THE KING'S CONCUBINE: BLOOD AND DESIRE
Pyhurrehunk · 46 chapters · 87,206 words
PROLOGUE
AUTHOR’S NOTE:
This is, by far, one of the most EROTIC novels I’ve written since I started here on Wattpad . Hindi po ’to simpleng kilig-kilig lang. Hindi rin to wholesome. This story is wild, raw, emotional, and sexually charged.
IMPORTANT REMINDERS, MGA DRE!!
- May mga kabanatang naka-PRIVATE.
Para ma-access ang mga ito, kailangan mo muna akong i-follow dito sa Wattpad. Simple lang po. Click Follow para ma-unlock ang mas mapangahas na bahagi ng kwento. Saka mo na ako i-unfollow kung ’di mo na kinaya. HAHAHAHAAH!
May M2M erotic scenes. May ilang kabanatang may male-to-male intimacy. Kung hindi ka komportable sa ganitong tema, feel free to skip those parts . Pero kung open ka sa kwento ng pag-ibig na hindi nakakahon sa gender… then welcome sa gulo.
-
Again, this is Rated SPG. Bawal ’to sa mga bata. May mature themes. May explicit content din. May mga eksenang hindi pangkape sa umaga.
-
Ang kwentong ’to ay orihinal po na akin. Pwede pag-initan habang binabasa. Pero BAWAL kopyahin. MALIWANAG?!
-
READ AT YOUR OWN RISK!
Kinamumuhian ko siya sa bawat kamoteng hinuhugot ko mula sa lupang bitak-bitak.
Sa bawat hagupit ng araw sa batok ko, iniisip ko kung gaano kalamig ang lilim sa loob ng palasyo niya, habang kami, dahan-dahang niluluto sa kapatagan ng Adarmus.
Sa gabi, habang pinakikinggan ko ang paos at putol-putol na paghinga ng nanay ko, iniisip ko kung ilang tagay ang ibinuhos ng hari sa lalamunan niya, habang kami’y nauubusan ng hininga.
Hindi ko kailangang makita ang mukha niya. Dahil ang bangis ng kaniyang paghahari, hindi lang nakaukit sa isang tao. Umaagos sa buong kaharian. Nandoon sa bakal ng espada, sa yabag ng mga sundalo, at sa mga latigong paulit-ulit na humahalik sa balat namin.
At nang dumating sila…
Hindi ako natakot.
Nagngitngit ako.
Hinila nila ako na parang bagay na pag-aari na niya.
Hindi ako sumigaw ni lumaban. Dahil sa totoo lang, matagal ko nang hinihintay ang araw na ’to. Ang araw na makikita ko ang lalaking sumira sa buhay namin.
Sa biyahe papuntang palasyo, iisa lang ang pangalang paulit-ulit kong kinayod sa isip ko.
Si Haring Leondre.
At nang sa wakas, humarap ako sa lalaking iyon.
Isang tingin lang.
Parang hinubaran niya ang lahat ng lihim na itinago ko sa buong buhay ko.
Hindi nila ako dinala sa kulungan. Ikinulong nila ako sa isang silid na balot ng dilim at ginto. May mga kurtinang mabibigat, at hangin na siksik sa amoy ng insenso, na para bang altar para sa mga diyos ng Aurelius.
“Mula ngayon,” malamig niyang sabi, “hindi ka na alipin.”
Ilang segundo akong hindi nakasagot.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa.
Umangat nang bahagya ang sulok ng labi niya.
“Pero hindi ka rin malaya.”
Doon ko unang naramdaman kung gaano kabigat ang salitang pag-aari.
Sa gabing iyon, may inagaw siya sa akin na hindi ko na maibabalik. Ang huling paniniwala na may kontrol pa ako sa sarili kong buhay.
Hindi ako babae. Hindi rin ako nagmula sa isang Maharlikang angkan. Kaya hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit ako ang pinili niya.
At nang tuluyang magsara ang pinto, doon ko naintindihan.
Ang lalaking kinamumuhian ko. Ang haring isinumpa ko sa bawat gabing walang ilaw. Hindi lang magiging bangungot ko. Siya ang magiging mundo ko na hindi matatakasan
At ako…
Sa kabila ng galit, takot, at pagnanasang wakasan siya gamit ang sarili kong mga kamay.
Hindi na alipin. Hindi rin malaya. Ngunit higit na mapanganib kaysa sa alinman sa dalawa. Ako ang pinili niyang gawing kanyang…
CONCUBINE .
Author’s Note:
Ano ang CONCUBINE?
According sa mga KDRAMA na napanood ko, ang concubine ay parang kabit sa panahon ng mga hari at kaharian. Hindi siya legal na asawa, pero parte ng koleksyon ng partners/lovers ng hari. May status siya sa palasyo pwedeng mataas o mababa depende sa pabor ng hari.
Remix po ang vibe ng royalty sa kwento na ’to. May K-drama vibe, pero mas lamang ang Greek style.
CHAPTER 1
Unang-una sa lahat…
Putang ina!
Mahina ngunit mabigat na lumabas ang mura sa bibig ko kasabay ng pagbagsak ng asarol sa tuyong lupa.
Dalawampung taon na akong alipin ng kahariang ito.
Dalawampung taon nang pawis at putik ang bumubuhay sa akin. Bago pa sumikat ang araw, nasa bukid na ako. Paglubog naman nito, saka pa lang ako nakakauwi. Ang buong buhay ko ay umiikot sa pagtatanim ng kamote na hindi man lang namin lubos na napapakinabangan.
Matagal ko ng nakalimutan kung kailan ako huling nangarap.
Pakiramdam ko, unti-unti na akong nagiging bahagi ng lupang ito. Ang balat ko, kasing-kulay na ng putik, at ang mga kamay kong puno ng kalyo ay tila ginawa na lang para humawak ng asarol.
“Damien!”
Napalingon ako kay Tamara. Nakayuko rin siya habang nagtatanim.
“Bilis-bilisan mo. Nag-iikot na naman ang mga bantay.”
Bumuntong-hininga ako bago muling yumuko.
“Parang may mababago kung bibilisan ko.”
Bumalik siya sa pagtatanim.
Mula sa dulo ng taniman, biglang umugong ang tunog ng kampanang bakal.
Sabay-sabay kaming tumigil. Lahat ng alipin ay napayuko.
Dahan-dahang dumaan ang apat na kabalyero sa gitna ng bukirin. Kasunod nito ang karwahe ng Duke ng Adarmus.
Walang isa sa amin ang nagsasalita. Kahit ang hangin ay tila tumigil.
Isa sa mga alipin ang nahuling nakatingin sa kanila.
Hampas ng latigo ang agad tumama sa kanyang mukha.
Sumubsob siya sa lupa.
Walang lumapit para tumulong. Mas ligtas ang magbulag-bulagan kaysa madamay.
Ilang sandali pa’y nagpatuloy lang muli ang pagtatanim, na para bang walang nangyari.
Ganito kami sinanay. Ang makakita at magkunwaring wala kaming nakita.
Tunog lang ng mga asarol ang muling bumalot sa bukirin.
Minsan bato ang mahuhukay.
Minsan naman kamote.
Pero kahit gaano karami ang maani namin, hindi rin naman mapupunta sa amin.
Lahat iyon ay dinadala sa palasyo. Para sa mga maharlikang hindi pa namin kailanman nakita.
Kami ang nagtatanim. Kami rin ang nagpapagod. Pero kami rin ang laging nagugutom.
Sa dulo ng bukirin tinambak ang sako- sako ng kamote at ibang klase-klaseng pagkain.
Hindi na namin kailangang itanong kung saan iyon dadalhin.
Alam naming lahat ang sagot.
Habang patuloy na may naghahakot doon, tumingin ako sa isang batang alipin.
Tahimik niyang nilunok ang laway habang sinusundan ng tingin ang pagkain.
Tanghaling tapat nang paupuin kami sa ilalim ng malaking punong narra. Oras na ng pananghalian.
Kamote na naman.
“Kain.”
Iniabot ni Andres ang isang maliit na piraso.
Tinanggap ko iyon.
Habang kumakain, tiningnan ko ang mga batang nasa kabilang hanay.
Napakabata pa nila.
May ilan na halos kasintaas lang ng asarol na dala nila.
Sa edad na dapat sana’y naglalaro pa sila, natututo na silang magbungkal ng lupa.
Ganito nagsisimula ang buhay ng bawat alipin. Ganito rin ito nagtatapos.
Walang nagsasalita habang kumakain kami.
“Damien.”
Nabaling ang mata ko kay Tandang Berto.
“Sa tingin mo… ano kaya ang lasa ng karne?”
Napayuko ako.
“Hindi ko na maalala.”
Tumango siya.
Alam naming dalawa na malamang hindi na namin iyon muling matitikman.
Biglang napahinto si Tandang Berto.
Kumapit siya sa dibdib niya. Mabagal siyang huminga.
“Ayos lang ako…”
Ngunit kitang-kita kong namumutla siya.
Ilang sandali lang, muli siyang yumuko at ipinagpatuloy ang pagkain ng kamote.
Dito, bawal magkasakit. Kapag hindi ka na kayang magtrabaho… Hindi ka na rin kailangan.
Sa di kalayuan, nakatayo ang mga sundalo ng Aurelius. Nakasuot sila ng makakapal na baluti. May mga sibat at espada. Habang kami, ni isang bagay na maaaring ipangtanggol sa sarili ay wala.
Binabantayan kami para hindi makatakas.
Napatingin ako sa mga ukit sa katawan ng punong narra.
May mga pangalan at mga guhit. Mga bakas ng mga taong minsan ding umasa.
Ewan ko kung namatay sila rito o tuluyang nakalaya. Gayunman, iisa lang ang sigurado.
Mula noon, wala nang nakabalik.
May sariwa pang ukit sa pinakailalim ng puno. Hindi pa ito natatakpan ng lumot.
Isang pangalan lang.
Elias.
Naalala ko siya.
Tatlong buwan pa lang ang nakalipas nang bigla siyang mawala. Sabi ng mga bantay, tumakas daw. Pero kinabukasan…
May nakita kaming bakas ng dugo sa daang palabas ng bukirin.
Mula noon, wala nang nagtanong kung ano talaga ang nangyari.
“Kung may pagkakataon kang makatakas…”
Mahinang tanong ni Andres.
“Gagawin mo ba?”
Matagal kong tinitigan ang malawak na kapatagan.
Pagkatapos ay tumango ako.
“Oo.”
Hanggang doon na lang ang sagot ko. Dahil maliwanag sa aming dalawa kung gaano kaliit ang posibilidad na mangyari iyon.
Pagsapit ng gabi, bumalik ako sa aming barung-barong. Gawa ito sa pinagtagpi-tagping kawayan at pawid na halos liparin na ng hangin.
Pagbukas ko ng pinto, sinalubong ako ng malamig na katahimikan.
Isang lumang gasera lang ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa loob. Sa mapusyaw nitong ilaw, halos ubos na ang laman ang aming munting tahanan.
Ang mga lalagyan ng pagkain ay nakabukas pero walang laman. Sa isang sulok, iisang pirasong kamote na lang ang nakapatong sa lumang pinggan.
Walang kibo na tinitigan iyon ni Lira.
Marahan niya itong itinulak palapit sa akin.
“Sayo na lang, Kuya.”
Kinuha ko ang kamote at hinati iyon sa dalawa. Hindi iyon sapat para mapawi ang gutom naming dalawa, pero iyon na lang ang natitira.
“Sayo na ang mas malaki,” mahina kong sabi.
Umiling siya.
“Busog pa ako.”
Pagsisinungaling niya.
Lumapit ako sa higaan ng aming ina. Basang-basa siya ng pawis, pero nanginginig ang buo niyang katawan.
Pinunasan ko ang kanyang noo gamit ang basang tela.
Wala kaming gamot o perang pambili. Maghintay na lang ang kaya naming gawin.
“Nay… Magpakagaling ka.”
Nanatiling nakapikit si Nanay.
Hindi ko alam kung naririnig pa niya ako.
“Kuya…”
Tiningnan ko saglit si Lira.
“Bubuti pa ba ang kalagayan ni Nanay?”
Natigilan ako.
Napakagat ako sa loob ng pisngi ko bago ko siya hinarap.
“Gagaling siya.”
Pinilit kong ngumiti.
Ngunit kahit ako, hindi ko pinaniwalaan ang sarili kong sinabi.
Yumuko si Lira at umupo sa tabi ng higaan.
Wala na kaming ibang nagawa kundi samahan si Nanay sa katahimikan.
Sa sulok ng aming munting tahanan, patuloy na kumikislap ngunit dahan-dahan ring nanghihina ang apoy ng gasera. Pero pilit pa ring lumalaban sa dilim.
Katulad naming mga alipin ng kaharian. Hindi pa tuluyang namamatay. Ngunit matagal nang hindi tunay na nabubuhay.
CHAPTER 2
Tanghaling tapat.
Patuloy na bumabagsak ang init ng araw sa aming mga likod. Bawat hampas ng asarol sa lupa ay parang unti-unting kumakain sa natitira naming lakas.
“Damien.”
Nilingon ko si Andres. Hingal na hingal na siya habang patuloy sa pagbubungkal.
“Bilis-bilisan mo. Baka abutan tayo ng gabi.”
Bumuntong-hininga ako at muling ibinaon ang asarol sa lupa.
Tahimik na lang siyang nagpatuloy sa trabaho.
Sa gilid ng paningin ko, nakita ko si Pietro.
Isa siyang batang alipin. Marahil siyam o sampung taong gulang pa lang.
Bigla siyang napaupo sa lupa. Halos mawalan na siya ng malay. Agad siyang nilapitan ng kanyang ina at inalalayan patayo. Sandali lang siyang nagpahinga bago muling bumalik sa linya.
Kumuyom ang kamao ko.
Bata pa lang siya. Ngunit matagal nang ninakaw sa kanya ang pagkabata.
Yumuko si Pietro at muling sinubukang ibaon ang maliit niyang asarol.
Halos hindi na niya ito maitaas.
Napansin iyon ng isang bantay. Lumapit ito. Akala ko tutulungan siya. Sa halip, sinipa niya ang batang alipin sa tagiliran. Sumubsob si Pietro sa lupa.
“Mas mabagal ka pa sa patay,” malamig niyang sabi.
Nanginginig na tumayo ang bata. Halos maluha-luha.
Walang sinuman ang nagsalita ni lumapit. Alam naming kami ang susunod kapag nakialam.
Biglang umugong ang lupa. Sa una, inakala kong kulog. Ngunit mali. Kasunod nito ang maindayog na dagundong ng mga kabayo.
Dumaan ang hangin. Kasabay nitong umangat ang manipis na alikabok mula sa tuyong bukirin.
Isa-isang tumigil ang mga asarol. Kahit ang mga ibong kanina’y umiikot sa ibabaw ng bukid ay nagliparan palayo.
Ramdam ko na. May masamang mangyayari.
Sabay-sabay kaming napatingin sa dulo ng kapatagan.
Unti-unting lumitaw ang hanay ng mga kabalyero ng Aurelius.
Kumikinang ang kanilang mga baluti sa ilalim ng araw.
Habang papalapit sila, mas lalong lumalakas ang halinghing ng kanilang mga kabayo. Bawat yabag ay para bang dumadagundong hanggang sa dibdib ko.
Kasunod nila ang watawat ng kaharian na may kulay na pula at ginto. Simbolo ng kapangyarihang matagal nang dumudurog sa amin.
“ITIGIL ANG GAWAIN!”
Umalingawngaw ang sigaw ng Heneral.
Kasabay niyon ang pagbagsak ng mga asarol.
Natahimik ang buong bukirin.
Lumingon ako kay Tamara. Namumutla ang mukha niya.
“Damien…” Mahina niyang tawag. “Bakit kaya sila nandito?”
Umiling ako.
“Hindi ko alam.”
Ngunit may mabigat nang kutob ang dibdib ko.
Bumaba ang Heneral mula sa kanyang kabayo.
Marahan siyang naglakad sa gitna ng bukirin.
Isa-isa niya kaming tiningnan.
Huminto siya sa isang matipunong lalaki. Pinisil niya ang braso nito. Tiningnan ang mga balikat. Pagkatapos ay tumango.
Lumipat siya sa susunod.
Para siyang namimili ng kabayong bibilhin. Hindi ng mga taong may pamilya at may pangalan.
“May bagong utos mula sa palasyo,” deklara niya.
Sabay-sabay kaming napalunok.
“Kailangan ng dagdag na mga trabahante sa minahan.”
Huminto ang paghinga ko.
Ang minahan.
Walang aliping gustong madala roon. Karamihan sa mga ipinapadala roon ay hindi na nakakabalik.
“Lahat ng malalakas at nasa hustong gulang.”
Saglit siyang tumigil.
“Dadalhin kaagad.”
Biglang nabasag ang katahimikan.
May mga babaeng biglang umiyak. May mga batang kumapit sa kanilang mga ama. May isang lalaki ring lumuhod sa harap ng Heneral.
“Mahal na ginoo… maawa po kayo. May pamilya akong umaasa sa akin.”
Isang malakas na sampal ang isinagot sa kanya.
Bumagsak siya sa lupa.
Wala nang sumunod na nagmakaawa.
Humigpit ang hawak ko sa asarol.
Pumasok agad sa isip ko si Lira. Pati si Nanay. Kung kukunin nila ako… Sino ang maiiwan sa kanila?
Narinig kong nanginginig ang boses ni Tandang Berto.
“Wala na…”
“Patay na tayo.”
Hindi ko magawang magsalita.
Unti-unting lumalamig ang buong katawan ko.
Naalala ko si Tatay Ragnar. Sa minahan din siya namatay.
Sabi nila, gumuho raw ang lagusan. Natabunan silang lahat. Naalala ko pa ang araw na ibinalik ang mga bangkay. Halos hindi ko na siya nakilala. Durog ang katawan niya. Puno ng dugo at putik ang mukha.
Kung hindi dahil sa suot niyang damit, hindi ko malalamang siya iyon.
Ngayon… Parang ako naman ang susunod.
“Damien, natatakot ako.”
Nilingon ko si Rufus. Namumuti ang mukha niya.
Hindi ako nakasagot.
Isa-isang lumapit ang mga sundalo.
Huminto ang unang sundalo sa harap ng isang binata. Sandali niya itong tinitigan. Pagkatapos ay umiling.
Lumipat siya sa katabi. Muli siyang huminto. Hindi rin.
Papalapit nang papalapit ang hanay ng mga sundalo.
Bawat hakbang nila, unti-unting kumakain sa natitira kong pag-asa.
Hinila nila ang mga napiling lalaki palabas ng hanay.
May mga nagtangkang pumalag. Mabilis silang pinabagsak.
May mga umiiyak at nanlalaban. May mga tuluyan na lang rin nawalan ng lakas.
Unti-unti silang tinali.
Isa-isa.
Palapit nang palapit sa akin ang mga sundalo.
Nanlamig ang mga kamay ko. Hirap akong huminga.
Huminto sa harap ko ang isang sundalo.
“Ikaw.”
Tinuro niya ako.
Nablangko ang utak ko. Lumingon pa ako sa likod ko. Baka may iba siyang tinutukoy. Ngunit walang ibang nakatayo roon.
“Sumama ka.”
Hindi ako gumalaw.
Alam kong wala akong mapupuntahan. Wala ring saysay ang pagtakas. Bago pa man ako makarating sa hangganan ng bukirin, mauunahan na ako ng sibat.
Lumapit siya. Hinawakan ang braso ko. At marahas akong itinulak.
Bumagsak ako sa lupa.
Bago pa ako makabangon, naramdaman ko na ang lubid na mahigpit na pumupulupot sa aking mga pulso.
Habang itinutulak nila ako patungo sa karwaheng puno ng mga bihag, nagsunod-sunod ang mga mukha sa isip ko.
Si Lira, si Nanay at si Tatay. Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako. Ngunit isang bagay ang sigurado.
Kapag umalis ako ngayon… Maaaring ito na ang huling beses na makita ko ang pamilya ko.
Habang unti-unting umaandar ang karwahe, isa lang ang paulit-ulit na tanong sa isip ko.
Makakauwi pa kaya ako?
CHAPTER 3
Maalikabok ang daan patungo sa minahan. Tirik pa rin ang araw. Bawat ikot ng gulong ng karwahe ay parang pako na paulit-ulit na tumutusok sa tenga ko.
Nakakabingi ang kalansing ng mga bakal. Sinasabayan ito ng malalakas na halinghing ng mga kabayong humihila sa mga karwaheng kinargahan ng mga dinakip na alipin. Ngunit ang pinakamasakit pakinggan ay ang iyak ng mga kasamahan kong wala nang ibang magawa kundi yumuko sa sandali na ito.
Siksikan kami rito. Halos magkadikit ang mga balikat namin, ngunit walang ni isa ang nagtatangkang magsalita.
Ramdam ko ang bigat ng lubid sa kamay ko. Gasgas na ang balat ko. Nangingitim na, kahit di naman ako nagpupumiglas para lumaban.
Paminsan-minsan, may humihigpit na hatak sa lubid sa tuwing may gagalaw sa amin. Para kaming magkakadugtong na mga hayop na isang maling hakbang lang ng isa ay ramdam ng lahat.
Kahit may umiiyak, wala nang humihingi ng awa.
Sa bawat kalansing ng kadena, lalo lang bumibigat ang katahimikan sa loob ng karwahe.
Habang gumugulong ang karwahe, lumayo ang taniman ng kamote ng Adarmus. Yun ang lupang kinasusuklaman ko, pero doon ako nabuo.
Pagdaan namin sa mga bayan kung saan nananahanan ang mga malayang nasasakupan ng kaharian, may mga batang natulala, at mga matang sumilip mula sa bintana.
May narinig akong bulong mula sa isang babae sa gilid ng daan.
“Mga kriminal ba sila na pupugutan ng ulo sa bulwagan ng palasyo?”
Parang hinataw ng bato ang dibdib ko. Hindi man ganun ang sagot, pero iisa lang ang dulo nito. Kamatayan.
Ang kasamahan kong si Tandang Berto, napahikbi rin. May anak siyang iniwan. Narinig ko pa ang pabulong niyang dasal.
“Mahal na Zeus ng Olympus… makabalik pa ako.”
“Bahala na,” bulong ko sa sarili ko, “kung mamamatay ako, hindi ako mag-isa dahil kasama ko ang mga taong ito. Sabay-sabay kaming dadaan sa ilog ni Styx at sabay rin kaming sasalubungin ni Hades.”
Sa bawat yugyog ng gulong, bumabalik-balik pa rin sa isip ko ang imahe ni Tatay Ragnar.
Dumating ang katawan niya na duguan, halos hindi na makilala. Tinakpan ng banig, sinilaban sa gitna ng nagluluksang mamayan, gaya ng ritwal naming mga alipin. Amoy sunog na laman ang humalo sa hangin noon.
Hanggang ngayon, nasa alaala ko ang apoy na kumakain sa bangkay niya.
Naramdaman kong bumagal ang pag-ikot ng gulong. Pumailalim sa amin ang anino ng mataas na puno. Sa harap, bumungad ang nagkrus na daan. Sa kaliwa, papunta sa malayong kabundokan. Doon nakaturo ang mga ulap ng alikabok. Siguro naroon ang minahan.
Sa kanan naman, papunta sa lungsod, kung saan nakatirik ang mga tore ng palasyo. Kahit malayo, kumikinang ang tuktok sa ilalim ng araw. Hindi para sa amin. Para iyon sa mga taong ni minsan ay hindi nakaranas maghukay sa ilalim ng tirik na araw.
Bumaba sa sinasakyang kabayo ang Heneral sa unahan.
Bumagal ang takbo ng mga karwahe, pero hindi agad huminto, parang may hinihintay.
Nagkatinginan kaming mga alipin. Tanging ang paghinga namin ang maririnig. Pagkatapos…
Umalingawngaw ang tunog ng isang kampana nang tatlong beses. Huminto ang buong hanay ng mga karwahe.
Kumabog ang dibdib ko.
“Pilian niyo na sila,” utos ng Heneral.
Nagsimulang bumaba ang ilang sundalo.
Isa-isa nilang binuksan ang mga karwahe saka hinila panaog ang mga malulusog na alipin.
Ang mga tao, halos himatayin sa takot. Yung iba, nagsisigaw at nagmamakaawa, ngunit walang nakikinig.
Tapos, tumuro ang Heneral sa kanan.
“Ilipat sila sa karwahe na patungo sa palasyo.”
Bumukas ang pinto ng karwahe sa unahan namin. May isang binatang halos kasing-edad ko ang pilit na kumakapit sa gilid.
Isang suntok lang ng sundalo ang sumalubong sa kanya.
Bumagsak siya sa lupa. Hinila siya papunta sa kaliwa. Hindi na namin siya nakita.
Sumunod ang isa pa. Pagkatapos ay isa pa. Hanggang sa hindi ko na mabilang.
Bawat pagbukas ng pinto ng karwahe, parang may pangalan na binubura sa mundo.
Tahimik lang kaming naghihintay kung sino ang susunod.
Biglang bumukas ang aming karwahe. Pinutol ang tali sa likod ko. Nahila ang braso ko. Sumubsob ako palabas. Kumiskis ang tuhod ko sa lupa.
Nang iangat ko ang ulo ko hinila ako sa kanan. Nagpumiglas ako, pero isang madiing tulak lang sa likod ang sumagot.
Paglingon ko, unti-unti nang nagsasara ang pinto ng karwaheng sinasakyan ng mga kasamahan ko.
Wala akong pagkakataon para unawain ang mga pangyayari, pero nilakad ako sa panibagong karwahe, palayo sa mga kasamahan ko.
Ako?
Natigilan ako.
Hindi sa minahan?
Nilingon ko ang kaliwa. Doon dinadala ang mga umiiyak pati ang mga kaibigan kong halos kasing-itim na ng lupa sa kakabilad sa gitna ng araw.
Si Ka Berto, na kahit matanda na, ay siya pa ring unang bumabangon tuwing madaling-araw.
Si Andres, na laging nagbibiro ng “balang araw, yayaman din tayo,” kahit pareho naming alam na kailan man hinding hindi mangyari ang bagay na iyon.
At si Rufus… hindi palakibo, ngunit siya ang laging nag-aabot ng tubig sa tuwing nahihilo ako sa init.
Ngayon, lahat sila nilalakad papunta sa minahan.
Doon sana ako mapupunta kasama nila. Doon rin sana ako madudurog, tulad ng tatay kong si Ragnar, na tinabunan ng bundok ng putik habang naghuhukay para sa mga dugong bughaw.
Nagtama ang mga mata namin ni Andres.
“Damien!” Huling sigaw niya habang nilamon ng kalansing ng mga bakal ang kaniyang boses.
Isang malakas na tulak ng sundalo ang nagpabaling sa kanya.
Natabunan siya ng ulap ng alikabok.
At sa isang iglap…
Wala na siya.
Hindi ko man lang nagawang magpaalam.
Saka lang naging klaro sa utak ko ang nangyayari, pero huli na. Tulad nila, wala rin akong magawa kundi lunukin ang mga luhang pilit na kumakawala sa aking mga mata.
Samantalang ang mga kasama ko’y dinadala sa kabundukan, ako naman, isinakay sa mas marangyang karwahe.
Sa likuran ko, may iilan pang alipin na tahimik na umiiyak.
Habang umaandar ang karwahe, lumalala pa ang kaba ko.
Ang mga puno sa gilid ng daan, unti-unting napalitan ng malalawak na bukirin.
Napansin ko rin na unti-unting nawawala ang alikabok sa hangin. Napalitan ito ng malinis na kalsadang bato. Wala na ring putik at amoy ng bukid. Para bang bawat bakas ng mga alipin ay hindi dapat umabot sa lugar na iyon.
Alam ko, papalapit kami sa isang bagay na matagal ko nang kinamumuhian… ang palasyo ng Aurelius.
Hanggang sa…
Sa dulo ng kalsada, tuluyang lumitaw ang palasyo. Kumikislap sa ilalim ng araw. Nakatayo ito sa tuktok ng burol, napapalibutan ng mga marmol na tore at hagdan na walang katapusan. Sa haba ng hagdan, para bang sinusukat muna nito kung gaano ka kababa bago ka payagang makapasok.
Dambuhala ang mga haliging walang bitak. Pati ang mga estatwang nakapila sa gilid ng hagdan. Marahil ’yon ang mga diyos, o bayani ng kaharian na may mga mukhang nakangiti… pero mali ang ngiti.
Habang dumaraan kami, tila nakatingin sa amin ang bawat estatwa.
Hindi sila gumagalaw. Pero habang tumatagal, pakiramdam ko’y kami ang hinuhusgahan nila.
Mga alipin at mga nilalang na hindi dapat narito.
Ang daan papunta roon ay napakahaba, para bang bawat hakbang ay paalala kung gaano kalayo ang isang alipin sa kalayaan. Habang lumalapit kami, kumikintab ang mga tore, ngunit sa pagitan ng mga anino, animoy may mga matang nakasilip.
Siguro para sa iba, ang ganda. Para sa akin? Nakakatakot. Kung may impiyerno sa lupa, siguradong may marmol na sahig at may mga bantay na naka-tanso.
At habang papalapit kami, unti-unti rin ang pagliit ng mundo ko.
Noon, akala ko ang pinakamalupit na kamatayan ay ang mabaon sa minahan.
Ngayon, hindi na ako sigurado.
Ano’ng mas masahol? Mamatay sa minahan… o mabuhay na nakaluhod?
CHAPTER 4
Kinaladkad kami pababa ng karwahe.
Paglapat ng mga paa ko sa lupa, agad akong napangiwi. Pakiramdam ko, madudurog na ang mga braso ko sa higpit ng pagkakahawak ng mga sundalo. Wala man lang paliwanag. Isang tulak, isang hila, at sunod ka na lang.
Pag-angat ko ng tingin, tumambad sa harapan ko ang palasyo.
Matayog ang mga pader nito. Para bang hindi lang ito itinayo para protektahan ang kaharian, kundi para ipaalala sa mga katulad kong alipin kung gaano kami kaliit.
Makintab ang bakal na tarangkahan. May mga gintong ukit na kumikislap kahit papalubog na ang araw. Sa itaas, nakatayo ang malalaking rebulto ng mga leon na yari sa marmol. Nakatanaw, parang mga bantay na matagal nang nakasanayang panoorin ang pagpasok at paglabas ng mga taong hindi pantay ang halaga.
Ang mundong kinalakihan ko ay lupa, putik, at kamote. Hindi ganito.
Pinadaan kami sa makipot na daanan sa gilid ng palasyo.
Malayo iyon sa pangunahing pasukan na para sa mga maharlika at panauhing galing sa ibang kaharian.
Kahit sa gilid lang kami dumaan, kumikinang pa rin ang sahig na marmol. Napakalinis nito na halos matakot akong apakan. Ang matataas na haligi ay pinaghalong puti at ginto, at bawat isa’y inukitan ng maseselang disenyo na hindi ko man lang maintindihan.
Tumingala ako sa malalawak na bintana.
Mula roon, kita ko ang malalaking aranyang kristal na nakasabit sa kisame. Kumikislap ang mga iyon sa liwanag ng papalubog na araw.
Hindi ko namalayang bumagal na pala ang paglalakad ko.
“Tumigil ka.”
Napapitlag ako.
Huminto sa harap ko ang isang sundalo. Nakasimangot siya habang nakatingin sa akin.
“Huwag kang tititig kung saan-saan.”
Mabilis kong ibinaba ang tingin. Awtomatiko nang yumuko ang ulo ko. Matagal nang natutunan ng katawan ko na mas ligtas ang yumuko kaysa sumagot.
Nagpatuloy kaming maglakad. Wala nang umiiyak. Wala na ring nagsasalita. Parang naubos na ang lakas naming lahat.
Dito, hindi kailangang sumigaw ng kapangyarihan. Makikita mo iyon sa bawat pader, sa bawat ilaw, at sa bawat hakbang ng mga sundalong naglalakad sa marmol.
Naamoy ko ang hangin sa loob. May halimuyak ng insenso at bagong lutong pagkain.
Matapos ang mahabang paglalakad paliko at pasikot-sikot, bigla akong itinulak ng isang sundalo.
Napahakbang ako pasulong sa isang nakabukas na pinto. Muntik pa akong madapa.
Pag-angat ko ng ulo, wala na ang mga kasamahan ko. Nahiwalay na pala ako sa kanila.
Lumingon ako sa paligid.
Nasa kusina ako ng palasyo. Ngunit hindi ito kusinang nakasanayan ko. Mas malaki pa ito kaysa sa buong bahay ng Duke ng Adarmus.
May mga taong abala sa bawat sulok. May nagtatadtad rin ng karne. Sa kabila naman, may naghahalo ng sabaw sa malalaking kaldero.
Ang mga kalalakihang alipin nagbubuhat ng mga sako. Ang mga babae naman, naghahanda ng mga pinggan.
Maingay at magulo dito. Ngunit bawat isa ay parang alam ang kani-kanilang gagawin.
“Hoy!”
Nilingon ko.
Isang matabang lalaki ang nakatingin sa akin. Puti ang suot niyang damit at halatang siya ang namamahala sa kusina.
“Ikaw ang bagong alipin?”
“Opo.”
“Magsalok ka ng tubig.”
Tinuro niya ang pintuan sa likuran.
“Bilisan mo. Marami pang kailangang ihanda.”
“Opo.”
Hindi na ako nagtanong.
Sumunod ako sa ilang aliping may pasan na mga banga. Lumabas kami sa likod ng kusina.
Mas malamig ang hangin doon. Sa unang pagkakataon sa buong araw, nakahinga ako nang malalim.
May makitid na daanang bato na papunta sa isang lumang balon. Hanggang sa huminto kami sa harap nito.
Kumuha ako ng isang malaking banga at isinabit ang timba sa lubid.
Unti-unti itong bumaba hanggang marinig ko ang mahinang lagapak ng tubig.
Hinila ko ang lubid.
Humigpit agad ang mga kalamnan sa braso ko. Napakabigat.
Paulit-ulit akong sumalok ng tubig hanggang sa mapuno ang banga.
Pag-angat ko sa banga, nanginginig na ang mga kamay ko. Ramdam ko ang pagod hanggang sa mga buto ko. Hindi lang dahil sa araw na iyon. Kundi dahil sa buhay na matagal nang hindi ako pinapayagang magpahinga.
Sa tabi ko, may isang alipin na halos hindi man lang nahihirapang magsalok ng tubig. Diretso ang tindig niya. Sanay na sanay ang bawat galaw. Halatang matagal na siyang nagtatrabaho rito.
Huminga ako nang malalim bago muling buhatin ang banga.
“Araw-araw ba… ganito karami ang hinihakot?” tanong ko sa pagitan ng hingal.
Patuloy lang siya.
“Mas marami ngayon,” sagot niya pagkaraan ng ilang sandali. “May salu-salo sa bulwagan mamaya.”
Huminto ako.
“Salu-salo?”
Tumango siya.
“Hapunan ng mga maharlika.”
Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa banga.
“Ano’ng pangalan mo?” tanong ko.
Ngayon lang siya tumingin sa akin. Bakas ng pagod ang mga mata.
“Brandon.”
“Damien.”
Bahagya siyang tumango.
Pagkatapos noon, pareho na kaming nanahimik.
Tanging lagaslas ng tubig at paglangitngit ng lubid ang maririnig sa pagitan namin.
“Masasanay ka rin.”
Mahina niyang sabi.
Bumaba ang tingin ko sa balon.
Ayoko.
Ayokong dumating ang araw na masanay ako sa buhay na ito.
Lumipas ang buong hapon sa paulit-ulit na pagbubuhat ng tubig.
Nagsimulang mapuno ng hiyawan at halakhakan ang loob ng palasyo. Dito sa kusina, patuloy ang paghihirap.
Magkaibang mundo ang naghihiwalay sa amin. Iisang bubong. Ngunit magkaibang buhay.
Nang matapos ang huling banga ng tubig, halos hindi ko na maigalaw ang mga balikat ko. Ngunit wala pa ring nagsabing puwede na kaming magpahinga.
Nagpatuloy lang ang trabaho.
Hanggang sa tuluyan nang matapos ang piging sa bulwagan.
Lumalim ang gabi. Unti-unti ring humupa ang ingay sa kusina.
Isa-isang ibinaba ng mga kusinero ang mga kagamitan. Ang iba nama’y nagsimula nang magligpit ng mga pinggan at kaldero na ginamit sa piging.
“Halika.”
Lumingon ako.
Si Brandon iyon.
Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa isang mahabang mesa sa pinakadulo ng kusina. May ilang alipin nang nakaupo roon. Tahimik silang naghihintay.
Makalipas ang ilang sandali, may mga utusang naglapag ng malalaking bandehado sa gitna ng mesa.
Napahinto ako.
May karne at tinapay. Hindi ito kasing ayos ng pagkaing inihain sa mga maharlika. Halatang tira na lang. Ngunit para sa aming mga alipin… Isa na iyong pambihirang handaan.
“Umupo ka.”
Mahina ang boses ni Brandon.
Hindi na ako nag-atubili.
Nang may magsimulang kumain, saka pa lang gumalaw ang lahat.
Dahan-dahan kong kinuha ang maliit na piraso ng karne. Sandali ko muna itong tinitigan. Marahan ko itong isinubo. Pagdampi pa lang sa dila ko, napapikit ako.
Malambot iyon at mainit-init pa. May alat at taba. May lasa. Ibang-iba sa kamoteng ilang taon kong kinain araw-araw.
Hindi ko namalayang humigpit ang hawak ko sa tinapay.
Sa isang iglap, naalala ko si Lira. Naalala ko si Nanay. Tiyak wala silang kinakain ngayon. Kung narito lang sana sila…
Yumuko ako. Pinilit kong lunukin ang pagkain.
Habang kami’y kumakain, wala ni isa ang nagsasalita. May ilan na mabilis ang nguya, tila natatakot na maagawan. May iba namang mabagal, pinipilit pahabain ang bawat subo.
Inubos ko rin ang lahat ng nasa harapan ko.
Madaling-araw na nang tuluyang tumahimik ang palasyo. Nang matapos ang pagliligpit, muli akong nilapitan ni Brandon.
“Tayo na.”
Walang kibo akong naglakad sa likuran niya.
Tinahak namin ang makitid na pasilyo hanggang makarating sa isang mahabang silid.
Pagbukas ng pinto, bumungad sa akin ang tulugan ng mga alipin. Magkakatabing mga papag. Halos wala nang pagitan.
Sa bawat sulok, may nakasinding sulo na nagbibigay lang ng sapat na liwanag upang makita ang paligid.
“Wala nang bakante maliban diyan.”
Tinuro ni Brandon ang isang papag sa bandang gitna.
Tumango ako.
Pagkaupo ko pa lang, parang gumuho ang buong katawan ko.
Habang pinipilit kong humiga, may narinig akong mahihinang bulungan sa kabilang dulo ng silid.
“Narinig mo ba?”
Mahina ang boses ng isang alipin.
“May nahuling espiya.”
Napalingon ako.
Mahina lang silang nag-uusap, ngunit sapat ang lakas ng boses nila upang marinig ng buong silid.
“Sabi nila, nagpanggap daw na utusan.”
“Balak raw lasunin ang hari.”
Humigpit ang hawak ko sa manipis na kumot. Hindi ko namalayang nakikinig na pala ako.
“Ano’ng nangyari?”
Mahinang tanong ng isa pa.
Sandaling katahimikan. Pagkatapos…
“Pinugutan siya ng ulo.”
Lalong bumigat ang hangin sa silid.
“Walang paglilitis?”
Tanong ng isa.
Umiling ang matandang alipin sa dulo.
“Si Haring Leondre mismo ang nag-utos.”
Walang nagsalita pagkatapos noon. Sabay-sabay kaming nawalan ng hininga.
Tumingin ako sa kisameng gawa sa kahoy.
Hindi ko alam kung nasaan na ang mga kasamahan kong dinala rin mula sa bukirin o kung buhay pa ba sila.
Pumikit ako.
Pumasok agad sa isip ko ang mukha ni Lira. Sana ligtas sila at kayanin nila ang mga susunod na araw kahit wala ako.
Unti-unting nilamon ng katahimikan ang buong silid. Isa-isang bumagal ang paghinga ng mga alipin. Ngunit ako… Nanatiling gising.
Sa unang gabi ko sa palasyo, isang katotohanan lang ang tuluyan kong naunawaan.
Hindi ang minahan ang pinakamapanganib na lugar sa kahariang ito.
Ang mismong palasyo.
Dahil dito…
Maaaring isang maling salita. Isang maling tingin. O isang maling hinala lang… Ang maging dahilan ng iyong kamatayan.
CHAPTER 5
Paulit-ulit na lang ang bawat araw ko sa palasyong ito. Gigising bago sumikat ang araw. Susunod sa bawat utos. Matutulog nang halos hindi na maramdaman ang sariling katawan.
Hindi ko alam kung matatawag pa ba itong buhay. Humihinga lang ako dahil wala naman akong pagpipilian.
Habang nagwawalis ako ng sahig sa mahabang pasilyo, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko sina Lira at Nanay. Nakakakain kaya sila o kung lumalala pa ba lalo ang sakit ni Nanay.
Sa kahariang ito, may manggagamot para sa mga maharlika at maging sa kanilang mga kabayo. Pero para sa mga tulad namin… Dasal lang ang natitira.
“Bilis!”
Napapitlag ako sa sigaw.
“Opo.”
Mabilis kong isinantabi ang walis.
Isang malaking bandehado ang isiniksik sa mga kamay ko.
“Dalhin n’yo ’yan sa ibaba.”
Tahimik akong sumunod.
Kasabay ko si Brandon at ilang alipin na matagal nang nagtatrabaho sa palasyo.
Walang nagsasalita habang naglalakad kami.
Habang pababa kami sa makipot na hagdan, unti-unting nagbago ang hangin. Naging mas mainit at mabigat ito. May amoy rin na agad kumapit sa ilong ko.
Dugo.
Bakal.
Lumang kahalumigmigan.
Sa bawat hakbang pababa, lalo ring nawawala ang liwanag.
Ang mga sulo sa dingding, sapat lang para makita ang daan, ngunit hindi sapat para mawala ang pakiramdam na may kung anong nag-aabang sa dilim.
“Ano’ng lugar ’to?” mahina kong tanong kay Brandon.
Hindi siya tumingin sa akin.
“Ito ang kulungan ng mga Coronal.”
“Coronal?”
“Hango sa salitang korona.”
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
“Mga heneral sila ng mga kahariang sinakop ng Aurelius.”
Kumunot ang noo ko.
“Akala ko… pinapatay sila.”
“Hindi.”
Humarap siya saglit sa akin.
Mas mahalaga silang buhay.“
“Bakit?” tanong ko.
Muli siyang naglakad.
“Tropeyo sila. Pag-aari ng hari.”
“Pag-aari?”
“Kapag may kapistahan, inilalaban sila sa isa’t isa sa arena.”
Hindi agad pumasok sa isip ko ang sinabi niya.
“Parang… mga manok panabong?”
Tumango siya.
“Walang pinagkaiba.”
Bigla akong natahimik.
Habang bumababa pa kami, nagsimula ko nang marinig ang mahinang kalansing ng mga kadena. Kasunod noon ang mga ungol na hindi ko malaman kung dahil sa sugat, pagod, o kawalan na ng pag-asang makalaya.
Nasilip ko ang unang selda. May isang lalaking nakaupo sa dilim. Nakayuko siya at nakakadena. Hindi ko man makita nang malinaw ang mukha niya, sapat na ang tindig niya para maramdaman kong isa siyang mandirigma noon.
Lalong sumikip ang pasilyo habang papalalim kami. Basa ang mga pader na bato. May mga bahid ng kalawang sa rehas. At sa bawat selda na madaanan namin, mas lalo kong nararamdaman na hindi ito kulungan. Isa itong lugar kung saan dahan-dahang binabasag ang isang tao.
“Pinapakain sila.”
Napalingon ako kay Brandon.
“Pinapalakas,” dagdag niya.
“Para saan?”
“Para maging kapa-kapanabik ang pagpatay sa kanila sa arena.”
Nanuyo ang lalamunan ko.
Kung ganito ang ginagawa nila sa mga heneral ng mga natalong kaharian… Ano pa kaya ang kaya nilang gawin sa isang aliping katulad ko?
Huminto si Brandon sa isang selda sa kaliwa.
Tinuro niya ang pinakadulong selda sa pasilyo.
“Dalhin mo ang pagkain doon.”
Sa kabilang selda naman, may isang aliping nag-abot ng pagkain sa loob ng rehas. Hindi pa man niya nabibitawan ang bandehado, biglang may isang kamay na sumunggab dito.
Tumapon ang sabaw.
Umatras ang alipin.
Lumapit ang bantay at walang sabi-sabing hinataw siya sa likod gamit ang hawak nitong latigo.
Lumuhod ang lalaki sa sakit.
Nagpatuloy lang ang lahat na para bang karaniwan na ang ganoong tagpo.
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa bandehado.
Huminga ako nang malalim.
Pagkatapos, dahan-dahan akong lumakad patungo sa pinakahuling selda.
Pagpasok ko pa lang, agad akong sinalubong ng malamig na katahimikan. Inabot ng ilang sandal bago masanay ang mata ko sa dilim.
Sa una, anino lang ang nakita ko sa dulo ng selda. Pagkatapos, narinig ko ang mahinang kalansing ng bakal. Dahan-dahang luminaw ang anyo ng isang tao mula sa anino.
Doon ko siya nakita.
Nakatayo siya sa may pader ng selda.
Mabigat ang kadena sa kanang paa niya, ngunit hindi iyon ang unang napansin ko.
Ang tindig niya.
Hubad ang pang-itaas ng katawan niya. Halos matakpan ng mga peklat ang balat niya, at sa kaliwang dibdib ay may sariwang sugat na hindi pa tuluyang natutuyo ang dugo.
Bawat marka sa katawan niya ay parang bakas ng mga laban na nalampasan niya.
Nang iangat niya ang kaniyang ulo, nagtagpo ang mga mata namin.
Sapat ang titig niyang iyon para maramdaman kong para bang binabasa niya ang buong pagkatao ko.
Bigla akong natauhan. Mabilis kong inilapag ang bandehado sa sahig. Bago pa ako makaatras, may narinig akong sigaw mula sa labas.
“Hoy, alipin!”
Agad akong lumingon.
May isang sundalong nakatayo sa may pinto ng selda. Sinipa niya papasok ang isang batya ng tubig at isang lumang tela.
“Linisin mo ang sugat niya.”
“O-opo.”
Hindi na ako nagtanong.
Kinuha ko ang batya at lumapit sa Coronal.
Habang papalapit ako, lalo kong napapansin ang mga sugat sa katawan niya. May bago at luma. May ilan rin na tila hindi man lang naghilom nang maayos.
Isinawsaw ko ang tela sa tubig. Nanginginig ang mga kamay ko. Napansin iyon ng bantay.
“Anong problema mo?” malamig nitong tanong.
Mabilis akong umiling.
“Wala po.”
“Kung hindi mo kayang gawin ang trabaho mo, ikaw ang papalit sa kanya sa loob.”
Nanigas ako dahil sa babala na iyon. Alam kong isang pagkakamali lang ang kailangan para ako ang susunod na maparusahan.
Marahan kong idinampi ang tela sa dibdib ng Coronal.
Biglang kumalansing ang kadena sa paa niya. Napaatras ako nang isang hakbang.
Akala ko, susugod siya. Ngunit bahagya lang pala niyang inilipat ang bigat ng katawan niya bago muling tumigil.
Huminga siya nang malalim.
Hinayaan lang niya ako na linisin ang sugat niya.
Lalong bumigat ang katahimikan sa pagitan namin. Tanging lagaslas ng tubig at mahinang kalansing ng kadena ang maririnig.
Pagkaraan ng ilang sandali, nagsalita siya.
“Hindi na kailangan.”
Malalim pero kalmado ang boses niya.
“Masasanay ka rin.”
Hindi ko itinaas ang tingin ko.
“Kailangan.” Mahina akong sumagot. “Kapag hindi ko ginawa, ako ang paparusahan.”
Saglit siyang nanatiling nakatingin sa akin. Pagkatapos ay marahan niyang iniunat ang kamay na may kadena para ilapit ang sugatang bahagi ng katawan niya.
Nagpatuloy lang ako sa paglilinis.
Ramdam ko ang init ng balat niya sa bawat dampi ng tela.
Nang matapos kong linisin ang sugat sa dibdib niya, napansin kong bahagyang kumuyom ang panga niya. Pero ni isang daing ay wala akong narinig.
Matagal akong nanahimik bago tuluyang nakapagsalita.
“Hindi ba… masakit?”
Hindi siya agad sumagot. Pagkaraan ng ilang sandali, saka niya ako tiningnan.
“Sanay na.”
Ewan ko kung ang sugat ba ang tinutukoy niya… O ang buhay sa loob ng palasyong ito.
Muli kong isinawsaw ang tela saka pinunasan ang natitirang dugo.
Pagkatapos noon ay dahan-dahan akong umurong ng isang hakbang.
Akala ko, tapos na ang lahat. Pero muli siyang nagsalita.
“Dapat kang matakot sa akin.”
Tumingin ako sa kanya.
“Marami na akong napatay.”
Tinitigan ko siya nang ilang sandali. Pagkatapos ay marahan akong umiling.
“Hindi lahat ng pumatay… masama.”
Hindi nagbago ang ekspresyon niya. Ngunit, tila may kung anong gumalaw sa mga mata niya.
Itinabi ko ang tela.
Sa unang pagkakataon mula nang makarating ako sa palasyo… May nakita akong taong mas nakakadena kaysa sa akin.
Umingit ang pinto ng selda.
Umatras ako.
“Tapos ka na ba?”
Ang bantay.
“Opo.”
Mabilis kong dinampot ang batya at ang basang tela. Ramdam kong nakasunod sa bawat kilos ko ang tingin ng bantay. Paatras akong lumakad hanggang makalabas ng selda.
Akala ko, tuluyan na akong makakaalis.
“Sandali.”
Huminto ako. Hindi ang bantay ang nagsalita.
Nilingon ko ang Coronal. Tahimik pa rin siyang nakaupo sa tabi ng pader. Ngunit ngayon, nakatingin na siya sa akin.
“Ano ang pangalan mo?”
Hindi ko agad alam kung sasagot ba ako.
Sa buong buhay ko bilang alipin, bihira akong tanungin ng pangalan. Karaniwan, sapat na ang isang utos o sigaw.
Napalingon ako sa bantay. Kanina pa siya naiinip.
“Huwag mong patagalin. Baka gusto mong makulong dito kasama siya.”
Mahina akong lumunok.
“Damien.”
Iyon lang.
Hindi na rin siya nagtanong. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin sa loob ng ilang sandali. Pagkatapos ay marahan niyang ibinaba ang tingin.
Hindi ko na nilingon ang selda.
Ilang hakbang pa lang ang nalalayo ko nang marinig kong muling nagsara ang bakal na pinto ng selda. Umalingawngaw ang tunog nito sa buong pasilyo. Parang paalala na walang sinumang inilalagay roon ang kusang nakakalabas. Pero hindi ko na maalis sa isip ko ang lalaking naiwan sa loob.
Paglabas ko sa ilalim ng palasyo, sinalubong ako ng malamig na hangin ng gabi.
Huminga ako nang malalim.
Ngayon ko lang muling naramdaman ang presensya ng langit sa ibabaw ko.
Ngunit hindi nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Sa halip… Mas lalo kong naunawaan kung gaano kalupit ang kahariang ito. Sa ibabaw ng palasyo, nagdiriwang ang mga maharlika. Sa ilalim nito… May mga taong unti-unting kinakalimutang tao rin sila.
Naglakad ako pabalik sa kusina. Ngunit may isang bagay na naiwan sa selda. Ang kapayapaang matagal ko nang hindi naramdaman.
Mula nang dalhin ako sa palasyong ito…
May isang taong tumingin sa akin… Hindi bilang alipin. Kundi bilang isang tao.
CHAPTER 6
Ilang araw na ang lumipas.
Mula umaga hanggang gabi, abala ako sa kusina. Walang tigil ang mga utos, walang katapusang mga hugasin at ihahanda, pero sa gitna ng lahat ng iyon, may isang bagay na ayaw umalis sa isip ko.
Ang Coronal.
Minsan, habang naghihiwa ako ng gulay, natigilan na lang ako sa pagtatrabaho.
“Damien!”
Napapitlag ako.
Muntik nang dumulas ang kutsilyo sa daliri ko.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Brandon habang inilalapag ang isang sako ng gulay.
Tumango ako.
“Naalala ko lang ang pamilya ko sa Adarmus.”
Hindi na siya nagtanong. Mabuti na rin. Dahil kahit ako, wala akong maibigay na paliwanag sa sarili ko.
Sa tuwing may inuutusang maghatid ng pagkain sa bilangguan, kusa akong sumasama. Kahit hindi ako kailangan, lagi akong nakahahanap ng paraan para mapunta roon.
At sa huli, sa pinakadulong selda pa rin ako humihinto.
Isang beses, napansin iyon ni Brandon.
“Anong meron sa selda na iyon? Pansin kong madalas kang pumupunta doon.”
Saglit akong natigilan.
“Nagkataon lang.”
Matagal niya akong tiningnan bago tumango at lumayo. Hindi ko alam kung naniwala siya.
Tinuloy ko ang natitirang gawain sa kusina na parang wala lang ang nangyari. Ngunit habang lumilipas ang oras, mas lalo lang bumibigat ang pagnanais kong bumalik sa piitan.
Pagsapit ng gabi… Tahimik na ang palasyo nang matapos ang trabaho.
Isa-isang namatay ang mga ilaw sa tirahan ng mga alipin habang ang mga nagbabantay naman ay nagpapatuloy sa kanilang ronda.
Sanay na akong kabisaduhin ang pagitan ng kanilang mga hakbang.
Nang akala kong ligtas na ang daan, biglang umalingawngaw ang kalansing ng baluti.
Huminto ako.
May paparating.
Mabilis akong sumiksik sa pagitan ng dalawang haliging bato at pinatay ang ilaw ng dala kong sulo.
Papalapit nang papalapit ang mga yabag.
Isang guwardiya. Mabagal ang lakad nito, parang may hinahanap.
Huminto siya ilang hakbang lang ang layo sa pinagtataguan ko.
Dahan-dahan niyang iniangat ang sulo. Kumislap ang apoy. Gumapang ang liwanag sa haliging pinagtataguan ko.
Halos maaninag ko na ang anino ko sa sahig. Kumabog nang malakas ang dibdib ko.
Huwag…
Huwag ngayon…
Sandali pa, umikot ang guwardiya, parang may narinig sa likuran.
“Palit na tayo ng ronda,” sigaw ng isa pang bantay.
Bumuntong-hininga siya bago tuluyang tumalikod.
Noon lang ako muling nakahinga.
Naghintay muna ako ng ilang sandali bago muling sumilip sa pasilyo.
Nang makatiyak akong wala nang ibang guwardiyang paparating, saka ako dahan-dahang bumaba sa ilalim ng palasyo.
May dala akong maliit na tela at kaunting langis.
Pagdating sa piitan, kumuha ako ng sulo sa dingding bago nagpatuloy sa madilim na pasilyo.
Tanging kalansing ng mga kadena at patak ng tubig ang sumasalubong sa akin.
Huminto ako sa harap ng pinakahuling selda.
Naroon siya.
Nakasandal sa malamig na pader, nakapikit.
Nang marinig niya ang yabag ko, dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata.
Hindi na siya nagtaka.
Lumapit ako at inilapag ang mga dala ko.
Isinawsaw ko ang tela sa langis at marahang idinampi sa sugat sa balikat niya.
Bahagya siyang napangiwi. Mabilis kong inalis ang tela.
“Pasensya na.”
Umiling siya.
“Hindi. Ayos lang.”
Sandali akong natigilan. Pagkatapos, mas naging maingat ang bawat galaw ng kamay ko.
Hindi siya umiwas. Hindi rin siya nagsalita. Hinayaan niya lang ang bawat galaw ko.
“Masakit pa rin ba?”
Mahina ang boses ko.
Ilang sandali siyang hindi sumagot.
“Sanay na ako.”
Huminto ang kamay ko.
“Hindi ka dapat masanay sa sakit.”
Nanatili siyang nakatingin sa pader, saka marahang huminga.
“Bakit mo ginagawa ’to?”
Tumingin ako sa kanya.
“Hindi ko rin alam.”
“Kapag nalaman nilang bumababa ka rito gabi-gabi, mapaparusahan ka. Hindi mo dapat isinusugal ang buhay mo para sa isang bilanggo.”
Marahan kong pinisil ang tela bago muling idinampi sa sugat niya.
“Hindi kita tinitingnan bilang bilanggo.”
Ilang sandali siyang hindi kumibo. Pagkatapos, marahan niyang iniangat ang isang kamay.
Akala ko’y itutulak niya ako palayo. Ngunit huminto iyon sa ere. Para bang may kung anong pumipigil sa kanya.
Nagtagpo ang mga mata namin.
Ako ang naunang umiwas. Tinapos ko ang paglilinis ng sugat niya at inayos ang mga ginamit kong tela.
Akala ko’y matatapos na naman ang gabing iyon nang walang ibang mangyayari.
Ngunit bago ako makatayo, nagsalita siya.
“Matagal na simula nang may lumapit sa akin nang ganito.”
Bahagya akong napalingon.
“Wala namang dahilan para lumapit.”
“Nandito ka.”
Natahimik ako.
Wala akong maisagot.
Pagkatapos noon, tahimik akong umalis ng piitan.
Akala ko, iyon na ang huli. Ngunit kinabukasan, bumalik ako. At nang sumunod na gabi, ganoon din.
Unti-unti, naging bahagi na ng bawat araw ko ang pagpunta sa ilalim ng palasyo. Minsan pagkain ang dala ko. Minsan, sapat nang umupo sa tapat ng selda at samahan siya sa katahimikan.
Hindi namin kailangang punuin ng salita ang bawat gabi.
Isang gabi, habang inilalapag ko ang pagkain, narinig ko siyang tawagin ang pangalan ko.
“Damien.”
Huminto ako.
Iyon ang unang beses na narinig kong banggitin niya iyon.
Lumingon ako.
“Natatandaan mo?”
Bahagya siyang tumango.
“Hindi mahirap tandaan ang taong hindi ako tinrato na parang halimaw.”
Napayuko ako.
Makalipas ang ilang sandali, muli siyang nagsalita.
“Fergus.”
Umangat ang mga mata ko.
“Iyon ang pangalan ko.”
Saglit akong natigilan bago marahang inulit ang pangalan niya.
“Fergus.”
Sa pagkakataong iyon, hindi na lang siya ang Coronal na nakakadena sa ilalim ng palasyo.
Isa na siyang taong may pangalan.
Mula noon, hindi ko na siya basta tinatawag sa isip ko bilang Coronal.
Kapag naririnig niya ang yabag ko sa pasilyo, hindi na siya agad nagsasara ng mga mata.
Habang lumilipas ang mga gabi, unti-unting naging pamilyar ang katahimikan sa pagitan namin.
Isang gabi, habang inaabot ko sa kanya ang mangkok ng tubig, napansin niyang nakatitig ako sa mga kadena sa kanyang mga paa.
“Hindi na makakalagan ang mga ’yan.”
Napatitig ako sa kanya.
“Hindi ko naman sinusubukang kalagan.”
“Kung gano’n, bakit mo tinitingnan?”
Saglit akong nag-isip.
“Iniisip ko lang kung gaano kabigat.”
Ibinalik niya ang tingin sa malamig na bakal.
“Noong una, mabigat.”
Tumigil siya sandali.
“Pero kapag matagal mo nang pasan ang isang bagay… dumarating ang panahong nakakalimutan mong mabigat pala.”
Hindi ko namalayang napahawak ako sa isa sa mga bakal na nakakadena sa kanyang paa.
Nanlamig ang palad ko.
Masyadong mabigat at makapal.
Dahan-dahan kong binitiwan iyon.
“Hindi ba masakit?”
Hindi siya tumingin sa akin.
“Noong una.”
Yumuko ako.
Inilapag ko ang mangkok sa tabi niya.
“Hindi ka kumakain nang maayos.”
“Hindi na mahalaga.”
“Kailangan mo pa ring mabuhay.”
Bahagya siyang napangiti.
“At para saan?”
Wala akong naisagot.
Matagal niya akong tiningnan.
Pagkatapos, kinuha niya ang mangkok at nagsimulang kumain.
Habang tahimik siyang kumakain, napansin kong mas mabagal na ang bawat subo niya. Para bang ayaw niyang matapos ang gabing iyon.
Naubos ang pagkain nang walang isa man sa amin ang muling nagsalita. Ang tanging maririnig ay ang marahang pagtulo ng tubig mula sa kisame ng piitan.
Lumalim nang husto ang gabi. Lumayo ako at naglakad na palayo.
Paglingon ko sa dulo ng pasilyo, hindi ko napigilang silipin siyang muli.
Nakatayo pa rin siya sa loob ng selda. Hindi na siya nakatingin sa mangkok. Nakatingin siya sa akin.
Nang magtagpo ang mga mata namin, siya ang unang umiwas.
“Damien.”
Huminto ako.
“Salamat.”
Nanatili kaming nakatingin sa isa’t isa nang ilang segundo.
Marahan akong tumango bago tuluyang lumabas ng piitan.
Habang paakyat ako mula sa ilalim ng palasyo, unti-unting lumalamig ang simoy ng gabi.
Pagbalik ko sa silid ng mga alipin, napansin kong mas magaan ang mga hakbang ko. Hindi dahil may nagbago sa palasyo o naging madali ang buhay. Dahil, ngayon…
May isang taong naghihintay sa akin.
Kaya kinabukasan, bumalik ako.
CHAPTER 7
Bumalik ako kinabukasan.
Sanay na ako sa dilim ng bilangguan, pero ng gabing iyon, may kung anong mali.
Hindi pa man ako natatapos sa paglinis ng sugat ni Fergus, sumiklab ang liwanag ng isang sulo.
May sundalong nakatayo sa dulo ng pasilyo.
Nakatitig siya sa bukas na rehas. Pagkatapos ay sa akin. At kay Fergus.
Saglit na dumaan ang tingin niya sa mangkok ng tubig at sa telang puno ng dugo sa tabi ng rehas.
Nagsalubong ang mga kilay niya.
Nagbago ang tingin niya.
“ALIPIN!”
Sumugod siya sa selda. Sinipa niya ang pinto. Umalingawngaw ang bakal sa buong pasilyo.
Nanigas ang buong katawan ko.
“Ano’ng ginagawa mo rito?”
“P-Patawad po…” nauutal kong sabi. “Nililinis ko lang po ang sugat niya.”
Hindi na siya nakinig.
Sa isang iglap, hinablot niya ang braso ko at marahas akong itinulak.
Sumalpok ang likod ko sa malamig na sahig.
“Alipin kang walang utak!”
Dahan-dahan niyang iniangat ang latigo. Humugot ito ng mahabang sipol sa hangin.
Bago pa ako makabangon…
WHAP!
Pumutok ang latigo sa likod ko.
Humiyaw ako. Nagliyab ang balat ko sa tindi ng sakit.
“Huwag!”
Napalingon ako kay Fergus.
Sumulong siya, ngunit agad siyang hinarang ng sundalo.
Itinutok ng sundalo ang sulo sa mukha niya.
“Isa pang hakbang,” malamig nitong sabi, “at ikaw ang susunod.”
Umusad pa ang sundalo hanggang halos abot-kamay na siya ni Fergus.
Dahan-dahan niyang iniluwag ang espada sa kaluban.
Hindi pa man tuluyang nahuhugot ang talim, humigpit na ang mga kadena sa mga pulsuhan ni Fergus.
Umigting ang mga litid sa mga braso niya.
Mahigpit ang pagkakatitig ni Fergus sa akin.
Hindi ako makapagsalita.
Muli kong narinig ang paghampas ng latigo sa hangin.
Pumikit ako.
Ngunit hindi iyon bumagsak.
Kumalansing ang mga kadena. Napatingin ang sundalo. Doon lang niya napagtanto.
Abot na siya ni Fergus.
Sa isang kisapmata, kumapit ang kamay ni Fergus sa pulsuhan niya.
Kasabay noon ang mababang boses ni Fergus.
“Huwag.”
Babala niya.
Sa mismong sandaling iyon, hinablot ni Fergus ang leeg ng sundalo.
“Fergus!”
Hindi siya tumigil.
Isang iglap.
Umangat ang katawan ng sundalo bago sumalpok sa pader nang may malakas na dagundong.
Bumagsak siyang parang basahang walang buhay.
Napasinghap ang sundalo. Nanlaki ang mga mata niya habang pilit siyang humihinga.
Tumulo ang dugo mula sa bibig niya.
Hindi na siya gumalaw.
May kung anong nagbago sa hangin ng buong bilangguan.
Sandaling nabalot ng katahimikan ang buong selda. Kahit ang apoy ng sulo ay parang nanginginig.
Noon ko lang muling naiangat ang tingin ko kay Fergus.
Mabilis ang paghinga niya. Nanatiling mabangis ang titig, pero nang mapatingin siya sa akin, may ibang emosyon na sumilay rito.
“Fergus…”
“Damien. Umalis ka rito.”
“At ikaw?”
Sandali siyang natahimik. Pagkatapos ay hinawakan niya ang pulsuhan ko.
Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.
“Hindi kita iiwan.”
Bahagya siyang umiling.
“ANO’NG NANGYAYARI DIYAN?!”
Malakas na sigaw mula sa dulo ng pasilyo.
Sunod-sunod na bumukas ang mga pinto ng mga selda.
Isa-isang sumilip ang mga bilanggo mula sa dilim. Tahimik silang nanood.
Kasabay noon ang paparating na yabag ng mga sundalo at ang kalansing ng mga espada.
“Isara ang pasilyo!”
Mabilis na kumilos si Fergus.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
“Makinig ka sa’kin.”
Nanginginig ang boses ko.
“Fergus-”
“Hindi.” Umiling siya. “Makinig ka.”
Palapit nang palapit ang mga yabag ng mga sundalo. Gumagapang na rin sa pader ang liwanag ng mga sulo nila.
“Kapag nagbukas ang pasilyo, tatakbo ka.”
“Hindi.”
Saglit niya akong tinitigan. Bahagya siyang ngumiti. Ipinikit niya ang mga mata. Pagdilat niya… Iisa na lang ang mababasa sa mukha niya.
“Kailangan mong mabuhay, Damien.”
Hindi na siya nagsalita.
Hindi ko alam kung bakit, pero ayaw nang bumitaw ng mga daliri ko sa kamay niya.
Hanggang sa, dumagundong ang bakal na pinto ng selda.
Rumagasa ang mga sundalo sa loob ng bilangguan.
Nakita agad nila ang bangkay ng kasama nila.
“May patay!”
“Sa selda ng Coronal!”
“Ilabas siya!”
Dalawang sundalo ang nag-atubiling lumapit. Walang gustong unang humawak kay Fergus. Hanggang sa itinulak sila ng kapitan.
Sabay-sabay nilang hinila ang mga kadena ni Fergus. Kinaladkad nila siya palabas ng selda. Habang nag-iiwan ng bakas ng dugo sa sahig.
“Pakiusap!”
Susugod sana ako, ngunit isang sundalo ang humarang sa akin. Malakas niya akong itinulak. Bumagsak ako sa bato.
“Manahimik ka!”
“Pakawalan n’yo siya!” daing ko.
Walang nakinig.
Dinala nila si Fergus sa gitna ng pasilyo. Itinali ang magkabilang kamay niya sa dalawang poste. Hinila ang mga kadena hanggang tuluyang umunat ang mga braso niya. Hubad ang likod niyang puno na ng lumang sugat.
Humiwalay ang isang sundalo sa hanay. Mahigpit niyang hinawakan ang latigo.
Walang babala.
WHAP!
Pumutok ang latigo.
Napilas ang dati nang sugatang likod ni Fergus.
Hindi pa man humuhupa ang unang palo, sumunod agad ang isa pa.
Sa loob lamang ng ilang sandali, nagkulay pula ang buong likod niya.
“Huwag!”
Sumigaw ako.
“Tama na!”
Sinubukan kong sumugod. Hinablot ako ng dalawang sundalo. Sa desperasyon, nagpumiglas ako.
“Ako ang parusahan n’yo! Ako ang lumapit sa kanya!”
Sa pagitan ng bawat palo, bahagya niyang ibinaling ang ulo sa direksyon ko.
Sandaling huminto ang tingin niya sa akin.
Wala siyang sinabi, pero malinaw ang nasa tingin niya.
Gusto niyang umalis na ako. Ngunit hindi ko kayang sundin iyon.
Sa isang marahas na pihit, kumawala ako sa pagkakahawak ng mga sundalo at sumugod papunta sa kanya.
“Huwag!”
Hindi pa man ako nakakalapit, isang kamao ang dumiretso sa sikmura ko.
Napatid ang hininga ko. Nagdilim ang paningin ko. Para akong nilamukos mula sa loob bago malakas na bumagsak at namilipit sa sahig.
Pilit akong huminga, ngunit parang tumanggi ang dibdib ko.
May lasa ng dugo sa bibig ko.
Malabo na ang paningin ko.
Sa pagitan ng mga anino, nakita ko pa ring bumabagsak ang latigo sa likod ni Fergus.
WHAP!
Isa pa.
WHAP!
WHAP!
Hindi na mabilang.
Dumadaloy ang dugo sa likod niya, tumutulo sa kaniyang paanan. Pero wala akong narinig ni isang daing.
“Fergus…”
Halos hindi na lumabas ang boses ko.
Muli akong sumubok tumayo.
Agad akong sinipa pabalik sa sahig.
“Tumigil ka na!”
Ang bawat hampas ng latigo ay parang sa akin tumatama.
Sa bawat palo, lalo pang bumibigat ang katawan niya. Nanginginig ang mga tuhod niya, ngunit nananatili pa rin siyang nakatayo.
Biglang tumigil ang paghampas ng latigo.
Walang nag-utos.
Isa-isang umurong ang mga sundalo.
Ang iba’y yumuko.
Ang iba nama’y lumuhod.
Nakakabingi ang biglaang katahimikan.
Wala akong marinig kundi ang marahang pagtulo ng dugo sa sahig.
At saka…
Dumating ang mababagal na yabag.
Bawat hakbang ay sapat para manigas ang buong bilangguan.
Pati ang humahawak ng latigo ay napaatras.
Pinilit kong iangat ang ulo ko.
Unti-unting luminaw ang anyong huminto sa gitna ng pasilyo.
Isang matangkad na lalaki.
Hindi ko maaninag ang mukha niya. Tanging ang maharlikang baluti at pulang balabal lang ang sumalubong sa aking paningin.
Walang nangahas magsalita.
Hanggang sa isang sundalo ang lumuhod at malakas na sumigaw…
“Magbigay-pugay sa mahal na Haring Leondre!”
CHAPTER 8
Nagising ako sa katahimikang hindi para sa akin.
Hindi ito amoy kulungan. Wala ang amoy ng bakal, dugo, at pawis ng takot. Sa halip, sinalubong ako ng halimuyak ng langis at bagong labang tela.
Pagdilat ko, mataas na kisame ang bumungad sa akin. Nakasabit doon ang isang kristal na aranya na kumikislap sa mahinang liwanag.
Marahang gumagalaw ang gintong kurtina.
At ang kama… napakalambot.
Sinubukan kong bumangon.
Agad akong nagsisi. Kumirot ang ulo ko. Humawak ako sa unan habang pinipigilan ang daing.
Luminga-linga ako.
Makinis ang sahig. Malinis ang dingding. Walang bakas ng dahas.
Doon ako kinabahan.
May isang mangkok ng mainit-init pang sabaw sa maliit na mesa. Hindi pa man ito tuluyang lumalamig. Ibig sabihin… May taong kanina lang ay narito.
Napalunok ako. Bigla kong naisip… Habang wala akong malay, may mga matang nakatingin sa akin.
Hindi ko alam kung gaano katagal. O kung ano ang ginawa nila habang wala akong magawa kundi huminga.
Pumikit ako at pilit inalala ang huling nangyari.
Ang latigo, ang dugo, si Fergus na hinihila palayo, at ang presensyang nagpatahimik sa buong kulungan.
Hindi ko maalala ang mukha niya. Pero alam ko na ang hari iyon.
Napatingin ako sa mga kamay ko. Nilinis ang mga sugat. Binalutan pa ng benda.
Dapat… Patay na ako. Kung buhay pa ako…
Walang hari ang nagliligtas ng isang alipin nang walang kapalit.
Bigla akong napahawak sa gilid ng kama.
Si Fergus. Buhay pa kaya siya? O naiwan na ang bangkay niya sa ilalim ng palasyo?
Kumirot ang dibdib ko. Kung may namatay man sa gabing iyon… Kasalanan ko.
Biglang may kumalampag sa pinto. Kasunod noon ang lagitik ng kadena.
Alam nilang gising na ako.
Unti-unting umikot ang pihitan.
Akmang hihiga sana akong muli para magkunwaring tulog, pero bumukas na ang pinto.
Isang matandang babaeng alipin ang pumasok. Nakayuko siya. Hindi man lang makatingin sa akin.
“Ipinapatawag ka ng Kaniyang Kamahalan,” mahina niyang sabi. “Ni Haring Leondre.”
Nagsimulang manginig ang mga daliri ko.
“H-hindi…” mahina kong sabi. “Hindi ako pupunta.”
Nanlaki ang mata ng matanda.
“Ipagpaumanhin ninyo,” pakiusap niya. “Pero kailangan ninyo akong samahan. Walang maaaring sumuway sa utos ng hari.”
Umiling ako.
“Ayoko.”
Bumuntong-hininga siya.
“Natatakot din ako,” bulong niya. “Kapag hindi kita dinala… buhay ko ang kapalit.”
Sandali siyang tumingin sa akin bago tumalikod.
“Kaladkarin siya.”
Hindi man lang sila nag-atubili. Para bang matagal na nilang inaasahang darating ang utos na iyon.
Dalawang sundalo ang agad na lumapit.
“Pakiusap! Huwag!”
Hindi sila nakinig. Hinila nila ako palabas ng kama. Kasabay no’n, naiwan ang tanging sandaling inakala kong ligtas ako.
Nang madaanan namin ang salaming nakasandal sa dingding, aksidente kong nasilayan ang sarili ko.
Halos hindi ko nakilala ang lalaking nakatingin pabalik.
Namumutla at magulo ang buhok. Halos matakpan ng benda ang mga sugat. Para akong bangkay na piniling huwag muna ilibing.
Paglabas ko ng silid, anim na sundalo ang naghihintay. Lahat sila nakahanay.
Para akong isang mabangis na hayop na kailangang itali.
Tahimik kaming naglakad sa mahabang pasilyo.
Bawat yabag ng bota sa marmol, parang nalalabing segundo papunta sa sarili kong kamatayan.
Napansin kong unti-unting dumadami ang mga matang sumusunod sa akin mula sa mga sulok at likod ng mga haligi.
Isa-isang yumuyuko ang mga ito.
Walang nagsasalita at nagtatangkang tumingin nang diretso sa akin.
Hindi ko na sila nilingon.
Isa lang ang nasa isip ko.
Para akong lumalakad papasok sa sarili kong paglilitis.
Tumigil kami sa harap ng isang napakalaking pintuan.
Makapal ang kahoy. May ukit ng ginto. Apat na kawal ang nakabantay na parang mga estatwa.
Walang kumurap. Kahit huminga yata, hindi ko narinig.
Huminga ako nang malalim.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ng isa sa mga kawal.
Marahan niyang inayos ang kaniyang baluti bago tuluyang lumapit sa napakalaking pintuan. Kahit siya… Mukhang nag-iingat.
Noon ko lang naisip. Kung pati ang mga kawal ng hari ay nagdadalawang-isip bago lumapit sa pintuang ito… Ano pa kaya akong isang alipin tulad ko?
Kumatok ang kawal. Dalawang beses.
Pagkabukas ng pinto, isang Eunuch ang sumalubong sa amin.
Walang emosyon ang mukha niya.
“Sa paliguan ng Kaniyang Kamahalan,” sabi niya. “Hinihintay ka ng hari.”
Kumunot ang noo ko.
“Paliguan?”
Hindi ba dapat sa bulwagan ng trono? O sa silid ng pagpapasya? Bakit sa lugar na walang ibang saksi?
“Sumunod ka.”
Habang sinusundan ko ang Eunuch, unti-unting naglaho ang ingay ng palasyo.
Sa bawat likong dinaraanan namin, lalong kumakaunti ang mga taong nakakasalubong.
Hanggang sa tuluyan nang wala.
Tanging yabag na lang namin ang umaalingawngaw sa marmol na pasilyo.
Ilang sandali pa…
Huminto kami sa harap ng isa pang pintuan. Mas simple ito kaysa sa mga nauna. Ngunit mas mabigat ang katahimikang nakapaligid dito.
Marahang itinulak ng Eunuch ang pinto.
Hindi siya pumasok. Sa halip, umatras siya ng isang hakbang.
“Hanggang dito na lang ako.”
Unti-unti niyang isinara ang pinto sa likod ko.
Umalingawngaw ang mahinang lagitik ng kandado.
At sa isang iglap…
Hindi na ako makaatras.
Unang tumama sa akin ang mainit na singaw ng tubig. Kasunod ang amoy ng mamahaling langis. At pagkatapos…
Siya.
Diretsong sumalubong sa akin ang malamig niyang asul na mga mata.
Hindi man lang siya gumalaw.
Ako ang kusang napayuko.
Nakalublob siya sa isang napakalaking marmol na paliguan. Bahagyang umuusok ang tubig. May hawak siyang gintong kopita habang tahimik akong inoobserbahan.
Hanggang baywang lang ang tubig, kaya lantad ang malapad niyang balikat at matipunong dibdib. Hindi na niya kailangang magsalita para maintindihan kung bakit kinatatakutan siya ng buong kaharian.
“Lumapit ka.” Mababa ang boses niya. Kalmado iyon, pero sapat para manigas ako.
Hindi ko namalayang napaatras ako ng kalahating hakbang.
Isang maliit na galaw lang. Ngunit hindi iyon nakaligtas sa kaniyang paningin.
Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya.
Dahan-dahan akong lumapit.
Hindi niya ako inalisan ng tingin. Ilang sandali kaming nabalot ng katahimikan.
Pagkatapos…
“Pangalan.”
Saglit akong natigilan.
“Sagutin mo ako.”
“Da… Damien,” nauutal kong sabi. “M-Mahal na Hari.”
“Ulit.”
“Damien.”
“Damien…” Dahan-dahan niyang inulit ang pangalan ko bago humigop ng alak.
Mariin siyang tumitig sa akin. Parang sinusukat kung gaano ako katagal bago tuluyang mabasag.
Pagkatapos ay nagsalita ulit.
“Samahan mo ako sa pagligo.”
Napatitig ako sa kaniya.
“Ha?”
“Narinig mo ako.”
Marahan niyang ipinatong ang gintong kopita sa gilid ng paliguan.
Naglikha iyon ng mahinang tunog.
Ngunit sa katahimikang bumabalot sa silid… Para iyong hampas ng martilyo sa dibdib ko.
“M-Mahal na Hari… pero-”
Isang tingin lang ang ibinigay niya. Nawala agad ang boses ko.
“Hindi ito pakiusap. Lumapit ka.”
Hindi na ako makagalaw.
Sa sandaling iyon, isang bagay lang ang malinaw sa isip ko.
Sa harap ng lalaking pinakamakapangyarihan sa Aurelius… Wala akong kapangyarihan. At anumang mangyari sa loob ng silid na iyon…
Siya lang ang may karapatang magpasya.
YOW!!!
Hello everyone!
Here’s Damien.

KING LEONDRE

FERGUS

The pictures above are not rightfully mine. I grab them in pinterest.
CHAPTER 9
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Nakaharap ako kay Haring Leondre. Nakasara ang pinto sa likuran ko. Wala nang ibang daan palabas.
Humakbang ako nang marahan.
“Pe-pero, mahal na Hari…” nauutal kong sabi, pilit naghahanap ng dahilan para umatras. “Isa lang po akong hamak na alipin ng Aurelius. Ang makapasok dito ay sobra na pong biyaya. Ang lumapit pa sa inyong paliguan… malaking kalapastanganan iyon. Lalo na sa mata ni Apol-”
Tumaas ang isang kilay niya. Pagkatapos, natawa siya. Mas lalo akong kinabahan.
“Kalapastanganan?” malamig niyang ulit. “Ang tunay na kalapastanganan ay ang banggitin ang diyos habang sinusuway ang utos ng hari.”
Bahagya siyang gumalaw sa tubig.
“Lumapit ka ngayon.”
“Ma-mahal na Hari-”
“Hubarin mo ang damit mo. Huwag mo akong paghintayin, Damien.”
Sandali akong natigilan.
“Hubad.”
“Ma-mahal na-”
“Suwail!”
Umalingawngaw ang sigaw niya. Kasabay noon, lumipad ang hawak niyang kopita.
Dumaan iyon sa tabi ng ulo ko bago malakas na sumalpok sa marmol. Umikot ang bakal sa sahig hanggang sa tuluyang tumigil.
“Ma-masusunod po, Kamahalan.”
Pumikit ako sandali bago isa-isang hinubad ang suot ko. Maingat kong inilapag ang mga tela sa malamig na sahig.
Ayokong makita ang ekspresyon niya habang pinagmamasdan ang kahubaran ko. Kaya agad akong lumusong sa tubig.
Mainit ang tubig, pero hindi nito mapawi ang lamig na gumagapang sa katawan ko.
Kasabay ng mga damit ko, tila nahubaran din ako ng natitira kong dangal. Napayuko ako at bahagyang lumubog sa tubig para matakpan ang sarili.
Tanging lagaslas ng tubig at ang mabilis kong tibok ng puso ang pumupuno sa katahimikan. Pagkaraan ng ilang sandali, nagsalita rin siya.
“Ano ang ginagawa mo sa selda ng mga Coronal kagabi?”
Mahina ang boses niya, pero sapat para manlamig ang buong katawan ko.
“Mahigpit kong ipinag-utos na walang lalapit doon matapos pakainin ang mga hayop na iyon.”
Humigpit ang panga niya.
“Sinuway mo ang utos ko. Nagrerebelde ka ba sa kapangyarihan ko, Damien?”
“H-Hindi po,” mabilis kong sabi. “Humihingi po ako ng tawad. Hindi ko po sinadyang suwayin ang utos ninyo.”
Matagal siyang hindi nagsalita. Lalong lumala ang kaba ko.
“May naiwan lang po akong… mahalagang bagay sa loob.”
“Ang batas ko,” mariin niyang sabi, “ay hindi binabali.”
Umusad siya palapit.
“At ang patay na sundalo… ano ang kinalaman mo roon?”
Humigpit ang kapit ko sa gilid ng paliguan.
“Na-nagalit siya nang makita niya akong nasa selda,” sagot ko. “Pinarusahan niya ako.”
Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy.
“Tinulungan po ako ng Coronal. Ako po ang may kasalanan. Kung may dapat managot… ako iyon.”
Umangat ang kilay niya.
“Tinulungan?”
Mabagal niyang inulit ang salita.
“Sino ka para tulungan ng isang Coronal?”
Lumapit pa siya. Kumaluskos ang tubig. Sa bawat hakbang niya, parang sumisikip ang espasyo sa pagitan namin.
“Ano ang ugnayan ninyong dalawa?” tanong niya.
Kumunot ang noo ko.
“Dalawang gabi. Ilang ulit kang bumalik sa selda sa loob ng dalawang gabi.”
“Paano ninyo-”
“Hari ako.”
Hindi man lang tumaas ang boses niya.
“Bawat pintong binubuksan sa palasyong ito ay umaabot sa pandinig ko.”
Naramdaman kong unti-unting nanlamig ang mga kamay ko.
“Ngayon… Magsinungaling ka ulit.”
“Wala, Mahal na hari. Walang espesyal na ugnayan sa pagitan namin ng coronal na iyon.”
Pinilit kong salubungin ang tingin niya.
“Inuutusan lang po akong maghatid ng pagkain sa selda niya. Minsan… nililinis ko ang sugat niya. Kapag hindi ko ginawa, ako ang mapaparusahan.”
Hindi siya kumurap.
“Wala nang iba?”
“Wala po, Kamahalan.”
Nagtagal ang katahimikan. Pagkatapos ay dahan-dahang inangat ni Haring Leondre ang kamay.
Akala ko, sasampalin niya ako. Sa halip, hinaplos niya ang lumang peklat sa balikat kong gawa ng pagkakarga ng mga sako-sakong kamote sa Adarmus.
Nanigas ako.
“Ang sugat na ito. Hindi ito gawa ng latigo.”
Huminto siya.
“Ibig sabihin… nagsisinungaling ka na naman.”
Bahagyang ngumiti ang hari.
“Magaling kang magsinungaling, Damien.”
Tumungo ako.
“Sabihin mo sa akin.”
Mas bumaba ang boses niya.
“Kung pipiliin kong maniwala sa sinasabi mo… ano ang kapalit?”
Wala akong maiaalok. Maliban sa isa.
“Ang… buhay ko, Kamahalan.”
Lumapit siya hanggang halos magkadikit na ang aming mga balikat.
Dahan-dahang inangat ng dalawang daliri niya ang baba ko. Napilitan akong salubungin ang tingin niya.
Matagal niya akong tinitigan. Pagkatapos, bahagya siyang ngumisi.
“Malalaman natin,” kalmado niyang sabi, “kung gaano katibay ang katapatan mo.”
Bago pa ako makapag-isip ng isasagot, may kumatok sa pinto dahilan para mabasag ang tensyong bumabalot sa silid.
“Mahal na Hari,” tawag ng Eunuch mula sa labas. “Narito na po ang ipinahanda ninyong pagkain.”
“Ipasok.”
Bumukas ang pinto.
Naunang pumasok ang Eunuch, kasunod ang apat na aliping may buhat na napakalaking bandeha.
Puno ang bandeha ng mamahaling putahe. Mas mukha itong handog sa mga diyos kaysa pagkain ng isang tao.
Sabay-sabay silang yumuko.
Saglit kaming nagkatitigan ng isa sa mga alipin. Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha niya bago dumako ang mata niya kay Haring Leondre.
Isang malamig na sulyap lang ang ibinigay ng hari sa kaniya. Biglang siyang namutla.Yumuko nang mas mababa bago nagmadaling umatras.
Marahil iisa lang ang tanong sa isip nilang lahat. Bakit may hubad na alipin sa paliguan ng hari? Pero walang nangahas magsalita.
Mabilis nilang ibinaba ang tingin. Dito sa palasyo, mas ligtas ang walang nakikita.
Lumapit ang Eunuch sa bandeha. Isa-isa niyang tinikman ang bawat putahe. Nang masiguro niyang walang lason, umatras siya.
Dahan-dahang pinalutang ng mga alipin ang malaking bandeha sa ibabaw ng tubig hanggang sa huminto ito sa harap ng hari.
Napatitig ako. Hindi ko maintindihan kung paano nanatiling nakalutang ang mabigat na bandeha.
Pagkatapos, tahimik silang yumuko at lumabas. Muling sumara ang pinto. Kami na lang ulit ang naiwan.
Kinuha ni Haring Leondre ang kubyertos at nagsimulang kumain. Kalmado na siya at walang bakas ng galit.
Halos matabunan ng pagkain ang bandeha sa harap niya. Sobra pa sa kayang ubusin ng ilang tao.
Natuon ang mata ko sa mga putahe. Naalala ko ang kusina ng palasyo. Ang mga natitirang tira na pinag-aagawan ng mga alipin at ang mga natutulog nang walang laman ang sikmura.
May isang batang alipin na minsang nahimatay habang naghahakot ng tubig. Kinabukasan, wala na siya. Walang nagtanong kung saan siya dinala.
Habang dito… Hindi man lang magkakasya sa isang mesa ang dami ng pagkain.
May kumulo sa dibdib ko. Pero hindi ito ang lugar para magsalita.
“Sabayan mo ako sa pagkain.”
Napakurap ako. Akala ko, mali ang narinig ko. Baka sinusubok lang niya ako.
“M-Mahal na Hari…”
“Hindi ka bingi.”
Hindi man lang siya tumingin sa akin.
“Narinig mo ang sinabi ko.”
“Ka-Kamahalan…” halos pabulong kong sabi. “Isa lang po akong alipin. Hindi po nararapat na-”
“Halika.”
Huminto siya sa pagkain at dahan-dahang ibinaba ang kubyertos.
“Sa harap ko.”
Wala na akong nagawa.
Mabigat ang bawat galaw ko habang lumalapit. Pagdating ko sa tapat niya, saka ko lang napansin ang isang gintong pinggan. May nakahandang kubyertos. At malinaw na para iyon sa akin.
Kumunot ang noo ko. Bakit?
“Kumain ka.”
“Ma-masusunod po, Kamahalan.”
Maingat kong hinawakan ang kubyertos. Nagsimula akong kumain. Hindi ako halos makanguya. Nararamdaman ko ang tingin niya sa bawat subong ipinapasok ko.
Masarap ang pagkain. Pinakamasarap na natikman ko sa buong buhay ko, pero wala akong malasahan. Nilalamon ng kaba ang bawat subo. Ang alam ko lang… Isang pagkakamali lang ang kailangan para mawala ang ulo ko.
Sinubukan kong ituon ang pansin sa pagkain para makaiwas sa titig ng hari.
“Damihan mo ang kain mo, Damien.”
Hindi siya nagtaas ng boses, pero agad akong napahinto.
“Magpakabusog ka. Alam mo ba kung bakit?”
Hindi ako sumagot.
“Ang mga taong bibitayin bukas…” Pinunasan niya ang bibig. “…ay pinapakain nang mabuti sa huling gabi nila.”
Huminto ang mundo ko.
Pagkatapos, ngumiti siya.
“Pero hindi pa kita hinahatulan.”
Nabitawan ko ang kutsilyo. Kumalansing iyon sa gintong pinggan. Napapikit ako. Hinihintay kong sumabog ang galit niya.
Ngunit wala.
Nagpatuloy lang siyang kumain.
Itinuloy ko ang pagkain, kahit hirap na hirap akong lumunok. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang mangyari.
Kung parusa ito, bakit niya ako pinapakain? Kung awa naman… mas mahirap paniwalaan.
Muling nagtagpo ang mga mata namin.
“Bakit?” tanong niya. “Masyado ba kitang tinatakot, Damien?”
Nanigas ako.
Anuman ang isagot ko, maaari iyong gamitin laban sa akin.
“H-Hindi po, Kamahalan.”
Sandali niya akong pinagmasdan bago muling bumalik sa pagkain.
“Hindi ka ba nagsasawang maging alipin ng kaharian?”
Huminto ang kamay kong may hawak na tinapay.
“Ni minsan ba, hindi sumagi sa isip mo kung paano mabuhay bilang taong may kapangyarihan?”
“Ang mga rebeldeng nahuhuli ko…” dagdag niya. “…pare-pareho ang sinasabi. ‘Hindi naming gusto maging alipin.’”
Umangat ang tingin niya.
“Ikaw ba?”
Unti-unti kong itinaas ang tingin.
“A-Ano po ang ibig ninyong sabihin, mahal na Hari?”
Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa labi niya.
Alam kong sinusukat niya ang katapatan at takot ko o baka kung hanggang saan ko kayang magsinungaling para mabuhay.
Nanatili ang tingin niya sa akin.
At doon ko naunawaan ang pinakanakakatakot na bagay tungkol kay Haring Leondre.
Hindi niya kailangang sumigaw at magbanta. Sa bawat katahimikang ibinibigay niya, ako mismo ang pumupuno ng sarili kong parusa.
Hindi siya pumapatay gamit ang espada.
Hinahayaan niyang ang takot ang unang pumatay sa iyo.
CHAPTER 10
Muli nila akong ibinalik sa marangyang silid na iyon. Sa isang lugar na dapat simbolo ng ginhawa na may malambot na kama, makinis ang sahig, at may mga kurtinang may kintab ng ginto, pero para sa’kin, walang saysay ang lahat ng iyon. Isa lang itong kulungan. Walang bakal na rehas, ngunit ramdam ko ang mga rehas sa bawat sulok.
Ilang araw na ba akong nandito? Ang mas nakakatakot pa roon, hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit ako nandito. Buhay pa rin ako kahit dapat ay pinaparusahan na.
Bumukas ang pinto dahilan para mapapitlag ako.
Pumasok ang matandang alipin. May dala siyang mahahalin na kasuotang maayos ang tupi halatang hindi para sa katulad ko. May dalawa pang alipin sa likod niya na tahimik lang habang nakayuko.
“Oras na sa pagligo mo,” sabi niya.
Nanlaki ang mata ko. “Ha? Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Papaliguan ka namin.”
Tumayo ang mga balahibo ko. “Hindi na kailangan,” mabilis kong sagot. “Kaya ko maligo mag-isa.”
Umiling siya. Ewan ko kung awa ba ’yon o takot ang nasa mga mata niya. “Utos ng mahal na Hari. Halika na.”
Isang hakbang akong umatras. “Ayoko.”
Tumahimik ang silid, habang humigpit ang hangin.
Lumingon ang matandang alipin sa pintuan. “Kaladkarin siya.”
Agad bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang sundalo. Bago pa ako makapagsalita, hawak na nila ang mga braso ko.
“Sandali… pakiusap!” sigaw ko. Hindi sila natinag.
Hinila nila ako papunta sa isa pang pinto sa loob ng silid. Pagbukas noon, bumungad ang paliguan.
Maliwanag saka malinis dito. Kahit may kaliitan ang espasyo, ngunit katulad ito sa paliguan ng hari. Para ito sa mga taong may kapangyarihan. Hindi para sa isang tulad ko.
“Alisin mo ang mga damit mo,” utos ng matandang alipin.
Umiling ako, habang awtomatikong napahawak sa dibdib ko. “Pakiusap… huwag. Huwag niyo’ng gawin ’to.”
Hindi niya ako tinignan. “Hubaran niyo siya.”
Nagpumiglas ako saka sinubukang lumaban, pero mas malakas sila. Isa-isang natanggal ang mga damit ko, at sa bawat hibla ng telang humihiwalay sa balat ko, may punit na nadadagdag sa dignidad ko.
Hubad na hubad nila akong inakay papunta sa gilid ng paliguan.
Hindi ako makahinga. Napapikit na lang ako.
“Umpisahan niyo na,” kaswal na utos ng matandang alipin sa mga babaeng kasama na kanina pa naghihintay.
Lumapit sila.
Kinuskos ang balat ko. Hindi marahas ang galaw, ngunit hindi rin banayad. Sinabon ako ng sobrang bangong sabon, mamahalin, at may amoy na hindi ko kailanman inakalang dadampi sa’kin. Pagkatapos, hinugasan nila ang buhok ko saka nilagyan ng langis na malamig sa anit.
Sa isip ko, paulit-ulit ang tanong na matagal ko nang tinatakbuhan.
Bakit?
Bakit ako? Bakit ganito ang trato nila sa’kin? Isa lang akong alipin. Wala akong pangalan. Hindi rin ako dugong bughaw. Higit sa lahat, wala akong kapangyarihan.
Gayunpaman… pinaliliguan nila ako na parang isang maharlika.
Habang dumadaloy ang tubig sa balat ko, walang ginhawa akong nararamdaman. Isang mabigat na katotohanan lang ang dahan-dahang lumulubog sa dibdib ko.
Hindi awa ang pakiramdam nito. May inihahanda sila para sa akin. Hindi ko lang alam kung ano.
Nang matapos sila at umalis, saka ko lamang napansin ang salamin sa tapat ko.
Halos hindi ko na makilala ang sarili kong repleksiyon.
Nakatayo ako sa harap ng napakalaking salamin na mas mataas pa sa akin. Malinis ang balat ko. Maayos rin ang buhok. Suot ko ang mabigat pero malambot na kasuotang hindi ko kailanman inakalang didikit sa katawan ko.
Kung may makakita sa’kin ngayon, hindi nila iisiping ako ’yong aliping nagbubunot ng kamote sa kapatagan ng Adarmus. Wala na ang putik sa mga kuko ko, pati ang bitak sa aking sakong. Wala na rin ang anyo ng gutom sa katauhan ko. Ngunit kahit gaano ako kalinis, hindi nawala ang dumi sa pakiramdam. Sa halip, mas lalo kong naramdaman kung gaano ako kalayo sa dating ako.
Alam kong may kapalit ang lahat ng ito. Hindi kailanman nagbibigay ang palasyo nang walang kinukuhang kapalit.
Kailangan kong tumakas dito.
Pero kahit anong isipin ko tungkol sa palasyo, kay Fergus pa rin bumabalik ang isip ko.
Kung patay na si Fergus, wala na akong dahilan para tumagal dito. Kung buhay pa man siya… mas masahol. Dahil ako ang dahilan ng mga sugat at sakit niya.
Walang salitang kayang maghugas ng dugong umagos sa likod niya.
Kapag narinig ko pa ang paghinga niya, kung nasilayan ko pa ang mga matang minsang tumingin sa akin nang walang takot, ipagpapasalamat ko iyon nang buong-buo. Kahit pa iyon na ang huli.
Huminga ako nang malalim at iniwas ang tingin sa salamin.
Bago pa ako tuluyang makalayo roon, may kumatok sa pinto.
Bumukas ang pinto at pumasok ang mga alipin na may dalang bandeha ng pagkain para sa tanghali. Mainit ang sabaw, sariwa ang tinapay, at makintab ang prutas na dala nila. Lahat ng ’yon ay sobrang sobra pa sa kailangan ko.
Lumapit sila nang maingat. Inilapag nila ang pagkain sa mesa na tila nag-aalay sa altar ni Athena. Gaya ng dati, hindi nila ako kinakausap, ni tinitingnan.
Iyon ang sandaling naisip kong baka hindi takot ang kailangan kong hingin sa kanila, kundi isang maliit na pabor.
Lumapit ako nang kaunti at ibinaba ang boses. “Tulungan niyo akong makaalis dito,” mahina kong sabi. “Pakiusap… kahit susi lang.”
Nakita ko ang kanilang paglunok bago sila sabay-sabay umiwas ng tingin. Walang sumagot. Takot ang malinaw sa kanilang mga mukha.
“Sandali,” habol ko, mas mabilis na ang tibok ng puso. “Kahit sabihin niyo lang kung kailan nag-iisa ang bantay. Kahit oras lang.”
Isa sa kanila na mas bata, nanginginig pa ang kamay, ang napatingin sa’kin saglit. Kita ko ang pagod sa mata niya.
“Kahit sobrang hirap na hirap na ako rito,” halos pabulong niyang sagot, “mahal ko pa ang buhay ko. Patawad… ayokong mamatay.”
Tumalikod siya bago pa ako makasagot. Sumunod naman ang iba. Sumara ulit ang pinto.
Naiwan ulit akong mag-isa.
Napatingin ako sa mga pagkaing nakahain sa mesa.
Hindi ko ginalaw.
Kung walang tutulong sa akin, sarili ko na lang ang aasahan ko.
Tumayo ako at naglakad paikot sa silid, binibilang ang mga hakbang, ang mga dingding, at ang mga yabag ng bantay sa labas sa bawat palit ng oras. Dalawang sundalo sa pintuan. Isa sa pasilyo.
Lumapit ako sa bintana. Sarado ang salamin pero tanaw pa rin ang kabundukan sa malayo. Kahit subukan kong basagin ito wala pa ring saysay dahil may mga bakal na nakaharang sa labas.
Biglang bumalik sa isip ko ang tahimik ngunit diretsong mga mata ni Fergus sa tuwing hinihintay niya akong bumalik sa selda niya. Kung buhay pa siya, alam kong hindi siya hihingi ng tulong. At marahil… iyon ang mas masakit.
“Paalam, Fergus,” pabulong kong usal sa hangin, kahit hindi niya man marinig.
Sa labas, may yabag na huminto sa tapat ng pinto. May dumarating o may umaalis. Nasisiguro kong mga yabag iyon ng mga sundalong salitan sa pagbabantay sa labas.
Kung may kamatayan mang darating, mas pipiliin kong salubungin iyon habang tumatakbo, kaysa mabulok sa katahimikan ng palasyong ’to.
Alam kong darating ang pagkakataon. Kailangan ko lang maghintay.
At naghintay ako.
Umikot ang mga araw. Hindi ko na muling nakita si Haring Leondre. Pero naroon siya sa lahat… sa pagkaing laging mainit, sa kamang laging malinis, at sa mga bantay na hindi ako iniiwan kahit sa paghinga.
Si Fergus…
Iniisip ko kung naghihilom pa ba ang sugat niya. Kung may humahawak pa ba sa kaniya nang may pag-iingat. O kung baka… matagal na siyang pinatahimik at naging abo sa utos ng hari.
Tuwing gabi, mag-isa ako, inuulit ko sa isip ang pasilyo ng palasyo. Ang yabag ng mga bantay. Ang oras ng palitan ng mga sundalo. Ang tunog ng bakal bago mag-umaga. Kinakabisado ko ang ingay. Kung alin ang may pasensiya, alin ang mainipin, at alin ang siguradong aalis saglit para uminom.
Hindi ko alam kung kailan ko kakailanganin ang lahat ng iyon.
Hanggang isang gabi…
May mali.
Agad ko ’yong naramdaman. Tahimik ang pasilyo, ngunit may kulang. Walang tunog ng susi bago ang katahimikan nang umalis kanina ang mga aliping nagdala ng pagkain para sa hapunan ko.
Dahan-dahan akong bumangon sa kama.
Lumapit ako sa pinto.
Hindi nga nakakandado.
Ito na ba ang pagkakataong hinihintay ko?
Hindi ako gumalaw agad. Isang pagkakamali lang, tapos na ako. Baka patibong ito. Nanatili akong nakapirmi. Nakadikit ang tenga ko sa pinto, habang kumakabog nang husto ang aking puso.
Sa labas, may yabag… dalawang sundalo. Narinig ko ang kanilang maikling usapan.
Palitan ng bantay.
Sumilip ako sa siwang ng pinto. Ang dalawang sundalong nakapuwesto sa tapat ng silid ay walang pagmamadaling umalis, papunta sa dulo ng pasilyo kung saan naghihintay ang papalit.
Ilang segundo…
Humigpit ang kamao ko. Nagsisigawan rin ang isip ko, pero kalmado ang katawan ko dahil matagal kong hinihintay ang sandaling ito.
Ngayon o hindi na kailanman.
Dahan-dahan kong itinulak ang pinto. Umungol nang mahina ang bisagra. Huminto ako at nagbilang. Isa, dalawa, tatlo.
Walang sumigaw.
Lumabas ako.
Mahaba ang pasilyo, naliligo sa dilim at ilaw ng mga sulo, parang mga matang gising. Kabisado ko ang direksiyon. Kaliwa patungong bulwagan. Sa kanan naman pababang hagdan. Sa hardin. Sa ilalim. Sa tarangkahan. Kailangan ko lang makarating doon nang hindi nila ako nakikita.
May yabag sa malayo. Dumampi ang pawis sa batok ko. Idinikit ko ang likod sa malamig na pader. Dumaan ang dalawang sundalo habang nag-uusap at nagrereklamo sa lamig at sa haba ng gabi. Hindi nila ako nakita. Saka lang ako muling gumalaw.
Sa bawat hakbang, mas bumibigat ang katawan ko dahil sa posibilidad. Kapag nahuli ako rito, hindi na latigo ang kasunod. Kamatayan na.
Ngunit mas malakas ang tanong na paulit-ulit na kumakagat sa isip ko. Kung hindi ko ’to gagawin, paano ako mabubuhay?
Narating ko ang unang hagdan pababa. Madulas ang marmol. Kumapit ako nang maingat sa rehas. Tumakbo ako, sabay kubli sa dilim. Bumaba ako sa maraming hagdanan nang hindi ako napapansin. Hanggang sa narating ko ang pinakaibaba.
Lumingon ako sa itaas. Sa silid na naging kulungan, at sa ginhawang muntik na akong patayin.
Tumalikod ako.
Hindi na ako babalik.
CHAPTER 11
Hindi pa ako nakakalayo sa unang liko ng pasilyo nang biglang umalingawngaw ang sigaw.
“Hanapin ang alipin!”
Sumunod ang sabay-sabay na yabag. Kumakalansing ang mga espada sa bewang nila habang nag-uunahan sa pasilyo.
“Kapag ’di natin siya nakita, papatayin tayong lahat ni Haring Leondre!”
Nawala ang lakas ng tuhod ko.
Alam na nila.
Hindi ko alam kung paano. May nakakita ba o simula’t sapul, patibong na ang bukas na pinto?
Nagkagulo ang isip ko. Kaliwa ba? Kanan? Babalik ba ako sa itass? Hindi.
Tumakbo ako. Hindi puwedeng mabilis. Ayokong gumawa ng kahit anong ingay.
Dumikit ako sa pader nang may dalawang sundalong rumagasa sa dulo ng pasilyo. Umalingawngaw ang sigaw nila, palapit nang palapit.
“Doon sa hagdan!”
“Silipin ang silong!”
Tumalon ako patungo sa likod ng isang malaking marmol na haligi. Malamig ang bato sa likod ko, pero mas malamig ang pawis sa batok ko.
Dumaan sila.
“Wala rito!”
Napapikit ako sandali.
Hindi pa tapos. Mula sa kabilang pasilyo, may isa pang grupo na mas mabigat at organisado ang mga yabag.
Hinahalughog nila bawat parte ng palasyo. Bawat pasilyo, bawat hagdan, at bawat silid ay tila may nakatalagang grupo. Saan man ako lumiko, may mga yabag na sumasalubong.
Papalapit ang mga ’yon sa direksyong pinagtaguan ko. Rinig ko ang pagaspas ng baluti nila, pati ang maikling utos ng isa na may mas mataas ang ranggo.
Gumalaw ulit ako, nakayuko, sinisikap na manatili sa dilim. Kailangan kong umiwas sa pagitan ng liwanag ng sulo, pati ang mga bukas na espasyo.
May isang sundalong lumiko. Umatras ako ngunit wala nang matataguan.
Sa huling segundo, sumiksik ako sa pagitan ng dalawang malalaking plorera. Sobrang sikip, saka amoy alikabok at lumang insenso. Doon, pinigil ko ang paghinga ko.
Halos marinig ko ang sarili kong tibok nang huminto siya sa tapat ko.
“May narinig ka ba?” tanong niya.
“Wala. Dali. Sa ibaba!”
Isang segundo pa. Umalis sila.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pababa ba sa kulungan ng mga Coronal o palabas ng palasyo?
“Isara ang lahat ng tarangkahan!” sigaw mula sa itaas.
Wala nang labasan.
Napalunok ako, pilit pinapakalma ang sarili ko. Lumabas ako sa pinagtataguan. Sa bawat yabag ko, mas lumalakas ang sigawan. Mas dumarami rin ang mga sundalo.
May nakita akong bukas na bintana.
Sandali akong nag-atubili. Bakit bukas? Wala nang oras para mag-isip. Pero sa lahat ng lusutan na isinara nila, ito lang ang naiwan.
Hindi ito kasing engrande ng ibang bintana sa palasyo. Humahampas ang malamig na hangin, dala ang amoy ng damo at lupa sa labas.
Sa ibaba, kita ko ang hardin, mga puno at mga palumpong ng mga damo. Sa ilalim ng mga puno, baka hindi nila ako makita.
Pero mataas.
Sa likod ko, palakas nang palakas ang yabag. “Doon! Silipin ang silid na ’yan!”
Lumapit ako sa bintana at umakyat sa marmol na gilid. Dumulas ang paa ko. Kumayod ang kuko ko sa bato.
Sumilip ako sa ibaba.
Nanginginig ang tuhod ko.
Kung mabali man ang binti ko, mas gugustuhin ko ’yon kaysa mapugutan ng ulo.
Biglang nawala ang mga yabag sa likuran ko. Masyadong bigla sa puntong wala na akong marinig na sigaw at utos. Pumalit ang katahimikan.
Huminga ako nang malalim. Inangat ko muli ang isang paa pero…
Isang kamay ang humawak sa braso ko. Sobrang higpit nito.
Naramdaman ko ang mabagal at mainit na hininga niya sa leeg ko. Nanindig ang balahibo ko.
Napirme ako nang marahan kong naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa aking batok. Hindi iyon madiin at marahas, pero mabagal at parang sinasadya.
Napapikit ako nang hindi ko sinasadya.
“Wala kang ibang pupuntahan, Damien,” bulong niya.
Mababa ang boses niya, halos bulong lang, pero malinaw na malinaw sa akin. Ramdam ko rin ang bawat pantig sa pagitan ng leeg at balikat ko.
“Dito ka lang.”
Nahigit ang hininga ko.
Si Haring Leondre.
Sinubukan kong kumawala. Pinilit kong hilahin ang braso ko, pero mas humigpit ang hawak niya. Hanggang sa napihit niya ako paharap sa kaniya.
Nagtama ang mga mata namin. Kalmado siya. Ako, hindi ko na kayang itago ang takot ko.
“Tatakas ka?” mahina niyang tanong. “Alam mo bang mula nang tumakbo ka mula sa silid na iyon, alam ko na kung saan ka pupunta?”
Hindi ako makasagot.
Isang kamay niya ang umangat. Napalunok ako agad.
Akala ko sasampalin niya ako, pero isang mamasa-masang tela ang itinakip niya sa ilong ko.
Pumuno sa ilong ko ang matapang at nakakasulasok na amoy. Bigla akong umubo.
Umiling ako. Pinilit kong pigilan ang paghinga. Idiniin niya ang hawak sa batok ko. Bagamat kontrolado at hindi marahas ang galaw niya, pero sapat para wala akong takas.
“Shh,” bulong niya, halos inaalo ako. “Huwag kang magpumiglas, Damien. “
Nanlabo ang paningin ko.
Sinubukan ko siyang itulak, pero mahina. Wala na akong lakas. Anong ginagawa niya sa’kin? Ramdam ko ang pag-ikot ng mundo. Humahaba ang ilaw na nagiging guhit. Unti-unting nagdilim ang paningin ko.
Unti-unting nawala ang mga tunog.
Kami na lang.
Ang huli kong naramdaman bago tuluyang bumigay ang katawan ko… Ang braso niyang umalalay sa likod ko.
Hindi niya ako hinayaang bumagsak. Bagkus, ramdam ko ang pag-angat ng mga paa ko mula sa sahig.
“Pasaway. Dito ka lang sa palasyo ko, Damien,” bulong niya. Mas malayo na ang boses niya ngayon. Parang nasa ilalim ako ng tubig.
Lumubog ako sa dilim.
Sa pagitan ng malay at kawalan, naramdaman ko ang pag-akyat namin sa hagdan.
Idinilat ko ang mga mata ko.
Masakit ang ulo ko. Nahihilo ako. Mabigat ang talukap ko at pati ang lalamunan ko tuyo. Ilang segundo akong nakahiga lang, pilit inaayos ang paningin ko.
Unang bumungad sa paningin ko ang kisame, ang gintong detalye, at ang mga pamilyar na kurtina.
Hindi…
Marahan akong bumangon. Napahawak ako sa gilid ng kama bago pa ako tuluyang bumagsak.
Naroon na naman ako sa dati kong kwarto. May isang bagay na wala roon dati. Sa ibabaw ng mesa, may bagong kandila. At sa tabi nito, may isang maliit na piraso ng tela.
Maliwanag na ulit. Tahimik ang buong silid.
Tumayo ako kahit nanginginig pa ang tuhod ko. Lumapit ako sa bintana.
Nanlamig ako.
May kadena. Makapal ang bakal na nakapulupot sa hawakan. May kandado rin. Hindi ko man lang magalaw.
Sinubukan kong hilahin, pero hindi man lang umuga.
“Hindi…” pabulong, ngunit natataranta kong sabi.
Lumapit ako sa pinto. Hinila ko ang hawakan nito.
Nakakadena na ulit sa labas.
“Pakawalan niyo ako rito!” sigaw ko, sabay suntok sa pinto.
Umalingawngaw ang boses ko, ngunit nilamon lang ng makakapal na dingding.
“PAKAWALAN NIYO AKO!”
Sabay suntok ulit… at ulit, hanggang sa kumirot ang kamao ko at pumutok ang ilang mga daliri ko.
May yabag sa labas. Naririnig ko silang nakabantay, pero walang kahit isang salita.
“Pakiusap…” humina ang boses ko.
Bigla akong napaupo sa sahig, habang nakasandal sa pinto.
“Pakiusap…”
Doon ako napaiyak nang tahimik ngunit tuloy-tuloy.
Tinakpan ko ang mukha ko. Nanginginig ang balikat ko.
Mas masahol pala ang ganitong kulungan. Hindi nila ako pinapalo at sinasaktan pero unti-unti namang kinukuha ang lahat ng pagpipilian ko.
Bigla akong tumayo. May desperadong galit na bigla na lang sumiklab sa dibdib ko.
“Hindi niyo ako pag-aari!” sigaw ko. Sinuntok ko ang pinto. “Putangina niyo lahat!”
Yabag lang ang sagot.
Unti-unti akong umurong hanggang mapaupo sa gitna ng silid. Tumingin ako sa paligid… sa kama, sa mesa, at sa salamin kung saan minsan kong hindi nakilala ang sarili ko.
Ngayon, mas malinaw na. Hindi ako binibigyan ng karangyaan dahil mahalaga ako. Kinukulong ako dahil may kailangan siya sa’kin.
Pinunasan ko ang luha ko ngunit tuloy pa rin ang pag-agos. Sa labas, may kalansing ng bakal.
May gumalaw, ngunit huminto. Hindi pumasok. Iniwan lang nila akong mag-isa kasama ang reyalidad na kahit sumigaw ako hanggang mawalan ng boses, walang makikinig.
Ngayon, mas natakot ako sa hari… kaysa sa kamatayan.
May kumalansing sa labas. Hindi tulad ng yabag ng mga bantay na narinig ko kanina.
Bumukas ang pinto.
Pumasok ang dalawang sundalo. Nakahanay sila, seryoso ang mga mukha. At sa likod nila…
Si Haring Leondre.
Kasama niya ang mga hindi ko kilalang alipin. Nakayuko ang mga ulo nila. Wala ni isa ang tumingin sa akin.
Kalmadong nakaharap sa akin ang hari. May bahagyang ngiti sa labi niya. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong kinabahan.
“Mabuti at gising ka na, Damien.”
Umurong lalo ako sa gilid ng kama.
“Ma-mahal na Hari…”
Hindi ko na napigilan. Lumuhod ako.
“Pakiusap…” mangiyak-ngiyak kong bulong, halos hindi na lumabas ang boses ko.
“Ayoko na dito. Ibalik mo ako sa kamotehan sa kapatagan ng Adarmus. Iyon ang mundong kinagisnan ko. Doon ako bagay. Doon lang.”
Tumitig lang siya habang nagsasalita ako.
“Ako ang magsasabi kung saan ka dapat,” matigas na sabi niya. “Pag-aari kita, Damien. Pag-aari ko ang sinumang umapak sa lupain ng kaharian ko.”
Lumapit siya.
“Ako ang magdidikta kung ano ang gagawin ko sa walang kuwenta mong buhay.”
Hindi ko kayang salubungin ang mata niya.
“Ba-bakit, mahal na hari?” mahina kong tanong. “Ano pa ang kailangan ninyo sa akin?”
Walang sinuman ang nagsalita. Tahimik pati ang mga sundalo. Pagkatapos, ngumisi siya. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng ngiting iyon.
“Mahalaga ang responsibilidad na gagampanan mo para sa akin, Damien. Hindi iyon bagay na maaari mong tanggihan.”
Lumingon ang hari sa mga utusan.
“Bihisan at alagaan niyo siya. Silbihan siya gaya ng kung paano niyo ako paglingkuran.”
Nagkatinginan ang mga alipin… isang mabilis na sulyap, bago sabay yumuko.
“Masusunod, kamahalan.”
“Ma-mahal na hari…” bulong ko ulit habang nahihirapang ilabas ang mga salita sa bibig ko. “Ano ang ibig sabihin nito?”
Lumapit siya nang mas malapit.
Hindi niya ako hinawakan, pero parang sinasakal niya ako.
“Malalaman mo rin,” mahina niyang sabi.
Pagkatapos, tumalikod siya.
Bago tuluyang lumabas, nagsalita siya sa mga sundalo.
“Huwag siyang saktan. Bantayan niyo nang maigi.”
Umalis siya, pero huminto siya saglit sa may pinto. “At kapag sinubukan niyang tumakas ulit…”
Hinarap niya ulit ako. “Huwag ninyo siyang pigilan.”
Nanlamig ang batok ko.
Sumara ang pinto.
Naiwan akong nakaluhod sa sahig habang ang mga alipin ay dahan-dahang lumalapit sa akin, para alalayan akong tumayo.
Mas kinilabutan ako sa utos niya na iyon kaysa sa posibilidad ng kamatayan. Dahil ang kamatayan… isang beses lang. Ang maging pag-aari ng isang hari?
Habang-buhay na kulungan.
CHAPTER 12
Ilang araw na ang lumipas mula nang mailipat ako dito sa pinakamataas na tore ng palasyo.
Inilagay nila ako sa isang mas tahimik, at mas malayong silid na may makakapal na pader at iisang bintanang bakal ang rehas.
Mula rito, tanaw ko ang kalahati ng kaharian. Ang mga bubong ng mga kabahayan na pag-aari ng mga malayang mamamayan. Sa dako paroon ang malalayong bukirin at karagatan. Higit sa lahat, ang malayong kapatagan ng Adarmus na minsan kong tinawag na tahanan.
Ngayon, alaala na lang iyon.
Tatlong araw nang hindi ko ginalaw ang pagkain sa mesa. Wala rin akong balak kumain.
Bumukas ang pinto.
Pumasok ang isang babaeng alipin na nasa apatnapung taong gulang marahil. Hindi siya pamilyar sa akin. Hindi siya tulad ng iba na tahimik at laging nakayuko. May bakas ng pagod sa kanyang mata at linya sa noo na hindi dulot ng edad, kundi ng takot.
Kahit hindi ko kinakain ang mga dala niya, heto pa rin siya. Walang palta sa pagdadala ng pagkain para sa’kin.
“Kumain ka,” marahang sabi niya.
Hindi ako lumingon. “Hindi ako gutom.”
Inilapag niya ang bandeha sa mesa. “Pakiusap, kumain ka. Tatlong araw ka nang hindi kumakain.”
Hindi ako kumibo.
“Hindi ka pwedeng mamatay.”
Nilingon ko siya. Kumunot ang noo ko.
May kakaiba sa tono niya. Hindi iyon utos at simpleng pakiusap lang.
“Hindi ka pwedeng mamatay,” ulit niya, mas mahina ngayon. “Dahil kapag nangyari iyon… mapupugutan ako ng ulo. Kagaya ng mga sinapit ng mga utusang naatasang maglingkod sa iyo bago ako.”
May sumuntok sa sikmura ko.
“A-anong ibig mong sabihin?” nanginginig kong tanong.
Yumuko siya. Kita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.
“Ang mga sundalo at aliping nagbabantay sa’yo noong gabing sinubukan mong tumakas…” saglit siyang huminto, parang nahihirapang ilabas ang salita. “Patay na sila ngayon.”
“Hi-hindi…” bulong ko.
Hindi maaari, dahil lang sa isang tangkang pagtakas.
“Isa-isa silang pinugutan ng ulo bilang babala,” basag ang boses na dagdag niya.
Hindi ako agad nakapagsalita.
“At ikaw?” tanong ko sa kanya. “Bakit ikaw ang naglilingkod sa akin ngayon?”
Saglit siyang natahimik.
“Dahil pinili nila ang mga papalit sa kanila.”
“Pinili?”
Tumango siya. “May ilan na tumanggi.”
“Ano ang nangyari sa kanila?”
Yumuko lang siya, pero nakita ko ang pagnginig ng kamao niya.
Kasalanan ko dahil tumakbo ako.
Hindi ko alam kung alin ang mas mabigat. Ang takot o ang dugong hindi ko man lang nakita, pero alam kong dumikit sa mga kamay ko.
Lumapit siya sa akin, pero hindi masyadong malapit. Takot din na masobrahan.
“Pakiusap,” sabi niya. Hindi na nito maitago ang luha. “Huwag mo nang subukang tumakas ulit. May mga anak akong naiwan. Gusto ko pa silang makita muli.”
Napasubsob ako sa sarili kong mga kamay. Naisip ko bigla, kung ilan pang tao ang maaaring mamatay dahil sa isang desisyong ginawa ko para sa sarili ko.
Biglang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan. Mas lalong bumigat ang dibdib ko sa bawat paghinga.
Hindi lang ako ang bihag dito. Lahat kami.
Sa awa o kung ano mang natira sa akin, unti-unti akong tumayo. Mabigat ang bawat hakbang ko papunta sa mesa, habang tinitingnan ang pagkaing mainit pa.
Umupo ako. Pinulot ko ang kutsara. Sa sandaling ito, hindi ko inisip kung gusto ko pang mabuhay.
Isang subo. Nilunok ko. Bawat pagnguya, pinipigilan ko ang hikbi. Hindi dahil gusto kong mabuhay. May ibang buhay na nakasalalay sa akin.
Ramdam ko ang tingin niya sa akin. Pag-angat ko ng mata, nakita ko ang simpatiya sa kanyang mga mata. Nakangiti siya, ngunit wala roon ang saya.
“Gaya mo rin ako, Ginoo,” mahina niyang sabi. “Napipilitan lang akong gawin ito. Natatakot din ako para sa sarili kong buhay.”
Saglit siyang tumingin sa pinto, baka may nakikinig.
“Patawarin mo sana ako.”
Nagpatuloy ako sa pagkain. Sa bawat subo, may isang bagay ang unti-unting nabuo sa isip ko.
Kung ayaw nila akong mamatay dahil kailangan nila akong buhay… baka may paraan para gamitin ko rin ang pangangailangan nilang iyon.
“Ma-may pakiusap sana ako sa’yo…” mahina kong sabi.
Nangbilog ang mga mata niya.
“Pa-pakiusap?” hindi makapaniwala ang tono niya.
Tumango ako. “Oo.”
Dahan-dahan niyang sinalubong ang titig ko. “A-ano iyon, Ginoo?”
Nag-alangan ako. Ilang sandali kong pinag-isipan kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan ngunit wala akong ibang taong mapagtatanungan.
“Ma-may kaibigan akong Coronal sa kulungang ilalim ng palasyo,” bulong ko. “Gusto kong malaman kung buhay siya.”
“Co-Coronal?”
Ramdam ko ang takot na dumaan sa kanya.
“Oo,” mas mariin na sagot ko. “Sa pinakadulong selda siya noon. Si Fergus.”
Natigil ako sandali nang bumabalik ang alaala ng duguan niyang likod.
“May sugat siya sa dibdib. Sa likod din. Kung buhay pa siya… hindi ko alam kung gaano pa katagal niyang kakayanin.”
Lumunok ako.
“Marahil ay may pagkakataon kang mapadako doon sa ibaba,” dagdag ko. “Alamin mo kung buhay pa siya. Tatanawin kong malaking utang na loob kapag ginawa mo ang pakiusap kong ito.”
Matagal siyang hindi nagsalita.
Tinitigan niya ako na parang sinusukat kung gaano ako kabaliw.
“Ginoo…” halos naaawang sabi niya. “Ikinalulungkot kong sabihin sa’yo… wala na ang mga Coronal dito sa palasyo.”
May sumabog sa tenga ko.
“Ano?!” Tumayo ako. “Anong wala na sila dito?”
“Lahat ng mga Coronal ay inilipat na,” sagot niya. “Sa arena ng Aurelius.”
“Kailan?”
Nagbago ang mukha niya.
“Bakit?”
“Kailan sila dinala roon?”
“Tatlong araw na.”
May humigpit sa paligid ng dibdib ko.
Tatlong araw. Tatlong araw na siyang naghahanda roon habang ako’y nakahiga rito.
“Bakit sila inilipat doon?”
“Para sa paghahanda sa kapistahan ni Apollo,” sagot niya.
“Anong kapistahan?”
“Tinatawag nila itong Pista sa Dugo.”
“Pista sa Dugo?” halos pabulong na ulit ko.
Tumango siya. “Isang lumang tradisyon ng Aurelius. Sa araw ng kapistahan ni Apollo, ang mga Coronal na mga bihag na mandirigma ay inihahandog ang kanilang lakas at dugo sa mga diyos.”
Hindi ko marinig nang maayos ang mga sumunod niyang salita, pero pinilit kong intindihin.
“Isasabong sila sa isa’t isa,” dagdag niya. “Maglalaban sila sa arena. Coronal laban sa Coronal. Minsan laban sa mga Coronal mula sa mga kaalyadong kaharian. Hanggang sa may bumagsak. Hanggang sa may mamatay.”
Nagsalin siya ng tubig sa baso ko. Ako naman, matamang naghihintay ng susunod niyang sasabihin.
“Walang Coronal ang pinapatay dito sa loob ng palasyo,” diin niya. “Bagkus ay inaalagaan sila, pinapakain, at sinasanay, para mas maging kapanapanabik ang labanan. Kaya kung isang Coronal si Fergus na sinasabi mo…”
Saglit siyang tumingin sa akin. Puno ng awa ang mata niya. “Tiyak na kasama siya sa mga dinala doon sa arena.”
Tatlong araw. Iyon lang ang narinig ko. Sa isip ko, nakita ko si Fergus na may sugat pa sa dibdib. Hilom man ito o hindi… pinipilit niyang tumayo sa gitna ng arena. Napapaligiran siya ng sigawan, naliligo sa dugo at ang araw nakatutok sa ulo niya habang hinihintay ng lahat ang pagbagsak niya.
“Hindi…” bulong ko.
Buhay siya, ngunit ang buhay na iyon ay may taning. At kung tatlong araw na siyang naroon, maaaring hindi na ako umabot sa kanya.
Humigpit ang kapit ko sa kutsara.
Kung totoo ang sinasabi niya, ibig sabihin… buhay pa si Fergus, pero hindi para sa akin. Buhay siya para mamatay sa harap ng mamamayan ng kaharian.
Kung nasa arena si Fergus, hahanapin ko ang paraan para makarating doon.
“Kung sakali…” mahina ngunit buo ang boses ko. “Paano ako makakapunta doon sa arena? Gusto kong dumalo sa Pista sa Dugo.”
Yumuko ulit ang babaeng alipin.
“Imposible ’yang nais mo, Ginoo.”
“Bakit? Kung may pista, may manonood. Gusto kong makita.”
“Dahil walang alipin ang pinapayagang pumasok sa arena.”
“Kahit ako?”
Saglit niya akong tinitigan.
“Lalo na ikaw.”
Umangat ang mata niya sa akin.
“Ang Pista sa Dugo,” sabi niya, “ay para lang sa mga mamamayang malaya at sa mga dugong bughaw. Ang panonood ng buhay na kinukuha sa arena ay simbolo ng pagiging nasa itaas ng sistema.”
“May mga guwardiya sa bawat pasukan,” patuloy niya. “Hindi sila naghahanap ng mga gustong manood. Naghahanap sila ng mga alipin na maaaring magtangkang makapasok.”
“At kapag nahuli?”
“Hindi ka na nila ibabalik dito.”
Hindi ko agad naintindihan.
“Kapag malaya ka, may karapatan kang manood ng kamatayan. Kapag alipin ka… wala. Dahil ikaw ang patunay ng kapangyarihan na ipinapakita nila.”
Kumuyom ang kamao ko.
“Bakit nila ginagawa ito?” tanong ko, hindi ko na maitago ang galit. “Hindi dapat ginagawang libangan ang pagkitil ng buhay ng tao.”
Hindi siya nagulat sa tanong ko.
“Ang Pista sa Dugo ay hindi lang basta kasiyahan para sa mga dugong bughaw,” paliwanag niya. “Isa itong taunang ritwal. Para ipakita na ang hari ang may kontrol sa buhay at kamatayan.”
Napatingin ako sa kanya.
“Ang arena ay parang mismong kaharian. Ang mga Coronal… sila ang mga bansang natalo.”
“Ang ibang Coronal,” dagdag niya, “hindi lang basta alipin. Minsan sila ay dating heneral. Anak ng maharlika. Mga rebelde. Mga lider na tumutol sa hari.”
Napalunok ako.
“Hindi lang pag-aalay sa mga diyos ang kapistahan. Kundi para gawing eksekusyon sa arena ang pag-aalis ng mga kalaban ng hari… pero para sa publiko, isa lang itong laro.”
“Hindi nila kailangang ipaliwanag kung bakit tayo dapat matakot,” sabi niya. “Kailangan lang nilang ipakita kung ano ang nangyayari sa mga taong hindi nila kayang kontrolin.”
“At ang arena ang nagpapakita noon?”
Tumango siya.
“Isang tao ang mamamatay sa harap ng libu-libo. At pagkatapos, lahat ng nasa labas ng arena ay uuwi na alam nilang puwedeng mangyari rin iyon sa kanila.”
Saglit siyang tumingin sa akin, diretso sa mata.
“Iisa lang ang mensahe. Kung ang pinakamalakas sa atin ay kayang patayin sa harap ng lahat… ano pa tayo?”
“Hi-hindi pwedeng mamatay si Fergus sa arena,” pabulong kong sabi, ngunit narinig pa rin niya.
Huminga siya nang malalim.
“Kung siya ang pinakamalakas sa lahat ng alay para kay Apollo…” saglit siyang tumigil. “May paraan. Kapag nanalo ang isang Coronal sa Pista sa Dugo. Karaniwang limang laban ang pagdadaanan,” paliwanag niya, “makukuha niya ang tinatawag na Marka ng Kalayaan.”
“Marka… ng Kalayaan?” ulit ko.
Tumango siya.
“Bibigyan siya ng hari ng pagpipilian. Maaaring gawing personal na gwardiya. Bigyan ng lupa. Ginto o kahit titulo ng kaharian.”
“Pero limang laban,” halos nanlulumong saad ko.
“Kaya nga bihira ang nakakatanggap niyan, dahil bago mo makuha ang Marka ng Kalayaan, kailangan mo munang mabuhay sa limang laban.”
Saglit siyang tumingin sa akin.
“At walang nakaaalam kung ilan ang makakalaban mo sa huling laban.”
“Akala ko limang laban lang.”
“Limang laban ang sinasabi ng mga patakaran.”
Bumaba ang tingin niya.
“Pero sa arena, hindi lahat ay sumusunod sa mga patakaran.”
Hindi iyon kalayaan.
“Kung hindi siya umabot ng lima?” tanong ko, kahit alam ko na ang sagot.
“Isa lang ang lalabas na buhay sa bawat laban.”
Napapikit ako.
“Kung hindi ako pwedeng manood bilang alipin…” mahina ngunit determinado ang boses ko, “kailangan kong maging higit pa sa isang alipin.”
Nakita ko ang takot sa mukha ng babae.
“Ginoo…”
CHAPTER 13
AUTHOR’S NOTE:
Hello, mga dre. Bago mag-scroll pababa pwedeng pahingi ng VOTE ? Comment na rin your suggestions, and reactions para sa story na to. I would love to hear it po. Salamat ang be well po kayo.
Bumukas ang nakakandadong pinto.
Hindi ang karaniwang babaeng alipin ang pumasok.
Apat na sundalo.
Kumikislap ang bakal sa baluti nila sa ilaw ng sulo. Seryoso ang mga mukha. Walang bakas ng awa.
“Sa utos ng Mahal na Hari,” sabi ng isa, matigas ang boses, “dadalhin ka sa Konseho.”
May bumagsak sa loob ng dibdib ko.
“K-Konseho?” nauutal kong tanong. “Ba-bakit?”
Walang sagot. Sa halip, lumingon siya sa mga alipin sa likod nila.
“Ihanda niyo siya.”
Ihanda.
Para saan ako?
Nilamon ako ng kaba, pero hindi na ako nagpumiglas at sinubukang umatras.
Alam kong wala ring saysay.
At kung tatanggi ako… ayokong may mapapahamak na naman dahil sa akin.
Tahimik akong tumayo habang lumalapit ang mga alipin. Walang nagsalita ni isa sa kanila.
Dinala nila ako sa paliguan sa loob ng silid.
Maingat ang pagkuskos nila. Hindi marahas, pero hindi rin banayad. Parang nililinis nila ang isang bagay na ihaharap sa mga diyos.
Hinugasan nila ang buhok ko, dahan-dahan, inalis ang anumang bakas ng pawis at takot. Sinuklay ito nang maayos. Nilagyan ng langis ang balat ko hanggang kumintab ito sa liwanag ng sulo.
Hinayaan ko lang.
Pagkatapos, sinuotan nila ako.
Isang kasuotang kulay puti.
Mas magara kaysa sa anumang naisuot ko. Malambot ang tela, halos dumudulas sa balat ko sa bawat galaw. May burdang ginto sa laylayan at manggas, isang masinsinang disenyo ng araw at apoy.
Simbolo ni Apollo o ng kapangyarihan ng hari.
Ramdam ko ang bigat ng tela habang inaayos nila ito sa balikat ko. Pinantay ang mga tiklop. Sinigurong walang gusot at walang mali.
Sa salamin, muli kong hindi nakilala ang sarili ko.
Hindi ako mukhang alipin.
Mukha akong isang alay.
“Handa na siya,” mahinang sabi ng isa sa mga alipin.
Lumapit ang isang sundalo. Sinuri ako mula ulo hanggang paa.
Tumango siya.
Inakay nila ako palabas ng tore.
Mahahabang pasilyo ang dinaanan namin.
Lumiko.
Bumaba.
Muling lumiko.
Tila walang katapusan ang palasyo ng Aurelius, lalo na ngayong dinadala ako sa isang lugar na hindi ko alam kung buhay pa akong lalabas.
May mga sulo sa magkabilang gilid. Ang apoy, sumasayaw, mahahaba ang anino sa marmol na dingding. Sa bawat galaw ng liwanag, para silang mga matang walang talukap na nanonood.
Sa bawat hakbang ko, mas lumalakas ang tibok ng puso ko.
Ito na ba ang kapalit?
Naalala ko ang sinabi ni Haring Leondre.
“Mahalaga ang responsibilidad na gagampanan mo para sa akin, Damien.”
Responsibilidad.
Hindi niya sinabi kung ano at bakit ako. Ngunit malinaw sa tono niya noon… hindi iyon pabor.
Sa bawat liko ng pasilyo, may mga taong nakatayo, at may mga kawal na nakaayos ang tindig. Naroon din ang mga opisyal na malamig ang mga mukha, at mga tagapaglingkod na biglang tumitigil sa ginagawa kapag dumaraan kami.
Lahat sila’y nakatingin sa akin. May pagtataka sa kanila. May bulong-bulungan at kasamang panghuhusga. Marahil napaisip sila kung paano na ang isang aliping tumangkang tumakas, ngayon dinala sa Konseho nang nakaputi.
Mas bumaon ang hawak ng sundalo sa braso ko nang medyo bumagal ang hakbang ko. Hindi marahas, pero sapat para ipaalala sa akin na wala akong kontrol sa kilos ko habang dinadala nila ako patungo sa konseho.
Doon nagpapasya ang hari. Doon pinuputol ang kapalaran ng tao sa iisang salita.
Isang salita, pwede kang maging bayani o pwede kang maging abo.
At ngayon, mukhang ako ang nasa gitna ng kanilang usapan.
Bumaba pa kami sa isa pang hagdan. Mas malamig ang hangin. Mas tahimik dito.
Wala na ang mga tagapaglingkod, ngunit mas marami ang kawal. Mas mabigat rin ang pakiramdam.
Hanggang sa huminto kami.
Sa harap ko, nakatayo ang nakasaradong napakalaking pintuan.
Ginto ang ukit nito. May simbolo ng araw sa gitna. Nakaukit ang mga sinag na tila kumakalat palabas.
Napakaganda. At napakanakakatakot.
Huminto ang mundo.
Hindi sapat ang hangin sa loob ng dibdib ko.
Sa likod ng pintuang iyon, naroon ang hari at konseho. Naroon din pati ang kapalaran ko.
Napatingin ako sa simbolo ng araw.
Kung ito na ang katapusan… handa na ba ako?
Hindi.
Hindi ako handa para dito ngayong alam kong buhay pa si Fergus.
Naalala ko ang Pista sa Dugo. Ang mga Coronal na magpapatayan bilang handog kay Apollo. Kung may pagkakataon mang mailigtas si Fergus, nasa loob ba ng silid na iyon ang sagot? O doon tuluyang mawawala ang lahat?
Humigpit ang panga ko.
Hindi ako pwedeng manginig.
“Tumayo nang tuwid,” bulong ng isa sa mga sundalo.
Hindi ko namalayang nakayuko na pala ako.
Inayos ko ang sarili ko. Inangat ang baba. Pinilit kong patatagin ang tuhod ko, kahit takot na takot ako.
Walang gumalaw sa pasilyo.
Ang apat na bantay sa magkabilang gilid ng pintuan ay parang mga rebulto. Hawak nila ang kanilang espada at sibat nang sabay, tila iisang nilalang lang ang may kontrol sa kanila.
Hindi mapigil ang dibdib ko.
Isang hakbang pa… at mabubuksan iyon.
Ngunit sa sandaling iyon, habang nakatayo ako sa harap ng simbolo ng kapangyarihan ng hari, doon ko naunawaan.
Kung hahatulan nila ako, bakit ako nilinisan?
Bakit ako sinuotan ng puti at ginto?
“Mahalaga ang responsibilidad na gagampanan mo para sa akin.”
Hindi iyon pakiusap.
Iyon ay plano.
At ako.
Isa akong piyesa ni Haring Leondre.
Mas nakakatakot pa kaysa sa kamatayan ang mabuhay bilang kasangkapan ng kapangyarihan.
Sa harap ng pintuan, ramdam ko ang isang bagay na mas matindi pa sa takot.
Ang pakiramdam na sa sandaling bumukas ang pintuang iyon, hindi na ako magiging si Damien na kilala ko.
At baka iyon ang tunay na parusa.
Bumukas ang pintuan. At bumungad sa akin ang bulwagan. Napakalawak nito at napakataas. Nilulunok ng kisame ang tunog ng bawat yabag. Kahit ang paghinga ko, tila nawawala bago pa man tumama sa hangin.
Malalaking haliging marmol ang nakahanay sa magkabilang gilid, may masinsing ukit ng mga diyos at bayani ng Aurelius. Sa bawat haligi, may eksenang digmaan, mga sundalong nakataas ang espada, mga kabayong sumisinghal, mga hari na may koronang nakasandig sa anino ng araw.
Lahat sila nakaukit sa bato.
Ang sahig, makintab na marmol. Sa gitna nito’y may mahabang pulang karpet na ang mga gilid, tinahi ng ginto. Diretso itong umaakyat sa malapad na hagdan patungo sa trono.
Sa paanan ng hagdan, dalawang rebultong leon ang nagbabantay. Nakaangat ang ulo nito. Nakaawang ang mga pangil, parang handang ngumasab ng laman.
At sa itaas, nakaupo si Haring Leondre.
Sa mataas na trono na yari sa ginto at itim na bakal, may likurang hugis ng araw na parang korona ng liwanag sa likod niya. Nakaupo siya nang tuwid, isang kamay nakapatong sa sandalan, ang isa’y nakapahinga sa braso ng trono.
Malamig ang mukha niya. Walang emosyon sa mata, pero halatang naiirita.
Sa ibaba ng hagdan, nagkakagulo ang Konseho.
Mga Duke na may balabal na balahibo at gintong singsing sa bawat daliri. Mga Earl na may makakapal na kadenang kwintas sa leeg, simbolo ng kanilang lupain. At sa gitna nila…
Ang Punong Ministro. Matanda na ito. Matalim ang mga mata. Ang tindig, may bigat ng kapangyarihan kahit hindi pa siya nagsasalita.
Hindi nila napansin ang pagpasok ko.
Abala sila sa pagtatalo.
“Hindi na maaaring ipagpaliban pa, Kamahalan!” sigaw ng isang Duke. “Kailangan ng kaharian ng reyna!”
“Walang tagapagmana, walang katiyakan ang hinaharap!” dagdag ng isa pa.
“Ang dugo ng Aurelius ay dapat magpatuloy!”
Tumigil kami sa paghakbang.
Pinagmamasdan ko sila.
Ang mga dugong bughaw na nalulunod sa kayamanan. Habang ang mga alipin sa ibaba ng kaharian ay nagugutom.
Habang ang mga basahang tulad ko, ikinukulong sa tore o di kaya’y pinapatay sa minahan.
Uminit ang dugo ko. Ang kapal ng mukha nilang magsalita tungkol sa dugo.
Anong dugo?
Ang dugong bumabaha sa arena?
Ang dugong binabayaran ng mga alipin para manatili silang nakaupo sa gintong upuan?
“Kaya kong pamunuan ang kahariang ito nang walang reyna sa tabi ko,” malamig na sabi ni Haring Leondre.
Tahimik pero matigas ang tono.
“Ngunit ang tradisyon… “ singit ng isang Earl.
“Tradisyon ang dahilan kung bakit mahihina ang mga hari!” putol ni Haring Leondre.
Natahimik ang bulwagan. Kahit ako napalunok.
“Mahal na Hari,” sabi ng Punong Ministro, mas mahinahon ngunit mas mabigat ang tono, “ang kaharian ay hindi nabubuhay sa espada lang. Nabubuhay ito sa dugo. At sa ngayon, wala kang dugo na maipapamana.”
Kumuyom ang kamay ko.
“Ang dugo ko ang bumuhos sa bawat digmaan para sa inyo,” sagot ng hari, mas mababa ang tono ngunit mas delikado. “Hindi ba sapat iyon?”
“Ang digmaan ay panandalian,” tugon ng Punong Ministro. “Ang dinastiya ay walang hanggan. Kung ikaw ay mamatay ngayon, sino ang uupo? Sino ang susunod na hari?”
“Hindi pa ako patay,” malamig niyang sagot.
“Ngunit ang mga kalaban mo ay buhay. At naghihintay. Isang kaharian na walang tagapagmana ay paanyaya sa digmaan.”
Tahimik.
Mabigat ang hangin.
“Kaya ang solusyon ninyo ay ikadena ako sa isang babaeng hindi ko kilala?” tanong ng hari, bahagyang nakataas ang kilay.
Isang mas batang konsehal ang humakbang pasulong. Makinis ang pananalita. Matalino ang mga mata.
“Hindi kadena, Kamahalan,” sabi niya. “Alyansa. Ang Prinsesa ng Troy ay may dalang sampung libong sundalo. Ang kasal mo sa kanya ay pagpapaigting ng kapangyarihan ng kaharian.”
“Sampung libong sundalo,” ulit ni Haring Leondre, bahagyang tumatawa. “Kapayapaan? O sampung libong matang magbabantay sa akin sa sarili kong kaharian?”
“Hindi ito personal, Kamahalan. Ito ay para sa kaharian.”
Tahimik.
Mabagal na tumayo si Haring Leondre mula sa trono. Kumalansing ang kaniyang suot na baluti. Sumayad sa sahig ang pulang kapa sa likod niya.
“Ang kaharian ay ako.”
Bumigat ang mga salita sa hangin.
At sa sandaling iyon, may isang sundalong lumapit sa kanya at marahang bumulong.
Tumigil ang hari.
Unti-unti, gumalaw ang kanyang mga mata.
Pababa.
Sa hagdan.
Sa pulang carpet.
Sa akin.
Doon lang nila ako napansin.
Isa-isa silang lumingon.
Ang mga Duke.
Ang mga Earl.
Ang Punong Ministro.
Ang mga Heneral ng hukbo ng kaharian.
Mga matang puno ng pagtataka. At paghusga sa bawat tingin.
Ramdam ko ang init ng dugo ko sa ilalim ng puting kasuotan. Biglang sumikip ang tela sa dibdib ko.
Ako.
Isang alipin.
Sa gitna ng usapan ng mga dugong bughaw at makapangyarihan.
Nagkatinginan ang ilan sa kanila. May kumunot ang noo. Ang iba, bahagyang napaatras.
Hindi ako yumuko. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas, pero nanatili akong nakatingin.
Ang mga mata ni Haring Leondre, nakapako sa akin.
Walang galit ngunit may desisyon.
At doon ko naramdaman. Hindi ako dinala rito nang walang dahilan. May kinalaman ako sa salitang paulit-ulit nilang binabanggit.
Dugo.
At sa paraan ng pagtitig sa akin ni Haring Leondre… alam niya ang isang bagay na hindi pa alam ng buong bulwagan.
Isang lihim at responsibilidad.
Mas kinatakutan ko ang hindi pagpatay, kundi ang paggamit sa akin. Dahil sa kahariang ito, mas mahalaga ang dugo kaysa sa buhay.
At kung anuman ang nakikita niya sa akin, hindi na iyon tungkol sa pagiging alipin ko.
Author’s Note: Next update will be on Monday.
Hope you like it! Share your thoughts at the comment box below.
CHAPTER 14
Inaakay nila ako papasok sa gitna ng bulwagan.
Hindi na ako anino na tinatago sa tore. Lantad na ako.
Hindi ako bagay sa marmol na sahig na ’to na may pulang karpet na dinaanan ng mga heneral at hari. Bawat hakbang, parang lumulubog ako sa hiya.
Ang mga mata nila, parang kinakain nila ako.
Diretso ako sa ilalim ng ilaw. Sa harap ng konseho. Iisa lang ang tanong sa mga mukha nila.
Sino ako?
At bakit ako nandito?
Bihisan man nila ako ng puti at ginto, alam kong hindi nito kayang takpan ang totoo. Alipin lang ako. Isang pangalan na madaling burahin.
Nakakabingi ang bulungan.
“Alipin…”
“Ano’ng kahibangan ’to?”
Bawat hakbang, mas mabigat pa sa hawak ng mga sundalo sa braso ko.
Hindi ba sapat na ikinulong nila ako?
Bigla nila akong itinulak.
Napaluhod ako.
Malamig ang marmol. Tumagos ang lamig sa tuhod ko hanggang buto. Sa itaas ko, ang dalawang rebultong leon, nakaawang ang pangil, parang hinihintay lang akong lapain.
“Isang alipin?” may konsehal na nagsalita, hindi man lang nagkunwaring magalang.
“Siya ba ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang Hari?” dagdag ng isa, may lason sa boses.
Lalong lumakas ang bulungan.
Uminit ang pisngi ko. Gusto kong tumayo at isigaw na hindi nila alam ang buong kwento, pero sino ba ako?
Isang alipin na walang karapatang sumagot.
Humakbang si Haring Leondre.
Isa.
Dalawa.
Mabagal ang tunog ng bota niya sa marmol. Bawat hakbang, martilyo sa dibdib ko.
Tumigil siya sa harap ko.
Nakayuko pa rin ako, pero ramdam ko ang presensya niya.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.
Nakatayo siya sa dalawang baitang sa itaas. Mas mataas. Mas makapangyarihan.
Bumaba ang mainit na titig niya sa akin.
May sinusukat siyang desisyong nakasalalay sa balikat ko.
Humigpit ang mga daliri ko sa laylayan ng kasuotan ko.
Tahimik siya. Tapos inangat niya ang ulo at hinarap ang buong konseho.
“Kung nais ninyo ng kasama sa aking tabi… bibigyan ko kayo ng isa,” mabagal, malinaw, at walang pag-aalinlangan niyang pahayag.
Tumigil ang oras.
Tanging tibok ng puso ko ang naririnig ko.
Ito na.
“Simula sa araw na ito…” dagdag niya.
Huminto siya.
“…si Damien ang magiging Concubine ng Korona.”
May sumabog sa ulo ko.
Concubine.
Ng Korona.
Ako?
Hindi ako makahinga. Parang may pumisil sa lalamunan ko. Naririnig ko ang mga bibig na bumubuka, pero walang tunog na pumapasok sa tenga ko.
Concubine.
Isang salitang hindi ko lubos maintindihan pero ramdam ko ang bigat.
Unti-unting bumalik ang tunog.
“Kalokohan!”
“Hindi maaari!”
“Isang alipin?!” sigaw ng isa.
“Isang insulto sa dugo ng Aurelius!”
Ngunit hindi ako nakatingin sa kanila. Nakatitig lang ako kay Haring Leondre. Hindi siya umatras, ni nagbago ng ekspresyon. Diretso ang tingin niya sa akin.
Ito ba ang dahilan kung bakit hindi niya ako pinatay?
Nanginginig sa magkahalong takot at poot ang mga kamay ko. Gusto kong tumayo at isigaw na wala siyang karapatan. Na hindi ako bagay sa trono niya.
Gusto kong tumanggi.
Kung ako ang maging concubine ng Korona… ano ang mangyayari sa’kin?
At si Fergus, ito ba ang pinto para mailigtas ang buhay niya sa Arena? O mas malalim na kulungan para sa’kin?
Napagtanto ko.
Alam kong hindi ako pinili ni Haring Leondre dahil gusto niya ng kasama.
Pinili niya ako para patunayan ang kapangyarihan niya.
Ito ay isang sampal sa Konseho. Isang hamon sa tradisyon ng kaharian. Ni minsan walang lalaking concubine ang hari. Kung hindi siya papayag na itali sa prinsesa ng Troy… hindi iyon nakakabawas sa kapangyarihan niya.
At ako ang magiging simbolo nito.
“Pero mahal na Hari! Wala siyang dugong bughaw! Wala siyang titulo! Isang… walang pangalan? Isang lalaki ang uupo sa tabi ng Korona?”
Sunod-sunod na pana ang mga salita.
Kahit nakaluhod ako, pakiramdam ko tinatamaan ako sa dibdib. Hindi ko magawang tumingala. Mas madali yatang tanggapin ang lamig ng marmol kaysa sa init ng mga mata nilang nagngangalit sa pagkasuklam.
“Ang trono ko ay hindi lupain ng Konseho, Marcellus,” malamig na sabi ni Haring Leondre.
“Ngunit ang dugong maaaring ipanganak mula roon ay pag-aari ng kaharian!” sagot ni Marcellus, nagpipigil sa galit.
May ilang sumang-ayon, ngunit may mga upuan kumalabog.
“Ang concubine ay instrumento ng alyansa,” singit ng isa pa. “Isang prinsesa. Isang anak ng heneral. Isang tulay sa ibang kaharian. Ano ang dala niya, mahal na Hari? Ano?”
Parang sabay-sabay silang lumingon sa akin. Ramdam ko ang bawat tingin nila na dumadampi sa likod ko.
Ano nga ba ang dala ko?
Wala.
Wala akong titulo at lupain. Wala rin akong apelyidong may bigat sa Konseho. Isang pangalan lang na halos hindi nila kayang bigkasin nang hindi nadudumihan ang dila nila.
“Hindi ko kailangan ng tulay,” sagot ni Haring Leondre.
Isang hakbang ang ginawa niya pababa.
“Dahil ako ang digmaan, Varo.”
Tumahimik ang ilan.
“Ang dala niya ay kahinaan!” sigaw ni Varo.
Kahinaan.
Kung hindi lang ako nakaluhod, baka natawa ako.
Kung alam lang nila kung paano ako nabuhay sa kamotehan ng Adarmus. Kung paano ko pinunit ang sarili kong kahinaan para lang may maipantawid sa araw. Kung paano ko tinanggap ang gutom na tila hayop sa sikmura ko.
Kahinaan?
Hindi nila alam ang ibig sabihin ng salitang iyon.
“Ilang taon kaming nag-alok ng aming mga anak na babae sa iyong serbisyo,” sabi ng isa pa, mababa ang boses pero punong-puno ng hinanakit. “Ngayon pipili ka ng… kung sino man siya?”
“Pinili ko ang gusto ko, Esteban.”
Simple.
Walang paliwanag.
“Pinili mo ang paglapastangan sa aming mga pamilya!”
Mas lalong uminit ang bulwagan.
Hindi ko man alam kung ano ang buong responsibilidad ng pagiging isang concubine ng Korona… alam kong hindi ako pinili para mahalin.
Pinili ako para gamitin.
Isang sandata.
Isang simbolo.
Isang probokasyon.
“Hindi natin kilala ang kanyang pinanggalingan,” muli si Varo. “Paano kung siya ay espiya? Paano kung siya ang patalim na itutusok sa iyong dibdib habang ikaw ay natutulog?”
May ilang konsehal ang umingay sa pagsang-ayon.
Bumigat ang hangin.
Espiya?
Kung alam lang nila kung gaano ko gustong tumakbo palayo sa anino ng haring ’to.
Kung alam lang nila na kung may patalim man dito… hindi ako ang may hawak.
Lumapit si Haring Leondre ng isang hakbang. Bumagsak sa akin ang anino niya na unti-unting bumalot sa akin. Pagkatapos, lumingon siya sa akin.
Saglit.
Isang titig.
Hindi ko mabasa kung ano ang laman noon. Babala ba, pagmamay-ari, o isang tahimik na paalala na kaya niya akong wasakin anumang oras?
Bumalik ang tingin niya sa Konseho.
“Kung siya ang papatay sa akin,” sabi niya, malamig at diretso ang boses, “hindi ninyo na kailangang magplano kung paano ako alisan ng korona sa trono.”
Bumagsak ang katahimikan.
“Ngunit mahal na Hari!” may sumingit muli sa wakas, pilit matatag ang boses. “Ang kailangan ng kaharian ay reyna… hindi laruan!”
Laruan.
Uminit ang tainga ko. Hindi ako laruan. Hindi palamuti, at lalong hindi piyesa sa laro nila.
“Hindi ako naghahanap ng reyna,” mariing sabi ni Haring Leondre.
“Kung walang reyna, walang katiyakan ang kinabukasan ng kahariang ito!”
Ramdam ko na ang pangangalay at panginginig sa tuhod, ang kirot sa buto, ang bigat ng bawat matang nakatutok sa likod ko.
Ngumiti si Haring Leondre.
Malamig.
Manipis.
Hindi umaabot sa mata.
“Hindi ninyo kailangang mag-alala sa aking tagapagmana.”
Nagpalitan ng tingin ang mga maharlika.
“Kung may sinuman sa inyo ang kumwestyon sa aking karapatan pumili ng concubine…” bumaba ang boses niya. Hindi man malakas ang paraang ng pagsabi, pero sapat para gumapang sa balat ng bawat tao sa silid,“…sa susunod na buwan, sa Pista sa Dugo, ang panganay na lalaking anak ng kanyang pamilya ang iaalay ko sa arena.”
Biglang may huminto sa paghinga.
“Hindi bilang coronal,” dagdag niya.
Isang sandaling pahinga.
Isang sadya.
“Bilang halimbawa sa sino mang magrebelde sa kapangyarihan ko.”
May bahagyang napaatras.
“Ang lahat ng lupain, titulo, at kayamanan ninyo ay ipinagkaloob ng Korona,” pagpapatuloy niya. “Isang pirma ko lang… babalik sa akin ang lahat.”
Isa-isa niya silang tinitigan nang mariin. Parang hinuhubaran niya sila ng kapangyarihan habang nakatayo pa sila.
“Subukan ninyong bawiin ang suporta ninyo sa’kin,” sabi niya. “Tingnan natin kung gaano kayo katapang kapag wala kayong hukbo, wala kayong buwis, at wala kayong pangalan.”
May pawis na tumulo sa noo ko.
“Kung may maglalakas-loob magbulong ng paghihimagsik…” bumaba pa lalo ang tono niya, halos bulong na bumabalot sa tenga ng lahat, “…ilalabas ko ang mga lihim ninyo sa harap ng sambayanan.”
“Ma-mahal na hari-”
“Ang utang mo sa kaharian, Marcellus.”
“Ang lihim mong pakikipag-ugnayan sa hilagang tribo, Varo.”
Walang nagsasalita.
“Akala ba ninyo bulag ako?”
Walang nangahas na sumagot.
“Sa oras na may magtaas ng hukbo laban sa akin…” tumigas ang tinig niya, at doon ko naramdaman ang tunay na bigat ng kapangyarihan niya, “…idideklara ko ang Batas ng Dugo.”
Kumirot ang sikmura ko.
Alam ko ang batas na iyon.
Kapag may traydor… hindi lang siya ang papatayin. Buong pamilya at apelyido.
“Hindi lamang ang ulo ninyo ang gugulong,” matigas na sabi niya. “Kundi ang buong angkan ninyo.”
Ang mga Maharlika… ramdam ko ang takot sa marahas nilang pagsinghap. Sabay-sabay silang nalunod sa hangin.
Mabagal na humakbang si Haring Leondre. Bawat yabag niya, dumadagundong sa marmol.
Huminto siya sa mismong harapan ko.
Hindi ako makagalaw ni makahinga. Puno ng pangangatog ang aking mga tuhod.
Pagkatapos… hinawakan niya ang baba ko.
Isang kolektibong pagsinghap ang kumawala sa bulwagan.
Matigas ang mga daliri niya. Mainit laban sa malamig kong balat. Hindi man marahas, pero walang pahintulot.
Dahan-dahan niyang itinaas ang mukha ko para makita ng lahat.
Para ilantad ang isang lihim na kinukulong niya sa silid.
“Siya ay nasa ilalim ng aking proteksyon,” malinaw niyang sabi. “Si Damien ay mananatili sa aking tabi.”
Ramdam ko ang bawat mata sa mukha ko. Parang sinusuri kung ano ang nakita ng hari sa isang tulad ko… kung may halaga ba ako o isa lang akong laruan.
“Sinumang magtangkang saktan siya…” tumalim ang boses niya, malamig at walang bahid ng pag-aalinlangan, “…ay ituturing kong personal na pag-atake sa Korona.”
May nag-iwas ng tingin.
Bumaling siya sa Konseho.
“Hindi ninyo siya kailangang mahalin. Kailangan ninyo lang siyang igalang.”
Tikom ang bibig ng lahat. Tumingin siya sa mga Duke.
“Mayroon kayong isang taon.”
Mas bumigat ang hangin.
“Isang taon ng katahimikan. Walang bulong. Walang lihim na alyansa. Walang pagtutol.”
Kasunduan ba ito… o bitag?
“Kapag natapos ang isang taon at matatag pa rin ang kaharian… tatanggapin ninyo ang aking desisyon.”
Isang saglit na pahinga.
“Kapag bumagsak ang kaharian dahil sa akin… ako mismo ang magbitiw ng korona.”
Namatay ang ingay.
Unti-unti niyang binitiwan ang baba ko.
Nayuko ako.
Concubine.
Ang salitang iyon, nakakasakal na kadena sa leeg ko.
Proteksyon?
O mas malinaw na marka sa likod ko?
Kapag nagkamali siya dahil sa akin… kapag nag-alsa sila… ako ang unang babagsak.
Hindi nila ako papatayin nang marangal.
Hindi sa arena.
Hindi sa harap ng madla.
Sa dilim.
Sa likod.
Tahimik.
At baka wala man lang makaalam.
May pawis na tumulo sa likod ko kahit malamig ang marmol sa tuhod ko.
Mahina, ngunit rinig ng lahat, nagsalita si Haring Leondre. “Sa kahariang ito… ako ang batas.”
Walang tumutol.
At sa sandaling iyon… naintindihan ko.
Hindi ako pinili dahil mahalaga o dahil espesyal ako.
Pinili ako dahil ako ang pinakamalinaw na insulto sa tradisyon. Isang alipin sa tabi ng trono. Isang hamon sa dugo. Isang patunay na ang kapangyarihan niya, hindi nakatali sa apelyido nila.
At habang nakaluhod ako sa paanan ng leon at korona… naunawaan ko ang pinakamasakit na katotohanan.
Sa larong ito, hindi ako reyna.
Hindi ako hari.
Isa lang akong piyesa.
At kapag bumagsak ang kaharian… ako ang unang dudurugin nito.
CHAPTER 15
Author’s Note:
Ano ang EUNUCH?
Based sa mga K-Drama na napanood ko, sila ay lalaking alipin na tinanggalan ng bayag. Noong sinaunang panahon, ginagawa ito para sila ay maging tagabantay sa mga babae ng hari o pinagkakatiwalaang lingkod.
Basically, hindi sila makakaanak, kaya hindi sila tinitingnang banta sa royal family.
Hindi na karaniwang alipin ang nag-aasikaso sa akin. Wala na ang mga babaeng nakayuko, ang ulo’y laging mababa, laging humihingi ng paumanhin sa bawat hinga.
Apat na eunuch ang dumating. Pare-parehong tahimik, tuwid ang tindig, at walang emosyon ang mukha.
Walang pagbati o paliwanag.
“Sumama ka sa amin,” sabi ng isa.
Hindi iyon utos na may galit, pero hindi rin pwedeng tanggihan.
Sumunod ako.
Dinala nila ako sa mas malaki, marangya, at tahimik na silid. May mga kurtinang makapal ang tela, kulay ginto at malalim na pula. May burdang araw sa bawat sulok, isang paalala kung sino ang may-ari ng liwanag sa kahariang ito.
May mga bintanang hindi naka-kadena, pero may bantay sa labas. Isa pa, ang kwartong pinaglagyan nila sa’kin, mas malapit sa silid ng hari. Ramdam ko iyon.
“Mula ngayon,” sabi ng eunuch na tila pinuno nila, “hindi ka na basta alipin lang ng kaharian. Ikaw ang Concubine ng Korona.”
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Concubine.
Hindi pa rin ako sanay marinig ang salitang iyon na nakakabit sa pangalan ko.
“Hindi ko ito pinili,” mahina pero buo na sagot ko.
Tiningnan niya ako. Wala man lang kurap.
“Walang pinipili sa palasyong ito,” sagot niya. “May inaangkin lang.”
Nanahimik ako.
Inaangkin.
Parang lupa o sandata.
Doon nagsimula ang pagsasanay.
“Tumayo nang tuwid.”
Lumapit ang isa at hinawakan ang likod ko. Inayos ang balikat ko. Itinaas ang baba ko gamit ang dalawang daliri… hindi marahas, pero eksakto.
“Ang concubine ay hindi yumuyuko maliban sa hari.”
Pinilit kong panatilihin ang ulo ko sa tamang anggulo. Hindi masyadong mataas, at hindi rin mababa.
“Maglakad.”
Naglakad ako sa gitna ng silid.
“Masyadong mabilis.”
Inulit ko.
“Mabigat ang hakbang.”
Inayos ko.
“Halata ang takot.”
Huminto ako. Hindi ko namalayang napapahigpit ang kamao ko.
“Ang concubine ay hindi tumatakbo,” sabi ng isa pa. “Hindi nagmamadali. Ang mundo ang dapat maghintay sa kanya.”
Kabaligtaran ng lahat ng natutunan ko sa Adarmus. Doon, kung hindi ka mabilis… gutom ka. Kung hindi ka tumatakbo, patay ka.
“Huminga.”
Napapikit ako sandali.
“Kontrolado,” sabi nila. “Hindi hingal. Hindi halata.”
Sinubukan ko ulit.
Dahan-dahan.
Sa loob… sa labas.
“Ang concubine ay hindi nanginginig.”
Gusto kong tumawa.
Hindi nanginginig?
Buong katawan ko, parang nasa bingit ng bangin.
“Ulit.”
Naglakad ako.
Umikot.
Tumigil.
“Masyado pa ring mabilis para kang handang tumakas.”
May kumurot sa dibdib ko.
Handang tumakas.
Kung alam lang nila.
Bawat pagkakamali ko, may malamig na pagsaway. Hindi sigaw o sampal pero mas masakit. Wala silang emosyon at galit.
Tumingin ako sa salamin.
Nakasuot ako ng manipis na tela na mas maayos kaysa sa dati kong kasuotan. Nakasuklay nang maayos ang makintab kong buhok.
Mukha akong… iba.
Hindi alipin.
Hindi pa rin maharlika.
Isang bagay sa pagitan.
Sa loob-loob ko, gusto kong matawa. Pero takot ang buong pagkatao ko.
Takot sa hari at sa bagong buhay na hindi ko pinili.
“Ulit,” sabi ng pinuno nila.
Naglakad ako muli.
Mas mabagal at kontrolado.
Pinilit kong alisin ang galit at takot sa mga mata ko. Napansin kong mas nagiging makinis ang galaw ko.
Mas tahimik ang hinga ko. Naging tuwid ang tindig ko. At doon ko naramdaman ang pinakamasakit.
Habang tinuturuan nila akong maging perpekto, naramdaman ko na ang dating ako… kailangan ding mamatay.
Ang batang tumatakbo sa putikan ng Adarmus.
Ang alipin na naglalakas-loob tumakas sa tore.
Ang lalaking marunong tumawa, magbiro, magalit, sumigaw, at lumaban.
Hindi bagay ang mga iyon sa tabi ng trono.
“Sa loob ng isang linggo,” sabi ng eunuch, “kailangan handa ka nang humarap sa mga maharlika nang hindi sila binibigyan ng dahilan para pagtawanan ang hari.”
Hindi para igalang ako. Para hindi mapahiya ang hari.
Tumango ako. Hindi dahil sumasang-ayon ako. Kundi dahil wala na akong ibang magagawa.
Nang iwan nila ako sa silid, nagsara ang pinto nang marahan.
Nawala ang kahit anong ingay.
Lumapit ako sa bintana. Humawak ako sa kurtina.
Malambot. Magara.
At pakiramdam ko… mas makapal ang kulungang ito kaysa sa dati kong selda. Dahil sa tore, malinaw na bilanggo ako.
Dito…
Kailangan kong ngumiti.
At magkunwaring hindi ako nakakulong.
Sa sumunod na araw.
Hindi lang postura at paglalakad ang itinuro sa akin ng mga eunuch.
Isang umaga, inilatag nila sa harap ko ang makakapal at mabibigat na mga pergamino.
Amoy tinta at lumang balat, may bahid ng kasaysayang hindi na mahuhugasan.
“Babasa ka,” sabi ng pinuno nila.
“T-Marunong ako kahit kaunti,” nag-aalangang sagot ko. Sa Adarmus, natuto akong bumasa ng mga karatula na may mga listahan ng utang at pangalan ng nawawala.
“Hindi ka dapat marunong kahit kaunti,” malamig niyang tugon. “Dapat marunong ka nang lubos.”
Umupo ako.
Hinawakan ko ang unang pergamino.
Mabigat.
May sariling timbang ang bawat pahina.
Tinuruan nila akong bumasa nang malinaw. Bawat pantig dapat buo. Bawat salita dapat tama ang diin. Kapag nagkamali ako sa pagbigkas ng isang pangalan ng lupain o batas, uulitin ko mula simula.
“Hindi ka maaaring magkamali sa harap ng Konseho,” sabi ng isa. “Ang maling diin, maling kahulugan.”
Habang binabasa ko ang mga batas ng Aurelius, nagsasalaysay ang eunuch.
“Ang Batas ng Dugo ay isinulat matapos ang unang malaking paghihimagsik.”
“Ang mga tributong lupain, pinatawan ng dobleng buwis matapos ang Ikatlong Pananakop.”
“Ang Korona, hindi kailanman humihingi. Kumukuha ito.”
Sa bawat linyang binibigkas ko, mas nararamdaman ko ang bigat ng kahariang ito. Hindi ito itinayo sa marmol. Itinayo ito sa takot.
Habang tumatagal, lumalalim ang mga aralin.
Kasaysayan.
Digmaan.
Mga pangalan ng hari at heneral na tila paulit-ulit na lumilitaw sa bawat pahina, ngunit isang pangalan ang mas madalas kaysa sa iba.
Ang pangalan ni Haring Leondre Aurelius.
Mabigat ang tinta sa tuwing nakikita ko ito.
“Limang taon pa lamang ang hari nang unang pumatay,” sabi ng eunuch habang nakatingin ako sa isang talaan ng mga rebelde.
Nanigas ang kamay ko sa pahina.
Limang taon.
“Alinsunod sa utos ng dating hari, siya mismo ang nagpugot ng ulo ng isang nahuling rebelde. Upang patunayan ang kanyang katapatan.”
May lamig na gumapang sa batok ko.
Ako sa edad na iyon… natutong magtago kapag may lasing na sundalo sa kanto.
Natuto akong tumakbo.
Siya… natutong pumatay.
“At sa parehong edad,” pagpapatuloy ng eunuch, “sinimulan ang pagsasanay sa kanya sa iba’t ibang sandata. Espada. Sibat. Pana. Atsa.”
Napalunok ako.
“Sa edad na labing-apat, naging Heneral siya ng isang batalyon. Pinamunuan niya ang pananakop sa mga karatig na kaharian. Nalupig ang maraming lupain. Lumawak ang teritoryo ng Aurelius.”
Nakikita ko sa pahina ang mga guhit ng mga lupain.
Mga hangganang gumagalaw.
Mga kahariang naglalaho.
Dugo sa ilalim ng tinta.
Sa bawat linya, mas lumilinaw ang larawan niya sa isip ko. Hindi lang hari o lalaki, kundi isang sandatang hinasa mula pagkabata.
“At upang masiguro ang trono,” dagdag ng eunuch, “pinatay niya ang Duke ng Aiur… ang sarili niyang tiyuhin.”
Nagsitayuan ang mga balahibo ko.
Isang bata na lumaking alam na ang kapangyarihan, hindi hinihingi kundi kinukuha.
“Ang kasaysayan ng kaharian,” sabi niya, isinara ang pergamino, “ay iba sa kasaysayan ng Korona.”
Tumingin siya sa akin.
“Ang kaharian, nakasulat sa tinta. Ang Korona, nakasulat sa dugo.”
Tahimik ako.
Naunawaan ko na. Hindi ako pinili dahil sa awa at pagnanasa. Pinili ako dahil siya, sanay gumamit ng tao.
Kung kaya niyang pugutan ng ulo ang rebelde para patunayan ang sarili… Ano lang ako sa kanya?
Isang alipin.
Isang katawan at simbolo.
Ako ang susunod niyang sandata. Isang patunay ng kapangyarihan. Isang katawan na maaaring magpalakas ng kaniyang kapangyarihan o maging dahilan ng digmaan.
“Basahin mo muli,” utos ng eunuch.
Inulit ko ang pahina tungkol sa Batas ng Dugo.
Sa paglipol ng buong apelyido.
Sa pagbura ng pangalan sa mga talaan.
Sa pagkuha ng lupa at kayamanan bilang parusa.
Habang binibigkas ko ang mga salita, may kung anong nagbabago sa loob ko.
Dati, takot lang ang nararamdaman ko. Pero ngayon… may halong iba.
Kung ang Korona, nakasulat sa dugo… hindi lang sila ang marunong gumamit nito.
Kung kaya niyang pag-aralan ang mga kahinaan ng Konseho… kaya ko ring pag-aralan siya.
Tahimik akong nagbasa. Tahimik akong tumango at natuto.
At habang binabalikan ko ang bawat pahina ng kanyang nakaraan… ang batang pinilit pumatay.
Ang prinsipe na ginawang heneral.
Ang hari na pumatay ng sariling dugo, may kung anong nabubuo sa loob ko.
Hindi takot.
Poot na habang tumatagal… mas umiinit.
Sa unang pagkakataon mula nang iluhod niya ako sa marmol, hindi ko lang iniisip kung paano mabuhay sa tabi niya.
Iniisip ko kung paano mabuhay nang hindi tuluyang kinakain ng anino niya. Dahil kung ang kahariang ito, laro ng dugo…
Hindi ako mananatiling piyesa habambuhay.
Matututo ako.
At kapag dumating ang tamang oras, hindi na ako ang hahawak sa espada.
Pero baka ako ang magdidikta kung saan ito babagsak.
CHAPTER 16
Gabi. Tahimik na ang buong palasyo, pero sa loob ng ulo ko may digmaan. Paulit-ulit na nagbabanggaan sa isip ko ang mga alaala at salita ng mga eunuch.
Kailan ba ko naging mapayapa mula nang dalhin ako dito?
Wala na ang mga eunuch. Pati ang mga aliping kaninang tahimik lang na nakamasid sa gilid. Wala na ang mga yabag nila sa loob, pero naroon ang presensya ng mga bantay sa labas ng pinto.
Concubine man ako ng hari, pero heto pa rin ako sa kulungan na may kurtina.
Lumapit ako sa bintana.
Itinaas ko ang tingin ko.
Bilog ang buwan. Masyadong maliwanag. Parang mata ng mga diyos. Tahimik lang na nanonood, walang pakialam sa pagdurusa namin dito sa kaharian.
Sa ilalim ng liwanag na iyon, mukha lang akong anino sa gilid ng bintana. Isang taong walang pangalan na itinulak sa tabi ng kapangyarihang hindi niya kailanman hiniling.
Humawak ako ng mahigpit sa gilid ng bintana.
Umiigting ang galit na matagal ko nang pilit tinatago.
Lahat ng ’yon, iisa lang ang dahilan. Si Haring Leondre.
Ang paraan ng pagtitig niya sa akin… alam na niya ang bawat galaw ko bago ko pa gawin. Ginawa niya akong concubine at puntirya ng mga kalaban niya. Sa ginawa niyang ’yon, para rin niyang inilibing akong buhay.
Humigpit ang panga ko.
Kung limang taon pa lang siya nang unang pumatay… Kailan niya natutunang hindi na mabigat ang dugo sa kamay at ang mga tao’y maging mga piyesa na lang?
Napapikit ako.
At sa likod ng galit, may isang pangalan na sumilip sa utak ko.
Si Fergus.
Hindi ko alam kung anong buhay niya ngayon sa arena. Kung naaalala pa niya ako, o kung galit siya. O kung naghihintay siya habang papalapit ang Pista sa Dugo.
Kung uminit ang Konseho dahil sa anunsyo… sino ang unang ihahain bilang babala?
Ang pugot na ulo ba ni Fergus?
Napakapit ako sa bato, gusto kong durugin ang mismong pader.
Gusto kong sumigaw at basagin ang salamin.
Ngunit habang nakatingin ako sa buwan, may ibang bagay na dahan-dahang nabubuo sa likod ng puso ko.
Rebelyon.
Isang ideya pa lang. Isang apoy na maliit, halos hindi makita, pero hindi madaling patayin.
Kung ako ang simbolo ng kapangyarihan niya, ako rin ang pinakamalapit sa pagbagsak niya.
Kung ang Korona, nakasulat sa dugo, hindi ko kailangang humawak ng espada para magdulot ng sugat.
Hindi ako mandirigma o maharlika. Ako ang nasa tabi ng trono kapag bumubulong ang mga lihim. Ako ang makakakita kapag humina ang mga bantay. Ako ang makakaalam kung kailan siya nag-iisa.
At kung ang buong kaharian, nanginginig sa pangalan niya, ako rin ang may pinakamalapit na pagkakataong iparamdam sa kanya ang parehong takot.
Tumingin ako muli sa buwan. Mahina akong napangiti dahil sa pag-unawa.
Hindi ako magpakabiktima na lang.
Hindi na.
Kung ginawa niya akong simbolo ng kapangyarihan niya, gagawin ko rin ang sarili ko bilang simula ng pagbagsak niya.
Isang gabi, habang pinipilit kong basahin muli ang tala tungkol sa Ikatlong Pananakop, bumukas ang pinto nang walang katok.
Hindi man lang nag-ingay ang bisagra.
Dalawang eunuch ang pumasok. Gaya ng dati, hindi sila yumuko. Hindi rin sila ngumiti.
“Nais ng hari na sa kaniyang silid ka ngayon matutulog.”
Biglang may mabigat na bumagsak na bato sa dibdib ko.
“A-Ano?!” Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko.
Walang paliwanag mula sa kanila.
“Ihanda ninyo siya,” utos ng pinuno nila sa mga aliping kasunod. “Pahiran ng langis alinsunod sa amoy na gusto ng mahal na hari.”
Mahal na Hari.
Kung alam lang nila kung gaano kabigat ang salitang iyon sa akin.
Hindi ako binigyan ng oras magtanong.
Hinubaran nila ako nang maingat. Walang kabastusan sa galaw nila, pero walang awa rin.
Mainit ang tubig sa paliguan. Mas mabango rin ito kaysa sa dati. Umuusok pa ang hangin habang ibinubuhos nila sa balikat ko ang tubig.
Pinunasan nila ang likod ko. Ang mga braso ko. Ang dibdib ko.
Tahimik sila na para bang gumagawa lang ng ritwal.
Malamig ang langis sa una. Napasinghap ako, bago ito uminit sa balat ko. Amoy mira at isang halamang hindi ko kilala. Mabango, pero nakakahilo.
Isinuot nila sa akin ang manipis na damit pantulog. Malambot at dumudulas sa balat ko. Sa gaan, parang wala akong suot.
Hindi man nila sinasabi, alam ko kung anong klaseng gabi ito.
May masamang kutob na gumagapang sa sikmura ko, pero pilit kong pinipigilan ang isip ko. Hindi niya kayang gawin iyon.
Pareho kaming lalaki.
At kahit tinawag niya akong concubine sa harap ng buong Konseho, may hangganan ang kapangyarihan niya.
Hindi ba?
Pero kilala ko na ang kasaysayan niya. Nakukuha niya lahat ng gusto gamit ang dahas. Anong hangganan ang hindi niya kayang tawirin?
Kung sakali mang ipwersa niya ang kaniyang sarili sa’kin, hindi ako makakapayag. Hindi ko pwedeng ibigay ang katawan ko sa kaniya. Dahil iyon na lang ang natitira sa akin. Ang sarili kong pasya at ang sarili kong hangganan.
Tumingin ako sa mga aliping nag-asikaso sa akin.
“Mauna na kayo sa labas,” sabi ko, pilit pinapantay ang boses ko. “Susunod ako agad.”
Nagkatinginan sila. May saglit na pag-aalinlangan. Pero sumunod nung huli.
Nang tuluyang sumara ang pinto, tumahimik ang silid.
Lumapit ako sa mesa.
May bote ng alak doon. Isang mamahaling pulang alak, hindi tulad ng maasim na iniinom ng mga sundalo sa Adarmus.
Hinawakan ko ito. Malamig ang bote sa palad ko. Sandali akong nag-alangan.Pagkatapos, Ibinagsak ko sa marmol.
Nabasag.
Matalim ang tunog. Kumalat ang alak sa sahig, nagmistulang dugo.
Yumuko ako.
Pinili ko ang isang may kalakihang piraso ng bubog. Matulis, parang punyal, sapat para pumutol ng balat.
Hinawakan ko nang mahigpit. Ramdam ko ang bahagyang kirot sa palad ko habang sumasayad ang talim.
Itinago ko nang maingat sa loob ng manggas ng damit ko sa paraang hindi nahahalata.
Nanginginig ang kamay ko dahil sa bigat ng desisyon na nabuo sa utak ko. Hindi ko alam kung kaya ko, pero wala akong pagpipilian.
Kung susubukan niyang kunin ang hindi ko kayang ibigay, may dugo na dadanak ngayong gabi.
Hindi ko alam kung kanino, pero hindi ako papasok sa silid na iyon nang walang kalaban laban.
Huminga ako nang malalim.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Inayos ko ang manipis na tela sa katawan ko. Pinunasan ko ang bakas ng alak sa paa ko para walang makapansin.
Tinungo ko ang pinto.
Sa labas, hinihintay nila ako.
Tumingin sila sa akin mula ulo hanggang paa. Sinuri ang ayos ko. Ang buhok ko. Ang balikat ko. Tumango. Nakita nilang handa na ako. Hindi nila alam, handa rin ako sa ibang paraan.
Habang sinusundan ko sila sa mahabang pasilyo patungo sa silid ng hari, ramdam ko ang bigat ng bubog na nakatago sa manggas ko.
Kung mapapatay ko siya ngayong gabi, mamatay rin man ako sa huli, hindi masasayang ang dugo ko.
Ngayon hindi ako pumupunta sa kaniya bilang alay o concubine. Kundi bilang taong may sariling pasya. Kahit anong mangyari sa likod ng pintong iyon, hindi ako luluhod sa hari nang hindi ipaglalaban ang sarili ko.
Madilim ang kaniyang silid.
Isang malaking apoy lang sa gilid ang nagbibigay-liwanag. Sumasayaw at gumagapang ang anino sa mga pader.
Gusto kong umatras pero wala akong ibang pagpipilian kundi ang humakbang papasok lalo na nang sumara ang mabigat na pinto sa likod ko.
Si Haring Leondre, nakatalikod. Nakatayo siya sa harap ng bintana. Ang apoy sa gilid, gumuguhit sa malapad niyang balikat. Hindi ko makita ang mukha niya, tanging kaniyang silweta lang na nagsusumigaw ng kapangyarihan.
“Lumapit ka.”
Hindi man pasigaw at pa utos ang pagkasabi niya, pero hindi rin pwedeng tanggihan ang boses niyang tulad ng bakal na tinunaw, malambot sa pandinig, pero alam kong kayang pumutol ng laman.
Lumapit ako kahit bawat hakbang, sobrang bigat. Nakakangilo ang manipis na tela sa balat ko, pati ang langis na bahagyang umiinit pa sa leeg at balikat ko. Nangangatog ang tuhod ko, pero hindi ko hinayaang mahalata.
Tumigil ako ilang hakbang sa likod niya.
“Alam mo ba kung gaano kadaling bilhin ang isang kaharian?”
Unti-unti siyang humarap.
Ang liwanag ng apoy, tumama sa mukha niya. Matigas ang kaniyang panga na tinatabunan ng papatubo palang na balbas, kalmado ang mga asul na mata, pero may kung anong mas malalim na gumagalaw sa loob ’nun.
Lumapit siya. Hindi marahas, kundi mabagal, pero kontrolado.
“Isang alyansa,” patuloy niya. “Isang kasunduan. Isang prinsesang iaalay sa altar ng politika.”
Huminto siya sa harap ko.
Masyadong malapit.
Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit may pagitan pa kaming ilang pulgada.
“Pero ikaw…” bahagya niyang tinaas ang baba ko gamit ang daliri niya. “Hindi kita binili.”
Humigpit ang lalamunan ko.
“Pinili kita.”
May kung anong gumalaw sa dibdib ko. Magkahalong galit, takot, at isang kiliting hindi ko gustong pangalanan.
Hinawakan niya ako sa baywang.
Mainit ang palad niya.
Nagliyab ang balat ko sa ilalim ng manipis na tela. Napasinghap ako nang bahagya nang naramdaman kong lalo pa siyang lumapit.
“Masyado ba akong nakakatakot para sa’yo, aking concubine?”
Ang salitang iyon, dumulas mula sa labi niya na tila pag-angkin.
“Ma-mahal na hari…” ang tanging mahinang naisagot ko.
“Wag kang matakot, Damien.”
Napalunok ako.
Inamoy niya ang buhok ko. Ang leeg ko. Dahan-dahan, tila sinusuri ang isang bagay na matagal na niyang inaasam.
“Huwag mong isipin na kailangan kita para sa trono.”
Napakurap ako.
“Ang trono…” bahagya siyang ngumiti, malamig at mayabang, “…lumuluhod sa akin.”
Mas bumaba ang boses niya.
“Ang hindi ko kayang utusan… ang tibok ng puso ko.”
Napatingin ako sa kaniya.
Hindi siya lalaking nagsasabi ng ganitong bagay nang basta-basta lalo na isang alipin na pwedeng niyang tapakan.
Bakit sa’kin? Ano ba talaga ang pakay niya sa’kin? Hindi ko maintindihan.
“Pwede kitang takpan ng ginto,” bulong niya, habang dahan-dahang gumagalaw ang hinlalaki niya sa gilid ng baywang ko. “Pwede kong ipangalan sa’yo ang kalahati ng Aurelius.”
“Pwede kitang gawing mas makapangyarihan kaysa sa sinumang nasa Konseho.”
Marahan niyang hinawakan ang baba ko. Pinilit akong tumingin diretso sa mga mata niya.
Nakakapaso ang mga iyon.
May kung anong matagal nang nag-aalab doon.
“Pero wala sa mga iyon ang dahilan kung bakit nandito ka.”
Bahagyang bumagal ang tibok ng puso ko.
“Sa unang araw na tumingin ka sa akin doon sa kulungan ng mga Coronal…” bahagya siyang ngumiti nang mapanganib.
Sabaysabay na nanghina ang mga tuhod ko.
“Doon ko napagtanto na dapat sa’kin ka.”
Deklara niya.
“Hindi ka instrumento o estratehiya sa politika. Hindi ka parte ng plano ko laban sa mga konsehong gustong magpabagsak sa’kin.”
Mahina ang boses niya, pero mas lalong mabigat.
“Isa kang kahinaan na pinili kong angkinin,” bulong niya, halos dumikit ang labi sa gilid ng tenga ko. Mababa ang boses niya, pero malinaw at walang pag-aatubili. “Alam kong isa ka sa mga dahilan ng kamatayan ko balang araw… pero wala akong pakialam.”
Bahagya siyang napangiti.
“Basta sa’kin ka, Damien. Walang ibang magmamay-ari sa’yo. Ako lang.”
“Ma-mahal na Hari…” tanging lumabas sa bibig ko.
Dama ko ang bigat ng mga salita niya sa dibdib ko. Hindi lang dahil sa ibig sabihin, kundi dahil alam kong hindi siya lalaking nagsasalita nang walang paninindigan. Lahat, posible sa kaniya.
Bago ko pa tuluyang maunawaan ang sinabi niya, dahan-dahang hinawakan niya ang likod ng ulo ko.
Ang mga daliri niya, kumapit sa buhok ko, hindi sapat para manakit, pero sapat para ipaalala kung sino ang may kontrol. Bahagya niyang hinila ang ulo ko paharap, binura ang natitirang pagitan sa amin.
Gulat na gulat ako! Hindi ko alam kung paano iproseso ang sumunod na pangyayaro pero…
Hinalikan niya ako.
Nang malalim.
Hindi padalos-dalos at gutom na gutom, kundi mabagal at sinasadya. Tinutuklas niya ang bawat reaksyon ko. Alam niyang wala akong mapupuntahan.
Ang init ng labi niya, kaiba sa lamig ng silid. Ang kamay niya sa batok ko, mabigat at matatag. Ang isa pa niyang kamay, dahan-dahang gumalaw mula sa baywang ko pataas sa likod ko, ramdam ko ang pagdiin ng mga daliri niya sa manipis na tela.
Hindi siya nagmamadali, ngunit mas nakakatakot iyon. Dahil ang bawat galaw niya, may kumpiyansa ng isang lalaking sanay na walang tumatanggi.
Parang bangin na bigla akong hinila pababa.
Sa unang dampi, kumalat ang init sa dibdib ko. Tumitindi ang pangingilo sa batok ko. Hindi ko maintindihan kung ano iyon. At mas nakakatakot ’yon.
Isang iglap…
Muntik akong madala.
Sa init ng paghinga niya na humahalo sa akin.
Sa paghawak niya… parang ako lang ang mahalaga sa silid. Sa pag-angkin niya ng mga labi ko, tila matagal na niya itong inangkin.
Nakakabingi ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung naririnig niya iyon, pero mas lalo siyang naging mabagal, sinasadya niyang ipadama sa akin ang bawat segundo.
Pero sa ilalim ng manggas ko, naroon ang bubog.
Ramdam ko ang talim na nakadikit sa balat ko, ang bahagyang kirot sa palad ko habang hinahawakan ko iyon kanina pa.
Habang nakadikit pa ang labi niya sa akin, pinapaso ako ng init ng kaniyang kamay sa batok ko para idiin pa sa akin ang mga labi niya…
Hinugot ko iyon.
Mabilis.
Sinaksak ko ang leeg niya. Doon mismo sa ilalim ng panga niya, kung saan manipis ang balat at malapit ang ugat.
Pero…
Mas mabilis siya. Hindi ko man lang nakita ang galaw. Isang matalim na higpit ang biglang pumulupot sa pulso ko.
Nasalo niya ang kamay ko bago pa tumama ang talim.
Huminto ang bubog ilang pulgada sa balat niya.
Sobrang lapit.
Kaya kong makita ang mahinang pag-angat ng lalamunan niya habang humihinga siya. Isang iglap na lang sana…
Tahimik.
Sobrang tahimik, parang namatay ang apoy sa silid.
Naririnig ko ang sarili kong marahas at mabilis na paghinga, halos nanginginig. Hindi sapat ang hangin dahil sasabog ang dibdib ko sa kaba.
Humigpit pa lalo ang hawak niya sa pulso ko.
Hindi sapat para baliin, pero sapat para ipaalala kung gaano siya kalakas. Ramdam ko ang buto ko sa ilalim ng mga daliri niya. Isang bahagyang pag-ikot lang, alam kong kaya niyang baliin iyon.
Tinitigan niya ako.
Walang galit sa mukha ng hari na may dalang agarang parusa.
Mas lalo akong natakot sa katotohanang yun.
Dahan-dahan niyang itinulak ang kamay ko palayo sa leeg niya, ibinaba ang bubog sa pagitan naming dalawa, pero hindi niya binitawan ang pulso ko.
Unti-unting sumilay ang sobrang lamig na ngisi sa labi niya.
“Damien…”
CHAPTER 17
WARNING! EXPLICIT CONTENT BELOW. READ AT YOUR OWN RISK.
Bumagsak ang bubog sa marmol.
Tumunog iyon nang malinaw at matalim sa tahimik na silid saka tuluyang namatay sa hangin.
Nanginginig ako mula balikat hanggang dulo ng mga daliri.
Mahigpit pa rin ang hawak ni Haring Leondre sa pulso ko tila pinapaalala kung gaano ako kahina sa pagitan ng mga daliri niya.
“Ma-mahal na Hari…” garalgal ang boses ko.
Hinintay ko ang sampal. Ang sigaw ng mga bantay, at ang talim ng espada sa leeg ko.
Sa halip…. marahan niyang binitawan ang kamay ko.
Hindi ako agad gumalaw, habang naghihintay kung kailan babagsak ang kaniyang palo.
Tiningnan niya ako.
Hindi siya galit. Blangko ang asul niyang mga mata. Hindi ko alam kung iyon ang dapat kong katakutan.
“Sa tingin mo ba kaya mo akong patayin, Damien?” mahina niyang tanong. Bakas ngayon sa kaniya ang pagkamangha.
Hindi ako nakasagot.
Umangat ang sulok ng labi niya gustong mangiti ng lihim.
“Kung papatayin mo ako, siguraduhin mong hindi ka mangangatog.”
Napaatras ako ng isang hakbang. Biglang lumaki ang silid at lumiit ako.
Para bang dudurog ang puso ko. Bawat tibok sumasapol sa tadyang ko.
“Hindi ka pa handa pumatay,” dugtong niya. “Nakikita ko sa mga mata mo.”
Lumapit siya nang mabagal, parang aninong sumisilip sa leeg ko. Lalo siyang naging buhay sa ideya na muntik ko na siyang saksakin.
“Kung galit ka,” bulong niya habang papalapit, “ibuhos mo nang maayos. Huwag kang magpanggap na mamamatay-tao.”
Isang marahas na tulak.
Hindi ako nakapaghanda.
Bumagsak ako sa kama. Malambot ang higaan, gayunman walang lambing ang paglapag. Humigpit ang kumot sa ilalim ko nang mapadiin ang likod ko.
Sumunod siya.
Sinakop niya ang espasyo. Ang hangin, pati paghinga ko. Wala nang natira sa silid na hindi niya kontrolado.
Nasa ibabaw ko siya. Hindi pa man niya ako hinahawakan, ngunit sapat ang lapit para maramdaman ko ang init ng katawan niya. Ang bigat ng presensya niya na tila kamay na pumipiga sa dibdib ko.
“Ka-kamahalan…” hingal ko.
“Ako lang ang may karapatang magpasya kung kailan ka lalapit sa leeg ko,” malamig niyang sagot.
Hindi siya sumisigaw. Nasa kalmadong paghinga niya ang kontrol. Habang ako’y halos malunod sa sarili kong takot.
Dumampi ang mga daliri niya sa baba ko.
Dahan-dahan.
Pinilit akong tumingin sa kanya.
“At huwag mo akong insultuhin,” halos pabulong na dagdag niya, “sa pag-aakalang hindi ko alam kung bakit ka nanginginig.”
Muli niya akong hinalikan.
Hindi na tulad ng una.
Mas madiin at may pag-angkin. Hindi man marahas na nananakit, pero sapat para ipaalala kung sino ang may kapangyarihan sa pagitan naming dalawa.
Bumaba ang halik niya sa panga ko.
Sa leeg.
Doon siya nagtagal.
Ramdam ko ang pagdampi ng labi niya sa balat ko. Ang halik niya hindi nagmamadali ngunit hindi rin nag-aatubili. Sinusukat niya ang reaksyon ko, habang pinapakinggan niya ang bilis ng tibok ng puso ko sa ilalim ng dibdib.
Umiigting ang panginginig ko. Hindi ko alam kung takot, galit, o kahihiyan.
“Kung gusto mo akong patayin…” bulong niya sa may tainga ko, ang boses, mababa at halos masunog sa balat ko, “saksakin mo ako sa dibdib. Diretso. Walang pag-aalinlangan.”
Ang kamay niya, dumampi sa dibdib ko… hindi agresibo, pero mabagal. Inaangkin ang espasyo roon.
“Dito,” bulong niya, ginagabayan ang kamay ko sa pagitan naming dalawa. “Dito mo itarak.”
Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot. Ang alok niya, o ang hindi niya pag-atras.
Mas lalo siyang lumapit, hanggang wala nang pagitan sa amin.
Gusto kong pumiglas at sumigaw, pero hindi ako gumalaw. Ang mga kamay ko, nakahawak sa kumot. Hindi ko alam kung ako ang pumipigil sa sarili ko o kung ang presensya niya ang pumipirmi sa akin.
“Ramdam kong galit ka sa akin,” bulong niya, halos may kasiyahan. “Pero mas galit ka sa sarili mo.”
Kumapal ang init sa pagitan naming dalawa. Isang kuryenteng gumagapang sa balat ko. Hindi ko ginusto.
Kinamumuhian ko iyon, pero mas galit ako sa sarili ko. Dahil habang siya ang hari, ang katawan ko ang traydor.
At alam niya iyon.
Mas lalo siyang ngumiti, isang ngiting hindi masaya, kundi tiyak. Hindi sapat sa kanya ang kapangyarihan. Gusto niya akong wasakin.
Hinawakan niya muli ang baba ko. Mas mahigpit ngayon, sapat para wala akong ibang magawa kundi tumingin sa kanya. Pinilit niya akong salubungin ang mga mata niya.
Nakakalunod ang malamim at malamig niyang tingin. Parang dagat na walang hangganan. At ako, isang bangkang walang sagwan. Wala akong mapanghawakan at matatakbuhan.
“Sabihin mo sa akin,” mahina niyang utos, halos pabulong, “na wala kang nararamdaman.”
Ang mga daliri niya, bahagyang pumulupot sa panga ko, hinahawakan ako na parang bagay na, ayaw niyang pakawalan.
Hindi ako makapagsalita.
Hindi dahil sa utos at sa takot na baka parusahan niya ako. Kundi dahil magulo ang loob ko.
Sumisigaw ang isip ko, pero tinatraydor ako ng katawan ko.
“Pa-pareho tayong mga lalaki, mahal na hari…” mahina kong sabi. “Hindi mo dapat ginagawa ’to.”
Hindi siya umurong.
“Alam ko,” bulong niya.
May ngiti sa sulok ng labi niya pero hindi mapagmataas at nanunuya.
Nakikita ko doon ang kasiguraduhan.
At doon… mas lalo akong naguluhan dahil walang pag-aalinlangan sa mukha niya. Walang bakas ng pagkalito.
Ngunit lalaki siya. Siya ang haligi ng kaharian. Hindi niya dapat hinahalikan ang isang tulad ko. Kalabisan at malaking kalampastanganan iyon sa kaniya.
“Hindi ako nalilito,” dagdag niya, mas mababa ang boses, mas malapit. “Ikaw lang.”
Ang paraan ng pagtingin niya sa akin, hindi bilang isang bagay na dapat yumuko. Kundi bilang isang bagay na dapat wasakin at buuin muli ayon sa gusto niya. May kakaibang apoy sa mga mata niya. Hindi lang pagnanasa o kapangyarihan.
Obsesyon.
Parang matagal na niya akong pinag-aaralan at ang pagtutol ko, bahagi lang ng laro.
“Mas gusto kita kapag lumalaban ka,” bulong niya. “Mas totoo ka.”
Gusto kong tumakas at sabay maghimagsik.
Gusto kong kagatin ang balikat niya at itulak siya palayo para ipaalala sa kaniya kung sino ako bago niya ako tinawag na concubine at piniling angkinin na parang pag-aari.
Pero ang katawan ko… sumasagot sa init. At iyon ang pinakakinatatakutan ko. Hindi ang kapangyarihan niya o ang posibilidad ng kamatayan.
Kundi ang posibilidad na baka may bahagi sa akin na hindi lang takot ang nararamdaman.
Hinawakan niya ang laylayan ng damit ko.
Dahan-dahan.
Alam niyang bawat segundo ng paghihintay, mas mabigat kaysa sa mismong galaw. Sinasadya niyang pahabain ang tension habang pinipiga ang bawat sandali hanggang sa halos hindi ko na kaya.
“Hu-huwag…” pabulong kong sabi. Isang hiling na alam kong hindi pagbibigyan.
Hindi siya ngumiti. Hindi rin siya nagbanta.
Hinayaan niya munang bumaba ang kamay niya, bago tuluyang hinubad ang tela sa balikat ko.
Bumagsak iyon sa kama.
Sa tunog pa lang, para bang may tinanggal siyang higit pa sa damit. Parang depensa o sandata. Isang pader na matagal ko nang itinayo.
“Nilabanan mo ako,” mahina niyang sabi habang titig na titig sa akin. “Kaya haharapin mo ako nang wala kang tinatago.”
Ramdam ko ang lamig ng hangin sa balat ko. Ngunit mas ramdam ko ang init ng mga mata niya.
Hindi siya agad kumilos. Hindi niya ako hinawakan muli.
Nakatitig lang siya sa hubad kong dibdib.
At iyon ang mas nakakabaliw.
Sinusuri niya ang bawat paghinga ko. Ang bawat pag-urong ng balikat ko. Ang bawat pag-angat ng dibdib ko sa mabilis na tibok ng puso.
Inaaral niya kung saan ako pinaka-mahina.
Kabisado niya na ang bawat bitak.
Hanggang sa tuluyan niyang inalis ang natirang saplot sa katawan ko. Bigla, ang lamig ng hangin sa kwarto, gumagapang sa buong kahubdan ko. Gayunpaman mas malamig pa rin ang takot na unti-unting sumisiksik sa dibdib ko.
Hindi na siya nag-aksaya ng oras.
Siniil niya ng halik ang labi ko. Halos sakupin ng dila niya ang bibig ko, tila ba may gustong patunayan. Napasinghap ako ngunit nalunod lang ’yon sa walang tigil niyang paghalik. Wala akong nagawa kundi hayaan siya, kahit ang isip ko sumisigaw na tumigil na.
Bigla niyang hinawakan ang pagkalalaki ko. Napapikit ako sa gulat. Mainit ang kamay niya. Mahigpit ang kapit. Alam niya kung saan ako bibigay. Dahan-dahan niya ’yon ginagalaw pataas-baba. Sinusubok kung hanggang saan ako tatagal.
Habang tumatagal, pakiramdam ko nawawala ang kontrol ko. Pinipilit kong wag tumugon sa kapit niya, pinipilit kong maging matigas ang loob ko. Ngunit hindi nakinig ang katawan ko. Lalo lang tumigas ang ari ko sa hawak niya.
Narinig ko pa siyang mahinang tumawa sa pagitan ng halik.
Nang maramdaman niyang matigas na ako, bumilis ang galaw ng kamay niya. Mula sa mabagal, naging mas mabilis… hanggang sa halos hindi ko na masundan. Hindi ko napigilan ang balakang ko na sumabay sa kanya. May impit na ungol na nakawala sa lalamunan ko pero agad niyang nilamon sa isa pang halik.
Hindi siya titigil.
Bumaba ang mga halik niya sa leeg ko, sa dibdib ko, hanggang sa utong ko. Napaungol ako nang dilaan niya ’yon, paikot-ikot bago bahagyang kagatin. Samantalang ang isang kamay niya, tuloy pa rin sa paglalaro sa akin.
“Ma-mahal na hari…” nanginginig kong sabi. Hindi ko alam kung nakikiusap ba ako o nagbababala.
Naghalo ang lahat sa loob ko. Takot, galit, at iba pa. Nahihirapan ako dahil pilit kong kinamumuhian ang ginagawa niya. Gayunman hindi ko rin maitanggi ang init na kumakalat sa katawan ko, ang sarap na nagpapahina sa tuhod ko.
“Hindi ito tama.” Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. Pero bakit habang inuulit ko ’yon, mas lalo lang akong nilalamon ng pakiramdam?
“Bilang concubine ko,” bulong niya, paos ngunit sigurado, “masanay ka na. Paliligayahin kita, Damien.”
“Kalokohan ’to, Kamahalan!” sagot ko, pilit hinuhugot ang natitira kong dignidad. Pero bumibilis na ang paghinga ko. Lalo akong nagiging sensitibo sa bawat taas baba niya.
“Kalokohan?” ulit niya, parang natatawa. “Kung mali ’to, bakit ganyan ang reaksyon ng katawan mo? Galit ang mga mata mo… ngunit iba ang sinasabi ng katawan mo. Nagugustuhan mo ’to, Damien.”
Bumilis ang galaw niya. Hanggang sa hindi ko na siya masundan. Hindi ko na napigilan mapabayo sa hawak niya. May unang patak na lumabas sa akin. Nahagip niya ’yon ng daliri at dinala sa labi niya.
Napaliyad ako… sa hiya at sa kiliting gumapang sa likod ko.
Tila ba may dalawang Damien sa loob ko. Isa na galit, lumalaban, gustong tumakas… at isa na tahimik lang, nakapikit, at hinahayaan ang lahat.
“Mali para sa isip mo,” bulong niya, “pero hindi para sa katawan mo. Matagal mo nang pinipigilan ang sarili mo. Nakakapagod, hindi ba? Hayaan mong ako ang magdala ng bigat.”
“Pakiusap… tigilan mo na, Mahal na Hari,” sabi ko, subalit wala na akong lakas itulak siya.
“Walang makakapigil sa akin,” sagot niya. “ Pipilitin kitang mahalin ako. Hindi kita gustong sirain, Damien. Gusto kitang buuin ayon sa paraang ako lang ang nakakaalam.“
Bumaba ulit ang mga halik niya, pababa sa tiyan ko, hanggang sa pusod. Para bang bawat halik niya may kasamang apoy. Nanginginig na ang hita ko habang papalapit siya sa ari ko.
Sinubukan ko pa siyang pigilan, pero huli na.
Dumampi ang labi niya sa ulo ng ari ko. Napasinghap ako nang malalim. Dahan-dahan niya ’tong dinilaan bago tuluyang isinubo ang dulo.
“Ti-tigil…” mahina kong sabi. Ngunit ang kamay ko, sa buhok niya napahawak… hindi para itulak siya, kundi para kumapit.
Unti-unti niya akong isinubo. Mainit at mamasa-masa ang bibig niya, gumagalaw sa isang ritmo na parang sanay na sanay siya. Tahimik ang kwarto pero rinig ang basang tunog ng galaw niya dahilan para lalo lang akong nahiya at lalo ring nag-init.
Hindi ko maintindihan kung paano nagkakasya ang akin sa bibig niya, ngunit andun… mahigpit, mainit, at walang balak bumitaw.
“Hindi ko na… kaya…” bulong ko habang tuluyan nang sumusunod ang balakang ko sa galaw niya.
Imbis na tumigil, lalo pa niyang binilisan. Mas lumalim, mas naging madiin ang init na pinipigilan ko kanina, naging apoy na talaga. Nanlambot ang tuhod ko at napakapit ako sa kumot.
“A-ayan na…” babala ko.
Kasabay ng isang mahabang ungol, kumawala ako. Mainit, tuluy-tuloy. Wala siyang sinayang. Sinalo niya lahat at saka lang bumitaw nang halos wala na akong lakas.
Habol-habol ko ang hininga ko. Nanginginig pa rin ako. Halo ang hiya at pagod. Pero hindi pa siya tapos.
Lumapit siya, hinawakan ang baba ko at tinaas ang mukha ko para magtama ang mga mata namin.
“Ikaw at ako, magiging iisa,” madiin niyang sabi. “Kahit lalaki ka walang makakapigil sa kapangyarihan ko. Gusto mo man o hindi, ibibigay mo sa akin ang katawan mo… at ibibigay ko rin ang akin sa’yo.”
Hinalikan niya ulit ako. Napaungol ako nang bahagya niyang kagatin ang labi ko.
“Mahalin mo lang ako. Wakasan ko ang buhay ng sino mang tutol at manakit sa’yo. Kaya kong patayin lahat ng miyembro ng konseho ko. Darating ang araw, hindi ka lang magiging concubine ng korona ko.” Deklara niya.
“Gagawin rin kitang reyna sa kahariang to.”
CHAPTER 18
Nasa marmol na paliguan ako.
Mainit ang tubig na halos kumukulo sa balat ko. Umaakyat ang singaw at dumidikit sa kisame, pero hindi sapat para takpan ang lamig na gumagapang sa loob ko. Hindi mula sa hangin, kundi sa alaala.
Kinukuskos ko ang leeg, balikat, at dibdib ko hanggang mamula. Hindi pa rin nawawala ang mga marka. Hindi lang halik ang gusto kong burahin, pati reaksyon ng sarili kong katawan.
“Kadiri…” pabulong kong sabi. “Kadiri ka, Damien.”
Mas madiin ang galaw ko. Kulang na lang alisin ang balat kung gugustuhin ko, mabubura lang ang alaala ng pagtingin niya sa akin.
Ang hawak niya.
Pati ang bulong niyang sigurado akong babalik.
Lumubog ako sa tubig nang tuluyan. Pinikit ko ang mga mata ko.
Tahimik.
Wala ang boses niya. Pati ang mga matang asul at daliring humahawak sa pagkalalaki ko na parang may karapatan siya sa katawan ko.
Saglit kong inisip. Paano kung hindi na ako umahon?
Paano kung dito na lang matapos? Sa ilalim ng mainit na tubig. Wala siya. Wala nang kailangan tiisin.
Ngunit sumikip ang dibdib ko.
Umangat ako at huminga nang mariin. Hindi ako mamamatay sa kahihiyan. Lalong hindi dahil sa kanya.
May tumulo sa mukha ko, pero hindi ko alam kung alin ang tubig at alin ang galit.
At sa pag-angat ko, bumalik sa isip ko ang bulong niya, “Isa kang kahinaan na pinili kong angkinin.”
Apoy ang mga salitang iyon sa loob ko.
Kahinaan?
Ako?
Muling uminit ang poot ko.
“May hangganan din ’to,” garalgal kong sabi sa sarili ko. “Hindi ako magiging laruan mo.”
Puno ako ng panghihinayang na hindi ako nagtagumpay sa pagpatay sa kanya.
Masyado akong nag-atubili. Masyado akong nag-isip.
Kung iniisip niyang naangkin niya ako, mali siya. At kung kaya niya akong basahin… mas lalo siyang nagkakamali.
Ngunit sa likod ng galit na iyon, may isang maliit na boses na bumubulong, “Alam niyang nanginginig ka.”
Ilang sandali pa, pinatuyo ako ng mga alipin alinsunod sa utos ng mga Eunuch.
Tahimik sila. Walang komento ni tanong. Para bang wala silang narinig kagabi at walang nakita. Normal lang na ang concubine ng hari, may pulang marka sa leeg at balikat.
Inilapat nila ang marangyang damit sa katawan ko. Pagkatapos, inakay nila ako palabas ng palasyo.
Sa unang pagkakataon mula nang ikinulong nila ako sa silid ko, nakita ko ang labas. Ang liwanag, masyadong maliwanag. Ang hangin, masyadong malaya.
Sinakay nila ako sa karwahe. Maraming sundalo ang nakabantay. Protektadong-protektado ako.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa Eunuch na katabi ko.
“Sa arena.”
“S-sa arena?!”
Tahimik ang biyahe. Tanging ang tunog ng gulong sa bato at ang kalansing ng baluti ng mga kawal ang kasama ko.
Pagkatapos ng mahabang sandali, tumigil ang byahe.
Umalingawngaw agad ang tawanan at sigawan.
Huminto ang karwahe sa mismong arena ng Aurelius.
Pagbukas ng pinto, sinalubong ako ng matingkad na liwanag, halos nakakasilaw. Ang init ng araw, tumama agad sa balat ko, humalo sa alikabok na lumulutang sa hangin. Amoy ko ang buhangin at ang dugo, kahit wala pa ito.
Napakalawak ng arena. Pabilog at perpekto ang hubog, napapalibutan ng hagdan-hagdang upuan na tila walang katapusan.
Bawat antas, may mangilan ngilang tao. Mga maharlika na nakabihis ng makukulay na seda at baluti na may gintong ukit. Mga panauhin mula sa karatig na kaharian, iba’t ibang kulay at simbolo. Pula at ginto, bughaw at pilak.
Sa pagitan ng mga arko ng itaas na palapag, nakasabit ang mahahabang bandila ng Aurelius na kumakaway sa hangin. Ang mga pader ng arena, gawa sa kulay-abo at mapulang bato. Sa pagitan ng mga malalaki at pabilog na pintuang bakal sa ibaba, naroon ang mga lagusan kung saan inilalabas ang mga alay na madirigma.
Maputla ang buhangin sa gitna kung saan kasalukuyang nagsasanay ang mga Coronal. Napakalinis nito, halos mapanlinlang ang kaputian sa ilalim ng araw.
Pero alam kong hindi iyon mananatiling ganoon.
Isang patak lang ng dugo, at mag-iiba ang kulay ng buong entablado.
Sa itaas… sa gitnang bahagi kung saan mas marangya ang upuan, naroon ang balkonahe ng mga Maharlika ng Aurelius. Higit na mataas kaysa sa lahat. May lilim ng marmol na haligi at mga kurtinang kulay ube at ginto na marahang gumagalaw sa hangin.
Sa likod ng trono, nakatayo ang dambuhalang estatwa ni Apollo. Higit pa sa dalawang palapag ang taas.
Sa ilalim ng estatwa, ang trono ng hari, nakapwesto sa gitna ng balkonahe, mas mataas kaysa sa ibang upuan. Ang marmol doon, maputi, halos makintab.
Mula sa kinaroroonan ko, tila ba nakatingin si Apollo hindi sa arena, kundi sa mga taong uhaw sa karahasan.
Inilakad ako paakyat sa kinaroroonan ng mga maharlika.
Sa gitna ng mga bulungan.
“Siya ba iyon?”
“Iyan ang dahilan ng alitan sa Konseho ng Aurelius?”
“Totoo nga’ng isang lalaki ang concubine ng korona ng Aurelius!”
Lahat ng bulong, malinaw.
Pero tuwid ang likod ko. Walang emosyon sa mukha gaya ng itinuro sa’kin ng mga Eunuch. Kailangan hindi ako ang maging dahilan para magmukhang katawa tawa si Haring Leondre sa harap ng mga maharlikang ito. Kung marmol ang estatwa ni Apollo, ako ang estatwang buhay.
“Ipinapakilala ko ang Concubine ng Korona ng Aurelius,” malakas na sabi ng isang Heneral.
May malamig na kamay na humawak sa batok ko sa mismong sandaling iyon.
Concubine.
Isang tatak na ipinatong sa noo ko.
Ipinaupo nila ako katabi ni Haring Leondre.
Naroon siya.
Nakamasid sa arena na para bang isang diyos na naghihintay ng alay.
Hindi siya agad tumingin sa akin. Ngunit ramdam ko ang presensya niyang mapag-angkin.
Isang Duke ang bahagyang yumuko, may bahid ng panunuya sa boses.
“Ito na ba ang concubine ng hari kung bakit wala pa ring reyna ang Aurelius hanggang ngayon?”
May ilang maharlika ang napangisi.
Hindi ako tumingin o nagsalita. Nanatili akong walang galaw. Ngunit sa gilid ng mata ko, nakita ko ang bahagyang pagkilos ni Haring Leondre.
Isang daliri ang isang beses na kumatok sa patungan ng braso ng kanyang trono.
Tumahimik ang Duke.
Hindi siya sinigawan. Hindi siya tinakot.
Isang kilos lang ng hari, at sapat na.
Pagkatapos… saka siya mabagal na tumingin sa akin.
Parang inuulit sa isip niya ang eksena sa silid niya nang gabing yun. Alam niyang kinayod ko ang balat ko hanggang mamula. Naaamoy niya pa rin ang singaw ng mainit na tubig sa balat ko.
Pero nawala ang lahat ng ’yon nang biglang tumigil ang mundo.
Sa gitna ng alikabok at tunog ng bakal na nagbabanggaan mula sa mga nagsasanay na Coronal sa ibaba… nakita ko siya.
Si Fergus.
May kamay na biglang pumisil sa puso ko. Hindi sapat para patayin ako, pero sapat para hindi ako makagalaw.
Buo pa rin siya.
Mas matigas ang tindig, at mas malapad ang balikat. Higit sa lahat, mas tahimik ang galaw, mas naging mabigat ang bawat hakbang niya. Ang malaking sugat sa dibdib niya… Ang sugat na minsan kong nilinis sa dilim ng kulungan… naghilom na. Isang maputlang peklat na lang ang naiwan.
Pero buhay.
Buhay siya.
Ang arena, umaalingawngaw sa sigawan ng mga bantay at pag-untog ng bakal sa bakal. Ang buhangin, umaalimbukay at umaalon sa bawat sipa at pag-atake.
Pero sa sandaling iyon… wala akong narinig kundi ang tibok ng puso ko.
Nagtagpo ang mga mata namin.
Hindi iyon dapat mangyari. Lalo na rito, sa harap ng mga maharlika, sa tabi ng hari. Pero nagtagpo pa rin. Walang salita at galaw. Isang iglap na tila mas mahaba pa sa isang taon.
Nasa mga mata niya ang galit at ang tanong.
Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang tanungin kung bakit ako naroon, nakaupo sa tabi ng hari, bihis sa itim at pilak. Hindi ako ang lalaking minsan niyang hinawakan at iniligtas sa dilim.
Sa mga mata ko… naroon ang pagsusumamo.
“Huwag kang tumingin sa akin nang ganyan.”
“Huwag mong ipaalam sa kanila na may kahinaan ako.”
“Mga Coronal!” sigaw ng isang bantay. “Huwag kayong titigil!”
Naputol ang sandali. May pumunit sa manipis na sinulid na nagdudugtong sa amin.
Kumalas ako ng tingin.
Pinilit ko.
Dapat lang.
Isang maling sulyap. Isang segundo ng kahinaan. Pareho kaming mamamatay.
Narinig ko ang pagbagsak ng espada sa buhangin. Ang tunog nito, mabigat at iba sa iba, mas personal.
Napatingin ako muli. Sandali lang. Isang pagkakamali.
Bumagsak ang espada ni Fergus.
Napayuko siya.
Saglit siyang nawalan ng lakas. Ang bigat ng mundo, biglang bumagsak sa balikat niya.
At doon ko naramdaman ang kirot.
Hindi dahil galit siya.
Hindi dahil nakita niya akong nakaupo sa tabi ng hari.
Kundi dahil alam kong iniisip niya na pinili ko ito.
Na pinili ko ang trono kaysa sa kanya.
Na pinili ko ang kaligtasan kaysa sa dangal.
Sumikip ang dibdib ko sa pagpigil. Tumayo. Sabihin ang totoo. Na wala akong pagpipilian. Na ginawa ko ang lahat para makitang buhay siya.
Hindi pwede. Hindi dito. Lalo na sa ilalim ng mga mata ng maharlika.
Hindi sa anino ng dambuhalang estatwa ni Apollo na tila nakamasid sa amin, malamig at walang pakialam.
Nanatili akong malamig ang mukha.
Tuwid ang likod.
Ang mga kamay ko, nakatiklop sa harap ko, kontrolado, para hindi manginig nang husto.
Hindi ako gumalaw. Ni ngumiti. Ni kumurap nang lampas sa dapat.
Sa isip ko, paulit-ulit kong sinasabi, “Buhay ka, Fergus. Iyon lang ang mahalaga. Sapat na yon. Mas mahalaga iyon kaysa sa galit mo. Kahit pa sa pag-ibig na hindi ko inamin. “
Sa gilid ng paningin ko, naramdaman ko ang presensya ni Haring Leondre.
Tahimik siya.
Nakaupo, nakasandal, isang kamay, bahagyang nakapatong sa patungan ng braso ng kanyang trono. Para siyang diyos na nanonood sa ibaba.
Hindi ko alam kung napansin niya ang pagtagpo ng mga mata namin. Kung may nakalusot sa malamig kong mukha.
Pero kilala ko siya.
Wala siyang pinalalagpas.
Sa gitna ng alikabok at sigaw ng bakal, nasa pagitan namin ni Fergus ang isang lihim.
Isang lihim na minsan ko siyang tinulungan. Isang lihim na minsan niyang hinawakan ang kamay ko sa kulungan at sinabing hindi ako tulad ng iba.
Isang lihim na maaaring ikamatay naming dalawa.
Muling pinulot ni Fergus ang espada niya.
Mas madiin na ngayon ang bawat galaw. Mas marahas ang pag-atake sa hangin. Parang may kaaway siyang hindi nakikita. May galit siyang hindi niya mailabas.
Alam kong ako iyon.
Ako ang dahilan ng galit niya at baka pati ng kamatayan niya.
Nanikip ang lalamunan ko.
Gusto kong umiyak.
Pero hindi ako pwedeng umiyak.
Dahil ako ngayon, isang rebulto sa tabi ng hari.
Habang sa ibaba…
Ang lalaking minsan kong tinulungan gumaling ang sugat, maaaring ialay bilang dugo sa buhangin.
At kung mangyari iyon…
Kung bumagsak siya roon at hindi na muling tumayo… Kailangan kong manatiling tuwid. Walang emosyon, kahit panoorin siyang mamatay.
Tumayo nang mabagal si Haring Leondre mula sa kaniyang trono, nababagot sa tanawin sa ibaba at gustong magdagdag ng kaunting aliw.
Tumahimik ang hilera ng mga maharlika.
“Mag-ensayo sila na parang totoong digmaan,” malamig niyang sabi, ang boses, sapat lang para marinig ng buong arena. “Pumili ng dalawa.”
Isang senyas lang ng kamay, at agad may dalawang Coronal na itinulak papunta sa gitna ng buhangin.
Walang pagkontra.
Walang tanong kung bakit.
Ganito gumagana ang kaniyang kapangyarihan. Isang utos. Isang buhay ang nakataya.
Narinig ko ang pagtawag sa pangalan ni Fergus.
May humigpit sa lalamunan ko.
“Hindi! Hindi siya! Huwag siya!”
Pero siya nga.
Naglakad siya sa gitna, tahimik, at walang reklamo. Wala man lang bakas ng takot sa tindig niya.
Ang kalaban niya… isang dambuhalang Coronal.
Halos dalawang beses ang lapad ng balikat. Makapal ang leeg. Ang espada nito’y hindi mukhang sandata, mukhang pandurog ng buto. Isang bagsak lang, at maaaring hindi na muling makatayo ang tao.
Isang Maharlika sa likod ko ang natawa.
“Tingnan natin kung may silbi ang paborito ng arena.”
Paborito.
Hayop na sinusugal.
Humigpit ang hawak ko sa gilid ng upuan. Narinig ko ang mahinang pag-ukit ng kuko ko sa kahoy.
Dahan-dahan kong binitawan.
Hindi ako pwedeng gumalaw.
Hindi ako pwedeng maging dahilan para mapansin siya.
Nagsimula ang laban.
Nagsimulang magsigawan at magpalakpakan ang mga tao. Mga matang sanay sa dugo.
Umingay ang bakal.
Agad sumugod ang dambuhala. Walang pag-iingat. Isang malawak na hampas na kayang hatiin ang hangin.
Umiwas si Fergus.
Mabilis.
Alam ko ang galaw niya. Nakita ko na iyon dati sa kulungan, noong ibalibag niya ang sundalo sa bakal na rehas. Magaan ang mga paa niya, laging may puwang na nakikita kahit sa masikip na lugar.
Pero iba ang arena.
Malawak.
At mas malawak ang sakop ng espada ng kalaban.
Isang maling tiyempo lang… tatamaan siya.
Umikot si Fergus. Sinubukang sumingit sa loob ng depensa ng dambuhala.
Huli ng kalahating segundo.
Unang sugat.
Sa tagiliran.
Nakita ko ang paghiwa ng talim sa laman niya. Kumalat ang pula sa buhangin.
Hindi malalim, pero sapat para manghina.
Sa isip ko, halos dasal, “Tumayo ka… Tumayo ka.”
Hindi ako marunong magdasal, pero sa sandaling iyon, handa akong lumuhod sa kahit anong diyos.
Sumugod muli ang dambuhala. Sunod-sunod mabigat na hampas. Pwersado, gustong tapusin agad ang laro.
Umiwas si Fergus. Umatras. Dumulas ang paa niya sa buhangin.
Tinamaan muli siya.
Sa balikat.
Napaluhod siya.
Bumagal ang mundo.
Narinig ko ang paghinga ko.
Narinig ko ang mahinang paggalaw ni Haring Leondre sa tabi ko, isang pagbabago lang ng posisyon, mas naging interesado siya.
Itinaas ng dambuhala ang espada.
Para sa huling bagsak.
Isang segundo. Maling galaw lang. At matatapos ang lahat.
“Tapusin mo na,” bulong ng isang maharlika.
Gusto kong tumayo.
Gusto kong sumigaw.
Pero nakaupo lang ako.
Gumulong si Fergus.
Mabilis.
Halos desperado.
Ang espada ng dambuhala, bumagsak sa buhangin sa mismong lugar na kinatatayuan niya kanina. Umalingawngaw ang salpok.
Hindi siya umatras.
Sumingit siya sa loob.
Sinaksak niya ang tuhod ng kalaban.
Isang sigaw ng sakit ang umalingawngaw sa arena.
Nayuko ang dambuhala. Nawalan ng balanse.
Tumayo si Fergus… kahit dumudugo.
Kahit nanginginig ang binti.
Bago pa makabawi ang kalaban…
Isinaksak niya ang espada diretso sa ilalim ng baba nito.
Tahimik ang arena.
Walang pumalakpak.
Walang sumigaw.
Isang katawan ang bumagsak sa alikabok.
Mabigat.
Walang galaw.
Ang buhangin, sumipsip ng dugo.
Si Fergus, nakatayo.
Sugatan.
Hingal.
Pero buhay.
Nararamdaman ko ang pintig ng sarili kong dugo sa tenga ko. Tila ako ang nakipaglaban.
Dahan-dahan niyang itinaas ang tingin niya.
Nagtagpo muli ang mga mata namin.
Sa pagkakataong ito… Hindi lang pagkabigla. May galit, at pag-aalala.
Sa gilid ng paningin ko, naramdaman kong bahagyang ngumiti si Haring Leondre.
Hindi malapad.
Hindi halata.
Pero naroon.
“May silbi nga,” mahina niyang sabi.
Ang boses niya, may kakaibang tono, hindi lang paghanga sa mandirigma.
May bagong ideya siyang nabuo.
Hindi ko alam kung si Fergus ang tinutukoy niya…
o ako ang susunod.
Nanatili akong tuwid. Pero sa loob ko, may dalawang puwersang nagbabanggaan.
Ang takot na baka mamatay si Fergus sa Pista sa Dugo.
At ang mas mapanganib na posibilidad, na kapag dumating ang araw na iyon, baka hindi ako manatiling nakaupo lang.
CHAPTER 19
Abala si Haring Leondre.
Napapalibutan siya ng mga Maharlika. Kumikislap ang mga baso ng alak sa liwanag ng araw. Puno ng mababang halakhakan ang hangin.
“Sa tingin ko’y tatagal hanggang ikatlong laban ang paborito ng arena,” sabi ng isang Duke habang dahan-dahan niyang iniikot ang alak sa baso.
Isang matandang Konsehal ang ngumiti, kulubot ang noo nito. “Kung makarating siya roon.”
“Magkano ang pusta mo?”
“Dalawang kahon ng pilak.”
May isa pang maharlika ang tumawa. “Masyado kang maingat.”
Puno ng aliw ang kanilang mga boses, para lang itong laro sa kanila.Si Haring Leondre naman, tahimik lang na nakikinig.
Nakasandal siya nang bahagya sa marmol na barandilya, ang isang kamay, hawak ang baso ng alak, ang isa, nakatukod sa likod niya. Ang mga mata niya, nakatingin sa ibaba, kung saan ang buhangin ay bahagyang kulay pula na.
“Kung ako ang tatanungin,” sabi niya sa wakas sa malamig na boses, “ang tunay na tanong, hindi kung sino ang mananalo sa Pista sa Dugo.”
Unti-unting tumigil ang mga usapan.
“Kundi kung sino ang may pinakamagandang kamatayan.”
May ilang maharlika ang tumawa. Sanay na sa karahasan.
“Napakaganda ng pananaw, mahal na hari,” sabi ng isang babae na may suot na manipis na gintong korona sa buhok.
“Kung ganoon,” sabi ng Duke habang muling umiinom, “limang kahon ng pilak ang ipupusta ko sa Coronal na ’yon… si Fergus.”
Bahagyang umangat ang kilay ni Haring Leondre.
Ngumiti ang Duke. “Ang mga sugatan ay may pinakamarahas na laban.”
Habang abala sila sa kanilang mga pusta, tahimik akong umatras mula sa aking upuan.
Walang pumansin.
Sa mga mata ng mga bantay, isa akong Maharlika na pagmamay-ari ng hari… at samakatuwid, may kapangyarihang gumalaw kung saan ko gustuhin.
Kaya dahan-dahan akong lumakad palabas ng hilera ng mga upuan at bumaba sa pasilyo ng arena.
Sa bawat hakbang ko, unti-unting nawawala ang ingay ng mga maharlika.
Naiwan sa likod ko ang halakhakan, kalansing ng baso, at mga pusta. Napapalitan ito ng ibang tunog.
Mas mabigat. Makipot ang pader. Malamig. Amoy bakal at pawis. Higit sa lahat, dugo.
Sa ibaba, naririnig ko ang kalansing ng mga kadena.
Mga yabag ng sundalo.
“Bilis!” sigaw ng isang bantay. “Ibalik ang mga Coronal sa selda!”
May tunog ng bakal na hinihila sa bato. Isang mandirigma ang napaungol sa sakit.
Napahigpit ang kamao ko. Kapag nahuli ako… patay ako. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ko. Pero kailangan ko siyang makausap.
Kaya hindi ako tumigil. Sinundan ko ang hanay ng mga nakakadenang coronal.
Isa-isa silang itinulak pabalik sa mga kulungan na gawa sa makapal na bakal. Kumikislap sa mga pader ang ilaw ng sulo. Mahahabang anino ang gumagapang sa bato. Hindi sila tinatrato bilang tao.
“Isara mo ’yan!” sigaw ng isang bantay.
Kumalabog ang rehas.
Isa pa.
Isa pa.
Hanggang sa tuluyang napuno ng katahimikan ang pasilyo.
Nang makaalis ang huling bantay, saka ako gumalaw.
Dahan-dahan.
Maingat.
Lumapit ako sa mas madilim na bahagi ng kulungan. Halos walang ilaw doon.
At doon… nakita ko siya. Isang pamilyar na pigura sa likod ng rehas. Nakaupo sa sahig na bato. Bahagyang nakayuko. May sariwang dugo na tumutulo sa balikat pababa sa braso niya.
Napatigil ang paghinga ko.
“Fergus…” pabulong kong sabi. Nanginginig ang boses ko.
Tumigil ang lalaki sa loob ng selda. Naputol ang mundo sa sandaling iyon. Dahan-dahan siyang tumayo. Ang mga kadena sa paa niya, kumalansing sa bawat galaw.
Lumapit siya sa liwanag ng sulo. At nang makita ko ang mukha niya… biglang nanikip ang dibdib ko.
Mas malaki siya. Mas matalim ang panga. Mas mabigat ang anino sa mga mata
Pero siya pa rin.
Ang lalaking minsan kong ginamot sa dilim.
“Fergus!” halos mapaiyak kong bulong.
Bagamat may distansya sa pagitan namin. Makapal ang malamig na bakal na rehas. At ang kadena sa paa ni Fergus na kumakalansing sa bawat maliit niyang galaw. Pero sa kakaibang paraan, pakiramdam ko mas malapit kami ngayon kaysa noong patago ko siyang dinadalaw sa ilalim ng palasyo.
Noon, may mga pader sa pagitan ng mga salita namin.
Mga lihim.
Mga bagay na hindi namin pwedeng sabihin.
Ngayon, wala nang natira kundi katotohanan.
Dahan dahang lumapit si Fergus sa rehas. Natatakot na baka mawala ako kung bigla siyang kumilos.
“Damien,” mahina niyang sabi.
“Buhay ka…”
Halos pumutok ang dibdib ko habang sinasabi ko iyon.
Hindi ko kaya.
Saglit siyang tumahimik. Pagkatapos, tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi lang simpleng tingin. Sinusuri niya ang bawat detalye.
Ang telang suot ko… mahal, malinis, at walang bakas ng dugo. Ang balikat kong tuwid. Ang postura ng isang taong nakaupo sa tabi ng hari. Ang mukha ng isang taong hindi na dapat kabilang sa kulungan.
Ang mga mata niya na minsang puno ng pasasalamat, ngayon ay mabigat. Naroon ang pait.
“Hindi ko akalaing makikita kitang nakaupo sa tabi ng hari.”
Mahina lang ang boses niya. Pero parang kutsilyong dahan-dahang bumaon sa dibdib ko.
“Hindi ko ginusto ’to…” nanginginig kong sagot. “Kung may pagpipilian lang sana ako, Fergus.”
Lumapit pa siya sa rehas. Halos magkadikit na ang mukha namin sa pagitan ng malamig na bakal. Nararamdaman ko ang init ng paghinga niya sa pisngi ko.
“Ba-bakit?” tanong niya, mahina pero puno ng tensyon. “Anong ginawa ng hari sa’yo?”
Napababa ang tingin ko. Naging mabigat ang bawat salita.
“Ginawa niya akong…” napalunok ako. “Concubine ng Korona.”
Sa loob ng isang segundo, wala akong narinig kundi ang paghinga namin.
Napahigpit ang hawak ni Fergus sa bakal. Kumalansing ang rehas sa lakas ng pagkakahawak niya.
“Co-concubine ng hari?”
May gulat sa boses niya. Pero may iba pa. Isang matalim na emosyon na hindi niya kayang itago.
Sakit.
May bagay na nabasag sa loob niya.
Tumango ako.
Mabigat.
Hindi ko kayang tingnan ang mga mata niya habang iniisip niya kung anong ibig sabihin ng titulong iyon.
Ayokong isipin niya ang mga kamay ni Haring Leondre sa akin.
Ayokong isipin niyang hinayaan ko iyon.
Kaya mabilis kong iniba ang usapan.
Napansin ko ang dugo sa tagiliran niya. Ang sariwang sugat mula sa laban. At ang makapal at mabigat na kadena na nakakabit sa paa niya. Kalawangin, nakakabaon sa laman.
“Kung may magagawa lang sana ako para alisin ’yang kadena sa mga paa mo…” mahina kong sabi.
Tinitigan niya ang kadena. Pagkatapos, muli akong tinignan. Ngumiti siya. Isang pagod at mapait na ngiti.
“Mas mabigat ang kadena mo, Damien.”
Hindi ko agad naintindihan.
Hanggang sa ibinaba niya ang boses niya.
“Ang kadena ko,” sabi niya habang bahagyang itinaas ang paa na may bakal, “kayang putulin kapag may tamang sandata.”
Kumalansing ang bakal habang ibinaba niya ito.
Tinitigan niya ang tela ko.
Ang balat ko.
Ang mundong nakapalibot na ngayon sa akin… mga maharlika, kapangyarihan, at isang hari na hindi marunong magbitaw.
“Pero ang kadena mo…”
Huminto siya.
Nahihirapang sabihin.
Alam niyang masasaktan ako.
“…nakaupo sa trono.”
Tahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Dahil tama siya. Mas madaling putulin ang bakal… kaysa sa kapangyarihan ng isang hari.
Sa pagitan ng mga rehas, dalawang tao ang nakatayo. Parehong nakakadena. Magkaiba lang ang bakal.
Lumapit pa ako.
Kung wala lang ang rehas, kaya ko siyang yakapin. Pigilan ang dugo. Sabihin na hindi siya nag-iisa.
Na may isang taong hindi tumalikod sa kanya.
Na may isang taong nagmamahal sa kaniya sa dilim.
Pero nandiyan ang bakal. Hindi sapat ang abot namin.
At sa pagitan nito… isang mundong hindi na namin kayang balikan.
“Huwag kang mag-alala sa’kin,” pabulong kong sabi.
Pinilit kong maging matatag ang boses ko. Pinilit kong itago ang pagkapunit sa loob ko.
Pero nanginginig pa rin ito.
Humigpit ang hawak ko sa bakal. Ramdam ko ang lamig nito na kumakapit sa balat ko, sinusubukang ipaalala kung nasaan ako.
Kung sino ang nagmamay-ari sa akin ngayon.
“Ipangako mo sa’kin, Fergus…” sabi ko, halos hindi lumalabas ang boses ko. “Na hindi ka mamamatay sa Pista sa Dugo.”
Tahimik si Fergus.
Napakalapit ng mukha niya sa akin. Halos isang pulgada lang ang pagitan ng aming mga labi kung wala ang rehas.
Ramdam ko ang init ng hininga niya na dumadaan sa pagitan ng mga bakal.
Matagal siyang nakatingin sa akin.
Tinitingnan niya ako sa unang pagkakataon.
Sinusubukan niyang tandaan ang mukha ko.
Pagkatapos… ngumiti siya.
Hindi iyon ngiti ng tapang.
Hindi iyon ngiti ng pag-asa.
Ngiti iyon ng isang taong matagal nang nakipagkamay sa kamatayan… at sanay nang matulog sa ideyang baka bukas wala na siya.
“Hindi ako takot mamatay.”
May kirot na dumaan sa dibdib ko.
Napapikit ako.
Saglit lang.
Pero sapat iyon para maramdaman ko ang hapdi na dahan-dahang pumipiga sa puso ko.
“Ako ang takot!” halos pasigaw kong sagot.
Nanginginig ang boses ko. May kung anong nababasag sa loob ko habang nagsasalita ako.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sinalubong ang titig niya.
“Hindi mo naiintindihan,” sabi ko, halos mabasag ang boses ko. “Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam na umupo sa tabi ng lalaking kayang pumatay sa’yo anumang oras…”
Napahigpit ang hawak ko sa rehas.
“…habang alam mong may isang taong mas mahalaga sa’yo na maaari niyang patayin sa isang kumpas lang ng kamay niya.”
Nanginginig ang hininga ko.
“Para sa kanya… laro lang ’to, Fergus,” bulong ko, nangingilid ang luha.
Huminga ako nang mabigat.
“Pero para sa’kin… ikaw iyon.”
Sandaling natahimik si Fergus.
“Da-Damien…” mahina niyang sabi.
May kirot sa paraan ng pagbigkas niya ng pangalan ko.
May bahagi sa kanya na gustong abutin ako, pero hindi niya magawa.
“Ayokong makita kang mamatay,” napapailing na dagdag ko.
Napahigpit ang hawak ko sa rehas hanggang sumakit ang mga daliri ko. Kung bibitaw ako, mawawala siya.
“Hindi mo alam kung gaano kahirap para sa’kin na umupo doon,” garalgal ang boses na dagdag ko. “Sa tabi ng hari. Sa taas ng arena.”
Napapikit ako sandali.
“Habang pinapanood ka nilang parang hayop na papatayin.”
Huminga ako nang mabigat.
Nanginginig ang dibdib ko.
“Bawat patak ng dugo mo… may bahagi sa’kin na namamatay.”
Hindi ko na mapigilan ang boses ko.
“Mangako ka sa’kin,” bulong ko. “Mabubuhay ka.”
Napahigpit ang hawak ko sa rehas.
“Hindi ko kakayanin kung hindi.”
Ramdam ko ang init ng luha sa mga mata ko pero pilit ko pa rin itong pinipigilan.
Matagal siyang tumingin sa akin.
Gusto niyang kabisaduhin ang bawat linya ng mukha ko… baka sakaling iyon na ang huling pagkakataon na makikita niya ako.
Huminga siya nang malalim.
“Hindi ko maipapangako…”
Mahina ang boses niya.
Halos hingal.
“Hindi ko hawak ang tadhana sa gitna ng arena.”
Bahagya siyang tumawa.
Isang pagod na tunog na walang saya.
“Pero kapag nanalo ako… kapag tutuparin ng hari ang isang kahilingan ko bilang premyo ko.”
Huminto siya sandali.
Ang mga mata niya, hindi kumalas sa akin.
“Isasama kita sa paglaya ko.”
May sumikip sa dibdib ko.
“Fergus…”
Napangiti ako, pero may luha nang dumaloy sa pisngi ko bago ko pa napansin.
“Hindi ako tropeo na pwedeng dalhin palabas,” mahina kong sabi.
Umiling ako.
“Hindi ako premyo na mapapanalunan mo sa arena.”
Mas lalong sumakit ang dibdib ko habang sinasabi ko iyon. Dahil yon ang totoo.
Dahan-dahang idinikit ni Fergus ang noo niya sa rehas.
Kumalansing nang mahina ang bakal sa pagitan namin.
Ramdam ko ang init ng balat niya kahit may bakal sa pagitan namin.
“Kung wala ka…” mahina niyang sabi.
Huminto siya sandali.
“…ano rin ang silbi ng kalayaan at buhay ko, Damien?”
Napapikit ako.
Narinig ko ang paghinga niya sa kabilang bahagi ng bakal.
“Hindi kita ilalabas bilang tropeo,” dagdag niya.
Mas bumaba ang boses niya.
Mas malalim.
Mas totoo.
“Ilalabas kita bilang malaya.”
Biglang huminto ang mundo.
Napahawak ako sa bakal na rehas.
“Fe-Fergus…”
Hindi ko alam kung bakit mas masakit marinig iyon kaysa sa kahit anong sinabi niya kanina.
Dahil alam kong gusto kong maniwala.
Gusto kong isipin na may mundo sa labas ng arena.
Sa labas ng trono.
Sa labas ng mga bisig ng hari.
Isang mundo kung saan maaari ko siyang yakapin nang walang bakal sa pagitan namin.
Sa mundong ito, mas madaling patayin ang pangako kaysa tao.
At sa pagitan ng bakal na iyon… dalawang taong sugatan ang nakasandal sa parehong kulungan.
Parehong umaasang may bukas.
Kahit pareho naming alam… na maaaring hindi na iyon dumating.
Author’s Note: Maghihintay po ako ng 10 VOTES bago ipublish ang next part.
CHAPTER 20
Mahaba ang pasilyo ng palasyo ng Aurelius. Tila walang katapusan.
Makinis ang marmol sa ilalim ng mga paa ko. Bawat hakbang ko, umaalingawngaw sa mataas na kisame parang may aninong sumusunod sa likod ko. Humahalo iyon sa lagitik ng mga sulo sa dingding.
Pero halos hindi ko napapansin ang paligid.
Sa isip ko… si Fergus pa rin.
Ang dugo sa balat niya. Ang mabigat niyang paghinga. At ang mga mata niyang pagod, pero hindi sumusuko.
Tatlong araw na lang bago ang Kapistahan ni Apollo. Tatlong araw bago ang laban. At maaaring… tatlong araw na lang ang natitira para sa kaniya.
Napahinto ako bigla sa gitna ng pasilyo.
Napapikit ako.
Sa katahimikan ng sandaling iyon, nawala lahat ng tunog ng palasyo.
Ang natira lang, ang katotohanang matagal ko nang tinatakasan.
Doon ko tuluyang inamin sa sarili ko.
Mahal ko siya.
Hindi dahil sa awa.
Hindi dahil sa utang na loob.
Kundi dahil…
Mahal ko si Fergus.
Ang simpleng katotohanang iyon, isang sakit na hindi matakasan.
Dahil kung mahal ko siya… bakit hindi ko sinabi ’nung gabing yun sa arena?
Pero anong silbi ng pagsabi kung mamamatay rin siya?
Kung mapatay siya sa arena, hindi man lang niya malalaman. Kung bumagsak siya sa buhangin habang sumisigaw ang mga maharlika sa taas… ang huli niyang alaala sa akin, hindi ang lalaking naglinis ng sugat niya sa dilim ng kulungan.
Hindi ang lalaking tahimik na nagdala ng tubig at tinapay para lumakas siya.
Kundi isang lalaking nakaupo sa tabi ng hari.
Isang concubine ng korona.
Isang bagay na pagmamay-ari ng lalaking maaaring magpapatay sa kanya.
Napahigpit ang kamao ko.
Walang sugat na kasing sakit niyon.
Mas masakit pa kaysa sa mga halik ni Haring Leondre na pilit kong binubura sa balat ko tuwing mag-isa ako.
“Pinapatawag ka ng mahal na hari.”
Napamulat ako. Biglang bumalik ang mundo.
Isang eunuch ang nakayuko sa harap ko.
“Sa pribado niyang silid,” dagdag nito.
Napalunok ako.
Nanlamig ang lalamunan ko.
“Ngayon?” tanong ko.
Tumango siya.
“Para sa hapunan.”
Sa simpleng mga salitang iyon, sumabog ang kaba ko.
Kasi alam ko na ang ibig sabihin ng mga hapunan ng hari.
Hindi iyon basta pagkain, pag-uusap o pag-anyaya.
Iyon ay sandali kung saan walang ibang saksi kundi ako… at siya.
At sa palasyong ito, ang mga pribadong hapunan ng hari, kadalasang nagsisimula sa alak at katahimikan… at nagtatapos sa isang bagay na mas mapanganib pa kaysa sa digmaan.
Tahimik ang silid-kainan ng hari.
Ngunit ang katahimikang ’yon, hindi mapayapa kundi may nag-aabang.
Isang mahabang mesa ang nasa gitna ng silid, gawa sa madilim na kahoy na kumikinang sa liwanag ng apoy mula sa mga sulo sa dingding. Ang liwanag, sumasayaw sa ibabaw ng mesa, nag-iiwan ng mahahabang anino na gumagapang sa sahig.
Dalawang upuang magkaharap lang ang naroon. Parang dalawang panig ng isang digmaan.
At sa dulo ng mesa… nandoon si Haring Leondre.
Nakaupo siya na parang iyon ang natural niyang lugar sa mundo. Parang natural lang na ang buong silid, umiikot sa kanya.
Sa likod niya, may isang aliping babae na marahang nagpapaypay. Mabagal ang galaw nito, halos walang tunog, takot na takot na makagambala sa katahimikan ng hari.
Tahimik niyang hinihiwa ang karne sa plato niya. Makinis ang galaw ng kutsilyo. Walang pagmamadali at pag-aalinlangan. Bawat galaw niya, kontrolado at pinag-isipan.
“Lumapit ka.”
Hindi iyon utos na kailangang ulitin.
Lumakad ako papunta sa mesa.
Umuugong ang yapak ko sa marmol. Umaalingawngaw sa silid, tila sinasabi sa buong palasyo kung nasaan ako.
Kung sino ang kasama ko.
Umupo ako sa tapat niya.
Ang tunog ng kutsilyo niya sa plato, biglang napakalakas sa katahimikan ng silid.
Hindi siya nagsasalita.
Tahimik din ako. Pero nararamdaman ko ang titig niya. Hindi iyon simpleng titig ng hari sa isang alagad at lalaking basta naghahangad ng aliw.
Sinusubukan niyang buksan ang lihim sa loob ko. At hindi ko alam kung gaano karami ang nakikita niya.
Lumipas ang ilang sandali ng katahimikan. Napakatagal ng pakiramdam. Pagkatapos, nagsalita siya.
“Huwag mo na akong paypayan.”
Tumigil ang alipin sa likod niya.
“Kamahalan.”
“Lumabas ka.”
“Masusunod po, kamahalan.”
Marahang yumuko ang babae bago tuluyang lumabas ng silid.
Nang magsara ang pinto, mas lumalim ang katahimikan.
Dalawa na lang kami.
Napansin ko ang paraan ng pagtingin niya sa akin.
Direkta.
Walang pagtatago.
“Napapansin kong interesado ka sa galaw ng arena.”
May kumirot sa dibdib ko. Isang saglit lang. Pero sapat iyon para maramdaman ko ang malamig na pawis na gumapang sa batok ko.
Hindi ko ipinakita. Dahan-dahan kong inilapag ang kutsara ko sa plato.
“Namamangha lang ako sa mga Coronal, mahal na hari.”
Kalma at kontrolado ang boses ko, pero sa loob ko… may kung anong bumabagsak.
Alam niyang pumuslit ako sa ilalim ng arena. Noong sandaling akala ko walang nakakita sa akin.
O baka wala siyang siguradong alam. Baka sinusubukan lang niya akong basagin.
Uminom siya ng alak.
Pinagmasdan niya ang pulang likido sa baso niya, iniikot iyon sa pagitan ng mga daliri niya bago niya muling itinaas ang tingin sa akin.
“Talaga?”
Hindi ko inalis ang titig ko sa kanya.
“Hindi ba dapat mangha ang sinuman?” sagot ko. “Ang paraan ng pakikipaglaban nila… ang tapang nila.”
Hindi siya agad nagsalita.
Tinitigan lang niya ako.
Mahaba.
Sinusukat niya ang bawat paghinga ko.
Naghihintay ng pagkakamali.
Bahagya siyang ngumiti.
“Tapang,” ulit niya.
Tinutunog ang salita sa bibig niya at iniikot-ikot bago lunukin.
“Ang tapang ay madalas pinagmumulan ng magagandang trahedya.”
Hindi ko agad naintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.
O baka alam ko.
Ayaw ko lang tanggapin.
Ibinaba niya ang baso ng alak.
Mahinang tumunog ang salamin sa mesa.
“Ang mga Coronal,” dagdag niya, “ay naniniwalang ang tapang, sapat para baguhin ang kapalaran.”
Bahagya siyang sumandal sa upuan.
Ang liwanag ng apoy, sumayaw sa mga mata niya.
“Pero sa aking karanasan…”
Tumigil siya.
At sa unang pagkakataon sa gabing iyon… direkta niyang hinuli ang mga mata ko.
Hindi ako nakaiwas.
“…ang tapang, mas madalas nagiging dahilan kung bakit sila namamatay nang mas maaga.”
May malamig na hangin na dumaan sa silid.
Naramdaman ko ang pagkipot ng dibdib ko. Pero hindi ako gumalaw. Hindi ako nagpakita ng kahit anong reaksyon. Pinilit kong manatiling kalmado. Walang laman ang sinabi niya.
Parang hindi ko kilala ang isang Coronal na maaaring mamatay sa loob ng tatlong araw.
Iniikot niya ang kutsilyo sa pagitan ng mga daliri niya. Kumikislap ang talim sa liwanag ng mga sulo sa dingding, saglit na sumasalamin sa malamig niyang mga mata.
Hindi siya nakangiti o galit… mas nakakatakot iyon. Dahil kapag si Haring Leondre, hindi nagpapakita ng emosyon, ibig sabihin nag-iisip siya.
At kapag nag-iisip ang hari, may taong nasasaktan sa huli.
“May isang Coronal,” sabi niya.
Huminto sandali ang kutsilyo sa pagitan ng mga daliri niya bago muling gumalaw.
“Na hindi mo maalisan ng tingin.”
Tumigil ang paghinga ko.
Isang iglap lang.
Pero sapat iyon para maramdaman kong bumagal ang buong mundo sa paligid ko.
Ang apoy sa mga sulo.
Ang mahinang pag-uga ng kurtina sa bintana.
Ang tunog ng hangin sa labas.
Lahat iyon lumayo.
Hindi ako gumalaw.
Hindi ako kumurap.
“Marami silang duguan sa arena, mahal na hari,” matigas kong sagot.
Pinilit kong panatilihing pantay ang boses ko. Pinilit kong gawing normal.
“Namamangha lang ako kung paano sila tumindig at lumaban.”
Tahimik siyang nakinig.
Pagkatapos, tumayo si Haring Leondre.
Hindi nagmamadali.
Walang kahit anong pagmamadali sa galaw niya, alam niyang hindi ako makakatakas kahit gaano ako kabilis mag-isip.
Lumakad siya sa gilid ng mesa.
Ang bawat hakbang niya, mabagal.
Sinadya.
Naririnig ko ang tunog ng bota niya sa marmol. Parang orasan na nagbibilang ng natitirang segundo bago may mangyari.
Tumigil siya sa tabi ko.
Nararamdaman ko ang init ng presensya niya kahit hindi ako tumitingin. Isang anino na biglang tumabon sa liwanag ng silid.
“Pero isa lang ang pinapanood ng mata mo.” Mahina ang boses niya. Pero parang kutsilyo sa balat ko.
Hindi ako pwedeng sumagot.
Dahan-dahan niyang inilapag ang kutsilyo sa mesa. Mahina ang tunog ng bakal sa kahoy. Pero sa katahimikan ng silid, napakalakas nito.
Pagkatapos… dahan-dahan niyang hinawakan ang baba ko. Napapikit ako saglit.
Mainit ang mga daliri niya.
Mabigat.
Pinilit niya akong tumingin sa kanya.
Ang mga mata niyang asul, malamig. Pero may kung anong nagliliyab sa ilalim. Isang bagay na hindi ko mabasa. Hindi galit at simpleng kuryosidad. Mas mapanganib at personal.
“Pagkamangha sa Coronal?” mahina niyang sabi.
Halos bulong.
“Sabihin mo sa akin.”
Mas lumapit siya. Halos magdikit ang mga mukha namin. Naamoy ko ang alak sa hininga niya. At may kung anong mas madilim sa ilalim noon.
“Anong meron sa Coronal na iyon…” dagdag niya.
Mas bumaba ang boses niya.
“…na wala sa akin?”
May kumurot sa dibdib ko.
Hindi ako makasagot.
Hindi dahil wala akong sagot.
Kundi dahil ang sagot… maaaring pumatay ng isang tao.
At marahil pati ako.
Hindi ako nagsalita. Hindi rin ako gumalaw.
Tinitigan ko lang siya nang tahimik. Pinilit kong gawing bato ang mukha ko.
Walang emosyon.
Walang pagtatapat.
Pero sa loob ko, may sumasabog na kaba.
Napansin niya.
Napansin ng hari.
At kung napansin iyon ni Haring Leondre… gaano katagal bago niya malaman ang buong katotohanan?
Isang araw?
Isang oras?
Isang maling galaw ko lang?
Isang maling tingin ko sa arena?
At kapag nalaman niya… sino ang unang mamamatay?
Ako?
O si Fergus?
Huminga nang mabagal si Haring Leondre. Matagal naghihintay ng sagot na alam niyang hindi ko ibibigay. Pagkatapos, bahagya siyang ngumiti.
Isang ngiting walang init.
Alam niya ang sagot.
At mas lalo siyang natuwa dahil hindi ko iyon kayang sabihin.
“Ganito na lang,” sabi niya.
Binitiwan niya ang baba ko. Pero hindi siya lumayo. Sa halip, yumuko siya nang kaunti. Ang anino niya, bumalot sa kalahati ng katawan ko. At ang mga labi niya, halos dumampi sa tenga ko.
“Sa Pista sa Dugo…” bumaba ang boses niya sa isang mapanganib na bulong. “…papanoodin natin siya nang mabuti.”
Nanlamig ang buong katawan ko.
May yelong ibinuhos sa likod ko.
“Doon,” dagdag niya, “malalaman natin kung ang kinang sa mga mata mo ay paghanga lang…”
Huminto siya sandali.
Ramdam ko ang paggalaw ng hininga niya sa balat ko.
“… o kung may dahilan kang itinatago.”
Tumayo siya muli nang tuwid.
Parang walang nangyari… bumalik siya sa upuan niya.
Kinuha niya ang baso ng alak.
Iniikot ang pulang likido sa loob nito.
Pagkatapos, uminom.
Tahimik.
Komportable.
At nang ibaba niya ang baso…
Ngumisi siya. Parang may alam na hindi ko pa handang harapin.
CHAPTER 21
Mabigat ang gabi.
Tahimik ang silid, pero hindi mapakali ang hangin. Kumikislap ang lampara. At ako, gising pa rin.
Hindi makatulog.
Ilang ulit akong pumikit. Ilang ulit kong pinilit patahimikin ang isip ko. Pero iisa lang ang bumabalik.
Ang boses ni Haring Leondre.
“May isang Coronal… na hindi mo maalisan ng tingin.”
Parang nasa tainga ko pa rin ang bulong niya. Mas masahol, parang naroon pa rin ang hininga niya sa balat ko. Sumisikip ang dibdib ko sa bawat alaala.
Napansin niya.
At kahit gaano pa kakonti ang alam niya… sapat na iyon para manginig ako.
Napaupo ako, mahigpit ang hawak sa gilid ng kama habang pilit kinokontrol ang paghinga.
Kung napansin niya iyon… gaano katagal bago niya tuluyang malaman ang lahat?
At sa likod ng talukap ng mga mata ko… si Fergus.
Ang tingin niya sa akin, mula sa likod ng rehas.
Tatlong araw na lang bago ang Pista sa Dugo. Kung may balak ang hari… baka hindi na siya umabot.
Bigla akong tumayo. Hindi ko na kaya ang katahimikan. Kailangan may gawin ako.
Lumabas ako ng silid.
Dalawang eunuch ang nakatayo sa labas. Tahimik, parang mga estatwa. Yumuko sila nang makita ako.
“Gusto kong pumunta sa arena.”
Nagkatinginan sila.
“Para saan po, mahal na concubine?”
Pinilit kong maging kalmado. “Para basbasan ang mga Coronal.”
Saglit na katahimikan.
“Paumanhin po. Wala ang hari sa palasyo ngayong gabi.”
Napakunot ang noo ko. “Ako ang concubine niya. Hindi ba sapat iyon?”
Nag-alinlangan siya. “Mas lalong hindi po namin maaaring payagan.”
Parang may malamig na kamay na pumisil sa dibdib ko. Hindi sila natatakot sa akin. Dahil alam nilang hindi akin ang kapangyarihan na suot ko.
Pag-aari ako ng hari.
At kapag wala siya, wala rin ako.
“Pwede na kayong umalis,” mahina kong sabi.
Hindi na ako tumingin habang lumalayo ang kanilang mga yabag.
Naiwan akong mag-isa.
Mas tahimik.
Mas mabigat.
Humawak ako sa mesa.
“Kung may mangyari sa kanya…” basag ang boses ko. “Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.”
Kilala ko si Haring Leondre. Kapag may kahinaan siyang naamoy, hindi niya iyon tinatantanan, hanggang mabali.
Napatingin ako sa bintana.
Maliwanag ang buwan. Tahimik ang hardin, nalulunod sa pilak na liwanag.
At doon ako nagpasya.
Hindi ako maghihintay.
Hinila ko ang kumot. Pinunit ang kurtina.
Punit.
Isa pa.
Isa pa.
Pinagdudugtong ko ang tela, nanginginig ang mga daliri habang hinihigpitan ang bawat buhol.
Hindi ko alam kung kakayanin. Wala rin akong ibang pagpipilian.
Isinabit ko ang tali sa paa ng kama at inilabas sa bintana.
Huminga ako nang malalim.
Sumampa.
Dumampi sa palad ko ang malamig, madulas na bato.
Isang mali… patay.
“Fergus…” bulong ko habang dahan-dahang bumababa. “…hindi ako pwedeng maghintay.”
Nangalahati ako, nanginig ang kamay, sumakit ang braso. Pero hindi ako tumigil. Hanggang sa sumalo ang isang sanga.
Kumapit ako, pababa nang pababa. Kumaskas ang balat ng puno sa braso ko, nag-iwan ng mga gasgas.
Hindi ako nagpaawat. Hanggang sa maramdaman ko ang damo.
Nasa labas na ako.
Tahimik.
Walang sigaw. Walang humabol.
Hindi pa tapos.
Tumakbo ako sa bakod. Kumapit sa mga bitak, umakyat kahit nanginginig ang katawan.
Lumapag ako sa labas.
Hindi ako nagtagal.
May kabayong nakatali sa gilid ng daan. Hindi na mahalaga kung kanino iyon. Sumakay ako. Hinigpitan ang renda.
“At kung mali ako…” bulong ko.
Hindi ko tinapos.
Pinatakbo ko ang kabayo.
Humahampas ang malamig na hangin sa mukha ko habang tinatahak ko ang madilim na daan.
“Maghintay ka, Fergus!” sigaw ko sa gabi. “Huwag kang mamamatay!”
Buwan lang ang ilaw.
At ang takot, na baka pagdating ko… huli na.
Pinahinto ako ng mga sundalo sa bungad ng arena.
Kumikislap ang sulo sa kanilang baluti. Mabigat ang pintuang bakal sa likod nila.
“Tumigil!”
Huminto ang kabayo ko.
Umupo ako nang tuwid. Itinaas ang baba.
“Ako ang concubine ng hari. May babasbasan ako.”
Nagkatinginan sila.
Sinusukat ako.
Kung nagsisinungaling… o kung sapat ang kapangyarihan ko para pumatay.
Isang buntong-hininga.
“Buksan ang pintuan.”
Umalingawngaw ang bakal, parang kulog sa gabi.
Sumalubong agad ang amoy ng buhangin, bakal, at lumang dugo.
Hindi ako tumigil.
Dumiretso ako sa mga selda. Mahahaba ang anino. Umaalingawngaw ang bawat hakbang ko. Mas mabilis ang tibok ng puso ko kaysa sa lakad ko.
Hanggang sa…
Si Fergus.
Nakaupo sa bato. Nakakadena. May bahid pa ng dugo sa tagiliran.
Nang makita niya ako, tumayo siya agad.
“Damien?! Ano’ng ginagawa mo rito?!”
Hindi ako sumagot.
Lumapit lang ako.
At niyakap siya nang mahigpit.
Parang iyon na ang huli.
Hingal ako. Pero wala akong pakialam. Ramdam ko ang init niya. Ang amoy ng dugo. Ang tibok ng puso niya.
“Baliw ka ba?!” bulong niya, nanginginig.
Gusto niya akong itulak, pero niyakap niya rin ako pabalik.
“Kapag nalaman ng hari-”
“Alam ko,” putol ko.
Tahimik siya.
“Pero mas natatakot ako…” halos mabasag ang boses ko, “…na hindi na kita makita ulit.”
Bumigat ang hangin.
Marahan siyang humiwalay, hinawakan ang balikat ko.
“Damien…” mahina niyang sabi.
Umiling siya.
“Hindi mo dapat ginagawa ’to.”
Sandali.
Pagkatapos…
“Umalis ka na.”
Umiling ako.
May luha na sa mga mata ko, ngunit hindi ko pinunasan.
“Hindi, Fergus.”
Mahina pero matigas ang boses ko.
“Hindi ako aalis.”
Napahigpit ang hawak ko sa damit niya.
“Kung aalis man ako… kasama kita.”
Namutla siya.
“Damien…” napailing siya. “Ito na ang pagkakataon mo. Umalis ka na. Huwag ka nang babalik.”
Hinawakan niya ang mukha ko.
“Lisanin mo na ang kahariang ito.”
“At ikaw?” nanginginig kong sagot. “Hahayaan kitang mamatay dito habang ako’y malaya?”
Umiling ako.
“Anong saysay ng kalayaan ko kung wala ka?!”
Pumikit siya sandali.
“Makinig ka sa akin… kailangan mong makalaya. Umalis ka. Mabuhay ka.”
Napabuntong-hininga siya.
“Maging maligaya ka… iyon ang dasal ko para sa’yo.”
“PAANO AKO LILIGAYA KUNG IKAW ANG KALIGAYAHAN KO?!”
Umalingawngaw ang boses ko sa selda.
“Mahal kita.”
Biglang tumahimik ang mundo.
“Damien…” bulong niya.
“Kung nasaan ka… naroon din ako.”
Hinawakan ko ang mukha niya.
“Ikaw ang pinakamahalaga sa buhay ko.”
Napailing siya.
“Hindi mo dapat sinabi ’yan.”
“Bakit hindi?!”
“Dahil huli na!”
Namumula ang mga mata niya.
“Tatlong araw na lang! Tatlong araw at baka patay na ako!”
Hindi ako bumitaw.
“Kung mamatay ka sa arena…” pabulong kong sabi, “susunod ako.”
Napaatras siya.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Sasama ako sa’yo.”
Huminga ako nang mabigat.
“Sa mundo ni Hades.”
“Nababaliw ka na-”
Hindi ko siya pinatapos.
Hinila ko siya… at hinalikan.
Hindi marahan. Hindi maingat. Parang taong nalunod na muling nakahinga.
Nanigas siya sa una.
Isang tibok.
Dalawa.
Pagkatapos… bumigay.
Mahigpit niya akong niyakap, parang mawawala ako kapag binitiwan niya.
Walang kapangyarihan ang halik na iyon. Walang pag-angkin.
Puro desperasyon.
Kumapit kami sa isa’t isa habang tila gumuho ang mundo.
Nalasahan ko ang luha.
Hindi ko alam kung kanino.
“Damien…” durog ang boses niya.
Hindi ako tumigil.
Gusto kong kabisaduhin ang lahat… ang init, ang hininga, ang paraan ng paghawak niya sa akin.
Dahil alam kong maaaring ito na ang una… at huli.
Mas humigpit ang yakap niya.
“Hindi mo dapat ginawa ’to…”
Pero hindi niya ako pinakawalan.
“Tingnan mo ako,” bulong ko.
At nang tumingin siya, nakita ko ang takot.
Hindi para sa sarili niya.
Para sa akin.
“Kung ito na ang huli nating gabi… ayokong mamatay ka nang hindi mo alam.”
“Mahal kita.”
Naputol ang paghinga niya.
“Kung may buhay pagkatapos nito… hanapin mo ako.”
“Damien, mahal din kita-”
BIGLANG…
KUMALABOG.
Umalingawngaw ang bakal na pinto sa pasilyo.
Napaatras ako.
Mabibigat na hakbang ang lumapit.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Humaba ang anino… hanggang lumabas siya sa liwanag.
Tahimik siyang nakatayo sa bungad ng selda.
Ang mga mata niyang asul… malamig.
Nakatingin sa amin.
Sa pagitan ng mga katawan naming halos magkadikit pa rin.
Tahimik.
Walang galit.
Walang sigaw.
At iyon ang mas nakakatakot.
Dahan-dahan niyang tinapik ang rehas.
Umalingawngaw ang bakal.
Pagkatapos… ngumiti siya.
Malamig.
“Wari ko…” mahina niyang sabi.
Halos naaaliw.
“Ngayon…”
Bahagya siyang huminto.
“Naiintindihan ko na.”
Author’s Note. 10 VOTES ulit.
CHAPTER 22
Dahan-dahang pumuwesto ang mga sundalo sa likod ni Haring Leondre. Walang nagsasalita, bakal lang ang maririnig, kumakalansing habang humihinto sila.
Tinitigan muna ni Haring Leondre si Fergus.
Malamig ang tingin niya. Sinusukat niya kung saan babagsak ang espada.
Dahan-dahang lumipat ang tingin niya sa akin.
Napaatras ako.
Bumaba ang tingin niya sa pagitan naming dalawa. Sa espasyong kanina lang ay may halik at lihim.
“Ngayon ko lang naintindihan,” mahina niyang sabi.
Humakbang siya palapit. Mabigat ang tunog ng bota niya sa bato.
“Akala ko noon…” dagdag niya,“…bakit hindi mo maalis ang tingin mo sa kaniya sa arena.”
Kumapit ang katahimikan sa selda.
“Hindi pala paghanga.”
Ang ngiti niya ay napakalamig.
Napalunok ako sa paraan ng pagtingin niya kay Fergus.
“At ikaw.”
Ang mga mata niyang asul ay kumislap sa liwanag ng sulo.
“May ideya ka ba kung kaninong pag-aari ang lalaking hinahalikan mo?”
Nanigas ang buong katawan ko. Hindi ako makapagsalita.
Narinig ko ang pagkalansing ng kadena ni Fergus. Humakbang siya sa harap ko.
Kahit nakakadena, tumayo siya sa pagitan namin ng hari.
“Kung may parusa…” galit niyang sabi.
“Ako na lang.”
Bahagyang gumalaw ang mga sundalo sa likod ng hari.
“Wala siyang kasalanan,” dagdag ni Fergus.
“Ako ang nakiusap na puntahan niya ako dito.”
“Fergus!” napasigaw ako.
Hindi siya lumingon.
Ngumiti si Haring Leondre. Mas malamig at mapanganib. Tuluyan siyang humakbang palapit. Huminto siya sa harap ni Fergus. Tiningnan niya ang kadena sa paa nito.
“Ha…” May mahinang tawa sa lalamunan niya. “Nakakatawa.”
Puno ng panghamak na tumingin siya mula ulo hanggang paa ni Fergus.
“Tingnan mo ang sarili mo.”
Bahagyang yumuko si Haring Leondre. Halos magkatapat ang mga mukha nila.
“Pag-aari kita.” Mabagal ang bawat salita.
“Pero naglalakas-loob kang mag-angkin ng akin?”
“Anong karapatan mo, lampastangan na Coronal?!”
Tahimik ang buong pasilyo.
Luminga ang hari sa akin.
“Tinawag kitang kahinaan ko.” Bahagyang kumunot ang noo niya. “Pero mukhang may kahinaan ka rin pala.”
Lumapit siya sa’kin. Dahan-dahan niyang hinawakan ang baba ko.
“Di ba sabi ko sa’yo,” pabulong niyang sabi, “na walang ibang magmamahal sa’yo kundi ako lang…”
Bumaba ang tingin niya sa labi ko.
“Hinawakan ka niya.”
Isang segundo ng katahimikan.
“Hinalikan ka niya.”
“Dahil sa isang halik na ’yon…” Bahagyang ngumiti ang hari. Isang ngiting mas malamig pa kaysa sa espada. “Pwede kong putulin ang ulo niya bago pa sumikat ang araw.”
Walang sumagot.
Ni ako.
Ni si Fergus.
Ang katahimikan ay parang lubid na humihigpit sa leeg ko.
“Ma-mahal na hari…” sa wakas ay nasabi ko. Pero halos hindi ko makilala ang mahina at basag kong boses.
Nanatiling nakabitin sa hangin ang katahimikan. Dahan-dahang lumingon si Haring Leondre sa mga bantay.
“Ibalik ninyo ang concubine sa palasyo.”
Agad akong hinawakan ng dalawang sundalo.
“Hindi!” nagpumiglas ako.
Hinila nila ako palayo.
“Fergus!”
Narinig ko ang kalansing ng kadena nang subukan niyang sumunod.
“Damien!” Basag ang sigaw niya.
Sinubukan kong abutin siya. Iniunat ko ang kamay ko. Halos dumikit ang kamay ko sa kanya.
Halos.
Isang pulgada na lang. Pero hinila ako ng mga sundalo palabas ng selda.
“FERGUS!”
Ang huling nakita ko, si Fergus na nakatayo sa loob ng bakal. Ang kamay niya pilit na umaabot sa’kin.
Sa likod niya, si Haring Leondre. Tahimik lang na nakatayo habang nakatingin sa kanya.
At sa mga mata ng hari, puro malamig na desisyon na hindi ko na kayang baguhin.
Umuuga ang karwahe habang bumabalik kami sa palasyo.
Si Fergus.
Ang paraan ng pagtingin ni Haring Leondre sa kanya. Hindi iyon galit. Mas masahol pa roon.
Hindi…
Hindi niya gagawin iyon…
Pero kahit sa sarili kong isip, hindi ako kumbinsido. Kilala ko si Haring Leondre. At alam kong hindi niya kailanman palalampasin ang isang pagmamay-ari na naglakas-loob na magmahal ng iba.
Hindi pa man sumisikat ang araw, naghihintay na ako. Nakatayo lang ako sa pasilyo sa labas ng pribadong silid ng hari.
Hanggang sa sa wakas… bumukas ang pinto ng palasyo sa ibaba.
Dumating na siya.
“Dalhin ninyo ako sa silid ng hari,” sabi ko sa mga eunuch.
Nagkatinginan sila. Pero walang tumanggi.
Pagpasok ko sa silid, nandoon na siya. Tahimik siyang nakatayo malapit sa kama. Alam niyang darating ako. Ang liwanag ng madaling araw ay pumapasok sa mga bintana sa likod niya, ginagawa siyang halos isang anino laban sa maputlang langit.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Agad akong lumapit. Hinawakan ko ang kamay niya.
At doon ko nakita.
Ang dugo.
Natutuyo sa pagitan ng mga daliri niya… makapal.
Nawala ang lakas sa mga tuhod ko. Dahan-dahan akong napaluhod sa harap niya.
“Pi-pinatay mo siya?” halos bulong ko.
Ngumisi si Haring Leondre.
Humakbang siya.
At bago pa ako makagalaw… bigla niya akong hinila pataas.
At hinalikan.
Mainit.
Marahas.
Puno ng galit at pag-angkin.
Napapikit ako sa lakas ng pagdikit ng labi niya sa akin.
Mahigpit ang hawak niya sa batok ko.
Nagpumiglas ako agad.
Tinulak ko siya.
“Huwag mong ihawak sa akin ang mga kamay mong mamamatay-tao!”
Puno ng pandidiri ang boses ko.
Ang hangin ay biglang naging napakabigat.
Umigting ang panga ni Haring Leondre. Ang mga mata niyang asul ay kumislap sa liwanag ng umaga.
Pero pagkatapos, natawa siya, halos hindi makapaniwala. Parang ngayon lang niya narinig ang isang taong magsalita sa kanya nang ganoon. Sa unang pagkakataon sa buhay niya, may lalaking sumaway sa hari. At hindi siya nagalit. Mas lalo siyang naaliw.
Bigla niya akong hinila ulit.
At hinalikan.
Mas galit.
Hindi ko na naramdaman ang sahig sa ilalim ko nang idiin niya ako sa mesa sa likod ko.
Ang kamay niya ay mahigpit sa baywang ko.
Ang isa ay nasa batok ko.
Ang halik niya ay mas mabigat ngayon. Gusto niyang ipaalala sa akin kung sino ang may kapangyarihan.
Kung sino ang nagmamay-ari.
Sa sobrang galit ko, kinagat ko ang labi niya.
Mariin.
Lasang dugo agad ang bibig ko.
Napaatras siya.
Bigla niya akong itinulak palayo.
Napahawak ako sa sahig para hindi tuluyang matumba.
Tahimik siya sandali.
Pinahid niya ang dugo sa labi niya gamit ang hinlalaki. Tinitigan niya iyon. Ang pulang marka sa balat niya. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. Ang mga mata niya ay mas madilim ngayon.
“Buhay pa ang lampastangang ’yon,” mahina niyang sabi.
Biglang bumalik ang hangin sa baga ko. Napasinghap ako. Hindi ko namalayang kanina pa ako hindi humihinga.
Sandaling katahimikan.
Tumaas ang kilay niya. Pinagmasdan niya ang paraan ng pagluwag ng balikat ko. Ang paraan ng pagbalik ng kulay sa mukha ko. Napansin niya kung gaano ako gumaan sa balitang iyon.
“Pero sa ginawa mong ’yan,” sabi niya.
Lumapit siya.
Isang hakbang.
Dalawa.
Huminto siya sa harap ko. Napakalapit na halos maramdaman ko ang init ng hininga niya sa mukha ko.
“Pwede ko siyang ipapatay ngayon din.”
Huminto ang tibok ng puso ko. Nanginginig ang mga kamay ko sa sahig. Gumuho ang sahig sa ilalim ko. Doon ko biglang naintindihan ang isang bagay na matagal ko nang iniiwasang isipin.
Ang buhay ni Fergus, nasa akin.
Hindi sa espada ng hari.
Hindi sa arena.
Kundi sa akin.
Kung lalaban ako kay Haring Leondre, mamamatay si Fergus. Kung magpapasakop ako, kung hahayaan kong angkinin ako ng hari… baka mabuhay siya.
Doon ko naintindihan kung gaano ako kahina sa harap niya. Ganito pala ang parusa ng pagmamahal. Hindi sapat na mahal mo ang isang tao. Minsan kailangan mo ring sirain ang sarili mo… para lang manatili siyang buhay.
Hindi na ako nagdalawang-isip.
Kung may paraan para iligtas si Fergus, kahit ang sarili ko ang kapalit.
Dahan-dahan kong hinawakan ang tali ng aking damit.
Pero wala nang mahalaga. Hindi na ang dangal ko. Hindi na ang sarili ko.
Si Fergus lang.
Unti-unti kong hinubad ang damit ko.
Dumulas iyon sa aking balikat. Hanggang sa tuluyang mahulog iyon sa sahig.
Nanatili akong nakatayo sa harap niya.
Hubad.
Mahina ang apoy ng mga sulo sa silid.
Wala na akong maitatago.
Wala na akong maipagtatanggol.
Nanginginig man, pero hindi ako umurong. Pinilit kong tumingin sa kanya.
Sa hari.
Sa lalaking ngayon ay tahimik lang na nakatingin sa akin, parang may sinusukat at inaangkin.
“Kung may kailangan kang kapalit…” mahina kong sabi.
“Kunin mo.”
Isang hakbang ang ginawa ni Haring Leondre palapit.
Tahimik, pero mabigat ang bawat galaw niya.
Tumigil siya sa harap ko.
Napakalapit.
Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit hindi pa niya ako hinahawakan.
Hindi galit.
Hindi rin awa.
Sandaling huminto ang oras. Dahil sa mga mata niya… may kung anong mas madilim.
“Pero huwag siya,” bulong ko.
Halos dasal.
“Si Fergus… huwag mo siyang patayin.”
Nakita ko ang sandaling pagbabago sa mukha ng hari.
Ang panga niya ay bahagyang umigting.
Mahabang katahimikan ang bumagsak sa pagitan namin.
Pagkatapos, dahan-dahang itinaas ni Haring Leondre ang kamay niya. At hinawakan ang baba ko. Pinilit niya akong tumingin sa kanya.
Ang mga mata niya ay walang bakas ng awa. At sa ilalim noon, may kung anong mas matindi.
“At handa kang ibigay ang lahat…” mahina niyang sabi, “…para sa isang walang kwentang Coronal?”
Humigpit ang hawak niya sa baba ko.
Bahagya siyang ngumiti.
Hindi iyon masayang ngiti.
Hindi rin malupit.
Parang may ideya siyang biglang nagustuhan.
“Alam mo ba kung ano ang pinakakatawa?” bulong niya.
Lumapit pa siya. Halos magdikit na ang mga noo namin.
“Hindi ka nanginginig dahil sa akin.”
Bumaba ang tingin niya sa labi ko.
“Tungkol pa rin sa Coronal ang iniisip mo.”
Sandaling katahimikan. Pagkatapos ay muli siyang ngumiti.
Mas mabagal.
“Kung ganoon…”
Tumigil siya.
Sinasadya niyang pahabain ang sandali.
Ang mga daliri niya ay mahina at dahan-dahang dumulas mula sa baba ko pababa sa leeg ko.
Ang mga mata niya ay hindi na malamig ngayon.
Mas madilim.
Mas gutom.
“Kung ganoon… patunayan mo.”
CHAPTER 23
Author’s Note:
Warning: Explicit content below. Read at your own risk.
Hinalikan niya ako bigla. Mabigat at marahas ang labi niya, puno ng gutom na hindi ko kayang tumbasan.
Napuno ako ng kilabot.
Napaatras ako, pero mas nadiin lang lalo ang likod ko sa mesa. Kumalabog iyon sa pader, pero nalunod ang tunog sa pagitan ng hininga namin. Wala akong lakas para pigilan siya. Wala akong lakas para itulak siya palayo.
“Patunayan mo ngayon, Damien,” bulong niya laban sa labi ko.
At bago pa ako makahinga, bigla na lang napunta na ako sa kama. Hindi ko na maalala kung paano. Basta ang alam ko, nakahiga na ako. Nanlalamig ang likod ko sa tela, pero ang ibabaw ko… nasusunog.
At si Haring Leondre nakapatong na sa akin.
Muli niya akong hinalikan nang mas mapusok. Parang gusto niyang burahin ang lahat ng marka ni Fergus sa labi ko.
Hindi ako tumugon. Hindi ko siya hinalikan pabalik, pero hindi rin ako makagalaw. Bawat pagdikit ng labi niya sa balat ko ay unti-unting kumakain sa lakas ko. Inaangkin niya hindi lang ang katawan ko, kundi pati ang natitira kong pagtutol.
Mula sa labi, pababa sa panga, hanggang sa leeg. Napahigpit ang hawak ko sa kumot.
Gusto ko siyang itulak at sumigaw. Gusto kong sabihin na tama na, pero ang katawan ko. Hindi sumusunod. May kung anong bigat na nakadagan sa akin. Hindi lang siya, kundi ang lahat ng dahilan kung bakit nandito ako.
Bakit hindi ako makagalaw? Bakit kahit gusto kong lumaban, may humihila sa akin pababa habang nti-unti akong nilulunod?
Ang bawat dampi ng labi niya, parang apoy na mainit, pero mapanakit at nakakalito. Ang pinakamasahol, hindi ko alam kung dapat ko ba itong labanan o hayaang sunugin ako nang tuluyan.
Dapat napopoot at nasusuka ako. Dapat tinatanggihan ko siya, pero bakit may bahagi ng sarili ko na tumutugon? Hindi pagnanais. Hindi iyon. Kundi isang mapanganib na pagsuko.
Napapikit ako. Hindi dahil gusto ko ang halik niya, kundi dahil hindi ko kayang tingnan ang ginagawa ko. Hindi ko kayang harapin ang katotohanan na ito ang kapalit.
Ito ang presyo at ang kailangang ibayad para sa buhay ni Fergus.
“Patawad…” mahina kong bulong sa kawalan. Halos hindi lumabas ang boses ko. Hindi ko alam kung narinig niya. Hindi ko rin alam kung para kanino iyon. Kung para ba kay Fergus na maaaring nabubuhay dahil dito o para sa sarili ko na unti-unting nawawala.
Mas lalong bumigat ang halik niya.
Humigpit ang hawak niya sa akin. Mas naging mariin at mapang-angkin.
Bawat pagdikit ng labi niya, pilit ko ring pinapaalala sa sarili ko na hindi ako sa kanya. Hindi ito pag-ibig kundi isang kasunduan at pakikipagpalitan ng buhay kapalit ng sarili ko.
At sa kabila ng lahat, kahit ang katawan ko ay hawak niya, isang pangalan lang ang laman ng isip ko.
Si Fergus.
Dahan-dahan siyang umurong. Hinawakan ang sarili niyang damit.
Ang tanging maririnig ay ang mahinang pagkaluskos ng tela habang isa-isa niya itong hinuhubad.
“Sa wakas… wala nang hadlang sa pagitan natin.” Mahina ang boses niya, pero dumiretso iyon sa dibdib ko.
Hindi ako gumalaw ni nagsalita. Nakatitig lang ako, pero hindi ko alam kung saan. Sa kanya ba… o sa liwanag ng umaga na unti-unting sumisilip sa bintana.
“Alam mo ba kung ilang gabi kitang pinagmasdan habang natutulog ka…” mahinang sabi niya, “…iniisip kung kailan ka tuluyang magiging akin?”
Nanikip ang lalamunan ko.
“Hindi mo pa rin naiintindihan, ano?”
Isa pang piraso ng tela ang bumagsak sa sahig. Bawat tunog ay isang paalala na wala na talagang natitira sa pagitan namin.
“Hindi ito kapalit, Damien.”
Huminto ang hininga ko.
“Ngunit ipapaalala ko sa’yo na ikaw ay aking concubine.”
Ngayon, tuluyan nang naalis ang lahat ng saplot niya.
Magaspang ang katawan niya, may mga pilat na lalong nagpapabigat sa presensya niya.
Ang brusko at matipunong dibdib niya, dahan-dahang umaangat sa bawat hininga. Ang mga balikat niya, bawat galaw, may bigat at awtoridad.
Napapikit ako. Hindi ko siya kayang panoorin.
Narinig ko ang paglapit niya. Ang mahinang paggalaw ng kama. At bago pa ako makahinga nang maayos, naroon na siya ulit sa ibabaw ko.
Masyadong malapit.
Ramdam ko ang init ng balat niya na unti-unting dumadagan sa dibdib ko.
“Sabihin mo sa akin…” mahina at mapanganib niyang sabi.
“Habang hinahawakan kita, siya ba ang iniisip mo?”
Nanlambot ang katawan ko.
Hindi ako sumagot. Dahil alam ko ang totoo. At alam kong ayaw niya iyon marinig.
Sumasakal ang sandaling katahimikan na bumalot sa amin.
“Subukan mo,” puno ng panghamon na bulong niya.
“Subukan mong banggitin ang pangalan niya habang hawak kita.”
Humigpit ang hawak ko sa kumot. Iyon na lang ang natitirang bagay na kaya kong kapitan.
“Bakit, Damien?” Halos pabulong sa tainga ko. Mainit ang hininga niya, pero ang mga salita niya… malamig. “Pinili mo akong saktan.”
Bahagyang humigpit ang hawak niya sa akin. Hindi sapat para saktan ako, pero sapat para ipaalala kung sino ang may kontrol sa pagitan naming dalawa.
“Pero heto…” may diin niyang pahayag, “…pinipili pa rin kitang angkinin.”
Tumigil siya sandali. Sinasadya niyang iparamdam ang bawat salita.
“Dahil sa’kin ka lang.”
Napapikit ako nang mariin. At sa likod ng mga mata ko, hindi siya ang nakikita ko. Kundi si Fergus. Ang paraan ng paghawak niya sa akin na hindi kailanman naging ganito.
Pero alam kong, sa oras na sabihin ko iyon, hindi lang ako ang masasaktan. Kundi pati siya.
Napasinghap ako nang dahan-dahan iniangat ni Haring Leondre ang mga binti ko, at ipinatong sa magkabilaang balikat niya.
Ang bigat ng sandaling yon. Masyado siyang malapit. Masyadong totoo. Ramdam ko ang init ng katawan niya laban sa akin.
Ang pagitan naming dalawa, halos wala na.
Napatigil ang paghinga ko. Malinaw pero matinding takot ang unang pumasok sa dibdib ko. Pero kasabay nito, may kung anong kuryenteng gumapang sa balat ko. Isang sensasyong hindi ko maipaliwanag nang maramdaman ko ang bigat at tigas ng pagkalalaki niya. Dumudunggol at kumikislot ’yon sa singit ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit o paano, dahil dapat umatras ako. Dapat itulak ko siya, pero nanatili akong nakahiga habang nanginginig. Nakatingin ako sa kanya, pero ang nakikita ko ay ang kapangyarihan niya, dahil sa katotohanang wala akong matatakbuhan.
Humigpit ang hawak ko sa kumot.
“Ma-mahal na hari…” mahina kong tawag.
Hindi ko alam kung pakiusap iyon, o isang huling pagtatangka upang makiusap na huwag gawin to. Wala na akong kawala. Lalo na’t sa paraan ng pagtingin niya sa akin, alam kong hindi na siya aatras pa.
Hindi na siya nag-atubili.
Ramdam ko ang kahabaan niya, dumikit sa akin saka dumudulas sa sarili niyang bakas. Dahan-dahan siyang pumasok sa aking lagusan, sinasalo ang bawat pulso ng sandali. Mabagal ang galaw, tila may pag-iingat, pero may bigat at diin.
Napasinghap ako.
Magkahalong kirot at kakaibang kiliti ang gumapang sa loob ko, dahilan para mapaarko ang likod ko sa kama. Napakapit ako sa balikat niya, doon lang ako may mahahawakan habang unti-unti niya akong inaangkin.
“Mahal na hari…” di mapigilang daing ko.
“Ang katawan mo…” halos pabulong ang boses niya, pero malinaw ang bawat salita. “…hindi marunong magsinungaling.”
Dumampi ang labi niya sa tenga ko.
“Kahit gaano ka pa lumaban, nararamdaman ko.”
Isang marahang galaw.
“Lahat.”
Mas lalong kumapit ang mga daliri ko sa kanya.
“At bawat pagtugon mo…”
Isa na namang dahan-dahang pag-usad.
“…ay paalala.”
Napapikit ako.
“Na kahit ayaw mo…”
Bumigat ang hangin sa pagitan namin.
“…narito ka.”
Sandaling katahimikan.
“Sa akin.”
Pumasok siya nang buong-buo. Ni walang pag-aatubili, walang tinira. Ramdam ko ang bigat niya sa ibabaw ko, ang init ng hininga niya sa leeg ko, ang bawat ungol na tila dumidikit sa balat ko. ’Yung pagkalalaki niyang nakalubog sa’kin habang pumipintig-pintig sa loob.
At nagsimula na siyang gumalaw.
Sa una, mabagal. Halos maingat. Para bang inaaral niya ang bawat bahagi ng katawan ko. Pero unti-unti, nagbago.
Lalong bumigat ang bawat galaw niya. Lalong naging mapuwersa. Naging marahas.
Umuugong ang tunog ng balat sa bawat pagdikit. Kumakalabog ang kama sa ritmo ng galaw niya. At ako… wala akong ginawa kundi magpaubaya, nakahiga, saka nakatingala sa kanya habang binabayo niya ’ko na parang siya lang ang may-ari ng katawan ko.
“Walang ibang hahalik sa’yo, Damien,” bulong niya, mahigpit ang hawak sa bewang ko.
“Ma-mahal na hari…” nanginginig na sagot ko, habang inuuntog ng pag-aari niya ang loob ko sa bawat kadyot.
“Hindi ako papayag na may ibang kamay na hahawak sa’yo.”
At doon lalo niyang hinigpitan ang kontrol.
Hawak niya ang balakang ko nang mahigpit. Gusto niyang ipulupot ang buong pagkatao ko sa kanya. Lalong lumalim ang bawat galaw, sabay sa pag-igting ng hawak niya sa akin. Lumangitngit ang kama nang sabayan ng bigat ng katawan niya ang biglaang malalim at sagad na pagkadyot. Bawat bayo niya sa’kin, yung ulo ng ari niya diretsong tumama sa kinatatagong lugar sa loob ko na parang sinindihan ng apoy.
Unti-unti akong nawawala. Kasama ng natitira kong dangal. Kasama ng sarili ko.
Nanginginig ang dibdib ko habang hinahayaan ko lang siyang magpatuloy. Wala akong laban. Wala akong karapatang tumanggi.
Pinikit ko ang mga mata ko.
Sinubukan kong kumbinsihin ang sarili ko, na wala ako rito, na hindi ito nangyayari, na ang mga kamay na dumadampi sa akin, hindi kanya. Na ang katawan ko, hindi tumutugon. Pero hindi ko kayang magsinungaling sa sarili ko. Dahil nararamdaman ko.
At iyon ang mas masakit.
Dahil habang pilit kong kinakalimutan, lalo kong nararamdaman kung gaano ako kahina. Kung gaano ako kabihag sa hari ng Aurelius na kinasusuklaman ko nang husto.
“Alam kong iniisip mo siya. Hindi mo kayang iligtas ang Coronal na yon.” bulong niya, paos, puno ng libog, habang nakatitig sa’kin na para bang kaya niyang basahin ’yung hininga ko.
“Pero ako?”
Pinasadahan niya ulit ng ulos, ngayon mas madiin, at mas mabigat.
Buong katawan ko napaliyad. Nawalan ako ng boses. Ungol na lang ang lumalabas, sabay habol ng hininga. Nakanganga ako, nanginginig ang hita, wala nang kontrol.
“Kaya kitang sirain.”
Ngumisi siya nang dahan-dahan at sigurado.
“Kaya kitang buuin ulit. Sa paraang ako lang ang makakagawa.”
Hindi siya tumigil.
Sa halip binilisan niya pa. Sunod sunod na ulos na parang pinapalo ang kaluluwa ko sa loob, at tila may gustong patunayan. Isa, dalawa, tatlong sunod-sunod na mabilis, tapos isang malalim na sagad na sagad.
Ramdam kong tumama ’yung ulo ng kahabaan niya sa pinakaloob.
Doon.
Sa bahaging hindi ko pa kailanman naibigay nang ganito.
Napamura ako saka napapikit at napaluha. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa katotohanang pilit kong itinatanggi. Na sa kabila ng lahat, nararamdaman ko. At mas delikado iyon kaysa sa kahit anong hapdi.
Sinapo niya ang batok ko, sabay diin ng katawan niya sa’kin. Nakasubsob siya ngayon sa leeg ko, kinakagat-kagat ako habang isinusubsob niya ’ko sa kama. Tuluy-tuloy ang ulos. Walang pahinga.
Magkahalo ang init at dampi ng balat namin. May tunog ang bawat pagdikit, maselan, halos nakakahiya pakinggan… pero may sensasyong hindi ko maitanggi.
“Tumigil ka sa pag-iyak,” ungol niya, mariin, habang lalo niyang idinidiin ang bawat galaw. “Hindi bagay sa’yo ang luha… lalo na kung hindi ako ang dahilan.”
Bawat kilos niya, may kasamang pag-angkin.
“Alam mo kung bakit hindi ko pa siya pinapatay?”
Sinadya niya, inulit-ulit niya ’yon. Yung pag-sagad nang mas madiin, mas siksik, at mas malalim.
“Dahil mas masarap panoorin kung paano ka unti-unting nawawasak para sa kanya.”
Napahinto ako o baka hindi. Dahil ang katawan ko kusa ng sumalubong sa bawat ulos niya. Hindi na lang ako basta tumatanggap ng mga bayo niya. Ako na rin ’yung humihiling.
At iyon ang mas nakakatakot.
Ramdam ko ang paghuhumindig ng sarili kong pagkalalaki. May naipon sa puson ko na gustong pumutok at kumawala. Yung gigil na putok ng kaluluwa, hindi lang ng katawan.
Hindi dapat ganito!
Huminto ang paghinga ko dahil sa bigat ng katotohanan na pumuno sa puso ko.
Ito na.
Wala nang atrasan.
Wala nang ibang paraan.
Kumapit ako nang mahigpit sa likod ng hari. Ni wala akong pakialam kung dumudugo ang balat niya dahil sa kalmot ko. Doon ko na lang maitatago ang sarili ko, pati ang sakit. Hindi lang sa katawan, kundi sa puso. Dahil habang ginagawa ko ito, alam kong hindi ang lalaking mahal ko ang kasama ko.
At kahit hindi nakikita si Fergus, humihingi ako sa kaniya ng tawad sa isip ko.
Patawad dahil ang katawan ko ay hindi nagtataksil sa sakit, kundi sa bahagi sa akin na tumutugon kahit ayaw ko. Na kahit sa ganitong sandali, hindi ko kayang maging buo para sa kaniya.
Dahil ang totoo, iniwan ko na ang sarili ko rito. At ang tanging natitira sa akin, ay ang pag-asang mabubuhay siya.
Kahit ako, unti-unti nang nawawala.
At sa huling ulos, ’yung pinakasagad, ’yung nilamon na niya ’ko ng buo, doon ako napasigaw.
“MA-MAHAL NA HARI!”
Hindi ko na alam kung saan kakapit. Sa unan? Sa buhok niya? Sa likod niya na puro gasgas ng kuko ko? Basang-basa na ’yung pagitan naming dalawa. Tumutulo ang pawis niya sa dibdib ko. Humahalo ang amoy naming dalawa sa hangin, singaw ng kantot, at amoy ng lalaking walang takas sa isa’t isa.
Sa bawat ulos niya, nabubuwang ako.
“Bi-bitaw,” daing ko, halos pa-iyak.
At doon niya lalo akong piniga. Sinalo ng buong katawan niya ang katawan ko, isinagad niya ang bawat ulos, at hinanap niya ’yung pinakamasarap. Yung mas matigas, mas malalim, at mas sagad na sagad.
Humigpit ang kapit ko sa kaniya habang unti-unting nawawala ang kontrol sa sarili kong katawan. May alon na dahan-dahang umaakyat, hindi ko mapigilan.
Hindi ko matakasan.
Pinipigilan ko.
Pinipilit kong labanan. Pero habang tumatagal, lalo lang itong lumalakas.
Hanggang sa sabay kaming sumabog.
Ako, tumilamsik sa pagitan naming dalawa. Sa tiyan niya, sa dibdib ko, at sa kama.
Siya, sa loob ko. Mainit, malapot, at sabog na sabog sa kaibuturan ko.
At pareho kaming nanigas. Parehong nakapikit. Parehong nanginginig sa init at sarap.
At mas lalo kong kinamumuhian ang sarili ko. Bakit tumutugon ang katawan ko sa ganito? Bakit may bahagi sa akin na sumusunod, kahit ang puso ko ay sumisigaw ng pagtutol?
Niyakap ako ni Haring Leondre. Dumikit siya. Hindi siya lumabas. Hinayaan lang niyang lumubog siya sa loob ko habang ang hininga naming dalawa ay hindi pa rin humuhupa.
Isang tahimik na hikbi ang kumawala sa dibdib ko. Tuloy tuloy na naglandas ang mga luha ko.
Dahil sa sandaling iyon, may bahagi sa akin ang tuluyang nasira.
At kahit narating ko ang rurok, ang tanging naramdaman ko ay isang malalim, at walang hanggang lungkot. Naramdaman ko kung gaano kasakit ang magmahal.
Hindi dahil hindi ka mahal pabalik.
Kundi dahil mahal mo siya nang sapat, para sirain ang sarili mo.
At habang hawak ako ng hari, habang unti-unti akong nilalamon ng sandaling ito, alam kong may bahagi ng sarili ko na hindi na kailanman babalik.
Unti-unti, bumagal ang paghinga niya sa ibabaw ko. Pero ang hawak niya sa’kin, lalo pang humigpit.
“Sa pista ng dugo…” bulong niya, paos, pero malinaw na malinaw. Bawat salita ay hinuhukay mula sa kaibuturan niya, “titiyakin kong mamatay ang lalaking mahal mo.”
Napatigil ang mundo ko.
Pero hindi siya tumigil.
Lalong lumapit ang labi niya sa tainga ko. Halos dumidikit, halos bumubulong ng sumpa.
“At kapag wala nang natira sa’yo…” marahan niyang idiniin ang bawat salita, “kapag ubos ka na… pagod, wasak, wala nang matakbuhan.”
Hinigpitan niya ang yakap, sinasakal ako sa pagitan ng mga braso niya.
“Ako na lang ang matitira.”
Saglit siyang tumahimik.
Isang hiningang mabigat.
Isang sandaling walang hangin sa paligid.
Tapos…
“Hangggang sa sasabihin mo sa akin…” mahina, pero may ngiti sa boses niya. Isang ngiting hindi ko nakikita pero ramdam ko sa balat ko.
“Na ako lang ang kailangan mo.”
Author’s Note: Tapos na tayo sa 1st phase ng kwento. Susunod na ang PISTA SA DUGO. Ask lang, mga dre. So far, maganda po ba ang kwento? Be honest.
CHAPTER 24
Dumadagundong ang Arena ng Aurelius. Parang isang halimaw na nagising at ngayon ay gutom. Gutom sa dugo at sigaw. Higit sa lahat, gutom sa kamatayan.
“DUGO!”
“DUGO!”
“DUGO!”
Libo-libong boses ang nagsasabay-sabay, umaalon mula sa ibaba hanggang sa pinakamataas na balkonahe.
Sa ibaba, nagkakagulo ang mga malalayang mamamayan. May nagtutulakan at nag-uunahan. Ang mga mata nila ay nagliliyab sa pananabik na naghihintay ng unang patak ng dugo.
Para sa kanila, ito ay pista. Isang selebrasyon para sa diyos na si Apollo.
Sa itaas naman nakapwesto ang mga Maharlika. Karamihan sa kanila ay nagmumula pa sa malayo at karatig na mga kaharian ng Aurelius. May hawak silang kopita ng alak, marahang iniikot ang pulang likido habang nakasandal sa kanilang mga upuan. May mga ngiting hindi umaabot sa mata. May mga bulungan na mas matalim pa sa espada.
Bawat isa sa kanila, may dalang mga Coronal na handog. Mga mandirigmang hindi tao sa paningin nila, kundi libangan. Para sa kanila, ito ay simpleng palabas lang.
Sa ibaba, abala ang mga tagapaglingkod sa paghahanda. Binubuksan ang malalaking pintuan ng bakal. Inaayos ang buhangin sa arena. May mga sundalong naglalakad na parang mga anino, sinisigurong walang makakatakas sa darating na palabas.
At ako, nakaupo sa tabi niya. Sa tabi ni Haring Leondre. Mabigat ang kasuotan ko. Nababalot ako ng ginto at karangyaan. Perpekto para sa isang concubine ng Korona. Pero sa kabila ng lahat, pakiramdam ko ay hubad ako. Hubad sa mata ng lahat. Hubad sa hatol. Hubad sa katotohanang wala akong kapangyarihan dito.
Ang bawat tingin ng mga Maharlika, bawat bulungan, at bawat lihim na ngiti ay parang kutsilyong marahang dumadampi sa balat ko.
Alam nila kung sino ako at ano ako. At higit sa lahat, alam nila kung kanino ako.
“Ito ang kapistahan nila,” mahinang bulong ko sa sarili ko. Halos hindi ko marinig. “Pero bakit pakiramdam ko, ako ang iniaalay?”
Isang malakas na sigaw ang muling umalingawngaw.
“DUGO!”
Napapikit ako sandali. Bawat sigaw, parang may pako na bumabaon sa dibdib ko. Dahil alam ko kung sino ang hinihintay nilang bumagsak. Kung sino ang gusto nilang makita na mawalan ng hininga sa buhangin.
Isa na doon si Fergus.
Gusto kong tumakbo palayo rito at umiyak. Sa isip ko, bumalik ang bawat alaala. Ang mga mata niya sa dilim ng kulungan, ang paghawak niya sa akin na hindi kailanman nag-angkin, at ang halik na parang paalam.
At ngayon, narito ako. Nakaupo sa tabi ng lalaking may kapangyarihang tapusin ang lahat.
Dahan-dahang gumalaw si Haring Leondre sa tabi ko. Hindi siya nagmamadali. Ramdam ko ang presensya niya bago ko pa maramdaman ang paglapit niya. Yumuko siya. Ang init ng hininga niya ay dumampi sa tenga ko. Isang mapanganib na lapit na hindi ko matatakasan.
“Tingnan mong mabuti, Damien.” Mahina ang boses niya, pero malinaw. Mas malinaw pa sa lahat ng sigaw sa arena.
“Ito ang kapangyarihan na gusto mong suwayin.”
Nanigas ang katawan ko. Hindi ako lumingon. Hindi ko siya kayang tingnan, pero ramdam ko ang mabigat na titig niya sa akin.
“Isang kumpas lang ng kamay ko…” dagdag niya, mas mababa ang boses ngayon, halos bulong na dumidikit sa balat ko, “may mamamatay.”
Humigpit ang hawak ko sa hawakan ng upuan ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga daliri ko. Hindi ako gumalaw. Hindi ako nagsalita, pero sa loob ko, nagwawala ang kaba.
“Damien…”
May bahid ng mapanganib at mapanuksong ngiti ang boses niya.
“Kapag mamamatay siya sa arena…”
Sinadya niyang huminto sandali. Pinapahaba ang pagitan at pinapalasap sakin ang takot.
“Manonood ka lang ba?”
Nanlalamig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Sa arena ba, kung saan magsisimula ang dugo o sa harap ko, kung saan unti-unting nasisira ang natitira kong sarili.
At sa sandaling iyon, naintindihan ko. Na hindi lang ito laban ng mga Coronal sa ibaba. Hindi lang ito tungkol sa dugo. Kundi, mga desisyon. Mga pagpili na walang panalo. At marahil, sa araw na ito, hindi lang buhay ni Fergus ang nakataya. Kundi, ang huling piraso ng pagkatao ko na pilit ko pang kinakapitan.
Umalingawngaw ang mga trumpeta. Matinis, matagal, at napakatalim ng alingawngaw nito na para bang may nagbukas na pintuan ng impiyerno.
Tumayo si Haring Leondre. At sa isang iglap, yumuko ang buong arena. Libo-libong ulo ang bumaba. Mga maharlika na may ginto sa leeg, mga sundalong may dugo sa kamay, at mga mamamayang sabik sa karahasan. Lahat. Walang nangahas manatiling tuwid sa harap niya.
Ako lang ang nanatiling nakaupo sa tabi niya, pero sa loob ko, ako ang pinakanakaluhod sa lahat.
Dahan-dahang itinaas ni Haring Leondre ang kamay niya. At parang may humigop sa ingay, unti-unting natahimik ang arena. Isang malawak ngunit nakakasakal na katahimikan.
“Sa araw na ito,” nagsimula siya. Malamig ang kaniyang boses, pero malinaw. Walang kahit anong emosyon.
“Ginugunita natin ang pinagmulan ng ating lakas.”
Walang gumalaw.
Walang huminga.
“Sa ilalim ng dating hari na aking ama,” dagdag niya, mas mababa ang tono, “isinilang ang tradisyong ito.”
Napalunok ako. Ramdam ko ang kaba na unti-unting umaakyat sa lalamunan ko.
“Ang mga kaaway na heneral na nabigo… hindi pinatawad. Hindi pinalaya.”
Bumigat ang hangin.
“Sa halip…” Bahagyang huminto siya. “…inialay sila kay Apollo.”
Isang tibok.
“Sa pamamagitan ng laban.”
Isa pa.
“Hanggang kamatayan.”
At doon, sumabog ang mundo.
“DUGO!”
“DUGO!”
“DUGO!”
Parang lindol ang sigawan. Parang gusto nitong wasakin ang buong arena. Ngunit hindi pa siya tapos. Itinaas niyang muli ang kamay niya. At muli, natahimik ang lahat. Mas mabilis at sabik ngayon.
“Ngunit ang dugo,” dagdag niya, mas delikado ang tono, “ay hindi lamang para sa parusa.”
Napakunot ang noo ko.
May kakaiba.
May mali.
“Ang dugo…” Bahagya siyang ngumiti. “…ay pagkakataon.”
Isang alon ng bulungan ang kumalat sa mga maharlika.
Napatuwid ang mga likod. Nagliwanag ang mga mata.
“At sa araw na ito…” Pinatagal niya ang bawat salita. “Bibigyan natin ng gantimpala ang huling tatayo.”
Kumibot ang dibdib ko.
“Ang huling Coronal na mabubuhay…” Humigpit ang hawak ko sa sandalan ng upuan. “Ay palalayain.”
Isang segundo ng katahimikan.
At pagkatapos, sumabog muli nang mas malakas at baliw ang arena.
“Hindi lamang kalayaan,” dagdag niya, tinataasan ang boses para manaig sa ingay, “kundi kayamanan.”
Parang nagliyab ang buong lugar.
“Ginto.”
“Lupain.”
“At isang pangalan na hindi na kailanman mabubura sa kahariang ito.”
Napahinga ako nang mabigat. Parang may pumipiga sa puso ko.
“Isang Coronal.” Malamig na ngumiti si Haring Leondre. “na magiging higit pa sa isang alipin.”
At doon, tuluyan nang nawalan ng kontrol ang arena.
Iisa ang sigaw nila.
Napatingin ako sa ibaba. Sa buhangin. Sa pintuang bakal na magbubukas anumang sandali.
Kalayaan.
Ginto.
Pangalan.
Mga pangakong kayang gawing halimaw ang kahit sino. Napapikit ako.
Fergus…
Kung siya ang manalo, makakalaya siya. Pero, mas lalong titiyakin ng hari na hindi iyon mangyayari.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
Mas mapanganib ito. Dahil ngayon, lahat ng kalaban niya, hindi na lang lalaban para mabuhay. Lalaban sila para manalo. At sa larong ito, ang panalo ay nangangahulugang pumatay ng lahat. Walang natitira. Walang awa at pagpipilian.
Isang malalim na ugong ang umalingawngaw, ang pagbukas ng bakal.
“UNANG LABAN!”
Parang huminto ang mundo.
“Coronal ng Aurelius… laban sa Coronal ng Macedonia!”
Dalawang anino ang lumabas mula sa magkasalungat na pinto.
Magkasalungat.
Magkaibang kamatayan.
Ang isa… may hawak na mabigat at malapad na palakol. Kaya nitong hatiin ang katawan sa isang hampas.
Ang isa naman may mahabang kadena. May bakal na dulo na parang pangil ng hayop.
Huminto sila sa gitna.
Nagkatitigan.
Tahimik.
Isang segundo.
Dalawa.
Tatlo.
At sumabog ang galaw.
Isang iglap.
Malawak at brutal na umatake ang may palakol, walang pag-aalinlangan.
WHOOSH!
Hinati ang hangin.
Pero…
WALA.
Hangin lang ang tinamaan.
Umiikot nang mabilis ang kadena ng kalaban, parang may sariling isip.
Tumama sa braso.
CRACK!
Nabaluktot ang buto sa maling direksyon. Narinig ko ang bali.
Sumigaw ang may palakol, pero hindi siya bumagsak.
Hindi pa.
Sumugod siya ulit. Itinataas ang palakol.
At sa sandaling yon, mabagal ang mundo sa paningin ko.
Nakikita ko ang pawis na tumutulo sa noo niya. Ang dugo na bumubulwak mula sa braso niya. Ang panginginig ng laman dahil sa galit.
At pagkatapos.
BAGSAK!
Tumama ang palakol.
Diretso sa balikat.
Hindi lang pumasok ang talim, sumabog ang laman.
Napunit ang kalamnan.
Naghiwalay ang buto.
At ang makapal at buhay na dugo, sumirit palabas na parang bukal na pinilit pumutok.
Tumilamsik sa buhangin.
Sa paa.
Sa mukha.
Sa langit.
“DUGO!”
“DUGO!”
“DUGO!”
Sigaw ng mga tao. Mga mata na sabik. Mga bibig na naglalaway.
Pero hindi pa tapos.
Hindi pa.
Sa kabila ng sugat, gumalaw ang may kadena.
Dahan-dahan.
Nagngangalit ang kilos.
Iniikot niya ang kadena.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
At…
Sumabog ang hampas.
WHIP!
WHRRRAKK!
Tinamaan.
Diretso sa leeg ng kalaban.
Pumasok ang matulis na kawit sa laman.
Bumaon.
Kumapit.
At saka niya hinila.
Biglaan.
Malakas.
Walang awa.
CRACK! RIP!
At sa isang iglap…
Naputol ang mundo.
Gumulong ang ulo sa buhangin.
Dahan-dahan.
Paikot.
Paikot.
Hanggang sa tumigil.
Dilat ang mata.
Nakanganga. Parang nagtatanong kung bakit.
Tahimik.
Isang segundo.
Dalawa.
At pagkatapos, sumabog ang arena.
Tawa.
Sigaw.
Palakpakan.
Parang piyesta at hindi buhay ang nawala, kundi palabas lang na natapos. Walang pagdadalamhati ni katahimikan.
Dalawang bantay ang pumasok. Mabigat ang hakbang at walang emosyon.
Lumapit sila sa nanalo, ang may kadena, na nakatayo pa rin sa gitna, hinihingal, balot sa dugo na hindi na malinaw kung kanya pa o hindi.
Hinawakan siya sa magkabilang braso.
“Atras.”
Isang utos.
Walang pagtutol.
Hinila siya pabalik sa bakal na pinto, dahan-dahan, parang aso na ibinabalik sa kulungan matapos pakawalan para mangagat.
Habang papalayo siya, ang kadena niya ay kumakalansing sa lupa.
KALANG!
KALANG!
KALANG!
Bawat tunog, parang paalala na buhay pa siya.
Sa ngayon.
Sa kabilang banda, ang katawan ng natalo. Walang ulo. Bukas ang leeg, naglalabas pa ng natitirang dugo na parang ayaw tanggapin na tapos na.
Dalawang alipin ang lumapit.
Hindi sila tumingin sa mukha, wala namang mukhang matitigan. Hinawakan nila ang mga paa. At hinila. Kumayod ang likod sa buhangin. Nag-iwan ng mahabang bakas ng dugo, parang pulang guhit na hindi mabubura.
Dumaan sa gitna ng arena, habang ang mga tao ay nag-iingay pa rin. Walang pakialam at walang awa. Parang basura lang ang hinahakot matapos ang piyesta. At nang tuluyan na itong mawala sa likod ng pinto, isang saglit na katahimikan ang bumalot.
Isang hininga.
Isang pagitan.
Isang maling pag-asang baka tapos na.
Pero…
“SUSUNOD NA LALABAN!”
Sumabog ulit ang boses.
Mas malakas at gutom.
Dalawang bagong pinto ang bumukas. Dalawang bagong anino ang lumabas. Hindi ako makahinga. Hindi sapat ang hangin. Hindi sapat ang mundo.
At hindi pa doon nagtatapos.
Isa pa.
Isa pa.
Sunod-sunod.
Mga espada na bumabaon sa tiyan, hinihila palabas kasama ang laman.
Mga sibat na tumatagos sa likod, lumalabas sa dibdib na may kasamang dugo at hangin.
Mga katawan na napupunit, parang tela na sinadyang wasakin.
Mga kamay na napuputol, bumabagsak sa lupa, nanginginig pa.
Mga ulo na gumugulong sa alikabok, parang laruan na tinapon ng bata.
At sa bawat patak ng dugo, lalo pang lumalakas ang sigaw ng mga tao, humihingi ng dugo.
Napapikit ako. Pero walang takas. Naririnig ko pa rin. Nararamdaman ko pa rin.
Ito ang Pista sa Dugo. Hindi lang laban. Hindi lang parusa. Kundi isang ritwal. Isang paalala, na sa kahariang ito, ang dugo ay hindi aksidente.
Ito ang pundasyon ng kapangyarihan ni Haring Leondre.
AUTHOR’S NOTE: Fergus will fight next. Wish him luck! Next update on Monday.
CHAPTER 25
“PARA SA SUSUNOD NA PAGLALABAN!”
Umalingawngaw ang boses ng tagapagbalita na pinalakas pa lalo ng mga bakal ng arena.
“ANG PINAKA-INAABANGAN NG LAHAT. ANG HENERAL NA BUMAGSAK MULA SA KALABANG KAHARIANG MESSENIA. ANG PABORITO NG ARENA…”
Isang saglit ng katahimikan.
“Ang CORONAL NG AURELIUS… FERGUS!”
Pumutok ang arena dahil sa histerya ng mga tao.
“FERGUS!”
“FERGUS!”
“DUGO!”
“DUGO!”
Parang diyos ang tinatawag nila o isang hayop na ihahain para sa kanilang aliwan.
Bumukas ang bakal na pinto.
At doon siya lumabas.
Naglakad siya patungo sa gitna ng arena habang ang mga tao ay naghahagis ng matitingkad na pulang rosas at mga bronse at pilak na barya na kumakalansing sa buhangin sa paanan niya.
Isang marahas na uri ng pagsamba.
Tinitigan ko siya. Halos hindi ko siya nakilala. Ang tindig niyang dati ay tuwid, ngayon ay bahagyang nakayuko. Ramdam ko ang bigat ng mga sugat na pilit niyang binabalewala.
Ang balat niya, punong-puno ng hiwa. May mga sariwa pa, dumudugo. May mga natuyo na, pero muling nabiyak.
Ang dibdib niyang minsan kong hinawakan at minsan kong nilinis, ngayon ay muli na namang bukas. Parang sinadyang pinahirapan muna siya, bago ialay. Hindi ko na kailangang manghula kung sino ang may gawa nun.
Ang bawat hakbang niya ay mabigat. Naririnig ko kahit mula sa taas ang pagkaladkad ng paa niya sa buhangin, pero hindi siya bumagsak. Patuloy siyang naglakad.
Bitbit ang espada.
Ang kalasag.
At ang natitira niyang lakas.
Hanggang sa makarating siya sa gitna. At doon, iniangat niya ang ulo niya. Nagtagpo ang mga mata namin. Biglang nawala ang mundo. Natahimik sa pandinig ko ang sigawan. Walang arena at dugo. Kami lang. Sa isang iglap na iyon, nakita ko ang lahat.
Ang sakit at pagod. Ang galit na pilit niyang nilulunok.
Nanikip ang dibdib ko. Nangilid ang luha sa mga mata ko pero hindi ko pinunasan. Hindi ko pwedeng ipakita. Kaya hinayaan ko na lang itong bumagsak, isang patak na tahimik na sumuko.
“Fergus…”
Nanatili akong tuwid. Walang emosyon ang mukha ko, pero sa loob may unti-unting pumapatay sa akin. Kasabay ng bawat paghinga niya. Kasabay ng bawat segundo na nakatayo siya sa gitna ng kamatayan.
“Hindi ka pa rin natututo.”
Sa isang kisapmata naibalik ako sa kasalukuyan. Hindi ko siya tiningnan, pero naramdaman ko si Haring Leondre sa tabi ko habang nakatingin nang taimtim kay Fergus.
“Lahat ng ibinibigay ko sa’yo,” mahina niyang bulong, “hindi pa rin sapat para alisin ang tingin mo sa kanya.”
Humigpit ang pagkuyom ko. Hindi ako gumalaw. Ni hindi ako huminga.
“Tingnan mo siya…”
Mas bumaba ang nakakangilong boses niya.
“Ang lalaking mahal mo.”
May tumusok nang diretso sa dibdib ko, pero narinig ko iyon nang malinaw.
Wala nang pagtatago dahil alam na niya. At ito ang kabayaran ng lahat.
“At kapag hinubaran mo siya ng dangal,” dagdag niya, halos nagkukuwento lang, “ano ang matitira?”
Isang maikling katahimikan.
Isang ngiti mula sa kaniya na hindi ko kailangang makita.
“Isa lang siyang hayop.”
Napapikit ako saglit. Isang pagkakamali. Dahil nang imulat ko ang mata ko, nakatingin pa rin si Fergus sa akin.
At sa mga mata niya, wala akong nakitang hayop. Walang kahinaan. Ako ang naroon.
Ako.
Hanggang sa huling sandali.
“Hindi ko siya papatayin agad.”
Huminto ang puso ko. Unti-unti akong napalingon kay Haring Leondre. Sa wakas, tumingin siya sa akin. Ang mga mata niyang asul, walang kahit anong awa.
“Hindi iyon magiging makatarungan, hindi ba?”
Bahagya siyang ngumiti.
“Gusto kong maramdaman mo,” bulong niya, halos dumadampi ang hininga sa tenga ko, “kung paano siya unti-unting nauubos.”
Nanginig ang mga daliri ko.
“Gusto kong makita mo.”
Bumalik ang tingin niya sa arena.
Kay Fergus.
“Kung paano nawawala ang lahat ng dahilan niya para lumaban.”
Isang huling bulong, na parang sumpa. “Hanggang wala nang matira sa kanya.”
Isang malusog na luha ulit ang mabilis na naglandas sa pisngi ko.
Hindi sapat sa kaniya na mamatay si Fergus. Kailangan ko siyang panoorin. Kailangan kong marinig ang bawat sugat. Makita ang bawat pagbagsak.
Hanggang sa huli.
Wala akong magagawa. Kundi ang manatiling nakaupo. Hindi bilang concubine o maharlika. Kundi bilang isang taong pinilit maging saksi, sa unti-unting pagkamatay ng taong pinakamahal niya.
“ANG KANIYANG MAKAKALABAN…”
Saglit na tumahimik ang arena.
“ANG CORONAL NG AURELIUS, LABAN SA DALAWANG MANDIRIGMA NG KAHARIANG PERGAMON!”
Humigpit ang hawak ko sa sandalan.
May mali.
“AJAX… AT CLATO!”
Sumabog ang kaba ko.
“Te-teka… dalawa?!”
Hindi ko namalayang nasabi ko iyon. Pero nalunod lang sa ingay nang sumabog ang arena sa hiyawan at halakhakan.
Bumukas ang kasalungat na bakal na pinto.
KRAAANG! Isang malakas na kalabog na umalingawngaw sa tenga ko.
At doon sila lumabas. Hindi tao ang unang pumasok sa isip ko. Mga halimaw.
Si Ajax, payat pero matigas ang galaw. Ang mga matalim na mata ay parang patalim, mabilis, at gutom. May hawak siyang dalawang mahahaba at baluktot na karit.
Iniikot niya ang mga iyon sa hangin,
SHRKK! SHRKK!
Ang tunog ay parang paghiwa ng balat.
Si Clato naman. Isang dambuhala. Halos doble ang laki ni Fergus. Ang bawat mabagal na hakbang niya ay parang lindol. Sa kamay niya, isang maso. Isang bagsak lang, at tapos ang lahat.
Halos panawan ako ng aking ulirat. Ang mga kuko ko, nakabaon sa upuan hanggang sumakit ang mga daliri ko.
Dalawa laban sa isa.
Sugatan laban sa mga halimaw.
Alam ko, sinadya niya ’to. Dahan-dahan akong napalingon kay Haring Leondre. Nakatingin siya kay Fergus habang nakangisi nang tahimik. Ito ang gusto niya. Hindi niya kailangang patayin si Fergus gamit ang sarili niyang kamay.
Bumalik ang tingin ko sa arena.
Eksaktong sandali na sumugod si Ajax. Umikot siya pakaliwa, sinusubukang lampasan ang harapan ni Fergus para umatake sa tagiliran. Sa sobrang bilis, parang nawala siya sa paningin ko.
CLANG!
Naabutan siya ng kalasag.
Nakataas ang kaliwang braso ni Fergus, bahagyang nakatagilid ang katawan para saluhin ang tama. Pero mali ang anggulo. Hindi buong lakas ang salo.
Kumapit ang baluktot na talim ni Ajax sa gilid ng kalasag. Hinila niya ito palayo sa katawan ni Fergus.
Napihit ang balikat ni Fergus kasabay ng paghila. Nabuksan ang gitna ng depensa niya.
At kasunod…
BOOOOM!
Mula sa harapan, bumagsak ang maso sa mismong puwesto kung saan siya nakatayo isang saglit lang ang nakalipas.
Umuga ang lupa.
Sumabog ang buhangin pataas, tumabon sa kanilang tatlo. Makapal na ulap ng alikabok ang kumalat sa gitna ng arena.
Nawala siya sa paningin ko.
“Fergus…”
Hindi ko namalayan. Lumabas ang pangalan niya sa labi ko. May humagupit na takot sa sistema ko.
“Tumayo ka. Pakiusap… tumayo ka.”
Nabitin ang sandali.
Walang galaw.
Sa gitna ng alikabok, walang malinaw na anyo. Nilamon siya ng arena.
Hanggang may gumalaw. Isang anino mababa sa lupa. Mabilis na gumulong palabas si Fergus mula sa alikabok, papunta sa mas malinaw na bahagi ng arena, palayo sa sentro ng salpok.
Isang tuhod muna, saka tuluyang tumayo habang nakayuko, hawak ang espada.
Huminga ako, pero hindi gumaan. Dahil hindi pa ito tapos.
Sumugod si Fergus, diretso pabalik sa gitna kung nasaan si Ajax na kakalabas lang din sa alikabok.
HIWA!
Tumama ang espada niya sa balikat ni Ajax.
Sumabog ang dugo.
Napaatras si Ajax ng isang hakbang, pakanan, palayo sa linya ng atake.
Pero sandali lang.
Ngumisi siya.
At sa isang iglap, umikot ang katawan niya pakaliwa, kasabay ng pagbawi ng karit.
SHRKK!
Mula sa mababang anggulo, kumayod ang talim paitaas sa tagiliran ni Fergus.
Napaatras si Fergus, dalawang hakbang paatras, papunta sa direksyon ni Clato.
Napakapit siya sa sugat.
Sumirit ang dugo sa pagitan ng mga daliri niya.
Huminga siya… mabigat, putol-putol, bawat hinga may kapalit na sakit.
At sa kaliwa niya, gumalaw si Clato. Nandoon lang siya kanina, ilang metro ang layo. Ngayon, dahan-dahan siyang lumalapit. Diretso kay Fergus.
Si Fergus nanatiling nakayuko, pero hindi pa rin lumuluhod habang ang mga kalaban niya ay nakangiti.
Halos hindi na ako makaupo. Gusto kong sumigaw. Tumakbo at ihinto ang laban. Hindi ko kayang panoorin lang siya habang unti-unting pinapatay sa harap ng mga mata ko.
“Ganyan ang tapang na hinahangaan mo?” kaswal na tanong ni Haring Leondre, pero may talim na dumiretso sa dibdib ko.
Napalingon ako sa kanya nang dahan-dahan. Ngumisi siya habang printeng nakasandal sa kaniyang trono.
Iniangat niya ang kopita ng alak, pagkatapos uminom nang mabagal. Sinasadya niyang iparamdam sa’kin na kaya niyang hintayin ang kahit anong katapusan.
Hindi ako sumagot. Pero piniga pa nito lalo ang bigat sa loob ko.
Ibinalik ko ang tingin sa ibaba.
Ngayon, may nagbago sa galaw ni Fergus. Hindi na siya nakapirmi. Dahan-dahan siyang umiikot pakaliwa, pinapanatili ang dalawang kalaban sa harap niya.
Si Ajax nasa kanan niya, ilang hakbang ang layo, paikot-ikot din.
Si Clato, nasa kaliwa, mas mabagal, pero unti-unting nagsasara ng distansya.
Hindi na siya sugod nang sugod. Mabagal pero maingat ang kaniyang hakbang habang pinagmamasdan ang dalawang kalaban niya.
Umabante ng atake si Ajax. Sumisipol ang hangin habang umiikot ang mga karit, mula kanan papuntang kaliwa, paikot sa harapan ni Fergus. Masyadong mabilis.
SHHK!
Sumagi ang kaliwang karit sa kanang braso ni Fergus habang umatras siya ng kalahating hakbang. Napunit ang balat. Agad umagos ang dugo, dumulas pababa sa siko niya.
Pero hindi tumigil si Ajax.
Pumasok pa siya lalo habang pinipilit durugin ang depensa ni Fergus. Paikot ang galaw ng dalawang talim, salit-salit ang atake. Isa sa taas, isa sa baba. Isa sa kanan, susunod agad ang kaliwa. Walang pahinga at pagitan.
Si Fergus, umatras pa sana, pero huminto.
Sa halip, sumabay siya.
Isang hakbang pakaliwa. Bahagyang yuko. Mata niya, nakatutok sa balikat ni Ajax, binabasa ang galaw, hindi ang talim.
Dumaan nang mabilis ang isang karit sa harap ng mukha niya, sapat para humiwa kung hindi siya gagalaw.
Doon siya pumasok.
Imbes na umiwas palayo, lumihis siya papasok sa pagitan ng dalawang ikot. Isang maling galaw, tapos siya.
Agad niyang sinunggaban nang mahigpit ang kanang pulso ni Ajax.
Hindi niya pinigilan ang talim.
Sinabayan niya.
Hinila niya si Ajax papasok sa sariling galaw nito, pinutol ang espasyo. Nawala ang layo na kailangan ng lalaki para umatake.
At bago pa makabawi.
TINARAK NIYA ANG ESPADA SA LEEG.
Pailalim ang saksak. Diretso sa ilalim ng panga.
Tumigil ang ikot ng mga karit.
Sumabog ang makapal na dugo.
Tumalsik sa mukha ni Fergus, sa pisngi, labi, mata.
Nanigas si Ajax.
Saka bumigay.
Bumagsak siya paharap sa buhangin, ilang pulgada lang mula sa paa ni Fergus.
Walang hininga.
Walang galaw.
Pero, hindi pa tapos.
Sa kaliwa ng arena diretsong sumugod si Clato.
Mula sa limang metro ang layo, tinakbo niya ang distansya. Bawat hakbang, yugyog ang lupa. Maso ang hawak, nakataas sa kanang balikat, handang ibagsak.
Hindi na nakaiwas si Fergus.
Pagkalingon niya, huli na.
Diretsong tumama ang hampas sa tagiliran niya. Tumalsik siya pakaliwa, papalayo sa sentro, gumulong sa buhangin bago tuluyang huminto.
Hindi gumalaw.
Tumigil ang lahat sa paningin ko.
Nabingi ako sa sobrang pagkabog ng puso ko.
Biglang nabingi ang mundo o baka ako lang.
Napapikit ako.
“Huwag… pakiusap…”
Hindi ko alam kung kanino ako nagmamakaawa. Sa mga diyos? Sa kaniya?
Nakasubsob siya sa buhangin habang si Clato ay umaabante na para tapusin siya.
“Tumayo ka… Pakiusap… kahit ngayon lang… kahit para sa’kin lang!”
Hanggang sa umangat ang kaniyang ulo.
Pagkatapos, unti-unti siyang bumangon.
Duguan.
Basag ang hininga.
Nanginginig ang mga tuhod.
Isang maling galaw lang, babagsak na siya.
Pero hindi.
Hindi siya bumagsak.
Ngumiti siya.
Isang ngiting baliw.
Isang ngiting ayaw mamatay.
Doon ako tuluyang nabasag. Dahil alam ko, hindi siya lumalaban para sa sarili niya.
Sumugod ulit si Clato.
Diretso mula sa harap. Mas mabilis na ngayon, saka mas mabigat ang bawat hakbang. Nanginginig ang lupa sa ilalim niya. Nakaangat ang maso sa ibabaw ng balikat, handang bumagsak at durugin ang kahit anong tamaan.
Walang babala.
Bumagsak.
BUMALANDRA ang maso pababa, buong bigat, buong galit.
Hindi umatras si Fergus.
Sa halip, sumalubong siya. Isang hakbang pasulong, papasok mismo sa linya ng hampas.
At sa mismong sandaling pababa ang maso… lumihis siya pakaliwa.
Dumaan ang bakal sa tabi ng ulo niya. Isang pulgada na lang ang pagitan, bago dumurog sa lupa sa kanan niya.
DUMAGUNDONG ang salpok.
Kumawala ang buhangin, tumabon sa hangin.
At sa pagitan ng pagkalat ng alikabok, eksaktong gumalaw si Fergus.
TINAMAAN niya ang tuhod ni Clato.
Pahilis ang hiwa, mula gilid, dumiretso sa kasukasuan.
CRACK!
Malinaw ang bali.
Napahinto si Clato. Napasigaw. Bumigay ang katawan niya kasabay ng pagbitiw sa maso. Bumagsak iyon sa lupa habang siya’y napaluhod, nakaharap kay Fergus.
Wasak ang pundasyon.
Hindi na siya makakatayo.
Hindi na siya makakaiwas.
Lumapit si Fergus.
Isang hakbang.
Isa pa.
Mabigat ang paghinga. Duguan habang nanginginig, pero hindi humihinto.
Hinawakan niya nang mahigpit ang ulo ni Clato sa likod ng batok.
At bago pa makapagsalita ang kalaban, TINARAK NIYA ANG ESPADA SA LEEG.
Pailalim ang pasok. Umangat ang talim sa loob.
Mas malalim pa.
Hanggang sa tumigil ang paggalaw.
Hanggang sa bumigat ang katawan sa hawak niya.
Hanggang sa tuluyang nawala ang hininga.
Tahimik ang arena.
Isang iglap.
At pagkatapos… umalingawgaw ang mundo.
“FERGUS! FERGUS! FERGUS!”
Sigaw.
Hiyawan.
Kabaliwan.
At sa gitna ng lahat, nakatayo siya.
Duguan.
Sugatan.
Halos hindi na makatayo.
Pero buhay.
At ako, habang pinapanood siyang huminga, doon lang ulit ako nabuhay, kahit alam kong bawat segundo na buhay siya, mas lalo siyang nilalapit sa mas malupit na kamatayan.
Basta na lang may tumutulong luha mula sa mga mata ko. Sunod-sunod na hindi na kayang pigilan ng katawan ko ang bigat ng lahat.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapahinto. Siguro dahil, buhay pa siya. Sa gitna ng dugo at sigaw. Sa gitna ng kamatayan, nakatayo pa rin si Fergus.
At iyon lang ang mahalaga. Hindi pa siya kinukuha sa akin.
Mabigat ang paghinga ko. Bawat paghinga ay may kasamang takot na baka iyon na ang huli.
Baka sa susunod na laban, wala na siya. Baka sa susunod na sandali, wala na akong dahilan para huminga.
Samantalang si Haring Leondre. Tahimik na nakatingin sa arena. Sa katawan ni Fergus. Sa dugo na tumatagos sa lupa.
Bahagyang nakangisi.
Hindi siya masaya. Hindi pa sapat ang lahat. Parang ang lahat ng ito ay simula pa lang.
At mas masakit pa ang darating.
Author’s Note: Hindi ko lane ang ACTION pero sana nasundan ninyo.
10 VOTES po ulit.
CHAPTER 26
Ipinagitna ang mga nanalong Coronal sa arena.
Sampu.
Pare-parehong sugatan at duguan. Pare-pareho ring pagod, pero walang pahintulot huminto. Para silang mga apoy na halos mamatay na, pero pinipilit pang sindihan para lang may mapanood ang mga tao.
Sa harap nila, inilapag ang isang malaking gintong mangkok.
Kumikinang iyon sa ilalim ng araw. Masyadong maganda para sa isang bagay na may dalang kamatayan.
Sa loob, nakalatag ang maliliit na piraso ng bakal. Bawat isa may ukit na numero.
Hindi iyon simpleng bunutan lang.
Iyon ang magdesisyon kung sino sa kanilang mga nakatayo pa ang matitirang buhay sa huli.
“Ang mananalo… lalaban muli!” sigaw ng tagapagsalita, halos mapunit ang lalamunan sa pananabik. “Hanggang isa na lang ang matira at ang dugo ninyo ay maging alay sa araw!”
Sumabog ang arena sa masidhing hiyawan ng mga manonood.
“DUGO! DUGO! DUGO!”
Isa-isang lumapit ang mga Coronal.
Walang nagmamadali at umaatras. Alam na nila na kahit anong numero ang makuha nila, iisa lang ang pupuntahan.
Dulo.
Hinahanap ko si Fergus sa gitna ng mga katawan.
Hanggang…
nakita ko siya.
Mabigat ang paghinga niya, halata sa pag-angat-baba ng dibdib niya. Pero tuwid pa rin ang likod. Hindi siya yumuyuko sa harap ng mga taong ito.
Lumapit siya sa mangkok. Walang pag-aatubili. Inabot niya ang bakal at bumunot.
Ika-lima.
May humilang kilabot pababa sa dibdib ko.
Ika-lima…
Ibig sabihin, may tatlong laban muna bago siya.
Tatlong beses siyang manonood at maririnig ang pagputok ng buto, ang paghiwa ng laman, ang huling hininga ng mga lalaking tulad niya.
Bago siya naman ang muling itulak sa gitna para lumaban sa mga natitirang buhay.
Hindi ito patas na laban, kundi maingat na pagpatay.
Isa-isa silang ibinalik sa mga pintuan.
Naiwan ang unang dalawang lalaban.
Walang seremonya. Sumugod agad ang dalawa. Bakal laban sa laman. Umalingawngaw ang banggaan.
CLANG!
Isang sigaw, naputol agad.
Mabilis.
Masyadong mabilis para matawag na laban.
Natapos na parang wala lang.
Ang nanalo, halos hindi na makatayo.
Ngunit hindi siya pinahinga at inalalayan.
Tinawag agad ang kasunod.
“VIO NG KAHARIANG MACEDON!”
Walang pagitan at pahinga.
Sinasadya na hindi sila makahinga at bawat segundo ay sadyang kulang para mabuhay.
Sa tabi ko, gumalaw si Haring Leondre.
Ngayon, mas tahimik siya.
Nakasandal siya sa trono niya, isang kamay hawak ang kopita ng alak, umiikot iyon sa pagitan ng mga daliri niya habang pinagmamasdan ang ibaba.
May bahagyang ngiti sa labi niya.
Hindi malaki, subalit sapat para makita ko kung gaano siya naaaliw.
Sa bawat patak ng dugo, mas lumalalim iyon.
Parang may pinapanood siyang paboritong eksena na paulit-ulit niyang gustong makita.
Napayuko ako. Mahigpit ang hawak ko sa tela ng damit ko, halos mapunit na.
“Ganito…” bulong ko, halos wala nang tunog, “ganito niya papatayin si Fergus…”
Dugo ang bumabasa sa buhangin.
Mas makapal na at madilim.
May mga katawan na hindi agad inaalis. Hinahayaan munang nakalatag at makita ng lahat kung ano ang naghihintay sa kanila.
May narinig akong bali.
Malinaw.
Isang sigaw bigla ang naputol sa gitna.
At sa bawat pagbagsak, lalo kong nararamdaman kung gaano kalapit ang sandali niya.
“PANGATLONG LABAN”
Isa na lang.
Isa na lang bago siya.
Hindi ko na alam kung paano ako humihinga. Nagwawala ang puso ko sa magkahalong takot at kaba.
At pagkatapos…
“FERGUS NG AURELIUS LABAN KAY TERION NG BERNABE!”
“Fe-Fergus…” Nanlamig ang mga daliri ko.
Bumukas ang bakal na pinto. At lumabas siya. Hawak ang espada at kalasag. Mabagal ang lakad samantalang walang pag-alinlangan sa hakbang niya.
Tanggap na niya kung ano ang kahahantungan niya.
Doon, may nabasag sa loob ko.
“Fergus, kung ito na ang huli mong laban…kahit sandali lang, mabuhay ka para sa sarili mo. Huwag para sa kanila. Huwag para sa dugo. Huwag kahit para sa’kin.”
Kahit iniisip ko iyon, alam kong nagsisinungaling ako.
Dahil ang totoo, gusto kong lumaban siya para mabuhay.
Para sa’kin.
Nagsimula ang una niyang laban.
Espada laban sa espada.
Walang sigaw na babala, bigla na lang sumugod ang kalaban. Mabilis saka buo pa ang katawan.
CLANG!
Nagbanggaan ang bakal.
Sumiklab ang tunog sa buong arena.
Umatake ulit ang kalaban, sunod-sunod, walang tigil.
Pero iba si Fergus.
Kahit mabigat ang galaw niya, kahit halata ang pagod sa bawat hakbang, may ritmo pa rin.
May kontrol.
Umiwas siya.
Isa.
Dalawa.
Pagkatapos, mabilis na ikot…
AT.
TINAMAAN.
Diretso sa tagiliran.
Napahinto ang kalaban.
Isang iglap lang, sumunod agad si Fergus.
TINARAK.
Sa ilalim ng tadyang.
Malalim.
Sigurado.
Nanigas ang katawan ng kalaban.
Unti-unting bumagsak.
Tapos.
Walang palakpakan at sigaw sa tenga ko.
Siya lang ang nakikita ko, at ang paraan ng nahihirapang paghinga niya.
Kaso hindi pa tapos.
“VERMIN NG TROY!”
Dumating ang ikalawa.
Lalo akong natakot.
Hindi espada ang dala.
Kadena.
Mahaba.
Sa dulo, isang bakal na bola na may matutulis na tinik.
Iniikot iyon ng kalaban.
WHOOSH!
Sumisipol ang hangin.
Sumugod si Fergus.
Ngunit, huli siya.
TINAMAAN.
Diretso sa balikat.
CRACK!
Narinig ko.
Malinaw.
Napaatras siya.
Napaawang ang bibig, ngunit walang sigaw.
Dugo agad.
Makapal.
Madilim.
Umiikot ulit ang kadena.
WHOOSH!
WHOOSH!
Tinamaan ulit siya sa tagiliran.
Napayuko siya.
Halos bumagsak.
“Tumayo ka…” hindi ko namalayan na lumabas sa labi ko. “Pakiusap… tumayo ka…”
At tumayo siya.
Sa kabila ng lahat, tumayo siya.
Sinalo niya ang kadena.
Kahit dumidiin ang tinik sa balat niya.
Hinila niya.
Malakas.
At nang mawalan ng balanse ang kalaban.
SUMUGOD SIYA.
TINARAK.
Sa leeg.
Hindi agad bumagsak.
Kaya inulit niya.
Isa.
Dalawa.
Hanggang tumigil.
Binitawan niya ang katawan.
At saglit, parang siya rin ang babagsak.
Pero hindi.
Hindi pa.
Sa gilid ng paningin ko, nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Haring Leondre.
Hindi ko siya tiningnan, ngunit ramdam ko ang mapanuyang ngiti niya.
“Ang tibay,” bulong niya, halos may paghanga, pero mas malamig pa sa yelo. “Ngunit, kahit ang pinakamatibay na laman, napupunit din kapag pinilit.”
Parang binuhusan ng yelo ang likod ko. Alam kong hindi niya papayagan na si Fergus ang matitirang buhay sa kapistahan na ’to.
“Gusto kong makita kung hanggang saan siya aabot,” mas mapanganib na dagdag niya, “Bago ko tuluyang putulin ang natitira.”
“Ma-mahal na hari…” maluhaluhang usal ko.
Pangatlong laban.
Halos hindi ko na makilala si Fergus.
Dugo ang bumabalot sa kanya.
Hindi na malinaw kung alin ang sugat at alin ang balat.
Bawat paghinga niya, paputol putol. Pero gumagalaw pa rin siya.
“Fergus…” bulong ko, wasak ang boses, halos hindi na lumalabas.
Tama na… pakiusap… tama na!
Ngunit walang “tama na” sa lugar na ito. Walang katapusan, hangga’t may natitira pang humihinga.
Isa-isa niyang pinabagsak ang pangatlo.
Hindi na malinis.
Hindi na maayos.
Halos puro instinto na lang para mabuhay.
At nang makarating siya sa huling laban, hindi na siya mukhang tao.
Isa na lang siyang anino.
Isang bagay na gumagalaw dahil hindi pa siya pinapayagang tumigil. O dahil may dahilan pa siyang hindi pwedeng iwan.
Sa harap niya.
Ang huling kalaban.
Matikas.
Halos walang sugat.
Hawak ang higanteng itak.
Ngumingisi.
Matagal na niyang hinihintay ang sandaling ito.
Alam niyang dehado si Fergus.
Ito na ang engrandeng katapusan na hinahanda ni Haring Leondre para sa kaniya.
Halos wala ng lakas pa para tumayo si Fergus, subalit itinaas pa rin niya ang espada.
Sa gitna ng arena, tatlong hakbang ang layo nila sa isa’t isa. Si Fergus, bahagyang nakatagilid ang katawan, ang kaliwang paa nakausli sa harap para panimbang. Ang espada niya, mababa ang posisyon, handa sa mabilis na pag-angat.
Sa kabilang panig, si Goliath ang huling kalaban.
Diretsong nakaharap.
Matikas.
Nakapirme ang balikat.
Ang higanteng itak hawak sa kanang kamay, nakasandal sa likod, hindi niya kailangan magmadali.
Alam niyang matatapos ito sa isang galaw.
At sa isang kisapmata, gumalaw sila.
CLANG!
Nagtagpo ang bakal.
Umalingawngaw ang tunog sa buong arena.
Sumalubong si Fergus, paatras ang unang hakbang, ginamit ang kalasag para saluhin ang bigat ng itak. Pero sobrang lakas.
Dumulas ang paa niya sa buhangin.
Halos mawalan ng balanse.
Hindi siya umatras.
Mabilis na umiwas siya pakaliwa, hinila ang espada pataas, sabay atake sa tagiliran ng kalaban.
Ngunit.
Huli.
Masyadong mabigat ang itak.
Masyadong mabilis ang ikalawang galaw.
Iniikot ng kalaban ang sandata mula sa kanan pababa. Isang malawak na arko.
Napilitan si Fergus na ibaba ang espada para saluhin.
CLANG!
Nabigla ang buong katawan niya sa salpok.
Ramdam ko kahit sa malayo.
Naitulak siya paatras.
Isang hakbang.
Dalawa.
Ang sakong niya sumayad sa buhangin.
At doon.
Pumasok ang bitag.
Hindi umatake agad ang kalaban.
Umatras siya ng kalahating hakbang.
Sapat para magbukas ng espasyo.
Sapat upang painin si Fergus na sumugod.
At ginawa niya.
Sumugod si Fergus.
Diretsong hakbang pasulong. Ang kanang paa, sabay sa taas ng espada, pinuntirya ang leeg.
PERO.
Iyon ang hinihintay ni Goliath.
Sa mismong sandaling bumuka ang dibdib ni Fergus.
Kumilos ang kalaban.
Mabilis na ikot ng katawan. Mula sa kaliwa.
Ang itak sumunod sa galaw.
Isang pahalang na hiwa.
TINAMAAN.
Diretso sa dibdib ni Fergus.
Hindi malalim, ngunit sapat para maputol ang hininga.
Napaatras si Fergus.
Napabitaw ang balikat niya.
Napababa ang espada.
At ang pinakamasakit, napaluhod siya.
Isang tuhod sa buhangin.
Isang kamay nakadiin sa lupa.
Hingal.
Putol.
“Hindi… hindi pa…” napabulong ako, nanginginig, halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses. “Huwag dito… huwag ngayon…”
Tumigil ang mundo nang biglang nawala ang lahat ng tunog sa pandinig ko.
Ang sigaw ng libo-libong tao… ang kalansing ng bakal… ang pagaspas ng mga bandila.
Lahat nalunod sa isang imahe.
Si Fergus.
Bumagsak.
Diretso sa alikabok.
At ang paraan ng pag-angat ng dibdib niya, pilit.
Masakit.
Subalit, gumalaw siya.
Dahan-dahan.
Pinilit niya ang sarili niyang tumayo.
Una, ang kamay niya sa lupa.
Pagkatapos, ang tuhod.
Tumayo siya.
Hindi ko alam kung paano at saan niya kinukuha ang lakas. Pero tumayo siya.
Huling lakas.
Huling laban.
Itinaas niya ang espada.
Mabigat.
Nanginginig.
Pero hindi bumababa.
At sumugod siya.
Diretso.
Walang plano.
Lahat ng natitira sa kanya, ibinuhos niya sa isang galaw.
PERO.
Hindi na siya kasing bilis.
Hindi na siya kasing linis.
Maling hakbang.
Ang paa niya lumubog nang bahagya sa buhangin.
Isang pulgada lang.
Pero sapat.
Nawala ang balanse.
At nakita iyon ng kalaban.
Agad.
Walang pag-aalinlangan.
Umikot ang itak. Mula sa itaas pababa.
Pahilis na hiwa.
TINAMAAN SIYA.
Malinis.
Buong bigat.
Diretso sa hita.
At si Fergus.
Bumagsak bigla.
Dumampi ang katawan niya sa buhangin, walang laban.
Walang galaw.
At sa sandaling iyon, may kung anong tuluyang napunit sa loob ko.
Tahimik.
Walang tunog.
Pero ramdam ko, may namatay.
Tahimik ang buong arena.
Sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang bangungot na ito, wala ni isang sumisigaw.
Walang gumagalaw.
Sa gitna ng buhangin, nakahandusay si Fergus. Hindi siya gumagalaw. Ang katawan niya, halos hindi na makilala sa dami ng dugo. May tumutulo mula sa gilid ng bibig niya, dahan-dahang pumapatak sa madugong buhangin.
At doon.
Bahagyang gumalaw ang kamay niya.
Maliit na galaw.
Pilit na pagkapit sa natitirang lakas.
Napasinghap ako, pero walang lumabas na tunog.
“Tumayo ka…” hindi ko na alam kung naririnig ko pa ang sarili ko. “Huwag dito… huwag sa harap ko… pakiusap, huwag mo akong iwan nang ganito…”
Alam kung di niya naririnig.
Hindi ko alam kung may natitira pa bang bahagi sa kanya na kayang sumunod.
Unti-unti, may gumalaw sa paligid.
Isang kamay ang umangat.
Pagkatapos isa pa.
Hanggang sa dumami.
Parang alon na unti-unting tumataas.
At kasunod nito ang sigaw.
“Patayin!”
“Patayin!”
“PATAYIN!”
Nabulabog ang arena.
Mas uhaw at gutom sa dugo.
Gutom sa katapusan.
Naramdaman ko ang kilabot na gumapang sa buong katawan ko. Hindi ako makagalaw, ngunit nag-umpisang magsitulo ang mga luha ko.
Tumayo si Haring Leondre.
Hindi ang mga manonood ang magdesisyon para sa huling laban.
Kundi siya.
Sa isang iglap, tumahimik ang buong mundo. Hindi dahil tapos na ang sigawan, kundi dahil wala nang mas malakas kaysa sa presensya niya.
Walang nangahas sumigaw.
Walang nangahas huminga nang malakas.
Unti-unti siyang lumingon sa’kin.
At nang magtagpo ang mga mata namin, hindi ko mapigil ang pangangatal ng labi ko habang napalunok.
“Walang ibang magmamay-ari sa’yo,” bulong niya, napakahina, subalit mas malinaw pa sa kahit anong sigaw sa arena. “Ako lang, Damien.”
Nanigas ako.
“Masdan mo…” dagdag niya, halos dumadampi ang hininga niya sa tenga ko, “kung ano ang ginagawa ko sa lahat ng nagtatangkang magmamahal sa’yo.”
Hindi ako makahinga.
Hindi ako makapagsalita.
Sa ibaba, halos wala ng galaw si Fergus. Halos wala nang buhay.
Sa tabi ko, ang haring may hawak ng kapalaran niya.
At sa loob ko, sumisigaw ako.
Pakiusap.
Huwag.
Huwag mo siyang kunin sa’kin.
Ngunit ang bibig ko, nanatiling sarado.
Dahan-dahang ibinalik ni Haring Leondre ang tingin niya sa arena.
Walang emosyon.
Walang pag-aalinlangan.
Itinaas niya ang kamay.
Simpleng galaw.
Pero sa sandaling iyon…
Iyon ang pagitan ng buhay at kamatayan.
Isang segundo.
Isang tibok.
Huling pagkakataon, at ibinaba niya iyon.
“Patayin,” malamig niyang utos. “Ialay kay Apollo.”
Gumalaw si Goliath. Tila aninong bumangon mula sa lupa. Umatras ang liwanag sa paligid niya.
Itinaas niya ang itak.
Kamatayan na may anyo.
Napasinghap ako.
“Fergus…”
AUTHOR’S NOTE: 10 VOTES ulit.
Papatayin ba natin si Fergus?
CHAPTER 27
Bago bumagsak ang itak. Sumigaw ako.
“SANDALI!”
Pumutok ang boses ko sa hangin. Naputol ang dagundong ng arena, ang hiyawan at ang gutom ng libo-libong tao.
Tahimik. Tumigil ang mundo.
Sa ibaba… ang itak ay nakabitin sa ere. Isang pulgada. Isang hininga.
Isang tibok na lang, kamatayan na.
Itinaas ko ang balisong na matagal ko nang itinatago, at idiniin sa sarili kong leeg.
Agad kong naramdaman ang lamig ng bakal. Kasunod ang kirot.
Isang patak ng dugo ang mabagal na umagos.
May napasigaw sa itaas. Ang ilang maharlika ay napaatras. May mga sundalong napakilos. Hindi alam kung lalapit o mananatili.
Wala na akong nakita kundi si Fergus.
Isang iglap na lang, mawawala na siya sa mundo.
“Kapag bumagsak ang itak na ’yan… ako ang mauuna.”
Nanginginig ako, pero malinaw ang bawat salitang pinipilit kong ilabas.
Hinayaan kong bumagsak ang mga luha ko.
“Hindi mo siya kukunin sa’kin…”
Humigpit ang hawak ko sa balisong. Mas bumaon ang talim.
“Habang may buhay pa ako.”
Sa ibaba, nanginginig ang braso ni Goliath na may hawak ng itak. Hindi siya gumagalaw. Ni hindi makahinga.
Dahan-dahan akong tumingin nang diretso kay Haring Leondre. Kahit nanginginig ang tuhod ko at anumang sandali’y bibigay ang katawan ko. Pero hindi ako yumuko. Hindi ngayong papatayin niya si Fergus.
“Ako lang naman ang kailangan mo… hindi ba?”
Mahina, pero tumagos ang tanong ko sa kaniya.
“Ako lang ang gusto mong angkinin.”
Napapikit ako sandal para pigilan ang sarili kong tuluyang madurog.
Pagmulat ko, nakatitig pa rin siya sa akin. Hindi galit o gulat ang nasa mukha niya, kundi interes. Isang bagay na mas nakakatakot. Isang pananabik na hindi ko kayang ipaliwanag.
“Mahal na hari…” garalgal na ang boses ko, halos hindi na buo. “Hayaan mo siyang mabuhay.”
Isang hakbang pa, lalalim ang hiwa. Isang galaw… matatapos ang lahat.
Sa ibaba, walang sumisigaw. Ni humihinga. Libo-libong tao ang nakatingin sa akin. Hindi na kay Fergus o sa dugo. Kundi sa dugong dumadaloy sa leeg ko. Sa kamay kong handang tapusin ang sarili. At sa hari na siyang nagpapasya kung sino ang mabubuhay.
“Sabihin mo lang…” bulong ko, halos wala nang lakas.
“Sabihin mo lang… at bibitawan ko ’to.”
Dumikit lalo ang bakal sa balat ko. Isang patak pa ng dugo ang bumagsak, diretso sa sahig.
“Pero kapag hindi…”
Nabasag ang boses ko. Hindi ko na kinaya.
“…papatayin ko rin ang sarili ko.”
Sa sandaling iyon, nakatayo ako sa pagitan ng dalawang kamatayan. Sa ibaba, ang lalaking mahal ko. Sa itaas, ang lalaking nagmamay-ari sa akin. At ako. Isang hibla na lang ang pagitan sa pag-ibig at sa wakas.
Tumitig siya sa akin na parang bagay na hinahanap kung saan babasagin. Nakakatakot ang katahimikan. Pero hindi ako umatras.
“Hinahamon mo ang kapangyarihan ko… sa harap mismo ng kaharian ko, Damien?”
Hindi siya sumigaw, ngunit ang bawat salita niya, tila hatol na hindi na pwedeng bawiin.
“Hindi, Mahal na Hari.”
Lumabas ang sagot sa bibig ko kahit nanginginig ang dibdib ko.
“Hindi ko hinahamon ang kapangyarihan mo.”
Lalong dumaloy ang dugo.
“Hinihingi ko lang ang buhay niya.”
Hindi agad siya sumagot. Pinanood niya lang ako. Pinakinggan ang bawat hininga ko habang sinusukat kung kailan ako bibigay.
“Pero ibininabayad mo ang sarili mong buhay…” mahina niyang sabi, pantay ang tono, “…para sa isang walang kwentang Coronal na minsan muntik ng mag-alsa para pabagsakin ako.”
Hindi iyon tanong. Hatol iyon.
“Sabihin mo ulit,” mas mababa ang boses na dagdag niya. “Gusto kong marinig kung gaano ka kahina.”
Sumakit ang lalamunan ko. Pero hindi ako umurong. Mas idiniin ko ang talim. May mas malinaw at malalim na panibagong kirot.
“Hindi siya alipin.” Basag, pero hindi umatras ang salita ko.
“Hindi siya basta Coronal na pag-aari mo.”
Huminga ako nang mabigat. Pinipilit kong buhayin ang sarili kong lakas mula sa wala.
“Siya ang dahilan kung bakit hindi pa ako tuluyang nababaliw sa palasyong kulungan ko.”
Sandali.
Isang iglap ng katahimikan.
“At…” naputol ako, pero pinilit ko pa rin, “mahal ko siya.”
May bumagsak sa hangin.
Isang kolektibong pagsinghap ang gumapang sa mga upuan ng maharlika. Mga bulong. Mga matang nagningning sa iskandalo.
Narinig ko.
“Minahal niya ang isang Coronal…”
“Sa harap ng hari…”
“Pero siya ang concubine!”
Hindi ko sila pinansin. Hindi ko na kaya.
“Mahal…” ulit ni Haring Leondre. Pareho pa rin ang boses niya. Walang galit ni gulat.
“Nasabi mo ’yan, habang nakatingin ka sa akin?”
At pagkatapos, tumawa siya nang malamig at walang awa.
“Walang halaga ang salitang ’yan dito.”
Humakbang siya. Hindi nagmamadali. Parang ang oras ay kanya, at ako, nakakulong lang sa pagitan ng bawat galaw niya.
“Ang meron lang dito…” dahan-dahan niyang sabi, “…ay ang kapangyarihan ko.”
Huminto siya sa harap ko. Napakalapit. Ramdam ko ang init ng presensya niya kahit nanlalamig na ang katawan ko.
“Pagmamay-ari ko ang kahariang tinatapakan mo,” patuloy niya, mahina pero matalim. “Ako ang nagpapasya kung sino ang may karapatang huminga.”
Hindi ako umatras. Nanatili ako.
“At ikaw…”
Hinawakan niya ang baba ko nang mahigpit at walang pahintulot.
“Pag-aari kita. Naintindihan mo?”
Napapikit ako saglit dahil sa bigat ng katotohanan.
“Kung ipag-uutos kong huwag kang magmahal. Susunod ka.”
“Dito, wala kang pinipili.”
“Wala kang iniaalok.”
“Lahat ng sa’yo… ay akin.”
Bumaba ang tingin niya sa dugo sa leeg ko.
“Kahit ang buhay na ’yan.”
Isang malamig na sandali.
“Hindi sa’yo nagsimula.”
“Hindi rin sa’yo matatapos.”
“Palayain mo siya.” Halos bulong, pero malinaw na giit ko.
“Ipatapon mo siya sa labas ng kaharian. Kailanman ay hindi na magtatagpo muli ang mga landas naming dalawa. Ngunit siguraduhin mong mabubuhay siya.”
Nabitin ang lahat sa ere. Isang iglap na walang galaw.
“Sino ka para utusan ang haring pinaglilingkuran mo?” sagot niya agad.
Walang emosyon ni pag-aalinlangan.
“Kahangalan ito, Damien.”
Diretso ang tingin niya sa akin.
“Akin na ang kutsilyo.”
“Hindi.”
Mahina, pero buong pagmamatigas ko. Hindi na ako umatras.
“Alam kong kaya mong baliin ang sarili mong batas.”
Nilunok ko ang sakit, takot at ang natitirang dignidad ko.
“At ako…”
Naputol ang hininga ko.
“…ibibigay ko ang sarili ko sa’yo. Hindi bilang kinikilalang concubine ng korona mo,” halos pabulong na dagdag ko.
“Kundi bilang isang bagay na pwede mong gamitin.”
Isang patak ng luha.
“Susunod ako nang buo. Sa lahat ng gusto mong gawin sa’kin.”
Huminto siya. Hindi gumalaw ni nagsalita. May nagbago sa mata niya. Isang maliit na ngiti ang sumulpot.
“Hindi mo kailangang ialok ’yan,” mahina niyang sabi.
Lumapit siya nang dahan-dahan. Hinawakan niya ulit ang baba ko pero ngayon, mas kontrolado at tiyak.
“Sa akin ka na noon pa.”
Pinilit niya akong tumingin sa kanya.
“At ang ginagawa mo ngayon…”
Bahagya siyang yumuko. “…ay tinatanggal ang huling ilusyon na may natitira ka pang sarili.”
Bumaba ang tingin niya sa dugo sa leeg ko.
“Lampastangan.”
Pagbalik ng mata niya sa akin, mas madilim.
“Akala mo matatakot mo ako niyan?”
Tinabig niya nang bahagya ang talim.
Pero hindi ako bumitaw.
Hindi pa.
“Hindi kita kailangang patayin para maging akin ka.” bulong niya.
Isang saglit. Mas mabigat kaysa sa lahat ng nauna.
“Mas kapaki-pakinabang ka habang buhay.”
Napapikit ako. Hindi ko na napigilan. Tumulo muli ang luha ko.
“Pakiusap…” nanginginig ang labi ko. Halos hangin na lang ang boses ko.
“Mahal na hari…”
Sa ibaba, nakabitin pa rin ang itak.
Naghihintay.
Isang utos na lang, ay ang katapusan. Nakatayo ako sa pagitan ng kapangyarihan niya at ng hininga ni Fergus.
Wala mang matira sa’kin, pero handa pa rin akong mawala, kung iyon ang kapalit ng isa pang tibok ng puso niya.
Napuno ng mantsa ng dugo ang suot ko.
Hindi ko na matukoy kung alin ang akin, at alin ang para kay Fergus. Mainit ang likidong dumadaloy mula sa leeg ko, bumababa sa dibdib, sumisipsip sa telang minsang kumatawan sa rangya.
Ngayon, para akong handog sa harap ng buong kaharian.
At sa gitna ng katahimikan, gumalaw si Haring Leondre.
Hindi marahas at padalos-dalos, pero mas mabigat kaysa anumang galaw na nakita ko sa kanya.
“Damien…”
Ang pangalan ko sa labi niya, hindi utos. Hindi rin tanong. May kung anong hindi ko maipaliwanag sa paraan ng pagbigkas niya.
Dahan-dahan siyang umatras. Isang hakbang. May iniwasan siyang hindi niya kayang ipakita sa harap ng libo-libong mata.
“Pinipili mo siya…” bulong niya, halos hindi makapaniwala.
“…kaysa sa sarili mong buhay?”
Hindi ako nagsalita. Wala nang kailangang sabihin. Nasa pagitan namin ang dugo ko. At sa ibaba ang lalaking handa kong ipagpalit ang lahat. Sapat na iyon.
Ngunit, may naramdaman akong kakaiba. Hindi sa mukha niya o sa tindig. Sa ilalim ng boses niyang may bitak.
“Kung papalayain ko siya…” dagdag niya, mahina, para sa akin lang, “…aagawin ka niya sa’kin.”
Huminto siya.
“At wala akong balak… mawalan.”
Huminga ako nang malalim.
Masakit. Bawat hangin na pumapasok sa baga ko ay may kasamang talim. Pero malinaw ang isip ko.
“Hindi,” diretso kong sagot.
“Siguraduhin mong hindi na siya makakabalik sa Aurelius.”
Ramdam ko ang pagguho ng sarili ko habang lumalabas ang bawat salita.
“Ilayo mo siya… hanggang sa hindi na niya ako maabot.”
Ako mismo ang pumutol sa huling hibla na nagdudugtong sa amin.
“At ako…”
Nanginig sandali ang boses ko, pero hindi ako umatras.
“…pipilitin kong mahalin ka.”
Huminto ang ingay, pati ang loob ko.
Walang sigaw.
Walang galaw.
Ang buong kaharian ay nakabitin sa iisang hininga.
Naghihintay.
Sa kanya.
Sa desisyon na magtatakda kung sino ang mabubuhay, at kung sino ang mawawala.
Sa unang pagkakataon, nakita ko siyang nag-alinlangan.
Pumikit siya. Isang iglap lang. Pero sapat iyon. Sapat para makita ko ang lamat sa perpektong anyo ng isang hari.
Nang muling bumukas ang mga mata niya, nandoon pa rin ang kapangyarihan. Pero may naiwan. Isang lamat na hindi na mabubura.
“Hindi mo alam kung anong banta ang ibinigay mo sa’kin, Damien,” bulong niya.
Saglit siyang tumingin sa paligid.
Sa mga maharlika.
Sa mga matang sabik sa kahinaan.
“Alam mo ba kung gaano kalaki ang hinihingi mo?”
Bahagya niyang ibinaba ang ulo niya. Hindi bilang pagsuko. Kundi bilang pagpipigil. Isang hari na pinipiling huwag pumatay, kahit kaya niya.
At pagkatapos, tumingin siya sa ibaba.
Sa arena.
Tumigas ang boses niya.
“Ibaba ang itak.”
Saglit, pagkatapos, isang sabay-sabay na paghinga.
Bumalik ang mundo.
“Pagalingin ang Coronal.”
Malinaw ang bawat salita.
“At sa pagsikat ng araw…”
Isang huling pahinga.
“…ipatapon siya sa labas ng Aurelius.”
Sumabog ang arena sa gulat.
Sa bagay na hindi nila inaasahan na ang hari ay umatras kahit isang hakbang.
At ako… nakatayo sa gitna ng lahat. Duguan habang nanginginig.
Unti-unti kong ibinaba ang balisong mula sa leeg ko.
Sa ibaba, mabilis at maingat na gumalaw ang mga sundalo. Tinakpan ang sugat ni Fergus. Binuhat siya. Walang malay. Pero buhay.
Napapikit ako.
Sa wakas, bumigay ang katawan ko. Naputol ang huling tali na pumipigil sa akin na manatiling buo. Nanghina ang tuhod ko. Hindi ko na kayang tumayo at magpanggap.
Napahawak ako sa upoan ko. Kumalma ang kabog ng puso ko. Pero sa loob ko, may isang bahagi na tuluyang napunit. Dahil kahit nabuhay si Fergus, ako ang naging kapalit.
Walang nagsasalita.
Lumapit siya. Isang hakbang. At muling bumalot ang anino niya sa akin.
“Pagbabayaran mo ’to…” mahina ngunit diretso niyang sabi.
“…nang malaki.”
Author’s Note: 10 VOTES ulit.
CHAPTER 28
Tahimik ang silid.
At sa gitna ng lahat… ako.
Nakaluhod.
Dumikit ang tuhod ko sa malamig na bato. Tumatagos ang lamig hanggang buto, isang paalala ng kasalanang hindi ko matakasan.
Hindi ako gumalaw.
Putol-putol ang paghinga ko.
“Ma-mahal na hari…”
Halos hindi lumabas ang boses ko.
“Isang hiling lang.”
Sa gilid ng paningin ko, ang anino niya. Nakatalikod habang nakatayo nang tahimik. Mas mahalaga ang mundo sa labas kaysa sa akin na nakaluhod sa likod niya.
“Hindi ka na dapat humihiling matapos ang ginawa mo. Ano pa bang kailangan mo sa akin, Damien? Hindi pa ba sapat ang ginawa mong panglalampatastangan mo sa’kin sa arena?” walang awang asik niya.
Dahan-dahan akong yumuko hanggang dumikit ang noo ko sa marmol.
“Pakiusap…” mahinang pagpakumbaba ko.
“Kahit isang beses lang… hayaan mo akong makita siya.”
Walang galaw mula sa kaniya.
Pagkatapos…
Isang mabagal na hakbang.
Hindi ako tumingala. Alam kong kapag ginawa ko, tuluyan na akong mababasag.
“Alam mo ba kung ano ang hinihingi mo? Kahit kailan wala ka talagang pakialam sa nararamdaman ko!” Mahina ang boses niya. Kontrolado, pero sapat para durugin ang natitira sa akin.
“Pa-patawad mahal na hari.” Lumabas iyon nang walang pag-aalinlangan, kahit nanginginig ako.
Naroon na siya sa harap ko.
“Binuhay ko siya alinsunod sa kagustuhan mo! Hindi pa ba sapat yon? Ngayon naman, bibigyan mo siya ng huling alaala mo. “
May tumusok sa dibdib ko.
“At binibigyan mo rin ang sarili mo ng sugat na hindi na gagaling. Sinasaktan mo lang ang damdamin mo!”
Pumikit ako. Hindi ako sumagot. Dahil tama siya. Pero wala na akong ibang pipiliin.
Si Fergus lang.
Lumipas ang ilang sandali. Hindi ko na alam kung gaano katagal. Naririnig ko ang mas mabigat na paghinga niya, pero mas totoo.
Pagkatapos…
“Isang oras at kalahati.”
Napamulagat ako, pero nanatili akong nakayuko.
“Paglampas noon, hindi na kita patatawarin.” Matigas ang tinig, pero may bitak.
“Salamat… mahal na hari.” Bulong, pero buo.
Walang sagot. Pero napakislot ako nang marinig ko ang pagtama ng baso sa dingding. Nagkalat ang bubog sa sahig.
Kaya nanatili ako roon, habang unti-unting umaandar ang oras.
At bawat segundo, kumakain sa akin. Dahil alam ko. Ang isang oras at kalahati na iyon ang huling pagitan…
Sa pagitan ko at ng huling pagkakataong makita siya.
“Ano pang hinihintay mo?! Lumayas ka na, bago pa magbago ang isip ko!”
“Ma-masusunod, kamahalan.”
Madilim ang pasilyo. Sa bawat galaw ng sulo, humahaba ang anino ko sa sahig, parang hinihila ako pabalik. Sa likod ko, sabay-sabay na yabag ng mga sundalo. Sa harap, dalawa pang hindi lumilingon.
Bantay sarado ako.
Mabagal ang lakad ko, dahil pakiramdam ko bawat hakbang may kapalit na segundo. At bawat segundo, mas lumalapit sa katapusan.
“Isang oras at kalahati…” bulong ko.
Napahinto ako.
“Paano magkakasya ang isang buong buhay… sa oras na ’yon?”
Sa loob ng karwahe, masikip ang hangin. Sarado ang bintana. Nakakulong ang takot.
Sa bawat pag-alog, sumasabay ang dibdib ko, parang may napuputol.
Tumingin ako sa salamin.
Ako… pero hindi ko na kilala.
May tuyong dugo sa leeg ko. May mga guhit sa balat na hindi ko na maalala kung saan galing.
Ang mga mata ko… walang buhay. Ni hindi ko maalala kung may minsan bang tumawa ako magmula nang naparito ako sa palasyo.
Iniangat ko ang kamay ko, parang hindi sigurado kung akin pa rin.
“Ganito ba ang mukha ng isang taong nagligtas…”
Napahinto ako.
“…o ng isang taong nagbenta ng sarili niya?”
Bumaba ang kamay ko.
Hindi ko kayang sagutin.
Sa isip ko, bumalik ang mukha ni Fergus, noong una ko siyang makita. Sugatan, pero buo. Tahimik. Hindi ako inaangkin.
Doon ako tuluyang nabasag.
Dahil kahit anong gawin ko, hindi ko na siya maibabalik sa ganoon.
Kumalabog ang karwahe. Napapitlag ako.
“Dumating na tayo.”
Bumukas ang pinto. Agad sumalubong ang mabigat na hangin. Bumaba ako. Diretso sa pintuan ng kulungan. Dalawang bantay ang nakaharang.
“Buksan ang pintuan,” utos ng sundalo.
Nagkatinginan sila.
Isa ang tumingin sa akin, sinusukat ako.
“Utos ba ito ng hari?”
Napahinto ako.
Isang segundo.
Dalawa.
Tumingin ako sa bakal na pinto.
“Utos ito…” mahina kong sabi, “…ng isang concubine na wala nang natitirang oras.”
Hindi na siya nagsalita.
Tumango siya.
“Buksan.”
Kumalabog ang bakal.
Parang may pumutol sa pagitan ng nakaraan at ng mangyayari pa lang.
Pumasok ako. Mas malamig sa loob. Mas tahimik. Narinig ko ang mahinang kalansing, paulit-ulit. Dumidiretso sa dibdib ko.
Napatigil ako.
Napapikit.
Hindi ito panaginip. Ito ang reyalidad.
Huminga ako nang malalim. Hindi sapat. Hindi sapat para pigilan ang panginginig ng kamay ko at ihanda ang sarili ko.
Naglakad ako.
Isa.
Dalawa.
Bawat hakbang, mas mabigat. Hanggang sa makarating ako sa rehas.
Huminto ako.
Hindi pa ako tumitingin. Hindi ko pa kaya. Dahil alam ko, sa sandaling makita ko siya, guguho ang lahat.
Doon, sa pagitan ng hininga at katahimikan, tumigil ako sa pagsisinungaling sa sarili ko.
Ito na.
Ito na ang dulo.
Nandoon siya. Hindi sa anyong naaalala ko. Kundi isang katawang pilit pinagdikit ng benda at hininga. Nakahiga sa malamig na bato. Ang dibdib niya, mabagal umaangat, parang bawat paghinga ay pinaghihirapan.
May telang nakabalot sa kanya, basa pa. May dugo sa gilid ng tahi. May mga pasa na tinakpan lang, hindi ginamot.
Dahan-dahan akong lumapit.
May tumulo mula sa kisame. Isang patak ng tubig ang tumama sa sahig sa pagitan namin, napakaliit na tunog, pero sapat para biyakin ang katahimikan.
Lumuhod ako sa tabi niya.
Hindi ko siya agad hinawakan.
Tinitigan ko muna… isa-isa. Ang bawat sugat, bawat peklat, bawat bahagi na maaaring mawala sa akin sa loob ng natitirang oras.
Pagkatapos, inabot ko ang mukha niya.
Mainit, pero hindi init ng buhay, kundi ng sakit na hindi pa humuhupa.
“Fergus…” bulong ko.
Dumulas ang luha ko, tumama sa pisngi niya. Hindi ko pinunasan. Kung iyon na lang ang tanging maipapabaon ko sa kaniya, hahayaan ko.
May kumalansing.
Gumalaw siya.
Halos wala, isang hibla lang, pero sapat para tumigil ang mundo ko.
Unti-unting bumukas ang mga mata niya. At sa sandaling iyon, bumalik ang lahat.
“Damien, dumating ka…” Mahina niyang sabi. Basag, pero sapat para sirain ako.
Napayuko ako.
Hinawakan ko ang kamay niya… magaspang, may hiwa, may bakas ng bakal.
Dinala ko iyon sa labi ko.
Isang halik.
Huling paghingi ng tawad.
“Pinilit kitang mabuhay…” halos punit ang boses ko. “Lumaya ka, Fergus. Pakiusap… ipangako mong hahanapin mo ang kaligayahan mo sa labas ng kahariang ’to. Kahit wala ako. Kahit hindi na ako ang dahilan.”
Huminga ako nang mabigat, pilit inaabot ang lakas na paubos na.
“Mag-asawa ka… bumuo ka ng isang pamilyang hindi kailangang magtago. Tumawa ka… ’yung totoo, hindi ’yung pilit. Lumabas ka rito… hanapin mo ang mundong hindi ka kailangang wasakin para lang makahinga ka.”
Napahinto ako. Kumirot ang dibdib ko sa bawat salitang binitiwan ko.
“Dahil iyon ang nararapat sa’yo.”
Hindi siya agad sumagot.
Tinitigan niya lang ako nang matagal, parang hinuhukay ang mukha ko, hinahanap ang dating ako na alam naming pareho na matagal nang nawala.
“Pinili mo akong mabuhay,” sabi niya sa wakas.
Simple, pero tumama kung saan ako pinaka-marupok.
“At pinili mong mamatay habang ginagawa mo ’yon.”
Napahinto ang hininga ko.
“Anong silbi ng buhay na ibinigay mo…” dagdag niya, mas mabigat, “…kung ikaw mismo ang nawala?”
Lumalim ang tingin niya sa akin. Naroon ang sakit na hindi na kayang itago.
“Paano mo ako hinihikayat mabuhay sa mundong wala ka,” bulong niya, “kung ikaw lang naman ang mundong gusto kong balikan?”
“Fergus…” napahigpit ang hawak ko sa kanya, nanginginig. “Huwag mong gawing wala ang ginawa ko. Huwag mong sirain ang natitira-”
“Natitira?” Mahinang putol niya, pero mas masakit kaysa sigaw.
“Ano pa ang natira, Damien?”
Hindi ako makasagot.
Dahil alam ko.
Wala na.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko, mahina, pero buong-buo. Parang iyon na lang ang natitira niyang lakas.
“Kung lalaya ako…” bulong niya, hindi inaalis ang tingin sa akin, “…dala ko ang multo mo.”
Humigpit ang dibdib ko, parang piniga mula sa loob.
“At iyon ang parusang iniwan mo sa akin.”
Hindi ko siya matutulan. Dahil totoo.
“Kahit saan ka dalhin…” pilit kong sabi, “…hahanapin kita.”
“Damien…”
Ngumiti siya, mapait, wasak.
“Huwag.”
Isang salita. Pero parang utos na hindi ko kayang sundin.
“Dahil kung hahanapin mo ako… babalik ka sa lugar na pumatay sa ’yo.”
Napapikit ako. Huminga nang mabigat.
“Kung may ibang buhay…” hindi ko na napigilan, “…pipiliin pa rin kita.”
Napapikit siya saglit.
“Sa ibang buhay…” mahina niyang sagot, “…pipiliin kitang ilayo sa’kin.”
May bumagsak sa loob ko. Mas masakit pa kaysa sa lahat ng sugat na nakita ko sa kanya.
Umangat ang kamay niya, hinila ng kadena, marahas na paalala kung nasaan siya.
Idinikit ko ang palad ko sa kanya.
Pinuno ang pagitan.
“Hindi ito paalam…” bulong ko.
Hindi ko kayang sabihin ang salitang iyon.
Umiling siya nang dahan-dahan.
“Hindi rin ito pangako.”
Mas malambing.
Mas masakit.
“Dahil alam nating pareho… wala na tayong babalikan.”
Hindi ako makahinga. Pero tumingin ako sa kanya nag diretso.
“Mahal kita.”
Wala nang pagtatago.
Wala nang dahilan.
Tumingin siya pabalik.
“Damien… mahal din kita.”
Sa unang pagkakataon, wala kaming inililihim.
Sinubukan niyang bumangon. Hindi niya kinaya. Agad akong lumapit. Ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya. Narinig ko ang tibok. Mahina, pero naroon pa.
Doon ako kumapit, sa huling bagay na hindi pa nawawala.
Tumingala ako. Halos magdikit ang mga labi namin.
Isang pulgada.
Isang sandali.
Pero hindi ako lumapit.
Hindi ko tinuloy.
Dahil alam ko, ang sandaling iyon ay hindi na para sa amin. At marahil, iyon ang pinakamasakit. Dahil kahit napakalapit… hindi na namin kayang angkinin ang minsang pinangarap.
“Alagaan mo ang sarili mo…” bulong niya, halos hininga na lang. “Dapat sanay ako ang gumagawa niyan para sa’yo…”
May pumutol sa loob ko.
Hindi iyon pakiusap.
Paalam iyon na tinago sa lambing.
“Hindi ako mawawala…” sagot ko, kahit hindi ko alam kung totoo. “Nasa’yo ako. Kahit saan ka mapunta… dala mo ako.”
Ngumiti siya, pero wasak.
Alam niyang hindi sapat iyon.
Sa likod namin, narinig ko ang mabigat na yabag ng bantay. Papunta sa amin.
Hindi kami gumalaw. Tila kapag kumilos kami, tuluyan nang gagalaw ang oras. Pero hindi iyon tumigil.
“Kapag sumikat ang araw…” mahina niyang sabi, “…aalis na ako.”
Napapikit ako.
“At ako…” sagot ko, pilit pinatatag ang sarili, “…mananatili dito.”
Sa lugar na pumatay sa amin.
Sa alaala na hindi na mabubuo.
Sa sarili na iniwan ko kapalit niya.
Tahimik.
Isang sandali na parang walang hanggan.
Pagdilat ko, nakangiti siya. May luha sa gilid ng mata. Pero nakangiti. Parang siya pa ang umaalo sa akin.
“Pero pareho pa rin tayong magmamahal.”
Doon ako tuluyang nabasag sa paraang wala nang matitira para buuin.
Hinawakan ko siya… balikat, mukha, kamay, pinilit kong isaulo ang lahat.
Ang init ng balat niya.
Ang bigat ng hininga niya.
Ang paraan ng pagtingin niya, parang ako pa rin ang pinipili niya kahit wala na akong maibigay.
“Patawad…” paulit-ulit kong bulong.
Sa kanya.
Sa sarili ko.
Sa lahat dasal na kailan man ay di mapagbibigyan.
Biglang may matigas na humawak sa balikat ko.
Hinila ako palayo. Hindi ako lumaban. Dahil alam ko, wala nang mababago.
Dahan-dahan, dumulas ang kamay ko mula sa kanya.
Mas mabagal kaysa dapat. Parang sinasadya ng mundo na iparamdam ang bawat sentimetro ng pagkawala.
Hanggang sa wala na at hangin na lang ang pagitan.
Hanggang sa alaala na lang ang mahawakan ko.
Hindi ako sumigaw. Hindi ako nagpumiglas, dahil sa sandaling iyon… naintindihan ko na.
Hindi ito pagkatalo.
Mas masakit pa.
Ito ang pinili ko. Ang pagpili na bitawan ang taong mahal mo, kahit iyon na ang huling bagay na natitira sa’yo.
Habang hinihila nila ako palabas, hindi na ako lumingon.
Kapag ginawa ko, hindi na ako makakaalis. At kung hindi ako makakaalis, hindi siya makakalaya.
Kaya tinanggap ko ang sakit nang buong-buo.
Habang unti-unting nawawala ang tanging dahilan kung bakit ako humihinga pa rito.
Sa likod ng saradong pinto, naiwan ang puso ko.
Kasama niya.
At ako… naglakad palayo, dala ang buhay na hindi ko na kayang buuin.
______________________ END OF ARC 1 __________________________________
HELLO!
Itutuloy na po natin to by June 2026.
May naghihintay ba?
CHAPTER 29
Author’s Note:
VOTE muna bago scroll down ha? Motivate me po through your comments and votes.
Dalawang taon.
Dalawang taon mula nang panoorin kong mawala si Fergus sa pagsikat ng araw habang ako naman ay naiwan sa loob ng gintong kulungan ng Aurelius.
At matapos noon, natuto akong mabuhay nang walang inaasahan.
Mabagal ang mga hakbang ko habang naglalakad sa hardin ng palasyo.
Malamig ang hangin. Dumudulas ang puting tela ng kasuotan ko sa marmol habang sumasabay ang mahinang tunog ng gintong alahas.
Sa magkabilang gilid ng hardin, sunod-sunod na yumuko ang mga alipin.
“Mabuhay ang Royal Concubine…” mahina saka nanginginig.
Hindi ko sila nilingon at sinabihan na tumayo.
Dati, nahihiya pa ako kapag lumuluhod sila sa harap ko. Ngayon… sanay na lang ako.
Takot sila sa akin. Hindi dahil makapangyarihan ako. Dahil alam ng buong kaharian kung sino ang pinananatili ng hari sa tabi niya.
Ako. Walang ibang concubine. Walang reynang nakakatabi sa trono niya. Sa loob ng dalawang taon, ako lang. Iyon ang dahilan kung bakit mas lalo akong kinamumuhian ng konseho.
Tumigil ako sa gitna ng hardin.
Sa harap ko, namumulaklak ang mapuputing rosas na ipinatanim ni Haring Leondre para sa’kin dalawang taon na ang nakalipas.
Ayaw niya ng pulang rosas. Masyado raw iyong nagpapaalala ng dugo.
Napangiti ako dahil nakakatawa ang ironya. Kahit anong kulay pa ang itanim niya… dugo pa rin naman ang pundasyon ng kahariang ito.
“Kamahalan…”
Mahinang tawag ng isang alipin.
Lumingon ako.
Nakayuko siya nang husto, halos hindi makatingin sa akin.
“Dumating na po ang hukbo ng hari.”
Sandali ko siyang pinagmasdan bago ako tumango.
“Alam ko.”
Muli siyang yumuko bago mabilis na umatras.
Ibinalik ko ang tingin ko sa malayong tarangkahan ng palasyo. Nandoon ang sigawan ng mga tao. Mula rito, naririnig ko ang mga kampana. Ang hiyawan at pagbati.
Bumalik na ang hari ng Aurelius matapos ang walong buwang digmaan sa hilagang Troy. At buong kaharian ang nagdiriwang.
Ngunit ako… wala akong pakialam. Mas Mabuti sana kung namatay na lang siya sa digmaan.
Humarap ako palayo sa tarangkahan.
Hindi ako pumunta upang salubungin siya.
Sa paglipas ng panahon, natutunan ko na kung paano bawasan ang sakit.
Tumigil akong umasa at magtanong. Tumigil na rin akong magmahal sa paraan na kayang pumatay sa akin.
Marahil, iyon ang dahilan kung bakit lalo akong hindi mabitawan ni Haring Leondre.
At gaya ng dati, hindi ako binigyan ng tadhana ng sapat na distansya para makalimot.
Umalingawngaw ang trumpeta sa buong kabisera.
Mula sa malayong balkonahe ng palasyo, tanaw ko ang pagbukas ng malaking tarangkahan ng palasyo.
Doon pumasok si Haring Leondre.
Nakasakay sa itim niyang kabayo.
Suot ang bakal na baluting may simbolo ng Aurelius sa dibdib. May bakas ng putik at dugo ang kapa niya, ngunit hindi iyon sapat para mabawasan ang presensya niya.
Kasunod niya ang hukbo. Libo-libong sundalo.
Umalingawngaw ang sigawan ng mga tao.
“MABUHAY ANG HARI!”
“TAGUMPAY ANG AURELIUS!”
May mga bulaklak ang ibinabato sa daan niya. Mga mamamayang lumuluha sa tuwa. Ang mga Maharlika pilit nakangiti.
Pero siya… walang tinitingnan sa kanila.
Hindi siya ngumiti ni kumaway. Ang mga mata niya lang ang gumagalaw, parang may hinahanap sa gitna ng karamihan.
At nang sa wakas ay umangat ang tingin niya sa balkonahe, nagtagpo ang mga mata namin.
Sa isang iglap, parang lumayo ang ingay ng buong paligid.
Kahit gaano katagal ang lumipas, ganoon pa rin ang pakiramdam kapag direkta siyang tumitingin sa akin.
Bumaba siya mula sa kabayo. Hindi man lang pinansin ang mga duke at ministro na sumasalubong sa kanya.
Diretso siyang naglakad papasok ng palasyo.
Papunta sa akin.
Hinayaan ko siyang lumapit hanggang sa huminto siya sa harap ko.
Gan’on pa rin kabigat ang presensya niya. Ngunit nang tumingin siya sa akin, unang beses kong nakita ang bitak sa kontrol niya.
“Hindi ka man lang sumalubong sa’kin.”
Pagod ang boses niya.
Ako naman ay bahagyang napalingon sa malayong siyudad.
“Bumalik kang buhay,” sabi ko nang hindi siya nililingon. “Sapat na ’yon.”
Matagal siyang hindi sumagot. Nang magsalita siya, mas mababa ang boses niya.
“Walong buwan.”
Napapikit ako.
“Araw-araw akong nagpadala ng sulat.”
Nanatili akong tahimik dahil totoo iyon.
Minsan dugo pa niya mismo ang nagsilbing pirma sa dulo. Ni isa roon ay hindi ko binuksan.
Narinig ko ang mabigat niyang paghinga.
“Kahit isang sagot wala akong natanggap.”
Marahan akong napalingon sa kanya.
“Ano ang gusto mong isagot ko?”
Sa unang pagkakataon, parang nawalan siya ng sasabihin.
At sa kakaibang dahilan, iyon ang pinakawasak na nakita ko sa kanya.
“Damien…”
Mahina niyang tawag. Bilang tugon, pormal at kontrolado akong umatras ng isang hakbang. Tulad ng lagi kong ginagawa ngayon.
“Naghihintay po ang konseho para sa inyong pagbabalik, Mahal na Hari.”
May kung anong dumilim sa mata niya. Hindi siya nagsalita. Dumaan lang siya sa tabi ko. Kasabay ng pagaspas ng kapa niya, muling bumalik ang lamig sa pagitan naming dalawa.
Ngunit sa loob ng palasyo, walang katahimikang nagtatagal.
Kinabukasan, muling umalingawngaw ang tensyon sa bulwagan ng konseho.
“Hindi na talaga ito maaaring ipagpaliban.” Umalingawngaw ang boses ng matandang Ministro.
Mula sa tabi ng trono ni Haring Leondre, pinagmamasdan ko ang mga maharlikang unti-unting nagpapakita ng pangil.
“Walang tagapagmana ang Aurelius,” dagdag ng isa pang Duke. “Kapag may nangyari sa hari, magkakaroon ng digmaan para sa korona.”
“Ang Ithaka at Kanlurang Greece ay nagsisimula nang pumili ng panig.”
Humigpit ang hawak ko sa manggas ng kasuotan ko.
Nanatili akong nakamasid. Dahil kahit gaano kataas ang posisyon ko sa palasyo… isa pa rin akong concubine.
“At dahil dito,” malamig na saad ni Duke Vesperus habang tumatayo, “nais kong ialok ang aking anak.”
Bahagya siyang yumuko.
“Si Lady Selene ng Vesperus.”
May mahinang bulungan sa buong konseho.
Sabay-sabay na napatingin ang lahat kay Haring Leondre. Hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya.
“Hindi.”
Isang malamig at diretsong salita.
Nanigas ang buong bulwagan.
“Mahal na Hari…”
“Sabi ko ayoko.”
Mas mapanganib ang boses niya ngayon.
“Ang haring walang tagapagmana,“muling sabi ng matandang Ministro, “ay isang kahariang naghihintay lang ng digmaang sibil.”
At kahit matapos ang konseho, hindi nawala ang bigat ng usaping iyon sa loob ng palasyo.
Gabing-gabi na nang bumukas ang pinto ng silid ko.
Nanatili akong nakahiga habang nakapikit.
Narinig ko ang mabibigat at pagod niyang hakbang. Hanggang sa huminto siya sa tabi ko.
Napakabigat ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pagkatapos… marahan kong naramdaman ang mga daliri niya sa buhok ko.
Hinaplos niya ang buhok ko.
Nanatili akong nakapikit. Nagpanggap na tulog. Dahil mas madali iyon kaysa harapin ang paraan ng wasak at desperadong pagtingin niya sa akin ngayon.
“Bakit hindi ko mapigilan ang pagbalik ko sa’yo?”
Halos bulong lang mula sa kaniya, pero sapat para may kumirot sa loob ko.
Hindi ako gumalaw. Sa gabing iyon… siya naman ang mukhang tahimik na nasaktan.
Kinabukasan, parang walang nangyari sa pagitan naming dalawa.
Tulad ng dati, nilamon muli ng politika ang buong palasyo.
Nawala ang bulungan nang ipahayag ang pagdating niya.
“Lady Selene ng Vesperus.”
Bumukas ang malaking pinto ng konseho.
Unti-unti siyang pumasok.
Mabagal ang bawat hakbang niya sa marmol. Nakalugay ang maitim at alon alon niyang buhok habang kumikislap ang pilak niyang kasuotan sa ilalim ng aranya.
Hindi ang ganda niya ang unang tumama sa akin. Ang paraan ng pagtingin niyang masyadong kalmado at matalino. Parang sa isang tingin pa lang, kaya na niyang makita ang mga bagay na pilit itinatago ng tao.
Nanatili akong nakatayo sa tabi ng trono ni Haring Leondre.
At gaya ng inaasahan, agad akong nakita ng mga mata niya.
Huminto siya.
Napakaliit na galaw, pero sapat para maramdaman ko. Nagtagpo ang mga mata namin sa gitna ng bulwagan.
At sa unang pagkakataon… may nakatingin sa akin na hindi takot o galit. Kundi interesado. Marahil, iyon ang unang pagkakamali naming dalawa.
Umangat ang sulok ng labi niya.
“Mahal na Concubine…” Mahina at malambot ang boses niya, ngunit may matalim na bagay na nakatago sa ilalim noon.
Walang nangahas magsalita.
Nakasunod sa amin ang mga tingin ng buong bulwagan. Naghihintay at nag-uusisa. Inaasahan marahil na magseselos ako o magagalit, ngunit wala na akong lakas para sa ganoong emosyon.
Yumuko ako bilang pagbati.
“Maligayang pagdating sa Aurelius, Lady Selene.”
Saglit siyang tumingin sa akin bago inilipat ang tingin kay Haring Leondre.
Nakita ko ang bahagyang pagbabago sa mga mata niya.
Hindi niya pinagmamasdan si Haring Leondre bilang babaeng namamangha sa isang hari. Para sa kanya, isa itong palaisipan.
Sa sandaling iyon… alam kong mapanganib siya.
At tila gusto rin niyang malaman kung gaano rin ako kapanganib para sa kanya.
Kaya pagsapit ng hapon, dumating ang imbitasyon niya para sa tsaa. Hindi ko tinanggihan. Dahil sa palasyong ito, ang pagtanggi ay isa ring klase ng digmaan.
Maulap ang langit.
Nakahilera ang mga malalago at makukulay na mga bulaklak sa hardin.
Sa gitna ng lahat, nakaupo si Lady Selene habang elegante niyang hawak ang tasa ng tsaa.
“Hindi ka takot sa akin.” Diretso kong sabi habang nakaupo sa tapat niya.
Ngumiti siya.
“Dapat ba?”
“Natatakot sa’kin ang karamihan dito sa palasyo.”
“Hindi.” Inilapag niya ang tasa nang hindi inaalis ang tingin sa’kin. “Ang kinatatakutan nila… ang kapangyarihang hawak mo sa hari.”
Hindi ako umiwas sa mga mata niya.
Matalino nga.
Hindi siya katulad ng ibang maharlikang babae na puro inggit lang ang laman ng utak.
Nakikita niya agad ang tunay na problema. Hindi ako. Kundi si Haring Leondre.
Saglit na nanatili ang katahimikan sa pagitan namin.
Hindi siya nagmamadaling magsalita. Hindi rin niya sinusubukang magpakitang-gilas. Para bang maingat niyang sinusukat ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko.
“May isang bagay akong gustong malaman,” mahinahon niyang sabi.
Hindi ako agad sumagot.
“Tungkol saan?”
Bahagya niyang ikiniling ang ulo.
“Sa’yo.”
Pinagmasdan ko siya.
“Marami akong narinig bago ako dumating sa Aurelius.”
“Sigurado akong ganoon nga.”
“Mga kuwento tungkol sa isang concubine na kayang bumali sa desisyong ng hari. Mga maharlikang pamilya na natatakot kalabanin siya. Isang lalaking mas mahalaga pa raw sa hari kaysa sa korona mismo.”
Hindi nagbago ang ekspresyon ko.
“At ano ang konklusyon mo?”
Sinuyod muna ng mga mata niya ang hardin bago bumalik sa akin.
“Na karamihan sa kanila ay nagsisinungaling.”
Natawa ako.
“Napakalaking tiwala naman niyan para sa unang pagkikita.”
“Hindi.” Umiling siya. “Napakalaking pagkadismaya.”
Kumunot ang noo ko.
“Akala ko makikilala ko ang pinakamapanganib na tao sa Aurelius.”
Huminto siya.
“Sa halip, ang nakita ko ay isang taong matagal nang sumuko sa sariling laban.”
Hindi ko agad namalayan na humigpit pala ang hawak ko sa tasa.
Siyempre napansin niya. Masyado siyang mapagmasid para hindi iyon makita.
“Hindi nagsasayang ng oras ang matalinong babae nang walang dahilan,” malamig kong sabi.
“Napakabilis mo naman.”
Sumandal siya sa upuan.
“Akala ko matagal pa bago mo ako ituring na kaaway.”
“Hindi kita kinamumuhian o kung ano man.”
“Mas masama iyon,” mahinahon niyang sagot. “Wala kang nararamdaman.”
Tama siya kaya wala akong gustong sabihin. Matagal ko nang natutunang ilibing ang lahat.
Habang tahimik ang hangin sa pagitan namin, may naramdaman akong presensya mula sa malayo.
Hindi ko kailangang lumingon para malaman kung sino.
Si Haring Leondre ay nasa kabilang dulo rin ng hardin, may kausap na mga heneral.
Ngunit… nakatingin siya rito.
Sa akin.
Hindi ko man siya direktang tinitingnan, ramdam ko. Palagi kong ramdam.
Halatang napansin din iyon ni Selene.
Iniikot niya ang kutsarita sa tasa bago nagsalita.
“Tinitingnan ka ng Kaniyang Kamahalan na parang gutom.”
Hinayaan kong lumipas ang ilang segundo.
Pagkatapos ay marahan kong ibinaba ang sarili kong tasa.
“Kung gano’n, problema na niya iyon.”
Tumaas ang isang kilay niya. Hindi niya inaasahan ang sagot ko.
“Matapang ka.”
“Hindi.”
Diretso kong sinalubong ang tingin niya.
“Pagod lang.”
Huminto siya. May kung anong lumambot sa mukha niya.
Isang uri ng pag-unawa. Parang nakita niya ang bagay na matagal ko nang itinatago sa lahat.
Iyon ang dahilan kung bakit hindi na naging tahimik ang araw na iyon matapos naming mag-usap.
Sa gabing iyon, puno ang bulwagan ng maharlika.
May musika at alak. Mababaw ang tawanan sa hapag. Isa na namang pagtitipon para ipakitang buhay ang Aurelius matapos ang digmaan.
Mula sa isang sulok, pinagmamasdan ko ang mga taong matagal nang naghihintay sa pagbagsak ko.
Nararamdaman ko ang mga tingin nila. Ang bulungan at panghuhusga.
“Siguro kung marunong siyang manganak, matagal nang may tagapagmana ang Aurelius.”
“Sayang naman ang pabor ng hari.”
Sumunod ang mahinang tawanan.
Dahan-dahan akong lumingon. Dalawang maharlikang babae. Nagtagpo ang mga mata namin. Agad silang namutla.
Nakakatawa.
Noon, marahil masasaktan ako.
Ngayon… Wala akong naramdaman.
“Tama kayo.”
Nanigas ang dalawa.
Ngumiti ako.
“Kung makalulutas ng problema ang panganganak, marahil kayo na sana ang namamahala sa kaharian.”
May ilang maharlikang napayuko upang itago ang reaksyon nila.
“Sa kasamaang-palad, mas komplikado ang politika kaysa sa sinapupunan.”
Bago pa ako makatalikod, tumahimik ang buong bulwagan.
Biglang bumigat ang buong silid.
Dahan-dahan akong lumingon.
Nakita ko si Haring Leondre. Nakatayo siya sa likod ng mga ito. Napakapayapa ng mukha niya pero nakakatakot.
“Ulitin mo.”
Agad namutla ang dalawa.
“M-Mahal na Hari…”
“Ano ang sinabi mo tungkol sa kanya?”
Walang sumagot. Nanginginig ang isa. Habang ang isa naman ay agad lumuhod.
“P-patawad po… kamahalan.”
“Hindi ko natatandaang binigyan ko kayo ng pahintulot magsalita tungkol sa concubine ng korona.”
Walang nangahas magsalita.
“Mula ngayong gabi,” malamig niyang sabi, “aalisin ang titulo ng pamilya ni Lady Corvina.”
Napasinghap ang lahat.
“Kamahalan!”
“At ang kapatid mo,” dagdag niya habang diretso ang tingin sa nanginginig na babae, “ipapadala sa hilagang hangganan bilang kabayaran sa insultong ito.”
“Mahal na Hari, pakiusap!”
Hindi nagbago ang kalmado ngunit matigas na mukha niya.
“At para wala nang makalimot…”
Inilibot niya ang tingin sa buong bulwagan.
“Kapag umabot sa kanya ang mga pangil ninyo…”
Huminto siya.
“Siguraduhin ninyong hindi ko malalaman.”
Ramdam kong nanginginig ang buong bulwagan sa takot.
Sa gilid ng paningin ko… nakita ko si Selene. Tahimik siya habang pinagmamasdan si Haring Leondre.
At pagkatapos… dahan-dahan siyang napangiti nang mapait. Para bang may tuluyan nang nakumpirma sa isip niya.
Kinagabihan, habang sinusuklayan ng alipin ni Lady Selene ang buhok niya sa loob ng silid, mariin siyang nakatingin sa salamin.
“Mahal na Lady…” maingat na tanong ng alipin. “Naniniwala po ba kayong magiging Reyna kayo ng Aurelius?”
Bahagyang natawa nang mahina si Selen, halos malungkot.
“Iniisip ng kaharian na kailangan ng Hari ng reyna.”
Dahan-dahan niyang hinubad ang hikaw niya.
Sa likod ng malamig niyang mga mata, may bakas ng interes.
“Ang tunay na problema…”
Huminto siya.
Dahan-dahang itinaas ang tingin sa sariling repleksyon.
“Hindi kailangan ng hari ng reyna.”
Walang umimik.
“Kailangan niya ng tagapagmana.”
Kumunot ang noo ng alipin. Ngunit si Selene ay napangiti nang bahagya. Isang malamig at matalinong ngiti. Dahil sa unang araw pa lang niya sa Aurelius, may isang bagay na agad niyang naunawaan.
Hindi siya dinala rito upang mahalin ng hari.
Dinala siya rito dahil may mga taong handang gawin ang kahit ano… Para mawala ang lalaking nakaupo sa trono sa tabi nito.
At sa palasyong ito, ang pinakamapanganib na tao ay hindi ang hari.
Kundi ang taong pinakamahal niya.
Ang concubine.
CHAPTER 30
Author’s Note: VOTE po muna bago scroll, ha? Motivate me po through your support. Labyu!
Masyadong tahimik ang konseho. Halos walang makahinga habang nakatingin kay Haring Leondre sa trono ng Aurelius.
Sa harap niya, nakalatag ang pergamino. Ang atas ng pakikipagkasundo at ng kasalan na magtatali sa kanya kay Lady Selene ng Vesperus.
Nakatayo ako sa kanan ng trono niya. Tuwid ang likod at walang emosyon ang mukha. Sanay na akong tumayo sa tabi niya habang unti-unti niyang sinisira ang lahat ng humihinga sa paligid niya.
“Ang kaharian ng Aurelius,” malakas na pahayag ng matandang Ministro, “ay pormal nang mag-aanunsyo ng pakikipag-isang dibdib ng Mahal na Haring Leondre at ni Lady Selene ng Vesperus.”
Walang pumalakpak agad. Naghintayan muna. Tinitingnan ang hari habang pinakikiramdaman kung sasabog ba siya. Dahil alam ng lahat… kahit noon pa, ayaw niya ito. Kitang-kita rin ngayon sa paraan ng napakahigpit na pagkakahawak niya sa pluma.
Matagal na nakapako ang tingin niya sa atas bago dahan-dahang umangat ang mga mata niya papunta sa akin.
May kung anong hinihingi ang mga mata niya. Para bang hinihintay niyang pigilan ko siya. Na may maramdaman ako. Ngunit wala.
Ibinaba ko ang tingin ko.
At iyon yata ang tuluyang pumatay sa natitirang pag-asa sa loob niya.
Mariin niyang pinirmahan ang atas. Halos mapunit ang pergamino sa diin ng pluma.
Sandaling natigil ang buong bulwagan. Para bang may naghihintay na umatras siya sa huling sandali. Ngunit walang dumating. Sa araw na iyon, tuluyan nang nagkaroon ng reyna ang Aurelius.
May ilang maharlikang agad na napakabilis na nagpalitan ng tingin. Halos hindi mapansin ngunit nakita ko. May kung anong malamig na gumapang sa batok ko. Dahil hindi lahat ng ngiti sa bulwagang iyon ay para sa hari. Ang iba ay para sa araw na wala na siya.
Sa wakas, nakuha na nila ang gusto nila. Isang reyna na magbibigay sa Aurelius ng tagapagmana at katiyakan. Isang kinabukasang hindi na umiikot sa akin.
At habang pinagmamasdan ko ang mga mukha sa loob ng konseho, naisip ko kung gaano sila kasigasig na iligtas ang Aurelius.
Kahit kailangan muna nila akong burahin.
“Simula bukas,” pagpapatuloy ng ministro, “magsisimula na ang paghahanda para sa pormal na kasunduan ng Vesperus at ng mahal na Haring Leondre.”
Hindi ko na pinakinggan ang kasunod.
At siguro, iyon din ang dahilan kung bakit gabing-gabi na nang bumukas ang pinto ng silid ko. Ramdam ko agad na hindi katahimikan ang dala niya.
Hindi ko siya nilingon. Nakatayo lang ako sa tabi ng bintana habang pinagmamasdan ang madilim na lungsod ng Aurelius sa ibaba.
Narinig ko ang pagsara ng pinto. Pagkatapos sumunod ang nakakasakal na katahimikan.
“Wala ka bang sasabihin, Damien?”
Bawat salita niya ay bumabaon.
Dahan-dahan akong humarap sa kanya.
Nakatayo siya sa gitna ng silid, nakasuot pa rin ng itim na kasuotan niya mula sa konseho. Bahagyang magulo ang buhok.
Sa sandaling iyon, mukha siyang pagod. Ngunit hindi sapat ang pagod para mabura ang dugo sa alaala ko.
“Binabati kita, Mahal na Hari.”
Para bang may bumagsak sa pagitan naming dalawa. May kung anong bumigay sa mukha niya. Nakita ko iyon sa marahang paggalaw ng panga niya.
“’Yan lang?” Halos hindi lumabas na tanong niya.
Ano pa ba ang gusto niyang sabihin ko? Na nasasaktan ako at pigilan siya? Hindi mangyayari yon matapos ang ginawa niya sa arena.
“Kailangan ito ng kaharian,” diretso kong sagot. “Magkakaroon na ng tagapagmana ang Aurelius. Matatahimik na ang konseho.”
Natawa siya. Pagkatapos ay napailing nang dahan-dahan.
“Akala mo ba hindi ko alam iyon? Kailangan kong magkaroon ng lehitimong tagapagmana.”
Bawat kataga ay may kasamang pagkapunit.
“Hindi dahil gusto ko. Hindi dahil kaya akong diktahan ng konseho.”
Unti-unti siyang lumapit.
“At lalong hindi dahil mahal ko si Selene.”
Saglit siyang natawa nang mapait. “Sa tingin mo ba may natitira pa akong pagmamahal na maibibigay sa iba? Naubos mo na lahat, Damien.”
Huminto siya sa harap ko.
Napakalapit niya.
“Kapag namatay akong walang legal na tagapagmana…” mababa niyang dagdag, “…magkakagiyera ang buong kaharian. Mag-aagawan sa trono ang mga maharlika. Magpapatayan ang mga duke.”
Sandaling tumigas ang ekspresyon niya.
“At alam mo kung sino ang unang papatayin nila?”
Hindi ko kailangang sumagot.
“Gagawin ka nilang simbolo ng pagkasira ng Aurelius.”
Saglit akong natawa.
Kung may isang bagay mang mahusay gawin ang konseho, iyon ay ang paghahanap ng taong masisisi.
Mas bumaba ang boses niya ngayon.
“Isisisi nila sa’yo kung bakit wala akong naging tagapagmana.”
Hindi ako gumalaw.
Nakakainis mang aminin, wala akong maisagot.
Habang buhay si Haring Leondre, walang mangangahas dumampi sa akin. Pero kapag nawala siya? Wala nang matitira para pigilan ang buong kaharian na wasakin ako.
“Kaya kailangan kong pakasalan si Selene,” pagod na pag-amin niya.
“Kailangan ko ng reyna. Kailangan ko ng lehitimong tagapagmana. Para kapag wala na ako…”
Naputol siya sandali.
“…may matitira pa ring batas na magpoprotekta sa’yo.”
May poot na kumirot sa dibdib ko. Kahit ngayon, sa paraan pa rin niya ako sinusubukang angkinin at ikadena.
“Bakit…”
Basag ang boses niya.
Doon ko napansing hawak na niya nang mahigpit ang pulsuhan ko.
“Bakit parang gumaan ang loob mo, Damien?”
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakakapit sa akin.
Hindi ko siya itinulak.
Ngunit hindi ko rin siya hinawakan pabalik.
“Dahil,” mahina kong sagot, “sa wakas nakuha na ng kaharian ang gusto nito.”
Humigpit lalo ang hawak niya.
Ngunit ipinagpatuloy ko pa rin.
“At sa wakas…” huminga ako nang mabagal, “…magiging sapat na iyon para tumigil silang tingnan ako bilang salot ng kaharian.”
Biglang nagbago ang mukha niya. Doon niya marahil tuluyang naunawaan. Hindi ko siya gustong pigilan.
Unti-unti niyang binitawan ang kamay ko.
“Bakit…”
Huminto siya. Hirap huminga.
“…pakiramdam ko mawawala ka rin…”
Napapikit siya.
“…kahit nasa tabi pa rin kita?”
Pagkatapos ay tumalikod siya nang walang paalam.
Nang tuluyan siyang lumabas ng silid… doon lang ako napapikit.
At habang unti-unting nilalamon ng katahimikan ang silid, isang tao lang ang pumasok sa isip ko.
Si Lady Selene.
Habang magkatabi kami kanina, may ilang maharlikang agad lumapit upang makuha ang atensyon niya. Wala siyang tinanggihan. Wala ring pinaboran. Ngunit pagkalipas lang ng ilang minuto, napansin kong lahat sila ay nakangiti habang siya lang ang nakakuha ng gusto niya.
Doon ko naalala kung bakit mapanganib ang mga taong tulad niya.
Mula nang mapirmahan ang kasunduan, tila mas naging magaan ang mga hakbang ng mga maharlika sa loob ng konseho.
Punong-puno ng maharlika ang silid. Ramdam ko ang pananabik nila. Ang pananampalataya nilang ngayong may reyna na ang Aurelius… tuluyan na akong aalisin sa tabi ng hari.
Nakakatawa lang. Habang abala silang isipin kung paano ako aalisin, matagal ko nang hinihiling ang parehong bagay.
Kaya nang marinig ko ang boses ni Lady Selene mula sa kabilang bahagi ng bulwagan, alam kong wala rin akong pagpipilian kundi ang lumapit.
“Damien.”
Lumingon ang buong konseho.
At sa loob ng isang iglap, bumigat ang hangin.
Nakatayo siya sa gitna ng bulwagan suot ang gintong kasuotan na sumasayad sa sahig. Walang bahid ng kaba sa mukha niya. Elegante ang ngiti niya, pero walang init.
“Halika rito.”
Alanganin akong naglakad palapit. Nararamdaman ko ang mga matang nakasunod sa bawat hakbang ko. Nang makarating ako sa tabi niya, may bahagya siyang itinuro. Ang upuan sa kanan niya. Katabi niya.
Halos marinig ko ang pagpigil ng hininga ng mga maharlika. Dahil hindi iyon normal. Hindi dapat ako naroon. Ngunit si Lady Selene mismo ang nag-anyaya.
“Umupo ka.” Mahina ang boses niya. Ngunit walang makakatanggi roon.
Dahan-dahan akong umupo. At kasabay noon, mas lalo kong naramdaman ang tensyon sa paligid. Para bang gusto akong sunugin ng tingin ng buong konseho. Ngunit si Lady Selene… hindi man lang natinag.
May iniabot siyang bagay sa akin. Isang makapal na aklat na nakabalot sa maitim na seda.
Hindi ko agad iyon kinuha.
“Mula sa silangang imperyo ng mga Roman,” sabi niya.
Bahagya siyang yumuko at inilapag ang aklat sa mesa sa pagitan namin.
“Kasaysayan ng mga digmaang sibil.”
Kumunot ang noo ko.
Noon ko lang naisip mula nang makilala ko siya, parang may bahagyang saya sa mga mata niya.
“Naisip kong magugustuhan mo.”
“At bakit naman?”
Marahan niyang iniikot ang singsing sa daliri niya.
“Dahil karamihan sa mga digmaan ay hindi nagsisimula sa mga kaaway.”
Huminto siya.
“Kundi sa mga taong nagmamahalan.”
Biglang tumahimik ang paligid. Hindi ko alam kung sinadya niya iyon o hindi. Ngunit nang tingnan ko siya, alam kong wala siyang sinasabing walang dahilan.
Mas mabigat ang tensyon kinahapunan. Lalo na sa loob ng bulwagan ng konseho.
Tahimik akong nakatayo sa dati kong pwesto habang nagpapatuloy ang pagpupulong tungkol sa mga buwis sa hilagang lalawigan.
Nagsasalita nang napakahaba ang ministro. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa rin ang presensya ko rito gayong wala naman akong ambag sa mga usapin ng kaharian.
Ngunit wala ni isa sa mga maharlika ang tunay na nakikinig. Dahil sa tuwing magsasalita ang ministro, iisang bagay lang ang palihim nilang sinusukat. Kung gaano katagal kayang magpanggap ng hari. At kung gaano katagal bago muli mapadpad ang tingin nito sa akin.
Naririnig ko ang mga mahinang bulungan. Pero sapat para makarating sa akin.
“Mas tinitingnan pa niya ang concubine kaysa reyna.”
“Nakakahiya…”
“Hindi ba siya marunong magpigil?”
“Nakakababa ng dangal ng korona.”
Humigpit ang hawak ko sa manggas ng kasuotan ko.
Hindi ako tumingin kay Haring Leondre. Dahil alam kong kapag nagtagpo ang mga mata namin… lalo lang lalala.
Sa gilid ng paningin ko, nakita kong walang imik na pinagmamasdan iyon ni Lady Selene.
At sa kabila ng lahat ng pagtatangka nilang itago iyon, wala nang natitirang lihim sa pagitan ng hari at ng konseho.
Umuulan nang gabing iyon. Di naman ganun kalakasan, ngunit sapat para balutin ng malamig na tunog ang buong palasyo.
Naglalakad ako sa pasilyo nang pigilan ako ng isang alipin ni Lady Selene.
“Pinapatawag po kayo ng mahal na Lady.”
Hindi ako nagtanong o tumanggi.
Makalipas ang ilang minuto, bumungad sa akin ang greenhouse ng palasyo.
Mainit sa loob dahil sa mga ilawan. Amoy rosas at sari-saring bulaklak ang buong greenhouse.
Nakatayo si Lady Selene sa gitna ng mga halaman habang marahan niyang pinuputol ang tuyong bahagi ng isang puting rosas.
Hindi siya lumingon kahit tumikhim ako.
“Isara mo ang pinto.”
Ginawa ko.
Sa sandaling kaming dalawa na lang ang natira sa loob… mas lalong dumidiin ang katahimikan sa pagitan namin.
“Alam mo ba kung ano ang ginagawa ng malulupit na tao?” Mahinang tanong niya.
Nanatili akong nakatayo.
“Hindi ko alam kung ano ang ibig ninyong sabihin, mahal na Lady.”
Bahagya siyang ngumiti.
“Nagmamahal sila nang walang awa.”
Huminto ang kamay niya. Pagkatapos ay hinawakan niya ang rosas. Hindi niya iniwasan ang tinik. Hinayaan niyang dumikit iyon sa balat niya.
“Bago pa ako dumating dito, marami na akong alam. Alam ko rin na kayang sunugin ng hari ang buong kaharian para sa’yo,” mahina niyang sabi.
“At ang nakakatakot…” Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. “…matutulog siyang payapa pagkatapos.”
Nanigas ako.
Sa isang iglap, bumalik lahat.
Ang arena.
Sigawan ng mga tao.
Amoy ng dugo.
Si Fergus na nakaluhod habang dumadaloy ang dugo sa katawan niya.
At si Haring Leondre, nakaupo sa trono habang ipinapahayag ang kamatayan ng taong pinakamamahal ko.
“Ang pagmamahal ng hari ay kulungan pa rin, kahit ginto ang mga rehas.”
Hindi siya agad sumagot. Para bang tinitimbang niya kung gaano kabigat ang mga salitang iyon.
“Nakakatawa.”
Bahagya siyang napangiti.
“Dahil karamihan sa mga babae sa kahariang ito ay papatay para mapunta sa kulungang iyon.”
Marahan niyang binitawan ang rosas.
“Kung gayon,” mahina niyang sabi, “baka ikaw ang unang taong nakilala kong mas natatakot mahalin kaysa mamatay.”
Hindi ako nakasagot. Dahil ngayon ko lang napansin, may isang taong tumingin kay Haring Leondre at nakita ang parehong halimaw na matagal ko nang kilala.
Sa labas ng greenhouse, tanaw ko ang mga sundalo ng hari. Palagi silang naroon at nagbabantay sa’kin.
Tahimik siyang tumingin sa akin.
“Ngunit hindi ikaw ang kinakatakutan ko.”
Kumunot ang noo ko. Marahan niyang hinaplos ang tangkay ng rosas.
“Ang kinakatakutan ko ay kung ano ang gagawin ng hari kapag tuluyan ka nang mawala sa palasyo.”
Hindi ako agad nakasagot.
Dahil sa unang pagkakataon, hindi ko naisip kung ano ang gagawin ni Haring Leondre sa akin.
Kundi kung ano ang kaya niyang gawin sa buong kaharian.
Nang matapos ang hapunan, ako ang unang tumayo. Ngunit bago ako makalayo, napadako ang tingin ko kay Lady Selene.
Hindi siya nakatingin sa akin.
Tahimik at mapanuri siyang nakatingin sa hari.
Para bang may isang palaisipang ngayon lang niya nabuo ang sagot.
At sa wakas, nabasag ang perpektong kontrol sa mukha niya.
Ngunit habang nagtatagpo ang mga mata nila ni Haring Leondre sa kabilang dulo ng mesa, may pakiramdam akong may natuklasan siya.
Isang bagay na matagal nang alam ng buong palasyo.
Na may isang tao sa kahariang ito na mas mahal ng hari kaysa mismong korona.
At hindi iyon ang babaeng pakakasalan niya.
CHAPTER 31
Warning! Explicit content below. Read at your own risk!
Author’s Note: Wag kalimutang mag-Vote bago mag-scroll down, ha? Motivate me po, through clicking that VOTE.
Mula sa pinakamataas na tore ng palasyo hanggang sa pinakamalayong lansangan ng kabisera, para bang isang napakalaking pagdiriwang ang nilikha para sambahin ang bagong reyna ng kaharian.
Kahit saan ako titingin, may mga puting rosas, gintong bandila at mahahabang telang seda na sumasayaw sa hangin.
Pumailanlang ang musika ng orkestra habang umaawit ang koro mula sa matatayog na balkonahe ng Templo ni Apollo.
Sa ibaba, nagsasayawan ang mga tao habang nagtatawanan naman ang mga maharlika sa pagitan ng mga baso ng alak. Para sa kanila, nagsisimula na ang ginintuang panahon ng Aurelius.
Habang naglalakad ako sa gitna ng marangyang palasyo… pakiramdam ko ako lang ang nakakaamoy ng bangkay sa ilalim ng pabango at bulaklak.
Hindi ko maintindihan kung paano nila nagagawang tumawa sa loob ng palasyong ito.
Sunod-sunod na yumuko ang mga taong nadadaanan ko. Ang iba… takot. At ang iba, halos hindi maitago ang galit.
Ramdam ko ang mga matang sumusunod sa bawat hakbang ko habang dumadaan ako sa mahabang pasilyong puno ng mapusyaw na bulaklak.
“Siya iyon. Ang concubine ng hari.”
“Hanggang ngayon nasa tabi pa rin siya…”
Hinayaan kong magpatuloy ang mga hakbang ko nang walang sagot. Matagal ko nang natutunang lunukin iyon. Sa loob ng dalawang taon, natutunan kong mabuhay habang unti-unting kinakain ng tingin ng buong kaharian.
“Aray!”
Napaatras agad ang batang alipin nang aksidente akong natusok ng karayom sa daliri.
Namutla siya.
“M-Mahal na Concubine, patawad po! Hindi ko po sinasadya-”
Tiningnan ko ang maliit na patak ng dugo sa daliri ko bago marahan iyong pinunasan.
“Ayos lang.”
Huminto ang buong silid. Nagkatinginan ang mga alipin. Hindi sila sanay marinig akong magsalita nang ganoon kalambot. Madalas, wala silang makuhang kahit anong reaksyon mula sa’kin. Ngunit ngayong araw… napagod na akong maging matigas.
Muli nilang inayos ang kasuotan ko. Isang puting tela. Mabigat na gintong sinturon. Mga alahas na sumisimbolo sa posisyon ko bilang opisyal na concubine ng hari.
Nang matapos sila, isa-isang yumuko ang mga alipin bago lumabas ng silid.
Nang sumara ang pinto… narinig ko ang bulungan mula sa labas.
“Kapal ng mukha niyang dumalo. Tingnan natin hanggang kailan siya tatagal ngayong may reyna na.”
Bumaba ang tingin ko sa sahig. Wala na akong lakas para ipagtanggol ang sarili ko. At marahil… wala na rin akong pakialam.
Napakalaki ng bulwagan ng seremonya. Mas maliwanag kaysa dati. Punong-puno ng gintong kandila na kumikislap sa ilalim ng liwanag mula sa malalaking aranya.
Umaalingawngaw ang malambot na musika.
Nakatayo ako sa pinakadulo ng bulwagan habang isa-isang pumapasok ang mga maharlika.
At nang bumukas ang malaking pinto, tumahimik ang buong kaharian.
Dumating si Lady Selene.
Napakaganda niya.
Ang puting damit niya, parang gawa sa liwanag habang dahan-dahan siyang naglalakad sa gitna ng bulwagan.
Halos sambahin siya ng mga tao.
Matapos ang napakahabang panahon… mukhang may tunay nang reyna ang Aurelius.
Pagkatapos sunod na dumating si Haring Leondre.
Nakatayo ang buong bulwagan nang pumasok siya.
Nakabihis siya ng itim at gintong kasuotan ng hari. Ngunit kahit gaano siya kaganda tingnan… mukha siyang wasak. Halata sa mga mata niyang kulang sa tulog.
Habang naglalakad siya papunta sa altar, may batang babae na dugong bughaw na lumapit at nag-abot ng puting rosas.
Sandaling lumambot ang mukha niya. Sumilay sa kaniya ang isang napakaliit na ngiti. Napansin iyon ni Lady Selene. Ngunit nang mapadaan ang tingin ni Haring Leondre sa likod ng bulwagan… at makita ako, agad iyong nawala.
Natigilan siya. May kung anong humila sa kanya pabalik sa reyalidad. Mabilis niyang inayos ang ekspresyon bago muling humarap sa altar.
“Sa harap ng mga diyos ng Aurelius, pinag-iisa ngayon ang dalawang dugong isinilang upang mamuno.”
Habang binibigkas ng mataas na tagapaglingkod ng templo ang sumpa ng kasal… hindi siya nagsasalita.
“Mahal na Hari?”
Bahagyang umalingawngaw ang boses ng tagapaglingkod. Saka lang tila nagising si Haring Leondre. Napansin iyon ni Lady Selene.
Sa sandaling iyon… tuluyan marahil niyang naunawaan. Hindi siya tanga. Kahit gaano kaganda ang ngiti niya para sa mga maharlika, nakita ko ang bahagyang paninigas ng panga niya. Isang kisapmata at maliit na lamat sa perpektong maskara ng bagong reyna.
Sinundan niya ang direksyon ng tingin ng hari.
At natagpuan niya ako.
Nagtagpo ang mga mata namin sa kabilang dulo ng bulwagan.
Hindi galit ang nakita ko roon kundi pag-unawa. Parang may isang piraso ng palaisipan na tuluyan nang nabuo sa isip niya.
Hindi siya umiwas, pero hindi rin siya ngumiti. Tahimik niya lang akong pinagmasdan bago marahan niyang itinaas ang baba niya at muling humarap sa altar.
Pero sa sandaling iyon, alam kong may nagbago. Dahil ngayon… alam na ng reyna kung sino ang tunay na multong nakaupo sa pagitan nila ng hari.
Mula sa pinakadulo ng bulwagan, nanatili lang akong nakatayo habang pinag-iisa sila ng buong kaharian. Ang pagpalit ng singsing. Pati ang sigawan ng buong Aurelius nang ideklara silang hari at reyna.
Mas maingay ang imperyal na bulwagan kinagabihan. Marami ang alak at tawanan. Mas marami rin ang musikang pilit pinupuno ang katahimikan ng palasyo.
Nagsasayawan ang mga maharlika habang pinagmamasdan ang bagong hari at reyna ng Aurelius. Ngunit kahit nakaupo si Lady Selene sa tabi ni Haring Leondre… siya lang ang marunong ngumiti para sa publiko.
Bihira magsalita ang hari. At paminsan-minsan, gumagala ang mga mata niya sa buong bulwagan.
Hinahanap ako.
At sa bawat pagkakataong lumilihis ang tingin ng hari papunta sa’kin, mas lalong nagiging tahimik ang reyna.
Hindi siya gumawa ng eksena ni nagpakita ng selos. Iyon marahil ang dahilan kung bakit lalo akong kinabahan. Dahil ang mga taong marunong ngumiti habang nasasaktan… sila ang kadalasang pinakamapanganib.
Napapansin iyon ng mga maharlika. Mas lalo lang lumalala ang bulungan.
“Nakakahiya at nakakainsulto para sa reyna.”
“Hindi ba siya marunong magpigil?”
Samantalang ako… nakatayo lang sa isang sulok ng bulwagan. Gusto kong hubarin ang sarili kong balat at mawala na lang dito.
Gabing-gabi na nang tuluyan akong bumalik sa silid ko.
Isang kandila lang ang nagbibigay ng ilaw sa buong kwarto habang naririnig ang mahinang ulan sa labas. Pagod akong naupo sa gilid ng kama.
Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Hindi na ako nagulat. Pumasok si Haring Leondre. Suot pa rin niya ang kasuotang pangkasal, pero wala na ang korona.
“Bakit nandito ka, mahal na hari? Hindi ba’t dapat nasa silid ka ngayon kasama ng Mahal na Reyna?”
Mahabang katahimikan. Naupo siya nang tila pasan ang buong gabi sa upuan malapit sa bintana.
Hindi siya agad tumitingin sa akin.
“Buong araw…” mahina niyang sabi. “…lahat may hinihingi sa’kin.”
Parang may dumadagan sa dibdib niya sa bawat paghinga.
“Ikaw lang ang hindi.”
Walang nagsalita sa amin habang malamig na hangin ang pumapasok mula sa bahagyang bukas na bintana.
“Kapag kasama kita…”
Huminto siya sandali. Hindi pa rin nakatingin sa akin. “…hindi ko nararamdamang hari ako.”
Kumapal ang katahimikan pagkatapos noon.
Sa wakas, tumingin ako sa kanya.
“Pero hari pa rin kayo.”
Naputol ang hininga niya.
Tumingin siya diretso sa akin.
“At ako…” bulong ko, “…bilanggo mo pa rin.”
Tanging pagaspas ng kurtina ang sumasabay sa katahimikan namin.
Hindi niya inaalis ang tingin niya sa’kin. Ang parehong matang nanood habang naliligo sa dugo si Fergus sa arena.
“Bilanggo,” ulit niya, may pait sa bawat pantig ng boses niya.
Bahagya siyang yumuko, ipinatong ang mga siko sa tuhod habang magkasalikop ang mga kamay.
Tinatamaan ng ilaw ng kandila ang mukha niya, na naghati sa mukha niya sa liwanag at dilim.
“Araw-araw mo ’yang ipinapaalala sa’kin, Damien. Tuwing tumatalikod ka. Tuwing hinahayaan mo lang akong galawin ka nang walang kahit anong reaksyon.”
Wala akong sinabi.
Ang ulan na ang sumagot para sa’kin.
Mabagal siyang tumayo, parang nakadagan sa katawan niya ang buong bigat ng araw na iyon. Lumakad siya papunta sa bintana. Marahan niyang sinundan ang landas ng isang patak ng ulan sa malamig na salamin.
“Ngayong gabi, pinakasalan ko ang babaeng hindi ko mahal.” Mahina pero magaspang ang boses niya. “Ngumiti ako. Uminom. Isinuot ko ang korona sa ulo niya.” Huminga siya nang mabigat. “Pero ang nasa isip ko lang… ikaw.”
Humigpit ang dibdib ko.
“At yung tingin mo sa’kin noong hahayaan ko nang mamatay si Fergus sa arena.”
Napahawak ako sa gilid ng kama. Namuti ang mga daliri ko sa higpit.
Saka niya ako hinarap. Unang beses, may nakita akong tila pagsisisi sa mga mata niya. O baka pagod lang.
“Pwede ko siyang patayin noon,” mahina niyang sabi. “Pero nagmakaawa ka… at ako…”
Huminto siya. Humigpit ang panga.
“Hindi ko kinayang makita kang masaktan.”
Nabitin ang magulo at imposibleng takasan na katotohanan sa pagitan naming dalawa.
Iniligtas niya si Fergus. At ako ang kapalit. Dalawang taon akong nagbabayad doon.
Dalawang taon ng mapait na kasunduan. Ng mga kamay niya sa balat ko. Ng galit na ayaw mamatay sa loob ko.
Isang hakbang ang inilapit niya. Tapos isa pa.
Hindi ako gumalaw.
“Damien…” parang pakiusap ang pangalan ko sa labi niya. “Hindi ko alam kung paano maging iba bukod sa pagiging hari. Hindi ko alam kung paano humingi. Ang alam ko lang… ay kumuha.”
Marahang umangat ang kamay niya papunta sa mukha ko, pero nag-alinlangan siya. Nakabitin lang ang mga daliri niya malapit sa pisngi ko.
“Pero ngayon…” halos pabulong niyang sabi, “…ayokong kumuha.”
Saglit na nawala ang paghinga ko.
Tumingin ako sa kamay niya. Sa palad na minsang humawak ng espada laban sa leeg ni Fergus.
“Kung gano’n…” mahina kong tanong, “…ano ang gusto mo?”
Lumunok siya.
“Gusto kong tingnan mo ’ko,” basag ang boses niya, “at makita mo ang isang tao. Hindi ang bumihag sayo. Hindi hari. Kundi… isang taong nalulunod.”
Umalingawngaw ang mahinang kulog sa malayo habang sumayaw ang apoy ng kandila.
At dahan-dahan… itinaas ko ang tingin ko sa kanya.
Madilim ang mga mata niya. Wala nang natitirang pagtatago. Nakita ko ang lalaking nagligtas kay Fergus. Nakita ko rin ang lalaking umangkin sa’kin. Higit sa lahat, nakita ko ang isang haring hindi kailanman natutong magmahal at tanging manakop lang.
Sa gitna ng lahat… nakita ko rin ang sarili ko.
Bilanggo pa rin.
Pero marahil… hindi na ako ganap na nakakulong.
Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko hanggang sa marahang dumampi ang mga daliri ko sa kanya. Tumigil ang hininga niya.
“Mahal na Hari,” halos bulong ko lang, “sabihin mo sa’kin… ano ang pakiramdam ng malunod?”
Parang may kung anong tuluyang nabasag sa kanya.
Lumuhod siya sa harap ko. Isang hari ang nakaluhod sa harap ko.
Sa loob ng silid, mabigat at hindi pantay na paghinga lang naming dalawa ang maririnig.
Tumingala siya sa’kin. Ang haring sumakop ng mga kaharian, nag-utos ng kamatayan, at ginawa akong concubine ng kaharian. Ngayon, wala ang maskara niya.
Dahan-dahan kong hinawakan ang panga niya. Magaspang ang balat niya dahil sa mumunting balbas, isang bagay na matagal kong piniling hindi pansinin.
Napapikit siya.
At marahan siyang sumandal sa haplos ko na parang isang taong matagal nang pinagkaitan ng init.
“Sabihin mo sa’kin,” paos kong bulong, “paano nalunod ang isang hari?”
Nanginginig ang paghinga niya.
Bahagya niyang iniling ang ulo bago idinikit ang labi niya sa palad ko. Isang mahina at desperadong halik.
“Ganito,” bulong niya laban sa balat ko. “Araw-araw akong napapalibutan ng mga taong may kailangan sa’kin. Natatakot sa’kin. Gusto ang kapangyarihan ko.” Pumikit siya. “Pero walang nakakakita sa’kin. Walang humahawak sa’kin na parang may laman at dugo rin ako.”
Mainit ang hininga niya sa balat ko.
“At ikaw, Damien.”
Tumingala siya sa’kin mula sa ilalim ng mga pilikmata niya.
“Tuwing pumupunta ako rito… ikaw lang ang totoo.” Mahina siyang natawa, pero walang saya roon. “Kahit galit mo totoo. Ramdam ko. At mas gugustuhin ko iyon kaysa sa pekeng pagsamba ng buong kaharian.”
Hinila niya nang marahan ang kamay ko papunta sa dibdib niya.
“Gusto kitang maramdaman,” mahina niyang sabi. “Hindi bilang hari at concubine.” Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. “Kundi bilang isang taong humahawak sa kapwa niya tao.”
Natahimik ako.
Dahil sa loob ng dalawang taon… ginalaw niya ako, inangkin, at ginamit. Pero hindi niya ako kailanman tinanong ng pahintulot.
Marahan akong lumuhod sa harap niya. Magkalapit na kami ngayon. Magkahalo ang paghinga namin sa maliit na espasyo sa pagitan naming dalawa.
“Paano?” mahina kong tanong.
Nanginginig ang mga daliri niyang tinanggal ang pagkakasara ng kasuotan niya. Dumulas pababa ang tela, inilantad ang dibdib niyang puno ng mga peklat ng digmaan.
Maraming beses ko nang nakita ang katawan niya. Pero hindi ganito. Ngayong gabi, hindi siya kumukuha. Iniaalay niya ang sarili niya.
“Hawakan mo ’ko,” halos hindi na lumabas ang boses niya. “Kahit saan.” Napapikit siya. “Gusto kong maramdaman kung paano mahalin… kahit saglit lang.”
Nag-alinlangan ako.
Sa loob ng dalawang taon, maraming gabi ang ginugol ko sa pagnanais na makita siyang bumagsak.
Pinangarap kong may dumating na hukbo para ibagsak ang kahariang ito. Na may isang diyos na maawa at sirain ang mga pader na bumihag sa’kin.
Pinangarap kong makita siyang lumuhod.
At ngayon, narito siya. Hindi bilang hari. Hindi bilang mananakop kundi bilang isang lalaking wasak.
Dapat masaya ako dahil sapat na iyon. Pero habang nakatingin ako sa kanya, wala akong maramdaman na tagumpay.
Tanging pagod. Pagod na galit. Pagod na lungkot. Pagod na puso na matagal nang walang ibang ginawa kundi mabuhay araw-araw.
Sumagi sa isip ko ang ngiti ni Fergus. Ang pangakong binitiwan naming dalawa bago magbago ang lahat.
Humigpit ang dibdib ko.
Parang pagtataksil kahit isipin ko pa lang ang susunod kong gagawin. Pero gaano katagal ba kayang mabuhay ng tao sa galit lang?
Hindi ko alam ang sagot. Marahil… iyon ang pinakanakakatakot.
Matagal akong nakatingin sa kanya.
Sa lalaking minsang kinamuhian ko nang buong pagkatao.
Pagkatapos lang noon ko itinaas ang kamay ko.
Dahan-dahan kong idinampi ang palad ko sa dibdib ni Haring Leondre.
Mainit ang balat niya. Mabilis at magulo ang tibok ng puso niya sa ilalim ng kamay ko.
Doon ko naintindihan.
Ang hari ng Aurelius… takot na takot ding maiwan mag-isa.
Tumitig ako sa kanya.
Lumapit siya nang dahan-dahan hanggang halos isang hininga na lang ang pagitan naming dalawa.
Naghintay siya at hindi ako umurong.
Nagtagpo nang marahan ang mga labi namin. Bagamat may pag-aalangan sa una, pero maya-maya dumulas ang dila niya laban sa akin.
Nalasahan ko ang alak at pinipigilan niyang pananabik.
Hinalikan niya ako na para bang matagal nang nagugutom, pero pinipigilan niya ang sarili niya. Maingat at mabagal ang ritmo, ninamnam ang bawat segundo.
Dahan-dahang gumalaw ang mga kamay niya. Isa-isang tinanggal ng mga daliri ang tali ng roba ko.
Dumulas ang tela mula sa mga balikat ko hanggang bumagsak sa bewang ko. Kumagat ang malamig na hangin sa balat ko, pero apoy ang bibig niya.
Hinalikan niya ang leeg ko, pababa sa dibdib ko. Bawat dampi ng labi niya parang tanong, at pakiusap, nag-iiwan ng basang bakas na nagpanginig sa ari ko.
“Gusto kitang pasayahin, Damien. Kahit saglit lang, gusto kong makita kang hindi namumuhi sa’kin,” bulong ni Haring Leondre laban sa balat ko. Basag ang boses niya sa pagnanasa. “Sabihin mo sa’kin kung anong gusto mo. Turuan mo ’ko kung paano.”
Dumapo ang kamay niya sa dibdib ko. Tinulak ako paatras hanggang sumayad ang likod ko sa gilid ng kama.
Napahawak ako sa buhok niya. Dumulas ang mga daliri ko roon. Doon ako kumapit habang mabagal akong huminga.
“Mabagal lang…” mahina kong sabi, bago ko pa mapigilan ang sarili ko. “At tumingin ka sa’kin.”
Sumunod siya.
Hindi niya inalis ang tingin niya sa’kin habang marahan niyang hinubad ang mga damit niya.
Lumitaw ang kaniyang kahubdan. Matigas at namumula na ang ari niya. Basa na ang dulo, at kahit ayoko, natuyo ang lalamunan ko sa tanaw na iyon.
Pumuwesto siya sa pagitan ng mga hita ko. Naputol ang hininga ko nang isampa niya ang mga tuhod ko sa mga balikat niya.
Inabot niya ang bote ng langis. Nagsalin siya ng marami sa palad niya bago pinainit sa pagitan ng mga daliri.
Pagkatapos, dumampi ang mga daliring iyon sa butas ko.
Isa, saka dalawa… dumudulas nang dahan-dahan. Sinadya niyang maglaan ng oras habang inuunat ako nang maingat.
Kada tulak paloob ng daliri niya, kusa akong napapangiwi.
Nakatingin lang siya sa mukha ko, binabasa bawat pag-igtad, bawat pinipigilang ungol. May apoy na biglang sumiklab sa gulugod ko. Kinagat ko ang labi ko para hindi mapasigaw.
“Sabihin mo,” bulong niya habang umiikot ang hinlalaki niya sa gilid ko. “Sabihin mo kung paano.”
“Ganyan,” hingal kong sabi. “Huwag kang tumigil…”
Dinagdagan niya ng pangatlong daliri, inuunat ako lalo hanggang basang-basa na ako sa langis at pagnanasa.
Tumutulo na ang paunang dagta sa tiyan ko dahil sa sariling pagnanasa.
Nang tuluyan siyang bumitaw, pumatong siya sa ibabaw ko. Nakadikit ang ulo ng ari niya sa pasukan ko.
Huminto siya.
“Mahal kita.”
Basag at takot ang boses niya.
“Alam kong walang ibig sabihin ’yon sa’yo,” mahina niyang dagdag. “Pero kailangan kong sabihin.”
Hindi ako sumagot.
Ang galit ko sa lalaking ito ay parang malamig na bato sa sikmura ko. Dalawang taon niya akong ikinulong. Ninakaw niya ang kalayaan ko. Pinapanood ko ang mga pangarap ko na namatay sa likod ng mga batong pader.
Pero sa madaming beses na inangkin niya ang katawan ko, naiintindihan ko na kayang magsama sa iisang kama ang galit at pagnanasa.
Inabot ko siya at hinila pababa hanggang magdikit ang noo namin.
Naputol ang hininga niya.
Dahan-dahang bumaon sa loob ko si Haring Leondre. Pulgada bawat pulgada, iniuunat ako ng makapal niyang ulo habang lalong lumalalim hanggang tuluyan siyang nakabaon sa akin.
Naputol ang paghinga ko.
Pinuno niya ako nang buo. Bawat ugat at bawat galaw kumikiskis sa loob ko. Ramdam ko ang pulso niya sa loob ko. Ramdam ko rin ang panginginig ng mga hita niya.
Hindi siya nagmadali. Marahan niyang inindayog ang balakang niya, halos malambing ang ritmo.
Natutunan ng katawan kong hindi panindirihan ito. Kasinungalingan man ang lahat, natuto ang katawan kong huwag na itong tanggihan.
“Ganito?” bulong niya habang inaayos ang anggulo niya, mas lumalalim, mas madiin, hanggang tamaan niya ang lugar sa loob ko na nagpasabog ng mga bituin sa likod ng mga mata ko.
Napasinghap ako.
Bumaon ang mga kuko ko sa mga balikat niya, kumakapit sa mga lumang peklat.
Bumilis ang galaw niya pero hindi nawala ang pagiging maingat.
Ibinaon niya ang mukha niya sa gilid ng leeg ko. Mainit at magaspang ang hininga laban sa pulso ko.
Umuuga ang kama sa ilalim namin.
Tanging magulong paghinga at paglangitngit ng kama ang naririnig sa dilim.
Ramdam ko ang bawat tulak niya, ang init na namumuo sa puson ko na parang apoy na malapit nang sumabog.
“Huwag mong pigilan,” ungol niya sa leeg ko, pumapalya na ang ritmo niya sa desperasyon. “Hayaan mong maramdaman ko.”
Binalot ng kamay niya ang ari ko at sinabayan ng paulit-ulit na hagod ang bawat galaw niya.
Napaungol ako.
Pinagtaksilan ako ng katawan ko, mabilis akong hinatak papunta sa sukdulan hanggang wala na akong ibang maisip.
Napaliyad ako.
Nilabasan ako kasabay ng isang basag na ungol. Nakaarko ang likod ko habang tumatalsik ang makapal na semilya ko sa mga daliri niya at sa sarili kong dibdib.
Kaagad sumunod si Haring Leondre. Malalim ang pagkakabaon niya habang sunod sunod ang pag-ungol niya.
Ramdam ko ang init ng paglabas niya sa loob ko. Walang tigil, malalim, habang nanginginig siya sa ibabaw ko. Nakadikit ang bibig niya sa balikat ko, binubulong ang pangalan ko laban sa balat ko.
Nanatili kaming magkadikit habang unti-unting humihina ang ulan. Hindi siya agad bumitaw. Nanatili siyang nakabaon habang marahan na gumuguhit ang mga daliri niya sa balakang ko. Unti-unting kumakalma ang paghinga niya.
“Salamat,” bulong niya. “Para rito.”
Huminga siya nang mabigat.
“At sa pagpapaubaya mong magpanggap ako… kahit saglit lang.”
Nakatitig lang ako sa kisame, habang naglalaban sa dibdib ko ang galit at kung anong bagay na ayokong pangalanan.
Pero hindi ko siya itinulak palayo.
Nanatili kami sa ganoong posisyon. Magkadikit at parehong nanginginig habang gabi lang ang nakakaalam ng nangyari sa pagitan namin.
Mabagal siyang kumalas bago bumagsak sa tabi ko. Humarap siya sa’kin at marahang sumiksik sa tabi ko, ipinatong ang ulo niya sa dibdib ko.
Wala ni isa sa’min ang nagsalita.
Unti-unting namatay ang apoy ng kandila hanggang tuluyan kaming lamunin ng dilim at tunog ng ulan.
Hinawakan niya ang kamay ko. Pinagtagpo ang mga daliri namin.
At sa unang pagkakataon matapos ang dalawang taon… hindi ko naramdamang bilanggo ako.
Dapat ikinagalit ko iyon.
Dapat natakot ako.
Pero habang magkatagpo ang mga daliri namin sa dilim, wala akong nagawa kundi ipikit ang mga mata ko.
O baka…
…baka natututo na akong mahalin ang kadena ko.
CHAPTER 32
Author’s Note:
Wag po kalimutan mag-vote
ha?
Hindi ako agad nakatulog kahit na tahimik ang buong silid matapos mamatay ang apoy ng kandila.
Sa tabi ko, mabagal at pantay ang paghinga ni Haring Leondre.
Hindi ko alam kung kailan ang huling pagkakataong nakita ko siyang natulog nang ganito kahimbing. Wala siyang suot na korona, utos, at inaalalang digmaan. Nakasiksik siya sa tabi ko na para bang natatakot magising nang mag-isa.
Maingat kong inalis ang kamay niyang nakapatong sa bewang ko. Hindi siya nagising. Sandali akong natigilan.
Dalawang taon na hindi ko hinayaang tingnan siya nang higit pa sa pagiging hari. Ngunit ngayong gabi, nakita ko ang isang bagay na mas mapanganib. Ang kaniyang kahinaan.
Maingat akong nagbihis. Pagkatapos, lumabas ng silid bago pa sumikat nang lubusan ang araw. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Alam ko lang na ayokong manatili roon nang matagal para simulang isipin ang nangyari.
Sa labas ng bintana, patuloy pa rin ang pagdiriwang. Hindi natulog ang Aurelius. Mula sa malalayong bulwagan, umaabot pa rin ang musika. May mga kampanang tumutunog, mga taong sumisigaw sa kalye, at mga paputok na sumasabog sa madilim na kalangitan.
Ipinagdiriwang ng buong kaharian ang pagkakaroon ng bagong reyna ng Aurelius.
Habang naglalakad ako sa mahaba at halos walang laman na pasilyo ng silangang bahagi ng palasyo… pakiramdam ko papalayo ako sa isang pista. Unti-unting nilamon ng katahimikan ang ingay.
Mabagal ang mga hakbang ko sa marmol. Sa bawat pagliko, mas humihina rin ang musika. Mas lumalayo rin ang tawanan at lumalamig lalo ang hangin. Hanggang sa marating ko ang pasilyo patungo sa silid na nakatalaga para sa reyna.
Doon tuluyang nawala ang pagdiriwang. Walang bantay na nag-uusap. Wala ring alipin na nagmamadali. Para bang may manipis na pader na naghihiwalay sa dalawang magkaibang mundo.
Sa isang banda… ang kahariang nagdiriwang.
Sa kabila naman, ang katahimikang hindi gustong makita ng kahit sino.
Hindi ko namalayang sa bahaging iyon ako napunta. Ngunit nang madaanan ko ang malaking pinto ng silid ng reyna, napansin kong bahagya itong nakabukas. Hindi sapat para masabing nakabuyangyang, ngunit sapat para makita ang ilaw mula sa loob.
Huminto ako. Hindi dahil mausisa ako. Sadiyang kakaiba lang sa pakiramdam.
Ngayong araw, daan-daang tao ang yumuko kay Lady Selene. Libo-libong tao ang sumigaw ng pangalan niya. Ngunit sa likod ng pintong iyon… wala ni isang tao ang kasama niya.
Wala akong maipaliwanag na dahilan. Ngunit bago pa ako tuluyang makaalis, gumalaw ang anino sa loob.
Doon ko siya nakita.
Nakatayo siyang mag-isa sa harap ng malaking salamin. Wala siyang kibo. Parang estatwang nililok mula sa pilak. Dahan-dahan niyang inangat ang kamay. Tinanggal ang korona nang walang paghangang nakikita sa mukha niya habang ibinababa iyon sa mesa.
Kasunod ang mga hikaw. Isa… pagkatapos ang isa pa. Marahang inilapag sa tabi ng korona. Pagkatapos mabagal at maingat niyang tinanggal ang kuwintas, parang may ritwal. Ngunit hindi ritwal ng isang reyna. Para bang pagod na pagod nang magdala ng isang bagay na hindi naman niya pinili.
Hindi niya alam na may nakatingin. Hindi rin siya umiiyak. Walang bakas ng luha at paghikbi. Ni wala ring pagyanig ng balikat.
Marahil iyon ang dahilan kung bakit mas masakit tingnan. Dahil minsan… ang tunay na kahihiyan ay hindi ipinapakita sa pamamagitan ng pag-iyak. Kundi sa paraan ng pagtingin ng isang tao sa sarili niyang repleksyon.
Nakatitig lang siya sa salamin. Hindi sa korona o sa mga alahas. Sa sarili niya. Sa sandaling iyon, nawala ang lahat ng titulong suot niya.
Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ang kabilang bahagi ng silid. Doon ko napansin ang napakarangyang kama. Alam kong inihanda iyon para sa kanilang dalawa ng hari.
Ngunit may isang bagay na mali. Hindi nagamit ang kabilang bahagi. Nanatiling maayos ang kumot. Walang gusot at bakas ng katawan. Wala ring kahit anong palatandaan na may natulog doon.
Napatingin ako muli kay Lady Selene.
Hanggang sa naunawaan ko. Kahit sa mismong gabi ng kasal, nag-iisa pa rin siya.
Para bang naramdaman niya ang bigat ng katotohanang iyon.
Bigla siyang gumalaw. Inabot niya ang korona sa mesa. Akala ko muli niya itong isusuot. Ngunit hindi. Matagal niya lang itong pinagmasdan. Pagkatapos ay dahan-dahan niya itong ibinalik. Para bang may bagay na sinusukat o marahil ay may bagay na tuluyang isinusuko.
Muling umalingawngaw ang hiyawan ng mga tao.
“Mabuhay ang Reyna!”
Hindi niya iyon narinig o baka hindi niya lang piniling pakinggan.
Sa labas ng bintana, sumabog na naman ang mga paputok. Nagliwanag sandali ang silid. At sa maikling saglit na iyon, nakita ko ang repleksyon naming pareho sa salamin. Ako sa may pintuan. Siya sa harap ng salamin.
Dalawang taong magkaiba ang katayuan. Magkaiba ang kapangyarihan at kasaysayan. Ngunit sa isang nakakairitang paraan… pareho kaming nakakadena sa parehong lalaki. Marahil iyon ang unang pagkakataong nakita ko siya bilang higit pa sa isang pangalan o kapangyarihan.
Sa maikling saglit na iyon, hindi kami magkaaway. Kapwa lang kaming nakatayo sa maling bahagi ng isang kuwento.
Hindi ko na siya muling nakita nang gabing iyon.
Kinabukasan, muli akong nagtungo sa Greenhouse. Masyadong maliwanag at nakakasilaw ang sikat ng araw. Para bang walang pakialam ang kalangitan na may mga bagay na mas mabuting manatiling nakatago sa dilim.
Nakayuko akong naglalakad habang hawak ang isang libro na babasahin ko.
Mabilis sana ang hakbang ko kung hindi dahil sa mga boses na narinig ko mula sa dulo ng pasilyo.
Huminto ako. Hindi ko gustong makinig, pero pamilyar ang mga tinig. Isa kay Lady Selene. Isa kay Haring Leondre. Nanggagaling iyon sa aklatan ng palasyo na bahagyang nakabukas ang pinto.
Bago pa ako makapagdesisyon kung aalis o hindi, narinig ko ang pangalan ko. Kaya nanatili ako. Hindi dapat, ngunit hindi rin ako makaalis.
“Balak mo ba akong ipahiya habambuhay?” Malamig ang boses ni Lady Selene, pero hindi mataas o galit. Marahil iyon ang dahilan kung bakit mas mapanganib.
Walang sumagot agad.
Mula sa siwang ng pinto, tanaw ko ang isang bahagi ng silid. Nakatayo si Lady Selene sa harap ng malaking bintana. Suot niya ang simpleng damit-pang-umaga ng reyna.
Sa kabilang dulo naman nakatayo si Haring Leondre. Nakatalikod at nakatitig sa hardin sa labas.
“Binalaan na kita.” Mababa at kontrolado, pero diretso ang boses ng hari.
Napangiti si Lady Selene. Ngunit walang saya roon.
“Binalaan?”
Mahina siyang natawa.
“Ganoon ba ang tawag mo rito?”
Hindi gumalaw si Haring Leondre. Hindi rin siya lumingon.
“Alam mo kung ano ang sitwasyon bago tayo ikasal.”
“Alam kong hindi mo ako mahal.”
Wala akong narinig kundi ang mahinang kaluskos ng mga dahon sa labas ng bintana.
“Hindi ko naman hiniling iyon.”
Marahan siyang lumakad. Narinig ko ang tunog ng sapatos niya sa marmol.
“Alam kong hindi mo ako pinili.”
Isa pang hakbang.
“Alam kong hindi ako ang babaeng nasa isip mo.”
Huminto siya.
“At tanggap ko iyon.”
Ngayon lang lumingon si Haring Leondre. Pero hindi pa rin nagsalita at nakatingin lang.
At sa unang pagkakataon may nakita akong bahagyang pagod sa mukha ni Selene.
Hindi kahinaan, kundi purong pagod.
“Pero may hangganan ang kahihiyan.”
Nanatiling walang imik si Haring Leondre.
Nagpatuloy si Selene. “Kahapon, sa harap ng buong kaharian. Sa araw ng kasal natin.”
Huminga siya nang mabagal.
“Hinahanap mo siya.”
Walang sumunod na salita. Maging ang pagitan naming tatlo ay parang humigpit. Napayuko ako. Wala akong maipaliwanag na dahilan. Marahil dahil may mga katotohanang mabigat pakinggan kahit hindi para sa iyo.
“Hindi ko kayang kontrolin kung saan ako tumitingin.” Malamig ang sagot ni Haring Leondre.
Kumunot ang noo ni Lady Selene, hindi makapaniwala sa narinig.
“Napakagaling.”
Mahina siyang tumawa.
“Talagang napakagaling.”
Naglakad siya palapit. Hindi agresibo o emosyonal, pero napakalinaw ng hinanakit sa mata.
“Alam mo ba kung ano ang pinagkaiba natin?”
Tanong niya.
Hindi sumagot ang hari.
“Kailangan kong isipin ang kaharian at ang alyansa ng Vesperus. Kailangan kong isipin ang mga maharlikang naghihintay na magkamali ako.”
Pagkatapos ay diretso siyang tumingin sa hari.
“At ikaw? Iniisip mo lang ang gusto mo.”
Ilang saglit siyang hindi gumalaw.
Pagkatapos ay bahagyang gumalaw ang panga ni Haring Leondre. Para bang may mga salitang gustong lumabas ngunit pinili niyang lunukin.
Doon ko naunawaan. Hindi ito tunog ng selos. Hindi rin ito tunog ng isang asawang naghahanap ng pagmamahal. May iba siyang ipinaglalaban.
Matagal na nakatingin si Lady Selene sa hari. Para bang sinusukat kung may saysay pa bang maghanap ng paliwanag. Nang muli siyang magsalita, mas mahina na ang boses niya.
“Sabihin mo sa akin.”
Mas mahina ang boses ni Lady Selene ngayon.
“Ano si Damien?”
Hindi ko namalayang humigpit ang hawak ko sa librong dala.
Parang tumigil ang oras. Walang gumalaw. Nakatitig lang si Lady Selene. Naghihintay sa bilis ng pagsagot.
Hindi agad sumagot si Haring Leondre.
Sa kawalan ng sagot, parang mas marami siyang nasabi kaysa sa kahit anong salita.
May kung anong nagbago sa mukha ni Lady Selene. Dahan-dahan siyang tumango.
“Ganoon pala.”
Bulong niya. Hindi siya mukhang nagulat. Parang may bahagi ng sarili niyang matagal nang naghihintay marinig iyon.
Doon lang bumuka ang bibig ni Haring Leondre.
“Selene-”
“Hindi.”
Pinutol niya ito. Hindi malakas, ngunit sapat para patahimikin maging ang hari.
“Wala na akong kailangan marinig.”
Lumakad siya papunta sa mesa. Kinuha ang isang dokumento saka pinagmasdan. Pagkatapos ay ibinalik. Bigla siyang nawalan ng interes sa buong usapan.
Hindi na siya naghahanap ng paliwanag o baka nahanap na niya.
“May mga tanong na hindi kailangang sagutin.” Marahan siyang tumango. “At mukhang iyon ang isa sa mga iyon.”
Walang pagtanggi o pagsalungat mula kay haring Leondre. Ni galit o depensa, wala.
Napalingon ako sa siwang ng pinto.
Hindi ko na makita ang mukha ni Haring Leondre. Ngunit nakita ko ang kay Selene.
May kumislot na awa akong naramdaman para sa kaniya. Dahil hindi siya tanga. Mas madaling lokohin ang isang taong hindi nakakaintindi. Mas madali ring patawarin ang isang taong hindi alam ang totoo.
Ngunit si Selene? Nakikita niya ang lahat. Lahat ng tingin at pag-aatubili. Lahat ng bagay na pilit itinatago ng iba. At ngayon… wala nang paraan para magpanggap na hindi niya iyon nakita.
Humakbang ako paatras.
Isa.
Dalawa.
Dapat ay nakalayo na ako doon. Ngunit pakiramdam ko ay naiwan pa rin ako sa loob ng silid na iyon.
Tahimik ang pasilyo, ngunit napakalakas ng tibok ng puso ko. At bago pa ako tuluyang makalayo…
“Damien.”
Nahinto ako. Nanigas ang buong katawan ko.
Dahan-dahan akong lumingon.
Bahagyang nakabukas pa rin ang pinto ng aklatan. Hindi ko siya makita mula rito. Ngunit sa paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko… alam kong matagal na niya akong alam na naroon.
CHAPTER 33
Author’s Note:
Wag kalimutang mag-vote, ha?
Ewan ko kung gaano katagal kaming nagkatitigan ni Haring Leondre mula sa magkabilang dulo ng pasilyo.
Hindi ko man siya makita nang malinaw mula sa siwang ng pinto, naramdaman kong nakapako ang mga mata niya sa akin.
Para bang hinihintay niyang magsalita ako, magtanong o magalit. O baka ipaliwanag kung bakit ako nakikinig sa usapan nilang mag-asawa.
Ngunit wala akong ginawa. Dahan-dahan akong yumuko nang bahagya, bago naglakad palayo. Hindi niya ako tinawag muli. Hindi rin niya ako sinundan.
Ngunit sa mga sumunod na araw, may kung anong nagbago sa loob ng palasyo.
Nagsimula ito sa mga bulungan, usapang biglang tumitigil kapag napapadaan ako, at sa mga matang mas matagal nang nakatitig kaysa dati.
Ngunit ngayon, may bagong anyo ang usapan.
“Bakit nasa palasyo pa rin siya? Kailan ba siya itatapon ng hari?”
“Bakit walang ginagawang hakbang ang Reyna para mawala siya sa landas niya?”
Hindi ako huminto o lumingon. Ngunit may kakaibang pakiramdam na unti-unting sumisiksik sa likod ng isip ko.
Hanggang sa dumating ang petisyon makalipas ang dalawang araw. Nakasulat sa pergamino. May mga selyo at mga lagda. May sapat rin na kapangyarihan para guluhin ang buong konseho.
Nasa bulwagan ako nang makita kong mabilis na pumasok ang Punong Ministro. May hawak siyang makapal na tubo ng pergamino. Masyadong seryoso ang mukha niya. Maraming tao ang agad tumahimik kasunod ang mahinang mga bulungan.
Sa dulo ng bulwagan, nakaupo si Haring Leondre sa trono. Sa kanan niya, si Reyna Selene. At ako… nakatayo sa nakasanayan kong pwesto.
Doon pa lang, alam ko nang may problema. Dahil marami nang matang nakatingin sa akin bago pa man magsimula ang konseho.
Huminto ang Punong Ministro sa gitna ng bulwagan.
“Mahal na Hari.”
Tumango si Haring Leondre. “Ano iyon?”
Bahagyang nag-atubili ang ministro. Isang napakaliit na bagay ngunit nakita ko iyon at mukhang nakita rin ng reyna.
“Dumating po ngayong umaga ang isang opisyal na petisyon.”
Walang nagsalita, ngunit biglang naging mas mabigat ang hangin.
Petisyon… Sa loob ng konseho. Hindi iyon maliit na bagay.
Ibinuka ng ministro ang pergamino. Masyadong mahaba at makapal.
Bigla akong napapikit. Parang alam ko na ang laman nito bago pa man basahin.
“Ang petisyong ito,” pagpapatuloy ng ministro, “ay nilagdaan ng limampung maharlika ng Aurelius.”
May ilang maharlika na agad umiwas ng tingin. Ang iba naman ay tila lalo pang tumuwid. Parang ipinagmamalaki nila iyon.
Limampu.
Sa konseho ng Aurelius, sapat na iyon upang magluklok ng hari o magwasak ng isa.
“Nais nilang hilingin sa Korona ang pormal na paglilipat sa Mahal na Concubine sa isang hiwalay na manor sa labas ng palasyo.”
Ganap na tumahimik ang buong bulwagan. Walang kahit isang kaluskos. Lahat ay naghihintay kung paano ako mababasag. Ngunit wala akong naramdaman.
Sa katunayan… halos gusto kong matawa. Dahil kung ilang buwan na ang nakalipas nila iyon ginawa, baka ako pa mismo ang unang pumirma.
Isang manor. Malayo sa palasyo. Malayo kay Haring Leondre. Noon, iyon ang pangarap ko.
Inilipat ko ang tingin sa reyna.
Kalmado lang siyang nakikinig. Para bang hindi na bago sa kanya ang lahat ng ito.
“Maaari ko po bang basahin ang nilalaman?” tanong ng ministro.
Walang sagot agad. Matagal na nakatitig lang si Haring Leondre sa pergamino. Iyon ang isa sa mga pinakanakakatakot na bersyon niya.
Pero sa wakas ay tumango siya.
“Basahin mo.”
Agad nagsimula ang ministro.
Mahaba at pormal ngunit paulit-ulit lang ang mensaheng binabasa niya. Tungkol sa dignidad ng korona. Sa imahe ng kaharian. Sa katayuan ng reyna, tradisyon, moralidad at sa pananaw ng mga karaniwang tao.
Napakaraming salita at palamuti. Ngunit iisa lang ang ibig sabihin.
Alisin ako sa palasyo. Ilayo at itago. At kapag nakalimutan na ng lahat, saka tuluyang burahin.
Habang nagpapatuloy ang pagbasa, napansin kong isa-isang tumitigas ang mga mukha ng mga lumagda.
Lahat umaasa. Umaasa silang mananaig ang bilang. Limampung lagda. Limampung maharlika. Isang napakalaking puwersa sa politika.
Sa kabilang banda, wala ni isa ang nagsasalita sa kanila. Maging ang mga hindi sumang-ayon ay nanatiling tahimik. Dahil ligtas ang katahimikan.
At sa gitna ng lahat ng iyon… napansin kong nakatingin si Reyna Selene sa harap.
Ngunit hindi siya nakatingin sa pergamino. Para bang may sarili siyang iniisip. Hanggang sa bigla niyang maramdaman ang tingin ko.
Nagtagpo ang mga mata namin.
Sandali lang at napakaikli. Pagkatapos ay tumingin siyang muli sa harapan.
Natapos ang pagbasa. Dahan-dahang isinara ng ministro ang pergamino.
“At iyon po ang kabuuan ng petisyon, Mahal na Hari.”
Tanging lagitik ng kandila sa nakasabit na mga aranya lang ang maririnig.
Ngunit bago pa man mabuksan ng hari ang kaniyang bibig, may isang Duke ang tumayo mula sa hanay ng mga lumagda.
“Mahal na Hari.”
Bahagya siyang yumuko.
“Dahil dito, hinihiling naming…”
“Tutol ako.”
May isa pang Maharlika ang agad na tumayo.
“Mahal na Hari, limampung lagda ang narito. Hindi mo pwedeng basta na lang balewalain iyon. Ang kaharian ay nagmamasid-”
“Kung gayon, ipaalam ninyo sa kaharian na ako ang hari.”
Walang nangahas na magsalita.
May Duke na bahagyang umusog sa kinauupuan niya. May ilang Maharlika ring nagsimulang magpalitan ng tingin.
Ngunit si Haring Leondre ay hindi gumalaw. Hindi siya tumingin sa mga lumagda o sa akin. Sa halip, tumingin lang siya sa ministro.
Sa wakas, tumikhim siya saka nagsalita.
Dalawang salita lang.
“Tinanggihan ko.”
Parang may bumagsak sa gitna ng bulwagan.
Hindi ko alam kung sino ang unang nawalan ng kulay sa mukha o kung sino ang unang natigilan. Dahil lahat sila. Maging ang ministro ay napakurap.
“M-Mahal na Hari?!”
“Tumanggi ako.” Diretso at walang emosyon, pero naroon ang lamig. “Wala nang iba pang dapat pag-usapan.”
Natigilan ang buong konseho.
“Ngunit-”
“Wala.”
Naputol agad ang ministro.
Doon ko nakita ang isang bagay na mas kinatatakutan ng politika kaysa alinman sa dalawa.
Ang katiyakan na hindi niya kailangang pag-isipan o timbangin ang mga desisyon niya. Matagal nang nakapagpasya si Haring Leondre bago pa man makarating ang petisyon sa bulwagang ito.
Ayaw kong aminin iyon.
Ngunit nang tanggihan niya ang petisyon, may bahagi sa akin na gumaan.
At habang ang buong konseho ay tila hindi pa rin makapaniwala sa nangyari… may isa pang bagay akong nakita.
Sa tabi ng trono. Ang Reyna. Nang bahagya siyang yumuko. At pagkatapos ay ngumiti nang maliit. Walang politika sa ngiting iyon, bagkus may kakaibang gaan.
Nakatitig lang ako sa kanya.
At sa hindi maipaliwanag na dahilan… mas kinabahan ako sa ngiti ni Reyna Selene kaysa sa limampung maharlikang gustong mapaalis ako.
Dahil ang mga taong gaya niya, hindi basta ngumingiti. At kapag ngumiti sila nang ganoon… karaniwan, may bagay silang naunawaan na hindi pa nakikita ng iba.
Nagwakas ang konseho makalipas ang ilang minuto. Isa-isang nagsialisan ang mga maharlika. Marami ang hindi makatingin sa akin. Ang iba naman ay mabilis na umiwas ng mata nang mahuli ko silang nakamasid.
Lumabas ako ng bulwagan.
Ngunit habang naglalakad ako pabalik sa aking tore, may isang bagay na hindi ko maalis sa isip.
Masyadong naging madali ang lahat.
Limampung maharlika ang lumagda sa petisyon. Handa nilang ilagay sa panganib ang kanilang impluwensya upang mapaalis ako sa palasyo.
At gayon pa man, dalawang salita lang ang kinailangan ni Haring Leondre upang wakasan ang lahat.
Hindi iyon katapusan.
Sa palasyo, bihirang matapos ang isang laban dahil lamang sa isang pagtanggi. Karaniwan, doon pa lang nagsisimula ang susunod.
Pagsapit ko sa silangang bahagi ng palasyo, saka ko naramdamang tama ang hinala ko.
Doon ako natigilan. Wala ni isang ingay. Karaniwan, sa oras na iyon, puno ng tagasilbi ang pasilyo. May mga aliping may dalang labada, mga mensaherong nagmamadali, at mga bantay na pamilyar na ang mukha sa akin matapos ang dalawang taon.
Ngunit ngayon… Parang iba ang buong lugar. Wala akong kakilala. Iba ang mga mukha. Iba ang mga bantay at mga alipin.
At nang hanapin ko ang mga taong dalawang taon ko nang kasama, wala ni isa ang natira.
Hindi nila ako kayang paalisin. Kaya binubura nila ang lahat ng bakas ng presensiya ko sa palasyong ito.
Ngunit habang papalapit ako sa aking silid… isang tanong ang biglang pumasok sa isip ko.
Kung hindi nila ako mapaalis sa palasyo… ano ang mangyayari kung gawin nilang wala akong lugar dito?
“Nasaan si Martha?”
Huminto ang batang alipin sa pag-aayos ng mesa. Hindi siya agad sumagot. Parang nag-iisip.
“Mahal na Concubine?”
“Si Martha.” Diretso ko siyang tiningnan. “Ang babaeng nagsisilbi rito tuwing umaga.”
Bahagyang yumuko ang alipin. “Wala na po siya rito sa palasyo.”
Natigil ako.
“Wala?”
“Opo.”
“Kailan?”
“Makalipas po ang kasal ng hari.”
Ilang segundo akong natahimik.
Tatlong taon ko siyang nakitang unang bumabati sa akin tuwing umaga.
At ngayon, para bang hindi siya kailanman naging bahagi ng tore na ito.
“Nasaan siya ngayon?”
“Hindi ko po alam.”
Hindi iyon tama. Tatlong taon nang tagasilbi ko ang babaeng iyon. Hindi siya basta nawawala nang walang paliwanag.
At kung si Martha ay nawala nang ganoon kadali, ilan pa ang naalis nang hindi ko napapansin?
Pagsapit ng gabi, pinatawag ko ang tagapangasiwa ng mga alipin.
Isang matabang lalaki na halos hindi tumitingin sa akin sa mata.
“Nasaan ang mga tagapagsilbi ko?” tanong ko. “Nawawala silang lahat.”
Nagkunwari siyang nagulat.
“Lahat?”
“Oo. Tatanungin kita ulit.”
Tumayo ako.
“Nasaan sila?”
Naghari ang katahimikan. Pagkatapos ay nagkibit-balikat siya.
“Inilipat po.”
“Saan?”
“Sa kapatagan o sa minahan. Hindi ko po alam.”
“Ikaw ang tagapangasiwa.”
“Opo.”
“At hindi mo alam?”
“Opo.”
Matagal siyang nakayuko lang. Sa wakas ay tumingin siya sa akin saka ngumiti nang napakaliit.
Biglang may malamig na bagay na gumapang sa likod ng leeg ko. Dahil ngayon ko lang nararamdaman… may taong tumitingin sa akin na para bang wala na akong kapangyarihang dapat katakutan.
Hindi lang tao ang nawawala.
Pati ang kakayahan kong malaman kung ano ang nangyayari sa paligid ko.
Dalawang araw matapos iyon, nakasalubong ko sa pasilyo ang isang babaeng tagasilbi.
Pagkakita niya sa akin, agad siyang namutla. Pagkatapos ay lumuhod.
“P-patawad po, Mahal na Concubine.”
Natigilan ako.
“Bakit?”
Namasa ang mga mata niya.
“Akala ko po… ako na ang susunod na ipapadala mo sa minahan.”
Hindi ko naunawaan.
Hanggang sa inilabas niya ang isang gusot na pergamino.
At naroon ang lagda ko.
Utos para tanggalin siya sa serbisyo at ipadala sa kagubatan.
Hindi ko kailanman nakita ang sulat na iyon. Lalong hindi ko nilagdaan iyon.
Ngunit para sa lahat ng nakabasa nito, sapat na ang pangalan ko upang paniwalaan nilang totoo.
Sa loob ng ilang araw, wala akong nakuhang malinaw na sagot mula sa kahit sino.
At nang magsimula akong isipin na baka wala na akong matutuklasan, may isang taong kusang humiling na makita ako.
Isang matandang Eunuch.
Kilala ko siya. Isa siya sa iilang taong inatasan ng hari na magturo sa akin noong ginawa niya akong concubine.
Tahimik siyang lalaki. At hindi siya basta pumupunta rito nang walang dahilan. Ngunit nang dumating siya, duguan ang labi niya.
Kumunot ang noo ko.
“Ano ang nangyari?”
Agad siyang yumuko.
“P-patawad, Mahal na Concubine.”
Nanlamig ang tiyan ko.
“Bakit ka humihingi ng tawad?”
Hindi agad siya sumagot. Pagkatapos ay iniabot niya ang isang sulat. Makalipas ang ilang segundo, hawak ko na ang pergamino.
Unti-unti kong binasa ang nilalaman. Bawat linya ay parang humahampas sa akin.
Pagpapabitay sa mga alipin. Pagpapatapon ng mga sundalo sa malayong kabisera.
Lahat nakapangalan sa akin. Lahat selyado ng pangalan ko.
Unti-unti kong itinaas ang tingin.
“Sino ang nagsulat nito?”
“Ako.”
“Ano?”
Yumuko siya.
“Inutusan ako.”
Lumunok siya.
“Sinubukan kong tanggihan…”
Bahagyang hinawakan niya ang namamagang panga.
Hindi na niya kailangang magpaliwanag.
Dahil ngayon… hindi lang ako ang pinunterya nila. Pati ang mga taong konektado sa akin.
“Sino ang nag-utos sa iyo?”
Tikom ang kaniyang bibig.
At hindi iyon natapos doon.
Sa mga sumunod na araw, may mga liham na hindi nakararating sa akin. May mga dokumentong nawawala bago ko mabasa. May mga desisyong nalalaman ko lamang kapag huli na.
Minsan, may lumilitaw pang mga tala at lagdang nakapangalan sa akin ngunit hindi ko kailanman isinulat.
Unti-unti, may humihiwalay sa akin sa mismong palasyong tinitirhan ko.
At ang pinakamasakit… wala akong mahuling mukha o pangalan.
Para akong nakikipaglaban sa usok.
Sa tuwing aakalaing kong may nahahawakan na akong bakas, agad itong nawawala sa pagitan ng mga daliri ko.
At habang lalo akong nalulubog sa palaisipang iyon, may isang taong biglang nagpasya na lapitan ako.
Isang umaga, nasa aklatan ako nang dumating ang isang alipin ng reyna.
Yumuko ito. “Inaanyayahan ka ng Mahal na Reyna para sa tsaa.”
Tumaas ang tingin ko. “Reyna?”
“Oo.”
Eksaktong oras at lugar nang pumunta ako sa Greenhouse. Naglalaro ang sinag ng araw sa mga salaming dingding. At sa gitna ng lahat ng iyon ay nakaupo siya.
Nakaayos at maganda, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ako ng panganib.
“Damien.”
Tumayo siya nang makita ako.
“Maraming salamat sa pagpunta.”
“Mahal na Reyna.”
“Umupo ka.”
Ginawa ko.
Agad niyang sinalinan ng tsaa ang tasa ko.
Walang alipin. Kami lang dalawa. Mas lalo akong naging maingat.
“Narinig kong mahilig ka sa tsaa mula sa timog.” Sabi niya. “Tama ba?”
“Tama.”
“Maganda.” Ngumiti siya. “Kung gayon, hindi nasayang ang paghahanap ko.”
At ang ngiting iyon mismo ang dahilan kung bakit hindi ako mapalagay. Dahil ang mga taong nabubuhay nang matagal sa palasyo ay bihirang maging ganoon…
“Tila marami kang iniisip,” sabi niya.
“Hindi naman.”
“Talaga?”
Tinapik niya ang tasa.
“Kapag nagsisinungaling ka, mas maikli ang mga sagot mo.”
Tumingin ako sa kanya. “Pinag-aaralan mo ako?”
Ngumiti lang siya.
“Tinitingnan kita,” sagot niya. “Magkaiba iyon.”
“At ano ang nakita ninyo, Mahal na Reyna?”
Bahagya siyang sumandal.
“Na may naglilipat ng mga piraso sa paligid mo.”
Hindi ko agad naitago ang reaksyon ko. Nakita niya iyon.
“Alam mo?”
“Oo.”
“At wala kang ginawa?” Hindi napigilang tanong ko.
“Bakit kailangang may gagawin ako?”
“Dahil nangyayari ito sa loob ng palasyo mo.”
“Hindi.”
Bahagya siyang ngumiti.
“Nangyayari ito sa loob ng palasyo natin.”
Humigop siya ng tsaa. Napakakalmado ng kilos niya.
“Naisip ko kasing matalino ka.”
Hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagsabi niya noon.
“At kung matalino ako?”
“Mahahanap mo.”
“Tila may alam ka, Mahal na Reyna.”
“Marami.”
Ngumiti siya.
“Ngunit hindi lahat ay dapat sabihin.”
Lalong tumagal ang usapan. Ngunit wala akong makuhang diretsong sagot.
“Hindi ba nakapagtataka?” tanong ko.
“Tungkol saan?”
“Sa petisyon.”
Tumingin siya sa mga rosas.
“Anong tungkol sa petisyon?”
“Hindi ka pumirma. Alam ko.”
“Oo.”
“Bakit?”
Ngayon siya mahinang natawa.
“Dahil hindi ko kailangan.”
Humigop siya ng tsaa.
“Kapag gusto kong mawala ang isang tao, hindi ako nangongolekta ng lagda.”
Bumigat ang hangin. Unti-unti kong ibinaba ang tasa.
Lumipas ang isa pang oras bago ako tuluyang tumayo.
“Maraming salamat sa tsaa.”
“Ikinagagalak ko ang pagpunta mo rito.” Sagot niya.
Tumango ako. Pagkatapos ay nagsimulang maglakad palabas.
Tatlong hakbang.
At bago ko marating ang pinto… nagsalita siya. Hindi malamig o galit. Sa katunayan, parang naaawa pa siya.
“Damien.”
Huminto ako. Hindi lumingon. Naghihintay sa susunod niyang sasabihin.
Pagkatapos ay narinig ko ang mahinang boses niya.
“Nakakapagod siguro… ang mabuhay habang lahat gustong mawala ka.”
Nanatili akong nakatalikod.
Sa loob ng ilang segundo, wala akong naisagot.
Dahil kahit masyadong simple ang sinabi niya, pero ramdam ko ang tama.
Pero hindi na mahalaga kung sino ang gumagawa nito. Dahil ang tunay na problema… ay hindi isang tao. Kundi isang buong kaharian.
At habang nakatayo ako roon… naunawaan ko rin ang isang bagay. Ang petisyon ay hindi ang unang sugat.
Ito lang ang unang nakita ko.
CHAPTER 34
Author’s Note:
Wag kalimutang mag-VOTE ha?
Ipinatawag ako sa konseho. Masyado pang maaga. Karaniwan sa oras na ito, kalahati pa lang ng mga maharlika ang gising.
Ngunit nang pumasok ako sa bulwagan, naroon na silang lahat. Naroon din ang mga Markis na bihirang dumadalo sa konseho. Kompleto sila sa sandaling ito.
Nasa gitna ng bulwagan ang Punong Ministro. May hawak siyang isang kahon na yari sa bakal. At nang makita ko iyon, may kung anong bumigat sa loob ng sikmura ko.
Doon ko lang napansing nakatigil na pala ako.
Nang makabawi ako, saka ko itinuloy ang natitirang hakbang na tila walang nangyari.
“Mahal na Hari.”
Yumuko ang ministro.
Tumango si Haring Leondre. “Ano iyon?”
“Ngayong madaling-araw, may naharang na mensahero sa hilagang hangganan.”
Hindi gumalaw ang hari.
“Magpatuloy ka.”
Huminga nang malalim ang ministro. “Ang mensaherong iyon ay nagmula sa Gerunda.”
Agad sumabog ang bulwagan.
“Ano?!”
“Imposible!”
“Gerunda?!”
“Hindi ba’t nasa ilalim sila ng kasunduang pangkapayapaan?”
Tumayo ang isang Duke.
“Mensahe para kanino?”
Marahang binuksan ng ministro ang kahon. Inilabas ang isang pergamino. May pulang selyo at marka ng Gerunda.
“Maaari bang basahin?” tanong ng Duke.
“Maaari.”
Binuksan ng ministro ang pergamino, saka nagsimulang magbasa.
“Sa taong naglilingkod sa amin sa loob ng palasyo…”
Dahan-dahang tumahimik ang bulwagan.
“…natanggap namin ang iyong huling ulat tungkol sa galaw ng konseho ng Aurelius.”
May ilang maharlikang agad na namutla. Ang iba naman ay nagmura.
“…ang impormasyong ibinigay mo ay lubhang nakatulong sa ating mga paghahanda.”
Naging mas malamig ang buong bulwagan dahil sa ibig sabihin ng mga salitang iyon.
May traydor. Sa loob ng palasyo. Sa loob mismo ng konseho.
“…patuloy naming hinihintay ang iyong susunod na ulat.”
Natapos ang pagbasa.
Tulala ang lahat.
Pagkatapos ay tumayo ang isang Markis.
“Sino?” Mababa ang boses niya ngunit mas nakakatakot. “Sino ang tumanggap ng liham na iyan?”
Hindi agad sumagot ang ministro. Sa halip, inilapag niya ang pergamino. Isa-isang tiningnan ang mga maharlika. Pagkatapos ay nagsalita.
“Natagpuan namin ang pangalan ng tatanggap.”
Biglang bumaling siya sa kinaroroonan ko.
“Ang concubine.”
Walang agad sumigaw.
Isang tibok ng puso.
Dalawa.
Tatlo.
At sa loob ng maikling sandaling iyon, para bang hinihintay ng buong konseho ang una nilang dahilan upang lapain ako.
Pumutok ang buong bulwagan. Tumayo ang halos kalahati ng konseho.
“IMPOSIBLE!”
“TRAYDOR!”
Dumaan sa isip kong magsalita. Binuksan ko ang bibig ko. Wala ni isang lumingon. Isinara ko ulit iyon.
Hatol na ang dala nila.
“IBITIN SIYA SA TARANGKAHAN!”
Naghalo-halo ang sigawan. Ngunit hindi ako gumalaw. Dahil nakatingin ako sa pergamino.
Napansin kong halos lukutin ko na ang manggas ko. Dahan-dahan ko iyong binitiwan bago pa nila mahalata.
Kilala ko ang selyong iyon.
Hindi ito peke.
May taong gumamit ng totoong materyales ng Gerunda na may kakayahang maabot ang mga bagay na hindi dapat maabot ng kahit sinong maharlika. At mas nakakatakot pa roon… may taong gustong maniwala ang buong kaharian na traydor ako.
“Magsalita ka!” sigaw ng isang Duke. Tumayo siya. Namumula ang mukha. “Magsalita ka, Damien!”
Dahan-dahan kong itinaas ang tingin. Hindi ko alam kung bakit nanatiling kalmado ang boses ko. Paglabas ng unang salita… saka ko lang napansing nanginginig na pala ang paghinga ko.
“Kung sasabihin kong wala akong kinalaman dito…” tanong ko. “…may makikinig ba?”
Walang sumagot. May ilang umiwas ng tingin. Hindi sila umiwas dahil sa awa.
Hindi na nila kailangan ang paliwanag ko.
Tumayo ang isa pang mas matandang nagngangalit na Duke.
“Dalawang taon kang nanirahan sa palasyong ito.” Malamig ang boses niya. “Dalawang taon kang malapit sa hari.”
Tumigil siya.
“At ngayon gusto mong paniwalaan naming nagkataon lang ito?”
“Nais kong paniwalaan ninyo ang ebidensya,” sagot ko.
Nagkatawanan sila nang mapait. Ang pinakamadaling kasinungalingan ay iyong pinili nang paniwalaan ng lahat.
Alam kong hindi na ito tungkol sa liham o katotohanan. May mga taong noon pa naghihintay ng pagkakataon at dahilan para mamatay ako. At ngayon… mayroon na sila.
Doon ko tiningnan si Haring Leondre.
“Mahal na Hari.” Yumuko ang ministro. “Humihiling ang konseho ng agarang hatol.”
Bawat segundong lumilipas ay mistulang bato na idinadagdag sa balikat ko. Bumibigat ang hangin. O baka ako lang ang nahihirapang huminga.
Umigting lang ang panga ng hari. Hindi niya ako pinagtatanggol. Hindi niya rin ako tinitingnan.
Pero sa wakas, tumayo siya.
Natigil ang kaguluhan.
Pinilit kong panatilihing tuwid ang likod ko. Dahil pakiramdam ko… kapag yumuko ako ngayon, hindi na ako makakatayong muli.
Natatakot akong makita ang sagot bago pa niya ito sabihin. Dahil kung pati siya… wala na akong matatakbuhan.
“Magsagawa ng imbestigasyon.”
Nabigla ang lahat.
Hindi iyon ginhawa.
Naantala lang ito.
“Mahal na Hari, hindi na ito kailangan pang imbestigahan! Klaro ang ebidensiya. Kailangang hatulan ng kamatayan ang iyong concubi-”
“Walang hahatol ngayon,” putol niya. “Walang magpapataw ng parusa.”
Tumayo siya mula sa trono. Agad namang umurong ang mga maharlika.
“Hangga’t hindi ko nalalaman ang buong katotohanan.”
“Mahal na Hari.” Tumayo ang Punong Ministro. “Kung gayon… paano natin poprotektahan ang palasyo habang isinasagawa ang imbestigasyon? Kailangang may pansamantalang hakbang.”
Tumango ang hari. “Mula sa oras na ito…”
Lahat ay naghintay.
“…hindi na maaaring dumalo ang concubine sa alinmang pagpupulong ng konseho.”
May kung anong lumubog sa dibdib ko.
“Hindi rin siya maaaring humawak ng kung anumang dokumentong may kaugnayan sa palasyo.”
Mas lumalim ang katahimikan.
“At hanggang sa matapos ang imbestigasyon…”
Sandaling tumigil ang hari.
“…lahat ng papasok at lalabas sa kaniyang tore ay susuriin.”
Napalunok ako.
Tuyo na pala ang lalamunan ko.
Isa-isa kong narinig ang bawat limitasyong ipinapataw. Hindi sila parang utos. Isa silang paalala na unti-unti na akong inaalisan ng lugar sa palasyong ito.
Sa pinakalikod ng bulwagan, may isang Duke ang marahang ngumiti.
Diretso tumingin ang hari sa akin, dahilan para mas lalo akong kinabahan. Wala roong katiyakan, kundi may tanong sa nag-aapoy na mga mata niya.
At iyon ang unang pagkakataong naisip kong baka pati siya… nagsisimula nang magduda sa akin.
Natapos ang konseho.
Bago ako tuluyang makalabas ng bulwagan, may humarang na dalawang kawal.
Hindi sila agresibo. Ngunit pareho silang nakaharang sa daraanan ko.
“Ang singsing. Utos ng hari.”
Saglit kong pinagmasdan iyon sa daliri ko.
Napakaliit na bagay. Ngunit sa loob ng dalawang taon, wala ni minsan na hiniling sa akin ng hari na isauli iyon.
Hanggang ngayon.
Walang salitang iniabot ko ang singsing na ginagamit ko upang malayang makagalaw sa loob ng palasyo.
Kinuha nila iyon.
Saglit kong pinagmasdan ang bakanteng palad ko. Sa loob lang ng ilang minuto… isa-isang nang nawawala ang lahat ng bagay na nagpapatunay na kabilang ako sa palasyong ito.
Isa-isang nagsialisan ang mga maharlika. Ngunit naiwan ang kanilang mga tingin.
Bawat taong dumaan sa akin ay may sarili nang hatol na isa akong espiya.
Nang tuluyan nang maubos ang bulwagan, saka ako naglakad palabas.
Tatlong araw.
Tatlong araw ng katahimikang mas mabigat kaysa sigawan ng konseho.
Walang bagong ebidensiya at akusasyon, ngunit wala ring nagbago. Hanggat humihinga ako dito sa palasyo, patuloy nila akong pagdudahan.
Tuwing naglalakad ako sa mga pasilyo, humihinto ang mga usapan. Tuwing pumapasok naman ako sa aklatan, may mga maharlikang nagmamadaling umalis.
Si Argos lang ang tila walang pakialam sa mga bulung-bulungan. Tuwing papasok ako sa aklatan, naghihintay lang siya sa labas ng pinto. Kapag lumalabas ako, saka siya tahimik na tumatayo at muling sumusunod sa likuran ko.
Walang nagsasabing traydor ako.
Narinig na iyon ng buong kaharian.
Sapat na iyon.
Katatapos ko lang magsara ng isang aklat nang dumating ang isang sundalo ng hari.
Yumuko siya.
“Mahal na Concubine. Pinapatawag kayo ng hari.”
Hindi ko agad ibinaba ang librong hawak ko.
“Saan?”
“Sa hardin.”
Bahagyang kumunot ang noo ko.
Ngunit tumayo pa rin ako.
Pagdating ko, agad kong nakita si Haring Leondre. Nakatayo siya sa ilalim ng lilim ng isang malaking puno. Hindi siya nag-iisa.
May kasama siyang malaki at maitim na aso. Sapat ang laki upang magmukhang kayang ibagsak ang isang tao kapag gugustuhin nito. Nakatayo ito sa tabi niya na parang bantay na mapagmasid. At hindi inaalis ang tingin sa akin.
“Damien.”
Tumigil ako ilang hakbang mula sa kanila.
“Mahal na Hari.”
Tiningnan ko ang aso.
Pagkatapos ay muli siyang tiningnan.
“Ano ito?”
“Regalo.”
Napaatras ako ng kalahating hakbang.
Nanatiling tikom ang bibig ko nang ilang segundo. Hindi ko alam kung paano tutugon.
“Regalo. Para sa akin?”
“Oo.”
Napakabanayad ng sagot, ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ko ang lamig sa ilalim nito.
Muli kong sinulyapan ang aso. Isa itong sanay pumatay na hayop na ginagamit ng mga sundalo sa paghahabol ng mga kriminal.
“Hindi ako mahilig sa aso.”
“Alam ko.”
“Kung gayon bakit ninyo ako binibigyan nito, Mahal na Hari?”
Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. Tumingin muna siya sa hayop, pagkatapos ay sa akin.
“Dahil may mga bagay na mas tapat kaysa tao.”
Hindi ko alam kung para iyon aso o para sa akin.
Hinaplos niya ang ulo nito.
“Argos.”
Agad tumingala ang hayop.
“Siya ang bagong amo mo.”
Pagkasabi niya noon, tumingin ang aso sa akin.
At sumunod ito.
Hindi agad lumapit si Argos. Nakatingin lang siya sa akin. Hinihintay niyang ako ang unang magpasya kung tatanggapin ko ba siya.
Ako ang unang umiwas ng tingin.
Nang tuluyan siyang lumapit… Ako na pala ang unang umabot sa ulo niya.
Tumalikod si Haring Leondre.
“Ingatan mo siya.”
Pagkatapos ay naglakad na siya palayo. At naiwan akong nakatayo kasama ang asong hindi ko naman hiniling.
Nang magsimula akong maglakad… saka lang sumunod si Argos. Hindi mabilis, ngunit hindi rin mabagal. Eksaktong sapat para manatili sa likuran ko.
Kinagabihan, nang buksan ko ang pinto ng silid ko, nadatnan ko siyang nakahiga sa labas. Pagkakita sa akin, marahan lang niyang itinaas ang ulo bago muling ipinikit ang mga mata, na para bang doon niya napiling magbantay buong gabi.
Hindi nagtagal, naging paborito si Argos ng buong silangang bahagi ng palasyo. May mga bantay na nakikipaglaro rito kapag walang nakatingin. Maging ang mga tagasilbing dati’y takot lumapit sa tore ko ay nakangiting binabati siya.
Isang hapon, nadatnan kong nakahiga si Argos sa gitna ng kusina habang limang tao ang nagtatalo kung sino ang paborito niya.
“Sa akin siya unang lumapit.”
“Hindi, sa akin.”
“Nagsisinungaling ka.”
Napailing ako.
Pagkakita nila sa akin, agad silang natahimik.
Nang tawagin ko si Argos upang kumain, hindi man lang niya nilingon ang mangkok. Nanatili lang siyang nakaupo sa tabi ko hanggang sa ako ang unang sumubo. Doon pa lamang siya nagsimulang kumain na tila sinisiguro muna niyang maayos ako.
Isang gabi… may narinig akong mahinang ungol sa labas ng silid ko.
Pagbukas ko ng pinto… si Argos. Ngunit kakaiba ang kilos niya.
Nakatingin lang siya sa kadiliman. Para bang may taong naroon. Paglapit ko… wala nang tao. Ngunit may bakas ng putik sa sahig. At isang piraso ng pulang tela na tila napunit mula sa manggas ng kung sino man ang naroon.
Kinabukasan, hindi ko makita si Argos. Karaniwan, nasa labas na siya ng silid bago pa ako magising. Ngunit nang buksan ko ang pinto, walang naghihintay.
Nagpatuloy ako sa paglalakad sa pasilyo.
Wala pa rin.
Pagsapit ko sa hardin, nagsimula na akong magtaka.
“May nakakita ba kay Argos?”
Nagkibit-balikat ang isang tagasilbi.
“Wala po.”
Isa pang bantay ang umiling.
“Hindi ko siya nakita ngayong umaga.”
Huminto ako.
At sa hindi maipaliwanag na dahilan, bumilis ang mga hakbang ko.
Sa pinakadulong bahagi ng hardin ko siya natagpuan. Sa ilalim ng puno. Nakahandusay. Mahigpit pa ring nakakapit sa pagitan ng mga pangil niya ang maliit na piraso ng pulang tela.
Patay na siya.
Hindi agad iyon pumasok sa isip ko. Naghintay akong gumalaw ang dibdib niya. O kahit kumibot ang buntot. Ngunit habang lumilipas ang bawat segundo… wala.
Noon ko lang tinanggap ang nasa harapan ko.
Huminto ako sa harap niya. Nakatingin lang ako.
Sa pagkakataong iyon, narinig ko ang nagmamadaling yabag ng mga tao sa likuran ko. Paglingon ko… ang mga bantay at opisyal. Naroon din ang isang manggagamot. Tila ba alam na nilang mangyayari ito.
Doon nagsimulang gumulo ang araw. Dahil hindi pa iyon ang pinakamasamang bahagi.
“Mahal na Concubine.”
Huminto sa tabi ko ang manggagamot. Hindi niya agad hinawakan ang katawan ni Argos. Sa halip, maingat niya muna itong pinagmasdan. Pagkatapos ay lumuhod.
Maging ang mga bantay ay hindi nagsasalita. Para bang ang buong hardin ay naghihintay ng hatol.
Ilang sandali ang lumipas. Pagkatapos ay tumingala ang manggagamot.
“Ano ang sanhi?” tanong ko.
Bahagyang nag-atubili ang manggagamot.
“Lason.”
May sinabi pa siya pagkatapos noon. Hindi ko na narinig. O baka narinig ko. Hindi ko lang naunawaan.
May bantay na napamura. Ang isa naman ay agad napatingin sa paligid, umaasang mahuhuli agad ang salarin. Ngunit wala. Nandoon lang ang payapang hardin. At sa gitna nito ay nakahandusay si Argos.
May kung anong malamig ang gumapang sa batok ko. Hindi ang lason ang kinatakutan ko. Ang katotohanang palala nang palala na ang lahat.
“Makatitiyak ka?” tanong ko.
Tumango siya. “Oo.”
Pagkatapos ay tumingin siya sa isang opisyal. Nagkatinginan sila dahilan para makaramdam ako ng kung anong mali. Dahil hindi sila mukhang nagulat. Mukha silang… handa.
“Mahal na Concubine.”
Lumapit ang opisyal. May hawak siyang maliit na kahong kahoy. Hindi ko iyon kilala. Ngunit nang buksan niya ito, agad kumirot ang sikmura ko.
May maliit na bote sa loob. May maitim na likido sa loob nito.
“Natagpuan namin ito.”
Tumahimik ang lahat.
“Saan?” tanong ko.
Hindi agad sumagot ang opisyal. Sa halip, diretso niya akong tiningnan.
“Sa inyong silid.”
May bumagsak sa pagitan namin. Biglang may pumipigil sa aking lumapit o umatras.
Natuyuan ako ng salita. Gaano na katagal may malayang nakakapasok sa tore ko nang hindi ko nalalaman? Ilang beses na ba akong natulog habang may ibang taong naglalakad sa sarili kong silid?
Hindi ko pa kailanman nakita ang boteng iyon.
“Imposible.”
“Mahal na Concubine-”
“Hindi sa’kin yan.”
Napansin kong nanginginig ang dulo ng mga daliri ko. Agad kong ikinuyom ang kamao.
Ngunit habang sinasabi ko iyon… kahit ako ay napilitang balikan sa isip ang bawat gabing iniwan kong bukas ang bintana. Bawat pagkakataong umalis ako. Bawat araw na naniwala akong ligtas pa ako.
Wala.
Kahit isa… wala akong maalalang mali.
Iyon ang pinakanakakatakot. Ibig sabihin… matagal na nila akong nauunahan.
Masyadong tahimik. Wala ni isa ang nagmukhang kumbinsido.
Makalipas ang minuto, dumating si Haring Leondre. Habang naglalakad siya papunta sa hardin, isa-isang yumuyuko ang lahat. Sa bawat hakbang niya, mas umiigting ang paligid.
Huminto siya sa tabi ng katawan ni Argos. Matagal… saka pagkatapos ay yumuko. Galit na hinawakan niya ang balahibo nito.
“Sino ang unang nakakita sa aso?”
Pagkatapos ay may isang bantay na lumuhod.
“Ako po, Mahal na Hari.”
Tiningnan siya ni Haring Leondre. Hanggang sa nagsimulang mamutla ang lalaki.
“Sinungaling.”
Napatitig ang bantay.
“M-Mahal na Hari-”
“Subukan mong magsinungaling ulit.”
Walang sumagot. Dahil sa puntong iyon, mukhang handang pumatay ang hari para sa katotohanan. Ngunit walang lumabas.
Nagsimula silang naghanap. Sinuri ang kusina, ang hardin, at mga tagasilbi. Maging ang tore ko.
Wala silang natuklasang bakas.
Tanging dalawang bagay lang ang sigurado. Patay si Argos. At natagpuan ang lason sa mismong silid ko.
Lumuhod ako upang isara ang mga mata ng aso. Mainit pa. Ibig sabihin… huli na lang ako nang ilang minuto. Kung mas maaga lang akong nagising… baka buhay pa siya.
Ngunit iyon ang unang pagkakataong naramdaman kong gagawin nila ang lahat para mawala ako sa palasyong ito.
Pagsapit ng gabi, muling nagtipon ang mga opisyal. Naroon ang pagod at pagkabigo sa mga mukha nito.
“Mahal na Hari.”
Yumuko ang Punong Imbestigador.
“Wala po kaming natagpuang salarin.”
“Wala?”
“Wala po.”
“Wala kayong nakitang kahina-hinala?”
“Wala po.”
“At nais mong paniwalaan kong basta na lang namatay ang aso?”
Hindi sumagot ang lalaki.
Dahil alam niyang maling sagot iyon.
Tumayo si Haring Leondre.
“Ituloy ang imbestigasyon.”
“Mahal na Hari…”
Napalunok ang opisyal.
“Hanggang kailan po?”
Tumingin siya sa kanilang lahat.
“Hanggang may umamin.”
Lumubog ang araw. Unti-unting nagdilim ang hardin. Isa-isang nagsialisan ang mga tao. Maging ang mga bantay. Ngunit hindi ako.
Nanatili ako roon. Nakaupo sa mababang batong malapit sa puno.
Sa harapan ko si Argos. Nakabalot na ang katawan niya sa puting tela. Ngunit alam kong siya pa rin iyon.
Nakakainis dahil ilang linggo pa lang siya sa buhay ko. At gayon pa man… tuluyang walang buhay ang hardin nang wala siya.
Tumingala ako sa langit. Pagkatapos ay muli sa puno.
May nakatingin mula sa malayo.
Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko.
At nakita ko ang reyna.
Nakatayo sa ilalim ng arko ng hardin. Sapat para hindi kami marinig ng iba.
Hindi siya lumalapit. Nakatingin lang. May binabasa sa mukha ko.
Matagal kaming nagkatitigan. Lumapit siya. Pagkatapos ay nagsalita siya.
“Malungkot.”
Wala akong ideya kung alin ang tinutukoy niya.
Ang aso o ang nangyari.
“Oo.”
Huminto siya.
Pagkatapos ay may iniabot na maliit na panyo.
“Para saan ito?”
“Punasan mo ang kamay mo.”
Napatingin ako.
May bahid pala ng dugo mula sa bibig ni Argos.
Hindi ko man lang napansin.
Bahagya siyang tumango bago muling tumingin kay Argos.
“Alam mo…”
Mababa ang boses niya.
“Mas madali silang patayin kapag mabait.”
Hindi agad pumasok sa isip ko ang ibig niyang sabihin. Kaya napatingin ako sa kanya.
“Ano ang-”
“May gusto akong malaman,” putol niya sa akin.
Mababa ang boses niya.
“Ano iyon?”
Sandali niya akong pinagmasdan. Pagkatapos ay nagsalita. “Kapag lahat ng tao ay naniniwalang traydor ka…”
Ngumiti siya. Saglit siyang tumingin sa malayo bago muling ibinalik ang tingin sa akin.
“…gaano katagal bago ka tuluyang mawala rito?”
Saglit nawala ang hangin sa dibdib ko.
Sa pagkakataong iyon… siya ang unang umiwas ng tingin. Naglakad siya lampas sa akin. Ngunit bago siya tuluyang makalayo… narinig ko ang huli niyang sinabi.
“Kung ako sa’yo… magsisimula na akong matakot.”
Ngunit habang pinagmamasdan ko ang papalayong anyo niya, may isang bagay na hindi ko maalis sa isip ko.
Ang paraan ng pagsasalita niya. Para bang may inililibing siyang babala sa loob ng bawat salita.
Hindi ako bumalik sa tore.
Sa halip… dumiretso ako sa kusina.
Nagtaka ang punong kusinero nang humingi ako ng lumang sisidlan ng lason.
“Ano’ng gagawin ninyo rito?”
“Huhuli ako ng sinungaling.”
Hindi ko na ipinaliwanag.
Hindi na ako maghihintay na umatake ang kalaban.
Kanina pa ako hinihila ng takot. Ngunit may hangganan din ang bawat hayop na pinagtatabuyan. Kapag wala na itong matakbuhan… lumalaban na ito.
Ako ang maglalatag ng bitag.
CHAPTER 35
Author’s Note:
Wag kalimutang mag-VOTE, ha?
*****
Ilang araw na ang lumipas mula nang mamatay si Argos.
Naibalik na sa dati ang hardin. Nabura na rin ang bakas ng hukay sa ilalim ng malaking puno. Parang walang nangyari.
Sa palasyo, mabilis maghilom ang mga bakas.
Ngunit sa tuwing napapadaan ako roon, hindi ko maiwasang mapatingin sa lugar na dati niyang hinihigaan.
Hindi na ako umaasang sasalubungin niya ako. Sanay na akong walang sumusunod sa likuran ko.
Marahil iyon ang tunay na layunin ng pumatay sa kanya. Ipaalalang kahit ang mga bagay na walang kinalaman sa politika ay maaari nilang gawing sandata laban sa akin.
Habang nagbabasa ako sa silid ko nang umagang iyon, dumating ang isang alipin ng hari.
Yumuko siya.
“Mahal na Concubine.”
Isinara ko ang aklat.
“Ano iyon?”
Iniabot niya ang isang maliit na pergamino. May nakatatak na selyo ng korona.
Binuksan ko iyon.
Maikli lang ang nakasulat.
Inaanyayahan ang lahat ng maharlika at opisyal ng korte sa isang hapunang pang-estado ngayong gabi. Ang pagdalo ay kinakailangan.
Hindi nawala ang titig ko sa pergamino.
Muli ko itong binasa.
Hanggang sa tuluyang napansin ng tagasilbi ang pananahimik ko.
“May problema ba, Mahal na Concubine?”
Tumingin ako sa kanya.
“Wala. Nagulat lang ako.”
“Sa ano po?”
Bahagyang humigpit ang hawak ko sa pergamino bago ko iyon marahang ibinaba sa mesa.
“Kasama pa rin pala ako sa lahat. Akala ko habang buhay niya akong ikukulong dito.”
Bahagya lang siyang yumuko bago tahimik na umalis.
Naiwan akong mag-isa.
Sa nakalipas na mga linggo, halos lahat ng nangyari ay nagtulak sa akin palayo sa palasyong ito.
Ang petisyon, mga pekeng kautusan, liham mula sa Gerunda, at ang pagkamatay ni Argos. Lahat iyon ay may iisang direksiyon.
Kung gayon… bakit pa nila ako inimbitahan?
Wala akong natagpuang sagot.
Kaya nang sumapit ang gabi, wala akong nagawa kundi sundin ang utos ng korona.
Pagdating ko, maliwanag ang bulwagan. Daan-daang kandila ang nakasabit sa mga aranyang kristal. Nagkikislapan ang mga pilak na kubyertos. Umaalingawngaw ang musika ng mga biyolin sa matataas na kisame.
Kung hindi ko alam ang nangyari nitong mga nakaraang araw, iisipin kong isa lang itong ordinaryong pagdiriwang.
Ngunit pagpasok ko pa lang… biglang humina ang mga usapan. Hindi tuluyang tumigil ngunit sapat upang maramdaman kong napansin nila ang pagdating ko.
Kusang nanigas ang mga balikat ko, ngunit ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad.
May ilang maharlikang tahasang tumingin habang ang iba’y nagkunwaring abala sa pag-inom. Narinig ko ang mahinang usapan mula sa kaliwa.
“Akala ko hindi na siya muling makakapasok sa bulwagang ito.”
Isang Duke. Hindi man lang ibinaba ang boses.
Sumagot ang katabi niyang Markis. “Mukhang hindi pa tapos ang awa ng hari.”
Bahagyang natawa ang ilan.
Lumapit ang isang eunuch.
“Inihanda na po ang upuan ninyo, Mahal na Concubine.”
Tinuro niya ang pinakadulong bahagi ng mahabang mesa. Malayo sa hari at sa reyna.
Doon ko lang napansing may ilang bakanteng upuan sa magkabilang panig ko. Mas pinili nilang tumayo kaysa makitang katabi ako.
Maya-maya pa’y bumukas ang malalaking pinto ng bulwagan.
“Magbigay pugay sa Mahal na Hari at Reyna ng Aurelius!”
Sabay-sabay na tumayo ang lahat.
Pumasok si Haring Leondre. Kasama niya si Reyna Selene. Walang imik silang naglakad patungo sa trono.
Hindi sila magkahawak ng kamay. Hindi rin sila nag-uusap. Ngunit may kakaibang pagkakasundo sa bawat hakbang nila.
Pag-upo nila, saka lang muling nagsiupo ang lahat.
Minsan, hinahanap ng mga mata ko si Haring Leondre. Ngayong gabi, hindi. Pero sa isang napakaikling sandali, nagtagpo pa rin ang tingin namin. Walang anumang ipinahiwatig. Pagkatapos ay ibinaling niya ang pansin sa ministro. Parang isa lang akong karaniwang opisyal sa loob ng bulwagang iyon.
Isa-isang inihain ang mga pagkain. Kasabay ng pagdaloy ng alak, unti-unting lumuwag ang tensiyon sa bulwagan.
Pinag-uusapan ng mga Duke ang ani. Ng mga Markis ang kalakalan. Ng mga Konde ang bagong mga buwis.
Tumayo ang Punong Ministro.
“Isang magandang gabi para sa Aurelius.”
May ilang tumango.
“Matapos ang mga kaguluhan nitong mga nakaraang araw, mabuti na lang at unti-unti nang bumabalik ang katahimikan sa palasyo.”
Nagpatuloy ang hapunan.
Sa kabilang dulo ng mesa, napansin kong bahagyang umubo si Reyna Selene.
Agad siyang dinulugan ng isang tagasilbi.
Ngumiti lang siya at uminom ng tubig.
Walang nagbigay ng pansin. Muling nilamon ng musika at usapan ang bulwagan.
Makalipas ang ilang minuto, muli siyang umubo.
Bahagya niyang tinakpan ng panyo ang bibig.
“Ayos ka lang ba, Mahal na Reyna?” tanong ng isang Dukesa.
“Kaunti lang na pagod.” Mahinahon ang sagot niya. “Marahil kulang lang ako sa pahinga.”
Mayamaya, tumayo si Haring Leondre.
Agad naputol ang ingay sa buong bulwagan.
Itinaas niya ang baso.
“Para sa kapayapaan at kasaganaan ng Aurelius.”
Sabay-sabay ding itinaas ng lahat ang kanilang mga baso.
“Para sa Aurelius.”
Uminom kami.
Ibinalik ko ang baso sa mesa.
Sa loob ng isang maikling sandali, tila walang anumang maaaring sumira ng gabi.
At sa mismong sandaling iyon… may tumamang basag na tunog sa kabilang dulo.
Lumingon ang lahat.
Nahulog ang kristal na baso ng Reyna. Gumulong ito sa marmol bago tuluyang nabasag.
Nakatayo pa rin siya. Ngunit nakahawak na sa gilid ng mesa.
“Reyna Selene?”
Mabilis na lumapit si Haring Leondre.
Hindi sumagot ang reyna. Sa halip… umubo siya.
Isang beses.
Pagkatapos ay muli.
Mas malakas.
At sa ikatlo… may pulang likidong tumalsik sa puting mantel.
Dugo.
Hindi kaunti at manipis na guhit. Sapat upang sabay-sabay mapatayo ang buong bulwagan.
“MAHAL NA REYNA!”
May isang Duke ang napasigaw.
Nabitawan ng isang ministro ang kubyertos.
Tumayo ang mga bantay.
“TAWAGIN ANG MGA MANGGAGAMOT!”
“DALIAN NINYO!”
“ILAYO ANG MGA BISITA!”
Bago pa man makalapit ang kahit sino, nasalo na ni Haring Leondre ang Reyna.
“Selene.”
Unang beses kong narinig ang pangalan niyang walang titulo.
Bahagyang nakapikit ang reyna. Namumutla ang mukha. May manipis na guhit ng dugo sa gilid ng labi niya.
“Huwag kang magsalita.”
Mahigpit ngunit kontrolado ang boses ni Haring Leondre.
“Dumating na ang manggagamot.”
Makalipas ang ilang sandali, nagsidatingan ang tatlong manggagamot.
Agad nilang inilatag ang mga gamit.
Sinuri nila ang pulso, mata, at hininga ng reyna.
Lahat nagpipigil huminga.
Ilang minutong tila napakahaba ang lumipas. Hanggang sa dahan-dahang tumayo ang pinakamatandang manggagamot.
Yumuko siya sa hari.
“Mahal na Hari…”
“Ano.”
Isa iyong utos.
Huminga nang malalim ang matanda.
“May bakas ng lason sa katawan ng Mahal na Reyna. At batay sa kulay ng dugo at reaksiyon ng katawan…”
Napalunok siya.
“Ito ang parehong uri ng lasong pumatay sa asong pagmamay-ari ng Mahal na Concubine na namatay ilang araw na ang nakalipas.”
Natigalgal ako.
Pagkatapos… lahat ng mata ay sabay-sabay na bumaling sa akin.
May isang upuang malakas na naitulak.
“Siya!”
Tumayo ang isang Duke. Ang ama ni Reyna Selene.
“Siya ang may lason!”
“Siya rin ang pinaghinalaan noon!”
“DAKPIN SIYA!”
Kumapit nang mahigpit ang mga daliri ko sa gilid ng mesa hanggang bahagya itong nanginig.
Sunod-sunod ang sigawan.
May mga bantay na agad humakbang palapit sa akin.
Hindi ko sinubukang tumayo. Alam ko kapag gagawin ko iyon, iisipin nilang umamin na ako.
Umangat ang mata ko sa hari.
Ngunit hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa maputlang mukha ng reyna.
Hindi ko mabasa ang mukha niya.
Ngunit, parang may kung anong nabasag sa pagitan namin. Hindi ko alam kung galit ang nasa mga mata niya. O pagkadismaya.
Sa kabila ng lahat ng dahilan para kamuhian ko siya, may bahagi pa rin ng sarili kong naghihintay na magsalita siya.
Isang salita lang.
Isang utos lang.
At maaaring magbago ang kapalaran ko.
Pagkatapos… unti-unti niyang sinalubong ang tingin ko.
Walang tanong. Wala ring bakas ng pagtitiwalang dati kong nakikita sa tuwing ipinagtatanggol niya ako sa konseho. Para bang matagal nang nauna ang hatol kaysa sa mga salitang bibigkasin niya.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa bulwagan.
Pagkatapos ay nagsalita siya.
“Isara ang bulwagan at ang mga tarangkahan ng palasyo.”
Huminto ang lahat.
“Walang aalis.”
Isa-isang tumigil ang mga bantay.
Pagkatapos ay tumingin siya nang diretso sa akin.
“Pati ikaw.”
Walang sinuman ang bumalik sa kanilang upuan.
Isa-isang inalis ng mga tagasilbi ang pagkain.
Tinahak ng mga musikero ang labasan.
Sa loob lang ng ilang minuto, ang bulwagang puno ng alak at musika ay naging silid ng paglilitis.
Sa gitna ay naiwan ang isang bakanteng espasyo. At doon nila ako pinatayo. Wala akong posas. Hindi rin ako pinaluhod. Ngunit sa paraan ng pagkakatayo ng mga bantay sa paligid ko, malinaw na hindi ako malayang umalis.
Kanina pa nadala ang reyna sa kaniyang silid. Hindi ko alam kung buhay pa siya. Ang alam ko lang, halos lahat ng may kapangyarihan sa Aurelius ay nakatingin sa akin. At wala ni isa sa kanila ang tumitingin na parang inosente ako.
Naisip ko bigla ang kapatagan ng Adarmus. Ang tahananang sapilitan kong iniwan.
Ang ubo ng aking ina na hindi na halos mawala.
Ang mahigpit na kapit ni Lira sa laylayan ng damit ko habang umiiyak tuwing natatakot siya na baka mamatay na si Nanay Tersing.
Hindi ko alam kung buhay pa si Nanay. O kung may nagkupkop ba kay Lira.
Kung ito na ang katapusan ko… baka hindi ko na sila makita kailanman.
Tumayo ang Punong Ministro.
“Magsisimula na ang paglilitis para sa concubine ng korona.”
Tumayo ang matandang Duke ng Vesperus.
Diretso niya akong tinuro.
“Magpaliwanag ka!”
Walang lumabas agad na salita sa labi ko.
Tumingin muna ako sa paligid. Tiningnan ko ang mga Maharlika. At sa huli… kay Haring Leondre.
Hindi ko pa rin mabasa ang mukha niya. Wala roon ang galit, ngunit wala rin ang awa. Naghihintay lang siya. Ngunit bawat pagkakataong nagtataas ako ng tingin, tila lalo lang siyang lumalayo.
Para bang hindi na ako ang concubine na ilang ulit niyang ipinagtanggol.
Isa na lang akong akusadong naghihintay ng hatol.
Kaya ibinalik ko ang tingin sa Duke.
“Ano ang gusto ninyong ipaliwanag ko?”
Nagkaroon ng maikling katahimikan.
Pagkatapos ay napatawa siya. Tila hindi makapaniwalang tinanong ko pa iyon.
“Ang pagkalason sa reyna.”
“Lason din ang ikinamatay ng aso. At ang parehong lason ay natagpuan sa iyong silid.”
Tumango ako.
“Ang liham mula sa Gerunda,” pagpapatuloy niya. Ang mga pekeng kautusan.“
Lalong tumalim ang tingin ng Duke.
“Napakaraming nangyayari sa paligid mo, concubine.”
“At wala ni isa roon ang ginawa ko,” sagot ko.
Nag-ingay ang bulwagan.
“Kasinungalingan!”
“Hanggang kailan ka magsisinungaling? Napakakapal ng mukha!”
Hinayaan kong lumipas ang sigawan.
Pagkatapos ay muli akong nagsalita.
“May mga liham na hindi ko isinulat. May mga kautusang hindi ko nilagdaan. May lasong hindi ko kailanman nakita.”
Tumawa ang isang Markis.
“Ngunit nasa silid mo. Lahat ng ebidensya laban sa iyo.”
Biglang natameme ang ilan.
Pilit kong pinapatatag ang sarili ko.
“Kung tunay akong nagbabalak na patayin ang reyna, bakit ko iiwan ang lahat ng ebidensya sa sarili kong silid?”
May ilang maharlikang nagkatinginan sa isa’t isa. Ngunit agad ding tumayo ang isa pang Duke.
“Dahil akala mo walang makakakita.”
“Hindi.”
Diretso ko siyang tiningnan.
“Dahil may gustong palabasin na ako ang gumagawa.”
Bumalik ang ingay, ngunit naging mas malakas at magulo.
Tumayo ang Punong Ministro.
“Bilangin natin ang mga katotohanan.”
Itinaas niya ang isang daliri, dahilan para muling mamatay ang ingay.
“May liham, lason, motibo… at ngayon ay may biktima.”
Hindi na niya kailangang sabihin ang pangalan ni Reyna Selene. Sapat na ang mga ebidensyang iyon upang tapusin ang paglilitis.
Ngunit saka bumukas ang malaking pinto.
Nabaling doon ang atensyon ng lahat.
Pumasok ang Punong Kusinero. Nakaputing kasuotan ito. Bakas ang pamumutla sa mukha. Halatang nagmamadali.
Pagpasok niya, agad siyang lumuhod.
“Mahal na Hari.”
“Bakit?”
Matagal bago siya nakapagsalita. Nakita ko ang marahang paglunok niya ng laway.
“May bagay po akong hindi na kayang itago.”
Lalong tumahimik ang bulwagan.
“Hindi ko alam kung mahalaga ito…”
“Sabihin mo.”
Huminga nang malalim ang kusinero.
“Ilang araw na ang nakalipas…”
Yumuko siya.
“…humingi sa akin ang Mahal na Concubine ng isang lumang sisidlan ng lason.”
May kung anong malamig na gumapang sa batok ko.
Biglang nawala ang lahat ng tunog. Hindi ako nakagalaw ni makapagsalita.
Tumayo ang Duke ng Vesperus.
“Narinig ninyo? Hanggang kailan kayo magpapauto sa kasinungalingan ng lalaking iyan!”
Ngunit hindi pa tapos ang kusinero.
“Inakala kong gagamitin lang iyon bilang halimbawa sa pag-aaral.”
“Tinanong mo ba siya?”
“Opo.”
“Ano ang isinagot niya?”
“Papatay siya ng sinungaling.”
Napakabigat ng bawat salita. Isa-isang inilalatag ang mga bato sa ibabaw ng sarili kong hukay.
Tumingin ang Punong Ministro sa akin.
“Itinatanggi mo ba?”
“Wala akong maalalang humingi ng sisidlan ng lason.” Sinubukan kong itanggi.
Nagkaroon ng mahinang tawanan.
“Hindi mo maalala?”
“Hindi.” Ulit ko.
“Kung gayon…”
Ilang segundo akong tinitigan ng Punong Ministro. Pagkatapos ay tumango siya sa isang kawal.
Inilapag ng sundalo ang isang makapal na aklat.
Binuksan niya ang aklat at inilabas ang isang pahina.
“Kilalanin mo ito.”
Lumapit ako at tiningnan iyon.
Ang talaan sa kusina ng palasyo. Mga gamit na inilalabas. Mga lagda. At naroon ang pangalan ko.
Sa ilalim nito… ang pirma ko.
Nanatiling nakabukas ang palad ko, ngunit hindi ko magawang abutin ang pahina.
Unti-unti kong iniangat ang tingin.
“Hindi ko matatandaan ang araw na ito.”
“Ngunit pirma mo iyan. At walang pumilit sa iyong pumirma.”
Hindi peke ang talaan.
Bawat pagtatangkang linisin ang pangalan ko ay lalo lang akong ibinabaon.
Nagkaroon ng mahabang pagtatalo.
“Bitayin siya!”
“Hindi!”
“Pugutan ng ulo sa arena!”
“Mapanganib siyang buhay!”
“Isa siyang traydor!”
“Isa siyang mamamatay-tao!”
Biglang tumayo si Haring Leondre.
Inilibot niya ang tingin sa konseho. Pagkatapos ay sa akin.
“Hindi siya papatayin.”
May ilang Duke ang agad tumutol.
“Mahal na Hari-”
“Hindi.”
Tumigil silang lahat.
Matagal siyang nanatiling tahimik. Pagkatapos ay huminga siya.
“Ngunit…”
Bahagya siyang napalunok.
“…aalis siya sa palasyong ito.”
Saka ko lang napansing kanina ko pa pala pinipigil ang paghinga ko.
Akala ko handa akong umalis sa palasyo ano mang oras.
Paulit-ulit kong sinabi sa sarili kong wala akong dahilan para manatili dito.
Ngunit nang marinig ko mismo sa kaniya ang hatol… doon ko lang naunawaang matagal ko nang inilalagay ang kapalaran ko sa mga kamay ng haring pinakakinamumuhian ko.
May kung anong mabigat na bumagsak sa loob ko.
Hindi dahil sa utos, kundi dahil siya ang nagsabi noon. Siya rin ang taong kumuha kay Fergus sa akin.
Dapat noon pa lang natuto na akong huwag umasa sa kaniya.
Ngunit heto ako… nasasaktan pa rin sa bawat hatol na nanggagaling sa kaniya.
Ang haring paulit-ulit na tumangging ipatapon ako. Ang taong tumangging sundin ang petisyon ng limampung maharlika. Ngayon… siya mismo ang nagpapaalis sa akin.
“Hanggang sumikat ang araw.”
Malamig ang boses niya.
“Mananatili siya sa kaniyang silid. Mahigpit na babantayan. Walang papasok. Walang lalabas.”
Walang tumutol sa utos.
Ilang sandali lang ang lumipas, isinama na ako palabas ng bulwagan.
Ikinulong nila ako sa tore na matagal ko nang tinatawag na tahanan.
Sampung bantay ang nakapuwesto sa labas ng pinto. Kinadena ang mga bintana.
Wala na silang sinabi.
Inilapag ko sa mesa ang iilang gamit na maaari kong dalhin.
Lumipas ang ilang oras. Unti-unting pumusyaw ang dilim sa labas ng bintana.
Akala ko iyon na ang huling gabing gugugulin ko sa palasyong ito.
Nakakatawang isipin.
Ilang buwan akong naghanap ng paraan para makaalis dito.
Ngayon na kusang binubuksan ang mga tarangkahan para paalisin ako… wala akong naramdamang ginhawa.
Ngunit bago pa sumikat ang araw… may narinig akong pagbukas ng pinto.
Nilingon ko.
Pumasok ang reyna.
Nag-iisa siya.
Maputla pa rin ang mukha niya. May bakas pa ng panghihina. Ngunit maayos na ang kaniyang bihis.
Sinara niya ang pinto.
Walang bantay na sumunod.
Ako ang unang bumasag sa katahimikan.
“Hindi ko iyon ginawa sa’yo, Mahal na Reyna.”
Ngunit ngumiti siya nang napakaliit.
“Alam ko.”
Biglang huminto sa pag-ikot ang mundo.
“Ano?”
“Alam kong hindi ikaw.”
Hanggang sa huminto siya sa tabi ko.
Yumuko siya sa tabi ng tenga ko.
At sa unang pagkakataon… nawala ang malumanay na boses ng mabait na reyna.
Ang narinig ko ay isang boses na malamig. At puno ng katiyakan.
“Pero sino ang maniniwala?”
Nanigas ang mga balikat ko.
Tumuwid siya.
Hindi na ako nakapagsalita.
Hindi na siya muling lumingon.
Pagkatapos lumabas siya ng silid. Naiwan akong nakatingin sa pintuang unti-unting nagsara.
Sa wakas… nakita ko rin ang tunay na mukha ng taong matagal nang naglalaro sa likod ng mga anino.
CHAPTER 36
Author’s Note:
Wag kalimutang mag-VOTE ha?
Medyo natagalan dahil mahaba- haba ang chapter na ’to.
Madilim pa ang kalangitan nang marinig ko ang tatlong marahang katok sa pintuan. May ritmo iyon, disiplinado, at walang pag-aalinlangan. Katok ng mga kawal.
“Oras na ba?” tanong ko nang hindi tumitingin sa pinto.
“Nakahanda na ang karwahe, Lord Damien.”
Sandaling nanatili sa hangin ang bagong tawag na iyon.
Lord Damien.
Ilang saglit na hindi gumana ang mga paa ko.
Ngumiti ako nang mapait. Para bang iba na ang taong tinatawag nila.
Wala na ang titulong Mahal na Concubine. Kasabay nitong naglaho ang paggalang na minsang kaakibat nito.
Isinuot ko ang balabal na nakatiklop sa ibabaw ng kama. Maya-maya, kinuha ko ang maliit na baul na pinaglagyan ko ng aking mga gamit.
Binuksan ko ang pinto.
Bumungad agad ang malamig na hangin ng madaling-araw, kasabay ng sampung kabalyerong sundalo ng hari na tahimik na naghihintay sa labas.
Nasa unahan ang kanilang heneral.
Nakilala ko siya noong una pa lang akong ilipat ni Haring Leondre sa tore ng mga Maharlika. Isa siya sa mga unang kawal na nagbantay sa akin noon. Hindi siya madaldal. Hindi rin siya naging bastos.
Ngunit ngayong umaga, nanatili siyang tuwid.
“Tayo na, Lord Damien.”
Pinagmasdan ko siya nang ilang sandali bago ako yumuko.
“Hindi ko akalaing ganito ako aalis.”
Bahagyang bumaba ang tingin niya.
“Hindi rin namin akalaing darating ang araw na ito.”
Nagsimula kaming maglakad.
Ilang araw pa lang ang nakalipas mula nang mamatay si Argos ngunit pakiramdam ko, ilang taon na ang lumipas.
Habang bumababa kami sa paikot na hagdan, kusa kong sinusundan ng tingin ang bawat bahaging minsan ko nang nakabisado.
Naroon pa rin ang bitak sa ikapitong baitang. Ang lumang bintanang pinapasukan ng malamig na hangin tuwing taglamig.
Walang nagbago sa tore.
Ako lang ang hindi na kabilang dito.
Paglabas namin sa pasilyo, nagsimula kong mapansin ang mga taong nagkukunwaring abala.
May isang batang tagasilbing may dalang mga kumot. Huminto siya nang makita ako. Halos yumuko. Ngunit agad siyang hinila ng matandang babaeng kasama niya.
“Huwag.”
Mahinang-mahina lang iyon, ngunit sapat para marinig ko.
Nagpatuloy silang maglakad na tila walang nangyari. Hinayaan ko silang mawala sa aking paningin.
Nagpatuloy kami nang walang nagsalita.
Ilang sandali pa, nadaanan namin ang aklatan. Doon ako madalas nagpapalipas ng oras habang nagbabasa.
Ngayon walang tao.
Hindi nagbago ang hakbang ko.
May mga lugar na mas mabuting iwan sa alaala kaysa piliting balikan. Sapagkat dito lang ako naging Damien. Hindi concubine. Hindi kasangkapan ng hari. Isa lang taong tahimik na nagbabasa.
Ilang hakbang pa lang ang lumipas nang kusa akong bumagal.
Nasa kanan namin ang malaking greenhouse.
Sa loob ng salaming dingding na iyon… Doon unang ngumiti sa akin si Reyna Selene. Ngayon, alam kong bawat tasa ng tsaa ay bahagi pala ng isang mas malaking laro.
“Lord Damien?”
Mahinang tawag ng Heneral.
Pinilit kong alisin ang tingin sa salaming dingding.
“Wala.”
Muli akong naglakad. Sa bawat hakbang, naiiwan sa likuran ko ang bawat sulok ng palasyo. Mga alaalang wala na akong karapatang balikan.
Narating namin ang pangunahing bulwagan.
Napakalawak ngunit napakatahimik ngayon.
Dito ako unang ipinakilala sa buong kaharian bilang concubine ng korona. Dito rin nila ako pinanood na mawalan ng lahat.
Tinawid namin ang malawak na bulwagan.
Isang pangkat ng mga tagasilbi ang naglilinis ng sahig. Pagkakita nila sa akin ay agad silang nagpatuloy sa kanilang ginagawa.
Walang bumati.
Alam nilang ang isang maling tingin ay maaaring ikapahamak nila.
Dinaanan naming ang bulwagan hanggang sa tuluyan kaming makalabas sa loob ng palasyo. Bumaba kami sa napakahabang mga hagdan. Hindi nagtagal, narating namin ang pangunahing tarangkahan.
Dalawang higanteng pinto ang bumukas nang dahan-dahan.
Kasabay ng paglangitngit ng bakal. Malamig na hamog ang sumalubong sa akin.
Huminto ako sa mismong hangganan.
Isang hakbang na lang.
Iyon na lang ang pagitan ng dati kong buhay at ng kung anumang naghihintay sa akin sa labas.
May isang bahagi sa akin ang tahimik na naghintay at umaasang… baka may humabol. Baka may isang utos o isang pagbabago ng isip at pamilyar na boses.
Hindi ko namalayang tumigil ang paghinga ko habang nakatanaw sa likuran.
Pero wala.
Hindi dumating si Haring Leondre.
Bumuntong hininga ako.
Lumabas ako. Sa likuran ko, muling nagsara ang tarangkahan. Humalo sa malamig na hangin ang amoy ng bakal.
Kung isasara man nila ang buhay na iyon… marahil ay hindi talaga ako kabilang sa kanila. Isa lang akong aliping binihisan ng ginto dahil sa pabor ng hari.
Maagang-maaga pa kaya kakaunti lang ang mga tao sa lansangan.
Maingat na isinakay ng mga kawal ang maliit kong baul sa karwahe. Ako na ang huling sumakay.
Umupo ang Heneral sa tapat ko.
Isang kumpas lang ang ginawa niya. Umandar ang mga kabayo. Naiwan sa likuran ang palasyo.
Tumingin ang isa sa mga kabalyero sa likuran.
“Heneral Calixto.”
Hindi siya agad sinagot.
“May alikabok.”
Lumingon din ang Heneral.
Sa malayo. May manipis na guhit ng alikabok sa daan. May ibang pangkat na dumaan roon. Ngunit nang huminto sila upang masdan iyon… wala na.
“Mga mangangalakal lang marahil.”
Tumango ang Heneral. Ngunit hindi siya agad umalis sa pagkakatitig.
At kasabay nitong unti-unting lumapit ang katahimikan.
Kumalansing ang mga gulong sa batong daan habang dahan-dahang nilalamon ng hamog ang palasyo.
Pinagmasdan ko ang mga kabahayan ng kabisera. Mga tindahang sarado pa at mga panaderong nagsisindi pa lang ng pugon. May mga batang humahabol sa mga aso sa makikitid na eskinita.
Habang nagsisimula ang kaharian sa panibagong araw, ako nama’y nawawala rito.
Tanging kalansing ng gulong at yabag ng mga kabayo ang maririnig. Hanggang sa ako rin ang unang bumasag sa katahimikan.
“Gaano ka na katagal naglilingkod sa hari?”
Bahagyang nagulat ang Heneral.
“Dalawampu’t pitong taon.”
“Matagal.”
Lumingon siya sa bintana.
“Nakailan ka nang naghatid ng taong pinatapon palabas ng palasyo?”
Napaisip siya.
“Marami na.”
“Kasama ba roon si Fergus?”
Bahagyang nanigas ang Heneral.
Ilang sandali niyang pinagmasdan ang daan sa unahan bago siya marahang tumango.
“Oo. Ako ang namuno sa hanay.”
Napayuko ako.
“Kumusta siya noon?”
Muling tumahimik ang Heneral.
“Hindi siya lumingon kahit isang beses.”
Kumirot ang dibdib ko.
Hindi ko alam kung bakit iyon ang gusto kong marinig. O kung bakit iyon ang pinakamasakit na maaari niyang sabihin.
“At nang makarating kami sa hangganan ng kaharian…” mahina niyang dugtong, “hiniling niyang huwag naming sabihin sa iyo kung saan siya dinala.”
Humigpit ang pagkakayakap ko sa balabal na nasa kandungan ko bago ako napapikit.
“At ilan ang nakabalik sa kaharian matapos silang ipatapon sa labas?”
Matagal bago siya nagsalita.
Maya-maya ay bahagya siyang ngumiti.
“Wala.”
Pagsapit ng tanghali, malayo na kami sa kabisera.
Napalitan ng malalawak na damuhan ang mga bahay. Sumunod ang mga kakahuyan. Naging mas makitid ang daan.
Sa unahan may isang tore. May watawat ng Aurelius ngunit walang bantay. Wala ring apoy at mga kabayo.
“Nasaan ang mga kawal dito?” tanong ko.
“Dapat may anim na nagbabantay rito.” Sa halip, kunot noong sabi ng Heneral.
“Malayo pa ba?” tanong ko.
“Dalawang araw pa.”
Hindi pa man kami nakakalayo, may kung anong kumislap sa gilid ng daan.
Isang palaso. Nakabaon ito sa katawan ng isang lumang punongkahoy. Maitim na ang dugong namuo sa kahoy, parang ilang oras na itong naroon.
Huminto ang tingin ko sa palasong nakabaon sa puno.
“May nangyari rito?”
Walang sumagot. Tanging ang Heneral ang huminto sandali.
Pinagmasdan niya ang palaso, saka dahan-dahang inilibot ang tingin sa paligid.
“Umalis na tayo,” maikli niyang utos.
Muling umandar ang hanay.
Lumipas ang ilang sandali nang walang nangyari.
Habang papalayo kami sa abandonadong tore, bumalik ang mga tunog ng kagubatan. May dumapong ibon sa isang tuyong sanga. Muling gumalaw ang mga dahong kanina’y halos hindi hinihipan ng hangin.
Parang walang nangyari.
Napansin kong bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ng ilan sa mga kabalyero sa kanilang mga espada.
“Marahil ay mga tulisan lang ang dumaan dito kagabi,” sabi ng Heneral.
Nakahinga ako nang maluwag.
Ngunit hindi iyon nagtagal.
May kung anong gumuhit sa gilid ng paningin ko.
Lumingon ako sa kakahuyan. Tatlong usa ang nakatayo sa pagitan ng mga puno.
Hindi sila kumakain.
Hindi rin gumagalaw.
Nakatingin lang sila sa mas malalim na bahagi ng kagubatan na para bang may hinihintay.
Maya-maya’y sabay-sabay silang tumakbo. Ngunit hindi palayo sa amin. Papasok sila sa mas makapal na kagubatan. Parang may tinatakasan.
Habang tumatagal, may kakaibang bumabalot sa kagubatan. Isa-isa na namang nawala ang mga tunog ng kabihasnan.
Hindi lang pala ang mga ibon ang nawala. Pati ang mga kuliglig, ang lagaslas ng batis na kanina pa naming sinusundan, at ang mga dahong kanina’y sumasayaw sa hangin. May kung anong dahan-dahang humigop sa lahat ng tunog sa paligid.
Nang mapatingin ako sa mga kabayo, nakita kong sabay-sabay na gumagalaw ang kanilang mga tainga.
Hindi sila nakatingin sa iisang direksiyon. Para bang may naririnig silang paikot-ikot sa paligid namin.
Maging ang hangin ay ayaw dumaan sa pagitan ng mga puno.
Kasunod noon, bumagal ang mga kabayo. Ayaw nilang magpatuloy.
Itinaas ng Heneral ang kamay.
“Hinto.”
Sabay-sabay huminto ang hanay.
Tumingin ang isang binatang kabalyero.
“Heneral Calixto?”
Hindi siya sumagot.
Nakatingin lang siya sa makakapal na puno sa magkabilang gilid ng daan.
“Mukhang may problema?” tanong ng isa pang kawal.
Mahina siyang huminga.
Nagkatinginan ang ilang kabalyero.
Dahan-dahang hinugot ng Heneral ang espada mula sa kaluban. Umalingawngaw ang malamig na tunog ng bakal.
Bumaba siya sa karwahe. Tumingin siya sa kaliwa. Pagkatapos sa kanan. Nakapikit siya nang bahagya. Para bang nakikinig.
“…Hindi.”
Tumigil siya.
“May nanonood sa atin.”
Agad kong naramdaman ang pagbabago sa mga kawal. Lahat sila ay sabay-sabay na humawak sa kanilang mga sandata.
Biglang lumamig ang mga palad ko. Dumapo sa isip ko ang isang katotohanang baka hindi ang pagpapatapon ang tunay kong kapalaran.
Baka hindi ako kailanman nakatakdang makarating sa pupuntahan ko.
Mabilis na bumaba ang apat na kabalyero. Agad nilang inilibot ang tingin sa magkabilang gilid ng kagubatan. Ang iba nama’y humawak sa renda ng mga kabayo na nagsisimula nang mag-ungol at umatras. May naaamoy silang panganib na hindi makita ng tao.
Humakbang ang Heneral hanggang sa unahan ng karwahe.
“Huwag kayong lalayo sa hanay.”
Tumango ang mga kabalyero.
Ako naman, nanatiling nakaupo.
Wala akong sandata. At sa unang pagkakataon, wala rin ang batalyong hukbo ng hari na handang poprotekta sa akin anumang oras.
Muling nagsalita ang Heneral.
“Magpatuloy tayo.”
Ngunit bago pa man makahila ng renda ang kutsero, tumigil ang kabayong nasa unahan.
Nakatitig lang ito sa makapal na kagubatan na para bang may nakikita roong hindi namin makita.
Isa-isa ring naging balisa ang iba pang kabayo. Kumakabog ang mga paa nila sa lupa. Nagbubuga ng mainit na hininga. Pilit umatras kahit hinihila ng mga renda.
Kumunot ang noo ng Heneral.
“Hindi normal ito…”
Kasunod niyon ay may narinig kaming mahinang lagaslas ng mga dahon. Mula sa magkabilang gilid ng daanan.
Walang gumalaw.
At sa mismong katahimikang iyon…
THWKK!
Bumagsak ang kutsero bago pa siya makasigaw. Nakabaon ang isang mahabang palaso sa kaniyang lalamunan.
“Depensa!” sigaw ng Heneral.
Ngunit huli na.
THWKK!
Isa pa.
THWKK!
Saka bumuhos ang mga palaso.
Nagkabuhol ang mga renda. Nagwawala sa pagkagulat ang mga kabayo. Biglang bumaliktad ang karwahe.
Tumama ang balikat ko sa kahoy bago ako tuluyang inihagis palabas. Gumulong ako sa maputik na gilid ng daan. Nagliyab ang sakit sa tagiliran ko. Ngunit wala akong panahong damhin iyon.
“Ang concubine!” sigaw ng Heneral.
Kasabay noon ay nagsunod-sunod ulit ang paglipad ng mga palaso. Parang umulan ng bakal.
“Kalasag!”
“Protektahan ang karwahe!”
Naghalo-halo ang sigawan.
Mula sa makakapal na puno, isa-isang lumitaw ang mga lalaking nakaitim. Walang sumigaw at nagmadaling lumabas. Ang mga anino mismo ang tila nagkaroon ng anyo.
Mula sa isa… lima… sampu.
Hanggang sa mahigit tatlumpung pares ng matang walang emosyon ang nakatingin sa amin.
“Depensibong pormasyon!” sigaw ng Heneral.
Agad na pumuwesto ang natitirang mga kabalyero sa paligid ko.
“Lord Damien!” sigaw ng isa.
“Manatili ka sa likuran namin!”
Hindi ako umurong.
May isang lalaki ang humakbang pasulong. Nakatakip ang kalahati ng mukha niya. Tanging ang mga mata ang nakikita.
Iniangat niya ang espada.
“Patayin ang concubine!”
Kusang humigpit ang pagkakahawak ko sa putol na kahoy hanggang sumakit ang mga daliri ko.
Tatlong salita lang. At sabay-sabay silang sumugod.
Parang sumabog ang kagubatan. Nagsalpukan ang mga espada. Nagliparan ang mga tuyong dahon. Umalingasaw ang amoy ng putik, pawis at sariwang dugo.
Humarang ang Heneral sa unang assassin. Nagbanggaan ang kanilang mga espada.
“Sugod!” sigaw ng pinuno mula sa kabilang panig.
Ngunit hindi ang mga kabalyero ang inatake nila. Lahat sila… dumaan palusot at lundag paiwas sa pagitan ng mga sundalo.
Ako ang pakay nila.
“Harangan sila!” sigaw ng Heneral.
Pero huli na.
Tatlo ang agad na nakalusot.
Tumakbo sila papunta sa akin.
Humakbang ako paatras. Wala akong sandata. Napulot ko lang ang isang putol na kahoy mula sa nabasag na karwahe. Halos matawa ako. Isang kahoy laban sa mga bihasang mamamatay. Hindi man lang patas.
Tinaga ako ng una.
Naiwasan ko.
Tumama ang espada sa kahoy. Nabiyak iyon sa gitna.
Sinuntok ko siya sa mukha. Umurong siya nang bahagya. Ngunit agad siyang pinalitan ng isa pa. Masyadong marami at mabilis.
“Lord Damien!”
Narinig ko ang sigaw ng Heneral.
Paglingon ko, dalawa na ang sugat niya. Ngunit patuloy pa rin siyang lumalaban.
Isang kabalyero ang bumagsak.
Isa pa.
At isa pa.
Hindi sila mahihinang kawal, ngunit hindi rin ordinaryong mamamatay-tao ang kalaban.
Sinanay sila para sa iisang layunin lang.
Patayin ako.
Isang malakas na pagsabog ng kahoy ang umalingawngaw. May tumamang kabayo sa nabaligtad na karwahe. Nawasak ang natitira nitong katawan. Tumalsik ang mga piraso ng kahoy. Tinamaan ako sa balikat. Nawalan ako ng balanse.
Napaatras ako.
Bumigay ang lupa sa ilalim ng paa ko. Hindi ko napansing gilid na pala iyon ng isang may kataasang bangin. Saka ko lang naramdamang wala na pala akong inaapakan.
Nahulog ako at ilang ulit na gumulong sa matutulis na bato bago tuluyang huminto sa ibaba.
Humapdi ang buong katawan ko. May mapait na lasa ng dugo sa bibig ko nang subukan kong huminga.
Matagal akong hindi nakagalaw. Tanging mabibigat kong paghinga ang naririnig ko. Unti-unti kong iginalaw ang mga daliri ko. Kasunod ang mga tuhod. Masakit pero wala namang nabali.
Tumingala ako. Hindi ko na makita ang labanan. Tanging malalayong sigawan na lang ang umaabot sa akin.
Kailangan ko lang makalayo rito. Kung makakahanap lang ako ng ibang daan palabas ng bangin… baka hindi na nila ako makita.
Pilit akong tumayo. Hanggang sa marinig ko ang pagguho ng maliliit na bato sa likuran ko.
Hindi ako agad lumingon. Dahil alam kong… wala dapat ibang tao roon. Ngunit bago pa ako makalayo, apat na asasin na ang nag-unahan sa pagbaba.
Sa itaas ng bangin ay nagpapatuloy pa rin ang labanan. Ngunit malayo na ang mga kabalyero. Wala nang makararating sa akin.
Lumapit ang pinuno ng mga asasin. Ngayon, malinaw ko na siyang nakikita. May mahabang peklat sa kaliwang pisngi.
Ngumiti siya.
“Wala nang hari para iligtas ka.”
Sinalubong ko ang tingin niya.
“Wala na akong lugar sa palasyo. Kailangan bang mamatay pa ako?”
“Kailangan.”
“Bakit?”
Ngumiti lang siya.
“Dahil buhay ka pa.”
Iniangat niya ang espada. Sumunod ang tatlo pa. Apat na talim.
Nawalan ng lakas ang mga tuhod ko, ngunit nanatili akong nakatayo.
Napapikit ako nang bahagya.
“Patayin siya.”
Naikuyom ko ang aking kamao.
Bumaba ang apat na espada.
Wala na akong ibang paraan. Hindi ako makakatakbo. Hindi rin ako makakalaban. Tinanggap kong dito na matatapos ang lahat.
Ipinikit ko ang mga mata ko. Huminga nang malalim. At hinintay ang sakit.
Ngunit walang tumama.
Isang malakas na kalansing ng bakal ang sumabog sa pagitan namin.
CLAAANG!
Umalingawngaw ang tunog sa buong bangin.
Kasabay niyon, may kung anong kumislap sa gilid ng paningin ko. Masyadong mabilis upang masundan ng mata.
Umatras ang apat na asasin.
Isa sa kanila ang napatingin sa sariling kamay. Saka lang niya napansing wala na iyon. Kasunod noon ang kaniyang napigil na sigaw habang bumabagsak sa putikan ang naputol niyang kamay.
Walang gumalaw. Walang sinuman ang nakakita kung paano nangyari iyon. Hinanap nila kung saan nanggaling ang unang atake. Ngunit huli na.
Maging ang hangin ay tila ba tumigil sa pagitan ng mga puno.
Kasunod noon ang mabibigat at dahan-dahan na yabag.
May isang pares ng itim na bota ang huminto sa pagitan namin.
Mula roon, dahan-dahan kong itinaas ang tingin.
Una kong nakita ang dugong patak-patak na tumutulo mula sa dulo ng isang espada.
Sumunod ang kamay na mahigpit na nakakapit sa puluhan.
Pagkatapos ang maitim na baluting may nakaukit na gintong sagisag ng Aurelius.
Nakaharap siya sa apat na asasin.
Dilat ang mata ng lahat.
Maging ang lalaking may peklat ay parang nakalimutang huminga.
“…Imposible.” Mahina niyang bulong.
Isa pa sa mga asasin ang kusang napaatras nang makilala nila ang taong nasa harapan nila.
At saka ito nagsalita. “Subukan ninyo.”
Sa dalawang salitang iyon lang, bumalik ang alaala.
At kinamuhian kong kaya ko pa ring makilala ang boses na iyon pagkatapos ng lahat.
Dahan-dahan kong iniangat pa ang tingin.
Mula sa matipunong balikat. Paakyat sa matigas na panga. Hanggang sa mukha niyang hinding-hindi ko malilimutan.
Huminto ang paghinga ko.
Hindi maaari.
“…Mahal na Hari?!”
Hindi ako agad nakagalaw dahil sa isang bagay na mas mahirap tanggapin.
Kung may huli man siyang aalalahanin tungkol sa akin, ayokong ganito iyon. Wasak, walang magawa, at naghihintay na lang mamatay.
Matagal kong pinagmasdan ang kaniyang likod. Noon ko lang napansing kanina ko pa pala pinipigil ang hininga ko.
Si Haring Leondre. Walang koronang suot. Wala ring marangyang kasuotan. Isang simpleng baluti lang. Ngunit mas nakakatakot siya ngayon kaysa noong nakaupo siya sa trono.
Nakaharap lang siya sa mga assassin.
“Tumayo ka, Damien.”
Bago pa ako makapag-isip, gumalaw na ang katawan ko.
Nakakahiya kung gaano kadaling sundin ang boses na iyon.
Napangiwi ako.
Maingat na umikot si Haring Leondre. Ipinuwesto ang sarili sa pagitan ko at ng mga assassin.
Muli kong nakita ang malapad niyang likod na nakaharang sa pagitan ko at ng mga asasin.
Ilang buwan kong ipinilit sa sariling hindi ko na kailangan ang taong iyon. Na kaya ko nang mabuhay nang wala siya. Ngunit ngayong nakatayo siya sa harapan ko… napakasakit amining may isang bahagi sa aking agad na naniwalang hindi ako mamamatay habang naroon siya.
At mas kinamuhian ko ang sarili ko dahil doon.
Wala siyang kasamang kahit isang kawal.
Mag-isa siyang nakatayo sa pagitan ko at ng mahigit dalawampung mamamatay-taong mabilis na pumapalibot sa amin.
Nagkatinginan ang mga asasin.
May nagbago sa plano nila.
Biglang umalingawngaw ang mas maraming mga yabag mula sa mas malalim na bahagi ng kagubatan.
Isa-isang lumabas ang panibagong pangkat ng mga armadong lalaki. Mas marami kaysa sa una.
Huminto ang kanilang pinuno sa tabi ng lalaking may peklat. Tumingin siya kay Haring Leondre, saka ngumiti. Isang ngiting walang bakas ng pag-aalinlangan.
“Baguhin ang utos.”
Lahat naghihintay.
Dahan-dahan niyang itinaas ang espada. Diretso itong itinuro sa hari.
“Patayin pati ang hari.”
Author’s Note:
How’s the story so far?
CHAPTER 37
Author’s Note:
Wag kalimutang mag-VOTE ha? Thank you, mga dre.
Mahigit dalawampung asasin ang sabay-sabay na kumilos.
Hindi sila sumugod nang magkakagulo. Kumalat sila sa magkabilang gilid ng bangin. Ang ilan, dumiretso kay Haring Leondre. Ang iba naman, umikot upang putulin ang anumang daan ng pagtakas namin.
Hindi gumalaw ang hari. Ni inangat ang espada bilang babala. Tanging ang malamig niyang utos ang bumasag sa hangin.
“Manatili ka sa likod ko, Damien.”
At bago pa man ako makasunod, gumalaw na siya.
Ang unang asasin, sumugod mula sa kanan. Hindi ko man lang nakita ang pag-indayog ng espada ni Haring Leondre. Narinig ko lang ang maikling kalansing ng bakal.
CLANG!
Kasunod noon ang tunog ng isang katawan na bumagsak sa putik.
Isang hakbang. Isa pang lalaki ang humarang sa kaniya.
Umikot lang nang bahagya ang kaniyang katawan. Dumulas ang talim ng kalaban sa hangin. Kasunod noon ang isang mabilis na paghiwa sa tagiliran.
Napahawak ang asasin sa tiyan niya. Tumalsik ang dugo. Bumagsak siya.
Dalawang hakbang pa. May dalawa pang sabay na umatake. Pero hindi umatras si Haring Leondre.
Ipinasok niya ang sarili sa pagitan ng dalawang espada na tila kabisado na niya ang eksaktong layo ng bawat galaw. Isang mabilis na siko sa panga ng una.
Isang pihit.
Isang diretso at maikling taga.
Parehong bumagsak ang kalaban.
Huminto ang paligid sa loob ng isang iglap. Apat na bangkay agad. Tatlong hakbang pa lang ang nagagawa ng hari.
Hindi siya mabilis sa paraang hindi kayang sundan ng mata. Ngunit bawat galaw niya ay walang sayang.
Ito ang unang pagkakataon na nakita ko si Haring Leondre bilang taong nabuhay sa digmaan. Hindi bilang hari na nakaupo sa trono.
Sumabog muli ang kaguluhan. Nagbanggaan ang mga espada. Nagtilamsikan ang putik. May mga sigaw ng sakit na agad ding napuputol. Hindi ko na halos makita ang nangyayari.
May isang asasin ang sumugod sa akin. Bago pa siya makalapit, sinalubong siya ni Haring Leondre. Muling nagbanggaan ang kanilang mga espada. Hanggang sa nabali ang pulso ng lalaki. Bumagsak ang espada nito. Kasunod noon ang isang mabilis na hiwa sa leeg. Hindi na siya muling tumayo.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas. O baka ilang segundo pa lang.
Ngunit sa likod ni Haring Leondre. May isang asasin na tahimik na nakalusot sa gitna ng labanan. Dahan-dahan lang siyang lumalapit. Nakataas na ang espada. Nakatuon sa likod ng hari.
Hindi siya nakikita ni Haring Leondre. Abala siya sa tatlong kalabang nasa harapan niya.
Gusto kong sumigaw. Ngunit walang lumabas na boses.
May isang espada sa putikan. Marahil ay pag-aari ng isa sa mga napatay. Nasa dalawang hakbang lang ang layo. Nakatitig lang ako rito. Hindi ko magawang pulutin. Nanigas ang mga daliri ko.
Bumababa ang espada ng asasin. Isang segundo pa. Tatama na iyon sa likod ng hari.
Pinulot ko ang espada. Mas mabigat kaysa inaasahan ko. Halos madulas pa ito sa nanginginig kong kamay.
Hindi ako marunong humawak ng espada. Wala akong alam.
Pumikit na lang ako at ibinuhos ang buong lakas ko.
Tinaga ko siya.
Pagdilat ko…
Nakatayo pa rin ang assassin.
Hindi gumagalaw. Nanlaki ang mga mata ko.
Pumalya ako.
Pero unti-unting bumuka ang manipis na guhit sa kaniyang leeg. Kasunod noon ang pagbuga ng dugo. Lumuhod siya. Nahulog ang espada niya. At tuluyang bumagsak sa putikan.
Dugo! Dugo ng tao!
May isang taong hindi na muling hihinga dahil sa akin.
Bumaligtad ang sikmura ko. Nabitawan ko ang espada kasabay ng mabigat na kalansing.
Hindi ko na muling magawang tumingin sa mga kamay ko. Pakiramdam ko, kahit anong punas ko, naroon pa rin ang init ng dugong tumalsik sa balat ko. Maya-maya, saka ko lang napansing nanginginig pa rin ang mga daliri kong iyon.
May mabibigat na yabag na huminto sa harapan ko. Si Haring Leondre. May dugo rin sa kaniyang baluti. Tiningnan niya lang ako. Walang papuri o pasasalamat. Isang maikling tinging nagsasabing nakita niya ang lahat.
Mas marami pa rin ang mga asasin. Wala pa sa kalahati ang nababawas.
Mahigpit niyang itinaas ang duguang espada.
“Kung may pagkakataon. Tumakas ka na.”
Hindi ko sinunod ang utos niya.
Muli siyang humakbang pasulong. At sabay-sabay na muling sumugod ang mga asasin.
Napakaliit na pagbabago. Marahil ay hindi iyon mapapansin ng iba. Ngunit nakikita ko. Bahagyang bumibigat ang paghinga ng hari. Mas tumatagal rin nang kaunti bago niya ibinabalik ang espada sa tamang puwesto.
WHSSHT!
May kung anong humiwa sa hangin. Hindi ko nakita kung saan nanggaling. Ngunit tumama ito sa kaniya.
THKK!
Tumagos ang palaso sa kaliwang balikat niya.
“Mahal na Hari!”
Doon lang niya napansing may nakabaon na palaso sa balikat niya.
Hindi siya napasigaw. Hinawakan lang niya ang kahoy ng palaso sabay mariing hatak.
CRRK!
Naputol ang nakausling bahagi nito. Hinayaan niyang manatili ang dulong nakabaon sa laman. Muli niyang itinaas ang espada.
Muling sumugod ang mga asasin. Mas mabagsik at mas mabilis.
May dugo nang tumutulo mula sa baluti niya. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Patuloy siyang lumalaban.
Patuloy.
Hanggang…
WHSSHT!
Isa na namang mas mabilis na palaso. Hindi na siya nakaiwas. Tumama ito nang malalim sa tagiliran niya.
Nakita kong bahagyang nanginig ang katawan niya.
Sa unang pagkakataon… Lumuhod ang isang tuhod niya sa lupa.
Hindi nag-aksaya ng sandali ang mga asasin. Sabay-sabay silang sumugod.
Pinilit niyang tumayo. Naiganti pa niya ang isang mabilis na hiwa na nagpabagsak sa lalaking pinakamalapit. Ngunit alam kong nahihirapan na siya.
Humakbang siya paatras. Hanggang sa maramdaman ko ang kamay niyang humawak sa braso ko.
Hindi niya inalis ang tingin sa mga kalaban.
Isa lang ang sinabi niya.
“Tumakbo ka na.”
Hindi ko siya iiwan. Hindi matapos ang lahat.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
“Iyan ang utos.”
Malamig pa rin ang boses niya. Ngunit ngayon… May pagod na akong narinig. At iyon ang higit na nakapagpatakot sa akin kaysa sa mga asasin.
Inilagay ko ang isa niyang braso sa balikat ko.
“Hindi kita iiwan.”
Hindi na siya sumagot.
Unti-unti kaming umatras. Sinalubong niya ang bawat asasin na sumusubok humarang. Habang ako nama’y pilit siyang inaalalayan.
Napakabigat niya.
Hindi ko lubos inakalang darating ang araw na aalalay ako sa kaniya nang kusa. Kakaiba ang pakiramdam.
Tumakbo kami papasok sa makapal na kagubatan.
Naririnig ko pa ang sigawan sa likuran. Unti-unti. Palayo nang palayo. Hanggang sa napalitan iyon ng lagaslas ng mga dahon.
Pagkatapos… katahimikan.
Hindi ko na alam kung gaano kalayo ang natakbo namin. Huminto lang kami nang tuluyan nang mawala ang ingay ng labanan.
Humawak ako sa isang malaking puno habang hinihingal.
Dahan-dahang inalis ni Haring Leondre ang bigat ng katawan niya sa balikat ko.
Humakbang siya ng isa. Bigla siyang napaluhod.
“Mahal na Hari!”
Agad ko siyang sinalo bago tuluyang bumagsak.
Bawat hininga niya ay may kasamang kirot.
May tumutulong dugo mula sa balikat. Pati sa tagiliran. Mula sa ilalim ng bakal na baluti. Hindi pala iyon ilang patak lang. Napakarami na pala.
At habang nakaluhod siya sa paanan ng punong iyon, doon ko unang naisip ang isang bagay na hindi ko kailanman inakalang kakailanganin kong isipin.
Paano kung hindi ko siya mailigtas?
Nagpatuloy kami sa gitna ng masukal na kagubatan.
Bawat hakbang ay nag-iiwan ng maliliit na patak ng dugo sa mga dahon. Hindi na kami naghahanap ng daan. Kanlungan na lang.
Ilang minuto pa ang lumipas bago kami parehong huminto.
May naamoy kaming usok. Mahina lang, halos hindi mapansin.
Huminto rin si Haring Leondre. Nagkatinginan kami.
Usok. Ibig sabihin… May tao.
Dahan-dahan naming sinundan ang pinanggagalingan nito. Habang papalapit kami, lumiwanag ang paligid. Naging mas maluwag ang pagitan ng mga puno.
May isang maliit at pabilog na patag. Sa gitna nito ay nakatayo ang isang simpleng kubo. Yari sa lumang kahoy. May bubong na pawid at maliit na bakod. May ilang manok na malayang naghuhukay sa lupa.
Sa gilid, may maliit na taniman ng gulay. Mula sa tsimenea ay umaakyat ang manipis na usok.
Tinapunan niya ng tingin ang paligid saka tumango.
Naglakad kami papunta sa kubo. Bago pa kami tuluyang makarating, bumukas na ang pintuan.
Lumabas ang isang matandang lalaki. Payat, bahagyang kuba at maputi na ang buhok. Kasunod niya ang isang matandang babae na may dalang bilao ng mga gulay.
Pareho silang natigilan nang makita kami. Lalo na nang mapansin nila ang dugo.
“Mahabaging Hera…” mahinang bulong ng matanda.
Hindi na sila nagtanong. Agad lumapit ang matandang lalaki.
“Pasok kayo.”
“Hilda!” sigaw niya sa asawa.
“Magpainit ka ng tubig!”
Agad na tumango ang matandang babae at nagmadaling pumasok sa loob.
Tinulungan kami ng matanda na maipasok si Haring Leondre sa kubo.
Simple lang ang loob. May isang lumang mesa. Dalawang bangko. Maliit na pugon. At isang higaan sa sulok.
Doon namin siya pinahiga.
“Napakalalim ng sugat,” sabi ng matanda habang sinusuri ang baluti.
“Hindi puwedeng manatili ang bakal na iyan.”
Hindi tumutol ang hari.
Maya-maya ay bumalik ang matandang babae na may dalang mainit na tubig at malilinis na tela.
“Naku, ayos ka lang ba?” tanong niya habang nakatingin sa akin.
Iniabot niya sa akin ang isang tasa ng mainit na sabaw saka muling bumalik sa kusina.
Hindi ko maalala kung kailan ako huling nakakain.
Mainit iyon at simple. Ngunit sa sandaling iyon, para iyong pinakamainam na pagkaing natikman ko. Habang humihigop ako, narinig kong mahinang pag-ungol ni Haring Leondre.
Inaalis na ng matanda ang sirang bahagi ng baluti niya.
Napayuko na lang ako. Ngayon, naramdaman kong ligtas kami. May bubong sa ibabaw ng aming mga ulo at mainit na pagkain.
At sa labas ng munting kubong iyon, muling umihip ang hangin sa pagitan ng mga puno. Pinayagan kong maniwala ang sarili ko sa isang bagay na matagal ko nang hindi naramdaman.
Marahil… nakatakas na kami. At malaya na rin ako.
Tanging ang mahinang pagkaluskos ng tela at ang pagputok ng kahoy sa pugon ang maririnig sa loob ng kubo.
Naupo ako sa isang mababang bangko sa gilid ng silid habang pinagmamasdan ang matandang lalaki na maingat na inaalis ang natitirang bahagi ng baluti ng hari.
Napangiwi si Haring Leondre nang dumikit ang bakal sa sugat.
“Pasensiya na, ginoo,” sabi ng matanda habang dahan-dahang hinihiwa ang tali ng baluti. “Kung pababayaan natin ito, mas lalong lalala.”
Tumango lang si Haring Leondre.
Pagkabunot sa huling piraso ng bakal, saka ko lang nakita nang malinaw ang dalawang sugat. Mas malalim ang tumama sa tagiliran. Halos hindi ko napigilang mapasinghap. Hindi ko maintindihan kung paano pa siya nakalaban nang ganoon katagal.
“Malinis ang dulo ng palaso,” sabi ng matanda habang hinuhugasan ang sugat. “Pero malaki ang nawala sa kaniyang dugo.”
Lumapit ang matandang babae.
May dala siyang mangkok na may dinikdik na dahon.
“Makakatulong ito,” sabi niya. “Matagal na naming ginagamit sa mga mangangahoy.”
Maingat niyang ipinahid ang halamang gamot.
Hindi ko napigilang mapansin kung gaano sila kabait. Walang tanong at pag-aalinlangan. Hindi nila alam kung sino kami o kung bakit kami sugatan, pero tinulungan pa rin nila kami.
“Hinabol kami ng mga tulisan.” Kapagkuway sabi ko.
Bahagyang tumango ang matandang lalaki.
“Marami na nga raw sila nitong mga nakaraang buwan. Pakalat kalat sila sa sulok ng kaharian.”
Hindi na siya nagtanong pa. Ngunit paminsan-minsan ay lumilingon siya sa maliit na bintana.
Hindi ko alam kung ilang sandali ang lumipas. Nang bahagyang humupa ang pagdurugo sa sugat ng hari, saka lang umupo ang matanda sa gilid ng higaan. Hindi na rin siya nagsasalita. Nakikinig lang sa katahimikan sa labas.
“Ginoo.”
Ang matandang babae. May hawak siyang banga.
“Pwede mo ba akong tulungan sa balon?”
Sumunod ako.
Nasa likuran lang ng kubo ang balon.
Habang ibinababa niya ang timba, napansin kong nanginginig ang mga kamay niya.
“Ako na po.”
Ngumiti siya.
Kinuha ko ang lubid at ako na ang sumalok.
Habang hinihila ko ang timba paakyat, naramdaman kong tumabi sa akin ang matanda. Iniabot niya ang isa niyang kamay upang tulungan ako.
At doon ko iyon nakita.
Sa pagitan ng manggas at pulsuhan. May isang maitim na marka. Isang simbolong parang magkakaugnay na mga linya.
Pamilyar iyon.
Saan ko ba…
Bigla akong binalikan ng alaala.
Ang asasin na una kong napatay sa bangin. Nang bumagsak siya… Sumilip ang manggas niya. At nakita ko ang kaparehong marka.
Eksaktong kapareho. Walang pinagkaiba.
Biglang bumalik sa ilong ko ang amoy ng dugong tumalsik sa unang lalaking napatay ko.
Nawalan ako ng hininga.
Hindi ko namalayang natigilan na pala ako sa paghila ng timba.
Mabilis niyang ibinaba ang manggas. Pagkatapos ngumiti. Ngunit ngayon… Parang iba na ang ngiting iyon.
Inabot ko ang timba.
Nagpasalamat siya. At dahan-dahang bumalik sa kubo.
Naiwan akong nakatayo sa tabi ng balon. Ngunit habang iniisip ko iyon, may isa pa akong napansin. Sa putik sa likuran ng kubo.
May mga bakas ng paa.
Napakarami.
Alam kong hindi iyon bakas ng matatandang nakatira roon. Malalaki at mabibigat ang mga iyon. Mga bakas ng bota. Mga bakas na sariwa pa. Para bang may isang pangkat na dumaan lang ilang oras ang nakalipas.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Muli kong itinaas ang tingin sa kubo.
Sa maliit na bintana. Nakita kong nakatayo ang matandang lalaki sa likod ng kurtina.
Nakatingin siya sa akin.
Nang magtagpo ang mga mata namin…
Marahan siyang ngumiti.
Kasabay niyon… May mahinang huni ng ibon na umalingawngaw mula sa kailaliman ng kagubatan.
Isang beses. Nasundan pa ng dalawang ulit.
Napansin kong bahagyang umangat ang ulo ng matandang lalaki. Parang nakarinig siya ng hudyat.
Biglang naunawaan ko ang katotohanan. Hindi kami nakatagpo ng kanlungan. Nakapasok kami sa isang bitag. At nasa loob pa ng kubo si Haring Leondre.
Nanginig ang mga kamay ko.
Muli kong nilingon ang matandang lalaki sa bintana. Hindi na siya nakangiti. Nakatangin lang siya sa akin. Kasabay niyon ay muli kong narinig ang huni ng ibon mula sa kailaliman ng kagubatan.
Nanlamig ang buo kong katawan.
“Mahal na Hari!”
Hindi ko na inisip kung maririnig ba niya ako.
Tumakbo ako pabalik sa kubo.
Nagulat ang matandang babae nang salubungin ko siya sa pintuan.
“Ginoo, ano’ng-”
Hindi ko na siya pinatapos. Itinulak ko ang pinto at halos madapa sa pagmamadali.
Lumingon sa akin si Haring Leondre. Nakatayo na siya. Naramdaman na rin niyang may mali.
“Umalis na tayo dito!”
Bahagyang kumunot ang noo niya.
“Hindi sila ordinaryong mga tao.” Tumigil ang paghinga ko. “Pareho ang marka nila.”
Hindi ko na kailangang ipaliwanag pa.
Nagbago ang mukha ni Haring Leondre. Isang saglit lang. Ngunit sapat upang malaman kong naunawaan niya ang ibig kong sabihin.
Dinampot niya ang kaniyang espada na nakasandal sa gilid ng higaan. Kasabay noon ay bumukas ang pinto.
Ang matandang lalaki. May dala siyang isang timba ng tubig. Ngunit hindi na siya mukhang mabait.
Tiningnan niya si Haring Leondre. Pagkatapos, marahan niyang ibinaba ang timba.
“Sayang.”
Iyon lang ang sinabi niya.
Bigla niyang itinaas ang kanang kamay. Tatlong beses siyang sumipol sa hangin.
WHSSHT!
May kung anong dumaan sa hangin.
Hindi pa ako nakakakilos nang maramdaman kong may malakas na puwersang humila sa akin pababa.
Kasabay noon… tumagos ang isang palaso sa dingding ng kubo. Eksaktong lugar kung saan ako nakatayo ilang sandali lang ang nakalipas.
Hindi pa man ako nakakabawi…
WHSSHT!
THAKK!
At isa pa.
Biglang umulan ng mga palaso. Nagtilamsikan ang mga piraso ng kahoy sa loob ng kubo.
Napasigaw ang matandang babae. Ngunit hindi siya tumakbo.
Sa halip, siya mismo ang sumipa sa maliit na mesa. Natumba ito sa harap ng pintuan.
“Huwag silang palabasin!” sigaw niya.
Ngumisi ang matandang lalaki.
“Akala mo ba aksidente lang ang kubong ito?”
Tumalon si Haring Leondre. Isang mabilis na sipa. Nabasag ang maliit na bintana sa likuran ng kubo.
Ngunit bago pa kami makalapit… may nagliyab sa bubong. Biglang kumalat ang apoy sa tuyong pawid. Napuno ng usok ang maliit na silid.
Umatras ako.
Mabilis kumalat ang apoy. Parang binuhusan ng langis ang buong bubong.
Hinawakan ako ni Haring Leondre sa kuwelyo at halos kaladkarin papunta sa likurang bintana.
Narinig namin ang malalakas na mga yabag sa labas.
Bumagsak ang isang nagliliyab na troso mula sa kisame. Muntik na akong tamaan kung hindi ako naiwas ng hari.
“Damien!”
Tumalon siya palabas ng bintana.
Sumunod ako.
Pagbagsak ko sa damuhan, napasinghap ako sa malamig na hangin. Ngunit wala kaming oras.
Mula sa pagitan ng mga puno… Isa-isa na namang lumitaw ang mga lalaking nakaitim. Hindi na nila itinago ang sarili nila. Hinihintay lang nilang lumabas kami.
Patuloy silang dumarami. Sa likuran namin… Tuluyang nilamon ng apoy ang kubo. Kumalat sa gubat. Nagbagsakan ang mga nasusunog na troso.
Ang matandang lalaki at babae, mabagal na lumabas sa harapan ng kubo.
Tumabi lang sila sa gilid.
Lumapit ang isang asasin. Magalang siyang yumuko sa matandang lalaki.
“Matagumpay ang pain.”
Hindi ko namalayang naikuyom ko ang kamao.
Tumingin sa akin ang matandang babae. Ngunit wala na ang init sa kaniyang mga mata.
“Kayo ang kumatok sa aming pintuan.”
Parang kutsilyong tumarak ang mga salitang iyon.
Unti-unting humakbang pasulong ang pinuno ng mga asasin. Siya rin ang lalaking may peklat na unang humarap sa amin sa bangin.
Humakbang sa harap ko si Haring Leondre. Muli niya akong hinarangan. Katulad ng ginawa niya sa bangin. Ngunit ngayon… Napansin kong iba na.
Mas mabagal ang paghinga niya. Mas maputla na rin ang mukha. May bagong dugo na tumutulo mula sa tagiliran niya.
Napansin din iyon ng pinuno.
Ngumiti siya.
“Nauubusan ka na ng dugo, Leondre.”
Mahigpit na hinawakan ng hari ang espada.
Hindi na nag-aksaya ng salita ang pinuno. Isang kibot lang ng kaniyang espada. Sabay-sabay nagbago ang pormasyon ng mga asasin. Hindi na sila sabay-sabay na sumusugod kay Leondre. Sa halip, nagsimula silang gumitna sa pagitan naming dalawa.
Hakbang bawat hakbang. Napaatras ako. Tinangka kong lumapit muli kay Haring Leondre. Ngunit may tatlong humarang.
Sunod-sunod silang pumuwesto sa pagitan namin.
Humakbang ako. Ngunit kasabay noon ay bumagsak ang isang malaking punong natupok ng apoy.
Isang malakas na dagundong ang yumanig sa kagubatan. Naputol ang landas sa pagitan namin. Nagliyab ang mga tuyong sanga. Makapal na usok ang agad na pumagitna.
Isang anino lang ang nakita kong gumalaw sa kabilang panig.
Si Haring Leondre. Sinusubukan din niya akong marating.
Ngunit sabay-sabay na sumugod sa kaniya ang mga asasin. At sa halip na umatras… Sinasadya niyang ilayo ang laban. Palayo sa akin at sa tanging landas na maaari kong daanan.
Noon ko lang naunawaan ang ginagawa niya. Hindi niya sinusubukang makatakas. Sinasadya niyang siya ang habulin.
“Mahal na Hari!”
Hindi siya lumingon.
Patuloy lang siyang umatras habang inaakit ang mga asasin na sumunod sa kaniya.
Ilang sandali lang, nilamon na sila ng makapal na usok at mga puno. Naiwan akong mag-isa sa kabilang panig ng nagliliyab na kagubatan.
Sumugod ako papasok sa makapal na usok.
May mga aninong humarang, ngunit wala na akong pakialam. Hindi ko na rin naisip kung mamamatay ako. Itinulak ko ang una. Iniwasan ang ikalawa. Hindi ko na alam kung ilan ang nadaanan ko.
“Mahal na Hari!”
Tanging pagputok ng mga nagliliyab na puno ang sumagot.
At pagkatapos…
Mula sa kailaliman ng kagubatan…
“PATAY NA ANG HARI!”
CHAPTER 38
Author’s Note:
Wag kalimutang mag-VOTE ha?
Starting next week, atleast 2 chapters ang ilalapag ko. Wala na kasi akong naimbak na mga chapters kaya mabagal ang update.
I hope sulit ang inyong paghihintay.
Salamat po!
****
“
PATAY NA ANG HARI!
“
Paulit-ulit na umalingawngaw sa utak ko ang sigaw na iyon.
Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling o kung sino ang sumigaw. Ngunit sapat na ang apat na salitang iyon upang huminto ang buong mundo ko.
Nakatayo lang ako sa kabilang panig ng nagliliyab na mga puno.
Isang bagay lang ang paulit-ulit na tumatama sa isip ko.
“Patay na ang hari.”
Hindi iyon maaaring totoo. Hangga’t hindi ko siya nakikita… hindi ako maniniwala.
May mga boses sa paligid. May mga yabag. May mga sigaw. Ngunit para bang nalunod ang lahat sa apat na salitang paulit-ulit na umuukit sa isip ko.
“Mahal na Hari!”
Walang sumagot.
Sumugod ako pabalik sa makapal na usok. Muntik akong matisod nang bumagsak ang isang nagliliyab na puno sa daraanan ko, ngunit hindi ako huminto.
“Mahal na Hari!”
Puro pagputok ng kahoy ang sumagot.
Pilit akong sumingit sa pagitan ng makapal na usok. Halos wala na akong makita. Umaagos ang luha sa mga mata ko, dahil sa nakakapasong usok.
Paglabas ko sa kabilang bahagi, huminto ako.
May mga bangkay. Tatlo sila. Lahat nakaitim.
Ang isa, nakadapa na may hiwa sa likod ng leeg. Ang isa nama’y nakasandal sa puno, nakabuka ang dibdib dahil sa isang malinis na taga. Ang huli ay nakaluhod pa, tila hindi man lang nakapaniwalang mamamatay siya.
Wala si Haring Leondre.
Mabilis kong nilibot ng tingin ang paligid. May mga bakas ng paglalaban. May napakaraming dugo ngunit walang bangkay ng hari.
Bahagyang bumalik ang hininga ko. Kung patay siya… Nasaan ang katawan niya?
Humakbang ako.
May nakita akong sariwang bakas ng dugo sa damuhan.
Hindi iyon tumutulo nang tuluy-tuloy. Parang may sugatang pilit pang naglalakad.
Sinundan ko iyon.
Maya-maya, biglang nawala ang bakas.
Huminto ako.
Mabilis kong nilibot ng tingin ang paligid bago ko muling nakita ang ilang patak ng dugo sa ugat ng isang puno.
Unti-unti nang humuhupa ang apoy habang papalayo ako sa kubo. Napalitan ang amoy ng usok ng amoy ng basang lupa at dugo.
Paminsan-minsan, may natatagpuan akong isa pang bangkay ng asasin. Hindi sila basta napatay. Bawat isa ay iisang hiwa lang. Eksaktong paraan ng pakikipaglaban ni Haring Leondre.
Mas lalo akong bumilis.
Hanggang sa… May narinig akong mahinang pag-ubo.
Tumigil sa paghakbang ang mga paa ko.
Isa pang mahinang ubo.
Sinundan ko ang tunog. Lumusot ako sa pagitan ng malalaking ugat ng isang matandang puno.
At doon ko siya nakita.
Humigpit ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko agad itinuloy ang huling hakbang.
Nakasandal siya sa puno. Nakayuko ang ulo. Mahigpit pa ring hawak ang espada, ngunit nakabaon na ang dulo nito sa lupa, tila iyon na lang ang pumipigil sa kaniya upang hindi tuluyang bumagsak.
“Haring Leondre…”
Lumapit ako. Napansin kong nanginginig ang balikat niya.
Lumuhod ako sa harapan niya.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Namumula ang mga iyon dahil sa matinding pagod.
“Bakit nandito ka pa? Umalis ka na,” paos niyang bulong.
Napapikit ako nang mariin. Kahit halos hindi na siya makahinga, ako pa rin ang una niyang iniisip.
Hindi iyon dapat nakakagulat.
Marahil gusto lang niyang matiyak na hindi mawawala sa landas niya ang aliping pinilit niyang angkinin.
Sinubukan niyang tumayo.
Pagkapit pa lang niya sa espada, agad nang nanghina ang mga tuhod niya.
Mabilis ko siyang nasalo bago pa siya tuluyang bumagsak. Sa pagkakataong iyon ko naramdaman ang init ng katawan niya.
Sandali akong natigilan.
Hindi ko maalalang kailan ko huling nahawakan ang katawan niya nang ganito kalapit.
“Masyado kang mainit…”
Hindi siya sumagot.
Ewan ko kung ano ang gagawin. Wala akong alam sa panggagamot. Ngunit wala nang ibang tao rito. Kung hihintayin ko pa ang tulong… mamamatay siya.
Inalis ko ang natitirang piraso ng sirang tela sa balikat ko. Pinunit ko iyon. Pagkatapos, maingat kong itinali sa sugat niya sa tagiliran.
Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko. Basta kailangan kong pigilan ang pagdurugo.
Agad nabasa ng dugo ang tela. Hindi sapat. Ngunit kailangan naming umalis.
Inilagay ko ang isa niyang braso sa balikat ko. Napabuntong-hininga ako sa bigat niya. Sa ikaapat na hakbang, naramdaman kong biglang bumigat ang katawan niya.
“Iwan mo na ako rito,” mahina niyang bulong.
Hindi ko siya sinagot.
Humigpit ang pagkakasukbit ko sa kaniyang braso kahit nanginginig na ang sarili kong mga balikat sa bigat niya.
Kumirot ang balikat ko sa bawat hakbang. Unti-unti nang nanginginig ang mga binti ko sa bigat niya, ngunit hindi ako huminto.
Habang lumalalim ang kagubatan, mas lalo ring lumalalim ang katahimikan sa pagitan namin.
Hindi na niya ako inuutosan. Hindi na rin siya nagtatanong. Habang naglalakad, ilang ulit siyang nawalan ng balanse. Sa huli, tuluyan siyang napaluhod.
Halos sabay din akong napaluhod sa bigat ng katawan niyang bumigay sa akin.
Nakahawak lang siya sa sugat niya habang pilit kinokontrol ang paghinga.
Hindi na siya nagsalita.
Ang tanging maririnig ko na lang ay ang mabigat niyang paghinga sa pagitan ng katahimikan ng kagubatan.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kaniya.
“Kumapit ka nang maigi sa akin.”
Hindi ko alam kung narinig pa niya ako.
Wala akong utang na loob sa kaniya. Hindi ko rin siya pinatawad sa pagsira niya ng buhay ko. Ngunit kung pababayaan ko siyang mamatay ngayon… wala na akong pagkakataong kamuhian siya.
O marahil dahil sa lahat ng pagkakataong iniligtas niya ako. Ngayon, ako naman.
Naglakad kami hanggang sa nagsimulang lumiwanag ang langit. Pinilit kong muling ituwid ang katawan naming dalawa.
Hindi ko na mabilang kung ilang hakbang pa ang nagawa namin bago nagsimulang numipis ang kagubatan.
Lumawak ang daan.
At maya-maya… may naamoy akong usok ng mga kalan. Kasunod noon ang mahinang tahol ng aso. May tumilaok na manok sa di kalayuan.
Paglampas namin sa huling hanay ng mga puno, tumambad sa amin ang isang maliit na kabayanan.
May mga batang naglalaro sa putikan, may mga karitong dumaraan, at may mga tindahang nakabukas.
Normal ang lahat.
May batang muntik nang makabangga sa amin bago mabilis na hinila ng kaniyang ina palayo.
Ni isa sa kanila ay hindi man lang napatingin nang mabuti sa lalaking nakasandal sa balikat ko.
Walang nakaaalam na ang lalaking ito ay ang haring ipinagpapalagay na patay na. Na wala na siyang hukbo. Wala na siyang korona. Ako na lang ang natitira sa kaniyang tabi sa sandaling ito.
Ang unang taong nilapitan ko ay isang matandang babae sa harap ng maliit na tindahan.
May mga nakasabit na tuyong halamang gamot sa ilalim ng bubong. Sa isang tingin pa lang, alam kong siya ang hinahanap namin.
“Maaari po ba…” Halos mawalan ako ng boses. “Kailangan namin ng manggagamot.”
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
Pagkatapos ay lumipat ang tingin niya kay Haring Leondre, na halos hindi na makatayo sa likuran ko.
“Mabigat ang mga sugat.”
Tumango ako.
“Pakiusap.”
Lumabas siya ng tindahan at lumapit sa amin. Hinawi niya ang damit ni Haring Leondre upang makita ang benda.
Agad kumunot ang noo niya.
“Kailangan niyang malinis na gamutan.”
Parang nabunutan ako ng tinik. Ngunit ang sumunod niyang tanong ang muling nagpabigat sa dibdib ko.
“Magkano ang dala ninyo?”
Natigilan ako.
Hindi ko agad naunawaan.
“Pera.”
Yumuko ako.
“Wala…”
Ilang sandali siyang natahimik. Pagkatapos ay marahan niyang ibinalik ang damit ni Haring Leondre.
“Pasensya na.”
Hindi siya naging masungit. Pagod lang ang mukha niya.
“Kung libre kong gagamutin ang bawat sugatan, sino naman ang magpapakain sa pamilya ko?”
Gusto kong magalit. Ngunit wala akong magawa. Kung ako ang nasa kalagayan niya… marahil ganoon din ang isasagot ko.
“Wala ba kayong kahit singsing na maisangla?” tanong niya.
Sandali kong tiningnan ang mga daliri ni Haring Leondre. Wala.
Ang mga gamit ko naman na naroon sa baul, naiwan sa kagubatan.
Marahan akong umiling. “Kung mayroon lang… matagal ko na sanang ibinigay.”
Umatras siya. Muling pumasok.
Tinitigan ko ang nakasarang pinto.
Huminga nang mabigat si Haring Leondre.
“Halika.”
Nagpatuloy kami sa makipot na kalye.
Matagal kaming nanatili roon.
Hanggang sa may marinig akong tawanan mula sa maliit na tindahan.
“Narinig mo ba?”
“Oo.”
“Patay na raw ang hari.”
Nilingon ko.
Tatlong lalaki ang nakaupo habang umiinom.
May isa pang tumawa.
“Sa wakas.”
“Matagal na dapat nangyari iyon.”
“Baka bumaba na rin ang buwis.”
Nagtaasan sila ng mga baso.
“Para sa bagong panahon!”
Nagtawanan silang muli. May pumalakpak pa.
Dahan-dahan lumipat ang tingin ko kay Haring Leondre.
Nasa unahan lang ang tingin niya. Ngunit napansin kong bahagyang humigpit ang pagkakapit niya sa balikat ko.
Akala ko sisigaw siya o magagalit. Ngunit wala. Tahimik niyang nilunok ang bawat salitang ipinupukol sa kaniya ng mga nasasakupan na ipinagdiriwang ang balitang patay na siya.
Gusto kong sigawan ang mga lalaki. Sabihin sa kanilang buhay pa ang hari. Na wala silang alam. Ngunit bago pa ako makahakbang… mahina akong pinigilan ni Haring Leondre.
Pagsapit ng dapithapon, wala na kaming lakas.
Nakita namin ang isang lumang kamalig sa dulo ng kabayanan. Wala nang gumagamit. May mga sirang kariton at bunton ng tuyong dayami sa loob.
Doon ko siya pinaupo.
Hinawakan ko ang noo niya.
“Nilalagnat ka, Mahal na Hari.”
Nakasandal lang siya sa dingding habang nakapikit.
Maya-maya ay nagsimula siyang manginig. Tinanggal ko ang sarili kong balabal at ipinatong sa kaniya. Hindi iyon sapat. Ngunit iyon na lang ang mayroon ako.
Sandali kong pinagmasdan ang mukha niya.
Kung ilang buwan ang nakalipas, marahil ikatutuwa kong makita siyang ganito kahina. Ngunit wala akong naramdamang kasiyahan.
Hindi ko namalayang dumilim na pala. Tumahimik ang kabayanan. Isa-isa nang namatay ang mga ilaw.
Akala ko, sa wakas ay makakapagpahinga na kami sa lumang kamalig.
Tanging huni ng kuliglig at mahinang pag-ugong ng hangin ang maririnig sa labas.
Nakasandal si Haring Leondre sa dingding. Nakapikit ang mga mata niya. Mabigat ang bawat paghinga.
Muli kong hinawakan ang noo niya.
Mas mainit na kaysa kanina.
“Mahal na Hari…”
Hindi siya sumagot.
Hindi ko alam kung nakatulog na siya o nawawalan na ng ulirat.
Sumandal ako sa poste, katapat niya.
Bumigat ang mga talukap ng mga mata ko.
May mahinang kaluskos sa bubong. Umangat ang tingin ko. Ilang tuyong dayami lang ang nalaglag.
Ilang sandali akong nanatiling nakatingin sa bubong.
Nang walang sumunod na ingay, saka lang ako muling sumandal.
Hanggang sa…
May kung anong bumagsak mula sa bubong.
Nanlaki ang mga mata ko.
Isang malaking lambat.
Hindi pa man ako makakilos, mahigpit na kaming nabalot ng makapal na lubid.
Kasunod noon ay nagsulputan ang mga yabag mula sa bawat sulok ng kamalig.
Anim.
Walo.
Sampu.
Mga lalaking may bakal na pamalo.
Isang malakas na hampas ang tumama sa likod ko.
Napaluhod ako.
Sa kabilang panig, napunit ang lambat.
Tumayo si Haring Leondre.
Sa kabila ng mataas na lagnat, nabunot pa rin niya ang espada.
Isang hiwa. Bumagsak agad ang unang lalaki.
Bahagyang sumablay ang unang hiwa niya.
Ikalawang hakbang. Tinamaan ng siko ang isa. Tumilapon.
Ngunit hindi sila umatras. May isa na agad pumalit. May isa pang naghagis ng lubid. May isa namang sumunggab mula sa likuran.
“Ngayon na!”
Sabay-sabay silang kumilos.
May kung anong nabasag sa paanan ni Haring Leondre.
PAAK!
Sumingaw ang maputing pulbos.
Napasinghap siya. Agad niyang pinigil ang paghinga. Ngunit huli na. Dalawang lalaki ang sabay na humampas ng pamalo sa kaniyang likod.
Lumuhod siya.
Pinilit pa rin niyang tumayo. Isang suntok. Isa pang hiwa. May dalawa na namang bumagsak. Ngunit kapalit noon ay lalo lamang dumami ang nakadagan sa kaniya.
Pilit akong gumapang palapit. May humawak sa buhok ko. Mariing ibinalibag ang mukha ko sa sahig.
Umandap ang paningin ko.
Nakaluhod pa rin si Haring Leondre. Isa pa niyang tangkang tumayo. Ngunit bumigay ang mga tuhod niya.
Dahan-dahan siyang bumagsak.
Pagkatapos noon, biglang dumilim ang lahat.
Mabigat ang ulo ko nang magkamalay ako.
Akala ko sandali lang akong napapikit. Ngunit ang unang tunog na bumungad sa akin ay bakal.
Malamig. Iyon agad ang naramdaman ko. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko.
Kalansing.
Tumingin ako sa pulsuhan ko. May bakal na kadena. Sinubukan kong igalaw ang paa ko. Isa pang kalansing. Nakatali rin.
Bigla akong napalingon sa tabi ko.
Nakaupo si Haring Leondre. Nakasandal ang likod niya sa kahoy na poste. Maputla pa rin ang mukha ngunit gising na.
Sa pagitan namin… isang maikling kadena ang nakakabit sa aming mga pulsuhan. Magkadikit kami.
Pareho ring nakakadena ang mga paa namin.
Nakatingin lang siya sa lupa.
Sa unang pagkakataon… wala siyang kapangyarihan. At sa unang pagkakataon din… pareho kaming bihag.
Nakakatawa.
Noon, ako ang nakakulong sa tabi niya sa loob ng palasyo. Ngayon… pareho na kaming nakakadena.
Nagkunwari akong nakapikit.
Sa labas ng kulungan, may mga lalaking nagbibilangan ng mga bihag.
“Dalawampu’t tatlo.”
“Hindi masama.”
May tumawa.
Lumapit ang isa sa harapan namin.
Tinapik niya ng dulo ng bota ang binti ko.
“Ito.”
“Tingnan mo.”
“Payat…”
“Pero bata.”
“Malinis pa ang mukha.”
“Mataas ang presyo nito.”
Lumipat ang tingin niya kay Haring Leondre.
Hinawakan pa niya ang balikat nito bago napangisi.
“Ito naman…”
“Malaki ang pangangatawan.”
“Sayang may sugat.”
“Pero kapag gumaling…”
“Malakas na alipin.”
Tumango ang isa.
“Maganda.”
“Magkasama sila.”
“Bukas ang bentahan. Limpak limpak na pilak ang halaga ng mga ito.”
Lumayo sila habang nagtatawanan.
Hindi ko maiwasang maalala ang unang araw na dinala ako sa palasyo. Hindi ako tinanong kung sino ako. Hindi rin ako tinanong kung ano ang gusto ko.
Tiningnan lang nila ako na parang isang bagay na maaaring angkinin. Ngayon… pareho na kaming sinusukat ng halaga. Hindi bilang tao, kundi bilang paninda.
Marahan kong itinaas ang tingin kay Haring Leondre.
Ang bakal na kadena ay nakapulupot sa mga pulsuhan naming dalawa.
Kahit kailan, hindi ko naisip na ang unang pagkakataong magiging magkapantay kami… ay sa pagiging alipin.
Noon… siya ang may hawak ng kadena ko. Ngayon, iisang kadena na ang nakakabit sa aming dalawa.
CHAPTER 39
Author’s Note:
Wag kalimutang mag-vote ha?
Dahil sa pagod, hindi ko namalayang nakatulog ako.
Muli akong nagising nang marinig ko ang marahas na kalansing ng bakal. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata.
Malamlam ang liwanag ng umaga na sumisingit sa pagitan ng mga tabla ng kulungan. Masikip at sobrang baho dito. Amoy pawis, dugo, at ihi ang hangin.
May mga taong nakaupo sa sulok, yakap ang sarili nilang mga tuhod. May batang umiiyak sa dibdib ng isang babae. May matandang lalaki namang nakayuko, tila wala nang hinihintay kundi ang kamatayan.
Sinubukan kong igalaw ang kamay ko.
Napabuntong-hininga ako. Isang mahinang paghila sa kadena ang nagpalingon sa akin.
Nakasandal si Haring Leondre sa poste ng kulungan. Mas maputla ngayon ang mukha niya kaysa kagabi.
“Mahal na Hari.”
Marahan lang niyang iminulat ang mga mata. Sandaling nagtagpo ang aming mga tingin bago siya muling pumikit.
Nang sandaling iyon, bumukas ang pintuan ng kulungan.
“Labas!”
Humagupit ang latigo sa sahig.
“Lahat ng ibebenta, lumabas!”
Isa-isang tumayo ang mga bihag. May mga natutumba. May mga hinihila at binubugbog rin upang makalakad.
Hinila ko ang kadenang nagdugtong sa amin ng hari.
“Kaya mo pa bang tumayo?”
Tumayo siya gamit ang natitira niyang lakas. Inalalayan ko siya. Ramdam kong halos buong bigat ng katawan niya, nasa akin.
Paglabas namin ng kulungan, sinalubong kami ng napakalaking ingay. May sigawan, tawaran at halakhakan.
Dinala kami sa isang malawak na bakuran. Sa pinakagitna nito, may kahoy na entablado, habang nagsisiksikan sa paligid ang mga mangangalakal, at mga armadong bantay.
Doon nilalakad ang mga aliping bihag. Nakapila sila sa mahabang hanay.
“Huwag kayong gagalaw!” sigaw ng isang bantay.
Isa-isang itinulak ang mga bihag paakyat sa entablado. May isang batang lalaki ang nadapa. Hindi pa siya nakakabangon nang sipain siya ng bantay. Tumilapon siya sa gilid.
Natawa ang ilan sa mga nanonood.
Kami na ang kasunod.
Itinulak kami paakyat. Napapikit ako sa tinding sikat ng araw. Narinig ko ang samu’t saring boses.
“Ilan ang edad? Malakas ba iyan?”
“Buksan ang bibig!”
May isang babae ang hinila ang baba ng isang alipin. Sinilip ang ngipin nito bago tumango.
“Tatagal pa.”
Parang kabayo ang kaniyang sinusuri.
Hindi pa man tuluyan nakatuntong ang mga paa ko sa entablado, may isang matabang mangangalakal ang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko saka pinisil.
“Payat saka bata.”
Hinawakan niya ang baba ko. Inangat pati ang mukha.
Lumapit pa siya.
“Malinis pa ang balat. Hindi mukhang alipin.”
Ngumisi siya.
Lumipat ang tingin niya kay Haring Leondre.
“Hmm.”
Hinila niya ang punit na tela sa dibdib nito. Lumitaw ang mga pilat at mga sugat na patuloy na nagdurugo.
Maraming mga mata nakatuon sa kaniya.
“Mandirigma.”
“Parang nakita ko na siya noon… pero saan?”
“Kahit sino pa iyan noon,” sabi ng isa pang mamimili, “wala nang makakakilala sa ganiyang mukha.”
Tumango ang isa.
“Masyado nang wasak ang katawan. Sayang. Malakas sana, pero mukhang mamamatay agad.”
May tumawa.
“Diskwentuhan na lang. Baka pwede pa siyang magpapakain ng mga baboy.”
Naramdaman kong bahagyang bumigat ang bagsak ng katawan ni Haring Leondre.
Biglang may humampas ng pamalo sa balikat ko.
“Lumingon ka!”
Napaharap ako sa isa na naman matabang mangangalakal.
“Maganda ang mukha. Pwedeng gawing parausan at puta pang-alay sa Duke ng Icaurus.”
Biglang nanlamig ang sikmura ko. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang.
May ilang mamimili ang napangisi. Ang iba nama’y tumingin sa akin na parang isang piraso ng karne na pinagpipilian kung paano gagamitin. Bigla kong naunawaan na wala na akong pangalan sa mga matang iyon, presyo na lang.
Lumingon ang mangangalakal kay Haring Leondre.
“Ihiwalay ninyo silang dalawa. Bibilhin ko ang alipin na ito.”
Nakatayo lang ako. Gusto kong tumakbo palayo rito, ngunit hindi ako makagalaw. Hindi ako takot na mamatay, ngunit ang kapalarang iyon ay mas masahol pa sa kamatayan. Hindi puwedeng mangyari iyon.
Narinig ko ang kalansing ng kadena. Marahang umangat ang ulo ng hari.
Humakbang siya pagitna sa pagitan namin.
“Huwag.”
Agad humagupit ang latigo. Tumama iyon sa balikat niya.
Hindi siya umurong. Isa pang hampas. Tumama sa likod niyang may sugat. Napaluhod siya ngunit hindi pa rin siya gumalaw palayo. Hinarangan niya ang daan papunta sa akin.
“Alisin iyan!” sigaw ng mangangalakal.
Tatlong bantay ang sabay-sabay na lumapit. Hinawakan nila ang mga kadena. Pilit kaming pinaglalayo, haanggang sa tuluyang naputol ang pagkakadikit ng aming mga balikat.
“Susunod!”
Malakas ang boses ng tagapagbenta. Hinila niya ako sa gitna ng entablado. Muntik ring masubsob ang hari nang itulak ako sa harap ng mga mamimili.
“Batang lalaki!” sigaw niya. “Malusog at walang pilat! Malinis ang balat! Mukhang marunong magsulat at magbasa!”
Pinilit kong huwag ipakita ang takot.
“Simulan natin sa sampung pilak!”
Hindi pa man natatapos ang unang sigaw ng tagapagbenta ay nagsimula na ang pataasan ng presyo.
“Labinlima!”
“Tatlumpu!”
Sunod-sunod ang sigawan mula sa iba’t ibang panig ng pamilihan. Bawat bagong alok ay agad tinatapatan ng mas mataas na halaga hanggang sa halos hindi ko na masundan ang mga numero.
“Animnapung pilak!”
Biglang tumahimik ang buong pamilihan.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil mataas ang naging halaga ko o mas matakot dahil nangangahulugan lang iyon na may taong handang gumastos nang ganoon kalaki para sa akin.
“Animnapung pilak!” ulit ng tagapagbenta. “May tataas pa ba?”
Ang atensyon ng buong pamilihan ay lumipat sa matabang lalaki na nagnanais iregalo ako sa Duke ng Icarus. Nakataas ang kamay nito. Walang pakialam sa mga matang nakatitig sa kaniya.
“Uulitin ko. Animnapung pilak!” masayang sigaw ng tagapagbenta. “May hahabol pa ba?”
Wala nang sumagot.
Bumagsak ang martilyo.
“Naibenta sa mangangalakal ng Tabor!”
Lumapit ang dalawang bantay. Hinila nila ang kadena sa pagitan namin ni Haring Leondre.
Agad akong kumapit, pero isang malakas na suntok ang tumama sa tagiliran ko.
Napayuko ako sa sakit.
“Bitawan mo!”
Pilit nilang hinihila ang bakal.
Bumaling ang tingin ko kay Haring Leondre. Nakatitig lang siya sa lupa, ngunit nakita kong humigpit ang kaniyang panga.
Naputol ang kadenang nagdugtong sa amin ng hari.
Hindi ko namalayang sumabay ang isa kong hakbang sa paghila nila sa kaniya. Mas naunang tumutol ang katawan ko kaysa sa isip ko. Nang tuluyan kaming mapaglayo, saka ko lang naramdaman kung gaano kabilis lumamig ang paligid.
May kung anong napunit sa loob ng dibdib ko.
“Dalhin na iyan!” sigaw ng tagapagbenta habang itinulak ako pababa ng entablado.
Mariin akong hinila ng dalawang bantay pababa ng entablado. Masakit pa rin ang tagiliran ko mula sa suntok na tumama kanina, ngunit wala na akong lakas para lumaban.
Tumigil kami sa gilid ng pamilihan.
“Dito mo hintayin ang bago mong amo,” malamig na sabi ng bantay.
Naririnig ko pa rin ang boses ng tagapagbenta mula sa entablado.
“Mga mamamayan ng Ekron! Narito ang susunod nating alipin!”
Hindi ko mapigilang tingnan ang hari. Kahit duguan, may tindig pa rin siyang hindi kayang tapakan.
“Simulan natin sa sampung pilak!”
Nagkatinginan ang mga mamimili.
“Hindi tatagal ang isang iyan. Tingnan mo ang sugat.”
Unti-unting bumaba ang presyo.
“Walong pilak!”
“Tatlo!”
Sandaling ipinikit ni Haring Leondre ang mga mata. Hindi niya ibinaba ang ulo, ngunit sa unang pagkakataon, tila ba naging napakabigat ng pagtayo niya roon.
“Tatlong pilak.”
May ilang mamimili ang napailing.
“Huwag na.”
“Sayang lang.”
May isa pang tumawa. “Mas mahal pa ang kabayo ko.”
Walang nakipagtawaran. Wala man lang nagkunwaring interesado. Sa isang iglap, nabura ang lahat ng digmaang minsang ipinanalunan niya sa harap ng tatlong baryang iyon.
Hindi ko alam kung mas masakit ba ang makita siyang sugatan o ang marinig kung paano siya binabarat na parang sirang kagamitan.
“May tataas pa ba?” sigaw ng tagapagbenta.
Halos ibaba na niya ang martilyo.
Isang malamig na boses ang umalingawngaw sa buong pamilihan.
“Dalawang daang pilak.”
Namatay ang ingay.
Sa pinakadulong bahagi ng pamilihan ay nakatayo ang isang matangkad na lalaki. Nakasuot siya ng mahabang itim na balabal. Natatakpan ng talukbong ang buong mukha niya. Hindi ko makita kahit ang kaniyang mga mata.
Nanatili lang siyang nakatayo. Maging ang tagapagbenta ay natigilan.
“A-Anong sabi ninyo?”
“Dalawang daang pilak.”
Bawat salita ay may bigat dahilan para nagsimulang magbulungan ang mga tao.
“Baliw ba iyon? Para sa sugatang alipin? Hindi man lang aabot ng isang linggo ang buhay niyan!”
“Hindi. Kilala ko ang nakabalabal na iyan…”
Ngunit hindi nagpatinag ang misteryosong lalaki.
Kita kong lumunok nang mariin ang tagapagbenta.
“D-Dalawang daang pilak! May tataas pa ba?”
Wala.
Sino ang makikipagsabayan sa ganoong halaga?
Ngunit bago pa niya maibaba ang martilyo, muling nagsalita ang lalaki.
“May isa pa akong kondisyon.”
Nagkatinginan ang lahat.
“Kondisyon?”
“Dadalhin ko rin ang naunang aliping kasama niya.”
Nanlaki ang mga mata ko.
Ako?
Mariing umiling ang tagapagbenta.
“Hindi na maaari. Naibenta na siya.”
Nanatili siyang walang imik. Pagkatapos, may itinapon siyang isang mabigat na supot sa entablado.
Napaatras ang tagapagbenta.
Pagkabukas ng supot, kumikinang na pilak ang bumungad.
Suminghap ang buong pamilihan.
Hindi ko pa nakikitang ganoon karaming pilak sa buong buhay ko.
Walang agad gumalaw.
Nakatitig lang ang tagapagbenta sa nakabukas na supot. Maging ang matabang mangangalakal na bumili sa akin ay hindi na nakangiti. Kanina’y kampante siyang tapos na ang bentahan. Ngayon, tila ba sinusukat niya kung hanggang saan kayang gumastos ng lalaking nasa dulo ng pamilihan.
Lumipas ang ilang tibok ng puso. Saka niya muling inangat ang isang kamay.
Isa pang mabigat na supot ang bumagsak sa entablado. Tumalbog iyon sa kahoy bago tuluyang huminto sa tabi ng una.
“Sapat na ba iyon…” bahagya siyang tumigil, “…upang baguhin ang inyong pasya?”
Hindi agad yumuko ang tagapagbenta upang silipin ang laman nito.
Nang sa wakas ay lumuhod siya at bahagyang ibinuka ang supot, agad siyang napasinghap. Hindi na niya magawang alisin ang tingin sa kumikislap laman nito.
Bahagyang nanginig ang mga daliri niyang nakahawak sa supot.
“Kung… kung papayag ang unang mamimili…”
Mabilis na lumipat ang tingin niya sa dalawang supot, saka sa mangangalakal na nakabili sa akin.
Halatang naghahanap siya ng paraang hindi siya lalabas na talunan sa harap ng pamilihan.
“…Sa kaniya mapupunta ang kalahati ng isang supot ng pilak kapalit sa alipin na iyan.”
Lumingon ang lahat sa lalaking bumili sa akin.
Mariin siyang umiling.
“Hindi.”
Bahagyang kumunot ang noo ng tagapagbenta.
“Ngunit… kalahati ng isang supot ng pilak ang kapalit.”
“Tapos na ang bentahan,” malamig na putol ng matabang mangangalakal.
Kumabog ang dibdib ko. Tuluyan na bang maghiwalay ang mga landas naming ng hari?
Pero nanatiling matigas ang postura ng lalaki.
“Hindi ko binibili ang alipin,” mariing sabi niya.“Binibili ko ang pasya mo.”
Nanatiling walang imik ang matabang mangangalakal. Unti-unti niyang ibinaba ang tingin sa dalawang supot. Pagkatapos ay bahagya siyang natawa.
“Mas malaking pakinabang kaysa sa isang alipin.”
Dahan-dahan siyang tumango. Noon lang muling nabuhay ang boses ng tagapagbenta.
“Napagkasunduan na! Mula sa sandaling ito. Ang dalawang alipin ay pag-aari na ng ating marangal na mamimili!”
Narinig ko ang sunod-sunod na kalansing ng bakal.
Lumapit ang mga bantay kasama ng hari.
Sa pagkakataong ito, hindi na kami pinaghiwalay. Muli nilang pinagdugtong ang kadena sa pagitan namin.
Nagtagpo ang aming mga mata. Pareho naming alam, hindi pa ito ang katapusan.
Hindi pa namin kilala ang taong nagbayad ng napakalaking halaga para sa aming dalawa. At sa kung anong dahilan, kinatakutan ko iyon.
Muli man kaming pinagdugtong ng bakal na kadena, ngunit hindi na kami itinulak o binugbog.
Binuksan ng dalawang bantay ang pinto ng isang marangyang karwahe na nababalutan ng makapal na itim na kurtina.
“Pasok.”
Wala kaming pagpipilian.
Pagpasok ko, agad kong napansin ang malambot na upuan na balot ng pulang pelus. May maliit na mesa sa gitna, isang banga ng malamig na tubig, at isang bandeha ng tinapay at prutas.
Lalong lumalim ang pangamba ko.
Umupo ako sa tapat ni Haring Leondre, habang unti-unting umandar ang karwahe. Makapal ang itim na kurtinang tumatakip sa bawat siwang. Wala kaming paraan upang malaman kung saan kami dinadala.
Tanging ang pag-uga ng mga gulong at ang walang tigil na kalansing ng aming kadena ang nagsisilbing sukatan ng oras.
“Mahal na Hari…” mahina kong tawag.
Pagkaraan ng ilang sandali, marahan niyang iminulat ang mga mata.
“Hindi siya mangangalakal,” pahayag niya.
“Paano mo nasabi?”
“Kung alipin lang ang habol niya…” Saglit siyang huminto upang huminga. “…hindi niya tayo ilalagay sa ganitong karwahe.”
Huminto ang karwahe sa isang napakalaking manor. Dinala nila kami papasok.
Pagbukas ng pinto ng silid na pinagdalhan nila sa amin, napigil ang paghinga ko.
Tanging ang bakal sa aming mga pulsuhan ang nanatiling hindi nagbago. Kahit gaano kaganda ang silid, hindi pa rin kami malaya.
“Nandiyan lahat ang kailangan ninyo,” sabi ng matandang katiwala na sumalubong sa amin kanina sa tarangkahan.
Bahagya pa siyang huminto sa may pintuan.
Sa isang kumpas ng kamay niya, lumapit ang dalawang bantay.
Isa-isang inalis nila ang bakal sa aming mga pulsuhan. Nagkaroon ng mapurol na kalansing nang bumagsak ang mabibigat na kadena sa sahig.
“Utos ng aking panginoon,” walang emosyong paliwanag ng matanda. “Hindi magagamot ang mga sugat habang nakakadena.”
Sandali siyang tumingin sa amin bago muling nagsalita.
“Huwag ninyong isipin na malaya na kayo.”
Pagkasabi noon lumabas siya ng silid. Sumunod ang mga bantay, saka muling nagsara ang pinto.
Saglit kong hinimas ang namumulang balat sa aking pulsuhan. Magaan na ang mga kamay ko, ngunit hindi ang dibdib ko.
Kami na lang ulit ang naiwan.
Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot. Ang kulungan… o ang katahimikan ng manor. Walang sigawan at latigo rito. Lahat ng iyon ay parang mas lalong nagpapabigat sa dibdib ko.
Inalalayan ko si Haring Leondre papunta sa kama.
Pagkahiga niya ay napangiwi siya sa sakit. Tiningnan ko ang mga sugat niya.
Muli na namang bumuka ang tahi.
Sa isang maliit na kabinet, may kumpletong kagamitan. Nakita ko rin ang isang karayom at sinulid.
Maging ang dalawang pares ng bota ay magkatabing nakahanda sa paanan ng kama. Walang kahit isang bagay sa silid na hindi nakalaan para sa aming dalawa. Para bang matagal nang alam ng may-ari ng manor na darating kami rito.
Sino ba talaga ang taong bumili sa amin?
Hinugasan ko ang mga kamay ko bago ko dahan-dahang linisin ang sugat niya.
Bahagya siyang napangiwi nang dumikit ang basang tela sa bukas na laman. Kumapit ang dugo sa mga daliri ko.
“Mahal na Hari…”
Marahan niyang iminulat ang mga mata.
“Huwag.”
Alam kong gusto niyang sabihin na huwag ko nang subukan. Ngunit kung pababayaan ko ang sugat na iyon, baka hindi na niya maabutan ang susunod na umaga.
Humugot ako ng malalim na hininga saka isinuksok ang karayom sa gilid ng sugat.
Biglang humigpit ang panga niya. Umangat ang mga ugat sa kaniyang leeg, ngunit wala siyang inilabas na kahit isang daing.
Bawat tahi ay tila dumadaan din sa dibdib ko. Nanginginig ang mga kamay ko. Dalawang ulit na nahulog ang karayom bago ko muling napulot.
“Hindi ko kaya…”
Halos pabulong akong napamura habang pilit kong pinatatag ang sarili.
Biglang may napakahinang tawa. Umangat ang tingin ko kay Haring Leondre.
Nakatingin siya sa kisame. Halos hindi maaninag ang ngiti sa gilid ng labi niya.
“Pangit…”
Kumunot ang noo ko.
“Ano?”
“Pangit ng pagkatahi mo.”
Binigyan ko siya ng masamang tingin. Kung ibang araw ito, baka inis na inis ako.
Hindi ko napigilang mapairap.
“Mamatay ka na lang.”
Tahimik.
Pagkatapos… mahina siyang natawa.
Hindi ko namalayang napangiti rin ako.
Mahimbing na muling nakatulog si Haring Leondre. Ako naman ay nanatiling nakaupo sa tabi niya. Pinagmamasdan ang mahinang pag-angat at pagbaba ng dibdib niya.
Ngunit hindi iyon nagtagal.
Tatlong marahang katok ang umalingawngaw sa pintuan.
Agad akong tumayo.
Dahan-dahang bumukas ang pinto. Pumasok ang matandang katiwala. Magalang siyang yumuko.
“Inaanyayahan na kayo ng aking panginoon sa hapunan.”
Kumunot ang noo ko.
“Hapunan?”
Bahagyang ngumiti ang matanda.
“Magpalit kayo ng damit.”
May dalawang katulong na pumasok, bitbit ang mamahaling kasuotan. Isa ay kulay puting kasuotang halos kasinlinis ng isinusuot ng mga maharlika. Ang isa naman ay isang itim na kasuotang may burdang pilak.
Tumigil ang katiwala sa pintuan.
Pagkatapos ay marahan niya kaming nilingon.
“At isa pa…”
Saglit siyang yumuko kay Haring Leondre.
“Hinihiling ng aking panginoon na huwag ninyong itago ang inyong tunay na pangalan.”
Nanlamig ang buo kong katawan. Hindi niya kami binili nang nagkataon lang. Hinanap niya kami bago pa man ang bentahan.
Hindi pa namin nakikita ang mukha ng taong bumili sa amin.
Ngunit kilalang-kilala na niya kami.
CHAPTER 40
Author’s Note:
Wag kalimutang mag-vote ha?
Hindi ako agad gumalaw.
Nakatitig lang ako sa pintuang isinara ng matandang katiwala.
Hindi ko alam kung alin ang mas nakakabahala. Na alam niyang hindi kami basta mga alipin o na alam niya kung sino kami bago pa man kami makarating sa kaniyang mga kamay.
Makalipas ang ilang sandali, tahimik kaming inihanda ng katulong. Walang bakas ng paghamak mula sa kanila na karaniwan kong nakikita sa mga taong tumitingin sa isang alipin.
Isa sa kanila ang umalalay sa akin na isuot ang puting kasuotan na malinis at may simpleng burda sa manggas.
Pinagmasdan ko ang sarili ko. Ilang oras lang ang nakalilipas, nakakadena ako sa maruming kulungan ng mga mangangalakal ng alipin.
Sa kabilang bahagi ng silid, tinutulungan naman si Haring Leondre sa itim na kasuotan.
Mas maayos na ang paghinga niya kaysa kanina, ngunit hindi pa tuluyang nawawala ang bakas ng lagnat sa mukha niya. Ang sugat sa tagiliran niya ay natatakpan na, ngunit alam kong hindi pa iyon sapat para sabihing ligtas na siya.
Sandali akong natigilan dahil sa paraan ng pagtayo niya. Sa kabila ng pagkawala ng korona at hukbo, may kung anong hindi nawala sa kaniya. Ngayon, hindi na siya mukhang lalaking maaaring ipagbili sa isang pamilihan. Hari pa rin ang dating niya.
Bumukas ang pinto.
“Handa na sila,” sabi ng aliping nagdadamit sa akin sa katiwalang bumungad.
Kasabay ng pagkapit ng kamay ko sa gilid ng damit, bumalik ang bigat sa dibdib ko.
Dinala nila kami sa isang marangyang hapagkainan. May mga kandilang nakahanay sa magkabilang gilid. Sa gitna ay isang mahabang mesa na puno ng pagkain.
Umupo kami sa isang panig. Wala mang bantay na nakatutok sa amin, ngunit hindi ako nakaramdam ng kalayaan. Dahil sa kabilang dulo ng mesa, naroon ang lalaking bumili sa amin.
Ngayon ko siya nakita nang malinaw. Hindi siya matanda. Marahil nasa pagitan ng tatlumpu at apatnapu. Simple ang kaniyang kasuotan. Walang labis na alahas, ngunit hindi iyon ang unang bagay na napansin ko. Ang mga mata niya, masyadong kalmado.
Tumayo siya nang pumasok kami.
Hindi siya mukhang mangangalakal ng alipin. Wala sa kaniya ang marahas na kilos ng mga lalaking kumadena sa amin. Wala rin siyang nakasabit na sandata sa baywang.
“Umupo kayo.”
Umupo kami.
“Ikaw ang bumili sa amin?” malamig na tanong ng hari.
“Oo.”
“Kung gayon, bakit?”
Sa halip na sumagot, nagsalin ng alak sa isang baso ang lalaki.
“May mga bagay na hindi kailangang ipaliwanag agad.”
Nanigas ang panga ni Haring Leondre.
“Kung may kapalit ang ginawa mo, sabihin mo kung ano.”
Ngumiti ang lalaki.
“Hindi kita iniligtas para magkaroon ka ng utang na loob.”
Mas lalong kumunot ang noo ko.
“Malalaman mo rin,” pagpapatuloy nito. “At kapag dumating ang araw na iyon, maniningil ako.”
Tumalim ang tingin ni Haring Leondre.
“At kung tumanggi ako?”
Nawala ang ngiti ng lalaki.
“Wala kang dahilan para tumanggi.”
“Palagay mo ba, dahil binili mo kami, maaari mo na akong utusan?”
“Hindi. Alam kong hindi kita maaaring utusan, Haring Leondre. Pero alam ko rin na kapag dumating ang araw na iyon, wala kang ibang pagpipilian kundi pagbigyan ako.”
Hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagkakasabi niya. Hindi niya kami tinulungan dahil sa awa. Para bang matagal niyang hinihintay ang pagkakataong ito.
Tanging kalansing ng kubyertos at mahinang apoy ng mga kandila ang maririnig.
Ilang sandali akong nagmasid sa paligid bago ko napagtanto kung ano ang hindi pamilyar sa lugar na ito.
Wala sa mga simbolong nakaukit sa mga haligi ang sagisag ng Aurelius.
Sa labas ng malalaking bintana, tanaw ko ang mga ilaw ng mga tindahan at mga karwaheng patuloy na dumaraan kahit gabi na. May mga mangangalakal na naglalakad sa lansangan, ang ilan ay may dalang mga kahon at telang may mga sagisag na hindi ko kilala.
“Nasaan kami?”
Nabaling sa akin ang atensyon ng lalaki.
“Napansin mo rin.”
“Kung hindi ito Aurelius, saan mo kami dinala?”
Bahagya siyang ngumiti bago kumuha ng baso.
“Sa isang malayang teritoryong nasa pagitan ng Aurelius at Pompeii.”
Kumunot ang noo ko.
“Pompeii?”
Tumango siya.
“Dito nagtatagpo ang mga mangangalakal mula sa Aurelius, Pompeii, at iba pang karatig na kaharian. Dumadaan dito ang mga kalakal, balita, at mga taong ayaw magsalita kung saan talaga sila nagmula.”
Saglit akong natahimik.
Kung gayon, malayo na kami sa Aurelius. At higit sa lahat, wala kami sa direktang sakop nito.
Hindi ako kumain. Napansin iyon ng hari.
“Hindi ka gutom?”
“Pinapakiramdaman ko lang kung may lason.”
Tumigil ang kamay ni Haring Leondre.
Ngumiti ang lalaki.
“Makatuwiran.”
Itinaas niya ang sariling baso at uminom. Pagkatapos ibinaba iyon.
“Ngayon?”
Kung gusto niya kaming patayin, hindi niya kailangang gumastos ng dalawang daang pilak para gawin iyon.
Kumain ako nang kaunti. Saka ko muling narinig ang boses niya.
“Haring Leondre.”
Huminto ang kamay ko.
Hindi siya tumingin kay Haring Leondre. Sa akin siya nakatingin.
“At ang Royal concubine ng Aurelius.”
Biglang nanlamig ang batok ko.
Dahan-dahang ibinaba ni Haring Leondre ang kubyertos.
“Kung alam mo na ang mga pangalan namin,” sabi niya, “hindi na kailangang magpanggap.”
“Sumasang-ayon ako.”
“Kung gayon, sabihin mo kung sino ka.”
Sa halip na sumagot, kumuha siya ng isang maliit na pergamino mula sa tabi ng kaniyang plato.
Inilapag niya iyon sa mesa.
May mga pangalan, lugar, petsa at isang salitang agad kong nakilala.
Aurelius.
“Patay na ang hari,” sabi niya. “Ang buong Aurelius ay naniniwala roon.”
“At?”
Ngumisi ang lalaki.
“At habang pinaniniwalaan nilang patay ka, may mga taong kumikilos para kunin ang palasyo. Nagpupulong na ang iyong konseho kung sino ang maaring papalit sa trono mo. “
Natikom ang bibig ni Haring Leondre.
“Kung nais mong bumalik,” pagpapatuloy ng lalaki, “kailangan mong bumalik agad.”
“At ikaw ang magpapabalik sa amin?”
“Oo.”
Ngayon lang niya ako direktang tiningnan.
“Ngunit hindi ka maaaring bumalik sa Aurelius.”
Napakunot-noo ako.
“Bakit?”
Inilapag niya ang isang maliit na supot sa mesa. Lumikha iyon ng kalansing ng bakal. Binuksan niya iyon.
Isang medalyon ang nahulog sa kaniyang palad. Mula iyon sa isa sa mga lalaking umatake sa amin.
“Hindi sila titigil hanggat hindi nila nakukuha ang pugot na ulo mo. “
Itinulak niya ang medalyon patungo sa akin.
Hindi ako agad nakapagsalita, ngunit sapat iyon upang muling bumalik sa akin ang kagubatan. Ang mga yabag, ang mga palaso at sigaw, at ang mga lalaking sumugod sa amin mula sa dilim.
Akala ko noon, sapat na ang mapatalsik nila ako sa palasyo.
Nakatiim ang panga ni Haring Leondre, ngunit sa mga mata niya, nakita kong pareho kami ng iniisip.
“Sino?” malamig na tanong ng hari.
Inilabas ng lalaki ang isa pang pergamino. Itinulak niya iyon sa gitna ng mesa. Ang hari ang unang bumasa. Habang lumilipat ang kaniyang mga mata sa bawat linya, unti-unting nagbago ang kaniyang mukha.
“Isang sulat.”
“Para kanino? Sa mga asasin na gustong pumatay sa akin?”
Tiningnan ko nang maigi ang pergamino. Hindi ko maunawaan ang kalahati ng nakasulat, ngunit may isang marka roon na sapat upang makilala ko.
Isang pulang selyo na pamilyar na pamilyar.
Hindi iyon ang unang pagkakataong nakita ko ang sagisag na iyon. Ilang beses ko na iyong nasilayan sa mga dokumentong dumaraan sa palasyo. Ngunit ngayon, para bang ibang-iba ang bigat ng selyong iyon.
“Mula sa Aurelius?” tanong ko. “Ang sagisag na iyan…”
“Damien…”
Bakit ganoon kabigat binigkas ni Haring Leondre ang pangalan ko? Parang may bagay siyang ayaw ipasa sa akin.
“Kunin mo.”
Inabot niya ang pergamino. Kinuha ko.
Maikli lang ang utos, ngunit hindi ko kinailangan ng higit pa.
Huwag hayaan ang concubine na makalabas sa hangganan ng kaharian. Paslangin siya. Dalhin sa akin ang pugot niyang ulo.
Isang korona.
At ang sagisag ng isang babaeng hindi ko kailanman inisip na magiging bahagi ng dahilan ng kamatayan ko.
Ang Reyna Selene.
Nanigas ang kamay ko.
“Ang Mahal na Reyna. Siya ang nagpadala sa kanila.”
Ang hindi ko maunawaan ay kung bakit hindi sapat ang pagkawala ko sa palasyo.
Ibinaba ko ang tingin sa pergamino.
Kung nais lang niya akong mawala, bakit kailangan pa niyang makuha ang ulo ko? Ano ang kinatatakutan niyang mangyari kung mananatili akong buhay?
Nakatitig lang si Haring Leondre sa pergamino na para bang may hinahanap siyang bagay sa pagitan ng mga salita.
Hindi siya nagulat. Galit, oo. Nakita ko iyon sa paraan ng pagkapit niya sa gilid ng mesa. Ngunit may iba pa roon. Isang bagay na mas mabilis niyang itinago kaysa sa galit.
Pag-aalala para sa akin o para sa isang bagay na hindi ko pa alam?
Hindi ko dapat iyon inisip.
Mas madali sanang isipin na galit lang siya dahil may ibang taong nagtatangkang agawin ang natitira niyang kapangyarihan. Pero bakit ko hinahanap ang dahilan ng pag-aalala niya? At bakit mahalaga sa akin kung para kanino iyon?
“Alam mo kung bakit?” tanong ko.
Bahagya niyang ibinalik ang tingin sa pulang selyo.
“Kung siya ang nag-utos,” sabi niya, “bakit gusto rin akong patayin ng mga asasin?”
“Maaaring nadamay ka lang.”
Tumigil ang lalaki.
“Hindi ka kasama sa plano ngunit nagbago ang sitwasyon.”
“Kung gayon, kailangan kong bumalik.”
“Wala ka nang oras.”
Walang pag-aalinlangan ang sagot nito.
“Ano ang ibig mong sabihin?”
Dahan-dahang inilapag ng lalaki ang baso niya.
“Kapag nalaman nilang buhay ka, hindi ka na lang hahabulin ng mga taong nagpadala ng mga asasin.”
Tumigil siya.
“Magkakaroon ka ng ibang kalaban.”
Tahimik ang buong mesa.
“Kapag nakabalik ka sa Aurelius nang walang hukbo,” pagpapatuloy niya, “hindi ka na sasalubungin bilang haring bumalik.”
Sandali siyang tumingin sa korona sa kaniyang selyo.
“Isang hadlang ka na kailangang alisin.”
Hindi man iyon garantiya ng kaligtasan, may isang bagay na mayroon ang Adarmus na wala sa Aurelius. Doon hindi ako concubine. Hindi ako bahagi ng kaguluhang sumusunod sa pangalan ni Haring Leondre.
Kung kailangan kong mawala, iyon ang tanging lugar na naiisip kong maaari akong maging ordinaryong tao muli.
“Hindi pwedeng hindi ako babalik sa Aurelius. Gusto kong umuwi sa pamilya ko sa bayan ng Adarmus,” sabi ko.
Natahimik ang lalaki.
“May pamilya ka sa Adarmus?”
Nawala ang ngiti ko.
Ewan ko kung buhay pa sila o kung may tahanan pa akong babalikan, ngunit nang sumagi sa isip ko ang mukha ni Lira, may isang maliit na bahagi sa akin na naglakas-loob umasa.
“Baka buhay pa sila.”
“Hindi siya pupunta sa Adarmus,” malamig na diin ng hari, dahilan para mapalingon ako sa kaniya.
“Mananatili siya sa akin.”
Ang unang pumasok sa isip ko ay galit. Muli na naman niyang pinagpapasyahan kung saan ako dapat pumunta at inaangkin ang karapatang magdesisyon para sa akin.
Ngunit kasabay ng galit na iyon ay may ibang bagay na mas mahirap aminin. May bahagi sa akin na nakaramdam ng ginhawa. At lalo kong kinamuhian ang sarili ko dahil doon.
Sa pagkakataong iyon, hindi ko narinig sa boses niya ang hari na sanay magpasunod sa akin. Narinig ko ang isang lalaking nagsasabing hindi niya ako hahayaang harapin iyon nang mag-isa.
“Mahal na hari.”
“Kung gusto kang ipapatay ni Selene, mas ligtas ka sa tabi ko.”
“At kapag nakita nila siyang muli sa tabi mo?” singit ng lalaki.
Hindi nakapagsalita si Haring Leondre.
Sumandal ang lalaki sa kaniyang upuan.
“Hindi mo kailangang sagutin,” sabi niya. “Alam nating pareho ang mangyayari.”
Tumingin siya sa akin.
“Kapag nakita kang muli sa Aurelius, hindi nila itatanong kung bakit ka buhay.”
Tumigil siya.
“Ang una nilang itatanong ay kung bakit ka pa rin pinoprotektahan ng hari.”
Tiningnan ko si Haring Leondre.
Maaari rin akong maging dahilan para tuluyang mawala sa kaniya ang natitira niyang kapangyarihan.
“Uuwi ako sa Adarmus.”
Lumingon si Haring Leondre sa akin.
“Damien.”
“Hindi. Desisyon ko ito, Mahal na Hari.”
Huminga ako.
“Kung magtagumpay silang patayin ako, ayokong mamatay nang hindi man lang makikita sa huling pagkakataon ang pamilya ko.”
Hindi siya sumagot.
“Kung makakabalik ka sa palasyo nang ligtas kapag wala ako…” Tumigil ako sandali. “Aalis ako.”
Ewan ko kung bakit mas mahirap sabihin iyon kaysa sa inaasahan ko. Ilang beses kong hinintay ang araw na makakalayo ako sa kaniya. Ngayon na dumating na iyon, hindi ko maunawaan kung bakit parang may bahagi sa akin na ayaw nang umalis.
“At kung ayaw kong pumayag?”
Tinitigan ko siya. Bahagya akong ngumiti.
“Pakiusap hayaan mong ako naman ang pumili para sa sarili ko.”
Sa huli, siya ang unang umiwas ng tingin.
Nang gabing iyon, nasa pagitan namin ang mapa, ang dalawang ruta, at ang buhay na parang kailangang hatiin sa isang linya ng tinta.
Tinuro niya sa akin ang daang patungong Adarmus.
“Mas ligtas dito.”
Tumango ako.
Pagkatapos ay tinuro ko naman ang ruta niya patungo sa palasyo.
“At ikaw?”
“May mga taong naghihintay sa akin sa Aurelius.”
Hindi ko alam kung alin sa amin ang nagsisinungaling sa sarili.
Na para bang kapag pinag-usapan namin ang mga daan, ang mga panganib, at ang mga distansiya, magiging mas madali ang paghihiwalay namim bukas.
Nang maubos ang kandila, saka ko lang napagtanto kung gaano katahimik ang silid.
At kung gaano kasanay ang pandinig ko sa paghinga niya tuwing ganito siya kalapit sa tabi ko.
Nang dumating ang madaling-araw, mahigit sampung kabayo ang naghihintay sa labas.
Dalawang grupo ng karwahe, patungo sa dalawang magkaibang direksiyon.
Lumapit ako kay Haring Leondre. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Siya ang unang nagsalita.
“Kapag nakarating ka sa Adarmus. Huwag kang babalik sa palasyo.”
Tinitigan niya ako nang mariin.
“Kapag ligtas na ang kaharian…”
“Hahanapin kita.”
CHAPTER 41
An: Wag kalimutang mag-VOTE ha?
Sorry kung matagal ang update. Maraming days na nagka-author’s block ako. And this chapter took me almost a week to finish.
Hindi ko na halos maalala ang daang ito.
Ilang araw matapos ang paghihiwalay namin ni Haring Leondre, sa wakas nakita ko ang mga unang kapatagan ng Adarmus.
Huminto sandali ang karwahe sa mababaw na bahagi ng daan. Sa magkabilang panig, nakalatag ang malawak na luntiang kapatagan. Sa malayo naman, naroon pa rin ang matataas na punong halos hindi nagbago mula sa alaala ko.
Nakita ko rin ang maliit na ilog. At ang lumang tulay na gawa sa kahoy. Dati, tinatawid ko iyon nang nakapaa.
Minsan, pinagsasabihan ako ni Lira dahil mabagal daw akong maglakad. Ngayon, wala nang batang naghihintay sa kabilang dulo.
Nagpatuloy ang karwahe. Isa-isang bumalik ang mga bagay na matagal kong ikinandado sa isip ko. Ang maliit na burol na dati naming pinupuntahan kapag walang bantay, ang punong minsan kong inakyatan at muntik nang mahulog dahil pinilit akong sundan ni Lira, at ang mga barong-barong na halos pareho pa rin.
Pareho pa rin ang lahat. Ako lang ang hindi na.
Noon, iniisip ko lang kung aabutan ako ng dilim bago makauwi. Ngayon, hindi ko na alam kung may uuwian pa ako.
Hindi ako bumalik dahil magiging ligtas ako dito. Baka ito na lang ang huli kong pagkakataong makita sila.
Gusto kong malaman kung buhay pa si Nanay at marinig ang boses ni Lira.
Sa totoo lang, ewan ko kung alin sa dalawa ang mas kinatatakutan ko. Ang makita silang buhay o ang malamang wala na sila.
Sa lahat ng taon na lumipas, paulit-ulit kong binuo sa isip ko ang mukha ni Nanay. Minsan bata pa ang itsura niya sa alaala ko. Minsan rin pagod siya at nakasimangot habang pinapagalitan ako dahil umuwi akong marumi.
Pero ang mukha ni Lira ang pinakamalinaw. Siguro dahil huli ko siyang nakita na bata pa. Sa isip ko, ganoon pa rin siya. Ang batang kumakapit sa damit ko kapag ayaw niyang maiwan at laging nagtatanong kung kailan ako uuwi.
Baka matagal na niyang tinanggap na hindi na ako babalik, pero kung may isang bagay akong gustong marinig bago ako mamatay, iyon ang boses niya na tinatawag akong Kuya. Kahit isang beses lang. Sapat na sana iyon.
Ayokong balikan sa isip ko ang huli kong alaala sa maliit naming barong-barong. Sa halip, tumingin ako sa daang nasa harapan.
At nang tuluyan kong makita ang barong-barong namin, hindi ako agad nakahinga.
Maliit pa rin iyon. Mas luma na kaysa sa naaalala ko. Kupas ang ilang bahagi ng dingding. Ang bubong ay halatang ilang ulit nang inayos, pero naroon pa rin.
May ilaw sa bintana at mga damit na nakasampay. May manipis rin na usok na umaakyat mula sa likod ng bahay.
Kasabay ng hangin, dumating ang amoy ng lutong pagkain sa kusina.
Biglang nawala ang bigat sa dibdib ko. Buhay sila.
Hindi ako agad bumaba sa karwahe.
Ilang taon kong inisip kung ano ang magiging pakiramdam ng muling humarap sa bahay na ito. Ngayon na nandito na ako, natatakot akong lumapit.
Paano kung ibang pamilya ang nakatira roon?
Bago ko pa matapos ang tanong sa isip ko, may narinig akong boses.
“Lira, huwag mong kalimutan ang tubig!”
Nanigas ako.
Kilala ko ang boses ng ina ko.
“Nanay…”
Bumaba ako sa karwahe.
Mabagal ang mga hakbang ko patungo sa bahay.
Bumukas ang pinto.
Isang babae ang lumabas na may hawak na maliit na banga.
Natigil siya.
Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa, saka muling tumingin sa mukha ko.
Napasinghap siya.
“…Damien?”
“Lira.”
Nalaglag ang banga.
Tumakbo siya.
“Damien!”
Niyakap niya ako nang buong lakas.
Napirmi ako.
Pagkatapos, mula sa likuran niya, may isa pang boses na matagal ko nang gustong marinig.
“Lira?”
Bumukas nang mas malawak ang pinto.
Nakita ko si Nanay.
Mas payat siya. Mas marami na rin ang puting buhok at mabagal ang kilos. Pero siya iyon, ang babaeng ilang taon kong pinangarap makita.
Halos mapatid ang paa niya sa hagdanan dahil sa pagmamadali nang lumapit siya at hinawakan ang mukha ko gamit ang dalawang kamay.
Nanginginig ang mga daliri niya.
“Ikaw ba talaga ito, anak?”
Muli niyang hinaplos ang pisngi ko, saka ang noo ko.
“Damien…”
Bahagya akong napangiti.
“Anak ko…” Nanginginig ang boses niya. Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha sa mata niya.
Yumakap siya sa akin.
Ilang taon kong nakalimutan kung paano tumanggap ng yakap nang walang kapalit.
Nakiisa si Lira sa yakap.
Narinig ko ang mahinang paghikbi niya.
“Akala namin patay ka na.”
Napapikit ako.
“Hindi ako namatay.”
“Pero dinala ka nila sa minahan.”
Pumasok kami sa bahay.
Ngayon, wala akong kailangang gampanan. Hindi ako kailangang maging pag-aari ng isang hari. Anak at kuya lang ako sa tahanan na ito.
Umupo ako sa hapag. Pinilit ni Nanay na dagdagan ang kanin ko.
“Ang payat mo.”
“Busog na ako.”
“Hindi sapat iyon.”
Humagikgik si Lira.
“Hindi nagbago si Nanay.”
Natawa rin ako.
Habang kumakain kami, ilang beses akong napatingin kay Nanay.
Hindi na siya kasing payat ng huli kong alaala. Mas may kulay ang mukha niya. Kahit mabagal pa rin ang kilos niya, hindi na siya mukhang isang taong naghihintay na lang ng susunod na umaga.
“Nay.”
“Hmm?”
“Paano ka gumaling?”
Kumunot ang noo niya.
“Gumaling?”
“Noong umalis ako…” Bumaba ang tingin ko sa mangkok. “Sobrang hina mo na.”
Sandali siyang natahimik.
“May mga nagdala ng gamot.”
Umangat ang tingin ko sa kaniya.
“Sino?”
“Mga bantay.”
“Mga bantay ng Adarmus?”
Tumango siya.
“Halos linggo-linggo. Minsan gamot. Minsan pagkain. May bigas, karne, minsan prutas.”
Natigil ang kamay ko.
“At sino ang nag-utos sa kanila?”
Nawala ang gana kong kumain. Sa lahat ng taon na wala ako, may isang bagay akong inisip nang paulit-ulit. Kung buhay pa ba sila. Hindi ko kailanman naisip kung may ibang taong nag-aalala para sa kanila.
Umiling si Nanay.
“Hindi ko alam.”
“Hindi mo tinanong?”
“Tinanong ko. Ang sabi lang nila, may utos daw na siguraduhing may sapat kaming pagkain at gamot.”
“At pumayag ka lang?”
Mahina siyang natawa.
“Ano bang gagawin ko? Itatapon ko ang gamot?”
Ngumiti si Lira sa tabi niya.
“May isa pa,” dagdag ni Nanay.
“Ano?”
“Pinagbawalan na nila akong magtrabaho sa kamotehan.”
Tumaas ang kilay ko.
“Pinagbawalan?”
“Sabi ng bantay, hindi ko na raw kailangang pumunta roon.”
“Bakit?”
Umiling siya.
“Hindi ko alam. Hindi rin nila sinabi.”
“Kailan nagsimula?”
“Ilang linggo matapos kang mawala.”
Habang pinagmamasdan ko siyang kumakain, hindi ko maiwasang isipin ang isang bagay. May taong nag-aalaga sa kanila habang wala ako.
Sa unang gabi, natulog akong hindi hawak ang anumang sandata.
Sa ikalawa, hindi na ako nagising sa bawat kaluskos sa labas.
Sa ikaapat naman, habang naghuhugas kami ng mga pinggan, biglang nagsalita si Lira.
“Kuya.”
“Hmm?”
“Totoo bang mananatili ka na rito?”
Tumingin ako sa kaniya.
May ngiti sa labi niya, pero may kakaibang pag-aalinlangan sa mga mata.
“Bakit?”
“Baka bukas umalis ka na naman.”
Natikom ang bibig ko.
Sa dami ng bagay na pinagdaanan ko, hindi ko na alam kung paano mangako ng isang bagay na hindi ko kontrolado.
Pero nakita ko ang mukha niya. Ngayon, hindi ko naisip ang palasyo at ang digmaang kinkaharap ko. Iniisip ko lang ang batang nasa harapan ko.
“Hindi na ako aalis.”
“Sigurado?”
Tumango ako.
Ngumiti siya.
Sa ikalima, hindi ko na binilang kung ilang araw pa ang mayroon ako.
Iniisip ko kung ano ang lulutuin ni Nanay kinabukasan. Kung saan kami pupunta ni Lira kapag walang trabaho. Kung maaari ba akong muling masanay sa tunog ng bahay na ito.
Maliit na mga bagay na dati kong itinuturing na karaniwan. Ngayon, parang mga bagay na kailangan ko pang hingin sa mundo.
Kinagabihan, nakahiga ako sa lumang kama ko.
Tahimik na ang bahay.
Naririnig ko ang mahinang pag-ubo ni Nanay mula sa sala. Naririnig ko rin ang tawanan nila ni Lira.
May anino si Nanay sa pintuan.
“Bukas,” sabi niya, “magluluto ako ng paborito mo, Damien.”
Kusang sumilay ang ngiti sa labi ko.
“Naalala mo pa?”
Umiling siya.
“Ina mo ako.”
Isinara niya ang pinto.
Pumikit ako.
Bukas.
Dati, ang bukas, isa lang araw na kailangan kong mabuhay hanggang matapos. Ngayon, may mukha na ang bukas. Si Nanay na magluluto ng paborito ko. Si Lira na siguradong manggugulo habang kumakain ako. Isang umaga na gigising akong hindi kailangang isipin kung sino ang darating para saktan ako at wala akong kailangang takasan.
Nagising ako sa amoy ng usok. Akala ko panaginip pa. Pero mabigat na mainit ang hangin dahilan para umubo ako at napabalikwas.
Pagmulat ko, may manipis nang usok na gumagapang sa ilalim ng pinto.
At pagkatapos…
“Damien!”
Si Lira.
Tumalon ako mula sa kama.
Pagbukas ko ng pinto, sinalubong ako ng init.
May apoy sa pasilyo.
Mabilis itong umaakyat sa dingding.
“Lira!”
“Damien!”
Nakita ko siya sa kabilang bahagi.
Hinawakan ko ang braso niya.
“Lumabas ka na.”
“Nasaan si Nanay?”
“Lalabas tayo. Ngayon.”
Hinila ko siya papunta sa pinto.
Pagkalabas namin, napaluhod kami sa lupa, inuubo.
Tumayo ako. At saka ko nakita. Hindi lang ang bahay namin ang nasusunog. Sa malayo, may isang haligi ng usok na umaakyat sa kapatagan. Pagkatapos ay isa pa. At isa pa.
Sa kabilang bahagi ng Adarmus, may mga apoy na sumisiklab sa pagitan ng mga bahay.
May mga taong tumatakbo at mga hayop na kumakawala. May mga bata ring umiiyak. Ang buong kapatagan ay nagliliyab.
Nanlamig ako.
“Damien…”
Tinitigan ko ang mga apoy.
Sa sandaling ito, nawala ang pakiramdam na ligtas ako.
Hindi na ako nakapag-isip nang marinig ko ang ubo ni Nanay mula sa loob .
“Nanay!”
Tumakbo ako pabalik.
Hinawakan ni Lira ang braso ko.
“Huwag!”
“Nasa loob siya.”
“Papasok ako kasama mo.”
“Lira-”
“Hindi kita iiwan.”
Wala nang oras para makipagtalo. Tumakbo kami papasok. Mas makapal na ang usok. Halos wala na akong makita.
“Damien!”
Narinig ko ang boses ni Nanay.
“Nanay!”
Sinundan ko ang boses niya.
Bumagsak ang isang bahagi ng kisame sa harapan ko.
Napaatras ako.
“Anak!”
“Nay!”
Nandoon siya sa bungad ng silid, nakakapit sa poste.
May bumagsak na troso sa likod niya at naharangan din ang daanan niya palabas.
“Damien, umalis na kayo!”
“Ilalabas kita!”
“Hindi na. Wala ng oras, anak!”
“Ilalabas kita, Nay!”
Tumakbo ako papunta sa kaniya. Ngunit narinig ko ang sigaw ni Lira.
“Kuya!”
Paglingon ko, nasa kabilang bahagi siya ng silid. May apoy nang gumagapang sa likod niya.
“Lira!”
Tumakbo siya papunta sa amin.
Ngunit bago pa kami mag-abot, isang napakalaking bahagi ng kisame ang bumagsak sa pagitan namin.
Umalingawngaw ang dagundong.
“Lira!”
Napatingin ako sa pagitan ng apoy.
Nakikita ko pa rin ang mukha niya. Ang mukha ng batang minsang kumakapit sa damit ko at pinangakuan kong hindi ko siya iiwan.
Ngayon, hindi ko siya mailabas.
Umubo siya.
Mabilis na kumakapal ang usok. Ngunit nakangiti pa rin siya.
“Ang tigas talaga ng ulo mo.”
“Lira-”
“Mahal kita, Kuya.”
Nahinto ako.
“Lira…”
Sinubukan kong hanapin ang daan papunta sa kaniya.
“Lira, huwag kang gagalaw.”
Tumango siya, pero sa mukha niya, alam kong pareho naming alam na wala nang gaanong oras.
“Kuya… Sinabi mong hindi ka na aalis.”
Napapikit ako.
“Hindi ako aalis.”
“Pangako?”
Naramdaman kong nanginginig ang boses ko.
“Pangako.”
Bahagya siyang ngumiti.
Isang malakas na dagundong ang sumunod.
Bumagsak ang isa pang bahagi ng kisame. Sa pagkakataong iyon, tuluyan na kaming pinaghiwalay nito.
Napaatras ako.
“Lira!”
“Lira…”
Walang sagot.
“Damien!”
Boses ni Nanay.
Nandoon pa rin siya.
Bumaling ako sa kaniya.
“Lumabas ka na, anak!”
“Hindi kita iiwan, Nay!”
Umuuga na ang buong bahay.
“Damien,” mahina niyang sabi. “Lumabas ka na.”
“Hindi.”
Pilit kong inalis ang mga nagbabagang troso sa pagitan namin.
“Anak…”
“Sandali lang.”
Hindi ko alam kung gaano katagal ko pa kayang magsinungaling sa sarili ko.
Inabot ni Nanay ang kamay niya.
Agad ko iyong hinawakan.
Malamig ang palad niya sa kabila ng init ng paligid.
Iyon ang kamay na minsang humawak sa akin habang tinuturuan akong maglakad. Ang kamay na humaplos sa noo ko tuwing may lagnat ako.
Ngayon, halos hindi ko na siya mahawakan nang buo.
Tinitigan niya ako.
“Ang tagal kitang hinintay, Damien. Walang oras nang hindi ako nagdarasal sa mga diyos na ibalik ka nila sa akin.”
Natawa ako nang mahina, kahit nanginginig na ang boses ko.
“Nandito na ako, Nay.”
Saglit siyang pumikit.
“Umuwi ka. Dininig ng Olympus ang hiling kong masilayan man lang kita bago ako mamatay.”
Doon ako tuluyang nanghina.
“Nay… pakiusap.”
Ngumiti siya.
“Mahal na mahal kita, anak. Tandaan mo iyan.”
Napapikit ako.
“Nay, pakiusap.”
Marahan niyang hinaplos ng hinlalaki ang likod ng kamay ko.
“Huwag kang mag-alala. Sabay kaming tatawid ni Lira sa ilog ni Styx. Sasalubungin kami ng Tatay Ragnar mo sa mundo ni Hades.”
Umiling ako.
“Damien…”
Ngumiti siya.
Iyong ngiting nakita ko noong unang araw na sinalubong niya ako pag-uwi ko.
“Anak.”
Napatitig ako sa kaniya.
“Salamat.”
Isang malakas na dagundong ang umalingawngaw.
Nayanig ang lupa sa ilalim namin.
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya.
Bumagsak ang isang malaking bahagi ng bubong sa pagitan namin.
Naputol ang pagkakahawak namin.
“Nay!”
“Damien!”
Narinig ko pa ang boses niya sa kabilang panig.
At pagkatapos… wala na.
“Nanay!”
Tuluyang bumagsak ang bubong.
Tinamaan ako ng matinding init. Nawalan ako ng balanse.
Nagliliyab ang buong paligid. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Ang tanging alam ko ay kailangan kong lumabas.
Nang tuluyan akong makalabas, bumagsak ako sa lupa.
Nanginginig akong bumangon.
“Nanay!”
Tumakbo ako pabalik.
“Lira!”
Tumakbo ulit ako patungo sa bahay. Sinubukan kong lumapit, ngunit napaatras ako nang sumabog ang apoy sa harapan ko.
“Lira!”
“Nanay!”
Walang sumagot.
Tumakbo ako sa ibang bahagi ng bahay. Baka may daan pa at paraan pa.
“Lira!”
Sigaw ako nang sigaw hanggang sa tuluyang mawala ang boses ko.
Hindi ko alam kung ilang beses akong bumalik sa apoy kahit alam kong hindi ko na kayang pumasok.
Ayaw kong tanggapin na wala na sila, dahil ilang oras lang ang nakalipas, nandito sila nagtatawanan, kumakain at naghihintay ng bukas.
Pinanood kong lamunin ng apoy ang bahay na limang araw kong tinawag na tahanan.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatayo roon.
Nang magsimulang lumiwanag ang langit, naging mga baga ang apoy. Ang bahay, naging abo.
Saka ko muling tiningnan ang kapatagan ng Adarmus. Mas marami nang apoy ang namatay, ngunit ang usok ay nanatili. Naroon pa rin ang mga sigaw na unti-unting namamatay. Buong Adarmus ang tinamaan.
Napatingin ako sa likod ko. Sa kung ano mang natira sa bahay namin.
Ngayon, wala na si nanay, at si Lira
Lahat.
Doon ko naintindihan kung ano talaga ang ibig sabihin ng mawalan ng tahanan. Hindi pala iyong wala kang bahay kundi kapag wala nang taong naghihintay sa pag-uwi mo.
Lumuhod ako sa abo, pero hindi ako umiyak. Hindi ko kaya. Tinitigan ko lang ang mga labi ng bahay hanggang sa mapansin ko ang isang bagay na hindi agad nagliyab.
Isang magarang baul.
Halos wala nang natira sa takip. Sunog ang kahoy sa gilid, ngunit buo pa ang maliit na bahagi sa harapan.
Lumapit ako.
May isang koronang nakaukit doon. Nahinto ako. Hindi iyon simbolo ng Adarmus. Kilala ko ang koronang iyon.
Koronang sumisimbolo sa Aurelius.
Dahan-dahan kong hinawakan ang nasunog na kahoy. Muling sumagi sa isip ko ang sinabi ni Nanay.
Mga gamut, pagkain, at ang mga bantay na dumarating linggo-linggo. Ang pagbabawal sa kaniya na magtrabaho sa kamotehan ilang linggo pagkatapos kong mawala.
Hindi ko agad matanggap ang sagot.
Si Haring Leondre.
Kung si Haring Leondre nga ang nagpadala ng mga gamut, nagbigay ng pagkain, at nag-utos na huwag nang pagtrabahuhin si Nanay… ibig sabihin, habang kinamumuhian ko siya sa loob ng palasyo, may bahagi ng buhay ko sa labas na tahimik niyang binabantayan.
Humigpit ang hawak ko sa baul. Ayokong isipin iyon. Mas madaling isipin na halimaw siya at sabihin sa sarili kong wala siyang ginawang mabuti para sa akin. Pero ang mga labi ng bahay ko ay nasa harapan ko. Hindi ako maaaring magsinungaling sa sarili ko.
Kung siya ang gumawa nito, hindi ko alam kung dapat ko siyang pasalamatan o mas lalo siyang kamuhian. Dahil pati ang buhay ng pamilya ko na akala kong akin lang, may kamay pala siya.
Muli kong pinasadahan ng tingin ang buong bahay. Hindi pantay ang pagkasunog. May bahagi sa likod ng bahay na mas maitim kaysa sa iba.
Lumapit pa ako. May amoy na hindi galing sa kahoy. Amoy langis. Tumingin ako sa lupa. May mga marka ng bota.
Kumuyom nang mahigpit ang kamao ko.
Iisa lang ang pangalang pumasok sa isip ko. Si Reyna Selene.
Maaaring ipinadala niya ang mga taong ito sa Adarmus, para hanapin ako at tiyaking wala na akong mauuwian o mapupuntahan.
Dahan-dahan kong inilabas ang kamay ko. May abo sa mga daliri ko. Pinagmasdan ko iyon nang matagal.
Limang araw lang akong nagkaroon ng tahanan, naging anak ulit, at naging kuya. Kinuha lahat iyon sa akin. Ang pinakamasakit sa lahat, ang katotohanang nagsimula na akong maniwala na maaari pa pala akong maging masaya. Na maaari pa pala akong umuwi at magkaroon ng bukas.
Ngayon, wala nang bukas na hinihintay sa akin. Wala nang pintong bubuksan pag-uwi ko. Wala nang boses ni Nanay. Wala nang tawag ni Lira. Wala na rin ang batang kakapit sa damit ko at magtatanong kung kailan ako aalis.
Doon ko naramdaman ang galit na mas malamig kaysa sa takot.
Kung ang pamilya ko ang naging kapalit ng pagtatago ko, hindi na ako maaaring tumakbo.
Sa malayo, naroon ang daang pabalik sa palasyo.
Bigla kong naalala si Haring Leondre at ang sinabi niyang…
“Hindi kita hahayaang harapin iyon nang mag-isa.”
Pinikit ko ang mga mata ko.
Dapat ko ba iyong ituring na kabutihan o isa pang paraan ng pag-angkin.
Ngayon, habang nakatayo ako sa abo ng tahanan ko, iba na ang dating ng mga salitang iyon na pinangako niya bago kami maghiwalay.
Hindi ako magiging ligtas sa pagtatago.
Hindi habang may mga taong kayang pumatay ng mga inosente para lang alisin ang bawat lugar na maaari kong pagtaguan.
Kung gusto kong mabuhay, kailangan kong labanan ang sino mang gumawa nito. Kung gusto ko ring mapanagot sila, kailangan kong bumalik sa pinagmulan ng lahat.
Dahan-dahan akong tumalikod. Huling beses kong tiningnan ang abo.
Ngunit hindi pa tapos ang laban.
Humarap ako sa daang patungo sa palasyo.
“Babalik ako sa palasyo.”
Nagsimula akong maglakad.
At sa bawat hakbang, iisa lang ang naiisip ko.
“Maniningil ako.”
CHAPTER 42
AN:
Wag kalimutan mag-Vote ha? Salamat!
Hindi ako dapat mahuli.
Iyon ang unang pumasok sa isip ko habang nakahiga ako sa loob ng isang kahon ng kamote, nakadagan ang ilang bayong sa ibabaw ko at halos wala nang espasyong malagyan ng hangin.
Sa labas, naririnig ko ang mahinang langitngit ng mga gulong ng kariton sa batong daan. Paminsan-minsan, bumabagal ito. Minsan tuluyan ring humihinto.
Bawat paghinto, pinipigilan ko ang paghinga ko.
May mga yabag. Huminto sa tabi ng kariton.
“Buksan ang takip.”
Nanigas ang buong katawan ko.
May kumalabog na kahoy. Narinig ko ang paghinga ng isang kabayo.
“Kamote lang,” sabi ng isang lalaki.
“May kasama pang harina.”
“Dalhin sa kusina.”
Umalis ang mga yabag at muling umandar ang kariton.
Wala akong ideya kung gaano katagal akong nanatili roon. Ilang beses kong naisip na bumalik na lang. Ngayon ko lang naunawaan na kusa akong bumabalik sa lugar na minsan kong pinangarap takasan.
Noong nakaraan, ang palasyong ito ang kulungan ko. Ngayon, ako mismo ang pumili na pumasok dito. Kapag bumukas ang pintuang iyon, maaaring hindi na ako makalabas nang buhay. Hindi ako takot mamatay. Ang kinatatakutan ko, mamatay nang walang ginagawa.
Ipinikit ko ang mga mata ko. Sa dilim, bumalik ang apoy na tumutupok sa barong-barong.
Hinayaan kong dumaan ang alaala, ngunit hindi ko ito hinayaang lumalim. Isang saglit lang.
Bumalik ang mukha ni Lira.
“Kuya…”
Binuksan ko agad ang mga mata ko.
Huminto ang kariton. Mas matagal ngayon. Narinig ko ang mga boses ng mga tauhan sa paligid.
“Ilabas ang mga gulay. Doon ang kamote.”
“Dahan-dahan!”
May mga yabag na papalapit.
Makalipas ang ilang sandali, naramdaman kong binuhat ang kahon. Tumigil ang hininga ko. Ibinagsak ito sa sahig. Napakagat ako sa labi upang hindi mapasigaw.
May mga yabag na nagkalat at mga kahon na kinaladkad. Isang tawa ang sumingit sa mga yabag. May nagmura dahil sa bigat ng isang sako. Pagkatapos, unti-unting lumayo ang mga tunog.
Nagbilang ako hanggang sampu. Dahan-dahan kong binuksan ang kahon. Malamig ang hangin na sumalubong sa mukha ko.
Umupo ako saka tahimik na tiningnan ang kusina. Wala nang nakatingin. Lumabas ako.
Ngayon, nakatayo ako sa kusina ng palasyo. Ang lugar na minsan kong kinatatakutan kahit ang simpleng paghinga.
Sumisingit sa ilong ko ang amoy ng pagkain. Nakakarindi ang ingay ng mga kawali pati ang sigawan ng mga alipin. Maraming kamay ang abala sa paghahanda ng hapunan para sa mga taong hindi kailanman kailangang isipin kung saan nanggaling ang kanilang pagkain.
Hinila ko nang bahagya ang laylayan ng maruming damit ko at yumuko. Hinayaan kong matakpan ng buhok ang bahagi ng mukha ko. Sa gitna ng kusinang puno ng mga alipin, sapat para hindi nila ako mapansin. Iyon mismo ang kailangan ko.
Kumuha ako ng isang bandeha mula sa gilid at sumabay sa ibang mga alipin.
Nayuko ako. Iyon ang inaasahan nilang makita sa isang aliping walang pangalan at karapatang magtanong.
Ilang hakbang lang ang kinailangan bago ko maramdaman ang bigat ng mga alaala. Hindi na kailangang isipin kung saan ako liliko. Alam na iyon ng mga paa ko.
Dito ako dating pinapadala kapag may kailangang ihatid. Sa kabilang pasilyo ako minsang pinahinto, at pinagalitan dahil lang sa ilang segundong pagkaantala.
Nakakatawa kasi hindi ko na maalala ang mukha ng ilan sa mga taong nanakit sa akin, pero naaalala pa rin ng katawan ko kung saan ako dapat yumuko.
Dumaan ako sa isang pinto. Hindi ako pinigilan.
Mula sa malayo, narinig ko ang musika. May tawanan at mga basong nagsasalpukan. May mga boses rin na puno ng saya.
Bahagya akong natigilan. Sa sandaling ito, ilang silid lang ang pagitan ko at ng mga taong nagdiriwang.
Buhay ang hari. Para sa kanila, sapat na ang salitang iyon para maging magandang gabi ang gabing ito. Para sa akin, hindi. Sa Adarmus, may mga taong hindi na muling makakakita ng bukas habang nagbubuhos sila ng alak para ipagdiwang ang pagbabalik ng isang taong akala nila’y nawala na.
Iyon ang pinag-uusapan nila.
“Hindi ko akalaing makababalik pa siya. Akala ng lahat tapos na.”
“Mas mabuti para sa kaharian.”
“Hindi na magkakaroon ng gulo kung sino ang uupo sa trono.”
Nakapako ang mga mata ko sa sahig.
May isa pang boses.
“Napakalaki ng naging papel ng Reyna Selene habang wala ang Hari.”
“Magandang bagay na nanatili siyang matatag.”
Humigpit ang pagkakahawak ko sa bandeha.
Nagpatuloy ako patungo sa bulwagan. Habang lumalapit, mas luminaw ang musika. Mas malinaw rin ngayon ang mga tawanan at mga tinig. Para itong ibang mundo.
Doon sa bulwagan, walang nakakaalam na may dalawang bangkay sa ilalim ng abo sa Adarmus at may mga tahanan ang nawala sa loob ng isang gabi.
At marahil, hindi nila kailangang malaman.
Sa dulo ng pasilyo, may dalawang guwardiyang nakatayo. Hindi nila ako pinansin.
Bumukas ang malaking pinto. Bumagal ang hakbang ko.
Sa kabilang panig nito, ang bulwagan kung saan minsan akong nakatayo bilang isang concubine, na kailangang maghintay ng pahintulot para magsalita.
Pumasok ako.
Una kong nakita ang mga maharlika. Mga mukha na pamilyar at hindi ko nakalimutan. Ang ilan ay tumatawa habang umiinom. May nakikipag-usap sa mga konsehal. Sa pinakadulo ng bulwagan, may mga guwardiyang nakahanay. Sa gitna ng lahat ng iyon… naroon siya Haring Leondre.
Buhay.
Nakaupo sa kaniyang trono na parang hindi kailanman nasugatan at muntik ng mamatay.
Tumigil ang isang bahagi ng isip ko. Ilang araw lang ang nakalipas, ang huling sinabi niya sa akin ay nanatili sa alaala ko. Na kapag ligtas na ang kaharian, hahanapin niya ako.
Hindi ko alam kung hinanap niya nga ako, o kung ano ang magiging mukha niya kapag nakita niya ako.
Mabilis kong inalis ang tingin ko.
Sa tabi niya si Reyna Selene. Tahimik itong nakangiti at maayos. Parang walang utos na kailanman lumabas sa pangalan niya upang habulin ako ipapatay ng mga kampon niya.
Nagngitngit ang dibdib ko, ngunit lumakad ako patungo sa mesa.
Isang guwardiya ang sumulyap sa akin.
“Ilagay mo na sa mesa.”
Tumango ako.
Ibinaba ko ang bandeha. Isa-isang inilapag ang mga pinggan. Hindi ako nagmamadali ni nanginginig.
Pagkatapos kong ilagay ang huli, dapat na akong umalis. Iyon ang ginagawa ng isang alipin. Yuyuko pagkatapos, saka aalis at mawawala sa mga mata ng mga Maharlika.
Nanatili akong nakatayo. Unti-unti kong itinuwid ang katawan ko. Nang itaas ko ang mukha ko, nagtagpo ang mga mata namin ng Reyna.
Nagbago ang kaniyang mukha. Isang saglit lang, ngunit nakita ko.
Matapos ang ginawa niya, hinahanap ko ang takot sa kaniyang mukha. Wala akong makitang kahit na ano. Nanatili siyang matatag at masyado siyang kalmado. Kung may natutunan ako sa mga taong tulad niya, kapag masyado nilang kailangang magmukhang kalmado, may bagay silang pilit na itinatago.
May katahimikang bumagsak sa paligid.
Isang maharlika ang sumulyap sa akin.
“Alipin! Lumayas ka na.”
Nanatiling nakataas ang aking noo. Sinipat ko siya, pagkatapos ay kay Reyna Selene. At sa huli… kay Haring Leondre.
Unti-unting nagbago ang mga mata ni Reyna Selene. Pagkatapos, halos pabulong, tila ba hindi niya kayang paniwalaan ang sariling nakikita.
“Damien…”
Hindi niya sinadya lumabas ang pangalan ko mula sa kaniyang bibig, ngunit sapat iyon para sa isang iglap na magbago ang buong bulwagan.
Ang mga bulungan, naging ingay. Napalingon ang isang maharlika sa katabi niya.
“Ang concubine?”
“Imposible.”
“Hindi ba sinabi ng Reyna-”
Ngayon hindi na ako ang concubine na pilit nilang pinapatalsik. Ako na ang bagay na kinatatakutan nilang naroon.
Tumayo ang dalawang guwardiya sa malapit. May isa pang kamay na dumapo sa espada.
Nanatili akong nakatayo, habang ang buong silid ay naghihintay sa susunod kong kilos
“Dakpin siya!”
Mabilis ang utos mula sa isang konsehal. Dalawang guwardiya ang lumapit, ngunit bago pa nila ako mahawakan, ang boses ni Haring Leondre ang pumigil sa kanila.
“Sandali.”
Tumigil ang mga guwardiya.
Naroon sa mata niya ang gulat, o hindi paniniwala. Nakita ko ring humigpit ang mga daliri niyang nakakapit sa hawak na kopita.
“Kamukha lang niya,” sabi ng isang maharlika.
“Hindi,” sagot ng isa.
“Siya iyon.”
“Hindi maaaring siya iyon. Bali-balitang namatay na siya.”
Nilingon ko ang mga taong nakapaligid sa amin. Napakadali nilang sabihin ang salitang patay . Para bang kapag sinabi nila iyon nang sapat na beses, magiging totoo na.
Hindi na nakangiti ang reyna, pero walang bakas ng pagkataranta.
Iyon ang unang bagay na naalala ko tungkol sa kaniya. Hindi siya madaling mabasag.
Mariin niya lang akong tinitigan nang diretso. Ngayon ko lang nakita ang maliit at halos nakatago na takot sa berde niyang mga mata.
“Anong pakay mo?” tanong niya.
Marami akong maaaring sabihin. Hindi ko lang alam kung alin ang gusto niyang marinig.
Ngumisi ako.
Suminghap siya, pero masyadong mabilis para mapansin ng iba.
“Pinatalsik niyo na ako sa palasyo na ito,” sabi ko. “Bakit kailangan niyo pa akong patayin?”
“Wala kang karapatang magtanong sa konseho,” sabi ng isang matandang konsehal.
“Kung gayon, bakit kayo natatakot sumagot?”
May ilang maharlikang nagbulungan.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya.
Isang guwardiya ang muling lumapit.
“Sumunod ka.”
“Bakit?”
“Dahil utos iyon.”
“Kanino?”
Natikom ang bibig niya, saka tumingin siya sa hari.
Pero nakatitig lang si Haring Leondre sa akin. Hindi ko mabasa ang nakita niya sa akin. Marahil ang parehong concubine pa rin na minsan niyang pinilit manatili sa tabi niya.
Sana estranghero na lang ako para sa kaniya. Mas madali sana.
“Damien.”
Muli niyang sinabi ang pangalan ko. Iba ang tunog nito mula sa bibig niya. Mas mababa iyon at mas maingat.
“Lumapit ka.”
May ilang tao ang napalingon sa isa’t isa. Hinihintay nilang lumuhod ako.
“Hindi,” sabi ko.
Halos matawa sa gulat ang isang matandang konsehal.
“Hindi?”
“Alam mo ba kung kanino ka nagsasalita?”
“Sa hari,” matigas na sagot ko.
Bahagyang nagbago ang mukha ni Haring Leondre, ngunit hindi na iyon ang pinakamahalagang bagay.
“Isa kang dating concubine,” sabi ng konsehal. “Wala kang pahintulot na pumasok dito. Wala kang karapatang humarap sa hari nang ganoon.”
Dating concubine. Iyon ang salitang ginamit nila. Dati, isang salita lang na iyon ay sapat nang bumukas ang lahat ng sugat na pilit kong tinatakpan.
“Hindi na ako concubine ng hari.”
Tanging tunog ng mga kurtina lang ang maririnig pagkatapos niyon.
Si Selene ang unang bumasag sa katahimikam.
“Kung gayon, anong rason mo bakit ka narito?” Diretso niyang tanong. Walang panginginig o ni emosyon sa boses niya.
Binigyan ko siya ng nasusuklam na ngiti.
“Hindi ba dapat alam mo, Mahal na Reyna?”
Tumigas ang panga niya.
“Hindi kita naiintindihan.”
“Hindi ko naman inaasahang maiintindihan mo.”
“Kung may paratang ka laban sa akin, sabihin mo.”
“Hindi pa.”
Saglit na kumuyom ang mga kamao ni Reyna Selene.
Mabilis na nagpalitan ng tingin ang ilang konsehal. May naintindihan sila at iyon ang gusto ko.
“Kung gayon,” sabi ng isang konsehal, “itapon siya sa labas.”
Muling gumalaw ang mga guwardiya, ngunit muling nagsalita si Haring Leondre.
“Walang gagalaw.”
Mas malinaw ang utos niya ngayon.
Tumigil ang lahat.
“Bakit ka bumalik?” tanong niya.
Iyon ang unang tanong niya na talagang gusto kong sagutin.
Naalala ko ang mahigpit na bilin niya na kapag dumating ako sa Adarmus hindi ako dapat babalik sa palasyo.
Sinipat ko ang trono, ang konseho, ang mga taong nakasuot ng seda at ginto. Sa mga taong walang alam tungkol sa Adarmus.
Higit sa lahat kay Reyna Selene.
“Dahil wala na akong ibang uuwian.”
Saglit kong naramdaman ang bigat ng sinabi ko.
Totoo iyon, ngunit hindi ibig sabihin na gusto kong maawa sila. Ang pagkawala ng tahanan ko ang dahilan kung bakit ako narito. Hindi ang dahilan para lumuhod ako.
“Kung ganoon,” sabi ni Selene, “Wala kang lugar dito.”
“May dahilan ako.”
“Ano?”
Tumingin ako sa trono.
Wala akong pangalan at hukbo na kayang magpahinto sa isang utos ng konseho. Sa Adarmus, nakita ko kung ano ang nangyayari sa mga taong walang anuman sa mga iyon.
Walang dumating para iligtas ang bahay namin. Walang dumating para kay Lira at Nanay. Sa huli, hindi naging mahalaga kung sino ang tama. Naging mahalaga kung sino ang may kakayahang magpasya kung sino ang mabubuhay.
Ayaw kong mangyari ulit iyon, kaya hindi sapat ang mabuhay lang ako. Kailangan kong magkaroon ng isang sandata na hindi nila basta mababawi.
Dumaan ang tingin ko kay Haring Leondre.
“Kapangyarihan, Mahal na Hari.”
May ilang natawa, hindi makapaniwala sa sinabi ko.
“Kapangyarihan?” ulit ni Reyna Selene. “Isa ka lang dating alipin at concubine. Wala kang pangalan sa konseho.Walang ka ring hukbo at matayog na angkan.”
Isa-isa niyang ibinato sa akin ang mga bagay na dati kong kinatatakutan. Ang mga bagay na wala ako.
“Hindi ko kailangan ang mga iyon, Mahal na Reyna.”
“Kung gayon, ano ang mayroon ka?”
Humakbang ako nang kaunti pasulong.
“Hindi ako bumalik dito para hingin ulit ang posisyon ko sa tabi ng hari.”
Napako ang tingin ko kay Selene.
“Hindi ako bumalik para maging concubine. Ngayon ako naman ang magpasya kung ano ang mangyayari sa akin pagkatapos ng lahat ng kinuha ninyo. “
At sa huli, kay Haring Leondre.
“Dahil natutunan kong walang sinumang darating para iligtas ang mga taong mahal ko.”
Hindi na ako maghihintay. Kung kailangan kong lumaban, hahanap ako ng paraan.
Hindi ko binanggit ang Adarmus, ang huling sigaw ni Lira o ang mukha ni Nanay.
Ang mga bagay na iyon ay akin. Hindi nila kailangang makita kung gaano nila ako nasaktan.
“Kung tingin ninyo sa akin ay banta, huwag ninyo akong itulak na tumakas ulit.”
Isa pang konsehal ang suminghal.
“Banta? Isa ka lang maliit na damo na kay daling hugutin!”
“Alam kong isa lang akong maliit na damo kaya humihingi ako sa hari ng kapangyarihang hindi ninyo kayang alisin.”
Hindi trono ang kailangan ko para maging mas mataas kaysa sa kanila. Posisyon ang kailangan ko. Isang pangalan na hindi basta mabubura at kapag sinubukan nilang patayin ako, kailangan muna nilang pag-isipan kung ano ang mawawala sa kanila.
Tumingin ako kay Haring Leondre. Nakita ko siya bilang taong may hawak ng bagay na kailangan ko. Alam kong siya lang ang makapagbibigay nito.
Natahimik ang bulwagan.
Maraming matang nakatingin sa akin, pero hindi ako narito para patunayan ang sarili ko sa kanila.
Sa pagitan naming lahat ang buong bulwagan, ang konseho, mga Maharlika, ang reyna at ang trono.
Tiningnan ko sa mata si Haring Leondre.
“Gawin mo akong Reyna ng Aurelius.”
_________ END OF ARC 2 ________
An:
War is coming!
Gagawa tayo ng another version ni Helen of Troy. The woman who could launch a thousand ships.
Pero this time, it will only take ONE concubine to end it all.
May magbabalik and everything will fall apart.
Arc 3 will be bloody. And every choice will come with consequences.
What does it take to end a war? Blood? Desire? Revenge?
The story is coming to its final arc.
THE KING’S CONCUBINE - ARC 3
The final arc is coming.
CHAPTER 43
An:
Wag kalimutang mag-Vote ha?
“Gawin mo akong Reyna ng Aurelius.”
Sumabog ang bulwagan.
“Reyna?!”
“Ang dating alipin?!”
May tumawa. Marami rin ang nagmura. Ang ilang Maharlika, halos mabulunan sa alak na hawak nila.
Hinayaan kong sila ang maunang mapagod sa sariling ingay.
Ilang araw lang ang nakalipas, wala akong pangalan sa mga taong ito. Para sa kanila, isa lang akong dating concubine na dapat matagal nang patay. Ngayon, naririnig ko ang pangalan ko sa bawat sulok.
“Kalampastanganan! Hindi maaari ito!”
Tumayo ang isang matandang konsehal.
“Mahabaging Hari, hindi maaaring seryosohin ang kahibangang ito ng aliping iyan!”
“Wala siyang karapatan sa trono!”
Humigpit ang hawak ko sa gilid ng aking damit.
Dati, isang salita lang na iyon at bumabalik na sa akin ang dating pakiramdam. Ngayon, wala na itong parehong bigat.
Tumingin ako sa matandang konsehal.
“Dugong maharlika rin ang nagsunog sa Adarmus.”
Unti-unting nawala ang mga boses. Nagkatinginan sila, at sa unang pagkakataon, wala ni isa sa kanila ang agad nakapagsalita.
“Anong sinabi mo?” tanong ng isang Maharlika.
Ngumisi ako at tumingin sa paligid.
“Alam ko kung ano ang ginawa ng mga taong may kapangyarihan sa mga taong walang kakayahang lumaban.”
Napako ang tingin ko kay Haring Leondre. Saglit na nagbago ang kaniyang mukha bago niya muling naitago ang reaksyon.
“Anong ibig mong sabihin sa sinunog?” tanong niya.
“Damien,” muling sabi ni Haring Leondre.
May bigat sa boses niya ngayon, ngunit bago pa ako makapagsalita, umalingawngaw ang boses ni Reyna Selene.
“Walang halaga sa sandaling ito ang kung ano man ang nangyari sa Adarmus! Hindi maaaring gamitin ang isang trahedya para bigyan siya ng korona!”
“Mahabaging Hari, paalisin ninyo siya!” Ang pagsang-ayon ng konseho sa sinabi niya.
“Dakpin siya! Walang lugar ang ganitong tao sa palasyo!”
Isa-isang nagtaasan ang mga boses.
Sa gitna ng kaguluhan, hindi na inalis ni Reyna Selene ang tingin sa akin.
“Tumahimik kayo.”
Tumigil ang bulwagan. Isa-isa silang napayuko.
“Hindi ko kailangan ng pahintulot ninyo para sa usapin na ito.”
Walang sumagot.
“Walang gagalaw kay Damien.”
May ilang mukha ang agad sumimangot.
“Mahabaging Hari-”
“Tahimik.”
Tumigil ang konsehal.
Tumingin sa akin si Haring Leondre.
“Bumalik ka sa dati mong silid.”
Napakurap ako. Hindi ko inaasahan iyon.
Hindi ko alam kung isa na naman iyong anyo ng pagkontrol, ngunit hindi ako tumutol.
Tumalikod ako.
Habang naglalakad ako palayo, naririnig ko pa rin ang mga bulungan sa likuran ko.
“Baliw.”
“Imposible. Hindi maaaring mangyari ito.”
Hindi ko nakuha ang korona, pero hindi rin nila ako napaalis. Sa ngayon, sapat na iyon.
Mabilis at walang lingon akong naglakad sa pasilyo. Hanggang sa marinig ko ang mga mabilis at galit na yabag sa likuran ko.
Huminto ako.
“Damien.” Boses ng Reyna.
Dahan-dahan akong humarap. Nakatayo siya ilang hakbang mula sa akin.
Wala na ang ngiti niya. Pati ang mahinahong boses na suot niya sa harap ng konseho.
“Akala mo ba panalo ka na dahil pinayagan ka niyang manatili?”
Lumapit siya.
“Humihingi ka ng korona na para bang may karapatan kang kunin iyon. Napakadaling magsalita kapag nakalimutan mong sino ka.”“
“Humingi ako sa hari. Hindi sa iyo.”
“Ang hari ay asawa ko.”
“Alam ko.”
“Kung gayon, dapat alam mo rin kung saan ka lulugar.”
Tiningnan ko siya nang diretso.
“Sa lugar na hindi na ninyo kayang alisin sa akin.”
Saglit siyang natahimik.
“Ang taas ng gusto mong liparan, Damien. Titiyakin kong hindi mo iyon maabot.”
“Humanda ka, Mahal na Reyna. Kapag babagsak ako. Isasama kita.”
Namutla nang bahagya ang mukha niya. Hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil naalala niya kung bakit dapat napatay niya ako.
“Hindi mo alam ang sinasabi mo. Sino ka ba? Isa ka lang dating alipin. Isang concubine na itinago ng Hari sa loob ng palasyo. At ngayon, bigla kang humihingi ng korona na para bang may utang sa iyo ang kaharian. Binihisan ka man at ginawang concubine, pero hindi nito nabubura ang maruming putik kung saan ka nagmula.”
“Oo. Naliligo ako sa putik. Ikaw sa ginto. Pero mas minahal ako ng Hari kaysa sa iyo na asawa niya.”
Biglang tumulo ang isang butil na luha sa mata niya.
“Wala kang dugong Maharlika para pangarapin ang trono ko!”
“Alam kong ikaw ang nagpasunog sa Adarmus.”
Nanigas siya.
“Hindi mo dapat ginagamit ang nangyari roon para bigyan ng halaga ang ambisyon mo. Walang kinalaman ang Adarmus dito!”
“May kinalaman iyon sa akin.”
“Napakadali mong sisihin ang mga taong nasa trono. Bukod doon, hindi ibig sabihin noon na maaari kang maging Reyna.”
“Malalaman natin. Mas madali makita ang dugo kapag nasa ibaba ka, Mahal na Reyna. At tama ka,” pagpapatuloy ko. “Nasa iyo ang trono, pero hindi ibig sabihin noon, nasa iyo ang lahat. Alam nating dalawa na nasa akin ang puso ng Mahal na hari na tinatawag mong asawa.”
Iyon ang unang pagkakataon na nakita kong nawalan siya ng sagot, ngunit mabilis niyang nabawi ang sarili.
“Babae ka ba?”
Hindi ako kumurap.
“May perlas at matres ka ba na makakapagbigay sa pangangailangan niya?”
Nakita ko kung paano humigpit ang mga nanginginig na daliri niya sa palda.
“Mag-ingat ka. Ang isang taong walang pangalan ay madaling burahin,” bulong niya.
“Bakit?”
“Kaya kitang ipapatay ulit.”
“Sinubukan mo na, Mahal na Reyna. Pero nandito ako. Buhay na buhay sa harap mo. Kung kaya mo, hindi mo na sana sinabi.”
Bahagya akong ngumiti.
“Tinatanong mo kung bakit ako narito? Binalikan kita. May mga utang na hindi pinapalagpas.”
Napaatras siya nang kaunti.
“Kapag ipinilit mong kunin ang korona, sisiguraduhin kong magsisisi ka.”
“Hindi ko kailangan ang pahintulot mo.”
“May konseho ako at mga taong susunod sa akin. Ano sa tingin mo ang mayroon ka?”
Tumingin ako sa kaniya.
“Buhay pa ako. At ngayon,” dagdag ko, “sapat na iyon para matakot ka.”
Nagsukatan kami ng tingin. Walang sinuman ang gustong maunang magbaba.
“Hindi ka mananatili rito nang matagal,” sabi niya. “Papatayin kita.”
“Subukan mo.”
Lumapit siya nang isang hakbang.
“Hindi mo ako kilala.”
“Pero kilala ko na ang mga taong tulad mo. Di mo na ako matatakot, Mahal na Reyna. Wala na akong kailangang protektahan. Ikaw ang dapat matakot. Marami ang maaring mawawala sa iyo. Ang tanong… handa ka ba?”
Ako ang unang tumalikod. Hindi ako naghintay ng sagot.
Pagdating ko sa silid, isinara ko ang pinto sa likuran ko.
Ang kwartong ito na minsan kong tinulugan bilang isang concubine na walang karapatang pumili kung saan siya pupunta. Ngayon, narito akong muli, ngunit ngayon alam ko na kung ano ang dapat na lugar ko sa palasyo na ito.
Umupo ako sa gilid ng kama.
Kung makukuha ko ang korona, makakalapit ako sa mga taong may pananagutan sa nangyari sa Adarmus at singilin ang mga taong kumuha ng pamilya ko.
Kung kailangan kong bayaran ang presyo para makuha iyon sa kahit na anong paraan. Babayaran ko kahit hindi ko alam kung magkano ang tunay na halaga.
Kinaumagahan, tatlong malalakas na katok ang umalingawngaw sa pinto.
Tumayo ako.
“Tinatawag ka ng Hari para sa agahan.”
Tumango ako.
Sumunod ako sa guwardiya sa mga pasilyong minsan kong nilakaran bilang concubine niya, ngunit iba na ang pakiramdam ngayon.
Dati, bawat pasilyong ito ay nagpapaalala sa akin kung sino ang may kapangyarihan. Ngayon, unang-una kong iniisip kung sino ang unang yuyuko. Ayaw ko ng ako iyon.
Pagdating namin sa silid-kainan, binuksan ng guwardiya ang pinto.
Nandoon si Haring Leondre. At sa kabilang panig ng mesa… ang Reyna.
Huminto ako sandali, pero hindi ako nagulat na naroon siya.
“Lumapit ka,” sabi ni Haring Leondre.
Lumakad ako papasok.
May isang upuang nakalaan sa kabilang bahagi ng mesa.
Hindi ako agad umupo. Tumingin muna ako kay Reyna Selene. Nakatingin din siya sa akin. Wala na ang galit na nakita ko kahapon, pero mas malamig at mapanganib na ngayon.
Umupo ako.
Sa wakas, si Haring Leondre ang nagsalita.
“Kung gusto mong maging Reyna, Damien…”
Tumingin siya nang diretso sa akin.
“…patunayan mong kaya mong maging ina ng Aurelius.”
Biglang nawala ang hangin sa silid.
May marahang kalansing ng kutsara sa plato.
Si Selene.
“Akala ko ba gusto mong maging Reyna?”
“Selene.”
“Hayaan mo siya. Kung hinihingi niya ang korona, dapat alam niya kung ano ang kapalit.”
Tumingin ako kay Haring Leondre.
Hindi siya tumutol. Iyon ang unang bagay na nagpakaba sa akin.
Kung kalokohan lang ang hinihingi ko, dapat tinanggihan niya ako agad. Pero naroon siya, tahimik, na para bang matagal na niyang alam kung saan hahantong ang usapang ito.
Inilapag ni Reyna Selene ang tasa.
“Kahit gaano kataas ang gusto mong abutin, Damien, may mga bagay na hindi mo kailanman maibibigay sa korona.”
Naroon ang kaniyang kompyansa. Para bang sa wakas, may hawak na siyang baraha laban sa akin.
“Anong ibig sabihin nito, Mahal na Hari?” tanong ko.
“Ang Aurelius ay nangangailangan ng tagapagmana. Hindi sapat ang pagkakaroon lang ng Reyna.”
Napatingin siya sa mesa.
“Ang linya ng pagmamana ay kailangang matiyak.”
“Bakit? Ano ang kinalaman ko sa usaping ito?”
Si Selene ang nagsalita.
“Dahil gusto mong maging Reyna.”
May bahagyang ngiti sa labi niya.
“Hindi ba?”
“Hindi ikaw ang tinanong ko.”
Nawala ang ngiti niya.
“Damien.”
Binalik ko ang tingin kay Haring Leondre.
“Kung magiging Reyna ako,” sabi ko, “ano ang kondisyon?”
Diretso siyang sumagot.
“Kailangan nating magkaroon ng tagapagmana.”
Hindi ko agad napansin na hindi ako ang tinitingnan ni Haring Leondre. Si Reyna Selene ang kaniyang tinitingnan.
Doon ko naintindihan ang ngiti ng Reyna. Hindi siya natatakot sa hinihingi kong korona. Alam niyang may isang bagay na hindi ko kayang ibigay para hindi ko ito makuha.
“Hindi ako makapagbibigay niyan,” diritsong sabi ko sa hari.
Natawa ng pagak si Reyna Selene. Isang lantad na pang-iinsulto.
“Sa wakas, naunawaan mo rin ang isang bagay na alam mong hindi mo kayang makuha,” sabi niya.
Humilig siya nang bahagya sa kaniyang upuan.
“Ang korona ay hindi lang tungkol sa kung sino ang nakaupo sa trono.”
Huminto sa ere ang kutsara niya.
“May dugo itong kailangang ipagpatuloy. Alam mo na ngayon kung bakit hindi ganoon kadaling maging Reyna.”
“Tama siya.” Simpleng sagot ng hari.
May kumirot sa dibdib ko, pero hindi ko matukoy kung galit iyon o pagkadismaya.
Mas lumawak ang ngiti sa labi ng Reyna.
“Si Selene,” sabi ni Haring Leondre. “Siya ang magsisilang sa magiging tagapagmana ng kaharian.”
Nanatili akong nakatingin kay Haring Leondre.
Napakabilis kong naniwala na maaaring may lugar pa para sa akin sa palasyong ito.
Na nang sabihin niyang hindi ko haharapin nang mag-isa ang mga susunod na mangyayari sa buhay ko nang malaman niyang pinapapatay ako ng Reyna, may ibig sabihin iyon.
Akala ko nang pinabalik niya ako rito, binubuksan niya ang isang pinto para sa akin. Ngayon ko lang nakita na may hangganan pala iyon.
“Kung gayon,” sabi ko, “hahayaan mo akong mawala rito sa palasyo?”
“Hindi.”
“Kung gayon, bakit?”
Hindi ko alam kung ano ang nasa likod ng katahimikan niya.
“Kung hindi mo ibibigay sa akin ang hiniling ko, bakit mo ako hinayaang bumalik sa dati kong silid?”
“Dahil hindi ko sinabi na wala kang lugar dito.”
“Kung gayon, ano ang lugar ko?”
“Napakatamis naman,” singit ni Reyna Selene.
“Ang hari, nag-aalala sa dating concubine.”
May bahid ng pangungutya sa bawat salita niya.
“Pero huwag kang masyadong umasa, Damien. Ang awa ng hari ay hindi katumbas ng korona. Kung gusto mong manatili rito,” dagdag niya, “matuto kang tumanggap ng tira-tirang nararapat sa iyo.”
“Hindi ko kailangan ng payo mo.”
“Hindi ito payo.”
Ngumiti siya.
“Babala.”
“Anakan mo si Selene,” walang kagatol-gatol na sabi ng hari.
Para akong sinuntok sa sikmura.
“Pagkatapos…”
Tumingin siya sa akin.
“…gagawin kitang Reyna ng Aurelius.”
An: How is the story so far, mga dre? Ayos ba?

