The Pain You Never Knew
SimoyX · 4 chapters · 4,056 words
Cast
Acharanat as Rhys
Ian Nelson as Kenshi
Ian Nelson as Kennard
Hindi ko po pagmamay-ari ang alin mang larawan na naka lagay dito at sa mga sumusunod na kabanata. Ang paggamit ko ng larawan ay para lamang sa ikagaganda ng istorya at maipakilala ng mabuti ang pagkakakilanlan ng mga tauhan. Ang anumang mabasa ay Hindi sumasalamin sa totoong buhay ng nagmamay-ari ng larawang ito.
TPYNN1:Simula
Author’s Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humihingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
Chapter 1
Rhys POV
“Krrrringggggggg” tunog ng alarm clock na nagpagising sa akin. Pinatay ko ito saka bumalikwas sa pagtulog. Isa na namang araw na wala siya, isa na namang araw na maghihintay ako na babalik siya. Halos tatlong taon na akong naghihintay sa kanya, ni hindi ko alam kung babalik pa ba siya. Habang nagmumuni muni biglang may kumatok sa pinto.
“Anak gising na!! May klase ka pa!!!” Sigaw ni mama
“Maa!!!! Sabado ngayon!!!” Sigaw mo rito
“Huh??? Ano bang petsa ngayon?” Tanong nito
“13 po” tugon ko
“Ahh sabado nga. Halika na kakain na tayo” pag-anyaya nito
“Opo” simpleng tugon ko at agad na pumunta sa banyo para maghilamos. Pagbaba ko ay kumakain na si mama at papa. Isang enhenyero si papa at si mama naman ay housewife lang dahil ayaw ni papa na pagtrabahuin ito. May business sila mama at papa at yun ang nagbibigay karangyaan sa amin. Pabrika ng Tela ang pangunahing produkto doon pero may iba pa kaming ginagawa Kagaya ng curtains and bedsheets. Nag-iisa akong anak kaya halos lahat ng atensyon nila ay nasa akin. Pero dahil nga minsan busy sila at wala akong makausap sa bahay naghahanap ako ng malilibangan. Kaya noong dumating si kenshi sa buhay ko ay nabuo ang pagkatao ko. Akala ko nung una ay pangungulila lang sa kapatid ang nararamdaman ko ngunit nung nagtagal doon ko nasabi na umiibig ako.
Pinigilan ko nung una dahil ayokong masabihan ng bakla at higit sa lahat ay ayokong Lumayo ang loob niya sa akin. Habang tumatagal ay mas lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya kaya noong gabing lasing kami pareho dahil birthday ko ay di ko naiwasang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Nasa kwarto kami noon akala ko nandiri siya sa akin noon dahil hindi siya umimik kaya nagpasya akong Lumayo pero hinila niya ako at hinalikan. Yun ang pinakamasayang sandali na naramdaman ko sa tanang buhay ko. Ilang minuto din kaming naghalikan pagkatapos ay sinabi din niya na may nararamdaman din siya sa akin.
Umabot ng limang buwan ang relasyon namin bago siya magpasyang ipakilala ako sa kanyang magulang. Sobrang saya ko nun na may halong kaba dahil makikilala ko na rin ang magulang nito. Pagkarating namin sa bahay nila ay bumati kaagad ako. Nung pinakilala na ako ni kenshi ay biglang nagalit ang ama nito. Diko alam noon na ikakasal na pala si kenshi sa iba at arranged marriage ito. Ayaw ni kenshi na magpakasal kaya lumayas ito at doon sa bahay tumira.
Ilang araw ang lumipas ay nagkasundo ulit sila ng kanyang pamilya at pinabalik siya doon. Lumipas ang buwan ay masaya kaming nagkikita ni ken sa paaralan hanggang sa uwian. Ngunit isang araw sinadya akong puntahan ng kanyang magulang sa paaralan.
Flashback
Habang papalabas ako sa paaralan ay biglang humarang sa harapan ko si Mr. Kennedy(ama ni kenshi)
“Pwede ba kitang makausap?” Matigas na tugon nito
“Bakit ano pong problema?“tanong ko
“Gusto ko Lang sanang humingi ng pabor sayo” tugon nito
“Ano po yun?” Sagot ko
“Hiwalayan mo si kenshi please” pagmamakaawa nito. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil buhay ko na si ken at di ko kakayaning mawala siya
“P-pero—”
“May bone cancer si kenshi at ikaw Lang ang tanging dahilan kung bakit ayaw niyang pumunta sa America para magpagamot. Ayaw ka niyang iwan dahil mahal na mahal ka niya” tugon nito at tumulo ang luha ko dahil sa aking narinig. Totoo ba ito???
“Alam kong mahal niyo ang isat-isa pero sana Rhys maisip mo na importante sa amin ang anak namin at ayaw namin siya mawala” dagdag nito at umiiyak na din
“Pangako pagbalik na pagbalik niya dito ay hinding hindi ko na kayo pakikialaman” tugon nito ngunit imbes na sumagot ay tumakbo ako at agad na sumakay sa taxi.
Pagdating ko sa bahay ay agad kong nakita si kenshi sa gate at abot tenga ang ngiti.
“Oh mahal bakit ngayon ka Lang kanina pa kita hinihintay.” Tanong nito pero tiningnan ko siya ng sobrang lalim
“Totoo ba?” Mahinahon kong tanong
“Ang ano?” Taka niyang tanong
“Totoo bang may bone cancer?” Sigaw kong tugon
“Huh? Anong pinagsa—”
“Totoo ba????” Sigaw ko
“Rhys please wag dito” tugon niya habang Hawak ang kamay ko
“Yung tanong ko ang sagutin mo!!” Tugon ko
“Oo totoo yun. Pero–” di ko siya pinatapos at sinapal ko siya ng ubod ng lakas
“Akala ko ba mahal mo ako?”
“Oo mahal kita mahal na mahal” sigaw nito
“Eh bakit ka naglihim bakit di mo sinabi na may sakit ka. Bakit di mo sinabi na nahihirapan kana” tugon ko habang umiiyak
“Kasi mahal Kita at ayaw kitang iwan” tugon nito
“Sa tingin mo pagnamatay ka di ako masasaktan sa tingin mo ba pagnamatay ka mawawala yung sakit na iiwan mo? Hindi. Ken ikaw ang buhay ko. Paano na pagnawala ka? Mastitiisin ko pang maghintay ng ilang taon kesa mawala at ka ng tuluyan sa akin atleast alam kong may babalikan ako” tugon ko
“Yun ba talaga ang gusto mo?” Tugon nito
“Wag mong gawin to para sa akin gawin mo to para sa yung sarili” tugon ko
Agad akong hinalikan ni ken. Kahit nasa bakuran kami ay di kami nagpaawat sa maalab na balikan. Pumunta kami sa kwarto at nangyari ang bagay na pawang ang mag-asawa Lang ang gumagawa.
Lumipas ang ilang linggo at ngayong araw na ang lipad ni ken papuntang America. Gusto ko mang sumama sa paghatid ay di magawa ng mga paa kong lumakad dahil sa sobrang pagod kakaiyak buong magdamag. Alas nwebe ng umaga noong maykumatok sa pinto ng kwarto.
“Mahal andyan ka ba? Kausapin mo naman ni papa bear oh” tugon ng isang pamilyar na boses. Gusto ko mang lumabas ay di ko magawa
“Ngayong araw na ako lilipad papuntang America hindi ka man Lang ba yayakap Kay papa bear mo?” Tugon nito at halatang nagpipigil ng iyak
“Ken malelate na tayo!!” Boses ng lalaki
“Opo sandali lang!” Sagot nito
“Mahal aalis na kami. Magpakabait ka dito ha at wag na wag kang maghahanap ng iba kundi papatayin ko siya. Oh siya ingatan mo ang sarili mo at palagi mong tandaan mahal na mahal na mahal na mahal na mahal Kita.” Tugon nito at napabunghalit ako ng iyak. Ilang minuto at bigla ako tumayo at agad na lumabas hinabol ko siya pero sobrang layo na ng kanilang sasakyan.
“Hihintayin kita Kenshi kennedy at mahal na mahal Kita” tugon ko
End of flashback
“ Oh anak bat ka umiiyak?“ Tanong ni papa. Kaya agad kong pinahiran ang aking mukha
“Di naman ako umiiyak eh nagpepray Lang ako” tugon ko
“Sos naalala mo na naman si ken no?“pangangantsaw sa akin ni mama
“Di ahh” depensa ko at nagpatuloy sa pagkain
Itutuloy……….
TPYNN2:Rise up
Author’s Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humihingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
“Ouy Rhys!!! We miss you!!!!” Sigaw ng babaeng halos magkandarapa sa pagtakbo patungo sa akin kasama ang dalawa ko pang bestfriend na lalaki.
“Miles naman eh wag mo nga akong halikan sa pisngi para tayong mag-ina eh” tugon ko
“Buti naman inayos mo na ang sarili mo!?” Pabalang na tanong ni Ezra
“Sos hanggang ngayon ba nagtatampo ka pa rin sakin?” Nakangiti kong tanong
“Hindi ahhh Hindi naman ako yung nasaktan at lalong lalo na hindi ako yung nagpariwara dahil Lang sa isang tao.” Tugon nito
“Hayst! Nagtatampo ka nga!” Tugon ko sabay lapit dito at niyakap.
“Eh ako ba walang hug???” Biglang singit naman ni Jonas.
“Hoy hoy hoy Tama na nga yang emote niyo malelate na tayo oh” sambit naman ni miles.
“Opo nay!!” Tugon ko sabay tawa.
“Ouy first time niyang tumawa. Sana ganun ka nalang palagi kasi ang cute mong tignan. Nakakabighani” tugon naman ni Jonas.
“Hoy Jonas pinagnanasaan mo na naman tong si Rhys” sumbat ni Miles.
“Eh ano naman sayo. Palibhasa walang nagtangkang pagnasaan ka kaya ka ganyan.” Pang-aasar ni Jonas
“Anong sabi mo tsonggo!!!?” Sigaw ni Miles sabay habol Kay jonas.
“Tsk mga immature. Halika na nga iwan na natin yang mga asal bata na yan” sabi ni Ezra sabay hila sa akin. Sungit naman neto parang may regla.
Pagpasok namin sa room ay sinalubong kaagad ako ng mga kaklase ko. Yung iba bumati yung iba naman ay niyakap ako. Meron pang nagbigay ng pagkain kaya kahit papaano ay na waglit sa aking isipan ang mga bagay na tungkol Kay Kenshi. Pagkarating na pagkarating nila Miles at Jonas na ganun pa rin nagpipikunan ay pumasok din ang prof namin. As usual binati ako at nagtanong kung ok na ba ako. Hayst! Ewan ko ba sa mga taong ito isang taon Lang naman ako nawala.
Pagkatapos ng dalawang assignatura ay sa wakas break time na kaya agad kaming pumunta sa cafeteria para mag meryenda. At dahil mainit ang panahon kaya halos lahat ng mga estudyante ay halo halo ang binibili kaya hindi na rin kami nagpahuli.
Pagkatapos magmeryenda ay bumalik ulit kami sa classroom at nagpatuloy sa pakikinig nang mga aralin.
Natapos ang buong araw na hindi ko iniisip ang sakit na nararamdaman ko kaya medyo masaya ako sa nangyayari. Pagka-uwi na pagkauwi ay sinalubong kaagad ako ni vishnu.
“Kuyaaaa!!” Sigaw nito sa akin sabay takbo at yakapin ako.
“Oh baby vishnu. I miss you” tugon ko sabay halik sa pisngi nito.
“So am I!” Tugon naman nito at hinalikan din ako nito sa pisngi.
“Nasan yung mama mo?” Tanong ko
“Nasa loob po!” Agad akong tumayo at pumasok sa loob. Si vishnu ay cousin ko dahil anak siya ng nakakabatang kapatid ng nanay ko. Well, bata pa kasi si ate Anne kaya parang magkapatid na kami. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko kaagad si mama at ate anne kasama ang asawa nito si kuya rammel at yung isang binata na hindi ko kilala kasi nakatalikod ito.
“Afternoon ma!” Tugon ko Kay mama
“Oh buti nandito kana. Siya nga pala magbihis ka muna at may pag-uusapan tayo” tugon nito at hinalikan ako sa pisngi. Agad akong umakyat para magbihis saka bumalik sa sala.
“Hi ate anne buti napadalaw kayo” sabi Kong nakangiti.
“Che! Linggo linggo kaya ako dumadalaw dito. Ikaw Lang yung hindi Lumalabas ng kwarto” nagtatampo niyang tugon.
“Sos ang pangit mo magtampo ate” natatawa Kong tugon.
“Kahit kailan talaga hindi ka pumapalya sa pang-aasar sa akin. Pero I’m happy seeing you smiling hindi yung nagpapariwara ka” tugon nito
“Siya nga pala ma ano po yung pag-uusapan natin?” Tanong ko
“Ahh oo nga pala. Rum halika rito!” Sigaw nito sa lalaking panay tsismisan sa papa ko at Kay kuya rammel. Pagkarinig nito ay agad na humarap ito sa amin at doon boom napako ang tingin ko sa kanya. Pangmodel yung pormahan. Actually gwapo talaga siya pero hindi ako na love at first sight no sadyang humanga Lang ako sa kagwapohan niya at hinding hindi ako hahanap ng iba no si kenshi Lang ang laman nitong puso ko wala ng iba.
“Anak siya si Rum nakababatang kapatid ni kuya rammel mo” tugon nito
“Nice to meet you Rum” tugon ko ngunit tila bingi ito at nakatulala
“Uhm nice to meet you!” Pag-uulit ko
“Ayy sorry nice to meet you din Rhys” nakangiting tugon nito
“So anak samahan mo si Rum bukas sa school mo dahil magtatransfer siya doon at pansamantala muna siyang titira dito kasama sila anne” paliwanag ni mama.
“Huh? Bakit dito Titira sa bahay sila ate Anne eh may bahay naman sila?” Tanong ko
“Yun na nga na scam sila. Bumili sila ng bahay tapos akala nila makakatira na sila doon kaya pinasira nila yung bahay nila sa makati at yun na nga hindi pala totoo yun” tugon ko
“Ahh ganun ba”
“At tsaka anak sa kwarto mo matutulog si Rum dahil gagamitin nila Anne yung guest room.” Sabi nito. Whattttttt!
“At pinaayos ko na rin yung gamit niya sa kwarto” dagdag nito
“Pero ma—”
“May angal anak?” Nakangiting tanong nito. Alam na alam ko ang ngiting iyon kaya no choice ako.
Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko si manang Rosing na nagluluto kaya agad akong lumapit dito.
“Ano po yung niluluto niyo manang?” Tanong ko
“Jusko naman bat bigla bigla Lang sumusulpot bata ka!” Nerbyosong tugon nito.
“Hehe sorry po. Mukhang masarap po yang niluluto niyo ahh” tugon ko
“Ahh adobo Lang naman ito. May apat na putahe pa akong lulutuin kaya doon ka muna sa sala para makapagrelax ka.” Mahabang tugon nito
“Eh dapat ikaw ang magrelax manang dahil ang dami mong ginagawa. Gusto mo tulungan nalang kita?” Alok ko
“Wag na parating na din naman si Maria kaya may katulong na ako” tugon nito kaya wala na akong nagawa kundi ang pumunta sa sala. Nakita ko si Rum doon na seryosong nakatingin si TV.
“Buti naman at naenjoy mo ang palabas?” Tanong ko rito at agad na bumaling ang tingin nito sa akin. Tulad ng kanina ay nakatulala na naman siya kaya nakaramdam ako ng pagkailang sa kanya.
“Mm okay ka Lang?” Tanong ko
“Huh ahh oo o-okay Lang ako” tugon nito
“Mmmm buti naman” tugon ko naman
RUM POV
Kanina pagdating namin dito sa bahay nila tita rumina (nanay ni Rhys) ay namangha ako sa laki nito although tatlo Lang ang kwarto nito pero ang loob nito ay katumbas na ng isang buong bahay. Katulad nalang sa kwarto ni Rhys na may couch at may dressing room pa meron ding comfort room dito at sa loob ng cr ay may bathroom. Pagkatapos Kong libutin ang buong bahay ay tinawag ako ni ate Anne para mag meryenda kaya agad akong bumaba.
“Buti naman at agad kayong pumunta dito o kung gusto niyo naman ibili nalang namin kayo ng bahay?” Alok ni tita rumina.
“Wag na ate. Tong pagpapatira mo dito sa akin ay sapat na” tugon naman ni ate Anne
“Ayy balita ko rum dito ka raw mag-aaral?” Tanong ni tita sa akin
“Opo tita pupunta nga ako Bukas doon eh” tugon ko
“Buti naman. Pasasamahan nalang kita Kay rhys” tugon nito
“O sige po tita” tugon ko. Pagkatapos kumain ay agad akong pumunta sa mini garden nila. Habang masarap akong nagkukwentuhan kina kuya rammel at Kay tito manuel ay bigla akong tinawag ni tita.
“Rum halika rito!” Sigaw ni tita kaya agad akong pumunta dito at nakita ko ang lalaking mukhang babae na mukhang bata na cute pero gwapo. Shet bat ganito ang tibok ng puso ko parang naging doble ang tibok nito.
“Anak siya si Rum nakakabatang kapatid ni kuya rammel mo” rinig Kong tugon ni tita
“Nice to meet you Rum” pagbati ni rhys sa akin pero mistulang Bato ako na nakatulala sa kanya kaya hindi ko kaagad na bati ito.
“Uhm nice to meet you!” Pag-uulit nito kaya natauhan ako
“Ayy sorry nice to meet you din Rhys” nakangiting kong tugon
“So anak samahan mo si Rum bukas sa school mo dahil magtatransfer siya doon at pansamantala muna siyang titira dito kasama sila anne” paliwanag ni tita
“Huh? Bakit dito Titira sa bahay sila ate Anne eh may bahay naman sila?” Tanong ni rhys
“Yun na nga na scam sila. Bumili sila ng bahay tapos akala nila makakatira na sila doon kaya pinasira nila yung bahay nila sa makati at yun na nga hindi pala totoo yun” tugon ni tita
“Ahh ganun ba”
“At tsaka anak sa kwarto mo matutulog si Rum dahil gagamitin nila Anne yung guest room.” Sabi nito.
“At pinaayos ko na rin yung gamit niya sa kwarto” dagdag pa nito
“Pero ma—”
“May angal anak?” Nakakangiting tugon ni tita.
Agad na umalis si rhys kaya bumalik na rin ako doon sa mini garden. Shet bakit ganito ang nararamdaman ko. God Rum he’s a guy kaya ayusin mo ang sarili mo.
Itutuloy………..
Please vote or just leave a comment
TPYNN3: Guilty
Author’s Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humihingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
RHYS POV
“Oh Rum tapos kana?” Tanong ko rito at tumango naman ito
“So saan ang section mo?” Tanong ko ulit
“BA107 eh” tugon nito
“Ahhh ganun ba feeling ko nasa thirdfloor yan.” Tugon ko. Doon ko kasi palaging nakikita yung mga business ad students kaya feeling ko doon yun.
“Hehehe salamat ha. Buti nalang yung tatlong subject ko doon na room pa rin at yung isa naman ay sa science lab na.” Tugon nito
“Well kung gusto mong samahan kita ok Lang naman at mamayang lunch pupuntahan Kita at sabay tayong kakain. Sige bye na malelate na kasi ako eh. Kitakits nalang mamaya” tugon ko sabay kaway sa kanya.
“Ok salamat ulit. Bye!” Sigaw din nito.
Agad akong nagtungo sa room ng makita ko si Ezra na nakatayo habang salubong ang kilay.
“Oh bakit ganyan ka makatingin?” Tanong ko dito
“Wala!” Pabalang na tugon nito. Abay suplado talaga neto.
“Tsk. May regla ka na naman.” Pabulong kong sabi pero sadyang matalas ang pandinig nito kaya tiningnan ako ng masama kaya nag peace sign ako.
“Hehehe joke lang. ito talagang si kuya Ezra di na mabiro pa kiss nga” tugon ko sabay nguso nang bigla akong halikan nito at tumakbo. Abay langhiya tinotoo talaga.
“Impakto ka Ezra bat mo tinotoo!” Sigaw ko at narinig ko pa itong tumatawa. Langhiya talaga yung lalaking yun matapos magsungit ay pipikunin naman ako.
Agad akong nakarating sa classroom at usual maraming bumati kaya todo ngiti Lang ako.
“Oh baby rhys ang aga mo yata para sa second period?” Taming ni Jonas
“Hoy wag mo akong ma baby baby jan kasi sa pagkakaalam ko tatlong araw Lang ang Tanda mo sa akin.” Tugon ko
“Sos ganun pa rin yun mas matanda pa rin ako” tugon naman nito.
“Hoy rhys nakita Kita kanina may kasama kang hottie! Sino yun?” Tanong ni Miles na parang kinikilig.
“Ahmm si Rum yun kapatid ng asawa ng kapatid ni mama” tugon ko
“Ahh ok. Sobrang gwapo niya!!” Kinikilig na tugon nito. Hindi ko naman siya masisisi kasi mismo ako ay humanga sa kagwapohan niya.
“Tsk ang landi mo!” Singit naman ni Jonas.
“Bleh! Inggit ka Lang kasi walang nagkakagusto sayo.” Pang-aasar nito. Hayst ito na naman sila bumabalik sa pagkaabnormal.
“Pangit!”
“Tsonggo”
“Hipon!”
“Aba ikaw din kaya”
“Tumigil na nga kayo para kayong ano jan eh” tugon ko at agad na ding tumigil ang dalawa.
Nagsimula na ang klase at heto ako panay ang pakikinig at pagtetake note dahil kailangan kong maibalik ang pangalan ko sa dean’s list. Pagkatapos nang lahat ng klase eh Agad kaming pumunta sa food court para kumain pero bago yun ay pinuntahan ko muna si Rum sa room nila.
“Ouy Rum halika na!” Tugon ko rito ng makita ko itong nagkukwentuhan kasama ng ibang estudyante.
“Ahhh Oo wait” tugon nito at kinuha ang bag saka pumunta sa akin.
“Buti naman at may kaibigan kana” tugon ko naman
“Oo nga eh di ko akalain na friendly pala ang mga studyante dito” tugon nito
Agad kaming pumunta sa food court kung saan naghihintay sina Ezra. Pagkarating na pagkarating namin ay agad na sinalubong kami ni miles na todo ngiti.
“You must be Rum Right?” Tanong ni Miles
“Mmm oo ako nga” sagot naman nito at agad na bumili ng makakain
“Bes mas gwapo siya sa malapitan. Hindi katulad ng iba jan na malayo o malapitan Wala pa rin nagbago sa mukha” tugon nito at agad na bumaling ang tingin Kay Jonas
“Aba! Nangiinsulto kaba? Pwes Hindi ako nainsulto kasi hindi naman maganda yung nagsabi pwera nalang kung sexy pero hindi rin naman” tugon ni jonas kaya ayon nag-away na naman.
“Ang saya niyo tingnan” bulong ni Rum
“Ganun Lang talaga yang mga yan” tugon ko at agad na din kaming kumain.
“Mmm rhys tikman mo tong barbecue sobrang sarap” alok ni Rum
“Ahh ok” tugon ko ngunit bigla niya itong nilapit sa bibig ko na wariy gusto niyang siya ang susubo sa akin.
“A-ako na Rum kaya ko naman eh” tugon ko at tumingin ako sa ibang kasama namin ay nakangiti Lang si miles at jonas na parang kinikilig ngunit si Ezra ewan salubong ang kilay.
“Rhys!” Tawag ni Ezra
“Mmm?”
“Itong chicken fillet Tikman mo” tugon naman nito at agad na inilagay ang slice ng chicken fillet sa pinggan ko.
“Salamat” sagot ko
“Haba ng hair ahh” tugon naman ni Miles
“Gusto mo patayin Kita gamit ang chopstick” bulyaw ko dito
“Chilax ang init naman ng ulo mo!” Tugon nito
Agad kong kinain ang pagkain ko para matapos ako kaagad. Ilang sandali lang ay natapos na din ang apat sa pagkain nila kaya agad kaming bumalik sa room ganun din si Rum. Bago makaalis ay simigaw pa ito na susunduin niya ako sa room para sabay kaming umuwi at tumango Lang ako. Pagtingin ko Kay ezra nakasalukuyang nakatingin Kay Rum na parang kinakatay nito at tao gamit Lang ang kanyang titig. Ewan ko nga rin ba Kay Rum kung bakit ganun yun umasta pero ang alam ko ay he’s just trying to be nice. Pagpasok sa room ay dumating nadin yung prof nAmin. Magkaklase kami ni ezra ngunit si jonas at miles ay iba na ang room kaya magkatabi kami ngayon ni ezra. Pagkatapos ng klase ay agad akong hinila ni ezra papunta sa parking lot at pinapasok ako sa kotse niya.
“Hoy saan mo ko dadalhin?” Tanong ko rito ngunit isang malaking ngiti Lang ang sinagot niya sa tanong ko kaya nanahimik nalang ako. Ilang sandali Lang ay nakarating kami sa mall.
“Tsk kala mo naman kung saan ako dadalhin sa mall Lang pala.” Tugon ko
“Anong mall?? Doon tayo sa Kabila!” Tugon nito at agad akong tumingin sa kaliwa. Gosh kaylan pa nag ka carnival dito? Last last year pa kasi ako gumala dito kaya siguro hindi ako updated.
“Ano halika na?” Alok niya
“Surrreee!!!” Sigaw ko at napangiti naman siya
Unang sinakyan namin ang ferries wheel tapos ay yung viking. Pumasok din kami sa haunted house at yung octopos. Sobrang saya ko ngayon kaya napayakap ako Kay ezra pagkatapos.
“Salamat!” Bulong ko dito
“Walang ano man po. Masaya ako na makita kang masaya” tugon nito
“Drama nito. Pero salamat talaga. Halikana uwi na tayo” tugon ko sabay talikod.
“Hep hep. May bayad kaya ito” tugon niya kaya napaharap ako ulit.
“Ehhh wala akong dalang pera. Credit card tumatanggap ka?” Tanong ko
“Hindi yan ang gusto ko. Halik mo Lang orayt na ako!” Sabi nito sabay bitaw ng nakakalokong ngiti.
“Hoy babayaran nalang Kita. Ikaw Lang ang taong naniningil ng halik” tugon ko
“Dami mo pang sinasabi” tugon nito sabay hila ng kamay ko at hinalikan ako. Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Nung maramdaman kong gumagalaw na yung labi niya ay doon na ako natauhan at tinulak siya.
“Nakakadalawa kana ha!” Sigaw ko sabay talikod.
“Wait Eto naman pikunin” sigaw din nito at hinabol ako. Hinatid ako ni ezra sabahay at kahit medyo galit ako sa kanya ay nagpasalamat pa rin ako sa masayang araw na binigay niya. Pagpasok sa gate ay bumungad kaagad sa akin si Rum.
“Bakit ngayon ka Lang?” Tanong nito
“Huh? Ahmm magkasama kasi kami ni ezra gumala Lang. Bakit?” Tugon ko na may pagtataka. Bat ganito umasta to parang tatay.
“Ahmm ok. Kararating ko nga Lang e hinanap pa kasi Kita at dalawang oras akong naghintay sa classroom niyo” malungkot na tugon nito. Ahh Oo nga pala sinabi niya na sabay kaming umuwi.
“Ahhh s—” di ko natuloy ng biglang tumalikod ito at umalis. Ayyy walk out talaga? Pero naguilty ako sa ginawa ko sana pala sinabihan ko muna siya.
Itutuloy…..

