loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Legend of Lavender

The Legend of Lavender

Warka Pashnea · 7 chapters · 6,818 words

00: Mysterious Superhuman

Sunday at 5:00 PM 

Location: Binondo Church 

Arhhhhh! 

“Tulong! Tulongan niyo kami!” Kaagad na naalerto ang mga tao sa loob ng simbahan nang makarinig sila ng sigaw ng isang babae sa labas.

“Wahhhh! Mama!” Kasunod ng sigaw ay ang malakas na pagtangis ng isang bata.

“Tulong! Tulongan niyo ang anak ko! Please!” Sigaw ulit ng ginang dahil nakuha ng isang Inhuman ang kanyang isang taong gulang na anak.

Kaagad na naalerto ang lahat nang makita nila ang Inhuman sa labas ng Binondo Church. Isa itong malaking humanoid figure na nasa 10 ft ang taas. Kulay green ang balat, malaki ang tiyan, malaki ang ulo, may apat na malalaking kamay at ang mas lalong nagpapatakot sa itsura nito-ay ang malalaki at matutulis nitong mga ngipin. 

Bang! Bang! Bang!

Kaagad na nagpaulan ng bala ang mga pulis sa likod nito kaya napunta sa kanila ang atensiyon nito. 

Bigla nalang humaba ang tatlong kulay green na mga kamay nito at tinuhog isa-isa ang mga police. 

 “No! Hindi maari! Pinatay niyang lahat ang mga police!” Sigaw ulit ng ginang at hindi mapakali dahil hawak-hawak parin ng Inhuman ang anak niya. 

“Anong klaseng Inhuman yan? Kailangan nating lumayo dito! Mapanganib ang isang yan!” Sigaw ng isang lalakae kaya nagsitakbuhan ang mga tao papalayo sa Binondo Church. 

“No! No! Please wag kayong umalis! Tulongan niyo ang anak ko! Please!” Napaluhod ang ginang upang magmakaawa sa mga tao na tulongan siya ngunit walang nakinig at bagkos ay nilagpasan lang siya. 

“Oh no! Kakainin na ang bata!” Sigaw ulit ng isang lalake nang bigla nalang bumukas nang napakalaki ang bibig nito at umaktong kakakinin na ang bata. 

Ngunit…

“Huh?” Gulat na singap nila dahil bigla nalang naputol ang kamay nito. Nang mapagtanto nila kung ano ito ay kaagad na nabuhayan sila. 

“Superhuman Fenrir! Andito na si Superhuman Fenrir! Yahoooo!” Masayang pagdiriwang nila. 

Si Superhuman Fenrir ay isang superhuman na nakasuot ng itim na suit at black wolf mask. Pero ang kapangyarihan na nagpapakilala kay Superhuman Fenrir ay ang kanyang mga Shadow Wolves. 

Dadalhin na sana ng isang shadow wolf ang bata papunta sa nanay niya nang bigla nalang itong nahati kaya nalusaw ito at bumagsak sa kalsada ang bata.

“No! Ang anak ko!” Sigaw ulit ng ginang.

“Wahhhh! Mama!” Sigaw ulit ng Bata dahil may kung anong itim na halimaw ang punong-puno ng buhok ang lumitaw. Humaba ang buhok nito at pinuluputan ang bata at inalsa ito papunta sa kanya. 

“Shit! May isa pa!” Sigaw ng mga tao

Kaagad na naalerto si Superhuman Fenrir at pinabalik niya ang kanyang mga shadow wolves at nag fuse ito sakanya kaya naging isa siyang shadow werewolf. 

Hindi na siya nag-atubili pa at kaagad na sumugod para iligtas ang bata sa kamay ng Inhuman na mabuhok.


Sa taas ng Binondo Church ay nakatayo ang isang nilalang at pinapanuod ang kaganapan sa ibaba. 

“Go, my little Morpho.” Wika niya sa hawakhawak niyang purple luminous butterfly at lumipad ito patungo sa ginang na tumatangis.

“Huh? Ano yan?” Gulat na wika ng ginang kaya napaatras siya nang makita niya ang papalapit na umiilaw na purple na butterfly. “Ano yun?” Napaatras siyang muli ng pumasok ito sa hawak niyang payong. 

Nagpalingon-lingon siya sa paligid at doon niya lang napagtanto na para bang huminto ang paligid. 

“Hi, Jezza Ruiz!” Nagpalingon-lingon ulit ang ginang nang may narinig siyang boses sa isip niya.

“S-sino ka? A-anong kailangan mo!” Natatakot na tanong ni Jezza

“You can call me Lavender. Alam ko ang nararamdaman mo ngayon. Takot para sa anak mong bihag ng mga Inhuman. Lungkot dahil hindi mo magawang tulongan ang anak mo. Poot dahil sa kasamaan ng mga Inhuman.” Bigla nalang napahagulgol ang ginang dahil sa narinig niya.

“I can give you the power to save your child.” Biglang nalang nabuhayan si Jezza nang marinig niya ang katagang iyon.

“P-pano? Please gagawin ko ang lahat, tulongan mo lang ako!” Pagsusumamo ni Jezza sa boses na naririnig niya. 

“You will become my Metamorph. You just have to say the magic word - METAMORPHOSIS.”  wika ng boses sa isip niya.

“METAMORPHOSIS!” kaagad na sigaw ni Jezza. Then suddenly she felt a surge of energy na pilit na pumpasok sakanya.

“Arhhhhh!” Sigaw niya dahil sa sakit na nadarama. 

Her outfit changed into a color blue ball gown.  And her hair turned into a liquid water. Pagkatapos ay bigla nalang umulan kaya binuksan niya ang color blue niyang payong. 


“Huh anong nangyari sakanya?” Tanong nang mga tao nang sa isang iglap ay bigla nalang nagbago ang anyo ng umiiyak na ginang na katabi nila. 

“Huh? Tignan niyo doon sa taas!” Turo naman ng isa doon sa itaas ng Binondo Church. 

Makikita ang isang nilalang na naka suot ng violet cloak at violet butterfly mask. 

“What should I call you?” Tanong ng boses sa isip niya.

“Call me Aquaria, my Lord!” At nag bow si Jezza sa nilalang na nasa tuktok ng simbahan. 

“Go, my Aquaria. Slay your enemies!” 


“Urchin!” Aquaria created numerous bladed weapons of condensed water, levitating above the hairy Inhuman, which then rain down upon the Inhuman in a barrage that resembles a sea urchin.

Arhhhhhh! 

Kaagad na namatay ang Hairy Inhuman kaya nabitawan nito ang anak niya at nahulog sa sahig.  

“Bakunawa!” Then Aquaria created a giant, serpentine sea dragon at kinuha nito ang anak niyang nasa kalsada at dinala pabalik sa kanya.

“Maraming salamat, my Lord” wika ni Aquaria habang nakatingala sa itaas ng simbahan bilang masasalamat dahil muli niyang makapiling ang anak niya.

“Ikaw na ang bahala sa iba, Superhuman Fenrir!” Wika naman ni Aquaria sa nakikipaglaban na si Superhuman Fenrir sa Inhuman na may apat na kamay. 

Kasabay ng pagkawalang malay ni Jezza ang pag-detransform niya pabalik sa normal. Makikita din ang pag-alis ng purple luminous butterfly sa payong niya pabalik sa nilalang na nasa tutok ng simbahan.

“Tiganan niyo!” Turo ng mga tawo habang sinusundan ang purple luminous butterfly.

Pagbalik ng butterfly sa nilalang sa taas ay bigla nalang itong nagtransform into hundreds of butterfly at lumipad papalayo hanggang maglaho ito na parang bula.

“Sino kaya yun?” 

“Bagong superhuman?” Mga samot-saring bulongan dahil sa paglitaw ng mysteryosong nilalang na iton.


01: Yndigo Imperial

Thursday at 1:00 PM

Location: Mapua University

“Today I will discuss the analysis of tension members.” Wika ng intsructor namin sa Principles of Steel Design

“Ang pogi ni Sir Tristan noh?” Kalabit saakin ng seatmate/bestie ko.

“But before that, let me check your attendance. Say present when your name is called.” Wikang muli ni Sir Alarcon.

“Alicia Dy?” Tawag ni Sir kaya naman kaagad na sumagot ang katabi ko. “Present, Sir!” Pasigaw na sabi ni Alicia kaya tinawanan soya ng mga kaklase namin.

“Yndigo Imperial?” Tawag ni Sir sa pangalan ko. “Present, Sir!” Sagot ko naman.

Matapos mag attendance ni Sir Alarcon ay kaagad siyang magsimulang magturo saamin.

“Besh alam mo naba ang bagong talk of the town ngayon?” Bulong saakin ni Alicia.

“Huh? Ano naman?” Curious kong tanong.

“Yung Inhuman Outbreak na naganap sa may Binondo Church may nag upload sa Youtube.” Wika ni Alicia sabay labas ng mamahalin na phone niya at inopen ang youtube.

“Huh? Si Superhuman Fenrir yan ah?” Mangha kong wika sakanya.

“Sandali at papunta palang tayo sa exciting part.” Masayang wika niya.

“Wow ang linaw ng pagkakakuha ng video.” Wika ko nang magzoom in ang video.

“I know right. Sobrang tapang ng nagvideo nito kaso pano kung nasali sila sa gulo or nakita sila ng Inhuman, diba?” Dagdag pa ni Alicia.

“Hala sino yan? It looks so unreal.” Sumunod na ipinakita sa video ang taong naka violet cloak sa itaas ng simbahan at ang paglipas ng kulay purple na butterfly patungo sa babae hanggang sa lumiwanag ito at nagtransform na paramg isang water maiden.

“Yan ang talk of the town.” Mas excited na wika ni Alicia.

Pinatay niya ang video at inilipat sa interview ni Jezza Ruiz kasama si Captain Dalisay at Superhuman Fenrir. Si Captain Dalisay ay isang superhuman at supersoldier na bukas ang impormasyon sa publiko kung kayat alam ng lahat na isa syang superhuman at hindi na kailangan pang mag suot ng mask.

“Jezza Ruiz, maari mo bang isalaysay ang inyeraksyon mo sa bahong superhuman?” Tanong ng isang TV talkshow host.

“Bigla nalang pong may lumapit saakin na umiilaw na kulay violet na paruparo, tapos ay nag fuse ito sa hawak-hawak ko na payong. And then bigla nalang akong may narinig na boses sa isip ko. Siya daw si Lavender at kaya niya akong bigyan ng kapangyarihan para mailigtas ko ang anak ko.” Salaysay ni Jezza.

“Paano ka naman nagkaroon ng kapangyarihan?” Tanong ulit mg host.

“Sabi ni Superhuman Lavender na magiging Metamorph daw ako pag sinabi ko ang katagang ‘METAMORPHOSIS’ at sa kung bakit tubig ang kapangyarihan ko ay hindi ko po alam.” Muling sagot ni Jezza.

“Ano sa tingin mo ang kapangyarihan nitong bagong Superhuman na si Lavender, Captain Dalisay?” Tanong naman ng host kay Captain Dalisay.

“Base sa pag-aaral at sa mga salaysay ni Jezza Ruiz, masasabi natin na ang kapangyarihan ni Superhuman Lavender ay ang magbigay ng kapangyarihan pansamantala. Though hindi tayo kompletong sigurado dahil hanggang sa ngayon ay apat palang ang recorded superhuman sa Pilipinas kaya yan lang ang tanging maiisasagot ng pamahalan sa ngayon.” Wika ni Captain Dalisay.

“At ikaw Superhuman Fenrir, bilang naandoon sa pangyayari ano ang masasabi mo sa bagong superhuman?” Tanong naman ng Host kay superhuman Fenrir. As always ay naka black wolf mask si Fenrir.

“Hindi ako sigurdao kung gaano kalakas ang bagong superhuman dahil hindi ko naman nakita na nakipaglaban siya pero kung ang kapangyarihan niya ay mag bigay ng kapangyarihan. Ibig sabihin lang non ay malakas talaga siya.” Paliwanang naman ni Superhuman Fenrir.

Pagkatapos ng interview ay kaagad na pinatay ni Alicia ang video.

“Grabe parang isang diyos na nagbibigay ng kapangyarihan si Superhuman Lavender, noh?” Nakangiti niyang tanong saakin kaya napatango nalang ako.

“You guys in the back! Ms. Dy at Mr. Imperial, ano ang pinag-uusapan niyo diyan? Pwede ba naming marinig?” Kaagad na natahimik kami dahil sa pagcall-out saamin ni Sir.

Weewoo! Weewoo! Weewoo!

Alert! Disaster Alert!

“Huh isang alert? Naku diyos ko po ano nanaman ito?” Wika ni Alicia sa tabi ko.

Alert! Disaster Alert!

“This is an Alert! May Inhuman na namataan sa may Rizal Park! All classes are cancelled. Pinapayuhan kayo na magingat at kaagad na umuwi sa inyong mga tahanan!” Wika ng broadcast system.

“Class Quiet! Huwag kayong mag-unahan at hindi na kayo mga bata! And please magiingat kayo at umuwi kayo kaagad sa mga tahanan ninyo.”

“Pano yan eh malapit ang bahay namin sa Rizal Park!” Rinig kong wika ng isa kong kaklase.

“Grabe! Inhuman Outbreak nanaman! Apat na araw palang ah. At ang mas nakakalungkot ay panglima na tong outbreak sa taong ito, eh April palang. Parang may mali talaga eh!” Reklamo pa ni Alicia sa tabi ko.

“Parang ilang taon palang ang nakakalipas simula noong minasacre ng mga Inhuman ang mahigit isang daang katao sa may Intramuros.” Dagdag pa niya.

Ring! Ring! Ring!

“Hello, Daddy?” Sagot ni Alicia sa cellphone niya.

“Besh mauna na ako ha. Andiyan na ang sundo ko at mukhang nag-aalala na si Daddy. Send ko nalang sayo ang answers ko sa probset.” Wika ni Alicia at nagligpit na ng kanyang mga gamit.

“Bye, Besh!” Paalam ko naman nang aalis na siya.

Pagkaalis ni Alicia ay kaagad akong umalis sa room at pumunta sa banyo. Kaagad kong sinuot ang butterfly mask ko at ang violet cloak ko.

And then I tranformed into hundreds of butterfly at lumipad sa bintana ng CR palabas.

Then I landed at the top of Rizal Monument at pinanuod ang pakikipaglaban ni Superhuman Kampilan sa isang Inhuman.


02: Slug-like Inhuman

Thursday at 2:30 PM

Location: Rizal Park 

“Mga putangina kayong mga hayop na Inhuman. Ito ang sayo!” Sigaw mg isang lalakeng nagmamaneho ng truck at nilihis niya ito papunta sa Rizal Park upang sagasaan ang inhuman. 

“Pambihirang buhay to oh! Putcha, hindi manlang natinag ang hinayupak!” Mura ulit mg truck driver nang wala manlang naging epekto ang pagsagasa niya sa Inhuman.

The Inhuman looks like a giant slug like creature with massive two arms and its whole body is dripping with green sticky mucus. 

When the mucus dropped to the ground ay bigla nalang nalusaw ang sementong sahig. 

Boogsh!

“Putcha, wasak agad ang truck sa isang smash lang! Buti nalang at naka-alis ako kaagad sa truck!” Wika ng driver na nagtatago sa isang puno.

“Huhuhu, Mama!” Kaagad na napalingon ang driver dahil sa may katabing puno ay nagtatago doon ang isang lalake bata na sa tansya niya ay nasa pitong taong gulang na ito. 

“Shhh Bata, wag kang maingay at baka makita tayo nang Inhuman!” Kaagad na lumipat ang driver papunta sa katabing puno at tinakasan ang bibig ng bata.

“Please please! Wag kang maingay, bata!” Pagpapatahan niya sa bata. Ngunit hindi nila namalayan na nasa malapit na pala nila ang inhuman.

“Shit!” Mura niya at kaagad na kinarga ang bata at tumakbo sa kabilang dereksyon 

Boogsh! 

Bigla nalang nagsiliparan ang mga puno dahil sa pagsuntok ng inhuman sa mga ito. 

“Tulong! Tulongn niyo kami!” Sigaw ng driver ngunit walang nakikinig dahil abala rin ang iba sa pagtakbo upang iligtas ang kanilang mga sarili. 

Lingid sa itsura nitong mukhang suso ay mabilis itong gumapang para habulin ang driver at ang bata. 

Boogsh! Boogsh! Boogsh!

Bigla nalang itong nagpaulan ng green stick mucus mula sa baba nito. Ano mang tamaan nito ay kaagad na nalulusaw.

“No! No! Putcha, tulongan niyo kami!” Sigaw ulit nh driver habang patuloy na tumatakbo. 

“Oh fuck!” Mura nalang ng driver nang paglingon niya kaya nakita niya ang papalapit na green mucus sa dereksyon nila.

 “Sorry, bata!” At napapikit nalang ang driver sa kanyang mata ngunit ilang sigundo na at wala parin siyang nararamdaman.

“Kailangan niyo nang umalis dito at masyadong delikado!” Wika ng boses kaya napasilat siya.

“S-superhuman K-kampilan???” Mangha niyang wika nang makita niya sa harapan niya ang nakatayong si Superhuman Kampilan at hawak-hawak ang famous niyang dual soul kampilan. 

— 

Then I landed at the top of Rizal Monument at pinanuod ang pakikipaglaban ni Superhuman Kampilan sa isang Inhuman. 

Si Superhuman Kampilan ay isang superhuman na may dual sword na kampilan. His sword is emanating a light blue aura that seems like a blue fire. 

Siya ay walang suot na pangitaas kung kayat kitang-kita kung gaano siya kakisig. Ang mas lalong nagpapacool sa itsura niya ay ang magkabilang full arm sleeve tattoo niya. 

The tattoos looks like an ancient filipino tattoo similar to the pintados. The tattoos are also giving a faint blue glow. 

While sa pangbaba niya ay isang nakasuot siya ng isang puting loose fit wide leg pants partnered with a red silk ribbon belt. Habang ang naka eye mask din siya ng isa ring red silk ribbon. Para siyang si Lapu-lapu kung titignan mo. 

Kaagad na ginamit ni Superhuman Kampilan ang mga sandata niya. He slashed his dual sword and then the Slug-like Inhuman was cut into half. 

Ngunit hindi ito namatay, bagkos ay ang kanina na iisang Inhuman ay naging dalawa. 

“Pambihira!” Rinig ko pang mura ni Superhuman Kampilan. 

“Then I just have to cut you into a million pieces hanggang sa hindi kana dumami pa!” Wika niya ulit. The sword suddenly umilaw nang umilaw 

Ngunit hindi naakala ni Superhuman Kampilan na ang paghati niya sa Inhuman ay isang napakalaking pagkakamali. Hindi ito namatay bagkos ay mas lalo itong dumami at isa-isang sumugod sa mga nagsisitakbuhan na mga Tao.


“Wahhhh! Tulong please ang anak ko! Tulongan niyo kami!” Sigaw ng isang babaeng may katabaan ng madapa sila pareho ng anak niyang may katabaan rin. 

Nagulat ang ginang ng bigla nalang nilamon ng anino ang mga slug-like Inhuman at kasabay nito ang paglitaw ng Lobo na gawa sa anino.

“Maraming salamat, Superhuman Fenrir!” Pasalamat ng ginang at kaagad na tumayo sila ng anak niya at tumakbo papalayo. 

Kaagad na sumugod si Superhuman Fenrir at pinalitaw ang nasa sampung shadow wolves at isa-isa nilang kinain ang mga slug-like inhuman na nagkalat sa paligid. 


In the Helicopter above the Rizal Park….

“Live tayo ngayon sa Rizal Park kung saan nagaganap ang isang Inhuman Outbreak na isang mistulang Slug-like creature na dumadami paghinahati.” Wika ng Reporter

“Makikita ang patuloy na pakikipaglaban nina Superhuman Kampilan at Superhuman Fenrir sa mga nagkalat na mga inhuman.” Dadag pa niya.

“Ngunit ang mas nakaagaw ng atensiyon ko ay si Butterfly Mask. Andito siya.” At itinutok ng Cameraman ang video kay Superhuman Lavender na nakatayo sa tuktok ng Rizal Monument. 

“Sa mga oras ngayon ay wala siyang ibang ginagawa kundi ang manuod. Ano kaya ang gagawin niya? Tutulong ba siya o andito lang siya upang pagmasdan ang kaganapan.” 


At the top if Rizal Monument…..

“Go, my little Morpho.” The purple luminous butterfly flew towards the running man na karga-karga ang isang bata. 

The butterfly continued to fly until it reaches the man ang it fuses to the man’s shoes. 

“Hi, Alberto Palaez!” Kaagad na napahinto ang truck driver nang may narinig siyang boses sa kanyang isip. 

“S-sino ka?” Naguguluhan niyang tanong dahil mistulang huminto ang oras. 

“Ako si Lavender at kaya kitang bigyan ng kapangyarihan para matalo mo ang mga Inhuman at mailigtas mo ang bata hawak mo ngayon.” Wika ko with an authorative voice.

“P-paano? P-pwede ba yun?” Naguguluhan na wikang muli ni Alberto.

“Just say the magic word. METAMORPHOSIS!”   Hindi na siya nagdalawang isip pa it sinunod ang utos ng boses sa utak niya.

“METAMORPHOSIS!” Kaagad na sigaw ni Alberto


03: Complete Subjugation

Thurday at 3:02 PM

Location: Rizal Park 

“METAMORPHOSIS!” Kaagad na sigaw ni Alberto

Pagkasabi ni Alberto sa katagang iyon ay bigla nalang siyang nagliyab. He was engulfed with red flames. 

His hair turned into fiery red flames. Nasunog din ang kanyang suot - reavealing his muscular body. Then, his pants turned into a pants made of fiery red silk. Nagkaroon din siya ng fire bangle sa magkabilang wrist niya. 

And lastly, his shoes turned into a ball of fire. Para siyang isang diyos na nakaapak sa bola ng apoy. This causes him to levitate from the ground. 

“What should I call you?” Tanong ng boses sa isip niya.

“Tawagin niyo po akong Ignis, Kamahalan!” At nag bow si Alberto kay Lavender na nasa tuktok ng munomento. 

“Go, my Ignis. Slay your enemies!” 

Kaagad na naglevitate pataas si Ignis at sumugod kung saan nagkukupolan ang napakadaming slug-like creatures. 

“Solares!” Ignis raises his right arm and then a massive ball made of fire was created. Then he tosses it further upwards. Pagkatapos ay bigla nalang itong naging maliliit na balls of fires and then it rained down like a meteor, hitting the inhumans accurately. 


“Move! Move!” Sigaw ni Captain Dalisay sa mga sundalo. Sila ang Inhuman Subjugation Force na pinapupunuan ni Captain Dalisay. 

“Unit A, prioritize in saving the civilians while Unit B, shoot as many Inhumans as possible! Now, go move!” Sigaw niya ulit at kaagad nagumalaw ang ISF. 

“Limit Breaker!” Sigaw ni Captain Dalisay at bigla nalang siyang nabalutan ng puting aura and his hair turned into white. 

Kaagad siyang sumugod. Whith his powerful punch, kaagad na nalusaw ang bawat nasusuntok niya. 


“So thats it.” Wika ni Superhuman Kampilan nang makita niya na sobrang epektibo ang apoy laban sa slug-like inhuman na kalaban niya.

Then he immediately stab the ground with his two soul sword kampilan at sumigaw ng… “Minokawa!”

A large bird made of bluw fire emerges from the ground. Sumakay si Superhero Kampilan sa Minokawa at lumipad ito sa ere. 

Pagkatapos ay nagbuga ito ng blue fire at pinatamaan ang nagkalat na mga inhumans. 


At the same time. Somewhere in Davao City….

“Mga kababayan, isa itong makasay-sayang tagpo dahil sa unang pagkakataon ay nasa iisang lugar ang apat na kilalang superhuman sa bansa natin.” Wika ng Reporter mula sa Helicopter. And then flinash sa tv ang apat na superhuman na sina Fenrir, Kampilan, Captain Dalisay at Lavender.

“Nagagalak ako dahil sa wakas ay tumulong na rin si Superhuman Lavender at ang bagong Metamorph niya ay ang lalakeng iyon- na may apoy kapangyarihan.” Then flinash ulit sa tv ang video kung saan nakikipaglaban si Ingis sa mga Inhuman. 

“Nababalot man ng mysteryo si Superhuman Lavender ngunit pinapasalamat ko na nasa panig natin siya!” Dagdag pa ng Reporter.

“Kung maglalaban kayo ni Superhuman Lavender, sino sa tingin mo ang mananalo?” Tanong isang maskuladong babae na abala sa pagbubuhat ng barbell habang pinapanood sa TV ang live telecast.

“I don’t know and I don’t care!” Masungit na sagot naman ng isang babae atsaka kinuha ang puting violin at muling tumugtog ng musika. 


At the same time. Cebu Metropolitan Cathedral…

“Panginoon, ipinapanalangin namin na sana magtagumpay ang mga Superhuman laban sa mga halimaw. Sana bigyan niyo po sila ng lakas upang mapagtagumpayan nila ang labang ito. Protektahan niyo po sila, nagmamakaawa po kami!” Dasal ni Sister Maria habang pinapanood ang labanan sa Rizal Park.


At the same time. Drag Club…

“Ver, halikana at maguumpisa na ulit ang rehearsals!” Tawag ng kapwa niya Drag Queen kay Verdant.

“Sandali at pinapanood ko pa ang labanan sa may Rizal Park!” Sagot naman ni Verdant.


“Maraming salmat, Master.” Wika ni Ignis nang matalo nila ang Inhuman. Makikita ang pag-alis jg luminous purple butterfly sa sapatos ni Ignis at lumipad ito pabalik kay Superhuman Lavender ma nasa taas parin ng monumento 

Bigla nalang nagblur ang kanyang paningin at bigla nawalan ng malay. Buti nalang at nasalo siya ni Captain Dalisay kung kaya’t hindi siya bumagsak sa lupa.

“Sino kaba talaga, Superhuman Lavender? Ano ang tunay mong pakay dito?” Kaagad na tanong ni Captain Dalisay ngunit wala siyang nakuhang sagot mula kay Lavender. 

Bigla nalang nagturn into hundreds of butterlies si Lavender. Lumipad ang mga butterlies pababa and when it merges ay nireveal nito si Lavender. 

Kapansin-pansin ang pagkakaibahan nila ng taas dahil maypagka mababa si Lavender kumpara sa tatlong Superhuman na kaharap niya. 

“Hindi kaba talaga sasagot?” Wika ni Kampilan then he slashed his sword towards Lavender because he wanted to test how strong Lavender is.

Bigla nalang ulit nag turn into butterflies si Lavender kaya walang tinamaan si Kampilan. Then the butterlies merges sa taas ng nakatotok na sandata ni Kampilan.

“Lagi niyong tatandaan, hindi ako ang kalaban niyo!” Unang salitang binigkas ni Superhuman Lavender na siyang nagpaantig sa mga taong naonood sa kanya sa tv. 

Then he again turned into butterlies at lumipad na papalayo. 


5:00 PM at Moonlight Restaurant…

“Ohh nalate ka ata ngayon, Kuya Dylan.” Kaagad na bati ni Yndigo sa katrabaho niya.

“Ah may inasikaso lang saglit. Pero diba sabi ko sa’yo na Dylan nalang diba.” Wika ni Dylan.

“Guys, guys napanood niyo naba to?” Tanong ng isa pa nilang katrabaho na si Nina.

“Tiganan niyo, oh! Muntik na maglaban ang mga superhuman kanina. Buti nalang at di natuloy.” Wikang muli ni Nina kaya napatingin din sina Yndigo at Dylan at iba pang mga katrabaho nila sa cellphone ni Nina. 

“Lagi niyong tatandaan, hindi ako ang kalaban niyo!” Sabi ni Lavender sa video.

“Wahhhh!” Tili ni Nina. “Grabe, ang cool talaga ni Superhuman Lavender. Idol ko na talaga siya.” 


04: Siargao, Philippines

Friday at 3:00 AM 

Location: Moonlight Restaurant

“Hoy baks ano yang pinapanood mo?” Tanong ni Nina ngunit di ko siya pinansin dahil abala ako sa panonood. Break kasi namin ngayon dahil mukhang wala nang customer na darating pa at madaling araw na. 

“Ah Drag Race yan diba? Diba yan yung nanalo sa Season nila, si Verdant?” Tanong ni Nina at umupo sa tabi ko upang makinood.

“Hoy! Anong ginagawa niyo diyan? Pinapatawag tayong lahat ni Madame Ana at may mahalaga daw siyang sasabihin.” Tawag saamin ni Dylan kaya wala akong nagawa kundi ang pantayin ang phone ko at sumunod sakanila.

“Mukhang kumpleto na tayo. Magkakaroon ng isang event sa Siargao sa linggo kaya kinakailangan ng mga tutulong doon sa branch dahil siguradong dadagsa ang mga tao roon.” 

“Nina at Yndigo kasama kayo.” At napa yes pa si Nina dahil pangarap talaga niya ang makapunta sa Siargao. Kalahati sa mga empleyado ang kasama at ang kalahati ang maiiwan. 

“Malas naman oh at hindi ako kasama sa Siargao.” Reklamo pa ni Dylan dahil sinabi ni Madame Ana na mas kailangan siya rito. 

“Sus gusto mo lang makasama si Yndigo eh.” Banat ni Nina kaya napabuga ako sa iniinom long tubig. 

Well gwapo naman talaga si Dylan. Maganda ang kutis kayumangi niyang balat. Mataas, siguro ay mga nasa 6’+ siya. At 25 na.

“Mabuti pa at uuwi na ako kasi may pasok pa ako mamayang hapon.” Sabi ko sa kanila at kaagad na tumayo upang magpalit na at kunin ang mga gamit ko. 

“Sandali!” Lalabas na sana ako nang tawagin ako ni Dylan kaya napalingon ako sakanya.

“Hatid na kita.” Saad niya.

“Hala hindi na oy.” Nahihiya kong sabi

“Dyan ka lang at kukunin ko lang ang motor ko.” At tumakbo na siya papunta sa parking lot.

Maya-maya pa ay dumating na siya at nag stop sa harap ko.

“Oh sakay na.” Hindi na ako umangal pa at sumakay na sa motor niya. 

“Wag diyan. Dito dapat ang kapit para di ka mahulog.” Naka-kapit kasi ako sa balikat niya pero kinuha niya ang mga kamay ko at nilipat sa bewang niya at pinayakap doon. Na feel ko tuloy ang abs niya.

“Oh dito nalang, Dylan. Maraming salamat ha.” Pagpapasalamat ko nang makarating kami sa apartment ko.

“Walang ano man.” At bigla nalang siyang yumakap saakin kaya na estatwa ako. 

“Segi mauna na ako.” Hindi pa rin ako maka react dahil sa gulat. 

“Hala ano yun?” Tanging nasabi ko nalang.


Friday at 11:00 AM

Location: Yndigo’s Apartment 

Alas-onse na nang magising ako kaya kaagad akong nag-asikaso para sa pagpasok kasi may class ako mamayang 2:00 PM.

Pagsapit ng ala-una ay pumasok na ako sa paaralan ko. Maaga talaga akong pumasok kasi naglalakad lang ako para tipid sa pamasahe. 

As usual ay nag turo lang si Tristan at nakinig lang kami sakanya. 

Pagkatapos ng class ay sinamahan ko muna si Alice hintayin ang sundo niya. 

“Baks, una na ako. Send ko na lang sayo mamaya ang answers ko sa assignment.” Wika ni Alice at sumakay na sa kotse nila. Thankful talaga ako sa kanya kasi lagi niya akong binibiyayaan ng mga sagot niya. 

“Oh, sabay kana saakin.” Lalakad na sana ako nang may humintong nakamotor sa tabi ko. Nung una ay di ko nakilala kasi naka helmet pero nang tanggalin niya iyon ay nagulat ako. 

“Oy ikaw pala yan, Sir Alarcon!” Gulat kong salita. “Naku huwag na po at malapit lang naman ako.” Dagdag ko pa.

“Sumabay kana lang para di kana mahirapan na bitbitin ang AISC at NSCP mo.” Wika niya pa at tinignan ang hawak kong malalaking libro.

“Siya segi na nga.” Wala din akong nagawa kasi mapilit si Sir. Taray may mga tagahatid ako ngayong araw ah.

“Oh kapit ka dito.” Nilipat nanaman ang kamay ko at pinayakap iyon sa katawan niya. Mukhang sagana ako sa paayudang abs ngayon ah.

Ilang minuto lang amg tinagal at humito din kami sa tapat ng apartment ko.

“Maraming salamat, Sir!” Pagpapasalamat ko. Tumango lang siya at umandar na papalayo. Grabe ang pogi at cool niya tignan sa motor. Para siyang angent. 


Saturday at 6:00 AM 

Location: Siargao, Philippines 

Maaga pa kaming dumating sa Siargao para may oras daw kaming makapagpahinga sabi ni Madame Ana. 

“Wow ang galing naman nang bata na iyon.” Turo ni Nina sa mga batang nag susurf habang naglilibot kami sa dagat.

“Oo nga noh.” Siguro mga nasa 12 or 13 palang ang batang lalake pero ang galing-galing niya mag surf. 

Pagkatapos naming maglibot-libot ay bumalik na kami sa resort na pagtratrabahuan namin. 

“Anoba yan! Ang ingay naman!” Reklamo ko dahil tanghaling tapat palang like literal na 12:00 PM pero rinig na rinig mo na ang ingay na nanggagaling sa tugtog.

“Ah may Drag Preformance daw diyan sa may kabila bukas.” Biglang nabuhayan ang kaluluwa ko dahil sa balita ni Nina.

“Edi yung favorite mo na si Verdant.” Sagot niya kaya nagtiti-tili ako dahil sa tuwa.

“Ang OA mo tihhh!” At hinampas niya ako sa likod.

“Aray!” Daing niya nang gumanti ako. 

Alert! Disaster Alert! 

“Huh isang alert nanaman? Ang malas naman oh! Wala bang pahinga ang mga inhumans?” Reklamo ni Nina sa tabi ko. 

Alert! Disaster Alert! 

“This is an Alert! There is an Inhuman near Cloud 9! Please evacuate immediately.” Wika ng broadcast system.

“Again! This is an Alert! There is an Inhuman near Cloud 9! Please evacuate immediately.” Kaya kaagad na nagpanic ang mga tao at nagsitakbuhan papalayo sa dagat. 


05: New Superhumans

Saturday at 11:55 PM 

Location: Cloud 9, Siargao, Philippines 

Flashback to 5 minutes earlier….

🎶 At kung umabot tayo hanggang dulo, kapit lang nang mahigpit aabutin natin ang mga tala…

“More passion, more power! Energy! More Energy!” Sigaw ng choreographer namin.

“Nakakapagot naman ito baks.” Reklamo ni Lady Mystica kay Verdant habang patuloy paring sumasayaw.

“Well, wala tayong magagawa diyan at kailangan nating kumita.” Sagot ni Verdant habang bigay todo kung sumayaw.

Di nila alintana ang init dahil nasa open area kasi sila malapit sa dagat dahil dito itinayo ang stage kung saan sila mag peperform bukas. 

“More! More! Ipakita niyong deserve niyong mapabilang sa Drag Race!” Sigaw pa ulit ng Choreographer.

“Hataw! Hataw! Kembot! Kem….arhhhhhh!” Agad silang naestatwa nang buglang may tumusok na galamay sa tiyan ng choreographer. At bigla nalang itong hinila papunta sa tubig.

“Wahhhhhh!” Sigaw ni Lady Mystica dahil natamaan pa siya ng dugong tumalsik mula sa choreo nila. 

“Wahhhh, Tulong! Wahhhh!” Sigaw ulit niya nang may pumulupot sakanyang isang galamay at hinila sa papunta sa dagat.

“Pink Rose Sword!” Verdant creates a large pink rose above her to create a glowing longsword with a rose hilt design descends from the center of the flower.

Then kaagad siyang tumakbo upang iligtas ang kaibigan niya at kaagad na pinutol ang galamay. 

“V-ver s-superhuman ka?” Nauutal na tanong ni Lady Mystica 

“Mamaya nalang tayo mag-usap. Kailangan mo nang lumabas dito.” Tapatango nalang si Lady Mystica at kaagad na tumakbo papalayo. 

Lumabas ang isang inhuman sa  dagat. Isa itong pating ang pang itaas na bahagi at octopus naman ang ibabang bahagi kaya mayroon itong mga galamay. 

“Pambihira!” Ang kaninang pinutol niyang galamay ay bigla nalang bumalik doon sa inhuman at dumikit pabalik na para bang nag self regenerate ito. 

“Garden of Eden: Tree Wave!” Sigaw ni Verdant then she unleashes a widespread crushing swell wave of massive wooden stalks against the half shark, half octopus inhuman. 

Agad itong tumilapon pabalik sa dagat. Ngunit umakto itong parang may hinihigop sa dagat at bigla nalang itong lumaki ng 30ft. 

Pinahaba nito ang mga galamay nito at inatake si Verdant. Gamit ang Rose Sword niya  ay kaagad niya itong inislash at kaagad itong naputol ngunit kaagad naman itong bumalik sa inhuman.

“Putcha naman ohh!” Mura ni Verdant. Dahil sa pambihiranh healing factor ng inhuman.

“Garden of Eden: Savage Flower!” Verdant created and grows a total of eight giant Dionaea muscipula (Venus flytrap) from a small seed. At isa-isa nitong pinagkakagat ang mga galamay nito. 

This gave, Verdant a time para saksakin ito ngunit may kung anong bigla nalang nagshoot ng waterball sakanya kaya tumilapon siya.

“Arhhhh!” Daing niya nang bumagsak siya sa stage sa may dalampasigan. Makikita ang pagkasira nito dahil sa lakas ng impact. 

Bigla nalang nalang may sumulpot na isa pang inhuman. Isa itong gigantic crab ngunit ang mga paa nito ay galamay ng isang octopus. 

“Putcha may isa pa?” Mura niyang muli at kaagad na tumayo.


“This another history mga kababayan. Isang bagong superhuman ang makikita ngayon na nakikipaglaban sa dalawang inhuman.” Wika ng Reporter na nasa loob ng helicopter.

“Napag-alam namin na ang bagong superhuman ay kilala at isang sikat na Drag Queen dito sa Pilipinas. Kamakailan lang ay nanalo siya sa isang patimpalak para sa mga Drag Queen na kung tawagin ay Drag Race.” Dagdag pa niya at flinash sa TV worldwide ang mukha ni Verdant.

“Ngunit hindi natin tiyak kung makakaya ng Drag Queen na si Verdant, na talunin ang dalawang Inhuman.” Wikang muli ng reporter. 


“Shit kung minamalas ka nga naman oh!” Bigla nalang nag spawn ng mga maliliit yung crab inhuman at nagsitakbohan ito upang habulin ang mga tumatakbong mga tao.

“Garden of Eden: Forest Wave!” Just like the Tree Wave, Verdant unleashes a wave of massive wooden stalks from the right and left to engulf the tiny crabs in a crushing swell to prevent them from reaching the civilians. 

“Shit!” Ngunit mayroon maring nakatakas at naabot ang mga taong tumtakbo. 

“Pearl of the Orient: Pearl Chaos.” A thousands of white pearls appeared in the sky ang it rained down  like a meteor hitting the crabs accurately.

And then a teenager boy apeared out of nowhere holding a surf board. 


“This is a scoop! Another superhuman appeared in the battlefield.” Wika ng Reporter.

“The superhuman appeared to be a teenager boy. This never happened in the whole history of superhuman that a youngster showed. I think siya ang pinakabatang superhuman sa ngayon.” Dagdag pa ng reporter. 

“At ayon sa aming nakalap na impormasyon, ang binatilo ay nasa trese anyos. Ayon sa aming napag-alam ay sikat ang binatilyong ito dito sa siargao dahil sa angking galing nito sa surfing. Tinatawag pa nga nila itong ‘Kid Surfer’. “ Muling wika ng reporter. 


At a house somewhere near the battlefield…

“Tulong! Tulongan niyo kami!” Sigaw ni Lady Mystica dahil na trap sila sa loob ng bahay kasama ang iba pang tao. 

Napapalibutan sila ngayon ng mga malilit na crab na may mga galamay ng octopus. 

“OMG! Masisira na ang bintana!” Sigaw ng isang babae dahil sa cracking sound na nagmumula sa bintana.

“Tulong! Tulongan niyo kami!” Sigaw muli ni Lady Mystica.


12:10 PM

At the top of a coconut tree near the battlefiled….

“A strong negative emotion!” 

“Go, my little morpho!” At lumipad ang little morpho niya papunta kung nasaan si Lady Mystica.

“Hi, Lady Mystica!” Kaagad na napahinto ang deag queen nang may narinig siyang boses sa kanyang isip. 

“Kilala kita. Ikaw ba si Superhuman Lavender?” Excited na sabi ni Lady Msytica dahil paulit-ulit niya kasing pinanood ang interview kay Jezza Ruiz at Alberto Palaez. 

“Tama ka at ako nga si Lavender at kaya kitang bigyan ng kapangyarihan para mailigtas mo ang lahat ng tao dito laban sa mga inhuman na nakapalibot sainyo.” Rinig ulit ni Lady Mystica sa boses sa isip niya.

“I guess alam mo na ang magic word diba?” Tanong ulit ng boses kaya napatango nalang siya dahil sa excitement.

“Just say the magic word. METAMORPHOSIS!”   Hindi na siya nagdalawang isip pa it sinunod ang utos ng boses sa utak niya.

“METAMORPHOSIS!” Kaagad na sigaw ni Lady Mystica.


PS: I used the ‘she’ pronoun since Verdant is a Drag Queen

06: One Down

Saturday at 12:15 PM 

Location: Cloud 9, Siargao, Philippines

“METAMORPHOSIS!” Kaagad na sigaw ni Lady Mystica.

Lady Mystica’s hair turned white aa she felt that the air became her authority. Ang kaninang suot na pekeng angel wings ni Lady Mystica ay biglang naging isang totoong pakpak. 

““What should I call you?” Tanong ng boses sa isip niya.

“Tawagin niyo po akong Mystica, My Lord!” At nag bow si Mystica sa loob ng bahay. 

“Go, my Mystica. Slay your enemies!” 


Pinagtinginan si Mystica ng mga taong kasama niya dahil sa biglaan niyang pag transform into an angel-like being. 

“Hala, superhuman siya?” Kaagad na tanong ng isang babae.

“No! No! Nakita kong may isang maliwanag na purple butterfly ang nagfuse sa suot niyang pekeng pakpak.” Sagot naman ng isang babae sa katabi niya. 

“Twister!” Rinig nilang sigaw ni Mystica at bigla nalang nakita nila na nagsiliparan ang mga crab sa may bintantana. 

Nang ma clear out ang bahay ay kaagad na lumipad palabas si Mystica. Lumipad siya sa ere at itinaas ang kamay.

“Air Shooter!” Bigla nalang may nagmaterialize na mga air arrow sa taas niya. Then he moved his hand down like signaling the arrows to hit the crabs. Isa-isang namatay ang mga crab na natamaan. 

Pagkatapos ay lumipad siya patungo sa katabing mga hotels at kabahayan upang paslangin ang mga nagkalat na maliliit na crab inhumans.


“Pearl of the Orient: Silver Surfing!” Sigaw ni Kid Surfer then a giant silver pearl appeared then it fuses to the surf board that he was holding.  

Nagtransform ang surf board into a shining silver surf board at mistulang naglelevitate. Kaagad na sumakay si Kid Surfer dito. 

“Kuya ako na ang bahala dito!” Sigaw ni Kid Surfer kay Verdant. At umandar ang silver surf board niya papuntanta sa giant crab inhuman na may octopus tentacles. 

Nagfocus muli si Verdant na kalabanin ang Shark Inhuman. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay tumilapon nanaman siya nang hampasin siya ng mga galamay nito. 

“Mukhang hindi sapat ang Savage Flowers upang ma immobilize ko siya. At sigurado akong hindi ko siya matatalo hanggat nasa tubig siya.” Wika ni Verdant sa sarili at pinilit tumayo sa mga nagkalat na debris ng mga sira-sirang kahoy na mula sa stage. 

“I gues, I have to use that!” Wika niya at dahan-dahang naglakad papalapit sa inhuman. 

Bawat hakbang niya sa buhanginan ay may tumutubong lush green plants and flowers. Na para bang nag-tratransform into a paradise ang dalampasigan. 

“Garden of Eden: Old Testament!” Pillars of ancient wooden towers emerge from the sea in large numbers. 

At nilift nito pataas ang inhuman shark, separating it from the sea. Parang naging isang arena ang tutok ng magkakadikit na pillars of ancient woods. 

Kaagad na umakyat si Verdant sa taas habang hawak-hawak ang pink rose sword niya. 

“Now, are you ready to die?” Wika ni Verdant at kaagad na tumakbo papunta sa inhuman upang sumugod.

“Raaarrrrr!” Sigaw naman ng Inhuman at sumulong din hanggang sa mag clash sila sa gitna ng wooden arena. 


At the same time…

Kaagad na lumipad papalapit si Kid Surfer habang nakasakay sa Silver Surf Board niya. 

“Pearl of the Orient: Blue Sea!” A tiny bright  luminescent blue pearl appeared in his hand at kaagad niya itong nilunok. Blue Sea is a part of Kid Surfer’s gift that allow him to have an authority over water. 

“Blue Sea: Water Gun!” Then a gun made of water was created.

Lumuhod si Kid Surfer sa Silver Surf Board niya na parang isang sundalo at tinutok ang baril sa crab inhuman.

“Water Gun: Hydro Cannon!” And a high pressured water blasted to the crab inhuman. Ginamit ng crab ang sipit nito upang gawing panangga ngunit dahil sa lakas ng Hydro Cannon ay naputol ang isa causing it to screech a loud cry.

“Crikkkkkkk!” Sigaw nito. 

“Blue Sea: Blue Whale!” Hindi tumigil si Kid Surfer at ginamit ulit ang kapangyarihan ng Blue Sea to crate a gigantic blue whale made of water at kinagat nito ang giant crab.

Dahil sa water blue whale ay nakain ang kalahating katawan ng giant crab. 

“Hayyss salamat at natapos rin!” Napabuntong hininga si Kid Surfer. 

Ngunit kaagad din siyang nagulat paglingon niya dahil nagsibalikan ang mga small crabs papunta sa dagat.

“No! Umilag ka!” Sigaw ng isang mala anghel na lumilipad papalapit sakanya. 

“Oh shit!” Huli na para makailag siya pagkalingon niya ulit sa giant crab dahil sa paparating nitong water ball. 

“Arhhhh!” Tumilapon siya papunta sa mga puno ng niyog kaya nagsitumbahan ito. 

“Ayos kalang?” Tanong sakanya ng isang lalakeng naka make-up at may angel wings.

“Opo. Salamat po!” Pasalamat niya nang tulongan siya nito makatayo. 


“Mga kababayan, ako man ay naguguluhan ngunit nag-appear si Superhuman Lavender dito sa Siargao. “ At flinash sa TV si Superhuman Lavender na nakatayo sa tuktok ng isang Niyog.

“Makikita rin ang pag-alalay ng kanyang Metamorph kay Kid Surfer. Sana ay mag-tagumpay sila!” Dagdag pa bg Reporter.

“At sa kabilng banda naman ay mukhang malapit nang matalo ni Superhuman Verdant ang kanyang kalaban!” At lumipad pa paitaas ang helicopter upang makunan nang mabuti ang laban sa itaas ng wooden pillars. 


“I will end this!” Sigaw ni Verdant.

“Garden of Eden: Heavenly Flora!” Verdant lets loose a massive quantities of seeds, covering the entire wooden arena with a golden light. The seeds then one by one began to detonate like a bomb.

Boogsh! Boogsh! Boogsh! 

“Tignan lang natin kung makapag regenrate kapa!” At nagkapirapiraso ang katawan ng Shark-like inhuman. 

“Finally, at natalo din kita.” Bigla nalang nag disintegrate ang wooden pillars na parang bula. Kaya nahulog mula sa itaas si Verdant na para bang wala na siyang lakas upang tulongan ang sarili niya.

“Kayo na ang bahala sa iba!” At sabay pikit ng kanyang mga mata. 

“Wind Herald!” Sigaw ni Mystica at nabuo ang isang pegasus na yari sa hangin at lumipad ito upang sagipin ang matalik na kaibigan ni Lady Mystica. 


“Mukhang ikaw nalang ang natitira! Oras na para sumunod kana rin sa kagaya mo!” Sigaw ni Kid Surfer

“Water Gun: Hydro Artillery!” At pinaulanan siya ito ng water bullets.

“Wind Arrow!” Sigaw naman ni Mystica at pinaulanan niya din ito ng wind arrows.


PS: Lady Mystica and Verdant are boy but I’m using the ‘she’ pronoun since they are drag queens.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.