loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Last Time (BxB)

The Last Time (BxB)

MrAoiKun · 22 chapters · 44,909 words

Preview

Pinipilit kong habulin ang kanyang flight. I know it will be impossible. Pero kailangan kong subukan. Kahit naninikip ang dibdib ko at gustong gusto ko nang sumabog sa samu’t saring emosyon na nararamdaman ko ngayon ay sinubukan ko paring magdrive ng maayos and fast enough to reach the airport.

Hindi ko kayang mawala nalang siya. I’ve done everything to fight for our love. For our relationship. Pero ako rin naman ang gumawa ng dahilan upang bumitaw siya. Upang tuluyan niya akong iwanan. And its killing me now..

Sobra pa sa sakit ang nararamdaman ko. Maybe this is agony. Agony that maybe I deserve. Hindi ko na kasi alam kung sino pa ba ako.. I can’t make him love me again. Because I know he hates me more than anyone else now.

But I am trying. I am trying to win him back. Gusto kong ipagpatuloy namin ang mga masasayang sandali. Ang masasayang sandali na kailanman ay hindi ko napahalagahan.

I reached the parking lot of the International Airport and I didn’t waste anymore time. Mabilis akong kumaripas ng takbo pagkalabas ko ng kotse. It didn’t matter kung may mabangga pa ako or I came across with any obstacle. Ang nasa isip ko lang— ay si Rusty.

The terminal was so big that I had to move my eyes from corner to corner. Side to side. Nahihilo na ako sa kakahanap sa kanyang mukha but I’m not lucky enough para makita siya.

Agad akong nagtungo sa mga upuan hoping and praying na sana ay nandoon pa si Rusty. Nandoon pa ang taong labis kong nasaktan. And I have no right to question my fate. I made a mistake. And this is the consequence of that mistake.

Hindi naman ako nabigo.. Hindi ako nabigong makita siya sa hilera ng mga upuan sa waiting area. He was emotionless when I finally got his attention. Akala ko talaga hindi ko na siya makikita pa.. But maybe this is a sign for me to ask for his forgiveness again.

“R-Rus–” saad ko habang papalapit ako sa kanya. I can see anguish in his eyes. That anger slowly burst out of him nang tumayo siya at harapin ako.

“What the hell are you doing here?!” he asked me in a harsh way. Para talagang pinagtatabuyan na niya ako.

I don’t know what to say, honestly. Natahimik nalang ako nang tumulo na ang luha sa kanyang mata.

Sh*t!! I hate it when I see him shedding tears in front of me.

“Hanggang dito ba naman, Keagan? Kailan mo ba ako lulubayan?!” he said continously wearing his anger.

“R-Rus.. Please, please give me another chance..” iyon nalang ang nasabi ko and just as I said those words, napaluhod na ako sa harapan niya.

Wala na akong pakialam kung gumawa man ako ng eksena dito sa airport. Ang mahalaga ay bumalik sakin ang taong ikakamatay ko kung mawala sakin ng tuluyan.

“Kahit lumuhod ka pa at magmakaawa, hindi mo na maibabalik sa dati ang lahat.. Nakakapagod na, Keagan. Nakakapagod kang mahalin. Alam mo ba yun?” he was aching and hurting so much while he was saying those words. Unti-unti akong nauupos sa aking linuluhurang sahig.

My strenght and will to keep on is slowly fading. Dahil sa mga binitawan niyang salita. Siguro nga totoo lahat ng sinabi niya. Napakawalang kwentang tao ko. Nasa harap ko na ang taong minahal ko sa kabila ng lahat ng kagaguhan ko, but still I was blind enough to see his real worth.

“Isa pa.. Isa pa, Rusty. Isang pagkakataon pa.”

“Sa tingin mo ba ganun nalang kadali sakin na ibigay sa’yo ang gusto mo? Gagawa ka ng kagaguhan and you will think na hindi ako masasaktan?”

Napatingala ako sa kanya ang his eyes were full of tears. This was too much to take.

“I didn’t mean to hurt you.. I never wanted to hurt you. I was— I was carried away.”

“Tama na.. Tama na ang mga paliwanag mo. I’m damn tired to even look at you. Alam mo? Nasusuka ako kapag tinitingnan ka.. I’m ashamed of my own self for loving a self-centered monster like you.”

Hindi na ako makagalaw. I just look at him and I know my eyes are also now in tears. Masasakit na salita ang binibitawan niya pero alam kong deserve ko lahat ng iyon.

Biglang tinawag ang mga pasahero ng flight patungong Switzerland. And I know it is the flight where Rusty is boarding.

“Please Rusty.. Don’t do this to me..” pagmamakaawa ko pa sa kanya. Wala na akong pakialam kung pathetic or miserable ang tingin sakin ng mga tao.

“Nagsayang ka lang ng laway mo.. You better give those lines to the dead Rusty you just left outside your door.”

And he left me on my knees. He never looked back again while I was watching him walking to the departure area and seen the last moment of our love story..

A new love story that believes in second chances.. Chances that is uncertain. Chances that are risky. Chances that is hard to be given. Chances that will change everything. Chances that will prove love can conquer everything. Chances that can give you the happy ending that you always wanted…

Coming Soon..

The Main Characters

TLT 1

We always want a happy and fulfilled life to live. And sometimes life also messes with us to get it—

     

Rusty

     

Tahimik kong binuksan ang pinto ng aking unit. Pagod na pagod ako mula sa maghapong pag-upo sa opisina. Parang gusto ko nalang matulog dahil dumagdag pa ang traffic na dinaanan ko makauwi lang.

      Napasalampak ako sa sofa ng maliit kong sala. Sinubukan kong ipikit ang aking mata upang makapagpahinga ako kahit saglit lang.

   Bigla naman akong may naalala at agad kong kinapa ang aking phone sa bulsa ng aking pantalon. I checked on the screen pero walang kahit anong message o missed call manlang na nakaregister doon. Huminga nalang ako ng malalim at ibinaba sa maliit na mesa ang phone ko. Sumasakit ng kunti ang aking sentido kaya naman agad na akong tumayo at tumuloy sa aking kwarto upang itulog na ang aking masamang nararamdaman.

    But something caught my eye before I slowly fell into a deep slumber.

     Ang picture naming dalawa na nasa bedside table ko. Our happy and smiling faces in the heat of the sun. I tried to smile pero sa tuwing naaalala ko ang mga panahong masaya at walang problema sa aming dalawa, naiiyak nalang ako bigla.

    ———––

     Napamulat ako sa ingay na nagmumula sa sala. Nakabukas ang ilaw ng kwarto at may nakasabit na damit sa mga sabitan. He is home. Napangiti ako ng mapakla.

    Bumangon ako sa kama at agad na nag-inat bago pumasok sa banyo upang maghilamos. I checked the time and it was almost 9 PM. Kaya pala gutom na ako.

    Pagkatapos kong maghilamos ay agad akong nagpalit ng aking damit. Shorts at sando. My typical clothing when I’m at home.

    Nang iawang ko pa ng maluwag ang pinto ng kwarto, nakita ko si Keagan. Holding a can of beer in his hands at mga upos na sigarilyong nasa ashtray. Umiling nalang ako at nagtuloy sa kusina upang makapaghain na ng aking makakain.

    “How was your day?” biglang tanong ni Keagan and I looked at his direction. Ibang iba na siya sa dating Keagan na minahal ko. Ang Keagan na minahal ko ng sobra-sobra. Ang masayahin at palangiting Keagan.

     “It was fine.” tangi kong sagot bago muling humakbang patungo sa maliit na kusina. Narinig ko pa ang pagyupi niya ng beer can na kanyang hawak.

    “For how long will you treat me like this, Rusty? Hindi ka pa ba nagsasawa na iwasan ako?” may hinanakit sa tinig niya habang ako ay patuloy na tinitingnan sa ref ang pwede kong mabilisang lutuin.

     “Hanggang kailan mo ako ituturing na parang hangin? Ilang beses pa ba akong hihingi ng tawad for you to forgive me?” sunod sunod pa niyang tanong na kinatigil ko.

   Hinarap ko siya at naabutan ko siyang nakatayo malapit sakin.

      Ang mga tingin niya sakin ay para bang ako pa ang may kasalanan. Pinaparamdam niya sakin na siya ay biktima lamang na hindi ko naman mapaniwalaan.

    “Bakit, Keagan? Noong nakipaghalikan ka sa babaeng ’yun sa harapan ko mismo, inisip mo ba kung ano ang mararamdaman ko?” di ko alam kung ano ba ang mararamdaman. Sumisikip bigla ang dibdib ko at parang pinipiga ako ng paulit-ulit kapag naaalala ko ang gabing iyon.

    “For godsake! It was just a kiss.. Walang ibig sabihin yun! Ilang beses ko nang pinaliwanag sa’yo that I was just drunk. Hindi ko alam ang ginagawa ko. I was out of control.”

   “She was your ex.. Ang babaeng halos sirain na ako sa lahat ng tao dahil lang di niya matanggap na ako ang pinagpalit mo sa kanya. And what do you think I would feel? Na ayos lang sa akin ’yun?” singhal ko sa kanya bago ko siya muling talikuran.

    “Ikaw ang pinili ko dahil ikaw ang mahal ko.. Can’t you see that? Dito ako umuuwi sa unit natin. Dito ako umuuwi sayo.. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko?”

    Napahugot ako ng hangin at pilit kong pinipigilan ang pagluha. He just don’t know how much pain I am feeling right now.

     “Paulit-ulit mong sinasabi sakin na ako ang pinili mo pero kahit kailan, hindi mo ako minahal ng kagaya ng pagmamahal mo kay Violet.”

    Natahimik siya at naramdaman ko ang paglapit niya sakin lalo. Pinilit niya akong yakapin mula sa likuran pero tinulak ko siya palayo.

     “What happened between me and Violet were all in the past, Rus.. Bakit hindi mo ako kayang paniwalaan?”

     I remained silent at itinuon nalang sa pagluluto ang aking atensiyon. Mahal na mahal ko si Keagan pero sobra parin akong nasasaktan sa kanyang ginawa. And I don’t even know kung hanggang saan ako dadalhin ng sakit na ito..

  “Fine.. Kung ganito ang gusto mo, maybe I’ll just move out and go back home. Total, wala ka namang pakialam sakin. You just keep on ignoring me. Might as well leave this place for good.” tila pagsuko na niya sa aming dalawa.

     Ito na ba? Ito na ba ang panahon na ikinatatakot ko? Ang tuluyang mawala sakin si Keagan?

    Humarap ako sa kanya at kita ko ang pamumula ng mukha niya. I don’t know if he is about to cry or what but just thinking about him leaving? Hindi kinakaya ng kalooban ko. Hindi ko rin kayang mawala siya sakin.

    Agad akong lumapit sa kanya at mahigpit ko siyang niyakap. Bahala nang magmukha akong tanga.. Bahala na kung linunok ko ang pride ko. I can’t let him go. Hindi ko kayang mawala sakin si Keagan.

   “I’m sorry… I’m sorry babe.. Sorry if I treated you badly.” naiiyak kong saad sa kanya at humigpit din ang kanyang yakap sakin.

    “No.. Its my fault. Hindi ko dapat hinayaang pagdudahan mo ang pagmamahal ko sa’yo. Hindi ko sana inisip na makakaya mo akong iwanan para balikan si Violet.” lalo pang naglawa ang mga luha ko sa balikat ni Keagan.

    “She will never take me away from you… Dahil ikaw ang mahal ko, Rusty.. Ikaw lang.” paniniguro pa niya bago ko siya kabigin sa kanyang mukha at masuyo ko siyang hinalikan sa labi.

    Lumalim pa ang aming halikan to a point na gusto kong maramdaman ulit ang mainit na pagmamahal niya sakin. He hungrily kissed me and stripped me down to my nakedness.

    The next thing I remember ay nasa kama na kaming dalawa at dinadama ang sensasyon ng aming mga nagiinit na katawan.

   ——————

    “So ganun nalang? Pinatawad mo na? Wow! Ikaw na ang modern GomBurZa.. Actually either one of them kasi isa ka lang naman.” maarteng saad ni Bianca sakin habang nasa coffee shop kami na katapat lang ng company na aming pinapasukan.

    “Look, ayokong ijudge ka bestfriend, pero hindi ka ba nagsasawa sa ganyang setting? Hindi malaman ng jowa mo kung babae ba o lalaki ang gusto niya? I mean, he can’t have two person in his one d**k!”

   Naitapal ko ang kamay ko sa kanyang bibig at tinaasan ko lang siya ng kilay.

    “Bianca, were okay now. Iyon ang importante sakin. It was all a mistake. Hindi ko lang talaga matanggap na naabutan ko sila ng ex niya na naghahalikan sa loob ng isang bar and they seem like enjoying it.” sambit ko na kinalukot ng noo ni Bianca sabay tanggal ng kamay ko sa kanyang bibig.

    “See? Napansin mo na nag-eenjoy sila sa kissing scene na ’yun? It means na meron pang nararamdaman si Keagan para sa ex niya! Rus, wake up! Pinaglalaruan ka lang ni Keagan..” she exclaimed at umiling lang ako.

    “He assured me na hindi na ulit yun mangyayari. Anong klaseng boyfriend ako kung patuloy ko siyang pagdududahan. I have to trust him again. Para bumalik na kami sa dati.” pagdepensa ko parin sa aming relasyon ni Keagan.

    “Sinasabi ko lang na mas lalo ka lang masasaktan. Guys who are confused with their feelings, will never learn to love truthfully.” ang huling binitawan niya bago siya tumayo at dinampot ang kanyang iced coffee at lumabas na ng coffee shop.

   Naiwan naman akong nag-iisip sa huling sinabi ni Bianca.  Guys who are confused with their feelings, will never learn to love truthfully.

    Mula nang maging kami ni Keagan ay hindi na kami nawalan ng problema. We fought for our love obviously. Pinalayas na siya ng kanyang mga magulang sa kanilang malaking mansion. He is a son of a billionaire. Napakayamang tao ng ama ni Keagan and with him being with me made his parents furious. Tinanggal na sa kanya ang karapatan bilang isang Chiu at ang nakababata niyang kapatid na ngayon ang trinitrain ng kanyang ama bilang CEO ng kanilang kompanya.

    Pinili parin niya ako sa kabila ng lahat ng iyon. Because he loves me. But somehow, living a life so far from the life he had before ay naging isa pa sa mga problema naming dalawa. He demands a lot of things pero hindi ko naman iyon naibibigay sa kanya dahil isa lang akong regular na empleyado sa isang di kalakihang kompanya.

    He was used to the luxury. Hindi siya nagsusuot ng hindi mamahaling damit. Lahat ng kakainin niya ay dapat organic. He was so sensitive with heat na namamantal ang kanyang balat. Kailangang air-conditioned palagi ang buong paligid kaya halos lumuluwa ang mata ko kapag nakikita kong umaabot ng 6k to 7k ang bill ng kuryente ko every month.

   Pero tiniis ko lahat ng iyon. Pinangako ko sa kanya na aalagaan ko siya. Dahil mahal na mahal ko siya. And he also proves to me na mahal niya ako. He is trying to get a job pero dahil sa lakas ng impluwensiya ng ama niya, lahat ng sinubukan niyang applyan na trabaho ay tinatanggihan siya dahil ayaw ng mga kompanyang iyon na harapin ang galit ng ama ni Rusty.

   I took some deep breaths and look exhales bago ko damputin ang aking bag at ang iced coffee na inorder ko at napagpasyahan ko nang bumalik sa trabaho.

   While I was walking on the parking lot ay napaatras ako bigla nang bumukas ang isang kotse at linuwa nun ang isang matangkad at hindi maitatangging napakagwapong nilalang. Agad niyang sinuot ang shades niya matched with a casual white shirt and jeans at isang white na running shoes. Napapahinto talaga ang lahat kapag dumadaan siya dahil ganun kalakas ang epekto niya.

   Mr. Suzuki Miyasaki. Ang anak ng CEO ng aking kompanyang pinagtratrabahuan. He looked at my direction at binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti bago naglakad patungo na sa entrance ng building.

   Naiwan akong nakatulala dahil sa kanyang ginawa. Bakit siya ngumiti ng ganun? May ibig sabihin ba yun?

    Most of the people in our company knows na isang playboy si Suzuki. Lahat na ata ng kalokohan ay napasok na niya. He even got into a relationship with a married woman.

   Well it was all hersays. At hindi ko naman dapat pagtuunan ng pansin ang bagay na’yun. Ano ba ang pakialam ko sa kanyang buhay? I have my own business to think of. At yun ay ang maibalik sa dati ang relasyon namin ni Keagan.

    Nang makapasok ako sa loob ay nagmamadali akong tumungi sa elevator. Papasara an ang isa sa mga iyon at halatang isang tao lang ang laman kaya nagmadali akong pigilan ang pagsara nito at nagulat nalang ako nang malaman kong si Suzuki pala ang nasa loob nito.

   Nakatingin siya sakin at walang anu-ano at hinablot ako papasok sa loob. Labis kong iningatan na huwag matapon ang aking iced coffee na dala dahil kapag natapon ito sa kanya.. Lagot talaga ako.

   Buti nalang at malakas ang reflex ko at wala namang masamang nangyari except that I found myself holding his big chest at agad akong napaiwas nang malaman ko ’yun.

   “You must be in a rush? Pati iced coffee mo dinala mo na papasok sa company?” sunod sunod niyang tanong habang nakangiti sakin.

   I know this is wierd but I felt my cheeks were burning red dahil sa kanyang pagngiti sakin. Napapalunok din ako ng laway dahil sa kanyang presensiya.

    “What’s your name?” tanong pa niya ulit and I cleared my throat para makapagsalita ako ng maayos.

   “R-Rusty Buencamino, Sir..” mahinahon kong pagpapakilala.

    “Rusty… Hmm.. Cool name. I like you already.” sabi pa niya sabay tanggal ng kanyang shades and he suddenly winked at me.

   Ano bang ginagawa niya? Is he flirting with me?

“Well… See you around, Rusty.” he said in a very sexy way bago ko napansin na nasa 8th floor na pala kami. The same floor that I was going. Lumabas siya at napalabas nalang din ako.

   Sinundan ko pa siya nang tingin at pumasok siya sa HR Department na katabi lang ng Marketing Department where I was working.

    He was wierd. Pero hindi ko na inabala pa ang sarili ko na isipin siya.. My mind just got back to thinking about Keagan and I found an idea. I will try to surprise him. Maybe a weekend getaway para naman magkaroon kami ng panahon na makahinga.

    

T.B.C.

      So this is the first chapter of my new story.. Simula palang marami nang nangyayari. I hope na subaybayan niyo ito.

     Because this is all heavy drama. Sana matouch kayo sa bawat bato ng linyahan ng ating mga bida. Gusto ko naman na masaktan kayo. Hahaha. Joke lang..

     Anyway.. Thanks for reading.. Vote and Comments are greatly appreciated. 💙

TLT 2

Rusty

   

“Sir? Ano pong ibig sabihin nito? Ililipat niyo na ako ng department?” sunod sunod na tanong ko sa aking superior. Si Mr. Flores na head ng Marketing Department.

    “Well, Mr. Miyasaki asked of you personally. Ayaw kitang ibigay sa totoo lang. You are my best strategist here in our department. But its the CEO that is asking for you.” dismayado ang boses ni Mr. Flores habang ako ay hindi rin maitatanggi ang pagkalungkot sa pagkakalipat sakin sa ibang department.

    “Executive Department is not my thing. Wala akong gagawin dun kundi magpapirma lang ng mga papel at maghintay na matapos ang meetings ng board and print minutes. I can’t use my knowledge kung mananatili ako doon.” I strongly defended my stand pero nabigo parin ako.

    “I hate to send you there pero wala tayong magagawa. And I know how much you love your job. I can only do what the boss is asking. Pareho tayong malalagot kapag sinuway natin siya.”

   Without any more hope na mananatili ako sa Marketing ay agad na akong lumisan sa kanyang opisina at bumalik sa aking work table. Inayos ko ang aking mga gamit at kita ko ang pagkagulat ng aking mga kasama sa department.

   “Rusty? What the hell are you doing? Bakit ka nag-aayos ng mga gamit mo?”

    Napalingon ako at naabutan ko si Liza na puno ng tanong ang mga titig sakin.

    “I’m being transferred to the Executive Department.” malungkot kong tugon sa aking close na kaibigan dito sa Marketing.

    “What? No way.. Hindi ka pwedeng umalis dito. What about the product concepts? Anong gagawin natin dun?”

   Biglang lumabas si Mr. Flores at inagaw niya ang atensyon ng lahat.

    “I want you all to know that effective today, lilipat na si Rusty sa Executive Department. The CEO asked for him. They need more people up there dahil alam niyo naman, transitory period na ngayon ang kompanya. Suzuki will be taking over soon.” anunsyo pa ni Mr. Flores.

   Narinig ko ang lihim na pagkadismaya ng mga katrabaho ko. Sa dalawang taon na pagtratrabaho ko dito ay naging malapit narin kami sa isa’t-isa.

   So this was all about Suzuki? Siya ba ang humiling kay Mr. Flores na ilipat ako sa kanyang department?

    “But how about the product concepts na binubuo namin? This is ridiculous, Mr. Flores. Ngayon pa talaga kung kailan malapit na natin ilabas ang bagong line up ng products?” pilit na protesta ni Liza.

    “We can’t do anything but just follow the rules. Kundi lahat tayo ay mapaparusahan.” madiin namang sagot ni Mr. Flores na kinatahimik ng lahat.

   As much as I want to stay, wala na akong magagawa. Kailangan kong tanggapin ang inatas sakin.

   —————

     Tangan ang aking box ay nagtungo agad ako sa elevator at pumasok ako doon at pinindot ang tenth floor. Bumukas iyon at nasa harapan ko mismo ang reception area. Naabutan ko si Gretchen na nagreretouch ng kanyang makeup. Siya ang receptionist ni Mr. Miyasaki. Magandang babae pero alam kong malandi din tulad ng karamihang pumapasok bilang secretary or receptionist ng matanda.

    “Oh my.. Naliligaw ka ata? What are you doing up here, Mr. Buencamino?” taas kilay niyang tanong sakin at napansin niya ang bitbit kong mga box.

    “Ah– Did Mr. Miyasaki fired you or something? Kawawa ka naman.. I thought you are the best employee of Miyasaki Enterprise.”

     Hindi ko na siya pinansin at naglakad na patungo sa pintuan ng CEO.

    “Mr. Miyasaki doesn’t want to be disturbed.. Nasa loob ang bago niyang flavor of the month.” puna pa niya sa binabalak kong gawin.

    “Then call him and tell him na nandito na ako at naghihintay sa kanya.” sambit ko pa in an authoritive way. Baka nakakalimutan niyang senior employee na ako dito.

     Tinaas niya lang ang kilay niya at agad pinindot ang intercom. Sumagot naman ang matanda dito.

    “Pasok ka na daw.. Kung di lang maganda ang mood ko..” di na niya natuloy ang sinabi niya dahil nagtuloy tuloy din naman akong pumasok.

    The office was wide and well organized. May set ng sofa and tea table para sa mga bisita na pwedeng pagpahingahan. Book shelves at chandelier na nakasabit sa ceiling nito. Glass walls na kita ang napakagandang view ng buong lungsod.

    Mr. Miyasaki was half naked while the woman in front of him was kissing him like a thirsty mosquito.

    Tumungo lang ako dahil ayokong maging pakialamero sa paningin niya. Natawag niya ang atensyon ko ng tumikhim siya. Tumigil na pala sila sa ginagawang kalaswaan.

    “Mr. Buencamino.. Come over and sit down. We need to talk.” saad niya at ikinompas na lumapit sa kanya.

    Even at his old age, hindi matatanggi na isang gwapong lalaki si Mr. Miyasaki. Maganda parin ang katawan niya at halatang inalagaan niya. Nakakarga pa sa kaniya ang kanyang kalampungan kanina na mukhang kaedaran ko lang. She was pretty, I give her that. At mukhang nakuha niya talaga ang attention ni Mr. Miyasaki. Malaki nga talaga ang kanyang hinaharap.

   Patay malisya ako at umupo sa swivel chair na nakaharap sa kanya.

   “You already know that I am retiring soon, right?” simula niya at tumango lang ako.

    “I was well informed, Sir. And I owe you a lot for keeping me as your employee.” sambit ko pa at pagbibigay narin sa kanya ng aking pasasalamat.

    “My son, Suzuki will take over soon. And he asked me if you can be his executive assistant? Are you willing to do that?”

    “Mr. Miyasaki, with all due respect. I did not finished my masters in marketing and strategy just to be an executive assistant. I can do more to the company than to just be your son’s assistant.” hindi ko napigilang ipagtanggol ang sarili kong pride.

   Hindi ako nagpagod mag-aral para lang maging assistant ng CEO.. I know my worth.

    “You’ll be payed double than what you earn in the Marketing Department. And I know how good you are. You made a lot of brilliant product ideas and good marketing strategies. But my son’s favor is far greater than what you achieved for the company. Unless you want to take your things and be gone for good?”

    Hindi ko maitatanggi na kinabahan ako sa huli niyang sinabi. Ayokong mawalan ng trabaho. Lalo pa ngayon na nagsisimula na ulit kami ni Keagan. I have to make sure that I stay on this company.

    “I didn’t mean it that way, Sir. My apologies. If that is what you want, I will humbly accept your offer.” sagot ko naman at nakita ko ang pagngiti niya.

     “Good.. Then off you go to his office. Its in the far left of this floor. Its a new office I personally asked to be made for him. While we are still in transitory period. After I retire, this is gonna be his office. Now, I don’t wanna be disturbed anymore. I need some private time.” sabay kindat pa niya sakin at ngumisi pa sakin ang kanyang kaharutan. I simply nodded at agad na linisan ang kanyang opisina.

    Wala si Gretchen sa reception area at agad kong tinungo ang opisinang tinutukoy ni Mr. Miyasaki.

    I knocked on the door pero walang sumasagot. I clamped the doorknob at nakabukas naman ito kaya tinuloy ko na ang pagbukas nito at nagulat pa ako sa aking naabutan.

    Nasa mesa si Gretchen while a man was pushing his hips in front of her. Wait? Nagsesex talaga sila dito sa opisina? What the hell is going on here?

     “Is this how you will manage your company? Fucking inside your own office?” hindi ko na napigilang magsalita habang sarap na sarap sila sa ginagawa nila.

    “What the hell are you doing here? Can you not knock on the door before you get in?” galit na galit si Suzuki at agad na ibinalik ang nabitin niyang pagkalalaki sa kanyang pantalon.

   Si Gretchen naman ay parang uod na aligaga sa pag-aayos ng kanyang sarili.

    “Well, I did knocked three times.. I think that was enough for you to hear it. But I think, sarap na sarap kayo sa ginagawa niyo kaya di na ako nag-abala pang kumatok ulit.”

    Ang pagkaimbyerna ni Gretchen ay halatang halata dahil nang maiayos niya ang kanyang hapit na hapit na red dress ay agad siyang naglakad palabas ng opisina.

    “What are you doing here anyway? I don’t need you right now. Tatawagin kita kung kailangan kita.”

     “Your father sent me here.. And I think you know that your father is the CEO of this company. Kaya kahit tumanggi akong pumunta dito, I need to come here. Para hindi ako mawalan ng trabaho.”

   Umiling nalang siya at nagalakad patungo sa ref na nasa pinakagilid ng kanyang table front. Kumuha siya ng tubig at agad uminom.

     “Bakit ako ang gusto mong maging assistant?” tanong ko pa sa kanya at tumaas lang ang kilay niya nang ibaling niya ang tingin niya sakin.

     “Because I like you.. Diba sinabi ko sayo yun? Remember that day in the elevator?” saad niya pa at naalala ko nga ang araw na yun..

     “I’m hoping that this is all professional. Because anything more than that is not gonna work for me.”

     Lumapit siya sakin at sinuklay niya pataas ang maguli niyang buhok.

     “Why? Natatakot ka bang maging more than professional ang relasyon nating dalawa, Rusty?” saad pa niya and I look down para hindi ko matitigan ang kanyang mata na halatang inaakit ako.

     “Ayokong pahirapan natin ang ating pakikitungo sa isa’t-isa. And I am in a relationship so I think its enough reason for you to take me in a professional manner, Sir.”

    Tumawa pa siya ng mahina bago tuluyang bumalik sa kanyang swivel chair.

     “Then you just given me more challenge then.. It would be nice to take someone from someone else, dont you think?”

    Napatingin ako sa kanya in a very confused way. Anong binabalak niyang gawin? Is he for real?

   —————––

    Nang makauwi ako sa condo ay patuloy parin akong ginugulo ng mga sinabi sakin ni Suzuki. Napakabastos na nga, ang lakas pa ng loob na pagbantaan ang relasyon ko.

    Wala pa si Keagan nang dumating ako at naabutan ko ang nagkakalat na mga damit sa sofa. Ang mga upos ng sigarilyo at mga empty beer cans na ininom nanaman niya.

    Kahit naman anong gawin ko, alam kong hindi na niya ito titigilan. He was thrown out of his comfort zone dahil pinili niya ako. And now, I have to take all the responsibility. Kahit minsan ay nasasaktan narin ako dahil pinipilit man naming ayusin ang isang bagay, patuloy na may sumusulpot na bago.

    The weekend getaway I planned for us didn’t go well. Dahil nakipagbasag ulo siya sa isang nakabanggaan niya sa bar sa resort na aming piniling pagbakasyonan.

    Imbis na makahinga ako ay mas lalo lang akong nastress. Ang pagtatakwil sa kanya ng mga magulang niya ay naging malaking bagay na dapat kong unawain. Mas lalo ko dapat siyang intindihin.

   Inayos ko ang mga nagkalat na damit at may nakapa akong isang pakete sa bulsa ng kanyang pantalon. Nang kinuha ko iyon ay isang gamit na condom ang laman nun. Napahawak ako sa aking bibig. Muli nanamang namayani ang kaguluhan sa aking isipan.

    Bakit may gamit na condom sa kanyang bulsa? Anong ibig sabihin nito.

    Agad ko itong itinapon sa basurahan at pinilit na kalmahin ang aking sarili. Hindi, hindi totoo ang naiisip ko.

    Bumalik ako sa pag-aayos ng kanyang mga damit. Lahat ng ito ay dinali ko sa washing area at linagay ko lahat sa washing machine. Para akong tanga na pinipigilan ang lumuha. Linagyan ko ng napakaraming sabon ang loob ng washing machine bago ito paandarin.

    Hindi niya magagawa iyon sakin.. Alam kong nangako na siya sakin na hindi na niya uulitin ang ginawa niya sakin.

    Itinapon ko ang mga beer cans at upos ng sigarilyo sa trash bag at nakita kong muli doon ang gamit na condom. How could this possibly happen? Hindi kami gumagamit ng condom kapag nagsesex kami..

     Guys who are confused with their feelings does not know how to love truthfully.

      Muling namayani sa isapan ko ang sinabi ni Bianca sakin noon. Paano kung tama siya? Paano kung pinaglalaruan lang talaga ako ni Keagan?

     Agad kong kinuha ang aking phone at dinial ang number ni Keagan.

     Nakailang ring na ito pero hindi siya sumasagot. Mas lalong namuo ang hinala ko. Mas lalo akong kinabahan na baka nagkabalikan na nga sila ni Violet.

    Isang tawag pa ang aking ginawa and finally may sumagot narin.

   “Hello..” narinig kong boses ng isang babae. And that voice just shattered me into pieces..

    It was Violet.

   

T.B.C.

TLT 3

                      

Mark Tuan (GOT7) as Rusty

Rusty

   

Hindi ko alam kung ilang beses na akong lumalagok ng sa hawak kong bote ng vodka. Nasa isang convenience store ako at naiisipan kong iinom nalang ang labis na sakit na nararamdaman ko ngayon.

   Gusto kong magwala. Gusto kong magsisigaw. Gusto kong sabihin sa mundo kung gaano ako katanga!

    Pero wala na akong nagawa pa kundi lunurin ang sarili ko sa alak. I don’t care kung magmukha na akong kawawa sa harap ng maraming taong lumalabas pasok dito sa convenience store. I just need this time to be alone. I just want my heart to let out all the pain I am feeling.

     “Rusty! What are you doing? Bakit ka naglalasing?!” sigaw ng isang pamilyar na boses. Bianca was in front of me at tinatangka niyang kunin ang hawak kong bote.

     “B-Bianca— Tara, samahan mo ako. Samahan mo akong uminom.” hindi ko alam kung lasing na ba ako o sadyang hindi ko maramdaman ang tama ng alak sakin.

     “This is not you, Rusty! Hindi ka umiinom.. Bakit mo ginagawa ’to?” I looked at her worried face at napangisi nalang ako sa kanya bilang tugon.

     “Alam mo– Pwede mo na akong tawanan ngayon.. Isang malakas at malutong na tawa.” sambit ko pa bago ko tangkaing inumin ulit ang boteng hawak ko.

    Inagaw na niya ito ng tuluyan sakin at ilinapag niya ito sa isang mesa.

     “Nababaliw ka na ba talaga? Why are you talking that way? Ano ba kasing nangyari?”

      Gusto kong umiyak.. Pinipilit kong huwag panghinaan ng loob dahil kapag nangyari yun, parang mawawalan ako ng hininga.

    “Iniwan— Iniwan na ako ni Keagan..” mahina kong sabi at namalayan ko nalang ang pagyakap sakin ng aking matalik na kaibigan. Doon na bumuhos ang aking luha at para akong mababaliw sa paulit-ulit na sakit na nararamdaman ko.

    “He doesn’t deserve you.. He never deserved you, Rusty.. Ikaw lang naman talaga ang naniniwala na mahal ka niya talaga.”

   Tama siya. Tama lahat ng sinabi niya. Ginawa ko ang lahat lahat para lang manatili sa tabi ko si Keagan. Pero siguro hindi niya talaga kayang mabuhay na kasama ako. Mabuhay ng simple pero masaya.

    Noong nagsisimula palang kami bilang magkaibigan sa University na parehas naming pinapasukan, napakadali lang ng lahat. He was that quirky and naughty guy na palaging napapaaway at nasasangkot sa gulo. While I was the timid and shy type na hindi mahilig makihalubilo sa mga tao.

    We became close noong parehas kaming nagjoin sa Performing Arts Club ng University. Palagi kaming magkasama kapag may mga events na magtatanghal ang aming grupo. But he was always the eye candy. Palagi siyang may kasamang babae. Kung sino sino ang naging girlfriend niya.

    Until he met Violet. Ang babaeng nagpatibok talaga sa kanyang puso. She was undeniably beautiful. Sophisticated and a woman of class. Lahat siguro ng lalaki ay pipiliing maging kasintahan si Violet.

     Nagkaligawan sila and eventually they end up being in a relationship. But during those times, may paghanga na ako kay Keagan. Keagan was this man that I always want to be with. Masaya kasi siyang kasama. Lagi kang tatawa sa mga jokes niya. Minsan pa ay dadaanin ka niya sa mga kanta para iparamdam niya ang emotions niya.

    He was the perfect man for me. Nasa kanya na ang lahat ng gusto ko sa lalaki. But I can’t seem to confess to him. Dahil all I know ay babae talaga ang gusto niya.

    Violet and Keagan dated for two years hanggang sa bigla nalang silang naghiwalay nito. Violet graduated from college at agad na nagtungo sa US para ipursue ang modelling career na pangarap nito.

    Keagan was left devastated nang maghiwalay sila ni Violet at bilang kaibigan niya ay dinamayan ko siya ng mga panahong iyon. Ako lang naman sa lahat ng mga kaibigan niya ang naiintindihan ang pinagdadaanan niya. Siguro hindi talaga sila meant for each other.

    Pinilit niyang mag-move on pero hindi niya magawa. Palagi siyang umiinom at para siyang sira ulong umiiyak nalang bigla dahil hindi niya matanggap ang paghihiwalay nila ni Violet. Sama ako sa lahat ng gimik niya kahit minsan napapabayaan ko na ang pag-aaral ko. Isinasakripisyo ko iyon para lang madamayan ko siya.

    Then one night, lasing na lasing si Keagan at sa dorm ko siya nakitulog. Wala naman akong choice kundi doon siya patulugin. Ayokong pabayaan siya sa ganoong kalagayan. And he just kissed me savagely. Hindi maproseso ng utak ko ang mga nangyayari ng gabing iyon. Hindi kailanman rumihestro sa isapan ko na gagawin ni Keagan sakin ’yun. And I just give in to it.

    Hindi ko alam kung tama ba ang nagyari pero nagising nalang ako kinabukasan na hubad ang aking katawan at nagkalat ang mga damit namin ni Keagan sa loob ng aking kwarto.

    He can’t remember anything that happened that night. Nagulat pa siya nang malaman niyang may nangyari sa aming dalawa. He was pushing me away dahil hindi niya matanggap na ginawa namin ang bagay na yun.       Linayuan niya ako. And that was enough for me to say na matatapos na ang pagkakaibigan namin. Gusto ko nalang tanggapin na kahit kailan, hindi niya ako mamahalin. Hindi niya ako titingnan ng higit pa sa isang kaibigan.

    But all those thoughts just vanished when he came to me one day, asking for my forgiveness at naalala na daw niya ang lahat ng nangyari. At gusto niyang panagutan ang mga nangyari sa aming dalawa. Gusto niyang magsimula ulit kami.

    We enjoyed each others company again. Hindi naman talaga ako nawalan ng pag-asa na mamahalin niya parin ako kahit isa akong lalaki, gay to be exact.

    And it did happen. Inamin niya nalang sakin isang araw days before we graduate na mahal na niya ako higit pa sa isang kaibigan.

     It was like a dream nang marinig ko ang pasasabi niya sakin ng “I love you” for the very first time. At para akong idinuduyan sa langit sa labis na kasiyahan. It was a fairytale come true for me.

     My head was slowly spinning dahil nagsink na talaga sakin ang epekto ng alak.

    “We need to get back to your condo now.. Lasing na lasing ka na.” anyaya sakin ni Bianca but I stopped her. Ayoko munang umuwi sa unit ko. Dahil ayoko paring makita ang ayos nito.

    “Just take me somewhere else, sa bahay niyo or in a hotel room.. Not my condo. Please, Bianca.” pagmamakaawa ko sa kanya while I was trying to get up from the chair I was sitting on.

    “Kapag nakita ko talaga ang lalaking yun.. Bubugbugin ko talaga siya. Napakawalang kwenta niya talaga.”

   Umiling lang ako sa sinabi ni Bianca. I don’t know pero gusto ko paring ipagtanggol si Keagan sa kabila ng lahat ng nagawa niya.

    “It was my fault. Sana hindi na lang ako naniwala sa kanya. Sana hindi nalang ako ulit umasa na mamahalin na niya talaga ako ng buo.” my voice was slowly cracking at ayoko nang magsalita pa dahil parang namaos na ako sa aking labis na pag-iyak.

    “Okay– Iuuwi nalang kita sa bahay. You can stay there for as long as you like.”

    Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay dahil siguro sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko sa oras na yun.

   ———————

     Nagising ako na parang umiikot ang aking paligid. Pilit kong iminulat ang aking mata at naabutan ko ang isang pink na dingding at isang glam table na may napakaraming nakalagay sa ibabaw nito. Inamoy ko ang pamilyar na amoy ng paligid ko. It was Bianca’s room.

    Pinilit ko talagang bumangon para makapaghilamos ako. I know where everything is positioned dito sa kwarto ni Bianca and I have to admit na napakaorganize niyang babae.

    I was about to get up nang may pumasok sa loob ng kwarto. It waa not Bianca, it was Borj. Her younger brother.

    “Mabuti naman at gising ka na.. You were a mess last night.” masungit na sambit sakin ng kapatid ng bestfriend ko.

    “Where is Bianca? Pasensiya na kayo sa abala.” mahina kong saad sa kanya dahil mukhang tuyong tuyo talaga ang lalamunan ko.

     “Nasa baba, naghahanda ng almusal. Anything you need?” presenta niya pero umiling lang ako.

     “Ano ba kasing nangyari? Why did you got drunk like that, Rusty?” may halong galit sa boses niya.

     “Borj.. Its none of your business. Just stay out of it.”

     “Sinaktan ka nanaman ba nung boyfriend mong napakaarte?”

      I looked at his direction at dinama ko ang mga titig niyang may halong galit at pagkadismaya sakin.

      “Sinabi ko naman sayo na iwanan mo na ang taong yun.. Hindi ka pa ba nagsasawa sa gulong dinadala niya sa buhay mo?”

      I tried to get up pero pinigilan niya ako. Wala akong lakas para makipagtalo sa kanya.

      “Stay out of it.. Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko so stop telling me what to do.. I know what I am doing.”

     “Talaga lang? Well look at you now.. Siguro nga naoverestimate kita. You look so strong and reliable when it comes to other people. But you yourself can’t figure out how weak you are.” sambit niya pa bago niya ako tuluyang iwan sa kwarto.

    Napasinghap nalang ako at sinubukan ko ulit tumayo. I know how to be strong. But I also know when to give up. Pero hindi ko na alam ngayon. Hindi ko parin kayang sumuko. May pag-asa parin ako sa puso ko na babalik din sa dati ang lahat.

     Naalala ko si Keagan. Agad kong kinuha sa aking bulsa ang aking phone at napakaraming missed call ang aking nakita sa aking screen.

    Shit! This is my first day with Mr. Miyasaki. At ngayon palang hindi ko na alam kung anong naghihintay na sa akin kapag nalaman niyang nagpabaya ako sa aking duty, unang araw palang ay sablay na ako.

    Nagmadali akong pumasok sa banyo at agad na nagshower. Naalala kong may isang pares ako ng blue polo at black slacks dito sa kwarto ni Bianca kaya iyon nalang ang isusuot ko.

   I’m in big trouble. Ayokong magpakalunod sa lungkot na tuluyang makakaapekto sa trabaho ko. Iyon nalamang ang inisip ko. Hindi ako pwedeng sumuko dahil lang sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.

   Agad kong tinuyo ang sarili ko at tinapisan ng tuwalya ang aking bewang. Nang makalabas ako ng banyo ay nasa loob na si Bianca at inayos na sa kama niya ang aking isusuot na damit.

    “Ako na ang magpapakasawa sayo. Total winalang hiya ka lang naman ng dapat gumagawa nito sayo.” saad pa niya na may hinanakit.

    “Thank you bestfriend. Maraming salamat dahil kahit kailan, hindi mo ako iniwan.”

     Umirap pa siya at tumalikod sakin pero tumawa siya ng mahina.

     “Ewan ko ba kung ano pang hinahanap ng Keagan na yun.. Eh mas maganda pa ang hubog ng katawan mo kesa sakin. Nakakainggit.”

     Ngumiti nalang ako ng pilit dahil sa isip ko, hindi ko rin alam kung ano pa ba ang kulang sakin?

     “At huwag mo nang pansinin ang pinagsasabi ni Borj sayo.. Alam mo naman ’yun.. Napakaprotective sayo. Feel na feel niya ang pagiging brother niya sayo.”

    Tumango nalang ako habang nagbibihis ako ng mabilis. Hindi ko naman iyon dinibdib. Alam kong nagmamagandang loob lang si Borj. He just wanted ti know what I was going through.

    “Mag-aalmusal ka pa ba o aalis na agad? Mukhang nagmamadali ka kasi masiyado? Its only 7 AM. 9 AM pa pasok natin.”

    “Nakalimutan mo na ba? Executive assistant na ang trabaho ko ngayon. At ayaw na ayaw ng bagong CEO na malalate ako.”

  Napatakip siya ng bibig niya. Naalala niya siguro bigla ang pagkikita nila ni Suzuki sa welcome party nito sa kompanya.

    “Shit! Ikaw talaga ang assistant ni Suzuki? My god bakla!! Ang swerte mo naman. Pwede bang makipagpalit ng position?”

    Umiling lang ako bilang sagot. Alam kong kalandian nanaman niya ang pinaiiral niya. Hindi niya alam kung anong klaseng tao si Suzuki. Baka mauwi lang kami sa isang drinking session kapag nalaman niya ang nakakasukang pagkatao nito.

    Nagmadali na akong magpaalam kay Bianca at agad na bumaba sa kanyang kwarto. Naabutan ko pa si Borj na kumakain sa kanilang hapagkainan.

      Tumango lang ako sa kanya bilang pagpapaalam sa kanya. Di siya nagaksaya ng tingin sakin. Ayoko naring ipilit.

    Siguro ito narin ang distraction na hinihintay ko. Ang pakikitungo sa isang taong hindi ko kailanman gugustuhing makasama.

    Dahil ang taong gusto kong makasama ay iniwan nalang ako na para bang napakadali lang sa kanya ng lahat. Pinilit kong pahirin ang nagbabadyang luha sa mata ko. I have to be strong. I need it right now.

    

T.B.C.

TLT 4

     

Dae Na as Suzuki

    

Rusty

    

Matatalim na titig ang aking nasalubong mula kay Suzuki. He seem infuriated dahil siguro sa aking hindi pagsagot sa kanyang mga tawag. He looks like a real boss on his nicely tailored black suit with a grey necktie. Nakatayo siya sa glass walls ng opisina at may hawak na baso ng tubig.

    “Why won’t you take my calls, Rusty? What were you doing last night?!” bulyaw niya sakin na kinaigtad ko naman. Nanatili akong composed sa harapan niya. I expected this. Alam kong hindi magiging madali sakin ang maging assistant ng isang tulad ni Suzuki.

     From what I see sa ilang araw naming pagtratrabaho ng magkasama, lagi siyang focused sa mga detalye ng bawat proposals at releases ng products. Pati mga contracts at accounting matters ay tutok na tutok siya. Hindi siya yung tipong basta nalang uupo at pipirma sa lahat ng mga resolutions or evaluations na natapos nang gawin. He wants it to be checked at least three times bago niya ito tuluyang pirmahan.

    He is bound to be a great CEO. But the downside of him, is his antics. Marami siyang kalokohan na hindi mo alam kung hanggang saan mo kakayanin. Siguro nagmana talaga siya sa kanyang ama. Magaling sa negosyo pero magulo ang buhay.

     “I’m sorry, Sir.. Something just happened back home last night. Personal matters.” tangi kong naisagot sa kanya.

     “Well whatever it was, I am you boss.. And if I am calling you, you should answer it right away!” galit talaga siya sa paraan ng pagsigaw niya sakin.

      “I apologize for my mistake, Sir. It will be the last time that I will do such things.”

     Lumapit siya sakin at hindi ko maiwasang tumitig sa kanya dahil sa malakas na commanding aura niya.

     “So nag-inom ka kagabi, kaya ka hindi nakasagot? First day of work tapos mag-iinom ka the night before? How unprofessional of you to take this job you have as a simple matter.”

   Hindi na ako nagsalita pa at tumungo nalang ako para hindi ko na makita ang panunuya sa mata niya. Nahalata niya siguro ang paglalasing ko kagabi. Well, mahahalata talaga dahil sa pamumula ng mga mata ko.

   “Call every members of the board. We will have a meeting by 9 AM. And please, drink coffee nang mawala naman ’yang pagiging lutang mo. I can’t have an assistant who is not taking care of his ownself.”

    The last line hit me hard. Ganun na ba ako kapabaya sa sarili ko? Nawala naba talaga ang sense of responsibility ko sa sarili ko?

    Siguro nga dahil lahat ng oras ko at ng atensyon ko ay naibuhos ko na kay Keagan that even I can’t realize na napapabayaan ko na ang sarili ko.

   He walked slowly towards the coffee machine at agad siyang nagsalin ng kape sa cup na kinuha niya sa maliit na pantry ng kanyang opisina. At bumalik siya sa aking kinatatayuan upang iabot sakin yun.

    “I like you, Rusty.. But what you are doing with yourself, it will destroy you in the end. Don’t let that happen.” sambit pa ng aking boss bago siya bumalik sa kanyang mesa at sinimulan na ang araw niya.

    Naiwan akong nakatingin sa cup na hawak ko na may lamang kape. What he just said hit me so hard. Basang basa niya kung ano ba talaga ang nangyayari sa buhay ko.

    ————

    The meeting with the board went well. It was a major change of authorities. May mga pinababa na ni Suzuki sa kanilang mga pwesto at binigyan ng retirement bonuses. Hindi niya gusto na patuloy na magtrabaho ang may mga edad nang mga empleyado at heads ng department sa kanyang pamumuno. Gusto niya ay mga bata at brilliant minded people. Kaya naman agad na nagpost ang HR ng mga bagong qualified para sa vacant positions.

   Madami pang napagusapan from expanding new products at pagbuo nanaman ng innovative concepts para sa malaking pagbabago ng Miyasaki Enterprise.

   Natapos ang meeting na hapong hapo ang kamay ko sa pagsusulat ng important points ng meeting. Nandiyan pa ang pag-iisip ko sa posibleng pagkikita ulit namin ni Keagan. Dahil alam kong parte ang Miyasaki Enterprise sa business partners ng Chiu Holdings. Ang kompanya nila Keagan.       Habang nakasunod ako kay Suzuki ay may biglang humarang na babae sa aming nilalakaran. She was beautiful and elegant sa kanyang plunging neckline na black dress. May clutch pa siyang dala at siguro nasa 5 inches ang takong ng kanyang sapatos. Kita ko sa mukha niya ang galit at siguro ay isa ito sa mga babae ni Suzuki.

   Malakas na sampal ang binigay nito kay Suzuki na hindi manlang nito ininda.

    “How dare you fool me! How could you do this to me, Zuki!! How could you!” sigaw nito sa aking boss na ngayon ay tahimik lang na nakikipagtitigan sa galit ma galit na babae.

     “Carmi.. We are over. What else do you want me to say? It was all fun. I enjoyed it while it lasts. But that’s it.” sambit ng boss ko sa babae. Naging mas aggresibo pa siya to a point na hinarang ko na ito.

    “This is none of your business.. Huwag kang makikialam!” pigil sakin ng babae nang pumagitna ako sa kanilang dalawa.

     “The man that you are physically abusing is the head of this company. If anything happens to him, it is my fault. So if you insist of hurting him again, I will call the security right away.” sabi ko nalang in the most authoritive way that I can. Dahil tama lang na protektahan ko ang amo ko.

    Nagngingit sa galit ang babaeng kaharap ko at nagpabalik balik ang tingin sakin at kay Suzuki.

     “You’re a worthless piece of sh*t! Magsama-sama kayo ng lahat ng mga pokpok mo!!” her class and glam just shattered into pieces nang sabihin niya ang mga bagay na yun. How could a woman like her act this way? Siguro gago din talaga ang boss ko. Parang napakadali lang sa kanya na saktan ang isang babae.

    Naglakad na ito paalis sa aming harapan. I took some deep breaths at napaharap ako sa aking boss.

    “You did great.. Thank you for saving my ass.” nakangiti niyang saad sakin habang ako naman ay napapakamot nalang sa ulo dahil sa kaguluhan na pwede pang mangyari sa susunod na mga araw.

     “Its my duty, Sir.” sabi ko nalang bago siya kumindat sakin at naglakad na muli pabalik sa kanyang opisina.

     And I was still confused of what kind of person he really is. Mabait siya pero nandoon ang pagkademonyo niya na hindi mo maintindihan.

    ———–

      I went back to my condo unit. Iyon ang napagdesisyunan ko while I was on the taxi weighing out kung babalik na ba ako sa aking condo o hindi na muna. But I have to get back. Alam kong masakit parin sakin ang bumalik sa lugar na minsan ay napuno ng maraming masasayang ala-ala. Mga ala-ala namin ni Keagan na pilit kong itago nalang sa puso ko.

     I loved that man so much. Kahit na minsan ay hindi ko siya maintindihan dahil sa hindi siya sanay sa mga bagay na kaya kong ibigay. Minahal niya ako, iyon ang gusto kong paniwalaan. Or maybe, he just wanted to feel loved at ako ang nakakappagbigay sa kanya nun nang mawala sa kanya si Violet. But now, I don’t know anymore.

    Pinihit ko ang doorknob and I was surprised na bukas ito. Naabutan kong bukas ang mga ilaw at bukas ang pinto ng kwarto. Kinakabahan ako dahil kami lang naman ni Keagan ang may susi sa unit.

    And I saw him. Kinukuha niya ang mga mahahalagang bagay na gusto niya sigurong dalhin pabalik sa kanyang bahay. Sa kanilang magarang mansion.

   Napansin niya siguro ang aking presensiya kaya tumigil siya at humarap sakin.

    Ilang saglit na katahimikan ang namayani samin. Hindi niya ako matignan ng deritso while I was holding back my tears again for the nth time.

    “Kukunin ko lang ang gitara ko at yung music box. The clothes, pwede mo nang itapon kung gusto mo. Alam kong– Alam kong mahirap para sayo na intindihin but I think this is the best for us.” sambit niya na tuluyang nagpaluha sakin.

   Tumakbo ako palapit sa kanya at sinubukan ko siyang yakapin pero tinutulak niya ako palayo.

     “Ke–Keagan. Please.. Huwag mo akong iwan. You know that I will do everything for you. Kung kulang pa, gagawin ko pa ang makakaya ko upang ibigay sayo ang gusto mo.”

    But he just deeply sighed at nagsimulang humakbang palayo sakin.

    “Hindi mo kayang ibigay ang kailangan ko.. I thought, kaya kong mabuhay na kasama ka and I really did try. Pero hindi sapat na mahal lang kita at mahal mo ako. I guess, reality bites you when you realize things.”

    Hindi ko alam kung mawawalan ba ako ng hangin sa labis na sakit na nararamdaman ko.

    “Ple–Please Keagan.. Huwag mo namang gawin ’to sakin.. I just need you to be patient. Magagawa din nating maging masaya kahit tayo lang. Kahit kamuhian tayo ng mundo. Hindi ba yun ang paniniwala natin? Nasan na yung paniniwala mo?” nahihirapan man ay nagawa ko paring sabihin sa kanya ang gusto kong marinig niya.

    Hindi siya sumagot at nagtuloy tuloy pa hanggang sa pinto.

    “Si Violet ba? Si Violet ba ang dahilan kaya ginagawa mo’to sakin?” only to pour more salt to my aching heart. Gusto kong lubusin nalang ang sakit.. Para mamanhid na ako ng tuluyan.

    “Ano?! Sabihin mo! Si Violet diba?” sigaw ko habang lumuluha na nakatitig sa kanyang namumulang mukha.

    “Yes.. Mahal ko parin si Violet.. At ngayon na malinaw na sayo ang lahat, lets forget about each other. Lets finish this while we still can. Goodbye, Rusty.”       At lumabas siya ng tuluyan. Naiwan akong nakatitig sa nakasarang pinto at tila ba tumigil nalang bigla ang mundo ko. Lahat ng nangyari samin, walang halaga sa kanya. Lahat ng bagay na sinakripisyo ko, walang kwenta dahil hanggang ngayon pala, ang babaeng yun ang mahal niya.

    Naabutan ko nalang ang sarili kong binabasag lahat ng vase at babasaging bagay na mahawakan ko. I was full of anguish and pain. I was hopeless na para bang gusto ko nalang mamatay dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

    And a sudden strike of insanity just covered my mind. Siguro nga dapat mamatay nalang ako. Siguro nga wala akong kakwenta kwentang tao kaya ako iniwan ng taong nagpaikot ng mundo ko.

    Nakita ko ang isang malaking bubog at agad ko itong inabot. It was sharp enough to cut my skin.

      You’ll end up destroying yourself..

     Isang boses ang namayani sa utak ko. Habang nakatitig ako sa bubog na hawak ko ay muli kong inalala ang sinabi sakin ni Suzuki. Bakit ba humantong ako sa ganito?

    Bakit parang umikot ang buhay ko sa isang taong hindi naman pala ako totoong minahal. I tried to give it my all. Pero bakit kulang parin? Ano pa bang kulang sakin?

    I throw away that piece of glass at napasalampak nalang ako sa sahig at muling umiyak. Ninamnam ko ang sakit na aking nararamdaman. Nalulunod ako sa paulit ulit na pagpiga sa aking puso.

     Siguro nga, akala mo kapag mahal ka na ng tao, mananatili na siya sa piling mo. Pero hindi pala.. Hindi pa pala sapat na mahal mo siya. Kahit pa ibigay mo ang buong puso at kaluluwa mo kung hindi ka niya pipiliin sa huli, walang halaga lahat ng iyong nararamdaman.

    I got up at pinahid lahat ng luha ko. Pumasok ako sa kwarto at agad na kinuha lahat ng bagay na magpapaalala sakin kay Keagan. Linagay ko yun sa isang malaking maleta at agad akong bumaba sa incineration room. Isa isa kong tinapon sa umaapoy na drum ang mga bagay na may kinalaman samin ni Keagan. Ang mga litrato, mga damit niya at mga souviners na nagpapalala sakin kung gaano ko siya minahal.

    Wala akong halaga sa kanya. Kaya simula ngayon, wala narin siyang halaga sakin. Kung ganun lang kadali sa kanya na iwanan ako at ipamukha sakin na wala akong kwenta.. Ganun ko rin kadaling kalimutan na minsan ay minahal ko ang isang tulad niya.

   

T.B.C.

TLT 5

    Shownu (Monsta X) as Keagan

  

Rusty

   

Ganun talaga siguro kapag nasasaktan ang tao, pinipilit na ibangon ang sarili kahit sobrang hirap. Pinipiling maging matatag kesa ilugmok sa sakit ang sarili.

    I was looking at the rack of clothes ng paboritong brand ko ng mga damit. I tried to pick some long sleeves in different hues of blue and pink. I need to reform myself. I need to change my style somehow. I always play safe pagdating sa mga sinusuot ko. Hindi ko na napagtuonan ng pansin ang sarili ko nang tuluyan kaming magsama ni Keagan. Everything I did was for him na halos sarili ko ay hindi ko na bigyan ng pagkakataon na gawin ang gusto.

   Namili pa ako ng ilang damit that catches my attention and I matched it with some jeans and slacks that really fits me.

    Tinungo ko ang fitting room at agad na sinukat lahat ng mga damit na pinamili ko. It was really fun doing this. Ang bigyan ko ng panahon ang sarili ko. I felt the energy I lost being revitalized. Nabubuhayan ako sa tuwing titingin ako sa salamin and how good looking I was with the mix and matches I was making with the clothes.

    Matapos kong bilhin lahat ng damit ay agad akong nagtungo sa salon. I need to change my hairstyle. Hindi naman pinagbawal ni Suzuki na may dye ng buhok so I tried to be edgy. Sayang naman at nandito na ako sa aking plano ng pagbabago, lulubusin ko na.

    Hindi magkamayaw ang mga nasa loob ng salon ng pumasok ako dahil nag-agawan agad ang sangkabaklaan sa pagprepresenta na magserbisyo sakin. Napili ko naman si Cheeky. He was chubby but was cute at the same time at napakadaldal niya.

    “Ay naku.. I swear.. Pagkatapos ng makeover na’to, sasabihin ng ex mo na sana hindi ka nalang niya iniwan!” parang nahulaan niya talaga na hiniwalayan ako ng aking boyfriend. Napangiti nalang ako sa lakas ng kanyang pakiramdam.

    “Yang mga lalaking ’yan, magaling lang yan sa simula.. Sa huli, iiwanan ka rin kasi maraming dahilan. Sana hindi nalang nangangako ng mga bagay kung hindi naman paninindigan diba?” dugtong pa niya and I just nodded bilang pagsang-ayon sa kanya.

    “Ang gwapo gwapo mo pero iniwan ka parin.. Eh pano pa kaya kaming hindi biniyayaan ng ganda?”

    He was so funny pero alam ko namang nakikisympatiya din siya. May pinagdadaanan ako at nararamdaman niya yun.

    “Maybe it was not just meant to be.” tangi kong naisagot kay Cheeky bago niya simulan ang pagaayos ng aking buhok.

   –––––––

    Everyone in the lobby was looking at me.. Ang iba ay napapatakip pa ng kanila bibig kapag napapadaan ako sa kanilang banda. Papunta na ako sa elevators nang may humigit sa aking bisig at napatigil ako.

    “Ru–Rusty? Its really you!” naguguluhang sambit sakin ni Bianca habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

    “Good Morning, bestfriend. Tara sabay na tayo.” masaya kong bati sa kanya na kinataas lang ng kilay niya.

    “What is this? Revenge makeover or what? Gosh! You look like a million dollar fashion model!” sambit pa niya na kinatawa ko lang.

    “Ano bang pinagsasabi mo diyan? Nag-ayos lang ako, million dollar na ang worth ko?”

    Kinurot pa niya ako sa aking tagiliran na kinatawa ko lang lalo.

     “Thank you God! Binalik mo narin sakin ang bestfriend ko!!” napaluhod pa si Bianca na parang baliw kaya agad ko siyang inangat at pinaltik ng mahina ang noo.

    “Para kang sira.. Tara na at malalate na tayo. Praning panaman ang Suzuki na yun kapag nalate lang ako ng isang segundo.” pag-anyaya ko sa kanya na kinangiti lang niya.

    “Ang gwapo gwapo mo bestfriend.. I like that blonde hair of yours. Bagay na bagay sayo.”

   At kagaya parin ng tagpo sa lobby, puno ng pagtataka at pagkagulat lahat ng nakakasabay namin ni Bianca sa elevator.

    Well, ganun na nga siguro ang epekto kapag nakita nila ang isang tao na biglang nagbabago. I think this is the best way para tuluyan ko nang makalimutan ang masakit na kahapon. Tama na na sinaktan ako ni Keagan. Ngayon narealize ko kung saan ako nagkamali. Nagkamali akong pabayaan ang sarili ko.

   Nang nasa reception area na ako ay napaigtad pa si Gretchen sa kanyang kinauupuan habang nagreretouch nanaman ng kanyang foundation na sobrang kapal na.

    “Who are you? Paano ka nakapasok dito?” nagtatakang tanong niya sakin na kinataas lang ng kilay ko at ipinakita ko sa kanya ang ID ko.

    “Wait— Rusty? Ikaw ba yan? Oh my God…” napasinghap pa siya sabay hawak ng bibig niya.

   Di ko na siya pinansin pa at nagtuloy-tuloy sa opisina ng aking boss. Paparating narin ang isang yun kaya hinanda ko agad ang coffee machine at ang mga papel na urgent at evaluations na dapat niyang tingnan. Ilang sandali palang ang aking nilalagi sa loob nang bumukas na ang pinto ng opisina.

    “Good Morning, Sir.” masigla kong bati kay Suzuki na nakatayo parin sa pinto at nakatingin lang sa direksyon ko. Nakatingin siya mula ulo hanggang paa na hindi ko naman maitangging nakakaasiwa.

    “Should I announce your appointments for today, Sir?” hindi parin siya nagsalita at naglakad lang palapit sakin.

    “What is this all about? Why did you changed your style so suddenly?” nahihiwagaang tanong sakin ng aking boss na nginitian ko lang.

    “Somehow I listened to your advise, Sir. Its time for me to take care of myself.” I told him na nanatili lang sa harapan ko at patuloy akong tinitigan.

    “I did not expect you to go all out.. But you did. Nice hair by the way.” at doon na siya nagsimulang kumilos at umupo sa kanyang swivel chair at agad tinanggal ang coat niya. Kinuha ko naman ito at inilagay sa sabitan.

    “So, you broke up with him.. Tama ba ako?” napatigil ako sa tanong niya at napaharap ako sa kanya. Busy na siya sa pagbabasa ng mga folders na nasa harapan niya.

     “Its a personal question, Sir. I rather not answer that.” tangi kong naisagot sa kanya.

     “C’mon.. Rusty, hindi ako pinanganak kahapon. I’m just asking a question that involves my Executive Assistant who will know every secret that I have. So its just fair for you to tell me every details of your life, right?”

  Tumigil siya sa kanyang ginagawa at muling humarap sakin with an inquisitive look.

    “Yes.. I broke up with him, Sir. And that’s all I can say.” matipid ko nalang na naisagot bago bumalik sa aking table at nagsimula naring magtrabaho.

     “He doesn’t deserve you.. Because you are so worth it, Rusty. Sinayang ka lang niya.” makahulungang saad pa niya bago bumalik sa kanyang ginagawa.

     Naiwan akong nag-iisip at nagtataka sa kinikilos ni Suzuki. I just tried to focus myself on working again. Tama na muna ang pag-iisip ng kung anu-ano.

    —————––

      “Bakla ka.. Anong meron at bigla kang nagyaya na magbar? Sinapian ka na ba? Ikaw pa ba si Rusty na bestfriend ko?” kuda ni Bianca sa kabilang linya habang ako ay namimili ng aking isusuot sa aming pag-gimik ngayong gabi.

     “Minsan lang ako mag-aya, bestfriend. Binibigyan mo naman kasi lahat ng meaning. Bakit? Hindi ba pwedeng magsaya manlang kahit minsan. Nakaka-stress kaya kasama si Suzuki maghapon.” dahilan ko pa sa aking kausap na nagawa pang biruin ako.

     “Naku, naku! If I know, nagkakamabutihan na kayo ni Mr. Miyasaki.. Aminin mo na kasi. Bet na bet ka ng boss natin.”

     “Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Bianca? Anong bet na bet? Babae ang gusto ng playboy na yun. Mas malandi pa yun sa kahit sinong nakilala ko. Siya ang pinakamalandi.”

    Tumawa pa siya sa kabilang linya at sa wakas ay nahanap ko na ang tamang isusuot ko para sa aming gimik.

   “Sige na.. Mag-aayos na ako at ikaw din magpaganda ka na para naman magkalovelife ka na.”

    “Oo na.. At hindi mo na kailangang ipamukha sakin na zero ako sa boylet.. Parehas na tayong zero ngayon bestfriend!” panunuya pa niya bago tumawa ng malakas at ibaba ang tawag.

    Minsan talaga baliw ang isang yun. Kaya naman napapagaan niya palagi ang aking loob kapag ganitong sumasagi parin sa isipan ko si Keagan.

    Kahit ano naman kasi ang gawin ko, hinding hindi ko na makakalimutan si Keagan. He is the first of my everything. Ibinigay ko ang lahat lahat sa kanya. Kaya mahirap para sakin na kalimutan ang isang Keagan. Pero pinipilit ko. And if I have to go out and meet someone somehow, gagawin ko. Pero hindi pa ako handa.

   Masakit pa sakin ang lahat ng nangyari. I need to heal my heart and make sure na handa na ito muling buksan para sa bagong karapatdapat na mahalin.

     Ayokong maging bitter. I want to be better. Better than I was before.

    ––––––––––

     The music was intoxicating sa loob ng bar na pinuntahan namin ni Bianca. Millenial sounds na gustong gusto ng mga kaedaran at mas nakababata samin. The place was full of people dahil weekends at sikat talaga ang naturang bar kaya maraming kilalang mga tao din ang nagpupunta dito.

   “Bestfriend.. Sure ka ba na dito tayo? Eh mga RK lang ang nakakaafford dito diba?” tanong pa niya sakin in a shouty way dahil nga sa sobrang ingay ng paligid.

   “Ako ang bahala! Huwag kang mag-alala. Lets have fun!” nakangiti kong sigaw sa kanya na tinanguan niya nalang bago kami ihatid ng isang waiter sa bakanteng table na pangdalawahan lang.

    The night was going fast at namalayan nalang namin ni Bianca na marami na pala kaming nainom. She called Borj para sunduin kami dahil parehas na kaming tawa ng tawa na parang mga baliw at sumasayaw din sa tuwing may music na gustong gusto namin.

    “Tama lang talaga na iniwanan ka niya.. Kasi ngayon nakikita ko na kung anong bagay ang namiss mo nung magkasama pa kayo.” sabi ni Bianca sakin while trying to drink her glass of martini. Uminom din ako ng Vodka na natutunan ko nang magustuhan.

    “Napakawalang kwenta niyang tao. Wala siyang bayag. Takot na takot siyang ipaglaban ka sa mga magulang niya. At nagawa ka pa niyang lokohin by cheating on you with his ex? Napakawalang kwenta talaga niya.”

    Hindi ako sumasagot sa pagbuhos ni Bianca ng hinanakit niya. Habang naiisip ko ang masasakit na bagay na nangyari sa amin ni Keagan, hindi mapigilan ng mga luha kong mangilid. Pero linalabanan ko yun. Muli akong lumagok ng vodka sa aking baso at niyaya si Bianca na muling sumayaw.

   And accidentally, I was pushed by someone.

    Tila tumigil ang mundo nang makita ko ang mukha ng tumabig sakin. He was also surprised nang makita niya ako. He looked at me as if napakaraming tanong sa isipan niya.

    “R-Rusty?” tanong ni Keagan sakin while he was looking at me in awe.

     Para bang bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko ng araw na tinalikuran niya ang lahat. Ang pinamukha niya sakin na wala lang lahat sa kanya ang mga pinagdaanan namin.

     “Oh?! Look who’s here? The ex-boyfriend of the century! Sa wakas ay nagtagpo din ang mga landas natin.” bulalas ni Bianca na halatang lasing na. Tinabig niya ako at hinarap si Keagan.

    “Bianca— Huwag mo nang pagaksayahan ng oras ang taong yan.. Lets just go home.” pagpigil ko pa sa kanya but she was damn persistent na ibuhos ang galit niya kay Keagan.

    “Ang kapal din talaga ng mukha mo no? Matapos mong iwanan ang kaibigan ko, may panahon ka pa pala para mag-aliw sa bar and act like nothing happened? Napakawalang kwenta mo talaga.”

    “Bianca, tama na.. Umuwi na tayo. I don’t have time for this.” pilit kong pagsaway sa kaibigan ko pero malakas talaga ang kanyang kagustuhang harapin si Keagan.

    “Bianca– look its between me and Rusty…”

    “Oo! Its between you and my bestfriend. Ang bestfriend kong winalanghiya mo lang.. Ang bestfriend ko na ginawa ang lahat para sayo! Para sa putanginamong pride! Tapos ano? Gagaguhin mo lang ng ganun? Gagawin mong parang tanga na nagmamakaawa sa pagmamahal mo?”

    Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman dahil parang gusto ko nalang tumakbo dahil sa labis na sakit na nararamdaman ko.

    “Babe? What is happening?” tawag ng isang pamilyar na boses na nagpalingon sakin sa direksyon nito.

    “R-Rusty?” sambit pa niya nang magtagpo ang aming mga tingin. Hindi siya makatingin sa akin ng maayos at doon na nagsimulang sumabog ang aking damdamin.       “At nandito din pala ang putanginang ex girlfriend na ngayon ay girlfriend na ulit.. Wow!! Happy Fiesta!!”

   

T.B.C.

TLT 6

You make mistakes but it somehow teaches you a listen.. But sometimes, mistake doesn’t always mean an error for you not to commit it again…

    

Rusty

     

“Calm down? Calm down? Paano ako kakalma eh saksakan talaga ng kapal ang mukha ng ex mo na yun.. Ewan ko ba sayo kung anong nakita mo sa isang yun? Hindi manlang makitaan ng pagsisisi na hiniwalayan ka niya.” bulalas ni Bianca habang nasa sasakyan na kami ni Borj. Mabuti nalang talaga at dumating ang kapatid niya kundi magkakagulo talaga sa loob ng bar.

     “Hindi mo na dapat kasi pinalaki.. Lumayo nalang sana tayo. And it was not your call, okay? Ako ang nasaktan. Ako ang pinagmukhang tanga.” sagot ko nalang sa kanya habang nakahilig sa backseat at nakatanaw sa labas ng bintana.

     “Rusty? Bestfriend mo ako. Dapat lang kitang ilaban sa mga taong nananakit sayo. At deserve ng gagong yun na mahimasmasan siya sa kanyang kawalang hiyaan.”

    “Ate! Stop it already! Can’t you see? May punto si Rusty. Labas na tayo sa kung ano mang nangyari sa kanila ng lalaking yun. He deserves to be slammed over and over pero wala tayong karapatan dun.” pagsingit ni Borj sa amin ng kapatid niya.

    Looking back at what happened earlier was like looking into a dark scene na ayaw ko nang maulit pa.

    I remember how Keagan look at me with regrets. Hindi niya ako matingnan ng deritso at maging si Violet ay nagdadalawang isip na lumapit manlang sakin.

    She reached her hands para makipagshake hands sakin pero pumasok muli sa eksena si Bianca para tabigin ito at pagsalitaan ito ng masasama.

   “At ang babaeng yun.. Sobrang kapal din ng mukha. Matapos iwanan si Keagan babalik para ahasin sayo. Mas makati pa sa higad ang bruhang yun. Kung di lang talaga ako pinigilan ni Borj, nasabunutan ko na talaga siya.”

    “Bianca, please tama na.. Ayoko nang marinig pa ang mga nangyari. I’ve had enough tonight. Tama lang siguro na nagkita kami ngayon. It only proves na hinding hindi niya ako pipiliin over Violet. So I just have to let it go.”

    Natahimik naman ang katabi ko at napasinghap nalang bago bumaling ng tingin sa labas ng bintana.

     It was a sign for me to move on with my life. I have to be stronger now. Hindi ko na hahayaan pang maapektuhan ako sa aking nakaraan. I’ve had enough tears that run down my face.

   —————––         The meeting went smoothly with the new set of department heads ng Miyasaki Enterprise. Napag-usapan nilang lahat ang future plans para sa mas ikakaganda pa ng kompanya as it is now expanding not just in Japan but almost all in Southeast Asia. Naging mabilis ang transition na nangyari mula nang umupo si Suzuki bilang CEO and I admire him for that. Isa talaga siyang promising leader.

   Sigurado akong magiging matagumpay ang Miyasaki Ent. sa kanyang pamumuno. And he seem not to realize that dahil patuloy parin ang mga kalokohan na ginagawa niya.

   “Call Sherri.. I need her company right now.” utos niya sakin habang linuluwagan niya ang kanyang necktie at nakaupo sa kanyang swivel chair.

    “Sherri is on Paris right now.. She informed me earlier.” tugon ko naman sa kanya. Sherri is one of his playmate. Yun ang aking tawag sa mga babaeng bigla nalang sumusulpot sa kanyang opisina at ginagapang siya na parang mga ahas.

    Sometimes it gets me worried. Paano kung mabuntis niya ang isa sa mga ito? Or what if he contracts something from them. Hindi ko kasi siya maintindihan minsan.

   “Then you keep me company, Rusty.” sambit niya sa isang nakakakilabot na boses. Iyong tipong maninindig talaga ang balahibo mo.

    “Sir.. That is out of the line.” pagtutol ko sa kanya habang papalapit siya sakin sa aking mesa.

   He was stripping down his long sleeves at itinapon niya ito sa sahig. Kita ko ang napakagandang hubog ng katawan niya and he sat down on the top of my table.

    “Wala ka ba talagang nahahalata? All those women coming here? Bakit ko sila pinapapunta lagi dito? You think sila ang gusto kong makasama?” his voice was full of lust. That’s how I feel it. Parang hinihila niya ako palapit sa kanya without even trying.

    “Sir– Sir this is wrong. I am your employee and you are my boss.” nanginginig pa ang boses ko habang sumasagot sa kanya.

    Tumigil siya at agad na tumayo at naglakad papunta sa ref at kumuha ng tubig. I know he seems so disappointed dahil sa aking ginawa. But I have no intention of biting the dust. Ayokong pagsisihan ko nanaman ang isang bagay na hindi ko alam kung anong naghihintay sakin.

    “What is it that you want then? Gusto mo bang ligawan pa kita? You want it the traditional way?” he said all of a sudden na nagpabaling ng tingin ko sa kanya.

    “I like you, Rusty. Gustong gusto kita simula palang. I don’t know why I feel this way towards you. But I always want you near me. Kapag kasama kita, it just feels right.”

    Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko parin maproseso ang sinasabi sakin ni Suzuki.

    “I’ll give you time to think of it.. I understand kung nagugulat ka sa mga nangyayari. Becausw believe me, ngayon ko lang naramdaman ang ganito.” sabay hawak niya sa kanyang dibdib at agad siyang pumasok sa banyo ng kanyang opisina.

   Naiwan naman akong tulala at hindi parin makapaniwala sa lahat ng binitawan niyang salita.

    —————

    “I’ll drive you home.” giit ni Suzuki habang nasa loob kami ng elevator. It was time to go home at gusto niya akong ihatid sa aking condo.

   “Sir– that’s not necessary, magtataxi nalang po ako pauwi.” giit ko rin pero parang hangin lang ang aking pakiusap sa kanya.

    “I am your boss, remember? Now, I will drive you home. Huwag mo na akong tanggihan pa.” and I just given up. Alam ko namang kahit anong gawin ko, siya ang masusunod.

    His BMW was giving me that luxurious vibe kaya nahiya pa akong pumasok dito. Napakagara kasi nito at talagang alagang alaga niya.

   “I like cars.. And I like the most expensive ones.” nakangiti niyang saad sabay kinabit ang aking seatbelt sa aking inuupuan. Napasinghap pa ako dahil sa sobrang lapit niya sakin.

    Malaya kong napagmasdan ng malapitan ang kanyang mukha. He is angelic but has the devilish look on his face. Para siyang good-evil na pinaghalo that somehow makes everyone go crazy about him.

    At aaminin ko, naaapektuhan ako sa pagkakalapit naming dalawa but I have to suppress it. Hindi ito ang panahon upang buksan ko ang puso ko. This is not the time for me to entertain anyone. Nangako ako sa sarili ko na kailangan ko munang magfocus sa lahat ng gusto ko.

    Nang marating namin ang condominium na tinutuluyan ko ay bumaba din siya sa kanyang kotse.  Napalukot naman ang noo ko nang sumunod siya sakin.

    “May kailangan pa kayo, Sir?” tanong ko sa kanya. Nagpasalamat naman na ako at wala naman siguro akong naiwan sa loob ng kotse niya.

   “Ihahatid na kita hanggang sa unit mo.” he said with mischievous smile. Hindi ko na maipalawanag kung bakit ginagawa niya sakin ’to.. Seryoso ba talaga siya sa mga sinabi niya?

   “Sir.. There’s no need for that. Kaya ko na pong umakyat mag-isa sa unit ko.” but he just took my hands at mabilis niya akong hinila papasok ng lobby ng condo.

   Binati pa ako ng guard at maging ang receptionist ay nagtaka.

   Narating namin ang 4th floor na kinaroroonan ng unit ko. Nakahawak parin siya sa kamay ko as if its just natural for him to do that.

    At kung talaga namang gusto kang paglaruan ng tadhana ay may taong nakatayo sa harapan ng pintuan ng aking unit at sa tingin ko ay matagal na itong naghihintay doon.

   Napatigil ako sa paglalakad at maging si Suzuki ay tumigil din. Sakto naman ang pagbaling ni Keagan sa aming kinatatayuan at nakita niya ang magkahawak naming mga kamay.

    He was stunned. Para siyang nasemento sa kanyang nasaksihan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa mga ganitong tagpo kaya mabilis kong pinabitaw si Suzuki sa paghawak niya sakin kahit hindi ako nito pinakakawalan.

    Naglakad si Keagan papalapit samin.. I saw anguish on his face. Nagseselos ba siya? Bakit ganun ang titig niya sakin at kay Suzuki? What is he doing here anyway? Ano pa bang kailangan niya? Bakit ba ayaw niya akong lubayan?

    “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot sakin sa halip ay nakipagtitigan lang kay Suzuki.

    “Keagan?! What are you doing here? Ano pa bang kailangan mo?” malakas kong sigaw sa kanya na tuluyang umagaw ng pansin niya at napatingin sakin.

    “Siya na ba? Siya na ba ang pinalit mo sakin?” his voice was full of anger. Ang mga titig niya sakin ay puno ng hinanakit.

    “Ano bang sinasabi mo? And why would you even care? Diba iniwanan mo na ako? Ano pa bang pakialam mo sakin?”

    He was caught off guard. Hindi niya tinuloy ang gusto pa niyang sabihin. He just stared at me na namumula ang kanyang mukha.

    “I’m Suzuki Miyasaki.. And I believe you are Rusty’s ex-boyfriend, right?” pagpapakilala ni Suzuki kay Keagan na para bang wala lang sa kanya ang nakakatakot na mga titig nito saming dalawa.

    “Hindi kita kinakausap. And I don’t care kung sino ka man.. Kailangan kong makausap si Rusty in private.”

    “Wala na tayong dapat pag-usapan. Tinapos mo na lahat ng kailangang tapusin. So just leave now. Wala na akong panahon para makipag-usap pa.”

   Akmang lalakad na ako palayo sa kanya nang kabigin niya ang braso ko na nagpalingon ulit sakin sa kanya.

    “Pero makipaglandian sa iba, may panahon ka? How wonderful..” sarkastikong saad niya na kinalukot lang ng noo ko. This man is just unbelievable.

    “Ano ba kasing pakialam mo? Bakit? Noong nakipaglandian ka sa ex mo, pinakialaman ba kita? Nung makipagbalikan ka, pinigilan ba kita? Nung iniwan mo ako, dininig mo ba ang pakiusap ko na huwag mo akong iwanan? Hindi diba?”

   Malakas kong tinabig ang kanyang kamay na nagpabitaw naman sa kanya. Hindi ko mawari kung ano pa bang dapat kong maramdaman. Sobrang hirap na sa dibdib na paulit-ulit nalang akong nasasaktan dahil sa kanya.

    “Kaya sana, lubayan mo nalang ako. Masaya kanaman sa pinili mo diba? Huwag mo na akong guluhin pa, Keagan. Dahil ayokong dumating ang panahon na makalimutan ko na minsan ay naging mahalaga ka sakin.”

   Agad kong kinuha ang kamay ni Suzuki at hinila ito at humakbang na patungo sa kinaroroonan ng unit ko.

    Hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat gawin. I just don’t know why all of this is happening.

    Nang makapasok kami sa loob ay saka palang ako nakahinga ng maluwag.

   “I’m sorry if ganito ang naabutan mo. Hindi ko lang inaasahan na magpapakita pa siya ulit sakin.”

   “He still loves you.. I can see that in his eyes.” sambit pa ni Suzuki na kinabaling ko sa kanya. Nakaupo siya sa sofa at tinitingnan ang palibot ng aking unit.

   “He used to.. Pero mas pinili niya ang pamilya niya at ang ex girlfriend niya na iniwan siya sa ere noon.” sagot ko nalang sa aking boss.

    Tumayo siya at naglakad palapit sakin.

   “Then its time for you to show him what he lost..” at kumindat pa siya sakin.

    “Hindi ko na kailangang gawin yun.. Dahil hindi ako katulad niya na madali lang kalimutan ang lahat.”

    Tumango tango pa siya at nanatili pa ng ilang saglit sa loob ng aking unit.

    “Well.. I think I should get going now. At sana hayaan mo lang akong ipakita sayo how much I like you.” pagpapaalam pa niya sakin.

    “Kahit alam mong ganito ang sitwasyon ng buhay ko? Sa tingin mo karapatdapat akong bigyan ng panahon ng isang Suzuki Miyasaki?”

    “You deserve every ounce of my attention, Rusty. At hindi ko hahayaan na masaktan ka pa niyang muli. I’ll make sure that once your mine, hinding hindi ka na iiyak ulit.”

    Napatungo nalang ako at napahinga ng malalim.

     Lahat naman siguro sa simula puro matatamis na salita.. At ayoko nang umasa pa sa kahit anong matatamis na salita.

     Ayoko nang masaktan pa ulit. Nakakapagod na.

   

T.B.C

TLT 7

Trust is something that once broken, its never going to be the same as it was. Tarnished trust can never be replaced. The doubts and the fears will remain.

   

Keagan

    

Looking outside the glass wall of my huge room doesn’t feel right. Kita ko ang malaking infinity pool mula sa aking kinatatayuan. And I still don’t know why I feel so guilty and I feel so lonely ngayong nakabalik na ako sa aming bahay. Ngayong nandito na ako ulit sa dati kong buhay.

     I really thought life will be easier if I get back to the place where I belong. But something inside me keeps on looking for something. Parang hindi parin ako buo.

    “Kuya? Are you here?” tawag sakin ni Kruger at agad naman niyang binuksan ang pinto ng aking kwarto.

    Napalingon ako sa aking kapatid and he seem so frustrated nang magkatinginan na kami.

    “Something wrong? May kailangan ka ba?” mahinahon at walang gana kong tanong sa kanya. He walked right into my direction at hinarap niya ako.

    “Be honest with me, ano ba talaga ang gusto mo sa buhay? Why are you being a drag? Uuwi ka nalang basta dito na para bang walang nangyari? Paano si Rusty? Ano? Iniwan mo nalang ng ganun?”

    “Look.. I don’t have the energy to discuss that thing. Simula ngayon, I will start training in handling the company. You never liked it anyway.. Now, I’m here and you can do whatever you want.” tugon ko nalang sa kapatid ko.

    “And yet you never taken responsibility sa mga bagay na pinaglaban mo noon? Minsan talaga hindi kita maintindihan.. Di ako magtataka na isang araw, wala nang taong gugustuhing makasama ka.” he frustratedly said at tinalikuran ako.

    “Violet is waiting for you downstairs. You should entertain your guest.. Or whoever she is in your life.”

    Mabilis niyang nilisan ang aking kwarto at naiwan akong sapo ang aking noo. Gulong gulo na ako sa lahat ng nangyayari.

   Why do I have to feel like may mali sa mga naging desisyon ko? Bakit parang gusto kong pagsisihan na iniwan ko si Rusty?        Rusty has always been there to make me happy and give me all that he can. Masaya palagi ang pakiramdam ko kapag minamasahe niya ako sa ulo habang nakapatong ang ulo ko sa kandungan niya. He always make sure na fresh at organic ang kinakain ko. He did everything para sakin. And now, now that I have chosen to let go of him dahil napapagod na ako sa aming buhay na magkasama. Hindi ko magawa ang gusto ko dahil wala naman akong pera para gawin ang lahat ng iyon. My dad never allowed any company I applied for na bigyan ako ng trabaho.

   And one day, he tried to talk with me and asked me again na bumalik na sa mansion at ayusin na ang buhay ko. He was begging at hindi ko na siya natanggihan pa. At kasabay ng pagtanggap niyang muli sakin ay ang isang balitang hindi ko gustong marinig but I was also curious. Nagbalik na sa Pilipinas si Violet.

   We tried to see each other at alam kong mahal ko parin siya hanggang ngayon. Maybe I was lost in that moment nang iniwan niya ako dahil siya na talaga ang gusto kong makasama habangbuhay noon. But, Rusty saved me from being depressed and helped me move on from her. Gusto ko siyang layuan nalang pero magulo ang puso ko. Mahal ko si Rusty pero nandoon din ang pagmamahal ko para kay Violet.

    And she admitted of having feelings for me. Hindi daw iyon nawala at para ba akong nahulog sa isang bitag na ako mismo ang gumawa. I don’t know what to do anymore as we tried to reconnect with each other. Hanggang sa palagi na kaming nagkikita without Rusty’s knowledge. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari kapag nalaman niya na nakikipagkita ulit ako kay Violet. I just wanted him to understand somehow once na nalaman na niya na nagbalik na si Violet.

    But he did eventually know about Violet’s return at palagi kaming nagkakaroon ng alitan dahil sa sinisiksik niya parati na bumabalik na ang nararamdaman ko para kay Violet. At that time, I admit I was getting confused already. Dumagdag pa ang offer ni Dad na ako na ang napili niyang pumalit sa kanya sa Chiu Holdings. At ang relasyon namin ni Rusty ay isang bagay na ayaw kong bitawan.

   I love Rusty. Mahal na mahal ko siya. He was my saving grace. But somehow, I need to do what’s best for the both of us. Kailangan ko siyang bitawan para sa magandang kinabukasan na gusto ko para sakin. And if we were really meant to be.. Alam kong gagawa ang tadhana ng paraan na kami parin hanggang sa huli.

   And now that I am here in my chosen path.. Hindi ko na alam kung naging tama ba ang desisyon kong iwanan si Rusty..

    Because I am longing for his smiles.. I am longing for him to kiss me when he gets home from work.. I am longing for his laugh that makes me wanna laugh with him too.. I miss those times that we just do silly things with each other.

    Hindi ko namalayan na naluluha na pala ako. Bakit ba hindi ko pwedeng makuha ang lahat ng gusto ko? Bakit kailangan kong mamili?

    ———————––

    

Rusty

     

“Country club? Eh ano namang gagawin ko dun, Sir? Hindi po ako marunong mag-golf.” gulat kong bulalas sa aking boss na tinatapos ang pagrereview ng mga folders para sa evaluation ng bagong project.

     He stopped and looked at my direction. Nasa mesa ako ngayon at madami din akong papel na hawak para naman sa approval niya. Iniisa-isa ko ang mga ito para tingnan kung may mga maling figures at iba pang errors.

     “Just watch us play golf then.. Hindi naman siguro mahirap yun diba? And after that, we will go somewhere for dinner.” masaya niyang lahad ng plano niya sa weekend.

     “Pwede bang pag-isipan ko po muna yan, Sir?”

     “No— its a yes or yes.. So either way, sasama ka parin sakin. Get it, Rusty?”

     Wala na akong nagawa kundi tumango nalang bilang pagpayag. Wala din naman talaga kasi akong magagawa kapag nagdesisyon na siya. Naging seryoso talaga siya sa kanyang mga sinabi na gagawin niya ang lahat upang makilala ko siya.

    He is a great guy.. Tanggalin mo ang status niya bilang isang CEO ay isang masayahing tao at may disiplina sa sarili. Suzuki is someone na gugustuhin mo talagang makasama. But his tarnished image makes me want to back out of it. Kahit sabihin pa niyang seryoso siya, nahihirapan na talaga akong magtiwala sa isang tao.

    Mabilis natapos ang araw at ito nanaman siya sa paghatid niya sakin sa aking unit. Nagiging sentro na kami ng usapan sa buong Miyasaki Enterprise. Bakit daw palagi kaming sabay kung umuwi ni Mr. Miyasaki na hindi ko naman kayang ipaliwanag dahil alam kong bibigyan nila ito ng malisya at baka masira pa ang pangalan niya sa maraming tao lalo na sa kanyang mga empleyado.

   “Hayaan mo silang mag-isip ng kung ano.. Hindi ako natatakot na ipagmalaki ka kapag naging tayo na. Bagay na hindi ginawa ng ex mo sayo.” direktang sabi niya habang tahimik kaming naglalakbay sa kanyang sasakyan.

    Nabasa niya nanaman ang laman ng isip ko. Kung minsan talaga ay para siyang mag telepathic power na kayang basahin ang aking utak.

   “Ayoko lang pong mapahiya kayo sa mga tao.. Lalo na sa business associates niyo. Hindi parin magandang tingnan na nagustuhan mo ang iyong Executive Assistant at ang malala pa, isang bakla.”

    “Never say that.. I just see you as a person that is worthy to be loved. You always amaze me kapag magkasama tayo. Marami kang bagay na ginagawa na lalong nagpapahanga sakin sayo. And I know I am falling for you deeper, everytime we are together.”

     Natahimik nalang ako dahil parang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kanyang sinabi. But I know, I know this is not right. Ayokong paasahin siya. Pero siya ang hindi bumibitaw kaya ano pa bang magagawa ko kundi hayaan nalang siya sa mga bagay na gusto niyang gawin.

   ––––––––––

   Dumating na nga ang weekend at talagang isinama ako ni Suzuki sa isang private relaxation day niya at ng kanyang mga kaibigan sa isang country club. Malawak ang naturang lugar and it was fitting to the world relaxation dahil talagang makakahinga ka ng maluwag at mapapamangha ka dahil sa magagandang aminities na nandoon kasama na ang napakalaking golf course pati na ang napakagandang garden na bubungad sayo pagpasok mo palang. It was heaven on earth in description.

    Nang makababa kami sa kanyang sasakyan ay tawag pansin agad kaming dalawa. He was wearing his golf shirt and white pants and a pair of white shoes while I wore a comfy tank top and shorts that I matched with a pair of sneakers. Gusto ni Suzuki na maging chill lang ang suot ko dahil yun daw ang gusto niyang makita kapag magkasama kami. Walang arte at natural na ako.

     “Napakaganda pala talaga dito, Sir.. Thank you for taking me here.” nakangiti kong saad sa kanya habang naglalakad kami papasok ng main building ng country club.

     “We will go wherever you want.. Kapag naging tayo na, I will make you the happiest person everyday.” at kumindat pa siya sakin na kinapula talaga ng pisngi ko. Bakit niya ba kasi ginagawa yun?       Narinig ko pa ang pagtawa niya ng marahan at tumungo nalang ako para itago ang pagkahiya ko.

    Matapos niyang iabot ang kanyang membership card ay pumasok na kami sa isang malaking lounge area at may mga tao nang nanghihintay doon. Apat na kalalakihan na hindi naman nagpapahuli sa kagwapuhan. They were all good-looking men. Nakatingin silang lahat sa amin ni Suzuki at agad namang nagsilapitan para yakapin ang kanilang kaibigan.

    Nagpakilala naman ako sa kanila at sila naman ay isa-isa ring nagpakilala sakin. Si Satoshi, Nije, Miko at Benjie. Mga kababata at matatalik na kaibigan ni Suzuki. May lahing hapon silang lahat kaya naman magkakaugnay talaga ang mga ugali nila.

     “Why did you bring him instead? Where is your girlfriend, Zuki?” tanong agad ni Satoshi nang makaupo na kaming lahat sa malaking sofa n nakapalibot sa buong lounge area. Sila ay may mga kasamang babae na sa tingin ko ay mga girlfriend din nila.

    “Wait– So is this for real? Siya na ba yung sinasabi mo samin? The one who caught your elusive heart?” panunuya sa kanya ni Benjie at hindi na rin niya napigilang ngumiti at tumango sa kanyang mga kaibigan.

    Napabuga pa ng kanyang inumin si Miko nang makita niya ang pagtango ni Suzuki.

     “Damn! Akala ko talaga nagbibiro ka lang? Seryoso ka pala talaga?! I can’t believe this. Ang pinakababaero saming barkada, nainlove sa isang lalaki? This is insane!”

     Tumayo si Suzuki at isa isang pinanting ang tenga ng mga kaibigan.

      “I don’t really care kung ano ang iisipin niyo.. I already told you that it doesn’t matter to me kung lalaki siya. He is special to me. And I will always treat him the best way I can.” saad pa niya bago muling bumaling sa aking kinauupuan.

   Para akong ice cream na natutunaw na sa kahihiyan. Ayokong maging sentro ng atensyon pero ako na ngayon ang tinitingnan ng lahat.

    “He really looks gorgeous.. Hindi ka namin masisisi kung nagustuhan mo talaga siya. He is special..” sabi pa ni Miko na kinatango lang ng lahat.

    “Now, maglalaro pa ba tayo or pag-uusapan nalang natin ang tungkol samin ni Rusty?” taas baba ang kilay ni Suzuki na tinawanan naman ng mga kaibigan niya.

     “Lets go!” sabay sabay nilang tugon at agad na nilang sinaklay ang mga bag nilang may laman na mga golf clubs at umalis na kami doon sa lounge area at lumabas patungo sa napakalawak na golf course.

    Pinagmasdan ko pa ang kanilang paglalaro nang may lumapit sakin na babae. She was beside Miko kanina at inabutan niya ako ng isang glass na siguro ay juice ang laman.

    “Ang swerte mo naman… Nagustuhan ka ng isang Suzuki Miyasaki.. Ano ang sekreto para ang isang katulad mo ang piliin niya?”

    Nagkatinginan kami at nakataas ang kilay niya. What is she pertaining to?

     “I’m sure paglalaruan kalang din niya just like how his friends play with their women.. Kaya kung ako sayo, lumayo ka na habang maaga pa.”

    And she left me in awe. Parang alam na alam na niya ang mangyayari sakin kapag pinagpatuloy ko pa ang pakikipagmabutihan kay Suzuki.

    

T.B.C.

TLT 8

Rusty

    

Tahimik kong pinagmamasadan si Suzuki habang kumakain kami ng dinner sa isang fine dining restaurant. Hindi appropriate ang suot ko kanina kaya nagpalit ako ng isang long sleeve shirt at khaki na pantalon upang hindi naman nakakahiya ang aking pagpasok sa mamahaling restaurant na yun.

    Well, everything screams of sophistication at world class talaga ang restaurant na yun. Maraming sikat at mayayamang tao ang pinipiling magdinner dito dahil sa masarap ang pagkain ay maganda pa ang service.

    Kumakain siya ng steak while I was not yet starting to dig into my food. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Kanina pa ako nababagabag sa realization na nangyari sakin matapos akong kausapin ng girlfriend ng isa sa kanya mga kaibigan.

   “Why? Hindi ba masarap ang pagkain? Why are you not eating?” sunod sunod na tanong ni Suzuki sakin at umiling lang ako bilang sagot sabay ngiti sa kanya.

    “What’s bothering you then? You can tell me anything.” pagusisa pa niya at nagkaroon na nga ako ng lakas ng loob na sabihin ang nararamdaman ko.

   “Sir.. I think–I think you should stop pursuing me.” hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nang aking sinabi sa kanya pero nakita ko ang pagtigil niya saglit at agad niyang inabot ang kamay ko at pinisil ito.

   “What are you talking about? Ofcourse I won’t stop pursuing you.. I told you, I am falling for you more and more everyday.. Tapos sasabihin mo sakin na tumigil na ako? No way— Hindi ako titigil na patunayan sayo kung gaano ko kagustong maging tayo.”

    Tumingin ako sa kanya ng diretso. Gusto kong maramdaman kung sincere ba talaga siya sa sinasabi niya at wala talaga akong nakikitang bahid ng panloloko lang sa kanyang mga tingin sakin.

    “Natatakot lang ako.. Natatakot ako na baka sa bandang huli— masaktan nanaman ako.”

     Umiling-iling siya at mas lalong pinisil ang kamay kong hawak niya.

     “Hinding hindi mangyayari ang bagay na yun.. I will take care of you and give you everything that you deserve. Now, lets go back to eating and I will take you home.”

    Ngumiti nalang ako ng matipid at sinunod ang kanyang utos. Hindi ko talaga alam kung paano pa makakawala sa sitwasyong ito. Gusto kong maniwala kay Suzuki.. Pero ang sakit at sugat binigay sakin ni Keagan ay sariwa parin.. Hindi pa ako naghihilom sa mga pangyayaring iyon sa buhay ko.

   ——————

      Naihatid ako ni Suzuki sa condo ngunit hindi na niya ako hinatid pa sa aking unit. Nagmamadali siyang umalis dahil may urgent matter daw silang pag-uusapan ng kanyang ama kaya nagpaalam siya kaagad sakin at binigyan ako ng halik sa aking pisngi.

    Aaminin ko, nahuhulog na talaga ako kay Suzuki. Sino ba ang hindi mahuhulog sa taong pinapakita sayo na karapatdapat siyang bigyan ng pagkakataon. Siguro nga nandoon na ako pero may bagay na humaharang sakin na gawin iyon. Ang mga pagdududa ko sa kanyang tunay na intensyon. Bakit niya pipiliin ang isang tulad ko kaysa sa isang babae na halos nagkakandarapa lahat makuha lang ang atensyon niya?

   Gusto kong sabihin sa kanyang piliin niya ang tama at huwag niyang bigyan ng kahihiyan ang kanyang pamilya. Dahil kapag nalaman ng pamilya niya na may gusto siya sakin at ginagawa niya ang lahat ng ito ay tiyak na malalagot siya. Ayokong pagdaanan niya ang kahihiyan na dinaanan ko na noon. Ang mga panlalait ng mga tao at ang paghamak nila sa pagkatao ko.

    Hindi ko namalayan na narating ko na pala ang palapag ng aking unit. May isang ilaw na nagsisilbing liwanag sa alley way ng 4th floor at may nakita akong isang bulto na nakaupo sa sahig at nakatingin lang sa kawalan. May hawak siyang bote ng inumin at tinutungga niya ito na para bang wala lang ito sa kanya.

   Si Keagan.. Muli nanaman akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib habang papalapit ako sa kinaroroonan niya. Ano nanaman bang kailangan niya? Ilang beses ko ba siyang dapat ipagtabuyan? Hindi pa ba siya kuntento sa sakit na binigay niya sakin?

    Nang maulinagan niyang may taong nakatayo sa harapan niya ay agad siyang tumigil sa paginom ng alak mula sa bote at mabilis siyang pumulupot sakin at yinakap ako ng mahigpit.

    Impit na pag-iyak ang aking naririnig mula sa kanya.

   “R-Rusty–– Rusty, I miss you so much.. I am missing you so much..” hirap siyang magsalita at naguunahan ang mga luha niyang basain ang aking balikat. Malakas kong tinanggal ang pagkakayakap niya sakin at hinarap ko siya.

    Hindi ko namalayan na pati ako ay umiiyak narin dahil siguro sa bugso ng emosyon na nararanasan ko ngayon.

    “Ano pa ba ang gusto mo, Keagan? Bakit ba ayaw mong tumigil? Diba nagdesisyon ka nang iwanan ako, ha?! Diba mas pinili mo ang pamilya mo at ang Violet na yun kesa sakin?! Tapos ngayon guguluhin mo ako ng paulit-ulit! Ano pa bang gusto mong mangyari!” hindi ko na napigilang ilabas lahat ng nararamdaman ko. Ang poot at galit ko sa kanya.

    Anong klaseng tao ba siya para gawin niya sakin ’to?

    “I thought–– I thought I can live without you.. Akala ko kakayanin ko ang lahat dahil babalik na ako sa dati kong buhay.. Pero hindi– hindi ako masaya dun, Rusty.. Hindi ako masaya.”

    “Putangina naman Keagan! Ano bang klaseng dahilan yan? Ano? Gusto mo isama mo narin ako sa inyo? Tapos ano? Magsasalo tayo sa isang kama kasama si Violet? Iyon ba ang gusto mo? Mag-threesome tayo? Ano?! Ano!” sunod sunod kong bulyaw sa kanya habang paulit-ulit na hinahampas ang dibdib niya.

     “No— Hindi iyon ang gusto kong mangyari.. I just want you back.. Narealize ko na sayo ako masaya. Ikaw ang nagpapasaya sakin. Ikaw lang ang kayang magpasaya sakin when I am on the saddest part of my life. I just— I just want us to be together again.”

    Gusto ko sana siyang bigyan ng suntok pero ewan ko ba.. Nanlalambot nalang akong sumalampak sa sahig ng alley way. Para akong nauupos na kandila dahil nauubos na ang lakas ko para makipagbangayan pa kay Keagan.

   “Umalis ka na Keagan.. Please— Umalis ka na! Tama na! Tapos na ang lahat satin..” pagtataboy ko sa kanya pero inangat niya ang ulo ko at nakipagtitigan siya sakin kahit namumungay na ang mga mga niya dahil sa sobrang inom at samahan pa ng pagluha niya.

    “I just can’t live a life knowing that you are not beside me. Hindi ko kaya na wala ka sa tabi ko, Rusty..”

    Muli niya akong kinulong sa mga bisig niya at napaiyak nalang ako lalo sa sobrang emosyon na naglalaban laban sa loob ko.

      Bakit ba nangyayari ’to sa buhay ko? Kung kelan ayos na ako.. Kung kelan gusto ko nang magsimula ulit ay babalik si Keagan upang guluhin nanaman ang isip at puso ko.

      Mahal na mahal ko si Keagan.. Minahal ko siya ng higit pa sa buhay ko. At nang iwanan niya ako, nawasak ang lahat ng iyon. Ang mga pangarap at mga bagay na gusto kong matupad naming dalawa.

    “Hindi na tayo babalik pa sa dati, Keagan.. No matter how you try.. Hinding hindi na ako babalik sayo..”

     Nagdesisyon na ang puso ko.. Siguro ito rin talaga ang hinihintay kong mangyari. Ang masukat ko kung gaano ba talaga kahalaga sakin ang pagmamahal ko kay Keagan. Pero ngayon na nalinawan na ako sa mga bagay, tama na siguro na tumigil na ako. Mahal ko siya pero patuloy lang akong masasaktan sa tulad niyang walang ibang iniisip kundi ang sarili niya.

     “Sarili mo lang ang mahal mo, Keagan.. You never loved me.. You just want someone to make you feel comfortable.. You just need someone to make you feel that you are their world. Pero tapos na ako sa puntong iyon. Nagawa mo na akong iwanan.. Magagawa mo pa ulit kapag naramdaman mong kulang parin ako. Kahit kailan naman siguro hindi ako naging sapat para sayo.”

   Tinabig ko siya at napabitaw siya sa pagkakayakap sakin. Mabilis akong tumayo at naglakad palayo.. Hindi ko gustong manatili dito sa unit ko ngayon. Gusto kong pumunta sa lugar na mawawala lahat ng nararamdaman kong sakit.

    Nakakapagod magmahal.. Nakakapagod masaktan. Hindi ko alam kung makakaya ko pa bang maniwala sa salitang “pag-ibig” sa kabila ng mga nangyari sa buhay ko.

    –––––––

     “What are you saying, anong magreresign ka na?” naguguluhang tanong sakin ni Bianca habang nasa loob kami ng kanyang kwarto. Sinabi ko na sa kanya ang lahat ng nangyari. Maging ang masakit na pagtatagpo namin ni Keagan.

     “I think I have to accept my Dad’s offer na pumunta na sa Switzerland. I think its about time for me to have a new life.. A new environment.”

     “Dahil lang sa ginawa ni Keagan, aalis ka ng Pilipinas? Paano naman ako? Naiisip mo ba kung ganu mo ako masasaktan sa binabalak mo? Hindi mo manlang ba ako mamimiss?” pagtutol ni Bianca sa aking binabalak.

    “I think this is the best option I have.. Ayokong mas lumalim pa ang nararamdaman sakin ni Suzuki at ayokong patuloy na makita si Keagan. Dahil habang nandito ako, hindi niya ako titigilan.”

    Umiling iling pa ang bestfriend ko bago siya tumayo at umupo sa tabi ko at hinawakan niya ang kamay ko.

    “If you think that this will fix things in your life, ano pa bang magagawa ko kundi suportahan ka? Hindi ko kayang makita kang lagi nalang umiiyak dahil sa kawalang hiyaan ng ex boyfriend mo. He is a selfish jerk at deserve niya lang na maging miserable.”

    “Hindi na niya ako magugulo pa once I am in Switzerland. My Dad always wanted me to follow him.. Pero dahil sa pagmamahal ko kay Keagan, I even give up on my Dad’s wishes. Kaya ngayon, panahon na siguro para tuparin ko ang kanyang kahilingan.”

    Tumango si Bianca bilang pagsang-ayon. Hindi ko na kaya pang manatili dito kung patuloy lang akong luluha dahil sa masasakit na ala-ala.

    “Paano si Mr. Miyasaki? I’m sure papahirapan ka nun na magpasa ng iyong resignation. Eh mukhang tinamaan talaga sayo ang isang yun.”

    “If he really has that kind of feelings for me, he will let me go. Dahil alam kong hindi siya selfish. Hindi niya ipipilit sakin ang bagay na alam niyang hindi ko naman kayang panindigan.”

     Yumakap sakin si Bianca at tumugon nalang din ako.

    “Kaya mo yan bestfriend.. Siguro mas magandang umalis ka na. Para makita ng ex mo na yun ang iyong halaga. Gusto kong makita kung paano siya mabaliw sa pangungulila niya sayo..” saad pa ni Bianca na kinatahimik ko lang.

    Iniwan niya akong mag-isa sa kwarto at hinayaan muna akong makapag-isip. At agad kong kinuha sa aking bulsa ang aking phone. I dialled a number that I haven’t called in a while.

     “Hello?” sagot ng taong nasa kabilang linya. Biglang umusbong nanaman ang kalungkutan sa aking puso nang marinig ko ang boses niya.

     “Dad? Its me, Rusty.” pagpapakilala ko sa kanya. A gasp for air is what I heared sa kabilang linya.

     “R-Rusty.. Son? Is this really you? How– How are you? Where are you now? Nasa Pilipinas ka parin ba?”

    My dad and myself has a stranged relationship. Mula nang mag-asawa siyang muli, doon ako nawalan ng ganang makitungo ng maayos sa kanya. My Dad is the best dad that you can ask for. He loved me so much since my mom died so early. Siya ang nag-alaga sakin at pinalaki ako ng puno ng pagmamahal. We have a simple life way back then. But when he got a job offer in a chocolate factory in Switzerland, ay doon na nagbago ang lahat. Naiwan ako sa aking mga kamag-anak dito sa Pilipinas but I decided to live alone and do things on my own. Pinapadalhan niya ako palagi, enough for me to live comfortably at makatapos ng aking pag-aaral. But he was never there when I needed him so much. Doon ako nagkaroon ng tampo sa kanya.

    And he got married just recently at mula noon ay tumigil na akong makipagcommunicate sa kanya. I was old enough to stand on my own. Being a 25 year old, I handled things quiet well.

    “Sorry Dad– Sorry if I made you worry about me.. Sorry sa lahat ng mga nagawa ko.” hindi ko na napigilang umiyak habang naiisip ang itsura ng aking ama. He was also sobbing in the other side of the line.

     “Its okay,son. You don’t have anything to apologize for. Mahal na mahal kita and you know I always will.”

      Pinahid ko ang aking luha at napangiti sa sinabi ng aking ama.

    “I want to follow you there in Switzerland.. I know I declined the petition papers you sent me back then. But now, I think its about time that we should be together. Namimiss ko na ang Daddy ko.”

   “Oh God! Thank you at dininig niya ang panalangin ko. Ofcourse son, aasikasuhin ko na agad ang papers mo. It won’t take long. I also want to make up for all the times that we lost.”

    Nag-usap pa kami ng napakaraming bagay bago niya tuluyang ibaba ang tawag. Ngayon ko lang naramdaman ang panibagong pag-asa at saya. This is what I need somehow.

    And this decision might be for the best..

    

T.B.C.

TLT 9

Keagan

    

My heavy heart is drowning me into a loneliness that I never thought will make me worse than I was before. Nang iwanan ako ni Violet noon, nasaktan ako at naisip kong hindi ako karapatdapat mahalin dahil sa iniwan ako ng babaeng minahal ko ng sobra.

     Now, I don’t even know how to ease the pain that I am feeling. At kasalanan ko naman ’to eh.. This is all my fault. Kung hindi lang sana ako napagod sa buhay na meron kami ni Rusty. Kung mas pinahalagahan ko lang siya, siguro hindi ko siy masasaktan.

    But the damage has been done. Hindi ko na alam kung paano ko pa maibabalik sa dati ang lahat. Its all messed up now.

      Nasa gitna ako ng board meeting at nakikinig lang sa sinasabi ni Dad but my heart and my head is out of the four corners of that room.

      “Do you agree with this, Keagan?” namalayan ko nalang na may tinatanong pala sakin si Dad. He was sitting in the center of the long table.

       Hindi ako nakaimik at inayos ko ang aking pagkakaupo. Napataas pa ang kanyang kilay finding out na hindi ako nakikinig sa kanya.

       “I’m sorry, Sir.. I was just thinking about something lately.”

      “I think its better if we consult more with our people. This project is not easy. We might lose a lot of money if we don’t make a wise decision. 500 Million is not enough for this project.” Mr. Chan worded his suggestions. Pero ang titig niya ay nasa akin at nakataas pa ang kilay niya.

    He is one of the biggest shareholders of the company. At kapag nagkataon, he can also become the CEO if Dad finally retires. At ayaw ni Dad na ito ang mamuno sa kompanyang pinaghirapan niyang palaguin.

     “I agree with Mr. Chan.. This is not something that is to be abruptly decided. We need to know what are the cons of this project. To cut down losses along the way.” pagsang-ayon naman ni Ms. Rush. She is also an ally to Mr. Chan at silang dalawa ang malaking threat sa aking pamumuno if ever.

     ––––––––

     “Why can’t you straighten up and act like a grown up man now, Keagan! For christ sake! 26 years old ka na! Ano pa ba ang dapat kong gawin para matauhan ka na?!” litanya ni Dad sakin habang nasa loob kami ng kanyang opisina.

   Nakatayo lang ako sa harapan niya and I was breathing heavily. Siguro hindi ko talaga kayang manindigan. Napakaimmature ko. Siguro nga tama si Rusty na iwanan ako.

    “Dahil nanaman ba sa baklang yun kaya ka nagkakaganyan? Mahal mo parin ba siya? Ha? Tell me, Keagan!” bulyaw pa ni Dad na nagpatingin sakin sa kanya. He was full of distress and anger towards me.

      “Dad.. Huwag mo nang idamay si Rusty dito. You know I left him. And isn’t that enough reason para sabihin ko na mas mahalaga ang pamilya natin kesa sa narararamdaman ko for him.”

      “So inamin mo rin? Mahal mo pa ang Rusty na yun? Your unbelievable! How could you bring so much shame into our family!” he continuedly shout at my face pero tinatagan ko lang ang sarili ko. I deserve it after all.

    Napakawalang kwenta kong tao.. Even my father is losing his faith on me.

      “Just give me a chance, Dad.. I will work hard. If I have to start from the bottom, I will do that. Just don’t lose hope that I will take over this company. Hindi ko kayo bibiguin Dad.”

     “Then learn to forget about that faggot and move on with your life! Hindinka magiging handa kung patuloy mong itatali ang sarili mo sa taong yun! He will never make you happy.. This! Itong lahat ang magpapasaya sayo! And having a family with Violet is what you deserve..”

   Tumango nalang ako bilang sagot. I still feel like I am trapped in a situation na hindi ko na alam kung makakaalpas pa ba ako. Knowing how much affected I am sa mga nangyari sakin lately.

    Siguro tama nga si Dad. I have to grow up and be a man now. Its about time to let go of him.. and everything will fall into places.

    –––––––––––

    

Rusty

     

Nanginginig ang kamay ni Suzuki habang binabasa niya ang papel na inabot ko sa kanya. He was breathing heavily and his forehead was squeezing.

    Agad siyang napatingin sa direksyon ko at kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

     “Resigning? What is this all about? You think papayagan kita sa gusto mo?”

    Mabilis niyang pinunit ang papel na hawak niya at itinapon ito. Mabilis siyang napatayo ss swivel chair at lumapit agad sakin. His aura is dark that makes him dangerous in my eyes. Ang ganda ng kasuotan niya ay nabahiran ng pagkabahala sa aking mga mata.

     “Hinding hindi ka aalis sa tabi ko, Rusty.. Do you understand that? You will stay by my side because I need you.” hinawakan niya pa ang ulo ko at inilapit niya ito sa kanya.

    Magkalapit ang mga mukha namin at amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga that made me uneasy.

     “This is my decision. Para matapos na lahat ng ito. Ayokong patuloy kang umasa na maibabalik ko ang nararamdaman mo para sakin because I can’t. Hindi ko na kayang magtiwala pa.”

     “So this is all about me? Magreresign ka dahil ayaw mo na ibinibigay ko sayo ang atensyon ko? Bakit Rusty? Mali ba na magkaganito ako sayo? This is your fault to begin with.. Kung hindi lang kita nakita that day on the elevator.. Hindi ako magkakaganito sayo!” galit siyang umiwas ng tingin sakin at tumalikod. Lumakad siya papunta sa glass wall ng kanyang opisina at doon siya tumayo and walked back and forth in his position.

    “This is for the best.. Habang nandito ako sa Pilipinas, patuloy lang akong masasaktan. Patuloy lang akong ireremind ng mga pangyayari sa buhay ko na nagpahirap sakin ng husto. I need to start a new life. Away from everything.” pagpapaliwanag ko pa kay Suzuki.

   “Fine.. You want to leave? Sige.. Makakaalis ka na.. I should have never wasted my time on you. Akala ko iba ka sa kanilang lahat. Iba ka sa lahat ng mga babaeng ikinakama ko lang tapos kapag nakuha na ang gusto ay iiwanan na ako. Iyon naman talaga ang gusto ninyo diba? You all just want to hurt me.. So I am letting you do what you want. Umalis ka na.”

   He looked at me with pain in his eyes. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ngayon sa ginagawang pagtitig sakin ni Suzuki. Nadamay siya sa sitwasyong ako naman ang gumawa. Kung hindi lang sana ako nagmahal ng sobra. Kung hindi ko lang sana ibinigay ang buong buhay ko para sa isang tao.

   Hindi ako mahihirapang tanggapin siya sa buhay ko.

   “You are fired, Rusty. You will recieve your last compensation for this month and you back pays included. Now you can leave. Thank you for your service.” he just said casually bago bumalik sa kanyang swivel chair at nagtrabahong muli.

   My heart was heavy as I take my things. Yung mga ala-alang nabuo ko dito sa Miyasaki Enterprise. Pero mas masakit sakin na makita si Suzuki na hindi ako magawang tingnan at patuloy na ginagawa ang mga gawain niya.

    Matapos kong kunin lahat ng aking gamit ay nagpaalam na ako sa kanya.

    “I hope you never hold this against me. And I just want you to know na mahalaga karin sakin. But, I have to do this. Sorry, Suzuki. I’m sorry.”

     “I don’t need your empty words, Rusty.. You chose that for yourself. I hope we never meet again.”

   —————––

   Mabilis na tumakbo ang panahon. My petition papers finally arrived from the Swiss Embassy at naapprove narin ang aking VISA. Residency VISA na agad iyon at hindi parin ako makapaniwala na napakabilis nitong maapprove.

   Walang nababanggit si Dad na may koneksyon pala siya sa gobyerno ng Switzerland dahil hindi madali ang magkaroon ng Swiss Residency. Pero siguro nga ay maraming hiwaga sa buhay. Hindi ko rin kasi alam kung anong buhay meron si Dad doon. Hindi niya nababanggit ang tungkol sa buhay niya.

    Maybe he is hiding something from me.

   Nakipagkita sakin si Bianca dahil gusto niya magpa despedida party para sakin. Aalis na ako in one week at alam kong mamimiss niya ako ng sobra. Kaya hindi ko na siya tinanggihan pa.

    Pumasok ako sa isang bar na sikat na sikat sa Metro at hindi ako natagalang hanapin si Bianca dahil nakasuot ito ng red na dress at kasama niya ang kapatid niyang si Borj and few of my friends from Miyasaki.

   “Bestfriend!” sigaw pa ni Biance at sinalubong niya ako. Hinalikan niya ako sa pisngi at sumunod ako sa kanya patungo sa table nila.

    “Rusty! Gosh.. Miss na miss ka na namin sa office.. Grabe ka.. Di ka manlang nagpasabi na aalis ka na pala dun. Eh di sana ako agad nag apply na replacement mo kay Mr. Miyasaki.” bibong saad ni Jester. Isa sa mga kadepartment ni Bianca at isang transgender. Ganun ka LGBT friendly ang Miyasaki.

    “Naku baks! Hindi ka tatanggapin ni Boss kasi wala nang makakapalit kay Rusty.. Si Rusty lang ang forever EA ni Mr. Miyasaki.” hirit pa ni Benny. Isa rin sa mga kadepartment ni Bianca.

   Most of my friends are from the Production Department kaya naman sila lang din ang nandoon. Si Borj naman ay halatang walang gana at nakatingin lang sa kung saan.

    “Che! Napakainggitera mo talaga baks.. Anyway, bakit ba kasi napagdesisyonan mong umalis sa Miyasaki? Jusko bakla.. 70K kinikita mo every month.. May allowances ka pa plus araw araw mong mahahada si Mr. Miyasaki? Ano pa bang kulang!” pagtatanong ni Jester sakin na nginitian ko lang.

   “Hindi naman yun ang problema.. I just need a fresh start. Maraming nangyari sa buhay ko na gusto ko nalang kalimutan.” matipid kong tugon sa aking kaibigan.

   “Ang sabihin mo.. Nahuhulog ka na kay Mr. Miyasaki at ayaw mong maging sentro ka ng chismis sa kompanya. Tama ba?” saad pa ni Benny pero hindi ko iyon sinagot.

   “Aish! Tigilan niyo na nga si Rusty.. Mga chismosa talaga kayo. Nandito tayo para magsaya at icelebrate ang pag-alis niya mga bakla.. Ang dami nyong hanash!” sambit pa ni Bianca na kinatawa ko nalang.

   Naging masaya ang gabi. Kahit si Borj ay nakisaya nadin sa amin nang may ipakilala si Jester sa kanyang babae. Hindi naman magkamayaw ang kulitan ng mga kaibigan ko that I admit, mamimiss ko kapag umalis na ako.

  Hindi ko sinayang ang oras at uminom ako kasama sila at sumayaw din kami. Umakyat pa kami sa KTV lounge at para kaming mga sira na kumakanta kahit na lahat kami ay talagang minalas na makakuha ng talent sa pagkanta. Pinipilit kahit masakit na sa tenga pero masaya parin kasi magkakasama kaming lahat.

   Nang tuluyan na akong makauwi sa aking unit ay hindi parin mawala ang ngiti ko. That was actually one of the best night I ever had in my life. Marami pala talaga akong namiss sa buhay ko nang ibuhos ko lahat ng ito kay Keagan.

    But now, everything will change. Marami na akong plano para sa sarili ko. I want to be successful. I want to live for my dream and achieve them with a big smile on my face.

   Nasa alley way na ako ng may biglang tumawag sakin mula sa aking likuran. Napalingon ako agad at nandoon nanaman ang taong pilit talagang gagawa ng paraan upang magtagpo kami.

    “Rusty.. Can we talk?” dugtong pa niya sa pagtawag niya saking pangalan.

    “Keagan.. Ano nanaman ba ang kailangan mo? Why are you here again?”

    Minsan talaga, nakakasawa din na paulit-ulit nalang ang ganitong scenario.

      “Ano? Magsasalita ka ba? Bakit parang nawala ata ang dila mo?” iritadong tanong ko pa sa kanya.

     “Is it true? Aalis ka na?” the amusement on his voice was obvious. Bakit? Ano bang pakialam niya kung umalis ako?

    “Yes.. Aalis ako. Bakit? May gusto ka bang ipadala? Akin na para maitapon ko mula sa eroplano. Papayag naman siguro ang steward kung itapon ko yun mula sa loob ng eroplano diba?” I sarcastically answered him. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung bakit ako nagiging ganito kapag kaharap ko siya.

   Maybe because of all the pain he caused me.

    Mabilis siyang tumakbo palapit sakin at yinakap ako ng mahigpit.

   “R-Rusty.. Please don’t leave.. Just give me more time.. Give me more time at babalik na tayo sa dati. Just please don’t.. Don’t leave me like this.” naramdaman ko ang pagtulo ng luha niya sa aking balikat but I pushed him away.

    “Keagan.. Ano ba ang tingin mo sakin? Cellphone? Laptop? Na pag nagkadepekto pwede mo lang ireset? Pwede mo lang ipaayos tapos okay na ulit? Alam mo.. Hindi ko talaga alam kung saan mo pa nakukuha ang kapal ng mukha mo. Matapos mo akong saktan ng sobra sobra? Magmamakaawa ka sakin na huwag umalis?”

    Hindi ko mapigilang pangiliran ng luha. Because this is what I always fear of. Ang dumating ang panahon na kamuhian ko talaga siya.

     “Its too late for that now, Keagan.. You broken me once. Hindi na ako ulit magpapaloko sayo.”

    At tinalikuran ko na siya with tears flowing from my eyes.

   

T.B.C.

TLT 10

Suzuki

   

I just finished my last bottle of beer at ipinatong ko ito sa maliit na table na kaharap ko. The TV was on and everything that was there were people screaming and players of basketball going back and forth the ring trying to outplay each other.

    Pero kahit anong paglilibang na gawin ko, hindi siya maalis sa isipan ko. His vibrant image. His smiles. His cute laugh. His inquisitive mind. His brilliant ideas. His worth. Lahat ng meron siya, iyon ang hinahanap ng puso ko. But he is leaving. He left me actually. Para akong sinaksak sa dibdib nang malaman kong gusto na niyang umalis ng Pilipinas at mamuhay sa ibang bansa. But I can’t accept it.

     Hindi ko matanggap na iniwan niya lahat dahil lang sa hindi siya makalimot sa lalaking yun. Paano naman ako? Paano naman ako na handa siyang mahalin at bigyan ng mga bagong ala-ala. I want him in my life. I want him so badly na pati ang trabaho ko ay naaapektuhan na dahil sa kanyang pagkawala.

    I closed my eyes and thought of him once again. My heart races whenever I imagine him naked in front of me. But its not lust. I want to feel him and be connected with him and give him the love that he will surrender to it. Pero hanggang sa panaginip nalang siguro iyon. I just wished that he never made me fall in love with him.

    Nagring ang phone ko at nakita ko ang pangalan sa screen. Agad ko itong sinagot dahil mahalaga ang bagay na ’to.

    “Did you find out kung saan siya pupunta? What country?” agad kong tanong sa taong nasa kabilang linya.

     “Sir.. He is bound for Switzerland in two days. And based on what I know, baka sa Bern siya mananatili. But its still unknown for now.” tugon ni Yuki. Isa sa mga tauhan ko. I made him follow Rusty’s whereabouts at siya narin ang nagbabalita sakin kung anong ginagawa nito sa araw-araw.

    Hindi ko pwedeng bitawan nalang si Rusty. I fallen hard for him at gagawin ko lahat para maging kami. Para mapasakin siya even if I had to do this in secret for now. Hindi ako susuko basta basta. Dahil kapag may ginusto ako, I will do everything just to get it.

    “Follow him to Switzerland. Don’t worry about the VISA ako na ang bahala dun. Just follow him there kung saan siya pupunta at mananatili. I want you to stay close to him hanggang sa makasettle siya or whatever. Do you understand, Yuki?” maotoridad kong utos sa kanya.

    “Yes, Sir.” saad pa niya at ibinaba ko na ang tawag.

    Nanatili akong nakaupo sa malaking sofa ng aking kwarto. Everything I need is in my life now. A successful business and a life everyone wants to have. Pero walang silbi ang lahat ng ito kung hindi ko makakasama ang taong worthy na pag-alayan ng lahat ng ito.

   And its Rusty. Lahat ng babae na dumaan sa buhay ko, wala silang sinabi kay Rusty. Rusty is precious. Hindi siya pwedeng mawala sakin.

    At kung kailangan kong kalabanin ang Keagan Chiu na yun para sa kanya, gagawin ko. Dahil alam kong ito parin ang minamahal ni Rusty. Alam kong may nararamdaman parin si Rusty para dito.

   

Rusty

   

Lahat ng maleta ko ay nakahanda na. Dalawa lang ang dala ko dahil alam ko namang pagdating ko sa Switzerland ay bibili din ako ng mga damit na babagay sa malamig na panahon doon. I look at all the corners of my unit. Ang mga ala-ala ng apat na taon na paninirahan ko doon kasama si Keagan. Ang masasaya at malulungkot na sandali ng aming pagsasama. Paulit-ulit na nagplaplay sa utak ko ang pagtipa niya ng gitara at pagkanta niya na sinasabayan ko naman habang ako ay nagluluto.

    Ang mga araw na minsan ay di ko alam kung ano ang gagawin dahil sa pagsakit ng tiyan niya dahil kumain siya ng pizza na madaming preservatives. Ang mga araw na hindi namin namamalayan na lumilipas dahil sa sobrang pagkabusy ko sa trabaho at siya naman ay sa paglalabas at pagsubok na makahanap ng pagkakakitaan.

   Ang mga bagay na nagawa ko para lang ipakita at iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya. Kahit minsan nahihirapan na ako dahil sa mga araw na halos wala na akong tulog kakaalaga sa kanya at papasok sa trabaho dahil lang may sakit siya.

    Lahat ng iyon, walang halaga sa kanya. At doon muling namayani sa mga mata ko ang luha. Pagluha sa huling pagkakataon. Siguro ngayon ko na iiwanan ang mga luhang ito dito mismo kung saan ito nagsimula. At pagkatapos ng pagluhang ito, isang ngiti na ang aking panghahawakan sa bagong buhay na naghihintay sakin.

   Natapos ko nang iaayos ang lahat. Wala nang natirang mga gamit sa loob maliban sa mga bagay na nadoon na talaga ng kunin namin ang unit. At isang sulyap pa ang binigay ko sa aking naging pansamantalang tahanan at isinara ko na ang pinto nito.

   Dala ang aking mga maleta ay tinawagan ko na ang taxi na maghahatid na sakin sa Airport. Ito na panahon na aking matagal na pinagisipan. Siguro naman tama na ang ilang ulit na pagpaparamdam sakin ng kapalaran na nasayang lang ang buhay ko sa isang taong hindi naman karapat dapat.

 

Keagan

Pinipilit kong habulin ang kanyang flight. I know it will be impossible. Pero kailangan kong subukan. Kahit naninikip ang dibdib ko at gustong gusto ko nang sumabog sa samu’t saring emosyon na nararamdaman ko ngayon ay sinubukan ko paring magdrive ng maayos and fast enough to reach the airport.

Hindi ko kayang mawala nalang siya. I’ve done everything to fight for our love. For our relationship. Pero ako rin naman ang gumawa ng dahilan upang bumitaw siya. Upang tuluyan niya akong iwanan. And its killing me now..

Sobra pa sa sakit ang nararamdaman ko. Maybe this is agony. Agony that maybe I deserve. Hindi ko na kasi alam kung sino pa ba ako.. I can’t make him love me again. Because I know he hates me more than anyone else now.

But I am trying. I am trying to win him back. Gusto kong ipagpatuloy namin ang mga masasayang sandali. Ang masasayang sandali na kailanman ay hindi ko napahalagahan.

I reached the parking lot of the International Airport and I didn’t waste anymore time. Mabilis akong kumaripas ng takbo pagkalabas ko ng kotse. It didn’t matter kung may mabangga pa ako or I came across with any obstacle. Ang nasa isip ko lang— ay si Rusty.

The terminal was so big that I had to move my eyes from corner to corner. Side to side. Nahihilo na ako sa kakahanap sa kanyang mukha but I’m not lucky enough para makita siya.

Agad akong nagtungo sa mga upuan hoping and praying na sana ay nandoon pa si Rusty. Nandoon pa ang taong labis kong nasaktan. And I have no right to question my fate. I made a mistake. And this is the consequence of that mistake.

Hindi naman ako nabigo.. Hindi ako nabigong makita siya sa hilera ng mga upuan sa waiting area. He was emotionless when I finally got his attention. Akala ko talaga hindi ko na siya makikita pa.. But maybe this is a sign for me to ask for his forgiveness again.

“R-Rus–” saad ko habang papalapit ako sa kanya. I can see anguish in his eyes. That anger slowly burst out of him nang tumayo siya at harapin ako.

“What the hell are you doing here?!” he asked me in a harsh way. Para talagang pinagtatabuyan na niya ako.

I don’t know what to say, honestly. Natahimik nalang ako nang tumulo na ang luha sa kanyang mata.

Sh*t!! I hate it when I see him shedding tears in front of me.

“Hanggang dito ba naman, Keagan? Kailan mo ba ako lulubayan?!” he said continously wearing his anger.

“R-Rus.. Please, please give me another chance..” iyon nalang ang nasabi ko and just as I said those words, napaluhod na ako sa harapan niya.

Wala na akong pakialam kung gumawa man ako ng eksena dito sa airport. Ang mahalaga ay bumalik sakin ang taong ikakamatay ko kung mawala sakin ng tuluyan.

“Kahit lumuhod ka pa at magmakaawa, hindi mo na maibabalik sa dati ang lahat.. Nakakapagod na, Keagan. Nakakapagod kang mahalin. Alam mo ba yun?” he was aching and hurting so much while he was saying those words. Unti-unti akong nauupos sa aking linuluhurang sahig.

My strenght and will to keep on is slowly fading. Dahil sa mga binitawan niyang salita. Siguro nga totoo lahat ng sinabi niya. Napakawalang kwentang tao ko. Nasa harap ko na ang taong minahal ko sa kabila ng lahat ng kagaguhan ko, but still I was blind enough to see his real worth.

“Isa pa.. Isa pa, Rusty. Isang pagkakataon pa.”

“Sa tingin mo ba ganun nalang kadali sakin na ibigay sa’yo ang gusto mo? Gagawa ka ng kagaguhan and you will think na hindi ako masasaktan?”

Napatingala ako sa kanya ang his eyes were full of tears. This was too much to take.

“I didn’t mean to hurt you.. I never wanted to hurt you. I was— I was carried away.”

“Tama na.. Tama na ang mga paliwanag mo. I’m damn tired to even look at you. Alam mo? Nasusuka ako kapag tinitingnan ka.. I’m ashamed of my own self for loving a self-centered monster like you.”

Hindi na ako makagalaw. I just look at him and I know my eyes are also now in tears. Masasakit na salita ang binibitawan niya pero alam kong deserve ko lahat ng iyon.

Biglang tinawag ang mga pasahero ng flight patungong Switzerland. And I know it is the flight where Rusty is boarding.

“Please Rusty.. Don’t do this to me..” pagmamakaawa ko pa sa kanya. Wala na akong pakialam kung pathetic or miserable ang tingin sakin ng mga tao.

“Nagsayang ka lang ng laway mo.. You better give those lines to the dead Rusty you just left outside your door.”

And he left me on my knees. He never looked back again while I was watching him walking to the departure area and seen the last moment of our love story..


    Masayang sinalubong si Rusty ng kanyang ama sa Arrival Area ng Bern International Airport. Sa wakas ay nasa Switzerland na si Rusty at nakahinga siya ng maluwag dahil nasa bukan na siya ng pagbabago sa kanyang buhay.

   “Willkommen in der Schweiz, Rusty!” bati ng kanyang ama sa kanya na bihasa na sa linguaheng Aleman (German)

   “Danke dir, Daddy.” ngiting sagot sa kanya ni Rusty at nagkayakapan ang dalawa.

    Masaya siyang tinulungan ng ama na bitbitin ang kanyang mga dala hanggang sa may dalawang lalaki na sumalubong sa kanila at nagbow sa kanya at sa kanyang ama.

   “Gehen wir nach Hause.” utos ni Daddy niya sa dalawang lalaking nakasuit at agad na kinuha ang mga maletang dala niya.

    “Daddy, sino sila? Bodyguards?” tanong ni Rusty sa kanyang ama at tumango lang ito sa kanya.

    “Pero bakit? Anong meron?” di niya parin kasi mapaniwala ang sarili niya sa nakikitang pagsalubong sa kanya.

    Isang limousine ang naghihintay sa kanila sa labas ng airport. Gulat na gulat pa si Rusty nang pagbukasan siya ng isa sa mga bodyguards ng Daddy niya.

    “Malalaman mo rin pagkarating natin sa bahay.”

    “Lass uns gehen..” sambit pa ng ama ni Rusty sa bodyguard at sineyasan nito ang driver at agad na nilang nilisan ang airport.

    Isang oras pa ang nakalipas nang marating nila ang isang mapuno ngunit nahahaluan din ng malawak na kapatagang tanawin. Kita niya mula sa kanyang bintana ang Swiss Alps at napakaganda nitong tingnan. Hindi parin siya makapaniwala na nandito na siya.

    At pumasok sila sa loob ng isang malawak na driveway at bumungad sa kanila ang isang napakalaking gate. At pagbukas nito ay nanlaki ang mata ni Rusty nang makiya ang isang napakalaking bahay na tila ba palasyo na sa dambuhalang laki nito.

   “Welcome to “Der Palast”, my son.“ masayang sambit ng ama na katabi niya ngayon.

    Ano bang nangyayari? Nagbibiro ba ang Daddy niya?

   

T.B.C.

     Tapos na ang first ten chapters.. Sana nagugustuhan niyo ang flow ng story. At maraming salamat sa suporta ninyo. This is not yet the climax. Marami pang mangyayari sa kanilang mga buhay. The twist and turns of their lives will unfold in the coming chapters kaya sana abangan niyo ang mga susunod pang mangyayari.

   This is about chances.. Pinapaalala ko. Huwag kayong maging harsh sa characters ko. They only play the role I given them. Sakin kayo magalit.. Chos! Anyway votes and comments guys ha? LOVE YA!! 💜

TLT 11

DISCLAIMER: The author does not own any of this pictures. All media involved in this story belongs to its rightful owners.

   

Rusty

  

Bern, Switzerland

 

    Di parin ako makapaniwala sa napakalaking bahay na inabutan ko pagpasok palang namin sa malaking gate kanina. Parang palasyo na sa laki ang bahay ni Daddy at ng kanyang pamilya ngayon. Well, his wife has two children from her previous marriage at parehas din itong lalaki. Hindi ko pa sila nakikilala but now, its about time to meet my new family.

    “Komm schon, Rusty.. I’m excited for you to meet Alexandra.. Naghihintay na siya sa loob.” masayang anyaya sakin ni Dad nang pagbuksan na kami ng mga bodyguards ng pinto ng aming sinasakyan.

   Hindi ko parin mapaniwala ang sarili ko. Ito ba talaga ang buhay na meron ang Daddy ko? Eh sa pagkakaalam ko nagtratrabaho lang siya sa isang chocolate factory dito sa Bern?

    “Dad.. Teka lang, naguguluhan parin ako.. Bakit tayo nandito? Ang laki laki ng bahay na’to? At bakit may mga bodyguards? Ano ba talaga ang meron?”

    Inilahad niya sakin ang kamay niya at tinanggap ko naman ito. Pinisil niya ang kamay ko at maluwag na ngumiti.

     “Totoo ang lahat ng nakikita mo. This is all ours. Lahat ng nakikita mo, nakapalagid sakin. Lahat ng yan ay sa atin. Because I am not just an ordinary worker now, son.” nakangiti niyang sagot sakin pero hindi ko parin talaga maintindihan.

     “Our family owns the largest producer of chocolate in all of Europe.”

    Napanganga ako sa rebelasyon niya sakin. Ano daw? May-ari kami ng pinakamalaking chocolate production sa buong Europe?

     “Triumph Shokolade is now in my ownership, son. And I know this is hard for you to believe pero nagawa ko iyon dahil sa pagsisikap ko at sa tulong narin ng Mommy Alexandra mo.”

     Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita. So its really true? Triumph Chocolates? Yung pinakasikat na tsokolate hindi lang dito sa Europe maging sa buong mundo?

    “Hindi.. Hindi parin po ako makapaniwala Dad.. Akala ko talaga nagbibiro lang kayo.” tangi kong naisagot saking ama na kinatawa niya lang ng mahina.

    “Why would I even joke about that. Totoo ang lahat ng ito, Rusty. And we better get inside dahil sobra na ang pananabik ni Alexandra na makilala ka niya.”

    Hindi na ako tumanggi pa at inayos ko ng kunti ang sarili ko dahil nakakahiya naman na makilala ko ang step mother ko na hindi maayos ang itsura ko.

    “Don’t worry, Son.. You look handsome.. Saan ka pa ba magmamana?” sabay kindat ni Daddy sakin na kinatawa ko nalang ng mahina.

    Kung maganda na sa labas pala dahil sa medieval design ng bahay, mas nalula ako sa ganda ng interior nito. Pagkapasok mo palang ay isang napakalaking painting na ng Spoliarium na I believe official copy ng kay Juan Luna ang nakasabit sa wall ng intertwining na grandstaircase at isa pang nakakatawag pansin ay ang dangling na chandelier na siguro ay napakamahal dahil sa mixed modern at middle age design nito. Maganda lahat ng muwebles at para ka talagang nakapasok sa loob ng isang palasyo. I never imagined myself living in this kind of luxurious home. Kahit sa panaginip.

    Nang tumungo kami sa dining room ng bahay ay mas lalo akong napanganga sa mga sumalubong saking mga Filipino na nakamaid na uniform. Halatang pinaghandaan talaga ang pagdating ko dito dahil nakahain na sa mahabang mesa ang iba’t ibang masasarap na pagkaing Filipino. Kaya naman napangiti ako sa kanilang lahat at binati nila ako.

    “Maligayang pagdating sa “De Palast” Sir Rusty..“ sabay sabay nilang sambit at napatango din ako.

    “Maraming salamat sa inyo.” masaya kong tugon sa kanilang lahat bago sila nagsialisan at naiwan kami ni Daddy at isang nakauniform na babae na mukhang assistant niya na ewan.

     “Sofia.. Where is Alexandra?” tanong ni Daddy sa maganda at sexy na babaeng nakatayo lang di kaluyaan samin at nagbow ito sa kanya.

     “She’ll be here in a moment.. Sir Christian and Baskin is having an argument again.”

     Napakamot naman ng ulo si Daddy. Sinong Christian at Baskin? Siya ba ang mga anak ng step mother ko?

     “Dito ka lang anak.. Kakausapin ko lang ang mga kapatid mo.”

    Napatango naman ako kay Dad at hindi nalang umimik at sinubukan kong umupo sa isang silya. Sa totoo lang pagod ako. Pero iniisip ko parin na nakakahiya naman kung agad kong lisanin nalang ang mesang puno ng pagkain at dumiretso na sa magiging kwarto ko dito. Naghanda sila para sakin kaya kailangan kong labanan muna ang pagod at antok na nararamdaman ko.

    “Ich gehe zurück nach Zürich, Mama!” sigaw ng isang malalim at malakas na boses mula sa aking likuran. Napaigtad ako nang makita ko ang isang matangkad at maskuladong lalaki. Para siyang isang Diyos na bumaba sa kalangitan dahil sa sobrang kagwapuhan niya. Naglakad siya palapit sakin at nagkatitigan lang kaming dalawa.

    “Chistian! Kannst du dich beruhigen, Christian?” sigaw naman ng isang matinis na boses na papalapit din saking kinaroroonan. Napanganga naman ako dahil parang nakakita din ako ng isang Diyosa na bumaba sa langit. Para talaga akong naeengkanto dahil sobrang ganda naman ng step mother ko.

     Napatigil lang siya nang makita niya ako at agad siyang lumapit sakin at yinakap niya ako ng mahigpit.

     “Oh My God.. I’m so sorry for this mess you encountered. I need to fix things with your silly brothers. Welcome to Switzerland, Rusty.” at hinalikan niya ako sa magkabilang pisngi ko bago siya ngumiti ng malapad sakin.

     “Its nice to meet you too, Tita Alexandra.”

      “Mom.. Call me Mommy, Rusty.. Because we are family now.” pagtatama niya sa aking mga sinabi at napabaling siya sa lalaking nakatayo lang sa harapan namin.

      “Why don’t you give your brother a warm hug, Christian?” batid ko sa boses niya ang pagkadismaya sa kanyang anak. Siya pala si Christian.

    Para namang hindi normal na tao ang mga nakikita ko ngayon. Sobrang gwapo at ganda nila para maging totoong tao.

     “I don’t have to do that.. I don’t care who he is. I just want to go back to Zurich, Mama. Please!”

     “No one is going back to Zurich, Christian. Your brother just arrived here and you are treating him in that way?” usal ni Daddy na naglalakad na palapit samin kasama ang isa pang mala Diyos sa kagwapohang lalaki.

     Nababasa na siguro ang damit ko sa pawis dahil sa sobrang init na nararamdaman ko. Wala akong malisya sa katawan. Hindi ko lang mapigilang mapahanga sa kanilang itsura.

     “Papa.. I’ve been planning this for too long. I can’t cancel this.” pagalma parin ni Christian na kinahinga lang ng malalim ni Daddy.

     “Christian..  Du bist so ein Schwanz!” bulyaw naman ng ng lalaking nasa tabi ni Daddy.

     “Baskin.. Stop saying those words.. This is not funny anymore.. Can’t you see? Rusty just arrived here in our house and this is what he will encounter from us?”

    Bigla namang lumapit sakin si Baskin at masuyo niya akong yinakap at bumulong pa sa tenga ko.

     “Welcome to Switzerland, brother.” mahina niyang saad in a very soft voice. Ibang iba siya kay Christian na mukhang may saltik.

     “I’ll be leaving for Zurich tonight.. And you guys stay out of it. I’m a grown man now. I can make decisions for myself.” hindi na ito naghintay pa ng sasabihin ni Daddy dahil naglakad na ito paalis ng dining room.

     Napatingin ang Daddy ko at si Tita– Mommy sakin. They were concerned of what I just witnessed pero ngumiti lang ako sa kanila.

     “I’ve been with much worst people than Christian.. Its not a big deal.” tangi kong nasabi sa kanila at bumalik na ako sa pag-upo.

      Nagsimula narin silang magsiupo sa kanilang karaniwang posisyon at tumabi sakin si Baskin at nakangiti lang ito sakin.

     He was young.. I believe he is on his teenage years. Or maybe he is just young looking like his mom.

     “Tomorrow, you’ll be following me to the company. Para makita mo naman ang Triumph at mapagdesisyunan mo kung ano ang plano mo para dito.” saad ni Daddy at naiwan lang akong nakatitig sa kanya.

     “You have to be ready to handle it, Rusty.. Dahil ikaw lang din naman ang pamamanahan ko ng Triumph. Ang mga kapatid mo ay walang interes sa negosyo. Si Christian gustong maging rakista. Gustong magworld tour kasama ang kanyang banda. At iyang si Baskin, gusto niyang maging doktor, neuro-surgeon to be exact. So kanino ko pa ipamamana ang negosyo?”

    Napahinga nalang ako ng malalim. Ganun pala ang aabutan ko dito? Isang ordinaryong mangagawa lang ako sa Pilipinas. Now all of a sudden, isa na akong tagapagmana ng isang napakalaking negosyo na may malaking pangalan sa buong mundo.

     Nagkatinginan nalang kami ni Mommy.. She smiled and she just continued eating her share of food.

    Maging si Baskin sa tabi ko ay nakangiti lang sakin habang kumakain.

   ———————––         Napakalaki ng aking kwarto. Mula sa aking bintana ay tanaw ko ang napakagandang Swiss Alps na sa pictures ko lang nakikita dati. Now it was realistic. Kitang kita ko ito mula sa aking kinatatayuan. The old style fireplace was lit up. Napakalamig ngayon dahil winter parin. Agad kong tiningnan ang isang parte ng kwarto na sa tingin ko ay walk-in closet at agad kong tinungo ito. Nang mabuksan ko ito ay napanganga nalang ako dahil sa napakaraming damit na mamahalin na nadoon.

   Dior, Louis Vuitton, Gucci, Armani. You name it. Nandoon lahat at napakagaganda ng mga ito. They were all classy at parang nahihiya akong gamitin ang kahit na ano dito but it was all in my size. Siguro pinasadya ni Daddy lahat ng ito.

     Napangiti pa ako ng makita ko ang isang pares ng damit. Magkapares na damit at shorts iyon na sinusuot ko noon sa tuwing sasalubongin ko si Daddy mula sa trabaho niya nung maliit pa ako. He kept it with him. Alam kong mahal na mahal ako ni Daddy.

      May biglang kumatok sa aking pintuan at agad ko naman itong pinapasok.

     May isang lalaking nakauniform at agad niyang nilagay sa kama ko ang isang set ng mga pampaligo at parang essential oils ang mga iyon.

     “Sir Rusty, its time for your bath.” sambit pa nito at tuluyan na akong nilisan sa aking kwarto.

     Nakakapanibago talaga ang lahat. Pati ba pampaligo ko ay sila pa ang mag-aasikaso? Ibang klase. Di ako sanay. Pero siguro ito na ang magiging takbo ng buhay ko ngayon.

     Naligo ako sa isang napakalaking banyo na halos kasing laki na ng unit ko noon sa Pilipinas. It was beautiful. Napapahanga ako sa magandang matching ng mga tiles at kagamitan sa loob pati ang bathtub ay malaki din. Di ko na inaksaya ang panahon dahil gusto ko nang matulog dahil sa sobrang pagod ko.

      —————–            Nagising ako kinabukasan na madilim pa ang buong paligid. Napakaaga ko kasing nakatulog at naging maaga din ang gising ko. Gusto ko sanang matulog ulit pero hindi na talaga ako dinalaw ng antok. Agad akong tumayo at hinanap ang coat na nakasabit sa isang clothes holder. Malamig na malamig ang paligid na para akong mafroforzen na pero kinaya ko naman. Nang lumabas na ako ng aking kuwarto ay naisipan kong libutin pa lalo ang buong bahay. Napunta ako sa left wing ng second floor at dalawa pang kwarto ang naroon. May nakalagay na signs sa labas ng mga kwarto at nakaukit ito sa German words na hindi ko rin naman naintindihan.

    Maraming paintings na nakasabit sa bawat dingding na nadadaanan ko. Victorian Era ang paintings na nadoon pati na mga gawa ni Van Gogh. Nakakahanga.

     May bumukas na pinto sa aking likuran at napalingin ako dito. Nakita ako ang nakacoat at naghihikab na si Baskin. Yung unang kwarto sa left wing pala ang kwarto niya. Napansin siya nito dahil sa malamlam na ilaw mula sa gitna ng hagdanan.

    “You’re up already? Its just 3 in the morning, Rusty.” pagtatanong niya sakin at dahan dahang lumapit sakin.

    “I slept early yesterday so I think its normal for me now.. How about you? Why are you so up this early?”

     “I have exams today.. I need to finish my review.. So I’ll just have coffee and be back in my room. Care to join me?”

      Napatango nalang ako at ngumiti. Hindi ko naman ineexpect na magiging ganito na siya kakomportable agad sakin.

     “Baskin.. I wanna ask you, why are you so kind to me?” hindi ko na napigilang maitanong sa kanya.

     “Because I like you.. What else?” ngumiti pa siya sakin at kumindat na para bang may ibig siyang ipahiwatig.

     Napakamot nalang ako sa ulo at sumunod sa kanya pababa ng hagdan.

      Nagkakatuwa dahil pagdating namin sa dining area ay naghahanda narin ang maids ng pagkain para sa almusal. Busy na sila at si Baskin naman ay inutusan ang isa sa kanila na maghanda ng kape.

      “You will love it here.. But I hope you will stay.. Because I think you’ll be the anchor of this family.” nasabi pa niya sakin at para bang gumuhit ang lungkot sa kanyang mga mata.

     He was extremely handsome pero may lungkot sa kanyang mga mata na hindi ko maintindihan.

    Pinilit ko nalang isawalang bahala iyon at hinigop ang aking tasa ng kape nang ihain na ito sa aming dalawa.

    

T.B.C.

TLT 12

Suzuki

    

“What? Triumph Shokolade? What are you talking about, Yuki? Di kita maintindihan.” tanong ko kay Yuki sa kabilang linya while I was standing in front of the glass wall of my office, overlooking the city. Napahinga pa ako ng malalim dahil naguguluhan ako sa mga sinasabi ng tauhan ko sakin.

     “Sir.. Rusty Buencamino is the son of Richard Buencamino.. The owner of the biggest chocolate producer here in Europe.”

     Napatiim bagang nalang ako sa aking nalaman. So he is not just an ordinary guy afterall.

      “Nalaman mo ba kung saan siya nakatira? Where does he live now?”

      “Its in Korst, a small town just outside Bern.. He lives in a place called “De Palast”.. Its known to be a palace in the 13th to 14th century and his father owns that now.“

     Mas lalong lumiit ang pag-asa ko na maging kami ni Rusty.. How can I even match his wealth now? Mapagbiro pala talaga ang tadhana. The one I thought will always be around me, left me and found and even more beautiful life outside this corners of Miyasaki Enterprise.

     “Get me his address or anything.. I will follow him in Switzerland.. I need to see him badly.”

      “That’s not easy to do, Sir. He has bodyguards everywhere he goes. He has to be guarded always. As the son of one of the wealthiest man in Europe.”

    Napasinghap ako at umiling-iling. Hindi ako natatakot sa mga bodyguards niya. I will find a way to see him and be with him. I am desperately in love with him. I want to let him know how much I want him in my life.

    Binaba ko na ang tawag at agad kong tinawagan ang mga connections ko for the processing of my VISA. Hindi ko na kaya pang maghintay ng matagal. The longer I wait, the harder for me to get Rusty back into my life.

    When everything was settled, tinawagan ko si Froi, my new assistant to fix everything and I’ll be leaving the company in his hands and the President.

      This is a gamble I am doing.. Hanggang di ko naririnig kay Rusty na mahal niya rin ako, hindi ako titigil.

    –––––––––––

    

Keagan

     

Nasa loob ako ng boardroom at nag-uusap usap ang lahat tungkol sa pagkakaluklok ko bilang CEO ng Chiu Holdings. Hindi ako nagpapakita ng kahit na anong emosyon. Tahimik ko lang sila na pinagmamasdan.

      Maybe all the pain that crushed my heart is now making me a cold-hearted person. Hindi ko magawang ngumiti kahit kanino sa loob ng silid na yun. They were discussing the projects and future plans for the betterment of the company.

     “Sir, what can you say about having a congratulatory ball for your succession? Its a good way to show the media that the new CEO of Chiu Holdings is making his own name in the business?” pagsuggest ni Mr. Yoo, isa sa mga members ng board.

    Tumango lang ako bilang sagot at kinagulat pa niya ang matamlay kong pagsang-ayon sa kanila.

    Nakuha ko na ang posisyon. Ang buhay na mas pinili ko kesa makasama ang taong totoong nagpapasaya sakin. Ganito pala ang pakiramdam ng nasayo na ang lahat, pero hindi ka parin masaya.

    “Everyone.. Let’s give our new CEO a round of applause!” utos pa ni Daddy at nagpalakpakan ang lahat. Tumayo ako at yumuko sa kanilang lahat and I slowly turn around and walked out the door.

     Mabilis akong naglakad papunta sa elevators. Agad akong pumasok sa bumukas na elevator at agad kong pinindot ang top floor ng building. I want to go there. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin at mailabas ko narin ang sakit na nararamdaman ko.

   Narating ko ang top floor at agad akong naglakad patungo sa pinakagitna nito. Walang kahit anong andoon maliban sa mga harang na nakapalibot sa edges nito.

    Hindi ko na napigilang sumigaw at mapaluha.

    “Ahhhh!!!” hindi ko matandaan kung ilang beses akong sumigaw. I just want the pain to go away.

     “Rusty.. I’m so sorry. Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko.” nasambit ko pa bago ako tuluyang lumuhod at patuloy na lumuha.

      Everything seems pointless now. A life without Rusty is just another life that I have to live without any purpose.

       Gusto kong bumalik siya sakin.. But how? How could I make that happen ngayong wala na siya at tuluyan na niyang nilisan ang mga bagay na may kinalaman saming dalawa?

     I was like a child crying like there was no tomorrow.

  —————–

   

Rusty

    

I was looking at the mirror inside my walk-in closet habang tinitingnan kung maayos na ba ang aking suot na all black suit na may pulang necktie. The fit was great at napakasarap sa pakiramdam ng tela. Then I choose a coat that will match with it.

     Para na akong isang mamahaling ramp model na naglalakad sa mga runway in fashion shows. Hindi ko napigilang mapangiti when I finally get everything right. This is what I will wear today.

     Isang buwan narin ako dito sa Switzerland and everything seems to work just fine for me. Nabisita ko na ang kompanya ni Dad that is just out of this world in size. Napakalaki ng buong building nito at hindi pa kasama dito ang limang production factories that were located in different parts of Switzerland.

    May kumatok sa aking pinto at pumasok doon ang isang lalaking nakauniform. Si Franco na personal assistant ko. He smiled at me at binigay niya sakin ang duffel bag na dadalhin ko papunta sa isang mahalagang event.

     “Sir, is there anything else you need?” tanong pa ng gwapong binata. He was 21 years old at experienced na sa multi tasking at hindi siya pumapalya sa lahat ng inuutos sa kanya. But I never did anything that will make him work that hard. Pinakikitunguhan ko siya the way Suzuki was treating me. At bigla kong naalala ang dati kong boss.

    Kumusta na kaya siya ngayon? Ano nang nangyari sa kanya? Eversince I got here, wala pa akong nakakausap sa Pilipinas. Siguro nagtatampo na ng sobra ngayon si Bianca dahil hindi ko manlang siya magawang tawagan.

     It was the protocol of the house. Since hindi pa talaga ako lantad sa publiko,I have to stay hidden as much as possible. Para narin daw sa protection ko at ng reputation ni Daddy. I need to be patient before I can contact my friends again and people that are important to me.

     “No, Franco. I’m good to go. Tell Josef to ready the car. I’m sure Dad is waiting for me now. Where is Baskin and Christian now? Are they going?”

     Umiling lang si Franco at tumango naman ako.

     “Sir Baskin will be in the hospital for his rounds, and Sir Christian has a gig in Ssrariva, so I guess its just you, Sir Richard and Ma’am Alexandra.”

     Tumango nalang ako bilang sagot. Naiintindihan ko naman. Hindi naman talaga sanay ang dalawa sa mga events na may kinalaman sa negosyo. But I have to fulfill that part. Hindi na lang ako basta bastang tao ngayon. I am the next in line to the legacy of Triumph. At kapag napabayaan ko ang duty ko, my Dad will be heartbroken.

   At para narin ito sa akin.. I have been waiting for that day when I can finally show the people that hurt me how my life turned around. Kung nanatili akong nakagapos sa pagmamahal ko at sa simpleng buhay na gusto ko para sa sarili ko, hindi ko mararanasan ang lahat ng meron ako ngayon.

    Naglakad na ako palabas ng aking kuwarto at sumunod agad sakin s Franco. Everything that I have now, I will make sure that it will stay this way.

    Nakalabas kami ng bahay with four of my bodyguards in line and waiting for me to get inside my car. I have one bodyguard in my car together with Franco ang my driver and another car for the three bodyguards that will be following me.

    Somehow, nakakasiwa na palaging may nakasunod sakin. Kahit na hindi naman kailangan. But Dad is always cautious about our safety. Si Christian lang ang walang bodyguard dahil basag-ulo ang isang yun. Baka magretire agad ang bodyguards sa kanyang likas na kaangasan at tigas ng ulo.

     Narating namin ang isang gallery sa Bern and it was screaming in elegance. It was a medieval architectured gallery. Well most of the buildings in Bern are from the  times of the kings and queens kaya elegante talaga tingnan lahat ng buildings dito.

    Nakasunod sakin si Franco at ang apat kong bodyguards when I decided to enter the said hotel. Pagkapasok ko palang ay bumungad na sakin ang napakagandang exhibit ng mga paintings na hindi ko naimagine na makikita ko sa tanang buhay ko.

    This was an auction event at dahil sa sobrang hilig ni Dad sa paintings ay ito ang aming pinunta dito at pati narin makilala ko ang kanyang mga kaibigan sa business world.        Nasa kalagitnaan ng kasiyahan ang lahat ng may isang pamilyar na mukha akong nakita. Naglalakad ito at palipat lipat sa mga paintings na nakadisplay. May kasama siyang isang lalaki na patuloy na nagmamasid sa paligid at nang magtagpo ang aming mga mata ay agad niyang tinapik ang katabi niyang lalaki.

    Napahinto ako sa aking kinatatayuan at isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi habang naglalakad palapit sakin.

   Ngunit bago paman siya makalapit ay hinarang na agad siya ng dalawa kong bodyguards.

    “R-Rusty.. Its so nice to meet you again.” nakangiting saad sakin ni Suzuki while I was still in shock na makikita ko pa ulit siya.

    “Its alright guys– I know this man. Let him talk to me.” utos ko sa aking bodyguards pero gumilid lang sila at hindi lumayo sakin. Ganito sila kahigpit sa pagbabantay.

    “Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman?”

     “Do you really think na susuko nalang ako ng ganun sayo? I will move heaven and earth just to be with you.. I’m so glad that I finally seen your angelic face again, Rusty.” masuyo niyang saad sakin pero hindi ko parin siya maintindihan.

    “And you said you don’t wanna meet me again? Bakit ka pa nag-abala?” pagtatanong ko pa sa kanya na kinangisi lang niya.

     “You resigned from the job.. And it only means that you want to take our relationship to the next level. I understand kung umalis ka ng Pilipinas para magbagong buhay sa ibang bansa. But I am surprised that you are even richer than me.”

    “Suzuki.. I was surprised too. Hindi ko naman akalain na pagdating ko ng Switzerland, ito ang dadatnan ko.” tangi kong naisagot sa kanya.

    “Why don’t we have dinner tomorrow night? I just wanna make it up to you. And apologize for what I’ve said to you back then.” sincere niyang pag-anyaya sakin.

    “Suzuki.. Hindi ako basta bastang nakakalabas. Dad has all his men around me. Tingnan mo ngayon? Nakapaligid sila sakin na para akong diamond na pwedeng nakawin in a blink of an eye.”

     “Because you are.. You are a diamond in my eyes. At gustong gusto kitang nakawin. But I know it will cost me my life. But think about my offer, Rusty. Just a friendly dinner if you think you don’t see me in the same light.” tila nag-iba ang kanyang tono sa huli niyang sinabi.

    Binigay niya sakin ang sinulatan niyang papel. It was the hotel he was staying at. Tinanggap ko ito at inilagay sa aking bulsa. He smiled weakly bago siya tumalikod.

    “I’ll be there, Suzuki..” hindi ko alam bakit ko nasabi yun pero nang bumaling ulit siya sakin ay isang maluwag na ngiti na ang nakita ko sa kanya.

   Kumindat pa siya sakin bago tuluyang umalis sa harapan ko at sumunod sa kanya ang isa pang lalaki.

    Hindi talaga nagpapapigil si Suzuki. He is persistent. At dahil dun, hindi ko narin napigilang mapangiti. Hindi ko kasi akalain na gagawin niya ang lahat ng ito?

    I mean, bakit sakin niya binubuhos ang kanyang atensyon when there are a lot of girls that is willing to give him everything that I can’t give to him?

    “Sir.. your Dad is calling you..” sambit ni Franco nang lumapit ito sakin. Tumango nalang ako at sumunod na sa kanya.

     This night was somehow surprising.. I just don’t know what will happen tomorrow.

       

T.B.C.

TLT 13

   

Rusty

    

Di ko alam kung bakit ako naeexcite na kinakabahan din dahil ngayong gabi ay balak ko na ngang makipagdinner kay Suzuki. I look at my image in the mirror while I was wearing an all black suit. And it was great. I look great with all of this expensive clothing.

    Napatingin ako sa aking wristwatch and its almost 8PM. Hindi ko alam kung ano ang aabutan ko doon sa hotel na tinutuluyan niya. Maybe we will go somewhere else para magdinner. Pero nagiging mas mahirap na ang sitwasyon ko ngayon dahil sa palagi akong may nakabantay na bodyguards at hindi ako basta basta nalang makakaalis ng hindi nalalaman ni Daddy.

     My Dad has always known about my sexuality. Alam niya na lalaki ang gusto ko. And he never hold it against me. Minahal parin niya ako ng buo sa kabila ng aking kasarian. Even my step mother wholeheartedly accepted me. Siya pa mismo ang nag eencourage sakin na makipagdate ng malaya. She was happy for me when I told her and Dad earlier na ininvite ako ng aking dating boss na magdinner.

     Nang masiguro kong maayos na ang aking itsura ay agad na akong lumabas sa aking kwarto. Franco is not going with me. Tatawagan ko nalang siya in case na may problema along the way pero siguro naman, walang masamang mangyayari sa dinner namin ni Suzuki.

     Naabutan ko pa ang mag-asawa na nag-uusap sa family room at masayang nanonood ng TV. Lumapit ako sa kanila upang magpaalam.

    “Oh My God! You look so cute and handsome at the same time, Rusty.. You lool wonderful tonight.” masaya at manghang saad ng step mother ko sakin maging si Daddy ay nakangiti rin sakin.

    “Mag-iingat ka, Rusty.. And enjoy your time with your date.. Okay?”

     “Dad! Its not a date.. Its just a friendly dinner.” pagtatama ko sa kanya at nagkatawanan lang ang mag-asawa.

   Nagbeso ako sa kanilang dalawa at mabilis na akong lumisan sa family room palabas ng malaking bahay. Nakaabang na sa labas ang aking dalawang bodyguards at pinagbuksan nila ako ng pinto ng aking sasakyang kotse. Sinabi ko kay James, ang driver ko na sa Hilton Hotel niya ako dalhin. Agad naman kaming lumisan na at nagsimila nanaman akong kabahan.

    I just don’t know why I feel nervous kung palagi naman kaming magkasama noon ni Suzuki. Maybe everything changed in my life that’s why it makes me feel like everything is new.

     O baka naman may iba pang ibig sabihin ang kaba na nararamdaman ko?

     Nakarating kami sa Hilton Hotel by 9PM. I know this is very late for a dinner pero kung talagang kaya niyang maghintay, maghihintay siya.

    Nakita ko siya sa lounge area ng hotel at bihis na bihis din siya at may coat na nakalukob sa kanyang kasuotan. He look so handsome lalo na kapag ganitong nakikita ko siya out of his senses.

    Naglakad ako papalapit sa kanya at tumayo ako sa harapan niya. Naramdaman niya siguro ang aking presensiya kaya napatayo siya agad at ngumiti sakin.

    “R-Rusty.. I thought you will never come.. I was losing my mind here.” batid ko sa boses niya ang pagkataranta. Siguro nga ay pinaghandaan niya ang gabing ito.

   “I’m here now.. So you can relax.” napangiti nalang ako kasi parang nagiging teenager si Suzuki sa kanyang kinikilos ngayon.

    “I prepared something for you.. Tara na.. Nagugutom narin kasi ako. Pinaghintay mo ako ng matagal.” sabik niyang pag-aya sakin at tumango lang ako at sinundan siya papasok sa isang bahagi ng hotel. It was the function hall at nadatnan ko doon ang napakaraming white and red roses na nakapalibot sa buong silid. Ang may kadilimang silid ay nagbibigay sakin ng romantic feeling. Nasa gitna ang isang table na may nakalagay na mga plato at utensils at nakasinding kandila sa gitna. May mga rose petals din sa palibot ng mesa and some beautiful lights na nakakaaccentuate sa romantic vibe ng buong silid.

     “Did you like it? Sorry.. Magpapakacorny na ako. Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay. I just made this only for you.” napakamot pa siya sa kanyang ulo ang nakangiti akong tumango sa kanya.

     “I like it, Suzuki. Huwag kang mag-alala. This is also the first time na may gumawa nito sakin.”

     Hindi siya makapaniwala sa kanyang nalaman. Oo, this is the first time na may gumawa sakin ng ganito. Kahit si Keagan, hindi niya kailanman naisip na gawan ako ng ganitong bagay.

     “I’m glad to hear that.. So shall we? Para makakain na tayo and spend more time talking. We need to catch up.. Namiss kita ng sobra, Rusty.”

     Hindi ko mapigilang hindi kiligin sa kanyang sinabi. I thought he is not capable of doing this things. Pero para sakin, ginagawa niya ito. Paano pa ako hindi mahuhulog sa kanya?

      Masaya kaming naglakad patungo sa table at pinaghila pa niya ako ng upuan. Hindi ko na tinanggihan pa iyon. Ang lakas lang makababae.

     Tinawag niya ang waiter at agad na pinahatid ang inorder niyang mga pagkain. And surprisingly, alam na niya ang paborito kong pagkain. Pati ang paborito niyang steak ay siya ring inorder niya.

     We ate and talk at napapatawa nalang din kami dahil mas lalo pa naming kinikilala ang isa’t-isa sa mga oras na yun.

     “I never thought that you will end up being an hier to a successful and worldwide known brand. Hindi na pala basta basta ang aking liniligawan.” nakangiti niyang saad habang iniinom ang wine sa kanyang baso.

     “I’m still the same, Suzuki.. Siguro hindi ko lang talaga inaasahan na magbabago nalang bigla ang takbo ng buhay ko. And having this kind of status now feels like suffocating somehow. Wala kang kalayaan. Laging may nakasunod sayo.”

    Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito ng marahan. He likes doing that to me.

     “Masasanay karin katagalan.. Its also my case. Hindi ako pwedeng lumakad without people all around the perimeter kung saan ako naroon. I can handle myself but I still need professional help kung sakaling may panganib sa buhay ko.”

     Tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya.

     “Can I ask you something?” tanong niya bigla nang tumahimik kami ng ilang sandali.

    “Ano yun?”

     “Mahal mo pa ba si Keagan?” nag-aalangan pa siya pero naitanong niya rin ang nais niya.

     “I just want to make sure that pursuing you like this will mean that your heart is ready to be mine. Ayokong may kahati ako diyan sa puso mo, Rusty.”

     Napatigil lang ako sa aking pag-inom ng wine at nakatitig lang kay Suzuki.

     “You know I like you.. No… I think I love you so badly that I can’t wait for you to be mine.” patuloy pa niya with a determined look on his face..

    “Suzuki.. Paano naman magwowork ang relasyon natin kung nasa Pilipinas ka at nandito ako sa Switzerland?”

     “Rusty? Hindi mo ba alam kung sino ako? Kaya kong lumipad dito sa Switzerland at pabalik ng Pilipinas araw-araw if that’s what it takes to make you accept me.”

      Umiling ako sa kanya. Hindi iyon ang ibig kong sabihin.

     “Suzuki.. Marami tayong responsibilidad hindi lang sayo pati narin sa mga empleyado natin. I just think that its hard to keep a relationship kung malayo tayo sa isa’t-isa.”

     Mas hinigpitan pa niya ang hawak niya saking kamay. Ang mga mata niya ay nangungusap sakin.

     “Rusty.. We can make it work okay? Hindi pa nga natin nauumpisahan marami ka nang negative things to say about it. Lahat ng bagay may paraan, kung gusto mo ito. Wala akong pakialam kung nandito ka sa Switzerland at nasa Pilipinas ako. It will not lessen my love for you.”

     Tama si Suzuki.. Ako lang naman ang palaging nag-iisip ng negatibo kahit hindi paman napapatunayan ng tao ang kanyang nararamdaman para sakin.

     “I just want you to trust in me. And believe in love again. Kasi kailangan kita sa buhay ko, Rusty. You make me feel like I can do everything knowing that you are mine.”

     Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Tanging mata niya lang ang aking tinitingnan. Naalala ko lahat ng mga bagay na nangyari noon. Ang masasakit na ala-ala. Ang pagdamay niya sakin sa mga panahon na kailangan ko ng taong masasandalan. He was actually there for me. He made me smile. He made me forget the pain of loving the wrong person.

     Siguro may nararamdaman na talaga ako sa kanya noon pa. Natatabunan lang iyon ng takot at sakit at pagkabahala sa posibleng mangyari. Paano kung saktan niya lang din ako? Paano kung wala din namang patutunguhan ang relasyon na papasukin namin dahil pipigilin kamin ng kanyang mga magulang?

     Ngayon, siguro handa na akong bigyan siya ng pagkakataon. Ayoko siyang pahirapan pa. Lalo na’t iniwan niya sa Pilipinas ang mahahalagang bagay para lang makita ulit ako at makasama.

    “Promise me one thing.. Never break my heart.” bigla ko nalang naiusal na kinalaki ng kanyang mga mata.

     “What? Are you saying that—”

     “Oo, Suzuki.. I think you already made enough efforts for me to give you my heart.” nakangiti kong saad sa kanya at para siyang isang teenager talaga nang bigla nalang siyang nagtatalon sa tuwa.

     “Really? Seryoso ka? Sinasagot mo na ako?”

     “Bakit? Gusto mo bang bawiin ko?” pang-aasar ko sa kanya at lumuhod siya sa harapan ako at hinalikan niya ang kamay ko. Umiling iling pa siya sabay yakap sakin.

     “No way.. Wala nang bawian.. You are mine now, Rusty! Yesss!” sigaw pa niya na kinatuwa ko pa lalo.

   Tumayo narin ako at muli ko siyang niyakap. Hindi ko akalain na ganito pala siya kapag masayang masaya.

   —————–

   

Keagan

   

Matamlay akong nakiharap sa mga bisita namin sa mansion. It was my congratulatory party. Everyone was having a great time. My family was all there. Si Dad ay masayang masaya sa aking pagiging CEO. And my mom was also with her friends happily talking with them.

   “Babe? Are you alright? Kanina ka pang tahimik ah?” sunod sunod ng isang matinis na boses na nanggaling sa likuran ko. It was Violet wearing a white gown na hapit sa kanya. It shows her curves and the beautiful face she has. No doubt, she is always gorgeous. Pero habang pinagmamasdan ko siya, unti-unting nawawala ang dating excitement na nararamdaman ko kapag nakikita ko siya.

     I always felt so confused with my feelings for her. Matagal siyang nawala pero nang bigla nalang siyang nagpakita ay nakaramdam ulit ako ng pangungulila para sa kanya. I did loved her. But after a while, that feeling was slowly fading. Dahil hindi naman siya ang hinahanap ng puso ko.

     I should have never chosen this path.. Ngayon ko na pinagsisisihan ang lahat. But I have to endure this. Kailangan kong manindigan and grow up as a man. Dahil kapag nagawa ko na yun, mas magiging karapatdapat na ulit ako sa pagmamahal ni Rusty.

     Gagawin ko ang lahat para bumalik lang siya sakin.

   “I’m fine, Violet.. Why don’t you join your friends while I just take my time? I’m sure you missed them.” walang emosyon kong sagot kay Violet na kinalukot lang ng noo nito.

    “Your actions tells otherwise.. Tell me, si Rusty nanaman ba?” may halo nang inis sa boses ni Violet while she walk closer to me.

     Hindi ko na siya sinagot pa at kumuhang ulit ng isang baso ng rhum at ininom ito.

    “Hanggang kailan mo ba ipapamukha sakin na ang baklang yun ang mahal mo at ako ang sumira ng relasyon niyo?” she is starting this drama scene again and I really have no energy to argue with her right now.

    “Just leave me alone, Violet.. Okay? If you will just bring that up again, better leave me alone. Hindi ka pa ba tapos sa issue na yan?” I smirked at her bago ko siya talikuran.

    “Hindi ako papayag na makuha ka niya sakin.. You know that we are to be engaged soon. So sana magtino ka na at huwag mo nang bigyan ng kahihiyan ulit ang pamilya mo.” she yelled at me.

    Umiling nalang ako at naglakad patungo sa kinaroroonan ng infinity pool.

     I was alone up there at walang ingay na nakakapasok doon dahil sa shutter glass na nakapalibot sa buong lugar.

     There I started to shed tears again. Hindi ko alam kung hanggang saan ko dadalhin ang sakit na nararamdaman ko. Mahal na mahal ko si Rusty. At kung kailangan kong kalabanin ang lahat para sa kanya, gagawin ko now that I have that power.

    Biglang tumunog ang aking phone. Nakita ko agad ang pangalan sa screen nito at sinagot ko ang tumatawag.

    “How was it? Did you find out kung saan siya nakatira sa Switzerland?” tanong ko agad sa taong nasa kabilang linya.

    “Sir.. You won’t believe what I just found out.. Rusty is not just an ordinary person here in Switzerland. Anak siya ni Richard Buencamino.. Ang may-ari ng Triumph Shokolade.”

     Hindi agad rumehistro sa utak ko ang sinabi ni Jeff sa kabilang linya. Ang taong inutusan kong sundan si Rusty sa Switzerland para malaman ko kung saan siya nananatili doon.

    “His father is one of the richest man here in Europe.”

    At napalunok nalang ako ng laway.. What the hell is going on?

  

T.B.C.

TLT 14

Suzuki

   

Hindi parin mawala ang ngiti ko habang kahawak ko ang kamay ni Rusty. Namamasyal kami sa Historical Museum of Bern kung saan nakadisplay ang lahat ng tungkol sa kasaysayan at kultura ng mga Swiss mula nang maitatag itong kaharian noon.

    Si Rusty naman ay mahigpit lang ang hawak sakin habang naglalakad kami sa bawat portion ng museum na gusto niyang puntahan. This was that moment that I don’t want to end. My heartbeat was doubling each time he gaze at me and smiles.

    “Bakit ka nakangiti diyan? May nakakatawa ba?” basag niya sa katahimikan naming dalawa.

     “Hindi.. I just can’t believe that you are my boyfriend now. And you know I always wanted this moment to happen.”

     “You made me happy.. You made all this efforts just to show your love to me, paano ako hindi mahuhulog sayo?” nakangiting sagot niya sakin. He tighten his hold on my hands and I just can’t get enough of it.

     “I have to go back to the Philippines tomorrow.”

    Napatingin siya sakin at nakita ko ang pagbabago sa mood niya. I know kakasimula palang namin pero magkakalayo na agad kami. But his life is here now. And I can’t take that away from him. At nangako ako sa kanya na I will fly back and forth, just to be with him. And I will do everything to make it happen.

      “I hope you won’t get tired of our situation.. I just need to be prepared to take over Dad’s company. At kung maging stable na ang lahat dito, I can freely do whatever I want. Maybe you don’t have to go in and out of Switzerland. Gusto kong maging matatag lang tayo with all the odds in this relationship.”

    Kinuha ko ang isa pa niyang kamay at tumango lang ako bilang pag-sangayon sa kanya.

     “I will do everything just to fulfill my promise to you. And you don’t have to worry about us not being together. May video chat naman. We can still do things that we want even when were apart.”

    Tumango tango lang siya at napangiti saking sinabi. I know it has been tough for him. Nangangamba din ako sa aming sitwasyon. Ang malayo sa taong mahal mo ay hindi madali. Lalo na at kinikilala niyo pa ng husto ang isa’t-isa.

    Tinapos namin ang pamamasyal sa loob ng museum at agad na nagtungo sa Bern Cathedral para itour din ito at magkaroon ng panahon narin para magdasal. Although I am not religious, but Rusty is. He always want to thank God for everything that has happened in his life.

   I can only imagine kung hindi niya iniwan ang Pilipinas.. Siguro lugmok parin siya ngayon.

    And now seeing him in this way. Mas maganda pa ang buhay na meron siya kumpara sakin.. I can’t be more happier for him.

   ––––––––

     I was on the private jet when I recieved a message. It was Rusty’s name on the screen. I opened it and can’t help but smile.

     “I will miss you.. Ingat ka and I will see you soon again. Alam kong nagdadamot ako sayo but I want you to know, that I love you. And thank you for all that you did to me.”

    Pinatay ko ang aking phone and with that in mind ay nagready na for take off ang eroplano and I can’t wait to be back again to be with my Rusty.

    ––––––––––

   

Rusty

    

Nasa hapagkainan kami ngayon nga aking mga kasama sa bahay. They were all looking at me as if they are waiting for me to say something.

    Dad was trying to slow down his every chew on his food. While my step mom is looking at me with an amused eyes. Alam kong gusto nilang malaman where I have been going for the past few days.

     Parati kasi akong lumalabas at syempre, para kakitain si Suzuki. It was the best feeling that I finally let go of the past and started new memories with a man that I know, will never treat me the way Keagan did to me. And thinking that we started our relationship this way, I know it will also let me test on how strong our bond will be.

     “So, how is it? Are you guys now a thing or still not?” tanong bigla ng step mom ko at napangiti naman ako sa kanya.

     “Well, I have to say it anyway but yes, we are officially dating now, Mom.”

     “Who are you dating?” isang malalim na boses ang biglang sumabat sa aming masayang usapan. Napalingon kami sa nagsalita at naglalakad ito papalapit samin.

    He was wearing a leather jacket with a red shirt underneath. Ripped jeans and a pair of army boots at nakapungos pa ang kanyang mahabang buhok. It was Christian.

    “Christian? I thought you’re not going back till Spring?” salubong ni Dad sa kanyang step son at humalik ito sa kanyang pisngi pati narin ang step mom ko ay humalik sa pisngi nito.

     “Dad.. I think I changed my mind.” usal niya na kinatigil naman naming lahat. Anong he changed his mind?

     “Well, tell me what your thinking? Why did you change your mind?”

      “I think I’ll go back to school.. And study music. Its tiring to be on a band. The toxic fandom.. The tight schedules, the sleepless days and nights. I think its not what I want now.” paliwanag ni Christian while he started asking the maids to give him his plate at sasabay siya samin sa pagkain.

     “That’s a great decision, Chris.. I know you will soon realize that you are wasting your time in chasing that fame. I was never against it but I just want you to make more sense in your choices.” sambit naman ni Mommy.

     “Mom.. I will try to enroll this Semester.. Zurich has a great school for music so I think I will go there. But for the mean time, I’ll stay here and maybe thinking about visiting Dad’s country? What do you say, Rusty?”

     Nagkatinginan kaming tatlo at ngumiti si Dad ng maluwag.

     “Ofcourse.. It has been a long time that you wanna visit the Philippines.. I’m sure you will enjoy your time there.”

     Tumingin pa sakin si Christian at ngumiti. He is so devious in a way. Para siyang may balak na masama na hindi mo maintindihan.

     “I want Rusty to take me there when its the right time..”

     “I have a job in the company, Christian.. You know that.” saad ko sa aking kinakapatid pero umiling lang siya.

     “Well, I can’t just let anyone take me there. I want someone who is family. I’m sure Dad wouldn’t mind you taking some time off.”

     Napatingin ako kay Dad and he just look at me in question. I have a feeling na kapag kasama ko si Christian, mapapasama lang ang lahat. Hindi ko siya makakasundo.

     “Or are you scared that I will know who you are dating? Is that the problem, Rusty?”

     As if he reads my mind pero hindi ko na pinahalata yun. Ngumiti nalang ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain.

    “Let’s just eat.. We can talk about this some other time.” pag-awat ni Mommy sa kanyang anak at natahimik naman ito.

    Matapos ang dinner ay agad akong nagpunta sa study room. I need to finish some research about chocolates and all of its processes. I need to dig deeper on the knowledge about the product that we are producing.

   May kumatok sa pinto at agad akong napalingon sa pumasok sa loob. It was Christian. He was wearing a shirt and cotton pants at naglakad siya palapit sa mesang kinaroroonan ko.

     “Why were you avoiding my questions earlier? Is that how you will treat people round here?”

     “I think its none of your business if I won’t answer questions that are personal. Why would you even ask that in the first place?”

      Nalukot ang noo niya at wala siyang ibang sinabi pa at umupo sa harapan ko. He just stared at me and checking my reactions.

      “You know what.. You are really strange. You treat Baskin nicely but you don’t do the same for me.”

     “Because Baskin is nice towards me.. But I never get the same from you, Christian.. Now you know why.” sagot ko sa kanya bago ko ibalik sa librong binabasa ko ang aking atensyon.

     “I like guys too, Rusty..” nahihirapan niyang sambit sakin na kinagulat ko talaga. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya.

     “I know from the start that you were like me. I just thought that it will be fine if I distance myself from you because I was never around with gay guys too. I was trying to hide it all this time.” mahabang paliwanag niya at sinara ko ng tuluyan ang librong hawak ko.

     “I left my band because.. I was falling in love with the vocalist.” siwalat pa niya na mas kinagulat ko pa.

     “And why haven’t you said these to Dad and Mom?”          “Because I don’t wanna disappoint them. I was always the harsh one. The tough one. But I only show that side of me because I was afraid that Mom and Dad will get more disappointment from me.”

     Umiling lang ako at tumayo upang lumapit sa kanya. Gusto ko siyang pakinggan dahil parang naiiyak na siya. Hindi ko alam na may pinagdadaanan pala ang bakulaw kong kinakapatid.

     “Its okay.. You can tell me. Tell me everything about it.” malumanay kong saad sa kanya at tuluyan na siyang naluha.

    Kwinento niya na kaya siya sumali sa banda dahil gusto niya laging makasama si Ysmael. Ang vocalist ng kanilang banda. Simula pa nung Highschool sila ay mahal na niya ito ng patago. Magkakabarkada kasi silang lima at ayaw niyang malaman ng mga kaibigan niya na may ganun siyang nararamdaman. Ayaw niyang nawala ang mga ito sa kanya.

    Hinayaan ko siyang lumuha at yinakap ko narin siya dahil pakiramdam ko responsibilidad ko yun bilang nakatatanda samin.

    “Everything will be alright.. You don’t have to be so hard on yourself. You should tell him about it. What if he also likes you the same way? You won’t find it out if you don’t try it?” advise ko sa kanya at tumango lang siya sakin.

    “I will try to tell him.. And I won’t blame him if he would end our friendship after I confess to him. It’s just hard to know that our friendship will just vanish because I have this feelings for him.”

     “Don’t cross the bridge while you are not there yet.. Accept it whatever will happen.”

      Tumango tango lang siya at nagpatuloy sa pag-iyak. Ang laki laki niyang lalaki pero napakaiyakin pala. Napapatawa nalang din ako sa loob ko.

      “Thanks, Rusty.. I owe you alot. And please, just keep this a secret for now. I will out myself to Mom and Dad in the right time. Please let this be between you and me for now, okay?”

     Napatango naman ako bilang sagot sa kanya. Hindi ko naman gagawin iyon sa kanya. Gusto ko na siya mismo ang magsabi sa mga magulang namin ang katotohanan sa pagkatao niya.

   After our dramatic time ay umalis na siya sa study room at nagpaiwan ako dahil kailangan ko pang tapusin ang librong binabasa ko. And suddenly my phone rang.

    It was Suzuki at napangiti akong sinagot ang kanyang tawag.

    “Hey– How was your flight?” masiglang tanong ko sa aking kasintahan.

     “We landed safely.. I miss you already. I will take some serious things first and I will fly back there soon. Okay?” sagot naman sakin ni Suzuki.

     “Well, I want to tell you something.. I think you don’t have to go back here just yet..”

    “And why is that? May problema ba?” natatarantang tanong niya sakin na kinatawa ko lang.

    “Relax ka lang.. Kasi nga, uuwi ako diyan.. Maybe in two weeks.”

     “Talaga? You’ll fly back here? Yess!!” para siyang teenager na sumisigaw sa tuwa.

     “Yeah.. And I will bring my step brother.. Gusto niya kasing makita ang Pilipinas.”

      “Step Brother? Which one?”

     “The gentle giant.. I think he needs that break. Christian and I will fly there together.”

     At natapos ang tawag namin sa isang virtual kiss. Nakangiti akong bumalik sa aking pagbabasa.

     This life is full of surprises.. That’s for sure..

   

T.B.C.

    Ano kaya ang magiging role ni Christian? Hmmmm..

TLT 15

Keagan

   

“I need the files for the acquisition of Sunrise Realtors. And please, tell Violet to stop pestering me. I am busy with all these projects and meetings. I have no time for her rants and petty clamors.” utos ko sa aking secretary. She nodded in response at lumabas na ng aking opisina.

    I sighed and massaged my forehead dahil sumasakit ang ulo ko sa dami kong iniisip ngayon. This whole thing. Hindi ko ineexpect na ganito pala kahirap magpatakbo ng isang malaking kompanya. I never thought about this. I never thought about having complications.

     Naging makasarili ako and now I am paying for the price of wanting all these. Gusto ko ng maginhawang buhay na nakasanayan ko na. But I ended up having it with so much cost. Nawalan na ako ng social life. Nawalan na ako ng panahon para manlang lumabas and drink with my friends. I can’t even have time to see things without someone following me everywhere I go.

   Bigla ko nanamang namiss ang buhay namin noon ni Rusty. Yung tipong magkasama lang kami in our small condo unit. And we will spend our whole day watching some movies and him cooking some good snacks for the two of us. Yung mga weekends na aalis kami for a vacation and we just enjoy it. It just hit me so hard now. Now that I lost him and he has a new life in Switzerland. A more well off life than he could ever ask for.

    Somehow napapangiti nalang ako ng mapait. Now that he is even richer and powerful than I am, mas mahirap na siyang makuha ulit. Even trying to follow him to Switzerland is harder than it seems. Mahigpit ang security niya and he is seldomly seen by anyone. I just wanna give up. But just thinking of him not ending up with me, it breaks my heart over and over again.

    I suddenly felt my tears slowly streaming down my face. I deserve all these. All this pain and sorrow I have in my heart. Because what I did to him was unforgivable. But I still want him. I still want one more chance. A chance for us to begin again. And I promise, hinding hindi ko na siya sasaktan pang muli.

    Mabilis na bumukas ang pinto ng aking opisina at mabilis akong napatalikod para pahiran ang luha na tumutulo sa aking mga mata.

    “How dare you tell me that I am being petty!? Why? Ganyan mo ba ituturing ang future wife mo? You think I will just stay at home and wait for you to arrive and make you dinner and all that?” Violet ranted and it just gets me more upset dahil nauubos na ang pasensiya ko sa kanya.

   “Violet, please! I am so tired of all your drama!” sigaw ko naman at hinarap ko siya.

    “Tired of thinking of that gay bitch.. Right? Pagod ka nang isipin siya dahil iniwanan ka na niya. Bakit? Hindi ba yun ang gusto mo? You want to leave him for me.. Right?”

    “I think I might have made a mistake of leaving him afterall.. Can’t you see? As the days go by, you are getting more and more pathetic. I should have seen this side of you long before you came back into my life.”

   Mabilis siyang naglakad papunta sakin at binigyan niya ako ng isang malutong na sampal.

    “I am like this because of you, Keagan! Because you are treating me like trash.. I don’t deserve any of these. Hindi mo manlang ba nakita that I left my career just to be with you!?”

    Tiim bagang ko lang siyang tinitigan at hinaplos ko ang parteng sinampal niya.

     “Then you can go back and do what you really want.. I will not stop you from chasing your dreams like I did back in college when you left me clueless. Hindi na kita pipigilan pa. Dahil ayokong makipaglokohan pa sayo.”

     “And what? Hayaan kang mapunta ulit sa baklang yun? Never! Hinding hindi ka na makakabalik sa kanya. You did all of these. And you will suffer the consequences.”           At tumalikod na siya, walking in a fast paced manner. She looked back again and the hatred on her face just tells me that she is serious about this.

    And I just sighed and felt lost about all this crap.

  

Rusty

   

Inaayos ko na ang aking mga dadalhing damit sa aming pag-uwi ng Pilipinas ni Christian. He seems so excited having his first trip to Asia. Madalas na siyang magtravel around Europe at pati narin sa North at South America. Pero hindi pa siya nakapunta ng Asia kaya masaya siya.

     Franco was assisting me in picking the right pieces of clothing na babagay sa klima ng Pilipinas. Mainit ang Pilipinas kaya hindi ako magdadala ng mga sinusuot ko dito sa Switzerland. Franco was so keen to go with me pero sinabi ko sa kanya na tulungan niya nalang si Dad sa kompanya on my behalf. Para matrain narin siya kapag ako na ang humawak sa kompanya.

     “Sir. I just wanna know if you are ready to face him again?” tanong ni Franco sakin all of a sudden. Napatingin ako sa kanyang banda. He was delicately putting my clothes in the luggage with so much finesse. Magaling siya sa napakaraming bagay kaya hanga talaga ako sa kanya.

     “I don’t really know to be honest.. Its just been two months since I last saw him. We stayed together for 4 long years. I’m sure its not that easy to forget someone that you made your world, right?”

     “I just think that it would be unfair for you to enter a relationship right now, when you still don’t know how you really feel. Not being invasive, but I think this trip back to your home country will make you weigh things more.” advise pa niya sakin na kinatigil ko lang. Franco was so deep with what he just said.

     “What if you still love him? What if he ask for your love again? What will happen then?”

    Honestly, ngayon ko lang talaga naisip ulit si Keagan. After awhile, muling bumugso sa loob ko ang lahat ng mga ala-ala naming dalawa. And yes, its really hard to forget something you always treasured. But I am in love with someone else now.

   And its Suzuki. Si Suzuki na ang mahal ko.      “I certainly don’t wanna see him again.. But I know its impossible because I will meet him eventually. I just want to move on from everything that we had before. I think I already did. He is just a piece of my past that broken me. And I won’t let that past stop my present happiness.” masayang hayag ko sa aking assistant at tumango lang siya at bumalik na muli sa kanyang ginagawa.

   ———––

    “Anak.. Mag-iingat kayo dun ha? Don’t let Christian do stupid things. Ayokong mag-away kami ng mommy mo. Okay?”

    Napatawa nalang ako sa bilin ni Dad. Para kasing ang tingin niya kay Christian ay teenager na kailangan pang bantayan. Eh mas bakulaw pa ito sa lahat ng nakilala ko eh.

    “Dad.. We will be fine. Babalik din kami in three weeks. Ayokong magtagal doon. I have a job in our company. I have to be responsible for that.”

    “And that makes me even more proud of you.. Inspite of not being with you when you were growing up. You turned out to be the best man that you can be.”

     Yumakap ako kay Daddy bago niya ako halikan sa pisngi at nagpaalam na kami sa kanila ni Mommy. Christian was so bored in his casual clothing. Gusto na niyang makaalis. At nagpaalam narin siya sa aming mga magulang.

     Baskin was also with them and he was kind if jealous na hindi siya makakasama samin ng kapatid niya.

    “Enjoy and have fun guys.. I will miss you two.” bilin pa ni Mommy at nagpaalam na kami ng tuluyan. Pumasok sa isang Bently at kasama ang aming apat na bodyguards that will be with us for the whole duration of the trip. Ayaw ni Dad na maging kampante. Gusto niyang ligtas kaming dalawa ni Christian at ayoko namang pangunahan pa ang desisyon niya.

    Nasa biyahe na kami ng tumunog ang aking phone. It was Suzuki and my face lit up with a smile.

    “Hey..” sagot ko sa tawag niya at isang pagsinghap lang ang aking narinig mula sa kanya.

    “I need to tell you something..” seryoso ang boses ni Suzuki which made me feel like something is wrong.

    “What? May nangyari ba?” nagaalangan kong sagot sa kanya.

     “I need to be in Japan for a week. I have some family stuff going on. And I’m sorry if I can’t meet you on the airport.”

    Nalungkot naman ako bigla. This is not what I expected. Akala ko kasi kapag nakauwi ako ng Pilipinas, we will have time to spend with each other.

    “If its really important, its okay.. I understand.”

    “I will be back after a week, and then we will have time for each other. What do you say?”

     Tumango nalang ako on my own. I sighed pero hindi ko pinarinig sa kanya. I don’t want him to know my disappointment.

    “Yeah.. Sure. You know I would love that.” pilit kong sagot sa kanya.

    “I love you, Rusty. Take care and have a safe flight.”

    At pinatay na niya ang tawag. I was left dumb. Para kasing minadali niya lang ang tawag at para bang marami siyang ginagawa.

    The past two weeks we usually talked every morning and every night or every chance we can get and he always have that happy vibe in him. But today was so different. I guess its just me but I can’t help but be bothered.

    “Hey? Are you okay? You seem so upset.” binaba ni Christian ang shades na suot niya at tumitig sakin. Magkaharap kami sa loob ng van at umiling lang ako sa kanya bilang sagot.

    “Its nothing.. I just talked to someone. But its really nothing.”

    “Oh c’mon.. You can tell me shit, you know that? I’ve been wondering why you keep on smiling the past days and suddenly you just turn into a sulky mood? What really happened?” pangungulit pa niya pero hindi ko na siya sinagot pa.

    “You know.. If that man is not sensitive enough to leave you in that kind of state, he better not come near you again or I’ll punch him in the face.” may banta sa boses niya na kinagulat ko naman.

    “Chris.. Nothing’s wrong okay? I’m just a bit disappointed with how things are going. But its not a big deal. Nothing big happened.”

    Tumahimik naman siya at muling isinuot ang kanyang shades and tried to mind his own business. Kung minsan kasi hindi ko rin siya maintindihan. Magagalit siya sa tuwing kausap ko si Suzuki. Nahuli niya kasi kami one time na nag-uusap and he was calling my attention but I failed him.

     And since then, palagi na niya akong inaaya na lumabas kasama siya. Pupunta kami sa Zurich para magpunta sa mga gallery at music shops. Parang gusto niyang nasa kanya lang ang attention ko which made it annoying to me somehow.

     At ngayon nga, ito nanaman ang kanyang kinikilos. He is trying to be inattentive at hinayaan ko nalang siya na maging ganun. Kesa naman kulutin niya ako ng kulitin. He is wierd that I feel like there is something going on in his head.

    Nang makarating kami sa Bern Intl. Airport ay agad kaming nakalampas ng Immigration at direktang nagtungo sa Private Jet ng aming pamilya. Ganito ang kapangyarihan na meron si Dad that we can travel freely wherever we want to. And we settled our things at agad na lumulan sa malaking eroplano.

  Christian was still minding his own hanggang sa mag take-off na nga kami. Mahaba habang biyahe din ang gagawin namin.

    And I don’t really know why I feel like something is about to happen once I get back to my home country. I left the Philippines only to find out that I am an hier to a billionaire and now I can’t seem to understand why I am not yet accepting that fact.

    I should be happy. I should embrace it. Iba na ako sa dating Rusty na umalis para kalimutan ang lahat.

  

T.B.C.

TLT 16

Suzuki

    

“Dad.. I don’t understand what you’re talking about. I’m not seeing someone right now. And when did you have the time to mind in my own private life?” sagot ko sa aking ama na nasa loob ng aking kwarto. He is holding his cane but he is still a man strong enough to break my bones if I ever defy him.

     “I have the call when in comes to who you will be with, do you understand that, Suzuki? You don’t have the right to defy me because as long as I’m alive, I rule every aspect of your life.”

     This is that moment. Ang pagkakataong ayaw na ayaw kong dumating. Ang makikialam na ang aking ama sa mga ginagawa ko saking buhay.

    “Get married soon. And I want you to go to Japan to choose your bride in the Hamasaki Clan. Its our family tradition. You have to follow that just like how I followed your grandfather.”

     “Dad! Its an old tradition that brings nothing to us! I am a grown man now.. And I will choose the one that I want to be with. And its not you who will decide for that.” singhal ko sa aking ama out of respect. Dahil ayaw ko na talagang nakikialam pa siya sa lahat ng ginagawa ko.

    And even my relationships, kailangan pa niyang pakialaman. I’ve had enough of all his intrusions.

    “And what? Be with that gay man you’ve been obsessing with? Do you think I am blind and deaf? Did you honestly think Yuki will not tell me everything that you’ve been doing in Switzerland?”

   Nabigla ako sa aking nalaman. Talagang piniga niya si Yuki na magsalita tungkol sa aking pagpunta ng Switzerland.

    I can’t look at him directly. Parang gusto ko nalang umalis pero ayokong mas lalo pa kaming magkaroon ng alitan ni Dad.

     “Listen to me.. You leave him and you go to Japan. Pick a bride and get married by tradition. Don’t bring shame to our family. Never forsake the Miyasaki name, Suzuki. Do you understand?” madiin at puno ng otoridad na utos ni Dad.

   My heart was slowly sinking as he left me alone in my room. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. I tried to shake off the things that my Dad said but he is the only one that is left of me. Ayokong bigyan ng sama ng loob si Dad dahil siya nalang ang natitira kong pamilya. And if I don’t follow what he wants me to do.

   I tried to connect with Rusty but I don’t even know what to say. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin sa kanya. Kung kelan— Kung kelan nagsisimula na akong maging masaya ng totoo, this bullshit happened and I can’t break his heart like this.

   Because its also breaking me like hell. I’m scared of what will happen. Scared of the things that will go down after this.

    ———————––

     I was ready. All the things I needed to bring. The hierlooms and the gifts for the bride that I will pick. Its all organized now. I’m flying to Japan and yet I feel like my world is not moving anymore.

    A tear suddenly left one of my eyes. And it continued to drop one by one until my face was soaking wet. Gusto kong iluha nalang ang nararamdaman ko ngayon. Why does it feel like whenever I want something, life always gets in the way and stops me from getting them.

    I’m no better than Rusty’s ex. Gusto kong ipagalaban ang pag-ibig ko sa kanya but this fucking tradition is too much. My Dad. The company. The name that I am holding. The high reputation that we have. Its all that matters. And I have to let go of that happiness. The happiness that I can never have. I will never have.

    The hardest part now is how I can explain to Rusty about everything. Kung matatanggap niya ba ulit ako kahit na may asawa na ako? That’s just bullshit.

   

Rusty

   

“Welcome to the Philippines, Chris!” sambit ko sa katabi kong abala parin sa kanyang phone. Madami siyang tinitingnan at kadalasan ay mga islands at best destinations ng Pilipinas. Talagang excited siya na malibot ang buong Pilipinas.

    “Rus.. Can we go to this Island? Palawan? Is that right?”

    “Yeah.. Sure, anything for my dearest brother.” nakangiti kong saad sa kanya while I was freshing up.

    “Does it feel good to be back?” tanong niya bigla sakin while he was also getting his things.

    “Yeah.. I missed my friends and I will meet them for sure. You will love them.” pagmamalaki ko pa kay Christian at ngumiti lang siya bilang sagot.

    “And your boyfriend? Is he going to meet you outside?”

    Napasinghap ako at umiling sa kanya. Napangiti ako ng mapakla bago utusan ang flight attendant namin na ayusin ang mga gamit at naglakad na ako papunta sa bukas na pinto ng private jet.

    Honestly, I was hoping that he will surprise me somehow. Pero sabi nga niya, kailangan niyang pumunta sa Japan for some family matters and I understand him.

    Ayokong isipin na magiging mahigpit ako sa mga gagawin niya dahil hindi ako kailanman naghigpit sa kanya. He can do what he needs to do. And it scares me actually. Ayokong isipin na baka lokohin niya ako dahil sa pagiging maluwag ko sa aming relasyon. Suzuki assured me his love. Kaya panghahawakan ko yun.

    Nang makababa ako ng eroplano ay nakabantay na ang apat naming bodyguards and the Bently was also ready para dalhin na kami sa aming magiging tirahan while in the Philippines.

   Dad picked a huge house in Forbes Park and I don’t even get the idea of him trying to give us too much space for a hous. Pwede namang sa condo nalang kami dahil sigurado naman ako kakasya kami ni Christian at ang mga bodyguards namin.

    “Dad exaggerates a lot of things. Why would he even choose this house? This is too big for us.”

     Nasa paanan na kami ng malaking bahay and it was yelling with luxury. Isang mataas na gate ang nasa labas at napakalawak na garden sa entrance palang. A three storey house in a modern design. It was fully furnished at may mga maids narin na nandoon para ipaghain kami ng aming makakain.

   “You have to understand that we are not just an ordinary family, Rusty. Our Dad is one of the richest man in Europe and maybe the world. So we deserve all this. Chill, okay?” sambit pa ni Christian bago humilata sa malaking sofa sa living room at nagtanong pa ito ng password ng WiFi. Napangiti nalang ako sa kanyang mga inaasal.

    Napakalaking tao pero parang bata kung umasta.

    Agad kong binuksan ang aking old phone. Ngayong nasa Pilipinas na ako, makikita ko na ulit si Bianca and her brother, Borj.

    At ang mga kaibigan ko narin. I was so excited to meet them again.

    But my heart started to beat in a wierd way. Parang may mali na hindi ko maintindihan. I calmed myself down but something is really wrong.

    Agad kong tiningnan ang call logs ko at nagdial ng number ni Suzuki. It was out of coverage. Ano kayang nangyari sa kanya?

     After we got dinner, naghanda na ako para magpahinga at agad kong tinungo ang aking malaking kwarto sa ikalawang palapag. The whole room is decorated with wooden and glass pieces. The chandelier near the bathroom was beautiful. At makikita mula sa glass wall ang malaking swimming pool sa backyard ng bahay. It was good to be back home but it still feel so wierd at the same time.

    Parang may mali na hindi ko mafigureout. And with that in mind, nagpunta na ako ng banyo para maligo at itulog nalang ang aking nararamdaman.

   ––––––––

   I woke up and everything feels a bit new. Hindi ako namamahay or any of that. But its just feel different kapag nasa ibang lugar ka. And I immediately stood up from my bed to do my morning routine.

    Pababa ako ng hagdan ng marinig ko bigla ang malakas na rock music na tumutugtog sa buong bahay. Napailing nalang ako dahil si Christian nanaman ito. Nagwoworkout siya sa loob ng gym. May gym kasi ang bahay at kita ko ang pagtagaktak ng pawis niya while he was lifting some wieghts. Maganda talaga ang katawan niya. I never wanted that kind of body for myself. Masaya na ako sa slim yet toned body ko.

    Linisan ko ang gym at agad pumunta sa backyard kung nasaan ang pool area. Humiga ako sa mga pool benches dun at agad kong kinuha ang aking phone para subukang tawagan ulit si Suzuki, but he was out of coverage parin. Maging sa Patssap niya ay hindi siya online.

    Kaya naisipan ko nalang tawagan si Bianca. Alam kong magiging sorpresa ang pagtawag ko sa kanya.

   Nagring ang kanyang phone at nakailang ring pa ito bago niya ito sagutin.

   “He-Hello?” nagaalangan ang boses ni Bianca ng sumagot siya na kinangiti ko naman.

    “Hi bestfriend..” sagot ko sa kanya at tumili na nga ng tuluyan ang aking kaibigang matagal ko ring hindi nakausap.

    “Bakla!! Anong– Naku talaga! Ang laki ng kasalanan mo sakin. Pinag-alala mo ako ng sobra ha?! Bakit ngayon ka lang tumawag ano bang nangyari sayo?!”

    Napangiti nalang ako sa sunod sunod niyang tanong. She really cared for me. At iyon ang minahal ko kay Bianca.

    “Mahabang kwento. But I’m here in the Philippines at the moment.”

     “Bakla ka.. Totoo? Nandito ka talaga sa Pilipinas? Naku kailangan mo talagang magexplain sakin ng bongga. Day off ko ngayon so pwede tayong magkita.”

   Napatawa nalang ako dahil sa kanyang nagiging reaksyon sa mga sinasabi ko.

    “Isesend ko sayo ang address ng aming tinutuluyan ngayon dito sa Pilipinas. And I will tell you everything when you get here. Isama mo si Borj para masaya. Okay?”

   “Ofcourse.. Hindi talaga pwede na hindi sumama ang mokong na yun? Alam mo namang mahal karin ng kapatid ko. He thinks of you as his own narin diba?”

    Nag-usap pa kami ng ilang bagay bago ko ibaba ang tawag. I’m sure mas magugulat siya kapag nalaman niya kung ano ba talaga ang nangyari sakin sa Switzerland.

   ———––

    Hindi parin mawala ang pagkamangha sa mukha ni Bianca habang nililibot niya ang mata niya sa paligid ng bahay. Para siyang nalulula dahil sa ganda ng kabuuan nito.

    “Rusty? Sure ka bang sa inyo ito? Hindi ko kasi maintindihan, bestfriend. Paanong naging sa inyo itong bahay na’to? Eh kahit magtrabaho ata ako habangbuhay hindi ko maaafford ang ganito ka bonggang bahay?”

    Si Borj naman ay hindi rin makapaniwala sa kanyang nakikita. Tumango lang ako sa kanila at ipinaliwanag ko ang lahat lahat na nangyari sa Switzerland. Manghang mangha pa sila sa aking kwento na kinatawa ko lang.

    “Grabe ka Rusty.. Eh napakayaman mo pala. Lord! Ang unfair mo naman. Pwede na akong maging member nalang ng family niyo? Parang gusto ko nang manirahan dito.”

   “You are my family too, Bianca. You can always come here kung gusto mo. Anyway minsan lang din naman ako makakauwi dito sa Pilipinas once I start to take over Triumph.” masigla kong tugon sa kanya.

    “Ibang level ka na talaga.. Mas mayaman ka pa kesa sa hinayupak mong ex ngayon. Pero mas mabuti na yun. Iniwan ka niya and now tingnan mo ang buhay mo, you are a royalty. Lakas makacelebrity.”

   Nagtawanan pa kaming dalawa at napakamot nalang si Borj sa kanyang ulo. At biglang may pumasok sa dining area na nakatapis lang ng tuwalya.

   Napatigil naman si Bianca pati narin si Borj sa nakakabiglang entrance ni Christian.

    “Ohlala.. Nasa heaven naba ako God? Anong meron? Bakit may God of Hotness dito?”

    Napailing nalang ako sa kagagahan ng bestfriend ko.

   “Christian.. Please put some clothes on. We have guests.” utos ko sa aking kapatid at tuluyan na itong bumaling sa amin.

   “Puntangina.. Di pa ako kumain busog na busog na ako, bestfriend. Sino siya? Boytoy mo?” usal pa ni Bianca na kinatawa ko nalang ng mahina.

   “Well, why don’t you introduce yourself to them?” taas kilay kong utos kay Christian.

    “Christian Olfzer.. I’m Rusty’s brother. Nice to meet you guys.” pagpapakilala niya sa aking mga bisita.       Si Bianca ay lutang na inabot ang kamay ni Christian at tawang tawa na ako dahil kung alam lang niya kung ano si Christian.       “Mother of Vaginas.. Please be straight.” singhal ni Bianca na tuluyan kong kinatawa.

    Maging si Christian ay natawa narin sa huli niyang sinabi.

   

T.B.C.

TLT 17

     

Rusty

     

“Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari sa buhay mo, bestfriend. Nakakalula ang kayamanan na meron ka ngayon. I mean, not just that, may step brother ka pang nakakabuntis kahit walang gawin sa isang babae.” patuloy na pagpapatawa ni Bianca sakin habang nasa gazebo kami at nagmemeryinda. Si Christian ay kasama naman ni Borj na nagswswimming sa malaking pool sa backyard.

     Nagkasundo agad ang dalawa dahil sa parehas nilang hilig ang music at rock genre ang pareho nilang gustong gusto.

     “Hindi naman kasi nababanggit ni Daddy sakin noon na ganito na pala siya kayaman. He kept it from me dahil gusto niyang matuto talaga ako sa buhay. And I did. Napakarami akong natutunan.”

     “At yun ay paiyakin at saktan ng walang hiya mong ex.. At talagang ang kapal ng mukha niyang paulit-ulit akong kulitin na sabihin sayo ang mga gusto niyang sabihin. Ano ako? Messenger? Facebook? Twitter?”

    Napailing nalang ako. Hanggang ngayon ginugulo parin ako ni Keagan. Hanggang kailan ba siya titigil sa pagsiksik niya sa sarili niya sakin.

     “At ito pa.. I heard that he is going to get married to that Violet. Ang malanding ahas na yun.. Naku kung di mo lang talaga ako pinigilan that night na nakita ko siya, sinabunutan ko talaga yun ng bonggang bongga.” patuloy pa ni Bianca bago linagok ang isang basong juice at pinapak ang Brownies na pinabake ko.

    “Let’s just forget about that man.. Whatever he is going through and whatever he does, wala na akong pakialam. He is a part of my past na unti unti ko nang nakakalimutan.”

    Tumango tango lang si Bianca habang patuloy sa pagkain niya.

    “Have you seen Suzuki in the company yesterday?” hindi ko maiwasang itanong sa aking bestfriend at napatigil siya sa kanyang ginagawa.

     “Mr. Miyasaki? Ang alam ko nakaleave siya at nasa Japan. That’s what I heard around. At may isa pa akong narinig.”

    Kinabahan ako sa huling sinabi ni Bianca.. I know this is the answer that I am looking for. Kung bakit bigla nalang hindi ako kinakausap ni Suzuki.

     “Balibalita na magpapakasal na daw yun sa Japan as per tradition. Ganun daw talaga ang pamilya nila.. Teka.. Bakit mo ba natanong? Eh diba pinutol mo narin ang communication mo kay Mr. Miyasaki?”

    That was a bomb that exploded suddenly. Ang sinabi ni Bianca ay mas lalong nagpalala ng aking nararamdaman.

    “What– What did you say about him getting married?”

     “Rusty.. Ganun daw talaga ang pamilya nila. They will get married soon as they take over the legacy. Kailangan nila ng magmamana kaya kailangan nila mag-asawa. Bakit ba para kang minulto diyan? Bakit ang putla mo?”

    Nanginginig akong tumayo at hindi ko na binalingan ng pansin pa si Bianca. Nanghihina ako at para bang naulit nanaman ang lahat. Ang lahat ng sakit na aking pinipilit kalimutan, nagsimula nanamang magsibalikan.

    Why—Why did ha have to hide this from me? Balak niyang itago ang bagay na’to sakin? Balak niya akong gawing kabit? Yun ba ang ibig sabihin niya?

    Nagmadali akong umakyat sa aking kwarto at agad kong hinanap ang aking phone. Kailangan kong malaman ang katotohanan.

    “Franco.. Please search everything about the Miyasaki Clan in Japan and update me about what you found. Focus on the new generation Miyasakis.. I want to know what are their traditions, costumaries and everything about them!” hindi ko na alam kung gaano kabilis kong nailahad kay Franco ang aking inuutos sa kanya.

   “Copy, Sir.” at ibinaba ko na ang aking tawag. Nanlulumo akong humiga sa aking kama at biglang may kumatok sa pinto.

    “Bestfriend? Okay ka lang ba? Bakit bigla ka namang nag walk-out? May mali ba akong nasabi?” halata ang pag-aalala sa boses ni Bianca.

    I was about to cry pero pinilit kong magpakatatag. Natatakot ako sa posibleng mangyari. Ayoko nang masaktan pa ulit. Natatakot na ako. Baka masira na ng tuluyan ang tiwala ko sa salitang pag-ibig.

  “No.. Wala Bianca.. Babalik din ako dun. May kinuha lang ako. Its something for you and Borj.” I tried to calm myself and say the words in a happy manner.

    “Ay.. Talaga? Gusto ko yan.. May pasurprise ka pa talagang nalalaman.. Surprise na surprise na nga ako sa mga nangyayari ngayon may bonus pa talaga?”

    I just tried to let go of my negative feelings at the moment pero alam kong hindi ako matatahimik hanggang di ko nalalaman ang katotohanan. I want to hear it from Suzuki. Gusto kong sabihin niya sakin ang totoo.

  ––––––––       “They were all part of the Emperor’s distant family relatives. And its a costum to them to marry someone that is also near the ancestry of the Emperor. So the wealth and the bloodline will continue for more generations. Most of them are members of Yakuzas and has many affiliation. The Miyasaki Clan is one of the richest clan in the Heisei Bloodline. So they keep this traditions until now.”

    Paliwanag sakin ni Franco through video recording. Binabasa niya ang isang article tungkol sa pamilya ni Suzuki. And all my doubts have now been cleared. Totoong magpapakasal siya dahil iyon ang gusto ng ama niya para sa kanya.

    Its just funny of how I fell for men who will never choose me over their family. Over the people that controls their lives.

    Gusto kong magwala.. Pero wala na akong lakas para gawin pa yun. My eyes are now flowing in tears and I can’t help but blame myself for being a weak person. Weak enough to believe that those men falling in love with me will hold on their promises. Promises are meant to be broken afterall.

    Napahiga ako sa aking kama and I just continued crying and weeping silently. Wala na akong magagawa. Nangyari na ang nangyari. Maybe I just don’t deserve this shitty things happening in my life.

    “Parepareho lang talaga sila.. They always end up hurting you.”

    Nasabi ko nalang sa sarili ko while I cried my heart out.

   ———––

    Almost a week now at ni minsan ay hindi ako kinausap ni Suzuki. It just made me think that everything he told me when he was pursuing me was all lies. Sinubukan niya lang makuha ang gusto niya sakin.

    And he did. Nakuha niya ang gusto niya. And he just leave me hanging like this.

    Kaya naman inubos ko nalang ang panahon ko sa pagsama kay Christian sa mga lugar na gusto niyang puntahan. Kasama ko siya parati and our last destination would be in El Nido, Palawan. At pagkatapos nun ay babalik na kami ng Switzerland. At yun ang gusto kong mangyari. To go back and forget everything again.

    Everything that happened in a very short period of time is just unbearable. Pero makakayanan ko ito. Hindi ako magpapakulong sa sakit. Nagawa ko na dati.. Magagawa ko ulit yun..

    “Hey Rus!! Why are you drifting again? I’m taking pictures here, remember? Try to give a smile to the camera!” basag ni Christian sa katahimikan ko. Umakyat kami sa Mt. Pulag and he was amazed by the scenery that was waiting for us at its peak.

    Nakikita ko ang dagat ng ulap mula sa aking kinatatayuan but all of its beauty.. Parang hindi ko lubusang maappreciate. That’s why I tried to fake a smile para lang hindi maramdaman ng kapatid ko ang aking kawalan ng gana.

  

Keagan

   

  “Reservation for Mr. Keagan Chui?” tanong ko sa receptionist ng 4 Star Hotel na tutuluyan ko sa Palawan while I will have some time to breath some fresh air.

    Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na takasan muna ang lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ko. Ang bigat na dinadala ng puso ko. I am trying to survive. That’s all I know of now. Wala na akong inisip pa kundi ibigay nalang ang oras ko sa trabaho at pamamalakad ng kompanya.

    It was what I wanted in the first place. And just thinking of how stupid I was to think na magiging masaya ako sa pinili kong buhay made me hate myself more.

    “The reservation is confirmed, Sir.. Come with me if you please, Mr. Chui.” sabi pa ng receptionist at siya na ang nagdala ng aking luggage. Agad naman niya akong iginiya sa elevator at pinindot niya ang pinakataas na floor ng hotel. Nandoon ang executive suite na pinili ko. There were three executive suites on that floor at sa unang room ako pumasok.

   It was good enough and comfortable enough for my liking. Hindi na ako naging mapili pa. What I learned from staying with Rusty for 4 years is to never complain all the time.

    Hindi ako madaling pakisamahan. Siguro isa din yun sa dahilan kung bakit ayaw na ni Rusty na bumalik kami sa dati. Dahil nahihirapan na siyang pakisamahan ako. And its all I was. A troublemaker. Lagi nalang siyang napapasama because of my immaturity.

    Hanggang ngayon, umaasa parin ako na babalik si Rusty sakin. Babalik kami sa dati and I promised myself na kapag bumalik siya, gagawin ko ang lahat para lang mapatawad niya ako.

    Kahit siguro iyon nalang. Kahit hindi na niya gustuhing maging kami pa ulit.. Kahit ang mapatawad niya nalang ako, iyon lang at mapapagaan nito ang loob ko.

    I stripped down my clothes and I took a shower to freshen up my body. I am here to enjoy my time off anyway so I will hit a bar near the hotel.

   Walang mangugulo sakin. Walang magdidikta sakin sa aking gagawin. And it will be a great time for me.

    I chose to wear a comfortable white shirt and red shorts. And I wear a pair of sneakers and put a baseball cap on. I look like a teenager but it was fun somehow.

   And just as I closed the door of my hotel suite, someone was also trying to open the door of the next room. Napatigil ako nang makilala ko agad ang bultong nakahawak sa doorknob ng pinto.

   “Ru–Rusty?” napapiyok pa ako dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita ko siya just a few inches away from me.

    Nabitawan pa niya ang hawak niyang key card at pati narin ang pagkakahawak niya sa kanyang luggage.

    “Keagan–” bigla niyang nasambit at para ba akong nananaginip dahil muli kong narinig ang boses niya. Ang maganda niyang mukha na matagal ko ring hinanap hanap. His eyes, his lips, his beautiful skin, his everything. Even the breath he gives off. Parang tumigil ang mundo ko ng mga sandaling ’yun.

    “I–I thought.. Ahm.. How are you?” hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko kasi mapaniwala ang sarili ko na nasa harapan ko ang taong pinakamahalaga sakin.

    Ang taong gusto kong mabawing muli.

    “I think you know the answer to that.. I’m perfectly fine.. And thank you for asking. I don’t think that you are okay though.” he replied in a cold manner at mabilis niyang binuksan ang pinto ng kanyang kwarto at agad na pumasok sa loob nito.

    I was left astonished. Hindi ko alam na magiging ganun siya kagaspang sakin. I was so excited to see him again. But it just don’t feel right. It just don’t feel right..

    Gusto kong maluha pero hindi ko naman pwedeng gawin yun.. Kung gaano siya kasweet nung magkakilala kami the first time. Hindi na siya ang taong yun.

   And I know, I was one of the reason that he turned out that way. And I deserved his rudeness.

    Mabilis akong naglakad at tuluyang lumabas ng hotel. I think a good round of drinks will help me out with all this pain that opened up my wounded heart again.

  

Rusty

  

Hindi parin ako dinadalaw ng antok. Matapos ang encounter namin kanina ni Keagan ay para akong nasemento sa aking kinatatayuan.

   Of all places in the world? Dito pa talaga kami magkikita? And the way he looked at me.. He was holding up that emotions pretty clearly. That wanting to hold me and touch me.

    Hindi na ba talaga ang patatahimikin ng mga taong nanakit sakin? Hanggang kailan ba ako paglalaruan ng tadhana? Ganito ba talaga ang buhay ko?

     Sinaktan ako ng mga taong akala ko ay mamahalin ako ng buo and now that I let them go and trying to move on. Parati naman silang sumusulpot para patuloy akong guluhin.

    And when I was about to get up and try to take some breath of fresh air on the balcony of my room, someone was knocking outside the door.

   Hindi ako nagdalawang isip dahil baka si Christian iyon at may kailangan sakin. Hindi nagsasalita ang isang yun kahit kumakatok ng pinto.

   “What do you want—” natigil ako sa aking pagsasalita nang makita ko kung sino ang nasa bungad ng akinh pintuan.. It was Keagan and he was so drunk that he was about to pass out nang makapasok siya sa loob ng aking kwarto.

   “Keagan! This is not your room!” utos ko sa kanya pero wala siyang marinig mula sakin. He kept on walking towards my bed at doon siya humiga.

    “Keagan.. I said this is not your room.” diin ko pa pero hindi na siya sumagot pa. Narinig ko nalang ang paghikbi niya. Ang kanyang mumunting pagluha na para bang ngayon ko lang ulit nakita sa kanya.

   “Ru–Rusty.. I’m sorry for breaking your heart. I’m sorry for everything that I’ve done.” humahagulgol niyang saad na unti unting umuusig sa puso ko. He was crying and his tears were flowing like a river.

    “I should have chosen you over everything.”

   

T.B.C.

TLT 18

Rusty

   

Hindi ko na namalayan na umaga na pala. Nakatulog ako sa couch na nasa loob ng aking suite. Mabuti nalang at meron nito dito dahil ang pinakaayaw kong mangyari ay makatabi si Keagan sa iisang higaan.

    He is still sleeping and I can’t help but sigh in disbelief. Bakit ba kasi nandito siya? Anong ginagawa niya sa Palawan?

    Agad akong nag-ayos ng sarili.. Went to the bathroom and checked on Christian. Mahimbing parin ang tulog ng bakulaw kong kapatid so I decided to just go on a solo breakfast in the forest cabin. May magandang view ng dagat malapit sa high rise area na’to. Doon kahit papano ay nakapag-isip ako.

    Its been two weeks since Suzuki last talked to me or even sent me a message. Siguro nga pinakatawanan na niya ang iwanan nalang ako bigla sa ere. I tried to hold back tears dahil ayoko nang umiyak. Nakakapagod nang lumuha dahil alam ko namang wala na akong magagawa pa.

    I just thought that I needed that explanation from him. Bakit niya pa ako pinursue kung ang ending, iiwanan niya lang din ako at sasaktan. What’s all those promises he made kung gagaguhin niya lang din ako?

    Kahit maiinit ang kape ay nalagok ko ito ng walang kahirap hirap. Siguro nagsisimula narin akong maging manhid sa maraming bagay. I don’t want to be like this.

    “Can I join you?” isang pamilyar na boses ang bumasag sa aking katahimikan. Nilingon ko ang taong nasa likuran ko at halatang may hangover pa ito dahil sa hindi maipinta ang mukha niya.

    “I’m sorry for what I did.. I was out of my mind last night. Naparami siguro ang inom ko.”

    “Hindi ka parin nagbabago.. Kapag may problema ka idinadaan mo parin sa pag-inom. Hindi ka ba naaawa sa atay mo?”

   Napangisi nalang siya ang naningkit nanaman ang maliliit at mapungay niyang mga mata.

    “I guess wala din namang rason pa para maging concern ako sa katawan ko.. No one is taking care of me anymore.”       Humarap ako sa kanya at tiningnan siya ng maiigi. The pain in his eyes is evident. Kita ko na nasasaktan siya.

     “Keagan.. You have to grow up. Hindi ka na yung 21 year old na Keagan na palaging gala at walang pakialam sa kung anuman ang nangyayari sa paligid niya. You are a grown man now.” tangi kong nasabi sa kanya pero umiling lang siya.

    “Since I left you.. I was never the same. Nagkamali ako sa aking pinili. I thought leaving you will make my life easier. I can do whatever I want. And hopefully after I get what I want, I will be happy. Because I thought living a life with you was just a miserable life. Mahal kita pero hindi naman kita mabibigyan ng magandang buhay dahil sa pamilya ko.”

   Huminga siya ng malalim bago magpatuloy sa sasabihin niya.

     “Yet here I am.. Lonely and empty. Siguro ikaw lang talaga ang nagpapasaya sakin. Those times that I needed comfort, you were there to hug me and kiss me. And everything will be alright. Sinayang ko lahat ng iyon dahil sa nagsasawa na ako sa buhay na meron tayo.”

    Lumapit siya sa aking kinauupuan at tinabihan ako. Sinubukan niyang kunin ang kamay ko pero agad ko itong ilinayo sa kanya.

    “I want us to start over again.. I know this is too much to ask. Alam kong napakalaki ng naging kasalanan ko sayo but can’t you at least give me one more chance para patunayan sayo na ikaw talaga ang kailangan ko sa buhay ko..”

   “Tapos ano? Kapag magsalita nanaman ang pamilya mo tungkol sa pagkatao ko, iiwan mo nanaman ako? Kapag nalaman ng mga tao na nakikipagrelasyon ka sa isang baklang tulad ko, lalayo ka nanaman at iiwan ako sa ere? Di ba ganun naman kayong mga alta sociedad? Takot na takot na mabahiran ng dumi ang mga pangalan ninyo?”

    Tumayo ako at iginiya ko ang tingin ko sa napakagandang tanawin mula sa aking kinatatayuan.

    “Ayoko nang masaktan pa. Nakakapagod na Keagan. Gusto ko ng katahimikan at ayoko nang pumasok ulit sa isang relasyon na ako lang palagi ang nagpaparaya. Minahal kita, I cared for you. I did my best to keep you satisfied. Lahat ng gusto mo ginawa ko na. Pero kulang parin lahat ng iyon para ako ang piliin mo.. And now you want another chance? A chance to hurt me again?”

   At liningon ko siya with tears flowing down my eyes. He was also sobbing silently. We are both in pain at the moment.

    “Kaya palayain mo na ako diyan sa puso mo. I want you to set me free and move on with your life. May mga bagay talaga sa mundo na kahit anong pilit natin, hindi talaga pwede. Katulad natin. No matter how hard we try to fight for our love, pilit parin tayong pinaglalayo. I guess that’s how it must be. Hindi tayo para sa isa’t-isa, Keagan.”

   And I left him on that cabin while I head back to the hotel room. Iyon na siguro ang kahuli-hulihang pagkakataon na makakasama ko si Keagan. My tears are clouding my sight pero nagawa ko paring makarating sa aking suite at doon ko inilibas lahat ng aking nararamdaman.

 

Suzuki

  

“From what I heard, nandito siya sa Pilipinas kasama ang kapatid niya. But I have no idea kung nasaan siya ngayon, Sir.” saad sakin ni Yuki at tumango lang ako.

   Inayos ko ang aking sarili and I looked at the mirror one more time. I am trying to compose myself but I guess, whatever will happen today, it was meant to be.

   Mabilis akong lumabas ng aking kwarto at agad na bumaba sa grand staircase. I saw her preparing the meals for breakfast. She smiled at me when I finally arrived at the dining table. Inihain na niya lahat ng kailangan ko.

    “Hisuka.. You don’t have to do this. We have maids to do the job.”

    “I just want to fulfill my duty as your wife, Suzuki. Is it wrong for me to do that? And besides, today is the day that you will introduce me to your employees, right?”

   Tumango nalang ako and I started to dig in.

    Mula nang ikasal kami ni Hisuka, hindi na mawala ang guilt na  nararamdaman ko. Bawat araw na lumilipas ay pabigat ng pabigat ang dinadala ng puso ko.

    No matter how I tried to get away from this situation, hindi ko magawa dahil buhay ko at pangalan ng pamilya ko ang nakataya dito. And its all my Dad’s fault for pursuing the Hamasaki family in marrying their daughter to me.

    Hisuka is beautiful and intellegent. She is a woman with class and I admire that about her. But she doesn’t have my heart. My heart belongs to someone. And that someone is now hurting because of what I did.

    Mabilis kong tinapos ang aking pagkain at inutusan na ang aking mga bodyguards na ihanda ang sasakyan. I have to see Rusty for the last time.

    “I need to go somewhere first.. Just meet me at the office later.” saad ko kay Hisuka at tumango naman ito at nagpaalam na sa kanya.

    Mabilis akong sumakay sa aking kotse and I tried to think of possible places Rusty would be. Wala akong idea kung nasaan siya. I just have to talk to him and let him know that I never meant to hurt him in any way.

   “Yuki.. Where did they stayed for the past two weeks they were here in the Philippines?” tanong ko sa aking tapat na tauhan.

    “Forbes Park, Sir.. And I think they are still there now. I will try to check their address and if we are lucky, we can locate it right away.”

    Tumango ako sa kanya bilang pag-sangayon. I have to take my chance. Even if I have to break a lot of rules just to talk to him. Just to tell him that I treasure him and love him.

     —————

    I still have more time to wait.. Nalocate na namin ang tinutuluyang bahay ni Rusty at ng kapatid niya. I have to be patient now. I know this is just a chance I’m taking but Rusty needs to know everything about the situation.

    Isang itim na Bently ang nagbabalak pumasok sa loob ng gate ng malaking bagay kaya agad kong sinenyasan ang driver ko na harangin ang sasakyan dahil alam kong nasa loob nito si Rusty.

    We succeeded in stopping them at dalawang nakauniform na lalaki ang agad naglabas ng kanilang mga baril at agad naman akong nagtaas ng kamay ng makababa ako ng kotse. They were taken aback ng makilala nila ako. At may dalawang tao pang lumabas mula sa kotse.

   Nakita ko si Rusty with a surprised look on his face. He was all that I see at that moment. Parang tumigil ang mundo ko nang makita ko ang unti-unting pagbabago ng kanyang mukha. The pain and the anger was all I can see now.

    “Who the hell is this guy? Why are you blocking us!” singhal ng isang malalim na boses. Tiningnan ko ito at isang matangkad na lalaki na malaki ang katawan ang mabilis na naglalakad palapit sakin.

   “Chris.. You get inside. I’ll handle this.” kalmadong saad ni Rusty at umiling iling naman ang lalaking nagtatakang lapitan ako.

    “Rusty.. I can explain. Please give me time to explain everything.” hindi ko na napigilang mailabas ang aking nais sabihin.

   Sinenyasan niya ang mga bodyguards niya na umalis na at naiwan nalang kaming dalawa sa bukana ng gate ng bahay.

    “This is not the right place to talk about this.. Lets go somewhere that we can talk freely.”

     “Saan mo pa gustong mag-usap? Sa hotel? Sa restaurant? Coffee Shop? Hindi na kailangan. Tell me right here, right now.”

    Napasinghap ako bago muling nagsalita. It is harder than I thought it would be.

    “Well I know everything now, you don’t need to explain. Isa lang ang malinaw sakin, you broken my heart and I can’t help but regret that I let you did it. Wala kang pinagkaiba sa mga lalaking papaasahin ang isang tao sa wala. Ano pa nga ba ang ineexpect ko? You were that way when I met you.”

     “Rusty.. It was my Dad’s decision. It was not mine. You know how much I love you and I still do. Mahal na mahal kita pero kailangan kong unahin ang kapakanan ng pamilya ko. The reputation we have. I owe my Dad everything.”

    Umiling siya at pagak na tumawa. He was trying so hard to hold his tears.

     “I know that.. Kaya nga bakit mo pa pagaaksayahan ng panahon ang tulad ko? Siguro ako lang talaga ang tanga na naniwala na pwede magwork ang relasyon natin. Hindi pa ako nadala sa naging relasyon ko noon.. I only have myself to blame for this.”

     Sinubukan kong lumapit sa kanya but he stopped me.

    “I don’t need your apologies or anything from you. Tama na ang narinig ko. At least you could have called me and tell me you have someone else and it would be easier for me to accept that. Pero ang hindi mo manlang ako kausapin sa loob ng dalawang linggo? And me finding out from another person that you will be married.. That’s just unacceptable.”

    “Because I thought we will be okay.. I thought we can still be together. I don’t love her. Its you that I want.”

    Nanlaki ang mata niya and his anger was starting to burst out of him.

    “Naririnig mo ba ang sarili mo, Suzuki? Gagawin mo pa akong kabit? You don’t love me.. You only love yourself. I should have known better. Kaya pwede ba? Umalis ka nalang. Leave me alone. Go and be with your wife. She needs your time more than I do. At huwag kang mag-alala–

   This is the last time that a guy like you will make a fool out of me.. Hinding hindi na ulit ako magpapaloko sa isang katulad mo.“

   Mabilis siyang naglakad papasok sa gate ng malaking bahay. I was left numb and I know my tears were now flowing from my eyes.

     I don’t deserve his forgiveness.. He is too precious to be broken like this. And I’m afraid he turns into something else.

  

T.B.C.

   We are near the finale.. What will happen after this? Ano ang mangyayari sa love story ng ating bida?

TLT 19

A Year Later.

   Rusty

    

“How is the production going in the Zurich factory?” tanong ko kay Franco while he was ticking the notes he was holding. Natapos na ang apat na meetings ko ngayong umaga.

     Napainat ako at malayang isinampa ang ulo ko sa headrest ng aking swivel chair. It was quite a tiring day. Gusto ko nang umuwi dahil sa pagod but its all worth it. 200 Million Euros for Triumph is not a bad thing at all. Naclose ko lang naman ang dalawang deal ng partnership with another candy maker. My job as the CEO of Triumph haven’t been this fulfilling at all. Sino bang mag-aakala na ang baklang nagsikap lang para umayos ang buhay ay bibigyan pala ng sobra sobra pa sa inaakala niya.

    I have everything that I want now kung tutuusin. Wala na akong mahihiling pa.

    “Sir.. Everything is running smoothly. We will make the deliviries for this month without any trouble.” tugon sakin ni Franco at inayos na niya ang files sa isang filing cabinet na malapit sa aking mesa.

     “And by the way Sir.. Don’t forget about your dinner with Mr. Cruz.. He has been persistent in having an appointment with you. That man is really something.”

    Napakamot nalang ako sa aking ulo. Hindi parin talaga niya ako tinitigilan. Kahit ilang beses ko na siyang tanggihan ay gusto parin niya talaga akong makaharap.

    “What time? What place?” tanong ko kay Franco na ikinangiti naman nito.

    “Dushkint Restaurant in Bern.. 8PM.” sagot ni Franco sakin at tinanguan ko lang siya.

     Siguro panahon na talaga para pagbigyan ko siya. Nakakapagod narin ang halos araw-araw niyang pangungulit sakin. Maging si Daddy at Mommy ay dinadamay narin niya sa kalokohan niya.

    Mabilis na lumipas ang mga oras at uwian na. Linisan ko ang opisina ko at bawat empleyadong nadaraanan ko ay nagbobow sakin tanda ng kanilang paggalang.

    Kailangan ko pang umuwi para pumili ng damit na isusuot ko sa dinner namin ng taong ’yun. Nakakapagod man pero kailangan ko na talaga itong pagbigyan. Dahil alam ko naman na mabuti ang intensyon niya.

    Mag-iisang taon narin niya akong kinukulit ngunit alam niyang wala akong panahon para sa pag-ibig. Mula sa masasakit na pangyayari ng buhay ko ay ginusto kong huwag nang buksan ang puso ko kahit kanino pa.

    Pero siya.. Hindi niya ako sinukuan. Araw-araw niyang pinararamdam sakin na mahalag ako sa kanya. Kahit na ayaw ko ay pursigido parin siyang gawin ang lahat para lang makuha ang atensiyon ko.

    Nakarating kami ng bahay at agad akong umakyat sa aking silid. Naabutan ko pa si Christian na may kausap sa kanyang phone.

    “Hey! Just got home? I’m talking with Borj. You wanna talk to him?” masiglang bati sakin ng bakulaw.

    “Chris.. You two should get married soon. Why are you making it hard for him?” masaya kong bato sa aking kapatid at tumawa lang ito.

    “He said he wants to marry me if you are the flower girl.. Stupid dickhead..” at tumawa pa kaming dalawa. Inabot ko ang phone niya at kinausap ko ang nasa kabilang linya.

     “Ano bang pinagsasabi mo sa kapatid ko? Pag nalaman yan ni Bianca lagot ka talaga dun.”

     “Rus– Sige na.. Pumayag ka na. Para magpakasal na sakin si Christian. Nakakapagod na’tong palagi kaming magkalayo. Miss na miss ko parati. May pangangailangan ako alam mo yan.”

    Natawa pa akong lalo sa mga sinabi ni Borj. Halata sa boses niya ang pagmamahal niya sa kapatid ko.

    Hindi ko inakala na magiging sila ni Christian. Dahil wala akong kaalam alam na pagbalik namin dito sa Switzerland mula sa pagbabakasyon namin sa Pilipinas ay nanatili ang kanilang komunikasyon. Naging mas malapit pa sila dahil sa maraming bagay na napagkakasunduan nila.

     Eventually, inamin narin ni Christian kay Daddy at Mommy ang katotohanan sa pagkatao niya at maluwag siyang tinanggap ng aming mga magulang. Ganun nila kami kamahal. At ganun sila kaproud samin.

   Magtatapos na si Christian ng kanyang kursong Music sa University of Zurich sa susunod na taon at balak niyang maging Music Scorer sa isang sikat na Film Production Company at masayang masaya ako para sa kanya.

    Si Borj naman ay natapos na sa kanyang kursong Civil Engineering at isa pa sa Topnotchers ng board exams. Kaya nakakatuwa lang na sabay nilang inaabot ang kanilang mga pangarap.

    “Magipon muna kayo.. At ikaw, maghanda ka na para sa paglipad mo dito. Hindi ka ba naeexcite na magkakasama na kayo ni Christian ulit?”

     “Rus– Salamat at pinayagan mo akong magtrabaho sa kompanya niyo. Malaki na ang naitulong mo sakin at kay Ate. Nahihiya na nga ako.” malumanay ang boses niya na kinangiti ko lang.

    “Para na kitang kapatid, alam mo yan. At tutulong ako sa abot ng aking makakaya. Para saan pa ang mga ito kung hindi ko matutulungan ang mga taong mahalaga sakin. At isa pa, pinapasaya mo ang kapatid ko kaya malaking kabayaran nayun para sa lahat ng ginawa ko.”

    Binalik ko na kay Christian ang phone niya at nagkamot pa ito ng ulo dahil wala siyang naintindihan sa aming pinag-usapan. Natawa nalang ako sa reaksyon niya bago ako nagtungo sa isang kwarto at tiningnan kung nandoon ba si Baskin.

    Tulog na tulog ang bunso namin at nakalimutan pang tanggalin ang kanyang salamin. Inayos ko ang kanyang kumot at ako narin ang nag-alis ng kanyang salamin.

   Pinagpapasalamat ko sa Diyos na binigyan niya ako ng pamilyang maipagmamalaki ko. Hindi ko man sila kadugo, mas higit pa doon ang pagtanggap nila sakin. Naging masaya ako dahil sa kanila. Dahil kung hindi sila dumating sa buhay ko, patuloy parin akong nagdurusa ngayon.

    Linisan ko ang kwarto ni Baskin at nagmadali na akong tunguhin ang aking kwarto.

    Tumunog naman ang aking phone at alam ko na kung sino ang tumatawag sakin..

    “Rusty! Is it true? You are meeting me for dinner?” punong puno ng sigla ng boses niya sa kabilang linya.

     “Norman.. Makakatangi pa ba ako?” tangi kong nasabi sa kanya at malakas siyang humiyaw na parang sira ulo sa kabilang linya.

    “Yes! Yes! Sa wakas pumayag din ang baby ko! Yes!”

     “Tumigil ka nga sa kakasigaw? Hindi ka ba nahihiya sa mga kasamahan mo diyan?”

     Natawa lang siya at patuloy na sumisigaw sa tuwa.

     “Naku.. Itapon ko pa sila sa ilog eh! Wala akong pakialam sa kanila. Basta masaya ako dahil pumayag ka nang makipagdate sakin.”

     “Hoy.. Anong date? Kapal ng mukha mo.. Dinner lang yun at walang ibig sabihin yun, okay?” pagsita ko sa kanya pero patuloy lang siya sa kanyang kalokohan.

     “Eh ganun narin kasi yun.. Nagpapakipot ka pa kasi, bibigay karin naman sakin. Ang gwapo gwapo ko tapos tinatanggihan mo pa ako. Buti nalang mahal na mahal kita baby ko at hindi ko kayang maghanap ng iba.”

     Napatampal nalang ako sa noo ko. Napakahangin niya talaga.

    “Oo na.. Sige na. Pupunta na ako sa restaurant. Magkita nalang tayo dun.”

    “Huwag mo akong iindyanin ha? Kundi magrarally talaga ako sa labas ng Triumph.” sabay pa siyang tumawa na kinangiti ko nalang din.

    “Sira ka talaga. Oo nga.. Ang kulit. Bye na!” at ibinaba ko na ang tawag.

     Si Norman ay isang photographer na nadestino sa Germany para sa isang fashion shoot. Isa siyang free spirited na tao kaya nang magsalubong ang mga landas namin ay hindi na siya tumigil sa pagsunod sakin. Bilang galing narin sa isang mayamang pamilya ay nagagawa niya lahat ng gusto niya. Pati narin ang mga desisyon niya sa buhay ay walang nakikialam sa kanya.

   Iyon ang kwento niya sakin habang pinapakinggan ko lang siya sa mga tawagan naming dalawa.

     Dumating ang point na hindi na lang hanggang sa pagkakaibigan ang tingin niya sakin. Tuluyan na niya akong linigawan. Nagpaappointment pa siya na makita ang Daddy ko at hingin ang permiso ni Daddy na ligawan ako. Nagong pursigido talaga siyang maging kaming dalawa. At iyon ang nagustuhan ko sa kanya. Dahil hindi siya nahihiya. Sinasabi niya ang kanyang damdamin kahit alam niyang hindi lahat ng tao tatanggapin ang kanyang mga salita.

      Ngayon nga, siguro ay panahon na para subukan ko namang mas kilalanin pa siya. Tama na siguro ang isang taon na aking sinara ang puso ko sa kahit na anong bagay. Mga bagay na lubos na nagpahirap sakin. Mga bagay na kalaunan ay tinanggap ko rin naman.

    Mabilis akong pumasok sa shower at naligo. Matapos kong magtapis ng tuwalya ay agad kong tinungo ang walk-in closet ko at naghanap ng casual na isusuot para sa dinner namin ni Norman.

    Matapos ko mapili ang isang white turtle neck long sleeves at red na joggers at itim na sneakers ay ready na ako para umalis. Kunting ayos ng buhok at kunding lagay ng make up ay okay na ang buong look ko.

    —––

    “Kung hindi kita tinabihan noon sa art gallery.. Siguro hindi kita makikilala. Hindi ko makikilala ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo.” pambobola agad sakin ni Norman habang kaharap ko siya sa mesa. Nasa loob na kami ng restaurant at pumipili na kami ng order namin.

     “Ano ba kasi ang nakita mo sakin? Hindi nga kita halos bigyan ng pansin pero ikaw, hindi ka nagsasawang magpasikat. Hindi ka nagsasawang kunin ang atensiyon ko. Ano bang makukuha mo dun?”

     “Because I know you are the one for me.. Alam kong hindi na bago sa’yo ang mga salitang yun. But I know what I feel. Ikaw ang matagal ko nang hinahanap. Ang iyong titig. Ang iyong mukha. Ang pagiging cold mo. Ang pagiging unassuming mo. Lahat ng iyon ay nagustuhan ko sa’yo.”

     Napangiti ako sa kanyang mga sinabi. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kilig sa mga sinasabi niya.

     “Gusto kong ibalik ang saya sa mga mata mo. Gusto kong makita mo na nandito ako para lagi kang pangitiin at pasayahin kahit mukha na akong tanga minsan. Pero para sakin, gagawin ko lahat ng iyon para mapasaya ka lang. Para bigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin mo. At pinapangako ko, hinding hindi kita sasaktan.”

     “Alam mo.. Dalawang lalaki na ang nagdaan sa buhay ko. Pareho nilang pinangako sakin na mamahalin nila ako at handa silang ipaglaban ang pagmamahal nila para sakin. Pero sa bandang huli, hindi nila pinanindigan ang mga pangako nila. Kaya natakot na akong magmahal pang muli. I was so traumatized with all of the heartbreak I’ve been through.”

    Nakipagtitigan lang siya sakin at kita ko naman ang pagkalungkot niya para sakin.

    “Hindi nila nakita kung gaano sila kaswerte na sila ang pinili mong mahalin. You are a great person. You made all your dreams come true. You are doing all the best not just for you but for your family and even the company. That’s why I want to be someone who will be with you. You need someone to lean on when things go wrong.”

    “I know your intentions.. And I’m thankful na ginagawa mo ang lahat ng ito para sakin. You have been a source of smile for me. Sa mga simpleng pagpapatawa mo sakin. Ang pandadamay mo pa saking mga magulang makalapit ka lang sakin. You are full of wonders. But I think its not fair for me to keep you from doing that.”

Bigla siyang nalungkot sa aking sinabi. Napasinghap ako at inabot ko ang kanyang kamay.

    “This is the last time that I will ever gamble my heart.. So I hope you won’t waste this chance anymore.”

    Napaawang ang bibig niya sa aking sinabi. Nanlalaki pa ang mata niya linapit sakin ang mukha niya. Ang gwapo niyang mukha ang nagiging nakakatawa dahil narin sa mga ekspresyon na aking nakikita sa kanya.

    “Does this mean.. Pumapayag ka nang ligawan kita?”

     “Kailangan pa ba na manligaw ka? Ang tagal mo nang nanliligaw sakin diba?” nakangiti kong sa kanya.

     “Kung ganun.. Magpapakasal na tayo? Ngayon na?” nanlalaki parin ang mata niyang sabi at natawa na ako ng tuluyan sa mokong na kaharap ko.

    “Sira ka talaga.. Kasal agad? Hoy! Swerte mo ah? Hindi mo basta basta mapapakasalan ang isang Rusty Buencamino.”

     Tumawa siya ng malakas at biglang tumayo at nagtatalon sa tuwa. Yung tipong nanalo siya ng lotto.

     “Yes!! May boyfriend na ako. Yess!!”

    Hindi ko narin mapigilang tumawa pa lalo dahil sa kalokohang ginagawa niya. Nagawa pa niyang magsayaw na kahit kailan ay hindi ko inaasahan sa isang tulad niya.

     Siguro naman.. sa pagkakataong ito, magiging maayos na ang lahat.

   

T.B.C.

    LAST CHAPTER BEFORE THE FINALE. :)

TLT 20

The night was filled with well dressed people in their gowns, dresses and well fitted suits. Everyone in that room was filled with elegance and luxury every man could dream of.

     Anyway, it was the Annual Entrepreneurs Awards. Only the most outstanding and the most successful businessmen in their fields are chosen for this prestigeous awards.

      Hindi parin magkamayaw ang lahat sa pagbabatian. Magkakaibigan. Kunwaring kaibigan. At mga magkakasosyo sa negosyo. Lahat ay makikita mo sa malaking bulwagang iyon.

      Hindi naman nagpahuli ang isa sa mga pinakahihintay ng lahat na makilala. Ang awardee ng Entreprenuer of the Decade. Due to his fast paced rise into the business world at sa magaling nitong pamumuno sa kanyang kompanya na hindi pa kailanman nagawa ng kahit na sino sa mga kaedad niya.

     Naglakad siya sa gitna ng pinagdadausan ng event na iyon at kita ang pagmangha ng lahat na may kahawak itong isang gwapong lalaki at malaki ang pagkakangiti nito sa bawat daraanan nila.

     “Bakit ba kasi sinama mo pa ako dito? Alam mo namang hindi ko gusto ang mga ganitong event diba?” saad ni Norman sa kanyang kasintahan na masaya lang na nakangiti sa mga taong nagbibigay pagkilala sa kanya.

     “Bakit hindi? You are my partner. Hindi ka ba proud na ipinapakilala kita sa lahat? Gusto mo lagi ka lang sa dark room mo at mga pictures lang ang inaatupag. You know that this is the world I have. And you are a part of it now, love.”

     “Oo na.. Kung hindi lang talaga kita mahal. Hinubad ko na ’tong tuxedo na’to ngayon mismo. Sagwa ko tingnan sa ganito.”

    Natawa nalang si Rusty sa inasal ng kanyang nobyo. Kahit kailan ay hindi talaga ito masasanay sa malalaking pagtitipon. At ayos lang iyon sa kanya. Minahal niya ito dahil sa katigasan ng ulo nito at paninindigan sa kanyang mga pinaniniwalaan.

    “Gusto ko yung hubad ka pero hindi dito.. Sa kwarto natin.” at kinindatan ni Rusty ang kasintahan na kinapula ng mukha nito.

    “Kapag may nagalit sa ginagawa mong ’yan.. Lagot ka talaga sakin mamaya.” natatawang tugon ni Norman at sabay silang nagkatawanan.

    Kita ang pagkainggit ng ilan sa masayang tanawing nakikita nila sa magkasintahan. They look good together at masayang aura ang binibigay nila sa bawat makakakita sa kanila.

   At isa sa mga taong nakakasaksi nun ay si Keagan na hawak ang isang baso ng champagne at hindi maialis ang tingin sa dalawang lalaking magkahawak ang kamay at walang nararamdamang hiya sa kanilang paligid.

    “Keagan.. the program is about to start. Tara na.” saad ng kanyang nobya at napilitan siyang sumama dito. Ngunit ang kanyang tingin ay nakapako parin kay Rusty at sa kasintahan nito.

     Pinangarap niya ang ganitong pangyayari sa pagitan nila ni Rusty ngunit iba pala ang gagawa nito para sa kanya. At hindi napigilang malungkot ni Keagan. Lagpas na ng isang taon ang nakakaraan ngunit patuloy parin siyang umaasa. Patuloy parin siyang nangungulila sa pagmamahal ng kanyang dating nobyo.

    “They look so cute together. I heard that he is a very successful businessman not just in Europe but now in Asia. He is really something.” narinig ni Rusty ang usapan ng katabi nila ng upuan. Alam niyang si Rusty ang pinag-uusapan ng dalawa.

     “And its a great thing na proud siya sa kanyang sexuality at wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga tao. He is strong enough that he can make decisions that will not affect his personal life.” tugon ng isa sa mga nag-uusap.

      Hindi napigilan ni Keagan na hagilaping muli si Rusty ngunit nakaupo na ito malapit sa stage ng pinagdadausan ng event.

       Ilang minuto pa ay nagsimula na ang programa. Isa isang tinawag ang mga pangalan at parangal na iginagawad sa mga matatagumpay na tao sa larangan ng pagnenegosyo.

     At isa sa mga opisyal ng Entrepreneur’s League of the Philippines ang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at siyang nagpakilala sa tatanggap ng Entrepreneur of the Decade Award.

     “He is very young yet very accomplished that sets fireblaze to the world of business. He started from a very humble beginning. And to the fact that he has been treated differently because of his sexuality, he withstand all these trials. Now, with pleasure and honor to present to you. Our awardee for the Entrepreneur of the Decade award, Mr. Rusty Buencamino!”

    At nagpalakpakan ang lahat ng nasa loob ng silid na iyon. Lahat ay puno ng papuri ang namumutawi sa mga bibig. At sa isang sulok ay nakikisabay si Keagan sa pagpalakpak dahil masaya siya sa mga naabot ng dating kasintahan.

    Naluluha siya dahil iniisip parin niya na sana kasama niya si Rusty sa mga oras na ito.

    Nang makatungtong na si Rusty sa podium ay siya namang pagtigil ng lahat sa kanilang palakpakan.

    “Thank you, Thank you so much for this great honor and this achievement given to me by the Entrepreneur’s League of the Philippines. I am greatly humbled for this kind of distinction. Alam niyo po, nagsimula po ako bilang isang ordinaryong mangagawa sa isang hindi kalakihang kompanya ngunit masaya naman ako dahil kahit papaano ay kumikita ako para sa akin at sa minamahal ko ng mga panahong iyon.”

     Agad na napaigtad si Keagan nang sambitin na ni Rusty ang tungkol sa kanilang nakaraan. Hindi niya maiwasang pakinggan lahat ng sasabihin nito.

    “Hindi po lingid sa inyong kaalaman that I am a gay man. At may pinagalayan ako minsan ng puso ko at inakala kong naging sapat na ang pagmamahal na iyon upang manatili siya sakin. Well this is not about that anyway, pero ang mga bagay na nangyari sa akin. The things that hurt me and broke me on that moment of my life? Iyon ang nagmotivate sakin na gawin ang lahat upang maging matagumpay. And now, I am reaping all the hardships that I gone through. Nakilala na ang Triumph Chocolates sa buong mundo dahil narin sa pagpupursige ko. And with that motivation I have in my heart.” pagtatapos ng kwento ni Rusty at maiging nakikinig si Keagan at ang lahat ng naroon.

    “And I wanna thank my family, my Dad, my Mom and my two brothers who had been the greatest gift of the heavens to me. And ofcourse to the people working foe Triumph. Without them, what is Triumph? And most of all, I want to thank my partner, my boyfriend. Norman Cruz. For being the most supportive and the most loving person that I ever had in my life. Thank you love, Thank you for everything.”

    Hindi maiwasang maluha ni Rusty sa kanyang mga binitiwang salita at maging si Norman na nakaupo lang at pinapalakpakan ng marami ay naluluha narin.

    Si Keagan naman ay hindi maiwasang manlumo at binalak niyang umalis nalang sa lugar na iyon. Nasasaktan siyang makita si Rusty na masaya na ngayon sa taong tunay na nagpahalaga sa kanya.

    “And with all of you being my witness.. I want to call Norman on stage for a very special surprise that I have for him.”

    At nagcheer ang mga tao na pumunta sa stage si Norman na nagkakamot pa ng ulong sumunod sa kahilingan ng kanyang kasintahan.

      “Love? Ano nanaman ’to? Wala sa usapan nating aakyat ako ng stage?” bulong ni Norman nang yakapin na siya ni Rusty sa taas ng stage.

      Biglang lumuhod si Rusty sa harapan nito at nagulat ang lahat sa ginawa niya. Para namang nasemento si Norman sa kanyang kinatatayuan ang para bang hindi parin niya maproseso ang mga nangyayari.

     “Norman.. I want to spend the rest of my life with you. All these things are for nothing if I don’t have you in my life. So please, will you marry me?” tanong ni Rusty sa kanyang kasintahan na kinakilig ng kababaihan at kinatuwa naman ng mga lalaking naroon sa silid na iyon.

    Hindi agad nakapagsalita si Norman. Ilinabas ni Rusty mula sa bulsa niya ang isang itim na jewelry box at binuksan niya ito. Lumuwa doon ang isang napakagandang singsing.

     Hindi alam ni Norman kung nananaginip lang siya o totoong lahat ng mga nangyayari kaya napatango nalang siya na kinalaki ng ngiti ni Rusty.

     “Yes? Papakasalan mo na ako?” excited na tanong ni Rusty sa kanyang nobyo.

      “Oo! Papakasalan kita.” naluluhang saad ni Norman na siya ring ikinapatak ng luha ni Rusty at malayang isinuot ang singsing sa daliri nito at hindi na napigilan ng lahat na pumalakpak at purihin ang napakagandang pangyayari na namagitan sa magkasintahan.

     Si Keagan ay hindi na nakayanan pa ang tagpo at agad na umalis sa kanyang kinauupuan at pumunta sa lugar na makakalanghap siya ng hangin. Naiiyak siya dahil sa pinangarap niyang siya at si Rusty ang magkasama hanggang sa dulo.

   Ngunit siguro ay ito na ang hatol sa kanya ng kapalaran. Hindi na siya binigyan pa ng pagkakataong maitama ang mga mali niya dahil hindi sa kanya magiging masaya si Rusty.

    ———————

    “Bestfriend! Totoo ba talaga to? Ikakasal na kayo ni Norman!” hiyaw ni Bianca habang nasa couch ito ng malaking living room ng bahay nila sa Forbes Park.

     Nakauwi na ang magkasintahan mula sa event at masayang masaya si Bianca sa ibinalita ng kaibigan kaya napasugod agad ito dito.

     “Bakit? Gusto mo bang umatras na ako sa kasal?” seryosong tanong ni Norman na kayakap si Rusty mula sa isang bahagi ng couch.

    “Naku subukan mo lang.. Ipapalapa talaga kita sa Siberian Husky ni Borj at Christian. Mas malaki pa yun kay Christian. Makikita mo talaga hinahanap mo!” singhal ni Bianca sa kasintahan ng kaibigan.

     “Biro lang naman eh! Syempre papakasalan ko itong pasaway mong bestfried. Wala na akong makakakulitan kapag hindi ko siya pinakasalan.”

     “Naku naku! Ang landi niyong dalawa. Huwag niyo akong inggitin dahil sobra na ang pagkainggit ko sa inyo! Naubos na ang straight na lalaki sa mundo. Puro na kayo bakla. Lahat ng nagugustuhan ko puro bakla! Alam mo ikaw, bestfriend may sumpa ka talagang dala sakin.”

    Nagkatawanan nalang ang magkasintahan sa kakulitan ng kanilang kaibigan. Humalik pa sa pisngi ni  Rusty si Norman at nagpatuloy sila sa kanilang pagyayakapan.

    “Dapat ako ang maid of honor diyan ah.. Tsaka pilitin niyo naring magpakasal yung dalawa. Ano pa ba kasi hinihintay nila? Magkamatris ang isa sa kanila ganun?”

    Pagtukoy ni Bianca sa kapatid nito at kay Christian. Ngunit alam niyang hindi naman sapilitang ang pagpapakasal. Kung hindi pa sila handa ay bakit naman niya ito ipipilit sa magkasintahan.

    “They have their own minds, Bianca.. Hayaan na natin sila. Dadating din sila sa puntong gusto na nilang gawin ang bagay na iyon.”

    Tumango tango lang si Bianca bilang pagsang-ayon sa kaibigan. Napuno pa ng tawanan ang gabing iyon at ang kasiyahan ni Rusty ay walang paglagyan.

     Lahat na siguro ng hiniling niya sa buhay ay nasa kanya na.

    –––––––––––

     “So he is getting married.. Good to hear that. Its a good thing so that you will move on with your life now. He was not the person for you. He was meant for greater things.”

     Hindi maiwasang makaramdam ng pagkainis si Suzuki sa kanyang ama habang magkasama silang naglalaro ng golf sa country club.

      Balitang balita ngayon ang pagpapakasal ni Rusty sa kasintahan nito na hindi matanggap ni Suzuki. Siya ang dapat na naroon sa posisyong iyon ngunit nang dahil sa pagprotekta niya sa kanyang ama at sa kanyang repustasyon ay nawala sa kanya ang karapatang iyon. Ang karapatang maging masaya sa taong totoong mahal niya.

     Siguro nga ay pinagtagpo lang sila ni Rusty ng tadhana at wala nang higit pa doon. Isang masayang bahagi nalamang ito ng buhay niya na panghahawakan niya magpakailanman.

     He hit his club and the golf ball shooted far enough to reach almost another part of the course.

     Napangiti nalang siya ng mapait at isinukbit ang bag na naglalaman ng mga golf club at sumakay siya sa golf car na ang ama niya ang nagmamaneho.

     Rusty will always be the best love he ever had. And the best thing that he will never have.

     

T.B.C.

      Sana ay nagustuhan niyo ang kwentong ito ni Rusty. Epilogue na po ang susunod na chapter at katapusan na ng kanyang buhay pag-ibig. At sana ay napasaya ko kayo sa aking munting kwento. This is the shortest story I have ever done so far.

     At sana po ay subaybayan din ninyo ang aking mga bagong kwento.

    THE KING’S LOVER

    Kung mahilig kayo sa mga hari at reyna choss.. Ito ang kwentong dapat niyong basahin. I will do my best na bigyan ulit kayo ng isang magandang kwento.

Epilogue

Everything was set perfectly as I was gazing at the terrace of our room. Nakahanda na lahat ng mga gusto kong makita sa gaganaping garden wedding namin ni Norman. We decided to get married here in The Palast dahil gusto rin ng mga magulang ni Norman na maexperience nila ang isang international wedding sa kanilang pamilya. And we really did make it happen. Hindi naman naging mahirap para sa aming dalawa ni Norman na magawa ang lahat on time for our wedding day.

    Nakarating ang mga magulang niya at ang nakababata niyang kapatid na babae the other day. And my special guests have arrived also the same day. Kaya punong puno ngayon ang malaking bahay namin. It was so lively to be honest. Ngayon lang naging kasaya ang bahay at para bang gusto kong ganito nalang parati.

    Dalawang pares ng kamay ang biglang lumingkis sa aking tiyan. Kinangiti ko naman ang pamilyar na amoy at mainit na halik sa aking leeg. Norman has never failed to make me feel so special everyday of our lives eversince na naging kami. At ngayon ngang ikakasal na kami, parang ayoko paring maniwala na nangyayari amg lahat ng ito sa akin.

    “Lalim ng iniisip mo ah? Balak mo siguro akong takbuhan mamaya?” pagbibiro niya na kinasiko ko sa kanya ng marahan at napatawa naman siya ng mahina.

    “Bakit? Hahayaan mo ba akong tumakbo?” pagsakay ko sa biro ng aking kasintahan. At hinigit niya ako paharap sa kanya at nagkatitigan kaming dalawa.

    Norman is not the most handsome guy. Inaamin ko yan. He is rugged at mas gusto niya na mahaba ang kanyang buhok. But I love him that way. I love him because of the fact that he was the only one who made me feel like I can be strong and stand on my own. But he is still on my side supporting me. Telling me that I am his world. And it makes me feel so good. Sino ba ang gugustuhin pang mawalay sa taong kagaya niya?        “Mr. Cruz.. Hinding hindi ka na makakatakas mula sa akin. Dahil kahit saan ka magpunta, hahanapin kita.”

    And he tried to kiss me pero pinigilan ko siya. Kailangan naming sumunod sa mga pamahiin. Naalala niya ang sinabi sa amin ng mommy niya at nagkatawanan naman kaming dalawa.

     “Bakit pa kasi kailangan nating sumunod sa mga pamahiin na yan? Nakakabitin naman eh!”

      Tinawanan ko lang siya at agad ko na siyang pinaalis ng aming kwarto dahil malapit na magsimula ang ceremony ng kasal naming dalawa.

     When he was out of the room ay siya naman muling pagbukas nito and Dad was there. Wearing his black suit with a red tie on it. Nakikita ko ang sarili ko kay Daddy pag dumating na ako sa kanyang edad and he was just smiling habang naglalakad siya palapit sakin.

    “Are you excited? Nakakakaba diba?” tanong sakin ni Dad and I walked closer to him at yinakap ko siya ng mahigpit.

     “Thank you for giving me this life, Dad.. Alam kong matagal tayong nagkawalay noon but you never failed to be a father to me. Nabawi mo lahat ng iyon when you decided to take me here and be with you.” hindi ko mapigilang mapaluha sa aking mga nasabi sa aking ama.

     “Because I did all of these for you.. You are my life and without you, there is no reason for me to put all these hardwork. Para sa’yo, sa mommy mo at sa mga kapatid mo kaya ko ginawa ang lahat ng ito. And now that you will enter a new stage of your life, I only wish you all the happiness that you trully deserve. Nakita na kitang masaktan at alam kong hindi ka na muling paluluhain pa ni Norman. Dahil kapag ginawa niya iyon, I will dig his own grave for him.” pagbabanta ni Dad na alam ko naman ay pagpapagaan niya lang sa emosyon na namamagitan sa aming dalawa.

     Nanatili akong nakayakap sa kanya hanggang sa nagdatingan pa ang mga kapatid ko at si Mommy Alexandra. We made a group hug at kita ko ang labis na pagmamahal nila para sa akin.

     “Rus.. I’m so happy for you. You make me so proud, sweetheart.” sambit pa ni Mommy at hinalikan niya ako sa pisngi.

     “Thanks Mom.. I owe you quite a lot. I love you.” sagot ko naman sa kanya.

     “Geez! So cheesy in here. I have to go down and be with my man.. Goodluck, brother.” pagbibiro naman ni Christian na kinatawa lang naming lahat.

    “You have what it takes to be a good husband.. And you know you will always have my back, Rusty.” usal pa ni Baskin sakin at ginulo ko ang kanyang buhok na kinatawa nalang din niya.

     Lumabas na silang lahat at bago paman magsimula ang kasal ay humabol pa sa pagpasok ng kwarto ko ang aking bestfriend. Papahuli ba si Bianca? Siya lang naman ang maid of honor kahit na hindi naman kailangan. Pero gustong gusto niya talagang maging diyosa sa araw ng kasal namin ni Norman kaya pinagbigyan ko na.

    “Bakkklaaa!! OMG! I can’t believe this talaga. Ikakasal ka na talaga. Ang dami nang nangyari kasi and I still don’t know bakit ang unfair sakin ni Papa G.. Nakailang palit ka na ng jowa pero ako, wala paring nakakahuli ng puso ko.”

     Napairap lang ako sa kanya ng pabiro at nilapitan siya sa may pinto at inayos ang nalalaglag na niyang korona sa ulo.

     “Eh kung hindi ka naman kasi mapili, napakarami nang lalaking dumaan sa’yo.. Napakapihikan mo lang talaga. Mauunahan ka pa ni Borj na magpakasal.”

      Nainis naman siya sa aking sinambit. At napangiti ako at niyakap siya.

      “Bestfriend.. Darating din ang tamang tao para sa’yo. Maybe not yet today, but certainly in the future. Hindi naman kasi minamadali ang pag-ibig. Kita mo nangyari sakin? Dahil sa pagmamadali kong magmahal, maraming beses akong nasaktan. So learn from my mistakes.”

     Tumango siya sa aking balikat at naiyak na siya ng tuluyan.

     “Eh kasi naman.. Nakakainis lang, bakit nahanap mo na ang happily ever after mo.. I’m just so happy and overwhelmed for you. Finally, tinupad na ni God ang prayers ko sa kanya. Kulang nalang talaga ang mabuntis ka ni Norman.”

    Kinutongan ko siya sa ulo niya dahil hindi talaga niya pinapalampas na mang-asar sa akin. Sabay pa kaming tumawa habang naluluha.

    ———————–

      The ceremony went solemn and special. Nagkapalitan kami ng singsing ni Norman and everyone was clapping their hands and some were crying while we were telling each other our vows. Nakakaiyak ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Norman. Hindi ko na nga malaman kung maayos pa ba ang mukha ko dahil sa walang humpay na pagluhang ginawa ko mula pa kanina. Well, it was all tears of joy. It was not pain anymore. At kagaya ng pagluha ko ay hindi rin napigilan ni Norman na maluha sa aking mga sinabi sa kanya. Ang pangako ko sa kanya na hindi ko siya iiwanan at hindi ako bibitaw sa aking mga pinangako sa kanya. Ang makasama siya habang ako’y nabubuhay and give him the full life that he deserves.

    At nang halikan ko na siya sa bandang huli ay hiyawan at palakpakan ang namayani sa buong lugar. Everyone was on their feet screaming and shouting with love and joy for the two of us. Nagkatinginan kaming dalawa sa aming mga mata and I know, it was love on his eyes. It was pure happiness na hindi ko pa kailanman nakita sa kahit na kanino.

     “I love you, Rusty Buencamino-Cruz..”

     “I love you too.. Norman Cruz-Buencamino..”

   ————————

       Norman was busy doing his stuff in the dark room. Mayroon siyang sariling studio sa bahay namin sa Zurich. Napili naming manirahan na sa Zurich dahil mas malapit na ako sa headquarters ng Triumph at sa weekend kami umuuwi ng Bern para magspend ng time kay Daddy at Mommy. At once a month naman kaming umuuwi ng Pilipinas para makasama ang aking mga manugang at ang pamilya ni Norman sa side niya.

    I opened my emails and one email caught my eye. It was subjected to me at may nakalagay na Sorry sa header nito.

    Rusty,

      I know I was never the best partner. I made your life so hard. Hindi ko ginawa ang dapat ginawa ko when we were still together. Maybe I was just so full of myself na pati ikaw ay nataken ko for granted. Someone so precious and someone so lovable like you, nagawa kong ipagpalit at hindi ipaglaban dahil lang sa natatakot ako sa magiging future ko with you. But now I realized how big my loss was. You were everything that I needed and honestly, kahit ngayong may asawa ka na, parati ko paring hinihiling na sana hindi nalang kita pinakawalan noon. It should have been me that is beside you right now.

   But this is not for me, this is for you. I wanna say sorry for everything that I did to you. Kulang ang mga ginawa ko para patawarin mo ako but I just want to leave our past with a lighter heart. Gusto ko naring makalaya sa nakaraan natin. I wanna move on with my life and figure things out for myself. And I only wish nothing but the best for you and for your husband. He is a lucky man to have you. This might be the last time that I will ask for your forgiveness. But I know we will still see each other. And when that time comes, sana pareho na tayong masaya sa mga buhay natin. And qe can be friends again like we used to be before we even fall inlove.

  Keagan

   Hindi ko maialis ang aking titig sa screen ng aking laptop. Keagan’s letter somehow melted my heart and made me feel like it was a sign that I should forgive him and forget everthing that happened in the past. I smiled at what I saw. At huli na nang malaman ko na nasa tabi ko na pala ang asawa ko.

    “I think he deserves your forgiveness, love..” mahinang saad sakin ni Norman na kinabaling ko lang sa kanya. He was hugging me from my neck and he rested his head on my shoulder.

     “Masiyado nang maraming nangyari. And I know he was your first love. But he was a big part of your life. Kung hindi dahil sa kanya, hindi din kita makikilala. So I think he deserves your forgiveness. So he can be free from the past like how you freed yourself from it.” dagdag pa niya na mas lalo ko lang ikinamangha sa aking asawa.

    He has this loving and understanding heart na kahit alam niyang malaki ang naging parte ni Keagan sa nakaraan ko ay hindi niya iyon ininda. He knows that he has my heart at nagpapasalamat ako na ganun ang pagkatao niya.

    Tumango nalang ako sa aking asawa at hinalikan niya ako sa aking pisngi.

    I tried composing a reply to Keagan’s letter nang biglang may news na kumuha ng aking atensiyon.

      “The Miyasaki Enterprise is welcoming a new heir to the empire. Suzuki Miyasaki is expecting a child from his wife that is due in October of this year. Mr. Miyasaki is known for his activism of LGBTQ community and being one of the richest man of Japan and the Philippines. He will be awarded as the Top Entrepreneur of the Year by the Ace Businessmen League this month and we can’t wait to know more from this promising young entrepreneur.”

    Hindi ko naman napigilang mapangiti sa balitang aking narinig. Suzuki will be a father now. And I know our parting was not the happy one but I forgiven him a long time ago. Alam kong hindi niya sinadya ang lahat. And I know he has grown from that point.

    Wala na akong ibang nanaisin pa kundi makita ko siyang maging masaya. Because he deserves it.

    And as for Keagan.. Maybe one day when we meet again, he is finally free from the pain of the past and I know, in my heart.. He is always there.

     But now, my life is complete with the man standing beside me and giving me everything that I want. And this is the last time that I will ever doubt myself that I deserve love and happiness.

                                         

T

he End


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.