The Obsessed Guy Pretender
Ajai Kim · 54 chapters · 66,295 words
Obsession #1
ALANIS
POV
It’s my first day here in YG Academy. Kakalipat lang ng family namin sa Maynila. Lumipat kami dahil dito nadestino si papa sa isang pinapasukan niyang bangko. Isa siyang Supervisor ng isang kilalang bangko sa Maynila. Nakakalungkot nga lang dahil marami akong naiwang mabubuting kaibigan at mga kakilala doon sa Masbate pero kailangan kong mapalayo sa kanila dahil sa trabaho ni papa.
Kasa-kasama ko ang pinsan kong si Uste dahil nag-aaral siya sa YG Academy at para na rin matour niya ako sa bagong eskuwelahang papasukan ko.
“Aish! Bakit ka pa kasi pinalipat dito sa YGA? Tignan mo nga, halos lumuwa na ang mata ng mga lalakeng estudyanteng manyak dito kakatingin sa’yo!” Reklamo ni Uste habang nilalakad namin ang hallway patungo sa room na naka assign sa amin.
Mabuti na nga lang at Room 405 siya at ako naman ay Room 406 kaya magkatabi lang ang room namin.
Napatingin ako sa paligid ko at halos lahat nga ng mga lalakeng estudyante ay nakatingin sa akin sa may hallway.
Inakbayan ko naman si Uste na nakabusangot pa rin ang mukha. “Baka naman naninibago lang sila sa akin dahil transferee ako.” Nakangiti kong sabi.
Umiling-iling ito, “Halos araw-araw ay may transferee sa YGA kaya hindi magandang excuse ’yan. Sadyang maganda ka lang at sexy kaya pinagtitinginan ka ng mga manyakis nating schoolmate.” Aniya at mas lalo pa ako nitong itinago sa likod niya.
“Parang ngayon mo lang ako kinompliment, ah? Anong nakain mo, Tomas?” Pang-aasar ko and he hates it when I called him Tomas which is real name niya. Ang luma daw kasing pakinggan.
“Wala lang kasi akong choice kaya kita pinuri and don’t call me Tomas o guguluhin ko ’yang straight hair mo?” Pagbabanta niya kaya natahimik ako. Guluhin niya na lahat huwag lang ang buhok ko!
“Titigil na nga e,” Nakapout kong sabi at natawa na lang siya.
“Ikaw talaga!” Sabi nito at pinagpatuloy namin ang paglalakad sa hallway.
Sobrang lawak ng hallway sa YGA kaya ang tagal pa siguro bago kami makarating sa room namin. Maganda at well ventilated rin ang lugar kaya mas kumportableng mag-aral dito.
Habang naglalakad pa rin kami ay may isang matangkad at maputing lalakeng estudyante ang lumapit kay Uste at nakipag high five sa kanya.
“President Russel! Kumusta ka na?” Bati ni Uste doon sa lalake.
President?
Tumawa lang yung lalake at inayos ang hawak nitong envelope na sa tingin ko ay laman ng mga papeles.
“Okay naman ako kahit nung summer ay puro paperworks para sa newspaper covers ng YGA ang inaatupag ko. Ang hirap maging Student School President, no.” Natatawang ani nito at biglang napatingin sa akin.
Ang gwapo niya! Marami naman akong nakitang gwapong estudyante dito sa YGA including Uste na pinsan ko pero sa tingin ko ay siya na yata ang pinakagwapong lalake na nakita ko sa buong buhay ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanya habang ramdam ko pa rin na nakatingin siya sa akin.
“Ang sipag mo talaga, President! kaya idol kita, e. By the way, Russel, si Alanis. Pinsan ko at transferee siya dito sa YGA.” Pakilala sa akin ni Uste sa lalake kaya napilitan akong mapatingin ulit sa kanya.
He’s smiling at me.
Medyo creepy ang dating no’n sa akin pero hinayaan ko na lang. He seems so cheerful and happy person naman.
“Hi Alanis, welcome to YGA. I’m Russel Madrid, YGA’s Student Council School President and bestfriend of your cousin. Enjoy your stay here at pwede rin kitang matulungan para makilala mo pa ang YG Academy.” Pakilala nito at nakikipagkamay kaya tinanggap ko na rin ito.
Siya pa pala ang Student Council School President ng YGA kaya dapat ay maging respectful at magalang ako sa mas ahead sa akin.
“Hi din. S-sige, Salamat.” Sagot ko at kaagad na binitawan ang kamay ko sa kanya.
Nakita ko pa na medyo napangisi siya sa ginawa ko.
Kung
hindi
ka
lang
sana creepy
sa
paningin
ko mister ay baka
tinagalan
ko pa
ang
hawak ng
kamay
ko
sa
kamay
mo
.
Kahit
gwapo
pa
siya
ay
hindi
ko
maipaliwanag
ang
konting
takot
na
nararamdaman
ko
sa
kanya
lalo
na
sa
mga
mata
niya
nang
tinitignan
niya
ako
. May
kakaiba
.
“Sige. I’ll go ahead. Idadaan ko pa ’tong mga papers sa Editorial Room. See you around na lang Uste at Alanis.” Paalam ni Russel sa amin.
“Magkita na lang tayo sa field mamaya!” Uste at nakipag high five ulit kay Russel hanggang sa makaalis na ito.
Tinignan ako ni Uste at nginitian.
“Russel is my bestfriend. Mabait, matalino at masayahin na tao ’yon kaya gustong-gusto siya ng mga tao dito sa YGA.”
Tumango na lang ako.
He’s a bit creep y
Uste
,
sa
totoo
lang
.
GENRE:
Romance/
Obsession
This story has no
Prologue
WARNING: The characters of this story and their mindsets were not perfect as you think. You don’t need to say offensive things to the story if you don’t like it. Research this story genre first. Constructive criticism is allowed and I
appreciate
that.
This story contains incorrect typos/spelling/grammar. I’m not a professional writer so please bear with me. Thank you.
I started writing this story when I was only 12 years old.
Please like my Facebook page:
“Ajai_Kim WP Stories”
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Copyright © 2017 by Ajai_Kim
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the publisher except for the use of brief quotations in a book review.
Obsession #2
ALANIS
POV
Halos gusto ko nang magpakain sa lupa dahil sa mga tingin na ibinibigay sa akin ng mga kaklase ko dito sa loob ng classroom. Hinihintay pa namin ang unang adviser na magtuturo sa amin kaya hiyang-hiya na ako sa kinauupuan ko.
Napagitla pa ako nang may tumabing lalake sa akin na magiging kaklase ko rin sa inuupuan ko sa dulo. Ang dalawa naman niyang kasamang lalake ay nakatayong pumwesto sa gilid niya.
“Hi, miss! Transferee ka?” Tanong sa akin nung lalake. Tumango ako.
They wearing a Black and White Varsity jacket at sa tingin ko ay mga basketball players sila ng YGA dahil matatangkad rin sila at malalakas ang tindig.
“I see. Ngayon lang kasi ako nakakita ng napakagandang babae sa YGA.” Banat nito at nginitian ako. Gwapo ito at may pagka chinito.
“Julian, dumadamoves ka kaagad kay Miss Ganda. Hinay-hinay lang bro baka mailang siya sayo,” Natatawang sabi naman nang kaibigan niyang moreno pero gwapo rin.
“Bad shot yan, sige ka!” Banta nung singkit na lalakeng katabi lang ng lalakeng moreno.
Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa inis. Hindi pa ba ako nasanay sa ganitong mga scenario?
Sa Masbate ay ganito rin naman. Lagi akong nilalapitan at binobola. Hindi ko alam kung bakit trip ako ng mga lalake. Simple lang naman akong babae at walang interes sa kanila.
“Ang iingay niyo talaga e, no?” Naiinis na sabi nung lalakeng tumabi sa akin.
Tatayo na sana ako at lilipat ng upuan nang hinawakan niya ako sa braso.
“Wait, miss.. mukhang hindi yata bumenta sa’yo ang banat ko. Gusto ko lang makipagkaibigan sa’yo dahil mukhang wala ka namang kakilala dito sa classroom.” Mahinahon niyang sabi.
Naramdaman ko naman ang sincerity sa boses niya kaya umupo na lang ulit ako sa upuan ko at nginitian siya na ikinatulala niya.
Hindi yata makapaniwalang nginitian ko siya dahil kanina ay poker face lang ang ipinapakita ko sa kanila.
“Ah. Okay lang, Salamat sa concern.” sabi ko. Napangiti naman ito.
“Ako nga pala si Julian Saavedra. Nice to meet you, miss?”
“Alanis Vien. Nice to meet you rin.”
“Alanis. What a beautiful name, bagay sa’yo.” Banat na naman nito kaya pinuna ko na siya.
“Ang hilig mo talagang bumanat. Pero tama ka, hindi bebenta sa akin yan.” Kibit-balikat kong sagot na ikinatawa naman ng dalawang kasama niya.
May nakakatawa ba sa sinabi ko?
Nanlaki ang mga mata Julian at sa huli ay natawa na rin.
“Mukhang magkakasundo tayo nito, Alanis.” Nakangiti nitong sabi.
“Hindi mo man lang ba kami ipapakilala kay Alanis, swapang na Julian? Nakakilala ka lang ng magandang babae kinalimutan mo na kami agad. Ouch!” sabi nung moreno at umacting pa ito na sumasakit ang puso niya. Natawa naman ako do’n.
“Siraulo ka talaga, Neil!” natatawang sabi ni Julian.
“Pagpasensyahan mo na ang kolokoy na ’to Alanis. ’yan si Neil at ako naman si Denver.” Nilapitan ako nung lalakeng singkit at nakipagkamay sa akin. Ngumiti na lang ako.
Mukha namang mababait sila at pwede ko na rin maging kaibigan.
“Pwede na ba tayong maging friends?” tanong ni Julian.
Tumango ako, “Okay. Friends.”
Biglang tumunog ang bell hudyat na mag-uumpisa na ang klase. Tumabi naman sa kabilang side ko sina Neil at Denver at kinindatan pa ako.
Mabuti na lang at first day pa lang ng klase namin ay may nakipagkaibigan na kaagad sa akin at mababait pa.
Break time na at bilang 3rd year high school students ay mas nauna nang 30 minutes ang break namin kaysa sa 4th year high school students.
Sasabay sana sa akin sila Julian magrecess pero may basketball practice raw sila kaya bukas na nila ako masasamahan. Naa-appreciate ko ang pakikipagkaibigan nila sa akin. Mabuti na lang at hindi sila ’yung mga bastos at pacool lang na lalake sa isang babae.
Si Uste ngayon ang kasama kong kumain. Umupo kami sa isang table dito sa Cafeteria at inilapag sa mesa ang mga inorder namin. Naikwento ko na rin sa kanya ang mga new friends ko at ito ang naging reaksyon niya.
“Nakipagkaibigan ka na nga lang at kila Julian Saavedra pa? Alam mo ba na mayabang iyon at bully pa?” Medyo pasigaw niyang sabi.
“Paninira lang daw ’yon sa kanya.”
Naikwento kasi sa akin ni Julian kanina sa room na sinisiraan raw siya ng mga estudyante sa YGA dahil sa Varsity Top Player raw siya at sinisira ang image niya para mag quit na siya sa Varsity Team at ang ipalit daw ay si Russel na ‘Good Boy School President.’ Mas gusto raw kasi nila na maging Varsity Top Player si Russel kaysa kay Julian.
“Anong paninira? Alam lahat ng estudyante dito sa YGA na mayabang siya at mahilig pang mambully. Nakipagkaibigan lang ’yon sayo dahil type ka niyan panigurado. Sinasabi ko ’to sa’yo, Alanis, ’wag ka kaagad magtitiwala sa mga taong kakakilala mo lang.” umiiling na sabi ni Uste.
Nakonsensya akong bigla. Tama si Uste, dapat ay hindi kaagad ako nakikipagkaibigan sa mga taong kakakilala ko lang dahil hindi ko pa naman sila lubos na kakilala.
“You’re right cous. I’m sorry.” Napayuko ako.
He sighed and embraced me. “Okay lang. Mag-iingat ka lang, Alanis. You don’t know how those guys wanted you to be their girl.” sabi niya.
“Hi. Pwedeng makishare ng table?”
Napakalas naman kami ni Uste sa yakapan namin at halos lumuwa na ang mga mata ko dahil siya na naman ang nakita ko.
“Oo naman President Russel. Ikaw pa!” Nakangiting sabi Uste sa kanya.
He look at me then he smiled.
Obsession #3
ALANIS POV
“Hi. Pwedeng makishare ng table?”
Napakalas naman kami ni Uste sa yakapan namin at halos lumuwa na ang mga mata ko nang siya na naman ang nakita ko.
Russel look at me then he smiled. Kaagad itong umupo sa upuan na katapat lang namin ni Uste at inilapag sa lamesa ang tray na may lamang mga pagkain niya.
“Dadaan ka ba sa gym mamaya, Russel? Magtatry out ka na ba sa basketball?” Tanong ni Uste na busy sa pagkain ng burger nito.
“Kapag sumali ako sa basketball team baka mawalan na ng alam mo na.. si Julian kaya ’wag na lang.” Natatawa nitong sagot na ikinatawa rin ni Uste.
Medyo nayabangan ako sa sinabi niya pero hindi ko na lang iyon ipinahalata.
“Kung sa bagay, ibalato mo na lang sa kanya ang Varsity Team.” sabi pa ni Uste.
Ngumiti si Russel doon at nagkibit-balikat na lang.
Tahimik lang akong kumakain hanggang sa pansinin ako ni Russel na medyo ikinagulat ko pa.
“Alanis, mabuti at dito ka inilipat sa school namin ni Uste para naman may kakilala ka rin dito kahit papaano.” sabi niya na titig na titig sa akin.
Hindi naman ito napapansin ni Uste dahil naging busy na ito sa paggamit sa cellphone niya. Malamang ay katext nito ang kaibigan kong si Lara na nasa Masbate na girlfriend niya.
“O-Oo. Dito na lang daw ako tutal dito naman nag-aaral si Uste.” mahina kong sabi. He nodded.
“As a Student President of this school. I want to tour you sa mga Campuses dito para naman marecognize mo ang buong YGA. Is it okay with you?” he asked.
I look at Uste and he’s looking at me saying na pumayag na ako. Napabuntong-hininga ako at tinanguan si Russel.
Kailangan ko rin ng tour guide sa YGA dahil sobrang laki nga ng school na ito at ayaw ko naman na abalahin pa si Uste sa pagtotour sa akin dahil alam kong busy rin siya sa sports at academics stuffs niya.
Russel smiled at me. “Good. I will tour you tomorrow.”
“Salamat.” I thank him.
“Mas mabuti pa nga na ikaw na ang magtour dyan sa pinsan ko kaysa kay Julian.” Natawa naman bigla si Russel sa sinabi ni Uste at sumubo na ng kinakain niyang spaghetti.
Bakit? Alam na ba niyang kaibigan ko na si Julian? Pero baka sinabi na ni Uste iyon at sa text na lang idinaan kay Russel.
Tama! Ganoon nga.
Hindi ko pa nasasabi na halos lahat ng estudyanteng kumakain dito sa Cafeteria ay sa amin nakatingin. Halos itago ko na nga ang mukha ko dahil sa hiya.
Natural lang siguro ito, kasama kasi namin ang gwapong Student School President ng YGA at sa tingin ko ay sikat talaga siya dito.
Bigla ay nanahimik ang buong Cafeteria nang pumasok sila Julian, Neil at Denver. They are wearing a shirts at may mga hawak rin silang sports bag.
Dahil walang bakanteng upuan sa Cafeteria ay may tinignan si Julian na group of students at nagulat nalang ako nang magsialisan ang mga ito bitbit ang tray ng pagkain nila at sila Julian na ang umupo sa mga inuupuan nila.
What was that?
“He can rule this school dahil lolo niya ang may-ari ng YGA.” sabi ni Uste sa akin.
Nagulat ako sa sinabi ng pinsan ko. Lolo ni Julian ang may-ari ng YGA? at napalapit pa siya sa akin? Oh god!
“I didn’t know that.” Tanging nasabi ko nalang.
Habang abala si Neil na mukhang siya ang nag-order ng pagkain para sa kanilang magkakaibigan ay napatingin sa gawi ko si Julian.
Nagulat siya nang makita niya ako pero kaagad rin napalitan ang ekspresyon nito nang makita niya na kasama ko sila Uste at Russel. Parang nagdilim ang buong mukha niya.
Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya at pinagpatuloy na ang pagkain ko.
5pm na nang matapos ang klase namin. Pagkatapos ng nangyari kanina sa Cafeteria ay hindi na pumasok sa klase sila Julian. Sabi ng mga kaklase ko ay may meeting raw ang mga ito kasama si Coach Paolo na coach nila sa basketball.
Hinihintay ko naman si Uste sa tapat ng classroom nila dahil hindi pa tapos ang klase nito. Kanina pa din ako tinititigan ng mga kaklase niya sa loob ng classroom nila.
Hays. Bakit ba kasi ang tagal nilang matapos?
May mga grupo ng mga babae ang biglang dumaan sa kinatatayuan ko at rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila.
“Chloe, Are you joining again in Cheering Squad?” Sabi ng babaeng makapal ang make-up.
“Of course Tania, I will join.” Sabi naman nung babaeng tinawag na Chloe nung Tania.
Biglang napatingin bigla sa akin ’yong Chloe at laking gulat ko na lang nang niyakap niya ako.
“Hey!” sabi ko na naguguluhan sa ginawa niya.
Binitawan naman niya ako at nag peace sign sa akin. Kahit ang tatlong babaeng kasama niya ay naguluhan rin sa biglaang pagyakap sa akin nung Chloe.
“I’m sorry if I hug you all of a sudden. You’re Alanis, right?” Nakangiting sabi nito.
Maganda siya at makinis. Siya yata ’yong tipong Queen Bee ng school. She looks so fashionable and elegant kahit naka uniform at skirt lang kami.
“Oo. Bakit mo ako kilala?” Tanong ko.
“I have a source, at pinsan mo si Tomas my love, right?”
A-ano? Tomas my love raw?
Oh. I get it! May gusto ang babaeng ito kay Uste. Pero sorry na lang siya dahil may Lara na ang pinsan ko.
“Yeah, at may girlfriend na si pinsan.” Sabi ko naman.
“I know pero hindi pa naman sila kasal kaya may chance pa ako, hindi ba, girls?” Nakangiting sabi nito sa mga kaibigan niya.
“Right, Chloe!” sagot naman nila kay Chloe.
Napairap na lang ako. Ayon ay kung papatulan siya ni Uste. Hindi niya alam kung gaano kabaliw ang pinsan kong si Uste kay Lara.
Imposible na mafall si Uste sa babaeng ito. Uste don’t like a socialized and Queen Bee girl. Mas gusto niya ang simpleng babae na katulad ni Lara.
Sa wakas ay nagsilabasan na rin ang mga estudyante sa Room 405. Napangiti pa si Uste nang makita niya ako pero kaagad rin itong sumimangot nang makita niya si Chloe.
“Hi Tomas, my love! It’s nice to see you again. I miss you so much!” sabi ni Chloe at niyakap ang braso ni Uste na ikinagulat ko.
Inis naman na tinanggal ni Uste ang kamay ni Chloe sa braso niya at kaagad akong hinila papalayo sa kanila.
“See you tomorrow, my love!” Rinig ko pang sabi ni Chloe nang medyo nakalayo na kami sa kanila.
Nang nasa labas na kami ng YGA ay pinameywangan ko si Uste at tinaasan siya ng kilay.
Napahilot naman ito sa sintido niya at bumuntong-hininga.
“She’s Chloe Saavedra. Kapatid ni Julian. May gusto siya sa akin pero syempre lagi ko naman siyang iniiwasan dahil alam mo namang si Lara lang ang mahal ko.” sabi niya.
“Kapatid siya ni Julian?” Tanong ko. Tumango ito at napasandal sa gate ng YGA.
“Oo. Hindi ko naman siya magawang itaboy dahil baka makick-out ako sa school na ’to kapag ginawa ko ’yon. You already knew that she and Julian are the granddaughter and grandson of YGA’s owner which is their grandfather.” he said.
Sobra akong nagulat sa mga nalalaman ko. At alam ko na mag-iiba ang takbo ng buhay ko dito sa YG Academy.
Obsession #4
ALANIS
POV
“How was your first day in YGA, baby?” Mama asked me while we’re eating our dinner.
“Okay lang naman po, Ma. Uste was taking care of me in our school kaya maayos naman po ako doon.” sabi ko.
Kahit medyo naweweirduhan ako at pinagtitinginan palagi ng mga estudyante doon.
“It’s good to hear that. How about you, Travis?” Mama asked kuya Travis.
“Girls in our school are.. weird.” Tanging nasabi ni Kuya Travis habang patuloy pa rin ito sa pagkain niya.
I know what he meant. Pinagkaguluhan na naman siguro siya sa bagong school niya katulad rin sa amin sa Masbate. My kuya is very handsome and smart at minsan ay nagpapart-time model rin siya para may extra money siya.
Marami talagang nagkakagusto sa kuya ko kahit nung nasa Masbate pa kami pero halata namang wala siyang interest magkalovelife dahil ang mahalaga lang sa kanya ay ang mga pinakamamahal niyang mga libro.
Natawa naman si Mama dahil sa sinabi ni kuya. “Mag girlfriend ka na kasi anak, you’re already 19 at hindi naman kita pagbabawalan magka gf.”
Kuya Travis just shook his head. “Not interested.” sagot nito.
Mama just pouted at sa akin naman ito bumaling. “Ikaw baby, wala ka pa bang balak magboyfriend?”
Kaagad namang nagreact si kuya Travis. “Ma! Alanis is only 16 tapos pagbo-boyfriendnin mo? Are you nuts?”
“Travis, Don’t talk to your mom like that.” Banta naman ni Dad kay kuya.
“I’m sorry.” Kaagad na paumanhin ni kuya.
“Ma, wala pa naman akong balak magkaboyfriend. Study first just like Papa said.” sabi ko at nginitian si papa. He just smiled at me then he thumbs up.
“Oo na! Pinagkakaisahan niyo na ako. Ang sa akin lang naman ay hindi ko kayo pinagbabawalan sa ganyan pero dapat priorities niyo pa rin ang studies niyo.” Mama said.
“We know ma, pero wala pa talaga siguro kaming balak ni kuya sa relationship thingy na ’yan.” I said.
Mama nodded. “Me and your Papa are so proud of you, our babies. Studies ang mahalaga sa inyo kaysa sa lovelife.” Mangiyak-ngiyak pa na sabi nito.
Sanay na kami ni kuya Travis sa asal batang pag-iisip ni Mama pero kahit na ganito siya ay mahal na mahal namin sila ni papa.
“Ang drama talaga ni mama kahit kailan. Tss!” Sabi naman ni kuya. Natawa na lang kami ni papa do’n at inalo na si mama.
Our mother is a happy-go-lucky person while our father is a calm and serious person. Siguro nga opposites do attract dahil mahal na mahal ni papa si mama kahit na ganito pa ito.
I’m now here in my room at katawagan ko si Lara na bestfriend ko/girlfriend ni Uste. 2 years na sila ng pinsan ko. Dahil mayaman sila Uste ay every week pumupunta siya sa Masbate para makasama si Lara gamit ang helicopter na iniregalo pa sa kanya ng Dad niya na si Tito Simo habang ang pamilya naman ni Lara ay average lang ang pamumuhay nito pero kahit naman ganon ay legal ang relasyon nila.
(Kumusta ang first day of school mo diyan sa bagong school mo?) tanong ni Lara.
“Hmm.. Okay lang pero mas okay kung kasama ko kayo nila Inah at Gio.” sabi ko.
Inah and Gio are my friends in Masbate. Sobrang close ko rin ang dalawang ’yon katulad ni Lara.
(Namimiss ka na rin namin, bes. Bakit pa kasi pinalipat ka dyan? Wala na tuloy akong kakulitan at kabonding dito. ’Yung dalawa naman ang bubusy rin!)
“Kailangan kasi bes e, dito nadestino ang trabaho ni papa kaya kailangan nasa Maynila rin kami.” sagot ko.
(Aww.. pero okay ba ’yang bagong school mo? Mas maganda ba ’yan kaysa sa Masbate National High?)
“Oo, pero mas masaya pa rin diyan.”
(Hulaan ko.. pinagtitinginan ka ng mga estudyante diyan sa bagong school mo, no?)
“Papaano mo nalaman?” Gulat kong tanong kay Lara.
Natawa naman ito sa kabilang linya.
(Kung dito nga pinagtitinginan ka dahil sa mala Diyosa mong mukha, dyan pa kaya sa Maynila?)
Napahiga ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at niyakap ang blue kong teddy bear na human size. “Maganda ba talaga ako, Lara?” Curious kong tanong.
Napangiwi naman ako dahil sa lakas ng boses niya sa kabilang linya.
(Jusko naman, Alanis! Hindi mo pa ba narerealize kung gaano ka kaganda? Halos lumuwa na nga ang mga mata ng mga kaklase at schoolmate natin dito sa Masbate sa kakatingin at kakasipat sa’yo. Ilang beses ka nang nanalong muse ng MNHS, ang dami na rin nanligaw sa’yo tapos itatanong mo pa sa akin ’yan? Kung hindi nga lang ako babae ay matagal na kitang niligawan, e!)
Natawa naman ako sa sinabi niya. “Alam mo bes, may patay na patay na girl kay Uste sa school namin. Naku! pagsabihan mo ’yang pinsan ko at dahil nandito na rin lang ako sa school niya ay babantayan ko ’yang boyfriend mo.” Pagsusumbong ko kay Lara.
(Yung bruhang Chloe ba?) Ramdam ko ang inis ni Lara dahil sa tono ng boses nito.
“Bakit mo ’yon kilala?” Tanong ko naman.
(Minessage lang naman ako sa Facebook ng bruha na ’yon na aagawin niya raw sa akin si Uste. Subukan lang niya dahil kapag nangyari ’yon ay ingungudngod ko siya sa lupa na may putik at igi-glacier ang espasol niyang mukha! Makikita niya!)
“Go Lara! Hindi kita pipigilan dyan.” Natatawa kong sabi.
(I trust Tomas, too. Alam kong mahal na mahal ako ng pinsan mo..)
Napangiti ako. They are really in love to each other. Sa dalawang taon nilang relasyon ay nakita ko ang sacrifices ng bawat isa sa kanila kahit na magkalayo sila at alam ko na hindi ’yon kaagad masisira ng isang taong wala namang halaga sa buhay nila.
“I envy you and Uste for that.” I said.
(Teka? Bakit nga pala lovelife ko na ang pinag-uusapan natin? How about you? May nanligaw na ba sayo dyyan? Nakipagfriends? Ano ba?)
Napatigil ako. “Nanligaw? Wala naman pero ang daming nakikipagkaibigan sa akin kaso puro naman mga lalake.”
Kanina kasi sa classroom namin ay halos dumugin na ako ng mga kaklase kong lalake na makikipagkaibigan lang sa akin kaya ang sama-sama ng tingin sa akin kanina ng mga kaklase naming babae.
(Hindi na kataka-taka. Liligawan ka lang ng mga ’yan! Kay Uste ka na lang palagi sumama para safe ka ha.)
“Alam ko, sinabi na rin sa akin ni Uste ’yan.”
(Mas better pa nga. Oh siya, matulog na tayo at inabot na tayo ng madaling araw sa phonepal natin. May pasok pa tayo bukas.)
“Oo girl. Thanks at nakausap kita ng matagal. Good night na and I love you bes!”
(Welcome, bes. Good night and I love you too! Bye.)
Then we both ended the call. Napatingin ako sa kisame ng bagong kwarto ko at napaisip. I hope things will work well with this new environment of mine.
Obsession #5
ALANIS POV
It’s my 2nd day here in YG Academy. Isang araw na naman para mag-aral at matuto sa mga lessons namin. Kasabay ko ulit si Uste papasok sa school. Akala nga yata ng iba ay magboyfriend/girlfriend kami dahil palagi na lang kaming magkasama. Hindi rin naman kasi kami magkamukha ni Uste kaya napagkakamalan talaga nila kami.
Kung alam lang nila, pinsan ko ang lalakeng ito na inlove na inlove sa kaibigan ko.
“Shit.” Rinig kong bulong ni Uste na nakatingin sa may harapan namin.
Nang humarap naman ako sa tinitignan niya ay sila Julian ito kasama sina Neil at Denver na papalapit sa amin.
Hindi sila naka proper uniform na required dapat sa YGA. Magtataka pa ba ako kung hindi sila mag-uniform ng naaayon sa rules ng school? Lolo ni Julian ang may-ari ng YG Academy kaya okay lang sa kanila na hindi magsuot ng proper uniform. Malakas ang kapit niya raw sa school na ito and he ruled it nga sabi ni Uste.
“Hi, Alanis! Nabalitaan ko na pinsan mo pala ’tong si Uste. Kung alam ko lang sana pala ay hinatid na kita kahapon.” Nakangitng sabi ni Julian nang makalapit na silang tatlo sa amin.
Ramdam ko ang pagpipigil ng galit ni Uste kay Julian kaya hinawakan ko ang isang braso nito para kumalma siya.
“Julian, S-sige.. mauuna na kami ni Uste, may klase pa kasi kami.” Sabi ko at hihilahin na sana si Uste papalayo nang hinarangan ako ni Julian.
“Iniiwasan mo ba ako, Alanis? Hindi ba’t kahapon ay magkaibigan na tayo? Kaya ba ganyan ang trato mo sa akin ngayon dahil sa mga maling balita na ikinakalat nila tungkol sa akin?” seryoso niyang tanong.
Hindi na nakapagpigil pa si Uste kaya nagsalita na ito. Napabuntong-hininga na lang ako.
“Huwag ang pinsan ko, Julian. Dahil ako ang makakaharap mo sa oras na mapahamak siya nang dahil sayo,” madiing sabi ni Uste.
Julian fake a shock expression at itinuro ang sarili niya kina Neil at Denver.
Hindi ko alam na ganito pala si Julian. Nagpapakitang tao lang pala siya sa akin sa classroom kahapon. The way he’s teasing my cousin makes me wanna punch him straight to his face.
“Ano raw? Huwag na ang pinsan niya? Nakikipagkaibigan lang naman ako sa kanya, ah? Anong masama do’n, Tomas? Ikaw lang yata ’tong nagbibigay ng malisya sa aming dalawa.” Sabi ni Julian nang nakangisi.
Napakuyom nalang ng kamao si Uste at tinitigan ng masama si Julian bago ito magwalk out.
Alam ko na gusto niya itong labanan pero hindi niya magawa iyon dahil ayaw niyang makick out sa YGA sa kadahilanang kapag hindi siya dito nag-aral ay ipapadala siya sa amerika at malalayo na nang tuluyan kay Lara. Alam kong hindi niya iyon kaya kaya nga gumagawa siya ng paraan para magkita lang sila ni Lara isang beses sa isang linggo.
Susundan ko na sana si Uste nang hinarangan ulit ako ni Julian.
“Wala akong masamang intensyon sa’yo, Alanis. Kung anuman ang issue ko kay Uste ay labas ka na do’n. Gusto lang talaga kitang maging kaibigan.” Malungkot niyang sabi.
Hindi bebenta sa akin ang paawa effect niya. Tama nga si Uste.
“Stop acting like you’re a good person, Julian. I thought you are nice and kind but I’m wrong.” Walang emosyon kong sabi at nilagpasan na siya saka sinundan si Uste.
“Bwisit! Mga walanghiya!” Rinig ko pang sigaw ni Julian nang medyo nakalayo na ako sa kanila.
Mabuti na lang at walang masyadong tao sa hallway para makita nila ang pangyayaring ito, dahil na rin siguro na sobrang maaga pa bago mag-umpisa ang klase.
Nang nasa claassroom na ako ay lumipat na ako ng upuan. Ayoko nang makatabi si Julian at ang mga kaibigan niya. Ilang minuto lang ay dumating na rin siya kasama sina Neil at Denver.
Ang sama ng titig nito sa akin nang umupo na siya sa upuan niya. Napansin naman iyon ng mangilan-ngilan kong kaklase na nasa loob na rin ng classroom namin.
“Bakit ang sama ng titig sa’yo ni Julian? Parang kahapon lang ay nagtatawanan pa kayo, hindi ba? At bakit lumipat ka ng upuan? Nag-away ba kayo?” Tanong sa akin ni Marinel. Sa introduction ay tanda ko na iyon ang pangalan na ipinakilala niya sa amin.
“He teased my cousin Tomas and I hate it.” Sabi ko at tumango na lang siya.
“Pinsan mo nga pala si Tomas. Alam ko na magkaaway talaga sila dahil ’yang si Tomas ay ayaw ang ugali at pagiging bully ni Julian. Katulad ni Russel Madrid na Student School President natin ay ayaw ni Tomas na may naaagrabyado sa school na ’to pero wala naman silang magawa dahil apo si Julian at Chloe ng owner ng YGA.” sabi ni Marinel.
“May gusto pa raw si Chloe kay Uste.” Out of nowhere kong sabi. Tumango naman si Marinel.
“Gwapo naman kasi ’yang pinsan mo kaya hindi na nakakapagtaka na maganda ka at ang iba pang mga kamag-anak niyo.” Natawa na lang ako. Okay pala ’tong kausap si Marinel.
“So, friends na tayo, Alanis kung pwede?” she asked. I nodded and smiled at her.
“Sure. You are my first real friend here. Puro mga lalake kasi nating classmates ang nakikipagkaibigan sa akin kaya naiilang ako.” Nahihiya kong sabi.
“You’re right at napansin ko ’yon kahapon. Halos dumugin ka na nga ng mga ulupong na lalake dito sa room. Ang dami ring may ayaw sa’yong mga babaeng kaklase natin. Tinalbugan mo ba naman ang beauty nila kaya hindi na sila pinapansin ng mga ulupong.” Marinel teased. Natatawa ako sa kanya.
Tawagin ba namang ulupong ang mga kaklase naming lalake?
I look at Marinel. “Maganda ka naman. Mas maganda ka nga kaysa sa akin.”
Tila ay nagulat naman ito dahil sa sinabi ko. “Are you kidding me? I know that I’m beautiful but you are more beautiful at ang bait mo pa.”
“Puro bolahan na tayo dito, hehe.” Tanging sabi ko na lang na ikinatawa rin niya.
“I’m just saying the truth, Alanis.”
Nagbell na ang klase at saktong dumating na ang unang class adviser namin kaya lahat kami ay umayos na at nakinig sa ituturo ni Ms. Fuentes.
Nasa kalagitnaan na ng pagtuturo si Ms. Fuentes nang may dumating na estudyante sa room namin at laking gulat ko naman nang si Russel ito.
“Class, say hello to our Student School President.” ani Ma’am.
Tumayo naman ang mga kaklase ko mula sa pagkakaupo nila pati na rin ako except kila Julian na binalewala lang ang utos ni Ms. Fuentes.
“Good morning, President Madrid. It’s our pleasure to meet you.” sabi ng mga kaklase ko kay Russel na sinabayan ko na rin.
“Please take a sit now my fellow co-students and thank you.” sabi ni Russel kaya nagsiupuan na kami sa upuan namin.
“Ang gwapo talaga ni President!” Bulong ng kaklase kong babae sa isa pa naming kaklase.
Hindi pala bulong dahil pati si Marinel ay naririnig rin ang mga pinagsasabi nila.
“He’s so smart and kind pa hays!” Dreamy naman na pagkakasabi ng isa.
Pati sila ay nagagwapuhan rin kay Russel. Sa bagay, napakagwapo naman talaga niya at halata namang matalino rin. The way he speak and his mannerism too ay doon ko nahalata iyon.
“What brought you here, Russel?” Tanong ni Ms. Fuentes at nilapitan ni Russel.
Tinignan naman ako nito sa pwesto ko at nginitian. I awkwardly smiled back dahil alam ko na nakatingin na sa akin ang mga kaklase ko.
“If you don’t mind, Ms. Fuentes. May I excuse Ms. Vien for a while? She’s a new student here in YGA and as a Student School President and Tourism Secretary, I want to tour her inside our Campuses because I want Ms. Vien to be familiarize with our facilities here. Is it okay with you, Ms. Fuentes?”
Napaisip naman si Ms. Fuentes doon at tumingin sa akin sandali bago binalingan ulit si Russel.
“Nice idea, Mr. Madrid. Ms. Vien, you can go now at sumama ka muna kay Russel.”
“A-ah. Yes Ma’am.” Napatayo ako at lumakad na papalapit kay Russel.
Nang nadaanan ko pa ang table ni Julian ay narinig ko pa ang sinabi niyang “Bitch” na alam kong ako ang pinaparinggan niya. Nainis ako doon dahil hindi iyon totoo pero hinayaan ko na lang.
Nang nakalapit na ako kay Russel ay nagpaalam na kami kay Ms. Fuentes na aalis na.
Nahihiyang tinignan ko naman si Russel na nginitian ako at inakbayan.
“I can tour you now, my friend..”
Obsession #6
ALANIS
POV
Pakiramdam ko ay para akong nakuryente nang inakbayan niya ako. Bakit bigla na lang naging ganito ang apekto ni Russel sa akin?
“Bilang Student School President ng YGA, I will tour you around here in our Campus. So, ang first stop muna natin ay sa soccer field.” sabi niya na nakaakbay pa rin sa akin habang nilalakad namin ang patungong soccer field.
Hindi ko na nga masyadong maintindihan ang mga sinasabi niya dahil sa kuryenteng nararamdam ko sa buong katawan ko ngayon.
Nang makarating na kami sa soccer field sa wakas ay tinanggal na niya ang pagkaka-akbay niya sa akin at itinuro nito ang field na may mangilan-ngilang estudyante na nagpapractice ng soccer.
“They are YGA’s Soccer Team. Every Wednesday to Thursday from 8:00am to 11:00am ay dyan sila nagpapractice ng soccer. They already won in different soccer competitions sa labas ng school natin. Their star player is your cousin, Uste. Alam mo na ba ’yon?” He asked. I nodded.
Alam ko na si Uste ang star player ng YGA Soccer Team dahil sa mga kwento na rin sa akin ni Lara noong nasa Masbate pa ako nag-aaral.
“Okay, good. Next stop is Gymnasium.” Kaagad naman kaming umalis sa field at dumiretso sa Gymnasium.
Walang tao sa Gymnasium nang dumating kami pero nagulat ako na kasing laki rin ito ng soccer field.
“This is our Gymnasium. Basketball players and cheering squads are always practicing here. Halos araw-araw ay may practice sila but they are exempted in classes sometimes because that’s a rule for a Varsity Students. The star player in Varsity Basketball team is Julian Saavedra and the cheerleader in YGA’s cheering squad was his sister, Chloe Saavedra.”
Sina Julian at Chloe pala ay bumibida rin sa mga sports. Halata naman ang pagkakaparehas nila dahil magkamukha sila. Pati ang ugali nga nila ay match.
I look at Russel, he’s still talking about school stuffs pero napatitig ako sa mukha niya. He’s really handsome.
Nung una ay medyo natakot pa ako sa aura niya pero ngayon ay nag-iba na ito. Kitang-kita ko kasi na masaya at magiliw siyang tao. Siguro nung una ay natakot lang ako sa kanya dahil hindi ko pa siya ganon kakilala.
“Russel, paano ka naging Student School President?” Tanong ko na ikinalingon niya sa akin.
Umupo kami sa isang bench at pinagsalop nito ang dalawang kamay niya at yumuko ng kaunti.
“Siguro dahil ako ang Top Student sa loob ng tatlong taon ko dito sa YGA. Nakikita rin siguro ng mga students dito ang leadership at pagmamahal ko sa school na ’to. Itong YGA kasi ang dahilan ng pagbabago ng takbo ng buhay ko.” Tumingin siya sa akin at ngumiti.
“Matalino at masipag ka pala talaga. Bihira na lang ang mga katulad mo. Hindi ikaw ’yong tipo ng lalake na puro gimik at pagyayabang lang ng mga materyal na bagay ang ginagawa. May landas ang buhay mo. Sure ako na proud sa’yo ang mga magulang mo.” nakangiti kong sabi.
Napahinto naman siya sa sinabi ko at napayuko ulit. “No. They are not, they abandoned me to my auntie who’s physically abusing me when I was a child. Hindi nila ako mahal. Ako na lang ang nagmamahal sa sarili ko.” Mailing-iling niyang sabi habang nakangiti ng mapait.
Nakaramdam ako ng awa kay Russel. Wala na pala siyang mga magulang at inabuso pa siya ng tita niya noong bata pa lang siya. Sa kabila ng masaya at maaliwalas niyang personality ay puno naman pala ng paghihirap ang buhay niya.
“Bata pa lang ako, palagi na akong sinasaktan physically at emotionally ng tita ko na kapatid ng papa ko. Anak kasi ako sa labas ni papa kaya ayaw sa akin ng tita ko. Nakahanap na ng bagong pamilya ang mga magulang ko kaya ibinigay nila ako sa tita ko. Bugbog, sugat at pasa ang palagi kong natatanggap sa tita ko tuwing hindi ko kaagad nasusunod ang mga utos niya. Hindi ko na kaya ang hirap at sakit na dinanas ko noong 6 years old pa lang ako kaya umalis ako sa amin. Nagpagala-gala ako sa kalsada bitbit ang bag ko na may lamang mga damit lang. Wala akong pera that time at sobrang nagugutom na. Iyak na lang ang tanging nagawa ko at nanalangin na sana mamatay na lang ako. Pero nabago ang lahat ng ’yon nang makita ako sa kalsada ni Don Fiñero Saavedra na may-ari ng school na ’to at tinulungan ako para makabangon sa lahat ng sakit at hirap na naranasan ko noong bata palang ako. He gave me a shelter, money, and education kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Sinuklian ko ’yon ng pagsisikap kaya ngayon ay honor student ako at Student School President ng YG Academy. Don Fiñero Saavedra and this school was my savior and life.”
Sobra akong naantig sa istorya ng buhay ni Russel kaya hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako na napansin niya.
“Oh? Bakit ka umiiyak?” Natatawang sabi niya habang pinupunasan ang luha ko gamit ang mga palad niya.
Umaatake na naman ang pagka balat sibuyas ko. Letse!
“Eh ikaw kasi.. ang lungkot ng story ng buhay mo. Sorry kung ang OA ko!” umiiyak kong sabi.
He smiled again at sinapo ang buong mukha ko. Bakit ba ang hilig pa rin niyang ngumiti kahit ang dami nang masakit na nangyari sa buhay niya?
Nagulat ako sa pagsapo niya sa mukha ko. Sobrang lapit na tuloy ng mukha niya sa mukha ko na ikinabilis bigla ng tibok ng puso ko.
“Isinumpa ko noon na ang sarili ko na lang ang mamahalin ko dahil sa tingin ko ay wala nang magmamahal sa akin pero nagkamali ako, gusto kong magmahal at mahalin.” mariin niyang sabi.
Napatitig kami sa isa’t-isa na mas lalo pang nagpabilis ng tibok ng puso ko at mas lalo akong nagulat nang..
Halikan niya ako.
Hindi agad ako nakapagreact sa sobrang gulat habang siya naman ay patuloy pa rin sa paghalik sa akin. Hindi ko alam pero pumikit na lang ako at tumugon na sa mga halik niya. Naramdaman ko pa ang pagngisi niya sa ginawa ko pero hindi ko na lang iyon pinansin.
“R-Russel..” Tawag ko sa kanya sa gitna ng paghahalikan namin.
“Hmm?” sabi lang nito at unti-unti nang bumaba ang mga halik niya patungo sa leeg ko.
“M-may paparating..” Kagat-labi kong sabi habang ninanamnam ang kakaibang sensasyon na ibinibigay sa akin ni Russel nang may naaaninag akong mga taong papunta na dito sa gym malapit na sa pwesto namin.
Napatigil si Russel sa paghalik sa akin at nginitian ako saka ako hinila papatayo.
“We’re done here. Next stop natin, sa music room.” he said acts like nothing happend. Medyo namula naman ako dahil sa nangyari.
’Yung first kiss ko ay napunta sa isang Student School President!
What I’ve done?
Napangiti pa si Russel lalo nang makita niya ang pamumula ko. “It seems na may panghahawakan na ako sa’yo, Alanis. You know what? I like you.”
Napatingin ako sa kanya sa sobrang gulat. H-he likes me? Russel likes me? Kaagad?
“G-gusto mo ako?” He nodded at hinawakan ang kamay ko.
“Hindi kita hahalikan kung hindi mo ako gusto at hindi ka rin tutugon sa halik ko kung hindi mo ako gusto.”
Hindi na naman ako makapagreact kaagad dahil sa sinabi niya pero tama si Russel. Gusto ko na yata siya.
Gusto ko na nga ba siya kaagad?
Obsession #7
ALANIS
POV
Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari sa amin ni Russel kahapon sa Gymnasium. Bakit ko ba hinayaang halikan niya ako? At bakit ako tumugon sa mga halik niya?
May gusto na ba talaga ako sa kanya? Sabi niya kasi gusto niya rin ako at nadala ako ng emosyon.
Hays! Nakakasakit ng ulo! He got my first kiss too!
“Alanis, Okay ka lang ba? Bakit parang matamlay ka?” Puna sa akin ni Marinel na busy sa pagtetake down ng notes namin sa English.
Sasabihin ko ba sa kanya na naghalikan kami ng Student School President ng YGA? Kaibigan ko na rin naman siya kaya wala namang masama kung sabihin ko iyon sa kanya, hindi ba?
I took a deep breath at humarap sa kanya. “Kahapon sa Gymnasium. Si R-russel at ako.. we k-kissed..” I confessed.
“What?”
Napalakas naman ang tono ng boses ni Marinel dahil sa sinabi ko at napatayo pa. Nagtinginan tuloy sa kanya ang mga kaklase namin. Mabuti na lang at lumabas sandali ang adviser namin para pumunta sa office niya.
“Sorry,” Paumanhin niya sa mga kaklase ko at umupo na ulit.
“Bakit? Papaano? Ano?” Sunod-sunod niyang tanong.
“Wait a minute, Marinel! Isa-isa lang, ha?” Kumunot naman ang noo nito at pinanliitan ako ng mata.
“May gusto ka ba kay President?” Nabigla naman ako sa tanong niya.
“H-hindi ko alam,” Tanging nasabi ko.
Sumandal naman siya sa armchair niya at tinignan ako. “Alanis, if you like him then take a risk. Sa tingin ko eh gusto ka rin naman ni President. The way he looks at you yesterday dito sa classroom at pinuntahan ka pa talaga niya para i-tour ka sa YGA ay proof na gusto ka nga niya. Wala naman sigurong masama do’n.”
“Pero, parang ilang araw pa lang kaming magkakilala tapos ganon agad? Masyadong mabilis,” sabi ko.
“Wala sa tagal ng pinagsamahan yan, kung gusto mo siya then go. Kung ligawan ka niya then go.”
Kung liligawan nga ba niya ako ay bibigyan ko siya ng chance? Wala namang problema iyon kay mommy dahil gusto na nga niya akong magka boyfriend pero magustuhan kaya siya nila papa at kuya Travis?
“Do you think Russel is a right person for me?” Tanong ko out of nowhere.
Marinel slightly nod. “I think, pero he looks so mysterious kasi, e. Hindi ako sigurado pero sa nakikita ko naman kay President ngayon ay mabuting tao siya para sa’yo.”
“He said that he likes me.” Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko at nginitian ako.
“Ayon naman pala e-”
Hindi na natuloy pa ni Marinel ang sasabihin niya nang dumating na ang adviser namin at pinagpatuloy na nito ang naudlot na lessons niya.
Breaktime na at kasama ko ngayon si Uste. Mukhang wala naman siyang kaalam-alam sa nangyari sa amin ng bestfriend niya kahapon.
Naaalala ko na naman ang kiss na iyon at sobra akong nahihiya sa ginawa kong iyon!
“Hi sa inyo!”
Napaiwas ako nang tingin nang dumating si Russel at umupo sa tabi ko. Nagkamayan naman sila ni Uste.
Ang awkward para sa akin nito. Katabi ko ngayon ang lalakeng nagpapagulo ng sistema ko.
“Nag-inspect ba kayo ngayon ng buong Student Council sa Townsite?” Tanong ni Uste at ngayon ko lang napansin na naka t-shirt na blue at black jeans si Russel.
“Yeah. Chineck namin ang mga plants doon sa Townsite at nilagyan na rin ng mga fertilizer para mabilis na ang pagtubo.” Sagot nito na tumingin sa akin at hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng table namin.
Namuo muli ang kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko dahil sa paghawak niya sa kamay ko.
“Mas mabuti ’yon.” Biglang tumunog ang phone ni Uste kaya tumayo muna siya at nagpaalam sa amin para sagutin ang tawag niya.
“Tumatawag si Lara, sandali lang.” Paalam niya hanggang sa kaming dalawa na lang ni Russel ang nasa table.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko lalo na nang magkalapit na naman kami.
“Kumusta ka? Namiss kaagad kita.” sabi niya at dagling hinalikan ang kamay ko.
Napalingon naman ako kaagad sa paligid. Mabuti na lang at walang nakakita sa ginawa niya.
“R-Russel.. please stop doing this. Baka pag-isipan nila tayo ng masama.” Sabi ko at binitawan ang kamay ko na hawak niya.
“Ano bang masama sa ginagawa ko?” Tanong niya.
“Hindi tayo para gawin mo ’yan.” Sabi ko naman.
Napangisi naman siya sa sinabi ko. “Baka yata nakakalimutan mo na simula nang tumugon ka sa mga halik ko sayo kahapon ay tayo na..”
Halos lumuwa naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
“What are you saying? Hindi tayo kaya ’wag kang feeling diyan.” at inirapan ko siya.
Natawa lang siya sa sinabi ko at nag cross arms. “Meron pa pa lang hindi mag-bf/gf na naghahalikan na sa Gymnasium?” Mapanukso niyang sabi. Namula naman ako dahil pinaalala pa niya.
“Stop that.” Sabi ko at tinitigan siya ng masama pero deep inside ay natutuwa rin ako.
Oo na, gusto ko rin si Russel. Narealize ko na. He gave me an extraordinary feelings kapag kasama ko siya. Ngayon ko lang ito naramdaman. Na magkagusto sa isang lalake.
Inakbayan naman niya akong bigla at bumulong sa tenga ko.
“You can’t now escape away from me, Miss Vien. As a Shool President, you will always follow my order. Understand?”
At dahil sa kakaiba kong nararamdaman para sa kanya ay tumango na lang ako.
Bahala na. Sabi ko sa isip ko.
Obsession #8
JULIAN’S POV
Kung sinuswerte ka nga naman, nakita ko pa na naghahalikan sa loob ng Gymnasium sina Alanis at Russel kaya ang ginawa ko ay vinideohan ko silang dalawa habang naghahalikan.
Pagkatapos kasi nila kahapon lumabas ng classroom ay nag-excuse ako kunwari kay Ms. Fuentes na mag ccr lang ako at sinundan silang dalawa. Napangisi ako, magandang pang blackmail ito para mapasunod ko si Alanis sa mga gusto ko dahil kapag hindi niya ako sinunod ay ikakalat ko ang video nila sa buong YGA at kahihiyan iyon para sa kanilang dalawa.
Ang isang transferee student ay nakikipaghalikan sa isang nirerespetong Student School President? Ang talino mo talaga Julian!
“Ang mataray na pinsan pala ni Uste my loves ang kinababaliwan mo ngayon, kuya?” tanong ni Chloe.
Mas matanda ako sa kanya ng isang taon kaya kuya ang tawag niya sa akin.
Tumango ako at ininom ang wine na nakalagay sa lamesa.
Tinaasan naman niya ako ng kilay. “Why you seem so happy? May binabalak ka na namang masama, no?” I laughed.
“Kilalang-kilala mo na nga talaga ako, sis. Sabihin na lang nating mapapasunod ko na si Alanis sa lahat ng gusto ko.” Naguluhan siya sa sinabi ko pero unti-unti ay mukhang naliliwanagan na siya sa tinutukoy ko.
“You’re so evil, kuya.” she smirked.
I smiled. “We’re both evil, Chloe.” She shook her head at itinuloy na niya ang pagbabasa ng magazine niya.
Tignan lang natin Alanis, nagkamali ka na tinanggihan mo ang isang Julian Saavedra.
ALANIS
POV
Halos magmadali na ako sa pagpasok sa school. Nalate kasi ako ng gising dahil hindi na naman ako pinatulog ng mga sinabi sa akin ni Russel.
Ang lalakeng iyon! Totoo ba ang sinabi niyang girlfriend na niya ako? At payag ba ako? Eh naghalikan na kasi kami at gusto ko na rin siya pero hindi ba masyadong mabilis na kami na kaagad at walang ligawan na nangyari?
Ano ba itong gulong pinasok mo, Alanis!
Nauna nang pumasok si Uste dahil baka malate raw siya sa sobrang bagal kong kumilos. Bahala siya!
Nang hininto na ng driver namin ang kotse sa harap ng YGA ay kaagad akong bumaba at pumasok na sa loob ng school. Nagkakandumahog na ako sa paglalakad sa hallway dahil 5 minutes na lang ay magsisimula na ang klase ko.
Habang naglalakad ako ay may humarang sa dinaraanan ko at iyon ay si Julian. Himala at hindi niya kasama sina Neil at Denver dahil palaging kapit-tuko iyon sa kanya.
Napahawak ako sa noo ko at pagod na tinignan siya. “Julian, malelate na ako. Padaanin mo na ako, please,” Pakiusap ko.
“Paano kung ayaw ko?” Nang-aasar na sagot niya.
Dadaan na ulit ako nang humarang na naman siya.
“Ano bang problema mo sa akin, Julian?” Naiinis kong tanong dahil kanina pa ako nagtitimpi sa kanya.
He just laughed and smirking at me. “Ayos ka rin, Alanis. Kabago-bago mo pa lang dito ay nakikipaghalikan ka na at sa isang Student School President pa.”
Halos manlumo ako dahil sa sinabi niya. Nakita niya na naghahalikan kami ni Russel? Hindi ba’t nasa loob naman siya ng classroom kahapon nang sinundo ako ni Russel para i-tour sa YGA?
“Ano, Alanis? Natahimik ka yata?” Ngumiti siya at mas lumapit pa sa akin.
Kinuha nito ang cellphone sa bulsa niya at may ipinakita sa akin.
A video na naghahalikan kami ni Russel.
Tuluyan na akong napaiyak at humarap sa kanya.
“Please Julian.. wala na sanang iba pang makaalam pa nito,” Pagmamakaawa ko sa kanya at hinawakan ang magkabilang-balikat niya.
Ayoko na pati si Russel ay madamay pa sa kahihiyan na ito.
Ngumiti naman siya sa akin at hinaplos ang mukha ko. “Sige, I won’t spread this video in one condition..”
“Ano ’yon?” Naguguluhan ko siyang tinignan.
Tumitig siya sa mga mata ko at bigla niya akong hinalikan na ikinagulat ko. “Be my girlfriend, at lahat ng sasabihin at iuutos ko sayo ay susunduin mo. Ang magkamali ay masisira ang reputasyon ninyo ni Russel sa YGA. Gusto mo ba ’yon?”
Hindi ako makaimik kaagad dahil sa sinabi niya. “H-hindi ko kaya..”
Hindi ko kayang makasama si Julian. Sobra ang pagkamuhi ko sa kanya. Pero kung hindi ko siya susundin ay mawawala ang lahat kay Russel.
Respetado ang tingin sa kanya ng mga estudyante dito sa YGA at kapag nakita nila ang video na iyon ay maaaring magbago ang tingin sa kanya ng mga tao.
“Hindi mo kaya? Oh sige, ikaka-”
Maluha-luha akong tumango at pinipigilan ang paghikbi ko. “P-payag na ako.”
Mas lumawak pa lalo ang ngisi niya at kaagad na hinapit ang baywang ko. “Good. Tara na babe, at late na tayo sa klase natin.”
Pinunasan ko ang luha ko at parang robot na lang na sumunod kay Julian. Pagdating namin sa klase ay halos lumuwa ang mata ng mga kaklase namin nang makita nila kaming magkasama ni Julian at nakahapit pa ito sa baywang ko.
“Ms. Vien and Mr. Saavedra, late kayong dalawa. May I know why?” Tanong ng adviser namin.
“Sorry Ms. Adame, Alanis have an headache kaya dinala ko muna siya sa clinic.” Excuse ni Julian.
Tinignan ako ng adviser namin at akala nga yata nito’y talagang masakit lang ang ulo ko dahil namumula ako at mukhang pagod pa. Ang hindi nito alam ay epekto lang ito ng pag-iyak ko.
“Ms. Vien, okay ka na ba? Gusto mo ba na sa clinic ka na lang muna magpahinga? You look so pale.” Concern na sabi ni Ma’am.
“O-okay na po ako, Ms. Adame. Huwag na po kayong mag-alala.” Our Adviser nodded at pinapaupo na kami ni Julian sa upuan namin.
Pinaalis ni Julian ang isang kaklase namin na katabi ng upuan niya at doon ako pinapaupo.
I look at Marinel at mukha rin itong naguguluhan sa nangyayari.
“Tabi tayo, babe.” Sabi ni Julian na narinig ng mga kaklase naming kanina pa sa amin nakatingin.
“Babe? Sila na ba?”
“Siguro nga. Magkasabay pa silang pumasok e,”
“Bagay naman sina Alanis at Julian, ah?”
“Ang swerte naman ni Alanis!”
“Mas swerte si Julian, ang ganda ng girlfriend.”
Ayan ang mga naririnig kong usapan ng mga kaklase ko. Umupo na lang ako sa tabi ni Julian at bumuntong-hininga.
“Langya ka, Julian! parang nung isang araw lang magkagalit kayo tapos ngayon babe na ang tawagan niyo sa isa’t-isa. Kayo na ba?” Rinig kong bulong ni Neil na katabi lang ni Julian sa kabilang upuan.
“Kami na nga.” sagot ni Julian at tumingin sa akin.
“Woah! Congrats, bro! May ginawa ka na naman sigurong kagaguhan kaya naging kayo. Kilala ko ang halang ng bituka mo. Magpainom ka mamaya, ha?” Natatawang sabi ni Neil.
“Sure.” Nakangiting sabi naman ni Julian.
What? I think they are only 17 tapos umiinom na sila?
Ano ba itong napasok ko? Bakit ako napalapit kay Julian? Hindi ako makapaniwalang boyfriend ko na siya ngayon.
I’m sorry, Russel pero sana maintindihan mo na ginagawa ko lang ito para sa’yo. Hindi bale nang ako ang magdusa huwag lang ikaw.
Obsession #9
ALANIS POV
Nang mag-break time na ay kaagad akong nilapitan ni Marinel habang sila Julian naman at ang mga kaibigan nito ay nag-uusap.
Hinila niya ako papalayo sa pwesto nila Julian saka kami pumwesto sa pinakasulok ng classroom.
“Bakit ka tinawag na babe ni Julian? Saka bakit doon ka na umupo ulit sa tabi niya? Hindi ba’t ayaw na ayaw mo sa kanya? As your new friend, i-explain mo sa akin ang lahat, Alanis kasi naguguluhan talaga ako sa mga pangyayari.” Natataranta niyang sabi.
Pagod akong umupo sa isang upuan at yumuko. “Kami na dahil sa utos niya. Nakita ni Julian ang paghahalikan namin ni Russel kahapon sa Gymnasium. Vinideohan niya kami. He even blackmailed me na kapag hindi ko sinunod ang lahat ng utos niya ay ikakalat niya ang video sa buong YGA. Ayoko namang mangyari ’yon dahil alam ko na masisira si Russel sa mga estudyante dito sa oras na makita nila ang video na ’yon. He’s a Student Council School President at malaki ang respeto sa kanya ng buong YGA.” sabi ko.
Umupo si Marinel sa katabing upuan ko at tinitigan ng masama si Julian na busy pa rin sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya.
“Napakasama talaga ng lalakeng ’yan! Hindi na nagbago! Kung hindi lang talaga siya apo ni Don Fiñero Saavedra ay matagal ko nang binasag ang pagmumukha niya. Pati ’yang kapatid niyang si Chloe ay grabe kung makalingkis sa pinsan mo e, halata namang ayaw sa kanya ng pinsan mo. Magkapatid talaga sila, pinipilit nila ang mga gusto nila!” Gigil na sabi niya.
“Ano nang gagawin ko, Marinel?” nag-aalala kong sabi. Hinagod naman niya ang likod ko nang makita niyang maiiyak na ako.
“Tell this to Uste, say the truth. You like Russel. Am I right?”
Tumango ako. Wala nang rason pa para itanggi ko iyon.
“Huwag kang magpapatalo sa pananakot sa’yo ni Julian. Nandito ako, si Uste at Russel. Tutulungan ka namin Alanis.” Marinel said.
Mula sa pagod kong mukha ay napangiti ako dahil sa sinabi ni Marinel.
“Thank you, Marinel.” I thank her. Ngumiti naman ito.
“What are friends for naman, ’di ba? Sana nga lang at magbago na rin si Neilson para naman magustuhan ko na siya ng tuluyan.”
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Neil na kausap pa rin sina Julian at Denver.
“M-May gusto ka kay Neil?” gulat kong tanong. Marinel wink at me and she nodded.
“Oo sana kasi gwapo siya at humorous eh. ’Yon ang katangian na gusto ko sa isang lalake kaso maha- ’di bale na. Oh sige, mamaya na lang ulit girl, dadaanan ko pa kasi ang kapatid ko sa kabilang building.”
“I didn’t know that, Marinel.” gulat ko pa ring sabi.
“Now, you know! Bye girl!” She just laughed at me at tumayo na ito at nagwave sa akin saka umalis sa classroom namin.
May gusto pala si Marinel kay Neil. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil talagang gwapo naman ito at matangkad pa.
Napaayos naman ako nang upo nang makita kong lalapitan na ako ni Julian. Nasa likod naman niya sina Neil na nakangiti sa akin at si Denver.
Hinawakan ni Julian ang kamay ko kaya napatayo ako. “Tara sa Cafeteria?” Sabi niya. I nodded at sumama na sa kanila.
Nang nasa labas na kami ng classroom ay nakasalubong namin sina Uste at Russel na magkasama.
Halata ang pagkagulat nila nang makita nilang magkahawak kami ng kamay ni Julian.
“Bakit kasama mo ’yan, Alanis? At bakit kayo magkahawak ng kamay?” Nagtatakang tanong ni Uste at lumapit na sila sa pwesto namin.
“Tell him the reason, babe.” sabi ni Julian na kay Uste naman nakatingin.
Mas naguluhan pa lalo si Uste sa narinig niya mula kay Julian. “Ano bang nangyayari?” Tanong niya sa akin.
Huminga ako ng malalim at napatingin kay Russel na walang ekspresyon ang mukha.
Napaiwas akong bigla ng tingin sa kanya. “K-kami na ni Julian. Boyfriend ko na siya.” I said.
Mukhang hindi naman makapaniwala si Uste sa sinabi ko. “You’re kidding, right?” Umiiling niyang sabi.
Nakita ko bigla ang pagdilim ng mukha ni Russel dahil sa sinabi ko. Nakaramdam naman ako ng takot dahil do’n.
“Hindi ako nagbibiro, Uste. K-kami na nga ni Julian.” nautal ko pang sabi dahil sa nerbyos ko kay Russel.
Tinapik ni Julian ang braso ni Uste at nginisian naman si Russel. “Me and your cousin are now in a relationship. Accept that, Tomas.” Julian smirked.
Sinamaan naman ni Uste ng tingin si Julian at tinanggal ang kamay nito sa braso niya.
“Kung anuman ang ginawa mo sa pinsan ko para maging kayo, malalaman ko rin. I know you Julian, gagawin mo ang lahat makuha mo lang ang gusto mo.” madiing sabi ni Uste.
Julian laughed at hinapit ako sa baywang ko.
“Babe, you like me, right?” Tanong niya sa akin.
Hindi. Kahit pa mamatay ako ay hinding-hindi kita magugustuhan! Pero taliwas sa isip ko ang naging sagot ko.
“O-oo. Gusto ko si Julian, Uste.” Pagsisinungaling ko.
Mas lalo akong natakot sa naging ekspresyon ng mukha ni Russel. Nagdidilim na ito at parang gusto na niya kaming patayin ni Julian dahil sa mga titig niya sa amin. Ang maamo niyang mukha ay napalitan ng nakakatakot na aura.
“I can’t believe this, Alanis! Magkakagusto ka na nga lang sa isang lalake, dyan pa kay Julian?!” Galit na sabi ni Uste at bigla na lang itong nagwalk out.
I’m sorry cous, kung alam mo lang ang dahilan. Masasabi ko rin sa’yo ang totoo balang araw pero hindi pa muna ngayon.
Nilapitan naman akong bigla ni Russel at sinamaan ng tingin. “You played my feelings. You will pay for this.” sabi niya at tinitigan ng masama si Julian na nakangisi sa kanya at tuluyan na siyang umalis.
Tuluyan nang bumalik ang takot ko dahil sa banta sa akin ni Russel. Ang akala niya ay pinaglaruan ko lang ang nararamdaman niya nang tumugon ako sa mga halik niya.
Ang hindi niya lang alam ay totoo iyon at gusto ko siya.
Russel, please forgive me. I’m only doing this for you.
Obsession #10
USTE’S POV
“Vien! What’s happening to you? Bakit parang wala ka sa kondisyon ngayon?” tanong ni Coach Aldrich nang mapansin niyang kanina pa palpak ang pagtira ko ng bola sa net.
Napahinto ako at napayuko. “I’m sorry, coach.”
Bumuntong-hininga ito at inabutan ako ng bottled water. Kinuha ko naman iyon.
“Sige, pagbibigyan kita ngayon dahil isa ka sa pinakamagaling na player ko pero sana kung anuman ang issue na meron ka ngayon ay hindi ito makaapekto sa mga susunod na practices mo. Maliwanag ba?”
“Opo, sorry po ulit.” sabi ko. Tumango lang ito at pinagpahinga na ako.
Umupo ako sa isang bench at galit na sinipa ang batong tinatapakan ko sa field. Hindi ako makapaniwalang gusto ni Alanis si Julian. Ang alam ko ay ayaw niya sa lalakeng iyon.
Hindi ko maintindihan. Hindi ko makitang gusto nga niya si Julian.
Parang may mali.
“Tomas my love, nandito ka pala. I’m glad to see you again,”
Napaangat ako ng tingin nang makita si Chloe sa harapan ko.
Ang kulit talaga ng babaeng ’to! Ayaw akong lubayan kahit may girlfriend na ako.
Hindi ko siya pinansin at ininom na lang ang bottled water na ibinigay ni Coach Aldrich sa akin.
Umupo naman siya sa tabi ko at biglang pinunasan ang pawis sa noo ko. Kaagad ko namang tinabig ang kamay niya. Ngumiti lang naman siya sa akin.
Kahit ano kasing rejection ang gawin ko sa kanya ay balewala na lang iyon. Sanay na sanay na rin ako sa tatlong taon na ginagawa niya ito.
She’s beautiful and famous pero bakit pinipilit niya ang sarili niya sa akin? May iba na akong gusto at si Lara iyon.
“Bakit ba ayaw mo akong lubayan, Chloe? Alam mo namang may girlfriend na ako.” Sabi ko saka pinagmasdan ang mga co-players ko na naglalaro sa field.
“Kasi mahal kita, I don’t know why I’m so madly in love with you kahit hindi mo ako gusto. 2 years ko na ring alam na may girlfriend ka sa Masbate but who cares? Hindi pa naman kayo kasal at pwede pang magbago ang feelings mo.” sabi ni Chloe.
Umiling ako.
“Hindi mo alam ang sinasabi mo. You don’t know how I fight for Lara. Noong una ayaw sa kanya ng pamilya ko dahil average lang ang pamumuhay nila at gusto ng pamilya ko na mayaman rin ang magiging girlfriend ko pero lumaban ako, pinaglaban ko siya and the reason why I’m here in YGA ay dahil ’yon sa kanya. I really love her so much and I can’t afford to lose her.” I seriously said.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko na maluha-luha na siya dahil sa sinabi ko. Masakit man para sa kanya iyon pero kailangan ko iyon sabihin.
She fake her laugh at nagpahid ito ng luha niya. “Ang sakit pala na sa’yo na mismo manggaling ’yan.”
I suddenly hugged her na ikinagulat niya. Sa loob kasi ng tatlong taon ay ngayon lang kami nakapag-usap ng ganito na walang pagtataboy na naganap.
“You’re beautiful, rich and famous. Ang daming magkakagusto sa’yo, Chloe. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa akin. You deserve someone else.” sabi ko.
Tuluyan na siyang humagulgol kaya inalo ko siya at hinagod ang likod niya.
“Ang sakit, Tomas, why are you doing this to me? Sobrang sakit!” Hagulgol niya.
“I’m really sorry,”
Ilang minuto pa bago siya tumahan. Kumalas na siya sa yakap ko at nagpahid ito ng luha.
She smiled at me saka inayos ang nagulo niyang buhok. “I realized na tama ka. Dapat hindi ko na ipilit ang sarili ko sa’yo. Siguro tatanggapin ko na lang ang katotohanang hindi mo ako magagawang mahalin. I’m sorry sa mga pangungulit at paghahabol ko sa’yo, pati sa pagbabanta ko sa girlfriend mong si Lara sa Facebook na aagawin kita sa kanya. I’m sorry Tomas.” She apologized.
I tapped her shoulder. “It’s okay Chloe. Sorry kung nasaktan ko man ang damdamin mo..”
She shrugged. “Wala na ’yon. I hope that you will be happy with her always. I gotta go.” Tumayo na ito at inayos ang hawak niyang sling bag.
Tumayo na rin ako at nginitian siya. “Thank you for understanding me.”
Ngumiti ito at humakbang na papalayo pero nakakadalawang hakbang palang siya ay bumalik ito sa akin at may sinabi.
“Protect your cousin from my brother. Kuya is really crazy to that girl.” sabi niya at tuluyan nang naglakad papalayo.
Sabi na nga ba, may mali kay Alanis at Julian at malalaman ko rin iyon.
RUSSEL
’S POV
Simula nang dumating ang babaeng iyon sa buhay ko ay hindi ko na siya magawang maialis sa isip ko. Bawat segundo, minuto, oras at araw ay siya na lang palagi ang naiisip ko. Unang beses ko pa lang siyang nakita ay nakuha na niya ang loob at atensiyon ko.
Nung hindi ako nakapagpigil sa bugso ng damdamin ko ay hinalikan ko siya sa loob ng Gymnasium at ang akala ko ay gusto niya rin ako dahil tumugon siya sa mga halik ko. Ayon pala ay hindi. Pinaglaruan niya lang ang damdamin ko! Sinaktan at iniwan niya rin ako katulad ng ginawa sa aking pag abandona ng mga magulang ko.
Walang nagmamahal sa akin. Sarili ko na lang ang nagmamahal sa akin.
But I don’t give a damn care kung hindi niya ako gusto. Ang mahalaga lang sa akin ay ang damdamin ko at gusto ko na ako naman ang masunod at kumontrol ng buhay ng isang tao.
Pumasok siya sa buhay ko at hinding-hindi na siya makakatakas pa sa akin. Iyon ang pagkakamali niya. Siya ang dahilan kung bakit nababaliw na ako ngayon.
Ang isang Russel Madrid ay binabaliw na ng isang babae.
“Sa akin ka lang Alanis, akin lang..”
Obsession #11
ALANIS POV
Mabuti na lang at sabado ngayon kaya wala muna akong makikitang Julian o Russel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng mga nangyari sa akin. Ang paglipat namin sa Maynila, ang pagpasok ko sa YGA, na nakilala ko ang bagong kaibigan ko na si Marinel, ang paghahalikan namin ni Russel, ang pagkagalit sa akin ni Uste at ang pangba-blackmail sa akin ni Julian para lang hindi niya ikalat ang video.
Halos isang linggo pa lang ako dito sa Maynila pero ang dami nang nangyari. Namimiss ko na tuloy ang mga kaibigan ko sa probinsya hays.
“Mall tayo?” Pagyaya sa akin ni kuya Travis habang naglalaro kami ng chess sa sala.
Kaming dalawa lang ang nandito sa bahay dahil nasa trabaho si papa habang si mama naman ay may pinuntahang kakilala niya dito sa Maynila.
“Eh? Bago lang tayo dito sa Maynila, kuya at hindi pa natin alam ang mga pasyalan at puntahan dito. Paano ’yon?” Tanong ko at pumahalumbaba.
“I read a book yesterday about Manila’s destinations, ways and tours. I already memorized it so don’t need to worry.” sabi niya at kaagad nang niligpit ang pinaglalaruan naming chess.
Hindi na ako nagulat sa sinabi ni kuya Travis. Mabilis siyang makamemorize ng isang bagay and he’s too smart kaya hindi na nakakapagtakang alam na niya ang pwedeng mga mapuntahang pasyalan at daan dito sa Maynila.
“Okay. I’ll change my clothes lang.” Sabi ko at tumayo na.
“Make it faster dahil ang bagal mo pa namang kumilos,” Natatawa niyang sabi.
“Hmp. Oo na, ’wag mo na akong asarin!” Inirapan ko naman ito ng pabiro na ikinatawa na naman niya.
“Wow! Their malls are way too larger than malls in Masbate, kuya.” sabi ko kay Kuya Travis habang nililibot namin ang buong SM Mall.
“What do you expect my little sis? This is Metro Manila, a commercial city and the national town of fashion and technology.” sabi niya.
“Oh! Crap that terms, kuya. Nasa mall tayo at wala sa school.” Umirap ako ng pabiro. Natawa lang ito sa sinabi ko.
Hinila ko naman siya papuntang Timezone. Pagkapasok namin sa loob ay pinagtitinginan kami.
That stares again sa tuwing nasa mga public places kami na para bang may mga nakakahawa kaming sakit.
“Mga artista ba ’yang dalawa? Ang ganda at ang gwapo, no?” Narinig kong sabi ng isang babae na nasa mid 30’s na ang edad.
“Oo nga, Leng. Magkapatid siguro dahil magkamukha. Mukha pang mga mayayaman.” Sabi naman ng kasama nito.
“I think this is not a good idea na pumunta tayo rito.” Bulong ni Kuya Travis sa akin.
“Don’t mind them na lang, kuya. Tara at bumili muna tayo ng token!”
Pumunta naman kami kaagad sa cashier para bumili ng token. Mukhang na starstruck pa yata si ateng cashier kay kuya Travis dahil natulala siya nang makita ang kuya ko.
Natawa na lang ako habang si kuya naman ay nasungitan si ateng. Sorry but my brother hates when somebody stares at him.
Kaagad kaming dumiretso sa shoot that ball at paramihan ng masho-shoot na bola. Nagpustahan kami na ang matatalo ay manlilibre ng ice cream. Si kuya ay ayaw ng basketball hindi katulad ni papa pero masasabi ko naman na marunong siya nun. Marunong rin naman ako dahil tinuturuan ako ni papa noong nandoon pa kami sa Masbate.
“Ihanda mo na ang pera mo, lil sis dahil matatalo na kita.” Mayabang na sabi nito habang ready na kami magshoot ng bola.
“Let’s see, Travis.” Mapanghamon kong sabi hanggang sa nag-umpisa na kaming maglaro.
Sheez! Ang galing magshoot ng bola ni kuya. Kung sineseryoso niya nga lang ang basketball at favorite sport niya ito ay malamang at Varsity Player na siya sa school namin sa Masbate kaso mas active siya sa mental sports kaya walang pag-asa na maging isang basketball player siya.
105-107 na ang score namin at lamang siya ng 2pts. 6 seconds na lang ang clock time at itinira ko na ang last ball ko.
3..
2..
1..
Shoot!
Napatalon ako sa tuwa dahil natalo ko si kuya Travis. 108-107 ang score namin. Napapailing na lang ito habang kinukuha ang ticket na naipon namin sa slot machine.
“Matatalo mo pala ako, huh? Ano ka ngayon? Manlibre ka na!” Nang-aasar kong sabi.
Napangiti na lang si kuya Travis at nagkrus ito ng kamay. “Oo na, ikaw na ang panalo. Labas na tayo.”
Itinago na muna namin ang ticket na naipon namin para sa susunod raw na pagpunta namin ni kuya dito sa Timezone ay makaipon pa kami ng mas maraming tickets at maka claim ng mas magagandang prizes.
Hinila na niya ako papalabas ng Timezone habang inaasar ko pa rin siya. Kuya Travis is so kind to me, ni minsan ay hindi niya ako inaway o pinagsalitaan ng masama. Lahat ng gusto ko ay suportado niya. Nagpaparaya siya palagi sa akin that’s why I love him so much.
Nang maka-order na kami ng ice cream sa isang food stall ay naglakad na kami papunta naman ng foodcourt pero habang naglalakad kami ay hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito sa mall.
Si Russel.
Nagkasalubong kami at nagulat ito nang makita ako. Bigla namang nagbago ito mula sa nakakatakot na aura niya nang makita niyang kasama ko si kuya Travis. May bitbit siyang plastic bags na National Bookstore ang tatak. Doon siguro siya nanggaling.
Magsasalita na sana ako para kausapin siya nang nilagpasan niya lang ako na ikinasakit ng damdamin ko.
Talagang galit pa rin siya sa akin.
“Kilala mo ’yon?” Tanong ni kuya Travis sa akin.
Tumango ako. “Bestfriend siya ni Uste.”
“Oh.” Tanging sagot ni kuya.
Sobra kong nasaktan si Russel pero wala akong magawa. I need to do this for him.
Nawalan na rin ako ng gana pang magmall dahil sa insidente na nangyari kaya napagpasyahan na lang namin ni kuya na umuwi na. Pagkarating namin sa bahay ay nakita ko si Uste na nakaupo sa sala namin.
Umakyat na si Kuya Travis sa kwarto niya at hindi pinansin si Uste. May alitan kasi si kuya at Uste na hindi ko alam. Ayaw naman nilang sabihin sa akin ang dahilan nang alitan nila. Alam rin nila mama at papa na may alitan sila pero katulad ko ay wala rin silang alam sa rason ng alitan nila. I hope na magkaayos na sila kung anuman iyon.
Nilapitan ko si Uste at umupo sa tabi niya.
“Nandito ka pala. I thought you are mad at me.” sabi ko ng malungkot.
Tinignan niya ako at hinawakan ang kamay ko. “Hindi ako naniniwalang gusto mo si Julian. May ibang rason pa bukod do’n kaya naging kayo. You can trust me, Alanis, please tell me the reason why you and Julian are now together.”
I can see the sincerity of his face. Siguro ito na ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang totoo. I trust Uste.
I sighed before I speak. “Julian saw me and Russel kissing in the Gymnasium. He took a video of us kissing. Blinackmail niya ako na kapag hindi ako pumayag sa mga kondisyon niya ay ikakalat niya ang video sa buong YGA. Ayokong namang mangyari ’yon dahil masisira ang reputasyon ni Russel sa buong school kapag nakita ng mga estudyante ang video na ’yon. He is known being a Student School President at nirerespeto siya ng lahat ng estudyante ng YGA. Ayoko nang dahil sa akin ay masira siya.”
Uste look so shock dahil sa sinabi ko. “You and Russel already kissed? Pero bakit? Do you like him?”
Natahimik ako pero tumango rin di kalaunan. Hindi naman ito makapaniwala base sa ekspresyon ng mukha niya.
“You like my bestfriend.”
“Yes. I like him, Uste. I don’t know kung paano nangyari ’yon basta he makes my heartbeats faster kapag nandyan siya. The electricity runs through my veins in our skin contact and this rollercoaster feeling kapag tinititigan niya ako sa mga mata ko. This is the first time that I like a guy at sa kanya pa. Sa bestfriend mo pa.” I said.
He nodded and smiled at me. “Dalaga ka na nga, Alanis.” I pouted.
Sumandal naman siya sa sofa. “You like Russel. Did he like you too?”
“He said that he likes me, too.” Tumango ulit ito at umiling.
“That guy, hindi man lang nagkukwento sa akin na gusto ka pala niya. Kaya pala panay ang dikit niya sa akin sa tuwing kasama kita. Alam ko na ang dahilan.” Uste smirked.
“Galit siya sa akin. Ang akala niya ay pinaglaruan ko lang ang damdamin niya when I kissed him back. Kanina sa mall, nakasalubong namin siya ni kuya Travis pero hindi niya ako pinansin at nilagpasan lang. Masakit kasi hindi niya alam na para sa kanya ang ginagawa kong pagsama kay Julian.” Malungkot kong sabi.
“Then tell him the truth. Siguro naman ay may karapatan si Russel na malaman ang pampablackmail na ginagawa ni Julian sa’yo. Russel is understanding person. Nasaktan nga lang siguro siya sa ginawa mong desisyon pero maiintindihan ka niya at sigurado ako do’n. Malawak ang pang-unawa niya at ni minsan ay wala pang nakaaway o nakaalitan ’yon.”
Ganon ba talaga kabait si Russel? Na tipong wala pa siyang nakaalitan o nakaaway?
Pero bakit sa nakikita ko ngayon base sa mga ekspresyon niya ay hindi? Paranoid lang siguro ako dahil may tampo siya sa akin.
“Thank you, Uste. Sasabihin ko rin sa kanya ang totoo.”
“Don’t be afraid, too. Akong bahala kay Julian, sisiguraduhin kong hindi niya makakalat ’yung video.”
I got confuse dahil sa sinabi niya. “Paano?”
He just wink at me.
“Basta..”
Obsession #12
RUSSEL’S POV
Pagkalabas ko nang mall ay padabog kong itinapon ang mga pinamili ko sa basurahan para sana sa experimental analysist ng Science Club namin sa YGA. Napakuyom ako ng kamao ko at sobrang nagdidilim ang paningin ko sa nakita ko kanina.
Sino ’yung lalakeng kasama ni Alanis? Boyfriend niya ba iyon? Hindi ba’t sila na ni Julian?
Napasabunot ako sa buhok ko at napakuyom ng panga. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin, kinakain ako ng matinding pagseselos ko at alam ko na nakakasama na ’to.
Simula nang dumating si Alanis sa buhay ko ay natuto na akong magselos at magalit sa isang tao. Unti-unti na niya akong binabago.
“Fucking shit!” Sigaw ko at napasabunot ulit sa buhok ko.
Para naman akong baliw na tinitignan ng mga tao sa labas ng mall kaya sinamaan ko sila ng tingin.
“Anong tinitingin-tingin niyo diyan?!” Sigaw ko sa kanila.
Natakot naman sila sa inasal ko at kaagad na nagsipag-alisan.
Kaagad naman akong umuwi sa apartment ko at umupo sa sofa sabay tanggal ng suot kong t-shirt. I’m leaving alone in this small house na ibinigay sa akin ni Don Fiñero para matirhan ko.
I celebrate my birthday, christmas and new year in this small house. Sanay na akong mag-isa dahil wala namang akong kamag-anak na pumupunta rito. Iniisip nila na isa lang akong sampid sa pamilya nila.
Wala naman akong pakialam doon dahil sarili ko na lang ang binubuhay ko. Ayoko naman na umasa na lang palagi kay Don Fiñero para sa ikakabuhay ko kaya naghanap ako ng trabaho at isa akong waiter ngayon sa isang restaurant tuwing gabi. Nakakapagod man na sa umaga ay nag-aaral ako at sa gabi ay nagtatrabaho pero wala naman akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko.
Binuksan ko ang cellphone ko at tinitigan ang mga litrato ni Alanis na kinuha ko mula sa Facebook account niya. Nagbukas ako ng account ko at pinuntahan ang profile niya.
Naka in a relationship na pala sila ni Julian na mas lalo pang nagpagalit sa kaloob-looban ko. Natapon ko ang cellphone ko at nahulog ito sa sahig kasabay ng matinding paghiyaw ko.
Ano bang nangyayari sa akin? Para na akong nababaliw sa lagay kong ’to. Kalmado lang akong tao pero binabalutan na ako ngayon ng masamang poot.
“What are you doing to me, Alanis?” bulong ko at hinawi ang buhok ko.
Kaagad akong nagpunta sa kusina at kumuha ng tubig sa ref saka ito ininom.
Kalma lang Russel, makakasama sa’yo ang matinding galit at baka kung ano pang magawa mo.
Nang naisip ko na naman ang lalakeng kasama ni Alanis kanina sa mall ay naihagis ko sa sahig ang hawak kong baso kaya nabasag ito. Napaupo ako sa sahig at hinawakan ng magkabilang kamay ko ang ulo ko.
“Mapapatay ko siya, mapapatay ko!” Mahinang bigkas ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Naaalala ko na naman ang hirap at sakit na dinanas ko simula nang inabuso ako noong bata pa lang ako. Walang araw na hindi ako sinasaktan ng tiyahin ko.
Ang pag-untog ng ulo ko sa pader, ang pagpalo sa akin gamit ang kahoy, pagsabunot sa buhok ko, pagpapakain sa akin ng kaning baboy, pagluhod ko sa bilao na may munggo, pangbubugbog at kung anu-ano pang pananakit na dapat hindi dinadanas ng isang musmos na bata.
Bakit ba walang nagmamahal sa akin? Ano bang nagawa ko sa mundong ito para pahirapan ako ng ganito? Bakit ako inabandona ng mga magulang ko? Ni minsan na kahit ganon ang trato nila sa akin ay hindi ako nagalit sa kanila pero ngayon naisip ko na hindi ko na sila kailangan pang isipin. Nabuhay at tinulungan ko ang sarili kong makabangon kaya dapat ay sarili ko na lang ang intindihin ko, kapakanan at pansariling kaligayahan ko na lamang ang ipaprioridad ko. Wala na rin akong pakialam kung may masasaktan akong ibang tao.
“Simula ngayon, ibang Russel na ang makikilala nila.”
USTE’S POV
Lunes na ulit at pasukan na. Kaagad kong sinugod si Julian sa Gymnasium na nagpapractice ng basketball kasama ang mga kateammates niya.
Pagkakita ko sa pagmumukha niya ay kinuwelyuhan ko siya na ikinabigla ng mga kasama niya.
“Baliw ka ba? Bitawan mo nga ako!” Pagpupumiglas nito sa pagkakakwelyo ko sa kanya.
“Ikaw! Ang kapal naman ng mukha mo para i-blackmail ang pinsan ko! Ganyan ka ba talaga kasama? Tangina bitawan niyo ako!” sigaw ko. Dahil sa pinagtulungan akong awatin ng mga kateammates niya ay nailayo nila si Julian sa akin.
Julian fake his laugh. “I-blackmail ang pinsan mo? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo.” Nakangiti niyang sabi.
Pigil ang galit ko at baka ano pa ang magawa ko kaya huminga ako ng malalim.
“Kung anuman ang binabalak mo kay Alanis, sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay at hinding-hindi kita matatanggap bilang boyfriend niya.” Nginisian lang ako ni Julian at bumaling ito kina Neil at Denver.
“Binabantaan na ba ako ni Tomas? Matatakot na ba ako?” Nang-aasar nitong sabi na ikinatawa ng buong teammates niya.
Sinamaan ko na lang sila ng tingin at kaagad nang umalis.
I won’t accept Julian in Alanis life. Never.
ALANIS POV
Salamat naman at may basketball practice sila Julian kaya hindi ko siya makakasama ngayon sa Cafeteria. Ang kasama ko ngayon ay si Marinel. Pagkatapos naming umorder ay umupo na kami sa isang bakanteng upuan.
“So, alam na pala ni Uste ang pang bablackmail sa’yo ni Julian?” Tanong ni Marinel. Tumango ako.
Kanina kasi sa classroom ay naikwento ko na sa kanya ang pinag-usapan namin ni Uste kahapon sa bahay.
“At alam na rin niyang gusto mo si Russel?” tanong niya ulit. Tumango ulit ako.
“Ayon naman pala e, sabi-”
“Hello!”
Napahinto si Marinel at napatingin sa gawing likod ko. Napatingin rin ako sa tinitignan niya at nagulat ako nang si Russel ang bumati sa amin.
“Paupo, ah?” Sabi niya at umupo ito sa tabi ko.
Ang akala ko ba ay galit siya sa akin? Kahapon nga sa mall ay ang sama ng tingin niya sa akin pero bakit ngayon ay nilalapitan na niya ako?
Napansin naman nito ang pagkatulala ko kaya pumilantik siya sa daliri niya at nginitian ako.
Bakit ba ang gwapo niya lalo na kapag ngumingiti?
“Alam ko ang iniisip mo. Hindi na ako galit sa’yo, Alanis. Natanggap ko na rin naman na kayo na ni Julian. Bakit nga pala ako magagalit sa’yo kung hindi naman tayo? Let’s forget about that. Friends na tayo, hindi ba?” sabi ni Russel.
Medyo nalungkot ako sa sinabi niya. Hindi pala kami pero bakit nasasaktan ako?
“O-oo naman. Friends na tayo.” Ngumiti ako ng peke at napatingin kay Marinel na may concern na tingin sa akin.
Bumaling naman si Russel kay Marinel. “Sorry kung nakisali ako sa usapan niyo.”
“Okay lang, President.” Sabi naman ni Marinel at ngumiti ito.
Nakita ko na papalapit na sa amin sila Julian kasama sina Neil at Denver. Halatang kakatapos lang nilang magpractice.
Natahimik at medyo namula naman si Marinel nang makita niya si Neil na busy sa cellphone nito. Si Denver naman ang nakatingin sa kanya.
Nang makalapit na sila sa pwesto namin ay kaagad akong hinalikan sa pisngi ni Julian at kumunot ang noo nito nang makita si Russel sa tabi ko.
Umupo si Denver sa tabi ni Marinel na pasimpleng tumitingin kay Neil na busy pa rin sa paggamit ng cellphone nito. Umupo naman ito sa tabi ni Denver.
“Nandito ka pala President,” walang emosyong sabi ni Julian.
Ngumiti lang si Russel pero alam kong hindi iyon ngiting totoo kundi ngiting peke. “Yeah, I’m here. Gusto ko lang rin sabihin sa’yo na next month na ang competition niyo ng YGA Varsity Team. Be ready for that. Hmm.. kung sumali lang talaga ako sa team ninyo malamang mas malaki ang chance na manalo kayo kaso ibabalato ko na lang sa’yo ’yon dahil apo ka ni Don Finero Saavedra.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Halata naman na nainis si Julian sa sinabi ni Russel.
Sila Marinel, Neil at Denver ay mukhang nagulat rin sa sinabi ni Russel.
“Ang sinasabi mo ba ay mas magaling ka kaysa sa akin? Na kailangan ka namin sa team? Kahit wala ka do’n ay mananalo pa rin kami.” sagot ni Julian na sobrang sama ng tingin kay Russel.
“Wala akong sinasabing ganyan. Ikaw na mismo ang nagsabi na mas magaling ako kaysa sa’yo.” Natatawang sabi ni Russel at tumayo na ito.
“I’ll go ahead. Bye, Alanis and Marinel!” Ngumiti pa siya ng mapang-asar kay Julian bago ito umalis.
Is that Russel? Bakit parang nag-iba siya?
Sa nakita ko kasi ngayon ay ang Russel na mataas ang confident sa sarili. What happened to him?
“Tss. Ang yabang! Mas magaling naman ako kaysa sa kanya.” sabi ni Julian na napakuyom ng panga.
“Ayon ang unang beses na narinig ko siyang magsalita ng ganon.” Sabi ni Marinel dahilan para maagaw ang atensyon ni Neil.
“Oh, it’s you Marinel na crush ni De-” Kaagad namang tinakpan ni Denver ang bibig ni Neil at sinamaan ito ng tingin.
“Ha? Ano ’yon?” Mamula-mulang tanong ni Marinel kay Neil. Kinikilig yata na ngayon ay nakakausap na niya si Neil.
“W-wala hehe.” sabi ni Niel dahil tinitignan na siya ng masama ni Denver.
“Denver likes Marinel,” Bulong naman sa akin ni Julian dahil kanina pa kami nakatingin sa kanila.
Nagulat naman ako doon.
“Really?” gulat kong sabi. Julian nodded at inakbayan ako.
“Since first year, may gusto na si Denver kay Marinel pero ubod ng pagkatorpe ’yang si Denver kaya hindi makalapit kay Marinel.”
Paano iyon? Si Neil ang gusto ni Marinel pero si Denver ang may gusto sa kanya? Ang komplikado naman nun.
Obsession #13
MARINEL’S POV
Maaga akong pumasok para masilayan si Honeypie Neil ko. Alam ko kasi na maagang na-ischedule ang basketball practice nila ni Julian. Matagal ko na kasi siyang gusto, halos tatlong taon na nga e. Parati ko siyang nagiging kaklase pero sa loob ng ilang taon ay kahapon lang kami nagkalapit at nagkausap ng ganon kaya todo ang hiya at kilig na naramdaman ko that time.
Mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko kahit may pagkakengkoy nga daw siya. Siguro ganon talaga kapag gusto mo ang isang tao, wala ka nang pakialam sa mga flaws niya.
Nagpunta ako sa basketball gym at nakita ko nga na nagpapractice sila ng basketball. Hindi naman nila ako napapansin dahil busy sila sa paglalaro.
Napagpasyahan kong umupo sa isang bleachers malapit sa kanila saka kinuha ang cellphone ko para picturan si Neil na lumelay-up ng bola.
Ang galing talaga ng honeypie ko!
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang nakatingin sa akin si Denver kaya kaagad kong itinago ang cellphone sa bag ko.
Baka makita pa niya na pinipicturan ko ang kaibigan niya!
Sana talaga kasama ko ngayon dito si Alanis kaso masyado pang maaga kaya wala pa siya. Kawawa nga ’yung friend kong iyon dahil ginagawa siyang sunod-sunuran ni Julian na kahit si Russel ang gusto niya ay si Julian ang naging boyfriend niya. Sana talaga mabura na ang video na iyon para maging maayos na ang lahat.
Aalis na sana ako sa bleachers nang makita kong papalapit na sa pwesto ko sina Neil at Denver habang sila Julian naman at ang iba pa nilang mga kateammates ay naglalaro pa rin.
Napaayos tuloy ako ng sarili ko at kumakabog ang dibdib ko nang makikita ko na naman si Neil nang malapitan.
“Nandito ka pala, Marinel.” sabi ni Neil at siniko si Denver na nakayuko at hindi makatingin ng diretso sa akin.
Bakit ayaw niya akong tignan eh kanina nga ay halos titigan na niya ako?
“Ah, Oo.” Sagot ko na sa tingin ko ay namumula na ako sa sobrang kilig dahil kay Neil. Ang guwapo talaga niya lalo na kapag sa malapitan!
“Bakit? Pinapanood mo ba kaming maglaro? O, baka pinapanood mo si De-”
Kaagad tinakpan ni Denver ang bibig ni Neil na napansin ko na ginawa rin niya kahapon para hindi na ituloy pa ang sasabihin nito.
“Ang daldal mo talaga, Neilson!” Rinig kong bulong ni Denver kay Neil. Nagpeace sign lang naman si Neil sa kanya.
“Ahm.. Neil, a-ang galing mong magbasketball.” Nahihiyang sabi ko na mukhang ikinagulat niya.
Napatingin siya kay Denver na umiwas ng tingin. Bumaling ulit ito sa akin at nginitian ako.
“Salamat, e, si Denver ba magaling rin?” tanong ni Neil.
Dahil namesmerize ako sa mga ngiti ni Neil ay tumango na lang ako habang nakatingin pa rin sa kanya.
“Uy, Denver ang galing mo rin daw!” Siko ulit ni Neil kay Denver.
Tumango na lang si Denver sa sinabi ni Neil at saka nagpaalam na itong magpapractice na ulit siya. Para ngang nawala siya sa mood sa hindi ko malamang dahilan. Naiwan tuloy kami ni Neil dito sa bleachers na ikinasaya ko pang lalo.
“Sige, Marinel. Magpapractice na ulit kami. Suportahan mo ang team namin sa competition next month, ha?” sabi nito habang nakangiti.
“Okay. G-galingan mo!” Sabi ko naman na pigil pa rin ang kilig ko.
“Oo naman. Ako pa ba? Sige na kailangan ko nang bumalik do’n. Ciao!” Kinindatan pa ako ni Neil at bumalik na sa pagpapractice nila.
Napatili naman ako ng mahina at nagtatatalon-talon. Si Neil honeypie ko ay kinindatan ako?
Napangiti ako saka napatingin sa gawi nila. Busy na si Neil sa pagpapractice ng basketball at napansin ko na nakatingin na naman sa akin si Denver.
Ano bang problema niya at palagi siyang nakatingin sa akin? Hindi ko na lang siya pinansin at umalis na sa gym.
Ito na yata ang pinakamasayang araw ko sa YGA dahil napansin ako ni Neil honeypie ko!
ALANIS POV
Lahat kami ay nasa field dahil may presentation ang buong 4th year high school students tungkol sa Philippine Culture at kailangan naming mag take down ng notes para sa subject namin tungkol sa history.
Katabi ko ngayon sa field si Marinel at wala na naman sila Julian dahil sa practice nila sa basketball. Sana nga ay palagi nalang silang may practice para hindi ko na siya makasama pa. Hindi ko na kasi masikmura ang pag-uugali at pagka clingy niya sa akin.
Pagkatapos naming manood at mag take down ng notes ay kailangan na naming bumalik sa classroom para sa next subject namin.
Habang naglalakad na kami ni Marinel pabalik sa classroom ay biglang sumulpot si Russel sa harapan namin at daglian akong hinila. Naiwan tuloy si Marinel na mukhang nagtataka sa paghila sa akin ng Student School President ng YGA.
“Teka! Saan tayo pupunta? May klase pa kami!” suway ko pero hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa paghila sa akin.
Nakarating na kami sa rooftop ng YGA at saka ako nito binitawan. Tinitigan naman niya ako ng matalim na ikinatakot ko.
“Alam ko na ang lahat, Alanis. Sinabi na sa akin ni Uste.” Nagulat ako doon.
Akala ko ba ay ako na ang magsasabi ng lahat kay Russel? Si Uste talaga!
Hindi ako makaimik at yumuko na lang. Napa ‘tsk’ naman si Russel at bigla akong isinandal sa pader. Napatingin tuloy ako sa maamo niyang mukha na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
“Hindi mo naman kailangang gawin ’yon para maprotektahan ako, Alanis. Wala na akong pakialam sa kahihiyan basta ikaw ang makukuha ko.” sabi nito na titig na titig sa mga mata ko.
Ilang sandali pa ay mas lalo niya pang inilapit ang mukha niya sa akin at hinalikan ako. Napapikit ako at tumugon na rin sa mga halik niya. Naalala ko ang first kiss namin. Ganitong-ganito rin iyon. May unti-unting paru-paro ang nagwawala sa loob ko at kuryente naman na dumadaloy sa buong katawan ko.
Bumaba na ang mga halik niya sa leeg ko at naramdaman ko na iniangat na niya ang suot kong skirt at hinaplos ang hita ko.
“Uhm..” Ungol ko hanggang sa maramdaman ko na papunta na ang kamay niya sa gitna ko.
Bigla akong natauhan saka siya itinulak. Baka kung hindi ko pa ito mapigilan ay magawa na namin iyon!
Walang nagsasalita sa amin ni Russel. Hindi ako makapaniwala sa nangyari.
“Makipagbreak ka na kay Julian, ako nang bahala sa kanya.” Seryosong sabi niya at bigla akong niyakap.
Napaluha ako at niyakap rin siya pabalik. “Pero ikakalat niya ang video natin. Ayokong mapahamak ka.” Kumalas naman si Russel sa yakap ko at pinunasan ang mga luha ko.
“I won’t allow him to do that. Trust me.”
Napanatag ang loob ko at napatitig sa kanya.
“I like you too, Russel.”
Nabigla ito at halos hindi makagalaw dahil sa sinabi ko.
“T-tama ba ang narinig ko? G-gusto mo ako?” Tanong niya na mukha pa ring hindi makapaniwala sa sinabi ko.
I just nodded at nagulat na lang ako nang binuhat niya ako.
“Gusto ako ni Alanis! Gusto niya ako!” Sigaw niya pa. Natawa na lang ako. Nakakatuwa at masaya siyang tignan.
Binaba niya na ako mula sa pagkakabuhat niya at nabigla ako nang makitang naluluha na siya.
“Russel, are you okay?” Buong pag-aalala kong tanong. Tumango naman siya at hinawakan ang kamay ko.
“Ang akala ko wala nang taong magmamahal sa akin. Akala ko mawawala ka rin sa akin. This is the first time that I chase a girl and it’s you, Alanis. Simula nang dumating ka sa buhay ko, ang dami nang nagbago sa akin but I’m glad that you came into my life. I’m so happy.”
Natouch naman ako dahil sa sinabi niya at napaluha na naman. “Ako rin Russel, ito ang unang beses na magkagusto ako sa isang lalake at sa’yo pa na bestfriend ng pinsan ko. I’m so happy na nakilala rin kita.” sabi ko.
He smiled at me saka ako nito muling niyakap.
“Sisiguraduhin ko na tayo lang, walang ibang makikialam sa atin. Akin ka lang, Alanis.”
Napangiti na lang ako.
Obsession #14
JULIAN’S POV
Hindi ko alam na madali palang mauto si Alanis at napapasunod ko siya sa mga gusto ko. Napakainosente niyang babae at pabor na pabor iyon sa akin. Ayaw niya talagang ipakalat ko ang video nila ni Russel. Talagang pinoprotektahan niya ang ampon ni lolo.
Si Russel na lang ang palaging nakikita nila na nakakairita na!
Kakatapos lang ng practice namin nila Neil nang dumiretso na ako sa locker ko at hindi ko inaasahan na nandoon si Russel na nakasandal sa pader malapit sa locker ko. Lumapit siya sa akin na may seryosong ekspresyon ng mukha.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko habang nakakunot ang noo.
Ngumiti siya at may ipinakitang video sa akin mula sa cellphone niya.
Video iyon ng halikan nila ni Alanis pero hindi iyon video na nagmula sa akin. Bago lang ’yon. Parang kahapon lang nangyari at rinig na rinig ko pa na sinabi ni Alanis sa video na gusto niya si Russel.
Napakuyom ako ng kamao na mas lalong nagpangisi kay Russel.
“Masakit ba, Julian? Ang tindi mo rin naman, i-bablackmail mo pa si Alanis na ikakalat mo ang video namin na naghahalikan? Edi ipakalat mo. Kayang-kaya ko naman ’yon malusutan dahil katulad mo ay malakas rin ang impluwensya ko sa school na ’to. Kawawa ka naman, desperado ka na.” Nang-aasar na sabi niya kaya hindi na ako makapagtimpi pa at sinuntok ko siya dahilan upang mapaupo siya sa sahig.
Mabuti na lang at dalawa lang kaming tao dito sa locker room at walang makakakita sa amin.
Tignan mo nga naman! Nagkukunwari pa siyang mabait sa harapan namin ni Alanis ayon pala ay lalabas rin ang tunay na kulay niya.
“Walanghiya ka! Wala kang pakialam sa mga gagawin ko kay Alanis at ’wag ka nang magkunwaring mabait, Russel dahil noon pa lang ay alam kong baliw ka na! May history ng pagiging baliw ang pamilya mo, hindi ba?” Nakangisi kong sabi.
Bigla itong nagalit sa sinabi ko at ako naman ang sinuntok. Kaagad nagdugo ang labi ko dahil sa ginawa niya.
“Hindi totoo ’yan! At wala kang karapatan kay Alanis dahil sa akin lang siya! At kapag hindi mo pa siya nilubayan ay mapapatay kita!” Nakaramdam ako ng takot dahil sa sigaw at nakakatakot na itsura ni Russel.
Ngayon ko lang nakitang magalit si Russel ng ganito dahil hindi ko pa talaga nakikita kung paano siya magalit.
“Baliw ka nga!” Sigaw ko.
Mas lalo pang dumilim ang mukha niya at sinuntok ulit ako dahilan para mapaupo na ako sa sahig.
“Hindi mo lang matanggap na mas gusto ako ni Alanis kaysa sa’yo. Sige, ipakalat mo ang video namin at ipapakalat ko rin ang lahat ng baho mo sa buong school.” Galit na galit na sigaw niya saka ako nito tinalikuran at tuluyan nang umalis.
Tuluyan na akong natakot at napahawi sa buhok ko.
He’s not really a saint.
CHLOE’S POV
“Chloe, tama na ’yan. Stop crying na, please? Huwag mo nang iyakan si Uste. There’s a lot of guys here na like ka. He doesn’t deserve your tears.” Pag-aalo sa akin ng friend kong si Tania.
Ilang araw na akong umiiyak dahil kay Uste. Masakit pa rin kasi sa akin na ni-let go ko siya pero ano pa nga bang magagawa ko kung hindi niya ako love? Kaya tanging pag-iyak na lang ang magagawa ko.
Nasa garden kami ngayon kasama ang mga friends ko na sila Tania, Farah at Katie. Kakatapos lang namin magpractice ng cheering at dito muna kami sa garden tumambay.
“Tania is right. Just move-on girl.” Sabi naman ni Farah.
Napahikbi akong lalo kaya niyakap ako ni Katie. “Ang hirap niyang makalimutan, girls! Ginawa ko na ang lahat to forget him pero wala talaga. Mas love niya talaga ang girlfriend niya.” sabi ko ng malungkot.
“Umiiyak ka na naman?”
Napaangat ako ng tingin at napairap na lang nang si Neil ang makita ko. Umupo naman siya sa tabi ko.
“Nako, Neil! Hindi pa rin siya maka move-on kay Uste. Nakakabingi na ang iyak nyan!” Sumbong ni Tania kay Neil Furukawa.
Tinignan naman ako ni Neil nang may pag-aalala. “Nandito naman ako, Chloe ko. I-date mo na kasi ako para maka move-on ka na at makalimutan mo na si Uste.” Nakangiti niyang sabi. I glared at him.
Neil said for a hundred times na gusto niya raw ako but I don’t like him. Why? Dahil maingay siya at hindi pa cool. Nakakahiya pa ang pagkamadaldal niya kahit lalake siya. Mas gusto ko si Uste na matalino na at cool pa. Well, gwapo naman si Neil pero si Uste talaga ang nasa puso ko.
“How many times that I have to told you na ayoko sa’yo? Please stop annoying me!” Iritable kong sabi.
Mukha namang hindi siya naapektuhan sa mga sinasabi ko dahil inakbayan niya lang ako.
Nakatingin lang sa amin ang tatlo kong friend na halatang kinikilig kay Neil. Alam ko naman na crush nila ang gunggong na ’to.
“Maraming beses mo na rin sinabi sa akin ’yan pero wala nang epekto, Chloe. Wala naman akong sinabing gustuhin mo rin ako pero alam ko na magugustuhan mo rin ako.” Sabi niya at kinindatan pa ako.
“Asa ka pa!”
Ang lakas talaga ng confidence niya sa sarili kahit na kailan!
“Neil! Tinatawag ka na ni coach. Start na nang practice!” Sigaw nang kateammate niya sa basketball mula sa malayo.
Humarap ito sa akin at biglang hinalikan ang pisngi ko na ikinagulat ko.
“Magpapractice na pala kami, Chloe ko. Pag-isipan mo yung date na inaalok ko sa’yo, ha? Ciao!” Sabi pa niya at umalis na.
Napatili naman ang tatlo kong kaibigan habang ako ay in shock pa rin sa nangyari. Pero sa hindi ko malamang dahilan ay napangiti niya ako ng palihim.
I think Neil is not bad for me at wala naman sigurong masama kung i-date ko siya?
GIO’S POV
“Hoy lalake! Bakit tulala ka na naman?” Puna sa akin ni Lara habang nandito kami sa Canteen.
“Tinatanong mo pa Lara, siyempre namimiss na niyan si Alanis.” Sabi naman ni Inah.
Tama ang sinabi ni Inah. Sobrang namimiss ko na si Alanis. Alam nilang may gusto ako kay Alanis pero hanggang pagkakaibigan lang ang turing niya sa akin.
Hindi nito alam na gusto ko siya at wala na rin akong balak ipaalam pa dahil baka masira lang ang friendship naming magkakaibigan nang dahil lang doon.
“Bakit pa kasi kailangan nilang lumipat sa Maynila? Pwede namang dito na lang sila!” Sabi ko at ginulo ang buhok ko sa pagkamiss kay Alanis.
“Sana pala ikaw na lang ang naging papa niya para ikaw na ang masunod kung saan sila titira hahaha!” Sabi ni Inah na ikinatawa rin ni Lara.
Napailing na lang ako.
“Ah, alam ko na!” Sabi naman ni Lara na parang nagkabumbilya ang ulo.
“Anong alam mo na?” Tanong ko.
“Bisitahin natin si Alanis sa Maynila this Saturday kung may free time kayo.”
Tila nabuhayan ako sa sinabi ni Lara at napaayos ng upo.
“Wala naman akong gagawin sa sabado kaya pwede ako.” Sabi ko.
Tumango si Lara at bumaling naman kay Inah. “Ikaw, Inah?”
“Sorry guys, hindi ako makakapunta, e. Debut kasi ng pinsan ko sa sabado at kailangan na pumunta ako do’n. Kayong dalawa na lang ang bumisita para makita niyo ang mga mahal niyo.” tukso niya sa amin. Loko talaga ’to.
“It’s settled then. Pupunta tayong dalawa, Mr. Giovanni sa Maynila para hindi ka na matulala diyan.” sabi ni Lara sa akin.
“Pabor ka rin naman dahil gusto mong makita si Uste kahit pinupuntahan ka naman niya dito linggo-linggo.” Asar ko naman.
Napapabilib nga ako sa boyfriend nitong si Lara dahil kahit long distance relationship sila ay gumagawa talaga iyon ng paraan para makapunta dito sa Masbate kada linggo. Mahal na mahal niya talaga ang kaibigan namin.
“Nahihiya na kasi akong si Uste na lang palagi ang pumupunta rito. Gusto ko naman na i-surprise siya saka gusto kong makita ulit ang Maynila. Ang tagal na kasi simula nang makapunta ako doon.”
Hindi pa ako nakakatuntong ng Maynila at sabi nga nila ay maganda raw doon pero kahit kailan ay hindi ko ipagpapalit ang Masbate dahil dito na ako ipinanganak at lumaki.
“Kayo na ang may lovelife! Ako na ang leader ng Single Women’s Association.” Malungkot na sabi ni Inah pero alam naming nagbibiro lang siya.
“Loko! Sagutin mo na kasi si Rudolfo.” At napatawa kami ni Lara dahil sa sinabi niya.
Si Rudolfo kasi ang schoolmate namin na may gusto kay Inah at nanliligaw rin pero hindi siya gusto ni Inah dahil para raw hindi iyon naliligo.
“Yuck! Mas mabuti pang maging boyfriend ko na lang si Bentong kaysa sagutin ko siya. Kadiri kayo!” Nandidiri nitong sabi.
Napatawa na lang ako.
Alanis, makikita na rin kita ulit at aamin na ako ng nararamdaman ko para sa’yo. Hindi ko na kasi kaya pang itago ang nararamdaman ko sa’yo.
Obsession #15
THIRD PERSON’S POV
Tila may parang hinihintay na dumating si Russel kaya siya nasa likod ng eskuwelahan nila. Nakasandal ito sa pader habang naninigarilyo. Sinigurado niyang walang ibang makakakita sa kanya dahil kapag nakita ng iba ang paninigarilyo niya ay baka magbago ang tingin sa kanya ng mga estudyante ng YG Academy.
Kilala siya bilang magandang ehemplo ng paaralan kaya dapat lang na malinis at disente ang tingin sa kanya.
Nang makita niyang papalapit na sa kanya ang taong hinihintay niya ay itinapon nito ang hawak niyang stick ng sigarilyo at tinapakan ito.
“Good job. Ito na ang bayad. Ang linaw ng pagkakakuha mo.” Sabi nito sa taong hinihintay niya saka iniabot ang pera ng palihim.
“Salamat President, kung may kailangan ka ulit ay tawagan mo lang ako.” sabi ng kausap niya.
“Sige, umalis ka na baka may iba pang makakita sa atin.” Sabi naman ni Russel habang lumilinga-linga ito sa paligid.
Tumango naman ang kausap niya saka na ito umalis.
Ang video na tinutukoy ni Russel na kinuhanan ng taong kausap niya ay iyong video ng paghahalikan nila ni Alanis sa rooftop ng YGA na ipinakita niya kay Julian sa locker room.
Plinano niya ang lahat ng iyon. Ang paghalik niya kay Alanis at ang paghawak niya sa maselang bahaging parte ng katawan ng dalaga. Gusto niya na maging maganda ang kalalabasan ng video para tuluyang masaktan si Julian sa makikita niya.
Umayon pa sa kanya ang tadhana dahil umamin si Alanis na gusto siya nito. Gusto niyang lubos na masaktan si Julian para lubayan na ang babaeng kinababaliwan niya. Ayaw niyang may ibang kahati sa atensyon ni Alanis.
Gusto niya ay siya at siya lang.
Dumiretso naman kaagad si Russel sa Editorial Room para tapusin ang naudlot niyang paperworks para sa YG Academy. In his whole life, he’s spending his time for education and work. Ni minsan ay hindi siya naging masaya sa buhay niya.
Ang gusto lang naman niya ay ipagmalaki siya ng mga magulang niya pero ano bang magagawa niya? Hindi siya mahal ng mga ito kaya nga inabandona siya sa tiyahin niya. Natuto siyang maging matatag para sa sarili niya dahil sarili na lang nito ang kakampi niya.
“Russel, ito na ang iba pang reviews para sa article na kailangan.” sabi ng Vice President ng Student Council na kasama nito na si Mark.
Kinuha naman ni Russel ang envelope at tinignan ang papel na nasa loob na naglalaman ng mga impormasyon na reviews.
“Hindi pa ’to pwede. Masyado nang common ang ginawa niyo. ’Di bale, ako na lang ang gagawa.” sabi ng binata.
Medyo nagulat si Mark sa sinabi ni Russel. Para kasi siyang nayabangan at nainsulto dito. Sa unang pagkakataon ay naramdaman niya iyon kay Russel. Kilala niya kasi itong nakaka appreciate ng mga gawa nila.
Hindi na lamang siya umimik at nagpaalam nang umalis. Nakaabang naman sa labas ng Editorial Room ang isa ring Student Council member na si Aimee na katulong ni Mark sa paggawa ng reviews nila.
“Ano? Nagustuhan ba ni Russel ang ginawa natin?” Ani Aimee.
“Masyado na raw common ang reviews natin. Siya na lang raw ang gagawa.” sabi ni Mark na napa cross-arms na lang.
“Talagang sinabi niya ’yan? Pinaghirapan natin ’yon tapos masyado raw common at siya na lang ang gagawa? Ang yabang na niya, ha? Porke matalino siya ay mamaliitin niya na ang ginawa natin?” Sabi naman ni Aimee sa naiinis na tono.
“Ewan ko lang, para na talagang nagbabago si Russel.” ani Mark.
Napatawa si Aimee at umiling. “Lumalaki na ang ulo niya kamo dahil Student School President siya dito at posibleng maging Valedictorian pa. Iba na talaga ang nagagawa ng kayabangan at pride.”
Sana nga dahil pati pagkilos at ang tono ng pananalita ni Russel ay nag-iba na. Sabi naman ni Mark sa isip niya.
ALANIS
POV
Kakatapos ko lang kausapin si Lara at sinabi nito na dadalawin niya kami ni Uste kasama si Gio sa darating na sabado. Sayang nga at hindi raw makakasama si Inah dahil aattend ito sa debut ng pinsan niya.
Namimiss na daw nila ako. Alam ko naman na dahilan rin si Uste sa pagluwas nila Lara dito sa Maynila. Sisiguraduhin ko naman na gagawin kong memorable ang pagpunta nila dito dahil talagang namimiss ko na sila.
“Kuya!” Tawag ko kay kuya Travis na may hawak na libro at ballpen at naka eyeglasses pa ito. Papasok na ito sa kwarto niya. Nagrereview siguro.
Lumapit naman siya sa akin at umupo sa sofa na inuupuan ko.
“Bakit, Princess?”
“Pupunta sina Lara at Gio dito sa sabado.” Nakangiti kong sabi.
Natigilan naman ito sa sinabi ko. “Ganon ba? Mabuti naman.” Sagot niya saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng libro niya.
“Kuya,”
“Ano ’yon?” tanong niya na hindi pa rin inaalis ang mata niya sa binabasa niyang libro.
“May gusto ka ba kay Lara?”
Natigilan na naman ito at halatang nagulat dahil sa sinabi ko. Hindi naman siya nagsalita.
Hinawakan ko si kuya Travis sa balikat niya. “Kaya ba may alitan kayo ni Uste ay dahil ’yon kay Lara?”
“Ang galing mo talagang kumilatis, Alanis. Kapatid nga talaga kita.” Umiling na sabi nito.
Matagal ko nang napapansin kay kuya Travis na gusto niya sa Lara. Nahuhuli ko kasi siya minsan na nakatitig dito.
“Kuya, paano kayo nagkaalitan ni Uste? Pwede ko bang malaman? Mapagkakatiwalaan mo naman ako, e.” Pangungulit ko sa kanya.
“Basta malalaman mo rin,” Tanging sagot lang niya at tumayo na para magpunta sa kwarto niya.
“Kuya naman!”
“Goodnight, Princess.” sabi nito at pumasok na sa loob ng kwarto niya.
Bakit ba ayaw sabihin ni kuya Travis ang dahilan? Kahit si Uste ay ayaw rin sabihin iyon sa akin. Kailan ko naman kaya malalaman ang dahilan ng alitan nila?
Nawala ako sa pag-iisip nang tumunog ang phone ko. May tumatawag na unknown number kaya sinagot ko ito.
“Hello?”
(Hi!)
Boses pa lang niya ay alam ko na kaagad kung sino siya.
Hiyang-hiya pa rin ako sa nangyari sa amin sa rooftop. Muntik nang may mangyari sa amin kung hindi ko pa siya napigilan at napaamin tuloy ako ng feelings ko sa kanya nang di oras.
“Russel?” Rinig ko naman ang pagtawa niya ng mahina sa kabilang linya.
(You already recognized my voice that fast. I like it.) sabi niya.
“Ahm.. Oo.” Sagot ko na lang dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko.
Marerecognize ko talaga ang boses niya dahil siya lang naman ang lalakeng palagi kong iniisip.
Saan kaya niya nakuha ang number ko? Wala naman akong matandaang ibinigay ko ang number ko sa kanya pero siguro ay nakuha niya ito kay Uste kaya hindi ko na lang itatanong.
(Alanis, are you free this Saturday?)
Saturday? Luluwas nang Maynila ngayong sabado sina Lara at Gio.
“Kasi, darating sa bahay ’yung mga kaibigan ko sa Masbate. Kailangan ko silang asikasuhin.” sagot ko.
(I’ll go to your house in Saturday. Pwede ba?)
Teka? Pupuntahan niya ako dito sa sabado? Mamemeet niya sila kuya Travis at mama pati na rin ang mga kaibigan ko ’pag nagkataon at nahihiya ako!
“A-anong gagawin mo dito?” Nahihiya kong tanong.
(Sasabihin ko sa kanila na girlfriend na kita. Siguro naman may karapatan na ako sa’yo dahil ilang beses na tayong naghalikan. Gusto mo ako at gusto rin kita kaya tayo na)
Nabigla naman ako sa mga sinabi nito. “Russel, para naman yatang masyadong mabilis na tayo na.”
Narinig ko na napamura ito sa kabilang linya. “Bakit Alanis, kinakahiya mo ba ako sa pamilya mo? Dahil wala na akong mga magulang at ulila na ako?” Tumaas na ang tono ng boses nito na ikinatakot ko.
“H-hindi naman sa ganon pero kasi Russel, ilang linggo pa lang tayong magkakilala tapos tayo na kaagad? Mabibigla sila.” Natahimik ito sa kabilang linya na ikinabahala ko.
“Russel naman..”
(Do you like me?) Tanong nito at medyo bumaba na ang tono ng boses.
“I-I like you of course.”
(If yes then you will allow me to go to your house)
Napabuntong-hininga na lang ako. Bahala na!
“Fine. Ipapakilala na kita sa kanila.” pagsuko ko.
Tila nabuhayan naman ito dahil sa sinabi ko.
(Thank you, baby)
Napangiti ako. He called me baby pero nangangamba pa rin ako sa magiging reaksyon nila kuya Travis kapag nalaman nila na may boyfriend na ako pero wala naman sigurong masama do’n.
Gusto ko naman si Russel at gusto niya rin ako.
(Alanis, pinasaya mo ako ngayong gabi at pangako ko na hinding-hindi na kita pakakawalan. Akin ka lang ha?)
Hindi ako nakapagreact sa sinabi niya kundi nakaramdam ako ng takot dahil doon. Para kasing inaako na niya ako na sa kanya lang talaga.
(I love you, baby. See you tomorrow!)
Then he ended the call.
Tama ba talaga na naging kami kaagad?
Obsession #16
ALANIS POV
Sabado na at naghahanda kami ng mga pagkain ni mama para kina Lara at Gio. Si Uste na lang ang sumundo sa kanila sa airport at hindi na ako sumama para matulungan ko si mama sa paghahanda.
Ito na rin ang time na ipapakilala ko si Russel sa pamilya at mga kaibigan ko. Sobra talaga akong kinakabahan sa mangyayari mamaya.
Paano kung ayaw nila kay Russel? Pero dapat ay maging positive lang ako.
Nang makarinig ako ng doorbell ay patakbo akong lumabas ng bahay at nagpunta sa may gate. Binuksan ko ang gate namin at bumungad sa akin sila Uste, Lara at Gio. Kaagad ko namang niyakap si Lara.
“Nakakamiss ka, Lara!” Sabi ko na parang maiiyak na.
“Dalawang linggo palang ang nakakalipas pero namimiss ko na rin ang pagmumukha mo!” Matawa-tawa namang sabi nito.
Kumalas ako sa yakapan namin and I pouted.
“Hindi mo ba ako namiss?”
Napatingin naman ako sa nagsalita at si Gio iyon. Niyakap ko rin siya and he hugged me back.
“Mas lalo ka yatang gumagwapo, Gio? May pinopormahan ka na siguro, no?” Puna ko sa kanya.
Gwapo si Gio, maraming nagkakagusto sa kanya doon sa eskwelahan namin sa Masbate pero nagtataka lang ako dahil ayaw niya pang magkagirlfriend. Siguro ay mas priority niya ang pag-aaral muna.
“Wala naman. Gwapo lang kasi talaga ako Alanis.” Pagyayabang pa niya.
Natawa na lang ako. “Oo na gwapo ka na. Tara at pumasok na tayo sa loob.” anyaya ko at pinapasok na sila sa loob ng bahay namin.
Nakaakbay pa si Uste kay Lara habang papasok kami sa loob. Sus! Para namang mawawala sa kanya ang girlfriend niya kung makaakbay siya.
Nasa may sala na kami at kaagad na sinalubong sila ng yakap ni mama.
“Lara and Gio, I’m glad na napasyal kayo dito.” sabi ni mama.
“Opo, tita. Dumalaw lang po kami dahil namimiss na namin si Alanis.” sagot ni Lara.
“Habang nandito kayo ay i-enjoy niyo itong Maynila, ha?” banggit pa ni Mama.
“Opo, tita.” sagot naman nung dalawa.
Tumunog naman bigla ang cellphone ko at nakareceived ako ng isang text mula kay Russel.
Russel:
Baby, nasa labas na ako ng bahay niyo.
Kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba. This is it at wala nang atrasan pa! Lumabas muli ako at nagpunta sa may gate namin at pinagbuksan si Russel ng gate.
He’s wearing a color navy blue shirt and pants. Kahit simple lang siyang manamit ay malakas pa rin ang dating niya.
Ngumiti ito sa akin at hinalikan ang pisngi ko. Napansin ko naman na may dala itong kahon na pula at may ribbon pa. May dala rin siyang pulang rosas.
“Ano ’yang dala mo?” Tanong ko.
Niyakap naman niya ako sa bewang ko. “Cake. Binake ko para sa’yo at sa mama mo.” Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
“Marunong ka rin palang magbake?” tanong ko. He nodded.
“I learned it from Culinary and Pastry Club ng YGA. Madali lang naman. Gusto mo turuan kita next time magbake?” nakangiti niyang suggestion. Nabuhayan ako sa sinabi niya.
“Talaga? Sige!” Masayang sabi ko.
“Para nga pala sa’yo.” Sabay abot nito ng pulang rosas sa akin.
“S-Salamat.” Tinanggap ko naman ito at alam ko na pulang pula na ang mukha ko dahil sa kilig.
Pumasok na kami ni Russel sa loob at hinawakan nito ang nanlalamig kong kamay. Kinakabahan and at the same time ay excited na rin ako dahil makikilala na ni mama si Russel. Wala si Kuya Travis ngayon dahil nasa meeting pa sila ng org nila sa bagong school niya pero namaya ay uuwi rin siya. Si papa naman ay nasa trabaho pa nito at bukas pa iyon makakauwi.
Nang nasa may sala na kami ay napatingin sa amin ang lahat na nakaawang ang mga bibig lalo na si Uste.
“Nandito ka pala Russel,” Sabi ni Uste at nilapitan kami.
Tumango ito at bumaling kila mama.
“Good afternoon po, Mrs. Vien.” Tumango si mama at nginitian si Russel.
“Jusko! Ang gwapo mo namang binata at matangkad pa. Kaklase ka ba ni Alanis?” Namamanghang sabi nito at tila kinikilatis si Russel.
“Opo. Boyfriend po ako ni Alanis. Ako po pala si Russel Madrid.”
Lahat sila ay nagulat sa sinabi ni Russel.
“B-boyfriend ka ng anak ko?” Mama na nanlalaki pa rin ang mga mata dahil sa gulat.
“Opo Mrs. Vien,” sagot ni Russel.
“Call me tita Alyssa na lang, Russel.” sabi ni mama at nakikita ko na tuwang-tuwa siya kay Russel.
Mabuti na lang kung ganon pero sana ay magustuhan rin siya nina papa at kuya Travis.
“Sige po, Tita Alyssa.” sabi ni Russel.
Napatingin naman sa akin si mama at kaagad na hinampas ng malakas ang braso ko.
“Aray, ma! Ano ’yon?” Sabi ko at hinihimas ang braso kong hinampas niya.
“Ikaw na bata ka! Hindi mo man lang sa amin sinabi na may boyfriend ka na.” Nagtatampong sabi nito.
“Sorry na po.” sabi ko at napakamot na lang sa ulo ko.
Napatingin ako kay Lara at tinaasan ako nito ng kilay at si Gio naman ay napaiwas ng tingin sa akin.
“Para po pala sa inyo.” Sabi ni Russel at inabot ang box na may lamang cake kay mama.
“Salamat, hijo. Sa dining area na tayo tumuloy at para matikman ninyo ang mga hinanda naming pagkain ni Alanis.”
Sinundan namin si mama hanggang narating na namin ang dining area. Naupo naman kami sa dining table.
“Ang dami niyo naman pong hinanda tita, parang may fiesta!” Bigkas ni Lara at napatingin sa mga pagkain na nakahanda sa lamesa.
“Nako hija, talagang pinaghandaan namin ni Alanis ang pagpunta niyo rito pero itong anak ko ay hindi man lang sinabi na bibisita dito ang boyfriend niya kaya hindi namin nadagdagan ang handa.” Parinig pa sa akin ni mama.
“At hindi rin po sinabi sa amin ng anak niyo na may boyfriend na pala siya.” sabi ni Lara at tinaasan na naman ako nito ng kilay.
Napayuko naman ako.
“It’s not Alanis fault. Alam ko po na biglaan na naging kami pero I really love your daughter po talaga, Tita Alyssa.” Russel said at hinawakan niya ang kamay ko.
I smiled at him. I can feel na mahal niya talaga ako. I like him pero hindi ko pa masasabi kung mahal ko na ba siya pero darating naman siguro ’yung time na magiging mahal ko na siya, di’ba?
“Its okay, Russel. Wala naman kasi sa aking problema kung may boyfriend na si Alanis pero siyempre dapat pag-aaral pa rin ang unang priorities niyo. Nagkakalinawagan ba tayo?” sabi ni Mama.
Tumango naman si Russel doon at ngumiti. “Opo, tita. Hindi ko naman po pinapabayaan ang pag-aaral ko and I think si Alanis din po. Sa katunayan nga po ay Student School President ako ng eskwelahan namin at running for Valedictorian rin po ako next year.”
Napatakip naman si mama sa kanyang bibig at napatili sa sinabi ni Russel.
“Talaga? Wow! Ang talino mo naman pala. Kaya mas lalo kitang nagugustuhan para kay Alanis. Sigurado akong magiging good influence ka sa kanya.” nakangiti niyang sabi.
Tama si mama. Matalino at masipag na tao si Russel at sigurado ako na mapapabuti ako sa mga kamay niya.
“Salamat po.” Pasasalamat ni Russel.
“Oh siya, kumain na tayo at baka lumamig na ang pagkain. Kumain kayo ng marami ha?” sabi ni mama sa aming lahat.
“Opa, tita.” Tugon naman nila.
“Mukhang gusto ka talaga ni mama para sa akin.” Sabi ko kay Russel habang kumakain kami.
“Oo nga, e. Mabait naman pala ang mama mo and she’s cool too.” Sabi nito.
“Cool kahit isip-bata!” Natatawang sabi ko. Ngumiti naman siya dahil do’n.
“Nasaan nga pala ang kuya at papa mo?” Tanong ni Russel.
“Si kuya Travis ay nasa university pa nila. Mamaya ay pauwi na rin ’yon pero si papa ay bukas na makakauwi dahil busy ’yon sa trabaho niya.” sabi ko. Tumango naman ito.
Pagkatapos naming kumain ay nagpunta na kami ulit sa sala. Si mama naman ay siya nang nagligpit ng mga pinagkainan namin. Katulong niya sa pagliligpit si Uste. Nag-insists nga kami ni Russel na tumulong sa kanila pero ayaw nito at sinabi na asikasuhin ko na lang raw sina Lara at Gio.
“Pwede ka bang mag-explain sa amin, Alanis?” Tanong ni Lara na katabi lang ni Gio sa sofa.
Alam ko na nagtatampo sa akin itong si Lara dahil hindi ko sinabi sa kanila na may boyfriend na ako. Nabigla sila doon, kahit ako nga rin ay naguguluhan at hindi ko alam kung bakit ako napasok sa sitwasyon na ito.
Nakontrol ba ako ni Russel? Pero hindi rin kasi ginusto ko din ito.
“Lara, boyfriend ko na si Russel at sana ay matanggap niyo siya. Alam kong nabigla kayo sa nalaman niyo pero gusto ko talaga siya.” I said. Napatingin naman ito kay Russel na walang ekspresyon ang mukha.
“Do you really love Alanis?”
“I love her so much.” Agad na sagot Russel.
Lara suddenly look at Gio na nakayuko lang.
“Mag-uusap lang kaming dalawa ni Alanis. Dito lang kayong dalawa.” Sabi ni Lara at hinatak na ako papunta sa kwarto ko.
Ano naman kaya ang pag-uusapan namin?
THIRD PERSON’S POV
Naiwan sa sala sina Russel at Gio. Nakatingin lang ang binatang si Russel sa nakayukong si Gio.
“May gusto ka ba kay Alanis?” Tanong ni Russel na ikinalingon naman ni Gio sa kanya. Magkaharap lang rin sila ng upuan.
“Bakit mo tinatanong sa akin ’yan?” Tanong naman ni Gio at tila nayayabangan sa tono ng pananalita ni Russel.
Napangisi si Russel at pinagkrus nito ang mga kamay niya.
“Halata ka kasi. Akala mo ba hindi ko napapansin na tumititig ka kay Alanis kanina pa? Ah, hindi ba’t kaibigan ka lang niya?”
Napahinga si Gio ng mabilis at tila nainsulto ito sa mga sinasabi ni Russel.
“So what if I like Alanis? At sandali lang, parang dalawang linggo pa lang kayong magkakilala tapos naging girlfriend mo na ang kaibigan namin? Kilala namin si Alanis dahil priority niya muna ang pag-aaral niya bago siya pumasok sa isang relasyon.”
Kilalang-kilala ni Gio ang dalaga. Ilang ito sa mga lalake lalo na sa mga manliligaw nito sa Masbate. Siya lang ang lalakeng kaibigan ni Alanis na malapit sa kanya kaya nagtataka siya kung bakit may boyfriend na ito dito sa Maynila sa loob lang ng dalawang linggo e, alam naman niyang mas focus ito sa pag-aaral kaysa ang magkarelasyon. Kaya nga pati siya ay single rin dahil umaasa siyang mapansin ni Alanis.
Napaigting ng bagang si Russel sa mga sinabi ni Gio at pakiramdam niya ay aagawin na sa kanya si Alanis. Pinilit niyang kumalma kahit nanginginig na ang mga kamay niya sa sobrang galit.
“Well, pasensya ka na at hindi ka niya gusto kaya hanggang kaibigan ka lang niya at dahil girlfriend ko na ang kaibigan mo ay wala ka nang magagawa kung naging kami na. Huwag ka na ring umasa kay Alanis dahil gusto niya ako.”
Hindi makapaniwala si Gio sa mga pinagsasabi ng binata. Hindi niya akalain na ubod ng pagkamayabang at nagmamabait lang sa harapan nila ang naging boyfriend ni Alanis.
Student President nga raw siya ng school nila at running for Valedictorian pa pero bakit ganito ang inaasal nito? Parang wala itong manners kung kausapin siya.
Hindi na lamang umimik si Gio dahil baka kung ano pa ang masabi niya at masaktan si Alanis kapag nalaman ito kaya umalis na lang siya sa harapan ni Russel.
Napangisi na lang si Russel doon.
Obsession #17
LARA’S POV
Hinila ko si Alanis paakyat sa kwarto niya kahit hindi ko naman alam kung nasaan iyon.
“Nasaan ang kwarto mo?” Tanong ko habang hila-hila ko pa rin siya.
“Sa kabila lang sa left side.” Sagot naman niya.
Nang marating na namin ang kwarto niya ay kaagad ko siyang hinila papasok at isinara ang pintuan. Pinameywangan ko naman siya.
“Hoy babae! Ano ’tong sinurpresa mo sa amin? Dalawang linggo ka palang dito sa Maynila pero may boyfriend ka na?” Nakataas-kilay kong tanong.
Nagtatampo ako kay Alanis. Hindi man lang kasi niya sinabi sa aming mga kaibigan niya ang tungkol dito. Lalo na kay Gio.
Nakita ko sa mga mata niya kanina na nasaktan siya dahil may boyfriend na pala ang babaeng matagal na niyang gusto.
Napayuko si Alanis. “Sorry, Lara..” Tanging nasabi na lang niya.
Sa totoo lang ay nayayabangan ako sa Russel na iyon lalo na nang ipagyabang pa niya kay tita Alyssa na Student School President raw siya ng school nila at running for Valedictorian rin.
Bestfriend pa pala niya si Uste dito sa Maynila pero kahit na gwapo at matalino siya ay hindi ko pa rin maiwasan na magduda sa lalakeng iyon.
Paanong naging sila na kaagad ng kaibigan kong napaka conservative at ilang sa mga lalake bukod kay Gio?
Napailing nalang ako. “Tell me, do you really like him?”
“Y-Yes.” Hindi pa rin niya makatinging sabi sa akin.
I sighed. I guess wala naman akong magagawa kung gusto niya talaga ang lalakeng iyon. Hindi ko lang talaga maiwasan na magduda sa Russel na iyon dahil hindi ko pa siya lubusang kilala para sa kaibigan ko.
I hugged Alanis na ikinagulat niya. “Nagtatampo lang naman ako e, hindi mo kaagad sinabi na dito ka pala sa Maynila magkaka boyfriend pero kung saan ka masaya ay do’n na rin ako.” sabi ko. She hugged me back.
“Thank you for understanding me Lara,”
Kumalas na kami sa yakapan namin at umupo sa side ng kama niya. Mas minabuti ko na muna na huwag nang magtanong tungkol kay Russel, saka na lang siguro kapag okay na ang kutob ko sa kanya.
“Kailan kayo uuwi ni Gio? Mas maganda sana kung magstay pa kayo dito ng mas matagal.” tanong ni Alanis.
“Uuwi na rin kami mamayang gabi para makahabol pa kami sa flight pabalik sa Masbate. Nasa bahay pa nila Uste ang mga gamit namin. Nagpunta lang naman kami dito para makita ka.” Nagpout na naman siya.
“Ganon ba? Ang bilis naman! Mamimiss na naman kita niyan!” Maluha-luha nitong sabi.
“Ano ka ba, Alanis! May Skype at FB Live naman kaya magkikita pa rin tayo.”
“Pero mas maganda ’yung personal!”
Pinipigilan ko lang na huwag mapaiyak. Ang layo na nga sa akin ni Uste pati si Alanis ay napalayo na rin sa akin pero kailangan kong maging matatag para sa amin. Balang araw naman siguro ay magkakasama na ulit kami palagi.
“Basta isipin mo na lang na nasa tabi mo ako, okay? Kung may problema ka just text or call me, para namang hindi pa ako nasanay.” pagbibiro ko.
“Basta ’wag mo akong ipagpapalit bilang bestfriend mo, ha?” Alanis said.
“Oo naman. Huwag ka ngang madrama diyan!”
Napatawa na lang kami. Hindi na rin ako magtataka kung may nagkagusto kaagad kay Alanis dito sa Maynila and that is Russel. She’s so adorable at mahirap siyang tanggihan dahil na rin sa cuteness niya. Subukan lang talaga niyang saktan si Alanis kundi ako ang makakaharap niya.
Bumaba na kami mula sa kwarto niya at nagpunta na ulit sa sala. Si Russel lang ang naabutan namin doon na nakasandal pa ang dalawang braso nito sa couch at parang at home na at home pa. He looks so happy dahil nakangiti pa ito. Napansin ko naman na wala si Gio.
“Where’s Gio?” Tanong ni Alanis habang papalapit kay Russel at umupo na sa tabi nito.
Nagkibit-balikat lamang si Russel at hinapit ang baywang ng kaibigan ko. “Umalis bigla, hindi ko alam kung saan nagpunta.”
“Hanapin ko lang si Gio. I’m sure na nandito lang siya. Hindi naman aalis ’yon nang hindi ako kasama.” Sabi ko kay Alanis.
“Teka, sasama-” Bigla namang sumabat si Russel sa sasabihin pa sana ni Alanis.
“Samahan mo muna ako dito, baby. Wala akong kasama.”
Wtf? Baby daw? Sanggol ba si Alanis para tawagin niyang baby? Tsk.
Ngumiti na lang ako. “Okay lang. Diyan lang kayo.”
Hindi ko na hinintay pang magsalita si Alanis at kaagad na akong umalis sa sala bago ko pa masapak ang boyfriend niya.
Halata namang napakapeke at nagpapakitang tao lang sa harapan namin!
Hinanap ko si Gio at nakita ko nga siya sa likod ng bahay na nakaupo sa may swing.
“Nandito ka lang pala,” Sabi ko at umupo sa swing na katabi niya.
Napatingin siya sa akin pero binalik rin nito ang tingin niya sa malayo.
“Ginulat tayo ni Alanis. May boyfriend na pala siya.” Sabi ko ng malungkot.
Ngumiti lang ito. “Kung kailan ko pa aaminin na gusto ko siya saka naman may iba na palang nagmamay-ari sa kanya.”
Ramdam ko ang sakit sa tono ng boses ni Gio. Kung ako rin ang nasa kalagayan niya ay masasaktan ako.
“Hindi ko gusto ang Russel na ’yon para sa kaibigan natin.” I tell frankly.
“Pero si Alanis na mismo ang nagsabi na gusto niya ang lalakeng ’yon kaya wala na tayong magagawa.” sabi niya ng malungkot.
Tama naman siya. Si Alanis lang ang makakapagdesisyon kung sino at ano ang gusto niya.
“Ikaw Lara, talaga bang mahal mo si Uste o napipilitan ka lang dahil sa effort na ibinibigay niya sa’yo kasi mahal ka niya?”
Napatahimik ako sa sinabi ni Gio. Mahal ko nga ba si Uste? Pero oo naman, hindi ba? Kaya nga nagtagal kami ng dalawang taon dahil pinaglaban niya ako sa mga magulang niya kahit kami ng pamilya ko ay average lang ang pamumuhay at sila naman ng pamilya niya ay mayaman.
I fake my laugh. “Ano bang klaseng tanong ’yan? Magtatagal ba kami kung hindi?”
Napailing naman siya. “Oo o hindi lang pero iba ang sinagot mo. Matagal na kitang kilala Lara, mga bata pa lang tayo nila Alanis at Inah ay alam ko na kung nagsisinungaling kayo o hindi.” He look at me at hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
“When we we’re young, alam ko na kung sino ang gusto mo. Why are you hiding your feelings for him?”
“Stop it, Giovanni! M-Mahal ko si Uste.”
Napangisi siya. “You can fool everybody but you can’t fool me, Lara. Sana maging tapat ka na sa sarili at damdamin mo. Sinasaktan mo si Uste sa ginagawa mo. We all knew that he loves you so much but this time, 2 years is enough. Hindi kailangan ni Uste ang awa mo. Piliin mo ang nasa puso mo at hindi ’yang awa na nasa utak mo.” Bigla ay tumayo na si Gio at iniwan ako.
Hindi ko na napigilan pa at napaiyak na ako. Gio is a smart and good observant. He really knows me. Siguro nga tama siya, sinasaktan ko lang si Uste at tama na ang dalawang taon.
Gagawin ko na ang tama kahit alam ko na masasaktan ko siya at pati na rin si Alanis.
“I’m sorry Tomas but I still love Travis..”
NEIL’S POV
Nandito ako ngayon sa park at hinihintay si Chloe. Salamat naman at pumayag na siyang makipagdate sa akin. Matagal ko na rin kasing hinintay ang pagkakataon na ito, ang mapansin ako ni Chloe.
Talagang nagpagwapo pa ako at inubos ang pabango ng tatay kong hapon para lang maging presentable ako ngayong araw sa harapan niya.
Nakita ko siyang papalapit na sa akin at halos napanganga ako dahil sa angking kagandahan niya. She’s wearing a peach color dress and white stilletos. Kahit ano naman kasing suotin niya ay maganda pa rin siya pero sa usual na Chloe na masayahin at palaging nakangiti ay ibang Chloe ang nakikita ko ngayon. Kitang-kita ko ang lungkot at sakit sa mga mata niya.
Bakit naman kasi si Uste pa ang nagustuhan niya e, mas gwapo naman ako do’n?
“Hi, Chloe! Ang ganda mo talaga.” Sabi ko nang makalapit na siya sa akin. Nakita ko na namula ito dahil sa sinabi ko.
“S-Salamat. Saan pala tayo pupunta?” Hinawakan ko naman ang kamay niya at inaya na siyang sumakay sa kotse ko na nasa tapat lang namin.
Pinagbuksan ko siya ng pinto at sumakay na ito sa front seat. Umikot naman ako at sumakay na sa driver’s seat.
“Sa Tagaytay.” Sabi ko at pinaandar na ang kotse ko.
“Tagaytay? I want to go in that place but I’m always busy kasi kaya hindi ako makapunta doon.” Napangiti ako.
Alam ko iyon. Nagtanong na ako kay Julian tungkol sa mga hilig at gusto ng kapatid niya kapalit ng pagbabakod ko sa self-proclaimed niyang girlfriend na si Alanis para hindi na malapitan pa ito ng ibang lalake sa YGA.
“I’m glad that I grant one of your wishes.” Sabi ko at kinindatan siya.
She smiled. Sana palagi ka na lang ngumiti Chloe.
Halos ilang oras rin kami sa biyahe namin. Mabuti na lang at narating na namin ang Tagaytay. Sa may isang mataas na landfield park ko siya dinala. Nilatag ko na ang mat pati na rin ang mga dala kong pagkain na pinaluto ko pa sa chef namin sa bahay at drinks na nasa likod lang ng kotse ko. Matapos ay pinaupo ko na si Chloe sa mat.
Our view is breathtaking. Kaharap lang namin ang buong siyudad ng Tagaytay. I discovered this place dahil dito ako dinadala ni Mommy noong bata palang ako.
“Ang ganda naman dito.” Sabi ni Chloe na nakatingin sa view namin. Nililipad ng hangin ang buhok niya na mas lalo pang nagpaganda sa itsura niya.
“Pero mas maganda ka,” Banggit ko habang nakatitig sa kanya.
Napatingin ito sa akin.
“A-ah.. Salamat at dinala mo ako dito.” Pag-iiba nito ng usapan at umiwas ng tingin sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako.
“Let’s eat?” Pag-aya ko na lang.
“Okay,”
Nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Wala ni isang nagsasalita sa amin pero hindi pwedeng ganon na lang. I will tell my true feelings for her right now.
“You know that I like you since grade school, right?” pag-imik ko.
She nodded at nagpatuloy lang sa pagkain ng salad na alam kong paborito niya.
“Noon pa lang alam ko na hindi mo ako gusto dahil ang gusto mo ay ’yong mga lalakeng tahimik, matalino at cool pa and i’m the exact opposite of your ideal types. Gusto ko man na baguhin ang sarili ko para lang mapantayan ko ang mga standards na gusto mo sa isang lalake ay hindi ko ginawa, gusto ko kasi na magustuhan mo ako sa kung ano talaga ako at hindi ’yong pilit lang.” I sighed.
Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. “Chloe, hindi man ako kasing talino o cool ni Uste pero mahal na mahal kita simula noong mga bata pa lang tayo. I’ve always dream na sana mapansin mo rin ako. Please give me a chance to prove how much I love you…” Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan siya.
Napatingin siya sa akin na naluluha na.
“N-Neil..”
“Chloe, let me court you, please…” Buong pagmamakaawa kong sabi.
Bahala nang magmukha akong desperado basta lang mapatunayan ko na mahal na mahal ko siya.
Napaluha na ito at biglang binitiwan ang kamay ko. Para namang gumuho ang buong pag-asa kong binuo.
“I’m sorry but.. I can’t. Si Tomas pa rin ang mahal ko.. I’m really sorry, Neil.”
Sa hindi ko inaasahan ay may tumulo na luha sa mga mata ko at napakuyom ng kamao ko. Ang sakit!
“Ano bang meron si Uste na wala ako, Chloe? Bakit hindi mo ako magawang mahalin man lang? Sabihin mo!” Sigaw ko na mas lalo lang nagpahagulgol sa kanya.
“I-I’m sorry.” Tanging nasabi lang niya.
Napangiti na lang ako ng mapait at niligpit na ang mga walang kwentang bagay na kinalat ko lang dito sa damuhan ng parke.
“Tara na, umuwi na tayo. Baka hinahanap ka na sa inyo.” Sabi ko habang nagliligpit at hindi na siya tinignan pa.
“Neil..”
Hindi na lang ako sumagot at nang matapos na akong magligpit ay hinatid ko na siya pabalik ng Maynila.
This is my first heartbreak and yet siya lang ang unang babaeng tumanggi sa akin. Siguro nga ay hindi talaga kami para sa isa’t-isa at tatanggapin ko na lang iyon kahit masakit.
Obsession #18
RUSSEL’S
POV
Nandito pa rin ako sa bahay nila Alanis. Sinabi kasi ni tita Alyssa na hintayin ko muna ang kuya ni Alanis na si Travis para makilala na ako bilang boyfriend ng bunsong kapatid niya.
Nalaman ko na siya iyong lalakeng kasama ni Alanis that time sa mall na nagpagalit at nagpatindi ng selos ko. Tsk! Hindi ko naman alam na kapatid niya iyon.
Kanina ay parang gusto ko nang burahin sa mundo ang Gio na ’yon. Hindi ibig sabihin na kababata niya si Alanis ay magpapadehado na ako sa kanya. Ako ang boyfriend at gusto ni Alanis kaya wala na siyang karapatan na tumitig, humawak o makipag-usap sa pag-aari ako.
Napangisi naman ako nang maalala ko ang usapan namin ng half brother kong si Ruan. Sigurado akong masusurpresa si Julian sa mangyayari sa kanya.
Mali na ako ang kinalaban niya dahil mas masahol pa ako sa demonyo kaysa sa inaakala niya.
Flashback 5 hours ago >
Alas sais ng umaga na ako nakauwi galing sa shift ko sa restaurant na pinagtatrabauhan ko. Bubuksan ko na sana ang gate ng apartment ko nang may humawak sa braso ko, tinignan ko kung sino ito at siya lang naman ang batugan at walang kwenta kong half brother na si Ruan.
Anak siya ng tatay ko sa ibang babae. Nag-asawa ulit ang tatay ko ng isang lasinggera at sugarol na babae bukod naman sa nanay kong gold digger at nakapag-asawa na ngayon ng isang matandang mayaman.
Malapit lang ang tinitirhan nila dito sa apartment ko pero ni isang beses ay hindi man lang ako binisita ng ama ko kahit alam naman niya kung saan ako nakatira. Isang pagkakamali ang tingin niya sa akin at hindi naman raw niya akong itinuturing na anak at wala na akong pakialam do’n. Mas pagkakamali naman na naging ama ko siya.
Nagpupunta dito si Ruan tuwing may kailangan siya sa akin pero hindi siya pumapasok sa loob ng apartment ko dahil ayaw ng tatay niya. Binibigay ko naman ang gusto niya kung meron talaga ako para tantanan lang ako ng gago na ito.
Medyo kamukha ko si Ruan. Namana niya rin ang kakisigan ng ama namin. Kung ako ay ginagamit ang itsura ko para umunlad sa buhay siya naman ay ginagamit ang itsura niya para mambabae at manloko ng isang tao.
Magtataka pa ba ako? Mukha naman siyang pera at puro pasarap lang ang alam sa buhay. Hindi na siya nag-aaral at isang tambay lang. Walang mararating sa buhay in short. Mas matanda lang rin ako sa kanya ng ilang buwan.
“Wassup my brother!? Mas lalo ka yatang pumopogi ngayon, ha?” Nakangising sabi ni Ruan at tinapik nito ang balikat ko.
Kailangan na naman siguro niya ng pera.
Sinamaan ko siya ng tingin na mas lalo pa niyang ikinangisi. “Ano na naman bang kailangan mo sa akin? Pera? Magtrabaho ka nga para kahit papaano naman ay may silbi ka!” inis kong sabi.
Kunwari pa siyang nasaktan sa sinabi ko pero hindi kalaunan ay naglungkot-lungkutan ito na halata namang peke.
“Kasi brother.. natalo ako sa sugal kagabi tapos nagyayang mag-inuman ang mga kabarkada ko mamayang gabi kaya kailangan ko ng 5k. Baka naman meron ka diyan?” Pangungulit nito at inakbayan ako.
Napakuyom ako ng kamao at galit na tinignan siya. “Wala akong pera! Kaya umalis ka na!” Sabi ko at akmang tatalikod na nang hinawakan niya ang isang braso ko.
“Sige na bro, 5k lang. Kung may ipapagawa ka sa akin sabihin mo lang basta bigyan mo lang ako ng limang libo. Magkasing-gwapo naman tayo, di’ba?” pangungulit niya.
Mariin ko siyang tinignan at tila nag-isip. May kung anong pumasok na ideya sa utak ko at nginisian rin siya.
“Sige. Kapalit nang hinihingi mo ay may ipapagawa ako sa’yo.” Tila nabuhayan naman siya dahil sa sinabi ko.
“Okidoki! Ano bang ipapagawa mo, gwapo kong kapatid?” Nakangising tanong niya.
“Hindi ba’t may gang ka at kilala mo si Julian Saavedra?” Kumunot ang noo nito dahil sa tanong ko pero unti-unti rin lumawak ang ngiti niya.
“Julian Saavedra? ’Yung apo ng may-ari ng school niyo? Oo naman, kilalang-kilala namin siya, brother. Bakit? Ano bang gagawin namin sa kanya?”
Napangisi naman ako. “Gusto ko na bugbugin niyo siya ng sobra-sobra pero keep him alive dahil may gagawin pa ako sa kanya. Abangan niyo kahit saan man lugar na kung nasaan siya. Kapag nagawa mo ’yon ay titriplehin ko pa ang ibibigay kong pera sa’yo.” Sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata niya at tumango.
“Yun lang ba? Deal! Pero bakit pala gusto mong bugbugin namin siya e, apo ’yon ng sponsor mo?” Tanong nito at nginitian ako ng mapang-asar.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Huwag ka na nga masyadong maraming tanong basta gawin mo na lang ang ipinapagawa ko sa’yo kung gusto mong may pera ka.” Napailing naman siya at ngumisi.
“Okay okay! Kailan mo gustong gawin namin ’yon?”
I smiled devilishly. “Ngayon na.”
End of flashback <
Mas lalo pa akong napangisi nang makareceived ako ng isang MMS mula kay Ruan at sinend nito sa akin ang mga litrato ng walang malay at duguan na si Julian.
Mabuti naman at mukha pa siyang buhay sa mga pictures. I texted Ruan na magkita na lang kami mamaya sa bahay at iaabot ko sa kanya ang pera dahil sa pinagawa ko sa kanya.
May pakinabang rin pala kahit papaano ang batugan kong kapatid. Pwede ko siyang gamitin para maging miserable ang buhay ni Julian.
Hindi naman ako papayag na maagaw ni Julian sa akin si Alanis kaya gagawin ko ang lahat para mawala sa landas namin ang mga magbabalak umagaw sa babaeng mahal ko.
ALANIS
POV
5pm na at nandito pa rin sa bahay namin si Russel. Umuwi na rin sila Uste, Lara at Gio. Mabuti na nga lang at nagkaayos na kami ni Lara bago pa lumala ang lahat.
Approved rin naman si Uste sa relasyon namin ni Russel pero hindi ko lang alam kay Gio. He seems so quiet about that pero siguro naman ay tanggap niya rin kami Russel.
Ilang minuto rin ay dumating na si Kuya Travis wearing his backpack and uniform.
“Nandito ka na pala, son!” Bati ni mama. Nagbeso naman ito pagkakita kay mama at sa akin.
Napatingin siya kay Russel na katabi ko lang.
“You’re the guy in the mall last time.” sabi niya at tila’y sinusuri nito si Russel.
Russel just smiled and bowed at my brother. “It’s nice to meet you, Travis. I’m Russel, your sister’s boyfriend.”
Natahimik si kuya Travis dahil sa sinabi ni Russel and he narrowed his eyebrows.
“Pardon?” Tanong nito at nalipat ang tingin niya sa akin kaya yumuko na lang ako.
“I’m Russel, your sister’s boyfriend. Alanis boyfriend.” Ulit na sabi ni Russel at nginitian si kuya.
Kuya Travis look at us with disbelief on his face at bumaling naman ito kay mama.
“Totoo ba ang sinasabi ng lalakeng ’to? Boyfriend siya ni Alanis?” Medyo pasigaw na sabi ni kuya na ikinagulat ko.
He don’t like Russel?
Lumapit naman si mama at pilit pinapakalma si Kuya Travis. “Son, boyfriend na ni Alanis si Russel. He’s a good and smart guy. If your sister like him then let them be together.”
Tinitigan ako ni kuya ng masama na mas lalo ko pang ikinagulat. “I can’t believe that you choose the wrong guy and I’m so disappointed to you, Alanis.” Sabi nito saka umalis.
“Travis! Don’t be so rude. Mag-usap tayo!” sabi ni mama at sinundan nito si kuya.
Naiwan akong tulala habang may unti-unting luha na tumulo sa mga mata ko. Russel look at me with his concern face at hinagod ang likuran ko.
“Kuya Travis doesn’t like you. I’m sorry Russel…” I said while crying.
He tilted my chin then look at me straight to my eyes. May nakikita akong iba sa mga mata niya.
“I don’t care if your brother doesn’t like me or not, the important is us.” He said then he kissed me.
Wala na akong ibang nagawa kundi tumugon sa mga halik niya.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay kinokontrol ako ni Russel at hindi ko iyon mapigilan dahil gusto ko siya.
Obsession #19
ALANIS POV
Para akong lantang gulay nang papasok na ako sa YGA. Ayaw akong kausapin ni kuya Travis simula pa kagabi. Tinatanong ko kung bakit ayaw niya kay Russel pero hindi siya sumasagot. Nagalit nga siguro siya dahil nagboyfriend kaagad ako na dapat ay hindi pa.
My Dad, he already knew na may boyfriend na ako pero just like Mom ay okay lang daw iyon sa kanya basta pag-aaral muna ang aatupagin ko. Mabuti pa sila at tanggap si Russel pero si Kuya Travis ay hindi. Sana ay makilala niya munang maigi si Russel na mabuting tao ito. Hays!
Pagkarating namin ni Uste sa YGA ay parang nagkakagulo ang lahat ng mga estudyante. May mga tumatakbo, nagbubulong-bulungan at ang iba rin ay nakatingin sa akin na parang naaawa. What was that?
Ilang sandali pa ay nakita ko na tumatakbo papalapit sa amin si Denver. Himala at hindi niya kasama sina Neil at Julian.
Speaking of Julian! Kailangan ko siyang makausap tungkol sa aming dalawa. Ayoko nang mas lalo pang lalala ang sitwasyon namin lalo pa’t boyfriend ko na si Russel.
“A-Alanis! Alam mo na ba ang balita?” Hinihingal na sabi ni Denver habang nakatukod ang dalawang magkabilang kamay niya sa tuhod niya. Hiningal siya marahil dahil sa pagtakbo niya papalapit sa amin ni Uste.
Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita si Uste. “Ano bang balita ang kailangan malaman ni Alanis?” Tanong niya kay Denver at nagcross-arms pa ito.
Tsk. Halatang galit talaga siya sa grupo nila Julian.
Hindi pinansin ni Denver ang sinabi ni Uste bagkus ay bumaling ulit siya sa akin. “Si Julian, he’s now in the hospital. May nambugbog sa kanyang isang gang. He’s finding you, Alanis. Kailangan ka raw niyang makausap at may sasabihin siya sa’yo,” Nagulat naman ako sa sinabi ni Denver.
Si Julian ay binugbog ng isang gang?
Mukha ring nagulat si Uste sa sinabi ni Denver pero ’di kalaunan ay umiling lang ito.
“N-Nabugbog si Julian? Sige, puntahan natin siya.” sabi ko.
Kahit naman masama ang ugali sa akin ng taong iyon ay concern pa rin ako sa kanya.
Akmang papaalis na kami ni Denver papalabas ng YGA nang pigilan ako ni Uste. “Mag-iiskip ka ng klase para lang sa lalakeng ’yon? Alam mo bang masama ang mga pinaggagagawa niya sa’yo, Alanis?” Uste warned me.
Huminga ako ng malalim at hinawakan ang braso niya. “I need to talk to him, Uste. I want to clear everything between us at para na rin kay R-Russel.” I blushed when I remember Russel.
Uste suddenly smirk. “Okay.” Tumango siya at bumaling kay Denver.
“Ihatid mo si Alanis sa ospital. Mag-ingat ka sa pagda-drive.” Tumango lang naman si Denver sa kanya.
“Let’s go?” Denver asked me. I nodded at him.
Nagpunta na kaagad kami ni Denver sa parking lot pagkatapos ay pinasakay niya ako sa kotse niya. Siya sa driver’s seat at ako naman ay nasa front seat.
Naisip ko na may gusto nga pala si Denver kay Marinel base sa sinabi ni Julian. I look at Denver, he’s very handsome. Chinito siya, maputi at matangkad kaya alam ko na marami ring babaeng nagkakagusto sa kanya sa YGA.
Why Marinel doesn’t like this guy?
“You like Marinel, right?” Napahinto siya sa sinabi ko at umiwas ng tingin sa akin.
“Why did you say that?” Nakaiwas na tanong nito sa akin at pinaandar na ang kotse niya.
Grabe! Ngayon ko lang napansin na ang ganda ng kotse niya.
“Sinabi ni Julian.” Nakangiti ko namang sagot.
“Aish! whatta mouth,” Rinig kong bulong niya. Napatawa na lang ako at tinapik siya sa balikat na ikinagulat at ikinapula ng mukha niya. What was that?
“Stop being a torpe. Pormahan mo na si Marinel hangga’t maaga pa,” I said.
He shook his head. “That’s impossible. She doesn’t like me anyway.”
Magsasalita pa sana ako nang makarating na pala kami sa ospital kung saan naka confine si Julian. Pumunta kaagad kami sa loob nito at mukhang alam na ni Denver kung saan ito naka-admit. Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng pintuan nito at kaagad na pumasok.
Halos maiyak ako sa kalagayan ngayon ni Julian. Ang dami niyang mga sugat at pasa sa katawan. May benda rin siya sa braso at ulo at nakacast rin ang isang paa niya. Maraming mga nakalagay na aparato sa katawan niya pero mabuti na lamang at may malay siya. Wala siyang kasama sa loob ng kwarto at tanging mga pagkain, prutas at gamot lang ang nakita ko sa tabi niya.
Nang mapansin niya ako ay nilapitan ko siya. Nagulat na lang ako nang umiiyak ito sa harapan ko at pati si Denver ay nagulat rin sa inaasal ngayon ni Julian.
“A-Alanis.. Nandito ka,” he sadly said.
Naaawa ako sa kondisyon nito kaya hinawakan ko ang kamay niya.
“Mag-usap tayo.” Sabi ko
Tumango ito at hinawakan rin ang kamay ko. “Alanis, Please stay away from Russel. Mapanganib siya!” Parang natatakot niyang sabi at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
“Lalabas muna ako,” Biglang paalam naman ni Denver at lumabas na nga ito ng kwarto ni Julian.
I sighed. “Julian, kami na ni Russel. Wala na rin akong pakialam kung ikalat mo ’yong video namin. Haharapin ko ang lahat ng kahihiyan basta’t para lang sa kanya.”
Umiling ulit siya. “No! He’s really dangerous. Maniwala ka sa akin! Kaya ako nabugbog ay dahil pinautos niya ’yon sa kapatid niya. He’s crazy. Insecure siya sa akin dahil palagi kitang kasama at ayaw niya na mapalapit ka pa lalo sa akin. Iwasan mo na siya, Alanis. Baliw na siya!”
Tinanggal ko naman ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko at umiling ako.
“Tama na, Julian. Huwag ka nang gumawa ng dahilan para kamuhian pa kitang lalo.”
“I’m just saying the tru-”
“Tama na! Ayoko nang marinig pa ang mga excuse mo, Julian!” Kaagad na akong lumabas ng kwarto niya.
Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi na ako muling bumalik pa do’n. Gusto kong magkaayos kami sa kabila ng mga ginawa niya sa akin pero bakit hanggang ngayon ay sinisira pa rin niya ang tiwala ko? Sinisiraan niya si Russel sa akin at hindi ko iyon matanggap. Siguro nga ay hindi na kami magiging magkaibigan pa.
Bigla namang nag ring ang phone ko kaya tinignan ko kung sino ang caller. It’s Russel.
“Hello?”
(Nasaan ka? Tell me.) Sabi nito sa seryosong tono.
Kaagad akong kinabahan sa tono ng pananalita niya.
– Ngayon lang nag-update via web. Ang hirap kapag walang phone! Sorry sa late UD.
Obsession #20
ALANIS POV
(Nasaan ka? Tell me.)
Sabi nito sa seryosong tono. Kaagad akong kinabahan sa tono ng pananalita niya.
“N-nandito ako ngayon sa ospital. Pinuntahan ko si Julian. Kinausap ko lang siya.” Kinakabahan kong sabi.
I heard him chuckle on the other line. (Woah! I didn’t know that my girlfriend went to her blackmailer just to talk some monkey business?) he said sarcastically.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Ano bang sinasabi mo, Russel? Nagpunta lang ako dito dahil hinahanap ako ni Julian dahil binugbog siya ng isang gang at para linawin na rin sa kanya ang tungkol sa ating dalawa!” Sabi ko.
Hindi ko alam pero ilang araw pa lang ang relasyon namin ni Russel, pakiramdam ko ay sinasakal na niya ako sa mga ginagawa niya.
(Ano namang sinabi niya sa’yo? Na ako ang may pakana kung bakit nabugbog siya? Malamang ay nabugbog siya dahil sa may nakaalitan siyang isang miyembro ng gang at pinagtulungan siyang saktan. You know how war freak he is! Bakit Alanis, naniniwala ka ba sa kanya?!)
Sigaw pa niya sa kabilang linya na mas lalong nagpagulat at nagpakaba sa akin.
“O-of course not! Nagtataka lang ako sa sinabi niya na pinabugbog mo raw siya sa kapatid mo.” Sabi ko.
May kapatid ba si Russel? Alam ko na ulila na siya pero hindi ko alam kung may mga kapatid pa ba siya o wala.
(Oo. May kapatid nga ako sa walang kwenta kong ama pero hindi siya miyembro ng isang gang. Sa tingin mo ba ay magagawa ko ang bagay na ’yon kay Julian? Apo siya ng taong tumulong sa akin para makabangon ako sa hirap na pinagdaanan ko simula noong bata pa lang ako tapos ganon ang igaganti ko sa kabutihan ng pamilya nila? Ano, Alanis? Ganon ba iyon?)
Unti-unti na akong napaluha. I know he’s mad at me dahil sa nasabi ko. Alam ko naman na hindi niya magagawa ang bagay na ’yon dahil napakabuting tao niya pero kasi.. nagtanong lang naman ako sa kanya.
“I didn’t mean that. Sorry…”
He chuckled again. (You don’t trust me enough, Alanis. I can’t believe this!)
’’Hindi naman sa gan-“ Then he ended the call.
Napapikit na lang ako at umiling.
Alanis! You choose the wrong words to him. Nasaktan siya sa sinabi mo. Nagalit ang boyfriend mo sa’yo.
Ang tanga ko!
“What’s the problem?‘’ Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Denver lang pala.
“W-Wala. Ihatid mo na lang ako sa YGA.‘’ Sabi ko nang malungkot.
He look at me seriously. “You know what, Alanis, Julian is my friend since we we’re young. He’s spoiled brat, kulang sa atensyon at pagmamahal. His parents are always busy to their business out of the country kaya silang dalawa lang ni Chloe ang nag-aalaga sa sarili nila. I know him very much. He’s very straightforward but one thing for sure is.. he’s not a liar and a pretender. Ah, tara na pala. I’ll drive you back in YGA.‘’ Sabi niya at nauna na itong lumabas ng ospital.
Napaisip ako sa mga sinabi ni Denver. Anong ibig sabihin niya do’n? Na hindi nagsisinungaling sa akin si Julian?
Pero si Russel, siya ang gusto ko kaya dapat ay siya ang paniwalaan ko at tiwala ako na hindi niya gagawin ang bagay na ’yon kay Julian gaya nga ng sinabi niya.
** “Russel!” Sigaw ko at pilit hinahabol si Russel na naglalakad sa may corridor.
“Let’s talk.. please?‘’ Sabi ko nang maabutan ko na siya at hinawakan ang isang braso niya.
Humarap naman siya sa akin at nginisian ako. “Ano pa bang dapat natin pag-usapan? Wala kang tiwala sa akin,” Sabi nito sa mapait na tono at tumingin sa malayo.
Nagulat na lang ito nang niyakap ko siya. ’’I’m really really sorry. Simula ngayon, ikaw lang ang paniniwalaan ko. Sorry na baby ..“ Natigilan ito sa sinabi ko pero di kalaunan ay niyakap niya rin ako pabalik at hinalikan ang noo ko.
“I’m sorry din. Nagselos lang naman ako dahil pinuntahan mo ng ospital si Julian sabi ni Uste at ayoko lang na wala kang tiwala sa akin.” he apologized.
Kumalas naman ako sa yakap niya at hinalikan siya sa labi ng mabilis na ikinagulat at ikinapula ng mukha niya.
’‘Sa’yo lang ako maniniwala at hindi sa sinasabi ng iba.’’ Ngumiti siya at hinila ako papalapit sa kanya at hinalikan. We’re now kissing passionately. Pagkatapos nun ay pinagdikit niya ang noo namin.
’‘Hindi ko talaga alam ang magagawa ko kung mawawala ka sa akin, Alanis..’’
Unti-unting natutunaw ang puso ko sa sinasabi ni Russel. This guy will never hurt me on how he loves me. He’s possessive and at the same time, very sweet.
’‘Hinding-hindi ako mawawala sa’yo, Russel..’’
’‘Dapat lang dahil hindi ko hahayaan na mawala ka sa akin at sisiguraduhin ko na sa akin ka lang talaga.’’
I smiled again.
Happy 5K reads! #129 na siya sa General Fiction. Yehey!
Obsession #21
JULIAN’S POV
Tuluyan na talagang nalason ni Russel ang utak ni Alanis. Kilala ko ’yong mga taong nambugbog sa akin kahapon at alam ko na ang leader ng gang na iyon ay ang kapatid ni Russel. Alam ko na pinautos ni Russel na bugbugin ako ng kapatid niya dahil ayaw niya na tuluyan na akong mapalapit pang lalo kay Alanis.
Hindi alam ni Alanis na mapanganib at obsessed na sa kanya si Russel. Nalaman ko lang kay lolo Fiñero na may history talaga ng pagkabaliw ang pamilya nila Russel kaya hangga’t maaga pa ay ilalayo ko na si Alanis sa lalakeng iyon.
Handa akong magbago para kay Alanis dahil sa tingin ko ay.. mahal ko na siya. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero alam ko ang sinasabi at nararamdaman ng puso ko.
Simula ngayon ay poprotektahan ko na siya at gagawin ko ang lahat para lang paniwalaan niya ako. Hindi ako papayag na sa bandang huli ay masaktan ni Russel si Alanis nang dahil sa pagiging obsessed, desperado at sobrang possessive niya.
“Kuya, okay ka lang ba?” Puna sa akin ni Chloe habang nakaratay pa rin ako sa kwarto dito sa ospital na pinagdalhan sa akin.
“Okay lang ako.” Sabi ko na lang.
“K-kuya..” Banggit naman niya na parang malungkot pa. Napatingin naman ako sa kanya.
“Oh?”
“Kasi.. binasted ko na talaga si Neil.” malungkot niyang sabi at yumuko ito.
Hindi na ako nagulat sa ginawa niya. Alam ko na matagal nang may gusto si Neil sa kapatid ko pero iba ang gusto ni Chloe at iyon ay si Uste pero ano bang magagawa ko? Hindi ko naman hawak ang puso ng kapatid ko.
“Si Tomas pa rin ba?” Tanong ko. She nodded.
Napailing na lang ako. “Hanggang ngayon ay umaasa ka pa rin sa taong hindi ka naman gusto. May girlfriend na nga ’yon di’ba? Paano ka makakamove-on niyan kung hindi mo bibigyan ng pagkakataon si Neil diyan sa puso mo? I-try mo lang. Wala namang mawawala sa’yo.”
Bigla namang napaawang ang bibig ni Chloe sa mga sinabi ko at hinampas ang balikat ko na ikina-daing ko sa sakit. May sugat pa kasi ’yung hinampas niyang braso ko.
“Bakit bigla-bigla ka na lang nanghahampas diyan? Masakit, ah?” Reklamo ko habang hinihimas ang balikat kong hinampas niya.
“Ikaw ba talaga ’yan, Julian Guillermo Saavedra? Nagsalita ka talaga ng ganyan sa akin?” Gulat niyang sabi. I rolled my eyes.
“Masama ba?” Ngumiti naman siya at sinundot ang tagiliran ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Iba talaga ang nagagawa kapag in love. Talagang in love kana sa pinsan ni Uste, no?”
Namula naman ako sa sinabi niya at umiwas ng tingin. Chloe lean on me and she whisper to my ear.
“Eh paano ’yan, mukhang si President Russel ang gusto niya?” she said.
Napatahimik naman ako. Alam ko naman ’yon pero mapanganib si Russel kaya gagawa ako ng paraan para ako ang magustuhan ni Alanis.
“Then I will make Alanis fall for me..”
RUSSEL’S POV
“Ang tanga mo talaga kahit kailan! Bakit nalaman ni Julian na pinautos ko sa’yo na bugbugin siya? Sinabi ko na sa’yo na hindi mo ’yon dapat sabihin, ha?” Bulyaw ko kay Ruan habang nasa tapat kami ng maliit na apartment ko.
“Hindi ko talaga sinabi sa kanya ’yon, brother. Hindi ko alam kung paano niya nalaman.” Sabi niya at napakamot ito ng batok niya.
Napahawi na lang ako sa buhok ko. Muntik pa akong mabuko ni Alanis sa plano ko! Mabuti na lang at magaling akong umarte na hindi totoo ’yung sinabi ni Julian na pinabugbog ko siya sa kapatid ko.
“Sige, makakaalis ka na.” Nakapikit kong sabi habang nagpameywang.
Sumasakit ang ulo ko dahil sa inis!
“Hindi mo man lang ba ako pakakainin? Hindi pa ako naghahapunan brother,” Nakangisi niyang sabi.
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
“Ito na nga, aalis na hahaha. Bye, brother! Tawagan mo lang ako kung may ipapautos ka pa pero siyempre dapat may handa kang money lagi,” nakangisi niyang sabi.
“Oo na. Alis na!” Kumaway pa ito bago tuluyang umalis. Napakabobo talaga!
Pumasok na ako sa loob ng apartment ko at binuksan ang ilaw ng bahay. Umupo ako sa sofa at kinuha ang isang stick ng sigarilyo sa lamesa at sinindihan ito.
Si Julian, sigurado ako na alam niyang nagpapanggap lang akong mabait sa paningin ngayon ng ibang tao. Kilala na niya ako noon pa na may ganitong side at siya lang ang nakakapansin nun. Kahit si Uste ay hindi niya alam ang tunay kong pagkatao.
Kailangan kong doblehin ang pag-iingat ko lalo pa’t parang nakahalata na rin ang kapatid ni Alanis sa tunay kong pagkatao.
“Hindi ko sila hahayaan na ilayo si Alanis sa akin. Kapag tuluyan ko nang nakuha ang tiwala niya ay kukunin ko siya at ilalayo mula sa kanila. Kaming dalawa lang ang magsasama nang habangbuhay.” And I smiled.
NEIL’S POV
Alam kong late na akong pumasok ng YGA at nagkaklase na ngayon sa 1st subject namin kaya nagpunta na lang ako sa basketball gym at naglaro ng basketball.
Neil, don’t stress yourself thinking to that girl. Binasted ka na niya. Divert your attention sa maraming babae na may gusto sa’yo!
I was about to make a shoot nang mapansin ko na may nakatingin sa akin. Nang mapansin ko ito ay si Marinel ang nakita ko.
Ngumiti ako at lumapit sa kanya. “Hi, Marinel!” bati ko.
Pumula naman ang pisngi niya at napayuko. Wait? Is she blushing?
“H-Hi din, Neil.” Sabi niya at tumingin na sa akin.
Damn! Ngayon ko lang talaga siya nakita nang sobrang malapitan at maganda pala talaga siya gaya nga ng sabi ng iba ko ring mga kateammates sa basketball.
“Ano nga palang ginagawa mo dito? ’Di ba may klase pa kayo?” Sabi ko at binitawan na ang bolang hawak ko.
“N-nalate kasi akong pumasok, e. Nakita lang r-rin kita dito. B-Bakit? Late ka rin?” Tanong naman niya na parang nahihiya pa.
“Napuyat ako kagabi kaya tinanghali na akong nagising.”
Napuyat kamo dahil sa kakaiyak sa babaeng ’yon!
Ngumiti naman siya. “Parehas pala tayo. Destiny ba?” Napatawa naman ako doon.
“Siguro,” Sabi ko. Natigilan siya bigla sa sinabi ko at mas lalo pang pumula ang pisngi niya.
“Hey, are you okay? Bakit namumula ka?” Tanong ko at hinawakan ang pisngi niya.
“Okay l-lang ako.” Sabi naman niya at umiwas ng tingin sa akin.
Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya.
“Kumain na lang tayo sa Cafeteria. Hindi pa ako kumakain e,” Sabi ko at hinila na siya papaalis.
“O-Okay, Neil.” Narinig ko namang sabi niya at nang tinignan ko siya ay namumula pa rin ito hanggang ngayon.
She’s so cute.
THIRD PERSON’S
POV
Sa di kalayuan naman ay may isang lalakeng nakatingin lang sa kanila. Napayuko ito at umiling.
“I guess I should give up..” Sabi ni Denver nang may pumatak na luha mula sa mga mata niya.
He’s hurt. Really bad.
Obsession #22
USTE’S
POV
Linggo ngayon at napagpasyahan ko na puntahan si Lara sa Masbate. Gamit ang helicopter na iniregalo sa akin nila Mom at Dad ay ginamit ko ito para bumiyahe papuntang Masbate. Kahit malayo sa akin si Lara ay ginagawa ko ang lahat para magtagal ang relasyon namin at hindi siya magsawa sa akin.
Sa ginagawa kong ito ay alam ko na si Travis pa rin ang mahal niya. Dapat nga siguro ay pinakawalan ko na noon pa si Lara pero wala akong magawa dahil mahal na mahal ko siya kaya sapat na sa akin na alam kong mahal niya rin ako kahit pa na mas mahal niya si Travis.
Nang makarating na ako sa Masbate ay nagbus na lang ako papunta sa eskwelahan nila Lara sa Masbate National High School. May pasok sila ngayon dahil may event na ginaganap ang buong MNHS.
Pagkapasok ko sa loob ng school nila ay sakto namang nakasalubong ko sina Gio at Inah.
Mukhang nagulat pa sila nang makita ako. “Uste! Nandito ka pala!” Gulat na tanong ni Inah.
Ngumiti ako. “Siyempre, dinadalaw ko yung.. alam niyo na kung sino.” Tinapik naman ako sa balikat ni Gio.
“Si Lara ba? Nando’n siya sa classroom nila. May sinusulat na script para sa play nila ng buong klase nila.” sabi niya.
“Ganon ba? Sige, pupuntahan ko lang siya. Kayo ba, saan kayo pupunta?” Tanong ko.
“Ah, aasikasuhin lang namin ’yung mga seats at stage para mamaya sa banda.” Sagot ni Inah at inayos ang suot niyang eyeglasses. Tumango lang rin si Gio.
“Okay. Magkita na lang tayo mamaya!” Sabi ko habang nakangiti.
“Oh, puntahan mo na ang love of my life mo.” Tumawa lang ako sa sinabi ni Inah saka tinungo na ang classroom nila Lara.
Pagkarating ko doon ay pumasok kaagad ako sa loob nito. Napatili pa nga ’yung mga kaklase niyang babae pagkakita sa akin habang siya naman ay nakaupo lang sa isang upuan at busy sa pagsusulat.
“Ang gwapo talaga ng boyfriend ni Lara! Nakakainggit!” Sabi ng isa sa mga kaklase niya.
“Ang swerte talaga ni Merced!”
Hindi ko na pinansin pa ang sinasabi nila at nilapitan na lang si Lara.
“Hon..” Napaangat ito ng tingin sa akin at nagulat pa siya nang makita ako.
“Uste?” Tumayo siya at itinigil ang ginagawa niya.
“Ako nga. Did you missed me?”
Ngumiti ito pero parang hindi iyon isang tunay na ngiti niya.
“O-oo naman,” Sabi niya.
Kahit nagtataka ako sa inaasal niya ay hinila ko siya ulit papaupo at tumabi naman ako sa upuan na katabi lang niya.
“Mukhang busyng-busy ang girlfriend ko, ah?” Ngumiti siya saka itinuloy ang pagsusulat niya.
“Ang dami kong kailangang tapusin dito.”
Inakbayan ko naman siya at hinalikan sa pisngi na ikinagulat pa niya.
“Kaya mahal na mahal kita e, kasi masipag ka, mabait, maganda at higit sa lahat ay mahal na mahal ko.”
“M-Mahal rin kita Uste,”
Pero mas mahal mo siya.
“Huwag kang makikipagbreak sa akin, ha? Dahil kapag ginawa mo ’yon ay magpapakamatay ako,” Pagbibiro ko pa but I mean it. I don’t want to lose Lara.
Para naman siyang natigilan sa sinabi ko.
“H-hindi naman ako makikipaghiwalay sa’yo.” Sabi nito at bumuntong-hininga.
“Good.” Sabi ko at nginitian siya.
Don’t you dare to broke-up with me, Lara dahil marami na akong isinakripisyo para sa’yo. Kapag ginawa mo iyon at narealized mo na si Travis ang gusto mong makasama na lang ay guguluhin ko ang buhay ninyo.
Sa akin ka lang, Lara. Just like what Russel said to me na kung nasa’yo na ang isang taong mahal na mahal mo ay huwag mo na siyang pakakawalan pa at huwag magpapadehado sa kalaban.
ALANIS POV
Dalawang linggo na simula nang nabugbog si Julian at nag-away naman kami ni Russel. Day by day ay napapansin ko na ang sobrang pagka possessive ni Russel. Bawat kilos ko at galaw ko ay dapat na ipaalam ko pa sa kanya. Hindi naman ako makatanggi dahil ayoko na mag-away pa ulit kami.
Si Julian naman ay nakalabas na ng ospital. Medyo magaling na rin ang sugat at mga pasa niya sa katawan. Hindi niya ikinalat ang video namin ni Russel pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagpapaalala sa akin na mag-iingat daw ako kay Russel.
Talagang ayaw niya akong tigilan! Hindi pa ba sapat na siraan niya si Russel? Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ito sa ginagawa niya.
Nasa Cafeteria ako ngayon kasama sina Russel at Marinel. Si Marinel ay napapansin kong panay ang text sa cellphone nito at ngumingiti pa ng mag-isa. Sino naman kaya ang katext nito at kung makangiti siya ay wagas?
“Hoy, Marinel! Sino ba ’yang katext mo at parang kinikilig ka pa at ngumingiti nang mag-isa? Ilang araw ka nang ganyan, ah?” Hindi ko mapigilang tanong sa kanya.
She just smiled. “Si Neil..”
Nagulat ako sa sinabi niya. “Si Neil? Close na kayo? Kailan pa?”
Paano na si Denver kung nagkakamabutihan na sina Marinel at Neil?
“Last 2 weeks pa. Basta ikukwento ko sa’yo mamaya o bukas. May pupuntahan pa pala ako. Maiwan ko na kayo ni Russel, ha? Babush!” Sabi nito at tumayo na at nagmadaling umalis.
Bakit ba nagmamadali siyang umalis? Hays.
“Baby, kumain ka lang.” Sabi ni Russel at nilagyan ng spaghetti ang plato ko.
Maasikaso talaga siya sa akin at mukhang alam na yata ng buong YGA na kami na dahil sa way ng pagtrato niya sa akin dito pero wala na akong pakialam pa kung malaman pa nila. Gusto ko naman si Russel.
“Thanks, baby.” Ngumiti ito pero biglang napawi ang ngiti niya at tumingin sa likuran ko. Humarap ako sa tinitignan niya at si Julian ang nakita ko.
Messy ang buhok nito at medyo magulo ang uniform na suot niya pero kahit na ganon ay hindi pa rin iyon nakabawas sa gwapong itsura niya.
“Julian?” banggit ko.
Lumapit ito sa akin at hinila ako papatayo.
“Alanis, Makinig ka sa akin. Kanina, narinig kong nag-uusap si Russel at ang kapatid niya sa cellphone nito doon sa field . Sinabi niya na kukunin ka raw niya sa pamilya mo at ilalayo ka. Lumayo ka kay Russel! Baliw na siya sa’yo!” Napatingin naman ang mga estudyante sa amin na nandito lang rin sa Cafeteria at nagbubulungan na tungkol sa sinabi ni Julian na narinig nila.
“Anong sinasabi ni Julian?”
“Ewan ko, baliw na yata. ’Di ba may gusto siya kay Alanis? Baka sinisiraan niya lang si President.”
Iyan ang mga naririnig kong bulong-bulungan sa paligid. Hindi na yata bulong dahil naririnig ko na ang pinag-uusapan nila.
Tumayo rin si Russel saka ako hinila papalayo kay Julian. “Talagang desperado ka na dahil hindi mo matanggap na kami na ni Alanis. Itigil mo na ’yang kahibangan mo, Julian.” Seryosong sabi niya.
Umiling si Julian at dinuro nito si Russel. “Hindi ako nahihibang, Russel dahil ikaw ang nahihibang sa ating dalawa! Kung anuman ang balak mo kay Alanis ay itigil mo na ’yan dahil poprotektahan ko siya mula sa’yong baliw ka!” Sigaw nito at kaagad lumapit kay Russel saka ito sinuntok.
“Russel!” Napaupo ito sa sahig at nagdugo kaagad ang labi dahil sa suntok ni Julian.
Lumapit naman ako kay Russel at inalalayan siyang tumayo. “Ayos ka lang ba?” Naluluha kong tanong. Tumango lang ito at pinahid ang dugo sa labi niya gamit ang palad niya.
Mukhang nagulat ang lahat sa ginawa ni Julian kaya sinamaan ko ito ng tingin.
“Tumigil ka na sa paninira mo kay Russel! Tama na!” Galit kong sabi na ikinagulat ni Julian.
“P-pero, Alanis-”
Kaagad akong tumayo at lumapit sa kanya saka siya sinampal. Narinig ko pa ang pag ‘ow’ ng mga estudyante dahil sa ginawa ko kay Julian.
“Hinding-hindi na ako maniniwala sa mga sinasabi mo. Minsan mo na akong minanipula kaya hindi ko na hahayaan pa na gawin mo ulit ’yon sa akin!” Biglang nangilid ang mga luha niya pero hindi ko iyon pinansin dahil mas nangingibabaw ’yung galit ko sa kanya.
“Sorry, Alanis…” Malungkot niyang pagkakasabi.
Umiling ako at lumapit ulit kay Russel saka siya inalalayang tumayo.
“Dadalhin kita sa clinic.” Tumango lang si Russel sa sinabi ko.
THIRD PERSON’S POV
Umalis
na ang magkasintahan sa Cafeteria pero bago pa man iyon ay nadaanan nila Alanis at Russel si Julian. Nginisian naman ni Russel si Julian ng palihim.
“Buti nga sa’yo.” Ani Russel mocking Julian na nakatingin lang sa kanila.
Obsession #23
RUSSEL’S POV
Ang akala yata ni Julian ay paniniwalaan pa siya ni Alanis sa mga sinusumbong niyang mga plano ko para makuha si Alanis at tungkol sa tunay kong pagkatao.
May pasumbong sumbong pa siyang nalalaman kahapon sa Cafeteria pero sa huli ay siya rin ang napahiya at nasaktan. Hindi na siya paniniwalaan pa ni Alanis dahil tuluyan ko nang namanipula ang utak ng babaeng iyon at pabor iyon sa akin para madali ko lang siyang paikutin at makuha.
Nandito ako ngayon sa meeting ng buong Student Council members para sa gaganaping Annual Event ng YG Academy. Bilang ako ang Student Council School President ay maraming mga nakatalagang tasks para sa akin habang ang Vice President naman na si Mark ang gagawa ng iba ko pang mga gawain.
Pagkatapos ng meeting namin ay lumabas na kami ng AVR at nilapitan naman ako ni Mark.
“Russel, saan tayo magme-meeting ulit ng buong SC?” Tanong niya.
“Sa bahay niyo na lang o ’di kaya kina Aimee o Eugene. Hindi naman pwede sa apartment ko dahil maliit lang ’yon at hindi tayo magkakasya doon lahat.” Tumango lang ito sa sinabi ko.
“Sa bahay na lang namin. Sa sabado?” Tanong niya.
“Okay.” Sagot ko na lang at tinignan ang cellphone ko.
It’s already 4:50pm at matatapos na ang klase nila Alanis. Kailangan ko na siyang sunduin sa classroom nila.
“Sige. Bye!” Paalam pa ni Mark hanggang sa makaalis na siya.
Ngumiti na lang ako saka napairap. Hindi ko naman kailangan ng Vice President na tutulong sa akin dahil kaya kong gawing mag-isa ang lahat ng pinapagawa sa akin ng school. Tsk.
Nagtungo na ako sa building ng classroom nila Alanis. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko pa si Uste na may hawak na sports bag at basang-basa pa ang buhok nito.
“Uste! Long time no see, bestfriend,” Bati ko sa kanya at nakipag-apir pa.
“Long time no see rin, President. Bihira na lang kita nakikita dahil busy na ako sa practice ng soccer. Ikaw? Naghahanda na ba kayo ng buong SC members para sa Annual Event ng YGA?” Tanong niya.
“Yup. Kaya ko naman lahat ng iniatas sa akin ni Principal.” Bored kong sagot na ikinatawa niya.
“Kaya mo naman lahat ng ipapagawa sa’yo. Kahit nga pinsan ko ay nagawa mong paibigin,” Nakangisi niyang sabi. Napailing na lang ako at napangiti.
“Kumusta na pala kayo ng girlfriend mo? Ano, nabantaan mo na ba?” Tanong ko. Sumandal naman si Uste sa pader lang na kaharap namin at nagpamulsa.
“Oo at sigurado akong takot ’yon na iwanan ako dahil malaki ang utang na loob niya sa akin. Asungot lang kasi sa amin ’yung Travis na ’yon.”
Napahinto naman ako.
“Travis? ’Yung kuya ni Alanis?”
Tumango siya. “Siya ’yung mahal pa rin ni Lara hanggang ngayon.” Sagot naman niya at sumimangot siya.
Napaisip ako. Siya pa pala ’yung lalaking kinaiinggitan ni Uste.
“Ayaw sa akin ng Travis na ’yon para sa kapatid niya.” Siya naman ang napahinto at nagulat sa sinabi ko.
“Talaga? Nameet mo na pala si Travis? Kahit kailan talaga ay pakialamero siya sa lahat ng bagay,” Naaasar niyang sabi.
Napangiti pa akong lalo dahil doon.
Nagpaalam na si Uste na mauuna na siyang umuwi at ihatid ko na lang raw si Alanis pauwi. Tumango lang ako.
Ilang sandali pa ay narating ko na ang classroom nila Alanis. Nagsisilabasan na sila isa-isa sa classroom nila at nang makita niya ako ay nilapitan naman niya ako at nginitian.
“Uwi na tayo?” Tanong niya.
May naisip naman akong ideya. “Ahm.. ’di ba sinabi mo na gusto mong turuan kitang magbake? Pumunta tayo ngayon sa apartment ko at tuturuan kita.” Suggestion ko. Namilog naman ang mga mata niya at napatalon ito.
“Sige pero magpapaalam muna ako kila kuya-”
“I-text mo na lang siya. Halika na!” Sabi ko at hinila ko na siya papaalis.
Nag-tricycle nalang kami ni Alanis papunta sa apartment ko dahil malapit lang naman iyon sa YGA at ilang minuto lang ay nakarating na rin kami.
“Ito pala ang apartment mo,” Sabi ni Alanis at nilibot ng tingin ang kabuuan ng apartment ko.
“Yes. Pasok na tayo?” Tumango naman ito.
Hinawakan ko ang kamay niya saka binuksan ang pintuan ng bahay ko. Pagkabukas ko ay pumasok na kami sa loob.
Pinaupo ko muna siya sa isang sofa at ako naman ay binuksan ang ilaw ng apartment ko. Pumunta ako sa ref at binuksan ang loob nito. Kumuha ako ng juice at cookies sa ref pagkatapos ay ibinigay ko iyon sa kanya.
’’Thanks.“Sabi niya.
“Pasensya ka na kung ’yan lang ang maibibigay ko sayo, ha? Hindi pa kasi ako nakakapag grocery e,” Paumanhin ko at umupo sa tabi niya.
“No. It’s okay at naiintindihan ko naman. Ikaw lang rin mag-isa ang nakatira dito at palagi ka pang busy.” Napatango naman ako.
Nilibot pa niya ng tingin ang buong apartment ko. Napansin niya siguro na kakaunti lang ang mga gamit ko bukod sa tv, sofa, gitara, bookshelf na may maraming libro, ref at mahabang lamesa sa harapan namin.
“Alam mo Russel, bilib ako sa’yo kasi kahit ikaw lang mag-isa ang bumubuhay para sa sarili mo at palagi ka lang nag-iisa sa apartment mo ay nakakaya mo ang lahat ng ’to. Kung ako ikaw ay baka sumuko na ako.”
I look at her. Sa tanang buhay ko ay siya lang ang babaeng naiintindihan ang sitwasyon at paghihirap ko. Siya lang rin ang babaeng pinapasok ko sa loob ng apartment ko.
Alanis means so much to me at sisiguraduhin ko na mamahalin pa niya ako lalo dahil mahal na mahal ko talaga siya.
“Salamat, Alanis. I love you so much..” Sabi ko at niyakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik.
I’m expecting her to say I love you too to me pero hindi niya iyon ginawa. Matututunan niya rin naman siguro akong mahalin pabalik sa tamang panahon.
“Para hindi ka maboring dito sa apartment mo, kung gusto mo ay araw-araw akong pumunta dito e,” Sabi niya. Napakalas ako ng yakap ko sa kanya at tinitigan siya.
“Talaga? Okay lang sa’yo?” She smiled and nodded.
“Oo. Kung gusto mo pa ay dadalhan kita palagi ng foods at sasamahan kitang mag grocery. Alam ko naman na nagtitipid ka para sa allowance mo.”
“You don’t need to do that, Alanis. I can handle myself.” I said. Umiling ito.
“Ah basta! Dadalhan kita ng foods mo. Baka puro canned goods at noodles lang ang kinakain mo.” Nakanguso niyang sabi.
Damn! She’s still beautiful in that kind of facial expression.
“Oo, e. Sa sobrang busy at pagod ko kasi pagkauwi galing ng school ay hindi na ako makapagluto kaya ganon nalang ang kinakain ko,” sabi ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay.
“See? Dadalhan kita ng mga home made foods para makakain ka naman ng masustansiyang mga pagkain, no!” Lalo pa akong napangiti at sinakop ang buong mukha niya gamit ang palad ko at hinalikan ang labi niya.
“Oo na po, Mrs. Madrid.”
Namula naman siya sa sinabi ko kaya hinalikan ko ulit siya.
“Let’s bake.” Sabi ko at binitawan na siya saka dumiretso sa kusina leaving her blushing.
Alanis is so cute and funny. My future Mrs. Russel Madrid.
Obsession #24
ALANIS POV
“Baby, hindi ganyan ang pagmimix ng harina.” Sabi ni Russel habang nasa likod ko siya at tinutulungan akong maghalo ng mga ingredients para sa cake na i-bebake namin.
“Eh? Paano ba kasi?” Sabi ko at nagpout na lang.
Hinarap naman niya ako sa kanya at tinaasan ng kilay. “Pout or else I kiss you?”
Bigla akong napatahimik at namula dahil sa sinabi niya.
He chuckled. “Oh sige, ako na lang ang magtutuloy nitong ginagawa mo. Malulukot na kasi ’yang mukha mo sa kakasimangot.” Natatawa nitong sabi kaya sinapak ko siya sa braso niya na ikinatawa pa niyang lalo.
“Huwag mo akong tinatawanan diyan, Mr. Madrid kundi makakatikim ka pa ng maraming sapak sa akin.” Banta ko.
“Okay, hindi na po, Mada’am.” asar niya. Inirapan ko na lang siya ng pabiro saka bumalik na sa upuan na nasa kitchen area.
He was smiling at my attitude to him at itinuloy na ang pagbe-bake na hindi ko pa natatapos.
Ano bang hindi pa kayang gawin ng lalakeng ’to? He can be a good leader. He can sing and dance. He’s so smart. He can play basketball and he can also bake plus his good looks and height. Lahat na yata ng talent at magandang katangian ay na kay Russel na. Ang swerte ko nga dahil mahal niya ako.
I kindly like him pero hindi ko pa alam kung pagmamahal na nga ba itong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam pero may pumipigil sa isang parte ng utak ko at nagsasabi na layuan ko raw si Russel katulad ng sinasabi sa akin ni Julian pero hindi pwedeng wala akong tiwala sa kanya dahil boyfriend ko siya at higit sa lahat ay marami akong natututunan na magandang bagay sa kanya.
Nang matapos na siyang magbake ay pinatikim na niya sa akin ang cake na binake namin- este siya lang pala at masasabi ko na masarap talaga siyang magtimpla ng mga ingredients dahil minsan ko na rin natikman ang cake na binake niya noong pumunta siya sa bahay namin at nagregalo nun kay mama.
“Hindi ko namamalayan, 10:00 pm na pala baby, kailangan ko nang umuwi!” Natataranta kong sabi at tumayo na.
Hindi ko pa naman natext sila kuya Travis at mama para magpaalam dahil nawalan ako ng load!
“Ha? Gabi na baby, bukas ka na lang umuwi dahil wala nang tricycle ang dumadaan dito kapag ganitong oras na. Dito ka na lang matulog.” Sabi niya at muli akong iniupo sa sofa.
“Paano ’yon? Wala akong damit na pamalit saka baka magalit sila kuya,” Sabi ko naman at heler? Kaming dalawa lang ang nandito sa apartment niya.
Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa aming dalawa.
“May extra shirt pa naman ako dyan sa kwarto ko.”
“Kasi..” Napapaisip kong sabi.
“Walang kasi kasi, Alanis. Dito ka matutulog sa apartment ko and that’s final.” Paninigurado niya.
Wala naman akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanya dahil sa huli ay ako rin ang talo kung makikipag-bangayan pa ako.
Pinapasok niya na ako sa kwarto niya. Maliit lang ito pero malinis at typical men’s room nga. May cr rin sa loob nito. May kaunting mga gamit katulad ng kama, bedside table, gitara na nakasabit sa dingding, bookshelf ulit na may lamang mga libro pero ang mas pumukaw sa atensyon ko ay ang picture naming dalawa na nakalagay sa bedside table.
That was our first photo together simula nung naging kami ni Russel. Walang ibang picture sa lamesa kundi ’yong sa aming dalawa lang. I already know why at nalulungkot lang ako kapag naiisip ko iyon.
Ako na lang pala ang mayroon si Russel kaya kailangan ko siyang intindihin at matutunang mahalin balang araw.
Bago ako maligo ay binigyan niya ako ng damit pamalit sa uniform ko. Isang malaking white t-shirt at boxer shorts na wala pa sa kalahati ng hita ko ang cut nito. Sure ako na ma-eexpose ang legs ko nito at nakakahiya! Wala naman akong ibang masusuot kaya magtitiis ako sa boxer shorts na ito.
Alam ko naman na matangkad at malaking tao si Russel kaya sigurado ako na hindi magkakasya ang mga shorts niya sa akin. Pagkatapos kong maligo at magpalit ng damit sa banyo ay lumabas na ako ng cr.
Nakaupo lang si Russel sa kama at nang mapatingin siya sa akin ay napanganga pa ito at tinitigan ang kabuuan ko. Naasiwa akong bigla kaya pilit kong binababa ang suot kong t-shirt para hindi niya makita ang legs ko.
“D-don’t look at me like that!” Reklamo ko pero tuloy pa rin siya sa pagtitig sa akin kaya binato ko na siya ng unan na malapit lang sa kama niya.
Humalakhak lang ito at umiwas ng tingin sa akin. “You’re too pretty and sexy, Alanis. No wonder why so many guys likes you.”
Namula naman ako sa sinabi niya at kumuha na lang ng suklay sa bag ko saka lumapit sa full body length mirror at nagsuklay.
Hindi ba niya alam na nakakakilig ang mga ganong klaseng banat niya?
“Bagay pala sa’yo ang mga damit ko, e. Pwede na kitang asawahin niyan.” Nakita ko naman ang pagngisi niya sa salamin.
“Hello to earth, Russel! I’m only 16 at bawal pa mag-asawa, no!” Sabi ko.
“Talaga?” Sabi nito at tumayo saka naglakad papunta sa akin.
I feel goosebumps when he already reached me. Nasa likod ko lang siya habang ako ay nakaharap pa rin sa salamin.
Hinapit niya ang bewang ko gamit ang isang braso niya at nagsitaasan ang mga balahibo ko nang hinahalikan niya na ang leeg ko. Pilit kong inaalis ang braso niya pero masyadong mahigpit ang kapit niya sa akin.
“R-Russel.. Stop!” Protesta ko at napaungol nang hinahalikan na niya ang puno ng tainga ko. He’s driving me insane!
Hindi siya sumagot at patuloy pa rin ito sa paghalik. Hinigit niya ako at iniupo sa kama at ang labi ko naman ang hinahalikan niya.
“Kiss me back, baby..” He said between his kisses.
Tumugon na lang rin ako sa mga halik niya at ikinawit ang mga braso ko sa leeg niya dahil masyado na akong nadadala sa pangyayari.
Akmang ihihiga niya na ako sa kama nang tumunog ang cellphone ko. Napakalas tuloy ako sa kanya at tumayo para kunin ang cellphone sa bag ko.
“Psh. Tangina. Istorbo!” Rinig kong inis niyang sabi.
Napangiti na lang ako at tinignan kung sino ang nagtext.
Woohhh! Saved by the bell.
Sorry kung ngayon lang ako naka-update. Enjoy my UD guys.
Obsession #25
NEIL’S POV
Nandito ako ngayon sa isang bar na pagmamay-ari ng pinsan ko. Naglalasing lang naman at baka sakaling mawala na ’tong sakit sa pesteng puso ko sa kakaisip at kakahangad ko sa kanya!
Ang tanga ko rin naman kasi, alam ko na noong una pa lang ay talo na ako pero sumugal pa rin ako. Wala ring nangyari at nasaktan lang ako.
Mabuti pa ’tong si Marinel, simula nung naging close kami ay palagi na siyang nasa tabi ko. Alam kong may gusto sa kanya si Denver at kapag nakita niya kami ni Marinel na magkasama ay siguradong magseselos iyon pero ang hirap kasing iwasan si Marinel lalo na’t ang bait niya at maalaga pa sa akin na pinangarap kong maranasan man lang kay Chloe.
Hindi rin naman ako tanga at matagal ko ng alam na gusto ako ni Marinel pero ayoko lang na masaktan si Denver kung makikipaglapit ako sa babaeng matagal na niyang gusto.
Pero ngayon, kailangan ko si Marinel.
“Neil!” Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. It’s Marinel. Tinawagan ko kasi siya at sinabi kong samahan niya ako dito sa bar.
“I’m glad you came.” Nakangiti kong sabi nang makalapit na siya sa pwesto ko at pinaupo ko ito sa katabi kong upuan.
She smiled back. “Basta kapag ikaw ay hindi ako makakatanggi.” Napatigil ako.
Fuck! Bakit parang may tumatayo sa ibaba ko? Ugh. Don’t think that way Neil! Marinel is your new friend.
Napailing ako at tinawag ang bartender at umorder ng drinks para kay Marinel.
“So, bakit ka pala nagyaya dito sa bar? May problema ka ba, Neil?” Tanong niya at ininom ang inorder kong drinks para sa kanya.
Alam kong 18 years old na si Marinel at nasa legal age na katulad ko kaya nakapasok siya dito sa loob ng bar.
“Tsk. Wala, no!” Natatawa kong sagot at tinungga ang drinks ko.
“Dahil kay Chloe?” I look at her at nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.
Sana pala ay mas nauna kong nakilala si Marinel kaysa kay Chloe para hindi na ako nasasaktan nang ganito.
Tumango na lang ako at napayuko. Lumapit pa siyang lalo sa pwesto ko at hinawakan ang balikat ko.
“Nandito lang ako para sa’yo. You can cry if you want.” Umiling na lang ulit ako saka siya niyakap at bumulong.
“Marinel, I want you. Please be my girlfriend.”
At bigla na lang siyang napahinto sa sinabi ko dahil siguro sa pagkabigla pero ’di kalaunan ay napangiti siya at tumango.
“Matagal na akong sa’yo, Neil and yes, I want to be your girlfriend.”
Napangiti ako. I kiss her na ikinagulat pa niya but she kissed me back.
I’m sorry Denver for this.
ALANIS POV
Hanggang ngayon ay nakabusangot pa rin ang mukha ni Russel habang nandito ako ngayon sa kwarto niya at nanonood ng tv sa kama.
Kasalanan ko bang nagtext si Lara at nangangamusta na sa kalagayan ko?
“Huy, Russel! Galit ka ba sa akin?” Sabi ko at nilapitan siya na nakaupo pa rin sa kama niya.
Hindi niya ako sinagot at inirapan lang ako. Grabe rin pala ang moodswings ng lalakeng ’to! Kanina lang ay inaasar pa niya ako tapos ngayon naman ay sinusungitan na niya ako. Aba!
“Sorry na,” Sabi ko at ni-lean ang ulo ko sa balikat niya.
Hindi pa rin niya ako pinapansin.
Tignan ko lang kung hindi niya pa ako papansinin sa gagawin ko.
Itinulak ko siya pahiga sa kama na ikinagulat niya. Pumatong naman ako sa kanya at hinalikan siya. Nanlalaki pa ang mga mata niya dahil sa ginawa ko pero ilang segundo lang ay hinahalikan na niya ako pabalik.
He’s kissing me from ear to ear down to my jaw then down to my neck and down to my collarbone hanggang sa huminto ako at tinitigan siya na mukhang nabitin pa sa ginagawa namin.
“Baby, I’m only 16, hindi ba? Gusto ko na gawin natin ang bagay na ’yon kapag nasa tamang edad na ako at nagpakasal na tayo. Kung mangyayari ’yung alam mo na ay wala na tayong magandang future niyan.” I pouted.
He stopped at dalian akong iniupo sa kama niya at inayos ang nagusot kong t-shirt at nagulo kong buhok dahil sa ginawa namin.
“I’m sorry, baby kung hindi ko kaagad naisip ’yon pero tama ka, we can do that kapag nasa tamang edad ka na and I was happy nang sinabi mo na kapag naikasal na tayo ay gagawin na natin ’yon. Gusto mong ako na ang mapangasawa mo.” He smiled and touch my cheek.
“Oo naman. Ikaw ang gusto kong maging husband ko in the near future.” Sabi ko nang nakangiti rin.
“Sabi mo yan, ha?” Paninigurado niya.
“Yes!” Sabi ko naman.
“Wala nang bawian.”
Nagulat na lang ako nang itinulak niya ulit ako sa kama at pumatong siya sa akin.
“No sex but we can kiss endlessly.”
Sasagot pa sana ako nang inumpisahan na niya akong halikan.
Kiss addict na yata ang boyfriend ko!
– Sorry kung short UD ito. Babawi na lang ako sa next chapter. Yung mga nilagyan ko ng dedication ay yung mga readers nito na finollow ako. Salamat sa inyo. Love ko kayo :*
Obsession #26
ALANIS
POV
Masaya ako at nagkabati na kami ni Russel after nung nangyari sa apartment niya. Naiintindihan naman niya ako at sa point ko na ’ Wedding
Before
Ehem’
muna. Kahit mahirap intindihin si Russel at iba pa ang ugali nito ay kinakaya ko na lang dahil alam ko ang mga nangyari sa buhay niya.
Ni hindi man lang siya nakaranas ng pagmamahal sa tunay niyang pamilya. He’s born as independent person. Marunong pa siyang maglaba, magluto, maghugas ng pinggan, maglinis ng bahay at kung anu-ano pang gawain na hindi ko man lang kayang gawin.
Nagtatrabaho rin siyang waiter tuwing gabi para may pambayad siya sa tuition niya at pambili ng pagkain niya. Matatag siyang tao. Naiintindihan ko rin kung bakit napaka possessive niya pagdating sa akin. Takot siyang iwanan ko katulad ng ginawa ng mga magulang niya sa kanya that’s why I will never leave him.
Annual event ngayon ng YGA at ang na-assign na booth sa aming klase ay ang Milktea booth. Pwede ring makapasok sa YGA ang mga taga ibang schools para bumisita sa mga hinanda naming booths, bands, games, sports at presentations.
Si Russel ay busy sa iba pang mga booths at preparations na inassign sa kanya kasama ang buong Student Council members. Mamayang break time naman ay pupuntahan niya ako sa booth namin at sabay daw kaming magla-lunch.
Kasama ko ngayon sa pagtitimpla ng Milktea ang mga kaklase kong sila Angelo, Frank at Wela. Ang iba pa naming mga kaklase ay busy sa pagpapaganda at pagdedesigns ng booth namin.
Buhat-buhat ko ang isang maliit na sako ng Milktea powder na kinuha ko mula sa Storage room ng YGA nang nilapitan ako ni Angelo na busy sa paglalagay ng yelo sa isang rectangular glass pitcher at siya na ang nagbuhat ng dala ko.
“Ako na dito, Alanis. Dapat hindi ikaw ang nagbubuhat nito kundi si Frank.” Nakangiti niyang sabi.
“Ah eh, kaya ko namang buhatin ’yan, Angelo.” Nahihiya kong sabi.
“Wushu! Nagpapa-impress lang ’yang si Angelo sa’yo, Alanis kasi crush ka niyan!” Sabi naman ni Wela na busy sa paglalagay ng cups at straw saka nginitian ng mapang-asar si Angelo.
Bigla namang namula si Angelo na ikinatawa lang nila Wela at Frank.
“Baka nakakalimutan mo Angelo, girlfriend na ni President ’yang crush mo kaya wala ka nang pag-asa.” Sabi ni Frank na natatawa pa.
“Bakit? Hindi pa naman sila kasal, ah?” sabi ni Angelo na ikinagulat naming tatlo.
“A-anong sabi mo?” Sabi ko na gulat na gulat.
Angelo smiled at me “Alanis, nobodys permanent in life. Lahat nagbabago katulad na lang ng feelings. It will change kung may kulang o sobra na nagmamahal sa inyo, at sa huli? Hindi rin pala kayo ang magkakatuluyan,”
Napanganga kaming lahat sa sinabi niya hanggang sa nilapitan siya ni Wela at pinukpok ang ulo nito gamit ang plastic cup na hawak niya.
“Ano bang problema mo, Lowella? Bakit ka namumukmok diyan?” Reklamo ni Angelo.
“Tumigil ka nga sa mga ganyan mo. Kapag narinig ka ni President ay nako nako ewan ko na lang!” Nakapameywang na sabi ni Wela at tinaasan nito ng kilay si Angelo.
Napailing na lang si Frank at tumingin sa akin. “He has a point, Alanis pero kung kayo talaga ni President ang para sa isa’t-isa ay kayo pa rin ang magkakatuluyan hanggang sa huli.” Sabi niya.
Animo’y nabuhayan ako sa mga sinabi ni Frank. Tama siya. Basta’t pagmamahal at tiwala lang ay makakasiguro akong kami nga talaga ni Russel ang para sa isa’t-isa.
Nang makapag-prepare na ng 15 booths ang 3rd year high school students ng YGA ay biglang iniatas sa akin ng leader namin na si Cesca na ako raw ang i-aasign na magbebenta ng mga Milkshake sa harap ng booth namin.
Ang akala ko ba ay si Wela ang naka-assign dito?
“Alanis, ikaw na lang ang i-aasign ko sa front para sa pagbebenta.” Sabi ni Cesca na may sinusulat sa tickler notebook niya.
“Ano? Bakit ako? Akala ko ba si Wela?” Tanong ko.
Ayokong magbenta sa mismong harapan ng booth namin. Nakakahiya kaya!
“Maganda ka kasi kaya makakarami tayo ng hatak ng costumer niyan. Halika na! Pumwesto ka na sa harapan.” Nakangisi niyang sabi at hinila ako saka ipinuwesto sa harapan.
“Cesca naman!” Hindi niya ako pinakinggan at bigla na lang itong umalis.
Napasimangot ako habang tinatawanan ako nila Wela, Frank at ng iba pa naming mga kaklase.
“Go Alanis! Kaya mo yan!” Sabi ni Wela at kinindatan pa ako.
Tumingin ako sa harapan ko at puro mga estudyante ng YGA at mga taga ibang school ang naglalakad at nagpupunta sa mga booths namin.
Ilang segundo lang ay may lumapit sa booth namin na tatlong gwapo at matatangkad na lalake. Mukhang taga St. Claire sila base on their uniform.
“Hi miss! Magkano ’yung Milkshake niyo?” Tanong sa akin nung gwapo at chinitong lalake na may earrings sa kaliwang tainga niya.
“50 pesos lang po, sir.” Sabi ko naman.
“Wag mo na akong i-po. Call me Austin na lang. Mukhang magkaedad lang naman tayo, e.” Sabi pa nito at ngumiti sa akin.
Kahit gwapo pa siya ay halata namang playboy siya sa itsura pa lang niya.
Hindi na lang ako sumagot.
“Miss Beautiful, I will buy too. Make sure that you are the one who will give our orders. By the way, I’m Hendrick.” Sabi naman ng lalakeng may blue na mga mata with English accent pa. Foreigner yata.
“O-Okay po.” Sabi ko na lang at tumingin sa mga kaklase ko sa booth.
Nakangisi silang lahat sa akin kaya sinamaan ko sila ng tingin.
“Dyosa, don’t forget my order too. Ako nga pala si Collins.” Sabi naman nung lalakeng long hair.
Tumango na lang ako saka umalis at lumapit na sa mga kaklase ko na nasa booth.
“Ikaw na ang Dyosa, te! Nakasungkit ka kaagad ng mga customer at mga papabolicious pa! Ikaw na talaga!” Tukso ng bakla kong kaklase na si Joseph but Josephine for long.
Sumimangot na lang ako at kinuha na ang mga nakaready na Milktea kay Wela.
“Ngiti ka naman. Sayang ang ganda.” Asar niya sa akin.
Napailing na lang ako sa sinabi ni Wela at bumalik na sa mga kapre kong customer dala ang mga order nila.
Mga Kapre dahil ang tatangkad nila!
“Here’s your order sirs. Enjoy.” I said.
Kinuha naman nila ang mga order nila at nagbayad na sa akin. Akmang babalik na ako sa booth para ibalik ang tray na pinaglagyan ko ng Milktea nang may humila sa braso ko.
’Yung Austin.
“Wait miss! Ano nga pa lang pangalan mo?” Tanong nito. Inalis ko naman ang pagkakahawak ng braso niya sa kamay ko pero hindi pa rin niya ito binibitawan.
“Bitawan mo nga ako!” Sabi ko at pilit binabawi ang braso ko sa kamay niya.
“Unless you said your name,” Nakangisi niyang sabi.
“She’s Alanis and I’m her boyfriend, Russel. What’s your problem?”
Napatigil kami sa biglang nagsalita. When I look who it is ay si Russel ito na sobrang sama na ng tingin kay Austin.
Austin and his friends laughed at Russel.
“Ang possessive naman pala ng boyfriend mo, sexy Alanis-”
Hindi na natuloy ni Austin ang sasabihin niya nang bigla siyang suntukin sa mukha ni Russel na ikinagulat naming lahat.
Gumanti rin si Austin pero nakailag si Russel sa mga suntok niya. Sinuntok ng sinuntok ito ni Russel hanggang sa duguan na ito. Nagulat ako sa ginagawa ni Russel. Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng husto.
Parang hindi si Russel na Student School President ang nakikita ko ngayon kundi ay isang Russel ito na parang sinaniban ng isang demonyo.
“Ang ayoko sa lahat ay ang binabastos ’yung girlfriend ko. Subukan mo lang ulit gawin ’yon kundi papatayin na kitang hayop ka!” Sigaw nito na mas lalo pang dumagdag sa kaba at takot ko.
Maging ang mga kaklase ko, mga kaibigan ni Austin at ang mga estudyanteng nakakasaksi sa mga pangyayari ngayon ay nagulat sa inaasal ni Russel.
Hindi siya ang Russel na Student Council President ng YGA na palangiti, kalmado, mabait at mapagpasensyang tao kundi isang Russel ito na mabangis at mapanganib.
Halos wala nang malay si Austin na nakapikit na at duguan ang buong mukha dahil sa pambubugbog ni Russel sa kanya. Nakatingin lang mga tao at natatakot lapitan ang isang Student President ng buong school na ngayon lang nila nakitang magalit.
Mabuti na lang at may nagsidatingan na mga guards at naawat na si Russel. Tinulungan naman si Austin ng mga kaibigan niya para makatayo ito.
Bigla ay hinila ako ni Russel palayo na gulat pa rin sa nasaksihan ko hanggang sa makarating kami sa parking lot ng YGA.
“Sa susunod, ’wag na ’wag ka nang makikipag-usap pa sa mga lalake kundi gagawin kong impyerno ang mga buhay nila!” Sigaw niya sa akin. Napahikbi na ako at sobrang natatakot sa kanya.
Hinigpitan niya ang hawak sa braso ko na ikinangiwi ko sa sakit at nakikita ko sa mga mata niya ang galit at.. pagnanasa?
“Hindi ka nila maaagaw sa akin, Alanis! Sa akin ka lang at walang nagmamay-ari sa’yo kundi ako lang. Naiintindihan mo ba ako?!” Sigaw pa niya at inalog-alog ako.
Napapikit ako at napaluha na. Posible kayang tama si Julian na mapanganib talaga si Russel?
Obsession #27
ALANIS
POV
Napapikit ako at napaluha na ng tuluyan. Posible kayang tama si Julian sa sinasabi niyang mapanganib talaga si Russel?
“Iiyakan mo lang ba ako, Alanis? Bakit? May gusto ka ba sa gagong ’yon? Iiwan mo na ba ako?!” Sigaw na naman niya sa akin at sinuntok ang pader sa likuran ko dahilan ng pagdugo ang kamao niya.
Umiling lang ako ng paulit-ulit at nanginginig na hinawakan siya sa balikat niya.
“H-hindi.. ’wag ka nang magalit, please..” Pakiusap ko.
Unti-unting namang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at binitiwan na ako.
“Sorry. I just can’t control my anger. Ayoko lang na nilalapitan at binabastos ka ng ibang lalake, and this jealousy inside of me, nasasaktan ako sa tuwing may kausap kang iba. Pakiramdam ko ay.. iiwan mo na rin ako at aagawin ka nila sa akin. Takot na takot na akong maiwanan sa ere. Ikaw na lang ang meron ako, Alanis kaya sana kahit ganito ako ay matanggap mo ako.”
Nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang umiyak at pinunasan ang luha niya gamit ang kamay niyang nagdudugo.
Napahinto ako sa mga sinabi ni Russel at nakaramdam ng awa.
Ako na lang pala ang mayroon siya kaya hangga’t kaya ko ay uunawain at iintindihin ko siya.
Napaupo ito sa isang cemented bench at napayuko saka napahawi sa buhok niya while he’s still silently crying.
“Hindi mo ako mahal, Alanis. Matagal ko nang alam ’yon. Maaaring gusto mo lang ako pero hindi mo ako mahal. There’s a big difference between like and love. Kahit ayaw mo sa akin, hahabulin kita ng hahabulin hanggang sa wala ka nang kawala pa pero kung hindi rin naman ikaw ang makakatuluyan ko ay mas mabuti pang mamatay na lang ako.” Tumayo siyang bigla at iniwan ako.
Sa mga sinabi niya ay kaagad akong kinabahan kaya sinundan ko siya.
“Russel, anong gagawin mo?” Sigaw ko habang sinusundan siya.
Umakyat ako ng hagdanan. Papaakyat na yata kami sa rooftop floor ng YGA building. Hindi niya ako pinansin at patuloy pa rin siya sa pag-akyat sa hagdanan.
Nang makarating na kami sa rooftop floor ng YGA ay pumuwesto siya sa may railings na medyo may kataasan at ilang hakbang na lang niya ay siguradong mahuhulog na siya.
“Russel naman! Bumaba ka na diyan!” Sabi ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
“Walang kwenta ang buhay ko kung hindi ka rin naman mapupunta sa akin kaya mas mabuti pang magpakamatay na lang ako!” Sigaw niya.
“Huwag mong gawin ’yan. Importante ka sa akin, Russel.”
Lumapit ako sa pwesto niya at pilit siyang pinapababa pero hindi pa rin siya natinag at mas lalo pang hinakbang ang mga paa niya sa railings. Isang tulak na lang ay maaari na siyang mahulog.
“Kung importante ako sa’yo ay iwasan mo nang makipag-usap sa kahit sinong lalake kahit pa sa mga kaklase o mga kaibigan mo. Ayoko rin na wala ka palagi sa tabi ko. Ipapalipat na kita sa all girls section ng YGA para wala nang ibang lalake ang lumandi pa sa’yo at higit sa lahat ay hindi ka aalis ng bahay niyo o ng school nang hindi ko alam. Maliwanag ba?” Sabi niya.
Sa mga sinabi niya ay parang tinatanggalan na niya ako ng kalayaan sa mundong ginagalawan ko sa loob ng 16 years. Walang taong nagdikta sa mga dapat kong gawin kahit pa ang pamilya ko o mga kaibigan ko.
Pero kahit hindi ko pa mahal si Russel ay importante siya sa akin kaya kahit masakit ay sasang-ayon ako sa mga sinabi niya.
Tumango ako habang humihikbi. Napangiti naman siya saka lumapit sa akin at niyakap ako nang sobrang higpit na para bang takot na takot siyang mawala ako.
“Thank you baby.. I love you so much.” At hinimas-himas niya ang buhok ko at hinalikan ito. Hindi na lang ako sumagot.
He’s already obsessed with me.
JULIAN’S POV
“Nakita mo ba kanina si President Russel na binugbog ’yung estudyanteng taga St. Claire? Nakakatakot siyang magalit, no? Akala ko nga ay mapapatay niya na ’yung lalake.”
“Binastos kasi si Alanis kaya nagalit siya. Ikaw ba naman, bastusin ang girlfriend mong dyosa ng kagandahan at kasexyhan eh hindi ka magagalit?”
“Magagalit siyempre, pero parang sobra naman yata ang pagkagalit niya. Parang sinaniban na siya ng demonyo kung makabugbog, e!” At nagtawanan ang mga kateammates ko sa basketball.
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila habang umiinom ako ng tubig sa mineral bottle ko. Kakatapos lang ng practice namin sa basketball para mamaya sa annual event ng YGA.
Lumabas na nga ang tunay na ugali ni Russel at natatakot ako na baka masaktan niya si Alanis dahil sa pagiging seloso at obsessed niya.
Ayaw naman akong paniwalaan ni Alanis at ilang beses na niya akong tinaboy pero hindi pa rin ako titigil sa pagprotekta sa kanya kahit ngayon ay tinatanaw ko na lang siya mula sa malayo.
“His true colors are now shown.” Sabi ni Denver na katabi ko lang habang sinisintas ang sapatos niya.
“Natatakot ako sa maaaring gawin niya kay Alanis,” Sabi ko naman at nagpunas ng pawis sa noo ko.
Hindi umimik si Denver kaya nagtaka ako. Nakatulala na pala ito habang may tinitignan mula sa malayo. Tumingin naman ako sa tinitignan niya,
It’s Neil and Marinel kissing.
Napatingin sa gawi namin si Neil at nang makita niyang nakatingin kami ni Denver sa kanila ay binalewala niya lang iyon at patuloy pa rin sila sa paghahalikan ni Marinel sa isa sa mga bench ng basketball court.
Tinignan ko si Denver at napangisi ito. “So, he already knew na gusto siya ni Marinel. Traydor talaga.” Tumayo na ito at sinuot ang dala niyang backpack.
“Saan ka pupunta?” Tanong ko.
“Sa lugar na walang traydor.” Mapait at nakatawa niyang sagot at umalis na.
I shook my head. Bakit ba parang malas kaming tatlong magkakaibigan sa pag-ibig?
Obsession #28
TRAVIS’ POV
Ilang linggo na simula nang wala kaming pansinan ni Alanis. Ayoko namang magalit sa kapatid ko pero hindi ko mapigilang hindi pagdudahan ’yung boyfriend niyang si Russel.
As a psychology student ay alam ko ang behavior at tamang galaw ng isang tao kung nagpapanggap ba ito, kung mabait ba talaga o may mali sa kanya. When I first saw Russel in the mall, may hindi talaga tama sa kanya. He’s now a boyfriend of my 16 year old sister and yet that guy is already 18 years old and in a legal age.
Alanis never had been in a relationship before kaya nga medyo naiirita ako kapag kasama niya noon si Gio because that guy obviously likes her at baka ligawan lang nun ang kapatid ko at hindi na makapagfocus sa pag-aaral niya, pero kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko pa na si Gio nalang ang makatuluyan ni Alanis kaysa kay Russel.
Gio is a good guy at saksi ako doon simula noong mga bata pa lang kami nila Alanis but I have no choice but to talk to my younger sister and say sorry to her. Kung si Russel talaga ang makakapagpapasaya sa kanya ay tatanggapin ko na lang iyon. I love my sister at hindi ako sanay na may alitan kami at tampuhan.
Its already 8:30 pm kaya kinatok ko na si Alanis mula sa pintuan ng kwarto niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nagulat ako sa itsura niya. Namumugto ang mga mata niya at mukhang pagod na pagod. Pumasok ako sa loob ng kwarto niya at umupo ako sa kama niya.
“What happened, Alanis? Bakit ganyan ang itsura mo? Is there anything wrong?” Sabi ko nang may pag-aalala.
Umiling ito at napapikit. “W-wala, Kuya. Napagod lang ako kanina sa Annual Event ng YGA.” mahina niyang sabi.
“Ganon ba? Gusto mo bang ikuha kita ng gamot? Milk? Oatmeal? Tubig? Just tell me what do you want.” Hinawakan ko ang noo niya pero hindi naman siya mainit o may sakit.
“Hindi na, kuya. Kumain na ako ng dinner kanina kasama si R-Russel kaya okay lang ako,” he answered.
When she said Russel ay bigla kong naalala ang mga dapat sasabihin ko sa kanya.
“Princess, about you and Russel.. I just want to say sorry for what I have said to him. Sorry kung nagtampo ako sa’yo at hindi ka pinansin ng ilang linggo. Hindi kasi ako tiwala kay Russel dahil hindi ko pa naman siya kilala ng lubos pero para sa’yo ay tatanggapin ko na ang relasyon niyo.” I smiled at her.
Ngumiti rin siya. “O-Okay lang, kuya.” Sumandal siya sa balikat ko kaya tinapik-tapik ko naman ang balikat niya.
“Kapag may masamang mangyari, just tell me. I’m your brother and my responsibility is to take care and protect you, my one and only princess. Lahat ng gusto mo ay susuportahan ko.” Humarap siya sa akin at ngumiti ulit.
“Masaya ako at may isang mabait, matalino, matangkad at ubod ng gwapo akong kuya!” She pinch my cheeks so hard kaya napadaing ako sa sakit.
“Aray naman, Princess! Sisirain mo ba ang mukha ko? Ang sakit mo mangurot, e!” Reklamo ko pero tumawa lang siya kaya napatawa na rin ako.
“Sorry naman. Ay, kuya! ’Yung play pala na inorganize nila Lara sa MNHS ay nanalong peace prize awardee sa buong Masbate Region at baka gawin rin movie para sa mga HS Movie Educational Programs. Ang talino talaga niya, ’di ba? Pati scripts at acts ng mga kaklase niyang gumanap sa play ay siya rin ang gumawa. Ang talino talaga ng bestfriend ko!” Masayang sabi ni Alanis at pumalakpak pa.
Lara.
The only girl that I loved but can’t never be mine again.
THIRD PERSON’S POV
Pagkatapos ng eskandalong ginawa ni Russel kahapon sa annual event ng YGA ay pinatawag siya ng Principal para makausap siya.
Habang naglalakad siya papunta sa Principal’s office ay pinagtitinginan siya ng mga estudyante at hindi niya nagustuhan iyon kaya huminto siya sa paglalakad at tumawa ng mapang-asar.
“Artista na ba ako para pagtinginan ninyo? Ano, maganda ba ’yung eksena namin kahapon?” Sigaw nito sa kanila kaya natakot at natahimik ang mga estudyante dahil sa inasal niya.
Napairap na lang si Russel saka itinuloy na ang paglalakad niya. Nang makarating na siya sa Principal’s office ay nakita niya ang Principal na nakaupo sa desk nito. Pinaupo naman siya sa isang vacant seat katapat lang nito.
“Aware ka naman siguro sa ginawa mong eskandalo kahapon, Mr. Madrid?” Mataray na tanong ng Principal.
Tumango lang si Russel at bagot na tinignan ang Principal na kulang na lang ay patayin siya dahil sa mga tingin nito.
“At aware ka naman rin siguro na bawal ’yung ginawa mong pambubugbog sa estudyanteng taga St. Claire? Alam mo ba na pwede kitang ipa-expell sa ginawa mong ’yon? Student Council President ka pa naman ng SCG ng YGA at running for Valedictorian pa at lahat ng iyon ay pwedeng mawala nang dahil lang sa init ng ulo mo.” banta ng Principal.
Humalakhak na lang bigla si Russel na ipinagtaka naman ng Principal.
“What’s funny, Mr. Madrid?” Galit na ani nito.
Napahinto naman sa pagtawa si Russel at nginisian ang Principal.
“You will do that to me, Mrs. Gonzaga? If yes, then sasabihin ko na lang sa buong YGA na may kabit kang isang 4th year high school student na taga YGA lang din. Malaking kahihiyan ’yun para sa pamilya, asawa at mga anak mo.” Namutla nalang bigla ang Principal sa sinabi ni Russel.
Napangisi pang lalo si Russel at tumayo saka pinaikutan ang Principal na namumutla na sa kaba at takot.
“How did I know? As a Student School President of this school, I know what’s the latest news and gossips here in YGA. Lahat ng baho ng YGA ultimo mga estudyante, faculty members at kayong mga officers na may mataas na posisyon ay alam ko at pati na rin ang sa inyo kaya kung tatanggalin mo ako sa school na ’to ay sigurado ako na pati ikaw ay susunod lang sa akin.”
Tuluyan nang nanghina ang Principal sa sinabi ni Russel kaya napakapit na ito sa swivel chair niya habang namumutla.
“Very gross, Principal. You’re already 56 tapos papatol ka sa isang 18 years old? Tsk.” Tuluyan nang lumabas si Russel sa Principal’s office at pagkalabas niya ay napangiti pa itong lalo.
“Kakalabanin niyo pa ako, huh? Hindi kayo magtatagumpay para lang pabagsakin ako. I always win and I can manipulate everything.”
#67 na sa General Fiction. Salamat sa inyo.
Obsession #29
CHLOE’S POV
I’m here in the mall kasama ang mga friends kong sila Tania, Farah at Katie. This is my one way of moving on to Uste. I will accept what my destiny will bring on me.
After we shopped ay nagpunta kami sa isang restaurant inside this mall at kumain and after that ay nag-ikot ikot ulit kami. Nang mapagod na kami ay umupo kami sa isang bench at nagpahinga.
“Gosh! My feet really hurts!” Maarteng sabi ni Tania at hinilot nito ang isang paa niya.
“Sino ba kasing nagsabi na magheels ka, girl? Look at us nga oh? Naka-doll shoes lang kami.” Sabi naman na Katie na sinang-ayunan ni Farah.
Tania rolled her eyes at inayos ang buhok niyang bagong rebond. “This is what you called Fashion, duh!”
“Fashion as if na pero baka magkakalyo ka na niyan sa paa sa kaka-fashion mong ’yan.” Natawa naman kaming lahat sa hirit ni Farah.
My friends are so what you called maarte. Si Tania ay nasobrahan, si Farah ay medyo lang at si Katie naman ay ang pinakasimple sa amin.
Me? Half maarte and half hindi siguro pero kahit ganito kami ay hindi naman kami ’yung tipo ng mga mean girls na napapanood sa isang drama na inaapi ang isang bida. We’re a good girls pero sa oras na may maaapi na isa sa amin lahat kami ay magkakampihan.
My friends are not plastic too, they are honest and trustworthy girls pero hindi talaga maiaalis sa kanila ang pagkakikay at
pagkamaarte
nila.
We’re still talking and chatting to each other nang may biglang itinuro sa amin si Tania.
“Omg! Is this real? Neil and that Marinel are already dating?” Napalingon kaming lahat sa tinuturo ni Tania and we saw Neil and Marinel walking with holding hands and smiling to each other.
I don’t know but I feel something strange inside me when I saw them together.
“Maybe? Hey, Chloe are you okay?” Hindi ko namalayan na natulala na pala ako sa nakikita ko kaya napansin iyon ni Farah.
I smiled. “Y-Yes, I’m okay.”
Then Katie was suspiciously looking at me so I glance away.
“Kung nagdi-date sila? Aww! Marinel is so lucky naman to date a heartthrob guy while the one girl here looks so jealous.” Parinig pa ni Katie pero alam ko naman na ako ang tinutukoy niya.
“Who’s jealous?” Nakataas na kilay kong tanong at nagflip ng blonde hair ko. I love to dye my hair into a blonde one kasi ang Queen ko daw tignan dito.
Ngumisi lang silang tatlo at nagkibit balikat. When I look again at Neil and Marinel’s side ay nagulat ako nang napatingin sa gawi ko si Neil.
Ang akala ko ay lalapitan niya ako at kakausapin katulad nang palagi niyang ginagawa since we we’re kids but he ignored me at inakbayan nalang niya si Marinel saka sila naglakad papalayo.
Why am I so affected? Si Uste ang mahal ko e, but I can’t deny that I’m jealous.
ALANIS POV
Katulad nga ng sinabi ni Russel ay pinalipat niya ako sa all girls section ng YGA nang hindi alam ng pamilya ko. Hindi ko na rin masyadong nakakasama si Marinel dahil sa paglipat ko ng ibang section. Nagtataka na siguro siya kung bakit lumalayo ako sa kanya. Hindi naman ako lumalayo sa kanya kundi sa mga kaklase kong lalake dahil ayaw na ni Russel na makipag-usap pa ako sa kanila.
I need to deal with him dahil alam ko na kaya niyang magpakamatay para lang hindi ko siya iwanan. I still like him for what he have done pero sa paglipas ng panahon ay nababawasan na ito dahil sa mga ipinapakita niya sa akin. He’s not the same Russel that I’ve known since we met.
Marami nang nagbago sa kanya at pati na rin sa mga ikinikilos niya. Mabuti na lang rin at hindi siya pina-expell sa YGA dahil sa ginawa niya at hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Siguro ay malaking kawalan talaga si Russel sa school namin.
I invited Russel to our house dahil gusto siyang makausap ni Kuya Travis. Tinanggap na ni kuya ang relasyon namin ni Russel na hinihiling kong mangyari sana noon pa pero parang nag-iba ang pag-iisip ko ngayon at masyado na akong naguguluhan.
Alanis, just focus!
Wala si mama sa bahay dahil may pinuntahan itong birthday party ng kaklase niya noong high school palang siya at si papa naman ay nagtatrabaho. Si Kuya Travis lang ang nasa bahay at nang makita niya kami ni Russel na papalapit sa kanya ay ngumiti siya.
“Mabuti at dumating na kayo. Halika Russel, maupo ka muna at mag-uusap tayo. Ikaw naman, Alanis ay pumasok ka muna sa kwarto mo. Man to man talk lang muna kami ni Russel.” Napatango naman ako sa sinabi ni Kuya Travis at tinignan si Russel.
“Sa kwarto lang ako.” Russel nodded at me and smiled.
Ano kayang pag-uusapan nila?
RUSSEL’S
POV
Kaharap ko ngayon ang nakatatandang kapatid ni Alanis na si Travis at gusto raw ako nitong makausap.
Tumikhim muna siya bago nagsalita.
“Russel, I’m sorry kung hindi ko kaagad natanggap ang relasyon niyo ni Alanis. Hindi kasi ako madaling magtiwala sa isang tao para sa kapatid ko lalo na at lalake ka.” Sabi niya.
Overprotective ka kasi sa kapatid mo at ayaw mong nilalapitan siya ng mga lalake. Feeling mo ay bata pa si Alanis at kailangan na nasa tabi mo siyang palagi.
You can’t do that anymore, Travis dahil meron nang ako sa buhay niya.
Tumango lang ako. “Naiintindihan ko naman, Travis. Protective ka lang kay Alanis dahil nga nag-iisang kapatid mo lang siya.” sabi ko.
“At ang sabi nga niya ay mabuting tao ka naman at hindi mo siya sasaktan kaya tinatanggap ko na ang relasyon niyo.” sabi niya at nginitian ako.
Nagulat ako sa sinabi niya at lihim na napangisi.
Nakuha ko na rin ang tiwala ng buong pamilya ni Alanis at malapit ko nang maisakatuparan ang mga plano ko.
“Talaga? Salamat sa pagtitiwala mo sa akin, Travis. Ipinapangako ko na aalagaan at poprotektahan ko si Alanis.” sabi ko. Tumango naman siya at tinapik ako sa balikat ko.
“Wag na ’wag mong sasaktan si Alanis dahil ako ang makakalaban mo sa oras na mangyari ’yon.” Seryosong sabi niya.
Hindi ko maipapangako na hindi ko masasaktan si Alanis kapag nakipag-usap pa siya at lumandi sa ibang lalake. Gusto ko na sa akin lang ang atensyon at puso niya.
“Ipinapangako ko, hinding-hindi ko sasaktan si Alanis.” At ngumiti ako.
Obsession #30
THIRD PERSON’S POV
“Mama, Papa.. huwag niyo po akong iiwan..” Pagmamakaawa ng isang anim na taong gulang na batang lalakeng umiiyak sa harapan ng kanyang mga magulang.
Nakakapit ito sa magkabilang paa ng kanyang ama’t-ina na tila pinipigilan ang pag-alis nila.
Tinulak naman papalayo ng ama ang batang lalake at dinuro ito.
“Huwag mo nga akong matawag-tawag na papa dahil wala akong anak sa labas na katulad mo!” Sigaw nito at sinipa ang braso ng batang lalake.
Umiiyak lamang ang batang lalake at bumaling naman siya sa kanyang ina.
“Mama.. huwag mo po akong iiwan. Ayoko pong maiwan kay
tita
!“ Pagmamakaawa ng bata.
Imbes na maawa ang ina ay pinalo pa nito ng isang matigas na kahoy sa bandang paa ang batang lalake kaya napadaing ito at tuluyan nang napaluhod dahil sa sakit.
“Ang tigas rin talaga ng ulo mo e, no? Sinabi ko nang ang Tita Fely mo na ang mag-aalaga sa’yo! Nakahanap na ako ng mayamang asawa na hindi kasing batugan ng ama mo! Wala na rin akong pakialam sayo’ng bata ka dahil simula nang ipinanganak kita ay nagkanda-leche na leche ang buhay ko! Dapat nga noong buntis pa lang ako ay ipinalaglag na kita pero magpasalamat ka at binuhay pa kita.”
Mas lalong napaiyak ang batang lalake sa sinabi ng kanyang ina. Tila ba kahit sarili niyang mga magulang ay walang pakialam sa kanya.
Palagi siyang sinasaktan ng pisikal at emosyonal ng mga ito pero kahit ganon pa man ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa mga ito dahil kahit pagbaliktarin man ang mundo ay mga magulang niya pa rin ito at mahal na mahal niya ito.
“Narinig mo ang sinabi ng nanay mo, Russel? Kaya ’wag ka nang magmakaawa na hindi ka namin iiwan dahil malas ka lang sa buhay namin!” Sabi ng ama niya.
“H-hindi niyo po ba ako mahal?” Humahagulgol na tanong ng batang lalake sa mga magulang niya.
Natawa lang ang kanyang ama’t-ina sa tanong niya. “Kahit kailan ay hindi ka namin minahal. Binuhay ka lang namin dahil kahit papaano ay mabait pa rin kami.”
Umalis na ang mga magulang nito bitbit ang mga gamit nila habang ang batang lalake naman ay patuloy pa rin sa pag-iyak at nakaluhod pa rin dahil sa natamo niyang mga sugat at pasa sa katawan dahil sa pambubugbog sa kanya ng kanyang mga magulang.
Sa loob ng anim na taon na pamumuhay niya kasama ang kanyang ama’t ina ay puro hirap at pasakit lang ang naranasan niya.
Naisip niya minsan na maglayas na lang pero sadyang mahal niya talaga ang kanyang mga magulang kaya napagdesisyonan na lang niya na tiisin ang mga pang-aabuso nito sa kanya.
Tuluyan na siyang iniwan ng mga ito dahil nakahanap na ang kanyang ama’t-ina ng bagong pamilya. Ang kanyang ama ay ilang buwan pa lang ang nakakalipas simula nang ipinanganak siya ay nakabuntis rin pala ito ng ibang babae samantalang ang kanyang ina ay namasukang katulong sa isang matandang mayaman na biyudo at nang mapikot ito ng kanyang ina ay naging mag-asawa na sila.
Humahagulgol pa rin ang batang lalake at tumingala sa barong-barong nilang butas na ang bubong dahil sa kalumaan.
“Bakit po hindi ako mahal nila mama at papa? Ano po bang nagawa kong kasalanan sa kanila? Kasi kahit po hindi nila ako mahal ay mahal na mahal ko po sila, Lord..”
Mabait na bata ito. Paborito siya ng mga kapitbahay nilang mahihirap rin dahil daw sa angking kagwapuhan, kasipagan, kabibuhan at magaling ring kumanta ito.
Minsan kapag parehong hindi umuuwi ang kanyang mga magulang sa kanilang barong-barong ay binibigyan siya ng mga ito ng pagkain. Pero lumipat na sila sa mas luma at sira-sirang bahay kaya nalayo na siya sa mga mababait niyang kapitbahay.
Maraming magandang pangarap ang batang lalake para sa kanya katulad na lang ng makapag-aral siya para maging isang sikat na arkitekto balang araw at para maiahon niya mula sa kahirapan ang kanyang mga magulang at magkaroon sila ng isang masaya at buong pamilya pero napagtanto niya na kahit kailan ay hindi mangyayari iyon.
Pinilit niyang makatayo kahit iika-ika na siyang maglakad dahil sa pasa at sugat sa kanyang mga paa at nang makatayo na siya ay sakto naman ang pagbukas ng pintuan ng kanilang barong-barong.
“Russel! Hindi ba’t sinabi ko na mangalakal ka ng mga bakal para maibenta mo at ’yung kinita mo ay ibibigay mo sa akin? Baka nakakalimutan mo na iniwan ka na sa akin ng mga magulang mo at ako na ang bubuhay sa’yo kaya dapat ay susundin mo lahat ng mga iuutos ko!” Galit na sabi ng kanyang tiyahin habang may hawak itong bakal na pamalo.
Lumapit ito sa batang lalake at pinagpapalo siya sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.
Napadaing sa sobrang sakit ang batang lalake at napaluhod na naman ito sa sahig dahil sa sobrang pang-aabuso na sa musmos niyang katawan.
“T-Tama na po
tita
…“ Umiiyak na sabi niya na nanghihina na at napasuka na rin ito ng dugo pero patuloy pa rin ang kanyang tiyahin sa pagpalo sa kanya ng pamalong bakal.
“Matigas ang ulo mo kaya dapat ay tinuturuan ka ng leksyon!”
“Tama na po.. masakit na
tita
.. h-hindi ko na po kaya…“
Napabalikwas mula sa pagkakahiga si Russel at hinihingal ito habang may unti-unting lumalabas na luha mula sa kanyang mga mata.
Napanaginipan na naman niya ang kanyang mapait na nakaraan. Ayaw na niya itong maalala ngunit tila binabalikan siya ng kahapon dahil sa mga ganoong klaseng panaginip.
Nagpunas siya ng luha gamit ang kanyang mga palad at tinignan na lamang niya ang picture nilang dalawa ni Alanis noong unang buwan nila bilang magkasintahan na pina-frame pa niya at inilagay sa loob ng kwarto niya.
“I’m sorry, Alanis if I’m hurting you in my obsessive ways. Gusto ko lang na maranasan na mahalin at alagaan ako at ikaw pa lang ang nagpaparamdam nun sa akin. Takot akong mawala ka sa akin at iwanan mo ako. Sana balang araw ay mahalin mo rin ako dahil sobrang mahal na mahal kita…”
At napaluha na naman ito.
Maybe he’s obsessed, possessive and desperate to love but he only wants to loved and beloved.
Obsession #31
MARINEL’S POV
Sa buong buhay na pag-aaral ko sa YG Academy ay ngayon lang ako sobrang sumaya ng ganito. Biruin mo? Kami na ng Varsity Heartthrob Player na si Neilson Furukawa?
Sa hinaba-haba ng panahon, sa wakas ay naging kami na rin. Alam ko naman na hindi niya ako gusto pero gagawin ko ang lahat para lang mapalitan si Chloe mula sa puso niya. Handa akong maging rebound basta lang ay matulungan ko si Neil sa pagmomove-on niya.
Aatras pa ba ako kung may chance na ako?
Noong Annual Event ng YGA ay nanalo ang team nila Neil kasama sina Julian at Denver. Napapansin ko nga na hindi na sila Magkakasamang tatlo na palagi kong nakikita. Siguro ay baka busy lang talaga sila kaya minsan na lang silang nagkakasama.
Si Julian naman, ayon at hibang pa rin kay Alanis pero hindi katulad noon ay hindi na siya makalapit pa sa friend ko dahil nandyan palagi si President Russel sa tabi ni Alanis.
Nakakatakot pala magalit si Russel, ano? Nung binastos si Alanis ng estudyanteng taga St. Claire ay binugbog niya ng todo iyong lalake. He’s so overprotective and that means na mahal na mahal niya talaga si Alanis.
Si Denver chinito naman ay napapansin ko na ilang na siya kay Neil at si Julian nalang ang palaging kasama nito unlike before.
Nag-away kaya sila?
Break time ngayon at may baon akong foods para kay Neil. Papunta ako ngayon sa Basketball Gym dahil nagpapractice siya kasama ang mga kateammates niya sa basketball.
Naglalakad ako ngayon sa corridor na walang katao-tao nang may narinig akong nag-uusap sa likod ng pader na malapit sa men’s cr.
“Ayos rin ’yung ginawa mong drama, President ah? Ginaya mo pala ’yung style kong “magpakamatay move.” Natatawang sabi ng isang panlalakeng boses. The voice is very familiar.
Tumawa lang rin yung lalakeng tinawag na.. President?
“Kailangan ko ’yon gawin para matakot siya na iwanan ako. Dapat nga ay pinatay ko na lang rin pala sa bugbog ’yung lalakeng nambastos kay Alanis. Aagawan pa niya ako ng girlfriend? Pasalamat siya at maraming makakakita sa amin at ayokong mabahiran ng dugo ang mga kamay ko sa harap ng maraming tao.” Sabi rin ng isang lalakeng may napakapamilyar na boses.
Sumilip ako ng kaunti sa likod ng pader at laking gulat ko nang sila ang nakita ko.
It’s Russel and Tomas.
“Tama lang ang ginawa mo. Hindi tayo talunan at ’wag natin hahayaan na agawin sa atin ang mga taong mahal natin. If we need to kill just for them then we will kill.”
Nangilabot ako dahil nakita ko ang pagngisi ni Uste sa sinabi niya.
The silent-type guy and cool Uste was just like this?
Papatay sila ng tao para lang doon? Hindi ko kinakaya ang mga naririnig ko. Sina Russel at Uste ang kilala kong may mga matinong pag-uutak at may mga tamang disiplina dito sa YGA pero sa mga sinasabi nila ay bumaba na ang tingin ko sa kanila.
Para silang mga obsess sa pinagsasabi nila!
Russel chuckled and he smirked. “And after that, blinackmail ko si Principal Gonzaga na sasabihin ko sa buong YGA na may kabit siyang 4th year high school student kung ipapa-expell niya ako sa YGA dahil sa ginawa ko sa taga St. Claire. ’Yung matanda naman, ayon at namutla na sa takot kaya tumiklop. Tsk! What a coward.”
“Kakaiba ka talaga, Russel! Bilib na ako sa’yo!”
Napatakip ako ng aking bibig at pinipigilan ang paghikbi ko. These guys seems so very dangerous and obsessive. Natatakot ako sa maaring gawin nila sa mga girlfriends nila lalo na kay Alanis.
Hindi na kami masyadong nagkikita dahil inilipat siya sa all girls section ng YGA na utos daw ng parents niya.
Bakit naman siya nilipat doon? May hindi ba tama sa mga nangyayari ngayon?
Alanis needs to stay away from Russel. Mapapahamak siya at baka saktan pa siya nito. Tama pala ang sinasabi ni Julian na baliw at obsessed na si Russel kay Alanis. Hindi ako makapaniwala!
Russel’s image is very perfect. Akala ko ay mabait siya ayon pala ay hindi. Nadala kami sa pekeng ipinapakita niya kapag kaharap na ang buong YGA and Tomas, he’s just like his bestfriend. Nakakatakot rin pala siya.
Iniwasan kong makalikha nang kahit anumang ingay. Maglalakad na sana ako papaalis nang biglang..
“Eavesdropping is not appropriate for a student like you, Ms. Sy,” Napahinto ako sa paglalakad at nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Russel na nakangisi sa akin.
Napaiyak ako at umiling. “Tama si Julian, baliw at obsess ka na! Kailangan malaman ’to ni Alanis!” sabi ko ng madiin.
Akmang aalis na ako nang hinarang niya ako at masamang tinitigan.
“Subukan mong magsumbong, Marinel. Hindi mo alam ang mga kaya kong gawin.” Mas lalo pa siyang lumapit sa akin at nginisian ako habang si Uste naman ay nakasandal lang sa pader habang nakatingin sa amin.
Tinulak ko siya. “Hindi ako natatakot sa’yo, Russel. Delikado ang buhay ni Alanis sa’yo. Baliw ka!” sigaw ko.
Pumalakpak na lang siyang bigla sa sinabi ko at pinagkrus ang kanyang mga kamay.
“Kung ako sa’yo ay ’wag mong pakialaman ang mga plano ko para sa aming dalawa ni Alanis. Hindi ko naman siya sasaktan emotionally dahil mahal ko naman siya pero sa physical ay baka pwede pa, ayon ay kung manlalalake siya at lolokohin niya ako but I will not allow her to do that. She’s already mine.”
Nakakapangilabot. Ibang Russel ang kaharap ko ngayon.
“Sasabihin ko ang lahat ng mga nalaman ko sa’yo at hindi mo ako mapipigilan!” sigaw ko ulit sa kanya.
Lumakad na ako papalayo pero napahinto ako sa sinabi niya.
“Talagang hinahamon mo ako, Marinel? Tignan na lang natin,”
Natakot ako sa sinabi ni Russel pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at nagtungo na sa klase nila Alanis.
She needs to know this.
– #53 in General Fiction. Highest Rank Achieved. Salamat sa mga nagfofollow sa akin. Sa inyo ko idedicate ang mga chapters. Love you. :*
Obsession #32
ALANIS POV
[ Before Russel and Marinel’s Confrontatio
n]
Alas diyes na ng gabi pero nandito pa rin ako ngayon sa parke na malapit lang sa subdivision namin. Ang akala ni Russel ay natutulog na ako dahil iyon ang sinabi ko sa kanya pero gusto ko munang mapag-isip at mapag-isa.
Russel, The guy that I’ve met 2 months ago. The Student School President and running for Valedictorian in YG Academy. Russel Madrid is now my boyfriend.
Masyado nang maraming nangyari simula nang lumipat kami ng pamilya ko dito sa Maynila. Noon, masaya at may kalayaan ako para gawin ang gusto ng puso ko pero ngayon, pakiramdam ko ay kontrolado na ako. Bawat hakbang at galaw ko ay parang kalkulado na rin. Minsan nga naiisip ko na sana ay hindi na lang kami umalis ng Masbate. Masaya na ako noon na kasama ko ang mga kaibigan at mga kamag-anak namin doon pero, may mga pangyayari talagang dapat nating harapin at maranasan.
Hindi lahat ay masarap, minsan kailangan mo rin maranasan ang hirap at pagsasakripisyo upang mas maging matibay, matatag at may pananalig ka sa Diyos. Maybe this is God’s fate for me. Kailangan kong pagdaanan ito para matuto ako sa mga bagay na hindi ko pa kayang gawin at magdesisyon ng tama na para naman sa sarili ko.
Nakaupo lang ako sa isang swing sa park na pinuntahan ko. Nililipad ng hangin ang buhok ko habang nakatingala ako sa langit at pinagmamasdan ang buwan at mga bituin.
Ang ganda ng paligid kapag gabi. Nakakarelax pa ang malamig na simoy ng hangin. Pumikit ako at humiling.
“Kayo na po ang bahala sa akin. Bigyan niyo po ako ng lakas at tibay ng loob para sa haharapin ko pong mga pagsubok na ibibigay niyo sa akin. Amen.” Napamulat ako ng mata at napangiti.
Ang sarap pala sa pakiramdam na kausapin si God. Hindi man natin siya naririnig at nakakausap ay sigurado naman tayong nandiyan lang siya sa ating paligid at ginagabayan niya tayo.
Ineenjoy ko ang momentum ko dito sa parke at pumikit muli nang maramdaman kong may umupo katabi sa swing na inuupuan ko. Napamulat ako ng mata at nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
“Julian?” He smiled at me at tumingala rin ito sa langit.
Nakasuot siya ngayon ng red jacket na may hood, white t-shirt, pants at sneakers. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming mga babaeng nagkakagusto sa kanya.
Gwapo siya, maputi rin at matangkad. Kung tutuusin nga ay mas gwapo pa siya kaysa kay Russel na ngayon ko lang napansin pero may iba rin kasi kay Russel na mas lalong nagpapa-attract sa mga babae.
“Nandito ka rin pala,” Sabi niya at ipinikit ang kanyang mga mata.
Noon, ang nakikita kong Julian ay isang warfreak, mayabang, bastos, selfish, manipulator at bully pero ngayon, parang ibang Julian na ang nakikita ko. Simula nung pinagtabuyan ko na siya ay hindi na niya ako muling ginulo pa. Wala na rin akong nababalitaan na may sinaktan siya o binully ulit na estudyante.
Tama nga si Denver, hindi mapagpanggap at sinungaling si Julian. Julian is Julian, you can clearly see through his eyes that he’s a real and nice person inside.
Napaiwas ako ng tingin sa gwapo niyang mukha at tumingala rin sa langit. “Yeah. Gusto ko lang mapag-isa.” And I smiled too.
Katahimikan ang bumabalot sa paligid naming dalawa. Wala ni isang nagsasalita sa amin. We’re enjoying this moment. Dapat nga ay galit ako ngayon kay Julian dahil sa mga paninira niya kay Russel pero hindi ko na magawa pa dahil nalilito na rin ako sa mga ikinikilos ni Russel. The way he acts towards me ay para na siyang ibang tao. Hindi ko na talaga alam!
“Alanis,” Tawag ni Julian.
“Hmm?” Tugon ko habang nakatingala pa rin sa langit.
“I-I’m sorry sa mga nagawa ko sa’yo noon. Sa lahat-lahat, sa pambablackmail ko sa’yo at sa panggugulo ko sa r-relasyon niyo ni Russel. S-sana patawarin mo ako.” Napatingin naman ako sa kanya.
Nakayuko ito at nakikita ko sa mga mata niya na totoo ang paghingi niya ng tawad sa akin.
“Okay na, Julian. Tapos na ’yon at kalimutan na lang natin. Nakikita ko naman sa’yo na nagbabago ka na, e. Hindi ka na si Julian na bully at mayabang.” Nakangiti kong sabi. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti rin.
“Narealized ko lang kasi na mali lahat ang pagrerebelde na ginagawa ko. Hindi ko man lang naisip na may nasasaktan na akong ibang tao. Kahit pa pamilya ko ay kinakalaban ko. Hindi ko lang maintindihan, Alanis na bakit unti-unti na akong nagbabago simula nang makilala kita.” Bigla naman akong napahinto sa mga sinabi niya.
“A-ako? Bakit ako?” kunot-noong tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya at tumayo saka humiga sa grass ng parke.
“ Ikaw kasi ang kahinaan ko,“
May binulong siya pero hindi ko naman gaanong narinig.
“Ano ’yon?”
Umiling lang siya. “Wala ’yon. Tara! Humiga ka rin dito. Masarap sa pakiramdam na you’re lying down while looking to the moon and stars under the night.” Ginaya niya pa ang boses ni Kuya Bodjie nang sabihin niya iyon.
Natawa naman ako doon saka tumabi sa kanya at humiga na rin.
Julian and I are now lying down while looking at the sky. Hindi ko maintindihan pero sobrang gaan na ng pakiramdam ko sa kanya. He’s carefree at kitang-kita ko na masaya siya.
“Julian, I’m sorry rin sa mga masasakit na salitang nasabi ko sa’yo dati.” Sincere kong sabi.
“It’s not your fault. Masyado kasi akong vocal kung mag-isip. Kapag galit ako o may hindi nagustuhan ay nagwawala kaagad ako at hindi iniisip ang consequences ng mga sinasabi ko. Dapat pala ay iisipin kong mabuti ang mga desisyon at sasabihin ko na hindi makakasakit sa’yo o sa ibang tao.” sabi niya.
Hindi ako makapaniwala na magsasalita ng ganito ang isang mapride at may mataas na ego na si Julian Saavedra. Napapahanga niya ako sa mga sinasabi niya.
“You really changed alot, Julian.” I smiled and he faced me.
Sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Buwisit na lalakeng ’to! Ni wala man lang pores o wrinkles sa mukha. Ano bang facial wash o sabon ang gamit nito? Ang kinis kinis ng mukha niya plus ang matangos pa niyang ilong na napakaperfect, mapupulang labi, makapal na kilay, pantay na mga ngipin at nakakaakit na mga mata.
Ang swerte siguro ng makakatuluyan niyang babae balang araw. Kumbaga sa pasalubong eh all in one package na si Julian.
“This is for a change, Alanis at gusto ko sana na sa kabila ng lahat ng mga ginawa ko sa’yo ay maging magkaibigan tayo. Pwede ba ’yon?”
Kunwaring nag-isip pa ako pero tumango rin ako at nag thumbs-up sa kanya. Nagulat siya sa pagsang-ayon ko at niyakap ako na ako naman ang nagulat sa ginawa niya.
“Salamat, Alanis.”
Shet. Bakit naghuhurumentado ang puso ko ngayon sa yakap ni Julian?
– Anong team ka? Team NisSel? Team AlaJul? o Team GiovaNis?
Obsession #33
MARINEL’S POV
[
Present]
Ngayon ay patungo na ako sa all girls section nila Alanis. Kailangang malaman niya ang lahat tungkol sa tunay na pagkatao ni Russel. I treat Alanis as my real sister kaya hindi ko hahayaan na mapunta siya sa isang lalaki na walang ibang inisip kundi ang kapakanan at pansariling interes niya lang.
Alanis doesn’t deserve an obsessed guy like Russel. She deserves someone better.
Naglalakad pa rin ako nang may magsalita sa announcement booth kaya napahinto ako sa paglalakad at nakinig sa isang speaker.
“Attention to everyone! To all students of YG Academy, please proceed now to the Gymnasium. I’m saying some important announcements. Thank you!” Sabi ng isang babaeng announcer na may maarteng boses.
Ang ibang mga estudyante ay nagmadali namang magpunta sa Gymnasium. Ano naman kayang announcement ang sasabihin at parang boses pa ng maarteng si Elka ang narinig ko?
Napabuga na lang ako ng hangin at nagtungo na lang rin sa Gymnasium. Mamayang uwian ko na lang siguro kakausapin si Alanis.
Pagkarating ko ng Gymnasium ay halos lahat ng mga estudyante ng YGA ay nandito. Nakita ko naman si Neil sa ’di kalayuan kaya kinawayan ko siya. Nakita niya rin ako at kinawayan pabalik.
Mukhang busy siya sa pakikipag-usap sa coach nila sa basketball kaya mamaya ko na lang muna siya lalapitan at ibibigay ang lunch na ginawa ko para sa kanya.
Nasa gitna ng stage sa Gymnasium si Elka na alam kong patay na patay rin kay Neil. Maldita at maarte ang babaeng iyan kasama ang dalawang alipores niya. Hindi nga lang siya makaporma kay Neil dahil alam niya na wala siyang laban sa isang Chloe Saavedra. May class naman kasi si Chloe kumpara kay Elka na puro kaartehan at kalandian lang ang alam sa katawan.
Nagtataka kaming lahat kung bakit nasa stage si Elka at may hawak pang mic.
Kailan pa siya naging announcer ng YGA?
“Hoy, Elka! Anong ginagawa mo diyan sa gitna ng stage? Kung kakanta ka ay baka bumagyo lang dito sa school dahil sa ganda ng boses mo!” Kantyaw ng isang kateammates ni Uste sa soccer na ikinatawa ng lahat.
Umirap lang si Elka dito. “Shut up, Kennedy!”
“Baka naman magpapapansin ka lang sa amin at may paannounce-announce ka pang nalalaman?” Seryosong sabi naman ng Student Vice President namin na si Mark.
Nakita ko naman si Russel na nakasandal sa isang gilid ng pader at pinagkrus ang mga kamay niya at nang mapatingin siya sa akin ay nginitian niya lang ako.
I cringe when he smiled at me. Something bad will might happen.
“Oo nga, Elka. Kung hindi importante ’yan ay mas mabuti pang aalis na kami dito. You’re wasting our time!” Naiinis na sabi ni Tania. Chloe’s friend.
Umirap lang ulit si Elka at nang makita niya ako ay ngumisi siya sa akin at itinuro ako.
“You know what guys? Masyado na talagang desperada si Marinel Sy, e. Alam naman nating lahat na kalat na kalat na ang lantarang PDA nila ng Basketball Heartthrob na si Neil Furukawa, right? Naging boyfriend lang naman pala niya si Neil dahil ginagawa lang siyang rebound nito at ang desperada naman ay nagpapagamit. Alam rin natin na si Chloe Saavedra na leader ng Cheering Squad ang totoong mahal ni Neil at hindi siya.” Tinaasan niya ako ng kilay at nginisian at tumawa naman ang mga alipores niya.
Biglang umingay ang buong paligid at ang iba naman ay nagbubulungan na habang nakatingin sa akin. Ang iba ay tinitignan ako na parang nandidiri pa at ang iba naman ay lumayo sa akin nang medyo malapit sila sa pwesto ko.
“Talaga? Desperada naman pala si Marinel. Sayang, maganda pa naman!”
“Gosh! Gagawin talaga ng mga desperada ang lahat para maka-iscore lang sa isang heartthrob basketball player!”
“Ang dami-dami pa namang gwapo sa YGA pero si Neil pa talaga ang tinarget niya? Ew!”
Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko at halos hindi na makahinga. Hindi ko na napigilan pa at lumuha na ako.
Desperada? Ganon na ba talaga ako para kay Neil? Masyado ko bang pinipilit ang sarili ko sa kanya? Oo, alam kong rebound niya lang ako at pumayag ako doon pero kasi, umaasa rin ako na mamahalin niya ako at tuluyan ko nang mapalitan si Chloe sa puso niya.
Mahal ko si Neil, kaya kahit hindi niya ako mahal ay tutulungan ko siyang makalimot sa babaeng nanakit sa kanya.
“Oh! Umiiyak na si Marinel desperate. Look guys, totoo kasi ’yung sinabi ko kaya siya apektado.” At mas lalo pang nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Elka.
Napatingin ulit ako sa pwesto ni Russel at nakita ko siyang may hawak na cellphone na alam kong vine-videohan niya ang buong pangyayari.
Alam ko na, siya ang may pakana nito. Ganti niya ’to laban sa pagsusumbong ko sana kay Alanis. Nagtagumpay siya dahil ngayon ay sirang-sira na ako sa buong YGA.
Tumingin siya sa akin at muling ngumisi.
He’s an evil and manipulator.
Hindi ko na kinaya pa at tumakbo na ako papalabas ng Gymnasium. Nakita ko naman ang pagsunod sa akin ni Neil.
Walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko. Tama nga siguro si Elka, desperada na ako.
Napahinto ako sa soccer field at naramdaman ko na lang na may humawak sa braso ko.
“Marinel..”
It’s Neil. Yumuko lang ako at patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko.
“S-Siguro tama nga si Elka. Desperada na ako sa’yo, Neil. Alam kong rebound mo lang ako e, pero nagpumilit pa rin ako.” Malungkot kong sabi.
“Marinel, please look at me and listen to me.” Hinawakan naman niya ang magkabilang kamay ko kaya napaharap na ako sa kanya.
His face looks so worried at may awa. Awa?
Hindi ko kailangan ng awa mo, Neil. Pagmamahal mo ang kailangan ko.
“M-Mahal mo pa rin ba si Chloe?”
Sa tinanong ko ay para ko na ring pinapatay ang puso ko pero kailangan ko ng sagot. Hindi siya kaagad nakasagot kaya tumango na lang ako at ngumiti ng malungkot.
“Nagtanong pa ako e, alam ko naman ang sagot.” I laughed bitterly at tinanggal ang mga kamay niya sa braso ko.
“Hindi mo ba ako mahal o kahit gusto man lang?”
Marinel. Okay, kill yourself with your questions!
“Marinel, I-I just..” I stopped him.
“Let’s stop this, Neil. I don’t need your pity. Bigla na lang akong natauhan. Dapat pala ay hindi na ako pumayag na maging girlfriend mo dahil kahit kailan ay hinding-hindi mo ako magugustuhan.” Mapait kong sabi.
Nakita ko na may tumulong luha sa mga mata niya pero masyado nang namanhid ang puso ko kahit gusto kong punasan ang mga luha niya.
Ayoko siyang nakikitang umiiyak ulit pero kung patuloy ulit akong umaasa sa kanya ay paano naman ako?
Umalis na ako at iniwan siyang nakayuko sa field. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa mapadpad ako sa isang malaking puno at doon ay umiyak ng umiyak.
I’m desperate and a freaking rebound to Neilson Furukawa!
“Do you need a shoulder to cry on?” Napalingon naman ako sa nagsalita sa harapan ko.
It’s Denver Flores.
RUSSEL’S POV
Pagkatapos kong mavideohan ang buong pangyayari kanina sa Gymnasium ay nilapitan ako ni Elka.
“Thank you for that info, President. I’m sure that Neil is going to be mine.” She smiled.
What a desperate bitch.
I smiled too. “No problem.”
Kakalabanin mo pa ako, Marinel? Kahit kailan ay hindi ako matatalo ng kung sinuman. Don’t you dare to ruin my plan to my Alanis. Magkakamatayan muna tayo bago niyo siya makuha sa akin.
Obsession #34
RUAN’S POV
Nandito ako ngayon sa labas ng YGA at hinihintay ang aking beloved brother na si Russel. May usapan kasi kami na magkikita ngayon dahil may ipapautos na naman siya sa akin. Okay lang naman iyon basta ba ay babayaran niya lang ako ng malaki.
May ilang mga estudyanteng babae ang napapatingin sa akin kaya kinikindatan ko sila na kinakikiligan nila. Iba na talaga ’pag gwapo!
Ilang minuto lang akong naghintay sa labas ng gate hanggang sa makita ko na si Russel na naglalakad papalapit sa akin at may kasama itong isang maganda at sexy na chicks na sa pagkakatanda ko ay Alanis ang pangalan. Ito na yata ang girlfriend niya na tinutukoy niya.
Shet! Napakagat-labi ako at tinitigan ang kanyang mapuputing legs hanggang sa mapadako ang tingin ko sa dibdib niya. Hindi naman gaano kalaki ito ’di katulad sa mga naging ex ko pero pwede na. Maganda siya at mukhang inosente.
Sa lahat yata ng babaeng nakita ko ay siya ang pinakamaganda sa lahat. Naka jackpot ang kapatid ko, ah?
Nakita ko naman ang matatalim na titig sa akin ni Russel habang ang girlfriend naman niya ay nakayuko at parang nahihiya sa akin. Ngumiti na lang ako nang makalapit na sila.
“Hello my brother! Siya ba si Alanis?” Tanong ko at tinignan ulit si Alanis na nakayuko pa rin.
“Oo, siya nga at pwede ba, Ruan? Tigilan mo na nga ’yang kakatitig mo sa girlfriend ko!” May bahid pa ng iritasyon na sabi ni Russel kaya napatawa na lang ako.
“Sorry naman. Maganda kasi siya e. Ahm.. Hi, Alanis! ako nga pala si Ruan, ang nag-iisang kapatid ni Russel.”
Lumingon na sa akin sa wakas si Alanis at tumango lang ito. Ang hinhin naman niya.
“Ikaw Ruan, ihatid mo na muna si Alanis sa bahay nila at maiiwan muna ako dito sa YGA. Kapag may ginawa kang kalokohan sa kanya ay malalagot ka sa akin.” Banta niya.
Mukha namang nagulat si Alanis dahil binilin siya ni Russel sa akin.
“Huh? Russel, kaya ko-”
“Hindi. Ihahatid ka ng kapatid ko pauwi. May importante lang kaming pag-uusapan ni Ruan mamaya dito sa YGA.” Napabuntong-hininga na lang si Alanis at tumango ito.
Aba? Sunod-sunuran pala siya kay Russel at itong si Russel naman ay kung todong makabakod na sa girlfriend niya. Kung sa bagay, maganda at sexy si Alanis at tiyak na maraming lalake ang nagkakagusto dito.
Magpasalamat na lang si Russel at kapatid ko siya at binabayaran niya ako kundi baka inagaw ko na rin sa kanya ’tong girlfriend niya.
Wala pang babaeng tumatanggi sa isang Ruan Madrid.
“Huwag kang mag-alala my dear brother, iingatan ko ’tong chicks mo. Ihahatid ko siya sa kanila ng buo.” Natatawa kong sabi na parang ikinatakot pa ni Alanis.
“Siguraduhin mo lang.”
Biglang namang hinapit ni Russel sa baywang si Alanis at hinalikan ito. Natawa pa ako nang hindi siya hinahalikan pabalik ni Alanis pero nang hinawakan ni Russel ng mahigpit ang braso ng girlfriend niya ay hinalikan na rin niya ang kapatid ko pabalik.
Mukhang may hindi tama.
Nang matapos na sila ay biglang may hinagis si Russel sa akin. Nasalo ko naman ito at natuwa ako dahil credit card niya iyon.
“I love you, baby. See you tomorrow.” Sabi pa ni Russel at hinalikan ng mabilis si Alanis. Tumango lang si Alanis doon.
Tinignan ulit ako ng masama ni Russel at bumulong siya sa akin. “Tandaan mo ’yung sinabi ko. You know what I can do, Ruan.”
Ngumisi lang ako. “Tumutupad naman ako sa usapan natin basta money money lang ’yan.” Natawa lang siya ng peke at umalis na papasok sa YGA.
Bumaling naman ako kay Alanis. “May motor akong dala. Doon tayo sasakay.”
“Ah, sige.” mahinhin niyang sabi.
Nagtungo na kami ni Alanis sa parking lot ng YGA at pinuntahan ang nakapark kong motor. Binigyan ko siya ng helmet saka ko naman isinuot ang sa akin. Sumakay na ako sa motor ko at ngayon ay pinapasakay ko na rin siya.
Mukha siyang tensyonado at hindi makahawak sa akin kaya ako na mismo ang naglagay ng mga kamay niya sa baywang ko.
“Kumapit ka at baka mahulog tayo nito.” Natatawa kong sabi. Hindi naman siya nagsalita.
Sinimulan ko nang paandarin ang motor ko. Tahimik lang si Alanis sa likod ko.
Napailing ako. Nakakabaliw pala ang babaeng ’to. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit baliw na baliw sa kanya si Russel.
“Saan ba ang bahay niyo?” Tanong ko at nilakasan ang boses ko para marinig niya ako.
“S-Sa Artemis Subdivision.”
Artemis Subdivision? Hmm. Pang mayamang village. Jackpot na talaga si Russel sa kanya.
Nakarating na kami sa Subdivision nila at itinuro naman niya sa akin ang direksyon ng bahay nila. Bumaba na kami sa motor ko at tinanggal ang helmet ko.
Medyo nahihirapan siyang magtanggal ng helmet niya kaya lumapit ako sa kanya at tinulungan siya.
“Salamat.” Sabi niya nang matanggal ko na ang helmet niya.
Napatitig ako sa kanyang mukha pababa sa kanyang labi, leeg at hanggang sa dibdib niya. Tangina! Nakakaakit ang kainosentihan niya. Napaiwas na lang ako ng tingin.
“S-Sige, pumasok ka na sa inyo.” Nautal kong sabi.
Ngumiti naman siya. “Kamukhang-kamukha mo si Russel. No wonder na magkapatid talaga kayo.” Sabi pa nito at pumasok na siya sa loob ng bahay nila.
Napangiti naman ako at napakagat-labi.
Dumiretso na kaagad ako ng YGA at nadatnan ko si Russel na nasa tapat na ng gate ng YGA.
“May ginawa ka bang masama kay Alanis?” Sabi niya nang makalapit na ako sa kanya. Napahalakhak naman ako saka umiling.
“Oy! Wala akong ginawa sa girlfriend mo, ah? Dear brother kita kaya hindi kita tataluhin.” Umirap lang siya sa sinabi ko at pinagkrus ang kanyang mga kamay.
“May nahanap ka na bang lugar kung saan hindi na kami matatagpuan pa ng mga kamag-anak ni Alanis? o ng kahit sino?” Tumango ako at kumindat.
“Ako pa. Salamat pala sa credit card mo, mahal kong kapatid. The best ka talaga!” Winagayway ko pa ang credit niya at hinalikan ito.
“Mukha ka talagang pera.” Sabi niya pero hindi ko na lang iyon pinansin.
Pera at babae lang naman ang kailangan ko. Tutal, ganon rin naman ang tatay namin ni Russel.
Almost 20k reads at 1.1k votes na. Salamat po sa pagbabasa mga magaganda at gwapong readers ng TOGP.
Obsession #35
LARA’S POV
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko nang itigil ang relasyon namin ni Uste dahil kung ipagpapatuloy ko pa ito ay mas masasaktan ko lang siya pero, nung sinabi niya sa akin na magpapakamatay siya kung iiwanan ko siya ay nagdalawang-isip na ako.
Alam ko kung gaano ako kamahal ni Uste at pinaglaban niya ako sa lahat kahit pa sa pamilya niya. Dalawang taon na ang relasyon namin pero hanggang ngayon ay si Travis pa rin ang tinitibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit e, parang wala na rin namang pakialam sa akin si Travis.
Kung natuturuan lang sana ang puso na mahalin ko ’yung isa ay matagal ko nang ginawa.
“Lara, okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala diyan girl,” Tanong sa akin ni Inah.
Nandito kami ngayon sa bahay nila Gio at gumagawa ng Group Project namin. Kasama rin namin ang isang kagrupo namin na si Kiyo.
Napatango lang ako habang tinignan naman ako ni Gio nang may pagdududa na busy sa pagsusulat sa isang Manila paper.
“Okay lang ako, Inah. Napagod lang ako sa dami ng mga projects natin.” Sumang-ayon naman si Kiyo sa sinabi ko at inunat nito ang mga braso niya.
“Sinabi mo pa, Lara. ’Yung matandang hukluban kasi na ’yon, pinapahirapan pa talaga tayo!” Natawa naman kami sa sinabi ni Kiyo.
Strict at masungit kasi ang teacher namin sa Science at matandang dalaga pa kaya palagi na lang ito inaasar ng kung anu-ano ng mga kaklase namin.
“Oo nga, parang hindi niya naranasan maging high school student!” Reklamo pa ni Inah.
Napatawa na lang kami ni Gio. Pagkatapos ng mahabang oras sa wakas at natapos na rin ang Group Project namin. Nauna nang umuwi sila Kiyo at Inah dahil may importante pa raw silang pupuntahan habang ako naman ay nandito pa rin sa bahay nila Gio at siya na lang daw ang maghahatid sa akin pauwi.
Medyo malayo na rin kasi ang bahay nila sa amin nila Inah dahil lumipat na sila dito sa isang Exclusive Subdivision. May kaya ang pamilya nila Gio. Noon kasi ay magkakapit-bahay lang kaming apat nila Alanis at Inah.
“Kumain ka muna, Lara.” Alok ni Gio at may nilapag na pagkain ito sa study table na ginagamit namin kanina sa paggawa ng project.
“Salamat, Gio. Sina Tito at Tita pala?” Tanong ko at sumubo ng spaghetti.
Tumabi naman siya sa akin at uminom ng drinks na kanina pa namin binili bago gumawa ng project. “As usual, nasa trabaho.” Tumango na lang ako at hindi na siya muling nagsalita pa.
Giovanni is a quiet-type of guy. Gwapo at matangkad rin ito kaya marami siyang mga fangirls sa school namin. Bibihira lang magsalita at medyo malihim rin. Mabait, matalino, gentleman at mapagkakatiwalaan siyang kaibigan. He’s also a good observant at alam niya kung nagsisinungaling ba kaming mga kaibigan niya o hindi. Alam niya noon pa man na si Travis na ang mahal ko at hindi si Uste.
Travis is my first boyfriend at lihim lang dati ang relasyon namin dahil ayokong masaktan ang damdamin ni Uste. Mga bata pa lang kami ay alam kong mahal na ako ni Uste, pero si Travis lang talaga ang mahal ko. Travis and I broke up dahil ayaw na niyang ilihim pa ang relasyon namin sa lahat pero ako ay gusto ko pa rin isikreto iyon dahil kay Uste.
Kasalanan ko naman kung bakit wala na kami ni Travis pero ayokong may masaktan pa nang dahil sa akin. Naging kami ni Uste dahil nga sa “awa” ko sa kanya. Palagi niya kasi akong sinusuyo at sinasamahan sa lahat ng mga problema ko. Malaki rin ang utang na loob ng pamilya ko sa kanya dahil tinulungan niya kami sa pambayad para sa pagpapagamot sa bunsong lalakeng kapatid ko na si Lance na nagkasakit ng lung cancer.
Ayaw sa akin ng pamilya niya dahil iniisip nila na Gold Digger raw ako at pera lang ni Uste ang habol ko pero pinaglaban ako ni Uste hanggang sa napapayag na rin niya na tanggapin ako ng pamilya niya pero ang kapalit nun ay sa Maynila na siya mag-aaral ng high school. Wala naman siyang ibang nagawa kundi tanggapin na lang iyon basta ay palagi niya akong dadalawin sa Masbate every weekends.
Nakita ko kung paano ang paghihirap na tiniis niya para lang sa relasyon namin. Ayoko siyang masaktan dahil mabuti siyang boyfriend sa akin at higit sa lahat ay mahal na mahal niya ako.
“How about you and Uste?” Biglang pag-imik ni Gio.
Natahimik ako at napayuko.
“Ayoko siyang saktan, Gio. He loves me so much at nakita ko ang lahat ng paghihirap niya para lang sa akin.” Malungkot kong sabi. Tumango naman siya.
“Pero sa tingin mo ba ay hindi mo rin sinasaktan ang taong mahal mo talaga? May masasaktan at masasaktan talaga kung nagmamahal ka pero ang palagi mong pipiliin ay ’yung taong alam mong mahal ka at mahal mo rin.”
Natamaan ako sa mga sinabi niya dahil tama siya.
Bahala na kung ano ang mangyayari sa amin ni Uste basta ay maging tapat na ako sa sarili ko at hindi ko na masaktan pa ang taong mahal ko.
Ngumiti naman ako. “Pipiliin ko na ang kung ano ang tama. Salamat, Gio.” Ngumiti rin siya at muling uminom ng drinks niya.
Maswerte si Alanis at gusto siya ni Gio. Napakabuting tao ni Gio at alam niya ang tama sa mali kaso nga lang ay ubod ito ng pagkatorpe kaya naunahan na ng iba.
Sana nga talaga ay si Alanis at Gio na lang ang nagkatuluyan kaso hindi na pala pwede.
“Talaga bang hindi ka na aamin ng nararamdaman mo para kay Alanis?” Napahinto siya sa tanong ko at ngumiti saka umiling.
“I don’t want to ruin her happiness. Masaya na ako kung saan siya masaya. Love is sacrificing, Lara.”
Sana ay ganitong lalake na lang ang pinili mo, Alanis. Yung rerespetuhin ka at bibigyan ka ng kalayaan kung saan ka masaya dahil mahal ka niya.
Obsession #36
ALANIS POV
Nabalitaan ko na hindi pumasok si Marinel ngayon sa klase nila pagkatapos ng pagpapahiya na ginawa sa kanya ni Elka sa Gymnasium ng YGA. Naaawa ako kay Marinel, alam kong matagal na niyang gusto si Neil at umaasa siya dito pero hindi naman yata tama na gawin lang siyang rebound ni Neil. Masakit sa parte naming mga babae iyon.
Naiintindihan ko ang damdamin ni Marinel, hindi ko lang maintindihan si Neil kung bakit kailangan niya pang gumamit ng isang tao para lang makalimot at ang ginamit pa niya ay si Marinel na matagal na siyang gusto. Gusto kong damayan at tulungan si Marinel sa problema niya kaya kapag pumasok na siya ay kakausapin ko siya.
Kakatapos lang ng klase namin sa all girls section na pinaglipatan sa akin ni Russel. Mababait naman ang mga naging kaklase ko at ang rason pala kung bakit sila napunta sa all girls section ay baka raw magka boyfriend sila kaagad dahil sa mga kaklase nilang lalake na ayaw ng mga magulang nila.
Mabuti pa nga sila at magulang nila ang nagbabawal na makisalamuha sa mga lalake sa kanila, samantalang ako? Hays.
“Alanis!”
Pagkalabas ko ng classroom namin ay nakita ko si Julian sa ’di kalayuan na kumakaway sa akin.
Napatingin ako sa paligid at wala pa naman si Russel kaya ngumiti ako at lumapit sa kanya.
Simula nung nagkausap kami sa parke ay mas naging close na kaming dalawa. Mabait naman pala si Julian at makulit rin. Nakita ko ang mga pagbabago niya hindi tulad noon.
“Ikaw pala, Julian. Bakit ka napadpad dito sa building namin?” Tanong ko. Napakamot naman siya sa batok niya at umiwas ng tingin sa akin.
“H-hinanap ko kasi talaga ang bagong klase mo. Nilipat ka na raw sa all girls section sabi ng mga kaklase natin kaya nandito ako. Bakit ka nga pala lumipat sa all girls section?” Tanong niya.
“Ah kasi.. ’yon ang gusto ng family ko e,” sagot ko nang hindi makatingin. Tinignan naman niya ako nang may pagdududa.
“Gusto ng family mo? O, gusto lang ng boyfriend mo?”
Nagulat naman ako sa sinabi niya. May alam kaya siya?
Umiling ako na kinakabahan. “Hindi. Family ko lang talaga ang may gusto na ipalipat ako dito.”
Mukha namang hindi siya naniniwala sa sinabi ko pero hindi na siya muling nagtanong pa.
“Sige, Julian. Baka hinahanap na ako ni R-Russel. Mauuna na ako.” Paalam ko. Nagbow ako sa kanya at akmang aalis na sana nang bigla siyang magsalita.
“Kapag hindi mo na kaya ’yung mga ginagawa niya sa’yo, nandito lang ako, Alanis at tutulungan kita sa lahat.” Napahinto ako at napaluha.
Tama si Julian, obsessed na sa akin si Russel. Habang tumatagal ang relasyon namin ni Russel ay mas lalo niya akong pinaghihigpitan pero hindi ko siya magawang iwan dahil alam ko ang hirap na pinagdaanan niya at ang masamang nakaraan niya.
Tuluyan na akong umalis at nagpunta sa Editorial Room kung saan nandoon si Russel.
Pagkapasok ko sa loob ng Editorial Room ay naabutan ko silang nag-uusap ni Mark na Student School Vice President. Nang mapansin nila ako ay napatingin sila sa akin.
Lumapit ako kay Russel habang ramdam ko na nakatingin pa rin sa akin si Mark. Hinapit ako ni Russel sa baywang ko at hinalikan ng mabilis na ikinailang ko naman.
“Pwede ka nang lumabas, Mark tutal ay tapos na tayong mag-usap.” Malamig na sabi ni Russel kay Mark.
Tumango lang si Mark at bumaling sa akin. “Lalabas na ako, paalam sa inyo.” Tumango at ngumiti ako sa kanya at pagkatapos nun ay umalis na siya.
Bigla naman akong tinulak ni Russel palayo na ikinagulat ko.
“Ano bang problema mo, Russel?” Sabi ko na halatang nagulat sa ginawa niya.
Nagulat pa akong lalo nang hinampas niya ng malakas ang desk niya.
“Anong problema ko? Bakit mo nginingitan si Mark at mukhang nagpapacute ka pa? Bakit? May gusto ka ba sa kanya?!” Sigaw niya at hinampas ulit ng malakas ’yung desk.
Madilim ang mukha niya at mukhang parang papatay na siya ng tao pero hindi ito ang tamang panahon para matakot ako kay Russel dahil wala naman akong ginagawang masama.
“Ano bang sinasabi mo? Wala akong gusto kay Mark! Nginitian ko lang siya bilang sign of respect dahil Student School Vice President siya ng YGA!”
Napaigting naman ang kanyang panga at hinawakan ang braso ko nang mahigpit. “A-aray Russel.. nasasaktan ako!” Daing ko.
Napaiyak na ako. Sobra na ang ginagawa niya sa akin.
“Ayokong may iba kang nginingitian bukod sa akin. Gusto ko na ako lang ang ngingitian mo ng ganon. Wala akong pakialam kung Student School Vice President man siya ng YGA dahil ako pa rin ang mas angat sa kanya. Naiintindihan mo ba, Alanis?”
Tumango na lang ako habang umiiyak. Padabog naman niyang binitiwan ang braso ko saka nito inayos ang mga gamit niya at inilagay sa bag niya.
“Sabi nga pala ng kuya mo na doon na raw ako magdinner sa inyo kasama ang mga magulang mo. Mamemeet ko na rin sa wakas ang papa mo.” Ngumiti siya at inakbayan ako.
Hindi ako makapagsalita. Ano bang nangyayari? Tama pa ba ’to? Wala akong nagawa kundi sumunod na lang kasama si Russel pauwi ng bahay.
Naabutan namin sila kuya Travis, mama at papa na nakaupo sa dining table na may nakahanda nang mga pagkain. Si kuya ay tahimik lang habang si papa naman ay matiim na nakatingin kay Russel. Ni walang ekspresyon ang mukha niya.
“Nandito na pala kayo. Russel, hijo maupo ka. Ikaw rin, Alanis at tabihan mo na ’tong gwapo mong boyfriend.” Magiliw na bati sa amin ni mama at inaya kaming maupo.
“Salamat po, tita.” Magalang na bati naman ni Russel. Ngumiti lang si mama sa kanya at inasikaso na kami.
“So, ikaw pala ang boyfriend ng anak ko. Alam mo naman na minor pa lang si Alanis at ikaw naman ay nasa tamang edad na. Bakit sa dinami-rami ng babae diyan ay ang anak ko pa ang pinuntirya mo?” Natahimik kaming lahat sa sinabi ni papa.
Ni wala man lang bakas ng pagkatakot si Russel sa papa ko at ngumiti lang ito. “Alam ko po na mas bata sa akin si Alanis ng dalawang taon at marami nga pong mga babae diyan pero sa kanya po ako natamaan, e. There’s something in your daughter, Mr. Vien na nagustuhan ko. At alam niyo po ba kung ano ’yon?”
Napakunot naman ang noo ni papa. “Ano?”
“Her acceptance. Ulila na po ako at wala nang pamilya. Lumaki po akong tumatayo sa sarili kong mga paa. Marami na po akong napagdaanan na hirap at sakit na nangyari sa buhay ko pero sa lahat nang ’yon ay tinanggap pa rin ako ni Alanis at pinaramdam niya sa akin na hindi ako nag-iisa, na may karamay at magmamahal pa pala sa isang katulad ko. Bakit sa dinami-rami ng babae ay siya pa ang pinuntirya ko? Because she’s an extraordinary and she’s a gift for a man sent from the above, Mr. Vien at maswerte kayo na anak niyo ni Mrs. Vien si Alanis.”
Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Russel at napaawang ang bibig.
Hindi ko maintindihan pero biglang bumilis na lang ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.
Dad nodded. “You’re really a tough and smart man, Russel.”
“Thanks, Mr. Vien,”
“Call me Tito Derick na lang.” Nagulat naman si Russel sa sinabi ni papa at napatingin sa akin.
I smiled.
“May pasuspense at paenglish-english ka pang nalalaman diyan Derikto eh tatanggipin mo rin pala si Russel para sa anak mo!” Kunwaring naiinis na sabi ni mama.
Tumawa lang si papa at inakbayan si mama. “Sorry na, ma. Pinabilib ako ng boyfriend nitong anak mo, e.”
When I look again at Russel ay nakatingin lang siya kina mama at papa at napayuko ito.
“Okay ka lang ba?” Nag-aalala kong tanong. Tumango naman siya habang nakayuko pa rin.
“Naiinggit lang ako sa inyo. Masaya ang pamilya niyo, nagmamahalan kayo samantalang ako, ni hindi ko man lang ’yon naranasan sa pamilya ko.”
Nakapagdesisyon na ako. Titiisin ko ang lahat ng sakit at paghihigpit sa akin ni Russel para lang sa kanya. Lahat ng hindi niya naranasan ay ipaparanas ko sa kanya. I will stay by his side no matter what dahil sa tingin ko ay.. mahal ko na siya.
“Pwede mo naman maging pamilya ang pamilya ko. Tignan mo nga oh? Gusto ka nila para sa akin.” Nakangiti kong sabi.
He look at me at nakita ko na naluluha na siya then he hugged me.
“Thank you for coming into my life, baby. I love you so much…”
I love you too, Russel but it’s not the right time to say that dahil gusto ko na masabi ko na iyon sa oras na marealize mo na hindi paghihigpit ang kailangan mo para manatili ako sa tabi mo kundi ang pagtitiwala lang at ang pagmamahal mo.
THIRD PERSON’S POV
Nakatingin lang si Travis sa magkasintahan at napaisip. “I need to protect Alanis from this guy even if it kills me. This guy is an Obsessed Guy Pretender.”
Obsession #37
CHLOE’S POV
Gustong-gusto ko na talagang sabunutan at kalbuhin ang famewhore na si Elka Marquez dahil sa eskandalong ginawa niya kahapon sa Gymnasium. Neil is now happy with Marinel tapos ang bruhang si Elka ang sumira ng lahat!
But, why did she knew about that thing? Who’s the one who told her?
Kasama ang aking friends na sila Tania, Farah at Katie ay susugurin namin si Elka pati na rin ang mga froggy niyang friends na nandoon sa may field.
Nang makarating na kami doon ay naabutan namin silang nakaupo sa isang bleachers habang nagmamake-up at halatang nagpapapansin sa mga players na nasa field. When they saw us ay nagulat ang dalawang alipores ni Elka habang siya naman ay tinaasan lang kami ng kilay.
“What are you doing here, Miss Queen Bee slash pa-hard to get?” Mataray na tanong niya at nagflip pa ng hair sa akin.
My friends just laughed at her at narinig kong binulong ni Tania kina Farah at Katie ay ang “Trying hard talaga maging reyna ng YGA.”
I just smirked.
“What scenario did you do yesterday? Ikaw yata ang desperado kay Neil kasi sa pagkakaalam ko ay patay na patay ka sa kanya pero hindi ka man lang niya magawang pansinin. And now, he’s happy with Marinel tapos maninira ka lang ng relasyon? What a desperate move, Elka. You’re a Queen of Desperate talaga.” I rolled my eyes and crossed my arms.
I smiled when her reaction turns into an annoyed one but suddenly, she smirk.
“Oh c’mon, Chloe! We all know na ikaw talaga ang gusto ni Neil but you choose to be a pa-hard to get kaya ginamit niya at ginawang rebound si Marinel. I just did that para mapasaakin na si Neil.” She said.
Kunwari naman akong nagulat sa sinabi niya at tumingin pa sa mga friends ko na umiiling lang.
Ang mga alipores niya ay tahimik lang at mukhang natatakot sa amin. Me, Tania, Farah and Katie are very popular here in YGA because of our beauty, confidence and with sense of fashion samantalang ang grupo naman ni Elka ay kilala bilang mga bitches at papansin. Kung kani-kanino lang rin sila nakikipag-make out at ang target nila ay ang mga Varsity Players ng YG Academy. What a cheap girls.
“Sa ginawa mo ba ay napasa’yo si Neil? Hindi, ’di ba? And I want to ask you some question, saan mo nalaman ang mga information na sinabi mo sa buong YGA?”
I doubt it. Alam kong merong nagsabi sa kanya. Imposibleng alam niya ang lahat ng mga nangyayari sa amin nila Neil.
Nagpameywang siya at inayos ang suot niyang skirt na sobrang ikli. Kulang na lang ay magpanty na siya dahil sa suot niya. “At bakit ko naman sasabihin sa’yo?” Mataray niyang sabi.
I look again at my friends. “Girls!”
Then lumapit sila kay Elka at hinawakan nila ito sa magkabilang-braso. Nagpupumiglas si Elka habang ang mga kaibigan lang niya ay nakatanga at natatakot lumapit sa kanila.
“Arghhh! Bitawan niyo nga ako, bitch! Jean and Sandra please help me nga at ’wag niyo lang akong panoorin dito! Ahhh!” Pumiglas ni Elka.
Nataranta naman ang dalawang alipores niya at lalapitan na sana si Elka nang tinignan ko sila ng masama na ikinatakot nila.
“Kung ayaw ninyong matulad sa gagawin namin sa kaibigan niyo ay mas mabuti pang umalis na lang kayo.” Farah said.
Namutla naman sa takot ang mga alipores ni Elka at tumakbo na ang mga ito papaalis leaving their friend.
What a real friends, right?
“Ang mga bwisit iniwan ako. Arghhh!” Elka shouted na ikinatawa lang namin.
Lumapit ako sa kanya at nagpaweywang rin. “So, sino ang nagsabi sa’yo?”
“Hindi ko sasabihin. Never!” Sigaw niya.
Hinila ko naman ang buhok niya nang mahigpit. Omg! Nagagaya na yata ako kay Kuya Julian na nambubully noon pero nakakainis na kasi ang Elka na ’to.
“Ouch!” Daing niya.
“Sasabihin mo o ang next naman ay sasampalin kita?” Inis kong tanong at pinanlakihan siya ng mata.
Ang bruha ay natakot na rin sa akin at tumango na ito.
“O-Okay. I will tell it,”
Binitawan ko na ang buhok niya. “So, sino ang nagsabi sa’yo nang mga information na ’yon?”
Umirap siya at nagbuntong-hininga. “Si President Russel. He told me yesterday that info at ipahiya ko raw si Marinel sa buong YGA. I agreed dahil sinabi niya sa akin na malaki ang chance ko na maging akin si Neil kung gagawin ko ’yon.”
My friends and I was so shock on what she said.
“You’re lying. President Russel is kind and he will not be able to do that kind of thing.” Katie said.
“He can’t do that!” Sabi pa ni Tania.
Umirap lang si Elka. “Duh? I’m just telling the truth. Nagtatanong kayo tapos hindi kayo maniniwala?”
Natahimik naman ako at nag-isip. I think President Russel can do that. He’s so mysterious at alam ko na mas malala pa ang ugali niya kaysa kay kuya Julian.
Naniniwala ako sa sinasabi ni kuya na si Russel ang may pakana kung bakit siya nabugbog noon. Kilala ko si kuya, maybe he’s a warfreak and bully but he’s not a liar. My brother is now slowly changing na rin at alam ko na dahil iyon kay Alanis.
He’s obviously likes Alanis.
“Bitawan niyo na nga ako!”
Nabalik naman ako sa realization dahil sa reklamo ni Elka.
“Release her, girls.” Nagtaka pa ang mga friends ko sa pinautos ko pero sinunod rin nila ako sa huli.
“Tsk! Diyan na nga kayo. Hmp!” Umirap pa si Elka at nagflip ng hair sa amin saka ito umalis.
“Don’t tell me na naniniwala ka sa sinasabi niya na si President Russel ang nagsabi sa kanya nun? Don’t believe her, Chloe. We know na hindi ’yon magagawa ni President Rus-” I stopped Tania.
“He can possibly did that, Tania. Lahat ng sinasabi ni kuya Julian tungkol sa kanya ay alam kong totoo. My brother is not a liar.”
“But why President Russel will capable of doing that?” Katie asked.
I combs my hair using my hand. “Because he’s obsessed to that Alanis that kuya Julian likes, too and he will do everything for that girl not to take away from him.”
ALANIS
POV
It’s weekdays at nandito ako ngayon sa bahay nila Russel at tinutulungan siyang maglinis ng apartment niya. Approved naman ang family ko sa kanya kaya anytime ay pwede na akong pumunta sa apartment niya.
Hindi naman gaano marumi ang apartment niya dahil halatang araw-araw siyang naglilinis dito. Kung may award nga siguro ako na ibibigay sa kanya ay gagawaran ko siya ng “Most Neat and Clean award” dahil kahit lalake siya ay malinis siya sa katawan, paligid at pati na rin sa mga gamit niya.
I’m only wearing a white sando and micro shorts habang si Russel naman ay naka topless lang at jersey shorts. Kanina pa nga ako nadidistract sa katawan niya, e. Ganito na lang muna ang sinuot namin dahil pagpapawisan lang rin naman kami sa paglilinis. Nagdala na lang ako ng extra shirts bilang pamalit mamaya.
Matapos naming maglinis ay pagod kaming dalawa na umupo sa sofa. Hinilig ni Russel ang ulo ko sa dibdib niyang topless kaya naririnig ko ang lakas at bilis ng tibok ng puso niya.
He really loves me. And I love him too.
“Pawisan ka! Huwag mo nga akong siksikin sa dibdib mo!” Reklamo ko at pilit iniiwas ang mukha ko sa dibdib niya.
He chuckled. “Parang ikaw hindi ka rin pawisan, ah?” natatawa niyang sabi.
He smells so good. Mabango pa rin siya kahit pinagpapawisan siya. A manly scent.
Hindi na ako umimik hanggang sa naramdaman ko na lang na hinihimas niya na ang legs ko na ikinagulat ko.
“Russel! Tigilan mo nga ’yan!” Sabi ko at akmang tatayo na sana nang hinila niya ako paupo kaya napakandong ako sa mga hita niya.
Tinitigan niya ako hanggang sa buong katawan ko na ang tinititigan niya na ikinailang ko. “You’re so beautiful, Alanis. Please make love to me. I want you to be officially mine..”
Then he kissed me.
Obsession #38
ALANIS POV
Tinitigan niya ako hanggang sa buong katawan ko na ang tinititigan niya na ikinailang ko naman. “You’re so beautiful, Alanis. Please make love to me. I want you to be officially mine..”
Then he kissed me.
Hindi kaagad ako nakapagreact sa ginawa ni Russel. Nang hindi pa ako tumutugon sa mga halik niya ay kinagat niya ang ibabang labi ko kaya napaawang ang bibig ko at nahalikan ko na siya pabalik.
Napaisip akong bigla, I’m only 16 years old for pete sake! Oo nga at boyfriend ko si Russel at mahal ko na siya pero kung gagawin kaagad namin ang bagay na iyon ay wala na kaming patutunguhan pa at para ko na rin sinira ang tiwala ng pamilya ko.
Sinabi sa akin ng pamilya ko na bago namin gawin iyon ay dapat na mahal ko ang isang tao at kasal na kami. I don’t want to dissappoint my parents and my brother.
Naitulak ko si Russel palayo sa akin na ikinagulat niya. Nakikita ko ngayon sa mga mata niya ang galit at pagnanasa.
“Why did you do that?!” Sigaw niya sa akin at hinablot ang braso ko. Napadaing naman ako sa sakit ng pagkakahawak niya.
“R-Russel, hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na gagawin lang natin ang bagay na iyon kapag naikasal na tayo?” Matapang kong sabi kahit natatakot na naman ako sa kanya.
Binitawan niya ako na ikinahinga ko ng maluwag saka siya tumayo at hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa niya.
Lumapit siya sa akin at sinampal ako.
Yes. He slapped me. Russel slapped me for the first time. Napaluha na ako habang hawak ko ang pisngi kong sinampal niya.
“Ako naman talaga ang pakakasalan mo, hindi ba? Uunahan lang natin ang oras na ’yan! Pwede naman tayong magsex bago ikasal, e. Bakit ba ayaw mo? May iba ka na bang nakatalik, ha? Sino? Si Julian ba o ’yung pesteng Gio na iyon? Sabihin mo at nang mapatay ko sila!” Sigaw niya ulit kasabay ng pagtabig niya ng monoblock chair na nasa isang sulok.
Napahagulgol na ako at sobra nang natatakot sa kanya. He’s accusing me for cheating. Dinamay pa niya sina Julian at Gio na kaibigan ko lang.
Umiling lang ako ng paulit-ulit at napahikbi. “H-hindi ko ’yun magagawa…” He laughed sarcastically.
Makakaya ko pa bang magstay sa tabi ni Russel? Kung wala naman siyang tiwala sa akin at sinasaktan na niya ako ng paulit-ulit?
Never in my life na may sumampal sa akin, even my parents can’t do that to me pero iyong lalakeng mahal ko ay sinaktan ako dahil sa mga akusasyon niyang hindi naman totoo.
Hindi niya ako iniintindi, ang nararamdaman ko, he only cares for himself.
He didn’t love me but instead he’s obsessed with me.
“Iniiyakan mo na naman ako, Alanis. Dahil ba sa sinampal kita? Putangina lang! Kung importante ako sa’yo ay papayag kang magtalik tayo pero may duda ka pa rin! Binibitin mo ako sa mga halik mo. Gusto ko na higit pa doon ang gawin natin. Lalake lang ako at may pangangailangan. Pinagpapantasyahan ka nga ng ibang mga gagong lalake diyan ako pa kaya na boyfriend mo?” sigaw niya.
Gusto ko siyang sigawan dahil sa mga masasamang salitang pinagsasabi niya. Papaano nasasabi ’to ni Russel?
Pero kailangan ko nang tatagan ang sarili ko. Hindi pwedeng ganito na lang palagi. Ayokong kinokontrol ako ng isang tao. Kung totoong mahal niya ako ay hindi niya ’to gagawin sa akin.
Napapagod na ako, pati puso at isip ko ay pagod na rin.
“Hindi mo ako maintindihan, Russel. B-bakit mo ginagawa sa akin ’to? Bakit wala kang tiwala sa akin? Sa relasyon natin ay hinayaan ko na ikaw ang masunod. Ginawa ko ang lahat para sa’yo kahit ang kapalit pa nun ay ang kalayaan ko. Hindi kita iniwan dahil alam ko ang hirap at sakit na pinagdaanan mo noon pero hindi sapat ’yon para saktan mo lang ako ng ganito. R-Russel. Napapagod na ako…”
Hindi ko na kinaya pa at napaupo na ako sa sahig at napahagulgol ng iyak.
Tila natigilan naman si Russel at hindi makapagsalita.
“I-I’m already in love with you, Russel pero.. sinaktan mo ako.” I said while still crying.
Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko.
“Baby,” Sabi niya na parang naluluha na at akmang lalapitan na sana niya ako nang umiwas ako.
“Its our 2nd monthsary tomorrow but I think let’s break up..”
Masakit man pero hindi ko na kaya pa. We need space. Kailangan niyang matutunan na ang pagmamahal ay hindi lang sa pansariling kagustuhan at pagdedesisyon niya lang kundi dapat ay may tiwala kami sa isa’t-isa.
Nakita kong umiiyak na si Russel at umiling ng umiling ito. “Hindi, Alanis! ’Wag mong gawin sa akin ’to. Ikakamatay ko kung mawawala ka sa akin…”
Ang sakit makita na iniiyakan ka ng taong mahal mo pero mas masakit kung ipagpapatuloy pa namin ang relasyong walang pagtitiwala sa isa’t-isa.
Tumayo na ako saka kinuha ang bag ko at sinuot ang coat ko. Akmang aalis na ako nang hinawakan ako sa kamay ni Russel at lumuhod sa harapan ko.
Umiiyak siya. Si Russel na mahal ko.. Iniiyakan ako.
“Baby, patawad sa mga nagawa ko sa’yo. Sarili ko lang ang inisip ko at hindi ang nararamdaman mo. Patawarin mo ako, magbabago na ako para sa’yo basta ’wag mo lang akong iiwan…” pagmamakaawa niya.
Kahit masakit ay tinanggal ko ang mga kamay niya sa braso ko at tinalikuran siya. Tumakbo na ako papalabas habang nararamdaman ko na sumusunod siya sa akin.
“Alanis, ’wag mo akong iwan!” Sigaw niya nang hindi ko namamalayan na nasa tabing kalsada na pala kami.
Hindi ko na lang iyon pinansin at pumara na ng taxi bago pa niya ako maabutan. Nang makapasok na ako sa loob ng taxi ay naabutan ako ni Russel at kinatok ang bintana ng taxi.
“Alanis! Mag-usap tayo, magbabago na ako! Please…”
Magbago ka Russel, at kung tayo talaga ang para sa isa’t-isa ay magiging tayo pa rin hanggang sa huli.
Nagpahid ako ng luha at iniwasan na hindi tignan si Russel. “Manong, umalis na po tayo.”
Tumango lang sa akin ’yong taxi driver kahit parang naaawa rin siya kay Russel.
Tuluyan nang pinaandar ng driver ang taxi na sinasakyan ko. Nang tumingin ako sa likod ng bintana ng taxi ay nakita ko si Russel na nakaluhod sa gitna ng daan habang nakayuko at umiiyak. Napatakip na lang ako ng bibig ko at humagulgol.
I’m sorry, Russel pero kailangan mong
matuto
sa mga pagkakamali mo.
RUSSEL’S POV
Iniwan na niya ako. Ang nag-iisang taong nagparamdam sa akin ng pagpapahalaga at pagmamahal ay iniwan na ako. Pero, hindi! Hindi ako makakapayag na mawala si akin si Alanis ng basta-basta. Babawiin ko siya. Magbabayad ang lahat ng taong humadlang at naging dahilan para iwanan niya ako. Sa akin lang si Alanis, akin lang.
Obsession #39
ALANIS
POV
Dahil alam kong may posibilidad na puntahan ako ni Russel sa bahay namin ay napagdesisyonan ko na lang na pumunta sa parke ng YGA. Sa parke kasi ay pakiramdam ko na kahit papaano ay nababawasan ang mga iniisip at pinoproblema ko kapag nagpupunta ako doon.
Hininto na ng driver ang taxi nito sa gilid ng parke saka ako nagbayad ng pamasahe at bumaba na. Dumiretso ako sa isang bench sa parke at umupo doon.
Napaiyak na ako nang tuluyan hanggang sa napahagulgol na naman ako.
Ang sakit! Sobrang sakit na makita siyang nagkakaganon nang dahil sa akin pero kailangan muna namin ng space. Gusto ko na matuto siya sa mga pagkakamali niya at magbago siya hindi para sa akin kundi para sa sarili niya.
Mabuti na lang at walang masyadong tao dito sa parke kaya hindi makikita ng iba ang pag-iyak ko.
“Bakit ba kapag nakikita kita ay palagi na lang tayong nagkakatagpo dito sa park?”
Napahinto ako sa pag-iyak at napaangat ng tingin sa nagsalita.
Napaayos tuloy ako sa sarili ko nang wala sa oras at nagpahid ng luha ko. Umupo naman siya sa tabi ko at inabutan niya ako ng milkshake na iniinom niya. Umiling lang ako.
He sighed. “Hindi mo na kinaya ’yung mga pinag-gagagawa niya sa’yo, no?” tanong niya.
Hindi ako umimik.
“Alam mo, Alanis wala ako sa posisyon para magsalita ng ganito sa inyo pero si Russel-” Nagsalita kaagad ako bago niya pa ituloy ang sasabihin niya.
“He’s crazy and obsessed with me. You’re right, Julian.” I said. Narinig ko ang pagbuntong- hininga niya.
“Wala sana akong balak makipaghiwalay sa kanya pero kailangan n-namin ’yun.” Dugtong ko pa.
Naluluha na naman ako na ikinaalarma ni Julian.
“Mamaya na nga natin pag-usapan ’yan. Halika, mamasyal na lang muna tayo.” Sabi niya sabay hila sa akin papatayo.
“Saan tayo pupunta?” Tanong ko.
“Sa bahay namin.” At ngumiti siya.
T-teka.. sa bahay raw nila?
THIRD PERSON’S POV
Galit na galit at tila papatay na ng tao si Russel habang papunta siya sa mansyon ng mga Saavedra. Iniisip niya na si Julian ang dahilan kung bakit siya hiniwalayan ni Alanis.
Hindi siya makakapayag na mapunta sa iba ang babaeng mahal niya! Hindi siya sanay na natatalo at nauungusan ng iba kaya hindi siya magpapadaig kay Julian.
Pagkarating ni Russel sa mansyon nila Julian ay kinalampag niya ng ubod ng lakas ang gate nito na ikinabahala naman ng mga bantay na guwardya.
“Julian, Lumabas ka diyan! Walanghiya kang hayop ka! Mang-aagaw ka. Inagaw mo sa akin si Alanis. Papatayin kita!” Sigaw ni Russel na parang nababaliw na kaya pilit siyang inaawat ng mga guwardya.
“Boy, nababaliw ka na ba? Umalis ka na dito hangga’t maaga pa.” Sabi ng isang guwardya.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Russel. “Tawagin niyo ’yang tarantado niyong amo na si Julian at magtutuos kami!” sigaw ng binata.
Napailing naman ang isang guwardya at bumulong sa kasamahan niya.
“Baliw na yata ang batang ito. Mukhang nakaaway pa ni Sir Julian.” Tumango naman ang isa pang guwardya at bumaling na kay Russel.
“Wala dito si Sir Julian kaya sa ibang araw ka na lang manggulo.” sabi ng guwardya.
Napahawi ng buhok si Russel saka ito napasabunot kasabay ng pagsipa ng trash bin malapit sa kinaroroonan ng guwardya na ikinagulat nila.
“Mga sinungaling! Nandiyan siya sa loob. Ilabas niyo na siya. Mang-aagaw siya!” Akmang papasok na ang binata sa loob ng mansyon nang may magsalita.
“Manong guard, what’s happening here?” Napalingon sila sa nagsalita.
Si Chloe ito, ang nakababatang kapatid ni Julian.
Nagulat si Chloe nang makita niya si Russel na nakatiim-bagang at parang galit na galit sa awra nito.
“Eh kasi Ma’am Chloe, nagpupumilit po ’tong pumasok sa loob ng mansyon ninyo at hinahanap si Sir Julian.” Sabi ng guwardya at napakamot nalang sa batok.
Tumango si Chloe. “Sige, iwan niyo muna kami at may pag-uusapan lang kami.”
“Okay po, Ma’am.” Sabi naman ng dalawang guwardya at umalis na sila.
“So, bakit mo hinahanap si kuya Julian?” Mataray na tanong ni Chloe kay Russel.
Ngumisi lang si Russel na parang naiinis. “Siya ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay na sa akin si Alanis. ’Yung kuya mo ay mang-aagaw!” Sigaw nito.
Napakunot-noo si Chloe. “ Is this guy is crazy?“ Sa isip-isip niya.
“Mang-aagaw ang kuya ko? Paano mo nasabi na inagaw ni kuya Julian si Alanis sa’yo? As far as I know ay hindi naman sila nagkakasama at nag-uusap after nung eksena niyo dati sa Cafeteria. Hindi na kinukulit ni kuya si Alanis na paniwalaan siya, o baka naman nakipaghiwalay si Alanis sa’yo dahil masyado ka nang possessive at nakakatakot para sa kanya?” nakataas na kilay na sabi ni Chloe.
Natahimik si Russel. Iyon nga ang dahilan kung bakit ayaw na sa kanya ni Alanis pero sigurado siya na may kinalaman rin si Julian kung bakit hiniwalayan siya nito.
Ngumisi naman si Russel. “Mang-aagaw naman talaga kayo ng kapatid mo. Ikaw nga ay inaagaw mo si Uste sa girlfriend niya, hindi ba, Chloe?”
Si Chloe naman ang natahimik.
Nung una ay may plano siyang agawin si Uste sa girlfriend nito pero simula nang sabihin ni Uste na mahal na mahal niya talaga ang girlfriend niyang si Lara ay nag backfire na siya sa plano niya at nanahimik na lang.
“That was before-”
Tumawa lang si Russel. “Oo. Noon nga ’yon pero ngayon? Mang-aagaw ka pa rin. Hindi ka na ba nahihiya sa sarili mo, Chloe? Pati si Neil ay inagaw mo rin kay Marinel. Dahil sa’yo ay ginawang rebound ni Neil si Marinel. Wala kang awa. Kayo ng kuya mo, mga mang-aagaw kayo!”
Nagulat at hindi makapagsalita ang dalaga sa mga sinabi ni Russel. May parte kasing totoo sa mga sinabi nito at natamaan siya roon pero hindi naman niya inagaw si Neil mula kay Marinel.
Pinipigilan ni Russel na huwag matawa dahil sa ekspresyon ng mukha ni Chloe.
“ Ano
ka
ngayon
?
Natamaan
ka
ba?“ Sa isip ni Russel.
Umiling si Chloe. “Hindi ’yan totoo!”
“Totoo ’yon. Mga mang-aagaw! Mga attention see-”
Napahinto lang sa pagsasalita si Russel nang makita niya ang ayaw niyang makitang pangyayari sa buong buhay niya. Sina Julian at Alanis na nagtatawanan habang papalapit sa pwesto nila.
Hindi naman sila napapansin ng mga ito. Lumukob ang inggit, galit at selos sa puso niya dahil sa nakikita niya. Ang babaeng mahal niya, nginingitian ang lalakeng kinamumuhian niya.
Nasasaktan siya sa nakikita niyang eksena ngayon. Hindi pa niya nakita na ganon kasaya si Alanis kapag magkasama silang dalawa.
Napalingon sina Alanis at Julian sa kinaroroonan nina Russel at Chloe at laking gulat na lang ni Alanis nang makita niya si Russel na madilim ang buong mukha habang nakatingin sa kanila ni Julian.
“R-Russel?” Gulat na sabi niya.
Lumapit naman si Russel sa kinaroroonan nila Alanis at Julian saka ito ngumisi.
“What a beautiful scene, baby.”
– Short UD. Sorry po, pagod na pagod lang talaga ako sa trabaho at inaantok na pero nag-update pa rin ako para sa inyo. Salamat sa pagbabasa. :*
Obsession #40
ALANIS POV
[Before Alanis, Russel, Julian and Chloe’s Confrontation]
Hinila na lang ako kung saan ni Julian hanggang sa mapadpad kami sa isang bahay ampunan.
“Anong ginagawa natin dito?” Tanong ko at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay ampunan. Hindi ito gaanong malaki pero malinis naman ito at maaliwalas.
Ngumiti siya sa akin. “Gusto ko lang sana na makilala mo ang mga importanteng tao sa buhay ko.”
May kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Bakit ibang-iba siya? Bakit kapag si Julian ang kasama ko pakiramdam ko ay ligtas ako at magagawa ko ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin?
Hindi ako nakaimik hanggang sa hinila niya na ako papasok sa loob ng bahay ampunan. Pagkapasok namin doon ay sinalubong kami ng isang madre.
“Julian, anak mabuti at napadalaw ka. Alam mo bang miss na miss ka na ng mga bata?” Nakangiting sabi ng madre hanggang sa mapatingin siya sa akin. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin ang madre pabalik.
“Sister Mercy, gusto ko lang po sanang ipakilala sa inyo ang kaibigan kong si Alanis.” Pagpapakilala sa akin ni Julian kay Sister Mercy.
“Hello po sa inyo,” Nakangiting bati ko at nag-bow bilang tanda ng pagrespeto.
“Ikinagagalak kong makilala ka, Alanis. Napakaganda mong bata at nakikita ko na napakabuti mong tao.” Hinawakan naman ni Sister Mercy ang mga kamay ko.
“Salamat po.” Sabi ko at ngumiti sa kanya.
“Mabuti pa at puntahan ninyo ni Julian ang mga bata sa garden. Siguradong matutuwa sila kapag nakita kayo.”
“Matagal ko na nga pong hindi nabibisita ang mga bata lalo na sina Angel at Harold kaya babawi po ako ngayon.” sabi ni Julian habang ginagaya kami ni Sister Mercy papuntang garden.
“Nako hijo, palagi ka nga nilang hinahanap sa akin.” Sabi naman ni Sister Mercy.
Nagkamali ako ng unang pagkakakilala kay Julian. Nakikita ko na malapit siya sa ibang tao lalo na sa mga batang nandito sa bahay ampunan. Hindi ko lang siguro alam na sa ugaling ipinapakita niya noon sa YGA ay ibang-iba siya sa labas ng YGA.
“Hihingi na naman siguro sa akin ng chocolate ang mga batang ’yon!” Natatawang sabi ni Julian at napakamot ito sa ulo. Nakakatuwa siyang tignan.
Narating na namin ang garden at naabutan ang mga batang siguro nasa edad tatlo hanggang pitong taong gulang na naglalaro. Ang iba ay nagdu-drawing, nagbabasa ng libro, naglalaro sa may seasaw at may mga nagsusulat rin.
“Mga bata, may mga bisita tayo. Batiin natin sina kuya Julian at ate Alanis.” Sabi ni Sister Mercy sa mga bata.
Nagpaalam na siya sa amin ni Julian na maiwan raw muna niya kami dito. Tumango lang kaming dalawa ni Julian. Napalingon ang mga bata sa amin at itinigil ang kanilang mga ginagawa hanggang sa tumayo silang lahat at nag-bow sa amin.
“Welcome po, kuya Julian at ate Alanis!” Masiglang bati nila hanggang sa lumapit na sila sa amin at halos dumugin na kaming dalawa ni Julian.
“Kuya Julian, tino po ’tong katama niyo? Ang ganda po niya.” May pagkabulol na sabi ng batang lalakeng maliit ang mga mata habang nakayakap sa mga braso ni Julian.
Pinantayan naman ni Julian ang batang lalake at ginulo ang buhok nito. “Siya si ate Alanis mo, Harold.” Ngumiti sa akin si Harold at yumakap rin sa braso ko.
“Hi po ate Alanis! Ako po ti Harold. Ang ganda niyo po, pwede po ba tayong magmarry paglaki ko po?” Nagulat naman ako sa sinabi ni Harold na ikinatawa lang ni Julian.
“Hindi mo siya pwede i-marry kasi gerlpren ni kuya Julian si ate Alanis!” Sabi naman ng isang batang babaeng may bangs na maputi at napaka cute.
Kaming dalawa na ni Julian ang nagulat sa sinabi ng batang babae hanggang sa kinarga na lang niya ito.
“Angel, kaibigan ko lang si ate Alanis mo.” Nakangiting sabi ni Julian at tinap ang ulo ni Angel.
Ngumuso lang si Angel. “Bagay po kayo ni ate Alanis kasi maganda po siya at gwapo po kayo.” Natahimik ako bigla doon at namula.
Napakamot na naman ng ulo si Julian at parang hindi na alam ang sasabihin. “A-ano kasi, Angel..”
“Ako lang ang pwedeng i-marry ni ate Alanis!” Sigaw bigla ni Harold kay Angel.
“Hindi ka nga pwedeng i-marry ni Ate Alanis kasi ang liit liit mo pa. Si ate Alanis at kuya Julian ang pwedeng magpakasal!” Pagtatalo ng mga bata.
Ang ibang mga bata naman ay inasikaso na ng ibang mga madre at pinagpatuloy na sila sa mga ginagawa nila kanina.
Nagpabuhat sa akin bigla si Angel kaya binuhat ko siya. “Angel, Harold. Hindi ba’t sinabi ko na sa inyo na ’wag kayong mag-aaway?” Malambing na sabi ni Julian kaya tumahimik at tumango ang mga bata.
“Anong sasabihin niyo kapag may nagawa kayong mali?” Tanong niya sa mga bata.
“Sorry po, ate Alanis at kuya Julian.” Sabay na sabi nila Angel at Harold sa amin.
Napangiti ako. Ang saya tignan na natuturuan ng tamang asal ni Julian ang mga bata.
I’ve never expect him to do this kind of thing. I’m amused.
“Okay lang ’yon mga kids basta next time ay ’wag na kayong mag-aaway, ha?” Sabi ko naman sa dalawang bata.
“Opo, ate.” Sabay na sagot nila.
“Oh sige, bumalik na kayo sa paglalaro ninyo at mag-uusap lang kami ni ate Alanis niyo.” sabi ni Julian.
“Okay po.” Ngumiti ang mga bata at binaba na sila mula sa pagkakakarga namin at tumakbo na sila papunta sa mga pwesto nila kanina.
Napangiti kaming dalawa ni Julian habang pinagmamasdan si Angel na nagdu-drawing at si Harold naman na nagse-seasaw kasama ang isa pang batang lalake.
“Mahilig ka pala sa mga bata?” Tanong ko na ikinalingon ni Julian.
“Oo. Wala na kasing tama sa buhay ko pero kapag nagpupunta ako dito sa ampunan ay nararamdaman ko na importante ako at may nagmamahal sa akin.” Ngumiti siya ng mapait at yumuko ito. Hinawakan ko naman siya sa balikat niya.
“Wag mo ngang isipin ’yan, Julian. Sigurado akong mahal ka ng pamilya mo.” Pagpapalakas ko ng loob sa kanya.
Nagkibit-balikat lang ito. “I don’t know.”
Natahimik siyang bigla na ikinabahala ko kaya iniba ko na lang ang topic.
“Paano mo pala sila nakilala? Sila Sister Mercy at ang mga bata?” tanong ko.
“Nakilala ko sila dahil madalas kaming magpunta dito ng lola ko simula bata pa lang ako noong nabubuhay pa siya tuwing may mga missions o program ang ampunan. Napamahal na silang lahat sa akin.” Nakangiti niyang sabi.
Nahiya akong bigla. Sobra ko siyang hinusgahan nung una pero hindi ko alam na may mabuting side pala siya.
“Julian, sorry kung jinudge kita nung una. Hindi ko alam na-”
“Wala kang dapat ikahingi ng tawad, Alanis. Kasalanan ko rin naman. Masyado akong makasarili at mapagmataas na nakilala niyo sa school natin.” sabi niya.
Umiling ako. “Hindi naman sa ganon.”
Ngumiti lang siya at tinitigan ako na ikinailang ko hanggang sa napunta na ang mga mata niya sa mga hita ko.
Namula ako. Nakasuot nga pala ako ng micro shorts. Mabuti at nagsuot ako ng coat kundi pati ang itaas kong expose ng dibdib ko ay makikita rin niya. Pawis na pawis pa ako dahil naglinis ako. Nakakahiya kay Julian!
“H-huwag ka ngang ganyan kung makatingin sa akin,” Sabi ko at tumingin sa kabilang side. Narinig ko na lang ang mahina niyang pagtawa.
Ilang oras rin kaming nagtagal ni Julian sa bahay ampunan. Mababait at magagalang ang mga bata doon. Bakit may mga magulang na kayang iabandona ang mga anak nila? They are precious angels at binigay sila ng Panginoon sa kanila.
Bigla ko tuloy naalala si.. hays. Dapat hindi ko na siya inaalala pa. Nakaclose ko na rin kaagad sila Sister Mercy, Angel at Harold at ang iba pang mga bata at madre doon. Nangako naman ako na babalik ulit sa ampunan para tumulong sa check-up and dental mission na gaganapin daw next month.
Niyaya ako ni Julian na pumunta sa bahay nila para kumain kaya sumama na ako. Nagugutom na rin kasi ako dahil hindi pa ako kumakain ng tanghalian at nagpumilit rin siya kaya pumayag na lang ako.
Pansamantala kong nakalimutan ang sakit at pag-iisip dahil sa kanya pero alam ko na bukas ay iiyak at masasaktan na naman ulit ako.
Nakarating na kami sa mansyon nila Julian na nagtatawanan. Kinukuwento niya kasi sa akin ang mga nakakahiyang pangyayari sa kanya noong bata pa lang siya.
Habang papalapit na kami sa gate nila ay may isang pamilyar na lalake akong nakita na nakatayo doon kasama ang isang babae. Nang tuluyan na kaming makalapit sa pwesto nila ay halos mangatog at kabahan ako sa lalakeng nakita ko.
Si Russel ito na madilim ang buong mukhang nakatingin sa amin ni Julian. Ngumisi siya na mas lalo ko pang ikinatakot.
“What a beautiful scene, baby.” mariin niyang sabi. Napatingin ako sa kasama niya. Si Chloe, ang kapatid ni Julian.
“R-Russel..” Tanging nasabi ko na lang at napaluha na.
Nagulat na lang ako sa sunod na ginawa ni Russel. Lumapit siya kay Julian at sinuntok ito sa mukha dahilan para mapaatras si Julian. Kaagad naman siyang inawat ng mga guwardya.
“Sabi ko na nga ba, bantay salakay ka rin. Mang-aagaw kang gago ka! Ano ba? Bitiwan niyo nga ako!” Galit na sigaw ni Russel habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak sa braso niya ng mga guwardya.
Lumapit naman si Chloe kay Julian at inalalayan ito. “Kuya, nagdudugo ang labi mo.” Umiiyak na sabi ni Chloe. Umiling lang si Julian at bumaling kay Russel.
“Kasalanan ko ba na nakipagbreak sa’yo si Alanis? Iniwan ka niya dahil sinasaktan mo na siya sa nakakasakal mong pag-ibig!” Sigaw naman ni Julian.
“Gago ka!” Akmang susugod na si Russel nang mapigilan siya ulit ng mga guwardya.
Napadako ang tingin sa akin ni Russel. “Si Julian lang pala ang ipapalit mo sa akin, Alanis? Ano bang pwede niyang ipagmalaki sa’yo? Wala di’ba? Bobo ’yan at tanga kaya hindi kayo bagay!” Sigaw niya.
Anong nangyayari sa kanya? Bakit ba siya nagkakaganito?
Ang akala ko ba ay magbabago ka na para sa akin, Russel pero ano na naman ’tong ginagawa mo?
Hindi ako makaimik at napaluha na lang.
“Ilayo niyo na nga ’yan dito, Manong guards at baka masaktan pa niya kami.” sabi ni Chloe na masamang nakatingin kay Russel.
Nilalayo na ng mga guards si Russel habang nagpupumiglas pa rin ito sa pagkakahawak sa kanya.
“Hindi ako papayag na magkasama kayo! Guguluhin ko kayo hangga’t nabubuhay ako. Sa akin ka lang, Alanis!” Sigaw ni Russel hanggang sa tuluyan na siyang nalayo ng mga guwardya.
Napatakip naman ako sa mukha ko at humagulgol na nang tuluyan. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Julian.
“Huwag kang mag-alala, Alanis. Poprotektahan kita mula kay Russel.”
Obsession #41
ALANIS
POV
Hinatid ako ni Julian sa bahay namin habang nanginginig pa rin ang buong katawan ko dahil sa mga pananakot at pagbabanta sa akin ni Russel. Hindi ko na kaya pa ang mga ginagawa niya sa akin. Sumosobra na siya. Masakit na.
Dahil tulala ako at halos hindi na makapagsalita ay si Julian na ang nag-explain kay kuya Travis at kina mama at papa ang nangyari sa aming dalawa ni Russel. Nakita ko ang pagkabigla nila mama at papa sa mga sinabi ni Julian na ganong klaseng tao raw pala si Russel habang si kuya Travis naman ay parang hindi na nagulat at inaasahan na niya na ganon ang mangyayari.
Tama nga si kuya nung una niyang makita na kasama ko si Russel.
Gumagabi na kaya nagpaalam na si Julian na uuwi na siya dahil nag-aalala na raw sa kanya si Chloe. Nagpasalamat ako sa kanya at pati na rin ang pamilya ko dahil sa kabutihan na ginagawa niya para sa akin. Nang makaalis na siya ay niyakap na ako nila mama at papa habang si kuya Travis naman ay malungkot na nakatingin sa akin.
“I’m sorry anak, kung pinilit ka pa namin kay Russel. Kung alam lang sana namin na pinaghihigpitan at sinasaktan ka na niya ay sana hindi mo na nararanasan ito.” Umiiyak na sabi ni mama.
Napaiyak na rin ako at niyakap siya. “Wala po kayong kasalanan. Hindi ko lang po talaga inaasahan na ganong klaseng tao pala si Russel. Akala ko po ay m-mabuti siyang tao ayon pala ay h-hindi.” Hinagod-hagod naman ni papa ang likuran ko para kumalma na ako sa pag-iyak.
“Kailangan natin ipakulong ang lalakeng iyon dahil sa mga pananakit at pagbabanta niya sa’yo, Alanis. Kapag nagpatuloy pa iyon ay sigurado na baka gawan ka niya ng masama at hindi ako makakapayag doon.” sabi ni papa. Umiling naman ako.
“H-huwag na po, papa. Iiwasan ko na lang po hangga’t maaari si Russel sa school. Hindi ko na po siya kakausapin at lalapitan pa.” Pakiusap ko.
“Pero Alanis, base sa mga ikwunento kanina ni Julian sa amin ay may posibilidad nga na kunin ka niya sa amin. Matalino si Russel at magaling magmanipula ng tao kaya kahit sa anong oras o panahon ay gagawa siya ng paraan para tuluyan ka na niyang ilayo sa amin. Baliw at obsessed na siya sa’yo, Alanis kaya habang maaga pa ay poprotektahan ka na namin sa kanya.” Sabi ni kuya Travis at napahilot ito sa sentido niya saka napailing.
May punto si kuya Travis pero kahit na ganon ay ayoko pa rin mapunta sa punto na makukulong na si Russel. Gusto ko na maging malaya pa rin siya. May panahon naman siguro na magbabago siya na para sa sarili niya. Matalino siya at alam niya ang ginagawa niya.
“Huwag na kuya, please nagmamakaawa ko..” Pagmamakaawa ko kila kuya Travis.
Napabuntong-hininga na lang siya at tumango ’di kalaunan. “Sige, papayag ako pero simula ngayon ay ako na ang maghahatid-sundo sa’yo sa YGA at iiwasan mo na rin lumabas ng bahay kung hindi mo kami kasama nila mama at papa.” Sabi niya.
“Oo, kuya. Mag-iingat ako kay Russel.” Tumingin ako kina mama at papa. Tumango lang sila at malungkot na ngumiti.
Pagkatapos naming mag-usap ng pamilya ko ay kumain muna ako ng hapunan at saka dumiretso na sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay humiga na ako sa kama ko at pumikit.
Bakit kailangan pang umabot sa punto na mababaliw na sa akin ni Russel? Bakit kailangan pa niyang manakit at gumamit ng ibang tao para masigurado lang niya na sa kanya lang talaga ako?
Hindi naman niya kailangang gawin iyon dahil maraming dahilan para mahalin ko siya. Pero sa ginagawa niyang ’to ay kahit mahal ko na siya ay hindi pwedeng may ibang taong madamay at makasakit pa siya bukod sa mga ginagawa niya sa akin.
Napamulat ako nang tumunog ng ilang beses ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bag ko at halos mawalan ako ng hininga dahil sa dami ng texts at missed calls ni Russel na hindi ko nasasagot.
1000+ messages at 678 missed calls. Totoo ba ito?
Binasa ko ang ibang mga texts niya at laking gulat ko na lang na hindi ito pare-pareho at may kaibahan ang mga texts.
“Baby, let’s talk please.”
“Magbabago na ako baby, pangako basta bumalik ka lang sa akin.”
“Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko, Alanis.”
“Bakit mo ako pinagpalit sa isang bobo at tangang katulad ni Julian? Bumaba na pala ang taste mo sa isang lalake, Alanis.”
“Guguluhin ko kayo ni Julian. Akin ka lang!”
At marami pang mga texts ito na hindi ko na kayang basahin dahil sa sobrang dami.
Nag-ring bigla ang cellphone ko. Tumatawag si Russel. Ayokong sagutin ang tawag niya pero may nag-uudyok sa akin na sagutin ko ito kaya sinagot ko nalang.
(Finally! Sinagot mo na ang tawag ko. Sorry na baby, nagawa ko lang naman ’yon dahil ayokong makuha ka ng iba sa akin lalong-lalo na ni Julian…)
Malambing na sabi niya na mas lalo ko pang ikinatakot.
Napahikbi ako sa kabilang linya hanggang sa narinig ko na lang ang malakas na pagtawa niya.
(Wala ka na talagang ibang ginawa kundi umiyak, Alanis? Ano bang mapapala mo sa pagdadrama mong ’yan?) At tumawa pa siya ulit.
“T-tigilan mo na ako, Russel..” Tanging nasabi ko na lang.
Sumigaw naman siya sa kabilang linya at pinagmumura ako.
(Tangina, Alanis! Ikaw, titigilan ko? Hindi kita titigilan hangga’t hindi ka napupunta ulit sa akin. Magkamatayan na basta walang pwedeng umagaw sa’yo kundi ako lang!)
Napatakip ako ng bibig ko at pinilit na huwag mapahikbi. Sobra na ang pagkatakot, pangamba at pagkadismaya ko sa kanya.
Ano nang nangyari sa Russel na una kong minahal? Hindi ko na kinaya pa at pinatay ko na ang tawag at inoff ang cellphone ko. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
Kinabukasan ay nagising ako na namumugto na ang mga mata at sobrang tamlay pa. Ramdam ko ang mga concern na tingin sa akin ng pamilya ko habang kumakain kami ng almusal pero ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon.
Nawala lang lahat ng iyon nang may narinig kaming sumisigaw sa labas ng bahay namin at kinakalampag ng sobrang lakas ang gate namin.
“Alanis, baby! Lumabas ka diyan. Sumama ka na sa akin. Sorry na!” Sigaw ng isang pamilyar na boses at alam ko na si Russel iyon.
Napatayo sina papa at kuya Travis habang pinapakalma naman ako ni mama nang makita niyang takot na takot na ako.
“Huwag na ’wag kang lalabas dito sa loob ng bahay, anak. Kakausapin lang namin ng kuya mo ang baliw na Russel na iyon.” Maotoridad na sabi ni papa.
Napatayo ako. “Hindi papa, kakausapin ko si Russel ngayon para matigil na siya sa kahibangan niya.” Tumingin naman si papa kay kuya Travis at mukhang hinihingi ang permiso nito. Tumango lang dun si kuya.
Lumabas na kami ng bahay at nakita namin si Russel na patuloy pa rin sa pagkalampag ng gate namin.
“Mahal kong Alanis.. nandito na ako. Kukunin na kita diyan sa inyo!” Tila nahihibang niyang sabi.
“Baliw na talaga.” Sabi ni kuya Travis at napailing ito.
Binuksan ni papa ang gate namin at tumambad sa amin si Russel na gusot-gusot ang suot nitong puting longsleeves shirt, magulo ang buhok at nangingitim ang ilalim ng mga mata niya na parang wala pang tulog.
Nang makita niya ako ay napangiti siya at akmang lalapit na sana sa akin nang hinarangan ako ni kuya Travis sa harapan niya.
“Wala ka nang karapatan para lapitan pa si Alanis. Wala ka na ring karapatang saktan ang kapatid ko!” Galit na sabi ni kuya Travis na ikinakunot-noo ni Russel kasabay ng malakas niyang pagtawa.
Nagulat na lang ako nang sinuntok ni papa si Russel sa mukha kaya nagdugo ang labi nito at itinulak na siya papalabas.
“Pinagkatiwalaan ka namin, Russel pero binigo mo kami.” Nanginginig ang mga kamao ng papa ko habang nakatingin ng masama kay Russel.
Nasasaktan ako dahil pati ang pamilya ko ay apektado rin sa mga nangyayari sa akin. Ramdam ko na mahal na mahal nila ako at kayang protektahan sa kahit na sino pa mang mananakit sa akin.
Nagpahid lang ng dugo sa labi niya si Russel at ngumisi ito ng nakakatakot.
“Dapat nga hindi niyo ako pinagkatiwalaan, e. Ayan tuloy, pati ang pagkababae ng anak niyo ay nakuha ko na rin.”
Halos gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi niya.
H-hindi na ako virgin?
Obsession #42
ALANIS POV
Labis akong nagulat dahil sa mga sinabi ni Russel. Anong pinagsasabi niya? Na nakuha na niya ang pagkababae ko? Paano? Alam ko na wala namang nangyari sa aming dalawa.
“Hindi totoo ang mga pinagsasabi mo, Russel! Walang nangyari sa ating dalawa at alam mo ’yan!” Sabi ko at masama siyang tinignan.
Napatingin sa akin ang pamilya ko at umiling lang ako bilang pagtanggi sa mga kasinungalingan ng lalakeng kaharap namin.
Napangiti lang si Russel ng nakakaloko at pinagkrus ang kanyang mga kamay. Hindi ko alam na kaya niyang magsinungaling ng ganito. Hindi ba siya nakokonsensya sa mga pinaggagawa niya?
Maamo ang mukha niya pero hindi mo mahahalata na kaya niyang gumawa ng isang bagay na pwedeng magpagulo ng lahat. Lalong-lalo na ako na ginugulo niya.
“Itatanggi mo pa, Alanis? Eh halos umungol ka na nga sa sarap ng mga ginagawa ko sa’yo nung nandoon tayo mismo sa apart-”
Hindi na nito naituloy ang sasabihin niya nang nilapitan siya ni kuya Travis at kwinelyuhan. Itinaas nito ang kanyang isang kamay na nakakuyom at sinuntok si Russel sa mukha. Napahiga na si Russel sa sahig at napapikit dahil sa sakit ng suntok sa kanya ni kuya Travis.
“Bastos ka! Bastusin mo na ang lahat ’wag lang ang kapatid ko! Itigil mo na ’yang mga kasinungalingan mo dahil kahit kailan ay hinding-hindi na kami maniniwala sa mga sasabihin mo, Russel!” sigaw ni kuya.
Ang kuya ko. Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng sobra. Kadalasan ay tahimik lang siya at palaging mag-isa pero nakikita ko ngayon na hindi niya kayang manahimik dahil sa mga ginagawa sa akin ni Russel.
Pinoprotektahan niya ako at pinagtatanggol kaya ramdam kong mahal na mahal niya ako bilang isang kapatid niya.
Ngumisi si Russel at akmang susugurin na siya ni kuya Travis nang mapigilan na ito ni papa. “Tama na, Travis. All we have to do is to send him now to the Mental Hospital. Baliw na ang lalakeng ito.” umiiling na sabi ni papa.
Kumalma naman si kuya Travis at niyakap ako. I hugged him back pati si mommy ay niyakap na rin ako. “We will do everything to protect you, Alanis.”
“Salamat, kuya Travis at mama.” I smiled.
Kung wala siguro ang pamilya ko ay hindi ko kakayanin ang lahat ng mga pagsubok na ito sa buhay ko.
Tumawag si papa sa isang kakilala niya sa Mental Institute at pinapasundo nito si Russel. Nang dumating ang puting van ng Mental Hospital ay may mga bumabang mga nurses at kinuha na si Russel na nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng mga ito sa kanya.
Naaawa ako sa kalagayan niya. Ulila na siya, kulang sa atensyon at pagmamahal, nag-iisa at may mapait na nakaraan. Pero kailangan namin itong gawin para sa ikabubuti niya.
Sana ay dumating ang araw na magbago na siya at mahalin ako sa hindi nakakasakal na paraan.
“Bitawan niyo nga akong mga gago kayo! Hindi ako baliw! Kukunin ko pa si Alanis at magsasama kami ng habangbuhay!” Sigaw ni Russel. Napatingin ako sa paligid namin at hindi ko namamalayan na pinapanood na pala kami ng mga kapitbahay namin.
Pilit siyang pinapapasok sa puting van hanggang sa naipasok na siya. Kaagad namang pinaandar ang van hanggang sa makaalis na sila.
Sana dumating ang araw na magbago na si Russel para sa sarili niya.
USTE’S POV
Nabalitaan ko sa mga magulang ni Alanis ang mga ginagawang kahibangan ni Russel sa pinsan ko. Hindi ko naman masisisi ang bestfriend ko sa mga ginagawa niya kay Alanis kasi kung ako ang nasa sitwasyon niya ay baka ganon rin ang gawin ko.
Kung hihiwalayan ako ni Lara ay tototohanin ko ang sinabi ko sa kanya na magpapakamatay ako. Walang silbi ang buhay ko kung hindi rin naman siya ang makakatuluyan ko sa huli.
Mga bata pa lang kami ay mahal ko na si Lara. Kahit may iba siyang mahal ay gumawa ako ng paraan para mapasaakin siya at nagtagumpay nga ako, pero sa dalawang taon na relasyon namin ay naramdaman ko naman na may pagmamahal rin siya sa akin pero.. parang may kulang.
Kahit masakit at parang ginagawa niya lang ang lahat para sa awa niya sa akin ay pinilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya. Ganon ako katanga sa pag-ibig.
Kasama ko ngayon si Lara at nandito kami sa paborito naming tambayan. Hawak ko ang kamay niya at hinalikan ito. Kanina pa siya hindi mapakali at parang may gustong sabihin sa akin. Hindi rin ito makatingin ng diretso sa mga mata ko.
“Hon, may problema ba?” Tanong ko.
Yumuko lang siya at binitawan ang kamay ko na ikinabigla ko. “Uste, may gusto akong sabihin sa’yo,” Sabi niya sa seryosong tono.
Sana hindi. Sana iba ang sasabihin niya. Natahimik ako at napaiwas ng tingin sa kanya.
Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy siya sa sasabihin niya.
“Uste, mahal rin kita. Alam mo naman ’yan. Mga bata pa lang tayo ay alam ko nang mahal mo ako. Masuwerte ako at may isang Tomas Vien na nagmamahal sa akin. Gwapo ka, heartthrob sa school natin, magaling kumanta at active pa sa Sports. Ideal man ka ng lahat kaya hindi ko maintindihan na sa lahat-lahat ng mga babaeng mayayaman, mga sosyal at magaganda na umaaligid lang sa’yo ay sa akin ka pa nagkagusto.” Ngumiti siya ng malungkot.
“Marami kang effort na ginawa para sa akin. Ramdam ko na sobra mo akong mahal. Tinulungan mo ako sa pagpapagamot sa kapatid ko. Magalang, marespeto at mabait ka rin sa pamilya ko at higit sa lahat ay hindi mo ko sinaktan.”
Napabuga ako ng hangin at pilit nilalabanan ang emosyon ko. Alam ko na ang mga sasabihin ni Lara.
Alam ko na.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalikan ito. Nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya sa mata na mas lalong nagpadurog sa puso ko.
“Uste, mahal kita pero.. mas mahal ko siya. Hindi ko na kayang saktan ka kaya gagawin ko na ang tama at makakabuti para sa atin. Hindi dapat sa isang katulad ko umiikot ang buong buhay mo. Hindi ko deserve ang pagmamahal mo…” Tumulo na rin ang mga luha ko at napakuyom ng kamao ko.
Ang sakit marinig sa kanya mismo na mas mahal niya ang lalaking iyon kaysa sa akin.
Hindi ako makapagsalita. Nasasaktan ako.
“Maghiwalay na tayo. Hindi solusyon na magpakamatay ka para lang sa akin. ’Wag mong sayangin ang buhay mo dahil alam kong mabubuhay at magpapatuloy pa rin ang takbo ng buhay mo nang wala ako. Uste, kilala kita. Mabait ka at maiintindihin mo ako. Ibigay mo na lang ang atensyon mo sa babaeng alam mong mahal ka at hindi ka sasaktan dahil hindi mo alam na siya naman talaga ang para sa’yo.” Napailing na lang ako at niyakap si Lara.
Hindi ko maintindihan. Bigla akong natauhan dahil sa mga sinabi niya. Tama siya. At kung mahal ko siya ay dapat hahayaan ko siyang maging malaya.
Tama na ang sarili ko lang ang iniisip ko at hindi ang nararamdaman niya. Kung ano ang makakapagpasaya sa kanya ay ibibigay ko iyon.
Mahal ko si Lara, mahal na mahal.
“Patawad, Lara. Simula ngayon, malaya ka na mula sa akin.” Nanlaki ang mga mata niya at ngumiti ito ng malungkot saka pinunasan ang mga luha ko.
“ Hindi ako ang babaeng para sa’yo, Uste. ’Yung babaeng para sa’yo ay nasa paligid mo lang. Siya talaga ang nakatadhana na mahalin mo.“
Napakunot-noo ako. “Sino?”
“Kilala mo ang tinutukoy ko.”
Napaisip ako at natauhan.
Si Chloe.
THIRD PERSONS POV
Tulala at nakaupong nakayuko lamang si Russel habang nasa isang puting silid siya. Napaluha na lang siya nang hindi niya namamalayan.
Napagtanto niya na dinala siya ng pamilya ni Alanis sa isang Mental Hospital. Iniisip ng mga ito na baliw na siya. Pero sa isip niya ay hindi naman siya baliw kundi nagmamahal lang.
Tumigil siya sa pag-iyak at tumawa ito ng malakas.
“Magsasama rin tayo ng habangbuhay, Alanis. Pangako ko ’yan.”
Please read His Dirty Game. Sina Sky at Reese ang bida don. Yung si Austin na sinapak ni Fafa Russel sa Annual Event ng YGA ay ang third party nila. Pagkatapos nito ay yun naman ang basahin niyo pero kung gusto niyo lang naman. Hehe.
Obsession #43
NEIL’S POV
Kumalat na sa buong campus ng YGA na ang Presidente ng Student Council Government na si Russel Madrid ay dinala sa isang Mental Hospital. Nabalitaan namin ang pang-haharass at panggugulo raw na ginagawa niya kay Alanis. Mabuti na lang at naprotektahan ni Julian si Alanis.
Sinasabi ko na nga ba, may pagkabaliw talaga ang Russel na iyon. Tama ang mga hinala ni Julian sa kanya noon pa. Akala ko pa man din na matino si Russel. Pero, bakit ko nga ba sila pinoproblema kung ang sarili kong problema ay hindi ko magawang masolusyunan?
Paano ba kasi nalaman ni Elka ang mga pinagsasabi niya noon sa Gymnasium? Napahiya pa tuloy si Marinel sa buong YGA kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pumapasok sa klase niya. Napansin ko nga na pati si Denver ay hindi na rin pumapasok sa klase simula noong mga nangyari sa Gymnasium.
Nakokonsensya ako, noong una siguro ay naging rebound ko lang talaga si Marinel dahil desperado na akong makalimot kay Chloe pero habang tumatagal na ay unti-unti ko na ring nagugustuhan si Marinel. Napakabait niya at nararamdaman ko na mahal na mahal niya talaga ako.
Ang tanga ko nga siguro na gawin lang siyang rebound noon. Maraming pwedeng magkagusto sa kanya kabilang na doon si Denver pero sa tuwing naiisip ko na may iba siyang kasamang lalake ay parang nasasaktan ako.
Pagkarating ko sa YGA ay dumiretso muna ako sa locker room para ilagay doon ang mga jerseys at rubber shoes na susuotin ko mamaya sa practice ng buong basketball team namin.
Habang naglalagay ako ng mga gamit sa locker ko ay laking gulat ko nang makita sina Denver at Marinel na nakangiti sa isa’t-isa habang nag-uusap. Hindi naman nila ako napapansin habang malapit na sila sa pwesto ko. Dalawang locker lang ang pagitan namin ni Denver kaya alam ko na nasa tabi ko na sila ngayon.
Nang maramdaman na nila ang presensya ko ay nagulat si Marinel nang makita niya ako habang si Denver naman ay malamig lang na nakatingin sa akin.
Alam kong galit siya sa akin dahil nasaktan ko si Marinel.
“D-Denver, aalis na p-pala ako. M-may kailangan lang akong puntahan-” Mautal-utal na sabi ni Marinel na hindi makatingin sa akin. Pinutol naman ni Denver ang sasabihin niya.
“Hindi ka aalis dito, Marinel hangga’t hindi ko nasusuntok sa harapan mo ’tong lalakeng ginawa ka lang na parang isang laruan!” galit na sabi niya sa akin.
Kaagad naman akong sinuntok ni Denver sa mukha ko kaya napaupo ako sa sahig.
Nakita ko ang pagpapanic ni Marinel sa gulong nangyayari ngayon. Susuntukin na sana ulit ako ni Denver nang pigilan siya ni Marinel na naluluha na.
“T-tama na Denver.. please…” Pagmamakaawa niya at niyakap si Denver.
Hindi ako makagalaw at napaiwas na lang ng tingin sa kanila.
Si Neil na buong buhay na nasasaktan kay Chloe ay himalang nasasaktan na ngayon dahil sa ibang babae?
Nakita ko ang pagkabigla ni Denver sa pagyakap sa kanya ni Marinel pero niyakap niya lang rin ito pabalik. “Sorry, Marinel. Hindi ko lang kaya na sinasaktan ka ng lalakeng alam kong hindi ka naman kayang mahalin pabalik.” mariin nitong sabi habang nakatitig ng masama sa akin.
Naiintindihan ko si Denver. Matagal na niyang gusto si Marinel at dahil sa ginawa ko at pag-agaw ko sa babaeng mahal niya ngayon ay galit na galit siya sa akin. Ang sama kong kaibigan!
Simula noong mga bata pa lang kami ni Denver ay alam kong palagi na lang siyang nagpaparaya para sa akin. Parang ako lang ang laging nasa unahan habang pumapangalawa lang siya. Kahit na ganon ay hindi siya nagalit sa akin at itinuring pa rin ako na isang mabuting kaibigan. Kaya ito na ang tamang pagkakataon, kahit nagugustuhan ko na si Marinel ay kailangan ko na siyang layuan para sa ikaliligaya ni Denver.
Si Denver naman ang kailangang mauna at hindi ako.
Pinigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko saka tumayo at ngumisi ng peke sa kanila.
Tumingin ako kay Marinel. “Yes. I’m playing around with you, Marinel and thanks for your participation.”
I lied. Lahat ng mga ipinakita ko sa kanya noon ay totoo iyon.
Gumuhit sa mga mata ni Marinel ang sakit ng mga sinabi ko habang si Denver naman ay nakakuyom na ang panga at handa na akong saktan ulit pero pinipigilan siya ni Marinel.
“Napakasama mo, Neil! Ganyan ka palang klase ng tao. Kung alam ko lang na ganyan ka, sana ay hindi na lang kita itinuring na kaibigan ko. Mahal ka ni Marinel pero ginawa mo lang siyang laruan mo. Wala kang puso!” Sigaw niya sa akin.
Napalunok ako at umiling. Masakit marinig ang mga sinabi niya pero kailangan kong panindigan ang mga ipinangako ko ngayon sa isip ko para sumaya naman siya sa babaeng mahal niya.
“Masama na kung masama pero at least nag-enjoy ako kay Marinel. Maganda siya at pwedeng ipagyabang sa lahat kaya hindi na rin ako lugi.” pagsisinungaling ko.
Lumayo na ako sa kanila at umalis sa locker room pero bago pa man iyon ay nakita ko si Marinel na umiiyak na habang nakatingin naman sa akin si Denver ng masama habang pinapatahan nito si Marinel.
Tumalikod na ako kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. Masyado na akong naging makasarili kaya kailangan na magparaya na ako.
Magparaya na naman.
RUSSEL’S POV
Bumukas ang pintuan ng isang puting silid kung saan naroon ako at nakita ko ang isang nurse ng Mental Hospital na pinagdalhan sa akin kasama ang isang matandang babae na napakapamilyar sa akin.
Kilala ko siya. Siya si Lola Helen. Ang mabait naming kapitbahay na binibigyan ako ng pera at pagkain noong bata pa lang ako. Minsan ay sinasama niya ako noong magsimba at mamalengke. Matagal ko na siyang hindi nakikita pero kilalang-kilala ko siya. Isa siya sa taong nagmalasakit sa akin noon. Ang nagturo na habang may buhay ay may pag-asa pa.
Mababakas sa kanya ang labis na katandaan niya. Nakasalamin na ito, puti na ang buhok, may mga kulubot sa mukha at may hawak rin na tungkod. Iniwan na kami ng nurse habang si Lola Helen naman ay lumapit sa akin at sinapo ang buong mukha ko at nakita ko na umiiyak na siya.
“Lola Helen?” Tanging nasabi ko na lang.
Masaya ako na makita siya.
Tumango naman siya at hinawakan ako sa magkabilang-kamay. “Ikaw na ba iyan, Russel? Lumaki kang matipuno at napakakisig na bata.” Sabi niya at niyakap ako.
Niyakap ko rin pabalik si Lola Helen. Pagkatapos ng aming yakapan ay umupo ito sa isang monoblock chair. Tumabi naman ako sa kanya.
May kinuha siya mula sa loob ng hawak niyang bag at inilagay ito sa palad ko.
It’s a Bible.
“Bakit po pinuntahan niyo ako dito?” Tanong ko at napayuko dahil sa hiya.
Nahihiya ako kay Lola Helen. Pinuntahan niya dito ang isang baliw na katulad ko.
“Russel, nabalitaan ko ang nangyari sa’yo kaya ako nagpunta rito. Kilala kita, mabait at mabuti kang bata. Itong Bible na ibibigay ko sa’yo ay basahin mo araw-araw at nang mapagtanto mo na hindi mo kailangan gawin ang mga bagay na iyon na makakapagpasakit para sa taong mahal mo.” Napaiyak ako at tumango.
Naniniwala ako sa mga sinasabi ni Lola Helen. Alam niya ang tama sa mali at alam ko na mapapabuti ako kung susunod ako sa mga sasabihin niya.
“Alisin mo ang sama ng loob diyan sa puso mo, anak. May mapait at masakit kang nakaraan pero hindi iyon dahilan para pati ikaw ay maging masama. Sinabi ko noon sa’yo na habang may buhay ay may pag-asa. Matuto kang maging mapang-unawa at mapagkumbaba dahil may Panginoon tayo na gagabay sa atin at hinding-hindi niya tayo pababayaan.” Napahagulgol na ako nang tuluyan at niyakap ulit ako ni Lola Helen saka hinawi-hawi nito ang buhok ko.
“Lola Helen, mahal na mahal ko po siya…” Sabi ko habang umiiyak.
Hinarap naman ako ni Lola Helen at pinunasan ang mga luha ko. “Kung mahal mo siya ay kailangan mong intindihin ang nararamdaman niya. Mahalin mo siya nang walang halong pagdududa at pangamba. Ang totoong pagmamahal ay may pagtitiwala at may kalayaan. Kung mahal mo siya ay hindi na baleng ikaw ang masaktan basta ay huwag lamang siya.”
Walang halong pagdududa at pangamba. Tiwala at kalayaan. Hindi baleng ikaw ang masaktan basta’t huwag lang siya .
Mga bagay na hindi ko ginawa noon kaya pati ang kaisa-isang tao na minahal ako sa kung sino o kung ano ako ay nawala pa sa akin.
Ngumiti si Lola Helen sa akin. “Magbago ka, Russel dahil kung gagawin mo iyon ay tiyak na liligaya rin kayong dalawa. Alam kong mahal ka rin niya, anak dahil isa kang napakabuti at mapagmahal na bata.”
Ngumiti rin ako kay Lola Helen at tumango.
“Magbabago na po ako para sa kanya, Lola Helen dahil.. mahal na mahal ko po siya.”
Obsession #44
INAH’S POV
Ngayong araw na ito ay pupunta ako ng Maynila at aattend sa kasal ng tita ko. Si mama ang inatasan na pumunta pero ako na lang ang aattend dahil hindi niya na raw kayang bumiyahe ng malayo dahil matanda na raw siya at madaling mapagod.
Jusko! Ang sabihin lang niya ay tinatamad siyang umalis ng bahay. Ako kasi palagi ang pinapa-attend niya sa mga gatherings o lakad ng pamilya namin kapag busy o tinatamad siya. Kaya nga minsan ko na lang makabonding ang mga kaibigan ko dahil doon pero kahit puro reklamo at utos sa akin ang mama ko ay mahal na mahal ko iyon.
Kaming dalawa na lang kasi ang magkasama sa buhay dahil may asawa na ang kuya ko habang nasa ibang bansa naman ang papa ko at doon nagtatrabaho. Gusto ko sanang puntahan si Alanis sa kanila kaso ay kukulangin na rin ako sa oras dahil isang araw lang naman ako magtatagal sa Maynila at uuwi na kaagad ako sa Masbate. Kami nga na mga kaibigan niya ay wala nang balita sa kanya.
Nakalimutan na ba kami ni Alanis dahil may bago na siyang mga kaibigan sa Maynila? Sana ay huwag naman.
I arrived in Manila safely at 1:30 pm. Maganda at commercial city talaga dito pero mas sariwa ang hangin at tahimik lang sa Masbate. Sinend na sa akin ni mama ang address ng church kung saan gaganapin ang kasal. Nag commute lang ako at ilang minuto lang ay nakarating na rin ako sa harap mismo ng simbahan.
Lalakad na sana ako papasok nang simbahan nang marinig kong may sumisipol sa akin. Napakunot-noo ako at lumingon sa pinanggagalingan ng ingay na ’yon.
Pagkalingon ko ay may isang matangkad at gwapong lalake ang nakangsi sa akin habang nagli-lipbite pa. Nakasandal siya sa railings ng hagdanan ng simbahan.
Aba! Ang bastos naman ng lalakeng ito para sipulan ako. Bakit pa kasi ako nagsuot ng puting sleeveless dress? Dahil tuloy dito ay nae-expose ang buong balikat ko.
Gwapo nga siya pero ang bastos naman!
Tinitigan ko siya ng masama at lumapit sa kanya. “Anong problema mo?” Mataray kong tanong at nanggigigil na dahil hanggang ngayon ay nakangisi pa rin siya.
Mukha siyang chinese o hapon dahil singkit ang mga mata niya. Medyo kamukha nga niya ’yung boyfriend ni Alanis sa picture na ipinakita sa akin ni Lara na si Russel pero mas maputi itong si bastos at mas singkit.
Tumawa lang ang lalakeng ito at napansin ko na nakaputing polo shirt siya at black pants. Aattend rin siguro siya sa kasal ng tita ko. Baka kamag-anak niya o kakilala nito ’yung mapapangasawa ni tita.
“Wala. Ang sexy mo lang kasi kaso maliit ka at ayoko ng maikli ang buhok sa isang babae kaya hindi kita type.” Umiling pa siya at kinindatan ako.
Ano daw? At teka.. Nilait ba ako ng lalakeng ito? Nilait ang height at hairstyle ko?
Dahil sa inis ko ay sinipa ko ang kanyang munting sandata kaya napaluhod siya sa hagdanan ng simbahan habang namimilipit sa sakit. Buti nga sa kanya! Ang bastos na nga tapos nanlalait pa?
Hindi man ako kasing ganda nina Alanis at Lara pero cute naman ako at malakas ang karisma!
Siya naman ang tumitig sa akin ng masama. “Bakit mo sinaktan ang junior ko? Alam mo ba na kapag nawala ang bisa nito ay maraming iiyak na babae dahil sa panghihinayang? Sa gwapo kong ’to ay hindi pwedeng mabaog ako!” Sigaw niya.
Napalingon ako sa paligid at nakita kong pinapanood na pala kami ng mga tao at ang iba sa kanila ay nagpipigil ng tawa habang ang mga babae naman ay nakatingin sa akin ng masama.
Ano bang ginawa ko sa mga babaeng ito? Tusukin ko ang mga mata nila eh!
Bastos na nga, laitero na tapos mayabang pa. Sayang ang kagwapuhan niya kung ganito lang siya. Lahat ng pangit ay nasa kanya na!
Ngumiti lang naman ako ng mapang-asar at binelatan siya. “Buti nga sa’yo. Hambog!” Sabi ko at nagsimula nang maglakad papasok ng simbahan pero bago pa man iyon ay sumigaw siya na hawak pa rin ang junior niya habang namimilipit ito sa sakit.
“Humanda ka sa akin babae ka! Matitikman mo ang paghihiganti ng isang Ruan Madrid. Tandaan mo ’yan!” Umirap lang ako at kumaway sa kanya saka pumasok sa loob ng simbahan.
Ruan pala ang pangalan niya. Ang ganda ng pangalan pero ang pangit naman ng pagkatao!
ALANIS
POV
Hindi ko na masyadong pinapansin ang mga mapanuring tingin sa akin ng mga estudyante dito sa YGA. Wala na akong pakialam pa kung pag-usapan man nila ako. Ayoko na silang alalahanin pa.
Lumipat na ulit ako sa tunay na klase ko kaya kinamusta ako ng mga kaklase ko kabilang na doon sina Marinel at Denver. Napansin ko naman na absent si Neil.
Pero masaya na rin ako para sa kanilang dalawa. Alam ko naman kasi na mahal ni Denver si Marinel at hindi niya sasaktan ang kaibigan ko hindi katulad ng ginawa ni Neil.
“Nadalaw mo na ba si Russel sa Mental Hospital?” Tanong sa akin ni Marinel.
I sighed. “Hindi pa.” Tumango naman siya.
“Ngayon na alam mo nang baliw at obsessed na pala sa’yo si Russel.. ano nang gagawin mo?”
“Gusto ko na tuluyan na siyang gumaling. Ipapagamot siya ni papa sa Mental Hospital na pinagdalhan sa kanya. Patay na rin si Don Fiñero kaya wala nang sasagot sa mga gastusin niya do’n.” sabi ko.
Ayon lang naman ang gusto ko. Ang magbago at gumaling si Russel.
Marinel smiled. “Mahal mo na ba siya?”
I shyly nodded.
“Kahit na ganon si Russel ay minahal mo pa rin siya?” Gulat niyang tanong.
Tumango ako. “Oo Marinel, hindi ko alam kung bakit. Nakita ko kasi sa kanya ang mga bagay na dapat kong gawin para maging independent ako. Maging mapagmahal sa kung sino at ano ako at magtiwala lang sa sarili ko. Hindi siya masamang tao at nararamdaman ng puso ko ’yon. Alam ko na kaya niyang magbago. Russel is the bravest man that I’ve known. Marami man siyang nagawang kasalanan sa atin ay ramdam ko na magsisisi siya.”
Tama nga ang sinasabi nila na love is unconditional. Pwedeng magmahal ang pangit sa maganda, mataba sa payat, lalake sa babae, babae sa babae, lalake sa lalake, bakla sa lalake o tomboy sa bakla. Walang pinipili ang pagmamahal. Kaya siguro kahit ilang beses na akong sinaktan ni Russel ay mahal na mahal ko pa rin siya.
Ako naman ang tumingin kay Marinel. “Ikaw, okay ka na ba, Marinel?” May pag-iingat kong tanong.
Ngumiti lang siya ng malungkot. “Okay na ako. Nandiyan naman si Denver na new friend ko para sa akin.”
Denver will never hurt you, Marinel.
Pagkatapos naming mag-usap ni Marinel ay lumapit sa akin si Julian na parang natetense at kinakabahan. Ano bang nangyari sa kanya?
“A-Alanis, m-may gusto lang sana akong ipagtapat sa’yo,” Sabi niya sa kinakabahang tono.
Ano ba ang ipagtatapat niya sa akin at parang kinakabahan siya? Na bakla siya at sumali na sa federasyon? Huwag naman sana. Sayang ang magandang lahi niya.
– Nadelete ko po yung Prologue nung His Dirty Game kaya inulit ko na lang. Binago ko yung prologue at POV na ni Sky ang ginawa ko. Soon na ang His Dirty Game kaya abangan niyo na. Salamat chi.
-Travis Vien’s wife
Obsession #45
TRAVIS’ POV
Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang kapatid kong si Alanis na iniiyakan ang lalakeng halos sirain na ang buhay niya. Hindi ko rin naman siya masisisi kung mahal niya talaga ’yong si Russel pero hindi na sila pwedeng magsama pa.
Mapapahamak at masasaktan lang si Alanis sa kanya. Alam kong wala nang balitang nalalaman ang mga kaibigan ni Alanis sa Masbate tungkol sa kanya kaya nagdesisyon akong bumiyahe papunta doon at kausapin sila tungkol sa mga nangyayayari kay Alanis.
Nang makarating na ako sa Masbate ay kaagad akong pumunta sa bahay nila Gio. Sinabi ko sa kanila na darating ako ngayon sa Masbate at kakausapin silang tatlong magkakaibigan tungkol kay Alanis.
Hindi naman nakasama si Inah dahil nagpunta raw ito sa Maynila at aattend sa kasal ng tita niya.
Pagka doorbell ko sa bahay nila Gio ay siya kaagad ang bumungad sa akin.
“Kuya Travis, dumating ka na pala.” Nakangiting sabi niya at pinapasok ako sa loob ng bahay nila.
“Nasaan na si.. L-Lara?”
Bakit ba pati ang pangalan niya ay hindi ko na mabanggit ng maayos? Ano bang nangyayari sa akin?
Nginisian lang ako ni Gio at itinuro ang Veranda sa loob ng bahay nila. “Nandyan, nagbabasa ng libro. Alam mo namang book lover rin siya katulad mo.”
Hindi ko alam pero napangiti ako nang palihim dahil sa sinabi ni Gio pero hindi ko na dapat pa iyon alalahanin pa.
May boyfriend na siya at masaya na sila.
Tumango lang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa Veranda. Nang makarating na kami doon ay nakita ko si Lara na nakaupo sa isang metal chair habang nakasalamin at may binabasang libro.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago. Kapag wala siyang ginagawa ay nagbabasa lang siya ng libro.
Tumikhim si Gio kaya napalingon si Lara sa amin. Nagulat siya nang makita ako at umayos ng upo mula sa pagkakadekwatro niya.
“Nandito na si kuya Travis,” sabi ni Gio.
Nahihiyang tumango si Lara at tumingin sa akin. “Hello, K-kuya Travis. Nandito ka na pala.” I mentally laugh.
Seriously? Kuya Travis? E, noon nga ang tawag pa niya sa akin ay babe tapos ngayon may kuya na? Tss!
Napatawa ng mahina si Gio habang ako naman ay napangiti lang at umupo sa katapat na upuan ni Lara. “Nagpunta ako rito para malaman niyo ang mga nangyayari kay Alanis sa Maynila. Alam kong hindi siya nagkukwento sa inyo ng kung ano ang mga problema niya. Kilala niyo naman ang kapatid ko, nagsasarili ng problema para hindi na kayo mag-alala pa sa kanya.” Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Gio at umupo na rin.
“Ano nga bang nangyayari kay Alanis? Akala ko nga ay nakalimutan na niya kami dahil ilang linggo na kaming walang balita tungkol sa kanya. Sobra na kaming nag-aalala..” Gio sounds so worried but I don’t blame him for that dahil alam kong may pagtingin siya kay Alanis noon pa man.
Ikinuwento ko sa kanila ang lahat-lahat magmula kay Russel at sa mga pinaggagagawa nito sa kapatid ko. Napakuyom doon ng kamao si Gio habang si Lara naman ay umiiyak na.
“Sinasabi ko na nga ba! Nagpapanggap lang ang Russel na ’yon na mabait. Nasa loob pala talaga ang kulo niya. Kawawa naman si Alanis,” Lara said while crying.
Hindi ko siya kayang makitang umiiyak kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya na ikinagulat niya.
Ngayon ko lang siya nayakap ulit sa tagal ng panahon. Alam kong baka magselos at magalit si Uste sa ginawa ko pero kailangan kong i-comfort si Lara ngayon.
“Hindi na niya malalapitan pa si Alanis dahil dinala na si Russel sa Mental Hospital. ’Wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para lang maprotektahan si Alanis.” Hinagod-hagod ko ang likuran ni Lara para kumalma siya. Naramdaman ko ang pagtango niya at pagkalas ng yakap mula sa akin.
“Salamat, T-Travis.” She’s smiling at me.
How I miss those smile . I just Iook away and nodded.
Tumayo naman si Gio. “Sasama ako sa’yo pauwi ng Maynila. Gusto kong damayan at kausapin si Alanis.” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya at tinaasan siya ng kilay.
“Damayan siya sa problema niya? O, baka gusto mo lang makascore kay Alanis dahil nasa Mental Hospital na si Russel?”
Pagpo-provoke ko sa kanya. Natawa si Lara sa sinabi ko habang si Gio naman ay namula at umiwas ng tingin sa akin.
“H-hindi. B-bakit mo naman naisip ang bagay na ’yan?” Sabi pa niya habang nauutal.
Nagkibit-balikat na lang ako. “Hindi ko alam. Ayon ang sinasabi ng instincts ko, e.”
Maasar nga ito kahit ngayon lang. Ang torpe kasi.
Umiling lang ito at biglang napangiti. “Wala bang ikinukwento si Lara sa’yo, kuya Travis?” Nakangisi na niyang tanong.
“Wala, ano ba ang dapat ikuwento ni Lara sa akin?” Sabi ko at napatingin kay Lara na biglang yumuko at pinaglaruan ang mga daliri niya.
Gio smirk. “Lara and Uste already broke up.”
Napatigil at umasa na naman ang puso ko dahil sa salitang iyon.
CHLOE’S POV
Ang kapal nga siguro ng mukha ko para magpunta pa ngayon sa condo unit ni Neil. Gusto ko lang siyang makausap kung totoo ba na ginawa lang niyang rebound si Marinel para makalimutan ako.
Ganon ko na ba talaga sinasaktan ang damdamin ni Neil kaya pati ang ibang inosenteng tao ay nadadamay na?
Nasa tapat na ako ng condo unit ni Neil at nagdoorbell dito. Ilang minuto lang ay bumukas na ang pintuan ng condo niya at bumungad sa akin ang isang topless na Neil Furukawa habang namumula ang buong mukha at amoy alak ang hininga niya. Gosh! He’s drunk.
Nang makita niya ako ay nanlaki ang mga mata niya pagkatapos ay umiling siya ng paulit-ulit.
“Totoo ba ’tong nakikita ko? Nasa harapan ko ngayon si Chloe Saavedra? Imposible naman na puntahan niya ako dito sa condo ko dahil kahit kailan ay wala naman siyang pakialam sa akin! Mabuti pa si Marinel, may pakialam sa akin ang kaso nga lang ay may iba na ring lalakeng para sa kanya Gusto ko na nga siya e, kaso.. hindi na pwede!” Nakangiting sabi niya habang mapupungay ang mga matang nakatingin sa akin.
Nakaramdam ako ng awa para kay Neil. Katulad niya ay may iba na rin akong mahal pero ang masaklap doon ay hindi niya ako mahal.
Gwapo, mabait at masayahing tao si Neil pero hindi ko alam kung bakit si Uste lang ang hinahanap-hanap ng puso at sistema ko. Pakiramdam ko kasi ay si Uste talaga ang lalakeng para sa akin pero siguro ay assuming lang talaga ako.
May girlfriend na nga ’yung tao at nagmamahalan sila kaya ’wag ka nang maging tanga, Chloe!
Pero wait, is this guy said that he already likes Marinel?
I smiled. Finally! at least bukod sa akin ay may iba na siyang babaeng nagugustuhan.
Lumapit naman ako kay Neil at bumulong sa tenga niya. “You already like Marinel? Then fight for her. Huwag mo nang ulitin ang unang mistakes na nagawa mo dahil baka ngayon ay manalo ka na lalo pa’t mutual feelings na kayo ngayon.” He stopped for a while then he shook his head.
“I want her to be happy with the guy that will never hurt her and that is Denver. Denver likes her.”
I was so shock on what he said.
Denver likes Marinel? But how about Neil?
– Happy 30k reads! #24 na siya sa General Fiction ayiee! Ang lapit na po matapos nito.
Obsession #46
ALANIS POV
Hinila ako ni Julian papalabas ng classroom namin hanggang sa mapadpad na kami sa isang abandonadong Stock room. Pinasok niya ako sa loob nito at isinara ang pintuan. Kaagad naman akong kinabahan dahil sa ginawa niya.
“J-Julian, anong ginagawa natin dito?” Tanong ko habang nagpapanic na.
Inis naman niyang ginulo ang kanyang buhok at lumapit pa sa akin. Napaatras ako at umiwas ng tingin sa kanya.
“Alanis, I’m not really good at confessing my feelings but.. I think I like you, ah no! I love you.” Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at hindi ko alam ang sasabihin ko.
Mahal niya ako? Mahal ako ni Julian?
Siguro kung ibang babae lang ako ay magtatatalon na ako sa tuwa dahil may gusto sa akin ang isang gwapo, matangkad at mayaman na si Julian Saavedra pero.. ako si Alanis, mahal ko si Julian pero bilang kaibigan lang dahil hanggang ngayon ay si Russel pa rin ang mahal ko sa kabila ng lahat ng mga ginawa niya sa akin.
Concern na tumingin sa akin si Julian at hinawakan ang balikat ko. “Sorry.. nabigla ba kita?” nag-aalala niyang tanong.
Tumango ako at napabuntong-hininga. “Julian, nakakabigla ka.” Pumikit pa ako at nagmulat ng mata saka ulit tumingin sa kanya.
“Julian, mabait ka at palaging nandyan para sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa’yo. I treasure you as my real friend pero kasi.. hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa’yo. I’m sorry…” sabi ko at bumuntong-hininga.
Nakita ko sa mga mata niya ang sakit dahil sa sinabi ko.
Sorry, Julian pero kailangan ko nang maging totoo at tapat sa sarili ko.
I saw how his jaw clenched. “Bakit? Si Russel ba ang mahal mo?” Sabi niya sa naghahamon na tono. Tumango ako. There’s no point of lying to him.
He chuckled. “Ayos rin, sinaktan ka na nga niya, ginawang sunod-sunuran, baliw siya at dinala na sa Mental Hospital pero minahal mo pa rin?” Nang-iinsulto niyang sabi.
Hindi ko nagustuhan ang mga sinabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin at lumayo ng kaunti sa kanya.
“Oo. Ganon nga siguro si Russel pero may dahilan kung bakit niya nagawa ang mga bagay na ’yon. Hindi ko alam pero kahit ilang beses niya na akong sinaktan ay siya pa rin ang mahal ko. Umaasa ako na magbabago rin siya para sa sarili niya.”
Umaasa ako. Alam kong kayang gawin ni Russel na magbago para sa sarili niya. May tiwala ako sa kanya.
Natawa naman si Julian. “Talaga, Alanis? Sabihin na nga nating mahal mo siya pero.. sa ginawa ba niya ay tatanggapin pa siya ng pamilya mo? Hindi na dahil sinira na ni Russel ang tiwala ng pamilya mo.” Umiling ako pero natawa lang ulit si Julian.
Ano na naman ba ito? Bumabalik na naman ba ang dating Julian na arogante at hindi magpapatalo?
“Paano mo ’yan nasasabi, Julian? Maiintindihan ako ng pamilya ko kung si Russel talaga ang mahal ko.” madiin kong sabi. He shrugged.
“I don’t think so.”
Kanina pa ako naiinis sa mga pinagsasabi niya kaya aalis na lang ako. Akmang aalis na sana ako nang hinila niya ako at isinandal sa pader saka ako hinalikan.
Nagpupumiglas ako pero masyadong mahigpit ang hawak ni Julian sa akin. Nilagay niya ang dalawang braso ko sa ulunan ko habang idinikit niya naman ng sobrang diin ang katawan niya sa katawan ko. Nanghihina ako sa ginagawa ni Julian ngayon kaya napapikit na lang ako at napaiyak na.
“Uhm..” Sabi ko habang pilit niya pa rin akong hinahalikan. I didn’t kissing him back.
Hindi ko kayang may ibang hinahalikan na lalake bukod kay Russel.
Hindi ko kaya.
Nang maramdaman ni Julian na ayoko talaga siyang halikan ay inis niya akong binitawan at napasabunot ito sa buhok niya.
Umiyak na ako ng umiyak kaya napatingin siya sa akin at nagulat nang makitang umiiyak ako kaya bigla niya akong niyakap.
“S-sorry if I scared you. Nadala lang ako ng emosyon ko. I’m sorry, Alanis. Don’t cry please..” He said while caressing my shoulder. Hindi ako sumagot at umiyak lang ng umiyak.
Nang mapatahan na ako ni Julian ay pinunasan niya ang mga luha ko at hinalikan ang noo ko. “Pasensiya ka na sa mga nasabi ko. Hindi na siguro mawawala sa akin ang pagiging vocal at masakit magsalita pero kung si R-Russel talaga ang mahal mo ay wala naman akong magagawa pa doon.” Sabi niya sa malungkot na tono.
Kaagad akong nakaramdam ng guilt. Sinaktan ko ang damdamin ng totoo kong kaibigan na walang ibang ginawa kundi ang damayan ako sa mga problema ko.
“I’m sorry, Julian…” Tanging nasabi ko na lang.
I was shock when I saw him crying pero tumingin siya sa gilid at pinupunasan ang mga luha niya.
Now I know that he loves me but he doesn’t deserve me. He deserves someone else.
“O-Okay lang. Sanay na ako na hindi ako ang unang priority ng mga taong mahal ko.” He fake his laughed at yumuko habang umiiling.
I hugged him and he stiffened. “Huwag mong sabihin ’yan. Maraming nagmamahal sa’yo at kabilang na ako doon. Hindi nga lang in a romantic way pero kaya kitang mahalin bilang isang nakababatang kapatid at damayan ka sa mga ups and downs mo sa buhay. Hindi naman sa romantic way lang binabase ang pagmamahal, Julian. Mas maganda nga na maging magkaibigan na lang tayo dahil pwede pang humaba ang pagsasamahan natin.” Binitawan ko na siya mula sa pagkakayakap at ngumiti sa kanya.
Tumitig naman siya sa akin na ikinailang ko.
Ayan na naman ang mga titig niyang hindi ko maintindihan. Bakit kailangan pa niyang titigan ako?
“You’re right.” Then he smiled.
Pagkatapos naming mag-usap at magkaintindihan ay lumabas na kami mula sa Stock room. Salamat at naiintindihan ako ni Julian. Hindi na niya pinilit ang pagmamahal niya para sa akin.
Bakit ba kasi sa akin pa siya nagkagusto?
Magkasama kaming naglalakad ni Julian pabalik sa classroom namin nang may makasalubong kami.
Nagulat naman ako nang makita ko siya. Anong ginagawa niya dito?
“Gio?” He stared at me for a while at nang makita niya na kasama ko pala si Julian ay naging blangko at walang emosyon ang mukha niya.
Anong ginagawa ni Gio dito sa YGA?
Lumapit naman si Gio sa akin at kaagad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya na naging pag-aalala na at niyakap ako.
“Kumusta ka na? Namiss kita ng sobra, Alanis.” Malambing na sabi niya pagkatapos ay hinarap ako sa kanya.
Nakita ko na naman ang pagtiim ng bagang at pagkuyom ng kamao ni Julian.
Hala? Ano na naman bang ginawa ko sa kanila?
– #388 na kaagad sa General Fiction yung His Dirty Game eh Prologue pa lang yung nalalagay ko. Ayie! Kilig na ko. Dejk. Salamat sa mga nagbabasa. #LongHairAlanis
Obsession #47
GIO’S POV
Kanina pa masama ang tingin sa akin ng lalakeng kasama ni Alanis simula nang dumating ako at pinuntahan si Alanis dito sa school nila. Kinabukasan kasi nang magpunta si Travis sa Masbate ay sumama na ako sa kanya pabalik ng Maynila. Si Lara naman ay hindi na sumama dahil may pasok pa nga kami at nagbakasyon raw ang pamilya nito sa probinsiya nila at walang magbabantay ng bahay nila.
Umabsent muna ako ng dalawang araw para kay Alanis. Handa akong magbigay ng oras ko para lang sa kanya. Ganon nga siguro kapag mahal mo ang isang tao, you will spend your time just to be with her. May bahay ang lola ko dito sa Maynila kaya doon na muna ako mag-iistay pansamantala habang nandito pa ako.
Gusto ko lang makausap at alamin ang kalagayan ni Alanis. Mahalaga at importante siya sa akin kahit na kaibigan lang ang turing niya sa akin.
“Kumusta ka na? Namiss kita…” Sabi ko pagkakalas ko ng yakap ko kay Alanis at iniharap siya sa akin.
Ngumiti naman siya pero alam kong peke lang iyon. “O-okay lang naman ako, Gio.” sabi niya.
I look straightly to her eyes. There’s a pain that hides in it pero minabuti ko na lang na hindi na muna magtanong. May oras pa naman para doon.
Hinawakan naman bigla ni Alanis ang kamay nung lalakeng kasama niya at iniharap ito sa akin.
Wala na nga si Russel pero may pumalit na kaagad? Ni hindi ko pa nga nahahawakan ng solo lang ang kamay ni Alanis tapos ang lalakeng ito ay nakaka-iscore na kaagad? Shit!
“Ahm.. Gio, si Julian nga pala, kaklase ko.” Pagpapakilala ni Alanis sa lalakeng kasama niya.
Julian?
Ngumiti ako at inabot ang kamay ko sa lalake para makipagkamay. “Ako nga pala si Gio. Alanis childhood’s friend.” Sabi ko.
Tinitigan niya muna ang kamay ko bago ito nakipagkamay rin. “Julian Saavedra.” Sabi niya sa walang emosyong tono.
Natawa ako ng palihim. Galit ba ito sa akin?
Kaagad namang binitawan ni Julian ang kamay ko at binalingan si Alanis na nagdududang nakatingin sa amin. Nararamdaman niya marahil ang tensyon sa paligid.
“May klase pa tayo, Alanis. Mamaya na lang siguro kayong mag-usap dahil baka malate na tayo sa first subject natin.” Sabi nitong si Julian.
Napangiti naman ako ng palihim.
Nanlaki ang mga mata ni Alanis at tumango ito saka bumaling sa akin. “Oo nga pala! May klase pa pala kami, Gio. Mamaya na lang tayong mag-usap sa bahay namin. Alam mo naman siguro ang papunta doon ’di ba?”
Biglang kumunot ang noo ni Julian pagkarinig niya sa sinabi ni Alanis na sa bahay na lang nila Alanis kaming mag-uusap.
Ano bang ikinakagalit niya? Hindi naman siya boyfriend ni Alanis pero kung makaasta siya ay akala mo kung sino na. Kaklase lang naman siya. Tangina!
Tumango ako at ngumiti saka sinulyapan si Julian na masama ang tingin sa akin. “Oo naman. Go ahead, mamaya na lang tayo mag-usap sa inyo, personally .” sabi ko kay Alanis.
Natawa na lang ako nang biglang mag walk out si Julian at nauna nang umalis. Tumingin naman sa akin si Alanis ng masama saka nito sinapak ng mahina ang braso ko.
“Ikaw, Gio! Kung anu-ano ang mga pinagsasabi mo. Baka kung ano pa ang isipin ni Julian sa atin!” Reklamo niya at napasimangot.
Tumawa lang ako at kinurot ang pisngi niya. “May gusto ba ’yon sa’yo? Pinagseselosan yata ako. Kung makatingin e, parang papatayin na niya ako sa isip niya.”
Namula at umiling lang si Alanis saka ito ngumuso, her favorite facial expression that I really like. She’s too cute and innocent.
“W-wala no. Sige, mauna na ako. Mamaya na lang ulit. Bye!” Sabi niya at kumaway na saka siya nagmadaling umalis.
Wala? Lalake rin ako at alam ko ang kilos at galaw ng isang lalake kapag kaharap niya ang taong gusto o mahal niya.
Pagkatapos ni Russel ay may Julian pa pala?
Interesting..
ALANIS POV
Pagkatapos ng klase ay hinatid na ako ni Julian sa bahay namin. Hindi na rin kami awkward sa isa’t-isa nang sinabi niya kanina sa Stock room na mahal niya ako.
He understands me at ang sabi niya ay maging magkaibigan na lang kami para sa better friendship at pagsasamahan daw namin. Nagtext na rin pala si Gio na nasa bahay na siya kasama si kuya Travis.
Nakaka touch nga at pinuntahan pa niya ako dito sa Maynila para lang makausap. Alam kong nag-aalala na sila nila Lara at Inah sa akin dahil ilang linggo ko na rin silang hindi nakakausap simula nung mga nangyari sa amin ni Russel.
Hininto na ni Julian ang kotse niya sa tapat ng bahay namin. Lumabas na kami mula sa loob ng kotse niya at nagpaalam sa kanya.
“Julian, salamat pala sa paghatid sa akin dito sa bahay. Sobra-sobra na ang naitulong mo para sa akin.” I said with full of sincerity.
He smiled. “Wala ’yon. Mahal kita e, “
May huli siyang sinabi pero hindi ko na ito masyadong narinig pa. Hindi ko na lang ’yon pinansin instead ay nginitian ko na lang siya.
“Papasok na ako sa loob, ha? Mag-iingat ka sa pagdadrive.” sabi ko. Tumango lang siya at sumakay na ulit sa loob ng kotse niya saka ito pinaandar hanggang sa makaalis na siya.
Nang tuluyan na siyang makaalis ay pumasok na ako sa loob ng bahay namin at naabutan ko doon sina kuya Travis at Gio na nagtatawanan. Nang mapansin na nila akong dalawa ay tumayo na si kuya Travis sa pagkakaupo niya sa couch.
“Nandito ka na pala, Princess. May pag-uusapan pala kayo ni Gio kaya maiiwan ko muna kayo.” Sabi ni kuya Travis. I nodded and kissed his cheek.
Nang makaalis na si kuya paakyat sa kwarto niya ay umupo naman ako sa tabi ni Gio na seryoso lang na nakatingin sa akin.
Kailangan kong sabihin ang lahat sa kanya. He’s my real friend and I trust him so much.
Hinapit niya ang baywang ko at ni-lean ang ulo ko sa balikat niya. Napapikit na lang ako. He was just like this kahit noong mga bata pa lang kami kapag malungkot ako o may problema.
“Nakipaghiwalay ka na ba kay Russsel?” Tanong niya.
Tumango lang ako. He sighed.
“Tama lang ang ginawa mo. Baka kung hindi ka nakipaghiwalay sa kanya ay saktan at pahirapan ka lang niya.”
Humarap ako kay Gio at ngumiti ng malungkot. “Hindi ko alam Gio, pero kahit baliw man siya o obsessed sa akin ay mahal ko pa rin siya. Umaasa ako na gagaling at magbabago si Russel sa Mental Hospital. Sinabi niya noon na mahal niya ako kaya umaasa rin ako sa salitang ’yon. Kasi ikaw na nga mismo ang nagsabi na ang pagmamahal ay pagsasakripisyo. Kung totoong mahal ako ni Russel ay magbabago siya para sa akin at sa sarili niya.”
Natahimik si Gio sa mga sinabi ko pero ’di kalaunan ay tumango lang siya at ngumiti rin.
“Oo Alanis, kailangan mong magsakripisyo para sa taong mahal mo. Kahit masakit at namanhid ka na sa sakit ay gagawin mo ’yon para sa ikaliligaya niya. Ayon ang tunay na pagmamahal.”
Gio is a man of few words. Tahimik lang siya at malihim pero
totoo siya sa sarili niya
at selfless rin. Napakabuting lalake niya at masuwerte ang babaeng makakasama niya nang pang habangbuhay.
“Masuwerte ako na naging kaibigan kita, Gio. Maswerte ang magiging asawa mo in the future.” Umiling lang siya at ngumiti saka ito yumuko.
“I hope so.”
Umaasa ako sa’yo, Russel.
Obsession #48
DENVER’S POV
I don’t want to see Marinel crying for that bastard. Damn it, Neil!
Nagpaubaya ako dahil ang akala ko ay mamahalin mo si Marinel pero anong ginawa mo? Ginawa mo lang siyang isang panakip-butas! Sa ginawa mo ay hindi na kita itinuturing na isang kaibigan.
Kung alam ko lang na ganong klaseng tao pala si Neil ay sana matagal ko nang inagaw si Marinel. Sobrang gago siya para saktan ang babaeng mahal ko!
Kasalukuyan na nasa condo ko si Marinel at sinasamahan ko siyang magpakalasing. Ayoko siyang umiinom nang dahil kay Neil pero kasama naman niya ako sa problema niya kaya okay lang siguro ito. Hindi ko naman siya gagawan ng masama dahil ayokong sirain ang tiwala niya sa akin.
Mahirap magpigil dahil mahal ko siya at matagal ko na rin siyang gusto pero hangga’t kaya ko ay rerespetuhin ko siya at igagalang.
“Denver, pangit ba ako? B-bakit ayaw sa akin ng kaibigan mo? M-matagal ko na siyang gusto e, pero nagpapakatanga pa rin ako sa kanya kahit ginawa niya lang akong rebound!” Natatawang umiiyak na naglalabas ng sama ng loob si Marinel habang namumula na ang mukha niya dahil sa sobrang kalasingan nito.
Hinarap ko siya sa akin at hinawakan ang baba niya. “No. You’re beautiful and smart. Tanga lang siguro si Neil kung bakit hindi ka niya magustuhan.” Sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.
“Bakit ganon, Denver? Kung sino pa ang mahal natin ay sila pa ang may ayaw sa atin? Hindi ba puwedeng maging mutual na lang ang lahat para wala nang taong masasaktan?” Sabi niya.
Ako nga mahal kita pero iba ang mahal mo. Kailan mo ba ako mapapansin bilang isang lalake na para sa’yo? Bakit kailangan mo pang umasa sa lalakeng ni minsan ay hindi ka man lang binigyan ng atensyon at pagmamahal?
Bumuntong-hininga ako at nginitian siya. “Siguro ay nagkamali lang sila ng taong gugustuhin nila at mamahalin.” sabi ko.
Sandali itong natigilan sa sinabi ko pero ’di kalaunan ay umiling lang siya at tinungga ang beer na hawak niya.
“Hindi, Denver. Ang sabi kasi ng mama ko na kadalasan na ang taong nagugustuhan mo ay ang taong pag-aalayan mo ng buong buhay mo. Natututunan rin ang pagmamahal lalo na kung nag-eeffort ’yung isang tao para mahalin mo rin.”
Napatigil ako sa sinabi ni Marinel. Matagal ko na siyang gusto pero hindi man lang ako nag-effort para mahalin niya rin ako samantalang siya ay nag-eeffort na mahalin si Neil kahit hindi naman siya pinapansin nito.
Posible kayang may gusto na si Neil kay Marinel dahil sa effort na ibinibigay nito sa kanya? Pero hindi, hindi ko nga makalimutan ang mga sinabi niyang masasakit na salita kay Marinel sa locker room.
“Hindi naman siguro,” Sinabi ko na lang at tumungga rin ng beer sa lamesa.
Hindi nagsalita si Marinel at sumandal na lang ito sa sofa na inuupuan namin. Malamang ay nahihilo na siya dahil sa sobrang kalasingan.
Napatitig ako sa kanya habang nakapikit siya. Ito na ba ang tamang panahon para umamin ako ng nararamdaman ko para sa kanya?
I think this is the right time.
I sighed deeply at lumapit pa sa pwesto ni Marinel.
“Marinel, I love you.”
Finally. I said those words to her.
Napangiti naman siya sa sinabi ko habang nakapikit pa rin.
“I love you too,
Neil..“
Neil again? Kailan ba magiging ako?
USTE’S POV
Nandito ako ngayon sa field at break time na namin. Wala akong ganang kumain kaya dumiretso na lang ako dito. Yumuko na lang ako at pinaglaruan ang bato sa paanan ko.
Hanggang ngayon ay masakit pa rin na palayain ang babaeng halos pag-alayan mo na ng buong buhay mo pero para sa ikakasaya niya kahit masakit ay tatanggapin ko na lang ang katotohanan na hindi siya ang babaeng para sa akin.
Si Russel. Nagmahal siya ng sobra-sobra kay Alanis kaya tuluyan na siyang nabaliw at naging makasarili kaya pati ang taong mahal niya ay hindi niya namamalayan na nasasaktan na pala niya.
Napagtanto ko na ang pagmamahal ng sobra ay nakakasama. Noon siguro ay nasasaktan ko na si Lara dahil sa mga ginagawa ko sa kanya katulad ng pagiging possessive ko at makasarili pagdating sa kanya pero hindi lang niya ito sinasabi sa akin dahil ayaw niyang magalit ako at masaktan ang damdamin ko. Ang selfish ko nga siguro noon at nakokonsensya ako ngayon sa mga nagawa ko sa kanya.
Habang nagmamasid ako sa paligid ay nakita ko si Chloe na nag-iisa at umupo malapit sa bench na inuupuan ko. Hindi naman niya ako napapansin dahil parang occupied pa ang pag-iisip niya.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hindi ko makakalimutan ang mga sinabi sa akin ni Lara sa Masbate.
“Hi.” Sabi ko. Napaangat ng tingin si Chloe at nagulat ito nang makita ako. Ngumiti lang ako at umupo sa tabi niya.
“Uste..” Sabi niya habang nararamdaman ko pa rin na nakatingin siya sa akin.
“Kumusta ka na?” Tanong ko nang nakatingin lang sa malayo.
“O-okay lang. Kayo ni Lara, kumusta na kayo?” Tanong naman niya.
“We already broke up.” Sabi ko at ngumiti ng malungkot kay Chloe.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at tinitigan ako ng masama. “Bakit? Nakipagbreak siya sa’yo? Siguro ay niloko mo siya kaya nakipagbreak siya sa’yo, ano? Umamin ka!” Tinaasan pa niya ako ng kilay at umirap ito sa akin.
Tumawa lang ako. “Hindi ah.”
“Eh bakit naghiwalay kayo?” Tanong naman niya.
Halos hindi ko alam ang sasabihin ko. Mahirap magsalita lalo na kung nasasaktan ka pa rin sa sasabihin mo.
Yumuko na lang ako at hindi nagsalita.
Chloe nodded. “I’m sorry if I asked that. I know that’s too personal to talk to.”
Tumango na lang ako.
“Chloe..”
“Yes?” Sabi niya at tumingin na lang rin sa malayo.
“Let’s date.”
Sa sinabi ko ay napaharap siya sa akin at tinuro pa ang sarili niya.
“Me? We will date? W-what? Are you kidding me?” Gulat na gulat niyang tanong at napahawak pa ito sa magkabilang baywang niya.
“No. I’m not kidding.” Sabi ko naman habang nakangiti sa kanya.
“So, gagawin mo rin akong panakip butas katulad ng ginawa ni Neil kay Marinel? No freaking way!” Umirap naman siya. Ang taray talaga.
“Hindi naman. Hindi ako ’yung taong gumagamit lang ng ibang tao para makalimot. Iba ako, may paninindigan at pangako ako. Magdate lang tayo at kapag hindi tayo nagwork edi hindi. Kapag nagwork naman tayo edi masaya. Ano, papayag ka na?”
Natigilan naman ito sa sinabi ko.
“Hmm.. Pag-iisipan ko.”
But after 3 seconds.
“Okay. Payag na ako. Alam mo kasing patay na patay ako sa’yo kaya ka ganyan.” Sabay irap niya.
I laugh so hard. I’m willing to do everything just to love this Queen Bee girl.
Obsession #49
ALANIS POV
It’s been 3 months since something came happened. Maraming mga pagsubok ang nangyari pero nakakaya ko namang malampasan ang lahat ng iyon. Lahat naman ng tao ay dumadaan sa pagsubok at problema, ang iisipin lang natin ay ito ang obstacles na ibinigay sa atin ng Diyos para maging matatag tayo.
Sa loob ng tatlong buwan ay hindi ko pa rin nadadalaw sa Mental Hospital si Russel dahil hindi pa ako handa na makita siya sa lagay niya pero ang sabi naman ni Uste ay nakikita na ang unti-unting pagbabago sa kanya. Araw-araw daw itong dumadaan sa therapy at pinapainom rin ng gamot para sa sakit niya. Natutuwa ako at nasa mabuting kalagayan siya. Sana ay magtuloy-tuloy pa iyon para gumaling na siya.
I still love him despite of what he had done to me. Minahal ko na siya sa mga pagkakamali at paghihigpit niya. Siya pa rin ang itinitibok ng puso ko at wala na yatang papalit pa sa kanya sa puso ko. I know he’s my fate at sana sa paglipas ng panahon ay unti-unting magbabago at gaganda ang takbo ng mga buhay namin.
Russel is my everything, alam ko na kaya niyang magbago at maging matatag para sa sarili niya.
Si Julian ay kaibigan ko pa rin hanggang ngayon. Hindi naman ako tanga para hindi mahalata na gusto pa rin talaga niya ako pero sinasabi ko sa kanya na sana ay maging magkaibigan na lang kami. Naiintindihan naman niya ako at sinusuportahan sa lahat ng gusto ko.
Nasa bahay ako ngayon at weekends na. Kasama kong kumakain ng dinner sila mama, papa at kuya Travis.
Napapansin ko na kanina pa tahimik si mama at hindi mapakali samantalang sina papa at kuya Travis naman ay sumusulyap-sulyap sa akin. I found them very weird kaya nagtanong na ako.
“May problema po ba? Parang ang weird niyo yata ngayon,” Sabi ko at itinuloy ang pagkain ko.
Tumikhim naman si papa at biglang sumeryoso ang mukha niya. “Alanis, we have something to tell you.”
Napatigil ako sa pagkain ko. “Ano po ’yon?”
Nagpakawala muna ng buntong-hininga si papa bago ito nagsalita. “We’re going to live in Los Angeles in the next few days. Doon na na-assign ang trabaho ko and it’s already permanent.”
Hindi ako makapagsalita at parang maiiyak na. Doon na kami titira sa amerika?
Paano na ang mga kaibigan ko? Mga kakilala ko? at paano na siya?
“Are you serious, pa? Ayokong umalis dito sa pilipinas!” Tuluyan na akong umiyak. Dinaluhan na ako ni mama habang si kuya Travis naman ay tahimik lang na nakayuko.
“It’s for you and your brother’s future, Alanis. Kapag doon na tayo titira sa amerika ay mabibigyan ko pa kayo ng magandang kinabukasan. Ayoko man na tuluyan kayong ilayo ni Travis sa mga kaibigan niyo at kakilala niyo dito sa Pilipinas ay wala na akong magagawa dahil para naman sa inyo ito. Sana ay maintindihan mo ako, anak.” Malungkot na sabi ni papa.
Napapikit ako at nagpunas ng luha. Bakit kailangan pang mangyari na umalis kami at lumayo?
Masaya na ako dito sa Pilipinas at ayokong iwan ang taong mahal ko, si Russel.
“Uuwi pa po ba tayo dito sa Pilipinas kapag umalis na po tayo papuntang amerika?” Tanong ko habang humihikbi.
Ngumiti naman si papa at tumango. “Oo naman. At alam naman namin na gusto mo pa rin siyang makita. Mahal mo pa rin si Russel, hindi ba?”
Ang pamilya ko, alam nilang sobrang laki ng kasalanan ni Russel sa akin pero naiintindihan nila ito at hindi hinuhusgahan.
Dahil mahal ko si Russel sa kabila ng mga ginawa niya sa akin ay naniniwala rin silang magbabago ito. Masuwerte ako dahil may pamilya ako na katulad nila.
Tumango ako at ngumiti. “Mahal na mahal ko po siya, papa..” Si mama naman ay napangiti sa sinabi ko at sinapo ang buong mukha ko.
“Princess, balikan mo dito si Russel kapag isa ka nang matured at fully grown woman. Kung siya lang talaga ang makapagpapasaya sa’yo ay hindi ka namin hahadlangan sa gusto mo. Ang lahat ng taong mahal mo ay mamahalin rin namin.”
Tama si mama. Babalikan ko si Russel kapag isa na akong buong Alanis Vien at sana sa oras na balikan ko siya ay nagbago na rin siya.
Tumayo bigla si kuya Travis at niyakap ako. “Wala naman akong magagawa kung mahal mo pa rin si Russel basta ang sa akin lang ay iingatan mo palagi ang sarili mo.” sabi ni kuya. Tumango ako.
“Opo kuya, maraming salamat sa pagsuporta mo sa akin.” Kuya Travis just smiled.
Nandito ako ngayon kasama si Julian sa Veranda ng kwarto ko. Sasabihin ko na sa kanya ang pag-alis ko ng Pilipinas sa susunod na araw. Alam kong mabibigla siya sa sasabihin ko pero kailangan niya itong malaman.
“Ano bang sasabihin mo sa akin, Alanis at pinatawag mo pa ako dito sa bahay niyo para lang makausap ng personal?” Nakangiting sabi ni Julian habang nakaupo sa railings ng veranda ng kwarto ko at ako naman ay nakatayo lang sa tabi niya.
Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. “K-kasi Julian, sa amerika na kami titira ng pamilya ko.. Doon na na-assign ang trabaho ni papa kaya kailangan na naming lumipat doon.”
Tumawa naman siya. “Nagbibiro ka lang, right?”
Umiling ako.
“Hindi, Julian. Nagsasabi ako ng totoo. Sa makalawa na ang alis namin.” Bigla naman siyang natahimik kaya nilingon ko siya. Nakatingin lang si Julian sa malayo at napangisi.
“Bakit kailangan mo pang lumayo? Hindi ba pwedeng hindi ka na lang sumama doon?” Sabi niya at humarap ito sa akin.
I was so shocked when I saw him crying. Iniiyakan niya ako, ni Julian Saavedra.
I hugged Julian at umiyak na rin. “K-kailangan kong sumama, pati sila kuya Travis at mama ay kasama ko rin doon.”
Masakit makita na maiiwan ko ang mga taong naging importante na sa buhay ko. Mabuting tao at totoong kaibigan si Julian kaya sobrang hirap na hindi ko na siya muling makakasama pa.
Inihirap niya ako sa kanya at pinunasan ang mga luha ko. “Paano na ang pag-aaral mo? Paano na ang mga kaibigan mo? Paano na ako?” Naging garalgal na ang boses ni Julian at pinipigilan ang pagtulo ulit mga luha niya.
I’m hurting him slowly.
“M-magkikita pa rin naman tayo e. Basta ’wag mo lang akong kakalimutan. May video chat naman, hindi ba? Kaya magkikita pa rin tayo.” sabi ko. Umiling lang siya at ngumiti ng peke.
“Ikaw ang kauna-unahang babaeng minahal ko. Hindi na nga naging tayo tapos malalayo ka pa sa akin. Ang malas ko naman!” Tumawa pa ito at umiling ulit.
“I’m sorry, Julian..” Tanging nasabi ko na lang. Pagkaraan ay tumango lang siya at nginitian ako.
“Basta mag-iingat ka doon, ha? ’Wag na wag kang magpapalipas ng gutom, magpapakapagod at maghanap ng ibang gwapong kaibigan bukod sa akin.” Natawa naman ako doon kaya hinampas ko siya ng pabiro sa braso niya.
“Syempre naman. Ikaw pa ba.” Ngumiti siya pagkaraan at biglang sumeryoso ang mukha niya.
“Paano na siya?” Napahinto ako at hindi makapagsalita.
Paano na nga ba siya? Ang lalakeng mahal na mahal ko at importante rin sa akin.
I just closed my eyes.
“Fate will bring us together soon, Julian.”
– Next Chapter is The Most Heartbreaking scene then next is Epilogue. Matatapos na po ito chingus. Abangan ang His Dirty Game starring Sky and Reese. Ty!
Obsession #50
ALANIS POV
Mamayang hapon na ang flight namin ng pamilya ko papuntang amerika. Nakapagpaalam na rin ako sa mga YGA officers, Principal and staffs na aalis na ako ng Pilipinas at magta-transfer sa ibang school. Pati na sa mga kaibigan ko sa Masbate na sila Lara, Gio at Inah.
Sobra ang pagkalungkot nila sa ibinalita ko na sa amerika na kami titira ng pamilya ko lalong-lalo na si Lara. Umiyak pa nga ito at sinabi na mamimiss niya raw ako at pati na ang mga kalokohan naming dalawa. Kung puwede nga lang sana na hindi na kami umalis pa kaso ay wala akong magawa dahil para rin naman sa amin ni kuya Travis ang ginagawa nila mama at papa. They want a better future for us kaya hindi kami makatanggi ni kuya Travis.
Nagpaalam na rin ako kay Uste pero nasa ibang bansa na siya ngayon at doon na nag-aaral. Mas pinili niyang lumayo na muna pagkatapos ng break-up nila ni Lara. Nalaman ko ang lahat-lahat sa kanilang tatlo nila kuya Travis. Kaya pala ganon na lang ang tensyon noon sa pagitan nila kuya Travis at Uste. Hindi ko naman masisisi si Lara doon dahil naipit lang rin siya sa sitwasyon nila.
Julian bid a goodbye to me. Bago ako umalis dito sa pilipinas ay dumalaw ulit ako sa bahay ampunan nila Sister Mercy at tumulong sa Dental Mission at Medical check-up nila. Masaya ako dahil nakatulong ako sa ibang tao at napakagiliw pa ng mga bata doon lalong-lalo na sina Angel at Harold.
Kinukulit pa rin ako ni Harold na siya raw ang pakakasalan ko kapag lumaki na siya habang si Angel naman ay palaging sinasabi na boyfriend ko si Julian. Tinatawanan na lang namin ni Julian ang mga panunukso nila.
Si Marinel naman ay umiyak rin at sinabi niya na baka raw pagbalik ko dito sa Pilipinas ay nasa Australia na siya. Pagkatapos kasi ng pasukan ay magma-migrate na sila ng pamilya niya doon. Pareho rin pala kami at sigurado ako na mamimiss siya ng todo ni Denver. Napansin ko nga na close na silang dalawa pero hindi naman daw sila.
Bumuntong-hininga ako at hawak ko ang papel kung saan nakalagay ang address ng Mental Hospital na kung saan ay nandoon si Russel.
Ito ang unang beses na makikita ko ulit siya after 3 months. Gusto kong makapagpaalam ng pormal sa kanya. Nagpahid ako ng luha dahil hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Nagtungo na ako sa Mental Hospital pagkatapos ay nakarating ako ng maayos at pumasok na sa loob nun. Pagkapasok ko ay puro mga lalake at babaeng pasyente ang nakikita ko habang hawak sila ng mga assistant nurses na nakaputi.
Ang iba sa kanila ay tahimik lang, may nagsasalitang mag-isa, nagwawala at tumatawa. These persons are suffering from mental illness. Hindi ko alam kung bakit umabot sila sa punto na parang nawawala na sila sa sarili nila o sa katinuan but I don’t want to judge them. Hindi ko rin alam ang mga pinagdaanan nila kaya sila nagkaganyan. They have their own story and reasons like Russel.
May lumapit sa akin na isang lalakeng nurse. He’s smiling at me at nang tinignan ko ang nametag niya ay Benji ang pangalan niya. Gwapo ito at disenteng tignan.
“Hello po, Ma’am. May hinahanap po ba kayong pasyente?” Tanong niya sa akin.
Tumango naman ako. “Oo, meron nga. Nandito ba si Russel Madrid?” Sandaling natigilan si Nurse Benji pero pagkaraan ay tumango ito.
“Yes, Ma’am. Nandoon po siya sa may garden. Halina po kayo at sasamahan ko kayo doon.” Nakangiting sabi niya.
Ngumiti na lang rin ako at sinundan ang nurse papunta sa garden kung nasaan ay nandoon ang lalakeng mahal ko.
“Ah, Ma’am, pwede po bang magtanong?” Nahihiyang tanong sa akin ng nurse na si Benji at napakamot pa ito sa batok niya.
“Oo naman. Ano ’yon?” Nakangiti ko namang sabi.
“Boyfriend niyo po ba si Russel?” Tanong niya. Natigilan ako pero pagkaraan ay tumango lang ako.
Tumango si nurse Benji at hindi na muling nagsalita pa. Nang makarating na kami sa garden ay iniwan na ako ni nurse Benji at sinabi na nakaupo lang raw si Russel malapit sa may puno.
Nahagip kaagad siya ng mga mata ko at nakita ko siyang nakatingala sa maliwanag na langit habang nakapikit. Nangilid ang mga luha ko at dahan-dahang lumapit sa pwesto niya.
Pagkatapos ng tatlong buwan ay ngayon ko lang siya ulit nakita. Gwapo pa rin siya katulad ng dati. Nangangatog ang mga tuhod ko at bumibilis na ang tibok ng puso ko habang papalapit sa kanya.
Ang Russel ko , ang taong mahal na mahal ko. Nakikita ko na siya ngayon. God knows how much I miss him.
Tuluyan na akong nakalapit sa kanya. Ganon pa rin ang pwesto niya, nakapikit at nakatingala sa langit. Dahan-dahan naman siyang nagmulat ng mata at sinalubong ako ng tingin.
Napanganga ang bibig niya pagkakita sa akin at nakita ko ang unti-unting pagtulo ng mga luha niya.
“Alanis?” Sabi niya sa nanginginig na boses.
Tumango naman ako at ngumiti. “Ako nga Russel. Si Alanis ’to.” nanginginig kong sabi. Tumayo kaagad si Russel mula sa pagkakaupo niya at niyakap ako.
Napahagulgol na ako ng tuluyan at niyakap siya pabalik. Sobrang miss na miss ko na siya. Walang araw na hindi ko naiisip si Russel. Siya lang ang may kayang patibokin ang puso ko at guluhin ang buong sistema ko. Tuluyan na ring humagulgol si Russel habang yakap pa rin ako.
“Patawarin mo ako, Alanis. Patawarin mo ako sa mga nagawa kong kasalanan sa’yo. Kung sinaktan kita at naging makasarili na ako at pati ang damdamin mo at kalayaan mo ay hindi ko na naisip pa. Patawad..”
Ramdam ko ang sakit at panghihinayang sa boses ni Russel. Naramdaman ko ang sinseridad niya.
Alam ko, tuluyan nang nagbabago si Russel para sa sarili niya. Tama ako.
Hinarap ko naman siya sa akin at nginitian siya. “Matagal na kitang pinatawad, Russel. Naiintindihan kita kung bakit mo nagawa ang lahat ng ’yon.” umiiyak kong sabi. Pinunasan naman niya ang mga luha ko pagkaraan ay hinalikan niya ang noo ko.
“Pangako, magbabago na ako para sa’yo para maging karapat-dapat na akong lalake sa’yo. Bibigyan kita ng kalayaan at suporta sa kahit anong gusto mo. Mahal na mahal kita kaya gagawin ko ang lahat para gumaling na ako sa sakit kong ’to. Sobrang mahalaga ka sa akin, Alanis…” Umiiyak niyang sabi.
Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Naghuhurumentado na ito. Mahal na mahal ako ni Russel kaya gagawin niya ang lahat para sa akin.
Masuwerte ako dahil may siya sa buhay ko. Handa siyang magbago para sa akin.
Pero nang naisip ko ang dahilan ng pagpunta ko rito ay yumuko ako habang naluluha pa rin.
“R-Russel, may gusto akong sabihin sa’yo.” Natigilan naman siya at hinawakan ang isang kamay ko.
“Ano ’yon, Alanis?” I look at him.
Matagal kong hindi makikita ang mukha ng lalakeng mahal ko. Ang maamo at makisig niyang mukha. Ang mapupungay na mga mata niya at ang kanyang totoong pagkatao. Mamimiss ko siya.
I sighed deeply. “Aalis na kami ng pamilya ko dito sa Pilipinas mamayang hapon. Doon na kami titira sa amerika.”
Halos hindi siya makapagsalita dahil sa sinabi ko at umiling ito ng paulit-ulit.
“H-hindi. Hindi mo ako iiwan, Alanis. Magbabago ako para sa’yo basta ay ’wag mo lang akong iwan…” Nanghihina niyang sabi at napaluhod na ito.
Ang sakit na makita na nasasaktan si Russel. Ang sakit magpaalam sa kanya. Ayoko siyang iwanan pero para sa aming dalawa ay gagawin ko ito.
Gusto kong maging isang mabuti at may maipagmamalaking babae sa oras na balikan ko siya.
Lumuhod rin ako at pinantayan ko si Russel and I cupped his face. “Babalik rin ako. Babalikan kita kaya magkikita pa rin tayo.” Sabi ko sa nanginginig na boses.
Umiling lang siya ulit. “Huwag mo akong iwan, please.. nagmamakaawa ako, Alanis!” Russel held my both hand.
Ayoko siyang iwan pero para sa aming dalawa itong gagawin ko. Kung kami talaga ang para sa isa’t-isa ay magkikita at magkikita pa rin kami. Naniniwala ako sa tadhana naming dalawa.
Labag sa loob kong tinanggal ang mga kamay niya sa kamay ko at tumayo na. Tinatagan ko ang boses ko at napalunok.
“Pangako, babalikan kita at sana sa oras na bumalik ako dito ay tuluyan ka na rin magbago. Magbago ka para sa sarili mo. Tulungan mo ang sarili mo, Russel at kung tayo talaga ang para sa isa’t-isa ay magtatagpo pa rin ang mga landas natin.” Tumigil ako sa pag-iyak saka nagpunas ng luha ko and I left him hanging and broken.
Nang tuluyan na akong nakalayo sa kanya ay napatakip ako ng bibig ko at humagulgol na nang tuluyan.
Magkikita pa rin tayo, Russel. Pangako.
– Umiiyak ako habang tinatype ko to. Bakit kasi ganon? Wala naman akong boyfriend pero alam ko ang nararamdaman ng mga lalakeng kayang magbago para sa taong mahal nila :(
Epilogue
After 5 years…
ALANIS POV
I smiled and took a deep breath, I’m already here in my home country, The Philippines. It’s been 5 years since I was here. Alam ko na marami nang nagbago dito sa Pilipinas. The structures, people, location and persons changed. Sobrang dami nang nagbago sa akin. I’m a fully grown woman at mayroon nang maipagmamalaki.
Nakapagtapos ako ng BS in Interior Design sa Los Angeles at may trabaho na rin ako. I’m already 21 years old at matured na rin hindi katulad noon na cry baby at mahina pa ako. Masaya namang tumira sa amerika dahil marami akong mga nameet na mabubuting kaibigan doon pero iba talaga kung sa kinabisnan mong bansa ka lulugar ulit.
My Kuya Travis is still dealing from his dream job to be a Psychiatrist. Nasabi ko na ba sa inyo na engaged na sila ni Lara? Yes. Kuya Travis courted Lara 3 years ago. Mga bata pa lang kami ay alam kong may pagtingin na si kuya sa bestfriend ko. Tignan mo nga naman, hindi man sila nagkatuluyan nung una ay sila pa rin talaga hanggang sa huli.
Si Uste ay nasa U.K pa rin at may trabaho na ito. He took a Business Administration major in Management dahil sa kanya ipapamana ang kompanya ng mga magulang niya doon. He’s the only son kaya sa kanya lahat mapupunta ang mga ari-arian at business ng pamilya niya. Kasama niya sa U.K ang girlfriend niyang si Chloe na kapatid ni Julian. Masaya ako at natutunan nang mahalin ni Uste ang babaeng matagal nang nandiyan para sa kanya.
Si Lara naman ay isa nang Public Elementary Teacher sa Masbate. Paminsan-minsan ay dumadalaw si kuya Travis sa Pilipinas para makasama si Lara tuwing monthsary o anniversary nila. They are now happy at masaya rin ako para sa kanila.
Si Inah ay teacher na rin kasama si Lara. May fiancé nga raw siya na ubod raw ng pagkamanyak na nameet niya noon sa Maynila. Hindi niya alam na ayon pala ang ipagkakasundo sa kanya ng pamilya niya. Sa katarayan ni Inah ay sigurado ako na titiklop kung sino man ang manyak niyang fiancé.
Si Gio naman ay isa nang Engineer. Kahit noon pa man ay ayon na talaga ang pangarap niyang work sa buhay. He confessed before that he loves me pero tinanggihan ko siya. Hindi siya nagdamdam sa sinabi ko at lubos na naiintindihan ako kaya hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin kami.
Si Marinel ay nandito na rin sa Pilipinas para umattend sa gaganapin na YG Academy Allumni Ball. Kasama niya siyempre ang kanyang boyfriend na si.. Neil. Yes, si Neil nga ang nakatuluyan niya. Ang akala ko nga ay si Denver ang makakatuluyan niya pero hindi pala. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero masaya na rin ako para sa kanila.
Si Denver naman ay bigla na lang raw umalis ng Pilipinas nang nagkabalikan sina Marinel at Neil. Hindi ko naman siya masisisi doon dahil baka gusto niyang mag move-on at lumayo muna sa kanila. I feel sorry for Denver dahil alam kong mahal na mahal niya rin si Marinel.
Julian is still my friend. Palagi kaming nagkakausap sa Skype at sinasabi niya palagi na miss na miss na raw niya ako. Isa na rin siyang tagapamahala sa YG Academy bukod sa pagpapatakbo nito ng kompanya ng mga magulang niya.
He still loves me. Gusto ko na siyang mag move-on pero hindi pa raw niya kaya sa ngayon. Apat na taon na pero mahal niya pa rin ako. Nakakakonsensya nga dahil hindi ko siya magawang mahalin pabalik dahil kahit pagbali-baliktarin man ang mundo ay sa iisang lalake pa rin tumitibok ang puso ko.
Kumusta na kaya si Russel? Wala na akong nabalitaan tungkol sa kanya dahil ang sabi nila mama at papa ay inilipat na raw sa ibang Mental Hospital si Russel simula nung magwala siya at muntik nang makasaksak ng isang pasyente sa unang Mental Hospital na pinagdalhan sa kanya na pinuntahan ko noon.
Pagkatapos kong magpaalam sa kanya na aalis na ako ng Pilipinas ay saka niya ginawa ang bagay na iyon. Ano na kaya ang kalagayan niya ngayon? Okay lang kaya siya? Gumaling na ba siya sa sakit niya? Sobrang miss na miss ko na siya at gusto ko na siyang makita balang araw.
I saw my reflection in the mirror. I’m wearing a black fitted dress. Kung noon ay itim at straight ang buhok ko ngayon ay medyo wavy na ito at kulay brown na. Kung noon ay maputi ako, ngayon ay mas lalo pa akong pumuti. Medyo nagkalaman na rin ang katawan ko at mas lalo raw akong gumanda at sumexy. Nawala na talaga ang dating image ni Alanis na iyakin at inosente.
Nasa bahay ako at nandito ngayon sila Lara, Gio at Inah. Kanina pa nila ako tinititigan na ikinaiilang ko. Hindi sila sasama sa YGA Allumni Ball dahil hindi naman sila sa YGA nag-aral pero lumuwas pa sila ng Masbate para lang makita ako.
“Kanina pa kayo nakatitig sa akin, ha? Nakakailang na!” Sabi ko at tumingin sa ibang side.
“Kung noon kasi ay maganda ka, Alanis. Ngayon ay mas lalo ka pang gumanda at sumexy. Nakaka insecure! Sana pala ay tumira na rin ako sa Los Angeles para ganyan na rin ako kaganda katulad mo.” Kunwaring nagtatampong sabi ni Inah.
“Oo nga, Alanis. Para ka nang artista. Mukha ka nang Korean actress at Kpop Idol na si Kim Jisoo.” Sabi naman ni Lara.
Kim Jisoo? Sino iyon?
Tumingin naman ako kay Gio. Nakatitig lang siya sa akin ng malalim kaya napaiwas ako ng tingin.
Bakit parang may nag-iba na dito kay Gio? Pero seriously, mas lalo pang gumwapo itong si Gio. Sigurado ako na pinagkakaguluhan na siya ng mas marami pang mga kababaihan ngayon.
Tumayo na lang ako at nagpout. “Nacoconcious tuloy ako sa mga pinagsasabi niyo. Ako-” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang may nagdoorbell. Nandyan na yata si Julian na siyang maghahatid sa akin sa YGA.
“Nandyan na ang gwapo mong sundo.” Mapanuksong sabi ni Lara. I just glared at her fakely na ikinatawa lang niya.
Nasaan na ba kasi si kuya Travis at bakit wala pa siya dito sa bahay? ’Yung fiancé niya tuloy ay inaasar ako!
Nagtungo na ako sa gate namin at pinagbuksan ang taong nagdoorbell. Pagkabukas ko ng gate ay si Julian ang bumungad sa akin. He is wearing a black tuxedo with a white necktie. Naka brush-up ang buhok niya at may white wristwatch sa kanang kamay niya.
He looks so different now. Mas lalo pa siyang gumwapo at tumangkad. Mukha na nga siyang isang Supermodel kung titignan.
When he saw me ay napanganga siya at tinitigan ako.
Nakakailang ang mga titig niya.
“Shit. You’re really damn beautiful and gorgeous, Alanis,” Sabi niya habang nakatitig pa rin sa akin. I just smiled at yumuko. Bigla yatang pumula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
“S-Salamat. Halika, pasok ka.” Nahihiya kong sabi at hinila na papasok ng bahay si Julian.
When we entered the house ay nakita ko pang napanganga at mukhang namangha sina Lara at Inah pagkakita nila kay Julian. Talaga naman kasing gwapo si Julian kaya hindi ko masisisi kung bakit natulala ang mga kaibigan ko sa kanya dahil sa angking kagwapuhan niya. Si Gio naman ay narinig kong nag ‘tsk’ at nanahimik na lang.
What’s happening to Gio? Bakit parang may iba na sa kanya?
“Hi sa inyo!” Nakangiting bati ni Julian sa mga kaibigan ko.
Nagniningning naman ang mga mata nina Lara at Inah na tumango. Nako! Kapag nakita talaga ito ng mga fiancé nila ay sure ako na mabubugbog si Julian ng ’di oras.
Nakangiting bumaling sa akin si Julian at inoffer ang isa niyang kamay sa akin.
“So, let’s go?”
I just smiled and nodded at him then I take his hand at bumaling na sa mga kaibigan ko.
“Paano, aalis na kami ni Julian. Mag-usap na lang tayo mamayang gabi.” Tumango naman sa akin ang mga kaibigan ko.
“Mag-iingat kayo!” Sabi nina Inah at Lara. Tumango lang si Gio at nginitian ako.
Tumango naman kami ni Julian at lumabas na ng bahay pagkatapos ay pinasakay niya na ako sa dala niyang kotse. Ako ang nasa front seat habang siya naman ay nasa driver’s seat. Kahit nasa loob na kami ng kotse ay nararamdaman ko pa rin ang pagtitig niya sa akin.
“Don’t stare at me like that,” Nahihiya kong sabi at iniwas ang tingin ko sa kanya.
Julian just chuckled. “Ang ganda mo lang kasi talaga and I can’t stop myself staring at you the whole time.” Sabi pa nito at pinaandar na ang kotse niya.
Natahimik lang ako at hindi makapagsalita. Pulang-pula na talaga ang mukha ko panigurado!
Mabilis rin kaming nakarating sa YGA at bumaba na ng kotse ni Julian. When we entered in our school ay maraming mga kabatch namin ni Julian ang nandito at sa amin sila lahat nakatingin habang naglalakad kami sa red carpet na nilagay bilang entrance ng mga dating estudyante ng YGA. Napakapit pa akong lalo sa braso ni Julian at bumulong.
“Sa atin sila lahat nakatingin. Nahihiya ako.” sabi ko ng pabulong.
Julian smiled. “Don’t mind them. Talagang nagagandahan lang sila sa’yo.”
“Baka nagaguwapuhan sa’yo!” Sabi ko at pabirong umirap sa kanya. Umiling lang siya at napangiti.
Nang nasa may mga reserved tables na kami ay nakita ko kaagad si Marinel kasama si Neil. Lumapit naman kami ni Julian sa puwesto nila. Nang mapansin kami ni Marinel ay kaagad nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa akin.
“Oh my god! Ikaw na ba ’yan, Alanis? Wow! Ang ganda ganda mo na talaga!” Sabi ni Marinel at kaagad akong niyakap.
I hugged her too. “Ako na nga ’to, Marinel. Namiss kita!” Sabi ko.
Hinarap niya ako sa kanya at nginitian. “Hay nako! Natalbugan mo na naman ang beauty ko. Nung wala ka dito ay ako ang Diyosa ng kagandahan pero nandito ka na naman kaya mai-ichapwera na ang beauty ko nito!” Pabirong sabi niya.
Natawa na lang ako. “Sira!”
Marinel just laughed at bumaling naman ako kay Neil. He shake his hand to me at nginitian ako. Gwapo pa rin at attractive si Neil kaya talagang bagay sila ni Marinel.
“Long time no see, Alanis. Welcome.” bati niya.
“Salamat, Neil.” Sabi ko.
Bigla namang tumikhim si Julian kaya kaagad ko nang binawi ang kamay ko kay Neil. Neil laughed.
“Seloso ka naman, bro!” Neil said. Umiling lang si Julian at tinitigan ng masama si Neil. Tinawanan lang namin ulit siya.
The party started. May kantahan, sayawan, pa-games at kainan rin. Maraming napapatingin sa akin pero dahil kasama ko si Julian ay umiiwas kaagad sila ng tingin sa akin.
Nang maging slow dance na ang sayaw ay kaagad akong hinila ni Julian paakyat ng stage kaya napatigil ang lahat ng mga ka-batchmate namin sa kanilang mga ginagawa at napatingin sa amin.
“Julian, anong ginagawa natin dito?” Nagtataka kong tanong.
Julian held my both hands at ngumiti siya ng malungkot. “I guess this is my last time to say that.. I love you. Alam kong apat na taon na ang nakalipas pero siya pa rin ang mahal mo. Masyadong maraming nangyari sa loob ng apat na taon at wala ka nang balita sa mga nangyayari sa kanya. Fate will bring you and him here, Alanis..” Naluluha na ako sa mga pinagsasabi ni Julian.
“Bakit mo sa akin sinasabi ’to?” I cried at pinunasan ang tumutulong luha sa mga mata ko.
I saw Julian is about to cry pero pinipigilan niya lang iyon. “J-just be happy, Alanis. Goodbye..” Sabi nito at binitawan na ang mga kamay ko at bumaba na sa stage. Naiwan ako habang ramdam ko pa rin na nasa akin lahat ang atensyon ng mga tao.
The slow music stopped at nawalan ng ilaw ang buong paligid. Bigla namang lumiwanag ang isang pintuan malapit sa stage na katapat ko lang at lumabas doon ang isang lalake na gustong-gusto ko nang makita at hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin.
He is wearing a white tuxedo and holding a bouquet of roses while looking at me. His face is still the same but more in a handsome, gorgeous and sexy way. Messy ang buhok niya na mas lalo pang nagpabagay sa kanya. May eyeglasses na rin siya sa mata na mas lalo pang nagpa-attract sa itsura niya. He looks taller than before and have a lot of charisma.
Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit siya sa akin. My feet was stuck on the floor at hindi ko na iyon maigalaw pa.
Tell me, Am I dreaming? My Russel. He’s here. He’s infront of me.
Inabot niya sa akin ang bouquet of roses na hawak niya at nginitian ako.
“Welcome back, baby.” He said.
And I cried.
Nagbago siya para sa sarili niya. Masaya ako na gumaling na si Russel at ngayon ay nasa harapan ko na siya.
He hugged me.
“I really miss you, baby…” he said. Kumalas siya ng yakap sa akin at iniharap ako sa kanya.
I saw in his eyes that he’s not the Obsessed Guy Pretender that I knew before. He became more real.
“I miss you too, baby…” Sabi ko naman at nginitian siya habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
Nagliwanag na ang buong paligid at nagpalakpakan ang lahat ng tao dito sa loob ng YGA.
Laking gulat ko nang makita ko sa table namin nila Marinel si mama na umiiyak habang nakangiting nakatingin sa amin ni Russel. Si papa na tumango lang habang nakangiti rin. Si kuya Travis na kaakbay si Lara. Si Inah na kayakap yung.. teka? ’Yung kapatid ni Russel na si Ruan ’yon ’di ba? Don’t tell me na siya ang fiancé ni Inah na tinutukoy niya sa akin? At si Gio na naka cross-arms lang at tumango sa akin but he’s still weird for me.
Napatingin ulit ako kay Russel at laking gulat ko nang lumuhod siya sa harapan ko at may kinuha mula sa bulsa ng suot niyang pantalon. Napatakip na ako ng bibig ko at nagsimula nang maghiyawan ang lahat.
“Alanis, dumaan man tayo sa maraming pagsubok. Nabaliw man ako dahil sa pag-ibig ko sa’yo. Sinaktan man kita o pinagbawalan sa lahat ng gusto mo. Nagkalayo man tayo at matagal na hindi nagkita. Ginawa ko ang sinabi mo, nagpagaling ako at binago ko ang sarili ko. Gusto ko na ipagmalaki mo ako at mahalin ka ng may kalayaan sa akin. Mahal kita kaya ginawa ko ’yon. And this time, I want to be the guy that can love you endlessly. A guy that will understand and protect you at all times. A guy that will take care of you until our last breath and a guy who’s no longer obsessed with you. Alanis Vien, will you marry me?” He said at may inilabas itong isang kumikinang na bagay.
It’s a diamond ring.
My whole world suddenly stopped at halos hindi na makapagsalita pa kaya tanging tango na lamang ang naisagot ko sa kanya.
He smiled at isinuot nito ang singsing sa akin. Tumayo siya saka niya ako niyakap nang mahigpit.
“You’re now my Mrs. Madrid..”
Then he kissed me.
Special Chapter
Warning: Medyo
SPG
ALANIS POV
Pagkatapos ng kasal namin ni Russel ay kaagad kaming nagtungo sa Hongkong gamit ang private plane niya at doon raw kami magho-honeymoon.
Honeymoon? Namula ako sa mga maaari naming gawin.
Pagkatapos ng ilang oras na biyahe mula Manila hanggang Hongkong ay nakarating na rin kami sa wakas at dumiretso na sa hotel na tutuluyan namin. Sinabi nga ni Russel na bukas ay papasyalan namin ang lahat ng tourist attractions ng Hongkong kabilang na ang Disneyland kaya sobrang excited na ako para doon.
Nakakamangha na makita si Russel na ibang-iba na at isa na ring sikat na Architect dito sa Pilipinas. Tinupad niya ang mga pangarap niya at masaya ako na kabilang ako doon.
Kung noon ay gwapo siya, ngayon ay mas naging matipuno at gwapong-gwapo na talaga siya. Nadefine na rin ang mga muscles niya sa katawan at mas lalo siyang sumexy sa paningin ko.
Hala! Nasabi ko ba talaga na sumexy siya sa paningin ko? Nagiging pervert na yata ako.
Pagkarating namin sa hotel ay binuhat niya ako ng pabridal style nang nasa elevator na kami. Nang marating na namin ang room na tutuluyan namin ay pumasok na kami sa loob at kaagad naman niya akong hinagis sa kama na ikinagulat ko.
“Waahhh! Ano ba, Russel! Huwag ka ngang nanggugulat diyan!” Reklamo ko at iniwas ang tingin ko sa kanya. He’s looking at me with admiration and lust.
He just laugh at unti-unti nitong tinatanggal ang mga damit niya sa harapan ko.
Pumula lalo ang mukha ko nang tuluyan na niyang natanggal ang lahat ng damit niya. Pati yung ano.. ano niya! Nakita ko, nakita ko! Halos hihimatayin na ako sa laki at haba nun.
Magkakasya kaya sa akin iyon?
“Apat na taon tayong hindi nagkita kaya ’wag ka nang magreklamo sa mga gagawin ko sa’yo, baby.” Sabi niya at kaagad na pumatong sa akin at hinalikan ako sa labi.
Tuluyan na akong nanghina sa mga halik at yakap sa akin ni Russel kaya napakapit na lang ako sa braso niya at hinalikan siya pabalik.
He’s undressing me hanggang sa bumaba na ang mga halik niya sa leeg, baba ko at dibdib ko. Napaungol naman ako sa sarap ng ginagawa niya sa akin.
“Ahh.. Ohh..” Ungol ko at napakagat-labi.
Napangisi lang doon si Russel at sinakop niyang bigla ang dibdib ko habang ang isa naman niyang kamay ay hinihimas ang kanang dibdib ko. I moan again with pleasure.
“R-Russel.. Uhm..”
“It feels good when you moan my name., baby.” He said in his husky voice.
At nangyari na nga ang mga dapat mangyari. We make love because we really love each other.
Pinahilom kami ng panahon para umabot kami sa ganitong punto. Marami man kaming pagsubok na pinagdaanan ay lahat ng iyon ay nalampasan namin dahil sa tamang mga desisyon at pagpapalaya na ginawa namin para sa sarili namin at kabutihan namin.
Russel is still hugging me while our body is covering a comforter under the bed. I still can’t believe that after so many years, I finally see and touch him.
The man of my life. My Russel.
Naramdaman ko ang paghalik ni Russel sa noo ko. “Baby, I love you…” Sabi niya at tumingin ito sa akin.
Napangiti rin ako. “I love you too, baby…” He kissed me again at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
His face turns into a serious one. “Baby, may gusto lang sana akong sabihin sa’yo.” Kumunot naman ang noo ko doon.
“Ano ’yon, baby?” Tanong ko.
He sighed. “Please stay away from your friend, Gio.”
“But why?” Nagtataka kong tanong.
“Because.. he’s The Real Obsessed Guy Pretender. He’s crazy about you, Alanis.”
THE
END
Special Chapter 2
The Real Obsessed Guy Pretender
Name: Giovanni
Argaño
Luistre
THIRD PERSON’S POV
“Pare, ang dami na namang nakatingin kay Alanis, oh. Araw-araw yata ay mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko,” Nakangiting sabi ni Rai kay Gio habang nakatingin kay Alanis mula sa malayo at kasama nito ang mga kaibigan niyang sina Lara at Inah.
Para namang gustong sapakin at bugbugin ni Gio ang kanyang kaibigan dahil isa rin ito sa mga lalaking humahanga kay Alanis sa paaralan nila. Alam naman niyang kinaibigan lang siya ni Rai upang mapalapit lang kay Alanis.
Napangisi na lang siya ng palihim.
‘Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon para mapalapit kay Alanis’ - Sa isip ni Gio.
Pero dahil sa magaling siyang magpanggap na okay lang lahat para sa kanya ay tinapik niya lang ang balikat ni Rai at ngumiti.
“Tama ka dyan. Mukhang malakas yata ang tama mo kay Alanis, ha?” Tanong ni Gio habang nakangiti.
Tumango naman si Rai at inakbayan si Gio. “Oo pre. In love na yata ako sa kaibigan mo.” Sabi niya saka muling tinitigan si Alanis na masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.
Lihim na napakuyom ng kamao si Gio nang dahil doon. Hinding-hindi niya hahayaang may ibang lumapit na lalaki kay Alanis kundi siya lang!
ISANG
GABI habang naglalakad si Rai ay nakasalubong niya si Gio sa isang eskinita.
“Gio, nandito ka pala.” Nakangiting sabi ni Rai pero imbes na sumagot si Gio ay bigla na lang siyang sinuntok nito sa mukha dahilan para mapaupo siya sa sahig.
Gulat na gulat naman si Rai dahil sa ginawa ni Gio sa kanya. Hindi niya aakalaing sasaktan siya ng kaibigan niyang itinuring na rin niyang kapatid.
“Gio, bakit?” Gulat na tanong ni Rai.
Nginisian lang siya ni Gio at sinipa siya ng paulit-ulit sa tagiliran kaya tuluyan nang nanghina ang katawan niya at napaubo na rin ng dugo.
“Ang akala mo ba tanga ako, Rai? Ginagamit mo lang ako para mapalapit ka kay Alanis, ’di ba? Hinding-hindi ko hahayaang mangyari ’yon dahil sa akin lang siya. Naiintindihan mo ba? Subukan mo lang magsumbong kay Alanis kundi papatayin kita!” Sigaw niya kay Rai na halos wala nang malay.
Natakot naman si Rai dahil sa sinabi ni Gio. “H-hindi totoo ’yan Gio, ma-” Sinipa ulit ni Gio si Rai sa binti kaya tuluyan na itong nawalan ng malay.
“Huwag na ’wag mong kakalabanin ang isang Giovanni Luistre kung ayaw mong makakita ka ng impyerno.” Dinuruan pa ni Gio si Rai sa tabi saka ito naglakad na para bang wala lang sa kanya ang ginawa niya.
Hindi alam ni Alanis na pinagbabantaan ni Gio at tinatakot ang mga lalaking humahanga sa kanya dahil magaling itong magtago ng sikreto.
Ginagamit ni Gio ang talino niya para manipulahin at bigyan ng babala ang mga lalaking lumalapit sa babaeng mahal niya.
Walang lalaking nagsusumbong kay Alanis tungkol sa ginagawa niya dahil natatakot sila sa isang Giovanni Luistre.
Sa buong Masbate National High School ay iba ang tingin sa kanya ng lahat. Isang Gio na mabait, masayahin, maintindihin at mapagbigay pero kasalungat iyon sa totoong siya dahil hindi nila kilala ang isang tunay na Gio.
SA LOOB ng mahabang panahon na naging kaibigan niya si Alanis ay nalungkot siya dahil magtatransfer na ito sa ibang paaralan at doon pa sa Maynila na malayo sa kanya.
Hindi niya maitago ang galit na nararamdaman niya sa pamilya nito dahil pakiramdam niya ay inilalayo nila si Alanis mula sa kanya pero naisip na lang niya na hindi iyon magiging hadlang para hindi na niya muli pang makita si Alanis.
DUMATING ang araw na pinaka kinatatakutan niya. Nagkaroon ng boyfriend si Alanis mula sa Maynila at wala pang tatlong linggo na naging boyfriend na niya ito.
Sobra ang galit at inis na nararamdaman ni Gio pero hindi niya iyon ipinahalata kina Lara at Inah na alam nang gusto niya si Alanis.
“Gio, okay ka lang ba?” Tanong ni Lara habang malungkot na nakatingin sa kanya.
Hindi siya okay. Hinding-hindi niya gusto ang nangyayari pero katulad ng dati taliwas sa iniisip niya ang naging sagot at reaksyon niya.
Ngumiti lang si Gio at tumango. “Okay lang ako, Lara. Kung may boyfriend na si Alanis ay bakit hindi ako magiging masaya para sa kanya?” Sabi niya na ikinailing naman ni Inah.
“Pero mahal mo si Alanis ’di ba? Paano ka naman?” Tanong sa kanya nito.
“Ayos lang ako, Inah.” Nakangiti pa rin na sagot ni Gio.
BAGO nila nalaman na may boyfriend na si Alanis ay naisipan nila ni Lara na bisitahin sina Uste at Alanis mula sa Maynila at sobrang tuwa ang nararamdaman ni Gio nang malaman iyon at nang magkita na sila ni Alanis ay doon niya nakita ang boyfriend daw nito na Russel ang pangalan.
Natawa siya sa isip niya dahil nakikita niya na katulad rin niya ang lalaking boyfriend ni Alanis pagdating sa pagiging mapagpanggap sa harapan nila Alanis at alam rin niyang may ideya ang Russel na iyon sa mga ikinikilos niya.
“Hindi ka magaling umarte.” Biglang pag-imik sa kanya ni Russel.
Nginitian lang naman siya ni Gio. “I’m impressed. Ikaw lang ang nakapansin. Dahil ba sa magkasing tulad lang tayo?” Nakangiti namang tanong ni Gio sa kanya.
Ngumiti rin si Russel. “Totoo ’yon pero sorry ka na lang dahil hindi mo makukuha si Alanis mula sa akin. Mas ginagamit ko naman ang utak ko kumpara sa’yo na nakakadiri ang pagpapanggap na sobrang bait at nagpapaka anghel sa harapan niya.” Pang-aasar pa nito.
Hindi na sumagot si Gio dahil sa sinabi ni Russel at ngumiting nagkibit-balikat na lang.
NAPATITIG na lang si Gio nang malalim habang nakatingin kay Alanis na nakasuot ng isang black fitted dress at umaapaw ang angking kagandahan nito.
Pagkatapos ng apat na taon ay nakauwi na rin ito mula sa Pilipinas. Mas gumanda pang lalo si Alanis at ibang-iba na rin ito kumpara sa noon na huli niya itong nakita.
Napansin naman ni Alanis ang pagtitig ni Gio ng malalim sa kanya kaya umiwas siya ng tingin dito. Pakiramdam niya kasi ay may nagbago sa kaibigan niya na hindi niya maipaliwanag.
Napangisi na lang si Gio nang malaman niyang gusto na rin itali ni Russel si Alanis sa kanya ngayong gabing ito.
“Let’s see kung hanggang saan magtatagal ang love story niyo. Alanis at Russel…”
Author’s Note
Hey! Maraming salamat po sa mga nagvote at nagcocomment dito sa story ko. Trip ko lang talaga ang story na to nung una pero hindi ko alam na magiging 41k reads na pala to at naging No. 16 na sa General Fiction. Maraming salamat po sa inyo. Talagang pinagpapantasyahan ko lang rin si Travis Vien kasi asawa niya ako. Dejoke.
Please read His Dirty Game. Ipopost ko na ngayon yung Chapter 1 kaya magvote, comment at basahin niyo na guys. Salamat ulit sa pakikisama sa love story nila Fafa Russel at Alanis at sa complicated love stories ng ibang characters. It’s a new story and new characters. Please support His Dirty Game. Thank you.
-Travis Vien’s wife

