loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Lady named Feather

The Lady named Feather

kabrobars · 1 chapter · 960 words

The Promise

Magsisimula ang lahat sa isang masayahin ngunit liblib na nayon ng Alegria. Dito simple lang ang buhay ng mga tao. Pagsasaka, pangangaso at pagpapastol ng mga baka at tupa ang karaniwang pinagkaka-abalahan ng mga taga rito. Isang tahimik at puno nang pagkakaisa ang lugar na ito na siyang pinamumunuan ni Mayor don Diego Agustin, na siyang may ari naman ng halos nubenta porsiyento ng mga lupaing sinasaka ng mga taga rito.

Kilala ang don sa pagiging ulirang leader ng kanyang balwarte. Mabait, matulungin at mapag malasakit sa mga taong nangangailangan ng kanyang alaga at tulong. Mahal ng mga taga Alegria ang don na maging ang mga anak at kaapuhan nito ay ginagalang din at mahal ng mga tao.

Ngunit katulad nang dumating ang takip silim sa don, Nabalot ng lungkot Ang buong Alegria.

Matanda na ang don at mahina na. Ang kanyang mga kilos ay mabagal na at hindi na maikakaila ang iniinda nitong karamdaman. Mababanaag na sa mukha ng don ang labis na pagod at hirap.

Bagay na kinalungkot ng mga taong mahal siya. Lalo na ang mga taong malalapit sa kanya. Isa na rito si Jordan, ang panganay na apo nito kay Jaydan. Si Jaydan ang nag iisang anak sa labas ng don kay Maryeta. Si Maryeta ay dating labandera ng mga magulang ng don. Nang mamatay si Maryeta dahil sa sakit, sa puder na ng don nakatira si Jaydan kasama ang tunay nitong asawa na si Alicia.

Tatlo ang anak ng don kay Alicia. Si Kervie, Karryl at Klariz. Dahil sa maayos at mabuting paraan pinalaki ng don ang kanyang mga anak, hindi iba ang turing ng mga ito kay Jaydan.

Ngunit sa kanilang apat tanging si Jaydan lang ang nanatili sa tabi ng kanilang amang don. Ang tangi at laging karamay ng don sa kanyang mga trabaho habang nagpapatakbo ng Alegria bilang mayor.

Nang magsitapos sa pag aaral ang anak ng don, umalis agad Ang mga ito sa piling ng kanilang ama upang hanapin Ang kanilang uportinidad sa ibang bansa. 

Umunlad at umasenso ang tatlong mga anak ng don ngunit hindi man lang Ang mga ito naka isip na balikan ang kanilang ama. Ilang mga mahahalagang okasyon din ang mga lumipas, ngunit bibihira lang ang pagkakataon na kasama ng don ang iba pa nitong mga anak. Bagay na noon pinanghihinayangan ng don.

Hanggang sa nagkapamilya na lahat ngunit bilang lang ang mga araw na kapiling ng don Ang tatlo nitong mga anak.

Dumating ang sandali nang pamamaalam ni Alicia. Halos bumagsak ang langit sa don. Tila nawalan na din ito nang lakas para tumayo nang tuluyan na siyang iwan ng kanyang asawa.

Walang araw na hindi dinadalaw ng don ang puntod ng asawa. Na siyang nagpalugmok sa don sa matinding kalungkutan.

At sa mga sandaling iyon tanging si Jaydan lang ang nariyan para maging sandalan nito. Nakapag asawa si Jaydan ng isang guro, si Madel , at isinilang si Jordan.

Naging paboritong apo ng don si Jordan dahil sa lahat, tanging si Jordan lang ang nasubaybayan nitong lumaki at na kasama niya.

Namana ni Jordan ang pagiging malambing nito sa kanyang ama. Simula nang nagkaisip si Jordan, siya na ang parating kasama ng kanyang Lolo kahit saan ito magpunta.

At Ang lahat ng mga masasayang ala-ala na iyon ay tuluyan na ngang maging ala-ala ng nakaraan. Namatay ang don sa di matukoy na karamdaman.

Agad nakarating Ang Balita nang kanyang pag panaw sa tatlo pa nitong mga anak at sa Ika apat na araw ng kanyang burol dumating ang mga ito kasama Ang kanilang mga anak.

At sa unang pagkakataon nagkita kita Ang mga apo ng don. Si Klinton anak ni Kervie, si Russell na anak ni Klariz at si Felip na anak naman ni Karryl. Mga matitikas ,gwapo at matitipuno Ang mga uniko iho ng mga anak ng don. At halos mag kakalapit lang Ang edad ng mga ito kay Jordan.

Naging magkasundo agad Ang mag pipinsan. Nakita ng apat ang pagiging magkatulad nito sa kanilang mga ugali at hilig. Laking probinsiya man si Jordan pero hindi naman ito huli sa mga nakasanayan ng mga taga pinsan nito na lumaki sa ibang Banda.

Matapos mailibing ang don, binasa agad ng family attorney nila ang huling habilin ng don at Ang pinagparte partihang mana at kayamanan ng don.

At gaya nang inaasahan ng lahat malaki Ang napunta sa pamilya ni Jaydan. Lalo na ang malaking porsiyento ng lupain ng don.

Bagamat sumang ayon Ang lahat sa harapan ng attorney, Tinik naman ito sa lalamunan ni Kervie. Hindi nito matanggap na mas malaki pa ang parte ng kapatid nitong bastardo.

“Ako ang panganay, dapat sa akin iyon. Nag mumukha tayong saling pusa sa pamilyang ito. Tayo ang original, tayo dapat Ang makikinabang.” pang gagalaiti ni Kervie habang nag uusap silang magkapatid.

“kuya ,Wala tayong alam sa mga pamamalakad dito, Lalo na sa mga lupain ni papa,  tingin ko deserve naman ni Jaydan ang parte niya. Malaki naman ang iniwan sa atin ni papa.  Then, ang parte ng lupa na naiwan sa atin ibenta na lang natin. Ok na Ang buhay ko sa Canada. “ Ayon pa kay Karryl.

“May point si Ate ,Kuya. we had enough at subrang laki din naman ng iniwan sa atin ni papa.  Hayaan na lang natin ang kay Jaydan. After all si Jaydan lang sa atin nanatili sa tabi ni papa hanggang sa huli niyang sandali. Para sa akin sapat lang naiwan sa kanya. At for sure mas mapapangalagaan pa ni Jaydan ang mga lupain dito ni papa. Sumangayon na lang tayo doon kuya.” para pa Kay Klariz.

“No! Sampid lang sila sa pamilyang ito. They don’t have the right na angkinin ang pag aari natin. Hindi ako papayag, babawiin ko ang para sa akin. kukunin ko Ang dapat na akin. “


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.