THE LOCKWOODS
mrsWolf02 · 3 chapters · 1,804 words
INTRODUCTION
This work is a FAN-FICTION of SB19. Name copyright infringement is not intended. The character is used fictitiously and no part of this story was true.
This is for A’TIN, entertainment purposes only.
Happy reading.
⚜️PROLOGO⚜️
“Keuno, bumalik ka!” sigaw ng nakatatandang kapatid na Joshe. “Hindi ka dapat tumatawid sa hangganan. Alam mong mahigpit na ipinagbabawal ni Ama ito.”
Sinulyapan lamang ng binatang lobo ang kapatid na panganay, pagkatapos noon ay mabilis itong tumakbo palayo.
Si Keuno Lockwood, ang pang-apat na anak ng pinuno ng Black Alder Pack. Ang pinatahimik sa limang anak ngunit siya ring pinaka-kakaiba sa lahat. Pinakamabilis, pinakamatalas ang pakiramdam at higit sa lahat ay ang tinataglay nitong pambihirang lakas.
“Joshe! Ano, napigilan mo ba si Keuno?” humahangos na tanong ng pangalawa sa panganay na si Pablo. Ngunit sa halip na sagutin ang kapatid ay tanging iling na lang ang nagawa nito sanhi ng matinding dismaya.
Ilang sandali pa ay naroon na rin ang dalawa pa sa kanilang kapatid, ang pangatlo na si Vester at ang bunso na si Jah.
“Anong nangyari?” walang kamalay-malay na tanong ni Jah. Tila wala itong ideya kung bakit ito naroroon. “Bakit nandito kayo sa hangganan, hindi ba’t ipinagba-”
“Ano pa ba sa palagay mo, Jah. Sumunod nga tayo tapos hindi mo pala alam ang dahil?” tugon ni Vester.
“Anong gagawin natin ngayon? Masyado siyang mabilis, at isa pa tinawid niya ang hangganan at wala akong balak sundan siya roon!” inis sa saad ni Joshe. “Siguradong lagot tayo kay Ama.”
“A-Ako na! Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Ama.” Akū ni Pablo. Siya ang magaling sa ganitong bagay. Walang siyang usapin at argumentong hindi kayang itawid at sulosyonan.
Bagsak ang balikat na bumalik ang apat sa loob ng masukal na kagubatan kung saan payapang naninirahan ang mga tulad nila. Malayo sa magulong mundo at sibilisasyon. Malayo sa mga mortal.
Samantala…
“Tulong! Tulongan n’yo ako!” Palakas nang palakas ang palahaw na naririnig ni Keuno habang palayo siya nang palayo sa kanilang teritoryo. Hindi niya nais na suwayin ang batas ng kanilang Ama at Pinuno, ngunit hindi siya mapanatag sa panaghoy na naririnig at humihingi ng saklolo.
Mabilis siyang nakalapit sa kinaroroonan ng tinig. Sa palit anyo niya bilang tao na natatakpan lamang ng balahibo ng hayop na kasuotan. Mula sa kinatatayuan ay nasasamyo niya ang halimuyak at ang pinaghalong amoy ng dugo ng isang mortal.
May mortal!
Mabilis siyang nagkubli sa mataas na puno. Dinig niya ang nagmamadaling yapak nito na bumabali sa mga sanga ng kahoy na nadaraanan. Maging ang paghinga nito ay kaniyang naririnig. Hapong-hapong at nanghihina.
“Tulong!” umalingawngaw nitong sigaw na pumuno sa kagubatan.
Kitang-kita ni Keuno kung paano bumulusok pababa ang katawan ng mortal na may mahabang buhok at puting kasuotan na nababahiran ng pulang mantsa. Sing-bilis ng kidlat na hindi na nagdalawang isip ang binatang lobo na si Keuno na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakahawak ng isang mortal.
Bumagsak sa kaniyang mga bisig ang buong bigat ng nilalang na siyang sinalo niya sa pagkahulog sa bangin at sa tiyak nitong kamatayan. Ilang minutong tila huminto si Keuno sa paghinga nang masilayan ang nakabibighaning mukha ng nilalang. Nang magdilat ito’y sumikdo ang kaniyang puso lalo na nang magtama ang kanilang mga mata nito. Mga matang puno ng alinlangan at pagkasindak.
Kung paanong mabilis niyang sinalo ang nilalang ay ganoon din kabilis niyang binitiwan ito sa damuhan. Kakaibang boltahe ng pakiramdam ang hindi niya maunawaan ang dahilan.
“Tulong, Ginoo! Parang awa mo na, tulungan mo ako!” tawag nito sa kaniya sa kaniyang pagtalikod.
Wala na siyang balak na ito ay pansinin pa ngunit tila hinahatak siya ng kakaibang pwersyang hindi niya maipaliwanag. Nilingon niya ito at agad dinaluhang muli nang makitang namimilipit ito sa sakit. Umaagos ang masagang pulang likod mula sa mga hita nito na nagmamantsa sa puti at magara nitong kasuotan.
“Tulongan mo ako pakiusap!” Ginagap nito ang kaniyang palad at ipinatong iyon sa sinapupunan nito.
Nag-init at tila napaso ang palad ni Keuno sa tagpung iyon. Hindi niya maipaliwanag ang tila pagkahigop ng kaniyang lakas. Bigla siyang nakaramdam ng pagod at mabilis na hinaklit ang palad mula sa mortal.
“Atina! Nasaan ka!? Atina!” malakas na sigaw ilang kilometro ang layo mula sa kinalalagyan nila ng mortal ngunit sapat na distansya upang kaniyang marinig. Nang tingnan niya ang mortal ay wala na itong malay kaya’t ipinagpasya na lamang niyang iwan ito at magkubli sa malapit.
Nang dumating ang mga dayong mortal at matagpuan ang nilalang na iniligtas niya ay maingat itong inilayo at dinala ng mga iyon. At siya naman ay bumalik kung saan siya nararapat.
Nakatitig siya sa sariling palad na namumula. Baon ang kakaibang pakiramdam sa paglapat ng kaniyang palad sa bahaging iyon ng katawan ng isang mortal.
⚜️KABANATA UNO⚜️
“This is your content project, Amari!” Nilapag ni Neggy ang mga folder na kulang na lang ay maging kasing taas na ng Mount Apo sa dami.
“Wow, hindi kaya ako ma-overdose nito sa dami?” ngiting aso kong saad. Tinitingnan ko pa lang ang mga papel na nasa harapan ko ay mukhang magkakasakit ako ulit. My gosh!
“May gana ka pang magreklamo? Aba, Amari, hindi purki anak ka ng CEO at President nitong kumpanya ay pwede mo na akong ganyan-ganyanin. Baka nakakalimutan mong ibinilin sa akin ng Daddy mo na turuan ka ng leksyon, pero anong ginawa mo?”
“I got sick, Negg. Oh my gosh! Can you stop nagging at me!” inis kong sabi. Nakakairita talaga ang boses ng baklang ’to. Kapapasok ko lang ulit sa trabaho pagkatapos kong maratay ng isang linggo dahil sa—
“You didn’t get sick, Amari. That’s just a hangover. One week hangover! Pandemic ngayon pero nakuha mo pang makipag-party. Hindi ka man lang natakot sa Covid? Pasalamat ka hindi ako nagsumbong sa Daddy mo, or else—”
My eyeballs rolled up and point at him. Nakita ko kung paano siya lumunok nang tingnan ko siya ng masama. Good for him. Hindi purki ibinilin ako sa kaniya ay pwede na niya akong pagsalitaan ng kung anu-ano.
The nerve!
“Ano ba kasi ’to!? Ang dami-dami, ha. Dinaig pa ’yong thesis ko nung college.” Hinarap ko ang papel at pakunyaring pinagbubuklat iyon.
“Content project para sa Hollowen Special,” tipid nitong tugon. Hindi ko alam kung nalunok na talaga niya ang dila o talagang natakot siya sa titig ko. Oh well, I couldn’t blame him naman because I could barely throw a death glare. Lalo na sa mga katulad niyang atribidang bakla.
“Content project tapos ganito kakapal? Seriously, Negg, pinarurusahan mo ba ako?”
“Hindi marami ’yan, Amari. OA ka lang talaga.”
Automatic na lumipad ang paningin ko sa pinto nang marinig ang boses na iyon. Gayon din ang pagkalukot ng pagmumukha ko nang masilayan ko kung sino ang epal na nagsalita.
“Hayyzt, buti naman Yani at nandito ka na. Ikaw na nga ang kumausap dito sa kababata mo, naku! Hindi ko na kaya… konte na lang duduguin ang matres ko d’yan!”
Natawa ang walanghiya sa litanya ng baklang si Neggy na siyang supervisor ng SBT Network. Habang ako ay mapaklang nakangisi lang sa bagong dating na si Yani, just Yani. Wala ako sa mood para banggitin pa ang apelyido niya and I don’t fucking care.
“Bakit ka ba nandito!?” maasim pa sa sukang tanong ko. Naiirita talaga ako sa pagmumukha niya kapag nakikita ko siya. Bukod kasi sa pakialamero siya at epal. Madalas ay nakikita ko rin siya sa mga lugar na pinupuntahan ko. Hindi ko nga alam kung dapat na ba akong magduda na baka spy siya ni Daddy para bantayan ako.
“Well of course, para magtrabaho. Ano pa ba sa tingin mo ha, Amari?”
“Hindi rito ang office mo, Yani. Doon ka sa pwesto mo, huwag dito dahil naaalibadbaran ako sa face mo!” pranka kong sabi. Ilang beses ko na siyang sinupla nang ganyan pero ewan ko ba kung bakit sobrang kapal ng mukha ng lalaking ito at hindi yata tinatablan ng kahit anong sabihin ko.
“Sa gwapo kong ’to, naalibadbaran ka pa? Samantalang ’yong ibang babae dito sa office kulang na lang ipa-frame ’tong mukha ko!”
“Yuck! Kadiri. Umalis ka na nga! Hindi ako nakikipagbiruan ha! Wala ako sa mood, baka sayo ko pa maibunton ang inis ko sa baklang ’yon!”
“Hindi ako pwedeng basta umalis nang hindi nasasabi sa iyo na aalis tayo bukas ng umaga. Eight o’clock in the morning ang flight natin via Cebu Pacific.”
Mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya at sinalubong lang niya iyon na para bang wala lang sa kaniya kahit halos umusok na ang mukha ko sa galit. Talagang sinusubukan ng lalaking ito ang pasensya ng isang Amari Forbes.
“At sinong may sabi sayo na sasam—”
“You have to, my love! Balita ko aalisan ka raw ni Tito Ramon ng access sa credit cards at pati na rin allowance mo puputulin—”
“No! He can’t do that!” Kinakabahan kong sabi. Hindi pwede ’yon! Paano na ang night life ko, ang pambili ko ng mga merch ng favourite boy group na ini-stan ko. No! I cannot!
“He could, Amari. He’s your Dad, remember?” anito na halatang iniinis talaga siya.
“Lumabas ka na nga ng office ko, impakto ka! At huwag mo akong matawag-tawag na love. It’s so grossed, yuck! Kadiri!”
“Bakit nagagalit kang tawagin kitang Love, ha!? Sooner or later naman mapupunta ka rin sa akin. Remember that, Amari!”
Isa iyong banta, at palaging ginagawa ng walanghiyang iyon na igiit ang kasunduan iyon sa pagitan ng mga lolo naming dalawa. Kasunduan na sila lang naman ang may gusto. I will never like this kind of man and I will never ever let him. Over my dead gorgeous body!
Nang umalis ang epal na si Yani ay binalikan ko ang files na nasa harapan ko. I am the segment producer of the highest rating documentary show dito sa network na pag-aari rin naman namin. Ewan ko nga sa Daddy ko kung bakit sa halip na Vice President, o hindi kaya ang Chief Operating Officer ay ganito kababang posisyon ang ibinigay sa kaniya. Kung nabubuhay lang siguro ang mommy niya ay nungkang mahirapan pa siya ng ganito.
Kainis!
Ibinalik ko ang atensyon sa mga files. Ang totoo, tatlong folder lang talaga iyon. Pero para sa kaniya ay madami na iyon. Inis niyang binuklat iyon at binasa.
“Lookwood’s Forest?”
May ganoong gubat ba sa Pilipinas. Ang tagal na niyang tao but she never heard of that forest. Saang lugar ba ito? Binasa niya ang unang buong pahina. At kunot-noo siya sa pagtataka.
“Zamboanga?”
Akala ba niya ay para sa Halloween Special ang gagawin nilang segment. Kung ganoon, hindi ba dapat ay sa Visayas sila magpunta dahil nandoon ang mga Aswang, Manananggal at mga kung anu-anong lamang lupa na may dalang kababalaghan di-umano. Then why the heck that the location is in Zamboanga. Hindi ba’t sa Mindanao ’yon?
“My God, Daddy! Why are you doing this to me!? Malapit na ang eighteenth birthday ko tapos ganito?” maktol niya.

