The King's Lover (Historic BL)
MrAoiKun · 28 chapters · 57,721 words
Preview
Malayo narin ang tinakbo ng kabayo niya ngunit hindi parin niya mahagilap ang usang ninanais niyang pangasuhin. Malaking bagay na ang isang usa para makakain silang buong mag-anak.
Masukal ang kagubatan ay marami ding ligaw na mga hayop na maaring naghahanap din ng kanilang pagkain kaya maaring hindi siya palarin na mahuli ang usang kanina pa niya hinahabol. At nakarinig siya ng isang impit na atungal at agad niyang pinatakbo ang sinasakyang kabayo patungo sa pinanggagalingan ng atungal na iyon.
Hindi siya maaring magkamali, boses iyon ng isang tao ma humihingi ng tulong. At hindi siya nagdalawang isip na hanapin ang boses na tumatawag ng tulong.
Nakita niya ang isang lalaking nakalambitin patiwarik at balot na balot ito sa patibong na panghuli ng isang baboy-ramo. Nagpupumiglas pa ang kaedaran lang niyang lalaki at patuloy na sumisigaw ng tulong.
Natatawa siyang linapitan ito at agad na pinutol ang pising nagpapalambitin dito sa sanga ng malaking puno ng Willow.
Umungol pa ng kaunti ang binata dahil sa pagbagsak niya sa lupa.
“Bakit mo biglang pinutol ang pisi? Kita mong bumagsak ako? Paano kung nabali ang mga buto ko? Kaya mo bang panagutan ang iyong kasalan sakin?” may pagkaarogante sa boses ng binatang kanyang tinulungan.
Agad niyang tinanggal ang patibong na nakabalot sa katawan nito at linahad niya ang kamay niya upang tulungan itong makatayo.
“Kaunting sakit lang yan kumpara sa sakit na mararamdaman mo kapag kinatay ka na ng may-ari ng patibong na ’yan.” pangisi niyang tugon sa binatang nakasuot ng magarang kasuotan. Tanging maharlika lamang ang nakasuot ng ganitong mga damit. Maaring anak ito ng isang Duke o Baron ng kaharian.
“Isang pipitsuging mamamayan ang nagagawa akong paglaruan at pagsalitaan ng walang paggalang? Kilala mo ba kung sino ako?”
Umiling lang ang binata at nagsimula nang maglakad patungo sa kanyang kabayo. Hindi paman siya nakakalayo ay hinablot na ang kamay niya ng binata.
Hindi niya naiwasang bumaling dito at huli na nang malaman niyang magkalapit ang kanilang mga mukha dahilan upang matumba silang dalawa at pumaibabaw siya rito.
Tumama ang mga labi nila sa isa’t isa at para bang nasemento ang dalawa sa pangyayaring hindi kailanman nila inaasahan. Ang magkahalikan ang dalawang lalaki.
Itinulak agad siya ng binata at napatayo naman siya at umiling-iling dahil sa nakakabiglang pangyayari na namagitan sa kanilang dalawa.
“Isang kalapastanganan ang ginawa mo. Hindi ko maaring palampasin ang ginawa mo sakin.” galit na bulyaw ng binata sa kanya ngunit wala siyang isinagot ngunit isang impit na paghinga lamang.
“Sabihin mo ngayon din kung ano ang pangalan mo at maibigay ko sayo ang nakatakdang kaparusahan na nararapat sa isang katulad mong lapastangan!” paguulit pa ng binatang kanyang kaharap ngunit hindi siya umimik.
Mabilis niyang tinakbo ang kanyang kabayo at tangan parin niya sa isipan niya ang nangyari sa pagitan nila ng binata. Iyon ang unang beses na lumapat ang labi niya sa ibang tao. At sa isang lalaki pa.
Hindi siya pwedeng mabagabag sa isiping iyon. Wala sa hinuha niya na may magaganap sa pagitan niya at ng isa pang lalaki. Isa iyong malaking kasalanan. At kung isang maharlika nga ang binatang iyon, nanganganib ang buhay niya. Pati na ang kanyang pamilya.
––––––––––
“Kamahalan.. Hindi parin namin matukoy kung sino bang lalaki ang sinasabi niyong lumapastangan sa inyo? Mahirap hanapin sa ating kaharian ang katulad niyang ordinaryo lamang ang kasuotan at walang pananda na magtutukoy ng pagkakaiba niya sa ibang tao.”
Hinampas ni Prinsipe Brandon ang mesa niya sa silid aklatan ng palasyo. Kaharap niya ngayon ang isang kapitan ng mga kawal na inatasan niyang hanapin ang lalaking lumapastangan sa kanya.
At magpahanggang ngayon ay naaalala niya parin ang paglalapat ng kanilang mga labi. Gusto niyang magalit ngunit hindi niya rin mapigilang hanapin ang lalaking gumawa sa kanya nito.
“Hanapin mo sa lahat ng sulok ng kagubatan ng Daffodil. Doon ko siya nakita at doon naganap ang kalapastanganang ginawa niya sa akin. Nasisiguro kong nandoon lamang siya sa paligid nito!” walang pasensiyang utos ni Prinsipe Brandon at tumango lang ang kapitan bilang pagsunod sa kautusan ng binatang prinsipe.
Biglang pumasok sa silid aklatan ang Mahal na Reyna at parehas nagbigay pugay ang prinsipe at ang kapitan dito.
“Mahal na prinsipe? Ano ang bumabagabag sa iyo’t ganyan mo nalang pagsalitaan ang kapitan?” tanong nang reyna nang marating nito ang kinaroroonan ng kanyang anak.
Ang prinsipe ay hindi naman maitago ang pagkabagot at pagkairitable dahil sa patuloy siyang inuusig ng pangyayaring hindi niya makalimutan.
“May isang taong nakagawa ng isang malaking kasalanan sakin mahal na reyna. Kaya nararapat lang sa taong ito ma maparusahan ng naayon sa batas.”
Nagkatitigan sila ng reyna at napataas ito ng kanyang kilay.
“At ano naman ang naging kasalanan ng taong ito at para bagang hindi ka makahinga ng maayos at tila ba sintomas ito ng isang taong umiibig?” sabay ngiti ng reyna sa kanyang binatang prinsipe.
Hindi mapigilan ni Prinsipe Brandon na panglakihan ng kanyang mga mata. Anong sinasabi ng kanyang ina? Hindi siya maaring umibig sa kapwa niya lalaki. Hindi ito sintomas na umiibig siya kundi galit na hindi niya parin malaman ang dahilan.
——————
“Siya si Prinsipe Brandon. Ang tagapagmana ng kaharian ng Thesalus. Hindi ba’t napakakisig at napakagwapong lalaki niya? Siya ang susunod na hari natin.” sambit ng ina ni Persius. At tiningnan niya ang larawang dala ng kanyang ina mula sa pamimili nito sa bayan.
Agad siyang pinanlakihan ng mata nang makita niya ang imahe ng prinsipeng tinutukoy ng ina sa kanyang mga nakababatang kapatid.
Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang lalaking iniligtas niya sa kagubatan ngunit ginantihan lang siya ng kagaspangan ng ugali. At isa pa.. Naalala niyang muli ang pagdampi ng labi nito sa labi niya na ilang araw narin niyang iwinawaksi sa kanyang isipan.
“Naku.. Ang swerte naman po ng mapapangasawa ng prinsipe. Bukod sa siya ang magiging hari, balita din sa kaharian ang galing niya sa pakikipaglaban at pagiging matalino niya. Kaya alam kong magiging magaling siyang hari pagdating ng araw.” sambit pa ng kanyang ina.
Mula sa sandaling iyon ay hindi na nawala ang tingin niya sa larawan ng prinsipe. Alam niyang sa mga oras na ito ay pinapahanap na siya ng prinsipe.
Ngunit nakahanda siyang harapin ito. Wala siyang kasalanan dito at sa kaibuturan ng puso niya, alam niyang may kakaiba na siyang nararamdaman para dito.
The King’s Lover..
Ang Prinsipe at ang Mangangaso
Mataas na ang sikat ng araw at nag-aabang na rin lahat ng tagasilbi ng binatang prinsipe sa kanyang pagbangon mula sa kanyang malaking kama. Kanina pa siya ginigising ni Ginoong Martell, ang kanyang punong tagapangasiwa. Maging ang mga tagasilbi ng prinsipe ay tumutulong narin sa paggising dito. At dahil nga sa pagkairita ay napabangon na ng tuluyan ang kanina pang nagtutulog tulugang prinsipe.
Simula pa noong maliit siya ay isa na ito sa kaugalian niya. Ang magising sa hindi tamang oras na pilit na pinapabago ng kanyang mahal na ina, ang Reyna ng Thesalus.
“Kamahalan.. Kailangan na nating maghanda dahil ngayon na darating ang mga panauhin natin mula sa karatig kaharian. Isang mahalagang pagtitipon ang mangyayari ngayon at kailangan ng hari at reyna ang iyong presensiya sa gaganaping pagtitipon.”
Pumungas pungas muna ang makisig na prinsipe at agad na hinubad ang kanyang kasuotang pantulog. Lumantad sa kanyang mga tagasilbi at kay Ginoong Martell ang matipuno nitong katawan na kinapula ng kababaihang tagasilbi. Inutos ni Ginoong Martell na takpan ng mga ito ang kanilang mata ngunit tumalima lamang ang mga ito at patuloy na pinagmasdan ang napakagandang katawan ng binatang prinsipe.
Dahil doon ay nakatikim sila ng panlalaki ng mata ni Ginoong Martell na hiningi nila agad ng tawad.
Agad na nagtungo ang prinsipe sa kanyang silid paliguan at agad na sinubukan ang tubig sa malaking paliguan an gawa sa matitibay at makikinis na marmol na gawa pa sa Gresya.
“Kulang pa ng mainit na tubig. Pakilagyan niyo pa.” utos ng prinsipe sa kanyang mga tagasilbi at agad naman nila itong sinunod.
Nang maging sapat na ang paghahalo ng init at lamig nito ay nagtampisaw na ang prisipe dito. At linagyan narin ito ng mga tagasilbi niya ng mga pampabangong esenso mula sa katas ng rosas at jasmin. At ang kanyang panguskos sa katawan ay linagyan narin ng mabangong esenso ng kanyang paboritong amoy, ang bulaklak ng frangipani.
Humalimuyak agad ang bulaklak at naging payapa ang isipan ng binatang prinsipe. Sa likod ng kanyang matapang at makisig na pangangatawan ay isa itong bahagi ng kanyang pagkataong kakatwa sa karamihan. Sinong mag-aakala na ang isang katulad niyang lalaki ay mahilig sa halimuyak ng bulaklak.
“Tapos na akong maligo.. Pakiaabot ang aking roba.” utos niya sa kanyang mga tagasilbi at agad naman siyang umahon mula sa kanyang paliguan. Nangingislap ang kanyang katawan sa pagtama ng sinag ng araw dito.
Naglakad siya habang isinusuot sa kanyang katawan ang roba at tumuloy na sa kanyang silid damitan. Kung saan naroon ang mananahi ng palasyo at inaayos ang damit na kanyang susuotin para sa gaganaping pagtitipon. Isa itong pinanghalong pula at asul na kasuotang pang maharlika. Ang tipikal na disenyong gusto niya. Napangiti siya sa mananahi at pinuri niya ang may edad nang lalaki sa magandang gawa nito.
“Magaling ang iyong pagkakagawa Ginoong Thomas. Isang napakagandang kasuotan.” papuri niya sa mananahi.
“Isang karangalan na paglingkuran ka mahal na prinsipe. Kung maari po ay iyong maisukat ang damit upang maayos ko pa ito. Galing kayo sa isang pagsasanay noong sukatan ko kayo kaya mamaaring maluwag sa inyo ito.” malumanay na pakiusap ng mananahi sa prinsipe at pumayag naman ang huli.
Sinukat niya ang damit at nagustuhan niya ang pagdampi ng tela nito sa katawan niya. Hindi ito ganoon kahapit kaya sang-ayon na siya sa sukat nito.
Matapos niyang hubarin ang kasuotan ay agad niyang tinungo ang limang damit na nakahanda na para sa kanya. Hawak na ito ng mga tagasilbi at mataman niyang pinili ang susuotin niya para sa umagang iyon.
“Gusto ko ang asul na damit na yan. Yung iba ay ibalik niyo na sa damitan.” utos niya sa mga tagasilbing hindi niya napili. At lumapit sa kanya ang tagasilbi na pakiramdam niya ay napakaswerte niya dahil siya ang magsusuot ng damit na iyon para sa mahal na prinsipe.
Matapos niyang titigan ang kabuuan niya sa malaking salamin ay ngumiti ang prinsipe at kanyang inaral ang kanyang pagpupugay na ibibigay para sa kanyang mga magulang at sa mga miyembro ng konseho nito.
“Kamahalan.. Oras na po ng inyong pagbibigay pugay sa mahal na hari at reyna.” saad ni Ginoong Martell at sumang-ayon sa kanya ang prinsipe.
Isang araw nanaman ang lilipas na nasa loob lamang siya ng malaking palasyo. Nasasabik na siyang lumabas muli at magkaroon ng pagkakataong maglibang.
Bilang isang prinsipe ay kailangan niyang maging maingat at maging tapat sa kanyang tungkulin na gagampanan bilang hari ng Thesalus balang araw.
Handa na siya at sumunod na sa kanya ang lupon ng mga tagasilbi niya na pinangungunahan ni Ginoong Martell.
Pagbukas ng tarangkahan ng bulwagan ay agad nagsitayuan ang miyembro ng konsehong naroroon na sa loob nito. Mukhang nasa kalagitnaa na sila ng pag-uusap at naantala ito sa huli nang pagbibigay pugay ng prinsipe sa kanyang mga magulang.
“Magandang umaga, mahal na hari at mahal na reyna. Narito ang inyong anak, si Prinsipe Brandon ng Thesalus upang magbigay galang sa inyo.” at tumungo siya sabay na lumuhod upang bigyan ng maayos na pagpupugay ang kanyang mga magulang.
“Isang mahalagang araw ito at nahuli ka ng gising? Hindi nakakatuwang makita ng mga konseho na ang susunod nilang hari ay hindi marunong tumupad sa kanyang mga tungkulin. Hindi ka na bata, Prinsipe. Malapit nang isalin sa iyo ang aking pamumuno.”
“Kamahalan.. Ipagpaumanhin ninyo ang aking pagkukulang. Hindi po sapat ang aking kakayanan na paglingkuran ang mahal na prinsipe at ganito ang kanyang nakaugalian. Nararapat po sa akin ang parusahan.” napaluhod narin si Ginoong Martell dahil banaag sa mukha ng hari ang disgusto at pagkagalit.
“Hindi mo ito kasalanan, Ginoong Martell. Kasalanan ito ng prinsipe. At kung hindi ka magtitino at gagampanan ng maayos ang iyong tungkulin, pipigain kita hanggang sa maging karapatdapat ka na bilang hari ng Thesalus!”
Naging masalimuot ang nararamdaman ng prinsipe. Lahat nalang ng mga pagkakamali niya ay tinuturo ng kanyang ama. Kung minsan ay iniisip niyang hindi niya naman ginusto ang maging prinsipe. Ngunit ito ang nakatadhana sa kanya. At kailangan niyang maging matapang at matatag dahil malaking responsibilidad ang nakapatong sa kanyang mga balikat.
“Ipagpaumanhin niyo ang aking kawalang galang, kamahalan. Hindi na po ito mauulit.” madiin niyang pangako sa hari at tumayo na mula sa pagkakaluhod at tumingin sa trong kinauupuan ng hari at reyna.
Kapag siya ang naging hari.. Magbabago ang lahat. Hindi niya susundin ang ginawa ng kanyang ama. Hindi niya ito tutularan.
–––––––
Ang malamig na tubig ng batis ay nagsisilbing pamatid ng kanyang uhaw mula sa maghapong pangangaso sa kagubatan ng Daffodil. Agad niyang hinubad ang kanyang kasuotan at nagtampisaw sa malamig na tubig ng lawa.
Isang baboy-ramo ang matagumpay niyang nahuli gamit ang kanyang ekspertong kamay sa pana. Ang kanyang ama na pumanaw na ay dati ring isang mangangaso. Siya na ngayon ang inaasahan ng kanyang ina at mga kapatid upang magtagayod ng kanilang mahirap na pamilya.
Ang kanyang ina ay isang manggagawa sa maliit na panederia sa bayan ng Thesalus at samantalang siya naman ay hindi na nawala sa mga kagubatang nakapalibot sa buong kaharian.
Narinig niya ang kaluskos na nanggagaling sa isang hayop. Maingat siyang nagmatyag at narinig niya ang isang huni mula sa taas. Isang agila na nagmamatyag mula sa mataas na puno ng Redwood. Agad naman niyang naintindihan ang binabalak nito. Nakakita ito ng isang kuneho o di kaya maliit na daga na gagawin nitong pagkain. Hinayaan niya ito at bumalik sa kanyang banayad na paglangoy sa malinaw na lawa.
Nalalapit na ang panahon ng taglamig at malapit naring masaid ang pag-asa niyang makakakuhuli siya ng mga hayop na maari niyang tanggalan ng balat para gawing damit panlamig. Malaki ang kita nito lalo na kung balat ng lobo o di kaya bison ang kanyang maibebenta sa mga pagawaan ng damit panlamig.
Ngunit hindi lang siya ang mangangaso sa Thesalus. At pawang pagkain lang talaga ang kanyang naiuuwi sa kanilang bahay. Sa kapatagan ng Homeres, malapit sa kabayanan ng Thesalus.
Balak niyang magtrabaho bilang isang kawal ng palasyo ngunit hindi pa siya nasa hustong edad upang dumaan sa pagsubok upang tuluyan siyang maging kawal ng kaharian ng Thesalus.
Isang malaking karangalan iyon at may sapat na suhol upang mas gumanda ang buhay ng kanyang pamilya.
Mula sa pag-iisip ay bumangon na siya agad sa lawa at muling isinuot ang kanyang hinubad na damit. Nasa kahoy na sabitan ang nahuli niyang baboy ramo at itinali niya ito ng maayos upang hindi siya gaanong mabigatan sa paglalakbay niya pabalik sa Homeres.
Malapit ng magdilim nang marating niya ang kanilang bahay at tila ba masaya ang kanyang mga kapatid ng datnan niya ito sa kanilang bahay.
Nagluluto na ang kanyang babaeng kapatid na si Lisa at tumutulong din dito ang mas nakababata pang kapatid niyang babae na si Amira.
At ang bunso nilang kapatid na si Persival ay maligalig at hindi mapakali dahil sa hindi niya malamang dahilan.
“Kuya! Naku mabuti naman at dumating ka na.. Malapit nang maluto itong sopas at nandiyan narin ang tinapay na pamares natin. Si Ina ay bukas pa daw makakauwi. Ilang araw kading hindi nakauwi. Sana naman ay may maganda kang dala.”
Agad siyang tumango at itinuro sa mga ito ang malaking baboy-ramo na nahuli niya.
“Aba! Napakaswerte ni Kuya Persius. Nakahuli siya ng baboy-ramo. Napakalaki! Makakakain nanaman tayo ng masarap nito ng ilang araw.” masayang turan ng kanilang bunso na kinatuwa naman ni Persius.
“Kailangan ko munang hati-hatiin yan para mapausukan natin at hindi agad masira. Bibigyan ko narin sila Tandang Aliya at Tandang Marcus.”
Sumang-ayon ang magkakapatid sa panganay nila. Alam nilang busilak ang puso nito at kapakanan nila ang laging iniisip nito kaya masaya silang ito ang naging kapatid nila.
“Tara na! Kain na tayo at maya maya lang ay may gaganapin nang pagdiriwang doon sa kabayanan. Pumayag si Ina na manood tayo. May mga manananghal padaw mula sa Inglatera at Pransya. Kaya nakakatuwang makita ang mga iyon.”
Napatango si Persius sa kanyang mga kapatid. Ngunit ang gusto na lamang niya ay ang mamahinga. Papasamahan nalamang niya ito sa kanilang mga kapitbahay na tiyak din na magtutungo sa bayan.
“Kayo nalamang ang magtungo doon. At umuwi kayo kaagad bago mag ika siyam ng gabi. Papasamahan ko kayo sa mga kapitbahay natin. Walang gagawa ng kalokohan ha? Kundi lagot kayong lahat sakin..” pagbabanta niya sa mga kapatid na kinatawa lang ng mga ito.
Sumagot nalamang sila ng pagtango bilang pagsang-ayon sa kanilang nakatatandang kapatid.
Pagkatapos niyang masindihan ang lahat ng lampara sa kanilang bahay ay nagtungo na siya sa likod bahay at nagsimula ding gumawa ng apoy upang mapausukan niya ang mga karne ng baboy-ramo na hinati hati niya.
“Sana bumilis na ang oras ang maging labing walong taong gulang na ako. Para makasubok na ako sa pagsusulit bilang isang kawal ng palasyo.” saad niya sa kanyang sarili at patuloy na ginawa ang kanyang tungkulin.
––––––––
Dumating na lahat ng panauhin ng palasyo. Ang mga maharlika mula sa karatig kaharian nila. Maging ang naggagandahang mga dilag na umaasang mapapansin ng prinsipe ng Thesalus ay nagpunta din suot ang pinakamagara nilang mga kasuotan.
Samantalang mataman lang na minamasdan ng prinsipe ang magdadatingang panauhin sa ikalawang bulwagan mg palasyo. Gamit ang kanyang maskara ay sinusuri niya ang bawat dumarating at sa tabi niya si Ginoong Martell na sinasambit sa kanya ang mga pangalan ng mga dumarating na panauhin.
Tanging isang tao lamang ang umagaw ng kanyang atensiyon. Isang dalagang nakakulay dilaw ang kasuotan at mahahalata dito na isa siyang anak ng maharlika.
“Si Prinsesa Martina ng kaharian ng Atlas. Siya ang ikalawang anak ng Haring Raniel at Reyna Athena. Isang napakagandang dalaga, hindi po ba mahal na prinsipe?”
Hindi na niya kailangang magpaliwanag pa sa ginoong nasa tabi niya. Ito ang pinakamaganda sa lahat ng babaeng nakita niya sa buhay niya at ngayon palang ay humahanga na siya rito. Ngunit isang katanungan parin kung ito ay nakatakda na sa ibang prinsipe o kaya naman ay hindi siya nito magustuhan.
Ngunit naglakas loob din siyang bumaba sa mataas na hagdanan ng balkonahe pababa sa sayawan ng bulwagang iyon. Nakita ng mga panauhin ang pagbaba ng magiting na prinsipe. Ang mahaba niyang buhok na nakapungos at ang napakagara niyang kasuotan ay talaga namang nakakabighani sa sinumang makakasaksi sa kanya.
Tumungo ang ulo ng bawat dinaraanan niya at ang atensiyon niya ay nakaturo lang sa babaeng pumukaw sa kanyang damdamin. Si Prinsesa Martina na agad ding nagbigay pugay nang marating niya ang kinaroroonan nito.
“Hindi na kailangan pang iyukod mo ang iyong ulo, mahal na prinsesa. Maligayang pagdating sa palasyo ng Thesalus.”
Hindi naman napigilan ng dalaga ang iangat ang kanyang paningin at agad na nakaramdam siya ng pamumula dahil sa nasa harap na niya ang makisig at gwapong prinsipe ng Thesalus. Ang matagal na niyang ninanais na makilala.
Sadyang ito ang panahon na pinakaaasam niya at natupad na nga ito.
“Isang karangalan ang makaharap kayo, Prinsipe Brandon. Ako nga pala si—”
“Prinsesa Martina ng malayong kaharian ng Atlas. Isang napakagandang pangalan para sa isang napakagandang dilag na tulad mo. Kung maari lang ay makuha ko ang iyong kamay at nais kitang maisayaw.”
Hindi namam nagatubili pa ang dilag at agad na inabot ang kanyang malambot na kamay sa gwapong prinsipeng pinangarap lamang niyang makita.
“Isa itong malaking karangalan, kamahalan. Ako po ay lubos na nagagalak.” nakangiting tugon ni Prinsesa Martina sa gwapong prinsipe.
At sila ang nagpasimula ng kasiyahan ng gabing iyon. Isang gabi na hindi nila malilimutan. At hiniling ni Prinsipe Brandon na sana ay ito na ang nakatadhana para sa kanya.
Itutuloy…
Ang Lapastangan
Ilang araw ang lumipas mula ng maganap ang pagdalo ng mga taga ibang kaharian sa kasiyahan ng Thesalus. Hindi parin maiwasan ni Prinsipe Brandon na manlumo sa kanyang nalaman mula sa kanyang ama. Hindi ito pumayag na pakasalan niya si Prinsesa Martina dahil meron nang nakatakdang babae na kanyang pakakasalan. At tradisyon ng kaharian na ang mga magulang ang pipili ng magiging reyna ng susunod na hari.
Nasa malaking gazebo lamang siya at nakaupo sa metal na upuan at matamang pinagmamasdan ang malawak na tanawin mula sa kanyang inuupuan. Ang mga halaman na nagsisimula nang magsilagas ay nagpapadagdag sa panlulumong nararamdaman niya.
Nasa di kalayuan si Ginoong Martell at si Kapitan Draco na matamang naguusap tungkol sa pinagdaraanan ng binatang prinsipe.
“Isang mahirap na sitwasyon ang kanyang pinagdadaanan ngayon. Ang mahal na hari ay masiyadong naging mahigpit sa kanya. Hindi ko siya kailanman nakitang ngumiti hanggang kagabi. Isang napakagandang tanawin ang makita siyang masayang maisayaw ang babaeng nagugustuhan niya.” saad ni Ginoong Martell sa kapitan at tumango lamang ito sa kanya.
“Mahirap kalabanin ang isang ama lalo na at ito ang iyong hari. Nauunawaan ko ang pinagdadaanan ng ating prinsipe. Ngunit kailangan niya itong tanggapin. Sana lang ay hindi dumating ang puntong maging kasing higpit din siya ng kanyang ama. Gusto kong mamuno siya na may pagmamahal at may pagkalinga.” saad naman ng kapitan na sinang-ayunan ng matandang ginoo.
Nakita ni Prinsipe Brandon ang isang kabayong malayong tumatakbo sa malawak na patag ng hardin ng palasyo. May nakasakay dito at naisipan niyang magliwaliw muna sa kagubatan. Gusto niyang kalimutan ang mga nararamdaman niya kaya pinalapit niya si Ginoong Martell at Kapitan Draco upang kausapin ang mga ito.
“Gusto kong mamasyal sa kagubatan.. Hindi ko kailangan ng mga alalay o kung sino man. Gusto kong mapag-isa. Naiintindihan niyo ba?” madiin na utos ng prinsipe na hindi naunawaan ng dalawa.
“Ngunit kamahalan.. Isang pagsuway sa utos ng hari ang iyong gagawin. Hindi ka maaring lumabas ng palasyo na walang kasamang kawal o kahit na sino manlang. Dahil lahat kami ay mananagot.”
Umiling ang prinsipe at tumayo mula sa kanyang pagkakaupo sa silya.
“Ako ang inyong prinsipe. At magiging hari ninyo pagdating ng panahon. Hindi ko kailangang ulitin sa inyo ang aking kagustuhan. Kaya maiiwan ko na kayo at pupunta ako sa mga kwadra.”
Hindi na nagpapigil pa ang prinsipe sa mga nagbabantay sa kanya at agad na nagtungo sa kwadra ng mga kabayo at naabutan pa niya ang mga kawal na nageensayo sa malawak na ensayohan ng mga ito. At agad na nagbigay pugay ang kanyang mga dinadaanan at hindi niya ito binigyan ng pansin. “Kamahalan? Anong sadya niyo rito? Bakit kayo nag-iisa?” tanong sa kanya ng nangangasiwa sa kwadra.
“Kailangan ko ng kabayo. Lalabas ako ng palasyo.” utos niya rito ngunit hindi ito agad sumunod sa kanya.
“Ngunit kamahalan.. Mahigpit kaming pinagbawalan na bigyan ka ng kabayo kung hindi ito isang mahalagang paglalakbay? Utos iyon ng mahal na hari?”
“Ako ang iyong prinsipe? Hindi pa ba sapat ang aking katayuan para hindi mo ako pagbigyan sa aking kahilingan? Hindi ako aalis na walang dahilan.” iritado na ang prinsipe sa bawat pagtangging binibigay sa kanya ng mga tao sa palasyo.
Nagtagumapay din naman siya sa huli at agad niyang tinangay ang itim na kabayo. Mabilis siyang umakyat sa saldahera nito at pinatakbo na ito palabas ng tarangkahan ng hilagang bahagi ng palasyo. Nagulat pa ang mga kawal na magbabantay na ang prinsipe mismo at nakasakay sa itim na kabayo.
Linakbay ng prinsipe ang masukal na kagubatan hanggang sa makarating siya sa gitnang bahagi ng kasukalan. Alam niyang paglampas niya dito ay isang talampas ang kanyang dadatnan. At doon niya gustong magtungo. Ang talampas na sinasabing nakakapag-alis ng kalungkutan sa puso ng sinumang tumutuntong sa bangin nito.
Isang bahagi ng kagubatan ang hindi siya pamilyar at nahiwagaan siya dito. Kaya sinubukan niya munang tingnan kung anong meron sa parteng iyon ng kagubatan at nagulat siya sa kanyang nakita. Isang malawak na patag iyon na punong puno ng mga ligaw na bulaklak. Naaliw siya sa samo’t saring bulaklak na matatagpuan doon.
“Kahit papano.. May mga bagay parin na nagbibigay sakin ng kaligayahan.” sambit niya sa kanyang sarili
Tila isa itong maliit na paraiso dahil tumatama dito ang kaunting sinag ng araw. Kahit na nalalanta na ang karamihan sa bulaklak ay maganda parin itong pagmasdan. Nakakaalis ng kalungkutan ng prinsipe ang bahaginh iyon ng kagubatan.
Nang siya ay ganap nang nakuntento sa kanyang nakita ay agad naman niya tinungo ang pinagtalian niya ng kanyang kabayo at nagulat nalamang siya nang bigla siyang may napatid at huli na ang malaman niya na isa pala iyong patibong at nakita niya ang pagbagsak ng patibong na nakalatag sa itaas ng puno. At bigla siyang nahila patiwarik at hindi na niya napigilang umatungal pa at sumubok na humingi ng tulong. Hindi ito ang inaasahan niyang mangyayari.
—————
Maingat siyang gumalaw at pinakikiramdaman niya ang paggalaw ng kanyang pinupunteryang usa. Malaki ito at halatang busog na busog dahil sa malaki ang tiyan nito. Isang malaking tulong ang usa para sa kanilang pagkain sa mga susunod na araw. Paliit nang paliit na ang mga hayop sa kagubatan dahil karamihan sa mga ito ay nagtatago na para sa taglamig. Ang iba ay pumupunta sa ibang lugar upang hindi masalanta ng taglamig at patuloy na mabuhay.
Isang ingay ang naging mitya upang maalarma ang usa at nagpalinga-linga ito ng tingin. Nasa likod siya ng malaking puno at tahimik siyang naghihintay ng pagkakataon na panain ito at masapol ito sa tagiliran niya.
Ngunit may gumawa ng isang malakas na ingay na naging dahilan upang tumakbo papalayo sa kanya ang usa. Naging mabilis si Persius sa kanyang pagkilos at agad na sumakay sa kabayong dala niya. Isa itong hiram na kabayo mula kay Tandang Marcus na kapitbahay nila. Hinahayaan siya nitong gamitin ang kabayo sa tuwing mangangaso siya. Ngunit ngayon niya lang ulit ito nagamit dahil sa tinamong sugat nito sa isang karerang sinalihan nito kamakailan lang.
Kulay tsokolate ang kabayo at halatang isang makisig at mabilis na kabayo ito.
Malayo narin ang tinakbo ng kabayo niya ngunit hindi parin niya mahagilap ang usang ninanais niyang pangasuhin. Malaking bagay na ang isang usa para makakain silang lahat para sa isang linggo o higit pa.
Masukal ang kagubatan at marami ding ligaw na mga hayop na maaring naghahanap din ng kanilang pagkain kaya maaring hindi siya palarin na mahuli ang usang kanina pa niya hinahabol. At nakarinig siya ng isang impit na atungal at agad niyang pinatakbo ang sinasakyang kabayo patungo sa pinanggagalingan ng atungal na iyon.
Hindi siya maaring magkamali, boses iyon ng isang tao na humihingi ng tulong. At hindi siya nagdalawang isip na hanapin ang boses na tumatawag ng tulong.
Nakita niya ang isang lalaking nakalambitin patiwarik at balot na balot ito sa patibong na panghuli ng isang baboy-ramo. Nagpupumiglas pa ang kaedaran lang niyang lalaki at patuloy na sumisigaw ng tulong.
Natatawa siyang linapitan ito at agad na pinutol ang pising nagpapalambitin dito sa sanga ng malaking puno ng Willow.
Umungol pa ng kaunti ang binata dahil sa pagbagsak niya sa lupa.
“Bakit mo biglang pinutol ang pisi? Kita mong bumagsak ako? Paano kung nabali ang mga buto ko? Kaya mo bang panagutan ang iyong kasalan sakin?” may pagkaarogante sa boses ng binatang kanyang tinulungan.
Agad niyang tinanggal ang patibong na nakabalot sa katawan nito at linahad niya ang kamay niya upang tulungan itong makatayo.
“Kaunting sakit lang yan kumpara sa sakit na mararamdaman mo kapag kinatay ka na ng may-ari ng patibong na ’yan.” pangisi niyang tugon sa binatang nakasuot ng magarang kasuotan. Tanging maharlika lamang ang nakasuot ng ganitong mga damit. Maaring anak ito ng isang Duke o Baron ng kaharian.
“Isang pipitsuging mamamayan ang nagagawa akong paglaruan at pagsalitaan ng walang paggalang? Kilala mo ba kung sino ako?”
Umiling lang ang binata at nagsimula nang maglakad patungo sa kanyang kabayo. Hindi paman siya nakakalayo ay hinablot na ang kamay niya ng binata.
Hindi niya naiwasang bumaling dito at huli na nang malaman niyang magkalapit ang kanilang mga mukha dahilan upang matumba silang dalawa at pumaibabaw siya rito.
Tumama ang mga labi nila sa isa’t isa at para bang nasemento ang dalawa sa pangyayaring hindi kailanman nila inaasahan. Ang magkahalikan ang dalawang lalaki.
Itinulak agad siya ng binata at napatayo naman siya at umiling-iling dahil sa nakakabiglang pangyayari na namagitan sa kanilang dalawa.
“Isang kalapastanganan ang ginawa mo. Hindi ko maaring palampasin ang ginawa mo sakin.” galit na bulyaw ng binata sa kanya ngunit wala siyang isinagot ngunit isang impit na paghinga lamang.
“Sabihin mo ngayon din kung ano ang pangalan mo at maibigay ko sayo ang nakatakdang kaparusahan na nararapat sa isang katulad mong lapastangan!” paguulit pa ng binatang kanyang kaharap ngunit hindi siya umimik.
Mabilis niyang tinakbo ang kanyang kabayo at tangan parin niya sa isipan niya ang nangyari sa pagitan nila ng binata. Iyon ang unang beses na lumapat ang labi niya sa ibang tao. At sa isang lalaki pa.
Hindi siya pwedeng mabagabag sa isiping iyon. Wala sa hinuha niya na may magaganap sa pagitan niya at ng isa pang lalaki. Isa iyong malaking kasalanan. At kung isang maharlika nga ang binatang iyon, nanganganib ang buhay niya. Pati na ang kanyang pamilya.
–––––––
Pilit na iwinawaksi ni Prinsipe Brandon sa kanyang isipan ang lahat ng mga nangyari sa pagitan nilang ng binatang iyon. Para siyang minumulto dahil sa bawat pagpikit niya ng kanyang mata ay mukha nito ang nakikita niya at ang paglapat ng kanilang mga labi ang tangi niyang naaalala.
Hindi niya na namalayan na nakabalik na pala siya sa loob ng palasyo at sinalubong agad siya sa kwadra ni Ginoong Martell at Kapitan Draco na lubos parin ang pag-aalala para sa prinsipe. Ang mga kawal ay umayos ng kanilang tayo upang bigyan siya ng pugay.
Nang makababa siya ng kabayo ay tinakbo niya ang kinaroroonan ni Ginoong Martell at ni Kapitan Draco.
“Hanapin niyo agad ngayon din ang lapastangang gumawa sakin ng isang hindi kanais nais na bagay! Magmadali kayo! Hanapin niyo siya!” puno ng galit at puno ng pagkabalisa niyang utos sa kanyang mga tagapaglingkod.
“Mahal na prinsipe! Huminahon muna kayo.. Hindi po namin kayo maintindihan? Ano po ang inyong tinutukoy?” pagpapakalma ni Ginoong Martell sa binatang prinsipe.
“Kapitan Draco. Ipakalat mo ang iyong mga tauhan sa kagubatan. Hanapin niyo ang pangahas na’yun. Hindi siya pwedeng makawala. Kailangan siyang maparusahan.”
Hindi na nagdalawang isip pa ang kapitan at agad na inutos sa mga kawal ang kagustuhan ng prinsipe. Nagbigay ang mga kawal ng senyales sa iba pang kawal na isang mahalagang pagtugis ang kanilang gagawin.
Nanginginig parin ang prinsipe at hindi niya makalimutan ang pakiramdam ng pagdampi ng labi nh binatang iyon sa kanyang labi.
“Hindi ito maaari.. Isa akong prinsipe! At walang sinuman ang pwedeng gumawa sakin ng bagay na iyon na wala akong pahintulot!” hiyaw niya na kinagulantang na lamang ng matandang tagapaglingkod niya.
Dumating ang hapon at hindi parin mahanap ni Kapitan Draco at ng mga kawal ang pinapahuling tao ni Prinsipe Brandon. Hindi kaya ito ay naengkanto at tila ba nagiisip na ito ng kung ano ano? Ito na nga ba ang kanyang kinakatakot.
Tiyak na mananagot sila ng malaki sa hari kapag nalaman nito ang nangyayari sa prinsipe na tila ba nagawan ito ng isang napakalaking kasalanan.
Hindi pa niya nakita ang prinsipe na magalit ng ganoon.
“Kapitan! May nahanap kami sa gitnang bahagi ng gubat. Isang patibong na tila ba nagamit na at isang palaso at pana ang katabi nito.” sumbong ng isang kawal sa kapitan at agad niyang mwinestra na ituro nito ang kinaroroonan nito
Agad silang nagtungo sa gitna ng kagubatan kung saan nangyari ang pagtatagpo ni Prinsipe Brandon at ni Persius. Ang bahaging iyon ng gubat ay napakagandang pagmasdan at alam niya kung ano ang tawag sa lugar na iyon.
Nabuo sa isipan ng kapitan na marahil ay nabitag ang prinsipe at may tumulong dito. Ngunit hindi siya sigurado kung ano nga ba ang nangyari sa pagitan ng prinsipe at ng taong tinutukoy nitong lumapastangan sa kanya.
Ginahasa ba ang mahal na prinsipe? Ngunit hindi iyon ang kanyang hinuha dahil maayos naman ang istura nito nang dumating sa palasyo.
Mas lalo pang napaisip ang kapitan hanggang sa iutos niyang ilagay sa isang sako ang mga ebidensyang nakita ng mga kawal sa lugar. Makakatulong ang mga iyon upang mas lalong magpaliwanag sa kanya ang prinsipe.
At agad na silang bumalik sa palasyo at bigong makahanap ng kahit na sinuman sa bahaging iyon ng kagubatan.
Samantalang sa balkonahe ng kanyang silid ay hindi parin maalis ni Prinsipe Brandon ang mukha ng lalaki. Para ba itong napako na sa isipan niya at hindi na mawala pa. Nandoon ang kagustuhan niyang makitang muli ito sa hindi parin niya malamang dahilan.
May pagkamuhi siyang nararamadaman nito ngunit may isang bahagi ng kalooban niya na pinukaw nito at hindi niya na ito kaya pang bigyan ng pangalan dahil maging siya ay gulong gulo na.
“Magbabayad ka.. Kapag nagkita tayong muli, pagbabayarin kita sa nagawa mo sakin. Pagababayaran mo ang paggulo mo sa aking isipan!”
Itutuloy…
Kaarawan
Kanina pa siya naghihintay sa silid aklatan ng palasyo. Hinihintay niya ang ulat sa kanya ni Kapitan Draco. Hanggang ngayon ay hindi parin nila nahahanap ang lalaking linapastangan siya. Gusto na niya itong makaharap muli pero nagtatalo parin ang kanyang isip at puso dahil may parte sa puso niyang hinahanap ang pakiramdam na iyon.
At iyon ang hindi niya maunawaan sa kanyang sarili. Bakit nagkaroon siya ng kagustuhang magkaroon ulit ng ganoong pangyayari sa kanya? Sa pagitan nila ng binatang iyon sa kagubatan. Hindi niya ito maipaliwanag. Mukhang nasisira na ang kanyang pag-iisip dahil sa pangyayaring iyon.
“Mahal na Prinsipe.. Narito na po si Kapitan Draco.” anunsyo ng mga kawal na nakabantay sa labas ng silid aklatan.
“Papasukin niyo siya.” utos niya sa kawal at agad namang pumasok ang kapitang halatang galing palang sa isang malayong paglalakbay.
“Kamahalan, nandito po ang inyong tagapaglingkod at handang paglingkuran kayo.” pagbibigay galang nito sa binatang prinsipe.
“May nalaman na ba kayo tungkol sa kinaroroonan mg binata? Sabihin mo sakin kapitan.”
Inangat ng kapitan mula sa pagkakayukod ang kanyang ulo. Nagtama ang tingin nila ng balisang prinsipe at agad na nag-ulat sa kanyang mga nakalap na balita mula sa mga kawal.
“Kamahalan.. Hindi parin namin matukoy kung sino bang lalaki ang sinasabi niyong lumapastangan sa inyo? Mahirap hanapin sa ating kaharian ang katulad niyang ordinaryo lamang ang kasuotan at walang pananda na magtutukoy ng pagkakaiba niya sa ibang tao.”
Hinampas ni Prinsipe Brandon ang mesa niya sa silid aklatan ng palasyo. Hindi parin siya nasisiyahan sa takbo ng mga pangyayari. Paano nga ba niya mahahanap ang lalaking iyon kung tanging mukha lang nito ang kanyang naaalala. At magkagayonpaman ay ayaw niyang idetalye ang mukha nito dahil sa tuwing ginagawa niya ito ay mas lalong sumisidhi ang kagustuhan niyang makita itong muli.
At magpahanggang ngayon ay naaalala niya parin ang paglalapat ng kanilang mga labi. Gusto niyang magalit ngunit hindi niya rin mapigilang hanapin ang lalaking gumawa sa kanya nito.
“Hanapin mo sa lahat ng sulok ng kagubatan ng Daffodil. Doon ko siya nakita at doon naganap ang kalapastanganang ginawa niya sa akin. Nasisiguro kong nandoon lamang siya sa paligid nito!” walang pasensiyang utos ni Prinsipe Brandon at tumango lang ang kapitan bilang pagsunod sa kautusan ng binatang prinsipe.
Biglang pumasok sa silid aklatan ang Mahal na Reyna at parehas nagbigay pugay ang prinsipe at ang kapitan dito.
“Mahal na prinsipe? Ano ang bumabagabag sa iyo’t ganyan mo nalang pagsalitaan ang kapitan?” tanong nang reyna nang marating nito ang kinaroroonan ng kanyang anak.
Ang prinsipe ay hindi naman maitago ang pagkabagot at pagkairitable dahil sa patuloy siyang inuusig ng pangyayaring hindi niya makalimutan.
“May isang taong nakagawa ng isang malaking kasalanan sakin mahal na reyna. Kaya nararapat lang sa taong ito ma maparusahan ng naayon sa batas.”
Nagkatitigan sila ng reyna at napataas ito ng kanyang kilay.
“At ano naman ang naging kasalanan ng taong ito at para bagang hindi ka makahinga ng maayos at tila ba sintomas ito ng isang taong umiibig?” sabay ngiti ng reyna sa kanyang binatang prinsipe.
Hindi mapigilan ni Prinsipe Brandon na panglakihan ng kanyang mga mata. Anong sinasabi ng kanyang ina? Hindi siya maaring umibig sa kapwa niya lalaki. Hindi ito sintomas na umiibig siya kundi galit na hindi niya parin malaman ang dahilan.
“Mahal na reyna.. Ipagpaumanhin po ninyo ngunit isang usapin po ito na kailangang maresolba ng hukbo namin. Nauunawaan ko ang sentimyento ng mahal na prinsipe. Kung isa itong mapanganib na tao ay dapat lamang itong maparusahan ng naaayon sa kanyang nagawang kasalanan.” usal ng kapitan na nagpasang-ayon naman sa magandang reyna ng Thesalus.
“Tama ang iyong katwiran kapitan. Hanapin niyo ng maiigi ang taong iyon at ng mabigyan siya ng paglilitis. Tiyak naman akong magiging patas ang mahal na prinsipe sa kanyang magiging aksyon. Tama ba aking prinsipe?” saad naman ng reyna at tiningnan ng maiigi ang kanyang anak na parang hindi mapakali.
“Gawin niyo ang lahat Kapitan Draco.. Kailangang mahanap niyo kaagad ang taong iyon sa lalong madaling panahon.”
“Kailangan pa namin ng karagdagang impormasyon sa kung ano ang itsura ng lalaking iyon. Kahit ang kanyang wangis lang ay isang malaking bagay na para tuluyan natin siyang mahanap.”
Sumang-ayon ang prinsipe sa kahilingan ng kapitan. Alam niyang mas mapapadali talaga ang lahat kapag nailahathala niya dito ang mukha ng lalaking iyon.
“Makakaasa kayong mahahanap namin siya sa lalong madaling panahon. At maaari niyo nang ipanatag inyong kalooban.” tugon pang muli ng kapitan bago magpaalam sa mag-ina.
Mataman lang na tinitingnan ng reyna ang kanyang anak na malapit nang sumapit ang ikalabing walong taong kaarawan.
“Noong bata ka pa, minsan ay dinala ka namin ng iyong ama sa isang bahagi ng kagubatan. Nasa gitna ito at tila ba isang maliit na paraiso kung maituturing. Doon din ako madalas dinadala ng iyong ama noon. Napakaraming ligaw na bulaklak ang tumutubo roon. Hindi ko inaakalang ang iyong ama ang aking mapapangasawa. Dahil hindi siya ang tipo kong lalaki. Masiyadong malakas ang dating ng iyong ama. Mahigpit at laging dapat masusunod ang kanyang kagustuhan.”
Nabatid ng prinsipe ang lugar na tinutukoy ng kanyang ina. At muling pumintig ng malakas ang kanyang puso nang maalalang muli ang nangyaring pagdampi ng labi ng lalaking iyon sa kanyang labi.
“Doon niya pinangako sakin na gagawin niya ang lahat mapangalagaan niya lang ako. At tinupad niya lahat ng iyon. Naging mabuti siyang asawa sa akin. Alam kong mahigpit sayo ang iyong ama ngunit dahil ikaw lamang ang nag-iisa naming anak. At pinapangalagaan ka namin sa abot ng aming makakaya.”
Tumayo ang prinsipe at hinarap ang kanyang ina.
“Nauunawaan ko po ang lahat, ina. Ang tangi ko lang hiling ay sana’y magkaroon ako ng kaunting kalayaan. Malapit na ako sa wastong edad upang magkaroon ng mga sariling desisyon.” malumanay na saad ng prinsipe sa kanyang ina.
“Lalambot din ang puso ng ama mo sa’yo pagdating ng araw. At alam kong katulad niya, ikaw ay magiging isang magaling na hari. Lagi mong itatak sa puso mo na dapat palaging may puwang ang pagpapatawad, pagdamay at pagmamahal para sa nakararami.”
“Tatandaan ko po lahat ng inyong tinuran, ina.” sambit ng prinsipe at tipid na ngumiti sa kanyang ina na tanging nakakaintindi sa kanya.
“At hayaan mong umibig ang puso mo sa taong alam mong tunay na magpapaligaya sa’yo.” at kumindat pa ang reyna sa kanya na tila ba sinasabi nitong may alam siya sa pinagdadaanan ng binatang prinsipe.
—————––
“Aba, Persius anak! Anong petsa na pala ngayon?” tanong ni Diana, ang ina ni Persius habang dala dala nito ang isang palanggana na may lamang mga patatas at mais na huling ani nila mula sa mga taniman na kanilang sinasaka.
Si Persius ay nakasunod lang sa ina at akay sa likod niya ang isang sako naman ng uling na gagamitin nila para sa pang araw-araw na pagluluto. Naalala bigla ni Persius na isang linggo nalamang at ikalabing walong taong kaarawan na niya.
“Ikawalo na po ng Oktobre, ina. Iyon po ang aking pagkakatanda.” saad ni Persius na kinatuwa naman ng kanyang ina.
“Paano ba yan? Malapit na ang kaarawan mo? May nais ka bang hilingin para sa nalalapit mong kaarawan?”
Tumigil sa paglalakad ang kanyang ina at tumingin sa kanya. Natigil din sa paglalakad si Persius at matamang inisip ang sinambit ng kanyang ina.
“Eh wala naman po akong gusto kundi ang payagan niyo ho akong sumubok na maging kawal ng palasyo.. Alam niyo naman na kailangan ko narin po ng isang trabahong magbibigay sakin ng sapat na salapi upang mairaos ko kayo ng mga kapatid ko.”
Napatango lang ang kanyang ina at nagbabadya ang mga luha nito sa mata. Alam niyang matindi ang pinagdaanan ng kanyang ina matapos na bawian ng buhay ang kanyang ama apat na taon na ang nakakaraan.
“Kung iyan talaga ang magpapasaya sa’yo.. Hindi na kita hahadlangan pa, anak. Gusto kong malaman mo na ikaw ay pinagmamalaki ko. Napakabait mong anak at busilak ang iyong puso. Alam kong gagantimpalaan ka ng Diyos pagdating ng araw.”
Agad naman siya nitong niyakap at nabitawan ni Persius ang tangan niyang sako ng uling at tumugon sa yakap ng ina.
Nakarating sila ng kanilang bahay sa kapatagan ng Homeres na masaya. Maraming napag-usapan ang mag-ina at sinusulit nito ang araw ng pamamahinga niya mula sa paggawa sa panederia sa bayan.
Naabutan ng mag-ina ang tatlo pang miyembro ng kanilang pamilya na nagtutulong tulong na ihanda ang mesa para sa kanilang hapunan.
“Ina! Kuya Persius!” masayang hiyaw ni Persival at niyakap agad ito ng kanyang ina.
“Magandang hapon sa inyo mga anghel ko.. Naging mabait ba kayo habang wala kami ng kuya niyo?” magiliw at puno ng pagmamahal na tanong ng ilaw ng tahanan.
“Opo!” sabay sabay na saad ng magkakapatid na kinatawa lang ni Persius.
Kahit ganito lang kasimple ang buhay na meron sila. Masaya siya dahil punong puno ng pagmamahal ang kanilang tahanan.
“Ina.. Kuya.. Kain na po tayo.” masiglang pag-anyaya ni Amira sa ina nito at sa nakatatandang kapatid.
Nagsalo-salo sila at napuno ng tawanan at kwentuhan ang hapagkainan nila. Nariyan ang pagkwento ni Persival sa mga payasong nakita niya sa bayan noong nagkaroon ng pagdiriwang sa Thesalus. At si Amira at Lisa naman ay hindi maiwasang ikwento ang naggagandahang mga palamuti at mga magagarang kasuotang kanilang nakita sa mga tindahan.
Natutuwa si Persius dahil alam niyang darating ang araw ay maibibigay niya sa mga kapatid ang buhay na nararapat para sa mga ito.
——————
“Bukas ay darating na si Prinsesa Sanya.. Nais kong tanggapin mo siya ng may paggalang at may bukas na kalooban para sa inyong nalalapit na pag-iisang dibdib.” saad ng hari sa kanyang anak na prinsipe habang nasa loob sila ng silid pahingahan ng hari.
Nakatayo lang ang prinsipe sa harapan ng hari na nagbabasa ng isang aklat tungkol sa pakikipaglaban at diplomasya.
“Ama, hindi niyo po ba maaring ipagpaliban ang aking pagpapakasal? Isang linggo pa bago ang aking kaarawan. Hindi niyo po ba maaring ibigay nalang sakin iyon bilang regalo?”
Tumigil si Haring Bernard sa kanyang ginagawang pagbabasa at hinarap ang kanyang anak na halatang hindi masaya sa kanyang ibinalita.
“Hindi na maaring ipagpaliban pa ang bagay na iyon. Alam mong may malubhang karamdaman ako. At handa na akong bitawan ang aking pagiging hari upang ikaw na ang mamuno ng Thesalus. At kaakibat noon ay ang pagpapakasal mo sa prinsesa ng Olympia. Nagkakaintindihan ba tayo, mahal na prinsipe?”
Walang nagawa ang binatang prinsipe kundi ang sumang-ayon sa kagustuhan ng ama. Wala naman siyang magagawa kapag ito ay nagbitaw na ng kanyang mga salita.
Hindi niya gustong pangunahan siya sa bagay na may kinalaman sa kanyang puso. Dahil alam niyang hindi matuturuan ang puso niyang umibig sa kahit na sino.
Nabigo na siya kay Prinsesa Martina at ayaw na niyang mabigo pang muli. At alam niyang sa puso niya ay may isang taong patuloy siyang inuusig at tila ba habang tumatagal ay mas lalong nag-aapoy ang kagustuhan niyang muling maganap ang nangyari sa kanila sa pagitan ng lalaking iyon.
“Hindi mo siya kailangang mahalin.. Iyon ang punto ng pagiging hari, Brandon. Ang ina mo ay hindi ko minahal noong una ngunit natutunan ko siyang mahalin sa paglipas ng panahon. Alam kong iyon din ang mangyayari sa inyo ng Prinsesa Sanya. Kaya sana ay pagtiwalaan mo ang aking mga desisyon. Dahil para rin ito sa kinabukasan mo at sa kinabukasan ng Thesalus.” paliwanag pa ng kanyang ama.
Hindi na siya nagtagal pa sa silid ng hari at agad na nagtungo sa kanyang sariling silid upang ipahinga ang pagod na niyang isipan. Hanggang ngayon ay wala paring balita si Kapitan Draco sa kinaroroonan ng lalaking iyon.
“Kamahalan.. Narito po si Kapitan Draco.” malakas na usal ng kawal na nakabantay sa kanyang silid at agad niya itong inutusang papasukin ang tapat niyang tagapaglingkod.
“Kapitan.. Sana ay may magandang balita na kayo tungkol sa lalaking aking pinapahanap.” hindi mapakaling saad ng prinsipe ng salubungin niya ang kapitan sa gitna ng kanyang malaking silid.
“Isang magandang balita nga po ang aking ilalahad sa inyo kamahalan.. Natagpuan na namin ang kinaroroonan ng lalaking lapastangan. Siya ay isang mamamayan ng Homeres. Ang kapatagan na nasa kanluran ng Thesalus. Nahanap siya ng isa sa mga kawal na aking pinadala doon. Isa siyang anak ng namatay na mangangaso at isang mangagawa sa panederia dito sa bayan. At ang kanyang pangalan ay Persius.”
Isang ngiti sa labi ang binitawan ng prinsipe. Nalulugod siya sa balitang ito ng kapitan. Agad siyang nagsuot ng balabal at inutos sa kapitan na samahan siya nito na puntahan ang kinaroroonan ng lalaking iyon. Hindi na siya makapaghintay pa ng matagal.
Nais na niya itong muling makita at maramdaman kung tama ba ang hinala niya. Ang hinalang may pagnanais siyang maramdaman muli ang mga labi nito.
Itutuloy…
Halik
Galing si Diana sa bayan upang mamili ng mga kakailanganing gamit ng kanyang mga anak sa nalalapit na taglamig. Mga makakapal na kasuotan na matagal niya rin pinag-ipunan upang hindi na muling magkaroon ng sakit ang mga anak niyang mahina ang resistensya sa tuwing sumasapit ang panahon ng taglamig.
Ngunit bago paman siya makalabas ng bayan ay inabutan na siya ng isang kawal ng isang papel na may mukha ng prinsipe dito at inaanyayahan ang lahat sa isang piging para sa mamamayan ng Thesalus bilang isang pasasalamat sa ikalabing walong taong kaarawan ng prinsipe. Natuwa naman si Diana at agad na linukot ang kapirasong papel na hawak niya.
Dumating siya sa kanilang bahay at nandoon ang kanyang mga anak at masayang nag-uusap usap sa maliit na pahingahan sa kanilang munting tahanan. Nandoon ang tatawa sila ng malakas dahil sa kagiliw giliw na kilos ni Persival na ginagaya ang mga patawa ng payasong kanyang nakita sa bayan.
“Naku, tama ang hinala ko at nagkakasiyahan nanaman ang mga anak ko. Narito na ako at hindi niyo manlang napansin ang pagdating ko.” masayang saad ng ina ng tahanan.
Tumakbo palapit sa kanya ang bunsong si Persival at agad na inabot dito ang dala niyang pasalubong para rito. Isang laruang trumpo na matagal na nitong hinihiling.
“Ina? Totoo pong sa akin ito? Hindi po kayo nagbibiro?” puno ng pagkagulat sa mukha ni Persival nang makuha niya ang regalo mula sa ina.
“Aba, syempre naman. Gusto kong tuparin ang aking pangako na ibibili din kita niyan pagdating ng araw. At ito na ang araw na yun. Nasiyahan ka ba sa aking regalo?”
Nagtatalon sa tuwa si Persival at pinasalamatan ang kanyang ina.
“Ina.. Ano ho itong papel na hawak ninyo?” saad bigla ni Amira at kinuha mula sa kamay ng ina ang linukot na papel.
Nabigla siya nang makita ang larawan ng isang napakagwapong lalaki na sa tingin niya ay isang prinsipe. Namangha siya sa napakagandang pagkakalathala ng mukha nito sa papel.
“Ina.. Sino po itong gwapong lalaking ito? Wala po akong maintindihan sa nakasulat eh? Ang gwapo niya naman po, parang isang prinsipe.”
“Patingin nga niyan.. Baka naman isang tulisan yan.” saad ni Lisa na kinatawa lang ng nakababatang kapatid.
“Hala.. Oo nga, napakagwapo naman nitong lalaking ito ina. Manliligaw niyo po ba siya?”
“Lisa.. Tumigil ka nga. Anong manliligaw? Si ina magpapaligaw? Hindi uubra sakin yan.. Dadaan muna siya sakin bago niya maligawan si Ina.”
Tumawa nalang ang ilaw ng tahanan at matamang inayos ang mga dala niyang gamit para sa kanyang mga anak.
“Siya si Prinsipe Brandon. Ang tagapagmana ng kaharian ng Thesalus. Hindi ba’t napakakisig at napakagwapong lalaki niya? Siya ang susunod na hari natin.” sambit ng ina ni Persius. At tiningnan niya ang larawang dala ng kanyang ina mula sa pamimili nito sa bayan.
Agad siyang pinanlakihan ng mata nang makita niya ang imahe ng prinsipeng tinutukoy ng ina sa kanyang mga nakababatang kapatid.
Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang lalaking iniligtas niya sa kagubatan ngunit ginantihan lang siya ng kagaspangan ng ugali. At isa pa.. Naalala niyang muli ang pagdampi ng labi nito sa labi niya na ilang araw narin niyang iwinawaksi sa kanyang isipan.
“Naku.. Ang swerte naman po ng mapapangasawa ng prinsipe. Bukod sa siya ang magiging hari, balita din sa kaharian ang galing niya sa pakikipaglaban at pagiging matalino niya. Kaya alam kong magiging magaling siyang hari pagdating ng araw.” sambit pa ni Lisa at sinang ayunan narin ng dalawang nakababatang kapatid.
Mula sa sandaling iyon ay hindi na nawala ang tingin niya sa larawan ng prinsipe. Alam niyang sa mga oras na ito ay pinapahanap na siya ng prinsipe.
Ngunit nakahanda siyang harapin ito. Wala siyang kasalanan dito at sa kaibuturan ng puso niya, alam niyang may kakaiba na siyang nararamdaman para dito.
At bigla ngang may kumatok sa pintuan nila. Hindi naman nagatubiling buksan ni Persius ang pinto ng kanilang munting tahanan.
Nagulat pa siya nang isang lalaking nakasuot ng baluti at may nakasukbit na espada sa kanyang tagiliran ang naabutan niya sa bungad ng pinto.
Isang mataas na opisyal ng palasyo ang nasa harapan niya ngayon. May kasama itong dalawang kawal at hindi siya nakaimik dahil sa gulat na naramdaman niya.
“Ikaw ba si Persius?” tanong sa kanya ng opisyal at tahimik lang siyang tumango.
“Persius.. Sino ba ang nasa pinto–” saad ng ina niya at lumapit ng tuluyan sa kanyang tabi at napaawang ang bibig nito dahil sa kanyang inabutan.
“Kapitan? Ano hong sadya ninyo?” kilala ni Diana ang mga kapitan ng palasyo dahil minsan ay gumagawa sila ng mga espesyal na tinapay para sa mga ito tuwing sasabak sila sa mga labanan.
“Ginang.. Inyo po bang anak ang binatang ito?”
“Siyang tunay, kapitan. Siya po si Persius at panganay ko pong anak. Ano ho ba ang sadya niyo sa kanya?”
Hindi na nagpaligoy ligoy pa ang kapitan at agad na inutusan ang mga kawal na dakpin si Persius.
“Inaaresto ka namin sa ngalan ng Prinsipe Brandon.. May karapatan kang manahimik hanggang sa pagharap mo sa mahal na prinsipe.” usal ni Kapitan Draco na kinagulat ng ginang at tila ba naguguluhan parin sa mga nangyayari.
“Sandali lamang kapitan.. Ano po ang ibig ninyong sabihin? Anong kasalanan ang nagawa ng anak ko?”
Tiningnan ni Persius ang ina at alam niyang nandoon ang pagkagulat at pagkatakot sa mga mata nito.
“Malaki ang naging kasalanan ng inyong anak sa mahal na prinsipe. Kaya nararapat siyang hulihin at maparusahan ng naayun sa batas ng Thesalus.”
“Ngunit kapitan! Nagkakamali ho kayo? Hindi kailanman kayang gumawa ng kahit anong kalapastanganan ng aking anak. Kilala ko ho siya. Hindi po ito makatarungan!” pagmamakaawa ng ginang sa kapitan ngunit hindi na ito nakinig pa.
“Dalhin niyo na siya at isakay sa karawahe.” utos nito sa mga kawal at sapilitang dinala si Persius papunta sa karawaheng nakapwesto malapit sa patag na daanan ng maliit na komunidad na iyon.
“Persius! Hindi! Maawa kayo kapitan.. Hindi magagawa ng anak ko ang gumawa ng kasalanan!” hinagpis ng ina ni Persius habang patuloy na nagmamakaawa sa mga kawal na pakawalan nila ito.
——————
Naghihintay sa karwahe ang binatang prinsipe at hindi na siya makapaghintay na makaharap muli ang taong matagal nang ayaw na maalis sa kanyang isipan.
Bumukas ang pinto ng karwahe at agad na nagbigay pugay ang kapitan sa kanyang prinsipe.
“Kamahalan.. Narito na po siya. Hawak na namin ang inyong hinahanap.”
Napangiti siya ng palihim at sumenyas na ipasok na sa loob ng karwahe ang lalaking nagpapagulo ng kanyang isip at damdamin.
Ipinasok sa loob ng mga kawal ang binatang hawak nila at bumagsak ito sa paanan ng prinsipe. Agad naman itong napatayo kahit may gapos ito sa kanyang mga kamay.
Nagpalinga linga ang binata ng kanyang tingin at agad na nahagip ng kanyang mata ang mukha ng prinsipe na ngayon ay mataman lang siyang pinagmamasdan.
Hindi nakagalaw si Persius dahil sa ang titig ng mga prinsipe sa kanya ay lubhang nakakapanghina at para bang may kung ano sa puso niya na gustong gusto ang ginagawang pagtitig ng prinsipe sa kanya.
“Sa wakas, nagkita na tayong muli, Persius.” may diing saad ng prinsipe at inutos nito na maglakbay na pabalik ng palasyo at sinunod naman siya ng mga kasamahan niya.
“Ka-kamahalan.. Ipagpatawad ninyo ang aking nagawang kasalanan sa inyo.. Hindi ko po batid na kayo po pala ang prinsipe. Iyon po ang katotohanan.”
Napatawa ng pagak ang prinsipe at naaaliw siya sa nakikita niyang pagkabahag ng buntot nito ngayong nalaman na nito ang katotohanan tungkol sa pagkataob niya.
“At sa tingin mo ba, mapapatawad ko nalang ng basta ang ginawa mong paglapastangan sa prinsipe ng Thesalus? Ang iyong ginawang kapalaluan sa akin?”
Napaiwas ng tingin si Persius at alam niyang kahit anong oras ngayon ay maaari siyang ipapatay ng prinsipe. Hindi niya akalain na ang pagtulong niya dito ay mamasamain pa nito dahil lang sa aksidenteng pagdampi ng labi niya sa labi nito.
“Hindi ko ho sinasadya ang nangyaring iyon. Tanging pagligtas lamang sa inyo ang aking hangarin. At ang– At ang nangyari sa ating dalawa ay hindi ko sinasadya. Isang aksidente ang paglapat ng—”
“Huwag mo nang ipaalala sakin dahil natatandaan ko lahat, Persius. At huwag kang mag-alala. Dahil hindi naman kita paparusahan. Hindi iyon ang nararapat para sa iyo. May mas higit pang nababagay para igawad sa isang katulad mo.”
Alam ni Persius na iba ang takbo ng isipan ng prinsipeng kanyang kaharap. Alam niyang hindi ito basta nalang magpapatawad. At alam niyang may gagawin itong higit pa sa kanyang inaakala.
Nakarating ang karwahe ng prinsipe ng palasyo. Sinadya nilang gabi na dumating upang lihim niyang maipuslit ang binatang matagal ding nagpahirap ng kanyang kalooban.
Lahat ng mga tagasilbi niya ay nagsitungo upang magbigay pugay dito. Naabutan ni Ginoong Martell anv pagpasok ng prinsipe sa kanyang silid na kasama ang isang binatang nakasuot ng ordinaryong damit na tila ba isang ordinaryong mamamayan lang ng Thesalus.
Sumunod ang punong tagapangasiwa sa silid ng prinsipe ngunit inutusan lang siya nitong nais nitong mapag-isa.
Hindi naman nagpumilit pa ang tapat na tagapaglingkod ng prinsipe ngunit hindi nito maialis sa isipan ang binatang kasama ng prinsipe sa loob ng silid nito.
Hindi mapakali si Persius habang nakatayo lang siya sa harap ng prinsipe. Nakaupo ito sa bangko at mataman siyang tinitingnan mula ulo hanggang paa.
“Gusto kong maligo ka at magpalit ng maayos na damit. Ipapahanda ko ang mga kakailanganin mo.”
Nabigla naman si Persius sa tinuran ng prinsipe.. Anong ibig nitong sabihin? Maliligo siya dito mismo sa silid pahingahan ng prinsipe? Ngunit hindi ito nararapat para sa isang nasa mahirap na antas ng lipunan.
“Kamahalan.. Hindi ko po magagawang maligo sa inyong paliguan. Mas gugustuhin ko nalamang na maparusahan ninyo ng tuluyan.” may kababaan ang tinig ni Persius habang kaharap ang prinsipe.
“Inuutos ka sa iyo na ikaw ay maglinis ng iyong katawan? Iyon ang nais kong gawin mo, Persius.”
Tumayo ang prinsipe sa kanyang kinauupuan at linapitan ang binatang nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso na hindi niya maintindihan.
“Ngayon, tumungo ka sa pintuang iyon at naroon ang paliguan ko. Gusto kong sundin mo lahat ng ipinag uutos ko kung ayaw mong tuluyan kitang iharap sa hari at siya ang magparusa sa iyo.”
Napatungo ang binata at wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang sundin ang kagustuhan ng prinsipe.
Itinuro ng prinsipe ang pintuan ng paliguan at mabilis na tinungo ito ni Persius. Nandoon parin sa kanya ang takot at pangamba na baka may gawin nakakahindik ang prinsipe sa kanya.
Samantalang ang prinsipe ay hindi mapigilang titigan ang matikas na paglalakad ng binatang nagpapagulo ngayon sa kanyang damdamin.
“Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit hindi ka mawala sa isip ko? Bakit hinahanap ko ang presensiya mo? At ngayong nandito ka na, hindi na ako mapakali. Hindi ko maunawaan kung ano ang gagawin ko? Hindi tama ang nararamdaman ko para sa’yo. Hindi ito pag-ibig. Isa lamang itong kalituhan ng puso.” saad ng prinsipe sa kanyang sarili.
Agad niyang pinatawag ang punong tagapaglingkod at pumasok naman ito sa kanyang silid ng maagap.
“Kamahalan? Ano po ba ang nangyayari? Bakit may pinapasok kayong isang ordinaryong mamamayan dito sa palasyo?” sunod sunod na tanong ng matanda sa kanyang prinsipe.
“Hindi na mahalaga, Ginoong Martell. Nais kong magdala kayo rito ng magagandang damit mula sa silid damitan ko. Iyong mga damit na bagong gawa ni Ginoong Thomas.”
Lalo pang nagulat si Ginoong Martell sa sinaad ng prinsipe. Bakit niy kakailanganin ang mga ito?
“Ngunit para saan ang mga damit, Kamahalan?”
Namuo ang pagkainis ng prinsipe sa dami ng tanong sa kanya ng kanyang tagapaglingkod.
“Ang sabi ko, hindi na mahalaga ang malaman mo pa Ginoong Martell. Nais kong sundin mo ang aking pinag-uutos. Iyon lamang at wala nang iba pa.”
Hindi naman nagsalita pa ang matanda at agad na sinunod ang kautusan ng prinsipe. Tila may nagbago rito. Para itong may namumuong kagustuhan na hindi maganda para sa imahe nito.
Kailangan niyang malaman kung ano ang nangyayari sa prinsipe upang mapigilan niya itong gumawa ng hindi kaaya-ayang mga gawain na maghahatid ng kahihiyan dito.
Samantalang patapos na si Persius sa kanyang pagligo at hindi niya parin mapaniwala ang sarili na naliligo siya sa paliguan ng prinsipe sa loob ng palasyo. Isa lamang itong panaginip kung ituturing ngunit tunay itong nangyayari ngayon.
Mabilis niyang tinapos ang kanyang pagligo at umahon kaagad sa paliguan ng prinsipe. Hindi niya alam kung isusuot ba niya ang robang nakasabit sa isang gintong sabitan.
Ngunit dahil sa pagkahiya ay hindi niya na ito naisipang isuot dahil alam niyang isang kapalaluan ang gawin iyon kaya lumabas siya ng paliguan na tumutulo ang tubig sa kanyang katawan.
Nagulat naman ang prinsipeng kanina pa naghihintay sa paglabas ng binata nang makita niya itong naglalakad ng hubad patungo sa kanya.
“Bakit hindi mo sinuot ang roba? Ano bang pumasok sa isip mo’t lumabas ka ng walang roba?”
“Kamahalan.. Hindi ko ho maaring isuot ang inyong mga kasuotan dahil isang paglapastangan sa inyo ang bagay na iyon.”
Kumilos ang prinsipe at pumasok sa loob ng paliguan at kinuha niya ang kanyang roba. Ibinalabal niya ito sa hubad na katawan ng binata.
“Paano kung magkasakit ka? Paano mo ako mapaglilingkuran kung ikaw mismo ay mayroong karamdaman?” may halong pagkainis sa tinig ng prinsipe na kinagulat naman ni Persius.
Bigla siyang pinaharap ng prinsipe at mataman siyang tinitigan nito. Hindi niya malaman kung ano ang nasa isipan nito ngayon. Ang tanging alam niya ay merom itong ninanais gawin sa kanya.
Hindi na mapigilan ng prinsipe ang kanyang sarili. Mabilis niyang inilapat ang kanyang labi sa labi ng binatang kaharap niya at doon na niya napatunayan ang lahat. Mayroon na siyang nararamdaman para sa binata. At mukhang ito na nga ang sinasabi nilang pag-ibig. Ngunit higit pa roon, hindi mapapatid ang pagnanasa niya sa binata. At isa itong malaking kaguluhan kapag nalaman ng lahat. Na umiibig siya sa isang lalaki.
Itutuloy…
Maging Isang Kawal
Nagpupuyos ang damdamin ni Prinsipe Brandon habang magkahalikan sila ni Persius. Gusto niyang mas higit pa doon ang gawin niya dito. Ngunit itinulak siya nito papalayo. Naguguluhan ang binata sa inasal ng prinsipe.
Bakit siya nito biglang hinalikan? Kapwa sila lalaki at mali ang kanilang ginagawa sa mata niya at sa mata ng napakaraming tao.
“Ka-Kamahalan.. Hindi po maaari ang ginagawa ninyo. Mali po ito.”
“Walang mali sa ginawa ko, Persius. Dahil iyon ang gusto ko. Iyon ang nararamdaman ko. Bakit? Hindi mo ba nararamdaman ang mabilis na pintig ng puso mo nang maglapat ang ating mga labi?”
Hindi makasagot si Persius dahil hindi niya rin alam kung ano ang mararamdaman sa mga sandaling iyon. Paano niya sasabihin sa prinsipe na kahit meron man siyang kaunting pagnanais na maulit muli ang halikan nila, mali parin ito. At higit sa lahat, wala siyang karapatang dampian ang kahit na anong parte ng katawan ang isang maharlika.
“Wala po akong naintindihan sa sinabi ninyo. Marahil ay isang kaguluhan sa isipan lamang ang inyong naramdaman. Hindi po ako karapatdapat na manatili manlang sa harapan ninyo dahil isa po akong maralita. Isang hamak na mangangaso lamang at nagnanais na maging kawal ng palasyo.”
“Tinatanggihan mo ba ang pabor na binibigay ko sa’yo, Persius? Ako ang iyong prinsipe at magiging hari.. Ano ang karapatan mong tanggihan ang aking nararamdaman para sa’yo?”
Napatungo lamang si Persius dahil hindi niya parin alam kung paano aalisin sa prinsipe ang nararamdaman nito para sa kanya. Ayaw niyang masangkot siya sa isang kaguluhan. Ayaw niyang madamay ang pamilya niya dahil sa bugso ng damdamin ng prinsipe.
“Kailangan niyo pong pag-ingatan ang pangalan ninyo, kamahalan. At hindi magugustuhan ng mga tao kapag nalaman nila kung anuman ang nasa loob ng puso mo. Ako po ay hindi karapatdapat sa inyong pabor o kahit na anumang bagay.”
Napakuyom ng kanyang kamao ang prinsipe at hindi niya akalain na ang isang tulad ni Persius ay tatanggihan lamang siya. Wala siyang ibang hinangad kundi mapasakanya ang binatang ito. Dahil habang tumatagal na kasama niya ito ay lalong sumisidhi ang pagnanasa niya para dito.
Isang pagnanasang gusto niyang matugunan. Ngunit siya ay muli nanaman bang mabibigo? Hindi na siya makakapayag pa. Sisiguruhin niyang sa kanya lamang mapupunta si Persius.
“Kung gayon. Makakaalis ka na. Pero sinisiguro ko sa iyo na hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang tinatanggihan ako.”
Itinuro ng hari ang pintuan at itinapon niya ang pares ng damit na kanyang pinili para isuot ni Persius.
“Gagawin ko ang lahat upang ikaw mismo ang magmakaawa at lumuhod sa harapan ko. Hindi mo alam kung gaano mo ako nasaktan ngayon, Persius.”
Walang imik na isinuot ni Persius ang damit na ihinagis sa sahig ng prinsipe. Sa loob niya ay natatakot siya sa kung ano pa ang maaring gawin ng prinsipe. Natatakot siya para sa kaligtasan niya at ng kanyang pamilya.
“Kawal.. Ihatid mo ang lalaking ito palabas ng palasyo.” tawag ng prinsipe sa nakabantay na kawal sa pintuan ng kanyang silid.
Isang sulyap pa ang binigay ni Persius sa naghihimutok na prinsipe bago siya lumisan sa silid na iyon.
Hindi niya alam kung bakit parang nahihirapan siyang makita na ganun ang ekspresyon sa mukha ng prinsipe. Dahil kahit papaano ay naging laman narin ito ng isipan at damdamin niya. Ang nangyari sa kanila sa gubat ay parang guhit ng tadhana. Sadyang pinagtagpo sila. Ngunit alam niya rin ang dapat at hindi dapat. Dahil ayaw niyang masaktan lamang ang damdamin niya sa bandang huli.
Sino nga ba siya upang pahalagahan ng isang prinsipe? At isa siyang lalaki. Maaring ito ay bugso lamang ng pusong nalilito at magbabago rin ito paglipas ng panahon.
Lumisan siya sa silid at sumunod sa kawal na naghatid sa kanya papunta sa tarangkahan ng palasyo.
—————
Maganda, elegante at walang kasingtalino. Iyan ang paglalarawan ni Ginoong Martell sa Prinsesang paparating na sa palasyo.
At ito rin ang kaarawan ng prinsipe kaya’t lahat ng tagapagsilbi at mga opisyal ng palasyo ay abala na sa gagawing pagtitipon at piging. Selebrasyon narin ito sa nalalapit na pagiisang dibdib ng prinsipe at ng nakatakdang prinsesang pinagkasundo mismo ng Haring Bernard para sa kanyang anak.
Yamot at walang buhay na tinapos ni Prinsipe Brandon ang kanyang pagligo. Mula nang gabing tinanggihan siya ni Persius ay hindi na nawala ang galit niya sa puso. Hindi niya inaakalang iyon ang kalalabasan ng lahat.
Ilinukob niya sa katawan niya ang roba at matamang naglakad patungo sa silid damitan niya. Tiningnan niya ang mga nakahandang damit at naroon din si Ginoong Thomas para muling siguruhin na tama ang sukat ng mga damit ng prinsipe.
Napili niya ang itim at gintong kasuotan at hindi napigilan ni Ginoong Thomas na magulat dahil hindi ito angkop na isuot sa isang pagtitipon na puro kasiyahan ang dapat nararanasan ng mga tao.
“Kamahalan.. Sigurado kayong ito ang nais niyong isuot? Ngunit ito ay damit pangluksa?”
“Wala akong panahong magpaliwanag, Ginoong Thomas. Ito ang nais kong isuot.” at tinawag ni Ginoong Thomas ang mag-aayos sa prinsipe. Ikinabit sa kanya ang corset upang humapit ang kasuotan sa katawan niya. Tiningnan ni Prinsipe Brandon ang kanyang imahe sa salamin. At nandoon ang malungkot niyang mga mata. Matang nawalan ng sigla. Para siyang nabubuhay nalang dahil kailangan niya ito.
Siguro ay kapalaran niyang hindi lumigaya. Kapalaran niyang maging hari ngunit ang hindi maging tunay na maligaya sa piling ng taong tinatangi niya.
Matapos ang pag-aayos sa prinsipe ay siya namang pagpasok ni Ginoong Martell sa kanyang silid. Nagulat pa ang matandang tagapaglingkod dahil sa ayos at kasuotan ng prinsipe.
“Mahabanging langit! Prinsipe Brandon? Ano iyang kasuotan ninyo? Kaarawan ninyo ngayon at hindi isang pagluluksa!”
Hindi umimik ang binatang prinsipe at sa halip ay sumenyas sa mga tagasilbi na lumabas na at iwanan sila ni Ginoong Martell.
Nang sila nalamang dalawa ang nasa loob ng silid ay agad na nagtanong ang prinsipe tungkol sa kanya g iniutos kay Ginoong Martell.
“Nagsara na ho ang panederiang inyong tinutukoy. At lahat ng mangaggawa nito ay napilitang magsialis. Nguniy bakit niyo ho ba ginawa ang bagay na iyon?”
“Pinagbabayad ko lang siya sa pagtanggi niya sa aking pabor. Unti-unti niyang mauunawaan kung sino dapat ang kanyang pinipiling salungatin.” kita sa mga mata ng prinsipe ang labis na pagkagalit.
Sisiidin niya si Persius hanggang sa ito mismo ang lumapit sa kanya at magmakaawa. Hindi niya hahayaang mapunta nalang sa wala ang damdamin niya para sa binata. Hindi siya ang tipong naghahangad ng kahit ano ngunit si Persius, iba siya sa lahat. Hindi niya mapatid ang pagnanasa niya rito.
Sa tuwing gabi bago siya matulog ay inaalala niya ang lambot ng mga labi nito at ang amoy nitong talagang nakakaakit. At ang malaki nitong katawan na tunay niyang hinangaan. Ang mga bisig nito. Ang magandang hugis ng mukha nito. Ang mapupungay na mata at mayabong na kilay. Ang matangos nitong ilong at ang kulot nitong buhok na kulay tsokolate. Ang bawat pagbigkas nito ng salita. At ang malumanay at malalim at buong tinig nito. Lahat ng iyon. Lahat ng iyon ay pilit niyang kinakalimutan ngunit hindi mawala sa isipan niya.
“Darating na si Prinsesa Sanya anumang oras. Kailangan niyong tanggapin ang mapapangasawa niyo na hindi ganyan ang kasuotan.”
“Wala akong kailangang ikahiya dahil alam kong hindi ko siya piniling mapangasawa. Ang ama ko ang pumili sa kanya. Kaya dapat niya pang kalugdan na tatanggapin ko siya dito sa palasyo.”
Hindi inaakala ni Ginoong Martell ang ganitong asal ng prinsipe. Nagsimula ito nang pumasok ang binatang iyon sa silid nito. At nabuo sa isipan ni Ginoong Martell na maaring ang binatang iyon ang kasagutan kung bakit biglang nagbago ang kinikilos at takbo ng pag-iisip ng binatang prinsipe.
Tuluyan namang naglakad na ang prinsipe palabas ng kanyang silid at agad ding sumunod ang punong tagapaglingkod. Ang mga tagasilbi niya ay maingat ring sinundan ang prinsipe patungo sa bulwagan kung saan naghihintay ang kanyang amang hari at inang reyna.
Pagdating ng prinsipe sa bulwagan ay pagkagulat at pagkahindik ang namayani sa mukha ng lahat ng naroon. Ang prinsipe ay nakasuot ng pangluksang kasuotan. Hindi ito katanggap tanggap sa karamihan kaya’t napatayo ang hari at hindi niya napigilang ibuhos ang galit na nararamdaman niya para sa kanyang anak.
“Anong kalapastanganan itong ginawa mo, Prinsipe Brandon?! Isa itong pagtitipon para sa iyong kaarawan.. Hindi mo na ba talaga ako bibigyan ng kahihiyan sa harapan ng aking konseho at ng malalapit nating kamag-anak?”
Hindi nagatubiling sumagot ang prinsipe at mataman lang siyang naglakad patungo sa kanyang upuan sa gilid ng reyna.
“Kamahalan.. Ako po ang may kasalanan ng lahat. Ipagpatawad niyo po ang pagkukulang ko bilang tagapaglingkod ninyo. Nararapat sakin ang maparusahan sa kamatayan.” paghingi ng tawad ni Ginoong Martell habang nakaluhod sa harapan ng hari.
“Tama na, Ginoong Martell. Ang prinsipe ay lubos nang winalang galang ang ating mga batas. Ito ang kahulihihang pagkakataon na pagbibigyan kita. Sa susunod na suwayin mo pa ako, hindi ko na alam kung ano pa ang magagawa ko sa iyo, Prinsipe Brandon.”
Sa loob ng prinsipe ay hindi niya maiwasang mapoot. Ang kanyang ama na wala nang ibang ginawa kundi punahin ang bawat maling kilos niya. Siguro nga ay pinipilit nalang niyang sundin ito ngunit dumating na ang panahon na dapat na niyang panindigan ang kanyang mga paniniwala.
“Ako ang susunod na hari ng Thesalus. At bilang tagapagmana ng Haring Bernard at ng mga haring nauna sa kanya, karapatan ko na gawin ang kagustuhan ng aking puso. Na hindi tinatapakan at sinasawalang bahala ang mga batas. Wala akong nakitang paglabag sa aking ginawa ngayon, mahal na hari. Ako ay nakasuot ng damit na naayon sa aking nadarama. Hindi ako masaya para sa kaarawan ko. Kaya’t nararapat lamang na magsuot ako ng naaayon sa kalungkutan.” sagot ng prinsipe sa kanyang amang hari na hindi parin makapaniwala na sinagot siya ng kanyang anak.
Nahindik si Reyna Daria sa tinuran ng kanyang anak. Kailanman ay hindi pa ito sumagot ng ganoon sa kanyang ama.
Magsasalita pa sana ang hari ngunit ang ambasador ng Olympia ay biglang pumasok sa bulwagan upang ipagbigay alam sa lahat na dumating na si Prinsesa Sanya.
Natahimik ang buong konseho at ang ambasador ay napukaw ang atensiyon sa kasuotan ng prinsipe. Hindi niya maiwasang mahindik at magkaroon ng pagkagalit sa kalapastanganan ng prinsipe.
“Prinsipe Brandon.. Bakit ganyan ang iyong kasuotan? Isa itong kapalaluan.. Hindi mo ba bibigyan ng galang ang pagdating ng inyong mapapangasawa dito sa Thesalus?” galit na usal ng ambasador na tinawanan lamang ng prinsipe.
“Ambasador Darius! Sa pagkakaalam ko, mahilig daw sa matitingkad na kulay ng damit ang prinsesa. Kaya nais ko namang salubungin siya ng naiiba sa kanyang nakasanayan. Isa itong magandang simula para malaman niya kaagad kung anong klase ng prinsipe ang kanyang mapapangasawa. Hindi ba?”
Hindi na nauunawaan ng mag-asawang hari at reyna ang nangyayari sa kanilang anak. Tila nilukob ito ng matinding kalungkutan at galit na nagbunga ng ganitong pagbabago sa kanyang ugali.
Siya rin namang pagdatingan ng mga tagasilbing may handog na mga regalo na mula pa sa Olympia. Mga ginto, perlas at mga mamahaling porselana mula pa sa Tsina maging mga seda na napakamahal ang halaga.
“Kamahalan.. Nandito na ang Prinsesa Sanya ng Olympia.”
Nagsitayuan ang mag-asawa at hindi naman nagpatinag ang prinsipe at patuloy lang na nakaupo sa kanyang upuan.
Isang napakagandang dilag ang biglang pumasok sa bulwagan. Suot nito ang isang eleganteng kulay asul na damit. Ang kanyang korona ay nangingislap sa tama ng sinag ng araw at ang mga alahas niyang nagsisigaw ng karangyaan. Namangha lahat ng miyembro ng konseho sa kagandahan ni Prinsesa Sanya at maging ang mga tagasilbi at iba pang nasa loob ng silid na iyon ay hindi mawala ang tingin sa magandang dilag na naglalakad sa pinakagitna ng bulwagan patungo sa mga trono ng hari at reyna.
“Ako po ay nagbibigay pugay sa inyo, Haring Bernard at Reyna Daria.. Ako si po Sanya, ang prinsesa ng Olympia. Isang malaking karangalan ang humarap sa inyo. Kinagagalak kong makilala kayo mga kamahalan.”
Nalugod naman ang hari sa napakagandang inaasal ng prinsesa ngunit sadyang hindi mawala ang galit niya para sa kanyang anak.
Tumayo si Prinsipe Brandon mula sa kanyang upuan at agad na tinungo ang kinatatayuan ni Prinsesa Sanya.
At unang tingin palang ni Prinsesa Sanya sa prinsipe ay labis na siyang nabighani sa angking kakisigan nito. Madami na siyang narinig na kwento tungkol sa prinsipe at alam niyang totoo ang mga iyon dahil ngayon ay kaharap na niya ang prinsipe at ito pa ang kanyang mapapangasawa.
“Maligayang pagdating sa aming kaharian, Prinsesa Sanya.. Nawa ay handa ka nang maikasal sa isang prinsipeng katulad ko. Huwag kang mabahala. Isang napakagandang pagsasama ang iyong aasahan mula sa akin, mahal na prinsesa.”
Hindi maiwasang matakot ng prinsesa sa paraan ng pananalita ng prinsipe. Tila ba ito ay kabalintunaan ng lahat ng kanyang tinuran. Hindi niya akalain na ganito kagaspang ang ugali ng prinsipeng kanyang pakakasalan. “At kayong lahat ng narito.. Masaya ako at nagkasundo kayong lahat na ipakasal ako sa ating mahal na prinsesa. Isang napakagandang regalo para sa aking kaarawan.” at ngumisi ang prinsipe sa wala paring kamuwang muwang na prinsesa.
Kasabay nito ang kanyang paglisan sa bulwagan at naiwang nakatulala ang lahat ng naroon.
Walang ibang naiisip ang prinsipe kundi ang makaharap muli si Persius. At alam niyang nalalapit na muli ang kanilang paghaharap. Hinahayaan niya lang muna itong sulitin ang mga panahon na malaya ito. Dahil dadating din ang oras na hindi na niya ito pakakawalan pang muli.
Itutuloy…
Hindi Mapipigilan
Ang asul na kalangitan ay nahahaluan na ng kulay kahel at lila na hudyat ng paglubog ng araw. Siya ring pagmamadali nang makauwi ni Persius mula sa kanyang pangangasong hindi matagumpay.
Ang kanyang pagal na katawan sa paghahanap ng ligaw na hayop na maari niyang hulihin at kitilin ay sadyang hindi umayon sa kanya. At isa pang dagok ang dumating sa buhay ng kanyang pamilya.
Tuluyang nawalan ng trabaho ang kanyang ina sa panederia na nasa bayan. Si Persival naman ay mayroong karamdaman na hindi parin humuhupa hanggang ngayon. Nagsimula lamang lahat ng ito nang tanggihan niya ang ninanais ng prinsipe. Ang kagustuhan nitong may mamagitan sa kanilang dalawa.
Sadyang hindi niya ginustong tanggihan ang prinsipe dahil alam niyang iyon naman ang tamang gawin. Isang dakilang tao ang prinsipe at ang maugnay dito sa isang di kanais nais na paraan ay magdudulot lamang ng kaguluhan sa palasyo.
Ngunit batid niyang iba ang sinasigaw ng puso niya. May kung anong bahagi sa kanya na nais buksan para sa prinsipe. Ang kanyang mga kinikilos sa harapan niya ay tila ba kilos ng taong nagmamalasakit sa kanya. Taong nais na mapabuti ang kanyang kalagayan. Ngunit alam niyang isang kasidhian ang ninanais ng prinsipe.
Tawag ng damdamin o tawag ng laman. Hindi niya matukoy kung alin sa dalawa. Ang alam niya lamang ay nahihirapan na siya sa kanyang kalagayan. At tila ba tinotoo ng prinsipe ang mga salitang binitiwan nito. Ang mahirapan siya at muling lumuhod sa harapan nito at magmakaawa.
Hindi siya magpaligoy ligoy pa. Alam niyang isang biglaang desisyon ang gagawin niya ngunit ang buhay niya at ng kanyang pamilya ang nakasalalay dito. Alam niyang hindi lang doon titigil ang prinsipe. Natatakot siya sa maari pang mangyari. At kailangan niya ng salapi. Kailangan niya ng gamot para sa may sakit na kapatid. At wala na siyang ibang maisip kundi humarap sa prinsipe at muli itong makausap.
Nais niyang paglingkuran ito kung ito man ang kapalit ng matiwasay na kalagayan ng kanyang pamilya.
———––
Nasa bungad ng tarangkahan ng palasyo si Persius. Dala ang kanyang mga nilukot na damit. Nagpaalam siya sa kanyang ina na susubok sa pagsusulit bilang isang kawal ngayong dumating na ang takdang panahon upang gawin niya ito.
“Anak.. Huwag mong pilitin kung hindi mo man malampasan ang pagsusulit. Ang mahalaga ay ligtas kang babalik dito at walang masamang mangyari sa’yo. Malaking takot na ang dulot sakin nang dakpin ka ng Kapitan dito sa ating pamamahay.. Ayaw kong may mangyari pang mas nakakahindik roon.” bilin sa kanya ng kanyang ina bago siya lumisan sa kanilang tahanan.
Ang malaking tarangkahan ng palasyo ay biglang nagbukas at maraming binata ang nagsipasukan dahil ang mga ito ay kasabayan niyang sumubok sa pagsusulit bilang isang kawal.
“Isang linya lamang! Ang inyong mga kabayo ay kailangan niyong ibigay sa mga kawal upang ito ay itali sa mga kwadra! Ang inyong mga hawak na sandata ay kailangang masuri ng mga tagapamahala ng pagsusulit upang siguruhing ito ay ligtas! Nauunawaan ba ng lahat?” hiyaw ng kapitan na nakatalaga sa mga bagong binatang susubok na maging kawal.
Sumunod si Persius sa mga patakaran at matamang luminya sa kumpulan ng mga binata. Iba’t ibang klase ng antas ang narito maliban lang sa mga maharlika na sinasanay na ng kanilang sariling pamilya at pinapadala sa malalayong lugar upang mag-aral at maging bihasa sa aspetong nais nilang gawin sa buhay nila.
Ngunit para sa kanyang maralita at nakaaangat lamang ng bahagya ay kailangan nilang sumubok na maging kawal dahil ito ay isang tungkulin na magbibigay ng kasiguraduhan ng maginhawang buhay para sa pamilya.
Nang marating ni Persius ang mesa kung saan nakaupo ang dalawang nakaunipormeng kalalakihan ay agad nilang kinuha sa kanya ang pana at mga palaso niya.
“Ano ang iyong pangalan?” tanong ng isa sa mga kalalakihan. Ang mas matanda at mukhang isa nang opisyal ng hukbong sandatahan ng palasyo.
“Persius ng Kapatang Homeres.” saad ng binata sa kanyang pangalan at matamang inilista ito ng tagapamahala sa isang mahabang papel.
“Ano ang iyong kakayahan?” tanong muli ng tagapamahala sa kanya.
“Isa po akong mangangaso at marunong po akong humawak ng espada.” walang pagaalinlangang tugon ni Persius.
“Ano ang nais mong hawakang sandata? Pana o Espada?” tanong pang muli ng tagapamahala na nagigiliw sa angking kakisigan at tapang ng binatang kaharap. Ramdam niya na magiging isa itong magaling na kasapi ng hukbo.
“Kaya ko pong gawin ang dalawa, Ginoo. Kaya hindi po ako mamimili sa nais kong hawakang sandata.” kompiyansang sagot ni Persius na kinatuwa naman ng tagapamahala.
“Kung gayon ay ito ang iyong tanda..” sabay abot sa kanya ng isang maliit na piraso ng kahoy na inukitan ng sagisag ng Thesalus.
“Maari ka nang magtungo sa silid tanggapan ng Hukbong Sandatahan at ng masuri ang iyong pangangatawan ng doktor. Matapos mo iyong gawin ay tutungo ka sa lugar ng pagsasanay ng palasyo upang tuluyan mong tanggapin ang pagsusulit. Nauunawaan mo ba ang lahat?”
“Opo, Ginoo. Nauunawaan ko po lahat.” sagot niya ng deritso at iginiya naman siya ng tagapamahala na sumunod lamang sa mga kawal na maghahatid sa kanyang sa silid tanggapan ng hukbong sandatahan.
Hindi mapigilan ni Persius na mabuhayan ng loob dahil mukhang maganda ang pagtingin sa kanya ng tagapamahala. At gagawin niya ang lahat upang maipasa ang lahat ng pagsusulit na igagawad sa kanya upang gana na maging kawal ng palasyo.
––––––––––
Habang naglalakad sa lugar ng pagsasanay ang prinsipe ay hindi niya mapigilang mag-usisa kung bakit napakaraming bagong mukha ang kanyang nakikita sa lugar ng pageensayo ng mga kawal.
“Ginoong Martell, ano ang nangyayari at tila bagang napakaraming binata ang narito ngayon? May malawakang kakulangan ba sa ating hukbo?”
Tumango ang punong tagapaglingkod sa kanyang prinsipe at matamang sumagot sa katanungan nito.
“Kamahalan, ito po ay paghahanda lamang sa napipintong pag-aaklas ng karating kaharian natin. Kapag sumiklab po ang kaguluhan ay handa ang Thesalus upang mapangalagaan ng mga kawal at sundalo ang ating kaharian.”
Tinanggap naman ni Prinsipe Brandon ang paliwanag ng matandang tagapaglingkod niya ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi niya na napigilang mapatigil sa kanyang kinatatayuan nang may lumabas mula sa tanggapan ng hukbong sandatahan na binata.
Hindi niya mapigilan ang sariling tingnan ito ng maiigi dahil baka nagkakamali lamang siya. At hindi siya namamalikmata. Si Persius nga ang kanyang nakikitang naglalakad patungo sa kumpol ng mga binatang sasabak sa pagsusulit ng pagiging kawal.
“Per-Persius..” naiusal ni Prinsipe Brandon at hindi manlang siya nito napansin kaya’t ganoon nalang ang kanyang pagkainis dahil hindi manlang siya nito binigyan ng pansin.
Alam niyang darating din ang panahong ito. Nagkita na silang muli at alam niyang nandito ito sa palasyo upang sumubok na maging kawal kagaya ng sinabi nito sa kanya.
“Kamahalan.. Ano po ang inyong ginagawa dito? Hindi po kayo dapat nandito sa lugar ng pagsasanay. Mapanganib po para sa inyo ang mga mangyayari dito.” salubong sa kanya ni Heneral Cornelius. Ang punong Heneral ng hukbong sandatahan ng Thesalus.
“Heneral.. Nais kong manood ng kanilang pagsasanay. At kung maaari, ibigay niyo sa akin ang pagkakataon na hamunin ang lalaking iyon.” sambit ng prinsipe at sabay itinuro ang walang malay parin na si Persius.
“Ngunit bakit, kamahalan? Hindi niyo po kailangang gawin ang bagay na iyon dahil mga eksperto sa sandata ang magbibigay sa kanila ng pagsusulit.”
“Heneral.. Nakakalimutan mo na ata kung paano kita tinalo sa espada noong ako’y labinlamang taong gulang pa lamang? Siguro ay sapat nang pruweba iyon upang ibigay mo sa akin ang pagkakataon na sulitin ang kakayahan ng binatang iyon.”
Naalala ni Ginoong Martell ang mukha ng binata. At ito nga ang pumasok sa loob ng silid ni Prinsipe Brandon. Alam niyang mayroong kakaibang pagtingin ang prinsipe sa binatang iyon ngunit hindi niya maipaliwanag kung ano iyon. Bakit ganoon nalang ang pagkawili nito sa binatang iyon? Hindi kaya tama ang natutunugan niya sa kanyang isipan? May pagnanasa rin sa kalalakihan ang kanyang prinsipeng inalagaan simula pa ng sanggol ito?
Ngunit hindi iyon maaaring mangyari? Alam niyang kahit kailan ay hindi nagkaroon ng pagdududa sa isip niyang babae ang gusto ng binatang prinsipe. Ngunit ang binatang itinuturo nito ay may angking kakisigan at malumanay na ugali na nagpapaangat sa kanya sa karamihan. Kaya hindi malabong magkaroon ng paghanga dito maging ang isang lalaki.
“Kung gayon ay pahihintulutan ko kayo kamahalan. Wala akong nakikitang mali sa inyong ninanais. At gusto ko lamang na ingatan ninyo ang inyong sarili habang ginaganap ang pagsusulit.” pagsang-ayon ng heneral na ikinatuwa naman ng prinsipe.
Sisiguruhin niyang hindi makakapasa bilang isang kawal si Persius. At sa halip ay mas pipiliin na lamang nito na paglingkuran siya at isang napakagandang bagay ito para sa prinsipe. Bagay na matagal na niyang inaasam. Bagay na hindi mapawi pawi sa puso niya.
Siguro nga ay ganoon kahalaga sa kanya ang mapalapit kay Persius. Dahil may nakikita siya dito na hindi niya makita sa iba. May tinatago ito na gusto niyang malaman. Alam niyang may dahilan kung bakit ganoon kasidhi ang nararamdaman niya para sa binata.
“Magsimula na!” sigaw ng tagapamahala sa pagsusulit at agad na tumayo sa kanilang nakatalagang pwesto ang mga binatang susubok sa pagsusulit.
———————–
“Persius ng Kapatagang Homeres!” tawag ng tagapamahala sa pangalan niya at agad naman siyang lumapit sa harapan nito.
“Hubarin mo na ang iyong pang-itaas at magbigay pugay!” at sinunod niya naman ang utos ng tagapamahala.
Lumantad ang kahubdan niya sa mga binatang naroon at namangha ang lahat sa napakagandang katawan ni Persius na tila ba nililok ito ng kalangitan. Napahanga din maging ang prinsipe na mataman lang siyang pinagmamasdan sa malayo. Hindi niya mapigilang muling panginitan ng katawan.
Nais niyang mahawakan ang kahubdan ni Persius. Nais niya itong ilapat sa sarili niyang katawan na maipagmamalaki din niya.
“Sandali lamang, punong tagapamahala. May nais na magbigay ng pagsusulit sa binatang nasa iyong harapan.” pagpigil ni Heneral Cornelius sa nagsisimula nang pagsusulit para kay Persius.
“Heneral? Ano po ang ibig ninyong sabihin?” saad ng punong tagapamahala at nabigla siya nang lumabas mula sa likuran ng heneral ang walang pangitaas din na si Prinsipe Brandon.
Napayuko agad siya ng kanyang ulo maging ang lahat ng nandoon na sa lugar ng pagsasanay.
“Kamahalan! Ano po ang inyong ginagawa rito?” nakayuko parin ang tagapamahala habang nakatitig lang si Prinsipe Brandon sa nakayukong si Persius na hindi kalayuan sa kanya.
“Nais kong ako ang magbigay ng pagsusulit sa isang ’yan, Ginoong Dynus.”
Hindi naman nakapagsalita pa ang tagapamahala dahil agad na lumapit si Prinsipe Brandon kay Persius at inangat nito ang mukha niya.
Ang pagtama ng kanilang mga tingin ay tila ba nagpatigil ng mundo ng dalawang binata. Para silang sinilaban ng apoy dahil sa bugso ng damdamin na nararamdaman nila sa isa’t-isa ngunit pilit itong pinaglalabanan ni Persius.
Hindi niya inaakalang sa ganitong pagkakataon pa talaga sila maghaharap muli ng prinsipe. At alam niyang pahihirapan siya nito sa kanyang pagsusulit upang masigurong hindi siya makakapasa. At hindi siya papayag.
Ito ang pagkakataon na ipapakita niya sa prinsipe ang kakayahan niya. At kahit ano man ang nararamdaman niya, isasantabi niya ito para sa ikakaayos ng buhay niya at ng kanyang pamilya.
“Nakahanda ka na ba? Persius?” tanong pa ng prinsipe na tila ba hinahamon ang binata at mataman lang siyang sumagot sa prinsipe.
“Ang buhay ko ay sa inyo, kamahalan. Isa pong karangalan na ako ay inyong bigyan ng ganitong pagkakataon.”
Natuwa si Prinsipe Brandon sa kanyang narinig mula sa binata. Kailangan niyang lang matalo ito sa espada at babagsak na ito sa kanyang mga kamay.
“Nakahanda na ba ang dalawang magtutungali?” tanong ng tagapamahala sa dalawang binatang magkaharap ngayon sa malawak na sanayan.
“Nakahanda na!” sabay na saad ng prinsipe at ng binata at itinaas nila ang mga hawak na espada.
At isang iglap lang ay nagsasayaw na ang dalawa habang pilit na ginagapi ang katunggali sa hawak nilang espada. Kapwa ay magaling sa pagsugod at pag-ilag. Bawat bitaw nila ng kanilang hampas ay kinapapanabikan ng lahat.
Hindi maiwasan ni Prinsipe Brandon na hangaan ang galing ni Persius sa paghawak ng espada. Kung gaano ito kaliksi at kabilis sa kanyang mga kilos. Maging ang pinakamaliit na hibla ng buhok niya ay kaya nitong putulin dahil sa galing nitong humawak ng espada.
Tila minaliit niya ang kakayanan ng binata na siyang naghatid sa kanya sa kanyang pagkatalo.
Pawisang bumagsak ang prinsipe sa lupa at nakapatong sa leeg niya ang talim ng espada na kinagulat ng mga naroon.
“Mahal na prinsipe!” sigaw ni Ginoong Martell dahil sa pagkabigla ngunit pinigilan siya ni Prinsipe Brandon.
“Hindi ko inaakala na mas magaling ka pa palang humawak ng espada kesa sakin.. Hindi ko inakalang matatalo ako ng isang binatang mangangaso sa isang tunggalian ng espada.” nakangiting saad ng prinsipe sa binatang pawisan din at hindi inaasahan na magiging ganito ang takbo ng pangyayari.
Inabot ni Persius ang kamay niya sa prinsipe ngunit tinabig lang ito ng prinsipe.
“Hindi kailanman humihingi ng tulong ang isang hari sa bawat pagkatalo niya sa isang paligsahan ng espada.”
Nang makatayo ang prinsipe ay tinitigan niya ng mabuti ang binata. Alam niyang mas lalo siyang humanga dito ay mas lalo lamang nitong pinabibigat ang kalooban niya.
“Itinatalaga kita bilang punong kawal ng prinsipe, Persius ng Kapatagang Homeres.” sambit ng prinsipe na kinagulat ng lahat maging ng Heneral at ng punong tagapamahala.
“Inaasahan ko ang iyong serbisyo para sa kaharian at para sa iyong prinsipe ay taos sa iyong puso at hanggang sa iyong kamatayan ay iyong dadalhin.” paghirang pa ni Prinsipe Brandon sa binata.
Sa bandang huli, nakuha parin ng prinsipe ang nais niyang mangyari. At wala nang kawala si Persius sa kanya.
Makahulugang ngiti ang binitawan ng prinsipe sa tulala paring binata at inawan na ang lahat sa lugar na iyon.
Itutuloy…
Tungkulin
“Bilang hinirang na punong kawal ng mahal na prinsipe ay iyong tungkulin na manguna sa lahat ng mga kawal na nakatalaga para sa kanya. Higit pa doon, ikaw ay magiging katuwang ng Kapitan Draco at ni Ginoong Martell saan man magtungo ang prinsipe. Ang kaligtasan niya ay nasa kamay ko at kapalit noon ang buhay mo. Nauunawaan mo ba ang nais kong ipahiwatig, Persius?” pagpapaliwanag ni Ginoong Dyrus kay Persius sa kanyang tungkulin bilang hinirang na punong kawal ng prinsipe.
Hanggang ngayon ay nandoon parin ang kanyang pagkabahala. Hindi niya inaakala na sinadya talaga ng tadhanang pagtagpuin silang muli ng prinsipe at makaharap pa niya ito sa isang tunggalian. Ngunit ito naman ang nais niyang maganap. Ang makitang muli ang prinsipe at muli itong kausapin. Ngunit hindi niya lang lubos na maisip na sa ganitong pagkakataon sila muling magkakaharap.
At isa pa, binigyan siya kaagad nito ng isang mataas na posisyon sa hanay ng hukbong sandatahan ng palasyo. Isang posisyong nanaisin ng kahit na sinumang mas nauna sa kanya.
Ibinigay ni Ginoong Dyrus kay Persius ang kanyang uniporme bilang punong kawal at binigyan siya ng isang piras ng kahoy na napapalamutian ng ginto at perlas at sa gitna nito ay ang sagisag ng Thesalus.
“Ito ay iyong patunay na ikaw ang punong kawal ng mahal n prinsipe. Ito ang iyong dadalhin sa bawat pagulat mo dito sa tanggapan at kung nais mong lumabas ng palasyo para sa araw ng iyong pamamahinga. At tandaan mo, Persius. Ang prinsipe ay isang napakahalagang tao ng ating kaharian. Siya ang susunod nating hari. At anumang ikakapahamak niya ay iyong pananagutan.”
Tumango ang binata sa harapan ng ginoo at sumagot siya ng buong puso.
“Nauunawaan ko po ang aking tungkulin sa kanyang kamahalan, Ginoong Dyrus. Buong puso ko pong isasaalang-alang ang kanyang kapakanan.”
“Kung gayon ay naghihintay na sa iyo sa labas si Ginoong Martell, siya ang punong tagapaglingkod ng prinsipe. Siya ang maghahatid sa’yo sa kinaroroonan ng mahal na prinsipe.” saad pa ng ginoo at agad naman siyang lumisan sa tanggapan dala ang kanyang uniporme at ang kanyang pananda.
Tila ba hindi parin siya makapaniwalang nangyayari ang lahat ng ito sa kanya. Mahal niya ang kanyang pamilya at gagawin niya ang lahat para sa kanila. At ngayong nandito na siya sa loob ng palasyo at maninilbihan siya sa prinsipe, tiyak na ang magandang kinabukasan nila.
Ngunit hindi niya nasisiguro ang kalagayan niya. Kung ano ang sasapitin niya sa kamay ng prinsipe. Ang prinsipeng lihim niya naring tinatangi.
Nakatayo ang matandang tagapaglingkod sa labas ng tanggapan kasama ang ilang tagapagsilbi ng prinsipe. Hinihintay niya ang bagong punong kawal at marami siyang katanungan sa binatang iyon. Bakit ganun nalang kabilis na nakuha nito ang loob ng prinsipe? Ano ang mayroon dito at ganoon nalang kasidhi at kainteresado ang binatang prinsipe na makita ito at makaharap.
Namasdan niya ang paglabas nito mula sa tanggapan at agad siyang naglakad patungo sa linalakaran nitong lilim at sinalubong siya nitong nakatungo ang ulo tanda ng paggalang sa kanya.
“Sumunod ka sakin.. Naghihintay na sa atin ang mahal na prinsipe.” saad ni Ginoong Martell sa binata at sinundan naman ni Persius ang matandang nauna nang maglakad sa kanya.
Tinahak nila ang napakalawak na hardin at patungo sa isang bahagi ng palasyo na hindi parin niya mapaniwalang natatanaw niya ngayon. Ang napakatayog na mga tore. Ang magagarang palamuti sa mga bintana nito. Ang napakagandang arkitektura nito na natatangi sa lahat. Ganoon siya namangha sa kalakiha ng palasyo. At tiyak na ang libutin ang kabuuan nito sa buong araw ay hindi sasapat.
Tinahak nila ang isang daan na may lihim na tarangkahang nababalot ng mga baging at halamang mababango ang halimuyak na ilinalabas. At pumasok sila sa tarangkahang iyon. Nasa gitna ng malawak na patag ang isang gazebo at hindi kalayuan dito ay ang isang maliit na lawa na may mga gansang malayang lumalangoy. Naglakad lang sila hanggang marating nila ang kinaroroonan ng binatang prinsipe na nakaupo lamang sa metal na bangko. Tinatanaw nito ang mga gansang nagsisilangoy sa lawa.
“Kamahalan.. Nandito na po ang punong kawal.” paghayag ni Ginoong Martell sa kanilang pagdating. At napatayo ang prinsipe dahil sa kasiyahang nararamdaman niya.
Muli niyang nasilayan ang mukha ni Persius at hindi niya napigilang lapitan ito at ilahad ang kanyang kamay.
“Binabati kita sa iyong pagkakaluklok, Persius. Karapatdapat kang maging punong kawal. At hindi pa ako nagkamali ng aking paghuhusga.” nakangiting saad ng prinsipe na kinatungo lang ni Persius ng kanyang ulo dahil hindi niya mapigilan na makaramdam ng kuryente sa paghawak ni prinsipe sa kanyang kamay. At ang ngiti nito na totoo sa kanyang paningin.
“Akin pong gagampanan ng mabuti at buong puso ang katungkulang nakaatang sa aking mga balikat, kamahalan. Makakaasa po kayo sa aking katapatan sa inyo.” tangi niyang nasabi na nagpasaya naman sa puso ng prinsipe.
“Ginoong Martell, maari niyo ba kaming iwanan saglit ng punong kawal. Mayroon lamang kaming pag-uusapan.” utos ni Prinsipe Brandon na malumanay ang tinig.
Tila nanibagong muli ang matanda sa kinikilos ng kanyang prinsipe. Mukhang tama ang kanyang sapantaha. Ang binatang ito ang dahilan sa pabago bagong emosyon ng prinsipe.
“Masusunod po, kamahalan.” tanging naitugon ng tagapaglingkod at pinasunod sa kanya ang mga tagapagsilbi at naiwan naman ang dalawang binata sa gazebo.
Nang mapag-isa na sila ay hindi napigilan ng prinsipe na ikulong sa kanyang bisig ang kanyang punong kawal. Nabigla si Persius sa ginawa ng prinsipe at nabitawan niya ang hawak na uniporme.
“Sobra akong nangulila sa’yo, Persius. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa’yo. Hindi ko inaakala na magiging ganito katindi ang pangangailangan ko sa iyo.”
“Kamahalan.. Hindi maari ang nangyayaring ito.”
Muling nabuo ang pagkayamot at pagkainis ni Prinsipe Brandon sa sinaad sa kanya ng binata.
“Ano pa bang dapat kong gawin, Persius? Alam mo bang nagpakababa na ako para lang mapansin mo? Para makuha ko lang ang atensiyon mo? Ganoon ba kahirap sa iyo na isuko sa akin ang damdamin mo?” hindi maiwasang masaktan ng prinsipe sa inaasta ng binata sa kanya.
“Dahil kahit saan nating tingnan ang bagay na ito.. Mali ang lahat. Mali sa mata ng mga tao. Mali sa paniniwala ng lipunan ang kahit na anong bagay na namamagitan sa parehas ang kasarian.” may diing saad ni Persius sa binatang prinsipe na hindi napigilang ikuyom ang kanyang mga kamao at hinampas ng malakas ang mesa na nasa gitna ng gazebo.
“Sabihin mo sa akin, Persius.. Wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin? Dahil sa nakikita ko, alam kong nararamdaman mo rin ang nararamdaman ko. Kaya bakit mo pinipigilan ang sarili mo?”
“Dahil iyon ang tamang gawin, kamahalan. Aaminin ko, hinahanap kita. May kung ano sa loob ko na nais kang makita parati. Ang mahawakan ka at mailapat kong muli ang aking labi sa iyong labi. Ngunit mali lahat ng iyon. Isang kapalaluan. Isang paglapastangan sa marangal niyong pangalan.” mabilis na sagot ni Persius ngunit hindi na siya nakapagpatuloy pa dahil muling kinulong ng prinsipe ang mukha niya sa mga kamay nito.
At mabilis siya nitong siniil ng halik na naghatid sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Ang pagkakuryente at ang panginginig ng katawan niya habang magkalapat ang mga labi nila ay sadyang nakakawala ng tamang wisyo.
Hindi na niya napigilan ang sarili pa at tumugon siya sa halik ng prinsipe na ngayon ay mas lalong sumisidhi. Sumasabay sa halikan nila ang paglalakbay ng kamay nito sa loob ng kanyang damit pang itaas at hinahaplos nito ang bawat bahagi ng kanyang katawan na nagbibigay sa kanya ng tumitinding init. Hindi niya inaakala na magiging ganito kasarap sa pakiramdam ang nangyayari sa kanila ng prinsipe.
Tumigil ang prinsipe sa kanyang ginagawa at kapwa sila hingal na naghiwalay. Kita sa mata ng prinsipe ang uhaw na hindi mapatid. Ang pangangailangan niyang mas lalong tumitindi ngayong natugunan na ni Persius ang kanyang damdamin. Alam na niyang may nararamdaman din ito para sa kanya kaya puno ng kasiyahan ang kanyang puso.
“Totoo nga ang hinuha ko. May pagtangi karin para sa akin. Kaya hindi mo na kailangan pang matakot. Dahil lahat ng ito ay sa atin lamang dalawa. Hinding hindi ito malalaman ng kahit na sino. Ikaw lang at ako ang makakalam ng ating pagtitinginan.”
Hindi naman nakapagsalita kaagad si Persius. Naninimbang siya sa kung ano ba ang dapat niyang sabihin sa prinsipe.
“Kamahalan.. Hindi ko maaring tanggapin ang pagmamahal niyo. Hindi ako karapatdapat. At ang pag-amin ko ng aking nararamdaman ay siya lamang aking nasambit dahil ayokong ilihim iyon sa inyo.”
“At sino naman ang nagsabi na hindi ka karapatdapat sa pagmamahal ko? Ngayon pa lamang ay pinuno mo na ng kasiyahan ang aking puso. Kaya hindi mo maaring sabihin na hindi ka karapatdapat sa aking pag-ibig dahil wala itong katotohanan.”
Kinuha ng prinsipe ang kamay ng binata at pinisil ito ng marahan at ngumiti dito.
“Tayo lamang ang makakaalam nito. Ang pagmamahalan natin ay sa ating lamang. Nauunawaan mo ba ako, Persius?”
Masaya siya sa totoo lamang. Masaya siyang nailahad na niya ang nararamdaman niya para sa prinsipe. Ngunit ang takot at pangamba niya ay hindi parin nawawala. Kahit ilihim nila ito ngayon ng prinsipe, lalabas din ito balang araw. At ano nalang ang mangyayari sa kaniya? Sa prinsipe?
Muli siyang siniil ng halik ni Prinsipe Brandon at nagtagal pa silang magkasama sa gazebo at pinagmasdan ang papalubog na araw. Ngayon na magsisimula ang masasayang sandali ng prinsipe kapiling ang lalaking kanyang tinatangi.
—————––
“Ano ang nalalaman mo tungkol sa binatang iyon? Sabihin mo sa akin, Ginoong Martell!” malakas na hiyaw ng hari sa tagapaglingkod ng prinsipe.
“Kamahalan.. Hindi po ako nakakasiguro. Ngunit ang napapansin ko lamang ay may kung anong espesyal na pagtingin si Prinsipe Brandon sa binatang iyon na sa tingin ko ay hindi lang pagkawili.” sumbong ng tagapaglingkod sa kanyang hari.
“Ano ba ang nais mong ipahiwatig? Na may pagtingin sa kapwa niya lalaki si Prinsipe Brandon?” sigaw ng hari na ngayon ay nagsisimula nang magduda sa kakayahan ng kanyang anak na pamunuan ang kaharian.
“Hindi ko pa ito napapatunayan, kamahalan. Maaring nagkakamali lamang ako sa aking mga sapantaha. Nais ko lamag ipagbigay alam sa inyo ang aking nakikita.”
Umiling ang hari na nasa kanyang silid at namamahinga na mula sa maghapong pagpupulong nila sa nalalapit na kaguluhang sisiklab sa kaharian ng Corinthia.
“Sana nga ay mali ang iyong inaakala dahil isang kaguluhan sa ating kaharian ang mga lalabas na usapin tungkol sa kanya. Kaya nais kong madaliin na natin ang kasal ng prinsipe kay Prinsesa Sanya. Nais kong mapanatag ang kalooban ko at ng aking konseho.”
Tumango lamang ang tagapaglingkod. Nauunawaan niya ang hari. Alam niyang kapag ang prinsipe ay napagkamalang nakikipagmabutihan sa kapwa niya lalaki ay isang kahindik hindik na pagkamuhi ang matatanggap nito sa mga mamamayan.
Nagpaalam na ang tagapaglingkod at agad na nagtungo sa silid ng prinsipe. Naabutan niya ang prinsipe sa mesa nito habang nagbabasa ng kanyang aklat at masaya ang pinapakita nitong damdamin.
“Kamahalan.. Tila ikaw ay masaya ngayong gabi? Dahil ba ito sa nalalapit na kasal ninyo ni Prinsesa Sanya.” saad ng tagapaglingkod. Sinadya niyang itanong ito upang makita niya ang reaksiyon ng prinsipe. At nagbago nga ang mukha nito mula sa pagiging masaya at nalukot ang noo nito.
“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo, Ginoong Martell? Ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa kasal at sa prinsesa. Wala siyang kinalaman sa kasiyahang nararamdaman ko.”
Napatiim bagang ang tagapaglingkod sa sagot na nakuha niya mula sa prinsipe. Ngayon na niya napatunayan na mayroon ngang kakaibang nangyayari sa prinsipe.
“Kung gayon, masaya ako at ika’y nasisiyahan sa mga ganitong pagkakataon. Nawa ay ang inyong kasiyahan ay isang dahilan upang mapabuti ang kaharian. Kayo po ang nakatakdang maging hari. At ang inyong tungkulin ay ang maging ama ng inyong kaharian. Hindi makakabuti sa inyo ang mga bagay na magpapasira dito.”
Tumingin sa kanya ang prinsipe na tila ba natutunugan na ang nais niyang ipahiwatig.
“Hindi niyo ako kailangang paulit-ulit na pangaralan tungkol sa aking pagiging hari sa hinaharap dahil alam ko kung anong pamumuno ang gagawin ko sakaling ako na ang maupo bilang hari. Ang aking kasiyahan at ang ikakabuti ng kaharian ang aking isasalalang-alang. At walang sinuman ang maaring kumuha nun sa akin.”
Tiniklop ng prinsipe ang kanyang aklat na binabasa ang nagtungo na sa kama nito upang tuluyan nang matulog. Naiwan ang tagapaglingkod na minamasdan ang binatang minahal na niya at tinuring bilang anak niya.
Ayaw niya itong pamahamak at gagawin niya ang lahat upang mailayo ito sa kahit na anong kapahamakan.
Kahit pa ang kunin niya dito ang kaligayahang alam niyang hindi makakabuti para dito.
Agad niyang nilisan ang silid at nagtungo na sa kanyang sariling silid at patuloy na inisip kung ano ang mga hakbang na gagawin niya para sa prinsipe at sa punong kawal.
Malakas ang hinala niyang may namamagitan sa dalawang binata.
Itutuloy…
Pagmamahal
Mula sa kanyang kinatatayuan ay masayang pinagmamasdan ni Persius ang prinsipe. Nakasakay ito sa kanyang kabayo habang nakikipaglaro ng polo sa kanyang mga kawal. Hindi mapatid ang tawanan ng prinsipe at ng mga kawal.
“Huwag niyo akong dadayain. Malapit na akong manalo!” masayang usal ng prinsipe sa mga kawal na kanyang kalaro.
Hindi nga naglaon ay natalo ng prinsipe ang mga kawal at nagpalakpakan ang mga tagapagsilbi niya maging si Persius ay tuwang tuwa sa magaling na pinakita ng kanyang prinsipe.
Nagkatinginan pa silang dalawa at isang maluwag na ngiti ang binigay ng prinsipe sa kanyang minamahal na punong kawal.
Bumaba siya sa kabayong sinasakyan at mabilis na nilakad ang kinatatayuan ni Persius. Ang ibang kawal naman ay nagsibaba narin sa kanilang mga kabayo upang muling bumalik sa kanilang mga posisyon.
“Nakita mo ba ang aking ginawa doon, Persius? Hindi ba’t napakagaling ko maglaro ng polo?” masayang sambit ng prinsipe na masayang tinanguan ng punong kawal.
“Tunay ang iyong kagalingan, kamahalan. Hindi ko lubos maisip na ganoon ka kagaling maglaro ng polo. Ipagpaumanhin ninyo dahil ngayon ko palang din namasdan ang larong ito.”
“Sa susunod ay kasali ka na sa paglalaro nito. At kapag nanalo ka laban sakin, isang magandang gantimpala ang ibibigay ko sa’yo.” sabay kindat ng prinsipe na kinapula ng punong kawal sabay kamot sa kanyang ulo.
“Tara na at may pupuntahan tayong pagpupulong.” utos pa ng prinsipe at naglakad na sila sa palaruan ng palasyo.
Hindi mapatid ang sayang nadarama ng prinsipe na ngayon ay parati na niyang kasama ang binatang palaging hinahanap ng kanyang puso. Isang napakasayang pangyayari sa buhay niya.
Nang sila ay nasa silid na ng prinsipe ay naabutan nila ang punong tagapaglingkod na pinahahanda ang pampaligo ng prinsipe.
“Prinsipe Brandon, handa na po ang inyong pampaligo. At naghihintay narin silang lahat sa inyo sa bulwagan upang pag-usapan ang mga gagawin para sa nalalapit niyong kasal kay Prinsesa Sanya.”
Napatigil ang punong kawal sa kanyang paghinga nang marinig niya ang sinambit ng punong tagapaglingkod. Ikakasal na ang prinsipe?
Maging ang prinsipe ay hindi inaasahan ang sinabi ng punong tagapaglingkod at sa haparan niya pa at ng lalaking kanyang iniibig.
“Ginoong Martell? Hindi ba’t akin nang pinahayag sa aking ama na hindi ko na nais pang maikasal kay Prinsesa Sanya? Hindi niya parin ba pinakinggang ang kahilingan ko?” magkahalong inis at galit na saad ni Prinsipe Brandon sa kanyang tagapagligkod.
“Ngunit ito ang nakatakdang mangyari.. Ipinagkasundo ka na sa mahal na prinsesa at iyon ang nararapat na mangyari.”
“Hindi.. Hindi ko tatanggapin ang kahit na anong dahilan nila. Hindi ako magpapakasal kay Prinsesa Sanya.”
Lihim naman na nasasaktan ang punong kawal mula sa kanyang mga narinig. Hindi niya inakala na darating pala ang panahon na ito na kailangang gampanan ng prinsipe ang kanyang tungkulin bilang hari ng Thesalus pagdating ng panahon. At kabilang na doon ay ang pagpapakasal nito sa hihiranging reyna.
“Kamahalan.. Isang malaking kaguluhan ang inyong sisimulan kapag nagpatuloy kayo sa ganitong asal ninyo. Kailangan niyong tuparin ang napagkasunduan ni Haring Bernard at ni Haring Thormus.”
Napakuyom ang kamao ng prinsipe at lihim na nagagalit. Kung kailan nagsisimula na siyang maging masayang muli, patuloy naman siyang binibigyan ng pagsubok ng tadhana. At hindi niya pa alam kung anong mararamdaman ni Persius sa kanyang mga nalaman.
“Ginoong Martell, iwan mo muna kami ng punong kawal. May nais lang akong sabihin sa kanya. Mauna ka na sa bulwagan.”
Tumango ang matandang tagapaglingkod at sumunod naman sa kautusan ng prinsipe. Nilisan niya ang silid at naiwan si Persius at ang binatang prinsipe.
“Persius.. Hindi ko gustong makasal sa kanya. Sana paniwalaan mo na ikaw ang minamahal ko. Alam mong sa iyo ang puso ko.”
“Kamahalan.. Inaasahan ko na po na mangyayari ito. At wala po akong karapatan na makialam sa mga dapat niyong gawin bilang isang prinsipe at nakatakdang maging hari pagdating ng panahon.”
Alam ni Persius na kasinungalingan ang lahat ng kanyang sinaad sa prinsipe. Nasasaktan siya dahil minamahal na rin niya ang prinsipe at nais niyang manatili sa tabi nito hangga’t nandoon ang pagmamahal nito para sa kanya.
Ang isipin na maikakasal ito sa isang prinsesa ay mas lalong nagpaliit ng kanyang pagtingin sa kanyang sarili. Bakit kailangan pang maging ganito kakomplikado ang lahat ng bagay?
Hindi napigilan ni Persius na gagapin ang mukha ng prinsipe at siilin niya ito ng masuyong halik. Halik na may halong takot at pangamba na baka mawala sa kanya ang prinsipe. Mahal niya ito at gusto niyang ipaglaban ang pagmamahal niya para dito. Ngunit wala siyang sapat na kapangyarihan upang gawin iyon.
Mas lumalim pa ang halikan nila na nauwi sa kanilang pagpapaligaya sa isa’t-isa. Bagay na ginawa na nila ngunit hindi nakakasawa. Ang kanilang maselang bahagi ng katawan ay walang saplot habang nasisinagan ng araw. Ang habol nilang hininga nang pareho silang makaraos sa ligayang pinaranas nila sa isa’t-isa. “Ayokong mawala ka sakin, Brandon..” bulong ni Persius sa nakaidlip na prinsipe at muli niyang hinaplos ang napakaamong mukha nito.
–––––––––––
Nasa bulwagan ang lahat ng miyembro ng konseho, ang hari at reyna maging lahat ng opisyal ng palasyo upang pag-usapan ang gaganaping kasal ni Prinsipe Brandon at Prinsesa Sanya.
Kaharap ni Ginoong Martell ang tagapagalaga ng prinsesa na si Madam Jovana. May katandaan narin ang ginang ngunit kakikitaan parin ng sopistikasyon at alaga ang kanyang sarili.
“Nasaan na ang prinsipe? Bakit tila napakatagal naman ng kanyang paghahanda?” yamot na saad ng matandang ginang na hindi naman tinugon ng tagapaglingkod ng prinsipe.
“Narito na ang Prinsipe!” anunsyo ng punong kawal na katabi ng prinsipe habang papasok sila sa bulwagan.
“Ipagpaumanhin niyo ang aking pagkahuli. Magsimula na tayo sa ating usapin.”
At agad nang sinundo ni Madam Jovana ang prinsesa sa kanyang silid.
Mataman na tinititigan nito ang kanyang wangis sa harapan ng salamin. Napakaganda niya sa kanyang kasuotan na kulay lila. At ang kolorete niya sa mukha ay tamang tama lamang na nagpapatingkad sa kanyang kagandahan. Ang mga palamuti niya sa kanyang buhok ay piling pili upang mas lalong mapahanga niya ang lahat sa kanyang sopistikasyon.
“Prinsesa, nasa bulwagan na po ang mahal na prinsipe.” malumanay na bungan ng ginang sa kanyang pinaglilingkurang prinsesa.
“Nakahanda na ako, Madam Jovana. Tayo na sa bulwagan.” nakangiting saad ng prinsesa at agad nang naglakad palabas ng silid na kanyang tinutuluyan sa palasyo.
Nasa likod niya ang tagapaglingkod at mga tagapagsilbi niyang pinili pa niya mula sa Olympia.
Napatigil naman ang lahat sa kanyang pagpasok sa bulwagan at mataman lamang siyang naglakad patungo sa kinaroronan ng maharlikang pamilya.
“Kamahalan.. Ako’y bumabati sa inyo ng magandang araw. Ipagpaumanhin ninyo ang aking pagkahuli.” malumanay na saad ng prinsesa sa hari na umiling lang sa ginawa ng prinsesa na paghingi ng tawad.
“Prinsesa Sanya.. Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin. Narito na ang prinsipe at maari na nating simulan ang ating pagpupulong.” nakangiting saad ng hari at agad namang tinungo ng prinsesa ang kanyang upuan na katabi lamang ng prinsipe.
Walang ganang pinanood ng prinsipe ang paglalakad ng prinsesa patungo sa upuan nito. Tahimik lamang siya at paminsan ay tinitingnan ang kanyang minamahal na punong kawal na nasa pinakadulong bahagi ng bulwagan kasama ang iba pang miyembro ng hukbong sandatahan.
Ramdam ni Persius ang panliliit niya. Hindi niya inakalang isang napakagandang prinsesa pala ang nakatakdang ipakasal sa kanyang iniibig na prinsipe.
“Alam niyo na kung bakit tayo nagtitipon dito ngayon.. Upang ipagbigay alam sa lahat na ang Prinsipe Brandon at ang Prinsesa Sanya ay nakatakda nang ikasal pagpatak ng unang niyebe sa taong ito.”
Nakita ni Persius ang pagkabigla ng prinsipe. Hindi na magtatagal ay papatak na ang unang niyebe dahil ngayon ay buwan na ng Nobiyembre.
“Ang inyong presensiya ngayon ay magsisilbing saksi sa isang pagkakasundo na bubuo ng isang mas maliwanag pang kinabukasan ng Thesalus.” hayag pa ng punong konseho ng hari.
“Ang prinsipe at ang prinsesa ay magiging haligi ng ating kaharian pagdating ng panahon. At ang kanilang pagsasama ay magbibigay sa atin ng kasaganahan. At ako ay nananalig sa Diyos na magiging isang matagumpay na pagsasama ang mamamagitan sa minamahal nating prinsipe at prinsesa.” maligayang saad ng hari na tinugunan ng masigabong palakpakan ng lahat ng naroon sa bulwagan.
Ang kasiyahan ni Prinsesa Sanya ay walang paglagyan dahil sa wakas ay magaganap narin ang kasal nila ng prinsipe. At sisiguruhin niyang magiging matagumpay na pagsasama ang magaganap sa pagitan nila ng prinsipe. Ang pinangarap niyang mapangasawa ay magkakatotoo niya.
At hindi napigilan ni Persius ang maluha dahil sa sakit na nararamdaman. Alam niyang wala siyang karapatan na maghinanakit ngunit ang prinsipe. Paano kung magbago nalamang lahat kapag naikasal na ito sa prinsesa? Ano ang mangyayari sa kanilang dalawa?
Hindi na natagalan ng punong kawal ang kasiyahang nagaganap kaya’t nilisan niya ang bulwagan ang nagtungo sa lugar ng pagsasanay upang ilabas ang kanyang sakit na nararamdaman.
Agad niyang hinubad ang kanyang uniporme at hinugot ang kanyang espadang regalo pa sa kanyang ng prinsipe. Iniisip niya ang mga namagitan sa kanilang dalawa. Ang mga ngiti ng prinsipe. Ang masuyong paghalik nito sa kanya at ang mga gabing magkatabi sila sa pagtulog. Ang una nilang pagniniig. Ang init na pinadarama sa kanya ng prinsipe.
Lahat ng iyon ay ayaw niyang mawala. Ngunit paano kung naikasal na ito sa prinsesa? Paano nalamang siya? Winasiwas niya ang kanyang espada na puno ng lakas at presisyon na kahit ang Heneral na nanonood sa kanya ngayon ay hindi maiwasang humanga sa kanyang angking galing. Linapitan ng Heneral ang punong kawal at napatigil naman ito sa kanyang ginagawa.
“Dapat naroon ka sa bulwagan ngayon at binabantayan ang prinsipe? Bakit nandito ka sa lugar ng pagsasanay?” tanong ng heneral sa punong kawal.
“May nais lamang po akong ilabas, Heneral. Nais ko lamang na mapag-isa kahit saglit lamang.”
Tumangi ang Heneral at inusisa niya ang kinikilos ng binata. Tila ba ito ang may problema at sa tingin niya ay tungkol ito sa pag-ibig.
“Ikaw ba ay nabigo sa pag-ibig kaya’t narito ka at inilalabas ang iyong galit?”
“Heneral.. Nais ko pong magsanay upang maging sundalo.” saad ni Persius na kinagulat ng Heneral.
“Ngunit ikaw ay hinirang ng prinsipe bilang kanyang punong kawal? Bakit nanaisin mo pang maging sundalo?”
Napatitig ang Heneral sa binata at nakita niya ang kakaibang pagnanais nito. Ngunit hindi niya malaman ang katotohanan sa likod ng makisig at malakas na katauhan nito.
“Nais kong lumaban. Nais kong magamit ang aking galing sa pakikipaglaban.” saad ng punong kawal na tinanguan lamang ng Heneral.
“Ngunit kailangan mo ng pahintulot mula sa prinsipe upang ika’y muling ibalik sa hukbong sandatahan at mailagay ka sa hanay ng mga sundalo. Hindi ka ba nanghihinayang? Isang napakalaking karangalan na ang binigay sa’yo ng prinsipe.”
Umiling ang binata at inisip ang kahihinatnan niya kapag patuloy lamang siyang manatili sa tabi ng prinsipe. Nais niyang maging malakas. At magkaroon ng malaking impluwensiya sa buong Thesalus.
Sa ganoong paraan niya lamang makukuha ang prinsipe. Ang mabubuo niyang impluwensiya ay magkakaroon ng kasiguruhang hindi siya maaaring galawin ng kahit na sino. Maging ng prinsesa kapag dumating ang panahon na malaman nito ang namamagitan sa kanila ng prinsipe.
Ang prinsipe ay sa kanya lamang. Hindi niya basta bastang isusuko ito. Gagawin niya ang lahat upang maging karapat dapat para dito.
Muli niyang winasiwas ang kanyang espada at tila ba nakikipagsayaw siya sa hangin. Napapalibutan siya ng napakaraming kaaway ngunit isa-isa niya itong napapabagsak dahil sa bilis ng kanyang mga kilos.
“Malapit nang sumiklab ang kaguluhan sa Corinthia. At ikaw ay magiging malaking bagay para sa hukbo namin. Ang isang katulad mo ay malalagpasan pa lahat ng narating ko bilang isang heneral. Kaya’t masisiyahan ako ng lubos kapag umanib ka sa pwersa ng mga sundalo.” nalulugod na saad ng heneral sa punong kawal.
Tinapos ni Persius ang kanyang pagsasanay at muling isinuot ang kanyang uniporme bilang isang punong kawal. Samantalang di kalayuan ay may nagmamasid rin sa kanyang isang binata.
Namangha ito sa kanyang galing sa paggamit ng espada kaya’t di niya mapigilang mapangiti habang nakikita niya ang bawat indak at bawat paghampas ng punong kawal sa kanyang espada.
“Sana ay makilala din kita.. Ngayon palang ako nakakita ng nàpakagaling humawak ng espada. May kakaiba sa iyo na nais kong malaman. At nasasabik na ako na mangyari iyon.”
Hindi na nagtagal pa ang binata sa kanyang kinatatayuan at naglakad na patungo sa kanyang silid sa loob ng palasyo.
Itutuloy…
Sino ang binatang nagmamasid kay Persius? Mamboboso ba siya? O may kinalaman siya sa pagiging mas makulay na kwento ng ating mga bida..
Abangan…
Nakakahumaling
Habang naglalakad ang mga tagapagsilbi patungo sa isang silid sa palasyo ay kasabayan nila ang punong konseho ng hari upang puntahan sa silid ng isang mahalagang tao sa kaharian ng Thesalus. Matagal na panahon din na nawala ang panauhin ng palasyo ngunit nagbalik na ito mula sa mahabang pagsasanay at pag-aaral sa Pransya.
Humingi siya ng pahintulot sa mga kawal na buksan ang pintuan ng mahalagang panauhin.
“Narito na ang punong konseho, Duke Tristan.” paganunsyo ng kawal mula sa labas ng pintuan at narinig naman ito ng binatang matamang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa labas ng bintana niya. Ang pagkatuyo ng lahat ng dahon at ang lumalamlam na panahon ay kanyang kinahamulingan noong bata pa siya.
“Patuluyin niyo siya.” utos ng binata na labing siyam na taong gulang na. Siya ay pamangkin ng hari. Siya ang pinsan ni Prinsipe Brandon. Ang Duke ay kakikitaan din ng kakisigan at angking kagandang lalaki. Nakakahumaling siya sa bawat sinumang makamasid sa kanyang kabuuan.
Mula sa pagkakatayo sa bintana ay sinalubong niya ang punong konseho na tuwang tuwa sa kanyang pagbabalik sa palasyo. Hindi niya inaasahan ang sorpresang pagdating nito.
“Tristan! Nangulila ako sa iyo ng husto aking pamangkin!” masayang salubong ng punong konseho ng hari sa kanyang pamangkin.
“Tiyo Eros.. Ako po ay nagagalak na makita kayong muli. Napakatagal din na panahon ang aking pagkawala.” tuwang tuwa ang binatang duke at yinakap ang matanda na tumayo narin bilang pangalawa niyang ama.
Ang kanyang ina at ang hari ay magkapatid. Ang punong konseho ay kapatid naman ng kanyang amang Duke ng Elustre, isang malawak na kalupaang sakop ng Thesalus mula sa hilaga. At lahat ng iyon ay pag-aari niya ngayong pareho nang wala ang kanyang mga magulang. At siya rin ang susunod sa trono kung sakaling hindi mapanindigan ng prinsipe ang kanyang tungkulin bilang isang prinsipe.
Ngunit hindi niya kailanman hinangad ang pagiging hari. Dahil alam niyang hindi ito nakatadhana para sa kanya.
“Nais kong makita ka agad ngunit may pagpupulong na naganap ngayong hapon lamang. At iyon ay ang kasal ni Prinsipe Brandon sa prinsesa ng Olympia, si Prinsesa Sanya.”
Nabigla ang duke sa kanyang narinig sa kanyang tiyuhin. Kung gayon, ikakasal na pala ang kanyang pinsan sa isang babae. Isang napakagandang balita nito. Pero sa loob niya ay lubos siyang nagagalak dahil tuluyan na siyang makakalaya mula sa mahigpit na mga kamay ng hari sa kanya.
“Isang napakagandang balit pala ang sasalubong sa aking pagbabalik. Nais kong batiin si Brandon ng personal sa kanyang nakatadang pagpapakasal sa prinsesa ng Olympia. Nakakasiguro akong napakagandang dilag ang prinsesa.” natutuwang saad ng binatang duke sa kanyang tiyuhin na matamang tumango lang din sa kanyang tinuran.
“Tunay ang iyong sinambit, Tristan. Isang napakagandang dilag at alam kong isang magandang pagsasama ang naghihintay sa kanila pagkatapos ng kasal.”
Nag-usap pa ang magtiyuhin bago nagpaalam ang matanda sa kanyang pamangkin. Kailangan narin nitong umuwi sa kanyang tahanan at kinagiliwan naman ng binatang duke na maari siyang bumisita sa tahanan ng kanyang tiyuhin.
Nang makalabas ang kanyang tiyuhin ay agad niya namang naiisipang magtungo sa kinaroroonan ng silid ng kanyang pinsang prinsipe. Naglalakad siya kasama ang kanyang mga tagapagsilbi at hindi paman niya nararating ang silid nito ay natanaw na niya ang isang pamilyar na lalaki na kasama ang iba pang kawal na naghihintay sa labas ng pintuan ng silid ng prinsipe.
Hindi niya mapigilang hindi mapangiti sa binatang nagnakaw ng kanyang atensiyon sa kanyang paggamit ng espada sa lugar ng pagsasanay. Tila ba isa siyang lalaking nakatakdang maging isang magiting na mandirigma. At iyon ang nagpapahanga sa kanya dito. Ang kaya siyang ipaglaban nito. Ang kaya siyang protektahan nito na buong buhay niyang hinahanap.
Mula pagkabata ay siya na lamang ang laging lumalaban para sa kanyang sarili at dumating ang punto sa buhay niya na nagiging malungkot na mag-isa lamang siya. Kahit napakaraming nakapalibot sa kanyang tao, hindi niya parin maiwasang malungkot at makaramdam ng pangungulila sa salitang pagmamahal.
“Nasa loob ba ang prinsipe?” salubong na tanong niya sa punong kawal na nabigla sa estrangherong mukha na nasa harapan niya ngayon. Ang binata ay ngayon pa lamang niya nakita.
“Ipagpaumanhin niyo ngunit sino po kayo? Hindi ko pa kayo nakikita dito sa palasyo at bago lamang ako sa aking pagkakatalaga bilang punong kawal.” paghingi ng paumanhin ni Persius sa kaharap niyang binata.
“Nauunawaan ko. Ako si Duke Tristan. At ang prinsipe ay aking pinsan. Ngayon, maari ko na bang malaman kung nasa loob ang kamahalan?” nakangiting saad ng duke. Hindi niya maiwasang mamangha maging sa pananalita nito. Isang tunay na ginoo ito at iyon ay hindi niya maunawaan. Bakit siya nahuhumaling sa binatang ito?
“Kamahalan.. Nandito ang iyong pinsan na Duke. Nais niya kayong makausap.” paganunsyo ni Persius mula sa labas ng pintuan ng kanyang silid.
Ang prinsipe naman sa loob ng kanyang silid ay hindi parin makapaniwala sa hinihingi ng kanyang punong kawal mula sa kanya. Hindi niya akalain na ganoon nalang nito hihingiin na maging sundalo siya sa halip na maging punong kawal niya.
Ngunit hindi niya ito mapapayagan. Ang pagmamahal niya para sa binata ay napakalaki at hindi niya ito hahayaang mawala sa kanya. Siguro ay nasasaktan ito dahil sa napipinto niyang pagpapakasal. Ngunit paulit-ulit niyang siniguro sa kanyang punong kawal na ito ang kanyang iniibig at hinding hindi niya iibigin ang prinsesa dahil ito ang binata ang may hawak ng puso niya.
Nang marinig ng prinsipe ang anunsyo mula sa labas ng kanyang silid ay hindi siya handa sa taong naghihintay sa labas ng silid niya. Si Tristan? Nakabalik na ito sa palasyo? Ngunit akala niya ay hindi pa ito babalik hanggang sa susunod na taon?
“Patuloyin niyo siya sa aking silid.” utos niya at bumukas naman ang pinto nito at mabilis na naglakad palapit sa prinsipe ang kanyang pinsan na matagal ding nawalay.
“Brandon! Kay saya kong makita kang muli.. Napakatagal na panahon din tayong hindi nagkita.” saad ng binatang duke at niyakap niya ang prinsipe.
“Tristan.. Hindi ko inaasahan ang iyong pagbabalik? Bakit biglaan naman ang iyong pagbabalik.” nagugulat paring saad ng prinsipe sa kanyang pinsan.
“Natapos ko ng maaga ang mga aralin ko para sa siyensya at maging ang aking pagsasanay sa mga bagong sandata mula sa gitnang silangan at Tsina ay napag-aralan ko narin kaya pinalabas ako ng maaga ng institusyon.” paliwanag naman ng duke kaya naunawaan na ito ng prinsipe.
“Kung gayon, kailangan nating magpahanda ng isang salo-salo para sa iyong pagdating? Anong masasabi mo aking pinsan?” maligayang saad ng prinsipe na tinuring na kapatid na niya ang kanyang pinsang duke.
“Kamahalan, kalabisan na po iyon. Masaya na po akong muling makabalik sa ating kaharian. At makapiling muli ang mga taong kinalakihan ko.” saad ng prinsipe na kinatuwa lang ng prinsipe.
“At babalik ka na agad sa Elustre?” tanong naman ng prinsipe sa kanyang pinsan na tumango lamang dito.
“Napipinto na ang kaguluhan sa Corinthia. At maaring sumalakay sa Elustre ang mga hukbo nila. Kailangang naroon ako upang ipaglaban ang ating teritoryo. At kailangan ko ng mga sundalong makakadagdag sa aking pwersa.”
Naisipan agad ng duke ang punong kawal ng prinsipe. Alam niyang mas magandang maging sundalo ito sa halip na maging isang kawal lamang na hindi makakalabas ng palasyo. Masasayang ang galing nito kung hindi mapapakinabangan. At kalakip na doon ang nabubuong pagnanais niyang makilala pang muli ang binata.
“Sapat na ang pwersa ng Thesalus ngunit sa Elustre ay kulang pa. At nais ko sanang hilingan sa iyo ang isang bagay.”
Napatigil ang prinsipe sa kanyang paglalakad. May nais sana siyang ibigay sa kanyang pinsan ngunit mas naagaw ang atensiyon niya sa tinuran nito.
“Nais ko sanang maging punong sundalo ng aking hukbo sa Elustre ang iyong punong kawal.”
Napakuyom ang prinsipe ng kanyang kamao dahil hindi niya inaasahan ang hihilingin sa kanya ng kanyang pinsan. Si Persius? Bakit si Persius ang nais nitong kunin at gawing punong sundalo?
“Hindi maaari ang iyong hinihiling, Tristan! Ano ba ang sinasabi mo? Ang aking punong kawal ay aking punong kawal. Hindi mo siya maaring kunin upang gawing sundalo ng iyong hukbo!” hindi napigilang magpuyos ng galit ang prinsipe.
Hindi rin inaasahan ng duke ang magiging reaksiyon ng kanyang pinsang prinsipe sa kanyang paghiling dito. Parang iniingatan niya ng husto ang punong kawal at ayaw niyang may sinumang kukuha nito mula sa kanya.
“Ngunit masasayang lamang ang kanyang napakagaling na abilidad sa paggamit ng espada? Nakita ko kung paano niya iwasiwas ang kanyang espada na katumbas ng mga heneral na bihasang bihasa na sa paggamit nito.” mahinahong tugon ng duke sa kanyang pinsan ngunit hindi parin siya nito pinakinggan.
“Tapos na tayo sa usaping ito, Tristan. Maaari mo na akong iwanan.” utos ng prinsipe sa binatang duke na agad namang sumunod sa kanya.
Naglakad palabas ng silid ng prinsipe ang binatang duke at muli pa niyang tiningnan ang punong kawal na alam niyang narinig ang lahat ng kanilang usapan.
Nagkatitigan sila at nakita niya dito ang pagdadalawang isip. Kita niya na nais nitong makawala sa kamay ng prinsipe. At iyon ang gagawin niya.
Alam niyang merong kakaibang namamagitan sa prinsipe at sa kanyang punong kawal. Dama niya ang pagiging sakim nito noong hilingin niya na maging ni sundalo niya ang punong kawal.
—————––
Magkayakap ang prinsipe at si Persius na nakahiga sa malaking kama sa silid nito.
Hindi parin dinadalaw ng antok ang prinsipe at patuloy na iniisip ang naging palitan nila ng mga salita ni Tristan.
“Nais kong maging sundalo, kamahalan.” hindi na napigil ni Persius na putulin ang katahimikan na namamagitan sa kanila ng binatang prinsipe.
“Hindi na natin paguusapan pa ang bagay na iyan, Persius. Maliwanag na sa iyo na hindi ka maaring umalis sa tabi ko. Hindi ko mapapayagan ang kahilingan mo.”
Tumayo sa pagkakahiga at lumantad ang hubad na katawan ni Persius sa harapan ng prinsipe. Hindi mapigil ng binata na makaramdam ng pagkainis sa minamahal niyang prinsipe.
“At patuloy lang akong manatili sa tabi mo at masaktan? Hindi mo ba nauunawaan ang aking pinili na maging isang sundalo ay upang mailayo ko ang sarili ko mula sa sakit?” hindi na napigilan ng binata na ilabas ang kanyang himutok sa prinsipe.
“Hindi ba’t nagkaintindihan na tayo? Ikaw ang mahal ko at hindi si Prinsesa Sanya. Bakit patuloy mo paring pinagpipilitan na magbabago ang pagtingin ko sayo at masasaktan lamang kita?” saad ng prinsipe na may hinanakit narin sa binatang kanyang iniibig.
“Dahil hindi ko kayang makita kang kasama ang prinsesa. At ako nasa tabi mo at hinahayaan siyang gawin lahat ng nais niya. Hindi ko alam kung mapipigilan ko ang sarili ko na masaktan siya.”
“Nagiging kalabisan na ang iyong mga kinikilos, Persius. Alam mo simula palang na ako ang magiging hari. Sa tingin mo ba madali sa akin ang lahat ng ito? Hindi ito madali para sa akin.” sagot ng prinsipe sa nakatayong binata sa kanyang harapan.
Lumantad din ang kahubdan niya nang tumayo siya mula sa higaan at agad na niyang nilapitan ang binata. Nais niyang maintindihan pa nito ang kanilang kalagayan.
“Natatakot akong mapalayo ka sakin. Ayaw kong malayo sa’yo kahit saglit lamang. Hindi ako natatahimik kapag ikaw ay malayo sa akin. Kapag hindi ko nakikita ang wangis mo.” pagsuyo ng prinsipe sa binata at linahad nito ang kanyang kamay at matamang hinalikan ito ng punong kawal niya.
“Napakapalad ko na ako ay inibig mo, kamahalan. Ngunit hindi ko magagawang ipagmalaki ang aking pagmamahal kung patuloy akong nasa tabi mo.. Kailangan ko ng kapangyarihan kung nais kong makuha kita mula sa prinsesa.”
Hindi inaasahan ng prinsipe ang sinabi ng kanyang punong kawal. Parang may kung anong pagnanais itong hindi niya inaasahang mabubuhay sa loob nito. Agad niyang tinalima ang sinambit ng binatang kanyang iniiibig.
“Persius.. Hindi nakakatuwa ang iyong mga sinasabi. Gusto mo ng kapangyarihan? Upang ano? Upang lumikha ng kaguluhan?”
“At paano ako? Paano akong walang halos maipagmalaki sa iyo? Patuloy nalang na nating itatago ang lahat sa maraming tao? Sa buong kaharian? Paano kung dumating ang panahon na mahuli tayo? Anong mangyayari sakin?”
Agad na napaisip ang prinsipe sa sinambit ng binata at alam niyang wala siyang ibang maisip na kahihinatnan nito kundi ang kamatayan at hindi niya makakayang mangyari iyon.
“Kapag may sapat na akong kapangyarihan.. Kaya ko nang ipagpatuloy ang pagmamahalan natin na hindi ako natatakot sa kahit na sino.. Maging ang prinsesa. At kukunin kita mula sa kanya, ipinapangako ko iyon, kamahalan.”
At nagkatinginan ang dalawang binatang nag-iibigan sa huling pagihip ng hanging taglagas. Dahil magsisimula na ang taglamig. Ang taglamig na babago sa kanilang mga buhay.
Itutuloy…
Unang Patak ng Niyebe
Abala na ang lahat sa palasyo sa paghahanda. Ang simbahan ay napapalamutian na ng magagandang bulaklak na mula pa sa Gresya at Alemanya. Hindi mapatid ang kasiyahan ng mga tagapagsilbil sa kanilang natutunghayang karangyaan sa lahat ng sulok ng palasyo. Ipagdiriwang na nila ang kasal ng Prinsipe Brandon at Prinsesa Sanya. At isa itong kaganapang hindi dapat kaligtaan ng kahit sinuman sa kaharian.
Ang mga tagapagsilbi ng Prinsesa Sanya ay ligalig narin at hindi magkamayaw sa pagdating ng mga panauhin nito sa kanyang silid at naghahatid ng mga regalo para sa nalalapit na kasal nito sa prinsipe. Hindi narin makapaghintay ang prinsesa sa pag-iisang dibdib nila ng prinsipeng kanyang pinangarap.
Narito narin sa Thesalus ang kanyang mga magulang at maging ang ilan niyang kamag-anak upang masaksihan ang kanyang kasal.
Sa isang bahagi ng palasyo ay nakadungaw lang sa kanyang balkonahe si Duke Tristan at linalanghap ang malamig na hanging nagmumula sa hilaga. Batid niya na nalalapit na ang pagpatak ng unang niyebe. At hudyat narin iyon upang bumalik siya sa Elustre at maghanda sa napipintong kaguluhan.
Ngunit hindi mawala sa isipan niya ang binatang punong kawal ng prinsipe. Ilang arawa niya narin itong pinagmamasdan kasama ang prinsipe ng palihim. Kita niya kung gaano kapanatag ang loob ng prinsipe sa tabi nito kaya’t nahihimigan niyang may kakaiba sa pagtingin ng prinsipe sa binata.
Hiniling niya sa prinsipe na ibigay sa kanya ang binata ngunit hindi siya nito pinakinggan kaya naisip niyang marahil ay isang napakahalagang tao ng punong kawal at ayaw ng prinsipeng mawala ito sa tabi niya.
Ngunit ngayon palang naghangad ang duke ng isang bagay. At alam niyang kapag ang hari ang kanyang kinausap at hilingin ang kanyang ninanais ay ibibigay nito ang kagustuhan niya. At walang magagawa ang prinsipe doon.
Napangiti siya dahil sa nabuo niyang plano. Sa gabi ng pagdiriwang ng kasal ay doon niya mismo hihilingin sa hari na ibigay sa kanya ang punong kawal upang maging punong sundalo niya. Ngayon pa lang siya hihiling dito at alam niyang dahil sa kasiyahan nito ay ibibigay nito sa kanya ang kanyang kahilingan.
Nakahanda narin ang kanyang susuotin sa kasal ng kanyang pinsan. Isang puti at gintong kasuotan na naaayon sa kasal. Ang puti para sa magandang pagsasama at ginto para sa kasaganahan. Nais niyang maging masaya ang prinsipe sa piling ng mapapangasawang prinsesa. Ngunit alam ng binatang duke na may ibang tinatangi ang kanyang pinsan. At kung ang punong kawal man iyon ay hindi ito maaaring malaman ng buong kaharian.
Isang kaguluhan at kapahamakan lamang ang mangyayari kapag nalaman ang relasyon ng prinsipe sa kanyang punong kawal. Batid niya sa kanyang sarili na hindi din siya umibig at nagkagusto sa isang lalaki ngunit kakaiba ang punong kawal. Isang nakakabighaning mukha ngunit mas nakakabighani ang kakisigan at lakas nito na hindi pa niya nasilayan kahit kanino man.
––––––––
Tangan ang munting papel ay naglakad si Persius patungo sa tinutuluyan niyang silid sa palasyo. Hindi siya makapaghintay na buksan ang liham na ipinadala ng kanyang ina. Alam niyang si Tandang Mateo ang nagsulat nito dahil hindi marunong ang kanyang ina na magsulat.
Binuklat niya ang kapirasong papel at bumungad sa kanyang mata ang napakagandang sulat kamay ng matandang kapitbahay.
“Persius.. Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Maraming salamat sa iyong pinapadalang salapi sa amin ng iyong mga kapatid. Isang malaking kaginhawaan ang naibigay mo sa amin. Sampung pirasong ginto ay sapat na upang makabili tayo ng lupain sa kapatagan na aking pagpupursigihang sakahin kasama ng mga kapatid mo. Sa ngayon, hinihintay ko ang pagsisimula ng taglamig dahil kailangan namin ng mas maraming panggatong. Nangungulila kami sa iyo anak.. Ang tahanan natin ay hindi katulad noong nandito ka pa. Ngunit labis parin akong nasisiyahan dahil natupad mo ang iyong pangarap. Nawa ay patuloy mong tatagan ang iyong sarili. Mahal na mahal ka namin anak.”
At hindi napigilan ni Persius ang maluha sa liham na pinadala sa kanya ng kanyang ina. Maging siya ay labis na nangungulila sa mga ito. Ngunit hindi pa siya maaring umuwi sa kanila. Kailangan niyang mapilit ang prinsipe na siya ay payagang maging sundalo upang maihanda niya ang sarili. Kung kailangan niya ng kapangyarihan at impluwensiya, sa pagiging sundalo niya iyon makakamtan. Ang masigurong sa kanya papanig ang hukbong sandatahan.
Kapantay ng heneral ang kapangyarihan ng isang Duke at kapag nangyari yun, kaya na niyang ipaglaban si Prinsipe Brandon. Hindi na siya matatakot pa. At kapag napasakanya na ang prinsipe na walang kinatatakutan, paliligayahin niya ito ng lubos at hindi na niya hahayaan pang may makakuha nito mula sa kanya.
Minamasdan niya ang pagbukas ng munting bintana ng kanyang silid. Ang ihip ng hangin ay nagbabadya na ng pagdating ng unang patak ng mga niyebe. Ito na ang nakatakdang panahon. Ang pag-iisang dibdib ng prinsipeng kanyang minamahal at sa prinsesang kanyang karibal.
“Hindi ko kayang matunghayan na ikakasal ka sa iba, kamahalan. Hindi ko kayang makitang makikipagniig ka sa taong hindi mo naman mahal. Labis akong nasasaktan ngayon kamahalan.” hinaing pa ng punong kawal at pinakawalan ang mga luhang kanina pa niya pilit na pinanlalabanan.
––––––––
Hindi mawala ang ngiti ng prinsesa habang minamasdan ang pagpatak ng mga niyebe mula sa bintana ng kanyang silid. Ito na ang araw ng kanyang kasal sa prinsipeng iniibig.
“Madam Jovana.. Tila nais na talaga ng panahon na ako ay ikasal sa mahal na prinsipe. Ang mga niyebe ay nagsisimula nang sakupin ang tuyong lupa. Ito ay nakakapanabik at hindi ko maiwasang hindi pagsidlan ng kasiyahan.” puno ng sayang saad ng prinsesa kay Madam Jovana na abala ngayon sa pagkilatis sa mga detalye ng kanyang damit pangkasal. Napakaganda at elegante nito na mula pa sa Roma ang gumawa. Talagang kakikitaan ng kasiglahan ang prinsesa sa kanyang kasal sa prinsipe ng Thesalus.
“Ikaw na ang magiging pinakamagandang prinsesa sa balat ng lupa kapag iyong isinuot ang damit pangkasal na ito. Tiyak na mahuhulog sa iyo ang prinsipe kapag nakita ka na niyang naglakad sa gitna ng altar. Mahuhumaling siya sayo ng lubos.” paniniguro ng mantandang ginang sa kanyang inalagaang prinsesa.
“Piho ko na may nagugustuhang iba ang prinsipe. Maari ding may mahal siyang iba. Mula nang dumating ako dito sa palasyo ng Thesalus, isa o dalawang beses ko palamang siyang nakakasama. At wala akong alam sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang pagkain. Hindi ko alam kung anong laro ang paborito niyang pagkaabalahan. Marami akong hindi alam sa prinsipe.” naroon sa tinig ng prinsesa ang pagkalungkot dahil sa katotohanang kahit gusto niya ang prinsipe, alam niyang iba ang tinatangi nito.
“Matututunan karin niyang mahalin, Prinsesa Sanya. Bigyan mo siya ng kaunting panahon. Lahat ng maharlika ay dumadaan sa ganitong pagsubok sa kanilang pagsasama. Pasasaan ba’t darating din ang puntong ikaw na lamang ang pag-aalayan niya ng puso niya. At ikaw ang magiging reyna niya. Ikaw ang pinakamaganda at pinakabukod tanging babae sa lahat ng nasasakupan ng Thesalus.”
Tumango ang prinsesa bilang pag-sangayon sa tinuran ng matandang tagapaglingkod niya. Naniniwala din siyang darating ang panahon na ang prinsipe na mismo ang lalapit sa kanya at hihingin ang pagtangi niya. At kapag dumating ang araw na iyon, siya na ang pinakamasayang babae sa buong mundo.
––––––––
“Nagustuhan niyo po ba ang inyong kasuotan, kamahalan? Mula pa sa Pransya ang damit pangkasal na ito na ako mismo ang nagdesinyo. Nawa ay nagustuhan niyo ang kabuuan nito.” masiglang pagpresenta ni Ginoong Thomas ng damit na isusuot ng prinsipe sa kanyang kasal.
Ngunit wala sa damit ang atensyon ng prinsipe kundi sa nakabukas na bintana ng kanyang silid. Ang pagbuhos ng mumunting niyebe ay isang sentensiya para sa kanya. Dumating na ang araw na ayaw niyang mangyari. Ngunit kahit anong gawin niya ay nakatakda na ang lahat ng ito.
Ang ikasal siya sa taong hindi niya mahal at wala siyang nararamdaman na kahit anuman. Linagok niya ang alak na nasa kapa niya at ito ang kaunaunahang pagkakataon na ginawa niya iyon.
Ang maiinit na pakiramdam na hatid ng likido ay naglalakbay sa kanyang kaibuturan at biglang sumilay sa isipan niya ang mukha ni Persius na lumuluha.
Hindi niya narin napigilang mapaluha dahil alam niyang labis niyang nasasaktan ngayon ang lalaking kanyang iniibig ng lubos.
“Mahal na prinsipe.. Ngayong araw na po ang inyong kasal sa mahal na prinsesa. At hindi magandang tingnan na ikaw ay umiinom ng alak sa araw mismo ng pakikipag-isang dibdib mo.” biglang pigil ni Ginoong Martell sa binatang prinsipe ngunit tinabig lang nito ang kanyang kamay at matamang ibinalik ang tuon nito sa bintanang minsan ay naiihipan ng malamig na hangin.
Hindi naman maiwasang manlumo ng punong tagapaglingkod dahil bumabalik nanaman ang kawalan ng sigla ng prinsipe dahil sa kanyang napipintong kasal. Alam niyang ito lamang ang paraan upang tuluyan nang mawala sa isip nito ang punong kawal.
Alam niya ang lihim ng dalawa. Alam niya ang nangyayari sa dalawang binata at hindi niya mapigilang matakot sa kaligtasan ng prinsipe. At hindi niya maawat ang sarili na humagilap ng paraan upang tuluyang mapaalis sa palasyo ang binatang kawal. Ang lumalason sa pagkatao ng prinsipe.
At kung meron lamang isang tao na mag-aalis sa punong kawal sa kanyang posisyon ay isang napakalaking tulong nito upang muling bumalik sa dati ang lahat.
“Tawagin niyo ang punong kawal. Nais ko siyang makausap ngayon din.”
“Hindi maaring pumarito ang kahit na sinong miyembro ng sandatahang lakas ng palasyo, kamahalan. Isa iyong kaugalian. Hindi nila maaring matunghayan ang kasalang magaganap maliban sa mga heneral at kapitan.”
Ibinato ni Prinsipe Brandon ang kapang hawak niya at hindi mapakaling naglakad palabas ng kanyang silid ngunit pinigilan siya ng kanyang mga tagapagsilbi.
“Umalis kayo sa dinaraanan ko! Ako ang inyong prinsipe at kung sino man ang pipigil sakin ay hahatulan ko ng kamatayan!” sigaw ng galit na prinsipe ngunit sumenyas ang punong tagapaglingkod na huwag itong paaalisin anuman ang mangyari.
“Kailangan niyo akong patayin kung gayon, kamalahan. Dahil ako mismo ang nagbabawal sa inyo na umalis ng inyong silid. Isang kapalaluan at paglapastangan sa ating kaugalian at batas ang inyong gagawin.” lumuhod sa harapan ng prinsipe ang matandang tagapaglingkod niya at wala nang nagawa ang prinsipe kundi tumigil sa kanyang binabalak.
Napasigaw nalamang siya ng malakas at muling lumuha dahil sa pait ng kanyang dinaranas. Nais niyang makita at makausap ito. Nais niyang ipaliwanag dito na hindi kailanman magbabago ang pagtingin niya sa binata. Hindi mawawala ang nag-aapoy na pagmamahal niya para dito.
––––––––––
Dumating na ang takdang oras ng kasal ng prinsipe at prinsesa. Ang nakatakdang maging hari at reyna ng Thesalus.
Unang naglakad sa pasilyo ng katedral ang obispo ng kaharian kasunod ang ilang pari at mga tagasunod nila. At sumunod sa obispo ang hari at reyna na talaga namang nakaw tingin sa kanilang magagarang kasuotan. Sumunod sa kanila ang maharlikang pamilya ng kahariang Olympia na hindi rin nagpatalo sa kagarbohan ng mga kasuotan nila.
Ang miyembro ng konseho at ang pinakahuli ay ang prinsipe. Ang prinsipeng hindi kakikitaan ng kasiyahan sa bawat paghakbang niya ng kanyang paa sa pasilyo. Alam niyang hindi ito ang nais niya. At ang bigat ng kanyang puso ay napansin ng karamihan.
Nakarating siya sa gitna ng altar at nagbigay pugay sa kanyang mga magulang at sa magulang ng kanyang mapapangasawa. At humarap sa obispo upang hingin ang basbas nito. At ilinagay na sa kanya ang kanyang korona ng obispo at ang kanyang setro at kapa naman ay isinuot ng kanyang ina. Hindi maiwaglit ng reyna ang pagkabahala sa nakikitang kilos ng kanyang anak. Hindi niya maaninag dito ang kahit kaunting kasiyahan manlang para sa araw na ito.
At hindi nagtagal ay dumating narin ang pinakahihintay ng lahat. Ang napakagandang prinsesa ng Olympia na tila isang diyosa na bumaba sa lupa at naghagis ng kagandahan sa buong paligid. Nakangiti ito at kakikitaan ng kasiyahan sapagkat dumating na ang nakatakdang oras para sa kanilang pag-iisang dibdib ng iniibig na prinsipe.
Ngunit nang makita niya ang mukha nito na puno ng kalungkutan at walang sigla ay naapektuhan din siya. Ganoon ba kahirap sa prinsipe na kalimutan ang taong iniibig nito at isipin naman nito na siya na ang makakapiling nito habangbuhay?
O habangbuhay ba siyang makikipagkompetinsya sa taong nasa puso ng prinsipe? Hindi manlang ba kayang ibaling ng prinsipe sa kanya ang pagtingin nito?
Ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Pagkatapos ng gabing ito, alam niyang mas pipiliin siya ng prinsipe. At kung sino man ang magtatangkang kunin sa kanya ang prinsipe, ay sisiguraduhin niyang mawawala sa kanyang landas. Hindi siya mapagpatawad sa mga taong kinukuha ang dapat ay sa kanya.
Itutuloy…
Pagbitiw
Ang mga kampana ng katedral ay hindi magkamayaw sa pagalingawngaw sa buong kaharian. Naganap na ang dapat mangyari sa araw na iyon. Naikasal na ang susunod na hari at reyna ng buong Thesalus. Ang mga nagaabang sa labas ng katedral ay puno ng galak dahil makikita nila ang parada ng maharlika at maging ang bagong kasal sa kalsada ng bayan ng Thesalus. Lahat ay nakapila na sa gilid ng mga kalsada at hinhintay ang mga karwahe na dumaan.
Si Persius ay matamang naghihintay lamang sa pinto ng katedral at pilit na linalabanan ang luhang kanina pang nais na lumabas sa kanyang mga mata. Ngunit hindi siya maaring magpakita ng kahinaan sa harapan ng kanyang mga kasamahan. Nais niyang matapos na ang araw na ito at ituloy na ang binabalak niyang paglisan sa pagiging isang punong kawal. Ito lang ang tanging paraan upang matupad niya ang pangako sa prinsipe na mamahalin niya ito habang buhay.
At hindi niya ito magagawa kung patuloy siyang nakatali sa mga kamay nito. Babawiin niya ang prinsipe. Kapag sapat na ang kanyang kapangyarihan. Dahil hindi mapapatid ang pangagailangan niya dito at ang pagmamahal niya dito ay mas lalo lang sumisidhi dahil sa daming pagsubok na dumaraan sa kanila.
Hindi naman napigilan ng lahat ang mapahanga nang tuluyang bumukas ang pinto ng katedral at ilinuwa noon ang bagong kasal na si Prinsesa Sanya at Prinsipe Brandon. Masayang masaya ang lahat kaya’t nagsaboy ang mga ito ng butil ng bigas at talulot ng mga bulaklak bilang isang pagbati at pagbibigay pugay narin ng mamamayan sa kanilang mga pinuno pagdating ng araw.
Hinahanap ng mata ni Prinsipe Brandon ang kanyang punong kawal ngunit hindi niya ito makita kahit saan. Hindi niya parin lubos matanggap na nakatali na siya sa isang taong walang kahit na anong puwang sa puso niya. Oo at ikinasal siya ngunit hindi sa taong minamahal niya. Sa taong tanging titulo lamang ang makukuha mula sa kanilang kaharian. Ang hihiranging reyna ng Thesalus.
“Kamahalan.. Ako ay labis na nagagalak na tayo ay ganap ng mag-asawa. Hinintay ko ng napakatagal ang panahong ito upang sumapit. At tila nagdiriwang ang aking puso at isipan at hindi parin ako makapaniwala.” walang kapantay na sayang lahad ni Prinsesa Sanya ng kanyang saloobin.
“Ang lahat ng ito ay sapilitan lamang.. Kaya ngayon palang, sinasabi ko na sa iyo mahal na prinsesa, hindi isang masayang pagsasama ang aasahan mo sa ating kasal. Dahil alam kong alam mo, na hindi ikaw ang tinitibok ng aking puso at laman ng aking isipan.” mapait na sambit ng prinsipe na tinanggap naman ng prinsesa.
Masakit man ngunit iyon lamang ang tangi niyang alam gawin ngayon. Kailangan niyang tatagan ang kanyang sarili at darating rin ang araw na iibigin siya ng pinakasalang prinsipe. At hindi siya panghihinaan ng loob at mawawalan ng pag-asa. Alam niyang makakalimutan rin nito kung sino man ang nagpapatibok ng puso nito sa kasalukuyan.
––––––––––
Puno ng ilaw at naggagandahang dekorasyon ang bulwagan ng palasyo. Naroon ang mga mananayaw sa pasayawan nito at mga piling panauhin sa mahahabang mesa na punong puno ng masasarap na pagkain. Ang lahat ay galak at may kasiyahan ngunit kapansin pansin ang kawalang gana ng prinsipe sa kanyang kinauupuan habang iniinom ang laman ng kanyang kopang hawak.
“Magandang gabi sa inyong lahat! Nais ko lamang magbigay ng pasasalamat sa lahat ng naririto upang ipagdiwang ang kasal ng aking anak na si Prinsipe Brandon at ang ating Prinsesa Sanya. Kayo ay malaking bahagi ng aming kasiyahan. Kaya nais kong magbigay ng isang kampay, para sa kasaganahan at kalusugan ng ating mga susunod na hari at reyna.” at itinaas ni Haring Bernard ang kanyang hawak na kopa at sinabayan siya ng nakararami at nilagok nila ang laman nito.
Nagpalakpakan pa ang lahat at nagsimula na ang sayawan at walang patid na usapan sa bawat sulok ng bulwagan.
Kanina pa nawawalan ng pasensiya ang prinsipe dahil hindi niya mahagilap ang kanyang punong kawal. At nang kanyang idako ang kanyang paningin sa pinakadulong bahagi ng bulwagan ay naroon ang kanyang pinsan at ang punong kawal na nag-uusap. Kita niya ang pagngiti ni Persius sa kanyang pinsan na labis na kinakirot ng kanyang puso.
Hindi maari ang kanyang nakikita. Alam niyang mayroon ding pagnanasa ang kanyang pinsan sa binatang kanyang minamahal. Pinagmamasdan niya ang bawat kilos nito habang kausap ang punong kawal at batid niya ang paghanga nito. Napakuyom ang kanyang mga kamay at nais niyang sugurin ito at paulanan ng suntok. Ngunit hindi niya maaring isawalang bahala na lamang ang maaring kahinatnan ng kanyang gagawing pagkilos.
Napunta naman ang kanyang tingin sa kanyang tagapaglingkod at mataman itong nagmamasid sa bawat kilos niya at alam niya narin na ang kanyang tagapaglingkod ay may nalalaman tungkol sa relasyon nila ni Persius. Hindi siya ganun kahangal upang hindi alamin ang mga bagay sa paligid niya.
Walang magtatagumpay sa kanilang balak na kunin sa kanya ang minamahal. Mananatili sa tabi niya si Persius at gagawin niya ang lahat upang mapangalagaan ito.
Hindi nagtagal ay lumapit sa harapan ng hari ang kanyang pinsan at tila ba giliw na giliw ito at hindi makapaghintay na sabihin sa hari ang nais nito.
“Kamahalan.. Aking mahal na hari. Ako po ay lubos na nasisiyahan at nagagalak sa pagpapakasal ng aking pinsang prinsipe. Ang iyong tagapagmana ay ganap ng nakahanap ng kanyang magiging reyna. Ngayon ay nais ko namang ipabatid sa inyo ang aking kahilingan.” masayang saad ng kanyang pinsan na kinalukot ng noo ng binatang prinsipe.
“Tristan.. Alam mong lahat ay maaari mong hilingin sa akin. Magsabi ka lamang at tutuparin ko ang iyong kahilingan. Ito ang kaunaunahang pagkakataon na ikaw ay hihiling sa akin kaya ibibigay ko ito ng walang pag-aalinlangan.” natutuwang saad ng hari at hindi napigilan ng binatang duke na masiyahan sa kanyang nalaman mula sa hari.
“Kung gayon.. Nais kong hilingin na ibigay niyo sa akin ang punong kawal ni Prinsipe Brandon upang maging pinuno ng aking hukbo. Alam kong hindi ito dapat banggitin dahil sa kasiyahan na ating pinagdiriwang. Ngunit, napipinto na ang kaguluhang sinimulan ng Corinthia. At hindi pa sapat ang hukbo natin sa Elustre kaya’t nais kong kunin ang punong kawal ng prinsipe upang maging tagapagsanay ng mga kukunin kong sundalo. Isa iyong pangangailangan para sa kaligtasan ng ating kaharian. Kaya’t sana ay pagbigyan ninyo ako sa aking kahilingan.”
Hindi napigilan ni Prinsipe Brandon na tumayo at tunguhin ang kinatatayuan ng kanyang pinsan. Nabatid ng lahat ang tensiyong nagsisimulang mabuo sa pagitan ng prinsipe at sa pinsan nitong duke.
“Hindi pa ba malinaw sa iyo ang lahat, Duke Tristan? O sadyang hindi ka lang talaga marunong umintindi ng isang pakiusap? Malinaw sa iyo na hinding hindi mo pwedeng kunin mula sakin ang aking punong kawal dahil ako ang pumili at humirang sa kanya.” may halong galit na sa tinig ng prinsipe dagdagan pa ng kaunting kalasingan mula sa pag-inom ng alak.
“Isang punong kawal lang ang hinihiling niya, Prinsipe Brandon. Napakaraming pwedeng ihalili sa iyong punong kawal. Bakit napakalaking bagay para sa iyo ang ibigay sa iyong pinsan ang punong kawal?” seryoso narin ang tinig ng hari kaya’t mas lalong uminit ang tensiyon sa loob ng bulwagan.
“Dahil karapatan ko iyon bilang prinsipe.. Walang sinuman—”
“Nasabi sa akin ni Persius na nais niyang maging sundalo.. At ako bilang isang tapat na tagapaglingkod ng aking kaharian ay malugod na tinatanggap ang kanyang kagustuhan. Isa siyang magaling at bihasa sa larangan ng espada. At tiyak akong malayo ang mararating niya kapag naging isa siyang sundalo.”
Ang pagputol ni Duke Tristan sa prinsipe ay mas lalo nitong kinagalit. Hindi niya matatanggap ang pagtalapas nito sa kanyang katayuan bilang prinsipe.
“Kung gayon ay maari ko bang tawagin sa harapan ang punong kawal mo, Prinsipe Brandon? Upang siya mismo ang magbigay ng kanyang saloobin at ang kanyang pasya. Kung siya nga ay isang tapat na lingkod ng ating kaharian, isang kasalanan na hindi natin siya pagbigyan sa kanyang kahilingan.”
At hindi nagtagal ay humarap sa kanila si Persius suot parin ang unimporme niya bilang punong kawal.
“Nasa harapan niyo po ang inyong lingkod, kamahalan. Ako po si Persius ng Kapatagang Homeres. At ako po ang punong kawal ng mahal na prinsipe.” may paggalang na pagpapakilala ni Persius sa hari sabay luhod sa harapan nito.
“Kamanghamangha. Napakakisig na binata. Nakikita ko sa iyo ang kadakilaan at alam kong ikaw ay magiging isang magiting na sundalo. Tama ang pagkakalathala sa iyo ng aking pamangkin. Nararapat ka sa gitna ng labanan. Ang ipagtanggol ang ating kaharian mula sa mga kaaway.” nalulugod na saad ng hari. Alam niyang ito ang taong kinahuhumalingan ng kanyang anak. At ito ang tamang pagkakataon upang tuluyan na itong mawala sa landas ng prinsipe. At kapag napaslang man ito sa labanan ay mas mainam. Upang wala na siyang isipin pang makakasama sa dangal ng kanilang angkan.
“Kung gayon.. Ikaw, Persius ng Kapatagang Homeres ay itinatalaga ko bilang Kapitan ng Hilangang Kalupaan ng Elustre.”
Nanlaki ang mata ni Prinsipe Brandon sa sinaad ng kanyang ama. Hindi maari ito. Hindi nito maaaring kunin sa kanya ang taong iniingatan niya. Gagawin niya ang lahat upang tutulan ito.
“Hindi ako makakapayag sa inyong kagustuhan. Kung nais mong makawala sakin bilang aking punong kawal ay dapat kang mamatay. Dahil sumuway ka sa iyong pangako.” hindi napigilan ng prinsipe na magalit at pinatayo mula sa pagkakaluhod ang binatang kanyang lubos na minamahal.
“Ngayon.. Sabihin mo sa akin, nais mo bang maging sundalo? Maging isang kapitan na maaring mamatay sa gitna ng labanan? O manatili sa tabi ko?” makahulugang tanong ng prinsipe ngunit pagtungo lang ang ginawad sa kanya ng binata.
Parang pinupunit ang puso ng prinsipe. Paano siya nagawang talikuran ng taong labis niyang minahal? Hindi pa ba sapat na manatili lang ito sa tabi niya? Ano ang hinahangad nito? Bakit napakahirap na intindihin nito ang nais niyang mangyari?
“Tinatanggap ko ang inyong biyaya, Kamahalan. Isang karangalan ang maging kapitan ng hukbong sandatahan ng Thesalus.” walang emosyong tugon ni Persius at napabitaw na sa kanya ng tuluyan ang prinsipe.
Gusto niyang lumuha. Gusto niyang mawala sa tamang wisyo ngunit siya ang prinsipe. Hindi siya maaring kakitaan ng panghihina.
“Kung gayon.. Maari ka nang maghanda para sa iyong paglisan kasama ang duke pabalik ng Elustre. Nawa ay gampanan mo ang iyong tungkulin ng tapat at walang pagaalinlangan.” malugod na saad ng hari na minamasdan ang pagkawala ng sigla sa mata ng kanyang anak na prinsipe.
“Maraming salamat sa inyong pagpapala, kamahalan.” muling tugon ni Persius at tumalikod na sa prinsipe.
Ang puso niya ay dinudurog din dahil naisin man niyang pawiin ang sakit na nadarama ng prinsipe, hindi niya maarinh bawiin pa ang kanyang desisyon. Para ito sa kanilang dalawa. Para maipagpatuloy nila ang pagmamahalan nila ng walang mangingialam na kahit sino man.
“Persius.. Sana ay tama ang iyong naging desisyon. Hindi ko inaasahan na mas pipiliin mo ang isang bagay na walang kasiguraduhan kesa sa iyong prinsipe. Huwag kang mag-alala. Mula sa araw na ito, kakalimutan ko nang naging bahagi ka ng aking buhay.”
Hindi napigilan ni Persius na lingunin ang prinsipe ngunit ito ay naglakad na pabalik sa kanyang kinauupuan. Nagsalin ito ng alak sa kanyang kopa at muli itong uminom.
Kita niya sa mukha nito ang matinding pagdurusa. Alam niyang hindi niya kayang nakikitang ganito ang prinsipe. Ngunit wala siyang kakayanan na kunin ang kamay nito at aminin sa bulwagang iyon kung gaano niya kamahal ang prinsipe. Kung gaano kahalaga sa kanya ang prinsipe.
Tumalikod nalamang siya at matamang tiningnan ang duke na ngayon ay nakangiti naman sa kanya. Alam niya kung ano ang naglalaro sa isip nito. Kailangan niya lamang na sakyan ang ninanais nito. Kung nais niyang makuha ang kapangyarihan na sasapat upang makapantay sa prinsipe, ay gagawin niya lahat upang makuha ito.
Alam niyang darating ang panahon at maiintindihan din siya ng prinsipe. Hindi kailanman mawawala ang pagmamahal niya para dito. Kailangan lang nilang magpakatatag sa harap ng pagsubok na ito.
Isang sulyap pa ang ginawa niya sa prinsipe at nagtama ang kanilang mga tingin. Naroon ang galit at pagkamuhi na pinupukol ng prinsipe sa kanya.
“ Patawad, Brandon.. Alam kong hindi mo ako naiintindihan ngayon. Ngunit darating ang araw na ipagpapasalamat mo na ginawa ko ang lahat ng ito. Maraming banta na nakapalibot sa iyo. At ako ang magiging kakampi mo sa lahat ng taong nagnanais na makuha sa iyo ang kapangyarihan. Ito ang kapalit ng aking pansamantalang pagbitiw sa pangako ko. Ang masigurong ikaw ang maghahari sa Thesalus. At gagawin ko ang lahat mapangalagaan ka lamang.“
At tuluyang nang nilisan ni Persius ang bulwagan at nagtungo sa kanyang silid upang ihanda ang kanyang mga gamit. Nakahanda na siyang iwanan ang palasyo.
Ngunit iiwanan niya ang puso niya rito. Sa piling ng kanyang minamahal na prinsipe.
Itutuloy…
Next Chapter will be the transition.. After 4 years.. Ano na ang mangyayari sa pag-iibigan ni Persius at Prinsipe Brandon?
Ang Bagong Hari
Wala akong maisip na magpoportray ng character ni Prinsipe Brandon/ Haring Brandon. So I picked Avan Jogia para sa kanya. I think he fits my description of the beautiful yet cold hearted royalty.
Taong 135
6 (Unang Taon ni Brandon bilang Hari)
Ang mga panaghoy ng mga tao sa loob ng silid ng hari ay hindi mapigilan. Maging ang reyna ay lubos na nasasaktan at labis na naghihinagpis sa pagpanaw ng kanyang minamahal na asawa. Tangan niya ang kwentas na ibinigay nito sa kanya noong bago pa lamang silang mag-asawa. Inipit ng reyna sa kamay ng hari ang kanyang kwentas at inatasan ang punong tagapaglingkod ng hari na ianunsyo na sa buong kaharian ang pagkawala ng Haring Bernard.
Nakatayo lang sa gilid ng kama ng hari ang kanyang anak na Prinsipe na ngayon ay dalawampu’t isang taong gulang na.. Mas lalong naging malayo ang loob ni Prinsipe Brandon sa kanyang ama simula ng gabing iyon. Ang gabing tuluyan siyang tinalikuran ng taong kanyang minamahal.
Mula nang iwanan siya ni Persius, lahat ng kanyang pananaw ay nagbago na. Siya ay naging kasing tigas ng bato. Hindi niya hinahayaang kakitaan siya ng kahit na anong emosyon. Ang mga mata niya ay tila nawalan na ng kinang. Nabubuhay nalamang siya dahil sa tungkulin na nakapatong sa kanyang mga balikat. At ngayon nga ay nasa harapan niya ang walang buhay niyang ama ngunit wala siyang lungkot na nadarama para dito.
Buong buhay niya ay laging dinidiktahan ng kanyang ama. Ang lahat ng naiisin niya ay hindi maaari dahil ayaw ng kanyang ama. Lahat ng kanyang binalak gawin ay hindi nangyari dahil sa pangingialam ng kanyang ama. At ngayong wala na ito, siya na ang susunod na hari ng Thesalus. At nakahanda na siyang pagharian ang kahiraang nakatakda para sa kanya.
“Ikaw na ang bagong hari, Kamahalan. Mabuhay ang Haring Brandon!” impit na hayag ng reyna sa kanyang anak na siya din namang sinundan ng mga taong nasa loob ng silid ng hari.
“Mabuhay ang Haring Brandon!” sabay sabay nilang usal at agad na umalingawngaw ang kampana ng katedral bilang hudyat ng kamatayan ng hari. Ang mga puting bandila ay lumatag sa bawat bintana ng palasyo at ang mgatagapagsilbi ay agad nang naghanda upang sa gaganaping seremonya ng libing ng namatay na hari.
—————————
“Kamahalan.. Nakahanda na po ang lahat. Ikaw nalamang ang hinihintay nila sa ilog.” usal ni Ginoong Martell sa bagong hari na matamang nakaupo lamang sa loob ng karwahe at hindi parin bumababa patungo sa pampang ng ilog kung saan nakalutang ang bankang kinasisidlan ng bangkay ng nasirang hari.
Hindi magawang humakbang ng bagong hari dahil sa ngayon pa lamang niya nararamdaman ang kalungkutan. Alam niyang may pagkukulang din siya bilang anak sa kanyang ama. At nagsisisi siya na hindi man lamang siya nakahingi ng tawad sa kanyang ama bago ito pumanaw. Ngunit kailangan niyang lumabas ng karwahe at tunguhin ang kinaroroonan ng kanyang ina at ng kanyang asawa na magkahawak ngayon at naghihinagpis parin.
Ang makapal niyang kasuotan na panlaban sa napipintong taglamig ay ibinalabal niya sa kanyang katawan at lumabas na siya ng tuluyan. Kita niya ang pagyuko ng mga tagapagsilbi niy at lahat ng taong naroroon. Ang kanyang punong kawal ay tangan naman ang pana at palasong gagamitin niya upag paapoyin ang bangkang lulan ang bangkay ng kanyang ama. Nababalot ito ng mga puti at lilang bulaklak at suot ng hari ang kanyang kasuotan nang siya ay koronahan noon.
Nang makalapit na si Haring Brandon sa pampang ay agad niyang pinalapit ang isang tagasilbi na may hawak ng sulo at agad niyang idinikit dito ang dulo ng palasong hawak niya. At nagapoy naman ito agad.
Binitawan na ng mga kawal ang bangka at tuluyan itong tinangay ng malakas na agos ng ilog na malapit lamang sa palasyo ng Thesalus. Mas lalong sumidhi ang pagtangis ng reyna maging ang mga tagapagsilbi ng hari at ang ilang miyembro ng konseho nito.
At nang sapat na ang layo ng bangka ay agad na ibinala ni Haring Brando ang nagaapoy na palaso sa pana na hawak niya at inasinta ng mabuti ang gitna ng bangka.
“ Paalam, aking ama.“ saad pa ni Haring Brandon sa isip niya bago pakawalan ang palaso na tumama naman sa pinakagitna ng bangka at agad na nagliyab. Ang reyna ay nagmamadaling lumapit sa kanyang anak at niyakap ito ng mahigpit.
“Sana ay napatawad mo na siya sa lahat ng kanyang nagawa sa iyo, Brandon. Alam mong ginawa lamang ng iyong ama ang nararapat at ang tungkulin niya para sa atinh kaharian.” humihikbing saad ng reyna sa kanyang anak.
“Lahat ay magbabago na, ina. Ngayong ako na ang hari, maraming pagbabago ang magaganap. At ipinapangako ko na mas hihigitan ko pa ang nagawa ng aking ama para sa Thesalus.” tanging nasambit ng bagong hari at hindi naman nakaimik pa ang biyudang reyna.
“Ngayong wala na ang aking ama, maari na kayong magtungo sa Diseclos, ang inyong pinagmulan ina.. Alam kong matagal mo nang nais na makauwi sa Diseclos at ngayon ay pinahihintulutan na kita.” muli pang saad ng hari sa kanyang ina na nagulat sa kanyang tinuran.
“Ngunit anak.. Paano ka naman? Hindi mo na ba kakailanganin ang aking tulong? Hindi mo ba nais na makasama ako rito sa palasyo?”
Umiling si Haring Brandon sa kanyang ina at mataman itong tinitigan sa mata.
“Mas mapapanatag ako na nasa isang lugar ka na malayo sa palasyo. Ayaw ko nang patuloy ka pang pahirapan sa mga ala-ala ng aking ama habang naririto ka. Dadalawin kita parati sa Diseclos. Pinapangako ko.” at ngumiti siya sa kanyang ina na tumango naman bilang pag-sangayon sa kanya. “Mananatili ako hanggang sa koronasyon mo. Kailangan kong makita kung paano ipatong sa ulo mo ang korona ng iyong nasirang ama.” nakangiting saad ng reyna at tumango naman ang bagong hari at tuluyan na nilang nilisan ang pampang ng ilog at bumalik na sa palasyo.
—————––
Nasa balkonahe ng kanyang bagong silid si Haring Brandon at hawak ang kanyang kopa na may lamang alak at sinisimsim ito habang nakatitig sa tuyong kapatagan na nasasakop ng buong palasyo.
Nagsisimula naring umihip ang malamig na hangin at nalalapit narin ang kanyang ikadalawampu’t dalawang kaarawan.
Apat na taon na simula nang lumisan si Persius. At sa loob ng apat na taon na iyon ni minsan ay hindi nawala sa isipan niya ang minamahal na binata. Ngunit puno na ng galit ang puso niya dahil hindi manlamang siya nito naisip kahit kailan.
Biglang mag dumating na tagapaglingkod sa kanyang silid at nagbigay galang ito sa kanya.
“Kamahalan.. Nais kong ipabatid na may sulat na dumating mula sa Hilaga. Galing kay Duke Tristan ang naturang sulat, kamahalan.” saad ng tagapaglingkod at sumenyas ang hari na ibigay sa kanya ang sulat.
Binuksan niya ang manipis na papel at bumungad doon ang sulat kamay ng kanyang pinsan.
“Kamahalan.. Ako ay nagagalak sa iyong nalalapit na koronasyon bilang bagong hari ng Thesalus. Ako ang inyong lingkod na may magandang balita para sa inyo. Tuluyan nang nagapi ng aking hukbo ang kalahati ng nasasakupan ng Corinthia at hindi magtatagal ay tuluyan nang susuko ang hari sa kanyang kapalaluan. Nais kong magtungo sa palasyo upang makipagdiwang sa inyo. Matagal narin nang huli tayong magkita. Nasasabik akong muling makatungtong sa palasyo. Ang inyong lingkod.. Duke Tristan ng Elustre.”
Napakuyom ng kanyang kamao ang hari sa nabasang sulat mula sa kanyang pinsan. Pinapamukha nito sa kanya na ito ang nanguna sa pagpapabagsak ng hukbong sandatahan ng Corinthia na naghasik ng kaguluhan sa buong rehiyon.
Ngayong nakikita na ng iba pang duke at opisyal ng Thesalus ang pinapamalas na galing ni Duke Tristan ay nanganganib ang kanyang katayuan bilang hari. At hindi niya mapapayagan ang bagay na iyon.
Sinunog niya ang papel sa harapan ng lampara sa kanyang mesa. Napatitig siya sa apoy ng lampara at nabuo sa kanyang isipan ang isang balak na maaring umayon ang tadhana sa kanya.
Agad siyang gumawa ng sulat at ipinadala ito sa lahat ng duke at opisyal ng Thesalus. Nais niyang makita kung nasaan ang katapatan ng mga ito. Hindi siya maaring mabigo sa kanyang binabalak.
–––––––––––
Nasa pampang ng lawa ang walang saplot na binata at patuloy na pinaglalabanan ang lamig na kanyang nararamdaman. Malayo narin ang nalakbay niya at malapit na siya sa kanyang paroroonan. Ang kanyang baluti at mga armas ay nakatabi sa isang malaking puno at ang kanyang kabayo ay matamang pinanonood ang kanyang pagmumuni.
“Heneral! Heneral! May balita mula sa labanan!” sigaw ng isang sundalo na mabilis na tumatakbo palapit sa kinaroroonan ng binata.
Napatayo ang binatang heneral at humarap sa kanyang sundalo at nagyuko ito ng tingin dahil sa hindi niya rin maiwasang mamangha sa kagandahan ng katawan ng kanyang pinuno.
“Cali.. Nakikita mo nang hindi pa ako tapos maligo? Maari mo namang sabihan ako kapag natapos na akong maligo hindi ba?” nakangiting saad ng binatang heneral.
“Ngunit Heneral.. Isa itong napakagandang balita na hindi ko dapat ipagpaliban. Nagapi na ng ating hukbo ang bayan ng Corinthia. At sumuko na ng tuluyan ang hari. Hindi ba’t isang napakagandang balita?” tuwang tuwa ang sundalo na patuloy paring umiiwas sa kanyang nasasaksihan sa pagkakataong iyon.
“Inaasahan ko na iyon.. Hindi narin tatagal ang kanilang depensa. Hindi ko na kailangan pang lumusob sa kanila upang isuko na ang digmaang ito.. Ilang taon narin nating hinihintay ang pagkakataong ito.” nakangiting saad ng binatang heneral.
Naglakad siya sa punong pinaglagyan niya ng kanyang mga kasuotan at isa isa niya itong ibinalik sa kanyang katawan. Nakangiti ang binatang heneral dahil naging matagumpay ang lahat.
Nagtagumpay siya sa kanyang mga binalak. Ngayon, sapat na ang naipon niyang lakas at impluwensiya upang bawiin ang taong matagal na niyang gustong makuhang muli.
“Cali.. Gusto kong gumawa ka ng liham at ibigay mo ito sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Nais ko silang makausap at may nais akong ihayag sa kanila. Naiintindihan mo ba?” utos ng binatang heneral sa kanyang pinagkakatiwalaang sundalo.
“Masusunod, Heneral Persius.” at yumuko itong muli upang magbigay galang at umalis na ng tuluyan.
Naiwan si Persius na may ngiti sa kanyang labi. Nagtagumpay na siya. Ngunit may mas higit pa sa labanang kanyang hinarap sa loob ng apat na taon ang naghihintay sa kanya. Ang pagbalik niyang muli sa palasyo. Ang makitang muli ang kanyang minamahal.
“ Babalik na ako, Brandon.. At nakahanda na akong bawiin ka. Hindi na ako magpapatalo pa maging sa reyna. Ikaw ay akin lamang. At walang sinuman ang maaring magmay-ari sa’yo kundi ako lamang.“
At agad niyang kinalagan ang pagkakatali ng kanyang kabayo at sumakay na dito at agad na nagtungo sa kanyang kampo upang tingnan ang sitwasyon ng kanyang mga hukbo.
–––––––––––
Nakatingin sa kanyang salamin si Reyna Sanya. Mula sa kanyang kinauupuan ay nakatanaw naman sa kanya ang matandang tagapaglingkod niya, si Madam Jovana.
“Hindi ko na kaya ang ginagawang pambabalewala ni Brandon sa akin.. Ano ba ang dapat kong gawin? Ilang buwan na siyang hindi dumadalaw sa aking silid? Ano pa ba ang kulang sa akin?!” hindi napigilang ilabas ng reyna ang kanyang pagkamuhi at pagkagalit sa kanyang asawa.
Simula ng maikasal sila nito, kahit kailan ay hindi siya nito binigyan ng pansin. Ginagalaw siya nito ngunit walang pagmamahal ang bawat pagindayog nito sa kayang ibabaw. Katawan lang ang naroon ngunit wala ang kaluluwa nito.
“Mahal na reyna.. Huminahon po kayo. Hindi makakabuti sa inyo ang sobrang pag-aalala. Hindi niyo ba nasabi sa hari na maselan ang inyong kondisyon?”
Hinaplos ng reyna ang kanyang nakausbong na tiyan at naluha nalamang siya kapag inaalala ang walang buhay na mga titig na binibigay sa kanya ng kanyang asawa.
“Dahil sa kanya.. Kaya nagkaganito si Brandon. Ngayong ako na ang reyna.. Sisiguraduhin kong magbabayad siya sa pagkuha niya sa puso ng aking asawa. Hinding hindi ko na hahayaan pang muli siyang makatuntong dito sa palasyo.” galit na saad ng reyna at kita sa mga mata niya ang galit.
“Madam Jovana.. Gusto kong makausap si Heneral Elio.. Magpadala ka ng tauhan natin sa kanyang kinaroroonan. Nais ko siyang makaharap bago ang koronasyon. Hindi na dapat pang magkita si Brandon at ang hangal na Persius na ’yun.”
Kita ang galit sa mga titig ng reyna habang nakaharap siya sa salamin. Walang sino man ang makakakuha sa hari maliban sa kanya.
At kung kailangan niyang pumaslang para lamang sa ikakatahimik ng kanilang mga buhay, ay gagawin niya ito.
Dahil hindi na niya hahayaan pang patuloy siyang maliitin at gawing parausan lamang ng kanyang asawang hari.
Itutuloy…
Koronasyon
Mas lalo akong nahirapan pumili ng magpoportray sa character ni Persius. He is handsome yet gentle but still strong in character. So I thought this guy will fit in. He is Francisco Lachowski.
Ang nalalapit na koronasyon ng bagong hari ay nagbibigay kasiyahan sa buong bayan ng Thesalus. Ang mga mamamayan ay naghahanda narin upang magbigay pugay sa kanilang bagong hari.
Ang mga tahanan ng bawat miyembro ng konseho ay abala narin. Maliban sa tahanan ni Maestro Rowall na hindi parin sumusuko sa kanyang mithiin. Ang mapatalsik sa kanyang pagiging hari si Haring Brandon sa lalong madaling panahon. Ang kanyang mga kaalyado ay pumapanig sa kanyang hingil sa usaping ito. Lihim silang pinatawag ni Haring Brandon upang kausapin sila ng masinsinan at alamin kung nasaan ang kanilang katapatan. Siya rin namang pagdating ng mga sulat mula kay Duke Tristan na naglalayon hingin ang kanilang suporta.
Doon naisip ni Maestro Rowall na si Duke Tristan ang nararapat na maging hari dahil sa malaking naiambag nito sa kaharian ng Thesalus. Hindi ang makasarili at walang alam na si Haring Brandon ang maaring maupo sa trono sa mahabang panahon.
“Nauunawaan ko ang iyong sintemyento, ngunit alam mong mapanganib kapag nalaman ng hari na tayo ay nagbabalak ng isang kudeta. Isang marahas na kamatayan ang ipapataw sa ating kapag nangyari iyon.” saad ni Ginoong Leon, isa sa mga miyembro ng konseho ng nasirang hari na ayaw din na maging hari si Brandon.
“Kaya kailangan nating mag-ingat at kumbinsihin ang buong sandatahang lakas. Dahil kapag nasa atin ang panig nila, hindi na tayo mahihirapan pang paalisin ang hari sa kanyang trono. Maitatalaga na natin ang karapat dapat para sa trono.” saad ni Maestro Rowall sa kanyang kaibigan.
“Kung gayon ay ako na ang bahalang kumausap sa mga heneral. Alam kong madali lang natin silang mapapasunod.”
Hindi naman nagtagal ang ginoo sa tahanan ng maestro at naiwan ang matanda sa kanyang mesa at nagsimulang sumulat bilang sagot sa pakiusap ni Duke Tristan sa kanya.
————————
Malapit na si Persius sa tahanan ng duke at kasama niya ang ilang sundalo na may dalang mga regalo para sa duke. Ang kanyang pagbabalik sa Elustre ay pawang nakakapanabik din sapagkata makikita na niyang muli ang kanyang pamilya na nananahan ngayon sa malaking tahanan ng duke.
Ang mga tauhan ng duke ay hindi magkamayaw sa mga bisitang dumarating kaya’t agad na tumakbo ang isang katiwala patungo sa silid ng mayor doma na si Diana upang ipagbigay alam na nakabalik na ang kanyang anak na heneral.
“Madam Diana! Nandito na po si Heneral Persius. Dumating na siya!” hindi napigilang maibulalas ng katiwala ang mga salitang iyon sa ginang na abala sa paglilista ng mga kakailanganin sa tahanan ng duke.
Hindi napigilan ng ginang na mapatigil sa kanyang ginagawa at agad na tinakbo ang pintuan at pababa ng napakataas na hagdan ng tahanan ng duke. Ang kanyang kagalakan ay walang mapagsidlan dahil matagumpay na nakauwi si Persius.
Natanaw ng ginang ang kanyang anak na bumababa mula sa kabayong sinasakyan nito at patakbo niya itong sinalubong at hindi naman napigil ni Persius na yakapin ang kanyang inang matagal ding nawalay sa kanya.
“Diyos ko! Salamat naman at ligtas kang nakauwi sa Elustre. Ikaw ay tunay na pinagpala, Heneral Persius.” sambit ng ginang sa kanyang anak ngunit tumawa lang ang binatang heneral sa sinambit ng kanyang ina.
“Ina.. Hindi mo ako dapat tawaging Heneral kapag kasama mo ako. Ako parin ang anak mo. Ang iyong panganay.” malumanay na sagot ng binata sa kanyang ina.
“Maligayang pagbabalik, Heneral.” basag ng isang malalim na boses na nagmumula sa likuran ng magkayakap na mag-ina.
“Duke Tristan!” nakangiting saad ni Persius at agad na tinakbo ang kinatatayuan ng duke at yinakap ito.
Hindi napigilan ni Tristan na yakapin din ng mahigpit ang lalaking pinanabikan niyang makita at makapiling muli. Nangulila siya sa binata at hindi mapigilan ang bugso ng kanyang damdamin.
“Mabuti naman at ligtas kang nakabalik. Isang matagumpay na pagpapasuko ang ginawa mo sa Corinthia. Nararapat lamang na ikaw ay bigyan ng napakalaking pabuya.” saad ni Duke Tristan na may halong ibang layunin ang mga sinaad nito sa heneral.
Sinakyan ni Persius ang sinambit ng duke. Hindi naman nagtagal ay bumitiw ito ng yakap sa kanya at agad na inaya ito sa kanyang silid upang doon sila magkausap.
“Diana.. Ipagutos mo sa ating mga tagakusina na maghanda ng malaking salo-salo. Para sa pagbabalik ng ating heneral dito sa Elustre.” utos naman ng Duke sa ina ng heneral na matamang yumukod bilang pagsunod sa pinaguutos nito.
At sabay na nagtungo ang heneral at ang duke sa malaking silid nito.
———————––
Agad na ginagap ng duke ang mukha ng heneral at masidhing hinalikan ito. Hindi niya mapigilan ang sarili na malunod sa napakalambot nitong mga labi at ang amoy nitong matagal din niyang pinanabikan. Wala namang pagtutol ang heneral sa ginagawang paghalik sa kanya ng duke. Patuloy niya itong susundin sa anumang naisin nito dahil alam niya sa huli, ito ang susi niya upang mapagtagumpayan niya ang balak niyang bawiin muli si Brandon.
Ang mga halik ng duke sa kanya ay walang naidudulot sa ligaya sa kanya. Hinahayaan niyang gamitin siya nito. Dahil ito lang ang paraan upang mahawakan niya sa leeg ang duke.
Alam niyang matagal nang panahon na gusto siya ng duke. At naglalayon ito na pabagsakin si Brandon at ito ang humalili bilang hari. Kaya’t hindi niya hahayaan na magtagumpay ito. Kahit pa sabihing nagtataksil siya sa kanyang minamahal. Ngunit para rin ito sa kanilang dalawa.
Kapag napigilan niya ang pagpapabagsak ni Tristan sa paghahari ni Brandon, pwede na niyang isiwalat ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa duke. Sa ngayon, hahayaan muna niyang gamitin siya nito. Ang katawan niya at lahat ng meron siya.
———————––
“Nais kong paslangin mo si Heneral Persius bago pa dumating ang araw ng koronasyon.” matalim na saad ni Reyna Sanya sa kaharap niyang heneral sa kanyang silid ngayon.
“Ka-Kamahalan.. Anong sinasabi ninyo? Patayin ang Punong Heneral ng Hukbong Sandatahan ng Thesalus?”
Tumango ang reyna at kumuha ng isang malaking supot na naglalaman ng maraming ginto ang mga diamante. Inabot niya ito sa heneral.
“Hindi kailangang ikaw ang pumatay sa kanya.. Alam kong hindi ka ganun kahangal upang sundin ako. Nais kong maghanap ka ng magagaling na mamamaslang at ipagawa mo sa kanila ang trabaho.”
Umiling ang heneral. Alam niyang magaling at napakahusay na mandirigma ni Heneral Persius. At kapag nagkataong hindi magtagumpay ang pagkapaslang dito ay isang malaking kaguluhan ang mangyayari sa buong Thesalus. Lalo pa’t alam niyang kakampi ni Heneral Persius si Duke Tristan na pinakamakapangyarihang duke sa buong kaharian.
“Ngunit kamahalan.. Isang kaguluhan ang uusbong kapag hindi tayo nagtagumpay sa ating binabalak.” muling saad ng heneral na kinalukot ng noo ng reyna.
Mula nang malaman niya ang lihim na pagiibigan ng kanyang asawa at ni Heneral Persius ay hindi na siya natahimik. Hindi niya parin mapaniwal ang sarili na isang lalaki pala ang kaagaw niya sa puso ng hari. Matatanggap niya pa ito kung isang babae ang iniibig ng hari ngunit isang lalaki. Isang makisig at matipunong lalaki ang iniibig ng kanyang asawa.
“Kaya’t nais kong siguruhin mo na hindi mabibigo ang mga tagapaslang. Dahil kapag nangyari iyon, hindi lang ako ang babagsak.. Pati na ikaw at ang lahat ng nakakaalam ng ating napagusapan. Ngayon, humayo ka na at gawin na ang aking ninanais.” walang pasensiyang lahad ng reyna na tinanguan lamang ng heneral bilang pagsunod dito.
Malapit nang magwakas ang kahibangan ni Haring Brandon. Malapit na niyang makuha ng buo ang puso nito. Nakangiti siya nang maisip niya ang isang napakasayang pamilya na bubuohin nila ni Haring Brandon.
–––––––––––
“Sigurado akong si Maestro Rowall ang traydor sa aking konseho.. Nais kong bantayan niyo ang bawat kinikilos niya. Alam kong nakikipagalyansa siya kay Tristan.” madiin na saad ni Haring Brandon habang kausap sa silid aklatan ang kanyang pinagkakatiwalaang tagapaglingkod.
“Kung ito ang inyong hinuha, maari nga kayang nagbabalak sila ng isang kudeta? Nais nilang patalsikin ka sa iyong pagiging hari?” saad ni Ginoong Martell sa kanyang hari at napatango naman ang huli.
“Nababasa ko ang kanilang mga mukha. Alam kong ayaw nila akong makitang mamuno sa Thesalus. At kung tama ang hinala ko, si Tristan ang napipisil nila bilang hari. At hindi ako makakapayag doon. Nakuha na ni Tristan sa akin ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Hindi ko na hahayaang pati ang kaharian ay makuha niya mula sakin!” napakuyom ang hari ng kanyang kamay at tinitigan ng mariin ang sulat na nasa mesa.
“Kamahalan.. Matagal na panahon na ang nakalipas. Bakit hanggang ngayon, hindi niyo parin mapakawalan sa puso at isipan niyo ang binatang ’yun?” hindi na napigilan ni Ginoong Martell na ilahad ang kanyang hinaing sa hari.
“Dahil siya lamang ang minahal ko ng ganito. At patuloy ko siyang minamahal kahit napakaraming bagay na ang ginawa niya para saktan ako. Hindi ko maialis siya sa aking isipan. Ganun ko siya kamahal, Ginoong Martell. At hindi ko siya mapapatawad sa pagtalikod niya sa akin!” may galit sa tinig ng hari habang patuloy niyang tinititigan ang sulat na pinadala sa kanyang ni Persius tatlong taon na ang nakakaraan.
“Paano ang Reyna Sanya? Ang inyong magiging anak? Wala ba silang halaga sa inyo kamahalan?”
Binaling ng hari ang tingin niya sa kanyang tagapaglingkod at lukot ang noo niyang tinitigan ito sa mata.
“Hindi ko kasalanan na hindi ko siya magawang mahalin. Dahil kahit kailan, hindi na ako iibig pa ng kasing sidhi ng pagmamahal ko para kay Persius. Siya lamang at wala nang iba pa. Iyon ang dapat niyang malaman.”
“Nais ko lamang ipaalala sa inyo na mas lalong nanganganib ang posisyon ninyo bilang hari. Kapag nalaman ng mga kalaban ninyo na walang magandang pagsasama ang hari at reyna, tutuligsain nila ang pamumuno mo at maaring ikagalit ito ng mga taga Olympia at sumiklab nanaman ang isang kaguluhan.”
Natahimik ang hari at muling ibinalik ang tuon sa sulat na galing kay Persius. Pilit niyang inaalala ang laman ng sulat na ito. Pilit niyang kinakalimutan ang lahat ngunit alam niyang hindi totoo ang mga linahad ni Persius dito.
Kamahalan.. Ako po ay lumisan na may mabigat na damdamin. Ngunit alam kong hindi mo parin ito pakikinggan kahit magsumamo ako sa inyo. Nais ko lamang na patunayan sa inyo na mahalaga kayo sa akin at tunay ko kayong iniibig. Hindi maihahaluntulad sa kahit na anong bagay ang pagmamahal ko sa inyo. Ang pagbitiw ko pansamantala ay isang bagay na masakit din para sa akin. Ngunit ito lamang ang nakikita kong paraan upang maipaglaban ko ang pagmamahalan natin. Babalik ako sa piling mo. At sisiguraduhin kong wala nang makakahadlang pa sa ating pagmamahalan.. Ang inyong lingkod, Persius
Maraming beses na niyang nabasa ang liham na ito mula kay Persius ngunit hanggang ngayon masakit parin sa kanya ang lahat ng nangyari.
Linisan ng hari ang silid aklatan at agad na nagtungo sa kanyang pahingahan. Kailangan niya ng alak upang pakalmahin ang puso niya bumibilis nanaman ang pagpintig dahil sa nararanasang pagkalungkot.
————————— Ang lahat ng tao sa labas ng katedral ay nakahanda na upang salubungin ang paglabas ng bagong hari ng Thesalus. Lahat ay nag-aabang sa paglabas nito mula sa malalaking tarangkahan ng katedral at nakaputong sa ulo nito ang kanyang korona. Ang pinakapinananabikang tagpo sa kasaysayan ng Thesalus.
Sa malaking tarangkahan naman sa hilaga ng palasyo ay dumating narin si Duke Tristan at si Heneral Persius at ang ilang tagapaglingkod at may dalang mga regalo para sa koronasyon ng bagong hari.
Nananabik na si Persius na muling makita ang hari at muling makaharap ang Reyna Sanya.
“Nakabalik na ako.. At ngayong narito na akong muli, hindi na ako magpapatalo pa sa aking takot. Ipaglalaban ko na ang aking layunin. At magbabayad ka, Reyna Sanya sa iyong nagawa. Hindi kita mapapatawad sa pagtatangka mo sa aking buhay. Makikita mo ang unti unting pagbagsak mo bilang reyna ng Thesalus.”
Takipsilim na nang makarating sa palasyo ang grupo ni Duke Tristan at Heneral Persius at yumukod lahat ng panauhin sa bulwagan nang pumasok na sila dito ng tuluyan. Nagsisimula na ang kasiyahan at muli na ngang nagtagpo ang mga tingin ni Haring Brandon at ng kanyang minamahal na binata.
Napatayo ang hari sa kanyang tronong inuupuan at ang kanyang titig ay nakatuon lamang sa makisig na heneral na napakatagal na panahon niya ring hindi nasilayan. Tila mas lalo itong naging matipuno at naging kaakit akit dahil sa kanyang taglay na otoridad. Parang hindi na ito ang nakilala niyang mangangaso sa gubat noon.
Isa nang makapangyarihang tao ang binatang kanyang inibig ng tunay.
Itutuloy…
Ang Lihim ng Heneral
Isang magandang araw ang bumungad kay Persius nang siya ay magising mula sa kanyang silid na tinutuluyan sa tahanan ni Duke Tristan. Matagal na niyang nais mangaso at ngayong taglagas na at nalalapit na ang pagdating ng taglamig ay maaring kaunti nalamang ang mga kanyang makikitang hayop sa kagubatan.
Napabangon siya sa kanyang higaan at agad na tinungo ang silid paliguan upang siya ay makaligo at makababa na sa hapagkainan ng malaking bahay. Alam niyang naghihintay roon ang kanyang ina at ang kanyang mga kapatid na dito rin nakatira sa malaking tahanan ng duke.
Sinuot niya ang pagkaraniwang damit niya dahil tapos na ang kaguluhan at tahimik na pansamantala ang lahat kaya maari niyang maisuot ng malaya ang mga damit na nais niya.
Nang nakababa siya ng hagdanan ay naabutan niya ang magsiglang tawanan ng kanyang mga kapatid na babae at ng duke na ngayon ay nagsisimula nang kumain ng kanilang almusal.
Nakita ng mga kapatid niya ang kanyang pagdating kaya napatayo ang mga ito sa kanilang upuan at yumukod upang magbigay galang sa kanya.
“Heneral Persius.. Isang magandang umaga sa inyo.” sabay na saad ni Lisa at Amira sa kanilang nakatatandang kapatid.
“Hindi niyo kailangang gawin iyan kapag tayo lamang ang magkakasama. Bakit ba hindi niya makita na ako ang kuya ninyo?” magiliw na sagot ng binatang heneral sa kanyang mga kapatid.
“Hindi namin mapigilang magbigay galang sa inyo.. Kayo po ang punong heneral ng Thesalus. Hindi po namin maaring ipagwalang bahala iyon.”
Natawa ng mahina si Persius at ginagap ang mukha ng mga kapatid niya.
“Ako parin ang kuya niyo.. At para maramdaman niyo na ako ang Kuya ninyo, isasama ko kayo sa pangangaso sa gubat.. Gusto niyo ba iyon?”
Nagkatinginan ang dalawang dalagitang kapatid ng heneral at masayang napatango sa nalaman mula dito.
“Kung gayon, kumain na tayo at nang masimulan na natin ang pangangaso.” tugon pang muli ng heneral at bumaling siya ng tingin sa duke na nakangiti lang din sa kanyang namamasdang tagpo sa magkakapatid.
“Sasama ka ba sa aming pangangaso, Duke Tristan?” masayang pag-aya ni Persius sa kanyang kaharap.
“Hindi ako makakasama sa inyo, Persius. Marami akong gagawing paghahanda para sa pagdalo natin sa koronasyon ng hari. At ang pagbabalik mo sa palasyo, kailangang maayos na ang lahat.” masayang tugon sa kanya ng duke at tumango lamang siya bilang sagot.
“Kung gayon ay sasabay na ako sa inyong pagkain. Mukhang masarap ang inihain.”
At dumating din ang mayor doma ng malaking tahanan ng duke upang makisalo narin sa kanyang pamilya. Puno ng kasiyahan ang hapagkainan dahil sa mga nangyayari ngayon. Ang tagumpay ng heneral at ang napipintong pagtatagumpay ng duke sa kanyang mga binabalak.
———————–
Nasa gitna sila ng kagubatan at aliw na aliw si Lisa at Amira sa ginagawang paglilibot sa kanila ng kanilang nakatatandang kapatid. Nariyan at napag-uusapan nila kung mayroon na silang mga nobyo ngunit tanging tawanan lang ang sinagot nila dito.
Nakaramdam si Persius na tila may sumusunod sa bawat hakbang na ginagawa nila. Tila may nakamasid sa kanyang mga mata. Bilang bihasa na sa pakikipagpaglaban at mga istilo ng kaaway, alam niyang may nagtatangka sa buhay nila. Kaya minabuti niyang huwag na munang palayuin sa kanya ang mga kapatid. Inutos niya rito na bumalik na kaagad sa labasan ng kagubatan at magtungo sa tahanan ng duke. Agad naman siyang sinunod ng mga ito at tanging siya nalamang ang naiwan sa kagubatan.
Batid niyang nasa apat hanggang walong tao ang nagmamasid sa kanya. May nagbabalak talaga sa kanyang mapaslang. At kapag nalaman niya kung sino ang nasa likod nito ay mananagot sa kanya.
“Lumabas kayo sa pinagtataguan niyo at harapin niyo ako! Alam kong sinusundan niyo ako kanina pa!” sigaw ng binatang heneral na narinig naman ng mga tagapaslang na sinuhulan ni Heneral Elio.. Ang kakampi ni Reyna Sanya.
Hindi naman nagtagal ay napalibutan na ang heneral ng walong lalaking pawang nakatakip ang mga mukha. Alam niyang ekspertong mamamaslang ang mga ito kaya hinanda niya ang kanyang sarili sa pwedeng mangyari.
Isa-isang sumugod sa kanya ang apat at agad naman siyang napabunot ng kanyang espada. Aambahan sana siya sa likod ngunit nakailag siya at mabilis na winasiwas ang espada niya dahilan para magkawatak watak ang grupo. Dahil sa bilis ng kilos ng heneral ay hindi namamalayan ng mga kalaban kung saang direksyon sila nito dadambadin ng espada. Ang isa sa kanila ay nakaisip na tumakbo na lamang dahil alam niyang isang magaling humawak ng espada ang kanilang pinapaslang. Hindi nila ito makakaya sapagkat lubos ang kagalingan nito. Mabilis na napaslang ni Persius ang bawat nagtatangkang sugatan siya ng dala nilang espada. Para siyang hangin na bigla nalang nawawala at mamamalayan nalang nilang nakatarak na ang talim ng espada nito sa delikadong bahagi ng kanilang katawan.
Agad na napaslang ni Persius ang pitong kalalakihan na sinubukan siyang paslangin. Ngunit may kulang pang isa. At kailangan niyang habulin ito at mapaamin sa kung sino ang may pakana ng lahat ng ito.
Sumakay siya sa kanyang kabayo at agad sinundan ang direksyon ng nakatakas na mamamaslang. Magaling siya sa pagkalkula ng bawat galaw ng isang tumatakas mula sa labanan kaya humanap siya ng isang daanang mas mapapadali sa kanya sa pagharang sa tumatakas na tagapaslang.
Hindi nga siya nabigo dahil ang kinahantungan nito ay isang bangin na walang ibang daanan. Napababa si Persius sa kanyang kabayo at nakangising hinarap ang tagapaslang na sinusubukang tumakas.
“Akala niyo siguro ganun lang ninyo ako kadali mapapaslang. Kung sino man ang nag-utos sa inyo, nagkamali siya ng taong binangga niya. Ngayon, sabihin mo sa akin kung sino ang nagtangkang ipapatay ako?”
Umiling ang tagapaslang at hindi niya maiwasang matakot dahil sa nakakahilakbot na titig ng heneral sa kanyang mata. Para itong nanunuot sa kanyang kalamnan. Pinapatay na siya nito sa mga titig palang niya.
“Wa-walang nag-utos samin. Ninais naming pagnakawan ka at ang mga kapatid mo.”
“Nakakapagtaka naman? Kung balak mo kaming pagnakawan? Bakit kailangan mong magsama ng pitong iba pa? Alam kong may gustong mapaslang ako, at iyon ang taong nagutos sa iyo. Kaya ngayon, bago kita patayin, sabihin mo sakin kung sino ang gustong magpapaslang sakin!” hindi na napigilan ni Persius ang ilabas ang bangis niya.
Nanginig ang tuhod ng tagapaslang at napaluhod pa siya ng itutok na ni Persius sa kanya ang dala nitong espada.
“Na-napagutusan lang kami.. Napagutusan lang kami..”
“Alam ko.. Kaya sabihin mo na kung sino ang nagbabalak na paslangin ako? Dahil kung hindi, pati ang buony angkan mo ay mananagot sa akin. Ako ang punong heneral ng kahariang ito. At magagawa ko iyon kung nanaisin ko!”
Hindi na nagawa pang manahimik ng tagapaslang at alam niyang totoo ang mga sinasabi ng binatang heneral. Ayaw niya pati ang pamilya niya ay madamay sa kasalanang napilitan lang siyang gawin.
“Si Heneral Elio.. Siya ang nag-utos samin na paslangin ka.” saad pa ng tagapaslang na kinalukot ng noo ng binatang heneral.
Si Heneral Elio na naging isang magaling din na kapitan kasabay niya. Ngayon malinaw na sa kanya ang lahat. Dahil noon paman, malaki na ang inggit na nararamdaman nito sa kanya. Ngunit alam niyang hindi ito kikilos na siya lamang. Wala itong sapat na kapangyarihan para magawa nitong ipapaslang siya. May taong nasa likod nito. Mas makapangyarihan sa kanya.
Si Ginoong Martell? Ang punong konseho? Si Maestro Rowall? Ang Reyna?
Maraming posibleng kaalyansa si Heneral Elio kaya naman naisip niyang huwag na munang tapusin ang buhay ng tagapaslang. Bibihagin niya ito hanggang sa takdang panahon na kakailanganin na niya ito.
Kumuha siya ng tali mula sa supot na nakasabit sa kanyang kabayo. Itinali niya ang mga kamay ng tagapaslang at inutusan niya itong sumama sa kanya sa isang tagong lugar na alam niyang hindi ito mahahanap kahit na sinuman.
————————
Ang kasiyahan sa palasyo ay walang patid habang nagmamasid lang sa kanyang paligid ang bagong hari. Hawak niya parin ang kopang may laman na alak. Wala siyang ibang maramdaman kundi pagkabagot at pagkawalang gana sa mga nangyayari. Katabi niya ang reyna na hindi parin mawala sa kanya ang tingin.
“Kamahalan.. Hindi po ba kayo nagagalak na kayo na ang hari ng Thesalus? Bakit tila napakalungkot ninyo?”
Napatingin naman sa reyna ang hari at mataman niya lang itong tinitigan at minasdan ang kabuuan nito.
Malaki na ang pag-usbong ng tiyan nito. Piho niyang malapit nang magsilang ang reyna sa kanilang panganay na anak. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya magawang maging maligaya. Tila isa nalamang siyang katawan na wala ng kaluluwa.
“Kamahalan! Narito na ang duke ng Elustre at ang punong heneral!” pag anunsyo ng punong konseho sa pagdating ng mga bisita sa bulwagan.
Napatayo ang hari sa kanyang kinauupuan ang masilayan niyang muli ang wangis ng taong minamahal niya. Hindi siya makapaniwala. Sa loob ng halos apat na taon, nagkita na silang muli ng taong kanyang minamahal.
Si Reyna Sanya naman ay nagulantang sa kanyang nakita. Buhay pa ang punong heneral? Nabigo ang mga tagapaslang na patayin ang kinamumuhian niyang tao. Napakuyom siya ng kanyang kamay at tila ba nagsimula nang bumaha ang takot sa kanyang puso. Paano kung nalaman ng punong heneral na siya ang may pakana ng pagpapapaslang sa kanya?
Hindi napigilan ni Persius na mamangha sa malaking pinagbago sa itsura ng kanyang taong iniibig. Mahaba parin ang buhok nito ngunit malago na ang mga balbas. At ang mga mata nito ay puno ng kalungkutan at pagkapoot. Dama niya ang galit nito nang magtama ang kanilang mga tingin. Ang pangungulila niya rito ay walang mapagsidlan. Nais niyang ikulong ito sa bisig niya at halikan ng walang katapusan. Nais niyang maramdaman muli ang init ng pagmamahal nito habang sila ay magkaniig.
“Binabati ko kayo, Haring Brandon sa inyong koronasyon. Nawa ay gabayan mo kaming mga tagapaglingkod mo at dalhin sa kagitingan ang kaharian ng Thesalus.” masayang bati ni Duke Tristan sa kanyang pinsang hari. Nakaluhod silang dalawa ng heneral sa paanan ng trono nito.
Naglakad ang hari patungo sa kinaluludhan ng dalawa at agad niyang ginagap ang mukha ni Persius.
Nagkatitigan ang dalawa at tila ba parang hindi maiwala ng hari sa puso niya ang pagkahumaling niya sa binatang labis niyang minahal. At hanggang ngayon ay minamahal parin.
“Nakabalik ka narin sa wakas, Persius.” marahan niyang saad bago ngumiti ng pagak sa heneral.
“Ako po ang nasisiyahan sa inyong koronasyon, kamahalan. Sana ay matagumpay niyong pagharian ang Thesalus.” tanging nasambit ni Persius. Ngunit alam niyang higit pa roon ang nais niyang sabihin.
Sa likod ng isipan ng hari ay muli niyang naalala ang sulat na pinadala sa kanya ni Persius. At ang isa pang sulat na pinadala naman sa kanya ng kanyang pinsang duke.
Ang kanyang galit ay pilit niyang pinaglalabanan. Hindi niya lubos maisip na magagawa siyang pagtaksilan ni Persius. Alam niya ang lihim ng heneral. Alam niyang may nangyayari sa pagitan ng pinsan niya at sa heneral.
Hindi niya matanggap na mas ginustong makasama ng taong minamahal niya ang taong nagnanais na mawala siya sa kanyang trono. Ang mga tingin niya kay Persius ay magkahalong pagkamuhi at pangungulila.
“Natitiyak kong maghahari ako ng matagumpay.. Ngayon pa’t nasa piling na kitang muli. At sisiguraduhin kong hinding hindi ka na makakaalis sa mga kamay ko. Pagbabayaran mo ang ginawa mong pag-iwan at pagtalikod mo sakin, Persius.” bulong ng hari sa binatang heneral.
Hindi naman napigilan ni Persius na manlumo. Alam niyang nasasaktan parin ang hari sa kanyang ginawang paglisan noon. Ngunit nakabalik na siya. At hindi na niya ito iiwanan pang muli. At gagawin niya ang lahat upang mapangalagaan ito.
At kung sakaling malaman ng hari ang lihim niya, nakahanda siyang magpaliwanag. Alam niyang ginawa lamang niya ang lahat ng iyon para sa ikakabuti ng kanilang katayuan. Ginamit niya ang impluwensiya ng duke upang maging malakas rin ang impluwensiya niya sa sandatahang lakas at ngayon nga, siya na ang punong heneral. Kapantay na niya ant kapangyarihan ng isang duke.
May isa pa siyang barahang hawak na masisiguro ang pagtatagumpay niyang bawiin ang hari. Hindi magtatagal at matatapos narin ang kahibangan ng reyna. Malalaman ng lahat ang totoong pagkatao nito.
“Pagkatapos ng pagdiriwang.. Magtungo ka sa aking silid.. May mga bagay kang ginawa na dapat mong pagbayaran ng malaki.” muling bulong sa kanya ng hari at muling naglakad pabalik sa kanyang trono.
Nakita pa niya ang pagngisi nito at muling linagok ang laman ng kanyang kopa.
Hindi naman napigil ni Duke Tristan na makaramdam ng galit sa nangyari sa pagitan ng hari at ng binatang heneral. Hindi niya papayagang makuha pa sa kanya ng hari ang heneral. Iniibig niya ang heneral at mas lalo siyang nagnanais na pabagsakin ito upang tuluyan na silang maging maligaya ni Persius.
Itutuloy…
Laro ng Puso
Nasa loob ng silid niya ang hari at hinihintay ang pagdating ng punong heneral. Hawak parin ang kopa at nakadamit pantulog. Sinimsim niya ang laman ng kopa at patuloy na iniisip ang mga bagay na ginawa ni Persius at ng kanyang pinsan. Hindi niya maiwasang magalit at magkaroon ng pagkamuhi sa lalaking akala niya ay sa kanya lamang habangbuhay.
Narinig niya ang mga hakbang ng paa na papasok sa kanyang silid. Alam na niyang si Persius iyon at hinarap niya ito.
Ang malamlam na ilaw sa kanyang silid ay tama lamang na mapagmasdan niya ang maamong mukha ng binata. Ang kanyang kaamuhan ay kabaliktaran ng kung sino na ito ngayon. Nandoon na kay Persius ang tindig ng isang mandirigma. Isang taong dumaan na sa kamatayan ngunit nalagpasan lahat ito.
Nararamdaman niya ang panliliit dahil hindi niya matutumbasan ang narating ni Persius. Siya ay nakakulong sa palasyo samantalang ang binatang labis niyang inibig ay lumaban para sa kanyang kaharian.
“Kamahalan.. Narito na ako.” bungad ni Persius sa hari na matagal niya ring ninais na makasama. Gusto niya itong takbuhin at gawaran ng isang nangungulilang halik ngunit pinigil niya ang kanyang sarili.
Alam niyang may nalalaman na ang hari tungkol sa nangyayari sa kanya at sa duke. At handa niyang ipaliwanag dito ang lahat.
“Bakit ka nga ba bumalik pa, Persius? Hindi ba’t masaya ka na sa piling ni Tristan? Ano? Masarap ba siya sa kama? Mas magaling ba siyang umindayog? Mas kaya ba niyang paligayahin ka kesa sa nagagawa ko para sa’yo?” puno ng hinanakit ang mga tanong ng hari sa kanya. Wala itong emosyon ngunit batid niya ang dinaramdam na sakit nito.
“Kamahalan.. Magpapaliwanag ako. Hindi ko ninais na humantong sa ganun ang lahat. Ngunit kailangan kong makuha ang loob niya. Dahil siya lamang ang aking daan upang marating ko ang narating ko ngayon.”
Naitapon ng hari ang kopa na hawak niya at mabilis na hinakbang ang kinaroroonan ni Persius. Hinila niya ito sa laylayan ng kanyang damit at hinigit papalapit sa kanya. Ang galit na mata ng hari ay nagpapahina sa binatang heneral. Hindi niya ginustong maging ganito ang kahinatnan ng lahat.
“Sa tingin mo ba maniniwala ako sayo? Matapos mo akong talikuran? Matapos mong itapon lahat ng meron tayo dahil lamang sa pangarap mong makuha ako.. Nagkamali ka ng daan na tinahak, Persius. Mas lalo mo lang pinatunayan sakin na katulad ka lang din nilang lahat. Uhaw sa kapangyarihan. Nakikita ko sa mata mo ang pagnanais na maging kapantay ang isang maharlika.” galit na saad ng hari sa binatang heneral.
Hindi makasagot si Persius dahil hindi niya na alam kung paano pa ipapaliwanag sa hari ang katotohanan sa mga ginagawa niya. Mahirap ipaliwanag sa hari ang lahat kung nabalot na ng galit at pagkamuhi ang puso nito.
“Maniwala ka, kamahalan. Lahat ng ito ay ginawa ko para sa’yo.. Para sa ating dalawa. Hindi mo man maintindihan ngayon ngunit lahat ng ito ay ginawa ko para sa’yo dahil mahal na mahal kita.” malumanay na saad ni Persius na kinalukot ng noo ng hari.
“Mahal na mahal mo ako? Huh! Isang malaking kasinungalingan. Apat na taon. Apat na taon kang nawala tapos malalaman ko lahat ng kahayupang ginawa mo sa piling ng aking pinsan. Hinding hindi ko kayo mapapatawad. At pagbabayaran ni Tristan ang lahat ng kanyang ginawa. At ikaw, habangbuhay kitang ikukulong sa aking mga kamay. Pagbabayaran mo ang sakit na idinulot mo sa akin.”
At marahas na siniil ng hari ng halik si Persius. Hindi ito ang halik na inaasahan ng binatang heneral. Masiyado itong marahas ngunit sumuko din siya dahil mahal na mahal niya ang hari. Gagawin niya ang lahat mapatawad lamang siya nito.
Ang kanilang mga kasuotan ay nagkalat sa sahig ng silid ng hari at pumaibabaw silang dalawa sa malaking kama. Hindi parin mapatid ang kanilang marahas na halikan na kahit alam ni Persius na puno ng galit ang puso ng hari, tinutugunan parin niya ito.
Ang kanilang naghuhumindik na pagkalalaki ay nagpapatunay na nananabik sila sa init na binibigay nila sa isa’t isa. Ang kanilang pagtatalik ay marahas ngunit walang pakialam ang hari. Gagawin niya ang lahat upang maalala ni Persius na siya ang nagmamay-ari dito at wala nang iba pa.
Marahas na sukdulan ang kanilang narating bago naghiwalay ang kanilang mga katawan at kapwa humuhingos sa init na kanilang pinagsaluhan.
————————
“Paanong nangyari na buhay parin si Heneral Persius? Magaling na mamamaslang ba talaga ang iyong sinuhulan? O sadyang mga inutil talaga ang inutusan mo para pumalya ang aking mga plano? Nasaan ba ang katapatan mo, Heneral Elio?!” galit na singhal ng reyna sa kanyang tapat na heneral habang nasa isang lihim na silid sila ng palasyo.
“Kamahalan.. Magagaling ang mga tagapaslang na aking sinuhulan. Ngunit sadyang walang makakapantay sa husay ni Heneral Persius pagdating sa labanan. Patawad sa aking pagkukulang. Ngunit hindi ko na hawak ang nakatakdang mangyari.”
Napakuyom si Reyna Sanya at binalak na hampasin ang mesa na nasa gitna nila ng heneral ngunit alam niyang kailangan niyang magtimpi at mag-isip ng bagong plano. Kung pinaslang ng heneral lahat ang mga tagapaslang na sinuhulan ni Heneral Elio ay makakaligtas siya sa kapahamakan. Ngunit alam niyang hindi ganun kahangal ang heneral upang patayin lahat ng tagapaslang. Alam niyang may ititira ito upang gamiting saksi at idiin siya sa kanyang ginawang pagpapasalang dito.
“Ako mismo ang kikitil sa buhay niya.. Hindi maaring bumagsak ako at makita ko siyang masaya. Hinding hindi niya makukuha ang kaligayahang ninanais niya. Hindi niya makukuha sakin ang hari.” galit na saad ng reyna na kinabahala ng heneral.
Hindi alam ng reyna ang ginagawa nito. Kapag may nangyaring masama sa heneral, isang digmaan ang uumpisahan nito lalo na’t kapanalig ng punong heneral ang halos lahat ng duke sa buong Thesalus at ang mga bihag na bayan ng Corinthia ay malaki ang pasasalamat sa punong heneral. Malaking kaguluhan ang gagawin ng Reyna kaya kailangan na niyang makagawa ng paraan upang hindi masangkot pa dito.
—————————
Narating ni Duke Tristan ang tahanan ni Maestro Rowall. Mainit siyang sinalubong ng maestro at agad naman silang nag-usap sa loob ng silid nito. Isa lang ang nais na marinig ni Duke Tristan mula sa maestro. Ang makuha ang suporta nito na patalsikin nila ang hari.
“Maestro Rowall.. Siguro naman ay sapat na ang panahon na ibinigay ko sa inyo upang makapag-isip. Alam kong hindi madali ang gagawin natin ngunit hindi ka dapat mabahala. Sigurado na ang ating tagumpay kapag simulan natin ang kudeta.” nakangiting saad ng duke sa matandang maestro at napatango lang ito bilang pagsang-ayon sa duke.
“Nakahanda na akong ibigay sa iyo ang aking suporta, Duke Tristan. Hawak na natin ang hukbong santahan ngayong nasa panig mo ang punong heneral. Madali nating mapapaalis ang hari kapag simulan natin ang kudeta.”
Nagkangitian ang dalawang maharlika at nakita ni Duke Tristan na si Maestro Rowall lamang ang tanging kailangan niya upang bumagsak ng tuluyan si Brandon bilang hari ng Thesalus.
Habang ito ang hari.. Hindi siya magagawang mahalin ni Persius. Alam niya noon paman na si Brandon ang minamahal ni Persius at labis siyang nasasaktan. Maraming beses na niyang nakaniig si Persius ngunit hindi pala sa kanya ang puso nito. Naroon parin ito kay Brandon at mas lalong sumidhi ang pagnanais niya mawala na ito sa kapangyarihan.
“Bago pumatak ang unang niyebe ay ihanda mo na lahat ng iyong tauhan. Dahil sa araw na iyon mismo, babagsak na ang hari. Mawawala na sa kapangyarihan ang taong kapwa nating kinamunuhian.” mapait na saad ng duke at nag-usap pa sila ng masinsinan ng matandang maestro sa mga hakbang na gagawin nila para sa binabalak na kudeta.
––––––––––––––
Nasa hapagkainan ang hari at reyna kasama ang punong heneral. Matamang nagkakatinginan si Reyna Sanya at si Persius habang kumakain sila.
Nadama ng hari ang tensiyon sa pagitan ng dalawa. Napagtanto niyang may nalalaman na ang reyna tungkol sa namamagitan sa kanila ng punong heneral.
“Narinig ko ang pagtatagumpay mong pabagsakin ang matibay na depensa ng Corinthia kahit napakabata mo pa para magawa ito. Isang kahanga hangang bagay ang iyong nagawa, Heneral Persius. At lubos kaming nagpapasalamat ng aking asawa sa iyong kagalingang pinamamalas.” makahulugan ang tingin na binitawan ng reyna sa binatang heneral at mataman lang itong tumango bilang sagot sa kanya.
“Para sa mahal na hari.. Para sa Thesalus. Lahat ay aking gagawin mapangalagaan lamang ang ating kaligtasan at kasiguruhan na walang masasaktan na kahit na sinuman ang ating mga kaaway.”
Nagkatitigan muli ang reyna at ang heneral na mas lalong kinatindi ng hinala ng hari na mayroong nangyayari na hindi niya alam. Bakit ganoon makatingin ang binata sa reyna? May nagawa ba ito na naging dahilan upang magkaroon ng tensiyon sa pagitan ng dalawa.
“Kung para sa hari. Alam kong pareho tayo ng layunin. Ang mapangalagaan siya at ang kanyang paghahari. At kalakip noon ay ang masigurong walang kaaway na umaaligid upang magdulot ng kapahamakan sa kamahalan. Hindi ba’t tama ang aking tinuran, heneral?” may halong panunuya sa tinig nito na nahimigan ng heneral.
Alam niyang pinaparamdam sa kanya ng reyna kung ano ang lugar niya sa buhay ng hari. Ngunit hindi siya magpapatalo pang muli. Hindi na siya matatakot na magsalita.
“Kamahalan.. Noong ako’y nasa labanan pa, may nakita akong isang dalagang ubod ng ganda. Ninais ko sanang mapakasalan ang babaeng iyon. Ngunit naalala ko na ang puso ko ay naiwan pala dito sa palasyo. At kahit kailan hindi siya nawalay sa isipan ko.” makahulugan ang tingin na binigay ng heneral sa reyna na kinakitaan niya ng pagkainis at hindi napigilan ni Persius na mangiti sa kanyang isipan.
“At sino itong taong hindi mo malimutan, heneral?” tanong ng hari sa binatang kanyang iniibig. Mataman itong nakatingin dito at alam niyang sinasadya nitong galitin ang reyna. Hindi niya alam na ganito na pala maglaro ang binatang halos hindi siya matitigan noon.
“Kilala niyo siya, kamahalan. At mas nais ko nalamang na itago iyon. Dahil alam kong darating din ang araw na mapapasaakin siya.” nakangiting saad ni Persius na mas lalong kinagalit ng reyna.
Talagang sinusubukan siya ng heneral. Hindi ito nagpapatalo sa kanya at ayaw na ayaw niya sa lahat ang napapahiya siya sa harapan ng hari. Alam niyang ang hari ang tinutukoy nito.
Samantalang hindi naman napigil ng hari na matuwa sa sinabi ng heneral. Ngunit hindi niya parin kayang kalimutan ang ginawa nito sa kanya.
“Kung ganun ay gawin mo ang lahat upang makuha mo ang puso niya.. Naniniwala akong makakaya mong mapaibig ang taong iyong tinutukoy, heneral.” saad ng hari bago ito tumayo at lumisan na sa hapagkainan.
Tumayo ang reyna at ang heneral upang magbigay galang dito. Naiwan ang dalawa sa malaking mesa na hindi inaalis ang tinginan sa isa’t-isa.
Hindi na magtatagal ang maliligayang araw mo, heneral. Sulitin mo na ang panahong nakakasama mo ang hari dahil hindi magtatagal ay magwawakas na ang kaligayahan ninyong dalawa.
Nakangiti ang reyna bago niya nilisan ang hapagkainan. Alam niyang magtatagumpay siya sa pagaalis sa landas niya ang heneral. At mapapanatag na siyang mabubuhay sila ng masaya ng hari.
Hintayin mo lang ang araw ng iyong pagbagsak.. Dahil unti-unti nang nangyayari ang lahat ng ayon sa aking binabalak. Lahat kayo ay babagsak sa kamay ko. At ako mismo ang magwawakas ng inyong mga buhay.
At agad na tinungo ni Persius ang kanyang silid matapos makaalis sa hapagkainan ng palasyo. Gumawa siya ng isang sulat patungo sa gobernador ng Timog Corinthia at hiningi na niya ang pabuyang ipinangako nito sa kanya. Nakahanda narin ang sarili niyang hukbo na patago niyang sinasanay sa Jurna, isang bayan sa silangan ng Corinthia.
Alam niyang sisiklab ang labanan sa loob ng palasyo kapag nagdeklara na ng kudeta ang Duke at ang kanyang mga kapanalig. At alam niyang mahahati ang hukbong sandatahan ng Thesalus. Kaya ngayon na niya kakailanganin ang tulong ng kanyang mga kapanalig. At alam niyang hindi siya bibiguin ng mga ito.
Ipinatawag niya ang kanyang tapat na tagasunod na si Cali upang ihatid ang sulat sa bayan ng Jurna at sa gobernador ng Timog Corinthia. Napipinto na ang pagsubok sa katatagan ng pagmamahalan nila ng hari.
Ngunit hindi niya hahayaang mabigo siya. Alam niyang nasa panig niya ang tadhana. Ang mga pinagsikapan niyang marating ay alam niyang nagbubunga na ng sampung libong beses pa.
Muli niyang tiningnan ang nakabukas na bintana ng silid niya at umihip doon ang malamig na hanging taglamig.
Malapit nang pumatak ang unang niyebe ng taon.
Itutuloy…
Kudeta
Nakarating si Cali sa Jurna at agad niyang hinanap ang kapanalig na kapitan ng punong heneral na kasalukuyang namumuno sa bihag na bayan ng Corinthia. Nasa bahay pahingahan ang kapitan at batid ni Cali na may kaulayaw itong babae dahil sa mga halinghing na naririnig niya sa labas ng tabing. Ngunit hindi na siya nahiyang pang tawagin ito.
“Kapitan Minos.. May sulat mula sa punong heneral. Kailangan niyong mabasa ito agad.” malakas na tawag ni Cali mula sa labas ng tabing ng bahay pahingahan ng kapitan.
Ang pagniniig ng kapitan at ng kanyang kaulayaw ay pansamantala niyang itinigil at agad nagbihis ng kanyang damit panloob at linabas ang sundalong batid niya ang tinig.
“Cali.. Bakit sa ganitong oras mo ako dapat gambalain? Matagal na panahon ko na itong hinintay na mangyari.” inis na saad ng kapitan sa tapat na sundalo ng punong heneral.
“Mas mahalaga ang malaman mo ang nilalaman ng sulat kapitan. Isang bagay na dapat na nating paghandaan dahil malapit na itong maganap.” seryoso ang mukha ni Cali habang linalahad niya ang saloobin sa kapitan na malapit na kaibigan din ng punong heneral.
Binuklat niya ang nakatuping papel at binasa sa kanyang isipan ang nilalaman nito.
Kapitan Minos.. Nangyayari na ang aking kinatatakutan. Ang napipintong pagpapatalsik sa hari ay tuluyan nang nabuo sa isipan ng Duke Tristan. Kailangan ko ang iyong tulong. Lipunin mo na ang ating sinanay na hukbo at dalhin mo agad sila sa kagubatan ng Asenya. Doon kayo magtatagpo kasama ang hukbo ng gobernador ng Timog Corinthia. Ibibigay ko ang hudyat ng inyong pagsalakay sa palasyo. Kailangan nating maging maingat. Dahil kapanalig ng duke ang halos lahat ng duke at konseho ng hari. Mahihirapan tayo kung hindi tayo magiging maingat sa ating mga kilos. Nawa ay magtagumpay tayo sa ating mithiin. Ang mapanatili ang kasaganahan at katiwasayan sa Thesalus. Para sa ating bayan. At para sa ating hari.
Tiniklop ng kapitan ang sulat ng punong heneral at agad na inatasan si Cali na agad na sumunod sa kanya dahil pupuntahan nila ang kampo ng mga hukbong lihim nilang sinanay.
Ang katapatan niya sa kanyang kaibigan na nagligtas sa buhay niya ay walang makakapantay. Kaya gagawin niya ang lahat upang matulungan ito. At ito na ang pagkakataon niya upang makabawi rito.
Mabilis niyan isinuot ang kanyang baluti at sinukbit ang kanyang kalasag at espada. Nagpaalam siya sa kanyang kasintahan at hinalikan ito sa pisngi at nangakong babalik ito agad.
Naglakbay ang kapitan at si Cali patungo sa kampo ng hukbo at natagpuan nila ang masigasig na mga sundalong patuloy sa kanilang ginagawang pagsasanay. Tiyak niyang sapat na ang lakas ng mga ito upang kalabanin ang hukbo ng palasyo. Si Heneral Persius mismo ang nagsanay sa kanila at alam niyang sa galing ng heneral ay hindi maitatangging nakagawa ito ng hukbong katatakutan ng buong Thesalus at iba pang kaharian.
Nagtipon ang lahat sa pagdating ng kapitan at nagbigay ng galang ang mga ito. Ang nakatalagang mga bantay naman sa mga sundalo ay nabigla sa pagdating ng kapitan ngunit nagsalita na ito bago pa sila magtanong.
“Dumating na ang panahon na pinaghahandaan natin. Ang heneral ay ginawa kayong mga sundalo upang sa pagdating ng panahon ay ipagtatanggol niyo ang ating kaharian mula sa mga kaaway. At ngayon na ang panahong kailangan tayo ng ating Heneral. Alalahanin niyo ang pinanggalingan ninyo. Ang lahat ng ginawa ng heneral upang mabago ang inyong mga buhay. Ngayon na ang pagkakataon na ipakita natin sa heneral na tayo ang lakas na kanyang inaasahan. At hindi tayo mabibigo sa ating layunin na pangalagaan ang kaharian kapalit ang ating mga buhay! Nakahanda na ba kayo?” mahabang saad ng kapitan sa nakalinyang mga sundalo at agad na yumuko ang mga ito bilang pagsang-ayon sa linahad nito.
“Opo!” sabay sabay na hiyaw ng lahat at napatango ang kapitan. Hindi na talaga mapipigilan ang nakatakdang mangyari.
–––––––––––––
“Lason? Pero kamahalan.. Sino ang paggagamitan ninyo ng lason. Lubhang nakakabahala ang hinihiling ninyo. Pinagbabawal ang magpuslit ng kahit anong klase ng lason dito sa palasyo.” nagigimbal na pag-usisa ni Madam Jovana sa balisang reyna na nasa kanyang silid lamang at nakatanaw sa bukas na bintana ng silid.
“Nais kong mawala na sa landas ko ng tuluyan ang taong pilit na inaagaw sa akin ang pagmamahal at atensiyon ng hari. At kailangan ko ang lason na iyon upang mabilis at walang palya ang kanyang kamatayan..” batid sa boses ng reyna ang karuwagan at pagkawala na sa tamang pag-iisip.
Hindi niya mapigil na mahindik at panindigan ng balahibo dahil sa naiisip niyang ginagawa ng hari at ng punong heneral. Ang paghahalikan ng mga ito. Ang pagniniig nila. Ang kanilang pagtatalik na hindi katanggap tanggap sa kanyang pagiisip.
Napakuyom siya ng kanyang kamay at naramdaman niya ang malakas na paghilab sa kanyang tiyan na nauwi sa matinding pananakit.
“Kamahalan! Kamahalan! Anong nangyayari sa inyo?” nagugulantang na hiyaw ni Madam Jovana habang nasaksihan niya ang pagbagsak ng reyna sa sahig at tila namimilipit sa sakit.
Nakita niya ang pagdurugo na nanggagaling sa puwerta nito at hindi niya napigilang sumigaw sa mga kawal at agad na dinala ang reyna sa silid pagamutan ng palasyo.
Napatakbo si Madam Jovana sa silid ng doktor ng palasyo at agad na tinungo naman ng doktor ang reyna na nawalan ng malay sa silid pagamutan.
Nagimbal ang doktor sa mga senyales na nakita niya sa reyna. Hindi pa kabuwanan ng reyna at malabong makaligtas ang batang dinadala nito.
Si Madam Jovana naman ay nanalangin na huwag sanang makunan ang reyna na itinuring na niyang anak. Naging mahirap sa reyna ang apat na taon na pananatili nito sa Thesalus. Hindi nararapat sa reyna ang paglaruan lamang ng prinsipe kaya nabuo sa isipan niya na siya na ang gagawa ng nais ng reyna.
Alam niyang malalagay din sa bingit ng kamatayan ang buhay niya ngunit kung kapalit naman nito ay ang kaligayan ng reyna ay gagawin niya.
––––––––––––––
“Ginoong Martell.. Sigurado ka ba sa iyong hinuha? Nagbabalak ng kudeta si Tristan laban sakin?” nakakuyom ang kamao ng hari habang kaharap niya ang tagapaglingkod at punong tagapayo niya sa kanyang silid aklatan. Nandoon ang pangamba ng matandang ginoo dahil alam niyang hindi pa tuluyang nakukuha ng hari ang loob ng lahat ng maharlika ng Thesalus. Iilan lamang ang kakampi nito at ang karamihan ay kapanalig ni Duke Tristan.
“Narinig ko si Maestro Rowall at Ginoong Leon na naguusap sa bulwagan ng palihim. Narinig ko ang binabalak ng duke na patalsikin kayo sa inyong trono. At hindi natin maaring balewalain ito, kamahalan.”
Napalatak sa kanyang noo ang hari. Alam niyang darating ang sandaling ito ngunit hindi niya inaasahan na ganito kaaga ang lahat.
“Kailangan natin ang mas malaki pang suporta. Ngunit halos lahat sila ay kapanalig ni Tristan. Nasisiguro kong madali nilang magagawa ang kanilang binabalak.”
Napatingin ang matandang ginoo sa kanyang hari at hindi man niya gustong sabihin ang mga ito ngunit ito lamang ang kanilang pag-asa upang hindi magtagumpay ang duke sa kanyang binabalak.
“Ang punong heneral.. Hindi ba’t siya ay iyong tinatangi at alam kong ganoong din ang kanyang nararamdaman para sa’yo, kamahalan. Kailangan natin ang kanyang impluwensiya. At kailangan natin ang panig niya upang magdalawang isip ang mga maharlika na pumanig kay Duke Tristan.”
Napailing ang hari. Kumbinsido siya na wala na sa kanya ang katapatan ng lalaking minamahal niya. Ang punong heneral ay nagawa siyang pagtaksilan. Kaya hindi malabong hindi narin nito panindigan ang mga pinangako nito sa kanya noon.
“Wala tayong maaasahan sa kanya, Ginoong Martell. Isang kahangalan ang hingin pa ang kanyang panig kung alam kong si Tristan na ang may hawak sa kanya. Si Tristan na ang nagmamay-ari ng puso niya.”
Hindi maiwasan ng hari na mapaluha habang iniisip niya ang mukha ni Persius na papalayo sa kanya. Pakiramdam niya ay nawala na sa kanya ang lahat. Nawala na sa kanya ang pinakamahalagang tao sa buhay niya.
“Hindi natin alam kung ano talaga ang tunay niyang hangarin. Tuso din maglaro ang punong heneral. At nararamdaman kong nasa iyo parin ang kanyang katapatan.”
“Bakit parang pinagtatanggol mo na siya ngayon, Ginoong Martell? Hindi ba’t noon paman ay nais mo na siyang mawala sa buhay ko? Ngayong may kapangyarihan na siya at hawak niya na ang hukbong sandatahan, nag-iba na ang iyong pananaw sa kanya” hindi mapigilang punain ng hari ang tinuran ng matandang ginoo.
“Dahil kailangan natin siya ngayon. Kailangan natin na makumbinsi siyang pumanig sa atin. Upang masiguro natin an manatili ka sa inyong trono. Iyon lamang ang aking iniisip kamahalan.”
Hindi na muling nagsalita ang hari hanggang sa dumating ang isang masamang balita na kinagulat ng tagapaglingkod at ng hari.
Nakunan ang reyna sa kanyang pinagbubuntis. At mas lalong lumiit ang tsansa ng hari na manatili sa kanyang trono. Ngayon ay tutuligsain na siya lalo ng kanyang mga kapanalig at mawawalan na siya ng kapangyarihan ng tuluyan.
————————— Nakangiti ang duke habang yakap niya ang hubad na katawan ng heneral sa kanyang kama. Ang paghinga nito ay pilit niyang ninanamnam. Alam niyang darating din ang panahon na mamahalin siya ng tuluyan ni Persius. At kapag nawala na si Brandon sa kanilang landas, doon lamang siya lubusang mamahalin ni Persius.
Nagising ang binatang heneral at matamis siyang nginitian ng duke at hinagkan siya sa kanyang labi.
“Isang magandang balita ang bumungad sakin ngayon. Balitang tiyak kong ikakatuwa mo at ng lahat ng ating kapanalig.”
Naguguluhan man si Persius ay mataman niyang pinakinggan lamang ang sasabihin sa kanya ng duke.
“Nakunan ang reyna sa kanyang ipinagbubuntis. At ibig sabihin lamang nito ay tutuligsain siya ng kanyang mga kapanalig at maaring ako na ang panigan ng iba pang maharlikang tapat sa hari. Sa ganoong paraan, mas mapapadali sa akin ang lahat.” nakangiting saad ng duke sa binatang kanyang minamahal.
Hindi nasiyahan si Persius sa balita. Hindi niya ginusto ang nangyari sa reyna. Ang batang dinadala nito ay anak ng hari at alam niyang sa puso niya ay nasasaktan din siya. Bahagi na ng puso niya ang hari at alam niyang nagdadalamhati ito sa mga pagkakataong iyon.
Agad napabangon ang heneral at isinuot ang kanyang nahubad na mga kasuotan. Hindi naman napigil ng duke na magdamdam sa ginawa ng heneral.
“Saan ka pupunta? Hindi ba’t nangako ka sakin na sasamahan mo ako sa aking silid ngayong gabi?” may pagkalungkot sa tinig ng duke ngunit hindi siya sinagot ng heneral.
“Pupuntahan mo si Brandon? Pupuntahan mo siya upang pagaanin ang loob niya sa pagkawala ng kanyang tagapagmana? Iyon ba ang gagawin mo, Persius?”
Tumigil ang binatang heneral sa kanyang ginagawa at hinarap niya ang nakahubad na duke na nasa harapan niya ngayon.
“Kailangan kong pumunta sa tanggapan. May mga bagay akong dapat na bigyan ng pansin ngayong kakalat ang balitang ito sa buong kaharian. Kailangan na pag-igihan ang pagbabantay sa palasyo. Hindi ko maaring kaligtaan ang aking tungkulin, Tristan. Alam mo iyan.” matigas na tugon na lamang ng heneral.
“Siguraduhin mo lamang na hindi ka pupunta nanaman sa silid ng hari. Dahil hindi mo alam ang aking kayang gawin para sa iyo. Ginawa ko na ang lahat upang marating mo ang kinalalagyan mo ngayon. At ngayon, kailangan ko naring hingin mula sa iyo ang aking kinakailangan.”
Nalukot ang noo ng heneral sa sinambit ng duke. Pero alam niya na ang binabalak nito. Nagpapanggap nalamang siyang wala siyang alam.
“Nakatakda na ang pagdeklara natin ng kudeta laban sa hari. At kapag napatalsik na natin ng tuluyan ang hari, ako na ang papalita sa kanya sa trono. At magiging maligaya na tayo.”
Hindi na nagsalita pang muli si Persius at nilisan na niya ang silid ng duke. Kailangan na niyang magmadali. Kailangan niyang masigurong darating sa tamang panahon ang lahat ng hukbo na kanyang kakailanganin.
Tinungo niya ang silid aklatan ng hari at naabutan niya roon ang hari na humihikbi at hawak ang kopa sa kanyang kamay.
Agad na tinakbo ni Persius ang kinaroroonan ng hari at agad itong ginagap palapit sa kanya. Nakita ng hari ang pagdating ng lalaking pinakamamahal niya at hindi niya napigilan ang sariling yakapin ito ng mahigpit.
Ang mga luha niya ang malayang umagos sa balikat nito.
“Huwag ka nang lumuha, Brandon.. Pinapangako ko sa iyo, hinding hindi ka nila masasaktan. Sisiguraduhin kong hindi sila magtatagumpay sa kanilang mga binabalak. Magbabayad silang lahat sa kanilang mga nagawa laban sa’yo.”
At patuloy ang kanilang yakapan na hindi nila namamalayan na pinanonood na sila ng palihim ni Duke Tristan.
Ang galit ng duke ay mas lalong nag-igting. Hindi na niya hahayaan pang patuloy siyang masaktan. Kailangan nang mawala ni Brandon sa mga buhay nila ni Persius.
Itutuloy…
Ang Pagbagsak ng Hari
Nakaantabay na si Kapitan Minos at ang lihim na hukbo sa kagubatan ng Asenya. Naglatag na sila ng kampo roon samantalang ang gobernador ng Timog Corinthia naman ay pinadala narin ang hukbong ipinangako niya para kay Persius. Limang libo ang bilang ng mga sundalo na naroon ngayon at alam ng kapitan na hindi ito sasapat upang kalabanin ang Limampung libong sundalo ng Thesalus.
At ang kalahati nito ay hindi kapanalig ng punong heneral kaya malaki ang tsansang hindi sila magtagumpay sa kanilang balak na pangalagaan at protektahan ang hari sa abot ng kanilang makakaya.
Si Cali ay nagmamadali nang bumalik sa palasyo upang ipagbigay alam sa punong heneral ang pagdating ng kanyang lihim na hukbo kasama si Kapitan Minos sa kagubatan ng Asenya. Nalalapit na ang kudeta. Hindi nila piho kung ano ang posibleng maganap.
Narating ng sundalo ang tanggapan ng sandatahang lakas at naabutan niya ang isang pagtatalo sa pagitan ni Heneral Elio at ng kanyang punong heneral. Kapwa may galit sa mga mukha nito nang maabutan niya ang dalawa sa silid ng punong heneral sa tanggapan.
“Hindi natin dapat panigan ang haring walang ibang alam kundi ang uminom at manatili sa loob ng silid aklatan buong maghapon. Kailangan natin ng haring nakikipaglaban at ipinagtatanggol ang kanyang kaharian laban sa mga kaaway. Hanggang kailan ka ba magpapabulag sa iyong tungkulin? Hindi lahat ng panahon ay dapat nating sundin ang nakasaad na tungkulin para sa atin.” madiin na saad ni Heneral Elio na hindi naman inimikan ng punong heneral.
Nakatayo ang dalawa sa gitna ng nakabukas na bintana ng silid. Alam ni Persius na matagal na siyang kinakalaban ni Heneral Elio at ngayon ay hinihimok siya nito upang pumanig sa kanilang binabalak na pag-aalsa laban sa hari.
“Kahit kailan.. Hindi tinatalikuran ng isang heneral ang kanyang tungkulin para sa kaharian. Hindi ang hari ang pinaguusapan dito kundi ang katiwasayan ng buong Thesalus. Sa tingin mo ba, kapag napatalsik ang hari, hindi kikilos ang iba pang kaharian upang samantalahin ang kahinaan ng Thesalus? Naiisip niyo ba ang maaring gawing hakbang ng mga karatig kaharian natin? Ang sakupin tayo? Dahil walang katiwasayan sa pamumuno ng ating kaharian!” sigaw ni Persius sa heneral na hindi naman siya pinakinggan.
“Kailangan natin ng bagong hari.. At kung hindi ka sumasangayon sa aming hangarin. Maari ka naming pagbitiwin sa iyong posisyon. Mas marami kaming pumapanig sa pagpapatalsik ng hari. At madadamay ka sa pagbagsak ng hari na ayaw naming mangyari. Dahil ikaw ang pinakamagaling na punong heneral at kailangan ka ng Thesalus.”
Umiling si Persius at hinablot sa kanyang laylayan ang heneral na hindi naman umatras sa pakikipagmatigasan sa kanya.
“Ang katapatan ko ay nasa hari, Elio. At hinding hindi ko tatalikuran ang aking tungkulin. Ako ang punong heneral ng Thesalus. At hindi niyo ako mapipilit na talikuran ang aking sinumpaang tungkulin. Baka nakakalimutah niyo na ang aking mga nagawa upang magtagumpay ang ating hukbo laban sa mga kaaway? Utang mo sa akin ang iyong buhay, Elio. At hinding hindi ko kayo mapapatawad kapag pinagpatuloy niyo ang kahibangang ito.” galit na saad ng binatang heneral sa kanyang kapwa heneral.
“Hindi ko nakakalimutan ’yun, Persius. Ngunit buo na ang aking loob. Hindi ko tatalikuran ang sinumpaan ko sa aking mga kasamahan. At kung ako sa’yo, hindi mo na tatangkain pang pigilan ang nakatakdang mangyari. Dahil ikaw ay mapapahamak din. Pasalamat ka at nasa panig mo ang napipisil naming bagong hari.”
Tinulak ni Persius si Heneral Elio at umalis na ito ng tuluyan sa kanyang silid sa tanggapan. Naiwang nakamasid sa kawalan si Persius at tila ba lumiliit ang pag-asang maililigtas niya ang hari sa nakatakdang pagpapatalsik dito.
Agad na pumasok si Cali sa silid ng punong heneral at nabuhayan ito sa kanyang ibinahaging balita.
“Ipagpaumanhin ninyo, heneral. Ngunit narinig ko lahat ng usapan niyo ni Heneral Elio. Ganoon ba kalala ang sitwasyon? Halos lahat na ba ng maharlika at malalaking tao sa kaharian ay payag na sa pagpapatalsik sa hari?” nababahalang saad ni Cali sa kanyang heneral.
“Hindi iyon mahalaga sa ngayon.. Ang mahalaga ay ang balita mo? Nasaan na si Kapitan Minos at ang lihim na hukbo? Nakarating na ba sila sa Asenya?”
“Nakarating na sila, heneral. At hinihintay nalamang nila ang hudyat mo. At mukhang kailangan na nga nating magmadali.”
Umiling si Persius at malungkot na tiningnan si Cali. Alam niyang sa puntong ito, hindi na niya kaya pang ipaglaban ang kanyang minamahal na hari.
“Kaanib na lahat ni Tristan ang mga maharlika. Maging ang lahat ng heneral ay sa kanya narin ang katapatan. Ako nalamang at si Ginoong Martell ang malalaking taong nasa likod ng hari at ang aming lakas ay hindi sasapat upang mapangalagaan pa siya.”
Hindi napigilan ni Persius na magalit.. Kahit anong gawin niya, patuloy paring sususbukin ng tadhana ang pagmamahalan nila ni Brandon. At nasasaktan siya dahil lumiliit na ang kanyang pag-asang maibabalik pa sa dati ang lahat. Ang makita niyang masaya sa piling niya ang kanyang minamahal.
“Magtungo ka sa kanila at papuntahin mo sila sa Timog ng Dardo.. Kakailanganin ko ang tulong nila roon. Doon dadalhin ang hari kapag siya ay napaalis na sa kanyang trono. At sa oras na mangyari iyon ay magbibitiw na ako bilang punong Heneral ng hukbo.”
Nagulat si Cali sa sinabi ng heneral. Hindi niya lubos maisip na dadating sa ganitong desisyon ang kanyang hinahangaang heneral. Ang matapang at napakagaling na heneral ng kanilang hukbo ay ipagpapalit ang lahat para sa hari.
“Ganoon niyo ba siya kamahal na kaya niyong bitiwan lahat ng meron kayo, heneral? Paano naman kami? Paano kami na naniniwala at nakasalalay sa inyo ang katapatan?”
Nagkatitigan si Persius at ang kanyang tapat na sundalo at pinalapit niya ito sa kanya.
“Ikaw ang magpapatuloy ng aking nasimulan, Cali. Itatalaga kitang kapitan at hihintayin ko ang iyong pag-usbong bilang heneral. Babawiin natin lahat. Ibabalik ko si Brandon sa nararapat niyang kalagyan. At pagbabayaran nilang lahat ang kanilang ginawang pagtataksil sa Thesalus.”
Nagkaintindihan ang dalawang magkaibigan. Agad na linisan ni Cali ang silid at nagtungo na sa direksyon ng kagubatan ng Asenya. Kailangan niyang siguruhin na masusunod lahat ng ipinaguutos ng kanyang heneral.
—————————–– Tahimik ang buong palasyo. Ang mga sundalo at kawal ng palasyo ay nasa labas ng malaking tarangkahan. Lahat ng bahay sa bayan ay kakikitaan ng katahimikan. Walang nagtatangkang gumawa ng ingay dahil alam nilang mapapahamak sila.
Si Duke Tristan at Maestro Rowall ay nasa dulo ng linya ng mga sundalo. Ang mga Heneral na pinamumunuan ni Heneral Elio ay nasa kanilang panig din ang hinihintay ang tuluyang pagtunog ng kampana ng katedral. Ang hudyat ng pagsuko ng hari sa kanyang trono.
Ang mga tagapaglingkod ng hari at ang reyna ay nakaantabay naman sa bulwagan. Ang reyna ay tila ba wala nang pakialam kung matanggal man ang kanyang asawa bilang hari ng Thesalus. Ang pagkakatanggal nito bilang hari ay ang pagpapawalang bisa ng kanilang kasal. Hindi na niya gusto pang ipagpilitan ang sarili niya sa hari. Sapat na ang sakit na dinanas niya ng mawala ng tuluyan sa kanya ang pinakatatangi niyang sanggol na magpupuno sana sa kakulangan ng kanyang asawa sa kanya. Nanaiisin niya nalang na bumalik sa Olympia at maging isang biyuda. Alam niyang pagkatapos ng pagsuko ng hari ay papaslangin din ito ni Duke Tristan.
Ngunit bago siya lumisan sa kaharian. Gusto muna niyang makita ang pagbagsak ng hari at ang pagkawasak ng mundo nito. At magiging maligaya ang kanyang paglisan ng Thesalus.
Ang hari ay pilit paring linalabanan ang oras. Hindi siya kailanman susuko sa kanyang pinsan. Hindi niya isusuko rito ang kanyang korona dahil siya ang nararapat na tagapagmana nito. Hindi siya papayag na makuha nito sa kanya ang kahariang sinisimulan pa lamang niyang pagharian.
Bumukas ang bulwagan at ilinuwa noon ang punong heneral at meron itong dalang tali. Alam niyang ito ang kanyang tungkulin bilang punong heneral. Ngunit ang puso niya ang nasusugatan sa tuwing maiisip niyang siya ang aaresto sa hari at papasukuin ito gamit ang kanyang sariling lakas.
“Haring Brandon.. Ikaw ay inaaresto sa salang pagpapabaya sa iyong tungkulin bilang isang hari. Dahil sa inyong pagsasawalang bahala sa mga batas ng Thesalus at ang inyong pakikipagalyansa sa mga kaaway ng ating kaharian.” madiin na sambit ni Persius na kinangisi naman ng hari.
Tumayo ang hari sa kanyang trono at hinarap ang punong heneral. Pinakita niya rito ang labis na pagkamuhi. Ang buong akala niya, siya ang papanigan nito ngunit nagkamali siya. Si Tristan parin ang pinili nito hanggang sa huli.
“Ginoong Martell.. Sabihin mo sa mga kawal na patunugin na ang kampana ng katedral. Ako ay sumusuko na sa punong heneral.”
Hindi naman makapaniwala ang punong tagapayo ng hari sa tinuran nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at hindi makakilos sa kanyang kinatatayuan.
“Wala nang dahilan upang ako ay magpumiglas pa at lumuhod sa harapan ng aking pinsan. Hindi ako kailanman luluhod sa kahit na sinuman.. At ikaw, Heneral Persius. Sana ay naging tama ang iyong mga desisyon. Dahil pinapangako kong, magbabayad kayong lahat sa inyong mga nagawang kasalanan sa akin. Hindi dito natatapos ang lahat.” banta ng hari bago niya hubarin ang koronang nakapatong sa ulo niya.
Itinapon niya ito sa sahig pati narin ang kanyang kapang suot. Agad siyang naglakad palabas ng bulwagan at sumunod naman sa kanya ang punong heneral na labis na nagdaramdam sa mga nangyayari.
Ang pagtunog ng mga kampana ng katedral ay naging hudyat din upang magdiwang ang mga kapanalig ni Duke Tristan. Sa wakas ay napasuko nila ang hari. Ngayon ay maipagpapatuloy na nila ang mga ninanais nilang mangyari para sa Thesalus.
Ang tusong ngiti ni Maestro Rowall ay nakapukol sa binatang Duke. Nararamdaman niyang magiging matagumpay siya sa kanyang mga binabalak. Hindi siya nagkamaling pumanig kay Duke Tristan. Ngayon abot na niya ang pinapangarap niyang higit pang kapangyarihan at impluwensiya.
“Nagtagumpay tayo!” sigaw ni Maestro Rowall na siyang kinaingay ng lahat ng sundalong nakaantabay sa labas ng palasyo.
Habang pababa ng hagdanan patungo sa malawak na litisan ang hari ay nakasunod naman sa kanya ang heneral at agad na ginagap nito ang kanyang kamay.
“Kamahalan.. Sandali lamang!” pagpigil niya sa hari ngunit timabig lamang nito ang kanyang kamay.
Nagmamadaling naglakad ang hari sa gitna ng litisan at umakyat sa tanghalan.
Nagsisimula naring magsidatingan ang mga sundalo sa litisan maging si Duke Tristan at si Maestro Rowall. Lahat ng mga heneral ay nandoon narin di kalaunan.
Bumaba sa kanyang kabayo ang duke at agad na tinungo ang kinatatayuan ng napatalsik na hari.
Ang kanyang ngiti ay walang mapagsidlan dahil napagtagumpayan na niya ang kanyang minimithing mangyari. Ang makita niyang mawala ng tuluyan sa landas niya ang hari.
“Isang dakilang bagay ang inyong ginawang pagsuko, kamahalan. Alam nating lahat na ito ay para sa ikabubuti ng Thesalus. Dahil sa inyong pagpapabaya ay unti unting humihina ang impluwensiya ng ating kaharian. At hindi ko maaring ipagwalang bahala nalamang iyon. Huwag kang mag-alala, bilang susunod na hari ng Thesalus. Ipinapangako kong pangangalagaan ko ang ating kaharian mula sa sinumang nagnanais na pabagsakin ito.” nakangiting saad ng duke sa hari na ngayon ay punong puno ng galit ang puso para sa kanya at sa lahat ng taong nasa malawak na litisan.
“Hindi ko mapapatawad ang inyong pagtataksil sa akin. Ang inyong katraydoran ay may paglalagyan. Hinding hindi ko kayo mapapatawad sa lahat ng inyong nagawa.”
Ngumiti lamang si Duke Tristan at agad na inutusan si Heneral Elio na tanggalan ng kasuotang maharlika ang napatalsik na hari at agad na itong talian upang dalhin sa Timog ng Dardo.
At habang ginagawa ito ni Heneral Elio ay hindi mapigil ni Persius na mapakuyom nalamang ng kanyang kamao. Nais niyang sugurin ang duke ngunit alam niyang kamatayan lamang ang naghihintay sa kanya kapag ginawa niya iyon. Hindi niya kayang isugal ang lahat para lang sa pagmamahal niya para kay Brandon.
Hindi niya mapigil an tingnan ang unti unting pagkawala ng mga kasuotan ng hari at naiwan nalamang ang pang-ilalim nitong kasuotan. Ang mga sundalo ay agad nagbigay pugay sa bagong hihiranging hari ng Thesalus.
“Mabuhay si Haring Tristan!!” sigaw ni Maestro Rowall na sinabayan ng lahat ng mga sundalo at mga heneral na naroon sa malawak na litisan.
“Mabuhay si Haring Tristan!!” paulit-ulit na saad nilang lahat.
Ang napatalsik na hari ay napayukod nalamang at kanyang ikinuyom ang kanyang kamay. Hindi dito natatapos ang lahat. Ipinapangako niyang mabubuhay siya at paghihigantihan lahat ng taong sinaktan siya at inagaw sa kanya ang nararapat para sa kanya.
At sinisiguro niyang hindi magiging maligaya si Persius at si Tristan. Sisingilin niya ang heneral at ang kanyang pinsan sa kanilang ginawang pagtataksil sa kanya.
Itutuloy…
Pag-ibig ni Persius
Ang makapal na niyebe ay siyang nilalakbay ng mga kawal at sundalo habang nakagapos si Brandon at nasa isang malaking hawlang gawa sa kahoy. Kasalukuyan siyang dinadala patungo sa bayan ng Dardo kun saan siya ipipiit sa kulungan ng mga pinatalsik na hari.
Ang kanyang mga kamay at paa ay naninigas na labis na lamig na kanyang nararamdaman ngunit linalabanan ito ni Brandon. Naroon ang determinasyon niyang mabuhay. Binigyan siya ng makapal na kumot upang ibalabal niya ito sa kanyang katawan ngunit hindi ito sapat.
Ang mga kawal at sundalo ay pinangungunahan ni Kapitan Samuel at siya ay masugid na kapanalig ni Heneral Elio. Nasisiyahan siya sa nakikitang paghihirap ng pinatalsik na hari. Hindi niya parin mapaniwala ang kanyang sarili na napatalsik ito ng ganoon kadali ni Duke Tristan. Hindi ugali ng pinatalsik na hari ang sumuko nalamang basta.
Ngunit naalala niya ang ipinagutos sa kanya ng duke na ngayon ay siyang hari na ng Thesalus na hindi na dapat pang umabot sa Dardo ang dating hari. Kung hindi man ito mamatay sa lamig ng panahon ay kailangan itong paslangin at iwanan ang katawan sa ilog upang hindi na ito mahanap kailanman. Ganoon kagusto ng duke na mawala sa kanyang landas ang kanyang pinsan.
Kalahati na ng daanan patungong Dardo ang kanilang linalakbay nang bigla silang palibutan ng napakaraming sundalong nakasuot ng uniporme ng Corinthia. Hindi nila inaasahan ang pagsalakay ng mga ito sa kanila kaya hindi nila namalayan na isa-isa nang pinapaslang ang mga sundalo at kawal na kasamahan niya. Agad na bumaba si Kapitan Samuel sa kanyang kabayo at hinarap ang mga sumalakay sa kanilang sundalo. Magagaling ang mga ito sa pakikipaglaban at hindi naglaon ay lahat ng sundalo at kawal ay napatumba na ng mga ito. Ang isang daan sa kanila ay pinatumba ng labinlimang sundalo lamang. Hindi makapaniwala ang Kapitan kaya minabuti niyang sumuko at bitawan ang kanyang sandata upang mabuhay.
“Kalagan niyo ang nakakulong. At ipalit niyo ito sa loob ng hawla.” turo ng tinuturing na pinuno ng mga sundalong sumalakay sa kanila sa nakaluhod na kapitan.
Agad na ginagap ng mga sundalo ang magkabilang braso ng kapitan at agad itong tinalian. Samantalang si Brandon naman ay naguguluhan parin sa nangyayari. Agad siyang kinuha ng mga sundalo mula sa malaking hawla at ipanasok naman doon ang kapitan na may piring na sa mata at mag takip ang bibig.
Humihiyaw ang kapitan ngunit walang nakakarinig dito. Malinis ang ginawang trabaho ng mga sundalo kaya’t madali na nilang nilisan ang lugar kasama ang dating hari ng Thesalus na kanilang pinasakay sa isang kabayong nakalaan para dito.
———————–
“Anong ibig mong sabihin, Persius? Magbibitaw ka bilang punong heneral ng hukbong sandatahan?” gulat na tanong ng bagong hari sa binatang kasama niya ngayon sa kanyang silid. Hindi umaalis sa kanyang kinatatayuan si Persius habang nakatitig lang kawalan.
“Hindi ako makakapayag sa gusto mo.. Ikaw ang pinakamagaling na heneral ng Thesalus. Sa tingin mo ba basta ko nalang hahayaan na magbitiw ka sa iyong posisyon?” galit na saad pa ng hari kaya hindi na napigil ni Persius na sagutin ito.
“Dahil hindi ko na gusto pang manatili sa aking posisyon. Gusto kong bumalik na lamang sa aking dating buhay at maging isang ordinaryong mamamayan na lamang kapiling ang aking pamilya. At siguro ay bumuo narin ng sarili kong pamilya.“pagsisinungaling ng binatang heneral na hindi naman kinakagat ng bagong hari. Alam niyang susundan nito si Brandon sa Dardo upang iligtas ito ngunit alam niyang sa mga pagkakataong ito ay namatay na ito sa lamig o di kaya napasalang na ito ng kapitan na kanyang napagutusan.
“Huwag ka nang magdahilan pa Persius. Alam ko kung bakit gusto mong magbitiw sa iyong posisyon. Dahil gusto mong makapiling si Brandon. Dahil hanggang ngayon, siya parin talaga ang pinipili mo.” may hinanakit na saad ng bagong hari ngunit hindi siya pinakinggan ni Persius.
Isa isang hinubad ni Persius ang kanyang baluti at kanyang armas na nakabalot sa kanyang buong katawan. Ang kanyang espada ay kanyang ilinagay sa mesa ng bagong hari sa silid nito. Ang naiwan nalamang dito ay ang damit panloob nito at maging ang kanyang kwentas na sagisag ng kanyang pagiging punong heneral ay kanyang hinubad rin.
“Hindi ko mapagbibigyan ang nais mo, Persius. Hindi ko hahayaang mawala ka sakin. Hindi ko kayang mabuhay na wala ka sa piling ko. Naiintindihan mo ba yun? Kailangan kita sa tabi ko!” hindi na napigil ni Tristan na lapitan ang lalaking iniibig at yinakap ito ng mahigpit.
“Kung gayon.. Mabuti pang paslangin niyo narin ako. Dahil kahit kailan, hindi ako magiging maligaya sa piling niyo. Ang katawan ko lang ang nakuha ninyo ngunit ang puso ko, para lamang kay Brandon ito.”
Naginit ang pisngi ng bagong hari at agad na binigyan ng malakas na suntok sa kanyang tiyan ang binatang kanyang kayakap.
Hindi ininda ni Persius ang sakit. Mas masakit parin para sa kanya ang nangyayari ngayon. Sinisiguro niyang mabubuhay ang hari ngunit hindi niya alam kung hanggang sa huli ay mapapatawad pa siya nito. At makikita nito na ginawa niya ang lahat para lamang mailigtas ito.
“Ipagpapalit mo ang lahat ng meron ka para sa taong wala nang silbi sa lipunan? Isang kriminal at katawatawa sa harapan ng napakaraming tao.” galit na saad ng bagong hari ngunit ngumisi lang si Persius at hinarap niya ito.
“Kailanman.. Hindi naging kriminal at katawa tawa sa aking paningin ang totoong hari ng Thesalus. Bakit nga ba ganoon nalamang ang kagustuhan mong maging hari ng Thesalus? Para sa akin? Para maalis mo sa iyong landas si Brandon? Nagkamali ka ng iyong ginawang hakbang. Dahil si Brandon lamang ang aking kinililalang hari.. At si Brandon lamang ang tinitibok ng aking puso.”
Hindi na nakaya ni Tristan ang sakit ng mga binitawang salita sa kanya ni Persius. Agad niyang tinawag ang mga kawal na nasa labas ng kanyang silid.
“Dalhin niyo ang lalaking iyan sa piitan. Kailangang niyang managot sa batas ng Thesalus. Isa siyang lapastangan!” hiyaw ni Tristan at tuluyan ngang ginapi ng mga kawal ang hindi lumalabang punong heneral at mataman lang siyang nakangisi at nakatitig sa bagong hari.
“ Hindi mo na makikita pang muli si Brandon.. Kahit magmakaawa ka sakin, hinding hindi mo na makikita pa ang taong minamahal mo, Persius dahil alam kong isa na siyang malamig na bangkay ngayon. At mauuwi lang sa wala ang iyong pagpupursigeng makapiling siyang muli. Hinding hindi ka na makakaalis sa piling ko, Persius. Mula sa araw na ito ay akin ka na at wala nang iba pang magmamay-ari sa’yo.“
Agad na dinala ng mga kawal si Persius sa piitan ng palasyo at nagulat pa ang marami sa ginawa ng mga kawal sa kanya.
Ngunit tahimik lamang ang punong heneral. Hindi siya natatakot sa anupamang binabalak sa kanya ni Tristan. Ang mahalaga ngayon ay masiguro niyang nakaligtas si Brandon sa tiyak na kamatayan. Hinihintay niyang magbalik si Cali sa palasyo. Ngunit tagilid ang mga bagay. Hindi siya maaring makita na nakikipagusap rito kung hindi ay mapapahamak din ito.
Lahat ng binalak niya ay hindi umayon sa kanyang kagustuhan. Alam niyang tuso si Tristan at gagawin nito lahat upang siya ang manalo at kailangan niyang makaisip ng paraan upang makawala dito sa piitan at makaalis ng tuluyan sa palasyo. Umisip siya ng isang buwis buhay na plano na kung mapagtatagumpayan naman niya ay sigurado siyang makakalabas siya ng palasyo ng walang anumang magiging sagabal.
————————
Narating ni Haring Brandon at ng mga kasamahan niya ang isang liblib na lugas sa kakahuyan at natagpuan nila doon ang isang kampo ng mga sundalo. Nakasindi ang mga apoy na panlaban sa lamig at matamang nag aantabay ang mga ito sa kanilang pagdating.
Kanina pang tahimik ang lahat at hanggang ngayon ay iniisip parin ng hari kung ano ang ginagawa ng mga sundalo ng Corinthia at tinutulungan siya ng mga ito gayong isang mahigpit na kaaway ang turing ng mga ito sa kanya.
Tumigil sila at sinalubong sila ng isang lalaking nakauniporme ng sa kapitan at agad niya namang binaba ang kabayong sinasakyan upang kausapin ito.
“Ikaw ba ang kapitan ng mga sundalong ito?” tanong ng hari sa binatang sa tingin niya ay nakakatanda lang sa kanya ng ilang taon.
“Ako si Kapitan Minos, kamahalan. At opo, kami ay tapat na tagapaglingkod ni Heneral Persius. Inatasan niya kaming siguruhin ang iyong kaligtasan. Alam ng heneral ang balak na pagpaslang sa inyo ng duke.” pagpapaliwanag naman ng kapitan sa hari.
“Ibig sabihin, lahat kayo ay tauhan ni Persius?” tanong pa ulit ng hari na tinanguan lamang ng kapitan bilang pagsang-ayon.
“Kung gayon ay humihingi ako sa inyo ng pasasalamat sa inyong pagliligtas sa buhay ko ngunit nais ko nang lumisan ang magpatuloy ng aking sariling paglalakbay dahil ayokong maging abala pa sa inyo. Hindi ko kailanman hiningi ang tulong ng traydor na punong heneral. Kaya’t nais kong magpatuloy na sa aking paglalakbay.”
“Hindi namin kayo mapapayagang gawin iyon, kamahalan. Mahigpit ang bilin samin ng heneral na bantayan kayo hanggang sa kanyang pagdating. Kaya’t mananatili kayo sa aming tabi hanggang dumating ang punong heneral.” matigas na saad ng kapitan sa hari.
“Wala akong dahilan upang manatili dito dahil nasisiguro kong hindi na kailanman darating dito ang inyong punong heneral. Nalason narin ang isipan niya ng bagong hari ngayon ng Thesalus. Ikakapahamak niyo lamang ang pagpapanatili niyo sa akin dito. Kaya’t mas mabuti pang lumisan na ako habang hindi pa pinapasuyod ni Tristan ang buong kaharian upang ako ay ipahanap.” may hinanakit na saad ng hari.
Alam niyang kahit kailan ay hindi siya pipiliin ni Persius. At mas lalo na ngayong wala na siya sa kapangyarihan. Wala nang silbi ang katulad niya sa binatang labis niyang minahal. Ngunit pasakit lamang ang dinala sa kanya ng pagmamahal niya sa binatang heneral.
Kaya isinumpa na niya sa kanyang sarili na iyon na ang huling pagkakataon na iisipin pa niya ang heneral. Ang binatang kanyang minahal. Pupunuin niya ang puso niya ng galit. At babawiin niya mula kay Tristan ang lahat. Hindi na siya magiging maruwag. Gagawa siya ng isang malakas na hukbong susupil sa lakas ng sandatahang lakas ng Thesalus.
Maglalakbay siya patungo sa Sineclos, ang pinagmulang bayan ng kanyang ama. Doon niya muling hahanapin ang lakas na kakailanganin niya. At pagbabayarin niya lahat ng may kasalanan sa kanya.
Mabilis na sinakyang muli ni Brandon ang kabayo niya at hindi na siya napigilan pa ng kapitan sa kanyang binabalak. Alam ng kapitan na may matinding dahilan ang tadhana kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Iniisip niya na lamang ang kalagayan ng kanyang kaibigang heneral. Sana ay ligtas ito at walang masamang nangyari upang matupad nito ang kanyang tunay na hangarin.
––––––––––––––
“Kamahalan! Natagpuan po namin ngayong umaga si Heneral Persius sa kanyang piitan at ikinalulungkot naming sabihin na hindi na siya humihinga.”
Nagimbal ang bagong hari sa nalaman niya mula sa mga bantay ng piitan habang nasa malaking hapagkainan siya ng palasyo para sa kanyang almusal ng umagang iyon.
Agad na tumakbo ang hari kasama ang kanyang mga tagapaglingkod at tinungo nila ang piitan at natagpuan nga nilang tinatanggal sa pagkakatali nito ang tila wala nang senyales ng buhay na si Persius.
Hindi halos makakilos ang hari dahil sa kanyang nakitang pangingitim ng labi ng binatang labis niyang iniibig. Lahat ng mga bagay na pinangarap niya para sa kanilang dalawa ay tuluyang nawala na parang bula.
“Persius.. Anong nangyari sa kanya?! Bakit nagkaganito siya?!” sigaw ng hari sa mga tagabantay ng piitan ngunit maski isa sa kanila ay walang may alam sa nangyari kay Persius.
At agad na dinala si Persius ng mga kawal sa tanggapan ng sandatahang lakas upang gawaran siya ng kaukulang pagpupugay na nararapat para sa isang punong heneral.
Hindi napigilang lumuha ni Tristan habang dinadala ang walang buhay na katawan ni Persius sa isang kariton at itutulak ang katawan niya patungo sa hihimlayan nito sa Kapatagan ng Homeres, ang pinagmulan nito.
Hindi akalain ng hari na mas pipiliin ni Persius na mawalan nalamang ng buhay kaysa makapiling siya at dahil iyon kay Brandon. Hanggang sa huli, si Brandon parin ang pinili nitong makasama.
Ang papalubog na araw at nagsusungit na panahon ay nakisabay pa sa nararamdaman ng bagong hari ng Thesalus. Agad niyang ipinadala ang sulat sa pamilya ni Persius sa kanyang tahanan sa Elustre. Isang nakakalungkot na balitang ayaw niyang banggitin sa mga ito.
“Kamahalan.. Lason po ang natagpuan sa piitan ng punong heneral. At sa hinuha ko ay isa itong klase ng lason na nagpapahina ng tibok ng iyong puso. Ngunit hindi sapat upang siya ay mawalan ng buhay.”
Saad ng doktor kay Haring Tristan nang tuluyan na niyang paimbestigahan ang nangyari sa punong heneral. At natigalgal siya sa kanyang nalaman.
“Ibig sabihin, posibleng buhay pa si Persius?” tanong ng hari sa doktor na kaharap niya ngayon sa silid aklatan.
“Hindi niya inubos ang lamang ng lalagyang ito, kaya hindi ganoon katindi ang magiging epekto ng lason sa kanya maliban sa mahihirapan siyang makapagsalita ng ilang araw at maging malabo ang paningin niya ng panadaliang panahon.”
Naihampas ni Haring Tristan sa lamesa ang kanyang kamay. Hindi niya akalaing magagawa siyang linlangin ni Persius. Ginawa nanaman siyang laruan ng lalaking labis niyang minahal.
“Napakatuso mo rin talaga, Persius.. Tingnan natin kung hanggang saan ka tatagal sa iyong mga binabalak.”
Itutuloy…
Paglipas ng Panahon
Taong 1360 (Ikatlong Taon ni Tristan bilang Hari)
Tumama sa Thesalus ang isang epidemya na kinamatay ng halos kalahati ng populasyon nito. Ang karamihan ay nilisan ang kaharian at nagtungo sa Sineclos at Dardo upang pahupain ang epidemya. Maging ang mga maharlika ay iniwanan muna pansamantala ang Thesalus upang maiwasan na mahawa sa epidemya.
Si Haring Tristan ay hindi parin mapatid ang pagkagalit at pagkasuklam sa mga nangyayari ngayon sa kanyang kaharian. Ang pinangarap niyang kaharian ay wala din naman palang halaga sa kanya dahil tuluyan nang naglaho ang pag-asa niyang makikita pa niyang muli si Persius. Lahat ng sulok ng Thesalus maging sa karatig na mga kaharian ay pinahanap niya ito ngunit wala siyang magandang balitang nakuha kung nasaan ang dating punong heneral.
Ang kanyang ginawang kahangalan ay hindi kayang makalimutan ni Haring Tristan. Ipinagpalit nito ang lahat para lamang sa wala. At ngayon ay iniisip niya parin kung saan ito posibleng naroon. Dahil wala siyang makitang dahilan upang magtago pa ito ng ganito katagal kung wala itong binabalak na magbalik sa Thesalus.
At isa pang suliranin niya ay ang kanyang pinsan na ngayon ay nakabuo na ng isang malaking hukbo sa bayan ng Sineclos. Hindi niya inaasahan na mangyayari ang lahat ng ito sa loob ng ganito kaikiling panahon. Naisin man niyang ipadakip ang kanyang pinsan ngunit hindi na saklaw ng kapangyarihan niya ang Sineclos dahil isa itong idependenteng bayan na may sariling namumuno. At kapanalig na ng kanyang pinsan ang namumuno dito. Isang maling hakbang niya lamang ay sisiklab ang isang kaguluhan na hindi niya kayang harapin ngayon dahil sa napakaraming suliraning nakapalibot sa kanyang kaharian.
Nagtungo ang hari sa tanggapan ng sandatahang lakas upang kausapin ang punong heneral na si Elio. Naabutan niya itong kausap ang Maestro Rowall at hindi niya maiwasang hindi magduda sa ginagawa ng dalawa.
“Ka-Kamahalan? Naparito kayo sa aking tanggapan? Ano po ang aking maipaglilingkod sa inyo?” tila nakakita ng multo si Heneral Elio sa pagdating ng hari sa kanyang tanggapan.
“Mayroon ba akong hindi nalalaman? Bakit narito si Maestro Rowall sa iyong tanggapan? May mahalaga bang usapin at nandito kayong dalawa at palihim na nag-uusap?” tanong ng hari sa dalawang taong pinagkakatiwalaan niya.
“Hindi mahalaga ang aming napag-usapan kamahalan. Tungkol lamang ito sa pagsugpo natin sa patuloy na pagkakasakit ng mga sundalo dahil sa epidemyang tumama sa ating kaharian. Hindi natin kakayanin ang pagsugod ng mga kalaban natin kung mahina ang ating pwersa. Lalo na ngayon at bumabalik na ang dating lakas ng Corinthia na mahigpit nating kalaban.” giit pa ni Maestro Rowall na hindi naman agad tinanggap ng hari. Alam niyang may linilihim ang matanda.
“May balita na ba kung nasaan ang dating punong heneral? May nagtungo naba rito na mga tauhang aking pinadala upang hanapin ang kanyang kinaroroonan?” tanong ng hari sa punong heneral at marahan lamang itong umiling bilang kasagutan.
Hindi naman napigilan ng hari na magpuyos sa galit. Hanggang ngayon ay wala parin siyang alam kung nasaan ito. Tatlong taon na niyang hinahanap ang dating heneral ngunit kahit na anino nito ay hindi mahagilap. Nabubuo na ang agam-agam niya na baka si Brandon ang nagtatago kay Persius.
Matagal na siyang nagtitimpi at panahon na upang komprontahin niya ang napatalsik na hari ng Thesalus. Wala siyang pakialam kung may malalabag siyang batas ngunit kailangan niya itong makaharap. Dahil alam niyang malaki parin ang galit niya rito dahil ito parin ang pinili ni Persius sa bandang huli. At siya ay naiwang mag-isa sa kahariang pinangarap niya para sa kanilang dalawa ng dating heneral.
———————––
Mabilis ang pagtakbong ginagawa ni Persius habang namatyagan niya ang isang malaking usa na kanina pa niya sinusundan. Ang maiingat na hakbang niya ang naging tulay upang masapul niya ang ulo nito ng kanyang palasong pinakawalan mula sa pana. Hindi naman napigilan ni Persius na mapangiti dahil sa wakas ay nahuli din niya ang usa na sasapat nang pagkain para sa ilang pamilya na nakakasalamuha niya sa maliit na lugar na iyon sa Sineclos.
Matagal na panahon narin niyang binabantayan ang bawat kilos ng dating hari. At bawat hakbang na ginagawa nito ay nakaantabay siya. Minamasdan niya ang pagyabong at paglakas ng pwersang binuo ni Brandon at natutuwa siya sa malaking pagbabago na nakita niya mula sa lalaking tunay niyang iniibig. Hanggang sa mga sandaling iyon, ito parin ang tinitibok ng kanyang damdamin.
Matagal silang nagkawalay mula nang magtangka siyang tumakas sa piitan ng palasyo ng Thesalus. At alam niyang hindi sasapat ang ginawa niya upang mapatawad siya ng dating hari. Ngunit narito siya at isang taon naring hanggang tingin lamang sa malayo ang ginagawa para sa taong lubos niyang iniibig.
Agad na inakay ni Persius sa kanyang balikat ang malaking usa at tinahak ang daanan ng masukal na gubat pabalik sa maliit na bayan na kanyang piniling tirhan habang narito siya sa Sineclos.
“Maestro Persius! Napakalaking usa naman nitong dala ninyo! Nakakamangha talaga ang inyong galing sa pangagaso at mas lalong nakakamangha ang galing niyo sa pakikipaglaban.” pagsalubong sa kanya ni Cornelus. Isa sa mga estudyante niya.
Nagiliw ang dating heneral sa sinambit ng kanyang estudyante kaya’t agad niya itong pinasama sa kanyang tinutuluyang tahanan sa bayan na iyon ng Sineclos.
“Maestro.. Matagal ko nang napapansin na palagi kayong nagpupunta sa tanggapan ng gobernador ng Sineclos ngunit hindi naman kayo pumapasok sa loob nito, mayroon ba kayong inaantabayanan?” tanong biglang ng labing tatlong taong gulang niyang estudyante na kinatingin naman ng dating heneral dito.
“Sinusundan mo ba ako, Cornelus? Bakit tila napakainteresado mo sa aking mga ginagawa?” hindi napigil ng dating heneral na mapangiti sa kuryosidad ng kanyang estudyante.
“Iyon ang inyong tinuro sa amin. Ang matyagan ang bawat kilos ng mga taong mahalaga sa inyo. At kayo po ay mahalaga sa akin heneral. Dahil kayo po ay tinuring ko nang matalik na kaibigan at tumayong ama ko simula nang mamatay ang aking ama sa digmaan.”
Hindi agad nakasagot si Persius at tiningnan lamang ang anak ng kanyang mabuting kaibigan na isang kapitan. Naging masalimoot ang buhay ni Cornelus dahil sa wala na itong mga magulang na inaasahan. Kaya’t ginawa ni Persius ang lahat upang pangalagaan niya ang anak ng kanyang kaibigan. At ngayon nga ay kasama na niya ito at parang ama na ang turing nito sa kanya.
“Kung gayon.. Ibig sabihin lamang nito ay minamatyagan rin ninyo ang isang mahalagang tao sa buhay niyo, tama ba maestro? May mahalagang tao para sa inyo na naroon sa tanggapan ng gobernador!” tuwang saad ni Cornelus sa kanyang tinuturing na panagalawang ama.
“Napakarami mo na ngang natututunan. At oo, tama ka sa iyong hinuha. May mahalagang tao akong binabantayan sa tanggapan ng gobernador ngunit hindi ko siya magawang lapitan.” malungkot na saad ng heneral sa kanyang estudyante.
“Bakit naman po, maestro? Hindi ba’t isa pa sa inyong itinuro ay ipaglaban ninyo ang nararamdaman ninyo para sa taong mahalaga sa inyong buhay? Doon lamang lalabas ang tunay na kalakasan ng iyong puso kapag naipaglaban niyo na ang tunay niyong nararamdaman?”
Napatingin nalang ang dating heneral sa binatang patuloy na nagpapahanga sa kanya.
Ito mismo ang nagpapaalala sa kanya kung ano nga ba ang dahilan kung bakit siya nandito. Kung bakit patuloy niyang binibigay ang lahat ng makakaya niya upang mapangalagaan lang si Brandon. Dahil mahal niya ito at nais niyang hingin ang kapatawaran nito na napakahabang panahon narin niyang gustong gawin. Ngunit sa tuwing naiisip niya ang mga banta nito sa kanya noon ay nababahag ang kanyang buntot at para bang hindi niya magawang gawin ang nais niya.
Malaki ang naging kasalanan niya kay Brandon at hindi niya parin alam kung ano ang kahihinatnan ng lahat sa oras na magtagpong muli ang kanilang mga landas.
“Huwag mo nang gagawin pa ulit ang ginagawa mong pagmamatiyag sakin, Cornelus. Kung hindi ay hindi kita tuturuan sa paghawak ng espada. Naiintindihan mo ba?” banta ni Persius sa kanyang eatudyante na agad namang yumukod upang bawiin nito ang banta niya.
“Maestro! Huwag po! Hindi ko na po kayo susundan.. Pinapangako ko po sa inyo. Magpapakabait na po ako. Gusto ko po talagang matutong humawak ng espada.” saad ng kanyang estudyante na lihim namang kinatuwa ng dating heneral.
Inutusan niya itong magsiga na ng apoy dahil papausukan nila ang karne ng usang inuwi niya sa kanilang maliit na tahanan.
—————————
Maaliwalas ang loob ng silid ni Brandon sa kanyang tahanan sa bayan ng Sineclos. Ang kanyang mga tagapgsilbi ay hinahanda narin ang mga kakailanganin niya sa kanyang pagligo at maging ang kanyang ina ay nagaantabay narin sa hapagkainan upang magkasalo sila sa umagang iyon.
Bumangon ang dating hari na walang saplot sa katawan. Kakikitaan ang malaking pagbabago sa kanyang pangangatawan. Tila nagkaroon ng napakaraming lamang ang kanyang mga braso, dibdib at ang kanyang tiyan naman ay tila isa bato batong unan dahil sa tigas nito. Binago ng panahon ang dating malambot na pangangatawan ng dating hari. Ngayon ay malakas na siya. Ganap na ang lakas niya na hindi niya kailanman naipamalas noon.
Ang pagligo niya ang nagbibigay sa kanya ng pagkakataon upang isipin ang susunod na mga hakbang na gagawin niya laban sa naghahariharian ngayon sa Thesalus. Ngunit muling sumagi sa isip niya ang balitang nagpaguho sa kanyang mundo tatlong taon na ang nakakalipas.
Balitang balita sa buong Thesalus ang pagkamatay ni Persius at ang pagkapaslang din ni Reyna Sanya sa gitna ng paglalakbay nito pabalik ng Olympia.
Hindi niya lubos maisip na lahat ng dagok sa buhay niya ay darating nang isuko niya ang kanyang korona sa kanyang pinsan. Ginusto niyang wakasan nalamang ang buhay niya dahil hindi niy parin matanggap ang pagkawala ni Persius. Hindi niya hiniling na mawala ito sa mundo. Wala siyang ibang hinangad kundi mabawi ito at magsimula silang muli. Maging masaya sila habang sila ay mabubuhay.
Ngunit tila labis na mapagbiro talaga ang tadhana at ayaw nitong ibigay sa kanya ang ninanais na kaligayahan.
Kaya naman pinagtibay niya ang puso at isipan niya. Kailangan niyang maging mas malakas pa. Dahil ang laban niya ay hindi na lamang para sa kanya kundi para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng lalaking labis niyang iniibig.
“Persius.. Malapit ko nang mabigyan ng hustisya ang iyong pagkawala. Sana ay nakikita mo kung gaano ako nagpursige para marating ang puntong ito ng buhay ko. Nararamdaman ko na ang pagwawakas ng paghahariharian ni Tristan sa Thesalus. At ipinapangako ko sayo, babawiin ko lahat ng kinuha niya mula sakin. At pagbabayaran niya ang kanyang mga nagawa sa ating dalawa.” saad ng datimg hari at nagpatuloy na siya sa kanyang pagligo.
Habang pababa si Brandon sa mataas na hagdanan ng kanyang tahanan ay may isang sundalong nakaantabay sa kanyang pagbaba at agad itong nagbigay galang sa kanya.
“Kamahalan.. Narito po ang isang sulat na natanggap ng gobernador sa kanyang tanggapan. Liham po ito mula sa hari ng Thesalus.” hayag sa kanya ng sundalo at nalukot naman ang noo ni Brandon at kinuha mula sa sundalo ang sulat na dala nito.
Binuklat niya ang manipis na papel at tanging pagkamuhi lamang ang naramdaman niya habang binabasa ang liham.
Brandon.. Mahal kong pinsan. Naisin ko mang paslangin ka gamit ang aking sariling mga kamay ay hindi ko magagawa sapagkat isang napakalakas na kapanalig ang meron ka ngayon. Ngunit nais kong makipagkita sa iyo. Hindi ko nais na humantong sa digmaan ang iyong mga pagbabanta sa akin. Nais kong magkausap tayo ng masinsinan. Hihintayin kita sa hangganan ng teritoryo ng Thesalus at Sineclos. Apat na araw mula ngayon. Tristan–
At agad na linukumos ni Brandon ang kapirasong papel na hawak niya. Talagang malakas ang loob nitong kaharapin siya. Hindi na talaga ito tinatablan ng kahit na anong pagbabanta kaya mas mabuti sigurong magkaharap na sila ng tuluyan.
“Iulat mo sa gobernador ang lamang ng sulat na ito. Ako ay magtutungo na sa hangganan ng Sineclos at Thesalus upang kakitain ang hari. Nais ko ring makausap ang kapitan. May mahalagang bagay akong ibibilin sa kanya.” utos ni Brandon sa sundalong nasa harapan niya na yumukod lamang bilang pagtanggap sa kanyang pinag-uutos.
“Tingnan natin kung sino ang titiklop sa pagkakataong ito, Trsitan. Makikita mo na ang matagal mong hinahanap. Pagbabayarin kita ng higit pa sa inaakala mo.” saad ni Brandon sa kanyang sarili bago tunguhin ang daan patungo sa hapagkainan ng malaking tahanan niya.
Hindi na siya makapaghintay na makaharap muli ang kanyang pinsan. Ang kanyang mortal na kaaway. At ang pagkikita nilang muli ay isang kaganapang hindi niya maaring ipagpaliban.
Itutuloy…
Dalawang Hari
Ang mainit na sikat ng tag-araw ay nanunuot sa katawan ni Brandon ngunit wala siyang iniinda ang init na nadarama dahil pagkakataon na niyang makita ang kanyang matagal nang ninanais. Ang pagkagulantang sa mukha ni Tristan. Ang makita nito kung gaano kalaki ang pinagbago niya.
Tinahak nila ng kanyang mga kasamang sundalo ang dalawang malalaking ilog at ilang kapatagan bago nila narating ang hangganan ng Thesalus at Sineclos. At namataan ni Brandon ang kampong itinayo ng kanyang pinsan.
Bago paman sila makapasok sa loob ng kampo ay hinarang na sila ng mga sundalo’t kawal ng Thesalus at hinihiling sa kanila ang pagbibigay galang sa hari ng Thesalus ngunit tumalima lamang si Brandon at tinutukan ng espada ang isa sa mga kawal at nahindik naman ang iba pa sa ginawa ng dating hari nila.
“Mukhang nakalimutan mo na kung sino ang iyong kaharap? Ako ang totoong hari ng Thesalus at hindi ko kailangang magbigay pugay sa inyong huwad na hari.” banta ni Brandon na mas kinatakot ng iba pang sumalubong sa kanila sa bukana ng kampo. Kaya mabilis na inatasan ng isang sundalo ang lahat na bigyan sila ng daan at napangiti naman si Brandon. Ngayon niya napatunayan na handa na siyang makaharap ang kanyang traydor na pinsan.
Narating ni Brandon ang puso ng kampo at tila nakakita ng multo ang lahat nang siya ay masilayan ng mga ito. At isang sundalo ang aligagang tinungo ang tinutuluyang tolda ng hari upang ipagbigay alam ang pagdating ni Brandon sa kanilang kampo.
Ang hari naman ay abala sa pagpapatalim ng kanyang espada at mataman lamang na tinitingnan ang wangis niya sa repleksyon na gawa ng makinis na talim ng espada niya.
Nasasabik na siyang itarak ito sa puso ni Brandon ngunit hindi pa ito ang panahon. Nais niya munang masiguro na hawak ni Brandon si Persius. At kukunin niya ang binata mula dito at malaya na niya itong mapapaslang. Isang bagay na dapat noon pa nangyari kung di lang naging inutil ang kapitan na kanyang inutusan.
“Kamahalan! Ang—Ang dating hari ay dumating sa ating kampo…” gulantang na anunsyo ng sundalo sa kanyang hari na kinangisi naman ni Haring Tristan.
“Nakarating na pala ang hangal kong pinsan. Hindi ko inaasahan na kakagat siya sa pain ko.” nakangiting saad ng hari at agad na ibinalik ang kanyang espada sa pinaglalagyan nito at agad na tumayo upang lisanin ang kanyang tolda. Nang hawiin niya ang tabing nito ay tumambad sa kanya ang hindi na niya halos makilalang anyo ni Brandon.
Ang ngiti sa kanyang labi kanina ay napalitan ng takot at pangamba. Wala na ang dating maliit na pangangatawan ng hari. Batak na batak na ito sa kanyang kasuotan at ang mukha nito ay nagsusumigaw ng katapangan at walang pag-aalinlangan. Hindi niya inaasahan na ganito pala ang mangyayari kay Brandon sa loob ng tatlong taon.
Ang katauhan nito ngayon ay hindi na lang isang maharlika kundi isang tunay na hari. At iyon ang kinatakot ng kanyang puso. Mas malakas na ito kesa sa kanyang inaasahan.
“Hindi ko inaasahan na isang tahimik na hari pala ang sasalubong sa aking pagdating dito sa kampo? Tila ba nawala ka na sa iyong sarili, mahal kong pinsan?” panunuyang saad ni Brandon habang humahakbang siya papalapit sa kanyang pinsang traydor.
“Ikaw ang nag-anyaya sa akin na makipagkita, ngunit tila ba hindi mo inaasahan ang aking pagdating?” pagpapatuloy pa niya hanggang sa magkaharap na sila ng tuluyan ni Haring Tristan.
“Napakataas parin ng tingin mo sa iyong sarili, Brandon. Baka nakakalimutan mo na ako ang hari ng kahariang tinatapakan ng iyong mga paa?” sarkastikong saad ni Haring Tristan sa kanyang hambog na pinsan.
“Mukhang nakakalimutan mo rin na inagaw mo lang sa akin ang kahariang iyong tinatapakan ngayon? Hindi ba’t noon paman, nasa dugo mo na ang pagiging mangaagaw?” nakangiting saad ni Brandon na labis na kinagalit ng hari at pinipilit nitong pigilan ang sarili.
“Inagaw mo sakin ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.. Tapos hindi ka pa nakuntento, inagaw mo pa ang kahariang nararapat lang para sakin? Hindi ba’t isang kapalaluan ang iyong ginawa?”
“Hindi ka karapatdapat maging hari, Brandon. Dahil wala kang ginawa para sa ating kaharian.. Lahat ng meron ka noon ay ibinigay lang sa’yo ng mga magulang mo! At wala akong inaagaw sayo.. Dahil lahat ng nakuha ko noon man at ngayon ay pinaghirapan ko.” pagdepensa ni Haring Tristan sa kanyang sarili.
“Napakahusay mo talagang magpatawa, Tristan. Mukhang nararapat ka sa mga grupo ng mananaghal at payaso dahil labis mo akong pinapatawa. Lahat ng meron ka? Pinaghirapan mo? Mukha yatang nananaginip ka ng gising mahal kong pinsan.. Hindi ikaw ang naghirap na mapunta sa’yo ang lahat!”
Tumawa pa si Brandon ng malakas bago nagpatuloy sa kanyang nais sabihin.
“Lahat ng tagumpay mo sa mga labanan noon, hindi ba’t ang dating punong heneral ang gumawa nun? Ang pagtatagumpay ng Thesalus na pabagsakin ang Corinthia noon, ikaw ba ang gumawa noon? Ang mga sundalo ng Thesalus ang gumawa noon para sa kaharian natin? At ikaw, nakahiga ka lang sa malambot mong kama sa Elustre at walang ibang ginawa kundi magpakasasa sa karangyaan ng maharlikang pamilya! Ngayon? Sabihin mo, nasaan ang pinaghirapan mo? O sadyang hibang ka lang talaga..”
Isang nakakapanuyang tawa pa ang binitawan ni Brandon bago siya itulak ng malakas ng hari at agad na kinuha nito mula sa lalagyan ang kanyang matalim na espada at agad itinutok sa kanyang pinsan. Labis ang galit na nadarama niya ngayon dahil sa paglapastangan sa kanya ng dating hari ng Thesalus.
“Talagang nais mo nang mabawian ng buhay ngayon din.. Kung iyan ang nais mo, pagbibigyan kita. Napakalakas ng loob mong lapastanganin ang pangalan ko sa harapan ng aking mga sundalo!”
“Sige! Ituloy mo ang nais mo, kamahalan.. Ngunit may nakakalimutan ka atang isang bagay, hindi mo ako maaring patayin dito sa hangganan ng Thesalus at Sineclos dahil kapag ginawa mo yun.. Katapusan na ng paghahari mo.. Malaki ang pagkakautang ng Thesalus sa gobernador ng Sineclos, at hindi siya magaatubiling ipadala ang kanyang pwersa papuntang Thesalus at wasakin ang iyong kaharian.” isang ngiti pa ang ginawad ni Brandon sa kanyang pinsan bago nito ilayo sa kanya ang espadang hawak niya at agad na nabitawan ito at bumagsak sa lupa.
Para namang baliw si Tristan na tumawa at napapalakpak sa tinuran ng kanyang pinsan. Talagang hindi na niya ito kilala. Ibang iba na ang Brandon na kaharap niya ngayon at natatawa siya dahil sa pagkatakot. Hindi niya inaasahan ang ganitong pangyayari.
“Ngayon.. Isang mahalagang bagay lang ang sinasabi ko sa iyo, huwag na huwag mo na akong hahamunin pang muli. Kundi babawiin ko na sa’yo ng tuluyan ang koronang pinahiram ko lang sa’yo.. Kapag gumawa ka pa ng hakbang na hindi ko magugustuhan, kakalimutan ko nang magkapatid ang aking ama at ang iyong ina.” singhal pa ni Brandon bago niya talikuran ang traydor niyang pinsan.
“Nasayo ba si Persius?! Kaya napakalakas ng loob mong hamunin ako dahil kasama mo si Persius!?” biglang tanong ng hari na kinagulat naman ni Brandon at muli niya itong hinarap.
“Anong ibig mong sabihin? Nahihibang ka na ba talaga? Hindi ba’t namatay si Persius dahil sa iyong kagagawan? Namatay siya dahil sa ininom niyang lason habang siya ay nasa piitan?”
Natawa naman ang hari at hindi niya inaasahan na wala palang alam ang kanyang pinsan. Ngayon naiintidihan na niya. Nagtatago si Persius at hindi pa nito nakakausap si Brandon.
“Pareho niya tayong niloko, Brandon.. Ang akala nating patay na si Persius, ay buhay na buhay pa hanggang ngayon. At nagbabalak siyang patalsikin ako bilang hari upang siya ang maupo sa aking trono.” pagsisinungaling niya sa kanyang pinsan. Wala na siyang maisip na paraan upang tuluyan niyang masira ang pagtingin ni Brandon kay Persius.
At kapag naging magkalaban si Persius at Brandon, panunuorin niya ang pagbagsak ng dalawa at siya ang matitira. At wala na siyang pakialam pa. Dahil alam naman niya sa puso niya na hindi siya kailanman mamahalin ni Persius. Kaya nararapat lang na mamatay na ito at napakagandang tanawin para sa kanya na makita niya ang pagpaslang ni Brandon at Persius sa isa’t-isa.
“Tila ba nagulat ka sa aking tinuran, mahal kong pinsan? Totoo ang iyong narinig. Buhay pa si Persius at nagbabalak siyang kunin ang kaharian at upang magawa niya iyon, kailangan niyang alisin sa landas niya lahat ng magiging sagabal sa pagiging hari niya.” patuloy na paglason ng hari sa utak ng kanyang pinsan.
“Kung gayon.. Masaya akong panonoorin kang mapabagsak ni Persius. Wala na akong pakialam kung siya man ang maging hari ng Thesalus. Higit na mas karapatdapat naman siyang maging hari, hindi ba?” nanunuyang sagot sa kanya ng kanyang pinsan na hindi niya inaasahan.
“Hangal ka ba talaga, Brandon? Wala siyang karapatan na kunin sa akin ang kaharian ng Thesalus.. Hindi tayo ang dapat na magkaaway. Siya ang kaaway natin. Noon paman pinaglaruan na niya tayong dalawa. Hindi mo ba nakikita? Binulag niya tayong dalawa at pinamukha sa atin na mahal niya tayong dalawa.”
“Nakakatawang isipin na sinasabi mo ang lahat ng iyan sa harapan ng iyong mga sundalo? Talagang ilinagay mo na sa putikan ang iyong dangal bilang isang maharlika. Sa ating dalawa, ikaw ang tunay na hangal. At kung tunay mang pinaglaruan lang niya ang mga damdamin natin, wala na akong pakialam. Dahil nanaisin ko pang makita kang bumagsak sa kamay ni Persius kaysa makuha kong muli ang kaharian ng Thesalus.” nakangising saad ni Brandon bago niya tuluyang iwan ang kanyang pinsan at agad na sumakay sa kanyang kabayo.
Inutusan niya ang kanyang mga sundalo na sumunod na sa kanya at malaya nilang nilisan ang kampo ng hari.
Nagngingitngit sa galit na naiwan si Haring Tristan at nagpupuyos ang damdamin. Hindi niya inaasahang mapapahiya siya ng ganito sa harapan pa ng kanyang mga sundalo. Hinding hindi niya mapapalagpas ang ginawang ito ni Brandon.
———————––
“Ngunit maestro.. Hindi ba’t ang nagmamahalan lamang ay isang babae at isang lalaki? Bakit niyo naisipang umibig sa kapwa niyo lalaki?” tanong ni Cornelus sa kanyang guro habang nasa labas sila ng maliit na tahanan at nagiihaw ng karne mula sa napangaso nitong baboy ramo. Ang dating punong heneral naman ay mataman lang na nakinig sa mga katanungan ng kanyang estudyante.
Ang apoy mula sa sigang ginawa nila ay tama lamang upang maluto ng maiigi ang karne na kanilang iniihaw. Minasdan ni Persius ang inosenteng mukha ng kanyang estudyante.
“Iyon din ang aking naging katanungan noon. Bakit isang lalaki ang napili kong ibigin? Nais kong bumuo ng pamilya. Nais kong magkaroon ng masisigla at matatalinong anak. Isang maganda at mapagmahal na asawa na aalagaan ako at ang aming mga anak hanggang ako ay mawala na sa mundong ibabaw. Iyon ang nais ko, Cornelus.”
Napatigil si Persius sa kanyang nasabi at napatingala sa madilim at puno ng bituin na kalangitan at muling nagsalita.
“Ngunit ng makilala ko si Brandon.. Nag-iba ang pagtingin ko sa konsepto ng pag-ibig. Hindi ko maunawaan ngunit iba ang pintig ng puso ko kapag kaharap ko siya. Nanginginig ako sa tuwing maglalapit ang aming mukha. Para siyang isang diwata sa aking mga mata. Alam kong lalaki siya ngunit kaibigibig siya. Nais ko siyang protektahan at pangalagaan dahil alam kong walang gumagawa noon para sa kanya. Marami siyang nais patunayan ngunit walang nakikinig sa kanya. Naging konektado ang puso ko sa kanya. Kaya marahil, hindi ko na napigilang mahalin siya. Kahit pareho pa ang aming kasarian. Ang puso ko ang pumili sa kanya. Masaya ang puso ko sa kanya.”
Hindi napigilan ni Cornelus na mapangiti sa kwento sa kanya ng kanyang guro. Linapitan niya ito at sumaludo sa kanya bilang pagpupugay.
“Napakaganda po pala ng inyong kwentong pag-ibig, maestro. Sana nga po ay maintindihan ni Ginoong Brandon na minahal mo siya ng tunay at sana ay tanggapin niyang muli ang inyong pag-ibig sa kanya. At sana dumating ang araw na tuluyan na kayong maging maligaya, maestro.” saad pa ng binata at kinangiti na lamang ito ni Persius.
Ramdam niya na nalalapit na ang panahon ng muli nilang pagkikita ni Brandon. At sa kanilang pagtatagpo, sisiguruhin niyang magiging maligay na sila ng kanyang minamahal.
Malapit na tayong magkasamang muli, mahal ko.. Sana ay hindi ka na namumuhi sa akin. Sana ay bigyan mo pa akong muli ng pagkakataon na patunayan sayo na ikaw lamang ang minamahal ko. At ibabalik natin lahat sa dati. Magsisimula tayong buohin muli ang ating mga pangarap para sa isa’t-isa. Maghintay ka lang Brandon.
At muling ibinalik ng dalawa ang kanilang tuon sa pag-iihaw ng karne. Masayang halakhakan ang namagitan sa guro at ng kanyang estudyante.
Itutuloy…
Muling Pagtatagpo
Nasa loob ng tanggapan ng gobernador si Brandon dalawang araw ang nakalipas matapos ang kanilang mainit na pagtatagpong muli ng kanyang pinsan. Ang hari ng Thesalus ay tila ba nawawala na sa kanyang katinuan kaya magandang pagkakataon iyon upang imungkahi sa gobernador ng Sineclos ang kanilang planong bawiing muli ang Thesalus at maging magkasanggang dikit mula ang kaharian at ang independenteng bayan ng Sineclos.
May katandaan na ang gobernador ngunit kakikitaan parin ito ng kakisigan. Mabuting kaibigan ng kanyang ama’t ina ang gobernador kaya malapit narin siya dito.
“Gobernador Arcos.. Tama nga ang hinala kong nawawala na sa kanyang katinuan ang hari. Mukhang patuloy parin siyang naghihirap sa sunod sunod na dagok na dumating sa Thesalus. Hindi na nakakaya ng kanyang isipan kung ano ang uunahin niya.” mahinahong saad ni Brandon habang nakaupo sa silya kaharap ng gobernador na matamang binabasa ang mga papel na naglalaman ng mga ordinansang kanyang lalagdaan upang maipasunod sa buong bayan.
“Brandon.. Nakahanda ka na bang talaga na bawiin sa kanya ang kaharian? Hindi ko gustong pangunahan ka ngunit hindi maganda ang sitwasyon ng Thesalus ngayon. Makuha mo man ito, walang salapi at pondo ang kaharian upang magpatuloy sa pamamahala. Hindi iyon ang nais kong datnan mo sa pagbabalik mo sa Thesalus.” saad naman ng gobernador bago harapin at kausapin ng masinsinan ang dating hari ng Thesalus.
“Tatlong taon narin akong naghihintay na makabalik sa aking kaharian. At alam kong ganun ang sitwasyon ng kaharian ngayon, ngunit hindi ko maaring ipagwalang bahala nalang ang mga nangyayari. Patuloy na masisira ang lahat ng pinaghirapan ng aking mga ninuno kung hindi ko mapapaalis si Tristan sa tronong nararapat para sakin.”
Napatango ang gobernador at muling tiningnan ng maiigi ang lalaking kaharap niya. Hindi niya inaakalang ganito kalaki ang pinagbago nito mula nang sila ay magtagpo tatlong taon na ang nakakaraan.
“Kung nakikita lang ng ama mo ngayon kung gaano ka nagbago, tiyak na masisiyahan siya dahil nakikita ko na sa iyo ang dugo ng mga Thesalian.. Ang matatapang at magigiting na mga mandirigma ay nananalaytay na sa’yo ngayon. Ano man ang iyong magiging desisyon ay nakahanda akong tulungan ka. Alam mong ang hukbo ng Sineclos ay nasa likuran mo lamang.”
Hindi napigilang mapangiti ni Brandon sa sinaad ng gobernador. Ngayon ay panatag na siya ba magagawa na niyang mabawing muli ang trono niya. Ang kaharian niya at mapapagbayad na niya lahat ng may kasalanan sa kanya. Lalo na si Tristan. Ipapadama niya rito ang paghihirap na pinagdaanan niya noong walang wala siya. Noong magmakaawa nalamang siya sa kapirasong pagkaing ibibigay sa kanya marating lang ang bayan ng Sineclos mula sa Dario.
Agad na linisan ni Brandon ang tanggapan ng gobernador at naglakbay na pabalik sa kanyang tahanan.
––––––––––––– “Kapag ikaw ay napapaligiran ng mga kalaban.. Pakiramdaman mo kung sino ang unang gagalaw at sundan mo agad ito. Ihampas mo sa mas malapit sa iyo ang espada at mabilis mong itarak ito sa madaling tamaang bahagi ng kanilang katawan, ang hita, braso at tagiliran. Maliksi dapat ang kilos mo. Hindi magdadalawang isip ang kalaban na salakayin ka kapag nakita nila ang pagkakataon.” pagpapaliwanag ni Persius sa kanyang mga estudyante sa tamang pakikipaglaban. Lahat ng estudyante niya ang nawiwili dahil pinapakita niya ang tamang mga kilos kapag nasa gitna ng labanan.
Sa di kalayuan ay may nakamasid sa kanyang isang tao na matagal naring nahihimigan ang kanyang pagtuturo dito sa munting komunidad sa silangan ng Sineclos. Siya ay tagapaglingkod sa tahanan ni Brandon at ngayong napatunayan na niya ang lahat ng kanyang hinala ay mabilis niyang nilisan ang lugar at agad na umalis pabalik na sa tahanan ng kanyang pinagsisilbihan. Siguro niyang matutuwa ang dating hari sa kanyang ibabalita.
“Maestro.. Napakagaling niyo po talaga. Hindi namin matutumbasan ang kagalingan mo. Bawat pitik at galaw niyo po ay kalkulado ninyo. Magsisipag po akong magensayo at balang araw ay hahamunin ko kayo.” saad ni Cornelus na sinag-ayunan naman ng kanyang kapwa estudyante. Kinangiti lamang ito ni Persius at agad na lumapit sa kanyang paboritong estudyante.
“Darating din ang araw na mas magiging magaling ka pa kesa sakin. Tandaan ninyong lahat, ang pagsasanay ng espada ay hindi para gamitin sa kasamaan at pananakit ng kapwa. Ang espada ay sandata upang labanan ang mga nangaapi sa inyo. Upang ipaglaban ninyo ang inyong mga ninanais at ipagtanggol ang mga inaapi. Iyon ang dapat ninyong ilagay sa inyong mga isipan.” madiing saad ni Persius na tinanguan ng lahat.
“Opo, Maestro!” sigaw ng lahat at nagpatuloy na sila sa kanilang pageensayo gamit ang mga espadang gawa sa kahoy.
Nakikita ni Persius na lumalaki na ang kanyang impluwensiya sa bayan ng Sineclos. Hindi magtatagal ay maririnig narin ni Brandon ang tungkol sa kanya.
Kinagabihan ay tahimik na ang lahat. Ngunit gising pa si Persius dahil mayroon siyang hinihintay na mahalagang tao.
Isang katok mula sa pinto ng kanyang maliit na tahanan ang kanyang narinig at agad niya itong binuksan hawak ang maliit na lampara.
“Heneral!” bati sa kanya ng kanyang bisita. At napangiti naman si Persius nang makapasok na sa loob ng kanyang tahanan ang binatang kanyang hinihintay.
“Heneral Cali.. Natutuwa ako at nakarating ka narin sa wakas. Kanina pa ako naiinip sa paghihintay sa iyo.”
“Ipagpatawad mo heneral, ngunit isang paglalakbay ang ginawa ko kasama ang aking lupon upang tingnan ang kalagayan ng bihag na bayan ng Timog Corinthia. Mukhang tuluyan nang nakabangon ang Corinthia at ang Timog ay nagbabalak na ng isang pagaaklas laban sa Thesalus.” saad ng binatang heneral na tinanguan lamang ni Persius.
“Nakita ko nang darating ang panahong ito. Talagang naging pabayang hari si Tristan. Alam kong wala sa kanyang puso ang maging hari. Ginusto niya lamang iyon upang ipakita kay Brandon na mas higit siya kesa dito. At ito na ang naging bunga ng lahat.” saad pa ng dating punong heneral at kakikitaan siya ng kalungkutan.
“Isa pang dapat niyong malaman.. Nagkaharap na muli si Haring Tristan at ang dating haring Brandon sa hangganan ng Thesalus at Sineclos. At narinig ko sa aking lupon na hindi naging maganda ang usapan ng dalawa. Kinagulat pa nito na malaman na buhay ka pa. Talagang wala siyang alam na buhay ka pa.”
Napatango si Persius bilang pagsang-ayon sa kaibigang heneral. Ngayong nalaman na nga ni Brandon na buhay siya at marahil alam narin nito na narito siya sa Sineclos, nalalapit na ang kanilang paghaharap.
“At ano ang binabalak ng hari? May kakaiba ba siyang ikinikilos?” tanong ni Persius at muli siyang tiningnan ng maiigi ng kaibigan.
“Mukhang wala siyang balak na magumpisa ng kaguluhan. Ngunit sa loob ng palasyo mismo ay nagkakaroon na ng mga agam agam. Binabalak ni Heneral Elio at Maestro Rowall na magsagawang muli ng isang kudeta. Tuluyan nang naging magulo ang pamamahala ng Thesalus. Kaya kailangan na ng Thesalus ang iyong tulong, heneral. Kailangan na nating kumilos bago tuluyang bumagsak ang ating kaharian.”
Nakita ni Persius mula sa kaibigan ang takot at pangangamba nito na hindi niya rin maiwasang maramdaman.
“Nahikayat mo na ba ang mga maharlika? Sigurado ka bang walang traydor sa mga ito? Sinigurado mo bang pareho ang layunin nating lahat? Ang muling maiayos ang lahat at maibalik ang katiwasayan sa Thesalus?” sunod sunod na tanong ni Persius sa kanyang kaibigan.
“Sapat na ang pwersa nating upang malabanan si Maestro Rowall at Heneral Elio at hindi na mahirap para sa atin na pasukuin ang hari. Ang hudyat mo nalang ang hinihintay namin at gagawin na namin ang binabalak natin noon paman.”
“Isang bagay muna ang dapat kong gawin. Ngayong sapat na ang lahat para sa ating pagbawing muli sa kaharian, nararapat lamang na makaharap ko siya at malaman niya ang aking binabalak.” saad pa ni Persius bago siya tuluyang iwanan ng kanyang kaibigan.
–––––––––––––
“Nasisiguro mo bang Persius ang pangalan ng taong nagtuturo sa kumonidad na iyon? Baka nagkamali ka lamang sa iyong narinig?” nagugulantang na saad ni Brandon sa kanyang tagapaglingkod. Tila hindi parin niya mapaniwala ang sarili na buhay pa si Persius.
Ang lalaking labis niyang minahal. At hanggang ngayon ay patuloy niya parin itong minamahal. Ngunit hindi niya nais na umasa dahil alam niyang mabibigo nanaman siya kapag nalaman niyang isang kalokohan lamang na buhay pa si Persius.
“Nasisiguro ko kamahalan.. Persius ang kanyang pangalan at alam kong siya ang lagi ninyong nababanggit noon.”
Hindi na nagdalawang isip pa ang dating hari at agad na umalis sa kanyang silid at nagtungo sa kwadra ng mga kabayo. Kailangan niyang masiguro na si Persius nga ang tinutukoy ng kanyang tagapaglingkod.
Malayong paglalakbay ang gagawin niya upang mahanap ang kumonidad na na iyon dahil malapit ito sa bulubundukin ng Sineclos. Isang kagubatan ang sasalubong sa kanya bago mapasok ang lugar na iyon .
Hindi niya alam kung paano nahanap ng kanyang tagapaglingkod ang lugar na iyon ngunit marahil ay nagkaroon parin siya ng pag-asang tama lahat ng tinutukoy nito.
Narating niya ang maliit na kumonidad at lahat ng mga tao roon ay nakasuot ng mga simple kasuotan. Simpleng mamamayan lamang sila at kakikitaan sila ng kasipagan dahil tulong tulong sila sa mga gawain gaya ng pagputol ng mga panggatong at pag-iigib ng tubig mula sa ginawa nilang balon.
Maliit lamang ang lugar ngunit maaliwalas at masayang tirhan. Nakikita niyang maninirahan si Persius sa lugar na ito dahil ganun niya ito nakilala. Simpleng tao at walang paghahangad na anuman.
Lahat ng galit na nararamdaman niya para kay Persius ay mataga nang naglaho. Mula nang malaman niyang sinakripisyo nito ang kanyang posisyon upang ipakita sa kanya na siya lamang ang paglilingkuran nito. At nang malaman niyang nilason nito ang sarili sa loob ng piitan ay hindi niya ito natanggap. Ilang buwan din siyang naghinagpis at nagdalamhati sa balitang iyon.
At ngayong nalaman niya na buhay pa ito at naninirahan sa maliit na komunidad na ito ay isang malaking katanungan sa kanya kung bakit ito patuloy na nagtago sa mahabang panahon? Ano ang ninanais nito?
Nakita siya ng isang matandang babae at agad itong yumukod upang magbigay pugay sa kanya. Nakita nito ang suot niyang kwentas na nagpapahiwatig na isa siyang maharlika.
“Ka-kamahalan?! Ano po ang inyong ginagawa sa aming munting komunidad?” aligagang tanong sa kanya ng matanda at agad siyang sumagot ng marahan.
“Naparito ako upang alamin kung may tao bang nagngangalang Persius na naninirahan dito sa inyong komunidad?” tanong niya sa matanda at agad itong napaisip kung ano ang kailangan ng maharlikang kaharap niya sa maestro.
“Si Maestro Persius? Ang pagkakaalam ko ay nasa parang siya kasama ang kanyang mga estudyante at nag-aaral ang mga ito sa paghawak ng espada. Nais niyo bang samahan ko kayo patungo sa kanya?”
Hindi agad nakapagsalita si Brandon dahil ang namamayani sa kanya ngayon ay ang kaba at ang kagustuhang makita nang muli ang taong labis na minamahal niya. Lumipas man ang napakahabang panahon ay hindi parin nawala ang pagmamahal niya para dito. At ang kanilang muling pagkikita ay tila ba isang yugto nanaman sa buhay niya na kailangan na niyang panindigan.
Mahal niya parin si Persius at ngayong na niya papatunayan dito na nararapat siya sa pagmamahal nito. Hindi sapat ang kanyang korona o ang kaharian upang ialay kay Persius. Hindi na niya muling sasayangin ang panahon pa. Ito na ang pagkakataon niya upang maitama ang mga naging pagkakamali niya noon.
Bumaba siya sa kanyang kabayo at agad na sumunod sa matandang ginoo na malugod siyang tinulungan na makaharap muli si Persius. Ramdam niya ang napakaraming paru-paru sa kanyang sikmura. Para siyang isang nagbibinata na unang masisilayan pa lamang ang mundong nasa labas ng palasyo.
Pagdating ni Brandon at ng matandang ginoo sa parang na pinagtuturuan ni Persius sa mga binatilyong naninirahan sa komunidad na yun, ay hindi na nga napigilian ni Brandon ang mapatulala sa kanyang nakikita.
Si Persius ay walang suot na pangitaas at winawasiwas ang hawak na espada sa iba’t-ibang direksyon na mas lalong nagpapalakas ng kakisigang taglay nito. Matagal niya ring ninais na masilayang muli ang lalaking labis niyang iniibig, at natupad na iyon sa pagkakataong ito.
Hindi naman naiwasan ni Persius na mapatigil sa kanyang ginagawa ng maramdaman niyang may nakamasid sa kanya sa di kalayuan at nang ibaling niya ang tingin niya rito ay labis ang kanyang pagkagulat.
Hindi niya inaasahan na sa ganitong pagkakataon sila muling magkikita.
“Per-Persius?”
“Brandon..”
Itutu
loy…
Pagbawi
Hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan si Persius nang maibaba niya ng tuluyan ang espadang hawak. Pinagmamasdan parin niya ang lalaking nakatayo sa di kalayuan. Nakatitig lamang ito sa kanya at tila ba ramdam niya ang matinding pangungulila nito sa kanya.
Wala na siyang ibang naisip kundi tumakbo palapit sa kinatatayuan ng lalaking lubos niyang minamahal. Ang kanilang mga katawan ay nagkusang maglingkis at para bang sila lamang ang tao sa lugar na iyon sa mga sandaling iyon.
“Per-Persius.. Bakit? Bakit hindi ka manlang nagparamdam sa akin na buhay ka pa? Bakit patuloy kang nagtatago hanggang sa pagkakataong ito? Hindi mo ba alam kung gaano ako nangulila at nagdalamhati sa nalaman kong pagkawala mo? Ang pagpaslang mo sa iyong sarili?” sunod sunod ang mga katanungan ni Brandon sa lalaking kayakap niya ngayon.
Masagana ang luhang umaagos sa kanyang mga mata. Hindi niya akalaing totoo ang lahat. Nandito at kayakap niya si Persius.
“Patawarin mo ako, kamahalan.. Patawad dahil hindi ko alam kung paano ka haharaping muli. Naging duwag akong ipaglaban ka noon. Hindi ko nakayang panindigan ang aking pangako sa iyo at sana ay nauunawaan mong lahat ay gagawin ko para sa’yo.” masuyong saad ng dating heneral na kinailing lang ng dating hari.
“Hindi na mahalaga ang mga nangyari noon. Matagal na kitang napatawad dito sa puso ko. Alam kong nagkaroon ako ng pagkamuhi sa iyo dahil mas pinili mong panigan si Tristan noon, pero mahal na mahal kita kahit pakiramdam ko ay hindi na ako mahalaga para sa iyo. At ngayong nandito ka na, kasama na kitang muli, gusto kong magsimula muli tayo. Hindi ko na nais pang mawalay ka sa tabi ko.” masayang saad ni Brandon bago sila naghiwalay ng yakap ni Persius.
Mga kuryosong mata naman ang pinupukol ng mga estudyante ni Persius sa nagaganap sa pagitan ng dalawang lalaki. Ngunit si Cornelus ay hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi dahil alam niyang nagkita nang muli ang kanyang maestro at ang lalaking iniibig nito.
“Brandon.. Tama ka, magsisimula tayong muli. At ngayon, itatama ko na ang naging pagkakamali ko. Lalaban na ako para sa iyo. At gagawin natin ang lahat upang maibalik ang nararapat na para sa’yo. Babawiin natin ang Thesalus mula kay Tristan at pagbabayaran niya ang lahat ng kanyang ginawa sa ating dalawa.”
Muling hinarap ni Persius ang kanyang mga estudyante at ipinakilala si Brandon sa kanila. Hindi naman makapaniwala ang lahat na isang hari pala ang kaharap nila at napaluhod ang mga ito sa harapan nilang dalawa.
“Natitiyak kong magiging mahusay kayong mandirigma pagdating ng tamang panahon. At pagsisilbihan niyo ng buong husay ang bayan ng Sineclos. At nararapat lang na pasalamatan ninyo ang inyong maestro. Dahil siya ay tunay na magiting at matapang na mandirigma ng Thesalus.”
“Salamat sa inyong papuri, kamahalan!” sabay sabay na saad ng mga estudyante ni Persius na kinatuwa naman ng dating hari.
Agad nang nagpaaalam ang dalawa sa mga esudyante at agad nilang tinahak ang daan patungo sa maliit na tahanan ni Persius sa komunidad na iyon.
Hindi mapigilan ni Brandon na ilingkis ang kanyang kamay sa kamay ni Persius dahil sa labis na pananabik nito. Tila ba bumalik sila sa panahon na sumisibol palamang ang kanilang pagmamahalan. Kahit na alam ni Brandon na ang simula ng pag-iibigan nilang dalawa ay hindi maganda.
Narating nila ang maliit na tahanan ni Persius at hindi na nagtaka si Brandon na pangkaraniwan lamang lahat ng kasangkapang matatagpuan roon. At may isang maliit na silid pahingahan na agad namang tinungo ni Persius upang ayusin at nang maiayos na niya ang lahat ay pumasok nama roon ang dating hari.
“Alam kong hindi ka sanay sa ganitong klase ng silid dahil ang bawat silid na iyong napuntahan ay naglalakihan. Sana ay mainam na ito para sa iyo?”
Hindi naman napigilan ni Brandon na mangiti at muling gagapin ang kamay ng lalaking iniibig.
“Hindi mo naitatanong, ilang buwan din akong naglakbay mula sa Dario patungo dito sa Sineclos na walang masisilungan o malalapitang tao na mahihingan ng tulong. Dumanas narin ako ng hirap kaya nauunawaan ko na ngayon lahat ng pinagdaanan mo noon at ng iyong pamilya.”
Biglang nalungkot ang mukha ni Persius nang banggitin ni Brandon ang tungkol sa kanyang pamilya. Muling nanariwa ang sugat na matagal na niyang gustong kalimutan ngunit kahit kailan, hindi niya ito malilimot. Hanggang sa kamatayan niya ay maiiwan ang sugat na ginawa ni Tristan sa kanya.
“Persius— Bakit? Bakit ka naluluha? May nasabi ba akong mali?” nag-aalalang tanong ni Brandon at agad na yinakap ang hindi na napigilang umiyak na si Persius.
“Wala— Wala na ang pamilya ko, Brandon..” isang hirap na usal ang narinig ni Brandon sa lalaking kayakap niya at hindi niya narin napigilang maramdaman ang sakit at pighati na nararanasan ng lalaking labis niyang minamahal.
“Si— Si Tristan ba ang may kagagawan? Siya ba ang dahilan?” galit na tanong ni Brandon at isang tango lang ang nakuha niyang sagot kay Persius.
“Walang puso talaga ang traydor kong pinsan na iyon. Wala na talaga siya sa tamang pag-iisip. Hinding hindi ko na talaga mapapalampas ang lahat ng ginawa niya sa akin at sa iyo at sa iyong pamilya.”
“Pinilit niyang paaminin ang aking ina at ang mga kapatid ko. Pinahirapan niya ang mga ito at ginutom hanggang sa isang umaga ay natagpuan nalamang ng mga kawal na nakabantay sa kanila na wala na silang hininga. Ang aking ina, si Diana at si Amira.. Wala na silang lahat––At dahil iyon kay Tristan.” saad ni Persius habang patuloy ang kanyang pagluha sa balikat ni Brandon.
“Bibigyan natin sila ng hustisya.. At ibibigay natin kay Tristan ang nararapat para sa kanya. Hindi ko mapapalampas ang lahat ng kalapastanganang ginawa niya sa ating dalawa.”
At magkayakap silang lumuluha at dinadama ang sakit at pighati ng kanilang mga puso.
—————————
Nakarating si Persius at Brandon sa pusod ng Sineclos. Ang kinaroroonan ng kanyang tirahan. Hindi parin mapigilan ni Brandon ang magalak dahil sa wakas ay kasama na niyang muli ang lalaking minamahal. Hindi na siya makapaghintay na ipakilala ito sa kanyang ina. At ipakilala din siya sa gobernador at sa kanyang hukbong itinatag para sa kanyang pagbawing muli sa Thesalus.
“Tila kinakabahan ka ata? Hindi ba nais mong makilala ang aking ina noon pa man? Ngayon na ang pagkakataon na magkakilala kayo.” panunuya ni Brandon sa kanyang kasintahan na katabi niya ngayon sa malaking pintuan ng kanilang tahanan. Pinagbuksan sila ng mga tagapagsilbi ng tahanan at malugod silang binigyan ng pagpupugay.
Hindi na maikakaila na isang napakalaking bahay ang tinitirahan ni Brandon at ng kanyang ina. Sila ay mula sa maharlikang pamilya at puro karangyaan lamang ang makikita sa bawat sulok ng malaking tahanang iyon.
Hindi paman sila nakakarating sa bulwagan ng bahay ay sinalubong na sila ng dating reyna at agad na yinakap ang kanyang anak.
“Inaasahan kong naging maayos ang iyong paglalakbay, anak.. At sino itong ginoong iyong kasama? Tila naaalala ko ang mukha niya.. Hindi ba’t siya ang punong kawal mo noon? Hindi, ang punong heneral ng hukbong sandatahan ng Thesalus.. Tama, siya nga iyon hindi ba?” may pagkamangha sa tinig ng dating reyna na kinatuwa naman ni Brandon. Matalas talaga ang memorya ng kanyang ina.
“Tama po kayo, ina.. Siya po si Persius. At siya ang dating punong heneral ng Thesalus.” saad ni Brandon at agad namang lumuhod si Persius sa harapan ng dating reyna.
“Isang karangalan na makaharap kayo, kamahalan. Hayaan niyo po akong magbigay pugay sa inyo.” saad ni Persius na agad namang pinigilan ng dating reyna sa gagawin nitong pagpupugay.
“Hindi na kailangan iyan, Ginoong Persius. Mas mahalaga sa akin ngayon ang malaman kung tunay nga ba ang hangarin mo para sa aking anak?”
Nagulat si Persius sa sinaad ng daring reyna at agad siyang napabaling sa lalaking nasa tabi niya. Mataman naman itong nagtaas ng kanyang kilay na tila ba nanunuya.
“Kamahalan.. Patawad kung isang kalapastanganan ang aking damdamin para sa inyong anak, ngunit tunay na iniibig ko si Brandon. Siya lamang ang aking iniibig noon paman at magpahanggang ngayon, siya lamang ang nais kong makasama habang ako ay nabubuhay. Nawa ay maintindihan niyo ang aming nais ipahiwatig. Mahal namin ang isa’t-isa.” walang pagiimbot na saad ni Persius sa kanyang nadarama.
Hindi napigilan ng mga tagapagsilbi na mapatili dahil sa napakagandang mga salitang lumabas mula sa bibig ni Persius. Nasa isipan nila na sana ay makatagpo sila ng lalaking kasing kisig at kasing tapang at kasing totoo ni Persius. At hindi na nila naisip pang mahindik dahil lalaki pala ang iniibig ng kanilang pinagsisilbihan.
“Kung gayon.. Wala na akong dapat pang usisain. Alam kong ganoon ka rin kamahal ng aking anak. Nais ko lamang na ipangako mo sa akin na siya ay pangagalagaan mo at mamahalin ng higit pa sa kaya kong maibigay sa kanya. Papanaw ako sa mundong ito na panatag ang kalooban dahil nasa mabuting kamay ang aking anak.” saad ng reyna na kinatuwa naman ni Brandon. Walang mapagsidlan ang kaligayahang kanyang nadarama at maging si Persius ay hindi na maitanggi pa ang ligayang nadarama.
“Ipinapangako ko po sa inyo kamahalan. Pangangalagaan ko at mahahalin ko ng buong puso ang inyong anak.” saad ni Persius habang nakaluhod parin sa harapan ng dating reyna.
“Kung gayon ay matungo na tayo sa hapagkainan.. Tiyak kong nagugutom na kayong dalawa sa mahabang paglalakbay.” pag-aya pa ng datimg reyna sa dalawa at agad namang napabangon si Persius.
Nagkatinginan silang dalawa ni Brandon at napakindat si Persius dito. Hindi maiwasang pamulahan ng pisngi si Brandon. Nakakatuwang isipin na malaki na ang pinagbago ng anyo nito ngunit ganoon parin ang epekto ni Persius dito. Malalaki man ang mga braso nito ngunit alam niyang ang puso nito ay malambot pa sa balahibo ng isang kalapati.
––––––––––––– “Heneral Cali.. Tama nga ang iyong hinala, balak ni Maestro Rowall na siya na ang maging hari ng Thesalus. Pinakakalat niya sa lahat ng maharlikang pamilya na nababaliw na si Haring Tristan at wala na ito sa tamang pag-iisip. Kailangan na nating kumilos bago tayo maunahan ni Heneral Elio na makumbinsi ang mga maharlikang pamilya.” saad ni Kapitan Yevo sa kanyang heneral. Matapos niyang masagap ang mga balita tungkol sa binabalak na muling pagpapatalsik sa hari ng Thesalus.
“Hindi na maaring mangyari na maging hari si Maestro Rowall. Dahil kaguluhan lamang ang dala niya sa Thesalus at tuluyan na tayong babagsak. Magpadala ka kaagad ng sulat sa gobernador sa Timog ng Corinthia. Ako na ang kakausap sa mga maharlikang pamilya. Kailangan na natin ng pwersa. At isa pa, may mga kapanalig tayong darating sa oras na kailanganin na natin sila.” utos ng binatang heneral sa kanyang kapitan na agad naman nitonh sinunod.
Agad na tumayo mula sa kanyang upuan sa kanyang silid ang heneral at agad na linisan ang palasyo. Alam niyang nalalapit nanaman ang kaguluhan na ayaw niyang muling mangyari. Sapat na ang mga buhay na naibuwis noon para lang sa kapangyarihan.
Tinungo niya ang bawat bahay ng maharlikang pamilya at agad niyang iminungkahi na huwag suportahan ang ninanais ni Maestro Rowall. Marami ang nakumbinsi na hindi dapat mamuno si Maestro Rowall bilang hari ng Thesalus dahil isang mapaglarong tao ang matandang maestro ng Thesalus.
Samantalang sa tahanan naman ni Maestro Rowall ay tahimik lamang itong nagaantabay sa balitang kanina pa niya gustong malaman. Agad naman siyang napangiti nang dumating na sa wakas ang taong kanyang pinakahihintay na dumating.
“Maestro.. Narito na po ako.” usal ng taong nasa labas ng silid ng matandang maestro.
Pinatuloy niya ito at napatango naman ang binatang kapitan at ibinagay sa kanya ang isang ulat tungkol sa ipinagutos ng maestro dito.
“Tama po ang inyong hinala.. Buhay pa si Persius at kasama na ito ng dating hari.. At isa pang nalaman ko, kapanalig na nila ang gobernador ng Sineclos at alam naman natin na ang gobernador ng Timog Corinthia ay isang malakas na kapanalig ng dating punong heneral. Mahihirapan tayo kapag nagkataon.”
Agad na minasahe ng maestro ang mahaba niyang balbas at napangiti.
“Nasa panig natin ang tadhana, kapitan. Huwag kang mag-alala. Sa oras na magkitang muli silang tatlo, isang kaguluhan ang sisiklab at papanoorin natin silang magpatayan. At kapag namatay silang lahat, ako na ang magiging hari ng Thesalus. Isang napakagandang plano hindi ba?” saad pa ng matandang maestro at napahalakhak ito ng malakas.
Makikita na niya ang tuluyang pagbagasak ng maharlikang pamilyang pinamunuan ang Thesalus sa napakahabang panahon. At siya na ang kikilalaning bagong hari ng kahariang noon paman ay ninais na niyang pamunuan.
Itutuloy…
Napipintong Digmaan
Ang alinsangan ng panahon ay lubhang nagpapahirap sa mga sundalong nakalinya sa lugar ng pagsasanay ng palasyo. Lahat sila ay nakahanda na sa isang mahalagang bagay na iaanunsyo sa kanila ng punong heneral. Bagama’t karamihan ay alam na kung ano talaga ang nais sabihin ng kanilang pinuno ngunit ang iba ay wala paring nalalaman sa mga nangyayari.
Nang dumating ang punong heneral ay agad siyang tumuntong sa maliit na tanghalan na nasa gitna ng lugar ng pagsasanay. Hindi kumikilos ang mga sundalo at mataman lamang na naghihintay sa sasabihin ng punong heneral.
“Pinangako natin sa ating hari na ipagtatanggol natin ang kaharian sa anumang panganib.. Hindi natin siya maaring biguin. Ang digmaan na paparating sa Thesalus ay isang laban na dapat nating mapagtagumpayan. Nakasalalay sa atin ang katiwasayan at kapayapaan ng ating kaharian. Kaya nais kong ibigay ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang ipagtanggol ang ating hari at ang buong Thesalus.”
Naguluhan ang mga sundalo sa hinayag ng punong heneral.. Isang digmaan? Ngunit paano sila lalaban kung hindi man lamang sila nakapaghanda? Isang kalokohan ang linalahad ng kanilang pinuno.
“Ngunit punong heneral? Anong digmaan ang inyong tinutukoy? Kung mayroon mang digmaan na paparating sa ating kaharian, kapos ang ating pwersa at paghahanda upang mapagtagumpayan ito? Isang napakalaking sugal ang inyong inaatas sa aming balikat!” suway ng isang kapitan na hindi nagustuhan ang nilahad ng punong heneral.
Agad namang nilapitan ni Heneral Elio ang kapitan na tumalima sa nais niyang mangyari. Pinagmasdan niya ito ng maiigi at saka siya muling nagsalita.
“Kapos ang ating pwersa.. Ngunit kumpara sa ating bilang ay kakaunti lamang ang ating makakalaban. Makakaya natin silang talunin sa isang pasugod na pagsalakay. Hindi tayo kakabig sa ating lakas. Ipapakita natin sa kanila kung gaano kalakas ang mga mandirigma ng Thesalus.” mariing saad ng punong heneral ngunit hindi parin ito makuhang maintindihan ng karamihan.
“Sa kabilugan ng buwan inaasahang aatake ang mga kalaban sa bukana ng Kapatagang Homeres. Kailangang naroon na tayo upang magbantay sa kanilang pagsalakay. Ang ilan ay mananatili dito sa palasyo upang bantayan ang mga mamamayan at ang mga maharlika maging ang hari.” lahad pa ng punong heneral. Hindi na nagawa pang magsalita ng kapitan dahil sa puntong iyon, alam niyang ang punong heneral parin ang masusunod sa lahat.
Matapos ang pagaanunsyo ay agad na nagtungo ang punong heneral sa tahanan ni Maestro Rowall. Ang matandang pasimuno ng napipintong digmaan. Ang kanyang maiitim na balak ay unti unti nang nagkakaroon ng katuparan. Ang pagkabalisa ng hari sa pagkakatuklas nito na magkasama nang muli si Persius at ang dating hari ay lubos niyang kinatuwa.
“Ang pag-ibig nga naman.. Kapag ito ay lumason na sa iyong isipan, gagawin mo ang lahat masunod lamang ito. Maging ang pumaslang ay magagawa mo para lamang sa pag-ibig na iyong ninanais, hindi ba Heneral Elio?” usal ng matanda habang kaharap niya sa kanyang silid ang punong heneral.
Hindi naman nakaimik ang heneral sapagkat nasa isipan niya ay sumusunod lamang siya sa ninanais ng matandang maestro. Hindi niya nais na humantong sa isang digmaan ang lahat ngunit ang hari mismo ay nakahanda na sa paglusob nito sa Sineclos. Ngunit pinigilan siya ng Maestro dahil isang maling hakbang ang gagawin nito. Nais ng maestro na ang hukbo mismo ng Sineclos ang lumusob sa Thesalus upang masiguro nila ang kanilang tagumpay.
“Ang hari ay isang marupok na kaluluwa. Hindi niya ginagamit ang kanyang utak. Mas pinahahalagahan niya ang nilalaman ng kanyang puso at dahil doon ay naging isang katatawanan ang ating kaharian. Hindi ako dapat nagtiwala sa kanya. Dapat noon palamang, ako na ang nagkusang patalsikin si Brandon sa kanyang trono nang sa gayon ay ako na ang hinirang na hari ng Thesalus!”
Namasdan ni Heneral Elio ang pagkaganid sa mata ng matandang maestro. Sa loob niya ay hindi na niya mawari kung tama pa ba ang kanyang ginagawa. Ilalagay nanaman ba niya ang kanyang paninindigan sa maling tao?
Bigla niyang naalala ang mukha ng dating hari at ng kanilang dating heneral. Nakikita niya na si Haring Brandon ang may kakayanan na maging tunay na hari at maging si Persius ay naroon din ang katangian upang pamunuan ng mahusay ang kaharian ng Thesalus. Ang kahariang pinagsilbihan niya ng kanyang buong buhay. Ayaw na niya ng kaguluhan ngunit napapagitnaan siya ng mga malalaking tao na kaya siyang ipatumba kailan man ng mga ito gustuhin.
Agad na linisan ng punong heneral ang silid ng maestro at agad na tinungo ang isang lihim na lugar upang kakitain niya ang kanyang kaibigan. Nais niyang malaman mula dito kung ano na ang hakbang na ginagawa ng gobernador at ng dating hari.
“Heneral.. Hindi natin kakayanin ang hukbo ng Sineclos. At dagdagan pa ng isang masamang balita. Nakipagkasundo na ang Timog Corinthia sa Sineclos sa paglusob nito sa ating kaharian. At ang dating punong heneral ay kakampi din nila. Sadyang isang labanan ito na hindi natin mapagtatagumpayan.” saad ng espiya ng punonh heneral sa kanya ng sila ay magtagpo sa lihim na lugar.
Hindi na mapipigilan ang pagdanak ng dugo. Ang hari ay nawawala na sa kanyang sarili at ang maestro ay hindi narin mapagkakatiwalaan.
“Maghanda tayo sa posibleng pag-atake ng Timog Corinthia sa ating mga teritoryo.. Ipaalam mo agad ito sa heneral na nakatalaga sa Elustre. Mahirap na magapi nila ang Elustre dahil ito ang ating pinakamalakas na depensa.” utos ng punong heneral sa kanyang espiya at agad naman itong sumunod sa kanya.
Kailangan niya nang mamahinga muna. Dahil hindi magtatagal ay hindi na siya makakatulog pa. Darating na ang panahon na ayaw niyang mangyari sa kanyang buhay. Marami na siyang laban na hinarap ngunit ang makalaban ang kanyang hinahangaang dating punong heneral ay isang nakakahindik na pangyaýari.
—————————–
“Tatlumpong libo ang kabuuan ng hukbo nating kapag pinagsama-sama ang hukbo ng Sineclos, ang aking lihim na mga sundalo at ang sundalong pinangako sa akin ng gobernador ng Timog Corinthia. Sa bilang na iyon, wala nang kakayahan pang lumaban sa atin ang hukbo ni Tristan. Mahihirapan lamang sila kapag magpumilit silang lumaban.” hayag ni Persius sa harapan ni Ginoong Martell, ng gobernador at ni Brandon na mataman lamang tinitingnan ang mapang nakalatag sa malaking mesa sa tanggapan ng gobernador.
Pinagmamasdan ng maiigi ng tatlo ang ginagawang pagkilos ng mga kamay ng dating punong heneral na napakahusay sa paggawa ng planong pandigma.
“Kapag subukan nilang depensahan ang Elustre.. Maari nating pasukin ang kagubatan ng Daffodil patungo sa kapatagan ng Homeres nang sa ganun ay maging sapat ang ating pwersang ikakalat sa hangganan ng mga ito. At ang pinakahuli, ang palasyo ng Thesalus ay napapalibutan ng apat na malalaking kagubatan. Kapag napalibutan natin ito, walang makakalabas at makakapasok sa mga hangganan nito. Kaya kahit lumaban sila sa atin, susuko parin sila dahil wala na silang matatanggap na kahit na anong reserbang hukbo mula sa mg kapanalig nila.”
Hindi mapigilan ni Brandon na humanga sa kagalingan ng kanyang kasintahan. Tila ba naniniwala na siya sa kakayanan nitong pamunuan ang Thesalus at kahit ito man ang maging hari ay ibibigay niya ito ng walang pag aalinlangan. Dahil ito ay karapatdapat lamang na maging hari.
“Isang mahusay na plano ang naiisip mo Ginoong Persius. Ang hari nalamang ang hinihintay natin upang magbigay ng kanyang hudyat ng pagsuko. Ngunit kung nais niyang magpatuloy ang digmaang kanyang pinasinayaan ay hindi natin siya aatrasan.” saad ng gobernador kay Persius na tinanguan lamang ng matandang tagapaglingkod ng dating hari.
“Sadyang tuso talaga mag-isip si Tristan. Alam kong may binabalak din siya na hindi natin alam. Malikot ang kanyang isipan at kapag hindi tayo nag-ingat sa ating mga kilos ay maari rin tayo ang masorpresa.” saad pa ni Ginoong Martell na sinang-ayunan ni Persius.
“May kaalaman siya sa alkemiya. Maaring gumawa siya ng mga patibong na gamit ang apoy at mga lason. Hindi natin maaring isawalang bahala ang bagay na iyon. Maging ang kaalaman niya sa paghawak ng mga baril na gawa sa Tsina ay isa pang dapat nating pagkabantayan sa kanya.”. Naramdaman naman ni Brandon ang pagkabahala ngunit naniniwala siyang matatalo nila ang kanyang traydor na pinsan at pagbabayaran nito ang lahat ng kanyang nagawang kasalanan.
––––––––––––––
Magkalingkis ang hubad nilang katawan habang pinapanood nila ang pagkawala ng apoy mula sa chimineya ng silid ni Brandon. Hindi mawala ang pagkabahala sa isipan ng dating hari kahit kayakap pa niya at patuloy siyang pinapakalma ng kanyang kasintahan.
“Brandon.. Hindi natin masisiguro ang ating tagumpay. Ngunit lalaban tayo, iyon na lamang ang isipin mo. Hindi tayo magtatagumpay kung ikaw mismo ay panghihinaan ng iyong loob.” saad ni Persius at hinalikan nito ang noo ng nakayakap na kasintahan.
“Alam kong tuso si Tristan. Ngunit hindi na niya mapapasunod pa ang tadhana sa kanyang mga kamay. Dahil alam kong may hangganan na ang lahat ng kasamaang nagawa niya. Hindi ko na hahayaan pang patuloy niyang sirain ang Thesalus sa kanyang pamumuno.”
“Kaya dapat mo nang ipanatag ang iyong kalooban. Alam mong narito lamang ako para sa iyo. Lalabanan natin lahat ng mga kaaway ng magkasama. Wala tayong hindi mapagtatagumpayan habang tayo ay magkasama. Pinapangako ko iyan sa iyo.”
Ang masusuyong salita ni Persius ay nagbigay ng kagaanan sa loob ng dating hari kaya hindi niya napigilang siilin ito ng halik. Agad namang tinugon ni Persius ang nag-aapoy na pagnanasa ng kanyang kasintahan. Ang init na kanilang nararamdaman ay tila ba isang nagbabagang kahoy na unti unting nag-aapoy.
Pinaglingkis nila lalo ang kanilang mga katawan at ang kanilang mga kamay ay naglalakbay sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan. Ang naninigas nilang pagkalalaki ay tila ba nagsusumigaw na paligayahin nila ang isa’t-isa.
Ang kanilang mga halik ay naglakbay pa sa ibang bahagi ng kanilang mga katawan hanggang sa marating ng kanilang bibig ang kanilang pag-aari. Ang labis na init nila ay naghatid sa kanila sa ibayong ligaya. Bawat pagulos at bawat paglapat ng kanilang bibig sa naghuhumindik nilang pagkalalaki ay para bang hinahatid sila sa kakaibang rurok ng ligaya. Ayaw nila itong mapatid ngunit tila ba nais na nila itong mapakawalan.
Pumaibabaw ang dating hari sa kanyang sinisinta at gaya ng dati ay pinaligaya niya ng lubusan ang dating punong heneral. Ang sakit ay hindi niya iniinda dahil kalakip naman nito ay kakaibang sensasyon na naghahatid sa kanya ng boltaboltaheng kuryente na hindi na niya kayang pigilan.
Ang bawat indayog niya at bawat pagpapalipat lipat nila ng posisyon ay tila ba isang sayaw din na tanging mga huni ng kuliglig lamang at mga halinghing nila ang musika. Ang ungol ng ligaya nila ay pumupuno sa buong silid hanggang na narating nila ng tuluyan ang rurok ng kaligayahan. Ang pagpulandit ng masasagana nilang katas ay tila ba isang napakagandang tanawin at nakatulog silang dalawa na may ngiti sa kanilang mga labi.
Kakikitaan si Haring Tristan ng matinding pagbabago sa kanyang pangangatawan at sa kanyang mukha. Ang dating maalaga sa kanyang sariling hari at nawala na ng tuluyan sa kanyang sarili dahil sa kanyang nalaman. Ang pagsasamang muli ni Brandon at ni Persius ay labis na nakaapekto sa kanyang katinuan.
Matagal na niyang nais na maibalik sa piling niya si Persius ngunit mas pinili parin nitong makasama ang kinamumuhian niyang pinsan. Ang pinsan niyang wala nang ginawa kundi pahirapan siya at maging sagabal sa kanyang tunay na kaligayahan.
Nakamasid lamang ang hari mula sa bintana ng kanyang silid at nakikita niya ang pagsisimula ng paglalagas ng mga dahon mula sa mga puno. Narito nanaman ang taglagas at alam niyang isa nanamang pagbabago ang magaganap sa taglagas na ito.
Ang kanyang mahabang buhok ay wala sa ayos at hindi narin siya naliligo ng tama sa oras. Hindi narin siya kumakain ng wasto at patuloy lamang na iniisip ang ginagawa ni Persius at Brandon ng magkasama.
“Wala kayong karapatang maging maligaya habang ako ay nagdurusa. Gagawin ko ang lahat upang sabay sabay tayong maglaho sa mundong ito. Kung hindi ko lamang makukuha ang tunay na kaligayahan na ninanais ko, mas mabuti pang sabay sabay na tayong maglaho sa mundong ito!” sigaw ni Haring Tristan at sabay siyang napatawa ng malakas na kinahindik ng kanyang mga tagapagsilbi na nag-aabang lamang sa kanya.
Ang kanyang isipan ay puno ng galit at pagkapoot at ang nais na lamang niyang mangyari ay mawala nalamang sa mundo. Ngunit hindi niya lilisanin ang mundo na hindi niya kasabay sa kanyang pagbagsak si Brandon at si Persius.
“Magpakasaya na kayo ngayon.. Dahil sa pagdating ng tinakdang panahon.. Sabay sabay tayong mamamatay.”
Itutuloy…
Malapit nang matapos ang kwento ni Persius at Brandon.. At napakahirap po talagang gawin ang isang historical based na kwento dahil kailangan mong maging linguistic at malalim sa bawat salitang ilalagay mo sa kwento. Again, kahit matapos man ang kanilang kwento.. May susunod kayong aabangan na isa pang history boys love..
Iba ito sa The King’s Lover.. This is more daring.. And hindi ito wholesome.. Kaya sa mga mahihilig diyan sa bedscenes. Dito niyo mahahanap iyon. Kaya sana abangan niyo ang bago kong kwento. Abangan niyo ang mapaglarong kwentong pag-ibig ni Prinsipe Wilford at Alcambra.
Mga Patibong
Ang naglalagasang mga dahon mula sa mga puno ay hindi na mapigilan. Ang taglagas ay dumating na nga at kasabay nito ay ang paghaharap ng mga hukbo ng Thesalus at pinagsanib na hukbo ng Timog Corinthia at Sineclos. Ang mga heneral ay nakahanda na sa bawat minutong dumadaan na nakaantabay sila sa mga nakatalagang lugar ng depensa nila.
Si Persius at Brandon ay magkasamang nilalakbay ang kagubatan ng Daffodil at hindi nila mapigilang magunita ang una nilang pagkikita sa kagubatang iyon. Maraming taon na ang lumipas ngunit hindi nila pinagsisihan na nagkakilala sila sa isang nakakahiyang pagkakataon na humantong sa isang napakagandang kwento ng pag-ibig.
Ngunit ito ang pagkakataon upang isipin nila ang pangkalahatan. Ang mga buhay nilang labis na binago ng kasakiman ni Tristan. Nalalapit na sila sa kanilang lugar ng labanan. Siniguro nila na sapat ang kanilang paghahanda upang matalo ang pwersa ng hukbong sandatahan ng Thesalus.
“Alam kong mapagtatagumpayan natin ito.. Malakas ang aking paniniwala sa ating diyos na hindi niya tayo pababayaan.” saad ni Persius kay Brandon habang papalabas na sila sa bukana ng malawak na kagubatan at sa likod nila ang di bababa sa sampung sundalong nakasunod lamang sa kanila kahit saan man sila magtungo.
“Malaki din ang aking paniniwala sa iyong kakayanan, Persius. At siguro naman ay sapat na ang aking lakas upang lumaban din para sa kapayapaan at katiwasayan ng ating minamahal na kaharian.” isang ngiti ang sumilay sa mukha ni Brandon na labis na kinatuwa naman ni Persius. Ang mga ngiti nito ay nagbibigay sa kanya ng sapat na kalakasan.
“Ang tangi kong pinangangambahan ay hindi ko alam kung ano ang ikikilos ni Tristan ngayon. Marahil ay sapat ang ating pwersa ngunit hindi natin nasisigurong hanggang doon lang ang gagawin niya. Ang kanyang kakayanan ay hindi natin tunay na nalalaman.” saad ni Persius sa kasintahan at alam din ni Brandon na totoo ang linahad nito.
Ang mga tuyong dahon na dinadaanan nila ay linilipad ng malakas na hangin mula sa kabundukan. Ang lamig nito ay nanunuot sa kalamnan ng lahat ngunit ang paparating na gabi ay mas magbibigay pa ng ibayong takot sa lahat ng makakasaksi sa isang madugong labanan.
––––––––––– Mga sigaw ng asong ligaw at mga lobo ang pumupuno sa pagsinag ng bilog na buwan sa kapatagan ng Homeres. Ang mga sulo ay sinindihan na habang nakaantabay ang bawat hukbo ng magkabilang panig. Ang Elustre ay nabihag na ng tuluyan ng Timog Corinthia. At nag natitirang pag-asa nalamang ng mga Thesalian ay ang kanilang natitirang hukbo sa kapatagan ng Homeres at ang mga nakakalat na hukbo sa paligid ng palasyo.
Hinihintay ni Persius at Brandon ang hudyat ng Heneral na nakatalaga sa hukbong haharap sa kanila sa kapatagan. Pigil ang kanilang paghinga at walang kahit sino ang gumagawa ng ingay maliban sa atungal ng mga kabayo at pagkiskis ng mga kalasag at espadang hawak ng mga sundalo.
Isang pagsabog ang biglang gumulantang sa panig nina Persius at ganoon nalang ang kanilang pagkagulat nang sunod sunod na sumabog ang lupang kanilang kinatatayuan. Marami ang nasugatan at marahil ay may mga namatay sa sunod sunod na pagsabog na iyon at doon na nagsimulang sumugod ang hukbo ng Thesalus na hindi nila agad napaghandaan.
Ang pagkagulo ng kanilang hukbo ay sinamantala ng mga ito kaya wala silang nagawa kundi ang magpatuloy sa nasimulang plano. Agad niyang tinawag ang isa sa mga kapitan at pinapunta niya ito sa mga reserbang hukbo na nasa kagubatan ng Daffodil at sinunod naman siya nito.
Naging mabilis ang mga pangyayari at ang mga kiskisan ng espada at pagsigaw ng labis na sakit at pagkabali ng mga buto at pagkalagot ng mga hininga ang namayani sa buong kapatagan na pinaglalaban ng magkabilang panig.
Bumaba sa kanyang kabayo si Persius at ganoon din ang ginawa ni Brandon. Sabay nilang sinugod ang mga sundalo ng Thesalus na nagtatangkang umatake sa kanila. Damba ng espada at pagharang ng kalasag ang paulit-ulit nilang ginagawa. Mga sigaw ng pagkabigo at hiyaw ng pagpupursige ang namutawi sa kanilang mga labi. Nasugatan si Brandon sa kanyang braso nang madamba siya ng espada ng isang sundalo ngunit patuloy siya sa kanyang pakikipaglaban. Bawat wasiwas niya ng kanyang espada ay isang buhay ang nagwawakas. Marahil ay naramdaman na niya ang pagod kaya naramdaman narin niya ang pagsakit ng sugat na kanyang natamo.
Samantalang si Persius ay malapit nang marating ang linya ng mga heneral. Hindi maikakaila na siya parin ang pinakamagaling na mandirigma sa buong kalupaan. Ang bawat pagtarak niya ng espada ay naghahatid agad ng kamatayan sa bawat tatamaan nito. Ang mga sundalo ay sabay sabay siyang inaatake ngunit nabibigo lamang ang mga ito dahil ang bawat pagsubok nilang patumbahin ito ay naghahatid lang ng kamatayan sa kanila.
Hanggang sa tuluyan niyang narating ang kinaroroonan ng dalawang heneral na nakatalaga sa hukbong iyon. Wala doon si Heneral Elio at alam niyang duwag ito sa harapang pagsugod kaya marahil ay nasa palasyo ito ng hari at binabantayan ito.
Tila isang bangungot naman ang sumalubong kay Persius nang bigla nanamang may sumabog sa di kalayuan. Ang mga sundalo ng Sineclos ay isa-isang nawawalan ng buhay. Maging ang mga sundalo ng Thesalus ay nadadamay narin sa bawat pagsabog na nangyayari.
Ngunit wala siyang panahon upang mag-isip pa. Si Brandon ang kanyang inaalala. Agad na hinanap ng kanyang mga mata ang kasintahan ngunit hindi niya ito makita dahil sa usok na gawa ng mga pagsabog. Matindi ang pinsala nito kaya hindi na niya napigilang matakot.
“Brandon!! Nasaan ka!!” sigaw ni Persius at hindi niya mahagilap kahit saan si Brandon. Mabilis niyang binalikan ang kanyang tinahak na daan upang marating ang linya ng mga heneral ngunit isa pang pagsabog ang nangyari na tuluyan niyang kinabuwal at sa lakas ng pagsabog na iyon ay inakala niyang mawawalan siya ng ulirat.
Bumagsak siya sa nagaapoy na lupa at pinilit niyang makabangon. Ang mga sundalo ay patuloy parin sa labanan habang umaatras na ang dalawang heneral kasama ang kanilang mga sundalong nagsisilbing pananggalang nila. Wala na siyang naisip pang iba kundi bumalik at hanapin si Brandon. Hindi niya inaakalang ganito ang dadanasin nilang dalawa.
–––––––––––––
“Kaunti nalamang ang natira sa ating hukbo.. Ngunit halos lahat ng sundalo ng Sineclos ay napaslang ng mga patibong ninyo, kamahalan.” saad ng isa sa dalawang heneral na nakasaksi sa isang nakakagulantang na labanan. Ang ngiti ng hari ay hindi naman mapatid. Patuloy lamang siya sa pag-inom mula sa kanyang kopa at agad na bumaling sa dalawang heneral na kasama niya ngayon sa kanyang silid.
“Nakita niyo ba si Persius at Brandon sa gitna ng labanan?” tanong ng hari sa mga heneral niya at tanging pagtango lamang ang sinagot ng mga ito.
“Magaling! Isang napakagaling na plano! Nagtagumpay ako! Hahaha!” pinaghalong kalasingan at kawalan sa sarili ang nangyayari ngayon sa hari. Wala na siyang maisip pa kundi ang kasiyahan sa tuluyang pagbagsak ng kanyang pinsan at ng lalaking labis niyang inibig.
“Magsasama na kayo sa impyernong nararapat para sa inyo!”
“Kamahalan.. Napapalibutan na po ang palasyo ng mga hukbo ng Corinthia. At sa dami nila ay hindi natin magagawang labanan ang mga ito. Masiyado silang marami at malakas upang tayo ay lumaban.” pagbabalita ni Heneral Elio sa nagdiriwang na hari.
Hindi nagtagal ay tumayo ang hari at agad sumenyas kay Heneral Elio. Pinalapit niya ito at may mahalaga siyang linahad dito.
“Ako na ang bahala sa kanila. Puntahan mo ang kapatagan ng Homeres at siguraduhin mong patay na si Persius at si Brandon. Nais kong makita ang kanilang mga bangkay. Dalhin mo sila dito sa palasyo. Naiintindihan mo, Elio?”
Tanging tango lamang ang binigay ng punong heneral bago magpaalam sa hari.
“Kayong dalawa.. Ihanda niyo na ang mga hukbo. Lalabanan natin sila. Hindi tayo susuko ng ganoon nalang. Hindi sila magtatagumpay na kunin sa akin ang Thesalus!”
Agad na sinuot ng hari ang kanyang baluti at ang espada naman niya ay sinukbit niya sa kanyang bewang at ang kanyang kalasag na gawa sa titania at agad niyang isinukbit sa kanyang likuran.
Ang mga patibong niya at nakahanda narin. Masiyado siyang minaliit ng kanyang mga kalaban ngunit hindi siya ganun kainutil para magpatalo nalang ng basta sa mga ito.
———————————
Ang mausok na paligid ay hindi alintana ni Persius. Pilit niyang hinahanap ang kanyang kasintahan ngunit ang mga nakikita lamang niya ay mga duguang katawan na nakahandusay sa umaapoy na kalupaan. Tila isang bangungot ang kanyang natatanaw mula sa kanyang kinatatayuan. Halos lahat ng mga sundalo ng Sineclos ay napaslang sa mga patibong na pasabog na alam niyang kagagawan ni Tristan.
May kung anong kagustuhan ang nabuo sa kaibuturan ng kanyang puso. At nang malapit na siya sa lugar na huli niyang nakasama si Brandon ay nanlumo siyang lalo sa kanyang namasdan.. Tila sunog at lasog lasog na ang mga katawan ng mga sundalong naroon at agad niyang nakita ang espadang hawak ni Brandon. Nasa kamay ito ng isang bangkay na hindi na makikilala dahil sa labis na pagkasunog nito.
Ang kanyang puso ay parang paulit-ulit na tinarakan ng patalim na dahilan upang mapahiyaw siya. Ang kanyang kasintahan. Hindi niya mapaniwala ang kanyang sarili. Alam niyang hindi ito totoo. Hindi ito maaring masawi.
“Brandon!!!” sigaw niya sabay ng pag-agos ng masaganang luha niya. Hindi niya matatanggap ito. Hindi ito ang ginusto niyang mangyari sa bandang huli. Ang lalaking lubos niyang iniibig, ay hindi siya maaring iwanan.
Mabilis siyang bumangon at agad na hinanap ang iba pang posibleng kinaroroonan ni Brandon ngunit wala na siyang makitang senyales na buhay pa ang mga naroon. Isang dagat ng mga bangkay ang nakapalibot sa kanya. At ang kanyang puso ay para bang sasabog na sa labis na paghihinagpis.
“BRANDON!!”
———————––
Ang mga tarangkahan ng Thesalus ay bumukas at nagsilabasan ang kakaunting hukbong natitira sa Thesalus. Nakapasok naman sa apat na tarangkahan ang mga hukbo ng Corinthia na nakapalibot sa buong palasyo.
Pinanood ng hari ang pagpasok ng mga ito at sumenyas siya sa kanyang mga pinagkakatiwalaang sundalo na gawin na nito ang kanyang huling hinandang sorpresa.
Hindi nagtagal ay napuno na ang palasyo ng mga hukbo ng Corinthia at sa kanilang pagpasok ay sinalubong agad siyang ng mga sumasabog na pulburang patibong. Marami agad ang namatay sa mga ito at agad namang nakipaglaban gamit ang espada ang hari.
Wala siyang pinapatawad sa bawat madaraanan niyang kalaban. Ang mga hukbo ng Corinthia ay nagsisimula nang malagas at ang patuloy na pagsabog ng mga patibong na pulbura ay isang malaking balakid sa mga ito na muling umatras dahil napagitnaan na sila ng mga hukbo ng Thesalus.
At isang hindi inaasahang pangyayari ang gumulantang sa hari. Hindi lang pala mga hukbo ng Corinthia ang naroon sa palasyo kundi isang lupon ng mga sundalong walang pinapanigang kaharian. Ang kanilang kilos ay sa isang eksperto sa pakikipagdigma at hindi niya namalayan na halos lahat ng kanyang mga sundalo ay nalagas na ng mga ito. Ang mga heneral ay napilitang makipaglaban sa mga ito ngunit sa bandang huli ay nagapi din ang mga ito.
Isang senyas pa ang kanyang ginawa at mula sa kanyang kinatatayuan ay bumagsak ang napakaraming bote na may lamang berdeng kemikal. At sa pagbagsakan ng mga ito ay kumalat ang berdeng kemikal sa malawak na bungsaran ng palasyo. Ang mga sundalong naroon ay nalanghap ang laman ng kemikal at unti unting nawawalan ng malay tao at nangingisay dahil ang berdeng kemikal na iyon ay lason na unti unting sumisira sa mga kalamanan ng sinumang makakalanghap nito. Ang mga buong palasyo ay mapuno ng hiyawaan at mga panaghoy ng pagtakas at paglisan. Ngunit halos lahat ng naroon ay nalanghap ang berdeng kemikal at nauwi ang tagpong iyon sa malawakang pagkapaslang ng napakaraming sundalo at mandirigma.
At ang hari ay unti unting bumagsak sa lupa at napatingala sa langit na naliliwanagan ng malaking bilog na buwan. Ang kanyang mga mata ay nawawalan na ng linaw at nanunuot na sa kanyang kalamnan ang lason na siya mismo ang gumawa..
“Nagtagumpay parin ako.. Magkikita kita tayo sa impyernong dapat nating kalagyan.. Hahahaha!!” mga huling salita ng hari bago siya bawian ng kanyang buhay.
Ang buong palasyo ay tila naging isang lugar ng bangungot dahil sa nakakatakot na mga sigaw at pagkagulantang sa ginawang delubyo ng pumanaw na hari.
Samantalang sa kapatagan ng Homeres ay dumating sa tamang oras si Heneral Elio at kasabay ng kanyang pagdating ay ang isa pang malakas na pagsabog na hindi niya inaasahan na tumapos sa kanyang buhay..
Itutuloy…
Ang nalalapit na pagtatapos
…
Mahohopia ata tayo mga bes? Haha..
Ang Karapatdapat
Ang mga abo at usok na nakahalo sa nagliliyab parin na kapatagan ng Homeres ay hindi inalintana ni Persius. Ang mga paso sa kanyang katawan at mga mumunting sugat na dulot ng matinding labanan na nangyari sa pagitan ng pwersa nila at ng mg Thesalian ay hindi niya ininda. Ang puso at isipan niya ay parang pinipiga parin dahil sa pagdurusang nadarama niya sa mga oras na iyon. Kahit saan siya lumingon sa malawak na kapatagan ay wala siyang makikitang senyales ng buhay.
Ang kanyang pagluha ay hindi mapatid dahil nabuo na sa kanyang isipan na wala na ang kanyang minamahal. Tuluyan na siyang iniwanan nito. Ang kanyang mga pangarap ay bigla nalamang naglaho dahil sa isang digmaang hindi na dapat pa nangyari. Ngunit dahil sa kasakiman ni Tristan ay tuluyan nang nawala sa kanya ang kanyang minamahal. Ang galit niya ay naguumapaw na naging dahilan upang mabilis niyang bagtasin ang daan patungo sa kagubatan na kinaroroonan ng palasyo. Pawang ingay lamang ng mga hayop na nagpupulasan ang kanyang naririnig at bungad palang ng kagubatan ay aninag na niya ang nakakasulasok na usok na nagmumula sa palasyo.
Ang mga sigaw ng tao ay dinig na dinig niya kaya tinakbo niya ang daan patungo sa tarangkahan ng palasyo at pagkahindik ang kanyang naabutan dahil tila ba naging isang dagat na ng mga bangkay ang bukana ng palasyo. Hindi niya inaakala na ganito ang kinahinatnan ng digmaang sinimulan ni Tristan. At ang mga sundalo at kawal na naroon sa palasyo ay mas lalong nagpawala ng kanyang pag-asang may buhay pa rito. Ang berdeng usok na nakakasulasok ang amoy ay isang lason na kapag nalanghap ng matagal ay maghahatid ng kamatayan kaya linisan niya ng mabilisan ang palasyo at alam niyang si Tristan ay kasama na sa mga napaslang ng lason dahil sa kabaliwan nito.
Ngunit kahit alam niyang nalagutan na ng hininga si Tristan ay hindi parin maibsan ang kanyang galit na nararamdaman. Alam niyang ang lahat ng ito ay dahil sa kanya. Kung hindi niya lang hinangad ang lahat ng ito, sana ay buhay pa si Brandon at hindi humantong sa ganito ang lahat.
Nakita niya ang isang lupon ng mga sundalong nakasakay ng kanilang kabayo at mabilis itong tumatakbo patungo sa kanyang direksyon. Agad niyang nakita ang wangis ng nangunguna sa grupo at si Cali iyon na mabilis na pinahinto ang kanyang mga kasamahan at bumaba sa sinasakyang kabayo.
“Heneral! Heneral! Labis akong nag-alala sa inyo. Ang buong akala ko ay nasama na kayo sa mga nasawi sa kapatagan.. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang lahat ng ito.” nag-aalalang salubong ni Cali kay Persius na hindi naman agad nakasagot.
“Huwag kang mag-alala Heneral.. Nasa maayos na kalagayan ang mga mamamayan sa kapatagan. Naiutos ko na sa kanila na lumisan sa lugar bago paman ang digmaan.. Ngunit hindi na tayo dapat magtagal dito. Masiyadong malakas ang epekto ng lason na ginawa ni Haring Tristan at maaring magtagal ito ng ilang araw bago humupa. Hindi na tayo ligtas dito.” dugtong pa ng binatang heneral at nakatitig lang sa kanya si Persius.
“Wala— Wala na si Brandon..” saad ni Persius na kinalukot ng noo ni Cali. Hindi niya maunawaan ang dating punong heneral.
“Hindi ko manlang siya nagawang protektahan. Pinangako ko sa kanya na proprotektahan ko siya ngunit hindi ko nagawa iyon.. Kasalanan ko ang lahat ng ito.. Kasalanan ko!” hindi na napigilan ni Persius na lumuhang muli at napaluhod siya sa lupa. Hindi niya alam kung paano pa magpapatuloy sa buhay ngayong nawala na sa kanya ang taong pinakamamahal niya.
“Wala ng halaga kung nanalo tayo sa digmaan.. Dahil wala na ang karapatdapat na mamuno sa ating lahat.” giit pa niya na siyang kinaluhod din ni Cali at pinilit siyang pinabangon mula sa pagkakaluhod.
“Mukhang wala ka talagang katiwatiwala sa iyong kasintahan.. Heneral?” saad ni Cali na kinalukot naman ng noo ni Persius. Napuno ng katanungan ang kanyang isipan sa sinambit ng kanyang kaibigan.
“Heneral.. Buhay pa si Haring Brandon.. At patungo na siya rito kasama ang mga sundalo ng Timog Corinthia.”
Hindi agad nakaimik si Persius dahil alam niyang kasama niya si Brandon sa mga oras na sumabog at nagliyab ang kapatagang pinaglalabanan nila kanina.
“Ngunit nakita ko ang kanyang espada sa lupa kanina.. Sunog ang katawan ng may hawak noon. At alam kong si Brandon iyon.” giit pa niya ngunit bigla nalang siyang nakarinig ng mga yabag ng napakaraming kabayo at sa kanyang muling pagmasid sa paligid niya ay nakita niya ang lupon ng mga sundalong nagtatakbuhan patungo sa kanilang direksyon.
Hindi niya mapaniwala ang sarili nang makita niya ang mukha ni Brandon na nakasakay sa kanyang kabayo at may ngiti sa mga labi nito. Ang buong akala niya ay tuluyan na itong nasawi. Bumaba ito sa kabayo at nagsimulang maglakad patungo sa kanya.
Napatayo siya at tinakbo ang kinaroroonan ni Brandon at mabilis niya itong niyakap. Isang napakahigpit na yakap ang ginawad niya rito at napabulong nalamang siya ng pasasalamat dahil sa hindi totoo ang lahat ng kanyang inakala.
“Bran–Brandon.. Akala ko— Akala ko tuluyan ka nang nawala sakin.” nawala na lahat ng kanyang pagkahiya at pagiging mapagtimpi niya. Wala na siyang pakialam kung pag-usapan sila ng kanyang kasintahan. Ang mahalaga sa kanya ay malaman nito na lubos ang kanyang kasiyahan na buhay pa ito at walang masamang nangyari dito.
“Wala ka talagang tiwala sa iyong tunay na hari.. Ganyan ba ang iaasal sa akin ng aking magiging kabiyak?” hindi napigilan ni Brandon na mapangiti sa karupukang pinapakita sa kanya ngayon ni Persius. Hindi niya kailanman nakita ang ganitong takot sa mukha ng kasintahan.
Ang nangyaring malaking pagsabog ay ginamit niyang pagkakataon upang makaiwas sa mga kalaban niya. Nabitawan niya ang kanyang espada at mabilis niyang tinungo ang kanyang kabayo upang pumunta sa kagubatan ng Daffodil na kinaroroonan ng mga reserbang pwersa ng Timong Corinthia. Kinailangan niyang umatras dahil alam niyang hindi sila mananalo kapag nanatili lamang siya roon at walang gagawin. Lalo na’t napakaraming patibong ang linagay ni Tristan sa malawak na kapatagan.
Mas pinili niyang maging wais at kinuha niya ang mga sundalo upang muling sumugod sa kapatagan sakaling may magbabalak na tumakas sa mga ito. Nagtagumpay naman silang supilin ang mga nagtatangkang tumakas at nagbalak na pumunta na ng palasyo ngunit isang balita ang kanilang narinig mula sa isang kapitan na nanggaling na sa palasyo. Nagpakawala si Tristan ng nakamamatay na lason na kapag nalanghap ay kamatayan agad ang naghihintay sa sinumang lalanghap nito. Kaya minabuti nilang manatili nalamang sa kanilang kinaroroonan at hintaying humupa ang nangyayari sa kapatagan.
Nang naging tahimik na ang kapatagan ay agad niyang binalikan ang kasintahan ngunit wala na ito roon. Alam niyang imposibleng mapaslang si Persius dahil alam niya kung gaano ito kagaling kaya nagmadali silang nagtungo sa kagubatan na maghahatid sa kanila sa palasyo at ito nga’t naabutan niya ito na inakalang siya ay napaslang sa digmaan.
“Hindi ko nais na mabuhay kung wala ka, Brandon.. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita Brandon.”
“Mahal na mahal din kita, Persius. At hindi na ako muling mawawala sa iyong tabi. Pinapangako ko iyan sa iyo.” masayang saad ni Brandon bago siya bumitaw sa pagkakayakap niya kay Persius.
Agad niyang tiningnan ang paligid at ang mga sundalong nakatingin lamang sa kanilang dalawa at marami sa mga ito ang naguguluhan sa kung ano ang nangyayari sa kanilang dalawa.
“Nais kong malaman ninyong lahat.. Bilang inyong hari ay nais kong ipagmalaki sa inyo na ako at si Heneral Persius ay mayroong espesyal na pagtingin sa isa’t-isa. Siya ay mahalaga sa akin at siya ay aking iniibig. At nais kong malaman ninyo na sa pagbabalik natin sa Thesalus sa kaayusan nito, ibibigay ko kay Persius ang pinakamataas na posisyon sa buong kaharian.”
Nagkatinginan lahat ng mga sundalo at si Cali ay ang pinakamasaya sa lahat ng naroon sa sinambit ng hari.
“Siya ay itatalaga kong Baron ng Arcadia. Karapatdapat lamang sa kanya ang posisyon na iyon at ang italaga siya bilang isang maharlika dahil sa napakarami niyang naiambag sa ating kaharian para sa kaayusan nito. Kung wala si Persius ay wala rin tayong lahat dito ngayon.”
At sa hudyat ng hari ay nagsiluhod lahat ng sundalo at yumukod upang bigyan nila ng pugay si Persius.
“Mabuhay ka, Baron Persius! Dakilang tunay ang inyong pangalan, Baron Persius!”
Nakangiti lamang si Brandon habang hindi parin mawala ang pagkamangha sa mata ni Persius. Alam niyang ginawa niya ang tama para rito. Hindi man niya ito mapakasalan dahil sa mali parin ang kanilang relasyon sa mata ng nakararami, alam niyang ito ang natatanging paraan para maging maayos na ang lahat.
“Hindi ko alam kung makakaya ko ba ang napakalaking responsibilidad na ibinigay mo sa akin.. Kapantay na ito ng isang hari.. Hindi ko inaasahan na ibibigay mo sa akin ang pagiging isang Baron?”
“Dahil alam kong kaya mong pamunuan ang buong kaharian kasama ko.. Wala kang dapat ipag-alala dahil alam kong nasa iyo na ang lahat ng katangian ng isang tunay na hari. At ang pagiging isang Baron ay magbibigay sa akin ng kasiguraduhan na makakasama kita panghabangbuhay.” masayang saad ni Brandon at muli silang naglingkis ng kanilang mga katawan upang ipagbunyi ang naging tagumpay nila at ang kanilang hinihintay na bagong yugto ng mga buhay nila.
————————
Isang buwan din ang lumipas bago bumalik sa ayos ang lahat sa palasyo. Maraming maharlika ang nasawi sa ginawang paglason ni Tristan sa buong kaharian. Ang mga inosenteng tao ay inilibing sa matiwasay na lugar at si Tristan naman ay sinunog ang katawan kasama ng lahat ng mga traydor na opisyal ng palasyo.
Ang tanging nabubuhay sa mga ito ay si Maestro Rowall na nakapiit na ngayon at hinihintay na ang parusang igagawad sa kanya ni Haring Brandon na muli nang nakabalik sa kanyang posisyon.
Dahil sa kakulangan ng mga magsisilbi ay napilitan si Haring Brandon na buksan ang Thesalus sa mga nangnanais na manirahan dito at hindi naman sila nabigo dahil napuno ang Pangasiwaan ng Pagbubuwis at Pagrerehistro ng napakaraming tao mula sa iba’t-ibang parte ng mundo.
Naging abala si Persius sa bagong kapangyarihang nakapatong sa kanyang balikat at agad niyang sinimulang linisin ang lahat ng kagawaran na napapailalim ng kanyang kapangyarihan. Ang mga konseho na tutulong sa kanya ay siya mismo ang pumili mula sa mga pinagkakatiwalaan niyang tao. Hinirang niyang Punong Heneral si Cali at nagsimula din ang napakaraming pagbabago sa sistema ng Hukbong Sandatahan. Naging bukas narin ang isang paaralan na magbibigay ng edukasyon sa mga batang kapos ang mga magulang sa buhay at ang kaharian mismo ang nagbibigay sa kanila ng lahat ng kakailanganin nila sa pag-aaral.
Ang mga kapatagan ay nagkaroon narin ng sistema ng pagtatanim at pag-aani at ang mga magsasaka ay binibigyan na ng karapatan sa mga lupang sinasaka nila. Naging maganda narin ang sistema sa pagaangkat ng mga produktong mula sa labas ng Thesalus at lahat ng mga ilinalabas ng Thesalus na produkto ay nagkaroon narin na matiwasay na pamamalakad.
At sa loob ng isang taon, ay muling nakabangon ang Thesalus mula sa pagkakalugmok na dinulot ng pamumuno ni Tristan. At dahil iyon sa magandang pamamalakad ni Haring Brandon at Baron Persius sa buong kaharian.
“Kamahalan.. Ngayong maayos na muli ang kaharian, bilang inyong punong tagapayo ay nais kong imungkahi na magkaroon na kayo ng inyong tagapagmana. Ang susunod at magpapatuloy sa kasaganahang tinatamasa ngayon ng ating kaharian.” suhestiyon ni Maestro Viktor sa kanyang hari habang nasa loob sila ng kanyang silid.
Ang nakarobang hari naman ay agad na kinuha ang kanyang kopa at nagtagay ng alak mula sa boteng malapit naring maubos ang laman.
“Viktor.. Sinasabi mo bang kailangan kong mag-asawang muli at magkaroon ng reyna?” tanong ng hari sa kaharap niyang punong tagapayo.
“Alam kong malalim ang pagsasama ninyo ni Baron Persius. Ngunit hindi maaring magpatuloy na wala kang ipinapakilalang reyna sa ating mamamayan. Hindi mo kailangang mahalin ang magiging reyna mo.. Iyon lamang ang nararapat. Ang magkaroon ka ng tagapagmana.” saad pa ng punong tagapayo.
Ininom ni Haring Brandon ang laman ng kanyang kopa at tinitimbang ang lahat ng sinabi sa kanya ng tagapayo niya.
Marami ng problema ang hinarap niya at ito na siguro ang isa sa pinakamahirap sa lahat. Ang solusyonan ang problema niya sa pagkakaroon ng tagapagmana.
Kailangan niyang makausap ng masinsinan si Persius at alam niyang hindi iyon magiging madali. Lalo na ngayon at malalim na talaga ang pagmamahalan nila.
Nakipagtitigan pa siya sa kanyang tagapayo bago niya ito paalisin sa kanyang silid.
Ipinatawag niya agad si Persius sa kanyang mga tagapagsilbi at agad naman itong dumating sa kanyang silid at agad siyang hinalikan nito sa labi.
“Kamahalan? Ano ang nais mong sabihin sa akin?” tanong agad ni Persius sa hari at napahinga naman ito ng malalim.
“Kailangan ko nang tuparin ang tungkulin ko na magkaroon ng tagapagmana.. At alam kong hindi ko ito magagawa kung hindi ka papayag. Ngayon, nais kong ikaw mismo ang pipili ng aking magiging reyna upang mawala sa atin ang lahat ng pagdududa.” saad pa ng hari na hindi naman naunawaan ng kanyang kasintahan.
“Naiintidihan ko naman ang lahat. Ngunit wala na sa kamay ko ang karapatan na panghimasukan ang bagay na iyan, kamahalan. Ikaw ang dapat pumili ng iyong mapapangasawa.” tugon naman ng baron sa kanyang hari.
“Gusto ko lang na maging malinaw ang lahat.. Mahal kita at kailanman hindi na ako iibig ng kahit sino paman, ikaw lang ang mahal ko.” paniniguro naman ng hari na kinangiti lang ni Persius.
“Mahal na mahal din kita, at alam ko rin naman na kailangan mo ang magkaroon ng tagapagmana. At ikakasiya ko kung matutupad iyon sa lalong madaling panahon.”
At nagyakap ang magkasintahan habang sa labas ng silid na iyon ay nagbabadya nang umihip ang malamig na hangin ng taglamig.
Itutuloy…
Last Two Chapters.. Will there be a happy ever after? Abangan ang nakakaantig na katapusan ng kwento ni Brandon at Persius.
Ang Tagapagmana
Taong 1362 (Ikaanim na Taon ni Brandon bilang Hari)
Malakas na pag-iyak ang narinig ni Baron Persius nang pumasok siya sa silid ng hari at agad naman siyang napatakbo upang tingnan kung ano ang nangyayari sa loob ng silid.
Naabutan niya ang walang humpay na pag-iyak ni Prinsipe Benedict na kalong ng ama niyang hari. Isang taong gulang na ang batang hari na napakarami na nitong dinadaing at ginugusto na hindi maunawaan ng hari. Agad naman siyang nakita ng hari at pagkabahala lamang ang namasdan niya sa mukha nito.
“Umiiyak nanaman ang mahal na prinsipe namin? Mukhang hindi ka nanaman napalitan ng sapin ng iyong ama?” salubong ni Baron Persius sa tagapagmana ng hari nang bawiin niya ito mula rito at inakay sa kanyang mga bisig.
Agad na inihiga ni Baron Persius ang prinsipe at agad na tiningnan kung basa ang sapin nito. At hindi nga siya nagkamali, basa na ito at agad siyang kumuha ng bagong pamalit nito at agad na pinalitang ang basang sapin.
“Hindi ko yata makakaya na alagaan ang prinsipe na wala ka sa aking tabi. Mas malapit pa nga ang aking anak sa iyo.” agad na saad ng hari nang makaupo siya sa higaan niya at minamasdan ang ginagawang pagaalaga ng kanyang minamahal sa tagapagmana ng kanyang kaharian.
Ngumiti lang si Persius at agad namang tiningnan ang hari at ninakawan niya ito ng halik sa labi.
“Masasanay ka rin sa iyong tungkulin bilang ama niya. At hindi mo kailangang mag-alala. Anak narin ang turing ko kay Benedict at alam kong magiging isa rin siyang magaling na hari tulad mo pagdating ng panahon.” saad ni Persius sa hari na kinangiti lamang nito.
Lumapit pa lalo ang hari sa kinauupuan ng minamahal at yinakap ito mula sa likuran nito.
“Simula palang, alam kong wala nang magpapaligaya sa akin kagaya ng ligayang hinahatid mo sa buhay ko. Ang prinsipe ay isang regalo sakin mula sa langit at ikaw ang nagbigay sa akin ng pagkakataon na maranasan ang maging ama. Hindi man sa iyo galing si Benedict, alam kong ituturing mo rin siyang iyong iyo. Dahil ganoon mo kami kamahal.”
Hindi napigilan ni Persius na makaramdam ng labis na kasiyahan. Alam niyang dahil rin sa kanyang pagpupursige na maghanap ang hari ng nararapat na maging ina ng kanyang tagapagmana, ay nangyari ang lahat ng ito.
Sa kasamaang palad, hindi nakayanan ng ina ng prinsipe ang pagbubuntis nito at binawian ng buhay nang siya ay tuluyang nakapanganak.
“Siguro nga ay tinadhana na na tayong dalawa ang magsama hanggang sa huli. Dahil lahat ng kapahamakan at kaguluhan ay pareho nating nalagpasan. Tadhana ang naghatid sa atin sa ating kinalalagyan ngayon.” dagdag pa ng hari at napalingon naman sa kanya ang lalaking iniibig.
“Sa mata ng lahat, nakikita nila kung gaano nating pinahahalagahan ang isa’t-isa. Alam kong marami paring ayaw tanggapin ang ating pagmamahalan, ngunit alam kong darating din ang panahon na mauunawaan nilang ang mga puso natin ang pumili sa isa’t-isa. At hindi ako susuko hanggang sa makita nila kung gaano ka kahalaga sa buhay ko at sa buong Thesalus.” giit pa ng hari na hindi mapigilan ni Persius na yakapin ito ng mahigpit at halikan muli sa labi.
“Hindi natin kailangang ipilit sa kanila na tanggapin ang ating pagmamahalan. Alam kong magiging malinaw rin sa kanila na ang pag-ibig ay nabubuo mula sa dalawang taong piniling magmahal. Mali man sa kanila, ang mahalaga sa akin ay masaya tayong dalawa at nagagawa natin ang ating tungkulin para sa kaharian.”
Tumango lamang ang hari bago sila ginulantang muli ng pag-iyak ng prinsipe na kinatawa lamang nilang dalawa. Agad na kinarga ni Persius ang prinsipe at agad itong nilaro hanggang sa tuluyan na itong tumawa kasabay nila.
—————————––
Samantalang sa isang bahagi ng bayan ng Thesalus ay may dalawang kalalakihang may edad na ang masinsinang nag-uusap sa tahanan ng punong tagapayo ng hari. Si Ginoong Hector at Ginoong Robin.
“Hanggang nasa posisyon si Baron Persius at hindi siya umaalis sa tabi ng hari, patuloy tayong magiging katawa-tawa sa tingin ng ibang kaharian.. Sino ba ang may nais na binabae ang namumuno ng kanilang kaharian? Isang pagkakamali ang ginagawa ng hari at maari tayong talikuran ng ating mga kapanalig kapag nagpatuloy ang relasyon nila ni Baron Persius.” hayag ni Ginoong Hector sa kanyang kaibigan na tinanguan lamang nito bilang pagsang-ayon.
“Tama ka sa iyong sinabi, Hector.. Matinding kapalaluan na ang binibigay sa atin ng hari. Marami nang nababahala sa kawalan niya ng interes na magkaroon ng itatalagang reyna at hindi nating maaring patagalin ang sitwasyong iyon..”
Napalingon ang dalawa dahil may narinig silang mga yapak na papapunta sa kanilang kinaroroonan.
“May naisip na akong paraan upang tuluyang mawala sa landas natin si Baron Persius at maging maayos na ang lahat sa Thesalus. Isang planong sigurado akong magtatapos sa ating mga suliranin.” biglang saad ni Ginoong Victor, ang punong tagapayo ng hari na siya ring may nais na mawala ng tuluyan si Persius sa buhay ng hari.
“Nalalapit na ang Pista ng Pangangaso at iyon ang perpektong pagkakataon para mawala na ng tuluyan si Baron Persius sa landas ng hari. Naitalaga ko na ang mga taong gagawa ng trabaho.”
“Ibig sabihin? Ipapapaslang mo si Baron Persius?” gulat na tanong ni Ginoong Robin na tinanguan lamang ni Ginoong Victor.
“Hindi malalaman ng hari at ng kanyang mga kapanalig na ako ang may pakana ng lahat. Dahil unang una, malapit ang loob ng hari sa akin at hindi ako pinagdududahan ni Baron Persius. Ibubunton nila ang pagkakasala sa gobernador ng Timog Corinthia na nagiging banta narin ngayon dahil sa pagbabago ng alyansa nito. Kaya ligtas tayo sa anumang kaparusahang ibibigay ng hari.” lahad ni Ginoong Victor sa kanyang mga kasamahan.
Napangiti ang tatlong ginoo sa isa’t-isa dahil alam nilang malapit na ang hinihintay nilang pagbagsak ni Baron Persius. At magagawa na nilang mapasunod ang hari sa mga gusto nila kapag nawala na sa landas nila si Baron Persius.
––––––––––––––
“Kailangan na nating umalis, kamahalan.. Naghihintay na sa atin ang mga maharlika at ang miyembro ng iyong konseho.” sambit ni Persius sa hari na nag-aayos parin ng kasuotan nito sa pagdiriwang ng Pista ng Pangangaso. Isang mahalagang okasyon iyon para sa pagbibigay galang nila sa mga unang naging pinuno ng Thesalus.
Napapangiti naman ang hari dahil sa hindi mawala ang pagkasabik ng lalaking nasa tabi niya ngayon at tinutulungan siyang mag-ayos.
“Tila hindi ka mapakali. Alam kong nasasabik ka nang mangaso muli.. Pero pinapaalala ko sa’yo, ako ang mananalo ngayong taon. Ako ang makakahuli ng pinakamalaking hayop.” pagyayabang ng hari kay Persius sa kinatawa lamang nito.
“Pinapatawa mo talaga ako, Brandon. Alam naman nating dalawa na kahit kailan, hindi ka nananalo sa akin. Ako ang mananalo ngayong tao, at sinisiguro ko iyon sa iyo.” saad ng baron sa kanyang hari na siya naring pagkatapos nito sa pag-aayos ng kanyang sarili.
Agad na sinukbit ng hari ang mga palaso sa kanyang likuran at ang kanyang pana naman ay hawak niya lamang. Lumabas na sila mula sa kanilang tolda at naabutan nila ang mga maharlika na naghahanda narin para sa pangagasong magaganap.
Agad na humarap ang hari sa nagtitipong mga maharlika at ang miyembro ng kanyang konseho. Nagbigay pugay ang mga ito sa kanya at agad naman niyang pinasinayaan ang pagsisimula ng paligsahan nang kanyang patunugin ang trumpetang hawak niya na gawa sa sungay ng usa.
At agad naman sumakay ang hari sa kanyang kabayo at maging ang si Baron Persius at ang lahat ng maharlikang sasali sa paligsahan.
Nilisan nila ang kampo at agad na linakbay ang masukal na kagubatan ng Daffodil na siyang hitik sa mga hayop na pwedeng pangasuhin.
Nagkahiwalay ang hari at si Baron Persius na nagpunta sa silangang bahagi ng kagubatan at ang hari naman ay nagtungo sa hilaga. Naging mabilis ang pagkilos ng Baron hanggang sa napadpad siya sa isang pamilyar na lugar.
Ang bahaging iyon ng kagubatan kung saan sila unang nagkita ni Haring Brandon. Hindi niya mapigilan na mapatigil sa pagpapatakbo ng kanyang kabayo at agad na linakad ang daanan patungo sa maliit na paraiso na nasa pusod mismo ng kagubatang iyon.
Hindi niya maialis sa sarili na mapangiti dahil sa nangyari sa kanyang buhay simula nang makilala niya ang hari. Kung paano lumipas ang napakaraming taon na mas lalo pang lumalim ang pagmamahal niya sa hari.
“Hindi ko pinagsisihan na tinulungan kita ng araw na iyon. Dahil ngayon, maligaya ako sa piling mo at makakasama kita habang buhay.” saad ni Persius bago siya makaramdam ng kakaiba sa kanyang paligid.
May nararamdaman siyang nakamasid sa kanya at isang mabilis na pagilag ang kanyang ginawa ng maramdaman niya ang isang pana na nakapukol patungo sa kanya.
Hindi lamang isa kundi nagsunod sunod na ang mga ito. Ang ilan ay nailagan niya ngunit ang karamihan dito ay tumama sa kanya at tuluyang nagpahina sa kanya.
Nagdidilim na ang kanyang paningin at para bang malalagutan na siya ng kanyang hininga bago siya bumagsak sa damuhang puno ng mga ligaw na bulaklak.
——————————————
Isang malaking usa ang namataan ng hari na malapit sa ilog at umiinom ito.. Agad niyang binunot ang isang pana mula sa kanyang likuran at agad na ibinala sa kanyang palaso.
“Persius?” biglang nasambit ng hari ng makaramdam siya ng kakaibang paninikip sa kanyang dibdib. Mabilis ang pintig ng kanyang puso at alam niyang hindi maganda ang nangyayari.
Agad na tumigil si Haring Brandon sa kanyang gagawin at agad pinaikot ang kanyang kabayo at tumakbo ito patungo ng silangan. Mabilis niya itong naparating sa silangang bahagi ng kagubatan at namataan niya ang ilang kalalakihan na nakatalukbong ng ulo at tila ba mayroong tinatakbuhan.
“Tumigil kayo!” sigaw ni Haring Brandon at agad nagsipulasan ang mga ito na hindi naman pinayagan ng hari. Agad siyang bumunot ng palaso mula sa kanyang likuran at isa-isa niyang tinira mula sa kanyang kinaroroonan ang mga lalaking nagtatangkang tumakas. Isa-isa rin naman niyang napabagsak ang mga ito gamit ang kanyang pata at palaso at agad niyang tinakbo ang kinabagsakan ng mga ito. Ngunit pawang wala ng buhay ang mga ito dahil napuruhan ng hari ang mga ito at wala na siyang sinayang na panaho at hinanap si Persius.
Ramdam niyang may masamang nangyari dito.
At sa kanyang pagtakbo patungo sa isang pamilyar na tanawin sa kagubatang iyon ay hindi nga siya nagkamali. Kita niya ang nakahandusay na katawan ni Persius na may mga tama ng pana sa katawan nito.
Ang kanyang pagkahilakbot ay pumuno sa kanyang katauhan at madali niyang tinungo ang nakahandusay na katawan ng kanyang minamahal.
“Persius!!!!”
Itutuloy…
Last Chapter is next guys… The most awaited ending.. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta ng kwentong ito. Sa mga votes and comments ninyo, maraming salamat. Dahil kahit papano nalalaman ko na may nakakaappreciate parin sa mga gawa ko.
Walang Hangganan(Final Chapter)
Ang huni ng mga ibon ay siyang tanging maririnig sa labas ng silid ng hari. Ang nalalapit na tagsibol ay nagbabadya nang dumating dahil unti-unti nang nalulusaw ang mga niyebe at yelong nakapalibot sa paligid ng buong kaharian. Mula sa kanyang bintana ay tinatanaw ng hari ang papasikat na araw. Kalong niya ang kagigising lang din na prinsipe. Hindi ito umiiyak kundi nakayakap lamang sa kanya at nakatungo ang ulo sa kanyang balikat.
"Benedict.. Ayaw mo bang makita ang papasikat na araw?" masuyong tanong ni Haring Brandon sa anak na umiling lang sa kanya. Ayaw niya itong pilitin dahil alam niyang masama ang loob nito.
"Hindi mo parin ba ako napapatawad? Alam mo namang kailangan kong gawin iyon upang sa iyong kabutihan." tugon niya ulit sa kanyang anak.
Agad itong humarap sa kanya at tiningnan siya ng maiigi. Nakakunot ang noo nito at parang nais nang maiyak.
"Gusto kong sumama sa kanya.. Pero bakit bawal, ama? Hindi ba't sabi niyo naman, malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko?" usal ng tatlong taong gulang na anak ng hari.
"Oo, kaya mo na pero mapanganib ang lugar na pupuntahan niya. Kaya mas mabuti pang manatili ka nalamang dito." nakangiting saad ng hari sa munting prinsipe.
Muling bumalik sa pagtungo ang prinsipe na kinangiti naman ng hari bago muling ibalik ang kanyang pansin sa papasikat na araw.
Ilang araw narin simula ng lumisan ang kanyang minamahal.. Wala na siyang ibang iniisip kundi ang kalagayan nito. Mula nang araw na muntik na itong mawala sa kanya, hindi na niya ninais na mawalay pa ito sa kanyang paningin kahit minsan.
Mapalad itong nabuhay pa sa kabila ng sampung pana na tumama sa iba't-ibang bahagi ng katawan nito. At dahil sa pagiging maagap niya ay agad niya itong naibalik sa kampo at agad nagamot ng mga doktor. Hindi mawala sa kanya ang takot ng araw na iyon at agad na inutos sa mga imbestigador ng hukbong sandatahan na alamin kung sino ang nagutos na patayin si Persius. Malaking kaguluhan ang dinulot ng insidenteng iyon kaya lahat ng maharlika ay natakot sa kanilang buhay. Paano kung sila na ang isunod ng mga ito.
Isang linggong walang malay si Persius at patuloy itong lumaban para mabuhay. Hindi umalis si Haring Brandon sa tabi nito at siniguro niyang naiinom nito ang mga gamot at maayos lagi ang kalagayan nito hanggang sa tuluyan itong nagkamalay tao at doon lamang siya nakahinga ng maluwag.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung nawala ito ng tuluyan sa kanya. Ang kanyang buhay ay umikot na dito at lahat ng ginagawa niya ay dahil narin sa kaagapay niya ito sa lahat ng bagay.
Muli niyang binuksan ang posibilidad na may nais na mawala sa landas nila ang baron kaya inutos nitong ipapaslang ito. At dahil doon ay tinipon niya lahat ng miyembro ng kanyang konseho at isa isa niyang minatyagan ang mga kilos nito.
Hindi niya maaring ipagwalang bahala nalamang ang nangyari kay Persius at hindi nga siya nagkamali sa kanyang mga hinala. Ang kanyang punong tagapayo at ang ilang miyembro ng kanyang konseho nga ang nagbalak na ipapatay si Persius na labis na ikinagalit niya.
Agad niyang ipinahuli si Ginoong Victor, Ginoong Robin at Ginoonh Hector at pinatawan niya ng parusang kamatayan dahil sa pagtatangka nito sa buhay ng pinakamataas na miyembro ng kaharian maliban sa hari.
Ang pagmamakaawa ng mga ito na buhayin sila at pagbayaran nalamang ang kanilang nagawa sa pamamagitan ng pagpipiit sa mga ito ay hindi tinanggap ng hari. Para sa kanya, walang kapatawaran ang ginawa ng tatlo kaya sa harapan niya mismo ay pinugutan ang mga ito ng ulo at pinaharap niya lahat ng maharlika sa kanya. Binigay niya itong babala na sinuman ang magtangkang muli sa buhay ng kanyang minamahal ay matinding kaparusahan ang naghihintay.
"Hindi niyo ba naisip na si Persius... Si Persius ang nagdala sa atin sa kaginhawaan at katiwasayan na tinatamasa natin ngayon?! Tapos ang isusukli niyo sa kanya ay pagtratraydor at paghamak sa kanyang katauhan? Bakit? Kailan pa naging kasalanan na ibigin namin ang isa't-isa? Kahit kailan, hindi ninyo mauunawaan ang isang tulad ko at isang tulad niya dahil hindi niyo pa nararanasan ang tunay na pag-ibig. Wala itong pinipiling kasarian. Isinilang kami na tao, at ang mga puso namin ay marunong din umunawa at magmahal. Ngunit kung ituring niyo kami ay pawang mga hayop na pwede niyong kitilin dahil lamang sa pinili naming magmahal na hindi naayon sa inyong nakasanayan!" galit at mariin na hayag ng hari sa harapan ng mga taong namasdan ang pagbitay sa tatlong miyembro ng kanyang konseho.
"Ako na inyong hari, ay labis na umiibig sa isang lalaki. Oo, pareho kami ng nararamdaman ni Persius. At iyon ang dapat na malaman ninyo. Katumbas ng aking pagmamahal sa kanya ay ang pagmamahal ko sa ating kaharian. At kung papipiliin man ako, mas pipiliin kong mabuhay kasama si Persius at iwanan ang kahariang ito na puro lamang panghuhusga ang ibinibigay sa akin." dagdag pa ng hari at tahimik lamang ang lahat na nakikinig sa kanya.
"Mula sa araw na ito, bibigyan ko na ng kalayaan ang lahat na mahalin ang nais nilang mahalin. Ipapasunod ko ang kautusang dakpin ang lahat ng gagawa ng karahasan sa mga taong piniling mahalin ang kapwa nila kasarian. At mananagot sa akin lahat ng taong nagnanais na gumawa ng anumang karumaldumal sa kahit na sinong taong pinili lamang na magmahal." hayag pa ng hari bago niya lisanin ang tanghalan ng tanggulan at naiwang tahimik ang lahat ng naroon.
Dalawang taon ang lumipas ngunit dama parin ni Haring Brandon ang takot sa kamuntikan nang pagkakapaslang kay Persius. At ngayon nga na naglalakbay nanaman ito patungo sa Timog ng Corinthia upang ayusin na ang sigalot ng Thesalus at ng gobernador ng Timog Corinthia ay hindi parin siya mapalagay.
Isang linggo na ang kanyang paghihintay ang nasasabik na siya sa muling pagbabalik nito. Nasa lihim na hardin siya at nakaupo sa metal na bangko at pinapanood ang munting prinsipe na nakikipaghabulan sa mga gansa na nagsisibalikan na sa lawa.
Biglang dumilim ang kanyang paningin at may sumaklop sa kanyang mga mata. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil alam na alam niya ang amoy na iyon at ang may kagaspangang mga kamay ni Persius.
"Kahit kailan, hindi na uubra sa akin ang ginagawa mong iyan. Bakit kasi hindi mo nalang ako halikan sa pisngi?" masuyong saad ng hari na napalitan ng ngiti nang halikan siya sa labi ng lalaking minamahal.
"Masiyado ka atang nanabik sa akin, mahal ko.. Gusto ko paring gawin ang nakasanayan ko na. Hindi ba't dati ay gustong gusto mong tinatakpan ko ang mata mo.." makahulugang saad ni Persius na kinapula ng pisngi ng hari.
"Nasa harapan tayo ni Benedict, Persius.. Baka marinig niya ang mga sinasabi mo." nahihiyang saad ng hari na kinatawa lang ng mahina ni Persius.
Tinanggal nito ang mga kamay sa mata ng hari at yinakap ito mula sa kanyang likuran.
"Masiyado kang nag-alala sa mga bagay.. Alam kong maiintindihan rin tayo ni Benedict pagdating ng araw. Ipapaintindi natin sa kanya ang tunay na ibig sabihin ng ating pagsasama." saad pa ni Persius sa hari at hinalikan ng mariin sa pisngi nito.
"Maestro!!! Maestro!!!" sigaw ng isang matinis na tinig at agad namang napangiti ang magkasintahan sa nakita nilang pagtakbo ng munting prinsipe palapit sa kanila.
"Benedict!! Naku naku! Palaki ka ng palaki bawat araw na dumaraan ha? Gusto mo na ba talagang maging hari agad?" natutuwang salubong ni Persius sa batang itinuring na niyang anak at kinarga ito sa malalaki niyang bisig.
"Opo, Maestro! Gusto ko nang maging kasing laki ng Amang Hari upang maipagtanggol ko na ang Thesalus mula sa mga Morva at Corinthian." saad pa ng prinsipe na kinatuwa lang ni Persius.
"Ngunit hindi mo maaring madaliin ang lahat, dapat matutunan mo muna lahat ng bagay. At nandito kami ng Amang Hari upang ituro yun lahat sa iyo. Naiintindihan mo ba, Benedict?"
Tumango lamang ito bilang sagot sa kanya bago ito muling bumaba at tumakbo pabalik sa mga gansa at muli itong nakipaghabulan sa mga ito na kinatawa lamang ng hari at ng kanyang minamahal.
At muling nagtagpo ang kanilang mga tingin. Ang pag-iibigan nila ay tunay na sinubok ng tadhana ngunit narito parin sila at magkasamang dalawa. Ang mga bagay na nais nilang gawin ay nagagawa na nila ng malaya dahil sa kanilang katapangan at paninindigan na hindi maling magmahal sa taong pinipili ng iyong puso.
"Maraming salamat, dahil binigyan mo ng direksyon ang aking buhay. Nawala sa akin ang lahat ngunit pinunuan mo naman iyon dahil sa hindi mo pagsuko sa akin. Alam kong hindi ako naging tapat sa iyo noon, ngunit pinili mo parin akong mahalin at ibigin at labis labis na kasiyahan na ang idinulot noon sa buhay ko.
At hindi ko makakalimutan ang pagligtas mo sa buhay ko. Patunay na hindi lang puso natin ang magkadikit ngayon kundi ang ating mga kaluluwa. Hindi ko alam kung paano pa ang mabuhay ng wala ka, Brandon. Kaya sana tanggapin mo parin ang pag-ibig ko kahit na kapwa na tayong hindi makalakad. Maari na iyon, mahal ko?" masuyong lahad ni Persius ng kanyang damdamin sa kanyang hari. Ang mga mata niya ay puno ng pagmamahal at hindi napigilan ng hari na lapitan siya at yakapin ng mahigpit.
"Iyon na siguro ang pinakamasarap na mga salitang narinig ko mula sa'yo, Persius. At alam kong hindi naging madali sa iyo na patunayan na karapatdapat ka sa pagmamahal ko. Ngunit alam mong hindi mo na kinakailangang gawin ang lahat ng iyob, dahil simula palamang, alam mo nang pinili ka na ng aking puso. At wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal na aking nararamdaman para sa iyo. Kahit umabot pa ang panahong mawala na tayo sa mundo, ikaw at ikaw parin ang pipiliin kong mahalin." masuyong sagot ng hari na nagbigay ng labis na kasiyahan kay Persius.
Ang magkalingkis nilang katawan ay pinagsaklob ng malaming na hangin ng tagsibol at ang mga bulaklak ay nagsimula ng mamukadkad na tila ba sumasabay sa kasiyahan na nadarama ng kanilang mga puso.
Tunay na wala ngang makakatalo sa pag-ibig na totoo at sinusubok ng panahon. Maraming pagkakataon na sumusuko ang tao sa konsepto ng pag-ibig ngunit pinatunayan ng pagmamahalan nila na kapag nagtiwala at isuko nila sa pananalig ang lahat ng bagay, ay malalampasan lahat ng pagsubok na darating.
Muli nilang pinagsaklop ang kanilang mga labi at tila ba sumasayaw ang hangin sa kanilang paligid at kasabay noon ang pagusbong ng bagong hinaharap para sa Thesalus at sa dalawang pusong nagmamahal ng lubos.
👑
The End 🏹
Sana ay nasiyahan kayo sa aking kwento.. Maraming salamat ulit sa pagbabasa.. ❤❤❤

