's unfair"
“Yun nga po eh. Pero ang mas masakit po, yung inaakala ko na babae na ipagtatanggol ako at ipaglalaban ang relasyon namin, ay kaagad niya pala akong sinukuan. Mas pinili niya pa ang kanyang mga magulang kesa sa akin” hindi napansin ni Zeek na may tumulo na pala sa kanyang mga mata “At pinili niya akong iwan dahil sa gusto ng mga magulang niya. Iyon ang masakit eh. Dahil akala ko ay mahal niya ako at kaya niya akong ipagtanggol. Nagkamali pala ako”
"Saklap din pala ang naranasan mo sa buhay pagibig" buntong-hininga ni Bek "Pero kumpara sa ating dalawa, mas maswerte ka dahil ang bata mo pa. Marami pang mangyayari sa'yo dahil may mga pangarap ka pa sa buhay mo. Pwede mo pang ipakita sa mga magulang ng girlfriend mo na karapat-dapat ka" at biglang napayuko si Bek dahil naalala niya na naman ang kanyang asawa "Ako?? Siguro wala nang pag-asa na maging masaya at maging maayos ang pagsasama naming mag-asawa" hindi na lamang sumagot si Zeek at tumingin kay Bek sa sahig na habang umiiyak "Kasalanan ko din ito eh. Napaka-praning ko at parati ko siyang inaaway. Konting kilos niya lang ay inaaway ko siya ng walang dahilan" doon bumuhos ang luha niya "Ayaw niya na talaga sa akin. Siguro napagod na siya sa kakaintindi dahil kahit anong gawin ko para maging maayos kami, mas lumalala pa lalo"
"I'm sorry, Ma'am" tanging sagot ni Zeek
"He's my life. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag mawala na siya sa buhay ko" patuloy pa ang kanyang pag-iyak "Baka siguro ikababaliw ko kung manyari man iyon"
"Huwag ka naman magsabi ng ganyan, Ma'am" sabay tapik niya sa balikat ni Bek para huminahon ito "Mag-usap lang kayo ni Sir George ng mahinahon para maging maayos kayo"
"Pero ayaw niya na akong kausapin o makita man lang" dugtong ni Bek "Anong gagawin ko...?"
"Well in that case po, bigyan mo siya ng time at space para makapag-isip at kumalma. I'm sure, hindi ka niya matitiis"
"Sige. Susubukan ko" sagot ni Bek "Para lang sa asawa ko. Titiisin ko ang lahat"
Biglang kumurot ang dibdib ni Zeek nung sinabi iyon ni Bek. “Ma’am. Matanong ko lang po. Pwede pong malaman ang dahilan kung bakit ganyan lang ang galit sa’yo ni Sir George?” paalam nito kay Bek “Kung okay lang po sana, Ma’am”
"Sige" buntong-hininga ni Bek "Tutal naman ay nasaksihan mo na ang pagkabaliw ko dito. You deserve to know. Pero meron lang akong pabor sa'yo"
"Ano po iyon?"
"Kung pwede lang sana na huwag mong ipagkalat ang nakita mo sa akin" pabor ni Bek sa kanya "Ang mga nalaman... at mga malalaman mo pa"
"Don't worry po, Ma'am. Your secret is safe at isa pa, hindi naman ako tsismoso eh"
"Good to know that" sambit ni Bek.
Nagpabuntong-hininga muli siya at simulan niya nang kwinento ang dahilan ng away nilang dalawang mag-asawa. Iyon ay ang nangyari sa kanila kagabi sa bahay nila.
"Yon lang naman pala ang naging kasalanan mo sa kanya" sabat ni Zeek nang marinig niya na ang dahilan ng pag-aaway ng mag-asawa "Bakit pinalaki pa ni Sir George"
"Kasi daw hindi ako nag-ingat sa dinadala kong baby"
"Kahit na po. Sana pinag-usapan lang ninyo ng maayos"
"Sana. Pero ayaw niya na sa akin eh" dugtong ni Bek "Hindi ko rin alam kung ano gagawin ko ngayon sa asawa ko. Parang nagbago na siya"
"What do you mean po na nagbago?"
"Hindi na siya malambing. Naging malamig na siya sa akin. Tapos mainitin parati ang kanyang ulo"
"Baka naman nagkaganyan lang si Sir kasi maraming trabaho at problema dito, Ma'am"
"Baka nga..." dugtong ni Bek. Doon siya napaisip na marahil ay tama ang sinabi sa kanya ng binata. "E ano ang gagawin ko?"
"Tumahimik ka na lang muna, Ma'am. Hayaan mo lang siya at intindihin ang mga kilos niya dahil baka pagod lang siya sa trabaho" payo sa kanya ni Zeek "Just give him space"
"Sana nga. Sana totoo lahat ang mga sinabi mo"
"Ikaw lang po ang makakasabi yan, Ma'am" sagot ni Zeek "Pero ito lang ang mapapayo ko. Maniwala ka lang na maging maayos kayo, Ma'am. Lalung-lalo na sa marriage ninyo"
"Wow, I'm impressed. Ang galing mo magbigay ng payo, Mister Lacsamana" sagot ni Bek "Tama ang naging desisyon ng asawa ko na ipasok ka dito"
Itutuloy…
TIA: Chapter 15 (Bagong Kaibigan)
Napakunot ang noo ni Zeek sa sinabi sa kanya ni Bek. Dahil tinawag siya sa kanyang apilyedo. Kung ganon ay kilala siya ng asawa ni George.
"Teka po, Ma'am. Matanong ko lang po. Kilala niyo ako?"
"Oo naman" ngiti ni Bek sa kanya "Kilalang-kilala kita. Ikaw yung student intern na hindi mo kasamang nagpasa ang isa mong classmate na mag-a-apply dito diba?" paalala niya sa binata.
"Opo. Ako nga po iyon"
"Naalala ko tuloy na pinagalitan pa kita noon. Sorry ha, nadala lang ako sa kapraningan ko sa asawa ko"
"Ayos lang yon, Ma'am. Tapos na yon" sagot ni Zeek habang nakangiti kay Bek "Hindi naman ako nagtatanim ng galit eh"
"Napakabuti mo talaga, Zeek" sambit ni Bek "Sigurado ako na pagsisihan yan ng ex mo dahil iniwan ka niya. Pagsisihan niya ang kabaitan mo"
"Sana nga po" ganti niya kay Bek "Oo nga pala, Ma'am. Ano na po ang plano niyo ngayon?"
"Hmmm. Uuwi muna ako sa bahay namin, katulad nung sinabi ko sa kanya kanina" paliwanag niya sa binata "At susundin ko ang payo mo na huwag muna siyang kukulitin at bigyan ko muna siya ng space para makahinga naman siya"
"Mabuti yan. Ma'am. Sigurado ako na hindi ka niya matitiis"
"Sabi mo eh" ngiti ni Bek sa kanya "Mister Lacsamana, tulungan mo naman akong tumayo"
"Sige po, Ma'am" kaagad niyang inabot ang isang braso ni Bek at dahan-dahang pinatayo ito.
Inayos naman ni Bek ang kanyang sarili pagkatapos nitong tumayo. “Well. Salamat, Mister Lacsamana” sambit ni Bek sa binata “Salamat sa mga payo mo sa akin. At salamat dahil andiyan ka na nakinig sa problema ko”
"It's been my pleasure, Ma'am" sagot niya "Salamat din sa pag-share mo"
"I hope na maging makaibigan tayo, and I am looking forward to that"
"Ako din po"
Ngumiti na lang si Bek sa kanya at nagdesisyon nang magpaalam “So pano, uuwi na ako. Baka makita pa niya ako dito at magalit na naman”
"Sige po. Mag-iingat ka, Ma'am"
Kaagad lumakad si Bek palayo sa binata habang nakatingin naman sa kanya si Zeek na nakangiti. Masaya lang siya dahil nakatulong siya kahit papaano sa pagpagaan ng damdamin ng asawa ng kanyang amo.
Si Sir George?? Muntikan niya nang makalimutan na pinatawag pala siya at baka kanina pang naghihintay iyon sa kanyang opisina. Tumakbo ng mabilis si Zeek patungo ulit sa elevator para umakyat sa opisina ng amo.
"Lucas! Lucas!" tawag ni George sa kanyang assistant "Ano ba?! Ba't ang tagal mo?!"
Nagmamadali naman pumasok si Lucas sa opisina ni George “Yes Sir? Bakit po?”
"Anong bakit..??" balik nito sa kanya "Saan na si Zeek? Lumipas na ang 30 minutes pero wala pa siya dito"
"Hindi ko po alam, Sir. Pero sinabihan ko siya kanina na umakyat dito"
"Sigurado ka ba na siya ang kinausap mo kanina?"
"Oo naman po. Sigurado ako"
"Oh Eh saan na siya ngayon? Wala nga diba??"
"Wala po.." sabay yuko ni Lucas
"Edi hanapin mo... Sabihin mo sa kanya na pumunta na dito agad-agad"
"Sige po. Alis na po ako"
Lalabas na sana si Lucas ng opisina nang biglang bumukas ang pintuan mula sa labas.
"Sorry po Sir. Na-late po ako" bati Zeek sa kanilang dalawa habang papasok ito ng opisina.
"Nandito na po pala siya Sir eh"
"I know. You may leave us, Lucas" kita sa mukha ni George ang pagkalmado niya dahil nandoon na ang kanyang hinihintay.
Kaagad lumabas ang assistant ni George sa opisina habang si Zeek naman ay lumalakad palapit sa mesa nito. “Sorry po kung na-late ako. Inutusan kasi ako ni Ma’am sa Function eh” paliwanag niya.
"Talaga? Alam mo ba na kanina pa kita hinihintay?"
"Sorry po ulit, Sir. Hindi na po mauulit" sabay yuko ni Zeek
"Talagang hindi na mauulit. Dahil sa pangalawang beses na mangyayari yan ay papaalisin na kita dito sa hotel, naiintindihan mo??" at tumango si Zeek bilang sagot sa kanya "Sa susunod, ako ang susundin mo, dahil ako ang may-ari ng hotel na 'to at hindi ang Supervisor mo"
"Opo Sir. Sorry ulit"
"It's okay. Malalampasan ko pa ang kasalanan mo ngayon" sagot ni George "Pero sa susunod, hindi na. Maliwanag??"
"Opo"
"Good"
"Ahhmmm. Pwede po bang malaman kung ano po ang dahilan kung bakit pinatawag ninyo ako?"
"Pagod na pagod ako, Zeek. Paligayahin mo ako"
"Po?? Pasensiya na po, Sir. Hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo eh"
Tumayo at nagpabuntong-hininga si George. Dahan-dahan na lumakad patungo sa likuran ni Zeek. Linapit niya ang kanyang labi sa kanang tenga ng binata at nagsabing “I’ll fuck you”
"Po? Paano?" kita sa mukha ni Zeek ang pagkabigla dahil sa sinabi ni George sa kanya.
"Sa pwet. I'll fuck you on your asshole"
"Ha?? Ayaw ko po" tanggi ni Zeek "Masakit yon eh"
"Hindi yan masakit. Maniwala ka sa akin, Zeek. Ako ang bahala sa'yo" sambit niya sa binata
"Ayaw ko po talaga. Iba na lang"
"Ganon?" at lalo niya pang nilapit ang katawan niya sa likod ni Zeek. Nararamdaman nito ang mabilis na kabog ng dibdib ni George "Baka nakakalimutan mo, na may kasunduan tayo? Sige ka. Baka bawiin ko ang pinag-usapan natin kapag tumanggi ka" doon na hinubad ni George ang sinturon ng binata at ang pantalon nito. Wala namang angal na narinig si George kay Zeek dahil sa paalala nito sa kanya. Sunod niyang binaba ang brief ng binata. "Yan.. That's my boy. Yan ang gusto ko sa'yo, Zeek. Sumusunod ka sa gusto ko" pero walang imik si Zeek "Tumuwad ka. Para maipasok ko na 'to sa'yo"
Kaagad naman tumuwad si Zeek at kumapit ito sa mesa. Samantala si George naman ay naglagay na ng proteksyon sa kanyang ari. Dahan-dahan niya nang ipinasok ito sa pwetan ng binata. Kitang-kita sa mukha ni Zeek ang sakit sa ginagawa sa kanya ng kanyang amo. Pero wala naman siyang magagawa at pinabayaan na lang ang sakit na nadarama niya alang-alang sa kagustuhan ni George.
Samantala. Sa bahay ng mga Salcedo.
Kakababa lang ni Bek ng taxi at namamaga pa ang mga mata dahil sa kakaiyak. Hindi niya namalayan na nakatayo si Jen sa labas ng gate at parang naghihintay sa kanya dahil walang humpay ang pindot niya sa buzzer ng gate habang hawak ang kanyang telepono.
Kaagad naman nakita ni Jen ang kaibigan na nakatayo sa pintuan ng gate habang kinukuha ang susi sa kanyang bulsa.
"Mads...!!" tawag ni Jen sa kanya habang lumalakad ng mabilis papunta kay Bek "My god! Saan ka ba nanggaling? Kanina pa ako kakapindot ng buzzer, pero wala namang sumasagot" sambit niya sa kaibigan "Tapos tinatawagan kita sa cellphone mo, hindi ka naman sumasagot" doon na nahalata ni Jen na may problema ang kaibigan dahil wala itong kibo at sa pamamaga at pamumula ng ilong nito. "Mads..?? Okay ka lang?"
Tumingin naman si Bek sa kaibigan at sumagot “Okay lang ako, Mads” ngiti ni Bek at pinunasan naman nito ang kanyang mga mata na may luha “Pasensiya na Mads ha, may pinuntahan kasi ako kanina eh. Sorry kung hindi ko napansin ang telepono ko”
"Ano ka ba? Okay lang yun. Huwag kang humingi ng pasensiya sa akin" sagot naman ni Jen sa kanya "Pero sigurado ka, na okay ka lang?"
"Oo naman. Sigurado ako" sagot naman ni Bek na parang wala siyang problema "Ang kulet mo ngayon, Mads" at binuksan niya ang gate gamit ang susi.
Naunang pumasok si Bek at nakasunod naman sa kanya si Jen. Kita sa mukha ni Jen ang pag-aalala sa kaibigan dahil alam niya na may problema ito kahit sinasabi niya na wala. “Mads..” tawag ulit niya kay Bek habang papasok sila ng bahay.
"Bakit Mads..??"
"Magsabi ka nga sa akin ng totoo. May problema ka ba?"
"Wala nga... bakit ang kulet mo..?"
"Mads. Hindi mo ako maloloko. Hindi ko alam kung ano ang problema mo ngayon, pero kilala kita. Kitang-kita sa mukha mo na may tinatago ka sa akin" at hinawakan ang dalawang braso ng kaibigan "Kaibigan mo ako, Mads. Magsabi ka sa akin kung ano ang nararamdaman mo. Andito ako"
Walang sabi-sabi ay humagolhol na lang ng iyak si Bek. Sa sobrang pag-iyak ay na napaupo siya sa sahig habang inalalayan siya ng kaibigan. “Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa asawa ko. Mads, tulungan mo ako. Parang mababaliw ulit ako”
"Ssshhhh. Huwag mo ngang sabihin yan. Hindi ka mababaliw, okay? Pag-usapan lang ninyo ni George kung ano ang problema ninyo at sigurado ako na maaayos iyon"
"Ayaw niya ding makinig eh. Kahit anong paliwanag at yakap ko sa kanya, parang kinususuklam niya pa din ako" patuloy pa rin ang iyak ni Bek "Ano ba ang naging kasalanan ko, Mads? Bakit ito ang binigay sa akin na kapalaran..??"
"Sorry Mads. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko eh" dugtong ni Jen "Ano ba ang dahilan ng away ninyo ni George?"
"Galit siya sa akin, Mads. Nagagalit siya dahil uminom daw ako ng alak kagabi kahit buntis ako" kuwento niya "Kapag may mangyari daw na masama sa babay namin, hindi niya ako mapapatawad"
"Ano?? E kasalanan mo din pala Mads. Bakit ka ba uminom?"
"Hindi ko alam. Ewan ko. Gusto ko lang siguro kumuha ng lakas ng loob para magawa ko ang pinaplano ko sa gabing yon"
"Anong plano?"
"I want to have sex with him, Mads" sagot niya kay Jen "Baka kasi iyon ang dahil na nanlalamig na siya sa akin"
"Ano ka ba, Mads?! Hindi ka nag-iisip ng maayos!" sabi ni Jen sa kaibigan na parang uminit din ang ulo "Paano nga kung may mangyari sa baby niyo ha?? Paano ka at ang relasyon ninyong dalawa ng mag-asawa?! Mads naman. You're making it worst"
"Sorry na nga Mads. Nagsisisi na nga ako dito oh" sambit ni Bek habang umiiyak pa din "Please naman. Huwag mong dagdagan pa"
Biglang nakonsensiya si Jen sa pagtataas ng kanyang boses sa kaibigan. Niyakap niya lang ito ng mahigpit. “I’m so sorry din, Mads. Nabigla lang kasi ako sa kwinento mo sa akin”
"Salamat dahil andiyan ka. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kung wala ka"
"Hinding-hindi mangyayari na mawala ako sa tabi mo. Mahal kita Mads. Tahan na" sabay himas niya sa likod ng kaibigan
"Mahal din kita, Mads" at sabay alis nilang dalawa sa isa't-isa at punas muli sa huling luha niya "Oo nga pala. Bakit maaga ka pumunta dito?"
"Wala lang. Wala namang tao doon sa bahay kaya dito na lang ako pumunta"
"Bakit? Nasaan ba ang asawa mo?"
"Hindi pa nakauwi galing trabaho eh. Actually, kagabi pa sana siya nakauwi"
"At okay lang sa'yo na hindi pa siya nakauwi hanggang ngayon?"
"Oo naman. Okay lang sa akin. Sanay naman ako eh" at tumingin siya muli sa kaibigan "E Mads. Anong plano mo?"
"Hindi ko alam eh" buntong-hininga ni Bek habang pinupunasan niya pa ang mga natirang luha sa kanyang mga mata. "Alam mo, may nakausap akong student intern kanina sa hotel, ang payo niya sa akin ay hayaan ko na lang daw muna ang asawa ko. Hayaan na kumalma ang ulo dahil nakakasakal na daw ang mga ginagawa ko kay George"
"Hmmm. May point naman siya" sagot naman ni Jen "Matalino ang batang yan ha"
"Oo nga eh. Tapos ang bait niya din. I think maging matalik kaming magkaibigan"
"Mabuti naman kung ganon" ngiti ni Jen. At bigla siyang napaisip sa sinabi sa kanya ng kaibigan "Teka lang Mads. Maiba lang tayo. So ang ibig mong sabihin, nanggaling ka kanina sa hotel??" tanong niya kay Bek "Anong ginawa mo dun..??"
"Ahmmm. Huwag ka sanang magalit sa akin, Mads" sabay lunok ni Bek "Pinuntahan ko kanina si George sa office niya eh. Sinubukan kong humingi ng tawad sa kanya"
"Oh tapos..?"
"Pinatawad niya naman din ako. Pero nag-away muli kami eh" kwento niya sa kaibigan "Inaway ko siya kasi dahil kay Lucas. Para kasing ayaw niyang paalisin sa kanya eh"
"Yun lang?? Inaway mo siya agad?"
"Oo Mads. Pero iba kasi ang nararamdaman ko kay Lucas eh"
"Haay naku. Diba, ilang beses na kitang sinabihan na mag-hire na tayo ng Private Investigator para maging kampante ka na diyan sa pagdududa mo sa kanila??"
"Ayaw ko nga diba? Ilang beses ko nga na sabihin sa'yo na kinakabahan ako sa magiging resulta, Mads"
"Sige" buntong-hininga ni Jen "Kung iyan ang gusto mo, hindi na kita pipilitin"
Samantala. Sa opisina ni George.
"Balik na po ako sa baba, Sir" paalam ni Zeek habang inaayos ang kanyang damit.
"Sige Zeek" sagot naman ni George at sabay upo sa kanyang upuan "Mag-ingat ka sa pagbaba. Thank you pala ulit" habang nakatingin siya sa binata ng malagkit "Bukas na naman"
"Sige po, Sir. Alis na po ako" habang nagmamadali siya palabas ng opisina.
Nakasunod ang tingin ni George sa binata palabas ng kanyang opisina. Tila masaya ito sa ginawa niya kay Zeek at parang na-a-adik na ito sa binata dahil gusto niyang ulit-ulitin.
Sa kalagitnaan ng pagpapantasya ni George kay Zeek ay biglang pumasok ang kanyang assistant na si Lucas.
"Excuse me po, Sir. Kailangan niyong pirmahan ang mga papers na ito" sabay abot ni Lucas ng mga papel na nasa loob ng folder. Kaagad naman kinuha ni George ito, binasa ang nakasaad doon at pinirmahan.
"Is that all..?" tanong niya kay Lucas.
"Yes Sir. Ito lang" sagot nito "May kailangan po ba kayo sa akin? Coffee? Water?"
"No. I'm good"
"Okay Sir. Kapag may kailangan kayo sa akin, tawagan niyo lang ako sa labas"
"Actually, meron pala, Lucas"
"Ano po yon, Sir?"
"Gusto ko lang malaman bakit hindi mo ako tinimbrehan nung paparating ang asawa ko" tanong niya kay Lucas "Diba ang sabi ko sa'yo na tawagan mo ako kapag may parating na tao..???"
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ni Lucas dahil sa tanong sa kanya ng amo. Hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot.
Itutuloy…
TIA: Chapter 16 (Kutob)
“Sorry Sir” sabay lunok ni Lucas “Nag- CR po kasi nun. Hindi ko nga alam na si Ma’am Bek pala ang kasama niyo sa loob. Akala ko si Zeek eh” paliwanang nito sa kanyang amo “Kanina ko lang nga nalaman na si Ma’am Bek pala iyon nung pagkalabas niya. Sorry po talaga, Sir”
"It's okay, Lucas. Huwag ka nang humingi ng tawad" sambit ni George "Pero sa susunod, gawin mo ng maayos ang trabaho mo, okay?"
"Opo Sir" napansin ni Lucas na masaya ang kanyang amo dahil abot-tenga ang kanyang ngiti "So kamusta naman ang sex ninyo ni Zeek? Masaya ba?"
"Yeah" sagot ni George habang nakangiti "That was hot. Ang sikip-sikip ng butas niya pero hindi siya pumapalag sa sakit at hinayaan niya lang ako sa ginagawa ko sa kanya"
"Well. It seems totoo nga na nag-enjoy siya talaga" ngiti ni Lucas "Rinig na rinig ko nga ang ungol niya doon sa labas eh"
"Wow. Talaga? Ganyang kalakas?" sambit niya "Shit. Ang hot niya talaga"
"Magaling ba siya..?"
"As a beginner?? Yes. Magaling na magaling" sagot niya habang inaalala ang nangyari sa kanila kanina "Actually, that was the hottest sex na na-experience ko"
"Talaga? Well, good for you"
"I know, right? Zeek is a hot slutty boy" dugtong niya "I want to fuck him again and again and again hanggang siya na mismo ang magmamakaawa na huwag nang tigilan"
"The fuck him. As long as you can" sagot ni Lucas "Pagkatapos nun, dump him, katulad ng ginawa mo sa akin"
"Excuse me?"
"Totoo naman ang sinabi ko diba? Bilisan mo na pagsawaan ang Zeek na yan" sabat niya sa kanyang amo at parang naiinis na ito sa usapan nila "Pagkatapos... maghanap ka na naman ng bagong bibiktimahin mo"
"Teka. Mainit ba ang ulo mo? Galit ka ba sa akin?" habang nakakunot ang noo ni George "Parang hindi mo na ako nirerespeto ah"
"Bakit? Paano ako magbibigay ng respeto sa isang tao, kung siya mismo ay hindi nagbibigay ng respeto sa sarili niya?" pang-iinsulto ni Lucas sa kanyang amo "Ilang beses mo ginamit ang katawan ko pero may narinig ka bang angal mula sa akin? Alam mo, sa tuwing bumababa ako sa mga tao doon sa baba ay kinakapalan ko na lang ang mukha dahil alam ko na pinagtsismisan nila ako"
"Tsismis?? Ano ang ibig mong sabihin, Lucas?"
"Hindi mo alam?? Kumakalat na sa baba ang ginagawa natin dito" sumbong niya kay George "Baka isang araw na lang, magugulat ka, na alam na pala ng asawa mo. Well, I don't care. Sana ay malaman na yan kaagad ni Bek para masira na ang relasyon ninyo dahil masama kang tao"
"How dare you. I'm the boss of this hote!" dugtong niya dito "Wala akong pakialam kung ano man ang pinagkakalat nila sa baba dahil ako pa rin nagpapasweldo sa kanila. At kahit anong gawin ko dito ay wala kang pakialam, baka ikaw pa ang nagkakalat ng tsismis eh"
"Ako..??" tawa ni Lucas "How I wish na ako pero hindi. Baka isa sa mga nabiktima mo ang kumalat. At hindi ako interesado na ipagkalat ang malungkot mong buhay. Diba nga? Naghahanap ka ng kaligayahan dahil ang lungkot ng buhay mo...?"
Nanginginig sa galit si George sa mga pang-iinsulto sa kanya ni Lucas. Hindi niya na talaga mapipigilan dahil hindi na siya nirerespeto ng kanyang assistant. “THAT”S IT!!“ sigaw niya dito. Tumayo siya sa upuan at tinignan si Lucas na parang umaapoy ang mata sa galit. “Lumayas ka na dito, Lucas! Hindi mo na ako nirerespeto. You’re fired!!”
"Hindi. Hindi mo ako mapapaalis sa hotel dahil hindi pa tapos ang kontrata ko dito" tanggol ni Lucas sa sarili "I know my right. Hindi porket nainsulto ka lang sa sinabi ko ay pwede mo na ako patalsikin ng ganyan lang"
"Tanga ka ba? As I said. I am the owner" sabat ni George sa kanya "Nasa akin pa rin ang huling desisyon kung ano ang gagawin ko sa'yo. And my decision is... you are fired! I can't tolerate that kind of attitude na merong ka"
"Fine. I'm leaving" sagot na lang ni Lucas sa kanya "Pero hindi pa rin mabubura ang katotohanan ang tungkol sa malungkot mong buhay"
"Umalis ka na. Bago pa kita ipakaladkad sa guwardiya" pambabanta niya kay Lucas "Wala kang karapatan para husgahan ako sa mga ginagawa sa buhay ko dahil wala kang alam"
"Kilala kita. Alam ko ang baho ng taong kagaya mo..."
"Fuck! Umalis ka na. LEAVE!!"
Umalis kaagad si Lucas sa harap ni George. Kinuha niya ang kanyang mga gamit sa mesa at magkalipas ng ilang minuto ay tuluyan na itong umalis ng gusali.
Umuwi si Zeek nang matapos ang kanyang shift sa hotel. Pagod na pagod siya nang pagkadating niya sa bahay..
Pagod ito hindi dahil sa trabaho niya sa hotel kundi napagod siya sa ginawa nilang dalawa ni George kanina sa opisina nito.
‘Ang sakit ng pwet ko. Parang hindi ako makahiga ng maayos. Parang wasak na wasak na ito ah’
sambit niya sa sarili habang dahan-dahang humihiga sa sofa.
Pagkatapos ng ilang saglit ay nakatulog na pala siya sa sobrang pagod.
"Anak. Gising..." sambit ni Vivian sa kanya habang kinakalabit ito "Alas-onse na ng gabi, pumasok ka na sa kwarto mo"
Nagising at kaagad bumangon si Zeek sa pagpupukaw sa kanya ng ina “Grabe, Ma. Ang haba pala ng tulog ko dito sa sofa”
"Oo anak. Kanina pa kita tinitignan dito. Hindi na kita ginising dahil parang pagod na pagod ka eh"
"Pagod na pagod nga ako, Ma. Sige po, pasok na po ako sa kwarto ko" habang dahan-dahang lumalakad patungo sa kanyang silid.
Napansin naman ng kanyang ina na parang iba ang paglakad nito. “Anak..?” tawag niya kay Zeek at lumingon naman siya kaagad.
"Po? Bakit Ma?" sambit ni Zeek habang hawak-hawak niya ang kanyang beywang.
"Okay ka lang ba?" tanong nito habang tinitignan niya ang anak "Bakit iba ang paglakad mo? At bakit hinahawakan mo yang beywang mo? Masakit ba??"
"Ha? Wala po, Ma" pagsisinungaling ni Zeek "Baka nangalay lang ito kanina diyan sa sofa"
"Ganon ba? Sige anak. Matulog ka na" sagot ni Vivian "Akala ko kung ano na yan"
"Wala 'to, Ma. Don't worry" sabay halik niya sa pisngi ng ina "Goodnight na Ma. Matutulog na ako"
"Goodnight din anak"
"Ikaw ba Ma? Hindi ka pa ba matutulog?"
"Hindi pa ako inaantok anak eh" sagot niya "Sige na. Matulog ka na anak. Maaga ka pa bukas"
Ngumiti na lang si Zeek sa ina at kaagad pumasok sa silid nito. Habang si Vivian naman ay umupo uli sa sofa at parang may malalim na iniisip.
Kinabukasan.
Inaayos ni Zeek ang mga mesa at mga silya sa isang Function Room ng hotel para sa nalalapit na event na gaganapin sa silid na iyon. Mag-isa lamang siya nag-aayos doon dahil ang isa niyang kasamahan ay nasa kabilang silid at inaasikaso ang nagaganap na event.
"Zeek. Brad" at lumingon naman siya sa taong tumawag sa kanya
"Oh bakit? Kamusta ang event sa kabila?"
"Okay lang naman. Going smoothly" sagot naman ni Owen sa kanya "Oo nga pala, may gustong kumausap sa'yo"
"Sino..?"
"Si Ma'am Rebecca, brad" sumulyap siya sa labas ng silid at doon niya nakita si Bek na nakatayo.
Kaagad naman siya lumapit kay Bek “Ma’am? Bakit po?”
"We need to talk" sagot naman niya
"Sige po. Wala pong problema"
"In private.."
"Ahmmm. Sige po" sagot niya at lumingon siya kay Owen "Brad. Iwan mo muna kami ni Ma'am" umalis naman kaagad si Owen at pumasok sa silid sina Zeek at Bek para doong mag-usap. "Ano po ang dapat nating pag-uusapan, Ma'am?"
"Tungkol sa asawa ko"
"Tungkol kay Sir George?" ulit ni Zeek "Bakit po? Ano po ang tungkol sa kanya?"
Napalunok muna si Bek bago niya sabihin ang kailangan niya sa binata “Mister Lacsamana..?”
"Zeek na lang po, Ma'am" pagtatama niya kay Bek "Iyon na lang po ang itawag mo sa akin"
"Sige," buntong-hininga ni Bek sabay hawak niya sa kamay ng binata "Zeek. Mapagkakatiwalaan ba kita?"
"Oo naman po. Bakit po, Ma'am?"
"Well. I think my husband is having an affair with someone"
"Sigurado ka po, Ma'am?" sabay kabog ng dibdib ni Zeek. Baka mahuli na sila ng asawa ni George.
"No. Hindi pa ako sigurado diyan" sagot ni Bek "Pero malakas talaga ang kutob ko na may meron and I need proof"
"Pero paano po? Paano ka makakahanap ng ebidensiya para mapatunayan na may iba si Sir George? At paano mo naman nasabi na may iba siya?"
"Kasi ginawa niya na noon sa akin yun. At kaya niyang gawin ulit" habang inaalala ni Bek ang nangyari noon sa kanila "Ganitong-ganito din ang mga galaw niya sa akin, nagiging malamig na siya"
"Pero hindi ka pa rin po sigurado na totoo ang mga sinasabi mo sa asawa mo, Ma'am" sambit ni Zeek na para magbago ang isip ni Bek
"Kaya nga andiyan ka para tulungan ako. Para may pruweba ako na totoo ang mga duda ko sa asawa ko"
"Ako...?? Bakit po ako..??" doon bumilis pa lalo ang kabog ng dibdib ni Zeek sa magiging pabor ni Bek sa kanya.
"Oo Zeek. Tutulungan mo ako para malaman ko na ang katotohanan"
"Hindi ko po naiintindihan eh. Bakit nga po ako?"
"Bakit hindi?? As of this moment, ikaw lang ang pinakamalapit na ugnayan sa asawa ko bukod kay Lucas" paliwanag ni Bek "Kaya ikaw lang ang pwede kong maging ispiya sa kanila"
"Ispiya?" ulit ni Zeek
"Yes. A spy" sagot ni Bek "Bantayan mo ang asawa ko. Bantayan mo kung totoo nga na may namamagitan sa kanilang dalawa ng assistant niya na si Lucas"
"Pero may trabaho ako, Ma'am. Hindi ko siya pwedeng bantayan. At tsaka, ang pangit naman kung binabantayan ko ang bawat kilos ng boss namin. Baka ako ang mapaalis"
"Hindi. Huwag kang mag-aalala" paniniguro sa kanya ni Bek "Ako ang bahala sa'yo. Basta gawin mo na lang ng maayos ang utos ko sa'yo. Kahit magbabayad pa ako sa'yo, sabihin mo lang kung magkano"
"Po? Bakit niyo pa ako babayaran?"
"Para magawa mo nga ng maayos ang trabaho mo" sagot nito kay Zeek "Sige na, magsabi ka na kung magkano ang gusto mo? Okay na ba sa'yo ang P10,000?" hindi sumagot ang binata dahil nag-iisip pa ito kung tatanggapin niya ang alok at utos ng asawa ni George "P50,000?" pero wala pa ring narinig na sagot si Bek sa kanya. Kinuha niya na lang ang kanyang cheque sa bag at may isinulat ito. Pagkatapos ay kaagad niyang inabot kay Zeek "Heto na, it's P50,000. Tanggapin mo na yan para magawa mo na ang inuutos ko sa'yo"
"Pero..."
"Please. Kahit hindi lang sa akin, Zeek. Gawin mo lang 'to sa pamilya mo. Para kahit papaano ay may pera kayo" pagmamakaawa niya sa binata "Gusto ko lang kasi malaman ang buong katotohanan sa asawa ko"
Kinuha na lang ni Zeek ang pirasong papel kay Bek. Wala siyang magagawa kundi sundin na lang din ang utos sa kanya. Pero paano? Paano niya gagawin at mapapatunayan na may relasyon sina George at Lucas? Dahil ang katotohanan naman ay siya na ang bagong kabet ng kanyang asawa.
Pagkatapos ng shift ni Zeek ay kaagad siyang nagtungo sa opisina ni George. Pagdating niya sa labas ng opisina ay tila wala nang gamit o senyales na nandoon si Lucas sa kanyang mesa.
Hindi niya na lang ito pinanggugulan ng pansin at kaagad pumasok sa opisina.
"Good afternoon, Sir" bati niya kay George
"Finally. Andito ka na" lapit niya sa binata at niyakap ito ng mahigpit "Kamusta ka na? Na-miss kita, baby"
"Okay lang naman ako, Sir" sagot naman ni Zeek
"Ganon? 'Sir' lang ang tinawag mo sa akin?"
"Opo. Totoo naman yon. Kasi ikaw ang mag-ari ng hotel na ito"
"No. No. Hindi yan ang itatawag mo sa akin, baby" mungkahi ni George sa kanya "Simula ngayon, daddy na ang itatawag mo sa akin"
"Ha? Bakit daddy?"
"Kasi baby kita at daddy mo ako" sagot ni George na nakangiti sa kanya "Bakit? Ayaw mo ba?"
"Naguguluhan kasi ako eh. Bakit ganyang ang tawagan natin?"
"Bakit hindi? Tayo na diba?"
"Tayo...??" ulit ni Zeek "Bakit magiging tayo?"
"Because we had sex. Hindi pa ba sapat na dahilan yon para maging tayo?"
"Ha? Akala ko ba ay binabayaran mo ako para gawin ko yan?" kita sa mukha ni Zeek na naguguluhan ito sa sinabi ni George "So bakit sinasabi mo na tayo na? At isa pa, we can't be together"
"At bakit naman hindi pwede?"
"Kasi may asawa ka... at may girlfriend ako. Hindi tayo pwede"
"So?? Wala naman problema kung may asawa ako at girlfriend ka" dugtong ni George "Pwede namang natin itago ang relasyon natin diba?"
"Pero that's cheating. Hindi ka ba nakokonsensiya sa ginagawa natin sa kanila?"
"No. I'm not" at lumakad pabalik si George sa kanyang upuan "Kasi siya naman ang nag-umpisa nito. Pinilit niya ako na maging ganito"
"What do you mean?"
"Basta. Hindi mo dapat malaman. It's too personal, Zeek"
"I understand. Pero mali pa rin ang ginagawa mo. Ang ginagawa natin"
"Bakit mali? E binabayaran naman kita. Diba? We're both taking advantage sa ginagawa natin. Hindi mo man sinasabi sa akin, kita ko sa mukha at sa ungol mo na nag-eenjoy ka" paalala niya sa binata "Kaya tumahimik ka na lang at huwag na huwag kang magreklamo sa gusto ko. Maliwanag?" tumango na lang si Zeek bilang sagot sa kanya "Good boy. Yan ang gusto ko sa'yo eh. Sumusunod parati sa gusto ko" pero wala pa ring sinagot si Zeek sa kanya. Napahinga muna ng malalim si George bago nagsalita muli "Well. As you can see outside. Wala na si Lucas"
"Bakit Sir? Anong nangyari?"
"I fired him"
Nanlaki ang mga mata ni Zeek dahil wala na nga si Lucas. Paano niya magagawa ang utos ng asawa ni George kung wala na si Lucas doon? Baka malihis pa ang pagdududa ni Bek at siya na naman ang pagdududahan.
Itutuloy…
TIA: Chapter 17 (Parusa)
Nabigla si Zeek sa kanyang narinig kay George na pinaalis na si Lucas sa hotel. Hindi niya na alam kung paano magagawa ang utos ni Bek sa kanya.
"Bakit Sir? Ano ba ang ginawa niya?"
"Binastos niya ako kahapon dito. Sa sarili ko pang opisina" kwento niya kay Zeek.
"Ganon lang po?"
"Yes. Ganon lang. Malaking kaparusahan ang pambabastos niya sa akin" pagdidiin ni George "Anyway, maiba ako. Naghahanap ako ng papalit sa kanya"
"Okay Sir. May maitutulong ba ako?"
"Yes"
"Ano po yon? Sabihin niyo lang po. Gagawin ko ang lahat para makatulong sa'yo"
"Well. Gusto ko na ikaw na mismo ang papalit sa kanya"
Nanlaki muli ang mga mata ng binata sa sinabi sa kanya “Po…?”
"You heard me. Ikaw na ang bagong assistant ko"
"Pero bakit po ako?"
"Why not? I think you're qualified naman for the position" sagot ni George "Bakit? Ayaw mo?"
"Gusto naman Sir. Gustong-gusto. Pero ang bilis naman kasi. Nagulat ako dun" paliwanag ni Zeek "Baka nabigla ka lang na ako pinili mo"
"No. Hindi ako nagkakamali o nabigla sa desisyon ko. Ikaw talaga ang gusto ko" sabay ngiti ni George sa reaksyon ng binata "Alam mo, sa lahat ng mga empleyado ko dito, ikaw lang ang parang ayaw na maging Executive Assistant"
"Kasi Sir. Parang may mali kasi eh"
"Mali..?? Anong mali diyan? Ako na mismo ang nag-aalok sa'yo ng trabaho dito sa hotel, ayaw mo pa?" pilit niya pa ito sa pangungumbinsi ang binata "Kung iniisip mo ang tungkol sa nangyayari sa atin. Well, tuloy pa rin ang deal na iyon. Ibibigay ko pa sa'yo ang kalahati kapag natapos na ang deal natin, plus... may sweldo ka pa sa pagtatrabaho mo dito" paliwanag ni George "Oh. Saan ka pa..?"
"Pero paano ang OJT ko, Sir? Meron kasi kaming required number of hours sa pagduduty eh"
"Don't worry. Ako na ang bahala diyan. Ako na ang kakausap sa Adviser mo" paniniguro sa kanya ng may-ari "Pinapangako ko na magmamartsa ka pa rin sa graduation ninyo"
"Sige po. Pag-iisipan ko po iyan"
"No. Huwag mo nang pag-isipan. Kunin mo na ang opportuniyy na 'to. Minsan lang mangyayari ito. Trabaho naman ito Zeek"
"Hmmm. Sige po. Kung iyan ang gusto ninyo. Basta po, ikaw ang bahala sa HR at sa Adviser ko"
"Don't worry. I will"
"So kailan po ako magsisimula?"
"Ngayon na"
"Po..? Kaagad?"
"Yes. Ngayon ka na mag-uumpisa"
"Bakit ang bilis? Hindi naman ako nakapaghanda, Sir" dugtong ni Zeek sa sinabi ng kanyang boss "At isa pa po, hindi ko naman alam kung ano ang magiging trabaho ko"
"Ako na ang bahala diyan, Zeek. I will teach you" paniniguro niya sa binata "Pasensiya na kung biglaan ito. Kailangan ko talaga ng assistant ngayon eh"
"Okay po"
"So, are we good?" tumango naman si Zeek bilang sagot "Well, lumabas muna tayo at doon kita tuturuan dahil nakatambak na ang mga papeles ko doon"
Samantala. Sa isang coffee shop.
"What?!!" sigaw ni Jen sa kwinento sa kanya ni Bek "Binayaran mo ang isang intern para maging ispiya sa asawa mo??"
"Bakit? May masama ba sa ginawa ko, Mads?"
"Siyempre meron. Una sa lahat, bakit hindi mo pinaalam sa akin yang kilos mo..?? E ako na nga ang nagvo-volunteer na mag-hire tayo ng Private Investigator pero ayaw mo" sambit ni Jen sa kanya "Mas gusto mo pa na kumuha ng isang bata. Mads. Bata lang yan. Ginagamit mo ang bata para sa problema ninyong mag-asawa na wala namang kinalaman sa inyong dalawa" paliwanag sa kanya ng kaibigan "Hindi mo ba naisip na baka masira ang kinabukasan ng batang yan dahil sumali siya sa inyo..?? Mads naman"
"Pasensiya na, okay? Desperado lang ako na malaman ang katotohanan sa kanila ni Lucas"
Nagpabuntong-hininga na lang si Jen sa dahilan ng kaibigan “Mads. Diba ilang beses ko nang sinabi sa’yo na ako na lang ang gagawa yan? Bakit ayaw mo?”
"Kasi ayaw kong madamay ka, Mads. Ayaw kong magalit sa'yo si George"
"Kaya ko ang sarili ko, Mads. Ang importante ay malaman natin ang totoo sa asawa mo" sabat ni Jen sa kanya "Tapos dinamay mo pa ang bata"
"Pero nangako siya sa akin, Mads" dugtong niya "Nangako siya sa akin na tutulungan niya ako"
"Nangako siya dahil binayaran mo" pagdidiin ni Jen sa kaibigan "Kahit naman sinong tao ay tatanggapin ang offer mo kung ganung kalaking pera"
"Pero iba si Zeek, Mads. Mabait siya" tanggol ni Bek sa binate "Kahit siguro na walang bayad ay gagawin niya pa din"
"Paano ka naman nakakasiguro? Nag-usap kayo? Ganon?"
"Hindi" sagot niya "Alam ko dahil kitang-kita ko sa mga mata ng bata ang sincerity nito. Dahil kahit papaano ay naiintindihan niya ang pinagdadaanan ko ngayon"
"Wow. New found bestfriend?"
Inabot ni Bek ang kamay ng kaibigan na masama ang loob sa kanya “Please Mads. Huwag ka nang magalit sa akin. Magtiwala ka lang sa akin. Magtiwala lang tayo kay Zeek”
"Sige" buntong-hininga ni Jen "Wala naman ako magagawa kundi patawarin kita" at lumiwanag ang mukha ni Bek sa sinagot ng kaibigan. Kitang-kita sa mukha niya ang galak dahil pumayag na si Jen "Pero Mads. Mag-iingat ka ha. Lalung-lalo na ang Zeek na yan"
"Don't worry Mads. Mag-iingat kami ni Zeek"
Tinapos nila ang kanilang kape at kaagad umalis at pumunta sa doctor para ipasuri ang bata sa sinapupunan ni Bek. Magpapasuri siya para malaman kung malusog ito o may kumplikasyon ang pagbubuntis niya.
Alas-onse na ng gabi nang makauwi si Zeek sa kanilang bahay. Pagod na pagod ito hindi lang sa bago niyang trabaho, pati sa paggamit sa katawan niya ni George pagkatapos nilang magtrabaho.
Nang pagpasok niya ng bahay ay nadatnan niya ang kanyang ina na nakaupo at parang malalim ang kanyang iniisip. Kaagad niya namang linapitan ang ina.
"Oh Ma. Bakit hindi ka pa natulog? Gabi na ah"
"Sensiya anak. Hinihintay lang kasi kita"
"Bakit po? May problema ka ba?" pero hindi sumagot si Vivian at yumuko na lang.
Tinabihan naman ni Zeek ang ina at hinimas ang likuran nito “Ma. Sabihin mo sa akin. Ano ang problema mo” sambit niya “Andito ako para tulungan ka”
"May kasalanan ako sa'yo, anak"
"Kasalanan??" sabay kunot ng noo ni Zeek na parang walang ideya sa sinabi ng ina "Ano po yon?"
"Anak. Pasensiya na talaga" at hinawakan niya ang dalawang kamay ni Zeek "Hindi ko sinasadya"
"Ma. Ano nga yon? Sabihin mo kaya sa akin. Hindi kita maiintindihan eh"
Huminga muna ng malalim si Vivian para madagdagan ang lakas ng loob nito sa sasabihin niya sa anak “Anak. Kumuha ako ng pera sa cabinet mo. Tapos ginamit ko iyon kanina”
"Ano?? Saan mo ginamit...?"
"May sabong kasi doon sa kabilang kanto. Naisip ko na pumusta para madagdagan naman kahit kaunti ang pera mo" kwento niya sa anak "Pero minalas anak eh. Natalo ang pinusta ko"
"Ano? Pumusta kayo..?"
"Oo anak. Pasensiya na talaga anak"
"Anong pasensiya dun, Ma? Kumuha kayo ng pera ko nang hindi nagpapaalam. Okay lang sana kung binili niyo ng pagkain, eh ginastos mo pa sa walang kakwentang bagay"
"Hindi ko naman alam na matatalo ang manok ko eh"
"Ewan ko sa'yo, Ma" at tumayo si Zeek sa tabi niya at dumerecho sa kanyang silid kahit hindi pa siya nakakain.
Hindi pinansin ni Zeek ang kanyang ina kinabukasan. Masama pa rin kasi ang loob nito dahil ginastos niya sa walang kwentang bagay at lalung-lalo na hindi siya nagpaalam sa pagkuha nito.
Nagdesisyon na lang siya na hindi kumain ng agahan kahit nagugutom na ito at kaagad siyang umalis papunta ng hotel para doon na lang kumain.
Habang lumalakad si Zeek papasok ng hotel ay nakita niya na naman ang asawa ni George na si Bek, na nakaupo sa lounge ng gusali. Nakita naman siya nito, kaagad niyang linapitan ang binata.
"Good morning, Zeek" bati ni Bek sa kanya.
"Good morning din po, Ma'am" sagot naman niya "Ang aga niyo po, kakausapin niyo po ba si Sir George?"
"No. Hindi pa kami okay" dugtong niya kay Zeek "Ikaw ang pakay ko dito"
"Ohh. Okay"
"So.. kamusta na ang pag-iimbestiga mo? May nalaman ka na ba tungkol sa asawa ko at ni Lucas?"
Hindi makasagot si Zeek sa kanya dahil wala naman siyang may nalaman tungkol dito. Ayaw niya naman din ibuking ang sarili niya na siya ang bagong kalandian ng asawa niya dahil unting-unti niya nang nakakamit ang kanyang pangarap. Ayaw niyang mahantong ang lahat na pinaghirapan niya sa wala.
"I'm sorry po, Ma'am" sagot niya kay Bek "Wala pa eh"
"Ganon ba? Sige Zeek. Just inform me kapag meron na"
"Okay po, Ma'am" sagot ni Zeek "Meron ka pa pala pong malaman"
"Ano yon, Zeek?"
"Hindi na po ako intern dito"
"Ha? Bakit? Pinaalis ka ng asawa ko?" panghuhula ni Bek "Nabisto ka na ba niya na ginawa kitang ispiya ko?"
"Hindi po, Ma'am. Ginawa niya akong regular sa hotel niya"
"Talaga? Saan?"
"Bilang assistant niya po"
"Assistant?" ulit niya "E paano si Lucas? Paano siya pinaalis ng asawa ko?"
"Hindi ko alam Ma'am eh. Pero ang sabi ni Sir George sa akin ay naging bastos na daw ito sa kanya. Kaya pinatalsik niya ito"
Ilang minuto ang pananahimik ni Bek bago siya nakaisip ng panibagong paraan para malaman nga niya ang katotohanan. “Zeek.. May naisip akong paraan”
"Ano po yon, Ma'am?"
"Gusto ko na kaibiganin mo ang Lucas na iyon. Para mapiga mo ang mga impormasyon na makasasabi na siya talaga ang taong nilalandi ng asawa ko"
"Gusto mo na maging malapit ako sa kanya?" ulit ni Zeek
"Oo Zeek. Tama ka"
"Pero paano ko gagawin ko iyon, Ma'am?"
"Hindi ko din alam. Kaya nga ikaw ang pinatatrabaho ko" sagot ni Bek "Gawin mo ang lahat para malaman mo na Zeek"
"Sige po, Ma'am. Susundin ko na lang ang gusto ninyo"
"Salamat Zeek. Basta mag-iingat ka lang baka mabisto tayo ng asawa ko"
"Opo Ma'am. I will"
"Okay Zeek. Sige ha. Alis na ako" paalam niya sa binata "Bago pa makita ng asawa ko na nag-uusap tayo"
"Mag-iingat ka po, Ma'am" nagmamadaling lumabas si Bek sa hotel at si Zeek naman ay umakyat naman para pumasok sa trabaho.
"You're late" sambit ni George habang paparating si Zeek "Five minutes late to be exact"
"Sorry po, Sir. Nag-CR po kasi ako sa baba" dahilan niya sa kanyang amo.
"Well. That is not an excuse, Mister Lacsamana" sagot niya "It's your first official day as my assistant pero you're not doing well"
"Po? I'm few minutes late. Hindi ba pwedeng i-consider yon?"
"Nope. Late is late. I am sorry, Mister Lacsamana"
Hindi na lang lumaban si Zeek sa sinabi sa kanya ni George. Tama nga naman na nahuli siya sa pagpasok dahil nakipag-kuwentuhan siya sa asawa ng kanyang amo. “Sorry po Sir. Hindi na po mauulit”
"It's okay, Zeek"
"Sisante na po ba ako?" biglang tanong niya kay George na parang nababahala ito sa kanyang ginawa.
"Yup" sagot naman ni George.
Nanlaki ang mga mata ni Zeek sa sinabi sa kanya ng kanyang amo. Hindi niya inaakala na matatanggal na siya kaagad sa trabaho. “Po…?? Bakit?”
"Because you are not doing your job well"
"Please Sir. Parang awa mo na" pagmamakaawa ni Zeek sa kanya "Just give me another chance. Pangako. Hindi na ako male-late"
"Talaga?"
"Opo. Promise"
'Sige" sagot ni George sa kanya "Pero kailangan kitang parusahan sa ginawa mo?"
"Sige po. Kahit ano pa yan tatanggapin ko para hindi mo lang ako papaalisin dito"
May kinuha si George sa kanyang bulsa at tinititigan naman ito ng binata. “Kailangan mo suotin ito. Dahil naging bad boy ka” sabay pakita niya kay Zeek ang posas. Inalsa naman ng binata ang dalawa niyang kamay at sinuot ni George ang posas dito. “Yan. Wala ka nang kawala. Pumasok ka dito sa opisina at dito mo matitikman ang magiging parusa mo”
Magkalipas ng isang oras ay natapos na ang ‘parusa’ na ibinigay ni George kay Zeek. Nakaupo ang binata sa lamesa habang inaayos ang kanyang damit niya.
"Bakit sa loob mo pinalabas?" sagot niya na parang nandidiri sa ginawa ni George.
"Bakit hindi? Masarap kapag sa loob pinalabas" sagot nito "At isa pa, yan ang isa sa mga parusa mo kaya huwag kang magreklamo"
"Ang pagpalabas mo sa loob..??" ulit ni Zeek.
"Oo. At gagawin ko parati iyon kapag susuwayin mo ang gusto o utos ko, maliwanag?" pero walang sagot si Zeek sa kanya "Good. I take that as a yes. It seems handa ka na sa trabaho mo, pwede ka nang lumabas at bumalik sa pwesto mo"
"Sige po"
"Mamaya ulit" tingin niya sa binata. Pero hindi ulit sumagot si Zeek at tuluyan nang lumabas sa opisina niya.
Pagsapit ng alas-diyes ng gabi ay natapos na ang trabaho ni Zeek, lalung-lalo na bilang ‘sex partner’ ni George.
Habang naliligpit siya ng kanyang mga gamit sa mesa niya ay linapitan siya ng kanyang amo.
"Zeek..." tawag nito
"Yes Sir?"
"Uwi ka na? Gusto mo sumabay na lang sa aking pauwi?" alok ni George sa kanya "Pauwi na kasi ako eh"
"Naku. Huwag na po. Mauna ka na lang Sir. Naliligpit pa kasi ako ng gamit ko eh. Baka matatagalan pa ako"
"Sige, okay lang. I can wait naman" sagot niya "Dito lang ako. Maghihintay"
"Huwag na po. Nakakaabala lang po ako sa'yo"
"No Zeek. I insist" pagpupumilit niya sa binata "Sumabay ka lang sa akin. Naalala mo ang usapan natin diba? Kahit ano ang gusto ko, susundin mo?"
Walang nagawa si Zeek kundi pumayag na lang ulit sa alok sa kanya ng amo. Napaisip din siya na saktong oras din iyon dahil makakahingi na siya ng impormasyon tungkol kay Lucas at sa kanilang naging relasyon noon. At para kay Lucas lang ang magiging atensyon ni Bek at hindi sa kanya.
Itutuloy…
TIA: Chapter 18 (Away ng Mag-ina)
Pinaandar ni George ang kanyang sasakyan nang pag-akyat ni Zeek. Pumayag na lang siya dahil sa gusto ng amo na sumabay na lang sa pag-uwi kasi baka magalit ito sa kanya.
Habang nagmamaneho si George ay napatingin sa kanya ang binata. Napansin naman niya ito kahit nasa kalsada ang atensyon niya. “Oh Zeek. Why you keep on staring at me?”
"Wala naman po, Sir. May itatanong lang po sana ako sa'yo"
"Talaga? Ano naman iyon?"
"Gaano na po ba katagal ang The Deluxe Suites Hotel? Mga ilang taon na po?"
"Bakit mo naman naitanong yan?"
"Wala naman po, Sir. For research puposes lang po" paliwanag ni Zeek "Gumagawa kasi ako ng report tungkol sa hotel. Isa po yan kasi sa mga requirements namin eh. Yung history at kung anu-ano ang mga naranasan ko sa loob habang nag-i-intern ako"
"Talaga?" ngiti ni George "Lahat ng mga naranasan mo? Baka ilagay mo ang ginagawa natin ha" biro nito sa binata. "Huwag yan, Zeek. Parang awa mo na"
"Naku. Hindi po Sir. Hindi ako ganyan"
"Nagbibiro lang ako, Zeek. Ito naman. Masyadong seryoso" pero walang sagot ang binata sa kanya at sinimulan niya na lang ikuwento ang nakaraan ng kanilang hotel "Well. My late grandfather founded this hotel way back 1971. It's been 46 na ang hotel. Forty-six long years for giving both comfort ang luxury sa mga tao"
"Wow. Tagal na po pala, Sir"
"Yup. Sobrang tagal na talaga. Pero believe it or not, marami ding mga problema ang dumaan sa hotel bago pa siya naging five-star hotel"
"Talaga po? Mga anong problema po iyan?"
"Muntikan nang malugi ang negosyo ni Lolo noon. Dahil sa malakas na kompitensiya sa ibang hotels" kwento niya kay Zeek "Well, lalung-lalo na sa The Fifth Season Hotel, who owned by the Dy Group of Companies" habang inaalala niya ang nakaraan "May kwinento pa nga sa akin si Daddy noon, na may balak pa daw si Lolo na ibenta na lang sa mga Dy ang hotel namin dahil malulugi na ito. Pero pinigilan siya ni Lola at nakinig naman siya"
"Mabuti naman po at nakinig ang Lolo mo, Sir. Tignan mo po ngayon ang hotel, isa nang sikat at marangya. Nakikisabay na sa ibang sikat na mga hotel dito sa Pilipinas" dugtong ni Zeek "Pero paano niyo po pala napatayo muli ang hotel?"
"Sabi daw ni Daddy noon, humingi siya ng tulong sa kanyang kaibigan. Umutang siya ng malaking pera para pagandahin at ibangon ang kanyang hotel" kwento niya kay Zeek "Mabait ang negosyante niyang kaibigan dahil hindi niya ito pinabayad sa kanyang ibinigay na pera"
"Talaga po? Wow. Mabuti naman po kung ganon"
"Oo. Mabait nga ang kaibigan ni Lolo. Pero may kondisyon na ibinigay ang kanyang kaibigan na nagpabago sa buhay namin, lalung-lalo na ako"
"Ano po yon, Sir?"
"Wala" sagot ni George "Nevermind na lang. Kalimutan mo na lang pinag-usapan natin. It's too personal"
"Sige po. Pasensiya na" sagot ni Zeek "Ito na lang po ang last question ko, Sir. May mga problema pa rin ba kayong pinagdadaanan sa hotel?"
"Of course. Hindi talaga maiiwasan na may mag-reklamo sa service na ibinigay namin" paliwanag ni George "Lalung-lalo na sa social media, mas maraming tao ang nagba-bash sa hotel. Alam mo naman ang ibang tao, hindi talaga makokontento kahit maganda na ang serbisyon na ibinigay sa kanila"
"Kung sa bagay" pagsang-ayon naman ni Zeek "E sino po yung nagbabasa ng mga bad reviews ng hotel sa social media?"
"Si Lucas. My former assistant" sagot ni George "Naalala mo siya?"
"Opo. So, matagal na po pala siya nagtatrabaho sa inyo?"
"Hmmm. Hindi naman" habang inaalala niya ang unang araw noon ni Lucas "Siguro more or less two years siya dito sa amin"
"Kamusta naman po siya bilang empleyado?"
"Bakit mo naman naitanong?"
"Wala naman po. Curious lang kasi ako. Baka mas magaling siya kesa sa akin"
Napangiti si George sa sinabi ni Zeek tungkol kung sino ang mas magaling sa kanila ni Lucas. “Zeek. It’s your first day bilang assistant ko, pero you’re doing well naman. At kung sex ang pag-uusapan natin, well, you’re hotter than him” gumanti naman ng ngiti ang binata sa puri sa kanya “Kidding aside, he’s good. Isang mabait at masipag din siya na bata noong nag-uumpisa pa lamang siya. Pero habang tumatagal ay unti-unting lumalabas ang tunay niyang kulay. Siguro, naging kampante na siya sa kanyang trabaho at dahil hindi ako nagagalit sa kanya”
"Siguro nga po" tanging sambit ni Zeek "Gusto ko nga po siyang makilala eh"
"Bakit gusto mo siyang makilala? Type mo?"
"Naku. Hindi po. Gusto ko lang kasi na magpaturo sa kanya kung ano ang mga galawan niya doon sa'yo bilang assistant mo. Sir"
"Bakit pa? Andito naman ako ah. Ayaw mo ba na ako ang magturo sa'yo?"
"Gusto naman po. Pero baka nakakasagabal na ako sa'yo eh. Dahil may mga trabaho ka din" paliwanag niya sa kanyang amo habang nagmamaneho "At isa pa, tumagal siya bilang assistant mo eh. Mas marami siyang naranasan at alam sa trabaho na iniwan niya. Kaya gusto ko siyang makilala at makausap"
"So, what do you want?"
"Ahhmm. Kung okay po sana, Sir. Gusto ko po siyang makausap ng personal eh"
"Sige" sagot naman ni George "Ipapakausap kita sa kanya bukas. Remind mo lang ako, Zeek"
"Okay po Sir. Salamat talaga"
Lumipas ang ilang sandali ay bumaba na si Zeek sa may kanto na malapit sa kanila. Kaagad naman siya nagpaalam at nagpasalamat sa kanyang boss dahil inihatid siya nito.
Habang lumalakad papalapit si Zeek sa kanilang bahay, nakita niya ang kanyang ina na nakatayo sa may pintuan. Naghihintay sa pagdating niya dahil nag-aalala na ito kasi hindi pa nakakauwi ang anak.
Pero hindi pinansin ni Zeek ang ina at dumerecho ito papasok ng bahay. “Anak. Bakit ngayon ka lang?” panimula ni Vivian habang sinusundan ang anak papasok ng bahay “Diba kanina pang alas-tres ng hapon natapos ang shift mo?” hindi niya sinagot ang ina. Kumuha lang siya ng kutsara’t tinidor at pinggan para kumain ng hapunan. Umupo agad ito sa hapagkainan at kumain “Anak. Bakit hindi mo ako sinasagot? Galit ka pa rin ba sa akin?”
"Ma. Gutom ako" sagot ni Zeek "Mamaya na lang tayo mag-usap"
"Sige. Pero pinag-aalala mo kasi ako, anak. Akala ko kasi galit ka pa rin sa akin eh"
Sa sobrang inis at pagod ay binagsak ni Zeek ang kanyang kubyertos. Hinarap ang kanyang ina “Oo. Masama ang loob ko sa’yo dahil kinuha mo ang pera ko ng walang sabi-sabi at ginastos sa bisyo mo. Ma naman…”
"Sorry na nga anak. Pinilit lang kasi ako nila eh"
"Teka. Magkano ba ang kinuha mo...?"
"P10,000" yuko muli ni Vivian na tila nahiya sa kanyang ginawa.
"Ano?! Ang laking pera nun, Ma" at tumayo si Zeek na parang hindi alam kung ano ang kanyang gagawin "Hindi ko pa nga nababayaran si Sir George kahit kaunti eh. Tapos kumuha ka pa ng ganyang kalaking pera?"
"Pasensiya na anak. Alam ko na may kasalanan ako. Babayaran ko na lang"
"Babayaran..?? Paano mo ako babayaran, Ma? Saan ka kukuha ng pera? Sa bisyo mong yan? O sa pagtitinda ng mga kakanin?!!" sigaw niya sa kanyang ina "Ni pambayad nga sa ilaw, hindi yan mababayaran eh. Sa pambayad mo pa sa akin? Huwag na. Mamumuti lang ang mga mata ko, hindi mo pa makahalati ang utang mo sa akin!!"
Bigla niyang sinampal ng malakas ang anak dahil nagulat ito sa pang-iinsulto nito sa kanya “Ano ang karapatan mo na insultuhin ang hanapbuhay ko?? Sa pagtitinda ko ay nakaaral ka sa isang malaking unibersidad. Kahit mahirap, pinilit ko na makatapos ka sa pag-aaral mo. Kulang na lang na ibenta ko ang sarili ko para makabayad ka lang sa tuition mo” sabay sa pagtulo ng luha ni Vivian “Tapos iinsultuhin mo lang ako..?? nang dahil sa pera mong yan. Akala mo kung sino ka na” at pinunasan ni Vivian ang kanyang mga luha “Ngayon ay alam ko na, hinding-hindi na ako magtitiwala o umasa sa mga pinangako mo sa akin noon. Dahil kahit ngayon ay pinapakita mo na ang totoo mong ugali”
Umalis kaagad si Vivian sa harap ng anak habang umiiyak. Nakatayo lamang si Zeek na parang istatwa at nahimasmasan sa sinabi niya sa kanyang ina. Inisip niya na bukas na lang siya hihingi ng tawad sa ina dahil alam niya ay nasasaktan pa ito at kailangan niya pa ng oras.
Samantala. Sa bahay ng mga Salcedo.
"Bakit ngayon ka lang?" panimula ni Bek habang papasok si George ng kanilang bahay "Saan ka pa pumunta? At sino ang kasama mo?"
"Bek please. Huwag mo akong umpisahan muli ng gulo dahil hindi pa tayo tapos sa gulo natin" sagot ni George na derechong naglalakad patungo sa hagdan.
"Huwag mo akong talikuran, George. Kinakausap pa kita"
"Bakit pa, Bek? Bakit pa tayo mag-uusap? E mag-aaway na naman tayo"
"Kasi umaarte ka na wala lang sa'yo. Parang wala kang pakialam sa feelings ko"
"Tsk. Ewan ko sa'yo" habang umaakyat siya sa hagdan.
"Sagutin mo nga ako" at hinabol niya ang asawa "Sino ang kasama mo kanina? Kabet mo noh?"
"OO!!" sigaw ni George sa kanya. Hindi niya na kasi mapigilan ang paulit-ulit na panunumbat sa kanya ng asawa "KABET KO ANG KASAMA KO KANINA! O ano?? Masaya ka na?!"
May halong inis at sakit ang naramdaman ni Bek sa kanyang narinig na sagot sa asawa. Sinampal niya ito ng malakas pero napigilan ito ni George ng kanyang kamay. “Hayup ka, George. Napaka-hayop mo. Hindi ka na talaga magbabago”
"Iyon ang gusto mong marinig diba? Ang may kabet ako. Well, sasabihin ko na sa'yo. MERON!"
"Walang hiya ka, George. Ano ba ang ginawa ko sa'yo, bakit mo ako ginaganito" buhos ng mga luha ni Bek "Sino siya..?? Sino ang kabet mo?? Si Lucas ba..?" at napaupo siya sa hagdan. Hindi sumagot si George at tuluyan nang umakyat papunta sa kanilang silid habang si Bek naman ay hinahawakan ang kanyang dibdib na parang hindi ito makahinga. "Bumalik ka dito hayup ka... SINO SIYA!!"
Kinabukasan.
Pagkagising na pagkagising ni Zeek ay kaagad siyang lumabas ng silid upang hanapin at kausapin ang kanyang ina na si Vivian. Nakonsensiya kasi siya sa mga sinabi niya sa kanyang ina at gusto niyang humingi ng tawad dito.
Nakita niya ito sa kusina na nagluluto ng kanilang agahan. Walang sabi-sabi ay niyakap niya ang kanyang ina. Doon na bumagsak ang kanyang luha.
"Ma. Patawarin po ninyo ako. Sa mga nasabi ko sa'yo kagabi" iyak ni Zeek "Hindi ko po iyon sinasadya, Ma"
Kinuha ni Vivian ang mga braso na nakapulupot sa kanya at kaagad humarap sa anak. Niyakap niya din ito ng mahigpit “Pinapatawad na kita, anak. Alam mo naman na hindi kita matitiis diba? Dahil mahal na mahal kita, anak? Tapos na yon”
"Mahal na mahal din kita, Ma" iyak pa ni Zeek sa ina "Patawarin ninyo ako"
"Shhh. Tahan na anak" habang niyayakap pa niya ng mahigpit ang anak "Kalimutan mo na iyon"
"Pero Ma. Pangako ko sa'yo. Ibabalik ko ang pera kay Sir George"
"Ha? Bakit mo naman ibabalik sa kanya?"
"Kasi ito ang dahilan kung bakit ako nagkaganito eh" sagot niya sa ina "Inaamin ko na naging mayabang ako dahil nabulag ako sa pera. Tapos napagsabihan pa kita ng masasakit na mga salita"
"Naiintindihan ko naman iyon, anak. Pero paano ka? Mga gastusin mo sa pang araw-araw mo?"
"Okay lang ako, Ma. Ako na ang bahala dun. At tsaka, hindi ko na kailangan yan" sambit ni Zeek "Dahil may trabaho na ako"
Nanlaki ang mga mata ni Vivian sa galak dahil sa binalita sa kanya ni Zeek “Totoo ba ang narinig ko, anak? May trabaho ka na? Saan? Paano?”
"Doon din sa hotel, Ma" panimula ni Zeek sa pagkukuwento "Kinuha ako ni Sir George bilang assistant niya dahil sinisante niya na ang una niyang assistant"
"Talaga, anak? Naku. Masayang-masaya talaga ako sa binalita mo sa akin ngayon" dugtong ni Vivian na naluluha ang mga mata sa tawa "Sa wakas, unting-unti mo nang naaabot ang mga pangarap mo"
"Oo Ma. Nakita kasi ni Sir George ang sipag at determinasyon ko kaya kinuha niya ako"
Hinawakan naman ni Vivian ang kamay ng anak ng mahigpit at tinignan niya ito sa mga mata “Deserve na deserve mo yan anak. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon”
"Salamat Ma. Salamat sa tulong mo sa akin"
"E kailan ka mag-uumpisa sa trabaho mo, anak?"
"Nagsimula na po ako kahapon, Ma" paalam niya sa kanyang ina "Sasabihin ko sana sa'yo ito nung isang araw kaso nag-away tayo"
"Ganon ba? Sayang naman" buntong-hininga ni Vivian "Hayaan mo na, ang importante ay alam ko na... at masayang-masaya ako sa'yo anak"
"Salamat ulit, Ma"
"E anong oras ang duty mo, anak?"
"Alas-diyes pa po ng umaga. Tapos alas-otso na ng gabi magtatapos" paliwanag niya kay Vivian "Pero nag-oovertime kami minsan ni Sir George at pasado alas-diyes na kami nakakauwi. Katulad kagabi"
"Ahhh. Kaya pala ginabi ka anak" sambit ni Vivian "Akala ko nga galit ka sa akin eh. Yon pala, may trabaho ka na. At hindi mo naman sinabi sa akin"
"Oo Ma" at niyakap niya muli si Vivian "Sorry po kung hindi ko nasabi sa'yo"
"Nagbibiro lang ako anak" ngiti naman niya kay Zeek at hinalikan niya ito sa noo "Sige na anak, umupo ka na sa hapagkainan at tatapusin ko na ang niluluto ko"
"Sige Ma" at sinunod niya naman ito at kaagad umupo "Dito lang ako"
Pinagpatuloy nga ni Vivian ang pagluluto ng kanilang agahan. Nang matapos, ay kaagad silang kumain at nagligpit ng kanilang pinagkainan.
Pasado alas-nwebe na ng umaga umalis si Zeek ng kanilang bahay para pumunta sa kanyang trabaho.
Itutuloy…
TIA: Chapter 19 (Katotohanan)
Dinala ni Zeek ang natirang pera na ibinigay sa kanya ni George papuntang trabaho. Balak niyang isauli ito at sigurado na siya doon dahil iyon ang dahilan kung bakit nagtatalo sila ng kanyang ina.
Nang pagpasok niya ng gusali ay nakita siya ni Owen. Nagmamadali itong pumunta kay Zeek upang batiin ang kaibigan.
"Oh brad. Kamusta ka na?" bati ni Owen sa kanya.
"Ito. Okay lang naman"
"Totoo ba ang bali-balita?"
"Na ano..??" biglang tumibok ng mabilis ang puso ni Zeek at parang kinakabahan ito. Alam na ba ni Owen ang pinagagawa nila ng may-ari sa opisina nito?
"Na natanggap ka na dito? May balita kasi na nagtatrabaho ka na sa ilalim ni Sir George eh"
"Ahhh, Yun ba?" at napahinga ng maluwag si Zeek dahil mali ang kanyang kutob "Oo. Totoo brad. Executive Assistant niya na ako"
"Wow. Talaga? Grabe ka brad. Napaka-swerte mo talaga"
"Hindi naman. Naging masipag lang siguro ako"
"Talaga?" at lumapit si Owen sa kanya at may ibinulong ito "Yung totoo, brad. May kapalit ba?"
"Ano? Ano ang ibig mong sabihin? Anong kapalit?"
"You know what I mean" sagot ni Owen "Diba, naikuwento ko na sa'yo ang tungkol sa tsismis na yon? Yung tungkol sa boss natin na may ginagamit na lalaki" paalala niya kay Zeek "Don't tell me na isa ka na rin sa kanila"
"Ha? Ano ba yan. Hindi noh!"
"Magsabi ka na ng totoo, brad. Atin-atin naman ito eh. Hindi ko naman ipagsasabi sa iba"
"Ewan ko sa'yo. Bahala ka nga sa buhay mo" iniwan niya si Owen na nakatayp sa gitna ng lounge ng hotel.
Kaagad siyang nagtungo sa elevator para pumunta sa opisina ng kanyang boss na si George.
Nang pagkadating niya sa kanyang maliit na pwesto sa labas ng opisina ng may-ari, kaagad niyang kinuha ang planner at binuksan. Binasa niya ang mga nakasulat na schedule sa araw na iyon.
Nang matapos niyang basahin ang schedule ng amo ay kaagad siyang pumasok para ipaalam kay George ang tungkol doon.
"Good morning, Sir" bati ni Zeek habang papalapit siya sa mesa ng kanyang amo.
"You're late. Again" sagot nito.
"Hindi po, Sir. I'm ten minutes earlier" tanggol niya sa kanyang sarili "Hindi ako pwedeng magkamali dahil kaka-tsek ko lang ng oras"
"Very well. Congratulations"
"For what, Sir?"
"For not being late" tumayo si George sa kanyang upuan at dahan-dahang lumapit sa likuran ng binata. "And for that. You have a prize" sabay himas sa pwet ni Zeek.
Biglang sumagi sa isipan niya ang tungkol sa pera na tinanggap niya. Isasauli niya nga ito at dahil doon ay hindi na siya magpapagalaw sa kanyang boss.
"Huwag po, Sir" at lumakad siya palayo sa kanyang amo.
"Bakit? Ayaw mo ba?"
"Ayaw ko po"
"Why? Wala ka bang sa-mood?" sabay ngiti ni George "Hindi ka naman siguro babae na dinadatnan"
"Ayaw ko lang, Sir"
"Ganon? Ayaw mo? E sayang naman ang ibinigay ko sa'yo na pera. Remember, may kalahati ka pa dito sa akin"
"Tungkol nga pa dun, Sir" dugtong ni Zeek "Gusto ko na pong ibalik ang natirang pera na ibinigay ninyo sa akin. At ang nagamit ko naman, babayaran ko lang po ng paunti-unti"
Nabigla si George sa pinaalam sa kanya ng kanyang assistant. Hindi niya talaga ito inaasahan. “What?! NO. Hindi pwede. Kailangan pa kita”
"Pero Sir. Ayaw ko na" sagot niya "Andito naman po ako Sir eh. Hindi naman kita iiwanan. As your assistant but not as your fuck buddy"
"NO!" sigaw ni George "Hindi ako papayag. At sino naman ang nagsabi sa'yo na pwede kang umatras sa usapan natin? Tandaan mo, Zeek. Andito ka sa hotel ko kaya karapatan ko na sundin ang gusto ko at karapatan ko na ako ang magdesisyon kung itigil na o hindi"
"Intindihin mo naman ako, Sir. Ayaw ko na. Parang awa mo na"
"Pero gusto ko pa, Zeek. At ano naman ang pumasok sa utak mo na itigil na ito ha?!"
"Kasi po nag-aaway na kami ng Mama ko eh. Kapag pera na ang pinag-uusapan" paliwanag ni Zeek sa amo "Nahalata ko na rin kasi na parang nag-iba na ang ugali ko nung nakatanggap ako ng pera mo, Sir"
"Nag-iba ka?" ulit ni George "In what way?"
"Kasi napagsalitaan ko na ang Mama ko ng masasakit na salita" kuwento ni Zeek "Hindi katulad nang dati na naglalambingan kami"
"So.. sa tingin mo, Zeek. Ang pera ang dahilan kung bakit umiba na ang ugali at pakikitungo mo sa ina mo? Ganon ba yon?"
"Opo Sir, Ganon nga po"
Napangiti na lang si George sa naging dahilan sa kanya ng binata “You’re so cute, Zeek. Lalo kitang pinanggigilan sa mga sinasabi mo”
"Hindi po ako nagbibiro, Sir. Please po. Makinig ka naman po sa akin"
"Yes. I know" dugtong niya "Naiintindihan ko naman kung saan ka nanggagaling. Sige. Kung iyan talaga ang gusto mo at ayaw mo na, tatanggapin ko na lang ang desisyon mo"
"Maraming salamat, Sir" at lumiwanag ang mukha ng binata. Kinuha ni Zeek kaagad pera sa kanyang bag at ibinigay ito kay George "Babayaran ko na lang po ng paunti-unti ang kulang"
"Fifteen thousand pesos" sagot ni George "Iyon ang kulang dito"
"Opo. Yan nga po"
"At paano mo ako babayaran? Saan ka kukuha ng pera?" tanong niya kay Zeek "Sa sweldo mo dito? Na kung saan ako rin ang nagpapasweldo sa'yo?"
"Opo Sir"
"I'm sorry. Hindi ko tatanggapin ang offer mo" dugtong ni George "Pasensiya na Zeek. Pero parang talung-talo ako kapag iyan ang gusto mo"
"Pero Sir. Maawa naman po kayo sa amin" pagmamakaawa niya kay George "Tanggapin niyo na po ang gusto ko. Parang awa mo na"
"Zeek. Ginagawa ko nga ito para sa'yo at ng Mama mo" paliwanag niya sa binata "Binabayaran kita kapallit ng serbisyo na ibinibigay mo sa akin. Bakit ayaw mo pa?"
"Kasi mali nga po, Sir" sabat ni Zeek "Mali dahil niloloko natin ang asawa mo. Oo. Alam ko na tinutulungan mo kami ng Mama ko at nagpapasalamat ako diyan ng malaki. Pero mali po ito, Sir. Mali talaga"
"Bakit? Paano mo masasabi na mali ang ginagawa ko? Na kung sa umpisa pa lang ay hindi ko na mahal ang asawa ko. Na pinilit lang ako ipakasal sa kanya dahil sa usapan nila noon"
"Usapan? Ano pong usapan?"
"Naalala mo yun kwinento ko sa'yo na kaibigan ng Lolo ko? Ang taong tumulong sa kanya para ibangon muli ang hotel?" at tumango naman si Zeek bilang sagot "Hindi pinagbayad si Lolo ng mga tinulong sa kanya kundi binigyan siya ng kondisyon. Isang kondisyon na nagpabago sa buhay ko" habang inaalala niya muli ang nangyari noon "Ito ay ang pagpapakasal ng mga apo nila sa oras na tumapak sa tamang edad. Para daw masigurado na hindi lalabas sa pamilya ang negosyo at pambayad sa utang namin sa kanila"
"Ang ibig mong sabihin, Sir. Lolo ni Ma'am Bek ang kaibigan ng Lolo mo?"
"Tama ka, Zeek. Yon nga ang dahilan kung bakit pinakasalan ko si Bek. Para makabayad kami sa utang"
"So, arranged marriage lang pala ang sa inyo..?"
"Tama ka, Zeek" sagot ni George "At iyon ang dahilan kung bakit nagkaganito ako sa kanya. Yes, mahal ko siya pero iba talaga ang totoo kong mahal" at biglang tumulo ang luha ni George dahil naalala niya ang una niyang mahal "And that's Anthony"
"E nasaan na po siya, Sir?"
"Hindi ko alam. Pero ang huli kong narinig na balita sa kanya ay umalis siya ng Pilipinas para doon ituloy ang kanyang buhay" habang pinunasan niya ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata "Alam ko na nasaktan siya sa ginawa ko dahil mas pinili ko pa si Bek over him. Hindi ko naman siya masisisi. Naging gago ako"
"Bakit po? Hindi niyo naman siya ipinagtanggol ang relasyon ninyo?"
"I tried. God knows I tried" sagot ni George "Nung araw na nasa bahay siya, at may nangyayri sa amin. Hindi ko pala alam na nakasunod sa akin si Bek. At doon niya na ako nahuli" kuwento niya kay Zeek "Doon na din lumakas ang loob ko na hiwalayan siya. And I did, nag-break kami at naging maligaya kami ni Anthony noon" patuloy pa rin ang pagkukuwento ni George sa kanya "Pero isang araw, tumawag ang Daddy ni Bek. Nagmamakaawa siya sa akin na balikan ko ang anak niya dahil konti na lang daw ay mag-me-mental breakdown na siya"
"So, iyan po ang rason kung bakit niyo siya pinakasalan?"
"Yes. Natatakot ako baka ako pa ang rason kung mababaliw ang anak nila at mag-pu-pull-out ang shares nila sa hotel"
Hindi makapagsalita si Zeek ng ilang minuto dahil nagulat siya sa totoong kuwento ng kanilang kasalan. Naaawa na ito kay George dahil sa mga sakripisyo nito sa pamilya at sa kanilang negosyo.
"I'm sorry po, Sir" sambit ni Zeek "Ngayon ay alam ko na ang katotohanan. Naiintindihan ko na kung bakit kayo nagkaganyan. Sorry po ulit kung hinusgahan kita"
"It's okay Zeek. Sanay naman ako na hinusgahan ako eh" sagot niya sa binata "Sanay na ako mula noon nung magkarelasyon pa lang kami ni Anthony at hanggang ngayon. Hindi talaga maiiwasan yan"
"Pero naaawa ako sa'yo, Sir. Paano ang kaligayahan mo?"
"Well that's why, andito ka diba? Sa'yo ko lang naramdaman muli ito. Ang kaligayahan na hindi nabibigay ng asawa ko" sambit niya sa binata "And I'm sorry kung nadamay ka sa problema namin" at hinawakan niya ang kamay ni Zeek at hinalikan ito "I love you, Zeek. Mahal na mahal kita. Please, Don't leave me"
"I won't Sir. Don't worry" sagot ni Zeek sa kanya "Naiintindihan ko na talaga ang pinagdadaanan mo ngayon. Pero sana po, maiintindihan mo rin kung bakit ayaw ko na sa ginagawa natin"
Tumango na lang si George sa sinabi ng binata sa kanya “Sige. I understand. Pero hayaan mo na lang na tulungan ko kayo ng Mama mo. Kahit wala nang kapalit na sex”
"Bakit naman po? Bakit gusto mo kaming tulungan?"
"Kasi naaawa ako sa'yo. Sa'yo ng Mama mo"
"Naaawa?" ulit ni Zeek na parang nagtataka sa kanyang dahilan "Bakit naman kayo naaawa sa akin? E empleyado mo lang naman ako. Kung gusto mo talaga akong tulungan, huwag mo akong bigyan ng pera. Hayaan mo ako na pagtrabahuin ko ang pera na natatanggap ko"
"Pero kahit na, Zeek. Let me do this for you"
"Bakit nga po? Hindi ko kasi naiintindihan eh"
"Mahal nga kita, Zeek. Sinabi ko na sa'yo yan kanina" sagot niya sa binata "Ayaw kong nakikita kitang nahihirapan. Lalung-lalo na sa paghahanap ng pera. Sa totoo lang, kayang-kaya ko kayong buhayin ng Mama mo eh. Para hindi lang kayo nahihirapan"
Matagal nakasagot si Zeek sa totoong gusto ni George sa kanya “Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, Sir. Alam ko na mali ito pero parang nagdadalawang-isip ako sa’yo”
"Then sundin mo lang kung ano ang laman ng puso mo. Huwag mong pigilan ang nararamdaman mo" at hinigpitan niya pa lalo ang paghawak sa kamay ng binata "Mahal kita, Zeek. Mahal na mahal"
"Sorry Sir, I can't decide pa eh. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko"
"Sige. I'll give you time para makapag-isip. Alam ko naman na naguguluhan ka pa ngayon sa mga nalaman mo tungkol sa nararamdaman ko sa'yo" binatawan niya ang kamay nito sa binata "Sana hindi magbago ang pakikitungo mo sa akin. Sana ganon pa rin tayo katulad nang dati"
"Don't worry po"
"Mabuti naman kung ganon, Zeek. Sige na. Pwede ka nang lumabas" sambit niya kay Zeek habang umupo muli sa kanyang upuan "Bumalik ka na sa trabaho mo"
Bago siya umalis ay iniwan niya muna sa mesa ni George ang natirang pera na ibinigay sa kanya ng amo. Hindi naman ito pinansin ni George at tinignan lamang ang binata na lumakad palabas ng kanyang opisina.
Alas-singko ng hapon nang bumaba si Zeek mula sa opisina sa taas para magbreak. Nakapagpaalam naman siya sa kanyang amo na bababa at kakain ito dahil gutom na gutom na siya kasi hindi pa siya kumakain.
Nang pagkaupo niya sa hapagkainan ng locker-room para doon kumain ay may biglang pumasok at binati siya. “Uy Brad” sambit ni Owen. Napalingon naman si Zeek sa kanya. Hindi niya ito pinansin at kaagad bumalik sa kanyang pagkain “Wow ang suplado naman. Porke empleyado ka na dito ha, hindi ka na namamansin”
"Hindi naman sa ganon, brad" dugtong ni Zeek pagkatapos lunukin ang pagkain nasa kanyang bibig "Gutom na gutom na kasi ako. Tapos sobrang busy pa ako sa taas"
"Ganon? Ano naman pinagka-busyhan mo sa taas? Sex?"
"Yuck! Ano ba yan" sigaw ni Zeek "Paperworks siyempre"
"Hmmm.Talaga?"
"Oo naman. Ano ba ang akala mo sa akin? Callboy?"
"Hindi naman" ngiti ni Owen "E bakit napaka-defensive mo?"
"Hindi ako defensive. Naiinis lang ako sa mga sinasabi mo"
"Sorry na, brad" sabay tawa ni Owen "Ito naman. Ang pikon mo. Nagbibiro lang naman ako eh" tumingin lang sa kanya si Zeek habang ngumunguya ng pagkain "So, kamusta pala bilang isa nang empleyado ng hotel na 'to? Masaya ba?"
"Okay lang naman. Medyo busy. Tumatanggap ng tawag ng mga kliyente at nag-aarange ng schedule niya" paliwanag ni Zeek. "Mahirap at nakakapagod"
"Mahirap ba yon? Parang ang dali-dali lang yun eh"
"Sa pakawari mo, madali. Pero kung ikaw na siguro sa pwesto ko, mahihirapan ka din"
"Talaga?" dugtong ni Owen "Paano ka nga nakapasok, brad?"
"Hindi ko ba sinabi sa'yo?"
"Malamang hindi" sagot naman nito sa kaibigan "Naputol nga kanina ang usapan diba?"
"Oo nga pala. Nagmamadali pala ako kanina"
"So ano nga? Paano ka natanggap dito?"
"Hmmm. Hindi ko rin alam eh" habang inaalala niya ang nangyari noon "Bigla lang naman ako pinatawag ni Sir George at inalok niya ako kaagad ng trabaho"
Patuloy pa rin ang pagkukuwento ni Zeek sa kanyang kaibigan habang malakas ang kabog ng dibdib. Kinakabahan ito baka madulas siya sa kanyang sinasabi at maikuwento niya ang sikreto nila ni George.
Itutuloy…
TIA: Chapter 20 (Ibang Mahal)
Nasa loob pa rin ng locker-room ang dalawang magkaibigan. Patuloy pa rin ang kanilang kuwentuhan tungkol sa pagpasok ni Zeek sa hotel at kung paano siya doon nagkatrabaho.
"Yun lang pala, brad? Pinatawag ka lang niya at nagkaroon ka lang ng trabaho. Bilang assistant niya?" ulit ni Owen "Wow. Ang lakas mo talaga sa kanya, brad"
"Hindi naman, brad. Magkaibigan lang kami ng matalik ni Sir George" tanggol ni Zeek "Siguro nagkataon lang na bagay sa akin ang trabaho"
"Sigurado ka..?"
"Oo naman. Bakit? Hindi ka ba naniniwala?"
"Naniniwala naman. Pero kasi brad" at linapit ni Owen ang bibig niya sa tenga ng kaibigan "May usap-usapan kasi sa taas na ikaw na daw ang bagong lalaki ni Sir George. Totoo ba yun?"
"Lalaki?? What do you mean?"
"Yong lalalki na binabayaran for sexual pleasure"
"Uy grabe ka naman, brad. Kanina ka pa ha. Hindi ah"
"Yung totoo brad? Sige na. Sabihin mo na sa akin" pagpumilit ni Owen "Hindi naman ako magsusumbong eh. Ating-atin lang 'to"
"Anong sasabihin ko sa'yo..?? E wala naman akong tinatago"
"Brad naman. Wala ka bang tiwala sa akin?" pangungumbinsi niya kay Zeek "Magkaibigan tayo. Pwede mo namang i-share yung sikreto mo sa akin"
Biglang natahimik at napaisip ng malalim si Zeek. Marahil ay ito na ang oras na sabihin niya na sa kanyang kaibigan ang tungkol sa kanila noon ni George. Tutal naman ay tapos na ang naging kasunduan nilang dalawa. Pwede niya nang ikuwento siguro ito kay Owen.
"Sige na nga" sabay buntong-hinga ni Zeek "Pero pangako ha. Huwag kang maingay"
"Oo brad. Pangako"
"Hmmm. Totoo yun brad" panimula niya "Ginamit ako ni Sir George at binayaran ng pera kapalit sa serbisyo ko sa kanya"
"YUN!!" sigaw ni Owen "Tama ang duda ko sa inyong dalawa ni Sir George. Hindi ako nagkamali"
"Huuy. Tumahimik ka nga. Huwag kang maingay" at tinakpan ni Owen ang kanyang bibig "Pero tapos na yon, brad. Pinagsisihan ko na iyon at ibinalik ko naman ang pera"
"Ha?? Bakit mo naman ibinalik?" napakunot ang noo ni Owen sa sinabi sa kanya "E pera na yon. Sayang naman. Haaay. Grabe ka. Napaka-swerte mo"
"Anong swerte...? E tinanggihan ko na nga" sagot niya kay Owen "Parang nadudumihan na kasi ako sa sarili at nag-aaway na kami ng Mama ko. Nagkapera nga ako pero binababoy ko naman ang pagkatao ko"
"Kahit na, brad" sagot niya kay Zeek "Magiging praktikal ka na lang sa mga panahon na ito. Alam mo naman na sobrang mahal na ng mga bilihin ngayon. At isa pa, lalaki ka naman. Wala namang mawawala sa'yo"
"Pero ang pangit lang kasi brad eh. Nandidiri talaga ako kapag naaalala ko ang mga ginawa namin"
"Sus. Ngayon ka pa talaga nandiri? E ilang beses na ninyo ginawa yan" habang natatawa si Owen sa kanya "Kung ako sa'yo, tapusin mo na lang ang inumpisahan ninyong dalawa"
"Hanggang kailan naman?"
"Hanggang sa maubos ang yaman niya" sagot ni Owen
"Uy. Sobra ka naman"
"Totoo naman diba? Just take advantage sa mga nangyayari ngayon sa'yo" sagot niya kay Zeek "Maiba ako brad. Magkano ba ang ibinigay niya sa'yo"
"P100,000 sana. Pero kalahati lang ang ibinigay niya sa akin"
"Bakit? Saan naman ang kalahati?"
"Ibibigay niya daw sa akin kapag natapos na ang pinag-usapan namin" paliwanag ni Zeek "Pero nga, tinanggihan ko na diba? Ibinalik ko na lang sa kanya ang pera. Tapos ang nagastos ko, paunting-unti ko siya babayaran"
"Naku. Sayang naman" dugtong ni Owen "Kung ako siguro sa pwesto mo, hindi ko na yan bibitawan. Ikaw kasi eh. Ang hina ng loob mo"
"E ayaw ko na nga. Sinubukan ko na pero hindi ko pala kaya"
"Baki hindi mo kaya? You're not enjoying?"
"Sa totoo lang??" at biglang humina ang boses niya at sasabihin niya na ang totoo niyang naramdaman "Sana hindi mo ako huhusgahan ha? Hindi ko na alam eh" buntong-hininga ni Zeek "Naguguluhan na kasi ako ngayon sa sarili ko kung ano ako talaga. And that's the reason na itinigil ko na habang maaga pa"
"What do you mean, brad?"
"Parang nag-eenjoy na ako sa mga oras na ginagawa namin iyon" kuwento niya sa kaibigan "Yung feeling na, inaangatan ka niya habang nagsesex kami. Kahit na masakit, andiyan pa rin ang care niya sa'yo" tingin niya sa mga mata ni Owen "Yun ang nararamdaman ko sa kanya, brad. Naguguluhan na ako ngayon talaga"
"Yun naman pala eh. Edi i-enjoy mo na lang yan. Wala namang problema kung iyan ang nararamdaman mo, brad. That's normal"
"I know" at biglang napaisip muli si Zeek "Pero..."
"Pero..?" dugtong ni Owen "Bakit brad? May bumabagabag pa ba sa'yo?"
"Meron"
"Ano naman yon?"
"Hindi ano. Kundi sino" sagot ni Zeek "Si Hazel. Yung girlfriend. Actually she's my ex na"
"So? What about her?"
"I still love her" sabay yuko ni Zeek "Kahit na iniwan niya ako at pinili ang kanyang mga magulang. Mahal ko pa rin siya"
"Sus! Wala yan. Ex mo na eh. Ang isipin mo ay kung paano kayo ng Mama mo na makatawid sa kahirapan"
"She's not just my ex, she's my life" tanggol ni Zeek sa kanyang nobya "Inaamin ko na nasaktan ako sa ginawa niya. Galit na galit ako noon sa kanya pero sa kabila ng lahat. I realized na mahal ko pa rin siya. Mahal ko pa rin si Hazel"
"Pero magkalayo na kayo, brad. Andito ka sa Pilipinas at doon na siya sa Amerika" pangungumbinsi ni Owen sa kaibigan na itigil na ang naramdaman niya kay Hazel "Wala na kayong pag-asa na magkabalikan"
"Hindi. Nagkakamali ka. Mahal niya ako. At mahal ko siya" paninindigan ni Zeek "Hinding-hindi kami maghihiwalay sa mga puso namin"
"Kalimutan mo na siya, brad. Ang isipin mo ay ang ngayon. Ang kinabukasan mo at ng ina mo"
"Ayaw ko" pagmamatigas pa niya kay Owen "Anong kwenta ng maraming pera kung hindi mo naman kasama ang totoo mong mahal. Pagkatapos ng trabaho ko ay kaagad ko siyang tatawagan. Sasabihin ko sa kanya na maghihintay ako sa kanya hanggang sa muli niyang pagbalik"
"Bahala ka, brad" sumuko na lang si Owen sa pangungumbinsi sa kanya dahil buo na talaga ang kanyang loob "Sana hindi ka magsisisi sa desisyon mong yan"
"Hindi talaga ako magsisisi brad. Hinding-hindi"
Kitang-kita sa mukha ni Zeek na determinado na siyang balikan si Hazel at maghihintay sa muli nitong pagbabalik sa Pilipinas kahit gaano pa ito katagal.
Bumalik sa taas si Zeek nang matapos siyang kumain at nag-usap kay Owen. Buo na talaga ang kanyang desisyon na itigil ang anumang naging pinag-usapan nilang dalawa ni George noon.
Pagkaupo na pagkaupo niya sa kanyang pwesto, sakto din na lumabas si George at kinausap ito.
"Bakit ang tagal mo sa baba?" tanong niya dito.
"Nag-break po ako, Sir. Diba na nasa kontrata ko na may one hour break ako?"
"I know" sagot niya naman "Ang ibig ko lang sabihin ay hindi ka naman ganyan noon. Na inuubos mo ang isang oras mong break. Kumpara noon na bumabalik ka kaagad dito after 15 to 30 minutes"
"Ganon po ba?" sagot ni Zeek "Pasensiya na po. Kasi pinag-isipan ko ng mabuti ang sinabi ninyo kanina"
"Talaga?? And...?? What's your decision?"
"Buo na po ang loob ko na itigil na natin ng tuluyan ang anumang naging ugnayan natin noon" sambit ni Zeek sa kanya "Employer-employee relationship na lang ang ating ngayon, Sir"
"Sigurado ka na ba diyan?"
"Opo Sir, Sorry to disappoint you"
"It's okay" dugtong nito at dismayado nga sa naging desisyon ng binata "I'll respect your decision. Pero kung sakali man na magbago muli ang isip mo,andito lang ako sa loob ng opisina, Zeek. Naghihintay sa'yo"
"Sige po, Sir. Salamat talaga sa pag-iintindi"
"You're welcome. Sige na. Bumalik ka na sa trabaho mo" sagot ni George "Bababa lang ako dahil may kakausapin ako doon"
Pero habang lumalakad si George palapit ng elevator ay tumutulo ang kanyang mga luha. Talagang nasaktan siya sa naging desisyon ni Zeek at hindi niya ito inaaasahan.
Ilang araw na tulala si Bek dahil inamin na mismo ng kanyang asawa na may kabet ito. Hindi niya inaakala na masakit pa rin pala kahit nagawa na ni George noon sa kanya. Hindi siya makatulog o makakain man lang dahil wala itong gana sa kakaisip sa kanyang problema.
Nakaupo lamang siya sa sofa, tulala habang tumutulo ang kanyang mga luha. Hindi niya man namalayan na pumasok pala si Jen sa bahay at may bitbit na brown envelope.
"Hi Mads" bati ni Jen habang lumalakad papunta sa kanya "Mabuti naman na andito ka" pero nakita niya na parang pagod ang mukha ng kaibigan. Kaagad itong umupo sa kanyang tabi "Mads. Okay ka lang ba? Ano ba ang nangyayari sa'yo? You look haggard"
Biglang na lang ulit tumulo ang luha ni Bek “Tama Mads. All this time, tama ang mga duda ko sa kanya. Hindi pa rin siya nagbabago”
"Ano ang ibig mong sabihin, Mads?"
"Umamin na siya sa akin. Sinabi niya mismo sa mukha ko na may kabet siya" ungol ni Bek sa kakaiyak
"Oh my god" sambit ni Jen na parang nagulat sa narinig niyang balita sa kaibigan "So alam mo na kung sino ang lalaki ni George?"
"Hindi pa, Mads. Hindi ko pa alam"
Napabuntong-hininga si Jen at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng kaibigan “Mads. Meron kang dapat malaman” at tumingin si Bek sa mga mata ni Jen “Pasensiya na kung sinuway ko ang utos mo noon sa akin, pero ginawa ko pa rin, Mads. I’m sorry”
"Ano ang ibig mong sabihin, Mads? Hindi kita maiintindihan"
"I hired a Private Investigator para malaman ang katotohanan kung niloloko ka ba ulit ng asawa mo" at inabot niya ang brown envelope kay Bek. Kinuha naman niya ito at binuksan. Hinugot ang nasa loob nito. Doon nanlaki ang mga mata niya sa kanyang nakita dahil hindi niya inaasahan ang nakita niya sa litrato "Kuha yan, a month ago. Hindi lang isa ang lalaki niya, Mads. Kundi dalawa. Confirmed ang duda mo na si Lucas ang unang kabet" habang nanginginig sa galit at umiiyak si Bek sa kanyang nakikita "Nakikita mo naman diyan kung sino ang bago niya ngayon. Si Zeek. Ang taong pinagkakatiwalaan mo. Hindi mo pala alam na siya pala ang bagong lalaki ng asawa mo at nagtatraidor sa'yo"
"Kaya pala" sambit ni Bek habang nanginginig ito sa galit "Ang tanga ko, Mads. Ngayon ko lang nakuha. Kaya pala kinuha niya ang student intern na yon para magamit niya. Ang sakit..." sambit ni Bek habang nanginginig siya "Tapos pinagkatiwalaaan ko pa siya na siya ang bahala sa pag-iimbestiga, yun pala, isa rin siya. Ahas siya!"
"Mads. Kumalma ka"
"Mga manloloko!!" sigaw ni Bek "Hayup sila"
Tumayo si Bek habang nanginginig ang buong kalamnan dahil sa galit nito. Lumakad siya palabas ng bahay pero hinabol siya ni Jen upang pigilan ito “Mads, saan ka pupunta?”
"Kailangan ko silang makausap. Kailangan nila magpaliwanag sa ginawa nila sa akin"
"Mads, pabayaan mo na sila. Huwag ka nang pumunta sa hotel"
Habang lumalakad si Bek palabas ng gate ay bigla siyang nahilo at natumba. Nakita naman ito ni Jen at kaagad sinalo si Bek. “Mads. Are you alright? Mads. Gising” Doon niya nakita na may daloy ng dugo sa mga paa ng kaibigan. “Oh my god. You’re bleeding. Kailangan mong madala sa ospital”
Hawak-hawak ni Zeek ang bagong bili niyang telepono at tinitignan nito ang detalye ng telepono. Gusto niyang tawagan ang kanyang girlfriend na si Hazel na nasa Amerika. Gusto niya itong balikan at humingi ng pasensiya sa mga nasabi niya noon sa kanya nung bago ito umalis.
May pinindot siya sa kanyang telepono na nasa chat-box ni Hazel at kaagad nag-ring ito. Ilang ulit din niyang sinubukan na tawagan ito para makausap niya si Hazel.
Pagkatapos ng ilang tangkang pagtawag ay sumagot na ito.
Zeek : Hello?
: Hello? Sino 'to?
: Ako 'to, Berry. Nakalimutan mo na ba ako?"
: Berry?? Sinong Berry?
: Si Zeek. Berry naman. Nakalimutan mo na ako?
: Bakit? Anong kailangan mo?
: Wala naman. Namiss lang kita. Ahhhmmm. Berry? Mahal na mahal kita. Pasensiya nga pala sa mga nasabi ko noon nagkahiwalay tayo ha? Masama lang kasi ang loob ko sa'yo noon. Pero naiintindihan ko na ngayon, Berry. Huwag kang mag-aalala, hihintayin kita dito sa Pilipinas. Pangako yan.
: Huwag na. Huwag mo na akong hintayin.
: Ha? Bakit naman?
: Magpapakasal na ako.
: Ano? Kanino? Akala ko ba mahal mo ako, Berry?
: Hindi. Hindi na kita mahal. Nagsisisi ako dahil minahal kita noon. Tama lang ang naging desisyon ko na sumama at nakinig sa kina Mommy at Daddy. Huwag mo na akong aalahanin dahil okay na ako dito sa Amerika. Parang awa mo na, huwag mo na akong tatawagan dahil baka makita ng mapapangasawa ko at mag-away pa kami.
: Berry naman. Don't do this. Mahal na mahal kita.
: Don't call me 'Berry'. Tapos na tayo, Zeek. Pasensiya na pero maghanap ka na lang diyan ng iba.
Binaba na lang ni Zeek ang telepono niya. Hindi niya pa rin inaasahan ang magiging sagot ni Hazel sa kanya, Hindi na siya pala mahal nito at nakakita na itong bago na pakakasalan.
Tulala si Zeek habang tumutulo ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.
Itutuloy…
TIA: Chapter 21 (Depressed)
Tulala pa rin si Zeek sa kanyang narinig sa kanyang nobya na si Hazel. Hindi pa rin siya makapaniwala na ikakasal na pala ang kanyang mahal sa ibang lalaki. Ganon niya lang pala basta-basta kakalimutan ang pagmamahalan nilang dalawa.
‘Sana hindi ko na lang siya tinawagan’
sambit ni Zeek sa kanyang sarili habang tumutulo ang kanyang mga luha
’Kung gaganituhin niya lang pala ako, mas mabuti pa na hindi ko na sana siya nakilala. Sobrang sakit, Hazel. Bakit ginawa mo sa akin ‘to? Napakasama mo’
"Zeek. Are you, okay?" hindi niya pala namalayan na nakatayo doon si George at narinig niya ang buong nangyari at ang iyak ng binata. "Bakit ka umiiyak?"
"I'm fine, Sir. Masama lang ang pakiramdam ko"
"Are you sure? Parang may problema ka" sagot ni George "Andito lang ako para makinig sa mga problema mo"
"Okay lang po ako, Sir. Don't worry. As I said, I'm not feeling well"
"Ganon ba? Well, don't overwork. Magpahinga ka naman"
"Hindi pwede Sir. Kailangan kasi na magsipag ako eh" sagot niya sa kanyang amo "Dami kasing babayaran na utang. Lalung-lalo na ang sa inyo"
"Well. Kung pumayag ka na lang sana sa naging offer ko, hindi ka na sana nahihirapan ngayon"
"It's okay, Sir. Mabuti na ang pinaghihirapan na pera, mas na-a-appreciate ko pa at alam ko na galing sa hirap, hindi tulad noon, malaki nga pero galing naman sa maruming gawain"
"Ouch. That's harsh"
"Sorry Sir. Nagsasabi lang naman ako ng totoo"
"It's fine. Don't need to apologize" sagot naman nito "Just remember na andito lang ako. Maghihintay sa'yo kung magbabago ang isip mo"
"Okay po"
"Good" ngiti naman ni George "Oo nga pala, Zeek. Aalis muna ako. Pupunta muna ako sa ospital"
"Ospital? Bakit po? Anong nangyari?"
"Tumawag kasi ang kaibigan ng asawa ko. Sinugod sa ospital si Bek" paliwanag niya sa binata "Hindi ko rin alam kung ano ang dahilan. Ikaw muna ang bahala dito"
"Sige po. Ako ang bahala dito" sagot ni Zeek "Puntahan niyo na po ang asawa ninyo. Kailangan ka niya doon"
"Okay Zeek. Tatawag lang ako sa'yo kung babalik pa ako o hindi"
"Copy Sir"
Kaagad umalis si George at nagmamadaling nagtungo sa elevator. Samantala si Zeek naman ay nag-aalala sa asawa ni George dahil baka ano na ang nagyari sa kanya.
Kagigising lang ni Bek mula sa isang mahabang pagtulog. Habang paunting-unti bumabalik ang kanyang ulirat ay napansin niya na nakahiga pala siya sa isang pribadong silid ng isang ospital.
"Hi Mads.." bati ni Jen sa kanya habang lumalakad siya papunta sa kama ng kaibigan. "Mabuti naman ay nagising ka na"
"Bakit nandito ako sa ospital, Mads? Ano ba ang nangyari sa akin?"
"Nawalan ka kasi ng malay habang papalabas ka ng bahay" paliwanag ni Jen sa kanya "Mabuti na lang na andoon ako at sinalo kita"
Napatingin si Jen sa pintuan habang pumapasok sa silid ang doktor ni Bek “Good afternoon. Kamusta na ang pasyente natin…?”
"Kagigising niya lang, dok" sagot naman ni Jen.
"Wow. I'm impressed" sambit ng doktor "Kahit maraming dugo ang nawala sa'yo, bumalik na kaagad ang malay mo kumpara sa ibang pasyente ko"
"Dugo..??" habang nakakunot ang noo ni Bek sa sinabi ng kanyang doktor "Ano ba ang nangyari sa akin, dok?"
"Ahmmm. Dok. Salamat sa pagbisita mo, pero kailangan pa ni Bek na magpahinga" pagpigil ni Jen sa doktor na magsalita.
"No dok. Sagutin mo muna ako. Ano ba ang nangyari sa akin?"
"Well, Mrs. Salcedo. Maraming dugo ang nawala sa'yo due to miscarriage" paliwanag sa kanya ng doktor at napalaki ang mga mata ni Bek "I'm sorry to inform you na hindi nakayanan ng baby"
Nanigas na parang bato at nakatulala lamang si Bek sa kanyang narinig na masamang balita sa doktor. “P-paano nangyari ’to, dok? Paano ako nakunan?”
"Hmmm. Maraming causes ang miscarriage like; infection, if you have any medical conditions, hormone problems, immune system responses. Well, in your case, problem or stress. Hindi nakayanan ng bata ang stress ng nanay" pero hindi pa rin nakasagot si Bek dahil hindi pa rin siya makapaniwala. Nahalata naman ito ng doktor ang pag-aalala ng kanyang pasyente at kaagad niyang tinapik ang balikat ni Bek "Bek. I know it's hard. Pero andito lang ako bilang kaibigan mo. Handa ako na makinig sa problemang pinagdadaanan mo ngayon. At alam ko ang tungkol sa pinagdadaanan ninyong mag-asawa at hindi ka niya masisisi"
"Pero baby pa rin ito dok. Nadamay ang bata sa problema naming mag-asawa"
"I know. Pero nangyari na ang nangyari at wala na tayong magagawa diyan" dugtong ng doktor "Ang mas importante ngayon ay makapagpahinga ka at bumalik ang lakas mo"
"Salamat dok" sagot niya habang tumutulo ang kanyang mga luha.
"Sige Bek. Alis na ako"
Kaagad lumakad palabas ng silid ang kaibigang doktor ni Bek. Pero sa kanyang paglabas ay hinabol siya ni Jen para kausapin muli ito nang silang dalawa lang.
"Teo.." tawag ni Jen sa doktor.
Huminto naman ito at lumingon sa kanya. “Bakit Jen?”
"Magiging okay pa ba siya? Nag-aalala na kasi ako sa kaibigan natin" tanong niya sa kaibigan "Baka maulit ang nangyari sa kanya noon... or maybe worse than that, magiging baliw na siya"
"No. Huwag mong sabihin yan, Jen. She will be fine" paniniguro ni Teo kay Jen
"Paano ka namang makakasiguro na hindi na mauulit ang katulad noon?"
"Kasi andito tayo. Andito tayong mga kaibigan niya na tulungan siya sa pinagdadaanan niya ngayon" at tinignan ni Teo ang mga mata ng kaibigan "Jen, ang tanging magagawa lang natin ay ang suporta natin sa kanya. Palagi ka lang sa tabi niya and make her secure and happy, okay?"
"Okay dok. Naiintindihan ko"
"It's my duty to help people, especially our friend" sagot naman niya "And one more thing, pakainin mo siya ng mga prutas na rich in anti-depressant, lalung-lalo na ang may good fats such as omega 3, at painumin mo siya ng mga vitamins"
"Okay dok. Salamat ulit"
"Sige na, Jen. Alis na ako. Maglilibot pa ako sa ospital" paalam niya kay Jen.
Nang bumalik sa loob si Jen sa private room ng kaibigan ay nadatnan niya si Bek na nakaupo na sa kama. Tulala at parang wala na sa sarili.
"Mads..." lapir ni Jen sa kanya "Bakit ka nakaupo? Humiga ka kaya. Magpahinga ka"
"Ayaw ko..." tanging sagot ni Bek.
"Mads naman. Magpahinga ka na, kailangan mo yan"
"Kahit pilitin kong matulog, hindi pa rin ako makatulog, Mads" tulo muli ang luha niya "Kawawa ang baby ko. Wala siyang kasalanan" niyakap ni Jen ang kaibigan ng mahigpit habang umiiyak din ito. "Bakit napaka-unfair ng buhay, Mads? Bakit ako pa ang nagbabayad sa mga nagawa ni George sa akin..?! Bakit ako pa ang pinaparusahan ng ganito..." iyak niya "Ang saklap ng buhay ko...."
Naaawa talaga si Jen sa kanyang kaibigan dahil sa mga masasakit na pinagdadaanan niya ngayon. Niyakap niya lang ito ng mahigpit para mawala kahit papaano ang sakit na nadarama nito.
"Sorry Mads. Sana hindi ko na lang pinakita sa'yo ang nalaman ko" sambit ni Jen "Naging insensitive ako sa mararamdaman mo. Sorry talaga"
"Hindi Mads. Tama ang ginawa mo at huwag kang humingi ng tawad" sagot ni Bek habang pinupunasan ang kanyang mukha dahil sa luha "Siguro panahon na rin para malaman ko na ang katotohanan na niloloko nila pala ako"
"Basta sorry ulit, Mads. Sobrang guilty talaga ako"
"Don't be, Mads. Ito lang siguro ang magiging kapalaran ng buhay ko. Ang palaging niloloko at walang nagmamahal" patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang luha habang nakayakap sa kanyang kaibigan.
"Don't say that. Andito pa kami ng mga kaibigan mong nagmamahal sa'yo" sambit ni Jen "Hindi ka namin iiwanan at lolokohin dahil mahal na mahal ka namin"
"Talaga, Mads??"
"Oo naman. Promise yan" paniniguro ni Jen sa kanya "Mabuti pa kaya na humiga ka na lang at magpahinga" habang inalalayan niya sa Bek sa paghiga.
"Salamat Mads" sambit ni Bek sa kanya "Salamat dahil andito ka pa sa tabi ko at hindi mo ako iniiwan"
"Hinding-hindi, Mads. Pangako yan" sagot niya naman dito
May biglang napansin si Bek sa kanyang kaibigan habang tinitignan ito. “Teka Mads. Matanong ko lang”
"Ano yon Mads?"
"Ilang oras na ba ako dito?"
"Mga ten hours ka na dito sa ospital, Mads. Bakit naman?"
"Hindi ka ba hinahanap ng asawa mo?"
"Hindi naman. Kasi nakapagpaalam na ako sa kanya kanina. Sa katunayan nga, pupunta siya dito bukas. Sasamahan niya ako sa pagbantay sa'yo"
"Talaga? Ang bait niya naman" dugtong ni Bek sa kaibigan. Nagpabuntong-hininga siya sa kalagayan ng kaibigan niya at ang kanyang asawa "Mabuti ka pa, Mads. Mahal na mahal ka ng asawa mo kahit iba sa pangkaraniwan ang relasyon ninyo"
"Tsk. Tama na yan, okay? Huwag ka nang magdrama diyan, Mads" sambit niya habang mahina ang tono ng boses "Magpahinga ka na"
Nakaidlip na sana si Bek sa kanyang kama nang may kumatok ng malakas mula sa labas. Kaagad naman pinuntahan ni Jen ang pintuan para ipagbuksan ang taong nasa labas.
Laking gulat niya sa taong nasa labas. “George. Ikaw pala”
"Ako nga Jen" ganti ni George at kaagad siya pumasok ng silid. "How's Bek?"
"She's fine" habang nakasunod siya kay George papunta sa kama ni Bek "Kailangan niya lang magpahinga"
"Well. That's good" sagot ni George "Ano ba ang nangyari sa kanya, Jen?" pero hindi makasagot si Jen sa tanong sa kanya. Napayuko na lang ito at tumingin sa sahig "Jen..?? Bakit hindi ka sumasagot. I'm asking you"
"George. I'm sorry" sabat niya sa asawa ng kaibigan "Mas mabuti siguro na siya na lang magpaliwanag sa'yo. Wala ako sa lugar na sumagot diyan"
"Ha? Bakit siya pa? E ikaw ang tinatanong ko.." sambit ni George sa kaibigan ng asawa habang si Bek naman ay nakatingin lang sa kanila "Ano ba ang mahirap sa tanong ko, Jen? Nagtatanong lang naman ako kung ano ang nangyari sa asawa ko at kung bakit siya sa na-ospital?!" pero hindi pa rin sumagot si Jen kahit nagagalit na si George sa kanya. Doon niya nahalata na seryoso ang problema ni Bek "Teka. Tungkol ba 'to sa magiging baby namin?" at tumingin siya sa asawa "Bek. Sagutin mo ako, may nangyari ba sa baby natin?"
"Mahal. Kumalma ka muna. Umupo ka muna, parang awa mo na"
"Hindi ako kakalma kung hindi ninyo sinasagot ang tanong ko! Can you please, answer my damn question!!" sigaw ni George sa kanilang dalawa. "Pumunta ako dito sa ospital, as soon I've heard na na-ospital ka, pero hindi ninyo sinasagot ang tanong ko"
"I'm sorry, okay. I'm sorry. Hindi ko sinasadya!" at doon bumuhos muli ang luha ni Bek sa kanyang pag-amin sa asawa.
"What do you mean, Bek? Ano ang nangyari?"
"Mads naman. Huwag kang humingi ng tawad sa kanya dahil siya rin ang may kasalanan nito" sabat ni Jen sa usapan.
"Hindi Mads. May kasalanan din ako kung bakit nangyari iyon dahil nagpabaya din ako sa kalusugan ko" at tumingin siya sa mga mata ng kanyang asawa na naguguluhan sa usapan nilang dalawa "Mahal. Patawarin mo ako. Hindi ko talaga sinasadya ang nangyari. Hindi nakayanan ng baby natin. Patay na siya" at humagolhol ng iyak si Bek habang sinasabi niya iyo sa asawa.
"What?!" sambit ni George at parang nabibingi ito sa sinabi sa kanya "Paano nangyari na nakunan ka? Hindi pwede 'to, Bek"
"Hindi kinaya ng baby ang stress ng kanyang ina kaya nakunan si Bek" paliwanag ni Jen sa kanya "Sa stress na ikaw mismo ang gumawa sa asawa mo"
"Ano? Ano ang ibig mong sabihin? So kasalanan ko pa na namatay ang bata dahil sa kapabayaan niya...???"
"Oo!!" sigaw ni Jen sa kanya "Dahil hindi nakayanan ng kaibigan ko ang panloloko mo sa kanya. Akala namin ay nagbago ka na, pero lumala pa lalo ang panloloko mo kay Bek."
"Ano ba ang pinagsasabi mo babae ka?!" sabat naman ni George "Hoy babae... kung ano man ang maruruming pag-iisip na pinapasok mo asawa ko, pwede ba, itigil mo na yan... Hindi ka nakakatulong sa aming dalawa"
"Talaga ba? So nagkakamali pala ako na may namamagitan sa inyo ng dati mong assistant na si Lucas, at sa kasalukuyan mo ding assistant na si Zeek?" doon nanlaki ang mga mata ni George sa kanyang naririnig mula sa kaibigan ng kanyang asawa. "Yes... tama ang narinig mo, George. Alam na namin ng asawa mo ang kahayupan na ginagawa mo. At kung sinasabi mo na nagsisinungaling o nag-iimbento lang ako, pwes, diyan ka nagkakamali dahil kumuha ako ng imbestigador para tiktikan ka sa mga pinanggagawa mo kay Bek"
"Edi mabuti" ngiti ni George sa kanilang dalawa "Wala namang kwenta ang pagpapanggap ko ngayon dahil alam niyo na ang katotohanan" sambit niya na parang masaya pa ito sa nalaman nila "Yes. Inaamin ko. May relasyon kami ngayon ni Zeek. At gusto niyo pang malaman kung ano pa gusto niyong malaman...??" tanong niya sa dalawa na parang napipikon na ito "We had sex. Yes. May nangyayari sa amin ng assistant ko tuwing gabi pagkatapos ng trabaho"
Walang sabi-sabi ay sinampal siya ng napakalakas ni Jen “Ang sama mo George. Napakasama mo” sambit niya dito habang nanggigil siya sa galit habang si Bek naman ay nakatulala lamang habang tumutulo pa rin ang mga luha niya “Ano ba nagawa ng kaibigan ko sa’yo para gawin mo ’to..?? Nakangiti ka pa ngayon. Demonyo ka..!!”
"Bakit hindi...?? Wala namang kwenta kung magsama pa kami ng kaibigan mo diba? Simula't sapul, alam niyo na hindi ko siya mahal. Iba ang mahal ko" sabat niya kay Jen "At isa pa, ang tanging rason lang kung bakit pa rin ako kumakapit sa kanya for the past few months ay ang bata. Pero wala na siya, so, it's better na lang na maghiwalay na kami" at tumingin siya sa asawa na tulala "Narinig mo yan, Bek? We're through. Tapos na tayo..."
Itutuloy…
TIA: Chapter 22 (Broken-hearted)
Nanginginig pa rin sa galit si Jen sa mga binatawang salita ng asawa ng kanyang kaibigan. Hindi talaga siya makapaniwala sa kakapalan ng mukha ni George sa pag-amin nito ng harap-harapan sa kanilang dalawa.
"Nahulog ang bata dahil sa kakapalan ng mukha mo! Hindi nakayanan ng katawan ni Bek ang pang-aabuso mo sa kanya emotionally and of course, mentally"
"Problema niya na yun" sagot ni George "At isa pa, I warned her. Hihiwalayan ko siya kung hindi pa niya titigilan ang kapraningan niya sa akin pero hindi siya nakinig at pinapatuloy niya pa iyon"
"Dahil totoo ang mga duda niya sa'yo"
Nahalata na ni George ang pagiging pakialamera ng kaibigan ni Bek sa kanilang mag-asawa “Pwede ba..? Tumahimik ka na.. hindi ka naman kasali dito sa amin eh”
"Kasali ako dahil kaibigan ko siya. Dahil mahal ko siya, hindi tulad mo na walang kwentang tao..."
"Mahal mo siya..? Edi kayo na lang ang magsama" sabat niya kay Jen "Tutal naman na loyal at supportive mong kaibigan. Kayo na lang ang magsama, huwag ako"
"Why are you doing this to me, George??" biglang nagsalita si Bek dahil hindi niya na kinakaya ang mga narinig niya sa asawa "Bakit mo ako pinapahirapan at sinasaktan..?"
"Hindi kita sinasaktan, Bek. Alam mo naman na hindi ikaw ang totoo kong mahal noon diba? Bakit mo ako pinipilit na magpakasal?"
"Kasi mahal kita, George" sagot ni Bek "Kahit na planado noon ang pagkakasal natin para lang sa pambayad ninyo sa kasunduan ng lolo ko, mas pinili kitang minahal. Dahil hindi ka mahirap mahalin, George. Unting-unti na ako nahuhulog noon sa'yo"
"That's not enough reason, Bek" dugtong ni George "Kung mahal mo talaga ako, sana binitawan mo na ako noon. Sana binigay mo lang ako sa totoo kong mahal"
"So iyan ang rason mo para pahirapan ako?? Na saktan ako at ipagmukha sa akin na hindi mo ako mahal..??" iyak pa rin ni Bek "Magsabi ka nga ng totoo, George. Minahal mo ba talaga ako?"
"I tried. God knows, I tried" sagot niya sa kanyang asawa "Pero kahit anong pilit ko, iba pa rin ang gusto ko. Kaya parang awa mo na, Bek. Bitawan mo na ako. Nagmamakaawa ako sa'yo"
"No" pagmamatigas pa ni Bek "Asawa kita, George. Ikaw pa rin ang asawa ko. Kaya ipaglalaban kita. Ayaw kong mapunta ka sa iba"
"Okay. Ipaglalaban mo ako?? Sige. We'll see you in court then" pagbabanta ni George sa kanya "Because I am filing an annulment"
Walang sabi-sabi ay kaagad umalis si George palabas ng silid ni Bek. Napigilan ng hininga si Bek dahil sa narinig ito sa asawa na magfa-file siya ng annulment at hindi niya iyon inaasahan.
Kakarating lang ni Zeek sa kanilang bahay at pagod na pagod ito mula sa kanyang trabaho. Dumagdag pa ang kanyang stress dahil sa naging usapan nila ni Hazel sa telepono.
Nasaktan talaga ito dahil ganon niya lang itinapon ang relasyon at ang pagmamahalan nilang dalawa. At mas masakit pa doon ay nakahanap siya kaagad ng bago niyang lalaki at may balak pa siyang pakasalan ito.
"Oh anak. Andito ka na pala" sambit ni Vivian sa kanyang anak na nakaupo at nagpapahinga sa sofa "Tamang-tama dahil katatapos ko lang magluto ng hapunan natin. Halika na anak, kumain na tayo"
"Maya na, Ma. Busog pa ako eh" sambit nito na mahina ang tono ng boses.
"Anak...??" at umupo si Vivian sa tabi ng anak. Napansin ng kanyang ina ang mabigat na mukha nito na parang may problema na naman ang anak "May problema ka ba?"
"Wala Ma. Pagod lang siguro ako" sagot ni Zeek "Oo nga pala, Ma. Naisauli ko na ang natirang pera na pinahiram sa akin ni Sir George"
"Talaga? Anong sabi niya?"
"Wala naman siyang sinabi pero ang sabi ko sa kanya na babayaran ko na lang ang ibang pera na ginastos natin at pumayag naman siya"
"Mabuti naman kung ganon, anak" at hinimas niya ang likod ni Zeek kasi malungkot pa rin ang mukha nito "Anak. Sabihin mo lang sa akin kung may problema ka ha. Baka makatulong ako, kahit tungkol pa sa trabaho mo"
"Hindi naman ito tungkol sa trabaho, Ma"
"E tungkol saan ba, anak?"
"Tungkol po kay Hazel..."
"Kay Hazel...??" ulit ni Vivian "Ano naman ang tungkol sa kanya?"
"Gusto ko sanang makipagbalikan sa kanya, Ma" pagsisimula ni Zeek ng kanyang kuwento sa ina. "Tinawagan ko siya kanina. Humingi ako ng tawad sa mga sinabi ko sa kanya noong pag-alis niya"
"E yon naman pala, anak. Bakit ka naman malungkot?"
"Yon nga po Ma. Ayaw niya na daw sa akin" at doon nanlumo ang mga mata ng binata "Sabi niya, magpapakasal na daw siya sa ibang lalaki. Hindi niya na daw ako mahal at nagsisisi siya na nakilala niya ako" walang nasabi si Vivian kundi niyakap na lang ang anak ng mahigpit "Pinaasa niya lang ako. Akala ko mahal niya ako. Pero hindi. Ganon niya lang ako basta-basta ipinagpalit sa iba.. Walang-hiya siya"
"Anak. Huwag ka namang ganyan kay Hazel" sambit ni Vivian sa anak "Huwag kang magalit sa kanya dahil hindi mo alam ang buong kwento kung bakit nasabi niya iyon. Baka napilitan lang siya"
"Yon nga Ma eh" dugtong ni Zeek at umiba niya ang mukha niya mula sa malungkot papunta sa galit "Napilitan siya at hindi niya naman ako ipinaglaban sa mga magulang niya"
"Anak. Huminahon ka"
"Hindi Ma. Pagsisihan ni Hazel na iniwan niya ako" sambit ni Zeek sa ina "Pinapangako ko na yayaman ako at ipagmumukha ko talaga sa kanya at sa mga magulang niya na mali sila....."
Kinabukasan.
Alas-siyete pa lang ng umaga ay umalis na si Zeek sa kanilang bahay at pumasok sa trabaho. Gusto niya kasing maging busy dahil iyon lang ang naisip niyang paraan para malimutan ang masakit na ginawa sa kanya ni Hazel.
"Zeek..??" kibo ni George sa kanya na kakarating lang din "Bakit ang aga mo? Diba mamaya pang alas-diyes ang pasok mo?"
"Opo Sir" sagot ni Zeek "May kailangan po kasi akong tapusin eh"
"Tapusin ang ano..?? Na paperworks?" dugtong niya "Parang natapos mo na kahapon lahat diba?"
"Ahhmm. Opo. Peron ire-revise ko pa po Sir eh. Baka mali ang mga ginawa ko"
"Talaga?" at doon napansin ni George na may iba sa binata. Kumuha siya ng silya, inilagay niya doon at umupo siya sa tabi ni Zeek habang tinignan niya ito ng mabuti.
"Sir... ano po ang ginagawa niyo dito?"
"Gusto lang kita tabihan. Masama ba?"
"Hindi naman po" at bumalik siya sa kanyang trabaho.
"Zeek. Matanong ko lang" sabay tingin niya sa kanyang amo "Okay ka lang?"
"Okay naman po ako, Sir. Bakit niyo po natanong yan?"
"Para kasing may problema ka eh. Ang bigat kasi ng mukha mo ngayon"
"Problema?" ulit ni Zeek "Wala po. Wala akong problema"
"Really? Sige na Zeek. Andito ako para makinig sa'yo"
"Wala po 'to Sir. Maliit lang na bagay. Tungkol lang po kay Hazel"
"Hazel..? Siya yung girlfriend mo?"
"Opo Sir. Ex-girlfriend ko na siya ngayon"
"Ex..? Bakit? Anong nangyari?"
"Magpapakasal na po siya sa ibang lalaki eh. Hindi niya ako hinintay at ipinaglaban sa pamilya niya"
"Wow. Ang sakit naman"
"Masakit talaga. Kasi mahal ko pa siya eh" dugtong ni Zeek "Pero ambilis niya akong pinalitan"
Kita sa mukha ni Zeek ang lungkot at sakit dahil pinaaalala na naman sa kanya ang tungkol kay Hazel. “Hayaan mo na siya, Zeek. Kawalan niya yon kung hindi ka niya pinili. May mas deserving pa na tao na magmamahal sa’yo, kaya maghintay ka lang” payo niya sa binata “Baka hindi mo alam, ako na pala yon” biro ni George sa kanya. Napatingin din si Zeek sa kanya at seryoso pa rin ang mukha “Sorry. I’m just joking”
"Hindi Sir. Huwag kang mag-sorry" sagot ni Zeek "Sa katunayan nga, may point ka eh"
"What do you mean?"
Nagpabuntong-hininga muna si Zeek bago niya sinagot ang tanong sa kanya “…na hindi ko alam na pwede maging tayo. Baka nagbubulagan lang ako dahil pareho tayong lalaki” at tinignan ni Zeek ang mga mata ni George “Malay mo, tumagal tayo at tayo na talaga para sa isa’t-isa”
Hindi makapaniwala si George sa mga narinig niyang salita sa binata. Kaagad niyang hinawakan ang mga kamay nito “Mahal kita Zeek. Noon hanggang ngayon, mahal kita at hindi magbabago iyon” sambit niya kay Zeek “Alam ko, hindi mo ako gusto dahil magkapareho tayo. Pareho tayong lalaki. Pero okay lang sa akin na ayaw mo. Andito pa rin ako na nagmamahal sa’yo”
"Hindi mo lang alam, Sir. Unting-unti na ako nahuhulog sa'yo..."
"Talaga..?" lumiwanag ang mga mata ni George sa pag-amin ni Zeek sa kanya "E bakit tinanggihan mo ang alok ko sa'yo..?"
"Bukod sa gusto kong maging simple ulit ang pamumuhay namin ni Mama, hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko noon sa'yo" kuwento niya sa kanyang amo "May mga sagabal, ikaw, may asawa ka, ako, may girlfriend ako. Pero wala na kami ngayon" sambit niya kay George "Iyon ang isa sa mga rason kung bakit pinipilit kong iwasan ka, Pero hindi Sir eh. Mahal na yata kita"
"Zeek.." at hinigpitan niya pa lalo ang paghawak niya sa binata "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Matagal ko na tong hinintay na pagkakataon na masabi mo sa akin ang gusto kong marinig. Mahal na mahal din kita, Zeek"
"Mahal din kita pero nga, may asawa ka. Hindi pwede"
"Wala na kami ni Bek.."
Nanlaki ang mga mata ni Zeek sa kanyang narinig na balita kay George “Po…? Wala na kayo..?”
"Oo"
"Paano nangyari?"
"Hiniwalayan ko na siya nung nalaman ko na nakunan siya" sagot ni George "Wala namang rason kung magtatagal pa kami. Besides, she's already knows our secret"
"Ha? Alam niya na?"
"Yup. Alam niya na ang tungkol sa atin"
"Lagot na. So paano yon? Baka sugurin niya ako dito"
"Don't worry, Zeek. Ako na ang bahala dun" paniniguro ni Zeek "I'm filing an annulment naman" at tumingin muli siya sa mga mata ng binata "So..?? Are we good?"
"Good?? Ano po yon?"
"Good na tayo na" pero kita pa rin sa mukha ni Zeek ang pag-aalala kay Bek "Zeek. Do not worry, hindi ka niya mahahawakan. I promise"
Pagkatapos ng ilang buwan na pagtitiis ni George ay natupad na rin ang pinakapangarap niya na maging sila ni Zeek. Masayang-masaya siya dito at kaya niyang sabihin sa buong mundo na mahal na mahal niya ang binata.
Ganon din naman si Zeek. Masaya din siya sa kanyang naging desisyon na makapagrelasyon sa kanyang amo. Gusto niyang kunin ang posibilidad na magtagal silang dalawa kasi nabigo siya nung babae ang kanyang naging karelasyon. Hindi niya alam, baka sa lalaki pa na nasa katauhan ni George na ang kanyang mamahalin panghabambuhay.
Samantala. Natuluyan na ngang nabaliw si Bek dahil sunod-sunod ang mga mabibigat na mga problema na dumaan sa kanya; ang panloloko ulit sa kanya ni George, ang pagtatraidor sa kanya ni Zeek at ang pagkahulog ng kanyang baby.
Dinala siya nina Jen at ang kaibigan nilang doktor na si Teo sa isang mental hospital para doon i-rehab, para maging maayos siya. Nanalangin silang dalawa na kanyang kaibigan na bumalik ang dating masayahin at sigla ni Bek.
Itutuloy…
TIA: Chapter 23 (Bagong Yugto)
Lumipas ang ilang taon ay nakapagtapos na ng kolehiyo si Zeek. Sa ngayon ay patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho sa The Deluxe Suites Hotel, hindi bilang assistant ni George, kundi isa nang Director ng Food & Beverage Department ng hotel.
Sa tulong ng trabaho ni Zeek at sa tulong din ni George ay nakalipat sila sa isang malaking bahay kasama ng kanyang ina na si Vivian.
Hindi pa rin alam ng kanyang ina at wala siyang ideya na may relasyon sina George at ang kanyang anak na si Zeek. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung ano ang totoong kuwento sa kanilang dalawa at ang kanilang pinagagawa.
"Ma.." tawag ni Zeek sa ina habang bumababa sa hagdan "Bakit ang aga mo? At bakit ikaw ang nagluluto ng agahan? Saan na ba si Manang?"
"Naku anak. Huwag mo na siyang hanapin" sagot ni Vivian kay Zeek "Andoon siya sa kanyang kwarto, masama ang pakiramdam" paliwanag niya "Kaya ako na lang ang nagluluto"
"Pero Ma. Kailangan mo ding magpahinga"
"Huwag na anak. Mas lalo pa ngang sumasama ang pakiramdam ko kung walang ginagawa eh" dugtong niya kay Zeek "Kailangan ko din naman nang kaunting galaw dito sa bahay anak. Nakakabagot"
"May TV naman, Ma" mungkahi niya kay Vivian
"Ayaw ko manood, anak. Ilang araw din na buong araw nakabukas yan eh" dahilan niya dito "Sige na, anak. Hayaan mo na ako na ako ang magluto ng agahan. Miss ko naman na mapagluto kita anak"
"Mama. Okay lang naman kung wala kang ginagawa buong araw eh" dugtong ni Zeek "You deserve that. Kasi tapos na ang responsibilidad mo sa akin, and its time na ako na naman ang magtrabaho para sa'yo" sabay lapit niya sa ina "Salamat po pala, Mama"
"Salamat saan anak?"
"Sa pagkayod mo para makapagtapos ako" sagot ni Zeek sa ina "Kung hindi dahil sa'yo, hindi ko siguro nakamit ang pangarap kong 'to"
"Wow" panlulumo ng mga mata ni Vivian "Na-touch ako dun ah. Salamat anak dahil hindi mo ako binigo. Proud na proud ako sa'yo"
"Mas proud ako sa'yo, Ma. Salamat ulit sa lahat" at niyakap niya ng mahigpit si Vivian "Sige Ma. Alis na ako"
"Aalis ka na? E paano ang niluluto ko, anak? Sino ang kakain nito?"
"Itabi niyo na lang yan para sa tanghali, Ma. Dito ako kakain"
"Sige anak" buntong-hininga ni Vivian "Mag-ingat ka na lang sa pagmamaneho"
"Opo Ma"
Nang pagdating niya sa harap ng hotel ay kaagad siyang bumaba ng sasakyan. May lumapit sa kanya na valet para kunin ang susi ng kanyang kotse sa kanya. Sumakay naman ang taong iyon sa sasakyan ni Zeek at ipinark niya ito sa bakanteng lugar sa parking area.
Habang papasok siya sa kanya opisina na nasa top floor ng hotel ay may tao na doon na naghihintay sa kanya. Nakaupo at parang relaks na relaks ito habang hinihintay si Zeek.
"Good morning, brad" bati ni Owen sa kanya habang papasok si Zeek sa opisina.
"Good morning din, brad. Bakit ka na naman nandito sa opisina ko?"
"Wala naman. Namiss lang kita, brad" biro nito kay Zeek. Pero hindi naman siya sa sumagot at tinignan lang si Owen sa mga mata "To naman, joke lang brad. Alam ko naman na exclusive ka lang para kay Sir George"
"Sira ka talaga noh? Tumahimik ka nga, baka may makarinig sa'yo"
"Naku. Kung makapag-sikreto ka diyan" dugtong niya sa kaibigan "Alam naman ng lahat na ikaw na ang bago ni Sir George noh. Huwag ka ngang pa-inosente diyan"
"Hindi naman. Ayaw ko lang kasi na binibiro mo ako ng ganyan"
"Sige.. okay boss" buntong-hininga ni Owen "Oo nga pala, pinapatawag ka nga pala niya"
"Bakit daw..?"
"May meeting daw ang mga department heads at ng may-ari"
"Talaga? Hindi ko alam 'to ah" dugtong ni Zeek at parang nagulat sa sinabi sa kanya ni Owen "Anong oras ang meeting?"
"Alas-nwebe daw ng umaga"
Tinignan naman ni Zeek ang orasan na nakasabit sa dingding ng opisina “May fifteen minutes pa ako” sambit ni Zeek. Pero nahuli niya si Owen na nakatingin at parang tumatawa sa kanya “Bakit ka tumatawa..?” kunot ng noo ni Zeek.
"Wala naman, brad" sabay tayo niya at lapit niya sa kanyang kaibigan "Natutuwa lang kasi ako sa'yo dahil ang taas na ng narating mo pagkalipas ang mga taon"
"Salamat brad. Hindi naman imposible kung maniwala ka lang sa pangarap mo" sagot niya "Sa tulong ng sipag at tiyaga. Sigurado na makakamit mo ito"
"Huwaw naman. Parang pulitiko ah" sabay ngisi ni Owen "Hindi ba sa tulong ni Sir George..??"
"Of course not. Wala siyang kinalaman dito. Kung ano man ang narating ko ngayon, sa galing at talino ko itong nagluklok sa akin sa posisyon ko" sabat niya sa kaibigan "Yes. Inaamin ko, naging parte din siya nito pero pilit kong tumatayo ngayon sa sarili kong mga paa na wala ang kanyang tulong"
"Bakit? Wala na ba kayo?"
"Bakit mo natanong, brad?"
"Kasi ganyan ka magsalita eh. Parang ayaw mo na sa kanya"
"Hindi naman sa ganon. Gusto ko lang naman na mapatunayan sa kanya na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa" paliwanag ni Zeek kay Owen "Ayaw ko na kasi na parati niya akong bine-baby at binibigay lahat ng gusto ko. Gets mo naman ang point ko diba?"
"Oo. Naiintindihan kita, brad. Pero kahit na, ang swerte mo eh" sambit niya "Sa lahat ng mga naging intern at assistant niyang lalaki, ikaw ang pa nagustuhan niya. Look at you now. Swerte mo talaga" dugtong ni Owen na parang naiinggit sa kanya "Pasalamat ka kasi naging kaibigan kita, malamang siguro, aagawan kita"
"Ewan ko sa'yo, brad. Hindi mo talaga ako naiintindihan" at lumakad na si Zeek palabas ng kanyang opisina "Alis na nga ako. Pupunta pa ako sa meeting namin"
Nagtungo si Zeek sa isang conference room na kung saan doon parati ginaganap ang kanilang meeting. Nang pagpasok niya ay nabigla siya dahil wala pang tao doon at siya lamang mag-isa.
Umupo na lamang siya at nagdesisyon na maghintay na lang dahil baka parating naman ang ibang Directors ng hotel.
Hindi niya namalayan na may pumasok na pala sa silid at kaagad tinakpan ng tao ang kanyang mga mata.
"Sino 'to..??" sambit ni Zeek habang nanginginig ang kanyang boses "Magpakilala ka"
"Happy Third Anniversary, Mahal" bulong nito sa tenga ni Zeek. Kaagad niyang kinuha ang mga kamay niya sa mata nito.
"Ikaw lang naman pala, Mahal" at tumayo si Zeek, humarap kay George at niyakap ito "Anniversary ba natin ngayon? Akala ko next month pa?"
"I know" sabay hawak ni George ng kanyang kamay "Pero exactly three years ago, nakilala kita. Remember?"
"Oo" ngiti ni Zeek habang inaaalala ang una nilang pagkikita "Naalala ko yun. Nung pinagalitan ako ng dati mong asawa dahil wala ang kasama ko"
"Wow. I'm impressed. Naalala mo talaga yon" ngiti niya kay Zeek.
"Siyempre, sino ang hindi makaalala sa araw na yon... pinahiya ako ni Bek noon" dugtong niya kay George "Kamusta na pala siya ngayon, Mahal?"
"I don't know, Mahal. Hindi na ako nakabisita sa kanya eh. The last one, was two years ago" sagot niya "Hayaan mo na siya, Mahal"
"Sige"
Napangiti muli si George habang tinitignan niya si Zeek “Hindi ko pala akalain na naalala mo pa yun, Mahal. Ang una nating pagkikita”
"Siyempre naman. Isa yun sa mga memorable moments ko sa aking buhay" sagot ni Zeek "Yung nakilala kita, at ang pangalawa ay nakapasok ako sa pangarap kong hotel"
"Well. Deserve na deserve mo naman na makapasok dito. Lalung-lalo na sa puso ko"
"Naku. Yan ka na naman sa mga corny mong pick-up lines" sambit ni Zeek
"Bakit? Pangit ba?" ngiti ni George.
"Oo. Tapos parang hindi ka seryoso. Parang nagbibiro ka lang"
"I am not joking. Totoo naman eh. Mahal na mahal kita, Zeek" sagot niya kay Zeek "Hindi mo alam kung ano ang naramdaman ko nung unang pagkakataon na sinagot mo ako. Naging masaya ulit ang buhay ko"
"Ako rin Mahal. Masayang-masaya" ngumiti lang si George bilang sagot sa kanya "Oo nga pala, saan ang iba, Mahal? Kala ko may meeting tayo"
"Hindi sila makapupunta dito, Mahal"
"Bakit naman?"
"Kasi wala namang meeting eh" at nagtungo si George sa pintuan at ni-lock ito.
Nakita naman ito ni Zeek ang kanyang ginawa “Mahal naman. Yan ka na naman eh. Nasa trabaho tayo” dugtong niya habang tinitignan si George na sinisira ang mga bintana ng silid “Mamaya na ’to”
"So..?? Wala akong pakialam kung nasa gitna tayo ng trabaho" sabat niya "Ako naman ang may-ari diba? So sumunod ka na lang sa sasabihin ko, Mister Lacsamana" habang papalapit siya kay Zeek at binuksan niya na ang pantalon nito "Tumuwad ka na, Mahal. Promise. Isang putok lang"
Walang sabi-sabi ay sinunod naman ni Zeek ang utos sa kanya ni George. Kaagad niyang hinubad ang kanyang pantalon at dumapa ito sa mesa ng conference room.
Pagkalipas ng kalahating oras ay natapos na din sila. Nagmamadaling nagbihis si Zeek at bumalik sa kanyang opisina para simulan ang trabaho niya sa araw na iyon.
Nang pagpasok niya sa opisina ay nadatnan niya na naman ang kanyang kaibigan na nakaupo sa office table.
"Bakit ka nakaupo diyan...??" sambit niya kay Owen habang palapit sa mesa "Umalis ka nga diyan. Masisira ang mga papeles ng hotel"
"Sus. Ito naman. Napaka-arte mo brad"
"Hindi naman. Baka magalit ang may-ari eh"
"E kayo naman diba? Hindi yan magagalit" biro niya kay Zeek.
"Tumahimik ka nga. Ang ingay mo" at umupo siya sa kanyang upuan habang si Owen naman ay kumuha ng upuan at doon umupo. Tumingin naman sa kanya ang kaibigan "Bakit nandito ka pa? May Function ngayon diba? Pumunta ka na doon at tulungan mo sila" utos ni Zeek sa kanya.
"Hinihintay kita kasi dito eh. So kamusta ang anniversary sex ninyong dalawa? Masarap ba?"
"Nakapa-tsismoso mo talaga" dugtong ni Zeek sa kanya "Ang sabi ko, bumaba ka na doon at tulungan mo sila"
"Heto na boss. Aalis na po ako. Ang KJ naman nito" habang tumatayo at inaayos ang kanyang sarili "Napaka-suplado mo talaga, boss-brad"
"Bilisan mo kaya. Ikaw kaya ang Captain Waiter, tapos ikaw pa ang wala doon"
"Oo nga nga. Heto na.... bye"
Tuluyan nang lumabas si Owen sa kanyang opisina. Samantala siya naman ay inumpisahan niya nang gawin ang kanyang trabaho.
Bigla siyang napaisip na pagkatapos ng tatlong taon ay nakamit na nga nila ng kanyang ina ang pangarap nito. Talagang masayang-masaya siya sa mga biyaya na natatanggap nila ngayon. Pinapangako niya sa kanyang sarili na pagbubutihan niya pa ang kanyang trabaho. Hinding-hindi niya na ito pakakawalan dahil bihira lang ito mangyari sa kanya.
Samantala. Sa Amerika.
"Anak. Sigurado ka ba na kaya mong umuwi na mag-isa?" sambit ni Daisy sa kanyang anak
"Yes Mom. Kaya ko na po ito" paniniguro ni Hazel sa ina "Matanda na po ako. Don't worry"
"Sorry anak. Ito na kasi ang unang pagkakataon na mawalay ka sa amin ng Daddy mo eh" sambit niya sa anak "Nag-aalala lang kasi ako"
"Mom. Matanda na nga ako. Kaya ko na ang sarili ko" ulit ni Hazel "Bigyan mo naman ako ng chance para mapatunayan ko ang sarili ko na kaya kong mabuhay mag-isa"
"Alam ko naman yon, anak. Pero hindi mo talaga maalis sa amin ng Daddy mo ang mag-alala" sabay hawak niya sa kamay ng anak "Siyempre, ikaw ang princess namin"
"Mom..."
"Hayaan mo na yan si Hazel, Daisy" at napalingon silang dalawa sa taong biglang pumasok sa silid ni Hazel "Tama siya. Nasa tamang edad na ang anak natin. Hayaan na natin siya na siya naman ang masusunod sa kanyang buhay" sabay tingin ni Arnold sa mga mata ng anak "The cab is waiting outside. Mahuhuli ka na sa flight mo"
"Dad.." napaiyak si Hazel sa sinabi ng kanyang Daddy. Lumapit siya dito at niyakap niya ng mahigpit "Salamat sa pag-iintindi, Daddy. Salamat talaga"
"It's okay Hazel" dugtong niya sa anak "Salamat din dahil nakinig ka sa amin ng Mommy mo. Tignan mo ngayon kung ano ang narating mo. Isa ka nang architect" ngiti ni Arnold sa kanya na proud na proud sa kanyang anak "You have no idea kung gaano ako kasaya at ka-proud na maging anak ka"
"Salamat talaga sa lahat, Dad. Mom" tingin niya sa kanyang mga magulang "Lalung-lalo na sa napakahabang pasensiya na ibinigay ninyo sa akin. Sorry kung naging matigas ang ulo ko nung una"
"Tapos na yon, Hazel. Ang importante ay ang ngayon" lalo niya pang hinigpitan ni Arnold ang kanyang yakap sa kanyang anak "Mahal na mahal ka namin ng Mommy mo"
"Mahal ko din kayo" doon na napatulo ang luha nilang tatlo. Napuno ng pagmamahal at pagkapatawaran ang silid sa kanilang pagyayakapan sa isa't-isa.
"Tama na 'to, anak" habang pinupunasan ni Arnold ang kanyang mga luha sa kanyang mata "Parang pang pelikula na 'to ang iyakan natin eh" ngiti niya habang tumutulo pa din ang mga luha kasabay ng pagtawa nilang tatlo "Tapos ka na ba mag-impake?"
"Yes Dad. I'm done" sagot ni Hazel "Handang-handa na ako bumalik ng Pilipinas"
"Mabuti. So..?? Let's go??" paanyaya ni Arnold sa anak habang kinuha ang isang bagahe ni Hazel. Kaagad naman silang lumakad na tatlo palabas ng bahay at sumakay sila ng taxi para pumunta sa airport.
Itutuloy…
TIA: Chapter 24 (Si Owen)
Kakauwi lang ni Zeek sa kanilang malaking bahay. Nang pagpasok niya ay nadatnan niya ang kanyang ina na si Vivian na nakaupo sa sofa at nanonood ng palabas sa telebisyon.
"Ma..." bati ni Zeek sa ina habang papalapit siya dito at nagmano "Bakit gising ka pa?"
"Hindi kasi ako makatulog anak eh" paliwanag niya sa anak "Tapos wala naman akong kasam sa taas kung aakyat ako"
"Natatakot ka, Ma?" hula ni Zeek.
"Hindi naman sa ganon, anak. Parang nalulungkot lang ako dahil wala akong kasama sa ganitong kalaking bahay" paliwanag niya kay Zeek "Hindi pa kasi ako sanay anak eh"
"Ma naman. Magdadalawang taon na tayo dito, hindi ka pa sanay?"
"Hindi anak eh. Pasensiya na ha" sambit niya naman "Teka. Nakakain ka na ba? Kanina kasi, naghintay ako sa'yo eh. Sabi mo, uuwi ka dito para mananghalian"
"Oh shit. Nakalimutan ko, Ma. Sorry"
"Ayos lang yon, anak. Sanay naman ako eh"
"Ma naman. Nagtatampo" at niyakap niya ang ina bilang lambing dito "Sorry na. Busy kasi ako kanina. Pangako. Babawi ako sa'yo"
"Pangako.??"
"Pangako" ulit ni Zeek "Sige na Ma. Umakyat ka na at magpahinga. Ako na lang bahala dito"
"Kakain ka, anak?"
"Hindi Ma" sagot ni Zeek "Ililigpit ko na lang ang pagkain sa mesa. Nakapag-dinner na kasi ako kanina. Kasama ko si Sir George, Ma"
"Ganon ba? Mabuti naman anak" dugtong ni Vivian "Dahil kasama mo ang amo mo na si Sir George. Alam mo, napaka-bait na tao talaga niya noh? Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na hiwalay na siya sa kanyang asawa. E ang sobrang bait na tao yon. Bakit kaya..??"
"Hayaan mo na sila, Ma. Hindi naman natin problema yan" dugtong ni Zeek dahil naiilang ito sa usapan nila. "At isa pa, okay naman ngayon si Sir George eh. At alam ko na masaya na din si Ma'am Bek"
"Oo nga naman" pagsang-ayon ni Vivian "Anak. Kailan kaya siya makadalawa ulit dito sa atin? Gusto ko siya kasing makita muli eh"
“Naku Ma. Hindi pa sigurado eh” dahilan ni Zeek “Sobrang busy palagi eh. Pero huwag kayong mag-aalala, Ma. Kapag hindi kami busy, sasabihin ko kay Sir George na bisitahin ka ulit dito”
“Sige anak. Inaasahan ko yan ha” sambit ni Vivian habang lumalakad patungo sa hagdan “Paano anak. Matutulog na ako. Inaantok na din ako”
“Sige po, Ma”
“E ikaw? Hindi ka pa ba matutulog?”
"Hindi pa, Ma. May gagawin pa ako dito sa sala" sagot niya sa ina "May tatapusin pa kasi ako eh"
"Ganon ba..? Sige anak. Pero huwag magpagabi ha" paalala ni Vivian sa kanya "Matulog ka nang maaga"
"Opo Ma"
"Sige anak. Goodnight"
"Goodnight din Ma"
Umakyat si Vivian patungo sa kanyang silid na nasa sa taas dahil inaantok na nga ito. Samantala si Zeek naman ay binantayan ang ina na sa kanyang pag-akyat.
Nang makita niya na wala nang senyales ng kanyang ina, kaagad siyang tumakbo papunta sa main door ng bahay at binuksan ito.
Nakatayo pala sa labas si George at tila kanina pang naghihintay sa kanya.
"Ang tagal mo naman" sambit ni George habang papasok ng bahay.
"Pasensiya na, Mahal. Hindi ko kasi alam na nandito si Mama sa baba eh" paliwanag niya dito "Mabuti na nga lang na ako ang naunang pumasok. Kung sabay siguro tayo kanina, nabisto na tayo ng Mama"
"Kailan mo kasi sasabihin sa Mama mo ang totoo at ang tungkol sa atin. Mahal?"
"Huwag muna ngayon, Mahal. Hindi pa ako handa" sambit ni Zeek " At sigurado ako na hindi magugustuhan ni Mama yan. At hindi niya ako tatanggapin"
"Paano ka naman nakakasiguro? E hindi mo naman sinusubukan"
"E ayaw ko nga, Mahal. Please?" at niyakap niya si George bilang lambing nito sa kanya "Huwag muna ngayon. Hindi pa kasi ako handa eh"
"Hay naku, Mahal. Sige na nga. Pero basta, tutuparin mo ang pangako mo sa akin ha? Ipakilala mo ako sa Mama mo bilang partner mo, okay?"
"Okay Mahal" sabay higpit niya pa sa yakap nito kay George "Pangako"
"Okay Mahal. Alam mo naman na hindi kita matitiis eh"
"Alam ko kaya" ngiti ni Zeek "Salamat sa pag-intindi, Mahal"
"Siyempre, Mahal. Mahal na mahal kaya kita"
"Mahal na mahal din kita"
"Talaga..? Patunayan mo nga" habang hinihimas ni George ang pwet ni Zeek habang siya naman ay tinatanggal ang butones ng pantalon ni George "Shit. Dahan-dahan lang, Mahal"
"Sorry. Na-eexcite na ako eh"
Kaagad binaba ni Zeek ang pantalon at brief ni George habang hinihimas nito ang ari. “Ang hot mo talaga. Sarap ng ginagawa mo” ungol ni George
"Shhh. Huwag kang maingay, Mahal. Baka marinig ka ni Mama at bumaba siya dito"
"Sorry Mahal. Sarap kasi eh" habang patuloy pa rin ang paghimas ni Zeek sa ari ng kanyang mahal. Unting-unti ay lumuhod na si Zeek at sinubo niya ito. Maingay ang bawat labas pasok ng bibig niya sa ari ni George. Doon siya napaungol ng malakas dahil sa ginagawa ni Zeek.
Lumipas ang ilang mga minuto ay natapos na nga sila sa kanilang ginagawa. Nakahiga silang dalawa sa sofa habang hubo’t-hubad at nahihingal.
"Thanks Mahal" sambit ni George sa kanya "Kasi hindi ka nagbabago. Parati mo akong sina-satisfy. Sana ganito na lang tayo habambuhay"
"Don't worry, Mahal. Magiging ganito tayo habambuhay" paniniguro ni Zeek sa kanya "Pinapangako ko na hinding-hindi ako magbabago. Sana ikaw din"
"No. Hindng-hindi mangyayari yon, Mahal. You know why?"
"Why??"
"Kasi mahal na mahal na mahal kita"
"Salamat sa pagmamahal. Ako din, I love you very much"
"Thanks Mahal" ngiti ni George sa kanya "Oo nga pala. Anong oras na?"
"Sandali" at kinuha niya ang kanyang telepono na nakatungtong sa center table at tinignan ito "Alas-onse na pala ng gabi, Mahal"
"Talaga?" kaagad tumayo si George at kinuha ang kanyang brief at pantalon "Alis na ako, Mahal. Magpapahinga ka pa kasi"
"Oo Mahal, inaantok na din ako eh" at bumangon din siya sa sofa.
"Oh sige na. Umakyat ka na lang taas" sambit ni George kay Zeek "Ako na ang bahala dito"
"Sigurado ka, Mahal?"
"Oo Mahal. Sigurado ako. Umakyat ka na" utos niya kay Zeek "Kailangan mo din kasi magpahinga"
"Sige. Goodnight, Mahal" sabay halik niya kay George at kaagad umakyat sa hagdanan na nakahubad habang dala-dala niya ang kanyang mga damit.
Nakasunod ang tingin ni George sa nakahubad na katawan ni Zeek habang umaakyat papunta sa kanyang silid.
Kinabukasan.
Alas-diyes na ng umaga nang magising si Zeek. Masarap ang kanyang tulog dahil sa sobrang pagod niya kagabi. Bumangon at kaagad naligo ito para makaalis na siya dahil masyado na siyang late sa kanyang trabaho.
Nang pagpasok ni Zeek ng hotel ay nagmamadali siyang pumunta sa elevator at umakyat papuntang opisina niya.
Nabigla siya sa kanyang nakita dahil may nakaupo na naman sa loob ng opisina.
"What are you doing here?" tanong ni Zeek kay Owen na nakaupo na naman sa pwesto ng kaibigan habang nakapatong ang dalawang paa sa mesa "Bakit wala ka doon sa baba..?"
"'To naman. Parang hindi tayo magkaibigan" sabay tayo ni Owen at linapitan si Zeek.
"I know na magkaibigan tayo. Pero kapag nandito tayo sa loob ng hotel. I am your boss"
"Opo... Seerrr" sarkastikong sagot ni Owen sa kaibigan "Gusto ko lang kasi na imbitahan ka na pumunta mamaya sa bahay namin"
"Bakit? Ano ba ang okasyon?"
"Birthday ko kasi ngayon, brad. Kaya gusto ko na pumunta ka mamaya sa bahay. Kahit isama mo ang mahal mo. Mag-iinuman tayo doon"
"Talaga?? Birthday mo ngayon? Hindi ko alam yan ah. Well, hindi mo naman sinabi sa akin. Ngayon lang" sambit ni Zeek sa kaibigan "So, Happy Birthday, brad"
"Salamat brad. Oh ano? Pupunta ba kayo mamaya sa bahay?"
"We would love to. Pero hindi ako makapangako sa'yo" dugtong niya kay Owen "May pupuntahan pa kasi kami ni George mamayang gabi"
"Ganon..?" at umiba ang mukha ni Owen "Minsan lang naman 'to eh. E yung date ninyo, palagi naman yan" pagpupumilit niya sa kaibigan "Sige na, brad. Birthday ko naman eh. Please"
"I know. Pero hindi pa ako sure eh. Susubukan ko muna na magpaalam sa kanya, okay? Hindi pa ako sigurado"
"Yehey! Okay brad. Inaasahan ko yan mamaya ha"
"Hindi pa nga ako sigurado"
"Ehh basta. Mamaya. Susunduin lang kita mamaya dito sa taas" sasagot na sana si Zeek sa kanya pero kaagad siyang lumabas ng opisina.
Alas-siyete na ng gabi ay nandoon pa din siya sa kanyang opisina. Katatapos niya lang din sa kanyang gawain at nagpapahinga na ito.
Hindi niya namalayan na pumasok pala si George sa opisina. “Hey Mahal. Kamusta ka dito?”
"Ito Mahal. Katatapos lang. Nagpapahinga"
"Good good" sagot ni George at pumunta sa likuran ni Zeek at inilagay ang kanyang ulo sa balikat ng kanyang mahal "So.. let's go..?"
"Ahmm. Mahal? Tungkol nga pala dun"
"Oh bakit? Something came up?"
"Yes Mahal" sagot ni Zeek "Owen invited us to his house"
"Owen?? Sino siya?"
"Si Owen. Yung kaibigan ko at Captain Waiter dito"
"Ahh. Him. E bakit daw?"
"Birthday niya kasi ngayon, Mahal. So, he invited us na pumunta sa bahay niya para mag-celebrate"
"Ahh. Sorry Mahal. I can't go eh" sagot ni George kaagad kay Zeek "Kung gusto mo, ikaw na lang ang pumunta"
"E bakit? Paano ka?"
"I'll just go home and take some rest na lang"
"Ganon? Bakit ayaw mo na pumunta sa kanila?"
"Hindi ko lang siya feel kasama, Mahal" paliwanag niya kay Zeek "Naiirita lang ako kapag andiyan siya eh. Alam mo naman kung ano siya kadaldal diba?" hindi sumagot si Zeek sa sinabi sa kanya dahil tama naman ang pinaliwanag nito tungkol kay Owen "So, kung gusto mo. Ikaw na lang ang pumunta, Mahal. Okay lang sa akin"
"Sure ka..?"
"Oo naman. Sure ako" paniniguro ni George "Mag-enjoy ka mamaya kasama ang kaibigan mo. Basta, behave ka at umuwi ng maaga, okay?"
"Okay Mahal. Promise"
"Good" sabay halik ni George sa noo ni Zeek. "So let's go? Sabay na lang tayo bababa"
"Ikaw na lang ang bumaba, Mahal" dugtong niya "Susunduin ako dito ni Owen sa taas"
"Sige. Kung iyan ang gusto mo" bumangon si George at lumakad palabas ng opisina "Mag-ingat ka, okay?"
"Okay Mahal"
"I love you"
"I love you too"
Tuluyan na ngang naunang bumaba si George at umuwi na sa kanyang bahay. Samantala si Zeek naman ay naghintay sa kanyang kaibigan doon sa opisina.
Bandang alas-otso ng gabi nang makarating sina Owen at Zeek sa bahay. Isang one-storey lang na bahay at parang maayos at simple din naman ang pamumuhay ng kanyang kaibigan.
"Pasok brad" alok ni Owen habang binubuksan ang pintuan ng bahay "Pasensiya na sa bahay namin ha. Hindi ito kasing-laki ng bahay ninyo ngayon"
"Naku brad. Walang problema sa akin 'to' sagot naman si Zeek "Sa katunayan nga, mas maliit pa nga noon ang bahay namin kumpara dito eh. Okay na talaga 'to brad. Don't worry" at umupo silang dalawa sa sala.
"Talaga? Mabuti naman kung ganon"
"Oo nga pala, sino ang kasama mo dito?"
"Ako lang... at ang nakababata kong kapatid"
"Bakit kayo lang? Saan ba ang mga magulang mo?"
"Wala na brad eh. Maliit pa lang kami nung namatay na sila" kuwento niya kay Zeek "Pagkatapos nun, doon na kami sa bahay ampunan lumaki at nakapag-aral"
"Wala bang umampon sa inyo?"
"Wala brad eh. Wala talagang may nagkakagusto sa aming dalawa" kuwento niya sa kaibigan "Kaya nga nag-aral ako ng mabuti hanggang sa kolehiyo para makakuha ng magandang trabaho"
"Wow. Talaga? Hindi ko alam yan brad ah"
"Kaya nga nagpapasalamat ako sa'yo dahil kinuha mo ako bilang Captain Waiter sa hotel" sambit niya kay Zeek "Malaki talaga ang utang na loob ko sa'yo brad"
"Salamat dahil malaki ang naging tulong ko sa'yo" sagot ni Zeek sa kanya "Kasi deserving ka naman sa posisyon na iyon"
"Well. Salamat ulit brad"
"Ito lang ang kinababahala ko ha" dugtong ni Zeek "Sa mahabang panahon na pagkakaibigan natin brad. Hindi mo 'to nasabi sa akin"
"For what? Nothing's interesting naman sa buhay ko" sabat niya sa kaibigan "At isa pa, nalaman mo naman ngayon"
"Oo nga naman" pagsang-ayon ni Zeek sa kanya "Oo nga pala, e yung kapatid mo? Nag-aaral pa ba siya ngayon?"
"Yup. Pero graduating na din siya ngayong taon" sabay hinga ng malalim ni Owen "Sa wakas, matatapos na din ang kapatid ko sa pag-aaral. Libre na ako sa gastos"
"Wow. That's good" sagot ni Zeek "I am so proud of you, brad. Nakakabilib talaga ang mga taong kagaya mo. Kinaya mo ang pagsubok ninyo sa buhay"
"Siyempre. Wala naman akong magagawa eh. Kundi gumalaw at maging masipag sa buhay bago pa kami mamatay ng dilat" bago tumulo ang luha ni Owen ay bigla siyang tumayo para mawala ang kanyang pag-iyak "Tama na nga 'to. Masyado na akong madaldal sa buhay ko" at lumakad siya papunta sa pintuan "Diyan ka lang muna, brad. Bibili muna ako ng maiinom natin"
Samantala.
Alas-siyete na ng gabi nang lumapag ang sinasakyan na eroplano ni Hazel sa Pilipinas. Halos labing-anim din na oras ang biyahe niya mula Amerika pauwi ng Pilipinas.
‘Sa wakas. Nakauwi na ako sa Pilipinas. Home sweet home’
sambit ni Hazel sa kanyang sarili.
Habang naghihintay siya ng masasakyan niyang taxi sa labas ng airport ay may biglang tumabi sa kanya. Isang moreno at gwapong lalaki ang nakatingin sa kanya “Kailangan mo ba ng tulong?”
Napalingon naman sa kanya si Hazel at nabigla sa taong iyon. “Marco…???”
Itutuloy…
TIA: Chapter 25 (Reunited)
Laking-gulat ni Hazel na nasa tabi niya si Marco, ang kakilala at kaibigan niya mula sa Amerika. Hindi niya alam na sumama pala si Marco pauwi sa Pilipinas.
"Andito ka..?"
"Of course. Andito ako at kasama kita" ngiti ni Marco sa kanya.
"Marco naman. Huwag ka ngang pilosopo"
"I am just joking. Hindi ka naman mabiro" tawa nito kay Hazel "Nagulat ka ba, babe?"
"Oo naman. Nagulat ako dahil andito ka rin sa Pilipinas" dugtong niya "Bakit ka ba nandito? At sino ang kasama mo?"
"Hmmm. Ako lang mag-isa. Pero siyempre, kasama na kita. At hindi na ako nag-iisa"
"Hindi nga... bakit ka nga nandito..?"
"Gusto ko lang naman na sundan ka. Dahil gusto kitang makita at makasama"
"E paano si tita? Okay lang ba sa kanya na iniwan mo siya doon?"
"Kaya naman ni Mommy mag-isa sa Amerika eh" sagot ni Marco "Sa katunayan, siya nga ang may sabi na sundan kita dito sa Pilipinas. Para hindi ka na makawala sa akin"
"Sira.!!" dugtong naman ni Hazel sa kanya.
"Totoo naman diba? Hindi mo ba ako na-miss?"
"Ewan ko sa'yo, Marco" sabay para ng taxi "Sasakay na ako"
"Sandali" at sumakay naman siya sa pinarang taxi ni Hazel
"Oh. Bakit ka sumakay?"
"Saan ka ba matutulog? May uuwian ka ba?" tanong nito kay Hazel "I am sure na hindi sa dati ninyong bahay dahil ang alam ko na binenta na nina Mommy at Daddy mo yon"
"E wala naman akong sinabi na doon ako uuwi" sagot niya kay Marco "Sa hotel ako mag-che-check-in"
"Sigurado ka?" ulit ni Marco sa kanya "E baka kasi gusto mo tumira sa akin muna, may condo unit kasi ako dito"
"What? Sasama tayo sa iisang bubong? No way"
"Bakit hindi..? E muntikan na tayong maging asawa eh"
"Marco. Utang na loob. Huwag mo nang ipaalala yan sa akin. Because that was the biggest mistake na magawa ko kung mangyari man iyan"
"Ouch. Ang sakit naman"
"Yon ang totoo. At ang katotohanan ay magkaibigan lang tayo"
"Oo na. Kahit dito sa Pilipinas, friend-zoned pa rin ako" dugtong ni Marco "Huwag mo na kasing ulitin. Alam ko naman yan eh"
"Good"
"So ano? Ayaw mo talaga sumama sa akin?"
"I'm sorry. Pero ayaw ko" sagot ni Hazel "Salamat na lang sa offer"
"Sige. Kung iyan ang gusto mo. Mag-ingat ka na lang. Hazel" at lumabas na lang si Marco sa taxi at sinara ang pintuan "Matulog ka ng maaga pag-uwi mo"
Pero hindi siya narinig ni Hazel at kaagad na sila umalis ng taxi. Samantala si Marco naman ay pumara na lang ng panibagong taxi para dumerecho sa kanyang condo at doon magpahinga.
Plinano niya talaga na sundan si Hazel sa Pilipinas dahil mahal na mahal niya ito kahit ayaw ng babae sa kanya. Pero titiisin niya ang lahat para makasama lamang niya ang kanyang mahal.
Kinabukasan.
Alas-onse na ng umaga nang nakapasok sa trabaho si Zeek. Napasarap kasi ang kanyang tulog kasi madaling araw na siya nakauwi at nalasing pa ito.
Pagpasok niya ng kanyang opisina ay kaagad siyang umupo at natulog muli. Hindi niya namalayan na nakasunod pala si George sa kanya at pumasok din sa opisina habang masarap at mahimbing ang kanyang pagtulog.
"Ahheemmm!!" sambit ni George pero hindi pa rin nagising si Zeek "EEHHHEEEMMMM!!" ulit nito.
At doon nagising si Zeek at tinignan kung sino ang gumawa ng ingay na iyon. Nakita niya na si George na nakaupo habang nakatingin sa kanya.
"Oh Mahal. Andito ka pala" sabay kusot ng mga mata niya "May kailangan ka?"
"Wala naman. Gusto lang kitang dalawin at kamustahin" sagot nito "But it seems na napakahimbing ng pagtulog mo dito sa opisina mo. Pagod?"
"I'm sorry, Mahal. Hang-over lang ito" paliwanag ni Zeek kay George "Nawili kasi kami kagabi sa kakainom eh. Hindi ko na napansin ang oras"
"Talaga? So marami ang nainom mo?"
"Oo Mahal. Sorry talaga"
"Ang akala ko ba ay hindi ka mahilig uminom. Bakit kung si Owen ang magyaya, uminom ka.."
"E paminsan-minsan lang naman yon, Mahal" muling paliwanag niya dito "At tsaka, birthday niya naman, Mahal. Please. Huwag ka nang magalit sa akin"
"Oh sige na nga. Wala naman ako magagawa kundi patawarin ka"
"Salamat Mahal. Salamat sa pag-iintindi" tumayo siya at pumunta kay George at niyakap ito.
"It's okay, Mahal. Andito naman ako parang initindihan kita" sagot ni George "Pero alam mo naman ang rules ng hotel diba? Bawal uminom kapag may trabaho kinabukasan.."
"I know naman Mahal. Kasalanan ko din eh"
"Sige" buntong-hininga ni George "Pero kung hindi mo talaga kaya. Sabihin mo lang sa akin, okay?"
"Okay Mahal"
"Good" sabay ngiti ni George sa kanya "So pano..? Babalik na ako sa opisina ha..? Ikaw na muna ang bahala dito"
"Sige"
Kaagad tumayo si George at hinalikan sa labi si Zeek. Pagkatapos nun ay lumabas na siya at nagtungo na sa kanyang opisina. Samantala siya naman ay bumalik sa kanyang upuan habang minamasahe ang balikat at ang ulo nito.
Habang sarap na sarap siya sa kanyang pagmamasahe ay may biglang pumasok muli sa opisina.
"Sir. Excuse me po" sambit ng isang waiter
"Yes? Bakit?" sabay dilat ng kanyang mga mata "May problema ba?"
"May naghahanap po sa inyo"
"Sino..??"
Nanlaki ang mga mata ni Zeek sa taong pumasok na kasunod ng waiter. Isang tao na matagal na hindi niya nakakausap o nakikita sa napakahabang panahon.
"Hi Zeek" panimula nito.
"Hazel..?" sabay tayo ni Zeek sa kanyang upuan habang napanganga ito "Nakabalik ka na dito sa Pilipinas?"
"Oo Zeek. Kahapon lang" sagot ni Hazel "Kanina ko lang nalaman na nagtatrabaho ka na pala dito kasi nakita kita habang pumapasok ng hotel. Nahiya naman ako na tawagin ka" paliwanag niya kay Zeek "So tinanong ko na lang sa mga tao sa baba kung saan ka nagtatrabaho. And I'm shocked sa kanilang sagot, isa ka nang Food & Beverage Director..?? Wow. I'm so proud of you"
"Thanks" tanging sagot ni Zeek sa kanya
"Ahhmmm. Oo nga pala. Dito ako naka-check-in sa hotel ninyo"
"Well. Good for you. I hope you'll enjoy your stay here" at lumapit si Hazel sa kanyang mesa "Bakit..? May kailangan ka pa? Kung meron man, doon ka na lang sa front desk humingi ng tulong. Huwag dito"
"Cookie..." at umupo si Hazel sa bakanteng upuan "Kamusta ka na? I missed you" pero hindi sumagot si Zeek sa kanya "Kausapin mo naman ako oh. Bakit ang tahimik mo?"
"Wala na tayong dapat pag-usapan Hazel. Tapos na tayo. Matagal na nung nagpakasal ka sa lalaki mo sa Amerika"
"Lalaki? Anong lalaki? Nagkakamali ka"
"Please. Tama na, Hazel. Ayaw ko nang makinig sa sasabihin mo" sagot ni Zeek sa kanya "You can leave my office. Marami pa akong gagawin"
"Sige, Kung iyan ang gusto mo" sagot ni Hazel habang mahinahon ang tono ng kanyang boses "Aalis ako. Pero mag-uusap pa rin tayo kapag may oras at panahon ka na"
Hindi sumagot si Zeek sa sinabi sa kanya ni Hazel. Nagdesisyon na lang siya na tumayo at lumabas ng opisina, Samantala si Zeek naman ay umupo ulit at parang nanginginig dahil sa halong galit at sakit sa kanyang puso na ginawa sa kanya noon ni Hazel.
Magkalipas ang ilang mga minuto ay kumalma na si Zeek sa kanyang galit. Pero gusto niyang ikuwento kay George ang nangyari dahil karapatan din niyang malaman ito. Kaagad siyang tumayo at lumakad patungo sa opisina nito.
"Mahal..??" tawag ni Zeek habang papasok siya ng opisina ni George. Doon niya nakita muli ang lugar na pinangyayarihan nila noon. Ang mga panahon na ginagamit pa lang siya ni George at binabayaran "Mahal? Andito ka ba?"
"Excuse me po Sir" sambit ng maliit na tinig ng babae sa bandang likuran niya.
Kaagad naman siya lumingon at tinignan kung sino ang taong iyon “Who are you?” tanong ni Zeek sa babae.
"Ako nga po pala si Kate. Executive Assistant ni Sir George"
"Ohh. Okay" sagot naman ni Zeek "Matagal ka na ba dito? Parang hindi ka niya minention sa akin"
"Hindi naman po Sir. More than one year pa lang ako dito"
"Talaga..?? Ngayon lang kita nakita ah" dugtong ni Zeek "Pero kung sa bagay, ngayon lang din kasi ako nakapunta dito ulit after three years"
"Really Sir? I believe ikaw po si Mister Lacsamana diba? Ang Food and Beverage Director"
"Yes. Ako nga"
"Wow. What a great honour. Parati po kayo kasi kinikuwento ni Boss"
"Wow. For real?" sabay ngiti niya na parang nakikilig " Ano naman ang sinasabi niya tungkol sa akin?"
"Ang sabi niya po ay dati ka po niyang assistant. Tapos sa kasipagan mo daw ay ginawa ka niyang waiter at doon na daw unti-unting tumaas ang posisyon mo at sa huli ay naging Director ka na nga" kuwento ni Kate sa kanya "Alam mo, Sir. Naging inspirasyon po kita. Wala po talagang imposible kung mangarap at magsipag sa gusto ninyo"
"Well. That's true. Bago ko napuntahan kung saan ako ngayon ay napagdaanan ko na lahat ng trabaho dito"
"Oo nga po Sir eh. Gusto ko din maabot kung ano ang narating po ninyo. Kahit assistant lang ako, katulad mo noon, maabot ko din yan"
"Ano ka ba... huwag mong i-lang ang trabahong yan" sambit niya sa babae "Sa katunayan nga, isang accomplishment din na maging assistant ni Sir George noon. Kasi siyempre, boss natin ang may-ari. It's an honour na makasama at makatrabaho ang may-ari diba..?"
"Kung sa bagay po, Tama kayo diya, Sir"
"Just enjoy your work. At siyempre, maging masipag ka sa trabaho mo para makamit mo din ang pangarap mo"
"Don't worry po, Sir. Gagawin ko talaga yan"
"Good" ngiti ni Zeek sa kanya
"Wow. Parang masaya ang usapan ninyong dalawa diyan ah" sabay sulpot ni George papasok ng kanyang opisina.
"Sorry Sir. Napasarap ang kuwentuhan namin ni Sir Lacsamana" sambit ni Kate sa kanyang amo.
"No. Don't apologize, Kate. It's okay" ngiti ni George
"And it's Sir Zeek. Tawagin mo lang ako sa ganyang pangalan" mungkahi niya kay Kate "Masyado kasing mahaba kung apelyido ko ang gagamitin mo eh"
"Okay po Sir Zeek"
Ngumiti na lang si Zeek sa babae bilang sagot sa kanya “You can now leave us, Kate” dugtong ni George. Kaagad naman lumabas ang assistant niya at naiwan silang dalawa sa loob ng opisina.
"She's good" panimula ni Zeek sa kanilang usapan.
"She is. Parang katulad mo din siya, Mahal. Masipag at mabait na bata"
"Really? So baka, mainlove ka din sa kanya ha?" biro nito kay George
"Naku. Hindi rin. Kasi ikaw ang mahal ko eh" sabay yakap niya kay Zeek. Doon nahalata ni George ang mukha niya na parang malalim ang iniisip nito. "Mahal? May problema ka ba?"
"Meron Mahal"
"Ano yon? Sabihin mo sa akin baka may matulong ako sa'yo"
"Actually, may sasabihin ako sa'yo, Mahal. Pero huwag ka sanang magalit"
"Sige. Ano ba yun?"
"Bumalik na si Hazel" panimula ni Zeek "Ang ex ko"
"So? Ano naman ngayon kung bumalik siya?"
"She's here. Sa hotel. Dito siya naka-check-in"
"Ano? Paano mo nalaman?"
"Pumunta siya dito sa opisina ko right after na umalis ka. At kwinento niya lahat kung paano niya nalaman na nandito ako"
"Well. That's okay, Mahal" sagot niya kay Zeek habang tinititigan nito ang buong detalye ng mukha ng kanyang mahal "Wala naman akong rason para magalit sa'yo. Nagkita lang naman kayo ng ex mo accidentally diba? I mean, hindi maiiwasan yan dahil napagdaanan ko din yan"
"Talaga? So ayos lang sa'yo na andito siya sa hotel mo..??"
"Oo naman. Okay lang talaga sa akin" sagot nit okay Zeek "Wala naman akong pakialam kung ex mo siya eh. Basta ang importante ay nagbabayad siya dito sa hotel ko"
"Hmmm. Kung sa bagay. Tama ka"
Pero hindi pa rin maalis kay Zeek ang pag-aalala niya. Tama nga ang sinabi sa kanya ni George na hindi talaga maiiwasan na magkita sila, lalung-lalo na sa iisang gusali na lang sila.
"Just relax, okay?" sambit ni George sa kanya "You look bothered eh"
"Sorry Mahal. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko kapag nagkita ulit kami ni Hazel eh"
"Just act normal. And be professional" payo nito sa kanya "Yun lang yun. Treat her like someone else sa hotel na 'to. As a guest.. unless..."
"Unless what..?"
"Unless kung may nararamadaman ka pa sa ex mo" dugtong ni George "Romantic feeling, that is"
"Of course not. Wala na. Matagal ko nang inilibing ang pagmamahal ko sa kanya"
"Talaga?"
"Oo naman. Hindi ka ba naniniwala sa akin?"
"Oo. Naniniwala ako sa'yo" sagot ni George at niyakap niyang muli si Zeek "Ayaw ko lang kasi na mawala ka sa buhay ko, Mahal"
"Mahal.. hinding-hindi ako mawawala sa'yo. Pangako yan"
"Salamat Mahal"
Samantala.
Nakaupo si Hazel sa isang upuan sa kanyang silid. Nag-iisip tungkol sa kanyang dating karelasyon, kung bakit hindi ito masaya sa muling pagkikita nilang dalawa.
‘Galit ba sa akin si Zeek? Bakit hindi siya masaya nung nakita niya ako?’
sambit ni Hazel sa kanyang sarili
‘Baka may iba na siyang girlfriend, kaya ganon niya lang ako tratuhin kanina’
Naputol ang kanyang pag-iisip kay Zeek nang may kumatok sa kanyang pintuan. Kaagad naman siya tumayo at nagtungo sa pinto para pagbuksan ang taong nasa labas.
Nang pagbukas ng kanyang pinto ay nagulat siya sa taong nasa labas.
"Marco..?"
"Hey babe" bati niya kay Hazel at kaagad pumasok ng silid.
"Bakit ka nandito?"
"Gusto lang kita bisitahin. Masama ba?" sagot niya at umupo ito sa maliit na sofa.
Hindi alam kung ano ang gagawin ni Hazel nang pumasok si Marco sa kanyang silid. Kailangan niya itong paalisin bago pa siya makita ni Zeek at baka ano na naman ang kanyang isipin.
Itutuloy…
TIA: Chapter 26 (Argumento)
Tumayo si Hazel sa harap ni Marco na nakaupo. Hindi niya talaga gusto na nandoon siya sa kanyang silid at baka may makakita na ibang tao, lalung-lalo na si Zeek.
"Oh. E bakit ang sama ng tingin mo sa akin..??" sambit naman ni Marco sa kanya.
"Bakit ka ba nga nandito..? Ano ba ang kailangan mo?"
"Wow. Kailangan talaga? As I said, gusto lang kita makita" sagot muli ni Marco sa kanya "Alam ko naman na ayaw mong pumunta sa condo unit kahit na sinasabi mo na bibisita ka. So I decided na ako na lang pumunta dito"
"Pupunta naman ako dun eh. Pero hindi pa nga ngayon kasi busy pa ako" paliwanag ni Hazel sa kanya "Please naman, Marco. Umalis ka na"
"Ano? Bakit mo ako papaalisin? May tinatago ka ba sa akin?"
"Wala. Busy nga ako diba"
"E ano ang ginagawa mo? Parang wala naman ah"
"Basta. Marami. Kaya please, Umalis ka na" utos ni Hazel sa kanya "Pangako. Ako na lang ang pupunta sa'yo kapag hindi na ako busy"
"FINE!"
Nagpabuntong-hininga na lamang si Marco dahil wala siya nagawa sa utos ni Hazel sa kanya. Kaagad siya tumayo at lumakad patungo sa pintuan at tuluyan nang lumabas ng silid. Habang si Hazel naman ay pinagpatuloy ang kanyang gawain habang binabagabag siya ni Zeek.
Gusto niya kasi yakapin ng mahigpit si Zeek dahil sa wakas ay malaya na siya sa kanyang magiging desisyon sa buhay at wala nang magkokontrol sa kanya.
Sumama si George kay Zeek sa kanilang bahay dahil matagal na siyang hindi nakabisita sa ina ni Zeek. Nang pagpasok nilang dalawa sa bahay ay nakita nila ang kasambahay na nag-aayos ng hapagkainan.
"Manang" bati ni Zeek sa kanilang katulong.
"Bakit po Sir?"
"Nasaan po si Mama?"
"Nasa itaas po Sir. Baka nagpapahinga na"
"Ahh. Ganon ba.? Nakakain na ba siya?"
"Wala pa po Sir. Hihintayin ka na lang daw niya"
“Oh sige. Aakyat muna ako Manang” paalam niya dito “Gigisingin ko lang si Mama. Ikaw muna ang bahala sa bisita ko ha”
"Okay po, Sir"
Umakyat nga si Zeek papunta sa silid ng kanyang ina upang gisingin ito para kumain na at para ipaalam dito na nasa baba ang matagal niyang hinintay.
Nang pagpasok niya sa silid ni Vivian ay nadatnan niya ito na mahambing ang pagtulog sa kama. Lumapit siya sa ina at umupo sa tabi nito.
"Ma... Ma" gising niya kay Vivian "Gising po. Kakain na po tayo, Ma"
Dumilat ang mga mata niya at kaagad bumangon sa kama. “Andiyan ka na pala, anak, Kanina ka pa?”
"Hindi Ma. Kakarating lang namin" ngiti ni Zeek.
"Namin...??" ulit ni Vivian "May kasama ka?"
"Opo Ma" sagot nito "Kasama ko po si Sir George, Ma"
"Talaga?" napangiti si Vivian sa kanyang narinig.
"Opo Ma. Sakto din kasi na hindi kami masyadong busy kanina. Kaya ininvite ko na lang siya dito para dalawin ka"
"Mabuti naman kung ganon, anak" dugtong ni Vivian "Matagal na rin kasi ang huling punta dito ni Sir George mo. Halika na, bababa na tayo, baka mainip sa atin sa kahihintay"
"Sige po, Ma"
Nang pagkababa nilang dalawa ay kaagad niyakap ni Vivian si George bilang pagbati niya dito. “Masayang-masaya ako dahil nakabisita ka muli dito, Sir George” sambit ni Vivian sa kanya.
"Naku Ma'am. Huwag niyo na po akong tawagin na 'Sir'. Parang nakakatanda lang eh" ngiti ni George.
"Pasensiya na po, Nasanay lang kasi ako na iyan ang tawag ng anak ko sa'yo" sagot niya kay George "Alam ko naman na mas matanda ako sa'yo ng limang taon"
"Oo nga po eh" sagot niya naman "Pero Ma'am. Hindi po halata na matanda ka. Parang nasa 20's ka lang"
"Talaga? Salamat naman Sir" ngiti ni Vivan "Pero maiba po tayo. Salamat talaga ulit sa bahay na 'to ha. Kasi tinulungan mo ang anak ko sa pagbayad nito"
"Naku po, Ma'am" sabay akbay ni George kay Zeek habang hinihimas ang balikat nito "Malakas na malakas sa akin ang anak ninyo. Wala lang po iyan"
Nailang naman si Zeek sa ginawa sa kanya ni George. Kaagad niyang kinuha ang kamay nito sa kanyang balikat habang nakatingin ang ina niya. Pero ngumiti lang si Vivian sa kanilang dalawa dahil parang magbarkada lang silang dalawa.
Halos sobrang dalawang oras ang pagkukuwentuhan at pagkain nila ng hapunan. Hindi naman napansin ni George iyon dahil sa masaya na usapan nilang tatlo.
Pagkatapos nilang kumain ay kaagad nagpaalam si George kina Vivian at Zeek na uuwi na dahil may trabaho pa siya bukas na hinihintay.
Kinabukasan.
Nagmamadaling lumabas si Hazel sa kanyang silid upang kausapin si Zeek. Alas-diyes na iyon ng umaga at alam niya na nandoon na siya sa kanyang opisina.
Nang pagkadating niya doon ay nagulat siya sa kanyang nakita. Isang tao at hindi niya kilala ang nakaupo sa upuan ni Zeek at parang relaks na relaks pa.
"Good morning" bati ni Hazel sa kanya habang papasok ito sa opisina.
"Good morning din" sagot naman ni Owen sa kanya
"Ahmm. Matanong ko lang po kung nasaan ang Director ng F&B Department??"
"You're talking to him. Ako ang Director"
"Are you sure? Parang iba kasing tao ang nakilala ko na Director"
"Teka. Sino ka ba? Hindi kita kilala" dugtong ni Owen sa kanya "Paano ka naman nakakasiguro na hindi ako ang Director ng Food and Beverage Department?"
"E ikaw? Sino ka? Kilala ko mismo ang nakaupo sa pwesto mo"
Tumayo si Owen sa upuan at hihirit pa sana kay Hazel pero biglang nagsalita sa likuran ng babae.
"Owen. Ano ang ginagawa mo diyan?" tanong ni Zeek sa kanya habang papasok siya sa opisina "At sino ang babaeng 'to..??"
Nanigas ang buong katawan ni Hazel nang dumating at tumayo si Zeek sa kanyang likuran. Lumapit ito patungo sa kanya upang tignan nga kung sino ang babae nasa harapan niya.
"Hi Zeek" bati ni Hazel sa kanya.
"Hazel? What are you doing here?"
"Kilala mo pala siya, brad?" dugtong naman ni Owen "Kaya pala hindi siya naniwala sa akin na ako ang Director. Haha"
"Sira ka talaga" ngiti naman ni Zeek "Oo kilala ko siya. She's Hazel. My ex-girlfriend" sabay lumaki ang mga mata ni Hazel at Owen sa kanilang narinig.
"Ows. Talaga? Siya 'to??" turo ni Owen kay Hazel.
"Yup. Siya nga" sagot naman ni Zeek "If you will excuse us. Mag-uusap muna kami"
Walang sabi-sabi ay kaagad lumakad palabas si Owen sa opisina ng kaibigan. Habang si Zeek naman ay pumunta sa kanyang upuan at inilagay ang mga paa sa ibabaw ng mesa.
"Well. What are you still doing here?"
"Diba ang sabi mo mag-uusap pa tayo? Yon ang sabi mo sa kanya"
"No. Ang ibig kong sabihin ay kung ano pa ang ginagawa mo dito sa hotel..? Wala ka bang plano na umalis?"
"Dito ako naka-check-in at hindi ko naman alam na nandito ka" sagot ni Hazel "At wala. Wala akong plano na umalis"
"Ohh. Okay then"
"So ano yun kanina ang sinabi mo sa kaibigan mo? Ex-girlfriend mo ako? Bakit? Ano ba ang ginawa ko sa'yo na ikinagagalit mo?"
"Hindi mo alam..??"
"Hindi siyempre. Kaya nga ako nagtatanong diba?"
"Sigurado ka? Hindi mo talaga alam?" ulit pa ni Zeek "Hindi mo alam ang ginawa mo sa akin nung sinaktan mo ako..?"
"Hindi nga, okay? Sabihin mo sa akin kung ano yon, Zeek. Parang awa mo na" dugtong ni Hazel "Bakit hindi ka masaya nung nagkita ulit tayo? Bakit kinasusuklam mo ako?"
"Kasi sumuko ka na sa ating relasyon. Sumuko ka nung iniwan mo ako dito sa Pilipinas at sumunod sa mga magulang mo"
"Cookie.." at umupo si Hazel sa bakanteng upuan sabay abot ng kamay ni Zeek "Hindi ako sumuko, okay? Ikaw nga ang unang sumuko sa ating dalawa eh. Oo. Iniwan kita. Pero nangako ako na hindi ako susuko sa relasyon natin at babalikan kita"
"Sigurado ka?" at biglang ngumiti si Zeek sa sinabi ni Hazel "Hindi ka sumuko? Kaya pala nagpakasal ka na sa lalaki mo doon sa Amerika"
"Ano? Ano ba ang pinagsasabi mo? Hindi ako nagpakasal, Zeek"
"Sinunggaling" sabat ni Zeek sa kanya "Tinawagan kita noon, Hazel. Tinawagan kita noon dahil nagsisisi ako nung inaway at hinawalayan kita at gusto ko na magkabalikan tayo at hihintayin kita sa pagbabalik mo" paalala ni Zeek "Pero ano ang sabi mo... ang sabi mo ay nagsisisi ka na minahal mo ako at magpapakasal ka na sa ibang lalaki" habang nanginginig sa galit si Zeek habang binabalik ang nangyari noon sa kanya "Kaya sabihin mo sa akin, kung ano ba talaga ang naging kasalanan mo kung bakit ako nagkaganito..."
"Wala akong pinakasalan, Zeek. Maniwala ka"
"Talaga..?" dugtong ni Zeek "E ano yung sinabi mo sa akin? Joke lang yun?"
"Ano ba?! Wala nga akong sinabi sa'yo na kung ano man!" pagdidiin ni Hazel "At wala akong naalala na nag-usap tayo sa telepono o kahit saan man. Diba? Galit ka sa akin nun? Nung araw na umalis ako..? Ni hindi mo naman ako binigyan ng pagkakataon para magpaliwanag"
"I know. Alam ko na naging mahina ako noon. Nagalit ako sa'yo nung umalis ka" pahayag ni Zeek sa kanya "Pero narealize ko na mahal pa rin kita at handang maghintay sa'yo. At kaagad kitang tinawagan at sabihin sa'yo lahat ng nararamdaman ko sa'yo" at tumulo ulit ang luha ni Zeek habang sinalaysay niya ito kay Hazel
"Mahal kita, Zeek. Alam mo yan. At ikaw lang ang lalaki na pakakasalan ko"
"E sino yon? Sino ang sumagot at kumausap sa akin nun..?"
"Hindi ko alam" at yumuko siya upang balikan ang sinasabi ni Zeek sa kanya na pangyayari. Muling umangat ang ulo nito at may bigla siyang naalala "Teka... naaalala ko na may kausap si Mommy noon, gamit ang cellphone ko. Tapos tinanong ko siya kung sino ang kausap niya. Sabi niya, manliligaw ko daw" napitingin siya sa mga mata ni Zeek "Oh my god. Hindi ko alam, ikaw pala ang kausap niya. Sorry. Sorry talaga"
"Sa tingin mo ba ay naniniwala ako sa mga pinagsasabi mo?" dugtong niya
"Oo. Kailangan mong maniwala sa akin dahil nagsasabi ako ng katotohanan"
"Talaga lang ha" sambit ni Zeek na parang hindi naniniwala sa paliwanag ng isa "Bakit hindi mo naman ako kinamusta kung ano ang kalagayan ko sa loob ng tatlong taon dito? Mahirap ba yun, Hazel?"
"Ayaw kitang kausapin dahil alam ko na galit ka pa rin sa akin" dahilan ni Hazel "Baka kung kakausapin kita ay baka pagalitan mo lang ako"
"Ganon?? Ang sabihin mo, wala ka na talaga pakialam sa akin at sa nararamdaman ko. Dahil sarili mo lang ang iniisip mo!"
"Hindi totoo yan, Zeek" sagot ni Hazel "Kung alam mo lang kung ano kita kamahal. Iniisip kita bago matulog. Pinagdadasal kita na makamit mo ang mga pangarap mo sa buhay. At tignan mo ngayon, naabot mo na nga ang pangarap mo. I'm so proud of you"
"Oh come on, Hazel" sabat ni Zeek na parang hindi naniniwala sa sinasabi ni Hazel "Huwag mong isali ang Diyos dito sa usapan natin at para ipakita sa akin na mabuti kang tao"
"Sinasabi ko lang naman sa'yo ang katotohanan, Zeek. Maniwala ka naman sa akin" paninindigan niya kay Zeek "Oo. Inaamin ko na may pagkukulang ako sa'yo. Hindi kita tinawagan o kinamusta o kinausap nung nandoon ako sa Amerika. Pero bigyan mo naman ako ng pagkakataon para bumawi at pakinggan ang mga sinasabi ko sa'yo"
"Okay" sagot na lang ni Zeek na parang sumuko na sa kanilang argumento. Doon ding lumiwanag ang mukha ni Hazel sa pagtanggap ni Zeek ng kanyang pakiusap "Paniniwalaan ko ang mga sinasabi mo. Pero kung malaman ko na nagsisinungaling ka, hinding-hindi mo na ako makikita"
"Oo Zeek. Pangako. Hindi ako nagsisinungaling sa'yo"
"Good" sagot niya kay Hazel "You can leave my office. Marami pa akong gagawin"
"Sige Zeek. Maraming salamat sa pakikinig"
"No problem"
"So kailan tayo muling mag-usap?"
"I just call you" dugtong ni Zeek "At sana... totoong ikaw na ang makausap ko"
"Don't worry, Zeek. Ako na talaga ang kakausap sa'yo kung tatawag ka"
"Okay" buntong-hininga niya "Sige na, Hazel. Umalis ka na"
Tumayo naman si Hazel sa upuan at ngumiti kay Zeek pero hindi niya ito ginantihan. Umalis na lang siya at tuluyan nang nawala sa paningin ni Zeek.
Bago lumabas si Zeek para tulungan ang mga tauhan niya sa isang malaking event sa ibaba ay dumerecho muna siya sa opisina ni George. Kakausapin niya muli ito tungkol kay Hazel at para maglabas lang ng sama ng loob dito.
Nang pagpasok niya ng opisina ay nakita niya si George na nakatayo malapit sa bintana at parang malalim ang kanyang iniisip. Kaagad naman niyang pinuntahan si George at niyakap niya ito ng mahigpit.
"Heyy.. Kamusta ka na..?" bati ni Zeek sa kanya na parang malambing ang tono ng boses.
"Okay lang naman" sagot ni George na mahina din ang tono. Napansin naman ito ni Zeek at tinignan niya ito sa mata "May problema ka ba?"
"I'm okay"
"I know you're not" hinawakan niya ang mga kamay ni George "Please Mahal. Sabihin mo sa akin kung ano ang problema mo"
"Gusto ko din sana sabihin sa'yo pero ayaw kong madamay ka sa problema, Mahal"
"Bakit? Ano ba yan?" pangungulit pa ni Zeek dito "Diba sabi mo, partners tayo? Hindi lang sa romantic relationship kundi dito sa negosyo mo" paalala niya "Kaya sabihin mo na sa akin. I'm here to help sa abot ng aking makakaya"
"Okay. Sige na nga" sabay buntong-hininga niya "I'll be honest sa'yo. Nalulugi muli ang hotel.... At baka hindi na natin mapabangon muli ito"
Itutuloy…
TIA: Chapter 27 (The Truth)
“What? Paano?” tanong ni Zeek kay George. Hindi niya kasi alam kung paano nangyari na nalulugi muli ang hotel niya.
"Dahil sa maraming bagong hotels na nagsisisulputan na parang kabote" paliwanag niya kay Zeek "Luxury hotels na nag-ooffer ng cheap rates compare sa atin. Kaya mas pinipili sila ng mga tao" kitang-kita sa mukha ni George ang pag-aaalala dito "Hindi pa yan... Pinapatulan pa sila dahil sa mga latest technologies at mas modern na ang mga gamit nila"
"So why don't we upgrade our system? Para makasabay tayo sa kanila"
"We can't"
"Why not?"
"We don't have enough money to upgrade our system. As I said, nalulugi tayo at kaunting pera lang ang pumapasok"
"Sorry. Hindi ko alam 'to"
"It's okay. Kahit naman ang ibang Directors ay hindi din alam ang tungkol dito" dugtong niya "Ikaw lang naman ang sinabihan ko nito"
"Paano 'to? What's your plan?"
"Honestly. I don't know" sagot naman ni George "I can't get a loan sa bangko dahil meron pa akong utang na hindi pa nababayaran"
"Mahal... why don't you get an investor..?" mungkahi ni Zeek sa kanya "Para maisalba ang kumpanya mo"
"No. That's impossible, Mahal"
"Bakit..? Wala ka namang choice eh"
"Hindi mangyayari yan. Sa tingin mo, sino ba ang mag-iinvest sa palugi nang kumpanya..?"
"Yung may-ari ng The Fifteen Seasons Hotel at Atlantic Suites?" dugtong niya dito "Ang mga hotel na yan ay nasa top ng listahan sa mga nangungunang hotel"
"No. Ayaw ko" pagmamatigas ni George
"Bakit? Mahal naman. You have no choice"
"You're telling me na hihingi ako ng tulong sa malaking kakompitensiya natin?" dugtong niya kay Zeek "Na sila din mismo ang dahilan na muntikang malugi ang hotel namin noon. Diba alam mo ang buong kuwentong yan? Sinabi ko sa'yo noon diba?"
"Oo. Naalala ko pero matagal na panahon na iyon" pangungumbinsi ni Zeek sa kanya "It's time to move-on at ibaba ang pride mo"
"Excuse me....?"
"Yes. Napakataas kasi ng pride mo" pagdidiin pa ni Zeek "At isa pa, kilala mo naman ang may-ari diba?"
"Oo. Pero nahihiya ako. Paano kung tatawanan niya ako? Ayaw ko na tatawanan niya ako"
"Mahal.." buntong-hininga ni Zeek at sabay niyang niyakap ito "Sundin mo na lang ako. Please? Para naman 'to sa hotel mo eh" patuloy pa rin ang pangungumbinsi niya kay George "Isipin mo na lang ako. Saan ako magtatrabaho kung wala na ang hotel? Paano na ang mga tauhan mo dito, na umaasa lang sa'yo?"
Biglang natahimik at napaisip si George sa sinabi at pinayo sa kanya ni Zeek. Marahil ay tama nga siya dahil maraming tao ang madadamay kung papabayaan niya na lang malugi ang kanyang kumpanya kung hindi siya kikilos kaagad at makaisip ng solusyon.
"I guess, tama ka, Mahal" napatingin siya kay Zeek at hinalikan niya ito sa labi "You're so smart" kaagad siyang nagtungo sa kanyang mesa at tinawagan si Kate, na kanyang assistant sa kanyang telepono. "Kate, pumasok ka muna dito sa office"
Magkalipas ang ilang segundo ay pumasok nga si Kate sa opisina “Yes Sir? May ipapagawa po ba kayo sa akin?” habang lumakad siya papunta sa kanilang dalawa.
"Yes Kate" sagot ni George "Tawagan mo ang opisina ng may-ari ng Dy Group of Companies. Sabihin mo na mag-aarrange tayo ng meeting para sa kanila"
"Kailan naman Sir?"
"Bukas. Or depende din sa kanila kung kailan gusto nila"
"Okay po, Sir. Copy" sagot kaagad ni Kate "Is that all?"
"Yes. Yun lang" sabat naman ni George "Pwede ka nang lumabas, Kate. Thank you"
Kaagad lumabas ang babaeng assistant ni George sa opisina niya. Doon niya tatawagan sa labas ang inutos sa kanya. Habang si Zeek naman ay nakatayo pa rin at nakatitig lang kay George na malalim ang kanyang iniisip.
Samantala. Sa kwarto ni Hazel.
Ilang beses niyang tinatawagan ang kanyang Mommy pero hindi pa rin ito sumasagot
‘Mom. Sagutin mo ang tawag ko, please’
sambit ni Hazel sa kanyang telepono.
Nang matapos ang tatlong tangka ng pagtawag ay sinagot na rin ito ng kabilang linya.
Hazel: Mom. Thank God. Sinagot mo na.
Daisy:Sorry anak. Nagluluto kasi ako ng hapunan namin ng Daddy mo eh. So, kamusta na ang unang araw mo diyan sa Pilipinas after three years?
H: Okay lang naman po, Mom. Parang wala masyadong nagbago sa city. Ganon pa rin.
D: Mabuti naman kung ganon. So, nakapag-apply ka na ba diyan? Kailan ka na magsisimula?
H: Wala pa eh. Siguro sa mga susunod na mga araw
D: Bakit hindi pa? Bilisan mo na anak. Para magulat sila kung ano at saan ka nakapagtapos ng college mo.
H: Mom. Hindi naman ako ganon. Hindi ko pinagyayabang kung saan ako nakapagtapos. I need to be humble.
D: Sorry anak. Proud na proud lang talaga kami sa’yo ng Daddy mo eh.
H: That’s okay Mom. Ahmmm. By the way, matanong ko lang po.
D: What’s that princess?
H: Tumawag ba sa’yo noon si Zeek?
D: Sinong Zeek? Parang hindi ko siya kilala ah.
H: Mom. Kilala mo siya, Siya ang rason kung bakit ninyo ako diyan sinama ni Daddy sa Amerika.
D: Ahhh. HIM. So ano naman sa kanya?
H: Just answer my question, Mom. Tumawag ba siya noon at ikaw ang nakasagot?
D: W-wala. Hindi siya tumawag kahit na kailan. At bakit mo pa yan tinatanong? Hindi na siya parte ng buhay mo ngayon. Matagal na kayong wala.
Parang naramdaman ni Hazel na may tinatago nga ang kanyang ina sa kanya. Lalung-lalo na sa tono ng pananalita nito. Biglang nainis si Hazel at sinubukan muli ang pasensiya ng ina.
H: I’m with him.
D: What? Ano ang ibig mong sabihin, Hazel?
H: Kasama ko siya ngayon dito.
D: Oh no, Hazel. Please, Parang awa mo na. Huwag mong gawin sa amin ito ng Daddy mo.
H: Why not? I’m old enough. Pabayaan niyo na lang ako. Kaya ko naman ang sarili ko.
D: NO!! Anak ka pa rin namin. At gusto lang namin ang makabubuti para sa’yo
H: I know, Mom. And thanks for that. I really am. Pero tama na ang pagtatrato ninyong dalawa ni Daddy na baby niyo ako.
D: Hazel. Please. Parang awa mo na. Paalisin mo ang lalaking yan sa kwarto mo. Hindi ka namin pinaaral dito sa Amerika para makipagbalikan sa walang ambisyon na lalaking yan.
H: But Mom. I still love him. Gusto ko siyang makasama habambuhay.
D: Oh my god… you’re out of your mind, Hazel… E ano ang gagawin niya para mabuhay ka at ang magiging anak ninyo? E wala naman siyang trabaho. Ikaw na lang ba ang maghahanapbuhay kahit na ikaw ang babae…?
H: Oo naman. Wala namang masama kung ako na babae ang magtatrabaho sa amin mag-asawa diba..?
D: Meron. Meron Hazel. Parang awa mo na, huwag mong gawin sa amin ng Daddy mo ito. Kaya ka nga sinama dito sa Amerika para kalimutan mo na nang tuluyan ang lalaking yan. Kahit anong pilit niya na kausapin ka, hindi kita pinapakausap sa telepono at sinasabi ko lang sa kanya na magpapakasal ka na para matigil na ang kakulitan niya sa’yo..
H: Yon!! Gotcha!
D: Anong ‘gotcha’? What do you mean by that, Hazel?
H: Tama nga ang duda ko sa’yo, Mom. Ikaw nga ang kumausap sa kanya noon. Mom, bakit mo ginawa yon..?
D: Kasi hindi siya karapat-dapat sa’yo anak. Hindi kayo bagay. Mas bagay kayo ni Marco. Kaya nga pinasunod ko siya sa’yo para mabantayan ka sa mga kilos mo.
H: What?! Ikaw ang umutos sa kanya na sundan ako dito?? Oh my god, Mom. That’s unfair.
D: No Hazel. I’m doing this for your own good.
H: No Mom. You’re doing this para sa kay Daddy. Kasi wala ka namang magagawa kay Daddy kundi sundin na lang ang gusto niya para maging maayos lang kayo. Naging insensitive ka na sa feelings ng anak mo kahit alam mo na nasasakal na ako sa inyo.
D: That’s not true, Hazel. Mahal ka namin ng Daddy mo.
H: Yes. Totoo ang mga sinasabi ko. Wala kang pakialam sa nararamdaman ko and that’s unfair!
D: Watch your tone lady. Huwag na huwag mo akong sisigawan sa telepono kasi anak pa rin kita. Sige. I’ll give you a favour.
H: Favor? Ano yon?
D: Hindi ko isusumbong sa Daddy mo ang pinagagawa mo diyan sa Pilipinas. Once may narinig ulit ako na nakikipagkita ka pa rin sa taong yan, isisumbong kita sa Daddy mo.. Is that clear..?
H: Okay. Bye.
Kaagad binaba at pinatay ni Hazel ang kanyang telepono para hindi makatawag pabalik ang kanyang Mommy sa kanya.
Nasasaktan talaga siya dahil hanggang ngayon ay wala pa ring tiwala ang kanyang mga magulang sa kanya kahit sinasabi at pumapayag na sila na pwede na siyang magdedesisyon para sa kanyang sarili.
Kinabukasan. Sa opisina ni George.
Nakaupo siya sa kanyang upuan at parang wala sa kanyang sarili. Iniisip niya pa rin kasi ang kanyang problema tungkol sa kanyang hotel.
Hindi niya namalayan na may pumasok sa kanyang opisina.
"Good morning, Sir" bati ni Kate sa kanya at tila nagmamadali itong lumalakad patungo sa kanya.
"Yes Kate..?"
"Tumawag na po ang sekretarya ng may-ari ng Dy Group of Companies"
"Talaga?" at nanlaki ang mata ni George sa kanyang narinig mula sa kanyang assistant "Anong sabi.?"
"Mamaya lang daw after lunch siya pwede" sagot ni Kate "One o'clock in the afternoon to be exact. At doon lang sa kanila ang meeting, Sir"
"Sige" lumiwanag ang mukha ni George sa balita ni Kate "I'll be getting ready na. Salamat Kate"
"You're welcome, Sir" sagot niya naman "May kailangan pa ba kayo?"
"Wala na. Pwede ka nang bumalik sa trabaho mo"
Lumabas naman kaagad si Kate sa opisina niya. Sakto din na pumasok si Zeek para kausapin at kamustahin siya nito.
"Hi Mahal. Kamusta ka na?" at nakita mia ang masayang mukha ni George "What happened? Parang masaya ka 'ata"
"Yup. I am" ngiti ni George "Tumawag na kasi ang opisina ng Dy Group of Companies. At pumayag na sila na makipagmeeting sa atin"
"Wow. That's great" at yumakap ng mahigpit si Zeek sa kanya "Sana pumayag sila sa gusto mo"
"Sana nga, Mahal. Para makabangon na tayo sa problema nating 'to"
"Babangon muli ang hotel mo, Mahal" paniniguro ni Zeek sa kanya "Nagawa na yun ng lolo mo noon, at magagawa mo ulit ngayon, and that's for sure"
"Salamat Mahal. Masaya ako dahil andito ka sa tabi ko. Parati mo akong sinusuportahan sa mga desisyon ko"
"Siyempre. Mahal kita eh" ngiti ni Zeek habang hinahalikan ang bibig ni George.
"Mahal na mahal din kita"
"Oo nga pala, Mahal. Kailan ba nila gustong makipagmeeting sa atin?"
"Mamaya na Mahal. Mamaya mga after lunch"
"Agad-agad? Wow. Sige Mahal" dugtong ni Zeek "Maghanda ka na diyan para sa mamaya mong presentation at kung ano ang mga sasabihin mo sa kanila"
"Tapos na Mahal. Nagawa ko na kagabi"
"Good for you, Mahal. You're good to go"
"Oo Mahal. Naghahanda talaga ako ng mabuti para pumayag sila sa offer ko sa kanila"
"At makukuha mo yon. May tiwala ako sa'yo"
"Salamat Mahal"
Ngumiti na lang si Zeek bilang sagot sa sinabi ni George. Kaagad siya iniwan ni Zeek para maghanda at magrelaks para sa mamaya niyang meeting para sa Dy Group of Companies.
Habang lumalakad si Zeek pabalik sa kanyang opisina ay may biglang humawak sa kanyang braso. Napahinto naman ito at tinignan kung sino ang taong humawak sa kanyang braso.
"Zeek. Kailangan nating mag-usap" panimula ni Hazel
"Ano pa ba ang gusto mong sabihin, Hazel? Diba nag-usap na tayo?"
"Pero kailangan natin mag-usap muli. Please. Pabigyan mo naman ako"
Nagpabuntong-hininga na lamang si Zeek sa pakiusap sa kanya ni Hazel. Umalis na lang siya at hindi pinansin ang dating nobya at nagtungo sa kanyang opisina.
Hinabol naman siya ni Hazel papasok ng opisina at doon niya kakausapin ang galit na Zeek.
"Hazel. Please. Leave me alone!!"
"Ayaw ko Zeek, Gusto ko lang na malaman mo na hindi ako ang taong kausap mo nung tumawag ka sa akin"
"Ows? Talaga? Parang nasabi mo na yan. Wala na bang iba?"
"I know. Pero totoo na talaga ito. Dahil ang taong kausap mo noon ay si Mommy"
"Paano naman ako nakakasiguro na totoo ang mga sinsasabi mong yan?"
"Kasi kinausap ko siya" sagot ni Hazel "Nung una, hindi pa siya umaamin pero habang tumatagal ang pag-uusap namin ay bigla siyang nadulas. At inamin niya na lang sa akin na sinabi niya yon para tigilan mo na daw ang pangungulit mo sa akin"
"Imposible" sambit ni Zeek na parang hindi naniniwala sa katotohanan na sinasabi sa kanya ni Hazel "Alam ko na ikaw yon, Hazel. Huwag ka nang gumagawa ng kwento"
"Sige. Bahala ka kung ayaw mong maniwala" sagot niya kay Zeek "Basta iyon ang totoo. Si Mommy ang kumausap sa'yo noon"
"Yeah, right"
"At ito lang ang inaalala ko ha. Bakit hindi mo nahalata na iba ang boses na kumausap sa'yo at hindi ako. Parang hindi naman magkapareha ang boses namin ni Mommy ah"
"Kasi akala ko, boses mo yon at akala ko ay ikaw yon" paliwanag niya "Ewan ko. Nawala lang sa isip ko kung sino ang kausap ko. Gusto ko lang kasi sabihin sa'yo nun na maghihintay ako sa'yo. Bakit ba kasi pinagamit mo sa magaling mong ina ang telepono mo..??"
"It's because, she is my mom" sagot niya kay Zeek "Alam mo, kumpara sa ating dalawa. Ikaw ang unang sumuko dahil basta-basta mo na lang pinaniwalaan ang sinabi ni Mommy sa'yo. Basta-basta mo akong iniwan sa ere!"
Natamaan si Zeek sa sinabi sa kanya ng dating nobya. Marahil ay tama nga siya. May kasalanan din naman si Zeek dahil bigla-bigla na lang siyang sumuko sa kanilang relasyon.
Itutuloy…
TIA: Chapter 28 (Proposal)
“Ako pa ngayon?? Ako pa ngayon ang nang-iwan..?”
"Bakit hindi ba? E naniwala ka kaagad sa nakausap mo sa telepono" sabat ni Hazel sa kanya "Hindi mo naman ulit ako tinawagan para mapaniguro mo na totoo nga ang mga sinabi sa'yo ng kausap mo nung una"
"Makapag-isip pa ba ako ng tuwid nung mga oras na yon? Ikaw. Kung ikaw ang sa kalagayan ko, makapag-isip ka pa ba ng maayos?" dugtong niya kay Hazel "Natulala ako, Hazel. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon, Nasaktan ako dahil akala ko mahal mo ako pero hindi pala"
Walang sabi-sabi ay niyakap ni Hazel si Zeek ng mahigpit. Umiyak ito dahil naaawa siya sa ginawa sa kanya ng kanyang Mommy.
"I'm sorry, Zeek" sambit ni Hazel habang niyayakap siya nito "Hindi ko rin alam eh, Kung ano man ang sinabi sa'yo ng Mommy ko at ano man ang nagawa ko sa'yo na nasaktan ka nang husto, humihingi ako ng tawad sa'yo"
Kumurot ang puso ni Zeek habang niyayakap siya ni Hazek. Parang totoo ang mga sinasabi sa kanya dahil ramdam nito ang sinceridad na wala siyang alam sa nangyari noon sa kanya.
Pero hindi pa rin maalis na nasaktan at galit pa rin siya kay Hazel sa loob ng tatlong taon.
"Bitawan mo ako" sabay kuha ni Zeek ng mga braso ni Hazel sa kanyang katawan.
"I'm sorry talaga, Cookie. Hindi ko alam"
"Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa'yo" sambit ni Zeek sa kanya "Posible nga na hindi ikaw yon. Dahil kita sa mukha mo na wala ka talagang alam. Pero andito pa rin ang sakit Hazel eh. Nasaktan pa rik ako eh. Hindi mo maalis sa akin ito"
"I know, I understand Zeek" sagot ni Hazek "I'll give you time para maalis ang galit mo sa akin. Ako naman ang maghihintay sa'yo"
"Salamat Hazel"
"Sige. Alis na ako" paalam niya dito. Tinapik niya ang balikat ni Zeek at tumingin sa mga mata nito "Ito lang ang masasabi ko, Cookie. Hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sa'yo"
Walang sagot si Zeek sa sinabi sa kanya ng dati niyang nobya. Nagdesisyon na lang na umalis si Hazel sa kanyang opisina. Samantala siya naman ay nakatayo pa rin at tulala dahil iniisip niya ang sinabi sa kanya ni Hazel.
Dakong alas-dose ng tanghali ay nakaupo pa rin si Zeek sa kanyang upuan. Nasa isip niya pa rin ang nangyari sa kanila dati ng dati niyang nobya. Marahil ay wala ngang alam at kasalanan si Hazel at ang ina niya ang may kagagawan nito.
"Mahal" sambit ni George habang papasok sa kanyang opisina.
"Yes Mahal?" sagot ni Zeek na mahina ang tono ng boses.
"Busy ka..?" tanong niya habang kakaupo niya lang sa bakanteng upuan "Magpapasama sana ako sa'yo eh"
"Hindi naman. Saan ka ba magpapasama, Mahal?"
"Sa Dy Group of Companies, Mahal" sagot niya "Samahan mo naman ako dun"
"Ha..? Ako..? Bakit ako?"
"Wala lang, Gusto ko lang na maranasan mo kung paano magpresent ng deal at negosyo" sabay tingin ni George sa kanya "So? Okay lang ba?"
"Sige Mahal" ngiti ni Zeek "Sa katunayan ay gusto kong pumunta sa opisina nila eh, Mabuti naman ay naisip mo akong isama, Mahal. Masaya ako dahil makakapunta na nga ako sa wakas sa kanila"
"Good" ganti din ni George na ngiti "So, let's go?"
"Sige Mahal"
Samantala.
Pumunta si Hazel sa condo unit ni Marco para kausapin siya kung bakit sinundan siya dito sa Pilipinas at kung totoo nga inutusan siya ni Daisy.
Ilang ulit pa din ang malalakas na pagkatok niya sa pinto pero wala pa ring sumasagot
‘Tama ba ang ibinigay ni Marco sa akin na pangalan ng condominium at numero ng unit niya?’
sambit ni Hazel sa kanyang sarili habang binabasa muli ang text ni Marco sa telepono niya
‘Bakit walang sumasagot?’
"Uy Hazel. Andito ka" sigaw ng isang lalaki na nakatayo sa kanyang likuran na may dala-dalang supot na kanyang pinamili sa grocery "Akala ko ay wala kang plano na bumisita dito"
"Marco. Ikaw pala" sambit naman ni Hazel na parang nagulat sa kanya "May balak kaya ako bisitahin ka. Grabe ka"
"Ito naman. Nagbibiro lang naman ako eh" ngiti niya kay Hazel.
Inilagay ni Marco ang isang malaking plastic bag na punong-puno nang pinamili niyang grocery sa sahig. Pagkatapos ay kinahuha niya ang susi sa bulsa ng kanyang pantalon.
Nang pagbukas ng pintuan ay pinauna niya si Hazel na pumasok sa unit niya at sumunod naman siya na dala-dala ang kanyang mga pinamili.
"Wow. Infairness ha. Maganda at malawak ang pagkakadisenyo ng unit mo, Marco" sambit ni Hazel habang lumilibot ang tingin niya dito.
"Oo naman" sabat ni Marco "Magaling yata na Architect ang kausap mo"
"Yabang mo ha" dugtong ni Hazel habang nakingiti kay Marco "Mas magaling ako sa'yo noh. Mataas kaya ang score ko sa Architect Registration Exam ko kumpara sa'yo"
"Hindi naman. Kasi. 0,5 lang naman na puntos ang lamang mo sa akin eh"
"Sus. Yabang mo talaga"
Tumawa silang dalawa ng malakas sa biruan nila sa isa’t-isa. Natigil lang yon nung nagtanong na si Marco sa kanya.
"Oo nga pala. Bakit ka naparito?"
"Marco, may tanong ako sa'yo" panimula ni Hazel "Sana magsabi ka lang ng totoo sa akin"
"Sige. Susubukan ko"
"Marco. Please. Promise me first"
"Oo na, sige na" pagsang-ayon na lang ni Marco sa kanya "Ano ba yang tanong mo?"
"Totoo ba na inutusan ka ng Mommy para sundan ako dito?"
"Ha? Hindi ah! Hindi ko alam ang pinagsasabi mo"
"Please Marco. Be honest naman oh" pagmamakaawa ni Hazel sa kanya "Sinabi na ni Mommy sa akin ang totoo. Don't deny it Marco"
"Ganon? So alam mo naman pala eh. Wala naman akong rason para itago"
"I knew it! Totoo nga" sambit ni Hazel "Ano ang inutos sa'yo ng Mommy? What's the exact words?"
"Sinabi ng Mommy mo sa Mommy ko na sundan kita dito sa Pilipinas" kwento ni Marco sa kanya "Ang sabi pa niya ay bantayan daw kita kung totoo nga na naghahanap ka ng trabaho dito at bantayan kita kung nakikipagkita ka pa sa ex mo na si Zeek"
"Iyon ang sinabi ng Mommy ko..??"
"Yup. Siguro. Iyon ang inutos sa akin ng Mommy eh"
Napaupo at napabuntong-hininga na lang si Hazel sa ginawa ng kanyang magulang “I can’t believe this. Hanggang ngayon ay wala pa silang tiwala sa akin? Kahit na sinunod ko na sila ng buong buhay ko..??”
"Hazel naman. Ginagawa lang yan nila para hindi ka malihis sa buhay mo"
"Yeah right" sagot ni Hazel sa kanya "Alam mo, you sound like my Mom. Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko kapag ginagawa nila yan sa akin. Napaka-unfair lang talaga"
"Huwag mong isipin yan, Hazel. Mahal ka nila"
"Mahal..??" ulit niya "Ito..? Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko sa kamay ng mga magulang ko, Marco. Palibhasa ay lalaki ka, hindi ka pinagbabawalan ng Mommy mo kung ano man gagawin mo dahil lalaki ka" at tumayo siya bitbit ang kanyang maliit na bag "At kung sinasabi mo na mahal nila ako... hindi. Hindi nila ako mahal. And that's for sure"
Unti-unting lumakad si Hazel sa pinto “Saan ka pupunta?” tanong ni Marco sa kanya.
"Uuwi na ako sa hotel. Wala namang kwenta kung manatili pa ako dito"
"Sige Hazel. Mag-iingat ka"
Walang sinagot si Hazel kundi pagbagsak lang ng pintua. Samantala si Marco naman ay nakatingin lang sa pintuan at iniisip niya ang tungkol kay Hazel.
Katatapos lang ng meeting nina George at ng may-ari ng Dy Group of Companies na si Jeff. Naging masaya ang lahat sa naging resulta ng kanilang usapan lalung-lalo na si George.
"I can't believe na nakakuha tayo ng magandang deal" sambit ni Zeek kay George habang kakasakay lang nila sa sasakyan.
"I know, right? Masayang-masaya ako ngayon Mahal sa naging resulta. Sobra" dugtong naman ni George habang pinapaandar niya ang kanyang sasakyan.
"Ako din, Mahal. Masayang-masaya dahil hindi na babagsak ng tuluyan ang hotel mo" sagot naman ni Zeek "Nagpapasalamat talaga ako sa kanya dahil pumayag siya"
"Oo nga Mahal eh. Hindi naman masama ang offer niya diba?"
"Oo Mahal. Hindi naman" sagot ni Zeek "Tama naman siya eh. Kailangan mo talaga ng tulong niya"
"Tama Mahal" at sabay inabot ni George ang kamay ni Zeek na nakapatong sa paa niya at hiwakan ito "Ikaw siguro ang lucky charm ko eh. Parang napadali ang deal natin dahil sumama ka"
"Hindi naman siguro, Mahal" sagot niya "Nagustuhan lang talaga ni Mister Rodgers ang hotel mo kaya tinanggap niya ang alok mo, hindi sa lucky charm"
"I know naman. Pero naniniwala talaga ako na ikaw ang lucky charm ko eh"
"Salamat Mahal" sabay ngiti ni Zeek. Biglang may napansin siya sa dinadaanan ni George "Mahal..?"
"Hmmm?"
"Bakit iba ang daan natin? Naliligaw ba tayo?"
"Hindi Mahal. May pupuntahan pa tayo"
"Pupuntahan?" ulit ni Zeek "Saan naman?"
"Basta.. may sorpresa ako sa'yo"
Hindi na lang sumagot si Zeek at hinayaan na lang si George na magmaneho. Wala talaga siyang ideya kung saan sila pupunta na dalawa.
Magkalipas ang ilang mga minute, tumigil ang sasakyan sa isang malaking na bakanteng lote ng isang mamahaling subdivision.
"Mahal. Anong ginagawa natin dito?"
"Basta" at tinanggal niya ang seat belt na nakakabit sa kanya. Binuksan ang pintuan at lumabas ng sasakyan "Ano pa ang hinihintay mo diyan? Lumabas ka na, Mahal"
Sumunod naman si Zeek sa utos sa kanya at lumabas din ng sasakyan. Nakatayo si George sa harap ng bakanteng lote at parang masaya sa kanyang nakikita.
Tinabihan niya si George at tinignan din ang lote sa kanilang harapan. “Mahal? Bakit tayo nandito?”
"Alam mo, nung unang araw tayong nagkakilala, naramdaman ko kaagad na ikaw na talaga ang para sa akin" sagot ni George sa kanya "Hanggang sa naging assistant kita, and we had sex so many times, pero hindi lang sex yun eh, That was love" at tumingin siya kay Zeek habang nanlulumo ang mga mata nito sa tuwa "Binago mo ako. Binago mo ang buhay ko nung nakilala kita at binigyan mo ako ng pagkakataon para umibig muli at magpakatotoo sa aking sarili"
"Mahal?? Okay ka lang?"
"Okay lang ako Mahal. Don't worry" sabay hawak ni George sa kanyang mga kamay ng mahigpit at tumingin siya sa mga mata ni Zeek "Masaya lang talaga ako ngayon sa pagkakataong ito dahil ikaw ang nagbihay ng kulay sa malungkot kong buhay" laking gulat ni Zeek nang biglang lumuhod si George sa kanyang harapan at may hinugot sa kanyang bulsa. Isang singsing ang hawak-hawak ni George "I know nagugulat ka sa mga pagkakataon ding ito. Pero it's my first and last chance to ask you this, Mahal"
"Ano yon, Mahal..??"
"Mahal...?? Will you marry me....??"
"Marry..??" ulit ni Zeek na parang may pag-aalinlangan "Pakakasalan mo ako? Pero paano?"
"Basta. Ako na ang bahala diyan. Ako na ang mag-iisip kung paano yan mangyayari" sagot ni George "Just answer yes, Mahal"
"Oo naman. Pakakasalan kita!" sagot naman ni Zeek na masaya sa proposal sa kanya ni George.
Kaagad tumayo si George mula sa pagluhod at niyakap si Zeek ng mahigpit. Naluluha siya sa sobrang tuwa sa sinagot sa kanya ng kanyang mahal.
"I knew it! Alam na alam ko talaga na papayag ka sa kasalan natin!"
"Oo naman, Mahal. Mahal kaya kita. What makes you think na hindi ako papayag?"
"Basta. Nevermind na lang yun, Mahal. Ang importante, magpapakasal na tayo"
"Oo Mahal" sagot ni Zeek "Pero bakit dito mo ako dinala? Anong kinalaman ng lugar na ito sa pagyaya mo sa akin ng kasal?"
"Kasi dito tayo lilipat, Mahal" sagot niya kay Zeek "Dito tayo bubuo ng pamilya natin. Right in this lot"
"Pamilya??" ulit ni Zeek "Hindi naman ako babae para magkaanak ah"
"I know Mahal. Pero madali naman maghanap ng baby eh" sagot ni George "Kung natuloy sana ang pagbubuntis ni Bek noon, may baby na sana tayo. Kaso wala eh. So I'm thinking na mag-aadopt na lang tayo ng baby"
"Pwede ba yun?"
"Oo naman. Bakit hindi?"
"Para kasing iba eh. Pareho tayong lalaki tapos magpapakasal tayo?" dugtong ni Zeek "Meron ba talaga yon, Mahal?"
"Oo naman. Meron Mahal" paniniguro ni George sa kanya "Naalala mo si Mister Rodgers? May asawa siya. Isang lalaki"
"Talaga Mahal?"
"Yup. At may anak sila"
"Ha? Paano?"
"Nagkaanak sila pareho noon sa babae. Tapos namatay ang unang asawa ng asawa ni Mister Rodgers, at silang dalawa ang nagpakasal"
"Wow. Iba pala ang kuwento ng buhay nila Mahal"
"Yup. Iba talaga. But I am just scratching the surface, marami pang nangyari sa kanila noon"
"Like what?"
"Basta. Marami. Huwag na natin pag-usapan yon dahil pribadong buhay na nila yon"
"Okay Mahal. Sabi mo eh" sagot ni Zeek "Sana hindi mangyari sa atin yon, Mahal. Na may anak tayo sa iba"
"Bakit hindi? Maganda kaya yon. Ayaw mo yon? May anak na tayo?"
"Loko ka talaga Mahal" ngiti ni Zeek sa kanya.
"Hindi nga. Seryoso ako, Mahal"
"So papayag ka na lolokohin kita? Na makipagsex ako sa babae at mabuntis ko siya? Ganon?"
"Kung iyan lang ang paraan para magkaanak tayo, why not?"
"Naku. Ewan ko sa'yo. Mahal. Parang hindi ko kaya yon"
"Sige-sige. Huwag na nating gagawin iyon. Alang-alang lang sa'yo" sabay yakap ni George sa kanya at hinalikan niya ito sa noo.
"Mahal kaya kita. Ayaw kitang lokohin"
"I know. Mahal din naman kita future Mister Salcedo"
Pagkatapos ng matagumpay na proposal ni George kay Zeek ay nagdesisyon sila na bumalik na sa hotel para ipagpatuloy ang kanilang mga trabaho.
Dakong alas-singko na ng hapon nang makabalik sila ng hotel. Masaya ang dalawa dahil sa lalong madaling panahon ay magpapakasal na sila. Puno ng lambing at yakap ang dalawa habang papasok sila ng opisina ni George.
Pero naputol lang yon nang pagpasok nila ay may taong nakaupo sa upuan ni George. Isang pamilyar na babae ang nakatingin sa kanilang dalawa. At ito ay si Bek.
Itutuloy…
TIA: Chapter 29 (Pagbabalik ni Bek)
Nanigas ang buong katawan ng dalawa na parang bato dahil sa taong nakaupo sa upuan ni George. Bumalik na si Bek at parang magaling na ito mula sa kanyang sakit.
"Bek..?" sabay lapit ni George sa mesa ng dahan-dahan. "You're okay?"
"Of course. Magaling na ako" at tumingin siya kay Zeek "Parang masaya kayong dalawa ah. Naistorbo ko ba ang lampungan ninyong dalawa?"
"No. Hindi ka nakakaistorbo" sagot ni George "Masaya ako dahil okay ka na, Bek. Sana sinabi o pinaalam mo naman sa akin na darating ka" dugtong ni George.
"For what? Para mapaghandaan ninyong dalawa ang pagbabalik ko? Huwag na" sagot ni Bek "Ito nga ang gusto kong mangyari eh. Nakikita ko ngayon ang mga naninigas ninyong katawan at nanlalaki ninyong mga mata dahil nagbalik na ako"
"Bek..." sambit ni George sa kanya "Tama na 'to. Tapos na tayo. Kung ano man ang dahilan sa pagbabalik mo, please, itigil mo na 'to"
"Ha? Wala naman akong plano or something" dugtong ni Bek "Alam ko naman na wala na tayo... and thank God for that"
"So what are you doing here then?" sabat ni Zeek.
Napatingin na lang si Bek sa kanya habang nakataas ang isang kilay nito “George… pakisabi sa lalaki mo na huwag sumabat kapag hindi kinakausap. Huwag siyang bastos”
"Okay Bek"
"To answer that question" at tumayo siya at lumapit sa dating asawa "Bumalik ako dito to reclaim my rights to this hotel. As a major stockholder, kailangan kong bantayan ang shares ko dito"
"Ano? May shares ka dito?" sambit ni George na tila nagulat at hindi niya alam ang pinagsasabi ni Bek sa kanila.
"Yes. Meron" habang hinihimas nito ang balikat ng dating asawa.
"Kailan lang? Parang hindi ko alam 'to ah"
"Really? It seems hindi mo talaga alam ang kabuuan na kasunduan ng mga lolo natin noon, George"
"Alam ko yun" sagot ni George "Alam ko ang kasunduan ng mga lolo natin dahil sinabi ni Daddy lahat sa akin. Isang napaka-walang-kwentang deal"
"Kaya nga. Kaya nga hiniwalayan mo ako diba?" dugtong niya sa dating asawa "Pero hindi mo alam ang buong detalye ng usapan"
"What do you mean, Bek?"
"In case na magkahiwalay tayo, 30% of your hotel shares ay malilipat sa akin" paliwanag niya kay George "At yon na lang ang maging kabayaran sa naging utang ng pamilya ninyo sa amin noon"
"What?! Hindi ko alam 'to. Niloloko mo lang ako"
"Hindi kita niloloko, George. Hindi ako katulad mo" dugtong niya "Kung maniwala ka man o hindi, iyon ang naging kasunduan nila noon" paniniguro sa kanya ni Bek "At may karapatan na ako na pumasok o lumabas ng hotel na ito kahit anong oras na gusto ko"
"Hindi totoo yan, Bek. Nababaliw ka lang"
"Really?? Baka gusto mong kausapin ang abugado ko tungkol dito" panghahamon ni Bek sa kanya "Sa ayaw mo o sa gusto, andito na ulit ako sa hotel at sa buhay ninyo ng lalaki mo!!"
Pagkatapos ng sigaw niya ay kaagad siyang lumabas ng opisina habang nakatingin kay Zeek sa pintuan. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit sa kanya.
Nang tuluyan lumabas si Bek ay linapitan ni Zeek si George para pakalmahin ito. Kitang-kita sa mukha niya ang kaba at galit dahil bumalik na mula sa pagiging baliw ang dating asawa niya.
"Mahal. Kumalma ka lang"
"Paano ako kakalma, Mahal..?? E bumalik na dito ang dati kong asawa na hindi ko naman napaghandaan" sabat ni George sa kanya "And she's claiming na may parte siya sa hotel na 'to"
"Baka hindi totoo yan, Mahal. Maybe she's inventing stories para makabahan ka lang"
"Sana nga totoo ang sinasabi mo, Mahal" dugtong niya kay Zeek "Baka ako ang mababaliw kung totoo man yan, kasi bibilhin na ng Dy Group of Companies ang 53% shares at baka mawala pa ang 30% sa akin" paliwanag nito kay Zeek "E ano na ang matitira sa akin..?? Sa atin??!!"
"Shhh. Relax Mahal" himas ni Zeek sa likuran ni George "Isa lang ang makakasagot sa mga tanong natin. Ang abugado mo. Tawagin o puntahan mo siya kung totoo nga ang sinasabi ng dati mong asawa"
Nakaupo si Zeek sa kanyang opisina nang may biglang pumasok na walang pahintulot. Ang akala niya ay ang kaibigan niya na si Owen. Pero iba pala ang taong pumasok.
"So... ito ang ibinigay sa'yo ng dati kong asawa na posisyon" dahan-dahan na paglakad ni Bek papunta sa mesa niya "Director of Food and Beverage. Well. Not bad"
"What are you doing here?"
"Well. I'm just checking on you kung ginagawa mo ng maayos ang trabaho mo since boyfriend ka ng asawa ko, I mean ex-husband ko"
"Don't worry. Ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko kahit sobrang mahal niya ako" ganti ni Zeek sa kanya at kita sa mukha ni Bek na naiinis siya sa sinabi ng isa "Sa katunayan nga, pinipilit niya ako magpahinga na lang dahil gusto niya akong gawing prinsesa kahit prinsipe ako. Pero hindi ako pumayag. Gusto ko kasi na pinaghihirapan ko ang trabaho ko"
"Pinaghihirapan? Talaga lang ha" ngiti ni Bek na parang hindi sang-ayon sa sinabi ni Zeek "Well. Dapat naman na ginagawa mo ng maayos ang trabaho mo" dugtong niya "May I remind you ha. The queen is back. Nagbabalik ako para kunin ko ang dapat nasa akin"
"Okay. Sounds good" sagot lang ni Zeek "I'm happy na bumalik ka na dito"
"Thank you. Ang bait mo pa rin, Zeek. Hindi ka na-alarma na andito ako? Ang dating asawa ng karelasyon mo?"
"Alarma. Threatened. O ano man ang tawag diyan. My answer is no" tawa ni Zeek "Bakit naman? Alam ko at alam niya na mahal na mahal namin ang isa't-isa"
"Fair enough" sagot ni Bek sa kanya "So, alis na ako. Maglilibot pa ako sa buong hotel"
"Sige. Have fun"
"I will"
Nang pagkaalis ni Bek sa kanyang opisina ay doon inilabas ni Zeek ang kanyang panggigigil sa galit. Pinipigilan niya lang kasi kanina dahil nag-iingat lang ito dahil isa na si Bek sa pinakamalaking shares sa hotel at bilang respeto din sa kanya.
Magkalipas ang ilang minuto ay pumasok naman si George sa kanyang opisina. Mabigat at parang stress ang mukha nito dahil sa mga nangyayari sa kanyang hotel. Nakita naman ito ni Zeek ang papalapit na si George.
"Mahal. Okay ka lang?"
"Hindi. Hindi ako okay, Mahal"
"Bakit? Tinawagan mo na ba ang abugado mo?" at tumango naman si George bilang sagot "E ano ang sabi niya?"
"Tama si Bek, Mahal" sagot nito habang mahina ang tono ng boses "Sinabi din ng abugado ng pamilya namin na kung maghihiwalay kaming dalawa ni Bek, mapupunta sa kanya ang 30% ng shares ng hotel" paliwanag niya kay Zeek "As of this moment, nasa kaya na nga ang shares na yon"
"So paano na yan, Mahal?"
"I believe, wala na tayong magagawa. Ako na ang may pinakamaliit na shares sa hotel na 'to"
Nakikita talaga sa mukha ni George ang bigat ng problema na pinagdadaaanan niya. Tumayo si Zeek at linapitan nito si George. Niyakap niya agad ito ng napakahigpit. “I’m sorry, Mahal. Hindi ko talaga alam kung paano kita matutulungan”
"It's okay, Mahal. Basta andito ka lang sa tabi ko ay okay na sa akin. Masaya na ako"
Pagkatapos ng matagal na pananahimik nila ay may biglang naisip na ideya si Zeek. “Mahal. Diba hindi pa kayo nagkakapirmahan ng Dy Group of Companies?” paalala niya kay George “So it means, ikaw pa rin ang may pinakamalaking shares ngayon”
"Yes. That's true" pagsang-ayon ni George "But as the time comes, kapag napirma na namin ang kontrata, malamang sa malamang, bababa na ako sa pwesto dahil si Jeff na ng Dy Group of Companies ang papalit sa pwesto ko"
"E bakit hindi natin i-cancel muna ang contract signing..?"
"No. That's a bad idea, Mahal. Alam mo naman na kailangan natin ng tulong mula sa kanya diba?" paalala nito kay Zeek at bumalik muli ito sa malungkot na mukha "Siguro this is the end of my career, Mahal. Nabigo ko ang pamilya ko. Hindi ko napabangon at naalagaan ng maayos ang iniwan ni Daddy sa akin"
"Mahal naman. Huwag mong isisi ang sarili mo. Wala kang kasalanan"
"Hindi Mahal eh. May kasalanan talaga ako" pagdidiin niya sa kanyang sarili "Siguro ito na ang karma sa akin dahil sa ginawa ko kay Bek"
"Ano ka ba?! Stop that!" saway ni Zeek kay George "Gagawa tayo ng paraan para maibalik sa'yo ang pinaghirapan ninyong hotel ng pamilya mo"
"Paano naman?"
"As I said, kailangan mo lang siya kausapin. Heart to heart. Baka ma-consider niya ang problema mo"
"Imposible nga yan"
"Diba magkaibigan kayo?? Baka matulungan ka niya" at tumingin si Zeek sa kanyang mga mata "Just trust me. Wala namang mawawala kung susubukan mo"
Nagpabuntong-hininga na lamang si George sa mungkahi sa kanya ni Zeek. “Sige. I’ll try. Tignan natin kung matutulungan niya tayo”
Dakong alas-diyes y media ng gabi ng katatapos lang ni Zeek ng kanyang mga gawain. Nakatulala na ito at parang malalim ang kanyang iniisip. Hindi niya kasi alam kung paano matutulungan si George sa problema nito.
Nang may biglang kumatok sa nakabukas na pintuan sa kanyang opisina.
"Knock. Knock" sambit ni Hazel pero walang imik si Zeek sa pagpasok niya sa opisina. Napansin naman iyon ni Hazel habang lumalakad palapit sa mesa niya "Okay ka lang?"
"Yes. I'm okay" sagot ni Zeek "Meron lang problema dito sa hotel"
"Tell me" at umupo si Jazel sa bakanteng upuan at humarap kay Zeek "Sabihin mo sa akin kung ano ang problema mo"
"Why?"
"Why not? E parati mo sa akin sinasabi ang mga problema mo noon eh" paliwanag ni Hazel "Tapos pinapayuhan kita at sinusunod mo naman"
"Hazel.." panimula ni Zeek "Matagal na yon, at isa pa, tayo pa nun, at mga walang kwentang problema pa ang mga pinoproblema ko noon. Ngayon, iba na"
"E bakit hindi mo subukan? Baka sakali ay mapapayuhan kita"
"Hazel. Huwag na. Kaya ko 'to"
"Sige. Kung iyan ang gusto mo" walang nagawa si Hazel kundi sundin na lang ang gusto ni Zeek "Pero kapag kailangan mo ng tulong ko, andito lang ako. Sasamahan kita sa problema mo"
"Hazel...?"
"Yes?"
"Why are you keep doing this?"
"What do you mean?"
"Ito..." dugtong niya "Ang pagiging makulit mo sa akin. Kahit ayaw ko na sa'yo, andito ka pa rin"
"Kasi alam ko na mahal mo pa rin ako" sagot ni Hazel "Kasi nakikita ko sa mga mata mo ang mga ningning tuwing nakikita ako" sambit niya kay Zeek "Hindi naman kita masisisi kung magagalit ka sa akin eh. Dahil may kasalanan din naman ako sa'yo noon. Hindi kita tinawagan o chinat para kamustahin ka"
"Buti naman na inamin mo" tanging sagot ni Zeek. Pero biglang lumambot ang puso niya kay Hazel. Parang napagtanto niya na wala talagang kasalanan ang dati niyang nobya.
"Oo. Kasi natakot ako noon sa'yo" dugtong niya "Natatakot ako baka pagalitan mo ako at pagsalitaan ng masama kung tatawagin kita. At iniisip ko na lang mag-concentrate na lang sa pag-aaral. At nakatapos nga ako bilang isang architect."
"Well. Good for you. And I'm happy sa mga naabot mo"
"Ako din Zeek. Masayang-masaya ako sa mga naabot mo ngayon"
"Salamat" sabay ngiti ni Zeek sa kanya.
"I hope na maging kaibigan pa rin tayo sa kabila na nangyari sa atin noon. Kung okay lang sa'yo..?"
"Sure. Okay lang sa akin"
"So...?? Friends?"
"Friends" ulit ni Zeek.
Abot tenga ang ngiti ni Hazel nang marinig niya ang sagot ni Zeek sa kanyang pabor. Masaya talaga siya dahil magkaibigan na sila muli ng dati niyang nobyo.
"Oh my gosh. I am so happy, Zeek. Salamat sa binigay mong pagkakataon na magkaibigan muli tayo" sambit ni Hazel sa kanya "You have no idea how happy I am na naging okay na tayo"
"Yes. Me too" sagot lang ni Zeek.
"Wow. Yun lang ang sagot mo..??"
"Ano ba dapat ang kailangan kong isagot?"
"Wala naman. Anyways, next topic" mungkahi ni Hazel "Siguro napakaswerte ng mapapangasawa mo noh?"
"Bakit naman?" bigla niyang naisip ang tungkol sa kasalan nila ni George.
"Look at you now. Successful and one of the handsome bachelors" sagot nito kay Zeek "Minsan lang lang kaya kayo nag-eexist sa mundo. Yung almost perfect na"
"Talaga? O baka inu-uto mo lang ako"
"I'm not. I'm just stating the facts" dugtong ni Hazel "And I am sure na maraming babae ang humabol sa'yo ngayon"
"Well. Thanks for your praise, Hazel. Pero single pa ako ngayon" sagot ni Zeek "I mean, I'm dating someone. Pero hindi pa kami official"
"Talaga? Who's the lucky girl?"
"Basta" sagot nito "E ikaw? May boyfriend ka na ba? Husband?"
"No. Wala ni isa sa kanila. I am so single"
"Ha? Bakit? Akala ko nagpakasal ka na...?"
"Paulit-ulit ba tayo, Zeek. Hindi nga ako ang nakausap mo noon" ulit ni Hazel "Kaya imposible na makapag-asawa ako"
"Just kidding. I'm just messing with you" ngiti ni Zeek sa kanya "By the way, ano ang ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?"
"Well. I'm just wondering kung papayag ka sa imbitasyon ko sa'yo"
"An invitation? Saan?"
"Gusto ko lang sana na magdinner tayo sa labas" panimula ni Hazel "Nang tayong dalawa lang. Okay lang ba sa'yo?"
"When?"
"Maybe later?"
"Later?" ulit ni Zeek at tinignan ang orasan "I would love to but it's getting late na. Hindi na ako pwede"
"It's okay. I understand naman, Zeek. Maybe next time?"
"Sure" ngiti ni Zeek.
"Tomorrow night?"
"I'll just check my sched"
"Okay" ngiti ni Hazel "See you then, Zeek. Alis na ako"
Tumayo agad ito at ngumiti kay Zeek habang lumalakad palabas ng opisina habang si Zeek naman ay nakatingin sa kanya at nakangiti din.
Pero habang nasa pintuan na si Hazel ay may humarang sa kanya doon. “Excuse me” sambit ni George sa kanya “May I help you, Miss?”
Napalaki ang mga mata ni Zeek dahil nagkrus ang landas nina Hazel at George. Ito na ang tinatakutan nyang sandali na magkaharap sila. Kinakabahan siya baka magalit si George sa kanya dahil nangako ito na hindi na makipag-usap sa ex niya.
Itutuloy…
TIA: Chapter 30 (Huli sa Akto)
Nagtagpo ang mga mata ni George at Hazel habang nag-krus ang kanilang landas sa pintuan. “May I help you, Miss?”
"No. I'm good" sagot naman ni Hazel at tumingin muli siya kay Zeek "See you tomorrow night. Susunduin lang kita dito"
Ngumiti lang si Zeek bilang sagot sa sinabi niya. Pero biglang napatingin muli si George sa kanilang dalawa “Magkakakilala kayo?”
"Yes. Magkakilala kami" sagot naman ni Hazel "He's my friend"
"Talaga? Parang hindi kita kilala ah" sabat ni George "Kasi kilala ko lahat ng mga kaibigan niya"
"Oo. Ngayon mo lang nga talaga ako nakita dahil galing ako sa Amerika"
"Amerika..?" ulit ni George. Doon niya nahalata na baka ito na nga ang ex ni Zeek. Gusto niyang kumpirmahin ito "Ikaw si Hazel..??"
"Yes!... paano mo nalaman?"
"Kasi naikuwento ka noon ni Mister Lacsamana eh" sabay tingin ni George kay Zeek "Naging kayo diba?"
"Ahmmm. Yes. Naging kami nga" sagot naman ni Hazel "Wow. Ganon pala kayo ka-close ni Zeek para ikuwento niya ang tungkol sa amin"
"Yes. Close na close kami ni Zeek" sabay tingin niya kay Zeek "Hindi niya ba sa'yo naikuwento kung gaano kami ka-close?"
"Hindi. Gaano ba?"
"Ahmm. Hazel" sabat ni Zeek sa kanilang dalawa. Lumingon naman si Hazel sa kanya "Pwede ka nang umalis. May kailangan lang kaming pag-usapan"
"Okay" sagot niya "So pano, alis na ako, Sir" paalam niya kay George "Nice meeting you"
Tuluyan nang umalis si Hazel palabas ng opisina ni Zeek. Samantala si George naman ay nagtungo sa kanya na parang masama ang tingin nito.
"What?"
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na nagkikita at nag-uusap pa rin kayo ng ex mo...?"
"For what? Wala naman dapat ipagpaalam ah" dahilan niya kay George "At isa pa, she's my ex. Wala namang rason para sabihin ko sa'yo lahat eh"
"Are you kidding? Of course, kailangan mo sabihin sa akin lahat na nangyayari sa'yo dahil ako ang partner mo" dugtong ni George sa kanya "Lalung-lalo na kung nakikipag-usap ka sa ex mo. That's disrespectful"
"Disrespectful?? E wala ngang malisya ang pagsasama at kwentuhan namin"
"E PUTANGINA!" sigaw ni George sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Zeek dahil ngayon niya lang na narinig si George na magalit at magmura. "Kahit meron o wala man yon. You are obligated to inform me. Ito tatandaan mo, responsibilidad mo na magreport sa akin kung ano ang gagawin mo, ano ang ginagawa mo, sino ang mga kasama mo at anong oras kang uuwi. Maliwanag?!"
"Wow. Grabe ka naman. Sobra ka pa kay Mama ah"
"Siyempre. Ako ang bumubuhay sa'yo" sagot niya kay Zeek "Baka nakakalimutan mo, ako ang dahilan kung bakit nasaan ka ngayon. Kaya kitang paalisin sa hotel at sa bahay ninyo ng isang iglap. Kaya sundin mo ako, maliwanag?!"
"Then do it. Paalisin mo ako. Hindi ako natatakot sa'yo kasi kaya kong maghanap ng trabaho at bahay para mabuhay ko lang ang Mama ko" ganti ni Zeek sa kanya "Kaya ko ang sarili ko na magpatakbo ng aking buhay"
"Pera ko pa rin ang ginamit mo noon at sa kasalukuyan"
"I know. As I said at katulad din ng dati, kaya kong ibalik lahat-lahat sa'yo" doon natigilan si George dahil sa sinabi sa kanya "Kaya huwag mo akong utusan sa mga ginagawa ko at huwag mo akong hamunin na kukunin mo lahat, kaya kong ibalik yan. Hindi mo hawak ang buhay ko!"
Hindi makapagsakita si George sa ganti sa kanya ni Zeek. Nagdesisyon na lang itong umalis sa opisina ni Zeek. Nanginginig sa galit si Zeek dahil sa mga sinabi sa kanya. Masyado siyang nasaktan dahil ganyan pala ang pagtingin niya dito.
Kinabukasan.
Mag-isang nagtungo si George sa Dy Group of Companies para sa contract signing. Tinawagan na siya kasi kagabi na bumalik kinabukasan para sa kontrata na pipirmahan nila.
"Mag-isa ka lang?" tanong ni Jeff, na may-ari ng Dy Group of Companies.
"Yes. Ako lang" sagot nito
"Bakit? Nasaan ang kasama mo?"
"Si Zeek?" at tumango naman si Jeff bilang sagot "Andoon sa hotel. Medyo busy kasi eh"
"Ahh. Okay"
"Ahhmm. Jeff..?"
"Yes?"
"May kailangan ka pang malaman"
"Malaman? Tungkol saan? Sa hotel mo?"
"Yup"
"Ano yan?"
"May iba pa tayong kahati sa hotel eh"
"Ha? Sino? Ang alam ko ay ikaw lang mag-isa ang nagpapatakbo yan"
"Oo nga. Bago ko lang naman ito nalaman" sagot ni George "Si Bek. Ang dati kong asawa ang kahati natin" sabay hinga ng malalim ni George.
Kwinento din niya ang tungkol sa kasuduan ng mga lolo niya at nang kay Bek. At ang dahilan kung bakit huli niya nang nalaman ito.
Natahimik naman si Jeff dito ng ilang mga minuto bago siya makapagsalita.
"So. Ikaw na ang may pinakamaliit na shares kung sakali mapipirma na natin 'to?"
"Yes. Parang ganon na nga, Jeff"
"Wow. That's unfair para side mo" dugtong niya "Sarili ninyong kumpanya, tapos ikaw pa ang may pinakamaliit?"
"Oo nga eh. Parang nakakasama ng loob"
Biglang tumahimik muli si Jeff habang nirereview niya ang kanyang notes na ginawa nung meeting nila. Inaral niya itong mabuti kasabay na din ang kontrata bago nila pipirmahan.
"Gwen" tawag niya sa kanyang assistant na nakatayo malapit sa pintuan ng opisina niya.
Kaagad naman itong lumapit sa kanyang amo “Yes sir?”
"Tawagan mo si Atty. Villanueva dahil may pagbabago sa kontrata" napalunok naman ng laway si George nang marinig niya iyon. Ano kaya ang ibig sabihin niya?
"Okay po, Sir"
"And please edit this contract, Gwen"
"Ano po ang papalitan ko?"
"Let's make it 60-40. Akin ang 40%" sabay tingin niya kay George "Para mapaghatian ninyo ng dalawa ang natira at patas at walang lamangan"
Nanlaki ang mga mata ni George sa magandang sinabi sa kanya ni Jeff. Tumayo ito at niyakap niya bilang pasasalamat.
"Jeff. Maraming salamat. Salamat talaga sa tulong mo" sambit niya dito "Hindi ko talaga inaasahan ito"
"Well. Sana inasahan mo ito dahil tutulungan naman kita kahit papaano" dugtong ni Jeff "Ang ayaw ko lang sa lahat ay ikaw pa ang may pinakamaliit na shares kahit ikaw pa ang may-ari. Ayaw ko naman mapunta sa kanya ang lahat ng pinagpaguran ng pamilya mo"
"Tama ka, Jeff. Pero sa katunayan nga, si Zeek ang may pakana nito eh" kuwento niya dito "Ang kausapin ka. Mabuti na lang ay nakinig ako sa payo niya"
"Talaga? Mabuti naman kung ganon" sagot niya "Matalinong tao si Zeek. Nakikita ko yan sa kanyang mukha at hindi nga ako nagkamali"
"Oo nga eh. Swerte talaga ako sa kanya. Kahit may pinagdadaanan kami ngayon"
"I'm happy for you, George" ngiti ni Jeff sa kanya "Don't worry, lilipas din yan. Normal lang yan na mag-away kayo"
"Thanks, Jeff. Pero maraming salamat talaga sa lahat ha"
"Walang anu man, George. And it's Jose. Don't call me Jeff"
"Sorry. Nasanay lang kasi ako noon eh"
"It's okay. Then call me Jeff. It's up to you" sagot naman nito "Pakihintay na lang ang abugado ko dahil pagkatapos nun ay pipirma na tayo na nirevised kong kontrata"
"Sige. I can wait"
Naghintay nga ng halos ilang oras sina Jeff at George sa abugado. Nang dumating ito ay sinumulan na nilang pinirma ang bagong kontrata. Nakasaad nga doon ay ang 40% ng equity shares ng hotel ay ang para kay Jeff at ang natirang 60% ay paghahatian nina George at Bek na may 30% bawat isa.
Sa isang restaurant. Dakong alas-sais na ng gabi.
"I am so happy na pumayag ka na magdinner tayo, Zeek" sambit ni Hazel sa kanya "Sa wakas ay makapag-bonding na rin tayo"
"Oo nga eh. Masyadong matagal na panahon na din ang huli"
"Na-miss ko 'to" buntong-hininga ni Hazel na parang dinadama ang bawat sandali na magkakasama sila "Yung ganito. Na tayo lang dalawa at walang iniisip na problema" sabay abot ni Hazel ng mga kamay ni Zeek "Pero mas namiss kita"
"Hazel. Stop it"
Kaagad inalis ni Hazel ang kamay nito kay Zeek “I’m sorry. Nasanay lang kasi ako”
"Nasanay? Diba napagkasunduan na natin ito? Na magkaibigan lang tayo?"
"I know. Pero sorry. Nabigla lang ako"
"It's okay. I understand. Let's eat"
Habang sarap na sarap silang dalawa sa pagkain ng kanilang hapunan sa restaurant ay may biglang lumapit sa kanilang mesa. Isang pamilyar na lalaki ang nakatayo sa gilid nilang dalawa.
"Hi Hazel"
Natigilan ng ilang saglit si Hazel sa taong iyon. Samantala si Zeek naman ay nakatingin din sa lalaki. “Marco?”
"Oh. Bakit nagulat ka nang makita ako? May tinatago?" sabay tingin ni Marco kay Zeek. "Hi Pre. Marco pala... and you are..?"
"Zeek"
"Oh.. Zeek" sulyap niya muli kay Hazel na parang kilala niya ang kasama nito. "Ikaw pala ang ex-boyfriend ni Hazel. Tama ako diba?"
"Yes. You're right"
"So bakit kayo kumakain dito? Are you guys dating?"
"Marco. Please. Stop" saway ni Hazel sa kanya.
"Why..?? I'm just asking naman eh"
"No. We're not dating" dugtong ni Zeek kay Marcp "Kumakain lang kaming dalawa dito. Wala namang masama diba?"
"Well. If you say so..." sambit naman ni Marco na parang hindi naniniwala sa dalawa "Pero parang nagde-date pa rin kayo if you ask me"
"Marco. Tama na yan. Umuwi ka na"
"Bakit mo ba ako pinapauwi..?? Natatakot ka ba na malalaman ni Zeek ang totoong kuwento tungkol sa ating dalawa?"
"Totoo..?? Ano ang ibig sabihin niya Hazel?" tanong ni Zeek kay Hazel.
"That I'm her ex. Yes. Totoo ang narinig mo. Naging kami ni Hazel habang nasa Amerika kami" sabat ni Marco "Sa katunayan, magpapakasal sana kami pero sabi niya, ipagliban daw muna dahil babalik pa siya dito sa Pilipinas para hanapin at kausapin ka na itigil mo na ang kahibangan mo sa kanya"
Napatingin si Zeel kay Hazel na parang naguguluahn sa sinasabi ni Marco sa kanya “Totoo ba ’to?” pero hindi sumagot si Hazel “Hazel. Tinatanong kita. Totoo ba ang mga sinasabi niya?”
"No. Hindi totoo yan" sabay abot niya ng kamay ni Zeek "Nagsisinungaling lang siya"
"Ako nagsisinungaling..?? Hazel naman"
"Pwede ba? Tumahimik ka Marco?" saway ulit ni Hazel sa kanya "Wala naging tayo, okay? Sinabi ko lang yan sa Amerika na pakakasalan kita para kumalma ka at hindi mo na ako kukulitin" sambit niya kay Marco "Oo. I admit na naging tayo pero wala akong plano na pakasalan kita"
"Ang ingay ninyo!" sigaw ni Zeek sa kanilang dalawa "Hindi ko na alam kung ano ang totoo..." at tumingin siya kay Marco "Ikaw... ngayon ko lang nakita ang pagmumukha mo pero ang dami mo nang sinasabi. Sino ka ba ha?! Ano ka ba talaga ni Hazel?!" sa sobrang ingay ng sigaw ni Zeek ay napatingin ang mga tao na kumakain doon sa kanila. Pero hindi pinansin ni Zeek yon dahil sa sobrang galit. Tumingin siya kaagad kay Hazel. "At ikaw... napakasinunggaling mo. Hindi ko na talaga alam kung ano ang totoo sa'yo. Magsabi ka nga ng totoo, Hazel. Ikaw ba talaga yon ang nakausap ko noon sa telepono...?!"
"Ilang beses ko na sinagot yan, Zeek. Hindi ako yon"
"I don't know. Hindi ko na talaga alam kung ano ang paniniwalaan ko" doon tumayo si Zeek "I'm sorry. Biglang sumama ang pakiramdam ko. Uwi na ako"
Pipigilan siya sana ni Hazel pero mabilis siyang lumakad palabas ng restaurant. Samantala naman ay umupo si Marco sa inupuan kanina ni Zeek at umarte na parang walang nangyari.
"Ano yon..??" sambit ni Hazel na parang naiinis na kay Marco.
"That's what you called, Super Failed Date" dugtong niya habang nakangiti.
"That's not funny, Marco. Bakit mo yon ginawa?"
"For real? Hindi mo pa na-gets hanggang ngayon, Hazel..?" ganti naman ni Marco "Ayaw kong makita na nag-uusap kayo ng ex mo. Kahit sa text, chat o tawag. Naiintindihan mo..??"
"E bakit? Boyfriend ba kita? Hindi naman diba?" sabat niya "Matagal na tayong tapos, Marco. Alam mo yon"
"Pero hindi pa sa akin. Mahal pa kita, Hazel. Mahal na mahal"
"Please Marco. Tama na 'to. Ayaw ko na sa'yo" ulit ni Hazel kay Marco "Mahal ko si Zeek. At siya ang rason kung bakit andito at bumalik ako sa Pilipinas"
"Ano ba ang nasa kanya na wala sa akin ha? Lahat naman ng katangian na hinahanap ng babae sa isang lalaki ay nasa sa akin ha. Bakit siya pa..?"
"That's because I love him. Yun lang ang rason ko at wala nang iba" sambit niya kay Marco "Marco... may babae rin na babagay sa'yo at mamahalin ka ng totoo. Alam ko yon dahil minahal din naman kita noon kahit papaano. Pero mas mahal ko pa rin si Zeek eh" pero tahimik at walang sagot si Marco sa kanya "Sigurado ako na isang araw ay makakahanap ka din na babae dahil katulad nga ng sinabi mo. Nasayo na ang lahat ng mga katangian na gusto naming mga babae. Kaya please Marco, let go of me"
"Tama ka, Hazel" pagsang-ayon niya kay Hazel "Merong babae na karapat-dapat sa akin at hindi ikaw yon"
"Salamat Marco. Salamat sa pag-iintindi mo"
Kaagad kinuha ni Marco ang kanyang telepono at parang may tatawagan siya. Napansin naman iyon ni Hazel at kaagad tinanong si Marco.
"Marco. Sino yan?"
"Pasensiya ka na, Hazel. Kung hindi naman kita maging akin, mabuti na lang na isusumbong na lang kita sa mga magulang mo"
"Marco. Stop it"
"I'm calling your Dad" sagot niro "Kung natatakot ang Mommy mo na magsumbong kay Daddy mo. Pwes. Ibahin mo ako, Hazel"
Itutuloy…
TIA: Chapter 31 (Malaking Banta)
Malaking Banta
Mabilis ang pagpapatakbo ni Zeek sa kanyang sasakyan. Nagdesisyon na lang siya na umuwi at iwan sina Hazel at Marco dahil hindi niya na alam kung ano ang kanyang gagawin sa mga nalaman niya muli sa dati niyang nobya.
Nang pagpasok niya sa kanilang bahay ay nagulat siya sa kasama ng kanyang ina. Isang babae ang kausap ni Vivian sa sala at parang masaya sila sa kanilang usapan.
"Andito na pala ang anak ko" sambit ni Vivian kay Bek habang papasok si Zeek ng bahay "Anak... si Ma'am Bek mo, ang dating asawa ng Sir George mo"
Biglang kumabog ng mabilis ang dibdib ni Zeek dahil nasa bahay nila si Bek at kausap nito ang kanyang ina.
"Hi Zeek. Kamusta ka na?" bati ni Bek sa kanya habang papalapit siya sa kanilang dalawa "After so many years, nagkita na ulit tayo" tumayo si Bek at niyakap ng mahigpit si Zeek na parang miss na miss niya talaga ito.
"Wow. Miss na miss niyo siguro ang isa't-isa. Siguro sobrang close ninyo talaga noon noh?" sambit naman ni Vivian habang tinitignan niya ang dalawa na nagyayakapan "Hindi ko alam na pati si Ma'am Bek ay close kayo, anak"
"Opo Ma'am" sagot ni Bek "Parang matalik na kami na magkaibigan ng anak ninyo. Sobra"
"Masaya talaga ako sa nakikita ko" dugtong muli ni Vivian "Maiwan ko muna kayo ha. Maghahanda muna ako ng hapunan natin"
"Ako na, Ma" sabay kawala ni Zeek sa yakap nilang dalawa
"Hindi anak. Ako na lang. Dito ka lang sa Ma'am Bek mo at i-entertain mo siya, okay? At isa pa, kailangan ninyong mag-usap dahil matagal na din kayo hindi nagkita"
Walang nagawa si Zeek sa sinabi ng kanyang ina. Umalis kaagad si Vivian sa kanilang piling at pumunta na sa kusina.
Nagtinginan ang dalawa ng masakit at parang binabanta ang isa’t-isa sa pamamagitan ng kanilang mga tingin.
"Bakit ka nandito?" panimula ni Zeek sa kanya "Nagsisimula ka ba talaga ng gulo?"
"Talagang ako pa ngayon ang nagsisimula ng gulo, Zeek?" sabat niya dito "Andito lang naman ako para kamustahin ang Mama mo ... at ang bahay na binili ng asawa ko para sa inyong dalawa. Kamusta naman ang pagiging golddigger mo??" lapit ni Bek sa kanya "Masarap ba dahil nakukuha mo ang gusto mo?"
"Una sa lahat, hindi ka na niya asawa dahil matagal na kayong hiwalay at matagal nang pinawalang-bisa ang kasal ninyo" sambit ni Zeek "Pagkatapos, hindi ako golddigger, at akin ang bahay na 'to. Oo. Tinulungan ako ni George para sa pambayad sa bahay na 'to pero akin pa rin ito"
"Yeah, right" sagot ni Bek "Paniniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan dahil ang totoo... isa kang golddigger at isa ka ding homewrecker!"
"Talaga? Homewrecker? Nagbibiro ka ba? Pinapatawa mo ako"
"Bakit hindi ba? Ikaw ang rason kung bakit kami nagkasiraan ni George noon. Ikaw ang dahilan ng pagwasak ng pamilya namin"
"Pwede ba? Huwag mong sisihin ang katangahan mo sa akin..??" ganti ni Zeek "Gusto mo bang malaman kung ano ang tunay na dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay at naging kami ng asawa mo?? O baka alam mo na ang dahilan pero dine-deny mo pa rin sa sarili mo ang katotohanan na hindi ka niya minahal"
"Shut up! Mahal ako ni George noon. At ikaw ang dahilan ng paghihiwalay naming. Kabet!"
"Kinabet niya ako dahil ako ang tunay na mahal niya. Naiibigay ko sa kanya ang tunay na pagmamahal na hindi mo kayang magawa" salaysay ni Zeek sa kanya "Kahit na babae ka, ako pa rin ang minahal niya... at hindi ikaw"
"I said stop! Stop!" sigaw ni Bek na parang baliw "Tumigil ka na bago pa kitang masaktan"
Biglang sumulpot si Vivian sa sala dahil narinig niya ang sigaw ni Bek. Nakita naman ni Zeek ang ina at kaagad niyakap ng mahigpit si Bek.
"Shhh. Tahan na po, Ma'am" sambit ni Zeek habang hinihimas ang likod ni Bek "Pasensiya po sa sinabi ko kanina. Pero iyon ang totoo eh. Alam ko na masakit pero naniniwala ako na malalampasan mo ito"
"Ano ba ang pinagsasabi mo...??" bulong ni Bek sa tenga ni Zeek. "Anong drama 'to?"
"Tumahimik ka na lang muna, Bek" bulong din ni Zeek sa kanya "Andiyan si Mama. Nakatingin sa atin. Sumabay ka na lang sa arte ko"
"Nakakatawa ka, Zeek. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng Mama mo ang tungkol sa'yo..?" bulong nito "Siguro ay hindi niya pa rin alam ang tungkol sa inyo ni George. Gusto mo ba na ako na lang ang magsasabi sa kanya?"
"Don't you dare, Bek" pagbabanta ni Zeek "Subukan mo lang at baka babalik ka sa mental hospital na kung saan ka nanggaling"
"Whatever"
"Sumabay ka na lang sa akin" utos nito "Umiyak ka. Tsaka na lang tayo mag-away" sinunod naman ni Bek ang utos sa kanya ni Zeek. Umiyak siya ng malakas habang hinihimas ni Zeek ang likuran niya. "Kawawa ka naman po, Ma'am Bek" ganti ni Zeek habang nakatingin sa kanila si Vivian na natutuwa sa kanyang nakita "Hayaan mo, andito lang ako para sa'yo, Ma'am. Hindi kita iiwanan"
"Maraming salamat, Zeek. Napakabait mo talaga" dugtong ni Bek sa kany "Hindi ka talaga nagbabago. Maaasahan talaga kita"
"Opo Ma'am. Andito lang ako para sa'yo"
Binitawan nilang ang isa’t-isa mula sa pagyakap. Pinunasan ni Bek ang kanyang mga mata at umarte na parang umiiyak ito “Maraming salamat ulit Zeek. Paano.. uuwi na ako” at tumingin siya sa ina ni Zeek na si Vivian na nandoon pa rin at nakatingin sa kanila “Ma’am Vivian, maraming salamat sa pagpapatuloy ninyo sa akin”
"Walang anuman, Ma'am Bek. Lahat naman ay pinapatuloy ko basta kaibigan lang ng anak ko"
Ngumiti si Bek sa sinabi sa kanya ni Vvian. Pagkatapos nun ay nagpaalam ulit siya na umuwi na dahil sobrang gabi na at kailangan niya na ding magpahinga.
Samantala. Umupo si Zeek sa sofa at parang nag-aalala sa pagpasok ni Bek sa kanilang buhay ng kanyang ina.
"Oh anak. Hindi ka pa ba matutulog?"
"Hindi pa, Ma" sagot ni Zeek sa ina "Mamaya pa siguro, hindi pa ako dinadalaw ng antok eh"
"Ahh. Sige anak" dugtong naman ni Vivian. Bigla siyang napangiti dahil may naaalala siya tungkol sa kwentuhan nilang dalawa kanina ni Bek habang wala siya "Alam mo, anak. Base sa kuwento ni Ma'am Bek mo sa akin, sobrang close daw ninyo"
"Talaga Ma? Ano ba ang sinabi niya tungkol sa akin?"
"Wala naman, anak" sagot ni Vivian habang inaalala niya ang kuwentuhan nilang dalawa kanina "Sinabi niya lang naman sa akin ang mga naging bonding moments ninyo noon"
"Ahhhh" sambit ni Zeek "Oo nga eh"
"Oh. Parang hindi ka masaya.." tumabi siya sa anak sa sofa "May problema ka ba?"
"Wala Ma. Pagod lang ako sa trabaho"
"Ganon ba? Edi magpahinga ka na anak"
"Oo Ma. Mamaya na po. Mauna ka lang"
"Sige anak. Mauna na akong matulog ha" paalam ni Vivian sa anak "Inaantok na din ako eh"
"Sige po Ma. Goodnight"
Umakyat si Vivian patungo sa kanyang silid upang makatulog na. Samantala siya naman ay nakaupo pa rin sa sofa at nag-iisip kung ano ang gagawin niya para mapaalis si Bek sa kanilang buhay.
Samantala. Sa isang condominium unit.
Pumasok si Bek sa isang condo unit na kanyang tinitirhan, pero sa kanyang pagpasok, ay may sumalabong sa kanya sa pintuan.
"Oh Mads. Saan ka galing?" sambit ni Jen sa kanya "Bakit ngayon ka lang? Sobra mo akong pinag-aalala ha"
"Sorry Mads. Nainip lang kasi ako dito eh" dahilan niya sa kaibigan "Kaya lumabas lang muna ako para makalanghap ng sariwang hangin"
"Sana sinabi mo sa akin, Mads. Alam mo naman na galing ako sa trabaho diba? Sana hinintay mo man lang ako para masamahan kita"
"E biglaan lang kasi. At ayaw ko naman na makaistorbo ako sa inyong mag-asawa"
"Istorbo..? Ano ka ba... kahit kailan hindi ka magiging istorbo sa akin" sambit ni Jen sa kanya "Parang kapatid na kaya kita"
"Sorry Mads. Sa susunod ay magpapaalam na ako sa'yo"
"That's good" sambit ni Jen "Alam mo naman na kakagaling mo lang sa ospital diba? Ayaw ko lang na mapahamak ka"
"Thanks Mads"
"That's okay" sagot naman niya "Oo nga pala, kumain ka na?"
"Yup. Tapos na"
"Talaga? Anong kinain mo, Mads?"
"Doon ako kumain kina Zeek. Pinaglutuan ako ng Mama niya"
Nanlaki ang mga mata ni Jen sa sinagot sa kanya “What? Pumunta ka sa kanila?”
"Yup. Bakit Mads?"
"Mads naman. Bakit ka pa pumunta doon sa kanila?"
"Wala lang. Gusto ko lang kamustahin si Zeek" sagot ni Bek sa kanya "Yon lang yon. Don't worry"
"Mads. Kung ano man ang plano mo sa kanya, please lang. Itigil mo yan" saway niya sa kaibigan "Huwag mo na siyang idamay ulit sa problema ninyo ni George. Pumayag lang ako na bumalik ka dito para kunin mo lang ang shares mo sa hotel. Hindi ang paghihiganti sa kanila"
"Paghihiganti..??" ulit ni Bek "Wala akong sinabi na maghihiganti ako. Gusto ko lang naman siya kamustahin. Masama ba yon?"
"Hindi masama yon. Pero sundin mo na lang ako"
"Okay Mads"
"Promise me" sabay hawak ni Jen sa kamay ng kaibigan "Ipangako mo sa akin na hindi mo igagalaw si Zeek at ang nanay niya"
"Okay Mads. I promise"
"Good" ngiti ni Jen "Now I am feeling better" ginantihan ni Bek ng ngiti ang kaibigan niya "Ano ba ang kinain mo sa kanila?"
"Kare-kare Mads. Iyan ang niluto ng nanay niya sa akin" sagot niya kay Jen "Grabe Mads. Sobrang sarap magluto ang Mama niya. I think maging matalik kaming magkaibigan"
"Talaga?"
"Oo Mads. Ma'am Vivian is so great" dugtong nito "Magpapaturo sana ako sa kanya na magluto ng mga masasarap niyang ulam eh" kuwento ni Bek sa kaibigan "Sabi niya nga, tuturuan niya ako sa susunod"
"Sa susunod..??" ulit ni Jean na parang nagulat ito sa sinabi ni Bek "So it means, magkikita pa ulit kayo at pupunta ka ulit sa bahay nila?"
"Yes. Mads. Kung gusto mo, sumama ka" paanyaya niya kay Jen "Para malaman mo kung gaano kabait si Ma'am Vivian"
"Mads.." sambit ni Jen na tila nag-aalala sa mga galaw ni Bek laban kina Zeek at sa ina nito.
"Bakit? Nagdududa ka na naman ba sa akin kung ano na naman ang gagawin ko sa kanila..?" panghuhula ni Bek kay Jen "Don't worry Mads. I've moved on. Gusto ko lang naman na maging okay ako. Please, Suportahan mo na lang ako"
Nagpabuntong-hininga na lang si Jen sa kanyang kaibigan “Sige na nga. Wala naman akong magagawa kundi suportahan kita” pagpayag ni Jen “Basta Mads. Ang lagi kong sinasabi sa’yo na mag-ingat ka palagi”
"I know, Mads. And I thank you for that"
"Salamat din Mads"
"Sige. Pasok na ako sa kwarto ko ha" paalam ni Bek kay Jen "Magpapahinga na ako"
"Sige. Mauna ka na lang. hihintayin ko pa ang asawa ko"
Kinabukasan.
Nagmamadaling nagtungo si Zeek sa opisina ni George upang isumbong ang ginawa ni Bek sa kanyang bahay.
Nang pagpasok niya ng opisina ay nakita niya si George na nakatayo malapit sa bintana at tinititigan ang tanawin sa labas ng hotel.
"Mahal" tawag ni Zeek sa kanya. Napalingon naman si George sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Naalala niya na nag-away pala silang dalawa nung isang araw. Linapitan na lang ni Zeek ang nagtatampong George "Galit ka pa rin ba sa akin, Mahal?"
"Sa tingin mo? Hindi?"
"Mahal naman. Sorry na"
"Sorry?? Pagkatapos na hindi mo sinabi sa akin na nag-uusap pa pala kayo ng ex mo. Sa tingin mo, ganon ko lang malilimutan yon?"
"Mahal. Please. Sorry na"
"Okay. Fine" sagot ni George "Just give me a reason para mapatawad pa kita..."
"For real, George?" dugtong ni Zeek "Ganyan ba kalaki ang kasalanan ko sa'yo?? Sa katunayan nga, ako pa sana ang magtatampo sa'yo dahil ininsulto mo ako"
"Just answer my question"
"Okay. Fine. Kung iyan ang gusto mo" buntong-hininga ni Zeek "Kasi may mas malaki pa tayong problema kesa sa pagseselos mo sa amin ng ex ko"
"At ano naman yon..?"
"Baka nakakalimutan mo na pumasok na muli si Bek sa buhay at sa negosyo mo" paalala ni Zeek sa kanya "At hindi lang doon, nakapasok na din siya sa buhay namin ni Mama"
"What?? Ano ang ibig mong sabihin?"
"Pumunta siya kagabi sa bahay. Nagpakilala siya kay Mama na matalik kaming magkaibigan" kuwento niya kay George habang kinakabahan ang kanyang boses "Hindi ko alam kung ano ang plano niya sa amin ni Mama, Mahal. Kinakabahan ako sa gagawin niya"
Biglang kinabahan din si George at niyakap niya na lang si Zeek ng mahigpit “Don’t worry, Mahal. As I promised, I’ll protect you and your mother. Ako na ang bahala sa inyo”
"Salamat Mahal. Salamat" ganti din ni Zeek na pagyakap.
"Pero huwag ka ding mag-alala sa share ko dito sa hotel"
"Bakit Mahal? Anong nangyari sa naging usapan ninyo?"
"Binaba niya ang bibilhin niyang shares" sagot ni George "Meron na siyang 40% shares sa hotel na 'to. At ang natirang 60% ay paghahatian namin ni Bek"
"So meron na kayong 30-30?"
"Yes. Tama ka, Mahal"
"Wow. That's good news, Mahal" ngiti ni Zeek sa magandang balita ni George "Pantay na kayo ni Bek at hindi ka na niya makokontrol"
"Tama ka, Mahal. Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Jeff" dugtong niya "Hindi niya ako pinabayaan at hindi siya naging sakim"
"Oo nga Mahal eh. Ang bait niya talaga"
"You're right" at inalis nila ang kanilang mga braso sa kanilang pagyayakap "Pero ito lang ang mapapayo ko sa'yo, Mahal. Mag-iingat kayo ng Mama mo dahil hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng baliw na iyon"
"Okay Mahal. Mag-iingat talaga kami"
"Good. Sige na. Bumalik ka na sa trabaho mo, Mahal"
Bago umalis si Zeek ay niyakap at hinalikan niya muna si George bilang pagpaalam sa kanya. Samantala ay nakatayo pa rin si George sa bandang bintana at nag-iisip sa posibleng maging plano ni Bek laban sa kanila.
Itutuloy…
TIA: Chapter 32 (Selos)
Sa Amerika.
Alas-siyete ng gabi at nagmamadaling nag-eempake ng kanilang mga gamit sina Daisy at Arnold para sa kanilang planong pagbalik sa Pilipinas.
Naisumbong na nga ni Marco sa Daddy ni Hazel ang tungkol kina Zeek at sa kanilang anak na nagkikita pa rin sila. At sa inaasahan, hindi nagustuhan ito ni Arnold at balak niyang pigilin ito.
"Humanda silang dalawa kapag nandoon na tayo sa Pilipinas, Daisy" sambit ni Arnold habang inilalagay ang mga gamit sa bagahe "Ilang beses ko nang pinagsabihan ang anak mo pero matigas pa rin ang ulo!"
"Kumalma ka naman, hon"
"Bakit ako kakalma? E magkasama sila ng walang kwentang lalaki sa Pilipinas"
"Hon. Hindi naman siguro magkasama silang dalawa. Baka nagkamali lang si Marco sa sinabi niya tungkol sa anak mo"
"Teka. Parang pinagtatanggol mo pa ang anak mo sa ginagawa nilang dalawa ah" sambit sa kanya ng kanyang asawa "May alam ka ba dito, Daisy?"
"Ako? Wala hon" sagot ni Daisy na parang kinakabahan ang tono ng boses "Ang akin lang naman ay tawagin muna natin ang anak mo kung totoo nga ang sinasabi ni Marco tungkol sa kanya" payo niya sa asawa "Para mapakinggan din naman natin ang side niya kung ano ang totoo, hon" sabay himas niya sa balikat ni Arnold "Ilang taon din ang pag-aaruga natin kay Hazel diba? alam mo naman na hindi siya sinunggaling"
"Marahil ay tama ka, Daisy" buntong-hininga ni Arnold "Sige. Pakikinggan muna natin ang kuwento ni Hazel bago tayo gumalaw. Pero kung totoo nga ang sinabi ni Marco sa atin, hihilahin ko na siya pabalik dito sa Pilipinas"
Samantala. Sa Pilipinas. Sa opisina ni Zeek.
Nagtungo si Hazel sa labas ng opisina niya para kausapin ito tungkol sa nangyari sa kanila kagabi sa restaurant. Pero nung pagpasok niya ay wala doon si Zeek sa kanyang opisina. Nagdesisyon na lang siya na umalis at babalik na lang mamaya.
Subalit nang muling pagkalabas niya ng opisina ay may nakasalubong siyang tao. Napahinto si Hazel at nagtinginan silang dalawa ng babae.
"Sino ka..?" tanong ni Bek sa kanya "Bakit ka pumasok sa loob ng opisina ng Director? Magnanakaw ka?"
"No. Hindi po" tanggol ni Hazel sa kanyang sarili "Kilala ko po yung Director dito. Kakapasok ko lang din kasi para kausapin siya pero wala nga siya sa loob"
"Ahh. Okay" sambit ni Bek "Pwede bang malaman kung sino ka?"
"Hazel po. Hazel po ang pangalan ko"
Napalaki ang mga mata ni Bek sa babaeng kaharap niya. Pamilyar kasi ang pangalan nito dahil naikuwento na noon nito ni Zeek.
"Hazel" ulit ni Bek "Ikaw ba ang ex-girlfriend ni Zeek?"
"Po?" napakunot ang noo ni Hazel sa sinabi ng babae sa kanyang harapan "Paano po ninyo nalaman?"
"Wala naman. Hula ko lang" sagot ni Bek "Kasi ngayon lang kita nakita dito"
"Oohh. Okay" sambit niya at lumakad si Hazel palayo kay Bek "Sige po. Alis na ako"
Ilang hakbang din ang paglakad ni Hazel nang biglang nagsalita muli si Bek “So, bumalik ka na pala. Kailan ka lang bumalik dito sa Pilipinas?”
"Po..?" sabay lingon ni Hazel sa kanya "Bakit ninyo natanong yan?"
"Gusto ko lang malaman dahil nasaktan talaga si Zeek nung umalis ka papuntang Amerika"
"Alam mo ang tungkol doon?"
"Yes. Alam na alam ko dahil sinabi niya mismo sa akin ang tungkol sa'yo" sabat ni Bek "Bakit ka pa bumalik? Ano ba ang kailangan mo sa kanya?"
Napakunot ang noo ni Hazel dahil nagtataka ito dahil ganon niya lang ipinagtatanggol si Zeek.
"It's none of your business, Miss" sagot niya sa babae "At kung ano man ang naging problema namin. Amin na lang yon at pilit namin inaayos"
"Talaga? Pilit na inaayos?" ulit ni Bek "So, nagkabalikan na kayo?"
"Hindi. pero pilit kong binabawi ang mga oras na wala ako noon sa tabi niya" paliwanag ni Hazel "Kahit hindi man kami nagkabalikan, masaya na ako na magkasama kami"
"Kawawa ka naman" sabay tawa ni Bek "Hindi mo alam kung ano ang mga pinagagawa ni Zeek dito habang wala ka at doon ka sa Amerika"
"Bakit? Ano ba ang ginagawa niya dito?"
"Ask him..." sabay sulyap ni Bek sa paparating na si Zeek.
Napalingon naman si Hazel at tinignan si Zeek na parang namumutla ang mukha.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Zeek kay Bek.
"Ohhh. My sweet baby boy" sambit ni Bek habang lumalapit siya kay Zeek at niyakap niya ito ng mahigpit. "Saan ka ba pumunta? Na-miss kita"
"What are you doing?" sabay alis niya sa mga braso ni Bek sa kanyang leeg.
"Oh bakit? Ayaw mo na ba sa akin? Dahil nandito na ang ex-girlfriend mo..?"
"Ano ba ang pinagsasabi mo?!" sumulyap si Zeek kay Hazel na kasalukuyang tumutulo ang luha niya sa kanyang nakita "Hazel. Iba ang iniisip mo"
Biglang tumakbo si Hazel ng mabilis palayo sa kanilang dalawa. Habang si Zeek naman ay sinundan siya. At si Bek naman ay nakangiti na parang demonyo sa kanyang ginawa.
‘Mas pinapadali ninyo ang trabaho ko na pabagsakin kayo’
sambit niya sa kanyang sarili
Nasa osipina pa rin si George at nagdidiwang sa kasunduan na ginawa nila ng kanyang kaibigan at business partner niya na si Jeff, ang may-ari ng Dy Group of Companies.
Masayang-masaya ito dahil kahit papaano ay pantay na sila ng kanyang dating asawa sa shares ng hotel at hindi na siyang magmumukhang talo.
Biglang pumasok si Bek sa opisina sa gitna ng masaya niyang mukha. Nakita niya na masaya ang mukha ni Bek habang papalapit siya sa mesa nito.
"Ano ang ginagawa mo dito, Bek?" tanong niya dito "Wala ka bang trabaho sa opisina mo?"
"Wala"
"Ganon? Kung wala kang magawa, parang awa mo na, huwag ka dito tumambay sa akin, okay?" biglang tumawa ng malakas si Bek at umupo sa isang bakanteng upuan "Anong nakakatawa sa sinabi ko?"
"Wala naman" at umupo siya sa bakantang upuan "Bago ka umangal na wala akong ginagawa, mabuti pa ay i-tsek mo muna ang minamahal mong Zeek kung ano ang ginagawa niya ngayon"
"What do you mean?"
"Hindi mo ba talaga alam kung ano ang nangyayari sa loob ng hotel mo, George?" sambit niya kay George "Hindi mo ba alam kung ano ang nangyayari kay Zeek sa mga oras na ito?"
"Pwede ba..? Sabihin mo na sa akin kung ano man yun..? Bago pa ako mapikon sa'yo"
"Ooooh. Relax my dear ex-husband" ngiti ni Bek "Masyado kang mainit. Gusto ko lang ipaalam sa'yo na magkasama sina Zeek at ex niyang babae ngayon"
"What?! Saan?" biglang napatayo si George sa binalita sa kanya ni Bek.
"Hindi ko na alam kung saan sila pumunta pero nakita ko na hinabol ni Zeek si Hazel palabas ng opisina niya"
"Shit!" lumakad papunta si George sa kanyang pintuan ng opisina dahil gusto niyang habulin sina Zeek at Hazel sa kanilang ginagawa.
"Saan ka pupunta? Hahanapin mo sila? Baka pumasok na sila sa kwarto at doon na nila itinuloy ang kanilang gagawin"
"Tumahimik ka, okay?" sigaw ni George sa kanya habang nanginginig siya sa galit "Kapag nalaman ko na nagsisinungaling ka sa akin at gumagawa ka lang ng kuwento kay Zeek, humanda ka sa akin Bek. Humanda ka!"
"Sige. Hindi ako natatakot sa'yo, George. Lagi akong handa" sagot naman ni Bek sa hamon sa kanya ng dating asawa "Kung ako sa'yo, hanapin mo na ang pinakamamahal mong Zeek baka lumalandi na siya sa kanyang ex"
Hindi sumagot si George sa sinabi sa kanya ni Bek. Lumabas na lang siya at hanapin si Zeek sa buong parte ng hotel.
Samantala.
Naabutan ni Zeek si Hazel sa isang koridor malapit sa silid ni Hazel. Nahihingal pa ito dahil malayo din ang kanilang napuntahan dahil sa paghahabol lang kay Hazel.
"Hazel, wait" sabay hawak ni Zeek sa kanyang braso "Let me explain"
"Explain? Ano pa ang dapat mong ipaliwanag sa akin, Zeek?" sabat niya kay Zeek "Nakipagrelasyon ka sa kanya? Nakipagrelasyon ka sa mas matanda sa akin? Parang nanay mo na yon. At may asawa na"
"Hindi Hazel. Nagkakamali ka"
"Sige. Explain it to me" sambit niya "Ipaliwanag mo sa akin ang buong katotohanan kung sino ang babaeng yon"
"I said, wala lang yon" ulit niya "Hindi naging kami, okay?"
"Hindi ako naniniwala sa'yo, Zeek"
"Teka" hawak niya muli sa braso ni Hazel "Bakit ikaw pa ngayon ang may ganang magalit sa akin, Hazel?"
"Excuse me...?"
"Oo. Bakit ikaw pa nga ngayon?" ulit ni Zeek "E diba ako pa sana ang magagalit sa'yo dahil sa ginawa mong pagsisinungaling sa akin?"
"Yun nga eh" sabat naman ni Hazel "Pinuntahan kita sa opisina mo dahil hihingi ako sa'yo ng tawad at magpapaliwanag din sa ginawa sa atin ni Marco. Pero nakita ko ang babae mo"
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ko siya babae" sigaw niya kay Hazel "At sino yan si Marco?? Totoo ba ang sinabi niya? Na engaged kayo? At ipinagliban niyo muna ang kasal ninyo?!"
"Hindi nga totoo yon. Nag-iimbento lang si Marco" paninindigan ni Hazel "Oo. Nanligaw siya noon sa akin pero hanggang doon lang yon. Hindi naging kami"
"Talaga?" dugtong ni Zeek na parang hindi naniniwala sa paliwanag ng isa
"Oo. Totoong-totoo. E ikaw?" ganti niya "Totoo bang may relasyon kayo ng babaeng yon?"
"Paulit-ulit ka naman eh" buntong-hininga ni Zeek "Katulad ng sinabi ko, nag-iimbento lang din siya ng kuwento"
"E bakit sinabi niya yon sa akin?" tanong muli niya kay Zeek "Kung hindi totoo ang sinabi niya, bakit pinaalam niya sa akin..?"
"Hindi ko rin alam, okay? Hindi ko alam kung ano ang laman ng utak niya" sagot ni Zeek sa kanya "At isa pa, huwag kang maniwala sa kanya dahil naging baliw na yan. Nanggaling na siya sa mental hospital. Nagulat lang kami dahil bumalik siya dito sa hotel"
Biglang natahimik si Hazel sa kanyang narinig kay Zeek dahil baliw ang babaeng nakausap niya kanina.
"Talaga? Baliw siya?"
"Oo. Baliw ang babaeng yon"
"E bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Sasabihin ko nga sa'yo kanina diba? Kaso pinahabol mo pa ako" sabay hinga ng malalim ni Zeek. "Nakakapagod kaya"
"Sorry na. Hindi ko alam eh" ngiti ni Hazel sa kanya. Nawala na sa mukha niya ang galit kay Zeek dahil naniwala siya sa sinabi sa kanya. "Hindi ko pala alam na baliw pala iyon"
"It's okay. Atleast alam mo na ang katotohanan"
"Sorry ulit, Zeek" sambit ni Hazel sa kanya.
"It's okay, Hazel. Hindi naman ako galit eh"
"Talaga? Pati ang tungkol doon kagabi?"
"Yup. Hindi na ako galit sa'yo" dugtong ni Zeek sa kanya "May tiwala naman ako sa'yo eh. Alam ko naman na hindi ka nagsisinungaling sa akin"
Biglang lumiwanag ang mukha ni Hazel dahil napatawad na siya ni Zeek. Hindi niya maipaliwanag ang saya na nararamdaman nito. Bigla niya lang itong niyakap ng napakahigpit.
"Salamat Zeek. Salamat dahil pinatawad mo na ako" sambit ni Hazel sa kanya "I am so happy right now"
Hindi sumagot si Zeek sa sinabi ni Hazel pero unting-unti umaangat ang mga braso nito at hindi niya namalayan na niyayakap niya na din si Hazel. Lalo pa nilang hinigpitan ang yakap nila sa isa’t-isa na tila miss na miss nila ang dalawa.
"ZEEK!!"
Bigla silang napatingin sa lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan. Isang galit na galit na lalaki ang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Si Sir George mo ba yan, Zeek?" tanong ni Hazel
"Oo. Siya nga" sagot nito "Pumasok ka na sa silid mo bago niya pa tayo mapagaltan. Mag-usap na lang tayo mamaya"
"Sige"
Kaagad umalis si Hazel at dumerecho sa kanyang silid. Samantala si George naman ay lumalakad na patungo sa kanyang direksyon.
"Ano yon?!" habang namumula sa galit si George "Ano ang ibig sabihin ng yakapan ninyo?!"
"W-wala. Wala yon, Mahal"
Biglang umalis si Zeek sa harap ni George. Pero sa sobrang galit niya ay hinawakan ni George ang kanyang braso ng napakahigpit.
"Kinakausap pa kita. Huwag kang bastos"
"Wala nga yon, okay? Meron lang kaming pinag-uusapan"
"Ano naman ang pinag-usapan ninyong dalawa?"
"Wala. Simpleng bagay lang"
"Tulad nang..?" at hinigpitan pa ni George ang paghawak sa braso ni Zeek. "Diba, sinabihan na kita na ipaalam mo sa akin lahat ng gagawin mo? Bakit hindi mo 'to sinabi sa akin? May tinatago ba kayo sa akin..??!"
"Ano ba?!! Nasasaktan ako..." at itinulak niya si George at nabitawan niya ang paghawak nito sa kanyang braso "Ano ba ang nangyayari sa'yo?! Bakit ka ba nagkakaganyan? Anong problema mo?!"
"So ako pa ngayon ay may problema? Hindi mo ba talaga alam kung bakit ako nagkaganito? O sadyang manhid ka lang..??"
"Wala nga ibig sabihin ang yakapan namin kanina. Bakit paulit-ulit tayo?!"
"Kasi hindi ako naniniwala sa dahilan mo" sagot ni George "Magsabi ka nga ng totoo. Nagkabalikan na ba kayong dalawa...??" biglang napayuko si Zeek at napatingin lang siya sa sahig. Hindi niya masagot ang tanong sa kanya ni George "SAGOT!!"
"Hindi. Hindi pa kami nagkabalikan"
"What? Hindi PA?? So ibig sabihin ay may posibilidad nga na magkakabalika kayo, ganon?"
"Ano ba ang nangyayari sa'yo? Nagdududa ka pa rin ba sa akin...?"
"Hindi. Pero huwag mo akong pilitin na maubos ang pasensiya ko sa'yo" pambabanta niya kay Zeek.
Hindi makasagot si Zeek sa banta ni George sa kanya. Kaagad naman umalis si George sa kanyang harapan habang nanlilisik ang mga mata nito sa kanya.
Kakasara lang ni Hazel ng kanyang pinto. Kita sa mukha niya ang pagtataka sa kanyang narinig na usapan nina George at Zeek.
‘Bakit ganyan lang maka-react si George nang makita niya kami na nagyayakapan? Nagseselos ba siya? May relasyon ba silang dalawa?’
sambit ni Hazel sa kanyang sarili
‘Baka ito ang ibig sabihin ni Bek tungkol kay Zeek na may ginagawa siya dito nung wala ako. Baka ang dating asawa ni Bek ang kanyang karelasyon at hindi siya’
seryoso ang mukha ni Hazel habang ipinag-tagpi-tagpi niya ang mga impormasyon na nalaman niya
‘Kailangan kong makausap si Bek. Kailangan kong malaman ang totoo’
Itutuloy…
TIA: Chapter 33 (Sikreto ni Zeek)
Nagmamadaling pumasok si George sa kanyang opisina at umuusok ito sa galit sa kanyang nakita kina Zeek at Hazel.
"So nakita mo na sila?" tanong ni Bek habang nakatayo at nakatingin sa kanya "Tama ako diba? Sabi ko sa'yo eh. Niloloko ka lang niya"
"Shut up, Bek. At ano ang ginagawa mo pa dito sa opisina ko? Umalis ka na dito"
"Tell me, George. Nung nakita mo sila na magkasama, ano ba ang nararamdaman mo sa mga oras na iyon?" dugtong ni Bek kay George "Natuwa? Nagselos? Nagalit o mababaliw?"
"Im warning you, Bek. Umalis ka na"
"Bakit? Anong gagawin mo sa akin? Sasaktan mo ako? Hindi na ako natatakot sa'yo, George"
"Then shut up. Hindi mo alam kung gaano ako ngayon kagalit sa ginawa niya"
"Alam na alam ko ang kung ano ang nararamdaman mo ngayon, George. Believe me. Dahil napagdaanan ko rin yan noon" ngiti ni Bek sa kanya "Ang ibinigay mo sa kanya ang buong pagmamahal mo pero iba pa rin ang kanyang mahal"
"Huwag ngayon, Bek. Huwag mong i-ungkat ang matagal nang natapos na relasyon natin"
"Bakit? Ganon din naman yon. Pareho na tayong biktima ng pagmamahal, my dear ex-husband"
“Iba ang kuwento natin noon kumpara sa amin ngayon ni Zeek” sabat ni George “Pinilit ko naman na mahalin ka pero ikaw rin mismo ang tumulak sa akin na maging malamig at maghanap ng iba”
"Ganon pa rin yon. Pinaasa mo pa rin ako" pagdidiin nito sa dati niyang asawa "Hindi mo pinanindigan ang pinangako mo sa akin sa harap ng Diyos"
"Baka nakakalimutan mo na pinilit lang ako ng magulang mo na pakasalan ka. I married you because of our grandfather's business deal" sabat ni George sa kanya. Biglang natahimik si Bek dahil hindi siya makasagot sa sinabi ni George sa kanya na katotohanan "Kaya tumahimik ka na, baka hindi ko makapagpigil sa galit at masaktan kita"
Ngumiti na lang si Bek sa kanya at kaagad namang lumabas sa opisina ni George.
Nasa front desk si Hazel at may hinihingi ito sa babae.
"I'm sorry po, Ma'am" sambit ng babae na nagtatrabaho sa front desk "Bawal po talaga sa amin na magbigay ng personal information tungkol sa mga empleyado lalung-lalo na sa mga may-ari ng hotel eh. Baka mapagalitan kami"
"Sige na Miss. Please, Kailangan ko lang siyang makausap" pagmamakaawa ni Hazel sa kanya "Kahit cellphone number na lang"
"Sorry po, Ma'am. Hindi talaga pwede"
"What's happening here..?" sambit ni Bek habang lumalakad patungo sa kanilang dalawa sa front desk.
"Kasi po, Ma'am Bek. Humihingi siya ng address at cellphone number po ninyo. Pero hindi ko po ibinigay sa kanya" paliwanag ng babae kay Bek.
Napatingin naman si Bek kay Hazel at hindi pinansin ang babae na nasa front desk.
"Bakit ka humihingi ng address ko? Anong kailangan mo sa akin, Hazel..?"
"Gusto ko lang makausap kita ng personal"
May halong ngiti at gulat ang nakapinta sa mukha ni Bek nang sinabi iyon ni Hazel “Makausap? Bakit naman? Tungkol ba’to sa nakita mo kanina na nagkayakapan kami ng mahigpit ng dati mong nobyo?”
"Oo"
"Bakit? Masakit ba? Na makita mo siyang may kayakap na iba?"
"Yes. Masakit. Pero hindi pa ako kontento at napabilib sa pinakita ninyo sa akin kanina"
"Talaga? Ano pang pruweba ang gusto mo? Ano pa ba ang gusto mong malaman para maniwala ka na may relasyon kami ni Zeek?"
"Wala. Wala kang dapat na ipakitang pruweba sa akin na kayo ni Zeek dahil alam ko na hindi naging kayo" sagot ni Hazel "Alam ko na may karelasyon siyang iba, pero hindi ikaw yon"
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"You know exactly what I mean, Bek. Sagutin mo na lang ang mga tanong ko sa'yo"
Napasulyap si Bek sa babae na nasa front desk kung nakikinig ito. Pero busy ang babae at marami itong ginagawa at may kausap sa telepono.
"Huwag dito" mungkahi ni Bek "Doon tayo sa opisina ko"
Naunang umalis si Bek at sumunod naman sa kanya si Hazel papasok ng elevator. Umakyat silang dalawa sa pinakamataas na palapag ng hotel. Doon sila lumabas at naglakad patungo sa opisina ni Bek.
"Sige na. Ikuwento mo na sa akin ang buong katotohanan" utos ni Hazel sa kanya "Sino ang karelasyon ni Zeek..?"
"Teka teka. Bago ko sagutin ang nakaka-pressure mong tanong, paano mo naman nalaman o nasagi sa isipan mo na may iba si Zeek at hindi ako yon?"
"Kasi narinig ko sila ng may-ari, ang dating asawa mo sa labas ng kwarto ko. Nag-aaway at parang nagseselos ito dahil nakita niya kaming magkayakap"
"Sigurado ka ba na nagseselos siya sa'yo? O baka imahinasyon mo lang?"
"Oo. Sigurado ako dahil alam ko ang tono ng pananalita ng isang tao na nagseselos" sagot ni Hazel sa kanya "So ano? May relasyon ba silang dalawa?"
Ilang minuto din ang pananahimik ni Bek bago niyang nasagot ang tanong sa kanya ni Hazel. “Hazel. Ayaw ko sanang sabihin sa’yo ito baka maiba ang pagtingin mo kay Zeek. Pinilit kong itinago ang totoong kuwento ng aming hiwalayan para hindi maging magmukhang masama silanga dalawa”
"Just answer my question. Totoo ba?"
"Totoo. May relasyon silang dalawa ng dating asawa ko" at bigla bumuhos ang luha ni Bek.
Nanlaki ang mga mata ni Hazel dahil nakumpirma na nga sa kanya ni Bek na totoo ang kanyang hinala sa kanilang dalawa.
"Kailan lang? So siya ang rason kung bakit kayo nagkahiwalay ng asawa mo?"
"Oo. Tama ka" sagot ni Bek habang pinupunasan niya ang kanyang pisngi na may luha "Siya nga ang rason kung bakit kami nagkahiwalay ni George. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang paghihiwalay namin"
Nakita ni Hazel na panay pa rin ang pag-iyak ni Bek dahil naalala niya ang hiwalayan nila noon. Nagdesisyon siya na lumapit kay Bek at ipadama sa kanya na hindi siya nag-iisa.
"It's okay, Miss Bek" himas ni Hazel sa likuran ni Bek "Everything will be alright. I'm sorry kung natanong ko. Hindi ko kasi alam"
"Okay lang yun, Hazel. Wala ka namang kasalanan eh" sagot ni Bek "Nasasaktan pa rin kasi ako hanggang ngayon. It's been three years pero parang kahapon lang nangyari. Sobrang sakit talaga"
"Sorry. Sorry talaga, Miss Bek" ulit ni Hazel "Hindi ko pala alam na ito na ang ginagawa ni Zeek. Sumisira na siya pala ng pamilya"
"Huwag mo siyang sisisihin, Hazel" sambit ni Bek "Tao lang din naman siya. Nagkakamali"
"Pero hindi ko naiintindihan eh. Bakit pinili niya pang makipagrelasyon sa lalaki..? At sa may asawa pa..?"
"Iyon ang hindi ko rin alam, Hazel" habang inaalala ni Bek ang mga pangyayari noon sa kanila "Naalala ko pa noon, masaya kaming mag-asawa. Isang mapagmahal na asawa si George. Pero nagulat lang ako na isang araw ay bigla na lang siya nagbago at nalaman ko na nakipagrelasyon siya sa kanyang assistant na si Zeek"
"Pero paano kayo nagkahiwalay?" tanong ni Hazel sa kanya "Sumuko ka? At hinayaan mo na lang na agawin sa'yo ang asawa mo?"
"No! Hindi mo lang alam kung gaano ko ipinaglaban ang kasal namin ng asawa ko" sambit ni Bek habang nanlulumo ang mga mata nito "Hiniwalayan ako ni George nung nalaman niya na nalaglag ang bata na dinadala ko"
"Ano? May baby pala kayo?"
"Wala na. Namatay na siya" at bumuhos ulit ang luha ni Bek. "Hindi ko naman sinasadya na madamay siya eh. Sa sobrang pag-iisip ko kay George at kung ano na ang ginagawa niya sa kalagitnaan ng gabi, hindi ko namalayan na nadadamay na pala ang anak ko"
"Kawawa naman ang baby" buntong-hininga ni Hazel "Hindi naman kita masisisi kung nasobrahan ang pag-iisip mo noon sa kanya. May rason ka naman eh"
"Oo nga. Nadamay siya dahil sa ginawa ng kanyang ama" patuloy pa rin ang pakukuwento ni Bek habang umiiyak ito "Yon ang rason kung bakit niya ako hiniwalayan. Ang nag-iisang rason lang daw na sumasama siya sa akin ay ang magiging anak namin, pero nawala pa"
"Grabe. Wala naman siyang puso"
"At iyan ang dahilan ng pagkabaliw ko. Hindi ko nakayanan ang mga problema na dumaan sa akin"
"Kaya pala.."
"Oo. Yon nga" at hinawakan ni Bek ang mga kamay ni Hazel at tumingin ito sa mga mata "Kaya nga nagpapasalamat ako dahil andito ka na, Hazel. May handang makinig sa mga pinagdaanan ko noon sa kanilang dalawa"
"Kawawa ka talaga, Miss Bek. Sige. Andito lang ako para makinig sa mga kuwento mo sa kanilang dalawa"
"Maraming salamat, Hazel" sabay yakap niya kay Hazel "Salamat. Isa kang tunay na kaibigan"
Hindi tinapos ni Zeek ang kanyang trabaho at nagdesisyon na lang ito na umuwi ng maaga, Gusto niyang magpahinga sa stress dahil sa nangyari sa kanya sa buong araw.
Nang pagpasok niya ng bahay ay nakita niya ang kanyang ina na nakatayo malapit sa pintuan at nakatingin sa kanya. May dalawang malaking bagahe ito sa paanan na parang aalis ito.
"Oh Ma. Bakit ka nandito? At ano ang mga bagaheng yan?" panimula ni Zeek. Pero hindi sumagot si Vivian at tumingin lang sa kanya "Ma? Okay ka lang? Bakit hindi ka sumasagot?"
"Magsabi ka nga ng totoo sa akin, Zeek"
"Sige Ma. Ano yon?"
"Naalala mo yung araw na nanghiram ka ng pera dahil wala tayong pambayad sa mga gastusin natin noon?"
"Oo Ma. Naalala ko. Bakit?"
"Kaninong pera nanggaling iyon?"
"Kay Sir George nga, Ma. Pinahiram niya sa akin"
"Yung totoo, Zeek."
"Oo nga, Ma. Totoo ang sinabi ko noon sa'yo"
"Totoo dahil galing yon kay Sir George mo, pero ang tanong ko, pinahiram niya ba, o ibinigay sa'yo?"
"Pinahiram Ma"
"Napakasinunggaling mong bata ka"
"Ha? Anong sinunggaling? Nagsasabi ako sa'yo ng totoo, Ma"
"Kailan mo pa ako niloloko, Zeek? Kailan niyo pa ako niloloko ni George na may relasyon kayo?!"
Nanlaki ang mga mata ni Zeek na parang nakakita ng multo ang mukha niya. Hindi niya aakalain na malalaman na ng kanyang ina ang matagal na niyang lihim “Paano mo nalaman?”
"Hindi na mahalaga kung paano at kanino ko nalaman" sagot ni Vivian "Sagutin mo ako, Ezekiel. Kailan pa...?!!"
"Ma..." at lumakad siya papunta sa ina.
"Sagutin mo'ko!!" sigaw niya kay Zeek "Ikaw ba ang naging dahilan ng hiwalayan nilang mag-asawa..?"
"Oo... p-pero hindi ko naman sinasadya, Ma"
Nanghina ang mga tuhod ni Vivian sa sinagot sa kanya ni Zeek. Napaupo lang ito sa sahig dahil sa pag-amin nito “Bakit… bakit mo yan ginawa, Zeek..? Hindi naman kita pinalaki para lang sumira ng isang pamilya”
"Ma. Hindi ko naman sinasadya ang lahat eh. Napasubo na ako" at lumuhod si Zeek sa harap ng kanyang ina.
"Napasubo..?" ulit ni Vivian "Ano ang ibig mong sabihin?"
"Nahuli ko lang kasi sila ng dati niyang assistant na may nangyayari sa kanila sa loob ng opisina niya. Tapos sinabihan niya ako na huwag ipagkakalat ang nakita ko"
"At ano ang kapalit?? Pera??" at tumango si Zeek sa tanong sa kanya ng ina "Iyon ba ang ibinigay mo sa akin noon? Ang mga pinambili mo?" tumango muli siya sa ina. Hindi makapaniwala si Vivian sa mga nalaman niya sa anak. Sa sobrang galit nito ay nasampal niya ng malakas si Zeek "Walang-hiya ka. Pinakain mo ako ng pagkain na galing sa madumi?! Tapos sasabihin mo na hindi mo sinasadya? Pagkatapos ng tatlong taon, hindi mo sinsasadya?!"
"Pero Ma. Mahal ko na siya. Mahal ko na si George"
"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo Zeek? Mahal mo na siya?" dugtong niya kay Zeek "Walang pagmamahal ang sa inyong dalawa dahil UNA sa lahat, pareho kayong lalaki at ang pangalawa, sumira ka ng kanilang kasal. Ngayon sabihin mo, magkakatuluyan pa ba kayo..?"
"Oo. Pipilitin namin. Nagmamahalan kami ni George, Ma"
"Talagang nababaliw ka na, Ezekiel. Wala ka na sa tamang pag-iisip"
"Ganyan na ba kaliit ang tingin mo sa akin, Ma? Isang madumi, walang kwenta at baliw na tao?" sabat niya kay Vivian "Nagmahal lang naman ako, Ma. May masama ba dun?"
"Oo! Sobrang liit na ng tingin ko sa'yo dahil hindi ko inaakala na magawa mo yan. Hindi ko pala alam na matagal na kayo ni George" sagot niya kay Zeek "Niloko mo ang sarili mong ina"
"Ma. Patawad na po. Please naman. Intindihin niyo naman ang ginawa ko" paliwanag niya pa kay Vivian "Ginawa ko naman ito para sa inyo. Ito. Ang bahay natin. Ang pera. Para naman sa'yo lahat ito dahil deserve mo 'to dahil ikaw ang ina ko"
"Hindi ko ito hiningi, Zeek" sagot ni Vivian "Hindi ko hiningi na ibaba mo ang pagkatao mo para lang maging maginhawa ang buhay natin" habang nanlulumo ang mga mata ni Viviam "Gusto ko ang pinaghirapan mo, hindi ang tulong mula kay George"
"Pero Ma. Pera ko naman ito ah. Pinaghirapan ko ito"
Huminga na lang ng malalim si Vivian at tumayo. Hinawakan naman ni Zeek ang kanyang kamay para alalayan ito “Bitawan mo ako. Kaya kong tumayo. Ayaw kong madampian ang balat ko sa balat mo”
"Ma naman. Grabe ka na. Nasasaktan na ako"
"Mas nasasaktan ako sa nagawa mo" sabay tulak niya ng dalawang bagahe sa paanan niya.
"Ma. Saan ka pupunta.."
"Aalis ako. Ayaw ko na dito"
"E bakit? Saan ka titira? May pera ka ba?"
"Oo. May pera ako. At kung wala man, hinding-hindi ako hihingi sa'yo ng pera"
"Huwag ka namang ganito, Ma" habang hinahabol niya si Vivian sa palabas ng gate ng bahay "Ayusin natin ito"
"Ayusin mo muna ang buhay mo, Zeek. Pagkatapos nun, babalik ako" sambit niya sa anak "Aalis muna ako. Dahil ayaw kong tumira sa bahay niyo ni George"
Pinabayaan niya na lang si Vivian na umalis ng bahay dahil hindi naman niya ito mapipigilan. Samantala siya naman ay napahandusay sa daan. Nanghihina ito dahil hindi siya matanggap ng kanyang ina.
Itutuloy…
TIA: Chapter 34 (Pagsiwalat ng Lihim)
Nagising sa Vivian sa kama ng isang air-conditioned na silid. Bumangon at tumayo siya dahil gusto niyang magluto ng agahan pero bigla niyang naisip na wala pala siya sa kanilang bahay.
Umupo na lang ito sa isang upuan at biglang natulala. Sumagi kasi sa kanyang isip ang tungkol sa anak na si Zeek. Dahil hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa ginawa ito ng anak at naitago sa kanya nang mahabang panahon.
Napatingin si Vivian sa pintuan dahil may kumatok mula doon sa labas. Kaagad naman siya tumayo at binuksan ang pinto ng silid.
"Hazel"
"Tita" sambit din ni Hazel at niyakap ang ina ni Zeek ng mahigpit "Kamusta ka na po?"
"Okay lang naman ako, anak" sagot niya "Halika. Pumasok ka"
Sumunod naman si Hazel kay Vivian papasok ng kanyang silid. Sinara niya kaagad ang pintuan para hindi sila makita sa labas.
"Ahmm. Tita, huwag ka na pong mag-aalala sa bayarin dito sa room mo ha. Nabayaran ko na po ito"
"Naku Hazel. Sana ako na lang" dugtong naman niya "Nakakaabala naman ako sa'yo"
"Hindi Tita. Hindi ka nakakaabala" sagot niya sa ina ni Zeek. Napansin niya din na parang mabigat ang mukha ni Vivian habang nakaupo. Kaagad naman niyang linapitan ito para tanungin kung ano bumabagabag sa kanya "Tita, okay ka lang ba?"
"Sa totoo lng, Hazel. Hindi ako okay eh" buntong-hininga niya "Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nagawa pala yon ng anak ko sa akin. Parang iba siyang tao"
"Ganon din naman ako, Tita" dugtong ni Hazel "Hindi rin ako makapaniwala. Ang laki pala ng pinagbago niya. Kasalanan ko din naman 'to eh"
"Wala kang kasalanan, Hazel. Huwag mong sisihin ang sarili mo"
"Hindi Tita. May kasalan ako eh" pagdidiin ni Hazel sa kanyang sarili "Kung hindi ko sana siya iniwan dito sa Pilipias. Hindi siya siguro naging ganyan"
"Anak" sabay hawak ni Vivian sa kamay ni Hazel "Hindi kasalanan ang pagsunod sa mga magulang. Oo. Nasaktan siya nung umalis ka pero hindi niya naman dapat ginawa yon. Hindi sana siya naging baklang kabet"
"Salamat Tita. Dahil naiintindihan mo ako" sagot naman nito "Pero nagi-guilty pa rin ako eh" habang inaalala niya ang ginawa niya noon "Siguro Tita. Ang tanging magagawa lang natin ngayon kay Zeek ay intindihin siya, Kausapin natin siya ng maayos kung bakit ginawa niya yun"
"Ewan ko, Hazel. Hindi pa ako siguro handa para kausapin siya. Hindi ko talaga alam kung bakit niya yon ginawa. Binaba niya talaga ang kanyang pagkatao" buntong-hininga ni Vivian "Ang sama talaga ng loob ko ngayon sa kanya. Niloko niya ang sarili niyang ina"
"Pareho din naman tayo, Tita. Pareho niya tayong niloko" sambit ni Hazel sa ina ni Zeek "Pero kailangan din natin siya intindihin dahil wala namang ibang tao ang dapat makakaintindi sa kanya kundi tayo"
Natahimik si Vivian ng ilang saglit at napaisip siya sa sinabi ni Hazel na intindihin nila si Zeek dahil sila lang dalawa ang makakaintindi sa kanya.
"Marahil ay tama ka, Hazel" sagot ni Vivian "Tama ka dahil kahit anong mangyari, anak ko pa rin si Zeek. Pero hindi pa ako siguro handa na makausap siya. Kailangan ko pa ng oras at panahon"
"Sige po, Tita. Naiintindihan ko" pagsang-ayon niya dito "Kahit ako din, hindi pa ako handa na makausap siya"
Samantala.
Kakapasok lang ni Zeek sa hotel para umpisahan na ang kanyang araw ng trabaho. Pero imbes na dumerecho sa kanyang opisina ay nagtungo ito sa opisina ni George.
"Mahal" tawag ni Zeek na mahina ang tono ng boses
Napasulyap naman sa kanya si George habang papalapit siya sa mesa “Ano ang ginagawa mo dito? Ang kapal din ng pagmumukha mo para magpakita sa akin”
"Mahal. Sorry na. Hindi ko sinasadya" panimula ni Zeek "Bigla niya lang akong niyakap at hindi ko pala alam na niyayakap ko na siya"
"Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa'yo? Pagkatapos mo akong niloko? HINDI NA"
"Mahal naman. Please" pagmamakaawa pa ni Zeek sa kanya. "Makinig ka naman sa akin"
"Sige. Bibigyan kita ng pagkakatapon para magpaliwanag" sabat ni George sa kanyang pagmamakaawa "Sagutin mo ako ng derecho"
"Ano yon?"
"Mahal mo pa ba siya?? Mahal mo pa ba si Hazel?"
"Ikaw ang mahal ko, Mahal. Maniwala ka naman"
"Just answer my question, Zeek. Para matapos na 'to" sabat niya kay Zeek "Mahal mo pa ba siya?"
Napayuko na lang si Zeek dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya kay George. Nanginginig ang buong katawan niya dahil sa sobrang pagod na pinagdadaanan.
Pero kailangan niya nang tapusin ang isa niyang problema. Gusto niya na maging totoo sa kanyang sarili at isagot ang tanong ni George “Oo. Mahal ko pa siya. Mahal ko si Hazel at hindi magbabago yon”
Nagulat si George sa pag-amin ni Zeek ng katotohanan. Hindi niya akalain na mahal pa rin niya ito kapalit sa nangyari sa kanila noon.
Tumayo siya sa kanyang upuan at sinugod si Zeek sabay pagkuwelyo nito sa kanya. “Ang kapal din ng pagmumukha mo na sabihin sa akin yan” sambit niya kay Zeek habang nanggigigil ito sa galit “Baka nakakalimutan mo, ako ang dahilan kung bakit ka nakahiga sa pera ngayon at naluklok ka sa magandang posisyon mong yan” dugtong nito kay Zeek na nangangalit pa rin ito sa galit “Isang utos ko lang, kaya kong bawiin ang lahat nang yan sa’yo”
"S-sige. Bawiin mo" panghahamon ni Zeek sa kanya "Kunin mo na ang lahat sa akin. Lahat-lahat. Wala na akong pakialam" habang tumulo na ang luha ni Zeek habang sinasabi niya iyon "Wala namang kwenta ang yaman at ang trabaho na 'to kung wala na si Mama sa tabi ko"
"What do you mean?"
"Iniwan niya na ako. Hindi ko na alam kung saan siya pumunta"
"Bakit? Ano ba ang ginawa mo?"
"Ginawa natin.." pagtatama ni Zeek sa tanong ni George "Nalaman niya na ang buong katotohanan. Lahat ng mga sikreto natin, mula noon at hanggang ngayon ay alam niya na"
Doon niya nabitawan ang kuwelyo ni Zeek. Nagulat din siya kasi sa binalita sa kanya “Ano? Paano nangyari? Sino ang nagsabi sa kanya?”
"Hindi ko alam. Pero malaki ang kutob ko na si Bek ang nagsumbong kay Mama" sagot niya kay George. Kitang-kita sa mukha niya ang kaba at pagtataka kung paano nalaman ng ina ni Zeek ang kanilang sikreto "Nagsisimula na siyang maghiganti sa atin. Hindi natin alam na unting-unti nasisira na tayo"
"Kailangan natin gumawa ng paraan para hindi maniwala ang Mama mo" mungkahi ni George sa kanya "Hindi pa ito ang tamang panahon na malaman niya ang tungkol sa atin"
"Ano ba ang pinagsasabi mo? Diba ikaw pa nga ang nagpupumilit sa akin noon na ipakilala kita kay Mama, bilang karelasyon ko? Bakit umiba na naman ngayon..?"
"Dahil napagtanto ko na hindi pa ito ang tamang oras. Dahil baka ilayo ka niya sa akin. Mahal kita, Zeek"
"Mahal din kita. Pero sirang-sira na tayo" sagot ni Zeek "Alam na ni Mama ang lahat at iyon ang dahilan ng paglalayas niya. Hindi ko na alam kung saan siya pumunta"
"Hanapin natin siya. Sigurado ako na andito lang siya sa city at hindi na siya makakalayo"
"Mahirap na" buntong-hininga ni Zeek "It takes time and effort para hanapin ang tao na hindi naman nagpapahanap"
"So anong gagawin? Pabayaan na lang Mama mo?"
"Oo. Hayaan na lang siya dahil tinakwil niya naman ako bilang anak niya"
"Zeek. Mama mo pa rin yon" paalala niya kay George "Sige na. Hanapin na natin siya ngayon"
"Ayaw ko, okay? Suko na ako" pagmamatigas niya "Suko na ako sa lahat!"
"Ano ang ibig mong sabihin? Anong plano mo?" Maghiwalay na tayo? Yon ba ang gusto mo?"
"Kung iyan lang ang tanging paraan para matanggap ako muli ni Mama at bumalik siya sa akin. Gagawin ko"
Nagalit si George sa kanya dahil sa kanyang sinagot. Kaagad niya kwinelyohan ulit si Zeek “Ang sabihin mo, gusto mo lang na makipagbalikan sa ex mo. Kaya gusto mo na maghiwalay na tayo”
"Nagsasabi ako sa'yo ng totoo, George. Pero I must say, isa yan sa mga rason ko"
"Hayup ka, Zeek. Wala kang utang na loob" sambit niya dito habang inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ni Zeek "Pagbabayaran mo'to. Hindi ka makapasok ng opisina mo dahil sisante ka na"
"It's okay" sabay alis ni Zeek ng dalawang kamay ni George sa kanyang kuwelyo "Plano ko din naman na mag-resign eh. Salamat na lang sa oras at panahon at pagkakataon na ibinigay mo sa akin dito. Hindi ko ito malilimutan"
Kaagad umalis si Zeek at lumabas sa opisina ni George. Habang siya naman ay nakatayo pa rin at pilit na binabalik ang sarili sa katinuan dahil sa nangyari. Hindi siya kasi makapaniwala na tuluyan na ngang iniwan siya ng kanyang mahal na si Zeek.
Pagkatapos ng bangayan at paghihiwalay nila ni George ay nagdesisyon si Zeek na dumerecho sa opisina ng H.R dahil magsa-submit siya ng resignation letter at request na si Owen na ang papalit sa kanya bilang Director ng Food and Beverage Department.
"Bakit ka po magre-resign, Sir?" tanong ng isang babae na nandoon sa opisina "Sana huwag ka muna umalis dito. Napakabait mo kasi eh"
"Sorry. Pero kailangan ko nang umalis" sagot ni Zeek "Three years is enough"
"Sayang lang kasi, Sir" buntong-hininga ng babae
"It's okay. I think ibigay naman natin sa iba ang posisyon na iiwan ko" dugtong niya sa babae "At si Owen yon"
"Sino po yon?"
"Si Owen Manlapas. Ang Captain Waiter natin ngayon" sagot ni Zeek "Sa tingin ko ay bagay na bagay siya sa posisyon na iiwan ko"
"Okay po, Sir. Kung iyan ang gusto mo" dugtong ng babae "Pakisabi na lang sa kanya na magpasa ng resume at application letter dito"
"Sige. Salamat"
"You're welcome po, Sir. Basta mag-iingat ka po parati ha. Hindi ka namin malilimutan"
"Ito naman. Kung makasabi ka ng ganyan, parang mamamatay na ako ah" biro ni Zeek sa kanya "Don't worry, bibisitahin ko naman kayo dito"
"Promise?"
"Promise"
Naputol ang kanilang usapan nang pumasok si Miss Noguiera, ang Director ng HR Department.
"Is it true?" sabay lingon ni Zeek sa kanya "Aalis ka na?"
"Yes Ma'am. Totoo po. Pumasa na ako ng resignation letter"
"Well. Kug iyan ang desisyon mo, hindi ka namin mapipilit na magtagal dito" sagot niya sa dating intern niya. Bigla niyang naalala ang mga pagkakataon na nagkita sila ni Zeek at nanlumo ang kanyang mga mata.
"Ma'am? Umiiyak ka?" sambit ni Zeek "First time ko nakita na umiiyak ka Ma'am ah"
"Sorry Zeek. Naalala ko lang kasi noon. Sino ba ang mag-aakala na ang isang student intern na inaakala ko noon na magnanakaw ay ang siyang naging Food and Beverage Director" at tumulo ang luha niya kay Zeek "Pasensiya ka na noon sa akin ha. Siguro kung pinaalis kita noon, hindi mo siguro naabot ang estado na nakamit mo ngayon"
"Ma'am... tapos na yon at huwag ka nang humingi ng tawad dahil hindi naman ako galit sa'yo eh"
"Talaga? Ang bait mo naman, Zeek" hawak niya sa kamay ni Zeek "Basta. Ipangako mo sa akin na bibisita ka pa rin dito ha"
"Opo Ma'am. Pangako po yan"
"At huwag ka nang mag-alala. Ako na ang bahala kay Owen" paniniguro niya kay Zeek "Sisiguraduhin ko na siya ang susunod sa yapak mo."
"Maraming salamat po, Ma'am"
Niyakap ni Miss Noguiera si Zeek bilang pagpaalam nito sa kanyang dating intern. Pagkatapos nun ay kaagad umalis si Zeek at nagtungo sa kanyang opisina para ayusin ang iiwan niyang opisina.
Pero bago siya dumerecho muli sa kanyang opisina ay nagdesisyon siya na pumunta muna sa opisina ni Bek. Gusto niya kasing malaman kung siya talaga ang nagsumbong ng kanyang mga sikreto sa kanyang ina.
Nang pagpasok ni Zeek sa opisina nito ay nadatnan niya si Bek na may kausap sa telepono.
Nakita naman niya ang pagpasok ni Zeek “I’ll talk to you later. Meron pa akong gagawin. Bye.” sambit ni Bek sa kausap niya sa kabilang linya at kaagad binaba ang telepono. “Oh Zeek. What a wonderful surprise, Salamat sa pagbisita sa maliit kong kaharian”
"Cut the crap, Bek. I'm not in the mood para sa kalokohan mo"
"Not in the mood..?" ulit ni Bek "Bakit? Nag-away ba kayo ng pinakamamahal mong si George, na dati kong asawa?"
"Wala kang pakialam kung ano ang nagyari sa amin" sagot ni Zeek "Andito ako para sa mga iilang katanungan ko"
"Wow. Look serious huh? Ano ba yan..."
"Gusto ko lang malaman kung ikaw ba talaga ang nagsumbong sa Mama ko ng katotohanan"
Tumawa ng sobrang lakas si Bek sa kanyang narinig na tanong mula kay Zeek “Are you serious..?”
"Yes. I'm damn serious. Please. Answer my question, Bek"
"No. Hindi ako ang nagsabi sa Mama mo sa totoong pagkatao mo" sagot ni Bek sa kanya "At wala akong balak na pakialaman ang walang kwenta mong buhay"
"E paano nalaman ni Mama ang totoo kung hindi mo sinabi sa kanya..?!"
"Teka nga. Bakit ako ang sinisisi mo sa kamalasan ng buhay mo?"
"Kasi ikaw lang naman ang alam kong tao na may galit sa akin at may rason na gawin iyon"
"Talaga? Why don't you ask your ex-girlfriend?"
"Ano? Si Hazel? Bakit siya? E wala naman siya alam"
"Tanungin mo siya kaya. Huwag ka ditong mag-aksaya ng oras ko dahil marami pa akong trabaho"
"Pwede ba?? Sagutin mo na lang ako?! Huwag ka kang magpaligoy-ligoy pa?!"
"Oh well. Kung sa bagay, andito ka na. Sasagutin ko na lang ang tanong mo" panimula ni Bek "Pinuntahan niya ako dito kahapon. Tinanong niya sa akin kung ano talaga ang relasyon ninyo ni George"
"Bakit natanong niya yon?"
"Kasi narinig kayo ni Hazel na nag-aaway na parang mag-syota at parang nagseselos si George dahil nga, nakita niya kayo na magkayakap"
Hindi pala alam ni Zeek na narinig ni Hazel ang bangayan nilang dalawa ni George. Nawala talaga sa kanyang isip na malapit lang sila sa silid ni Hazel at malaki talaga ang posibilidad na marinig niya iyon.
Itutuloy…
TIA: Chapter 35 (Pagkasira ni Zeek)
“So anong sinabi mo? Inamin mo ang buong katotohanan?”
"Yes. Sinabi ko ang lahat-lahat na nalalaman ko sa inyo"
"Hayup ka, Bek" sambit ni Zeek sa kanya na nangangalit na ito sa galit "Sinira mo kami ni Mama"
"Ako? Sisira? For your information, hindi ako katulad mo na sumisira ng pamilya" tanggol ni Bek sa kanyang sarili "Huwag mo akong sisihin sa mga nangyayari sa buhay mo dahil karma mo na yan"
"Kahit na. Sana tumahimik ka na lang!"
"Tahimik naman ako ah" dugtong ni Bek "At baka nga siya ang nagsumbong sa Mama mo" habang nakangiti sa kanya si Bek "Haay Zeek. Pinapadali ninyo ang pagbagsak ko sa inyo, Karma na ang humihingi sa inyo, Zeek. Hindi na ako. And I'm enjoying this" nanggigigil sa galit si Zeek at itinapon niya ang mga papeles ni Bek na nakalatag sa mesa nito. Bumagsak at nagkalat ito sa sahig "What the hell?!!" sabay tayo ni Bek "Ano ba ang problema mo?!"
"Ipagdasal mo na lang na maging maayos kami ni Mama" pagbabanta niya kay Bek "At kung hindi, humanda ka sa ganti ko"
"Talaga?? Wow... I. AM. SO. SCARED"
"You should be, bitch"
Umalis kaagad si Zeek na galit na lumabas sa opisina ni Bek. Samantala siya naman ay pinulot ang mga nakakalat na mga papeles sa sahig “Oh my god. Ano ba ang nangyari dito…!! that faggot. Humanda ka sa akin”
Kakarating lang ni Marco sa kanyang condo unit at mukhang pagod na pagod na ito. Galing kasi siya sa kanyang trabaho at gusto niya nang magpahinga.
‘Hay salamat. Nakauwi din. Makapagpahinga na nga’ sambit ni Marco sa kanyang sarili. Hihiga na sana siya sa kanyang soda nang may biglang kumatok sa kanyang pintuan “Sino ba yan..” buntong-hininga ni Marco “Sandali!” sigaw niya habang papunta siya sa pintuan.
Binuksan ni Marco ang pinto at nakita niya kung sino ang tao na nasa labas “Marco” sambit nito sa kanya.
"Tito? Tita?" sina Arnold at Daisy pala ang kanyang bisita at kagagaling lang nila mula sa airport. "You're here. Hindi niyo naman ako sinabihan na pupunta kayo kaagad dito"
"Well. Kaagad kami bumili ng ticket at nagmamadali kami ng Tita mo na pumunta dito dahil sa sinabi mo sa akin sa telepono" paliwanag ni Arnold sa kanya "Hindi kasi kami makapaniwala sa kwinento mo sa amin. Pasensiya na kung wala kaming pasabi"
"Naku. Okay lang yun, Tito" dugtong ni Marco "Hali po kayo sa loob. Pasok po kayo"
Kaagad silang pumasok sa unit ni Marco, at katulad din ni Hazel ay namangha sila sa istilo at disenyo ng loob ng unit ni Marco.
"Ang ganda naman ng unit mo, Marco" sambit ni Daisy sa kanya "Ikaw ba ang nagdisenyo nito?"
"Opo Tita. Ako nga po"
"Wow. Ang ganda talaga" tingin niya agad sa asawa niya "Diba hon?"
"Yes. I'm impressed, Marco" sabay hinga ng malalim ni Arnold dahil naalala niya na naman si Hazel "Kung sana ay ikaw ang pinili ng anak ko at nagpakasal na kayong dalawa noon. Hindi na siguro mahahantong sa ganito. Masaya na sana kami ng Tita mo at hindi na kami nakabalik sa Pilipinas"
"Oo nga Tito eh" pagsang-ayon ni Marco "Pero tapos na po iyon, ang mahalaga ay magkaibigan kami ni Hazel"
"Kontento ka na diyan, Marco?"
"Opo Tito. Kontento na ako na magkaibigan na lang kami ni Hazel" sagot niya "Wala naman akong magagawa eh. Hindi ko naman siya mapipilit na mahalin niya ako"
"You're out of your mind, Marco. Kung ako sa'yo, ipaglaban mo ang pagmamahal mo sa kanya"
"Huwag na Tito. I already did that. Pero wala namang nangyari eh"
"E ano pa ang dahilan mo nung tinawagan mo kami at pinaalam mo na nagkikita pa rin sila?"
"Kasi sinusunod ko lang naman ang utos ninyo, Tito noon na ipaalam ko sa inyo kung nagkikita sila" paliwanag ni Marco " Yes, I admit. Nagselos ako sa kanila noon. Nasaktan dahil nakita ko mismo sa aking harapan na magkasama sila"
"Very well. Kahit sumuko ka na sa anak namin, atleast nasa amin pa rin ang loyalty mo"
"Opo Tito. Sa inyo talaga"
Lumalakad sa isang koridor si Zeek at parang nagmamadali ito sa kanyang paglakad. Gusto niyang kausapin si Hazel sa kanyang nalaman para linawin man kung ano ang sinabi sa kanya ni Bek.
Huminto si Zeek sa isang pintuan na may numerong, 417. Kumatok ito ng tatlong beses at magkalipas ang ilang saglit at bumakas ang pintuan.
"Zeek?" sambit ni Hazel mula sa loob ng silid. Nagulat at lumaki ang kanyang mga mata sa paglitaw ni Zeek sa kanyang pintuan. "Sorry. Marami pa akong gagawin. Sorry"
Isasara na sana ni Hazel ang pinto nang hinarangan ito ni Zeek gamit ang kanyang kamay. “Hazel. Mag-usap muna tayo oh. Let me explain”
"Wala na tayong dapat pag-usapan, Zeek"
"Please naman, Makinig ka naman sa akin oh" pagmamakaawa niya kay Hazel "Kahit sandali lang. Hayaan mo muna akong magpaliwanag"
Napahinto si Hazel napaisip siya sa pagmamakaawa ni Zeek. Kailangan nga niyang pakinggan ang paliwanag nito bago niya husgahan ang ginawa ni Zeek.
Kaagad naman binuksan ng maluwag ang pintuan niya at tinignan si Zeek “Pumasok ka” utos nito
Pumasok naman si Zeek sa silid ni Hazel at isinara ang pinto. “Salamat. Dahil hinayaan mo akong magpaliwanag”
"Don't thank me yet, Zeek" sabat ni Hazel "Hindi ka pa nagpapaliwanag"
"Sorry" sabay klaro ng lalamunan ni Zeek "Bago ako magsimula, humihingi ako ng tawad sa'yo dahil hindi sinabi sa'yo ang buong katotohanan. I've been a jerk, Hazel. I am really sorry" at doon bumuhos ang luha ni Zeek na parang nagsisisi siya sa kanyang ginawa "Hindi ko sinasadya na pumatol sa may asawa at sa kapwa ko lalaki"
"Then explain it to me. Bakit mo yon ginawa?"
"Naging desperado lang ako siguro para magkaroon ng pera noon. Wala na kasi kaming pera ni Mama at may mga babayaran pa kaming utang, ilaw at bibili pa kami ng makakain" paliwanag ni Hazel sa kanya "Kaya tinanggap ko ang offer noon sa akin ni George na bibigyan niya ako ng pera kapalit sa paggamit niya sa aking katawan"
"Ano? Binayaran ka niya? Naging callboy ka?"
"Oo. Wala akong choice, Hazel. Ginawa ko yon dahil nangangailangan kami ni Mama ng pera"
"Edi sana nanghiram ka sa mga kakilala mo... mahirap ba yun?"
"Wala nga. Wala, okay?" patuloy pa din ang pag-agos ng luha ni Zeek sa pagsisisi "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko noon"
"Sige. Sabihin na lang natin na nagawa mo yon dahil sa pangangailangan. Pero bakit patuloy pa rin ang relasyon ninyong dalawa hanggang ngayon? Bakit hindi mo pa siya hiniwalayan?"
"I did. Binalik ko sa kanya ang natirang pera na ibinigay niya sa akin. Pero it's too late na"
"Bakit? Anong 'it's too late'?"
"I fell in love with him" sagot ni Zeek "Kasi I felt secure kapag kasama ko siya. Yung masaya at kumpleto ka na habang nagsasama kayo"
"Ewan ko sa'yo" at tumayo si Hazel "Hindi talaga kita maiintindihan, Zeek. Mabuti pa na umalis ka na lang muna. Sa susunod na lang tayo ulit mag-usap"
"Hazel please"
"I tried to listen pero hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit mo yon ginawa" sambit niya kay Zeek "Para ang dumi-dumi na nang tingin ko sa'yo"
"Hazel. Parang awa mo na oh"
"Umalis ka na, Zeek. Ayaw kita munang makita o makausap. Sana maiintindihan mo ako"
Walang nagawa si Zeek at sinunod na lang niya ang utos ni Hazel na umalis na lang. Nang pagbukas niya ng pintuan ay nagulat si Zeek dahil may nakatayong mga tao sa labas ng silid ni Hazel.
"IKAW..??!" sambit ni Arnold kay Zeek "Bakit ka nandito?" hindi nakasagot si Zeek dahil sinuntok ito ng ama ni Hazel. Sa sobrang lakas ng suntok ay nabagsak si Zeek sa sahig "Ang tigas talaga ng ulo mo bata ka. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na tantanan mo na ang anak ko. Pero hindi mo ako sinusunod!"
"Dad. Tama na..!" sabay lapit niya sa kanyang ama at hinawakan muli ang kamao nito "Tama na. Please"
"Pinagtatanggol mo pa rin ba ang lalaking yan, Hazel?!" sigaw niya sa anak "Bakit hindi maalis sa sistema mo ang lalaking yan?!"
Doon tumayo si Zeek at hinarap ang ama ni Hazel. Tinapangan niya ang kanyang loob dahil ito na ang tamang oras na ipagtatanggol at ipaglalaban niya ang kanyang pagmamahal.
"Dahil mahal ko siya, Sir. Mahal ko ang anak niyo. At hinding-hindi ako titigil na mahalin siya"
"Hindi ka talaga marunong makaintindi anoh..?? Iwanan mo ang anak ko at maghanap ka ng babae na mas bagay sa'yo"
"Hinding-hindi ako hahanap ng iba dahil mahal ko siya"
"Pero hindi kita mahal, Zeek" dugtong ni Hazel.
Biglang kumurot ang puso ni Zeek at doon siya sa kanyang narinig mula kay Hazel. Talagang nagulat ito at hindi makapaniwala sa sinabi ni Hazel “Ano..? Tama ba ang narinig ko? Hindi mo na ako mahal?”
"O-Oo" pang-uutal na sagot ni Hazel "Hindi na kita mahal. Kaya umalis ka na dito, Zeek. Mag-uusap pa kami ng mga magulang ko"
"Hazel... Berry" iyak niya kay Hazel.
"Please! Umalis ka na!!"
Tumulo muli ang luha ni Zeek at tumingin siya sa mga mata ni Hazel. Pero hindi tumingin sa kanya ng pabalik. Naramdaman niya na parang lumiit siya sa kahihiyan dahil sa pag-amin sa kanya ng nobya.
Walang sabi-sabi ay tumakbo palabas si Zeek sa kwarto niya. Habang si Hazel ay nakonsensiya sa kanyang sinabi at ginawa. Alam niya na galit siya kay Zeek pero malilipas din naman iyon dahil mahal na mahal niya pa rin ito.
Sinabi niya lang naman iyon para makaalis na siya at makaiwas sa tangkang pang-gugulpi ng kanyang ama kay Zeek.
"You did a great decision, Hazel" sagot ni Arnold habang tinatapik nito ang balikat ng anak "Nagawa mo rin na sabihin sa kanya na tapos na kayo"
"Yun naman ang gusto niyong marinig diba? Na sabihin sa kanya na hindi ko siya mahal"
"Excuse me..?"
"Diba totoo naman? Dad, kailan ba titigil ang pagkokontrol ninyo sa buhay ko? Paano naman ang mga personal kong desisyon? Pati yun pakikialaman ninyo?"
"Titigil lang ito kung matino lang ang ginagawa mo"
"Anong matino? So ibig sabihin hindi matino na piliin at mahalin ko si Zeek?" sabat ni Hazel sa kanya "Mahal ko siya Dad. At hinding-hindi mababago yon"
"Nababaliw ka na talaga sa lalaking yon, Hazel" dugtong niya sa anak "Bakit siya pa? E andito naman si Marco.."
Sumulyap naman siya kay Marco pero yumuko ito at hindi tumingin sa mga mata ni Hazel dahil nahiya ito sa kanyang ginawang pagsumbong.
"Matagal ko nang sinabi sa inyong dalawa ni Mommy na kaibigan ko lang si Marco at ang mahal ko ay si Zeek"
"Well. Kung hindi na talaga mababago ang gusto mo, we have no choice kundi kaladkarin ka naminn ng Mommy mo pabalik ng Amerika"
"What?! No!" sigaw ni Hazel "Ayaw ko. At hindi niyo ako mapipilit na sumama sa inyo!"
"Please Hazel. Makinig ka naman sa Daddy mo"
"No! Tapos na ang pagkokontrol ninyo sa buhay ko. Oo. Nagpapasalamat ako dahil kayo ang nagpaaral sa akin pero it's time na tatayo na ako sa sarili kong mga paa" sambit ni Hazel sa kanilang dalawa habang tumutulo ang mga luha "Bakit kayo ganito sa akin, Dad? Bakit ang higpit-higpit ninyo sa akin..? Akala ko ba ay binigyan ninyo ako ng kalayaan? Pero parang ganon pa din..?"
"Because you're my daughter. Obligasyon namin ng Mommy mo na maging maayos ang buhay at kalagayan mo" paliwanag ni Arnold sa anak "Lahat ng yon ay dahil mahal ka namin at para sa kinabukasan mo"
"Sinunod ko naman kayo. Sinunod ko kayo na iwan ko ang buhay ko dito sa Pilipinas. Pero Dad. Mom. Huwag naman ito. Parang awa niyo na, Huwag naman ang buhay pag-ibig ko"
Bumuhos ang luha ni Hazel dahil sa kanyang huling sinabi. Hindi niya nakayanan ang sama ng loob at napahadusay ito sa sahig.
Biglang natahimik si Arnold sa pagmamakaawa sa kanya ng anak. Napagtanto niya na napasobra ang paghigpit nila sa kanilang anak at nagmamakaawa na ito.
Dahan-dahan lumapit si Arnold kay Hazel para yakapin ito. “Hazel…” sambit niya sa anak na mahina ang tono ng boses at inabot ang kamay nito.
"Don't touch me!" sambit naman niya habang bumabagsak pa ang maraming luha sa mula sa kanyang pisngi.
Kaagad siyang tumayo mula sa sahig at tumakbo palabas ng kanyang silid. “Hazel. Bumalik ka dito. Hindi pa tayo tapos mag-usap!”
"Hayaan mo muna siya, Hon. Hayaan muna siyang makapag-isip"
Nanlumo ang mga mata ni Arnold dahil magkalipas ang ilang mga taon ay ngayon niya lang napagtanto na nasobrahan siya sa kanyang pagpopoprotekta sa kanyang anak.
"May kasalanan din ako, Daisy. Ang laki ng kasalanan ko sa anak natin" sabay tulo ng mga luha niya "Hindi ko pala namalayan na nasasakal ko na si Hazel"
"Ako rin naman ay may kasalanan. Sana sinabi ko sa'yo ang nararamdaman ng anak natin. Hindi ko rin kasi masabi sa'yo dahil baka magalit ka" paliwanag ni Daisy sa asawa "Hindi ko lang siya pinanigan dahil alam ko na magagalit ka sa akin dahil ako ang asawa mo. Sorry Hon. Sorry talaga"
"Huwag kang mag-sorry sa akin, Hon. Tapos na yon" sambit niya sa kanyang asawa "Tama naman ang ginawa mo bilang asawa na suportahan ako sa mga desisyon ko sa anak natin. Pero nasobrahan lang talaga ako" pagsisisi ni Arnold sa kanyang sarili "Ngayon, hindi ko na alam kung paano ko babawiin ang anak ko. Hindi ko alam kung paano mawala ang galit niya sa atin"
"Simple lang naman ang kaligayahan ng anak mo"
"Ano yon?"
"Pumayag lang tayo sa relasyon nilang dalawa ni Zeek" mungkahi ni Daisy sa kanya "Sigurado ako na magiging masaya ang anak natin at hindi na siya magagalit"
Nakaupo si Zeek sa sahig ng kanyang opisina, na nasa may bandang pintuan. Tulala ito habang tumutulo ang kanyang mga luha.
"Sirang-sira na ako..." sambit niya habang umiiyak at bumubuhos ang mga luha niya "Lahat ng mga taong mahal ko ay iniwan na ako. Si Mama... Si Hazel... Lahat sila... tinalikuran ako dahil sa pagkakamali ko noon. Isang desisyon na sumira ng buhay ko. Isang malaking pagkakamali!!" sigaw niya sa buong opisina niya. "Kasalanan mo 'to Zeek. Isa kang tanga!"
Tumayo siya at lumakad papunta sa kanyang mesa. Bigla niyang naalala na hindi pa niya natapos ang pagliligpit ng kanyang gamit.
Hinugot niya ang isang maliit na drawer ng mesa. Doon niya nakita ang isang baril na hindi niya pa nagagamit kailanman. “Baka magamit na kita ngayon” sambit niya habang hinihimas ang hawak-hawak na baril.
Itutuloy…
TIA: Chapter 36 (Pagtanggap)
Puno ng pighati, lungkot at pagsisisi ang puso ni Zeek habang hawak niya ang baril. Hindi niya talaga alam kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon at parang wala na siya sa kanyang katinuan “Baka magamit na kita ngayon. Baka magamit na kita mismo sa sarili ko”.
Kaagad siya umupo sa upuan habang tinititigan ng mabuti ang baril. Nilalaro niya ito na parang handa na siya na pumutok ano mang oras. Walang sabi-sabi ay hinawakan niya ito ng mabuti at pinunterya ang dingding ng opisina.
Kaagad niyang ipinutok ang baril, at sa sobrang ingay ay nabingi siya sa pagputok nito. Naiwan na butas ang dingding ng opisina dahil sa kanyang ginawa. Napangiti lamang si Zeek sa kanyang ginawa na pagbutas dahil kahit papaano ay nakaganti na siya kay George. “Ayaw kitang madamay sa problema ko. This is the least that I can do para mapadama ko sa’yo ang pagkakamali na nagawa ko , at dahil yan sa tulong mo”
Pagkatapos nun ay kaagad niyang itinutok ang baril sa kanyang sintido. Biglang napatulo ang luha niya habang nasa ulo niya ang baril at nasa gatilyo ng baril ang kanyang daliri. “Goodbye cruel world. Napaka-unfair mo”
Ipuputok niya na sana ang baril nang may pumasok sa kanyang opisina. “Zeek…. HUWAG!” sigaw ni Hazel habang tumakbo siya ng mabilis patungo kay Zeek. Huminto lang si Hazel sa may bandang mesa ni Zeek. Ayaw niya itong bibiglain at hilahin ang baril dahil baka maiputok ni Zeek ito sa kanyang ulo. “Zeek. Ibaba mo yan”
"Wala nang nagmamahal sa akin, Sirang-sira na ang buhay ko. Mas mabuti pa na tapusin ko na lang ang buhay ko" sambit niya habang umiiyak na parang bata.
"Ano ba ang pinagsasabi mo..? May mga nagmamahal sa'yo.. Andito ako.. ang Mama mo" sambit niya dito habang nakatutok pa rin ang baril sa ulo ni Zeek "Parang awa mo na, Zeek. Ibaba mo na yan. Mag-usap tayo"
"Mag-usap..? Diba pinuntahan kita kanina at humihingi ako ng tawad sa'yo? Nagmamakaawa na pakinggan mo muna ako. Pero ano..? Hinusgahan ninyo ako ng Mama" tuloy pa rin ang kanyang pag-iyak "Pare-pareho lang kayong lahat" dinidiin pa ni Zeek ang baril sa kanyang ulo.
"Zeek. Zeek. Oo. Inaamin ko na hinusgahan kita. Nagkamali ako dun" sambit niya kay Zeek na parang pinapakalma niya ito "Pero kailangan ding malaman ng Mama mo ang katotohanan"
"Para ano? Para itaboy niya ako at hindi ituring na anak? Ganon ba yon?!"
"Hindi, Zeek. Mahal ka ng Mama mo. Maniwala ka"
"Sinunggaling. Kung mahal niya ako, sana tinanggap niya ako kung ano man ang ginawa kong kasalanan!" habang namumula na siya sa galit at iyak. "Hindi na tinaboy at tinakwil na parang hayup!"
"Nagulat lang kami sa nagawa mo, lalung-lalo na ang Mama. Pero mahal ka namin. Maniwala ka. Tanggap kita kung ano ka at ano ang ginawa mo noon" patuloy pa rin ang pagpapakalma niya kay Zeek "Wala namang kwenta yun eh. Ang importante kung ano ka ngayon at ano ang pagkatao mo, hindi ang nagawa mo"
Doon na luminaw ang isip niya at napagtanto na tama si Hazel. Nagkamali siya sa kanyang inakala sa kanilang dalawa at baka tama nga ang sinabi sa kanya na mahal siya nina Hazel at ang kanyang ina na si Vivian.
Biglang nahulog ang baril sa kanyang kamay. Humagolhol ng todo si Zeek dahil muntikan niya nang putulin ang buhay niya dahil sa isang pagkakamali na hindi siya mahal ng mga taong mahal niya.
Kaagad naman siya pinuntahan ni Hazel, sinipa palayo ang baril at niyakap niya ng sobrang higpit ang nobyo.
"Sorry, Hazel. Sorry talaga. Naging mahina ako" iyak ni Zeek "Muntikan ko nang patayin ang sarili ko"
"Huwag ka nang humingi ng tawad, Zeek. Andito na ako, at sorry sa mga nasabi at nagawa ko"
"Sorry din, Berry. Mahal na mahal kita"
"Mahal na mahal din kita, Cookie"
Dakong alas-siyete ng gabi. Sa isang coffee shop.
Nakaupo si George sa isa sa mga silya doon habang humihigop ng mainit na kape. Malalim ang kanyang iniisip, tungkol ito sa paghihiwalay nila ni Zeek. Marahil ay tama na din iyon at hayaan niya na lang si Zeek sa totoo niyang mahal dahil napagod na rin siya.
Napagod siya sa pag-iintindi at pagmamahal kay Zeek kahit alam niya ay hindi naman siya ang totoong mahal nito.
Napagtanto niya rin na may kasalanan din naman siya sa kanyang nagawa. Inaamin niya na ginamit niya lang si Zeek para mabali ang tingin at isip niya dito at para makalimutan niya ang kanyang totoong mahal na si Anthony.
Kumuha siya sa kanyang maleta na isang kapirasong papel at hinugot niya ang ballpen sa kanyang kuwelyo. Kaagad niyang inilatag ang papel sa mesa at sinimulan nang magsulat.
Isusulat niya ang totoong nararamdaman niya para kay Zeek:
‘Maybe it’s time to let go’
sambit ni George sa kanyang sarili habang nagsusulat ito
‘Masakit na isipin na magkahiwalay na tayo pero maybe it’s a good thing na din. Nagising na rin ako sa katotohanan na ginamit kita. Ginamit kita sa pamamaraan na ikaw ang naging kapalit ko sa aking totoong mahal na si Anthony. Ginawa ko lang yon para makalimutan ko siya and I am sorry for that, Zeek’
hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya
‘Believe me, minahal din naman kita dahil nakikita kita sa kanya. Salamat. Salamat sa pagkakataon na mahalin ka, Hinding-hindi ko iyon malilimutan. Goodbye, Zeek’
Pagkatapos ng kanyang pagsulat ay kaagad niyang tiniklop ng mabuti at inilagay niya iyon sa bulsa ng kanyang polo. Huminga siya ng malalim at pinunasan ang kanyang natirang mga luha sa pisngi niya.
Sumagi sa isip niya na makakayanan niya ang pinagdadaanan niya kahit wala na siyang kasama sa buhay. Ngumiti na lang siya sa kanyang sarili at sa kanyang problema at humigop muli ng kape.
"George?" sambit ng lalaki na nasa kanyang harapan. Nakatayo at nakatingin sa kanya.
Samantala.
Pagkatapos ang taimtim na usapan nina Zeek at Hazel ay nagdesisyon sila na bumalik ng silid ni Hazel para makapahinga na silang dalawa. Napagod sila sa napakahaba at napakapagod na araw.
Pero nang pumasok sila ng silid ay nadatnan nilang dalawa sina Arnold, Daisy at si Marco na nandoon pa rin at hindi pa umaalis.
"Bakit pa kayo nandito?" tanong ni Hazel sa kanila "Pwede ba, lumabas na kayo sa kwarto ko? Kahit ano pa ang sasabihin ninyo, hindi na ako makikinig dahil ipaglalaban ko na ang pagmamahalan namin ni Zeek"
Tumayo si Arnold mula sa upuan at dahan-dahang lumakad patungo sa kanilang dalawa. “Wala naman akong sinabi na ayaw ko kay Zeek eh”
"Ha?" tanging sambit ni Hazel na tila naguguluhan sa sinagot ng kanyang ama.
"Anak. I'm sorry"
"Sorry saan?"
"Sa inyong dalawa ni Zeek. Sorry dahil kung pilit ko kayong pinaghihiwalay dahil ayaw ko siya na maging nobyo mo" paliwanag niya sa anak na parang nagsisisi na nga dahil mahina at mahinahon ang tono ng boses "Pero andito ako sa harapan ninyo. Humihingi ng tawad, lalung-lalo na sa'yo, Zeek. Masyado kong binaba ang pagtingin ko sa'yo"
"Okay lang yon, Tito. Pinapawatad na kita" sagot ni Zeek sa kanya "Pero inaamin ko po, sumama talaga ng husto ang loob ko sa inyo dahil hindi ninyo ako binigyan ng pagkakataon para ipakita at mapadama sa inyong anak kung gaano ko siya kamahal"
"I know. And I am sorry for that, Zeek. Masyado ako naging unfair sa inyo pero ginawa ko lang naman yun dahil mahal na mahal ko ang anak namin"
"Mahal ko din ang anak ninyo, Tito. Kaya kong ibigay kung ano man ang hinihingi ninyo sa akin" dugtong ni Zeek sa kanya "Naiintindihan ko naman kung bakit ninyo ginawa yon"
"Maraming salamat sa pag-iintindi, Zeek" sagot ni Arnold sa kanya "Pero katulad nga ng sinabi ni Hazel, malaki na siya at may sarili na siyang pag-iisip at mga desisyon sa buhay. Kaya hahayaan na namin na magsama kayo ng anak ko"
"Talaga Dad? Seryoso kayo?" dugtong naman ni Hazel "Baka sa susunod, umiba na naman ang ihip ng hangin at pagbabawalan na naman ninyo ako kay Zeek"
"Hindi anak. Totoo na 'to" sagot ni Arnold na may paninindigan "Na-realize na namin ng Mommy mo na masyado ka namin hinigpitan, Hindi ka namin binigyan ng pagkakataon na magdesisyon sa sarili mong buhay"
"Talaga Dad?" ulit ni Hazel na parang hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ng kanyang ama.
"Oo Hazel. Pinapalaya ka na namin ng Mommy mo"
Sa sobrang tuwa niya ay napayakap si Hazel sa kanyang ama nang mahigpit. “Salamat Daddy. Salamat dahil binigyan niyo si Zeek ng pagkakataon”
"Zeek deserves it, Hazel. Deserve niya ito dahil pinatunayan niya kung gaano ka niya kamahal" yakap ni Arnold sa anak habang nakatingin siya kay Zeek.
"Salamat talaga Daddy. Hindi ninyo talaga alam kung gaano ako kasaya ngayon"
"We're happy that you are happy, my princess"
Umalis si Hazel sa pagkayap niya sa ama at pinuntahan niya si Daisy na nasa bandang likuran. Niyakap niya din ito ng sobrang higpit. “Mom..”
"Hazel. Anak.."
"Salamat Mommy. Salamat sa'yo dahil tinulungan mo si Daddy na maintindihan niya ang nararamdaman ko"
"Paano mo naman nalaman, anak? Hindi naman namin sinabi sa'yo ah"
"Kasi alam ko na hindi ninyo ako papabayaan dahil mahal ninyo ako, Mom. Alam ko na tutulungan mo ako para ipaglaban si Zeek. Salamat talaga sa lahat"
"Anak. Huwag ka nang magpasalamat sa akin dahil simula pa lang ay tanggap ko na si Zeek para sa'yo. Pero mas nakinig at sinunod ko ang Daddy mo" paliwanag niya kay Hazel "Pero masaya na ako ngayon dahil pinaglaban ninyong dalawa ang pagmamahalan ninyo sa kabila ng mahabang panahon na nawalay kayo sa isa't-isa. Mahal ka niya talaga"
"I know, Mom. Mahal na mahal ako ni Zeek at ganon din ako sa kanya"
"Good. Yon lang naman ang importante, Nagmamahalan kayong dalawa sa gitna ng problema at saya"
"Thanks Mom"
Napayakap silang muli ng maghigpit habang lumapit si Zeek sa kanilang dalawa “Tita..”
"Zeek" sambit naman ni Daisy "Take good care of our daughter, okay? Yon lang naman ang hinihingi namin mula sa'yo. Huwag mo siyang saktan at mamahalin mo siya"
"Don't worry, Tita. I will"
"Daisy. Tayo na... gabi na" tawag ni Arnold mula sa labas ng silid "Kailangan na natin umuwi at magpahinga"
"Okay, hon. Coming" sagot naman niya sakanyang asawa at tumingin muli sa dalawa "Alis na kami. Mag-ingat kayo dito"
"Okay po, Mom. Mag-ingat po kayo ng Daddy"
"Ingat kayo, Tita" dugtong naman ni Zeek.
"Salamat" ngiti ni Daisy. Napalingon at sumilip siya sa likuran nina Zeek at Hazel. Muntik nilang makalimutan na andoon pa pala si Marco "Marco. Hindi ka pa ba aalis? Tayo na"
"Mamaya na ako uuwi Tita" sagot naman ni Marco "Mauna na po kayo ni Tito. Mag-uusap pa kami"
"Oh sige. Kung iyan ang gusto mo. Mag-ingat ka sa pag-uwi mo"
"Opo Tita. Ingat po"
Hindi na sumagot si Daisy at kaagad nang lumakad palabas ng silid. Nakasunod sa kanyang likuran sina Hazel at Zeek para ihatid ito patungo sa labas.
Pero andoon pa rin sa loob si Marco. Ano kaya ang kanyang binabalak at sasabihin sa kanilang dalawa? Tatanggapin niya na ba ang kanyang tadhana kay Hazel o ipaglalaban niya pa kahit alam niya na wala na siyang laban..?
Tumingala naman si George sa taong tumawag sa kanya habang nasa bibig niya pa rin ang tasa ng kape. Doon siya natigilan sa pag-inom dahil nagulat ito sa kanyang nakita. Kaagad niyang binaba ang tasa at inilapag niya ito sa mesa.
"Anthony. Ikaw?" sambit lang ni George sa kanyang pangalan.
"Oo. Ako nga" ngiti nito "Kamusta ka na?"
"O-ok-kay naman" abot-tengang ngiti ni George dahil masaya siya sa hindi na inaasahan na tao na nakita niya "May kasama ka?"
"Wala. Ako lang mag-isa. Ikaw? Sino ang kasama mo?"
"Ako lang din" sagot ni George "Umupo ka"
Kaagad naman umupo si Anthony sa tabi ni George “Bakit ikaw lang mag-isa? Saan ang asawa mo?”
"Si Bek? Wala na kami eh. We got annulled few months ago"
"Really? Bakit naman?"
"Well. Sabihin na lang natin na hindi ko napanindigan ang utos sa akin noon ni Daddy" paliwanag ni George sa kanya "Nasaktan ko si Bek because I had an affair with a young man"
"Wow. Good for you"
"Hindi naman siguro"
"Bakit naman? Napakaswerte ng lalaking yon dahil ipinaglaban mo ang pagmamahalan ninyong dalawa unlike sa ating dalawa noon, madali kang sumuko"
"Alam ko naman ang kasalanan ko noon sa'yo. And I felt guilty na hindi kita ipinaglaban. Pero iyon lang ang paraan para matahimik na sila, lalung-lalo na si Bek" paliwanag niya muli kay Anthony "Alam mo naman na nakiusap sila noon sa akin na pakasalan ko siya dahil hindi niya kinakaya ang pagkawala ko"
"Ano ka ba.. nagbibiro lang ako" sabay ngiti niya kay George "Naiintindihan ko naman lahat eh. Don't worry"
"Talaga?"
"Oo naman. I know na malaking pressure ang nakapasan noon sa balikat mo. At kung ano man ang naging desisyon mo, naiintindihan ko"
"Talaga? Wow. Ang akala ko ay galit ka sa akin"
"Oo. Inaamin ko, nagalit ako sa'yo noon at meron pa ngayong sama ng loob. Pero katulad ng sinabi ko, naiintindihan kita"
"Salamat ha. Salamat talaga" sambit niya dito
"Salamat saan?"
"Sa pag-intindi mo sa akin. Alam ko malaki ang sinakripisyo mo sa akin"
"Okay lang nga yon. At masaya naman ako sa buhay ko eh"
"Bakit? May karelasyon ka ba ngayon?"
"Porke masaya... taken agad? Hindi noh. Happy lang ako sa buhay ko ngayon. Walang stress sa buhay pag-ibig"
"So you're not taken?"
"Yes. I'm not taken"
"Really?" sabay abot ni George ng kamay niya at hinigpitan niya ito sa paghawak "E ngayon? Ready ka na ba ulit na magkarelasyon? Can we give this relationship another shot?"
Napatingin na lang si Anthony sa kamay ni George na humahawak sa kanya. Ngumiti ito bilang sagot sa tanong sa kanya.
Itutuloy…
TIA: Chapter 37 (Moving-On)
Parang masaya ang kanilang mga mukha habang papasok ng silid, dahil sa wakas ay natanggap na rin si Zeek ng mga magulang ni Hazel.
Muntikan na nilang makalimutan na nandoon pa pala si Marco na nandoon pa sa silid at hindi sumama kina Arnold at Daisy.
"Marco. Bakit hindi ka pa umalis?" tanong ni Hazel sa kanya.
"Gusto ko lang kasi na mag-usap tayong tatlo"
"Tungkol saan?" tanong sa kanya ni Zeek.
"Tungkol sa ginawa ko sa inyo. Tungkol sa pagsumbong ko sa inyo sa mga magulang mo, Hazel" sagot niya "Sorry sa ginawa ko. Nagi-guilty ako sa ginawa ko eh. Sana hindi ko na lang sinabi sa kanila"
"Ano ka ba? Okay lang yun, Marco. Maayos naman kami eh" paniniguro ni Hazel kay Marco "Ang importante ay okay na kami at tinanggap na nila si Zeek, Masaya na ako dun. Don't worry"
"Pero ako pa rin kasi ang may kasalanan eh. Sinumbong ko kayo dahil gusto ko kayong magkahiwalay ni Zeek. Kasi mahal na mahal kita noon, Hazel"
"Marco. Tapos na yon. At kung ano man ang nagawa mo. Naiintindihan ko naman" sambit ni Hazel sa kanya.
"Salamat Hazel" sambit niya. Sumulyap siya kay Zeek na nasa bandang likuran ni Hazel "Pre, pasensiya na ha. Mahal ko rin kasi ang girlfriend mo eh. Pero huwag kang mag-alala, hindi na ako magugulo sa inyo dahil klaro naman sa akin na kayo talaga ang para sa isa't-isa" sambit niya kay Zeek "At pasensiya pala nung gabi na nasa restaurant tayo... Hindi totoo ang mga sinabi ko, Hindi totoo na magpapakasal kami, Sinabi ko lang yon dahil nagselos ako sa inyo nung gabing iyon"
"Naku Pre, Wala ka nang dapat hingian ng tawad" dugtong naman ni Zeek sa kanya "Katulad nang sinabi ni Hazel, naiintindihan namin kung bakit mo iyon ginawa:
"Salamat Pre"
"Pero sana. Huwag nang maulit iyon"
"Oo. Promise yan. Hindi na mauulit ito" pangako ni Marco sa kanilang dalawa. Ngumiti lamang sina Zeek at Hazel sa paniniguro niya sa kanila.
Masayang-masaya silang tatlo, lalung-lalo na sina Hazel at Zeek dahil sa wakas ay naging maayos na nga ang kanilang problema at malaya na silang dalawa na magmahalan na walang komokontra.
Kinabukasan.
Maagang pumasok si George sa kanyang hotel, hindi para simulan kaagad ang kanyang trabaho kundi may kakausapin siya na importanteng tao. Isang tao na ginawa niya nang napakalaking kasalanan. At maaaring pagsisisihan niya sa buong buhay niya kung hindi siya hihingi ng tawad.
Nang pagpasok niya sa opisina ni Bek ay nadatnan niya ito na nakaupo at may ginagawa sa kanyang mesa. Nakita naman ni Bek ang pagpasok ng dating asawa at kaagad itong tumayo.
"What a pleasant surprise" sambit niya sa dating asawa "Ikaw naman ang bumisita sa akin my dear ex-husband. Ano ang ginagawa mo dito?"
"We need to talk, Bek" habang lumalakad siya palapit kay Bek
"Talk?" ulit ni Bek at natawa ito sa pakiusap ng kanyang dating asawa "Parang naninibago ako sa'yo, George. May problema ka?"
"Wala. Andito lang ako para humingi sa'yo ng tawad"
"Tawad? Anong klaseng tawad? Sa palengke?"
"No. Hindi yan" at yumuko si George at doon tumulo ang kanyang luha "Hihingi sana ako ng tawad sa lahat ng mga ginawa ko noon sa'yo. Simula nung pinakasalan kita, pinaasa na magiging masaya ang pamilya na gagawin natin. At nung panahon na niloko kita dahil may lalaki ako" sambit niya na may pagsisisi ang tono ng boses "Lahat ng iyon, humihingi ako tawad sa'yo. From the bottom of my heart. I am really sorry, Bek. Sorry talaga sa lahat. Sana mapatawad mo pa ako dahil inaamin ko na naging gago ako"
Lalambot na sana ang puso ni Bek pero may bumabagabag sa kanya. Baka may nilalarong baraha si George at ayaw niya na mahulog muli sa panloloko nito sa kanya.
"Ano na namang drama ito George? Bakit ka humihingi ng tawad?" tanong ni Bek sa kanya "Ano bang plano mo ngayon? Ahh. Alam ko na. Ginagawa mo 'to dahil gusto mo na umalis ako sa hotel mo.. tama ako diba?"
"Hindi. Nagkakamali ka, Bek" dugtong ni George "Humihingi ako ng tawad hindi dahil diyan kundi nagsisisi ako sa mga nagawa ko sa'yo dahil naiintindihan ko na ang naramdaman mo noon sa akin"
"Talaga? Sa anong paraan?"
"Dahil katulad mo, may iba nang mahal ang taong mahal ko" sagot ni George habang inaalala niya ang kanilang naging relasyon ni Zeek.
"So alam mo na ang pakiramdam na niloloko at pinapaasa?" dugtong ni Bek "Masakit diba? Dahil iyon ang naramdaman ko sa'yo"
"Oo. Tama ka. That's why I am here. Asking for your forgiveness" at lumuhod si George sa harapan ng dating asawa "I'm here asking for another chance na maging okay tayo, hindi sa pagiging mag-asawa, pero bilang magkaibigan" at doon na lumambot ang puso ni Bek kay George pero hindi niya ito pinapakia sa dating asawa "Pero kung hindi ka pa handa na mapatawad ako. Maghihintay ako hanggang dumating ang araw na mapatawad mo ako"
Inalalayan niyang tumayo si George mula sa pagkaluhod niya “Huwag mo nang gawin yan. Ang ibaba ang sarili mo dahil nagawa ko rin yan pero hindi pa rin ako binigyan ng pagkakataon ng taong mahal ko” sambit niya sa dating asawa at lumakad palayo dito “Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa’yo, George. Inaamin ko na hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa’yo. Sinusuklaman kita sa mga ginawa mo sa akin noon .. pero habang nakikita kita ngayon, parang nawawala ang lahat ng galit ko sa’yo” lumingon siya kay George at nanlulumo na din ang kanyang mga mata “Kasi mahal pa rin kita, George. Pero it doesn’t matter now. Hindi na ako umaasa na magkakabalikan pa tayo” dugtong ni Bek at linapitan niya ang dating asawa at nakita niya ang mga mata ni George na punong-puno ng pagsisisi “Huwag kang mag-alala, George. Hindi na ako galit sa’yo.. pero hindi ibig sabihin yan ay napatawad na kita”
"It's okay, Bek. Okay na yan sa akin" sabay punas ng mga luha niya "I know it takes time para mapatawad mo ang isang tao na nagkasala sa'yo. Pero malaki pa rin ang pag-asa ko na mapatawad mo pa ako"
"Don't worry. In time. Mapapatawad din kita. At magsisimula tayo muli sa umpisa" sagot naman ni Bek sa kanya. "So... friends..?"
"Sure. Friends" sagot naman ni George at napangiti ito sa sinabi ni Bek "Thank you, Bek"
"Tama na yan, George" kita sa mukha ni Bek na pinipigilan niya ang kanyang pag-iyak dahil ayaw niya na ipakita sa dating asawa na mahina siya. "Huwag ka nang magpasalamat sa akin. Sa katunayan ay ako pa nga sana ang magpapasalamat sa'yo"
"Bakit? Saan ?"
"Well. Sa totoo lang, marami akong nakalaan na plano sa inyong dalawa ni Zeek. Mga plano na dapat mapabagsak sa inyong dalawa" paliwang ni Bek sa dating asawa "Pero andito ka. Humingi ka ng tawad sa akin. And everything that I've planned ay bigla na lang nawala. Nawala lang na parang bula dahil nagsisisi ka sa mga nagawa mo"
"Salamat" tanging sambit ni George sa kanya habang nanlulumo pa rin ang kanyang mga mata.
"At masaya na ako dun, George. Yes. Hindi pa rin kita mapapatawad sa ngayon pero as I said, in time. Okay na 'to sa akin na magkaibigan muli tayo at pwede na tayong magtrabaho ng maayos"
"Tama ka, Bek. I am looking forward to our partnership dito sa hotel"
"Yes. Me too. Andito lang ako para tulungan ka sa problema mo" sambit ni Bek habang habang muli siyang bumalik sa kanyang upuan "Oo nga pala, balita ko ay nakipagkasundo ka sa Dy Group of Companies. Totoo ba yun?"
"Yes. Totoo yon"
"Well. Tama naman ang naging desisyon mo na tulungan nila tayo"
"I'm glad na nagustuhan mo ang naging desisyon ko"
"Oo naman. May tiwala ako sa mga magiging desisyon mo sa hotel. After all, ikaw pa rin ang may-ari"
Ngumiti na lang si George sa kanya dahil masaya lang ito dahil sa wakas ay maayos na sila ni Bek. Samantala si Bek naman ay masaya din dahil unting-unti na din siyang magiging maayos dahil humingi na ito ng tawad sa kanya.
Kakagising lang ni Hazel mula sa kanyang kama at napansin niya na walang tao ang nakahiga sa sahig. Doon kasi kagabi natulog si Zeek dahil ayaw niyang matabi sa kama kay Hazel dahil ayaw niyang magalaw ito.
Bumangon siya mula sa kama at lumakad papuntang banyo. Doon niya nakita si Zeek na nakasuot na ng damit at tila may lakad.
"Nakabihis ka 'ata, Cookie. Saan ka pupunta?"
"Aalis ako, Berry" sagot nito
"Bakit? Saan?"
"Babalik muna ako ng bahay namin dahil kukuha muna ako ng mga gamit doon" paliwanag niya kay Hazel "Pagkatapos ay kakausapin ko si Manang na magpahinga na sa trabaho"
"Ang katulong niyo?" panghuhula ni Hazel at tumango naman ito bilang sagot "Bakit? May problema ba?"
"Kay Manang? Wala. Pero ang bahay namin, meron" sagot ni Zeek "Gusto ko nang umalis doon at maghahanap muna ng bagong malilipatan"
"Bakit naman, Cookie?"
"Maraming lang alaala ang nandoon, lalung-lalo na kay George dahil malaking hati ang naambag niya sa bahay at baka masumbatan niya pa ako kapag hindi ako umalis"
"Pero pangalan mo naman ang nakalagay doon diba?"
"I know. Pero ayaw ko lang" paliwanag niya kay Hazel "At ayaw ko siyang makita. Dahil doon ay nag-resign na ako sa hotel"
"Ha? Ginawa mo yon? E paano ang pangarap mo?"
"Wala na. Pero pwede naman akong maghanap ng bagong trabaho eh" sagot ni Zeek "At isa pa, naka-experience din naman ako na magtrabaho sa isang five-star hotel. Okay na yon"
"Pero paano..."
"...Shhh. It's okay. Ginawa ko yon para sa'yo. At masaya na ako na magkasama tayo"
Ngumiti si Hazel sa sinabi ni Zeek sa kanya “Thank you, Cookie. Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon para mahalin kita ulit”
"No. Thank you. Dahil tinanggap mo ako sa kabila nang nagawa kong pagkakamali"
"Oo naman. Mahal kita eh"
"Mahal din kita, Berry" buntong-hininga ni Zeek "Sana ganon din si Mama. Sana matanggap niya na ako"
"Huwag ka nang mag-aalala. Everything will be fine" sabay yakap ni Hazel kay Zeek "Matatanggap ka rin ng Mama mo"
"Sana nga, Berry. Pero parang malabo na eh" kita sa mukha ni Zeek ang lungkot sa mukha habang inaalala niya ang tungkol sa ina. Pero bigla naman siyang ngumiti at tumingin kay Hazel "Hayaan mo na yon, Berry. Alis na ako. Maghahanap pa ako ng trabaho at boarding house na malilipatan"
"Sige Cookie. Mag-iingat ka"
"Thanks Berry" sabay halik nilang dalawa sa isa't-isa "Bye"
"Bye"
Alas-diyes na nang umaga ng matapos mag-almusal si Hazel sa dining area ng hotel. Busog na busog ito at parang hindi siya makagalaw dahil sa laki ng kanyang tiyan.
‘Naparami yata ako ng kain ah’
sambit ni Hazel sa kanyang sarili ’
Bigla akong naantok sa pagkabusog ko. Sarap sanang matulog pero kailangan kong umalis. May interview pa ako’
Kaagad tumayo tumayo si Hazel mula sa kanyang upuan pero may humarang sa kanya na lalaki. “Sir George?” sambit ni Hazel
"Kamusta ka na, Hazel?"
"Okay lang naman po" ngiti niya kay George "Alis na po ako ha. May lakad pa kasi ako eh"
"Wait" at natigilan si Hazel "Hazel. Can I have a word with you?"
"Sige. Pero sana bibilisan mo lang dahil may interview pa ako"
"Don't worry. Mabilis lang naman ito" paniniguro ni George sa kanya "Pwede ba tayong umupo muna para makapag-usap ng maayos?"
Pumayag na lang si Hazel sa alok sa kanya ni George. Umupo siya muli sa upuan niya kanina at tumabi naman si George sa kanya.
"Ano po ba ang pag-uusapan natin, Sir George?"
Napalunok muna si George bago niya sinagot ang pakay niya kay Hazel “Ahmm. Hazel. Nagkita ba kayo ni Zeek? May balita ka ba sa kanya?”
"Bakit po?"
"Hindi na siya kasi pumasok ngayong araw eh. Baka alam mo ang dahilan"
"Hindi mo po ba alam na nag-resign na siya dito?"
"What? Tinotoo niya?" sambit ni George at parang nagulat sa ginawa ni Zeek "Eh paano na siya ngayon?"
"Sinabi niya po sa akin na maghahanap siya ng trabaho at malilipatan niyang bahay o kahit isang maliit lang daw na silid sa isang boarding house"
"Ha? Bakit?"
"Ewan ko po sa kanya. Yon lang naman ang sinabi niya sa akin eh"
"Hazel. Baka alam mo ang dahilan kung bakit niya ginawa yon. Sabihin mo naman sa akin oh. Nag-aalala lang kasi ako sa kanya eh"
"E bakit ba kayo nag-aalala ng ganyan sa kanya? Bakit ganyan lang ang pagtrato ninyo kay Zeek? Ganyan ka ba talaga sa lahat ng mga empleyado mo dito? O sa kanya lang..?" hindi makasagot si George sa mga sunod-sunod na mga tanong ni Hazel sa kanya "Sir... huwag na kayong magka-ila dahil alam ko na ang katotohanan at ang relasyon ninyo noon ni Zeek"
Samantala. Sa bahay ni Zeek.
Kakababa lang ni Zeek sa hagdan at dala-dala niya na ang dalawang malalaking maleta na punong-puno ng kanyang mga gamit. Nakabantay naman sa paanan ng hagdan ang katulong at handa na din sa pag-alis.
Nang pagkababa ni Zeek ay kaagad niyang inabot ang sobre na may lamang pera at inabot ito sa katulong.
"Manang. Ito na po ang huli ninyong sweldo sa akin" sambit ni Zeek sa kanya habang mahina ang tono ng boses "Sinobrahan ko po ang laman yan. Para naman may pasalubong at regalo ka sa anak mong matagal mo nang hindi nakita"
"Maraming salamat, Sir" at kinuha niya ang sobre "Huwag kayong mag-aalala. Bibilhan ko ang anak ng kanyang gusto niyang pasalubong"
Ngumiti na lang si Zeek sa kanya. “Sige Manang. Mag-iingat po kayo sa pag-uwi ninyo”
"Salamat po ulit, Sir. Sa pagkakataon na pagseserbisyo ko sa inyo"
Ngumiti muli siya at lumakad silang dalawa palabas ng bahay. Kaagad sinara ni Zeek ang bahay at ni-lock ito. Bago sila umalis ay tinignan niya muli ang bahay bilang pagpaalam dito.
Itutuloy…
TIA: Chapter 38 (Pakakaayos)
“Talaga? Paano mo nalaman?” nabigla si George sa sinabi sa kanya ni Hazel. “At kanino?”
"It doesn't matter kung kanino ko nalaman. Pero ang importante ay alam ko na at tanggap ko na si Zeek" sambit ni Hazel sa kanya "Tanggap ko siya kung ano man ang kanyang nagawa"
"So nagkabalikan na nga kayo?" at tumango si Hazel bilang sagot sa tanong "Just as I thought. Masakit pa rin pala kapag narinig mo ang katotohanan at nanggaling yan sa totoong mahal ni Zeek. Pero huwag kayong mag-aalala, Tanggap ko na ang totoo na kayo talaga ang para sa isa't-isa"
"Thank you, Sir"
Hindi sumagot si George dahil pinipigilan niya ang kanyang sarili sa pag-iyak dahil nasasaktan pa rin siya. Hinugot niya ang nakatuping papel mula sa kanyang bulsa na nasa kanyang polo. Inabot niya ito kaagad kay Hazel.
"Pakibigay na lang ito kay Zeek"
"Ano po yan, Sir?"
"It's a note. Sinulat ko yan para sa kanya" habang pinupunasan nito ang mga luha na dumadaloy sa kanyang pisngi "Pakibigay na lang sa kanya, Hazel"
Kaagad naman kinuha ni Hazel ang papel sa kamay ni George “Okay po, Sir. No problem”
"Thank you, Hazel" sabay ngiti ni George na may halong pait ang mukha "Sana mabasa niya yan"
"Huwag po kayong mag-aalala, Sir. Ibibigay ko ito sa kanya kapag nagkita muli kami"
"Salamat ulit, Hazel" dugtong ni George. Tumayo siya sa kanyang inuupuan para makapagpaalam na "So pano, alis na ako. It's a pleasure to meet the woman na pinakamamahal ni Zeek. Sana magkatuluyan na talaga kayo"
"Salamat din Sir" ngiti ni Hazel "Sana kami na nga"
Hindi na sumagot si George at lumakad na ito patungo sa elevator. Samantala si Hazel naman ay tumayo na din at lumakad palabas ng hotel at pupunta na sa kanyang interview.
Nakahanap si Zeek ng isang maliit na kwarto sa isang boarding malapit lang sa University na kung saan siya nagtapos. Isang marumi at magulo ang silid na pinasukana niya, pero wala naman siyang reklamo tungkol dito.
"Pakiayos na lang ng mga gamit mo ha" utos ng isang hindi masyadong katandaan na babae kay Zeek habang linilibot nito ang paningin sa paligid. "Pasensiya na kung magulo ang kwarto. Kahapon lang kasi nabakante ito at hindi nilinis ng dating nakatira dito"
"Okay lang po yon, Manang. Ako na ang bahala dito"
"Sigurado ka ba?"
"Opo" sabay patong ni Zeek ng kanyang mga gamit sa kama.
"Sige. Maiwan na kita" paalam niya kay Zeek "Ano nga pala ulit ang pangalan mo, hijo?"
"Ezekiel po. Pero Zeek na lang ang itawag ninyo sa akin"
"Sige Zeek. Maiwan muna kita ha" paalam niya ulit "Puntahan mo lang ako sa labas kapag may kailangan ka"
"Okay po, Manang"
Kaagad naman lumabas ang babae sa kanyang silid at naiwan naman si Zeek sa loob na linibot muli ang kanyang tingin sa buong parte ng kanyang kwarto.
’Okay na ‘to. Kontento na ako dito’
sambit ni Zeek sa kanyang sarili. Bigla siyang napahiga sa matigas na kama.
’Miss ko naman na humiga sa matigas na kama.
I missed our simple life before.’
Pagkatapos ng interview ni Hazel ay nagdesisyon siyang bumalik sa hotel. Pero hindi siya dumerecho sa kanyang silid ngunit nagtungo siya sa isang silid na kinuha niya sa ina ni Zeek.
Gusto niya kasi itong kausapin tungkol sa anak ni Vivian dahil miss na miss na siya ni Zeek.
"Hello Tita. Kamusta ka na po?" bati ni Hazel sa kanya habang papasok ng silid. Nadatnan niya ito na nanonood ng TV.
"Okay lang naman ako, anak. Ikaw? Kamusta ka na?"
"Ayos lang naman ako, Tita. Kakarating ko lang mula sa interview"
"Talaga? E kamusta naman ang interview mo?"
"Tanggap na po ako, Tita" sagot ni Hazel habang nakangiti sa kanya "Pagkatapos ng interview na yon, kaagad ako natanggap at magsisimula na ako sa mga susunod na mga araw" paliwanag niya "Magpapasa pa kasi ako ng mga requirements eh"
"Wow. Magandang balita yan, anak. Masayang-masaya ako para sa'yo" sabay hawak ni Vivian sa kamay ni Hazel.
"Oo nga Tita eh, Mabuti na lang ay natanggap ako kaagad. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng oras maghanap"
"Okay na yon, anak. Ang importante ay may trabaho ka na" sabay ngiti ni Vivian "Proud na proud ako sa'yo, Hazel"
"Salamat po, Tita. Sana ganon din si Zeek. Sana makahanap na din siya ng trabaho" dugtong ni Hazel.
"Ha? Bakit? Hindi na ba siya dito nagtatrabaho?"
"Hindi na po Tita eh. Nagresign na kasi siya dito"
"Bakit daw..?" kita sa mukha ni Vivian na nag-aalala pa rin siya sa anak kahit galit siya dito "Saan na siya ngayon?"
"Kasi po, gusto daw niya na i-tama ang pagkakamali niya na nagawa noon. Sinimulan niya sa pagreresign.. at ang sabi niya kanina maghahanap siya ng malilipatan dahil maraming alaala daw ang bahay na yon at hindi naman daw sa kanya."
"Ha..?! E saan na siya ngayon?! Paano ang pangarap niya? Ganon-ganon niya lang bibitawan yon?"
"Yon nga po ang sabi ko sa kanya eh" buntong-hininga ni Hazel "Pero ang sabi niya sa akin, okay lang daw dahil maghahanap na lang daw siya ng panibagong trabaho at bagong malilipatan"
"Naku... ang batang yon.." dugtong ni Vivian na nag-aalala sa estado ng anak "Hindi natin talaga alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya"
"Tita...??" panimula muli na Hazel dahil may itatanong siya kay Vivian. Gusto niya kasing malaman kung ano na ang nararamdaman nito sa kanyang anak.
"Baki Hazel?"
"Galit pa rin kayo kay Zeek?"
"Galit..?" ulit ni Vivian "Nagtatampo, oo. Pero galit? Hindi Hazel eh. Nagtatampo lang kasi ako sa kanya dahil hindi niya pa ako hinahanap sa mga oras na ito. Parang ayaw niya na akong makita"
"Sigurado po kayo na hindi kayo galit kay Zeek?"
"Hindi na anak" sagot muli nito "Pero inaamin ko na nagalit ako sa kanya noon dahil nagulat lang ako sa ginawa niya at hindi ko inaasahan iyon. Pero anak ko pa rin siya eh. Tanggap ko naman ang mga nagawa niya"
"Talaga po, Tita?" at napangiti si Hazel sa kanyang narinig kay Vivian.
"Oo naman. Katulad nang parati kong sinasabi sa kanya, hinding-hindi ako magagalit sa kanya dahil mahal na mahal ko siya" sagot ni Vivian "Teka anak. Bakit mo naitanong yan..?"
"Naku Tita, sigurado ako na matutuwa si Zeek kapag nalaman niya na hindi ka na galit sa kanya" sambit ni Hazel na parang sabik na sabik na ito sa muling pagkikita ng mag-ina.
"Oo nga eh. Pero hindi ko na alam kung nasaan na siya ngayon" sambit naman ni Vivian na tila nanghihina ito dahil hindi niya na makikita ang anak.
Kaagad tumayo si Hazel at hinila rin patayo ang ina ni Zeek na si Vivian “Tumayo ka po, Tita. May pupuntahan tayo”
"Ha? Bakit anak? Saan tayo pupunta?"
"Kay Zeek po. Sosorpresahin natin siya"
"Teka. Alam mo ba kung nasaan ngayon ang anak ko?"
"Opo Tita. Alam ko. Kakatext niya rin kasi. Nakahanap na siya ng boarding house" paliwanag ni Hazel "At tinext niya rin ang address"
"Talaga? Sige anak. Pupuntahan na natin ang anak ko. Excited na ako"
Samantala.
Pinuntahan ni George ang bahay na binili nila noon. Nakita niya na andoon ang sasakyan ni Zeek at malakas ang pakiramdam niya na nasa loob ito ng bahay..
Tangkang bababa na sana si George ng kanyang sasakyan nang may biglang dumaan na guard at nilapitan siya nito.
"Sir. Excuse me po. Sino po sila?"
"Ahmm. Sorry Chief. Tinitignan ko lang ang bahay"
"Ahh. Bakit? Kilala niyo ba ang may-ari ng bahay?"
"Oo eh. Kay Mister Lacsamana ito diba? Bibisitahin ko lang siya dito"
"Naku, Sir. Wala na po siya diyan eh" sagot ng guard sa kanya
"Ganon ba? Alam mo ba kung saan siya ngayon?"
"Pasensiya na po. Hindi ko alam eh" sagot ng guard sa kanya "Pero nakita ko sila kanina kasama ang isang babae, malamang katulong niya, na sumakay sa taxi at may dala-dalang mga gamit"
"Ahh. Ganon ba? Sige po, Chief. Salamat na lang"
Nagising si Zeek sa malakas na mga katok sa kanyang pintuan. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa sobrang pagod dahil buong araw niyang inayos ang kanyang gamit at nilinis ng mabuti ang bago niyang kwarto sa isang boarding house.
Bumangon ito mula sa kanyang kama habang kinukurot ang mga mata niya. Tumayo at kaagad niyang binuksan ang pinto para makita kung sino ang taong kumatok.
"Hi Zeek" bati ni Hazel sa kanya.
"Oh Hazel. Ikaw pala" sambit naman niya sa kanyang nobya "Mabuti naman ay kabisado mo ang pasikot-sikot sa tinitirhan ko"
"Oo Cookie. Nagtatanong-tanong ako sa labas eh"
"Ganon ba? Mabuti naman kung ganon. Sige. Pasok ka na Berry" habang binuksan niya ng husto ang pinto para makapasok si Hazel.
"Ahmm Cookie. Bago ako pumasok. Meron akong sasabihin sa'yo"
"Ano naman yon, Berry?"
"Meron akong kasama na pumunta dito"
"Sino naman ang kasama mo?"
Tinawag ni Hazek ang taong nakatago sa gilid ng pintuan. Lumapit ito at tumingin kay Zeek na nanlulumo ang kanyang mga mata.
"Anak"
"Ma..?"
Linapitan ni Zeek ang kanyang ina na matagal niya nang hindi nakita. Niyakap niya ito ng sobrang higpit na tila ayaw niyang pakawalan.
"Miss na miss kita, anak"
"Ako din po. Miss kita Mama" sambit ni Zeek habang dumaloy ang mga luha sa kanyang pisngi "Sorry po. Sorry sa lahat nang nagawa ko, Mama"
"Shhh. Huwag ka nang humingi ng tawad sa akin, anak. Pinapatawad na kita" habang hinihimas ni Vivian ng mabilis ang likuran ng anak "Ang importante ngayon ay nagkita na tayo at okay ka na ngayon"
"Ano po ang ibig ninyong sabihin na okay na ako, Ma?"
"Kasi sinabi ni Hazel kanina sa akin habang papunta kami dito na muntikan ka nang magpakamatay, anak. Totoo ba yon?" sagot ni Vivian sa anak. Tumango naman si Zeek sa ina para i-kumpirma ang tanong sa kanya "Bakit mo naman nagawa yun anak...??"
"Kasi parang wala na akong kakampi eh. Wala nang nagmamahal sa akin" habang inaalala niya ang nangyari sa kanya "Yung pakiramdam na wala ka nang matatakbuhan na tao dahil ang sama na ng tingin nila sa'yo"
"Zeek.. huwag ka namang ganon, anak. Huwag mong isipin na walang nagmamahal sa'yo dahil andito kami ni Hazel na nagmamahal at tanggap ka namin kung ano ka man"
"Sorry Ma. Kasi wala na ako sa katinuan ko nung isang araw eh. Parang sirang-sira na ako" tuloy pa rin ang pagyakap nila sa isa't-isa. "Sorry ulit Mama. Pangako po, hindi na ako magdudulot ng sama ng loob sa'yo"
"I know you will, anak. Pero huwag mong isipin na hindi ka nag-iisa, okay? Mahal ka ng Mama mo. Kalimutan na natin ang masamang parte ng buhay natin" sambit ni Vivian sa anak na umiiyak na parang bata "Sige na Zeek. Pumasok na tayo sa loob ng kwarto mo. Doon natin ituloy ang pag-uusap natin"
Kaagad naman sila pumasok sa silid na inuupahan ni Zeek. Umupo sina Hazel at ang kanyang ina sa kanyang kama at habang siya naman ay umupo sa isang stool.
"Maganda ba?" tanong ni Zeek sa kanilang dalawa.
"Hmmm. Okay lang naman" sambit ni Hazel "Pero wala ka na bang nakita na iba?"
"Meron naman. Pero mas mahal eh" paliwanag ni Zeek "Ito na lang muna ang kinuha ko. Alam mo naman na nagtitipid pa ako eh" at sumulyap siya sa kanyang ina na kanina pang tumitingin sa kanya. "E ikaw, Ma? Anong masasabi mo sa kwarto ko?"
"Okay lang naman sa akin, Zeek. Pero sana ay naghanap ka pa nang mas maganda at mas malinis na lugar"
"Ma naman. Okay naman ako dito. Sa katunayan nga, mas okay pa nga ako dito kesa sa bahay natin noon eh. Mas marumi doon"
"Alam ko, anak. Pero iba ka na ngayon eh. Hindi na bagay sa'yo ang mga katulad nito" dugtong ni Vivian
"Okay na nga 'to, Ma. Kontento na ako dito"
"Sigurado ka?"
"Opo Ma" ngiti ni Zeek.
"Sige. Kung iyan ang gusto mo. Pero may tanong ako sa'yo, anak"
"Ano yon, Ma?"
"Totoo ba na umalis ka na doon sa hotel?"
"Opo Ma. Nagresign na ako" paliwanag ito sa ina "Wala naman akong dahilan na magtagal pa ako doon. Parang nawalan na nang saysay ang buhay ko nung iniwan ninyo ako sa bahay na yon. At nag-away pa kami ni George"
"Bakit? Ano ang dahilan ng awayan ninyo?"
"Binantaan niya ako na kukunin niya ang bahay at ang trabaho ko kung makipagbalikan ako kay Hazel"
"Ganon?? Grabe naman siya. He blackmailed you" dugtong ni Hazel.
"Okay lang yon. It was an easy choice naman" sabay sulyap niya kay Hazel
"Thank you, Cookie. Dahil pinili mo ako"
"Oo naman. Mahal kita eh" sambit niya kay Hazel "At ikaw ang gusto kong makasama habambuhay"
Magkalipas ang ilang oras ay nakatulog na si Vivian sa kama ni Zeek. Napagod siya sa naging mahabang kuwentuhan nilang dalawa ng anak.
Samantala. Nakatayo sina Zeek at Hazel sa loob ng silid at nakatingin kay Vivian na natutulog.
"Nakatulog na siya, Cookie" sambit ni Hazel
"Oo nga eh. Napagod siguro sa kuwentuhan natin" sabay ngiti ni Zeek "Ganyan si Mama eh. Parati kaming nagkukuwentuhan ng mahaba na parang matagal na panahon kaming hindi nag-usap at nagkita. Tapos magugulat ka lang na nakatulog na siya" kitang-kita sa mukha ni Zeek ang saya dahil natanggap na siya ng kanyang ina.
Masaya din si Hazel dahil nakikita nito kay Zeek na magaan na ang kanyang mukha kumpara nung nakita niya noon si Zeek sa opisina na may hawak na baril.
"Close talaga kayo ng Mama mo, Cookie noh?"
"Naku! Sobra. Parang matalik kaming magkaibigan ni Mama" at hinawakan niya ang kamay ng nobya at hinalikan ito "Thank you, Berry"
"Salamat saan?"
"Dito. Sa pag-sorpresa mo sa akin. Sa pagdala mo dito kay Mama" sagot ni Zeek sa kanya "Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. That's why I am thanking you, Berry"
"It's okay, Cookie. Masaya ako na nakikita kitang masaya" sabay haplos ni Hazel sa pisngi ni Zeek "Mahal na mahal kita, Zeek"
"I love you too, Berry"
Nagkayakap silang dalawa ng sobrang higpit na tila matagal na silang nawalay sa isa’t-isa.
"Oo nga pala, Cookie" sabay alis ni Hazel mula sa pagkayakap.
"Bakit?" at nakita niya si Hazel na kinuha sa kanyang bulsa na isang nakatupi na papel.
"Para sa'yo to"
"Ano yan?"
Itutuloy…
TIA: Chapter 39 (Ang Pagtatapos)
Inabot ni Hazel ang nakatiklop na bond paper kay Zeek. “Basahin mo ito. Galing yan kay George. Ang sabi niya ay ibibigay ko daw ito sa’yo para mabasa mo”
Kaagad naman kinuha ni Zeek ang papel, binuklat ito at binasa ng kanyang isip.
"Bakit? Ano ba 'to?" habang binubuklat niya ang papel
"Hindi ko alam. Basahin mo na lang"
’Zeek,
Three years. Tatlong taon kitang minahal na walang kapantay. Sa loob ng tatlong taon ay magkasama tayo sa sarap at sa mga problema na dumaan hindi lang sa relasyon natin kundi sa negosyo.
Sumagi sa isip ko, ikaw na nga. Ikaw na ang taong makakasama ko panghabambuhay.
Pero sabi nga nila, mailap daw sa atin ang nasa LGBT na magkakaroon ng 'true love' dahil magkapareho tayo ng kasarian. Nung una, hindi ako naniniwala sa mga tao na nagsasabi sa atin ng mga ganyan. Pero napagtanto ko ay baka tama nga sila.
Yes. Hindi na ako naniniwala sa pag-ibigigan nating dalawa and I know, everything will end sa atin. At dumating na ang pagkakataon na iyon.
Naramdaman ko yun dahil sinabi mo sa akin na muli kayong nagkita ng ex mo.
Alam ko sa mga oras na iyon na wala na akong laban sa kanya dahil alam ko na mahal na mahal mo siya. And that's why I proposed to you na magpakasal na tayo para hindi ka na niya makuha sa akin.
Pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin sapat iyon, dahil mas malaki at mas totoo ang pagmamahal mo sa kanya. That's why I decided na lang to end this. Maybe its time to let go.
Yes. Masakit na isipin na ganon lang natin itatapon ang mga masasayang pangyayari sa buhay natin pero maybe it's a good thing naman. Dahil nagising na rin tayo, (lalung-lalo na ako) sa katotohanan na ginamit lang din naman kita.
Ginamit kita sa pamamaraan na ikaw ang ginawa kong panakip-butas sa ex ko at para makatakas sa responsibilidad ko bilang asawa kay Bek. Pasensiya ka na ha. Kasi ginamit kita. Kasi parehong-pareho kayo ni Anthony. Nakikita kita sa kanya.
Pasensiya na ulit Zeek. At salamat sa pagkakataon na nagmamahalan tayo. Hinding-hindi kita makakalimutan. Mahal na mahal kita. Goodbye Zeek.
George’
Muling tiniklop ni Zeek ang nabasang sulat mula kay George. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nito; masaya, dahil malaya na siya, malungkot dahil nasayang lang ang kanilang relasyon, o kaya ay galit dahil ginawa lang siya ni George na panakip-butas.
"Anong sabi niya, Cookie?" tanong ni Hazel.
"Nagpapasalamat at nagpapaalam lang siya sa akin"
"Patingin nga, Cookie" sabay kuha ni Hazel ng sulat sa kamay ni Zeek. Kaagad niya naman ito binas ng mabilis. "Wow. Atleast hindi siya bitter, Cookie"
"Oo nga eh" tanging sagot ni Zeek habang nanlulumo ang kanyang mga mata.
Napansin naman ito ni Hazel at kaagad hinimas likuran ng nobyo. “Cookie, okay ka lang ba?”
"Oo Berry, Okay lang ako" sabay punas niya ng luha niya "Siguro ay hindi lang ako makapaniwala na wala na kami ni George. Minahal ko din naman siya kahit papaano. Pero hanggang doon lang ang relasyon namin" at tumingin siya kay Hazel "Sorry Berry ha. Hindi ko pa siya nakalimutan. Mahirap din naman makalimutan ang pinagdaanan namin noon"
"Don't worry, Cookie. Naiintindihan ko naman"
"Salamat Berry" sabay akbay ni Zeek kay Hazel "Nagpapasalamat naman ako na tama ang naging desisyon ko na patawarin ka at bigyan kita ng isa pang pagkakataon. Tignan mo ngayon, masaya na tayo"
"Ako din naman, Cookie. Deserve mo na bigyan ka din ng pagkakataon dahil napakabuti mong tao, kaya mahal na mahal kita eh" yakap ni Hazel sa kanya "Tama ang naging desisyon ko na ipaglaban kita sa mga magulang ko"
Lumipas ang mga taon at marami nang nagbago sa kanilang mga buhay. Sa wakas ay napatawad na nga ni Bek ang dating asawa at tinanggap niya na lang na matalik na magkaibigan na lang sila. Naging magkaibigan na din sila ni Anthony at hindi naman siya galit dito.
Samantala si Zeek naman ay nakalipat na sa isang apartment kasama ang kanyang ina at si Hazel. Nakahanap na din siya ng trabaho bilang Head ng Food and Beverage ng isang hotel. Si Hazel naman ay nagtatrabaho na din sa isang Architectual Firm bilang Senior Architect.
Masaya na ang lahat sa kanilang mga buhay, lalung-lalo na sina Zeek at Hazel dahil sa wakas ay engaged na silang dalawa at malapit na silang magka-baby dahil buntis na si Hazel sa kanilang unang anak.
Isang araw. Sa isang mall.
Naglalakad sina Zeek at Hazel sa baby section ng mall at tila may hinahanap para sa kanilang magiging baby.
"Ito Berry oh" sambit ni Zeek kay Hazel habang hawak niya ang isang magandang crib o kuna "Maganda 'to oh"
"Huwag yan"
"E bakit? Maganda naman 'to ah"
"Tignan mo ang presyo niya. Ang mahal kaya" dugtong ni Hazel "Tapos hindi pa natin alam kung magtatagal yan. Ako na lang ang gagawa ng crib niya, mas maganda pa"
"Teka. Alam mong gumawa?"
"Oo naman. Lahat naman ng bagay ay matutunan"
"Hmmm. Sige, Kung iyan gusto mo"
"Stroller lang naman ang bibilhin natin dito, Cookie"
"Sige Berry. Ikaw lang naman parati ang masusunod eh" biro niya kay Hazel.
Biglang natigilan si Zeek at napatingin siya sa hindi kalayuan. May nakita siya na pamilyar na mukha at may kasama itong lalaki. Si George.
Napansin naman ni Hazel ang biglang pagtigil ni Zeek “Cookie? Okay ka lang? Bakit ka natigilan?”
"Si George.." bulong niya.
"Ha? Ano si George? Saan..?"
"Andoon siya. Halika. Puntahan natin"
Sinunod naman ni Hazel si Zeek at sinalubong ang paparating na George at kasama niyang lalaki.
"Sino ang kasama niyang lalaki, Cookie? Kilala mo ba?"
"Hindi eh"
Napahinto din si George at ang kasama niyang lalaki sa kanilang dalawa. Hindi maipinta sa tuwa ang mukha ni George dahil nagkita muli sila ni Zeek magkalipas ang ilang mga taon.
"Zeek..?"
"Hi George" ngiti ni Zeek.
"Kamusta na kayo..?" tanong niya at tumingin siya sa malaking tiyan ni Hazel "Wow. You're pregnant?"
"Yes. We're having a baby" sagot naman ni Hazel.
"Good. I'm happy for you guys"
"Babe? Sino sila?" tanong ng kasama ni George at parang walang alam sa mga nangyayari.
"I'm sorry babe. This is Zeek and his girlfriend, Hazel"
"Zeek.." ulit nito "Ikaw ba ang ex ni George?"
"Yes. Ako nga. And you are..?"
"I'm Anthony"
Natigilan at parang hindi makasagot si Zeek sa tao na kanyang kaharap. Marahil siya ang Anthony na kinikuwento noon ni George na kanyang ex.
"Ikaw ba ang...."
"...Yes. Ako nga" sagot agad ni Anthony at hindi niya tinapos ang tanong ni Zeek. "Nagkabalikan kaming dalawa. A year ago"
"Wow. Masaya ako sa inyo dahil nagkatuluyan na nga kayo sa wakas"
"Yes. Tama ka, Zeek. Actually, we're engaged na eh"
"Talaga? Wow. Kayo na nga ang magpapatunay na may forever nga"
Ngumiti na lang si Anthony bilang sagot sa sinabi sa kanya ni Zeek.
“Eh kayo?” dugtong ni George sa usapan “Kamusta naman kayong dalawa..? Maliban sa magiging baby ninyo?”
“Engaged na rin kami” sagot ni Zeek “At next year na ang wedding namin”
“Wow. Congratulations sa wedding ninyo” sagot ni George.
“Thank you, George” dugtong naman ni Zeek “If you want, pwede kang pumunta sa kasal namin ni Hazel”
“S-sure, why not. I’ll just check my schedule sa araw na iyon. At kung pwede ako, pupunta ako” pagtanggap ni George ng imbitasyon “Masaya ako dahil kayo na talaga ang nagkatuluyan” ngumiti na lang sina Zeek at Hazel sa sinabi sa kanila at tumahimik sila nang ilang segundo bago nagsalita muli si George “So pano, Zeek. Hazel. Alis na kami’ paalam niya sa dalawa “May pupuntahan pa kasi kami eh”
“Sige. Walang problema. Mag-iingat kayo”
Ngumiti si George sa kanilang dalawa bilang paalam at kaagad nga silang umalis. Samantala sina Zeek at Hazel naman ay pinagpatuloy ang kanilang paglilibot sa baby section para maghanap ng stroller para sa kanilang magiging baby.
Sa araw ng kanilang kasal.
"And now, by the power vested in me, I hereby pronounce you husband and wife" sambit ng pari bilang pagtatapos ng misa ng kasal "You may now kiss the bride"
Walang sabi-sabi ay kaagad hinalikan ni Zeek ang kanyang asawa na si Hazel sa labi bilang pagtatapos ng seremonya ng kanilang kasal.
Masaya ang mga bisita sa loob ng simbahan dahil sa wakas ay nag-isang dibdib na din sina Zeek at Hazel. Lalung-lalo na ang mga magulang nila na sina Arnold at Daisy at si Vivian.
Kaagad silang nagderecho sa The Deluxe Suites Hotel para sa kanilang reception. Sa inaasahan ay nandoon sina George at Anthony para sa reception ng bagong kasal dahil inimbita sila ni Zeek.
Naglilibot ang bagong kasal sa mga mesa upang batiin ang mga bisita na dumalo. Natigilan si Zeek dahil may biglang bumeso sa kanya. Hindi niya inaasahan na pupunta ang taong ito sa kasal niya.
"Best wishes, Zeek" bati ni Bek sa kanila "Best wishes sa inyong dalawa"
"Thank you, Miss Bek" sagot naman ni Hazel.
Hindi pa rin siya makapagsalita sa biglang pagsulpot ni Bek. Hindi niya kasi nakausap ang babaeng ito sa loob ng ilang taon. Hindi niya alam kung ano na naman ang kanyang plano.
"Oh Zeek. Bakit hindi ka makapagsalita? Okay ka lang?" pero hindi pa rin siya umimik "Don't worry. Hindi na ako magugulo sa araw ninyong mag-asawa. I'm just here to congratulate you guys. Sa wakas, nagkatuluyan na nga kayo"
"So pano mo nalaman na magpapakasal kami..?"
Biglang tumawa ng mahina si Bek sa tanong sa kanya ni Zeek “Oh Zeek. Don’t ask a stupid question. Sino ba ang hindi makakaalam sa kasalan ninyo lalung-lalo na isa rin ako sa may-ari dito. Dito sa hotel na pinagdiriwang ninyo ang kasal ninyo” paliwanag niya habang natatawa “Well, isa rin sa rason kung bakit ko nalaman ito ay sinabi at kwinento sa akin ni George na magpapakasal kayo. Yes. Nagkaayos na kami ng dati kong asawa”
"Talaga?"
"Yes. At masaya na ako ngayon dahil okay na kami bilang magkaibigan" dugtong niya kay Zeek "Sa katunayan, sinabihan ko si George na libre na lang lahat ito. Kahit iyan lang ang paraan para maging okay tayo at paraan na makabawi ako sa inyo"
"Really? Salamat Bek. Pero ako na ang bahala dito sa bayarin"
“No Zeek. I insist. Sige ka, magagalit ako”
“Oh sige. Hindi na ako tatanggi” ngiti niya kay Bek “Pero I am happy for you, Bek. Sana makahanap ka na ng totoong tao na magmamahal sa’yo”
"Sana nga, Zeek. Pero masaya na ako ngayon sa buhay ko" sagot niya "Ang importante sa ngayon ay ang negosyo namin ni George"
"So kung iyan ang makakaligaya sa'yo, edi I'll support it. Masaya talaga ako na okay ka na ngayon" ngiti ni Zeek sa kanya.
"Salamat Zeek" sabay halik niya muli sa pisngi nito "Best wishes ha. Just enjoy your day"
Pagkatapos ng masinsinan na kuwentuhan nila ni Bek ay bumalik ang bagong kasal sa stage at doon umupo. Biglang tumayo ang ama ni Hazel at pumunta sa podium para magsalita sa bagong kasal.
"Inaamin ko noong una, hindi ako boto kay Zeek bilang nobyo ng anak ko" sambit ni Arnold "Naging maliit ang tingin ko sa kanya noon dahil bilang isang ama ay hinahangad ko sana na makapag-asawa siya sa mas ma-ambisyon na tao. Pero kahit anong pigil ko sa anak ko na huwag ang lalaking ito, ipinaglaban pa rin nila ang pagmamahalan nila sa isa't-isa. Salamat anak dahil naging matigas ang ulo mo at sinaway mo ako at sinunod mo ang gusto mo" at tumingin siya sa bagong kasal "Dahil napunta ka sa isang responsable, successful at mapagmahal na asawa at tatay sa anak niyo at sa apo namin. Wala na akong hihingilin pa kay Zeek kundi mahalin mo lang anak ko" sabay taas ni Arnold ng kanyang baso "To Zeek and Hazel. Wishing you a lifetime and happiness"
Habang nagsasalita ang ama ni Hazel ay itinaas din nila ang kanilang baso na may alak at nagtinginan silang dalawa.
"I love you, Berry" sambit ni Zeek sa kanya "Asawa na kita, Misis Lacsamana"
"Salamat sa pagmamahal Mister Lacsamana. I will always love you Cookie. Forever" at dumampi ang mga labi nilang dalawa sa gitna ng pagtunog ng malakas ng mga baso.
Kasabay nang kanilang paghalik nilang dalawa ay natapos na din ang mapait na nangyari sa kanilang mga buhay. Isang pangyayari na pinagtitibay ang pagmamahalan ng dalawang tao.
Dahil kahit anong mangyari at ano man ang kanyang nagawa nito basta mahal mo ang taong iyon, mapapatawad mo pa rin siya at ipagpatuloy ang buhay ninyong dalawa.
WAKAS

