The Ocean Tail: Loving The Merman BXB
Ai Tenshi · 76 chapters · 128,443 words
Part 1: Painting
The Ocean Tail: Loving The Merman
Ai Tenshi
Part 1: Painting
Ang “Historica” ang pinakamalaking art gallery sa buong siyudad. Dito nagtutungo ang mayayamang tao upang bumili ng mga paintings at iba pang uri ang art work.
Si Ryou ay nakatingin sa isang kakaibang konseptong painting sa loob ng art gallery. Ang painting ay larawan ng isang merman na nakaupo sa batuhan habang nakatanaw sa buwan. Hindi niya masyadong maunawaan ang detalye ng painting dahil marami itong mga hidden meaning na ang gumawa lamang ang siyang makakaunawa.
Ang pinakamagandang at pinaka interesanteng parte lamang ng painting ay ang magandang pagkakagawa ng buntot ng merman. Ito ay kulay pilak at kumikinang sa tuwing natatamaan ng liwanag. Ito ang nakapukaw sa atensyon ng binata. Kakaiba ang estilo ng pagkakagawa nito na siyang nagiging angat sa iba.
Siya ay si Ryou Guererro, at the early age of 28 ay isa na siyang Bilyonaryo. Siya ang may ari ng Aquarius Martime Tanker LTD. Dahil sa kanyang sipag, talino at husay sa pag handle ng negosyo ay naging matagumpay siya sa kanyang field. At ngayon ay ninamnam na lamang niya ang tamis ng kanyang success. Istrikto si Ryou lalo na pagdating sa negosyo dahil gusto niyang laging organize at well arrange ang mga transaction na ginagawa ng company. Ngayon, isa siya ng pinaka batang bilyonaryo sa bansa at isa rin siya pinakamahusay na entreprenuer sa Asia.
Gwapo si Ryou, 5’11 ang height, maganda ang built ng pangangatawan at maganda ang tindig kapag nakatayo. Bukod sa pagiging bilyonaryo ay marami ring nag offer sa kanya na maging isang modelo o artista sa telebisyon, ngunit tinatanggihan niya ito dahil naka focus lang siya sa kanyang mga negosyo. Kaya nga siya bilyonaryo at the early age, dahil trabaho lang ang kanyang top priority.
“Maganda ba? Nagustuhan mo ba ang painting?” ang tanong ng isang lalaki sa kanyang tabi habang abala siya sa pagtingin dito.
Tumangin sa kanya si Ryou pero hindi ito kumibo. Nakapukaw sa kanyang atensyon ang weird na itsura nito dahil ang kanyang sapatos ay hindi magkamukha at ang kanyang damit ay parang nirecycle lamang.
“Naniniwala ka ba sa mga sirena? Ang sabi nila ay totoo ang mga sirena at sila ay nabubuhay pinakamalalim na parte ng karagatan. Kung minsan ay umaahon sila sa mga isla upang panoorin ang magandang liwanag ng buwan,” ang dagdag pa ng lalaki habang nakangiti.
“Sino ka ba?” tanong ni Ryou sa kanya.
Ngumiti ang binata at sumagot, “Ako si Yuelo, ikaw si Ryou Guerrero diba?” ang tanong niya.
“Kilala ako ng lahat, ano bang kailangan mo? Bakit ba ganyan ang suot mo? Ikaw ba ang gumawa ng painting na ito?” tanong ni Ryou sa kanya.
Bumakas ang magandang ngiti sa inosenteng mukha ni Yuelo. Kahit hindi siya nakapag-ayos ng sarili ay hindi maitatanggi na gwapo talaga ito. “Oo, ako ang gumawa ng painting na iyan. Nagustuhan mo ba?” tanong niya habang nakangisi na parang inosenteng bata.
“Ah, I see. Ikaw pala ang gumawa ng painting na ito. Kaya pala weird katulad mo,” ang sagot ni Ryou.
“Ang sama naman ng tao na ito, gwapo nga pero mayabang naman at masayadong mataas ang tingin sa sarili,” ang bulong ni Yuelo sa kanyang sarili.
Napansin ni Ryou na bumakas ang lungkot sa mukha ang binatang si Yuelo, “Weird yung gawa mo kaya gusto ko ito. Gusto ko yung mga ganitong ka weird na paintings. Mas naappreciate ko yung mga hidden meaning nila. Sige, bibilhin ko ito,” ang dagdag niya.
Natuwa si Yue, “Talaga? Salamat naman at nagustuhan mo,” ang masaya at excited na sagot ng binata. Naglulundag ito sa tuwa na parang bata at yayakapin niya sana si Ryou pero mabilis na gumalaw ang kamay nito at pinigil ang kanyang mukha.
“Hep hep, dyan ka lang. Malulukot yung damit ko kapag niyakap mo ako. Alam mo Yue, gwapo ka, maputi at makinis. Pero sana matuto kang magdamit ng maayos ha. Sayang din yung tangkad mo kung mukha kang tanga,” ang natatawang wika ni Ryou habang pigil sa ulo si Yuelo na parang bata upang hindi ito makalapit sa kanya.
Habang nasa ganoong posisyon sila ay dumating naman si Jihan Singh, siya ang rumored partner ni Ryou pero hindi pa nila kino-confirm ang real standing sa kanilang relasyon. Gustong gusto ni Jihan si Ryou kaya madalas ay nakasunod siya sa binata na parang isang anino.
Si Jihan ay galing sa isang mayamang pamilya. Siya ay may malaking cosmetic company na nag ooffer ng imported na anti aging beauty products. Ang mga Guerrero at Singh ay dati pang business partners kaya’t malapit sila ni Ryou sa isa’t isa. Obviously, gwapo si Jihan dahil siya mismo ang model ng cosmetic products na kanilang ieexport sa ibang bansa. Mukha itong asian heart throb at talagang makinis na parang isang babae.
“Ryou, bakit ba ang tagal mo? Don’t tell me binili mo yang panget na painting na parang gawa ng isang grade school?” tanong ni Jihan.
“Jihan, bakit ba nandito ka? Hindi ka naman nakaka appreciate ng art dahil hindi ka mahilig dito,” sagot ni Ryou sa kanya.
Marahang lumingkis ang kamay ni Jihan sa braso ni Ryou, “Of course mahilig ako sa mga art, kaya nga lahat ng mga paintings sa office ay inaaral kong mabuti. Teka? Sino ba yang lalaking na iyan? Mukha siyang tanga ha,” tanong ni Jihan noong mapansin si Yue nakatayo lang sa kanilang harapan at nakangiti na parang sira ulo.
Napatingin si Jihan sa mukha at sa damit na suot ni Yue, “Sino ba tong lalaki na ito? Ang gandang at lambot ng buhok niya, natural na nakabagsak na parang isang fresh korean look na woke up like this ang styling niya. Ang ganda ng mukhang niya, ano kayang ginagamit niya sa balat niya? Bakit sobrang makinis ito?” ang bulong ni Jihan sa kanyang sarili habang nakatingin sa mukha ni Yue.
Maya maya ay napatingin naman siya sa damit na suot ng binata, “Bakit ganyan ang suot niyang sapatos? Kailan pa nausong pagsamahin ang dalawang magkaibang brand? At ang ganda ang color combination ng damit niya kahit hindi ito magkaterno. Bakit masyado siyang mahusay sa fashion? Late na ba ako? Ganyan na ba ang bagong trend ngayon?” ang sunod sunod na tanong ni Jihan sa kanyang sarili habang pinagmamasdan si Yuelo na nakatayo suot ang damit nito na literal na wala sa kombinasyon.
Litong lito si Jihan, masyado ito fashion conscious kaya ganito ang kanyang reaksyon. Gusto niya kasi na laging updated sa latest trend at ayaw niyang nahuhuli.
“Jihan, are you okay? Bakit ba kanina ka pa nakatitig dyan kay Yue?” tanong ni Ryou.
“Sino ka ba? Bakit ganyang ang fashion mo? Nasaan mo ba nakuha ang ganyang style?” ang tanong ni Jihan kay Yue.
“Etong damit ko? Wala, dyan ko lang ito nakuha sa tabi tabi,” ang nakangiting sagot ni Yuelo. Dito ay naalala niya na pinulot lang niya ang mga damit at sapatos sa basurahan noong isang araw at nilinis niya ang mga ito at saka isinuot.
“Jihan, ano ba yung sinasabi mo? Hindi ka ba nawiwirduhan sa damit niya? Siya yung nag paint ng image na iyan. Naawa ako sa kanya kaya binili ko na itong gawa niya,” ang sagot ni Ryou, inakbayan niya si Jihan at saka sila lumakad palayo kay Yuelo.
“Hindi mo ba napapansin? May kakaiba sa lalaking iyon. Sa tingin ko ay isa siyang high class fashion stylist dahil kahit hindi combination ang suot niyang damit ay maganda pa rin itong tingnan sa kanya,” ang wika ni Jihan.
Natawa si Ryou habang naglalakad sila, “Yan lang ba talaga ang nasa isip mo? Paano siyang magiging high class na fashion stylist, isa siyang weird na pintor. Gwapo siya pero parang may kakaiba talaga sa kanya.”
“Ayoko may ibang mas gwapo sa akin, gusto ko ako lang ang pinakagwapo sa paningin mo,” ang sagot ni Jihan at nilambing pa si Ryou habang naglalakad sila. Samantalang si Ryou naman ay lumingon pa kay Yue at nagbigay siya dito ng second glance.
Habang abala sa paglalakad sina Ryou at Jihan ay nakatayo pa rin si Yuelo sa tabi ng kanyang artwork at maya maya ay nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mula sa pag ngiti ay unti unting naging seryoso ang kanyang itsura. At mula sa kanyang bulsa ay dinukot niya ang isang matalas na patalim na gawa sa ngipin ng pating.
“Makakaganti rin ako sa iyo Ryou! Maigaganti ko rin ang aking mga kalahing nasaktan dahil sa kagagawan mo,” ang bulong ni Yue sa kanyang sarili habang nakatingin ng tuwid sa binatang bilyonaryo.
Noong mga sandaling iyon ay walang kamalay malay si Ryou na sadya siyang sinusundan ni Yue upang maisagawa nito ang kanyang paghihiganti. Ito ang kanyang misyon at kailangan niya itong gawin sa lalo’t madaling panahon.
Paglabas ni Yue sa art gallery ay malapit na lumubog ang araw kaya naman agad siyang nagtatakbo patungo sa pampang ng karagatan. Hindi siya maaaring abutan ng dilim dahil malalagay sa danger ang kanyang buhay.
Noong makarating siya sa pampang ng karagatan ay nagtungo agad siya sa lugar na walang tao. Tumuntong siya sa malaking bato habang hinahangin ang kanyang buhok.
Tahimik ang paligid, mga alon lamang sa karagatan ang tanging maririnig.
Nakatapos na naman ang isang araw at hindi pa rin niya nagagawa ang kanyang misyon. Gayon pa man ay napalapit na siya kay Ryou at ang lahat ay magiging madali na lamang mula ngayon.
Huminga ng malalim si Yuelo..
At bago pa tuluyang bumaba ang araw sa kalangitan ay nag-dive ito sa ilalim ng tubig. Ang kanyang mga binti ay nagliwanag at unti unting lumabas ang kanyang pilak na buntot at kaliskis.
Si Yue ay isang merman na umayat lamang sa lupa para sa isang misyon. At ito ang patayin si Ryou Guerrero, ang lalaking responsible sa pagkasira ng kanilang tahanan.
Part 2: Poison
Part 2: Poison
Kasabay ng pag sikat ng araw sa kalangitan ay ang pag-ahon ni Yuelo sa karagatan. Dito ay mula siyang nagkaroon ng mga paa at sa pampang pa lamang ng karagatan ay nakaabang na sa kanya si Marine hawak ang kanyang damit na susuotin.
Si Marine ay isang sirena din na kaibigan ni Seres na kanyang ina. Magbuhat noong umayat si Yue sa lupa upang isagawa ang kanyang misyon ay dito na siya tumira.
“Bakit kailangan mo pa kasi bumalik sa karagatan kapag gabi. Pwede ka naman doon sa loob ng bahay mag tago katulad ng ginagawa ko,” ang nakangiti wika ni Marine habang tinutulungan si Yuelo magbihis ng damit.
“Ayos lang naman ako, nakasanayan ko na rin na bumalik sa karagatan kapag sasapit na ang gabi,” ang nakangiti tungon ni Yue.
“Nga pala, kumusta ang misyon mo? Kailangan ba talagang gawin mo ito?” tanong ni Marine na may halong pag aalala.
“Kailangan kong gawin ito upang iganti ang mga kalahi nating nasawi dahil sa kanyang kagagawan. Kapag napatay ko na si Ryou Guerrero ay agad akong tatalon sa dagat at hindi na nila ako makikita pa. At alam mo ba ang good news tiya? Binili ni Ryou ang aking paintings at ngayon ay dadalhin ko na ito sa office niya para ideliver. Doon na rin niya ako babayaran,” excited na wika ni Yue.
“At talagang excited ka pa? Papatay ka diba? Ngayon lang ako nakakita ng isang assassin na tuwang tuwa pa sa task niya. Yue, pinapaalala ko lang sa iyo na yung gagawin mo ay hindi biro. Napakagwapo ni Ryou Guerrero, lahat ng babae ay nagkakadarapa sa kanya. Tapos ikaw papatayin mo lang siya? Unfair naman yata iyon. Teka, paano naman siya tatapusin?” tanong ni tiya Marine.
“Mag babaon akong katas ng makamandag na fire fish. Ipapatak ko ito sa juice na iinumin niya tapos ay mangingisay na siya at malalason,” ang nakangising wika ng binata. Ang akala niya ganoon lang kadaling mag aassinate ng tao.
“Fire fish? Madali lang mamatay ang kamandag nito sa alcohol. Kapag ininom ni Ryou ang juice na may lason ay agad siyang makakaligtas kung iinom siya ng alak. Mag isip ka ng kakaiba na walang gamot para mission accomplish ka na kaagad,” sagot ni Marine.
“Huwag kang mag-alala tiya Marine, magtatagumpay na ako ngayon araw. Ngayon pa ba ako mag aatras kung kailan napalapit na ako kay Ryou?” sagot ni Yuelo.
Tanghali na noong magtungo si Yue sa siyudad upang ideliver ang painting sa opisina ni Ryou. Suot niya ang luma at kupas na ripped jeans at mayroong pa itong colored sun glasses na pambata na napulot niya sa basurahan kahapon. Ito kasi ang nakikita niya sa mga babasahin, mas gwapo ang mga lalaking may nakalagay na salamin sa mata, mas mayabang at mas maporma tingnan. Kaya’t ito ang kanyang sinasunod.
Noong dumating si Yuelo sa building ng kumpanya ni Ryou ay nakapatingala ang binata dahil sa sobrang taas ng gusali sa kanyang paligid. Mga bagay na ngayon pa lamang niya nakikita at parang nalulula na siya agad.
“Iyan na ba yung painting na binili si Sir Ryou?” tanong ng guard kay Yue noong makapasok ito sa loob ng lobby.
“Oo, ito nga yung painting na nabili niya kahapon,” ang sagot ng binata habang nakangiti.
Pinapasok siya ng guard. “This way sir, hinihintay na po kayo si Sir Ryou sa kanyang opisina,” ang tugon ng guard at sinamahan niya si Yue sa patungo sa opisina si Ryou sa 4th floor ng gusali.
Abala si Ryou sa pakikipag usap sa telepono noong mga oras na iyon. Nahinto siya sa pagsasalita noong makita niya si Yue na pumasok sa loob ng kanyang opisina. Literal na nagulat siya sa itsura nito dahil kakaiba talaga ang styling ng binata, napangiwi siya at pinigil ang pagtawa.
“Sir Ryou, nandito na po si Mister Yuelo, ang artist ng Historica Art Gallery, hawak na po niya ang painting na iyong binili,” ang bungad ang guad sa kanya.
“Good afternoon, narito na yung painting,” nakangiting bati ni Yue.
Natawa si Ryou dahil sa kanyang itsura, “bakit ba may salamin ka pa? Pambata iyan ah, hugis puso pa ha? Saan ka ba sisinghot at bakit ganyan ang suot mo? Gwapo ka sana kaso weird ka lang. Halika maupo ka muna dito,” ang paanyaya ni Ryou, napapakamot ito ng ulo.
Tumayo ang binata at kumuha ng baso may juice saka inilagay sa tabi ng kanyang laptop. Ito na ang pagkakataon ni Yue, habang nakatalikod si Ryou ay kinuha niya ang maliit na bottle ng katas ng Fire fish at mabilis itong inilagay sa inumin ng binata. Hinalo pa niya ito gamit ang kanyang daliri para mas kumalat ang lason sa inumin. Medyo salahula ang kanyang ginawa pero wala namang choice!
Muling humarap sa kanya si Ryou at ngumiti, nilagyan niya ng yelo ang juice at iniabot sa kanya. “Yuelo, sa iyo ang juice na ito. Tikman mo, masarap iyan dahil gawa iyan sa imported na brand. Akin naman itong alak, let’s drink!”
Nangiti si Yue, ngunit kinabahan siya. Hindi niya ito maaaring tikman dahil may lason ito. Hindi naman niya inakala na para sa kanya pala yung inumin na iyon. “Sorry, pero hindi ako mahilig sa ganyang inumin,” sagot ni Yue, pinapapawisan na ang binata sa kaba.
“Hay, ano ka ba? Minsan lang ako mag alok ng drinks, masarap iyan dahil paborito ko iyan. Halika mag toast tayong dalawa,” ang sagot ni Ryou at nilagyan niya ng alak ang kanyang baso.
“Ayoko talaga,” ang pagtanggi ng Yue.
“Please? Itry mo lang lumagok ng kaunti,” pamimilit ni Ryou sabay habang nakangiti, mas lalo siyang nagiging gwapo habang tinititigan.
Itinaas niya ang baso, “sana marami ka pang paintings na magawa in the future, cheers!” ang wika niya at walang nagawa si Yue kundi ang uminom din. Noong sumayad ang juice sa kanyang labi ay naramdaman na niya agad ang lason nito. Namula ang kanyang mukha at nagsimulang bumula ang kanyang bibig.
Tumalikod ulit si Ryou at hindi niya napansin si Yue sa ganoong kalagayan, “gusto mo ng chocolate cookies? Alam mo kapag na stress ako sa work ito talaga ang kinakain ko,” tanong nito habang nakalikod at kumukuha ang cookies.
Lalaong bumula ang bibig ni Yue at nag foam na ito kaya naman agad niyang inabot ang baso ng alak ni Ryou at nilagok ito upang mapatay ang kamandag ng lason. Noong humarap si Ryou sa kanya ay okay na ulit ang kanyang pakiramdam na parang walang nangyari.
“Oh bakit nasa iyo itong baso ko? Okay ka lang ba?” tanong ni Ryou, kinuha niya ang baso ng alak at saka uminom. “Alam mo narealize ko na hindi naman pala ganoon ka weird yung painting mo. Sorry kung medyo na-offend kita kahapon doon sa art gallery,” dagdag pa niya, lumakad siya upang pagmasdan ang painting ni Yue.
Tahimik ang buong silid.
Habang pinagmamasdan ni Ryou at ang painting ay marahang inilabas ni Yue ang kanyang patalim na gawa sa ngipin ng pating. Tumayo siya upang itarak kay Ryou ang kanyang hawak. Buo na ang kanyang loob na patayin ito. May lason ang talim nito kaya kapag nasugatan niya ang binata ay mag dudulot ito ng severe damage sa kanyang katawan.
Masama ang tingin ang tingin ni Yue kay Ryou, kaya lumakad siya habang nakatalikod ang binata ay pinagmamasdan ang kanyang painting, “Hindi naman talaga ganoon kapanget ang gawa mo. Ang good thing ay gumaganda ito sa paningin ko habang tinititigan. Sabihin mo nga sa akin, naniniwala ka ba sa mga sirena?” tanong ni Ryou at noong humarap siya sa kanyang likuran ay nakita niyang nakatayo si Yue sa kanyang likuran. Hawak ang patalim na pangil ng pating sa kanyang kamay. Nakahanda na ito upang yariin siya!
Kinabahan ang binata, nanlaki ang kanyang mata dahil nahuli siya nitong may hawak na armas. Samantalang si Ryou naman ay nakatingin lang sa kanya at nagtaka ang binata dahil sa weird na kilos nito. Ang totoo ay hindi talaga siya pinagduduhan ni Ryou dahil para sa kanya si Yue ay inosente na parang isang batang paslit.
At isa pa, wala sa isip na Ryou na gagawa ng masama si Yue dahil napakagwapo nga nito at talagang extraordinary ang mukha. “Wow para sa akin ba iyan? Ang ganda nito ah, very authetic. Saan mo ito nakuha?” tanong ni Ryou noong makita ang kanyang espesyal na patalim. Kinuha ito sa kanyang kamay at hinila siya binata pabalik sa kanyang bangko.
Bigo si Yuelo..
Masyadong swerte si Ryou at ito nagliligtas sa kanya..
“Kung mayroon ka pang ibang paintings ay ibigay mo na lamang sa akin. Bibilhin ko na lang ito upang hindi masayang. Siguro ay ako lang ang makaka appreciate ng weird mong paintings,” dagdag ni Ryou habang nakangiti, dito ay unti unting napapansin ni Yue ang kakaibang kagwapuhan ng binata. Sa tuwing magbibitiw ito ng ngiti ay para bang nagbibigay ito ng kakaibang kaba sa puso ng binata. Parang may kakaiba na hindi niya maunawaan.
Hindi sumagot si Yue nakatitig lang siya sa gwapong mukha ng bilyonaryo. Noong mapansin ito ni Ryou ay natawa na lang siya at saka nag “snap” sa harapan ng mukha ng binata dahilan para bumalik ang ulirat ito.
“Are you okay? Gwapong gwapo ka ba sa akin kaya ka tulala?” tanong nito.
“Hindi ka naman gwapo e, weird ka rin kaya katulad ko. Kasi gusto mo rin ng mga weird na bagay,” ang hirit ni Yue sabay tayo. Sa palagay niya ay hindi niya maisasagawa ang kanyang misyon ngayon. Hahanap na lamang siya ng ibang pagkakataon para maisagawa ito ng maayos.
“Are you leaving? Ipapahatid na kita sa guard. Salamat nga pala sa souvenir mong shark tooth. Sana next time magdala ka naman dito ng mas kakaibang bagay katulad ng ngipin ng whale o kaya ay pakpak flying fish!” hirit ni Ryou pero nagbibiro lamang ito.
Ngumiti si Yue at nagsabing, “Okay! Magdadala ako,” ang tugon nito. Nagdesisyon si Yue magdala dito bukas ng ngipin ng balyena at pakpak ng flying fish. Nagbibiro lamang si Ryou pero seryoso niya itong gagawin.
Bandang hapon, muling tumayo si Yue sa batuhan, nakaharap siya sa malawak na kagaratan. Ngayon ay full moon kaya’t ito ay isang espesyal na gabi para sa kanya.
Ang full moon ang nagpapaalala sa kanya ng dating buhay na kinagisnan sa ilalim ng karagatan. At kapag ipinipikit niya ang kanyang mga mata ay bumabalik sa kanyang isipan ang mga pangyayari bago pa siya umakyat sa lupa at isagawa ang kanyang misyon.
Part 3: The Silver Moon
Part 3: The Silver Moon
Payapa ang gabing iyon. Ang karagatan ay maliwanag dahil tumatama rito ang sinag ng buwan. Isang ordinaryong gabi ito kung kailan ang mga mangingisda ay abala sa paghila ng mga lambat na may huling mga isda.
“Hilahin ninyong mabuti! Mukhang maganda ang huli natin ngayon! Tiyak na maraming pera ang katumbas nito!” sigaw nila habang namamangha sa dami ng mga isdang nasa lambat.
Habang abala sa kanilang ginagawa ay may Nakita silang isang kakaibang bagay na lumalangoy sa ibabaw ng tubig. Kapansin-pansin ang buntot nito na nagliliwanag, kulay pilak at mabilis na lumalangoy sa paligid ng kanilang bangka.
Noong una ay namamangha sila dahil talagang kakaiba ang bagay na lumalangoy na iyon. Sa kada pagkilos nito ay kitang-kita ang kislap ng mga kaliskis lalo na kapag natatamaan ito ng liwanag ng buwan. Dahil sa tindi ng pagkamangha ay hindi na nakapagpigil ang pinuno ng mga mangingisda. Agad niyang kinuha ang isang matulis at matalim na sibat at buong lakas niya itong inihagis sa bagay na lumalangoy na iyon.
Sapul ito! Tinamaan ng sibat ang buntot nito dahilan para umangat ito sa tubig. Inakala nila na ito ay isang simpleng balyena o pating lamang. Ngunit laking gulat nila nang makitang ito ay may katawan ng tao at may buntot ng isda! Lahat sila ay nabigla sa nakita ng kanilang mga mata!
“Isang sirena! Hulihin n’yo!” ang sigaw ng pinuno. Mabilis siyang kumuha ng isang dinamita sa kaniyang kagamitan at agad nitong sinindihan! Walang pagdadalawang-isip niyang itinapon ang dinamita sa kinalalagyan ng sirena at nang sumabog ito ay nakita nila kung paano magdugo ang katawan nito.
Umiyak ang sirena. Kakaiba ang tunog na pinakawalan nito dahilan para magtaka sila at kilabutan. NangMerwing ang kanilang mga buhok sa katawan. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan!
“Sir, bakit sinaktan mo ang sirena? Malas iyon!” ang natatakot na wika ng isang mangingisda.
“Bakit? Wala akong pakialam kung malas ito! Alam mo ba kung gaano kamahal ang kaliskis ng sirena? Mas mahal pa ito sa mga buhay ninyo, mga tanga!” ang sigaw ng kanilang pinuno.
“Pero pinuno, alam mo na ba ang sabi sa alamat? Sinasabi nila na kapag umiyak ang sirena ay magagalit ang karagatan! Ang iyak nila ay magdadala ng delubyo, lalo na ang mga sirenang kulay pilak ang buntot na katulad sa kulay ng buwan!”
“Huwag kayong maniniwala doon! Kunin n’yo ang mga dinamita! Pasabugin n’yo ang tubig! Tiyak na mayroong mga kasama ang sirenang iyan!” ang sigaw ng pinuno at muling kumuha ng dalawa pang dinamita at saka inihagis sa tubig.
Noong sumabog ito ay muli na namang umiyak ang sirena at kasabay nito ang pagtigil ng alon sa karagatan.
Tumahimik ang buong paligid.
Ang lahat sa bangka ay nagtaka dahil ang karagatan ay nawalan ng alon. Hindi na ito kumikilos at parang isang patay na tubig na lamang. Maya-maya ay nagsimula nang magdilim ang kalangitan at nagsimulang dumagundong ang mabagsik na kulog at kumislap ang mga matatalim na kidlat sa paligid!
“Eto na nga ang sinasabi ko, ang iyak ng sirena ay magdadala ng delubyo! Dapat ay hindi n’yo sinaktan!” ang sigaw ng isang mangingisda. Halos atakihin na ito sa takot.
Pero gayon pa man ay hindi pa rin natinag ang pinuno ng mga mangingisda. Desidido siya na mahuli ang sirena kaya’t sa halip na matakot sa matatalim na kidlat na bumabagsak sa paligid ay mas tumaas pa ang pagnanais niyang mahuli ang sirenang nakita kanina.
Lahat ng dinamita sa barko ay sinindihan niya at itinapon sa karagatan.
Sumasabog ang karagatan, namamatay ang mga isda sa ilalim nito. Ang mga korales ay nawawasak na rin at halos nagdudulot ito ng malalang pinsala sa mga parteng tinatamaan.
Maya-maya ay nagsimula na ring bumuhos ang malakas na ulan. Ang malakas na hangin ay umiihip sa iba’t ibang direksyon at ang alon ay nagsimula na ring tumaas! Ang kaninang payapang karagatan, ngayon ay nagagalit, nagngingitngit at humahagupit! Ang bangkang kanilang sinasakyan ay tumatagilid na at unti-unting nawawasak at pinapasok ng tubig!
Isang malakas na iyak pa ang kanilang narinig at ang tubig ay kusang tumaas nang tumaas. Halos naging dambuhala na ang alon hanggang sa maging tsunami na ito. Tama nga ang sinasabi sa alamat, ang iyak ng sirena ay magdadala ng delubyo at kamalasan para sa lahat.
Ilang saglit pa ay nilamon ng mataas na alon ang bangkang sinasakyan ng mga mangingisda at ang lahat ay kinakain ng higanteng alon. Walang itinira sa kanila ni isa dahil ang lahat ay parang mga bulang nawala sa malawak na dagat.
Samanatala, sa islang pinagmulan ng mga mangingisda ay kitang-kita ng lahat kung paano umurong ang tubig sa pampang kasabay nito ang malalang pagkulog at pagkidlat. Ang kanilang payapang paligid ay nagbago sa isang iglap. At lalo pa silang nagimbal nang makita ang isang dambuhalang alon na paparating sa kanilang isla! Ito ang sumpang hatid ng mga sirena. Ang kasalanan ng isa ay pagbabayaran ng lahat.
Galit na galit na ang karagatan gayon din ang buong kalangitan. Habang lumilipas ang segundo ay mas lalo pang tumaas ang alon! Yumayanig sa buong paligid at ang mga lupa ay unti-unting nagigiba. Nagsisigawan sa takot ang mga tao sa paligid at kanya-kanya sila ng paraan upang makaligtas sa delubyong paparating!
Nang mga sandaling iyon ay kinain ng isang malaking daluhong ng tubig at tsunami ang buong isla ng mga mangingisda. Ang lahat ng mga kabahayan dito ay nawasak at nasira. Maraming nalunod at nadamay sa kasamaan at kasakiman ng kanilang mga kasamahan. Ang payapang gabi ay nauwi sa isang bangungot na kailanman ay hindi malilimot ng mga taong nakaligtas mula sa tiyak na kamatayan.
Makalipas ang ilang oras ay huminto ang bagyo. Naging payapa ang karagatan at muling nagpakita ang kulay pilak at bilog na buwan. Kasabay nito ang pag-ahon ng isang duguang sirena sa isang maliit na isla. Hinang-hina ang kanyang katawan dahil sa pinsalang kanyang natamo.
Ang sirenang ito ay si Yuelo. Ang ibig sabihin ng pangalang Yuelo ay “buwan”. Ang kanyang buntot ay kulay pilak kagaya sa liwanag ng buwan.
Naupo si Yuelo sa mga batuhan, sa puwesto kung saan tinatamaan ng liwanag ng buwan ang kanyang pilak na buntot. At habang tumatama ang sinag ng buwan dito ay unti-unting naghihilom ang kanyang mga napinsalang kaliskis at balat. Ang kanyang mga napunit na palikpik ay unti-unting nabuo hanggang muling maging maayos ang kondisyon ng kanyang buntot. Samakatuwid, ang liwanag ng buwan ay may kakayahang pagalingin ang mga pinsala at sugat sa kanyang katawan.
Nagsisisi si Yue sa kanyang ginawang pagpapalubog sa mga mangingisda at gayon din ng kanilang buong isla. Ngunit sumusobra na ang mga mangingisdang ito dahil wala silang patid sa pang-aabuso sa karagatan. Kadalasan ay gumagamit sila ng mga pampasabog at dinamita upang makahuli ng maraming isla ngunit nagreresulta ito ng pagkasira ng karagatan. Nawawasak ang kanilang mga tahanan at maraming mga korales ang nasasayang. Ganoon din, ang mga maliliit na isda ay nadadamay at namamatay dahil sa mga pagsabog na umaabot sa ilalim ng karagatan.
Kanina ay binalak lamang niyang takutin ang mga ito para umalis na. Ngunit hindi niya akalaing sisibatin siya at mapupuruhan nang husto. Ilang beses din siyang hinagisan at pinasabugan ng dinamita at napinsala nang sobra ang kaniyang katawan. Ngayon, paano sasabihin na siya ay masama o malas na nilalang kung ginagawa lamang niya ang tama?
Nangako si Yue sa kanyang sarili na pangangalagaan ang kanilang tahanan katulad ng ipinangako niya sa kanyang ama. Lalo’t ang kanyang mga kalahi ay unti-unting nauubos dahil sa pang-aabuso ng mga tao.
Tahimik.
Panandaliang nagpahinga si Yue. Hinahangin ang kanyang malambot na buhok at ang kanyang mga mata ay nakatunghay lamang sa payapang karagatan. Nang makatiyak na maayos na ang kanyang kalagayan ay huminga siya nang malalim at muling sumisid sa karagatan.
Nagliliwanag ang kanyang pilak na buntot habang lumalangoy. Mabilis ang kanyang ginagawang pag-usad, parang isang magandang guhit ng liwanag sa karagatan kung ito’y pagmamasdan.
Dinaanan niya ang lahat ng mga magagandang bagay na matatagpuan sa karagatan katulad ng mga lumubog na malalaking barko, mga rebulto at estatwa ng mga tao. Dumaan din siya sa mga lumalangoy na balyena at sa mga nagliliwanag na jelly fish!
Ngunit ang lahat ng kanyang kasiyahan ay napalitan ng lungkot nang madaanan din niya ang mga namatay na isda dahil sa sunod-sunod na pagsabog ng mga dinamita kanina lang. Ang bahagi ng karagatan kung saan itinapon ang mga pasabog ay lubhang napinsala at naapektuhan hindi lang ang lugar kundi maging ang mga naninirahan dito.
Saglit siyang napahinto at pinagmasdan ang paligid. Sa gitna ng awa niya sa mga namatay na isda ay unti unting lumalim ang poot niya sa kasamaan ng mga taong patuloy na nang-aabuso at sumisira sa karagatan.
Makalipas ang ilang sandali ay muli siyang umikot at ipinagpatuloy ang paglangoy hanggang sa makarating siya sa kanilang tahanan. Ang lugar kung saan nabubuhay ang mga sirena nang payapa sa loob ng maraming mga taon. Sa kailaliman ng karagatan ay makikita ang isang espesyal na tahanan ng mga sirena at ito ay tinatawag na “Liquara”, isang nakatagong parte ng asul na tubig kaya’t hindi agad ito nakikita ng mga ordinaryong mangingisda o ng mga maninisid. Ang mga lahing sirena ay payapang naninirahan at namumuhay sa parteng ito ng karagatan hanggang sa sumapit ang hindi inaasahang pangyayari na babago sa kanilang tahimik at payapang paniniwala.
Pagpasok niya sa tarangkahan ng kanilang tahanan ay agad siyang sinalubong ng mga kapwa merman. Tinalian ng mga ito ang kanyang mga kamay at saka inilagay ito sa kanyang likuran.
“Yuelo, arestado ka sa salang pakikialam sa mga mangingisda sa ibabaw ng karagatan. Isang malaking kaparusahan din ang ginawa mong pagpapalubog sa buong isla nila. Kami ay nautusan upang iharap ka sa mga matatandang sirenang gabay. Tiyak na ikaw ay parurusahan nang malupit dahil sa hindi mo pagsunod sa kanilang utos!” ang wika ng mga ito.
Noong mga sandaling iyon ay walang nagawa si Yue kundi ang sumama sa mga ito. Tila nakalimutan niya na ipinagbabawal para sa mga sirena ang umakyat sa ibabaw ng karagatan lalo’t nalalagay sa bingit ng panganib ang kanilang lahi.
Itutuloy
Part 4: Yuelo
Part 4: Yuelo
“Arrrggghh!” ang sigaw ni Yue nang hampasin ang kanyang likuran gamit ang buntot-page. Ito ang iginagawad na kaparusahan sa mga sirenang sumasaway sa kautusan ng kanilang tahanan.
“Pero ginawa ko lang ang tama dahil winasak nila ang karagatan! Ano pa’ng matitira sa atin?” ang katwiran ni Yue.
Muli siyang hinagupit. Nagdudugo na ang kanyang balat.
“Hindi tayo nagpapakita sa mga tao dahil lahat sila ay masasama! Kaya nga nagtatago tayo dito upang hindi tayo mapahamak! Ilang mga sirena na ang nawawala? Lahat ay dinadala sa ibabaw ng karagatan at binabalatan nang buhay. Pinuputol ang buntot, inaalisan ng mga kaliskis at ibinebenta sa malaking halaga!” sigaw ng matandang sirena kay Yue.
“Nais kong malaman n’yo na wala akong pinagsisihan sa aking nagawa! Tama lang na ilubog ang mga mangingisda sa karagatan dahil lahat sila ay masasama!” ang tugon ni Yue sa mga matatandang sirena na nagpapataw ng kaparusahan.
Sadyang matigas ang ulo ni Yue. Kadalasan kasi ay pasaway ito kaya’t parating napaparusahan.
“Sampung hagupit pa ang ipataw n’yo sa kanya! Tingnan ko lang kung hindi siya magtanda!” ang utos ng matatanda gabay na sirena. Hinagupit pa ng sampung beses ang merman bilang kaparusahan sa kanyang pagiging pasaway.
Matapos ang pagpaparusa sa kay Yue ay naiwan na siya sa loob ng kuweba at nahandusay na lamang sa mga batuhan doon. Walang liwanag ng buwan kaya’t walang maghihilom ng kanyang mga sugat. Wala ring magulang o kaibigan ang dadamay sa kanya dahil ang totoo ay ayaw naman talaga sa kanya ng lahat dahil naiiba ang kulay ng kanyang buntot. Kasing-kinang ito ng pilak na buwan kaya madalas siyang kinalulugdan nito. Isang pambihirang kulay na madalang sa kanilang lahi dahil ang karaniwang kulay ng kanilang mga buntot ay asul, dilaw, berde at kulay kahel.
Si Yuelo ay tinaguriang “malas” dahil siya ipinanganak sa ilalim ng buwan. Isang pambihirang pangyayari ang kanilang nasaksihan noong ipanganak ang isang lalaking sirena o merman sa ilalim ng kabilugan na buwan. Ang pangyayaring ito ay pinaniniwalaang magdadala ng kamalasan sa kanilang lahi. At dahil dito ay matatatak sa pangalan ng sanggol ang salitang “kamalasan”, bagama’t ito ay paniniwala lamang na wala namang makapagpapatunay kung totoo nga ba o hindi.
Si Yue ay pinalaki ng kanyang ina. Namuhay sila ng normal at malayo sa kaguluhan. Habang lumalaki siya ay maayos naman at walang kamalasang nagaganap kaya kahit paano ay walang sisi na nabubunton sa kanila. Bukod pa roon ay hinubog si Yue na masayahin at may positibong pag-uugali, mga bagay na nagugustuhan sa kanya ng mga kaibigan na talagang tina,nggap siya nang buong-buo sa kabila ng pagkakaiba ng kulay ng kanilang mga buntot.
Ngunit gayon pa man ay dumarating pa rin sa punto na tinatawag siyang malas ng mga kalaro lalo kapag inaasar siya ng mga ito o nagkakaroon ng away.
“Inay, kaya po ba namatay si Itay ay dahil malas ako? Iyon kasi ang sabi ng mga kalaro ko,” ang wika ng batang Yuelo sa kanyang ina habang nagsusumbong.
Natawa ang kanyang ina. “Anak, hindi totoo iyan. Ang iyong ama ay naglakbay lamang sa malayong lugar. Malay mo, isang araw ay bumalik siya sa atin,” ang wika ng kanyang ina.
“Inay, kapag puwede na akong magkaroon ng paa ay hahanapin ko si Itay doon sa lupa,” ang wika ni Yue.
Muling natawa ang kanyang ina. “Ang anak ko talaga, huwag kang masyadong mag-apura sa pagkakaroon mo ng mga paa. Kapag tumuntong ka na sa edad na 21 ay magkakaroon ka ng mga paa na mailalakad mo doon sa lupa. Ngunit ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa iyo na delikado at mapanganib doon sa ibabaw. Maraming tao ang hindi tayo mauunawaan at ang iba sa kanila ay ituturing tayong mga halimaw.”
“Eh bakit sabi ng mga kalaro ko malas daw ang buntot ko?” tanong ulit ni Yue. Kitang-kita sa kanyang inosenteng mata ang labis na pagtataka.
“Alam mo, huwag kang maniwala diyan sa mga kalaro mo. Iniinis ka lamang nila. Ang iyong buntot ay namana mo sa iyong ama. Espesyal ito kaya dapat kang matuwa at ipagmalaki mo ito,” ang sagot ng kanyang ina. Wala namang nagawa si Yue noong mga sandaling iyon kundi ang yumakap sa kanyang magulang. Para kay Yue, ang pagmamahal ng kanyang ina ay sapat na upang siya ay maging masaya at ipagpatuloy ang positibong pananaw sa buhay sa kabila ng panghuhusga sa kanya.
Kapag nag-iisa ay madalas natatagpuan si Yue sa mga nasirang barko, sa mga lumubog na parte nito habang nangungulekta ng mga kagamitang doon lamang niya nakikita katulad ng mga kutsara, tinidor, mga alahas at iba pa. Iniipon niya ito at inilalagay sa isang kuweba upang doon iayos. Maingat siyang lumalangoy sa tubig dahil ang karagatan ay mistulang kagubatan din na maraming mga hayop na mapanganib. Nariyan ang mga pating at mga malalaking octopus na maaaring kumain at puminsala sa kanila.
Sa karagatan, ang mga pating ang pangunahing kalaban at banta sa kanilang mga kaligtasan. Kaya naman ang ilan sa kanila ay nagdadala ng mga sandata katulad ng mga sibat na gawa sa pinatulis na korales at kabibe.
Walang espesyal sa mga sirena. Wala silang mga kapangyarihan ngunit ang ilan sa kanila ay may mga kakaibang abilidad na tinataglay, mga natural na kakayahang likas sa kanilang mga katangian katulad na lamang ng bilis sa paglangoy, nakakakausap at nakakaunawa ng mga isda at iba pang lamang dagat, at ang iba naman ay may kakayahang sumakay sa alon at gamitin ito bilang depensa. Ito ang mga katangiang ipinagkaiba at iniaangat ng mga sirena sa iba pang lamang-dagat.
Ang mga sirena ay lumuluha ng mga perlas, depende sa kanilang emosyon. Kapag sila ay umiiyak ay puting perlas ang inilalabas ng kanilang mga mata. Kapag naman luha ito ng kaligayahan ay naglalabas sila ng asul o pulang perlas. Ito ang pinakamahal kung ibebenta sa itaas ng lupa.
Sinasabi rin na ang mga sirena ay may kakayahang tumupad ng kahilingan ngunit wala pang nakapagpapatunay nito. Bihira sa kanila ang umaakyat sa lupa dahil ito ay maituturing na impyerno; mapanganib at punong-puno ng masasamang nilalang. Karaniwan, sila ay nakakulong lamang sa paligid ng Liquara at hindi sila umaalis sa proteksyon ng mga alon nito.
“Hijo, ano na naman ang kinuha mo doon sa lumubog na barko?” tanong ng ina ni Yue nang makita ang anak na inilalagay ang mga napulot nitong gamit.
“Tingnan mo ito, Inay, nakikita ko ang aking sarili,” ang wika ng bata at itinapat sa kanya ang salamin bagama’t hindi niya alam kung ano ba ang tawag dito.
“Isang salamin iyan, anak. Iyan ang ginagamit ng mga tagalupa upang makita ang kanilang pisikal na anyo,” ang paliwanag naman ng kanyang ina.
“Tapos, Inay, may nakita pa ako. Isang kuwadernong naglalaman ng mga nakakatuwang larawan,” ang dagdag pa ni Yue. Ang kanyang nakita ay isang photo album na naglalaman ng mga larawan ng mga batang may paa, mga taong nakasuot ng magagarbong damit.
Namangha si Yue sa kanyang nakikita. Masyadong magandang ang mga palamuti ng mga tao sa kanilang mga katawan. “Ganito pala ang itsura ng mga tao, Inay. Nakakatuwa ang kanilang mga paa at nakakatuwa rin ’yung mga nakabalot sa kanilang katawan!” ang namamangha niyang salita na ang tinutukoy ay ang mga damit na suot ng mga tao sa larawan.
“Hijo, kapag umakyat ka sa lupa ay obligadong nakasuot ka ng ganyang bagay upang hindi ka mainitan at lamigin nang husto. Nakakatuwa ka talagang bata. Ikaw lamang yata ang batang sirena dito na mahilig manguha ng mga kagamitan ng mga tao. Mukha yatang masyado kang interesado sa kanila,” ang wika ng kanyang ina.
Nangiti si Yue. “Inay, kapag puwede na akong magkaroon ng mga paa ay hahanapin ko si Itay doon sa lupa at iuuwi siya sa atin,” ang wika niya na punong-puno ng pag-asa.
Ngumiti ang kanyang ina at hinaplos ang kanyang mukha. “Anak, kahit na kailan ay hindi ako hahadlang sa mga bagay na nais mong gawin. Balang araw ay lalaki ka, magkakaroon ng sariling pag iisip at desisyon. Nais kong malaman mo na kasama mo ako sa lahat ng pagkakataon. Pero sa ngayon, sa tingin ko ay masyado ka pang bata para sa mga ganyang kaisipan. Ang mga kasing-edad mo ay naglalaro lamang at ninanamnam ang sarap pagiging bata. Minsan ka lang magiging ganyang kaliit kaya hangga’t maaari ay gusto kong maging masaya ka lang dahil ang iyong inosenteng ngiti ang pinakamagandang bagay na nasisilayan ko sa araw-araw,” ang masayang wika ng kanyang ina. Niyakap niya ang anak at saka hinaplos ang buhok nito.
Ang relasyon nilang mag-ina ay perpekto at walang oras na hindi nila pinararammdam sa isa’t isa ang kanilang pagmamahal. Para kay Yue, ang kanyang ina lamang ang kanyang natatanging kayamanan. Siya rin ang kanyang kaligayahan. Ngunit sadyang dumarating sa punto kailangan nilang maghiwalay. Noong sumapit ang ikawalong kaarawan niya ay nagpaalam ang kanyang ina.
Batid naman ni Yue na ang kanyang ina ay may karamdaman simula pa noon. Hindi na rin ito nakalalangoy nang maayos kaya madalas lamang itong nasa kanilang kuweba. Saksi siya sa panghihina ng katawan ng kanyang ina kaya wala siyang nagawa kundi ang samahan na lang ito hanggang sa huli.
Sa edad na walo ay naulila na si Yue. Paminsan-minsan, siya ay inalagaan na lamang ng malalapit na kaibigan ng kanyang ina ngunit kadalasan ay siya lamang mag-isa sa buhay. Walang naiwan sa kanya kundi ang kuwintas ng kanyang ina, isang pambihirang perlas na iniregalo ng kanyang ama noong magkakilala ang dalawa. Iningatan ito ni Yue at itinuring na kayamanan.
Masakit, ngunit kailangan niyang magpatuloy. Kailangan niyang mabuhay at maging matatag katulad ng ipinangako niya sa kanyang ina bago ito pumanaw.
Sa dapithapon ay madalas nakasampa si Yue sa batuhan, pinagmamasdan ang magandang tila paglubog ng araw sa karagatan. Tahimik lamang siya habang hinahangin ang kanyang kulay itim na buhok, malayo ang tingin sa kawalan.
Noong mga sandaling iyon ay paulit-ulit niyang iniisip kung saan siya dadalhin ng mapaglarong alon ng kapalaran. Makakayanan pa ba niya itong harapin nang nag-iisa? Para sa kanya, ang buhay ay isang mahabang paglalakbay. Isang pakikipaglaban na hindi tiyak kung paano mananalo.
Habang nakatanaw si Yue sa kawalan ay may nakita siyang isang barko na dumadaan sa kalayuan. Huminga siya nang malalim at muling tumalon sa ilalim ng karagatan.
Sa muling paglubog at paglutang ng kanyang katawan sa tubig ay makikitang binata na siya. Mahabang panahon na ang lumipas. Isa na siyang matipunong lalaking sirena na may perpektong katawan. Mabilis siyang kumilos na parang hangin sa paglangoy at nagliliwanag ang kulay pilak na buntot. Hindi maitatanggi na napaka gwapo ni Yue noong ito ay magbinata; perpekto ang kanyang ngiti at nakapanghihina ng tuhod. Ang kanyang mga mata ay medyo singkit at ang labi ay mapula.
Kapag siya ay lumalangoy ay natutulala ang kanyang mga kalahing sirena dahil sa sobrang laki ng kanyang pagbabago. At dahil na rin sa maaga siyang naulila ay mas naging matatag siya at madiskarte sa buhay.
Itutuloy.
Part 5: Similarity
Part 5: Similarity
“Yuelo, sa susunod na linggo ay bente-uno anyos ka na. Kapag tumapak ka sa lupa ay magkakaroon ka rin ng paa. Medyo masakit ang unang paglalakad ngunit ’pag nakasanayan mo ito ay madali na lamang kumilos. Huwag mo nang itanong ang pakiramdam, basta’t nakamamangha ito. Ngunit hindi pa rin ako pabor na hanapin mo ang iyong ama doon,” ang wika ni Seres, ang matalik na kaibigan ng kanyang pumanaw na ina. Si Seres na ang nag-alaga sa kanya buhat noong siya ay maulila.
“Pero napansin ko na wala naman sa atin ang umaakyat doon. Kahit ang iba ay umabot na ng 21 anyos ay nandito pa rin sila,” ang tugon ni Yue. Sa paligid nila ay may mga batang sirenang naglalaro na pumupukaw sa kanyang pansin.
“Dahil mas mapanganib ang lupa kaysa dito sa karagatan. Mas masahol pa sa pating ang mga tao at mas malupit sila sa mga lamang-dagat na maaaring magdulot ng panganib sa ating mga sirena. Dati ay nagkaroon ako ng pagkakataong makatapak sa lupa at nagustuhan ako ng isang makisig na lalaki doon. Ngunit sa kasamaang palad, nang malaman niya ang totoo kong pagkatao ay natakot siya. Iniwasan niya ako, itinaboy at lumayo nang tuluyan sa akin.
“Akala ko kasi ay sapat na ang pag-ibig upang maunawaan ako ng isang tao ngunit mali pala. Dahil hindi maaaring baguhin ng pag-ibig ang katotohanan na ang tao at isang sirena ay hindi maaaring magsama. Gayon pa man ay naramdaman kong magmahal at mahalin kahit na sa sandaling panahon lamang. Sapat na iyon para mapangiti ako. Marahil, ito ang dahilan kaya hindi na ako nakapag-asawa pa.
Masyado akong nabigo at natakot magmahal muli,“ ang salaysay ni Seres.
“Magbuhat ba noon ay hindi ka na bumalik pa sa lupa?” tanong ni Yue sa kanya.
“Bumalik, kahit paano ay gusto ko pa rin makita ang lalaking nagmahal sa akin,” ang wika niya habang nakangiti.
“Tapos? Anong nangyari?” tanong ni Yue na nakaramdam ng magkahalong pagtataka at lungkot. Hindi pa siya umiibig kaya’t hindi niya maunawaan ang lahat.
“E ’di nakita ko siya at nalaman ko na mayroon na siyang asawa at anak. Wala naman akong nagawa. Sa tingin ko ay masaya na rin siya kaya kahit paano ay masaya na rin ako,” ang tugon niya na bagama’t nakangiti ay bakas sa mukha ang kakaibang lungkot.
Napatingin Yue sa kanyang ina-inahan at inakbayan niya ito. “Okay lang iyan. Nandito na naman ako,” ang wika niya na pilit inaalis ang lungkot ng kausap.
Tahimik.
“Salamat, nakuha mo ang ugali ng iyong ama at ina. Noong mga panahong nabigo ako sa pag-ibig ang akala ko ay katapusan na ng mundo ngunit nandito silang dalawa para umalalay sa akin. Ang iyong ina ay hindi ako iniwanan at pinaramdam niya sa akin na hindi ako nag-iisa,” ang pagbasag niya ng katahimikan.
“Ang aking ama? Ano ang itsura niya? Mabait ba siya? Masayahin?” tanong ni Yue. Ito ang mga bagay na nahihiya siyang itanong sa kanyang ina noong nabubuhay pa ito dahil tiyak na magdudulot lang ito ng kalungkutan dito.
“Ang iyong ama? Kamukhang-kamukha mo siya, pareho kayo ng buntot, kulay pilak at kumikinang kapag lumalangoy. Ang iyong ama ay tahimik lamang at hindi nakikisama sa mga sirenang kalahi. Parang may sariling mundo. Sa iyong ina nga lang ito madalas na nakikipag-usap.”
“Ang buntot ng aking ama, bakit kaya ito kulay pilak?” nagtatakang tanong ulit ni Yue.
“Ang sabi nila ay espesyal daw ang iyong ama dahil ang kanilang lahi ay mula pa sa sinaunang sibol ng mga sirena. Mga sirenang ginagawang Diyos ang buwan kaya’t kulay pilak ang kanilang mga buntot na kakulay ng liwanag ng buwan. Ang iyong ama ay umaahon sa karagatan tuwing gabi at sumasamba sa buwan. Pero kami lang ng iyong ina ang nakaka alam nito,” ang wika ni Seres, mga bagay na ngayon lamang nalaman ni Yue.
“Saan siya umaangat para sumamba sa buwan? Kaya naman pala kakaiba ako dahil kakaiba rin ang aking ama,” ang wika ni Yue.
“Doon sa isang maliit na isla na kung tawagin ay Karikit. Doon siya nagtutungo para tumingala at magdasal sa buwan. Oo nga’t kakaiba ang iyong ama ngunit napakaguwapo niya at hindi matatawaran ang kanyang pisikal na anyo. Parang ikaw, gwapo ka at napakaganda mong lalaki,” ang tugon ni Seres.
“Talaga bang kamukha ko ang aking ama?” tanong ulit ni Yue.
“Oo, para kayong pinagbiyak na bunga noong kabataan niya. Alam mo naman, tayong mga sirena ay parang tao rin. Tumatanda rin tayo at hindi ganoon kahaba ang itinatagal ng ating mga buhay,” ang dagdag pa ni Seres.
Napaisip si Yue at mabilis niyang kinuha ang kanyang salamin at humarap dito. Pinagmasdan niya ang kanyang guwapong mukha sa salamin at saka ngumiti. Sa ganitong paraan, habang pinagmamasdan niya ang kanyang sarili ay para na rin niyang nasisilayan ang kanyang ama. Matagal nang wala ito at hindi niya ito nakita simula noong siya ay ipanganak. Gayon pa man ay umaasa siya na isang araw ay magtatagpo silang dalawa, kapag ito ay itinakda na ng tadhana.
“Kapag humaharap ka sa salamin ay para mo na ring nakita ang iyong ama dahil magkawangis kayong dalawa,” ang kaswal na wika ni Seres.
Hindi maalis ang ngiti ni Yue habang nakatingin sa salamin. At habang nasa ganoong posisyon silang dalawa ay tila may narinig silang nagkakagulo at nagsisigawan sa labas. Mabilis silang lumabas ng kanilang kuwebang tahanan at dito nga ay tila nagulat sila dahil ang paligid ay nangingitim, ang tubig ay may halong kakaibang kemikal na masakit sa mata sa balat.
“LASON! May lasong humalo sa tubig!!” ang sigaw ng mga sirena sa paligid habang mabilis na lumalangoy papalayo sa Liquara.
Nagkakagulo na! Ang lahat ay natatakot, natataranta, at hindi malaman kung ano ang kanilang mga gagawin. Ang lason na kumalat sa tubig ay isang kemikal na maaaring nagmula sa isang oil tanker. Kakaiba ang isang ito dahil masyadong matapang at mabilis na nagkamatayan ang mga lamang dagat sa paligid katulad ng mga isda, mga halaman, korales at iba pa. Sa tapang ng kemikal ay madali nitong napatay ang mga balyena at ang mga pating sa paligid.
Ang mga sirena ay lalo pang nagkagulo. Ang ilan sa kanila ay namatay at napinsala nang husto. Ang kanilang mga balat at kaliskis ay nalusaw at nasunog.
“Umalis na tayo dito!” ang sigaw ni Yue sabay hila sa kanyang ina-inahan. Dahil mabilis na lumangoy si Yue ay madali siyang nakapuslit at nakarating sa bahaging hindi kontaminado ng kemikal bagama’t nasunog nang kaunti ang palikpik nilang dalawa.
Nakarating na rin dito kanilang mga kalahi. Ang iba ay sugatan, ang iba naman ay napinsala nang husto ang buong katawan. Noong makarating sila sa sariwang bahagi ng tubig ay pinagmasdan nila ang pagkasira ng Liquara. Halos ilang taon na silang nakatira sa lugar na ito. Ngayon lamang nangyari ang ganitong trahedya.
Maraming mga sirena ang namatay. Marami ring lamang dagat ang napinsala ng husto. Lumutang ang libo-libong mga isda. Ilang mga balyena ang sumadsad sa pampang ng mga karagatan dahil sa pagkalason.
Sa ibabaw ng lupa ay naging laman ng mga balita ang nangyaring pagkalat ng nakalalasong langis sa malaking bahagi ng karagatan. Ikinabahala ng gobyerno ang nangyari at ang magiging epekto ng oil spill sa karagatan at sa mga nabubuhay sa ilalim nito.
Samantala, sa ilalim ng dagat ay patuloy na binabalot naman ng lungkot at ligalig ang mga sirena. Marami sa kanilang mga kalahi ang pumanaw nang walang kalaban-laban. At marami rin sa mga nakaligtas ang napinsala nang husto.
Dahil wala silang pamimilian ay kailangan nilang lumipat ng lugar upang may matirhan sila. Doon sa bahagi ng karagatan na malayo sa kemikal at malayo sa mga taong papatay sa kanila nang unti-unti.
“Iyan ang sinasabi ng mga matatandang sirena, magdadala ng kamalasan si Yuelo sa ating lahi! Totoong may dalang kamalasan ang sanggol na ipinanganak sa ilalim ng liwanag ng buwan!” ang wika ng mga sirenang isinisisi kay Yue ang trahedyang naganap sa kanilang lahi.
“Teka hindi naman yata tama na isisi natin kay Yuelo ang trahedyang ito. Halos dalawampung taon na dito sa atin si Yuelo, wala namang nangyayaring masama, ’di ba? Baka nagkataon lang ang trahedyang ito,” ang pagtatanggol naman ni Seres.
“Basta malas iyan, tingnan mo nga ang buntot niya, kaiba sa atin! At isa pa ay bakit ba kasi inampon mo pa iyan Seres? Nagpalaki ka ng malas!” ang panininisi nila.
Niyakap ni Seres si Yue. “Walang kasalanan ni Yuelo dito. Huwag n’yong isisi sa kanya ang nangyari. Ito ay gawa ng mga tao. Tiyak kong ang kemikal na kumalat at pumatay sa Liquara ay ang produkto ng kanilang katalinuhan. Maniwala kayo sa akin dahil dati na akong tumapak sa lupa at naroon ang malalaking mga gusali ng mga kemikal na nakakasira ng kalikasan. Walang kinalaman si Yue sa pangyayaring ito.”
“Ah basta! Tiyak kong simula pa lamang ito ng ating kamalasan!” ang sagot nila na hindi halos maitago ang matinding galit.
“Oo tama, mawalak ang karagatan, ’di ba? Pero sa atin tumama ang lason! Iyon ay dahil nasa atin ang malas at si Yuelo iyon!” ang sigaw ng isang merman.
Noong mga sandaling iyon ay maraming naniwala na si Yue nga ang may kasalanan ng trahedyang naganap sa kanilang tahanan dahil bata pa lamang ay nakakabit na sa kanya ang salitang “malas” at kahit masakit ay wala siyang magawa upang ipagtanggol ang kanyang sarili.
Ang nilipatang bagong tahanan ng mga sirena ay sa isang malalim at tagong parte ng karagatan. Dito sila magsisimula ng panibagong buhay ngunit ang trahedya ng kahapon ay hindi pa rin nila malilimot lalo’t marami pa ring mga sirena ang may pinsala at hindi pa gumagaling.
Ang kanilang bagong tirahan ay tinawag nilang “Tsunaria”, na ang ibig sabihin ay “Payapang Alon”. Nilagyan nila ito ng espesyal na barrier upang maitago ang kanilang lahi mula sa labas ng karagatan.
Ayaw na sanang patirahin ng mga sirena dito si Yue ngunit alang-alang sa pakiusap ni Seres ay pumayag sila na muling kupkupin ang tinatawag nilang malas ngunit ang kundisyon sa kanyang pananatili dito ay magsisimula pa lamang.
At ang kondisyon na iyon ang babago sa takbo ng buhay ni Yue. Dito magsisimula ang kakaibang misyon na hindi niya matatakasan.
Itutuloy
Part 6: Legs
Part 6: Legs
Ang malalang pagkasira ang Liquara ay isinisi kay Yue, pinaniniwalaan ng lahat na siya ang nagdala ng kamalasan sa kanilang lahi. Gayon pa man ay nakahanap sila ng bagong tirahan at tinawag nila itong “Tsunaria” na ang ibig sabihin ay “Payapang Alon”.
Hinayaan nilang tumira si Yue sa kanilang bagong tirahan pero sa isang condition. Bibigyan nila ito ng misyon sa ibabaw ng lupa.
“Hindi ako pabor na gawin mo ang misyon at lalong ayokong gawin mo ito. Alam ko na, bakit hindi tayo umalis dito? Lumipat tayo ng ibang lugar na malayo dito sa mga sirena na nanghuhusga sa iyo,” mungkahi ni Seres, ang tagapag alaga ni Yue.
“Inay, ang ating tinitirhan ngayon ang pinaka ligtas na lugar para sa ating mga sirena. Delikado ang ibang parte ng karagatan kaya’t hindi ako papayag na umalis ka dito,“tugon ni Yue.
“Pero, nasasaktan ako kapag may sinasabi silang masama at hindi kaaya aya tungkol sa iyo,” sagot ni Seres at hindi na niya napigilan ang pag iyak.
“Hindi inay, hindi na ako nasasaktan dahil habang buhay na nila akong tinatawag na salot at malas kaya’t sanay na rin ako. Mas masasaktan ako kung may mangyayari sa iyong masama. Ikaw lang ang tanging bagay na mayroon ako. Kaya’t hindi ko kakayanin at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa iyo. Isa lang ang hinihiling ko, huwag kang aalis dito sa lugar na ito dahil ligtas dito.
“Gagawin ko ang misyon at magtatagumpay ako, inay. Pangako ko ito,” wika ni Yue, kailangan niyang gawin ang misyon dahil sa tatlong mahalagang bagay.
Una, kailangan patunayan niya na hindi siya malas o salot. Ikalawa ay dahil wala siyang ibang pamimilian kundi ang gawin ito. Marahil ito ang kanyang kapalaran. At ikatlo ay dahil gusto niyang gamitin ang pagpunta sa lupa para hanapin na hanapin rin ang kanyang ama dito.
“Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tanong ni Seres, ang kanyang mata ay punong puno ng pag aalala.
“Sigurado na ako inay, nakapag desisyon na ako. Mayroon din akong mahalagang bagay nais gawin sa itaas ng lupa,” ang tugon ni Yue sa kanyang ina.
Lumipas ang mga araw, dumating ang ika 21 kaarawan ni Yue. Ang mga lalaking sirena na tumutuntong sa edad na 21 ay automatikong nagkakaroon ng paa kapag sila ay umahon sa karagatan. At ang gabing ito ay espesyal na sandali sa buhay ni Yue dahil ito ang unang pagkakataon na tatayo siya sa lupa gamit ang kanyang mga paa.
Ito rin ang unang pagkakataon na isinama ni Seres si Yue sa isla ng Karikit upang doon gawin ang kanyang “unang pagtayo”. Noong mga sandaling iyon ibayong kaba ang naramdaman ng binata dahil sabi ng mga nakatatanda ay masakit raw ang pagkakaroon ng mga paa. Pero hindi niya malalaman kung hindi susubukan. Habang nilalagyan niya ng telang takip ang kanyang bewang ay gumuguhit ang kaba sa kanyang dibdib.
“Yue, dito kita dinala sa isla ng Karikit dahil ang islang ito ay espesyal sa iyong ama. Dito niya madalas sinasamba ang buwan at nagpapasalamat sa mga biyayang pinagkaloob nito. Kaya nararapat lamang na dito mo gawin ang iyong unang pagtayo at pagtapak sa lupa,” ang paliwanag ni Seres.
“Natatakot ako, ina,” tugon ni Yue.
“Ang lahat ng unang beses ay kakatakot hindi ba? Pati ang unang pagkatataon na ikaw ay lumangoy ay bumalanse sa tubig ay nakakatakot rin, tama?” tanong ni Seres habang nakangiti. “Huwag kang matakot at magtiwala ka sa iyong sarili,” dagdag pa niya.
Noong mga sandaling iyon ay humahon si Yue sa sa pampang at dito ay naupo siya sa tabi ng mga batuhan. Kakaiba ang liwanag ng buwan noong mga sandaling iyon. Para bang masaya ito na masaksihan ang unang pagtayo ng merman na nagtataglay ng silver na buntot.
Habang nakaupo si Yue sa batuhan ay tumama ang liwanag ng buwan sa kanyang silver na buntot dahilan para magliwanag ang kanyang mga kaliskis.
Maya maya ay tila ba unti unting naglalaho ang mga kaliskis sa kanyang buntot na papalitan ng hita. Noong mga sandaling iyon ay hindi siya makapaniwala sa kanyang nasasaksihan. Nagkakaroon na siya ng mga hita at mga paa! Kaya pala pinaglayan ni Seres ng takip ang kanyang bewang upang hindi makita ang maselang parte ng kanyang katawan.
“Inay, nagkakaroon na ako ng hita, nakikita ko na ito!” ang natutuwang na wika ni Yue. Hindi niya maitago ang matinding pagkamahanga.
Hindi naman masakit, wala siyang naramdamang kakaiba sa unti unting pagbabago sa kanyang katawan. At makalipas ang ilang minuto ay tuluyan ng nagkaroon ng mga hita si Yue, hinawakan niya ito, ginalaw galaw hanggang sa magulat siya dahil sumusunod ito sa kangang nais.
“Ang husy inay! Ang galing nito! Sabi ng mga matatanda ay masakit daw ang magkaroon ng paa pero bakit bale wala naman ito?” pagtataka ni Yue.
“Subukan mong itukod ang mga kamay mo sa malalaking batuhan at subukan mong tumayo, pakiusap,” sagot ni Seres.
At iyon nga ang ginawa ni Yue, noong itapak niya ang kanyang talampakan sa lupa ay ibayong sakit na ang kanyang naramdaman. Parang siya natapak sa isang libong karayom. Masakit ito at makirot, hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam basta parang mapupunit ang kanyang mga kalamnan sa hita.
Napasigaw si Yue, naipaiyak ito ng husto habang paunti unting tumatayo. Matindi ang kapit niya sa batuhan upang alalayan ang kanyang katawan. “Ganyan nga Yue, dahan dahan lamang at huwang mong madaliin. Huminga ka ng malalim at huwag mong biglain ang iyong sarili,” pagsuporta ni Seres.
Patuloy sa pagtayo at pagbalanse si Yue, patuloy rin ang sakit na kanyang nararamdaman. Marahil ay totoo nga ang sinasabi ng mga matatanda na ang pagkakaroon ng paa ang pinakamasakit na bagay na maaaring maranasan ng isang sirena, pero ito ang pinaka mahalaga sa lahat.
Makalipas ang ilang oras na sakit ay matagumpay na nakabalanse si Yue. Ang akala niya ay tapos na ang kanyang paghihirap ngunit magsisimula pa lamang pala ito. Dahil ang ginawa pa lamang niya ay ang “unang pagtayo”. Ngayon ay pupunta na siya ikalawang phase ng pagiging isang tao at iyon ang ang tinatawag na “unang paghakbang”.
Sa ilalim ng kabilugan ng buwan ay unang isinagawa ni Yue ang paghakbang. Sa unang pagtapak pa lamang ng kanyang paa ay parang pinupunit na ang kanyang talampakan. Napasigaw siya at napaluha, pagkatapos ay nabuwal sa lupa.
Noong mga sandaling iyon ay awang awa sa kanya si Seres, ngunit hindi niya maaaring lapitan at tulungan si Yue. Dahil ang isang sirena ay dapat matutong tumayo sa sarili niyang paa upang maging matatag ang kaniyang binti.
“Bumangon ka Yue, kailangan mong tumayo muli,” ang wika ni Seres
“Hindi ko na kaya inay, masyadong mahirap, masyadong masakit,” pag iyak ni Yue, gusto na niyang sumuko.
“Kung susuko kay ay paano mo mahahanap ang iyong ama sa lupa? Paano mo mapagtagumpayan ang iyong misyon? Isipin mo ang iyong ina, ang iyong ama, ang iyong mga ninunong nagtataglay ng pilak na buntot, lahat sila ay nakatunghay sa iyo at ginagabayan ka,” sagot ni Seres, punong puno ng pag asa ang kanyang boses.
Noong marinig ni Yue ang sinabing iyon ni Seres ay muli niyang sinubukang bumangon at tumayo. Itunukod niya ang mga kamay sa batuhan at muling bumalanse.
Habang nasa ganoong posisyon siya ay may nakita siyang mga kulay pilak na liwanag sa paligid. Lahat ng mga liwanag na ito ay lumilipad patungo sa kanya na parang sumasayaw sa kanyang harapan. Pati si Seres ay namangha sa kanyang nasaksihan, marahil ay totoo ngang nakatunghay kay Yue ang kanyang mga ninuno at ngayon ay tinutulungan nila ito makatayo.
“Ang pangyayaring ito ay isang milagro. Si Yue ay kinalulugdan ng buwan at ng kanyang mga ninuno. Sa tingin ko ay magtatagumpay sa kanyang misyon dahil hindi siya nag iisa,” ang sabi ni Seres sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang mga silver lights na nagsasayaw sa paligid ng binata.
Noong mga sandaling iyon ay kakaibang lakas ang naramdaman ni Yue at sa unang pagkatataon na nagawa niyang ihakbang mga paa hanggang sa siya ay makapaglakad ng maayos.
Part 7: Special Lesson
Part 7: Special Lesson
Ilang araw matapos magkaroon ng paa at makalakad si Yue ay kumalat na agad ang balitang ito sa buong Tsunaria.
“Mabuti naman at may paa na si Yue, sa wakas ay mawawala na rin ang salot dito sa karagatan,” ang salita ng isang matadang sirena, hindi ito nakaligtas sa pandinig ni Seres.
“Anong sinabi mo? Hindi salot at lalong hindi malas si Yue! Itigil niyo na ang panininisi sa kanya!” ang pagtatanggol nito sa kanyang anak. “Bakit ganyan kayo? Sa halip na magtulungan tayo ay bakit nagagawa nating siraan ang isa’t isa?” dagdag pa niya.
“Inay, huwag ka na makipag-away, wala rin naman tayong magagawa dahil sarado na ang kanilang pag iisip. Gagawin ko na lamang ang misyon upang matapos na ang lahat ng ito,” sagot ni Yue, hinawakan niya ang kamay ng ina at lumayo na lamang sila sa mapanghusgang mata ng kanilang mga kalahi.
“Minsan ay kinakailangan rin nating lumaban para hindi tayo inaapi. Kung tutuloy ka sa iyong misyon ay dapat matuto kang ipagtanggol ang iyong sarili, maliwanag ba?” tanong ni Seres kay Yue.
Ngumiti ang binata, “kaya kong ipagtanggol ang aking sarili, wala kang dapat ipag alala sa akin inay. Magiging maayos rin ang lahat para sa atin.”
“Kung talagang iyan na ang desisyon mo at hindi na magbabago ito ay nais kong ituro sa iyo ang mga bagay na dapat mong malaman pagtungtong mo sa lupa. Ang ating pag-aaral ay magsisimula bukas, handa ka na ba?” tanong ni Seres.
“Handa na ako inay, salamat sa suporta,” tugon ni Yue at niyakap niya ng mahigpit ang kanyang ina.
At iyon ang set up, nagsimulang ituro ni Seres kay Yue ang lahat ng kaalaman niya tungkol sa itaas ng lupa. Matatandaan na ilang taon ring tumira at nakisalamuha si Seres sa mundo ng tao bago siya mabigo sa pag ibig at magdesisyon na bumalik na lamang sa karagatan. Sa halos ilang taong iyon ay marami na siyang natutunan sa lupaing iyon. Kaya magiging malaking tulong ito kay Yue.
Ang kanilang pagsasanay ay magaganap sa isla ng Karikit kung saan siya natutong maglakad. Ngayon ay pareho silang nakatayo ni Seres sa lupa, hawak niya ang isang malaking kahon na kinuha niya mula sa kweba ng isla. Nakakatuwa ang itsura ni Yue dahil nakasuot lamang ito ng balabal sa kanyang katawan, habang si Seres ay nakasuot ng lumang bestida.
“Ang kahon na ito naglalaman ng ilang mahahalagang gamit ko doon sa ibabaw ng lupa. Dito ko ito itinago sa Isla ng Karikit kasama ng mga gamit ng iyong yuRyoung ina at ilang gamit ng iyong ama,” ang paliwanag ni Seres.
“Nagtutungo rin ba ang aking ina sa lupa?“tanong ni Yue.
“Oo naman, siguro ay dalawa o tatlong beses ko siyang isinama doon. Tuwang tuwa ang iyong ina noon, hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang kanyang magandang ngiti. Sa tingin ko ay panahon na rin upang matutunan mo ang uri ng pamumuhay doon. Handa ka na ba?” tanong ni Seres.
Tumango si Yue at ngumiti, “Handa na ako, excited na akong matutunan ang lahat ng ito.”
“Ang pinaka una mong dapat na matutunan ay ang pagsusuot ng damit. Ito ang pinakaimportante bagay sa ibabaw ng lupa. Ang isang tao ay hindi lumalakad ng nakahubo’t hubad. Katulad ng sinasabi ko sa iyo, ang ibang tao ay masama at malisyoso, madumi ang kanilang mga pag iisip, maaari ka nilang saktan o abusuhin kapag naglakad ka ng nakahubo o walang saplot sa katawan. Kaya’t importante ito sa lahat ng bagay,” ang panimula ni Seres at ipinakita niya kay Yue ang kanyang mga damit doon sa ibabaw ng lupa. Labis niya itong iningatan kaya’t hanggang ngayon ay maayos pa rin ang condition. Mabuti na lamang at may damit din ang kanyang ama sa kahon, ito ang kanyang ginamit.
“Kamukhang kamukha ka ng iyong ama, ganyang ganya ang itsura niya kapag siya ay nakadamit,” ang nakangiting wika ni Seres.
“Talaga inay? Sana ay magkita kami ni ama sa itaas ng lupa,” ang sagot ni Yue.
Ito ang pinakaunang bagay na itinuro ni Seres kay Yue, ang tamang paraan ng pagsusuot ng damit. Ipinaliwanag rin niya sa binata na hindi siya maaaring magpakita ng hubad na katawan sa kahit na kanino doon sa ibabaw ng lupa dahil masama ito. Ang mga tao ay malisyoso at madumi ang pag iisip. Maaari siyang mapahamak kung gagawin niya ito.
Itinuro rin ni Seres kay Yue ang maayos na paglalakad gamit ang tsinelas. “Ito ay isinusuot sa paa upang maprotektahan ang ating talampakan mula sa matitigas at matutulis na bagay na maaari nating matapakan. Pinoprotektahan din nito ang ating mga paa sa init at lamig ng panahon, subukan mong lumakad na suot ang tsinelas,” dagdag ni Seres.
Lumakad si Yue suot ang damit at ang tsinelas. Mabilis itong natuto at ngayon ay para na siyang isang normal na lalaking nakatayo ng maayos. Sa kagwapuhan ni Yue ay nakatitiyak si Seres na pagkakaguluhan ito ng mga tao sa itaas ng lupa.
Napaka ekstra ordinaryon ng pisikal na anyo ng binata, ang kanyang mukha ay parang isang diyos na umahon sa karagatan. Makinis ang kanyang balat, maganda ang mata, ilong at labi. Bagay na bagay ito sa kanyang kulay itim na buhok.
Habang nakatayo si Yue sa dalampasigan at hinahangin ang kanyang kasuotan ay hindi maiwasang mapaluha si Seres dahil kahawig na kahawig niya ang kanyang mga magulang. At kung nabubuhay pa ang kanyang ina ay tiyak na matutuwa ito kapag nakita ang kagwapuhang taglay ng kanyang kaisa isang anak.
Sa paglipas ng mga araw ay nagtuloy tuloy pa rin ang pagtuturo ni Seres ng kaalaman kay Yue, ngayon ay itinuturo niya dito ang tamang paglilinis sa kaniyang katawan. “Dahil wala ka na sa karagatan ay makakaramdam ka ng init at pagpapawis sa ibabaw ng lupa. Ang bawis ay nakakabaho ng katawan kinakailangan mong maglinis at maligo. Kailangan mo rin matuto ng mga pribadong gawain katulad ng pagdumi at pag ihi ng maayos,” dagdag pa niya.
Dumaan si Yue sa intensive training, lahat ng ituro ng kanyang ina ay maigi niyang tinatandaan. Hindi nila alam kung anong klaseng misyon ang ipapagawa sa kanya ngunit mas mabuti na yung may kaunting kaalaman tungkol uri ng pamumuhay ng mga tao sa lupa, at upang hindi siya matulad sa mga sirena na umakyat sa ibabaw ng lupa na walang alam sa buhay.
“At isang mahalagang bagay pa ang dapat mong malaman, Yue,” ang wika ni Seres, habang pareho silang nakaupo sa dalampasigan at nagpapahangin.
“Ano iyon, inay?“tanong ni Yue.
“Nais kong malaman mo na sa araw ay maaari kang magkaroon ng mga paa. Hindi ito mawawala kahit na mabasa pa iyong mga paa. Ngunit sa pagsapit ng paglubog ng araw sa kalangitan ay kailangan mong bumalik sa dagat dahil muling magbabalik ang iyong buntot,” ang paalala ni Seres.
“Kung ganoon ay hindi pala permanente ang ating mga paa?“tanong ni Yue.
Umiling si Seres, “hindi, kaya nga ako nahuli diba? Halos ilang taon rin akong tumatakbo pabalik sa karagatan kapag sumasapit ang sunset. Mahirap maabutan ng pagiging sirena sa ibabaw ng lupa dahil tiyak na papatayin ka ng mga tao. Nakita mo naman siguro kung gaano ka nais hulihin ng mga mangingisda,” paliwanag ni Seres.
Nag patuloy ang tanong ni Yue, “Bakit ba nila tayo hinuhuli? Ano bang kasalanan natin sa kanila?”
Napabuntong hininga si Seres, “Dahil ang ating mga buntot ay katumbas ng isang malaking kayaman. Ito ang dahilan kaya’t hinahanap at hinuhuli nila tayo. Yue, mag iingat ka doon sa ibabaw ng lupa dahil ang mga tao doon ay masama pa kaysa sa iyong inaasahan.
Part 8: Mission
Part 8: Mission
“Alam kong ang ibabaw ng lupa ay masyadong malawak para mahanap ang aking ama. Pero hindi ito nangangahulugan na susuko ako. Sa tingin ko ay magiging komplikado na ang lahat mula dito,” bulong ni Yue habang nakatingin ito sa karagatan.
Tumingin sa kanya si Seres, “Yue, minsan ay hindi nagiging mabait sa atin ang buhay. Ang buhay ay maihahalintulad rin sa mga alon ng karagatan. Tumaas ito at bumababa na ang ibig sabihin ay walang permanente sa buhay. Sa isang iglap ang lahat ay maaaring magbago,“paliwanag niya, nagbitiw ng simple ngiti.
“Katulad ng buhay ko, minsan ay masaya at kung minsan naman ay sobrang lungkot. Marahil ito ang dahil kaya walang perfect araw. Dahil kung ang bawat araw sa ating buhay ay perpekto na, hindi na gagawa ang Diyos ng bukas” tugon ni Yue, tumabi siya sa kanyang ina at saka humiga sa hita nito.
Sabay nilang pinagmasdan ng magandang paglubog ng araw sa kalangitan.
Mabilis lumipas ang mga araw hanggang sa sumapit ito sa takdang araw na ibibigay na kay Yue ang kanyang misyon. Noong araw ding iyon ay nagkaisa ang mga elder Mermaid na ipaliwanag ang mga bagay na dapat niyang gawin.
“Yuelo, nais kong malaman mo na ibibigay namin sa iyo ang misyon dahil alam namin ikaw lamang ang pinaka may kakayahan na isagawa ito. Ikaw lamang ang may kakayahang lumaban sa mga tao katulad ng ginawa mong pagpaparusa sa mga mangingisdang nang aabuso sa karagatan. Batid namin na ikaw ay may sapat na lakas at tapang para tumayo sa iyong paa at maglakbay doon sa itaas ng lupa,” ang paliwanag ng mga matatandang mermaid guides.
“Kung ganoon, ano ba ang aking misyon? Ano ba ang mga bagay na dapat kong gawin?” tanong ni Yue, hindi niya maiwasang malito.
“Una sa lahat ay narito ang tatak ng tangke na nagsabog ng lason sa ating tahanang Liquara. Ito ang pumatay sa libo libong lamang dagat kabilang na ang ilan sa ating mga kalahi. Nakasulat sa tangke ng langis ang salitang “Guerrero”.
“At ayon sa mga kalahi nating mga sirena na naka base sa itaas ng lupa ay pag aari ng isang mayamang negosyante na si Ryou Guerrero ang mga barkong nagtapon ng lason sa ating tahanan. Siya ang dapat managot sa trahedyang ito,” paliwanag ng mga elder mermaids.
“Nauunawaan ko,” simpleng sagot ni Yue.
“At ang iyong misyon ay PATAYIN si Ryou Guerrero! Buhay ang kanyang inutang kaya’t buhay rin ang kabayaran!” Kailangan mo siyang patayin upang maipagahiganti ang ating mga kalahi at mahal sa buhay na kanyang napatay!“ ang galit na salita ng elder mermaid.
“Pero elders, si Yue ay hindi isang mamamatay tao! Bakit kailangan siya ang gumawa ng ganitong bagay?” pagtutol ni Seres.
“Nasabi ko na ang dahilan kung bakit at ayoko nang paulit ulit. Gagawin ni Yuelo ang misyon at ito ang tinitakda para sa kanya!” sagot ng mga elders.
“Pero, wala akong karanasan sa pagpatay ng tao,” sagot din ni Yue.
“Nagpapatawa ka ba Yuelo? Wala kang karanasan sa pagpatay ng tao? Hindi ba’t ilang mga mangingisda na ang pinatay mo at ilang mga inosenteng tao ang nadamay noong palubugin mo sa tubig ang isla ng mga mangingisda? Huwag mo kaming artehan na parang isa kang maamong tupa.”
Tawanan silang lahat!
Samantalang napahiya naman si Yue sa kanyang sarili. “Pero ang sitwasyon na nais niyo ay magkaiba.”
“Magkaiba? Sa tingin ko ay walang pinagkaiba iyon dahil pareho lamang pagpatay ang sentro ng gawain. Siguro naman ay mas madaling pumatay ng isang tao kaysa sa pumatay ng isang buong isla. Tama ba? Yuelo?”
Natahimik si Yue at hindi na nakasagot pa. Alam ng lahat na kapag gumawa ng desisyon ang matatandang mermaid ay hindi na ito nababago pa. At walang magagawa si Yue kundi ang sumunod at ihanda ang kanyang sarili. Umiiyak pa rin si Seres noong mga oras na iyon ngunit ang mga luha ay bale wala dahil ang sitwasyon na hindi na mababago pa ng pag iyak.
“Sasama ako sa iyo sa itaas ng lupa, gusto mo bang mamuhay na lang tayo doon ng magkasama?” tanong ni Seres.
“Inay, mas ligtas sa lugar na ito. Hindi ko makakaya na dalawa pa tayong malalagay sa panganiba ang buhay doon sa itaas,” Pagtanggi ni Yue. He was thinking na mas magiging maayos ang buhay kanyang ina dito kaysa doon sa ibabaw ng lupa. Siguro ay kaya na niyang i-handle ng maayos ang kanyang sarili.
Noong una ang akala ni Seres na simple misyon lamang ang ipapagawa kay Yue katulad ng mga ipinapagawang misyon sa ibang mga sirena na umaakyat sa lupa. Karaniwan sa kanila ay nag aaral lamang bumasa o sumulat, nag t-trabaho at nakikisalamuha ng normal sa mga tao.
Kaya ganoon na lang ang kanyang pagkabigla noong malaman na ang major mission ni Yue ay ang patayin o I-assassinate ang may ari ng pinakamalaking oil company sa lupa na si Ryou Guerrero.
Kahit tutol siya at ayaw niyang pumayag ay wala siyang nagawa dahil si Yue na mismo ang nagdesisyon na gawin ang misyon para ikatatahimik ng lahat. Habang nandito si Yue sa Tsunaria ay paulit ulit lamang siya bubulabugin ng mga matatandang sirena para isagawa ang misyon.
“Yue, kung talagang desidido ka na at hindi na kita mapipigilan ay nais kong dalhin mo ito,” wika ni Seres, ibinigay niya kay Yue ang isang uri ng kabibe, kulay berde ito.
“Ano ito, inay?” tanong ni Yue.
“Hanapin mo si Marine, kaibigan namin siya ng iyong ina. Ibigay mo sa kanya ang kabibeng ito at alam na niya ang dapat gawin,“paliwanag ng kanyang ina.
“Pero, paano ko matatagpuan si Marine? Masyadong malawak ang ibabaw ng lupa?” tanong ni Yue na may pagkalito.
“Don’t worry, kapag nakatungtong ka na sa lupa, ang kabibe mismo ang magdadala sa iyo kay Marine. At mayroon akong isa pang hiling sa iyo,” dagdag ni Seres.
“Ano iyon, inay?”
“Yue, pakiusap ingatan mo ang iyong sarili. Hindi magiging madali ang pagtungtong mo sa lupa, may mga araw na makakaramdam ka ng takot at pangamba, may mga gabi na makakaramdam ka ng lungkot. Ngunit nais kong malaman mo na nandito lamang ako para sa iyo. Kapag bumalik ka dito sa karagatan ay naghihintay lamang ako sa iyo,” wika ni Seres, at nagsimula na siyang lumuha.
Noong mga sandaling iyon ay walang nagawa si Yue kundi yakapin ang kanyang ina. They are not related by blood ngunit pinagbibigkis naman sila ng kanilang mga puso. Mahal na mahal si Seres si Yue dahil silang dalawa na lamang ang magkasama sa buhay.
Natatakot siya para sa binata dahil alam niyang hindi madali ang buhay doon sa ibabaw ng lupa.
Pero ang twist of fate ay hindi matatakasan at mga nakatakdang maganap ang siyang mangyayari.
Ilang araw ang lumipas at dumating ang araw na si Yue ay aakyat sa highland, dala niya ang lahat ng itinuro sa kanya ni Seres. Naging emosyonal ang dalawa habang nagpapaalam sa isa’t isa. Gayon pa man ay nangako si Yue na iingatan ang kanyang sarili at babalik na dala ang tagumpay sa kanyang misyon.
Isang mahigpit na yakap ang huli niyang iginawad kay Seres bago siya tuluyang lumangoy palabas ng Tsunaria. “Ingatan of ang sarili mo Yuelo!” ang sigaw ng kanyang ina habang pinagmamasdan siyang lumangoy palayo.
“Umasa ka ina! Mahal na mahal kita!!” ang sagot ni Yue at kumaway pa ito saka lumangoy ng mabilis.
Nagliliwanag ang kanyang pilak na buntot na gumuguhit sa karagatan. Noong mga sandaling iyon ay halo halo ang emosyong naramdaman niya dahil hind niya alam kung ano ang hihintay kanyang pag akyat doon sa high land.
Part 9: A New Day
Part 9: A New Day
Malakas ang tibok ng puso ni Yue noong unang beses siyang umahon sa lupa. Agad siyang nagsuot ng damit at ginawa ang lahat ng mga bagay na itinuro sa kanya ng inang si Seres.
Inakala niya na magiging malaking challenge ang hanapin si Marine, ang kaibigan ng kanyang ina. Ngunit hindi niya inaasahan na nakaabang na pala ito sa pampang ng karagatan na tila pa alam na niya na may darating siya panauhin.
“Naramdaman ko ang enerhiya ng mahiwagang kabibe kaya’t agad ko itong pinuntahan. Ang akala ko ay si Seres ang makikita kong may hawak nito,” ang nakangiti niyang salita.
“Ako si Yuelo, ako ang anak ni Seres,” ang pagpapakilala ko.
“Alam ko, madalas kang naikukuwento sa akin ni Seres kapag nagkikita kami sa ilalim ng dagat. At sinabi niya sa akin noon na kapag ikaw ay nagdesisyon na umakyat dito sa lupa ay tulungan kitang makapag-adjust sa bago mong kapaligiran. So here I am! Ako ang magiging gabay mo dito sa magulong mundong ito,” ang nakangiti niyang sagot.
Noong mga sandaling iyon ay nawala ang kabang nararamdaman ni Yue dahil alam niyang tutulungan siya ni Marine ng mga bagay dapat niyang laman dito sa high land.
Tama nga sila, masyado itong malawak, maraming tao at magulo ang paligid. Maingay din at abala ang mga tao sa kanilang mga gawain. At higit sa lahat, ay dito rin niya napagtanto na ang mga tao pala ay walang pinagkaiba sa mga sirena na nagkakaroon ng mga paa. Kaya naman pala mahirap malaman kung sino ang sirena at kung sino ang tunay na tao sa lugar na ito.
Kinupkop ni Marine si Yue sa kanyang tirahan. Dahil madalas siyang nag iisa ay masaya siya na makasama ang binata dito sa kanyang maliit na bahay. “Mag isa ka lang dito? Paano ka nabubuhay sa ganitong lugar?” tanong ni Yue sa kanya.
“Nakasanayan ko na lamang, alam mo bata pa lang ako ay pangarap ko na maniharan dito sa lupa. Kaya naman sabay kaming nagtungo ni Seres dito upang subukang mamuhay. Noong mabigo si Seres sa pag ibig ay bumalik siya sa karagatan at ako naman ay nanatili na lamang dito sa lupa upang ipag patuloy ang buhay,” paliwanag ni Marine.
Nakasunod lamang sa kanya si Yue, “mahirap ba ang mamuhay dito sa lupa?” makulit na tanong ng binata.
“Sa tingin ko ay hindi naman mahirap as long as madiskarte ka. Dito ko nagagawa ang mga bagay na gusto katulad ng mga pinta ng mga larawan at mag desenyo ng mga paso. Huwag kang mag-alala dahil ituturo ko sa iyo ang lahat ng ito,” wika ni Marine habang nakangiti.
Hindi maitago ni Marine ang saya noong mga sandaling iyon. Agad niyang ipinakilala si Yue sa kanyang mga kaibigan bilang isang pamangkin na nagbabakasyon dito sa tabing dagat. Samantalang si Yue naman ay patuloy lang sa pagtingin sa kanyang paligid dahil ang lahat ay bago sa kanyang mga mata. Nakakapanibago rin ang magandang sikat ng araw. Masarap ito sa balat at nagbibigay sa kanyang ng masarap na pakiramdam.
“Natutuwa ako dahil tinuruan ka ni Seres ng mga bagay na dapat mong gawin dito sa itaas ng lupa. Kumusta pala ang unang beses na tumayo ka gamit ang iyong mga bagong paa? Masakit ba?” tanong ni Marine.
“Oo, masyadong masakit ang unang beses na humakbang ako gamit ang aming mga paa, pero worth it naman dahil mas madali ang maglakad kaysa lumangoy,” tugon ni Yue habang nakangiti.
Natawa si Marine, “Nakaka relate ako sa pakiramdam, pero sa pagsapit ng dilim kay kailangan nating magtago dahil ang ating mga buntot ay lalabas muli. Delikado kapag nalaman ng mga tao na isa tayong sirena, tiyak na gagawin nila ang lahat para hulihin tayo.”
“Nauunawaan ko tiya, iyan ang bilhin sa akin ng aking ina. Ang mga tao ay malulupit at inaabuso nila ang karagatan kabilang na ang mga naninirahan dito,” sagot ni Yue.
“Well ang pamumuhay dito sa lupa ay hindi rin ganoon kadali. Iyon marahil ang dahilan kaya’t gumagawa ang mga mangingisda at ibang tao ng mga ilegal na bagay,” ang sagot ni Marine.
Maraming ikinuwento si Yue na mga ganapan sa ilalim ng karagatan. Kabilang na rito ang pamumulot niya ng mga magagandang gamit na nahuhulog sa ilalim ng karagatan mula dito sa itaas ng lupa. Naisalaysay rin niya ng detalye ang nangyaring pagkasira ng kanilang tahanang Liquara dahil sa pagkalat ng isang oil tank na naglalaman ng mataas na uri ng lason.
Bumakas ang mukha ni Marine ang lungkot dahil sa kanyang narinig. Ang Liquara ay matagal na nilang tahanan kaya’t hindi siya makapaniwalang nasira na ito. At mas lalo siyang nabigla noong sabihin ni Yue ang kanyang misyon. Hindi siya makapaniwala na nagpadala ang mga eleder mermaids ng isang baguhang assassin sa lupa.
“Talaga? Hindi ka naman mukhang assassin? Anong plano mo ngayon?” tanong niya kay Yue.
“Wala naman akong pamimilian kundi ang ituloy ang misyon. Umaasa ang mga kalahi natin na mabibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng maraming sirena sa ating nasasakupan,” sagot ni Yue, halata sa kanyang mukha na walang ideya kung paano isasagawa ang misyon.
“Oo, naunawaan ko. Kapag gumawa ng desisyon ang mga elder ay wala tayong magagawa kundi ang sundin ito. Dahil ang paglabag sa kanilang nais ay parang paglabag na rin sa ating buong lahi,” dagdag ni Marine.
Pareho silang napabuntong hininga..
Tahimik..
“Ang unang hakbang na maaari mong gawin ay ang mag spy, kailangan mong kilalanin ang iyong target upang magawa mo ng maayos ang iyong misyon. Kilala ko si Ryou Guerrero, isa itong mayamang bilyonaryo doon sa siyudad. At ang mayayamang businessman doon ay mahilig sa mga paintings. May ilan na akong artwork na naibenta sa kanila,” paliwang ni Marine.
“Ano ang gagawin ko?” tanong ni Yue.
“Hindi ko kilala si Ryou Guerrero ng personal pero siya ay popular dahil isa siyang sikat na businessman. Gwapo siya at maraming babae ang naattract sa kanya. Ang alam ko lang ay mahilig si Ryou Guerrero mangulekta ng mga weird na paintings, yung mga abstract at kakaiba ang mga designs. Maaari mo itong gamitin upang mapalapit sa kanya,” ang nakangiting sagot ni Marine.
“Paano naman ako makakapag painting? Hindi naman ako marunong nito?”
Natawa si Marine, “Don’t worry, ako ang magtuturo sa iyo ng bagay na dapat mong malaman dito sa lupa. Para saan pa at naging mag best friend kami ni Seres at ng iyong ina? Halika nga dito at susuklayin ko ang buhok mo. Puro buhangin pa ito!” ang dagdag ni Marine.
“Lahat naman ng mga mermaid ay maganda, diba tiya?” tanong ni Yue.
“Totoo! Iyan ang mga bagay na mahirap ideny. Katulad mo, tiyak na maraming mga taga rito ang mahuhumaling sa kagwapuhan mong taglay,” sagot ni Mairne.
“Sa palagay mo ba ay magiging masaya ako dito sa ibabaw ng lupa?” tanong ulit ni Yue.
“Yue, ang kaligayahan ay nakadepende sa iyo. Tayong mga sirena ay madaling nakakapag adjust sa ating paligid. Matatalino tayo at madaling natututo ng mga bagay na ngayon pa lamang natin gagawin. Sa ilang taon kong pananatili sa lugar ito, napatunayan kong mas matatalino ang mga mermaid kaysa sa mga normal na tao dahil mabilis tayong maka adpot sa ating kapaligiran,” paliwanag ni Marine
“Tapos na!” dagdag pa niya
Sinuklay niya ng maigi ang buhok ni Yue. “Mas bagay sa iyo yung nakabagsak na buhok,mas mukha kang heart throb at artista sa telebisyon. Kailangan kitang alagaan dahil siguradong maraming magkakagusto sa iyo dito sa high ground.”
Humarap si Yue sa salamin at napangiti siya. Ito ang unang pagkakataon na may nag ayos sa kanyang buhok at nagustuhan niya ito. Mas naging clear ang kanyang mukha at mas umaliwalas ito.
KINABUKASAN..
Nagsimula na si Marine na ituro kay Yue ang mga bagay na dapat niyang malaman, katulad ng pag inom ng tubig gamit ang baso, ang pagkain sa plato at ang tamang pag aayos ng kanyang sarili. Tinuruan din siya kung paano matulog ng nakahiga at paano pakisamahan at batiin ang tao sa kanyang paligid.
“Ngumiti ka lang ay sapat na iyon para mapaganda ang kanilang araw. Maaari mo silang kausapin ngunit dapat ay maging magalang ka lalo na sa mga matatanda. Walang pinakaiba ang mga sirena sa mga normal na tao pagdating sa pakikipag usap. Lagi mo silang ngingitian dahil ito ay nagbibigay ng positive energy. PERO huwag kang ngingiti mag isa dahil baka mapagkalaman kang mentally retarded,” ang biro ni Marine habang lumalakad sila galing sa market.
Suot ni Yue ang isang putting t-shirt at kanyang kagwapuhan ay talagang madaling napapansin ng mga tao sa kanyang paligid. Para siyang isang diyos naglalakad habang hawak ang basket ng gulay na pinamili.
Ang mga lalaki at babae sa paligid ay natutulala at napapatitig na lamang sa kanyang gwapong mukha..
Bagamat hindi naging madali kay Yue ang mga unang araw sa ibabaw ng lupa ay ginawa naman niya ang best niya para makasabay sa magulong agos ng pamumuhay dito. Madalas siyang nagkakamali ngunit ito ay parte ng kanyang pag aadjust sa buhay ng isang normal na tao. Ngayon ay para siyang nakatira sa ibang mundo.
Sa isang malawak na lupain kung saan siya ay isang istranghero at walang malinaw na direksyon sa buhay.
Part 10: City
Part 10: City
Tuloy pa rin ang training ni Yue sa ilalim Marine. Ang mga sirena ay espesyal at matatalino, madali silang nakaka adapt sa mga bagay sa kanilang paligid. Kaya naman kahit ilang araw pa lamang si Yue ay alam niya kung paano kumilos ng normal katulad ng mga tao sa kanyang paligid. Alam na niya kung paano maki “blend in” at ngayon ay hindi na siyang parang isang inosenteng bata na iniwan ng kanyang mga magulang sa palaruan.
“Yue, katulad ng sinabi ko sa iyo, ang pinaka madaling paraan para makalapit ka sa mayayamang tao ay ang paggawa ng artworks. Ngayon ay tutulungan kita kung paano ginagawa ang painting,” ang sabi ni Marine habang nakangiti.
Napatingin si Yue sa mga paintings na ginagawa nito, “Tiya, hindi ko kaya ang ganyan. Wala naman akong talento sa paggawa ng imahe.”
“Subukan mong gumuhit ng isang simpleng imahe saka mo ito lagyan ng kulay,” ang mungkahi ni Marine.
At iyon ang sinunod ni Yue, ang unang imahe na kanyang unang ginawa ay ang larawan ng buwan na kumikinang sa madilim na gabi. Ito ang mga bagay na hinahanap hanap niya magbuhat noong makarating sa lugar na ito.
Dito nagsimula ang painting lesson ni Yue. Dahil si Ryou ay mahilig sa mga painting ay ito ang gagamitin niyang paraan para mapalapit sa binata at upang maisagawa ng matagumpay ang kanyang misyon. He was also planning na gamitin ang kanyang charm and charisma para mapalapit dito. Iyon nga lang ay hindi pa niya alam kung paano ito ginagamit.
“Madali ka naman pala matuto, tingnan mo ang husay mo na agad mag kulay. Sa tingin ko mga ilang araw lang ay matatapos mo na ang unang master piece mo,” wika ni Marine habang nakatingin sa art work. Habang pinagmamasdan niya ang painting ni Yue ay nafigure-out niya na ito pala ay isang merman naka upo sa batuhan habang nakatingala sa buwan.
“Anong inspirasyon mo para idrawing ang ganyang ka-artistic na imahe?” tanong niya.
.
Nagbitiw ng ngiti si Yue, “ito ay ako, nagdadasal sa buwan na sana ay maging maayos ang lahat.”
“Syempre naman, magiging maayos rin ang lahat,” ang sagot ni Marine, pero ang totoo ay naaawa siya kay Yue dahil hindi akma sa kanyang edad at sa kanyang personalidad ang maging mamamatay tao. At isa pa ay duda siya kung magagawa niya ito dahil si Ryou Guerrero ay isang makapangyarihang na tao.
Hands on si Marine sa pagtraining kay Yue, sa paglipas ng araw ay nagdesisyon siya na dalhin ang binata sa center ng city kung saan naroroon ang malalaking company at building ng mga Guerrero. Gusto lamang niyang makilala ni Yue ang kanyang target upang mapag isipan niyang mabuti kung anong strategy ang gagawin niya para iassassinate ito. Bagamat tila imposible nga itong gawin lalo’t maliit ang chance na makalapit kay Ryou.
“Iyan siya, iyan si Ryou Guerrero. Yung lalaking nakasuot ng black suit and tie, siya matangkad, gwapo at makapangyarihan. Nakita mo ba kung gaano karaming mga security ang nakapalibot sa kanya? Hanggang may mga security sa kanyang paligid ay maliit ang tiyansa na makalapit ka sa kanya,” bulong ni Marine.
“Kung ganoon ay gagawa ako ng paraan para makalapit sa kanya. Lahat ng makapangyarihan na nilalang ay may kahinaan ring itinatago. Ang kailangan ko lang ay malaman kung ano ito,” ang sagot ni Yue.
“Ang tanging paraan para maging malapit sa kanya ay ang makipagkaibigan ka sa kanya o kaya ay gamitin mo ang charm and charisma mo para magustuhan ka niya. Kung plano mong patayin si Ryou ng face to face ay hindi mo magagawa ito. Napaka imposible dahil protektado si Ryou ng kanyang mga security guards,” Paliwanag ni Marine.
Somehow ay nakuha ni Yue ang point ni Marine. At nakuha na rin niya ang reason kung bakit siya dinala dito sa magulong siyudad. Kakaiba ang parteng ito ng lupa, masyadong maraming tao ang nasa paligid, malalaki ang mga gusali, maingay at magulo.
Para kay Yue, ito na yata ang pinaka nakakatakot na parte ng lupa dahil hindi ito mapayapa katulad ng mga lugar sa tabi ng karagatan na tanging tunog ng alon lamang ang maririnig sa buong paligid. Ang siyudad ay kakaiba, parang kang nasa ibang mundo.
“Narealize mo ba kung gaano kahirap ang ibinigay sa iyong misyon? Hindi ito biro at lalong hindi ito isang laro. Commonly, ang ibinibigay lang na misyon sa mga mermaid ay ang pag-aral ang pamumuhay ng mga tao, mula sa pagbabasa, pagsusulat at pag gamit ng mga bagay na dito lamang sa lupa matatagpuan. Sa buong buhay ko, ito yata ang unang pagkakataon na naka encounter ako ng isang mermaid na ang misyon ay mag assassinate ng isang makapangyarihang tao. Sa tingin ko ay matatagalan ka bago mo maisagawa ang misyong ito,” wika ni Marine habang napapabuntong hininga.
“Nauunawaan ko, sa tingin ko ay kailangan kong paghandaang mabuti ang bawat kilos nagagawin ko,” tugon ni Yue.
“Tama, dahil isang maling kilos ay mapapahamak ka. Ang misyon mo ay mapanganib at nakataya ang buhay mo dito kaya’t kailangan mong mag ingat,” dagdag ni Marine, hinawakan niya ang kamay ni Yue at nagdesisyon na ilayo muna ang binata sa siyudad dahil hindi pa ito masyadong sanay sa ingay ng paligid.
Dumaan ang mga araw, itinuloy na lang ni Yue ang kanyang ginagawang painting at nagpplano siyang dalhin ito sa art gallery upang ibenta. Ito din ang naisip niyang magiging ticket upang makalapit sa mga businessman kabilang na si Ryou Guerrero. Tinandaan niyang mabuti ang itsura ng lalaki upang hindi niya ito makalimutan.
Noong matapos ang painting ay nagulat si Marine dahil maganda ang ginawa niya para sa isang first timer. Hindi niya alam na may hidden talent pala si Yue sa pagpipinta ng larawan dahil mabilis itong natuto. Maganda rin ang ginamit na color combination sa buntot ng mermaid sa painting dahil nagliliwanag ito sa tuwing tinatamaan ng ilaw. Talagang nakakabilib si Yue, no wonder kung bakit siya ang ipinadala sa ganitong kabigat na misyon.
“Tiya, tingnan mo ito, habang naglalakad ako pabalik dito sa bahay ay may nakita akong humintong sasakyan doon sa kalsada at itinapon niya sa basurahan ang mga gamit na ito,” ang excited na salita ni Yue. Inilapag niya ang plastic sa harapan ni Marine at binuksan ito.
Ito ay naglalaman ng mga damit at mga sapatos na panlalaki. Maayos pa naman ang mga ito, kaunting laba lamang ay mapapakinabangan pa.
Natawa si Marine, “Yue, ganyan talaga dito. Yung mga mayayamang tao ay itinatapon lamang ang mga damit na hindi na nila ginagamit. Para makuha ito ng iba at mapakinabangan pa. Don’t worry lilinisin ko ang mga ito para maisuot mo.”
Masaya si Marine noong mga sandaling iyon. Yue is truly exceptional. Ilang days pa lang siya dito sa lupa pero madali na niyang natutunan ang uri ng pamumuhay. Pati ang mga lugar ay halos kabisado na rin niyang puntahan. Alam na rin niya kung paano makipag usap sa mga tao sa kanyang paligid na parang isang tunay at normal na tao. Handa na si Yue at kaunting guidance na lamang ang kanyang kailagan.
ONE MONTH LATER
Matagumpay na naidisplay ang painting ni Yue sa Historica Art Gallery, isa sa pinakamalaking art gallery sa buong siyudad.
Isa ang kanyang painting sa napili para idisplay sa “fantasy category” kasama ang iba pang artwork na may mga design na fairies, monsters, unicorn, vampires at iba pa.
Nagtungo si Yue sa exhibit suot ang kakaibang combination ng damit na kanyang napulot sa basurahan. Namili rin siya ng sapatos na maganda ang desenyo. Wala siyang alam sa fashion kaya’t kahit weird ang kanyang datingan ay okay lang sa kanya.
Hindi rin niya alam na ang sapatos ay magkapares na isinusuot. Kaya ang kinuha niya ay dalawang magkaibang kulay sapatos at hindi magkapares.
Ngayon, si Yue ay nakasuot ng weird na damit na hindi akma ang color combination. At suot rin niya ang sapatos na hindi magkapares.
Pagdating niya sa loob ng art gallery ay agad niyang hinanap si Ryou Guerrero. Sigurado siyang nandito ang binata dahil nakita na niya ang pangalan nito sa VIP guest. At dahil painting niya ang isa sa mga exhibit ay madali siyang makakalapit sa mga businessman para imarket ang kanya artwork.
That moment, si Ryou Guerrero ay nasa loob na rin ng building at nagsisimula na itong tumingin ng paintings para sa kanyang bagong design na office.
Naghahanap ang binata ng kakaibang painting, isang artwork na mayroong ipinababatid na mensahe. At sa hundreds ng painting na nasa kanyang paligid ay nakapukaw sa kanyang attention ang isang artwork na weird at kakaiba ang style.
Ito ay ang painting si Yue na parang tinatawag siya at iniimbitahan siyang lumapit..
“Halika.. Ryou, lumapit ka at pagmasdan mo ako,” ito ang boses na naririnig niya habang nakatingin sa painting ni Yue.
Natauhan ang binata, agad siyang lumapit sa painting at pinagmasdan ito.
Hinawakan rin niya ang buntot ng sirena sa painting dahil talagang kumikinang ito sa tuwing tinatamaan ng liwanag. Maraming well excuted na fantasy themed painting sa paligid pero ang isang ito ang pinaka weird sa lahat.
Noong mga sandaling iyon ay nakatingin lamang sa kanya si Yue. Nagtagumpay ang binata na makuha ang atensyon ng bilyonaryo.
Huminga siya ng malalim at nagpasyang lapitan si Ryou habang nakatitig sa kanyang painting.
“Hi, naniniwala ka ba sa merman?” ang tanong niya ang habang nakangiti.
Tumingin sa kanya si Ryou..
Ito ang unang pagkakataon na silang dalawa ay nagkita. Wala silang kamalay malay na noong mga sandaling iyon ay nagsimula na ring magbago ang takbo ng kanilang mga buhay..
Part 11: Jihan’s Rival
Part 11: Jihan’s Rival
“Okay ka lang ba? Are you serious? Bakit binili mo itong weird na painting na ito doon sa lalaking iyon?” tanong ni Jihan habang pinagmamasdan ang painting na binili ni Ryou kay Yue.
“Weird ang painting dahil silver ang buntot ng mermaid at masyado itong malungkot kapag pinagmasdan. Teka, ano bang alam mo sa art appreciation?” tanong ni Ryou sa kanya.
“May alam ako sa art dahil isa akong fashion designer. At ako rin ang nagdedesign ng marketing lay out ng mga posters at print ads ng cosmetic products namin,” ang sagot ni Jihan.
Natawa si Ryou, “magkaiba ang fashion designing sa pagpipinta ng artwork. Teka nga, ano bang ginagawa mo dito? Akala ko ba ay nasa fashion event ka ngayon?”
“Hindi ako umattend because I’m bored, terribly, helplessly bored,” sagot ni Jihan.
Umupo siya sa tabi ni Ryou at marahang gumalaw ang kanyang kamay sa matipunong dibdib nito. “Parang gusto kitang makayakap ngayon,” ang wika ni Jihan habang namumungay ang mata.
“Ano bang sinasabi mo? Bakit hindi ka na lang matulog sa inyo? O kaya ay subukan mong mag painting para maidisplay ko dito yung artwork mo, what do you think?” tanong ni Ryou.
Tumingin sa kanya si Jihan at sinimulan siyang akitin nito, “Forget about painting! Forget about everything! Choose me! Marry me and let me make you happy.”
“Ano bang sinasabi mo? Are you okay?” tanong ni Ryou.
“Inaakit kita, hindi ka ba talaga tinatablan? Hindi ka ba nagagwapuhan at nasesexihan sa akin? Hindi ba ako mukhang hot sa paningin mo?” naiinis na tanong ni Jihan.
“Gwapo ka at matalino, elegante at may class kung kumilos. Kahit sino namang tao ay mahuhumaling sa iyo,” ang sagot ni Ryou.
Tumaas ang kilay ni Jihan, “Talaga lang ha, balita ko nagpunta dito yung lalaking nagpinta ng panget na artwork na iyan. Siguro may gusto ko sa kanya kaya kahit sobrang pangit ng painting niya binili mo pa rin?”
“Nagpunta siya dito dahil binayaran ko yung painting niya. At hindi ko siya gusto kaya itigil mo na ang pangbibintang sa akin. At isa pa, yung painting niya ay hindi pangit, weird lang ito pero hindi pangit,” ang sagot ni Ryou.
Habang nasa ganoong posisyon sila ay dumating ang assistant ni Ryou sa kanyang office, “The conference room is ready,” ang wika nito.
“Okay, susunod na ako,” ang sagot ni Ryou, tumayo ito at inayos ang kanyang damit na suot. Tumingin siya kay Jihan at ngumiti, “mag usap tayo mamaya, see you around,” dagdag nitp.
Lumabas si Ryou sa opisina at naiwang mag-isa dito si Jihan na nakaupo sa malambot na sofa. Mainit ang kanyang ulo dahil ramdam niyang parang iniiwasan siya ni Ryou. Gustong gusto niya ang binata at gagawin niya ang lahat para silang dalawa ay magkatuluyan. Hindi siya papayag na mayroong ibang tao maka-agaw sa kanyang atensyon.
Tahimik.
Marahang tumayo si Jihan at muli itong lumakad sa harapan ng painting ni Yue. Maigi niyang tinitigan ang merman na nakaguhit dito. Napatingin din siya sa silver tail na nag g-glow kapag tinatamaan ito ng liwanag.
“A silver tailed mermaid, very interesting,” bulong niya, nagbitiw siya ng kakaibang ngiti.
Meanwhile, sa loob ng conference room ay tinalakay nila Ryou at ng ilang businessman ang tungkol sa nasirang ship ng mga langis noong nakaraang buwan.
Sumabog ang langis sa karagatan at maraming mga mangingisda ang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pagdumi ng tubig.
At dahil din sa pangyayaring iyon ay nalagay sa malaking kontrobersiya at problema ang Aquarius Maritime Tankers. Hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa rin nila kung ano ang naging pangunahing problema sa barkong ginamit sa pagdadala ng mga tanke at cargo vessels. Ilang buwan ring natigil ang kanilang operasyon at ngayon pinag aaral nila kung maaari na ba ulit nilang ituloy ang pag import at pag export ng langis mula sa ibang bansa.
Sa kabilang ng kontrobersiyang kinakaharap ay nanatiling matatag at kalmado si Ryou. Ang kanyang standing bilang isang mahusay at matagumpay na businessman ay stable na at hindi na kayang tibagin ng mga problema dumarating.
“Ibinaba na ng department of environment and natural resources ang penalty sa atin. Siguro maaari na nating ituloy ang operasyon. Bilyon na ang naluluge sa atin!” ang wika ng isang share holder. Ang Department of Environment and Natural Resources ay isang ahensiya sa bansa na nangangalaga sa karagatan, kagubatan, kabundukan at kabilang na ang mga likas na yaman.
Ang DENR din ang nag gawad ng penalty at nagpatigil ng opersyon ng Aquarius Maritime Tankers dahil sa pagkalat ng langis sa karagatan na pumatay ng maraming lamang dagat kabilang na ang pagkasira ng habitat ng mga mermaids.
“Siguro ay maaari na nating iresume ang operation sa mga susunod na linggo. Ngunit ako mismo ang mag c-check ng mga kargo. ilang beses ko nang sinabing bawal ang overloading pero hindi sila nakikinig sa akin,” ang sagot ni Ryou na hindi maitago ang galit.
“Mag assigned tayo sa mga taong mag c-check ng mga kargo upang maiwasan ang aksidente, ayoko ng mailagay sa news paper ang Aquarius!” ang sagot ng isang business partner.
Tuloy tuloy lang ang meeting nila Ryou sa conference room.
Samantala, sa labas ng gusali ay nagkasalubong si Jihan at si Yue.
Dala ni Yue ang isang basket na naglalaman ng mga pinatuyong pakpak ng flying fish at ngipin ng balyena. Matatandaan na ito ay request ni Ryou sa kanya noong huli silang magkita.
Suot ni Yue ang isang simpleng damit at tsinelas na hindi magkapares. Habang lumalakad siya ay hinahangin ang kanyang malambot na buhok at kitang kita ang kanyang napakagwapong mukha.
Ang mga nakakasalubong niya ay napapalingon dahil sa kanyang taglay na mala Diyos enerhiya. Ito ang mga bagay na hindi pinalagpas ni Jihan.
Lumapit siya kay Yue at tinanong ito. “Hindi ba ikaw yung artist sa likod ng painting na binili ni Ryou?” tanong ni Jihan, napatingin siya kay Yue at dito ay muli na naman siyang nagtaka.
“Bakit sobrang lambot naman ang kanyang buhok? Anong shampoo ba ang gamit niya? Model ba siya ng conditioner? Saka bakit sobrang ganda ng balat niya? Makinis ito at wala man lang dark spot, parang hindi siya naaarawan. Ano bang gamit niyang skin care? Sino kaya ang doctor na perform ng plastic surgery sa kanya?” ang tanong ni Jihan sa kanyang sarili. Sobrang confused na ito sa kanyang nakikita.
Ngumiti sa kanya si Yue, “ako nga, nandyan ba si Ryou? Gusto ko lang sa kanyang ibigay itong special request niya.”
“Ang ganda rin pala ng ngipin niya at yung suot niyang damit at napaka simple pero napaka elegante. Sino bang stylist niya? Sinasadya ba talaga niyang magsuot ng slipper na hindi magkapares para siya mapansin ni Ryou? Sino ba itong lalaking na ito? Halos mag kasing height din kami 5’10! Argh! Isa siyang threat! Huwag ko lang malalaman na inaakit niya si Ryou dahil itutumba ko siya right here, right now!” ang bulong ni Jihan sa kanyang sarili.
Ngumiti siya, “Wala si Ryou dito, nasa importanteng meeting siya. Wait, sinong doctor mo?” tanong niya kay Yue.
“Anong doctor? Anong sinasabi mo?” tanong ni Yue na may halong pagtataka.
“Yung pangalan ng doctor na nag iinject sa iyo ng whitening formula at yung nagretoke ng ilong mo?,” ang tanong ni Jihan.
“Ano bang sinasabi mo? Wala akong doctor at hindi naman ako nagpaparetoke ng katawan,” sagot ni Yue.
“Sinasabi mo ba sa akin na natural yang itsura mo?” taas kilay na tanong ni Jihan.
“Oo naman, sa aming mga.. ang ibig kong sabihin ay hindi uso sa amin ang ganoong gawain,” ang sagot ni Yue habang nakangiti.
Gwapo talaga si Jihan ngunit matinding effort ang inexert niya para marating ang ganitong antas ng looks. Gumagastos siya ng malaki para lang mapanatiling maganda ang kanyang katawan at physical features. Lahat ng darkspot sa kanyang katawan ay talagang pinapaalis niya agad. Pati nga butas ng kanyang pwet ay maganda rin para kapag natikman ito ng kanyang boyfriend ay mahuhumaling agad sa kanya!
Pero sa kabilang banda ay nakaka intimidate lamang na makita si Yue na walang effort sa katawan pero sobrang gwapo nito. Hindi na kailangan mag lagay ng foundation sa mukha dahil gwapo na siya kahit wala magic ng cosmetic products.
Habang nasa ganoong silang posisyon ay siya namang pagdating ni Ryou. Nagtataka siya kung ano ang pinag uusapan ng dalawa kaya naman agad siyang lumapit dito. “Anong mayroon?” tanong niya.
Ngumiti si Yue dahil kinawayan si Ryou, “dinala ko lang itong request mo.”
“Anong request?” tanong ni Ryou, at dito ay naalala niya yung biro niya kay Yue na magdala ng weird things katulad ng pakpak ng flying fish at ngipin ng balyena. Hindi niya akalain na seseryosohin ng weird na lalaking ito ang kanyang sinabi.
Natawa si Moa pero pinigil niya ang sarili, “gwapo pa naman ang lalaking ito, pero uto uto, madaling lokohin,” ang bulong niya sa kanyang sarili. Kinuha niya ang basket at nagpasalamat dito.
Natuwa si Yue dahil tila naappreciate ni Ryou ang kanyang ginagawa. Kailangan niyang mapalapit sa binata para maisagawa niya ang kanyang misyon. Ito ang pinakamahalaga sa lahat.
Nag ngitian ang dalawa at para bang nagkaroon ng connection sa pagitan nial.Samantalang si Jihan naman ay nakaramdam ng pagkainis kaya naman agad niyang hinila ni Ryou palayo kay Yue.
“Huwag ka ngang tumingin sa lalaking na iyan dahil kinukulam ka niya. Habang tinitingnan mo siya sa mata ay napapasailalim ka sa dark spell niya,” ang naiinis na salita ni Jihan.
“Ano bang sinasabi mo? By the way, salamat dito Yue,” ang nakangiting wika ni Ryou.
“Nagpasalamat na siya sa iyo kaya umalis ka na, your fairy tale moment is over! Wake up already, bitch!” ang sagot ni Jihan sabay hawak sa braso ni Ryou at inilayo niya ito kay Yue.
Lumakad ang dalawa papasok sa gusali. Samantalang nanatili si Yue na nakatayo sa kanyang kinalalagyan. Kinuha niya ang isang plastic straw sa kanyang bulsa at inilagay niya sa loob nito ang isang needle sting mula sa bobo fish.
Saka nilagay niya ito sa kanyang bibig ang straw. Huminga siya ng malalim at hinipan ang straw!
Limipad ang maliit na sting patungo sa direksyon nila Ryou.
“Papatayin kita, Ryou Guerrero!” ang bulong ni Yue sa kanyang sarili.
Part 12: The Call
Part 1
2
: The Call
Lumipad ang needle sting sa direksyon nila Ryou at tumusok ito sa likuran ni Jihan.
“Ouucchhh!” ang sigaw ni Jihan. Hindi naman talaga masakit pero of course kailangan niyang maging overacting para mag alala si Ryou sa kanya ng sobra.
“Anong nangyari? Are you okay?” tanong ni Ryou noong mapayakap sa kanya si Jihan.
“Parang may kung anong bagay ang tumusok sa likuran ko, ang sakit nito at parang mamamatay na ako,” ang sagot ni Jihan.
Tiningnan ni Ryou ang kanyang likuran at nakita niyang may mapulang pantal dito na parang kinagat lang ng langgam. “Siguro ay kinagat ka lang ng langgam sa likuran. “Iwasan mo kasing mag suot lang ng sando para hindi ka kinakagat ng insekto,” ang dagdag ni Ryou.
“Pero, mamamatay na ako, hindi ka man lang ba nag-aalala sa akin?” tanong ni Jihan.
“Ji, walang namamatay sa kagat ng langgam. Masyadong ka lang exagerrated,” sagot ni Ryou.
Napatingin naman si Jihan kay Yue na noon ay nakatayo sa malayo at nakangiti, kumaway pa ito sa kanila. “Siguro ay kinukulam niya ako,“wika nito, sabay turo kay Yue.
Napakamot si Ryou ng ulo, “Tsk, tigilan mo na nga si Yue, weird lang siya pero hindi siya mangkukulam.”
Dinala ni Ryou si Jihan sa loob ng kanyang opisina at pinagpahinga ito. Makalipas ang ilang minuto ay umepekto na ang poison sa sting ng bobo fish. Laking gulat ni Jihan noong magkaroon siya ng mga rashes at pantal sa buong katawan. Nagpanic ito at nagsisigaw sa sobrang takot.
Well, hindi naman talaga nakakamatay ang poison ng Bobo fish pero ang katawan ng tatamaan nito ay magkakaroon ng matinding pangangati. At ito ang nangyari kay Jihan.
Agad na dinala ang binata sa emergency room at dito ay binigyan siya ng treatment. Umiiyak ito at takot na takot bagamat hindi naman gaanon ka grabe nangyari sa kanya.
“How is he, doctor?” tanong ni Ryou
“He’s fine, probably ay kinagat lamang siya ng insect at dulot ito ng allergic reaction sa kanyang katawan. Pero overall ay maayos naman siya at walang dapat ipag-alala. Ang ganitong kahinang poison ay kusang gumagaling sa loob ng two to three days. Kahit hindi ito gamutin ay it will automatically subside,” paliwang ng doktor.
“Bakit kung umiyak at sumigaw si Jihan kanina ay parang grabe ang sitwasyon niya? Nagpanic ang lahat at ang akala ko ay nasa bingit na siya ng kamatayan?” tanong ni Ryou.
“May he’s overreacting, I guess. Or maybe ang mga katulad niya ay hindi sanay sa allergy at hindi nila alam kung paano ito ihandle ng tama. Pero sa ngayon ay walang dapat na ipag-alala dahil si Jihan ay nasa good condition,” tugon ng doktor habang nakangiti.
Bumalik si Ryou sa silid kung saan nagpapahinga si Jihan, wala pa rin itong kibo dahil sa matinding traumang naranasan niya. “Kumusta ang pakiramdam mo? Bakit ganyan ang itsura mo? Daig mo pa ang cancer patient?”
“Nanghihina ang katawan ko at pakiramdam ko ay hindi na rin ako magtatagal,” ang bulong niya, halata ang matinding panghihina sa kanyang boses.
“Mas baliw pa pala ang isang ito kaysa kay Yue,” bulong ni Ryou sa kanyang sarili. Hindi niya malaman kung matatawa ba siya o maawa kay Jihan. “C’mon, allergy lang yung sakit mo. Besides sabi ng doctor ay madali naman itong nawawala. Kahit hindi gamutin ay mag susubside ito in two or three days. You’ll be okay.”
“Hindi ako magiging okay dahil kinukulam ako ni Yue. Kanina habang natutulog ako ay napanaginipan ko siya. May hawak siyang boodoo doll at tinutusok niya ito ng karayom habang bumibigkas ng nakakakilabot na chant. Gusto na niya akong patayin dahil ayaw niyang maging masaya tayong dalawa,” ang wika ni Jihan na hindi maitago ang takot.
Napabuntong hininga na lang si Ryou at napakamot ng ulo, “hindi mangkukulam si Yue, mabuting tao iyon at hindi gagawa ng ganoon bagay. Ano ba itong mga iniisip mo? Siguro mas mabuti kung magpahinga ka muna at irelax ang isipan mo. Baka maya maya ay mapagkamalan ka pang baliw ng mga nurse at ilipat ka sa mental hospital.”
“At saan ka naman pupunta? Siguro pupuntahan mo siya?” tanong ni Jihan noong makitang palabas si Ryou ng silid.
“Babalik ako sa opisina dahil hindi pa tapos ang office hours. Hindi pa rin tapos ang meeting ko with investors,” ang sagot ni Ryou.
“Sige umalis ka, huwag ko lang malalaman na nakikipagkita ka sa mangkukulam na iyon dahil magagalit talaga ako!” ang dagdag ni Jihan, pero hindi na sumagot pa si Ryou. Agad itong umalis at iniwanan siya sa loob ng kanyang silid.
Matindi ang pagiging exagerrated ni Jihan at dahil gustong gusto niya si Ryou at gusto niyang siya lang lalaking mapapansin nito. Noong makita ni Jihan si Yue ay parang nakaramdam siya na magiging kakompetensiya niya ito, mga bagay na hindi niya papayagang mangyari.
Samantala, pagbaglik ni Ryou sa kanyang opisina ay agad niyang binuksan ang basket na ibinigay ni Yue sa kanya. Dito ay natawa na lamang siya dahil may laman itong mga iba’t ibang kulay na dried wings ng flying fish at ang mga ngipin ng balyena in different sized and shape. Mayroon din mga kabibeng may nakadikit na maliliit na perlas.
Noong mga sandaling iyon ay na-entertain ang bilyonaryo sa ginawa ni Yue. Hindi niya lubos akalain na gagawin nito ang kanyang biro noong nakaraang beses na magkakita sila.
Pero gayon pa man, bihira ang taong mag effort para sa kanya. At ginawa ito ni Yue kahit walang kapalit. Natagpuan na lamang ni Ryou ang kanyang sarili na nakangiti habang pinagmamasdan ang mga bagay na ibinigay sa kanyang ng binata.
Maya maya ay tinagawan niya ang kanyang assistanat inutusan ito, “tawagan mo ang numerong ito. Sabihin mo na gusto ko siyang makausap,” ang wika niya sabay abot ng number ni Yue.
All of a sudden ay naging interesado si Ryou na kilalanin ang binata. Gusto niyang malaman kung saan ito nakatira, kung sino ang kanyang mga magulang at kung ano ang madalas pinagkakaabalahan. Batid niya na may “something” special kay Yue at gusto niya itong kilala ng mas mabuti.
He is weird pero hindi maipagkakaila na napaka gwapo nito. Effortless ang kagwapuhan na pati si Jihan ay halatang natatakot, siguro maaari niyang hanapan ito ng mas malaking opportunity upang mas maging maayos ang kanyang buhay.
Meanwhile, si Marine ang nakatanggap ng call at agad niyang ibinalita kay Yue na gusto siyang makita ni Ryou Guerrero.
“Tila ang lahat ay umaayon sa iyong kagustuhan, Yue,” wika ni Marine habang nakangiti. Pero ang pag aalala ay mapapansin sa kanyan mga mata.
“Ang tanging paraan lamang upang maisagawa ko ng maayos ang misyon ay ang mapalapit kay Ryou. Pwede ko siyang patayin habang nagdadate kami o kaya ay natutulog siya,” ang sagot ni Yue.
Natawa si Marine, “Yue, hindi biro ang pagpatay. Dito sa high ground ito ay isang seryosong krimen, ito ay isang mabigat na kasalanan at may katumbas din na mabigat na kaparusahan. Ang maipapayo ko lamang ay pag aralan mong mabuti ang iyong strategy at gawin ito ng malinis at flawless, walang bahid pagkakamali at walang bakas na magpapahamak sa iyo.”
“Ako ang bahala tiya, huwag mo akong alalahanin. Umaasa ako na balang araw ay matatapos rin ang lahat ng ito,” sagot ni Yue.
Niyakap siya ni Marine, “Hindi ko maiwasang mag-alala sa iyo lalo’t ipinangko ko kay Seres na aalagaan kita. Sa ilang buwan na tayo ay magkasama ay itinuring na rin kitang parang isang tunay na anak.”
Tumingin siya sa mata ni Yue at muling nagsalita, “Gusto mo bang mabuhay ng payapa? Huwag mo na lamang gawin ang misyon, umalis tayo at magtago sa malayong lupain,” ang mungkahi nito.
“Minsan ay naisip kong umalis na lang, magtungo sa malayong lugar. Doon sa lugar na hindi ako makikilala ng kahit na sino. Minsan ay sumasagi sa isipan kong talikuran ang misyon ko,” sagot ni Yue.
“Oh, bakit hindi mo ito gawin? Bakit kailangan mong gawin ang mga bagay na labag sa iyong kalooban?” tanong ni Marine.
“Dahil nangako ako na bibigyan ko ng hustisya ang mga kalahi natin na namatay dulot ng pagkalat ng lason sa karagatan. Nangako rin ako sa aking ina na si Seres na uuwing matagumpay. Wala akong lakas ng loob para sirain ang aking ipinangko sa kanila,” paliwang ni Yue, gumuhit ang lungkot sa kanyang magandang mukha.
“Nauunawaan ko, huwag kang mag-alala dahil kung ano man ang iyong desisyon ay susuportahan ko ito,” sagot ni Marine sabay halos sa buhok ng binata.
Noong mga oras na iyon ay pinaghandaan ni Yue ang pakikipag kita kay Ryou Guerrero. Determinado siyang tuparin ang kanyang misyon kaya’t ito na ang tamang oras para isagawa ito.
Kinuha ni Yue ang nakakalasong sea weeds sa kanyang kagamitan at tinitigan ito ng maigi. “Ito ang gagamitin ko para patayin si Ryou Guerrero,” bulong niya sa kanyang sarili.
Samantala sa opisina si Ryou, hawak pa rin niya ang kinulayang pakpak ng Flying Fish na ibinigay ni Yue at hindi niya mapigilang tumawa ng malakas. “Espesyal talaga ang gagong ito. Gusto ko siyang makilala ng mas mabuti. Alam kong may something sa kanya na wala ang ibang tao. At ito ang gusto kong alamin,” ang bulong niya sa kanyang sarili habang nakangiti.
Noong mga sandaling iyon ay pareho nilang iniisip ang isa’t isa..
Part 13: First Date
Part 1
3
: First Date
Pinaunlakan ni Yue ang invitation ni Ryou. Noong mga sandaling iyon ay buo ang loob ng binata na isagawa ang kanyang misyon. Ang mapalapit kay Ryou ay isang malaking chance upang magtagumpay.
Pagpasok pa lang niya sa lobby ng gusali ay agad na siyang hinarang ng mga tauhan ni Ryou. “Ikaw ba si Yue?”
“Ako nga, sino kayo?” ang nag-aalangang tanong binata.
“Halika, sumama ka sa amin!” ang sagot nila at hinawakan nila si Yue sa braso. Pinilit nila itong sumama sa kanila.
“Wait, tulong! Wala naman akong ginagawang masama! Bitiwan niyo ako!” ang sigaw niya. Noong mga sandaling iyon ay tatlong bagay lamang ang tumatakbo sa isipan niya.
Una, nalaman na ni Ryou ang tungkol sa kanyang misyon at ngayon ay paparusahan siya nito, or mas worst ay baka ipa-patay pa siya.
Ikalawa, nalaman ni Jihan na siya ang nagbigay ng poison sting at gaganti sa kanya ang siraulong lalaking iyon.
Ikatlo, nalaman na nila na siya ay isang merman at ngayon ay pag eeksperimentuhan ang kanyang buntot, kukunin ang kanyang kaliskis at ibebenta sa malaking halaga.
Natakot si Yue.
Nagpumiglas si Yue, he tried to escape pero sadyang maraming tauhan si Ryou kaya wala siyang lakas para labanan ang lahat ng ito. Dinala si Yue sa isang kakaibang silid may malalaking salamin at dito ay sinalubong siya ng isang lalaki.
“Good day, Sir Yue,” ang bati ng lalaki.
“Sino ba kayo? Wala naman akong ginagawang masama,” ang pag iyak ng binata, takot na takot ito.
Ang lalaki ay nagpapakilala si Kurt, lumakad siya harapan ni Yue at hinawakan ang kanyang ulo. Tiningnan ni Kurt ang bawat anggulo ng kanyang mukha.
Ngumiti si Kurt, “Don’t be afraid dear, mabilis lamang ito at sa unang tingin ko sa iyo ay alam ko na ang dapat kong gawin,” ang wika nito at may kinuha siya sa kanyang bulsa.
Napasigaw si Yue sa takot..
Nilibas ni Kurt ang isang suklay at hair dry blower. “Hey, huwag ka nga masyadong exaggerated, hindi kita papatayin. Aayusan lang kita at pagagwapuhin, iyan ang bilin sa amin ni Sir Ryou Guerrero,” ang pagpigil nito sa naghihisterical na si Yue.
Napatingin si Yue sa kanya at tila nahimasmasan ito. “Talaga? Hindi mo ako sasaktan?”
“Of course! Mukha ba akong mamamatay tao? Isa akong stylist at make up artist. Trust me darling, mamaya ay hindi mo na makikilala ang sarili mo dahil papa gwapuhin kita ng todo!” ang excited na wika ni Kurt.
Pinaupo niya si Yue sa bangkuan, sa harap ng isang malaking salamin at simulan siyang i-make over ang binata. Humanga si Kurt sa kagwapuhan ni Yue, simple lamang ang dating nito pero elegante at mala Diyos ng Olympus ang awrahan. Mabait din ang binata at hindi ito masungit katulad ni Jihan na maraming demand at kaartehan sa katawan.
Ang lahat ng assistant sa make up room ay napapatingin at humahanga kay Yue. Ang kagwapuhan niya “extraordinary” dahil kahit light make up lang ang ginawa sa kanyang mukha ay para itong artista at super star sa telebisyon.
That moment ay inihanda si Yue sa kanilang special date ni Ryou. Pati ang damit na isusuot niya ay maiging pinag aralan ng buong glam team. Sinigurado nila na magugustuhan ni Ryou ang transformation ng binata.
Tanghali na noong matapos ang meeting ni Ryou sa mga investors ay nagpasya na siyang magtungo sa venue kung saan sila magkikita ni Yue. Excited siyang makita ang binata lalo’t kumuha pa siya ng mahuhusay na glam team para asikasuhin ito at ng hindi mag mukha wirdo sa paningin ng iba.
Ang venue ay isang private na restaurant at maraming mga high class person na bumibisita dito. Ayaw niyang mag mukhang katawa tawa si Yue lalo’t may sarili itong fashion statement na siya lamang ang nakakaunawa.
Nauna siyang dumating at naghinintay sa venue. Habang naghihintay ay nilapitan pa siya ng ilang mga kaibigan at college batchmate para batiin, “Long time bro, sinong kasama mo? jowa mo ba?” tanong nila.
Hindi makasagot ng tuwid si Ryou, “isang kakilala lamang. Isang espesyal na taong nais kong makilala.”
“Hmmm, bihirang magkainteres ang isang Ryou Guerrero sa isang tao. Tell us, isa ba itong celebrity or a model? Or isang successful entrepreneur kaya?”
Natawa si Ryou. “Believe me, isa lamang siyang normal at simpleng tao. Ang tanging bagay lang na special sa kanya ay ang kanyang pagiging artistic. Isa siyang mahusay na pintor.”
Habang nasa ganoong posisyon sila ay bumukas ang pintuan ng private restaurant at dito ay napumasok si Yue. Sa unang pagtapak pa lamang niya sa loob ng venue ay napatingin ang lahat sa kanya at napahinto sa pagkilos ang mga ito. Ilang segundo ring na stunned ang mga tao.
Pati si Ryou ay natulala, hindi siya makapaniwala na napakagwapo ni Yue kapag naayusan at nadamitan ng tama. Ang kanyang kagwapuhan ay higit pa isang modelo o sa isang sikat na celebrity sa bansa.
Agad na tumayo si Ryou, proud na proud ang binata na salubungin ang kanyang espesyal na bisita..
Samantalang lumakad naman si Yue patungo kay Ryou. Nakangiti ito habang humahakbang suot ang kulay asul na tuxedo. Daig pa niya ang isang gwapong artista sa telebisyon, gwapo si Ryou Guerrero pero sa pagkakataong ito ay nilamon ni Yue ang kanyang kagwapuhan. Iba pala talaga ang itsura ni Yue kapag nadamitan ng maayos.
“Fuck, iyon ang date ni Ryou? Saan kaya nakilala ni Ryou iyan? Nakakainggit naman talaga iyang si Ryou. Bakit ba napaka swerte niya sa lahat ng bagay?’ ang sabi ng kanyang mga mga college batchmate. Wala silang panghuhusga dahil natural na lamang sa kanila ang same sex relationship at tanggap ito ng lipunan.
Noong makalapit si Ryou kay Yue ay agad niyang hinawakan ang kamay nito. And that moment na hinawakan ni Ryou ang kanyang kamay ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nakaramdam siya ng kakaiaba na hindi niya lubos maunawaan.
Napahinto si Yue at napatingin sa kanyang kamay hawak ito ni Ryou.
“Are you okay?” tanong ng binata sa kanya.
Ngumiti si Yue at napatingin siya sa orasan. Mayroon pa siyang sapat na oras bago mag sunset. Magiging maayos ang lahat at hindi niya kailangan apurahin ang kanyang sarili. May oras pa siya para maisagawa ang kanyang misyon. “Okay lang ako,” nakangiti niyang sagot kay Ryou.
Noong mga sandaling, ang kagwapuhan ni Yue ang naging center of attraction sa loob ng private na restaurant. Wala siyang ideya sa taglay niyang kagwapuhan noong mga sandaling iyon. Kahit si Ryou ay hindi makapaniwala na ang weirdong lalaki sa art gallery at ang gwapong lalaking ito na kanyang kasama ay iisa lamang.
Pinaupo ni Ryou si Yue, kitang kita ang pagiging gentleman ng binata. Dito ay sinimulan nila ang kanilang private talk or kilalanin ang bawat isa.
“Bakit sila nakatingin sa akin? May mali ba?” nahihiyang bulong ni Yue.
Natawa si Ryou, “Walang mali. Sadyang lahat sila ay na ggwapuhan sa iyo. Wala ka bang idea kung gaano ka ka-good looking ngayon?”
Umiling si Yue at napangiti na lamang. Nararamdaman pa rin niya ang kaba at hindi niya maiexplain ang pakiramdam habang nakaharap sa gwapong bilyonaryo.
Samantala, same feeling din ang nararamdaman ni Ryou dahil parang nagsisimula na siyang ma-attract kay Yue na hindi niya alam kung saan nagmula.
Para sa kanya, si Yue ay parang isang ligaw na bulaklak na tumubo na lamang sa kanyang bakuran. At dahil sa magandang ang bulaklak nito ay agad niyang napansin at hinangaan.
“Wala akong idea,” ang simple niyang sagot.
Ngumiti si Ryou at tumingin ng tuwid sa kanyang mga mata. “Listen, you’re handsome, more than you’ll ever know. Hindi ako makapaniwala na ikaw yung wirdong lalaki doon sa gallery.”
TWO HOURS EARLIER
Matapos ang make over ni Yue sa glam team..
Ito ang unang beses na nakita ng binata ang kanyang maayos na looks sa salamin. Suot niya ang isang kulay asul tuxedo na hapit na hapit sa kanyang katawan. Para siyang isang artista sa telebisyon noong mga sandaling iyon.
Paglabas ni Yue sa dressing room ay nagulat lahat, namangha sila dahil sa hindi mapapatayang kagwapuhan ng binata.
Para itong isang anghel na nakalutang sa hangin. Kumikinang ang kanyang paligid at nag iiwan ng amazement sa lahat ng nakakakita.
Ito rin ang unang pagkakataon na umiyak ang make up artist na si Kurt noong makita niya si Yue, “napakaganda ng aking creation. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagluha. He’s hundred times more elegant and gorgeous than Jihan,” ang emotional na salita nito.
“Shhh, wag kang maingay, baka marinig tayo ni Sir Jihan at sampalin na naman niya tayo sa mukha ng isa isa,” ang sagot ng isa.
“Well, kung ako ang pamimiliin ay mas gusto ko si Yue para kay Ryou. Humble siya at napakabait pa. Hindi katulad ni Jihan na bwiset at walang paggalang sa ating mga make up artist,” ang sagot ni Kurt.
Bago umalis at magtungo sa venue ng kanilang date ni Ryou ay humarap si Yue sa buong glam team.
Iniyuko niya ang kanyang sarili at nagpasalamat sa bawat isa. Ito ang pagkakaiba nila ni Jihan, si Yue ay humble at napakagalang.
Ito ang bagay na parating nakaukit sa puso ni Yue. Ito ang tanging aral na itinuro sa kaniya ng kanyang tunay na ina simula noong siya ay bata pa.
At hanggang ngayon ay naalala pa rin niya ito.
“Kindness means everything.”
Part 14: Extraordinary
Part 1
4
: Extraordinary
“Gaano ka na katagal na pipinta? Paano ka nag comes up sa idea ng merman na may silver tail?” unang tanong ni Ryou sa kanya.
“Nagsimula ako noong nakaraang buwan lang. Tungkol sa idea, siguro ay fascinated lang ako sa mga mermaid na mayroong silver tail. Sa tingin ko ay unique sila at extraordinaryo,” sagot ni Yuelo.
“Few months ago? Talaga pa lang gifted ka. Yung ibang artist ay ilang taon ding nag p-practice para maging mahusay at maibenta ang kanilang works. Naniniwala ka pala sa mga mermaid? Nakakita ka na ba ng isa?” tanong ni Ryou.
“Kapag sinabi kong naniniwala ako ay tiyak na pagtatawanan mo lang ako,” sagot ni Yuelo, napanguso ito na parang bata, ang cute niya sa ganoong ekspresyon.
“Why should I do that? Hindi ko ginagawang katatawanan ang paniniwala ng iba. What if I told you na nakakita na ako ng mermaid?” tanong ni Ryou sa kanya.
“Talaga? Saan naman?” tanong ni Yuelo.
“In your painting, a mysterious silver tailaid merman,” sagot ni Ryou, nakangiti lang ang binata.
“Sabi sa mga alamat, ang mga silver tailed mermaid ay nagdadala ng kamalasan sa sinumang makaka kita sa kanya. Kaya iwasan mong maka kita ng isa,” ang sagot ni Yuelo
Natawa si Ryou, “and you actually believe in that? You know, ang mga katulad kong businessman ay hindi naniniwala sa misfortune dahil tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Ang pag unlad ng tao ay dahil sa kanyang husay, dedikasyon at pagpupunyagi. On the other hand, ang pagbagsak naman niya ay nakadepende sa kanyang desisyon sa buhay. Ang mga masasamang pangyayari sa buhay ko ay hindi ko kailanman inisip na misfortune. Para sa akin ito ay lesson na ituturo sayo ng tadhana para sa susunod ay hindi ka na muling magkakamali,” ang seryosong sagot ni Ryou.
Noong mga sandaling iyon ay may kakaibang naramdaman si Yuelo habang nakatitig sa mata ng binata. Para bang lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso. At tila nakakalimutan na niya ang totoong misyon niya. “Isa kang taong punong puno ng emosyon,” ang tanging nasabi ni Yue sa kanya.
Tumagal ng ilang minuto ang pag-uusap ng dalawa. Narealize ni Ryou na maayos naman pa lang kausap si Yuelo at hindi ito kasing weird katulad ng unang impresyon niya.
Iyon nga lang ay napansin niyang hindi kumakain ang binata, madalas din itong palinga linga sa kanyang paligid na parang hindi komportable sa kanyang kinalalagyan.
“Are you okay? Hindi mo ba gusto yung pagkain? Gusto mong umorder ako ng iba?” nag-aalalang tanong ni Ryou.
Umiling si Yuelo, “sorry, hindi lamang ako sanay sa ganitong lugar,” ang nahihiyang wika nito.
“Gusto mo bang lumipat tayo ng place?” tanong ni Ryou.
Ngumiti si Yue at sumang-ayon. “Pwede bang ako ang mamili ng lugar?”
Wala nagawa si Ryou kundi ang sumang -ayon, “Sure.”
At iyon ang set up, agad na lumipat sila Ryou at Yuelo ng lugar. Sumakay sila sa sasakyan at si Ryou pa ang nagdrive nito. Paminsan minsan ay natatawa na lamang ang binata dahil parang batang nakatingin si Yuelo sa labas ng bintana ng sasakyan at sinusundan ng tingin ang lahat ng kanilang madaanan. “Ey, hindi ka ba nahihilo? Ako ang nahihilo sa iyo e,” ang biro nito.
Umiling lang si Yue at saka ngumiti bilang tugon.
Makalipas ang ilang sandali ay huminto ang sasakyan sa isang bagong bukas na amusement park sa tabi ng sea wall. Ito ang napiling lugar ni Yuelo para ituloy ang kanilang date.
Nagtataka si Ryou dahil hindi niya ineexpect na sa ganitong lugar sila pupunta ngunit pinagbigyan na lamang niya ang kagustuhan ng binata. “Bakit dito mo ako dinala?” tanong ni Ryou sa kanya. Habang lumalakad sila ay nakasunod ang nasa mahigit sampung body guard ni Ryou. Lahat ay nakasuot ng black suit and tie na parang cast ng Men In Black.
“Mas masaya dito, mas makulay at hindi nakakaboring. Halika kumain tayo doon!” ang excited na wika ni Yuelo sabay hila sa kanya sa bilihan ng mga street foods.
Ito lang talaga ang paboritong kainin ni Yue simula noong umahon siya dito sa high ground. Gustong gusto niya ang fried tofu na may sweet chili sauce. Kumuha siya ng madami at naupo sila ni Ryou sa sea wall para kumain.
Nakaharap sila sa karagatan habang umiihip ang malamig na hangin. Dito narealize ni Ryou na simpleng tao lamang talaga si Yuelo at hindi ito mahilig sa mga mamahaling bagay.
Simpleng bagay ay masaya na siya, hindi katulad ng ibang taong nakadate niya na maraming demand.
Love song is playing..
Standin’ by my window
Listening for your call
Seems I really miss you after all
Time won’t let me keep
These sad thoughts to myself
I’d just like to let you know
I wish I didn’t let you go
And I’ll always love you
Deep inside this heart of mine
I do love you
And I’ll always need you
And if you ever change your mind
I’ll stil I will love you
Kumain si Ryou habang nakatanaw sa karagatan. Dito ay naalala niya ang kanyang dating buhay, noong siya ay hindi pa mayaman.
“Alam mo ba na paborito ko itong kainin noon? Noong mga panahon na wala akong pera at hindi ko alam kung saan pupunta. Kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na balang araw ay yayaman ako at kakainin ko ang lahat ng pagkaing hindi ko pa natitikman sa buong buhay ko,” ang salaysay ni Ryou.
Nakikinig lang si Yue sa kanya, maya maya marahang kumilos ang kamay nito at marahang pinunasan ang labi ni Ryou na may grasa ng pagkain, gamit ang kanyang panyo.
Napahinto si Ryou sa pagsasalita at nagulat sa ginawa ng binata pero natuwa siya sa gesture nito. Unang beses na may nagpunas sa kanyang labi. Back then, ang kanyang namayapang ina lamang ang gumagawa nito sa kanya.
Noong mga sandaling iyon ay tila na touched si Yuelo habang nakatingin sa mga mata ni Ryou. Dito niya napag-alaman na pareho na pala silang ulila sa magulang at ito ang parehong nakakalungkot na pagkakatulad nilang dalawa.
Marahang kinuha ni Yuelo ang maliit na bote ng poisonous seaweeds sa kanyang bulsa pero naisip niya na itago na lamang ito dahil nawala na siya ng gana na isagawa ang misyon. Siguro ay patatawarin at pagbibigyan niya muna si Ryou ngayon araw dahil pareho naman silang naging masaya.
“At noong mawala ang mga magulang ko ay ipinangako ko sa aking sarili na balang araw ay yayaman ako at magiging makapangyarihan. Para kapag dumating ang oras na magkita kita ulit kami sa kabilang buhay ay mayroon akong maipagmamalaki sa kanila,” ang dagdag na kwento ni Ryou.
Nangiti si Yuelo, “ako kaya? Anong maipagmamalaki ko sa mga magulang ko kapag nakita ko sila sa kabilang buhay?” tanong niya.
“Ulila ka na rin?” tanong ni Ryou.
Ngumiti si Yue at tumango, “ang nanay ko ay namatay noong ako ay bata pa lamang. Ang tatay ko naman ay umalis at hindi na bumalik. Hindi ko alam kung nasaan na siya, pero hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako. Isang walang katapusang paghahanap.”
“I’m sorry,” bulong ni Ryou, lalo siyang nakaramdam ng awa sa binata.
Ngumiti si Yuelo, “Ayos lang. Ang dahilan kung bakit nahihirapan ang mga tao na maging masaya ay dahil palagi nilang nakikita ang nakaraan na mas maganda kaysa sa kasalukuyan.”
Tumango si Ryou, “Sang ayon ako, minsan ay kailangan nating iwanan ang nakaraan at mag focus sa kung anong pwedeng ioffer ng future. I think this is the reason kaya ang ating mata ay nakalagay sa harapan upang ang hinaharap lamang ang ating makikita,” dagdag pa niya.
Tumagal ng ilang oras ang pag uusap nina Yuelo at Ryou, kahit paano ay nakilala nila ang isa’t isa.
Si Ryou ay isang malakas na tao, pero mayroon siyang past na pilit tinatakasan. Minsan ay nangungulila ito sa pagmamahal ng kanyang mga magulang na sabay namatay dahil sa ambush.
Samantalang si Yuelo naman ay nangungulila sa pagmamahal ng kanyang nawawalang ama. Umaasa pa rin ang binata na balang araw ay magkakasama silang dalawa.
Maya maya ay tumayo si Ryou at inayos ang kanyang suot na tuxedong itim at pinalapit ang isa niyang body guard. Kinuha niya ang isang cheque book at sinulatan niya ito.
“I have to go, kailangan ko pang bumalik sa opisina dahil mayroon pa akong naiwang trabaho. Salamat sa oras mo, Yuelo,” nakangiting salita ni Ryou, iniabot niya kay Yuelo ang isang cheque na naglalaman ng malaking halaga.
“Ano ito?” tanong ng binata noong abutin ang piraso ng papel na ibinigay ni Ryou.
“Token of appreciation, take it at bumili ka ng magagandang damit at mga sapatos na branded, bagay sa iyo kapag nadadamitan ka ng maayos,” ang nakangiting wika ni Ryou.
Tumalikod siya at iniwanan si Yuelo na nakatayo sa sea wall. Bago sumakay ng sasakyan ang binata ay napatingin pa siya kay Yuelo na noon ay hawak ang papel ng cheque at maigi itong pinagmamasdan.
Maya maya ay nagulat siya binitiwan ni Yuelo ang piraso ng papel at nilipad ito ng hangin patungo sa karagatan.
Napakunot noo si Ryou..
“Tangina, baliw ba itong lalaking ito? Malaking halaga na iyon ah?” naiinis na bulong nito.
Bumaba siya ng kanyang sasakyan at bumalik sa kinalalagyan ni Yue.
“Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo itinapon? Nakukulangan ka pa ba? Alam mo ba na sa halaga noon, kahit magbenta ka ng sampung painting ay hindi sapat?” tanong niya sa binata.
“Hindi ko naman kailangan ng pera mo. May mga bagay sa mundo na hindi kayang bilhin ng pera katulad ng kaligayahan o ng pagmamahal kaya? Para sa akin, yung mga ala-ala na kasama kita ngayong araw ay matutumbasan ng kahit anong halaga. Bakit ba ganyan ang pag iisip mo? Gwapo ka, matagumpay at mahusay sa lahat ng bagay pero makitid pala ang utak mo! Akala mo ba lahat ng bagay sa mundo ay mabibili mo?”
“Ganyan naman kayong mga normal na tao diba? Pera lang naman ang kailangan niyo sa akin kaya niyo ako pinapakisamahan ng maayos!” ang sagot ni Ryou.
Kanina ay sweet na parang magkasintahan ang dalawa. Ngayon ngayon naman ay para silang aso’t pusang nagtatalo. Pero gayon pa man ay natutuwa ang mga tao sa kanilang paligid dahil sila ay “cute” couple.
“Hindi ko kailangan ng pera mo! Hindi lahat ng tao ay nasisilaw sa mga bagay na mayroon ka! Diyan ka na nga! Napaka walang kwentang lalaki!” ang wika pa ni Yuelo sabay lakad palayo kay Ryou.
Si Ryou naman ay nagblush at natahimik ito.
Tila nabusalan ng kung ano ang kanyang bibig.
“Ganyan pala yung ugali ni Ryou Guerrero, ano kayang balak niya? Ang sama naman niya para insultuhin yung boy friend niya.” ang bulungan ng mga tao sa paligid.
“Gwapo nga, hindi naman pala gentle man,” ang dagdag pa nila.
Humarap si Ryou sa kanila. “Tumigil nga kayo dyan. Hindi ko siya boy friend!”
Binabayaran ko lang siya dahil sinamahan niya ako ngayong araw,“ pagdedepensa niya sa kanyang sarili.
“Grabe, si Ryou Guerrero ay nagbabayad ng escort service?” ito ang sagot ng mga tao sa paligid at mas lalo pa siyang pinagbulungan.
Napakamot na lang siya ng ulo dahil pagkahiya..
Part 15: Sign
Part 1
5
: Sign
“Kumusta ang date mo with Ryou Guerrero?” tanong ni Marine, noong makita niya si Yuelo nakaupo sa tabing dagat at nakatanaw sa malayo.
Batid niyang malalim ang inisip ng binata.
Tumingin sa kanya ni Yuelo at nagbigay ito ng simpleng ngiti. “Anong iniisip mo?” tanong ni Marine sa kanya, umupo rin siya sa tabi ni Yuelo at pareho nilang pinagmasdan ang asul na karagatan.
“Hindi ko maunawaan kung ano yung nararamdaman ko. Nakakaramdam ako ng nakakatawang pakiramdam, parang tumitibok ng mabilis ang puso ko kapag naiisip ko si Ryou,” ang sagot ni Yuelo.
“Ohhh,” ang reaksyon ni Marine noong marinig ang sagot ng binata.
“Siguro ay na eexcite lang akong patayin siya, kaya ko nararamdaman ang ganitong pakiramdam,” ang dagdag pa ni Yuelo.
Natawa si Marine, “masaya ka ba kapag naiisip mo siya? Pakiramdam mo ba ay parang mayroong paru-paro sa inyong tiyan? Gusto mo ba ulit siyang makita? Lagi mo bang naalala yung moment na kayo ay magkasama? May naramdaman ka bang something noong hawakan niya ang iyong kamay?”
“Oo, lahat ng iyan ay nararamdaman ko. Napagtataka talaga,” tugon ni Yue.
Ngumiti si Marine, “Iyan ang sign na ikaw ay in love. At hindi mo maaaring ideny ang nararamdaman mo.”
“In love? Posible ba iyon? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito,” ang sagot ni Yue.
“Nasa wastong edad ka na para mainlove, ito ang mga bagay hindi mo maaaring iwasan. Ang lahat ng nilalang dito sa mundo ay may kakayahang magmahal, kahit na ang pinakamaliit na bagay pa. Ang pagmamahal ang pinaka makapangyarihang bagay sa buong mundo dahil may kakayahan ito baguhin ang paniniwala ng isang tao.”
“Maiiwasan ko ba ang pagmamahal? Kung iibig ako kay Ryou Guerrero, paano ang misyon ko?” tanong ni Yuelo na may halong pag-alala.
“Hindi mo maiiwasan ang pagmamahal dahil ang pag-ibig ang pinakamagandang sumpa sa buong mundo. Kusang titibok ang puso mo para sa isang tao and at hindi mo matatakasan ang mahikang dala nito. Ngayon, kung sakaling mainlove ka kay Ryou, you have to chose between love and your mission. Iyan ang mga bagay na magpapakomplikado ng buhay mo,” ang paliwanag ni Marine.
Napayuko si Yue at lalong bumakas ang pag alala sa kanyang mukha, “Kung mangyayari iyon ay tiyak na mahihirapan ako. Ang pamimili pa naman ang pinaka komplikadong bagay na ayokong gawin!”
“Kung ayaw mong mamili I think It’s time na ipaubaya mo sa kapalaran ang lahat ng bagay. Mangyari ang dapat mangayri at hayaan mong dalhin ka ng agos sa lugar na dapat mong kalagyan,” sagot ni Marine.
“Sabi nila ang pagmamahal ay magdadala lamang ng kahinaan,” sagot ni Yue
“Sa kabilang banda, nagdadala rin ito ng kalasakan sa atin,” sagot din ni Marine.
Hindi sigurado si Yue kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. Ngunit hindi maalis si Ryou sa kanyang isipan. May pagkakataon pa na papanaginipan niya ang binata habang nakangiti ito at hinahawakan ng kanyang kamay.
Masaya siya habang nasa loob ng kanyang panaginip, ngunit sa oras na gumising siya ay ibayong kalungkutan ang kanyang nararamdaman dahil wala na si Ryou sa kanyang tabi at ang lahat ay babalik na naman sa reyalidad.
Samantala, alam naman ni Marine na si Yuelo ay nagkakaroon ng interest kay Ryou Guerrero. Una pa lamang ay alam niyang mangyayari ito dahil nasa edad siya ng kapusukan ng damdamin. At alam din ni Marine na magiging complicated ang misyon ni Yuelo lalo’t darating ang oras na maglalaban ang kanyang puso at ang kanyang isipan. At kahit ano pa ang sundin niya dito ay tiyak na magdudulot ito ng kaguluhan.
Samantala, si Ryou ay nakahiga lang sa sofa sa loob ng kanyang office. Para itong lasing na kumakanta at humihimig ng musika. Kapansin pansin ang pagiging masayahin ni Ryou noong mga oras na iyon. Kaya’t maraming nagtataka lalo’t hindi naman siya ganito dati. Most of the time, he is serious at hindi makikitang nakangiti.
That moment ay iniisip niya si Yuelo at kung paano nito tinanggihan ang perang ibinibigay niya. Somehow ay napagtanto niyang tama rin ang binata sa sinabi nitong “may mga bagay sa mundo na hindi kanyang bilhin ng kanyang pera, katulad ng pagmamahal at kaligayahan.”
Napapangiti rin siya kapag naalala niya ang sweet gesture ni Yuelo, kung paano punasan ng binata ang kanyang dumi sa labi. At kung paano ito makinig sa tuwing siya ay nagsasalita. He is also sincere, lahat ng kanyang sagot ay nangagaling sa kanyang puso.
At first ay aminado siyang weird ang tingin kay Yuelo, ngunit habang tumatagal ay unti unti siyang humahanga at nagkakaroon ng interest sa binata.
Bukod doon ay nakatanggap din siya ng mga messages sa kanyang mga college batchmate, lahat ay inaadmire ang kagwapuhan ni Yuelo. At ang ilan sa kanila ay umamin na naiinggit kay Ryou dahil sa sobrang perfect ng kapareha nito.
Of course, buong yabang naman na nagmalaki ang binata, tiyak na sikat na naman siya sa kanyang mga kaibigan.
Hanggang ngayon ay binabalik balikan pa rin ni Ryou ang bawat eksena sa date nila ni Yuelo. At least ay nakilala niya ng mas mabuti ang binata. At kagaya ni Yuelo ay tila nakakaramdam din siya ng matinding saya kapag naalala niya ang mga bagay na iyon.
Maaari kayang mutual ang feelings nila sa isa’t isa?
Halos good mood si Ryou buong maghapon, para siyang lumulutang sa ulap ng kaligayahan. Nag iisip ng mabuti kung paano ulit sila magkikita ni Yuelo lalo’t nagalit ito sa kanya. Kahit paano ay naisip rin niya ang kanyang pagkakamali.
Habang naka upo siya sa kanya opisina at nag iisip ay dumating naman si Jihan. Sa pintuan pa lang ay mahahalata na agad na hindi maganda ng mood nito. Tiyak na positive vibes sa buong silid ay mapapalitan ng negatibo dahil sa pag arrive ni Jihan.
“What’s wrong? May kaaway ka ba?” tanong ni Ryou sa kanya.
“Narinig ko ang balita na nagdate kayo ng pokpok na iyon. Paano mo nagawa sa akin ito?” tanong ni Jihan, hindi niya maitago ang galit.
“At saan mo naman nabalitaan iyan?” tanong ni Ryou sa kanya.
Natahimik si Jihan at nagbalik sa kanyang ala-ala yung pangyayari kanina noong malaman niya tungkol sa pag m-meet nina Ryou at Yuelo. Matindi ang galit niya kanina at halos hindi niya nacontrol ang kanyang sarili.
FLASH BACK
Narinig ni Jihan ang balita sa kanyang mga maid. Habang abala siya sa pagsusukat ng mga damit na binili niya sa ibang bansa.
“Maganda ba ito? Ano sa palagay niyo ang magandang isuot sa party? Yung brown tuxedo ba o yung blue?” tanong ni Jihan sa kanyang mga maids habang nakaharap ito sa salamim at pinagmamasdan ang sarili.
“Hmmm, mas elegante tingnan yung blue tuxedo. Yung ka date ni Sir Ryou last day ay nakasuot rin ng blue tuxedo at napaka gwapo niya,” ang sagot ng maid habang nakangiti.
Pero noong masabi iyon ng maid bigla itong nagtakip bibig. Makalipas ang ilang segundo ay tila nagsisisi ito na nasabi ang ganoong bagay.
Suddenly, nagbago ang expression ng mukha ni Jihan.
Nagtaka naman si Jihan sa kanyang narinig at napahinto ito sa pag susukat ng damit, “what did you say?” tanong nito.
“Wala po sir,” ang natatakot na sagot ng maid. Narealize nito na hindi niya dapat nasabi ang ganoong bagay dahil tiyak na magagalit si Jihan, pero ngayon ay huli na.
Bumakas sa mukha ni Jihan ang galit, “ulitin mo nga yung sinabi mo!”
Natakot ang maid, “Si Sir Ryou po ay may ka date noong isang araw. Yung lalaki po ay nakasuot din ng blue tuxedo.”
“At saan mo naman nalaman?” tanong ni Jihan.
“Nakita po namin sa social media, may nag upload ng 30 seconds video clip doon,” natatakot na sagot ng maid, halos nauutal na ito sa pagsasalita. Wala silang choice kundi ipakita ang video clip.
Nagulat si Jihan dahil ang lalaki ay walang iba kundi si Yuelo at magkahawak kamay pa sila habang lumalakad sa lobby ng isang private restaurant!
Nakaramdam ng matinding galit si Jihan. “Bakit hindi niyo agad sinabi sa akin? Napaka tatanga niyo naman! Mga bobo! Mga walang silbi!” ang sigaw niya.
“Ayaw nga po naming sabihin sa iyo dahil tiyak na magagalit ka,” nag aalangan sagot maid. Halos mamutla sila dahil alam nila na grabeng magalit si Jihan at hindi nito nacocontrol ang kanyang sarili.
Hindi nagustuhan ni Jihan ang balita at lalong hindi niya nagustuhan na may ibang lalaking umaaligid at lumalapit sa lalaking kanyang nagugustuhan!
“Oo! Talagang magagalit ako! Hindi pwede to! Hindi ako papayag!!” ang sigaw ni Jihan at nagsimula na siyang mag hysterical.
Nakaramdam siya ng matinding galit kay Ryou at Yue..
“Mga gago kayo! Siguro nagkantutan silang dalawa!! Putang ina talaga!!” ang nagwawalang sigaw ni Jihan sa kanyang sarili!
Nagwala siya at isa isang tinapon ang mga gamit sa kanyang paligid. Nagawa rin niyang basagin ang mga flower base sa kanyang silid.
At dahil sa matinding galit ay nagawa rin niyang sampalin sa mukha ang mga maid niya pumipigil sa kanyang pagwawala. “Mga wala kayong kwenta! Mga stupido!! Fuckkk!! Mga pakshet!!!”
Ang kaninang magandang mood ng binata ay napalitan ng galit dahil sa kanyang nalaman. At dahil dito ay mas lalo pang umusbong ang galit niya kay Yuelo.
At noong mga sandaling iyon ibayong sakit ang naramdaman ni Jihan. Pero gayon pa man ay hindi siya basta basta susuko sa kanyang nararamdaman.
Si Ryou Guerrero ay para lamang sa kanya at silang dalawa ang nakatakdang magsama!
END OF FLASHBACK
Part 16: Remembering
Part 1
6
: Remembering
Labis na ikinagalit ni Jihan sa nalaman niya kaya naman hindi niya napigilan ang sarili na komprontahin si Ryou tungkol dito.
“So ganoon pala ang mga tipo mong lalaki? Sana sinabi mo agad sa akin para nagsuot din ako ng weirdong damit at hindi magkapares na sapatos. Baka sakaling nagustuhan mo rin ako,” ang wika ni Jihan na hindi maitago pagkainis.
Pakiramdam niya ay binabale wala siya ni Ryou.
“Ji, ano bang ikinagagalit mo? Nakipagkita ako kay Yue dahil interesado ako sa mga gagawin niyang paintings at nais ko rin siyang bigyan ng opportunity,” ang sagot ni Ryou.
“What kind of opportunity? Opportunity na maging boy friend mo? Bakit parang binale wala mo naman ako? Ako yung laging nasa tabi mo diba? Ako yung laging kasama mo sa mga events. Bakit lumalabas na mas mahalaga pa siya kaysa sa akin?” tanong ni Jihan.
“Nais ko siyang bigyan ng opportunity dahil si Yue ay wala ng mga magulang, kailangan niya ng pang suporta sa kanyang sarili. Pati ba sa kanya ay kailangan mong makipag competition?” tanong din ni Ryou.
“Oo, kung kinakailangan! Huwag mo sanang kalimutan ang si Dad ang nasa likod ng success mo ngayon. At huwag mo ring kakalimutan na malaki ang utang na loob mo sa kanya,” ang sagot ni Jihan.
Pilit ipinaalala ni Jihan kay Ryou na ang kanyang ama ang dahilan kung bakit siya naging successful ngayon. “Kahit kailan ay hindi ko nakalimutan ang kabaitan ng iyong ama sa akin. Hindi mo na kailangan pang ulit ulitin sa akin ang lahat ng ito,” ang sagot ni Ryou.
Bago maging isang sucessful na businessman ay dumaan si Ryou sa maraming challenges. Maraming beses siyang nakatikim ng rejection at maraming beses din siyang nabigo. Hanggang sa makilala niya si Mr. Fredrick Singh, ang father ni Jihan.
Si Fredrick Singh ang nagturo sa kanya kung paano maging isang mahusay na business, pinahiram din siya nito ng puhunan upang siya ay makapagsimula ng negosyo. Ilang beses nalugi si Ryou ngunit hindi nag give up sa kanya si Mr. Singh. Patuloy siyang sinuportahan nito hanggang sa unti unting lumago ang kanyang business at hindi nagtagal ay naging successful ito.
Malaki ang utang na loob ni Ryou Guerrero kay Fredrick Singh kaya naman wala siyang magawa kundi ang pakisamahan ng maayos si Jihan kahit na may attitude problem ito at isang mayamang spoiled brat. Kaya’t kahit may time na nauubusan siya ng pasensiya kay Jihan ay pinipigil na lamang niya ang kanyang sarili.
Ngayon ay maunlad pa rin ang business ng mga Singh, infact ang “Singh Cosmetics” ang pinaka tanyag na cosmetic brand company sa buong bansa at gayon rin sa international settings.
“Gusto kong malaman mo na ang lahat ng pinansyal na pagkakautang ko sa iyong ama ay nabayaran ko na ilang taon na ang nakalilipas,” ang tugon ni Ryou.
“Pero hindi ang utang na loob, siya ang dahilan kaya’t nandyan ka ngayon sa kinalalagyan mo,” ang sagot din ni Jihan.
Natawa si Ryou, “of course hindi ko nakakalimutan iyon. At sana ay huwag gamitin ang iyong ama para mapasunod ako sa mga bagay na gusto mo. Kung ngayon pa lang ay ipinapakita mo na sa akin ang totoong kulay mo ay mas makabubuting idistansiya ko ang aking sarili sa iyo,” dagdag ni Ryou.
“Ang ibig bang sabihin nito ay mas pinipili mo ang wirdong lalaking iyon over me?” tanong ni Jihan.
“I already explained myself to you. Huwag mo nang gawing komplikado ang lahat ng bagay for the both of us,” ang sagot ni Ryou.
Natahimik si Jihan, wala siyang nagawa kundi ang umalis at lumakad palayo sa binata. God knows kung gaano ka gusto ni Jihan ang binata. Wala siyang ibang makitang lalaking babagay sa kanya kundi si Ryou Guerrero lamang.
Halos lahat ng effort ay ginawa niya para kay Ryou kaya hindi siya makapapayag na basta na lamang ito babaling ang atensyon nito sa isang lalaking nagmula kung saana. Ito ang reason kung bakit nagagalit siya at nakakaramdam ng ganitong kabigat na emosyon.
“Sir, gusto mo bang ihatid na kita sa iyong sasakyan?” magalang na tanong ng guard noong makasalubong niya si Jihan.
Humarap sa kanya si Jihan at bigla niyang sinampal ang guard. “Arekup! Sir Jihan, bakit mo naman ako sinampal? Wala naman akong ginagawang masama?”
“Why? Because I CAN!” ang galit na sagot nito saka lumakad patungo sa lobby.
Well, alam naman ng lahat ng empleyado na kapag galit at wala sa mood si Jihan ay nananampal talaga ito. Ibinubuhos ang galit niya sa mga taong kanyang nakakasalubong. Kaya minsan ay binabasagan at tinatawag siyang “crazy bitch” ng mga empleyadong galit sa kanya.
Noong makalabas si Jihan sa opisina ni Ryou ay napabuntong hininga na lamang ang binata. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya magawang magkaroon ng relasyon at commitment kay Jihan dahil mahirap sakyan ang ugali nito.
Kadalasan ay mainitin ang kanyang ulo, seloso, sobrang concious sa kanyang looks at maging sa kanyang katawan. At ang pinaka worst na ugali niya ay hindi ito marunong makinig sa katwiran ng iba. Basta para sa kanya ay siya lamang ang nag iisang tama.
Halos ilang taon na ring magkakilala sina Jihan at Ryou. Madalas din silang napapagkamalang couple ng public. At kung minsan ay ito na rin ang nagiging press release ni Jihan sa kanyang mga kaibigan. Kaya ang alam ng mga ito ay magkasintahan silang dalawa pero hindi naman talaga.
Sa kabila ng hindi magandang attitude ni Jihan ay pinapakisamahan pa rin siya ni Ryou ng mabuti dahil sa malaking utang na loob sa kanyang ama. Pero kung si Ryou ang tatanungin ay mas gusto niya ang taong simple at hindi mahilig sa mga materyal na bagay.
“Ako na ang nanghihingi ng tawad sa inaasal ng aking anak,“ang wika ni Mr. Singh, noong mabalitaan nito ang ginawang pang aaway ni Jihan.
“Ayos lamang iyon. Kung minsan ang mga spoiled na anak ay mahirap unawain dahil pabago bago ang kanilang mga mood, lalo kapag sila ay nagseselos,” sagot ni Ryou.
“Alam mo naman na gustong gusto ka ng aking anak. Kahit maraming mga mayayamang tao ang nagkakagusto sa kanya ay ikaw pa rin ang gusto niyang makasama. Well, siguro ay kasalanan ko rin naman dahil simula noong bata siya ay madalas kong ibinibigay ang lahat ng kanyang naisin kaya marahil lumaki itong spoiled at ayaw ng na-oout shine ng ibang tao,” sagot ni Mr. Singh.
“Don’t Mr. Singh, matagal ko ring kasama si Jihan, marahil ay alam ko na rin kung paano siya pakisamahan ng maayos,” sagot ni Ryou habang nakangiti.
“Kaya nga if ever na magdesisyon kang pakasalan ang aking anak ay ako ang kauna unahang taong matutuwa dahil alam kong nasa mabuting kamay siya. Simula noong mamatay ang mga magulang mo ay itinuring na kitang tunay na anak kaya’t I know you very well, alam kong isa kang mabuting tao. Confident ako na kapag dumating ang araw na wala na ako sa mundong ito ay mayroon pa ring makakasama at magmamahal sa aking anak. Sana ay habaan mo pa ang pasensiya mo sa kanya,” pakiusap ni Mr. Singh.
“Sa ngayon ay wala pa sa isip ko ang mag asawa lalo’t aking atensiyon ay naka focus lamang sa Aquarius Maritime. Matapos ang iskandalong aming kinaharap ay susubukan naming bumalik muli sa operasyon. Ngayon ay pinag aaral namin kung paano makakasiguradong hindi na mauulit ang pagkalat ng langis sa karagatan lalo’t nag iiwan ito ng malaking pinsala,” sagot ni Ryou.
Natawa si Mr. Singh, “nakikita ko sa iyo ang sarili ko. When I was young ay mas priority ko ang trabaho at ang pagpapalago ng negosyo. No wonder kaya’t sa early age ay pareho na tayong bilyonaryo.”
“Marahil ay ito naman talaga ang purpose natin sa mundo at iyon ay ang paunlarin ang ating mga sarili. Ito ang isang mahalagang bagay na natutunan ko sa iyo, Mr. Singh,” ang sagot ni Ryou.
Ngumiti si Mr. Singh, maya maya ay napatingin siya sa painting na nakadisplay sa opisina ni Ryou, ang painting na ito ay ang artwork ni Yue.
“Kakaiba ang painting na ito, sino ang gumawa?” tanong ni Mr. Singh.
“Ang painting na iyan ay gawa ng isang kaibigan, believe hindi siya isang professional painter. Ginawa lamang niya iyan base sa kanyang wild imagination. Tinawag ko ang painting na iyan na “Silver Moon”, as you can see ang liwanag ng buwan ay nag rereflect sa silver tail ng merman kaya ito nagliliwanag. At alam mo ba ang pinaka intersting part ng painting?“ tanong ni Ryou habang nakangiti.
“Alam kong may interesting part ang painting na ito, kaya mo ito binili. Maaari mo bang sabihin sa akin kung ano iyon?”
“Ang pinaka interesting part ng painting is the whole image itself. Kung tititigan mo ang image ay para bang iginuhit ito ng artist habang nakatanaw sa actual na model,” ang paliwanag ni Ryou.
“Are you saying na maaaring nakakita na nga ng totoong mermaid ang artist na gumawa nito?” Mr. Singh asked.
“Maybe. Kapag nakikita ko itong painting ay gusto ko na rin maniwala na talagang mayroong mga sirena,” ang wika ni Ryou habang nakatitig sa imahe.
“Interesting, nais ko ring ma meet ang artist sa likod ng painting na ito. Kahit papaano ay naniniwala rin ako sa mga mermaids, lalo na ang mga silver tailed,” ang tugon ni Mr. Singh, bakas sa kanyang mukha ang paghanga sa kanyang nakikita.
“Sure, soon ay ipapakilala ko siya sa iyo. Isa siyang interesting na tao,” tugon ni Ryou
Samantala, habang nakatitig si Mr. Singh sa imahe ay gumuhit ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. Siya ay fascinated sa mga mermaid at sikretong hinahanap niya ang mga ito.
Walang nakakaalam na may mahalagang parte ang mga sirena sa tagumpay ng Singh’s Business Empire.
Part 17: Ancestor’s Gift
Loving The Merman
AiTenshi
Part 1
7
: Ancestor’s Gift
Halos ilang buwan na rin ang nakalilipas noong unang beses na tumapak si Yue sa high ground. Noong una ay naging isang malaking pagsubok sa kanya ang mag adjust at makibagay sa kanyang paligid, lalo na sa mga normal na tao.
Pero matapos ang ilang linggo ay mabilis na nakapag adjust ang binata. Marunong na siyang makisama sa mga tao sa kanilang lugar. Mabilis na rin niyang natutunan ang mga daily routine na ginagawa ng isang normal na tao.
Kung may isang bagay lamang na mahirap sa pagiging isang sirena, iyon ay ang pag takas at pagtatago kapag dumarating ang sunset because their tail will automatic comes out. Kaya kapag gabi ay hindi na makikita pa si Yue sa paligid dahil siya ay bumabalik sa dagat para itago ang kanyang sarili sa mga malulupit na tao.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Yue bago siya mag-dive sa tubig. Noong sandaling humalik ang kanyang katawan sa karagatan ay nagliwanag ang kanyang mga hita at unti unting lumabas ang kanyang pilak na kaliskis at buntot. Kaya’t sa kadiliman ng gabi ay mapapansin ang kanyang nagliliwanag na katawan.
Ngayon ay isang espesyal na gabi ng kanyang pagbabalik sa karagatan dahil magkikita sila ng kanyang ina na si Seres sa Karikit Island. Matatandaan na espesyal sa kanila ang lugar na ito dahil sa islang ito siya isinilang at dito rin siya natutong tumayo at maglakad. Ang Karikit Island rin ay epesyal sa ama ni Yue at maging sa kanyang mga ninuno.
Noong marating ni Yue ang Isla ng Karikit ay agad siyang sinalubong si Seres. Ibayong saya ang naramdaman ni Yue noong mga sandaling iyon dahil magmula noong umalis siya para gampanan ang kaniyang misyon ay hindi na sila nagkita pa ng kanyang ina.
Isang mahigpit na yakap ang ibigay ni Yue kay Seres, hindi niya maiwasang mapaluha noong makita ang ina.
“Kumusta ka na? Kumakain ka ba ng mabuti? Parang namayat ka yata?” nakangiting tanong ni Seres.
“Inay, wala kang idea kung gaano karami ang pinagdaan ko doon sa high ground. Ang lahat doon ay talagang kakaiba, mula sa pananamit, pagsasalita, pagkilos, pagkain hanggang sa pag aayos ng sarili. Kakaiba rin ang uri ng pamumuhay doon, ang akala ko nga ay hindi ako makaka catch up sa kanila. Lahat ng basic ay tinuturo sa akin ni tiya Marine. Tinuruan din niya ako ng pagpipinta ng larawan,“pagsasalaysay ni Yue, para itong isang batang paslit na nagkkwento sa kanyang ina.
Samantalang si Seres naman ay nakangiti lang habang nakikinig sa binata. Damang dama niya ang kaligayahan nito habang natangin sa kanyang mukha. Ang inaakala ni Seres ay magiging mahirap kay Yue ang pagtungo sa high ground, mabuti na lamang at maayos ang kalagayan nito kaya’t kahit paano ay nawawala ang kanyang worries.
“Wala kang idea kung gaano ako kasaya na makita at makasama ka ulit Yuelo. Madalas kong pinagdarasal sa panginoong lumikha na sana ay pagpalain ka niya at patnubayan sa lahat ng oras,” ang tugon ni Seres.
Lahat ng experience ni Yue sa high ground ay ibinahagi niya sa kay Seres. Wala siyang itinagong sikreto sa kanyang ina kaya’t pati ang tungol kay Ryou Guerrero at sa pagsasagawa sa kanyang misyon ay maayos rin niya nasabi.
“Yuelo, napansin ko ang kakaibang saya ng iyong mukha habang ikinu-kwento mo sa akin si Ryou Guerrero, tapatin mo nga ako, umiibig ka ba sa kanya? Huwag kang mag alala dahil hindi naman ako magagalit,” nakangiting tanong ni Seres.
Panandaliang nahinto si Yuelo at napaisip na lamang siya. Ang totoo ay hindi niya alam ang kanyang isasagot. Bagamat alam niya sa sarili ang tunay na nararamdaman.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Seres noong makitang natahimik si Yue, sana ay hindi na niya tinanong ang bagay na iyon.
Napabuntong hininga si Yue, “Hindi ko alam inay, basta ngayon lamang ako sumaya ng ganito. At ang hindi ko maunawaan ay kung bakit lagi siya sa isipan ko. Kapag naaalala ko yung mga ngiti niya at kung paano niya ako titigan, nakakaramdaman ako ng hindi, maipaliwanag na saya,” paliwanag ng binata, medyo nahihiya pa siyang sabihin kay Seres ang kanyang nararamdaman.
“Hmm, hijo huwag kang mag isip ng sobra. Sa palagay ko ay natural lamang na maramdaman mo ang ganyan lalo’t ikaw ay nasa wastong gulang na para humanga sa isang lalaki. Alam mo, ang pinagkaiba lamang natin sa mga tao ay ang pagkakaroon natin ng buntot. Ngunit ang pangkalahatang parte ng katawan ay pareho lamang. Lahat tayo ay mayroon mga “puso” na tumitibok at humahanga sa ating mga kapwa. Kaya sa tingin ko ang nararamdaman mo ay normal. At wala itong pinakaiba sa nararamdaman ng isang human na nakatira sa high land,“ paliwanag ni Seres.
“Pero don’t worry, kung ano man ang nararamdaman ko ay maaari ko naman itong kalimutan. Maaari kong ireject ang aking feelings,” ang sagot ni Yue.
“At bakit mo naman iyon gagawin?” tanong ni Seres.
“Dahil kailangan kong tuparin ang aking misyon. At ayokong biguin ang ating mga kalahi,” ang sagot ni Yue.
Niyakap siya ni Seres, “Yuelo, ako ang iyong ina kaya’t ano pang maging desisyon mo ay susuportahan kita sa abot ng aking makakaya,” ang sagot niya. Noong mga sandaling iyon ay alam na niyang si Yue dadaan sa matinding pagkalito lalo’t ang makakalaban niya sa kanyang misyon ay ang kanyang puso.
Tumagal ng ilang oras ang pagkukuwentuhan nilang dalawa. Kapwa sila nakaupo sa dalampasigan habang ang malamig na alon mula sa karagatan ay humahalik sa mga buntot.
At makalipas ang ilang minuto ay sinabi na ni Seres ang totoong dahilan kaya gusto niyang makita si Yue. “Bukod sa sobrang namimiss na kita ay mayroon akong nais na ibigay sa iyo.”
“Ano iyon? Inay?” pagtataka ni Yue.
“Isang importanteng bagay na ibinigay sa akin ng iyong ina bago siya mamatay. Ang sabi niya sa akin ay ibigay ko ito sa iyo kapag nakasanayan mo na ang buhay sa high ground. At sa tingin ko naman ay kayang kaya mo ang sumabay sa magulong buhay doon. Sa palagay ko ay ito na ang tamang oras para ibigay sa iyo ito,” ang nakangiting paliwanag ni Seres.
Inilabas niya ang isang kwintas na mayroong maliit na silver shell pendant.
Nagliliwanag kwintas lalo na noong masinagan nito ng buwan.
“Ang kwintas na ito ay pag aari ng iyong ama. Ibinigay niya ito sa iyong ina bago siya umakyat ng high ground. At ayon pa sa iyong ama ay ito ang isang mahalaga kayamanan ng inyong mga ninuno. Gusto ng iyong ama na ibigay ito sa iyo kapag nagkaroon ka na ng mga paa,” paliwanag ni Seres.
Napatingin si Yue sa kwintas, “ang ganda, ang silver shell na pendant ay kakulay ng aking buntot,” namamangha niyang tugon.
“Yuelo, ingatan mong mabuti iyan dahil iyan ang kayamanan ng inyong mga ninuno na mga sirena na mayroong silver tail,” paalala ni Seres.
Tumango si Yue at ngumiti. “Huwag kang mag alala inay, iingatan ko ito at pahahalagahan sa lahat ng oras.”
Isinuot ni Yue ang kwintas..
At noong sandaling na isuot niya ito ay nagliwanag ang pendant nito at gayon rin ang kanyang buntot. Walang kamalay malay sina Yue na ang bagay na ito ay isang makapangyarihang kwintas!
At ang makapangyarihang kwintas na ito ay bibiyayaan siya ng mga paa!
Meaning, kapag sumasapit ang sunset ay hindi mawawala ang kanyang mga paa hangga’t suot niya ang kwintas. Hindi na niya kailangan pang bumalik sa karagatan upang magtago.
“Tama ka Yuelo, kapag isinuot mo iyan sa gabi ay magkakaroon ka pa rin ng mga paa. NGUNIT, kapag hinubad mo ang kwintas ay magkakaroon ulit ng buntot. Ngayon ay alam mo na kung bakit espesyal na kayamanan iyan ng iyong mga ninuno. Ang magical necklace na iyan ay bibigyan ka ng immunity,” paliwanag ni Seres.
At noong alisin ni Yue ang kwintas sa kanyang leeg ay nagliwanag ito at muling bumalik ang kanyang kaliskis at buntot. Samantala, noong ikabit niya ulit ito ay lumabas na ulit ang kanyang paa.
“Kahit ako ay hindi rin makapaniwala na na-conquer na ng iyong mga ninuno ang gabi. Kung sabagay ay hindi naman nakapagtataka dahil sinasamba nila ang buwan kaya’t kalulugdan sila nito. At sinubukan kong gamitin ito ngunit hindi ito umepekto sa akin. Kaya ang conclusion ay, effective lamang ang magical necklace sa mga mermaid na mayroong silver tail katulad mo,” ang paliwang ng kanyang ina.
“Kung ganoon ay hindi ko na kailangan pang magtago sa karagatan sa gabi?” tanong ni Yue na nakaramdam ng labis na tuwa.
“Oo, kailangan ay suot mo na ito bago lumubog ang araw at mag dilim upang mabigyan ka ng immunity. Tama nga ang iyong namayapang ina, ang mga sirena na mayroong silver tail katulad ng iyong mga ninuno ay talagang mahihiwaga at makapangyarihan,” sagot ni Seres habang nakangiti.
“At batid kong ang kwintas na ito ang magiging guide ko upang mahanap ang aking ama. Sana ituro nito sa akin daan patungo sa kanya,” ang bulong ni Yue habang nakatitig sa magandang pendant ng kwintas.
Noong mga sandaling iyon ay ipinangako niya sa sarili na iingatan ang mahiwagang kwintas bilang isang pinakamahalagang kayamanan ng kanyang buhay.
At kapag suot niya ang kwintas na ito ay parang kapiling na rin niya ang kanyang ama. Nararamdaman rin niya ang pagmamahal ng kanyang mga magulang.
Author’s Note: Dito natin ito i-completed. Salamat inyo.
Part 18: Attraction
Part
18
: Attraction
Nakatahimik lamang si Ryou habang nakasandal sa gilid ng swimming pool sa harap ng kanyang bahay. Paulit ulit nagbabalik sa kanyang isipan ang mukha ni Yue at ngayon ay nais niyang makitang muli ang binata.
Natawa rin siya sa panaginip niya kagabi, napanaginipan niya na naliligo sila ng sabay ni Yue at magkayakap habang nakalubog sa karagatan. Hinahalikan niya ito at niroromansa sa ilalim ng tubig. Noong magising siya halos sumabog ang tamod sa kanyang brief, kumalat ito sa kanyang bulbol at bayag. Nag wet dreams siya at si Yue pa rin ang laman ng kanyang panaginip.
Natatawa siya sa kanyang sarili habang nakalunoy sa swimming pool..
“Parang sobrang lalim ng iniisip mo, bro?” tanong ni Gino, siya ay best friend ni Ryou. Inabutan niya ng isang basong alak ang kaibigan.
“Possible bang magkagusto ako sa isang taong hindi ko masyadong kilala?” tanong ni Ryou sa kanya.
“Oo naman, posible ito lalo’t taglay ng taong iyon ang mga qualities na hinahanap mo. Wait, sino ba ang tao ito? Ito ba yung gwapong lalaki na kasama mo sa restaurant noong nakaraang linggo?” tanong ni Gino.
“Yung lalaki nakasama ko sa restaurant, siya ang tinutukoy ko,” ang sagot ni Ryou.
“Talagang good looking siya, parang isang Diyos sa Olympus ang datingan. Well, gwapo rin naman si Jihan at sa tingin ko ay nakahanda siyang ibigay sa iyo ang lahat,” ang sagot ni Gino, nakangisi ito.
“Malaki ang difference ni Yue at Jihan. Si Yue ay inosente, maligaya na ito sa mga simpleng bagay while si Jihan naman ay ayaw ng mga simpleng bagay at madalang itong maka appreciate. You know, marami na akong mga taong nakilala pero karamihan sa kanila ay sex at money lang ang habol,” ang tugon ni Ryou.
“At iyan ang mahirap sa mga katulad mong Bilyonaryo, hindi mo alam kung ano ba alam kung ano ang gusto sa iyo, is it you or your money? Kaya hindi na ako nagtataka na maattract ka kay Yue dahil iba ang ipinakita niya sa usual na taong nakilala mo,” sagot ni Gino.
“Gagawin ko ang best ko para makilala ng mabuti si Yue, sana ay hindi niya ako madisappoint,” tugon ni Ryou, napabuntong hininga na lamang ito.
“Well, you have to understand na ang lahat ng tao ay may flaws, mayroong mga dark side na parang mga diamond na nacover ng dust. Kung mahal mo ang isang tao ay mamahalin mo ang lahat lahat sa kanya. And besides, there’s no way you can know everything about someone. That’s what keeps it interesting. At some point, you just have to learn to trust that person,” dagdag ni Gino habang nagsasalin ng alak sa baso.
Napabuntong hininga si Ryou.
Tumingin siya sa kalangitan kung saan naroon ang buwan. Kasing kulay ng buwan ang buntot ng mermaid sa painting ni Yue. Ito ang naging daan upang makilala niya ang binata. Para bang ang lahat ay meant to be na mangyari.
Dito ay nagdesisyon siya na muling makipagkita kay Yue. That moment ay narealize niya na gusto pa niya itong makilala ng mas mabuti.
“Pero paano si Jihan? Alam mo naman na itinalaga niya ang kanyang sarili na maging kasintahan mo. Alam mo ba na pati butas ng pwet niya pinapaganda niya para masarapan ka kapag nag sex kayong dalawa? Wala lang nabalitaan ko lang sa isang kaibigan niya from na upper upper upper,” hirit ni Gino.
“I didn’t asked him to do that, si Jihan ay parang isang anino na nakamonitor at nakasunod sa akin. May times na mahirap siyang pakisamahan dahil siya moody at madalas demanding. Gusto niyang lagi siyang nasusunod at nakakasakal na siya,” sagot ni Ryou.
“Kaya nga bro, ang maipapayo ko lamang sa iyo bilang malapit mong kaibigan ay iwasan mong makipag sex kay Jihan, dahil baka magpanggap iyan na buntis at bigla kayong ipakasal ni Mr. Singh,” ang natatawang tugon ni Gino.
Natawa si Ryou, “Buntis? Wish lang niya may bahay bata siya! Pero iyan ang reason kaya’t kahit inaakit ako ni Jihan ay hindi ko magawang ibigay ang gusto niya. Ayokong hawakan niya ako sa leeg.”
“Come what may na lang tayo, iexpect mo nang hindi magugustuhan ni Jihan ang pakikipagkita mo kay Yue. Tiyak na aawayin niya kayong dalawa at mas worst ay hindi niya bibigyan ng katahimikan si Yue, tiyak na guguluhin niya ang tahimik na buhay nito,” dagdag ni Gino
Alam ni Ryou ang ganitong posibilidad lalo’t karamihan sa mga nakadate niya before ay itinumba ni Jihan. Ang ilan sa kanila ay tinatakot pa kaya’t ang mga ito ay lumalayo na lang upang matapos na ang kaguluhan. Una pa lang ay obsessed na si Jihan sa kanya, kahit hindi na siya nagtataka na gagawa ito ng mga ganoong bagay.
KARIKIT ISLAND
Samantala, matapos ibigay ni Seres kay Yue ang magical necklace ay pinayuhan pa rin niya ang binata na ingatang mabuti ang kanyang sarili.
“Bibigyan ka ng pares ng binti ng magical necklace sa gabi. Dapat ay ingatan mo ang kwintas habang suot mo ito. At huwag mong hahayaan maalis ito sa iyong katawan dahil automatic na babalik ang iyong buntot. Kaya ang maipapayo ko sa iyo ay iwasan mong lumakad sa lugar na maraming tao kapag sumasapit ang gabi upang hindi ka mapamahak,” paalala niya kay Yue, somehow ay hindi pa rin mawala ang worry sa dibdib ni Seres.
“Inay, sa tingin mo ay bakit iniwanan ito ng akin ama? Sa tingin ko kailangan ay mas kailangan rin niya ito” pagtataka ni Yue.
Nagkibit balikat lang si Seres, “Hindi ko alam ang dahilan kung bakit iniwanan ng iyong ama ang kwintas na iyan. Marahil ay iniisip niya na mas kailangan mo ito sa future, kaya’t ingatan mo ito bilang pag-alala sa kanya,” ang nakangiting sagot ni Seres.
Hinawakan ni Yue ang silver shell na pendat ng necklace at pinagmasdan niya itong mabuti. Hindi niya namamalayan na pumapatak na pala ang luha sa kanyang mga mata dahil sa kakaibang emosyon na kanyang naramdaman.
“Paano ko ba hahanapin ang isang taong hindi ko pa nakita ang mukha? Paano ko siya hahanapin sa isang lugar na napakalawak? Paano ako magsisimula?” tanong ni Yue.
Napabuntong hininga si Seres, “Yuelo huwag kang mag-alala, susubukan kong hanapin ang mga lumang gamit ng iyong ina. Tiyak na mayroong naiwang ala-ala ang iyong ama doon.”
“Saan mo ito hahanapin?” tanong ni Yue.
“Best friend ko ang iyong ina, madalas kaming umaakyat sa mga isla upang itago ang aming kagamitan sa high ground. You know, madalas ay tumatakas lang kami ng iyong ina para magtungo sa lupain ng mga tao kaya’t hindi namin magawang iuwi sa Liquara ang aming mga gamit. Don’t worry, one of these days ay susubukan ko itong hanapin,” ang paliwanag ni Seres habang nakangiti.
Hinaplos niya ang buhok ni Yue at niyakap ito. “Balang araw ay magiging maayos rin ang lahat. Makakamit mo rin ang walang hanggang kaligayahan,” bulong niya.
KINABUKASAN.
“Hindi ako makapaniwala na totoo ang alamat tungkol sa mga silver tailed mermaid.
Ayon sa matatandang paniniwala, ang mga silver tailed mermaid ay nakahanap ng paraan para ma-conquer ang gabi at mapanatili nila ang kanilang mga paa. Ang akala ko ay haka haka lamang ang mga bagay na ito. Ang isang normal na sirena ay nagkakaroon ng mga paa sa araw ngunit nawawala rin ito kapag dumating ang sunset kaya’t kinakailangan nilang magtago,“ ang sagot ni Marine noong ikwento ni Yue ang pangyayari kagabi. Hindi niya maitago ang matinding pagkamangha habang pinagmamasdan ang magical silver necklace.
“Kung ganoon ay talaga pa lang noon pa may ay kakaiba na ang lahi ng mga silver tailed mermaid? Kaya pala ang tingin sa amin ay salot at malas,” ang tugon ni Yue.
“Hindi naman sa ganoon, Yue. Ang mga silver tailed mermaid ay kaunti lamang ang mga lahi. Sinasabing sila ang orihinal na pinagmulan ng kauna-unang lahi ng mga mermaid ngunit hindi ito kinikilala ng mga elders,” ang paliwanag ni Marine.
“Ano ba ang main reason kung bakit inassociate ang salitang “malas” sa mga mermaid na mayroong silver tail?“ Yue continous asking.
“Dahil noong unang panahon daw, ang mga silver tailed mermaid ang nagdala ng malaking salot sa karagatan. Sila rin ang dahilan kung bakit nasira ang mga tirahan ng ibang lamang dagat kabilang na ang tirahan ng ating mga kalahi. Magbuhat noong araw na iyon ay itunuring na silang mga malas at hindi na nabago ito,” ang paliwanag ni Marine.
“Kaya isinisisi rin nila sa akin ang pagkasira ng Liquara, at sa tuwing magkakaroon ng masasamang pangyayari sa ilalim ng karagatan ay madalas ako rin ang itinuturing nilang may kasalanan kahit wala naman akong ginagawang masama,” sagot ni Yue.
“Dahil konektado ka pa rin sa matandang paniniwala. Huwag ka na malungkot dahil balang araw ang iyong silver tail will filled with greatness!” ang nakangiting sagot ni Marine, binigyan niya ng isang mahigpit na yakap si Yue.
Mabilis lumipas ang mga oras at sumapit naman ang sunset. Upang masubukan ang kapangyarihan ng necklace ay agad itong isinuot ni Yue habang siya ay nasa mermaid form.
Noong maisuot niya ang kwintas kanyang leeg ay nagliwanag ang silver shell na pendant nito at unti unting nawala ang kanyang buntot.
Nanlaki ang mga mata ni Marine sa kanyang nakita, labis siyang namangha noong muling makatayo si Yue gamit ang kanyang mga paa. “Napaka swerte ko dahil napatunayan kong ang alamat ay totoo. Ikaw ang living proof na ang mga silver tailed mermaid ay mahiwaga.”
Ngumiti si Yue, tumabi ito sa bath tub ni Marine kung sana siya nakahiga. Hinimas niya at binasa ng tubig ang kulay blue na buntot nito, “Don’t worry Aunt, habang nandito ka ay ako muna ang magbabantay sa iyo.”
Ngumiti si Marine ay hinaplos ang buhok ni Yue, “ngayon lamang ulit mayroong nagpahalaga sa akin, salamat sa pagdating mo sa buhay ko.”
“Habang nandito ako ay sisiguraduhin kong hindi ka makakaramdam ng pag iisa, tiya Marine,” bulong ni Yue at pinindot niya ang button ng maliit na radio sa kanilang tabi.
Dito ay sabay silang nakinig ng magandang musika na nagmumula dito.
Part 19: Courage
Part
19
: Courage
Tuluyan ng naging interesado ni Ryou Guerrero kay Yue. Kaya naman ginagawa niya ang lahat para makilala ng husto ang binata.
Gumawa siya ng back ground check kay Yue, kung saan ito nakatira, ano ang ginagawa niya sa buhay, anong klaseng tao ba ang nakapaligid sa kanya.
“Narito ang impormasyon about kay Yue, ano pa ba gusto mong ipagawa? Bakit hindi ikaw ang lumabas doon at ikaw ang magtanong?” tanong ni Gino.
Natawa si Ryou, “Iyan ang role mo bilang best friend ko, so anong nahanap mo? Report it now, mister detective,” pang aasar niya.
Umupo si Gino sa table ni Ryou at inilapag ang mga photos ni Yue na kayang nakuha noong mga nakalipas na araw. “Totoong good looking siya, in fact napaka head turner niya. No wonder kaya na stunned at namesmerized ka sa kanya. Tungkol naman sa uri ng pamumuhay niya, siya ay mahirap lamang at nakatira naman sa isang maliit na bahay malapit sa karagatan. Wala na siyang pamilya at ang tanging nag aalaga lamang sa kanya ay ang kanyang tiya. Pareho silang street vendor at kung minsan ay nag bebenta ng mga paso at painting sa daan,” ang paliwanag ni Gino.
Tumango si Ryou,“kung ganoon ay totoo nga ang kanyang mga sinabi sa akin na siya ay mahirap lamang. Hindi agad ako naniwala dahil tingnan mo naman ang kulay ng balat niya, kutis pang mayaman ito.”
“That’s why you don’t judge the book by its cover. Bukod pa doon si Yue ay nagtitinda lamang ng mga souvernir items sa mga tourista. Ito yung major source of income niya,” dagdag ni Gino.
Natahimik si Ryou habang nakatitig sa mga stolen shots ni Yue, “bakit siya nakapaa? Wala ba siyang sapatos o tsinelas man lang?”
“Iyan ang di ko masasagot, siguro ay trip lang niyang magpaa sa buhanginan. O baka naman wala siyang pambili ng tsinelas? Wait, bakit ba kailangan ko pang sagutin iyan? Bakit hindi mo siya punatahan at ikaw mismo ang magtanong sa kanya kung bakit ganoon ang trip niya? Magkaroon ka nga ng bayag, pare!” pang aasar ni Gino, sabay abot ng address kung saan matatagpuan si Yue.
Natawa si Ryou, “Fine! Pero pupunta ako doon bilang simpleng person. Sabihin mo sa security guards na maaari nila akong sundan ngunit make sure na nakatago sila sa paligid,” ang sagot ni Ryou.
Napakamot ng ulo si Gino, “Dude, I just want to remind you one thing, I’m your business partner at hindi ako ang personal assistant mo.”
“Pero best friend kita since college at role mong suportahan ako. O sige na, pwede mo na gamitin yung condo ko kapag makikipagsex ka sa dalawa mong girl friends. Huwag mo lang masyadong dumihan yung kobre kama dahil mahal iyon,” ang natatawang sagot ni Ryou.
“Deal iyan ha!”
“Yeah! Deal!” sagot ni Ryou habang nakatangin sa address ni Yue.
At iyon nga ang set up, dahil gustong gusto na niyang makita ang binata ay agad siyang bihis ng simpleng casual attire. Madalas ay makikita si Ryou nakasuot ng formal suit at expensive business attire. Kaya’t mukha siyang mature na lalaki sa kanyang itsura.
Now it’s different, dahil si Ryou Guerrero ay nakasuot ng fitted rugged jeans, simple printed shirt at rubber shoes. Ngayon ay mas mukha siyang gwapong teen ager, para isang model at boy next door ang datingan.
Noong bumaba siya sa lobby ng kanyang bahay ay nagulat ang lahat. Hindi sila sanay na makita si Ryou sa ganoong kasuotan. Casual attire suited him very well at mas lumalabas ang kanyang tunay nakagwapuhan.
“How do I look?” tanong ni Ryou sa kaibigang si Gino bago sumakay sa kanyang sasakyan.
“Para kang teen ager bro! Mag ingat ka at huwag kang masyadong mabilis pagdating sa panliligaw,” biro ni Gino.
Ngiti lamang ang isinagot ni Ryou, agad siyang nagdrive patungo sa lugar kung saan matatagpuan si Yue. Sa kanyang likuran ay naka convoy ang itim na van kung nakasakay ang kanyang mga security guards. Ngunit ang utos ni Ryou ay magtago na lamang sila sa paligid at huwag magpapakita kung hindi naman kailangan.
Ilang minuto noong makaalis si Ryou ay dumating naman sa kanyang bahay si Jihan. Nagulat si Gino noong mga sandaling iyon at walang nagawa kundi ang iwelcome ito.
“Hi Ji, you look good today, bagay pala sa iyo yung naka suot ng shorts? Lalo kang naging hot, ang kinis mo pala talaga,” ang pagbati ni Gino habang nakangiti.
“Huwag mo nga akong niloloko. Alam kong nagbibiro ka lang. Nasaan si Ryou at saan siya nagpunta? Nakita ko siyang sumakay sa kanyang sasakyan,” tanong ni Jihan.
“Sa business meeting, doon pupunta si Ryou,” sagot ni Gino.
“Business meeting? Wearing ripped jeans and printed shirt? Are you kidding me? Huwag mo nga akong lokohin! Siguro ay pupunta siya sa lalaki niya diba?” taas kilay na sagot ni Jihan.
“Pwede namang magpunta si Ryou sa meeting ng naka suot ng casual attire, tutal naman ay holiday ngayon,” ang katwiran ni Gino.
“Duhhh! Huwag mo nga akong lokohin Gino! Pareho kayong jerk ni Ryou!” sagot ni Jihan na hindi maitago ang pagkainis.
“Nagsasabi ako ng totoo, wala naman akong dapat itago,” ang depensa ni Gino, hangga’t kaya ay pinagtatakpan niya ang kaibigan.
Lalong nainis si Jihan. Mabilis gumalaw ang kamay nito af sinampal si Gino.
PLAK!
“Aray pucha! Bakit mo naman ako sinampal? Kung maka sampal ka ay parang boy friend mo ako ah,” ang sagot ni Gino.
“Bakit kita sinampal? Well, I have 3 three reasons para sampalin ka. First, dahil sinungaling ka! Second, because you are covering for Ryou! And third, because you are UGLY!” ang naiinis niyang paliwanag, halos hindi niya maitago ang galit.
Hindi naman pangit si Gino, katulad ni Ryou ay marami rin ang nagkakagusto sa kanya. Iyon nga lang ay madalang siyang makitang nakasuot ng corporate attire dahil madalas ay rugged ang kanyang looks. At isa pa ay hindi siya gusto ni Jihan, infact ay naaasar nga ang binata sa kanya dahil madalas niyang pagtakpan si Ryou kapag may ginagawa ito kalokohan. Partners in crime sina Gino at Ryou kaya nahihirapan si Jihan dahil nagtatakipan silang dalawa.
“Hindi naman ako pangit! Maraming babaeng nagkakadarapa sa akin,” ang pagtatanggol ni Gino sa kanyang sarili.
“Well, I don’t care! Last question, nasaan si Ryou? Saan siya nagpunta?” tanong ni Jihan.
“Sa business meeting, doon siya nagpunta maniwala ka,” ang sagot ni Gino.
“PLAK!” Jihan slaps him again, the second time around.
“Liar! Hahanapin ko si Ryou by myself! At kapag nakita kong kasama niya yung lalaking mangkukulam na iyon ay itutumba ko siya!” ang galit na sagot ni Jihan sabay lakad patungo sa kanyang sasakyan.
Iniwanan niya si Gino habang hinihimas nito ang namumulang pisngi dahil sa pagsampal ni Jihan ng dalawang beses. “Tsk, bayolenteng lalaking iyon ah,” ang bulong niya sa kanyang sarili sabay kuha sa kanyang cellphone mabilis na tinawagan si Ryou.
Line ringing..
After few moments ay sumagot si Ryou while driving. “Wazzup? May problema ba?” tanong niya.
“Mayroon, alam mo ba na nagpunta dito si Jihan also known as “Slapped King” at sinampal niya ako sa mukha ng dalawang beses! Pinipilit niya akong sabihin kung saan ka pupunta,“ ang salita ni Gino sa kabilang line.
“Oh, sinabi mo ba kung saan ako pupunta?” tanong ni Ryou.
“Syempre ay hindi! Isinakripisyo ko na itong face ko para lang mapagtakpan ka!” sagot ni Gino.
“Good!” sagot ni Ryou.
“Mag ingat ka dahil umalis si Jihan para hanapin ka. Sa tingin ko ay susunod siya sa iyo. Masyadong obsessed sayo si Jihan ah, tell me the truth, did you fucked him already? Iniyot mo na ba siya kaya ganoon na lang siyang ka attached sayo? Did you took his virginity?” ang tanong ni Gino.
“No! Kapag ginawa ko iyon ay tapos na ang maliligayang araw ko,” ang sagot ni Ryou.
“Basta mag ingat ka. Huwag mong hayaang mahuli ka ni Jihan na kasama si Yue because he will surely removed your face sa pamamagitan ng kanyang special talent, ang power slap!” ang babala ni Gino at nakuha pa niyang magbiro.
Natawa si Ryou, “kaya nga next time ay iwasan mo na si Jihan dahil alam mo naman mahilig itong manampal ng mukha.”
Nagpatuloy si Ryou sa pag ddrive. Excited na siyang makita muli si Yue. Basta pagdating doon sa tabing dagat ay pupunta siya agad sa pwesto nito kung siya madalas nakikitang nagtitinda ng souvenir items. At susupresahin ang binata, aayain niya itong kumain at mag kukwentuhan silang dalawa. Ito ang kanyang original plan.
Pero ang akala niyang perfectly executed plan ay magbabago noong tumawag sa kanya ang mga security guards na naka convoy sa kaniyang sasakyan.
“Sir, nakita namin ang sasakyan ni Sir Jihan, nakasunod ito sa atin,” ang sagot ng security.
“Nasaan na siya? Malapit na ba?” tanong ni Ryou.
“Hindi pa sir, pero nakikita na namin ito,” ang sagot ng mga security.
Kung kailan nagkaroon ng courage si Ryou para puntahan si Yue ay saka issteal ni Jihan ang moment. “Fuck! Bakit ba palagi siyang nakasunod sa akin? Tiyak na gagawa siya ng scene kapag nalaman niyang pupuntahan ko si Yue!” bulong ni Ryou sa kanyang sarili habang nag mamaneho, lumilinga linga siya upang makahinto at makahanap ng way para makalusot.
Samantala si Jihan naman ay nagddrive at naabutan ito ng stop light, dahilan para mawala sa kanyang paningin ang van na sinasasakyan ng security guards ni Ryou. Kanya itong sinusundan kanina pa.
Galit na galit ang binata! Pinindot niya ng todo ang busina ng sasakyan. “Fuck!! Huwag kang magkakamaling puntahan ang lalaking iyon! Ryou! Hindi pwede ito!!” ang malakas niyang sigaw habang nasa loob ng kanyang sasakyan.
“FUCKKKKK!!”
Part 20: Chase Me
Loving The Merman
Ai Tenshi
Part 2
0
: Chase Me
Hindi pa rin tumigil si Jihan sa pagsunod kay Ryou. Hindi niya hahayaang may ibang lalaking kakatagpuin ang binata. At lalong hindi siya makakapayag na ang lalaking iyon ay si Yue. Kaya naman noong mga sandaling iyon ay halos paliparin na ni Jihan ang kanyang sasakyan sa kagustuhang makahabol kay Ryou.
Samantala, aware naman si Ryou na nakasunod sa kanila si Jihan kaya naman agad siyang gumawa ng paraan para iiwas ang kanyang sarili sa gusot.
Mabuti na lamang at nakatanggap siya ng invitation sa kanyang mga college friends kaya nagdesisyon siyang ipagpaliban na lang muna ang pagpunta kay Yue at tumuloy na lamang sa party. Layunin na rin niya na patunayan kay Jihan na mali ang iniisip ng binata laban sa kanya.
Patuloy pa rin sa pag ddrive si Jihan at makalipas ang ilang minuto ay nakita niyang naka park ang sasakyan ni Ryou sa harap ng isang restaurant. Agad pumasok sa isip niya na dito kinatagpo ni Ryou ang kanyang lalaki. Kaya naman agad siyang bumaba ng sasakyan at mabilis na naglakad sa loob nito.
“Kon’nichiwa, watashitachi no resutoran e yōkoso” ang bati ng staff sa entrance.
“Konbanwa, Mr. Ryō gerero? Kare no tēburu wa dokodesu ka? Watashi wa kare no kuruma ga soto ni chūsha shite iru no o mita,” ang tanong ni Jihan.
Napakamot ng ulo ang staff, “Sir di po talaga ako sanay magsalita ng Japanese!” ang wika nito.
“Funny!” ang sagot ni Jihan sabay pasok sa loob ng kainan.
Noong mga sandaling iyon ay inihanda na ni Jihan ang kanyang sarili sa skandalong kanyang lilikhain sa oras na makita niya ang lalaking kasama ni Ryou. “At kapag nalaman kong si Yue ang kasama niya ay I will punch him on the face!” ang sigaw niya sa kanyang sarili.
Pagpasok niya sa loob ay agad niyang nakita si Ryou kaya naman mabilis niya itong nilapitan. Sisitahin niya sana ang binata ngunit laking gulat niya noong hindi pala si Yue ang kasama nito kundi tatlong lalaking kaklase noong college. Meaning ay nagkamali siya sa kanyang iniisip at medyo nahiya siya sa kanyag sarili.
“Jihan, anong ginagawa mo dito?” ang tanong sa kanya ni Ryou.
“Wala napadaan lang ako,” ang nahihiyang sagot ng binata. Mali ang kanyang hinala kaya’t nag isip na lamang siya ng paraan upang hindi mahalatang sinundan niya si Ryou hanggang dito.
“Akala ko sinundan mo ako dito para tingnan kung may kadate ako,” ang wika ni Ryou habang nakangisi.
“Bakit ko naman gagawin iyon? Huwag mo nga akong ipahiya sa mga friends mo,” ang sagot ni Jihan.
“Nga pala, mga kaibigan ko noong college, si Mike, Louie at Henry. Pinag uusapan namin yung business na itatayo namin kaya nagmeeting kami dito,” ang paliwanag ni Ryou.
“Hi Jihan, gwapo mo pala talaga sa personal. Gusto mo ba ng drinks?” tanong ng mga kaibigan ni Ryou.
Ngumiti Jihan, “no thanks, okay lang ako.”
Ibig sabihin ay tama ang sinabi ni Gino kay Jihan kanina na business meeting talaga ang pupuntahan ni Ryou at hindi kung ano pa man. Samantalang natatawa na lamang si Ryou dahil tila napahiya si Jihan sa kanyang sarili. At marahil ay saka na lamang siya dadalaw kay Yue kapag siya ay nanakasiguradong malaya na.
“Iniisip mo ba na may iba akong kasama kaya hanggang doon sa restaurant ay sinundan mo ako? Ganyan ka na ba kadesperado?” tanong ni Ryou kay Jihan noong matapos ang meeting. Sa wakas ay nakahanap rin si Ryou ng pagkakataon para sumbatan ang binata.
Alam naman ni Jihan na mali ang kanyang ginawa ngunit ang lahat ay dala lamang ng labis na pagmamahal niya kay Ryou. “Yeah, akala ko ay ibang lalaki ang kasama mo. Ayokong makita na may kasama kang iba lalo na yung Yue na iyon.”
“Hindi mo naman kailangang gawin ang mga ganitong bagay dahil masyado mo lang pinapahirapan ang sarili mo. At pinapahirapan mo rin ako, hindi mo ba narealize na mayroon din akong sariling buhay na dapat kong gampanan? Pwede bang itigil mo na ang pagsunod sa akin?” sagot ni Ryou.
“Ginagawa ko lang ito dahil mahal kita at ayokong may ibang taong makakuha ng atensyon mo. Ayokong masayang ang lahat ng effort na inexert ko para sa iyo. Mahirap bang unawain iyon?” tanong ni Jihan, hindi maitago ang disappointment.
“At mahirap din bang unawin na ayokong sinusundan ako? I suggest na itigil mo na ito dahil nagmumukha kang obsessed na psycho!” ang sumbat ni Ryou.
Nasaktan si Jihan sa kanyang sinabi at sinampal niya ang binata sa mukha.
“PLAK!”
Nabigla si Jihan sa kanyang ginawa pero too late na dahil napakawalan niya ito at hindi na mababawi pa.
Natawa si Ryou pero may halo itong pagkainis “Yan, dyan ka magaling!” ang sagot niya sabay sakay sa kanyang sasakyan at saka lumayo sa binata.
Si Jihan naman naiwang nakatayo sa gilid ng kalsada, maya maya ay wala siyang nagawa kundi ang pumasok sa loob ng sasakyan at doon siya nagsisigaw ng malakas, then hhe cried na para isang batang inapi. Bagamat siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat.
Kung bakit ganito ka ironic ang buhay, dahil kung minsan ang taong hinahabol mo ay yung taong ayaw sa iyo. At kung minsan ay wala kang ibang magagawa kundi ang tanggapin ang mapait na katotohanan.
Samantala, sa kabilang banda naman ay mabilis nag drive si Ryou. At dahil may oras pa namang natitira ay nagdesisyon siyang ituloy ang pagpunta kay Yue. Hinanap niya ang address nito at ang lugar kung saan ito matatagpuan.
Makalipas ang ilang sandaling paghahanap ay natagpuan niya ang kanyang hinahanap.
Nakita niya si Yue na nakatayo sa tabi ng sea wall habang hawak ang basket ng kanyang paninda. Nakasuot lamang ito ng lumang tshirt na butas pa at naka tsinelas ng hindi magkapares.
Nakangiti ito habang kausap ang mga bumibili sa kanyang tindang souvenir items. Mga batong kinulayan at mga bracelet na gawa sa maliliit na shells.
That moment ay nangiti si Ryou sa kanyang nakita bagamat kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Hindi pa rin nagbabago ang kagwapuhan ni Yue, para pa rin itong anghel na lumulutang sa ere.
Hindi na siya nag aksaya ng sandali, inipon niya ang lahat ng lakas ng loob para lapitan ang binata. Sana lang ay hindi na ito galit sa kanya dahil ang last time na pagkikita nila ay nauwi sa disaster matapos niyang abutan ito ng cheque. That moment, ang akala kasi ni Ryou ay pera lang din ang habol nito.
Marahang lumapit si Ryou sa binata at nagpanggap ito na bibili. “Magkano?” tanong niya.
Napatingin sa kanya si Yue mula ulo hanggang paa. Hindi siya makapaniwala na makita si Ryou Guerrero sa kanyang harapan. At mas lalo pa itong naging gwapo sa suot niyang casual attire.
Mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib ni Yue dahil sa mixed emotion ng happiness, excitement at pagkamangha dahil hindi niya inaasahang makita ang lalaking laman ng kanyang isipan nitong nakakaraang araw. Samantalang si Ryou naman ay nakangiti lang at sinusubukang magpa-cute sa harapan ng binata.
Samantalang naalala naman ni Yue kung paano siya bastusin ng binata noong last time na magkita sila kaya naman mabilis din napalitan ng pagkainis ang kanyang tuwang nararamdaman.
“At ano naman ang ginagawa ng isang hambog at mayabang na lalaki dito?” tanong ni Yue.
Natawa si Ryou, “gusto lang kitang makita dahil.. i mean gusto kitang makita dahil.. ano..” nauutal ang binata sa pagkahiya. “Gusto kong makita kung weird ka pa rin tulad dati!” sagot nito.
Napakunot noo si Yue. “Mas weird ka pa nga sa akin! Akala mo lahat ng tao ay makukuha mo ng pera mo! Doon ka na nga bago pa kita ihulog sa kabila ng sea wall!” ang naiinis na sagot ni Yue. Lumakad ito at lumayo sa kanyang harapan.
Napakamot ng ulo si Ryou, tila mali ang nasabi niya kaya naman muli niya itong hinabol at kinulit, “hey, huwag ka namang ganyan. Alam mo ba na sa lahat ng tao ay ikaw lang ang pinuntahan ko?”
“Bakit ba kasi pumunta ka pa dito? Ayaw naman kitang makita,” ang sagot ni Yue.
“Gusto ko lang manghingi ng sorry sa ginawa ko noong last time na nagkita tayo. Narealize ko na mali nga iyon at hindi ko dapat ginawa ko iyon. Ano bati na ba tayo? Are we good?” nakangising tanong ni Ryou.
Napahinto sa paglalakad si Yue at napatingin sa kanya. “Mukha kang tanga pero dahil nagsorry ka na. Okay, apology accepted,” ang nakangiting sagot ng binata.
“Hmmm, pwede ba tayong mag usap?” tanong ni Ryou.
“Nag uusap na tayo diba?” sagot ni Yue.
“Ang ibig kong sabihin ay mag usap tayo ng private, sa isang private place,” ang sagot ni Ryou.
“Hindi pwede, marami pa akong ibebenta, kailangan maubos ito bago mag sunset,” tugon ni Yue.
Napatingin si Ryou sa basket at nakita niya medyo marami pa ang laman nito. Ayaw naman niyang bilhin ang lahat dahil baka ma-offend na naman ang binata at muli siyang iniwanan nito.
Agad na nag isip ng paraan si Ryou kung paano mauubos ang tindang souvenir items ni Yue. Napatingin siya sa kanyang paligid at dito ay napansin niya na mali ang location ni Yue, hindi ito ang sentro ng market na pinupuntahan ng mga tao.
“Let’s make a deal, kapag naubos yung mga tinda mo ay sasama ka sa akin at mag uusap tayong dalawa.”
Napatingin si Yue sa kanyang tinda, marami pa ito at imposibleng maibenta ang lahat. “Okay, deal!” ang sagot ng niya. Tila yata nakalimutan niyang si Ryou Guerrero ay isang skillful at mahusay na businessman. He knows the market very well kaya’t noong moment na pumayag si Yue ay nag close na rin ang deal at nanalo si Ryou dito.
Part 21: Deal and Confession
Part 2
1
: Deal and Confession
Dahil sa deal, kinuha ni Ryou ang basket ng paninda ni Yue at ipinakita niya sa binata kung gaano siya kahusay na businessman.
Lumakad siya sa gitna ng maraming tao at nagsimula itong magbenta. Sa isang iglap ay dumagsa ang mga taong bumibili. Syempre ay plus factor na rin na makita ang sikat at gwapong entrepreneur na si Ryou Guerrero. May ilang buyers na humahalik pa sa kanya o kaya ay nagpapakuha ng picture.
That moment ay nakatingin lamang sa kanya si Yue. Pinapanood ng binata kung paano diskartehan ni Ryou ang pagtitinda. Kitang kita niya ang husay ng binata kaya hindi niya maiwasang humanga dito.
Makalipas ang ilang sandali ay itinaas ni Ryou ang basket at wala na itong laman. Lumakad siya patungo kay Yue at tumabi siya sa binata.
He counted the money and give it to him. “Bilib ka na ba sa akin? Siguro humanga ka dahil mahusay ako diba? Easy peasy! Isa akong mahusay na businessman kaya ang ganitong bagay ay easy as one two three!” ang pagyayabang nito habang nakangiti.
Ngumiti si Yue, kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa at marahang pinunasan ang pawis sa noo ni Ryou. “Salamat sa pagtulong sa akin,” ang wika niya habang nakangiti.
“You’re welcome, alam mo ang key sa mahusay na pagbebenta ay ang location. Doon ka pupwesto sa lugar na maraming tao dahil sila ang iyong target market. At kapag nakikipag sale stalk ka sa kanila ay titingnan mo sila sa mata na para bang hihipnotismo sila. Hayaan mo ituturo ko sa iyo ang lahat ng mga basic techniques sa pagbebenta ng product,” ang paliwanag ni Ryou, he gently hold Yue’s hand at pareho silang lumakad palayo sa maraming tao.
“Teka, saan tayo pupunta?” tanong ni Yue.
Ngumiti ang Ryou, “mayroon tayong deal, right?”
Noong mga sandaling iyon ay walang nagawa si Yue kundi ang sumama sa binata. Alam ni Ryou na hindi mahilig si Yue sa mga restaurant o kahit saang pribadong kainan kaya naman naghanap na lamang siya ng isang tahimik na lugar sa sea wall. Bumili siya ng simpleng pagkain at inumin para pagsaluhan nilang dalawa. Isang simpleng date sa isang simple ngunit romantic na lugar habang nakatanaw sa magandang karagatan.
Para kay Ryou ay talagang iba si Yue sa lahat ng taong nakilala niya. Siya lang yata ang bukod tanging tao na hindi nasilaw o nagkainterest sa kanyang kayamanan. Simple lamang ang buhay niya at kahit kailan ay hindi ito naging demanding.
At habang pinagmamasdan niya si Yue habang nakatingin ito sa karagatan ay mas lalo pa itong gumagwapo, lalo siyang naaakit at mas lalo siyang na-eager na makilala pa ang binata ng lubusan.
Samantala, habang nakatingin naman si Yue sa karagatan ay patuloy na nag iisip ang binata kung paano ba niya maisasagawa ang misyon? Kaya pa ba niya itong gawin? Paano niya kakayaning wakasan ang buhay ng taong nagbibigay sa kaligayahan sa kanya?
Nalilito ang kanyang isipan noong mga sandaling iyon dahil pilit na kumakatok ang kanyang puso at sinasabing “itigil na ang misyon.”
Ngunit ang kanyang isipan ay patuloy na tumututol at sinasabing “ituloy ito para sa kanyang mga kalahi”.
Ano ba ang dapat niyang sundin? Ang kanya puso ba? O ang kanyang isipan?
Tahimik sa buong paligid, ang tanging maririnig lamang ay ang alon sa karagatan. Patuloy pa ring dumadami ang malamig na hangin sa kanilang mga pisngi.
“Ang gandang pagmasdan ng karagatan. Alam mo ba na may kasalanan ako sa kanya? Ang tinutukoy ko ay ang karagatan,” wika ni Ryou, habang nakatanaw sa malayo.
Tumingin sa kanya si Yue, “anong kasalanan mo?”
“Nagkaroon ng malaking problema sa barkong sinasakyan ng mga tangke ng langis na sana idedeliver namin sa ibang bansa. Nasira ang barko at sumabog sa dagat ang langis na siyang lumason sa karagatan. Pinagsisisihan ko ng sobrang ang mga bagay na ito at tuwing tumitingin ako sa karagatan pakiwari ko ay galit siya sa akin.
“Ang pangyayaring iyon ay pinagbayaran ko at ilang buwan din halos na suspende ang operasyon ng Aquarius Maritime. At sa katunayan ay nagdonate pa ako ng malaking halaga upang mapangalagaan ang ating karagatan. Natatakot akong dumating ang araw na magalit sa akin ang kalikasan at parusahan ako nito. Ang weird ko diba?” Natatawang pagkkwento ni Ryou.
Tumingin sa kanya si Yue habang may kagat itong pagkain, “weird din naman ako diba? Eto pareho lang naman tayo. Pero alam mo, totoong ang kalikasan ay gumaganti. Kailangan nating ingatan ang lahat ng bagay dito sa mundo para mayroong pang masilayan ang mga susunod na henerasyon. Nagsisisi ka ba sa ginawa mo?” tanong nito.
“Oo naman, ayokong isang araw ay biglang may umahon na sirena dito sa lupa at hanapin ako para patayin,” ang biro ni Ryou, sabay tawa.
Pero sa halip na tumayo ay naging seryoso ang mukha ni Yue, “Paano kung totoo nga na may umakyat sirena dito sa high ground para patayin ka? Anong gagawin mo?” seryosong tanong ni Yue.
“Hmmm, siguro ay depende sa itsura ng sirena. Kapag kasing bait mo, siguro okay na rin na isuko ko sa kanya ang buhay ko,” ang sagot ni Ryou.
“Mag ingat ka sa mga bagay na hinihiling mo, baka makuha mo ito,” ang sagot ni Yue.
“Talaga bang naniniwala ka sa mga sirena? Yung painting mo ay talagang kakaiba,” ang tugon ni Ryou.
“Sa palagay ko ay wala namang masama kung maniniwala ka. Ang mundo ay masyadong malawak, masyado itong mahiwaga. Hindi natin alam kung ano yung nakahimlay sa dako pa roon. Ang karagatan ay marami ring itinatagong sikreto, habang palalim ito ng palalim ay lalo itong nagiging misteryoso,” paliwanag ni Yue.
Habang nagsasalita siya ay nakatingin lang sa kanya si Ryou. Para siyang isang magandang tanawin na pinagmamasdan ng binata. Samantalang si Yue naman ay binabalot ng matinding pagkalito ganoon pa man ay pilit niyang ikinakalma ang kanyang sarili.
Sa oras na ito ay nagdesisyon siyang kalimutan ang lahat at magfocus na lamang sa sayang nararamdam habang kasama si Ryou. Hindi niya inakala na makakaramdam siya ng ganito, hindi rin niya naihanda ang kanyang sarili.
“Anong iniisip mo?” tanong ni Ryou sa kanya.
“Wala naman, masaya lang ako,” ang simple sagot niya.
Ngumiti si Ryou at mas lumapit pa ng kaunti kay Yue. He really wants to embrace him kaso ay nagwoworry siya, baka isipin ni Yue na he’s taking advantage. Kaya mas minabuti niyang pigilan ang sarili huwag na lamang gumawa ng kahit ano.
“Masaya ka dahil kasama mo ako?” naka ngising tanong ni Ryou.
“Oo, dahil napatunayan kong weird ka rin pala, katulad ko,” ang sagot ni Yue habang nakangiti.
Noong mga sandaling iyon ay kapwa nila pinagmasdan ang magandang sunset sa karagatan. Noong mga sandaling iyon ay hindi na nag woworry si Yue dahil suot niya ang magical necklace at mapapanatili nito ang kanyang paa.
Gayon pa man ay itinago niya ang necklace sa loob ng kanyang damit upang hindi ito makuha o masabit kung saan. Confident siya na hindi malalaman ni Ryou ang kanyang sikreto.
Madilim na ang paligid noong magdesisyon silang maghiwalay. Para kay Ryou ay sapat na ang ilang oras na nakasama niya si Yue. “Salamat sa time, magkita ulit tayo sa mga susunod na araw? Ayos lang ba sa iyo?” tanong ni Ryou sa binata.
Tumango si Yue at ngumiti, marahan niyang inabot ang kamay ni Ryou. Nilagyan niya ito ng isang bracelet na gawa sa shell. Itinali niya ito upang hindi mawala. “Isa itong lucky charm, nagtataboy ito ng bad luck at papanatilihin ka nitong ligtas sa lahat ng pagkakataon,” ang wika ni Yue.
Na touch si Ryou sa kanyang ginawa at napangiti na lamang siya. Simpleng bagay lamang ito ngunit sobrang saya ang kanyang naramdaman. Ngayon lamang niya napatunayan na hindi kailangan ng mamahaling bagay para maging masaya.
“Maraming salamat sa pagtulong sa akin para maibenta lahat ng tinda ko,” ang wika ni Yue habang nakangiti.
Itiningnan ni Ryou ang bracelet na isinuot sa kanya ni Yue. Napansin niya ang maliit na shell nito ay kumikinang kapag tinatamaan ng liwanag, katulad ng buntot ng merman sa painting na kanyang ginawa, “maganda, maraming salamat. Pangako na iingatan ko ito.”
“Mag ingat ka,” ang sagot ni Yue at saka siya naglakad palayo kay Ryou.
Hinabol siya ng binata, “Sandali, gusto mo ba ihatid na kita sa inyo? Delikado sa mga katulad mong gwapo at sobrang kinis na parang labanos ang maglakad ng mag isa.”
Huminto si Yue at ngumiti, “Sira ka talaga, okay lang ako. Malapit lang naman yung sa amin dito,” ang sagot niya.
Pero hindi pumayag si Ryou, “kung ganoon ay sasamahan kitang maglakad patungo sa inyo, ayos lang ba?” pagdiskarte ng binata.
Walang nagawa si Yue kundi ang pumayag. Habang naglalakad ay naramdam niyang hinahawakan ni Ryou ang kanyang kamay.
Samantalang si Ryou naman ay kinakabahan dahil baka magalit ang binata kapag hinawakan niya ang kamay nito. Buti na lang at pumayag siya kaya’t kahit paano ay lumundag sa saya ang kanyang puso.
Ito ang unang pagkakataon na nagka interest si Ryou sa isang tao. At pagkakataong ito ay sigurado na siyang he likes Yue very much. Kaya’t hindi siya nagsisisi na puntahan ito.
Noong mga sandaling iyon ay para silang isang perfect couple na naglalakad sa sea wall habang lumulubog ang araw sa kalangitan.
Part 22: For Love or For Mission?
Part 2
2
: For Love or For Mission?
Y
UELO POV
Matagal na tagal na rin magbuhat noong umakyat ako dito sa high land para isagawa ang misyon na iniatang sa akin ng mga elder mermaids. Ito ang misyon na hindi ko maaaring takasan dahil ang pagtakas dito ay para na ring pagtalikod sa aming lahi.
I admit na noong una talagang nahirapan akong makisabay sa buhay dito sa high ground. Ang bawat paligid ay katumbas ng kakaibang mundo. Pero gayon pa man ay hindi ako sumuko at inaral ko ang lahat ng mga bagay na ginagawa ng mga tao kabilang na ang kanilang araw araw na gawain.
Halimbawa, ang pagtatrabaho para kumita ng pera. Ang pagbili ng pagkain sa pamilihan at ang pakikipag usap sa mga tao sa aking paligid, kabilang na dito ang pag gamit ng tamang gestures.
Dito sa high ground ay mahalaga ang gestures dahil isa itong silent language na ginagamit para ipakita ang iyong emosyon. Ang ngiti ay nagbibigay ng positibong enerhiya sa tao. At ang pag busangot naman ng mukha ay may kalungkutang dala.
Marami rin akong nameet na mga iba’t ibang uri ng tao. Ang mga kapit bahay namin ay mababait at friendly. Madalas nila akong tinutulungan at binibigyan ng magagandang bagay.
Mayroon din naman mga masusungit at hindi pala kaibigan katulad ng boy friend ni Ryou Guerrero na si Jihan Singh. Siya yata ang tipo ng tao na kahit anong pakikisama ang gawin ay hinding hindi magiging mabait sa iyo. Gayon pa man ay natututo ako mula sa mga taong nakakasalamuha ko. Sabi nga nila ay may dalawang uri ng tao sa mundo. Ang una ay ang mga taong bubuiin ka at ang ikalawa ay ang mga taong wawasakin ka at ibabagsak. Sa huli ay pasasalamatan mo silang parehas.
Sa paglipas ng mga araw ay narealize ko rin na ang mga mermaids ay walang pinakaiba sa mga tao pagdating sa emosyonal na aspeto. Bakit ko nasabi? Dahil ang sirena at mga tao ay parehong marunong magmahal dahil pareho nilang taglay ang pinakamahalagang parte ng kanilang katawan, at iyon ang kanilang mga “puso.”
At kapag ang puso ay tumibok para sa isang tao ay hindi ka na makakawala sa sumpang dala nito. Marahil ito rin ang nagbibigay sa akin ng matinding pagkalito.
“Siguro ay iniisip mo na naman siya? Tama?” tanong ni tiya Marine noong makita niya akong nakaupo sa dalampasigan.
Tumingin ako sa kanya at sumagot, “Hindi naman eh.”
Natawa si tiya Marine, “Yue, kung may isang bagay na hindi ka mahusay, sa tingin iyon ang magsinungaling. Dahil obvious sa iyong mata na hindi ka nagsasabi ng totoo,” nakangiti niyang sagot.
Napabuntong hininga ako, “pinuntahan ako ni Ryou Guerrero kahapon at tinulungan niya akong ibenta lahat ang aking mga paninda,” ang tugon ko.
“That’s great, bakit nalulungkot ka?” tanong ni tiya Marine.
“Dahil mali ang lahat ng ito. Dahil hindi dapat ako nakikipag kaibigan sa kanya. Dapat ay papatayin ko siya. Ipapaghihiganti ko dapat ang aking mga kalahing namatay dahil sa pagkalason doon sa karagatan,” ang sagot ko na hindi maiwasang malito.
Noong mga sandaling iyon ay halos hindi ko na maituwid ang aking isipan. Para itong alon sa karagatan na binabagyo at kung saan saang dereksyon tumatama.
Noong unang beses na tumapak ako dito sa high ground ay buo ang aking loob na gawin ang aking misyon. Pero habang nagiging malapit ako kay Ryou Guerrero ay tila nahihirapan akong gawin ito. Parang mali yata ang aking strategy of getting closer to him. Dahil the more I get closer… The more I fall..
Napabuntong hininga si tiya Marine, “Tila yata nakalimutan kong ipaalala sa iyo na ang sirena ay marunong din magmahal. At wala tayong control sa mga feelings natin. Naalala mo ba ang nangyari kay Seres? Nagmahal siya ng isang lalaki ngunit niloko lamang siya nito kaya’t minabuti na lamang niyang bumalik sa ilalim ng karagatan. Hindi naman ipinagbabawal sa mga sirena ang magmahal ng taga rito high ground as long as tanggap nila ang iyong sikreto.”
“Ngunit ang sa akin ay ibang kwento, paano ko tatanggapin sa aking sarili na ang lalaking nagugustuhan ko ay ang lalaking kailangan kong patayin? Bakit ba kasi umabot sa ganito ang lahat? Magulong magulo na ang isipan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko,” ang sagot ko at hindi ko naiwasan pang umiyak.
Walang nagawa si tiya Marine kundi ang yakapin ako ng mahigpit, “ang sitwasyon mo ay talagang mahirap. Ang lahat ng bagay na involve ang puso ay nagiging komplikado. Handa ka bang ipaglaban ang nararamdaman mo kay Ryou at talikuran ang iyong misyon? Or handa ka bang igive up ang nararamdaman mo kay Ryou upang isagawa ang mga bagay na dapat mong gawin? Alam mo, nasa iyo pa rin ang desisyon at ako ay nandito lamang para sumuporta.”
“Paano ko malalaman kung tama ang naging desisyon ko?” tanong ko sa kanya
“Alam mo, nagiging mali lamang ang isang desisyon kapag hindi mo ito napanindigan,” ang sagot niya.
Natahimik ako at napatingin sa kalakawan ng karagatan. Kapag kasama ko si Ryou ay masaya ako at ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito. Habang nakatingin ako sa mukha ni Ryou ay sumasagi sa akin isipan na hindi ko kayang gawin ang aking misyon. At ang saktan siya ay tiyak magdudulot rin ng sakit sa aking pagkatao.
Habang nasa ganoong posisyon kami ni tiya Marine ay mayroon isang nagliliwanag na isa ang lumalangoy sa aming direksyon. Lumutang ang isda sa aming harapan at maya maya ay tumingin ito sa amin.
“Ang isdang iyan ay ang mensahero ng mga elder mermaids. Tiyak na mayroon silang gustong sabihn sa iyo,” ang bulong ni tiya Marine.
Nagtaka ako dahil sa tagal ko sa ilalim ng karagatan ay ngayon ko lamang nalaman na mayroon palang mensahero ang mga elder mermaids.
At hindi nga siya nagkamali dahil maya maya lamang ay biglang nagsalita ang isda. “Huwag kayong mag alala dahil kayo lamang ang nakakakita at nakakarinig sa akin. Mayroon akong mensahe para sa iyo Yuelo.”
“Ano iyon ginoong isda?” ang tanong ko naman.
“Pinapatawag ka ng mga matatandang gabay, nais nilang marinig ang report sa mga kaganapan sa iyong misyon. Mamayang gabi ay hihintayin ka ng mga elder mermaids sa ating abode, Tsunaria,” ang sagot ng nagliliwanag na isda.
Wala naman akong nagawa kundi ang sumang-ayon, “maraming salamat. Umasa kayo na darating ako mamayang gabi,” ang sagot ko sa kanya.
“Mabuti naman kung ganoon, sana ay mayroon kang magandang balita mamaya. At masaya akong makita kang muli Marine. Hindi ako makapaniwalang buhay pa ang isang pasaway na katulad mo,” ang hirit ng isda.
“Well, I live my life the way I wanted. Ayokong matulad sa ibang mga mermaid na namatay nang hindi man lang nagagawa ang mga bagay na gusto nila. At ayokong mawala sa mundong ito ng malungkot,” ang sagot ni tiya Marine.
“Okay fine! Wish you luck darling!” ang sagot ng isda at bago umalis ay humarap pa ito sa akin. “Mamayang gabi Yuelo, ihanda mo ang sarili mo! Panget nito!” dagdag pa ito sabay dive sa ilalim ng tubig.
“Ngayon ka lang naka encounter ng isdang nagsasalita?Pintasero hano?” tanong sa akin ni tiya Marine.
Natawa ako, “Oo, at sa tingin ko ay hindi siya ganoon ka friendly.”
“Karaniwan sa mga nagsasalitang isda ay hindi masyadong friendly dahil feeling nila ay superyor sila. By the way, sigurado ka bang pupunta ka doon mamaya?” tanong niya sa akin.
“Kailangan kong magpunta at humarap sa kanila. Ayokong isipin nila na tinatakasan ko ang aking obligasyon,” ang sagot ko sa kanya.
Hinawakan ni tiya Marine ang aking kamay, “Mag iingat ka Yue. Ang tangi mo lamang magagawa ay huwag magpalahata sa kanila na ikaw ay may pagtingin kay Ryou.”
Tumango ako at hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay. Noong mga sandaling iyon ay lumulukob ang kaba sa aking dibdib. Pakiwari ko ba ay huhukuman ako ngayong gabi. “Gagawin ko ang best ko para ma-convince sila na ginagawa ko ng maayos ang aking misyon.”
At iyon ang set up, noong sumapit ang sunset ay tumuntong ako sa pinakamataas na batuhan ng karagatan. Huminga ako ng malalim at nag dive dito. Mabilis na nagliwanag ang aking hita at unti unting lumabas ang aking pilak na buntot.
Mabilis akong nag langoy patungo sa Tsunaria na aming bagong tahanan. Dati pa rin ang karagatan, walang nagbago dito magbuhat noong umalis ako patungo sa high ground.
Pagdating ko sa tarangkahan ng Tsunaria ay agad akong sinalubong ng mga kalahi kong merman at agad nila akong dinala sa himpilan ng elders.
Pagpasok ko pa lamang dito ay nakaabang na agad ang mga elders kasama ang maraming mga sirena na naghahangad ng hustisya para sa kanilang namatay na kaanak dulot ng pagkalat ng lason sa Liquara.
Noong makita nila ako ay napahinto sila sa pagkilos at ang lahat ay natahimik na para bang mayroon akong masamang ginagawa. Pero gayon pa man ay nilakasan ko ang aking loob at dumiretso ako sa gitna ng bulwagan.
“Yuelo, nais naming malaman kalagayan ng iyong misyon. Dahil naiinip na ang ating mga kalahi, sila ay nananabik na sa hustisya,” ang pagbati ng elders.
“Ginagawa ko ng maayos ang aking misyon. Ang aking plano ay maging malapit kay Ryou Guerrero, kapag nagawa ko na ito ay madali ko na siyang mapapatay,” ang sagot ko sa kanila.
“Kailangan pagbayaran ni Ryou Guerrero ang kanyang kasalanan. Maraming mga kalahi natin ang nag aasam ng hustisya. Huwag mo silang bibiguin, Yuelo.”
Part 23: What If?
Part 2
3
: What If?
Y
UELO POV
“Ipagpalagay mo na lamang na ito na ang pinakamahalaga misyon sa isang buhay. Ang mabigyan ng katarungan ang ating mga kalahing napaslang dulot ng pagkalason ay isang malaking karangalan. Kaya’t huwag mo kaming bibiguin Yuelo,” ang mariing salita ng elder mermaids.
Lahat ay nag cheer habang itinataas ang kanilang mga kamay! “Patayin si Ryou Guerrero!”
“PATAYIN!”
“PATAYIN!”
“Patayin si Ryou Guerrero! Isa siyang halimaw ! At banta sa ating lahi!” ang sigaw ng iba.
Ito ang sigaw ng lahat, samantalang wala akong nagawa kundi ang sumabay at makisigaw na rin sa kanila kahit hindi ko gusto ang aking ginagawa. “Patayin si Ryou Guerrero! Patayin siya!” ang sigaw ko rin bagamat nag aalangan akong sabihin ito.
Kaya’t noong mga oras na iyon ay mahahalata sa aking mukha ang pagkalito lalo’t para bang may parte ng aking puso ang kumikirot sa tuwing binibigkas ko ang salitang “patayin siya.”
Sana lamang ay walang nakahalata sa aking reaksyon habang nag aalangan akong itaas ang aking kamay at makiisa sa kanilang pagsigaw. Noong mga sandaling ay mas lalo kong napatunayan sa aking sarili na parang hindi ko yata kayang patayin si Ryou lalo’t hindi naman talaga siya ang may kasalanan ng pangyayari.
Noong huling magkausap kami ni Ryou ay ipinaliwanag niya sa akin ang kanyang side tungkol sa totoong nangyari doon sa karagatan noong nawasak ang barkong kilalagyan ng tanke ng langis. Hindi rin niya ginusto ang pangyayari at labis niya itong pinagsisihan. Nakita ko sa kanyang mata ang sincerity habang kinakausap niya ako at ikinukwento niya ang tungkol sa insidenteng iyon. Noong mga sandaling iyon ay hindi ko siya magawang sisihin. Hindi ko rin masabing kasalanan niya ang lahat.
“Yuelo, bago matapos ang pagpupulong na ito, mayroon ka bang nais na sabihin sa aming lahat?” tanong ng Elders.
“Anong ibig nilang sabihin? Alam ba nila na nakikipagkita ako kay Ryou? O alam na ba nila na nakakalakad na ako sa gabi dahil sa magical necklace? Ano ba ang gustong marinig sa akin ng mga elders?” ito ang tanong ko sa aking sarili.
Panandalian akong natahimik.
“Yuelo, kinakausap ka ng mga elders!” ang sigaw ng mga mermaid guards.
Nagbalik ako sa aking ulirat. “Ang tanging masasabi ko lamang ay.. gagawin ko ng maayos ang aking misyon. Gagawin ang best ko para maibigay ang hustisya sa aking mga kalahi,” ang sagot ko sa kanila. Noong mga oras na iyon ay pinilit kong magrelax at magsalita ng walang hesitation.
“Mabuti kung ganoon, umaasa kami sa iyong tagumpay, Yuelo,” ang wika ng mga Elders.
“Umaasa rin ako, ang ibig kong sabihin ay, good luck din sa akin!” ang sagot ko naman habang nakayuko, nagbigay galang ako sa kanila bago lumabas sa bulwagan.
Paglabas ko ay sinulubong agad ako ng aking ina na si Seres, isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin. Hinawakan niya aking kamay ay sabay kaming lumangoy patayo sa himpilan ng mga elder mermaid’s guide.
“Patawad, hindi ako pinahintulutan na pumasok sa loob ng himpilan, okay ka lang ba?” tanong niya sa akin.
“Maayos naman ako, hindi talaga ako komportable na humaharap sa mga elders. Pakiramdam ko ay paparusahan nila ako lagi, kahit na wala akong ginagawang masama,” ang tugon ko naman.
“Alam ko ang traumang nararamdaman mo, simula pa noon ay lagi ka nang pinaparusahan ng mga elder mermaids. Pero sa tingin ko ay malakas ka na ngayon, tama?” ang tanong ni Seres habang nakangiti.
“Ang mga pagsubok at balakid na pinagdadaanan ko ang nagpapalakas sa akin. Sa tingin ko ay kaya ko na I-handle ng maayos ang aking sarili,” ang sagot ko habang nakangiti. Umupo kami ni ina sa batuhan at pinagpatulog ang kwentuhan.
“Pero kahit na sabihin mo sa akin na kayang kaya mo na I-handle at alagaan ang sarili mo ay hindi ko maiwasang mag alala sa iyo. Sabihin mo sa akin ang totoo, kaya mo bang gawin ang misyon?” tanong niya sa akin.
Natamik ako at tila hindi ko alam ang aking isasagot.
Maya maya ay umiling ako. “Inay, wala naman kasalanan si Ryou Guerrero. Yung nangyaring kasira ng kanilang cargo ay hindi niya kasalanan. At isa pa ay pinagbayaran niya ang kanyang pagkakamali. Paano ko papatayin ang isang taong wala naman ginagawang masama? At paano ko papatayin ang taong nagpapasaya sa akin?” ang tanong ko.
Napabuntong hininga si ina, “Yuelo, maaari mong hindi ituloy ang misyon. Maaari mo itong takasan kung iyong nanaisin.”
“Pero ano ang pinaka masamang senaryo kung sakaling hindi ko gagawin ang misyon, inay? Ano ang mga posibilidad na maganap?” ang tanong ko.
“Well, maraming posibilidad ang maaaring mangyari kung hindi mo itutuloy ang misyon. Una na rito ay ipapasa nila ang aassignment ng pag assassinate kay Ryou Guerrero sa ibang sirena na may kakayahan itong gawin. Kaya mayroon pa ring aakyat na sirena sa high ground para patayin ang target.
“Ikalawa ay magbabago ang tingin sa iyo ng mga elder at maaaring hindi ka na nila pabalikin pa dito sa Tsunaria. At dahil wala ka choice ay mananatili ka sa lupa kasama si Marine. Maaari ka ring parusahan ng mga elder kapag hindi mo na accomplished ang misyon,” ang paliwanag ni Seres.
Napabuntong hininga ako,, “pero ang iniisip ko ay baka saktan ka nila kapag hindi ko nagawa ang aking misyon.”
“Hindi naman siguro mangyayari iyon, Yuelo.”
Humarap ako sa aking ina at hinawakan ang kanyang kamay, “Inay, kung sakaling mangyari iyon ay umakyat ka sa lupa at puntahan kami ni tiya Marine. Ayokong mag dulot ng kaguluhan hangga’t maaari, ngunit ang mga posibilidad na ito ay maaaring mangyari.”
“Hindi ako nag aalala, dahil alam kong papatnubayan ka ng iyong mga ninuno. Sa ngayon, ang maipapayo ko lamang ay maging masaya ka at sundin mo ang iyong nararamdaman. Kung susundin mo ang tinitibok ng iyong puso, ay hindi ka magkakamali,” ang sagot ni inay sabay yakap ng mahigpit sa akin.
“Salamat po, inay. Pangako na iingatan ko ang aking sarili,” sagot ko habang gumuguhit ang luha sa aking mga mata.
Ang aking ina lamang na si Seres ang tanging nakakarinig ng tibok ng aking puso, kaya’t alam niya kung masaya ako, kung malungkot o may iniisip na malalim. Siya lamang ang tanging nagbibigay sa akin ng lakas ng loob upang magpatuloy sa hamon ng buhay.
KINABUKASAN.
“Tama si Seres, maaari mong hindi gawin ang misyon, iyon nga lang dapat handa ka sa lahat ng bagay na maaaring mangyari,” wika ni tiya Marine, noong maikwento ko ang tungkol sa mga kaganapan kagabi.
“Sa palagay mo ba ay pagtataksil ang gagawin ko?” tanong ko.
“Hmm hindi naman, pero kung darating sa punto kakampi ka kay Ryou at maging pabor ka sa kanya ay maaaring paratangan ka nila ng kataksilan. Ang lahat ng sinabi ni Seres na posibleng senaryo ay maaaring magkatotoo,” ang sagot ni tiya Marine.
Napasandal na lamang ako sa batuhan habang hawak ang basket ng aking paninda, “basta ayokong madamay kayo ni inay sa akin,” ang bulong ko.
Habang nasa ganoong akong posisyon ay laking gulat ko noong makita si Ryou Guerrero sa aking harapan. “Kumusta? Napadaan lang ako dito sa sea wall, hindi ko ineexpect na makikita kita,” ang bati nito habang nakangiti.
“Alam mo naman na dito ako madalas nagtitinda, nga pala siya si tiya Marine, siya ang kumupkop at nag aalaga sa akin dito sa high ground. Ang ibig sabihin ay sa lugar na ito,” ang sagot ko naman.
Lumapit si Ryou at nagbigay galang kay tiya Marine. “Nice to meet you Mr. Guerrero,” ang bati ni tiya habang nakangiti.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.
“Actually, pupunta ako sa isang public school dito sa bayan. Magdodonate ako ng books at mga bags sa kanila. Gusto bang sumama sa akin?” tanong ni Ryou.
“Hindi ako maaaring umalis, kailangan naming maubos ang lahat ng paninda namin,” ang tugon ko.
Tumingin si Ryou sa basket ng aking paninda at saka siya ngumiti. “Bibilhin ko na lamang lahat ng iyan at ipamigay natin sa mga bata doon sa eskuwelahan, tiyak matutuwa sila sa regalo natin sa kanila. Ano sa tingin mo?” nakangiting suhestiyon niya.
Tumingin ako kay Aunt Marine kung okay lang ba sa kanyang ang offer ni Ryou. “Bakit hindi? Sa tingin ko ay marami kayong bata na mapapasaya sa mga bracelet na ito.”
At iyon ang set up, binili lahat ni Ryou ang aming paninda at isinama niya ako sa kanyang activity ngayon araw. Hindi ko alam kung nag papa impress lamang ba si Ryou sa akin, o ipinapakita lamang ba niya kung gaano siya kabait?
Pero sa tingin ko, lahat ng gawin niya at epektibo dahil sa mga oras na ito ay nagsisimula na akong humanga sa kanya. “Alam mo malapit talaga ako sa mga bata. Kaya madalas akong nagtutungo sa mahihirap na eskwelahan para magdonate ng mga gamit sa kanila.”
“Bakit mo naman ginagawa ang ganitong bagay? Akala ko ang mga mayayamang tao ay hindi nagtutungo sa mahihirap na lugar?” tanong ko sa kanya.
Natawa si Ryou. “Ibahin mo ako sa kanila. Alam mo, lumaki kasi ako sa hirap kaya’t alam ko ang pakiramdam ng walang maayos na gamit sa paaralan. Noong bata ako ay wala akong bagong sapatos, wala akong bagong bag at wala akong bagong damit. Kaya nangako ako sa aking sarili na kapag ako ay yumaman, tutulungan ko lahat ng mga batang unfornate. Hanggang sa naging panata ko na ang pagtulong,” ang paliwanag ni Ryou habang nakangiti.
Part 24: Kindness
Part 2
4
: Kindness
Y
UELO POV
Nakangiti si Ryou habang nagpapamigay ng mga bags at notebook sa mga batang mag aaral . Kitang kita ko rin ang saya sa mga mata ng mga bata habang tinatanggap ang kanilang regalo. Ngayon ko lamang napagtanto na mga tao ay hindi pala ganoon kasama.
Simula bata ako ay namulat ako sa paniniwala na ang mga tao ay mga halimaw at walang ginawa kundi ang abusuhin ang mga bagay dito sa mundo. Ngayon, iba ang nakikita ko kaysa sa mga bagay na matagal ko nang pinaniniwalaan.
May mga tao rin pa lang mapagbigay at iniisip ang kabutihan ng kanilang kapwa. Isa na nga dito si Ryou Guerrero na ngayon ay nagdodonate sa mga batang mahihirap na walang pambili ng mga gamit. Hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi habang isa isang binibigyan ang mga ito.
Samantalang ako naman ay nakatayo lamang sa isang sulok at nakatanaw sa isang heartwarming na eksenang iyon.
At habang nasa ganoong posisyon ako ay tumingin sa akin si Ryou at inanyayahan niya akong lumapit sa kanya. “Mga bata, bukod sa mga note books at bagong bags na inyong natanggap ay magbibigay pa si kuya Yue ng iba pang regalo,” masayang salita ni Ryou at ipinakita niya ang aking mga tindang bracelet sa mg bata.
Natuwa silang lahat nagpalakpakan.
“Ang lahat ng mga ito ay regalo sa inyo ni kuya Yue, anong sasabihin niyo sa kanya?” ang masayang salita ni Ryou.
“Salamat po kuya Yue!” ang sagot ng mga bata at nagpalakpakan sila.
Pumila ang mga bata at isa isa naming ikinabit sa kanilang mga wrist ang mga bracelet. Ang mga kulay asul ay sa mga batang lalaki, at ang mga kulay pink naman ay sa mga batang babae. Masayang masaya ang lahat noong sandaling iyon at syempre ay masaya ako dahil naging parte ako ng kanilang kasiyahan kahit na sa isang simpleng paraan.
Tumagal ng ilang oras ang activity na iyon, bago kami umalis ay muling tumayo ang mga bata sa entablado at hinandugan nila kami ng isang magandang awitin. Hindi pamilyar sa akin ang kanta ngunit ito ay tungkol sa pagmamahal at pagpapasalamat. Hindi ko maiwasang mapaluha habang pinakikinggan sila.
Oo nga pala, nakalimutan ko na ang aking luha ay nagiging perlas kaya naman nahuhulog ito sa aking damit kapag pumapatak. “Ayos ka lang?” tanong ni Ryou noong makita ako sa ganoong emosyon.
Tumango ako at agad nagpahid ng mga mata, “Oo naman, masaya lang ako. Salamat sa pag invite sa akin dito. Narealize ko na ang maraming magagandang bagay dito sa mundo. Katulad ng ngiti ng mga batang ito, sa tingin ko hindi ito mapapantayan ng kahit na anong bagay,” ang sagot ko habang nakatanaw sa mga batang kumakanta. Paminsan minsan ay sinasabayan ko pa ang kanilang awitin.
Nakatingin lang sa akin si Ryou at nakangiti, kitang kita ang kanyang magandang mata at magandang ngipin na lalo nagpapa gwapo sa kanya. “Ang cute mo pa lang umiyak,” ang biro niya sabay pisil sa aking pisngi.
Natawa ako, “huwag mo na nga akong inisin dyan,” ang kunwaring pagmamaktol ko. Gayon pa man ay talagang humanga ako kay Ryou dahil mapagkawang gawa siya at matulungin.
Matapos ang pagbisita namin sa paaralan ay tumuloy kami ni Ryou sa aming paboritong tambayan, doon sa sea wall. Pareho kaming umupo at tumingin sa karagatan. Hindi ko alam, pero ito ang pinaka mapayapang lugar para sa aming dalawa. At mas komportable ako sa ganitong lugar kaysa doon sa magaganda at mamahaling restaurant doon sa sentro ng siyudad.
Tahimik lang kami ni Ryou noong mga sandaling iyon, pareho kaming nagpapakiramdam kung sino ang unang kikibo at magsasalita. Bagamat ang hangin sa kapaligiran ay malamig at nagbibigay ito ng magaang pakiramdam kapag humihinga ng malalim.
Tumingin ako sa kanya at nagtanong, “hindi ka ba nagsasawa na parati tayong dito nakatambay?”
Ngumiti siya at saka umiling, “Hindi, as long as kasama kita ay masaya ako. Kahit saan tayo tumambay na lugar ayos lang. Ayaw mo na ba dito? Pwede kang tumambay dito sa puso ko kung gusto mo,” ang sagot niya, habang nakangisi.
“Punch line na naman, dinadaan mo naman ako lagi sa biro e,” ang sagot ko naman.
“Seryoso naman ako ah, maganda ang lugar na ito, peaceful, nakakarelax at malayo sa magulong kapaligiran katulad doon sa city.”
“Mabuti naman kung ganoon. Marami kang napasaya ngayong araw,” ang sagot ko.
“Marami tayong napasaya. Kasama ka doon diba?” nakangiti niyang tanong.
Ngumiti ako at tumango, agad rin akong lumingon sa karagatan at dito ay naramdaman ko na naman ang pagkabog ng aking dibdib habang nagbabalik sa aking isipan ang mga salitang ipinangako ko sa mga elder mermaids noong huling beses na humarap ako sa kanila upang ireport ang status ng aking misyon.
Ang malaking katanungan ngayon ay KUNG kaya ko pa ba itong gawin? Lalo’t habang tumatagal ay mas nagiging malapit ang puso ko kay Ryou.
“Nga pala, mayroon akong painting exhibit next week. Gusto ko sanang idisplay doon ang work mo. Pwede ka bang magpunta? Para makilala ka na rin nila? Malay mo mas marami pang opportunity ang naghihintay sa career mo bilang isang artist.”
“Ano naman iyon?” ang tanong ko dahilan para matawa siya.
“Seryoso? Hindi mo alam kung ano yung exhibit?” tanong niya.
“Oo, ano ba iyon?” tanong ko ulit.
“Alam mo naman na mahilig akong mag collect ng mga unique at mamahaling paintings diba? Ang lahat ng ito ay dinidisplay ko at ipinapakita sa kaibigan ko at sa mga business partners ko. Nais ko lang ishare sa kanila ang aking mga collections. Isang thanks giving party na rin dahil malapit na ulit matuloy ang operation ng Aquarius Maritime matapos ang aming ilang buwang suspension,” paliwanag ni Ryou.
“Ah ganun pala yun,” ang inosente kong sagot.
“Yung lugar kung saan ko nabili ang painting mo ay isa ring exhibit. Sure ka na hindi mo alam ang tungkol dito?”
“Hindi eh, si tiya Marine lang ang nagdala doon ng painting ko. Basta sabi niya sa akin ay magtungo ako doon at hintayin ko kung mayroong bibili ng art ko,” ang sagot ko naman.
“Kung susunduin ba kita dito ay pupunta ka doon?” tanong ni Ryou sa akin.
“Ayos lang, kung hindi magmumukhang weird itong damit ko sa paningin ng mga kaibigan mo,” ang sagot ko sa kanya.
“Don’t worry ako na ang bahala sa lahat. Sisiguraduhin kong bukod sa mga painting na nakadisplay ay mapapansin rin ang kagwapuhan mo,” tugon ni Ryou habang nakangiti.
Marami pa kaming pinagkwentuhan ni Ryou noong mga sandaling iyon. Iyon nga lang ay kinakailangan na niyang umalis dahil mayroon pa siyang business meeting sa ibang company. Bago kami maghiwalay ng landas ay nagpasalamat pa ako sa kanya pero hindi ko ipinangako na makakarating ako sa kanyang event. Hindi ko gusto ang too much exposure, baka makasama ito sa akin pag nagkataon.
Pag uwi sa bahay ay agad kong ibinahagi kay tiya Marine ang imbitasyon ni Ryou sa akin. “So, anong sinabi mo sa kanya? Pumayag ka ba?” she asked
Nagkibit balikat ako, “wala akong sinabi sa kanya. Hindi rin ako nangako na makakarating. Tiyak na naroon yung kasintahan niya na si Jihan at tiyak na aawayin lang ako nito o kaya ay ipapahiya.”
“Bakit naman niya gagawin iyon? Wala ka namang ginagawang masama sa kanya?”
“Hindi ko alam, basta ang pakiramdam ko ay hindi siya madaling pakisamahan, na kahit ibigay mo sa kanya ang pinakamatamis mong ngiti ay hindi ka niya gagawing kaibigan. Ewan ko ba kung paano nagagawang tumagal ni Ryou sa ganoong klaseng tao,” ang sagot ko.
“Maybe dahil sobrang inlove siya kay Ryou kaya hindi niya hahayaan mayroong ibang tao na lumalapit dito. Well, if that’s the case, i think it would be better na huwag ka na magpunta upang hindi kayo magkaroon ng conflict,” suhestiyon ni tiya Kaikane.
Isang malalim na buntong hininga lamang aking isinukli. Lumapit ako kay Aunt Marine at naupo sa tabi ng kanyang bath thub.
“Sa tingin ko mas maganda kung next time doon tayo magpalipas ng gabi sa karagatan. Hindi mo ba namimiss lumangoy sa mga alon?” ang tanong ko.
Ngumiti siya, “namimiss kong lumangoy sa karagatan, ngunit nakakalungkot din ang lumangoy mag isa. Isa pa ay hindi na ako mabilis lumangoy, baka maya maya ay kainin ako ng aking mga natural enemies katulad ng pating at malalaking octopus,” ang sagot niya habang natatawa, bagamat seryoso ang kanyang sinasabi.
“Naka encounter na ako ng mabangis na pating at octopus sa karagatan,” ang pagmamalaki ko habang naka ngiti.
Nagulat si Aunt Marine, “talaga? Ano ang ginawa mo? Sinaktan ka ba nila?”
“Sa pagkakatanda ko ay bata pa ako noon, habang namumulot ako ng mga kagamitan mula sa lumubog na barko,” ang pagsasalaysay ko.
“Anong ginawa mo noong maencounter mo sila? Nasaktan ka ba?” tanong ni tiya Marine.
“Hindi naman ako nasaktan. As far as I remember ay umiyak ako dahil sa matinding takot. At pagkatapos ay bigla nagliwanag ang aking mga kaliskis. Lumakas ang alon sa paligid at yumanig ang parte ng karagatan kung saan ako naroon. Itinaboy ng pangyayari iyon ang nagbabantang panganib. Iyon ang mga bagay na hindi ko makalimutan,” ang pagsasalaysay ko.
Nahinga ng maluwag si tiya Marine. “Ang mga silver tailed mermaids ay talagang mga espesyal. Sila ang orihinal na ninuno ng lahat ng nilalang sa karagatan. Sayang lamang at hindi ito nirecognize ng mga nakakaraming sa ating lahi. At ang masaklap ay inassociate pa nila ang salitang “jinx” at “malas” sa mga ito.“
“Okay lang iyon, balang araw ay makakamit rin ng aking mga ninuno ang recognition na para sa kanila,” ang nakangiti kong sagot.
Part 25: Desperate
Part 2
5
: Desperate
Umaga pa lamang ay pinatawag na ni Ryou ang head ng glam team na si Kurt upang iutos na ayusan at bihisan ng maganda si Yue para sa magaganap na party mamayang gabi. Hindi naman tumanggi ang stylist dahil alam niya kung gaano kagwapo si Yue at kahit simpleng pag aayos lamang ang i-apply sa binata ay lumalabas parin ang pagiging stunner nito.
“Kayo na ang bahala sa kanya, gawin niyo ang best ninyo para magmukha siya presentable mamayang gabi,” ang utos ni Ryou sa glam team.
“Leave it to me sir, at huwag kang mag worry dahil ang lahat ay under control. Sa estado ng kagwapuhan ni Yue, kahit pagdamitan siya ng basahan ay maganda pa ring tingnan sa kanya at hindi maitatanggi iyon. In fact, kapag magkasama nga kayong dalawa ni Yue ay para kayong perfect couple. Actually mas match kayong dalawa kaysa doon kay Sir Jihan,” ang bulong ni Kurt kay Ryou habang nakangiti ito.
Habang nasa ganoong pag uusap sila ay biglang entrada ni Jihan sa scene at dito ay narinig niya ang sinabi ni Kurt kay Ryou tungkol sa “perfect couple” pero agad ring nagtakip ng bibig si Kurt at pinigilan ang kanyang sarili sa pagsasalita.
“Anong sinasabi mong perfect couple si Ryou at Yue? Nababaliw ka na bang bakla ka?” ang tanong ni Jihan.
“Sir Jihan, hindi naman iyon ibig kong sabihin,” ang sagot ni Kurt.
“Sinungaling! Hindi ako bingi dahil narinig ko ang lahat! Fuck shit ka ha!” ang galit na sagot nito sabay sampal kay Kurt.
PLAK!
“Hindi na ako magpapaayos sa iyo dahil hindi ka naman talaga magaling, nagmumukha lang akong mahirap sa mga style mong bulok!” ang dagdag pa nito.
“Grabe naman po kayong magsalita Sir Jihan, kung ituring mo ako ay parang hindi ako tao. Hindi mo man lang ako irespeto,” ang sagot ni Kurt.
“Irespeto? Bakit ko gagawin iyon? Ano ka ba dito? Make up artist ka lang naman. Isang mababang uri ng beautician na hina-hired ni Ryou dahil kaibigan niya ang nanay mo at naaawa siya sa inyo. Huwag ka na ngang sumagot sa akin! Gusto mo bang sampalin ulit kita?” pagbabanta nito.
“Jihan, tama na nga iyan. Huwag mo ng saktan si Kurt, wala naman siyang sinasabing masama. Hindi rin maganda na parati kang nananakit dahil baka mapuno sa iyo ang mga taong hinahanamak mo at ikaw naman ang saktan nila. Sige na Kurt, lumabas ka na at gawin ang pinag uutos ko,” ang salita ni Ryou na hindi maitago ang pagkainis.
Humarap si Jihan kay Ryou. “Ah, now I know! Balak mong iinvite si Yue mamaya sa exhibit party mo. Tama?” tanong nito.
“Yeah, dahil ang painting ni Yue ang isa sa ididisplay doon at deserve niya ng recognition. Hindi natin ito pwedeng ipagkait sa kanya bilang isang mahusay na artist,” katwiran ni Ryou.
“Mahusay na artist? Are you kidding me? Mahusay? Tingnan mo nga itong painting niya, parang gawa ng isang grade schooler. Kung ganito lang pala kapanget ang artwork na gusto mo edi sana nagpainting na lang din ako baka sakaling mas maganda pa ang gawa ko kaysa sa gawa niya.”
“Oh edi gawin mo, nagtungo ka ba dito sa opisina ko para mag iskandalo? Gustong gusto mo ba talaga na naririnig nila ang boses mo? At yung mga pang aaway mo sa akin sa tuwing nagpupunta ka dito?” tanong ni Ryou sa kanya.
Natahimik si Jihan at naupo sa sofa, “look, kaya ako nagkakaganito ay dahil desperado na ako gustuhin mo. Ikaw lang ang tanging lalaki na nababagay sa akin. Simula pa noon ay aware ka naman na gusto na kita at ginagawa ko ang lahat para sa iyo. Ano pa ba ang problema okay naman sa dad ko na magsama tayong dalawa? Tiyak na okay din ito sa parents mo, kung saan man sila naroroon,” ang tugon niya kay Ryou.
Napabuntong hininga si Ryou, “Look, Jihan, gwapo ka, galing sa isang mayaman at tinitingalang pamilya. Pero hindi mo ba narealize o na figure out man lang kung bakit hindi kita sine-seryoso?” tanong ni Ryou sa kanya.
“Well, sa pagkakaalam ko, hindi mo ako sineseryoso dahil naaalangan ka sa akin. Galing ako sa isang mayaman, powerful at perfect na pamilya. Iniisip mo na baka hindi ka maka-catch up ang isang katulad mo lang sa isang katulad ko. Pero Ryou, please, don’t. Wag mo isipin iyon as long as mahal natin ang isa’t isa,” ang sagot ni Jihan.
Natawa si Ryou, “Okay ka lang Jihan? Ano bang pinagsasasabi mo dyan? Ganyan ba talaga ang iniisip mo tungkol sa akin? Alam mo hindi tayo magiging masaya hanggang hindi mo na f-figure out totoong dahilan kaya’t hindi kita ginugusto,” ang tugon ni Ryou sa kanya.
Tumayo si Jihan at lumapit kay Ryou, “Lumayo ka kay Yue dahil kapag ipinagpatuloy mo pa ang pagsunod sa mangkukulam na iyon ay hindi ko siya papatahimikin,” ang pagbabanta nito
Natawa si Ryou, “alam mo sa inaasta mong iyan, para kang baliw na wala sa tamang direksyon ang pag iisip.”
“We’ll see. Huwag mong isiping madali kayong magkakahanap ng happy ending,” ang sagot ni Jihan.
“Alam mo, ang maipapayo ko lamang sa iyo ay quit watching telenovela para hindi mo na-aadapt yung ugali ng mga kontrabida doon,” ang tugon ni Ryou.
“Ang bawat kontrabida ay mayroong sariling POV at tiyak na ako ang bidang tauhan doon. Magkita tayo mamaya sa party,” ang sagot ni Jihan.
“Sa tingin ko ay huwag ka na umattend kung mag iiskandalo ka lamang. Huwag mo sanang sirain ang party na ihinihanda ko para sa mga business partners ko.”
“Of course hindi ko gagawin iyon. Gusto ko lang makita kung paano magmumukhang katawa tawa si Yue mamaya kapag nakasalamuha na niya ang mga pinaka mayayaman at pinaka makakapangyarihang tao sa bansa,” ang sagot ni Jihan sabay labas sa opisina ni Ryou.
Napaupo si Ryou at napabuntong hininga na lamang. Wala siyang nagawa kundi ang mapaili sa ipinapakitang ugali ni Jihan.
Aware ang binata na may attitude talaga si Jihan at ito ang dahilan kaya hindi niya ito magustuhan. Ayaw niyang dumating sa punto na maging maliit ang kanyang mundo kapag naging kasintahan niya si Jihan dahil ngayon pa lang ay nagiging controlling na ito. Paano pa kaya kapag nagkaroon sila ng seryosong commitment? Baka pati ang pahinga ay ipagbawal na rin niya.
Hindi naman ganito si Jihan dati, sweet ito at caring kaya’t nagpakita rin siya ng interest sa binata noon. Pero habang tumatagal ay tila nagiging masama ang ugali ito at nagiging obsessed. Ayaw magpatalo, nagiging seloso at gusto ay lagi siyang tama.
Natahimik na lamang si Ryou noong mga sandaling iyon. Gayon pa man ay umaasa siyang hindi gagawa ng eksena si Jihan mamaya doon sa party dahil nakakahiya kung sakali.
Samantala, lumabas si Jihan sa opisina ni Ryou na mainit ang ulo. Agad siyang sinalubong ng guard, “Sir Jihan, ihahatid ko na po kayo sa kotse niyo,” ang magalang na wika nito.
Humarap sa kanya si Jihan at mabilis siyang sinampal..
Pero nakaiwas ang guard mula sa palad ng binata. “Sir Jihan, alam ko pong sasampalin mo ako kaya’t inihanda ko na ang sarili ko,” ang wika ng guard pero biglang BUMALIK ang sampal ni Jihan.
PLAK!.
“Sorry, isang boomerang na sampal para sa iyo! Bumabalik ito at hindi ka makakatakas,” ang sagot ni Jihan sabay lakad palayo sa guard, iniwan niya itong nakapako sa kanyang kinatatayuan.
“Sungit naman ng lalaking iyan, sama pa ng ugali! Hindi nakapagtataka na ayaw talaga sa kanya ni Sir Ryou,” ang bulong ng guard habang hinihimas ang kanyang mapulang pisngi dahil sa sampal ni Jihan.
Habang pasakay ng kotse ay tinawagan naman ni Jihan ang kanyang pinakamahuhusay na glam team para ibigay sa kanya ang isang unstoppable at amazing look mamayang gabi. Sisiguraduhin niyang ma s-stun ang lahat mamaya.
Titiyakin niya na sa kanya ang spot light at siya at magiging center of attraction ng buong venue. Isusuot niya ang kanyang pinakamahal na suit na galing pang Paris at ipapakita niya ang kanyang expensive looks sa lahat! “Tingnan natin kung hindi ka mag mukhang katawa tawa Yue!!” ang bulong ni Jihan sa kanyang sarili.
Samantala, nagtungo na ang stylist na si Kurt sa bahay nila Yue upang sunduin ang binata. Dito niya nakita ang simple buhay ni Yue na naglilinis lamang ng mga kabibe sa dalampasigan habang nakayapak ang mga paa.
“Yue! I’m here!” ang wika ni Kurt habang kumakaway gamit ang kanyang rainbow colored na panyo.
Humarap sa kanya si Yue at namukhaan niya agad ang lalaki. Ito ang make up stylist na nag-ayos sa kanya dati kaya naman agad niya itong nilapitan. “Kurt! Kumusta ka na? Teka anong nangyari sa pisngi mo? Bakit namumula?”
“Naku wag mo na pansinin ang pisngi ko, sinampal lang naman ako ng halimaw ng karagatan na si Jihan. Halika na, sumama ka sa akin dahil wala na tayong oras.”
“Teka saan tayo pupunta?” tanong ni Yue.
“Edi aayusan kita at papa gwapuhin! Gusto ni Sir Ryou na umattend ka sa party mamaya,” ang tugon ni Kurt.
“Teka, ayoko. Hindi ako mahilig sa mga ganoong uri ng pagtitipon,” ang sagot ng binata na halata sa mukha ang pag aalala.
“Hala, taong bundok ka kuya? Sa lahat ng gwapong lalaking nakilala ko ikaw lang ang may ayaw sa exposure. Huwag mo naman biguin si Sir Ryou, mahalaga ang event na ito para sa kanya at isa pa ay nais niya ipakilala ka sa mga business partners niya.
Nais niyang mayroong makadiscover sa iyo. Malay mo mas marami pa ang opportunity na dumating sa iyo. Who knows maraming magpagawa ng paintings sa iyo o kaya ay makuha ka bilang commercial model, what do you think? Huwag mo naman sayangin ang opportunity na ito,“ ang pakiusap ni Kurt.
“Ayoko, kasi.. baka.. kasi baka mahilo ako sa madaming tao,” ang tugon ng binata.
Natawa si Kurt, “bakit ka naman mahihilo? Buntis ka ba? Huwag ka na nga magworry, nandito namana ko at sasamahan kita sa party.”
Noong mga sandaling iyon ay ayaw talaga ni Yue na magpunta dahil baka doon magkaroon ng aberya at malaman ng lahat ng kanyang sikreto. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya, gusto niyang makita si Ryou ngunit mayroong parte sa kanyang puso na ayaw sumang-ayon.
Part 26: Exhibit
Part 2
6
: Exhibit
Habang nasa ganoong pag-uusap sina Kurt at Yue ay dumating naman si Marine sa kanilang tabi. “Bakit hindi ka sumama? Isang magandang opportunity na makita nila ang creator ng painting na nakadisplay sa exhibit,” ang salita nito habang nakangiti.
“Hello po, And you are?” ang pagtataka ni Kurt.
“Sorry sa pagsabad ko sa inyong usapan, ako si Marine, ang guardian ni Yue,” ang wika nito.
“Ay, kaya naman po pala gwapo si Yue dahil maganda rin ang kanyang guardian, lakas maka Jacquelyn Jose noong kabataan niya ha. Tita, pakiconvince nga po si Yue na sumama sa akin dahil wala na kaming oras na natitira, please,” ang pakiusap ni Kurt.
Ngumiti si Marine at hinawakan ang kamay ni Yue, lumayo sila ng bahagya kay Kurt at saka sila nag usap ng masinsinan. “Ayokong sumama dahil baka biglang may mangyari sa kwintas at lumabas ang aking buntot.”
“Ano ka ba, walang mangyayari sa kwintas. Matibay ang pisi nito dahil gawa ito sa isang espesyal na tali. Kahit hilahin ito at gupitin ay hindi mapuputol,” ang sagot ni Marine at hinila niya ang kwintas ni Yue, sinubukan din niya ito hiwain ngunit talagang matibay ang pisi.
“Ngayon, ang tanging magagawa mo lang ay siguraduhin itong nasa leeg mo ito at hindi mawawala, maliwanag ba? Mag enjoy ka at maging masaya,” ang dagdag pa ni Marine.
Napabuntong hininga si Yue at tumango ito bilang pag-sang-ayon. “Uuwi ako agad, hindi ako magtatagal doon,” ang nakangiting sagot ng binata.
“Okay lang, basta ang mahalaga ay maging masaya ka at alisin mo ang kaba sa iyong puso, maliwanag ba?” ang nakangiting wika ni Marine sabay haplos sa buhok ni Yue.
Humarap siya kay Kurt at nagsalita “Kurt, alagaan mo si Yue para sa akin.”
Ngumiti si Kurt, “Of course tita, ako na ang bahala kay Yue,” ang sagot ng make up artist habang nakangiti.
Noong sumang-ayon si Yue ay agad silang umalis ni Kurt. Nagtungo sila sa isang maliit na beauty salon na pag aari ni Kurt sa siyudad. Ilang minuto lamang ang byahe mula sa sea wall. “Alam mo, gustong gusto ni Sir Ryou na umattend ka sa party mamaya. And he asked me na ayusan kang mabuti at gawing stunner mamaya,” ang nakangiting salita ni Kurt.
“Hindi talaga ako mahilig makisalamuha sa maraming tao. Hindi ako sanay sa mga ganoon pagtitipon at lalong hindi ako komportable,” ang nahihiyang wika ni Yue.
“Siguro ay sa simpleng buhay ka lang pinalaki ng mother mo kaya hindi ka masyadong sanay sa mga social gatherings,” ang sagot ni Kurt.
“Wala na akong nanay. Namatay siya noong 8 years old ako,” ang sagot ni Yue na may halong lungkot.
“I’m sorry, pero you know what, alam kong nakabantay sa iyo ang mother mo at pino-protektahan ka niya mula sa itaas. At alam kong proud na proud siya sa iyo dahil lumaki kang mabait at simpleng tao,” ang tugon ni Kurt, iniharap niya si Yue sa malaking salamin at sinimulan niya itong ayusan. “Alam mo yung mga ayos ng korean heart throb ngayon, ganito lang talaga ang bagay sa iyo,” ang dagdag nito.
Ito ang ikalawang beses na ayusan niya ang binata pero hindi pa rin siya nagsasawa na titigan ang mukha nito. Light make up lamang ang kanyang inilagay at pinapula niya ng kaunti ang labi para lalong maging kissable. Ang buhok ay ginawa niyang classic na para bang pang 80’s slick back quiff. Kaya mas lalo pang na highlight ang kanyang mukha. That moment, ang lahat ng tao sa loob ng salon ay napapalingon at hindi maiwasang tumitig sa binata.
Samantala, sa loob ng mansion ni Jihan ay nagkakagulo ang mga make up artist para ayusan at gawing head turner ang binata. Maarte ito at mitikuloso sa kanyang looks kaya’t nag iingat ang mga stylist para hindi magkamali. Lalo’t alam nila na bayolente si Jihan kapag hindi niya nagustuhan ang kanyang looks. Bilang high paid na model ay talagang looks ang center ng buhay niya.
Ang pinakamahusay na make up artist niya ay nagresign na noong nakaraang buwan dahil hindi nagustuhan ni Jihan ang combination ng eyeshadow na ginawa nito. Sinampal niya ang personal stylist at hindi ito binayaran.
Kaya ang karamihan ay takot magkamali, walang silid para sa pagkakamali!
Mabusising pinipili ni Jihan ang kanyang looks mula sa kanyang hairstyle, sa kanyang lips at maging sa blush on. Ayaw niya ng cheap na make up kaya ang inilalagay sa kanyang mukha ay ang mga high quality na products mula sa bansang France.
Mabusisi ring pinili ang damit ni Jihan, hundreds of designs ang kanyang pinagpalian. Gayon rin ang mga mamahaling pares na sapatos na nakahilera sa kanyang malaking wardrobe. Para siyang isang prinsipe na punong puno ng mga magagandang bagay sa kanyang paligid. Ang pangarap ng bawat kalalakihan ay halos nasa kanya ng lahat. Sobrang marangya ang buhay ni Jihan, of course galing siya sa powerful na pamilya at ang kanilang negosyo ay number one sa market.
“Sir Jihan, sobrang gandang lalaki niyo po,” ang magalang na wika ng maid niya.
“I know, sana kayo rin ay magaganda!” ang wika nito na may halong pang aasar.
Pinili niya ang pinakamahal na sapatos at ang pinakamahal na suit para makasiguradong stand out siya sa party mamaya. Sisiguraduhin niyang matatalo niya si Yue at magmumukhang katawa tawa ito kapag tumabi na sa kanya. Isa pa ay tiyak na papakisamahan siya ng mabuti ni Ryou mamaya dahil nandoon ang kanya ama at hindi ito papayag na bale walain lamang siya ng binata.
Alas 7 ng gabi noong magsimula ang party, ito ay ginanap sa isang yate. Bago ito umalis at pumalaot sa dagat ay dumating na agad sina Yue kasama si Kurt nagstay lamang sila sa isang silid para tulungan ang talaga sa pagpapalit ng damit.
Samantalang dumating si Jihan at nagstay ito sa isang VIP guest room at doon nag ayos para sa kanyang final look. Sa makatuwid ay hindi nila nakita ang isa’t isa, bagamat aware si Jihan na nasa loob na ng yate ang kanyang karibal na si Yue.
Nagstart ang party sa lobby ng yate kung saan naroon ang mga paintings biglang exhibit. Isa nga sa nakadisplay dito ay ang artwork ni Yue na nagliliwanag at umaagaw ng pansin lalo na kapag natatamaan ng ilaw mula sa itaas.
Nandoon lahat ng mga malalaking businessman sa bansa kabilang na sina Mr. Singh na ama ni Jihan at ilan sa kanyang mga kaibigan sa upper upper.
Lumakad sa kanilang harapan si Ryou suot ang itim na fitted suit and tie, nagbigay siya ng maikling opening message para sa lahat. “Good evening sa inyong lahat, nandito tayo upang i-celebrate ang mahuhusay na work out na gawa ng mahuhusay na artist ng bansa. Ito na rin ang tamang pagkakataon upang magbigay ng tribute at recognition para sa kanila. Ang ilan sa mga artist ay nandito ngayon ay nakikisaya sa ating pagdiriwang. Please feel free to know them very well. Bigyan niyo sila ng chance na maibahagi nila ang kanilang talento sa inyong lahat.
As you can see, lahat ng mga paintings na ito ay kinulekta ko at iningatan biglang isang mahalagang kamayanan. Ang bawat isang painting ay mayroong mensahe at mayroong kwentong nais na ipabatid sa ating lahat. Sana ay appreciate niyo sila katulad ng paghanga ko sa bawat isang artwork na nandito ngayon. At nais ko lamang linawin na ang mga paintings na ito ay hindi for sale. Maraming salamat sa inyong pagdalo at enjoy the night!“
Palakpakan ang lahat.
Noong matapos magsalita si Ryou ay siya namang paglabas ni Jihan, suot nito ang isang fashionable fitted suit na kulay gold na mamahalin ang design. Pinatunayan ng binata na isa siyang high fashion model.
Ang lahat ay napahinto sa ipinamalas na kakisigan at kagwapuhan ni Jihan Singh. Para siyang isang international super model na lumalakad sa red carpet.
He looks expensive, of course dahil mamahalin ang kanyang damit at sapatos na suot. Siya ang naging center of attraction noong mga sandaling iyon. Nakangiti si Jihan at ineenjoy ang pagiging star of the night. Maganda ang kanyang entrance at nagtagumpay siya na mapansin ng lahat ng kanyang looks!
“Tangina niyo, mag laway kayong lahat!” ang bulong niya sa kanyang sarili habang pinagtitinginan ng mga guest.
NGUNIT, ilang sandaling lamang sa kanyang natuon ang spot light dahil biglang nagbago ang direksyon ng mga tao at napunta ito sa itaas ng hagdan kung saan nakatayo si Yue. Suot niya ang silver na fitted suit na may silver na scarf na gawa ng stylist na si Kurt.
Parang isang literal na diyos ng Olympus si Yue noong mga sandaling iyon habang bumababa siya sa hagdanan. Kapansin pansin ang design ng pants sa pinakalegs nito dahil para itong silver kaliskis na merman katulad ng nasa kanyang painting.
Kitang kita ni Jihan kung paano inagaw ni Yue ang spot light, naagaw rin nito ang atensyon si Ryou Guerrero. Ang lahat ay nakatingala sa hagdan habang pinagmamasdan siya sa pagbaba.
“Walang hiya ka Yue! Silver ka lang! Gold ako! Mas mahal ako!!” ang sigaw ni Jihan sa kanyang sarili habang nagtitimpi.
Samantala ay nag niningning ang mga mata ni Ryou noong mga sandaling iyon. Pakiramdam niya para siyang isang groom na naghihintay sa kanyang mapapangasawa habang parang isang anghel na bumaba ito mula sa kalangitan.
Muli ay pinatunayan ni Yue na siya ay nagtataglay ng napakagwapong mukha. Mas gwapo pa siya ngayon kumpara sa unang date nila ni Ryou doon sa restaurant. At noong mga sandaling iyon ay mas lalo pang nabihag ang binata sa taglay niyang kagwapuhan.
Sa kabilang banda ay ibayong galit ang naramdaman ni Jihan dahil pakiramdaman niya ay na out-shine siya ni Yue, nasapawan siya nito!
Pilit niyang ikinalma ang kanyang sarili na hindi gumawa ng scene pero deep inside na gusto na niyang lumapit kay Yue at sampalin ito ng paulit ulit hanggang sa mawalan ito ng malay! Gusto na rin niya itong suntukin sa mukha at itumba sa harap ng mga guest!
Part 27: Romantic Night
Part 2
7
: Romantic Night
Noong makababa si Yue sa hagdan ay lalapitan sana siya ni Ryou ngunit hinawakan ni Jihan ang braso ng binata at nagwika ito, “Sige, subukan mo siyang lapitan, subukan mo akong ipahiya! Subukan mong lapitan ang cheap at trying hard na lalaking iyan na mukhang silver paper ng sigarilyo, tiyak kong hindi mo magugustuhan ang mga susunod na mangyayari,” ang pagbabanta ni Jihan kay Ryou.
“May gold paper din ang loob ng sigarilyo, magkamukha lang kayong dalawa,” ang sagot ni Ryou.
“Hindi ako nagbibiro Ryou! Nandito ang mga common friends natin, huwag mo akong ipahiya ng ganito!” ang bulong ni Jihan na hindi maitago ang galit.
Walang nagawa si Ryou kundi ang manatili sa tabi ni Jihan, kesa nga naman mag iskandalo ang spoiled brat na binatang ito. Buti na lamang at napansin agad ni Kurt na pinigilan ni Jihan si Ryou lumapit kay Yue. Kaya naman sa halip ay siya lamang ang lumapit kay Yue at inalalayan ito sa huling baitang ng hagdan.
“Ladies and gentlemen, siya si Mister Yue, ang nagpinta ng artwork na kung tawagin ay “The Silver Moon”, ang wika ni Kurt sabay turo sa painting ni Yue na nakadisplay sa isang parte ng exhibit.
Kurt saves the night!
Pinagkaguluhan ng mga bisita si Yue at ang lahat ay binati siya. “Hindi ako makapaniwala na isang napakagwapong binata ang nasa likod ng painting na iyon. Nakakamangha talaga, mayroon ka pa bang ibang paintings? Maaari mo ba itong ibenta sa akin, binibini?” tanong ng isang businessman.
“Magandang lalaki, matangkad at makinis ng isang ito maaari ko na siyang kuning modelo ng aking produkto, ilang taon ka na ba hijo?Gusto mo bang maging modelo?” tanong naman ng isa pa.
“Excuse me, sir and maam, bigyan po natin ng space si Sir Yue at sana bigyan natin siya ng time na sagutin ang ating mga katanungan,” ang wika ni Kurt dahil napansin niyang nalilito na ang binata kung sino ang unang sasagutin. Halata sa mukha niya na hindi ito komportable.
Lalo lang naging magulo ang sitwasyon noong lumapit na ang mga bachelor na kaibigan, business partners at mga college friends ni Ryou kay Yue upang makipagkilala. “Uy, Kurt ipakilala mo naman kami sa bisita,” ang wika nila habang nakangiti. Hindi rin ineexpect ni Kurt na dudumugin ang binata ng mga instant admirer at fans.
Pinaikutan ng mga gwapong bachelor si Yue, lahat ay nagpakita ng interest at paghanga kanya. Hindi na malaman ni Yue ang gagawin, nabibigla siya at nakaramdam ng pagkalito dahil halos sabay sabay nagpapakilala sa kanya ang mga binata sa paligid. Hindi na halos na control si Kurt ang crowd sa loob ng yate.
Totally na out shined na talaga si Jihan noong mga sandaling iyon dahil walang pumansin sa kanya. At ang one minute fame niya madaling natapos.
Napansin ni Ryou na tila hindi komportable si Yue sa kanyang paligid dahil parang litong lito na ito, kaya naman inalis ni Ryou ang kamay ni Jihan sa kanyang braso at mabilis itong nagpunta kay Yue. Hinawakan niya ang kamay nito at inalalayan sa paglalakad, “Sorry gentlemen pero nandito si Yue para ipromote ang kanyang painting,” ang pagharang ni Ryou sa kanila.
“Wooo, damot mo naman bro!” ang biro ng kanyang mga kaibigan.
Humarap si Ryou sa binata at ngumiti ito, “okay ka lang ba? Sorry ha, masyado yata silang na starstruck sa iyo,” ang salita nito.
“Oh ano, magaling ako diba?” tanong ni Kurt sa kanya.
“Oo naman, isa kang mahusay na stylist, good job, Kurt,” ang nakangiting papuri ni Ryou.
“Okay lang ako, sorry hindi talaga ako sanay sa maraming tao. Hindi ko alam kung sino ang una kong kakausapin sa kanila,” ang tugon ni Yue na may halong pagkahiya.
Para sa isang merman na nakatira sa ilalim ng karagatan ay isang bagong karanasan ang magtungo sa highland para mamuhay kasama ng mga tao. At ngayon ay tila nabigla si Yue dahil ito ang unang pagkakataon na umattend siya ng party at maraming mga tao ang pumalibot sa kanya. Malakas din ang music sa paligid kaya’t halos na confused siya at nawalan ng pagkakataong ayusin ang kanyang sarili.
Noong maging maayos ang pakiramdam ng binata ay agad siyang ipinakilala ni Ryou kay Mr. Fredrick Singh. “Sir, siya ang artist sa likod ng painting na “The Silver Moon,” ang introduction ni Ryou.
Ngumiti sa kanya si Mr. Singh, “Nice to meet you hijo, hindi ko ineexpect na isang napakagwapong binata pala ang artist sa likod ng painting ng silver tailed mermaid. Tell me hijo, paano ka nag comes up sa ganoong concept? I mean, napaka ganda at talagang kakaibang iyong artwork,” ang tanong nito, nagpakita agad si Mr. Singh ng interest sa binata.
“Ang painting na iyan ay ginawa ko base sa aking imahinasyon. Simula noong bata ako ay parating nagkkwento ang aking ina tungkol sa mga sirena kaya’t naging fascinated ako sa kanila,” ang tugon ni Yue.
Natawa si Mr. Singh, “tama ka nga Ryou, ang gwapong binata na ito talagang interesting, isa kang tunay na gifted artist. Hindi rin maitatanggi na maganda ang iyong mukha at ang iyong balat. Gusto mo bang maging modelo ng aming product?” tanong ni Mr. Singh kay Yue.
Ito ang mga bagay hindi pinalagpas ni Jihan, hindi na niya napigilan ang kanyang sarili, bumugso ang kanyang pagkainis at lumakad patungo sa kinalalagyan nina Ryou at ng kanyang ama. “Dad, ano bang sinasabi mo? Bakit nag-ooffer kang gawing modelo iyang lalaking iyan? Nakalimutan mo na ba na AKO ang modelo at mukha ng product natin?”
“Jihan, 5 years ka nang endorser at model ng ating cosmetic brand. Bakit hindi tayo kumuha ng fresh face? Para sa ating bagong product na ilalabas next month?” tanong ni Mr. Singh sa anak.
Ngumiti si Ryou, “I think that’s a good idea. Lalo na at maraming nag offer kay Yue para maging model ng kanilang mga product, baka maunahan tayo kapag kinuha siya ng iba,” pagsang-ayon ni Ryou.
Lalong nagalit si Jihan, “NO! NO DAD! Hindi ako nanalo sa Asia’s Ultimate Top Model para palitan lang ng kung sinong lalaking napulot sa kalye! At lalong hindi ako nanalong Top Model of the Universe para lang matalo ng isang weirdo! At lalong hindi ako nagsuot ng ginto ngayon para palitan ng isang baduy na lalaking nakasuot ng pilak na parilala ng sigarilyo! Fuck! Ayoko! Nooooo!!! Nooooooo!” ang sigaw niya at mabilis itong nagtatakbo patungo sa VIP room.
“Ayan imbyerna si Jihan, mukha pa naman siyang golden eagle ngayong gabi,” ang bulong ni Kurt.
Napailing na lang si Mr. Singh dahil sa inasal ng kanyang anak. Para itong isang batang paslit na ayaw magpatalo sa laro. “Excuse me gentlemen and nice to meet you Yue. Pag isipan mong mabuti ang offer ko,” ang nakangiting wika ng mayamang negosyante.
Napabuntong hininga si Yue, “Okay lang ba si Jihan?” tanong nito.
Natawa na lang si Ryou, “ganoon ka baliw si Jihan kaya hindi mo dapat siya pinapatulan. Gusto mong lumabas? Mas malamig ang hangin doon,” ang alok ni Ryou.
Ngumiti si Yue at saka tumango. Inabot ni Ryou ang kanyang kamay at noong eksaktong maghawak sila ay tumugtog ang isang romantic kanta na nagmistulang isang background music sa kanilang dalawa. Ang pamagat ng kanta ay I’ll Always Love You by Micheal Johnson.
Standin’ by my window
Listening for your call
Seems I really miss you after all
Time won’t let me keep
These sad thoughts to myself
I’d just like to let you know
I wish I didn’t let you go
And I’ll always love you
Deep inside this heart of mine
I do love you
And I’ll always need you
And if you ever change your mind
I’ll stil I will love you
At iyon ang set up, dahil sa pag iinarte ni Jihan ay nakahanap ng pagkakataon si Ryou na makasama si Yue. Lumabas sila sa yate habang lumalalim ang gabi. Romantic ang paligid lalo na’t tumutugtog ang isang romantic na music. “Ang porma mo ngayong gabi,” ang nakangiting wika ni Ryou.
“Dahil ba maayos ang suot kong damit at hindi ako mukhang palaboy sa kalye? At maganda rin ang suot kong sapatos diba?” ang nakangiting sagot ni Yue.
“Oo, para kang si King Arthur,” ang sagot nito.
“Sino naman iyon?” tanong ng binata.
“Seryoso? Hindi mo siya kilala?” tanong rin ni Ryou.
Umiling ang binata, “hindi.”
Natawa si Ryou, “Isa siyang hari na makisig at magandang manamit.”
“Hindi ko maunawaan ang sinasabi mo,” ang sagot ni Yue.
Napakamot ng ulo si Ryou. Napaisip siya kung pinag ttripan lamang ba siya ni Yue o talagang walang alam ito sa mundo. Karaniwan kasi para itong isang batang tanga na kailangan pang turuan o paliwanagan para maunawaan ang isang bagay. Sadya bang masyadong simple ang life style niya kaya’t kahit ang ganitong bagay ay hindi niya alam?
Gayon pa man natutuwa pa rin siya sa binata kaya naman mas lumakad pa sila sa gawing bow para mas makita ang ganda ng karagatan sa gabi.
Malamig ang hangin na dumadampi sa kanilang mga music. Masayang romantic ang paligid kaya naman hindi napigilan ni Ryou na yakapin ang binata mula sa kanyang likuran. Samantalang mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Yue, kakaibang init rin sa katawan ang dulot ng pagkayakap sa kanyang ng binata.
Nasa ganoong posisyon sila noong maramdam ni Yue na medyo nag iiba ang daloy ng alon sa paligid. “Anong problema?” tanong ni Ryou.
“Parang may mali sa karagatan,” ang bulong ni Yue.
“Mali sa karagatan? Katulad ng?” pagtataka ni Ryou ay maya maya nga ay nagsimula ng yumanig sa paligid. Ang tahimik na karagatan ay nagkaroon ng malalakas na alon!
Kasabay nito ang pag-papanic ng mga tao sa loob ng yate!
LINDOL!
LUMILINDOL!
Ilang saglit pa ay biglang inuga ang yate na kanilang sinasakyan.Bahagya itong tumagilid kasabay ng isang malakas na alon!
Agad na niyakap ng mahigpit ni Ryou si Yue at prinotektahan ang binata mula nagkakahulog na debri mula sa itaas ng yate. At habang nasa ganoong posisyon sila ay nawala sa balanse si Ryou at tumilapon ito sa karagatan!
Dahil sa lakas ng alon ay agad na nilamon ng tubig si Ryou. Madilim ang paligid kaya’t halos hindi na ito makita pa.
“Ryou!!” ang sigaw ng Yue.
Hindi na siya nagdalawang isip, tumalon si Yue sa karagatan at hinubad niya ang kanyang magical necklace. Agad siyang sumisid sa ilalim ng tubig at dito ay lumabas ang kanyang pilak na buntot. Mabilis siyang naglangoy upang hilahin ang katawan ni Ryou na nilalamon ng mabangis na alon.
Hindi naman siya nabigo!
Agad niyang hinawakan ang braso ng binata ay hinila ito paitaas. Samantalang bahagyang dumilat si Ryou at dito ay naaninag niya ang isang lalaking nagliliwanag ng silver ang katawan, may buntot na parang isang merman.
Niyakap siya nito at iyon ang huli niyang natandaan.
Part 28: Imagination
Part
28
: Imagination
“Dahan dahan lang po ang pagbangon sir Ryou, may masakit po ba sa inyo?” tanong ng maid noong sandaling idilat niya ang mga mata.
“Anong nangyari? Bakit nandito ako?” ang nagpapanic na tanong ng binata noong matagpuan ang sarili na nakahiga sa kanyang silid.
Agad namang lumapit sa kanya ang kaibigang si Gino at pinakalma siya nito, “chillax bro, bakit ka ba nagpapanic? Huminahon ka nga muna.”
“Nasaan si Yue? Nasaan ang iba? Anong nangyari sa kanila?” tanong ng binata at noong sandaling ipikit niya ang kanyang mga mata ay naalala niya ang kakaibang pangyayari kagabi. Habang siya nakalubog sa karagatan ay iniligtas siya ng isang merman na may silver na buntot. Niyakap siya nito at mabilis na dinala sa mga batuhan kung saan siya magiging ligtas.
Habang nakahiga ay nagawa pa niyang idilat ang kanyang mga mata at dito ay nakunpirma niyang isang kakaibang nilalang nga ang nagligtas sa kanya.
“Arrghh!” tila kumikirot ang kanyang ulo habang binabalikan niya ang pangyayari kagabi. Ang lahat ng ito ay malinaw sa kanyang isipan. Iyon nga lang ay hindi niya masyadong naaninag ang mukha ng nagligtas sa kanya. At sino naman ang maniniwalang isinalba siya ng isang sirena?
“Bro, ligtas naman ang lahat. Ang nangyari kagabi ay isang natural calamity. Walang nakapag-ppredict ng lindol. At ang pinakamalakas na bahagi nito ay tumama mismo sa ilalim ng karagatan. Mabuti na lamang at hindi nagkaroon ng tsunami o kung anumang mas malagim na sakuna. Ang yateng sinasakyan niyo ay tumagilid ngunit nakasurvive naman ito. Tumagal lamang ng ilang sandali ang paglindol at noong tumigil ito ay bumalik na rin sa normal ang lahat,” ang paliwanag ni Gino.
“Nasaan si Yue? Ang ibang mga sakay ng yate?” tanong ng binata.
“Si Yue ay iniligtas ng mga life saver ng bangka at ligtas ito. Wala namang nasaktan at ang mga painting collection mo ay ligtas rin, ngayon ay nasa warehouse na ulit ang mga ito. Siguro mas maganda kung pahinga ka muna,” ang wika ni Gino.
Natahimik si Ryou at napaisip, “Sandali, sino yung nagligtas sa akin?” tanong ng binata.
“Tumilapon ka daw sa karagatan, mabuti at alerto ang mga life guard ng yate. Isa doon ang nagligtas sa iyo,” ang sagot ni Gino.
“Life guard? Sigurado ka? Parang iba yata ang nakita ko doon sa ilalim ng tubig,” ang sagot ng binata na hindi maiwasang magtaka at mag isip.
“Kakaiba katulad ng? Don’t tell me na iniisip mong isang sirena ang nagligtas sa iyo?” tanong ni Gino.
Inilapit ni Ryou ang mukha niya kay Gino at saka bumulong ito, “maniwala ka sa akin bro, hindi life guard ang nagligtas sa akin. Iba ang nakita ko, isang nilalang na may silver glowing tail na parang isang sirena,” ang seryosong sagot ni Ryou.
Natahimik si Gino at napatingin ng seryoso sa kaibigan, maya maya nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at biglang humagalpak sa pagtawa. “Bro, huwag mo nga akong biruin ng ganyan.”
“Hindi ako nagbibiro, totoo yung sinasabi ko dahil iyon ang nakita ng dalawang mata ko,” ang katwiran ni Ryou.
“Bro, alam mo ba na may paniniwala ang mga matatanda na kapag raw ang isang tao ay nalagay sa life and death situation ay nagkakaroon siya ng hallucination. Maaaring nagkaroon ka nito at ang nasa isip mo ay ang makakita ng isang sirena na magsasalba sa iyo. Kaya iyon ang ipinakita ng iyong mga mata sa iyo. Maaaring isa itong uri ng visual projection na kung ano ang nasa isipan mo ay iyon makikita mo. Halimbawa kung ikaw ay nasa isang lumang bahay at iniisip mo na may multo doon, the moment na humarap ka sa binata ay nakakita ka ng white lady pero ang totoo ay gawa gawa lang ito ng mata mo dahil hindi naman talaga white lady ang nandoon kundi isang kurtinang puti na lamang. Marahil ay na-misinterpret mo ang life guard into mermaids. Well, iyan ay isang scientific explanation lamang,” ang paliwanag ni Gino.
Natahimik si Ryou at pinigilan ang sarili sa pagsasalita. Expected naman niya na hindi maniniwala sa kanya ang kaibigan. Nagsisi tuloy siya na sinabi niya ito, napagkamalan lang tuloy siyang hinahangin ang ulo o kaya ay nasisiraan ng bait.
Samantala ay naging laman ng balita ang nangyaring lindol kagabi. Naramdaman din sa buong city ang malakas na impact nito. Nagpasalamat na lamang ang kampo ni Ryou na hindi nasira o tumaob ang yateng sinasakyan ng kanyang mga guest dahil tiyak na malalagay na naman sa front page ng newspaper ang kanyang pangalan.
Kaya noong mga sandaling iyon na starting next year ay sa hotel na lamang gaganapin ang exhibit at hindi na ito ilalabas sa outdoor.
Makalipas ang ilang araw bumalik sa normal ang lahat. Naging maayos ang pakiramdam ng binata at nakabalik na ito sa kanyang opisina. Gayon pa man ay paulit ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang pangyayari doon sa ilalim ng karagatan.
Sa tuwing pumipikit siya ay nakikita niya ang nagliliwanag na kaliskis, palikpik at buntot ng mermaid na nagligtas sa kanya. At ito ang paniniwalaan niya dahil ito ang kanyang naranasan.
Naniniwala si Ryou na hindi ito isang imagination at lalong hindi ito gawa gawa lang ng kanyang mapaglarong isipan.
Tahimik sa buong silid.
Habang nasa ganoong pag iisip siya napadako ang kanyang tingin sa painting ni Yue at habang tinititigan niya ito ay nag f-flash sa kanyang isipan ang blurred na mukha ng taong nagligtas sa kanya sa sakuna.
Ito ang eksenang habang nakahiga siya sa batuhan ay pilit niyang inaaninag at minumukhaan ang nilalang nagdala sa kanya doon. Hinaplos pa nito ang kanyang mukha bago tumalon sa karagatan. Nakita pa niya silver na buntot nito na nag “splash” sa tubig bago tuluyang mawala.
Paano siyang paglalaruan ng kanyang isipan kung ganoong siguradong sigurado siya sa kanyang nakita? At sa bawat pagpikit ng kanyang mata ay ito ang madalas niyang naalala?
Samantala, sa seawall ay naroon si Yue, malayo ang kanyang tingin habang hawak ang basket ng kanyang mga paninda. Hindi pa sila nagkikita ni Ryou noong mga sandaling iyon at nangangamba siya na baka nakilala siya ng binata noong isalba niya ang buhay nito sa ilalim ng karagatan.
Maging siya mismo ay nabigla rin sa pangyayari, dahil noong mga sandaling iyon ay wala siyang ibang inisip kundi ang iligtas ang buhay ni Ryou dahil may posibilidad na mamatay ito lalo’t malakas ang alon sa karagatan at hinihila nito paibaba ang kanyang katawan. Ngayon ay hindi niya alam kung nakilala ba siya nito o hindi. Basta ang mahalaga sa ngayon ay ligtas si Ryou Guerrero at wala siyang pinagsisihan sa kanyang ginawa.
Habang nakatanaw ang binata sa karagatan ay tumabi sa kanya si Marine at ngumiti ito, “hanggang ngayon ba ay iniisip mo pa rin yung ginawa mong pagligtas sa buhay ni Ryou?” tanong nito.
Tumango si Yue, nakapako pa rin ang tingin sa kalayuan, “Sa tingin ko ay tama lamang ang iyong ginawa. Kung ako ang nasa iyong posisyon ay ganoon rin ang gagawin ko. Hindi ko hahayaang mawala o may mangyaring masama sa taong nagbibigay ng kaligayahan sa aking puso,” ang paliwanag niya.
“Paano kung nakilala niya ako? O namukhaan kaya?” tanong ni Yue na may halong pag aalala.
“Sa tingin ko naman ay itatago ni Ryou ang iyong sikreto, poprotektahan ka niya dahil isa siyang mabuting tao. Well, kung iyon nga ang sitwasyon na maaaring mangyari. Pero madilim sa ilalim ng karagatan, kahit tayong mga sirena ay nahihirapang lumangoy sa ganoon uri ng madilim na kapaligiran at kinakailangan lamang natin mag rely sa vibration ng ating pandinig at gayon rin sa ating malakas na pandama. Tiyak na hindi nakita ni Ryou ang iyong mukha dahil siya ay ordinaryong tao lamang,” ang dagdag pa ni Marine.
“Umaasa pa rin ako na ganoon nga ang nangyari tiya,” ang tugon ng Yue sabay bitiw ng isang malalim na buntong hininga.
“Kung anuman ang mangyari ay naniniwala ako na hindi ka ipapamahak ni Ryou dahil batid kong espesyal ang turing niya sa iyo. Alam mo ba kung ano ang pinakamasamang epekto ng ginawa mo?” tanong ni Marine.
Tumingin sa kanya ang binata, “ano po iyon?” pagtataka nito.
“Sana lamang ay hindi malaman ng mga elder mermaids ang ginawa mong pagligtas sa buhay ni Ryou. Tiyak na iisipin nila na nagtaksil ka sa ating lahi. At hindi mo ginawa ng tama ang iyong misyon,” ang paliwanag niya.
Natahimik si Yue at binalot ng takot ang kanyang buong pagkatao. Dito ay muling bumalik sa kanyang ala-ala ang ginawang pagsalba sa buhay ni Ryou.
Noong mga sandaling tumigil ang paglindol ay agad na lumangoy si Yue sa karagatan para kuhanin ang kanyang kasuotan na lumulutang lutang tubig. Agad niya itong isinuot at nagpanggap rin na walang malay sa pampang ng karagatan kung saan siya nakita ang mga tao.
Umarte na lamang siya na kasama niyang nahulog si Ryou sa yate at kapwa sila iniligtas ng life guard ng bangka at dinala sa pampang. Hindi na siya nagpaliwanag ng kahit na anong detalye, sinubukan siyang dalhin ng mga medics sa clinic upang gamutin pero tumanggi ang binata. Sa halip ay si Ryou ang pinadala niya dahil marami itong nainom na tubig at hanggang ngayon ay wala itong malay.
Agad na umuwi si Yue, hindi na siya nagpakita kina Kurt at sa iba pa. Ang bukod tanging nasa isipan lamang niya noong mga sandaling iyon ay lumayo at umiwas sa mga katanungan ng mga tao lalo’t hindi nila mahanap kung sino ang life guard na naglitas sa kanilang dalawa ni Ryou dahil wala naman talaga.
Patuloy sa pagkabog ng malakas ang kanyang dibdib noong mga sandaling iyon. Ngunit gayon pa man ay ligtas si Ryou at iyon ang mahalaga.
Habang naglalakad siya patungo sa seawall ay natawa na lamang ang binata dahil iniligtas pa niya ang taong nakatakda niyang patayin.
Ganito ba mapanuya ang buhay?
Part 29: Publicity
Part
29
: Publicity
“Bro, totoo ba itong nasa front page ng business column?” tanong ni Gino noong pumasok ito sa office ni Ryou dala ang pahayagan.
“Tungkol saan?” tanong ni Ryou, wala siyang kamalay-malay na inilabas na ng press ang publicity ni Jihan kahapon. Nagkaroon kasi ng biusiness gathering kahapon at doon ay umeksena si Jihan, nagpasikat ito sa press at gumawa na naman ng paraan para siya ay pag usapan maging sentro ng attraction.
“Hindi masyadong big deal. Larawan niyo lang ni Jihan na magka-kiss sa lips at nakalagay ang caption na “The Perfect Business Couple is Getting Married!”
“Ano?! Patingin nga!” ang gulat na tanong ni Ryou, agad niyang kinuha ang pahayagan at dito ay nakita ang headline tungkol sa nalalapit na pagpapakasal nila ni Jihan at sa ibabang portion nito ay ang larawan nila na magkadikit ang mga labi.
“Fuck! Ano ito? Bakit naglalagay sila ng maling impormasyon sa pahayagan? Alam nagsisisi ako na umattend sa business gathering na iyan kasama siya,” tanong ni Ryou na may halong pagkainis.
“So meaning hindi mo alam ang tungkol dito? Siguro ay publicity ito ni Jihan para pag usapan kayo at ang inyong mga negosyo. Alam naman natin na mahusay talaga siya sa pagkuha ng atensyon,” ang tugon ni Ryou.
“Sa palagay mo ba ay maniniwala ang taong makakabasa nito?” tanong ni Ryou.
“Oo naman, ang lahat ng mga bagay na nakatala sa pahayagan ay pinaniniwalaan ng mga ordinaryong tao,” sagot ni Gino habang nakatingin sa larawan. “Grabe makahalik si Jihan huh, talagang sinunggaban ang nguso mo.” dagdag pa niya.
“Obvious naman na siya ang nag initiate diba?” tugon ni Ryou.
Tawanan sila.
FLASH BACK
Habang busy sina Ryou at Jihan sa pagsagot sa tanong ng press ay bigla na lang hinawakan ni Jihan ang kanyang ulo at saka hinalikan siya nito sa labi. Nagulat ang press at agad silang kinuhanan ng larawan.
Pagkatapos ng interview ay sinita ni Ryou si Jihan, “Anong ginagawa mo? Business gathering ito, hindi ka dapat nag papasikat ng ganoon,” ang tanong ng binata.
Natawa si Jihan, “For publicity, ano bang nirereklamo mo? Halik lang naman iyon, huwag ka ngang magpaka conservative dyan,” ang sagot ni Jihan.
“Pero mali pa rin na bigla mo ako hahalikan sa harap ng press. Importanteng business gathering ito at hindi show mo,” ang sagot ni Ryou.
Natawa si Jihan, “Para simpleng halik lang iyon, baka gusto mong ipaalala ko sayo yung nangyari sa pagitan natin noong 1
st
time tayong nagmeet sa bar 4 years ago? Kinantot mo lang naman yung bibig ko at pinakain mo sa akin yung tamod mo. Well, nag enjoy naman ako noon, kelan ka kaya ulit malalasing ng todo para maulit ang pangyayaring iyon?“ nakangising tanong ni Jihan.
“Huwag mo na ibalik ang pangyayari 4 years ago, ayoko na isipin iyon. At hindi na mauulit iyon. Move on!” ang sagot ni Ryou sabay alis sa harapan ni Jihan.
END OF FLASHBACK
Pero noong mga sandaling ay napaisip si Ryou, baka maya maya ay mabasa si Yue ang nakalagay sa pahayagan at maniwala ito sa nakatala dito. Oo, minsan ay weird si Yue pero hindi naman ito tanga, siguro mauunawaan niya ang salitang “marriage” at kung may feelings siya kay Ryou ay tiyak na malulungkot ito.
At iyon nga ang nangyari..
Kaninang umaga habang abala si Yue sa pagtitinda ng mga souvenir items sa market ay napadaan siya vendor ng mga newspaper. Dito ay nakita niya ang larawan ni Jihan at Ryou na naghahalikan sa front page nito.
Napahinto siya at napatingin sa larawan at tila nakaramdam siya ng kakaibang kirot sa kanyang dibdib. Panandaliang nawala ang ngiti sa kanyang mukha at kalungkutan ang pumalit dito.
“Yue, alam mo hindi lahat ng nakasulat sa mga pahayagan ay pinaniniwalaan,” ang nakangiting salita ni Marine.
“Pero, ikakasal na pala sila ni Jihan,” ang sagot ng binata na hindi maitago ang lungkot.
Wala siyang nagawa kundi ang saluhin ang luhang perlas sa kanyang mga mata gamit ang kanyang mga kamay. At mabilis itong nagtatakbo patungo sa seawall, hindi niya maitago ang emosyon lalo’t habang tumatagal ay mas lumalalim ang feelings para kay Ryou.
“Hindi ko maunawaan kung bakit kumikirot ang puso ko, kung bakit umiiyak ako. Dapat ay masaya ako para kay Ryou dahil ikakasal na siya at masaya na siya ngayon,” ang sagot ni Yue.
Ngumiti si Marine, “Iyan ang senyales na ikaw ay kumpirmadong umiibig kay Ryou Guerrero. Hindi mo ito maidedeny ngayon dahil ito obvious na. Sadyang may mga damdamin na mahirap itago lalo na kung ang nararamdaman mo ay matinding kalungkutan. Kahit na itago mo ito at pigilin ay kusa itong lalabas sa iyong mga mata.”
“Paano mawawala ang sakit? Ayoko ng ganitong pakiramdam,” ang sagot ng binata, halatang litong lito ito.
Marahang hinaplos ni Marine ang kanyang likuran, “Nakakatuwang isipin na noong bata ka ay umiiyak ka lamang kapag nagkakasugat ka sa iyong buntot. Ngayon ay umiiyak ka dahil sa pag-ibig. Marahil ito ang patunay na ang pananaw ng isang nilalang ay nagbabago habang siya ay tumatanda at nagkakaroon ng mas matured na pag-iisip. Paano mawawala ang sakit? Hindi ko alam, ang sabi nila, feel the pain until it hurts no more. Masakit ito lalo na kung ang pag ibig ay totoo.”
Napabuntong hininga si Yue habang nakatanaw sa karagatan. “Akala ko ang pinakamasakit na maaaring maranasan ng isang sirena ay ang subukan niyang tumayo gamit ang kanyang mga paa. Ngunit may mas masakit pa pala dito,” ang malungkot na sagot ng binata.
“Maraming masakit na bagay na maaari nating maranasan sa mundong ito. Sadyang may iba’t ibang paraan lamang tayo kung paano natin daldahin ang mga bagay na nakakasakit sa atin. Katulad ng madalas kong sabihin sa iyo, ang mga tao ay walang pinagkaiba sa ating mga sirena. Ang tanging pinagkaiba lamang natin ay ang ating mga paa at buntot,” ang dagdag si Marine.
Malamig hangin na dumadami sa kanilang mga mukha, pareho sila ni Marine na nakatanaw sa malawak na karagatan.
Habang nasa ganoong pag uusap ang dalawa ay siya namang paghinto ng itim na sports car sa tabi ng sea wall.
Napatingin sina Yue at Marine sa sasakyan na iyon.
Maya maya ay bumukas ang pinto nito at dito ay bumaba si Ryou hawak ang isang kumpol na pulang rosas. Nakangiti ito habang nakatingin sa lugar kung saan nakaupo si Yue.
Noong mga sandaling ay naisipan ni Ryou na dumaan sa seawall upang makita si Yue. Alam niya na tuwing ganitong oras ay dito matatagpuan ang binata dahil karaniwan ay abala ito sa pagtitinda ng mga souvenir items at hindi nga siya nabigo.
Tumingin sa kanya si Yue habang hinahangin ang kanyang malambot na buhok. Nagbitiw ito ng isang simpleng ngiti, ngunit bakas pa rin sa kanyang mata ang kalungkutan.
Samantala, hindi naman inaasahan ni Yue na makita si Ryou dahil ang huling beses na nakasama niya ang binata ay noong iligtas niya ito sa tiyak na kapahamakan. Dati pa rin si Ryou, gwapo pa rin ito at kapag ngumingiti ay nakikita ang kanyang attractive na mata.
“Kumusta ka na? Nabalitaan ko na ikakasal ka na, congratulations in advance, Mr. Guerrero,” ang nakangiting bati ni Marine.
Ngumiti si Ryou, “Auntie, maaari ko bang makausap si Yuelo?” tanong ng binata.
“Oo naman, siguro ay kailangan mo nga siyang kausapin dahil nag iinarte ito kanina pa,” ang natatawang sagot ni Marine, kinuha niya ang basket ng paninda at hinayaan niyang makausap ni Ryou ang binata.
Tumabi si Ryou kay Yue, katulad ng dati ay pareho silang nakaupo sa sea wall at nakaharap sa magandang karagatan.
Napuno ng nakakabinging katahimikan ang buong lugar..
Ibinigay ni Ryou ang kumpol ng pulang rosas kay Yue, “namiss ko ang maupo dito sa sea wall, kasama ka,” ang nakangit niyang bungad.
Kinuha ni Yue ang bulaklak, “Salamat, nakita ko sa pahayagan na ikakasal na kayo ni Jihan. Congratulations sa inyo at best wishes. Kayong dalawa ni Jihan ay talagang perfect couple,” ang nakangiti tugon ng binata.
Natawa si Ryou ng malakas, “kaya ka ba nalulungkot ay dahil doon? Siguro mahal mo na ako kaya nalulungkot ka no?” pang aasar ng binata habang nakangisi.
“Hindi ah, nalulungkot lang ako dahil kapag kinasal ka na sa iba ay baka hindi na kita makita pa,” ang tugon ni Yue.
“At talagang naniniwala ka naman sa pahayagan? Kasinungalingan ang nakasulat doon, wala akong balak magpakasal kay Jihan, at hindi mangyayari iyon.”
“Wala kang balak? Eh bakit magkahalikan kayong dalawa sa larawan?” tanong ni Yue.
“Ewan, nagulat na lang ako dahil bigla akong hinalikan ni Jihan, ito ay parte lamang ng publicity niya para kami ay pag-usapan. Alam mo sa mga katulad naming businessman ay malaking factor ang publicity. Tumaas ang sale at market namin kapag kami ay nagiging sentro ng atensyon ng publiko. At ito ang ginagawa ni Jihan ngayon. At nais kong malaman mo na hindi lahat ng nakatala sa pahayagan ay totoo,” ang paliwanag ni Ryou.
Noong makausap ni Yue ang binata ay tila unti unting nawala ang sakit sa kanyang puso. Kanina ay tila nahihirapan siyang huminga, ngayon ay unti unti na itong lumuluwag at nagiging maginhawa. Lalo na noong marinig niya mismo sa binata na wala itong balak na magpakasal kay Jihan.
“Bakit wala kang balak na magpakasal kay Jihan? Perfect siya, matalino, mayaman at siya ay galing sa isang makapangyarihang pamilya,” ang tanong ulit ni Yue.
“Dahil may iba akong nagugustuhan, isang taong simple at malayong malayo sa kanya,” ang sagot ni Ryou.
“Sino naman yung taong iyon?” pagtataka ni Yue.
“Secret, pero bibigyan kita ng clue,” ang nakangising sagot ng binata.
“Sige nga, anong clue naman iyan?”
Tumingin si kanya si Ryou at sumagot “Weird siya.”
Natawa si Yue at inamoy nito ang kumpol na bulaklak, ngayon lamang siya nakatanggap ng ganitong kagandang regalo. “Wirdo ka rin kasi kaya di nakapagtataka na wirdo rin yung nagugustuhan mo.”
“Nagustuhan mo ba yung bulaklak?” tanong ni Ryou.
“Oo naman, ikaw yung unang tao na nagbigay sa akin ng ganitong kagandang mga bulaklak. Doon kasi sa karagatan ay puro halamang dagat ang ibinibigay sa akin ng mga kaibigan ko,” ang masayang sagot ni Yue, tila nakalimutan niya ang tungkol sa kanyang sikreto.
“Doon sa karagatan? May mga kaibigan ka doon?” tanong ni Ryou.
Natahimik ang binata at kinabahan siya ng kaunti, pero gayon pa man ay kailangan niyang mag isip ng paraan para makalusot, “Oh! Ah e, ang ibig kong sabihin ay yung mga kaibigan kong mangingisda doon sa karagatan. Minsan ay nagbibigay sila sa akin ng mga halamang dagat para gawing gamot,” ang palusot niya
“Ang akala ko ay may kaibigan ka sa ilalim ng karagatan,” ang sagot ni Ryou.
“Ang wirdo mo naman, syempre walang akong kaibigan doon. Saka bakit naman ako magkakaroon ng kaibigan sa ilalim ng karagatan, hindi naman ako sirena,” ang sagot ng binata.
“Tingnan mo, mas weird ka pa sa akin, wala naman akong sinasabing ganoon e.” pagmamakatol ni Ryou, pero nakangiti ito.
Natawa si Yue, kihuna niya ang kamay ni Ryou at inilagay dito ang mga maliliit na perlas, puting puti ang mga ito at kumikinang.
“Ano ito? Totoong mga perlas ito ah, saan mo ito nakuha?” tanong ni Ryou habang tinitingnan ang bawat isang piraso.
Ngumiti si Yue, “sa iyo na iyan, marami naman ako niyan.”
Ang mga perlas na ito ay ang mga luha niya kanina noong malungkot siya. Pero noong makasama niya si Ryou unti unti ring nabura ang kanyang mabigat na emosyon kaya naman nagpasya siyang ibigay na lamang sa binata ang mga ito bilang tanda ng pasasalamat.
Part 30: Contest
Part 3
0
: Contest
YUELO
POV
Isang malalim na kalungkutan ang naramdaman ko noong makita ko sa pahayagan ang tungkol sa balak na pagpapakasal nina Ryou at Jihan.
Noong mga sandaling iyon ay nakaramdam ako kakaibang kirot sa aking puso dahilan para bumigat ang aking damdamin at bumugso ang aking emosyon. Ang aking dibdib ay para bang sinaksak ng patalim at hindi ko rin napigilan ang aking pagluha.
Ang akala ko noong una, ang pinakamasakit lamang na maaaring pagdaanan ng isang sirena ang ay ang pagtayo sa lupa gamit ang mga bagong binti. Pero mali pala ako, dahil napagtanto ko na ang isa sa pinakamasakit na parte ng buhay ay ang pagkirot ng puso dulot ng pagkabigo. At kapag raw hindi nakayanan ang sakit ay maiipon ito sa mata at magiging luha.
Ngunit noong mga sandaling dumating si Ryou at ibigay sa akin ang kumpol na pulang bulaklak ay tila nababawasan ang sakit na aking nararamdaman. Lalo na noong ipaliwanag niya sa akin na ang nakasulat sa pahayagan ay hindi totoo.
Hindi ko maipaliwanag, ngunit ang lungkot at panandaliang pagkabigo ay unti unting nagbubura hanggang sa natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakangiti habang kausap siya.
Dito ko lang napagtanto na si Ryou ang aking kalungkutan at sa kabilang banda ay siya rin ang aking kaligayahan. Ngayon ay hindi ko na ito maaaring itanggi sa aking sarili, espesyal si Ryou at marahil nga ay mahal ko na siya.
Habang kausap ko siya ay hindi ko na iniisip pa ang aking misyon. Basta’t gusto ko lang damhin ang kaligayahan hanggang nararamdaman ko pa ito.
Hawak ko pa rin ang kumpol ng pulang oras, unang pagkakataon na makatanggap ng ganitong regalo kaya’t pakiwari ko ay idinuduyan ako sa alapaap ng kaligayahan.
Tuloy pa rin kami sa aming pag-uusap at habang tumatagal ay mas palalim ito ng palalim.
“Nag-alala ako sa iyo noong magkaroon ng lindol sa yate,” ang pagbubukas ni Ryou ng topic tungkol dito. Ang totoo ay ayoko na nga itong pag usapan dahil baka nakikilala niya ako.
“Ikaw yung nahulog sa karagatan kaya mas nag-alala ako sa iyo. Salamat at nakaligtas ka sa sakunang iyon,” ang sagot ko sa kanya.
Natahimik siya at tumingin sa akin ng seryoso.
“Bakit ganyan kang makatingin? Nakakatakot pala ang mukha mo kapag sobrang seryoso ka,” biro ko sa kanya, habang nakagiti.
“Alam kong nakakatawa yung tanong ko pero gusto kong sagutin mo ako ng matapat ngayon, maaari ba?” seryoso niyang pakiusap sa akin.
Noong mga sandaling iyo ay nakaramdam ako ng matinding kaba, “Hindi kaya’t alam na niya ang sikreto ko? Baka naman nakita niya ang mukha ko noong mga sandaling iligtas ko siya? Anong gagawin ko ngayon?” ito ang mga tanong na namumuo sa aking isipan.
“Ano ba yung tanong mo?” kinakabahan kong tanong sa kanya.
“Naka kita ka na ba ng sirena, yung merman na mayroong pilak na buntot? Yung ganoon sa painting mo?” tanong niya sa akin.
“Hindi pa, bakit ganyan ang tanong mo?”
“Sigurado ka bang product lang ito ng imagination mo?” dagdag pa niya.
“Oo, sigurado akong produkto lang ito ng imahinasyon ko. Bakit ba? Alam mo, mas wirdo ka pa sa akin e,” ang sagot ko sa kanya.
“Maniniwala ka ba sa akin, kung sasabihin kong isang merman na mayroong pilak na buntot ang naglitas sa akin? Alam kong nakakatawa itong mga sinasabi ko ngayon at marahil ay iniisip mong nababaliw na ako. Pero sigurado ako sa aking nakita. Hindi ko lamang makita ang kanyang mukha ngunit ang kanyang kumikinang na pilak na buntot ay kitang kita ko.”
“Sinasabi mo ba na isang sirena ang nagligtas sa iyo?” ang painosente kong tanong. Pero sa loob loob ko ay nakahinga ako ng maluwag noong sabihin niyang hindi niya nakita ang mukha ng mermaid na iyon. Ang ibig sabihin ay hindi niya ako nakilala.
Natawa ako..
Napakamot siya ng ulo, “sabi na nga ba, pagtatawanan mo lang ako.”
Itinigil ko ang pagtawa at nagbitiw ng seryosong tingin, “huwag kang mag-alala dahil naniniwala ako sa iyo. Naniniwala ako na totoo ang mga sirena at nakatira lamang sila sa isang malalim na parte ng karagatan na hindi maabot ng mga taong maaaring magbigay ng kapahamakan sa kanila. Alam mo, malawak ang karagatan at maraming mga kakaibang nilalang ang naninirahan dito. Hindi natin alam kung ano ang nakahimlay sa pinakailalim nito kaya ang posibilidad ay hindi nagtatapos mga bagay nakikita lamang ng ating mga mata. Malay mo mayroon talagang mga merman katulad doon sa painting ko.”
“Ah basta, hindi naman kita pinipilit na paniwalaan ako pero alam ko ikaw ang tamang tao para pagsabihan ko nito dahil wirdo ka at maunawaan mo ako,” ang sagot ni Ryou.
“Alam mo Mr. Guerrero, nauunawaan naman kita at hindi kita hinuhusgaan. Hindi mo na kailangan sabihing wirdo ako ng paulit ulit,” naiinis kong sagot.
Natawa siya, “sayang nga e, hindi ko nakita yung mukha niya. Pero siguro kasing gwapo mo siya, parang kamukha mo nga e” ang sagot niya.
Nasamid ako at naubo habang umiinom..
Humarap ako sa kanya at tumingin ng seryoso, “paano kapag nalaman mong isa nga akong merman? Anong gagawin mo?”
Tumingin rin siya sa akin ng seryoso at maya maya tumawa siya ng malakas. “Alam mo gwapo ka pero you’re not good at joking. Lalo ka lang nagiging wirdo, kaya gusto gusto kita.”
Napanguso ako.
Kung kailangan magsasabi ako sa kanyang totoo saka hindi siya maniniwala sa akin. Ito talagang tao na ito mukha siyang tanga.
Patuloy kami sa pag-uusap at habang nasa ganoong posisyon kami ay may humintong sasakyan sa aming kinalalagyan. Napatingin kami ni Ryou dito.
Ang una kong naisip ay si Jihan ito at lilikha na naman siya ng senaryo o kaya ay aawayin ako. Nakaramdam ako ng takot pero biglang hinawakan ni Ryou ang aking kamay ng mahigpit.
Noong bumaba ang driver ng kotse ay nagulat kami noong makita si Kurt suot ang kanyang makulay na damit. “Bonjour!! Akala niyo si Jihan ako no? Nagkakamali kayo dahil mas maganda at mas fresh ako sa kanya!” ang bungad niya habang kumakaway.
Natawa kami ni Ryou, ako naman ay nakahinga ng maluwag. Ang totoo noon ay ayoko na talagang makita si Jihan dahil napaka negatibo ng dating enerhiya niya. Siya yung tipo ng tao na parang walang gagawing mabuti sa kapwa.
Lumapit si Kurt sa akin, “kumusta ka na Yue? Alam mo ba na labis akong nag-alala sa iyo? Bigla ka na lamang nawala doon sa Yate na parang bula,” ang bati niya.
“Nahulog rin ako sa dagat, mabuti na lamang at naisalba ako ng mga life guard. Ikaw Kurt, kumusta ka na?” ang nakangiti kong sagot.
“Ano bang ginagawa mo dito Kurt?” tanong rin ni Ryou.
Ngumiti si Kurt at tumingin kay Ryou, “ako nga dapat magtanong niyan sa iyo Sir Ryou. Anong ginagawa mo dito? Siguro ay sobrang inlove ka na dito kay Yue no?” pagbibiro nito.
“Wala ka ng pakialam doon, ano bang kailangan mo?” sagot ni Ryou sa kanya.
“Nagbibiro lang naman ako sir Ryou, pero gusto kong malamang mo na ang secret mo ay safe sa akin. Anyway, let me go straight to the point kaya nagpunta dito. Nais kong isali si Yue sa isang pageant, isang contest,” ang sagot ni Kurt.
“Pageant? contest? Ano yun?” tanong ko sa kanila.
“Seryoso ka ba? Ano bang iniisip mo? Paglalakarin mo si Yue sa harap ng maraming tao na suot lang ang bikini at brief?” tanong ni Ryou, hindi ko naman maunawaan kung ano ba yung pinag uusapan nila.
“Sir Ryou huwag ka kang over reacting dyan, para kang isang over protective na boyfriend e. Actually hindi naman talaga siya beauty pageant na yung mga candidate ay mag cocompete sa iba’t ibang categories like swimsuit. Ang sasalihan namin ay isang modeling contest na mayroong dalawang category. Ang costume competition at formal competition na ako mismo ang mag c-create ng design. Exciting diba? Baka ito na rin ang hinihintay ni Yue na break at who knows mayroong maka-discover sa kanya.”
“Ano ba yung contest? Ano ba yung modeling?” ang paulit ulit kong tanong na parang batang kinakalabit sila.
Napatingin silang dalawa sa akin at napakamot ng ulo. “Seryoso ka ba? Hindi mo talaga alam? As in wala kang idea? Ang dami mo namang bagay na hindi alam sa mundo, sure ka ba na hindi mo kami pinag t-tripan?” tanong ni Ryou.
Seryoso akong tumingin sa kanilang dalawa, saka ako umili, “hindi, hindi ko talaga alam. Ano ba iyon?”
“Oh diba? Sa sobrang inosente ng mukha ni Yue ay marami siyang mga bagay na hindi alam sa mundo. My dear, ang modeling ay isang uri ng gawain na magdadala sa iyo sa pinakamatayog na bituin sa kalangitan,” ang excited na sagot ni Kurt.
“Parang paglipad? Tama ba?” seryoso kong tanong.
Napakamot ng ulo si Ryou at si Kurt naman ay nashock at parang nabusalan ang bibig dahil hindi agad ito nakapagsalita.
“Kurt, dapat ang paliwanag ay straight to the point. Huwag mo na itong gamitan ng metaphor dahil medyo slow si Yue, ang ibig kong sabibin ay hindi siya masyadong nakakaintindi ng mga matatalinhagang salita,” ang bulong ni Ryou.
“Okay, ganito Yue my dear, makinig kang mabuti sa akin. Ang modeling ay isang uri ng paglalakad na mayroong ritmo at grace. Isa itong uri ng pagdadala ng damit sa itaas ng entablado habang ang lahat ay nakatingin sa iyo at sinisimulan kang hangaan,” ang paliwang ni Kurt.
“Maganda pala ang modeling, sa palagay mo ba ay sasaya si Ryou kapag nakita niya akong lumalakad sa entablado?” tanong ko.
Natawa si Kurt, “Of course! Magiging proud sa iyo si Ryou at hindi lang iyon dahil tiyak na tutulo pa ang laway niya sa paghanga sa iyo.”
“Bakit tutulo ang laway ni Ryou? Aso ba siya?” tanong ko sa kanya.
Napakamot ng ulo si Ryou at hinila si Kurt, “Gago ka, ginawa mo pa akong aso!”
Part 31: Model
Part 3
1
: Model
“Ang mga nakikita mong magagandang babae at mga gwapong lalaki na iyan sa magazine ay mga modelo. Sila ay binabayaran para idisplay ang magagandang produkto ng mga kumpanya katulad ng mga sikat brand ng damit, mga make up products, mga sapatos at maging ang mga kagamitan sa bahay,” ang paliwanag ni Marine habang ipinapakita kay Yue ang mga larawan ng modelo sa mga tabloids at magazines.
“Ang gaganda ng mga kasuotan nila, at lahat sila ay nagtataglay rin ng magandang pisikal na katangian. Tiya, sa palagay mo ba ay maaari rin akong maging ganyan sa hinaharap?” tanong ni Yue, hindi naalis ang ngiti sa kanyang mga labi.
“Syempre naman, naniniwala ako na sa taglay mong kagwapuhan ay sigurardong mas malayo pa ang mararating mo. Natutuwa ako at pumayag ka sa alok ni Kurt” ang tugon ni Marine.
“Gusto ko lang gumawa ng bagay na ikakasaya ni Ryou. Tutulo daw ang laway niya kapag sumali ako dito,” ang sagot ni Yue dahilan para matawa si tiya Marine.
“Huh? Bakit naman tutulo ang laway ni Ryou? Guerrero?”
“Hindi ko po alam, iyon lang ang natatandaan kong sinabi ni Kurt sa akin. Ngayon ko lang narealize na kapag masaya pala ang mga normal na tao ay tumutulo ang laway nila. Siguro ito rin ang dahilan kaya hindi masayahin si Jihan, dahil ayaw niyang magkaroon ng laway na tumutulo sa kanyang bibig,” ang seryosong salita ni Yue.
Napangiwi si Marine, “sa tingin ko ay hindi ka dapat masyadong nakikinig sa mga sinasabi ni Kurt. Alam naman natin na siya talagang masayahin at palabiro kung minsan. Sandali, pumayag ba si Ryou sa ideya ni Kurt na isali ka sa modeling contest?”
Nagkibit balikat si Yue, “Wala namang dahilan upang hindi siya pumayag. Isa pa maganda naman ang ideya ni Kurt,” tugon ng binata.
“Iyon naman pala, kung ganoon ay umasa ka na susuportahan kita. Pero bago ang lahat, kailangan may matutunan mo ang basic ng pagiging isang modelo at ito ang paglalakad ng matuwid,” dagdag pa ni Marine.
At iyon ang set up, nilagyan ni Marine ng libro ang ulo ni Yue at inutusan ang binata na maglakad ng matuwid. “Kailangan kapag naglakad ka ay hindi dapat mahuhulog ang librong nakapatong sa ulo mo. Kailangan ay diretso ang iyong tingin at tuwid rin ang iyong tindig,” paliwanag ni Marine, wala siyang masyadong alam sa pagmomodelo ngunit sa itinagal niya dito sa lupa ay madalas siyang nakaka kita ng mga modelong naglalakad sa itaas ng entablado at alam niya na mahuhusay ang mga ito sa pagdadala ng kanilang mga sarili.
“Kailangan ko ba talagang gawin ito? Kaunting galaw lamang ay nahuhulog na ang aklat sa ulo ko,” reklamo ni Yue.
“Basic pa laamg itong ginagawa natin, sigurado akong mas mahirap pa ang ituturo sa iyo ni Kurt kapag nagsimula na ang opisyal na training mo. Kaya mas mabuti na itong maipakita mo sa kanya na alam mo na ang basic sa paglalakad ng matuwid,” ang sagot ni Marine habang nakangiti. Nilagyan pa niya ng isa pang libro ang ulo ng binata kaya’t dalawa na ito.
Sinang-ayunan ni Yue ang pagsali sa contest dahil nakita niya sa mga mata ni Kurt na gustong gusto nito na siya makapag-entry sa paligsahan. Isa pa ay naniniwala ang binata na ang husay ni Kurt ay dapat na marecognize at makilala sa buong siyudad. Oo nga’t small time na make up artist lamang ito ngunit ang kanyang talento ay nag uumapaw at hindi matutumbasan.
Hindi lang naman si Yue ang naniniwala sa talento at kakayahan ni Kurt, pati si Ryou ay naniniwala rin sa kanya. Kaya naman nangako ang binata na sususporta at tutulong sa abot ng kanyang makakaya. Palihim din siya nagbigay ng budget kay Kurt bilang sponsorship. Syempre para kay Ryou ang laban ni Yuelo ay laban rin niya.
Sa paglipas ng mga araw ay si Kurt mismo ang nagpunta kay Yue upang siya ang personal na mag handle at mag training sa binata. Mula sa tamang pagtayo, tamang paglalakad at tamang ekspresyon ng mukha. Samantala ay ginawa naman ni Yue ang lahat ng kanyang makakaya upang matuto at makasunod sa mga itinuturo sa kanya. Gayon pa man ay sadyang mahirap para isang merman ang mag adjust at kumilos ayon sa qualification ng isang mahusay na modelo.
“To look like a super model when you walk.. Torso up, butt out and think murder! Megan Young! Miss World 2013” ang salita ni Kurt habang lumalakad ito sa harap ni Yue.
“Ano naman ang ibig sabihin noon?” ang tanong ni Yue, halatang hindi niya naunawaan ang itinuturo sa kanya ni Kurt. Sadyang mahirap lamang sa kanya na unawain ang ganitong bagay.
“Ay juko Lord! Ano ba klaseng lalaki ba ito? Ang gwapo niya pero ang slow naman niya maka pick up nakakaloka na talaga,” ang bulong ni Kurt sa kanyang sarili. Gayon pa man ay ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang ipaliwanag kay Yue ang lahat ng kailangan niyang matutunan.
At sa paglipas ng mga araw ay nakikita naman niya ang imporovement kay Yue, ngayon ay tuwid na itong maglakad, mayroong ritmo at mayroong grace. Nakasanayan na rin niya ang lumakad na may mga patong na libro! Noong una, ang akala ni Kurt ay imposible ngunit sa pagdaan ng mga araw ay nakikita niya ang progress sa kakayahan ng binata.
Noong mga sandaling iyon ay tila panandaliang nabura sa isipan ni Yue ang tungkol sa kanyang misyon. Sa ngayon ay wala siyang ibang ginawa kundi ang damhin ang kaligayahan dulot ang ordinaryong buhay na isang tao sa ibabaw ng lupa.
“Sabi sa akin ni Kurt ay malaki daw ang chance kong manalo sa contest,” ang salita ni Yue kay Marine habang pareho silang nakalubog sa karagatan. Isang gabi ay naisipan nilang maglangoy dito upang mamasyal.
Kapwa sila naupo sa isang isla habang nakatanaw sa magandang at kaaya-ayang liwanag ng buwan. “Ako rin, naniniwala ako na mananalo ka, basta’t huwag mong kakalimutang ang lahat ng mga bagay na itinuro namin sa iyo,” ang sagot ni Marine habang nakangiti.
Napabuntong hininga si Yue habang nakatanaw sa buwan, “bukod sa aking misyon ay pangarap ko ring hanapin ang aking ama. Hindi ko inaasahan na napakalawak pala ng mundo dito sa itaas ng lupa. Isang malawak, magulo at paliko- likong mundo na mahirap tahakin. Iyan pala ang katotohanan.”
“Sa palagay mo ba ay mas madaling lumangoy dito sa karagatan kaysa lumakad sa magulong mundo ng mga tao?”
“Oo, mas matahimik dito sa karagatan. Pero.. ang kaligayahan ko ay nandoon sa mundo sa mga tao. Kaya’t kahit magulo doon ay gusto ko pa ring manatili,” nakangiting sagot ng binata.
Ngumiti rin si Marine, “kapag natagpuan mo na ang lugar na para sa iyo, dito pa lamang magiging masaya ang puso mo.”
Samantala habang abala si Ryou at ang kaibigan si Gino sa kanilang business meeting ay siya namang pagdating ni Jihan.
“Sandali babe, bawal pumasok, hindi pa tapos ang aming meeting,” ang pagpigil ni Gino, hinarangan niya ang daan ng binata
Tumingin sa kanya si Jihan, “Babe? Huwag mo nga akong tawaging ganito dahil hindi ako baboy! Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo, panget! Umalis ka nga dyan sa daraanan ko,” ang sagot niya.
“Hindi talaga pwede Jihan, bawal ang hindi authorize personel. Kung gusto mo hintayin mo lang si Ryou doon sa labas,” ang sagot ni Gino.
Tiningnan ni Jihan kanyang palad, “Alam mo kung ano? Nangangati na naman itong palad ko, parang gusto kong manampal ng malakas! Parang gusto kong itry yung ultimate slap technique sa mukha mo,” ang sagot ni Jihan.
Maya maya ay tila nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Gino, para bang natakot ito at napahakbang paatras. “Ikaw naman hindi ka na mabiro. Sige na ang pasok ka na doon.”
Ngumiti si Jihan, “Thanks!” ang sagot niya sabay sampal sa kanyang pisngi.
PLAK!
“Ouch! Bakit mo naman ako sinampal? Pinapasok na nga kita diba?” tanong ni Gino.
Huminto si Jihan sa paglalakad at humarap sa kanya. “Why? Dahil PANGET ka!”
“Sama talaga ng ugali ng tao na ito. Parang masahol pa siya sa halimaw,” ang bulong ni Gino sa kanyang sarili habang naghihimas ng pisngi.
Agad na lumapit si Jihan sa kinalalagyan ni Ryou na noon ay abala sa pag c-check ng mga business transactions. “Ano na naman? Bakit ka nandito? Wala ka bang work?” tanong ng binata.
“Wala akong work, bakit ba ganyan kang makipag usap sa akin? Nanlalamig ka na ba? Well, nandito ako dahil nabalitaan kong si Yue ay sasali sa isang cheap na contest doon sa bayan,” ang sagot ng binata
Tumingin sa kanya si Ryou at natawa, “Aba’t talagang may time ka pang makibalita sa buhay ng iba?”
“Narinig ko lang naman doon sa mga make up artist na kaibigan ni Kurt.”
“So don’t tell me na may balak kang sumali para lang kalabanin si Yue?” tanong ni Ryou.
Tumingin si Jihan sa binata at saka ngumiti, “You know what? Dahil sa sinabi mong iyan ay binigyan mo lang ako ng idea! That’s right! Lalabanan ko si Yue para marealize niya na wala siyang puwang sa mga contest at wala siyang puwang sa mundo ito!”
“Jihan, talagang umabot ka sa ganyang level ng pag iisip?” tanong ng binata.
“Oo at hindi ko papayagan na si Yue ang manalo doon, hindi ako papayag na siya lang ang star ng pasko at lalong di ako papayag na siya ang maging star ng buhay mo!” ang sagot ni Jihan.
“Akala ko ba ayaw mo ng mga cheap contest? Pati ba naman iyon ay papatulan mo pa?” tanong ni Ryou.
“Oo nga naman Jihan, wala ka na ba talagang magawa? Bakit ba galit na galit ka kay Yue e mas magwapo ka doon at mas sexy, mas makinis at mas masarap romansahin,” ang dagdag naman ni Gino.
“Bastos! Pero totoo yang mga sinabi mo! At hindi ako papayag na may ibang lalaki na mas magwapo at mas sexy sa akin! Masyado nang masikip ang mundo sa aming dalawa ni Yue, kailangan na siyang itumba ngayon din!”
“Alam mo sa inaasta mong iyan, daig mo pa yung kalabang reyna ni Snow White. Baka naman insecurity na iyan?” tanong ni Ryou sa binata.
“Insecure? Ako? Never! Panoorin niyo kung paano ko ilampaso at itumba si Yue sa contest!” ang sagot ni Jihan sabay lakad palabas sa meeting room.
Part 32: Supremacy
Part 3
2
: Supremacy
JIHAN POV
“Mirror, mirror on the wall, who’s the fairest of them all?”
“Thou, O King, art the fairest in the land BUT “Yue, O King, is the fairest of them all,” sagot ng mirror. At dito ay nakita kong masayang ikinakasal sina Yue at Ryou! Nakita ko rin kung paano sila mag kiss at maging masaya!
Hindi ko matatanggap! “Nooooo!!!”
“Hindi ako makapapayag na si Yue lang ang makatatalo sa akin! At lalong hinding hindi ako papayag na sa isang wirdo lamang babagsak si Ryou!” ang sigaw ko at dito ay mas lalo pa akong nagalit.
“Sinungaling ka Magic Mirror!! Isa kang fake na mayroong cheap designs!!” ang sigaw ko pa sabay kuha ng flower base at inihagis ito sa salamin dahilan para mabasag ito!
“Sinungaling!”
Sumabog ang salamin pero bago ituluyang mawasak ay nagsalita pa ito, “Si Yue ang pinakagwapong lalaki sa lahat! Siya ang makakaisang dibdib ni Ryou Guerrero!”
“Noooo! Sinungaling!!! Hindi pwede at lalong hindi ako papayag! Fuck shit!!”
Nagsisigaw ako dahil sa matinding galit hanggang sa bumalikwas ako ng bangon mula sa aking higaan.
Panaginip lang pala ang lahat.
“Ayos lang po ba kayo Sir Jihan? Mukhang hindi po yata maganda ang iyong napanaginipan?” ang tanong ng aking personal maid.
“Ayos lang ako, sobrang nakakatakot yung panaginip ko,” ang sagot ko habang ikinakalma ang aking sarili.
“Siguro po ay napanaginipan mo na hinahabol ka ng lumilipad na ipis o kaya ay ng mga nakakatakot na insekto,” ang sagot ng maid habang inaayos ang aking mga gamit para sa pictorial.
“No, mas malala pa doon ang napanaginipan ko, grabe hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin yung kilabot at panghihina ng katawan ko,” ang tugon ko sa kanya.
“Mukhang napakasama nga po ng panaginip mo Sir Jihan, siguro po napanagipan mong namatay ka kaya hanggang ngayon ay natatakot ka pa rin,” ang tugon ng maid.
“Hindi, mas malala pa sa pagkamatay, mas masama pa doon at mas nakakakilabot. Kapag naiisip ko ay parang hindi ko ito kakayanin,” ang sagot ko naman habang naiiyak, ramdam ko pa rin ang panginginig ng aking katawan.
“Mas malala pa sa kamatayan? Anong naman pong klaseng panaginip iyan?” pagtataka nila.
“Napanaginipan kong PUMANGET daw ako at NALAOS! Iyan ang pinaka nakakatakot na bagay sa lahat at para sa akin ay mas matindi pa ito sa pagkamatay,” ang sagot ko na hindi mapigilan ang emosyon.
Hindi nakaimik ang mga maid, siguro iniisip nilang OA ako pero hindi nila ako masisisi. Simula noong bata ay pinangarap ko ng maging kaaya-aya katulad ng aking ina. At ito na rin ang mga bagay na nakalakihan ko.
Ang origin ng aming business sa cosmetics at sa mga beauty products ay nag orginate sa aking ina. Dalagita pa lamang ay nahilig na siya sa pag formulate ng mga beauty products. Mula sa simpleng pamahid sa mukha hanggang makadiscover sila ng aking ama ang isang “secret ingredient” na nagbigay ng effectiveness sa kanilang product.
Dito nagsimulang mag “boom” ang Singh Cosmetics at iyon ang simula ng kanilang pagyaman at pamamamyagpag sa merkado. Sobrang bata ko pa noon at hindi ko pa nauunawaan ng lubos ang tungkol sa business gayon rin ang pasikot sikot nito. Basta ang alam ko lang ay pumanaw ang aking ina sa isang sakit na hindi na magagamot pa at iyon ang simula ng aking pagtayo upang matulungan ang aking ama.
Sa aking pagbibinata ay nakilala ko si Ryou Guerrero, siya ang apprentice ng aking ama. Una pa lamang ay tila nagkagusto na ako agad sa kanya at iyon ang naging simula ng lahat.
Pag uwi ko galing America ay dumiretso ako sa bar, dito kami muli nagkita ni Ryou. Actually noon ko pa siya nakikita na assistant ni dad pero bata pa kami noon. Umalis ako para mag aral sa ibang bansa at naiwanan siya dito kumpanya ni papa para magsanay.
FLASH BACK
4 YEARS AGO
“Dad nandito na ako sa airport,” kausap ko si dad si phone.
“Mabuti naman at naisipan mong umuwi na dito, akala ko ay tatagal ka pa sa America ng ilang taon. Anyway, pag uwi mo dito ay daanan mo na si Ryou sa bar dahil nagparty sila,” ang wika ni dad.
Dahil wala naman akong gagawin ay pinuntahan ko si Ryou sa bar, dito ay nakita ko siya at hindi na siya totoy, actually malaki ang pinagbago niya dahil halos ilang years din ako sa ibang bansa. Mas gwapo siya ngayon at mas matikas kaysa dati.
“Jihan? Long time no see, gwapo mo ah,” ang wika ni Ryou noong makita niya ako, halatang lasing na ito dahil pulang pula na siya.
“Of course, ilan taon din tayong di nagkita, I’m glad na hindi ka totoy ngayon,” ang sagot ko sa kanya.
“Ikaw rin, hindi ka na rin totoy,” ang sagot niya sa akin.
“Anyway let’s go, lasing ka na kaya pinapasundo ka na ni Dad, bukas na tayo mag kwentuhan,” ang sagot ko sabay alalay sa kanya pasakay ng sasakayan ko. Lasing na lasing siya dahil mag isa lang siyang uminom.
Agad ko siyang binagsak sa tabi driver seat at dito ay aksidente kong nahipo ang kanyang bukol, matigas na ito. Kaya naman kumabog ang aking dibdib at nag isip kung sisilipin ko ba o hindi ang matigas na bagay na iyon. Lupaypay naman si Ryou at wala itong wisyo. Naupo ako sa driver seat at humarap sa kanya.
Sa America ay walang hiya hiya, kahit kami ng ex bf kong Canadian ay nagsesex sa public o kung saan namin magustuhan. Ano lang ba naman na gawin ko ito kay Ryou. “Okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya.
Umungol siya at tumango, “Sa tingin ko ay hindi ka okay dahil ang tigas ng burat mo,” ang kaswal kong salita at dito ay inalis ko ang button ng kanyang pants at ibinukas ang kanyang zipper, “Ji, anong ginagawa mo?” tanong niya.
“Bibigyan kita ng nice blow job,” ang kaswal kong sagot mabilis kong inilabas ang kanyang burat at nagulat ako dahil malaki ito, bahagyang naka kurba dahil sa sobrang tirik at matigas. Malinis ang pagkakatuli, mala kabute ang ulo at ang gandang pagmasdan, gwapo ng burat niya katulad niya.
Agad ko itong isinubo dahilan para mapaungol siya. Ginilasan ko ang pag tsupa sa kanya, halos isubo ko ang lahat at halos halikan ko na rin ang kanyang bulbol. Ungol siya ng ungol walang pagtutol. “Fuck, ang sarap ng burat mo Ryou! Slurp slurp!!”
Nilolipop ko ang masarap at matigas na burat ni Ryou, pinang gigilan ko ito sa sobra. Sinisipsip ko ang ulo at ginawang tsupon, naungol si Ryou at hinawakan niya ang aking ulo saka kinantot ang aking bibig.
Hindi ako makapaniwala, tinitira niya ako sa bibig, mabilis at gumigiling ang kanyang bewang. Hanggang sa ilang minuto ay bigla siyang nilabasan pabaon sa lalamunan ko kaya nilunok ko ang kanyang tamod.
Matamis ito kaya naman kahit wala na siya mailabas ay sinuso ko pa rin ang kanyang alaga hanggang sa alisin niya ito sa aking bibig.
Matapos labasan ay lupaypay agad siya at saka nasandal na lang sa upuan. Hindi ako makapaniwala na nangyari ito. Gusto ko sana mag pa fuck sa kanya pero mukhang hilong hilo na talaga siya.
Ito ang hot scene sa pagitan namin ni Ryou..
END OF FLASHBACK
Pero ang mainit na tagpong iyon ay hindi na ulit pa dahil naging iwas siya sa akin hanggang sa ilang taon na ang lumipas at nagpabalik balik na lamang ako sa ibang bansa.
Time flies..
Sabay kaming nagtraining ni Ryou upang maging mahusay na businessman, siya ay naka focus sa ibang negosyo at ako naman ay naka focus sa aming sariling produkto sa ilalim ng Singh’s cosmetic. Ang totoo ay maraming inintroduce na negosyo sa akin si papa sa training field, katulad ng mga hotel, malls at mga cruise ship operations. Pero ang aking interest ay nasa negosyong naiwan ng aking ina at sa paglipas ng mga panahon ay dito ako nagfocus.
Inalam ko at inaral ang bawat sulok ng negosyo, nakipagsabayan ako kay Ryou at ipinakita ko sa kanya ang aking abilidad sa paghawak ng malaking business. Isa pa ay gusto ko ring maging proud sa akin ang aking ama kaya’t ginagawa ko ang best ko sa lahat ng oras.
Naging close kami ni Ryou at naging vocal ako sa feelings ko para sa kanya. Ilang taon na rin ang lumipas magbuhat noong tsupain ko siya sa car and we never ever talk about it! Though gusto ko talaga itong maulit, gusto kong makantot niya ako ng sagad hanggang sa mabuntis ako. Pero mukhang malabo na iyon!
Minsan ay para akong isang aninong nakasunod kahit saan siya magpunta. Pero bakit ganoon? Parang kahit gawin ko ay hindi niya ako napapansin?
Ganito ba talaga ka-ironic ang buhay? The more na inilalapit at isinisiksik mo yung sarili mo sa isang tao ay the more na aayawan ka niya. Kapag ginagawa mong sentro ng iyong buhay ang isang tao ay lalong hindi ka niya mapapansin.
Gayon pa man ay hindi ako sumuko, gusto ko si Ryou at may mga oras na nararamdaman kong sweet at caring siya sa akin. May mga oras ding nararamdaman ko na espesyal din ako lalo kapag nakaharap kami sa aking ama. May mga oras na umaasa ako, may mga oras naman na hindi, pero ano ba ang gagawin ko? Siya ang isinisigaw ng puso ko? At the more na pinipigilan ko ito ay the more na nag g-grow.
Sa paglipas ng panahon ay hindi ko naman nakitang naging interesado si Ryou sa ibang tao at ito ang nagbibigay sa aking pag-asa na baka ako talaga ang gusto niya at hindi lamang siyang totally vocal sa kanyang feelings.
Sa murang edad ay maagang naulila si Ryou sa kanyang mga magulang kaya’t nauunawaan ko na siya ay mahiyain at hindi showy sa kanyang emosyon. Karaniwan ay makikita mo lamang siyang tahimik habang nagbabasa ng aklat o kaya ay tumitingin ng mga painting sa exhibit.
Sa past ay may mga ilang babae at lalaking nag-fflirt kay Ryou pero lahat ng ito ay hindi ko pinayagang makalapit sa kanya. Ang buong akala ko ay talagang meant to be kami sa isa’t isa hanggang sa dumating sa aming landas ang weird na lalaking iyon na ang pangalan ay Yue.
Si Yue ay parang isang kabuteng sumulpot na lamang sa aming paligid. Hindi ko alam kung saan siya nagmula basta ang alam ko lang ay siya ang magiging karibal ko kay Ryou dahil parang mas interesado siya dito.
Ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit tila mayroon agad silang mutual understanding. Mayroon silang close and long-term biological interaction, in short mayroon silang symbiotic relationship. Mga bagay na tila wala sa aming dalawa.
Dahil kahit anong paglalambing at sweetness ang gawin ko ay parang bale wala lamang din sa kanya.
At sa pagdaan ng mga araw ay hindi ko akalaing magiging malapit sina Yue at Ryou sa isa’t isa. Ito ang mga bagay na labis kong ikinagagalit kaya ganoon na lamang ang init ko sa lalaking iyon.
Ayokong masayang ang lahat ng effort ko para kay Ryou at lalong ayokong masayang ang mga emosyong ininvest ko para lamang mahalin niya rin ako. Kaya’t hangga’t nandito ako ay hindi ko hahayaan si Yue na makuha niya ang atensyon ni Ryou.
Isang araw ay napadaan ako sa beauty spa na pag aari ng aking kaibigan. Dito ay narinig ko ang usapan ng mga stylist doon.
“Magkakaroon daw ng modeling contest doon sa bayan. Excited na nga si Kurt dahil si Yue pala ang entry niya, nakakatakot no? Ang gwapo ng ace niya.”
Pumasok ako at sumagot, “ang aga aga puro tsimis ang inaatupag niyo, itigil niyo nga iyan at mag sipag trabaho kayo ng maayos,” pagsuway ko sa kanila.
“Sorry po Sir Jihan, sobrang happy lang po kami para kay Kurt dahil pumayag na po si Yue na maging model niya at lumaban sa contest. Sigurado na mananalo na sila dahil super pogi Yue at talented naman si Kurt. Silang dalawa ay best team ever! Siguradong ma p-proud sa kanila si Sir Ryou,” ang sagot ng isang make up artist.
“Best team? Malamang hindi sila mananalo dahil pareho silang trying hard at walang talent. At sa tingin ko ay mayroon pang dalawang major reason kung bakit sila matatalo,” ang sagot ko sa kanila.
“Ano naman po iyon miss Jihan?” ang tanong nila with respect.
“Una dahil AKO ang kalaban nila. Ang ikalawa at ang pinaka best reason kung bakit sila matatalo ay dahil pareho silang PANGET!” ang sagot ko sabay tayo at hindi ko itinuloy ang pagpapa ayos ng buhok.
“Sir Jihan saan po kayo pupunta? Hindi na po ba kayo magpapa hair treatment?” tanong nila sa akin.
“Hindi na! Ayoko na dito dahil everything is cheap! Lahat kayo ay cheap! Pati mga ninuno niyo ay cheap din!!” ang sigaw ko sa kanila.
“Huwag na po kayo umalis Sir Jihan, bibigyan po namin kayo ng 50% discount,” ang pagpigil ng isang empleyado.
Humarap ako sa kanya at sinampal ko ang kanyang mukha. “50% discount? Iniinsulto mo ba ako? Hindi ko kailangan ng discount mo dahil mayaman ako. I can buy you, your friends and this club!”
“Sir Jihan wala naman po tayo sa club, spa po ito,” ang sagot nila.
“I don’t care!” ang sigaw ko sabay walk out.
Ayoko talagang iniinsulto ako ng ganoon! Agad akong sumakay sa aking sasakyan at dito ay hindi ko napigilan ang bugso ng aking galit!
Sumigaw ako ng malakas!!
“FUCKK!!”
Bakit kahit saan ako magpunta ay parati na lang si Yue ang gusto nila?! Ano bang mayroon sa mangkukulam na iyon at bakit gustong gusto siya ng lahat?!
Kung ganoon ay nagdesisyon akong lumaban sa contest at hindi ko siya hahayaang manalo! Ang mundo ay sumisikip na para sa aming dalawa!! Kailangan mawala ang isa!!
Part 33: Dark Heart
Part 3
3
: Dark Heart
J
IHAN POV
“Jihan, long time no see! I miss you!” ang bati ni Alexis noong puntahan ko siya sa arrival area ng airport.
“OMG, ikaw na pala iyan Lexie! Grabe ang laki ng pinagbago mo ah, tumangos yata ang ilong mo?” ang tanong ko.
“Of course! Nag padagdag ako ng ilong at nagpadagdag din ako ng pwet para mas sexy! Akala nila babae lang ang maarte sa katawan? Nagkakamali sila dahil mas maaarte tayong mga lalaki na nasa upper upper class ng society!” ang sagot ni Lexie.
Si Alexis ay aking friend mula sa Amerika, siya ay kasama kong nag-aral doon at eventually ay naging close kaming dalawa dahil marami kaming something in common. Mahilig kami sa mamahaling brand ng shoes, mga damit at even accessories. Pareho kaming mayaman at nagmula sa upper upper class ng society.
Ganito ang uri ng mga kaibigan na mayroon ako, ang bawat isa sa kanila ay may sinabi sa lipunan at lahat ay nagmula sa mayamang angkan. Kaya there’s no way na makikipag kaibigan ako sa isang cheap at weird na kagaya ni Yue. Kaya sa tingin ko ay hindi ko magagawa ang nais mangyari ni Ryou na maging close kaming dalawa.
NOOO! Never! Not even in my wildest dreams!
“Nababasa ko lahat ng mga messages mo, at hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon ay si Ryou pa rin ang gusto mo. Ano ba ang nakita mo sa lalaking iyon? Nakalimutan mo na ba na ikaw si Jihan Singh! You can have all the men that you want. Hindi mo kailangan maghabol sa isang lalaking hindi ka naman napapansin. Bakit hindi mo subukan si Hilton? Gwapo naman siya at isang sikat na foot ball player sa Houston,” ang wika ni Alex habang abala ako sa d-drive.
“Hindi ko type si Hilton dahil masyado siyang mayabang at walang private sa kanyang buhay. Imagine pati yung paghahalikan namin doon sa bar ay naikalat na niya sa mga friends niya. Saka ayoko sa hindi tuli,” ang sagot ko sa kanya
Natawa si Alex, “Pero kumpara naman kay Ryou ay hamak gwapo ni Hilton, it doesn’t matter kung tuli o hindi, ang mahalaga magaling sa sex. Isa siyang american hunk, sobrang ganda ng katawan, matangkad, green eyes, blonde at ipinagmamalaki yung 8 inches cock niya. See, ang daming lalaking nagkakagusto sa iyo, bakit ka naghahabol sa isang taong hindi ka naman gusto,” ang tanong niya.
“Dahil challenge iyon sa akin. Gusto ko si Ryou at kumpara naman kay Hilton ay mas matalino at mas maganda ang features ng mukha niya. At favor naman si Dad sa aming dalawa, in fact ay tanggap na nga niya agad kung magpapakasal kaming dalawa ni Ryou at gusto niyang maging mag asawa kami,” ang sagot ko.
“Alam mo minsan I wonder kung bakit nag -sstick tayo sa isang taong ay hindi naman nakikita ang worth natin. Parang nag offer ng pinakamagandang portrait mo sa isang taong bulag,” ang tugon niya sa akin.
“Marami akong naiinvest na emosyon at oras kay Ryou. Ayokong masayang ang lahat ng iyon at gagawin ko ang lahat para mapasa akin lamang siya.”
“Ji, sa tono ng pananalita mo ay para sobrang obsessed ka na kay Ryou. Anyway, tell me something tungkol dito sa rival mo. Yue right? Medyo kakaiba ang name niya at the way na magkwento ka sa akin ay talagang galit na galit ka sa kanya,” ang sagot ni Alex.
“Alam mo, marinig ko pa lang yung pangalan ng wirdong lalaking iyan ay kumukulo na ang dugo. Malandi iyan, kunwari ay tahimik at mahinhin, kunwari inosente pero isa siyang pokpok at nasa loob ang kulo! Isa siyang silent prostitute na lumilingkis kay Ryou at walang sawang nag papakantot! I don’t know him either pero ang alam ko ay nakatira ito doon sa tabi ng dagat at nagtitinda ng mga weird stuffs! Every time na nakikita ko siya nilalandi siya Ryou ay gusto ko talaga siya barilin at ipakain sa mga pating ang katawan niya!” ang galit kong sagot.
Natawa ulit si Alex, “Well, obvious naman na galit ka talaga. Pero sa tagal nating magkakilala ay ngayon ka lang na bother ng todo sa isang karibal. Ano bang espesyal sa kanya? Baka naman may nakita si Ryou na something sa taong iyon na hindi niya nakita sa iyo?”
“Katulad ng? Anong ibig mong sabihin doon Lex?” tanong ko sa kanya.
“C’mon Ji, akala ko ay isa kang magaling na businessman? Ang sitwasyon mo ngayon ay para ring sitwasyon sa global market. Ano dapat ang ginagawa sa mga competitors na product? Inaaral right? Know your competition,” ang dagdag niya.
“At bakit ko naman gagawin iyon? Bakit pag-aakasayasahan ko ng oras ang taong iyon?” tanong ko sa kanya.
“Of course, dapat mag spend ka ng oras para pag-aralan ang competition mo. Anong mayroon sa kanya? Bakit siya gusto ni Ryou? Dapat ay marunong kang kumilala ng kalaban. Keep your friend close and your enemy closer!”
“Sinasabi mo ba na dapat ay makipag kaibigan ako kay Yue? No!! In fact, lalabanan ko pa siya sa modeling contest next week.”
“Modeling contest? You mean seryoso ka doon? Yung modeling iyon sa bayan na ang mayroong open Venue right? Tapos yung venue ay mayroong cheap stage na open sa lahat ng viewers na gustong manood. It’s like cheap town contest diba? Bakit sasali ka doon?” pagtataka ni Alex na parang nandidiri ito.
“Yun nga, tama ka doon. Lalaban ko sa contest na iyon si Yue at papatunayan sa kanya na wala siyang lugar sa mundong ito. Huwag na siyang mag ambisyon maging isang modelo dahil hindi siya bagay doon. Fuck!”
“Are you sure? Parang ang weird naman yata ng way mo para itumba si Yue. Paano kapag natalo ka? Edi nakakahiya diba?”
“Hindi ako matatalo doon. Saka kaya ka nga nandito diba? Ikaw ang best friend ko at alam kong tutulungan mo ako para itumba yang si Yue. Ang tandem natin ang magpapahirap sa kanya, right?”
Ngumiti si Alex, “Hmm, mukhang magiging exciting ang vacation ko dito.”
Ngumiti rin ako, “of course! I’ll make sure na ito ang pinaka exciting na vacation mo,” ang sagot ko sa kanya.
“Fuck yang ngiti mo ha, para kang evil na kontrabida sa isang pelikula,” ang biro niya.
Tawanan kaming dalawa.
“At sisiguraduhin kong ako ang pinakamahusay kontrabida sa lahat. At isinusumpa ko na hinding hindi maaagaw ni Yue si Ryou sa akin!” ang sagot sa kanya.
Matapos kong sunduin si Alex sa airport ay dumiretso naman kami sa opisina ni Ryou upang ipakilala sa kanya ang aking kaibigan. Ito ang unang pagkakataon na makikita niya ng personal si Ryou dahil kadalasan ay larawan lamang niya ito nakikita.
Kapag nakita niya si Ryou, hopefully ay magbago ang kanyang point of view at maunawaan niya kung bakit gustong gusto ko ito.
Pagdating namin dito ay naabutan namin si Ryou na abala sa pagkakabit ng isang painting sa pader ng kanyang opisina.
Kapansin pansin na ang painting ay larawan ng karagatan na mayroong nakalabas na buntot ng mermaid na parang nag “splash” sa ibabaw ng tubig. At ang buntot nito ay kulay silver katulad doon sa painting ni Yue, mukhang nagsisimula na ring maging fascinated si Ryou sa mga ganitong nilalang. Sa tingin ko ay nahawa na rin siya kay Yue sa pagiging wirdo.
“Hi Ryou, gusto kong ipakilala sa iyo si Alex, best friend ko from America. Mag s-stay siya dito ng 3 months para sa kanilang family business,” ang pagpapakilala ko habang nakangiti.
Ngumiti si Ryou at kinamayan si Lex, “Hi, welcome home. Gusto niyo ba ng drinks? Ano ba ang maaari kong mai-offer sa inyong dalawa?”
“Nothing, huwag ka na mag abala. Dumaan lang kami dito para ipakilala sa iyo ang kaibigan ko. Hindi rin kami magtatagal,” ang nakangiti kong sagot.
“Mahilig ka pala sa painting? Ako rin, sa america ay nag cocollect ako ng mga larawan. At as of now ay mayroon na akong nine collections,” ang nakangiting wika ni Lex.
“Nice, ako rin mayroong collection ng paintings at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ako sa pag c-collect. Next time ay ipapasyal ko kayo sa sarili kong art gallery, sa ngayon ay ginagawa pa lamang ito,” ang nakangiting sagot ni Ryou.
“Sounds interesting, gusto kong makita ang lahat ng collections mo,” ang sagot ni Lex. Hindi ko alam na may ganito siyang side na mahilig sa art. Pakiramdam ko tuloy ay na-out of place ako habang sila ay nag uusap tungkol sa art works.
Tumagal kami ng ilang minuto sa loob ng office ni Ryou bago kami mag desisyon na umuwi upang makapag pahinga. Alam kong may jet log pa itong si Lex at kailangan niyang magpahinga.
“Hindi mo naman sa akin sinabi na mahilig ka pala sa painting,” ang tanong ko sa kanya.
Natawa siya, “To tell you the truth, hindi talaga ako mahilig sa painting. Sinabi ko lang iyon para ipakita sa iyo na makukuha mo ang interest ng isang lalaki kung pareho kayo ng gusto. Nakita mo kung paano mag response si Ryou sa akin? Naging interesante ang conversation namin kanina, right? Ang conclusion ay ipinakita ko lang sa iyo ang technique kung paano makukuha ang kanyang atensyon.”
“Siguro ay tama ka, ngayon ko lang narealize na ang malaking pagkakamali ko ay hindi ako nagpakita ng interest sa mga bagay na gusto niya.”
“Tama ka doon, ang mga lalaki ay dapat inuunawa at iniintindi ang mga bagay na gusto nila. Simula ngayon ay mag- collect ka na rin ng paintings at ipakita mo sa kanya na pareho kayo ng interest sa buhay. And yes, tama ka pala Jihan,” ang dagdag pa niya.
“Tama? Tungkol saan?” tanong ko naman.
“Na si Ryou ay worth fighting for. Gwapo siya, matangkad at malakas ang dating. Iba nga siya kay Hilton o sa mga amerikano na nagkakagusto sa atin doon sa ibang bansa. Magaling ka talagang pumili ng lalaki,” ang salita ni Lex habang nakangiti.
“Ngayon ay alam mo na kung bakit ganito na lang ang galit ko kapag may taong lumalandi kay Ryou? At I swear hindi ko hayaang maagaw si Yue ng ganoon na lang!”
Part 34: Obsession
Part 3
4
: Obsession
J
IHAN POV
“Ahhh fuck! Ryou ang laki ang burat mo, fuck!!” ang ungol ko habang iniimagine na kinakantot ako ni Ryou habang sarap na sarap ako sa paglalaro sa aking matigas na alaga. Ito ang mga bagay na lihim kong ginagawa. Ang aking pagnanasa sa kanya ay nangingibabaw at may mga oras na hindi ko na ito halos macontrol pa.
“Ahhh isagad mo! Ang sarap shit! Ang hard mo kumantot Ryou! I love you ahhh fuckkkk!” ang ungol ko pa.
Makalipas ang ilang saglit ay sumabog ang aking tamod at kumalat ito sa aking katawan. Hingal na hingal ako ngunit ang init ng aking katawan ay hindi pa rin humuhupa.
Natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa bath tub at nakarelax. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko si Ryou. Gusto ko siyang makasama at gusto kong maging parte ng mundo niya.
Fuck ang sarap mag imagine! At mukhang hanggang imagination na lang ako.
Close kami ngunit habang tumatagal ay nararamdaman kong nawawala siya sa akin. Nararamdaman kong lumalayo siya at wala akong magawa kundi ang masaktan ng patahimik.
Well, kung babalikan ko ang mga pangyayari noon, maayos naman ang samahan namin ni Ryou, more than friends kami at sobrang close. Madalas nga ay napapagkamalan kaming lovers ng media at ng public. Hanggang dumating si Yue at ang lahat ay tila nagbabago na. What went wrong? Hindi ko alam kung bakit lahat ng effort ko para sa kanya ay unti unting naglalaho hanggang sa wala nang natira pang bakas dito.
Lahat ay nagbabago at ngayon ay parang namimiss ko ang mga times na siya ay nag c-care sa akin at ipinararamdaman niya sa espesyal din ako. Nakahanda akong ibigay ang lahat sa kanya, kahit ang aking buong sarili kung kanyang nanaisin.
Pero gayon pa man, mapapansin mong napaka ironic ng buhay, dahil kung minsan the more na ipinipilit mo ang iyong sarili sa isang tao ay malaki ang chance na ayawan ka nga at iwasan. Ngayon ay nalilito ako, dapat ko pa bang habulin si Ryou? O pag aralan ko na lamang na sumuko at tanggapin na hindi kami para sa isa’t isa?
Napabuntong hininga ako at sandaling ipinahinga ang aking sarili sa bath tub. Ilang araw na lamang at magaganap na ang modeling contest at kailangan ko na ring maghanda. As far as I know ay talagang abala ang kampo nina Kurt para itraining si Yue, upang makasiguradong mananalo sila. Pero hindi ganoon kadali, sisiguraduhin kong dadaan sila sa butas ng karayom para makatikim ng tagumpay!
Ang utak noong mga sandaling iyon ay kusang umaandar at nag iisip ng paraan kung paano magwawakas ang kabaliwan ni Ryou sa wirdong lalaking iyon. At once na ma-figure out ko kung paano mangyayari ito ay gagawin ko ang lahat mawala siya sa aking landas.
Tahimik.
Nasa ganoong posisyon ako noong kumatok si Lex sa pintuan, “Ji, ang tagal mo namang maligo? Bilisan mo na diyan dahil mag ffit ka pa ng costume at formal attire para contest.”
Ngayon araw ay pinatawag ko ang mahuhusay na international designer upang gawan ako ng pinaka magandang costume at formal attire na ilalaban ko sa contest. Sisiguraduhin kong luluwa ang mata ng lahat ng inggit kapag nakita na nila ako sa itaas ng entablado. Sisiguraduhin kong sa akin ang tagumpay at sila ay uuwing luhaan. The winner takes it all! And I will take everything!
Noong matapos ako sa pagliligo at sa pag aayos ang aking sarili ay agad akong lumabas upang makita ang design ng mga susuotin. Ready made na ang mga ito at pipiliin ko na lamang ang gusto kong gamitin.
“Mister Jihan, sure ka ba na gusto mong sumali sa contest na iyon?” tanong sa akin ng designer na si Rezy.
“Yes, bakit hindi? Malaking contest din naman iyon at malaki ang entablado kahit sa open arena ito gaganapin. Maraming taong manunuod na parang isang live concert sa isang open field. Infact, everyone needs to join a cheap contest once in a while,” ang sagot ko sa kanila.
“Actually hindi naman talaga “cheap” ang contest na iyon dahil lahat ng mahuhusay at magagaling na designers at make up artist sa bansa ay dumadayo sa contest na ito para i-showcase ang kanilang mga creation. Ang mahalaga sa kanila ay ma expose ang kanilang mga master piece sa market kaya’t win or lose ay okay lang sa kanila. In fact, sa contest na ito ako nagsimula at nanalo akong 5th placer bago ako makilala internationally,“ ang paliwanag ng designer.
“5th placer? You mean hindi ka nanalo sa cheap na contest na iyon?” tanong ko sa kanya.
“Excuse me, hindi cheap ang “Elite Super Model Contest” dahil yearly ang mahuhusay na designers at magaganda at mga gwapong mga models ay nagtitipon tipon para ishowcase ang kanilang husay, labo labo na ito. At noong batch ko ay talagang super stiff ng competition,“ ang sagot ng designer.
“Kung ganoon ay dapat siguraduhin mong mananalo ako dyan sa Elite Super Model Contest na iyan. At ayoko ng 2nd runner up o kaya ay First runner up dahil ang gusto ko ay grand champion!” ang sagot ko sa kanila. Alam kong binigyan ko ng pressure ang designer pero kailangan kong manalo at kailangan kong matalo ang mga trying na kalaban katulad ni Yue.
Nagsimula akong mamili ng mga designs at pinili ko yung mga style na unique at mukhang mamahalin sa stage. Pinili ko rin ang mga designs na high quality at mamahalin ang materials. To be honest hindi talaga ako dapat lumaban sa mga ganitong ka cheap at ka low budget na contest dahil mayroon na akong name sa industry. Pero gagawin ko ito sa ngalan ng pagmamahal. Hindi ko hahayaang maging masaya at maging matagumpay si Yue.
“OMG! Seryoso ka nga talaga! Lahat ng ito ay gagawin mo para lang matalo yung rival mo? Kung sabagay sa gwapo iyon ni Ryou, I understand na worth fighting talaga siya,” ang wika ni Alex.
“I told you, at hindi ako papayag na mapunta siya sa ibang tao. Kaya lalaban ko iyang si Yue kahit saang contest pa. Kahit sa beauty contest, kahit sa basket ball o kahit sa boxing pa, kahit sa rookie of the year ay hinding hindi ko siya uurungan!” ang sagot ko sa kanya.
“That’s my boy! Pero katulad ng advice ko sa iyo, mas makabubuti kung kilalanin mo munang mabuti ang kalaban mo. Anong mayroon siya at kung bakit gusto siya ni Ryou. You see, there’s no harm in trying,” tugon niya sa akin.
Noong mga sandaling iyon ay nag start na rin ang aking intensive training para sa contest. Kinuha ko ang pinakamahusay na ramp model instructor upang turuan ako ng mga latest at trending techniques sa paglalakad sa entablado. Gusto ko ng bagong approach at gusto kong maging stand out sa gabing iyon.
“Kailangan ba talaga ay lumaban ka rin sa contest na iyon? Why don’t you give way sa ibang baguhang model?” tanong ni Ryou sa akin noong sabihin ko sa kanya na tuloy na ang seryoso ang aking pagsali sa competition.
“Bakit ako sumali sa contest? Because I’m bored, helplessly, terribly bored. Bakit ka ba nagwoworry? Hmm, siguro ay natatakot ka dahil baka matalo ko si Yue at Kurt?”
“Actually, hindi naman ako nagwoworry. Sumali doon sina Kurt at Yue upang magkaroon ng experience at mag enjoy. I think never nilang pinangarap na manalo,” paliwang ni Ryou.
Napataas ang kilay ko, “Ano ka ba, lahat ng lumalaban sa isang contest ay nag-aasam ng tagumpay. Sino ba naman ang may ayaw manalo? Tama diba?”
“Well, kung desisyon mo talagang sumali ay susuportahan kita. Sana nga lang ay masaya ka sa iyong mga gagawin,” sagot niya habang nakangiti sa akin.
“Gagawin ko ang best ko para manalo at para mapatunayan sa lahat na ako isang “LEGIT” na model. Papatunayan ko rin na ako ang karapatadapat maging bench mark at pamantayan ng kanilang mga talento. Isang magandang idea ito, don’t you think?“ malandi kong sagot sa kanya.
Lumapit ako sa kanyang tabi at hinimas ng marahan ang kaniyang matipunong dibdib. “Kung anong ang deisyon mo ay susuportahan ko, Jihan,” ang tugon niya at tumayo ako ito maupo sa kanyang silya.
Gayon pa man ay tumayo at sumunod sa kanya. Umupo ako sa kanyang lamesa paraharap sa silya kung saan siya nakaupo. Sa pagkakataon ito ay pilit ko siya sini-seduce baka sakaling mahulog din siya sa akin.
Lumuhod ako sa pagitan ng kanyang hita na kanyang ikinagulat..
“Jihan, anong ginagawa mo dyan?” tanong niya sa akin.
“Hindi mo ba nakikita? Inaakit kita,” ang sagot ko sabay himas sa kanyang bukol. Natawa lang si Ryou, madalas ko siyang inaakit at nilalandi na parang ahas kapag kaming dalawa lamang pero hindi ko naman ito itinutuloy. Pero ngayon it’s different dahil nag iinit ang aking katawan.
Makalipas ang ilang sandali ay nagulat na lang siya noong buksan ko ang zipper ng kanyang pantalon at ilabas ang kanyang burat na medyo matigas na. Ang bango nito, ulo pa lang ay para ng kabute sa pula. Gulat na gulat siya sa aking ginawa kaya sinubukan niyang alisin ang aking ulo sa kanyang alaga pero para akong sanggol na gutom.
Sinuso kong mabuti ang alaga niya hanggang tumigas ito sa aking bibig at noong iluwa ko ito ay napansin ko ang kahabaan at kalakihan. “Ahh fuck susuhin mo ulit!” ang utos niya na tinamaan na rin ng libog, siya pa mismo ang nagsalpak ng burat sa aking bibig.
Tuwang tuwa naman ako, slurp! Slurp!! Sarap na sarap ako sa burat ni Ryou, pati ang kanyang bulbol ay dinilaan ko rin sa sobrang pagkasabik. Maya maya ay kinantot niya ang aking bibig.
Napa ungol ako ng todo..
Nasa ganoong posisyon ako noong bigla kong maramdamang may tumapik sa aking pisngi dahilan para magbalik sa normal ang lahat. “Hey, Jihan, okay ka lang ba? Bakit nakatulala ka na dyan?” tanong ni Ryou sa akin.
Natauhan ako..
Bumalik ako sa aking orihinal na ulirat.
Dito ko narealize na imagination lang pala ang eksenang iyon at sa tingin ko ay masyado lamang akong nadala na saking obsession kay Ryou. Nagwet tuloy ako, medyo nabasa ang brief ko. Fuck talaga!
Medyo nakaramdam ako ng kaunting pagkahiya sa aking iniisip. Basta naramdaman ko na lang na nagsisisimulang mag wet ang aking private part kaya naman agad akong umayos ng upo sa sofa at hindi nagpahalata sa aking lihim na sitwasyon.
“Sorry, I lost you, mayroon lang akong naalala,” ang sagot ko kay Ryou.
Natawa siya, “hmm, akala ko ay nag d-day dreaming ka. Anyway ang sabi ko ay good luck sa contest na sasalihan mo,” ang wika niya habang nakangiti.
Noong mga sandaling iyon ay napatingin lang ako kay Ryou, hindi ako akalaing aabot sa pagnanasa ang obsession ko sa kanya at nagagawa ko ang pag-iimagine ng mga bagay na hindi dapat gawin.
Humarap ako sa kanya at ngumiti, “gagawin ko ang best ko. Hangad kong maging maayos na ang sitwasyon nating lahat.
Part 35: The Best Part
Part 3
5
: The Best Part
“Kumusta naman ang training ni Yue? Baka naman masyado niyo siyang pinapahirapan?” tanong ni Ryou kay Kurt noong nagkita sila sa opisina.
“Hmm, secret. Ayokong magbigay ng any update tungkol sa training namin ni Yue lalo’t kalat na ang balita na lalahok si Sir Jihan ngayong season. Ayaw kitang bigyan ng update dahil close kayo ni Jihan aka “Slap King!”
“Kurt c’mon. Iniisip mo ba na spy ako ni Jihan? Kakampi niyo ako diba? Man, paano mo naiisip na kalaban ako?” ang sagot ni Ryou sa kanya.
“Pwes, wala kaming kakampi ngayon, wala kaming pagkakatiwalaan ni Yue kundi ang aming mga sarili,” ang sagot naman ni Kurt. Maging kay Ryou ay isinikreto niya ang status ng kanilang training.
“Damot niyo naman,” nakangusong sagot ni Ryou na parang nagtatampo.
“I’m sorry handsome!” ang sagot naman ni Kurt.
Samantalang na excite naman si Ryou, nananabik siyang makita ang malaki changes sa personality ni Yue matapos ang training nito. Alam niyang malaki ang improvement nito mula sa pagkilos ng maayos at sa pagdadamit ng tama.
Halos isang linggo na lamang ang nalalabi at bubuksan na ulit ang panibagong season ng Elite Super Model. Noong kumalat ang balita na si Jihan ay nag entry ay tila nawalan ng pag asa ang iba na mananalo at ang iba naman ay nag withdraw na lamang ng kanilang mga entry dahil sa takot at sa paniniwala na si Jihan na ang mananalo sa nasabing contest.
“My God, out of 76 entries ay halos 40 na lang ang natitira dahil ang iba ay nagback out na dahil sa takot kay Jihan,” ang wika ni Kurt na hindi makapaniwala sa nangyayari.
“Aatras din ba tayo?” tanong ni Yue sa kanya.
“Retreat? Excuse me, wala sa bokabularyo ko ang salitang umatras dahil naniniwala ako sa talent ko at naniniwala ako sa kakayahan mo Yue. Kaya hindi tayo mapapaatras ng sea witch na iyan!” ang hirit ni Kurt.
“Laging sinasabi sa aking ina na wala namang masama sa pagkatalo. Ito ay parte ng buhay at sa pagkabigo tayo nagiging malakas. Gawin natin ang best natin para wala tayong pagsisihan,” ang nakangiting wika ni Yue.
“Alam mo, minsan ang mga contest na ganito ay nakadepende rin sa luck. Kung meant to be tayong manalo ay mangyayari ito. Kung hindi naman ay tiyak na hindi ito ibibigay sa atin. Maaaring may ibang bagay na inilaan para sa atin at i-reredirect lang tayo sa tamang lugar na dapat nating kalagyan,” ang sagot naman ni Kurt.
Habang nasa ganoong pag uusap ang dalawa ay siya namang pagpasok ni Jihan sa eksena, “Ewan ko ba naman kung bakit naisipan niyong sumali sa contest, eh hindi naman kayo bagay doon! May salamin naman sana dito, sana ay nakita niyo ang mga sarili niyo,,” ang entrada nito.
“Hala, Sir Jihan paano po kayo napunta dito? Paano po kayo nakapasok dito sa salon ko? Ganyan ba talaga kayong mga kontrabida bigla na lang pumapasok sa isang pribadong lugar para gumawa ng eksena? Yung bigla na lang susulpot at mag babato ng lines?” ang tanong ni Kurt sa kanya.
“What ever! Well, napadaan lang ako dito sa cheap na salon mong pang mga daga at nakalagay sa harapan ang sign na “open” kaya pumasok ako. Wala naman sigurong masama diba? Sana nga ay hindi na ako pumasok para hindi ko na narinig yung kadramahan niyong dalawa. Nakaka suka talaga, swear,“ ang sagot ni Jihan.
Lumapit sa kanya si Yue, “Jihan, hindi ko maunawaan kung bakit galit na galit ka sa amin. Hindi ko alam kung saan ito nagmumula, bakit ba ganyan kang makitungo sa amin? Hindi ba tayo pwedeng maging magkaibigan na lang?” tanong ng binta.
“Magkaibigan? Nagpapatawa ka ba? Mayroon akong talong dahilan kung bakit hindi tayo pwedeng maging magkaibigan.
“Una, dahil chararat ka, weird, swanget, ugly ducking! Ang mga katulad mong mahirap at cheap ay hindi pwedeng makipagkaibigan sa akin. You know, yung mga kaibigan ko ay nasa upper upper at hindi kayo yun!
“Ikalawa, dahil mga ambisyoso kayo at feeling star ng pasko! Kinakalaban niyo ako at pinagmumukhang kontrabida sa mga buhay niyo walang ka-kinang kinang!
“Ikatlo, dahil mang-aagaw ka ng boyfriend, malandi ka at wala kang ibang alam sa buhay kundi ang akitin si Ryou! At kung iniisip mo na matatapatan at matatalo mo ako ay nagkakamali ka. Baliw lang ang nagsabing ipinanganak na ang karibal ko. You’ll never make it..You’re nothing, but a second-rate trying hard copycat!” ang singhal ni Jihan sabay kuha ng basong may lamang soda at inihagis sa mukha ni Yue.
Na shock si Yue..
Hindi niya akalaing magagawa ni Jihan ang ganitong bagay bagamat alam niya kung gaano kasama ang ugali niyo. Noong una, inakala niyang may kabutihan pa sa puso nito, pero wala talaga. Si Jihan isang masama at mabangis na halimaw. Ang ay literal na predator dito sa high land!
Tahimik.
Lumapit si Yue sa kanyang harapan at sumagot, “Mayroon din akong tatlong dahilan kung bakit hindi tayo pwedeng maging magkaibigan.
Una, dahil masama ang ugali mo at kasing itim ito ng kaluluwa mo.
Ikalawa, dahil makasarili ka at walang respeto sa mga tao sa paligid mo. Hindi nakapagtataka na aayawan ka ni Ryou dahil sa masamang ugali mo. Sigurado akong ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay walang progreso ang relasyon niyo kung mayroon man.
Ikatlo, hindi tayo maaaring magkaibigan dahil nakikita kong maaga kang mamatay! Nakikita kong ilulubog ka ng karagatan at paparusahan sa iyong mga kasalanan! Nakikita ko kung paano ka malunod at siningil ng kalikasan! Mamamatay ka Jihan! Mamamatay kaaa!!“ ang sigaw ni Yue, noong mga sandali iyon ay literal na wala na siyang kontrol sa kanyang sinasabi. “Malagim ang iyong kamatayan!! At malapit na iyon!!”
Literal na nakita ni Yue ang future ni Jihan kung saan mamatay ito sa karagatan. Habang nakatingin siya sa mukha nito ay para bang kumikirot ang kanyang puso at naramdaman niyang may mabigat na kasalanan si Jihan sa kalikasan. Hindi lamang niya maunawaan kung ano ito.
Dahil sa pagsigaw ni Yue ay napaatras si Jihan at nakaramdam ng takot. “Baliw ka! Wirdo at isang mangkukulam! Sinasabi na nga napaka baliw mo! Adik ka ng taon Yue!!”
Humarap si Yue sa kanya at saka lalong nagalit, “Isa kang kriminal at isa kang “wanted” sa kalikasan. Mayroon kang itinatagong sikreto na malapit ng mabulgar. At dahil sa ipinakita mong ugali ngayon ay isinusumpa kong HINDI mapapasaiyo si Ryou. Akin siya at hindi ko siya hahayaang mapunta sa HALIMAW na katulad mo!“
“Walanghiya ka! Slut ka!” ang sigaw ni Jihan at dahil sa galit niya ay nagtangka siyang sampalin si Yue pero nasalo ni Yue ang kanyang braso kaya napigil niya ang pagsampal dito.
Hinawakan ito ng mahigpit ni Yue at mabilis na gumalaw ang kanyang kamay, kinuha nito ang flower base na may lamang maduming tubig saka isinaboy sa mukha ni Jihan!
“Amanos! At sa gabi ng contest, sisiguraduhin kong hindi lang kita papatayan, lalagpasan pa kita! Impokrita!” ang galit na sagot nito.
“Oh diba, bituing walang ningning ang mga peg niyo ha!” wika ni Kurt.
“Walang hiya ka!!” ang sigaw ni Jihan at muli itong atake pero humarang na si Kurt sa kanya.
“Subukan mong manakit at wawalisin ko yang mukha mo! Tress passing ka alam mo ba iyon? Nagpunta ka dito para mag skandalo? Anong klaseng pag iisip ang mayroon ka? Kung tutuusin ay mas weird at mas baliw ka dahil sinisira mo ang araw mo at sinisira mo rin ang araw ng kapwa mo! O baka naman natatakot ka namatalo? Pwes, matakot ka dahil sa gabi ng contest ay iisang mukha lamang ang matitira at si Yue iyon! Get out crazy witch!” ang sigaw ni Kurt.
“Shit kayong dalawa! Aalis talaga ako dito sa salon mong amoy basang aso! Nakakasuka!” ang sigaw ni Jihan, sabay walk out.
Walang nagawa si Jihan kundi ang umalis na lamang. Pero nag iwan ito ng pagbabanta, “Babalikan ko kayong dalawa at sisirain ko ang mga buhay niyo!”
“Nakahanda kami! Bumalik ka dito at sisirain ko ang mukha mo! Baliw ka rin, hindi ka mahal ng Diyos!” ang sigaw ni Kurt.
Noong makalabas si Jihan ay napabuntong hininga na lamang sina Yue at Kurt.
Maya maya ay nagkatinginan sila at nagtawanan. Sa unang pagkakataon ay nagtagumpay silang labanan ang halimaw na si Jihan. At itaboy ito sa lugar na dapat niyang kalagyan.
Sa kabilang banda ay humanga naman si Kurt sa ipinakitang katapangan ni Yue, dahil hindi ito nagpaapi at hindi hinayaang maidown ang kanyang sarili. Noong mga sandaling iyon ay mas lalong nainspired si Kurt na paghusayan pa ang kanyang mga designs at siguraduhin ang mananalo ang binata.
Samantala, hindi akalain ni Jihan na lalabanan si Yue sa kanya. Ang akala niya ay katulad din ito ng ibang mga taong inapi niya na iiyak na lang at tatakbo palayo sa kanya.
Napahiya siya sa kanyang sarili. He feels humiliated! At dahil sa matinding galit na nararamdaman ay nagsisigaw na lamang siya sa loob ng sasakyan.
“FUCK YOUU Yue! FUCK YOUUU!!!”
Matapos ang pangyayari iyon ay agad siyang natungo sa opisina ni Ryou para magsumbong at kumuha ng simpatya na parang isang batang iyakin at para na rin kuhanin ang simpatya ng binata.
Isinalaysay niya ang buong pangyayari at siyempre ay exaggerated na ito at overacting..
“Sinampal ako ni Yue ng ten times at hindi pa siya nakontento dahil binasag niya ng flower base sa ulo ko. See, ganyan bang taong ang gusto mo? Isang bayolente, walang kontrol sa sarili at walang alam sa right manners? Kung sabagay wala naman kasing pinag aralan si Yue kaya ganoon siya kung manakit ng kapwa,” ang pagkukuwento ni Jihan habang umiiyak.
Samantalang si Ryou naman ay nakikinig lang at hindi siya makapaniwala sa mag sinasabi nito. Naisip niya na parang wala naman sa mukha ni Yue na ang maging ganoon kabayolente. At lalong wala sa katangian nito ang mambasag ng flower base sa ulo ng kanyang kaaway.
“At alam mo ba ang pinaka worst na ginawa niya sa akin? Isinumpa niya ako at pinatawan ng kamatayan bilang kaparusahan sa aking kasalanan!”
Natawa si Ryou noong marinig ang salitang “sumpa”, pero gayon pa man ay pinigilan niya ang sarili sa pagtawa ng malakas. Hindi niya alam kung paniniwalaan ba niya si Jihan dahil masyado ito overacting.
“Huwag mo ang akong tawanan dyan! Seryoso ako sa aking sinasabi! Isinumpa ako ni Yue dahil isa siyang mangkukulam!” ang sigaw ni Jihan na parang nasisiraan ng bait.
Part 36: Curse
Part 3
6
: Curse
“Isinumpa ako ni Yue, sinabi niya sa akin na mamamatay ako. Nakita mo na kung gaano siya ka weird? Nagagawa niya yung mga ganitong ka bagay. Isa siyang aswang, tikbalang, dwende at makukulam! 4 in 1!!” ang patuloy na reklamo ni Jihan.
“Paano ka naman daw mamamatay? Matutusok ang daliri mo sa isang spindle wheel at makakatulog ka ng hundred years? Don’t tell me na ma b-break lang ang sumpa sa true loves kiss?” ang pagsakay ni Ryou sa kanyang kwento, hindi niya mapigilan ang pagtawa.
“Huwag mo nga akong pagtawanan dahil nagsasabi ako ng katotohanan. Sinabi niyang mamamatay ako at malulunod sa karagatan dahil isa akong makasalanang tao. Biruin mo, siya lang ang baliw na mag c-comes up sa ganoong ka weird at ka morbid na ideas,” ang sagot ni Jihan, hindi nito maiwasang mainis.
“At naniwala ka naman? Alam mo ang mga taong nakatira sa mga remote areas ay kadalasang naniniwala sa mga sumpa at mga pamahiin. Huwag mo na i-stress sarili mo dahil may contest ka pang lalabanan sa susunod na araw,” ang sagot ni Ryou.
“Ganon lang? Yun lang ang reaction mo?” tanong niya kay Ryou.
“Bakit? Ano bang dapat kong maging reaction?” pagtataka ng binata.
Nainis si Jihan, “Hindi ka man lang ba nag worry sa akin? Na baka nabasag yung bungo ko at nadamage ng husto yung ulo ko? Na baka ikamatay ko yung ginawa sa akin ni Yue dahil baka may bacteria yung tubig na isinaboy niya sa akin?”
“Jihan, c’mon huwag ka ngang masyadong overacting. Kung nabasag ang bungo mo malamang ay nasa ospital ka na ngayon at hindi mo na magagawa pang magsalita. At hindi naman nakakamatay ang bacteria kung mayroong immunity ang katawan mo. Syempre ay nagwoworry ako sa iyo, pero malakas ka naman, alive and kicking kaya’t sa palagay ko ay hindi ko na kailangan mag-alala sa sobra.”
“Bakit hindi ka man lang magalit kay Yue o kay Kurt? Inapi nila ako diba? Inaway nila ako at hindi sila naawa sa akin! Alam nila na wala akong kalaban laban sa kanilang dalawa,” ang dagdag pa ni Jihan, bagamat alam naman ni Ryou na siya talaga ang madalas nagsisimula ng away.
“Ji, hindi na tayo mga bata. Hindi ako magagalit kay Kurt o kay Yue dahil lang sa galit ka sa kanila. You see, wala silang ginagawang masama sa akin kaya wala akong makitang dahilan para magalit sa kanila,” ang katwiran ni Ryou.
Nainis si Jihan, “Yeah right, katulad ng inaasahan ko, mas kakampihan mo sila kaysa akin! Makakarating ang lahat ng ito kay Dad! Sobra ka Ryou, wala man lang akong makitang care sa mga mata mo habang kausap kita! Kung sabagay, wala naman talaga akong value sa iyo! Ginagamit mo lang ako sa mga publicity mo at sa mga press released mo!”
Natawa si Ryou “Huh? Parang baligtad yata? As far as I know, ikaw ang mahilig sa mga publicity at madalas ay kasama ako dito. Huwag ka na nga manumbat ng kung ano ano. Ang mabuti pa ay umuwi ka na lang muna at magpahinga ng maayos. Baka stress lang iyan at kailangan mong magrelax,” ang sagot ni Ryou.
Hindi kumibo si Jihan, hindi na rin ito nag react. Dahil sa sobrang disappointment ay tumalikod na lamang siya at lumakad palabas ng opisina ni Ryou.
Dito ay agad siyang sinalubong ng guard. “Sir Jihan, ihahatid na kita sa inyong sasakyan, okay lang po ba kayo?” ang magiliw na bati nito.
“Anong pangalan mo?” tanong ni Jihan sa security.
“Jake po, Sir Jihan,” ang sagot ng guard habang nakangiti. Maya maya ay bigla niya itong sinampal pero nakahiwas ang guard.
Pero biglang bumalik ang sampal ni Jihan pero nakaiwas ulit ang guard. “Sir, alam ko pong babalik yung sampal mo kasi boomerang slap yun diba? Kaya po naiwasan ko,” ang sagot ng guard habang nakangiti. Naalala na si Jihan, eto yung guard na madalas sumasalubong sa kanya at nakakalaban niya, mahusay ito at nakakaiwas!
“Ah ganon ba?” ang sagot ni Jihan at mabilis gumalaw ang dalawang palad niya at sinampal ang guard ng “Pompyang Style” o “Cymbal Style!”
Sapul ang mukha ng guard..
“Ouchh, bago yun sir ah,” ang wika nito.
“Oo marami akong alam na technique kaya next time na huwag ka na magtangkang umiwas dahil tiyak na masasaktan ka lang!” ang sagot ni Jihan sabay lakad palayo sa kanya . Iniwanan niya ang guard na naghihimas ng mapulang mukha dahil sa lakas ng sampal na tumama dito.
Samantala, noong makaalis si Jihan sa opisina ay agad na tinawagan ni Ryou si Kurt at nakibalita siya sa totoong nangyari.
Ikunuwento ni Kurt sa binata ang esaktong pangyayari at pinatunayan niyang hindi totoo ang mga isinumbong ni Jihan kanya. Sa makatuwid ay mas realistic ang version ni Kurt, mas balance ito at mas simple.
Sa kabilang banda naman ay exaggerated ang kwento ni Jihan at sa kanyang point of view ay siya ang nakawawa at inapi ng sobra sobra.
“Hindi po totoo na inapi namin siya at lalong hindi po totoo na hinampas siya ni Yue ng flower base sa ulo. At sa tingin ko po ay may mali talaga kay Jihan,” ang salita ni Kurt habang nasa kabilang line.
“Ano naman ang mali sa kanya?” tanong ni Ryou.
“Lahat po ay mali sa kanya. Kailangan niyang magpatingin sa doctor dahil isa siyang baliw at mayroon delusion of grandeur! Mapanakit rin siya at walang respeto sa kanyang kapwa,” ang dagdag ni Kurt.
“Alam niyo naman na simula’t sapul ay ganoon na ang ugali ni Jihan dahil brat ito at sunod sa lahat luho. Kapag pinatulan mo siya ay talagang sasakit lang ang ulo mo dahil hindi ito magpapatalo,” tugon ni Ryou.
“Baliw din iyang si Jihan dahil nag tres passing siya dito sa property ko para lang gumawa ng scene at awayin kami. At siguro ay may lahi siyang mangkukulam dahil napansin ko na bigla na siyang sumusulpot sa lugar kung saan tayo nandoon! Siguro may kakayahan siyang mag teleport kaya kapag pinag uusapan siya ay kusang siya lumilitaw!” ang tugon ni Kurt.
Natawa si Ryou, “Sa susunod ay huwag niyo na lamang pansinin at patulan si Jihan para hindi na lumala pa ang gulo. Teka, kumusta si Yue?”
“Okay naman siya, medyo na trauma lang siya sa ginawa ni Jihan kanina. Pero ginagalingan niya sa practice dahil gusto daw niyang manalo. Kaya gagalingan daw niya para sa iyo dahil sobrang special ka sa kanya,” ang hirit ni Kurt, bagamat wala namang ganoong sinasabi ni Yue.
“Always naman akong proud sa kanya at nakikita yung improvement sa kanyang pagkatao. Ang ibig kong sabihin ay naappreciate ko ang lahat ng bagay na ginagawa niya,” ang sagot ni Ryou.
“Wow, how sweet, eh kung sabihin mo kaya iyan ng personal sa kanya? May guts ka ba para ipagtapat ang nararamdaman mo?” tanong ni Kurt.
“Ayoko, nahihiya ako e,” ang sagot nito na parang isang bata.
Tawanan silang dalawa..
Samantala ay agad na dumiretso si Jihan sa condominium ng kaibigang si Lexie. Hindi niya maitago ang matinding galit dahil sa panghihiya sa kanya nina Yue at Kurt.
“Mga walanghiya! May araw din sila sa akin! Fuck shit silang dalawa! Pati mga ninuno nila ay fuck shit din!” ang sigaw nito. Halos mapatid ang ugat sa leeg dahil sa galit.
“Calm down, by this time ay walang magagawa ang matinding galit. Inumin mo itong water para marelax ka,” ang tugon ni Lexie.
“Hindi ako makakapagrelax hanggang hindi ako nakakaganti!”
“Ji, ikaw naman kasi bakit susugod kang mag isa sa kampo ng kalaban? Have you lost your mind? Paano kung sinaktan ka nila? O kaya ay ginawan ka nila ng masama? Huwag ko na uulitin iyon dahil napaka delikado ang ginawa mo,” ang sagot ni Lexie na hindi maitago ang pag-aalala.
“Ginawa ko lang naman iyon dahil gusto ko silang alukin ng isang friendly competition, gusto kong ipakita kay Ryou na sports ako at kahit anong mangyari sa contest ay tatanggapin ko,” ang sagot ni Jihan.
“Hindi mo naman kailangan gawin iyon, basta ang mahalaga ay manalo ka sa contest and that’s it! Saka alam mo huwag mo na bigyan ng too much stress ang sarili mo dahil baka magkaroon kapag ng eyebags sa contest,” ang tugon ni Lexie habang nakangiti.
Habang nasa ganoong pag uusap ang dalawa ay may dumating na dalawang lalaki sa kanilang kinalalagyan. “Sir Jihan, nakuha na po namin ang lahat ng names ng judges sa contest.”
“Very good! Good job!” ang sagot ni Jihan habang nakangiti.
“Salamat po Sir Jihan, karamihan po ng judges ay kaibigan ng inyong ama,” ang sagot nila.
“Sige na, ako na bahala sa listahan na ito. Salamat sa inyong dalawa,” ang sagot ni Jihan.
Umalis ang dalawang lalaki at muling naiwan sina Jihan at Lexie na magkausap. “Listahan ba iyan ng mga judges sa contest? Don’t tell me babayaran mo sila para manalo ka? Wala ka bang tiwala sa sarili mo?”
“Well, may tiwala ako sa sarili ko at over flowing pa nga ito. Gusto ko lang makasigurado sa tagumpay ko. As you can see, mayroong 15 judges sa contest. At walo lamang dito ang kakilala ko. So paano yung iba? Kailangan kong manalo at kailangan kong maitumba ang mga kalaban ko,” ang sagot ni Jihan habang minamarkahan ang mga pangalang susuhulan niya ng salapi.
“Jihan, really? Pandaraya iyang gagawin mo,” ang salita ni Lexie.
“I don’t care! Ganito naman talaga sa mga contest diba? Lahat ay cooking show kaya’t I’ll make sure na pinaka the best na putahe ang iluluto nila. In the end, ako ang mag eemerge na panalo at lahat sila ay uuwing luhaan, kabilang na yung pesteng Yue na iyan! Ambisyoso! Ang akala niya ay matatalo niya ako ng ganoon kadali? Pwes nagkakamali siya dahil hindi niya kilala si Jihan Singh!”
Pumalakpak si Lexie!
“Kontrabida kontrabida ang dating mo doon! Winner!” ang hirit nito.
Ngumiti si Jihan at saka muling tiningnan ang listahan ng mga names ng judges.
Dito magsisimula ang kanyang maduming laro.
Part 37: Big Night
Part 3
7
: Big Night
Mabilis lumipas ang mga araw at dumating na nga ang pinaka aabangang event ng taon. Ito ang “Elite Super Model” isang competition na nagsimulang noong taong 1998 at noong malaunan ay naging tradisyon na ito.
Ang ESM o Elite Super Model ay nilalahukan ng iba’t ibang mga designers sa bawat sulok ng bansa. Bukas ito sa lahat ng gustong sumali mula sa mga baguhang designers, yung may mga experience at mga professionals. Dito nila ipinapakita ang kanilang husay sa pagdedesenyo ng mga kasuotan. At sa pagdaan ng mga taon ay naging stepping stone ang ESM para sa mga modelo at designers na magkaroon ng break sa industriya.
Infact, ang mga sikat na designers ngayon ay dito na simula sa ESM at hanggang ngayon sinusuportahan pa rin nila ang legacy ng contest.
Paano nga ba ang pace ng competition? Ang bawat isang designer ay mayroong isang modelo na magsusuot ng kanyang creation. Mamarkahan ang modelo batay sa husay niya sa pagdadala ng kanyang kasuotan at ayon na rin sa kanyang projection at stage presence.
Tatlong ang category na paglalaban, ang una ay ang costume designs. Ang ikalawa naman ay ang tinatawag na “anything goes” maaring casual, sport attire o party dresses. At ang ikatlo ay ang formal attire o yung long gown kung tawagin.
Malaki ang entablado sa contest at ang venue ay isang open arena kung saan ang lahat ay maaaring makapanood. Mapapanood rin ito ng live sa sports channel ng telebisyon at sa mga piling sites ng social media.
Hindi pa nagsisimula ang contest ay matunog na agad ang pangalan ni Rezy Vera Cruz, siya isang sikat ng local designer sa bansa at ang modelo niya ay walang iba kundi si Jihan Singh.
Samantalang hindi naman matunog ang pangalan ni Kurt Sebastian dahil hindi naman siya sikat at madalang siyang marecognize bilang isang designer. Gayon pa man ay umaasa siya na pagkatapos ng gabing ito ay makikilala siya at dadami ang mga taong magtitiwala sa kanyang creation. Ang lahat ngayon ay nakasalalay na sa kanyang model na si Yue. Buong buo ang tiwala niya sa binata, alam niyang mamaya ay mag s-stand out ang kagandahan nito at mapapansin ng mga judges.
Ang lahat ay nakaupo na sa venue at naghihintay. Si Ryou at ang kanyang mga business partners ay nasa VIP seats. Noong mga sandaling iyon ay hindi niya maiwasang kabahan sa magiging out come ng contest. Pero nananabik siya na makita ang improvement ni Yue. Halos hindi na siya makapaghintay na masilayan ang binatang hinahagaan.
At makalipas ang ilang oras na preparation ay nagsimula na ang malakas na musika sa stage. Madami ang mga audience na nanonood at maririnig matinding hiyawan ang mga tao sa bawat sulok ng venue. Lahat sila ay excited na makita ang sinusuportahang candidate.
HOST: Welcome to ELITE SUPER MODEL COMPETITION! We have a real treat for you tonight! In just a few moments you will get a chance to see our models displaying some of the hottest fashions from different designers all over the world! So ARE YOU READY?!!!
Crowd cheering!
Lalong tumaas ang excitement sa pagsasalita ng host sa itaas ng stage.
HOST: 47 candidates ang magpapakitang gilas dito sa entablado suot ang kanilang mga damit na dinesenyo ng mga talented na designers. NGUNIT isa lamang sa kanila ang tatanghaling ELITE SUPER MODEL! Before anything else we would like to thank our major sponsors who made this event possible. Wonder Cosmetics, Viva Hotel and Casino, Ngandam Super Cream.
Samantala sa audience ay nakaupo sina Ryou at ang kanyang kaibigan na si Gino. “Bro, mukhang kinakabahan ka ah, balita ko na medyo stiff ang competition ngayon taon dahil naglabasan yung mahuhusay na model at designer. Tumaas kasi ang premyo ng contest kaya talagang dadagsain ito ng mga kalahok,” ang salita ni Gino.
“Bakit naman ako kakabahan? Actually ay na-eexcite nga ako ngayon,” nakangiting sagot ni Ryou. Bagamat naghahalo ang kanyang emosyon ng kaba at pagka excite dahil talagang inaabangan niya si Yue sa paglabas nito. Nakita na niya si Jihan na rumampa bilang isang modelo at alam na niya ang kalibre ng binata. Sa makatuwid ay alam niya kung gaano kahusay ito.
“Balita ko kasali si Kurt, sa palagay mo ay may kakayahan kaya siyang makipagsabayan sa ibang professional na designers? Sa palagay mo ay mapapansin kaya siya?” tanong ni Gino.
“Una pa lamang ay malaki na ang tiwala ko kay Kurt. Ang kanyang talento ay natural, believe me hindi siya nag-aral ng pagiging isang fashion designer at pagiging isang make up stylist. May mga tao na ipinapanganak na may natural inborn talent. At ito ang dapat katakutan ng kanyang mga kalaban,” ang tugon ni Ryou habang nakatingin sa malawak na entabladong mayroong mahabang cat walk.
“Wow, alam ko rin naman kung gaano ka gifted si Kurt bilang isang artist. Aabangan ko ang kanyang entry mamaya,” tugon ni Gino.
Samantala sa back stage ay abala si Kurt sa pag aayos kay Yue, “Anong nararamdaman mo? Kinakabahan ka ba?” tanong ng stylist.
Ngumiti si Yue, “excited ako, gusto kong makita nila kung gaano ka kahusay sa paggawa ng mga kasuotan.”
“Teka, alam mo na ba ang gagawin? Natandaan mo ba ang mga blockings na itinuro ko sa iyo? My Gosh, ako yung kabado e,” ang tanong ni Kurt.
“Natandaan ko naman, huwag kang mag alala dahil kayang kaya ko ito,” ang nakangiting sagot ni Yue. Walang nararamdaman kaba ang binata dahil nasa isip lamang niy ay ang manalo at matulungan ang kaibigang si Kurt.
Habang nasa ganoong pag uusap silang dalawa ay pumasok sa dressing room ang isang staff ng contest, “Sir, maaari na po tayong kumuha ng number sa labas,” ang paalala nito.
“Sige, susunod na kami. Maraming salamat,” ang sagot ni Kurt.
Agad silang lumabas ni Yue sa dressing room at paglabas nila ay nakatayo doon si Jihan. Pero hindi siya pinansin ni Yue, nagpanggap na lamang ang binata na wala siyang nakikita dahil alam niyang gagawa na naman ng scene at iskandalo si Jihan lalo’t wala itong pinipiling lugar.
Diretso siyang naglakad sa hallway ngunit biglang hinawakan ni Jihan ang kanyang braso. “Nobody snobs me!” ang mariing salita nito.
“Jihan, ano bang kailangan mo?” tanong ni Yue sa kanya.
“Isa lang ang gusto ko. Gusto kong umatras ka na sa contest na ito. Napakadali lang naman diba? Lumabas ka sa exit at umuwi na lang sa inyo. Magtinda ka na lang doon ng pinatuyong isda dahil hindi ka naman bagay sa lugar na ito,” ang mariing salita ni Jihan.
“Bakit ko naman gagawin iyon? Natatakot ka ba na matalo kita?” tanong ni Yue.
“Matalo? Ako? Nagpapatawa ka ba? Huwag kang mag ambisyon ng mga bagay na hindi mo naman kayang makamtan. If I were you, aatras na lang ako, magbaback out upang hindi ako mapahiya.”
“Bakit naman ako mapapahiya? Gagawin ko ang best ko para manalo. At walang sinuman ang makapipigil sa akin,” ang sagot ni Yue.
Lalong hinawakan ng mahigpit ni Jihan ang kanyang braso. “You will regret this moment! Sinisigurado kong pagsisisihan mo na kinalaban mo ako!”
Habang nasa ganoong pag uusap ang dalawa ay siya naman pagdating ni Kurt sa kanilang kinalalagyan. “Number 28 ka my dear. May time pa tayo para mag ready. At ikaw naman Sir Jihan number 15 ka, maauna ka sa amin lumabas kaya kung ako sa iyo instead na aksayahin mo ang energy mo sa pagbabanta at pagpapaatras kay Yue ay mas makabubuting maghanda ka na lang sa contest,” ang hirit ni Kurt.
Lumapit si Yue sa kanya, “May tatlong dahilan kaya’t hindi ako maaaring umatras at sumuko sa contest na ito.
Una, dahil hindi ko maaaring sayangin ang effort at sakripisyo ni Kurt. Nakita ko kung paano siya magpuyat at manatiling gising sa gabi habang gumagawa ng designs.
Ikalawa ay dahil gusto kong patunayan sa iyo na kaya kong makipagsabayan at makipaglaban sa mga professional models sa paligid. At gusto kong patunayan kay Kurt na hindi siya nagkamali sa pagpili sa akin.
Ikatlo, gusto kong maimpress si Ryou. Gusto kong manalo dahil alam kong magiging masaya siya sa para sa akin. Kaya kung ako sa iyo maghanda ka na, nakakahiya naman kung ang katulad kong first timer at BAGUHAN ang makakatalo sa iyo? Diba?“ ito ang mga katagang sinabi ni Yue.
Sa galit ni Jihan ay pinagtangkaan niyang sampalan ang binata ngunit napigilan siya ni Kurt. Agad niyang inilayo si Yue sa nag aamok na kaaway at dinala ito sa kanilang dressing room para maghanda sa kanilang unang entry.
“Bakit ganoon ang ugali ni Jihan? Wala siyang ibang ginawa kundi mang away? Sa tingin ko ay wala siyang pinagkaiba sa mga mababangis na pating at octopus doon sa ilalim ng karagatan,” ang pagtataka ni Yue
Natawa si Kurt, “alam mo kung bakit? Dahil obvious naman na natatakot si Jihan na matalo sa iyo. Pero sa tingin ko ay huwag mo na siyang isipin, magfocus tayo sa contest.”
Tumango si Yue at ngumiti. Dito ay nagsimula na silang maghanda para sa unang segment ng competition. Maririnig mula sa kanilang dressing room ang malakas na pagsasalita ng host sa stage.
HOST: ARE YOU READY??!! Ngayon ay palapit na tayo ng palapit sa most exciting part ng contest! Ilang saglit na lamang at makikilala na natin ang mga kalahok! Sino sa 47 candidates ang mananalo? Your guess is as good as mine! Dahil sa contest na ito ay iisa lamang ang tatanghaling ELITE SUPER MODEL!
Lalong nagwala ang mga audience sa venue dahil sa excitement!
Lalo silang nagsigawan noong iflash sa big screen ang picture ng mga kalahok.
Noong mag flash ang picture ni Yue sa screen ay natahimik ang lahat at napatitig sa kanyang taglay na kagwapuhan.
Ang lahat ay na stun kabilang na si Ryou..
Part 38: Face Off
Part
38
: Face Off
Habang hinihintay ang paglabas ng mga candidate suot ang kanilang mga costumes ay isa isang nag flash ang mga larawan ng nag ggwapuhan at nag gagandahan modelo na kalahok sa Elite Super Modelling Contest. Ito ay mga close up shot upang agad na makilala ng mga judges at audience ang mga candidate.
Malakas ang hiyawan ng mga tao noong mag flash sa screen ang gwapo at napaka seductive na mukha ni Jihan Singh. Sa unang tingin pa lamang ay alam na agad na siya ang “candidate to beat.”
Samantala ay na stun naman ang lahat noong mag flash ang mukha ni Yue sa big screen. Natahimik ang mva audience at lahat sila napatingin na lamang sa napaka gwapong mukha nito. Walang masyadong ayos, fresh look kumbaga ngunit ang kanyang mukha ngunit angat na angat sa lahat. Matapos ang ilang segundong katahimikan ay biglang naghiyawan ang mga audience.
Samantalang si Ryou naman ay hindi maiwasang humanga sa taglay na anyo ng binata. Napa palakpak na lamang siya habang binabalot ng matinding paghanga ang kanyang puso.
HOST: Picture pa lamang ang nakikita ng mga audience ay grabe na ang kanilang hiyawan. Talagang nakakabingi ang pag c-cheer nila sa kanilang mga hinahangaang candidate. Ilang sandali na lamang at lalabas na ang ating mga candidate suot ang kanilang mga unique, captivating at breath taking costumes!
Samantala sa back stage nakahanda ang lahat ng mga candidate. Tatawagin isa isa ang kanilang mga pangalan at irarampa nila ang buong gilas ang kanilang mga suot sa catwalk. Bawal ang magkamali, bawal ang madapa. Ang bawat galaw nila sa entablado ay mamarkahan ng mga judges!
“Sir Kurt, ano po ang surname ni Yue?” tanong ng isang staff.
Napakamot ng ulo si Kurt, nakapila na si Yue sa stage at hindi na niya ito malapitan pa. “Pwede bang walang surname?” tanong ni Kurt.
“Hindi po maaari sir, need po natin ito sa registration ng name,” ang tugon ng staff.
“Naku, hindi ko pa naman alam ang surname lalaking iyon,” ang bulong niya sa kanyang sarili. Pero naisipan na lamang niya na mag imbento ng surname kesa naman walang maibigay. Kung sabagay, wala naman talaga ibibigay na surname si Yue dahil wala namang ganito sa ilalim ng karagatan.
“Fortaleza, Yeah, siya si Yue Fortaleza,” ang sagot ni Kurt habang nakangiti. “Anyway bagay naman sa kanyang surname diba?” ang dagdag ni Kurt.
Makalipas ang ilang sandali ay nag simulang tumutog ang music sa entablado at nagsimula na ring tawagin ng host ang number at pangalan ng mga candidate.
Sa bawat lakad nila ay ipinapaliwanag ng host ang desenyo ng kanilang kasuotan mula sa mga materyales na ginamit hanggang sa accessories nito. Nag f-flash din sa big screen ang pangalan ng designer kasabay ng close up shot ng candidate upang makita ang projection ng mukha nito.
Lalong naging intense ang excitement ng mga audience noong lumabas sa stage si Jihan suot ang creation ni Rezy Vera Cruz. Nakasuot ito ng devil costume na halos kita na ang buong katawan. Kapansin pansin rin ang kanyang matapang na mukha dahil sa make up at sinamahan pa ito ng fierce na mata. Kitang kita rin ang kanyang magandang katawan at ang kanyang abs na lalong nagpasexy sa kanyang dating.
Lumakad si Jihan sa catwalk at noong huminto siya sa gitna ay marahang bumukas ang kanyang itim na pakpak. Nagliwanag ang kanyang hawak na scepter at gayon rin ang kanyang mahahabang kuko. Sinabayan pa niya ito ng perfect na projection ng mukha sa harap ng camera upang makuha ang atensyon ng mga judges. Ang costume ni Jihan ay tinawag na “Dark Lucifer!”
Malakas ang sigawan ng mga audience sa buong arena at halos hindi ito matapos tapos habang siya ay lumalakad sa stage. Noong mga sandaling iyon ay naramdaman ni Jihan na malaki ang chance niyang makapasok sa susunod na round.
Makalipas ang ilang minuto ay tinawag naman ang candidate number 28.
Huminga si Yue ng malalim at marahan siyang lumabas sa entablado. Hawak niya ang puting maskara sa kanyang kamay at nakatakip ito sa kanyang mukha. Suot niya ang kulay puting see through na pajama na hinahangin habang siya ay humahakbang. Kitang kita ang kayang magandang hubad na katawan na parang isang sexy korean model, pati ang kanyang abs ay kapansin pansin rin sa entablado.
Natahimik ang lahat dahil napaka misteryoso ng datingan niya. Noong makalakad siya sa gitna ng catwalk ay marahan niyang inalis ang maskara sa kanyang mukha at dito ay nakita ng lahat ng kanyang napakagwapo at mala diyos mukha.
Naghiwayan ang lahat, audience went crazy noong makita ang kanyang itsura. At mas lalo pang nagbaliw ang mga audience noong nagbitiw siya ng napakaganda at napakatamis na ngiti na kitang kita sa close up shot ng big screen.
Hindi pa dito nagtatapos ang lahat dahil noong umikot si Yue ay ang bago ang kulay ng kanyang damit. Mula sa puti ay naging purong pilak ito at mula sa kanyang likuran ay lumabas ang isang silver na pakpak na ikimangha ng mga judges at ng mga manonood. Nag flash din ang pangalan ni Kurt Sebastian sa big screen. Ang costume ni Yue ay tinawag na “Moon God!”
Noong mga sandaling iyon, ang lahat ay nagtataka kung sino at saan galing ang napakagwapong lalaking. Walang nakaka kilala sa kanya kaya’t ang lahat ay masyadong humanga at stun sa kanyang kagandahan.
Samantala, si Ryou naman ay nakakatitig lang sa mukha ni Yue, pumapalakpak ang kanyang kamay at hindi maiwasang humanga ng todo sa binata, ang ngiti sa kanyang labi ay hindi nawawala.
“Fuck, good looking pala talaga ni Yue pare! Iba ang isang iyan, kaya naman pala takot si Jihan sa kanya!” ang wika ni Gino na halos natulala na lamang habang pinapanood si Yue sa entablado.
“Sabi ko naman sa iyo, may espesyal sa lalaking iyan na gustong gusto. At pagmasdan mong mabuti bro, napakagwapo niya talaga at gusto ko siyang maging shota! Gusto ko rin siyang makasama ng mas matagal pa,” ang sagot ni Ryou, halos hindi na niya napigilan ang kanyang sarili.
“Oo nga bro, I agree! Ibang klase ang isang ito,” ang sagot ni Gino na walang nagawa kundi ang mapahanga rin.
Makalipas ang ilang minuto ay nakatapos ang pagrampa ng lahat. Dito ay muling lumabas ang host at inintroduce ang mga judges. Ibinigay din niya ang mechanics ng contest.
HOST: And there you have it ladies and gentlemen! Our 47 candidates buying for the title Elite Super Model. BUT SADLY kailangan nating icut off ang kanilang number para piliin ang mga candidate na mag aadvance sa next round ng competition. YEAH Right! Tama ang inyong narinig from 47 at pipiliin natin ang top 25 na mag aadvance sa second round. At mula sa 25 ay pipiliin ang TOP 10 Finalist na mag aadvance sa Final Round! BUT before anything else, narito ang first set ng ating special awards.
“First we have the New Face of Biosoap is goes to number 15! Jihan Singh.”
“Eastone Hotel and Resort choice award is goes to number 15! Jihan Singh.”
“The face of Luxury Jewelries is.. Jihan Singh!”
Nagsimula ang announcement mga awards at ang first nito ay hinakot lahat ni Jihan! Wala itong itinapon ni isa, as in kanya lahat! Obviously na paborito siya ng mga judges dahil sikat na ito at kilala sa business industry.
Matapos ang first set ng special awards ay mas lalo pang naging intense ang moment noong isa isang tawagin ang top 25 finalist. Na secure ni Jihan ang kanyang place noong tawagin siya sa ika sampung spot. Sa dami ba naman ng special awards na hinakot niya ay obvious naman na may instant place ito sa semi. Samantalang binabalot naman ng matinding kaba sina Ryou at Kurt dahil anim na lang ang remaining spot at wala pa dito si Yue.
Samantalang maganda ang ngiti ni Jihan, nananalangin ito na malaglag na si Yue sa semi dahil wala naman talaga siyang place sa contest na ito!
Kabado ang mga taong manonood..
HOST: There are FOUR places left and this one is belongs to you.. candidate number 28! Yue Fortaleza!!
Crowd went crazy noong tawagin ni Yue sa pang 21 spot. Samantalang nakahiga naman sina Ryou at Kurt. Nakita naman nila kung gaano ka higpit ang labanan at ang lahat ay talagang mahuhusay. Marami pang mga stand outs ang hindi pa natatawag, marahil ay nagbase din ang mga judges sa charisma ng candidates at sa dami ng mga supporters nito.
“Kinabahan ka ba?” tanong ni Yue kay Kurt noong makabalik ito sa back stage.
“Oo naman, muntik na nga akong hindi makahinga noh. Pero anyway alam ko naman na tatawagin ka dahil isa ka sa crowd favorite. Medyo nakakalungkot lang dahil yung ilan sa mga kaibigan kong baguhan ding designer na katulad ko ay nabigong makapasok sa top 25, pero maaari pa naman silang sumali next year. Para sa mga katulad kong newbie ay malaking bagay na ang maka enter sa semi finals. Salamat Yue, grabe I’m so proud!” ang masayang salita ni Kurt.
Masaya rin si Yue, bagamat may sandali na sumasagi sa isipan niya ang tiyahin na si Marine. Hindi ito nakapanood dahil gabi ngayon at kailangan niyang mag stay sa tubig. Gayon pa man ay nangako ang binata na paghuhusayan niya. Mapapanood naman sa telebisyon ang replay ng contest kaya’t makikita pa rin ito ni Marine bukas.
Habang nasa ganoong pag aayos sina Kurt at Yue sa dressing room ay napadaan muli si Jihan sa kanilang harapan. “Well, congrats sa pagpasok sa semi. Buti naawa sa inyong judges kaya binigyan kayo ng slot.”
“Kailangan ba talaga parati kang pupunta dito para mang asar?” tanong ni Kurt sa kanya.
“Wala namang masama sa sinabi ko dahil ito ay fact! Pero I have this strong feeling na hanggang top 25 na lang kayo so enjoy the moment!” ang sagot ni Jihan sabay tawa na may halong pang iinis.
Ngumiti si Kurt, halatang pinipigilan ang sarili na magalit, “Well, congrats din sa iyo Jihan, sana masaya ka ng awards na binili mo,” ang sagot nito.
Natawa ang mga designers sa paligid. “Whoaa!” ang reaction nila.
Bumakas ang galit sa mukha ni Jihan, “How DARE YOU!” gumalaw ang kanyang kamay para sampalin si Kurt pero humarang dito ang mga kaibigan niyang stylist kaya hindi niya naituloy ang balak na papanakit.
Part 39: Moment of Truth
Part
39
: Moment of Truth
Walang nagawa si Jihan kundi ang itigil ang pag-aamok at bumalik na lamang sa kanilang dressing room.
“Ibang klase rin talaga ng sikmura ng lalaking iyon. Walang delikadesa, naghahanap lagi ng gulo,” ang wika ni Kurt.
“Malakas kasi ang laban niyo kaya naiinis siya. At obvious naman na natatakot siya kay Yue dahil mas favorite ito ng crowd kaysa sa kanya. Tanggapin na lamang niya ang katotohanan na sawa na sa mukha niya yung mga tao at naghahanap sila ng fresh face kagaya ni Yue,” ang sagot ng mga kaibigan niya.
“Yue, taga saan ka ba? Alam mo ngayon ko lang nakita ang mukha mo. Nakatira ka ba sa ibang bansa? Ang ganda ng balat mo at napaka kinis nito, ano bang secret mo? Soap reveal please,” tanong ng kaibigang stylist ni Kurt.
Natawa si Yue at napatingin sa kanyang balat. Naalalala niya yung espesyal na lumot na ipinapahid nila sa kanilang balat para mapanatiling malinis at makinis ito.
“Taga dyan lang si Yue sa tabi ng sea wall, kung di niyo naitatanong ay artist din ang batang ito dahil isa siyang painter. At ang painting niya ay binili ni Ryou Guerrero sa malaking halaga,” ang wika sagot ni Kurt kaya naman mas lalo siya na namangha.
Tuloy ang contest, ngayon ang Top 25 ay lalabas sa stage para i-show case ang kanilang kasuotan sa category na “anything goes.”
HOST: “Anything Goes” meaning ay kahit na anong damit o creation ang nais nilang isuot para mapansin sila ng mga hurado. Ito rin ang kanilang magiging ticket para makapasok sa Top 10 Finalist! ARE YOU READY SEASIDE ARENA??!!!“
Crowd cheering!
Nagsimulang tawagin ang unang semi finalist sa top 25. Dito napuno na naman ng excitement ang buong venue. Ang bawat candidate ay nakasuot ng iba’t ibang kasuotan na likha ng kanilang mga designers. Mayroong nakasuot ng casual wear, school uniform, yukata dress, hanfu at ang iba naman ay tradisyunal dress ng mga native groups.
Malakas ang hiyawan kay Jihan, lumabas ito suot ang sexy rave ourfits na kulay green. Kapansin pansin ang magandang hubog ng kanyang katawan at ang kanyang tanned skin na nagbigay ng justice sa kanyang kausotan. Ang kanyang upper part na katawan ay may armor na nagliliwanag kapag tinatamaan ng ilaw ng entablado. Lumakad ito na parang isang seductive model at sa kada pose ay nagbabago ang expression ng kanyang mukha. Mala modern warrior at spartan ang style ng kanyang suot at talagang mamahaling materyales ang gamit dito mula palamuti sa ulo hanggang sa kanyang mga paa.
Makalipas ang ilang sandali ay lumabas naman si Yue, suot ang merman inspired na dress. Hubad ang kanyang pang itaas na bahagi ng katawan ngunit ang kanyang braso ay may silver na kaliskis at palikpik. At ang kanyang pang ibabang damit ay merman style na kulay silver pants. At mas lalo pang namangha ang tao dahil habang lumalakad siya ay nagliliwanag ang kanyang suot na pang ibabang damit at ang palikpik na nakapalibot dito. Maamo ang kanyang mukha at sa kada ngiti na kanyang ginagawa ay nagiging wild ang mga audience sa buong venue.
Samantalang nakatahimik lang si Ryou, noong makita niya si Yue sa ganitong kasuotan ay biglang nag “flash” sa kanyang isipan ang imahe ng mermaid na nagligtas sa kanya sa karagatan. Hindi niya maunawaan ngunit kumabog ng malakas ang kanyang puso habang nakatitig sa binatang nakasuot ng merman na creation. Medyo malapit ang itsura ni Yue sa merman na nagligtas sa kanya!
“Ayos ka lang ba pare?” tanong ni Gino sa kaibigan noong makita nakatahimik lang ito.
“Ayos lang ako, mayroon lang akong naalala,” ang sagot ni Ryou.
“Don’t tell me iniisip mo na si Yue yung sirenang na nagligtas sa iyo? Porket ganyan ang suot niyang damit?” pang aasar ni Gino.
Hindi naman sumagot si Ryou, kinatukan lang niya sa ulo ang kaibigan saka tumawa ng malakas. Bagamat iyon nga ang nasa isip niya.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos rumampa ang lahat. Agad na umakyat ang host hawak ang resulta ng tabulation scores. Ang lahat ay kinakabahan noong mga sandaling iyon pati ang audience ay panandaliang tumahimik.
Suspense Music Playing..
Nagsimula ang pagtawag sa top 10 finalist. Tinawag ang pangalan ni Jihan sa ikatlong spot kaya naman na secure na niya agad ang kanyang pwesto. Mas lalong naexcite ang crowd dahil tinawag si Yue sa ikalimang spot!
Halos naiyak na lamang si Kurt sa matinding kaligayahan! Sa 18 na baguhang designers na lumaban sa contest ay siya lamang nakarating sa TOP 10. Proud na proud sa kanya ang mga kaibigan at binuhat pa siya ng mga ito! Malaking karangalan na ang top 10 lalo’t maraming mga professional designers ang hindi pinalad na maka penetrate sa finals ngayong taon.
Noong moment na iyon ay marami na ring mga company ang lumalapit nag ooffer kay Kurt bilang maging inhouse designer at dagsa na rin ang mga manager ag producer na nag aabang kay Yue sa back stage.
Samantalang hindi na itago ni Ryou ang kanyang kaligayahan! Nagdesisyon siya na liliwagan na ang binata at hindi na niya hahayaang mawala ito sa kanyang mga mata. Pero paano si Jihan? Hindi niya alam, basta ang gusto lamang ni Ryou ay maging masaya kasama ang taong kanyang nagugustuhan.
Sa kabilang banda ay hindi maitago ni Jihan ang pag-inis at ang kanyang galit dahil nakapasok pa rin ang kanyang karibal sa Top 10 finalist. Ngayon, ang tanging magagawa na lamang niya ay paghusayan upang hindi makawala ang titulo sa kanyang mga kamay. May tiwala rin siya sa mga kaibigan ng kanyang ama na nakaupo ngayon bilang judge ng contest!
“Relax ka lang Jihan, I’m sure naman na mananalo ka eh,” ang wika ng kanyang designer na si Rezy.
“Dapat lang na manalo ako! Hindi ako papayag na matalo ng isang baguhan!” ang sagot ni Jihan.
“Well kung ang pagbabasehan ay ang experience at professionalism sa pagmomodelo ay 100% sure na ikaw ang mananalo dahil popular ka na at alam na nila ang market ng fan base mo. Pero kung ang pagbabatayan ng judges ay ang “fresh face” baka makuha ito ni Yue. Pero okay lang naman ang first runner up diba? Malaking karangalan na rin iyon,“ ang tugon ni Rezy habang nakangiti.
Humarap sa kanya si Jihan at sinampal siya, “Shut up! Kakampi ba kita o kalaban? Ayoko ng first runner up at lalong ayokong maging clapper! Gusto kong manalo at maging ELITE SUPER MODEL! Kaya gawin mo ang best mo para maipanalo ako! Matandang bakla!” ang sigaw ni Jihan.
Tuloy ang contest at ngayon ay mas lalong naging intense ang bawat sandaling lumilipas..
HOST: Palapit na tayo ng palapit sa moment of truth. Ngayon ay nandito na tayo sa pinaka finale segment ng ating competition kung saan ipapakita ng mga candidate at kanilang mga creative designers ang totoong meaning ng elegance, glamour at poise! Huwag na natin patagalin pa! Simulan na natin ang FINAL ROUND ng Elite Super Modelling Competition!
Lumabas si Jihan suot ang metallic red suit. Nagliliyab ang kanyang kagwapuhan sa entablado. At mapapansin rin na napaka elegante ng design ng damit.
Huminto si Jihan sa gitna ng catwalk at marahang inalis ang pagkaka butones ng kanyang suit kaya’t lumabas na naman ang kanyang sexy at magandang katawan.
Makalipas ang ilang sandali ay lumabas si Yue suot ang see through na ternong pants at long sleeve. Kitang kita na ang magandang hubog ng kanyang katawan. At ang tanging takip na lamang dito ay ang mga silver rhinestone na nakapalibot sa kanyang dibdib pababa sa kanyang braso. Bumagay rin ang silver scarf sa kanyang leeg na hinahangin habang siya ay naglalakad.
May takip din maraming rhinestone ang lower part ng kanyang katawan upang maikubli ang kanyang private part. Pero kung pagmamasdan sa malayo ay parang hubad na talaga ito. Kumikinang lang ang kanyang buong katawan dahil sa dami ng batong nakapalibot dito.
Noong tumalikod si Yue ay halos nakikita na ang kanyang pwet bagamat punong puno pa rin ng rhinestone ang lower part ng pants! Mas malakas ang cheering ng audience sa kanyang pangalan at noong gabing iyon ay naging popular na rin ang pangalan ni Yue.
Matapos rumampa ang 10 finalist ay nagkaroon muna ng kaunting intermission number bago muling umakyat ang host sa stage hawak ang resulta ng contest.
Bago iannounce ang resulta ay muling tinawag ang mga candidate sa stage at this time kasama na nilang lumakad ang kanilang mga designers.
It was a touching moment noong lumabas si Yue at Kurt na magkahawak ang kamay. Hindi mapigilan ng kurt ang mapa iyak na lamang dahil sa matindiny kaligayahan. At mas lalo pa siyang naiyak noong icheer siya ng mga audience at isigaw ang kanyang pangalan.
Masaya na si Kurt noong mga sandaling iyon dahil para na rin siyang nanalo. Kahit hindi na manalo si Yue ng kahit na anong pwesto ay habang buhay na siyang magiging proud.
HOST: Narito na ang aking kamay ang resulta ng competition. Sino kaya sa ating Top 10 finalist ang tatanghaling Elite Super Model of the Year? Pero bago iyan ay magbibigay muna tayo ng special awards.
“The first award is brought to you by Shining Smile Toothpaste. And the best in close up smile is non other than.. number 28! Yue Fortaleza!”
“Next award is the most beautiful FACE OF THE NIGHT! And the winner is.. number 28! Yue Fortaleza!”
“Next is the FACE OF ELITE SUPER MODEL.. non other than.. number 28! Yue Fortaleza!”
Crowd cheering..
Matindi ang pagwawala ng mga tao sa venue!
Hinakot ni Yue ang lahat ng special awards noong gabing iyon. Halos hindi siya makapaniwala ang sa mga nangyayari. Wala naman siyang inaasahang kahit ano, basta ang mahalaga ay nakarating siya sa finalist.
Samantala ay halos sumabog sa galit si Jihan noong mga sandaling iyon lalo’t ang mga gusto niyang awards ang napunta kay Yue katulad ng Face of the night at Face of ESM.
Hindi niya mapigilan ang galit noong mga sandaling iyon, nasaan na ang mga kaibigan ng kanyang ama? Nasaan na yung mga perang ibinayad nila para manalo?
Noong mga sandaling iyon ay nakatingin lang ng masama si Jihan kay Yue at hindi na siya masaya sa mga nangyayari. Lalo lamang siyang kinabahan dahil baka makawala pa sa kanya ang titulong inaasam-asam.
Part 40: Conclusion
Part 4
0
: Conclusion
Bago iannounce ang nanalo sa contest ay nagkaroon muna ilang minutong fire works display. Nagliwanag ang buong paligid at ang makukulay na fire crackers ay gumuhit sa alapaap.
Noong mga sandaling iyon ay nakangiti lamang si Yue habang nakatanaw sa makukulay na paputok sa langit. Kahit ano ang maging resulta ng contest ay proud na rin at masaya na siya sa kanyang naabot.
Humarap siya kay Kurt at ngumiti.
“Thank you,” ang salita ni Kurt, baka ang luha ng kaligayahan sa kanyang mga mata.
“Ako yung dapat magpasalamat sa iyo, manalo matalo ay ikaw ang pinaka “the best” the stylist at designer para sa akin,“ ang sagot ni Yue at niyakap niya si Kurt na noon ay patuloy sa pag iyak.
Samantala, sa kabilang banda ay inggit na inggit si Rezy ang designer ni Jihan. Naisip niya na sana ay naappreciate din siya ni Jihan ngunit sa ngayon ay wala itong pakialam sa kanya. Ni hindi nga siya nagawang pasalamatan. Naakit lamang siya sa malaking halagang inioffer nito kaya siya pumayag na maging designer ng binata, hindi naman siya aware na ganito ka sama ng ugali nito.
Makalipas ang ilang minutong fire works display ay muling umakyat sa stage ang host at dito ay muling tumugtong ang suspense music.
HOST: Ito na ang moment of truth. Ngayon ay i-aannounce na natin ang mga nanalo sa contest na ito. At simulan natin sa 2nd Runner Up..
“The second runner up is candidate number 6! Leo Smith!”
Crow cheering..
Mas lalo pang binalot ng kaba at excitement ang buong venue.
HOST: There are 9 candidates standing before me. Pero dalawa na lamang ang spot na nalalabi. At ikaw ang First Runner Up..
“You are the First Runner Up! Number 28! Yue Fortaleza!”
Noong mga sandaling iyon ay napasigaw si Ryou sa sobrang tuwa! Hindi napigilan ang kaligayahan noong tawagin si Yue. Samantalang walang mapaglagyang kaligayan si Kurt. Parang isang panaginip na sila ay nanalo! Wala siyang ibang nagawa kundi ang yakapin ang binata at pasalamatan ito sa kanyang effort na ipanalo ang laban.
Samantala ay malakas na binanggit ng host ang grand champion. “Jihan Singh IS THE NEW ELITE SUPER MODEL!!”
Bumagsak ang makukulay na confetti sa stage bilang pagsalubong at pag cecelebrate sa kanilang pagkapanalo.
Lumakad si Jihan sa stage habang kumakaway, masayang masaya ito sa kanyang naging tagumpay. Samantala ay kapansin pansin na maraming lumapit kay Yue na mga models at designers para icongratule ang kanyang tagumpay. Kung titingnan sa stage ay parang siya ang nanalo dahil siya ang pinagkakaguluhan ng mga candidate para batiin.
May ilang lumapit kay Jihan pero dineadma niya ang mga ito. Sa wakas ay nagtagumpay siya at napatunayan niya sa lahat na siya ang pinakamahusay at pinaka de kalibreng modelo sa bansa!
HOST: And there you have it ladies and gentlemen! Congratulations to all the winners and see you again next year! This is Anthony Choi your master ceremony! Good night!!
Natapos ang contest at pagbaba ni Yue sa back stage ay agad siyang sinalubong ni Ryou. Proud na proud ang binata. “Congratulations,” ang pagbati nito sabay abot ng isang kumpol na pulang bulaklak. “At sayo rin Kurt, congratulations. Tiyak maraming mag oopen mas malalaking opportunity sa iyo after this,” ang dagdag pa ni Ryou.
“Salamat po sir Ryou, painom ka naman dyan,” ang biro ni Kurt.
“Sure naman, saan niyo gustong mag celebrate?” tanong ni Ryou habang nakangiti.
“Kailangan ko na umuwi, okay lang ba?” tanong ni Yue.
“Are you okay? Napagod ka ba?” tanong ni Ryou, hinubad niya ang suot ng jacket at pinatong sa balikat ni Yue para hindi ito lamigin. Niyakap din niya ito ng mahigpit at bumulong, “I’m so proud of you!”
Nakasubsob lang si Yue sa kanyang dibdib. Amoy na amoy niya ang mabangong katawan ng binata. At habang nasa ganoong posisyon sila ay bigla na lamang ay sumugod si Jihan sa kanilang kinalalagyan at hinila ang kanyang katawan partikular sa kanyang buhok dahilan para malayo siya kay Ryou!
“Ryou! Wala ka na ba talagang kahihiyan?! Ako yung nanalo diba? Pero bakit sila ang kasama mo?! Bakit iyang lalaking wirdong iyan ang niyayakap mo kaysa akin?! Hindi mo ba alam kung gaano kasakit sa akin iyang ginagawa mo?” ang galit na sigaw nito.
“Jihan, sinubukan kitang lapitan kanina ngunit hindi mo ako pinansin dahil busy ka sa pagsagot sa interview ng press at sa pagpapapicture nila sa iyo. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi mo kailangan manakit ng ibang tao kung mayroon kang mga bagay na hindi nagugustuhan, wala ka na ba talagang kahihiyan? Bakit parati kang gumagawa ng iskandalo?” tanong ni Ryou sa kanya.
“Kahihiyan? Iyan ang walang kahihiyan!” ang sagot ni Jihan sabay turo kay Yue. “Yang pokpok na iyan ang dahilan ng lahat ng ito! Malandi iyan at mahilig magpapansin para maka kuha ng simpatya!”
Nagdatingan na ang press, ang ibang kumukuha na nga video at pictures sa skandalong nagaganap. Napansin ni Kurt na hindi na komportable si Yue sa mga nangyayari kaya naman naisipan niyang ilayo na lamang ito.
“Sir Ryou, aalis na lamang kami. Pasensiya na po sa gulong ito,” ang wika ni Kurt sabay hawak sa kamay ni Yue at niyaya na niya itong lumakad palayo. Agad niyang isinakay sa kanyang sasakyan ng binata na noon ay tila malalim ang iniisip.
Samantalang naiwan naman sila Ryou at Jihan doon sa venue upang harapin ang kontrobersiya na nananagap sa harapan ng maraming tao.
“Huwag ka na malungkot, hindi ka na nasanay sa ugali ni Jihan. Hindi ba’t una pa lang naman ay talagang mahilig na siya sa skandalo,” ang wika ni Kurt
“Alam mo gusto ko talaga siyang patulan at awayin din kanina kaso nga lang ay ayokong sirain yung masayang moment ng pagkapanalo natin,” ang sagot ni Yue habang nakatingin sa trophy na kanyang hawak.
Maya maya ay ibinigay niya ito kay Kurt, “para sa iyo ito,” ang dagdag pa niya.
“Naku, sa iyo ang award na iyan, pinaghirapan mo iyan,” ang tugon ni Kurt habang nakangiti. “Okay na sa akin itong certificate.”
“Pinaghirapan mo rin naman ito, at ang tropeyong ito ang magiging patunay na isa kang mahusay na designer. Idisplay mo ito sa salon mo para makita ng lahat ang achievement mo,” ang nakangiting tugon ng binata.
Teary eyes na tinanggap ni Kurt ang trophy, “salamat Yue, hindi ako nagkamali ng pagpili sa iyo. Pero sayang talaga no? 0.2 lang ang lamang ng score ni Jihan sa iyo, halos tie na kayong dalawa.”
“Okay lang iyon, ang mahalaga ay nanalo tayo at may napatunayan sa kanila,” ang tugon ng binata.
“I think, tayong dalawa na lang ang magcelebrate!” ang masayang wika ni Kurt, huminto siya sa isang bukas na store at bumili ng pagkain para sa kanilang dalawa.
“Jihan, feeling ko mali talaga yung ginawa mo kanina. Nahaluan tuloy ng ibang issue yung pagkapanalo mo. Mabuti na lang talaga ay dumating kami para ipull out ka sa scandalous drama na iyon,” ang wika ni Lexie.
“Unfair si Ryou! Nagsinungaling pa siya at sinabing nilapitan niya ako pero hindi naman talaga dahil yung malanding lalaking na iyon yung talagang gusto niyang lapitan!” ang galit na sagot ni Jihan.
Jihan, actually nagsasabi ng totoo si Ryou, sinubukan ka niyang lapitan kanina kaso ay sobrang busy mo kaya hindi mo siya napansin. At ngayon ay kalat na kalat na sa social media yung nangyari kanina,“ ang tugon ni Lexie.
“At hindi rin ako makapaniwala na 0.2 lang ang lamang ko kay Yue, halos muntik na niya akong matalo! Bakit hindi niyo namonitor mabuti ang scoring? Kaya nga kayo nandoon diba? Sana ay pinalaki niyo man lang ang lamang ko!”
“Actually yung mga friends ng daddy mo ay matataas talaga ang ibinibigay na score sa iyo. Pero mataas din ang bigay nila kay Yue kaya parang naghahabulan ang inyong score. Tie nga kayo sa 2nd category at hindi na ito nagawang ibreak pa ng chairman.”
“Fuck talaga! Kailan ba mawawala sa landas ko yang Yue na iyan?!” ang gigil na sagot ni Jihan.
“Hindi mawawala sa landas mo si Yue pero pwede mong makuha at agawin ang atensyon ni Ryou. Subukan mo kayang maging simple lang? Katulad ng looks niya,” ang tugon ni Lexie.
“At bakit ko naman gagawin iyon? Ayokong maging kasing weird niya,” ang sagot ni Jihan.
“Nah! Hindi naman weird yon, infact simplicity is beauty. Itry mo lang maging simple at iwasan mong maging mainitin ang ulo. At alam mo ba ang tawag sa iyo ng mga security guard doon sa building ng company ni Ryou Guerrero?”
“Ano naman?” tanong ni Jihan
“Well, tinatawag ka lang naman nilang “slapped king” dahil sa kapag nagpupunta ka daw doon ay lagi kang nananampal ng walang dahilan. Kaya kahit magwapo ka at mayaman ay ayaw nila sa iyo,“ ang sagot ni Lexie.
Napabuntong hininga si Jihan, “Eh paano naman ang papangit nila at mga amoy pawis pa!”
“Ang sarap kaya ng mga guard! Secure na ang buhay mo, secure pa ang puso mo! Huwag mo nga silang maliitin at idown!” pag salungat ni Lexie.
“Yuck Lexie! Don’t tell me may fetish ka sa mga security guards at sa uniform nila? How cheap! Ikaw ang magmamana ng lahat ng kayamanan niyo tapos ay sa security ka lang babagsak?”
“Wala namang masama doon. Teka nga, wag na nga ako pag usapan natin. Let’s talk about you at kung paano mo ma-wiwin back ang loob ni Ryou. Dahil tiyak na galit na naman siya sa iyo dahil sa ginawa mong iskandalo kanina. Kailangan mong magpakumbaba at manghingi ng sorry sa kanya,” suggestion ni Lexie.
“Mag hihingi ako ng sorry kay Ryou, pero NEVER akong manghihingi ng sorry sa peste lalaking mangkukulam na iyon! Fuck! Isa siyang loser!”
Part 41: A Night To Remember
Part 4
1
: A Night To Remember
“Cheers! Uminom ka na lang juice, alam ko namang di mo kayang uminom ng alak,” ang masayang salita ni Kurt, nagdesisyon silang mag celebrate ni Yue sa isang maliit na store.
“Ayoko naman talaga ng lasa ng alak,” ang sagot ni Yue, habang kumakain ito ng crackers.
“Gustong gusto mo pala yung fish crackers?” tanong ni Kurt sa kanya.
“Oo naman, masarap din pala yung ganitong pagkain. Madalas kasi ay puro hilaw na isda lang ang kinakain ko doon sa amin,” ang sagot ni yue.
“Hilaw na isda? As in? Ahhh alam ko na, baka naman favorite mo ang Sashimi,” sagot ni Kurt.
“Sashimi? Ano naman iyon?” pagtataka ni Yue.
“Isang uri ng Japanese delicacy consisting of fresh raw fish sliced into thin pieces and often eaten with soy sauce. Masarap iyon, next time igagawa kita ng Sashimi,” ang paliwanag ni Kurt.
Habang nasa ganoong posisyon silang dalawa ay bumukas ang mini store at dito ay pumasok si Ryou. Hindi naman inaasahan ng binata na makikita niya sina Yue at Kurt dito.
“Bakit nandito kayong dalawa?” tanong ni Ryou.
“Nag c-celebrate kami sir! Bakit nandito ka?” tanong ni Kurt.
“Actually bibili lang sana ako ng bottled water. Iyan na yung celebration niyo?” pagtataka ni Ryou noong makita ang ilang plastic ng crackers at inumin. Hindi naman man lang nililingon ni Yue at parang wala itong nakikita.
“Yes sir, ganito lang talagang mag celebrate ang mga simpleng tao,” ang nakangiting sagot ni Kurt.
Parang naawa si Ryou sa dalawa. Agad siyang tumawag sa kanilang bahay upang magpahanda ng masarap na pagkain. “Doon na kayo sa bahay ko mag celebrate. Nakita ko yung hard work niyo at hindi niyo deserve na iyan lang ang kakainin niyo,” ang tugon ng binata.
“Naku sir Ryou, huwag na po. Baka maya maya ay sumulpot na naman doon yung baliw na si Jihan at biglang magkaroon ng gulo,” ang pagtanggi ni Kurt.
Natawa si Ryou, “Don’t worry wala na si Jihan, tiyak na nakauwi na iyon. Sumama na kayo sa akin, naghihintay doon si Gino at yung mga maid na fan ni Yue. Halos malatin yung mga iyon kaka cheer kanina doon sa venue. Baka naman daw maaaring magpakuha ng larawan sa kanya.”
Tumingin lang sa kanya si Yue habang kinakagat ang fish crackers, pero hindi ito kumibo. Parang nagtatampo ang binata dahil sa nangyari kanina.
“Ganoon naman pala, tara na bahay nila Sir Ryou! Mahaba pa naman ang gabi oh, 1am pa lang,” ang masayang wika ni Kurt.
Hinawakan ni Ryou ang kamay ni Yue, “lets go?” ang boses niya ay may panunuyo.
Tumango si Yue pero bago ito tumayo ay kinuha lahat ng fish crackers at isinilid sa kanyang bag. Nangiti si Ryou dahil ang cute niya at parang inosenteng bata sa masarap kurutin ang pisngi.
At iyon ang set up, nagtungo sila sa bahay ni Ryou Guerrero. At noong pagdating nila dito ay napatingala na lang sila dahil para itong isang malaking hotel na may malawak na swimming pool sa harapan ng bakuran.
Pagbaba pa lang ni Yue ng saskayan ay nagtakbuhan na ang mga maid hawak ang kanilang mga camera at nag papicture na agad ang mga ito.
“Sir Ryou, ang pogi pogi pala talaga niya sa personal! Grabe sobrang handsome ng face niya sa malapitan!” ang namamanghang wika ng mga ito.
Nakangiti naman si Yue at isa isang pinaunlakan ng binata. “Ang bait pa niya sir Ryou, unlike kay Sir Jihan na bruha at laging feeling badtrip,” ang dagdag pa ng isa.
Natawa na lang si Ryou. Hindi naman siya mahigpit sa mga kasambahay. Ang bawat isa dito itinuturing niyang pamilya. Dahil dito ay talagang mahal na mahal siya ng lahat ng workers niya loob ng bahay.
Maya maya ay lumapit naman si Gino kay Yue at pati siya ay na stun sa angking kagandahang lalaki ng binata. Tinitigan ni Gino ang bawat anggulo ng mukha nito na parang bang sinusuri at kinakabisado. “Perfect.. napaka gwapo mo naman. May boyfriend ka na ba? Pwede ba ako manligaw?” ang salita nito.
Natawa si Ryou at hinila ang kaibigan palayo, “Sira! Huwag mo ngang ipakita kay Yue yung pagiging manyak mo.”
“Kaya naman pala medyo nawawala ka sa sarili nitong mga nakakaraang araw. Nababaliw ka na pala sa kanya. Kung hindi mo kayang magtapat sa kanya, ako kaya bro!” ang biro ni Gino.
“Gago! Sira ka ulo ka talaga! Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon,” ang sagot ni Ryou.
“Paano si Jihan?” tanong ni Gino.
“Oh edi court her. Best friend kita diba? Ikaw ang bahala kay Jihan, I think kayang kaya mo na siyang ihandle. Ipinauubaya ko na siya sa iyo,” ang hirit ni Ryou habang nakangisi.
Nagsimula ang celebration, nagpahanda si Ryou ng masasarap na pagkain para sa kanyang mga bisita. Ang lahat ay naki join sa kasiyahan habang tumutugtog ang masayang music sa labas ng bakuran.
Nagsalin din ng wine si Ryou at itinaas niya ang kanyang baso.
“Cheers! Congratulations Yue and Kurt! Sana ay simula na ito ng magagandang opportunity na darating sa kanilang buhay.”
Itinaas ng lahat ng kanilang mga baso..
“Cheers!”
“Dito ka pala nakatira, ang laki ng bahay mo,” ang wika ni Yue habang iniikot ang kanyang mata sa malaking tirahan ni Ryou.
Nahiya si Ryou, humble talaga ng binata, “Oo, ito ang resulta ng aking hard work, someday dito ka na rin titira kapag mag-asawa na tayong dalawa,” ang sagot niya na may mahinang boses.
“Ano yun? Ang lakas ng music, hindi ko narinig yung sinabi mo,” ang tugon ng binata.
“Wala, gusto mo bang ipasyal kita sa loob?” tanong ni Ryou.
Tumango si Yue at ngumiti, “Sure,” ang pagsang-ayon niya.
Hinawakan ni Ryou ang kanyang kamay at nagsimulang silang lumakad sa loob ng bahay. Bawat sulok ng bahay ni Ryou ay mayroong paintings. Ang mga kagamitan ay halatang mamahalin kabilang na rito ang mga desenyo ng pader at mga haligi.
Samantala ay proud na proud si Ryou habang ipinapasyal ang binata sa loob ng kanyang bahay. Mula sa dine in area, entertainment room, sa kitchen at ipinakita rin niya ang kanyang work out room na punong puno ng gym equipments upang mapanatiling maganda ang kanyang katawan.
“Gusto mo bang mag work out dito mismo? May alam akong program para sa iyo,” ang alok ni Ryou pero wala na si Yue sa kanyang tabi. Habang nagsasalita siya ay napatingin ang binata sa isang malaking aquarium sa isang parte ng bahay kaya’t pinuntahan niya ito.
“Kawawa niyo naman, siguro namimiss niyo na ang dagat? Hayaan niyo kakausapin ko si Ryou na ibalik kayo doon sa tirahan ninyo,” ang wika niya habang kinakausap ang mga isda sa loob ng aquarium.
Natawa na lang si Ryou habang nakatayo ito sa kanyang likuran, “Don’t tell me nauunawaan mo yung mga sinasabi nila?”
Tumango si Yue, “Oo, ang sabi nila ay gusto na nilang umuwi at mas gusto nila ang salt water kaysa sa fresh water. Bigyan mo ako ng asin,” ang sagot ng binata.
“Asin?”
“Oo, bigyan mo ako ng asin,” ang sagot niya.
Agad na kumuha ng asin si Ryou at ibinigay sa binata. Ibinudbod ni Yue ang asin sa tubig at dito ay kitang kita ni Ryou kung paano maging masigla ang mga isda sa loob ng aquarium. Umiikot ikot pa ang mga ito na parang nagsasayaw sa kanilang harapan. Namangha si Ryou, napatingin na lang siya sa mukha ni Yue na noon ay masayang masaya habang sinusunda ang mga isda sa loob ng aquarium.
“Kakaiba talaga siya, ang cute,” ang bulong ni Ryou sa kanyang sarili.
Makalipas ang ilang saglit ay nagdesisyon naman si Ryou na dalhin si Yue sa kanyang silid. Nais niyang ipakita sa binata ang kanyang painting. At nais rin niyang makita ang reaksyon nito.
Pagpasok nila sa loob ay agad na isinama ng binata si Yue sa kanyang working area. Marahan niyang kinuha ang kanyang artwork at inialis niya ang puting tela na nakacover dito.
“Ito ang aking painting, nais kong marinig ang iyong comment,” ang wika ng binata.
Tumambad sa harapan ni Yue ang art work ni Ryou. Imahe ito ng isang lalaki na nakalubog sa karagatan at yakap siya ng isang merman na may silver na buntot.
Noong mga sandaling iyon ay nagbalik sa ala-ala ng binata ang ginawa niyang pagligtas sa binata noong kasagsagan ng lindol sa karagatan. Halos ganitong ganito ang senaryo nilang dalawa. Hindi niya akalaing ipipinta ni Ryou ang mga bagay na ito na kanyang naranasan.
“Ang lalaking iyan sa larawan ay ikaw, tama?” tanong ng binata.
Tumango si Ryou, “Oo, at hanggang ngayon ay naniniwala ako na isang sirena ang nagligtas sa akin. Alam kong iniisip mo na weird ako pero ito talaga ang mga bagay na gusto kong panindigan,” ang sagot ni Ryou sa kanya.
“Naniniwala ako sa iyo, at huwag mong isiping pinagtatawanan kita,” ang sagot ni Yue at may kinuha siyang isang bagay sa loob ng kanyang bag.
Isang maliit na container ito na naglalaman ng kulay puting cream na animo glue. “Ano iyan?” tanong ni Ryou.
“Isa itong espesyal katas ng sea weeds na matatagpuan sa isang isla sa karagatan. Ginamit namin ito ni Kurt para mas mapaganda pa ang aking costume kanina sa contest,” ang paliwanag ni Yue.
Kumuha siya ng kaunting amount ng cream sa container at ipinahid sa buntot ng mermaid sa painting. Makalipas ang ilang saglit ay nag glow ang silver na buntot nito noong tamaan ng liwanag mula sa lampshade.
Ito ay kapareho na rin ng painting na ginawa niya noon.
Namangha si Ryou at lalo siyang natuwa noong makita ang malaking pagbabago sa kanyang artwork. Mas lalo itong nabuhay at mas lalong naging realistic pagmasdan.
Humarap sa kanya si Yue at ngumiti.
Tumingin sa kanya si Ryou, marahang niyang hinaplos ang makinis na mukha ng binata
Tahimik sa buong silid..
Marahang gumalaw ang mukha ni Ryou at hinalikan niya ang binata sa labi..
Ito ang unang pagkakataon na hinalikan ang labi ni Yue at hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam. Tila ba huminto ang kanyang mundo..
Ito ang gabi na hinding hindi niya makakalimutan.
Part 42: Successor
Part 4
2
: Successor
Noong mga sandaling iyon ay huminto ang mundo ni Yue, ito ang unang beses na siya ay nahalikan at hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam. Ang kanyang dibdib kay kumakabog na para bang gustong nitong lumabas sa kanyang katawan.
Ganito pala ang unang halik, kusang pipikit ang iyong mga mata kapag dumampi na ang kanyang labi na sa iyong labi. Kusa rin itong gagalaw na parang sumasabay sa isang romantikong musika.
Ilang sandali ring magkadikit ang kanilang labi at magkayakap hanggang sa kusa silang magbitiw. Nginitian nila ang isa’t isa at dito ay hindi napigilan ni Ryou na yakap muli ng mahigpit si Yue.
Kapwa sila nagkahiyaan pero ang saya sa kanilang mga puso ay hindi mapapantayan. At ngayon ang lahat ay parang isang fairy tale na nagaganap. Napaka magical ng moment at hindi nila ito basta basta malilimot.
Matapos silang romantic kissing moment na iyon ay ilang sandali rin silang hindi nagkibuan. Lumabas sila ng silid na may nararamdamang hiya sa isa’t isa bagamat ang kanilang kamay ay magkahawak habang naglalakad.
Hindi alam ni Yue ang kahulugan ng halik na iyon, basta ang alam lamang niya ay masarap ito sa pakiramdam at kakaibang kaligayahan ang kanyang naramdaman habang magkadikit ang kanilang mga labi.
At para naman kay Ryou, ang halik na iyon ay napaka espesyal dahil espesyal rin sa puso niya ang binata at aminado naman siya sa kanyang sarili na may gusto na dito.
“Salamat sa masayang gabing ito,” ang wika ni Yue habang nakangiti.
“Ako nga dapat magpasalamat dahil na appreciate mo yung painting ko. At mas lalo pa itong gumanda noong ni retouch mo,” ang nakangiting sagot ni Ryou.
“Paano kung isang araw ay makakita ka ng totoong merman, anong gagawin mo?” tanong ni Yue sa kanya.
“Hindi ko alam, pero kung ang makikita ko ay yung merman na nagligtas sa akin mula sa tiyak na kapahamakan ay pasasalamatan ko siya at ibibigay ang kahit na anong naisin niya,” ang sagot ni Ryou.
“Ayon sa mga alamat ay may kakayahan din namang ibigay ng sirena ang kahit na anong bagay na naisin mo. May kakayahan silang tumupad ng kahilingan, kahit na anong hiling. Kaya kung makakakita ka ng isa ay maging mabuti ka sa kanya, malay mo ay tuparin niya ang bagay na nais mo,” ang paliwanag ni Yue.
“Hmm, totoo naman kaya iyan?” tanong ng binata.
Nagkibit balikat si Yue, “siguro. Iyon naman ay KUNG makaka kita ka nga ng isa.”
“Alam mo, minsan nagtataka ako kung bakit marami kang alam sa mga ganyang bagay,” pagtataka ni Ryou.
“Dahil weird ako at iyon ang pinaka espesyal sa akin,” ang simpleng sagot ng binata sabay bitiw rin ng simpleng ngiti.
KINABUKASAN.
“Congratulations Yue, sobrang gwapo mo kagabi. Pero dapat ikaw ang nanalo hindi yung si Jihan Singh na iyon. Hamak husay mo kagabi kaysa sa kanya,” ang masayang pagbati ng mga kapitbahay ng binata na nanoood at sumuporta sa kanya kagabi.
“Nakita mo na? Lahat ay tuwang tuwa sa pagkapanalo mo. Kagabi ay talagang nagdarasal ako sa bathala ng karagatan na gabayan ka at bigyan sa lakas ng loob para ipanalo ang contest. Masaya ako at narinig niya ang panalangin ko. Gusto kong malaman mo na sobrang proud ako sa iyo, Yue,” ang masayang salita ni Marine habang pinagmamasdan ang mga larawan ni Yue sa camera ni Kurt.
Ngumiti ang binata, “ginawa ko lang ang best ko at sinunod ko lang ang lahat ng itinuro niyo ni Kurt sa akin.”
“Nakita ko kung paano mo pinagpaguran ang bagay na ito. At sobrang saya ko sa naging resulta, alam mo naman na kahit manalo o matalo ay proud pa rin ako sa iyo.”
“Salamat tiya, naisip ko na gamitin rin ang pagmomodelo para kumita tayo ng kahit na kaunti para sa ating araw araw na gastusin.”
“Sigurado ako na minsan sa isang araw ay darating dito para alukin kang maging modelo ng kanilang produkto. At ito na ang magiging simula ng malaking pagbabago sa buhay mo,” ang sagot ni Marine na hindi maitago ang excitement.
Habang nasa ganoong paglalakad ang dalawa ay nagulat sila noong may isang lalaking bumangga sa kanilang harapan. Halatang sinadya nitong bumangga kay Yue, hindi umiwas ang lalaki at nanatili lamang siyang nakatayo sa kanyang kinalalagyan. Samantalang muntik naman ma out-balance si Yue.
Napalingon sa kanya si Yue at Marine. Pareho nilang naamoy na ang lalaking bumangga sa kanila ay isa ring merman na nagmula sa ilalim ng karagatan.
Tahimik sa paligid ng sea wall.
Nanatiling nakatayo ang lalaki sa kanyang kinalalagyan at maya maya ay humarap ito kina Yue at Marine saka ngumisi. Suot niya ang isang faded na maong jeans at lumang tshirt na itim. Kitang kita rin ang kanyang makinis at gwapong mukha.
Tila hindi na napigilan ni Marine magtanong sa binata. “Sandali ginoo, isa ka ring merman tama? Ano ang ginagawa mo dito sa high land?” tanong niya.
Sumagot ang lalaki, “Narito ako upang isagawa ang isang mahalagang assignment. Isang misyon na nabigong isagawa ng isang traydor na merman.
“Anong misyon naman iyon?” tanong ni Yue na nakaramdam ng kakaibang kaba.
Bigla na lamang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib habang nakatingin sa mukha ng istrangherong lalaki sa kanilang harapan.
Ngunit hindi sumagot ang lalaki, ngumisi lang ito at saka tumalikod at lumakad palayo. At walang nagawa sina Yue at Marine kundi ang sundan na lamang siya ng tingin hanggang sa tuluyang makalayo.
Napahawak na lamang si Yue sa kanyang dibdib. Tila nakaramdam siya ng kakaibang takot.
“Okay ka lang ba?” tanong ni Kainkane.
Tumango ang binata, “Oo, hindi ko maunawaan ngunit bigla na lamang akong nakaramdam ng kakaiba habang tinititigan ko ang kanyang mukha.”
“Hindi kaya naninibago ka lamang dahil napaka bihirang pagkakataon sa atin na makasalubong ng isang kalahi dito sa high round?” nakangiting ni Marine, hinawakan niya ang kamay ng binata at muli nilang ipinagpatuloy ang paglalakad.
Samatalang hinabol naman ng tingin ng binata ang istranghero ngunit wala na ito sa paligid.
“Kwentuhan mo pa ako tungkol sa contest,” ang dagdag pa niya.
ONE WEEK EARLIER
Habang abala si Yue sa preparation para sa modeling contest ay nagkaroon naman ng lihim na pagpupulong sa Tsunaria, ito ang kanilang tahanan sa ilalim ng karagatan.
Ang pagpupulong ay may kinalaman sa mission ni Yue na patayin si Ryou Guerrero. Matatandaan na ito ang salarin sa pagkasira ng kanilang dating tahanan, ang Liquara.
Walang kamalay malay si Yue na lihim nagpadala ang mga Elder Mermaid ng mga kawal para manmananan ang kanyang mga kilos. Kung maayos ba niyang nagagawa ang kanyang misyon at kung may progreso ba ito. Sa makatuwid sa lihim na naka monitor ang binata at ang bawat kilos nito sa High Ground.
“Sabihin mo ang mga impormasyon na iyong nakuha,” ang utos ng matandang gabay sa kanyang kawal.
Lumuhod ang kawal at nagsalita ito, “Narito po ang mga impormasyon na nakuha namin kay Yuelo at ang hatol sa kanyang misyon.
Una, Hindi nagagawa ng maayos ni Yuelo ang kanyang misyon dahil ito ay abala sa pamumuhay ng masaya at tahimik sa ibabaw ng karagatan. Sa makatuwid ay tila wala na sa kanyang isipan na isagawa ang misyon sa lalo’t madaling panahon.
Ikalawa, si Yuelo ngayon ay abala sa paglahok sa isang kompetisyon na hindi naman kailangan sa kanyang misyon. Sa makatuwid ay tuluyan niyang binura sa kanyang isipan ang tunay na dahilan kung bakit natin siya ipinadala sa ibabaw ng lupa.
Ikatlo, si Yuelo lihim na nakikipagkita kay Ryou Guerrero. Madalas silang namamataang nag-ddate at lumalabas para kumain at magsaya. Noong nagkaroon ng malakas na lindol sa karagatan ay nahulog si Ryou Guerrero sa tubig at mabilis na nilamon malakas na alon. Malinaw na malinaw na ang kalikasan na ang humatol at nagbigay ng parusa dito.
Ito na sana ang pagkatataon upang mamatay siya at pagbayaran ang kanyang kasalanan. NGUNIT siya ay iniligtas ni Yue. Malinaw na tinalikuran ni Yue ang kanyang misyon dahil siya ay UMIIBIG kay Ryou Guerrero!
Siya ay nagtaksil sa ating lahi at sa karagatan! At ang hatol ay..
“NABIGO SI YUELO SA KANYANG MISYON! HINDI NA SIYA MAAARING BUMALIK DITO SA TSUNARIA!”
Noong mga sandaling iyon ay hindi naiwasang magalit ng mga matatandang gabay noong marinig ang report tungkol kay Yue. Hindi nila inaasahan na magtatakasil sa kanila ang binata. Si Ryou Guerrero ay dapat patayin dahil sa malaking pagkakasala nito! Isang malaking kasalanan na ibigin ito at iligtas!
“Bakit masyadong mababaw ang hatol at kaparusahan kay Yuelo? Bakit hindi siya parusahan ng kamatayan din?” tanong ng isang matandang gabay.
“Hindi maaari dahil alam natin ang kakayahan ni Yuelo, makapangyarihan ang lalaking ito kaya’t kinakailangan pa rin tayong mag ingat,” ang sagot ng isang gabay.
Makalipas ibigay ang hatol kay Yue ay tumayo naman ang pinaka pinuno ng Elder Mermaids at nagsalita ito.
“Papasukin si Seito!”
At mula sa bulwagan ay pumasok ang isang gwapong merman na mayroong magandang pangangatawan. Siya ay nagtataglay ng kulay itim na buntot. Si Seito ang pinaka mahusay na merman assassin at marami na ring misyon ang kanyang napagtagumpayan.
“Seito, sa iyo bibigay ang misyon ng pagpatay kay Ryou Guerrero! Huwag mo kaming bibiguin! Huwag mong tutularan si Yuelo na isang malaking kahihiyan sa ating lahi!”
Yumuko si Seito, “Bigyan niyo ako ng isang buwan, ihahandog ko sa inyo ang ulo ni Ryou Guerrero,” ang mariing salita nito.
“Umaasa kami sa iyong kakayahan Seito, huwag mong biguin ang ating lahi,” ang sagot ng mga matatandang gabay.
Noong mga sandaling iyon, si Yue ay hinatulan ng pagtataksil sa kanilang buong lahi. Nabigo na rin ang binata ang kanyang misyon kaya ipinasa ito kay Seito. Malaki ang expectation ng lahat sa binata dahil siya ang pinaka magaling na merman assassin.
Agad na umakyat bagong assassin sa ibabaw ng lupa upang pag aralan ang bawat kilos ng kanyang target.
Part 43: Failure
Part 4
3
: Failure
Y
UELO POV
“Mukhang malalim ang iniisip mo Yue?” tanong sa akin ni Tiya Marine.
Napabuntong hininga ako, “hindi ko maunawaan pero noong makita ko ang mukha noong lalaking nakasalubong natin kanina ay bigla na lamang akong kinabahan.”
“Yung lalaking iyon ay isa ring merman at sinabi niya nandito siya upang gawin ang isang misyon,” ang sagot ni tiya.
“Ano naman kayang misyon iyon?” ang pagtataka ko habang nakatanaw sa sea wall.
Tumabi sa akin si tiya, “Yue, hindi mo kailangan mag isip ng sobra. Kung minsan ang kaba ay maaaring dala lamang ang excitement o kaligayahan. Minsan talaga ay confusing ito.”
“Pero.. hindi naman ako masaya. Para bang natatakot ako na hindi ko lubos na maunawaan,” ang tugon ko.
Noong mga sandaling iyon ay pinilit kong iwaksi sa aking isipan ang mga negatibong bagay na gumugulo dito. Sinubukan ko ring ikalma ang aking sarili at hanapin ang kaligayahang nadarama ko sa magagandang bagay na nangyayari sa aking buhay. Bagamat yung mukha ng lalaking iyon ay hindi maalis sa aking isipan. Para bang may kahulugan ang isinagot niya sa akin.
“Narito ako upang isagawa ang isang mahalagang assignment. Isang misyon na nabigong isagawa ng isang traydor na merman.”
Ewan ko, kapag naalala itong mga bagay na sinabi niya ay talagang kumakabog ng malakas ang aking dibdib. Tuwing humihinga ako ng malalim sa harap ng karagatan ay wala akong ibang naaamoy kundi ang panganib at kalungkutan.
Sa paglipas ng mga ordinaryong araw ay bumalik sa normal ang aking buhay. Bagamat halos ilang araw ring lamang ang balita sa telebisyon at sa pahayagan ang naganap na kompetisyon ng Elite Super Model kung saan nanalo si Jihan at gumawa ito ng iskandalo doon sa venue.
Kumalat rin sa mga social media ang video clips nito na sumisigaw dahil sa matinding galit. Ang alam ko ay nagpaliwanag si Jihan sa press at sinubukang linisin ang kanyang pangalan. Syempre inamin niya na palabas lang iyon, isang uri ng publicity upang siya pag usapan para sa kanyang business.
Samantalang ako naman ay bumalik sa aking ordinaryong gawain katulad ng pagtitinda ng souvenir at mga bracelet sa mga turistang nagtutungo sa sea wall. May mga gabing bumabalik ako sa kagaratan upang lumangoy at nanatili na lamang ako sa Isla ng Karikit upang magdasal sa buwan at humingi ng proteksyon.
Minsan ang pagdarasal habang nakaharap sa liwanag nito ay nagbibigay sa akin ng kapayapaan. Pansamantala nitong binubura ang takot at pangamba sa aking puso’t isipan. At pagkatapos ay nagiging maayos na ang pakiramdam ko.
Isang araw habang abala ako sa pagtitinda ay muli kong nakita ang istrangherong lalaki na nakatayo sa aking harapan. Tumingin ako sa kanya at sa amoy pa lamang niya ay alam ko ng agad na kami ay kompirmadong magkalahi.
“Kilala ba kita?” tanong ko sa kanya.
“Nais kitang makausap, sumunod ka sa akin,” ang sagot niya sa akin. Sa isipan lamang kami nag uusap, parang isang uri ng mental telepathy.
Lumakad siya palayo sa akin kaya naman sumunod ako sa kanya. Kinakabahan ako at nakakaramdam ng takot ngunit batid ko na mayroon akong kailangan malaman mula sa kanya. Kung sabagay, ito na rin ang hinihintay kong pagkakataon upang matapos ang aking kuryosidad.
Patuloy kaming lumakad at natagpuan namin ang aming mga sarili sa isang parte ng seawall na hindi na pinupuntahan ng mga tao. Kaming dalawa lamang ang nakatayo dito habang umiihip ang malamig na hangin sa karagatan.
Tahimik sa buong paligid..
“Sino ka ba?” tanong ko sa kanya.
“Ako si Seito, ipinadala ako ng mga matatandang gabay upang isagawa ang iyong misyon,” ang sagot niya.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Tama ang iyong narinig, ako na ang bagong may hawak ng iyong misyon. Sa akin na ito ibinigay ng mga matatandang gabay dahil NABIGO ka sa pagsasagawa nito,” ang seryoso niyang sagot.
“Paano ako mabibigo? Hindi pa naman ako nagsisimula?” tanong ko na may halong pagkakataka.
Natawa si Seito, “Isipin mong mabuti ang mga ginawa mong paglabag sa patakaran ng ating lahi.”
“Wala akong alam sa mga ibinibintang mo,” ang muli kong tugon.
“Bago magsimula ang iyong misyon dito sa high land ay nagpadala na agad ang mga elder mermaids ng mga kawal na mag s-spy sa iyo. Sila ang magmamasid sa iyo ng palihim kung ang misyon mo ay may progreso o wala. Alam nila ang lahat ng ginagawa mo dito sa lupa katulad na lamang ng madalas mong pakikipag kita at pakikipagkaibigan sa iyong target. Isang uri rin ng pag tatraydor ang ginawa mong pagsalba sa kanya buhay! Yuelo binigo mo ang ating lahi at ngayon ay sobrang disappointed sila sa iyo,” ang paliwanag ni Seito.
Hindi ako naka kibo agad, lalong bumilis ang tibok ng aking puso at para bang kinakapos ako sa paghinga. “Kung gayon ay hayaan mong bumalik ako sa Tsunaria at ako na mismo ang nagpapaliwanag sa mga matatandang gabay kung bakit ko nagawa ang mga ganoong bagay.”
Natawa si Seito, “Ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na hindi ka na maaaring tumapak pa sa Tsunaria. Ipinagbabawal na ng mga matatandang gabay na bumalik doon. Ikaw ay may salang pag tatraydor sa ating buong lahi. At ang taksil na katulad mo ay hindi na maaaring makabalik pa.”
Natahimik ako at hindi agad nakasagot..
“Si Ryou Guerrero ay walang kasalanan. Ang lahat ng mga nangyari sa karagatan ay pawang aksidente lamang. Hindi niya ito ginusto at lalo hindi niya intensyon na pinsalain ang karagatan. Mabuti tao si Ryou at hindi natin siya kailangan parusahan,” ang pagtatanggol ko.
“Tumigil ka! Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Kaya naman pala hindi mo magawang patayin si Ryou ay dahil halatang UMIIBIG KA sa kanya! Kaya kung hindi mo siya kanyang tapusin ay ako mismo ang maglilipit sa kanya! Puputulin ko ang kanyang ulo at dadalhin ko ito sa Tsunaria bilang isang espesyal na regalo sa ating mga kalahi na binigo mo pinaasa!” ang sagot ni Seito, sa kabilang kanyang gwapong mukha ay nagiging halimaw siya sa aking mga mata.
“Paano magagawang patayin ang isang taong walang kasalanan? Patawad ngunit hindi ako papayag na saktan mo siya,” ang seryoso kong sagot.
Natawa siya, “Taksil kang talaga Yuelo, sayang ang magandang mukha mo kung susugatan ko lamang ito. Bakit hindi mo na lamang sa akin ituro ang saan matatagpuan si Ryou Guerrero?” tanong niya, lumapit siya sa akin at hinablot ang aking braso.
“Nasaan si Ryou Guerrero? Nasaan siya??!” ang sigaw niya na hindi maitago ang galit.
“Patayin mo na lamang ako, wala kang makukuha sa akin!” ang sigaw ko rin sa kanya.
“Traydor ka!” ang galit na sagot niya sabay sampal sa aking mukha dahilan para mawala ako sa balanse. Muli niyang hinablot ang aking braso at saka hinila.
Nagpumiglas ako ngunit mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa akin. “Bitiwan mo ako! Kahit patayin mo ako ngayon ay wala kang makukuha sa akin!”
“Ganyan ka ba kabaliw ha?! Mas gusto mo pang isakripisyo ang buhay mo para sa lalaking iyon? Hindi kayo maaaring mag sama dahil magkaiba kayong dalawa! Huwag ka ngang baliw!” ang singhal niya sa akin.
Nasa ganoong posisyon kami noong biglang dumating si Ryou sa aming kinalalagyan. “Bitiwan mo siya!” ang sigaw nito sabay pakawala ang malakas na suntok na tumama sa mukha ni Seito dahilan para matumba ito sa lupa.
Agad akong hinawakan ni Ryou sa braso at inilayo kay Seito. “Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na!” ang utos ko sa kanya.
“Pupuntahan sana kita doon sa inyo kaso ay nakita kita dito. Sino ba itong gagong lalaki na ito? Bakit sinasaktan ka niya? Hoy! Sino ka ba?” tanong ni Ryou sabay sipa kay Seito.
Tumayo si Seito at pinahiran ang dugo sa kanyang labi dulot ng pagsuntok ni Ryou sa kanyang mukha. Sa halip na magalit ay ngumisi pa ito at nagsalita, “Ikaw ba si Ryou Guerrero?” tanong niya.
“Oo ako nga! Sino ka ba at bakit ka nananakit?! Gusto mong tumawag ako ng pulis at ipahuli kita?” tanong ni Ryou.
Lalong gumuhit ang evil smile sa mukha ni Seito. At mula sa kanyang bulsa ay kinuha siyang patalim na gawa sa ngipin ng pating.
“Ikaw pala si Ryou Guerrero. Ngayon ay hindi ako mapapagod na hanapin ka. Salamat sa pagdating mo dahil mas madali kitang mapapatay!” ang sigaw nito mabilis na kumilos si Seito patungo kay Ryou!
Tila nakalimutan ko na mas mabilis kumilos at mas malakas ang mga sirena kaysa sa normal na tao. Kaya sa palagay ko ay walang laban si Ryou kung close combat ang pag uusapan.
Agad na umatake si Seito, hawak niya patalim at mabilis sinugupa si Ryou. Inihanda naman ni Ryou ang kanyang sarili, pinilit niya sanggahin ang atakeng gamit ang kanyang lakas. Ngunit napaatras lamang siya at tumilapon na parang laruan sa lupa noong bumunggo ang katawan ni Seito sa kanya.
“Fuck! Paano nangyari iyon?” pagtataka ni Ryou noong tumilapon ang kanyang katawan at sumadsad sa batuhan.
“Eto ang katapusan mo Guerrero!!” ang sigaw ni Seito, lumundag ito para itarak sa katawan ni Ryou ang kanyang hawak na sandata.
Dahil sa sobrang pag aalala ay nagtatakabo ako at humarang sa harapan ni Ryou. Sinangga ko ang pag atake nito gamit ang lahat ng aking lakas.
Hinawakan ko ang mahigpit ang kanyang kamay upang hindi tumama ang patalim kay Ryou at sumigaw ako. “Umalis ka na!! Bilisan mo!”
Mabilis na bumangon si Ryou. “Hindi ako aalis ng hindi ka kasama!” ang sigaw nito.
Isang malakas na sipa ang iginawad niya kay Seito dahilan para mawala ito sa balanse at magkaroon kami ng pagkakataon na makatakas.
Agad akong hinila ni Ryou palayo sa kalaban at mabilis kaming nagtatakabo patungo sa kanyang sasakyan.
Hingal na hingal kaming dalawa..
Litong lito si Ryou noong mga sandaling iyon, “Sino ba iyon? Bakit gusto niya akong patayin?” tanong niya sa akin habang mabilis na iniistart ang sasakyan.
“Mamaya na ako magpapaliwanag! Bilisan mo! Umalis na tayo dito!” ang sagot ko.
Noong umandar ang sasakyan ay mabilis itong pinatakbo ni Ryou. Pero kahit mabilis ang takbo nito ay nakita namin na humahabol si Seito! Halos kasing bilis na niyang tumakbo ang kotse!
Hindi makapaniwala si Ryou, “Fuck! Bakit ang bilis niyang tumakbo? Tao ba iyan?!”
Part 44: Escape
Part 44: Escape
Y
UELO POV
Kung gaano kabilis ang pagtakbo ng sasakyan ni Ryou ay ganoon rin halos kabilis ang pagtakbo ni Seito. Wala itong balak na patakasin kaming dalawa.
Noong mga sandaling iyon ay kitang kita ko ang pagkabigla at pagkalito sa mukha ni Ryou. Tiyak na ngayon lamang siya naka encounter ng ganitong kalakas na nilalang.
Noong malapit na kaming abutan ng kalaban at mas lalo pang pinatakbo ng mabilis ni Ryou ang kanyang sasakyan hanggang sa hindi na magawang humabol pa ni Seito at naiwan na lamang ito na nakatayo sa kalsada, nakatingin sa amin at tila pinag aaral kung saan kami magtutungo.
Katulad ng madalas kong sinasabi, ang mga sirena ay espesyal dahil madali kaming nakaka adjust sa aming paligid. Mayroon din kaming mga espesyal na abilidad depende sa kulay ng aming buntot. Marahil ay nasa abilidad ni Seito ang magkaroon ng mala superhuman na lakas!
Tuluyan kaming nakalayo ni Ryou..
“Sino ba iyon? Bakit ganoon siya? Tao pa ba iyon? Bakit gusto niya akong patayin?” tanong ni Ryou sa akin, hindi niya maitago ang labis na pagkalito.
Hindi ako sumagot, nakaramdam lang ako ang pananakit sa aking braso. At napansin ko na nagdurugo ito, dito ako tinamaan ng patalim ni Seito kanina noong sanggahin ko ito.
Malakas ang pagdurugo, halos ayaw tumigil nito. Inihinto ni Ryou ang sasakyan at agad na tinalian ang aking sugat. “Sandali, pupunta tayo sa ospital para matahi ang sugat mo, medyo malalim ito.”
“Huwag, huwag kang hihinto, magdrive ka lang please. Kailangan nating lumayo dito dahil tiyak na susundan tayo ni Seito,” ang tugon ko naman na hindi maitago ang takot.
“Seito? Sino ba iyon? Bakit ganoon na lang ang galit niya sa atin?” tanong ni Ryou.
“Paano ko ba sasabihin kay Ryou ang lahat? Hindi pa ako handa na sabihin sa kanya ang katotohanan. Sa ngayon, ang kailangan lamang naming gawin ay umiwas kay Seito at panandaliang magtago dahil tiyak na hahabulin niya kami kahit saan kami magpunta,” ito ang tanong ko sa aking sarili.
“Ayos ka lang ba? Sino ba yung Seito na iyon? Isa pa ba siyang kriminal?” tanong niya ulit sa akin.
“Si Seito ay isang obsessed na manliligaw ko. Ayaw niyang may ibang lalaking lumalapit sa akin. Si Seito ay may sira sa utak at gagawin niya ang lahat para lang makuha niya ako,” ang pagsisinungaling ko sa kanya.
“Sira ulo nga siya kung ganoon. At sa tingin ko talagang eksperto sa pakikipaglaban,” ang sagot ni Ryou.
“Malakas ang kanyang katawan dahil isa siyang atleta at mahilig ito sa mga out door activities,” ang sagot ko, bagamat hindi naman talaga ito totoo.
Patuloy na nagdrive si Ryou, “alam ko na kung saan tayo pupunta.”
“Saan?” tanong ko naman.
“Doon rest house ko. Siguro naman ay hindi na tayo masusundan ng gago na iyon. Tama? Don’t worry tatawagan ko na lamang ang tiya Marine mo at sasabihin ko na kasama kita ngayon,” ang sagot ni Ryou habang nakangiti.
“Sorry kung nadamay ka pa sa gulong ito,” ang nahihiya kong sagot sa kanya.
“Responsibilidad kong protektahan ka. Don’t worry, ang lahat ay magiging maayos rin,” ang sagot niya, hinawakan niya ang mahigpit ang aking kamay.
Makalipas ang ilang oras na pagddrive ay narating namin ang isang rest house na pag aari ni Ryou, ito nakatirik sa itaas ng bundok. Mapayapa dito at ang paligid ay nakakarelax. May ilang mga katiwala ang sumalubong sa amin pagbaba namin ng sasakyan.
Pagpasok sa loob ng silid ay agad na nilagyan ni Ryou ng paunang panlunas ang aking sugat sa braso. Kahit papaano ay tumigil na rin ito sa pagdurugo kaya’t nabawasan ang kanyang pag-aalala.
“Nasaktan ka ba?” tanong ko sa kanya.
Tumabi siya sa akin at marahang hinaplos ang aking pisngi, “hindi ako nasaktan, huwag ka nga magworry sa akin. Ako nga dapat ang alala sa iyo,” ang sagot ni Ryou sabay yakap sa akin.
“Wala ka namang dapat ipag alala sa akin, ang galing ko nga kanina diba?” ang biro ko naman.
Natawa si Ryou, “parang mas malakas ka pa nga sa akin e, napigilan mo yung pag atake ni Seito, samantalang ako naman ay tumilapon lang na parang isang papel, nakakahiya talaga yung parteng iyon.”
“Ang mahalaga ay walang napahamak sa ating dalawa. Itong sugat ko ay mabilis lang naman gumaling,” ang sagot ko habang nakangiti.
Natahimik si Ryou at napatitig sa akin, “mabuti na lang at napadaan ako sa parteng iyon ng seawall, kung hindi ay baka napahamak ka na.”
“Maraming salamat sa pagdating mo,” ang tugon ko sabay bitiw ng isang matamis na ngiti.
Patuloy niyang hinaplos ang aking hanggang sa muli niya akong hinalikan sa labi. Napa pikit na lamang ako at dinama ang kakaibang sarap sa pakiramdam dulot ng pagdidikit ng aming mga labi. Hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam, ang magic ng halik ni Ryou ay nararamdaman ko pa rin at mas masarap pa ito ngayon.
Para akong idinuduyan sa alapaap ng kaligayahan at rinig na rinig ko ang pintig ng aming mga puso..
Ilang minuto ring magkadakit ang labi namin ni Ryou. Kakaiba ang halik niya ngayon dahil naramdaman kong gumagalaw na ang kanyang labi. Para bang nagkakaroon ng ritmo kaya naman sumabay na rin ako sa kanyang ginagawa. Kapwa pa rin kami nakapikit at naramdam ko na lamang na humihigpit ang yakap niya sa aking katawan at kasabay nito ang paghinga niya ng malalim.
Makalipas ang ilang sandaling paghahalikan ay bumitiw siya at humarap sa akin. Ang kanyang titig ay malagkit, napaka pungay ng kanyang mata. Hindi ko maunawaan ngunit sa kada haplos ng kanyang kamay sa aking katawan ay tila nakakaramdam ako ng kakaibang init at kiliti na hindi ko lubos maipaliwanag.
Humarap siya sa akin at nagwika. “Yue, gusto kitang angkinin,” ang bulong niya.
Ngumiti ako at tumango, bagamat hindi ko lubos maunawaan kung ano ba ang ibig sabihin ng salitang “angkinin”. Basta ang alam ko lang ay handa na akong ibigay ang sarili sa kanya at handa na rin akong makaranasan ang kakaibang sarap ng kaligayahan dulot ng pagmamahal.
Hinubad ni Ryou ang aking saplot at naghubad rin siya ng kanyang damit. Marahan niya akong inihiga sa kama at pumatong siya sa aking ibabaw. Kakaiba ang pakiramdam, kinakabahan ako ngunit ang aking katawan ay parang may sariling buhay.
Lalong gumapang ang kakaibang kuryente sa aking katawan noong halikan niya ang aking tainga pababa sa aking leeg. Ito ang mga bagay na ngayon ko lamang naranasan kaya naman napasinghap na lamang ako ng hangin sa ere at nagsimula na akong masarapan.
Ito pala ang pagroromansa na tinatawag, hinahalikan ni Ryou ang aking buong katawan at nilalaro niya ang aking dalawang utong gamit ang kanyang dila saka niya ito marahang kakagatin. Nagsimula na akong mapaungol dahil sa kakaibang kiliti dulot ng kanyang ginagawa.
Pagkatapos niyang laruin ang aking dibdib ay tumigil siya at walang ano ano ay hinubo niya ang aking salawal. Tumambad sa kanya ang aking kahubaran at ang aking ari na matigas na rin. Nagawa pang himasin si Ryou ang aking pagkalalaki habang nakangiti siya sa akin.
Maya maya ay tumayo siya at mabilis naghubo sa aking harapan. Tumambad sa akin ang kanyang pagkalalaki na matigas, naka kurba paitaas at tirik na tirik. Pulang pula ang ulo nito na parang mansanas at halos parang bakal sa tigas. Kitang kita ko na ngayon ang buong alindog ni Ryou Guererro, para siyang isang perpektong nilalang na sasambahin ng lahat.
Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari, basta ang alam ko lang ay lumapit sa akin si Ryou at kinuha niya ang aking kamay at inilagay ito sa kanyang matigas na pagkalalaki. Parang nakuryente ang aking palad noong hawakan ko ito.
Hinawakan niya ang aking kamay at saka marahang itinuro sa akin ang dapat kong gawin. Marahan niyang itinaas baba ang aking kamay sa kanyang katigasan. Sinunod ko naman siya, marahan kong sinalsal ang kanyang alaga hanggang sa napakagat lamang siya ng labi saka napaungol ng malakas.
Muli niya akong hinalikan at sa pagkataong ito ay naramdaman ko ang paglalaro ng kanyang dila sa loob ng aking bibig. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at hinayaan siyang gawin ang nais niyang gawin sa akin. Ipinauubaya ko na sa kanyang ang aking sarili lalo’t hindi ko na makontrol ang ibayong sarap na lumulukob sa aking katawan.
Matapos ang halikan ay inilapit niya ang nagbabagang sandata niya sa aking bibig. Tumingin ako sa kanya at isang matamis na ngiti ang kanyang isinagot sa akin. “Isubo mo,” ang bulong niya.
Hindi ako nagdalawang isip, isinubo ko ang pagkalalaki ni Ryou. Dahilan para mapasinghap siya sa ere at narinig ang kanyang ungol. “Ohhhhh!! Yue.. ang sarap!!”
Nagtaas baba ang aking ulo sa kanyang kahabaan, ito ang unang beses na nakatikim ako ng ari ng lalaki. Wala naman itong lasa, bagamat tila nasasarap ang bibig ko sa pagsuso dito. Paminsan minsan ay nakikiliti ang aking ilong dahil dumadampi ang kanyang makapal na bulbol.
“Ang tawag diyan sya tsupa, isang uri ng pagpapaligaya sa iyong kapareha gamit ang iyong bibig,” ang wika ni Ryou
Iniluwa ko ang kanyang alaga, “naliligayahan ka ba sa ginagawa ko?” tanong ko sa kanya.
“Oo, sobra, tsupain mo pa ako,” ang utos niya kaya naman muli kong isinubo ang kanyang matigas na alaga at nagtaas baba ang aking ulo dito. Ungol ng ungol si Ryou halos panawan siyang ulirat dahil sa sensasyong nararamdaman.
Makalipas ang ilang sandali ay itinigil niya ang pagpapasubo ng alaga niya sa akin. Pumuwesto siya sa gitna ng aking hita at ibukaka ito. Ibuka rin niya ang pisngi ng aking pwet at sinumulang dilaan ang aking butas. Dahil para mapatirik ang aking mata sa matinding kiliti at sarap. Ramdam na ramdam ko ang pagsundot ng pinatigas na dila niya na dumadampi sa aking butas.
Maya maya ay nanlaki ang aking mata noong bigla kong naramdaman ang matigas na bagay na pumasok sa aking butas. Napasigaw ako sa matinding sakit! Parang may napunit sa aking lagusan! Halos napaluha ako sa matinding sakit.
Noong mapatingin ako ay nakita kong nakapasok na pala ang halos kalahati ng alaga ni Ryou sa akin. Lumapit ang kanyang mukha sa akin at hinalikan ako sa labi. Muling naglaro ang kanyang dila sa aking bibig habang nararamdaman kong bumabaon ang kanyang burat sa aking butas. Dahil sa paghalik niya sa akin ay tila nawawala ang sakit na aking nararamdaman.
Tuluyang bumaon ang kabuuan ng alaga ni Ryou sa aking lagusan. Punong puno ako at halos hindi ko maunawaan ang pakiramdam. Noong gumalaw siya ay nasaktan ako ngunit habang tumatagal ay nawawala ang hapdi at napapalitan ng sarap.
“Ooohh ang sarap Ryou! Anong ginagawa mo sa akin? Bakit napakasarap?” tanong ko sa kanya. Ungol lang siya ng ungol at nawawala sa sarili habang bumibilis ang paglabas masok ng alaga niya sa aking butas.
“FUCK! Ang sarap! Ang sikip moo ohhh! Kinakantot kita! Inaasawa! Ito ang pinakamasarap gawin sa lahat,” ang sagot niya.
Nakakabaliw ang pakiramdam! Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong sarap! Ang sarap pala makantot! “Ang sarapp makantot! Kantutin mo pa ako Ryou!” ang sagot ko sa kanya. Masyado na akong nilamon ng matinding pagnanasa.
Mas lalong bumilis ang pagbayo ni Ryou sa aking butas. “Parang naiihi ako!! Ang sarappp! Sige paaa!” ang ungol ko na halos wala na sarili.
Mas lumalakas pa ang pag ulos niya hanggang sa tuluyang kumawala ang malapot na likido ang aking alaga. Sumabog ito sa aking tiyan dahilan para literal na mapasigaw ako sa sarap!
“Heto na rin aakooo!” ang ungol ni Ryou at naninigas ang kanyang katawan. Naramdaman kong sumabog siya sa aking kaloob looban. Ang init ng kanyang katas, pumipintig din ang kanyang ari sa aking kasikipan.
Makalipas ang ilang sandali ay niyakap niya ako at hinalikan sa labi.
Dahil sa pagod at panghihina ay bumagsak siya sa aking ibabaw. Muli kami nagpalitan ng mainit na halik hanggang sa kapwa kami makatulog.
Kakaibang karanasan ito para sa akin at mas lalo ko pang minahal si Ryou, bagamat hindi ko masabi sa kanya kung ano at sino ba talaga ako.
KINABUKASAN.
Natagpuan ko ang aking sarilii na nakahiga sa isang malambot na kama. Masakit ang aking katawan lalo na ang butas ng aking lagusan dahil sa ginawang pagpasok ni Ryou kagabi. Iyon pala ang tinatawag na pagtatalik, kapwa namin inangkin ang isa’t isa habang ang aming mga katawan ay nag iisa. At hindi rin ako makapaniwala na ibinigay ko ang aking sarili sa kanya.
Maya maya pumasok naman si Ryou dala ang tray ng pagkain, “breakfast in bed! Kumusta ang tulog mo?” tanong niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at sumagot, “mabuti naman, maayos na rin yung sugat ko.”
“Pinagluto kita ng masarap na breakfast. Gusto mo bang mamasyal doon sa bakuran?” tanong niya sa akin. Hindi na namin pinag usapan pa ang kaganapan kagabi.
Ngumiti ako at tumango. Pero bago ang lahat ay sabay kaming kumain ni Ryou ng almusal, hindi na namin pinag usapan yung mainit na tagpo kagabi. “Nga pala, natawagan ko na si tiya Marine kagabi, ipinaliwanag ko sa kanya ang totoong nangyari.”
“Talaga? Hindi ka nagsinungaling sa kanya?” tanong ko kay Ryou.
“Hindi ako nagsinungaling sa kanya. Sinabi ko ang lahat ng nangyari, sinabi ko na mayroong taong nagbabanta sa buhay nating dalawa.”
“Anong reaksyon niya?” tanong ko naman.
“Syempre ay nagworry siya ng husto pero noong sinabi kong maayos naman ang iyong kalagayan ay kumalma rin siya agad. Hayaan mo pagbalik natin sa city ay ipapa blotter at irereport ko sa police iyang si Seito para hindi na siya makapanakit at para hindi ka na niyang guluhin pa,” ang tugon ni Ryou.
“Tapatin mo nga ako, matagal ka na bang ginugulo ng gagong iyon?” dagdag pa niya
Wala naman akong nagawa kundi ang tumango na lang. “Huwag kang mag alala dahil hanggang nandito ako ay p-protektahan kita,” ang nakangiti niyang tugon sa akin.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magsisinungaling sa kanya. Nakakaramdam ako ng pagka guilty, dapat ko na bang sabihin sa kanya ang totoo o hayaan ko na lamang na ganito?
“Okay ka lang ba?” muli niyang tanong.
Pinilit kong ngumiti, “okay lang ako,” simple kong sagot.
Naramdaman kong niyakap niya at muling hinalikan sa labi, “hangga’t nandito ako ay walang makakagalaw sa iyo, kaya huwag ka na matakot.”
Samantala ay pansamantalang nakatakas sina Yue at Ryou mula kay Seito. Pero gayon pa man ay hindi basta basta susuko ang binata. Papatunayan niya sa kanyang mga kalahi na walang imposibleng misyon pagdating sa kanyang natatanging kakayahan.
Hahabulin niya sana ang kotse ngunit napansin siyang padating na rin ang dapit hapon kaya minabuti niyang tumalon na lamang sa karagatan at magtago. Dito ay lumabas ang kanyang buntot na kulay itim at mabilis siyang lumangoy kasabay ng mga alon.
Makalipas ang ilang sandaling paglubog sa tubig at muli siyang umahon sa ibabaw nito at huminga ng malalim at saka pumikit. Pinakiramdam niya ang malamig na pagdampi ng hangin sa kanyang katawan.
Malakas ang pang amoy ni Seito, ngayon ay hinahanap na niya ang direksyong kung saan niya naaamoy ang katawan ni Yue.
Maya maya tila natunton na niya agad ang direksyon at lokasyon ng kinalalagyan ng dalawa kaya naman natawa lamang siya at nagsalita. “HULI KAYO NGAYON! Kung kinaakala niyong nakatakas na kayo sa akin ay nagkakamali kayo! Wala pang nakakatakas kay Seito!” ang sigaw niya, nag dive siya sa ilalim ng tubig at sinundan ang amoy ni Yue.
Bata pa lamang ay namulat na si Seito sa mga misyon dahil ang kanyang mga magulang ay pareho ring assassin noon. Namatay ang kanyang magulang sa misyon at hindi na muling bumalik.
Dahil ulila ng lubos at nakasanayan na lamang ni Seito na tumayo sa kanyang sarili mga paa at mamuhay sa kanyang sarili. Sa murang edad ay nagsimula na rin siyang maging isang assassin at marami na rin siyang assignment na napagtagumpayan. Ito ang humubog sa kanya upang maging isang malakas at mahusay na mandirigma sa ilalim ng karagatan.
Samantala sa Tsunaria.
Agad na ibinalita ng mga watcher na kawal ang naganap na labanan kanina sa seawall. “Muntik ng mapatay ni Seito si Ryou Guerrero ngunit katulad ng dati ay tinulumgan siya ni Yuelo upang makatakas!” ang pag uulat ng kawal.
“Talagang si Yuelo ay nagtataksil na sa ating lahi! Mas kinakampihan pa niya ang kriminal na taga lupang iyon kaysa sa atin na kanyang mga kalahi!” ang galit na sagot ng isang elder.
“Ibigay natin kay Yuelo ang nararapat na parusa! Dapat siyang hatulan rin ng kamatayan!” ang sigaw ng isa.
“Kung patuloy niyang ipagtatanggol ang lalaking iyon ay maaaring ganoon na rin ang kanyang sapitin. Hangga’t maaari ay ayokong hatulan ng mabigat na kaparusahan ang ating kalahi. Ngunit kung ito ang hinihingi ng pagkakataon ay wala tayong magagawa,” ang tugon ng matandang gabay.
“Marami beses ng sumuway si Yuelo sa ating patakaran, hanggang ngayon ay ipinapakita pa rin niya ang katigasan ng kanyang ulo. Tila wala siyang pinagkaiba sa ibang mga sirena na mayroong pilak na buntot, lahat sila ay pasaway at walang ginawa kundi ang lumabag sa ating mga alintuntunin.”
Noong mga sandaling iyon ay lalong nadiin si Yue, wala siyang kamalay malay na palala ng palala ang sitwasyon habang tumatagal na kasama niya si Ryou.
Part 45: Seito
Part 4
5
:
Seito
Y
UELO POV
“Ang ganda pala dito,” ang nakangiti kong salita habang nakatanaw sa paligid.
Ang rest house ni Ryou ay nakatayo sa itaas ng bundok at sa kabila ng bundok ay makikita ang malawak na karagatan.
“Dito ko naisipang itayo ang aking rest house dahil gustong gusto ko ang kalikasan. Nagkataon lamang na nalagay sa kontrobersiya ang Aquarius Maritime Tankers kaya ang akala ng mga publiko ay isa ako sa mga sumisira sa kalikasan. Noong mga sandaling iyon ay marami akong bagay na narealize. Napagtanto ko na ang mga tao ay kakamuhian ka sa isang pagkakamali at lahat ng kabutihang nagawa mo para sa kanila ay mabubura sa isang iglap,” ang tugon ni Ryou habang pareho kaming nakatanaw sa kalayuan.
“Tama ka doon, ang mga tao sa paligid natin ay may kakayahang buuin tayo at ang iba naman sa kanila ay may kakayahang wasakin tayo. Alin man sa dalawang ito ay magbibigay ng mahalagang aral sa atin,” ang tugon ko sa kanya.
Noong mga sandaling iyon ay pinilit kong ikalma at iayos ang aking sarili. Ang samahan namin ni Ryou ay palalim ng palalim habang nagtatagal. Kung gaano ito nagiging malalim ay siya naman nagiging komplikado. Hanggang kailan ko maitatago ang katotohanan sa kaniya? Mauunawaan ba niya ang sitwasyon ko kung sakaling malaman niya ito? Mamahalin pa rin ba niya ako kapag nalaman niya na ako ay hindi normal na tao?
Habang nasa ganoong pag iisip ako ay hindi ko maiwasang mapaluha. Naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
“Umiiyak ka ba?” tanong ni Ryou sa akin.
Agad kong pinahiran ang aking mga mata at ngumiti, “hindi ah, bakit naman ako iiyak?” ang natatawa kong tanong.
“Umiiyak ka e, huwag mo nga akong lokohin, lika nga dito,” ang malambing na sagot ni Ryou at niyakap niya ako ng mahigpit habang kapwa kami nakatanaw sa asul na karagatan.
“Tell me, bakit ka biglang nalungkot?” tanong pa niya.
Napabuntong hininga ako, “natatakot lang ako,” ang bulong ko sa kanya.
“Natatakot saan?” tanong niya sa akin.
“Natatakot ako sa maaaring mangyari. Natatakot ako isang araw ay baka bigla ka na lamang mawala sa akin,” ang sagot ko sa kanya.
Lalong humigpit ang pagyakap niya sa akin, “hindi ako mawawala, pangako,” ang tugon niya. Tumingin siya sa akin ng seryoso at nagwika..
“MAHAL KITA.”
Tumingin din ako sa kanya at sumagot, “MAHAL DIN KITA, Ryou.”
Ngumiti siya at hinalikan ako sa labi. Sandali kaming naghalikan habang niyayapos ang bawat isa. “Mahal kita kaya natatakot akong mawala ka,” ang bulong ko sa kanya.
“Makinig ka sa akin, pangako na hindi ako mawawala at hindi ako lalayo sa iyo kahit na ano ang mangyari,” ang sagot niya sa akin.
“Mapaninindigan mo pa ba kaya ang mga salitang sinabi mo kapag nalaman mo na ang totoo?” bulong ko sa aking isipan habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Noong mga sandaling iyon ay wala akong ibang nagawa kundi ang yumakap na lamang sa kanya at damhin ang banayad na tibok ng kanyang puso. Sa ngayon ang pinaka ligtas na lugar sa mundo ay ang bisig ni Ryou, wala ng iba pa.
Naging mas maigting pa ang samahan namin ni Ryou, sa mga gabing magkasama kami ay pinagsasaluhan namin ang mga sandali ng may pagmamahal. Ang hindi ko maunawaan ay tila hinahanap hanap ng aking katawan ang pakikipagtalik kaya naman ang aming lambingan ni Ryou ay dito na rin kadalasan nauuwi.
May isang senaryo na habang sabay kaming naliligo ay nakaupo ako sa kanyang matigas na alaga at ninanamnam ko ang pagkakapasak nito sa aking butas. Sarap na sarap ako sa tuwing may kakaibang tinatamaan ang kanyang kahabaan sa aking kaloob looban.
Habang marahan akong binabayo ni Ryou ay humarap kami sa salamin at dito ay itinaas niya ang aking binti. Ipinakita niya sa akin kung paano maglabas masok ang kanyang malaking alaga sa aking butas. Manghang mangha ako sa aking nakikita ang gandang pagmasdan na magkasugpong aming mga hubad na katawan.
Ilang sandali pa ay bumilis ang pagbayo ni Ryou habang ang aming labi ay abalang naghahalikan. Damang dama namin ang pagmamahal ng isa’t isa, hindi pa rin ang babago ang sarap ng pagkantot ni Ryou at makalipas ng ilang sandali ay sabay naming narating ang rurok ng kaligayahan..
Dahil sa banta sa aming seguridad ay nagdesisyon kami ni Ryou manatili muna dito sa rest house ng ilang araw pa.
At sa bawat sandali na kami ay magkasama ay bumubuo kami ng mga masasayang ala-ala na itinatatak namin sa aming mga puso. Ngayon ko lamang nakita na ganitong kasaya si Ryou, parati siyang nakangiti at madalas ay pinagsisilbihan ako na parang isang tunay na asawa.
Pakiramdam tuloy namin ay para kaming totoong married couple na nakatira sa iisang bubong. Ang bawat sulok ng bahay ay mistulang isang paraiso ng kaligayahan. Kapag magkasama kami ay nawawala ang aming mga pangamba.
“Ilang araw na rin tayo dito, hindi ka ba hinahanap ng sa work mo?” tanong ko sa kanya habang nakaupo kami sa balkunahe.
“Si Gino na muna ang incharge ngayon. Saka alam mo hindi ko iniisip ang trabaho kapag kasama kita. Kung maaari ko nga lang ihinto ang kamay ng orasan, gusto ay ganito na lamang tayo. Gusto kong parati tayong magkasama, gusto kong parati kitang nakikita,” ang malambing na sagot ni Ryou habang nakangiti. Muli niya akong hinalikan sa labi at niyakap ng mahigpit.
“Wala tayong kapangyarihan para ihinto ang kamay ng orasan ngunit may kakayahan naman tayong pahintuin ang pag ikot ng mundo kapag magkasama tayong dalawa. Tama diba?” nakangiti kong tanong.
“Tama ka doon, lalo na kapag hinahalikan ko ang mapula mong labi ay humihinto ang aking mundo,” ang sagot ni Ryou, muli niya akong hinalikan.
Noong mga sandaling iyon ang akala ko ay talagang perpekto na ang bawat sandali ng aming pagsasama ni Ryou. Hindi ko inaasahan na darating ang malaking pagbabago sa aming buhay at mag iiwan ito ng kakaibang kirot sa aking dibdib.
Isang hapon habang masaya kaming pauwi ni Ryou galing sa pamamasyal ay hindi namin inaasahan muling makaharap ni Seito. Ang akala namin ay tapos ang lahat ngunit wala talaga siyang balak na itigil ang pagtugis sa amin. Hindi nakapagtataka na siya ang pinakamahusay na assassin sa Tsunaria.
“Paano mo kami nasundan dito?” tanong ni Ryou kay Seito.
“Madali lang naman, huwag kayong mag alala dahil hindi naman naging mahirap ang aking pagsunod sa lugar na ito. Bakit? Inakala niyo ba na nakatakas na kayo sa akin?” tanong ni Seito habang nakangisi.
“Talaga pa lang baliw ka! Tigilan mo na si Yue at huwag mo na siyang susundan! Gusto mo ba ipakulong na lang kita ngayon? Hindi mo ba alam na krimen ang ginagawa mong pagbabanta sa aming buhay?” galit na tanong ni Ryou sabay dukot ng telepono sa kanyang bulsa upang tumawag ng pulisya.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay mabilis na gumalaw ang kamay ni Seito at naghagis ito ng maliit na patalim sa amin. Agad kong hinila si Ryou at kapwa kami umiwas sa pamamagitan ng pagkukubli sa mga puno.
Lumipad ang mga patalim sa aming direksyon!
Ang bawat patalim na kanyang pinakawalan sa ere ay tumatama sa katawan ng mga puno kung saan kami nagkukubli. “Talagang seryoso siya sa pagpatay sa atin!” ang sigaw ni Ryou.
“Oo at hindi siya titigil hanggang hindi tayo huhulog sa kanyang mga kamay! Takbo! Bilisan natin!” ang sigaw ko naman at dito ay hinawakan ko ang kamay ni Ryou.
Mabilis kaming tumakbo palayo kay Seito na noon ay nakamasid lang sa aming pagtakas. “Saan kayo pupunta?!” ang sigaw niya at saka niya kami hinabol.
Mabilis tumakbo si Seito, kahit malayo na ang aming distansiya ay naabutan pa rin niya kami! Pero gayon pa man ay hindi kami tumigil ni Ryou sa pagtakbo hanggang sa makarating kami sa dulo ng bangin sa itaas ng kabundukan.
Napahinto kaming dalawa dahil mataas ito at ang babagsakan ay ang karagatan! Malakas rin ang hangin at halos sumabog ang aking dibdib sa matinding kaba.
Hindi ko na alam ang gagawin ko..
“Tumakas ka na, ako na ang bahala ang gagong ito!” ang bulong ni Ryou sa akin.
“Hindi ako aalis, haharapin natin siya ng magkasama,” ang sagot ko, alam kong walang laban si Ryou kay Seito dahil magkaiba sila ng pisikal na lakas.
Nakangisi lang si Seito..
“Wala na rin pala kayong tatakbuhan. Ang tanging magagawa niyo na lamang ay ipikit ang inyong mga mata at namnamin ang inyong kamatayan!” ang salita ni Seito sabay labas ng patalim sa kanyang kamay.
Lumakad siya patungo sa amin, sinubukan naming umatras at dumistansiya sa kanya ngunit talagang dead end na. Ang piraso ng mga bato sa aming mga paa ay nahuhulog na sa pinaka ilalim.
“Huwag kayong mag alala dahil sisiguraduhin kong wala kayong mararamdaman, mabilis lamang ito at hindi kayo makakaramdam ng sakit,” ang nakangising demonyong salita niya..
Tahimik..
Maya maya mabilis siyang tumakbo sa aming kinatatayuan! “MAMATAY KA NA Ryou Guerrero!” ang sigaw niya at noong ihahataw niya sa amin ang hawak na patalim ay niyakap ko si Ryou at hinila palayo kay Seito.
Kapwa kami nahulog sa mataas na bangin at mabilis na tumama ang aming katawan sa karagatan. Dahil sa lakas ng mga alon ay mabilis rin kaming kinain nito sa pinaka ilalim.
Noong mga sandaling iyon ay wala akong ibang naisip na paraan. Nagliwanag ang aking mga hita at lumabas ang silver na kaliskis at buntot. Mabilis akong lumangoy patungo kay Ryou at muli siyang iniligtas mula sa paglubog sa ilalim ng tubig.
Dilat na dilat ang mga mata niya noong mga sandaling iyon, kitang kita niya ang aking mukha at ang merman na anyo. Pero hindi ko na ito inisip pa, ang mahalag ay maisalba ko ang kanyang buhay.
Sa ngayon ay literal na buking na ang aking sikreto. Wala akong itatago kay Ryou at mas lalo pa niya akong nakita ng malapitan noong umahon kami sa batuhan. Kitang kita ako ang matinding takot at pagkabigla sa kanyang mga mata.
Nasa ganoong posisyon kami noong biglang lumundag si Seito sa tubig at naging mermaid din ang kanyang katawan. Ngayon ay mas lalong nabigla si Ryou dahil dalawang sirena na ang nakikita niya sa karagatan.
Mabilis ang mga pangyayari!
Lumangoy si Seito patungo sa aming kinalalagyan. Kaya naman nagliwanag ang aking buntot at huminga ako ng malalim.
Mabilis na umangat sa ere ang aking nagliliwanag na katawan..
Gulat na gulat si Seito sa kanyang nakikita..
Mabilis akong nag “dive” sa tubig at dito ay umangat ang malalaking alon na parang mga tsunami sa iba’t ibang direksyon.
Kahit malakas si Seito ay wala siyang nagawa, nilamon siya ng malakas na alon na nagbigay ng malaking pinsala sa kanyang katawan.
Part 46: Secrets
Part 4
6
: Secrets
Y
UELO POV
Kahit napinsala si Seito sa aking pag atakeng ginawa ay nakaya pa rin niyang lumangoy ng mabilis at labanan ang malalakas na alon sa paligid. Wala akong idea na ganito katatag ang kanyang katawan.
Sa halip na umatras ay muli pa siya lumangoy upang atakihin kami ni Ryou. “Traydor ka Yuelo! Dapat lang na patawan ka ng parusang kamatayan!” ang sigaw ni Seito, halos namumula na ang mga mata niya sa matinding galit sa akin!
Hawak pa rin niya ang patalim sa kanyang kamay at saka mabilis na parang kidlat na lumangoy para atakihin ako. At dahil sa matinding takot napasigaw na lamang ako, dahil sa matinding emosyon ay muling nagliwanag ang aking kaliskis at mabilis na tumaas ang alon sa iba’t ibang direksyon.
Dahil sa malakas na pagsalpok ng tubig ay muling tinangay palayo si Seito. Samantalang si Ryou naman ay inanod rin at inilubog sa karagatan ng mala delubyong tubig.
Agad akong sumisid sa ipinaka ilalim upang isalba ang katawan ni Ryou. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang braso at dinala ito sa pinakapampang karagatan.
Wala na siyang malay..
Iniwan ko siya doon at nagtago na lamang ako sa malaking batuhan hinintay ko na mayroong makakita sa kanya at irescue siya. Sa huli, hindi naman ako nabigo dahil agad na may lumapit kay Ryou at tumawag ito ng tulong upang madala siya sa ospital.
Noong mga sandaling iyon ay nagdesisyon akong lumangoy palayo. Ngayon ay wala na akong sikretong maitatago kay Ryou, alam na niya kung anong klaseng nilalang ako. At marahil ay ito na rin ang simula ng katapusan ng aming samahan.
Sana ay may kakayahan akong burahin ang kanyang ala-ala para mabura ko ang portion na ito at maibalik sa normal ang lahat. Pero wala, hindi na ito saklaw ng aking kakayahan.
Ngayon ay wala na akong mukhang maihaharap kay Ryou at dahil alam na niya ang aking sikreto ay kailangan ko na ring lumayo sa kanya dahil tiyak na malalagay sa panganib ang aking buhay kung kakalat ito at malalaman ang lahat na hindi ako isang normal na tao.
Ibayong kirot sa dibdib ang aking naramdaman noong mga sandaling iyon. Wala akong nagawa kundi ang huminto na lamang sa isang batuhan at umiyak hanggang sa mabawasan ang sakit na aking nararamdaman.
Kasalanan ko ba talaga ang lahat ng ito? Kung babalikan ko ang lahat ay nakahanda naman talaga akong patayin si Ryou simula pa lamang. Ang hindi ko lamang napaghandaan ay ang mahulog at mapamahal sa kanya. Sa tingin ko ay maling istratehiya na ilapit ang aking sarili sa kanya dahil nahulog lamang ako at humina.
Hindi naman ako ang nagtraydor kundi ang aking puso. Tama nga sila, ang malalakas ay humihina at ang mga matatapang naman ay naduduwag kapag sila ay umibig at nagmahal. Patuloy sa pagpatak ang aking luha, nagiging puting perlas ako kapag humahalik sa tubig na parang isang piraso ng kumikinang na kristal kapag lumulubog sa pinaka ilalim ng tubig.
Ilang minuto rin akong tumagal sa ibabaw ng batuhan bago ako muling mag dive sa karagatan at umuwi na lamang sa aming lugar kung saan naghihintay si tiya Marine, tiyak na labis na siyang nag aalala sa mga sandaling ito.
Mabilis akong naglangoy pauwi at habang sumasabay ako sa alon ng karagatan ay napansin kong nagliliwanag ang pendant sa aking kwintas kaya naman nagdesisyon akong magtungo sa ibabaw ng karagatan. Mabilis kong hinubad ang kwintas at itinaas ito para itapat sa buwan.
Noong mga sandaling timaan ng sinag ng buwan ang kwintas ay naglabas ito ng isang malakas na liwanag na tumuturo sa direksyon patungo sa Isla ng Karikit, ang isla ng aking mga ninuno.
Hindi ako nagdalawang isip, mabilis akong lumangoy patungo doon. Batid kong mayroong nagpadala ng signal sa akin para doon ako tumuloy.
Makalipas ang ilang minuto ay narating ko ang isla ang Karikit at sa pampang lang nito ay nakita ko na agad sina Tiya Marine at ang aking ina na si Seres. Sila ang nagpadala ng signal sa akin para magtungo dito sa isla.
Noong masilayan ko ang kanilang mga mukha ay nagsimulang bumugso ang aking emosyon. Nagsimula na ring pumatak ang aking luha at wala akong nagawa kundi ang yumakap sa kanilang dalawa. Para akong isang batang inapi noong mga sandaling iyon.
Sinalubong nila ako at niyakap ng mahigpit. “Yue, alam kong mabigat ang pinagdadaanan mo ngayon. At nais naming malaman mo nandito lamang kami para sa iyo,” ang wika ng aking ina.
“Inay patawarin mo ako, alam kong binigo kita at ang ating lahi,” ang sagot ko habang umiiyak.
Umiling ang aking ina at ngumiti. “Yuelo, wala ka namang kasalanan, nauunawaan ko ang mga pangyayari at bilang iyong ina ay nakahanda akong kampihan ka kahit na ano pang mangyari.”
Noong mga sandaling iyon ay agad kong naisalaysay ang mga pangyayaring naganap noong unang beses na pagtangkaan ni Seito ang aming buhay. Naikwento ko rin ang pangyayari kanina kung saan ipinagtanggol ko at prinotektahan si Ryou laban kay Seito. At noong mga oras din iyon na nalaman na rin ni Ryou ang aking sikreto.
“Anong gagawin ko? Kung hindi ako magpapalit anyo bilang isang mermaid ay hindi ko magagawang iligtas si Ryou. Kung nananatili ako sa anyong tao ay baka pareho na kaming napahamak. Sa palagay ko ay ginawa ko lamang ang mga bagay na sa tingin ko ay tama,” ang salaysay ko.
“Labis din akong nag-alala noong malaman kong hinahabol kayo ni Seito. Mabuti naman at naipagtanggol mo si Ryou. Pero ang tanging tanong ko lamang sa iyo Yue, may pagsisisi ka bang nararamdaman sa iyong ginawa?” tanong ni Marine.
Natahimik ako at napaisip, “Wala akong pagsisisi na iniligtas ko ang buhay ni Ryou mula sa kamay ng kalaban. Nagsisisi lamang ako dahil dinala ko siya sa ganoong sitwasyon,” ang sagot ko na hindi maitago ang lungkot na nadarama.
“Mas magiging ligtas si Ryou sa siyudad, iwasan na lamang niya ang magtungo sa sea wall dahil tiyak na aabangan siya doon ni Seito. O mas makabubuti sa kanya kung magdagdag na lamang siya ng mga body guard at iwasan niya ang pagtakas sa mga ito ng nag iisa,” ang tugon naman ni ina.
“Parang wala na akong mukhang maihaharap kay Ryou,” ang sagot ko sa kanya. Malalim ang pinagsamahan naming dalawa pero wala na akong lakas na loob para humarap pa sa kanya.
“Yue, alam mo ba ang dahilan kung bakit nandito ang iyong ina?” tanong ni Marine.
Umiling ako at nagtaka, “hindi po, may nangyari ba doon sa Tsunaria?” tanong ko sa kanila.
Napabuntong hininga ang aking ina at napatingin siya sa akin ng seryoso, “nalaman na ng mga matatandang gabay ang ginawang pagtatanggol kay Ryou Guerrero kaya’t pinatawan ka nila ng kaparusahan. Ikaw nais nilang hulihin sa salang pagtataksil sa ating lahi at kalakip nito ang utos na hindi ka na maaaring bumalik sa Tsunaria. At ang pinakamalalang parusa ay..” napahinto siya at napaiyak na lamang.
“Inay, huwag ka na umiyak, kailangan nating maging matatag ngayon. Walang magagawa ang pag iyak sa ating sitwasyon.”
“Hindi ko lamang mapigilan ang aking sarili dahil pinatawan ka nila ng parusang “kapamatayan” at ito ang dahilan ay agad akong nagpadala ng signal sa inyo ni Marine. Dahil ako ay tumakas na lamang sa Tsunaria, nais nila akong bihagin upang madali kang mapapunta doon,“ ang paliwanag ni Seres.
“Alam ng mga elder mermaids na mahal na mahal mo ang iyong ina kaya’t kung sakaling bibihagin nila ito ay tiyak na uuwi ka sa Tsunaria at kakakagat ka sa kanilang patibong. Sa huli ay pareho lamang kayong mapapahamak ni Seres,” ang paliwanag ni Marine.
“Patawad, kasalanan ko ang lahat ng ito,” ang tugon ko sa kanila.
“Yue, huwag mong sisihin ang sarili mo,” ang sagot ni ina.
“Totoo naman iyon, naging iresponsable ako, naging mahina at hindi ko nagawa ng maayos ang misyon. Kaya ipinasa ito ng mga elder kay Seito. At ngayon ay nalalagay sa panganib at kapahamakan ang inyong mga buhay,” ang sagot ko, hindi ko napigilan ang mailuha.
Niyakap ako ng aking ina, “Yue, tama na huwag ka na umiyak. Sa ngayon ang tanging bagay na lamang natin na magagawa ay magiging matatag at ihanda ang ating mga sarili sa mga bagay na maaaring maganap,” ang bulong niya.
“Ano ang gagawin natin ngayon?” tanong ko sa kanila.
“Wala na ring mauuwian kaya’t sasama na lamang ako sa inyo sa ibabaw ng lupa. Sa tingin ko ay ito ang pinakaligtas na lugar para sa atin, sa ngayon,” ang wika ni Seres.
“Tama si Seres, lalo ka na Yue hindi na ligtas ang mga langoy ka dito sa karagatan. Sa tingin ko kailangan na rin nating lumayo sa lugar na malapit dito,” ang pagsuporta ni Marine.
“Anong ibig niyong sabihin? Aalis tayo sa tabi ng karagatan? Iiwanan natin ang ating bahay doon?” tanong ko naman.
Tumango si Marine, “tama ka doon, kailangan natin iwanan ang lugar na iyon dahil mapanganib na ang tumira sa atin malapit sa karagatan. Sa ngayon ay kailangan nating lumayo at magtago sa lahat ng maaaring makapanakit sa atin,” ang sagot niya.
“Tiya, ang bahay na iyon ay matagal mo nang tinitirhan. Alam kong masakit para sa iyo ang iwanan ito ng ganoon na lang,” ang sagot ko rin.
Ngumiti si Marine, “masakit para sa akin ang iwanan ang bahay na iyon. Pero kayong dalawa ni Seres ay ang aking pamilya kaya’t mas mahalaga kayo sa akin. Isa pa ay nauunawaan ang sitwasyon natin at pati na rin ang panganib na kayang gawin ng mga elders,” ang paliwanag niya.
“Ganoon ba talaga sila kasama? Ang tinutukoy ko ay ang mga elders?” tanong ko ulit.
Humarap sa akin si Marine at napabuntong hininga, “Yue, ayokong sabihin ito ngunit nais kong malaman mo na mas masama pa sila kaysa sa iyong inaasahan.”
Part 47: Cruelty
Part 4
7
: Cruelty
Y
UELO POV
“Masama pa sila kaysa sa akin inaasahan? Bakit niyo ito nasabi? Ano ba ang kanyang gawin ng mga elders? Kaya pa ba nila tayong saktan kahit nasa ibabaw na tayo ng lupa?” ang pagtataka ko na may halong pangamba.
“Sa tingin ko ay may kakayahan silang gawin ito. Mayroon akong naalalang kwento tungkol sa isang mermaid na ang pangalan ay Merwin,” ang wika ni tiya Marine.
Tumago naman si inay at sumuporta, “Oo, naalala ko ang tungkol kay Merwin. Siya ang pinaka unang merman na pinatawan ng kasalanang pag ta-traydor at kamatayan noon,” ang sagot niya.
“Sino si Merwin?” ang pagtataka ko naman.
“Ang tungkol kay Merwin ay matagal nang naganap. Bata pa kami ni Marine noon. Siya ang kauna unahang merman na napatawan ng parusang pag ttraydor sa ating lahi. Halos pareho rin ang inyong naging sitwasyon ngayon,” ang sagot ni Ina.
“Paano siya nagtraydor? Masama ba talaga ang kanyang ginawa?” tanong ko naman.
“Ang totoo ay hindi ko alam kung masama ba ang kanyang ginawa, hindi ko alam kung mali ba ito o tama. Bata pa kami Marine noon at hindi pa kami aware sa mga issue sa aming paligid. Basta ang alam lamang namin noon ay nagkamali si Merwin kaya pinarusahan ito,” tugon ni inay.
Napabuntong hininga si tiya Marine at napatingin sa kalawakan ng karagatan.
Ngayon ay isang gabing malamlam at punong puno ng kalungkutan. Habang nakatingin siya sa kalayuan at unti unting binalikan ang kwento ni Merwin na naganap matagal na panahon na ang nakalipas.
“Hindi ko na maalala ang buong detalye sa mga pangyayaring iyon. Basta ang alam ko lamang ay si Merwin ang pinaka gwapong merman noon sa Liquara. Ang lahat ng mga sirena ay talaga nagkakagusto at umiibig sa kanya. Ngunit si Merwin ay nainlove at nahulog sa isang mangingisda.
“Pinatunayan ni Merwin na ang pag-ibig ay makapangyarihan dahil tinanggap siya ng mangingisda at nagmahalan silang dalawa. Inamin niya sa kanyang nobyo ang kanyang totoong katauhan, ang akala ni Merwin ay hindi siya tanggapin nito. Ngunit nagkakamali siya dahil buong puso siyang tinanggap ng binata.
“Naging makabuluhan ang pagsasama ni Merwin ng kanyang kasintahang mangingisda. Naging masaya sila sa itaas ng lupa at kapwa namuhay doon ng normal. Itinago ng mangingisda ang sikreto ni Merwin at hindi niya ito ipinagsabi kahit na kanino upang maprotektahan ang kanyang pinakamamahal.
“Isang araw ay nagkaroon ng isang malawakan dynamite fishing sa karagatan at marami sa ating mga kalahi ang napinsala lubos dahil sa matitindi at malalakas na pagsabog sa ilalim ng karagatan. Halos nawasak ang Liquara noong mga sandaling iyon.
“Dito napag-alaman ng mga elder mermaids na isa sa mga pinuno ng dynamite fishing na iyon ay ang lalaking nobyo ni Merwin. At noong araw ding iyon inutos ng matatandang gabay na wakasan at paslangin ang lahat ng mga maningingisdang kabilang sa pang aabuso at pagpapasabog ng karagatan. Nakakalungkot ngunit kabilang sa black list ang kasintahan ni Merwin.
“Umakyat ang mga assassin sa lupa upang patayin ang lahat ng salarin. Syempre ay buong lakas na ipinagtanggol ni Merwin ang kanyang nobyo at dalawang mermaid assassin ang kanyang napatay dahil sa labis na pagmamahal. Kaya si Merwin ay pinatawan ng parusang kamatayan sa salang pag ttraydor sa kanyang mga kalahi. Hindi na rin siya pinayagang makabalik pa sa Liquara.
“Walang nagawa sina Merwin kundi ang umalis na lamang at magtago sa ibang lugar na hindi sila mahahanap ng mga mermaid assassins. Sa huli ay naging matagumpay sila sa pagtatago at nakaiwas sa matinding kaguluhan,” ang salaysay ni Tiy Marine.
“Oh, iyon naman pala. Nakatakas na naman pala sila at nakapagtago. Paano sila pinagmalupitan ng mga elder mermaid? Paano sila naging masama?” pagtataka ko naman.
Natawa si Ina, “Yue, hindi pa naman doon nagtatapos ang kwento” ang wika niya at dito ay ipinapatuloy ni inay ang kwento tungkol kay Merwin at sa kanyang nobyo.
“Nagawa nilang makatakas at mamuhay ng tahimik sa isang malayong malayong lugar. Ang akala nila ay tapos ang lahat ay ligtas na ang kanilang mga buhay. Ngunit hindi ganoon kadaling nakakalimot ang elder mermaids. Gumawa pa rin sila ng paraang para mapatay ang dalawang taksil,” ang dagdag ni Ina.
“Pero paano nila napatay ang dalawa? Paano nila nagawa ang ganoong kalupit na bagay?” tanong ko na hindi maitago ang kabang nararamdaman.
“Sa pagkakataong ito ay ang mga tao na mismo ang ginamit ng mga elder upang patayin ang dalawa. Ibinulgar ng mga elder mermaid sa mga tao ang sikreto ni Merwin hanggang sa kumalat na ito sa buong bayan,” ang dagdag ni inay.
“Hala! Bakit nila ginawa iyon? Sa kanila mismo nanggaling ang pagbubulgar?” tanong ko na hindi halos makapaniwala.
“Tama ang rinig mo Yue, inutusan nila ang isang mermaid assassin na ipagbida ang tungkol sa pagiging sirena ni Merwin. Kung hindi nila kayang tapusin si Merwin gamit ang mga ipinadalang assassin sa itaas ng lupa. Ay mas makabubuti na ang mga tao na mismo ang magsagawa nito,” ang paliwanag ni Marine.
“At kumalat nga ang tungkol kay Merwin kaya naman noong gabi iyon ay sinugod nila ang bahay ng mangingisda at pinasok ang loob nito ng sapilitan. Dito ay nakita nila na totoo nga ang balitang kumalat na “ang bagong salta ay may tinatagong kamalasan!’ Isang salot! Isang masamang binhi na mula sa ilalim ng karagatan!
“Pinagkaguluhan si Merwin noon, sinaktan siya at kinatakutan. Syempre ay nagalit ang kanyang nobyong manginigisda at kumuha ito ng itak Ipinagtanggol niya si Merwin sa mga taong bayan na gusto manakit sa kanyang pinakamamahal. Hanggang sa napatay nila ang binata.
“Si Merwin ay pinahirapan at pinatay rin ng mga taong bayan. Ayon na rin sa kanilang matangdang paniniwala noon na ang mga sirena ay mga salot at malas! Pinag pira-piraso si Merwin at ibinenta ang kanyang buntot sa mataas na halaga. At dito namin napagtanto kung gaano kasama ang mga elders at gayon rin ang mga tao dito sa ibabaw ng lupa,” ang salaysay ni Ina.
“Hindi ako makapaniwala na gagawin ng mga matatandang gabay ang ganoong kalupit na bagay! Para silang mga halimaw sa ilalim ng karagatan,” ang sagot ko naman, hindi ko maiwasang madala sa kwento ni Merwin at ng kanyang nobyo dahil kahit papaano ay makakarelate ako.
“At dahil sa ginawang iyon ng mga elder mermaids ay natakot na ang lahat na hindi sumunod sa kanilang nais. Kinatakutan ang matatandang elders dahil sa kanilang kalupitan. At hanggang ngayon ay ganoon pa rin sila kalupit!” ang sagot naman ni Marine.
“At ang nangyari kay Merwin ay ang simula ng isang “konotasyon” na mga tao sa ibabaw ng lupa ay malulupit at daig pa ang mga halimaw kung umasta,“ ang dagdag naman ni inay.
“Kung sakaling magtatago tayo ay may posibilidad rin ba na ulitin ng elders ang ginawa nilang pagsasabog ng balita sa mga tao? May posibilidad bang gawin din nila iyon sa atin?” pagtataka ko.
Napabuntong hininga si Inay, “hindi malayong mangyari ang ganyang bagay lalo’t matindi ang galit ng mga elder mermaids mga nagtataksil at lumalabag sa kanilang nais. At sa palagay ko ay hinahanap na rin nila ako sa ngayon.”
“Sigurado iyon, kaya’t dapat tayong lumayo at mag ingat,” ang tugon ni Marine.
“Pero paano tayo lalayo?” tanong ko na may halong takot.
“Mayroon akong perang naipon sa pagbebenta ng paintings, mayroon din tayong naipon na pagbebenta ng souvenirs, tama?” nakangiting wika ni tiya Marine.
“At mayroon din akong naipong kaunti doon. Sa palagay ko ay maaari natin iyon gamitin upang makapag simula muli,” ang tugon ko sabay hawak sa kamay nilang dalawa.
“Inay, tiya Marine, kayong dalawa na lamang ang mayroon ako ngayon. Hindi ako papayag na mapahamak kayo, hindi ako papayag na masaktan kayong dalawa. Pangako, lahat ay gagawin ko para makasiguradong ligtas kayo. Mahal na mahal ko kayong dalawa,” ang salita ko at hindi ko napigilan ang mapaiyak.
“Alam naman iyon, at ganoon rin kami sa iyo. Hindi namin hahayaang may masamang mangyari sa iyo. Ang iyong tunay na ina ay matalik naming kaibigan at nangako kami sa kanya na aalagaan,” ang sagot ni tiya Marine.
Isang mahigpit na yakap naman ang iginawad sa akin ni Inay, “mahal na mahal kita anak, hindi ka man nanggaling sa dugo at laman ko ay nanggaling ka naman dito sa puso ko.”
Ang gabing iyon ay naging emosyonal para sa amin. At noong gabi rin iyon ay nagdesisyon kaming lumayo na lamang at magtago sa lugar kung saan kami magiging ligtas.
Hindi ko alam kung ano pa ba ang kayang gawin ng mga elder mermaid, pero nangako ako sa aking sarili na gagamitin ko ang lahat ng aking kapangyarihan at abilidad upang makaligtas at walang mapahamak sa aming lahat.
Ito lang ang mga bagay na sigurado ako sa ngayon.
The rest? I don’t know..
Alam ko naman na ang paglayo ay nangangahulugang pag iisa. Iiwanan ko si Ryou at maaaring hindi na kami magkita pa. Pero mabuti na rin iyon upang hindi na siya mahanap pa ni Seito.
Kaya lang naman niya kami nasundan doon sa rest house ay dahil sinundan niya ang aking amoy. At hindi naman lahat ng mga mermaid ay may ganoong kakayahan. Sadyang espesyal lamang ang kakayahan ni Seito kaya niya ito nagagawa.
Si Tiya Marine ay matagal ring namalagi dito sa high ground. Halos dito na rin siya tumanda kaya’t kabisado na niya ang mga lugar. Sa mga oras na ito ay nakapag isip na rin siya kung saan kami lilipat.
At ang aming gagawing paglipat ay sikreto, tahimik at walang nakakaalam.
Napamahal na rin sa akin ng mga taong nakakasalamuha ko sa araw araw. Tiyak na magtataka sila kung bakit para bula kaming nawala.
Sa kabilang banda ay sumasagi pa rin sa aking isipan si Ryou. Kumusta na kaya siya ngayon? Maayos na kaya ang kanyang kalagayan?
Wala akong pinagsisisihan sa aking ginawang pagligtas sa kanya at sa pagbubulgar ko sa aking sarili. Alam ko namang darating din sa puno na malalaman rin niya ang katotohanan.
Mas mabuti nang nalaman niya ito ng mas maaga..
Part 48: Sadness
Part
48
: Sadness
Y
UELO POV
Isang komplikadong desisyon ang umalis at tumalikod sa lahat ng bagay na aming nakasanayan. Ngunit wala naman kaming ibang pamimilian dahil napakadelikado sa amin ang manatili sa isang lugar.
Ngayon ay tiyak na magsisimula na ang pagbabago sa aming buhay, magsisimula na kaming magpalipat-lipat sa iba’t ibang lugar upang makatiyak sa aming seguridad at kaligtasan.
Dahil hindi na rin maaaring bumalik ang aking ina na si Seres sa Tsunaria ay minabuti na lamang niya sumama sa amin at muling tumuntong sa high para magsimula ng bagong buhay.
Kaya naman sa bukas ng liwayway at magkaroon kami ng mga paa ay agad naming kinuha ang aming mga gamit at patahimik kaming lumisan sa aming tinitirhan na tahanan malapit sa seawall. Tiyak na mamimiss ko ang mga taong parating bumibili sa akin ng mga souvenirs at tiyak na mamimiss ko rin si Ryou, ang taong nagbigay sa akin ng kaligayahan.
“Malungkot ang luminsan ngunit ito lang ang nararapat naming gawin. Sana ay dumating ang araw na makabalik akong muli dito at makagawa ng mas magagandang ala-ala. Pero sa ngayon, ang pansamantalang pagpapaalam ang aking ibubulong sa hangin. Sana ay marating ito sa lahat ng taong mahalaga sa akin.
Sumakay kami nila inay at tiya Marine sa bus patungo sa malayong lugar. “Don’t worry magiging maayos rin ang lahat sa atin. Ngayon ay magpahinga muna kayo dito sa bus at pagmasdan ang magagandang tanawin na ating madaraanan.”
Lalong humigpit ang pagyakap ko sa braso ni Inay, “basta ako? Masaya ako dahil kasama natin si inay ngayon. Kahit papaano ay may dahilan pa rin ako para ngumiti at ipagpatuloy ang magulong hamon ng buhay,” ang tugon ko naman.
“Ngayon ay medyo naninibago ba ako at nag aadjust sa aking paligid pero makakasanayan ko rin ito. Mas masaya ako dahil kasama ko kayong dalawa ngayon. At kahit saan pa tayo makarating ay paulit ulit akong magiging masaya dahil nandito kayong dalawa,” tugon ni inay.
“Sayang, hindi masyadong maganda yung reunion nating tatlo dahil punong puno ito ng tensyon at problema. Gayon pa man sigurado kong masaya ang tunay na ina ni Yue at ngayon ay ginagabayan niya tayo,” ang sagot ni Tiya Marine habang nakangiti.
Habang nakatingin ako sa bintana ng bus ay nagbalik sa aking ala-ala ang magagandang bagay na pinagsamahan namin ni Ryou simula noong unang beses kami magkakilala hangagang sa naging malapit kami sa isa’t isa. Pinipilit ko ring balikan ang mga sandaling magkasama kami sa seawall, kapwa kami nakatanaw sa kalayuan habang pinagmamasdan ang papalubog na araw sa kalangitan.
Para sa akin si Ryou ay hindi masamang tao at wala siyang ginagawang masama sa kanyang kapwa. Ang insidente sa Aquarius Maritime Tankers ay hindi niya sinasadya dahil ito ay literal na aksidente at pinagbayaran na ni Ryou ang kasalanang na iyon.
Sinuri kong mabuti ang sitwasyon, ngunit kahit saang anggulo ay hindi ko makita ang kasamaan ni Ryou, hindi ko makita ang kanyang kasalanan. Kaya paano ko siya papatayin? Paano ko maaatim na wakasan ng buhay ang taong hindi naman gumagawa ng masama? Ito ang mga bagay na hindi maunawaan ng aming kalahi dahil ang mahalaga sa kanila ay gumanti. Hindi nila tinitingnan ang bawat anggulo ng pangyayari. Parating one sided at sila ang tama.
“May tanong ako,” ang pagbasag ko ng katahimikan.
“Ano iyon, Yue?” tanong ni inay sa akin.
“Pinag putol putol ang katawan ni Merwin, tama? Saan nila ito dinala?” tanong ko sa kanila.
“Hmmm, ang sabi ay ibinenta daw ito ng malaking halaga sa mga eksperto upang pag-aral kung paano nakakahiga sa tubig ang mga mermaid. At ang ilang parte daw ng kanyang buntot ay binili ng mayamang negosyante para kanyang sarili interest. Ang buntot ni Merwin ay kulay pula, kaya’t tiyak na maganda ang kalidad nito,” ang wika ni tiya Marine.
“Masyadong malupit kung aking iisipin, nakakagalit at nakakatakot rin. Para tayong isang isda na tinatadtad at ibinebenta sa palengke,” ang sagot ko na hindi maitago ang galit.
“Kaya’t simula noong mangyari iyan kay Merwin ay tinawag na naming mga “malulupit na halimaw” ang mga tao. Kung sabagay, kahit noong sinaunang panahon pa lamang ay marami na talagang mga mangingisda na nanghuhuli ng mga sirena para ibenta sa malaking halaga,“ ang paliwanag naman ni inay.
“At hindi ko hahayaang gawin nila sa atin ang ginawa nilang kalupitan kay Merwin. Ang madugong pangyayaring iyon ay hindi na mauulit pa,” ang mariin kong sagot.
“At hindi ko rin hahayaang mangyari ang ganoong bagay sa atin! Makikita nila ang espesyal kong abilidad,” ang wika ni tiya Marine.
Biglang natawa si Inay, “mayroon ka ba noon?” tanong niya.
“Syempre naman, ito ang abilidad na namana ko sa aking mga magulang. Huwag nila hayaang gamitin ko ito!” ang sagot ni tiya Marine tapos ay nagtawanan silang magkaibigan.
Patuloy ang aming pagbabyahe patungo sa ibang bayan. Dala lamang namin ang aming mga damit at ilang mahahalagang bagay na pwedeng dalhin. Halos inabot ng limang oras ang aming nilakbay patungo sa bagong lugar na aming titirhan.
Ang bayan na ito ay tinawag na “Rosalka” ito ay isang maliit na bayan malapit sa paanan ng bundok. Maswerte naman kami dahil agad kaming naka kita ng paupahang bahay. Simple lamang ito ngunit komportable sa loob.
Ang isang silid ay hinayaan naming bakante, dito ay naglagay inflatable swimming pool na sakto sa sukat ng silid. Agad namin itong pinunuan ng tubig upang sa gabi ay mayroong mapaglagyan si Inay at tiya Marine. Malaki naman ito at kasya silang dalawa. Ang inflatable swimming pool ay ibinili ni tiya Marine noon bilang pamalit sa kanyang lumang bath thub. Mabuti naman at nagamit na niya ito ngayon.
Ang loob ng silid ay sinugurado naming secure ay walang ibang maaaring makapasok. Tuwing gabi naman ay ako mismo ang magpapabantay sa kanilang dalawa upang makasiguradong ligtas sila.
“Alam niyo na kanina ko pa iniisip kung paano tayo sa pagsapit ng gabi, mabuti na lamang at pinaghandaan ito ni Marine,” ang wika ni Inay habang matuloy kami sa paghahakot ng tubig.
“Ito talaga ang priority ko. Ayoko naman na maglunoy tayong tatlo dyan sa ilog noh, ngayon ay medyo malayo na tayo sa karagatan kaya’t papalitan na lamang natin ng tubig itong swimming pool once a week,” ang sagot ni tiya.
Masaya naman ako sa kinalabasan ng aming paglilipat. Iyon nga lang ay may mga oras na sumasagi sa aking isipan si Ryou at binabalot ako ng kakaibang lungkot. May mga sandali rin kumikirot ang aking dibdib dahil hinahanap hanap siya ng aking mga mata. Ngayon ay hindi na kami maaaring magkita ni Ryou at ang magandang panaginip kasama siya ay nagtapos na.
Ang saya ay napalitan ng isang malalim na kalungkutan.
5 HOURS EARLIER
Samantala sa
Tsunaria
..
Bumalik si Seito sa Tsunaria na sugatan dahil sa nangyaring labanan sa pagitan nila ni Yue sa karagatan. Hindi niya akalain na may itinatagong lakas ang sirenang may pilak na buntot.
Kitang kita ang mga pinsala sa kanyang katawan. Ito ang unang beses na umuwi siya ganitong kondisyon kaya naman ganoon na lang ang pag-aalala ng kanyang mga kalahi.
Katulad inaasahan ay ikinalat ni Seito na si Yue ang gumawa sa kanya ng ganitong klaseng pinsala kaya naman mas lalo pang nadiin ang binata sa kasalanan. Mas lalong nagalit sa kanya ang mga kalahi hanggang magkaisa na ang mga ito wakasan ang kanyang buhay dahil nagdadala siya ng kamalasan at panganib sa buhay ng iba.
“Katulad ng sinasabi ko sa inyo, ang mga sirena na may pilak na buntot ay mapanganib at may kakayahang manakit ng kanilang kapwa. Kaawa awang Seito, malaking pinsala ang nangyari sa kanya, ito ay kagagawan ni Yuelo,” ang galit na salita ng elders.
“Sa tingin ko ay masyadong nilamon ng pag ibig si Yue, gagawin niya ang lahat para maipatanggol at maprotektahan si Ryou Guerrero. Masakit mang tanggapin ngunit ang ating kalahi ang ating kalaban ngayon,” ang salita ni Seito.
“Kung ganoon ay magpadala pa kayo ng mas maraming mermaid assassin sa lupa upang dakpin si Yue. Malinaw na kamatayan ang naghihintay na kaparusahan sa kanya!”
“Kung ganoon ay dakpin rin si Seres na kanyang guardian at ikulong ito! Sa ganitong paraan ay mapipilitang umuwi si Yue dito sa Tsunaria,” ang utos ng isang matandang gabay sa mga kawal.
At iyon ang set up, agad na hinanap ng mga kawal si Seres. Ngunit wala na ito sa paligid..
Bago pa magkaroon ng pagpupulong ay narinig na ni Seres ang usapan tungkol sa planong pagdakip sa kanya. Siya ang gagamitin upang pauwiin si Yue dito sa Tsunaria. Kaya’t noong mga sandaling iyon ay nagdesisyon siyang lumangoy palayo at lumisan sa kanilang tirahan.
Mabilis siya nagpadala ng signal kay Marine na magkita sila sa Isla ng Karikit upang pag usapan ang plano paglikas dahil hindi makabubuti na manatili sila sa kanilang kinalalagyan, masyadong mapanganib ang karagatan para sa kanila.
Noong magkita sila ni Marine sa isla ay nagpadala naman sila ng signal kay Yue para mapuntahan sila ng binata.
Samantala sa Tsunaria ay bigo ang mga kawal na makita ang kanilang hinahanap, “Si Seres ay wala na kanyang tirahan, marahil ay umalis na ito kanina,” ang report ng kawal.
“Nakatitiyak na sumunod na rin si Seres kay Yue doon sa high land! Aakayat ako doon kasama ng mga kawal upang ibalik siya dito sa Tsunaria,” ang tugon ni Seito.
“Seito, hayaan mo na lamang muna ang mga kawal na bumalik doon sa lupa. Kinakailangan mong magpaggaling kaagad upang maituloy mo ang iyong misyon. Sa ganyang kondisyon tiyak na hindi ka rin makakalangoy at makakalakad ng maayos doon sa itaas,” ang payo mg matatandang gabay.
Makalipas ang ilang oras ay umakyat agad ang mga kawal sa High Land upang hanapin at ibalik si Seres sa karagatan. Nagtungo sila sa tirahan ng kaibigan nitong si Marine ngunit ang loob ng bahay ay abandunado na.
Part 49: New Beginning
Part
49
: New Beginning
R
YOU POV
Nawalan ako ng malay..
At noong magising ako ay natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng isang public hospital at ginagamot ang mga galos sa aking katawan.
Ang sabi nila ay natagpuan akong walang malay sa tabing dagat. Marahil daw ay nahulog ako doon sa bangin at doon ko nakuha ang aking mga galos at pasa.
Pero alam ko ang totoo nangyari at tandang tanda ko ang lahat. Fuck! Si Yue ay isang sirena at si Seito ay isa ring sirena. Pareho silang may buntot at magkaiba lamang ang kulay nito.
I still remember all the details kaso nga lang ay talagang sumasakit ang aking ulo sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata at pilit kong binabalikan ang mga pangyayari iyon.
Ngayon ay malinaw ang lahat sa akin, si Yue ang lalaking modelo sa painting. It is very clear na ginawa niyang inspirasyon ang sarili niya upang makagawa ang isang
extraordinary na artwork.
At noong mga sandaling nagkaroon ng lindol sa karagatan, noong sandali na nahulog ako sa yate at nilamon ng malakas na alon. Totoong iniligtas ako ng mermaid at hindi iyon isang halusinasyon. Ang mermaid na iyon ay wala iba kundi si Yue rin.
Habang nasa ganoong pag iisip ay unti unting nagkaroon ng linaw sa aking isipan kung bakit ganoon siya kawirdo. Kung bakit wala siyang alam sa mga bagay dito sa mundo, kung bakit hindi magkapares ang mga sapatos niyang suot. Kung bakit parati siyang naglalakad ng naka yapak, kung bakit ganoon siya magdamit. At kung bakit hindi siya marunong kumain sa mga restaurant. Ang kasagutan ay dahil hindi niya alam ang way of living dito sa lupa at ang bawat oras ng pananatili niya dito ay pag aadjust sa kanyang sarili.
It’s all makes sense now..
“Bro, mabuti naman at gising ka na. Talagang dumayo ka pa dito sa rest house mo para tumalon sa bangin? Ano bang iniisip mo? Ang layo ng byahe ko para sa emergency na ito,” ang reklamo ni Gino.
Naalala ko na isinama ko nga pala si Yue dito sa rest house para magtago ngunit nasundan pa rin kami ni Seito at nagkaroon sila paglalaban doon sa karagatan. Mahirap paniwalaan ngunit iyon talaga ang totoong nangyari. Pero wala akong ibang pagsasabihan nito dahil iisipin nila na nababaliw na ako.
Lumapit sa akin si Gino, “Tell me, ano bang nangyari sa iyo?”
“Nalasing ako at nahulog doon sa bangin, mabuti na lang at bumagsak ako sa karagatan,” ang sagot ko, mas mabuti na yung ganito.
“Tapos ay iniligtas ka ng kaibigan mong mermaid?” natatawang biro ni Gino.
Pero seryoso akong sumagot, “hindi, lumangoy ako patungo sa pampang. Walang mermaid, hindi sila totoo.”
“Biglang seryoso ka ah, alam mo hindi talaga ako sanay na ganya ka kaseryoso. Anyway magpahinga ka muna dito at uuwi na tayo sa siyudad sa susunod na araw,” ang sagot ni Gino.
“Salamat sa pagpunta dito. Paano mo nalaman yung nangyari sa akin?” tanong ko sa kanya.
“Tumawag sa akin yung caretaker ng rest house mo. Noong marinig kong emergency ay agad ako ng drive ng 3 hours patungo dito,” paliwanag ni Gino.
Tumango ako at nagbitiw ng simple ngiti. Ewan ko, para bang wala akong gana magsalita at nais ko na lamang pumikit at timbangin ang aking emosyon. Kumakabog ang aking dibdib at halos hindi ako mapalagay. Paulit ulit kong itinatanong sa aking isipan kung totoo ba talagang nangyayari ito? O baka naman nananaginip lamang ako?
Ngunit kahit ilang beses kong tangkaing gumising o kahit ilang beses ko pang kurutin ang aking sarili ay bale wala lamang rin.
“Akala ko ay kasama mo si Yue dito sa rest house?” ang pang uusisa ni Gino.
“Hindi, wala akong kasama,” ang sagot ko sa kanya.
“Pupunta ka dito ng wala kang kasama? Wala kang babaeng ikakama? Bakit? Ganyan ka ba ka loner?” tanong niya.
“May naiwan akong mga mahahalagang documents dito sa rest house iyon ang dahilan kung bakit ako nagtungo dito,” tugon ko.
Habang nasa pag uusap kami ni Gino ay siya namang pagpasok ni Jihan sa loob ng aking silid. Kasama niya ang ilang press na kaibigan. Gulat na gulat kaming dalawa, ang tahimik naming mundo ay biglang nabulabog sa kanyang pagdating.
“OH MY GOD! Anong nangyari sa iyo?!” ang entrada niya.
“Jihan, anong ginagawa mo dito?” ang tanong ni Gino.
“Wala kang paki. Bakit ba nandito ka? Siguro may gusto ka kay Ryou no? Kaya mas nauna ka pa sa akin dito?” ang sagot ni Jihan sa kanya.
“Hindi ah, hindi naman ako bakla! Anong ginagawa mo dito? Saka bakit may press ka pang kasama? Bigyan mo naman ng privacy si Ryou dahil nagpapahinga siya,” sagot ni Gino habang hinaharangan sila.
“Actually, hindi naman talaga sila press, mga kaibigan ko sila at nagwoworry lang sila sa kalagayan ni Ryou,” ang paliwanag ni Jihan, samantala hindi naman ako kumikibo, nakatingin lamang ako sa kanila.
“Alam mo ipapasara ko talaga iyang rest house na iyan! Sino bang may ari niyan? Napakawalang kwenta, napakawalang silbi! Pinababayaan niya ang mga guest! Hindi ito mangyayari kay Ryou kung naging responsable lang ang management ng rest house! Idedemand ako talaga ang may ari niyan!” ang galit na salita ni Jihan.
Tumingin ako sa kanya, “ako yung may ari ng rest house. At hindi ko naman ito ipinapaupahan. Aksidente yung nangyari dahil nalasing ako at naout of balance. Walang may kasalanan nito,” ang sagot ko.
Tumabi sa akin si Jihan, “sobra akong nagworry sa iyo. Mabuti na lamang at maayos ang kalagayan mo. Next time kapag pupunta ka sa ganitong kalayong lugar ay sabihan mo ako para masamahan kita,” ang salita niya, mayroong malambing na boses.
“Biglaan lamang ang pagpunta ko dito. Hindi ko naman inaasahan na ganito ang mangyayari. Sorry kung nag-alala kayo sa akin.”
“Sobra akong nagworry sa iyo. Sobrang nag panic talaga ako noong mabalitaan ko ito. Mabuti naman at okay ka na ngayon,” ang sagot ni Jihan.
Maya maya ay lumapit sa kanya ang isang kaibigan may hawak na cellphone bilang start ng recording, “Sir Jihan, ngayong maayos na ang kalagayan ni Ryou, nakahanda ka na bang magpakasal sa kanya?” tanong nito.
“Akala ko ba hindi sila press? Bakit ganyan silang maka interview? Labas na nga kayo! Ginugulo niyo si Ryou e, kailangan niyang magpahinga,” ang pagpigil ni Gino.
“Tumigil ka na nga Gino, hindi ka naman kailangan dito. Ngayong nandito na ako sa tabi ni Ryou ay maaari ka na umuwi,” ang sagot ni Jihan sa kanya.
Lalo lamang gumulo sa loob ng silid, magulo na nga ang aking isipan ay magulo pa rin sa aking paligid. Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa paghiga at takpan na lamang ng unan ang aking ulo. Minsan talaga ay nagiging disaster ang lahat kapag dumarating itong si Jihan.
KINABUKASAN.
Umaga pa lang ay nadischarge na ako sa ospital, minabuti namin na tumuloy na lamang sa rest house upang makapag pahinga kahit dalawang araw lang. Break na rin namin ito sa walang katapusang trabaho.
Iyon nga lang sa halip na magrelax ay parang aso at pusa sina Jihan at Gino dahil parati silang nag aaway.
“Mabuti naman at wala si Yue dito, kundi ay isa pa siyang itutumba ko,” ang salita ni Jihan habang naglilibot sa paligid ng rest house. Unang beses niyang mapunta dito.
“Maganda pala dito, maganda ang view at mapayapa. Now I know, dito ka madalas nagpapalipas ng oras kapag gusto mong mapag isa, tama?” tanong ni Jihan sa akin.
“Tama, noong masuspende ang Aquarius Maritime Tankers at inulan ako ng katakot takot na kontrobersiya ay dito lamang ako nag stay hanggang sa humupa ang issue.
Ang rest house na ito ang naging sandigan ko at naging comfort zone ko sa mga pagkakataong hindi kayang ihandle ang sitwasyon,“ ang sagot ko sa kanya.
Humarap sa akin si Jihan, “Alam mo, kapag magkasama na tayong dalawa ay hindi mo na kailangang sarilinin ang problema dahil kasama mo na akong mag sosolve nito. Ikaw naman kasi e, bakit mas pinipili mo pa yung ibang taong hindi mo naman alam kung saan nagmula. Or should I say, bakit pinipili mo pa si Yue, who knows baka may dark secret siya diba? Baka isa siyang mangkukulam, o kaya ay halimaw na naninirahan sa karagatan. Yung mga ganong pa-mysterious type ay tiyak na may itinatago,” ang hirit ni Jihan.
“Pwede na huwag na natin pag usapan si Yue?” ang pakiusap ko sa kanya. Nag tungo ako sa lamesa at nagsalin ng wine sa baso.
Ngumiti si Jihan at patuloy akong nilambing, “Oo nga naman, bakit pag uusapan natin siya. Supposedly dapat ay pag usapan natin ang future nating dalawa. See, tayong dalawa ang magiging pinaka powerful na business couple kung sakaling maikasal tayo. Kaya ngayon palang ay simulan mo na akong mahalin. Nagpahayag naman ng suporta si Dad hindi ba? Anything na maging desisyon natin ay susuportahan niya. So love me, keep me, marry me and make me happy!” ang malanding wika nito sabay lingkis sa akin na parang isang ahas.
“Jihan, okay ka lang ba? Ano ba yung mga sinasabi mo?” ang tanong ko sa kanya.
“Masaya lang ako dahil magkasama tayo ngayong araw. You see handa naman akong ibigay ang lahat sayo. As in lahat lahat, including my heart, my soul and my body!” ang sagot pa niya.
Natawa ako, “Iwasan mo nga manood ang mga pelikula para hindi mo masyadong magamit yung mga lines nila.”
“Hindi mo ba nauunawaan? Handa akong ibigay ang lahat sa iyo! Gawin mo ang gusto mo sa akin!” ang sagot niya sabay hubad ng kanyang saplot sa aking harapan.
“Fuck me! Kantutin mo ako ngayon! Gusto kong maramdaman ang pagpapahalaga mo sa akin!”
Part 50: Missing
Part 5
0
: Missing
RYOU POV
Naghubad si Jihan sa aking harapan, hindi ko alam kung ano na naman ang plano niya. Isa lang ang alam ko, kapag nahulog ako sa kanyang kamandag ay mas lalong hindi niya ako titigilan. Gagamitin niya ang nangyari sa amin para mas lalo akong hawakan sa leeg.
“Ano pang hinihintay mo? Kiss me and make love with me. Huwag mo sabihing hindi ka attracted sa akin?” tanong niya sa akin. Nakabuyangyang ang kanyang makinis at sexy na katawan, susunggaban na lamang ito ni Ryou.
At habang nasa ganoong posisyon kami biglang bumukas ang pinto at pumasok si Gino, wala siyang kamalay malay sa nangyayari dito sa loob. “Bro, nandito na yung inorder nating pagkain,“ang wika niya at gulat na gulat siya noong makita si Jihan na walang saplot.
Agad na nagtakip si Jihan ng katawan at nagsisigaw ito, “Bastos!!” ang galit niyang salita kay Gino sabay sampal dito.
“Sorry, hindi ko naman alam na may sexy scene na nagaganap dito sa loob ng kwarto. Saka bakit mahihiya ka pa sa akin e nakita ko naman yung picture mo magazine wearing bikini!” ang hirit ni Gino kaya muli siyang sinampal ni Jihan.
Halatang napahiya ito, “Bastos ka! Pangit ka na nga, bastos ka pa!” sigaw niya sabay walkout.
“Grabe naman si Jihan, hindi ko naman sinasadyang pumasok. Bakit kasi hindi kayo nag lolock ng pinto?” reklamo ni Gino.
Tinapik ko ang kanyang balikat at ngumiti, “Salamat, you saved me!”
“Iniligtas kita? Paano? Hindi ba dapat galit ka sa akin dahil na purnada yung hot moment niyo?” ang tanong ni Gino.
“Alam mong hindi ko maaaring gawin kay Jihan ang ganitong bagay dahil baka mas lalo niya akong sundan na parang isang anino. Better this way para wala siyang isumbat sa akin,” ang tanont ko sa kanya.
Kapwa kami lumabas ng silid at nagpunta sa dine in area kung saan umorder ako ng pizza at pasta para mayroon kaming pagsaluhan.
Si Jihan ay nakaupo lang sa balkunahe at halatang mainit ang ulo. “Ji, kumain na tayo,” ang pagtawag pero sa halip ay inirapan lang ako nito.
“Pare wala sa mood si Jihan, ganyan talaga sila kapag hindi napagbibigyan. Yung partner ko nga ay nagagalit sa akin kapag hindi ko siya kinantot,” ang sagot ni Gino habang nakangisi.
“Iyan ang mga bagay na hindi ko kayang gawin kay Jihan, baka maya maya ay pwersahin niya akong pakasalan siya kapag may nangyari sa aming pagitan,” ang sagot ko naman.
“Sira ka talaga, kaya lagi kayong nag aaway ni Jihan. Pero you know, napansin ko na bagay kayo ni Jihan,” ang sagot ko.
“Ilang beses na niya akong sinabihan na panget, malaki ang mata, malaki ang butas na ilong na parang butthole.”
Natawa ako, “lahat naman ng bagay ay pangit sa paningin ni Jihan. Walang ibang maganda sa kanyang kundi ang mamahaling bagay at ang sarili niya. Masanay ka na sa ugali niya dahil kapag napikon ka sa kanya ay talagang matatalo ka.”
“Pero kakaiba talaga ang ugali ni Jihan, kawawa ang magiging boyfriend niya. Kaya ikaw kung ayaw mong maging kaawa awa ay huwag mo na siyang gawing shota,” ang natatawang sagot ni Gino.
“Kaya nga pinauubaya ko na siya sa iyo. Maaari mo siyang ligawan anytime,” ang sagot ko naman.
Noong gabing iyon ay hindi halos dinalaw ng antok. Nakatayo lamang ako sa balkuhane sa likod ng rest house kung saan nasisilayan ang magandang view ng karagatan.
Malamig ang simoy ng hangin, tumatama ito sa aking mukha kaya naman paminsan minsan ay pumipikit ako para langhapin ito.
Nasa ganoong posisyon ako noong mapatingin ako sa bracelet na ibigay sa akin ni Yue, habang nakatitig dito ay tila gumuhit ang kakaibang kirot sa aking dibdib. Nasaan na kaya siya ngayon? Bumalik na ba siya sa kanyang karagatan? Bumalik na ba siya sa kanyang mundo? Ito ang mga tanong sa aking isipan at hindi ko namamalayan ang pagpatak ng aking luha.
Nagbalik sa aking ala-ala lahat ng magagandang bagay na pinagsamahan namin at hanggang ay nakaukit pa rin ang kanyang matamis at inosenteng ngiti sa aking isipan.
Sa ngayon ang tanong ko sa akin sarili ay “KUNG” tanggap ko ba si Yue bilang isang merman. Maaaring ang sagot ko ay “Oo” dahil ilang beses na niyang iniligtas ang aking buhay at hindi ko maidedeny na siya rin yung sirenang nasa isipan ko nitong nakakaraang araw.
Ngunit ang isa pang natitirang tanong ay kung ganito pa rin kaya ang nararamdaman niya sa akin? O baka umiwas na lamang siya dahil sa pag aakalang hindi ko siya kayang tanggapin?
Dalawang araw ang lumipas, muli kaming bumalik sa siyudad upang ipagpatuloy ang aming mga trabaho. Ni minsan ay hindi nawala sa isipan ko si Yue at yung pangyayari doon sa karagatan. Sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata ay iyon lamang ang aking nakikita na parang isang makamandag na sumpa.
Naging isang malaking usapan din ang nangyari sa akin sa rest house. Hindi na lamang ako nagbigay ng komento tungkol dito. Hinayaan ko na lamang mag faded ang issues.
“Cheers bro! Congratulations sa magandang performance ng Aquarius Maritime! We are back on track!” ang bati ni Gino sabay abot sa akin ng isang boteng alak.
Nag cheers kaming dalawa.
“Salamat bro,” ang simple kong sagot.
“Napapansin kong parati kang tahimik at malungkot nito nakakaraang araw, mayroon ka bang problema? Mayroon ka bang gustong sabihin sa akin?” tanong niya
“Wala naman, marami lamang akong iniisip tungkol sa negosyo,” ang sagot ko.
“Negosyo nga ba? C’mon, puntahan mo na si Yue at kausapin, alam ko naman na siya ang dahilan kung bakit ka nalulungkot.”
“Bakit mo nasabi iyan?” tanong ko sa kanya.
“Dahil ang taong dahilan ng iyong kaligayahan ay siya ring taong dahilan ng iyong kalungkutan. Sige na, puntahan mo na siya ngayon at ako na ang bahala sa ibang meeting,” ang sagot ni Gino habang nakangiti.
Huminga ako ng malalim at tinapik ang kanyang balikat agad kong kinuha ang aking coat at lumabas ng opisina, “Salamat bro.”
Habang lumalabas ay tinawagan ko rin ang aking mga body guards, incase na mayroon na namang umatake sa akin ay mayroon akong makakatulong upang ipagtanggol ang aking sarili.
Noong mga sandaling iyon ay buo na ang loob kong puntahan si Yue at kausapin ito. Nais kong sabihin sa kanya na tanggap ko ang kung ano at sino siya. Hindi niya kailangan ilayo ang kanyang sarili sa akin. At kung ano man ang problema ay magkasama namin itong lulutasin at haharapin.
At iyon ang set up, nagdrive ako patungo sa seawall kung saan ko madalas nakikita si Yue. Ngunit pagdating ko dito ay wala siya sa paligid. Kaya naman nagdesisyon akong puntahan ang kanilang tirahan.
Nagtanong ako sa mga taong nakaka kilala sa kanya at sila ang nagturo sa akin ng exact place kung saan nakatirik ang kanilang munting tahanan..
Ngunit ang nagbigay sa akin ng matinding kalungkutan ay noong mapag-alaman kong abandunado na ang bahay. Ilang araw na raw magbuhat noong umalis sila Yue at walang nakakaalam kung saan sila nagpunta. Ang sabi ng kanilang mga kapitbahay ay para daw bulang nawala ang mga ito.
Wala akong nagawa kundi ang mapaupo na lamang sa harapan ng kanilang bahay. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na sakit at panghihinayang. Saan ko naman hahapin si Yue? Nandito pa ba siya sa lupa? O baka naman umuwi na siya sa karagatan magbuhat noong malaman ko ang kanyang sikreto? Mo
Nasasaktan ako..
Hindi ko akalaing darating ang araw na ito at hindi man lang ako nakapaghanda..
“Sir, hindi lang po kayo ang nalulungkot sa pag alis ni Yue, halos lahat kaming mga kapitbahay niya ay nalungkot. Napaka bait niya, matulungin at parating nakangiti. Wala kaming masasabing negatibo tungkol sa kanya dahil talagang nag iisa ang katulad niyang nagtataglay ng mabuting puso. Hinahanap hanap namin yung mga pagbati niya sa amin tuwing umaga. Ang kanyang ngiti ang nagsisilbing positibong enerhiya sa amin. Tsk, sadyang nakakapanibago lamang na umalis sila ng wala man lang paalam,” ang malungkot na salita ng kapitbahay nila.
Noong mga sandaling iyon ay tila isang malaking katanungan sa akin kung saan at paano ko ba hahanapin si Yue, sinubukan kong tawagan ang kanyang numero ngunit naka-off line na ito.
Naiwan akong clueless..
Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang suyurin ang mundo para lamang matagpuan siya..
Tahimik.
Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naglalakad sa tabi ng sea wall habang nakatanaw sa karagatan. Sandali akong naupo sa eksaktong lugar kung saan kami ni Yue madalas na tumambay. Kung maibabalik ko lang ang mga araw na hawak ko ang kanyang kamay ay hindi ko na ito bibitawan pa.
Nasa ganoong kalungkutan ako noong mapatingin sa aking gawing kaliwa. Dito ay laking gulat ko noong makita si Seito na nakatayo at nakatingin sa akin.
Kumaway pa ito hawak ang kanyang patalim.
“Fuck! Anong ginagawa ng sira ulong ito dito?!” ang sigaw ko sa aking sarili, mabilis akong tumayo at dumistansiya sa kanya.
Gayon pa man ay hindi naman ako nasindak sa kanya, marami akong kasamang security at mayroon din akong baril na itinatago sa loob ng aking coat.
Ilang sandali pa ay lumapit sa akin si Seito, “nasaan si Yue?” tanong ko sa kanya.
Ngumisi siya, “Bakit hinahabol mo pa siya? Hindi kayo bagay, alam mo naman na magkaiba kayong dalawa.”
“Nais kong malaman mo na nakahanda akong tanggapin siya at mahalin siya batay sa kung sino at ano pa siya! Nasaan siya?!” ang sigaw ko, hindi ko maitago ang aking emosyon.
“Nagtungo na siya malayo, nagtatago dahil siya ay hinatulan rin ang kamatayan. Pagkatapos kitang patayin ay siya naman ang isusunod ko!” ang sigaw niya sa akin.
Kaya naman pala mabilis siyang kumilos at mas malakas siya sa akin na parang isang super human ay hindi pala talaga siya literal na tao!
Part 51: Value
Part 5
1
: Value
R
YOU POV
“Paano mo nalaman na nagtungo si Yue sa malayo?” tanong ko kay Seito.
“Dahil wala na ang kanyang amoy dito, at hindi na ito maabot ng aking abilidad. Ang ibig sabihin ay nasa malayo na siya. Huwag kang mag-alala dahil sigurado akong magkikita kayong muli. Doon sa kabilang buhay!!” ang sigaw ni Seito mabilis siyang sumugod patungo sa aking direksyon!
Mabilis pa rin siyang kumilos at batid kong lakas niya ay parang isang super human. Hawak niya ang patalim sa kanyang kamay.
Noong malapit na siya sa akin ay agad kong kinuha ang baril sa loob ng aking coat at mabilis itong itinutok sa kanya. Mabilis ko rin kinalabit ang gatilyo nito at pumutok sa kanyang kinalalagyan.
Napaatras si Seito, natamaan siya sa braso at umuusok pa ang parteng iyon sa kanyang katawan. Dito na rumesponde aking mga body guards. Sabay sabay nilang inasinta at pinaputukan si Seito.
Hindi natuloy ang pag atake niya sa akin, wala siyang nagawa kundi ang umiwas na lamang at tumalon sa sea wall. Sinubukan siyang sundan ng aking mga tauhan pero parang bula na itong nawala sa aming paningin. Batid kong bumalik ito sa karagatan at doon ay nagtago.
Ang akala ni Seito ay ganoon kadali akong mapapatay. Nagkakamali siya dahil dadaan muna siya sa butas ng karayom bago niya ito magawa. Marami akong mga mahuhusay na security guard at mag hihired pa ako ng mga professional para protektahan ang aking buhay laban sa mga kalaban.
Kung gusto nila ng labanan ay ibibigay ko iyon sa kanila! Huwag nilang maliitin si Ryou Guerrero dahil isa akong bilyonaryo at makapangyarihan!
“Sir Ryou, sino po ba iyon? Mukhang mayroon na ring nagtatangka sa inyong buhay,” ang tanong head security.
“Marahil ay pinadala ng kalaban sa negosyo. Katulad ng sinabi ko sa inyo, kapag kasama niyo ako ay maaaring malagay sa panganib ang inyong mga buhay. Kaya’t kailangan ay mas maingat tayo ngayon. Bumalik na tayo sa siyudad dahil mas ligtas tayo doon,” ang sagot ko sa kanila.
Wala talagang balak tumigil si Seito, ni hindi ko maunawaan kung bakit niya ako nais patayin. Kung may makakasagot ng lahat ng aking katanungan ay si Yue iyon. At least, ngayon ay nalaman kong nandito lamang siya sa lupa at sa tingin ko ay hindi siya makakabalik sa karagatan dahil pati siya ay wanted na rin. Sa makatuwid ay mas kailangan niya ako, kaya ko siyang protektahan sa abot ng aking makakaya.
Ngunit ang malaking katanungan ay paano? Saan ko ba siya mahahanap?! Kahit na wala akong ideya ay nangako pa rin ako sa aking sarili na hahanapin ko siya at ibabalik sa aking piling.
Simula noong araw na iyon nag assign na ako ng tao na hahanap kay Yue. Iyon nga ay patahimik ang operasyon dahil nasa panganib rin ang kanyang buhay.
At sa bawat araw na dumaraan ay wala akong ibang ginagawa kundi ang balikat ang masasayang ala-ala naming dalawa. Ngayon ay malinaw na sa akin kung bakit siya ay weird at mabagal maka pick up.
May pagkatataon na natatawa na lamang ako sa tuwing pinagmamasdan ko ang mga pinatuyong pakpak ang flying fish at pangil ng pating na ibinigay niya sa akin. Ito pala ay literal na kinuha niya sa karagatan dahil doon siya nakatira.
At sa tuwing tumitingin ako sa kanyang painting ay mas lalo siyang hinahanap-hanap ng aking mga mata.
“Baka naman malusaw na iyang painting ni Yue dahil kanina ka pa nakatitig dyan?” ang biro ni Gino sa akin.
“Sa tingin mo, magkakaroon ba ng happy ending ang isang ordinaryong lalaki at isang mermaid kapag sila ay nag-ibigan at nagsama?” makabuluhan kong tanong ko sa kanya.
Nagkibit balikat si Gino, “Oh bakit ganyan ang tanong mo? Hindi ako expert pagdating sa pag ibig pero sa tingin ko ay pwede naman silang magsama at magkaroon ng happy ending. Walang imposible sa pagmamahal dahil ito ang pinaka makapangyarihang bagay sa mundo. Medyo weird ang tanong mo pero sa tingin ko ay mag w-work naman ito.”
Ngumiti ako, “salamat bro.”
“Alam mo, minsan ay sobrang weird mo. Napansin ko rin na kakaiba ang kinikilos mo nitong nakakaraang araw. Mayroon sana akong gustong itanong sa iyo bro. Sana huwag kang magagalit sa akin,” ang tanong ni Gino
“Ano ba iyon?” tanong ko sa kanya.
“Nag ddrugs ka ba bro?” tanong niya.
Natawa ako, “Gago! Hindi ako nag ddrugs. Sadyang marami lang akong iniisip nitong nakakaraang araw. What if tulungan mo akong hanapin si Yue?”
“Teka lang bro, isa pa iyan sa hindi ko lubos maunawaan. Ano ba ang problema ng Yue na iyan? Bakit nakikipaglaro siya ng hide and seek sa iyo? Saka bakit umalis sya ng walang paalam?”
“Dahil nanganganib ang buhay niya, kaya siya umalis dito,” ang seryoso kong sagot.
Sumeryoso rin ang kanyang mukha, “You mean, mayroong may gustong pumatay sa kanya? Teka, anong klaseng tao ba iyan? Base sa background investigation ko ay simple at tahimik ang kanyang buhay. Kung totoo nga iyang sinasabi mo ay bakit kailangan mong iinvolve ang sarili mo sa sitwasyon niya?” tanong ni Gino sa akin.
Paano ko ba sasagutin ang tanong niya? Hindi ko naman maaaring sabihin ang totoo. Kaya naisipan kong mag imbento na lamang, “dahil masyado siyang magandang lalaki, malakas ang sex appeal, maraming mga masasamang loob ang nagtatangka at nagnanasa sa kanya,” ang sagot ko.
“O edi sana inofferan mo ng maayos na security si Yue, binigyan mo siya ng maayos na bahay na mayroong nakabantay na guard. Bakit hinayaan mo siyang lumayo?”
“Umalis siya noong mga sandaling nasa ospital ako. Nito ko lamang nalaman ang tungkol dito,” ang sagot ko sa kanya.
Y
UELO POV
BAYAN NG ROSALKA
“Saan ka naman kumuha ng perang pambili ng mga groceries?” tanong ni Inay sa akin noong umuwi kami ni Tiya Marine bitbit ang aming mga pinamili.
Natawa si tiya, “Nakabili ng mga gamit ng hindi man lang nagagalaw yung savings namin. Matalino rin itong si Yue dahil ibinenta niya yung mga perlas na galing sa luha niya.”
“Oo inay, mahal pala ang value ng perlas dito sa high ground. Sa atin ay hinahayaan lamang natin itong anurin ng tubig pero dito ay alahas pala ito,” ang natutuwa kong sagot.
“Kung ganoon ay parati na lamang tayong iiyak upang marami tayong perlas na maibebenta,” natatawang sagot ni Inay.
“Lahat ng luhang iniiyak ko dahil sa kalungkutan ay inipon ko dito sa garapon. Hindi rin pala nasayang yung mga luhang itinapon ko dahil kay Ryou,” ang biro ko sa kanila.
“Ang perlas na galing sa luha ng kaligayahan ang pinakamataas ang kalidad sa lahat. Kaya dapat ay manood tayo ng mga nakakatawang pelikula hanggang sa maiyak tayo sa katatawa,” ang sagot ni Tiya Marine.
Tawanan kaming lahat.
Sa ilang araw na pananatili namin dito ay naging mayapa naman ang aming mga buhay. Hindi namin gamay ang buong paligid ngunit mas kaunti ang mga tao dito. Ang aming bahay ay nasa paanan ng bundok at medyo malayo na ito sa ibang mga kabahayan.
Mabuti na lamang at alam ni Tiya Marine kung paano magsisimulang muli. Kami ni inay ay labis na naninibago sa kapaligiran. Gayon pa man ay mas tahimik dito, mas ligtas at mas mapayapa.
May mga sandali na nag aalala ako kay Ryou, ngunit kapag naiisip kong marami siya mga body guards at security sa kanyang paligid tiyak na magiging ligtas siya mula sa kamay ni Seito, lalo’t ngayon ay aware na siya sa kanyang sitwasyon. Sana lang ay hindi siya tatanga tanga at sana ay lagi siyang alerto sa lahat ng pagkakataon.
Hindi ko alam kung kailan kami magkikita, o kung magkikita pa nga kami. Ito yung mga bagay na nagbibigay sa aking malalim na kalungkutan dahil ang totoo noon ay namimiss ko na siya. Ngunit ngayong alam na niya ang aking sikreto ay lalo lamang gugulo ang sitwasyon.
May tatlong dahilan kung bakit ninais ko na ring lumayo sa kanya.
Una ay dahil ayokong madamay pa siya sa akin at sa problema ko sa Tsunaria. Tiyak na ngayon ay mas marami pang mga mermaid assassins ang aakyat dito para patayin ako.
Ikalawa ay dahil nahihiya na ako, wala na rin akong mukhang ihaharap sa kanya dahil malinaw naman na niliko ko siya at pinaniwala ko siya na ako ay kanyang uri, pero hindi naman talaga.
Ikatlo ay dahil nais ko siyang magkaroon ng normal na buhay. Deserve niya ng normal na taong mamahalin at deserve niya na maging masaya sa piling nito. Ang mga katulad ko ay hindi maaaring magmahal dahil isa itong malaking pagkakamali. Natatakot ako na ang aming sitwasyon ay matulad sa nangyari kay Merwin.
“Nakakapanibago rin pala ang manatili ng matagal dito sa high ground,” ang nakangiting wika ni Inay noong makita ko siyang nakaupo sa likod ng bahay. Nakaharap siya sa bukirin at magandang hugis ng luntiang kabundukan.
Tumabi ako sa kanya, “inay, sorry inilagay kita sa ganitong uri ng sitwasyon. Kung hindi lamang ako nabigo sa aking misyon ay baka payapa na tayo ngayon.”
“Yue, nais kong malaman mo na ang lahat ng ito nakatadhana. Kahit nagawa mo ng maayos ang iyong misyon ngayon ay paulit ulit ka pa ring bibigyan ng misyon at paulit ulit ka nilang gagamitin katulad ng ginagawa nila kay Seito. Magiging kasangkapan ka ng mga elder mermaid lalo’t alam nila na espesyal ka at isang malakas na sandata para sa kanila,” ang tugon ni inay sa akin.
“Kung ganoon ay malupit pala talaga ang mag elder mermaids?” tanong ko.
“Oo, kung tutuusin ay dapat ikaw ang pinuno ng ating lahi dahil ikaw ang pinakahuling mermaid na nagtataglay ng silver tail. Ang mga mermaid na mayroong silver tail ang pinakaunang lahi ng mga mermaid sa mundo, sila ang ating mga ninuno. Ngunit hindi ito kinilala ng mga elder, at ang kasaysayan ay kanilang binura at pinalitan,” ang malungkot na sagot ni inay.
Part 52: Ancestors
Part 5
2
: Ancestors
Y
UELO POV
Nakaupo pa rin kami ni Inay sa likod bahay habang nakaharap sa luntiang bukirin sa paanan ng bundok. Kakaibang senaryo ito para sa amin dahil kadalasan ay sa malawak na karagatan kami nakatanaw.
“Minsan na ring nasabi sa akin ni tiya Marine ang tungkol sa mga ninunong silver tailed mermaid. Ngunit hindi ito ganoon kadetalye, saan niyo nalaman ang ganitong impormasyon?” tanong ko kay Inay.
“Ang kasaysayan ng mga sinaunang sirena na mayroong pilak na buntot at kaliskis ay naisalaysay lamang ng iyong ama na si Romualdo sa amin ng iyong namayapang ina noon. Isinalaysay niya ito sa amin doon sa isla ng Karikit kung saan madalas kaming nagpupunta,” ang tugon ni Inay.
“Totoo ba ang alamat na makapangyarihan ang mga silver tailed?” tanong ko sa kanya.
“Makapangyarihan ka kaya’t ito ay 100% na proven at totoo, Yue,” ang nakangiting tugon ni Inay.
Noong mga sandaling iyon ay isinalaysay sa akin ni inay ang mga nalalaman niya tungkol sa kasaysayan ng aking mga ninuno at kung paano nagsimula ang lahat.
“Halos daang taon na ang nakalilipas magbuhat noong sumibol ang lahi ng mga sinunang nilalang mula sa karagatan. Ito ay mga silver tailed mermaid na sinasabing nagmula pa sa kalangitan, doon sa buwan.
Alam naman natin na ang buwan ang sentro ng gravity ng mundo, ito rin ang responsable sa pagtaas at pagbaba ng alon sa karagatan. Sinasabi sa alamat na ang Diyos ng buwan ay lumikha ng mga nilalang na maaaring mamuno sa karagatan. Ang mga ito ay pinagkalooban niya ng mga buntot na kakulay mismo ng kanyang pilak na kaharian. At ang bawat isa ay binigyan niya ang natatanging abilidad at kapangyarihan.
Nagsimula ang lahi ng mga silver tailed mermaid sa dalawang nilalang, ito ay sina Atlas at Asha. Si Atlas ay isang makisig na merman at si Asha naman ay isang magandang mermaid, kapwa sila nagtataglay ng silver glowing tail na namumukod tangi kapag lumalangoy sila sa karagatan.
“Nilikha ko kayo upang pamunuan ang karagatan. Maaari ninyong gamitin ang lahat ng bagay dito sa ilalim ng tubig. Maliban sa isang pirasong halamang dagat na iyon,” ang salita ng Diyos ng Buwan, itinuro niya ang isang gintong halaman sa batuhan. Ang halamang ito ay tinawag niyang “Forbidden Plant.”
“Panginoon, ano ang mayroon sa gintong halaman na ito?” tanong ni Atlas.
“Ang halaman na ito katakam takam at kaakit akit, ngunit dito magsisimula ang pagbabago sa karagatan. Dito magsisimula ang kaguluhan at ang walang katapusang digmaan. Ito ang pagmumulan ng mga kasinungalingan at walang hanggang panlilinlang,” ang sagot ng Diyos.
“Kung ganoon ay bakit nandito ito?” tanong ni Asha na may halong pag aalala.
“Ito ang magsisilbing paalala sa inyo na ang lahat ay may limitasyon. Hindi niyo maaaring kainin ang gintong halaman na ito. At sana ay maging matagumpay ang inyong pamumuno sa mundong ito. Humayo kayo at magpakarami,” ang sagot ng Diyos at unti unti siyang nawala sa paningin ng dalawa sirena.
At dito magsisimula ang kanilang kasaysayan. Ito ang unang yugto ng kanilang buhay. Naging maligaya sina Atlas at Asha. Ginawa nila ang kanilang makakaya upang pamunuan ang lahat ng mga nilalang sa ilalim ng karagatan. Nagtayo rin sila ng kanilang magarbong palasyo na para isang literal na hari at reyna ng karagatan.
Sina Atlas at Sasha ay gumawa ng isang espesyal na Isla at tinawag itong Karikit. Dito silang dalawang umaahon upang pagsaluhan ang kanilang pagmamahal at upang magparami. Ang isla ng Karikit ay naging sagrado sa kanilang pag iisa at dito na rin sila nagdarasal at sumamba sa kanilang Diyos na matatagpuan sa buwan.
Sa paglipas ng mga taon ay biniyayaan sila Atlas at Asha ng mga anak. Dito nagsimulang dumami ang kanilang lahi. Kung dati ay dalawa lamang silang silver tail na lumalangoy sa karagatan. Ngayon ay isang buong pamilya na sila na masayang nakatira kanilang kaharian.
Noon, ang mga silver tailed mermaid ay mayroong mahabang buhay, sa katotohanan, sina Atlas at Asha ay tumagal ng daang taon at gayon rin ang kanilang buong pamilya. Itinuri nina Atlas at Asha ang mga aral na dapat nilang malaman tungkol sa karagatan. Kabilang na dito ang isang mahigpit na patakaran.
“Bawal lapitan at galawin ang gintong halaman na naroon sa batuhan. Dahil pagmumulan ito ng kaguluhan dito sa karagatan. Ang lahat ay maaari nating gamitin at pamunuan, ngunit huwag na huwag niyong papakialaman ang “forbidden plant” na iyon dahil magagalit sa atin si Bathala!“ ang mariing salita ni Altas sa kanyang mga anak.
“Ano ba mayroon sa gintong halaman na iyon?” tanong ng panganay na anak niya na si Donno na may halong pagtataka.
“Kasamaan at kadiliman, iyan ang laman ng gintong halamang iyan. Donno, balang araw ay mawawala rin kami ng iyong ina at ikaw ang mamumuno sa ating kaharian at buong karagatan. Nais kong ipagpatuloy mo ang ating lahi at ituro mo sa kanila ang lahat ng aral at alituntunin na ituro namin sa iyo,” ang sagot ng kanyang ama na si Atlas.
“Opo, ama. Gagawin ko ang lahat upang maipagpatuloy ang ating lahi,” ang sagot ni Donno.
Sa paglipas ng mga taon ay mas dumami ang lahi ng mga silver tailed mermaid. At dala ng katandaan dulot ng daang taong pananatili sa mundo ay pumanaw na sina Asha at Atlas. Sila ay umakyat sa kalangitan sa piling ng kanilang lumikha.
At dito magbubukas ang ikalawang yugto sa kasaysayan ng mga silver tailed mermaid. At ito ang pamumuno ni Donno, ang panganay na anak ni Atlas at Asha.
Lumaking responsable at mabuting pinuno si Donno sa kanyang lahi. Nagkaroon siya ng maraming anak at dito nagsimula ang kanilang pagdami. Hanggang sa ang bawat isa ay nagkaroon ng pamilya at nag sanga sanga na ang kanilang lahi.
Itinuro ni Donno ang mahalagang aral at alituntunin sa kaniyang mga kalahi at magalang naman siyang sinunod ng mga ito. Itinuring siyang hari at ang lahat ng respeto at pagkilala ay pinagkaloob sa kanya. Tuwing kabilugan ng buwan ay umaakyat sila sa Isla ng Karikit upang magdasal, magpasalamat at manghingi ng biyaya sa kanilang lumikha.
Madaming naging asawa si Donno, at sa bawat asawa niya ay nagkakaroon siya ng maraming anak. At sa paglipas ng mga taon ay umibig naman siya sa isang magandang sirena na ang pangalan ay Caldina.
Si Caldina ang pinakamagandang silver tail mermaid sa buong kaharian. Ginamit ni Donno ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang mapasa kanya ang dilag.
“Ano ba ang kailangan kong gawin upang ibigin mo rin ako? Ayaw mo ba sa akin? Makisig naman ako, gwapo at makapangyarihan,” ang tanong ni Donno sa dilag.
“Kailangan mong patunayan sa akin na totoo ang iyong pag ibig. Alam ko naman na kapag nakuha mo na ako ay aanakan mo lang ako at pagsasawaan hanggang sa mawala ang aking kagandahan,” ang sagot ni Caldina.
“Bakit ko naman gagawin iyon? Pangakong mamahalin kita at aalagaan ng buong puso,” ang sagot ni Donno.
“Kung ganoon ay patunayan mo sa akin na totoo ang pag ibig mo sa akin. Bibigyan kita ng tatlong pagsubok,” ang sagot ni Caldina.
“Ako ang hari ng buong karagatan, ang lahat ng kapangyarihan ay iginawad sa akin ang aking ama at ina. At halos daang taon rin ako nagpalakas upang maging mahusay na haligi para sa lahat. Walang pagsubok na hindi ko kayang gawin. Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang iyong nais?”
Noong mga sandaling iyon ay masyadong nabaliw si Donno sa kagandahan ni Caldina. Mas mahirap kunin ang isang babae ay mas lalo siyang nagiging atat na makuha ang mga ito. Kaya’t hindi siya papayag na hindi makuha si Caldina.
Tinanggap ni Donno ang mga pagsubok at noong gabi ring iyon ay sinabi ni Caldina ang unang pagsubok na dapat niyang gawin.
“Nais kong gumawa ka ng isang espeyal na tirahan para sa ating lahi. Isang espesyal na lugar kung saan makakapagtago tayo at magiging ligtas sa kamay ng mga mananakop o sa mga bagay na maaaring makasakit sa atin,” ang wika ni Caldina.
Nangiti si Donno, hindi niya akalain na mabuti naman pala ang hangarin ni Caldina para sa kanilang lahat. Mas lalo lamang siyang nahumaling at nahulog dito. Sumang-ayon si Donno at binigya siya ni Caldina ng dalawang linggo upang maisagawa ang kanyang pagsubok.
Noong mga sandaling iyon ay ginamit ni Donno ang kanyang kapangyarihan upang gumawa ng isang malawak na lupain, nilagyan niya ito ng espesyal na barrier upang maitago sa lahat ng mga banta sa kanilang kaligtasan. Sinigurado rin niya na ang lupaing ito ay matatagpuan sa pinakamalalim na parte ng karagatan, sa lugar na hindi mararating ng ordinaryong nilalang.
Samantala ay humanga naman si Caldina sa husay na ipinamalas ni Donno dahil saktong dalawang linggo ay nagawa niya ang pagsubok ng walang kahirap hirap.
“Ang lugar na ito ay inihahandog ko sa iyo, mahal ko. Nakita mo naman na walang imposible sa aking kapangyarihan. Lahat ay kaya kong gawin at ibigay sa iyo,” ang mayabang na wika ni Donno.
Ngumiti si Caldina, “ang ganda ng iyong ginawa mahal na hari. Ngayon ay tiyak na magigong ligtas na ang ating mga lahi. Ang lugar na ito ay tatawagin nating “Liquara”. Ito ang magiging tahanan ng lahat ng mga sirena sa buong karagatan,“ ang sagot ni Caldina.
“Liquara, magandang pangalan, dito magsisimula ang ating mga pangarap,” ang sagot ni Donno.
“Hanga rin ako sa husay mo, salamat sa pagbibigay ng seguridad at kaligtasan sa ating lahi,” ang tugon ni Caldina.
“Huwag kang mag-alala, ang Liquara ay tatagal ng daang taon. Ito ang ating magiging pamana sa mga susunod na henerasyon. Ano bilib ka na ba sa akin?” tanong ni Donno.
“May dalawa pang pagsubok, handa ka na bang gawin ito?” tanong rin ni Caldina.
“Oo naman, ano ba ang susunod?”
“Magkita tayo sa isla ng Karikit mamayang gabi, doon ko sasabihin ang ikalawang pagsubok,” ang tugon ni Caldina, habang nakangiti.
Part 53: Forbidden
Part 5
3
: Forbidden
Y
UELO POV
“Talaga palang makapangyarihan ang mga silver tailed mermaid,” ang namamangha kong salita habang nagkukuwento si Inay.
“Oo, talagang makapangyarihan sila, lalo na si Donno na anak nina Atlas at Asha, siya ang nagmana ng kapangyarihang iginawad ng lumikha sa kanyang mga magulang,” ang tugon ni Inay.
“Inay, ano yung dalawa pang pagsubok ni Caldina? Nagawa ba ito ni Donno? Naging matagumpay pa siya?” ang excited kong tanong habang hindi maitago ang pagkamangha.
“Yue, para kang bata, masyado kang makulit, pero itutuloy ko na ang aking kwento,” ang sagot ni inay.
Ngumiti ako at muling nakinig sa kanya. Muling ipinagpatuloy ni inay ang pagsasalaysay tungkol sa kasaysayan ng mga silver tail mermaid.
Ang lahat ng mga sirena ay tumira sa Liquara at dito ay nagkaroon sila ng kapayapaan. Samantala ay umakyat naman si Donno sa Isla ng Karikit upang makipag kita kay Caldina. Dito ibibigay ang kanyang ikalawang misyon.
“Ano ang nais mong ipagawa sa akin? Alam mong magagawa ko ito dahil walang imposible sa aking kapangyarihan,” ang wika ni Donno, puno puno ng kumpiyansa sa kanyang sarili.
“Donno, nais kong makalakad sa gabi. Alam naman natin na tayong mga sirena ay nakakatayo lamang at nagkakaroon ng mga paa tuwing umaga. Ngunit sa gabi ay bumabalik ang ating mga buntot. Saklaw ba ng iyong kapangyarihan na baliin ang batas ng kalikasan? Kaya ba ng kapangyarihan mo gawing posible ang imposible?” tanong ni Caldina.
Natahimik si Donno, “ang iyong nais ay talagang imposible. Kahit ang aking mga magulang ay hindi nagawang lumakad sa gabi. Hindi nila magawang panatilihin ang kanilang mga binti ng matagal,” ang pag aalinlangan niya.
Napa buntong hininga si Caldina, “kung ganoon ay maaari na nating itigil ang mga ito. Maaari naman tayong maging magkaibigan,” ang nakangiting salita nito.
Pero hindi pumayag si Donno ng ganoon na lamang. “Gagawa ng paraan, bigyan mo akong tatlong linggo upang makahanap ng kasagutan kung paano ko babaliin ng patakaran ng kalikasan,” ang sagot ng hari.
Ngumiti si Caldina at hinalikan si Donno sa kanyang labi, “katulad ng inaasahan ko, hindi ka agad susuko, huwag kang mag alala dahil kapag nagawa mo ang lahat ng aking pagsubok at magiging alipin mo ako. Gawin mo ang lahat ng nais mong gawin sa akin,” ang sagot niya.
Lumakas ang loob ni Donno at mas lalo pa siyang nanabik. Sa paglipas ng araw ay pinag aralan niya ang sitwasyon hanggang makadiskubre siya ng isang espesyal na enerhiya nagmumula sa liwanag buwan.
Inipon niya ang enerhiyang ito at inilagay sa kabibe. Ginawa niya itong kwintas at matagumpay niyang nabali ang patakaran ng kalikasan. Gamit ang mahiwagang kwintas ay biniyayaan sila ng mga paa sa pag sapit ng gabi.
Sa makatuwid ay nagawa ni Donno ang ikalawang pagsubok ni Caldina. Gumawa siya dalawang kwintas at kapwa nila ito isinuot sa kanilang mga leeg. Makalipas ang ilang sandali ay kapwa sila nagkaroon ng mga hita at nakatayo sila sa kalaliman ng gabi.
Na-conquer ni Donno ang gabi, ngayon ay hindi na nila kailangan sumunod sa patakaran ng kalikasan. Masayang masaya si Caldina noong mga sandaling iyon dahil hindi siya binigo ni Donno.
Kaya naman noong gabing sila ay magkaroon ng mga binti ay malugod na ibinigay ni Caldina ang kanyang sarili sa hari. Nagtalik silang dalawa at iyon ang pinakamasaya masaya nilang gabi ng magkasama.
Bago matapos ang espesyal na gabing iyon ay ibinigay ni Caldina ang kanyang ikatlo at final na pagsubok kay Donno. “Nais kong pumitas ka ng isang pirasong gintong halaman at ibigay mo iyon sa akin. Kaya mo bang suwayin ang batas ng iyong magulang at ng ating lahi para sa akin?” tanong ni Caldina.
“Ang gintong halaman na iyon ay ang forbidden plant, daan taon na itong ipinagbabawal ng lumikha dahil magdadala daw ito ng kamalasan sa ating lahi,” ang sagot ni Donno.
“Well, katulad ng inasahan ko, hindi mo ito kayang gawin,” ang malungkot na sagot ng magandang dilag. Tumayo na lamang ito mula sa batuhan at hinubad ang kwintas, isinauli niya ito sa kamay ni Donno at muli lumabas ang kanyang buntot.
Aalis na sana si Caldina noong pigilan siya ni Donna, “sandali, magkita tayo bukas at ibibigay ko ang iyong nais,” ang wika ng hari.
Ngumiti si Caldina at natuwa ito, “alam ko naman na hindi mo ako bibiguin, hihintayin kita bukas,” ang sagot niya.
KINABUKASAN.
Dahil sa pagkabiliw ni Donno sa kagandahan ni Caldina ay lihim siyang nagtungo sa pinagbabawal na lugar at pikit mata siyang pumitas ng gintong halaman dito. Noong una ay inakala niya na may masamang mangyayari ngunit noong mapitas na niya ito ay normal naman ang lahat.
Walang negatibong naganap sa kanyang paligid. Walang kadiliman, walang kakaibang bagay na nangyari. Inobserbahan niyang mabuti ang lahat pero normal naman ang mga ito.
Noong mga sandaling iyon ay naisip niya na baka walang katotohanan ang matagal nang pamahiin ng kanilang lahi. Baka ito ay isang pekeng maniniwala lamang na kinatatakutan ng lahat.
Kinagabihan ay muling nagkita sina Donno at Caldina. Ibinigay ng hari ang gintong halaman bilang kanyang huling pagsubok.
Maayos niyang nagawa at napagtagumpayan ang tatlong pagsubok ni Caldina. Kaya naman noong gabing iyong nakamit niya ang matamis na “OO” nito at dito ay nagkaroon sila ng opisyal na relasyon.
Kinagat ni Caldina ang isang piraso ng gintong halaman at nimanman ito. Natuwa siya dahil talagang masarap ito katulad ng nakakaakit nito anyo.
Ang natirang parte ng forbidden plant at inilagay ni Caldina sa kanyang labi at ipinasa ito sa labi ni Donno. Walang nagawa si Donno kundi ang ibukas ang kanyang bibig at tanggapin ang dahon ng forbidden plants. Noong nalunok niya ito ay tila nag-init ang kaniyang pakiramdam na para bang tumaas ang kanyang pagnanasa at dito ay marahas nilang hinalikan ang isa’t isa.
Nagkaroon sila ng matinding pagtatalik noong mga sandaling iyon. Tila ba ibunukas ang forbidden plant ang kanilang isipan sa mas mataas na uri ng pagnanasa. Halos hindi sila napapagod at halos laging mataas ang kanilang enerhiya. Ang simple at punong puno ng pagmamahal na love making ay nauwi sa marahas at intense na senaryo.
Dito ay gumawa sila ng iba’t ibang sex position, kinain nila ang pribadong bahagi ng isa’t isa at natutunan nilang mas maging “wild”.
Maaaring ang forbidden plant ay isang uri bawal na gamot na nagiging dahilan ng kanilang pagka “high”.
Sa paglipas ang mga araw ay naging masigla ang relasyon nina Donno at Caldina, madalas silang pumipitas ng gintong halaman o forbidden plant bago sila magtalik dahil nagbibigay ito ng kakaibang init, sigla at enerhiya sa kanilang mga katawan. Pinatataas rin nito ang kanilang mga pagnanasa kaya’t ang bawat pagtatalik nilang dalawa ay pa-intense ng pa-intense.
Lumipas ang mga buwan, nabuntis si Caldina. Nakapagtakaka na malaking malaking tiyan nito. Inisip ng hari na maaaring marami siyang maging anak dahil sa tulong ng kinakain nilang forbidden plant. Ibinigay ni Donno ang maingat na pag aalaga kay Caldina hanggang sa dumating ang oras ng kanyang kapanganakan.
Dinala si Caldina sa isla ng Karikit kung saan tradisyunal na nanganganak ang mga mermaid sa ilalim ng liwanag ng buwan.
Ang unang naging anak ni Caldina ay isang batang lalaki na mayroong silver na buntot, pinangalanan nila itong Sebastian, siya ang ama ni Romualdo na tatay naman ni Yue.
Matapos isilang si Sebastian ay biglang mas lumaki pa ang tiyan ni Caldina. Gulat na gulat si Donno, hindi niya maipaliwanag sa kanyang sarili kung bakit mas lumaki pa ang tiyan nito kung kailan nailabas na ang unang anak.
Samantalang si Caldina naman ay lalong umiyak at sumigaw sa matinding hirap. Pinilit niya ilabas ang mga laman ng kanyang tiyan.
Matapos ilang malakas na pagtulak at pag ire ay lumabas ang sumunod na anak nila. Laking gulat ng lahat noong makita na hindi na silver ang buntot nito. Nagsilang siya ng isang mermaid na mayroong dilaw na buntot.
Ang akala nila ay tapos na ngunit nagtuloy tuloy ang kanyang panganganak at hindi na niya ito napigil pa. Para itong literal na isdang lumalabas sa kanyang hasang. Sunod sunod ang paglabas ng mga sanggol na may iba’t ibang kulay ng buntot hanggang sa dumami ng dumami ang mga ito.
Nawasak ang buntot at tiyan ni Caldina na naging dahilan ng kanyang pagkamatay, nagluwal siya ng higit sa 30 sanggol na iba’t ibang kulay ng buntot.
Noong mga sandaling iyon ay naisip ni Donno na ito ang epekto ng pagkain nila ng Forbidden Plant. Inilabas nito ang panibagong lahi na pagmumulan ng kaguluhan sa karagatan.
Wala siyang kamalay malay na ang mga sanggol na iniluwal ng kanyang kabiyak na si Caldina ay ang babago sa takbo ng kanilang tahimik na pamumuhay.
Sa paglipas ng panahon ay nagsimulang dumami ang mga mermaid na may iba’t ibang kulay na buntot. At MAS mabilis silang dumami na parang mga kunehong nag mumultiply ang bilang.
Habang nauubos ang bilang mga silver tail mermaid ay parami pa rin sila ng parami hanggang mamatay si Donno at ang namuno ay si Sebastian na kanyang panganay na anak.
Ipinamana ni Donno kay Sebastian ang mahiwagang kwintas na makapagbibigay sa kanila ng binti kahit na sa kailaliman ng gabi.
Hindi naging madali kay Sebastian ang pamahalaan ang mga mermaid na may iba’t ibang kulay ang buntot dahil sa conflict of interest. Hindi siya sinusunod ng mga ito at ang kanyang pamumuno ay nabale wala rin sa bandang huli.
Sa paglipas ng panahon ay mas dumami pa ang bilang ng mga mermaid na may iba’t ibang kulay ng buntot hanggang sa hindi na sila nacontrol pa. Habang ang mga silver tail mermaid ay nahirapan ng gumawa ng kanilang lahi.
Sa makatuwid, ang extinction ng mga silver tail mermaid ay nalalapit na.
Part 54: Extinction
Part 5
4
: Extinction
Y
UELO POV
“Inay, ganoon pala ang nangyari sa kanila. Ibig sabihin ay talagang may kinalaman ang forbidden plant sa naganap kay Caldina?” tanong ko na may halong pagtataka.
“Oo Yue, malaki ang kinalaman ng forbidden plant nangyari kay Caldina, pinaniniwalaan na ang halamang ito ang dahilan kung bakit nagbago ang kulay ng mga buntot ng kanyang mga iniluwal na anak,” ang sagot ni Inay.
“At dahil dito ay dumami ng dumami ang lahi ng mga mermaid na may iba’t ibang kulay ang buntot. Ang mga silver tail mermaid ay unti unting naubos,” ang sagot ko.
“Tama na iyon,” ang malungkot na tungon ni Inay at dito ay nagpatuloy pa ang kanyang salaysay.
“Si Sebastian ang namuno sa mga mermaid na nakatira sa Liquara ayon na rin sa pangakong binitawan sa kanyang ama. Iyon nga lang ay hindi naging madali ang lahat dahil sa magkakaibang interest na umusbong sa bawat isa.
Dahil kumaunti ang lahi ng mga silver mermaid ay naging mahina ang kanilang tinig. Nagkaisa ang mga “colored tail mermaid” na magtalaga ng sarili nilang pinuno. At dahil mas nakakalamang ang kanilang bilang ay naging mas malakas ang kanilang mga pwersa.
Sa huli ay walang nagawa si Sebastian kundi ang ipagkatiwala na lamang ang pamumuno sa mga nakakarami. Ito ang simula ng pagkawala ng mga silver tail mermaids dahil ang iba sa kanila ay lumisan sa Liquara at napadpad na lamang kung saan.
Ang naiwan lamang sa Liquara ay si Sebastian at ang kanyang asawa. Dahil na rin sa paniniwala na ang lugar na ito ay pag aari ng kanyang mga ninuno at kanyang mga magulang. Pag aari ito ng lahat ng mga silver tail mermaid. Kaya’t pinahahalagahan niya ang naiwang kayamanan ng kanyang amang si Donno.
Kaya’t kahit mahirap ang sitwasyon ay hindi pa rin sila lumisan sa Liquara. Nagkaroon sila ng isang anak na lalaki na mayroon ding silver tail at pinangalanan nila itong Romualdo.
Noong mamatay si Sebastian at ang kanyang asawa ay si Romualdo na lamang ang natira sa kanilang lahi. Nakita niya ang malaking pagbabago sa Liquara at naging saksi siya kung paano baguhin ng mga paniniwalang nakasanayan ng kanilang lahi.
At dahil siya na lamang ang nag iisang sirenang mayroong pilak na buntot ay naging kakaiba siya sa paningin ng lahat at sa tuwing may magaganap na hindi magandang bagay sa Liquara ay siya ang sinisisi dahil ang tingin sa kanya ay malas at parati siyang may dalang sakuna.
Mas lalo lamang lumala ang sitwasyon sa Liquara noong dumating ang mga Elder Mermaids sila ang mga anak nina Donno at Caldina, sila ay tumanda na at naging daan upang baguhin ang kasaysayan.
Tuluyang inalis ng mga elder mermaid ang tungkol sa mga silver tail hanggang ang kanilang kasaysayan ay hindi na kilala ng bagong henerasyon. At si Romualdo ay nanatili na lamang isang wirdong sirena na palaboy laboy sa Liquara.
Gayon pa man ay nagkaroon pa rin ng anak si Romualdo ay isinilang siya sa ilalim ng liwanag ng buwan. At iyon ay pinangalanan niyang “Yuelo” na ang ibig sabihin ay “kinulagdan ng buwan.”
Dito nagtapos ang kasaysayan ng mga silver tail mermaid. Ito ang totoong kwento ng kanilang lahi na itinago at hindi kinilala ng mga elder mermaids. Dahil para sa kanila ay sila lamang ang superyor.
Ang naging “karma” lamang ng mga colored tailed mermaids ay mas maikli ang buhay nila kaysa sa mga silver tail. Ngayon ay para na lamang silang mga ordinaryong tao na nagkaka edad at namamatay.
Tahimik.
Napabuntong hininga na lamang ako.
“Nakakalungkot naman inay, ganoon lang kadaling nawala ang aming lahi,” ang sagot tanging nasabi ko.
“Ikaw ang pinakahuling silver tail mermaid na nabubuhay dito sa mundo. Kahit papaano ay may dahilan pa rin para ikaw may maging masaya,” ang tugon ni ina.
“Ano naman ang dahilan na iyon, inay?” tanong ko sa kanya.
“Dahil may naiwan pa ring ala-ala at patunay na sila ay nagbuhay at nag exist sa mundong ito. At ang patunay na iyon ay ikaw,” ang nakangiting sagot niya sa akin.
“At ang kwintas na ito, ito ang ala-ala ni Donno, ito ang patunay ng kanyang walang kapantay na kapangyarihan. At ito rin ang dahilan kaya nagkakaroon ako ng kakayahang magkaroon ng paa sa gabi. Gamit itong kwintas ay para ko na ring na conquer ang patakaran ng kalikasan,” ang tugon ko sa kanya.
Noong marinig ko ang tungkol sa kasaysayan ng aking mga ninuno ay tila nalito ako. Sino ba talaga ang totoong kalaban dito? Sino ba ang totoong masama? Talaga bang nais ng mga elder mermaids na tuluyang mabura ang aming lahi sa kasaysayan? Kaya’t ginagawa nila ito?“
“Naguguluhan ka ba? Kaya nga ayokong ikwento sa iyo ang mga ganitong bagay dahil tiyak na malilito ka lamang. Pero ikaw ay nasa wastong edad na at karapatan mong malaman ang katotohanan,” ang wika ni inay habang nakatabi sa akin.
Tumingin ako sa kanya at tumango, “parang may nagbago sa akin. Pakiramdam ko ay mas lalo kong nabuo at mas lalo kong pang minahal yung buntot ko.”
“Kung ganoon ay nakatulong rin pala ang kwento ko tungkol sa mga ninuno mo, at huwag mong kalimutan na silang lahat ay matapang, makapangyarihan at hindi sila naglaho para sa wala, iyon ang lagi mong tatandaan.,” tugon ni Inay.
Ito ang bagay na namimiss ko kay inay, ito ang mga bahay na lagi kong hinahanap hanap sa kanya. Ang kanyang mga payo at magagandang mga salita ang nagbibigay sa akin ng ibayong lakas para makapagpatuloy.
Minsan nga ay natatawa na lamang ako, kung hindi pa kami naging “wanted” sa ilalim ng karagatan ay hindi pa kami magkakasama. Pero naniniwala naman ako na ang lahat ng mga nangyayari ito ay may dahilan.
Sa ngayon ay kailangan lamang naming maging matatag at maging maingat. Sana lamang ay matagpuan ko ang aking ama, para kahit papaano ay may karamay ako.
Sa paglipas ng mga araw ay natutunan naming mag adjust sa aming bagong tirahan. Kapag sumasapit ang gabi ay nakabantay ako kila inay at tiya Marine habang sila nasa anyong mermaid. Sinisigurado rin namin na walang tao sa paligid at walang banta sa aming buhay.
Sa mga ordinaryong araw naman ay abala kami ni inay sa pagtatanim ng gulay sa bakuran. Kahit papaano ay nakakatulong ito sa aming pagkain. Si Tiya Marine naman ang madalas lumalabas upang kumuha ng aming supply dahil mas kabisado niya ang pasikot sikot sa bayan.
Si Yue ay madalas din nakikinig ng mga drama sa radyo. Kapag umiiyak siya ay isinasahod niya sa plastic upang maipon ang mga perlas dito na maaari nilang ibenta sa malaking halaga.
Samantala sa Tsunaria.
Muling nagpatawag ng pagtitipon ang mga elder mermaids upang pag usapan ang tungkol sa mga taksil nilang kalahi.
“Umalis sina Yuelo sa kanilang tahanan at ngayon ay nagtatago sila sa ibang lugar. Sa ngayon ay umakyat na sa lupa ang ating mahuhusay na mermaid assassins upang iligpit ang mga traydor,” ang wika ng kawal na tagapag ulat.
“Magpadala pa kayo ng mas marami, patayin ang mga taksil, kasama na si Seres at Marine!” ang utos ng Elder mermaids.
“At ngayon ay oras na para sabihin sa lahat ang kanilang kasalanan. Mas mabuting malaman ng ating mga kalahi ang kanilang pagkakamali upang hindi sila tularan,” ang dagdag pa ng matanda.
Humarap siya sa lupon ng mga lahat ng mga sirena sa Tsunaria. At dito malakas siyang sinabi ang mga katagang.
“Si Yuelo ay nabigong gawin ang kanyang misyon dahil siya ay umibig kay Ryou Guerrero. Sa halip na patayin ang kanyang target ay ilang beses pa niya itong iniligtas. Nakialam rin si Yuelo sa misyon ni Seito kaya’t malinaw na siya ay nag traydor sa ating lahi! Kung sabagay, ano pa nga ba ang aasahan ninyo sa isang malas at walang silbing nilalang?
“Ngayon si Yuelo ay pinatawan ng parusang kamatayan. Ngunit siya ay itinago nina Seres at Marine sa malayong lugar. Sa makatuwid ay nagtaksil rin ang dalawang ito sa ating lahi. Kaya pati silang dalawa ay papatawan ng parusang kamatayan!” ang malakas na salita ng elder.
Nagbulungan ang mga sirena sa paligid, kanya kanya sila ng komento at reaksyon sa kanilang narinig.
“Nasi kong maging aral at maging halimbawa sa inyo ang pangyayaring ito. Sana ay huwag kayong tumulad sa traydor na sirenang pilit na sumisira sa ating lahi! Sang ayon ba kayo sa aming naging desisyon?” ang tanong ng elder.
“Patayin ang salot na si Yuelo! Siya ang nagdala ng kamalasan sa ating lahat!” ang sigaw ng isang merman sa likuran.
Maya maya ay sumang-ayon na sa kanya ang nakakarami. “Tama! Patayin si Yuelo! Patayin ang mga taksil na sirena!”
“Patayin silang lahat!!”
“Patayin ang mga salot!!”
“Hangga’t maaari ay ayokong maging malupit ngunit inubos nila ang aking pasensiya. Ngayon ay ipapatikim natin sa kanila ang pinakamalupit na kaparusahan!” ang dagdag ng elder mermaid.
Matindi ang galit ng mga elder dahil sa mga nangyayari. Ngunit may kaunti kaba silang nararamdaman dahil alam nila ang kakayahan ni Yue, alam nila ang katotohanan na ang mga silver tail ay makapangyarihan katulad ng kanilang mga ninuno na pilit nilang itinatakwil at idini-deny.
Alam nila ang katotohanan, at ito ay hindi nila maaaring limutin. “Ang pagpatay kay Yuelo na nangangahulugang pagpatay sa ating lahi,” ang salita ng isa pang elder sa likuran.
Noong mga sandaling iyon ay nagsimula ng umahon ang maraming mga mermaid assassin sa pamumuno ni Seito. Ang ito ay malayang nakaka kilos sa ibabaw ng lupa na parang mga normal na tao.
Ang bawat isa sa kanila ay nagtungo sa iba’t ibang lugar upang hanapin ang mga salarin. At noong mga sandaling iyon ay walang kamalay malay sina Yue at iba pa sa maaaring mangyari anumang oras.
Masaya pa silang nakikinig musika sa radyo habang nakalunoy sa kanilang sikretong silid.
Part 55:Imitation
Part 5
5
: Imitation
JIHAN POV
“Fuck! Ngayon lang ako nainsulto ng ganito sa buong buhay ko! Ginawa ko naman ang lahat para akitin at makuha siya pero wala pa rin!” ang naiinis kong salita sa harap ni Lexie.
“Baka naman impotent at jutay iyang si Ryou kaya hindi ka niya pinapatulan? “ ang sagot ni Lexie sa akin.
“Excuse me, HINDI siya impotent at lalong hindi siya jutay, minsan na niya ako na mouth fuck kaya ramdam ko ang tirik na tigas nito at ang kanyang malaking kahabaan!” ang sagot ko sa kanya.
“Well, baka sobrang pressured lang siya sa work kaya di tumalab ang alindog mo this time,” pagpipilit ni Lexie.
“Ah basta, hindi impotent at jutay si Ryou! Mas iisipin ko pang ikaw yung impotent at maliit ang etits kesa sa kanya!” ang sagot ko.
“Bitch!” ang natatawang sagot ni Lexie. “Siguro masyado lang righteous si Ryou at hindi siya basta basta nakikipag sex ng walang seryosong commitment. I mean, siguro ay maaari niyong gawin ang ganoong bagay kapag kasal na kayong dalawa,” ang dagdag pa niya.
Halos ilang taon na rin ako sa tabi ni Ryou Guerrero. Magbuhat noong araw na turuan siya ng aking ama sa negosyo ay para na akong isang aninong makasunod sa kanya.
Oo, mayaman ako at nakukuha ko ang lahat ng bagay na naisin ko, pero si Ryou ang tanging bagay sa mundo na hindi ko basta basta makuha. Pero heto pa rin ako, parang isang obsessed na lalaking nakasunod sa kanya sa kahit saan.
Mayroon akong tatlong importanteng dahilan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy akong nakasunod sa kanya.
Una, ay dahil siya ang ideal man ko, sobrang attracted ako sa kanya. Gwapo, matangkad, matalino, gentleman at hard working. Responsable siya kaya’t nakuha niya agad ang loob ng aking ama. At kung titingnan ang status namin sa buhay ay makikitang bagay na bagay kaming dalawa.
Ikalawa, gusto ko siyang maging asawa upang may katulong ako sa paghawak ng mga negosyo. Tiyak na magiging mahusay siyang successor ng aking ama. At wala akong makitang ibang lalaking fitted sa ganoong responsibility kundi si Ryou lamang.
Ikatlo, dahil ayokong mapahiya sa aking circle of friends. Ang alam nila ay perfect ang samahan namin at going strong ito. Alam rin nila na malapit na kaming ikasal, hindi ko maafford na pagtawanan nila ako o kaya ay kaawaan dahil hindi ako minahal pabalik ng lalaking gusto ko.
“Nga pala Ji, mayroon akong magandang balita sa iyo,” ang nakangiting wika ni Lexie.
“And what is that? Siguraduhin mo lang na mas maganda pa sa akin iyang balita mo,” sagot ko sa kanya.
“Well, nabalitaan ko lang naman sa mga body guards ni Ryou Guerrero na umalis na si Yue at wala na siya sa lugar na ito.”
“Totoo ba? At paano ka naman nakatitiyak?” tanong ko.
“Dahil pinuntahan nila si Yue sa kanilang tirahan pero wala ng tao doon. Ang sabi sabi ay nagtatago daw itong si Yue ngayon dahil isa siyang.. OMG, kriminal at wanted siya sa mga otoridad.”
“OMG! Is that true? Kaya naman pala malungkot at parang walang gana si Ryou nitong nakakaraang araw. At kaya naman pala halos isang linggo ko nang hindi nakikita ang mukha ng lalaking iyon! I can’t believe na isa pala siyang kriminal! Sinasabi na nga ba na mayroon siyang maitim na sikreto,” ang sagot ko, nakaramdam ako ng kakaibang saya noong mabalitaan ko ito.
“Well, iyan ang pinakamagandang balita na sinabi mo sa akin,” ang dagdag ko pa.
“At hindi lang iyon dahil may naisip akong magandang idea,” ang nakangiting sagot ni Lexie.
“At ano naman iyan?”
“Well, dahil wala na si Yue, pagkakataon mo na para maging si Yue! Ano sa tingin mo?” tugon ni Lexie..
“Ako? Magiging si Yue? Never! Hindi ako bababa sa level ng panget na mangkukulam na iyon,” ang sagot ko sa kanya.
“Hindi naman literal yung ibig kong sabihin. Naisip ko lang na baka mas attracted si Ryou sa styling ni Yue, yung simpleng manamit, itim at buhok, walang masyadong penggay sa fezlak at pa sweet lang.”
“You want me to imitate Yue? Bakit ko naman gagawin iyon e mas gwapo ako sa kanya, mas maganda ang styling ko at hindi ako weird katulad niya.”
“Remember ang weird na styling niya ang nagustuhan ni Ryou. Akala ko ba ay mahusay kang businessman? Bakit hindi mo ibigay ang hinihingi ng market? Bakit hindi ka sumabay sa trend? Kung ang gusto ni Ryou ay mga ganoong lalaki ay iyon ang ibigay mo sa kanya. There’s no harm in trying, right?”
“Gusto mong baguhin ko ang styling ko?”
“Yes! Subukan lang natin, malay mo mas maging affective ito diba? Saka for a change lang. Simplicity is beauty at marami rin namang nakaka appreciate dito,” ang tugon ni Lexie.
“Okay, susubukan ko,” ang sagot ko naman.
At iyon ang set up, kumuha kami ng larawan ni Yue at ginaya ang kanyang styling. Ginaya namin ang kanyang mahaba at straight ba buhok, ginaya rin namin ang mga simple damit at t-shirt isinusuot niya. Ganyon rin ang kanyang mga simpleng tsinelas na hindi branded at kung saan lang nabili.
Habang nagbabago ang aking styling ay napansin kong maganda rin pala ang natural looks, gwapo rin pala ako sa simpleng ayos. At kahit papaano ay nagugustuhan ko na rin ito.
THREE DAYS LATER.
Pagbaba ko pa lamang ng sasakyan ay nakatingin na sa akin ang lahat. Nakasuot lamang ako ng simpleng shirt na medyo maluwang at simple lamang din ang aking ayos, rugged jeans at simple tsinelas. Kahit ako ay naninibago sa aking bagong anyo pero ito ang hinihingi ng market, ito ang trend at ito ang “best seller” sa mga mata ni Ryou kaya ibibigay ko ang nais niya.
Paglakad ko sa lobby ng building nila Ryou ay nakatingin na agad sa akin ang mga tao. Siguro ay nanibago sila sa aking bagong styling. At habang nakatingin sila sa akin ay ngitian ko sila dahilan para bumakas ang pagtataka sa kanilang mga mukha.
“Si Sir Jihan ba iyon? Anong nangyari sa kanya? Parang hinahangin na yata siya,” ang bulong ng iba.
“Shhh, baka may taning na ang buhay ni Sir Jihan kaya bumait na siya sa atin,” ang bulong ng mga guard.
Huminto sila sa pag uusap noong malapit na ako sa kanila. Ang totoo ay galit na galit na ako at gusto ko na silang itumba isa isa pero pinigilan ko lang ang aking sarili. Pilit akong kumalma upang mas maportray ko ang maganda ang pabebeng character na ito!
Fuck talaga!
“Good morning po Sir Jihan, ang sobrang gwapo niyo po ngayon,” ang bati ng guard na lagi kong kalaban.
Ngumiti ako sa kaniya, “Thank you, good morning,” ang sagot ko naman.
Humarang sa akin ang guard, “Sir Jihan hindi niyo po ba ako sasampalin ngayon? Gamitin niyo po sa akin yung boomerang slap at turbo slap niyo,” ang tanong niya.
Natawa ako, “bakit ko naman gagawin iyon? Ang mabuti pa ay mag take muna kayo ng break dahil mukhang napapagod na kayo. Have a nice day every one!” ang tugon ko sabay bitiw ng isang matamis na ngiti.
Lalo lamang silang nagtaka at nagbulungan, “anong nangyari sa kanya? Bakit bigla siyang bumait?”
“Mukhang totoo nga yung tsimis na may taning na ang buhay ni Sir Jihan kaya bigla na siyang bumait. Baka gusto niyang makaayat sa langit. Ang mainam pa ay ipagdasal na lamang natin siya,” ang bulong ng isa.
“Mali kayong lahat, buntis si Sir Jihan, tingnan niyo nga nakasuot siya ng maluwang na tshirt na nakalawlaw. At napansin nyo ba na wala ng hair color yung buhok niya dahil bawal ito sa mga buntis. Siguro nabuntis siya ng jowa niya sa amerika, yung foot ball player,” ang bulong pa nung isang staff.
“Hala, ginawa mo namang gurlaloo si Sir Jihan,” ang natatawang hirit nila.
Napahinto ako at nakaramdam ng matinding pagkaasar, ubos na ang pasensiya ko noong mga sandaling iyon ngunit mas pinili ko na lamang ituloy ang kabaliwang ito. Siguro ay sa mga susunod na araw ko na lamang sila itutumbang isa isa!
Habang naglalakad ako sa patungo sa opisina ni Ryou ay may narinig akong tumawag sa aking likuran. “Yue? Mabuti naman at bumalik ka na, alam mo ba na hinahanap ka ni Ryou?” tanong nito, boses ni Gino. Napagkamalan niyang ako si Yue.
Humarap ako sa kanya. “Yes? May sinasabi ka?” tanong ko.
Napahinto sa pagsasalita si Gino, para itong nakakita ng multo noong makita ako, “Jihan? Bakit?” tanong niya.
“Anong bakit?” tanong ko naman.
“I mean, bakit ganyan ang itsura mo? Nasaan na yung hot sexy bombshell at liberated na si Jihan?” ang tanong niya.
“He’s dead!” ang sagot ko sabay ikot sa kanyang harapan, “maganda ba? Bagay ba sa akin ang ganitong kasimpleng ayos?”
Napakamot siya ng ulo, “bagay naman, sino ba ang inspirasyon mo sa looks mo na iyan? Si Yue ba?”
“Yue? Sino iyon? Naisip ko na maging simple muna. You know, for a change. Alam mo ang katulad kong isang sikat at indemand na modelo ay nagpapabago bago ng styling. Ito required sa aming trabaho kaya huwag kang masyadong ma-shock. Paki close na rin iyang bibig mo dahil baka puntahan pa ng langaw iyan sa baho ng hininga mo,” ang sagot ko sa kanya.
Inamoy ni Gino ang kanyang hininga, “hindi naman mabaho ang hininga ko. Baka naman hininga mo yung naaamoy mo?” pang iinis niya sa akin.
“Well, kung inaakala mong mapipikon ako sa iyo ay nagkakamali ka. Ayokong sirain ang magandang araw ko. Haist.. bakit ba ako nakikipag usap sa iyo? Alam mo ba yung narinig kong tsimis doon sa mga babae sa bar?”
“Ano naman iyon?”
“Pinag uusapan ka nila,” tugon ko.
“At ano naman yung sinasabi nila tungkol sa akin?” tanong ni Gino na may halong pagtataka.
“Sabi nila, maliit daw ang titi mo. Parang titi ng baby,” ang sagot ko sabay alis sa kanyang harapan habang tumatawa ng malakas.
Namula ang mukha ni Gino noong marinig niya iyon!
SAVAGE!
Part 56: Insecurity
Part 5
6
: Insecurity
J
IHAN POV
“Teka Jihan, hitting below the belt na iyan ha! Sino nagsabi sa iyo ng ganyang bagay?” tanong ni Gino habang hinahabol ako.
Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya, “secret, bakit ko naman sasabihin sa iyo? Basta ang alam ko ay iyon ang rumor at iyon rin ang reason kaya ayaw sa iyo ng mga babae at lalaki,” ang sagot ko sa kanya.
“Teka hindi totoo iyon! Gusto mo tingnan mo pa ngayon!” ang pang hahamon ni Gino.
“No thanks! Maraming triple A battery sa bahay, baby penis!” ang pang aasara ko.
“Bwiset ka Jihan, gaganti rin ako sayo!” ang naiiyak na wika ni Gino
“What so ever!” ang sagot ko.
Tuloy tuloy akong naglakad patungo sa opisina ni Ryou. Nakangiti ako dahil sa wakas ay nawasak ko rin ang araw ni Gino ng hindi siya sinasampal ng malakas. Ramdam kong hurt na hurt siya sa mga sinabi ko. Anyway, iyon naman talaga ang weakness ng ibang mayayabang na lalaki. Kapag sinabi mong maliit ang kanilang mga titi ay tatahimik sila at mababawasan ang self confidence na parang isang asong nabahag ang buntot.
“Good morning!” ang bati ko kay Ryou noong makapasok ako sa kanyang opisina. Kitang kita ko ang pagkagulat na reaksyon sa kanyang mukha.
Katulad ng lahat ay nagulat rin siya sa malaking pagbabago sa aking pananamit. Para tuloy siyang nakakita ng multo habang nakangiti akong naglalakad patungo sa kanya.
“Oh, bakit ganyan ang reaction mo? Are you okay?” tanong ko sa kanya.
“Anong nangyari sa iyo? Bakit ganyan ang itsura mo?” tanong niya sa akin.
“Alin? Itong simpleng look ko ba? Alam mo naman na model ako diba? Napapagod na akong magsuot ng mga branded clothes kaya’t mas gustong magsuot simple at presko,” ang sagot ko habang nakangiti. “Teka, ayaw mo ba? Hindi mo ba gusto?”
“Maganda, bagay sa iyo,” ang sagot ni Ryou na sobrang busy sa kanyang ginagawa. Once lamang niya ako tiningnan at ngayon ay abala na naman siya.
“Yun lang?” tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin at ngumiti, “mas bagay sa iyo yung ganyan, mas lumalabas ang kagwapuhan mo. Kaso nga lang ay hindi ikaw iyan. Hindi mo kailangan ibahin ang sarili mo para lang maimpress mo ang ibang tao,” ang sagot niya.
“Wala naman akong pakialam sa ibang tao. Sa iyo lang ako may pakialam dahil sa iyo lang ako interesado. Hindi ba’t ganito naman ang gusto mo?” tanong ko sa kanya.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong niya.
“Binago ko ang sarili ko para lang magustuhan mo. Oo, ginaya ko ang style ng pesteng Yue na iyon. Hindi ba’t ito yung gusto mo? Simple lang at walang masyadong arte sa katawan?” tanong ko sa kanya.
“You’re looks suited you well, hindi mo kailangan maging si Yue dahil magkaiba kayong dalawa. Ang hindi ko maunawaan sa iyo ay kung bakit kailangan mong magkaroon ng malaking insecurities. Mayaman ka, gwapo at napaka successful. Parang hindi ka mayaman kung umasta ka,” ang sagot ni Ryou sa akin dahilan para masaktan ako sa kanyang sinabi.
Natahimik ako at nakaramdam ng awa sa aking sarili. “Ginagawa ko ito dahil mahal kita, dahil ikaw lang yung lalaking minahal ko ng sobra!! Kaya kahit nagmumukha akong tanga at nagmumukha akong baliw sa kakasunod sa iyo ay ginagawa ko! Hindi naman ako ito! Hindi ako itoo!!” ang sigaw ko sa kanya. Bumugso ang aking damdamin at ang aking buong pagkatao ay nilamon ng hindi maipaliwanag na emosyon.
“Hindi mo ba naitanong sa iyong sarili kung bakit hindi kita magawang..” napahinto siya sa pagsasalita . Parang may pumigil sa kanya na kung ano.
Kaya naman ako na nagtuloy nito, “Mahalin? Hindi mo ako magawang mahalin dahil mas mahal mo si Yue kaysa sa akin!”
“Dahil hindi maganda ang ugali mo at hindi rin maganda ang pakikitungo mo sa ibang tao. Gwapo ka, matalino, mayaman at lahat ng bagay sa mundo ay madali mong nakukuha. Pero hindi ka perfect dahil nakalimutan mong ayusin ang attitude mo,” ang direktang sagot ni Ryou dahilan para lalong kumirot ang aking puso.
Napahakbang na lamang ako paatras at kasabay nito ang pagtulo ng luha sa aming mga mata. Tila nakaramdam ng awa sa akin si Ryou kaya naman marahan siyang lumapit sa akin.
“Jihan, I’m sorry sa mga sinabi ko,” ang mahinahon niyang salita.
“Huwag kang lalapit sa akin, galit ako sa iyo! Galit na galit ako sa iyo!” ang sigaw ko.
Pero lumapit pa rin siya at niyakap ako kaya naman kusang gumalaw ang aking kamay at sinampal siya ng malakas!
“I hate you!!” ang sigaw ko at mabilis akong lumabas sa kanyang opisina. Kitang kita ng lahat ang aking emosyon noong mga sandaling iyon. Gayon pa man ay hindi ko na lamang sila pinansin.
Sumakay ako sa aking sasakyan at nagdrive pabalik sa aking opisina. Sa loob nito ay ibinuhos ko ang aking galit, binasag ko ang mga bagay na aking mahawakan, nagsisigaw ako habang umiiyak ng malakas! Ang sakit sa aking dibdib ay hindi nababawasan at mas lalo pa itong kumikirot sa paglipas ng mga sandali.
Alas 6 ng hapon, naisipan kong magtungo sa bar upang lunurin ang aking sarili sa alak. Hindi ako nag control at hinayaan kong malasing ang aking sarili. Siguro naman kapag masakit na ang aking ulo sa kalasingan ay panadalian kong makakalimutan ang kirot sa aking puso.
“Jihan, tama na. Sobra na itong nainom mo, umuwi na tayo,” ang wika ni Lexie.
“Ayokong umuwi, hayaan mo na lamang ako,” ang sagot ko sa kanya.
“Sobrang lasing ka na. Tinawagan ko na si Ryou para sunduin ka dito,” ang tugon ni Lexie.
“Bakit tinawagan mo pa yung gagong iyon? Ayoko siyang makita!” ang sagot ko, hindi ko maitago ang aking galit.
“Ji, I need to go home early dahil darating sa papa, magagalit iyon kapag nalaman niyang lumalabas ako sa gabi. Si Ryou ang bahala sa iyo okay? Huwag kang masyadong magpakalasing dahil masisira ang poise mo!” ang sagot niya sa akin.
Umalis si Lexie at makalipas ang ilang sandali ay dumating naman sina Ryou at Gino at agad nila akong nilapitan. “Jihan umuwi na tayo, ihahatid na kita sa inyo,” ang sabi ni Ryou.
“Shut up! I don’t need you! I can buy you! Your friends and this club!” ang singhal ko sa kanya.
“Anne Curtis ka Jihan? Umayos ka nga,” ang sagot ni Gino
“Back off baby dick! Kausapin mo ako kapag malaki ang titi mo!” ang sagot ko sa kanya!
Nasobrahan na yata sa pag inom ngayon ay nahihilo na ako. Naiinis pa rin ako kay Ryou dahil binabale wala niya ang feelings ko! Nasasaktan ako kapag nararamdaman kong wala akong halaga sa kanya.
Patuloy ako sa pag inom, sa alak ko na lamang ibinuhos ang aking galit at pagkainis hanggang sa tuluyan na akong malasing, namumungay ang aking mga mata at halos umiikot na ang aking paligid.
“Jihan, umuwi na tayo. Lasing na lasing ka na, baka magalit na ang daddy mo,” ang pagyaya ni Ryou sa akin.
“Ayokong umuwi, pabayaan mo na ako dito! Tutal ay wala naman akong halaga sa iyo!” ang sagot ko, pinipilit kong idilat ang aking mga mata ngunit blurd na ang mukha niya sa aking paningin. Napipikit na ako at halos nawawalan ng tamang wisyo.
“Tama na, iiuuwi ka na kita,” ang sagot niya sa akin, pinilit kong lumaban ngunit talagang nahihilo na ako kaya naman napasubsob na lamang ako sa kanyang dibdib at nawalan na akong lakas.
Dinala ako ni Ryou sa kanyang bagong biling condo at noong makapasok kami dito ay hindi na ako nakapagpigil, agad kong siyang sinunggaban ng halik.
“Jihan, tama na, maupo ka muna dito at bubuksan ko ang ilaw upang maipagtimpla ka ng mainit na inumin,” ang sagot niya pero pinigilan ko siya.
“Hindi mo kailangan buksan ang ilaw, isinipin mo na lang na ako yung taong pinagpapatasyahan mo. Mahalin mo naman ako kahit kaunti lang! Pagod na pagod ako sa paghahabol sa iyo!” ang umiiyak kong sagot muli kong hinawakan ang kanyang mukha ay sinunggaban siya ng halik.
Nasobrahan na yata sa pag inom ngayon ay nahihilo na ako. Naiinis pa rin ako kay Ryou dahil binabale wala niya ang feelings ko! Nasasaktan ako kapag nararamdaman kong wala akong halaga sa kanya.
Patuloy ako sa pag inom, sa alak ko na lamang ibinuhos ang aking galit at pagkainis hanggang sa tuluyan na akong malasing, namumungay ang aking mga mata at halos umiikot na ang aking paligid.
“Jihan, umuwi na tayo. Lasing na lasing ka na, baka magalit na ang daddy mo,” ang pagyaya ni Ryou sa akin.
“Ayokong umuwi, pabayaan mo na ako dito! Tutal ay wala naman akong halaga sa iyo!” ang sagot ko, pinipilit kong idilat ang aking mga mata ngunit blurd na ang mukha niya sa aking paningin.
“Tama na, iiuuwi ka na kita,” ang sagot niya sa akin, pinilit kong lumaban ngunit talagang nahihilo na ako kaya naman napasubsob na lamang ako sa kanyang dibdib at nawalan na akong lakas.
Dinala ako ni Ryou sa kanyang bagong biling condo at noong makapasok kami dito ay hindi na ako nakapagpigil, agad kong siyang sinunggaban ng halik.
“Jihan, tama na, maupo ka muna dito at bubuksan ko ang ilaw upang maipagtimpla ka ng mainit na inumin,” ang sagot niya pero pinigilan ko siya.
“Hindi mo kailangan buksan ang ilaw, sinipin mo na lang na ako yung taong pinagpapatasyahan mo. Mahalin mo naman ako kahit kaunti lang! Pagod na pagod ako sa paghahabol sa iyo!” ang umiiyak kong sagot muli kong hinawakan ang kanyang mukha ay sinunggaban siya ng halik.
Noong una ay ako lamang ang humahalik sa kanya hanggang sa naramdaman kong gumalaw na rin ang kanyang bibig at lumaban siya ng halikan sa akin. Sarap na sarap ako noong mga sandaling iyon, ngayon lamang ako nahalikan ni Ryou ng todo at halos napapatid na ang aming paghinga.
Bumaba ang kanyang halik sa aking leeg, ramdam ko ang kanyang pananabik. “Ohhhh ganyan nya, ibuhos sa akin lahat ng libog mo!” ang utos ko sa kanya.
Dito ay sinumulan niyang hubarin ang aking suot na saplot. Kahit nahihilo ako ay ramdam na ramdam ko pa rin ang ibayong sarap ng kanyang pagromansa sa akin.
At makalipas ang ilang sandali ay wala akong saplot, tirik na tirik ang aking alaga, naglalaway na ito sa pananabik. Makalipas ang ilang sandaling pagromansa ay tumigil siya at ramdam kong nag alis na rin siya ng kanyang saplot.
Maya maya ay may naramdaman akong matigas na bagay na bumubundol sa aking bibig. Medyo madilim sa silid ngunit nakita kong burat na ito ni Ryou. Sobrang tigas, sobrang bango at ang init sa pakiramdam.
Agad kong ibinukas ang aking bibig at mabilis kong sinubo ang kanyang alaga. Ninamnam ko ang pag pasok ang kanyang burat sa aking bibig, ito ang aking pangarap, ito ang aking pantasya! Fuck ang sarap burat niya! Ang haba, ang taba at ang laki! Ilang taon na rin magbuhat noong huli ko itong naisubo! Ang sarap sa bibig kaya mas ibinaon ko ito ng todo!
Lalo siya napaungol noong gawin kong parang isang lolipop ang ulo ng kanyang batuta halos nalalasan ko ang paunang katas na lumalabas dito. “Slurp! Slurp! Slurp! The best talaga ang burat niya!”
Ilang minuto ko rin siyang sinususo hanggang sa maramdaman kong lumalaban siya sa akin. Marahan na niyang binabayo ang aking bibig hanggang sa medyo bumilis ito.
“Fuck! Kinakantot na ni Ryou ang aking bibig! Dati ay iniimagine ko lang ito pero ngayon ay totoong totoo na. Humahagod at umaabot ang kanyang burat sa aking lalamunan kaya naman halos mapalakas ang kanyang ungol. After ng maraming taon, ngayon lang ulit ito nangyari.
“Arwk! Fuck ang laki, ang taba! Ang sarap!” ang ungol ko ng matinding sabay dila sa pinaka ulo ng kanyang burat.
Basang basa ang laway ko ang kanyang alaga at pati na rin ang kanyang bulbol. Maya maya ay nahiga siya sa kama at hinila ako, isinalpak niya ang aking pwet sa kanyang mukha at sinimulan niya ito dilaan, 69 ang aming posisyon at ako sa ibabaw. Muli kong sinubo ang kanyang masarap na burat at nagpakasasa ako dito.
“Fuck! Ang sarap! Fininger ako ni Ryou!” ang sigaw ko sa aking sarili noong maramdaman ang kanyang daliri sa aking butas! Kinantot na rin niya ng sagad ang aking bibig.
Kung gaano kabilis ang pagkalikot niya sa akingh butas ay ganoon rin kabilis ang pag-ulos niya sa aking bibig!
Maya maya ay tumigil siya sa pagbayo sa akin at saka ako itinuwad sa kama. Naramdaman kong bumubundol ang kanyang katigasan sa aking makipot na lagusan na kanina pa niya dinadaliri.
Maya maya ay naramdaman kong pumasok ang ulo ng kanyang burat sa aking butas dahilan para masigaw ako sa matinding sakit, parang may napunit sa aking kaloob looban. Niyakap ako ni Ryou, inabot niya aking mukha at muli kaming naghalikan.
Habang nasa torrid kissing kami ay nararamdaman kong unti unting bumabaon ang kanyang alaga sa aking kweba hanggang sa pumasok ito ng buo. Kapwa kami napaungol at napasinghap sa ere!
“Are you okay?” Ang bulong sa akin ni Ryou, medyo husky ang boses niya at halatang libog na libog.
“Oo, okay lang ako. Hindi ako makapaniwala na nakabaon ka na sa akin. Ang laki mo, ang sarap sa pakiramdam,” ang sagot ko naman.
Noong marinig niya ito ay mas idiniin pa niya ang burat niya kaya naman napaungol ako sa sarap. “Ah fuck baon na baon putaaaa!” ang ungol ko, kinapa ko ang pagkakasugpong ng katawan namin at nahipo ko na sobrang nakadikit ang bayag niya sa aking butas, ibig sabihin ay baon na baon ang kahabaan niya sa akin!
Napaungol na lang ako, kaya naman pala punong puno ako!
Maya maya ay nagsimula na siyang gumalaw. Urong sulong na ang kanyang alaga sa aking lagusan. Hindi na ako makapaniwala na kinakantot na ako ni Ryou. Nagiging swabe na ang pag-ulos niya at ang sakit ay unti unting napapalitan ng ibayong sarap!
Makalipas ang ilang minuto kinubabaw na niya ang aking likuran, para na akong isang asong kinakasta sa ibabaw ng kama. Napakapasarap sa pakiramdam! Nakaka addict pala ang makantot!
Maya maya ay nagsimula na kaming mag change position, mula sa patuwad ay sinubukan namin ang patagilid, paharap at pati paupo ay ginawa rin namin.
Wala kaming kapaguran hanggang sa ako naman ang naupo sa kanyang matigas na batuta. Habang nakahiga siya ay gumiling ako sa kanyang alaga at ninamnam ko ang kahabaan nito. Ungol kami ng ungol at halos mawala na kami sa aming mga sarili.
Maya maya ay naramdaman kong sinasalubong na niya ang aking pag taas baba! Ramdam na ramdam ko ang burat ni Ryou na bumabaon ng husto sa aking butas! Tanginaaaa mamamatay ako sa sarap! Fuck!!
Ungol ang sigaw ni Ryou mas idiniin pa niya ang burat niya sa aking butas. Hit na hit niya ang aking gspot kaya naman halos nabaliw ako sa sarap!
Nakabuo kami ng isang magandang ritmo noong mga sandaling iyon. Hanggang sa kapwa kami sumabog! Nilabasan siya sa aking butas at ako naman nilabasan sa kanyang tiyan. Idiniin ko pa ang kanyang pwetan para mas sumabog sa loob ko ang kanyang tamod.
Dahil sa hilo ay bumagsak ako sa kanyang ibaba at wala na akong naalala pa.
KINABUKASAN.
Naalimputangan na lamang ako at nagising noong maramdaman kong pumasok ang matigas na burat ni Ryou sa aking butas. Nakapikit pa ako at hinayaan ko lang siyang kantutin ako.
Mabagal lang ang pagkantot ni Ryou sa akin, nanatili akong nakapikit habang ninamnam ang pag ulos niya sa aking lagusan. Ang taba ng burat niya, ang haba! Nakakabaliw sa pakiramdam.
Hindi ko akalain na ganito pala kasarap kumantot si Ryou. Ninamnam ko ang paglabas masok ng kanyang alaga sa aking kaloob looban. Sa sobrang tigas nito ay halos napaungol na lamang ako.
Ang sarap sa pakiramdam na gigising ka sa kantot ng taong gustong gusto mo. Side ang aming posisyon kaya’t swak na swak ang burat niya sa aking puke.
Noong bumilis ang kanyang pagkantot ay napaungol na ako ng malakas at dinilat ko ang aking mga mata. Gusto kong makita ang ekspresyon ng kanyang mukha habang kumakantot.
At noong mapaharap ako sa kanya ay nanlaki ang aking mga mata!
Dito ay napasigaw na lang ako ng malakas.
“FUCK YOU!!! Gino!”
“HAYUP KA GINOOOOO!!”
“Gago kaaaa!”
“Eto na Jihan, sayong sayo ang tamod kooo!” ang ungol ni Gino, kahit na itinulak ko siya ay nakayakap pa rin siya at bumabayo hanggang sa siya ay nilabasan!
Part 57: Hatred
Part 5
7
: Hatred
J
IHAN POV
Sa pag aakala kong si Ryou ang nakasex ko kagabi ay nagkakamali pala ako dahil si Gino ito. Ang ibig sabihin ay siya ang nag dala sa akin dito sa condo at siya rin ang umalalay sa akin kagabi habang lasing na lasing ako.
Nagtake advantage siya sa kahinaan ko!
“Fuck you ka Gino! Isa kang rapist!” ang sigaw ko sa kanya, pinagsisipa ko siya at saka pinagsusuntok.
“Anong rapist? Paano ako magiging rapist e gustong gusto mo nga yung ginawa natin. Sobrang lakas ng ungol mo kagabi. Saka ano pa bang inaarte mo? Hindi ka naman na virgin!” ang sagot niya dahilan para mas lalo magalit.
“Oo hindi ako virgin at ito ko ito idedeny! Pero napaka salahula mo! Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko!”
“Ngayon ay napatunayan ko sa iyo na hindi maliit ang titi ko! At hindi totoo ang tsimis na narinig mo tungkol sa akin. Ikaw mismo ang magpapatunay niyan. Maliwanag ba?” pang aasar na tanong niya sa akin.
Lalo akong nagalit sa kanya, “walang hiya ka! Gago ka! Mamatay ka na sana!! Wala kang respeto! Fuck you kaaaa!”
Natawa si Gino, “may respeto ako dahil inalagaan kita kagabi at inangatan. Huwag ka na magalit sa akin. Ituloy na lang natin yung mainit na sex natin kagabi. Gagawin ko ang best ko para mas lalo kang mabaliw sa sarap,” ang sagot niya.
Sinampal ko siya, “isa kang manyak! Isa kang pervert! Ang akala ko ay Ryou ka, kaya pumayag ako sa pangyayari iyon!”
“Nagkaroon ng emergency meeting si Ryou kay Mr. Oikawa yung may ari ng pinakamalaking oil company dito sa Asia. Alam mo namang businessman iyon ay mas mahalaga ang negosyo sa kanya. Kaya nakiusap siya sa akin na ihatid kita at alagaan,” ang paliwanag ni Gino.
“Mga gago kayo! Pinaglaruan niyo lamang ako!! Mga halimaw! Mga demonyo!”
“Ji, ano bang kinagagalit mo? Yung hindi mo nakasex si Ryou o yung ako ang nakasex mo?” tanong niya.
PLAK!
Muli ko siyang sinampal sa mukha, “pareho! Yung pakikipag sex sa iyo para ring pakikipagsex sa isang asong hindi naliligo!”
“Fuck! Sobra ka naman! Samantalang mas malakas ka pang umungol sa akin!”
Agad kong kinuha ang mga gamit ko at saka nag ayos ng aking sarili. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng katangahang ito! Kung pwede ko lang irewind yung araw na ito ay gagawin ko talaga.
Ito ang mga salitang nasa isipan ko noong mga sandaling iyon. Hiyang hiya ako sa aking sarili at the same time ay sobrang disappointed ako dahil ang akala ko ay si Ryou ang katabi at kayakap ko buong magdamag.
Lalo lang ako nalungkot noong mapatingin ako sa salamin, I looked wasted at ang lahat ng ito nagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa isang taong hindi ako magawang mahalin. Ngayon ay tila mas lalong namumuo ang galit sa aking dibdib. Posible kaya na ang love ay maging hatred?
Paglabas ko sa banyo ay naroon pa rin si Gino, nakahubo’t hubad ito at nanonood lang telebisyon. “Aalis ka na? Wala bang good bye kiss dyan? Ayaw mo ba akong maging boy friend?” tanong niya sa akin.
Hindi ako sumagot, itaas ako ang aking kamay sa kanyang mukha “FUCK YOU!”
Agad akong lumabas ay nag drive pauwi sa amin. Pagdating sa bahay ay agad akong naglublob sa bath tun at nilinis ang aking sarili. Kumikirot pa rin ang aking ulo dahil sa hang over pero sa pagkakataong ito ay mas makirot ang aking puso dahil sa matinding pagkabigo.
Soon ay matutunan ko ring kalimutan ang feelings ko kay Ryou, at darating ang oras na siya naman ang iiyak. Hindi ko siya hahayaang maging masaya! Never!!
“My God, you looked wasted. Diba sinabi ko naman sa iyo na huwag kang magpakalasing? Alam mo naman na wala itong magandang maidudulot,” tanong ni Lexie.
“Huwag mo na ang akong sisihin, minsan ang pag inom ay isang way para makalimot. Nag desisyon na ako na itigil na ang paghabol kay Ryou. Kung ayaw niya sa akin ay ayoko na rin sa kanya,” ang sagot ko.
“Congratulations, sa wakas ay natauhan ka rin. Sana noon mo pa ito ginawa. I’m sure, somewhere out there may isang guy na meant for you. Gusto mo bang bumalik sa Amerika?” tanong ni Lexie.
“No, marami akong importante bagay na dapat gawin,” ang sagot ko sa kanya sabay ngiti.
“Well, nakakatakot iyang ngiti, parang mayroon ka na namang binabalak na hindi maganda,” ang puna ni Lexie.
Pero hindi na ako kumiko, napatingin na lamang ako sa magazine na akong hawak, ito ay may larawan ng isang model na nakasuot ng mermaid costume.
Pagsisisihan ni Ryou Guerrero ang lahat ng ginawa niyang pambabale wala sa akin! Sisiguraduhin kong wala siyang makakamtang happy ending!
R
YOU POV
Halos ilang linggo na rin akong naghahanap kay Yue. Lahat ng mahuhusay na detective at imbestigador ay binayaran ko na upang mahanap lamang siya. Marami akong bagay na nais sabihin sa kanya, marami akong gustong linawin at malaman.
“Anong balita? Nahanap mo ba siya?” tanong ko sa isang detective na binayaran upang hanapin si Yue.
“Positive po sir, natagpuan ko ang kinalalagyan ni Yue. Siya ngayon ay nakatira sa bayan ng Rosalka at paminsan minsan ay lumalabas siya upang magbenta ng perlas sa tindahan ng mga alahas,” ang sagot ng detective.
Noong mga sandaling iyon ay tila nabuhayan ako ng loob. Muling umusbong ang pag asa sa aking dibdib. “Saan ba ang bayan ng Rosalka? Ngayon ko lamang ito narinig.”
“Ito ay isang liblib na lugar na hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao. Malapit ito sa kabundukan at aabutin ng 8 hours ang byahe mula dito hanggang doon sakay ng ordinaryong bus,” ang paliwanag ng detective at ibinigay niya sa akin ang lahat ng impormasyon na kanyang nahanap pati na rin ang mga stolen photos ni Yue kasama si Marine.
Pinasalamatan ko ang detective at binigyan siya ng bonus payment bilang token of appreciation sa kanyang husay. Hindi naman ako nagulat na magagawa niya ito dahil ilang mabibigat na case sa bansa ang hinawakan niya at nasolve.
Noong makuha ko ang lahat ng impormasyong kailangan ko ay hindi na ako nagdalawang isip pa. Agad akong naghanda para magpunta sa bayan ng Rosalka at hanapin si Yue doon. Ang totoo ay nananabik akong makita siya at handa kong yakapin ang anumang bagay na pagkakaiba naming dalawa. Ganoon ko siya kamahal, ngayon ko lamang narealize na maswerte ako at nakilala ko ang isang katulad niyang special at napaka extraordinaryo.
“Aalis ka?” tanong ni Gino sa akin.
“Oo, mayroon lamang akong mahalagang bagay na gagawin. Ikaw na muna ang bahala dito.”
“Sayang ikukwento ko pa naman sana sa iyo yung yung nangyari kagabi,” ang sagot niya.
“Maaari mong ikwento sa akin iyan pagbalik ko,” ang sagot ko sa kanya.
“Sayang naman pare mawawala yung excitement e,” ang paghabol niya.
“Nag aapura ako, bakit ba ganyan ang itsura mo? Hindi ka pa ba naliligo?” tanong ko sa kanya
“Sinadya ko talagang huwag maligo para mas damang dama ko yung kwento,” ang makulit na sagot nito.
“Saka na lang pare, nag aapura ako!” sagot ko sabay sakay sa akin sasakyan. Dito ay nagsimula akong mag drive patungo sa bayan ng Rosalka.
Habang nagddrive ay binuksan ko ang stereo ng aking aking sasakyan at mula dito ay tumugtog ang isang love song na nagbigay ng kakaibang emosyon sa akin. Ang pamagat ng kanta ay “I’ll Always Love You na inawit ni Michael Johnson.
Standin’ by my window
Listening for your call
Seems I really miss you after all
Time won’t let me keep
These sad thoughts to myself
I’d just like to let you know
I wish I didn’t let you go
And I’ll always love you
Deep inside this heart of mine
I do love you
And I’ll always need you
And if you ever change your mind
I’ll stil I will love you
Katulad ng inaasahan ay malayo nga pala talaga ang bayan ng Rosalka. Limang oras pa lamang akong nag ddrive ay halos pagod na ako kaya’t kinakailangan kong magstop over upang makapagpahinga at kumain.
Hindi ako makapaniwala na nagbyahe ang sirenang iyon ng ganito kalayo, ngunit nauunawaan ko naman na kailangan nila itong gawin para sa kanilang kaligtasan.
KINABUKASAN.
Makalipas ang halos 8 hours na pag ddrive ay nakarating ko ang liblib na bayan ng Rosalka. Isa itong simple at payak na lugar, tahimik at madalang ang mga kabayahan. Ito na yata ang pinakatahimik na lugar na narating ko dahil malapit ito sa kabundukan at kahit saan ako lumingon ay ang mga luntiang bukirin ang aking nakikita.
Hindi muna ako nagtungo sa bahay nila Yue, minabuti kong magtungo sa bayan upang abangan at hintayin siya. Ang sabi sa akin ng detective ay madalas siyang nakikitang naglalakad dito tuwing umaga upang bumili ng pagkain.
Noong mga sandaling iyon ay ipinangko ko sa aking sarili na kapag nagkita kaming muli ay hinding hindi ko na siya hahayaang mawala pa. Hahawakan ko siya ng mahigpit at hindi ko siya hahayaang lumayo sa akin.
Makalipas ang ilang oras na paghihintay, sa wakas ay nakita ko na si Yue, may hawak siyang garapon na may maliliit na perlas at pumasok ito sa tindahan ng alahas.
Lumundag ang aking puso, tila nananabik ako na muli siyang mayakap at makausap.
Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip, agad ko siyang pinuntahan noong makalapit ako sa kanya ay agad kong hinawakan ang kanyang kamay.
Mistulang isang suspended animation..
Parang nagslow motion ang buong paligid..
Humarap si Yue sa akin, bumakas sa kanyang mukha ang pagkagulat..
Samantalang bakas naman sa aking mukha ang pananabik at labis na tuwa.
Tumahimik sa buong paligid, rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng aking puso noong sandaling titigan ko ang kanyang mukha.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin.
“Ginawa ko ang lahat para mahanap ka lang, gusto kita makausap,” ang sagot ko.
Ngunit sa halip na sumagot ay mabilis niya inalis ang aking kamay sa kanyang braso at nagtatakbo ito palayo sa akin.
Ngunit katulad ng ipinangako ko sa aking sarili, sa pagkakataong ito ay hindi na ako papayag na mawala pa siya sa aking paningin. Kaya naman hinabol ko siya at muling hinawakan sa kanyang kamay.
“Yue, please. Huwag kang lumayo sa akin.”
“Umalis ka na, ayoko ng makita ka,” ang sagot niya sa akin.
Part 58: I Found You
Part
58
: I Found You
Gulat na gulat si Yue noong makita si Ryou sa kanyang harapan. Hindi niya akalain na susunod ang binata dito sa Rosalka para lamang makita siya.
Hindi niya lubos maisalarawan ang kanyang dapat maramdaman, masaya siya noong makita si Ryou ngunit mayroong takot dahil may posibilidad na malagay muli sa alanganin ang kanilang mga buhay.
Isa pa ay binalot siya ng pagkahiya dahil sa ngayon ay alam na ni Ryou ang kanyang totoong katauhan. Alam na ni Ryou na siya ay isang merman at ang mga araw ng pagpapanggap ay tapos na. Paano niya ipapaliwanag sa binata ang lahat?
Matatanggap ba siya nito? O baka naman paglaruan lamang siya nito?
Samantala, sa kabilang banda ay ibayong saya naman ang naramdaman ni Ryou noong makita si Yue. Nangako siya sa kanyang sarili na hindi niya hahayaang umalis ang binata at hindi na niya hahayaang mawala pa ito.
Ngunit tila ayaw siyang makita ni Yue, dumistansiya ito sa kanya at nagtatakbo palayo. Gayon pa man ay hinabol niya ito at sinubukang pakalmahin.
“Sandali, kausapin mo naman ako. Paano tayo magkakaintindihan kung tinatakbuhan mo ako?” tanong ni Ryou habang hinabol ang binata.
“Umalis ka na! Hindi na tayong pwedeng magkita,” ang sagot ni Yue habang tumatakbo palayo.
Hinahabol pa rin siya ni Ryou, “bakit hindi? Sa tingin mo ba ay papayag ako na basta basta ka na lanh mawawala?”
“Hindi mo nauunawaan, marami kang hindi alam,” ang sagot ni Yue sa kanya.
“Malamang, hindi ko talaga maunawaan dahil ayaw mo akong bigyan ng pagkakataon para unawain kita. Hinanap kita at pintuhan hanggang dito dahil mahalaga ka sa akin,” ang sagot ni Ryou.
“Magkaiba tayong dalawa! Alam mo na ang katotoohanan diba?” tanong ni Yue.
“Oo, alam ko na ang katotohanan kung ano at sino ka. At nais kong malaman mo na kahit weird ka, slow at mabagal pumick up ng mga bagay ay mahal kita. At kahit nalaman ko ang katotohanan ay wala pa ring nagbabago sa damdamin ko,” ang sigaw ni Ryou.
Napahinto sa pagtakbo si Yue at napatingin sa kanya, “Tanga ka talaga! Dapat ay papatayin kita, at kita mamahalin! Pero traydor itong puso ko dahil bigla itong nahulog sa iyo.”
“Hindi ko maunawaan ang dahilan kung bakit kailangan mong umiwas at lumayo sa akin. Gusto kong malaman mo na hindi pag iwas at paglisan ang sagot sa problema,” ang tugon ni Ryou.
“Alam mo naman yung totoo diba? Nakita mo ang lahat. Hindi ka ba natatakot na baka saktan kita? O kainin kita? Hindi ka ba natatakot dahil isa akong halimaw?” tanong ni Yue sa kanya.
“Ano ka ba, hindi ka halimaw at lalo hindi ako natatakot sa iyo. Ikaw ang pinakamagandang nilalang na nakita ko. At gusto kong malaman mo na thankful ako dahil paulit ulit mong sinasalba ang buhay ko. Please, huwag na tayo lumayo sa isa’t isa.”
“Tatanggapin mo ba ako?” tanong ni Yue sa kanya
“Oo, tanggap kita, tanggap ko ang lahat ng bagay na mayroon ka. Mahal kita at gusto kitang makasama,” ang sagot ni Ryou, halos mang gilid ang luha sa kanyang mga mata habang nagsasalita.
Tumango si Yue, “saka mo na lamang sabihin sa akin ang mga ganyang bagay kapag nalaman mo na ang dapat mong malaman. Halika, sumama ka sa akin,” ang tugon ng binata.
Walang nagawa si Ryou kundi ang sumama sa binata, noong mga sandaling iyon walang ibang tumatakbo sa kanyang isipan kundi ang maging maayos ang sitwasyon at samahan nila ni Yue gaya ng dati.
Gayon pa man ay masaya siyang makita ang mukha nito, sapat na iyon para mapasaya ang kanyang puso. Miss na miss na niya ito at dito na realize na parang kulang ang kanyang buhay kapag wala ito sa paligid.
Malaki ang impact ni Yue sa kanyang buhay at hindi pa niya lubos na napapasalamatan ito sa ginawang pagligtas sa kanyang buhay ng paulit ulit.
Dinala ni Yue si Ryou sa kanilang maliit na tahanan sa paanan ng bundok. Hindi siya handang makita si Ryou ngunit kakaibang saya ang kanyang naramdaman noong masilayan siya ang mukha ng binata. Iyon nga lang ay mas lalo siyang nangamba na malagay lamang sa alanganing sitwasyon ang lahat lalo’t lahat sila ay mga “wanted.”
“Dito kami nakatira ngayon, isang lugar na malayo sa karagatan. Sa ganitong paraan ay magiging ligtas ang aming mga buhay,” ang salita ni Yue.
“Ligtas dito dahil malayo sa karagatan, ngunit kapag nahanap kayo ni Seito ay tiyak na delikado, wala kayong mahihingian ng tulong dahil wala kayong mga kapitbahay,” ang puna ni Ryou.
Pumasok sila sa loob at ipinakilala niya si Ryou sa kanyang ina. Samantalang natuwa naman si Seres dahil nakilala niya ang binatang nagpapasaya sa kanyang anak. “Tama nga si Marine, napakagwapo ng binatang ito,” ang nakangiting wika ni Seres.
Nakangiti lang si Ryou, hindi niya malaman kung paano ba ang tamang pagbati sa ina ni Yue. Baka iba ang uri ng pagbati sa mga sirena kaya’t wala siyang nagawa kundi hawakan ng kamay nito at magbigay na lamang ng galang.
“Ryou, pasensiya na kung umalis kami ni Yue ng walang paalam sa iyo. Ginawa namin ito upang maging ligtas,” ang tugon ni Marine
“Sa palagay ko ay hindi kayo magiging ligtas dito. Luma na ang bahay na ito at madali itong masisira. Isa pa ay wala kayong mahihingian ng tulong dahil ang inyong tirahan ay nasa liblib na lugar. Kung inyong mamarapatin ay nais ko kayong tulungan,” ang sagot ni Ryou.
“Ayos lang kami, hindi namin kailangan ng tulong mo. Salamat na lamang,” ang sagot ni Yue.
“Ikaw, kaya mong ipagtanggol ang sarili dahil saksi ako sa mga bagay na kaya mong gawin. Pero sila? Naisip mo ba ang kalagayan nila?” tanong ni Ryou sa kanya.
Tahimik si Yue..
“May punto ako diba? Yue, bilyonaryo ako, at marami rin akong kayang gawin. Kung makapangyarihan ka sa karagatan ay mayroon din naman akong kapangyarihan dito sa lupa,” ang dagdag ni Ryou.
“Ano naman ang kapangyarihan mo Mr. Guerrero? Sige na?” tanong ng binata.
“Mayaman ako. Pera, ito ang kapangyarihan ko. Kaya ko kayong bigyan ng mas maayos na security. Iyon ay kung pagkakatiwalaan niyo ako,” ang sagot ni Ryou.
Natahimik si Marine, “May punto si Ryou sa pagkakataong ito. Maaari niya sa atin ibigay ang kaligtasan at maayos na lugar na maaaring lipatan.”
“Pag iisapan namin ang offer mo,” ang sagot ni Yue.
“Mainam pa ay dumito ka na muna para makapag pahinga ka,” ang nakangiting wika ni Seres.
Alas 4 ng hapon, nagkaraoon ng pagkakataong mag usap sina Yue at Ryou. Kapwa sila nakaupo sa ilalim ng isang malaking puno at nakatanaw sa luntiang bukirin.
Marahang hinawakan ni Ryou ang kamay ni Yue at pinisil pisil ito. Salamatang wala na mang kibo si Yue at halatang malalim ang iniisip nito.
“Okay ka lang ba?” tanong ni Ryou sa kanya.
“Oo, hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ka ngayon sa tabi ko,” sagot ng binata.
“Hindi naman ako papayag na mawala ka sa akin ng basta basta. Noong umalis ka ay masyado akong nalungkot. Hindi ko alam kung saan ka hahanapin. Ang sabi ko sa sarili ko ay parang imposibleng mahanap kita sa karagatan kung sakaling doon ka bumalik. Malaking problema talaga iyon. Pero noong malaman kong nandito ka pa sa lupa ay nagkaroon ako ng lakas ng loob upang hanapin ka,” ang sagot ni Ryou.
“At paano mo naman nalaman na nandito pa ako sa lupa?” tanong ni Yue.
“Si Seito mismo ang nagsabi sa akin. Muli niya inatake noong nakaraang mga linggo. Ang sabi niya sa akin wala sa karagatan ang iyong amoy. Ito nandito pa sa lupa ngunit nasa malayong direksyon. Ito ang aking pinagbasehan kaya’t nahanap kita,” ang paliwanag ni Ryou.
“Noong malaman mong isa akong merman, anong reaksyon mo? Natakot ka ba sa akin?” tanong ni Yue.
“Namangha ako, napatuyan ko sa aking sarili na hindi pa ako nababaliw dahil sa paniniwalang isang merman ang nagsalba sa akin noong lumindol sa karagatan. Dito ko rin narealize na kaya pala wirdo ka at maraming bagay na hindi alam sa mundo at dahil hindi ka talaga taga rito,” ang natatawang sagot ni Ryou.
“Kaming mga sirena ay may kakayahang maka adjust ng mabilis sa aming kapaligiran.
Mas superyor ang aming utak sa mga ordinaryong tao kaya’t mabilis naming natutunan ang isang bagay. Katulang pagluluto, pagtitinda, paglilinis at kahit ang papipinta ng larawan.“
“Kaya naman pala, ang akala ko noong una ay talaga wirdo ka lang. Pero bagay naman sa iyo,” sagot ni Ryou, habang nakangiti.
“Bagay sa akin, yung maging tanga?” tanong ni Yue.
“Yung maging wirdo, yun ang bagay sa iyo. Lalo kang magiging cute sa paningin ko,” ang sagot ni Ryou.
Tahimik sa buong paligid..
“Ano ang pakiramdam na maging isang merman? Masarap bang lumangoy sa ilalim ng karagatan at sumabay sa malalakas na alon nito? Totoo ba na maraming kayamanan doon? Doon mo ba nakukuha yung magagandang perlas na ibinigay mo sa akin?”
“Ang karagatan ay para ring ibabaw ng lupa. Mayroon ding mga panganib katulad ng malalaking pating, mga malalaking octopus at iba pa. Iyon ang mga banta sa aming buhay. Kung tutuusin ay mas delikado doon kaysa dito sa lupa. At tungkol naman sa tanong mo kung may mga kayamanan sa ilalim ng karagatan. Ang sagot ay “OO” kung kukunin ko lahat iyon ay baka mas mayaman pa ako sa iyo,“ ang sagot ni Yue na parang batang kkwento.
“Talaga? Gaano karami yung mga kayamanan doon?”
“Marami, maraming marami. Mula sa mga barko ng mga piratang lumubog doon. At tungkol naman sa mga perlas na ibinigay ko sa iyo.”
“Ano ang tungkol sa mga perlas? Magaganda ang kalidad ng mga ito. Doon mo rin ba ito nakukuha sa ilalim ng karagatan?”
Umiing su Yue, “hindi, ang mga perlas na iyon ay luha ko,” ang tugon niya.
Part 59: First Wave
Part
59
: First Wave
“Ang luha naming mga sirena ay espesyal, ito ay nabubuo at nagiging perlas. Ang ordinaryong luha ay nagbibigay ng puting perlas na sakto lang ang kalidada. Ang luha naman ng kaligayahan ay nagbibigay ng kulay asul na perlas, ito ang may pinakamataas na kalidad sa lahat,” ang paliwanag ni Yue.
“Kung ganoon ay talaga pa lang yayaman ka kung parati kang iiyak,” ang sagot ni Ryou na hindi maitago ang pagkamangha.
“Katulad ng sinabi ko sa iyo, kung kukunin ko lahat ng mga kayamanan sa ilalim ng karagatan ay baka mas mayaman pa ako sa iyo,” ang tugon ko ng binata.
“Ganoon naman pala, bakit kailangan mo pang pagurin ang sarili mo sa pagbebenta ng mga bracelet at souvenir items sa sea wall?”
“Dahil kailangan kong matutunan ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa aking paligid. Kailangan kong makipagbagay sa kanila upang makasanayan ko ang uri ng pamumuhay dito sa high ground,” ang sagot ni Yue.
“Nahirapan ka sa pag aadjust?” tanong ni Ryou.
“Oo lalo na noong una, kami mga sirena ay nagkaka paa lamang tuwing araw. Kapag sumapit na ang sunset ay bumabalik ang aming buntot. Kaya mamaya lamang sila inay at tiya Marine ay muling magkakaroon ng buntot.”
“Eh bakit ikaw ay nakakalakad sa gabi?” tanong ni Ryou.
“Dahil suot ko ang kwintas ito. Isang uri ng immunity na galing sa aking mga ninuno. Kung wala ang kwintas na ito hindi rin ako makakalakad at makakatayo sa gabi kaya kinakailangan kong bumalik sa karagatan o kaya ay magkulong sa isang silid na mayroong malaking paliguan,” ang paliwanag ng binata.
“Naunawaan ko, talaga pa lang mahiwaga ang mga sirena. Nga pala, ano ba yung totoong dahilan? Bakit ka nandito sa ibabaw ng lupa? At kung bakit tayo hinahabol ni Seito para patayin?” nagtatakang tanong ni Ryou.
“Ito yung mga bagay na gusto kong sabihin sa iyo, Ryou. Ito ang mga bagay na dapat mong maunawaan,” ang sagot ni Yue at noong mga sandaling iyon wala na siyang pagpipilian kundi ang sabihin kay Ryou ang totoong dahilan kung bakit siya nandito sa ibabaw ng lupa.
“Nagsimula ang lahat noong masira ang aming tahanan sa ilalim ng karagatan. Maraming mga sirena ang namatay at maraming napinsala. Ang dahilan ng pagkasira ng Liquara ay ang lason na kumalat sa tubig, ito ay nagmula sa isang malaking tangke ng langis na pag aari ng kumpanya ng Guerrero.
“Nagalit ang mga elder mermaids dahil nawasak ang aming tirahan at marami sa aming kalahi na nasawi. Dahil dito binigyan nila ako mismo at iyon ay ang magtungo sa high land upang patayin si Ryou Guerrero, ang lalaking responsable sa pagkasira ng aming tirahan.
“Dahil wala akong pamimilian ay umakyat ako sa ibabaw ng lupa upang isagawa ang misyon. Ginamit ko ang painting upang mapalapit sa aking target at iyon ang nangyari,” ang bungad na salaysay ni Yue.
Napabuntong hininga si Ryou, “kasalanan ko pala talaga ang lahat. Hindi ko akalain na ganoon ang epekto sa inyo ng pagkakamali ng aming kumpanya, at hindi ko rin akalaing ganoon kalaki ang pinsalang nagawa ko sa karagatan. Katulad ng sinabi ko sa iyo, ang mga bagay na iyon ay pinagsisihan ko at pinagbayaran.”
“Ilang beses kong pinagtangkaan ang buhay mo, pero hindi kita nagawang patayin.
Pinilit kong maging close sa iyo para maisagawa ko ang misyon. Pero habang tumatagal ay nagiging malapit ako sa iyo at nahihirapan akong gawin ito. Hanggang sa isang araw ay nagising na lamang ako na tila imposible ko na ito magawa dahil.. dahil umiibig na ako sa iyo,“ ang sagot ni Yue.
Humarap siya kay Ryou at saka tumawa, “nakakatawa diba? I was supposed to kill you, not to love you. Pero nangyari diba? Ang hina ko talaga dahil itong puso ko ay isang traydor at wala akong magawa para labanan ito.”
Hinawakan ni Ryou ang kamay ni Yue, “dahil ang puso ang tanging parte sa katawan ng tao na hindi marunong magsinungaling,” ang tugon ni Ryou.
“At iyon nga, nabigo akong gawin ang misyon. At isang beses rin kitang iniligtas noong magkaroon ng lindol sa karagatan. Ako iyon at ngayon hindi ko na ito itatanggi. Ang ginawa kong iyon ay hindi nagustuhan ng mga elder mermaids at dahil dito ay binawi nila sa akin ang misyon na nabigong isagawa at ibinigay ito kay Seito. Ngayon, si Seito ang may misyon na patayin ka. At iyon ang dahilan kung bakit hinahabol niya tayo.
“Ngayon ay pinatawan na rin ako ng parusang kamatayan at ang masaklap ay nadamay pa dito sila inay at tiya Marine. Kaya ngayon ang buhay namin ay parang isang magulong alon na walang direksyon. Ngayon, gusto mo pa rin ba akong makasama? Gusto mo pa rin ba ako? O baka naman nagbago na ang isip mo? May lakas ka ba ng loob para harapin ang lahat ng ito? Maaari ka pang lumayo at iwanan kami,” ang seryosong tanong ni Yue habang nakatingin sa kanyang ng tuwid.
Tumingin din sa kanya si Ryou na mayroong seryosong mukha, “Noong nawala ka sa akin ay sobra akong nalungkot. Dito ko napagtanto kung gaano kita kamahal. Kaya naman nangako ako sa sarili ko na kapag nagkita tayong muli ay hindi na kita bibitiwan at hindi kita hahayaang mawala. Ikaw at ako hanggang sa huli, ikaw at ako laban sa mundo. Malakas ako kapag nandito ka sa tabi ko dahil ikaw ang dahilan kung bakit ako nagiging malakas. Sa kaparehong dahilan ay nanghihina ako kapag wala ka sa tabi ko.”
Tumingin si Yue sa kanya at napaluha na lamang ito. Yumakap siya kay Ryou at dito ay hindi na niya napigilan ang bugso ng kanyang damdamin, “umalis ako dahil natakot ako na baka hindi mo ako matanggap. Kapag naiisip kong magkaiba tayo ay nasasaktan ako. Gusto kitang makasama ngunit natatakot ako sa mga bagay na maaaring mangyari. Pero nangako ako sa sarili ko na hindi ko hahayaang masaktan ang mga taong mahal ko, kahit buhay ko pa ang maging kapalit nito.”
“Gusto kong malaman mo na hindi ka na nag iisa ngayon. Kasama mo ang akong haharap sa pagsubok. Basta ipangako mo sa akin na hindi ka lalayo sa akin ulit.”
“Pangako, hindi na ako lalayo sa iyo, Ryou,” ang sagot ni Yue.
Ngumiti si Ryou at pinahiran ang kanyang luha. Hinaplos niya ang buhok nito at marahang hinalikan sa labi.
Noong mga sandaling iyo ay nangako sila sa isa’t isa na magkasamang haharapin ang lahat ng pagsubok na darating sa kanilang buhay. Magiging matatag sila at hindi bibitiw sa isa’t isa.
“Balang araw ay magiging mapayapa rin ang ating pagsasama, titira tayo sa isang tahimik na lugar at magkasama tayong bubuo ng ating mga pangarap,” ang bulong ni Ryou habang nakayakap kay Yue.
KINABUKASAN.
Alas 5:45 ng umaga, paglabas ng araw sa kalangitan..
“Ryou, gising na..” ang mahinang boses ni Yue na gumising sa binata habang nakahiga ito sa lumang sofa.
“Hmm, bakit? May problema ba?” tanong ni Ryou agad itong bumangon upang ayusin ang kanyang sarili.
“Shhhh, wag kang maingay, sa tingin ko ay mayroon tayong mga bisita sa labas,” ang sagot niya.
Noong marinig ni Ryou iyon ay marahan siyang bumangon at sumilip sa bintana. Dito ay nakita niya ang nasa mahigit sampung katao na nakatayo sa paligid ng kanilang bahay na tinutuluyan.
“Sino ba itong mga ito?” pagtataka ng binata.
“Mga mermaid assassins ang mga iyan, sa tingin ko ay natagpuan na nila tayo para patayin,” ang sagot ni Marine habang lihim na sumisilip sa labas ng bintana.
Maya maya ay nakita nila na lumalakad si Seito patungo sa kanyang mga kasamahan. “Mukhang dumating na ang kanilang leader. Ito ang pinaka worst na senaryong sinasabi ko sa inyo na maaaring mangyari. Paano ang gagawin natin? Pwede tayong tumakas kung makakasakay tayo agad sa kotse ko na naka park doon sa gawin likod,” ang sagot ni Ryou at naglabas ito ng baril sa kanyang coat.
“Bakit may ganyan ka?” tanong ni Yue sa binata.
“Dahil kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko. Ilang beses na akong pinagbabantaan ng Seito na iyan at namumuro na siya sa akin,” ang sagot ni Ryou.
“Tama na iyan, hindi natin hahayaang magtagumpay sila. Lalaban tayo!” ang wika ni Marine.
“Paano kayo lalaban? May alam ba kayo sa pakikipaglaban?” tanong ni Yue.
“Ikaw bata ka, huwag mo nga kaming minamaliit dyan. Ang bawat mermaid ay mayroong kakayahang ipagtanggol ang kanyang sarili. Kaya lalabanan tayo at aalis ng ligtas dito,” ang sagot ni Marine.
“Tama si tiya Marine, wala tayong ibang pagpipilian kundi ang lumaban. Ibang kasi rin itong mga kalahi ninyo, mabibilis rin pala silang makahanap ng target,” ang bulong ni Ryou.
“Dahil ang karaniwan sa mga mermaid assassin ay malalakas ang pang amoy,” ang sagot ni Yue.
Maya maya ay kumilos si Ryou at sumilip sa pinaka likuran ng bahay. Napansin niyang mas kaunti ang nakatayong kalaban dito kumpara sa harapan.
“Sa likod tayo dadaan, kailangan nating tumakbo ng kaunti upang marating ang sasakyan. Ngayon, kung mayroon man akong matamaan at mapatay sa inyong kalahi ay pasensiyahan na lamang,” ang bulong ng binata sabay kasa sa kanyang baril.
Noong mga sandaling iyon ay naunang lumabas si Ryou, marahan niyang binuksan ang pintuan sa likod bahay. Dito ay nakaabang na sa kanila ang mga mermaid assassin na inatasan para sila ay iligpit.
Ang lahat ay armado ng mga patalim na gawa sa mga matutulis na pangil ng mga mababangis na hayop sa karagatan.
Noong mga sandaling iyon ay inihanda na nila Ryou, Yue at iba ang kanilang mga sarili. Lalo lamang bumigat ang sitwasyon noon lumabas si Seito at muling humarap sa kanila.
“Kumusta kayo? Maaari kong dalhin ang inyong mga ulo sa ilalim ng karagatan?” tanong nito, nakangisi na parang isang demonyo.
Part 60: Hidden Ability
Part 60: Hidden Ability
“Masyado yatang maaga ang inyong misyon? At talagang nagsama pa kayo ng madaming kakampi,” ang sabi ni Ryou habang pinagmamasdan ang mga kalaban.
“Mas marami ay mas masaya, nais naming makasigurado na matatapos ngayong umaga ang misyong ito. Ang mga ganitong bagay ay hindi na dapat pinapatagal. At natutuwa akong makita na magkakasama na kayo, ang ibig sabihin ay hindi na kami mahihirapan sa paghahanap,” ang sagot ni Seito.
“Seito, kami lang ni Ryou ang kailangan mo! Bakit pati sila inay ay idinamay niyo dito? Wala silang kasalanan sa inyo!” ang tanong ni Yue.
“Walang kasalanan? Nagbibiro ka ba? Ang pagtulong at pagsama sa isang traydor ay nangangahulugang pag tatraydor din! Malinaw na lumubag sina Seres at Marine sa alituntunin ng ating lahi! Sila ay paparusahan rin ng kamatayan!” sagot ni Seito.
“Kung ganoon ay hindi ko hahayaang saktan niyo ang kahit na sino sa pamilya ko! Nakahanda akong patayin kayong lahat kung kinakailangan!” ang seryosong sagot ni Yue.
Natawa si Seito, “Walang karagatan, paano ang gagawin mo? May sapat ka bang lakas para gawin iyon?” tanong niya na may halong pang iinsulto.
“Innulit ko, huwag mong isasayad ang daliri mo sa kanila!” seryosong sagot ng binata.
Natawa si Seito, “masyado ng mahaba ang usapang ito! Oras na para tapusin ang buhay niyong lahat!” ang sagot niya sabay kumpas sa kanyang kamay at sumigaw ito.
“PATAYIN SILA!!”
Ang lahat ng mga mermaid assassin ay nagtakbuhan patungo sa kinalalagyan nila Yue. Lahat sila ay mabibilis kumilos hawak ang kanilang mga armas.
“Sinabing huwag kayong lalapit!” ang sigaw ni Yue, noong mga sandaling iyon ay walang ibang bagay sa kanyang isipan kundi ang ipagtanggol ang kanyang ina, si Marine at si Ryou.
Nagliwanag ang kanyang mga mata at gayon rin ang kanyang mga kamay. Gumapang ang pilak na kaliskis sa kanyang braso, sa kanyang leeg at maging sa gilid na parte ng kanyang mukha.
Ang mga dram ng tubig na naka imbak sa paligid ng bahay ay naglisimulang bumukas at mula dito ay umangat ang mga tubig sa paligid. Ang tubig ay namuo sa kanilang itaas, naka suspende lamang ito sa ere.
Sa isang kumpas ng kamay ni Yue ay nagkaroon ang hugis ang tubig. Ito ay naging hugis “dragon” na lumipad at sumagupa sa mga kalabang palapit sa kanila.
Hindi sila makapaniwala na si Yue ay may ganitong kakayahan! Ang tubig ay mistulang dragon na lumilipad at nilapa nito ang mga kalaban sa paligid.
Ang mga nakaiwas at natirang kalaban ay nagtatakbo pa rin patungo sa kanila kaya naman walang ibang pamimilian si Ryou kundi ang kalabitin ang gatilyo ng kanyang baril at paputukan ang mga kalabang palapit sa kanya. Walang siyang intensyon na pumatay kaya’t pinapatamaan lang niya ang mga ito hita o kaya ay braso.
Sa kabilang banda naman ay ipinamalas rin ni Marine ang kanyang abilidad. Uminom siya ng tubig at noong ibuga niya ito ay nagmistulang mga sibat at espada na mabilis lumipad patungo sa mga kalaban!
Naging magulo ang paligid.
Ganyon pa man ay hindi nagpasindak si Seito sa kanyang nakikita. Masyadong malakas ang kanyang katawan kaya’t nagawa niyang sagupain ang malaking water dragon na ginawa ni Yue. Hindi rin niya pinansin ang mga tubig na hugis espada at sibat na nagliliparan sa paligid!
May ilang mga mermaid assassin din nagtataglay ng mga armor sa katawan kaya’t diretso silang umatake patungo kila Yue.
Walang nagawa ang grupo kundi ang magsimulang kumilos patungo sa kanilang sasakyan para makatakas. Humarang si Ryou sa kanilang harapan at pinaputukan niya ng baril ang mga ito ngunit ang kanyang bala ay tumatama lang sa kanilang mga suot armor sa katawan!
“Akala mo ba ay uubra pa ang baril mo? Hindi na mauulit ang pangyayari noon!” ang sigaw ni Seito at lumundag ito patungo sa kanila. Kung dati ay naitaboy si Seito ng mga bala ng baril galing sa mga security guards ni Ryou, ngayon ay bale wala na ito.
Bumagsak si Seito sa harapan ni Ryou, hindi nagpasidak ang binata. Isang malakas na suntok ang iginawad niya kay Seito at direktang ang kanyang kamao sa mukha ng kalaban ngunit para itong bakal sa tigas. Ni hindi man lang natinag si Seito sa kanyang suntok kahit malakas na iyon!
“Suntok na ba iyon? Hindi man lang ako natinag!” ang nakangising tanong niya.
Isa pang malakas na suntok ang iginawad ni Ryou pero hindi natinag ang kalaban.
“Ganito ang susuntok!” ang dagdag niya at isang malakas na suntok ang iginawad sa tiyan ni Ryou dahilan para sumuka siya ng dugo at tumilapon sa malayo.
“Ganyan ang tinatawag na suntok! Isa kang kang mahinang nilalang!” ang sigaw pa ni Seito at nagtatakbo pa siya ulit patungo kay Ryou na noon ay nakabulagta sa lupa!
Humarang si Yue sa kanyang harapan at muling umangat ang tubig sa dram at naging mistulang mga bullet ito na lumipat sa kinalalagyan ni Seito. Sa sobrang lakas ng impact ay napaatras siya at nawala sa balanse. Si Marine naman ay kumuha isang malaking piraso ng kahoy at inihampas ito sa kanyang katawan. Nabali lang ang kahoy pero nawala sa balanse ang kalaban.
“Takbo na!” ang sigaw ni Marine. Muli niya uminom ng tubig at ibinuga ito sa mga kalaban. Nagliparan muli ang mga hugis patalim na tubig sa paligid at umatake ito sa ibang mga kalabang humahabol sa kanila.
Agad na tinulungan ni Seres si Ryou upang makatayo. Nagkaroon sila ng pagkakataon upang makatakbo patungo sa kanilang sasakyan.
Noong makarecover si Ryou ay agad siyang naupo sa driver seat. Pumasok sila Yue at iba sa loob ng sasakyan at mabilis ito pinaandar ni Ryou.
Nagulat na lamang sila noong may lumundag sa ibabaw ng kotse dahilan para mawala ito sa balanse habang tumatakbo. Pero gayon pa man ay nacontrol pa rin ito ni Ryou. “Nasa itaas si Seito!” ang sigaw ni Marine.
“Mas bumigat ang sasakyan dahil nasa itaas siya!” ang sagot ni Ryou, inihinto niya ang sasakyan at kinuha ang kanyang baril pero pinigilan siya ni Yue.
“Huwag, huwag kang hihinto! Mag drive lang ka lang!” ang salita nito.
Maya maya ay sinuntok ni Seito ang salamin ng sasakyan kaya nabasag ito. Nagulat si Ryou at mabilis niyang tinapakan ang gas dahilan para umandar ng mabilis ang sasakyan at mahulog si Seito.
Noong bumagsak si Seito sa lupa ay mabilis itong bumangon at tinugis ang sasakyan pero masyadong mabilis ang pagmamaneho ni Ryou kaya’t hindi niya ito na nahabol.
Nabigo ang mga mermaid assassins at nakatakas ang mga target. Hindi nila inasahan na lalaban sina Yue at malalakas ang mga ito.
Samantala, sa loob ng sasakyan ay kumakabog pa rin ang dibdib ni Ryou. Mula sa mabilis na pagtakbo ay binagalan niya ito ng kaunti saka huminga ng malalim.
“Sa tingin ko ay wala na sila,” ang wika ng binata.
“Oo, nakaligtas tayo sa ngayon,” ang sagot ni Yue, huminga ng malalim ang binata at napasandal nalang siya sa upuan nh sasakyan.
Humarap si Ryou kina Seres at Marine, “ayos lang ba kayo?”
“Oo naman, okay lang kami. Kaunting gasgas lang ito. Diba, I told you, seryoso ang mga elder mermaids na burahin tayo sa mundong ito. At kahit saan tayo magtago ay masusundan nila tayo,” ang sagot ni Marine.
“Siguro ay mas maganda kung doon muna kayo magstay sa pinapagawa kong private resort. Hindi pa iyon natatapos ngunit mayroon ng bahay na pwedeng tirhan. Sa paligid ng resort ay may mataas na bakod. Mag aassign ako ng mga security upang magbantay sa inyo,” ang alok ni Ryou.
“Nakakahiya ngunit sa tingin ko ay wala naman kaming ibang mapupuntahan kaya’t siguro ay tatanggapin na rin namin ito,” ang sagot ni Marine.
“Sa iyo Yue, ayos lang ba?” tanong ni Ryou.
Ngunit hindi sumagot ang binata, nanatili lang itong nakasandal sa upuan ang sasakyan. Maya maya ay hinaplos ni Ryou ang kanyang pisngi at napansin niyang mainit ang buong katawan nito.
“Yue ayos ka lang ba?” tanong ni Ryou na nakaramdam ng labis na kaba at pag aalala.
“Anong nangyari? Bakit sobrang init ng katawan ni Yue? Para itong nag aapoy?” tanong ni Ryou.
Agad namang sinuri si Seres ang kalagayan ng binata, “marahil ay nasobrahan sa pag gamit ng kanyang abilidad. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan ng wala siya sa tubig kaya’t mabilis nitong inubos ang kanyang lakas.”
“Kung ganoon ay anong gagawin natin?” tanong ni Ryou. Bakas na bakas sa kanyang mukha ang takot.
“Kailan ay mailagay agas si Yue sa tubig, bilisan natin!” ang sagot ni Seres.
Agad namang pumaspas ng pag mamaneho si Ryou. Lahat ng posibleng short cut para makarating agad sa kaniyang private resort ay ginawa niya. Iyon nga lang ay talagang hindi aabot dahil talagang malayo ito.
Kaya naman noong may madaanang ilog ay agad binuhat ni Ryou ang binata at inilagay ito sa tubig. Umuusok ang katawan ni Yue noong mga sandaling iyon. Dahil sa init ay nag eevaporate ang tubig sa paligid.
“Ganito ba talaga?” tanong ni Ryou.
“Oo, don’t worry maya maya lamang ay magiging maayos na ang temperatura ni Yue. Mabuti na lamang at may malinis na ilog pa dito sa paanan ng bundok,” ang wika ni Seres.
Noong mga sandaling iyon ay minabuti nila na manatili muna sa lugar na iyon ng ilang oras hanggang sa hindi pa umaayos ang pakiramdam ni Yue.
Delikado para sa kanila ang huminto ngunit wala namang ibang pamimilian dahil malayo pa ang private resort ni Ryou. Halos ilang oras pa ang byahe patungo dito, tiyak na aabutin pa sila ng kinabukasan. Mabuti na lamang at hindi naman nasira ng masyado ang kotse, basag lang ang salamin sa gilid nito kaya’t tiyak na makakaabot pa sila sa kanilang pupuntahan.
Samantala, si Yue ay nakapikit lamang at hinahayaang bumalik ang kanyang lakas. Dito niya napagtanto na hindi maaaring gumamit ng abilidad kapag nakatapak sa lupa dahil madaling nauubos ang kanyang lakas. Ang kanyang katawan ay nadehydrate kaya uminit ito ng sobra.
Batid niya na ilang minuto lamang ay magiging maayos rin ang kanyang pakiramdam.
Part 61: Breathe
Part 61: Breathe
Noong maging maayos ang kalagayan ni Yue ay muli nilang ipinagpatuloy ang pag byahe patungo sa private resort. Wala na silang oras para manatili sa isang lugar dahil delikado kaya naman pati ang pagkain ay sa sasakyan na lamang din nila ginawa.
“Maayos na ang pakiramdam mo? Don’t worry, 3 hours na lang ay nandoon na tayo. Maaari ka na magpahinga ng mas mabuti,” ang wika ni Ryou na hindi maitago ang pag aalala sa kalagayan ng binata.
“Okay lang ako, pasensiya kung pinag alala ko kayo. Hindi ko alam na ganito pala ang mangyayari kapag ginamit ko ang abilidad ko ng wala ang katawan ko tubig. Madali akong nanghihina at halos ayaw na gumalaw ng katawan ko,” ang sagot ni Yue.
“Nanghina rin ang aking katawan ngunit ang aking abilidad ay hindi masyadong malakas kumunsumo ng enerhiya, kahit matagal ko na itong hindi nagagamit,” ang tugon ni Marine.
“Ang bawat abilidad natin ay may katapat na enerhiya sa ating katawan. Mas malakas ang abilidad ay mas malakas ring kumunsumo ng enerhiya sa katawan.
Pwera na lamang kung nasa kagaratan tayo, ang ating mga lakas at enerhiya ay nagmumula sa tubig,“ ang paliwanag ni Seres.
Makalipas ang halos ilang oras na byahe ay narating nila ang private resort na pag aari ni Ryou. “On going pa lang ang construction nito pero sa tingin ko ay magiging ligtas kayo dito mula sa mga banta sa labas,” ang nakangiting sabi ni Ryou.
“Bakit mo naman naisipang magtayo ng ganitong private resort?” tanong ni Yue.
“Gusto ko lang tuparin yung pangarap ng nanay ko. Gusto niyang magkaroon ng sarili private resort at siya mismo ang mag mamanage dito. Nakakalungkot lamang dahil hindi na niya ito makikita pa,” sagot ni Ryou. Bumakas ang lungkot sa kanyang mukha.
“Anyway, mayroong apat na malalaking cottages sa loob nito at tatlong malalaking swimming pool. Kaya sa tingin ko ay pwede na kayong maglunoy dito sa gabi,” dagdag pa niya.
“Huwag kang mag alala, tiyak ko nakangiti at masaya ang iyong ina, kung saan man siya ngayon,” tugon ni Yue, hinawakan niya ang kamay ng binata at pinisil pisil ito.
Ngumiti si Ryou, “iyan rin ang iniisip ko.”
Ang private resort ni Ryou ay malawak at napapaligiran ito ng matataas na rehas. Sa entrance pa lamang ay marami na agad securities kaya’t mahihirapan makapasok ang mga mermaid assassins. “Sa tingin ko ay mas makabubuti kung dumito muna tayo. Mag relax tayo, at huminga dahil hindi naging madali ang pinag dadaanan natin nitong mga nakakaraang araw,” ang sabi ni Ryou at inalalayan niya si Yue dahil halatang nanghihina pa ito.
Kinagabihan, inalis ni Yue ang kanyang immunity necklace at noong sumisid siya sa swimming pool ay kitang kita na ang tubig ay nagliliwanag ng silver. Namangha si Ryou sa kanyang nakita, parang isang fairy tale na ang pinakamagandang nilalang sa karagatan ay nandito ngayon sa kanyang harapan.
Noong mga sandaling iyon ay hindi na niya napigiilan ang kanyang sarili. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at lumapit sa binata. “Maganda, parang isang panaginip,” ang sabi ni Ryou, kita kita ang pagkamangha sa kanyang mga mata.
“Gusto mo bang hawakan?” tanong ni Yue habang nakangiti.
“Oo naman, papalagpasin ko pa ba ang mga sandaling ito?” tanong ni Ryou.
Ini-angat ni Yue ang kanyang pilak na buntot sa tubig at marahan itong inimas ni Ryou. “Ang sabi sa alamat, kapag hinawakan ng isang normal na tao ang buntot ng isang silver tailed mermaid ay maaari kang humiling,” ang dagdag pa ng binata.
“Seryoso ba yun?” tanong ni Ryou.
“Oo naman, wala namang mawawala kung susubukan diba?” nakangiting sagot ni Yue. “Ipinikit mo ang iyong mga mata patahimik na sambitin ang iyong kahilingan. Huwag mo sana itong ipapaalam kahit na kanino, lalo na sa akin. Dahil maaaring hindi matupad ang iyong kahilingan,” dagdag pa ng binata.
Ipinikit ni Ryou ang kanyang mga mata at tahimik na sinambit ang kanyang kahilingan, “Okay na,” ang nakangiti niya tugon.
Ngumiti rin si Yue at mabilis siya nitong hinila sa tubig, dahilan para malubog siya dito. Noong mga sandaling iyon ay para bang solo nila ang mundo. Natawa na lamang si Ryou yabang nakayakap kay Yue. “Mahirap ba?” tanong ng binata.
“Maging sirena? Base sa ating sitwasyon ngayon, Oo naman lalo na kapag wanted ka na katulad ko,” ang sagot ni Yue.
Bumakas ang lungkot sa mukha ni Ryou, “sana ay mayroon akong magawa para mawala ang takot at kalungkutan sa mga mata mo.”
“Alam mo Ryou, simula pagkabata ko ay ikinabit na sa akin ang katagang “MALAS” kaya sa tuwing may magaganap na hindi maganda sa aming tahanan ay ako talaga ang kanilang sinisisi. Napaka bihira daw kasi ang ipanganak ang isang silver tailed mermaid sa ilalim ng liwanag ng buwan. Kaya’t simula pa noon ay hindi na naging maganda ang takbo ng aking kapalaran,“ salaysay ni Yue.
Marahang hinaplos ni Ryou ang kanyang magandang mukha, “huwag kang mag-alala dahil hindi naman ganoon ang iniisip ko tungkol sa iyo. Ang tototoo nga noon ay nagpapasalamat ako sa karagatan dahil dinala ka niya sa akin. Kaligayahan ang dala mo sa aking buhay at wala akong pinagsisisihan kahit komplikado pa ang sitwasyon natin ngayon.”
Maya maya hinalikan niya ang binata, magkayakap silang nakalubog sa tubig habang magkasugpong ang kanilang mga labi. Paikot ikot silang dalawa sa ilalim ng tubig habang ninanamnam ang hindi mapapatayang kaligayahan.
“Mahal kita, Yue, hindi ako papayag na lumayo at mawala ka sa akin,” ang bulong ni Ryou.
Ngumiti si Yue at nag splash ito sa tubig, kitang kita ang kanyang pilak na buntot na nagbibigay ng kakaibang kulay sa tubig. “Mahal din kita, Ryou.”
Noong mga sandaling iyon ay wala silang kamalay-malay na mayroong isang nakamasid sa kanila mula sa tangkahan ng private resort kung saan malinaw nitong nakikita na si Yue ay isang merman. Hindi nila inaasahan na ito na rin ang simula ng mas komplikadong kaganapan sa kanilang mga buhay.
“Jihan are you serious? Papasundan mo si Ryou? Ganyan ka na ba talaga ka desperado?” tanong ni Lexie.
“Yes! Dahil alam kong may itinatagong sikreto iyang si Ryou at Yue sa akin! Nararamdaman ko ito! Well, wala namang mawawala kung mag s-spy ako sa kanila diba?”
“Hindi mo ba naisip na lalong magagalit si Ryou kapag nag spy ka sa kanya? Delikado iyang nais mong gawin, Jihan,” sagot ni Lexie.
“Sa mga sandaling ito ay wala akong pakialam sa kanilang dalawa! Nagkamali sila ng pagkalaban kay Jihan Singh! At sa larong ito, sisiguraduhin kong ako ang mananalo!”
“Sobrang kontrabida naman ang datingan mo, friend,” ang biro ni Lexie.
“Kilala mo ako Lexie, alam mong hindi ako titigil hanggang hindi ako nakakaganti!” ang seryosong sagot ni Jihan sabay inom ng wine.
Noong makita ni Jihan ang painting ni Ryou sa loob ng kanyang silid ay lalong lumakas ang kutob niya na si Yue ay mayroong itinatagong sikreto. Kaya naman noong mga sandaling iyon ay nagdesisyon siya na pasundan si Ryou Guerrero!
Nagsimula ang pagsunod ng mga spy ka Ryou sa bayan ng Rosalka kung saan sila ay inatake ng mga mermaid assassins. Habang pinakikinggan ni Jihan ang report ay hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ng spy, katulad ng dragon na gawa sa tubig, mga lumilipad ng sibat at mga patalim. Mga nilalang na malalakas at mabibilis kumilos!
“Maniwala po kayo Sir Jihan, nagsasabi po kami ng totoo!” ang katwiran ng mga spy.
“Baka naman na ddrugs kayo habang ginagawa ang misyon?” tanong ni Jihan.
“Hindi po Sir Jihan. Ngayon ay nandito kami sa private resort ni Ryou Guerrero, dito niya pinatuloy sina Yue at ang iba pa,” ang sagot ng spy.
“Sige papunta na ako dyan, iulat niyo sa akin ang lahat ng inyong makikita,” sagot ni
Jihan at mabilis siyang nagdrive patungo sa private resort ni Ryou Guerrero.
Ilang minuto lamang ang byahe patungo doon. Pagdating dito ni Jihan ay agad niyang pumuwesto sa tabi ng kanyang dalawang spy. Inagaw niya ang binocular ng isa at siya mismo ang sumilip dito!
Dito ay nakita niyang naliligo sina Yue at Ryou. Mayroong kakaibang kirot na lumukob sa kanyang pagtao habang pinagmamasdan ang sweet at intimate moment ng dalawa.
“Fuck you ka Yue! Ikaw na ang pinaka malanding nilalang na nakilala ko!” ang galiit na sigaw ni Jihan sa kanyang isipan.
Habang patuloy siya sa panonood ng lambingan ng dalawa ay laging gulat niya noong umangat sa tubig ang silver na buntot ni Yue. Dahilan para matakot ang mga spy sa tabi ni Jihan.
“Sirena! Sirena pala si Yue!” ang takot salita ng mga ito habang nag papanic.
Samantalang sa halip na matakot at mabigla ay gumuhit ang kakaibang ngiti sa labi ni Jihan..
Hindi nga siya nagkamali, si Yue ay isang malansang sirena! Ang lalaking kinababaliwan ni Ryou Guerrero ay isang halimaw! Hindi normal na tao!
Dahil sa takot ay nagtatakbo palayo ang mga spy at naiwan si Jihan sa kanyang kinalalagyan, “umalis na nga kayo! Mga gago! Mga duwag! Kakapanget nyo! Fuck!” ang galit na salita nito.
Samantala ay patuloy pa rin sa halikan at yakapan sina Ryou at Yue. Wala silang kamalay malay na nakamasid lamang si Jihan Singh sa kanilang mga ginagawa.
“Sinasabi na nga ba na kasing lansa ni Yue ang kanyang sikreto. Ngayon ay ako naman ang gaganti sa kanila!” ang galit na sigaw ni Jihan sa kanyang isipan.
Pumasok siya sa loob ng kanyang sasakyan at tinagawan ang kanyang ama na si Fredrick Singh. “DAD, MISSION SUCCESSFUL! LET THE GAME BEGIN!”
Tumawa si Fredrick sa kabilang linya, “matagal ko na itong alam. Sa tingin ko ay mas lalo pang magiging successful ang ating business.”
Part 62: Play Along
Part 62: Play Along
J
IHAN POV
That moment na nakita ko yung painting ni Yue ay nagduda na agad ako sa kanyang pagkatao. At ngayong napatunayan ko mismo sa aking sariili ang kanyang sikreto ay magiging isang magandang laro ito.
“Dad, paano na laman na ang tungkol sa sikreto ni Yue?” tanong ko sa aking ama noong dalawin ko ito sa kanyang opisina.
“Matagal ko na pinaimbestigahan si Yue kaya’t matagal ko ng alam ang kanyang sikreto. Hindi ko lamang ito sinasabi sa kahit na kanino dahil mahalagang bagay na matuklasan mo ito sa iyong sarili bilang future na taga pagmana ng Singh Cosmetic,” ang sagot ni Dad.
“Ano na ang plano natin?” tanong ko sa kanya.
“Kukunin kong modelo ng Singh Cosmetics si Yue at dito magsisimula ang lahat.
Mahalagang bagay na malaman natin ang kanilang tirahan sa ilalim ng karagatan upang maka sigurado tayo sa future ng kumpanya,“ ang tugon ni Dad, seryoso ang kanyang mukha at batid kong mayroon na agad siyang mahusay na plano.
“Kaya naman pala kahit na kailan ay hindi ako nagustuhan ni Ryou, dahil mas gusto niya ang malansang isda na iyon!” ang naiinis kong sagot.
“Tanggapin mo na lamang na kayo ni Ryou ay hindi para sa isa’t isa. Kapag naisagawa na natin ang ating mga plano ay tapos na rin ang lahat sa inyo,” ang sagot ni Dad.
“Well, narealize ko na lahat ng tao ay iiwan at irereject ako pero ang Singh Cosmetics ay nandito lang para bigyan ako ng mas magandang future. Handa ako iisang tabi ang puso at gawin ang tama,” ang sagot ko rin.
“Sa palagay ko ay unti unti mo nang nauunawaan ang mga bagay na mayroon sa loob ng Singh Cosmetics at kung bakit angat ang ating produkto sa iba,“dagdag pa ni Dad.
Ang main laboratory ng Singh Cosmetics ay wala dito sa city. Ang aming main lab ay nasa isang malayong isla. Gusto ni dad na maging sikreto at private ang proseso ng paggawa ng produkto. Ang operation ay top secret dahil pinapangalagaan namin ang aming “secret ingridients”.
At matapos ang ilang minutong pakikipag usap sa aking ama ay tila mas nauwaan ko pa ang sitwasyon. Ang susunod na aking ginawa ay ang magtungo sa opisina ni Ryou upang makausap ito at bigyan ng idea. Ang huling pagkikita naming dalawa ay noong magkaroon ng skandalo matapos ang contest kung saan naging laman ako ng social media.
By this time ay hindi ko na binago ang styling ko, ayoko na sa pa tweetums na look ni Yue dahil hindi naman ito effective sa akin. Nagmumukha lamang akong tanga in the end!
Pagdating ko sa lobby ay agad nila akong binata, “Good morning Sir Jihan,” ang nakangiting bungad nila.
“Anong good sa morning kung puro panget na mukha ang nakikita ko? Arggh! Ang sakit talaga sa mata!” ang naiinis kong sagot.
“Ang sama naman ng ugali ni Sir Jihan e hindi rin naman siya gwapo e, ang kapal ng foundation mukha siyang bakla,” ang bulong nung iba.
“Alam niyo, gusto sanang sampalin kayo lahat ng isa isa, kaso ay wala na akong lakas para gawin ito dahil masyado akong busy. Anyway pagbibigyan ko kayo ngayon dahil mga panget naman kayo at hindi kamahal mahal!” ang pang aasar ko sa kanila.
Naglakad ako patungo sa elevator at pinindot ang upper floor patungo sa opisina ni Ryou.
Habang naglalakad ako sa lobby ay may tumawag sa aking pangalan, “Hi Jihan, gusto mo bang uminom muna sa office ko? May masarap na alak doon, isang lagok lang maliligayahan ka ulit,” tanong ng abnormal na si Gino.
“Baliw! Ganyan ka ba? Umiinom ka sa oras ng trabaho?” tanong ko sa kanya. Dito ay sumagi sa aking iisipan yung kalokohang ginawa niya sa akin noong oras na malasing ako ng todo at nawalan ng lakas para lumaban.
“Baliw! Hindi ako iinom ng kasama ka! Fuck you ka Gino! Aalala ko pa rin kung paano ka nagtake advantage sa akin!” ang naiinis kong sagot.
“Nag enjoy naman tayo sa piling ng isa’t isa diba? Naging masaya naman tayong dalawa. Saka bakit ba ayaw mo sa akin? Gwapo naman ako, mayaman at magaling mag perform sa kama, baon kung baon diba?” ang tanong ni Gino.
“Well may tatlong reason kung bakit ayaw ko sa iyo, una dahil maliit ang titi mo, ikalawa mabaho ang hininga mo at ikatlo ay madalang kang maligo!” ang sagot ko sabay sampal sa kanya.
Pero he dodge it!
“Alam kong sasampalin mo ako kaya umiwas na ako!”
“Pero wala kang idea na bumabalik ang sampal ko!” ang sagot ko.
PLAK
Sapul siya ng mukha! “Bakit ba ganyan kang makaarte e hindi ka naman na virgin?”
Muli ko siyang sinampal, “Wala kang respeto sa kapwa mo!”
“Nakita mo naman kung paano kita inalagaan that night, napaka gentle ng ginawa kong pag fuck sayo para mas damang dama mo yung sarap. Kaya huwag mong sabihin hindi kita nirespeto,” ang sagot ni Gino.
“Manyak! Bastos! Bakit ba ako nakikipag usap sa isang baliw na katulad mo?” ang sagot ko at naglakad ako patungo sa opisina ni Ryou.
Pagpasok ko sa loob ng kanayng office ay agad akong sinalubong ng isang di kilalang beki. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa, “Perfect! Sino naman ito sir Ryou? Drag queen na drag queen ang datingan oh!” ang paghanga niya.
“Ako? Drag queen? Fuck! Isa akong high class na modelo at hindi ako ganon!!” ang galit akong sagot.
“Ay sorry po sir, sobrang kapal po kasi ng make up mo, akala ko po isa kang drag queen,” ang hirit nito.
“Eh sino ka ba?” tanong ko sa kanya.
Lumapit si Ryou sa amin, “Ji, pagpasensiyahan mo na itong pinsan ni Gino, nandito siya i claim yung sponsorship ng company para sa contest nila doon sa bayan. Long time no see, bakit naparito ka?” tanong niya.
“Ah, pinsan pala siya ni Gino kaya pareho silang baliw!” ang sagot ko naman sabay lakad at naupo sa sofa malapit sa painting ni Yue.
“Sayang ang ganda niyo pa naman po, pwedeng pwede kayo sa contest na inoorganize namin, ang Drag Queen Race!” ang wika ng beki.
“Fuck! No waayyyy! Gusto mo itumba na kita ngayon?” ang sigaw ko sa kanya.
Natawa si Ryou, “Huwag mo na nga siyang pansinin, bakit ba kasi ganyan ang itsura mo?” tanong ni Ryou.
“Ganito yung looks ni Adam Lambert, sa album niyang Glam Nation Live! Poor people do not appreciate high fashions!” ang sagot ko naman.
“Anyway, bakit naman naparito ka? Don’t tell me aawayin mo ako?”
“Bakit ko naman gagawin iyon? Actually kami nga ni Dad ang nag-away ng malala kanina,” tugon ko.
“Oh bakit naman?”
“Dahil sobrang kulit ni Dad, ayaw niyang igive up yung kagustuhan niyang maging bagong mukha ng Singh Cosmetics si Yue,” ang sagot ko na hindi maitago ang pagkainis.
“Ilang years ka na bang model ng product niyo? As far as I now pang 5 years mo na ngayon. Baka gusto lang ng father mo ng fresh faces. Anyway, alam mo na gusto ka rin naming kunin bilang model ng Aquarius Maritime,” ang nakangiting wika ni Ryou.
“At ano naman ang papa model niyo sa akin? Tangke langis? LPG? At mga gasolinahan?” naiinis kong tanong.
Natawa si Ryou, “natutuwa ako dahil maraming kang alam tungkol sa product ng aming company,” ang hirit niya.
“Bakit hindi na lang si Yue ang kunin niyo dahil mas suitable ang face niya sa mga ganyan. At hindi ako basta basta papayag sa gustong mangyari ni papa na alisin sa aking ang face of Singh Cosmetics.”
“Hala, akala ko ba mahusay kang businessman? Hindi mo ba naisip na baka kailangan ng Singh Cosmetics ng bagong fresh face na magdadala sa inyong mga bagong product? Bakit di ka magtiwala sa vision at mission ng daddy mo?”
“Well, pag iisipan ko iyan. At pwede ba pakisabi sa asong si Gino na huwag siyang lalapit sa akin dahil babalian ko siya ng leeg!” ang sagot noong makita si Gino na pumasok sa pintuan.
“Ngayon naman pati kay Gino ay galit na galit ka,” ang pagtataka ni Ryou.
“Dahil sa Jihan ang pinakamagandang lalaking nakilala ko, everything about him is perfect! I will sell my soul to devil para lang makasama siya ng isang buong gabi,” ang sagot ni Gino habang nakangiti.
“See that? Ganyan ka kagwapo sa mga mata ni Gino, sobrang naappreciate niya ang lahat ng bagay tungkol sa iyo,” ang sagot ni Ryou.
“May naikwento ba sa iyo si Gino?” tanong ko kay Ryou.
“Hmmm, since bumalik ako dito kahapon ay wala naman siyang naikwento sa akin. Mayroon ba akong dapat malaman?” pang uusisa niya.
“Kung ganoon ay aalis na ako,” sagot ko sabay lakad sa harap ni Gino, “kapag nalaman ni Ryou ang tungkol doon ay papatayin kita, naintindihan mo?” ang bulong ko.
Tumango lamang siya kaya naman nagbago ang expresyon ng aking mukha at ngumiti, “That’s my boy!” ang dagdag ko sabay haplos sa kanyang pisngi.
“Don’t worry Ryou, pag iisipan ko yung gustong mangyari ni Dad, sana lang ay maging matagumpay ang mga plans niya,” ang dagdag ko pa sabay labas sa kanyang opisina.
Lumabas ako sa kanyang opisina, well kung ineexpect ni Ryou maghahabol ako at aawayin ko si Yue ay nagkakamali siya. Iba na ang sitwasyon ngayon at wala akong interest na aksayahin ang enerhiya ko sa pagmamahal na hindi naman napapasa akin.
Ang focus ko ngayon ay nasa future ng company at ito ang pinakamahalaga sa lahat. It’s just happen na isang umaga ay gumising ako na iba na ang goals ko sa buhay.
Sabihin na lang natin na ang pagpunta ko dito sa opisina ni Ryou Guerrero ngayon ay parte na lamang ng aking mga plano. Magpakaligaya silang dalawang ng malansang lalaking iyon hanggang sa gusto nila!
“Good afternoon po Sir Jihan, mukhang mayroon po kayong binabalak na hindi maganda ngayong araw na ito ah,” ang bati ng guard sa akin. Marahil ay hindi ko na control ang expression ng aking mukha.
Humarap ako sa kanya. “Wala kang paki! Panget!”
Part 63: Singh Cosmetics
Part 63:
Singh
Cosmetics
J
IHAN POV
“Hi Ji, mukhang may binabalak kang hindi maganda ah, tell something I don’t know,” ang tanong ni Lexie sa akin.
“Pati ba naman ikaw iyan rin tingin sa akin? Nahahalata ba talaga sa mukha ko kapag mayroon akong evil plans?” tanong ko sa kanya.
“Oo e, nakangiti ka kasi tapos evil smile pa while walking. Saka Jihan, gusto mo itone down natin iyang make up mo? Bakit naman naka wig ka ng blonde? Mukha kang drag queen,” ang puna ni Lexie.
“Hay, huwag mo na nga pakialaman yung styling ko ngayon araw. Much better ito kay ipattern ko kay Yue yung ayos ko. Saka ano bang alam mo sa fashion? Huwag niyo ngang pinapakialam ang style ko,” ang tugon ko sa kanya.
“Hala init ng ulo. So anong latest?” tanong niya.
“Desidido si Dad na kuning new Face of Singh Cosmetics si Yue. Iyan ang latest,” ang tugon ko.
“I’m sure hindi ka pumayag, I’m sure nagwala ka sa harapan ng daddy mo at nag hysterical sa sobrang galit. Pinagbabasag mo lahat ng gamit sa opisina habang nagsisisigaw,” ang sagot niya.
“Oh ikaw na kaya magtuloy ng kwento ko? Alam na alam mo na kasi yung kasunod!” ang naaasar kong sagot.
“Syempre iyon naman talaga ang normal na reaction ng isang anak na hindi nagustuhan ang desisyon ng kanilang parents diba?”
“Of course, iyon talaga ang naging reaction ko! Imagine almost 5 years na akong face ng Singh Cosmetics tapos papalitan na lang ako ng ganoon na lang? Ganoon ba kadali iyon?!”
“Ji, you know parang OA naman na yung 5 years na reigning mo. Kahit naman sinong beauty queen napapagod din kapag ganoon kahaba yung duties and responsibilities nila. Anyway, so anong sabi ng dad mo? Pumayag ba siya?”
“Syempre ay hindi, siya ang bigboss kaya’t siya ang masusunod. Pero i’ll make sure na mapapalitan rin siya agad! Atleast malalaman ni Dad ang big difference ng market ko sa market ng baliw na Yue na iyon.”
“Saka infairness napansin kong nag li- lo ka na lang kay Ryou. Hindi ka na nang aaway at hindi ka na sumusugod doon para gumawa ng scene.”
“Ano ka ba, iyon ang mga immature days ko. Iba na ako ngayon. Narealize ko na hindi lang naman si Ryou Guerrero ang lalaki sa mundo. Right after ng project namin ni dad ay pupunta muna ako sa US para mag relax,” ang tugon ko sa kanya.
Habang nasa ganoong pag uusap kami ni Lexie ay lumapit naman sa amin ang isang guard, “Sir Jihan pinapatawag na po kayo ng iyong ama para sa isang mahalagang meeting.”
“Wow, infairness, kasali ka na talaga ang mga importante meeting ngayon. I’m so proud of you!”
“In the near future, ako rin naman ang mag hahawak ng Singh Cosmetics.
Narealize siguro ni Dad na importanteng malaman ko na agad ang lahat ng pasikot sikot sa company. Narealize ko rin sa business hindi pwede puro good looks lang, kailangan may brain ka din. Kaya ikaw Lexie mag aral kang mabuti para hindi ka mukhang aanga- anga!“
“Hala! Idamay ba ako Jihan!” ang reklamo nito.
Agad akong nagtungo sa company ni Daddy, katulad ng sinabi ko, hindi namin ito ang aming secret laboratory. Dahil ang aming secret base ay nasa malayong isla, doon ginagawa ang mga top secret operation ng Singh Cosmetic. At nandoon din ang secret kung bakit ilang taon na kaming namamayagpag sa market at walang makatalo sa aming mga products. Mula sa anti anging creams, foundation, makeups, soaps at mga lotions.
Madalas sa akin sabihin ni Dad na darating ang araw at ako na magmamumuno sa operation ng company. Kaya’t ngayon pa lang ay inihahanda niya ako sa mas malaking responsibility.
Pagdating sa office ay agad akong pinapasok sa conference room kasama ng ibang mahahalagang share holders ng company. Wala akong idea kung ano ba ang agenda ngayong araw, ayoko pa naman ng pinaghihintay ng sobra.
“Bakit ngayon ka lang dumating?” tanong ni Dad sa akin.
“Sorry dad, galing ako kina Lexie,” tugon ko.
“Iwasan mo na ang makipag kaibigan diyan sa bobong lalaki na iyan dahil wala naman siyang magandang maitutulong sa buhay mo. Cause lamang siya ng delay,” ang sagot ni Dad.
Napataas ang kilay ko, “Dad, best friend ko si Lexie, hindi ko magagawa iyon,” ang katwiran ko.
“Well, kung gusto mong maging successful sa field na ito, get rid of everything na hindi importante sa buhay mo. Ang journey na ito ay seryoso at life changing, kailangan mong tibayan ang loob mo lalo na ang sikmura mo,” ang sagot ni Dad at dito ay nagsimula ang meeting.
Pumasok ang dalawang lalaking nakasuot laboratory gown, marahil ay galing sila operation island base sa kanilang uniform at ID’s na suot. Dala nila dalawa ang isang malaking aquarium na mayroon mga isda sa loob. Ito na dinisplay nila sa aming harapan at saka isinimulan nila ang presentation o kung anuman yung gagawin nila.
“Ano ba ito dad?” bulong ko sa aking ama.
“Ito ay isang mahalagang demo, kailangan mong manood upang makita mo ang bagay na matagal nang dine-developed ng ating research center,” ang sagot ni Dad.
Marami akong hindi alam tungkol sa operation ng Singh Cosmetics, hindi ko rin alam kung anong uri ba ng pasilidad mayroon ang Isla kung saan nakatayo ang aming pinakamalaking laboratory. Mukhang tama nga si dad, marami pa akong dapat na matutunan at malaman. Ang tanging bagay na alam ko sa negosyo ay maliit na porsiento lamang. Ang nakikita ko lamang ay ang pabalat at hindi ang kalob looban.
Nagpatuloy ang demo, humarap sa amin ang dalawang lalaki mula sa research facilities ng isla at inilabas nila ang isang maliit na bagay na halos kasing laki ng golf ball. “Ito ay tinatawag na “ULTRA SONIC BALL” isang uri ng bola na naglalabas ng isang malakas na sound waves na maaaring magbigay ng pinsala mga lamang dagat paligid,“ ang paliwanag nila.
Inilagay nila ang bola ng sound waves sa loob ng aquarium at pinindot ang buton nito. “Mayroong dalawang level ang ultra sonic ball. Ang first level ay ang “mild waves” kung saan itinataboy lamang ng sonic waves ang mga isda sa iisang direksyon. Kung mapapansin natin ay sa isang direksyon lamang sila lumalangoy at lahat sila ay lumalayo sa maingay na waves na nililikha ng sonic ball.
“Ang second level ay ang tinatawag na “intense waves” kung saan may kakahayaan na itong wasakin ang mga bagay na nasa kaniyang paligid. Pagmasdan nating mabuti kung ano ang mangyayari sa mga isda sa loob ng aquarium kapag inilagay natin ang buton sa max level,“ ang wika ng researcher at dito ay mas umingay ang sonic ball sa loob ng aquarium. Mapapansin na naging confused ang mga isda sa loob at lahat ay lumalangoy sa hindi maipaliwanag na direksyon.
Maya maya ay sumabog ang mga isda sa loob ng aquarium! Nabigla na lang ako at napatayo dahil sa pagkagulat. “Fuck! Ilayo niyo nga sa akin iyan!” ang utos ko.
Natawa na lang sila sa aking reaksyon.
“Okay lang po ba kayo Miss Jihan?” ang tanong nila sa akin.
“Bakit kailangan niyo pang idemo sa harap ko ang ganito ka brutal at lupit na bagay?” tanong ko sa kanila.
“Jihan, ang nakikita mo ngayon ay isang graphic representation lamang ng maaaring maganap sa ating misyon,” ang sagot ni daddy.
“So meaning, plano niyong ilaunch ito sa karagatan? Para wasakin ang mga isda at iba pang mga living creature na nandoon?” tanong ko sa kanila.
“Salamat at naunawaan mo na rin ang purpose ng ating meeting ngayong araw. Ang Ultra Sonic Ball ay nakahandang i-launch sa karagatan sa susunod na buwan. Aalamin muna natin ang eksaktong kinakoroonan ng ating mga target. Matagal ko ring hinintay ang pagsabik ng araw na ito. Kaya’t sisiguraduhin natin na ang bawat isa sa ating mga target ay mahuhuli at makakamit ng Singh Cosmetics ang kaunlarang nararapat sa kanya,” ang sagot ni daddy habang pinagmamasdan ang umiikot na bola sa loob ng acquarium.
Matapos ang meeting ay naiwan ako sa loob ng silid kasama ng dalawang researcher ni dad. Dito ay hindi ko maiwasang magtanong ng kung ano ano sa kanilang dalawa.
“Ganito ba ang ginagawa niyo sa loob ng research facilities doon sa isla?” tanong ko habang hawak ang maliit na version ng ultra sonic ball.
“Yes Sir Jihan. Kami ay nasa pinaka underground facilities. Ito ay mayroong high security at mga piling personel lamang ang maaaring pumasok. Doon namin pinag aaralan ang future ng Singh Cosmetics,” ang paliwanag ng isang researcher.
Natawa ako, “Don’t tell me denesign niyo itong ultra sonic ball para manghuli ng mga mermaids? Well, ayokong isipin na ganito pala ka obsessed si papa pagdating sa ganitong bagay.”
“Tha’t correct, ang ultra sonic ball ay denesenyo upang manghuli ng mga mermaids.
At sa tingin ko ay hindi mo maaaring magpatawanan ang iyong ama dahil ilang mermaids na rin ang nahuhuli niya gamit ang ultra sonic ball. At ngayon Sir Jihan, panahon na rin siguro upang maunawaan mo ang mga secret operation ng inyong business,“ ang paliwanag nila.
Ngumiti sa akin ang dalawang top researcher ni dad at nakipagkamay pa ang mga ito, “By the way, ako si Warren at siya naman si Nigel. Kaming dalawa ang makakasama mo sa nakatutuwang adventure na ito,” ang dagdag nila.
“Hindi ako mahilig sa adventure pero nakikita ko sa mga mata mo ang excitement. Siguro nga ay magiging maganda ito,” ang tugon ko sa kanila.
Noong mga sandaling iyon ay wala akong kamalay malay na magbabago na rin pala ang papanaw ko sa buhay. At si dad, siya ang magiging daan upang mas mabuksan ang aking isipan sa mas malawak na posibilidad..
Ang akala ko noon ay simpleng operasyon lamang ang mayroon sa Singh Cosmetics. Tila ngayon ko lamang napagtanto na mas maraming sikreto at pasikot sikot ito na parang isang puzzle na unti unting binubuo.
Part 64: Music
Part 64: Music
Y
UELO POV
Mabilis lumipas ang mga araw, hindi ko namamalayan na halos isang linggo na pala kaming nananatili dito sa private resort ni Ryou. Mayapa naman ang lahat, walang gulo at hindi na kami pinagtangkaan pa ng mga kalaban. Marahil ay naghahanap sila ng ibang paraan upang mas makalapit sa amin ng madali. Sa pagkakataon kasing ito ay full ang security ng buong paligid at hindi agad nakakapasok ang mga taong hindi otorisado o yung hindi kilala ni Ryou.
Tuloy ang aming normal na buhay, si Ryou ay pumapasok sa pa rin sa kaniyang opisina at umuuwi na lamang sa hapon upang makasama ako. May mga pagkakataon naman na labis akong naiinip dito sa loob ngunit wala naman akong magawa lalo’t ito ang pinakaligtas na lugar sa ngayon. Sa kabilang banda ay kailangan ko ring isaalang-alang ang ikabubuti nina inay at tiya Marine.
“Sa palagay mo ba ay nag iisip pa rin sila ng paraan upang madakip tayo?” tanong ko kina inay habang abala sila pagsisinop ng aming mga natuyong damit.
“Oo naman at hindi sila hihinto hanggang hindi nila nakakamit ang kanilang nais. Sa ngayon, ang mga elder mermaids ang pinakamapangyarihan nilalang sa karagatan. Kaya’t kahit anong mangyari ay susundin ng mga mermaids ang kanilang mga nais,” ang tugon ni Inay.
“Kung ganoon ay hanggang kailangan tayo ganito?” tanong ko ulit sabay bitiw ng isang malalim na buntong hininga.
Nagkibit balikat si Inay, “Yue, ito ang sumpa na hindi natin matatakasan. Hindi titigil ang mga elder mermaids hanggang hindi tayo napapatawan ng kaparasuhan. Kaya’t kung ang tanong mo ay “kung hanggang kailangan tayo ganito?” Ang maaaring kasagutan ay maaaring “habang panahon hanggang tayo ay nabubuhay.”
Ngumiti naman si Tiya Marine, “kaya ang ating sitwasyon ngayon ay isang “survival”, sa makatuwid kailangan natin maging malakas upang mabuhay. Hindi naman ako bumibitiw sa paniniwala na balang araw ay magiging maayos rin ang lahat.“
“Well, sa ganitong kakomplikadong sitwasyon, dalawa lang naman ang talagang mangyayari sa akin, maging mabuti ang ating hinaharap o maging mas masama ito. Ang buhay nating mga sirena ay hindi tatahimik hanggang ang sumpa ay nakasunod sa atin,” ang sagot ni inay.
Bandang hapon naman noong dumating si Ryou galing sa trabaho. Dito ay naabutan na niya sina inay at tiya Kaikaine na nakalunoy sa isang swimming pool sa tabi ng cottage na kanilang itinutuluyan.
“Sorry, huwag niyo sana isipin na ikinukulong ko kayo dito sa lugar na ito,” ang wika ni Ryou noong maupo siya sa gilid ng swimming pool.
Ngumiti si Inay, “wala kaming iniisip na ganoong bagay hjio. Ang lugar na ito ay nagbibigay ng seguridad sa amin upang maging ligtas. Sa ngayon ay nasa paligid lamang ang mga kalaban at naghihintay lamang sila na lumabas tayo dito upang umatake silang muli.”
“Sa ngayon, ito lang talaga ang naisip kong pinakaligtas na lugar para sa ating lahat. Tinaasan ko rin ang security sa aking opisina at mas mahuhusay na security guards ang dala ko ngayon upang mas makasiguradong ligtas,” ang tugon ni Ryou, ngumiti siya at humarap sa akin.
Marahan niyang hinawakan ang aking kamay, “malalim yata ang iniisip mo?” tanong niya sa akin.
Nagkibit balikat ako, “may pagkatataon talaga na hindi ko maiwasang mag isip ng sobra, hindi ko lamang maiwasang mag alala kila inay at sa inyong lahat.”
Tumayo si Ryou sa pool, hawak pa rin niya ang aking kamay at dito ay niyaya niya akong maglakad lakad. Maganda ang paligid ng private resort, maraming makukulay na ilaw na nakasabit sa mga puno na nagbibigay ng extra romantic feelings habang umiihip ang malamig na hangin sa payapang gabi.
“Sa palagay mo ba ay magkakaroon pa tayo ng kapayapaan?” tanong ko kay Ryou.
“Oo naman, naniniwala ako na lilipas rin ang lahat ng ito. Nais ko lang malaman mo na wala kang dapat na ikatakot. Malawak ang mundo maaari ko kayong dalhin sa ibang bansa siguro naman doon ay magiging mapayapa ang buhay natin. Iyon naman ay kung talagang nakahanda ka kayong talikuran ang lahat ng bagay dito,” ang wika ni Ryou habang magkahawak kamay kaming lumalakad.
“Sino ba naman ang may ayaw na makasama ka diba? Minsan nga naiisip ko, paano kaya kung normal na tao na lamang ako? Masaya kaya tayo? Mas magiging madali kaya ang buhay?” pagtataka ko.
“Sa tingin ko ay wala namang assurance ang buhay. Hindi porket simple ay wala ng problema. Saka kung ako ang tatanungin, mas gusto ko ang ganito tayong dalawa. Mas marami tayong matututunan sa isa’t isa.”
Ngumiti si Ryou at niyaya niya akong maupo sa ilalim ng isang malaking puno. Ang bawat sanga ng puno ay may makukulay na liwanag na nakasabit. Umupo kaming dalawa sa harap ng isang lumang piano at sinimulan ni Ryou na buklatin ang lumang piano sheet sa ibabaw nito.
“Ang pianong ito ay gamit ng aking ina noon pang nabubuhay siya. Mahilig siya sa musika at kapag kaming dalawa lang sa bahay ay madalas akong tumatabi sa kanya at sabay kaming tumutugtog nito,” ang wika ni Ryou at dito ay sinimulan niyang pindutin ang key ng piano.
“Ito ang tinatawag na Moonlight Sonata, ito ay isa sa pinaka popular na composition ni Beethoven na isinulat niya noong siya ay early 30’s. Ito rin ang pinakasimple at pinakamadaling aralin sa lahat,” paliwanag ni Ryou habang patuloy sa pagtugtog.
“Maganda ang musika, nakaka relax ito sa tainga, hmm, pwede kong subukan?” nakangiti kong tanong kay Ryou.
Tumingin siya sa akin na parang nagtaka, “teka kaya mo ba?”
Tumango ako, “kaya nga gusto kong subukan diba,” ang sagot ko at ako naman ang pumindot ng key. Hinawakan niya ang aking kamay at ako ay kanyang ginuide. Samantalang ako naman ay nakangiti lang at sinusundan ang mga guide sa music sheet.
“Sa ilalim ng karagatan, mayroon din ba kayong ganitong musika?” tanong ni Ryou sa akin.
“Karaniwan, ang mga musika namin ay nagmumula lamang sa mga alon o kaya ay sa mga tunog ng mga pinag uumbog na kabibe. Mas malawak at mas maganda ang musika dito sa inyong mundo,” ang nakangiti kong paliwanag at maya maya ay tila natutunan ko na rin agad ang pagtugtog ng piano dahil kusa ng gumagalaw sa ritmo ang aking mga daliri.
Gulat na gulat si Ryou..
“Marunong ka na agad?” tanong niya sa akin.
“Oo naman, katulad ng sinasabi ko sa iyo, kami mga mermaid ay mabilis maka adjust.
Ang aming talino ay inilaan para sa mga ganitong bagay. Kung gaano ko kabilis natutunan ang pagpipinta ng mga larawan ay ganito ko rin halos kabilis natutunan ang pagtugtog ng instrumento,“ ang nakangiti kong sagot.
“Daig mo pa ang isang genius ah, ibang klase ka talaga. Lagi mo akong pinapahanga sa mga maliliit mong surpresa,” ang tugon niya at muli niya akong niyakap ng mahigpit.
Hinaplos niya ng marahan ang aking pisngi at saka niya ako hinalikan sa labi. Katulad dati ay kusang pumikit ang aking mga mata at ninamnam ko ang sarap ng pagkakasugpong ng aming mga labi.
Ang halik ni Ryou ang pinakamasarap na bagay na naranasan ko sa buhay ko at kahit ilang beses namin itong ulit ulitin ay hindi nakakasawang gawin. Habang tumatagal ang halik na iyon ay mas bumibilis pa ang tibok ng aking puso na para bang isinisigaw na hindi ko kayang mabuhay ng wala siya akin.
Sa ngayon, kay Ryou umiikot ang aking mundo. Siya ang aking kalakasan at siya rin ang aking kahinaan. Ang aking pagmamahal sa kanya ang tanging bagay na pinanghahawakan ko upang magpatuloy sa kabila ng takot at pangamba na aking nararamdaman sa tuwing sumasapit ang pagsubok ng bagong araw.
Noong gabing iyon ay pinagsaluhan namin ni Ryou ang saya ang mga sandali. Natagpuan namin ang aming sarili na nakahiga sa kama at parehong walang saplot sa katawan.
Ang uri ng pagmamahal ng isang sirena ay wala rin namang pinagkaiba sa uri ng pagmamahal na kayang ibigay ng isang tao. Nagkakaroon ng mas intense na emosyon ng kaligayahan kapag sumusobra ang kanilang nararamdaman pagmamahal sa isa’t isa. At ngayon ay wala naman akong pinagsisihan na ibigay kay Ryou ang lahat.
Isang impit na ungol ang aking pinakawalan upang nakaupo sa matigas na pagkalalaki ni Ryou. Hindi ko maipaliwanag kung paano ito pumasok sa aking masikip na butas pero hindi naman ito ang unang beses na nagawa namin ito. Sa mga nakalipas na araw ay madalas akong kantutin ni Ryou at gustong gusto ko ang aming ginagawang ito.
Ngayon ay nakahiga siya sa kama, habang ako naman ay nakaibabaw niya at gumigiling. Matigas na matigas ang aking alaga na tumatama sa kanyang tiyan habang ang aming nguso ay naghahalikan ng marahas.
Paminsan minsan ay napapaungol na lamang ako ng malakas lalo na kapag nagsisimula siyang salubungin ang aking paggiling. Ramdam na ramdam ko ang kanyang matigas na batutang umuulos at dumidikdik ng husto sa aking butas kaya naman halos panawan ako ng ulirat.
“Nag eenjoy ka ba?” ang tanong ni Ryou at mas lalo pa niyang ibinukaka ang aking hita para mas bumaon pa ng husto ang kanyang matigas na alaga.
“Oo, ang sarap! Ang tigas ng burat mo!!” ang ungol ko at mas lalo pang bumilis ang aking pagtaas baba sa kanyang kahabaan. Kada baon niya ay parang sasabog ako.
Ilang minuto rin ako nasa ibabaw ni Ryou hanggang sa nagbago kami ng posisyon. Pumuwesto siya sa aking likuran at muling itinarak ang matigas na alaga sa aking butas. Patagilid ang aming posisyon at habang yakap ako ni Ryou ay marahang umuulos ang kanyang titi sa aking butas. Patuloy pa rin ang aming halikan, dila sa dila at laway sa laway ang aming ginagawa.
Ramdam na ramdam ko ang makapal na bulbol ni Ryou na kumikiskis sa aking butas, walang patid ang kanyang pag ungol at halos panawan na rin siya ng ulirat habang gumigiling sa pinakamasarap na ritmo ng kanyang katawan.
Mula sa patagilid na posisyon ay pinatuwad niya ako sa kama at dito ay kinubabaw na parang isang aso. Swak na swak ang mataba at mahabang burat ni Ryou sa aking butas. Ito halos ang posisyon na madalas naming gawin kaya naman nag eenjoy din ako ng husto sa ganitong posisyon. “Eto na akoo! Saluhin mo ang tamod koooo!” ang ungol ni Ryou.
Ilang mabilis na pag ulos at pagbaon ay sumabog ang kanyang katas sa aking kaloob looban. Napakayakap siya sa aking likuran ng mahigpit habang nararamdaman kong pumipintig ang kanyang burat sa aking kaloob looban.
Noong wala ng mailabas ay bumagsak siya sa aking likuran at muli kami nagpalitan ng mainit na halik tanda ng walang kapantay na pagmamahal.
Noong gabing iyon ay iba’t ibang uri ng musika ang aking narinig sa akin tainga. Pero ang musika dulot ng aming pagtatalik ni Ryou ang pinakamasarap pakinggan sa lahat. Ito ang tunog ng aming mga puso dulo’t ng hindi mapapantayang kaligayahan sa bawat sandaling lumilipas na kami ay magkasama.
Part 65: Offer
Part 65: Offer
R
YOU POV
“Mukhang hindi ko yata nakikita si Jihan nitong nakakaraang araw?” tanong ni Gino sa akin habang abala ako sa loob ng opisina.
“The last time we talked, sinabi niya sa akin na magiging abala na siya sa pagpapatakbo ng iba pang operation ng Singh’s Cosmetics. Siguro nga ay seryoso siya na aralin ang bawat area ng kanilang business,” ang sagot ko naman.
“Well, good luck na lang kay Jihan. Alam naman natin na si Fredrick Singh ay maraming “monkey business” sa loob ng kanyang business. Kaya sa tingin ko ay mahihirapan si Jihan na maka adjust sa nature nito,“ sagot ni Gino.
“Hindi lang naman Singh’s Costemics ang business nila Fredrick, mayroon silang hotels, shopping malls at mga cruise sa iba’t ibang lugar. Ewan ko ba kung bakit masyado silang naka focus sa cosmetics,” ang sagot ko habang nakatingin sa mga magazine kung saan naka features ang ilang business empire ng mga Singh.
“Alam mo naman laging trend ang Singh’s Cosmetics sa market. Nasa kanila ang pinakamahusay na anti aging product na sikat na sikat sa iba’t ibang bansa. At take note, halos lahat ng beauty product na inooffer ng Singh Cosmetics ay 100% effective daw at proven ng mga consumers. Kaya’t dito pa lamang sa sector ng cosmetics ay talagang malayo na ang nararating ng kanilang business,” ang paliwanag ni Gino.
Habang nasa ganoong posisyon kami ng pag uusap ni Gino ay siya namang pagdating ni Fredrick Singh. “Speaking of the devil,” bulong ko sa aking sarili, ang taong pinag uusapan namin ay biglang dumating sa senaryo sa hindi inaasahang pagkakataon.
“Good morning Mr. Singh, ano ang sa atin? Bakit bigla ka na lamang napasugod dito sa aking opisina?” tanong ko sa kanya. “Gusto mo ba ng maiinom?” dagdag na alok ko pa.
“Nothing much Mr. Guerrero, dumaan lamang ako para sa ilang importante bagay na nais kong hilingin sa iyo,” ang sagot ni Mr. Singh.
“At ano naman kaya ang importanteng bagay na iyan Mr. Singh? Ang isang katulad mo ay napakabihirang lumapit sa akin pagdating sa ganitong mga bagay,” ang nakangiti kong tanong.
“Siguro naman ay hindi mo ako tatanggihan kapag hiniling ko na si Yue ang maging bagong mukha ng Singh Cosmetics. Sa tingin ko ay matagal na rin natin itong napag uusapan Mr. Guerrero,” ang sagot niya.
“Hmm, alam mong hindi ako natatanggi Mr. Singh, ngunit sa ngayon ang sitwasyon ay medyo komplikado. Hayaan mo at ipagbibigay alam ko agad ito kay Yue, siya lamang ang makakasagot sa mga ganitong bagay,” ang tugon ko habang nakangiti.
“Ang nais ko ay makausap ng personal si Yue tungkol dito. Alam mo naman na una pa lamang ay siya na talaga ang gusto kong maging bagong mukha ng Singh Cosmetics,” ang nakangiting sagot ni Mr. Singh, sa kanyang mukha ay mukhang desidido siyang kuhanin si Yue biglang modelo.
Natawa naman si Gino, “Mr. Singh, sa tingin ko ay malaking gulo ang gagawin mo. Alam naman natin na hindi pabor si Jihan na palitan siya bilang modelo ang company. Tiyak na magkaroroon lamang ng malaking conflict at misunderstanding sa pagitan nina Yue at Jihan. At another thing, alam naman natin na hindi basta basta magpapatalo si Jihan lalo’t si Yue ang itinuturing niyang rival sa lahat ng bagay.”
“Don’t worry about Jihan, napagusapan na namin ang tungkol dito. At isa pa ay wala na sa pagmomodelo ang focus ni Jihan ngayon dahil mas na expose na siya sa mas malawak at mas importanteng operation ng business. Sabihin na lamang natin na pinag aaralan na niyang “hawakan” ang business “CORE” ng Singh’s Cosmetics.
Kailangan niyang maunawaan ang mga pasikot sikot sa bawat operasyon dahil ito ang pinaka importante sa lahat. Sa makatuwid ay mas malawak at mas komplikadong mundo ang kakaharapin niya ngayon. Katulad ng sinasabi ko, ang pagiging isang Singh ay hindi madali,“ ang paliwanag ni Fredrick.
“Mr. Singh, sa tono ng iyong pananalita ay tila yata isang mabigat na responsibilidad ang inilalagay mo sa balikat ni Jihan. Sana ay huwag kang masyadong maging mahigpit at maglagay ng too much pressure sa kanya,” ang sagot ko habang nakangiti, bagamat alam ko kung gaano ka istrikto si Mr. Singh pagdating sa negosyo.
Siya ang tipo ng businessman na tahimik lamang, madalas ay nakaupo at hindi nagsasalita. Hindi mo alam kung ano ang kanyang iniisip. At lalong mahirap hulihin kung ano ang plano ng kanyang mga singkit na mata. Nakamasid lang ito at nag oobserba sa kanyang paligid na para isang ibon na malakas ang pakiramdam. Iyan si Mr. Fredrick Singh at ang kanyang nature bilang isang businessman.
“Paano Mr. Guerrero? Maaasahan ko ba ang isa sa pinaka gwapong mukha ng lupaing ito upang maging modelo ng Singh Cosmetics?” ang itinutukoy niya ay si Yue.
“Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng opportunity Mr. Singh, pero sa huli ay si Yue pa rin ang tanging makakadesisyon para sa kanyang sarili.”
“At sana ay ibigay mo rin sa akin ang pagkakataon na siya ay makausap ng personal. Nais kong idiscuss sa kanya ang benefits ng pagiging isang sikat na modelo sa ilalim ng Singh Cosmetics. Tinitiyak kong ang pangalan ni Yue ay makilala sa loob at labas ng bansa,” ng nakangiti at excited na salita ni Mr. Singh. “Iyon lamang ang aking sinadya dito Mr. Guerrero, umaasa ako na pagbibigyan ni Yue ang aking kahilingan.”
Umalis si Mr. Singh sa loob ng aking opisina at naiwan kami ni Gino sa loob nito. Ang totoo noon ay nagdadalawang isip ako sa kagustuhan niya lalo’t ang sitwasyon ngayon ay hindi katulad ng dati. Magiging delikado kay Yue o maging sa akin ang makipagsalaparan sa labas lalo’t nasa paligid lamang ang mga assassins na ipinadala upang patayin kami.
“Mukhang gustong gusto ni Mr. Singh si Yue bilang bagong mukha ng kanilang company,” ang puna ni Gino.
Napatingin ako sa painting ni Yue sa tabi ng aking table. “Matagal nang gusto ni Mr. Singh si Yue bilang bagong endorser ng kanilang product. Hindi pa nag aaral maging modelo si Yue noon. Unang beses pa lamang siyang makita ni Mr. Singh sa loob ng yate ay gustong gusto na siya nito.”
“Oh edi ibigay mo ang nais ni Mr. Singh, siguro ay chance na rin para makilala si Yue. Bawat tao ay kailangan ng break, pwera na lang kung masyado kang over protective na kasintahan at gusto mo siyang ipagdamot,” ang biro ni Gino.
“Sira, hindi naman ako ganoong klaseng kasintahan. Basta ang sitwasyon ngayon ay komplikado at hindi na ito katulad ng dati,” ang sagot ko naman.
Kinahapunan, pag uwi ko ay agad kong sinabi kay Yue ang tungkol sa offer ni Mr. Fredrick Singh. At the first place ay alam naman niya ang tungkol dito kaya’t hindi na rin siya nabigla.
“Akala ko ay hindi seryoso si Ginoong Singh sa nais niya?” tanong ni Yue na may halong pagtataka.
“Alam mo naman na una pa lamang ay ikaw na ang gusto ni Mr. Singh upang pumalit sa kanyang anak bilang face ng Singh’s Cosmetics. Naniniwala siya na ikaw ang pinaka perfect na modelo para dito.”
“Pero hindi na ganoon ang sitwasyon natin ngayon. Ngunit sa kabilang banda ay nabanggit mo sa akin na malaki ang utang na loob mo kay Mr. Singh dahil siya ang nagturo sa iyo upang maging isang mahusay na businessman. Siguro ay pagkakataon na rin para makabawi ka sa utang na loob na iyon,” ang tugon ni Yue.
“Ang ibig mo bang sabihin ay pumapayag kang maging modelo ng Singh’s Cosmetics?” tanong ko sa kanya.
“Oo, siguro ay isang way na rin ito upang mapasalamatan mo si Mr. Singh na siyang tumatayong adviser at guardian mo hanggang ngayon dito sa business insdustry. Simpleng bagay lamang itong hinihingi niya, bakit hindi pa natin ipagkaloob?” nakangiting tanong ni Yue.
Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit, “gagawin mo ba ito dahil gusto mo? O gagawin mo lamang ito para sa akin?”
Ngumiti siya at hinaplos ang aking pisngi, “gagawin ko ito dahil ito ang nararapat gawin. Ano ka ba Ryou, huwag mo ngang gawing komplikado ang sitwasyon. Basta kung hindi mag iiskandalo si Jihan ay gagawin ko ang project,” ang biro niya sa akin.
Natawa ako, “masyado ka naman kasi seryoso Yue, ang pagmomodelo ay hindi naman na bago sa iyo kaya’t magiging madali lamang ito. Ang iniisip ko lamang ay ang ating seguridad.”
“Sa tingin ko ay kailangan lamang natin mag ingat. Hindi naman umaatake ang mga mermaid assassins kapag alam nila na mataas ang lebel ng security sa paligid. Sa tingin ko ay wala namang mangyayaring masama sa atin basta ibayong pag iingat lamang ang kailangan,” ang tugon ni Yue.
Noong mga sandaling iyon ay nakita ko sa mga mata ni Yue na nais talaga niyang maging modelo at sa palagay ko ay ito na rin ang hinihintay niyang pagkakataon upang siya ay makilala. Kung sisikat si Yue ay mas magiging mahigpit ang security sa kanyang paligid, mas mapoprotektahan siya laban sa mga banta ng panganib mula sa labas.
Isa pa, ang pagiging modelo ay isa mga bagay na pinakagusto niyang gawin. Kaya’t isang magandang oportunidad na ito para sundan ang kanyang mga pangarap. At sino naman ako para kumontra sa kanyang mga nais?
At iyon ang set up, pumayag si Yue na maging modelo ng Singh Cosmetics. Sa ngayon ang tanging magagawa ko lang ay suportahan siya at siguraduhing nasa maayos na kalagayahan sa lahat ng pagkakataon.
Part 66: Shine
Part 66: Shine
Dahil si Fredrick Singh ay hindi naman iba kay Ryou Guerrero at siya na rin halos ang tumayong ama nito noong mawala ang mga magulang ni Ryou. Ito ang dahilan kaya’t hindi nagdalawang isip si Yue na pumayag maging modelo ng Singh Cosmetics.
Para kay Yue ay isang malaking break na rin ito lalo’t isa ito sa mga bagay na pinakagusto niyang gawin noon pa man.
“Natutuwa ako at ikaw na rin pala ang tumatayong manager ni Yue sa pag hahandle ng career niya sa pagmomodelo,” ang bungad ni Mr. Singh noong imbitahin niya sina Yue at Ryou para sa isang dinner meeting. Pag uusapan nila ang mga plans tungkol sa nalalapit na projects.
Natawa si Ryou, “hindi naman sa ganoong Mr. Singh, nag volunteer lamang akong maging manager ni Yue lalo’t wala naman siyang alam sa mga ganitong business proposals. Mainam na yung kahit papaano ay may isang taong nakahandang magpaliwanag sa kanya ukol sa mga bagay na hindi niya maunawaan,” ang paliwanag ni Ryou habang nakangiti.
“Mayroon pa ba kayong tanong o nais na linawin sa project? Siguro naman ay hindi naliliitan si Yue sa offer kong talent fee para sa kanya?” biro ni Mr. Singh.
“Wala naman tayong problema sa talent fee Mr. Singh, ang nais lamang ni Yue ay si Kurt Sebastian mismo ang mag ayos sa kanya sa araw ng photoshoot. You know, malaki ang tiwala ni Yue sa kanyang kaibigan at mas magiging komportable siya kung si Kurt mismo ang mag hahandle ng lahat para sa kanya,” ang dagdag ni Ryou.
“Hmmm, marami tayong mahuhusay na make up artist sa Singh Cosmetics. Ngunit sige, susundun ko ang nais ni Yue kung doon siya magiging komportable. Ang photoshoot at commercial making ay magsisimula next week. Nandoon ang aking mahuhusay sa team, sila na ang bahala sa iyo. Ipakita natin sa buong mundo na ang ating products ay kayang kaya makipagsabayan sa international settings!” ang excited na wika ni Mr. Singh, hinawakan niya ang kanyang goblet na mayroong wine at itinaas ito.
“Cheers!”
“Cheers, Mr. Singh, para sa tagumpay ng ating mga negosyo at sa tagumpay ng bagong product ng Singh’s Cosmetics!” ang dagdag ni Ryou habang hawak ang kanyang baso na may wine.
Matapos ang meeting ay agad na dumiretso sina Ryou at Yue sa sasakyan upang makauwi. Wala namang kakaibang pangyayari ngayong buong maghapon at hindi rin sila sinundan ng mga assassins sa paligid. Gayon pa man ay ibayong pag iingat pa rin ang kanilang ginawa lalo’t alam naman nila kung gaano kaagresibo ang mga ito.
“Tahimik ka yata? Anong iniisip mo?” tanong ni Ryou sa binata habang abala ito sa pag ddrive.
“Nag expect lamang ako na magiging magulo ang araw na ito. Hindi ko inisip na maaari itong maging mapayapa. Ang akala ko ay tatakbo tayo ng tatakbo ngayong araw dahil hahabulin tayo ng grupo ni Seito,” ang natatawang sagot ni Yue.
Ngayon ay dinadaan na lamang niya sa biro ang lahat upang mas maging magaan ang kanilang sitwasyon.
“Kung sabagay, paminsan minsan ay masarap din naman ang tumakbo lalo na kapag kasama ka,” ang hirit ni Ryou sabay hawak ng mahigpit sa kanyang kamay at maya maya ay pinisil pisil niya ito.
“Pagsisikapan kong gawin ng maayos ang trabaho ko. Kapag nakaipon na ako ng sapat na halaga ay maaari ko na ilayo sina Inay at tiya Marine dito. Gusto kong dalhin sila sa isang lugar na payapa at walang sinuman ang maaaring manggulo o gumambala sa kanilang dalawa,” ang tugon ni Yue sabay bitiw ng isang malalim na buntong hininga.
Sa paglipas ng mga araw ay nagsimula na ang modeling career ni Yue sa ilalim ng Singh’s Cosmetics. Sa unang araw pa lamang photoshoot ay nagawa na niya agad na s-stun ang mga photographer. Halos hindi makapaniwala ang mga ito na may nag eexist na ganitong kagandang nilalang.
Simpleng ayos lamang ang ginawa ni Kurt, dito lumabas ang natural na kagwapuhan ni Yue habang nag s-shoot ng kanyang first commercial na ang tema ay isang “Forest God”.
Ang unang product ay ang “Singh Cosmetic’s Magic Cream” isang anti aging product kung saan ipinakita si Yue na tumatakbo sa isang magandang paraiso habang suot ang see through na pajama na parang isang gwapong engkanto ng kagubatan.
Noong mga sandaling iyon ay hindi maiwasang mapahanga ni Ryou sa binatang si Yue. Halos lahat naman ay humanga sa kanyang physical looks lalo na ang mga naka assigned sa big screen kung saan paulit ulit na tine-test ang looks ni Yue. Hindi pa ito dumadaan sa editing pero almost perfect na agad ang shots.
“Tingnan mo sir, napakaganda ng registered ng mukha ni Yue sa screen, he’s more than a pretty face! Sa sobrang telegenic niya ay kahit hindi na iedit ang shot ay magiging bankable pa rin ito,” ang wika ng director kay Mr. Singh.
Samantalang tahimik lang si Mr. Singh habang nakatitig ito sa unedited shot ni Yue na paulit ulit na nag p-play sa monitor. “Sabi ko naman sa inyo, ang mukha ni Yue ay extraordinaryo. Siya yata ang may pinaka gwapong mukha sa lupaing ito. Kung hindi ko alam kung saan siya nagmula ay baka isipin kong hindi siyang isang normal na tao,” ang wika ni Mr. Singh.
Natawa si Ryou, “sobrang paghanga naman iyan Mr. Singh, baka naman lalong magselos si Jihan kapag narinig niya ang mga papuri mo kay Yue.”
“Ibinibigay ko lamang ang nararapat na “term” sa isang extraordinary talent na katulad niya. At masaya ako dahil siya ang bagong mukha ng Singh’s Cosmetics. Kung ano ang vision ko sa pictorial na ito ay iyon mismo ang naging resulta kaya’t hindi matatawaran ang aking pasasalamat sa inyong team, Mr. Guerrero,“ ang sagot ni Mr. Singh.
Samantalang ngumiti naman si Ryou at tinapik ang balikat ni Kurt, ang make up artist ni Yue, “Good job, alam na alam mo kung paano ibring out ang best sa looks ni Yue.”
“Natural na gwapo na si Yue kaya’t simpleng retouching na lang ang kailangan para lumabas ang pagiging supreme god look niya. Nakita niyo naman kung gaano kaganda ang registered niya sa monitor ng camera. First take pa lang ay natulala na agad yung mga staff!” ang natutuwang sagot ni Kurt habang inaayos ang kanyang mga gamit.
Dalawang araw matapos ang pictorial ni Yue ay inilabas agad sa publiko ang kanyang commercial. Sa loob ng isang oras ay mayroon na agad itong 21 million views sa social media. Pinagkakaguluhan ang kanyang video clips na tumatakbo sa kagubatan habang suot ang see through na pajama na animo engkantong lumulutang sa ere.
Na capture na agad ng commercial ang local at international market kaya’t naging positibo ang impact nito sa Singh’s Cosmetics kung saan tumaas ng ilang porsiento ang kanilang mga sales! Mas mataas ito kaysa noong mga nakakaraang taon na si Jihan ang modelo.
Samantala hindi naman akalain nina Yue at Ryou na ganito ang magiging feed back ng commercial dahil sa isang iglap ay biglang sumikat si Yue at ngayon ay halos laman na ng social media ang kanyang pangalan, nagkalat na rin ang kanyang mga photos dito bilang parte ng intensive marketing program ng Singh’s Cosmetics!
“Parang ang bilis naman yata? Last week lang naganap ang photoshoot pero ngayon ay halos puno ng pictures ko ang social media,” ang puna ni Yue habang kumakain sila ni Ryou.
“Sabi ko naman sa iyo, once na gawin mo ang pictorial ay tiyak na mababago ang takbo ng buhay mo sa isang iglap. Ito ang tinatawag na life changing moment kung saan mabilis ang pagsikat mo at ngayon ay hindi ko na alam kung paano ka itatago sa public,” ang tugon ni Ryou.
“Sa palagay mo ba ay magkakaroon ito ng negatibong resulta sa akin?” tanong ni Yue.
“Hindi naman siguro, as long as mag iingat tayo,” ang tugon ni Ryou habang nakangiti.
Nagpatuloy ang pictorial at commercial shooting ni Yue sa ilalim ng Singh’s Cosmetics. Halos lahat ng product ay ginawan niya ng commercial mula sa lotion brand, perfume at maging ang make up brand kung saan mistulan siyang isang super star na naglalakad sa red carpet habang suot ang kanyang royal blue suit at ang mga paparazzi sa paligid ay patuloy siyang kinukuhanan ng larawan. Ito ang konsepto ng elegance at beauty na nais ipaabot ng Singh’s Cosmetics sa kanilang consumers.
Katulad dati, ang commercial ni Yue ay nakaabot agad ng 51 Millions Views sa loob lamang ng isa at kalahating oras pagkatapos itong iupload. Tuloy tuloy pa rin ang pamamayagpag ng Singh’s Cosmetics sa local at international market.
Sa loob ng dalawang linggo ay apat na commercials ang ginawa ni Yue. Ang bawat isang commercial ay mayroong unique na concept kung saan naka highlight ang kanyang kagandahan.
“Fuck, ibang klase ang looks ni Yue diba? Ngayon lang ako naka kita ng ganito kagwapong lalaki, tangina pare feeling ko napaka pangit ko ngayon,” ang paghanga ni Gino habang paulit ulit na pinapanood ang commercial ni Yue sa Social Media.
“Sabi ko naman sa iyo, ang isang weird na katulad ni Yue ay may nakatagong special. Oh, edi lumuluwa ang mata mo ngayon?” pang aasar ni Ryou sa kaibigan.
“Oo pare, tangina ka, nakakainggit ka,” ang hirit ni Gino
“Mas gwapo kasi ako sa iyo kaya nauunawaan ko kung bakit ka naiinggit ngayon,” pang aasar ni Ryou.
Tawanan silang dalawa..
Sa isang iglap ay biglang nabago ang buhay ni Yue, bigla siyang sumikat at ngayon ay nag ttrending na rin siya sa social media. Tunay na life changing decision nga ang kanyang ginawang pagpayag upang maging modelo ng kumpanya ng Singh at wala naman siyang pinagsisisihan dito. In fact, napansin din siya na mas lalong naging close sina Ryou at Mr. Fredrick Singh. Tiyak na mas titibay pa ang pagiging business partners ng dalawa sa mga susunod na panahon.
Iyon nga lang, walang kamalay malay si Yue na magsisimula na ring magbago ang kanyang buhay. Ang panandaliang kasikatan at kaligayahan ay tatagal kaya? Hanggang kailan? Ang laro ng tadhana ay parating pa lamang at walang nakakaalam kung paano mananalo dito.
Part 67: Vision
Part 67: Vision
“Yue, isang ngiti naman dito! Ang gwapo gwapo mo talaga!” ang masayang salita ng mga photographer na nakaaabang sa venue. Agad nilang nilapitan si Yue noong makababa ang ang binata sa sasakyan. Suot niya ang combination ng red and white suit na fitted sa kanyang magandang katawan.
Ngayong gabi ang launching party ni Yue bilang official na modelo ng Singh’s Cosmetics kaya naman sa red carpet pa lang ay dagsa na agad ang press para makausap siya.
“Teka, wag mo naman akong iwanan dito,” ang bulong ng binata kay Ryou sabay hawak ng mahigpit sa kamay ng binata.
Natawa si Ryou, “Hindi naman kita iiwanan, mahirap talaga kapag sikat na ang kasintahan mo,” ang bulong ni Ryou habang nakangiti. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ng binata.
Noong gabing iyon lumabas si Mr. Singh sa mini stage at humarap siya sa press kung saan pinasalamatan niya ang lahat ng mga staff at mga tao sa likod ng Singh Cosmetics. Ipinakilala rin niya si Yue bilang opisyal na modelo ng company at inacknowledge din niya ang success ng Singh Cosmetics nitong nakakaraang araw dahil nonstop ang trend nito sa social media.
“Mr. Fredrick, saan mo naman nadiscover ang bagong face ng company?” tanong ng press sa kanya.
“Actually, si Yue ay nanalo sa Elite Super Model last month and as far as I know ay grinab niya ang lahat ng special awards. Ganoon siya kahusay at katalented bilang isang model. And aside from that, he is also a good friend of Ryou Guerrero kaya’t nagkaroon ako ng chance na bigyan siya ng opportunity. Kung hindi niyo naitatanong ay isa rin siyang mahusay na painter at artist. He is everything you need, he is everything under the sun. He is more than a pretty face!” ang nakangiting sagot ni Mr. Singh.
“It’s obvious naman na gustong gusto si Yue ng market dahil mataas ang engagement ng mga commercials niya online. He’s truly one of a kind. Congratulations Mr. Singh, its a very wise descision na gawing official model ang fresh face na katulad ni Yue,” ang sagot ng press na hindi maitago ang paghanga sa binata.
Noong mga sandaling iyon ay nakaupo lamang si Yue at nakangiti sa press habang nakatabi si Ryou. May mga pagkakataon na tinatanong siya at iniinterview ng press ngunit dahil komplikado ang ibang question ay mas mabuti si Ryou na lamang ang sumagot nito lalo’t siya ang nagpakilala bilang personal na manager ng binata.
“Ano yung reaction ni Jihan? Hindi naman ba nagkaroon ng conflict between him and Yue? Kasi simula pa lamang ng Elite Modeling ay rival na silang dalawa doon sa contest. So anong naging reaction ni Jihan noong malaman niya na si Yue ang papalit sa kanyang bilang bagong mukha ng company?” pang uusisa ng isang press.
“Wala akong nakitang problema kay Jihan dahil mahalaga rin sa kanya ang progress ng business. She’s very professional and wala siyang anything against Yue. Infact, lahat ng ideas at concept na ginamit sa commercials ay ideas niya. At sobrang na proud siya noong makita ang final product. Right now si Jihan ay nasa isang importanteng pag aaral upang mas maunawaan ang operations ng business,” ang paliwanag ni Mr. Singh.
Halos tumagal ng limang oras ang party, may kalaliman na rin ng gabi kaya’t nag desisyon sina Yue at Ryou na huwag na lamang tapusin ang pagdiriwang. Agad silang nagpaalam kay Mr. Singh at sa iba pang business associate. Alam naman nila na hindi makabubuti para kay Yue ang magpuyat at mapagod ng husto dahil marami pa itong mga trabahong dapat gawin. Ilang pictorials pa ang naka line up ngayong week.
Agad na nag drive si Ryou pauwi sa kanilang private resort. Habang nasa ganoong posisyon sila ay hindi maiwasang tumingala ni Yue sa kalangitan dahil masyadong maliwanag ang buwan, nagdadala ito ng kakaibang pakiramdam sa kanya na hindi niya halos maisalarawan.
“Okay ka lang ba?” tanong ni Ryou habang nag ddrive.
“Oo, kakaiba lang ang pakiramdam ko,” ang simpleng sagot ni Yue, inilabas niya ang kamay sa bintana at maya maya biglang nag glow ang kanyang balat.
“Anong nangyayari?” pagtataka ng binata.
“Masyadong maliwanag ang buwan, parang mayroon siyang gustong sabihin sa akin. Para bang mayroon siyang nais ipabatid,” ang sagot ng binata. Maya maya ay mas nagliwanag pa ang kanyang balat at gayon rin ang kanyang kwintas na suot. Kasabay nito ang paglakas ng alon sa karagatan at kapansin pansin ang malalakas na pagsalpok ng tubig nito sa sea wall.
Habang nawa ganoong pag ddrive si Ryou ay bigla siyang napahinto, laking gulat niya noong makita si Seito na nakatayo sa kanilang harapan.
Ito ang mga bagay na hindi nila inaasahan, maging si Yue ay nagulat rin sa pagsulpot ng kalaban sa harapan ng kanilang sasakyan. Suot ni Seito ang itim na tshirt, jacket at ragged jeans. Hawak niya ang patalim sa kanyang kanang kamay!
“Fuck! Si Seito! Dito ka lang sa loob ng sasakyan,” ang bulong ni Ryou, kinapa niya ang baril sa kanyang compartment.
“Hindi, ako ang haharap kay Seito, may kapangyarihan ako upang itaboy siya,” ang sagot ni Yue.
“May baril ako para pasabugin ang bungo niya! Huwag kang magkakamali,” ang sagot ni Ryou sabay labas ng sasakyan at agad niyang sinigawan si Seito, “Talagang wala kang pinipiling oras hano?” tanong nito.
“Ito ang pinakamagandang oras upang isagawa ang aking misyon. At sa pagkakataong ito ay sisiguraduhin kong wala kayong matatakbuhan!” ang sagot ni Seito at mabilis siyang nagtatakbo upang atakihin sina Ryou at Yue.
Hinawakan ni Ryou ng mahigpit ang kanyang baril at kinalabit niya ang gatilyo nito! Ilang beses na pumutok ang baril sa direksyon ni Seito ngunit mabilis kumilos ang kalaban, para itong hangin na nakakaiwas sa kanyang mga bullet.
“Akin ang ulo mo Ryou Guerrero!” ang sigaw ni Seito at isang malakas na hataw ng kanyang patalim ang ginawa kay Ryou dahilan para matumba ang binata at masugatan ang braso at dibdib nito.
Hindi nag aksaya ng sandali ni Seito, desidido siyang patayin si Ryou kaya naman muli niyang itinaas ang patalim upang isaksak sa katawan ni Ryou! Napigil ni Ryou ang kanyang braso at nagbuno silang dalawa sa kalsada.
“Tama naaaa!” ang sigaw ni Yue, nagliwanag ang kanyang kamay at itinulak nito si Seito palayo kay Ryou na noon ay duguan at tadtad ng hiwa sa katawan.
Agad na narecover si Seito mula sa pagkakatulak ni Yue, muli siyang nagtatakbo patungo sa dalawa. Humarang si Yue sa harapan ni Ryou at nagsimulang magliwanag ang kanyang buong katawan!
Kitang kita ni Seito kung paano balutin ng silver energy ang katawan ni Yue, pati ang mata nito ay nagliliwanag na rin! Umangat sa ere ang mga paa ng binata at nagsimula sumabog ang buhok nito sa hangin.
Hindi makapaniwala sina Seito at Ryou sa nasasaksihan ng kanilang mga mata. Gayon pa man ay hindi nasikdak si Seito, hindi siya natinag! Muli niyang dinampot ang patalim at nagtatakbo patungo kay Yue.
Bago siya makalapit kay Yue ay biglang umangat ang mga paa niya sa ere at unti unting pinigilan nito ang kanyang pagkilos!
“Paano mo nagagawa ang mga ito?” tanong ni Seito habang hindi ito makagalaw.
“Ang buwan ang gumagawa ng bagay na ito. Mayroon akong mahalagang pangitain, nasa iyo kung susundin mo o babale walain,” ang sagot ni Yue na patuloy pa rin sa pagliliwanag ang katawan at mga mata.
“Anong pangitain ang iyong sinasabi?” tanong ni Seito sa kanya.
“Makinig ka sa akin Seito, nais kong bumalik ka sa karagatan at umalis na sa inyong tirahan dahil lahat kayo ay mapapahamak! Hindi ako ang inyong kalaban dahil may isang delubyong parating, mas malupit at mas walang awa. Nakikita kong dadalak ang dugo at mauubos ang ating lahi!” ang babala ni Yue.
Katulad dati ay hindi na naman niya kontrolado ang lumalabas sa kanyang bibig. Marahil ang buwan mismo ang nagbibigay sa kanya ng impormasyon at babala ukol sa mga mangyayari sa hinaharap!
Patuloy sa pagsasalita si Yue,“ang kalamidad ay magaganap ilang oras mula ngayon! Malaking pagbabago ang magaganap sa kasaysayan ng ating lahi at nakikita kong mapupuno ng dugo ang karagatan. Ang mga halimaw ay parating na at lahat sila ay magdudulot ng takot at pangamba sa bawat nilalang sa ilalim ng karagatan.”
“Seito, malagim ang iyong katapusan! Nakikita kong babalatan ka ng buhay at sisigaw ka ng malakas pero wala ni isa ang tutulong sa iyo! Nakikita ko ang katapusan ng mga hangal na matatandang gabay, lahat sila mabubura sa mundong ito at wala ni isa ang matitira!
“Ito ang paniningil ng kasaysayan! Ito ang ganti sa lahat ng kasamaang idinulot niyo sa ating lahi! Lahat tayo ay mabubura at mamamatay! Ang aking salita ay isang sumpa, bumalik ka na at gawin ang lahat upang mabago pa ang malagim na hinaharap,” ito ang mga katagang sinambit ni Yue.
Nagliwanag ang kanyang kamay at mabilis na itinapon si Seito sa karagatan na parang isang piraso ng papel na tinangay ng hangin. Hinaplos rin niya ang duguang katawan ni Ryou at naglihom ang mga sugat nito.
Makalipas ang ilang sandali ay nawala ang liwanag na bumabalot sa katawan ni Yue at bumagsak na lamang sa lupa ang kanyang walang malay na katawan. Gulat na gulat si Ryou sa kanyang nasaksihan, hindi siya makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito.
Gayon pa man ay agad niyang isinakay sa sasakyan si Yue at iniuwi ito kanilang private resort. Pagdating doon ay agad siyang nanghingi ng tulong kina Seres at Marine. Buong detalye niyang isinalaysay ang mga pangyayari kanina. Ito ang unang beses niyang nakita kung paano mag predict ng hinaharap ang binata at hanggang ngayon ang kilabot sa kanyang katawan ay hindi pa rin tuluyang humuhupa.
Saan daldalhin ng babala ang buhay ng bawat isa? Ito na ba ang hudyat ng pagbabago? O hudyat ito ng pagsisimula ng katapusan?
Part 68: The Secret Garden
Part 68: The Secret Garden
SINGH PRIVATE ISLAND
“Maligayang pagdating po sa Singh Secret Garden. Ito ang secret facilities and laboratories ng Singh Cosmetics na dine-developed maraming taon na ang nakalilipas,” ang bati ng mga research expert kay Jihan noong dumating ito sa isla. Ito ay sa pangunguna ng dalawang top researchers ng isla na sina Warren at Nigel.
“Nice to see you again, Warren and Nigel. Tama nga ang aking ama, marami pa akong dapat na matutunan sa operation ng company. Ngayon ko lang narealize na ang nalalaman ko pala ay wala pa sa 5% ng general operation,” ang sagot ni Jihan.
“Ang Islang ito ay tinawag ng iyong ama na “Secret Garden”, dahil dito nagmumula ang sikretong katalinuhan na patuloy nating ginagamit upang makapag produce ng mga kalidad at quality na products,“ paliwanag ni Nigel habang naglalakad sila ng lobby ng laboratory.
“I can’t believe na si dad ang utak sa lahat ng ito. Ngayon ay masasabi ko na siya ay isang literal na genius at scientist!” ang paghanga ni Jihan habang iniikot ang paningin sa mga facilities ng laboratory.
“Sir Jihan, sa palagay ko ay mas lalo kang mamamangha kapag dumating na tayo sa pinaka exciting part ng facilities. Ipapakilala namin sa iyo ang pinakamahalagang project ng laboratory. Ito ay tinatawag na “Project Aqua” isang natatanging project na dine-developed maraming mga taon na ang nakalilipas,“ ang paliwanag ni Warren.
Ngumiti naman si Nigel, “papunta pa lamang tayo sa exciting part, Sir Jihan,” ang dagdag pa niya at dito ay ipinagpatuloy nila ang paglalakad sa hallway ng laboratory.
Makalipas ang ilang minuto ay narating nila ang isang silid na mayroong asul na pintuan at nakaukit dito ang letrang P.A na ang ibig sabihin ay “PROJECT AQUA.”
“Ngayon, narito na tayo sa entrance door ng Project Aqua. Ito ang sikreto ng Singh’s Cosmetics. Dito dine-developed ang mga products na lumalabas sa merkado. Bago tayo pumasok ay nais kong sabihin na ito ay hindi isang ordinaryong facility. Ang anumang bagay na nasa loob nito ay mananatiling lihim ng Singh’s Cosmetics!” ang paliwanag ni Nigel.
Lalong kinabahan si Jihan, ngunit gayon pa man ay nakaramdam siya ng matinding excitement. Matagal na niyang naririnig ang tungkol sa “PROJECT AQUA” ngunit ngayon pa lamang niya makikita kung ano ang mayroon sa silid na ito.
Maya maya binuksan ni Warren at Nigel ang pintuan ng facility. “WELCOME TO PROJECT AQUA!”
Pagbukas ng pintuan ay tumambad sa mga mata ni Jihan ang maraming human capsule! At bawat isang capsule ay naglalaman ng mga mermaid na naka stock na parang isang laboratory experiment sa isang science room!
Nasa mahigpit 30 capsule ang nasa paligid at lahat ay naglalaman ng mga mermaid na nakapreserve ang mga buntot. Hindi makapaniwala si Jihan sa nakikita ng kanyang dalawang mata! Hindi niya na may tinatagong ganito ang Singh Cosmetics!
“Mga mermaid na naka preserve! Ito ang laman ng Project Aqua. Ito rin ang “SECRET INGREDIENTS” ng Singh cosmetics!“ ang paliwanag ni Nigel.
“Hindi ako makapaniwala, ang ibig sabihin ay talaga wino-work out ni Dad ang research facilities na ito? This is amazing! Hindi ko akalain na may ganitong secret ang Singh’s Cosmetics. Pero paano? Bakit ang mermaids ang naka preserved dito?
Ano ba ang mayroon sa kanila?“ tanong ni Jihan na hindi maitago ang pagtataka.
Niyaya nila Nigel at Warren si Jihan na lumakad sa loob ng secret laboratory. Pumasok sila sa isang facilities kung saan naroon ang mga members ng research unit na nakasuot ng mga puting laboratory gowns at abala sa pag didisect ng mga subjects.
“Pinag aaralan nila ang mga structures ng mga kaliskis at laman loob ng mga mermaid na nakapreserve sa mga human capsules. Matagal na panahon na ang nakakalipas magbuhat noong madiskubre ni Mr. Singh na ang buntot ng sirena ay isang mahusay na sangkap sa pag gawa ng anti aging product. Hinihiwa ang buntot ng sirena at kukuha ng isang pirasong laman sa buntot nito.
“Pagkatapos ay papatuyuin ang laman hanggang sa maging powder. Ito ang special na ingredients para sa anti aging products na hanggang ngayon ay tinatangkilik sa merkado. Ang sangkap ng produkto ay nananatiling confidential bagamat ito ay 100% effective!” ang paliwanag ni Warren habang ipinakita kay Jihan ang proseso kung paano karnehin ang sirena na parang isang ordinaryong isda sa merkado.
“Malaking tulong din ang kaliskis ng sirena, ang kanilang kaliskis ang espesyal na sangkap sa Singh’s make up brand. Ang makinang at crystalize na kaliskis ng mga sirena ay ang pinaka magandang sangkap sa mga lipsticks at make up branding ng ating cosmetics. At sa paglipas ng mga taon ay tuloy tuloy pa rin ang pagdedevelop ng mga products gamit ang mga buntot ng mga sirena. Ito ang sikreto ng Singh Secret Garden of Intellegence,” ang dagdag ni Nigel.
“Ngayon ay masasabi mong literal na genius ang iyong ama. Patuloy na namamayagpag ang Singh’s Cosmetics sa buong mundo dahil sa secret facilities na ito,” ang dagdag pa ni Warren.
“Kung ganoon ay saan kayo nakakahuli ng mga mermaids? Sa ilang taong operasyon ng business, gaano karaming mga sirena ang nahuhuli at ipepreserve niyo sa lab na ito?” tanong ni Jihan.
“Marami rami na rin Sir Jihan. Iba’t iba ang kulay ng mga buntot ay iba’t iba rin ang quality na ibinibigay nito. Ang pinaka common na kulay ng buntot ay orange, pula o dilaw. Ang pinaka rare sa lahat ay ang mga kulay Silver na siyang pinakamataas na kalidad. Rare type din ang kulay berde, asul at itim,” ang paliwanag ni Warren.
Ngumiti si Jihan, “sa palagay ko ay mayroon na tayong silver tail, maganda ba ang kalidad ng produkto na maipproduce nito?” nakangiting tanong ni Jihan, ngayon ay alam niyang gumagawa na ng paraan ang kanyang ama upang hulihin si Yue at madala sa lugar na ito.
“Opo Sir Jihan, ang silver tail ay rare type. Hindi lang basta high quality products ang maipproduce nito. Maraming bagay pa ang maaari nating magawa sa kanyang buntot,” ang sagot ni Nigel.
Ngumiti si Jihan, “ngayon lang ako na excite ng ganito, si Dad ang talagang genius!” ang wika ng binata. Hindi niya maitago ang kakaibang saya habang pinagmamasdan kung paano karnehin ang mga naka preserve na mermaid sa laboratory.
“Mas maeexcite ka dahil nakahanda na ang lahat,” ang sagot ni Nigel.
“Nakahanda ang lahat? May gagawin ba tayo?” tanong ni Jihan.
Ngumiti sina Warren at Nigel, “Yeap, ngayon ay manghuhuli tayo ng mga sirena. Ipapakita namin sa iyo kung gaano kasaya ang hulihin sila. Ready ka na ba sa once in a life time adventure na ito?”
Lalong na excite si Jihan! Ngayon ay hindi maitago sa kanyang mukha ang labis na pananabik! “Always ready!”
Hindi pa rin humuhupa ang galit niya kay Yue! At ngayon ay isinumpa niya sa kanyang sarili na uubusin ang lahi ng mga sirena at wala siyang ititira ni isa!
Ngayon ay aware na siya sa sikreto ng Singh’s Cosmetics at ang susunod na step ay sundan ang yapak ng kanyang ama upang maging mahusay na tagapagmana ng kanilang empire.
TSUNARIA
ELDER MERMAID’S CAVE
“Seito, huwag mong sabihin sa amin na ikaw ay nabigo pa rin? Ganyan ba kalakas si Yuelo upang hindi mo siya mapatay?” tanong ng mga elder sa binata.
“Patawad ngunit hindi ko nagawang ituloy ang misyon ng pagpatay kay Ryou Guerrero at Yuelo dahil sa kakaibang pangyayari na hindi ko halos maipaliwanag,” ang sagot ni Seito.
“Pangyayari katulad ng?” tanong ng matatandang gabay.
“Si Yuelo ay nagkaroon ng pangitain, nagbigay siya ng babala sa ating lahat,” ang sagot ni Seito.
Natawa ang mga matatandang gabay, “at kailan pa nagkaroon ng kapangyarihan si Yuelo na makita ang hinaharap? At naniniwala ka naman sa kanya? Paano kung isa lamang itong paraan upang linlangin tayong lahat?” tanong ng mga elders.
Natahimik si Seito, hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa kanyang isipan ang kaganapan noong nakaraang gabi kung saan napakabihirang pagkakataon na makita si Yuelo na nagliliwanag ang buong katawan habang nakalutang sa ere. Sa tingin niya ay hindi nagbibiro ang binata sa mga tinuran nito.
Napuno ng nakakabinging katahimikan ang buong lugar..
“Sa palagay ko ay seryoso si Yuelo at hindi siya nagbibiro,” ang sagot ni Seito.
“At anong kabaliwan naman ang sinabi ni Yuelo?” tanong ng mga elder, hindi nila maiwasang matawa na lamang. Alam nilang walang kakahayan si Yue na tukuyin ang hinaharap.
Napabuntong hininga si Seito, “ang sabi ni Yue ay umalis na tayo dito sa Tsunaria dahil parating na ang delubyong bubura sa ating lahi! Lahat tayo ay mapapahamak at mamamatay, dadalak ang dugo sa karagatan at ang Tsunaria ay babagsak! Ito raw ang magiging kabayaran ng mga Elder Mermaids dahil masyadong kayong makasalanan! Ito rin daw ang magiging kabayaran dahil binago ninyo ang kasaysayan!”
Noong mga sandaling iyon ay bumakas ang galit sa mukha ng mga elder,
“Tampalasan! Paano niya nagagawang magsalita ng mga ganitong bagay?! Sa ginagawa niya ay lalo lamang niyang pinabibigat ang kanyang kaparusahan! Ngayon ay nararapat lang patawan siya ng mas MABIGAT na kaparusahan! PATAYIN SI Yuelo NG DALAWANG BESES!” ang galit na sigaw ng elder.
“Wala siyang kaparatang magsalita ng kahit na anong bagay na makasisira sa mga elder mermaids! Wala siyang utang na loob matapos natin siyang kupkupin ay ganito pa ang ipagkakalat niyang balita! Isa siyang masamang ehemplo! Isa siyang masamang ugat na kailangan putulin bago pa lumago!” ang galit na sagot ng isa.
Noong mga sandaling iyon ay tahimik lamang si Seito, saksi ang kanyang dalawang mata sa hiwaga ng mga salitang binitiwan ni Yue. At sa mga oras na ito ay unti unting kumakabog ang kanyang dibdib lalo’t batid niya na ang hinaharap ay napaka lupit.
At bago pa matapos ang pagpupulong ay siya namang pagpasok ng mga kawal na mermaid sa loob ng kweba kung saan naroon sina Seito at ang mga elders.
“Patawad po sa aming biglaang pagpasok. Ngunit kailangan niyo pong malaman na may mga kakaibang bilog na bagay ang nakakalat ngayon sa buong paligid ng karagatan!” ang bungad ng mga kawal.
“Ano ang bagay na iyon?” tanong ng mga elder.
“Isang human made device! Hindi pa namin alam kung para saan ang mga ito. Ngunit kinakailangan natin ng ibayong pag iingat,” ang sagot ng mga kawal.
“Ito na ang simula! Ito na yung sinasabi ni Yuelo!” ang natatakot na sagot ni Seito.
“Tumigil ka Seito! Kung maniniwala ka kay Yuelo ay para mo na ring inalisan ng bait ang iyong sarili!” ang singhal ng mga Elders.
Noong mga sandaling iyon ay wala ni isa man sa kanila ang naniwala sa babala ni Yue. At noong mga sandali rin iyon ay wala silang kamalay malay na ang grupo ni Jihan ay patungo na sa kanilang lupain upang hulihin silang lahat!
Part 69: Invasion
Part 69: Invasion
“Be careful,” ang salita ni Nigel habang inaalayan si Jihan pasakay sa kanilang ship. Suot ni Jihan ang itim na diving suit at ang kanyang mga kasamahang researcher naman ay armado ng mga high tech na sandata.
Nasa anim na barko at limang speed boat ang naglayag sa karagatan upang isagawa ang makasaysayang pang huhuli ng mga mermaids. Ang bawat detalye ng kanilang misyon ay masusing pinag aralan at pinag planuhan upang maging matagumpay ang pag capture sa mga target.
“At paano kayo nakakasigurado na mayroon ngang mga mermaids sa pupuntahan natin? Sure ba kayo sa destination niyo?” tanong ni Jihan kila Warren.
“Yes Sir Jihan, bago tayo magtungo dito ay masusi naming inaral ang location kung saan matatagpuan ang hideout ng mga target. Ilang buwan rin ang ginugol namin upang maging pulido at perfect ang mission natin ngayong araw. Kaya’t wala kang dapat ipangamba,” ang sagot ni Nigel habang nakangiti.
“Kailangan nating makahuli ng mas maraming mga mermaids upang matiyak ang progress ng company sa mga susunod na taon,” ang dagdag ni Warren at dito ay inihanda nila ang mga kailangan sa kanilang pag h-haunt ng target.
“Sir Nigel, nailagay na namin ang lahat ng mga Ultra Sonic Wave Ball sa mga designated location. Anumang oras ay maaari na natin itong buksan,” ang dagdag ng isang researcher.
“Kung ganoon ay simulan na natin ang operasyon!” ang utos ni Nigel at dito ay nagsimula sa pag andar ng mabilis ang mga barko at speed boat na sinasakyan ng mga taga Singh Cosmetics.
Habang on the way sa location ay ipinaliwanag kay Jihan ang lahat ng detalye na dapat niyang malaman sa operasyon. Ipinaliwanag rin sa kaniya ang gamit ng mga Ultra Sonic Ball na siyang gagamitin sa pagtataboy at paghuli ng mga target.
“Ipinakita na namin sa iyo doon sa demo kung paano ginagamit ang Ultra Sonic Ball at kung paano ito gumagana. Ang mga ultra wave na magmumula dito ang siyang sisira at wawasak sa mga target. Sa ganitong paraan ay mapipilitan silang lumabas sa kanilang mga hide out at lumutang sa ibabaw ng karagatan. Dito natin sisimulan ang paghuli sa bawat isa sa kanila,” ang paliwanag ni Warren.
Makalipas ang ilang oras ng paglalayag sa karagatan ay narating ng grupo ang exact location kung saan matatagpuan ang mga target. Noong mga sandaling iyon ay hindi lubos maunawaan ni Jihan ang dapat niyang maramdaman dahil ang excitement ay tumaas habang tumatagal.
Ito na ang tamang pagkakataon, habang palapit ng palapit sa climax ay isinumpa ni Jihan sa kanyang sarili na ito ang magiging simula ng pagbabago sa kanyang buhay. Siya ang magiging numero unong kalaban ng mga sirena at uubusin niya ang mga ito upang mas lalong mapaunlad ang kanilang negosyo.
Makalipas ang ilang sandali ay nabalot ng excitement at tensyon ang kanilang sinasakyan. “Target located!” ang wika ni Warren at dito ay ipinakita niya sa monitor ang mga mermaid sa pinaka ilalim ng karagatan. “Ang mga kulay pulang tuldok na iyan sa monitor ay ang mga target,” ang paliwanag niya.
“BUKSAN ANG MGA ULTRA SONIC BALL! ILAGAY ANG MGA ITO SA MAXIMUM LEVEL! KAILANGANG MAPALABAS ANG MGA TARGET SA KANILANG HIDE OUT!” ang sigaw ni Nigel.
“MAXIMUM LEVEL OF SONIC WAVE! ON!” ang sagot ng mga tauhan sa loob ng barko at dito ay nagsimulang umikot at maglabas ng kakaibang sound waves ang malalaking sonic ball na nakalubog sa tubig.
Samantala sa ilalim ng karagatan, sa Tsunaria ay nagsimula na ring umabot ang malakas na sound waves sa paligid. Ang lahat ng makinig nito ay nahihilo at nagkakaroon ng masamang epekto sa kanilang katawan katulad ng kawalan ng balanse sa paglangoy at pagkasira ng kanilang mga tainga at balat.
Masyadong malakas ang ungong! Masyadong malakas ang sound waves! Hindi na ito kayang ihandle ng mga sirena sa loob ng kanilang mga tahanan kaya’t bago pa sila mapinsala ng husto ay nagdesisyon silang umalis at lumangoy palayo!
Nagkagulo ang lahat!
“Ito ang sinasabing delubyo ni Yuelo! Tama nga siya!! Lahat tayo ay sasalakayin!” ang sigaw ni Seito.
Samantalang hindi mapakali ang mga elder mermaids nagmatigas silang manatili sa kanilang kweba hanggang sa unti unti mapinsala ang kanilang mga katawan!
“Umalis na tayo dito! Nasisira na ang Tsunaria!” ang sigaw ni Seito. Kitang kita ng kanyang dalawang mata kung paano sumabog at magkapira piraso ang ilang mga sirenang na direktang nahahagip ng sound waves!
Habang lumalangoy sila ay nagsimula ng magdugo ang kanilang mga tainga at gayon rin ang kanilang mga katawan! Malaking pinsala ang ginagawa ng mga sonic ball sa karagatan at halos wasakin na nito ang buong paligid!
Dahil walang ibang pamimilian ay napilitan ang mga sirena at umakyat sa pinaka ibabaw ng karagatan, dito ay walang ingay at magiging ligtas sila! Mas maayos ang kundisyon ng tubig sa itaas!
NGUNIT iyon ang kanilang inaakala! Dahil ang lahat ay PATIBONG lamang! Wala silang kamalay malay na nakaabang na ang grupo ni Jihan sa ibabaw ng karagatan at nakahanda na ang mga pang huli sa kanilang lahat!
Sa unang pag ahon pa lamang ng sirena sa ibabaw ng tubig ay nakita agad ito ni Jihan, manghang mangha siya! Isang babaeng may katawan ng tao at buntot ng isda ang lumundag sa ibabaw ng karagatan at agad itong binaril nila Nigel!
“Bull eyes!” ang sigaw nila at natawanan pa! Bumulagta ang babaeng sirena na may dilaw na buntot.
Dito nagsimula ang malawakang panghuhuli ng mga sirena! Para isang kagubatan kung saan tinutugis ng mga mangangaso ang kanilang mga target! Sa dami ng mga sirena na umangat sa ibabaw ng karagatan ay para na lamang silang nanghuhuli ng mga ordinaryong isda.
Tuwang tuwa ang mga researchers! Lahat sila ay hindi makapaniwala na maraming lumalangoy na mga sirena sa kanilang paligid!
Ang mga sirena ay may pinsala na sa kanilang mga katawan, ang iba sa kanila ay hindi na balanse ang paglangoy dahil sa lakas ng impact ng ultra sonic ball na tumama sa kanilang mga katawan! Kaya’t sa halip na makalangoy ng mabilis at makatakas ay nahuhuli lamang sila at napapatay!
Kahit ang mga elder mermaids ay walang nagawa! Karamihan sa mga elder mermaids ay namatay at sumabog sa kanilang kweba. Dahil sa kanilang pagmamatigas ay nagdulot ito ng matinding kapahamakan sa kanilang lahat. Ang ilang elders na may special ability ay nakatakas ngunit iilan lamang silang nakaligatas.
Majority sa mga sirena ay nahuli at dinakip para dalhin sa laboratory ng Singh Island! Ang pangyayaring ito ay maituturing na isang bangungot at delubyo para sa lahat!
Kabila ng kaliwa’t kanang panghuhuli at pagpatay sa mga sirena ay hindi naman natinag sina Seito. Tinulungan nila ang mga kalahi sa abot ng kanilang makakaya, sinubukan nilang lumaban sa mga barko at mga taong walang habas na nagpapaulan ng mga bala sa kanila!
Ang ilan sa mga speed boat na lulan ng mga armadong tauhan ng Singh cosmetics ay naisira at matagumpay na nailubog nila Seito sa karagatan. Ngunit sadyang tuso ang mga kalaban dahil mas nilakasan pa nila ang mga sound waves sa paligid hanggang sa tuluyang nadakip sila Seito at ang ibang mga kawal na Tsunaria.
Samantalang ang ilan sa mga mermaids ay nakatakas dala ang matinding takot at pinsala sa kanilang mga katawan. Lumayo sila at iniligtas kanilang mga sarili.
Sa isang iglap ay bumagsak ang Tsunaria..
Sa isang kisap mata ay nagbago ang kanilang mga kapalaran..
“Ganito kalupit ang mga tao, nakita niyo kung paano nila ubusin ang ating lahi sa isang iglap!” ang wika ng matandang gabay, sugatan ito habang nakatago sa malalaking kweba.
“Halos, 60% ng ating mga kalahi ang nadakip nila, ang halos karamihan ay namatay ng walang laban. Isa itong bangungot! Parang hindi totoo ang mga nangyayaring ito,” ang pag iyak ng mga nakaligtas mula sa sakunang likha ng mga tao mula sa high ground.
“Noon pa man ay alam na natin kung gaano kalupit ang mga tao! Ngayon ay muli nilang ipinakita kung gaano sila kasasama! Sila ang tunay na halimaw at sila ang tunay na makasalanan!” ang sagot ng elder mermaid na nakaligtas bagamat sugatan ito. Naririnig nila ang iyak at atungal ng kanilang mga kalahi na nadakip sa ibabaw ng tubig.
Ni hindi na nila malaman pa ang gagawin. Tila kahit saan sila magtago ay wala silang kawala sa sumpang dulot ng malulupit na tao mula sa ibabaw ng lupa.
Nito lamang din nila napagtanto na ang lahat ng tinuran ni Yue ay totoo! Ang babala niya ay nangyari at ngayon ay nalagay sa matinding kapahamakan ang kanilang mga kalahi. Ang karamihan sa mga ito ay dinakip ng mga armadong lalaki sakay ng mga barko at dinala kung saan.
Samantala ay nagdiriwang ang grupo nila Jihan! Tagumpay ang kanilang misyon! Marami silang nahuling mga mermaid at ngayon ay tiyak na ang tagumpay ng Singh’s Cosmetics sa mga susunod na taon.
Para silang nag-farming, iyon nga ay mga sirena ang kanilang kinuha at wala silang paki alam kung labag man ito sa batas ng kalikasan!
Madami ang mga nahuli, babae, lalaki, bata, matanda basta lahat ng uri ng sirena ay dinakip nila Jihan. Wala silang pakialam kung sugatan ang mga ito o mayroong malalang pinsala sa kanilang mga katawan.
Dinala nila ang lahat ng mga nahuling sirena sa isang pribadong silid at ang mga mahihina ang katawan ay pinatay na lamang at inilagay sa human capsule para ipreserve at pag experimentuhan.
Samantala, ang mga malalakas pa ay ginawang bihag, inilagay ang mga ito sa isang silid na punong puno ng rehas. “Bakit hindi pa natin sila patayin upang mai preserve ang kanilang katawan? Pwede ko bang subukan ang pag aalis ng mga kaliskis sa kanila?” tanong ni Jihan, walang awa sa kanyang mukha, sobrang excited pa ito.
“Ang “Go Signal” ay magmumula sa iyong ama. Siya ang magdedesisyon kung papatayin o pag eeksperimentuhan ang mga bihag na sirena. Sa ngayon ay masasabi kong tagumpay ang ating misyon! Congratulations sa ating lahat! Cheers!“ ang masayang sagot ni Nigel sabay bukas ng isang boteng wine.
Noong sandaling iyon ay nagkaroon sila ng celebration! Ang kanilang tagumpay at kaligayahan ay luha at takot katumbas sa mga nilalang na kanilang walang awang binihag at sinaktan.
Part 70: Abduction
Part 70: Abduction
Y
UELO POV
“Maayos ka na ba?” tanong ni Ryou noong bumalik ang aking malay. Masakit pa rin ang aking ulo at gayon rin ang aking buong katawan.
“Maayos na ako, teka, ano ba ang nangyari?” tanong ko sa kanya.
“Hindi mo talaga matandaan kung ano ang nangyari? Parang sinaniban ka ng kung ano noong nakaraang gabi. At magbuhat noon ay ngayon ka pa lamang nagkamalay,” ang sagot ni Ryou.
Noong mga sandaling iyon ay natahimik ako at sinubukan kong balikan ang pangyayari noong nakaraang gabi. Ang naalala ko lang ay masyadong malakas ang liwanag ng buwan noong mga sandaling iyon at binigyan niya ako ng mga pangitain at mga babala na maaaring maganap sa hinaharap.
Ang buwan ay naka-konekta pa rin sa akin, patuloy pa rin niya akong ginagabayan. Marahil ang mga pangitaing iyon ay babala ng aking mga ninuno mula sa kalangitan o kung saan man sila.
“Naalala ko na, may mangyayari sa Tsunaria, ito ang babalang sinabi sa akin ng buwan. Ito ay isang malagim na trahedyang babago sa ating kasaysayan! Maraming mamamatay at maraming mapapahamak!” ang wika ko noong naging malinaw sa aking isipan ang lahat.
Natahimik sina inay at tiya Marine, “Yue, ang pangitain mo ay naganap na. Bumagsak na ang Tsunaria at maraming mga kalahi natin ang nasawi at napahamak,” ang sagot ni inay.
“Maging ako ay hindi makapaniwala, napakabilis ng pangyayari, naririnig ko pa rin ang iyak at panaghoy ng mga kalahi natin na pinahihirapan at pinapatay ng walang kalaban laban,” ang naiiyak na sagot ni Tiya Marine.
Kung ganoon ay naganap na pala ang lahat?
“Inay, paano niyo ito nalaman? Bakit hindi niyo agad sinabi sa akin? Sana ay natulungan ko sila?” ang tanong ko na hindi halos makapaniwala sa aking narinig.
“Naramdam lamang namin ito, alam namin na noong mga oras na iyon ay sinasalakay na ng mga tao ang Tsunaria at lahat ng mga sirena dito ay pinapatay nila at hinuhuli. Noong nagaganap ang malagim na pangyayaring iyon ay walang ka pa ring malay at hindi pa bumabalik ang iyong ulirat. Saka ano ang laban natin sa malulupit na taong nagtataglay ng mga sandatang nakakapinsala sa ating mga katawan? Tiyak na mapapahamak lamang din tayo kung nakialam tayo noong mga sandaling iyon,” ang paliwanag ni Tiya Marine.
“Kung ganoon ay huli na ang lahat? Ilang oras lamang akong nawalan ng malay,” tanong ko sa kanila.
“Yue, matagal ka ring nawalan ng malay. Marahil ay masyadong nilamon ng kapangyarihan ng buwan ang iyong enerhiya kaya’t natagalan rin ang pagbabalik ng iyong ulirat. Alam kong mabibigla ka sa masamang balitang ito ngunit ang lahat ay nangyari na,” ang sagot ni Inay.
“Ang mahalaga ay binigyan mo sila ng babala, hindi ka nagkulang ng pagbibigay ng warning kay Seito. Ngayon ay nasa kanila na ang desisyon kung pinaniwalaan nila ito o hindi,” ang sagot ni Ryou sabay haplos sa aking pisngi.
“Ngunit sa tingin ko ay hindi nila ito pinaniwalaan kaya’t marami ang napahamak. Kung sabagay, kasalanan ito ng mga matatandang gabay dahil wala silang ibang pinaniniwalaan kundi ang kanilang mga sarili,” ang tugon ni Tiya Marine.
Noong mga sandaling iyon ay naisipan kong bumangon pero pinigilan ako nina Ryou,“Kailangan kong magtungo sa Tsunaria, baka mayroong nangangailangan ng tulong natin doon,” ang pagpupumilit ko.
Hinawakan ni Ryou ang aking braso, “Yue, nanghihina ka pa, kailangan mo ng sapat na pahinga.”
“Pero paano sila?” tanong ko.
“Yue, sa ngayon ay tiyak na wala ng naiwan sa Tsunaria, ang lahat doon ay tumakas na rin hangga’t mayroon silang pagkakataon na makatakas. Sa ngayon ay wala kang ibang magagawa kundi ang palakasin ang iyong katawan at ibalik ang iyong lakas,” ang pagpigil sa akin ni Inay.
Wala akong nagawa kundi ang humiga ulit at matahimik na lamang. Noong mga sandaling iyon ay hindi ko halos maipaliwanag ang matinding takot at kaba na aking nararamdaman. Kumakabog ang aking dibdib at halos lumabas na ang aking puso sa aking lalamunan.
Hindi ako makapaniwala na habang wala akong malay ay nagaganap na pala ang pinakamalalang bangungot sa aming kalahi. Ang masaklap at ang nagbibigay sa akin ng ibayong kalungkutan ay kapag sumasagi sa aking isipan na wala akong nagawa para tulungan sila.
Napuno ng nakakabinging katahimikan sa loob ng silid.
Maya maya ay bigla na lamang kaming narinig na mga putok ng baril sa paligid! Para bang may engkwentrong nagaganap sa loob ng private resort.
“Ano iyon?” tanong ni tiya Marine sabay silip sa bintana.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay biglang bumukas ang pintuan ng silid at dito ay pumasok ang mga tauhan ni Ryou hawak ang kanilang mga baril.
“Sir Ryou, sinasalakay tayo! Tumakas na kayo!” ang sigaw nila, maya maya ay bigla na lamang silang pinagbabaril sa kanilang likuran at saka bumulagta sa sahig! Napasigaw sila inay sa sobrang takot!
At hindi pa kami nakaka kilos noong may pumasok na mga armadong lalaki sa aming silid. Magulong magulo ang sitwasyon, parang kanina ay mapayapa naman ang lahat ngunit ngayon ay napapalibutan kami ng mga lalaking may hawak na mga baril.
Walang nagawa si Ryou kundi itaas ang kanyang dalawang kamay, indikasyon na hindi siya lalaban. “Sino kayo? Anong ginagawa niyo dito sa loob ng aking teritoryo?” tanong niya.
“Naparito kami para kunin si Yue! Sige! Dalhin na sila sa sasakyan!” ang utos ng isang lalaking armado ng sandata ang kamay.
“Teka sino ba kayo?! Lumayo kayo sa amin!” ang sigaw ni Ryou at humarang ito sa aking harapan.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay isang lalaki pa ang pumasok sa loob ng aming silid. Ang lalaking ito ay nakasuot ng itim na corporate suit at may hawak rin na baril sa kanyang kamay. Gulat na gulat kami ni Ryou noong mag alis ito ng kanyang cover sa mukha.
“Mr. Fredrick Singh?! Anong ibig sabihin nito?” ang tanong ni Ryou.
Ang lalaking dumating ay si Mr. Singh, siya ang may pakana ng kaguluhang ito!
“Ano ito? Bakit ginagawa mo ito Mr. Singh? Bakit pati ang mga tauhan ko ay pinatay mo?!” ang singhal ni Ryou.
Sumagot si Mr. Singh, “Pasensya na ngunit sa tingin ko ay tapos na ang laro ng pagpapanggap na ito. Kailangan ko si Yue dahil siya ang susi sa mas maunlad na Singh Cosmetics!”
“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Ryou.
“Ryou Guerrero, c’mon hindi ako pinanganak kahapon. Alam ko ang sikreto ni Yue na isa siyang merman na itinatago mo dito sa iyong private resort. Makipagtulungan na lamang kayo sa akin upang hindi na dumalak ang dahas sa pagkakataong ito,” ang mahinahong sagot ni Mr. Singh.
Nagalit si Ryou at sinugod niya ang lalaki, “sinungaling ka! Ang lahat ng ito ay palabas mo lang pala! Isa kang demonyo!” ang galit na sigaw ni Ryou pero hindi siya nakalapit kay Mr. Singh dahil humaharang ang mga tauhan nito at pinag susuntok siya ng malakas!
“Sige! Dalhin na ang lahat ng iyan sa ating secret base!” ang utos ni Mr. Fredrick Singh at dito ay lumapit sa amin ang mga armadong lalaki at lahat kami ay tinurukan ng gamot sa katawan dahilan para unti unting mawala ang aming mga malay!
Sinubukan kong lumaban ngunit sadyang nanghihina pa ang aking katawan. Wala akong nagawa kundi ang mapa pikit at ang paligid ay biglang nagdilim. Ang huli ko na lamang nakita ay binuhat nila sina Inay, tiya Marine at Ryou palabas ng silid. Lahat sila ay halos wala ng malay.
Hindi ko akalaing ganito kasama ang mga tao, sila pala talaga ang literal na halimaw sa mundong ito at marami silang kayang gawin na ikasisira ng kanilang kapwa. Sila ang pinaka malupit na nilalang nabubuhay sa sanlibutan at sila rin ang pinaka mapaminsala sa lahat.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalam akong nawalan ng malay basta ang alam ko lang ay dinakip kami ng mga tauhan ni Mr. Singh. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakakulong sa isang silid at wala na ang aking taong anyo. Inalis nila ang aking saplot at maging ang kwintas sa aking leeg. Tao pa naman kami noong mga sandaling iyon, walang epekto ang kwintas.
Ang silid ay punong puno ng salamin at mag isa lamang ako dito. Hindi ko alam kung nasaan na sila Ryou at sina tiya Marine. Sana ay maayos lamang sila at walang ginagawa sa kanila na masama.
“Gising ka na pala Yue,” ang wika ni Mr. Fredrick Singh, pumasok ito sa silid at naupo sa aking harapan.
“Nasaan ako? Bakit mo ito ginagawa? Ang akala ko ay mabuting tao ka?” tanong ko sa kanya.
“Yue, isa akong mabuting tao. Iyon nga lang ay kailangan ko ring mabuhay at kailangan ko ring mapanatili ang tagumpay ng aking negosyo. At ikaw ang magiging susi ng lahat ng ito,” ang sagot ni Mr. Singh.
“Hindi kita maunawaan ngunit kung ang plano ay saktan ako at ang aking kalahi ay tiyak na malaking kabayaran ang naghihintay sa iyo,” ang sagot ko sa kanya.
Natawa siya, “hindi ako naniniwala sa mga ganyang bagay. Makapangyarihan ako at ang lahat ay kaya kong gawin. Ang lahat ng bagay na nais ko ay madali kong nakukuha sa isang kumpas lamang ng aking mga kamay. Ang iyong rare type na buntot ang magdadala sa akin ng mas malaking kayamanan. Kay tagal kong pinaghandaan at pinangarap ang araw na ito,” ang sagot niya sa akin.
“Ang ibig sabihin ay matagal mo na pa lang alam ang aking sikreto?” tanong ko sa kanya
“Oo, simula noong unang araw na makita ko ang konsepto ng iyong painting ay alam ko na agad na may kakaiba sa iyo. Alam mo ba na matagal na akong nangangarap na makahuli ng isang sirenang nagtataglay ng silver na buntot? Ikaw ang katuparan ng aking pangarap at dahil sa iyo ay nakatitiyak ako sa tagumpay ng Singh Cosmetics sa mga susunod na maraming taon. Marahil ay hindi mo pa maunawaan ngunit handa akong ipaliwanag ang pinakamahalagang role mo sa aking negosyo,” ang nakangiting sagot ni Mr. Singh habang nakangising demonyo ito.
Noong mga sandaling iyon ay wala akong kamalay malay na dinala kami ni Mr. Singh sa kanyang sikretong base. Sa isang isla kung saan nila isinasagawa ang mga sikretong operasyon ng Singh Cosmetics! Wala rin akong idea na dito rin nila dinala ang lahat ng bighag na sirena mula sa Tsunaria.
Part 71: Monster Within
Part 71: The Monster Within
“Ang lahat ng ito ay palabas mo lang, tama?” tanong ni Yue kay Mr. Singh, hindi niya maitago ang galit sa kanyang mga mata.
“Oo, ang lahat ay palabas ko lang mula sa pakikipag kaibigan ko sa iyo hanggang sa pagkuha ko sa iyo bilang isang modelo. Ang lahat ng ito ay may hidden agenda at iyon ang dukutin ka at mapasa akin!” ang sagot ni Mr. Singh, nakangisi na parang isang demonyo.
“Pero ang intensyon namin ni Ryou na tulungan ka sa iyong negosyo ay totoo. Hindi ko akalain na ganyan ka kasama Mr. Singh, hindi nakapagtataka kung saan kumuha ng ugali si Jihan na iyong anak,” ang sagot ng binata.
“May dalawang uri ng tao sa mundo, ang isang manloloko at isang nagpapaloko. Sorry kung pareho kayong tanga ni Ryou. At sorry rin kung pareho kayong bumagsak sa aking plano. Huwag kang mag alala Yue sisiguraduhin kong magiging makabuluhan ang paggamit ko sa iyong katawan bilang main ingredients ng aking produkto,” ang sagot ni Mr. Singh.
Noong mga sandaling iyon ay mas lalo pang lumapit si Mr. Singh kay Yue, pinilit niya hawakan at himasin ang buntot ng binata pero iniiwas ito ni Yue. “Huwag mo akong hawakan!”
Noong mga sandaling iyon ay para siyang baliw na demonyong nakatitig sa buntot ng binata . Kitang kita ang matinding pananabik sa kanyang mga mata na makuha ang kanyang nais. “Ano kaya ang magagawa sa iyong napakagandang mga kaliskis? Ilang matataas na kalidad ng produkto ang magagawa sa iyong balat?” ang excited niyang tanong.
“At ilang beses ka kayang parurusahan ng kalikasan sa iyong ginagawang pang aabuso sa mga katulad namin na namumuhay ng payapa at tahimik? Isa kang literal na halimaw, ikaw ang pinaka perpektong larawan kung gaano kasama ang isang taong nabubuhay dito sa ibabaw ng lupa,” ang sagot naman ni Yue sa kanyang harapan.
Natawa si Mr. Singh, “huwag ka namang ganyan magsalita sa akin Yue, ginagawa ko lamang ang tama para sa future ng aking negosyo. Alam mo ang mundo ay isang malaking arena ng pakikipagsapalaran, ang mga mahihina ay ginagamit lamang ng mga malalakas. At ang malalakas ang siyang nananaig at nabuhuhay ng mas mahaba. Kayong mga mahihinang nilalang ay nilikha lamang para sa amin, ito ang iyong kapalaran na dapat niyong yakapakin.”
“Baliw ka Mr. Singh! Ang paniniwala mo ang siyang magpapahamak sa iyo!” ang sigaw ni Yue sa kanyang harapan. Sa sobrang galit ng binata ay sinapak niya ang matandang negosyante.
Nangiti si Mr. Singh, “Dalhin na si Yue sa laboratoryo! Alisin ang kanyang mga kaliskis at tadtadrin ng pinong pino ang kanyang buntot!” ang utos ng matanda.
Mula sa silid ay pumasok ang taong nakasuot ng laboratory gown, sila ang mga scholars at researchers ni Mr. Singh sa pangunguna nina Nigel at Warren. Lumapit sila kay Yue at hinawakan nila ito sa katawan. Nagpupumiglas ang binata ngunit sa dami nila ay wala na itong nagawa!
Agad nilang tinuturukan si Yue ang gamot na pampawala ng malay. Binuhat nila ang binata at dinala sa main laboratory upang pag aralan at pag experimentuhan ang kanyang buntot at mga kaliskis!
Samantala ay nagkaroon naman ng malay si Ryou Guerrero. Natagpuan niya ang kanyang sarili sa isang magarbong opisina kung saan nandoon si Jihan na nakaupo at pinagmamasdan lamang siya habang natutulog.
“Mabuti naman at gising ka na,” ang bati ni Jihan sa kanya.
Nakaramdam si Ryou ng matinding pananakit sa kanyang ulo, “Argh, nasaan ang iyong ama? Alam mo ba na dinukot niya kami?!” tanong ng binata
Nagkibit balikat si Jihan, “I know, pero don’t worry hindi ka naman nila sasaktan dahil nadamay ka lang naman dito. Si Yue talaga ang main target ni Dad at sa ngayon ay baka pinag eexperimentuhan na ang kanyang katawan,” ang sagot ni Jihan.
Nagulat si Ryou sa kanyang narinig, “Alam mo ang lahat ng ito simula pa lang? Nasaan si Yue at ano ang gagawin nila sa kanya?” ang singhal ni Ryou kay Jihan.
“Oo alam ko ang sikreto ni Yue at alam ko rin kung gaano siya kailangan ni dad at ng Singh Cosmetics. Kaya maraming salamat sa pagdadala kay Yue sa amin,” ang nakangiting wika ni Jihan.
Napailing si Ryou, “hindi ko maunawaan kung bakit ginagawa niyo ito. Ano ba ang kailangan niyo sa kanila?” tanong ng binata, halatang wala itong alam sa mga nangyayari.
“Gusto mo ba talagang malaman ang sikreto ng Singh’s Cosmetics? Kung sabagay ay deserve mo namang malaman ang totoo dahil sa future kapag mag asawa na tayong dalawa ay papatakbuhin natin ang negosyong ito ng magkasama. Ikaw naman kasi, mas gusto mo pang kumakantot ng malansang isda kaysa isang katulad kong totoong tao,” ang wika ni Jihan sabay lingkis ng kamay kay Ryou.
“Kaya naman pala hinayaan mong maging modelo si Yue ng inyong kumpanya, alam mo na pala ang balak ng iyong ama, una pa lang,” ang bulong ni Ryou.
“Oo at hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang galit ko kay Yue, deserve niya ang lahat ng ito dahil inagaw ka niya sa akin! Ginulo niya ang tahimik at masaya nating pamumuhay! Winasak ni Yue ang mga pangarap na binuo ko para sa iyo at sa ating hinaharap! Deserve niyang mamatay at deserve niyang maging produkto ng Singh Cosmetics!” ang sagot ni Jihan.
Noong sandali rin iyon ay nagdesisyon siyang isama si Ryou sa silid ng Project Aqua upang ipakita ang hubad na katotohanan na kailangan niyang malaman. Ipinagmalaki niya kay Ryou ang sikreto ng Singh Cosmetics at kung bakit namamayagpag ang kanilang mga high quality products sa local at international market.
Samantalang hindi inaasahan ni Ryou ang kanyang nakikita. “Welcome sa Project Aqua, ito ang sikreto ng Singh Cosmetics! Ito ang secret ingredients ng aming produkto,” ang pagmamalaki ni Jihan sabay pindot ng light button at tumambad sa mga mata ni Ryou ang maraming human capsule na naglalaman ng mga naka preserve na katawan ng mga sirena.
“Ito ang secret ingredients ng inyong produkto? Matagal niyo ba itong ginagawa?” ang hindi makapaniwalang tanong ni Ryou. Maya maya ay tila bumaligtad ang sikmura niya at nasuka na lamang ito sa isang sulok ng laboratory.
Natawa si Jihan, “Oo ang mga buntot at kaliskis ng mga mermaid ang number one ingredients ng aming mga product. At huwag kang mag-alala dahil mas marami pa kaming nahuli kahapon!” ang pagmamalaki ni Jihan at pinindot niya ang red button sa pader ng laboratoryo at dito ay umangat ang isang malaking kulungan naglalaman ng mga bihag na mermaid.
Lalong nanlaki ang mata ni Ryou noong makita ang maraming mga sirenang nakalagay sa isang kulungan, nagsisiksikan sa takot ang mga ito. Ang ilan sa kanila ay sugatan at halos wala na ring mga malay. Nandoon rin si Seito na puro sugat ang katawan at ang buntot ay halos wasak na.
“Isa kang halimaw Ryou Guerrero!” ang sigaw ni Seito sa kanya.
“Wala akong kinalaman dito, lahat tayo ay biktima lamang. Gagawa ako ng paraan upang makatakas kayo at maibalik sa karagatan,” ang sagot ni Ryou pero agad na pinindot ni Jihan ang button kaya muling sumara ang kulungan.
“Anong sinasabi mo Ryou? Pinaghirapan naming hulihin ang mga iyon kaya’t hindi mo maaaring gawin ang mga bagay na nais mo!” ang sagot ni Jihan.
“Jihan, hindi ako makapaniwala na ganito ka na pala kasama! Paano ka nakakatulog sa gabi? Hindi ka ba nakokonsensiya sa mga pinag gagagawa mo?” tanong ni Ryou sa kanya.
“Mabuti pa ay lumabas na tayo, ang akala ko pa naman ay matutuwa ka kapag nakita mo ang Project Aqua! Alam mo ba kung paano ginagawang product ang mga buntot ng sirena? Katulad ng isang normal na isda ay aalisan sila ng kaliskis. Ang laman ng kanilang mga buntot at hihiwain sa maliliit na piraso at saka patutuyuin para maging powder. Iyon ang hinahalo upang magkaroon ng anti aging products!
“Proven ang husay ng mga buntot ng sirena bilang panlaban sa mga kumukulubot na balat. Ang husay diba? Sa susunod na buwan ay ako na mismo ang gagawa ng unang experiment susubukan kong mag innovate ng bagong product na papatok sa merkado. Siguro ay gagamit ako ng dugo o iba pang lamang loob mermaid katulad ng atay, bituka o puso. Tiyak na mayroon pang magandang product na magagawa sa mga parteng ito,” ang excited na wika ni Jihan habang naglalakad sila ni Ryou pabalik sa kanyang opisina.
Tahimik lang si Ryou..
“Nag enjoy ka ba sa tour natin? Don’t worry kalimutan mo na si Yue dahil sa ngayon ay pinag pipira piraso na siya ng mga scientist ni dad,” ang malambing na salita ni Jihan.
“Hindi ka tao Jihan, masahol ka pa sa isang halimaw! Pareho kayo ng iyong ama” ang sagot ni Ryou.
“Do you think seseryosohin ko ang mga sinasabi mo? There’s no sense ma makipag away at makipagtalo pa ako sa iyo dahil nagtagumpay na kami. Kami ang nanalo sa pagkakataong ito,” ang sagot ni Jihan sabay lingkis ng kamay sa dibdib ni Ryou.
“Hindi kayo nakatitiyak na kayo nga ang nanalo,” ang sagot ni Ryou.
Natawa si Jihan, “bakit hindi ka na lamang sumuko at sumama sa akin? After all tayong dalawa naman talaga ng meant sa isa’t isa, tama? Mahalin mo ako at paligayahin mo ako. Maging masaya tayo ngayong mga oras na ito,” ang sagot ni Jihan.
Hinubad niya ang suot na saplot at saka inilabas ang kanyang alindog. Itinulak niya si Ryou sa kama at sinimulan itong akitin. “Make love to me! Mahalin mo ako at ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kaligayahan sa buong mundo. Fuck me! Paligayahin mo ako at pawiin mo ang lungkot na nadarama ko!” ang wika ng binata na may malambing at nakakaakit na boses.
“Kantutin mo ko Ryou! Angkinin mo ako!” ang dagdag pa nito.
Nagsimula siyang pumatong kay Ryou at marahas na hinalikan ito sa kanyang labi. Hinawakan niya ang kamay ni Ryou at ipinatong sa kanyang pwetan.
Habang nasa ganoong posisyon ang dalawa ay biglang sumulpot si Marine sa likod ni Jihan at mabilis nitong hinampas ng plorera ang ulo nito dahilan para matumba si Jihan sa sahig at nawalan ito ng malay.
“Sorry accla, pero kailangan mo munang matulog,” ang wika ni Marine sabay harap kay Ryou. “Ano pang hinihintay mo dyan? Tayo na! Ililigtas natin si Yue at ang iba pa!”
“Actually nakita na kita kanina na nakatago sa ilalim ng kama. Kaya hinayaan ko lang si Jihan sa kanyang ginagawa para maka kilos ka ng mas mabuti,” ang sagot ni Ryou sabay kuha ng baril sa drawer ni Jihan at saka sila lumabas ni Marine sa opisina nito.
“Kailangan nating iligtas sina Yue at ang iba pa. Hindi ko alam kung paano ngunit nauubos na ang ating oras,” ang wika ni Marine.
“Paano ka nakatakas? Saan ba kayo dinala tiya?” tanong ni Ryou.
“Baka nakakalimutan nila na malakas ang aking katawan at kaya kong ipagtanggol ang aking sarili. Nakatakas ako mula sa kulungan at agad kitang hinanap dito,” ang paliwanag ni Marine.
Part 72: Superior
Part 72: Superior
Tumakas si Marine mula sa pagkaka bihag sa kanya at nagtungo siya kay Ryou upang tulungan itong isalba si Yue at iba pa. Taglay pa rin ni Marine ang kanyang abilidad na ipagtanggol ang kanyang sarili.
“Nasa main laboratory sina Yue, doon siya dinala ni Fredrick Singh. Samantalang ang ibang mga bihag na sirena ay nakakulong naman sa kabilang gusali sa Project Aqua,” ang wika ni Marine.
“Tiya, paano mo ba nalaman ang lahat ng ito?” tanong ni Ryou habang nakatago sila sa batuhan at naghahanda sa pagsalakay.
“Dahil matalino ako at saklaw ng abilidad ko ang maramdaman kung saan sila Yue at iba pa. Basta sundin mo na lamang ako dahil wala na tayong oras!” ang sagot ni Marine. Maya maya ay uminom siya ng tubig at noong ibuga niya ito sa ere ay naging mga maliliit na patalim na lumipad patungo sa mga bantay ng gusali.
Ang mga tubig na hugis patalim ay literal na matatalas at noong tumama ito sa mga bantay, lahat sila ay nahiwa ang mga balat. Ito ang natatanging kakayahan ni Marine, ang makagawa ng mga sandatang tubig gamit ang kanyang bibig at hininga!
Muling uminom ng tubig si Marine at ibinuga niya ito sa iba pang bantay dahilan para lumipad ang mga sandatang yari sa tubig! Ito ang simula ng pagkakagulo ng mga tao sa paligid! Hindi nila malaman kung anong klase ang umaatake sa kanila dahil para lamang itong mga talimasik ng tubig pero nakakahiwa ng balat.
Dito na nagsimula ang pagsugod nila Ryou sa gusali, tahimik silang pumasok sa loob nito at sa tulong ni Marine sinundan nila amoy ni Yue kung saang silid ito naroroon. Ang mga nakakasalubong ni Ryou na kalaban ay binabaril niya o kaya tahimik na inuupakan hanggang sa mawalan ng malay.
“Ang husay mo ah, para kang isang action star,” ang natatawang wika ni Marine sabay buga ng tubig na hugis sibat sa mga kalaban sa paligid.
“Mahusay ka rin tiya, para kang anime sa abilidad mo,” ang sagot naman ni Ryou at mabilis silang nagtatakbo papasok sa isang secret room.
Pagpasok nila dito ay agad tumambad sa kanilang harapan ang mga researchers na pinag aaralan ang katawan ni Yue.
Kitang kita nila ang katawan ng binata na puro dugo na, puro sugat na ang buntot nito at halatang may mga parte na inalisan ng kaliskis para pag aralan!
Lahat sila ay napahinto noong nagpaputok ng baril si Ryou sa loob ng laboratory!
Galit na galit si Ryou noong mga sandaling masilayan niya ang kalunos lunos na sinapit ni Yue sa mga kamay nito. “Itigil niyo iyan! Mga demonyo kayo!” ang sigaw ni Ryou itinutukan niya ng baril sina Nigel at Warren dahilan para tumigil ang dalawa sa kanilang ginagawa.
Agad na nilapitan ni Marine si Yue at ginising ito, samantalang hinarangan ni Ryou ang binata upang walang makalapit! “Gising Yue! Gumising ka!” ang pagtawag ni Marine. Duguan si Yue, halos wala na itong lakas at ang kanyang buntot ay halos inalisan na rin ng kaliskis.
Lalapit si Nigel sa kanila ngunit kinalabit ni Ryou ang gatilyo ng baril dahilan para pumutok ito sa kanyang binti, daplis! “Wala na rin kayong magagawa, mahina ang katawan ng sirena, mas maganda kung isuko niyo na lamang siya sa amin.”
“Isinuko? Nababaliw ba kayo? Mamamatay ako dito ngunit hindi ko isusuko si Yue!” ang sigaw ni Ryou sa kanila.
“Huwag kayong lalapit sa akin dahil pasasabugin ko ang inyong mga bungo!” ang pagbabanta pa ni Ryou sa kanila!
Habang nasa ganoong posisyon sila ay siya namang pagdating nila Mr. Singh at Jihan sa loob ng laboratoryo. “Anong kaguluhan ito? Ryou, ikaw na naman?!” tanong ni Mr. Singh.
“Demonyo ka! Hayop ka! Ikaw yung humampas ng flower base sa ulo ko!” ang galit na sigaw ni Jihan noong makita si Marine. “Fuck shit ka, ako mismo ang mag aalis ng kaliskis mo!”
“Oo, at nandito ko para iligtas si Yue sa mga kamay ninyo! Mga demonyo kayo! Mga halimaw! Lalo kana Mr. Singh!” ang sigaw ni Ryou sabay tutok ng baril dito.
Kinambatan ni Mr. Singh ang kanyang mga tauhan, nagsimula silang lumakad patungo kila Ryou kaya naman humarang si Marine at bumuga ito ng tubig na naging mga hugis patalim at lumipad ito sa iba’t ibang direksyon dahilan para masira ang mga laboratory equipment at sumabog ang mga ito. Nagkasugat rin ang mga tauhan ni Mr. Singh dahilan para mapahinto sila sa pagkilos.
Huwag niyo mamaliitin ang kakayahan naming mga sirena! Hindi pa kami nakakaganti sa inyo!“ ang sigaw ni Marine! Muli siyang uminom ng tubig at ibinuga sa mga kalaban sa paligid, sumibat sa ere ang mga tubig na hugis sibat at tumama ito sa mga monitor sa paligid kaya’t sumabog ang mga ito.
“Tama na! Sinisira mo ang lab namin! May pambayad ka ba dito? Kapag nahuli ka namin ay ako mismo ang magbabalat sa iyo sa buhay!!” ang sigaw ni Jihan at kinuha niya ang baril sa bulsa ng isang tauhan nila saka pinaputukan sila Marine, mabuti na lamang at hindi ito tumama ng direkta sa kanila.
“Tama na Jihan! Hayaan mong ako ang kumausap sa ating mga bisita,” ang wika ni Mr. Singh at lumakad ito sa harapan nila Ryou.
Noong mga sandaling iyon ay unti unti ng nagkakamalay si Yue, noong bumalik ang kanyang ulirat ay ibayong sakit ang kanyang naramdaman dahil sa ginawang pag aalis ng kaliskis sa kanyang buntot. Napasigaw ang binata dahil sa matinding sakit at napaiyak na lamang siya. Agad siyang niyakap ni Marine, “huwag kang mag alala dahil ibabalik ka namin sa karagatan kahit na anong mangyari,” ang bulong nito.
“Mabuti naman at gising na si Yue, kumusta ka hijo? Kaunti na lamang at mababalatan ka na namin ng buhay. Bakit hindi mo pa isuko ang iyong sarili sa amin?
“At dahil gising ka na ay nais kong isalaysay ang isang espesyal na kwento na dapat mong malaman at marinig. Ikaw rin Ryou, kailangan mong marinig ang mga bagay na ito upang maging malinaw sa iyo ang lahat,” ang wika ni Mr. Singh.
Lumakad siya sa harapan nila Ryou at pinindot ang isang remote control na kanyang hawak. Noong mapindot niya ito ay umangat mula sa ilalim ng laboratory ang isang lumang human capsule na naglalaman ng isang agnas na katawan ng isang “MERMAN NA MAY SILVER NA BUNTOT!”
“Isang merman na may silver tail, iyan ay si…oh my God!” ang bulong ni Marine na halos nanlaki ang kanyang mga mata.
“Ito ang unang sirena na ang angat sa level ng Singh Cosmetics. Ito ang source ng aking unang kayamanan at ito ang patunay ng aking matagal na pamamayagpag sa itaas! ito ang patunay ng aking tinatamasang tagumpay mula noon hanggang ngayon! At nais kong isalaysay sa inyo ang kwento ni
ROMUALDO!
“Bago pa lamang ang business ko noon, nagsisimula pa lamang ako bilang small time na businessman. Nagkaroon ako ng business partners sila sina Maricris at Leo Guerrero. Sila ang mga magulang ni Ryou Guerrero.
“Kaming tatlo ang nagtayo ng negosyong cosmetics at pinagpaguran namin ang konseptong ito. Mula sa mga anti aging cream, mga sabon, pabango, lotion at lahat ng pampaganda ng katawan ng tao. Ang aming negosyo ay pinangalanan naming “PEARL COSMETICS” ayon na rin sa gustong pangalan ng aking mga business partners.
“Mahusay sa research si Leo Guerrero. Halos siya ang nag f-formulate ng mga ingredients ng aming product. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kanyang talino at kung bakit nakakagawa siya ng mga bagay na kakaiba gamit lamang ang mga pinatuyong seaweeds at halamang dagat. Dito ko napag-alaman na mayroong tao sa likod ng kanyang katalinuhan at ito ay pinangalanang si Romualdo.
“Si Romualdo ay matalik na kaibigan nina Leo at Maricris, silang dalawa ang kumupkop at nagpatuloy kay Romualdo sa kanilang tahanan. Noong mga sandaling iyon ay wala akong kamalay malay na si Romualdo ay hindi normal na tao. Itinatago nina Leo at Maricris ang kanyang totoong katauhan na siya ay isang Merman na nagmula sa karagatan. Syempre ay inilihim nila ito sa akin at pilit nilang itanago sa akin ang katotohanan.
“Ipinakilala nila sa akin si Romualdo, at ito naging simula ng aking pag iimbestiga tungkol sa kanyang katauhan. May kakaiba kay Romualdo, lagi itong nakangiti at napakabait na nilalang. Mapagbigay ito at madalas akong tinuturuan upang makapag formulate ng mga bagong produkto na maaari kong maicontribute sa pag unlad ng Pearl Cosmetics.
Tumagal ng maraming taon ang aming partnership bago ako nakapag asawa. Dito ko nakilala ang aking asawa na si Sandra siya ang ina ni Jihan. Dahil may kaalaman na rin ako sa mga produkto ay lihim kaming nagtayo ni Sandra ng aming sariling company. Ang lahat ng natutunan ko kina Leo Guerrero at Romualdo ay inapply ko sa aming mga product hanggang sa makagawa kami ng sarili naming brand.
Ngunit napansin namin ni Sandra na hindi ganoon kaganda at kaapektibo ang aming mga products, hindi ito kasing quality ng gawa nina Leo at Maricris. Parang may kulang sa aming formulation at hindi namin magawang matapatan ang kanilang mga produkto.
Isang araw ay umuwi si Sandra dala ang isang pirasong karne ng isda. “Magluluto ka yata? Kakaiba ang piraso ng karneng ito. Makintab ang kanyang kaliskis at kakaiba ang texture ng kanyang balat,” ang tanong ko sa aking asawa.
Natawa siya, “Fredrick, ito ay hindi ordinaryong isda. Ito ay parte ng isang sirena na kinakarne doon sa bayan. Bumili ako ng maliit na piraso, malay natin mapag aralan natin ito at magkaroon tayo ng malaking innovation gamit ang secret ingredients na ito,” ang sagot ni Sandra.
Ang piraso ng karne ng sirena na kanyang dala ay ang parte ng isang mermaid na pinatay sa tabing dagat. Napag alaman namin na ang pangalan ng sirenang ito ay Merwin. Isang sirenang umibig sa isang mangingisda at kapwa sila namatay.
Ang maliit na piraso ng karne ni Merwin ang pinag aralan namin ng asawa kong si Sandra hanggang sa makagawa kami ng isang produktong de kalidad at mataas na uri. Nakagawa kami ng isang espesyal na anti aging product at bumenta ito sa merkado, ayon sa mga consumer ay talagang legit ang product at nai pprevent nito ang aging ng tao.
Sa isang iglap ay nakagawa ni Sandra ng isang kalidad na produkto gamit ang maliit na piraso ng karne at kaliskis ng sirena. Ngunit para maipagpatuloy ang tagumpay ng aming negosyo ay kinakailangan namin ng mas malaking supply ng kaliskis at karne.
Pero saan kami hahanap? Saan kami kukuha ng sirena? Dito na pumasok sa aking isipan na kuhanin si Romualdo at gawin itong subject para aming experiment!
Part 73: Betrayal
Part 73: Betrayal
Nagpatuloy ang pagsasalaysay ni Fredrick Singh tungkol sa nakaraan..
“Noong mga sandaling iyon ay wala akong ibang naisip kundi ang gawing stable ang standing ng aming negosyo. At magiging stable lamang ito kung makakahanap kami ng panibagong source ng ingredients para sa aming produkto. At wala akong ibang naisip na paraan kundi ang gamitin si Romualdo sa aking mga eksperimento. Bakit ako mag aalala at makokonsensiya? Hindi naman siya tao dahil isa siyang halimaw na nagmula sa karagatan.
Simula noong mga araw na iyon ay wala na akong ibang inisip at plinano kundi ang makuha si Romualdo at maging maayos ang takbo ng negosyong pinagharapan naming mag asawa. Ayokong mapahiya sa aking asawa at lalong ayokong mabale wala ang aming mga pinaghirapan! Gagawin ko ang lahat upang makuha ang aking nais at hindi ako basta basta sumusuko.
Naghintay ako ng tamang oras para kuhanin ng sapilitan si Romualdo. Ngunit hindi ganoon kadali dahil ipinagtanggol at itinakas siya ng paulit ulit nina Leo at Maricris!
“Nababaliw ka na ba Fredrick? Bakit pati si Romualdo ay kailangan mong kuhanin? Wala kang utang na loob sa kanya! Lahat ng talino at kaalaman na ginagamit mo ngayon ay biyaya niya sa iyo! Naging mabuti siya sa atin kaya’t hindi niya deserve ang tratuhin ng ganito!” ang singhal ni Leo.
“Hindi namin ibibigay sa iyo ang iyong nais! Si Romualdo ay kaibigan namin ni Leo! Kaya poprotekhan namin siya abot ng aming makakaya!” ang sagot ni Maricris.
“Kung ganoon ay tapos ang ating pagkakaibigan! Tapos na rin ang pagpapanggap! Walang ibang mahalaga sa akin ngayon kundi ang yumaman at maging matagumpay sa aking negosyo,” ang sagot ko sa kanila.
“Ahas ka Fredrick! Hindi ko akalaing gagawin mo sa amin ang ganitong bagay. Pinagkatiwalaan ka namin at tinuruan upang makasabay ka sa mahuhusay na negosyante ngunit ganito pa ang nais mong gawin! Nasaan ang iyong puso at konsensiya?” tanong ni Leo.
“Walang puso at konsensiya pagdating sa negosyo! Pasensiya na ngunit ito ang pagkakaiba nating lahat. Kayo ay maaawain at madaling lokohin. Ako ay matalino, tuso at may mataas na ambisyon. Huwag kayong mag alala Leo at Maricris, ako na ang bahala sa inyo anak, sisiguraduhin kong magiging isa siyang mahusay na negosyante,” ang sagot ko at kinalabit ko ang gatilyo ng baril!
“Unang napatay si Leo Guerrero, sumunod si Maricris. At bago ko mapatay si Romualdo ay isinumpa nito ang aking asawa.
“Nagtagumpay ako! Kinuha ko ang katawan ni Romualdo at ginamit ang kanyang silver na buntot upang makagawa ng mga kalidad na produkto. Samantalang pinalabas ko sa press na ang kamatayan nina Leo at Maricris Guerrero ay isang ambush. Nagluksa ako at nasaktan ngunit ito ay palabas lamang.
“Kinuha ko ang kanilang negosyong Pearl Cosmetic at pinalitan ito ng Singh Cosmetics. Kung saan ang mga produktong nagmula sa kaliskis at buntot ni Romualdo ang naging daan sa aming tuloy tuloy na pag unlad.
“Ngunit makalipas ang ilang taon ay namatay naman ang aking asawang si Sandra dahil sa sakit na hindi magagamot. Ito ang sumpa ni Romualdo sa akin at ito ang naging kabayaran sa aking nagawang kasamaan. Gayon pa man ay inangat ni Romualdo ang aking pamumuhay at ang lahat ay kasaysayan na lamang.
“Dahil nangako ako kina Leo at Maricris ay kinupkop ko ang kanilang anak na si Ryou Guerrero at ginawa itong isang mahusay na negosyante. Siguro naman ay nakabawi na ako kanyang mga magulang ngayong isang matagumpay na bilyonaryo na ang kanilang anak.
“At sa tuwing nakikita ko si Romualdo dito sa loob ng capsule ay napapangiti na lamang ako dahil siya ang patunay kung gaano na kalayo ang narating ng Singh Cosmetics! Nakakatuwa lamang isipin na noon pa man ay magkakonekta na ang buhay ng inyong mga magulang. At ngayon ay hindi ko akalaing si Yue ang anak ni Romualdo kaya pareho sila ng kulay ng buntot. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, nahuli ko ang tatay at ngayon naman ay nahuli ko rin ang anak. At magkawangis silang dalawa, unang beses na nakita ko ang mukha ni Yue ay si Romualdo agad ang naalala ko. Kaya naman pati si Yue ay pinasundan ko sa aking tauhan.
“At sa tingin ko ay mauulit lamang ang pangyayari kung saan namatay ang mga taong nagpupumilit na protektahan si Yue. Katulad ng naganap sa kanyang ama at sa iyong mga magulang Ryou Guerrero,” ito ang salaysay ni Fredrick Singh tungkol sa kasaysayan ng kanilang buhay.
Natahimik si Ryou at gumuhit ang matinding galit sa kanyang nalaman. Samantalang si Yue naman ay nakatingin lang na naagnas na katawan ng ama sa loob ng capsule at dito ay napahagulgol na lamang siya. “Pangarap kong makita ang aking ama, pangarap kong mayakap siya dahil matagal na panahon akong nangulila sa kanya. Pero hindi ko pinangarap na makita siya sa ganitong kalagayan. Bakit?! Bakit ang sama sama ng mga tao?” ang umiiyak na tanong ng binata.
Natawa si Fredrick, “Huwag kang umiyak Yue, ano mang oras ay maaari naman kayong magsama ng iyong ama sa capsule na iyan. Maaari rin kayong magkita at magyakapan sa kabilang buhay. Naging malupit sa inyo ang tadhana at kailangan niyo itong tanggapin.”
“Demonyo ka Fredrick! Ikaw ang pumatay sa aking mga magulang! Ginawa mo ang lahat ng kasalanang ito dahil sa ambisyon mo!! Wala kang kasing sama! Ikaw at lahat ng mga tauhan mo! Hindi na nakapagtataka na pati ang anak mong si Jihan ay isa na ring Demonyo katulad mo!” ang sigaw ni Ryou na halos mamulagat ang mata dahil sa matinding galit.
“Tumigil ka Ryou! Huwag mo akong idamay dito dahil iba ako sa aking ama! Kung anuman ang nangyayaring kamalasan sa inyo ngayon ay deserve niyo ito dahil mga mahihina kayo at nagkamali kayo ng binangga! Nagkamali ka ng panig na kinampihan Ryou Guerrero!” ang sagot ni Jihan sa kanila.
Maya maya ay sumigaw ito ng malakas! “PATAYIN SILA! KUHANIN SI Yue AT PAGPIRA PIRASUHIN ANG KANYANG KATAWAN!” ang sigaw nito!
“Sige! Patayin silang lahat!” ang pag suporta ni Fredrick at dito ay nagsimula na ang kaguluhan sa loob ng laboratoryo!
Habang nasa ganoong posisyon silang lahat ay bumukas ang pintuan ng silid at dito ay pumasok ang mga kalalakihang may hawak na mga patalim! Ito ay ang grupo nina Seito at ng mga kawal ng Tsunaria na nakatakas mula sa kanilang pagkakabihag!
Nagkagulo sa buong paligid! Agad na binuhat ni Ryou si Yue at itinakbo palabas sa silid. Si Marine naman ang nagsilbing taga protekta niya, ang lahat nagtatangkang humabol at lumapit sa kanila ay binubugahan niya ng tubig na hugis patalim.
“Ryou, lumabas na tayo at sikaping makarating sa karagatan! Ilang minuto na lamang at lulubog na ang araw, mawawalan ako ng mga paa at mahihirapan tayong lumaban!” ang sigaw ni Marine.
Patuloy pa rin ang pagkakagulo sa loob ng laboratoryo. Sinagupa nila Seito at iba pa ang mga armadong tauhan ni Fredrick Singh at ilan sa kanila ay agad rin napatay! Gayon pa man ay nagkaroon ng pagkakataong makatakas sina Yue at Ryou.
Sa labas ay sinalubong sila ni Seres at tumulong ito upang pigilan ang mga tauhan ni Fredrick na humahabol kila Ryou. Tumayo si Seres sa harapan ng mga kalaban.
Napahinto ang mga kalaban noong makita si Seres, mayroong balabal sa buhok nito. Inalis ni Seres ang takip sa kanyang ulo at humarap sa mga tauhan ng kalaban.
Huminga ito ng malalim!
Tumili siya ng malakas at naglabas ng kakaibang sonic wave ang kanyang tinig dahilan para mahilo at mapinsala ang tainga ng mga kalaban sa paligid!
“Tumakas na kayo! Bilisan niyo!” ang sigaw ni Seres.
Samantalang si Marine naman ay tuloy pa rin sa paglaban. Tinulungan niya ang kaibigang si Seres na pigilan ang mga kalabang humahabol kila Yue. Wala silang pakialam kahit may tama na ng baril ang kanilang mga katawan. Patuloy pa rin sila sa pagpigil sa mga kalaban!
Noong mga sandaling iyon ay si Jihan na mismo ang humabol kina Yue at Ryou. Kasama niyang tumutugis sa mga ito sina Nigel at Warren na noon ay armado rin ng mga baril. “Huwag silang hayaang makatakas! Papatayin kita Yue!” ang sigaw ni Jihan na parang masisiraan ng bait sa matinding galit. Siya na mismo ang bumabaril kay Ryou habang tumatakbo ito patungo sa karagatan.
“Demonyo ka Ryou! Hanggang ngayon ay si Yue pa rin ang pinili mo! Pagbabayaran mo ito!” ang sigaw ni Jihan sabay baril kay Ryou.
Tinamaan si Ryou sa balikat at sa likuran pero tuloy pa rin ang binata sa pagtakbo. Hindi niya alintana ang maraming sugat sa kanyang katawan. Noong mga sandaling iyon ay walang ibang tumatakbo sa kanyang isipan kundi ang mailigtas si Yue mula sa malupit na kamay ng mga tao sa kanyang paligid.
“Ryou, paki usap, iwanan mo na ako! Hindi na rin ako magtatagal dahil masyado na ring napinsala ang aking katawan,” ang wika ni Yue. Halos tumutulo na rin ang dugo sa kanyang buntot dahil inalisan ito ng balat at kaliskis.
Hindi na niya maiwasang umiyak lalo na noong makitang timatamaan si Ryou ng bala ng baril at tumatagos ito sa kanyang katawan. Bumubulwak ang dugo sa kanyang bibig pero sige pa rin siya sa pagtakbo!
“Kailangan mong mabuhay! Ipangako mo sa akin ma mabubuhay ka!” ang sagot ni Ryou habang lumalabas ang dugo sa bibig. “Kaunting tiis na lang, nakikita ko na ang karagatan. Gawin mo ang lahat upang makatakas!”
“Tumigil ka Ryou! Papatayin kitaaaa!” ang sigaw ni Jihan sabay baril sa binata dahilan para tamaan ng binti nito.
Gayon pa man ay hindi natinag si Ryou. Tumayo ng matuwid sa bangin kung saan naroon ang malawak na karagatan. “Mabuhay ka Yue! Mahal na mahal kita! Iyan ang lagi mong tatandaan!” ang wika ng binata at buong lakas niyang inihagis ang duguang katawan ni Yue sa karagatan!
Noong mga sandaling iyon ay kitang kita ng dalawang mata ni Yue kung paano bumulagta si Ryou sa lupa. Gayon pa man ay nagtagumpay ang binata na dalhin siya sa karagatan upang makatakas at mabigyan ng panibagong pagkakataon para mabuhay.
Hanggang sa huli ay pinatunayan ni Ryou ang kanyang tapat at wagas na pagmamahal kay Yue. Hindi niya ininda ang kamatayan para sa nilalang na kanyang pinakamamahal.
Part 74: Atonement
Part 74: Atonement
Matagumpay na naibalik ni Ryou si Yue sa karagatan kahit pa ang naging kapalit nito ay ang kanyang sariling buhay. Ngayon, ang lahat ay nakadepende na sa kanya, kung paano niya maililigtas ang kanyang sarili mula sa malupit na kamay ng mga tao sa kanyang paligid.
Walang nagawa si Yue kundi ang lumangoy sa kabila ng matinding sugat na tinamo ng kanyang katawan. Ang kanyang puso ay kumikirot dahil sa katotohanan na kanyang nalaman. Ngayon ay wala na siyang aasahang pag asa na makita at makasama ang ama dahil matagal na pala itong namatay sa kamay ni Fredrick Singh.
Kumikirot din ang kanyang puso sa sinapit ng lalaking kanyang pinakamamahal. Kitang kita niya kung paano nag sakripisyo ito upang maibalik siya sa karagatan at maitakas.
Pinilit ni Yue na lumangoy at lumayo sa isda bagamat kada galaw ng kanyang buntot ay nagdurugo ito at nahihirapan siyang lumangoy ng maayos.
Sa kabilang banda ay hindi pa rin sumuko sina Jihan, Nigel, Warren at iba pa!
“Habulin at hulihin si Yue! Hindi siya makakalayo at tiyak na nasa paligid lamang siya ng isla!” ang sigaw ni Jihan na hindi maitago ang matinding galit na nararamdaman.
Mabilis silang sumakay sa speed boat para hulihin si Yue. Dala nila ang kanilang mga armas, mga baril at arrow rifle na gagamitin sa paghuli sa kanilang target.
Sumakay rin sa speed boat si Fredrick Singh kasama ang kanyang mga tauhan upang tumulong sa paghuli kay Yue. “Bilisin niyo! Hindi siya makakalayo!” ang sigaw ng negosyante.
Nagsimulang umikot ang mga speed boat sa paligid ng isla at hindi naman sila nabigo. Agad nila nakita si Yue na lumalangoy sa ilalim lalo’t kada galaw nito ay sumasabog ang dugo sa kanyang buntot. “Hayun siya! Pasabugan niyo! Barilin niyo!” ang galit na sigaw ni Jihan siya na mismo ang kumuha ng baril at pinaputukan si Yue sa ilalim ng karagatan.
Nagsimula na rin bumaril at magpakawala ng mga bala ang mga tauhan ni Fredrick Singh, ngayon ay umuulan ng mga bullet at rifle arrow sa ilalim ng karagatan
Sa ilalim ng tubig kung saan lumalangoy ng mabilis si Yue ay kitang kita kung paano sumibat ang mga bala sa tubig. Ginagawa niya ang lahat upang iwasan ang mga ito ngunit ang kanyang pagkilos ay limitado dulot ng matinding kirot na nararamdaman.
Mabilis ang paglipad ng mga bullet sa paligid, ang iba ay sumasabog na animo dinamita. Ngunit sa kabilang banda ay mabilis rin ang paglangoy ni Yue, nagliliwanag ang kanyang sugatang buntot sa tuwing siya ay gumagalaw ng mabilis sa tubig.
“Ang tatanga niyo! Pasabugan niyo siya!! Bilisan niyo!” ang sigaw ni Jihan siya mismo ang kumuha ng madaming mga bombang pampasabog sa box at itinapon ito sa ilalim ng karagatan.
Sumabog sa ilalim tubig, yumanig sa buong paligid at sa lakas ng impact ay nasabugan si Yue, para itong isang isdang tumilapon sa ibabaw ng tubig. Mas lalong napinsala ang kanyang katawan sa lakas ng mga bombang sumasabog sa paligid.
Malakas ang kanyang paghinga, pagod na rin ang kanyang katawan pero walang balak sila Jihan at iba pa na tumigil, buo ang loob nila na hulihin ang target at maibalik ito sa laboratoryo.
Hindi pa nakontento ang mga tauhan ni Fredrick Singh, muli pa rin silang nagtapon ng mga bomba sa paligid hanggang sa tuluyang mapinsala ang katawan ni Yue!
Hinawakan ni Nigel ang arrow rifle at inasinta si Yue, lumipad ng mabilis ang palaso at tumama sa kanyang dibdib!
“Bulls eye! Hulihin na siya!!” ang sigaw ni Nigel tuwang tuwa sila noong makitang tinamaan si Yue ng palaso sa kanyang katawan! Agad nilang hinagisan ng lambat si Yue at hinila ito gamit ang speed boat. Hindi pa na kontento si Jihan, kumuha pa siya ng baril at binaril ang buntot ni Yue upang hindi na ito makalangoy pa ng maayos.
Nawalan ng lakas si Yue..
Ganito ka lupit ang mga tao sa kanyang paligid..
Ganito sila kahalimaw..
Habang hinihila siya ay nakaramdam siya ng matinding galit sa kanyang dibdib. Kinaawaan niya ang kanyang sarili lalo’t kalunos lunos ang kanyang naging kalagayan sa kamay ng malulupit na nilalang ng mundo.
Sumagi rin sa kanya isipan ang sinapit ni Ryou para lamang iligtas siya. Pati ang kanyang ina na si Seres at Marine na lumaban at nagpakasakit sa isla para lamang sa kanya. Hindi rin niya makalimutan ang kaawa awang sinapit ng kanyang ama, naaagnas na ito sa loob ng human capsule at hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ang kanyang katawan..
Mga walang awa..
UMIYAK SI Yue..
Nagsimulang mamuo ang matinding galit sa kanyang dibdib..
Habang nasa ganoong pag andar ang speed boat ay kakaibang iyak ang narinig nila mula kay Yue. Ang tinig nito ang nagbigay ng kilabot sa kanila.
“Mr. Singh, ang mabuti pa siguro ay pakawalan na natin ang sirena. Alam niyo ba ang kasaysayan? Ang iyak ng sirena ay makapangyarihan, magdadala ito ng delubyo!” ang natatakot na salita ng isang tauhan niya.
“Baliw! Hindi ako naniniwala sa ganyan! Duwag ka!” ang sagot ni Fredrick sabay tutok ng baril sa mukha ng kanyang tauhan, “itikom mo iyang bibig mo dahil baka magdilim ang aking paningin at pasabugin ko iyan!” ang pagbabanta nito.
Isang malakas na iyak pa ang narinig mula kay Yue dahilan para magalit si Jihan, “Tumahimik ka! Papatayin na kita!” ang sigaw niya sabay baril sa kanyang katawan. Walang awa si Jihan at namumuo ang matinding galit sa kanyang dibdib. Malaki ang pagnanasa niyang patayin at makaganti kay Yue!
Umiyak muli si Yue at sa kanyang pag iyak ay biglang huminto ang alon sa karagatan. Tumahimik ang buong paligid at huminto rin ang mga makina ng speed boat.
Naging payapa ang lahat..
Sinubukan nila sstart ang kanilang sinasakyan ngunit patay na ang makina nito. Dito na sila nakaramdam ng kakaibang takot lalo na noong magdilim ang paligid at mula sa kalangitan ay bumagsak ang matatalim na kidlat!
Ang hangin sa paligid ay nagsimulang umikot at isa pang pag iyak ni Yue ay nagsimula na ring mabuhay ang naglalakihang alon sa karagatan! Kumapit ang lahat sa speed boat dahil masyadong malalakas ang kidlat at alon! Parang isang malupit na bagyo!! Nag ngingitngit at galit na galit!
Nagsimula na ang delubyo!!
“Patayin niyo si Yue! Kung mamamatay siya ay matitigil ito!” ang sigaw ni Jihan kaya naman agad nilang hinila ang lambat kung saan naroon su Yue ngunit laking gulat nila noong wala na ito!
“Nawawala si Yue! Nakatakas na siya!” ang sigaw ng mga tauhan nila.
Tuloy pa rin ang malakas na pagsalpok ng alon sa paligid. At maya maya ay lumabas si Yue sa ibabaw ng karagatan. Nagliliwanag ang kanyang katawan at buntot na nakapukaw sa atensyon ng lahat!
Noong makita siya ng mga kalaban ay agad siyang pinaputukan ng baril at hinagisan ng mga bomba. Pero sa pagkakataon ito ay kumilos ang katawan ni Yue, nag dive ito sa tubig at nagkaroon ng malakas na alon!
Yumanig ang buong paligid at nagsimulang magkaroon ng tsunami! Kitang kita ng lahat ang isang milagro ng kalikasan! Ang tubig sa karagatan ay naging higante at unti unti nitong nilamon ang lahat ng bagay sa kanyang paligid.
Nagkagulo sa Isla ng Singh noong makita nila ang isang higanteng alon na patungo sa kanila! Kahit tumakbo sila at magtago ay huli na ang lahat..
“Iyan ang ganti ng kalikasan! Iyan ang ganti ni Yue!” ang sigaw ng mga tauhan ni Fredrick na nakakapit sa kanilang speed boat.
Lalo pang tumaas ang tubig hanggang sa lamunin nito ang isla ng Singh. Kitang kita ni Fredrick at Jihan kung paano kainin ng higanteng tsunami ang lahat ng kanilang pinaghirapan! Ang mga empleyado, researchers, scientist at lahat ng mga tauhan ng mga Singh Cosmetics sa loob ng kanilang malalaking gusali ay nalunod at namatay!
Buong buong nilamon ng higanteng alon ang buong isla! Ito ang ganti at ito ang pagbabayad ng kanilang sala! Ilang beses na nilamon ng malalaking alon ang mga gusali hanggang sa walang matira dito! Ang mga bihag na sirena ay nakatakas at nakalangoy ng maayos palayo hanggang sa sila ay tuluyang makaligtas.
Wipe out!
Ang lahat ay nabura na lamang sa isang iglap, ang taon ng pagpupursige at pagpapaunlad ng Singh Cosmetics ay natapos na.
Matapos ang malakas na tsunami ay muling tumahimik ang karagatan. Ngayon ay natira na lamang dito ay ang dalawang speed boat nakalutang sa ibabaw. Ang una ay sakay sina Jihan, Nigel, Warren at iba pang mga tauhan ng Singh Cosmetics. Ang ikalawang speed boat ay lulan si Fredrick Singh at ang kanyang mga tauhan.
“Wala ng natira, ang lahat ng ating mga pinaghirapan ay nauwi sa wala,” ang wika ni Nigel habang pinagmamasdan ang wipe out na nangyari sa Isla, halos wala ng natirang nakatayo dito.
Lumabas si Yue mula sa tubig at umangat sa ere ang kanyang nagliliwanag na katawan, “Hindi pa ako tapos maningil! Ilang buhay ang iyong inutang kaya buhay rin ang kabayaran!” ang wika nito habang nagliliwanag ang kanyang buong katawan.
Kapansin pansin na ang mga pinsala sa katawan ni Yue ay naglaho na at ang kanyang mga sugat ay naghilom ng mas mabilis. Tila ba hindi siya dumaan sa paghihirap at ang bakas ng mga sakit ay naglaho na rin na parang bula.
“Ang isang iyan ay hindi ordinaryong sirena, mukhang sa pagkakataong ito nagkamali tayo ng kinalaban,” ang bulong ni Warren sa kanilang lahat.
“Wala akong pakialam! Patayin ang halimaw na iyan!” ang utos ni Jihan. Agad na kinuha ni Nigel ang kanyang rifle arrow at mabilis na inasinta nito si Yue.
Lumipad ang palaso patungo kay Yue ngunit nagliwanag ang kanyang katawan at ang palaso na sana ay tatama sa kanya ay bumalik kay Nigel! Tumama ang palaso sa mata nito at tumagos sa kanyang ulo.
Bulagta si Nigel, patay na siya agad!
Maya maya nagliwanag ang tubig kung saan naroroon si Yue, umangat sa ere ang mga butil ng tubig na animo mga hugis bullet. Lahat ng ito ay lumipad sa mga tauhan ni Fredrick Singh, para silang pinagbabaril ng bullet na gawa sa tubig, tumagos ang mga ito kanilang katawan hanggang ang lahat ay mamatay.
Samantalang ang katawan naman ni Warren ay umangat sa ere at unting nagkabali bali ang kanyang mga buto. Nahiwa ang kanyang braso, leeg at tiyan saka lumabas ang kanyang mga bituka. Ganito ang ginagawa niyang pag didisect sa mga sirenang nahuhuli nila kaya’t ganito ang kabayaran sa kanyang mga kasalanan!
Ang natira lamang na buhay ay si Jihan at ang kanyang ama na si Fredrick Singh. Ngayon ay nakaharap sila kay Yue at anumang ay huhukuman ang kanilang mga kasalanan.
Part 75: Ocean’s Payback
Part 75:
Ocean’s Payback
“Hayop ka Yue! Anong klaseng nilalang ka?!” ang galit na tanong ni Jihan halos manginig na ito sa takot dahil wala ng natira sa kanilang mga tauhan. Silang dalawa na lamang ng ama na nakasakay sa magkaibang speed boat.
“Fredrick, ang lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan. Hindi ikaw ang pinaka makapangyarihan sa lahat. Ilang mga buhay ang dumaan sa iyong kamay para lamang marating mo ang kinalalagyan mo ngayon. Masaya ka ba na marami kang pinatay at pinerwisyong inosenteng buhay? Mula sa mga magulang ni Ryou hanggang sa aking ama na iyong walang awang ginamit at pinag eksperimentuhan. Patay na siya pero pinakikinabangan mo pa rin! Dumating na ang oras na aming paniningil sa iyo!” ang seryosong salita ni Yue.
Maya maya bigla na lamang may tumamang bullet ng baril sa kanyang braso. Binaril siya ni Jihan, “Tumahimik ka! Isa kang mababang uri ng nilalang! Akala mo ba ay nanalo ka na? Ako mismo ang papatay sa iyo ngayon!” ang sigaw niya at muling binaril si Yue. Ngunit bago pa tumama sa kanya ang bala ay bumalik ito kay Jihan at tinamaan siya sa balikat.
“Ang mga sirena na nagtataglay ng pilak na buntot ay totoong bihira at rare type, ito ang namana ko sa aking mga ninuno. Kami ang pinagmulan ng unang sibilisasyon ng buhay dito sa karagatan at kami rin ang nakatanggap ng kauna unahang kapangyarihan ng Diyos na lumikha. Sa makatuwid ang kapangyarihang iyon ay aking taglay ngayon dahil ako ang pinakahuling sirena na nagtataglay ng pilak na buntot. Ako ang produkto ng aming salin lahi at ako ang nagmana ng lahat ng lakas ng karagatan. At marahil kaya hindi naipagtanggol ng aking ama ang kanyang sarili laban sa kasamaan mo ay dahil lahat ng kanyang kapangyarihan ay isinalin niya sa akin,” ang paliwanag ni Yue.
Natawa si Jihan, “Isa ka pa ring halimaw at hindi kahit kailan ay hindi ka magiging isang tao no matter how hard you try!”
“Sino sa atin ang halimaw? Ikaw ang pinakamasamang taong nakilala ko sa buhay ko. At ikaw ang salot sa inyong lahi! Ngayon ay tikman mo kung paano balatan ng buhay!” ang galit na sagot ni Yue. Nagliwang ang kanyang katawan at bumuga ito ng kakaibang uri ng tubig na tumama kay Jihan!
Maya maya ay nagsisigaw si Jihan noong unti unting matuklap ang kanyang balat sa mukha at sa ibang parte ng kanyang katawan. “Ano ang pakiramdam ng binabalatan katulad ng ginagawa niyo sa aking mga kalahi? Deserve na deserve mo iyan Jihan!” ang dagdag ni Yue sa kanya.
Nagsisigaw si Jihan, “Dad help me!! Tulungan mo akooo!” ang pag iyak nito habang naalis ang balat sa kanyang katawan.
Napaluhod na lamang si Fredrick Singh, “Itigil mo na ito Yue, natalo na ako! Inaamin ko na ang aking kasalanan! Nagkamali ako at malaki ang kasalanan ko sa inyong lahat! Paki usap ako na lamang ang pahirapan mo at huwag ang aking anak,” ang pag iyak ng negosyante, sa pagkakataon ito ay wala ng magagawa ang kanyang pera at kapangyarihan.
“Sana ay naawa ka rin sa aking ama, sana ay naawa ka rin sa mga magulang ni Ryou. At sana ay naawa ka rin sa mga sirenang pinatay mo at walang awang ginamit!” ang sagot ni Yue sa kanya.
“Yue, pakiusap! Huwag mo akong papatayin! Gagawin ko ang lahat para magpabago at itama ang aking mga pagkakamali,” ang pag iyak ni Fredrick Singh.
“Huwag kang mag aalala, hindi kita papatayin,” ang sagot ni Yue.
“Talaga? Salamat! Sabi na nga ba isa kang mabuting nilalang,” ang masayang wika ni Fredrick, maya maya bigla niyang hinawakan ang isang rocket launcher gun at mabilis itong pinasabog kay Yue. “Huli kaaa!”
Tumaas ang alon sa paligid na animo may sariling buhay at sinalo nito ang bombang tatama kay Yue. Gulat na gulat si Fredrick, bigo ang kanyang final moves!
Napanganga na lang si Fredrick, napahiya siya sa kanyang ginawa. Ang akala niya ay madadale niya si Yue sa ganoong taktika.
“Huwag kang mag alala Fredrick dahil hindi naman ako ang papatay sa iyo, kundi sila,” ang wika ni Yue at mula sa karagatan ay umahon ang daan daang mga sirena sa pangunguna ni Seito at ng mga kawal ng Tsunaria.
Kinuyog nila si Fredrick Singh at ganoon rin si Jihan na patuloy binabatalang ng buhay. Sigaw na lamang ng dalawa ang narinig habang sila pinarurusahan at sinisingil sa kanilang pag kakautang. Ito na rin ang naging katapusan ng kanilang buhay at ambisyon na maging mas makapangyarihan pa. Kinalaban nila ang batas ng kalikasan kaya’t ngayon ay gumanti ito sa kanila. Buhay ang inutang kaya’t buhay rin nila ang naging kabayaran.
Matapos ang kaguluhan ay lumangoy si Yue patungo kay Ryou na noon ay kasama sina Seres at Marine. Nakita niya ang binata na halos wala ng buhay ngunit patuloy pa rin itong lumalaban. “Yue, masaya ako at buhay ka,” ang naiiyak na salita ni Seres sabay yakap sa kanyang anak.
“Inay, tiya Marine, maraming salamat sa pagtulong sa akin. Kumusta si Ryou?” tanong ng binata na hindi maiwasang mag alala.
“Mahina na ang kanyang pulso ngunit lumalaban pa rin siya,” ang sagot ni Seres.
Naluha si Yue at niyakap si Ryou, “hindi ko kakayanin kung mayroon pang mapapahamak sa atin. Hindi ko kakayanin na mawala si Ryou sa akin,” ang bulong ng binata niyakap niya si Ryou at kapwa silang lumubog sa tubig.
Hinalikan ni Yue ang binata habang sila ay nakalubog sa karagatan at dito ay nagsimulang magliwanag ang kanilang mga katawan. Ang mga sugat ni Ryou ay unti unti naglihom at ang mga balang nakabaon sa kanyang katawan ay unti unting lumabas sa kanyang mga sugat.
Patuloy ang pagliliwanag ng kanilang katawan, ang tibok ng puso at pulso ni Ryou ay nag simulang maging malakas at kasabay nito ang unti unting pagbabalik ng kanyang ulirat. Hinaplos ni Yue ang pisngi ng binata habang patuloy sila sa pagyayakapan.
Isang halik pa ang iginawad niya sa mga labi nito at tuluyang dumilat ang mga mata ni Ryou. Nakita niya si Yue na nakangiti at maayos ang kalagayan. Agad niyang niyakap ang binata at dito ay pareho silang nagpaikot ikot sa tubig habang ang kanilang mga labi ay magkasugpong.
Noong mga sandaling iyon ay hindi makapaniwala si Ryou na buhay silang dalawa ni Yue. Tapos na ang kaguluhan at payapa ng na ang lahat. Naging matagumpay si Yue ipagtanggol ang kanyang sarili at gayon rin ang lahat ng kanyang mga mahal sa buhay. At pagkakataong ito ay batid niyang magiging mapayapa na ang buhay ng lahat. Ang bagong kasaysayan ay maiuukit sa bawat pagtaas at pagbaba ng alon sa karagatan.
“Tapos na ba?” tanong ni Ryou kay Yue habang nakaupo sila sa isang maliit na isla.
Ngumiti si Yue, “Tapos na, kailangan ko lang silang harapin. At sa pagkakataong ito ay hindi na ako tatakas pa,” ang sagot ng binata, tumayo ito at lumakad sa pampang ng karagatan kung saan naroon ang daan daang mga mermaid na kanilang kalahi.
Sa unang pagkakataon ay taas noong humarap si Yue sa kanyang mga kalahi. “Tapos na ang kaguluhang ito, nagbayad na ng kasalanan ang lahat ng mga taong nanakit sa atin. Nakamit na rin natin sa wakas ang hustisya. At kung nandito kayo ngayon para patayin ako o patayin ang mga mahal ko sa buhay ay ikinalulungkot kong sabihin na hindi ko kayo papayagang gawin ito,” ang wika ni Yue at dito ay nagliwanag ang kanyang katawan bilang pagpapakita na handa siyang lumaban ng paulit ulit para ipagtanggol sina Ryou, Seres at Marine, ang mga pinatawan nila ng kaparusahang kamatayan.
“Hindi namin gagawin iyon Yuelo, ipinapaabot ng mga matatandang gabay ang kanilang pasasalamat sa pagtatanggol mo sa ating lahi. Dahil sa iyong ipinakitang kabayanihan at pagsasakripisyo upang mabigyan kaming lahat ng kalayaan at pagkakataong mabuhay muli. Ikinagagalak kong sabihin na binabawi na ng mga elder mermaids ang inyong parusa. Maaari mo nang makasama si Ryou Guererro at walang sinuman ang mang gugulo sa inyong dalawa. Sina Seres at Marine ay maaari na ring bumalik sa Tsunaria bilang pasasalamat sa kanilang ginawang pagsalba sa mga bihag,” ang paliwanag ni Seito.
Sa pagkakataong ito lahat ng mga sirena ay yumuko at nagbigay galang kay Yue. “Ikaw ang pinaka makapangyarihang nilalang sa ilalim ng karagatan. Gabayan mo kami at huwag pababayaan,” ang dagdag nila na nagpapakita ng pagrespeto at pag galang sa binata.
Ngumiti si Yue at nagsalita ito, “Natutunan ko na ang buhay ay parang pagsabay sa pagtaas at pagbaba ng mga alon sa karagatan. Natutunan ko rin na ang buhay ay walang katapusang pagsubok at pakikipagsapalaran. Natutunan maging malakas at maging matatag sa mga oras na ang tanging makakapitan ko lamang ay ang aking sarili. Sana ay maging aral at halimbawa sa atin ang mga pangyayaring ito. At sana ay matutunan natin na tanggapin ang pagkakaiba ng bawat isa mula sa kulay ng ating mga buntot at sa kulay ng ating mga balat.
“Sa huli ay mapagtatanto natin tayo ay lumalangoy lamang at nabubuhay sa iisang karagatan kaya’t hindi tayo nagkalalayo sa isa’t isa. Natutunan ko rin na maraming uri ng tao sa high ground, ang iba sa kanilang ay talagang masasama ngunit marami rin namang mabuti at handang isakripisyo ang kanilang sarili para sa kanilang kapwa.
“Balang araw, lahat tayo ay mabubuhay ng payapa at masaya, lahat ay makakatagpo ng kaligayahan na nating pinapangarap. Sana ay huwag nating kalimutan ang ating mga mahal sa buhay na nagsakripisyo at nag alay ng buhay para sa ating lahat, mula sa ating mga ninuno, sa ating kaibigan at sa ating pamilya. Ito na ang simula ng ating mapayapang buhay at sana ay gawin itong mas makabuluhan sa pagkakataong ito,” ang nakangiting salita ni Yue habang nakatingin sa bawat isa.
Noong gabing iyon ay natapos na ang delubyo at sa kalangitan ay sumikat ang bagong buwan, mas maliwanag ito kaysa dati. Ang lahat ng mga sugat ay pinaghilom ni Yue kasama na ang sugat puso ng bawat isa.
Ang araw na ito ay napuno ng maraming balakid at pagsubok, gayon pa man ay sumikat ang pag asa sa mga dalisay na pusong nagpapahalaga sa kanilang kapwa. Dahil ang pag ibig at pagmamahal ang pinaka makapangyarihang bagay sa mundo. At kung minsan, ito rin ang nagdadala ng susi ng kaligayahan at tagumpay.
Part 76: To Be With Tomorrow (END)
Part 76: To Be With You Tomorrow
FINAL CHAPTER
Naging laman ng balita sa telebisyon at pahayagan ang pagkakaroon ng malakas na tsunami sa gitna ng karagatan at inilubog nito ang laboratoryo ng Singh Cosmetics. Kasama sa mga nasawi ay sina Fredrick Singh at ang anak nito na si Jihan Singh.
Ang kanilang kumpanya ay pinaghati hatian ng mga share holders at ang pinakamalaki parte ng Singh Cosmetics ay binili naman ni Ryou Guerrero dahil ito ang negosyong ala-ala ng kanyang mga yumaog magulang. Ibinalik niya ang pangalang “PEARL COSMETICS” bilang pag alala sa kanyang magulang at sa ama ni Yue na si Romualdo.
Samantalang hindi makapaniwala si Lexie sa sinapit ng kaibigang si Jihan. Naisip niyang ito ang karma ng kaibigan dahil likas na masama ang ugali nito. Gayon pa man ay naging masaya silang dalawa at patuloy na nakaukit sa kanyang puso at isipan ang kanilang mga pinagsamahan.
Ikinalungkot rin ni Gino ang pagkawala ni Jihan lalo’t may gusto pa naman siya sa binata. Maraming nanghinayang sa kagandahang lalaki nito ngunit ang kanyang kapalaran ay hindi na mababago pa. Ang mapait at malagim na katapusan ay nakaukit na sa kanyang mga palad. Siya mismo ang gumawa nito noong mga oras na labagin niya ang batas ng kalikasan.
Sa pagsapit naman ng bagong buwan ay muling bumalik si Yue sa Tsunaria at ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang pagtibayin ang harang sa kanilang tahanan. Mas itinago pa niya ito sa pinaka ilalim ng karagatan kung saan walang sinuman ang makakatagpo.
Nagkaroon din siya ng pagkatataong humarap sa mga natirang elder mermaids. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi siya wanted at hindi na siya itinuturing na malas o salot.
“Yue, nais naming ibigay ang trono ng pagiging pinuno at haligi sa iyo. Sa iyong lakas ay nararapat lamang na kami ay iyong pamunuan,” ang alok ng mga elder mermaids. Sa wakas ay kinilala na rin nila si Yue bilang natitirang descendant na kauna unang lahi ng mga mermaid. Ang mga silver tail na pinaka makapangyarihan sa lahat.
Ngumiti si Yue at sumagot, “sapat na sa akin na kinilala niyo ang aking mga ninuno. Sa tingin ko ay mapayapa na ang lahat at hindi na natin kailangan ng isang haligi na mamumuno sa ating lahat. Sa tingin ang gabay at payo ng mga elder mermaids ay sapat na upang tayo ay lumangoy patungo sa tamang landas. Umaasa ako na simula ngayon ay magiging payapa na ang lahat. Sana ito na simula ng paghihilom ng mga sugat sa ating mga puso,” ang tugon ni Yue, sa makatuwid ay tinanggihan niya ang pagiging haligi ng mga sirena dahil sa ngayon ay gusto niyang makasama si Ryou Guerrero.
“Ang buong Tsunaria ay nagagalak sa iyong ipinakita ng kabutihan sa aming lahat. Umasa ka na simula ngayon, ang iyong pilak na buntot ay titingnan bilang isang dakila at sagrado. Sana ay mapatawad mo ang ating lahi sa panghuhusga sa iyo,” ang salita ng mga elders.
“Huwag kayong mag alala dahil matagal ko na silang napatawad. Hindi ako marunong magtanim ng galit sa aking kapwa. Pinalaki ako nina inay na mapagpatawad at marunong lumimot sa mga pagkakasala ng iba. Sa palagay ko ay masaya na rin ang aking mga ninuno dahil nakamit nila ang pagkilala na para sa kanila,” ang sagot ni Yue habang nakangiti.
Pagkatapos niyang makipagpulong sa mga elder mermaids ay dumiretso naman siya sa Isla ng Karikit upang magbigay ng galang sa kanyang mga ninuno at para magdasal na rin sa buwan. Nagpasalamat si Yue sa mga biyaya at proteksyon na kanyang natanggap at tanggapin sa mga susunod pang panahon. Ang pagdarasal at pagsamba sa buwan ay ang tanging tradisyon na paulit ulit niyang gagawin at ituturo sa mga susunod sa salin lahi.
Nag alay rin siya ng mga bulaklak sa puntod ng kanyang ama na si Romualdo. Pagkatapos ng labanan sa karagatan ay hinanap niya ang lumang human capsule nito sa loob ng nawasak na laboratoryo ng Singh Cosmetics. Kinuha niya ang katawan ng ama at inilibing ito sa tabi ng puntod ng kanyang ina. Ngayon ay magkasama na rin sa wakas ang kanyang mga magulang sa paraiso ng walang hanggang kaligayahan. Balang araw ay magkakasama sama rin sila doon at hinding hindi na maghihiwalay pa.
“Inay, itay, maraming salamat sa biyayang buhay na inyong ipinagkaloob sa akin. Pangako na magiging makabuluhan ang pananatili ko sa mundong ito at pipilitin kong tuparin ang lahat ng inyong pinangarap para sa akin. Alam kong nandito lang kayo at ginagabayan ako sa bawat pagkakataon ng aking buhay. Balang araw ay magkakasama sama rin tayo at kapag dumating ang oras na iyon ay mayayakap ko na rin kayo ng mahigpit. Pero sa ngayon, magpahinga muna kayo ng mabuti at huwag niyo akong alalahanin,” ang bulong ni Yue habang nakatayo sa harapan ng puntod ng kanyang mga magulang.
Maya maya ipinikit niya ang kanyang mga mata at naramdaman niya na may mainit na yumakap sa kanyang katawan. Tumulo ang kanyang luha dahil noong mga sandaling iyon ay alam niyang niyakap siya ng kanyang mga magulang.
Hindi naging madali ang buhay para sa kanya. At hindi rin magiging madaling limutin ang mapait na karanasan niya sa kamay ng malulupit na tao.
Ngunit sa ngayon, kailangan ni Yue na ipagpatuloy ang buhay at piliting kalimutan ang bakas ng mapait na nakaraan. Ang kahapon ay tila isang bangungot na paulit ulit bumabalik ngunit ang mapagtagumpayan ang bawat pagsubok na dala nito ay ang patunay ng pagiging malakas!
“Time heals everything..”
“Life goes on..”
3 YEARS LATER
Sa paglipas ng mga panahon ay maraming nagbago. Una na rito ang tuloy tuloy na pag unlad ng business empire ni Ryou Guerrero. Ang Aquarius Maritime Tankers ang leading na supplier ng mga langis sa local at international market. Samantalang ang Pearl Cosmetics naman ay nagtagumpay sa paggawa ng quality products. Ngunit sa pagkakataong ito ay mga halamang dagat na lamang ang kanilang secret ingredients.
Sina Marine at Seres ang nag manage ng Pearl Cosmetics at ipinagpatuloy nila ang nasimulan nina Leo, Maricris at Romualdo. Paminsan minsan ay bumabalik sila sa karagatan ngunit mas pinili nila ang manirahan sa ibabaw ng lupa upang makasama sina Yue. Gayon pa man ay masaya sila sapagkat tinatamasa nila ang “best of both worlds.”
Tungkol naman sa ilang mahahalagang tao sa buhay nina Ryou at Yue, si Kurt Sebastian ay isa ng world class na fashion designer at siya rin ang pinaka high paid na make up stylist sa bansa. Nagmamay ari siya ng isang malaking building kung saan madalas dinidisplay ang kanyang collection. Siyempre pag pasok pa lang sa lobby ng kanyang company ay makikita na agad ang pinaka malaking larawan ni Yue na nakangiti at sa tabi ng larawan ay ang maraming tropeyo na kanilang napanalunan sa iba’t ibang contest na sinalihan noong mga nakakalipas na taon.
Si Gino naman ay patuloy pa rin sa pagiging business partner ni Ryou Guerrero. Sa ngayon ay engage na siya sa isang babaeng nakilala sa America at dalawang buwan mula ngayon ay nag pplano na rin siyang magpakasal at lumagay sa tahimik. Ang katapatan ni Gino bilang best friend ni Ryou ay hindi mapapantayan kaya naman ibinigay sa kanya ang pinakamalaking shares sa company bilang pagtanaw ng pasasalamat.
“Sir Ryou, naniniwala ka ba sa mga mermaid? Ano ang inspirasyon mo sa painting mo?” tanong ng isang reporter noong makapanayam ang negosyante.
Ngayon araw ay idinisplay ni Ryou sa publiko ang kanyang painting, ito ay ang kanyang imahe na nalubog sa karagatan at nakayakap sa kanya ang isang merman na may silver na buntot. Matatandaan na pininta ito ni Ryou noong iligtas siya ni Yue mula sa pagkakahulog sa yate. Ang kanyang karanasan ang naging inspirasyon sa pagbuo ng kakaibang master piece.
“Syempre naman, naniniwala ako sa mga mermaid, dahil kung pagmamasdan mo ang karagatan, masyado itong malawak at hindi natin alam kung ano ba ang nakahimlay sa dako pa roon. Lagi nating tatandaan na mahiwaga ang mundo at gayon rin ang ating buhay,” ang sagot ni Ryou habang nakangiti.
“Naniniwala po ba kayo na ang isang sirena at isang tao ay maaaring magsama at mag ibigan?” tanong ulit ng reporter.
Ngumiti si Ryou, “Oo naman, naniniwala ako doon. Naniniwala ako na ang dalawang nilalang na nagtataglay ng pusong nagmamahal ay maaaring magsama ng maligaya. Hindi mahalaga ang pagkakaiba, dahil ang mahalaga sa lahat ay yung pareho kayo ng tinitibok ng puso,” ang sagot ni Ryou.
Maya maya dumating naman si Yue dala ang isang box ng cookies at mainit na tsaa. “Mukhang seryoso ang interview session niyo. Kumain muna kayo habang mainit pa itong mga cookies,” ang nakangiting wika nito.
Tumingin sa kanya ang reporter at ngumiti, “Ikaw Sir Yue, bilang isang world class na modelo, naniniwala ka ba sa mermaid?” tanong nito.
Ngumiti si Yue at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Ryou. Kuminang ang kanilang mga singsing sa daliri. “Oo naman, naniniwala ako sa mga sirena, sila ang pinakamagandang nilalang na nabubuhay sa ilalim ng karagatan.”
Halos dalawang taon ng kasal sina Yue at Ryou. Ngayon ay tahimik silang namumuhay sa isang maliit na isla. Dito na rin sila nagtayo ng bahay at nagdesisyon na magsimula ng bagong buhay kasama ang kanilang magiging pamilya. Pinili nila na manirahan malapit sa karagatan dahil ito ang kanilang pangalawang tahanan. At dito sila nakatagpo ng kapayapaan.
Noong hapon din iyon ay magkatabi sina Yue at Ryou na nakaupo sa dalampasigan habang pinagmamasdan ang magandang paglubog ng araw sa kalangitan. Kapwa sila nakangiti habang binabalikan ang masasayang araw na nagdaan sa kanilang mga buhay. Mula sa unang araw na nagkakilala sila sa loob ng exhibit hanggang sa araw na sila ay lumakad sa altar at nagpalitan ng pangakong pagmamahalan habang buhay.
Ang kanilang pagmamahalan ay maihahalintulad sa pagtaas at pagbaba ng alon sa karagatan. Maraming mga pagsubok ang kanilang pinagdaanan gayon pa man ay nanatili silang matatag at hindi bumitiw sa kamay ng isa’t isa.
Alam nilang dalawa na marami pang mga balakid ang darating sa kanilang relasyon. Hindi smooth sailing ang kanilang paglalayag sa agos ng buhay ngunit gayon pa man ay nangako sila sa isa’t isa na magkasamang haharapin ang anumang hamon nito.
Dahil naniniwala sila na walang malalim na karagatan sa dalawang pusong nagmamahalan..
Ikaw, naniniwala ka ba sa mga sirena?
THE END
AVAILABLE PDF PREMIUM
THE ONLY MAN 2: VENOMOUS LUST SEASON 1 2 and 3
MR. GENIUS X MR BLOOD SUCKER: ROUEN GAIDEN 1 AND 2
THE UNIVERSE OF TIME (FUSHIGI YUUGI BXB)
ANG TADHANA NI NARDING: JOURNEY TO AGARTHA
THE VAMPIRE’S FAMILIAR CHAPTER 1
THE VAMPIRE’S FAMILIAR CHAPTER 2: FORBIDDEN BLOOD
THE VAMPIRE’S FAMILIAR CHAPTER 3: THE RISE OF THE FALLEN
THE VAMPIRE’S FAMILIAR CHAPTER 4: BLOOD WAR (SEPT 2023)

