The Line Between Us
bluevstar · 7 chapters · 7,602 words
The Line Between Us
D I S C L A I M E R
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This story contains gay and male romance, so if you are homophobic, you can leave this story quietly.
[B×B]
He was my best friend—until love crossed a line.
Dew Sandoval and Wei Gutierrez are childhood best friends. However, at the age of 15, Wei confessed his feelings to Dew, but Dew didn’t respond. Wei didn’t take the rejection to heart and instead continued to pursue Dew. Dew has become a campus crush, and whenever Wei sees girls or guys developing a crush on Dew, he intimidates them to scare them away. At first, Dew didn’t mind, but not until…
Thank You!
Chapter 1
Wei’s P.O.V.
“Please stop doing this, you’re scaring them, Wei.” mahina ngunit may diin ang bawat pagbigkas ng mga salita ni Dew sa akin.
“No! I like you! Don’t mind them Dew, ginagawa ko ’yon because I was jealous.” ani ko sa kaniya na tila ba ay nagmamakaawa.
Nandito kami ngayon sa garden ng campus namin, hinila niya ako dito matapos kong sigawan yung umamin sa kaniya kanina sa canteen.
Tumingin lang ito sa akin at napailing.
Tsk, again. Sa tuwing sasabihin ko yung nararamdaman ko sa kaniya, tumatahimik na lang siya.
Lagi ganito, pagsasabihan niya ako sa mga ginagawa ko. Sa tuwing may nagkakagusto kasi sa kaniya, ay tinatakot namin ng friends ko para lumayo. Kumbaga, ako ang kontrabida sa buhay nila.
I love him so much and I’ll do anything for him.
5 years na ang nakalipas at umaasa pa rin ako, kasi noong umamin ako sa kaniya, 15 years old palang kami and that time he didn’t accept or reject me, that’s why I’m still chasing him. Because, I hope that my bestfriend will likes me too.
“Tara na, umuwi na tayo.” aya sa akin ni Dew.
Nakangiti naman akong sumunod sa kaniya.
Magkatabi lang ang bahay namin, kaya lagi akong sumasabay sa kaniya, papasok at pauwi.
Pumasok na ako sa kotse niya but sa likod ako umupo, hindi niya kasi ako pinapaupo doon sa harap. Hindi naman ako nagpumilit na umupo doon, atleast magkasama kami palagi.
“We’re here, Wei.” napamulat naman ako. Bumaba na ako sa sasakyan niya at hinintay siya na ma-park ang kotse niya.
“Hindi ka ba kakain ng hapunan sa amin?” tanong ko kay Dew.
“Ah hindi na, nakakahiya naman kay tita.” sagot niya sa akin habang kinukuha ang bag niya sa loob.
“Huwag kang mahiya Dew, always welcome ka naman sa amin ’di ba.” nakangiti kong sabi sa kaniya, na sana pumayag siya.
“I’m really good, thank you na lang.” napa-sigh na lang ako sa response niya.
“Okay! See you tomorrow, good night Dew!” paalam ko sa kaniya, nginitian niya naman ako at pumasok na sa bahay nila.
Nasanay na yata ako sa trato niya sa akin simula noong magconfess ako. Masaya ako na pinansin niya pa rin ako after that, pero alam kong may nagbago sa trato niya sa akin.
Late na nang magising ako, kaya nagmadali agad akong naligo at kumain. Naku, mukhang naghintay nang matagal si Dew dahil sa akin.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Dew na nakatayo sa labas ng kotse niya at naghihintay sa akin.
“Pasensya na Dew! Hindi ko yata narinig yung alarm clock ko hehe!” sabay peace sign ko sa kaniya.
“It’s alright, nagchat naman na si Ma’am Reyes na she’ll be late.” ani niya at pinagbuksan ako ng pinto sa kotse.
Napangiti naman ako dahil doon at pumasok na.
Nakarating na kami sa school at lakad-takbo ang ginawa namin ni Dew.
May lima kaming subject at ang tatlo doon ay magkaklase kami.
Oo nga pala, We’re 20 years old and studying Marketing. Sinundan ko siya sa college and ginusto ko rin naman ito.
Sabi nga nila we’re inseparable.
Nakapasok na kami sa room at nakahinga ako nang maluwag dahil wala pa ang adviser namin.
Magkatabi ang upuan namin ni Dew, mabuti at walang seating arrangement.
“Wei! May chika ako!” sigaw ng kaibigan ko na malapit lang naman.
“Bakla ka, anong sinisigaw mo diyan eh malapit ka lang sa akin!” bulyaw ko kay Ino at natawa naman si Gian.
Kami ang tatlong bakla sa section namin at kami rin ang medyo kinakatakutan ng lahat.
“Ano ba ’yon?” tanong ko sa kaniya nang mas lumapit ako sa kanilang dalawa.
“Ito na nga, may 2 transferees raw!” kumunot naman ang noo ko.
“ Transferee? 2nd Sem na ah?” takang sabi ko sa kanila.
“Ayon nga eh, pero acceptable pa rin naman daw since kakasimula lang ng 2nd Sem.” singit naman ni Gian.
Napabalik naman ako sa pwesto ko nang pumasok na ang adviser namin at may kasunod na dalawang students.
“Okay class, I’m sorry for being late. May inasikaso kasi ako and this is Yza Chavez and this is Liam Chavez. The 2 transferees, I hope na i-welcome niyo silang dalawa.” pagpapakilala ni Ma’am sa dalawa.
“And Mr. President, please assist and tour Ms. Yza to our school later. And Mr. Vice President, please also assist and tour Mr. Liam after school. That’ll be all for today, see you tomorrow class.” napanganga naman ako sa sinabi ni Ma’am Reyes.
Dew and Yza together?! No way!
Dew is the class president and while me, the vice president.
Napatingin naman ako kay Yza na nahihiyang tumingin kay Dew. Tsk!
Tumingin naman ako kay Dew, na sana hindi ko na lang ginawa. He’s smiling at her.
Napaiwas na lang ako ng tingin at nagtagpo ang tingin namin ni Liam.
Napag-usapan namin ni Dew, bilang class officers na palitan ang seating arrangement naming dalawa for this sem. Makakatulong daw para ma-assist naming dalawa yung transferee. Of course I refuse, but he said just this semester so sa huli pumayag na rin ako.
So bale, katabi ko si Liam, and si Yza naman ang katabi niya.
Hindi nakalagpas ang tingin ni Ino at Gian sa akin nang maglayo kaming dalawa ng upuan. Napailing na lang ako dahil doon.
“Hi, I’m Liam, thank you for your assistance.” sabay lahad ng kamay niya sa akin.
Hindi ko iyon tinanggap.
“Mhm yeah, I’m Wei.” tipid na sagot ko habang ang mga mata ko ay na kila Dew at Yza pa rin.
“When will you tour me?” hindi ako sumagot.
Nakita kong inabutan ng ballpen ni Dew si Yza.
“Wei?” huh?
“Ay, ano ulit ’yon?” tanong ko sa kaniya.
“I said, kailan mo ako i-t-tour?” tanong niya.
“Sa recess! May kasabay kasi akong umuwi mamaya eh.” sagot ko naman sa kaniya.
“Hm okay, thank you!” nakangiti niyang sabi at nginitian ko na lang din siya pabalik. Lumingon ulit ako sa gawi nila Dew.
Tsk. I don’t like this set up!
Hindi ako nakatiis at pinuntahan ko si Dew.
“Dew, can you help me with this problem? Hindi ko pa rin nasasagutan, malapit na yung second period natin.” tanong ko sa kaniya sabay lapag ng questionnaire sa desk niya.
“Uh I’m sorry, I’m currently teaching Yza for this question too, maybe you can ask one of your friends, Wei?” sabi ni Dew.
Napayukom ang mga kamay ko sabay tingin ng matalim kay Yza na ngayon ay nakatingin sa notebook niya.
I sigh. “Oh yeah, it’s fine. Thank you Dew.” nasabi ko na lang at pilit na ngumiti.
Bumalik ako sa upuan. Tsk, why would he even teach her, he’s not a teacher!
(XUJU: So bakit ka nagpapaturo sa kaniya? 🫢)
“Hey, do you need help?” biglang tanong ni Liam.
“Huh? You know this?” tanong ko naman sa kaniya.
“Yeah, and I can help you with that, Wei… right?” nakangiting sabi ni Liam.
“Yes, wow! Thank you so much, mabuti ka pa!” ani ko at nilapag ang questionnaire sa desk niya. Sana turuan mo rin yung kapatid mo para hindi nagpapaturo kay Dew!
Sinimulan niya akong turuan, napatingin ako sa mukha niya, he’s handsome rin pala but not as much sa baby Dew ko hehe!
“Here, get it now?” tanong niya sa akin at napatango naman ako.
“Thank you so much! Dahil diyan I’m gonna buy you a lunch!” masayang sabi ko sa kaniya.
“Really? Then I’m not go refuse it!” medyo napalakas ang pagsasalita niya kaya naman napatingin ang lahat sa gawi namin.
Nag peace sign na lang siya. Natawa naman ako dahil doon.
Nagulat ako sa tingin na binigay ni Dew sa gawi namin ni Liam nang mapatingin ako sa kaniya.
Thank you for reading this chapter!
Chapter 2
Wei’s P.O.V.
Sumapit ang lunch at nakapila kami ni Liam ngayon sa paborito kong stall ng pagkain.
“Mukhang masarap ’to ah!” nakangiting sabi ni Liam habang nakatingin sa kalderetang baka.
“I know right!” pagsang-ayon ko naman sa kaniya.
“Oh tara na, it’s our turn. Pili ka na lang ng drinks mo, ako na ang bahala.” sabi ko sa kaniya habang may hinahanap, hinahanap ko si Dew.
Nakabili na kami ni Liam at ngayon ay hahanap naman kami ng pwesto.
Sakto at nakita ko si Dew may hawak na drinks, chocolate shake. That’s my favorite!
“Dew!” tawag ko sa kaniya. Lumingon naman ito sa akin at lumapit.
Tumingin pa ito saglit kay Liam. “Here, your drinks.” at inabot sa akin ang chocolate shake.
“Wah, thank you!” masaya kong pasasalamat sa kaniya.
“Wow, favorite mo rin ’yan?” singit ni Liam.
Tumango ako at ngumiti naman siya bilang tugon.
“Let’s go Wei.” sabat ni Dew at kinuha ang tray na hawak ko.
“Ay wait, pwede bang kasama natin si Liam sa table? Wala pa kasi siyang kaibigan dito eh.” tanong ko kay Dew.
Tinignan niya lang ito at nagsimulang maglakad.
Tinignan ko naman si Liam. “Tara na.” aya ko sa kaniya.
“Dew, mauna ka na hah, balak ko kasing i-tour si Liam ngayong vacant natin.” paalam ko kay Dew pagkatapos naming kumain.
“Alright.” sagot ni Dew.
Inaya ko na si Liam para malibot siya kaagad.
Napasarap ang kwentuhan namin at hindi ko namalayan na late na pala ako sa susunod na subject.
Sinabi ko iyon kay Liam at nagsimula na kaming tumakbo, malayo-layo pa kasi yung room namin. At habang tumatakbo ay nagcheck ako ng phone ko at nakita ang mga missed call ni Dew. Lagot!
Hinihingal kaming nakarating sa pinto ng classroom namin at itong si Liam ay nakangiti lang.
“Mr. Gutierrez, why are you late?” nakakunot ang noo ni Ma’am Sanchez sa aming dalawa.
“Uh.. sorry po
I am giving a tour to our transferee
. Eh hindi ko po napansin yung oras kaya pasensya na po…” nahihiyang dahilan ko.
“Okay, make sure na hindi na ito mauulit. You can seat now.” nakahinga naman ako nang maluwag at hinila na papasok si Liam.
Sakto at bakante ang katabing upuan ni Dew, tatabi na sana ako nang hilahin ako ni Liam.
“Can you seat with me? Hindi ko pa kasi alam yung subject na ’to, patulong sana ako. Please?” tanong ni Liam with matching paawa effect.
Katabi ko na sana si Dew, naging bato pa!
Tumango na lang ako at tinabihan siya. Nakangiti lang siyang tumingin sa akin.
Tumingin naman ako kay Dew na ngayon ay nakakunot ang noo na nakatingin sa akin.
Iniwas ko na lang ang tingin ko dahil nagsimula na ulit magsalita ang teacher namin.
Sa wakas at tapos na ang klase, pinuntahan ko si Dew para sabay kaming uuwi.
Pinaghintay niya naman ako sa labas ng kotse niya dahil magc-cr daw muna siya.
“Wei!” napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon, kay Liam pala.
“Uy, bakit?” tanong ko nang makalapit siya sa akin.
“Hindi ka pa uuwi?” tanong niya sa akin.
“Uuwi na rin, hinihintay ko lang si Dew, sabay kami eh.” sagot ko naman siya at napatango siya.
“Can I ask you something?” he asked.
Tinaas ko naman ang kilay ko at hinintay ang tanong niya.
“Do you have a boyfriend? You are so cute kasi.” napanganga naman ako dito.
“Wei, let’s go.” nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko.
“Ah wait!” sabi ko kay Dew at hinarap si Liam.
“Uh thanks, I don’t have a boyfriend—” naputol ang sasabihin ko sana kay Liam nang sumingit naman si Dew.
“But he already like someone. Go home Mr. Chavez, gumagabi na.” sabat ni Dew.
Naningkit naman ang mga mata ni Liam. “Alright, see you tomorrow Wei-Wei~” paalam ni Liam at hindi pinansin ang sinabi ni Dew. Pero nanlaki ang mata ko nang tawagin niya ako sa ganoong nickname.
Dew used to call me Wei-Wei, siya lang ang tumatawag sa akin ng ganiyang nickname pero natigil nung nagconfess ako sa kaniya.
“What did you call him?” madiin na pagkakatanong ni Dew kay Liam.
“Wei-Wei,
is there something wrong?
” sagot ni Liam at nakataas ang kilay.
Lalapit na sana si Dew nang pigilan ko ito.
“Naku, sorry Liam, pwede bang Wei na lang? Hindi pa kasi tayo masyadong close eh. And uuwi na kami, you should too. See you tomorrow!” paalam ko sa kaniya, tumango at ngumiti naman siya sa akin.
Inaya ko na si Dew na pumasok sa kotse at sumunod naman siya.
“Kamusta ang araw mo Dew? Hindi na tayo masyadong nagkasama since na-busy tayo sa transferees.” tanong ko sa kaniya with matching iyak-iyakan action.
“Mhm, it’s okay.” tipid na sagot nito.
“Galit ka ba?” tanong ko sa kaniya.
“No.”
Tinignan ko na lang siya habang nagd-drive.
He’s so handsome talaga. Ang tangos ng ilong niya. Sakto ang haba ng pilikmata. Ang mga singkit na mata niya ay super attractive. Ang maganda siyang labi lalo na kapag ngingiti siya sa akin.
I love him so much.
“We’re here.” napabalik ako sa wisyo.
I want to spent more time with him.
“Can I sleep with you tonight, Dew?” tanong ko sa kaniya at napalingon naman siya sa akin.
“Okay.” sagot niya sa akin at sabay kaming pumasok sa bahay niya.
“Hello kuya Wei!” bati sa akin ni Dion nang makapasok ako sa bahay nila.
Kapatid ito ni Dew, isang taon lang ang tanda namin sa kaniya.
Ngumiti naman ako sa kaniya. “Hi! Nasaan si tita?” tanong ko kay Dion.
“Ayon nasa kusina, dito ka ba ulit matutulog kuya Wei?” tanong ni Dion.
“Yes!” sagot ko naman sa kaniya.
“Yay, pwede ba sa kwarto ko naman ikaw matulog?” tanong ni Dion na nagpapaawa.
“Nope.” si Dew ang sumagot.
“Ano ba ’yan kuya!” naiinis na sabi ni Dion sa kuya niya.
“Ay next time na lang Dion ha?” sabi ko naman para lumubag ang loob nito.
“That’s not gonna happen. Let’s go, magpalit ka na Wei.” sabat ni Dew.
Nagpaalam na muna ako kay Dion at hinampas ang balikat ni Dew habang sinusundan ko siya paakyat.
“Baka mamaya sumama pa loob ni Dion eh!” saway ko sa kaniya.
“Why? Gusto mo bang matulog kasama siya? No, maingay at malikot ’yon matulog.” sabi naman nito.
Napailing na lang ako at pumasok na sa kwarto niya.
“Dew! Saan yung damit ko dito?” tanong ko habang hinahanap ang damit ko sa cabinet niya.
“Nilabhan ulit, damit ko muna ang suotin mo.” sabi ni Dew sabay abot ng pajama niya.
“Okay, ang laki naman nito.” reklamo ko pero nakangiti ako habang papasok sa banyo.
OMG ang bango ng damit niya talaga!
Natapos na akong maghilamos at nakapagbihis na rin ako. Lumabas ako ng banyo at nakita si Dew na nakatapis lang.
“Oh, I’m sorry sa kabilang CR ako naghilamos eh, hindi pala ako nakapagdala ng damit.” sabi niya at kumuha ng pajama sa cabinet niya.
Ako naman ay hindi maalis ang tingin sa kaniya. Shocks! 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8—
“Wei! Nakakawalong tawag na ako sa’yo, sabi ko tara na at kakain na tayo.” napakurap naman ako kay Dew. Nakapagbihis na siya.
Napakamot na lang ako sa batok at naunang bumaba para pumunta sa kusina.
“Oh kamusta ka na Wei mabuti at nandito ka ulit.” bati sa akin ni tita Mel.
“Okay lang po tita, and wala rin pong masyadong gagawin kaya naisipan kong dito matulog hehe.” nakangiti kong sagot kay tita Mel.
“Ito kain na kayo, yung isa paborito mo, niluto ko agad nung malaman kong nandito ka.” sabay lapag ng kalderetang baka sa lamesa ni tita Mel.
Nagningning naman ang mga mata ko.
“Wow, thank you po tita!”
“Here, damihan mo ang kain mo.” Nilagyan ako ng ulam ni Dew sa plato.
“Thank you.” ngumiti naman siya sa akin.
Sabay-sabay kaming kumain, nagpaalam na ako kay mama na dito ako matutulog at pumayag din naman siya kaagad.
Thank you for
reading this chapter!
Chapter 3
Wei’s P.O.V.
Nauna na si Dew sa kwarto at aayusin niya pa raw ang kama. Hinayaan ko na lang siya at tumulong na lang akong magligpit ng pinagkainan namin.
“Wei, thank you hah.” biglang pasasalamat naman ni tita sa akin.
“Naku po, ako po dapat ang nagpapasalamat sa inyo dahil pinapatuloy niyo po ako dito nang bukal sa puso.” nakangiti kong saad.
“Wala ’yon, at salamat dahil ikaw ang palaging nandiyan sa tabi ni Dew. Bukod sa amin, ikaw lang din ang nagpapasaya sa kaniya. Hindi man niya sabihin, ramdam kong mahal at mahalaga ka sa buhay niya, Wei.” malumanay ang pagkakasabi ni tita Mel sa akin. Lumambot naman ang puso ko dahil doon at sobrang saya ko sa mga sinabi ni tita.
“Wala po ’yon, thank you po dahil pinagkakatiwalaan niyo po ako.” ngumiti naman siya sa akin.
“Wei!” napalingon kaming parehas ni tita Mel kay Dew.
“Oh sige na anak, tawag ka na ni Dew. Ako na ang bahala dito, salamat.” sabi ni tita Mel at nagpasalamat naman ako sa kaniya bago magtungo kay Dew.
Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil magtatabi ulit kami matulog ni Dew.
“Here, drink your milk before you sleep.” inabutan niya ako ng isang basong gatas.
Ininom ko iyon.
“Thanks!” ani ko.
“Good night, Wei.” sabi niya at nag good night din ako pabalik.
Magkatalikod kami sa isa’t isa na nakahiga. Hindi ata ako makakatulog nito ah. Kung ano-ano na lang pumapasok sa utak ko, naku Wei!
“Can’t sleep?” Dew asked. Napalingon naman ako sa kaniya.
Nagulat ako nang nakaharap din siya sa akin at ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa’t isa.
Napaatras naman ako ng bahagya.
“Ah eh oo.” sagot ko.
Lumapit naman siya sa akin at ikinagulat ko nang yakapin niya ako. Ang ulo ko ay nasa bandang dibdib niya kaya rinig ko ang mabilis na tibok ng puso niya.
“Uh—” magsasalita sana ako nang pigilan ako ni Dew.
“Shh, sleep. Maaga pa tayo bukas.” sabi niya at hindi naman na ako umangal pa.
Super lakas ng kabog ng dibdib ko pero sa huli ay unti-unti na akong dinalaw ng antok.
I hope na mas tumagal pa ang oras na ito.
Kinaumagahan, minulat ko ang mata ko. Nakita kong mahimbing na natutulog si Dew.
Bumangon ako para mas matitigan ko pa ang mukha niya. Ang gwapo!
Tatayo na sana ako nang maapakan ko ang kumot na ginamit ko at—
Nagulat ako nang nagdikit ang mga labi namin ni Dew! At dahil doon ay nagising siya.
Agad akong umalis sa ibabaw niya at iniwan siyang nakatulala.
OMG my first kiss … WITH HIM!
Bumaba na ako at nagpaalam kaagad kay tita Mel, inaya niya ako ng breakfast ngunit tumanggi ako.
Umuwi ako sa bahay namin at pina-process pa rin ang nangyari. Paano ko siya haharapin!
Kumilos na ako at nagready para pumasok sa campus. Hindi muna ako sasabay sa kaniya, hindi ko siya kayang harapin. For sure galit ito sa akin.
Wala ako sa wisyo nang makarating ako sa school. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Nag tricycle lang ako papunta dito.
Pumasok ako sa room at nakitang wala pa si Dew, syempre inunahan ko talaga siya.
“Anong nangyari teh?” tanong ni Gian.
“True! Para kang tinakasan ng kaluluwa sa itsura mo.” gatong ni Ion.
“Ih! I.. my.. first kiss, is gone now!” mahina pero sapat ito para marinig nila.
“Ano! Kanino?” sabay nilang bigkas.
“Shh! Ano ba kayo! Edi sana nag mic tayo dito noh?” saway ko sa kanila.
“Si ano… kay babycakes ko!” sagot ko sa kanila. Napatakip naman sila ng bibig.
“Wei!” nagulat kaming tatlo at napalingon sa pintuan.
Malakas ang pagkakatawag sa akin ni Dew… at galit?
Lagot!
Nakahinga ako nang maluwag dahil biglang pumasok si Ma’am Reyes at kasabay naman nito si Liam at Yza.
Hindi na ako nakausap ni Dew dahil nagsimula na ang klase.
Pasulyap-sulyap ako sa kaniya, diretso lang ang tingin ni Dew.
“That would be all, see you next week.” paalam ni Ma’am Reyes.
“Wei let’s talk.” nagulat ako nang biglang nakatayo na sa tabi ko si Dew.
Napalunok naman ako dahil dito.
“Uh sige.” tumayo naman ako pero may pumigil sa akin.
“Where are you going Wei?” tanong ni Liam.
“Don’t interrupt us Mr. Chavez.” sabat ni Dew.
“I’m not asking you Mr. Sandoval.” bawi ni Liam.
Matalim ang tinginan nilang dalawa sa isa’t isa kaya naman pumagitna ako.
“Ah Dew, tara na. Liam, kakausapin ko muna si Dew.” sabi ko sa kanilang dalawa.
Lumabas kami ni Dew at nagpunta sa walang tao na CR.
“Bakit hindi mo ako hinintay kanina?” nakakunot ang noo nito habang nagtatanong.
“Uh…” hindi ko siya masagot.
“If it’s about what happened earlier, I don’t mind it. But don’t leave me again!” napatingin ako sa mga mata nito.
“Huh? Ah! I’m sorry…” paghingi ko ng tawad sa kaniya.
Okay lang sa kaniya? Pero nahihiya pa rin ako sa kaniya.
“I know it’s just an accident so don’t worry.” sabi ni Dew.
Napakagat naman ako ng labi.
“ Don’t do that.” he said.
“Huh?” tanong ko ngunit hindi niya sinagot.
“Are you free this Sunday?” tanong sa akin ni Dew.
“Yes, bakit?” sabi ko.
“May bagong bukas na amusement park, balak sana kitang ayain.” nagliwanag naman ang mata ko sa sinabi niya.
“Woah! Really, sige tara!” ngumiti naman siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Napahinto naman ako at nahiya.
“Alright, I’ll text you the details na lang. Let’s go back, Wei.” tumango naman ako sa sinabi niya.
Nakangiti akong bumalik sa classroom at nakita ko ang nakangising Ion at Gian.
“Hoy, anong pinag-usapan niyo bakla?” tanong ni Ion.
“Inaya ako ni Dew sa Sunday na mag amusement park!” masaya kong kwento sa kanila ngunit mahina lang.
“OMG, haba ng hair natin diyan ah!” sambit ni Gian.
“Naman! Ako lang ’to!” biro ko sa kanila.
At sabay naman silang nag
“Che”.
Tinawanan ko na lang sila. Umirap na lang ako sa kanila pero nangingiti pa rin.
Is this a date?
“Anong pinag-uusapan niyo?” nagulat naman kaming tatlo nang sumulpot bigla si Liam kasama si Yza.
“Ah wala, may bagong bukas lang na amusement park.” sagot ko sa kaniya.
“Really? Should we go?” sabi ni Liam.
“Huh? Uh sorry may plano na ako eh.” sabi ko sa kaniya.
Napatango na lang siya at nagpaalam na dahil pupunta raw sila ng library ng kapatid niya.
“Anong pinag-usapan niyo?” grabe lagi na lang ako nagugulat hah!
“Naku, itong si Liam ay inaya na magdate si Wei!” si Ion ang sumagot, binatukan naman siya ni Gian.
“Ano!?” Dew.
“Huwag kang maniwala diyan, Dew. Nagtanong lang naman si Liam.” sabi ko sa kaniya. Lumiit naman ang mata niya at nag sigh.
“Sabayan mo akong mag lunch mamaya, Wei.” sabi ni Dew.
“Kasabay namin—” pinutol ko ang sasabihin sana ni Ion.
“Sure!” pagpayag ko kay Dew.
Ilang minuto na lang ay lunch na, kaya nag-ayos na ako ng gamit ko.
Wala naman si Yza dahil nasa library sila kaya naman lumipat ako ng upuan para makatabi si Dew.
May sinusulat itong lecture kaya hindi ko siya inabala, tinignan ko lang ang ginagawa niya. Gwapo na nga masipag at matalino pa!
Thank you for reading this chapter!
Chapter 4
Wei’s P.O.V.
Sumapit ang Linggo at nagready na ako. Hindi talaga ako nakatulog, super excited ko kasi!
Nagsuot ako ng blue polo shirt and black pants. Inayos ko rin ang buhok ko, para naman maayos akong tignan sa harapan ni Dew.
Narinig ko naman ang busina ng kotse ni Dew. Agad akong bumaba at nagpaalam kay mama.
“Hello Dew!” bati ko sa kaniya.
“Hello, let’s go?” bati niya pabalik at nagulat ako nang pagbuksan niya ako ng pinto, sa harap ng kotse niya!
First time kong uupo doon ah!
Nalilito man ay umupo na ako.
“You look good, Wei.” compliment niya sa akin na ikinapula ko.
“Ah hehe t-thank you, you too Dew.” namumula kong sabi. At bonus! Naka color blue t-shirt siya!
Pinaandar niya na ang kotse at nagsimula na kaming bumyahe, kilig na kilig naman ako!
“Nandito na tayo, let’s go at magbreakfast muna tayo.” he said.
Nag okay sign naman ako sa kaniya at bumaba.
Naghanap kami ng kakainan, habang naghahanap ay nakikita ko ang mga rides na super extreme. Gusto kong sakyan ’yon with Dew!
Napapangiti na lang ako sa mga iniisip ko.
“Do you like pancake for your breakfast, Wei?” tanong niya na ikinatango ko naman.
Nagtungo kami doon at siya na ang nag-order. Samantalang ako naman ay naghanap ng uupuan namin.
“Wei? Is that you?” nagtataka naman akong lumingon sa likod ko dahil may tumawag sa akin.
“Oh? Liam?” gulat kong tugon.
“Ikaw nga! Sino kasama mo? Kasama ko si Yza, I didn’t know na makikita kita dito.” nakangiting sabi niya sa akin.
“Ah! Wow what a coincidence, uh kasama ko si Dew eh.” sabi ko naman.
“Ganoon ba? Gusto mo mag isang table na lang tayo? Puno na rin kasi itong shop.” aya ni Liam.
Napatingin naman ako sa paligid at tama nga siya. Wala na akong nagawa at nagtungo sa table nila, since magkakilala naman kami.
“Wei?” takang tanong ni Yza. Nag hello naman ako sa kaniya at pinaliwanag ni Liam kung bakit ako nandito. Nagliwanag naman ang mukha niya nang banggitin ni Liam ang pangalan ni Dew.
Napairap naman ako ng palihim dahil doon. Tsk.
“Bakit nandito sila?” napalingon naman ako kay Dew na may dalang trey ng pagkain namin.
Pinaliwanag ko naman sa kaniya at lumingon sa nakangiting Liam at Yza.
Napatango na lang siya at umupo sa tabi ko. Bale ang pwesto namin ay katabi ko si Dew at magkatabi naman si Yza and Liam. Kaharap ko si Liam at si Yza naman ang kaharap ni Dew.
Nagsimula na kaming kumain. Walang nagsasalita sa amin except kay Liam.
Madaldal talaga itong si Liam eh, madaming kwento. Sumasagot na lang kami kapag may tanong siya. Mabuti nga ’yon at napatay ang awkwardness na pumapagitan sa table namin.
Nang matapos kami ay in-offer ni Liam na magsama-sama kaming apat. Tatanggi na sana ako nang biglang pumayag si Dew. Napatingin naman ako sa kaniya pero binalewala ko na lang ’yon. Siguro the more the merrier ika nga nila.
Si Liam ang unang pumili ng rides namin. Rollercoaster, gusto ko ’yon! Sumakay naman kami doon. Katabi ko si Liam. Naiinis nga ako kay Yza eh, ang arte! Dinahilan kasi na ayaw katabi si Liam dahil maingay daw. Kaya napagdesisyonan nila na ang mag partner ay si Yza at Dew, while Liam and me naman.
Nauna kaming sumakay ni Liam, sa likod naman sila Dew. I hate it talaga! Parang nasira ang inaasam kong date namin ni Dew.
Nagsimula na ang rides at nagulat ako nang hawakan ako ni Liam sa kamay habang siya ay sumisigaw. Natawa na lang ako sa kaniya at nag-enjoy na lang din ako sa rides.
Natapos ang rides ng puro sigaw ni Liam ang narinig ko, malakas nga!
Pagkababa namin ay nakasimangot si Dew at bumili ng tubig. I think he didn’t like the ride.
Ako naman ang sunod na pumili. Of course my favorite! The haunted house!
“Are you sure Wei?” tanong ni Dew sa akin.
“Of course! It’s my favorite, unless hindi mo gusto ito? Okay lang naman! Kami na lang ni Liam ang papasok.” sabi ko sa kaniya. Si Yza kasi ay hindi papasok dito dahil natatakot daw siya.
“No, let’s go together.” agad naman niyang sabi.
Natawa na lang ako sa kanilang dalawa dahil mukhang first time ata nila papasok dito.
Ako ang nasa gitna nilang dalawa nung pumasok kami. Halata ang mga takot sa mukha nila.
“Wahh!!!” sigaw naming tatlo nang lumiko kami at may nanggulat sa amin. Napayakap naman silang dalawa sa akin.
Nang mapagtanto nilang dalawa ay nagulat ako nang hilahin ako ni Dew mula kay Liam.
Agad naman akong hinawakan ni Liam sa wrist ko.
“Hoy! Lakad na tayo!” saway ko naman sa kanila dahil nagsamaan na naman sila ng tingin. Lagi na lang.
Lumakad na ulit kami hanggang matapos ay nakadikit sa akin ang dalawa.
“Mga takot naman pala kayo eh!” natatawang sabi ko sa kanila.
“I am not!” “Of course not!” sabay nilang sagot.
Napailing na lang ako habang tumatawa.
“Oo nga pala nasaan si Yza?” tanong ko kay Liam.
“Ay hahanapin ko lang!” sabi naman niya at tumango ako.
Nagulat ako nang hilahin ako ni Dew, hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil biglaan niya na lang akong hinila.
Nagpatianod naman ako sa kaniya. Nakita ko naman ang ferris wheel, napangiti naman ako dahil dito.
Sumakay kaming dalawa. Ako naman ay kinikilig, pangarap ko kayang sumakay sa ferris wheel with my special someone noh!
Ngayon ay magkatabi kami.
“Nag-enjoy ka ba Wei?” tanong sa akin ni Dew.
Tinatanong pa ba yan?
“Super!” nakangiti kong sagot sa kaniya.
“Then I am glad to know that.” nakangiti naman niyang sabi. Sige, mahulog ako niyan!
(XUJU: Sus, hulog na hulog ka na nga!)
Ngumiti ako sa kaniya and sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
“Thank you.” bulong niya.
Pumikit ako at ngumiti.
I love you so much, Dew.
Hindi ko namalayan na nasa baba na pala kami. Ang bilis ah!
Hinanap na namin sila Liam at Yza. Nakita naman namin sila na nakaupo at umiinom ng juice. Lumapit kami.
“Hello!” bati ko na ikinalingon nila.
Lumapit agad si Liam at Yza sa amin. Inabutan ni Yza si Dew ng juice. Inagaw ko naman ’yon at ininom.
“Sorry! Nauuhaw kasi talaga ako hehe!” pilit na ngiti ang ginawa ko.
Tumango naman siya sa akin.
“Here Wei.” nagulat ako nang inabutan ako ni Liam ng juice niya.
“It’s alright, I’m gonna buy him a water.” sabi ni Dew at hinatak ako para bumili ng tubig.
“Naku, masarap pa naman yung flavor ng juice niya!” reklamo ko kay Dew, sarap kasi ng chocolate eh.
“
Do you like it more?
” huminto siya at tinanong ’yon.
Napahinto naman ako at umiling.
“Sabi ko nga tubig!” sagot ko sa kaniya.
Ginulo niya ang buhok ko at nagtungo siya sa tindahan para bumili.
Bumalik siya na may dalang pizza at tubig. Binigay niya sa akin ’yon at nginitian ko naman siya bilang tugon.
Sinimulan ko ’yon na kainin, my favorite pizza! Kuhang-kuha talaga ako ni Dew eh!
Sumakay pa kami sa ibang rides hanggang sa mag gabi na, nagpaalam na sila Liam at ganoon din kami.
Pasok na naman bukas, pero ayos lang. Nag-enjoy ako ng sobra today! Kakilig naman hehe, more memories with him. Kahit nandito si Yza ay okay lang, nasosolo ko naman madalas si Dew eh.
Aba subukan niya lang talaga!
Sana ay maulit ang ganitong date namin ni Dew.
(XUJU: Date raw?)
Nang makauwi kami ni Dew ay 9:00 PM na, nagpaalam na rin ako kaagad dahil inaantok na ako. Super pagod pero sulit naman!
Bago pa man ako pumasok sa gate namin ay tinawag niya ako.
“Wei, take this.” lumapit siya at inabutan ako ng lollipop na hugis heart with smiley face.
Napangiti naman ako at tumalikod agad.
Nakakahiya! Alam kong super pula ng mukha ko ngayon.
“Thank you, Dew!” paalam ko habang nakatalikod at agad-agad pumasok sa bahay.
Narinig ko namang natawa ito kaya mas lalong nahiya sa kaniya. He’s my weakness talaga!
Super bilis ng tibok ng puso ko, si Dew lang ang dahilan nito.
Natulog ako na may ngiti sa aking mukha.
Thank you for reading this chapter!
Chapter 5
Wei’s P.O.V.
Tinanguan ko si Gian at Ion, vacant namin ngayon at napag-isipang kausapin si Yza.
Nag CR si Yza kaya kaming tatlo ay palihim na sinundan si Yza.
Naghintay kami sa labas ng restroom ng mga babae, hanggang sa lumabas na siya.
“Let’s talk Yza.” sabi ko sa kaniya na halata ang gulat sa mukha.
Seryoso lang ang expression na pinapakita ko sa kaniya ganoon din sila Gian at Ion.
“Ano ’yon?” nagtatakang tanong niya sa amin.
“
I’ll be straightforward, stay away from Dew
.“ madiin at masungit kong pagkakasabi.
As expected ay naguluhan ang itsura niya.
“You like Dew, right?” I asked.
“D-Dew? H-Hindi ko alam…” sagot ni Yza. Tsk!
“Anong hindi mo alam, sayang-saya ka nga kapag magkalapit kayo eh!” medyo tumaas ang boses ko dahil sa pagkairita.
“S-Sorry but hindi ko lalayuan si Dew.” sabi niya na mas ikinainis ko.
“I said what I said! Layuan mo si Dew!” sigaw ko sa kaniya.
Nagulat naman kaming tatlo nang bigla itong umiyak at tumakbo papalayo.
Nang sundan namin ng tingin si Yza ay laking gulat namin nang makitang nakatayo si Dew.
Seryoso ang tingin niya sa akin. Bigla yata akong pinagpawisan ng malamig ah.
Umiling ito at umalis din sa kinatatayuan niya. Nang mawala siya ay doon kami nakahinga ng maluwag nila Gian at Ion.
“Paano na ’yan bakla! Mukhang galit ang baby mo!” agad na sabi ni Ion.
“True!” sabat naman ni Gian.
“Akong bahala, papalagpasin niya ’yon. Dati pa naman natin ito ginagawa ’di ba?” nasabi ko na lang sa kanila. Pero may kakaiba, hindi ganoon tumingin sa akin si Dew kapag may inaaway ako dahil sa kaniya.
Ano bang meron kay Yza? Dew is acting weird simula nang dumating sila Yza at Liam.
Ayoko man isipin pero may hinala ako na parang… he likes her-
No! Tsk, impossible and I’m not gonna let it happen.
Magmula kanina ay hindi ako pinapansin ni Dew. Nalungkot ako dahil dito, never niyang ginawa sa akin ’yon.
Sinubukan ko siyang kausapin pero he didn’t even look at me at yumuko sa desk niya.
Paulit-ulit kong sinubukan pero wala talaga. Sa huli ay hinayaan ko na lang muna siya.
Uwian na at lalapit sana ako sa kaniya pero hindi ko na tinuloy nang makita kong kausap niya si Yza.
Lumuluha pa si Yza habang kinakausap siya ni Dew. Nakita ko ang pag-abot ni Dew kay Yza ng tissue.
Ramdam ko ang kirot sa aking dibdib. Hindi ko kaya ang sakit, kaya tumalikod ako at nagsimulang maglakad palabas ng campus.
“You’re going home alone?” tanong ni Liam sa akin nang makita niya akong naglalakad mag-isa.
Naka kotse siya. Tumango ako sa kaniya dahil wala ako sa mood na magsalita.
“Pasok ka!” aya nito sa akin.
Tumingin naman ako sa kaniya.
“Huh? Bakit?” tanong ko kay Liam.
“Ihahatid na kita.” sagot niya, tatanggi na sana ako nang mahagip ng mata ko sila Yza at Dew.
Agad akong pumasok sa kotse niya para magtago, huli na nang mapagtanto ko ang ginawa ko.
Napatingin ako sa nakangiting si Liam at pinaandar na ang kotse. Binigay ko naman sa kaniya ang address ng bahay namin.
“Ah teka, iba na yung dinadaanan natin Liam.” agad kong sabi sa kaniya nang mapansin ko na hindi ito ang daan papunta sa amin.
“May pupuntahan lang tayo saglit, Wei.” sagot niya. Tumahimik na lang ako at pumikit.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nakita ko kanina, nakakapanibago dahil first time kong makita na may pinagtutuunan niya ng pansin bukod sa akin.
“Wei… Wei?” nagising ako sa mahihinang tapik ni Liam. Lumingon-lingon ako sa paligid at nakita ang mga buildings na puno ng mga ilaw.
Gabi na pala. Bumaba agad ako at nagtungo sa pwesto na ’yon. I like the city lights.
Tumingin ako kay Liam na nakangiti sa akin.
“Did you like it?” tanong niya sa akin.
“Oo! Uhm, bakit mo nga pala ako dinala dito?” I asked.
Tumingin lang siya ng diretso at pinagmasdan ang city lights.
“Sa tuwing malungkot ako, dito ako nagpupunta. Para bang kinukuha nila ang nararamdaman kong lungkot.” kwento sa akin ni Liam.
Tumingin ito sa akin. “I hope kuhanin din nila ang nararamdaman mong lungkot, Wei.” sabi niya.
Napalunok ako doon. Pinagmasdan ko rin ang magagandang ilaw sa baba.
“Thank you, it works!” nakangiti kong sambit sa kaniya.
“Just know that you can lean on me, Wei.” he said. Ngiti ang ginawag ko sa kaniya.
Ipinikit ko ang mga mata ko at isinantabi ang mga sakit na nararamdaman ko.
Maya-maya ay naisipan na naming umuwi dahil medyo napatagal kami doon sa spot na ’yon.
“Okay, we’re here.” sabi ni Liam at inihinto niya ang sasakyan sa labas ng gate namin.
“Thank you so much! Gusto mong pumasok? Para makakain ka na rin.” aya ko sa kaniya bago ako bumaba.
“Nakakahiya naman!” nahihiyang sagot nito.
“Don’t be shy! Besides pasasalamat ko na rin dahil pinagaan mo ang loob ko today!” sabi ko.
Ngumiti siya at pumayag na rin sa huli.
Inayos niya ang pagkaka-park ng kotse niya at saka bumaba.
Papasok na sana kaning dalawa sa gate nang may marinig kaming malalim na boses.
“Why are you so late? At bakit kayo magkasama Wei?” napalingon kaming dalawa ni Liam kay Dew.
“Don’t worry kasama ko siya and he’s safe with me bro.” si Liam ang sumagot.
“I didn’t ask you.” masungit na sabat nito.
“Ah siya kasi yung naghatid sa akin.” ako na ang sumagot.
“Why? Sa akin ka sana sumabay.” he said.
“Maybe sawa na siya sa’yo bro.” gatong ni Liam, kaya napalingon ako sa kaniya.
Nagulat ako nang biglang kwelyuhan ni Dew si Liam.
“Huwag kang sabat ng sabat kung hindi ka naman kausap!” galit na sabi niya kay Liam.
Si Liam ay pinantayan ang tingin ni Dew sa kaniya.
“Tumigil nga kayo! Para kayong mga bata!” Sigaw ko sa kanilang dalawa, napalingon naman sila sa akin.
Binitawan ni Dew ang kwelyo ni Liam at inayos naman ni Liam ang damit niya.
“Oh anak bakit nasa labas pa kayo.” napatingin kami kay mama.
“Hello po Ma’am!” bati ni Liam.
“Ah kaklase ko po mama, si Liam.” pakilala ko kay Liam.
“Ah tita na lang ang itawag mo sa akin, halika kayong tatlo pumasok kayo. Dito na kayo maghapunan.” napatingin naman ako sa dalawa.
Pumasok na si mama para ihanda ang pagkain.
“Umayos kayong dalawa!” bulong ko sa kanila. Masama pa rin ang tingin nila sa isa’t isa.
Natapos na kaming kumain at nagpaalam na rin si Liam na umuwi, hinatid ko siya sa labas at kasama ko naman si Dew.
Nang makaalis na ang kotse ni Liam ay nilingon ko si Dew.
“Pinapansin mo na ako ngayon?” mapait na tanong ko sa kaniya.
Lumambot naman ang ekspresyon nito.
“I’m sorry, I didn’t mean to ignore you.” paghingi niya sa akin ng tawad.
“No need to apologize, kasalanan ko rin naman na sigawan ang babaeng gusto mo.” nagulat naman ako sa sinabi ko. Tsk.
“What do you mean? I don’t like her.” sabi niya naman. Kumunot ang noo ko.
“Naawa lang ako sa kaniya, nothing more.” dagdag pa niya.
“Really? Then I’m sorry, hindi na ’yon mauulit…” nakayuko kong sabi.
“Don’t apologize Wei.” rinig kong bulong niya sa akin at niyakap ako.
Niyakap ko siya pabalik.
“You know that I like you right?” I said it once again.
Hindi siya kumibo pero mas humigpit ang yakap niya sa akin.
Naramdaman ko ang luha na tumulo sa aking mata. Hanggang kailan kami ganito?
Thank you for reading this chapter!
Chapter 6
Wei’s P.O.V.
Mag-iisang linggo na ang nakalipas nung inaway ko si Yza. Hindi na kami nagpapansinan magmula non.
Minsan din ay gusto akong ihatid ni Liam sa bahay ngunit lagi rin siyang agad na tinatanggihan ni Dew.
Hinayaan ko na lang sila dahil baka lumala pa kapag sumali pa ako. Lagi sila may alitan naku! Hangga’t maaari ay pinaglalayo ko ang dalawa.
Natapos na ang 2nd Semester at sa wakas ay makakatabi ko na ulit si Dew.
“Wei, tara recess!” aya sa akin nila Gian at Ion, tumango ako at sumunod sa kanila.
Tinanong ko kung anong gusto ni Dew na kainin para mabilhan ko na rin siya, sabi niya ay huwag na raw.
Nasa canteen kami nang biglang may sumigaw na isang student.
“Kayo ba yung kaklase ni Yza?” napatingin kami sa isa’t isa at tumango sa babae na nagtanong.
“Sumama kayo sa akin, dali!” nagtataka man ay sumunod kami sa kaniya dahil medyo natataranta ito.
Nang makarating kami sa rooftop ay nagulat kami na nandoon si Yza at balak na tumalon! Walang masyadong tao dito.
Bigla akong kinabahan dahil hindi ko alam ang gagawin ko ngunit naglakas loob ako na maglakad papalapit sa kaniya upang hilahin siya.
Nagtagumpay naman akong mahila siya at siya ay patuloy na umiiyak. Naiiyak na rin ako dahil hindi ko kaya ang mga ganitong sitwasyon.
Nang bababa na kami sa hagdan ay nagwala ito kaya naman hinawakan ko siya ng mahigpit ngunit mas malakas siya at napabitaw ako.
Nagulantang na lang kami sa mga susunod na nangyari dahil naitulak niya ako kaya tumama ang siko ko sa pader at siya naman ay nahulog sa hagdan.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko at hindi nakakilos agad.
Si Gian at Ion ay tumawag ng teacher at nurse sa clinic.
Dumami agad ang mga student sa gawi namin.
Inalalayan ako ni Ion at ako ay nanghihina at umiiyak.
Nakita ko si Liam na umiiyak habang sinamahan ang nurse papunta sa ambulance. Walang malay si Yza ng buhatin nila.
“What did you do to her?!” natakot ako sa ipinapakitang ekspresyon sa akin ni Dew nang makalapit siya sa amin.
Umiling lang ako nang umiling dahil sa takot at sobra kong pag-iyak. Pilit naman akong pinapatahan nila Gian at Ion.
“Wei! Akala ko ba hindi mo na uulitin!” galit na sabi sa akin ni Dew. Hinila niya ako kaya napadaing naman ako dahil natamaan niya ang siko ko.
Napatingin naman siya doon at saka binitawan ang braso ko.
“I.. d-didn’t d-do it! N-No!” takot na sagot ko sa kaniya habang umiiyak.
“Ano ba Dew! Wala siyang kasalanan!” si Ion ang sumagot.
“Huwag niyo na siyang ipagtanggol dahil parehas kayong may kasalanan! Nahulog at nawalan ng malay si Yza!” nagulat ako sa nagawa ko dahil nasampal ko siya.
“W-Wala silang kasalanan! Kung gusto mo akong sisihin, a-ako lang! H-Huwag mo silang idamay!” nanginginig kong sabi sa kaniya.
Mas lalo akong napaiyak.
“H-Hey I’m s-sorry—” pinutol ni Gian ang sasabihin ni Dew.
“Please lang Dew, kung hindi ka makakatulong umalis ka muna dito. Please.” si Gian.
Napayakap na lang ako kay Ion at nakita kong dahan-dahang umalis si Dew.
Dinala ako nilang dalawa sa clinic para ipagamot ang sugat ko.
Sobrang sakit, hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na ang tiwala sa akin ni Dew.
Siya yung taong kailangan na kailangan ko, ngunit wala. Mas inuna niya ang galit kaysa pakinggan ako.
Wala naman akong kasalanan pero bakit ayaw niyang maniwala sa akin.
Anong nangyari sa pinagsamahan namin? Hindi niya na ba ako kilala?
Maaga akong pinauwi dahil sa nangyari.
Lumapit ako kay mama at umiyak ng umiyak sa balikat niya. Hindi siya nagtanong at hinayaan niya lang ako.
Nang medyo tumahan na ako ay saka niya ako kinausap.
“Anong problema anak?” tanong ni mama.
“H-Hindi niya na ako p-pinagkatiwalaan ma, g-galit na siya s-sa akin— a-ayaw niya na sa akin!” sumbong ko kay mama habang patuloy pa rin sa paghagulgol.
“A-Ayoko na muna dito ma, b-bisitahin natin si papa sa Canada.” umiiyak kong sabi.
Pinatahan niya lang ako at tumango. Niyakap niya ako ng mahigpit.
Naalala ko ang huling yakap namin ni Dew. I didn’t know na hindi na pala ’yon masusundan pa.
Pagod na akong maghabol sa taong hindi naman ako gusto. Pagod na akong umasa na magugustuhan din ako ni Dew.
Ayokong masaktan pa. Pipiliin ko muna ang sarili ko kahit na mahal ko siya.
Nasa airport na kami ni mama at nakangiti niya akong tinignan. Tatlong araw pa lang ngunit napagdesisyonan na ni mama na pumunta kami sa Canada.
“Ready ka na anak?” tanong sa akin kaya tumango ako.
Si mama ang nag-ayos ng mga papers para sa school ko, doon na raw muna ako mag-aral sa Canada. Alam ito nila Gian at Ion, naiintindihan naman daw nila ako at mas mabuti raw iyon para sa akin.
Bago kami umalis ay kinita ko si Liam, hindi ko sinabi na aalis na ako sa Pilipinas. Humingi ako ng tawad sa kaniya at para kay Yza. Sinabi ko ang lahat ng nangyari sa kaniya.
Si Yza ay hindi pa rin nagigising dahil sa lakas ng impact sa pagbagsak niya.
Sinabi naman ni Liam na ayos lang at wala akong kasalanan. Kasalanan niya raw dahil hindi niya napagtuunan ng pansin ang kapatid niya.
Nakasakay na kami sa eroplano at pinatay ko na ang cellphone ko. Nagpalit na rin ako ng sim card sa phone ko.
Hindi ko na rin nakita si Dew matapos ang insidente. I wonder kung anong ginagawa niya ngayon.
Did he even miss me? Did he regret that I was his best friend?
Mas mabuti na rin itong naging desisyon ko para na rin makausad ako sa kaniya. Mahirap man pero kailangang kayanin.
Hindi ko na kaya ang set-up naming walang usad, walang kasiguraduhan.
Hanggang sa muli Dew, thank you for everything. It hurts to think that I lost my best friend and my first love .
(XUJU: Divorce era? 😓)
Thank you for reading this chapter!

