The Island Man [M2M, SPG]
Danmax Orange · 4 chapters · 2,576 words
The Island Man
The Island Man
Light
Novel
Caleb was stuck in a mysterious island. His life became hopeless at the moment of realization, yet there’s a mysterious person who will help him to survive the dangers of the wild.
Bawat araw ay nakikipaglaro sila sa hamon ng kalikasan. Sabay nilang tatahakin ang daan patungo sa ligtas na pamumuhay. At sa yugtong iyon ay matutuklasan nila ang pagmamahal sa gitna ng mga nagtatagong panganib. Iisipin nila na kanila ang isla na parang isang mundo na tanging sila lang ang bahagi.
Hanggang saan kaya sila mabubuhay habang pinagbibigyan ang bugso ng damdamin at init na nararamdaman.
p a a l a l a
Lahat ng mababasa sa librong ito ay kathang-isip lamang. Ang alinmang tao, bagay, lugar o pangyayari na nilalaman sa kwento ay hindi totoo at pawang bunga lamang ng malawak na imahinasyon.
Huwag balakin na kopyahin ang aking akda, sapagkat may karampatan itong parusa.
This is just a light novel, so expect for very short updates but quick posting. This is my way to ease your reading experience from the long nauseous chapters that I used to write.
Warning: This story is alligned in LGBTQ+ category. It is only open for the readers who are interested in this type of genre. This contains a lot of sexual scenes that are not suitable for young and closeminded audiences.
I
SUNOD-SUNOD ANG paghampas ng tubig sa aking katawan. Unti-unti kong idinilat ang aking mata upang makita kung ano ba ang nangyayari sa’kin. Basang-basa ako habang nakahiga sa malambot na buhanginan. Agad akong napaangat sa gulat.
Nasaan ako?
Napakamot ako sa aking ulo habang pinapalibot ang aking paningin. Bigla akong nakaramdam ng hapdi. Napatingin ako sa aking binti at napagtanto na may malaking sugat ako rito. Nagdurugo ito. Bigla akong namutla sa natuklasan.
“Hello?! Anybody here?!” sigaw ko at umaasang may lumapit para sagipin ako, ngunit nanatili lang ang katahimikan at kapayapaan sa paligid. Tanging mga alon at huni ng ibon ang umaalingawngaw. “Tulong!” sigaw ko ulit ngunit walang kahit sinong tao ang response sa akin.
I’ve realized that I stumbled upon a mysterious island without any people living here. May gubat na matatanaw sa malayo. Marami ring rock formations na nakatindig sa kung saan-saan.
Naghurumentado ang aking puso habang pilit na inaalala kung bakit ako napadpad dito. Kumirot ang aking sentido kaya imbes na mag-isip pa ako ng mariin ay hinilot ko nalang ito at sinubukang ipahinga ang sarili.
‘Tang ina. Sa huling pagkakatanda ko, pasakay ako ng barko upang umuwi sa pamilya ko. Galing akong Amerika at pabalik na ako sa Pilipinas upang bumisita dahil may okasyon. Hindi naman ako magtatagal doon, kaya kaunti lang ang mga gamit na dinala ko. Bukod pa roon ay wala na akong ibang maalala. Most of them are clouded in my mind.
Huminga ako ng malalim at biglang nakaramdam ng matinding gutom. Gusto ko mang pahupain ito ngunit wala akong makita na kahit anong makakain dito.
Sana lang ay may tangayin na pagkain ang alon galing sa barkong pinagsakyan ko patungo rito upang makakain na ako.
“Tulong! Iligtas niyo ako rito!” sigaw ko ulit at umaasang sa pagkakataong ito ay may makarinig at sumagip sa akin. Nanghihina na ako.
Kung wala talagang tao rito, paano na?
Agad kong kinapa ang aking bulsa upang i-check kung nandito pa ang aking cellphone. Panandalian akong nabuhayan ng pag-asa nung nandito pa ito. Subalit, nung sinubukan ko nang i-open ay hindi na siya nagbubukas. Malamang, nabasa na ito ng tubig-dagat. Malabo nang gagana pa ito. My god, this is definitely my worst day!
Unti-unting bumigat ang aking mga mata. I just found myself bursting into tears. Fuck this, Caleb! What the fuck just happened to me?!
Pinapahid ko ang aking mga luha habang humahagulgol ng malakas. Alam ko, hinihigop ng pag-iyak sa aking natitirang lakas ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko na mafrustrate. Dala na rin ng hirap at hinagpis na pinagdaanan ko sa ibang bansa para matakasan ang hirap ng buhay sa Pilipinas, hindi ko maiwasang maawa sa sarili ko. Ang saklap lang, ganito pa ang nangyari sa’kin.
I don’t know what kind of anger does destiny have with me. Do I deserve any of these pain? So unfair! I am always selfless. My own sake is my least priority. I am always capable of doing major sacrifices for my family. Ano nalang ang mangyayari sa kanila kapag nawala ako?
Gumapang ako sa malambot na buhangin. Hindi ko maiwasan na minsa’y maibaon ko ang aking ulo rito at makakain ng buhangin. Nawawalan na ako ng lakas, ngunit pinipilit ko pa rin na hilahin ang aking sarili patungo sa mas tuyong lugar. Patuloy pa rin sa paghapdi ang aking sugat.
Maya-maya pa ay hindi ko na talaga kaya. Napatihaya ako sa buhangin noong napagtantong nasa tuyong lugar na ako. But the sun is too sun, and it is burning me into crisp. I just let myself lay there in defeat. I’m so done.
Napahalakhak ako sa aking katangahan, pagkatapos ay nakaramdam ako ng matinding pagkauhaw. Nagtangis akong muli. I shouted a lot of profanities in anger.
Kung mababalitaan nina Mama ang nangyari sa barkong sinasakyan ko ay paniguradong mag-aalala ‘yon. My father will find a way to find me, by wasting a lot of me that he earned from his own. Hindi naman iyon kalakihan kaya nakakapaghinayang kung hahayan ko siyang gastusin iyon. I remember my brother, Charles, na kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo. I know him very well. He’s always concerned of me. Ayokong mapabayaan niya ang kaniyang pag-aaral dahil sa pag-alala sa akin.
Muli kong pinahid ang aking luha gamit ang kamay kong napalibutan na ng mga buhangin. Kumalat ito sa aking mukha. Maybe, this would be the end of me. I want to save myself, but how?
Nakarinig ako ng mahihinang yabag na papalapit sa akin. Wala akong ideya kung sino ito hanggang sa tuluyan ko nang ipinikit ang mga mata ko.
You’re just hallucinating
, Caleb.
Ngunit nagpatuloy lang ang mga yabag. I can already feel a presence of another human being. I am curious of who it is. Mahina kong dinilat ang aking mga mata at nakakita ako ng isang maskuladong lalaki sa aking harapan. Nakasuot siya ng kapirasong tela sa kaniyang baywang.
Pinanood ko kung paano siya yumuko at inilapit ang kaniyang mukha sa akin. He examine my face, and I did the same too. Nalunod ako sa titig ng kaniyang luntiang mga mga na nagniningning. Sobrang tangos ng kaniyang ilong, at mayroon siyang makakapal na kilay. Ang gwapo niyang tignan habang nakakunot ang kaniyang noo. He is looking at me like a puzzle he want to solve. Matingkad na kayumanggi ang kaniyang balat na nangniningning din dala ng sinag ng araw.
Am I dead? Is he an angel?
Is he going to take me to heaven?
Muli kong pinikit ang aking mga mata dahil tuluyan na akong nawalan ng lakas.
II
I WOKE UP for a second time, ngunit hindi na ako nakahiga sa buhanginan. Malambot na tela na ang aking hinihigaan. Soft and layered. Nagpagulong-gulong pa ako rito at ibinaon ang aking mukha. Almost feels like a matress, but the thing is, it smells like the earth. Parang hindi nilabhan ng isang buwan.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nahanap ang sarili sa gitna ng kagubatan. I can’t recall any memory of how I got here, but it is surely better and safer than the open beach. I felt a sudden ache in my legs. May mahapding sugat akong nararamdaman. Isiniwalang bahala ko muna ito upang suriin ang paligid.
The hell! Bakit ba kung saan-saan nalang ako napapadpad. I know it’s absurd, but am I performing a teleportation without my knowledge?
Yumuko ako upang tignan ang aking mga binti. Nagulat ako nang may nakita akong nakadikit na mga dahon. Somebody tried to cure my wounds. Thankfully, may ibang tao pa pala dito maliban sa akin!
Because of curiosity, sinubukan kong tanggalin ang dahon upang makita ang kalagayan ng aking binti. I am surprised to see a large wound that already healed, leaving a scar.
I scratched my head and yawned because I just came from sleep. Kung sino man ang may gawa nito, sobra akong nagpapasalamat. My condition that time was close to being hopeless, and then whoever this saviour, I’m sure he or she has a pair of angel hands that saved me in a brink of death.
Huminga ako ng maluwag at sinubukang hanapin kung sino man yung taong ito. I have never seen any person around, so I shout to call whoever it is.
“May tao ba dito?!” sigaw ko. No reponse. Did it again… Still no response. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
Then I heard some footsteps from behind. Dried leaves were stepped on with crunchy sounds. I smiled for myself.
Mukhang siya na nga ito.
I turned to see that person, but to my surprise, hindi pala tao ang masasaksihan ko, kun’di isang halimaw. A tiger with a stare that cleary states it has been hungry for days. Based on the looks of it, the tiger is very ready to jump anytime and eat the flesh out of me.
I, having no survival skill, did the most stupid thing I could ever (and only) do. Sumigaw na parang babae. Sinubukan kong tumakbo pero dahil masakit ang paa ko ay agad akong natumba sa lupa.
Another near death experience, huh? But this time, for sure, matutuluyan na ako.
Napapikit ako ng mariin. I just accepted my fate and waited for the tiger to bite me off. Hindi ko naramdaman ang pag-atake nito.
I heard squeals of pain, as if the wild animal is dying. Napadilat ako at nakita kung paano patayin ng isang matipunong lalaki ang hayop na walang kahirap-hirap. Sinakal hanggang sa malagutan ng hininga. Hindi pa siya nakuntento. He was holding a stick with a sharp end. Tapos tinusok niya ito sa mata ng hayop.
Sinigurado niya na patay na ito.
With blood splattered on his bronze skin, the man slowly walked towards me. He is intimidating me with his serious look. My face went pale. He is a lot scarier than the tiger.
He examined me with his sharp green eyes.
“Ayos ka lang?” tanong ko sa lalaki.
Hindi siya sumagot, sa halip ay tumalikod at nagsimulang maglakad palayo sa akin. Sinuri ko ang kaniyang buong katawan ngunit wala naman akong napansin na kahit isang sugat. Pinulot niya sa tabi ang dalawang patpat na may nakatuhog na tig-isang isda. He can catch a fish. How amazing. This man can survive in this harsh environment. He is really the king of the jungle!
Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. I doubt that he could understand whatever I am going to say. Nagsasalita ba siya ng Ingles? Eh, Tagalog?
Hopefully we could talk and I would be able to thank him for saving me for a the second time. Kaysa bumalik sa telang pinaghigaan ko kanina, sinundan ko nalang siya sa kaniyang nilalakaran.
Bahala na nga.
III
HINDI KO MAIWASANG mapatitig ng matagal sa malapad at matipuno niyang likod. Medyo pinagpapawisan ang kaniyang balat at hinahangin ng malakas ang kaniyang mahaba’t itim na buhok. May tindig siya na maotoridad. It looks like he reigns the whole forest, and I am just his slave that follows him.
Ang sarap niyang titigan. Which makes my mind think of dirty thoughts that I have been shaking off my head for hours. My pants tightened as a tried to adjust it. Napailing nalang ako sa sarili. I have to stop these nonsense. They are not helping me to initiate a conversation with him.
Grabi, after all those near-death experiences, may panahon pa ako para ma-arouse. Ngayon pa talaga na dapat ay wala akong ibang dapat na isipin kun’di paano ako makakaalis dito.
But to be honest, I can’t help it. He is too hot for my eyes and hormones to handle.
Nilagpasan namin ang patay na tigre at muling nagtungo sa pwesto kung saan ako nakahiga kanina. Tsaka ko lang napagtanto na ang sapin ay yari pala sa balahibo ng oso. You can still see the head and the paws, just like the animal-cruelty carpets I saw on television.
Napalingon ako sa lalaki habang inilalapag ang mga nakatuhog na isda sa kapirasong malapad na dahon. Naglagay ng isang tumpok ng mga kahoy sa pagitan namin.
Pagkatapos ay kumuha siya ng isang malaking kahoy at manipis ng kahoy. Kiniskis niya ang manipis na kahoy sa isa pa at ilang minuto lang ay nag-usok ito. Biglang lumiyab ang maliit na apoy.
Warmth, at last!
“Ang galing naman!” sabi ko at napapalakpak pa sa bilib.
Tumingin siya sa akin at nangunot ang noo. Mukhang hindi niya yata naintindihan ang sinasabi ko. Okay, you have nothing to worry, man.
I just awkwardly smiled at him.
Ilang segundo lang ay lumiyab ng mas malakas ang kaniyang apoy. Itinapat na niya ito sa tumpok ng kahoy at mabilis naman itong nahawaan. Mayroon na kaming bonfire sa harapan namin.
Tinapat niya ang mga nakatuhog na isda sa apoy. Pinanood ko kung paano niya paikut-ikutin ang mga ito upang maluto. Naramdaman kong kumalam ang aking sikmura. Grabe, sa wakas ay makakakain na ako!
Nakaupo kami sa tapat ng bonfire. Sabay naming pinapanood ang pagsayaw ng apoy.
Hindi nagtagal ay natapos din siya sa pagluluto. Inabot niya sa akin ang isang nakatuhog na isda at sabay namin itong nilantakan.
Dahil sa sobrang gutom ko ay di ko na alintana ang mga tinik. I firmly chew them so they will never get stuck on my throat. I hardly remember the last time I ate, so I munched the food like a hungry lion.
Habang ngumunguya ay hindi ko maiwasang mapatingin sa lalaki. Nagkita ang aming mga mata, na parang nahuli ko siya na pinapanood ako ng pasikreto. Pero mukhang hindi naman siya nahihiya sa pagtitig sa akin. Patuloy lang siya sa pagkain nang hindi tumitingin sa isda. Mabangis din ang kaniyang pagnguya, at tulad ko ay dinudurog din ang mga tinik.
Ako na ang nag-iwas ng paningin at nagpatuloy sa aking kinakain.
“Grabe, ang sarap!” hindi ko mapigilang sabihin habang ngumunguya. Sa totoo lang, tama lang ang lasa ng isda sapagkat galing ito sa tubig-alat. For sure, na-marinate na ito sa asin.
Napatingin ulit ako sa lalaki at napansin ang kaniyang malalim pa rin ang pagtitig. Medyo nahiya tuloy ako, ngunit hindi ko maiwasan na kiligin ng kaunti. Ang gwapo niya talaga! Ngumiti ako.
“Huwag kang mag-alala. Ikaw rin, masarap!” biro ko. Tutal, hindi naman niya ako maiintindihan. Tumawa ako ng malakas.
At sa sobrang lakas ng tawa ako ay agad akong nabulunan.
“TUBIG!” sigaw ko.
Agad siyang napatayo at tumakbo patungo sa likod ng mga puno.
Where the hell is he going?
Hinagod ko ng malakas ang aking dibdib habang pinipilit na tanggalin ang pagkakabulunan ko. Maya maya pa ay bumalik ang lalaki dala ang isang salop ng tubig. Sa bao ito nakalagay at agad ko naman itong tinaggap upang inumin.
Agad namang nawala ang pagkabara sa aking lalamunan. Nakakahinga na ako ng maluwag.
“Salamat,” wala sa sarili kong sabi. Ano pang saysay no’n kung hindi naman siya nakakaintindi ng mga salita. Muli akong kumagat sa isda na nakatuhog sa hawak kong stick. Patuloy lang ako sa pagkain.
“Walang anuman.”
Bigla akong napalingon sa kaniya. Napansin kong sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Nagliwanag panandalian ang kaniyang kulay berdeng mga mata. Para akong namumutla, dahil naalala ko ang sinabi ko sa kaniya kanina.
Tang ina. Nagsasalita siya?
![Cover of The Island Man [M2M, SPG]](/story-covers/the-island-man-m2m-spg_265757299.webp)
