The Mirror's Love (BXB) COMPLETED
CHAKASALSAL · 42 chapters · 11,147 words
BABALA‼️
MOVIE STYLE WRITING
Characters
Lawrence Rafael
Michael Abalos
Vicmar Norberte
Mr. & Mrs. Rafael
Mr. & Mrs. Abalos
Mr. & Mrs.
Norberte
BABALA:
ANG KWENTONG ITO AY
MOVIE STYLE WRITTING
ANG BAWAT MOVIE CLIPS AY NAGLALAMAN LANG NG 200+ WORDS
AT KUNG AYAW MO NG MAIIKSING CHAPTERS AY PWEDE MO NG LISANIN ANG KWENTONG ITO
AT SA MGA MAKAKATAPOS NG KWENTONG ITO AY NAGPAPASALAMAT NA AKO NG MAAGA KASI TINIIS AT ININTINDI NINYO ANG AKING STILO KUNG PANO KO SULATIN ITONG KWENTO
PS. VOTE & FOLLOW
MAHAL KO KAYO MGA KASALSAL❤️
CHAPTER 1
Third POV
Ang isang araw sa “Land of Crown,” kung saan matatagpuan ang Kingdom of Heelia at iba pang mga kaharian, ay katumbas ng limang taon sa mundo ng mga tao. Apat na araw bago ipinatapon ng Evil Queen ang salamin sa mundo ng tao, namatay siya.
(Sa mundo ng mga tao)
Biglang nagbukas ang isang portal sa gitna ng kalsada at inilabas nito ang basag-basag na salamin ng Evil Queen na kanyang ipinatapon sa mundo ng tao. Dahil sa bagong mundo at kakaibang atmosphere ng paligid, nagsama-sama ang lahat ng bubog ng salamin, lumiwanag ito, at naging isang sanggol.
May mag-asawa naman na papunta sana sa airport dahil may business trip sila sa Japan na aasikasuhin. Bigla silang napahinto nang makita ng lalaki at ng kanyang asawa ang isang bagay na umiilaw sa gitna ng kalsada. Nang medyo nakalapit na ang kanilang sasakyan, doon lang nila napansin na may isang sanggol sa gitna ng daan.
“Honey, may bata doon!” Gulat na sabi ng babae.
“Oo, nakita ko, honey.” Sabi naman ng lalaki. Lumabas sila sa kanilang sasakyan at nilapitan ang bata.
Hindi nila alam na ang batang iyon ay isang salamin lang na nagkatawang tao. Ang unang tao na makikita nito ang siyang magiging mukha niya, para bang iyon mismo ang nagluwal sa kanya. Nang makita ng bata ang mukha ng mag-asawa, hindi maikakaila na taglay ng dalawa ang ganda at kakisigan, kaya iyon ang kinopya ng bata.
Nagkataon namang baog ang mag-asawa kaya dali-daling kinuha ng babae ang bata, na nagpangiti sa batang lalaki.
CHAPTER 2
“Honey, look oh, parang kamukha mo siya, kuhang-kuha yung mata mo. Ako naman yung ilong,” sabi ng babae.
“Oo nga, honey, parang kamukha nga natin siya,” sabi naman ng lalaki.
“Kung blessing ito from God, I would like to thank Him for giving us our baby,” nakangiting sabi ng babae.
“Papangalanan natin siya ng Lorence Rafael,” nakangiting sabi ng lalaki. Tumango ang babae at pinunasan ang kanyang luha dahil hindi niya inasahan na magkakaroon ng ganitong milagro, at sa gitna pa talaga ng daan.
“I-cancel na lang natin ang business trip natin ngayon at uuwi muna tayo para ipacheck-up ang anak natin,” sabi ng lalaki. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa wakas, meron na siyang matatawag na anak, at ito ay si Lorence.
“Tayo na at baka malamigan ang anak natin,” sabi ng babae. Pumasok na sila sa kanilang sasakyan, pinaandar ito ng lalaki, at nag U-turn sila pabalik sa lungsod.
Ang hindi nila alam, ang bata na ngayon ay kasama nila ay may kakayahang maaaring gamitin sa kabutihan o sa kasamaan.
Yan kasi ang mahirap sa atin. Kapag may nakita tayong bagay na maaaring gamitin laban sa kahit na sino, kadalasan ay ginagamit natin ito sa ikakasama ng iba. Lalo na kapag may galit ka sa kanya na hindi niya alam, “insecurities” nga, ika nga nila. 💗
Author’s Note
Ang story na ito ay katugma ng The Gay and The Magic High Heels at iikot ito sa salamin ng Evil Queen na naging tao sa mundo ng Earth.
CHAPTER 3
Lawrence POV
“Anak, gumising ka na dyan. Kakain na kayo, nasa baba na mga magulang mo,” sigaw ni Yaya Mel.
“Opo, Nay! Babangon na po ako!” Ganti ko namang sabi, at bumangon na rin ako sa aking king-size bed.
Yung tinawag kong “nanay” kanina ay si Yaya namin mula pagkabata ko pa. Siya yung nag-aalaga sa akin kapag may business trip sina Dad at Mom sa ibang bansa.
Pero alam nyo, yung mga magulang ko ay hindi kagaya ng ibang mayayaman dyan na hindi nasasamahan ang mga anak nila sa umagahan at sa gabi. Lagi silang nandito para sa akin.
At guys, may sikreto akong ibubunyag sa inyo, atin-atin lang to, okey?
Nalalaman ko kasi kung nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo ang isang tao. Kaya mahal na mahal ko sina Mom, Dad, pati na rin ang mga yaya dito sa bahay kasi hindi sila nagsisinungaling sa akin.
Paano ko nalalaman?
Well, nakakakita ako ng aura sa katawan ng tao. Kapag red iyon, malamang nagsisinungaling yung tao. Pero pag puti naman, ibig sabihin nagsasabi siya ng totoo. At dito sa loob ng bahay, wala ni isa na may red na aura. Kaya thankful ako doon.
At dahil sa ability kong ito, kapag may business owner, manager, o kahit sino na gustong makipag-collab sa kumpanya namin, sinasama nila ako nina Mom at Dad para makita ko kung nagsasabi ba ng tama yung tao. Pag overseas naman ang kausap nila, nakikipag-video call sila sa akin. Kaya hanggang ngayon, ang kumpanya pa rin namin ang nangunguna sa business industry.
Yun lang, wala na akong idadagdag dyan.
Kaya bumaba muna ako mula sa kwarto ko para kumain sa baba.
Anong araw na ba ngayon? Well, it’s still Saturday. Sa Monday ay pasukan na, at college na po ako, 1st year college. Magtu-turn na rin po ako ng twenty sa January 1. Yun lang, bye!
CHAPTER 4
Bumaba na ako sa mahaba naming hagdan na talaga namang made of glass. Mamamangha ka! Pagdating ko sa kusina — the kitchen, bitch! — nakita ko si Dad na nagbabasa ng newspaper at si Mom na umiinom ng tea. Hmmm… what’s the tea, Mother? De joke lang…
“Good morning, Mom. Good morning, Dad,” sabi ko sa kanila, at napatingin sila sa akin na may ngiti sa mukha. Lumapit ako kay Mom at hinalikan ko siya sa pisngi, ganun din kay Dad.
“Come on, honey, let’s eat,” sabi ni Mom.
Umupo na ako sa side ng lamesa. You see, ayaw ng magulang ko ng mahabang lamesa. Feel nila kasi na parang ang lungkot at parang walang kumakain kapag malayo kami sa isa’t isa. Kaya katamtaman lang ang laki ng lamesa namin, pero made of glass. Nasa dulo sila ng lamesa, at ako naman ay nasa gilid.
Kumuha na ako ng kanin at ulam, at sinimulan nang kumain.
“Honey, pasukan na sa Lunes. Which school would you like to go?” tanong ni Dad.
“Oo nga, honey. Saan bang school mo gustong pumasok? Ngayon 1st year college ka na,” sunod na tanong ni Mom.
“Gusto ko sa ating paaralan,” sabi ko sa kanila. And yes, may sarili kaming college university, at yun ang Rafael University — ang kinikilalang university sa Pilipinas.
“Are you sure, honey?” tanong ni Mom.
“Yes, Mom. But on one condition. I don’t want all the students to know my identity, ’cause I want to make friends with people who don’t care about money. ’Cause it sucks, you know,” sabi ko.
“Well, if that’s what you want, honey, we will support you,” sabi ni Dad na may ngiti sa mukha.
That’s why I love them both so much.
. . . . . . . . . . .
ABANGAN
CHAPTER 5
Lawrence POV
Hayst… I’m here at the gate of the university, our university. Dito pa lang sa gate ng university, ang dami ko nang nakikitang mga studyanteng nag-uusap. Ang masama doon, nagsisinungaling pa silang lahat. Like, the heck, kulay red lahat ng aura nila. Meron namang iba na may white na aura, pero mas marami pa rin ang mga taong nagsisinungaling.
Papasok na sana ako nang biglang may bumangga sa akin na babae at bigla niya akong tiningnan.
“Watch where you’re going, you idiot!” singhal ng babae. Maganda siya, pero pangit naman ang ugali. Pasalamat siya at nagpapanggap ako ngayon, kaya nag-acting na lang ako na parang ako yung may kasalanan.
“Ay! Sorry po, sorry po talaga,” sabi ko sa babae in an acting way, of course.
“Sa susunod, ayokong makita yang pagmumukha mo, ah! Kung ayaw mong ipatanggal kita sa paaralang ito,” sabi niya.
Bitch! Ikaw ang ipapatanggal ko dyan, pero papalampasin kita ngayon. “Sorry po talaga,” sabi ko, at umalis na ang babae sa harapan ko.
Pumasok na ako at hinanap ang opisina ng Dean.
CHAPTER 6
Ang style kasi ng university namin ay may five floors. Sa likuran ng building ay may covered court, malawak na ground, at malawak ding cafeteria na nasa side ng covered court. Ang opisina ng Dean ay nasa fifth floor.
Nilakad ko ito hanggang sa pinakadulo at nakita ko doon ang pintuan ng office ng Dean. Pumasok ako. Alam na rin nila na dito ako mag-aaral pero hindi pa sinabi ng parents ko ang condition ko, kaya ako na mismo ang magsasabi sa kanila. Nang nakapasok na ako, nakita ko na andito na silang lahat sa loob.
Tumayo sila at binati ako. Tapos ay umupo sila ulit. Napansin ko na may bakanteng upuan sa dulo ng lamesa malapit sa pintuan, kaya nilakad ko ito at umupo.
“Buti dito po kayo nag-aral, Master,” sabi ng Head Dean. At oo, “Master” ang tawag nila sa akin kasi magulang ko ang may-ari ng university na ito.
“Pero may condition din iyon,” sabi ko.
“At ano naman iyon, Master?” tanong niya.
“Well, you see, hindi ako pumunta dito para ipagmayabang na anak ako ng may-ari neto. I chose this university to explore and observe all the students and also all of you professors too. So my condition is: all the students must not know that I am the owner’s son. That’s all,” sabi ko.
Tumango silang lahat kaya tumayo na ako at lumabas sa opisina nila. Pumunta na ako sa second floor kasi nandoon ang classroom ng mga first year college.
Ahg! I need to act innocent from now on.
Sumakay na ako sa elevator at tinap ang second floor button nang biglang may kamay na pumasok, dahilan para bumukas ulit ang elevator. Napatingin ako sa kanya at nahulog ang laway ko… de joke! Hindi naman ako tanga noh! Hahahaha.
Pero ang gwapo niya. May pagkakulot ang buhok, pale skin, red lips… ewan! Basta, gwapo na siya para sa akin.
Tinap ko ulit ang second floor at napaisip:
Sino kaya ang lalaking to?
. . . . . . . .
ABANGAN
CHAPTER 7
Lawrence POV
Katatapos lang nilang magpakilala, at classmate ko pala yung gwapong lalake na nakasabay ko sa elevator kanina. Michael Abalos pala pangalan niya.
“Hi, ako nga po pala si Lawrence Fin. Sana maging magkaibigan tayong lahat,” pa-inosenteng sabi ko.
“Bakla na naman, ang dami ng bakla dito,” sabi ng isang lalake. Ang masaklap, si Michael pa ang nagsabi.
“Mr. Abalos! Watch your mouth! I’m very sorry, Mr. Rafa— I mean, Mr. Fin,” sabi ng professor sa akin. Muntikan na niya akong nabuking dun, ah.
“Okey lang po, Ma’am,” nakangiting sabi ko.
Naghanap na ako ng bakanteng upuan.
“Dito ka, bes!” sabi ng isang bakla. Maganda din siya kung titignan, at kita ko sa aura niya na gusto niya talaga akong makatabi. Kaya lumapit na ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
Pero napansin ko sa ibang row ang mga ibang bakla, at kitang-kita kong nag-roll eyes sila sa akin.
Kung maka-roll eyes ang mga baklang yan, parang tanga lang! Ang papanget nga nila eh! Ahhhgggg! Kalma lang, self! At tumingin na lang ako sa harapan.
Nagsimula na rin ang lecture kaya nakinig na lang ako.
Pero may nag-poke sa tagiliran ko, at nakita ko na yung katabi ko palang bakla iyon.
CHAPTER 8
Lawrence POV
“Hi! Ako nga pala si Vicmar Berde,” sabi niya sa akin.
Alam ko, narinig ko kanina. Yan ang gusto kong sabihin, pero nakita kong puti ang aura niya kaya ngumiti na lang ako at nagsalita.
“Nice to meet you,” sabi ko.
“Sabay tayong mag-recess mamaya, libre ko,” sabi niya.
May pera ako! Pero naalala ko na nagpapanggap pala ako, kasama na rin dun ang pagiging mahirap.
“Nakakahiya naman sa’yo, kahit wag na lang,” nahihiyang sabi ko.
“Ano ka ba, okey lang, magkaibigan na tayo eh,” sabi niya na nakangiti.
Agad-agad? Kailan? Di naman ako naabisuhan na kaibigan na pala kita. Wow! Magic!
“Ah oo, magkaibigan na tayo,” sabi ko rin na nakangiti. Heto din ang isa sa habol ko dito sa university na ito — ang makahanap ng tunay na kaibigan. Sana ikaw na yun.
“Sabi mo yan ah,” nakangiti niyang sabi. At talagang nakikita ko sa aura niya na sincere siya sa sinasabi niya ngayon.
Tumingin na kami sa harapan pero napansin kong nakipagpalit ng upuan si Michael sa lalaking nakaupo sa aking likuran.
Hinayaan ko na lang iyon.
Pero maya-maya lang, may sumipa sa upuan ko. Hinayaan ko lang, pero inulit pa rin niyang sipain kaya napatingin ako sa likuran at nakita kong nakangisi si Michael habang nakatingin sa akin.
“Problema mo?” tanong ko sa kanya.
“Ikaw! Ikaw ang problema ko. Bakit bakla ka? Bakit dito ka pa nag-aral?!” mahinang sabi niya sa akin pero ramdam ang galit sa tono ng boses niya kahit mahina.
Problema neto? Pasalamat siya gwapo siya!!
Pero tumingin ulit ako sa harapan at di na lang pinansin ang tao sa likuran ko. Pero sinipa niya ulit ang upuan kaya napatayo ako.
“Ano ba?!” sabi ko sa kanya.
“What is the problem, Mr. Abalos?” tanong ng professor.
“Bakit ako, Ma’am?? Eh ang baklang ’to ang nag-skandalo, hindi ako,” sabi naman ni Michael.
“Please, let’s be professional here and don’t disturb Mr. Fin,” sabi ng prof kay Michael.
. . . . . . . .
ABANGAN
CHAPTER 9
Lawrence POV
“Bes, anong gusto mong kainin?” tanong ni Vicmar sa akin.
Medyo naiilang pa ako, but this is what I want, right? A friend. Cause ever since I was young, no one dared to make friends with me — except that boy when I was six years old.
“Kahit hamburger, spaghetti, at isang iced tea na lang,” sabi ko. Parang fast food na ang style ng aming cafeteria, like Jollibee, McDonald’s, at iba pa.
“Okey, got it. Hintayin mo lang ako dito,” sabi ni Vicmar, at tumango lang ako.
Pinagmasdan ko ang cafeteria at ang sakit lang sa mata dahil sa mga nakikita kong pulang aura. Suplado ako pero mabait naman ako sa mga taong hindi nagsisinungaling sa akin. Nakikita ko kung sino ang nagsisinungaling, pero ako mismo marunong din magsinungaling — in the most harmless way possible.
At nakita kong palapit na si Vicmar sa aming table.
“Heto na,” sabi niya at nilapag ang tray. Kinuha ko yung pagkain na nilibre niya para sa akin.
“Sino kaya ang anak ng may-ari neto?” biglang tanong ni Vicmar na ikinagulat ko.
“Hindi ko rin alam,” sabi ko naman.
“Meron kasing nagsasabi na dito nag-aral ang anak nila, at maraming studyante ang gustong makita siya,” sabi niya.
As I know, gusto lang naman talaga nila akong kaibiganin dahil mayaman kami.
“Bakit daw?” pa-inosenteng tanong ko.
“As usual, gusto yata nilang makipagkaibigan sa kanya para pag naging close sila, makipag-business partner ang mga magulang nila at gagamitin ang friendship nila,” sabi niya.
“Hindi sa sinasabi kong gagawin mo ito, pero ikaw, hindi mo ba rin gagawin yun? Para may chance na yumaman pa kayo lalo?” sabi ko, para i-test siya at para malaman ko kung ano ang nasa isip niya.
CHAPTER 10
Lawrence POV
“Well, lahat naman tayo ay gustong yumaman, pero ayokong gumawa ng masama na kailangan masaktan ang isang tao para yumaman lang ang isa,” sabi niya. Wala akong nakita na red na aura sa kanya, so it means sincere siya sa kanyang mga sinabi.
Biglang may pumatak na luha sa aking mata. Bakit? Kasi ngayon lang ako nakakita ng tao na hindi pera ang unang iisipin kundi ang nararamdaman ng iba.
“Oh my gosh, bes! Bakit?” taranta niyang tanong kasi nakita niyang may pumatak na luha sa aking mata.
“Wala, hindi ko lang inakala na ganyan ka kabait pala,” sabi ko.
“Alam ko na yan, kain na tayo,” nakangiting sabi ni Vicmar.
Habang kumakain kami, biglang may tumigil sa harapan namin. Tumingala ako para makita kung sino sila, at nakita kong sila yung mga bading na nasa kabila ng upuan — yung nag-roll eyes sa akin kanina.
“Well well well, what do we have here? Bakit hindi ka na lang sa amin makisama, Vicmar, hindi sa baklang mahirap na yan,” sabi ni Ugly Duckling Number 1.
“Tama ka, girl. Mahirap na nga, mahirap pa,” sabi ni Ugly Duckling Number 2.
“Wag ka ngang magsalita dyan, girl. Para kang bobo, bes,” sabi naman ni Ugly Duckling Number 3. At wait lang ah, lima silang ugly ducklings. Ang nagpaganda lang sa kanila ay yung mga make-up nila na ang kakapal na sa mukha. Eww!!!!
. . . . . . . .
ABANGAN
CHAPTER 11
Lawrence POV
“Sorry to interrupt you gays, pero wala akong balak makisama sa inyo. Mas pipiliin ko na lang ang mahirap na bakla na ngayon ay katabi ko, kaysa sa mga taong mayayaman pero ang pangit naman ng kalooban,” sabi ni Vicmar.
Fierce. Gusto ko tong side niya na ito.
“What did you just say!?” tanong ni Ugly Duckling Number 1.
Biglang lumapit si Ugly Duckling #2 kay #1 at bumulong, “Bingi lang, teh. Narinig ko nga na nasa likod mo, ikaw pa kayang nasa harapan niya lang,” bulong niya pero rinig na rinig naman.
“Narinig ko! Tinanong ko lang para mas maganda ang style,” sabi naman ni Ugly Duckling #1 kay #2. At tumingin ulit si #1 sa amin, lalo na kay Vicmar.
“Anong sinabi mo?” tanong ulit ni Ugly Duckling #1 at tinagalog pa talaga.
“Alam kong narinig mo, kaya kung pwede lang, leave us alone,” sabi ni Vicmar.
Itatapon na sana ni Ugly Duckling #3 ang iniinom niyang juice kay Vicmar kasi binastos ni Vicmar si #1 na parang boss nila. Pero pinigilan siya ni Ugly Duckling #1 at sinabing,
“Gaga! Wag mong itapon yan. Mahal ang brand ng damit niya, wala kang pambayad dyan pag nagkataon. Kami lang dalawa ang mayaman, mahirap ka lang remember?!” sabi ni #1 kay #3.
“Ay oo nga pala, scholar pala ako kagaya niya,” sabi ni #3 at tinuro ako.
“Let’s go, girls. At ikaw, Vicmar, may araw ka rin sa amin,” sabi ni Ugly Duckling #1 kay Vicmar. Tumingin rin siya sa akin tapos umalis na silang tatlo.
“Ang galing mo dun ah,” sabi ko.
“Haha, pwede na bang pang best actress?” tanong ni Vicmar, at talagang nag-pose pa talaga siya. And when I say pose, tumayo pa siya tapos nag-pose. Napatawa na lang ako sa kagagahan niya.
Biglang may tumulak sa kanya at napaupo si Vicmar sa sahig. Nang tiningnan ko kung sino yun, nakita ko si Michael na nakatayo at nakatingin sa akin.
“Ano bang proble—” magsasalita na sana si Vicmar pero naputol ito nang makita niyang si Michael Abalos ang tumulak sa kanya.
CHAPTER 12
Lawrence POV
“Haharang-harang ka kasi sa daanan, mga bakla nga naman” sabi ni Michael at nilagpasan kaming dalawa. Nakita ko rin na may kasama siyang apat na lalaki, siguro mga kaibigan niya ang mga ito. Ang masaklap nga lang ang gagwapo pa nila. Pero para sa akin mas gwapo pa rin si Michael sa kanilang lima. Pero suplado talaga kaya binawi ko na ang tingin ko sa kanila at tinignan si Vicmar na naka-upo na ulit sa kanyang upuan.
“Okey ka lang?” tanong ko sa kanya at nakita ko pang hinimas-himas pa niya ang kanyang pwetan.
“Okey lang ako. Ano ba talagang problema ng lalaking yun? Parang hindi binayaran ng bakla ng pera kaya nagkakaganyan” sabi ni Vicmar at napatawa ako sa kanyang sinabi.
“Yun talaga ang rason?” tanong kong pabiro habang pinipigilang matawa.
“Ewan. May araw din ang lalaking yan sa akin” sabi ni Vicmar.
“Bakit anong gagawin mo?” takang tanong ko sa kanya.
“I will make that guy fall in love with me” sabi ni Vicmar.
. . . . . . . .
ABANGAN
CHAPTER 13
Lawrence POV
“That’s all for today, and goodbye” sabi ni Ma’am at binitbit na ang kanyang gamit.
“Tara na, bes!” sabi ni Vicmar kasi nagyaya siya kanina sa canteen na pumunta daw kami sa mall para makabili ng damit para kay Michael. Diba nga, may plano si Vicmar. Dapat daw ma-fall in love si Michael sa kanya, and I was like okey fine. Ang masaklap, sa mall pa namin kami pupunta, sa LR Mall na stands for my name itself.
Lumabas na kami ng university at nakita kong may magarang kotse na naghihintay sa labas ng gate.
“Hayun na yung sundo ko, bes. Tara na! I’m excited” ngiti-ngiti niyang sabi sa akin. At alam nyo guys, yung ngiti niya nakakatakot, manyak na manyak talaga hahaha.
Lumapit na kami sa kotse nila at sumakay kaming dalawa sa likuran.
Habang nagce-cellphone siya, tinext ko agad si mom.
Mom, call the manager and all the staff in the LR Mall and tell them all that they need to pretend that they don’t know me! Now mom! We are going there with my friend, tell them this instant! Bye love you mom muah!
Yan ang text ko kay mom. Mahirap na baka mabuking ako agad.
After five minutes, mom texted me back.
They are now informed honey. I’m glad that you have a friend now. Be careful. Bye muah!
Yan ang text ni mom sa akin. Diba, parang teenager lang kung makatext si mudrah.
CHAPTER 14
Lawrence POV
“Bes, pano kaya kung ganito ang bilhin ko para sa kanya?” tanong niya sa akin. At ipinakita niya ang site ng aming mall na may picture ng fashion coat na kulay itim at ang fur nito ay gawa sa tunay na fur ng lion na nagkakahalaga ng 10k. Yun din ay own brand ng aming mall, LR ang tatak ng aming brand. Kung hindi nyo alam, may sarili kaming brand at yun ay isa ring kinikilala sa larangan ng fashion world, at kapantay siya ng Gucci.
“10k? Ang mahal naman yan. Wala na bang iba?” pekeng tanong ko sa kanya na parang namahalan ako, kahit hindi naman sa loob-loob ko.
“It’s okey, bes. Wala pa ito sa katiting ng aming pera kaya okey lang. Ano sa tingin mo, bagay ba ito sa kanya?” tanong niya ulit.
Tumango na lang ako. Para kasing napagod na akong magsalita kaya tango na lang ang ginagawa ko tuwing nagtatanong siya.
Maya-maya lang ay napasigaw siya.
“Gosh! Nandito na tayo, let’s go!” malakas niyang sabi na ikinagulat ko. Lumabas na siya sa kotse kaya lumabas na rin ako at pumunta sa tabi ni Vicmar.
“Ang ganda-ganda talaga dito. Siguro napakarami ng lalake ang kumantot sa anak nila Mr. Rafael dahil sa dami ng pera ng anak nila, baka nagpakantot na ito sa iba” sabi ni Vicmar.
The fuck are you talking about? Nakakaloka na talaga itong isang to. Grabe na ang kalibugan sa katawan. Hayst. Kung hindi lang talaga ako nagpapanggap, binatukan ko na ito ng pagkalakas-lakas.
“Tayo na sa loob” sabi niya at hinila ako papunta sa loob.
Ang daming nakakakita sa akin at mabuti na lang at nag-act sila na parang hindi nila ako kilala.
Good job everyone.
. . . . . . . .
ABANGAN
CHAPTER 15
Lawrence POV
Pumasok kami sa LR clothing area ng mall at hinanap ang fashion coat na nakita namin kanina sa cellphone ni Vicmar.
“Heto na siya, bes!” pasigaw na sabi ni Vicmar at lumapit sa akin.
“Sigurado ka na ba dyan?” pekeng sabi ko.
“Oo, bes! Kaya tayo na, bayaran na natin to para makapamasyal pa tayo” sabi niya at pumunta na kami sa counter. Todo ngiti naman ang cashier sa amin, more like sa akin siya nakangiti.
At nang nakalabas na kami sa clothing area ay naglibot pa kami.
“Hindi mo ba napansin, bes, yung lalaking cashier kanina?” tanong niya sa akin.
“Hindi, bakit?” maang-maangan kong tanong.
“Panay ngiti sayo eh. Mukhang may crush yata sayo, yiiieee! Pakantot ka na dun! Hahaha” sabi niya at tumawa.
Sobra na talaga ang kalibugan ng baklang ito sa kanyang katawan. And as far as I know, ngumingiti sila sa akin kasi alam nilang ako ang anak ng may-ari ng mall. Dapat kailangan nilang magpa-impress, ganon yun. Pero ang baklang to talaga, hindi ko masikmura ang kalibugan niya.
“Grabe ka naman!” pabirong sabi ko.
“Bakit, bes, di ka pa nakakantot?” tanong niya.
“Alam mo, may nakita akong milktea dun. Libre mo na lang ako” sabi ko.
At hinila ko na siya papunta sa loob nito. Bumili na siya ng milktea at binigay sa akin yung isa, tapos lumabas na kami. Pero binalik ulit ni Vicmar ang kanyang tanong.
“Nakantot ka na ba? Bakit parang iniiwasan mo yung tanong? Siguro nakantot ka na noh?” tanong niya sa akin na nakangiti, yung ngiting manyak na bakla. Alam mo yun?
“Hindi pa!” sabi ko naman.
“Weh? Maniwala sayo! Yung totoo!?” tanong niya pa ulit.
“Oo nga! Hindi pa!” sabi ko at napalakas na ang aking boses.
“Chill, bes! Nagmumukha ka ng defensive nyan” sabi niya at napatawa.
The heck ng baklang ito! Grabe na, I cannot handle na talaga!
Yan ang mga salitang gusto kong ilabas sa aking sariling bunganga pero wala eh, nagpapanggap tayo dito eh.
CHAPTER 16
Lawrence POV
“Ewan ko sayo!” sabi ko na lang sa kanya.
“Bili tayo dun, bes!” sabi ni Vicmar at tinignan ko naman kung saan nakaturo ang kanyang daliri. Nakita kong nakaturo ito sa LR jewelry area. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit doon ang pupuntahan namin. Hinila na niya ako at pumasok kami sa loob.
Maya-maya lang ay lumapit sa akin si Vicmar kung nasaan ako kasi tinitignan ko ang mga jewelry na nakadisplay.
“Tignan mo ito, bes!” sabi ni Vicmar sa akin. At ipinakita niya ang dalawang kwintas na may maliit na dyamante sa gitna.
“Para saan yan?” tanong ko naman.
“Para sa ating dalawa. It’s our friendship necklace” sabi ni Vicmar. Hindi ko alam pero bigla akong naantig sa mga pinaggagawa niya. Nakikita ko pa rin na white ang aura na kanyang dinadala kaya alam kong hindi siya nagsisinungaling ngayon.
“Oh heto, isuot mo, at isusuot ko na rin itong isa” masayang sabi ni Vicmar at binigay ang kwintas sa akin. Kinuha ko naman ito at ilalagay ko na sana sa aking leeg nang maalala ko na meron pa pala akong kwintas na ngayon ay suot ko. May design ito na kalahating heart at hindi lang ito ordinaryo. Magnet necklace siya at mamamagnet lang ito pag pinagtabi sila ng kaparehas niya. Naalala ko pa na bigay ito sa akin ng batang lalaki noong six years old pa lang ako.
Kaya ang ginawa ko na lang ay tinanggal ang magnet necklace at sinuot yung binigay ni Vicmar. Tinignan ko ang magnet necklace na hawak ko.
Kailan kaya kita makikita ulit?
. . . . . . . .
ABANGAN
CHAPTER 17
Third POV
May isang bata sa park at yung yaya naman niya ay may binili lang sa gilid-gilid. Naglalaro naman ang bata sa playground ng park. Nang tumingin na siya sa kanyang paligid, wala na ang kanyang yaya. Bigla itong umiyak sa gitna ng playground at maya-maya lang ay hinanap niya ang kanyang yaya dahilan para mapalayo siya sa park.
“Yaya! Yaya! Asan ka na!?” iyak na sigaw ng anim na taong gulang na batang lalaki.
“Wahhhhh!!” malakas na sigaw ng bata.
Nagpumilit kasi ang bata sa mga magulang nito na mamasyal sa park ng kanilang subdivision. Pinayagan naman siya at pinasama ang yaya, pero dahil dun ay nawawala na ngayon ang bata.
Umiiyak pa rin ng umiiyak ang batang lalaki nang biglang may lumapit sa kanya na pitong taong gulang na lalaki at nagsalita.
“Okey ka lang ba, bata? Napano ka?” tanong nito sa anim na taong gulang na bata.
“Nawawala si yaya ko, si yaya ko nawawala, wahhhh!!” sagot ng bata at umiyak na naman.
At dahil sa iyak nang iyak ang bata, niyakap na lang siya ng pitong taong gulang na bata.
“Ano bang pangalan mo?” tanong niya.
“Lawrence” sagot ng batang si Lawrence.
“Ganito, umupo tayo dun at hintayin natin ang yaya mo” sabi ng bata kay Lawrence at tinungo nila ang isang bench at umupo doon.
Maya-maya ay tinanggal ng bata ang kanyang magnet necklace na kalahati ng kanyang magnet necklace na nasa kanilang bahay at ipinasuot ito kay Lawrence.
“Yan, bagay sayo. Heto ang dapat lagi mong isipin. Pag wala kang kasama, hawakan mo lang ang kwintas na yan at isipin mong kasama mo ako. Okey ba yun?” nakangiting tanong ng bata kay Lawrence.
“Eh pa-pano ka-ka?” pautal-utal na tanong ng batang si Lawrence, ganyan talaga pag bata.
“Wag kang mag-alala, meron yung kalahati ng kwintas na yan sa bahay. Kaya iyo na yan, at wag mong kakalimutan yung mga sinabi ko. Okey?” sabi ng bata kay Lawrence at nakangiting tumango si Lawrence.
Grrrrrr.. yan ang tunog ng tiyan ng batang si Lawrence at napahagikhik naman ang bata.
At dahil dun napaiyak na naman si Lawrence.
At niyakap siya agad ng bata para patahanin.
CHAPTER 18
Third POV
“Wag ka nang umiyak. Wait lang, bibilhan kita ng tinapay. Hintayin mo ako ah?” sabi niya sa batang si Lawrence. Tumigil na ito sa pag-iyak at tinignan ang batang papaalis para bumili ng tinapay para sa kanya.
Ngunit kakaalis lang ng bata ay bigla namang nasa harapan na ni Lawrence ang kanyang yaya. Agad naman niyang niyakap ang kanyang yaya at sinabi,
“Umuwi na tayo, yaya” sabi niya na parang nakalimutan na niya ang batang kasama niya kanina dahil nakita na niya ang kanyang yaya. Dahil dun, nawala ang atensyon niya sa batang bumili ng tinapay para sa kanya.
“Tayo na, buti nahanap po kita, master” sabi ng yaya at binuhat na si Lawrence. Umalis na sila.
. . . . .
Maya-maya, bumalik ang bata sa bench na may dalang tinapay ngunit nadatnan na lang niyang wala na doon si Lawrence. Nadismaya man siya pero nagpapasalamat na lang na nahanap na ito ng kanyang yaya.
Sana magkita tayo ulit, Lawrence.
. . . . . . . . .
ABANGAN
CHAPTER 19
Vicmar POV
Hi, ako nga po pala ay isang diyosa na bumagsak sa lupa para kumain ng burta!!!
Joke lang po! Hahaha. Hi, I’m Vicmar, at buti na lang binigyan ako ng baklang author na ito ng POV. Kung hindi, magwawala na talaga ako dito! Wahahaha. Walang sayo author, akin lang ang titi ng crush mo!!
Diba kung mapapansin ninyo, ang babastos ng mga salita ko? Kung walang puke na maririnig, puro titi naman. Pero don’t get me wrong huh! Virgin pa po ako. Bastos lang po ako pag nagsasalita, pero pag may kasamang action, it’s a big no! Nakakatakot kayang magkaroon ng AIDS kahit pa may use-use condom sila na sinasabi. Ayoko talaga, pero depende na lang kung si Michael ang kakantot sa akin. Haha.
Oo, plinano ko pong dapat mainlove sa akin si Michael, pero ang totoo nyan, gusto ko talaga ang lalaking yun. Dahil nga sa kanya kung bakit ako nag-aral dito ngayon sa Rafael University. Actually, matagal ko na siyang kilala simula pa nung elementary pero hindi niya lang ako napapansin. Pero ngayon na meron na akong lakas ng loob na maging beki sa harap niya, kaya I will do my best para ma-fall siya sa akin.
(Ano naman masasabi mo sa bago mong kaibigan na si Lawrence?)
Huh? Bakit mo ko tinatanong author? Chismosa ka palang author ka! Haha.
(Sagutin mo na lang yung tanong!)
Okey fine author, chill ka lang bes, okey?
(Dalian mo!)
Hmmm… wala akong masasabi sa kanya. Alam mo yung feeling na parang may mali at parang hindi kompleto yung mga pinagsasabi niya kahit na nagsasabi siya ng totoo. Alam mo yun? Naramdaman mo na din ba yun author?
(Tinanong kita para sagutin mo, hindi yung sinagot mo tapos magtatanong ka din. Walang ganun! Wahahaha)
CHAPTER 20
Wow lang author! May pa-evil laugh effect ka pa ah, eh sintunado naman boses mo eh! Haha
(Ganda ba boses? Ganda ka ba?)
Of course author, ang ganda-ganda ko kaya.
(Whatever! Bye!)
Ayan, umalis na si author. Gosh, bobits talaga si author, chars po!!!!
Pumunta ako sa aking silid para matignan ko yung fashion coat kung bagay ba kay Michael iyon, yung coat na binili namin kanina.
At nang nakapasok na ako, nakita ko agad yung fashion coat na binili namin ni Lawrence kanina.
Sana nga magustuhan niya ito.
“Kain na daw po kayo sir,” sabi ng isang yaya sa labas ng pintuan ko.
“Ah sige, bababa na po ako,” sabi ko sa yaya.
Nagpalit muna ako tapos bumaba.
May sasabihin ako sa inyo! Yun ay… gabi na wahahaha.
Gabi na pala! Makakasama ko na naman ang aking mga magulang na kumain.
Pero ako yung klase ng anak na kahit hindi na nila ako napapansin o nakikita man lang dahil sa pagkasuper busy nila, at least alam kong para din sa akin ang kanilang ginagawa.
Pero tuwing dinner, hindi sila papayag na hindi nila ako makasamang kumain kahit sa gabi lang, kasi yun lang yung time na nagbo-bonding kami as one family.
ABANGAN
CHAPTER 21
Lawrence Pov
“Bes! Ano ba yan, lagi namang binabasura ni Michael yung mga binibigay kong regalo sa kanya,” malungkot na sabi ni Vicmar.
At isang buwan na rin ang nakalipas pero hindi pa rin tumitigil si Vicmar sa pagbibigay ng regalo kay Michael.
At ito namang si Michael, binabaliwala lang ang mga regalo na ibinibigay ni Vicmar para sa kanya.
“Sabihin mo nga sa akin Vicmar, may gusto ka na ba kay Michael?” tanong ko sa kanya.
“Ah eh, ah eh,”
“Oh ah ah, ano nga? Mag-vocalization na lang tayo dito?” sabi ko naman.
“Wala,” sabi ni Vicmar, pero nakita kong nagkaroon siya ng red na aura sa paligid niya, senyales na nagsisinungaling ito sa akin.
“Yung totoo?” seryoso kong tanong sa kanya.
“Sige na nga bes, oo! Gusto ko na siya, simula nung elementary pa kami,” sabi ni Vicmar.
“Magkaklase ba kayo nung elementary pa kayo?” tanong ko sa kanya.
“Oo, hanggang high school at hanggang ngayong college, crush ko na talaga siya,” sabi ni Vicmar.
At may naramdaman akong kakaiba sa sarili ko nung sinabi niya iyon sa akin, pero isinantabi ko na lang kasi parang ayokong malaman kung ano talaga iyon.
“Bakit hindi mo sinabi agad? Malay mo lang kung may maitutulong ako, diba?” sabi ko sa kanya.
“Eh ano namang maitutulong mo bes, eh mahirap ka lang bes, remember?” sabi ni Vicmar.
CHAPTER 22
Ay oo nga pala, muntikan ko nang makalimutan na nagpapanggap pa pala ako. At tama kayo, isang buwan na ang nakalipas at nagpapanggap pa rin ako. October na rin pala ngayon, September yung pasukan at dun ako nagsimulang magpanggap.
“Ay oo nga pala, haha,” palusot kong sabi, at salamat naman at hindi niya iyon napansin.
“Isusurprise ko na lang siya sa birthday niya ngayong month,” sabi ni Vicmar.
“Bakit? Kailan ba kasi birthday niya?” tanong ko kay Vicmar.
“October 15 yung birthday niya at paghahandaan ko talaga iyan,” sabi niya sa akin, at next next Monday na pala iyon.
Biglang may pinaabot siya sa akin na lunchbox.
“Anong gagawin ko dito?” tanong ko.
“Sunugin mo,” sabi niya.
“Huh!?” nabigla kong tanong.
“Joke lang! Ibigay mo kay Michael,” sabi niya.
“Eh bakit ako? At bakit mo siya bibigyan nito?” sunod-sunod na tanong ko.
“Kasi nahihiya ako, at ibibigay mo naman yan kasi niluto yan ng yaya ko para may makain si Michael mamayang break time,” mahabang sabi ni Vicmar sa akin.
“Pati ba naman kakainin niya ibibigay mo na rin, grabe ka na talaga, nakakaloka ka na Vicmara!” sabi ko.
“Che ka bes! Ibigay mo na yan kasi break time na,” sabi niya sa akin.
Pero wala pa akong narinig na tunog ng bell.
“Huh? Paano break time na eh wala nga akong narinig na bell ah!” katwiran ko.
Biglang tumunog naman ang bell.
“Oh diba? Sabi ko sayo eh, bell na. Alis ka na dyan bes! Ibigay mo na yan sa kanya, ingat love lots!” sabi niya at kumaripas na ng takbo.
Alam naman niyang bad blood pa rin kami nun eh. At oo! Bad blood pa kami nun.
Napabuntong-hininga na lang ako sa aking upuan, tumayo, at lumabas ng classroom para hanapin ang ugok na yun.
. . . . . . . . . . . ABANGAN
CHAPTER 23
Lawrence Pov
Nandito na ako sa canteen at nakita kong kasama ni Michael yung mga barkada niya sa iisang lamesa. Tumingin ako sa lunch box at naglakad palapit sa kanila.
Napatingin sa akin yung mga barkada niya habang papalapit ako. Bakit hindi nakatingin si Michael? Malamang nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya nakikita kung sino ang tinitignan ngayon ng kanyang mga kasamahan.
Sa hindi malamang dahilan, parang bumibilis ang tibok ng puso ko ngayon na alam kong papalapit na ako kay Michael. Like geez! Mapapatanong na lang ako kung bakit ganito?
“Hoy!” sabi ko at kinalabit siya. Humarap naman siya sa akin na may pagtataka sa mukha.
“Anong kailangan mo huh?!” pabalang na tanong niya sa akin.
“Oh!” sabi ko at inabot sa kanya ang lunch box pero hindi pa rin niya tinatanggap. Steady lang ang lunch box sa harapan niya habang hawak ko ito.
“Ano yan? Anong gagawin ko dyan?” tanong niya.
“Ibasura mo,” biro kong sabi pero nakapoker face pa rin ako.
“Huh! Hindi ba lunch box yan? Hindi ko ba kakainin ang laman?” nagtataka niyang tanong.
Alam naman pala niya eh, bakit pa siya nagtatanong?
“Alam mo pala eh, bakit mo pa tinatanong? Utak please,” sabi ko sa kanya.
Tumayo agad siya sa upuan niya at parang susuntukin na sana ako, pero nagsalita agad ako.
“Ayoko ng away, at heto pinamimigay yan ni Vicmar,” seryoso kong sabi at nilagay na lang sa lamesa nila ang lunch box para kay Michael.
Tyaka ako umalis. Pero habang naglalakad ako palayo sa kanila, narinig ko siyang tumawa ng malakas.
“Sabihin mo nga sa bff mong bakla na tigil-tigilan na niya ako. Please lang mga bakla, nakakasuka na talaga kayo,” sabi niya. Hindi pa rin ako nagpatinag, nakatalikod pa rin ako sa kanya.
“At heto,” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong hawak-hawak niya yung lunch box na ibinigay ni Vicmar para sa kanya.
CHAPTER 24
At alam mo yung ginawa niya? Syempre hindi niyo pa alam 🤣
Ayun, ibinasura. At kung saan nanggaling yung basurahan? Yan ang hindi ko alam 🤣
Doon na ako nawalan ng control.
“Bakit mo ibinasura?” seryoso kong tanong sa kanya.
“Tskk,” sabi niya lang sa akin.
Lumapit ako sa kanya at inapakan ko ang paa niya, dahilan para mapasigaw siya ng malakas.
“Ahhhh! Shit! Nababaliw ka na ba?” pabalang niyang sabi sa akin.
“Kulang pa yan! Naghihirap yung tao! Nag-eeffort yung tao para lang mapansin mo siya, tapos ganito lang ang gagawin mo? Ang pagkain hindi sinasayang!” pangangaral ko sa kanya.
Pero bigla niya akong kinaladkad sa kwelyo at napatingkayad na lang ako dahil sa lakas ng pwersa niya.
“Gusto mo bang masaktan, ha? Bakla!” galit niyang sabi sa akin at yinugyog niya ako habang hawak ako sa kwelyo, dahilan para masira ang isang butones ng aking damit at lumabas ang magnet necklace na may design ng half heart.
Doon siya biglang napatigil sa ginagawa niya.
Binitiwan niya ang aking kwelyo at tumayo naman ako ng maayos, tyaka ko siya tiningnan. Kita ko sa mukha niya na parang gulat na gulat pa rin siya.
“Saan mo nakuha yan?” tanong niya sa akin.
Inapakan ko ulit ang paa niya at napa-aray siya.
“Wala ka na dun!” bulyaw ko sa kanya at umalis na ako sa harapan niya.
. . . . . . . . . . .
ABANGAN
CHAPTER 25
Michael Pov
Nagtataka pa rin ako kung saan nakuha iyon ni Lawrence. Kapareho kasi iyon ng necklace ko na nasa bahay.
Hindi kaya siya na yun?
Kung sakaling siya nga, hmmm… siguro oras na rin para magpakabait sa kanya.
Mabilis ba?
Alam nyo naman, mga reader, na meron akong ibang nararamdaman para sa kanya. At kung gusto ko talagang malaman kung ano iyon, dapat mapalapit ako sa kanya at makipagkaibigan.
Napangiti na lang ako sa mga naiisip kong plano para makipagkaibigan kay Lawrence.
Humanda ka na, at sisiguraduhin kong hindi mo matatanggihan ang mga gagawin ko.
CHAPTER 26
Lawrence Pov
Anong nangyari sa lalaking yun?
Nakapagtataka yung inasta niya nung nakita niya yung necklace ko na binigay ng lalake nung 6 years old pa lang ako.
Oh baka naman?
Ay, hindi. Hindi. Hindi.
Ang batang nakilala ko noon ay mabait, at ang lalaking iyon ay isang hambog, at minsan mainitin ang ulo. Hindi pala minsan kundi laging mainitin ang ulo. At bipolar din ang hambog na yun, kaya malayong siya yung bata nung 6 years old pa ako.
Kaya iniling-iling ko na lang ang aking ulo sa mga naiisip ko at humiga sa aking malambot na higaan. Pumikit ako at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Vicmar Pov
Hayst… natutulog na kaya si Michael, my labs ko?
Kahit pangalan na nga lang niya, kinikilig na ako. Paano pa kaya pag harap-harapan na?
I cannot! I cannot! Over kilig!
(Huh? Pinagsasabi mo dyan?)
Wag ka nang makialam, author.
(Parang wrong grammar ka kasi, girl?)
Ay! Wala na akong pakealam dyan. This is my story, don’t correct my grammar.
Bukas magpapaluto ulit ako ng magiging lunch niya… . . . . . . . . . . .
ABANGAN
CHAPTER 27
Lawrence Pov
Binuksan ko ang aking mata at nakita ang liwanag ng ilaw. Nang nilibot ko ang aking paningin, nakita ko sina mom at dad na nakaupo.
“Mom…” Mahina kong sabi, at biglang napatingin sina mom at dad sa akin at napalapit sila bigla.
“Son, thank God. How are you? May masakit ba?” Dere-deretsong sabi ni mom sa akin.
“Hon, calm down.” Medyo natatawang sabi ni dad.
“Yeah mom, you should calm down. I’m fine.” Natatawa ko na ding sabi.
“Kayo talagang mag-ama, eh nag-aalala lang naman yung tao.” Sita ni mom sa amin ni dad. Nagkatinginan kami ni dad at tumango na lang na may ngisi sa labi.
Hinanda ni mom ang mga prutas na kakainin ko, at kinuha naman ni dad yung table bed (hindi ko alam tawag dun, kaya “table bed” na lang hahahaha).
Nilagay nila ito sa aking higaan at doon na rin inilagay ni mom yung mga prutas na binalatan at nilinisan niya.
“Don’t you have a business to go to, mom, dad?” Nagtataka kong tanong sa kanila.
“Ano ka ba, son? You’re more important to us. Wag mong kakalimutan yan.” Sabi ni dad, at napangiti ako sa sinabi niya.
CHAPTER 28
“At oo nga pala, naipagpaalam na kita sa mga professors mo na hindi ka makakapasok ngayong lunes,” Sabi ni mom. At nakalimutan kong lunes na pala.
“Thank you, mom. I want orange, mom.” Suyo ko kay mom, at binalatan niya yung orange na nakalagay sa basket tapos ibinigay niya sa akin.
“By the way, mom and dad,” Kuha ko ng atensyon nila, out of the blue.
“Yes, son?” Tanong ni dad.
“Bakit pala ako nandito sa ospital ngayon? What happened yesterday?” Tanong ko sa kanila.
“Wala ka bang maalala, son?” Nag-aalalang tanong ni mom sa akin.
“Wala, mom. Literally black, none, anything… wala.” Sabi ko.
Napabuntong-hininga silang dalawa, at si dad na lang ang nagsalita.
“Nawalan ka ng malay, at nakita ka ni yaya Mel na nakahandusay sa baba ng hagdanan,” Sabi ni dad na ikinagulat ko.
“May sakit ka ba na hindi namin nalalaman, son?” Tanong ni mom sa akin. Umiling naman ako, kasi nga hindi ako nagsisinungaling.
“Mabuti kung ganoon, son. Baka napagod ka lang talaga sa mga requirements mo sa university,” Sabi ni dad.
“Kaya magpagaling ka na, at ubusin mo na ito,” Sabi ni mom at tinuloy ko ang pagkain ng mga prutas.
Nakapagtataka. Wala naman akong sakit, bakit ako nahimatay sa bahay? I mean, mansion.
Something is not adding up…
CHAPTER 29
Michael Pov
Lunes na at nandito ako ngayon sa gate, hinihintay si Lawrence. Diba nga sinabi ko sa inyo na gusto kong malaman kung saan niya nakuha yung kwintas, at gusto ko ring mapalapit sa kanya kasi meron akong ibang nararamdaman para sa kanya. Kaya ngayon, hinihintay ko siya dito sa gate ng university. Pero nang tinignan ko na yung relo ko, nakita kong malelate na siya.
Maya-maya lang ay si Vicmar ang nakita ko. Oh, bakit naglalakad to? May tagahatid naman to, ah.
Nang makalapit na siya sa akin, ngumiti siya.
Pero hindi ko siya nginitian. Kaklase ko siya noong elementary, high school, at hanggang ngayon. Pero napansin nyo ba na hindi ko siya masyadong pinapansin? Kasi noong high school nagtapat siya sa akin na gusto niya ako. Pero sa time na yun ay ayaw ko pa talaga sa mga bakla, at hindi ko naman in-expect na yung kinaibigan ko pala ay isang bakla at nagkagusto pa sa akin. Kaya noong inamin niya sa akin na gusto niya ako, nagpakalayu-layo ako at hindi ko siya pinapansin hanggang sa graduation namin.
Pero ngayon college na kami, nagbago na ang pananaw ko sa mga bakla, lalo na nang nakita ko si Lawrence. Kaya ngayon, I am making a way na rin para magkasundo kami ni Vicmar at para rin mapalapit ako kay Lawrence.
CHAPTER 30
“Ako ba ang hinihintay mo, Michael?”
Tanong ni Vicmar, at maririnig mo sa boses niya na nagpapabebe.
“Ah…” Mahirap na, baka ma-offend ko siya pag sinabi kong hindi siya ang hinihintay ko.
“Oo, ano yang hawak mo?” Sabi ko, at kinuha yung hawak niya. “Tayo na.” Sunod ko ring sabi.
At nakita kong nag-blush si Vicmar.
“Ah… yan? Para sa’yo yan.” Sabi niya sa akin, at napatingin ako sa hawak ko na may pagtataka sa mukha ko.
“Para sa akin? Ano naman ito?” Tanong ko.
“Ah… pagkain para sa break time mo. Pinaluto ko pa yan kay Yaya Romina.” Nakangiti niyang sabi. Kahit ayaw ko sanang tanggapin, tinanggap ko na lang ito at dumiretso na kami sa classroom.
“Asan na kaya si Lawrence? Bakit wala pa siya? Malelate na siya ah. O baka wala na siyang balak pumasok ngayon? Hayst… ginugulo ni Lawrence ang isipan ko.” Sabi ko sa isip ko.
Vicmar Pov
Kinikilig ako ngayon, at dahil iyon kay Michael. Pero hindi nakaligtas sa akin si Lawrence. Asan na kaya ang baklang yun? Ay, uma-absent na din pala si Lawrence. Matawagan nga mamaya.
CHAPTER 31
Lawrence Pov
Bumaba na ako at pumunta sa kitchen, at nadatnan ko sina mom at dad na nag-aagahan.
Lumapit ako sa kanila, hinalikan sila sa pisngi, at binati ng “Good morning.”
“Son, Miyerkules na ngayon, anong gagawin mo?” Tanong ni mom sa akin.
“Well mom, I’m going to school na today.” Sabi ko. Kahit ayaw ni mom na pumasok pa ako, ako mismo ang namilit na pumasok, at pinayagan naman niya ako dahil na rin kay dad, kasi kinumbinsi niya si mom na payagan ako.
“I’m going, bye! Love you both!” Sigaw ko habang paalis na ako. At oo nga pala mga readers, dalawang araw na akong hindi pumasok, at ang mga kaklase ko parang walang ka-concern concern sa akin, pati na rin si Vicmar, etchosirang bakla talaga yun.
Nakalapit na ako sa kotse namin na kanina pa naghihintay.
Nandito na ako sa harapan ng gate ng university at bumaba na ako. Makalipas ang limang minuto na nakatayo lang ako, biglang may sumigaw ng malakas na lalaki—ay hindi pala, bakla pala hahahha—at si Vicmar lang pala yun.
“Bes!!!!!!!!!!!!” Sigaw niya, at napa-roll eyes naman ako. Tung baklang to talaga, ang lakas ng bunganga.
“Ano yun?” Poker face kong tanong.
“Ay!!! Ano yan, may pa-poker face ka pang nalalaman. Siguro nakantot ka na noh!? Kaya ka nawala ng dalawang araw… Yiiiieee… Sana all!” Sabi niya. As in, nagulat ako sa mga pinagsasabi niya.
“Huh?? Ano sinasabi mo dyan!” Sabi ko naman.
“Tara na nga!” Sabi niya, at pumulupot pa talaga siya sa braso ko. Like what the fuck, nakaka-eww kaya yung ganito kalapit hahahhaa joke…
CHAPTER 32
“Alam mo bes, si Michael, naging close na kami nung dalawang araw na wala ka.” Sabi ni Vicmar. At merong parte sa aking… laman loob, hahaha laman loob talaga? Syempre sa puso ko, kasi laman loob din naman iyon. Okey!!! Itutuloy ko na!!! Merong parte sa aking heart na parang ayaw sa mga salitang lumabas sa bunganga ni Vicmar. At alam mo yung masakit?
…
…
…
…
Yung tirahin ka niya sa pwet!!!
Joke!!!!
Yung masakit talaga ay nung tinignan ko ang kanyang aura, puro puti lang ang kulay neto. So meaning, hindi siya nagsisinungaling, at yun talaga ang nagpasakit sa nararamdaman ko ngayon. Pero at the same time, masaya rin ako kasi naging close na rin sila.
Nandito na kami sa canteen, kasama ko si Vicmar. Nang makita kong papalapit si Michael sa pwesto namin, itong katabi ko ay parang bulate na sa sobrang kilig.
“Bes, palapit na siya dito! Yan na bes!, ganda ko talaga!” Sabi niya. Ako naman ay nakatitig lang sa mukha ni Michael na papalapit na. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong napatitig sa kanya.
At nang nakalapit na siya, meron siyang malaking ngiti sa mukha niya.
“Pwedeng sumabay ako kumain sayo, Vicmar?” Tanong ni Michael, at todo tango naman ang bakla. Pero bakit red na aura ang nakikita ko kay Michael? Siya ba talaga ang gusto mong kasabay, o baka ako? Mahirap mag-assume, pero yun ang pinapahiwatig ng kapangyarihan ko.
Parang may mali?
CHAPTER 33
Lawrence Pov
Isang buwan na ang nakalipas at masyado nang napalapit sa amin si Michael, at talagang nahulog na ang loob ni Vicmar sa kanya. Pero ang masama, nahulog na rin ako sa kanya. Ang ipinagtataka ko lang, bakit parang may motibo si Michael kahit na wala naman akong makitang pulang aura sa kanya tuwing kasama namin siya. Kaya tuwing kasama namin siya, inoobserbahan ko lahat ng galaw niya, at dahil dun nahulog ako sa kanya, kasi nakita ko kung ano talaga ang ugali niya, kung sino siya, at marami pang iba.
Pero sinabi rin sa akin ni Vicmar na talagang gusto na niya si Michael, at yun ang masakit na part. Kailangan ko sigurong makausap si Michael ng masinsinan.
“Bes?” Sabi ng isang boses, at nawala ang concentration ko sa lalaking iyon. Nang tignan ko kung sino ang tumawag sa akin, nakita ko si Vicmar.
“Bakit?” Tanong ko sa kanya.
“Tulala ka dyan girl?” Tanong niya sa akin.
“Ah… wala, iniisip ko lang si Michael.” Sabi ko.
“Bakit? Bakit si Michael?” Tanong ni Vicmar. At seryoso ang mukha niya, at doon ko napagtanto ang sinabi ko kanina.
“Huh! Wala, wala. Bagay pala kayo.” Sabi ko na lang para mawala ang awkward atmosphere na nararamdaman ko, at nakita ko namang nagbago ang aura niya at naging jolly ulit.
“Alam ko na yan teh!” Sabi naman niya, sabay ngiti habang nakaupo.
In a split second, parang nagbago si Vicmar kanina, pero isinantabi ko na lang ito.
At oo, isang buwan na at nagpapanggap pa rin ako. And it’s a good thing kasi wala pang nakakaalam sa mga kaklase ko kung sino talaga ako.
CHAPTER 34
Recess Time
Naglalakad ako papunta sa canteen at mag-isa lang ako ngayon kasi nauna na si Vicmar.
Wala si Michael ah… Nasaan kaya ang lalaking iyon?
At ano naman pala ang pakialam ko sa kanya??
Pagdating ko sa canteen, ang daming estudyanteng may hawak na rosas. Napansin ko rin si Vicmar na nakatayo sa gilid. Nagulat ako nang biglang nagsilapitan ang mga estudyante at iniabot sa akin ang mga rosas.
Anong nangyayari?
Biglang nag-black out, at may spotlight na bumukas sa gitna ng canteen. Doon ko nakita si Michael, nakatayo at hawak ang mic.
Nakangiti siya sa akin at nagsimulang kumanta ng love song. Hindi ko alam ang title pero ang masasabi ko lang, ang ganda ng boses niya. Hindi ko rin alam kung bakit pero naiyak ako bigla… Bakit niya ako kinakantahan? Gusto niya ba ako?
At doon ko lang din napagtanto na… may gusto na rin pala ako kay Michael. Hindi ko na inisip na tumingin pa sa paligid kasi biglang bumukas ang ilaw at nasa harapan ko na siya.
“Bakit? Paano?” Tanong ko sa kanya, habang nakatingin pa rin sa gwapo niyang mukha.
“Hindi ako pumasok para lang dito. Para lang maihanda lahat ng ito para sa’yo.” Nakangiti niyang sabi, at grabe… ang gwapo talaga niya sa malapitan.
“Bakit?” Tanong ko ulit.
“Kasi gusto kita. Gusto mo din ba ako?” Tanong niya.
“Oo.” Nakangiti kong sagot.
Michael Pov
“So tayo na?” Nagbibiro kong tanong sa kanya.
“Oo naman, tayo na.” Yan ang sagot niya na nagpagulat sa akin.
“Sigurado ka? Hindi pa nga kita nililigawan ah, joke ko lang yun.” Sabi ko.
“Joke man o hindi, sasagutin din kita agad. Kasi hindi ligawan ang pinapatagal kundi ang pagmamahalan ng isang tao. Bakit mo pa pahihirapan ang lalaki kung alam mo namang may gusto kayo sa isa’t isa, ’di ba?” Mahaba niyang sabi, at mas lalo akong na-inlove sa kanya dahil doon.
At yun na nga… naging kami sa araw na iyon. Kumain kami na may ngiti sa mukha, at hindi na inintindi ang mga taong nakatingin sa amin.
CHAPTER 35
Someone’s Pov
Sa tinagal-tagal kong gusto si Michael, sa tagal ng panahon na hindi niya ako tinanggap… at ngayon, aagawin niya sa akin ang lalaking pinakamamahal ko? Tangina niya! Mahirap lang siya! Matitikman mo ang galit ng isang baklang inagawan ng pag-ibig!
Michael’s Pov
“Ikaw ah! Michael, matagal na kitang gusto pero si beshy lang pala ang gusto mo! Ang sakit! Nurse! Medic please!” OA na sabi ni Vicmar, at natawa kaming dalawa ni Lawrence sa mga pinagsasabi niya.
Hindi ko naman matuturuan ang puso ko noon… ngayon lang talaga siya tumibok para sa kapwa ko lalaki, at oo, nagsisisi ako sa mga ginawa kong masama kay Vicmar dati.
Tinignan ko ang mahal ko na si Lawrence, na ngayon ay tumatawa sa tabi ko dahil sa jokes ni Vicmar.
“Hahaha, dami mong alam bakla!” Sabi ni Lawrence, habang nakangiti.
“Oh sya, alis na ako!” Sabi ni Vicmar.
“Use protection please, baka mamaya kung saan na kayo makarating nyan!” Dagdag pa niya, at nakita kong namula si Lawrence.
“Che! Umalis ka na nga!” Gigil pero natatawang sabi ni Lawrence.
“Tayo na.” Sabi ko kay Lawrence.
Tapos na ang klase namin, kaya naisipan kong yayain siyang kumain sa isang mamahaling restaurant.
CHAPTER 36
Lawrence Pov:
Parang may mali kay Vicmar… kasi nakita ko yung aura niya kanina, at kulay pula iyon.
May tinatago ka ba, Vicmar?
“Tayo na, beh,” sabi ni Michael.
“Beh?” nakangisi kong tanong sa kanya.
“Ayaw mo ng ‘beh’?” kunwari malungkot niyang tanong. Kalalaking tao pero marunong magpabebe kaya naman nacute-tan ako at kinurot ko ang kanyang pisngi.
“A… aa… aray, beh, masakit,” nahihirapan niyang sabi.
“Ang cute cute ng beh ko. Tayo na nga,” sabi ko sabay bitaw sa pisngi niya. Nakita ko namang hinimas-himas pa niya ito.
Kaya hinalikan ko siya sa pisngi para mawala ang sakit. May ganun ba talaga?
Biglang lumiwanag ang mukha niya at ngumiti siya nang sobrang laki.
“Isa pa nga, beh… dito oh, dito,” sabi niya at nginuso ang pink niyang lips sabay turo pa dito.
Kiniss ko na lang siya, padampi lang iyon.
“Tayo na, beh,” nakangiti kong sabi. Tumango naman siya at hinawakan ang kamay ko.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kasaya. Mas lalo pa akong sumaya kasi ramdam kong walang halong kasinungalingan ang pinapakita niyang pagmamahal sa akin. Wala akong makitang pulang aura tuwing sinasabi niyang mahal niya ako.
Dito na po magtatapos ang storya namin ng beh ko. Salamat sa pagbabasa, salamat sa suporta at salamat kasi na-prank ko kayo. Hahaha
Sumakay na kami sa kotse ni Michael. I’m still trying my best itago ang totoong ako pero ang totoo mahal na mahal ko talaga ang lalaking kasama ko ngayon.
“Beh, salamat,” biglang sabi ni Michael out of the blue.
“Salamat saan, beh?” takang tanong ko.
“Salamat at ako ang minahal mo. Salamat kasi dumating ka sa buhay ko. At salamat dahil sayo nagbago ako ng pananaw sa mga kagaya ninyo. Salamat at mahal na mahal kita, beh ko,” mahaba niyang sabi.
Bigla ko siyang hinalikan kasi iyon lang ang paraan para maiparamdam ko sa kanya na mahal na mahal ko rin siya. ❤️
CHAPTER 37
Lawrence Pov
November na pala at 2nd monthsary na namin ni beh sa November 15, at bukas na iyon. Kumusta kami ni beh? Okey lang kami, stay strong pa rin kaming dalawa.
Kumusta naman kami ni Vicmar? Okey lang kami, pero kahit may pagdududa ako sa kanya, isinasantabi ko na lang iyon pag kasama ko si Michael.
“Beh, punta tayo sa bahay mamaya,” alok niya. Himala, sa tinagal-tagal naming magkasama, ngayon lang talaga siya nagyaya na pumunta sa bahay nila. Siguro kasi nagpapanggap pa ako noon, pero gusto ko rin naman makita bahay nila kaya pumayag ako.
“Wala ba si Vicmar?” tanong ko kay Michael.
“Wala pa, beh. Ewan ko nga kung nasaan ang taong yun,” sagot ni Michael.
“Nandito ako!” sigaw ng isang boses. Paglingon namin, nakita namin si Vicmar na tumatakbo papalapit kung nasaan kami.
“Saan ka ba nagpupupunta, girl?” tanong ko sa kanya. Ngumiti siya bago sumagot.
“Wala, dyan lang sa tabi-tabi,” sabi niya. Pero nakita ko na naman ang pulang aura niya, ibig sabihin nagsisinungaling siya.
Natapos ang klase namin sa araw na iyon at heto na, nasa harapan na kami ng gate ng bahay nila. Malaki bahay nila pero mas malaki pa rin ang bahay namin.
Pumasok kaming dalawa sa eleganteng bahay nila. Nilibot ko ang tingin ko sa loob at masasabi kong disenyo talaga ito ng isang professional na designer.
CHAPTER 38
Maya-maya lang ay biglang may lumapit kay Michael na lalaki. Gwapo din ito, pero mas matangkad lang ng kaunti kay Michael.
“Sino ba yang kasama mo? Ikaw na ba yan, iyaking bata?” sabi niya at napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Anong sinabi mo? Hindi ako iyakin!” singhal ko sa kanya.
“Tigilan mo kuya yang boyfriend ko,” sabi ni Michael.
“I’m glad at boyfriend mo ngayon ang kapatid ko. Sayang nga lang, hindi ako ang unang nakaligaw sa’yo. Ako ito,” sabi ng kuya ni Michael at ipinakita niya ang kwentas na suot niya, na kapareho ng kwentas na suot ko ngayon.
“So meaning?” nagtatakang tanong ko.
“Oo beh, kuya ko yung nakasama mo noon bata kayo. Yung iniwan mo bigla, hahaha,” natatawang sabi ni Michael.
“Hindi ko siya iniwan, sadyang may nakahanap na sa akin kaya nawala na lang ako dun bigla,” pagre-reason out ko naman.
“Okey, kung yan ang sabi mo,” nakangiting sabi ni kuya ni Michael na tawagin na lang natin sa pangalang Josh.
“Kain na tayo, nakapagluto na ako. Punta na tayo sa kusina,” dagdag pa niyang sabi.
Nang matapos na kaming kumain, nagtungo kami ni Michael sa kanyang kwarto. Bigla niya akong niyakap. Nag-aalala naman ako kaya tinanong ko kung bakit. At alam mo yung sabi niya habang nakayakap sa akin?
“Akala ko iiwan mo na ako pag nalaman mong si kuya yung lalaking nagligtas sa’yo. Paano kung hindi mo na ako mahal dahil sa kuya ko? Paano ku…”
Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil hinalikan ko na siya. Pagkatapos, tinignan ko siya sa mata.
“Magbalik man ang kuya mo, o kahit na sino, ikaw pa rin ang mahal ko. Hinding hindi kita iiwan,” nakangiti kong sabi.
Hinalikan naman ako ni Michael, at sa gabing iyon ay naging isa kami.
FINAL CHAPTER
Michael POV
Nandito ako sa bahay, inihahanda ang mga sorpresa ko para sa 2nd monthsary namin ni Lawrence, nang biglang may tumawag sa cellphone ko. Nang tingnan ko, isang unknown number ito.
“Hello,” seryoso kong sagot.
“Nasa akin ang boyfriend mong bakla,” sabi ng boses sa kabilang linya, at agad akong nataranta.
“Ano? Nasaan kayo? Sino ka?!” tanong ko, at dahil sa lakas ng sigaw ko, nakita kong papalapit si Kuya.
“Bakit? Anong problema? Bakit ka sumisigaw?” tanong ni Kuya, at hindi ko mapigilang kabahan.
“Dinukot nila si Lawrence,” natataranta kong sabi.
“Calm down. Asan ang number na ginamit sa pagtawag sa’yo?” tanong ni Kuya, at ibinigay ko ito sa kanya.
“Maghintay ka lang, ipapatrace ko kung nasaan ang location nila,” sabi ni Kuya at umalis.
Ako naman ay nanginginig na sa kaba, hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Hindi ko rin ma-contact si Vicmar para makatulong sa paghahanap kay Lawrence.
Asan ka na, beh?
Lawrence POV
Naglalakad ako sa mall kanina para bumili ng ireregalo ko sana kay beh, nang biglang may dumukot sa akin. Ngayon, nakagapos ako. Buti na lang at hindi nila ako piniringan.
Biglang may pumasok na lalaki. Gwapo siya, pero mas gwapo pa rin si beh ko.
“Kumusta, bakla?” tanong niya, at na-insulto ako sa sinabi niya.
“Sino ka? Bakit mo ito ginagawa?” tanong ko.
“Kasi bakla ka, at gusto kitang patayin!” sigaw niya, pero nakita ko na pula ang aura niya, ibig sabihin nagsisinungaling siya.
“Sino ang nag-utos sa’yo?!” tanong ko ulit.
“Aba! Walang nag-utos sa akin, ano ako, aso?!” sagot niya.
“Wala nga ba talaga?” nakangisi kong sabi, at bigla niya akong sinikmuraan.
“Kung meron man nag-utos sa akin, hindi ko naman iyon sasabihin sa’yo!” sabi niya bago umalis.
Michael POV
“Nakita ko na kung nasaan sila,” sabi ni Kuya habang papalapit sa akin, at napatayo ako agad.
“Asan, Kuya? Asan si Lawrence?” sunod-sunod kong tanong.
“Relax, bro,” nakangisi pa siya.
“How can I relax kung alam kong nasa kapahamakan ang boyfriend ko?!” galit kong sabi.
“Okey, fine. Chill lang. Nasa Rafael University sila ngayon. Nandiyan na rin ang mga pulis,” sabi niya, kaya dali-dali kaming umalis at pumunta roon.
Lawrence POV
Nakaupo pa rin ako, nangangalay na ang mga kamay ko, nang biglang may narinig akong putukan sa labas. Pumasok bigla yung lalaki kanina at tinutok ang baril sa ulo ko. Nakita ko naman si Michael at ang kuya niya na pinipigilan siya.
“Wag mong ipuputok yan,” sabi ni Michael.
“Tangina mo! Tangina nyo! Dahil sa inyo madadamay pa ang mama ko!” sigaw ng lalaki.
Nagpaputok si Kuya at natamaan ang binti ng lalaki, pero nakaputok pa rin siya ng baril at tinamaan ako sa bandang likod. Nawalan ako ng malay.
“Lawrence!!!” iyon ang huling sigaw na narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Michael POV
Dali-dali akong tumakbo papunta kay Lawrence at niyakap ko siya. Si Kuya naman ay hinuli ang lalaki para hindi na makatakas. Binuhat ko si Lawrence palabas ng silid, at sakto namang dumating ang ambulansya. Agad namin siyang isinakay at dinala sa ospital. Si Kuya naman ay sinamahan ang nangkidnap kay Lawrence sa presinto.
Nagamot na si Lawrence, pero hindi pa rin siya nagigising. Hindi ko rin alam ang contact number ng mga magulang niya, kaya ako muna ang naging guardian niya.
Other Dimension (Land of Crown)
Lawrence POV
Nandito ako sa isang lugar na hindi ko alam.
“Asan ba ako?” tanong ko sa sarili ko.
“Huliin yan!” sigaw ng isang kawal, at bigla nila akong dinakip. May ipinaamoy sila sa akin at nakatulog ako.
Pagdilat ko, naroon ako sa harap ng isang binata na mukhang kasing-edad ko.
“Sabihin mo kung sino ka!” sigaw ng isang kawal.
“Anong nangyayari dito?” tanong ng binata. Nang tumingin siya sa akin, bigla siyang ngumiti.
“Bitawan nyo siya,” utos ng binata, at binitawan naman ako ng mga kawal.
“Long time no see, salamin ni Evil Queen,” sabi ng binata, kaya napakunot ang noo ko.
“Ano raw? Ano pinagsasabi mo?” tanong ko.
“Alam kong galing ka sa mundo ng tao dahil sa pananamit mo,” sabi niya.
“Paano mo alam?” tanong ko.
“Nanggaling na rin ako doon,” sagot niya.
“At ano yang sinasabi mong salamin ni Evil Queen? Ano to, fantasy?” natatawa kong tanong.
Bigla niyang kinumpas ang kamay niya at para akong lumulutang sa ere.
“Pwede mong sabihing fantasy. Hindi ka ba nagtataka kung bakit nakikita mo kung sino ang nagsisinungaling?” tanong niya.
“Yan ang kapangyarihan ng salamin ni Evil Queen. Maniwala ka man o hindi, pero bago ka naging tao, isa kang salamin. Pinatapon ka ni Evil Queen sa mundo ng tao, ang tinatawag ninyong Earth,” paliwanag niya.
“Imposible! Paano ko naging kamukha ang mga magulang ko sa Earth?!” tanong ko, hindi pa rin makapaniwala.
“Ang salamin ay kayang gayahin ang anyo ng kahit na sino. Kaya nung nakita mo sila, napunta rin sa’yo ang itsura nila. Paano ka nakapunta dito?” tanong niya.
“Hindi ko alam. Ang naaalala ko lang, nabaril ako at pagdilat ko, nandito na ako,” sagot ko.
“I see. Baka ito na ang oras para malaman mo ang totoo mong pinagmulan. Pero wag kang mag-alala, tao ka na ngayon. May natira lang na kakayahan mo: makita kung sino ang nagsisinungaling. Ilang minuto na tayong nag-uusap?” tanong niya.
“Nasa limang minuto na,” sagot ko.
“Bumalik ka na, kasi limang araw ka nang tulog sa mundo ninyo. Paalam!” sabi niya. Biglang nilamon ng puting ilaw ang katawan ko.
Napabangon ako bigla.
“Beh! Gising ka na!” sabi ni Michael na kapapasok lang sa kwarto ko sa ospital. Lumapit siya at niyakap ako.
“Na-miss kita,” sabi niya, at niyakap ko siya ng mahigpit.
Nandito ako ngayon sa presinto, kaharap ang lalaking kumidnap sa akin. Hindi ko ito sinabi kay beh.
“Sino ang nag-utos sa’yo?” tanong ko.
Tahimik lang siya.
“Wag kang mag-alala, tutulungan kitang mabayaran ang pagpapagamot ng nanay mo at mapapalaya ka kung ipapangako mong hindi mo na uulitin ito at sasabihin mo kung sino ang nag-utos sa’yo,” sabi ko.
“Si Vicmar… Vicmar Norberte,” sabi niya. Nakita ko na wala siyang pulang aura, kaya nagsasabi siya ng totoo. Nagulat ako, pero ngayon na alam ko na, ilalapit ko sa kanya ang gulo.
“Makakaasa ka. Bukas bayad na lahat at makakalaya ka na,” sabi ko at umalis.
Sinabi ko sa mga propesor na ipatawag ang lahat ng estudyante sa covered hall dahil may program.
Lumabas ako mula backstage. Nakita kong gulat ang lahat, lalo na sina Michael at Vicmar.
Kinuha ko ang mikropono at nagsalita.
“Vicmar Norberte, you are banned from this University. Ikaw pala ang nagpakidnap sa akin,” nakangiti kong sabi. Namula si Vicmar sa upuan niya at si Michael naman ay nalilito.
“Good morning, everyone. My name is Lawrence Rafael, the owner of this University. And by the way, Vicmar, your company is now falling. Security, get rid of that snake!” utos ko. Nilapitan siya ng mga guwardiya at kinaladkad palabas.
Biglang may yumakap sa akin, at pagtingin ko, si beh lang pala.
“Iiyak mo lang yan,” sabi niya. Hindi ko na napigilan at bumagsak ang luha ko. Hindi ko inasahan na kaya pala akong traydurin ng tinuring kong kaibigan.
Humiwalay ako at tumingin sa mata niya.
“Mahal kita, beh.” “Mahal din kita, beh,” sagot niya. Nagngitian kami na parang wala nang bukas.
Sa totoong buhay at sa mundong ito, minsan ang kaibigan mo ang tunay mong kalaban. Kaya maging alerto ka.
THE END
ANNOUNCEMENT
Thank you sa pagbabasa sa aking branch story ng The Gay And The Magic High Heels ang The Mirror’s Love..
Alam kong parang nabitin kayo sa ating story pero ganyan po talaga ang ending ng story na ito kasi isa lang po syang branch story na pasilip lang ng kunting storya ng mga bagay na may tanong na iniiwan sa main story kaya sana nagustuhan ninyo ang kwento ng salamin ni evil queen
At wag nyo akong kakalimutang i-follow ang ating wattpad account para masali ka sa KASALSAL FAMILY
this is your writter Jojo Brillantes aka: CHAKASALSAL

