loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Love You Never Knew

The Love You Never Knew

absurd018 · 6 chapters · 9,594 words

—––

One of my dearest friend wanted to write his story.

He sent me almost 20 part of this story to share to you guys!

I hope you enjoy this and feedbacks, comments are welcome!

Thank you. 😊😊

PS: True to life tong story. Enjoy guys!!!

PROLOGUE

You will not realized a person’s worth hangga’t di siya nawala sayo. Yan ang narealized ni Gian Villarin. Is two years enough for Rain Escorel to consider if he have totally moved on?

Paano mo nga ba mapapatunuyan ang pag mamahal mo sa kanya kung siya naman ay umiiwas at ayaw ng maniwala? Mapipigilan mo kaya ang damdamin mo kung lahat ng meron at ano kayo nuon ay kusang lumalabas pag magkasama kayo matapos ang dalawang taon.

Ito ang kwento ng dalawang tao ng ang tanging mali lang naman ay nagmahal ng walang reservation.

Part 1: Ang Muling Pagkikita

His POV:

“Sure ka ok ka lang na makita siya ulit?” Tanong ng lalake sa kasama sa loob ng kotse.

“2 years had passed, siguro kaya na ng puso ko” Sagot nito

“Andito lang kmi sa tabi mo para ipapaalala sayo lahat ng pinagdaanan mo para maabot ang pangarap mo sa sarili mo” Sagot ng lalake sabay bukas ng pinto ng kotse at takbo sa kabilang side dahil nakarating na sila sa gymnasium na pag dadausan ng event.

—————————-//

“Ano ba ang unang laro? Basketball o Volleyball?” sunod sunod na tanong ng katabi kong si Kurt. Andito kasi kami ngayon sa isang covered court/gymnasium sa may kahabaan ng ortigas.

Bakit kami andito? Sports fest ng dalawang companya at ngayon ang opening. Actually init na init na din ako. Di ko nga alam kung bakit din ako nag aya sa kanila na manuod ng opening eh, siguro marahil isa din ako sa players ng basketball ng companya namin na kasama dito sa event na to.

“Tangina ang ganda talaga tignan ni Boss Rain at Boss Kenneth!” Bulaslas ng katabi naming grupo. Feeling ko sa kabilang companya tong mga to. Napatingin ako sa pinag uusapan nila.

“Fuck!” mahina kong bulong. Sobrang laki ng pinag bago niya, mula ng dalawang taon ko siyang di nakita. Pumuti siya pero di gaya nung pang commercial ng whitening lotion, may glow lang. Laki na din ng pinayat nya. Yung buhok niya mula sa sobrang haba ngayon pang boy cut na! Pero ang higit na nag patulala sakin, kung nuon mapapagkamalan mo lang siyang babae ngayon kahit maikli n buhok niya alam mo na babae siya.

Pumasok sila sa entrance ng gymnasium na magkahawak kamay ng tinatawag nung babae sa tabi namin na Boss Kenneth. Naka suot siya ng pang volleyball na kulay dilaw. Kasama niya 4 pang mga lalaki na may mga itsura!

Habang naka tulala ako sa kanya, narinig ko ang mga nakatabi sa amin. “Ang ganda talaga ni Boss Rain! Wala akong pake kung bakla siya!” Sabi ng lalake. “Gwapo din naman si Boss Kenneth ah!” singit naman ng babaeng kasama nila. “Bagay talaga sila. Power couple!” sabi ng alangin sa grupo nila. Nakaramdam ako ng matinding kirot sa puso ko.

“Si Rain ba talaga yan? Ang ganda niya na lalo ah at ang payat na niya!” Singit ni mommy Joanna. Isa sa mga kasama namin na Team Leader. “Mukhang maganda kinalabasan ng pag alis niya sa atin ha” Sabi naman ni mommy Maribeth, Isa din sa mga team leader na kasama ko. “Ang tanong naka move on na ba yang baklang yan?!” Inis na sabi ni Ivy na ngayon ay isa ng manager. Di ko pinansin ang huli kasi nakatingin lang ako kay Rain habang nakahawak pa rin siya sa kasama niyang naglalakad papunta sa bench at kumakaway kaway sa kabilang side na malamang ka opisina nya.

Ang mga ngiti niya sa mga tao habang naglalakad ay gaya pa rin ng mga ngiti niya nuon, na talaga namang mapapangiti ka rin kahit pa pangit ang araw mo. Inalalayan siyang umupo ng kasama niyang lalake habang ito’y nakatayo pa rin at may sinasabi pa sa kasama nilang apat na lalaki. Pag ka alis ng apat bigla na lang ng salita ang host ng event.

“Welcome to SPI & Teleperformax Sports Fest 2019!” bibong sabi ng baklang host. “This is in line with the merging of Orange & Dodo Mobile! A friendship event to both Centers to create camaraderie.” Sagot naman ng isa pang baklang host na ang pinagkaiba sa una ay maputi ito payat at magaling manamit. Kilala ko ung isa pang host kasi siya din ang punong abala sa companya namin pag may event.

“Pre titig na titig? Simula pa ng pumasok siya di mo na inalis tingin mo!” Bulong ni Kurt. “Wala namang pinagbago yang si Rain! Maliban sa pumayat lang siya!” Narinig pala ni Ivy ang bulong ni Kurt. Magsadalita sana ako kaso lumakas na ang sigawan dahil tinawag na ang CEO na briton na cliente namin. Gwapo kasi ito at matangkad na maganda ang katawan. “I am very happy that a lot of people supported this event, blah blah blah” Nakakaboring ang speech nya. Hinanap ng mata ko si Rain pero di ko na siya makita. Tatayo sana ako pero pinigilan ako ni Ivy at sinabing “San ka pupunta?”. “Bibili ng inumin ang init dito eh!” sagot ko. “Wag na may dala akong tubig dito” sagot niya sabay abot ng thumbler.

Ako nga pala c Gian Villarin, 28 years old at un si Rain Escorel ang baklang minahal ako kahit gaano ako kagago, na handang gawin ang lahat para sakin pero binalewala ko at ngayon nakita ko siya ulit gustong gusto ko siyang yakapin at sabihing sorry at gagawin ko lahat bumalik lang ulit siya sakin.

—————————-//

Sa wakas na tapos na rin ang boring at napakahabang speech ng cliente. Ewan ko ba pag dederetsong english eh parang pakiramdam ko asa call ako. Naalala ko tuloy nuon pag magkausap kmi ni Rain lagi ko siyang sinisita pag dederetso na siyang magenglish sinasabihan ko siya na tapos na ang shift namin at asa kotse na kami so mag tagalog na lang siya. Ayun ending bubusangot siya at ngunguso na ang sarap pang gigilan ng pisngi! (chubby pa kasi siya nuon, malaki ang tiyan at double chin. hahaha) Napapangiti tuloy ako sa mga simple moments namin nuon.

Sa gitna ng aking pagiisip biglang nangibabaw ang kantang “

Katchi by Ofenbach vs Nick waterhouse

” na sa gitna ng court sumasaway ang mga naka jersey at casual na babae at lalake.

“Operation’s Resolution Specialist and Team coaches” sigaw sa ibabaw ng kanta at may pumasok na grupo at sumayaw din. After ng dalawang stanza ng kanta “Team Leaders!” at pinalitan ang kaninang sumasayaw. Matapos ang unang chorus ng kanta saka namang “The Managers!” ang pumalit at sumayaw sa gitna! Nang sumunod na chorus “And our Senior Operations Manager, Ms Rain!” sa pag pasok nito nakataas ang kilay kasama ang iilang grupo ng dancers habang nasa gitna siya at sumasayaw (sa itsura niya ngayon talaga namang maiintimidate ka at aakalain mong mataray siyang tao) kung di ko lang siya kilala ng personal. Napa sexy at napaka ganda niya talaga (Before pa naman kahit di pa siya payat at maikli ang buhok). Oo, kilalang kila ko si Rain dahil magkasabay kaming pumasok ng Teleperformax.

Sa bridge ng kanta nag iba na ang impression ng mukha ni Rain, nakangiti na ito at pumapalapak na parang hinihikayat ang buong audience na pumalapak. At nagsama-sama na ang mga lahat ng sumayaw kanina. Naka ngiti itong tumango sa lalaking nasa tabi na niya ngayon (Kenneth) at sabay sabay silang sumayaw. Makikita mo pang madalas magtinginan ang dalawa at ang ngiti ni Rain na alam mong may namamagitan sa dalawa. Di ko tuloy maiwasan na mainis kasi para sa akin lang dapat ang mga ngiting yun. Mga ngiting ako lang nakakapagpagawa sa kanya dati!

Ng matapos ang kanta sinundan din ito ng panibagong kanta na 

“Cebuana by Karencita

” .  Ibang grupo naman ang sumasayaw ngayon na pinakilala na support group na kinabibilangan ng Quality Analyst, Work Force Management, Client Services, Recruitment at Human Resources.

Habang palabas ang grupo ng mananayaw may malaking puting parang gawa sa dyaryo ang sumakop sa halos gitna ng court na may nakalagay na SPI Global Solutions. At ng tumugtog ang kantang 

“No apology - wala akong pake ni Karencita” 

ay biglang napunit ang gitna at lumabas ang maliit na babae na parang nawawala. Ng tuluyan ng nasira ang puting gawa sa papel ang may mananayaw na sumasayaw ng pang robotic dance. Sa unang chorus ng kanta may flags na winagaway na nakalagay  Mr & Mrs SPI  at kasabay nun ang pagrampa ng mga babae at lalake na ang ilan ay naka coat at dress, kasunod ng casual wear at sportswear. Ang babae ay galing sa kaliwa at ang lalake naman sa kanan at nag memeet sa gitna. Matapos rumampa ang huling pares, may arko sa kanan na naka sulat ng  Mr pogay  at ang mga nag-gwagwapuhang lalake (na alam mong tagilid) naman ang rumampa habang sa kaliwa naman ay  Thats my Tomboy  na di rin papahuli sa pormahan at ka gwapuhan ang mga tibo na rumarampa ngayon sa harapan. Sa bridge ng kanta may mahabang tela ang nakawagay way sa likod ng mga rumarampa na nakalagay  Ms Gay SPI 2019 ! At naglabasan sa iba’t ibang parte ng gymnasium ang mga kandidatang naka national costume na makukulay. Napaka festive tignan ngayon ang gitna ng naturang lugar at maraming confetti at bubbles ang nagbabagsakan sa naturang lugar. Ng halos patapos na ang kanta ang daming nagtilian ng lumabas si Kenneth, dahil naka topless ito at naka silk na pants na kulay blue at may malaking pakpak sa likod na pinaghalong blue at white. Habang rumarampa ang lalake meron naka sunod na banner sa likod nito na nakalagay  Mr SPI 2019!  Infairness sa lalaking ito sobrang ganda ng katawan niya, broad shoulders, prominent chest, 6 pack abs na may napaka sexing treasure trail mula pusod papuntang laylayan ng garter ng suot nitong pants.

Sa pagtatapos ng kanta lumapit sa gitna si Matt at nagsabi na “What an awesome performance!”. “We just want to show all the people what culture SPI have!” sagot naman ng co host niya (Vhien). “Duda ko si Rain ang may pakana sa likod nag napakagandang production number na ito.” bulong ko sa sarili ko matalino at creative kasi yang baklang yan eh.

“And to officially open our sportsfest. I would like to call on Ms Rain Escorel! And I stand corrected as I introduced her as Senior Operations Manager wherein in fact she is now the Director for Operations of SPI-Dodo mobile!” mahabang paliwanag ni Vhien. Lumapit naman si Rain sa dalawa at habang naglalakad ito nag eexplain si Vhien na iannounce ang promotion ni Rain 3 days ago at di niya nalaman agad dahil naka leave siya.

“I am actually looking for Gian!” biglang tumibok ang puso ko. Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko kasi muli kong narinig ang boses niya na pangalan ko ang binabangit. “Gian Torralba! Where are you?” dugtong ni Rain. “Oh there you are my Gian! This is his first time to attend this kind of engagement activity which made me so proud and happy!” Sunod-sunod na sabi ni Rain. Akala ko ako na ang hinahanap nya. Natanong ko tuloy sa sarili ko na, sa loob ng 2 taong di kami magkasama hinahanap niya kaya ako? Iniisip niya pa ba ako? Ako pa rin ba kaya ang nasa puso nya? Parang hindi na ata sa mga tinginan niya pa lang sa Kenneth na yun para indi na ako ang lalaking mahal na mahal niya at kinabaliwan. Ang sakit! Napa-hawak na lang ako sa puso ko.

“I will not prolong this any further as I would like to officially welcome everyone to SPI & Teleperformax Sportsfest 2019! I am looking forward to build relation and moments as we all become one Orange Mobile!” pagtatapos ni Rain. Bago pa tumalikod si Rain kitang kita ko na nagsmirk ito na gawain niya pag inaasar ako at kumindat pa siya. Tumalon ulit ang puso ko! May pakiramdam ako mahal pa ako ni Rain at kahit katiting na lang yun sapat na para pang hawakan ko! Dahil I will make sure he will fell in love with me again dahil mahal ko pa rin siya hanggang ngayon!


VOTE AND COMMENTS ARE WELCOME!!!!! ❤️❤️❤️

Part 2: Signs And Determination

Pre yosi muna tayo!” Aya ni kurt sakin matapos magsalita si Rain. Inaayos na kasi ang kalat mula sa production number na ginawa ng companya nila at tinatayo na ata ang net na gagamitin sa unang sport ngayong araw. Tumayo na ako at naglakad.

Rain’s POV:

“Ms Rain! Ang gwapo pala talaga ni Gian mo no! Lalaking lalaki, yummy kahit payat at malinis kahit madaming tattoo!” Tili ni Vhien habang nag yoyosi kami sa likod ng gymnasium. Napa irap na lang ako sa baklang to. Well in all fairness to Gian, lean ang katawan niya, sa height niyang 5’11 at marami nga siyang tattoo sa katawan at may itim na hikaw sa kanang tenga plus may piercing pa sa kaliwang ibabang labi. A typical man that would shake your heart!

“Nakita ko titig na titig siya sayo mula pa lang ng pagpasok natin kanina” Singit ni Kenneth habang ang utak ko ay lumilipad sa pagkakita kay Gian ng 2 taon simula ng iwan niya ako. “Alam ko!” Sagot ko na lang habang nangingiti sa ginawa ko kaninang pag kindat sa kanya kasi talaga namang nanlaki mata niya!

—————————-//

Gian’s POV:

Pag dating namin sa yosihan nakita ko ang grupo nila Rain na nagtatawanan. Rinig na rinig ko pa ang malakas na tawa ni Rain na sa huling tawa ay parang kinakatay na baboy. (hay Rain).

“Pre ligther?” Tanong ni Kurt. Kinapa ko bulsa ko pero di ko makita lighter ko. Wala sa wisyo akong lumapit sa grupo nila Rain at nagsabi “Boss pede pasindi?”. “Sure baby!” Sabay abot ni Rain ng lighter. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at di makapagsalita.

Baby,

baby,

baby.

Pa ulit ulit sa tenga ko! “Ghie?” Tawag ni Rain sa akin na nakangiti at naka tilt ang ulo sa kaliwa. Tangina! Tangina talaga naman oh! “Salamat!” sagot ko na lang at nagsindi sabay lakad pabalik kay kurt.

“Anyare sayo at ngiting ngiti ka dyan?” Bungad ni Kurt. “Naka tira ka nanaman ba?” Tanong sakin ni Juju. Di ko sila sinagot atsaka simula nung dumating si Rain sa buhay ko 3 years ago tumigil na ako sa pag gamit ng bawal na gamot!

—————————-//

Pagbalik namin sa gym naka tayo na ang net sa gitna at nagwawarm up na ang mga manlalarong lalake ng parehong companya. Hinanap ko si Rain af nakita ko siyang naka upo sa bench ng mga players ng naka yuko at naka nguso, habang si Kenneth naka luhod sa harap ni Rain at inaayos ang sintas ng sapatos niya. What a brat same as before. Di kasi magaling magtali si Rain ng sapatos mula pa nuon. Pag siya nag tali either matatangal agad or madadapa siya. Kaya ending para niya akong alipin na itatali ang sintas niya kahit asa gitna pa kami ng mall nuon.

Pumito ang referee at nagsalita si Matt na pinakikilala ang mga players ng companya namin. Ganun din ang ginawa nung co-host (Vhien) at sabay sabay silang yumuko sa magkabilang parte ng gym. Sa unang manlalaro di pa kasama si Rain pero andun na yung Kenneth sa gitna (setter). Mukhang nagtatansyahan pa sa mga galawan ang parehong kupunan ng magsimula ang laro. Ng medjo umiinit na ang laro pumasok na si Rain. Sa unang tingin aakalain mong pinasok lang siya dahil siya ang director ng companya nila. Sa hinhin nitong kumilos at parang kalkulado ang mga galaw. Pero ng umiinit na ang laban makikita mong napaka ganda ng coordination ni Kenneth at Rain dahil sa ganda ng set ni Kenneth at malalakas n hampas ni Rain!

Sa unang set nanalo ang companya namin pero isang puntos lang ang laman. Iba din kasi mga bakla sa companya namin mga brusko (hahaha) although may mga pa girl din naman na kasama. Sa ikalawang set pumasok na yung host kanina (Vhien) at isa pang lalake na alam mong alanganin din pero matangkad na tama lang ang katawan(Neil). Di ko siya nakita na kasama nila Rain kanina. Sa gitna ng laro at sa malalakas na palitan ng hampas ng bawat kupunan narinig kong sumigaw si Rain “Tangina naman Neil! Magrerecieved na lang bobo pa!” sabay takbo nito para habulin ang bola, na siya rin namang nagawa niya at nabalik sa kalaban. Nagpatuloy ang rally ng laro at talagang naman makikita mong walang gustong magpatalo.

Pumalo ng sobrang lakas si Tata (baklang maton na may height ng 6’1 na ka officemate ko) at tumama ito sa kaliwang dibdib ni Vhien pero tumalbog naman pataas ang bola sa dereksyon ko. Biglang may lumapit kay Vhien (Jonas) na parang tinatanong kung ok lng siya at halatang nag aalala ito. Di ko namalayan na papunta na pala sa direksyon ko si Rain. Sa sobrang bilis ng pangyayare nakita ko na lang siyang tumungtong sa unang level ng bleachers, tumalon at hinampas ang bola pabalik sa kalaban. Napa sigaw pa lahat ng tao ng tumama ang bola sa mukha ni Owie (ka officemate ko) sa palo ni Rain. Pero nag alala ako kasi alam kong indi magiging maganda ang pagbagsak ni Rain kaya tumayo ako at kinabig ang bewang nya para masalo ko siya.

Nasalo ko si Rain at ang pwesto namin ngaun ay nakayoko ako ng kaunti para mabalance katawan ko habang siya ay nakaliyad at salo ko ang likod ng bewang niya. Halos onting distansya lang ang pagitan ng mukha namin. Kitang kita ko ng malapitan ang mukha niya. Matangos na maliit ang ilong, magandang mata na parang pang arabo at ang labi niyang maliit. Nanlaki ang mata niya ng malaman niyang ako ang sumalo sa kanya. Pero nakita ko sa mga mata niya na ako pa rin ang mahal niya! Ako pa rin! Ang saya ko! Tangina!

—————————-//

Rain’s POV:

“Bhie!” Sigaw ni Kenneth. “Shit” bulong ko sa sarili ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko! Tangina mahal na mahal ko pa rin siya! Akala ko sapat na ang dalawang taon para makalimutan ko siya. Tumayo ako at inayos ang laylayan ng t-shirt ko dahil nakapasok ang palad ni Gian. Nailang ako bigla kasi ayaw ko ng may humahawak ng likod ko.

“Okey ka lang?” Alalang tanong ni Kenneth. Imbis na sumagot, hinila ko siya at naglakad ng mabilis. Ayokong marinig at maramdaman ni Gian ang malakas at mabilis na tibok ng puso ko. Ayoko! Indi to pede!

—————————-//

Gian’s POV:

“Gian! Upo ka na nga!” Sita sakin ni Ivy. Di na ako nakapalag ng biglang tumayo si Rain at naglakad palayo. Sobrang bilis ng pangyayari at nung bumagsak siya sa bisig ko biglang bumagal ang oras na wala na akong paki sa paligid ko! Naka tingin ako sa palad ko na nadikit sa likod ni Rain malapit sa Butt niya. Kahit nuon pa mang chubby siya at malaki ang tiyan, maganda at makinis ang likod ni Rain na parang sa babae! Naalala ko tuloy nuon na pilit akong nagkwekwento ng mga sex eperience ko pag lasing na ako or kaming dalawa lang kasi parang masarap makita si Rain na nakatalikod habang ako nasa ibabaw niya. Umupo na lang rin ako para walang makahalata ng boner ko.

Nanalo ang grupo nila Rain dahil sa spike niyang un na tumama sa mukha ni Owie. Sabi pa ni Kurt nakakatawa daw itsura ni Owie pagkatapos ng hampas dahil sa nagpa-botox ito ng pisngi. Hinila naman ako ni Ivy sa harap ng gymnasium dahil sa nagugutom na siya. Ikaw naman sa laki niyang tao, gaya ni Tata. Mas mukha pa nga siyang bakla actually kumpara kay Rain (hahaha).

Sa harap maraming stalls ng pagkain. “Hi Rain!” Sarkastik na bati ni Ivy sa grupo nila Rain na palabas ng gym. Ngumiti lang ito. Kasama niya si Kenneth at 4 na lalaki kasama si Vhien at Neil. “Are you here to eat too?” Tanong ni Rain kay mommy Joana. “Oo. Nagaya kasi si Ivy” sagot naman ng huli. “Lika mi, I will walk you thru sa mga food stalls para makakuha kayo ng maraming food compara sa allocations per head” Sabi naman ni Rain sabay lakad at sumunod na lang din kami sa grupo nila kasama ang grupo namin.

Ng makakuha ng pagkain. Pizza, hotdogs on sticks at sandwiches plus softdrinks umupo kaming lahat sa mahabang table ng parang park sa harap ng gymnasium. Habang ang tanda ko is inaayos na ang loob para sa next event which is basketball naman.

Bago pa man kami magsimulang kumain pinakilala kami ni Rain isa isa sa mga kasama niya na sina Kenneth, Ark, David, Carl, Neil at Vhien, sa mga kasama ko (Mommy Maribeth, Mommy Joanna, Ivy, Kurt, Juju at William) bilang mga dating katrabaho niya. Matapos kumain habang nagkwekwentuhan, naramdaman kong tumayo si Rain. Nakayuko kasi ako habang kumakain ng sandwich (ayaw ko kasi sa pizza) dahil nahihiya ako sa nangyari sa amin ni Rain. Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko na parang lalabas na sa dibdib ko!

“Ghie? Samahan mo naman ako mag cr, naiihi na kasi ako.” Sabi ni Rain. Wala sa wisyo akong tumayo kasi alam kong ayaw ni Rain mag cr magisa lalo na nuon di niya alam kung saang cr papasok kung sa lalake ba o sa babae kaya ang ending sinasamahan ko siya para ako magbabantay sa kanya sa labas ng cubicle habang umiihi siya. “Umupo ka nga! Bakit kaba kasi biglang tumayo?” Sita sa akin ni Ivy. Pag angat ng ulo ko nakita ko si Rain na naka smirk habang hawak ung kapangalan ko pero indi nakatingin sa akin. Tangina! Di ko naramdaman n dumating pala yung Gian din na yun. Sa pahiya ko sa sarili ko umupo na lang ako at nakita kong umalis na si Rain. Nagpaalam na rin ang mga grupo ni Rain at nagsasabing papasok na sa loob kasi yung Jonas, Ark at David ang mga manlalaro ng basketball sa companya nila Rain.

Lumabas ako ng CR kasama sila Kurt at Juju pagkatapos magpalit ng pang jersey dahil kami na ang maglalaro. Di ko akalain na naka abang pala si Ivy sa labas at pilit na kinukuha ang pinagpalitan ko. Kahit nuon pa man nahahalata ko na na lahat ng ginagawa sakin ni Rain at ginagaya at ginagawa nitong si Ivy. Di ko inabot sa kanya ang suot ko kanina at naglakad na lang. Pagdating ko sa bench kung nasan ang mga kapwa ko manlalaro sa companya namin, hinahanap ko si Rain ng biglang may nagsalita sa gilid ko. “Umalis na si Rain kasama si Kenneth. Mukha ngang nagmamadali eh at nag aaway!” Si Mommy Maribeth pala ang bumubulong sa akin. Nadismaya ako kasi akala ko manunuod siya sa laro ko.

—————————-//

Kenneth’s POV:

“Tangina Rain kanina ko pa napapansin ang pagkabalisa mo ha!” Bulyaw ko sa kanya. “Anong pinagsasabi mo?” asik nito. “Rain kung sila Vhien at Neil maloloko mo. Wag ako!” Galit kong sagot sa tanong niya. Kanina kasing pagpasok namin sa gym ulit nag aya si Vhien na magyosi kasi kakain lang at inaasar nila si Rain about sa pagsalo ni Gian sa kanya. Pilit namang tinatangi nito na aksidente un at wala yun sa kanya. Pero alam ko nayanig nanaman ang mundo niya sa putang inang manggagamit at manlolokong Gian na un!

“Kung ayaw mong sagutin tanong ko uuwi na tayo!” Pag iba ko. “Maglalaro sila Jonas. Kailangan andun tayo.” Sagot ni Rain. “Indi uuwi na tayo hanggat di mo sinasabi sakin ang inaakto mo kanina pa!” Authoritative kong sabi. “Fine! Let’s just go to Side street and i’ll tell you everything.” Defeated na sagot nito. Ang lugar na tinutukoy niya ay isang acoustic bar na paborito niyang puntahan pag stress siya. Nakaka relax kasi sa lugar na yun. Pang chill lang plus kita mo ang bundok na part na ng antipolo.

Part 3: The Moves

Kenneths’s POV:

“Akalo ko talaga 2 years is enough for me to totally forget my feelings towards Gian” Pagtatapos ni Rain ng kwento. “Tandaan mo Rain iniwan ka niya at ginamit.” Di ko alam kung maawa ako sa kanya ngayon or magagalit kasi parang babalik nanaman siya sa dati.

“Rain andito na tayo sa bahay niyo!” Pag gising ko sa kanya. “Hmmm. Thanks Kenneth!” Pumipikit pikit pa siya at halatang lasing na bumaba ng kotse ko. “Kung alam mo lang Rain. Kung alam mo lang.” Bulong ko sa sarili ko.

—————————-//

Gian’s POV:

Tinatawagan ko si Rain kasi di ko naman binura ang number niya kaso out of coverage area. Nakahiga ako sa kama ko nang biglang may nag message sakin sa FB.

‘Alam kong mahal mo pa rin siya. Kaya may ibibigay ako sayo bukas’ - from Mommy Maribeth. Magrereply na sana ako ng may isa pang message na pumasok. ‘Sunduin mo ko bukas sabay tayo pumasok’ - from Ivy. “Kahit ang lapit lang niya sa office!” Inis kong kausap sa sarili ko.

“Saan ka na pre?” Sabi ni Kurt ng sinagot ko tawag niya. “Lapit na” sagot ko dito. “Pre dalian mo baka malate ka! Remember unang araw to ng merging at ngayon din ang punta dito sa office ng mga taga-SPI!” Paalala ni Kurt. “Fuck!” Sigaw ko “Late kasi ako nagising dahil sa pagod ko kahapon.” Sagot ko dito sabay baba ng telepono. ‘Asan kana diba sabi ko sayo sunduin mo ko?’ basa ko sa text ni Ivy pero pinasok ko na lang sa bag ko ang cellphone ko ngayong naka park na ako ng maayos dito sa basement ng opisina namin.

“Pre try mo mag CR muna bago pa dumating si Rain.” Bulong ni William sakin. Tumayo ako at nagpunta ng CR para mag ayos pero habang naglalakad ako nakita kong naka ngiti ng pang asar itong si JuJu sa akin pero binalewala ko na lang.

“I guess we are complete to start this meeting” Bungad sakin ni Boss Ariel (ang aming director) ng buksan ko ang pinto ng conference room. Di ko napansin asa likod ko rin pala si Ivy at nakita kong lahat sila naka tingin sa akin pati na rin si Rain na katabi si Kenneth. “Nice pare kung kelan ka nagka-chance kay Rain sakto ring ipakita niyo na magkasama kayo ni Ivy” Bulong ni JuJu sa akin pagka upong pagka upo ko. Nang napatingin kasi ako sa likod kanina habang pumapasok umabrisiete sa akin si Ivy. “Ok! Before we officially start this meeting lets do some introduction first. To start I am Ariel Mangahas, Director for operations Teleperformax-Orange Mobile” Sabi ng boss ko kaya di ko na nakita ang reaksyon ni Rain sa nakita niya pagkasabay namin ni Ivy. “And to my Left is our Call Center Managers, starting with Ivy Kristan Domalaon and Maribeth Perez” Dugtong ng boss ko habang nagiisip ako na baka akalain ni Rain na sabay kaming pumapasok ng opisina. “And my Assistant Call Center Managers, Joanna Valdez, Gian Villarin, Juju Abenir” Pagpapatuloy ng boss ko. Di ako mapakali sa kaka-isip kasi kilala ko si Rain overthinker yan eh, “And the coaches, Kurt Marasigan and William Bargo. These people together with others will be the one to pioneer the merging” pag tatapos ng boss ko.

Pagka upo ni Boss Ariel sakto namang tayo ni Rain sa harapan ng conference room. Naka puti itong pants, Turtle neck na black na pinatungan ng puting blazer at itim na high heels. Napaka sopistikada niyang tignan ngayon. “Tangina naman Rain! Miss na miss na kita! Di mo ko pinatulog kagabi!” bulong ko sa sarili ko habang naka tingin lang sa kanya na pinapakilala ang companya nilang SPI at paano ito nagsimula. “Should I still need to introduce myself?” naka smirk nitong turan. “Because it seems that most of the people in this room knows me very well isn’t boss Ariel?” Alam kong nanunudyo si Rain at napa lunok na lang ang boss ko. “Anyways, I am Rain Escorel, the director of operations of SPI Global Solutions-Dodo.” may diin sa salitang director ang pagkasabi ni Rain. “And here are our Senior Operations Managers, counter part of your Call Center Managers, Kenneth Almodal and Leneth Ganno” sabay na tayo ng isa pang babaeng ngayon ko lang nakita. “Followed by our Operations Managers, Jonas Guam, Carl Quiniano, Joan Tecson and Gian Toralba.” Sabay sabay na tayo ng tatlo pagkatapos umupo ng kasama ni Kenneth. “And our Team Leaders, Neil Rama and Ark David”. “Also I bring with me our Training Manager, David Lim. Together with Engagement Manager, Vhien Palines and Engagement Supervisor Francis Ibañez same with our Quality Assurance Manager Vanessa Baguio and our Client Service Manager Toni Rose.” Sunod sunod na sabi ni Rain at tumango at nag taas ng kamay ang mga pangalan kanyang binaggit. “Also other Team Leads left in our office, Liezle Senagonia, Choresca Nila, Emcee Watsmi and Tine Viray. That will be with me to ensure this project will work smoothly!” Pagtatapos ni Rain. Mararamdaman mong may diin sa “our” ang bawat introduction nito kaya naman dederetsong napalunok at parang pinagpapawisan ang boss kong si Ariel.

“Takte parang nakaka pressure tong project na to ah” Buntong hininga na sabi ni Kurt ng matapos ang 5 oras na meeting. “At nakita mo kung paano marattle si Boss Ariel kanina habang nagsasalita sa presence ni Rain? Nakakatawa kasi parang siyang matatae!” Tawa ng tawa si William. “No one can beat how good Rain is!” Singit ni Juju. Kanina ko pa napapansin tong lalaking to na parang double meaning lahat ng sinasabi. Papunta kami ngayon sa pantry para kumain habang ang mga kasama ni Rain ay nilibot nila para mag site tour.

—————————-//

Kinabukasan inagahan ko talagang pumasok at inayos ang porma ko para naman ma impress si Rain. “Boss Ariel I guess its my job as a CM to walk Rain when it comes to our operations rigor or should it be you, isn’t it Boss?” Pagdadabog ni Ivy dito sa opisina ng boss namin. “Ivy baka nakakalimutan mo kung ano ang history nating dalawa kay Rain?” paalaa nito. “And besides the client which used to be our original client are very impressed with Rain and his performance. Mahirap na baka masulot pa nila ang line of business natin. Kaya mas ok na si Gian ang makakasama niya sa loob ng apat na araw na pag stay niya dito!” mahabang paliwanag ni boss. “Boss labas na po ako para salubongin si Rain” paalam ko pero di ako nito pinansin. “Better yet flirt with that Kenneth as we know Rain’s weak point is his heart right?” Naka ngising nakakaloko sabi ng boss namin. “I think you have a point because I can sense that those two are couple” Sagot ni Ivy. Magsasalita na sana ako ng biglang dumating si Matt, “Andito na po si Ms. Rain! Kasama niya lang ngayon si Vhien at Neil po.” Napangiti ako ng wala sa oras kahit nabwibwisit ako sa plano nitong si Ivy at ng boss ko.

Binilisan ko ang lakad ko at inamoy ko ang kwelyo ko to check kung mabango ako. “Good morning Rain!” Bati ko dito pagpasok sa main entrance ng production floor. “Morning.” Tipid na ngiting sagot nito. Agad naman akong yumuko ng kaunti para halikan sa pisngi si Rain pero umiwas ito at nakita kong nanlaki ang mata ng dalawa niyang kasama. “I guess Mr. Villarin it would be nice if we start our day ASAP, as I need this project to be successful!” Sagot nito sabay lakad na akala mo alam niya ang pasikot sikot ng companyang ito. Sabagay alam niya to kasi dito siya nag trabaho dati eh.

—————————-//

Rain’s POV:

“Shit that was close” bulong ni Rain sabay lakad paharap. Buti di nakita ni Gian ang paghawak sa puso niya at ang pag pawis ng noo niya kahit malamig naman sa production floor.

—————————-//

Gian’s POV:

Magkatabi kami ngayon ni Rain sa Work Station ko at naka ngiti ako ng todo habang may mga dinidiscuss ako sa kanya. Wala ang dalawa niyang kasama dahil si Vhien kausap si Matt dahil ito ang counter part niya sa companya namin habang si Neil naman ay nag oobserve sa trabaho ng mga coaches namin kasama si Kurt. “Pre cute yang si Vhien at Neil no?” Naalala kong sabi ni William. “Tangina! Nababakla ka na rin ba?” Asar ni Kurt. “Hindi no! Naaaliw lang kasi ako sa dalawa. Si Vhien ang puti at ang galing pumorpa indi lalaking lalaki pero may dating. Si Neil naman napaka angelic ng face, it seems he is too mysterious that I want to know him better!” Desidong sabi ni William. “Pre baklang bakla ka promise!” Natatawang sabi ni Kurt. “O, Tama na yan baka magkapikunan pa kayo at mauwi sa suntukan!” Awat ko sa dalawa dahil halatang napikon si William. “Atsaka Kurt wala namang masama kung kilalanin nitong si William si Neil kasi kung ako nga nung tuluyan kong nakilala si Rain nahulog ako sa kanya eh!” Dagdag ko pa. “So bakla ka na rin pre?” Sagot ni Kurt. “Hindi no!” mabilis kong sabi. “Tandaan mo sinabi mo nuon kay Rain na pag ang straight na lalake pumatol sa bakla, bakla na rin!” Paalala niya. “Pre masayodong makitid utak ko nun. And besides I realised na kung si Rain na sobra akong pinahalagahan, inintindi at inalagaan. Wala na akong paki kung matawag pa akong bakla!” Sagot ko. Totoo naman ang sinabi ko, iba si Rain sa lahat ng baklang nangahas na landiin ako. “Pero pre tandaan mo ginago mo yung tao at iniwan sa ere!” Paalaa ni William. Totoo rin naman yun, I was a jerk back then but not this time. “I will win her back and I will make sure that he will fell in love with me again same as before and this time I will not let her go!” Determinado kong sabi. “Ngayon pa na nakita ko sa mga mata niya na mahal niya pa ako. I will not back down!” Dagdag ko pa. “Pero hindi kaya huli ka na? Yun Kenneth parang sila na. Kung hindi man alam ko may gusto yun kay Rain!” Sagot ni Kurt. “Oo pre! Siguro naman alam mo ang galawan ng nating mga lalake pag gusto natin ang tao diba?” Dagdag pa ni William. “Alam ko pero magiging akin ulit si Rain! Ngayon pa na sa apat na araw na nandtio siya at di niya makakasama yung Kenneth na yun!” Di ako papatalo. Oras na para mahalin ako ulit ni Rain! Dahil ako alam ko na sa sarili ko at tanggap ko na na mahal na mahal ko si Rain!

“Gian!” Tawag sakin ni Rain na nagpabalik sa akin sa sitwasyon dahil naalala ko ang usapan naming magkakaibigan kahapon, “Sorry! You were saying something?” Tanong ko. “Nah, I just said let’s take a break and it’s almost lunch time” Sabi niya na naka ngiti. Di ko mapigilang titigan lang siya ngayon. “Gian let’s go! Nagluto ako ng fried chicken at laing for our lunch.” Di ko alam kung saan nangaling itong is Ivy. “So you eat chicken and veggies now?” Alam kong may laman ang sinabing yun ni Rain. Kasi di talaga ako nakain ng gulay at manok nuong magkasama pa kami. “No need to answer it and you better hurry up kasi gutom na ata si Ivy. She might gobble you up instead!” Sabay tawa ni Rain ng mahina at tumayo at nglakad palayo. Di ako kaagad naka kilos kasi halos idikit niya ung bibig niya sa tenga ko. Naalala ko ayaw na ayaw nuon ni Rain na dumikit ang labi niya sa mukha ko kasi di daw appropriate. Madalas ko kasi siyang yakapin at isiksik ang ulo niya sa leeg at pisngi ko pag lasing na ako tas ihahatid niya ako pauwi kahit alam kong lasing na rin siya. “Tatayo ka ba diyan o kakaladkarin pa kita?!” Asik ni Ivy. Tumayo ako at sumuunod na lang sa kanya.

Di ko na namalayan saan naglunch si Rain. Naglalakad na ako papuntang yosihan ng makita ko sila Neil at Vhien kasama si Kurt at William. “Neil kamusta naman ang observation mo?” Tanong ni William ng makalapit ako. “So far ok naman, medjo mas mahigpit lang si Ms. Rain sa coaching efficiency.” Sagot ni Neil. Sumingit ako sa usapan “Asan si Rain?”. “Di din namin alam kung saan kumain eh!” Sagot ni Neil. “Alam ko may kasama siyang ka officemate niyo din. Na kakilala niya.” Si Vhien na ang sumagot. “Sino naman kayang kasama ng baklang yun?” Bulong ko sa sarili ko.

“San ka galing?!” Inis kong sabi habang nag aantay sa lobby ng pumasok si Rain kasama si Mongi! “Nag lunch?” Naka smile na parang confused na sabi ni Rain. “2 hours?” Totoo naman dalawang oras mula ng huli kaming magkasama. “I didn’t know that I should be reporting to you now about my whereabouts!” May inisi na sabi ni Rain. At naglakad papasok sa production floor. Bigla kong hinatak ang braso ni Mongi dahil susunod siya kay Rain. “Pre sinabihan na kita nuon na iwasan at wag na wag mo ng kakausapin si Rain diba?” Oo nuon may pagtingin na si Rain sa lalaking ito at nung nalaman ko to kinausap ko agad at sinabing iblock si Rain sa FB at wag na wag lalapitan at kakausapin! “Pre walang kayo! At di mo na ako mamatakot ngayon!” Maangas na sagot nito. Na kuyam ako ng kamao habang nakatingin sa pag alis ng lalake.

Part 4: We Are Together, Again


Pagkatapos ng lunch di ko na nakasama si Rain dahil sa may call (meeting) ito para sa companyang hinahawakan niya bilang director. “Let’s go home, hatid mo ko” Sabi ni Ivy habang nagaayos ako ng gamit pauwi. Tumayo na ako at naglakad palabas ng opisina. Sa lobby narinig ko si Vhien “Ms. Rain dala mo ba auto mo ngayon?” “Coding ako, mag-gragrab na lang siguro ako” Sagot ni Rain. “Sabay na lang kayo samin ni Gian!” Sagot ni Ivy. “Di na siguro kasi taga South pa kami ni Vhien. Sagot ni Neil. “Sakto! South din ang way ko ngayon kasi may pupuntahan ako. Sabay kana Neil!” Nasa lobby na rin pala sila William at Kurt. “Ok lang sa inyo?” Nahihiyang tanong ni Vhien. “Oo naman!” Mabilis na sagot ni William sabay tingin kay Neil. “Nga pala Boss Ivy pinapatawag ka ni Boss Ariel sa office niya!” Harap ni Kurt kay Ivy. “What?! Tinapos ko na lahat ng pinapagawa niya ah!” Iritang sagot nito. Nag shrug lang ng shoulders si Kurt habang bumalik sa loob ng opisina si Ivy, sabay bukas din ng elevator. “I made that up para magkasabay kayo ni Rain.” Bulong ni Kurt ng makapasok na kami sa elevator habang sila Rain ay nasa likod at kami nasa harap dahil sila ang unang pumasok.

Pag dating ng parking lot kinuha ko ang mga gamit ni Rain. “I can manage” sagot nito. Gaya pa rin ng dati ayaw ipadala ang mga gamit niya pero sapilitan kong kinuha ito at wala na siyang nagawa. Nagkanya kanya na kaming sakay ng sasakyan. Pag kaupo namin ni Rain sa loob ng auto ko, “Pasensya na Rain di masyadong malamig ang aircon nito pero mas malamig kesa sa sasakyan ni Kurt.” Paumanhin ko dito. “Ok lang, tagal na rin pala nito sayo no?” Sagot nito sabay libot ng tingin sa loob ng kotse ko. “Oo! Di ko na pinalitan kahit madami ng aberya tong auto dahil sa may sentimental value to sakin!” At tumingin ako kay Rain. Sana magets niya ang sinasabi ko. “Ay bakit? Maliban sa makina, break at wiper madami na siyang sira?” Sabi niya na may bakas ng pagkadismaya. “Oo eh last week pinaayos ko yung carburador at next week itong aircon naman medjo malaki na nga rin ang gastos eh!” Sabi ko naman. “Last time I remember unang mong pina ayos yang carburador ah, then ung makina at break? Umabot pa nga yun ng almost 50k diba?” Pagpapaalala ni Rain. “Oo pero nasira ulit, kasi mura lang ung binili ko nuon. Laki na pala ng gastos natin sa Auto na to no?” Oo tama kayo ng narinig, binili namin ni Rain tong sasakyan na second hand at honestly siya lahat ang gumastos dito nuong magkasama pa kami. “Oh well atleast di mo binenta. Sinabi ko naman kasi sayo nuon pa nung kinuha natin to sa San Mateo kung sure ka na ok ung makina eh” Mahabang litanya niya. “Ok naman siya nuon, diba nga tinest drive pa natin to sa Manaog that day?” “Sabagay, pero this time you can sell this na kasi parang di n worth it ang gastos.” Sabi nito. “No! I will keep this car! Ang sira ay maayos pa naman diba? At diba ayaw mong ibenta ko to nuon kasi ginastusan na natin?” Tinignan ko mukha niya para makita kung may sign na nakukuha niya ang sinasabi ko. May diin talaga sa mga salitang natin ang bawat sinasabi ko sa kanya kanina pa. “Ok! Your choice not mine!” Sagot nito sabay ayos ng gamit niya sa likod ng auto at suot ng seatbelt. Naalala ko tuloy nuon sobrang tindi ng away naming dalawa ni Rain ng magdecide ako bigla na ibenta itong sasakyan na to pero ayaw niya kasi ginastusan na daw niya to tas mauuwi lang sa wala.

“Kain muna tayo Rain bago umuwi?” Tanong ko dito habang nasa edsa na kami. Tumango lang siya. “Pares Retiro?” Tanong ko. “Sige! 2 years na akong di nakakain dun! My GOD I missed that place at yung food nila!” Excited na sabi nito. Yup, madalas kami duon nuon, kasi mahilig kami nitong si Rain kumain after shift. Pag dating namin sa naturang lugar umupo na agad si Rain at ngkakalkal ng kanya cellphone. Habang ako nilibot ko muna mata ko kasi tagal ko na ring di nag punta dito, ng marealized ko na nakaupo pala kami sa dati naming pwesto pag nagpupunta kami dito. “Ano pong order niyo?” lapit sa amin ng babaeng crew. Tumingin ako kay Rain na busying naka tingin sa menu. “Let’s go with our usual?” Sabi ko sa kanya at tumingin sa akin tapos sa babaeng crew. “Sinigang na baboy sa Butuan, Sizzling sisig na may egg, pares at pork and beef siomai.” Sabay naming sabi sa crew. Ngumiti ang crew sa amin habang si Rain naman ay yumuko. “Tsaka Miss pahingi ng maraming chili paste at kalamansi.” Habol ko kay ate bago siya umalis. “Kabisado mo pa pala mga Favorite natin sa kainang ito?” Baling ko kay Rain. “Eh yun lang din naman kinakain natin dito tsaka wala namang nagbago sa Menu nila.” Sagot nito. “Pero syiempre di mawawala ang siomai” habol nito “at chili paste para sa toyo” dagdag ko naman at nagtawanan kami. Hay! Like the old days. Tinginan ko si Rain habang busy siya sa pag ayos ng sawsawan namin na binigay ng crew. Sobrang saya ko ngayon and I will make sure na magtutuloy tuloy na to.

“Burp” dighaw ni Rain na talaga namang lalaking lalaki ang pagkaka dighay. Natawa ako ng mahina kasi ganitong ganito siya pag busog na busog at nagustuhan ang kinakain. Napayuko ito sa hiya at nakitang kong may isang piraso pa ng siomai ang di nakain “Bhie! Ubusin mo tong siomai.” Sabay tusok dito at sawsaw sa toyo. “Busog na busog na ako eh!” Angal niya. “Diba ayaw na ayaw kong may natitirang pagkain kasi sayang?” Pangongonsensya ko sa kanya. Tinapat ko sa bibig niya ang siomai at kinain naman niya ito pero di maiwasang may tulo ng toyo sa gilid ng labi niya. Same as before napakalat kumain. Kinuha niya nag iced tea at inubos ito sabay sabing “Di parin nagbago ang lasa ng pagkain dito sobrang sarap pa rin!” “I know dami mo nga nakain eh!” Sagot ko. “Kapal parang siya hindi! Tsaka mapaparami talaga kain ko kasi lagay ka lang ng lagay sa plato ko.” “Kinakain mo naman!” Pang asar ko. “Syempre kasi sasabihin mo nanaman bawal magtira kasi sayang!” “Lika na magyosi muna tayo at magpapababa ng kinain bago umuwi” Yakag ko dito at tumayo naman siya na nakasunod sa likod ko.

Ng makarating kami ng commonwealth, “Bukas pa rin pala yang All day?” Puna ni rain sa isang convinient store na bukas 24 hours gaya ng 7-11. “Yup, ano ice cream?” Tanong ko. Tumgin siya sakin, “Ok fine, black forest flavor bibilhon natin.” Defeated kong sagot. Sa ice cream kasi madalas ako nasusunod sa flavor although pareho naman naming favorite ang kinakain namin. Pagkabili ng ice cream nagpatuloy kami sa byahe pauwi. Si Rain ang may hawak ng ice cream at kutsara at sinusubuan niya lang ako dahil sa ako ng dridrive. “Oh bakit tayo lumiko dito sa Don Antonio eh konti na lang Litex na?” Gulat na sabi ni Rain ng niliko ko ang sasakyan. “Hahatid kita!” Maikli kong sagot sa kanya. “Naks ang bait! Does this mean I need to pay for your gas” Pangaasar niya sakin. Madalas kasi nuon pag ihahatid ko siya sa bahay nila mismo pag uuwi na kami lagi kong siyang pinapagbayad ng gas ko. Yeah, I was a jerk back then. Imbes na sumagot nag smirk lang ako at nagpatuloy sa pag drive.

“Gusto mo munang pumasok para uminom ng water or what?” Alok ni Rain pag dating sa kanila. “Hindi na, yosi na lang muna tayo kasi sobra din akong nabusog eh” Sagot ko. “Ok!” Maikling sagot niya sabay “Parang this is the first time na di ka nagsabing natatae ka after kumain ng marami” Bigla niyang naalala. Dati kasi yun lagi sinasabi ko pagkatapos namin kumain at nakasakay na sa sasakyan. Imbes na sagutin siya ngumiti na lang ako. Nagkwentuhan pa kami ng tungkol sa opisina particularly sa observation and point of view niya sa operation rigor. “O sige na pumasok kana at magpahinga. See you tomorrow!” Paalam ko. “Ingat ka Gian! And thank you sa pagdala sa akin sa pares retiro. If u only knew I missed na kumain dun!” “Don’t worry di ito ang una at huli!” Ngiti ko sa kanya at umalis na.

Pagkauwi ko nagbihis lang ako at humiga sa kama ng maisipan kong itext si Rain. Nakuha ko na ang bagong number niya. “Mi! Ano nga pala bibigay mo sakin?” Tanong ko dito ng makasalubong ko ito sa pantry pagka tapos namin ni Ivy kumain ng lunch kahapon. “Ito nakuha ko number ni Rain.” Sabay labas niya ng cellphone niya. “Paano mo to nakuha eh halos lahat ng tao dito na involved sa issue nuon di na niya kinakausap unless work related.” Takang tanong ko. “I know! Ako nga gusto ko na siyang yakapin at humingi ng sorry sa nangyari nuon pero naghihintay lang ako ng tamang tiempo. Pero nakuha ko yan kasi kinausap ko si Vhien kung paano sila nag come up ng ganung concept sa production number nung sportsfest dahil si Boss Ariel pressured na kailangan nating mapantayan yun dahil impressed na impressed ang cliente kay Rain dahil pinakita nito ang culture at activities ng companya nila. Alam mo namang big ang cliente natin when it comes to employee engagement!” Mahabang paliwanag ni Mommy Maribeth. Tinext ko agad si Rain ng ‘hi’ pero di ito nagreply. Alam ko namang gising pa siya dahil late na kung matulog yun eh. Ng di pa rin siya ng reply, minessage ko ulit ng ‘ganyan ka ba talaga ka snub? Akala ko pa naman mabait kang tao’. Wala pang isang minuto pag kasend ko nun ay nag reply siya ng ‘who the hell are you?’ natawa ako kasi very typical Rain pag nbwibwisit. Nagpatuloy ang pag tetext namin ng di ako nagpapakilala at talagang di maalis ang ngiti ko kasi ganitong ganito si Rain pag naiinis sa akin nuon sa text. Di ko namalayang naka tulugan ko na pala ang pagtetext namin.

—————————-//

Nag doorbell ako sa bahay ni Rain at inaantay siyang lumabas kasi gusto kong sabay kaming pumasok. Nalaman ko kasi kagabi na nasa casa ang auto niya. “Hey what bring you here?” Sagot ni Rain habang may towel pa sa ulo at naka bihis na. “Sinusundo ka para sabay tayong pumasok” Sagot ko. Binuksan lang niya ang gate at tuluyan na kaming pumasok sa bahay niya. “May pagkain sa lamesa, kumain ka muna habang mag aayos lang ako.” Sabi ni Rain ng makapasok kami ng bahay niya. Dahil sa nagpupunta rin naman ako dito nuon, dumeretso na ako sa kusina at kumain gaya ng sabi niya. “Let’s go!” Sabi ni Rain habang ako ay naka upo sa sala nila. Napaka ganda talaga niya tignan sa simpleng smart casual niyang suot. Kahit nuon pa man n supervisor pa lang siya magaling na talaga magdala ng damit tong si Rain na kahit isang manager ay maiintimidate.

“Bakit di mo ako sinundo?” Sabi ni Ivy ng makalapit ito sa elevator lobby dito sa ground floor. Nag aantay kasi kami ni Rain ng elevator para dalhin kami sa 21st floor. “Huh? Nagsabi ka ba?” Sagot ko kay Ivy. “Nagtext kaya ako!” Inis na sabi ni Ivy. “Di ko nabasa” kahit nakita ko naman talaga text niya pero mas gusto kong kasabay pumasok si Rain ng opisina. “Ms. Rain!” Sigaw ni Vhien habang naglalakad palapit sa amin kasama si Neil. “Kenneth is calling you kanina pa daw po pero di niyo sinasagot ang tawag niya.” Dagdag pa nito. Saka binunot ni Rain ang cellphone niya sa bag at sagot sa tawag. “Yes Kenneth?” di ko marinig ang sinasabi nung Kenneth sa telepono pero kita sa mukha ni Rain na parang masaya ito na kausap ang lalake. “Im fine and I can handle myself! Thank sa concern. Shocks! Yeah I forgot na dumaan sa SB to get my usual. Ow thank you Kenneth” Sunod sunod na sabi ni Rain at bumukas na ang elevator. “Wait!” Sigaw ni William na kasama si Kurt at pumasok na ng elevator. “Neil im not sure kung anong kape iniinom mo but I bought you one. here” Harap ni William kay Neil at sabay abot ng kape. Bigla namula si Neil at tipid na sumagot ng thank you. “Iba ka din Te!” bulong ni Vhien kay Neil pero di ko malaman kung bulong ba talaga yun kasi rining naman namin. “Kurt ako ba binilhan mo rin ng kape?” Tanong nito. Inangat ni Kurt ang kamay niya at may inabot kay Vhien “Wow thank you! Wag kang ganyan Kurt mabilis pa naman akong ma fall” at tumawa ang lahat ng tao sa elevator. “Boss madam kape niyo nga po pala” Sabi ni kurt sabay abot kay Rain. Ng lip talk lang si Rain ng thank you at busying busy pa rin ito sa kausap niya.

Napaka busy ng araw na to dahil sa sunod sunod na meeting, calibration at kung ano ano pa dahil nga sa merging na naganap. Naiinis naman ako dito sa katabi ko kasi prente lang itong naka upo at busying busy din sa cellphone niya. “Rain asa meeting tayo pero cellphone ka ng cellphone? Sino ba yan?! Ibabato ko yan pag di ka tumigil.” Bulong ko dito na punong puno ng pagbabanta. Tumingin lang ito sa akin at tinignan ko rin siya ng masama saka lang ito tumigil at nilagay ang cellphone sa bulsa. Napangiti naman ako kasi sumunod siya sa akin pero naiinis ako kasi malamang yung Kenneth na yun na kausap na niya kanina pa at ngayon naman text ng text! Wala ba siyang trabaho?! Oo na! Na iinis ako kasi nagseselos ako dahil kanina pa naka ngiti si Rain sa kung sino mang pesteng lalake ang kausap niya! Dapat sa akin lang siya ngumingiti! “Ano ba naman yan Gian kanina ka pa aburido na parang gusto long manapak ng tao?” Bulong ni Ivy na nasa kaliwa ko. “Care to share what you guys are talking about?” Singit ni Boss Ariel sa amin ni Ivy. Umiling lang kami ng biglang magsalita ang isa sa mga cliente naming matabang malaking negra “I guess if you don’t want to take this meeting seriously how can we ensure you can close out behaviours to improve performance er?” “We are actually arguing here about coaching effectiveness of our coaches to ensure targets are met. But it would be better if we ask Rain since his folks will be new to the program which would make it hard for them to reach the goal.” Panunudyo ni Ivy. Alam kong gusto lang ilagay ni Ivy si Rain sa spotlight dahil alam nitong di ito nakikinig dahil kanina pa may ka text. Tumingin lahat kay Rain at nagiintay ng sagot mula dito. Tumayo ito sa harapan ng board room dala ang laptop niya at sinasaksak ang projector dito. “I guess questioning the capability of my Team is not the vision of this project specially we want to build a good collaboration to make Orange be on the number 1 spot when it comes to telecommunication. Yes my team is new to the program and one of the biggest challenges we have is about product mastery but as per the data shows our team is way better when it comes to utilizing the tools specific to knowledge base. As you can see you can see Ms Adams (cliente) even if our agents just took calls three days ago our compliance when it comes to tools and knowledge base app is higher compare to the tenured folks of Teleperformax. Despite that our agents are considered as newbie nor new hires they’re performing better as compare to the month to date of the people under Ivy’s cluster. Also to add on, our First Call Resolution is far better from theirs even within just 48 hours cap. If your people are not utilizing the tools effectively how sure can we get that the targets of the clients are met?” Mahabang explanation ni Rain na nag pa balikwas sa pwesto ni Boss Ariel at Ivy. “And one thing more, does this mean that the agents taking calls are not providing the right resolution because as Ms. Adams mentioned a while ago that the agenda of this meeting is to close the behavioral gap for not utilizing the tools that they invest on” Dagdag pa nito. Napatingin ang cliente namin kay Ivy at naghihintay ng sagot. “I guess Ivy can come up with a deep dive analysis to what’s happening in her team and fix the behavior ASAP. Right Ivy?” Si boss Ariel na ang sumalo sa katabi kong pinagpapawisan at namutla na. Tumango na lang si Ivy.

Nagmamadali akong pumunta sa pantry para masiguradong sabay kaming kumain ni Rain ng lunch. Nauna kasi ito dahil sobrang tindi ng sermon na natanggap naming lahat kay Boss Ariel after ng meeting sa pagpahiya ng grupo namin. Tangina kasi tong si Ivy eh prinovoke si Rain eh di naman niya matatapatan ang talino nito. “Pre!” Kaway ni Kurt sa akin ng makapasok ako sa pantry at nakita kong nakaupo na sa table sina Rain, Vhien at Neil kasama ang tropa ko. Pero pag lapit ko nakita kong katabi ni Rain si Mongi! “Di ka talaga nadadala ah!” bulong ko sa sarili ko. Nagtatawanan habang nagkwekwentuhan kasi ang dalawa ng makarating ako sa table nila. Tumayo si Mongi para kumuha ata ng tubig at ginamit ko itong pagkakataon para tumabi kay Rain. “Kanina ka pa ba dito? Im sure gutom ka na?” Sunod sunod kong tanong kay Rain. “Kararating rating lang din namin. Inaatay ko lang ung delivery ng order namin.” Sagot nito at napatango lang ako. “Sorry guys ito nagluto ako ng sinigang na baboy!” Sabi ni Ivy pagkadating sa table namin at lapag sa malaking tupperware. “Initin muna natin” Sabi ni Kurt at tumayo ito. “Ms Rain. Andito na po ung delivery.” Sabi ni Vhien sabay kuha sa lalake ang mga paper bags. Inayos ni Vhien at Neil ang mga order nila ng mailabas to sa paper bag. “Here.” Sabay abot ni Ivy ng plato na may kutsara at kanin sa akin at umupo ito sa harap ko. Saktong maglalagay na si Ivy ng ulam sa plato ko ng magsalita si Rain “Di kumakain si Gian ng ganyang kanin. Here take mine instead!” Sabay palit ng plato namin. “Ivy as Gian girlfriend you should know that pag dating sa kanin dapat buhaghag indi ung malagkit. And make sure bagong luto or else di niya yan kakainin. Am I right Gian?” Sabat kindat nito sa akin. Tangina naman Rain! Di ko alam na hanggang ngayon kabisado mo pa rin ang mga maliliit na detalye sa buhay ko. “Bakit ayaw mong kumuha ng sinigang?” Tanong sa akin ni Ivy dahil ang kinuha kong ulam ay yung nasa plastic container na inorder ni Rain. “Yun na kasi kinain namin kahapon ni Rain” Maikling sagot ko sabay lagay din ng beef brocolli sa plato ni Rain. “Ms. Rain oh.” abot ni Neil sa isa pang plastic container. “Nice pork tausi and tofu! Favorite ni Gian!” Singit ni Kurt ng makita ang laman ng container. “San pupunta yun?” Takang tanong ni William ng makitang padabog n umalis si Ivy sa pantry. Walang nakasagot sa tanong nito. “Neil kinuhaan kita ng tubig kasi nakita ko wala ng laman ang thumbler mo eh.” Dagdag pa ni William at tumabi ito kay Neil. “Iba ka talaga te!” Sigaw ni Vhien. “Asan nga pala si Mongi?” Tanong ni Rain. “Wag ng hinahanap ang mga taong wala. Ito kumain ka pa!” Sagot ko sabay lagay ng ulam sa plato niya. “Nga pala Vhien may ibibigay ako sayo” Sabay harap ni Kurt dito sa kabilang side ng table. “Ito o! Saging ko! Subo mo ah!” Pilyong sabi ni Kurt na nagpamula kay Vhien at nagtawanan kaming lahat.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.