loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)

kaizerKKYOS · 30 chapters · 81,807 words

Prologue

“With you, all my playtime is over.”

The Playboy’s Toy: Dangerous Man Series

Prologue:

Papungas-pungas akong nagmulat ng aking mga munting mata nang marinig kong may kausap si mama. Napansin ko na ding maliwanag na pala sa labas na nagsasabing umaga na. Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga at napahikab pa dahil sa nararamdaman kong antok. Napansin ko ang pagbaba ni mama ng telepono kung saan doon siya may kausap. Nginitian niya ako nang mapansin na gising na ako. Pansamantala akong napapikit nang marahan niya akong hinalikan sa noo na labis na nagbigay sa akin ng mumunting kasiyahan. Sobra ko talagang nagugustuhan sa tuwing ginagawa ito sa akin ni mama. Sadyang nakakagaan sa pakiramdam.

Napakunot ako ng aking noo nang mapansin kong bihis na bihis siya nang tumayo ito at lumapit sa harap ng salamin upang maglagay ng pulang lipstick sa kanyang labi. Umalis ako sa pagkakaupo sa kama at hinila ang laylayan ng kanyang damit.

“Mama, saan po kayo pupunta?” walang ideya kong tanong dito. Tumigil ito sa kanyang ginagawa at pinantayan ako at marahang hinaplos ang aking maliit na pisgi.

“May aayusin lang kaming importante ng papa mo. Tulad ng dati,” sagot nito sa akin bago guluhin ang dati ko nang magulong buhok para mapasimangot ako. Mas lalo akong nalungkot nang pagak pa itong tumawa at pinaglaruan ang pareho kong pisngi.

“Gusto ko po sumama,” pagpupumilit ko sa kanya.

“No baby. You know you still can’t. Bawal ang mga batang tulad mo doon.” Kahit sobra akong nalulungkot sa hindi na naman nila pagsama sa akin ay napilitan na lamang ako sumang-ayon. Palagi na lang ganyan ang dinadahilan nila sa tuwing umaalis sila ni papa sa bahay. Palagi na lang nila ako iniiwan kay yaya Ester.

“Ayoko na po kay yaya Ester. Nakakatakot po siya.” Maluha-luha na akong nagmamakaawa muli kay mama at patuloy siyang pinipilit na isama na ako ngunit bigo pa din ako tulad ng dati. Naiintindihan ko kung bakit ayaw ako isama nina mama dahil sa masyado pa akong bata pero ang iniisip ko lang naman ay makasama lang sila at maging masaya.

Nagsimula na siyang tumayo nang makarinig ng isang busina mula sa labas kung hindi ako nagkakamali ay si papa yun. Nang makalabas kami ay doon lamang namin nalaman na malakas pala ang buhos ng ulan. Kumaway pa si mama sa amin bago umalis kasama si papa lulan ng kotse. Hindi ko na napigilan na hindi mapaiyak nang mawala na sila sa aking paningin. Wala ako sa sariling nagpadala sa paghila sa akin ni yaya Ester papasok ng bahay.

Buong araw akong nagkulong sa aking kwarto. Hindi ko din pinansin ang ilang ulit na pagkatok ni yaya Ester sa kwarto namin ni mama. Nakahiga lamang ako at hindi iniinda ang walang tigil na pagtunog ng aking tiyan dahil sa gutom. Madilim sa buong paligid nang magising ako. Hindi ko man lang alam na nakatulog na pala ako sa kaiiyak at kahihintay sa pagbalik nina mama at papa. Kahit hirap dahil sa madilim ang paligid ay sinikap kong lumabas ng aking kwarto at hanapin si yaya Ester upang tanungin ito kung nakabalik na ba sila.

“Yaya Ester!” malakas kong tawag sa pangalan niya. Nang wala akong narinig na tugon niya ay muli kong tinawag ang kanyang pangalan. Malakas na kulog at kidlat ang naging sagot sa aking pagtawag na ikinalundag ko dahil sa gulat. Dahil sa mura kong edad ay mabilis akong tumakbo papabalik sa aking kwarto ngunit nabigo ako nang malakas akong nabangga sa isang malaking bagay dahilan para pabalang akong napaupo sa sahig ng aming sala. Nilukob ako ng matinding kaba at takot nang mapagmasdan ko ang bagay na aking nabangga. Pinasadahan ko ang paa nito paakyat sa kanyang mukha. Hindi ko masyado maaninag ang kanyang mukha dahil sa madilim ang paligid.

“Sino po kayo?” Hindi ito sumagot at dahan-dahang pumantay sa akin papaupo. Nasilayan ko ang makakapal nitong kilay at ang umaalab nitong mga matang nakamasid sa akin. Natahimik ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

“Ikaw ba ang anak ni Mr. and Mrs. Calvares?” Malagong ang boses nito na mas lalong nagpatindig ng aking balahibo sa buong katawan. Tanging iling lamang ang sinagot ko dahil hindi ko siya kilala. Sabi kasi ni mama noon sa akin na huwag na huwag daw akong makikipag-usap sa mga taong hindi ko kilala.

“Sorry mister but I’m not allowed to talk to strangers,” inosente kong sagot dito. Sinusubukan kong maging matapang sa mga oras na ito kahit takot na takot na ako ngayon. Gustong-gusto ko na lamang umiyak at tawagin sina mama at papa. Gusto kong tumakbo papalayo sa kung sino man na lalaking ito.

Narinig ko ang pag-ngisi nito.

“Your mom really taught you on how to protect yourself from strangers, huh?”

“N-nakita niyo po ba sina mama at papa?” Hindi ko na napigilan ang aking sarili na tanungin ang lalaking kaharap ko ngayon kung alam niya ba kung nasaan sina mama at papa. Gustong-gusto ko nang makita sila. Hindi ko alam kung saan ako pupunta makita lamang sila.

“I know kid. I can bring you to them if you want to.”

Dahil sa kagustuhan ko na makipiling sila ay tumango na lamang ako sa alok niya. Inilahad nito ang malapad niyang kamay at walang pagdadalawang-isip na inabot ko ito.

“Good boy.”

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

TPT OST

The Playboy’s Toy OST

-kuno


https://www.youtube.com/watch?v=cTpvirQ-hPA

YOU DON’T OWN ME

[Lesley Gore]

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

TPT - 01

Mark Hope Calvares


M A R K

“Tangna naman kumare. Ang mahal-mahal naman ng presyo ng mga isda mo. Wala na bang itatawad niyan?” malakas na bulalas ni tita Emma sa isang tindera ng mga isda. Hindi napansin ni tita ang pagtaas nito ng kilay sa kanya dahil abala ito sa pagsusuri sa isda. Halos ilapit na nga ng tita ko sa mukha niya ito upang masiguro lang na sariwa pa ito.

“Hay naku Emma! Huwag ka nang magtaka dahil wala nang mura sa panahon ngayon. Kung namamahalan ka ay sa iba ka na lang bumili…” Tahimik lamang akong napangiti sa tinuran nito. Inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagtitingin-tingin sa kabuuan nitong palengke at hindi na pinansin ang malakas na pag-uusap ng dalawa. Hmp! Kilalang-kilala na dito si tita Emma dahil nagkaroon na kami ng pwesto dito sa palengke noon ngunit nalugi naman kalaunan kaya nagsara din agad.

Hindi magkandamayaw ang mga tindera sa pagtatawag sa tuwing may dumadaan na tao sa harap ng kanilang pwesto. Tipikal na palagi mong makikita sa lugar na ito. Napatigil ako sa pagmamasid sa palagid nang walang sabing inabot sa akin ni tita Emma ang isang plastic bag na naglalaman ng kanyang biniling isda. Hay naku! Si tita talaga, ang daming salita, bibili din naman pala. Kaagad ko itong nilagay sa loob ng kanina ko pang bibit na bayong. Nakasunod lamang ako kay tita habang tinatahak na namin ang daan palabas nitong lugar.

“Hay naku Mark! Nakakahaggard talaga ang mamalengke ng ganitong oras. Sa susunod nga, ikaw na lang ang uutusan kong mamili. Hindi kinakaya ng maganda kong kutis ang init.” Likas na malakas talaga ang boses ng tita ko. Bahagya pa itong napahaplos sa kanyang medyo kaputiang balat at napapaypay pa ng kanyang kamay.

Kasalukuyan kaming naghihintay ng tricycle na masasakyan pauwi. Tirik na tirik na din kasi ang araw kaya kung makareklamo na ang tita ko ay parang masusunog siya sa sikat ng araw. Sabagay, totoo naman kasi. Kahit din naman ako ay pawis na pawis na ngunit hindi ko na lamang pinapansin. Sanayan na lang talaga.

“Mamaya nga pala pagdating natin sa bahay ay mag-igib ka. Naubos na pala yung inimbak mong tubig kagabi. Pinanligo ko.”

“Opo,” tipid kong turan dito.

Naging ganito na ang buhay ko nang mawalay ako sa piling ng aking mga magulang. Tanging si tita Emma lamang ang buong puso na tumanggap sa akin nang mga panahong wala na talaga akong madulugan. Ni minsan ay wala akong narinig na masasakit na salita mula sa kanya. Mabait na tao ang tita ko, kaso masyado lang talagang madaldal. Hindi na nag-asawa ang tita ko at hindi na din nagka-anak. Simple lang ang buhay na meron kami ng tita ko. Nakatira sa isang maliit na bahay at nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw. Minsan nga apat pa eh.

“Hoy! Mark! Ano? Tutulala ka na lang ba diyan? Aba’y iiwan kita diyan,” malakas na sigaw ni tita habang nakadungaw mula sa loob ng tricycle.

Mabilis na lamang akong napatakbo papasok doon at umayos ng upo sa tabi niya.

“Sa barangay Dimahalay, pare,” maotoridad nitong sabi sa driver.

Nagsimulang paandarin nito ang sasakyan at tinahak na nga nito ang daan pauwi sa aming barangay. Di rin nagtagal ay nakababa na kami sa kanto kung saan ang bungad ng aming barangay. Maglalakad pa kami ng kaunting oras bago kami makarating sa bahay. Pero kung may sapat ka namang pera ay pwede ka namang sumakay ng padyak o pedicab na naghihintay sa gilid ng maliit na kalsada. Maraming tao ang naglalakad palabas at papasok ng lugar kaya kung hindi ka sanay ay mahihilo ka talaga. Hirap din pumasok dito ang mga malalaking sasakyan tulad ng kotse at mga truck. Sa gilid naman ng daan ay maraming mga iba’t-ibang tindahan ang nakatayo.

Ramdam ko na ang panlalagkit ng aking katawan dahil sa mainit na tama ng araw. Kung hindi ako magkakamali ay magtatanghali na kaya ganito na kasakit sa balat ang sikat nito. Ngunit kahit gan’on ay hindi pa din siguro sapat ang init nito para mangitim ako. Ni hindi ko nga maalala kung nangitim na ako buong buhay ko eh. Dahil kahit anong gawin kong bilad ay namumula lang talaga ako. Napaisip tuloy ako, baka namumula na naman ako?

“Wala ka bang dalang payong diyan Mark?” Lumingon ito sa akin sa kalagitnaan ng aming paglalakad. Napaangat ang tingin ko sa kanya at umiling lamang bilang pagtugon sa tanong niya. Minsan din lutang ’tong si tita. Eh di sana nilabas ko na kanina kung may dala akong payong at hindi kami nagtitiis ng ganito. Napabuntong hininga na lamang ako at napalunok ng laway nang makaramdam ako ng pagkauhaw.

Nang makarating ay kaagad kong binuksan ang gate na gawa sa yero nitong bahay namin. Mabilis namang pumasok si tita. Muli akong napapunas nang dumaloy pababa sa aking pisngi ang aking pawis. Pagkasara ng gate ay pumasok na din ako sa loob at naabutan kong umiinom ng tubig si tita. Napalingon ito saglit sa akin. Lumapit ako dito nang maibaba ko na sa ibabaw ng maliit na mesa ang kanina ko pang bitbit na bayong.

“Oh.” Inabot sa akin ni tita ang basong kanyang ininuman. Nagsalin ako ng tubig mula sa pitsel at kaagad din itong ininom. Para naman akong nabuhayan nang maramdaman ko ang pagdaloy nito sa lalamunan ko. Nagmistulang napawi ang kanina pang uhaw na aking nararamdaman.

“Mag-igib ka na doon ng tubig. Wala tayong gagamitin panghugas dito sa mga pinamili natin.” Nadinig kong muling utos sa akin ni tita.

Kasalukuyan niyang inaalis ang mga plastic bag sa loob ng bayong at maayos itong sinasalansan sa ibabaw ng mesa. Bigla akong napaisip nang mapagtanto kong ang dami naming pinamiling mga gulay at iba’t-ibang panggisa tulad ng bawang at sibuyas. Bukod pa doon ay bumili din siya ng isang kilong karne ng baboy. Base kasi sa pagkakaalala ko ay wala namang nalalapit na okasyon.

“Tita? Bakit ang dami ata nating pinamili?” kuryoso kong tanong sa kanya.

Napatigil siya sa kanyang ginagawa at tahimik na napangisi. Mas lalo akong nagtaka sa inasal niya. Bahagya pa niyang inayos ang kanyang buhok. Nangingintab din ang kanyang mga mata na animong may iniisip na nakakakilig. Nang matagal siya bago nakasagot ay marahan ko siyang tinapik sa kanyang balikat na ikinabalik niya sa ulirat.

“Hay naku Mark! Huwag kang echosera diyan. Pero kung mapilit ka talaga, sige. May afam kasi akong nakilala sa pinagtatrabahuhan kong club tapos nagkwentuhan kami ng mga bagay-bagay hanggang sa inimbitahan ko siyang dumito sa ating mumunting bahay…” Hindi ko na masyadong nadinig ang mga sunod pang sinabi ni tita bagkus ay napabuntong-hininga na lamang ako nang parang lutang na nagkuwento si tita sa akin. Hay naku! Kung kailan tumanda, doon naman naglandi. Pero nasanay na din ako dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagsabi siya sa akin ng mga bagay tungkol sa mga lalaking nakakasalamuha niya dahil normal lang yun sa kanyang trabaho.

Isang entertainer si tita sa isang club malapit lamang dito sa aming lugar. Noong kabataan niya ay naisipan niyang mag-Japan at nang makapag-ipon ng sapat na pera ay napagdesisyunan niya na lamang bumalik dito sa bansa.

“Ay ewan ko sayo Mark, tama na pagiging echosera. Mag-igib ka na doon at baka dumating na yung afam ko na wala pa ding tubig diya. Nakakahiya.” Hindi na din ako tumutol sa kanyang utos at agad na kinuha ang mga timba sa loob ng banyo at sa kusina. Pinagpatong-patong ko ito bago ko ito bitbitin. Mas madali kasing bitbitin sa ganung paraan.

Nagsimula akong maglakad patungo sa kabilang kanto upang mag-igib. Apat na balde din itong dala-dala ko at paniguradong mahihirapan akong bitbitin ito mamaya. Ngunit ang mas masaklap pa ay kailangan ko pang punuin ang dalawang drum na kasing-balikat ko ang taas bago ko ito matapos. Ni hindi man lang ako pinagpahinga ni tita kahit sandali.

Nang makarating ay nagsimula na akong magbomba sa poso upang mabilis na akong matapos dito dahil paniguradong may panibagong iuutos na naman sa akin si tita. Lalo na ngayong may darating na bisita. Medyo makalat pa naman ang bahay dahil hindi ako nakapaglinis kaninang umaga.

Sa kalagitnaan ng aking ginagawa ay gulat na lamang akong napalundag nang may tumapik sa balikat ko. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng kabog nito. Hay naku! Kahit kailan talaga ang lalaking ’to ay wala nang ginawa kundi ang pag-tripan ako. Natatawa siyang tiningnan ko. Sinamaan ko lamang ito ng tingin dahil sa pagiging maloko niya na naman.

“Tangna Mark! Kung nakita mo lang ang mukha mo kanina, sobrang nakakatawa.” Halos hindi ito makapagsalita ng maayos dahil pilit nitong pinipigilan ang kanyang pagtawa na mas lalo kong kinainis.

“Ewan ko sayo, Otep. Wala ka nang ginawang matino sa buhay. Palagi mo na lang akong pinaglalaruan.” Nakaismid akong muling tinuon ang atensyon ko sa pag-iigib at hindi na lamang siya pinansin.

“Sipag naman…” Saglit ko siyang sinulyapan. Prente siyang nakatayo sa harap ko habang ang parehong kamay niya ay nakahawak sa kanyang bewang. Napansin ko din ang pag-igting ng kanyang panga nang pasadahan niya ako ng tingin mula sa aking paa pataas sa aking mukha.

“Hoy! Huwag mo nga akong tinitingnan ng ganyan.” Sinuway ko siya agad nang mapansin ko ang panlalagkit ng titig niya sa akin. Nginisian niya lamang ako bago kinuha ang dalawang balde sa tabi niya.

“Bilisan mo diyan. Mag-iigib din ako.”

“Matuto kang maghintay.”

“Tsk! Sawang-sawa na ako maghintay,” dinig kong sambit niya. Hindi ko na lamang iyon pinansin at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Dahil kapag nagpatuloy lang ako sa pakikipag-usap sa kanya ay baka bukas na ako matapos dito. Tsaka kailangan ko na magmadali dahil may bisitang darating si tita Emma. Kailangan ko pa maglinis ng bahay dahil hindi pa ako nakakapaglinis kanina dahil maaga kami namalengke ni tita.

“Matagal pa ba yan?” naiinip na tanong muli ni Otep. Napaikot na lamang ako ng aking mata dahil sa ilang beses na niya akong tinatanong ng ganyan. Naaalibadbaran na din ako sa lalaking ’to dahil hindi matahimik. Hindi ko alam kung saan ba siya pinaglihi ng nanay o sadyang madaldal lang talaga siya.

“Ito na nga diba? Isang balde na lang oh!” kung makareklamo kasi parang hindi na nagmamadali yung tao. Binibilisan ko na nga dito dahil paniguradong walang gagamiting tubig doon si tita pangluto.

Napainat ako ng ilang ulit nang sa wakas ay matapos na ako sa pag-iigib. Nakaramdam ako ng biglaang pagkagutom nang maamoy ko ang niluluto ni tita. Lumapit ako dito at nagtanong-tanong kung ano ang mga niluluto niya. Sa palagay ko ay tatlong putahe ng ulam ang lulutuin niya base na din sa mga rekados na nakalatag sa mesa. Dahil sa nasanay na ako sa pagluluto ay rekados pa lamang ay alam na alam ko na ang mga iluluto. Kumbaga, sisiw na lamang sa akin ang pagluluto.

“Tulungan na kita tita.” pagalok ko dito. Kahit pagod pa ay kailangan ko nang tulungan siya para na din makakain na kami. Nagugutom na din kasi ako kanina pa.

“Ay mabuti pa Mark.” inabot nito sa akin ang malaking sandok na hawak niya at ako na ang naghalo ng mechado na kanyang niluluto. Nang kumulo na ang sarsa nito ay tinikman ko muna ito at tinansya ang lasa. Sa palagay ko ay tama na ang pagkakatimpla ni tita. Walang duda na magaling din si tita sa pagluluto.

Sumapit ang hapon ay naging abala na kami pareho ni tita sa paglilinis ng bahay. Patapos na din kami dahil pagkatapos naming kumain ay nagsimula na kaming magligpit ng mumunting kalat dito. Konti lang naman ang lilinisin dahil araw-araw naman akong naglilinis dito.

Minsan ay natatawa na lamang ako kapag naririnig ko si tita na pakanta-kanta habang abala sa ginagawa. Siguro ito na ang tamang panahon para magseryoso na si tita sa buhay, na magkaroon na siya ng sarili niyang pamilya. Hindi pa naman ganun katanda si tita para matupad ang pangarap ko para sa kanya. Sobra akong matutuwa kapag natupad yun. Sana din ay seryosohin siya ng kung sino mang lalaki na ito at huwag siyang paasahin tulad ng mga dumaang lalaki sa buhay ni tita. I hope na hindi siya biguin nito.

“Tita?”

“Oh? Bakit?” tumigil ito sa pagpupunas ng aparador at tumingin sa akin. Nakapameywang pa ito habang hawak ang maliit na basahan.

“Ano nga pala ang pangalan ng bisita natin?” hindi ko lang maiwasang matanong. Baka kasi mamaya kapag dumating na ito at batiin ko ay hindi ko alam ang pangalan nito. Nakakahiya naman.

“Romeo.” sagot niya sa akin. Ayos na sana ang naging sagot niya ngunit nabigla na lamang ako nang may idinugtong pa siya.

“Oh Romeo! Iligtas mo ang kaisa-isang Juliet sa iyong buhay. Ibigin mo ako ng buo o’ irog ko…” napakamot na lamang ako sa pagiging lutang na naman ni tita. Itinaas pa nito ang kanyang kamay na parang may inaabot sa ere. Halata naman sa mga kinikilos ni tita na mahal niya ang lalaking ’to. Sa ngiti niya pa lang at mga pagkislap ng kanyang mga mata ay parang sigurado na siya sa kanya.  Ang kaso na lang ay hindi ko pa ito nakikita.

“Eh ikaw Mark? Kailan mo naman ipapakilala sa akin ang boyfriend mo?” mabilis pa sa alas-kwatro akong muling napalingon sa kanya.

“Huh? Sino naman ang ipapakilala ko eh wala naman akong boyfriend?”

Kailan pa naging interisado si tita sa buhay pag-ibig ko?

“Sa gwapo mong yan? Hay naku! Simulan mo nang maghanap habang maaga pa at baka matulad ka sa akin na tumandang walang asawa. Sige ka, baka maubusan ka na niyan.” napabuntong-hininga na lamang ako at tinuloy ang pag-aayos ng mga unan dito sa sofa. Tumigil na din sa pagtatanong si tita at inabala na lamang ang kanyang sarili.

Boyfriend? Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na maghanap ng boyfriend. Problema lang yan.

Halos hindi magkandamayaw si tita sa paglalagay ng makeup nang tumawag sa kanya ang lalaki kanina. Base pa lamang sa malalim na boses nito ay nakikita ko na sa isip ko na malaking tao ito. Nadinig ko din kanina na nakasakay na raw siya sa kotse at mukhang jackpot dito si tita. Walang duda na kapag ikinasal na sila nito ay maaahon na si tita sa kahirapan.

Grabe ka naman Mark. Bibisita pa lang sa bahay, kasalan naman agad ang nasa isip mo.

Sumapit ang hapon nang makarinig ako ng busina ng kotse sa labas ng aming bahay. Dali-dali namang tumakbo palabas si tita. Tiningnan muna nito ang kabuuan niya bago tuluyang pinuntahan ang tao sa labas. Suot-suot nito ang isang kulay maroon na dress na ako pa ang pumili para sa kanya. Nakahanda na ang lahat sa mesa at malinis na din ang buong bahay. Mahahalata mo na pinaghandaan talaga ni tita ang pagdating ng lalaki sa kanyang buhay.

“Andyan na siya!” mababakas mo sa boses ni tita ang excitement at pagkakilig.

Madilim-dilim na sa labas nang dumating ito. Bigla akong kinabahan nang madinig ko ang boses nito nang batiin niya si tita. Sinubukan ko munang kalmahin ang aking sarili. Tumayo ako ng tuwid sa harap ng aming pintuan at hinintay na lamang ang kanilang pagpasok.

Bakit ako biglang kinabahan?

Napangiti ako nang masulyapan ko ang pagkapit ni tita sa braso ng lalaki. Hindi ako nagkamali sa naging hula ko na makisig ito. Kung hindi ako nagkakamali ay halos kaedaran lang nito si tita. Hindi maipagkakaila na gwapo ito noong kabataan niya. Sa tindig pa lamang nito ay mababakas mo na ang karangyaan nito dahil sa suot niyang long sleeves na napapatungan ng isang blue coat at puting necktie. Kagalang-galang siya sa kanyang hitsura.

Buti na lang ay pumayag ito na bumisita dito sa amin. Sa ganitong lugar. Kung iisipin mo kasi na ang ganitong klase ng tao ay pipiliin pang makipagkita na lamang sa isang magandang restaurant pero pumayag ito sa alok ni tita na bumisita dito sa amin.

“Ahmm… Si Mark nga pala, pamangkin ko.” nabalik ako mula sa pagiisip nang magsalita si tita sa harap ko. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala sila sa akin.

“Nice meeting you Mark.” inilahad nito ang kanyang malaking kamay. Saglit ko itong tiningnan bago nakipagkamay sa kanya.

“Nice meeting you din po.” nakangiti kong pakilala dito. Nabaling ang aking tingin diretso sa kanyang mga mata. Napako ang tingin ko doon nang mapansin kong may kakaiba sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Mabilis kong iwinaksi sa aking isip ang bagay na yun at hindi na lamang pinagtuunan ng pansin.

“Romeo Crosagne, by the way.”

Napakunot ako ng aking noo at nagdikit ang aking kilay nang magpakilala ito. Napaisip ako. Para kasing narinig ko na ang apelyido niya pero hindi ko lang matandaan kung kailan at saan.

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

PS. Another story under Dangerous Man Series will be unfolded once more with a new plot. A short reminder for those who still don’t know that this story was written by SOTUSEngineer before but unfortunately he wasn’t able to finish it. So, we decided to pass it on me and hopefully finish it.

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 02

Alfred Tale Crosagne


M A R K

Nakatitig lamang ako sa pintuan habang walang tigil sa pag-iyak. Nanhahapdi na din ang aking mga mata sa tuwing dumadampi ang maliit kong kamay upang pigilan ang pag-agos ng aking mga luha pababa sa aking pisngi. Halos magunahan na ang pagsinok at ang aking paghinga dahil sa sobrang takot na lumulukob sa aking sarili.

Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Basta nagising na lamang ako na nakakulong sa isang kwartong ito. Pinilit ko pang kalampagin ang malaking pinto nito pero hanggang sa mapagod na lamang ako ay walang nagbukas nito.

Tanging isang maliit na kama lamang ang laman nitong kwarto at maliit na cr. Tanaw ko mula sa bintana na gawa sa bakal ang malakas na pagbuhos ng ulan.

Takot akong napasiksik sa sulok ng kwarto nang biglang bumukas ang pintuan. Mahigpit kong niyakap ang aking sarili nang sumungaw doon ang isang nakaitim na maskuladong lalaki. Masama lamang akong tiningnan nito. Nakakatakot siya. May bitbit itong plato at baso ng tubig na mabilis niyang inilapag sa sahig. Walang salita niyang nilisan ang kwarto.

Dahil sa gutom ay mabilis akong tumakbo at kinuha ang mga ito. Bumalik ako sa sulok at nakakamay na kinain ang pagkain na kanyang binigay. Para akong hinahabol ng kung ano dahil sa sobrang gutom.

Hindi ko na malalaman kung ilang araw na akong nakakulong dito. Tanging pagsigaw at pag-iyak lamang ang aking ginagawa habang naririto. Ngunit ilang beses ko nang sinusubukang makalabas dito at paulit-ulit na nabibigo ay hindi pa rin ako nawawalan ng pagasa

na makakaalis ako sa lugar na ’to.

Sa kalagitnaan ng aking pagkain ay nadinig kong muli ang pagbukas ng pinto ngunit hindi kagaya kanina ay dahan-dahan lamang ang pagbukas nito. Naalerto ako. Mariin na pinakatitigan kung sino ang tao.

“S-sino ka?” takot kong tanong dito.

Isa itong batang lalaki.

Dahan-dahang isinara nito ang pinto at humarap sa akin.

“Hi!”  tipid nitong bati sa akin. Kinaway nito ang kamay niya.

Pinilit kong siksikin lalo ang aking sarili nang magsimula siyang maglakad papalapit sa aking pwesto. Mariin kong pinikit ang aking mga mata at pinigilang mapaiyak.

“H-huwag kang lalapit sa akin.” sinubukan kong tapangan ang boses ko upang pigilan ang anumang balak nito.

“Don’t be scared. I’m a friend.”

“Mark! Gumising ka na diyan!”

Napamulat ako ng aking mga mata nang madinig ko ang malakas na sigaw ni tita mula sa kung saan. Kasunod ay isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Ilang beses ko na bang napapanaginipan ang senaryong yun sa buhay ko? Halos gabi-gabi ay hindi ako pinapatahimik ng mga nakaraan ko. Tila isa itong bangungot na pilit humahabol sa akin kung saan hindi ako makakawala. Nakatatak na yun sa isip at kaluluwa ko.

Napatingin ako sa orasan at napansin na mahuhuli na ako sa lakad ko. Inayos ko muna ang higaan ko bago pumunta sa pwesto ni tita. Prente itong nakaupo habang hinihigop ang kape sa paborito niyang tasa.

“Huwag kukupad-kupad, Mark at baka malate ka sa trabaho mo.” sabi nito at abala naman sa paglalagay ng peanut butter na palaman sa tig-dos na pandesal.

“Tita, mag-aapply pa lang po ako ng trabaho.”

“Ewan ko sayo! Ganun na din yun.” napangisi na lamang ako sa tinuran niya.

Matapos kong makapag-almusal ay naghanda na ako para maligo. Susubukan ko ulit maghanap ngayon ng trabaho upang makatulong na din sa gastusin dito sa bahay. Nakakahiya naman kasi kung puro lang si tita Emma ang gumagastos dito at wala man lang akong maiabot sa kanya kahit konting halaga.

Nakahanda na ang susuotin ko kagabi pa. Kaya naman pagkatapos kong maligo ay mabusisi ko na lamang na sinuot ang long sleeves na matagal ko nang tago-tago para sa mga ganitong lakad. Kailangan ay presentable at malinis ka iyong katawan dahil yun ang unang bagay na titingnan ng isang kompanya sa isang tulad ko na naghahanap ng trabaho. Pinagmasdan ko ang porma ko ngayon na masasabi ko namang nangibabaw ang kagwapuhan ko. Tsk! Hindi naman sa pagmamayabang pero gwapo talaga ako. Hindi ko lang talaga naaalagaan ang sarili ko dahil sa kahirapan. Tsaka wala akong panahon para sa ganyang bagay. Mas importante kasi ang mga mahahalagang bagay kaysa sa mga pansariling kagustuhan lamang.

Nagpaalam na ako kay tita nang sa tingin ko ay handa na ako. Kumaway lamang ito sa akin at hindi na nag-abalang tapunan ako ng tingin. Kahit kailan talaga si tita, kapag kausap ang soon-to-be-husband niya ay wala talagang pakialam sa paligid niya. Halos isang linggo na din ang nakalipas nang dumalaw si tito Romeo sa aming bahay. Simula noong araw na yun ay hindi na din nawala-wala sa isip ko ang pilit na bumabagabag sa akin. Hanggang ngayon ay wala pa din akong ideya sa bagay na yun.

Wala akong choice kundi ang sumakay sa padyak para hindi masira ang ayos ko. Kapag kasi naglakad pa ako ay baka abutin pa ako ng siyam-siyam at pagpawisan pa ako. Sayang naman ang pagpapaligo ng pabango ko kanina kung pagpapawisan lang ako. Diba?

“Tatawagan ka na lang namin.”

“We’ll call you after checking your files.”

“I’m sorry pero may na-hire na kami regarding to that position.”

Pagod akong napabuntong-hininga nang lumabas ako sa pintuan ng hindi ko na mabilang na kompanya na aking pinag-aapply’an. Pareho lang sila lahat na tatawagan na lang ako at sasabihin kung natanggap ba ako o hindi. Tsk! Sa panahon talaga ngayon kapag hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral ay mahihirapan ka talagang maghanap ng trabaho. Sa kabilang banda naman, kahit graduate ka pa sa isang degree ay hindi pa din secured ang trabaho mo kapag nagkataon.

Ang hirap talaga ng buhay.

Saglit muna akong nagpahinga at kumain sa isang sikat na fastfood chain dito sa lugar. Tirik na tirik na naman ang araw dahilan para pagpawisan ako. Tanghaling-tapat na din at kumakalam na din ang sikmura ko. Kanina pa kasi ako naghahanap ng mapag-aapply’an pero bigo pa din akong matanggap.

Naghanap ako ng mauupuan matapos kong magorder sapat lang para mapunan ang gutom ko. Tahimik lamang akong nag-scroll sa mumurahin kong cellphone sa isang site kung saan pwede kang maghanap ng trabaho. Sa kalagitnaan ng aking pagtitingin ay naagaw ang aking atensyon sa isang recommendation. Mariin ko itong binasa.

Siguro pwede ito sa akin. Nakasulat kasi dito na naghahanap ang isang restaurant ng mga waiter na tulad ko. In short, gwapo. Walang pagdadalawang-isip kong binilisan ang pagkain at binalak na pumunta sa address na nakasulat dito. Kapag tumagal pa kasi ako ay baka maunahan na ako ng iba at maubusan na naman ng slot tulad kanina.

Pumara ako agad sa dumaan na jeep at sumakay dito. Mabilis lamang akong nakarating doon dahil hindi naman ito kalayuan sa pinanggalingan ko kanina. Nakatayo na ako sa harap ng tinutukoy na restaurant dito sa site kanina.

“Ito na siguro yun.” pagkausap ko sa sarili ko.

Umisang sulyap muna ako sa cellphone ko at chineck ang pangalan ng restaurant kung tama ba. Mukhang hindi naman ako nagkakamali na ito na yun. Papasok na sana ako sa loob nang makarinig ako ng pag-ugong ng isang sasakyan. Napalingon ako dito. Ganun na lang ang pagkamangha ko nang huminto ito sa may harapan ko. Bahagya pa akong napaatras. Kulay asul itong kotse na halata mong mamahalin base pa lamang sa disenyo nito. Bumukas ang pinto nito at ilang saglit lang ay iniluwa nito ang isang lalaki. Hindi lang siya basta lalaki dahil nagsusumigaw ang karangyaan nito sa suot niyang kulay itim na formal attire na yumakap sa katawan niya. Hinubad nito ang suot niyang shades at nagsimulang maglakad papalapit sa akin. Hindi nakawala sa aking pandinig ang mahinang tunog na nililikha ng kanyang sapatos nang magsimula itong maglakad. Sa paglapit niya ay nanuot sa ilong ko ang mamahalin niyang pabango dahilan para matulala ako.

“Excuse me.”

“Ahhmmm… Excuse me?”

Kinaway nito ang kanyang kamay at bahagyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Kitang-kita ko ang kulay abo niyang mga mata dahil sa posisyon niya ngayon.

Muli akong nabalik sa katinuan nang mapagtanto ko nakaharang pala ako sa daanan. Mabilis akong tumabi upang padaanin siya. Shit ka Mark! Bakit bigla ka na lang natutulala sa presensya niya lang?

“Sorry po.” bahagya pa akong yumuko bilang paghingi ng paumanhin sa katangahan ko.

Nagpatuloy na ito sa paglalakad papasok sa restaurant. Napakunot ako nang mapansin ko ang pagpasada muna nito ng tingin sa buo kong katawan na may nakakalokong ngisi sa kanyang labi. Mga mayayaman nga naman.

Matagal pa ako sa labas bago tuluyang pumasok. Bumungad agad sa akin ang karangyaan nitong loob ng restaurant. Hindi na din nakapagtataka na maganda ang loob nito dahil sa labas pa lang ay makikita mo na ang magandang disenyo ng restaurant. Mahahalata mo din na mayayaman ang kumakain dito dahil sa postura nila. Naisip ko tuloy na customer din ata yung lalaki kanina.

“Good afternoon sir. How may I help you?” magiliw na bati sa akin ng babae. Kaagad ko namang sinabi dito ang pakay ko.

“Magtatanong lang sana ako kung pwede pa mag-apply as waiter dito.” matamis akong nginitian nito at simpleng tinanguan ako. Masasabi kong maganda siya at lubos na bumagay sa kanya ang uniporme na kanyang suot. Maputi ito at tama lang ang tangkad niya sa kanyang katawan.

“Itatanong ko lang po muna sir.”

“Okay.”

Shit! Sana naman ito na yung pagkakataon ko na makahanap ng trabaho. Dahil baka kapag hindi pa ako natanggap dito ay hindi ko na alam kung saan pa ako ulit maghahanap. Luminga-linga muna ako sa paligid. Masasabi kong may mga hitsura ang mga waiter dito at hindi nga nagsisinungaling ang nakasulat doon sa site. Sa palagay ko ay madami na silang waiter dito pero bakit kailangan pa nilang maghanap ng mga panibagong empleyado? Huwag mo na lang isip yun Mark. Ang mahalaga ngayon ay magkaroon ka na ng trabaho.

Hindi din nagtagal ay bumalik na yung babae kanina. Muli ako nitong nginitian bago nagsalita. Pigil ang aking hininga na hinintay ang kanyang sasabin na umaasa na meron pang bakante dito.

“Follow me na lang po sir.” napa-huh na lamang ako saisip ko nang marinig ko ang kanyang sinabi. Kahit nagtataka ay sumunod na lang ako sa kanya sa loob. Tahimik lamang akong nakasunod sa kanya habang tinatahak namin ang isang maikling hallway nitong restaurant kung saan matatanaw mo ang isang pinto sa dulo.

Binuksan nito ang pinto at sinenyasan na pumasok na ako. Tinanguan ko na lamang ito at nginitian siya bago niya ako iwan.

Napaharap ako sa unahan nang tumikhim ang isang lalaki. Laking gulat ko na lamang nang makita ko ang lalaki kanina na prenteng nakaupo sa isang swivel chair. Nakapatong din ang mamahaling sapatos nito sa ibabaw ng mesa.

“G-good morning— afternoon po pala sir.” napamura na lamang ako sa isip nang mautal ako. Bakit bigla na lang akong kinabahan nang malaman ko na siya ang may-ari nitong restaurant? Dahil ba sa katangahan ko kanina?

“Have a seat.” hindi mawala ang ngisi sa kanyang labi nang lumapit ako dito at naupo. Binaba nito ang kanyang paa sa mesa. Taliwas sa kanyang ayos ang pinapakita niyang ugali ngayon. Tila hinihigop ako nito sa paraan ng kanyang pagtitig. Hindi mapakali ang kamay ko sa nakikita ko ngayon. Kapansin-pansin ang mga muscle niya sa katawan dahil sa hapit sa katawan niyang long sleeves.

Binaling ko na lamang ang aking tingin sa bagay na nakapatong sa mesa. Nakaukit dito ang isang pangalan na kung hindi ako nagkakamali ay ang kanyang pangalan.

Ryuuji Kazuma

Nagtaka naman ako sa pangalan niya. Napansin ko lang kasi sa hitsura niya na para siyang amerikano pero taliwas naman ang sinasabi ng kanyang pangalan sa hitsura niya. Mukha kasing Hapon ang dating ng pangalan niya.

Umayos ka nga Mark. Trabaho ang pinunta mo dito hindi ang pagmasdan na lang ang lalaking ito. Iayon mo ang utak mo sa sitwasyon.

“Nandito po ako sir para mag-apply as waiter.” sabi ko sa kanya. Yun naman talaga ang pakay ko simula pa lang kanina. Tinapangan ko ang aking mukha at mariin siyang pinakatitigan. Kailangan ko siyang kumbinsihin na kailangan na kailangan ko ang trabaho na ito. Ito na lang ang huli kong pagkakataon.

“Do you think you fit enough to work in this kind of environment?” muli akong napakunot sa tinuran niya. Bigla ko namang naalala ang nakasulat kanina sa site kung saan hinahanap nila ay mga lalaking may hitsura at may alam sa pagtatrabaho sa isang restaurant. Siguro naman sapat nang dahilan yun para tanggapin niya ako dito.

“O-opo.” ayusin mo boses mo Mark. Sikapin mong huwag mautal sa harap niya. “Base na din po sa nakalagay doon sa site ay naghahanap po kayo ng isang tulad ko.”

Tumaas ang isang kilay nito at sinalikop ang parehong kamay tsaka pinatong ang kanyang baba doon.

“How are you so sure na ikaw nga ang hinahanap namin?” bakit kailangan maging ganyan ang paraan ng pakikipagusap niya sa akin? Magaspang ang kanyang boses na parang nang-aakit ito. Ang tanong, naakit ba ako? Shit ka talaga Mark! Umayos ka nga.

“Dahil po gwapo ako. Tsaka po may experience na po ako sa ganitong trabaho.” tama yang sinasabi mo Mark. Ituloy mo lang yan hanggang sa makumbinsi mo siya. Wala ka dapat ikabahala dahil binabase mo lamang ang mga sinasabi mo sa kung ano ang hinahanap nila. Tsaka mataas ang kompyansa ko na pasok ako sa mga qualities na yun. Hindi lang ako basta quality lang, experienced na din ako.

Tumayo ito mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa harap ko. Tulad kanina ay dumukwang ito papalapit sa akin ngunit ngayon ay sobrang lapit na niya sa akin. Tila sinusuri nito ang mukha ko base sa paggalaw ng kanyang kulay abong mga mata. Pinigilan ko ang aking paghinga at sinubukang huwag bumigay  sa pakay ko dahil sa pinapakita niya ngayon.

Ganito ba dapat siya kapag tatanungin ako? Kailangan ba ganito kalapit?

Napalunok ako ng aking laway at pinilit na kalmahin ang aking sarili.

“Are you really sure that you are experienced on this field of job? Baka naman ma-disappoint lang ako? Hmm?”

Bakit parang may kakaiba sa tinutukoy niya? Pagiging waiter pa rin ba ang pinaguusapan namin dito?

Shit ulit! Bakit naman naisip ko na may iba siyang pinupunto? Kahit kailan talaga Mark.

Bahagya akong napaliyad sa aking kinauupuan nang hawakan ng pareho nitong kamay ang aking necktie. Nakatitig lang ako sa kanya nang dahan-dahan niyang niluluwagan ito. Anong ginagawa niya? Hindi ko siya maintindihan?

“A-ano pong ginagawa niyo sir?” tuluyan na akong nautal dahil sa kaganapan ngayon. Halos magwala na ang aking sistema sa matinding kaba na aking nararamdaman. Gusto ko siya ngayong itulak sa sobrang lapit niya sa akin ngunit hindi ko magawa. Para akong natuod sa aking kinauupuan at hindi ko magawang maigalaw ang buo kong katawan. Ni ang paghinga ay kinakapos na rin ako.

“Making you mine…”

Sabay kaming napalingon sa pintuan nang bigla itong bumukas at sumungaw dito ang isa pang lalaki na mahahalata mo ding mayaman. Mabilis na umayos ng pagkakatayo itong lalaking kaharap ko at lumapit sa kararating lang na lalaki.

“Ryuu…”

Huh? Muli akong napalingon sa kanila nang tinawag niya ito sa kanyang pangalan. Doon ko lang napagtanto na hindi pala siya ang may-ari nitong restaurant kundi ang lalaking ito na bagong dating lamang.

Pinag-trip’an lang ba ako ng lalaking yun?

Ang lakas ng tama niya ah!

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 03

Mark Hope Calvares


M A R K

“What are you doing in my office?” seryosong tanong nito sa lalaking kumausap sa akin kanina.

Sinasabi ko na nga ba na hindi siya ang may-ari nitong restaurant. Sa hitsura niya pa lang na mukhang banyaga ay maipagkakaila na ito sa pangalan na pang-Hapon.

Kinabahan lang ako kanina para sa wala. Gusto ko siya ngayong suntukin dahil sa lakas ng tama niya para pag-trip’an ako ng ganun. Sino ba siya sa inaakala niya?

“Ah! About that?” napakamot ito sa kanyang batok at sandaling natahimik. May pagtataka na siyang tinitingnan ng huli dahil sa inaakto niya.

Buti nga sa kanya. Akala niya kung kung sino siya kanina kung tanungin ako. Eh hindi naman pala siya ang may-ari nitong restaurant.

Nang sa tingin ko ay napagtanto niya na ang kanyang sasabihin ay mabilis itong lumingon sa akin at itinuro ako.

“I’m just talking to this applicant while you’re gone. Right?” parang kinakausap niya ako gamit ang kanyang mga mata habang hinihintay ang aking pagtugon. Mabilis akong tumayo at tumango-tango. Sa pagkakataong ito ay kailangan kong makipag-cooperate dahil nasa harapan ko ngayon ang tunay na may ari nitong restaurant. Ang taong dapat kong kumbinsihin na matanggap ako dito.

Tumango-tango lamang ang lalaking nagngangalang Ryuu at naglakad patungo sa kanyang office desk. Sumunod naman sa kanya ang lalaking kausap ko kanina na malokong nakangisi sa akin.

“Take your seat.” halos sabay kaming tatlo na naupo. Si sir Ryuu sa kanyang swivel chair kaharap ako at ang una na walang ginawa kundi ang ngisian ako. Hindi ko lang maiwasang maalibadbaran sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Parang may dalang pangiinsulto ito sa hindi ko malaman na dahilan.

“To be honest with you Mr?” pagputol nito dahil hindi pa pala ako nagpapakilala sa kanya.

“Mark Hope Calvares po.” pagpapakilala ko sa kanya. Saglit akong napalingon sa harapan ko nang tumikhim ang lalaki.

“Mr. Calvares. I’m sorry to say but we’re not hiring applicants anymore.”

Nakaramdam ako ng panlulumo nang walang paligoy-ligoy niyang sinabi sa akin yun. Hindi niya man lang inisip ang mararamdaman ko kung ganun na lang yun. Sabagay, ganito talaga ang buhay. Asahan na natin ang hindi inaasahan. Tulad kanina ay bigo pa rin akong matanggap sa trabaho.

“Ganun po ba? Okay po, naiintindihan ko po.” tatayo na sana ako upang magpaalam nang magsalita ang lalaking kaharap ko upang ikalingon ko pabalik sa kanya.

“You can hire him as your chef, Ryuu.” mabilis akong napalingon sa lalaking kausap ako kanina. Awkward itong nakangiti ngayon sa lalaking may-ari na ngayon ay nagtataka na namang nakatingin sa kanya.

“I can’t hire random person because you just want to.” nakaramdam ako ng bahagyang pagkalumo dahil sa sinabi niya. Tama naman siya kung tutuosin eh! Hindi naman ako nag-apply dito bilang isang chef kundi bilang isang waiter lang. Pero dahil sa malas ako ay hindi na naman ako natanggap.

“Oh c’mon bro, I think he knows how to cook.” napataas na ako ng kilay nang pilit niya pa ding pinagsisiksikan sa lalaking ’to na tanggapin ako bilang chef nito. Nakapagtataka lang dahil ngayon ko lang siya nakilala pero kung makapilit siya sa may-ari nitong restaurant ay parang close na close na kaming dalawa.

Saglit na napabaling ang tingin ng lalaki sa akin. Hindi ko magawang mapatingin dito dahil sa labis na intesidad na namumuo sa kanyang mga mata. Waring kayang-kaya ka nitong akitin sa paraan pa lang ng pagtingin nito sa’yo.

“I’m looking for a personal chef, not a cook.” huh? Ano bang pinagkaiba ng chef sa cook?

Muling tumingin ito sa akin. Mabilis akong napalunok nang matatalim na titig ang ibinato nito sa akin.

“I’m sorry Mr. Calvares but I didn’t mean to offend you.”

Wala nang nagawa ang lalaki at napabuntong-hininga na lamang nang tuluyan na akong nagpaalam sa kanila. Hapon na rin kasi at baka abutin na ako ng gabi sa daan. Mas makabubuting magpahinga na ako at ipagpatuloy na lamang ang paghahanap ng trabaho bukas.

Kasalukuyan na akong naghihintay ng masasakyan nang may tumapik sa balikat ko dahilan para ikalingon ko. Bahagya pa akong napatingala dahil sa tangkad nito. Laking gulat ko na lamang nang masulyapan ko muli ang lalaki kanina.

“Ano pong kailangan niyo?” kahit papaano ay humupa na ang pagkainis ko dito dahil sa ginawa niyang pamimilit doon sa lalaki kanina.

“I’m here to offer you a great opportunity.” hindi nakawala sa aking paningin ang malawak niyang ngisi.  Nakapamulsa ito at mukhang hinihintay ang magigi kong sagot sa alok niya.

Great opportunity? Anong ibig sabihin ng lalaking ’to? Tsaka bakit ang isang tulad niya ang lumalapit sa isang tulad ko? Ang ibig kong sabihin, base pa lamang sa tindig niya ay malalaman mo nang hindi lang siya mayaman. Dahil sa halos magkalapit na naming pwesto ay amoy na amoy ko na rin ang nagsusumigaw niyang mamahaling pabango.

“Bakit mo ’to ginagawa?”

“Doing what?” bahagya niyang itinaas ang pareho niyang balikat na waring walang ideya sa tinutukoy ko. Nakapagtataka lang kasi. Hindi lang kasi normal ang dating para sa akin. Nahihiwagaan ako sa mga galawan niya. Parang galawang playboy.

Napapitlag ako sa aking pwesto nang walang-pasabi niyang hinaplos ang aking balikat. Para akong tinabihan nang isang multo sa matinding pangingilabot ng ginawa niya. Naagapan ko namang alisin ang kamay niya doon at hilaw na lamang siyang nginitian.

“Ano bang tinutukoy mong great opportunity?” iwinaksi ko na lamang ang nasa isip ko at direktang tinanong na lamang ang pakay niya.

“Ahmm…” saglit itong nagkamot sa kanyang pisngi na parang nag-iisip. “Honestly, I can’t say it to you right here. Maybe we go find a private place first and discuss it there. “ napakunot ako ng noo sa mabilisan niyang pagyaya sa akin.

Hindi ako manhid para hindi mapansin ang pakay niya. Nakakapagtaka lang dahil kanina lang kami nagkausap pero ito siya ngayon niyayaya ako sa isang pribadong lugar para doon pagusapan ang alok niya. Ano bang pinagkaiba ng lugar na yun dito sa kinatatayuan namin?

Tsk! Mga galawang playboy.

“Sorry sir pero kailangan ko na po kasing umuwi. Maybe other day na lang kung pwede.” kung pakikinggan ako ngayon parang ako pa ang umaayaw sa isang oportunidad. Mark, tandaan mong hindi ka nagpapakatanga dito, nagiging mapagmatyag ka lang. Okay?

“To tell you frankly, ang opportunity na ang lumalapit sayo but here you are, resisting my offer.” biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Aba’t gago ’to ah! 

“Sir, sorry kung ako po ang tatanungin niyo, base pa lang po sa mga galawan niyo ay hindi na po kayo katiwa-tiwala. It seems that you’re hooking up with me. Kung ano man po ang inaalok niyo sa akin, humihingi na po ako ng dispensa na sa iba niyo na lang po ialok yan dahil hindi po ako interasado.” inipon ko talaga ang buong kapal ng mukha ko nang sabihin ko sa kanya ang mga katagang yan. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi mapansin ang pakay niya.

May pahaplos-haplos pa siya sa braso ko na nalalaman. Tsaka yung malalagkit niyang tingin sa akin, sinong hindi magtataka doon. Palibhasa mayaman.

Mabuti na lang talaga at may dumaang bus at nakaalis na ako sa nakakainis na lalaking yun. Pagod akong napaupo sa bandang dulo nitong sasakyan. Parang ngayon lang nagsink-in sa akin ang matinding pagod dahil sa paghahanap ko ng trabaho. Bukas na bukas ay maghahanap ako ulit ng trabaho.

Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si tita na nakaupo sa sofa. Seryoso ang kanyang mukha habang may binabasa sa isang maliit na papel.

“Anong binabasa mo tita?” saglit na napaangat ito ng tingin nang maramdaman ang presensya ko.

“Cooking contest eh. Nakita ko lang do’n sa mga flyers sa mall na pinuntahan namin ni Romeo kanina. Mukhang malaki ang premyo ng mananalo oh!” tinuro niya pa ang bandang baba ng papel habang nanlalaki ang parehong mga mata. Tipid akong napangiti sa naging reaksyon niya.

“Sasali ka?” nakiusyuso na din ako dahil mukhang interesado naman ito.

“Hindi na ako aasa na mananalo diyan. Paniguradong maraming sasali dito na mas magaling pa sa akin magluto.” nagtaka ako nang saglit siyang natahimik. Nakataas ang kanyang kilay na napalingon sa akin. Kunot-noo kong tinugon ang tingin sa akin ni tita.

“Pero kung ikaw ang sasali, mukhang may pagasa pang manalo!” nagawa niya pa akong ituro habang malapad na nakangiti. Tila para sa kanya ay napakaganda ng ideya na kanyang naisip.

“Tita naman! Ikaw na mismo nagsabi na paniguradong maraming sasali diyan na magagaling magluto. Wala din akong pagasa manalo diyan. Mapapagod lang ako.” tumayo ako upang magpalit ng damit. Kating-kati na kasi ako sa suot ko. Paniguradong amoy pawis na ako dahil sa sobrang pagkabilad ko sa araw kanina.

“Aba! Huwag ka ngang nega diyan, Mark. Wala namang masama kung susubukan diba? Tsaka, hanggang third place naman ang makakakuha ng premyo. Oh, kung hindi mo masungkit ang first place, may second at third place pa naman.”

Pagod kong nilingon si tita dahil sa kabokahan niya na naman. Nahihibang na talaga ’tong tita ko. Siya na nga mismo ang tumanggi sa pagsali tapos ngayon pinagtutulakan niya akong sumali diyan.

“May consulation prize na 10K pa oh.” pahabol pa ni tita. Sa hindi malamang dahilan ay naagaw ang atensyon ko sa sinabing halaga ng consulation prize ni tita. T-teka! Bakit parang ang laking pera naman ata niyan?

“10K? Consulation lang?” mabilis kong kinuha sa kamay ni tita ang papel at hinanap kung saan nakasulat ang mga premyo kapag nanalo ka.

1st place - P500,000.00 2nd place - P250,000.00 3rd place - P100,000.00

3 Consulation prize - P10,000.00

Napanganga na lang ako nang masilayan ko ang premyo. Shems! Hindi biro ang ganitong premyo sa isang cooking contest. I mean, malaking kompanya ba ang nagdaos ng patimpalak na ’to at ganito na lang kalaki ang mapapanalunan?

“Ano? Sumali ka na kasi, Mark. Alam kong malaki ang tyansa mong manalo diyan.” ilang ulit pa akong inudyok ni tita sa contest na ’to. Hindi ko din masisisi itong tita ko dahil masyado sa aking tiwala pagdating sa pagluluto. Wala akong mapapala kapag sumali ako doon. Isa pa, mga simpleng putahe lang ang alam kong lutuin. Panigurado ay mga chef doon na sasali na maraming alam na pambanyagang putahe.

“Tita, matatalo nga lang po ako diyan. Sayang lang sa oras.” napatigil ako sa pagkain ng hapunan nang muli niya akong pilitin. Napapabusangot na lang ako sa kakulitan nito ni tita. Daig pa ang maliit na bata sa pangungulit.

“Paano kung manalo ka? Sayang ang apportunity.”

“I’m here to offer you a great opportunity.”

Hindi ko alam pero biglang kong naalala ang alok sa akin ng lalaking kausap ko kanina. Mabilis akong napailing sa isipan na yun. Ano namang kinalaman ng lalaking yun dito? Tsaka, huwag mo nga siyang iniisip Mark.

“Natahimik ka na diyan? Alam mo Mark, may tiwala ako sa talento mo sa pagluluto kahit na hindi ko alam kung paano ka gumaling ng ganyan. Hindi naman ako magaling magluto.”

Malalim na lamang akong napabuntong-hininga sa isang desisyon. Ano pa nga bang magagawa ko? Kapag hindi pa kasi ako pumayag ay baka hindi na niya ako tigilan. Sa kabilang banda, kung iisipin ko na kaya kong manalo mas tataas ang tyansa kong masungkit ang premyo. Sobrang malaking tulong na ito sa aming dalawa sa pangaraw-araw na buhay. Pwede pa kaming magtayo ng negosyo kapag nagkataon.

Napatigil ako sa pag-iisip. Baliw talaga ako kahit minsan. Hindi pa nga ako sumasali pero ito ako at nag-iisip na kung saan gagamitin ang perang mapapanaluhan.

Sumapit ang araw kung kailan dadausin ang cooking contest na matagal kong pinag-isipan. Naging purisigido ako sa pag-eensayo sa pagluluto ng mga iba’t-ibang putahe tsaka pinapatikim ito kay tita kung pwede nang pangsalang sa ganitong patimpalak. Ang balak ko ngang paghahanap ng trabaho kinabukasan ng araw na yun ay nauwi sa pag-eensayo. Sabi kasi ni tita ay kailangan paghandaan ang ganitong mga bagay.

Ito na nga ako at papunta na sa venue ng contest. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa kabang nararamdaman. Alam kong maliit lang ang tyansa kong manalo. Hindi naman masama ang sumubok, diba? Malay natin, baka masungkit ko kahit consulation prize lang. Hindi na din masama ang 10K.

Napanganga ako nang makapasok ako sa gusali ng pagdadausan. Napakalawak nito at gawa sa matibay na salamin ang dingding nito. Wala na akong sinayang na oras at agad na nagtanong sa babaeng receptionist. May tinawag itong lalaki na mukhang dito rin nagtatrabaho at sinamahan ako papunta sa venue. Tumigil ito sa harap ng malaking pinto. Nginitian din ako nito matapos ko sa kanyang magpasalamat.

Malakas akong napabuntong-hininga bago napagdesisyunang buksan ang pinto. Muli akong napanganga nang bumungad sa akin ang napakalawak na kwarto na punong-puno ng mga iba’t-ibang gamit sa pangluto. Nagmistula itong palengke sa loob ng isang gusali. Ngunit ang pinagkaiba lang ay isa itong pangmayaman na palengke. Ganun ang datingin sa akin.

“What can I do for you, sir?” agad kong natikom ang aking bibig nang may magsalita sa likuran ko. Nahihiya ko itong hinarap.

“Ahmm… Dito po ba ang venue nitong cooking contest.” mabilis kong kinuha sa bulsa ko ang papel at pinakita ito sa babae. Kahit nagtataka ay inabot niya ito sa aking kamay.

Nakangiti lang ako habang hinihintay ang magiging tugon nito.

“I’m sorry to say sir, pero ngayon na po kasi gaganapin ang contest na ’to.”

“Alam ko. May problema ba?” napawi ang ngiti sa aking labi nang ibalik nito sa akin ang papel.

“If I’m not mistaken po sir, you’re willing to join the contest?” pagtatanong nito. Tumango ako. “Dapat po kasi, kailangan magpa-register muna before the day of the contest para po ma-consider kayo as one of the contestants.” mas lalong lumungkot ang ekspresyon ng aking mukha nang idagdag niya pa ang masamang balitang yun. Paanong hindi ko alam na kailangan pa pala yun? Hindi na ba pwedeng magrehistro ngayong araw?

“Pero pwede pa naman atang humabol, diba?” wala akong natanggap na sagot mula dito. Ang tanga mo minsan, Mark. Hindi ka pa nga nakakasali, talo ka na agad.

“Good morning po sir.” napaangat ako ng ulo mula sa pagkakayuko nang magsalita ang babae. Napatingin ako sa babaeng ngayon ay nakatuon ang tingin sa likuran ko.

“What’s happening here?” isang malalim na boses ng lalaki ang nagpatingin din sa akin doon. Pinasadahan ko ng tingin ito mula sa kanyang mamahaling balat na sapatos pataas sa kumikinang niyang abong slacks na halata ring mamahalin. Nakasuot din ito ng kulay puting loong sleeves na pinarisan ng itim na necktie. Pinatungan ito ng kulay abo rin formal coat dahilan para mangibabaw ang kagwapuhan nito. Nagsusumigaw ang karangyaan nito sa postura pa lang nito. Ngunit napatigil ako sa pagpupuri sa lalaking malapit na sa akin nang mamukhaan ko ito.

Napamura ako sa aking isip. Anong ginagawa niya dito?

“Sir? Ano po kasi… Ahmm…” nagtaka ako sa biglang pagkautal ng babae. Hindi naman siya ganito kanina ah. Halata sa mukha niya ang labis na pamumula. Huwag niyang sabihin…

Napabalik ang tingin ko sa lalaki at ngayon ay may ngisi na sa labi nito habang malagkit na nakatingin sa akin.

“Are you here to compete, too?” nagdikit ang may kakapalan kong kilay sa tanong niya sa akin. Hindi ko inaasahan na makikita ko ang isang tulad niya dito. Sadyang napakaliit naman ng mundo para magtagpo pa kami dito.

“Yes po sir.” ang babae na ang sumagot sa tanong niya. Tila nawalan ako ng boses upang sagutin siya. Ang alam ko lang ay nag-iinit ang dugo ko dahil naalala ko na naman ang pangtitrip niya sa akin noong nakaraan. Hindi naman sana big deal yun pero nakakainis pa din.

“Then, let him.”

“Pero po sir—”

Hindi na natapos sa pagsasalita ang babae nang matatalim na tingin ang binato nito sa kanya.

Mabilis na kumilos ang babae at may kung anong pinindot doon sa kanina niya pang hawak na ipad. Kahit papaano ay nabuhayan ako ng dugo dahil sa ginawa ng lalaking ’to.

“What’s your name po, sir?” tanong nito habang nakatuon pa rin ang atensyon sa hawak niyang ipad.

“Mark Hope Calvares.” sagot ko sa buong pangalan ko.

Saglit lang akong naghintay bago muli itong tumingin sa gawi ko.

“You’re officially a contestant na po, sir.” mapait ako nitong nginitian bago ito umalis sa harap ko.

“So, you’re good at cooking, huh?” naririto pa pala siya. Akala ko umalis na rin siya.

“Salamat.” kahit labag sa loob ay nagawa ko pa din siyang pasalamatan dahil sa kabutihang ginawa niya. Siguro kung hindi pa siya dumating ay mahihirapan akong pakiusapan ang babaeng yun. Mukha pa namang mataray.

Muli itong ngumisi. Ngunit tila kinapos ako ng hininga nang mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga. Nangilabot ang aking buong katawan nang maramdaman ko ang mainit na hangin sa aking tenga nang may ibulong siya.

“Good luck… Mark.”

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank yo

u!

TPT - 04

Alfred Tale Crosagne


M A R K

Mabilis kong naihanda ang mga kakailangan ko sa lulutuin. Nanginginig ang aking kamay habang sinasalin ang gatas sa blender dahil sa mabilis na kabog ng dibdib ko. Normal ang kabahan sa mga ganitong patimpalak lalong-lalo na nasa dalawampu kaming kasali. Ngayon pa lang ay naiisip ko na wala talaga akong tyansa na manalo. Sa datingan pa lang ng mga katunggali ko ay siguradong tagilid na ako. Mga nakasuot kasi ito ng mga pang-chef na kasuotan samantalang ako ay ang apron lang na nabili ni tita Emma sa Divisoria noong isang araw. Kulay pink pa. Meron lang kaming isang oras para paghandaan ang aming mga dishes. Ilang beses akong napabunga ng hangin dahil sa palagiang muntikan kong mabitawan ang sandok na pinanghahalo ko.

Pakiramdam ko ay nanghihina ako sa sobrang kaba. Saglit akong lumingon sa harapan kung saan nakaupo ngayon ang limang judges na hahatol sa aming mga niluluto, at isa na doon ang lalaking nagngangalang Alfred Tale at ang may-ari ng restaurant na pinag-applyan na si Ryuuji Kazuma . Sakto namang pagtingin niya dito ay doon din ang pagguhit ng isang ngisi sa labi ng lalaki. Hindi niya inisip na siya ang nginisian nito dahil nasa bandang gitna siya nakapwesto kung saan malayo sa mga judges. Siguro nagkataon lang ns ngumisi ito nang matuon ang tingin niya sa unahan. Ganun nga!

Pilit akong nagfocus sa aking niluluto at binalewala na lamang ang hitsura ng lalaki.

Malakas na sumigaw ang isang lalaki na nagsasabi na mero’n na lamang kaming sampung minuto upang tapusin ang aming niluluto.

“Shit.” daing ko.

Dahil sa pagmamadali ay hindi ko namalayan na nahawakan ko ang kawali ng walang gamit na pot holder. Ilang beses kong hinipan ang aking daliri upang mawala ang hapdi nito.

Natapos ang isang oras at dumating na sa punto kung saan titikman na ng mga judges ang aming niluto. Medyo nahirapan ako sa pagdating sa plating dahil sa hapdi ng aking daliri. Ang mahalaga ay natapos ako sa takdang-oras.

Isa-isa nang nagsilapitan ang mga contender na hindi mo mababakas ang kaba. Sa paraan pa lang ng paghawak nila sa tray kung saan nakalagay ang plato na kanilang hinanda ay nagsusumigaw na sa pagiging kompyansa nila sa kanilang ginawa.

Mas lalong kumabog ang aking dibdib nang ako na ang pupunta sa unahan. Kahit kinakabahan ay wala akong pagdadalawang-isip na naglakad sa unahan dala ang aking hinanda.

“So, tell me about your dish.” ang babaeng judge ang nagtanong sa akin na nagngangalang Victoria . Halata sa tindig nito ang pagiging maranya sa buhay. Base pa lang sa kulay itim na yumakap sa balingkinitan niyang katawan na hindi mo aakalain ang presyo hanggang sa mga kulay ginto nitong mga alahas.

Sinubukan kong huwag ipahalata ang aking kaba habang pinapaliwanag ang aking luto. Ang putaheng ang aking inihanda ay simple lang ngunit masarap kapag iyong natikman. Yun ang sinabi sa akin ni tita Emma nang ipatikim ko ito sa kanya.

Tumango-tango lamang sila habang nagsasalita ako.

“What happened to your hand?” hindi ko na kailangan lumingon sa lalaking nagtanong dahil boses pa lamang nito ay kilala ko na.

“Napaso lang po kanina sir.” sagot ko habang hindi siya tinatapunan ng tingin. Itinago ko na lamang ang aking kamay sa aking likuran at iwinaksi na lamang sa aking isip ang nanunusok nitong tingin. Kahit hindi ko ito tingnan ay dama ko ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

“Let’s taste it.” anunsyo muli ng babae.

Ilang minuto na ang lumipas nang matapos ang mga judges sa paghahatol sa mga gawa ng mga kalahok at kasali na ako doon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang kaba sa aking dibdib. Sabik na sabik na akong malaman ang resulta. Base sa obserbasyon niya kanina nang simulang tikman ng mga nito ang kanyang luto, naging positibo ang mga komento nito. Kahit papaano ay nabuhayan siya at baka may tyansa pang manalo.

Kasama ang ibang mga kalahok ay gulat na napatayo kami nang muling pumasok ang isang babae na may ngiti sa labi hawak ang isang pulang envelope.

‘Siguro naglalaman ito ng resulta?’ tanong ko sa isip ko.

Sa gitna ng aking pag-iisip ay natigilan ako nang pumasok ang dalawang pamilyar na lalaki kasunod ng una. Agad akong napaiwas ng tingin nang magtagpo ang mga mata namin ng isa.

Bakit ganun? Bakit hindi niya magawang tingnan ang lalaki? Dahil ba na sa mayaman ito at mahirap lang siya? Dahil ba na kilala itong tao at siya simple lamang?

“Attention everyone!” naagaw ang magulo niyang isip nang malakas na sumigaw ang babae. Winagway pa nito ang parehong kamay upang ituon sa kanya ang atensyon ng lahat.

Okay. This is the moment of truth, Mark.

“Okay.” tila naging mabagal ang oras nang dahan-dahan ibuklat ng babae ang kanyang hawak. “First, I would like to congratulate everybody for joining the competition, you are all winner now for me. Just always remember, losing in a competition doesn’t define you as a whole person. It doesn’t mean na kapag natalo ka ngayon, ay titigil ka na sa mga pangarap mo. Because once you stop aiming for your dreams, regret began to strike in your system. And that regret, can’t help you to become a better person. Just keep dreaming.” matamis akong napangiti sa mahaba niyang motivational speech sa unahan. Nagpalakapakan ang lahat dahil doon. Bukod sa maganda siya ay magaling pa siya magbigay ng advice sa nakararami.

“Now! I will be announcing first, the winner who placed third and that is…” mariin akong napapikit ng aking mata at pinagdarasal na sana tawagin ang aking pangalan. Hindi na din kasi masama ang maging third place sa ganitong patimpalak. Ngunit napabuntong-hininga na lang ako ng hindi ko pangalan ang aking nadinig. Maging nang i-announce ang second place ay hindi ako.

Kapit lang Mark!

“Before I’ll announce the first place, sasabihin ko muna kung sino ang tatlong mananalo ng consulation prizes.”

Pinagdasal ko na sana kahit consulation prize na lang ay masungkit ko.

“The three person who’ve got our 10K consulation prize are…”

Ulit. Wala pa rin ang pangalan ko sa mga nabanggit. Ang kanina kong kompyansa na manalo ay tila bula na naglaho. Sa una pa lang kasi ay hindi na ako umasa na masusungkit ko ang first place. Tulad ng sabi ko kanina, datingan pa lang ng mga katunggali ko ay walang-wala na ako. So, winning the first place is impossible.

“Finally! Now, our winner among the winners is…” hindi na ako umasang madidinig ko pa ang pangalan ko sa mga nanalo ngunit tila nabingi ata ako nang sambitin ng babae ang buo kong pangalan. “Mark Hope Calvares.” napalaki ang may pagkasingkit kong mga mata nang makumpirma ko nga na ako ang nanalo. Hindi ko mapigilang mapangiti sa hindi inaasahang pagkapanalo.

Mas lalong lumakas ang bugso sa aking dibdib nang maglakad akong patungo sa unahan. Lahat ay nagpapalakpakan at nakangiti. Para akong nananaginip sa hindi ko makapaniwalang pagkapanalo.

“Congratulations.” napaigtad ako nang may boses akong nadinig mula sa aking likuran. Kanina pa nagsialisan ang mga kapwa ko kalahok at tanging ako na lang ang natitira dito sa kwarto. Aalis na din sana ako upang ibalita kay tita ang pagkapanalo ko nang sabihan ako na manatili muna dahil may gusto daw sa aking kumausap. Tumango na lang ako bilang tugon sa babae.

Napatayo ako sa aking kinauupuang malambot na sofa dahil sa boses na yun. Napanganga na ako nang mapag-alaman na ang lalaki na ngayon ay kaharap ko ay ang puno’t-dulo ng contest na aking napanalunan.

“Maraming salamat po, Mr. Kazuma.” bahagya akong nag-bow bilang pagbigay galang sa kanya. Dapat lang dahil wala pa ata ako sa kalingkingan ng kanyang karangyaan. Bukod kasi sa gwapo ito ay nahahalata kong mabait ito base na din sa una naming pagtatagpo.

Pagak itong tumawa na pinagtaka ko.

“Enough with formalities. Please have a seat.” tumango lang ako at sinunod ang alok niya. Nakaharap ako ngayon sa kanya habang siya ay padekwatrong nakaupo paharap din sa’kin.

“Just call me sir Ryuu as you will now become my personal chef.” muli, ay tila nabingi na naman ako sa hindi ko inaasahang rebelasyon. Saglit akong napanganga sa gulat.

“T-teka po. Tama po ba ang pagkakarinig ko? Personal chef po?” kailangan ko maging sigurado dahil baka nagkamali ako ng dinig sa sinabi niya. Ayoko naman maging assuming.

“Yes. Aside from winning the cash prize, you will also be getting a chance to be my personal chef.” hanggang ngayon ay hindi pa din nagsi-sink in sa utak ko ang aking pagkapanalo tapos ngayon ay may panibago na naman. Ganito ba talaga kabait ang Diyos? May mga biyaya talaga darating sa buhay natin ng hindi natin inaasahan. At ito na yun!

“Talaga po?” agad na naglaho ang excitement na nararamdaman ko at isang problema ang aking naisip. “ Pero po…“ bigla akong nagdalawang-isip sa naging alok niya sa akin. Knowing na isang napakayaman at tanyag na tao ang aking paghahainan ay parang napakahirap ata. Kumakain ba siya ng mga simpleng luto lang?

“Mga simpleng food cuisine lang po kasi ang alam kong lutuin. Hindi po ako maalam sa mga sosyaling pagkain.” hindi ko na naituloy ang aking sunod na sasabihin nang muli ko siyang marinig na tumawa. Napatingin ako sa kanya. Napagaalaman ko na napakagwapo pala talaga ng kausap niya. Walang duda na marami sa kanyang nahuhumaling na babae. Sa kabilang banda, may asawa na kaya siya?

“Don’t worry. I’ll eat whatever you’ll cook knowing kanina na napakasarap mo magluto.” parang kakaiba ang naging tunog ng sinabi nito sa aking pandinig ngunit agad ko ring iwinaksi ang isipin na yun. “Doubting your talent in cooking will be the least thing I would do. Besides, I could offer you a culinary scholarship para mas lalo ka pang gumaling magluto. How about that?”

Huh? Teka, bakit parang sobra-sobra naman na ata ang biyaya na natatanggap ko ngayon? Tama pa ba ito?

“Parang sobra-sobra naman na po ata ito. Ang manalo po ng napakalaking pera ay sobra-sobra na po sa’kin. Nakakatuwa po maging chef niyo pero po ang bigyan niyo pa po ako ng isnag culinary scholarahip ay nakakahiya na pong tanggapin.” para akong kinapos ng hininga sa makapigil-hininga kong pag-amin kay sir Ryuu - tulad ng sabi niya na tawagin ko sa kanya.

“Just be grateful, Mark, that I am offering you these now. Let’s just consider these as your special prizes so you won’t feel diffident to accept my offers. What do you think?”

Hilaw akong napangiti habang sumasang-ayon sa sobra-sobra niya nang alok sa akin. Sino ba naman ako para tumanggi sa alok ng isang tulad niya? Hibang lang siguro ang kayang tumanggi sa mga ganitong alok. Palay na ang lumalapit sa manok, tatangi pa ba ako?

Saglit akong natahimik nang may iabot siya sa aking maliit na matigas na papel. Binasa ko ito at napag-alam na calling card ito.

“You can start your job as my personal chef anytime you want but make sure to decide that within this week. Just call me if you’re already ready.” tumayo ito at inayos ang bahagyang nagusot niyang formal coat. Nilahad nito ang kanyang kamay upang makipag-kamay na mabilis ko namang inabot.

“Okay po sir Ryuu. Maraming salamat po.”

“I’ll tell my driver na ihatid ka na sainyo para hindi ka na mahirapan sa byahe.”

“Ay naku sir! Huwag na po. Kaya ko naman pong umuwi ng mag-isa. Hindi na po kailangan.”

“With that lot of money?” napatigil ako sa tanong niya. Sabagay, may punto din siya sa sinabi niya. Iba na din ang nag-iingat ngayon.

“Besides, para alam na rin ni Thrace kung saan ka susunduin once you start working for me.”

Ganun na nga ang nangyari. Hindi na ako muling tumanggi sa alok na niya na pagpapahatid sa akin pauwi sa amin. Dahil sa labis na tuwa ay hindi ko namalayan na inabot na pala ako ng gabi nang makalabas ako sa gusaling yun.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ’to. Ito ata ang unang beses na naramdaman ko ang labis na kasiyahan. Bukod kasi sa pagpanalo ko ng kalahating milyon ay nagkaroon pa ako ng trabaho. Makakapag-aral pa ako. Simula ngayong araw na ito, pinapangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para hindi magsisi si sir Ryuu sa mga alok niya sa akin. Labis na pasasalamat ang ginawa ko kanina bago ako nagpaalam sa kanya na sinuklian niya lamang ng matamis na ngiti.

“Maraming salamat po sa paghatid.” dito na lang ako nagpababa sa bungad ng aming barangay. Kapag kasi nagpahatid pa ako hanggang sa bahay ay baka mahirapan lang ang kanyang sasakyan na dumaan. Paniguradong magagasgas lang ang sasakyan nito dahil sa makitid na daan ng barangay namin. Mula dito ay sumakay ako ng padyak patungo sa amin. Hindi na ako nagalinlangan dahil may sapat na akong pera pambayad. Kahit ilang beses pa akong sumakay ng padyak ay hindi basta-basta mauubos ang ganito kalaking halaga.

Sumapit ang araw kung kailan magsisimula ako magtrabaho bilang personal chef ni sir Ryuu. Noong isang araw ay tinawagan ko na siya na ngayong Lunes na nga ako magsisimula. Hindi ko na pinaabot ng isang linggo ang kanyang paghihintay dahil ano pa ang punto ng kung patatagalin ko pa.

Noong araw nang makauwi ako sa amin ay kaagad kong binalita kay tita ang aking pagkapanalo. Labis din ang tuwa niya nang malaman yun. Kesyo, hindi daw siya nagkamali na pilitin ako na sumali dahil mataas daw ang kompyansa niya na mananalo talaga ako. Sumang-ayon na lang ako. Ang importante ay ang aking pagkapanalo. Agad ko ring sinabi sa kanya ang pagigi kong personal chef ni sir Ryuu maging ang tyansa kong makapag-aral sa pamamagitan ng culinary scholarship na kanyang inalok.

Walang pagdadalawang-isip naman si tita na pumayag sa mga naging balita ko. Sino ba naman siya para tumanggi at komontra sa sadyang nakapalaking grasya na minsan lang dumating sa buhay ng isang tao. Hulog ng langit si sir Ryuu sa buhay namin.

Ngunit noong gabi na napatawag ako upang sabihin kay sir Ryuu ang pagsisimula ko sa trabaho, doon ko lang napagalaman na stay-in ang aking trabaho. Ibig sabihin ay mananatali ako sa lugar kung saan siya nakatira. Sinabi ko agad yun kay tita. Kahit hindi niya aminin ay nahalata ko sa kanyang mga mata ang lungkot na maiiwan ko siya dito mag-isa.

“Hay naku, Mark! Madalas naman bumisita dito si Romeo kaya ayos lang.”

Madaling araw ako umalis sa amin. Kagabi ay hinanda ko na ang mga gamit na dadalhin ko sa aking tutuluyan sa tulong ni tita. Malungkot, dahil mahihiwalay ako kay tita ngunit kailangan para kumayod sa buhay. May mga pagkakataon talaga na kailangan mong magsakripisyo para sa isang oportunidad. Masakit pero kailangan.

Hindi nagtagal ay pumasok ang sasakyan sa isang napakataas na gusali. Ipinark ng driver ang kotse kahilera ang iba’t-ibang kotse na alam kong mamahalin rin. Sa aking pagbaba dala ang aking bag ay bahagya akong napapitlag nang lumapit sa aking ang driver at inilahad ang kanyang kamay. Nagtataka ko itong tiningnan na agad ko namang nakuha ang kanyang pakay.

Mabilis kong inabot ang kamay nito at nakipagkamay matapos kong magpakilala sa kanya.

“Mark Hope Calvares po.” pagak itong tumawa sa tinuran ko. Nagtaka naman ako at nag-isip kung may mali pa sa sinabi ko. Sinabi ko lang naman ang buo kong pangalan eh.

“Thrace. But I’m not lending my hand to shake your hands. Mind, if I carry your bag? It seems too heavy for you.” awkward akong napangiti sa nangyari. Ang tanga naman mo naman doon, Mark. Kahit nagdadalawang-isip ay inabot ko na lang sa kanya ang aking dala. Wala naman hirap niya itong dinala nang simula naming tahakin ang daan patungo sa isang elevator dito sa parking lot.

“After you.” iminwestera nito ang kanyang kamay nang huminto kami sa nakabukas nang elevator.

Masasabi kong gwapo din itong si Thrace. Makisig ang pangangatawan nito kahit nababalot ito ng itim na formal suit na kanyang suot. Malaya kong napagmamasdan ang kanyang likuran dahil sa pwesto naming dalawa dito sa loob ng elevator. Tahimik lang.   Masasabi kong hindi lang siya driver ni sir Ryuu.

Natigil ako sa ginagawa nang tumunog ang elevator na nagsasabi na narating na namin ang storey kung saan tumutuloy si sir Ryuu. Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong condo unit. Napangiti ako nang bumungad sa akin ang napakalawak na lugar dito sa tuktok ng gusali. Puting-puti ang mga nakikita ko. Mula sa pader at kisame maging sa mga ilang kagamitan. Kumikintab din ang sahig na pwedeng-pwede ka nang magsalamin kung gugustuhin mo. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang bahay. Bahay nga ba?

“Maaga gumigising si Ryuu, so always expect to prepare him breakfast before he wakes up. This whole space is his penthouse which is located on the  top of the building, 40th floor.” mabagal siyang naglakad patungo sa kusina habang nagsasalita.

“This will be the area you will be cooking and preparing everything. Everything you need are all settled here for the meantime. As his personal chef, sayo din nakaatas ang pamimili ng mga ingredients and condiments sa kung anumang kailangan mong lutuin.” mabilis siyang humarap sa akin bitbit pa din ang aking bag.

“Okay po.” tipid ko lang na sagot sa mga instructions niya.

So, ito na yun. Ito na ang punto ng aking buhay kung saan magbabago ang takbo ng lahat. Bilang isang personal chef ni sir Ryuu, na isang kilala at tanyag sa industriya at ang isang tulad kong simpleng mamamayan lamang ay nagkaroon ng tyansa na paglutuan siya ng pagkain.

“Good morning!” napalingon ako dahil sa boses na malakas na umalingawngaw sa buong lugar. Napakunot ako ng kilay nang malaman kong pamilyar ang boses na yun. Hindi nga ako nagkamali nang nakangiti itong pumasok sa kusina na agad namang naglaho nang masilayan ako.

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 05

Mark Hope Calvares


M A R K

Mabilis na lumipas ang panahon. Mag-iisang buwan na rin akong nagtatrabaho bilang personal chef ni sir Ryuu. Mahirap sa simula pero nakasanayan ko na rin kalaunan. Naalala ko pa noon nang magsimula pa lang ako sa trabaho, hindi ko alam kung saan nakalagay ang mga kagamitan niya sa pagluluto. Isa pa, medyo nahirapan din ako sa mga appliances niya sa kusina na bago lang sa paningin ko. Naging masikap ako. Kahit hirap ay sinubukan kong aralin ang mga bagay na bago lang sa akin. Sa tulong na rin ni sir Thrace, ay naging madali lang sa akin na matutunan ang lahat.

Kasalukuyan akong naghahanda para sa breakfast ng aking amo. Anumang oras ay lalabas na yun sa kanyang kwarto upang kumain ng almusal bago pumasok sa kanyang trabaho. Speaking of sir Ryuu, hindi naman ako nahirapan na makitungo sa kanya. Siguro sa simula pero mabilis naman yung naglaho. Mabait si sir Ryuu at hindi naman mahirap pakisamahan. Tungkol sa pakikisama, sumagi sa aking isip ang nakakainis na nilalang na tanging naging problema ko sa aking trabaho. Simula nang araw na nalaman niyang naging personal chef ako ni sir Ryuu ay halos araw-araw na lang nandito ang ulupong na yun para lang istorbohin ako. Hindi ko alam kung ganun na talaga ba siya noon pa man. Base kasi sa una naming pagkikita ay hindi ganun ang akto na kanyang pinakita sa akin. Hindi ko alam na may pagkamakulit pala siya na daig pa ang isang bata. Sa tuwing naririto siya ay napupuno ng ingay ang buong penthouse ni sir Ryuu.

“Good morn— Oh! Hi Mark, good morning.” saglit akong napatigil nang lumitaw na lang bigla ang taong ngayon ay tumatakbo sa isip ko. Maaliwalas ang mukha nito nang humakbang ito papalapit sa akin tsaka umupo sa stool bar at nanalumbaba sa island counter nitong kitchen.

“Good morning din, Tale.” tipid kong bati pabalik sa kanya. Sinubukan kong maging blangko ang ekspresyon ng aking pagkakasabi. Pilit kong inaabala ang sarili ko sa paghahanda ng almusal ng aking amo pero sadyang mahirap gawin yun dahil maya’t-maya lang ang dungaw ng Tale sa aking niluluto.

Nadinig ko ang paggalaw ng upuan hudyat ng kanyang pagtayo at paglapit sa akin. Bahagyang nagdikit ang aming braso nang tuluyan siyang makalapit sa akin.

“What are you cooking? It looks tasty, huh.” napailing-iling ako sa pagpuri niya sa aking ginagawa. Hindi na bago sa akin ang senaryong ito dahil tulad ng sabi ko, palagi niya akong iniistorbo sa lahat ng ginagawa ko. May darating sa punto na lalapit siya sa akin at hahawak ang kanyang kamay sa aking braso na mabilis ko namang tinatanggal. Minsan ay nabibigatan ako sa braso niya sa tuwing pinapatong niya ito sa kabilang balikat ko. Sobrang clingy niya para maging isang lalaki na pinaka-ayaw ko sa kanya. Isa pa, hindi siya nauubusan ng kalokohan sa katawan at palaging nagagawang asarin ako. Kahit inis na inis na ako sa lalaking ito ay hindi ko lang pinapahalata. Hanggang kaya kong ikimkim ang inis ko sa kanya ay gagawin ko.

Sa madaling salita, napakaisip-bata niya para sa edad niya. Malayong-malayo sa may pagmakanyak niyang datingan noong una naming pagkikita.

Maingat kong sinalin sa plato ang niluto kong fish fillet para sa almusal ni sir Ryuu kasunod ang fried rice. Sinadya ko talaga sobrahan ang aking niluto dahil tulad ng lagi kong inaasahan ay dito na naman magaalmusal ang kumag na kanina pa sa akin nakadikit. Pilit kong iniignora ang presensya niya ngunit sa tuwing nagagawa ko yun ay tila napapansin niya at sinusubukan niya ulit akong guluhin.

“Hmm.. It actually tastes good.” may patango-tango pa siyang nalalaman habang nginunguya ang isda na niluto ko. Hindi na sa akin bago ang kanyang sinabi dahil sa tuwing tinitikman niya ang luto ko ay palaging ganyan ang komento niya.

Tsk! Hindi man lang hinintay si sir Ryuu na dumating bago siya kumain. Hindi ba siya makapaghintay?

Muli akong tumungo sa kusina upang ipagtimpla naman ng kape si sir Ryuu at saktong pagbalik ko ay nakaupo na si sir Ryuu sa kabisera ng mesa. Inilapag ko sa tabi niya ang kape matapos ko siyang batiin para ngayong umaga. Bihis na bihis na ito at ang halimuyak niya ay nanuot sa aking pang-amoy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na makita ang aking amo sa ganitong kasuotan. Kahit ano naman kasi ang suotin niya ay bumabagay sa kanya at palaging nagsusumigaw ang kagwapuhan niyang taglay.

“Thanks for the coffee, Mark. Ang bait mo talaga.” singit ni Tale nang makita akong may dalang tasa ng kape. Napataas ako ng isang kilay dahil sa sinabi niya. Ang akala niya ba ay para sa kanya ito? Asa siya.

“Para po kay sir Ryuu ito.” tipid kong salungat sa kanya. Ayokong patulan ngayon ang kalokohan niya. Ayokong i-stress ang isip ko ngayong kasisimula pa lang ng araw ko.

“Oh! Mind, if you make me coffee, too.” muli sana akong babalik sa kusina para rin ipagtimpla siya nang magsalita si sir Ryuu na tahimik kaninang nagsasalin ng sinangag sa kanyang plato.

“Do it yourself, Alfred. Join us, Mark.” tumango na lang ako at sinimulang saluhan sila sa pagkain. Ito pa ang pinapasalamat ko dahil iniimbitahan ako ni sir Ryuu na sabayan siya sa pagkain. Samantala yung isa diyan, kulang na lang siya na ang magmay-ari nitong lugar sa sobra niyang pagiging feel at home.

Tahimik lang kaming lahat na kumakain nang binasag ito ni sir Ryuu.

“Mark.” tawag nito sa pangalan ko.

“Sir?”

“Could you buy me groceries later? We’re out of stock.” inaasahan ko nang uutusan niya na akong mamili ng groceries dahil kahapon ay napansin kong paubos na rin ang supply dito sa penthouse niya. Kulang na rin ang gulay na pinakaimportante para sa pagkain niya.

“Okay po sir.” nagpatuloy lang ako sa pagkain matapos ngunit agad ding nahinto dahil sa muling pagbasag ng katahimikan sa aming tatlo. Sa puntong ’to ay si sir Tale naman ang nagsalita.

“How about me? Wala ka bang iuutos sa akin?” napakunot ako ng noo sa muli niyang pakikisawsaw. Ganito ba talaga siya palagi? Ang walang magawa sa buhay? Hindi niya naman kailangang idepende kay sir Ryuu ang mga kailangan niyang gawin. Base kasi sa pagkakaalala ko ay mayaman din siya tulad ng amo ko. Diba dapat busy rin ito tulad ni sir Ryuu?

Tumayo na si sir Ryuu nang matapos siyang kumain. Napatingin ako sa digital clock sa aking unahan na nagsasabing malapit nang magalas-otso ng umaga. Kadalasan kasi ay ganitong oras siya pumapasok.

“Do whatever you want, Alfred. You don’t need to ask me what to do with your life.” matapos ay kinuha nito sa kanyang bulsa ang cellphone at may tinawagan. Paniguradong si sir Thrace yun.

Nakalimutan ko palang sabihin. Bukod sa pananatili ko dito sa penthouse ng aking amo, ay binigyan niya din ako ng sarili kong condo unit sa baba lamang nitong penthouse. Sa katapat kong unit ay matatagpuan ang unit naman ni sir Thrace na kanya namang driver. May secret passage mula sa unit ko patungo dito penthouse ni sir Ryuu na pinasadya niya talaga para daw hindi na ako mahirapang sumakay ng elevator. Hindi naman sana problema sa akin yun ngunit sadyang mapilit si sir Ryuu sa mga bagay na kanyang gusto.

“How about I’ll accompany Mark buying groceries?” suhestiyon niya na mabilis kong ikinalingon. Kailan pa naisipan ng lalaking ’to na sumama sa akin sa paggo-grocery?

Nakangising lumingon ito sa akin na tila napakagandang ideya ang kanyang naisip.

“Hindi niyo na po kailangan sumama. Kayo ko na po magrocery mag-isa.”

Parang bata itong umiling-iling na hanggang ngayon ay hindi pa din nawawala ang kanyang ngisi. Ang sarap lang tapalan ng tape ng bibig niya para hindi niya na makita ang nakakapangilabot na ngisi nito. Kahit kailan talaga sa tuwing nakikita ko itong nakangisi ay para akong tinatakbuhan ng sarili kong kaluluwa sa matinding pangingilabot.

“No, Mark. I insist. Besides, I think you also need a hand to carry those bags later. Right?” tinaas-taas pa nito ang pareho niyang makakapal na kilay. Marahas na lang akong napabuga ng hangin sa pagsuko. Ano pang sense ng pagtanggi ko kung alam ko naman sa sarili kong hindi ako mananalo sa kanya. Eh sa makulit pa siya sa maliit na bata eh. Sobra!

“Kunin mo yun.”

“Ayun pa.”

“Mga lima niyan.”

Halos kabila-kabila ang pag-uutos ko sa lalaking kasama ko dito sa loob ng grocery store. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil siya na din mismo ang nagsabi na baka kailangan ko ng ‘helping hand’. Tutal yun naman talaga ang pakay niya, ba’t pa ako mahihiya? Siya na rin ang pinatulak ko sa pushing cart na malalim nang mapuno samantalang ako ay sinusundan lang siya sa paglalakad.

Ngayon ko lang napagmasdan ng husto ang likuran ng  taong ito. Masasabi kong maganda ang pangangatawan niya base pa lang sa malapad niyang likuran. Hindi rin nakawala sa aking paningin ang paggalaw ng matitigas niyang braso dahil pagmamaneobra niya ng pushing cart.

“Wala na bang idadami nito?” saglit siyang lumingon sa akin para magtanong. Dahil sa pagkakatulala ay hindi ko namalayan na nabangga na pala ako sa kanyang malapad na likuran para mabalik ako sa sarili ko.

“Hey! Watch your steps.”

“Sorry.”

Akala ko ay ayos na ang lahat nang dugtungan niya pa ang kanyang sinabi na labis kong ikinainit ng mukha.

“Masyado mo naman akong pinagnanasaan eh. Don’t just drool over my body, babe. You can taste me, too.” wala ako sa sariling hinampas siya kanyang braso sa kahihiyan. Ano namang naisip niya para pagnasaan siya? In his dreams! Kahit kailan hinding-hindi sasagi sa isip ko ang pagnasaan siya ’no.

“Mangilabot ka nga sa sinasabi mo.” winaksi ko sa aking isip ang ideya na patulan siya sa muli niya sa aking pang-aasar. Nagpatuloy na lang ako sa paghahanap ng mga kakailanganin ko sa pagluluto. Bukod pa doon ay kailangan ko na magmadali dahil may pasok pa ako sa culinary class ko mamayang one ng hapon.

“Why? Huwag ka na kasing mahiya na nagagwapuhan ka sa akin. Why don’t give yourself a chance to try me? I won’t disappoint you.” napaismid na lamang ako sa hangin dahil sa inis.

Nakasunod lamang siya sa akin. Napapabuntong-hininga na lang ako dahil nagsisimula na naman siya sa kalokohan niya. Nagsisisi ako ngayon na sinama ko pa siya dito. Tahimik sana ang buhay ko ngayon kung wala ang kumag na ’to dito.

“Hey Mark! Thinking of me again, huh?” bigla siyang sumilip sa gilid ko nang abala ako sa paghahanap ng pineapple chunks. Anong akala niya, natutulala ako at iniisip siya? Hindi ba niya napapansin na puro na lang kabastusan ang lumalabas diyan sa bibig niya?

“Hindi ba pwedeng naghahanap lang ng pineapple chunks?” walang emosyon kong kompranta sa kanya. Pulos na pulos ko na ang sarili kong inis dahil sa pagiging boska niya. Konti na lang ay iiwan ko na ang lalaking ’to dito.

“You’re really not in yourself, Mark.”

“Bakit?” nakakunot-noo kong tanong.

“You just put a pineapple chunk in the cart earlier. Don’t tell me, nakalimutan mo na?”

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Huh? Kailan pa ako kumuha no’n? Mabilis akong lumapit doon sa cart na nasa kanyang likuran at hinalungkat yun upang hanapin ang mga pineapple chunks na nilagay ko na ‘daw’ kanina. Mariin akong napapikit ng aking mata dahil sa katangahan ko.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit nawawala ako sa sarili ko?

“Can you stop fantasizing me in your mind, Mark, for atleast a minute? Masyado ka nang nawawala sa sarili mo oh.”

“Baliw!” tanging nasabi ko na lang sa muli niyang pang-aasar bago ako mabilis na naglakad at iniwan siya doon sa kanyang kinatatayuan. Hindi ko pinansin ang kanyang pagtawag at mabilis na nagtungo sa labas nitong grocery store.

Bakit biglang nang-init ang mukha ko sa pang-aasar niyang yun? Hindi sa kilig kundi sa matinding inis ko sa kanya. Sa kabilang banda, hindi naman ako nagkakaganito dati ah. Tsaka dapat sanay na ako sa mga ganung pang-aasar niya dahil palagi niya na yung ginagawa sa akin. Ngunit yung kanina, unang beses niyang sinabi at ginawa ang ganung pang-aasar kaya siguro sumabog na ako sa inis at hindi mapigilang iwan na lamang siya.

Hinintay ko na lamang siya sa gilid ng kotse na gamit namin papunta dito. Kotse ito ni sir Ryuu dahil ayaw gamitin ng ulupong na yun ang kotse niya at baka magasgas lang daw. Sobrang arte talaga sa katawan ng kumag. Di nagtagal ay natanaw ko na ito naglalakad habang tulak-tulak pa rin ang pushing cart ngunit nakabalot na sa mga green plastic bags ang mga pinamili namin kanina. Tila ito isang model ng grocery store sa paraan ng kanyang paglalakad. Idagdag pa ang suot niyang itim na shades at ang lollipop na nasa kanyang bibig. Napansin ko rin ang paglingunan ng mga iilang tao sa kanya hanggang sa makarating siya sa harap ko.

“Done devouring me in your mind?” tinanggal niya ang suot niyang shades at sinuksok ito sa bulsa ng suot niyang manipis na polo. Hindi ko na lang pinatulan ang muli niyang pang-aasar tulad ng lagi kong ginagawa. Tahimik na lang akong pumasok sa kotse at hinintay siyang matapos sa paglalagay sa likod ng mga pinamili.

Hindi nagtagal ay umupo na siya sa tabi ko at sinimulang buhayin ang makina ng sasakyan. Saglit pa   itong sumipat ng mapang-asar na tingin sa akin bago kami umalis sa lugar na yun.

Dumating ang oras ng aking pagpasok sa klase. Katatapos ko lang magluto ng pananghalian. Hindi naman na dapat ako magluto ng pananghalian dahil wala naman dito si sir Ryuu pero yung isang kumag ay hindi pa naisipan na umalis nang dumating kami sa penthouse. Gusto niya pa daw matikman ang lulutuin ko para ngayong lunch. Nang matapos siyang kumain ay doon lang niya naisipan na umalis na dahil alam niya na papasok na ako sa klase ko ngayong hapon.

Nagtaxi na lamang ako patungo sa lugar kung saan ako pumapasok. Nakatanggap kasi ako ng tawag kay sir Thrace kanina na hindi niya ako ngayon mahahatid dahil may lakad daw sila ni sir Ryuu ngayon. Sumang-ayon na lang ako at naisipang sumakay na lang ng taxi. Ilang minuto ang nakalipas nang makarating ako. Bumungad agad sa akin ang mga pamilyar na mukha na halos isang buwan ko na ring nakakasama.

Nginitian ako ni chef Jherome nang masulyapan ang aking pagpasok. Abala ako sa pagsusuot ng aking apron nang may maramdaman akong nakatayo sa gilid ko dahilan para ikalingon ko ito.

“Ikaw pala Jherome? May kailangan ka?” pagtatanong ko dito. Nagsuot na rin ako ng hair net bilang suporta sa buhok. Kailangan ito upang maging malinis sa anumang lulutuin mo.

Mahina itong tumawa sa pagtatanong ko.

“Hindi pa pwedeng gusto ko lang makipag-usap? May kailangan talaga agad, Mark?” napatawa na lang din ako sa pagigong prangka niya sa akin. Saglit lang kaming nagkwentuhan ni Jherome hanggang sa dumating na ang head chef na aming pinapasukan at maging ang nagtuturo sa amin ng mga bagong kaalaman tungkol sa kusina.

Alas-syete na ng gabi nang matapos ang klase. Agad na akong nagligpit ng aking mga gamit upang makauwi na ako. Naghahabol kasi ako ng oras dahil kailangan ko pa magluto ng dinner ni sir Ryuu. Maya-maya din kasi ay uuwi na rin yun at kailangan ay nakahanda na ang lahat na kakainin niya bago siya makauwi.

Malalim akong napabuntong-hininga nang malaman na wala pa si sir Ryuu sa kanyang penthouse. Nagtungo muna ako sa aking unit para magbihis bago ako magluto para sa kanyang dinner.

Patapos na ako sa aking ginagawang pagluluto nang makatanggap ako ng tawag mula kay sir Ryuu. Mabilis ko itong sinagot na inaakalang importante ito.

“I will not be eating dinner there tonight.” tanging sinabi niya bago ibaba ang tawag. Hindi ito ang unang beses na nangyari ang ganito. Hindi na sa akin bago kumbaga. Tsaka bihira lang naman mangyari ang hindi niya pagkain dito ng dinner ng kaya ayos lang. Iinitin ko na lang siguro ’to bukas para sa almusal niya.

Matapos kong makapagligpit sa kusina ay tumungo na ako sa aking unit para magpahinga. Naglinis muna ako ng aking katawan bago pabalibag na binagsak ang aking katawan sa ibabaw ng malambot na kama. Dahil sa pagod na aking naramdaman ay mabilis akong nahila ng antok at tuluyan nang binalot ng kadiliman ang aking paningin.

Naalimpungatan ako sa pagtulog nang makarinig ako ng sunod-sunod na pag-doorbell mula sa labas ng aking unit. Mqpupungay pa ang aking mata na bumangon at pinagbuksan ang sinumang tao na may ganang mang-istorbo ng ganitong oras.

“Sino yan?” walang buhay kong sigaw bago buksan ang pintuan.

“Hey Mark.” mabilis na nawala ang aking antok at napalitan ng pagkagulat nang bumungad sa aking harapan si sir Tale. Namumula ang mukha at leeg niya maging ang kanyang mga mata. Napansin ko rin na nakabukas na ang dalawang butones ng kanyang polo para mapansin ko ang maumbok at matitigas niyang dibdib. Wala ako sa sariling napalunok.

“S-sir Tale?” hindi ko mapigilang mautal sa nakikita kong hitsura niya ngayon.

Magsasalita pa sana ako nang para akong tinamaan ng kidlat nang walang malay siyang bumagsak padagan sa akin. Mabilis naman akong nakabawi sa pagkakatulala nang muntikan akong mawalan ng balanse dahil sa bigat niya.

“Sir Tale? Sir?” doon ko lang napagalaman na lasing na lasing ito nang manuot ang halong amoy alak at matapang na pabango nito sa aking ilong. Sunod-sunod na mahinang ungol niya na lamang ang sunod kong nadinig.

Marahas akong napabuntong-hininga at walang choice siyang inalalayan papasok sa loob ng aking unit. Pabagsak ko siyang tinapon sa ibabaw ng aking kama at naiinis na pinakatitigan siya. Kahit tulog ay may gana pa ring ngumisi ang loko.

Great. So, what to do now?

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 06

Alfred Tale Crosagne


M A R K

Medyo late ako nagising kinaumagahan hindi tulad ng kinasanayan kong gising araw-araw. Umiikot ang aking paningin at masakit ang aking leeg dahil sa paghiga ko sa maliit na sofa nitong unit ko. Mas pinili kong dito matulog kaysa tabihan ang kumag na yun sa kama. Mas lalo lang akong mahihilo sa amoy niya.

Matapos kong maghilamos ay tumungo na ako sa penthouse ni sir Ryuu upang maghanda ng kanyang almusal. Saglit ko munang tinapunan ng tingin ang ngayong natutulog pa ring si Tale sa kama ko. May gana pa siyang humilik na mukhang sarap na sarap pa sa kanyang pagtulog. Tingnan lang natin mamaya kapag nagising ka na. Ewan ko na lang kapag tumama na ang hangover sa sistema niya.

Inabala ko ang aking sarili sa pag-init ng ulam na kagabi na aking niluto at nagluto ng fried rice para sa almusal ng aking amo. Sakto namang matapos kong magtimpla ng kanyang kape ay ang paglabas naman niya sa kanyang kwarto. Hindi pa ito nakabihis at magulo pa ang kanyang buhok na nagsasabing kagigising lang nito. Nakasandong itim pa ito dahilan para masilayan ko ang matitigas niyang braso na bahagyang nagtatangis dahil sa kanyang pagkusot sa kanyang mapupungay pang mata. Napababa ang aking tingin sa maiksi at hapit niyang stripes na boxer. Napalunok ako ng aking laway sa nasilayan na bukol mula doon.

Pinagnanasaan mo ba ang amo mo, Mark?

Agad kong iwinaksi sa aking paningin sa tanawin na yun. Ilang ulit akong umiling-iling habang marahang naglalakad papalapit sa amo kong kauupo lang.

“Good morning po sir.” simpleng bati ko dito tulad ng aking nakasanayan tuwing umaga bago ilapag ang tasa ng kape sa tabi niya.

“Good morning.” saglit akong mapatigil nang mapansin ang paos nitong boses. Isang katanungan ang pumasok agad sa aking isipan nang mapagtanto na mukhang masakit ang ulo nito dahil sa paghilot nito sa kanyang sentido.

“Masakit po ba ang ulo niyo sir?” hindi ko napigilang magtanong. Base kasi sa obserbasyon, mukhang uminom siya kagabi kaya masakit ang ulo niya ngayon. Isa pa, baka iyon din ang dahilan kung bakit kakagising niya pa lang at hindi pa nakabihis pangtrabaho. Hindi tulad kasi noon na ganitong oras kapag lumabas na siya sa kanyang kwarto ay nakabihis na ito ng kanyang formal suit at kakain na lamang ng almusal bago pumasok sa kanyang kompanya.

“Yeah. Just had a little reunion last night.” napatango-tango na lang ako. Sinimulan ko siyang salinan ng kanin sa kanyang plato. Sa sitwasyon niya kasi ngayon ay mukhang hirap siyang gumalaw. Hindi naman ako inosente para hindi malaman ang epekto ng alak sa katawan ng tao. Uminom na rin ako noon at nalasing. Kaya alam ko ang pakiramdam ng magkaroon ng hangover kinabukasan. Simula nang maranasan ko yun ay nilimitahan ko na ang sarili ko sa pag-iinom ng alak.

Sumagi sa aking isipan ang lalaki na hanggang ngayon ay mahimbing pa ring natutulog sa aking unit. Napaisip ako. Hindi kaya kasama ni sir Ryuu si sir Tale kagabi? Iyon ba ang dahilan kung bakit lasing na lasing din ang isang yun? Siguro, oo nga. Siguro magkasama sila kagabi kaya pati itong amo ko ay may hangover din ngayon.

“Don’t mind me. Just eat your breakfast.” nawala ako sa malalim na pag-iisip nang magsalita sa tabi ko si sir Ryuu. Tumango lang ako at nagsimula nang kumain tulad niya.

Matapos niyang kumain ay bumalik siya sa kanyang kwarto. Inabala ko naman ang sarili ko sa pagliligpit ng aking mga ginamit sa kusina. Sakto naman ng aking ginagawa ay yun din ang paglabas ni sir Ryuu sa kanyang kwarto. Nakasuot na ito ng usual niyang formal suit na sinadya ata para sa kanya dahil sa pagyakap nito sa malaki niyang katawan. May kausap ito sa kanyang telepono nang tuluyan siyang makalabas.

Makalipas ang ilang saglit ay bumalik na ako sa aking unit upang abalahin ang aking sarili. Pagkapasok ko sa aking kwarto ay wala na ang kumag doon sa aking kama. Nagtaka ako kung saan na siya pumunta pero agad na nasagot ang aking tanong nang makarinig ako ng mga patak ng tubig mula sa cr. Paniguradong nagtatanggal ito ng hangover sa pamamagitan ng pagligo.

Pumunta ako sa kusina upang paghandaan siya ng inumin at umaasang matanggal ang hangover sa sistema niya. Sa gitna ng aking ginagawa ay napapitlag ako nang may mga brasong pumulupot sa aking bewang at ang mabigat na bagay sa aking balikat. Agad na nanuot sa aking ilong ang pamilyar na amoy ng shower gel. Mabilis akong humarap upang mapagsino ito ngunit mukhang nagkamali ata ako ng ginawa nang mapagtanto ko kung gaano na kalapit ang mukha naming dalawa. Napatitig ako sa kulay abo niyang mga mata. Para akong hinihigop nito. Hinihinotismo dahilan para matulala ako sa tanawin na ito. Tila may bumara sa aking lalamunan para sunod-sunod akong mapalunok.

Bumaba ang tingin ko sa labi ng lalaking kaharap ko ngayon. Manipis ito. Mapupula - kasing pula ng isang mansanas. Bumubuka ang mapupula niyang labi na parang may sinasabi ito ngunit hindi ko matukoy kung ano yun. Wala akong marinig sa buo kong paligid. Basta ang alam ko lang ay ang nakakabaliw na pakiramdam na ngayon ay namumuo na sa buo kong sistema.

Bago pa ako mawala sa sariling katinuan ay mabilis ko siyang itinulak papalayo sa akin. Tila ako’y napaso dahil sa ginawa ko nang mapagtanto ang paglapat ng aking palad sa hubad niyang katawan. Mula sa kanyang nakangising mga labi ay bumaba ang aking tingin sa maumbok niyang dibdib pababa sa matitigas niyang tiyan pababa pa sa bagay na nakabukol sa pagitan ng kanyang hita na natatakpan ng tuwalya. Napakurap-kurap ako ng aking mga mata nang muli na naman akong natulala sa harap niya. Mapaglaro niyang tawa ang bumalik sa akin sa sarili kong ulirat.

“Why did you stop?” mapang-asar niyang tanong sa akin. Napansin ko ang kanyang pagngisi at napag-alaman kung saan na naman ’to papunta.

“Huh?” nagkunwari na lang akong walang ideya sa tinutukoy at mabilis siyang tinalikuran. Naiinis ako sa sarili ko hindi sa kanya. Naramdaman ko ang pang-iinit ng aking pisngi nang muling nanumbalik sa aking isipan ang tanawin kanina. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata upang iwaksi muli yun sa aking isipan.

“Why did you stop devouring me in your mind?” mapaglaro ang kanyang boses na labis kong kinainis. Sinundan niya pa ito ng mahinang tawa na lalong nagpainit sa ulo ko.

‘Bakit ka nagkakaganyan, Mark?’

Muli akong napatigil sa aking ginagawa nang muling pumulupot ang kanyang mga braso sa aking bewang. Mahina siyang bumulong sa aking kaliwang tenga sapat lamang para marinig ko.

“Is that for me?” para akong tinakasan ng sarili kong kaluluwa nang nagpaulit-ulit sa aking isip ang lamyos ng kanyang boses na parang sirang plaka. Mabuti na lang talaga ay patapos na ako sa aking ginagawa at agad akong nakakalas sa mapanglaro niyang mga braso. Naaasiwa ako sa tuwing nakadikit siya sa akin. Para siyang linta kung makapalupot sa katawan ko.

“Anong pinagsasabi mo? Gumawa ka ng sayo kung gusto mo.” lumabas ako ng kusina nang matapos ako at inabala ang sarili sa paglilipat ng channel sa tv habang sinusubukang ignorahin ang lalaking ngayon ay nakabukakang nakaupo sa tabi ko na hanggang ngayon ay tanging tuwalya lamang ang suot. Wala ba itong balak magbihis?

Pinilit kong mag-focus sa panunuod ng pelikula. Isa itong romantic film kung saan ang babae ay seryosong nakikipagusap sa isang lalaki. Nakaupo ang babae samantalang ang kaharap niyang lalaki ay nakahilig ng bahagya ang katawan sa office table nito.

Saglit akong napalingon sa lalaking tahimik na ring nanunuod tulad ko.

“Bakit hindi ka pa nagbibihis?” basag ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Napalingon ito sa akin tsaka ngumisi.

“Para saan pa kung huhubarin mo lang naman ako mamaya.” agad kong dinampot ang throw pillow sa tabi ko at tinapon sa kanya. Mabilis niya namang sinangga ang kanyang braso at nasalo ito.

“Wala ka talagang masabing matino.”

Inabala ko na lang ang aking atensyon sa panunuod nang matigilan ako nang mapagtanto kung ano na ang nangyayari sa palabas. Napalunok ako nang nakaluhod na ang babae - hubo’t hubad habang may itim na telang tumakatakip sa kanyang mga mata. Maya-maya ay lumabas ang lalaki na wala nang suot pang-itaas at may hawak na tila maliit na latigo. Marahang pinadaan nito ang dulo ng kanyang hawak sa hubad na katawan ng babae bago mahinang pinalo  sa balikat ng babae. Napadaing ang babae.

Naramdaman ko ang paglundo ng sofa sa aking tabi. Wala ako sa sariling napalingon ngunit agad ding napatigil dahil sa malapit nang pwesto sa akin ni sir Tale. Nakatukod ang matigas nitong braso sa gilid niya at ang isang braso naman nito ay tumukod sa armrest nitong sofa dahilan para makulong siya sa pagitan ng mga bisig nito.

“A-anong ginagawa mo?” hindi siya sumagot.

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa pagkautal. Nanumbalik ang pakiramdam sa aking katawan na kanina ko pa iniignora ngunit dahil sa pwesto naming dalawa ngayon ay tila kidlat itong dumaloy sa kabuuan ko.

Ilang beses na ba akong napapalunok ng laway ngayong araw na ’to dahil sa lalaking napakalapit na ngayon ng mukha sa akin. Gusto kong itulak siya palayo sa akin pero hindi ata umaayon ang katawan ko sa aking isip na dapat ay tinulak ko na siya kanina pa. Hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Para akong natuod sa sarili kong kinauupuan.

Binasa niya ang kanyang mapupulang labi gamit ang dulo ng kanyang dila. Dahan-dahan pa niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Namalayan ko na lang ang pamimigat ng talukap ng aking mga mata nang maramdaman ko ang kanyang labi sa gilid ng labi ko.

Nang mapagtanto kung ano ang kanyang pakay ay doon ko lang naigalaw ang aking katawan at malakas siyang tinulak palayo muli sa akin.

“Wala ka ba talagang magawa sa buhay mo?!” para akong malalagutan ng hininga nang makabawi sa pagkakatulala. Mabilis akong tumungo sa aking kwarto at agad na ini-lock ang pinto nito. Hawak-hawak ang aking dibdib na napasandig ako sa pinto. Lutang at hindi makapaniwala na nahalikan ako ng kumag na yun. Nagpupuyos ako sa inis nang marinig ko ang mahihinang katok niya mula sa labas.

“Don’t take that serious, Mark. I’m just teasing you, okay?” ibang-iba ang tono nito ngayon. Mababa ang boses ng lalaki na parang guilty ito sa ginawa niya. Hindi ko nagawang sumagot at hinayaan na lamang siyang kusang umalis.

Wala akong pakialam kung tanging tuwalya lang ang suot niya. That serves him right, anyway.

Lumipas ang mahigit isang linggo na hindi na nagawi ang lalaking ngayon ay hindi pa din mawala sa aking isip. Matapos kasi ng pangyayaring yun ay hindi na pumunta dito si Tale. Hindi ko alam kung anong dahilan. Marahil ay abala ito sa sarili niyang buhay kaya hindi ito nagagawi dito. Ayaw kong isipin na kaya hindi pumupunta si Tale dito sa penthouse ni sir Ryuu ay dahil sa paghalik nito sa kanya. Ang kumag na rin ang nagsabi na huwag seryosohin yun dahil isa lamang yun sa mga pang-aasar niya sa akin. Ngunit, hanggang ngayon kasi ay binabagabag pa rin ako ng halik niyang yun. Hirap na hirap na akong alisin yun sa sistema ko dahil sa tuwing sinusubukan ko lang ay nasi-stress lang ako.

Dahil sa nasanay na akong palaging nasa paligid si sir Tale ay tila hinahanap-hanap ko na ang presensya niya. Ilang araw na rin akong umaasa na sana ay maisipan na nitong magawi dito at asarin na lang siya buong araw. Para na akong mababaliw at mas gusto ko na lang na nakadikit siya sa akin. Gusto kong nasa paligid na lang siya palagi. Oo! Nababaliw na ako. Bago para sa akin ang ganitong pakiramdam. Sino ba namang matino ang matutuwa kapag pang-aasar lang ang kayang gawin ng tao sayo. Hibang lang ata ang gusto? Hibang na nga siguro ako dahil hinahanap-hanap ko ang presensya niya.

Simula nang araw nang halikan niya ako ay hindi na siya naalis sa isip ko. Kapag nawawalan ako ng ginagawa ay may pagkakataon na lumalabas ang kanyang hubad na katawan sa aking isipan. Nanunumbalik sa aking alaala ang maumbok at matigas niyang dibdib. Ang mapupulang labi nito na pagngisi lang ang tanging alam.

Matapos kong magluto ng almusal ng aking amo at naihanda na ang mga ito sa mesa ay naisipan ko na lang na maupo sa stool bar malapit sa island counter nitong kitchen habang naghihintay sa paglabas ni sir Ryuu. Masyado kasing napaaga ang gising ko ngayong araw gawa na hindi ako makatulog tulad ng mga nagdaang araw. Ayoko namang maunang kumain . Hindi naman ako si sir Tale na walang pakialam kung may hinihintay pa at palaging nauunang kumain. Napailing-iling ako nang siya na naman ang nasa isip ko.

“Oh shit!” napalingon ako sa aking likuran nang may boses akong nadinig mula sa sala kasunod ang tunog ng bagay na nabasag. Agad akong napatayo sa aking kinauupuan at tumungo sa sala. Magtatanong na sana ako kung anong nangyari nang mapipilan kalaunan nang masulyapan ang taong ngayo’y nagpapagulo sa isip ko.

“The fuck Alfred!” napatingin ako kay sir Ryuu nang lumabas ito sa kanyang kwarto at nakakunot ang noo nang masulyapan ang basag na vase sa sahig.

“Its not my fault. Mark broke it!” mula sa pagtingin sa aking amo ay mabilis akong napabaling kay sir Tale na nakahawak pa sa kanyang noo.

“Huh? Ba’t ako?” tanging nasabi ko na lang.

Ang kapal din ng lalaking ’to na pagbintangan ako. Ngayon na nga lang siya nagpakita dito tapos ganito pa ang mangyayari. Kung alam ko lang sana na ganito ang muli naming pagkikita ay hindi ko na sana hiniling na sana pumunta siya dito. Nakakapang-init lang ng ulo.

“Is that true, Mark?” seryoso ang boses ni sir Ryuu na tinanong ako. Kahit hindi naman talaga ako ang may kasalanan ay nakaramdam ako ng pagkatakot na baka sisantihin niya ako dahil sa nangyari. Nakayuko akong umiling sa paratang ng aking amo.

“Then Alfred, pay what he broke.” pagtatapos ni sir Ryuu bago dumiretso sa dining area.

“What?”

Kasalukuyan kaming kumakain na tatlo ng almusal. Nilinis ko muna ang nabasag na vase ni sir Tale bago sila sabayan sa pagkain. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapatingin kay sir Tale dahil ngayon ko na lang ulit siya nakita makalipas ang ilang araw. Napapangiti na lang ako sa aking isipan and at the same ay napapailing na lang. Hindi naman kasi ako ganito sa kanya noon. Hindi ako natutuwa kapag nasa paligid siya. Ngunit parang nagbago ata bigla ang ihip ng hangin.

“Namiss ko ang luto mo Mark ah! Tagal ko nang hindi natitikman mga luto mo.” komento niya sa pagitan ng kanyang pagsubo. Hindi niya na nangunguya ng maayos ang kanyang kinakain dahil sa sunod-sunod niyang pagsubo.

‘Bakit kasi bigla ka na lang hindi nagparamdam?’

Gusto ko sa kanyang itanong yan ngunit mas pinili ko na lang na isaisip yun.

“Your table manners, Alfred.”

“Tsk! Sungit-sungit talaga nito. Kaya wala kang jowa eh!” napataka ako sa aking isip sa sinabi niya. Ano namang connect ng table manner ng tao sa pagkakaroon ng karelasyon ng tao?

“And you, a childish philandering bachelor who only knows chiming-in in people’s lives.” composed pa rin ang pagkakaupo ni sir Ryuu hindi tulad ni Tale na parang natatae dahil sa mga sunod-sunod na pang-aalaska sa kanya ng kaibigan.

“That’s too harsh, dude. Masungit lang sinabi ko sayo ah.” palihim akong napatawa sa tinuran niya. Masyado atang natapakan ni sir Ryuu ang ego niya kaya kung maka-react ay sobra-sobra. Guilty siguro siya.

“Alam mo, Ryuuji. Masyado ka kasing seryoso sa buhay kaya wala kang girlfriend eh. Why don’t you loosen up sometimes? Play sometimes?”

Play sometimes? Sa tingin ko malabong gawin ni sir Ryuu ang ganung bagay. Kung siya pa, may tyansa pa. Tsaka, paano naiisip ng lalaking ’to na maglaro sa edad niya. Isip-bata ba siya?

“My work deals with millions everyday, Alfred. I’m handling thousands of employees in my company. Sabihin mo nga sa akin kung paano ko mabibigyan ng oras ang kwentang bagay na ’yan? Besides, the only time I could relax is when I am not in my office which unfortunately was also the time your annoying voice comes in and ruins the only silent moment that I have. So if you could, please just eat your breakfast and just fucking mind your own business.”

Iyon ang unang beses kong madinig si sir Ryuu na magsalita ng mahaba. Nasanay kasi ako sa buong buwan kong pagtatrabaho dito ang pagiging matipid niya magsalita. Nagsasalita lang ito kung importante ang kanyang sasabihin.

“Okay. Fine. Umagang-umaga, ang init agad ng ulo mo.” pagsuko ni sir Tale.

Tulad ng aking ginagawa matapos sa pagkain ay nagligpit na ako sa kusina. Nakaalis na si sir Ryuu upang pumasok kasama si sir Tale. Nakaramdaman ako ng pagkalungkot dahil sa agaran niyang pag-alis. Kumain lang talaga ang kumag.

Pagkatapos ay bumalik na ako sa aking unit upang matulog sana ulit ngunit saktong pagpasok ko sa kwarto ko ay bulto ng malaking lalaki agad ang bumungad sa akin. Nakatalikod ito sa akin na parang may hinahanap na kung ano sa loob ng closet ko.

Anong ginagawa ng lalaking ’to dito? Akala ko ba umalis na siya? Tsaka paano siya nakapasok sa unit ko?

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

PS. Pinapaalala ko na po sa lahat na fast-paced po itong story kaya huwag na po kayong magugulat sa mga mangyayari.

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 07

Mark Hope Calvares


M A R K

“Anong ginagawa mo sa kwarto ko?” pasigaw na tanong ko dahilan para mapatigil sa ginagawa ang lalaking ngayon ay nakatalikod sa akin. Dahan-dahan siyang pumaharap sa akin. Hinintay ko siyang sagutin ang tanong ko kung ano ang pakay niya dito sa loob ng kwarto ko.

Tanging mapaglaro na ngisi ang nasilayan ko sa kanyang mukha nang tuluyan siyang nakaharap sa akin. Nagtatanong ang aking mga mata na tiningnan siya. Siya pa ngayon ang may ganang ngumisi ngayon. Pwede ko siyang kasuhan ng trespassing dahil sa walang pahintulot niyang pagpasok sa unit ko.

“Anong ginagawa mo dito?” pag-uulit ko sa kanya at baka hindi niya lang nadinig ang una kong pagtatanong. Imbes na sagutin ako ay humakbang siya papalapit sa akin habang nakahawak ang pareho niyang kamay sa kanyang bewang. Dahil sa puting tee shirt lang ang kanyang suot ay hindi nakawala sa aking paningin ang pagtangis ng kanyang mga braso. Napalunok ako. Hindi ko man lang namalayan na tuluyan na pala siyang nakalapit sa akin dahil masyadong natuon ang atensyon ko sa kanyang matigas na braso.

Maling napatingin ako sa kanyang mukha para lang magtagpo ang paningin naming dalawa. Nagsimulang mag-init ang aking pisngi sa muling makita siya ng malapitan. Ang kanyang kulay abo na mga mata na para akong hinihipnotismo. Ang ilong niyang matangos na halos dumikit na sa aking ilong dahil sa sobrang lapit niya. Sa mapula niyang labi na hindi na naalis ang isang ngisi at ang hiwa sa pagitan ng kanyang baba. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na purihin ang taglay niyang kagwapuhan. Ito pa lang ang unang beses kong inamin sa sarili ko na nagagwapuhan ako sa lalaking ito. Parang isa siyang diyos ng mga Griyego na ibinaba mula sa itaas upang akitin ang isang tulad ko. Sadyang napakaperpekto ng kanyang mukha maging ang buo niyang katawan.

“Hindi mo ba gusto na nandito ako sa kwarto mo?” naramdaman ko ang paggapang ng kanyang kamay pahawak sa aking nanginginig na panga. Parang may mahika itong dala na nagpakabog pa lalo sa aking dibdib. Para itong may dalang kuryente na dumaloy sa buo kong katawan. Mula sa pagkakatitig sa aking mga mata ay pumaibaba ang mga yun sa aking labi. Matagal niyang tinitigan ang aking labi bago ko namalayan na lumapat na pala ang kanyang labi sa akin. Kung kanina ay malakas ang pintig ng aking dibdib sa kaba, ngayon ay bigla na lang tumigil ang pagtibok nito dahil sa halik niyang yun.

Nagsimula niyang igalaw ang kanyang labi. Dahil sa gulat ay hindi ako agad nakatugon sa marahan niyang paghalik sa akin. Tulad nang una niya akong halikan ay hindi ko na naman magawang maigalaw ang aking katawan. Alam ko sa sarili kong hindi tama ang kanyang ginagawa ngunit isang pakiramdam ang sigurado ako, nagugustuhan ko ang lasa ng kanyang labi. Nakakaadik ito. Unti-unti kong naigalaw ang ang aking labi at sinabayan ang ritmo ng kanyang paghalik. Naramdaman ko ang bahagyang pagngisi ng kanyang labi dahil sa ginawa kong pagtugon doon.

Napapikit ako at dinama ang nagsisimula nang maglikot niyang mga kamay pagapang sa aking katawan. Pinaikot ko ang aking braso sa kanyang leeg bilang suporta. Pakiramdam ko kasi ay anumang oras ay pwede akong mawalan ng balanse sa labis na panghihina ng aking tuhod. Mahina akong napaigik sa gitna ng aming paghahalikan nang ikabig niya ako palapit pa lalo sa kanyang katawan. Ramdam ko sa aking tiyan ang nagsisimula nang tumigas na parte sa pagitan ng kanyang hita.

Hindi ko na nagawang pigilan ang aking sarili nang mas lumalim pa ang kanyang paghalik. Naging mapusok. Naging mas mapang-akit dahilan para mapanganga ako sa labi na sarap ng aming tagpo. Ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit noong mga nakaraang araw ay hinahanap-hanap siya ng sistema ko? Dahil ba sa paghalik niya sa akin nang araw na yun kaya hindi na siya nawala sa isip ko?

Pigil na mga ungol ang aking pinakawalan nang pumaibaba sa aking panga ang kanyang mainit na halik. Pilit kong pinipigilan na hindi mapalakas ang ungol na yun sa pamamagitan ng mariin na pagkagat sa aking labi. Dama ko ang marahan niyang pagkagat sa aking leeg. Mas lalo na ata akong nabaliw sa sensasyon nang pumasok ang kanyang kamay sa loob ng aking tee shirt at nagsimulang paglaruan ang namumusok ko nang utong doon. Napasabunot ako sa sarap. Para akong nakalutang sa langit sa bagong pakiramdam na ito. Napasabunot ako sa kanyang buhok at tuluyan na ngang hindi napigilan ang mapaungol ng malakas.

“You like it, huh? Moan my name, Mark. Moan my name until you drop.” halinghing niya sa pagitan ng paghalik at pagkagat niya sa aking leeg. Tanging tango lang ang kaya kong isagot sa kanya dahil tanging mga ungol na lamang ang lumalabas sa aking bibig.

‘Shit! Bakit ako nagkakaganito? Bakit parang baliw na baliw na ako sa lalaking ito?’

Dapat ko bang maramdaman ito?

Bumalik ang kanyang labi palapat sa aking namumula nang labi. Aksidente kong nakagat ang kanyang labi nang bigla niya akong buhatin. Awtomatikong pumaikot ang aking parehong hita sa kanyang bewang bilang suporta. Nagsimula siyang maglakad at namalayan ko na lamang na bumagsak na ako sa malambot na kama nitong kwarto ko. Tila isa akong uhaw na bata na pinagmasdan ang dahan-dahan na paghubad ni Tale sa kanyang tee shirt. Pumaibaba ang aking tingin sa maumbok niya dibdib pababa pa sa anim na maliliit na bato sa kanyang tiyan. Dahil sa tanawing yun ay mas lalong nawala ako sa aking sarili.

Hindi ko man lang namalayan na nasa ibabaw ko na pala siya. Hinayaan ko siyang hubarin naman ang suot kong tee shirt at itapon ito sa sahig bago muling nagtagpo ang aming mga labi. Wala sa sariling pumatong ang dalawa kong palad sa kanyang matigas na dibdib. Damang-dama ko ang maliit na utong niya sa aking kamay. Nakakapaso ang init ng kanyang katawan ngunit naging manhid na lang ang aking kamay at hinayaan ang mga yun na damhin ang kanyang dibdib. Tila isang ahas na pumasok sa bibig ko ang kanyang dila. Nang matagpuan nito ang kanyang hinahanap ay sinimulan niyang paglaruan ang aking dila. Naghalo na ang laway naming dalawa ngunit masyado na akong nalunod sa dalang mahika ng kanyang mapupusok na halik upang pansinin pa yun.

Kinuha niya ang isa kong kamay na nakalapat sa kanyang dibdib at dinala ito sa pagitan ng kanyang mga hita. Napamulat ako ng aking mga mata nang mapagtanto kung gaano kalaki ito. Bukas na ang zipper ng kanyang bahagya nang nakababa na pantalon upang malaya kong mahawakan ang kanyang pagkalalaki na pilit nang kumakawala ang ulo nito sa garter ng kanyang brief.

Imbes na balutin ng lamig na nagmumula sa aircon ang aking katawan ay naging kabaligtaran iyon. Buong katawan ko ngayon ay nag-iinit na dahil sa sensasyong dala ng labi ni sir Tale. Muling pumaibaba ang kanyang halik sa aking leeg. Hindi lamang siya nagtagal roon nang simulan niyang paglaruan ang naninigas ko nang utong. May halong hapdi at sarap ang ginagawa niyang pagsipsip sa parte ng katawan kong yun. Kasabay ng aking pagliyad dahil sa sarap ay marahas kong nasubunutan ang kanyang buhok at mas idiin pa ang kanyang ulo sa aking balat.

Dahil sa labis na sensasyon ay hindi ko na nasundan pa ang mga sunod na nangyari. Dahil sa labis na pagod dahil sa ginawa ay mabilis akong nilamon ng kadiliman  at tuluyan nang nakatulog. Ngunit bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay nadinig ko pang may binulong si Tale sa aking tabi.

“Rest well, pet.” 

Nagising na lamang ako ng tanghali na wala na siya sa tabi ko. Labis na pinamulahan ako ng pisngi nang manumbalik sa aking alaala ang mainit na pagtatagpo naming dalawa kanina. Napamura ako sa aking isipan nang mapagtanto sa aking sarili ang ginawa kong kamalian.

Shit! Nakakahiya ka, Mark. Masyado kang marupok.

Mabilis akong bumangon sa aking kama at pumasok sa loob ng cr upang maglinis ng katawan. Hindi ko na nagawang kumain ng tanghali at dumiretso na lang papasok sa aking klase matapos kong maligo.

Minsan ay natutulala na lang ako sa kawalan sa tuwing sumasagi sa isip ko ang hubad niyang katawan. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin sa aking labi ang kanya. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa din ang mga bawat haplos niya sa aking katawan.

“Hoy! Tulala ka na diyan!” natigil ako sa pagpapantasya sa katawan ni Tale sa aking isipan nang magsalita si Jherome sa aking tabi. Napalingon ako sa kanya. Agad na rumihestro sa aking mukha ang pagtataka nang makita kong makahulugan itong nakatingin sa akin.

“May problema ba?”

“Wala naman. Nagtataka lang ako kung bakit may sugat yang labi mo. Napano ba yan?” itinuro niya ang labi ko at nagtatanong na nakatingin dito. Hinawakan ko ito. Doon ko lang nalaman na may sugat ito nang makaramdam ako ng hapdi nang bahagya kong diinan ang pagkakahawak dito.

“Ahm… Aksidente ko kasing nakagat kanina nang kumakain ako. Huwag mo na lang pansinin.” mabuti na lang ay agad akong nakaisip ng idadahilan kundi baka magtaka pa itong kausap ko at kung ano pang kalokohan ang isipin.

Hindi ko na matandaan kung ano ang dahilan ng pagkasugat ng labi ko. Marahil ay dahil sa diin ng pagkagat ko sa aking labi o kaya naman dahil sa ginawang pagkagat ni Tale dito. Posible ding pareho.

Akala ko ay titigilan niya na ako nang muli na naman siyang magtanong na ikinatigil ko.

“Aksidente din bang nakagat ang leeg mo?”

“Huh?” nagtatanong ang aking matang napabaling ulit sa kanya.

“Sa susunod, huwag kang magpapalagay ng marka sa katawan kung ayaw mong malaman ng ibang tao na nakipag-sex ka.” napanganga ako sa kanyang sinabi at kinapa ang aking leeg. Dahil sa inis ay naikuyom ko ang aking kamay at paulit-ulit na pinapatay sa aking isipan si Tale.

Kahit kailan talaga ang kumag na yun. Wala nang magandang naidulot sa akin. Humanda ka sa akin.

Buong klase ay nakatulala lang ako at iniisip ko paano ko magagantihan si Tale sa ginawa niya sa akin. Anong karapatan niya para lagyan ako ng marka. Sa leeg pa talaga ah! Pwede niya naman sanang gawin yun basta sa tagong parte lang ng katawan ko. Tsk! Umayos ka nga Mark. Anong pinagsasabi mong pwede? Hibang ka na ba talaga sa lalaking ’yon? Binabawi ko na ang sinabi ko. Sana pala hindi na lang ako nagpadala sa mapupusok niya halik at nakakapanghina niyang mga haplos ng mga oras na yun. Dapat pala ay tinulak ko na siya agad at sana hindi ako namomroblema ngayon ng ganito.

Ang rupok mo kasi, Mark eh. Ang rupok-rupok mo talaga kahit kailan. Hindi mo lang nakita yung tao ng isang linggo, namiss mo lang. Tapos nagpahalik ka naman agad. Baliw ka na ba talaga? Spell ‘marupok’.

M - A - R - u - p - o - K.

Hanggang sa makarating ako sa building ng penthouse ni sir Ryuu ay si Tale pa din ang nasa isip ko. Buong klase kanina ay hindi na ako tinantanan ni Jherome sa makahulugan niyang mga tingin sa akin. Pasimple ko na lang na tinatakpan ang leeg ko para wala nang ibang makakita pa nito.

Saktong pagkababa ko sa taxi ay yun din ang malakas na pagbuhos ng ulan. Mabuti na lang ay nakarating na ako bago pa man bumuhos ito ng malakas. Dumiretso muna ako sa penthouse ni sir Ryuu upang magluto ng kanyang dinner bago ako magbihis. Simple lang ang niluto ko at nang matapos ay agad din itong hinanda sa ibabaw ng mesa. Tulad ng palagi niyang sinasabi ay iniiwan ko na lang ito dito  bago ako dumiretso sa aking condo unit.

Upang mas mapabilis ay sa secret passage na ako nitong penthouse na sir Ryuu dumaan patungo sa aking unit. Less hassle kasi kapag lumabas pa ako.

Matapos kong kumain ay naglinis naman ako ng katawan. Ganito naman na lagi ang routine ko bago matulog simula nang magtrabaho ako bilang chef ni sir Ryuu. Nang maihubad ang buo kong saplot ay didiretso na sana ako sa shower nang mapatigil ako nang mapansin ko na parang may kakaiba sa katawan ko. Yun na lamang ang gulat ko nang mapagtanto na hindi lang pala sa leeg ko ako may marka kundi meron pa pala sa buo kong katawan. Nagmistula itong maliliit na pasa. Ang kaninang inis ko na naglaho na sana ay muling nanumbalik. Hindi lang inis kundi halos sumabog na ako sa galit dahil sa kagagawan niya.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa lalaking yun!

Nagpupuyos sa galit akong nagbabad sa ilalim ng maligamgam na tubig ng shower hanggang sa makapagpalit ako. Sinet ko muna sa dim lights ang buong ilaw sa sala bago bumalik sa aking kwarto upang mahiga na. Binuksan ko naman ang lampshade sa tabi ng aking kama bilang liwanag naman dito sa aking kwarto.

Naninikip ang aking dibdib sa galit sa kumag na yun. Sa oras talaga na makita ko siya, kulang pa ang bugbog bilang kabayaran sa kasalanang ginawa niya. Ang lakas ng apog ng lalaking yun na gawin sa akin ’to. Nakakainis!

Sa gitna ng pag-iisip ko ay parang mahika na nadinig ko ang mahina niyang tawa sa aking isip. Saglit akong natigilan nang maramdaman ko ang mabilis ng pagkabog ng aking dibdib. Napahawak ako dito.

Ano na naman ang nangyayari sa akin?

Napahawak ako sa aking labi sa alaalang nanumbalik sa aking isipan. Bakit ganito? Bakit palagi na lang sumasagi sa isip ang mga yun? Bakit hindi ko mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko? Bakit palagi na lang siya ang laman ng isip ko?

Naudlot ang aking pagiisip nang makadinig ako ng sunod-sunod na katok sa labas ng aking unit. Nagtataka akong napaisip na kung sino na naman ang taong pupunta dito ng ganitong oras? Tsaka wala bang isip ang taong yun? Pwede namang mag-doorbell siya ah.

Saglit kong pinakaramdaman kung sino ang taong may ganang istorbohon ang pagpapahinga ko. Sumilip ako sa butas nitong pinto at yun na lang ang pagkagimbal ng sistema ko nang makita ko sa labas si Tale. Patuloy lang ito sa ginagawang pagkatok sa pinto.

‘Shit! Ano na namang ginagawa niya dito?’ pagtatanong ko sa isip ko. Nakahawak sa dibdib akong sumandig sa pader malapit sa pintuan habang nag-iisip kung pagbubuksan ko ba ito o hindi. Ang bilis ng tibok ng aking puso ay dumoble pa kumpara kanina.

Nagtaka ako nang wala na akong madinig na katok mula sa labas. Sandali ko ulit pinakiramdaman kung nasa labas pa siya. Bahagya ko pang nilapit ang tenga ko padikit sa pinto. Nang mapagtanto kong wala na siya sa labas ay binuksan ko na ang pinto at wala na nga siya.

Mabuting hindi niya ito pinagbuksan ng pinto. Mas magandang umalis na ito.

Agad ko namang sinara ang pintuan at nilock muli ito bago ulit humilata sa aking kama. Tama na ang pag-iisip sa lalaking yun, Mark. Wala siyang magandang maidudulot sayo.

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang makarinig ako ng mga yabag ng paa mula sa sala. Mabilis akong napabangon sa aking kama upang i-check kung may tao sa labas ng aking kwarto.

“Ahhh!!!” malakas akong napasigaw nang bumulaga sa aking harapan si Tale nang buksan ko ang pinto ng aking kwarto na gulat din nang makita ako. Mabuti na lang ay agad akong nakabawi mula sa pagkagulat.

“Paano ka napasok dito?!”

Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay tumingin lang siya sa kanyang gilid. Sinundan ko kung saan siya tumingin. Napabuntong-hininga na lang ako nang mapagalaman na sa secret passage siya nitong unit dumaan. Hindi ko inakala na may disadvantage din pala ang bagay na yan. Sana pala noon pa lang ay hindi na ako pumayag na palagyan ni sir Ryuu nyan. Kung hindi lang dahil sa lalaking ’to, matagal ko na yang pinasara kahit ilang beses pang sumalungat ang amo ko.

Tutal naririto na naman siya. Ito na siguro ang tamang oras para bugbugin ko siya dahil sa ginawa niya sa aking hindi kanais-nais.

“Walanghiya ka talaga!” galit ko siyang sinugod habang kuyom ang aking parehong kamay. Wala akong pakialam kung mas malaki siya sa akin. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay makabawi sa ginawa niya.

“Hey! Stop! What’s the matter?” mabilis niyang nasasalag ang mga suntok ko ngunit hindi agad ako sumuko. Mas lalo lang akong naiinis dahil sa umuusok na ako sa sobrang galit pero may gana pa din siyang tumawa diyan.

Pilit kong kinakalas ang aking braso mula sa mahigpit niyang pagkakahawak sa akin.

“Bitawana mo ako, kumag ka!” matatalim na tingin ang aking ginawad sa kanya. Kung nakamamatay lang sana ang ganitong tingin ay kanina pa sana siya nakahandusay diyan sa sahig.

“Hey! I said, what’s the matter? Did I do something wrong?” hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa pagkakalas ng kamay niya sa aking braso.

“Is it about the kiss?” natigilan ako at napatingin sa kanya. Napangisi naman siya. “Yeah?”

Sa wakas ay nagawa kong maialis ang braso ko sa pagkakahawak niya. Mabilis akong humakbang papalayo sa kanya.

“Ang kapal ng mukha mo! Anong karapatan mong lagyan ako ng marka sa buong katawan ko?! Nakakadiri ka!” hangos akong napatigil nang halos mapatid na ang litid ko sa leeg dahil sa lakas ng aking sigaw. Napaangat ako ng tingin nang maramdaman ko ang presensya niya sa aking harapan. Humakbang ako muli paatras ngunit sadyang tukso ata siya at humahakbang siya papalapit sa akin. Aksidente akong napaupo nang sunod kong maatrasan ay ang sofa na nitong sala.

Napasandig ako sa sofa nang yumuko siya at dinukwang ang kanyang sarili palapit pa sa akin. Isang ngisi muli ang gumuhit sa kanyang labi.

“Bakit? Hindi mo ba nagustuhan? I’m just marking my property. I’m just marking what’s mine… you’re only mine, Mark.”

Napalunok ako.

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 08

Alfred Tale Crosagne


M A R K

“Bakit? Hindi mo ba nagustuhan? I’m just marking my property. I’m just marking what’s mine… you’re only mine, Mark.”

Napangiwi ako sa mga katagang sinambit niya. Matinding inis ang naramdaman ko dahil sa base sa sinabi niya ay parang isa akong bagay sa kanya - bagay na siya ang nagmamay-ari.

‘Ang kapal ng mukha mo.’

“Fuck!”

Walang pag-aalinglangan kong tinuhuran ang kanyang alaga dahilan para mawalan siya ng balanse at namimilipit na hinawakan ang parte niyang yun. Dahil sa kawalan niyang ng balanse, ang kanyang mukha ay napasubsob sa aking balikat. Agad ko namang itinulak ang kanyang ulo para naman ngayon ay namimilipit na siya sa sakit sa malamig na sahig nitong sala.

“Buti nga sayo. Manyak!” nagawa ko pa siyang sipain sa kanyang tiyan dahilan para mas lalo pa siyang mamilipit. Hindi ko kailangan maawa sa kanya dahil dapat lang sa kanya ang mabugbog. Kahit papano, gumaan ang pakiramdam ko.

Mabilis akong humiga sa aking kama matapos kong i-lock ang pinto ng aking kwarto. Mariin kong ipinikit ang aking mata at unti-unting kinakalumutan ang lalaking nasa sala ngayon ng unit ko. Wala pa rin akong pakialam kung nasaktan siya. He deserves that anyway. Hindi ko kailangan isipin ang kalagayan niya.

Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakikipagtitigan sa kisame nitong kwarto. Pilit kong pinipikit ang aking mga mata habang pinipilit na dalawan ako ng antok pero ilang beses din akong nabigo. Kahit ayaw ko man ay hindi ko magawang hindi isipin ang taong nasa labas lang ng kwarto ko.

Nagaalala ako sa kanya. Hindi ako nagaalala sa kanya dahil sa nagawa kong tuhuran ang kanyang alaga kundi nagaalala ako sa kanya dahil kanina ko pa nadidinig ang sunod-sunod niyang paghatsing.

’Kailan ba ako patatahimikin ng lalaking ‘to?’

Padabog ako muling umalis sa kama at pinuntahan siya sa sala. Nakaupo siya sa gilid ng sofa at yakap-yakap ang kanyang sarili nang madatnan ko. Parang may kumirot sa aking puso nang masilayan ko ang panginginig na kanyang katawan. Dahil sa nakitang kalagayan niya ay bumalik ako sa kwarto at mabilis na kinuha ang kumot sa aking kama. Napalingon siya sa kanyang likuran nang maramdaman ang pagpatong ko ng kumot sa kanyang katawan.

“Thanks.”

Umikot ako sa sofa at umupo sa kabilang dulo ng sofa. Pinakititigan ko lang siya dahil sa pagaalala. Kahit papa’no ay humupa na ang panginginig ng kanyang katawan sa ngayong nakabalot nang katawan sa kanya.

“Ba’t ka kasi nagpaulan?” pambabasag ko sa mahabang katahimukan sa aming dalawa. Doon lang siya napalingon sa akin. Imbes na sagutin ako ay iba ang sinabi niya.

“I-I’m still cold.” nangangatal ang kanyang labi na nagsisimulang mamutla na rin dahil sa panalalamig niya.

Ano bang gagawin ko sa lalaking ’to? Puro na lang problema ang dulot niya sa akin. Tsk! Ang laking tao, lamig lang pala ang katapat. Gusto ko siyang pagtawanan ngayon sa hitsura niya pero mas minabuti ko na lang na huwag gawin. Imbes na pagtawanan siya ay mabilis akong umusod palapit sa kanya. Kahit nagdadalawang isip ay sinunod ko na lamang ang aking naisip.

“Hubad.” maikli kong utos sa kanya. Nagtataka siyang tumitig sa akin dahil sa biglaang pangyayari. Sino ba naman hindi magugulat kapag sinabihan ka na  lang bigla na maghubad ng hindi mo alam ang dahilan.

“What?”

“Sabi ko, maghubad ka. Mas lalamigin ka lang lalo kapag suot mo pa yang basang damit mo.” tumango na lamang siya ang nagsimulang hubarin ang suot niyang polo. Hirap siyang matanggal ang pagkakabutones no’n dahil sa nanghihina niyang kamay kaya naman ako na ang gumawa. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin habang tinatanggal ko ang pagkakabutones ng kanyang polo hanggang sa matapos. Hinayaan ko lang siya. Siya na ang naghubad ng kanyang pantalon at tanging boxer na lang ang natira niyang suot.

Dahil sa tanawin ay nakaramdam ako ng pang-iinit sa aking katawan na agad ko namang winaksi. Hindi ito ang tamang oras para makaramdam ng ganun.

Inayos ko ang kumot sa kanyang katawan at mas lalo pang binalot ito sa kanya. Makabubuti na din ’to para hindi siya mas lalong lamigin.

“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.” pambabasag ko muli sa katahimikan.

“Huh?”

“Bakit ka kasi nagpaulan?” bahagyang tumaas ang boses ko sa ideyang nagpaulan siya. Hindi ko lang maiwasang mainis dahil sa problemang dala ng lalaking ’to sa buhay ko. Daig pa ang bata.

“I went to my dad’s place. Pauwi na sana ako nang biglang nagloko ang kotse ko sa gitna ng daan. I have no choice but to get outside and wait for a taxi. But halos isang oras na akong naghihintay pero wala pa ding dumadaan. So, I decided na maglakad and at the same time, mag-abang ng masasakyan. Hind ko naman aakalain na uulan ng ganun kalakas.” mahina lang ang kanyang boses habang nagkukuwento. Walang kurap lang akong nakatingin sa kanya habang nakikinig.

“Bakit kasi hindi ka na lang tumawag ng tao na pwedeng magsundo sayo doon? Hindi ka ba nag-iisip?” napaikot ako ng mata sa ideyang hindi ata sumagi sa kukote niya. Palibhasa puro lang pang-aasar ang alam niya.

“I tried but there’s no signal on that area.” saglit niya akong tinapunan ng tingin. Napangiwi na lang sa sagot niya. Siya na ata ang pinakamalas na tao ngayong araw.

“Mabuti nakasakay ka…” saglit muli siyang natahimik na pinagtaka ko.

“No. Naglakad lang ako hanggang dito.” mabilis akong napakurap-kurap dahil sa pagkagulat. Shems! May balat ba sa pwet ang lalaking ’ti at ganun na lang kamalas ang dinanas niya kanina.

Mas lalo atang sumikip ang dibdib ko nang mapagalaman kong naglakad lang pala siya hanggang dito. Kahit hindi ko man alam kung saan siya galing, pakiramdam ko ay napakalayo ng nilakad niya. Ibubuka ko na sana ang aking bibig upang magsalita nang may sumaging katanungan sa aking isip.

“Teka… Bakit dito ka dumiretso? Bakit hindi sa bahay mo?”

Nagdikit ang aking kilay nang may ngisi na sa kanyang labi nang muling lingunin ako.

“Why do ask so much?” mapaglaro niyang tanong. Bahagya siyang gumalaw palapit sa akin. I was caught off guard nang namalayan ko na lang na napahiga na ako sa sofa at siya ay nakababaw na sa akin. Nakakulong ako sa matitigas niyang bisig. Napalunok ako.

Hindi pa rin naalis ang ngisi sa kanyang labi.

“Why do you ask so much, hmm? Umamin ka nga sa’kin Mark, may gusto ka ba sakin?” tila may bagay na bumara sa aking lalamunan dahilan para kapusin ako ng hininga. Hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako ng ganun.

Gusto? Siya?

Gusto ko na nga ba siya?

Imbes na magpadala sa bugso ng aking damdamin ay malakas ko siyang itinulak paalis sa ibabaw ko. Bumangon ako at umayos ng upo.

“Kapal rin ng mukha mo ’no. Nagalala lang ako sa’yo. Gusto agad? Di ka rin assuming ’no.” sinubukan kong alisin ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Bakit naman kasi bigla kaming napunta sa ganitong usapan? Kahit kailan talaga, ang kumag na ’to. Masyadong malaking tukso.

“Does that mean, you care for me?” matatalim na tingin ang binato sa kanya pero hindi pa din natinag ang ngisi sa kanyang labi maging ang mapaglarong tingin niya. “Yeah? You’re worried about me so, I think you like me.” mahina pa siyang tumawa sa dulo. Ang lakas niya pang mang-asar sa sitwasyon niya ah. Buhusan ko na lang kaya siya ng malamig na tubig sa pwesto niya. Parang kanina, mukha siyang basang-sisiw sa hitsura niya tapos ngayon may gana na siya ulit asarin ako. Great! Just great, insert sarcasm.

“Ewan ko sayo.”

Imbes na patulan siya sa kanyang muling pang-aasar ay tumayo na lang ako at pumunta sa kusina upang ipagtimpla siya ng mainit na chocolate drink. Kahit mukhang okay na naman siya ay kailangan ko pa ring gawin ito para makasigurado.

Palihim akong napangiti nang malaman na medyo umayos na ang pakiramdam niya. Nagagawa niya na ngang asarin ako eh. Sa isiping yun, bahagyang nabawasan ang pagaalala ko sa kanya.

Sa gitna ng aking pagtitimpla ay may naramdaman akong braso na pumaikot sa aking bewang. Marahan kong pinalo ang kanyang kamay sa aking tiyan at agad na kinalas ang kanyang yakap. Tumawa lamang ang loko. Mabuti nang pagharap ko sa kanya ay medyo malayo na siya sa akin.

“Inumin mo ’to para hindi ka na lamigin. Pagkatapos mo diyan, umuwi ka na sa bahay mo. Masyado ka nang nakakabulabog.” nang maiabot ko sa kanya ang tasa ay mabilis akong naglakad sa kwarto para kunin ang naiwan niyang damit dito noong minsan siyang nalasing. Ngayon ko lang naalala na may damit pala siya dito sa unit ko.

“What? Pauuwiin mo ako ng ganito ang suot?” sigaw niya sa akin nang tuluyan na akong nakapasok sa kwarto. Inabala ko saglit ang aking sarili sa paghahanap sa kanyang damit. Nang mahanap ay bumalik ako sa sala at tinapon sa katabi niya ang kanyang damit.

“Yan! Problem solved.” tatalikuran ko na sana siya nang muli siyang umangal.

“Gabing-gabi na. Mahirap nang makasakay ng ganitong oras.”

“Edi maglakad ka ulit.” inikutan ko siya ng mata at nagpatuloy na sa paglalakas pabalik sa aking kwarto. Hindi ko man lang namalayan ang oras. Ala-una na pala ng madaling araw at hindi pa din ako natutulog. Maaga pa akong gigising mamaya para maghanda ng almusal ng amo ko.

Dahil sa pagod ay mabilis akong hinila ng antok. Nagising ako ng hindi inaasahan nang makaramdam ako ng mabigat sa aking tagiliran. Napalingon ako dito. Laking gulat ko nang katabi ko palang natutulog si Tale habang nakayakap sa akin. Parehas kaming balot ng kumot. Dahil sa aking agarang pagbangon ay tumambad sa akin ang hubad niya pa ring katawan.

“Hoy! Tale! Gising!” mahina ko itong tinulak ang kanyang balikat upang gisingin ito. Nang hindi pa ito magising ay may kalakasan ko nang tinampal ang balikat nito. Papungas-pungas ito ng kanyang mata na napatingin sa akin.

“Sinong nagsabing pwede kang matulog dito? Tsaka bakit boxer lang pa din ang suot mo? Diba sabi ko sayo umu—” hindi ko na natapos ang pagtatanong ko sa kanya nang walang hirap niya akong kinabig pabalik sa pagkakahiga. Natigilan ako nang mamalayan ko kung gaano na naman kalapit ang mukha niya sa akin.

Ito na naman. Bumibilis na naman ang kabog ng dibdib ko. Nahihirapan na naman akong huminga.

Sandali akong napapikit nang maramdaman ko ang labi niya sa aking ilong. Pagod niya akong nginitian matapos.

“Just let things be, Mark. Matulog na tayo, hmm?” hindi ko na nagawang magsalita nang pumayakap ang kanyang braso na nasa may braso ko dahilan para mas lalo akong mapalapit sa kanya. Para akong nahipnotismo nang manuot sa aking ilong ang natural niyang amoy. Hindi ito amoy ng kanyang pabango dahil alam ko ang amoy no’n. Sadyang natural na amoy lang talaga ng kanyang katawan.

Hindi na ako umangal pa muling bumalik na lang sa pagtulog.

Kinaumagahan ay medyo late na ako nagising. Pero may sapat pa naman akong oras para maghanda ng breakfast ni sir Ryuu. Tulad ng inaasahan ko ay wala na sa tabi ko si Tale. Naghilamos muna ako bago tumungo sa penthouse ng aking amo. Natigagal ako nang maabutan ko ang taong laman ng aking isip na abala sa pagluluto sa kitchen nitong penthouse. Nakatalikod ito sa akin kaya naman hindi nakita nito ang pagpasok ko sa kusina. Kahit nagtataka kung bakit siya naririto at ginagawa ang trabaho ko, ay lumapit pa din ako sa kanya.

Sakto nang makalapit ako ay yun din ang pagpihit niya paharap sa akin hawak ang kawali na may lamang pagkain na hindi ko alam ang tawag. Mukhang masarap ito kahit ngayon ko lang ito nakita.

Matamis niya akong nginitian nang masulyapan ako.

“Good morning.” masaya ang tono ng kanyang boses nang batiin ako. Malayong-malayo sa palagi niyang mapang-asar na tono. Ito rin ang unang beses kong makita siya na ngitian ako ng ganun.

“Hey! Are you alright? You seem so shock.” kinaway-kaway niya ang kanyang kamay sa aking harapan para matigil ako sa pagkakatulala.

“Anong ginagawa mo?”

“Cooking, obviously.” tinaas niya ang pareho niyang balikat bago nagpatuloy sa kanyang pagluluto. Sinalin niya ang kanin sa kawali upang sangagin ito.

“Alam kong nagluluto ka, pero bakit? Trabaho ko yan at dapat ako ang gumagawa niyan.”

Muli siyang humarap sa akin at pumameywang. Doon ko lang napansin na nakasuot na siya ng puting plain shirt at suot pa rin ang boxer na suot niya kagabi.

“Bakit? Bawal na ba akong magluto? Besides, just consider this as my thank you sa pagaalaga mo sa akin kagabi.” muli ay nginitian niya ako bago inabala ang sarili sa sa pagluluto. “Are you hungry? Malapit na akong matapos. Give me some sec.” wala ako sa sariling napaupo sa stoolbar at nahihiwagaan siyang pinakatitigan.

Ngayon ko lang siya nakita ng ganito. I mean, nakapagtataka lang dahil sanay akong nakikita siyang pang-aasar lang ang alam gawin. Na ang alam lang ay ang tumambay dito sa penthouse ni sir Ryuu at kung minsan naman ay magliwaliw sa labas. Hindi ko alam na may ganito pala siyang side. Yung ganitong klase ng Tale na hindi ko alam na nage-exist pala. Sana ganito na lang siya palagi.

Kung hindi pa ako tinapik ni Tale sa pisngi ay nakatutulala pa rin sana ako hanggang ngayon. Saglit siyang nagpaalam sa akin at nang makabalik ay nakabihis na. Suot niya ngayon yung damit nang unang beses siyang natulog sa unit ko nang malasing siya. Sakto namang pagupo ni Tale ay yun din ang paglabas ni sir Ryuu sa kanyang kwarto. As usual, nakaformal suit na ito. Binati kami pareho nito bago kami nagsimulang kumain.

Sumapit ang tanghali at naririto na ako sa aking unit nagaayos ng sarili para pumasok. Nang makuntento sa ayos ng aking buhok ay agad na akong umalis. Polo shirt ang napili kong suotin para kahit papa’no ay matago ang marka sa aking leeg na si Tale pa ang may kagagawan. Baka kasi kapag nakita na naman ito ni Jherome ay asarin na naman ako.

“Mark.” tawag ni Jherome sa pangalan ko. Hindi na ako nagabalang lumingon dito dahil abala ako sa pagsuot ng apron at hairnet sa aking sarili.

“Nagyaya si Francis na kain daw tayong lahat sa labas pagkatapos ng klase. Treat niya daw.” hinayaan ko lang siyang magsalita sa akin tabi.

“Anong meron?” tanong ko.

“Birthday ng loko.”

Dahil sa matagal na rin akong hindi lumalabas at makapaggala ay pumayag na lang ako sa pagyaya ni Jherome sa akin. Kaya naman nang matapos ang aming klase ay masaya kaming lumabas sa building. Halata sa lahat ang excitement dahil sa ingay ng mga kasama ko. Samantalang ako ay pangiti-ngiti lang sa mga naririnig kong kuwentuhan ng aking mga kaklase.

Medyo nahirapan ang ilan sa amin sa paghahanap ng masasakyan dahil sa dami namin. May iilang nauna na dahil may mga sariling sasakyan ito. Ang iba naman ay nakapara na ng taxi. Di din naman nagtagal ay nakasakay na kami ni Jherome ng taxi papunta sa aming kakainan.

Huminto ang taxi na aming sinasakyan sa harap ng isang high-end bar dito sa Taguig. Nagtakaka akong tiningnan si Jherome sa aking tabi. Awkward itong ngumiti sa akin na parang may nagawang malaking kasalanan sa akin.

“Anong ginagawa natin dito? Akala ko ba kakain tayo?” nagtataka pa rin akong nagtanong sa kanyan. Pinagloloka ba ako ng kaibigan kong ’to?

“Sorry Mark. Kapag kasing sinabi kong sa bar tayo pupunta, baka hindi ka sumama.” pagak akong napatawa sa dahilan niya. Nakakatawa ang hitsura niya sa totoo lang.

“Sino namang nagsabi sayong hindi ako sasama. Tara na nga! Baka maubusan pa tayo ng alak.” sigaw ko sa kanya at nauna nang pumasok sa loob. Naiwan siyang tulala doon bago pa nakasunod sa akin. Agad na bumungad sa akin ang maingay na tugtugin ng lugar. Makukulay ang mga ilaw na parang mga lasing dahil malilikot nitong galaw. Marami rin ang nagsasayawan sa paligid.

Napatigil ako sa pagmasid sa paligid nang maramdaman ko ang paghila sa akin ni Jherome sa kamay. Umakyat kami sa ikalawang palapag nitong bar. Doon namin naabutan ang iba naming kaklase na nagkakatuwaan na. Sa tingin ko naman ay kasisimula pa lang nila dahil sa bawas ng alak na kanilang hawak. Masaya kaming binati ng mga ito na parang hindi lang kami magkakasama kanina. Natawa ako sa isip ko.

Nakisalo na rin kaming dalawa ni Jherome sa kanila. Nasa kanan ko si Jherome habang may kausap na babae sa tabi niya. Nasa aking kaliwang gawi naman si Francis na mukhang tinatamaan na ng alak. Madami  na rin siguro ang nainom ng loko. Namumula na ang mukha nito at nagsisimula nang maging madaldal. Samantalang ako ay nakakadalawang bote pa lang ng alak. Hindi pa naman ako nahihilo kaya pwede pa akong uminom ng isa pang bote.

“Mark.” napalingon ako nang tawagin ni Francis ang pangalan ko. Gulat akong napalingon sa kanya nang mapagalaman na malapit ang mukha nito sa akin. Parang baliw itong nakangisi sa akin. Kasunod ay naramdaman ko ang pagpatong ng kanyang braso sa aking balikat. Isinawalang-bahala ko lang yun dahil alam ko namang walang ibang intensyon itong si Francis. Kilala kasi itong napakabait sa klase. Lasing lang kaya ganito.

“Alam mo… ngayon ko lang napansin… siguro kung naging babae ka… mas maganda ka pa sa mga tunay na babae… Ang kinis ng mukha mo eh….” putol-putol ang kanyang pagsasalita. May kalakasan ang kanyang boses dahil sa ingay ng paligid namin.

“Naku! Walang katuturan yang pinagsasabi mo, Francis. Lasing ka lang kaya mo yan nasasabi.”

Ayoko namang maniwala sa sinabi niya. Lasing lang ito kaya ganun. Mas minabuti ko na lang na ibahin ang topic ng aming pinaguusapan. May pagkamadaldal na si Francis at ang dami niya nang nakukwento sa akin. Maloko din pala siya. Minsan ay natatawa na lang ako sa mga kinukwento niyang mga kalokohan na kanyang ginawa.

“Cr lang ako.” nagpaalam muna ako kay Francis nang makaramdam ako ng bigat ng puson sa gitna ng aming paguusap. Mabilis ko namang nahanap kung nasaan ang cr nitong bar. Pagkapasok ko ay agad akong nagbawas tubig sa aking katawan. Pagbukas ko ng pinto nitong cubicle ay naging mabilis ang pangyayari nang maramdaman ko ang mga kamay na tumulak sa aking pabalik sa loob. Muntikan pa akong nawalan ng balanse dahil sa rahas ng pagkakatulak ng taong yun.

“Tale?” gulat akong napaangat ng tingin sa taong tumulak sa akin upang sitahin sana ito pero agad ding natigilan nang mapagsino ito.

Nanunusok ang tingin niya. Namumula ang kanyang mga mata. Para niya akong pinapatay sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

Anong ginagawa niya dito?

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 09

Mark Hope Calvares


M A R K

“Anong ginagawa mo dito?” gulat kong tanong sa kanya. Nakaharang lamang siya sa pinto nitong cubicle habang masasamang tingin ang kanyang pinupukol sa akin. Napagmasdan ko ang pagtiim ng kanyang panga at ang pagkuyom ng kanyang kamay.

Anong nangyayari sa lalaking ’to?

“I am supposed whose asking you that question, Mark. What are you doing in this place?” may pagtitimpi at diin ang bawat salitang binibitawan niya. Bahagya siyang humakbang papalapit sa akim dahilan para mapaatras ako. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot ngayon sa awra ni Tale. Napalunok ako.

“Birthday ng kaklase ko kaya ako nandito. Teka nga, bakit ba kailangan kong ipaliwanag ang side ko sayo? “ nagsisimula nang mamuo ang inis sa akin dahil sa padalos-dalos niyang pagtulak sa akin kanina. Kung hindi pa sana ako nakahawak sa pader nitong cubicle ay natumba na sana ako. Anong karapatan niyang itulak ako ng ganun kalakas?

Bako pa man ako mapakurap ng aking mata ay mabilis na siyang nakalapit sa akin at mahigpit na hawakan ang aking panga. Napatingin ako sa kanyang nagbabagang mga mata. Para akong tinutunaw nito. Para akong sinisilaban ng kanyang matatalim na titig.

“Because you have to.” halos pabulong na ang boses niyang sabi. Naging mabilis ang aking paghinga sa pwesto naming dalawa. Napahigop ako ng hangin nang pumagapang ang kanyang malaking palad pababa sa aking leeg. Bago ko pa man malaman ay mabilis nang naglapat ang labi naming dalawa. Nalasahan ko sa aking labi ang alak sa kanyang bibig. Hindi ko magawang tumugon dahil sa paraan ng kanyang halik. Mararahas ito. Mapanakit. Tila isa siyang uhaw na hayop na sabik na sabik sa isang pagkain na matagal niya nang gustong tikman.

Nabahala ako sa paraan niyang yun kaya naman ay sinubukan ko siyang itulak palayo sa akin. Pero sadyang malaki at malakas siya kaya sa akin kaya naman hindi ko nagawa siyang tibagin sa ginagawa. Pumaibaba ang marahas niyang halik sa aking leeg. Naramdaman ko ang pagkabig ng kanyang braso sa akin papalapit pa lalo sa kanyang katawan. Kahit pilit ko siyang ilayo sa akin ay hindi ko mapagtagumpayan.

Napadaing ako nang maramdaman ko ang kanyang halik na may kasama nang pagkagat sa aking leeg. Mali ito! Hindi dapat mangyari ’to.

“Tale! Ano ba, nasasaktan ako!” hanggang ngayon ay pilit ko pa ring nilalayo ang sarili ko sa kanya. Pilit siyang pinipigilan sa makamundo niyang ginagawa. “Tale! Please…” sa wakas ay nakawala ako sa kanyang halik ngunit saglit lamang yun nang tila isa siyang bomba na sumabog sa harap ko. Mabilis na sinapo ng isa niyang kamay ang aking baba. Bahagya pang napaangat ang aking mukha. Mahina akong napadaing dahil sa diin ng kanyang paghawak. Nanlilisik ang kanyang mga mata na tiningnan ako. Nagigitgitan ang kanyang mga ngipin. Gigil na nagtatangis ang kanyang panga.

“Walang pwedeng umangkin sayo, kundi ako lang! Ako lang ang pwedeng humalik sayo, Mark! Papatayin ko kung sinumang lalaki ang may lakas ng loob na agawin ka sa akin! Akin ka lang! You’re only mine… only mine. Nagkakaintindihan ba tayo?!” literal na tumigil ako sa paghinga sa pigil niyang pagsigaw sa mukha ko. Idagdag pa ang mahigpit na hawak niya sa panga ko. Kusang kumawala ang sariwang luha sa aking mata pababa sa aking pisngi. Parang may tinarak na kutsilyo sa aking dibdib dahil sa mga sinabi niya.

Ang kaninang galit niyang ekspresyon ay unti-unting umamo. Nakita ko ang konsensya sa kanyang mukha dahil sa nagawa. Agad niyang binitawan ang aking panga dahilan para nanghihina akong napaupo sa bowl nitong cubicle. Mahigpit siyang napahawak sa kanyang buhok at humakbang palabas sa cubicle. Napaigtad ako nang walang sabi niyang sinuntok ng malakas ang salamin nitong cr para mabasag ito. May iilan pang natanggal na parte ng salaman at bumagsak sa sink. Kitang-kita ko ang pagkagulat ng aking mukha mula sa basag-basag nang salamin.

Mabilis kong pinahid ang luha sa aking pisngi at nagdesisyong pigilan sa kanyang pagwawala. Kahit labag sa aking loob ay mahigpit ko siyang niyakap mula sa kanyang likod. Nanigas ang kanyang katawan nang maramdaman ang pagyakap kong yun. Mariin kong pinikit ang aking mata at panibagong luha muli ang kumawala dito.

“Tama na Tale. Tama na, please…” nanginginig ang boses kong pakiusap sa kanya. Nadinig ko ang mahihina niyang mura pero nanatili lang akong nakayakap sa kanya at umaasang kumalma na siya. Ayokong nakikita siyang ganito. Ayokong nakikita siyang sinasaktan ang sarili niya.

“I’m sorry. I’m sorry, Mark. Please… Huwag kang magalit sa akin. I’m so sorry… Hindi ko sinasadya…” pumaharap siya sa akin at kinulong ng kanyang palad ang pareho kong pisngi. Nagsusumamong tumitig siya sa aking mata.

‘Hindi ko magagawang magalit sayo, Tale.’ sagot ko sa aking isip.

Kalaunan ay mahigpit niya akong kinulong sa kanyang bisig. Dama ko dito ang proteksyon at pag-iingat. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga bisig na yun. Saglit kami sa ganung posisyon bago napadesisyunang lisanin ang lugar na yun. Hindi ko na nagawang magpaalam sa mga kasama ko maging kay Jherome. Namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng sasakyan ni Tale at kasalukuyang tinatahak ang daan pauwi. Tahimik lamang kaming pareho. Diretso lang siyang nakatingin sa kalsada. Paminsan-minsan akong napapatigin sa kanya at sa muli kong pagtingin sa kanya ay doon ko lang napansin ang sugat sa kanyang kamao. Nagdudugo ito. Bigla kong naalala ang pagsuntok niya kanina sa salamin para mabasag ito.

Nakakainis naman siya. Bakit kailangang pagalalahin niya ako ng ganito palagi? Bakit palagi na lang na hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya isipin? Ano bang meron sa lalaking ’to?

“May sugat ka.” tanging nasabi ko sa nakita.

Nanatili lang siyang tahimik hanggang sa makapasok kami pareho sa unit ko. Pumunta ako sa cr at kinuha ang first aid kit sa cabinet. Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa habang nakayuko. Tahimik akong naupo sa tabi niya at kinuha ang kanang kamay niya. Napatingin siya sa gawi ko sa ginawa ko.

“Kailangan magamot yang sugat mo.” hinayaan niya lang akong gamutin ang kanyang sugat. Sinusubukan kong huwag diinan ang ginagawa kong pagdampi ng bulak sa kanyang sugat-sugat na kamao. Paminsan-minsan akong napapatigin sa kanya sa tuwing naririnig ko siyang napapahigop ng hangin sa hapdi na nararamdaman. Napapailing na lang ako sa tuwa na makita ang hitsura niya.

“Why are you smiling?” tanong niya sa akin. Saglit akong tumigil sa ginagawa para tingnan siya.

“Wala. Bakit? Masama na bang ngumiti ngayon?” nagpatuloy ako sa ginagawa at hindi na lang siya pinansin.

“Mark?” pambabasag niya sa katahimikan. Patapos na ako sa paggamot sa sugat niya at binabalot na lamang ito ng gasa upang hindi maimpeksyon.

“Hmm?”

“I’m sorry. I am really sorry…”

Malalim akong napabuntong-hininga tsaka walang gana siyang tiningnan. Hindi ba siya napapagod na humingi ng tawad? Kanina pa siya hingi ng hingi ng sorry sa akin, nakakairita na.

“I didn’t mean to hurt you. Nadala lang ako ng galit ko.” umiwas siya ng tingin sa akin at yumuko.

“Alam ko namang hindi mo yun sinasadya. Ba’t ba kasi galit na galit ka kanina?” muli ko siyang tiningna nang matapos sa ginagawa. Matagal bago niya nasagot ang tanong ko.

“I saw you talking with other guy. You two were so close to each other and you seemed so happy talking with him. I badly wanted you to drag away from him. I hate so much na makita kang masaya sa ibang tao, na hindi ako ang dahilan ng bawat ngiti at tawa mo. It feels like it’s killing me from inside.” dahil sa sinabi niya ay tila gumaan ang pakiramdam ko. Ayokong magisip na tama ang hinala ko pero base kasi sa sinabi niya ay parang nagseselos siya na may kasama akong ibang lalaki.

Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang pisngi dahilan para sandali siyang mapapikit. Kalaunan ay hinawakan niya ang kamay kong nakawak sa kanyang pisngi. Kinuha niya ang palad ko mula doon at hinalikan ito. Muling nagtagpo ang mga mata namin. Hindi ko magawang umiwas sa titigang yun hanggang sa namalayan ko na lang ang paglapat ng mainit niyang labi sa akin. Nagsimula akong tumugon sa kanyang halik. Sa gitna ng aming mainit na tagpo ay naramdaman ko sa aking likod ang malambot na sofa. Doon ko lang nalaman na nakahiga na pala ako habang si Tale ay nasa ibabaw ko. Mahigpit akong napahawak sa kanyang balikat sa sensasyong muling binubuhay niya sa kaloob-looban ko.

Lumipas ang sandali ay pareho na kaming walang suot pang-itaas. Napapahalinghing na lang ako sa ginagawang paglaro ng kanyang bibig sa aking utong. Para akong kinikiliti sa sobrang sarap ng kanyang ginagawa. May kakaibang pakiramdam itong dulot sa aking katawan para mapaungol ako.

Pumagapang ang kanyang kanang kamay pababa sa aking pagkalalaki. Hindi ko na siya napigilan dahil sa paglamon ng matinding apoy sa aking buong katawan. Walang hirap niyang nabuksan ang zipper ng aking pantalon at mabilis na nilabas mula sa aking brief ang akin. Mas lalong lumakas ang aking mga ungol nang simulan niyang paglaruan ang alaga ko. Mainit ang malaki niyang palad na mas lalong nagdala ng ibang sensasyon sa katawan ko.

Bumalik ang kanyang labi sa labi ko. Muli naming pinagsaluhan ang parehong uhaw naming pagnanasa para sa isa’t-isa. Aksidente ko pang nakagat ang kanyang labi upang pigilin ang panibagong ungol mula sa aking bibig.

“Shit! Malapit na ako.” mahina kong halinghing nang kumawala ang kanyang labi sa akin. Natigilan ako ng pumaibaba ang kanyang ulo pantay sa pagkalalaki ko.  Nanginig pa ang aking katawan nang walang sabi niya sinubo ng buo ang bagay sa pagitan ng aking hita. Swabeng bumaba-taas ang kanyang bibig sa akin. Wala sa sarili ko siyang nasabunutan. Hindi ko inaasahan na kaya niyang gawin ang ganitong bagay. Hindi ko akalain na ganitong sarap ang hatid niya sa sistema ko.

Hindi ko na napigilang magpakawala nang mas bumilis pa ang pagbaba-taas ng bibig ni Tale sa baba ko. Gusto ko pa sana siyang sabihan na lalabasan na ako nang nahuli na ako at tuluyan na sumirit ang libido ko sa kanyang bibig. Bahagyang nanigas ang aking buong katawan dahil sa pagpapakawala kong yun. Huli kong nasulyapan ang pagpunas ng kanyang kamay sa gilid ng kanyang labi at ngisian ako bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Katatapos lang ng klase namin at kasalukuyan na akong nagliligpit ng aking mga gamit. Kakaunti na lamang kaming naririto sa loob nang masilayan ko ang humihingal na tumakbong si Jherome pabalik sa kwarto. Nagtataka ko itong tinitingnan nang saglit siyang napatukod sa kanyang tuhod.

“May naghihintay sayo sa labas.” habol ang kanyang hininga na sabi sa akin. Mas lalo akong nagtaka dahil doon. Sino namang susundo sa akin? Wala naman akong inaasahan na susundo sa akin ng ganito.

“Sino daw?” tanging naitanong ko na lang bago isukbit ang bag sa aking balikat. Kahit nagtataka ay naglakad na lang ako palabas nitong gusali. Kahit ayaw ko mang paniwalaan ang taong nasa laman ng aking isip ay malaki pa rin ang tyansang siya ang taong tinutukoy ni Jherome. Tahimik lamang na nakasunod sa akin si Jherome.

Napatigil ako sa paglalakad nang matanaw ko mula dito sa pinto si Tale na nakapamulsa pa sa kanyang suot na maong jeans na pinaresan ng body-hugged shirt na labis na nagpatingkad sa kakisigan ng kanyang katawan.

‘Sinasabi ko na nga ba.’

Mabilis akong nagtago sa gilid ng pinto upang hindi niya ako makita. Ang nagtataka namang si Jherome ay hinila ko sa aking tabi.

“Bakit ka nagtatago?”

Kahit siya na ang inaasahan kong tinutukoy ni Jherome ay hindi ko pa rin naiwasang magulat nang makita siya sa labas. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa reyalisasyon na sinusundo niya ako. Hindi niya naman ginagawa ’to dati ah. Anong nakain ng lalaking yun at naisipang sunduin ako? Sakit talaga sa dibdib ang kumag na yun.

“Sabihin mo sa kanya na nakauwi na ako.” pinagtaaasan niya lang ako ng kilay at marahas na napakamot sa kanyang batok. Nagaalangan niya akong tiningnan.

“Eh sa nasabi ko sa kanya na nandito ka pa sa loob eh.” marahas akong napabuga ng hangin. Paktay! Ano na ang gagawin ko ngayon? Tsk! Ano namang masama kung susunduin niya ako diba? Hindi naman siguro masama kung sasakay ako sa kotse niya. Hinatid niya na rin naman ako noon nang pumunta ako sa isang bar kasama ang mga kaklase ko. Hindi ito ang unang beses na sasabay ka sa kanya, Mark. Dapat hindi ka na kabahan.

Walang gana na lang akong lumabas sa aking pinagtataguan at napiling maglakad papalapit sa kanya. Napalingon siya nang makalapit sa akin at matamis akong nginitian.

“Anong ginagawa mo dito?” walang buhay kong tanong sa kanya. Tinanggal niya ang kanyang kamay sa bulsa tsaka binuksan ang pinto ng shotgun seat. Inilahad niya ang kanyang kamay paharap sa akin.

“Fetching you, I think.” ang kanina niyang matamis na ngiti ay naging mapanglokong ngisi.

Tatlong araw na rin ang nakakalipas matapos ang mainit naming pagtatagpo nang gabing yun. Sinakop ako ng matinding kahihiyan nang mabalik ako sa sarili kong katinuan. Mabilis akong tumakbo sa aking kwarto at ini-lock ito. Habang talukbong ng kumot at pilit kong inaalis sa aking isip ang kanyang mukha habang subo ang aking sandata.

Simula nang sumunod na araw ay pilit ko siyang iniiwasan ngunit sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Paano ko nga ba naman siya maiiwasan kung palagi siyang nakatambay sa penthouse ni sir Ryuu. Sa tuwing mapapagtingin ako sa kanya at nahuhuli ko rin siyang malagkit na nakatitig sa akin. Mapang-asar niya akong nginingisian. Napapayuko na lamang ako sa tuwing sumasagi sa isip ko ang naging tagpo naming yun.

“Ayoko. Magtataxi na lang ako.” maglalakad na sana ako upang maghanap ng masasakyan na taxi nang mabilis niya akong nahila pabalik. Masama ko siyang tiningnan pero hindi man lang natinag ang loko.

“Hey! Iniiwasan mo ba ako?” natigilan ako saglit nang maalala muli ang hitsura niya nang gabing yun. Hangganga kailan ba ako magdudusa dahil sa lalaking ito? Sumasakit na lang ang ulo ko.

“Bakit naman kita iiwasan?” pabalik kong tanong sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

“Look at me, Mark.” binaling niya ang aking mukha paharap sa kanya sa pamamagitan ng paghawak sa aking baba. “Look into my eyes.” naging seryoso ang tono ng kanyang boses maging nawala na rin ang kanyang ngisi sa labi.

“You don’t have to avoid me. You must not feel embarassed with me. I’m so sick of knowing na iniiwasan mo ako matapos ang gabing yun. What’s wrong with you, Mark? Akala mo ba hindi ko napapansin na iniiwasan mo ako?” tagos sa kaloob-looban ang ginagawa niyang pagtitig sa akin. Hindi ko magawang kumalas. Para akong natuod sa sarili kong kinatatayuan at ang kumurap ng mata ay hindi ko magawa. Napalunok ako.

“Please… Don’t do this to me.” tanging pagtango na lang ang aking natugon. Nabalik ako sa sarili nang may marinig akong tumikhim sa aking likuran. Agad akong lumayo kay Tale at hinarap ang taong yun. Napamura na lang ako sa aking isip nang malaman na nasa likuran ko pa pala si Jherome. Kailan pa siya nakatayo diyan?

“Excuse me na ah. Uuwi na rin ako. Baka kasi maabutan pa ako ng ulan…” tinaas niya ang pareho niyang balikat at hilaw na ngumiti. Kinaway niya pa ang kanyang kamay bilang pagpapaalam.

Nakangising kumaway si Tale dito. Naiinis ko itong pinalo na ipinagtaka niya.

“What?”

“Bakit hindi mo sinabi na hindi pa umalis si Jherome?” kahit kailan talaga ang lalaking ’to.

“So what? I want him to know na akin ka lang.” bumalik ang ngisi sa kanyang labi at muling binulsa ang parehong kamay.

“Baliw ka talaga.” tanging nasabi ko na lang at umupo na lang sa shotgun seat nitong sasakyan niya. Akala ko ba sira ang kotse niya.

Hindi nagtagal ay pumasok na rin siya at sinimulang buhayin ang makina ng sasakyan.

“Seatbelt.” paalala niya sa akin bago mabilis na pinaandar ang kotse.

Nakatingin lang ako sa labas habang tinatahak ang daan pauwi. Nagtataka akong napatingin sa katabi ko nang huminto kami sa isang pamilyar na lugar. Mas lalo pa akong nagtaka nang alisin niya ang kanyang seatbelt at walang sabi na lumabas ng kanyang kotse. Kahit nagtataka ay sumunod na lamang ako sa kanya at natagpuan na lang ang sarili ko na nakaupo sa loob ng isang restaurant - ang restaurant kung saan ako nag-apply bilang waiter noon.

“Anong ginagawa natin dito?” pag-agaw ko sa kanyang atensyon. Saglit siyang tumingin sa akin bago muling ibalik ang atensyon sa menu na hawak niya. Hindi man lang ako sinagot ng kumag na ’to. Ilang saglit lang ay nagtawag siya ng waiter at sinabi dito ang kanyang mga order.

“Kung ano mang kalokohan ’to Tale, hindi nakakatuwa. Kailangan ko pa magluto ng dinner ni sir Ryuu. Kailangan ko nang umuwi.” pinipilit ko ang aking sarili na huwag sumabog sa harap niya. Pinipilit ang sarili na magpuyos ng inis. Baka mamaya masapak ko pa itong kaharap ko.

“Don’t worry, Mark. I already called Ryuuji na kasama kita and said na kakain tayo sa labas ngayong gabi.” hibang na ba talaga ang lalaking ’to? Kanina sinundo niya ako tapos ngayon kakain kami sa labas? Ano bang meron?

Napabuntong-hininga na lang ako tsaka humalukipkip sa harap niya. Nadinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Hindi nagtagal ay dumating na ang kanyang inorder at napilitan na lang na kumain. Para matapos na ang kalokohan niyang ’to.

“So, Jherome huh?” pagsisimula niya ng topiko matapos ang katahimikan sa pagitan namin.

“What’s with you two?”  tanong niya naman. Hindi ko siya sinagot at inabala na lang ang sarili sa pagkain. Wala akong gana na makipagusap sa kanya.

“I want you to stay away from him, Mark. Ayokong nakikita kitang may kasamang ibang lalaki.” doon lang ako napatingin sa kanya. Para iyong kidlat na tumama sa akin para magising ako sa pananahimik.

“Kaibigan ko lang si Jherome. Tsaka, wala kang karapatan para diktahan kung sino ang gusto kong kasama.”

Ang kapal din talaga ng apog ng lalaking ’to na diktahan ang gagawin ko. Sino ba siya para utusan ako na layuan ang kaisa-isang kaibigan ko? Nakakainis siya, parang gusto ko siyang tusukin ng tinidor ngayon.

Saglit siyang natahimik. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi na lang pinansin ang presensya niya. Magta-taxi na lang ako pauwi matapos kong kumain dito. Kung yun ang gusto niyang sabihin kaya niya ako dinala dito, pwes hindi ako natutuwa. Hindi ko maiwasang murahin siya sa isip ko dahil sa mga sinabi niya.

Tsk! Hindi niya ako pagmamay-ari para sundin siya sa gusto niya.

Natigilan ako sa pagkain nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Nabitawan ko ang hawak kong tinidor bago diretsong napatitig sa kanyang mga mata. Napalunok ako. Maging siya ay napalunok rin nang mapansin ko ang paggalaw ng kanyang adams apple.

“You’re my type, Mark and I really want you.”

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank

you!

TPT - 10

Alfred Tale Crosagne


M A R K

Ang binabalak ko sanang maunang umuwi ay hindi natuloy. Biglang naglaho ang inis ko sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito pero hindi ko lang talaga maiwasan.

“You’re my type, Mark and I really want you.”

Wala ako sa sariling napangiti nang maalala ko ang mga salitang yun dahilan para bumilis ang tibok ng aking puso. Pinilit kong pigilin ang aking pagngiti sa pamamagitan ng bahagyang pagyuko ng aking ulo at paglalaro sa aking daliri. Baka kasi mamaya asarin lang ako ng katabi ko at masira pa ang pagmo-monent ko.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa gusali ng aking tinutuluyan. Mabilis niyang nai-park ang kanyang sasakyan sa loob ng parking lot na pinagtaka ko. Akala ko ba ihahatid niya lang ako?

“Let’s go?” yaya niya sa akin nang tuluyan na siyang nakalabas sa kotse. Pinili ko na lang na tumahimik at baka ihahatid niya pa ako hanggang sa unit ko. Ganun na nga. Baka nga.

Pinindot niya ang storey kung saan ang aking unit. Pareho lang kaming tahimik. Nakasunod lang ako sa mabilis niyang paglalakad hanggang sa huminto kami pareho sa loob ng elevator. Nakatingin lang ako sa numerong tila bumagal sa pagbibilang pataas ngayong nasa iisang elevator lang kami ni Tale. Ilang beses na kaming nagkasabay sa loob ng elevator ngunit iba na ngayon. Hindi ko alam kung anong matatawag kung anong namamagitan sa amin pero masasabi kong malaki na ang nagbago sa pakikitungo namin sa isa’t-isa.

Nanginig ang aking kalamnan nang maramdaman ko ang likod ng kanyang kamay na sumagi sa akin. Para itong may kakaibang kuryenteng saglit na dumaloy sa pagtatagpong yun. Napalunok ako. Ilang saglit lamang ay naramdaman ko na ang kanyang kamay na humawak sa aking nanlalamig nang kamay. Hindi ko maiwasang kabahan. Ito ang unang pagkakataon na hawakan niya ang kamay ko ng ganito. May kakaibang pakiramdam ang dala nito sa aking katawan. Unti-unting gumuhit ang isang malapad na ngiti sa aking labi. Paminsan-minsang hinahaplos ng kanyang hinalalaki ang aking hintuturo. Kung nakikita ko lang siguro ang sarili ko, pulang-pula na siguro ito.

“You like me holding your hands, huh.” marahan na lamang akong napailing sa sinabi niya bago sabay kaming humakbang papalabas ng elevator. Tulad ng inaasahan ay tahimik ang buong hallway. Tanging mga yabag lamang naming dalawa ang naglilikha ng ingay sa buong paligid.

Tsaka lamang siya bumitaw sa aking kamay nang nasa harap na kami ng aking unit. Kahit nakaramdam ng pagkadismaya ay kinuha ko na lang ang access card sa aking bag at ini-swipe ito. Nakangiti akong humarap sa kanya. Nakapamulsa siya at nahuli ko pang malagkit na nakatingin sa akin.

“Salamat sa paghatid.” ito lang ang tanging magagawa ko para pasalamatan siya sa pagsundo niya sa akin at pagdala niya sa isang mamahaling restaurant. Napagdesisyunan kong tumalikod na sa kanya at bubuksan na sana ang pinto ng aking unit nang mapansin kong hindi pa rin siya gumagalaw sa kanyang pwesto. Binalingan ko siya muli ng tingin.

“May nakalimutan ka ba?” hindi ko alam kung bakit yun ang tanong na lumabas sa aking bibig. Ngayon ay may ngisi na naman sa kanyang labi. Napakunot ako ng aking noo nang basain niya ang labi gamit ang dulo ng dila niya.

“I think you’re the one who forgot something.” mas lalo akong nagtaka nang naglaho ang mapaglaro niyang tingin at napalitan ng seryosong ekspresyon.

“Huh? Hindi kita maintindihan. May kailangan ba akong sabihin?” naging malikot ang aking mata sa labis na pagtataka. Base kasi sa pagkakaalam ko ay wala naman akong dapat sabihin sa kanya. Ano bang meron sa lalaking ’to at bigla na lang naging misteryoso? Nakadrugs ba siya?

Saglit kaming pareho na natahimik. Kalaunan ay narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga.

“I want you to kiss me.” napalaki ang aking may pagkasingkit na mata sa direktahan niyang sinabi. Natigilan ako sa gusto niyang gawin ko.

“H-Huh? Alam mo Tale, umuwi ka na. Baka abutin ka pa ng hatinggabi sa daan.” pinilit kong ibahin ang ihip ng hangin sa pagitan naming dalawa. Pilit na winawaksi sa akin sistema ang unti-unting pagsilab ng apoy sa aking katawan.

“I won’t go home until you kiss me.” umisang hakbang siya palapit sa akin. Hindi ko magawang lumayo sa kanya dahil kanina pa ako nakasandig sa pintuan ng unit ko. Napalunok ako sa reyalisasyon. Kapag nagpatuloy pa ’to ay baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

“Sige na nga!” napipilitan kong pagsuko. “Pero smack kiss lang.”

“No. I want the torrid one. Smack kiss isn’t a kiss. It’s like you just touch my lips with yours.” ano bang gagawin ko sa lalaking ’to? Siya na ata ang nakilala kong tao na sobrang demanding sa lahat ng bagay. Siya na nga itong pinagbibigyan sa gusto niya, nagawa pang humirit ng loko.

Napabuntong-hininga na lang ako at pinili na lang na sundin ang gusto niya. Para matapos na. Dama ko na ang pagod ng katawan ko. Dahan-dahan kong nilapit ang aking mukha sa kanya hanggang sa lumapat ang labi ko sa kanyang labi. Tulad ng sinabi niya ay nagsimula akong igalaw ang labi. Ito ang unang beses na ako ang unang humalik sa kanya. Siya kasi palagi ang unang humahalik sa akin na agad na nauuwi sa mainit na pagtatagpo.

Naramdaman ko ang marahang pagkabig sa aking katawan ng kanyang braso padikit sa kanya. Napahawak ako sa kanyang dibdib bilang suporta na hindi tuluyang mapalapit sa kanyang katawan. Ako na ang unang kumalas sa paghalik na yun nang pinilit ko ang aking sarili na itulak na siya palayo sa akin bago pa may makakita sa ginagawa namin. Napansin ko pa ang paghabol ng kanyang labi nang humiwalay na ako. Nabitin pa ang loko.

“Tama na yun. Baka may makakita sa atin.” naiilang kong dahilan sa kanya. Ayos lang sa akin na halikan niya ako hangga’t walang nakakakita sa aming ibang tao. Iba na rin ang nag-iingat.

“There’s no one here. No one can’t see us kissing.” binalak niya pa sanang ilapit ang kanyang mukha pero agad ko yung natulak palayo sa akin.

“Anong wala?” tinuro ko ang cctv na nakatutok sa hallway na kahit walang tao sa hallway ay baka pwede kaming makita ng nagbabantay sa mga cctv na naghahalikan dito sa hallway. Tulad ng sabi ko kanina, iba na din ang nag-iingat.

Nakakalokong ngisi lamang ang sinagot niya sa akin. Mas minabuti ko na lamang na pumasok na bago pa mapunta pa kami sa higit pa sa paghahalikan. Ayokong may mamagitan sa amin ulit ngayong gabi. Hindi pa ako nakaka-move on sa naging pagtatagpo namin noong nakaraang gabi. Naiilang ko siyang nginitian bago tuluyang isinara ang pinto ng aking unit.

Nakakailang hakbang pa lamang ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa labas. Kahit nagaalangan ay pinagbuksan ko na lamang ang taong yun ngunit bago pa man ako makapagtanong kung ano pa ang kailangan niya ay mabilis niya na akong nasunggaban sa aking labi. Muntikan pa akong mawalan ng balanse na mabuti na lang ay naging maagap ang makisig na braso ni Tale na nahawakan ako sa aking likod. Sinara niya ang pinto gamit ang kanyang paa.

Mararahas ang kanyang ginagawang paghalik. Ang isa niya namang kamay ang nagsisimulang maglikot sa aking leeg pahaplos sa aking panga. Tila isa siyang leon na uhaw na lapain ang kanyang biktima. Nang magkaroon ng pagkakataon ay nagawa ko siyang maitulak palayo sa akin.

“T-teka… Tale…” bumalik ang kanyang halik sa aking leeg pero pilit ko siyang pinipigil sa pamamagitan ng pagtulak sa kanya.

“You fucking turned me on so you better do something…” mahina niyang halinghing sa pagitan ng kanyang paghalik sa aking labi. Wala ako sa sariling napaungol nang pumasok ang kanyang kamay sa loob ng aking polo at sinimulang paglaruan ang aking utong. Gusto ko siyang pigilan sa ginagawa niya pero masyado nang okupado ang aking isipan ng matinding pagnanasa.

Bumalik ang kanyang halik sa aking labi. Uhaw niyang sinipsip ang ibabang parte ng aking labi dahilan para mapanganga ako. Yun ang ginawa niyang daan para mapasok ang kanyang dila at doon naman paglaruan ang aking dila. Aksidente kong nakagat ang kanyang dila para saglit siyang mapakalas sa akin. Imbes na mainis siya ay isang nakakatakot na ngisi ang nasilayan ko. Nagaalab ang ekspresyon sa kanyang mga mata.

“So, you want it rough, huh.” tumiim ang kanyang bagang. Bago ko pa man mapansin ay mabilis niya nang nahubad ang suot niyang body-hugged shirt. Malakas niya akong tinulak para mapaigik ako padagan sa sofa na hindi ko alam na nasa likuran ko na pala. Medyo kinabahan ako sa mabilis na pagdilim ng kanyang awra. Walang hirap niyang sinira ang mga butones ng aking polo. Gusto ko sanang umangal sa kanyang ginawa pero mabilis niya muling nahuli ang nakanganga kong labi.

Dumako ang pareho na nanginginig ko nang kamay sa kanyang likod. Aksidente ko itong nakalmot nang madama ko sa aking leeg ang kanyang pagkagat at pagsipsip. Napamura ako sa aking isip nang simulan niyang paglaruan ang aking pagkalalaki kahit nasa loob pa ito ng aking pantalon. May kasamang pagsinghot ang bawat halik niya habang nilalakbay niya pababa ang aking katawan. Saglit siyang tumigil upang tingnan ako. Tulad nang una ay walang hirap niyang nababa ang zipper ng aking pantalon. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang matinding pagnanasa. Kahit madilim sa buong sala ay tila nakita ko ang sarili kong repleksyon doon.

Tila sinapian ako ng masamang espiritu nang mapatirik ang aking mata nang isubo niya ng tuluyan ang aking pag-aari. Hindi siya ginalaw at nanatiling nasa kanyang bibig ang kumikibot-kibot ko nang pagkalalaki. Napaarko ako ng aking katawan hanggang sa mapabangon ako nang maramdaman ko ang pagsipsip ng kanyang dila sa katawan ng akin. Nakakabaliw ang dala niyang sensasyon sa akin. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakadama ng ganito kasarap. Mapapamura na lang talaga ako sa aking isip.

Isang buwan na ang lumipas simula nang may nangyari sa amin ni Tale. Halos gabi-gabi na rin siya natutulog sa aking unit pagkatapos ng aming mainit na pagtatagpo. Nasanay na ako sa nakakaadik na amoy niya. Nasanay na ako sa mga bisig niyang gabi-gabing nakayakap sa aking katawan. Isang buwan na ngunit hindi ko pa rin mapangalanan kung anong meron kami ni Tale. Anong matatawag sa relasyon na meron kami? Hindi sa akin big deal ang lagyan ng label ang relasyon na meron kaming dalawa. Basta ngayon ang mahalaga ay masaya kami sa piling ng isa’t-isa. Kuntento na kaming dalawa sa maiinit na gabi na aming pinagsasaluhan.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang makatulog. Tahimik lamang akong nakatitig sa natutulog nang si Tale. Nakatagilid akong nakahiga habang sumusuporta naman ang kanan kong kamay sa aking ulo. Malaya kong napagmamasdan ang kahubuan niya dahil sa patihayang pwesto niya. Mahina pa itong humihilik na mas lalong ikinatuwa ko. Maingat ang ginagawa kong paghaplos sa kanyang matikas na dibdib habang pinagmamasdan ang bawat parte ng kanyang maamong mukha. Mula sa mahahabang pilik-mata niya. Sa matangos niyang ilong. Ang labi niyang bahagyang nakanganga. Hindi ako makapaniwala na ipinagkaloob sa akin ng Diyos ang ganitong lalaki. Swerte ba akong maituturing? Alam kong medyo maloko si Tale pero masasabi kong mabait siyang tao.

Kasalukuyan akong nagluluto ng dinner ni sir Tale. Kararating ko lang galing sa klase. Hindi muna ako nagbihis at agad na nagtungo dito sa penthouse ni sir Ryuu. Nag-text kasi sa akin sir Ryuu na maaga siyang uuwi ngayon. Kaya naman ay nagmadali akong umuwi ngayon dito. Simple lamang ang akong niluto para tipid sa oras. Malaking tulong ang pagbibigay sa akin ni sir Ryuu ng culinary scholarship, dahil dito ay nagkaroon pa ako ng mas maraming ideya na pwedeng lutuin.

Sa gitna ng aking ginagawa ay may mga brasong pumulupot sa aking bewang.

“I miss your scent.” mahina niyang sambit sa pagitan ng pagdampi ng kanyang labi sa aking leeg. Hindi na ako magugulat at magtataka kung sino ang lalaking ngayon ay nasa likuran ko. Nasanay na lang ako na palagi niyang ginagawa yan. Pero palagi kong sinisigurado na walang makakakita sa amin lalong-lao na ang amo ko. Baka kasi anong isipin no’n kapag nakita niya kami sa ganitong sitwasyon.

Napangiti na lang ako at pasimpleng dinama ang nagsisimula nang manigas sa pagitan ng kanyang hita. Kahit kailan talaga ang libog ng mokong na ’to. Hindi kami nagkikita na dalawa na walang nangyayaring milagro. Kahit ano naman kasing pilit kong pagtanggi ay siya pa rin ang nasusunod sa dulo.

Binaling niya ang aking mukha patagilid paharap sa kanyang mukha upang maabot nito ang aking labi. Nabitawan ko ang sandok na aking hawak nang manghina ang aking kamay dahil sa mapusok niyang halik. Kalaunan ay pinaikot niya na ang aking katawan paharap sa kanya. Tulad ng palagi niyang ginagawa ay kinukuha niya ang isa kong kamay upang hawakan ang kanyang pagkalalaki na nasa loob ng kanyang pantalon. Napapapalunok ako sa init ng aming paghahalikan.

Masyado na akong nadadala sa bugso ng aking damdamin nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa sala. Mabilis kong naitulak si Tale palayo sa akin at agad na binalingan ang aking niluluto. Medyo nasunog na ito dahilan para mapakamot ako sa aking pisngi. Sunod-sunod na malalakas na yabag ng sapatos ang umalingawngaw patungo dito sa kusina.

“What’s for dinner, Mark?” baritono ang boses na tanong ni sir Ryuu.

Mabilis kong inayos ang aking hitsura bago hinarap si sir Ryuu na ngayon ay niluluwagan ang suot niyang necktie. Napansin ko rin ang pangisi-ngising si Tale na nakaupo sa stool nitong island counter habang parehong nakasalikop ang kamay. Inismiran ko na lang siya dahil sa pagiging maloko niya. Hindi niya ba alam na muntikan na kaming mahuli kanina. Nahihibang na ba siya. Ang lakas pa ng apog ng lalaking ’to na ngumisi samantalang ako dito ay halos lumabas na ang puso sa dibdib ko dahil sa kaba. Paano na lang kung may mapansing kakaiba si sir Ryuu?

“What are you doing here?” seryoso niyang tanong kay Tale. Nagtataka lamang siyang tiningnan ng isa. Hindi sa sinabi kong palagi kaming magkasama ni Tale ay hindi ibig sabihin ay palagi itong naririto sa penthouse ni sir Ryuu. Tuwing breakfast lang kasi nagagawa ang presensya nitong kumag na ’to dito at bihira lang magpakita kapag dinner. Minsan ay nagugulat na lang ako kapag naabutan ko siya sa unit ko. Hindi ko na kailangan magtanong kung paano siya nakapasok dahil ngisi lang ang isasagot niya sa akin.

“Waiting for you?” hindi ko maiwasang mapangiti sa isip ko sa kanyang rason.

Anong klaseng rason yan Tale? Ayusin mo nga ang sarili mo.

“What do you want?” hindi pa rin nagbabago ang seryosong mukha ni sir Ryuu.

Napagdesisyunan ko na lamang na iwan sila doon sa kusina at dalhin itong aking niluto sa dining table. Bumalik akong muli sa kusina at muling naabutan silang dalawa na naguusap pa rin. Ngising-ngisi lamang si Tale na saglit na napabaling sa akin ang mata nang bumalik ako samantalang si sir Ryuu naman ay mukhang nalukot na ang mukha sa kalokohan ni Tale. Hindi ko alam kung paano naging magkaibigan ang dalawang ’to. Napakalayo ng ugali nilang dalawa para maging close sa isa’t-isa.

Saktong pagbalik ko sa dining area ay yun din ang pagpasok ni sir Thrace. Nginitian niya lang ako matapos ko siyang batiin. Hindi nagtagal ay tahimik na naming apat na pinagsasaluhan ang aking niluto. Kahit medyo nasunog ang aking niluto ay masarap pa naman ito. Aksidenteng nagawa ang aking tingin kay Tale nang maramdaman ko ang paa niya na pumapagapang paakyat sa aking hita. Alam kong kanyang paa yun dahil sa ngisi sa kanyang labi. Nang-init ang aking mukha hindi dahil sa kinilig ako kundi sa inis dahil na naman sa kalokohan niya.

Hindi ba siya marunong mag-ingat? Paano na lang kung mapansin kami ng dalawa naming kasama? Sakit talaga sa ulo ang kumag na ’to.

Dahil sa inis ay mabilis kong nilayo ang aking paa sa kanya. Sinadya kong apakan ang kanyang paa dahilan para malakas siyang napadaing sa sakit. Palihim akong napatawa dahil sa naging reaksyon niya.

“Is there something wrong, Alfred?” natigil sa pagkain si sir Ryuu maging si sir Thrace na pareho na ngayong  nagtataka na nakatingin sa namimilipit sa sakit na si Tale.

Mabuti nga sa kanya.

Ngayong araw ay napag-utusan ako ni sir Ryuu na mag-grocery. Dito ko naisipang bumili sa mall dahil bukod kasi sa grocery ay may mga bagay pa akong kailangang bilhin. Linggo ngayon kaya naman wala akong pasok. Hapon ko na naisipang pumunta dito. Mas mainam kasi dahil hindi na gaano kasakit ang sikat ng araw sa balat.

Kasalukuyan akong naglilibot sa loob ng mall nang napakunot ako ng noo nang may matanaw akong pamilyar na lalaki. Agad na rumehistro sa aking isipan si Tale. Kahit nakatalikod ito sa akin ay nakakasigurado ako na si Tale ito. Nakatayo ito at bihis na bihis.

Ano kayang ginagawa niya dito?

Lalapitan ko na sana ito nang agad rin napatigil nang mapansin ko ang isang babae na lumapit sa kanya. Nakatagilid sila pareho mula sa aking kinatatayuan kaya naman kitang-kita ko ang pagdampi ng labi ng babae sa labi ni Tale. Nginitian pa niya ang babae bago kabigin ang katawan nito palapit sa kanya bago nagsimula silang maglakad palayo sa akin.

Natulala ako.

Ano yung nakita ko? Bakit ganun?

Bakit parang ang kirot sa pakiramdam na makita si Tale na may kasamang iba?

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 11

Mark Hope Calvares


M A R K

“Don’t be scared. I’m a friend.” matamis akong nginitian ng batang lalaki. Kahit nagaalangan ay napangiti na lang ako. Mukha naman kasi siyang mabait at wala naman sigurong balak na saktan ako.

Biglang naglaho na parang bula ang lalaki sa aking harapan. Nagtaka ako sa nangyari. Sa gitna ng aking pagtataka ay napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses niya.

“I think this belongs to you.” nakalahad ang maliit niyang kamay sa harap ko. Napatingin ako doon. Nasilayan ko ang kwintas na bigay pa sa akin ni mama. Napangiti ako at mabilis na kinuha yun sa kanyang kamay. Dahil sa labis na galak ay wala ako sa sariling niyakap siya ngunit bago pa man ako tuluyang makalapit sa kanya ay parang bula na naman siyang nawala.

Mabilis na naglaho ang aking ngiti nang dumilim ang buong paligid. Takot akong nagpalinga-linga sa paligid. Doon ko lang nalaman na hindi na ako nakakulong sa kwarto kundi nasa labas na ako. Punong-puno ng matataas na damo ang aking paligid. Nilukob ng matinding takot ang aking katawan nang makarinig ako ng sunod-sunod na malalakas na putok ng baril. Takot akong napaluhod at mariing tinakpan ang aking tenga. Naipikit ko din ang aking mga mata. Nanginginig ang buo kong katawan nang maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa aking balikat.

Agad kong nilayo ang aking sarili dahil sa takot. Malakas na sana akong sisigaw nang maagap niyang natakpan ang aking bibig. Doon ko lang napagsino kung sino ito.

“Don’t be afraid. I’ll help you get out from here.” muli kong nasilayan ang matamis niyang ngiti na nagpakalma sa akin kahit kaunti. Tanging-tango lang ang aking natugon.

Sa punto na aking naikurap ang aking mga mata ay namalayan ko na lamang na mabilis na akong tumatakbo. Habol-habol ang aking hininga na napalingon sa aking likuran.

“Run, Mark!” nadinig kong sigaw nung bata.

Mas lalo ko pang binilisan ang aking pagtakbo nang mapag-alaman na hinahabol ako ng mga lalaking armado. Kahit hirap na hirap na sa sobrang pagod ay mas lalo ko pang binilisan ang aking pagtakbo. Basag ang aking boses na napasigaw nang aksidente akong natalisod at huli ko nang namalayan na nagpagulong-gulong na pala ako pababa sa isang bangin.

Habol ang aking hininga na napabangon sa aking kama nang muli kong napanaginipan ang aksidenteng nangyari sa akin noong bata ako. Napahawak ako sa aking pisngi nang maramdaman ko ang pagdaloy ng luha mula sa aking mata pababa sa aking pisngi. Malalim akong bumuntong-hininga upang kalmahin ang aking sarili. Muli ko na sanang ipipikit ang aking mata nang biglang sumagi sa aking isip ang nasaksihan ko kanina sa mall.

Si Tale na may kasamang babae.

Hanggang ngayon ay parang may punyal sa puso ko sa tuwing naaalala ko ang paghalik sa kanya ng babae kanina. Maging ang pagngingitian nila sa isa’t-isa. Maging ang mahinang pagkabig ng kanyang braso sa katawan ng babae. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa aking isip ang lahat. Hindi dapat ako nasasaktan ng ganito. Wala akong karapatan na maramdaman ito. Ngunit hindi ko maiwasan. Hindi ko maiwasang masaktan.

Sino ang kasama niyang babae kanina? Bakit siya hinalikan nito?

Isang konklusyon ang pumasok sa aking isipan na mas lalong nagpabigat ng aking damdamin.

Hindi kaya kasintahan niya ang babaeng yun?

Ano nga ba ako sa kanya?

Ano nga bang meron sa aming dalawa ni Tale?

Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na tanungin  si Tale kung anong namamagitan sa aming dalawa. Hindi ko na kailangan siyang tanungin dahil ang importante sa akin noon ay masaya kami sa piling ng isa’t-isa.

Masaya rin ba siya kapag magkasama kaming dalawa?

Ako lang kaya ang masaya kapag magkasama kaming dalawa?

Ngayong unti-unting nagsisink-in sa aking isip ang lahat ay hindi ko na mapigilang mapaiyak. Nasasaktan ako sa mga sunod-sunod na katanungan na sumasagi sa aking isip. Parang isa itong malakas na bomba na sumabog sa aking harapan para mawasak ako. Para magising ako sa isang reyalisasyon.

Ano na nga bang namamagitan sa aming dalawa?

Napatingin ako sa tabi ko at malayang nasilayan si Tale na mahimbing na natutulog sa aking tabi ngunit para lamang siyang hangin na bigla na lamang nawala sa aking tabi. Mariin kong naipikit ang aking mga mata para muling dumaloy ang sariwang luha mula dito.

Ano na kaya ang ginagawa niya? Kasama niya pa rin ba hanggang ngayon ang babaeng yun?

Ginagawa nila rin ba ang ginagawa namin ni Tale?

Hindi! Hindi ganun tao si Tale, Mark. Malayong-malayo na gawin niya yun sa ibang tao. Kahit hindi man nangako sayo si Tale, nararamdaman kong hindi niya kayang gawin yun sa iba. Sa akin niya lang dapat pinapadama ang mga halik niyang yun. Sa akin niya lang dapat pinapadama ang mga kanyang haplos.

Wala sa sarili kong kinuha ang aking cellphone sa bedside table at hinanap ang pangalan ni Tale sa aking contacts. Mapait akong napangiti nang makita ko ang kanyang pangalan. Hindi ko alam kung bakit kusa na lamang na pinindot ng aking daliri ang dial button nito. Ilang beses itong nari-ring lamang. Walang sumasagot. Sinubukan ko muli siyang tawagan. Tulad kanina, ring lamang ito ng ring. Nakailang dial sa kanyang numero ngunit bigo pa rin ako sa hindi niya pagsagot sa tawag ko.

Siguro tulog na siya, Mark. Hindi naman ito ang unang beses na hindi siya pumunta dito, diba? Wala kang dapat ipagalala. Siguro pagod yung tao kaya hindi siya nakapunta ngayon dito.

Siguro napagod na siya sayo, Mark?

Pinili ko na lamang na matulog at iwinaksi sa aking isipan si Tale. Walang patutunguhan ang mga negatibong pag-iisip mo, Mark. Mas mabuting magpahinga ka na lang dahil maaga ka pang gigising bukas. Huwag mong masyadong sasaktan ang sarili mo, Mark. Hindi ka ganyan.

Napadaing ako sa sakit nang aksidente kong nahiwa ang aking daliri. Mabilis kong binitawan ang hawak kong kutsilyo at tumungo sa faucet upang linisan ang sugat ko. Mahina na lamang akong napapailing dahil sa muli ko na namang pagkakatulala.

“You woke up late, Mark. Is there something bothering you?” nadinig ko mula sa aking likuran ang boses ni sir Ryuu. Gulat akong napabaling sa kanya dahil sa bigla niyang pagsulpot sa kusina. Nagtataka siyang nakatingin sa akin.

“Sorry po sir kung nalate po ako ng gising. Hindi na po mauulit…” bahagya akong yumuko upang ipakita ang sinseridad ko sa paghingi ng tawad sa kanya.

“What happened to your forefinger. It’s bleeding…” napansin ko ang pagtitig niya sa aking hintuturo na muling dumudugo na naman. Muli akong tumalikod sa kanya at tinapat ito sa nakabukas pa ring gripo..

“Ahmm… Aksidente ko pong nahiwa sir. Medyo inaantok pa po kasi ako.” pahdadahilan ko na lamang. Mabuti na lang ay nakatalikod ako sa kanya at hindi niya mahahalata ang pagpipigil ko na hindi maiyak nang muling sumagi sa isip ko si Tale na may kasamang babae.

Narinig ko ang pagtikhim niya.

“If there’s something wrong, Mark, don’t hesitate to tell me, okay? I am always here to listen.” napangiti ako sa mga sinabi niya. Kahit papaano ay nabawasan anv bigat sa aking dibdib ngayon sa nalaman na naririto si sir Ryuu upang damayan ako. Pero hindi ito ang tamang oras at bagay upang ikuwento sa kanya ang tungkol sa aming dalawa ni Tale. Mas mabuting isarili ko na lamang ang problema kong ito.

“I think you have to take a rest, Mark.” napatigil ako sa pagsalin ng aking niluto sa isang plato nang muli siyang magsalita matapos ang mahabang katahimikan. Nagtatanong akong napatingin sa aking amo na seryosong nakatingin sa akin.

“Po?”

“Why don’t you take a leave for a while? Visit your tita Emma. I think she would be happy to see you after a long time.”

Siguro nga tama si sir Ryuu. Mas makabubuting mag-leave muna ako sa trabaho at bisitahin si tita Emma. Matagal-tagal na rin kasing hindi ko nakikita ang tita ko. Isa pa, mabuti na rin ’tong oras para makalimutan ko saglit si Tale. Masyado na kasing natutuon ang atensyon ko kay Tale. Sa kabilang banda, nami-miss ko na din kasi si tita.

“Pero po… Paano po kayo?”

“Don’t worry about me, Mark. I can manage.”

Simpleng tango na lamang ang aking nasagot bilang pagtugon sa suhestiyon niya. I think I need break.

“Hoy! Tulala ka diyan?” gulat akong napabaling kay Jherome na nasa aking tabi na pala. Hindi ko napansin ang paglapit niya sa akin dahil sa labis na pagkakatulala. Buong araw ay nakatulala lang ako at walang ibang inisip kundi ang tagpong aking nasaksihan kahapon. Unti-unti nitong nilalamon ang buo kong katinuan. Ni hindi ko nga namalayan na nakauwi na pala ang mga kaklase ko at tanging kami na lang ni Jherome ang naiwan dito sa loob.

“Jherome… May gusto sana akong ipagtapat sayo.” gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha sa biglaan kong pagbubukas.

“Eh gago pala ang lalaking yun eh!” galit niyang sigaw nang ikuwento ko kung ano ang nangyayari sa aming dalawa ni Tale hanggang sa makita ko siyang may kasamang babae. Gigil pa siyang napapukpok sa mesa nitong coffee shop na pinuntahan namin upang dito ko ilabas ang bigat ng loob sa akin. Naagaw niya ang atensyon ng ibang customer malapit sa aming kinauupuan. Sa ngayon, kailangan ko ng tao na mapagkakatiwalaan at kayang intindihin ang pinagdadaanan ko ngayon.

“Here’s your cappuccinos, sirs.” nakangiting pag-abot sa amin ng waiter sa amin. Saglit akong natigil sa pagkukwento nang humigop muna ako sa aking inumin.

“So… Hindi mo alam kung anong meron sa inyo ng lalaking yun? In other words, wala kayong label.” tumango lang ako at patuloy pa ring iniinom ang aking cappuccino.

“Bakit hindi mo na lang siya tanungin? In that way, atleast, malaman mo kung ano nga bang meron sa inyong dalawa.” saglit akong natigilan sa suhestiyon niya. Ni minsan ay hindi naging big deal sa akin kung anong label ng relasyon naming dalawa. Ngayon lang nag-sink in sa isip ko ang lahat na darating pala ako sa punto na kukuwestyunin ko ang namamagitan sa amin ni Tale. Ngayon, wala na akong tyansa na matanong pa sa kanya ito. Baka hindi na siya nagpakita pa ulit sa akin? Sa isiping yun, biglang kumirot ang dibdib ko at mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Para akong binagsakan ng langit at lupa ng sabay.

Napatingin ako sa kamay ni Jherome nang hawakan niya ang nanginginig ko na palang kamay sa ibabaw ng mesa.

“Don’t let your own feelings put you down, Mark. Ikaw lang din mismo ang makakasagot ng mga tanong sa isip mo. Pero palagi mong tatandaan na palagi kang may kaibigan na handa kang pakinggan. I will always be here to comfort you.” kahit papaano ay napangiti ako. Mabilis kong pinunasan ang luhang dumaloy sa aking pisngi. Nakakahiya na dito ko pa nagawang umiyak. Sa harap pa talaga ni Jherome. Hindi ka na nahiya, Mark.

Hindi pa kami nagtagal doon sa cafè at agad ding nagpaalam sa isa’t-isa. Mabuti na lang may Jherome akong handa akong pakinggan at damayan sa pinagdadaanan ko ngayon. Hindi ko alam kung kanino pa ako lalapit kung wala siya sa tabi ko.

“Dito na po tayo sir.” sabi ng taxi driver dahilan para mabalik ako mula sa pagkakatulala. Tumango lang ako at inabot ang bayad sa kanya bago ako bumaba.

Saglit akong napatingala sa gusali na aking tinutuluyan. Bukas ay uuwi muna ako sa tinitirihan namin ni tita Emma upang mag-leave muna sa aking trabaho. Sapat ba rin yung dahilan upang magpakalayo-layo muna kay Tale. Kung sakaling hanapin niya man ako ay hindi niya malalaman kung saan ako pupuntahan.

Matagal ako bago nakarating sa aking unit. Hindi ko naman na kailangang magmadali dahil tinawagan na ako ni sir Ryuu kaninang tanghali na hindi siya magdi-dinner dito. Kaya naman nang makalabas sa elevator ay sa mismong unit na akong dumiretso. Naikagat ko ang aking dila nang hirap kong naipasok ang card sa scanner dahilan para mainis ako sa sarili ko. Buong araw na lang ata nanginginig ang kamay ko. Padabog pa akong napapadyak nang mabitawan ko ang aking access card.

Bwesit naman na buhay ’to oh!

Dahil sa wala akong gana na kumain ay tanging cup noodles na lamang ang aking kinain bilang dinner. Hindi ko pa man nauubos ito ay agad na akong nagtungo sa cr upang maglinis ng katawan. Napatingala ako sa ilalim ng shower at payapang dinama sa aking mukha ang malamig na daloy ng tubig. Inabot ako ng mahigit tatlumpung minuto sa shower bago ko naisipang lumaba na doon. Tanging malaking tee shirt at maiksing boxer short ang aking sinuot bago sinimulang sikupin ang mga ibang damit ko sa aking closet upang ilagay ito sa aking travelling bag. Tahimik lamang ako sa aking ginagawa hanggang sa namalayan ko na lang ang pamamasa ng aking pisngi. Doon ko lang namalayan na umiiyak na naman pala ako.

Pagak akong napatawa dahil sa aking sarili. Bakit nga ba akong umiiyak? Bakit nga ba ako nasasaktan ng ganito? Ilang ulit ko nang inamin sa sarili ko na nagseselos ako sa babaeng yun kaya ako nagkakaganito. Inaamin ko nang ayaw kong nakikita si Tale na maya kasamang babae o kahit na sino pa man. Gusto ko siyang ipagdamot sa iba, pero hindi ko alam kung paano. Paano ko sasabihin sa kanya na gusto ko ako lang? Eh hindi ko nga alam kung anong relasyon naming dalawa, diba? Na kung ano nga ba talaga ako sa kanya?

Nanghihina akong napaupo sa aking kama at sinapo ng aking nanginginig na nga kamay ang aking mukha. Gusto kong huminga. Kahit ang huminga ng maayos ay hirap akong gawin dahil sa labis na kirot sa aking dibdib. Hindi maalis-alis sa aking isip ang mga pwedeng gawin ni Tale kasama ang babaeng yun. Hindi ko maiwasang isipin na baka ginagawa rin nila ang ginagawa namin ni Tale.

Napaangat ako ng aking ulo nang makarinig ako ng sunod-sunod na pag-doorbell mula sa labas ng aking unit. Gusto kong hilingin na si Tale sana ang taong yan ngunit pilit ring tumataliwas ang aking isip na mas makabubuti na huwag ko muna siyang makita ngayon. Mas lalo lang akong masasaktan kapag nagpakita pa siya sa akin dahil baka maalala ko lang ang nakita ko kahapon.

Pagod kong tinungo ang pintuan nang hindi pa rin tumitigil sa kakadoorbell ang taong yun. Hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang aking katawan na pagbuksan ang taong yun. Tulad ng inaasahan, hindi nga ako nagkamali ng hinala. Nakatayo si Tale sa harapan ko. Hindi tulad noon, masaya akong naririto si Tale pero iba ang sitwasyon ngayon.

“What took you—” hindi niya na natapos ang kanyang sinasabi nang awtomatikong gumalaw ang aking katawan at pinagsarahan siya ng pinto. Ngunit naging mas mabilis siya sa pagkilos nang napigilan ng kanyang makisig na braso ang pagsara ko sana ng pinto.

Wala akong nagawa nang walang hirap niyang nabuksan ito. Napaatras na lang ako nang masilayan ang nakadikit niyang kilay dahil sa pagtataka.

“Fuck! What’s wrong with you, Mark?!” galit ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Tuluyan siyang nakalapit sa akin at nahawakan ako sa pareho kong braso. Kusa akong napatingala upang masilayan ang unti-unti nang umaamo niyang mukha.

“Hey! Is there something wrong? You’re crying.” para akong hinihele sa lambing ng kanyang boses. Napapikit ako ng aking mata nang maramdaman ang mainit niyang kamay na pinalis ang luha ko sa aking pisngi. Bahagyang gumaan ang aking pakiramdam nang halikan niya ako sa aking pisngi. Kalaunan ay lumipat ang kanyang braso paikot sa aking katawan upang yakapin ako. Naihilig ko ang aking ulo sa kanyang kaliwang dibdib. Nakatapat ang aking tenga sa tapat ng kanyang puso dahilan para madinig ko ang bawat pagpintig nito.

“I’m sorry if I didn’t answer your calls last night.” kumalas siya sa pagkakayakap at nagaalalang tinitigan ako. Dumako ang malaki niyang kamay sa aking pisngi at  marahang hinaplos ng kanyang daliri ang aking pisngi. “ I was worried about you when I saw your missed calls this afternoon. I’m sorry kung hindi ako agad nakapunta.“ mapait ang aking ngiti na iginawad sa kanya.

“What’s wrong, Mark? Why are crying? Pinagalitan ka ba ng amo mo? Tinanggal ka ba niya sa trabaho?” tanging mabibilis lamang na iling ang aking sinagot sa kanya. Sana nga ganun lang ang dahilan ko kung bakit ako nagkakaganito ngayon? Gusto ko siyang tanungin tungkol sa nakita ko. Gusto ko siyang tanungin kung sino ang babaeng kasama niya kahapon? Gustong-gusto kong aminin sa kanya na kaya ako nagkakaganito ay dahil sa kanya. Nasasaktan ako kahit hindi naman dapat.

“Then what is it?”

Bago pa man ako makasagot sa tanong niya ay naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa labi ko. Napapikit ako at pilit na dinadama ang paggalaw ng kanyang labi sa akin ngunit tila naupos na ata ang apoy sa aking katawan nang hindi ko magawang lasapin ang halik niyang yun.

Yung dati kong nararamdaman na saya at sarap ay parang apoy na biglang naupos na lang. Hindi ko magawang tumugon sa halik niya yun kaya naman ay pinili ko na lamang na ilayo sa kanya ang aking katawan. Nagtataka siyang muli na napatitig sa akin.

“Itigil na natin ’to.”

Parang may bigik na bumara sa aking lalamunan matapos kong sambitin ang mga katagang yun.

“W-what do you mean?”

“Itigil na natin kung anong namamagitan sa ating dalawa. Itong ginagawa natin.”

Nadinig ko ang pagak niyang pagtawa. Nasulyapan ko rin ang pagtangis ng kanyang panga nang saglit niyang ibaling ang kanyang ulo patagilid sa akin.

“Wala tayong dapat tapusin, Mark.”

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 12

Alfred Tale Crosagne


M A R K

Kinabukasan, bibit ang aking travel bag ay pansamantala kong nilisan ang unit ko. Mapait akong napangiti habang tinititigan ang pinto ng aking unit. Malalim akong napabuntong-hininga bago tuluyang tinahak ang tahimik na hallway nitong gusali. Ilang saglit lang ay nakasakay na rin ako sa naghihintay na taxi sa harap nitong gusali. Tahimik lamang akong nakatanaw sa mga sasakyang aming nalalampasan habang inaalala ang naging paguusap namin ni Tale bago niya ako iwan.

“Wala tayong dapat tapusin, Mark.”

Natahimik ako sa tinuran niya. Muli akong napayuko dahil sa muling pagkirot ng aking dibdib. Anong ibig niyang sabihin na wala kaming dapat na tapusin? Ibig ba niyang sabihin ay wala naman talaga kaming sinimulan? Na wala lang sa kanya ang lahat?

Gustong-gusto ko siyang sampalin ng mga oras na yun ngunit nilukob na ata ng matinding panghihina ang buo kong katawan at ang iangat ang sarili kong kamay ay hindi ko magawa.

Wala siyang sabing naglakad papalabas ng unit kong yun. Gusto ko siyang pigilan. Gustong-gusto ko siyang tanungin kung ano ba talaga ako sa kanya. Gusto kong isumbat sa kanya ang sakit ng dibdib ko. Gusto kong ipamukha sa kanya na siya ang dahilan ng lahat ng pag-iyak ko.

Sa kabilang banda, gusto kong sumbatan ang sarili ko dahil sa pagkahulog sa taong tulad niya. Ang tanga-tanga ko na magkagusto sa kumag at gago na katulad niya.

Sex lang ba ang habol niya sa akin? Parausan lang ba ang turing niya sa akin? Ano ba ako sa kanya? Sino ba ako sa puso niya? Pagak akong napatawa sa aking isip. Ni wala nga ata akong puwang kahit katiting diyan sa puso niya eh.

Kagabi ay hindi ako nakatulog. Hirap akong ipikit ang aking mga mata dahil sa bigat ng emosyon na nadarama ko. Tila isang bangungot na nagpaulit-ulit sa isipan ko ang paghalik sa kanya ng babae at ang nginitian nila sa isa’t-isa. Sa kabilang banda, parang sirang plaka naman na nagpapaulit-ulit sa isip ko ang huling sinabi sa akin ni Tale. Mababaliw na ata ako kakaisip sa kanya.

Ano bang meron kay Tale para masaktan ako ng ganito? Ano bang meron siya para mahulog ako sa kanya ng sobra?

Hanggang sa bungad na lamang ako ng aming barangay nagpahatid sa sinakyan kong taxi. Kahit papaano ay napangiti ako nang muling masilayan ang lugar kung saan ako lumaki. Sa gilid ng daan ay abala ang mga driver ng padyak habang naghihintay ng mga sasakay na pasahero. Pasado alas-nuebe na ng umaga kaya naman marami nang tao ang naglalakad sa maliit na daan nitong barangay namin. Matapos kong bumili ng mga prutas bilang pasalubong kay tita Emma ay agad na akong sumakay sa isa sa naghihintay na padyak. Sinabi ko na sa barangay hall ako bababa na tinanguan lang ni manong bago magsimulang mag-pedal sa kanyang sasakyan.

“Bayad po.” sinimulan kong tahakin ang daan patungo sa aming bahay. May mga ilang tambay akong nadaanan na napalingon sa akin at isa na doon si Otep na umiinom pa ng coke na nakalagay pa sa plastic. Mabilis itong tumayo at naglakad palapit sa akin.

“Uy! Mark! Musta? Tagal mo nang di nagpakita ah.” saglit akong napahinto sa paglalakad upang harapin siya. Nakangiti pa ang gago na lumapit sa akin. Ngayon ko lang napansin na wala siyang suot na t-shirt. Imbes kasi na suotin yun ay nakasampay lamang ito sa kanyang balikat. Kaya naman nakatambad sa harap ko ang may kakisigan niyang katawan. Siguro kung ibang tao ngayon ang nakatayo sa harapan niya, baka nangisay na ito sa kilig.

“Busy lang sa trabaho.” simple kong sagot sa kanya at ngitian siya.

“Akala ko patay ka na eh.” napa-tsk na lang ako sa nagsisimulang pang-aasar niya. Basta talaga nakikita ako ng kumag na ’to, pang-aasar lang ang alam. Trip na trip ako ng lalaking ’to eh.

“Ako kasi, patay na patay sayo.” napanganga ako sa hindi ko inaasahang banat niyang yun. Nadinig ko ang mapang-asar na sigawan ng kanyang barkada sa likuran niya. Parang tanga na tinaas pa ni Otep ang kanyang parehong braso na parang nanalo ito sa naging banat niya. Tatawa-tawa pa ang loko.

“Yayamanin ka na ah!” bahagya akong nagulat nang bigla niyang hinawakan ang braso ko. Medyo basa ang kamay niya dahil sa hawak niyang softdrink. “Ang puti mo na oh. Di naman ganyan hitsura mo dati ah.” parang amaze na amaze ito na makita ang hitsura ko ngayon. Hindi ko din naman kasi siya masisisi. Malaki naman na talaga ang pinagbago ko nang maging personal chef ako ni sir Ryuu. Hindi naman sa pagmamayabang, dati naman na talaga akong maputi dahil never naman talaga akong nangitim. Ang pinagkaiba ko lang talaga ay parang kumintab na ang kutis ko sa puti at kinis.

“Gago! Maputi naman na talaga ako dati pa.” ayoko namang magyabang sa harap ni Otep kaya naman nagpaka-humble na lang ako. Ayoko namang mag-isip ang mga kasama niya na mayabang akong tao.

“Tsk! Mas makinis ka na nga sa mga babae dito eh. Mukhang alagang-alaga ka ng amo mo ah.” pumorma ang ngisi sa kanyang labi at ang pagtaas ng pareho niyang kilay. Naging makahulugan din ang mga tingin niya sa akin. Hanggang dito ba naman.

“Ewan ko sayo, Otep. Puro ka talaga kalokohan.” pinili ko na lamang na talikuran siya at magpatuloy sa paglalakad. Napalingon ako sa aking gilid nang malaman na sumabay sa akin si Otep sa paglalakad.

“Sus, Mark! Siguro nakahanap ka na ng kano doon sa trabaho mo ’no? Baka naman…” marahan niya akong binangga upang mas asarin ako lalo. Inikutan ko lamang siya ng mata at hindi na lamang pinatulan ang kalokohan niya.

“Maiba ako. Tutal nandito ka rin naman, bakit hindi ka na lang sumama sa akin mamaya?” nasa harap na ako ng gate ng aming bahay nang mapatigil ako sa pagbukas nito. Nilingon ko siya.

“Saan?”

Humigop muna siya sa kanina niya pang iniinom na softdrinks hanggang sa maubos bago siya sumagot.

“Birthday kasi nung isa kong kumpare, niyaya ako. May konting handaan lang tapos inuman. Sama ka na, minsan lang naman ’to.” tinapon nito ang plastic

Saglit akong napaisip sa pagyaya niya sa akin. Ngayon lang ako niyaya ni Otep na sumama sa kanya sa isang okasyon. Ano kaya ang naisip ng kumag na ’to at bigla akong inimbitahan?

“Pag-iisipan ko.” mabilis kong binuksan ang gate upang pumasok na. Hindi ko na hinintay ang pagtugon niya pero nadinig ko pa siyang sumigaw habang tumatalon-talon pa.

“Sumama ka. Susunduin kita dito mamayang 6 ah.”

Kinaway ko na lamang ang aking kamay at tinahak ang daan papasok sa aming mumunting bahay.

“Tita Emma?!” paghahanap ko kay tita sa loob ng bahay nang maabutan kong wala siya sa sala. Naririto lang yun dahil hindi yun umaalis ng nakabukas ang bahay. Mahirap na daw at baka manakawan.

Tinawag ko muli ang kanyang pangalan nang makarating ako sa kusina. Doon ay nadinig ko ang pagbuhos ng tubig sa loob ng cr. Kinatok ko ang pinto at nagbabasakali na nasa loob siya.

“Sino yan?” malakas na sigaw ni tita mula sa loob. Napangiti na lang ako dahil nakalimutan ko palang sabihan si tita na uuwi ako ngayon dito. Kumatok akong muli upang tawagin siya.

“Punyeta! Teka lang, naliligo pa ako!” mukhang badtrip na ang boses niya dahil sa hindi ko pagtigil sa pagkatok sa pinto. Kanina pa siya nagtatanong pero hindi lang ako umiimik.

Tanging malakas na kaluskos na lamang ang nadinig ko mula sa loob kaya imbes na kumatok muli ay napili ko na lang na hintayin si tita sa sala. Pagod akong napaupo sa luma naming sofa at inilibot ang paningin sa buong sala namin. Nakakamiss bumalik ulit kung saan ka lumaki. Sadyang nakakatuwa lang.

Sa gitna ng aking paghihintay ay nadinig ko ang pagbukas ng pinto kasunod ang mga yabag ng paa sa sahig. Hindi pa man ako nakakalingon ay nagulat na ako sa biglang pagalingawngaw ng malakas na sigaw ni tita mula sa likuran ko. Nakangiti akong tumayo at humarap sa kanya. Samantalang siya ay nanlalaki ang mga mata at nakalahad ang mga kamay. Tanging tapis lang ang suot nito at may nabasa nang tshirt na nakapulupot sa kanyang buhok.

“Naku Mark! Namiss kitang sobra…” malambing niyang sabi habang mahigpit na yakap-yakap ako. Naamoy ko pa ang kojic soap na ginamit niyang sabon. Pangiti-ngiti lang ako. Kahit maingay ang tita ko, sobra ko siyang namiss.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at kinulong ng kanyang isang palad ang kabilang pisngi ko.

“Ang gwapo-gwapo na ng pamangkin ko. Bakit hindi mo ako sinabihan na bibisita ka pala? Edi sana nakapaghanda man lang ako.” hinawakan ko ang kanyang kamay na nasa aking pisngi. Hindi mapawi ang ngiti sa aking labi dahil sa saya na aking nararamdaman ngayon.

“Edi hindi na surprise kapag sinabi ko sa inyo.” napahagikhik siya sa tinuran ko tsaka marahan akong pinalo sa aking balikat. Mabagal na naglakad si tita patungong kwarto upang magbihis. Bumalik naman ako sa pagkakaupo habang hinihintay siya.

“Kamusta ka naman sa trabaho mo? Huwag mong sabihin na napapabayaan mo na ang sarili mo. Hahampasin kita nitong plato.” kanina pa ako napapangiti dahil sa walang tigil na biro ng tita ko. Halata rin sa kanyang mukha ang tuwa nang malaman na naparito ako. Nagpresenta pa siya kanina na siya ang magluluto ng ulam namin ngayong tanghalian. Masaya naming pinagsasaluhan ito ni tita ngayon.

“Ayos naman po ako tita. Sobrang bait po ni sir Ryuu kaya huwag po kayo magalala. Siya pa nga po ang nagsabi na magleave muna ako at bisitahin ka.” sagot ko bago nguyain ang pagkain sa aking bibig. Nakakailang sandok na ako ng kanin. Parang bigla ko kasing namiss ang mga luto ni tita at ngayon ay sarap na sarap ako.

“Mabuti naman kung ganun. Eh bakit hindi mo sinama ang jowa mo?” napatigil ako sa pagsubo ng pagkain sa hindi ko inaasahan na itatanong sa akin ni tita. Mabuti na lang talaga ay agad akong nakabawi at napagtanto na nagbibiro lang ito.

“Tita naman! Wala po akong jowa.” napamangot na lang ako sa harap niya.

“Naku Mark! Tumatanda ka na. Galaw-galaw!” mas lalong lumukot ang aking mukha dahil doon. Para tuloy na binubugaw na ako ni tita paalis dito.

“Tita, para namang mauubusan ako ng tao sa mundo. Twenty-one pa lang po ako. Tsaka, ang pag-ibig hindi minamadali. Kailangan marunong tayong maghintay dahil darating ang panahon na darating din sa buhay natin ang tamang tao na masasabing sayo lang talaga.” pangiti-ngiti na sana ako dahil sa biglaang pagseseryoso ng tono ko. Maging si tita ay natulala at parang napaisip sa tinuran ko. Napatawa na lang ako sa isip ko.

“Ewan ko sayo! Basta kapag may jowa ka na. Ipakilala mo sa akin ah. Pero gusto ko dapat mayaman.”

“Tita talaga…”

Matapos naming kumain ni tita ay saglit muna akong umidlip sa kwarto upang magpahinga. Si tita naman ay inabala ang sarili sa panunuod ng paborito niyang noon time show sa tv. Bigla kasi akong nakaramdam ng antok pagkakain. Masyado atang naparami ang kain ko kanina.

Nagising ako sa mahinang pagyugyog ng kung sino sa balikat ko. Papungas-pungas ako ng aking mata na mimulat ito.

“Nasa labas si Otep. Hinahanap ka…” mahina ang boses niyang sabi. Medyo nakadukwang palapit sa akin si tita. Kusot-kusot ang aking mata na bumangon sa kama at tinungo ang sala. Naabutan ko ang dalawa na nag-uusap. Mukhang nagtatanong si tita kung saan ang punta namin. Napag-isipan ko kanina na hindi na lang sumama kay Otep sa okasyon na yun. Baka kasi ay ma-out of place lang ako dahil tanging si Otep lang ang kilala ko doon.

“Hindi ako makakasama, Otep.” nagtatanong ang mga mata na napatingala sa akin si Otep. Bihis na bihis na ang loko at mukhang pinaligo pa ang pabango sa katawan niya. Pamilyar ang amoy na mukhang aficionado pa nga ata.

“Bakit?” nagtataka si tita na napalingon din sa akin. “Naku Mark! Sumama ka na sa kanya. Baka doon ka na makahanap ng ipapakilala mo sa akin.” nadinig ko ang mahinang pagtawa ni Otep. Napakamot ako sa aking batok. Hanggang ngayon ba naman hindi maka-move on si tita sa usapan namin kanina.

“Tita naman.” aburido ang aking mukha na binalingan si tita.

“Sumama ka na! Nag-effort yung tao na sunduin ka oh! Tapos di ka lang sasama. Magbihis ka na doon at baka ma-late pa kayo sa pupuntahan niyo.” marahan akong tinulak-tulak ni tita pabalik sa kwarto.

Wala na nga akong nagawa sa pamimilit ni tita sa akin at nagbihis na lang ng puting tee shirt na pinaresan ko ng maong na pantalon. Simpleng black sneakers lang ang sinuot ko na suot ko kanina papunta dito.

Naglakad lamang kami ni Otep palabas ng aming barangay. Napapalingon ang ilang tao na aming nadadaanan dahil sa porma naming dalawa na agaw atensyon talaga. Lalong-lalo na itong kasama ko na mukhang pinaghandaan ang okasyon na ’to. Akala ko ba simple lang na handaan ang dadaluhan namin. Bakit kung makaporma siya, parang mayayaman na tao ang dadalo dito.

Agad din naman kaming nakasakay sa isang taxi. Matapos sabihin ni Otep ang address ay agad nang tumalima ang driver.

“Akala ko ba simple lang na handaan ang pupuntahan natin.” tanong ko nang makarating kami sa lugar ng okasyon. Pumasok pa kami sa loob ng isang subdivision bago bumaba sa tapat ng malaking bahay. Napanganga pa ako dahil sa sobrang laki nito. Sa labas pa lang ay dinig na dinig na ang malakas na dagundong ng isang musika.

“Konting handaan lang ’to para sa mga mayayaman na tulad nila.” nginisian lamang ako ni Otep bago hilahin ako sa palapulsuhan papasok. Bumungad sa amin ang maraming tao na may kanya-kanyang hawak na iba’t-ibang klase ng alak. May iilan na nakatayo habang nag-uusap. May nakita rin akong nagkakasiyahan sa swimming pool. Tanging mga bikini ang mga suot ng babae at nakashorts lamang ang mga lalaki kaya naman tambad na tambad ang mga katawan nito. May bumabating iilan kay Otep sa tuwing dumadaan kami sa kanila.

Hindi rin nagtagal ay nakapasok kami sa loob ng bahay. Bumungad sa amin ang napakalawak na sala nitong bahay kung saan may iilang tao ang nakaupo sa nakapaikot na sofa.

“Mga pards!” naagaw namin ang atensyon ng mga taong yun nang makalapit kami sa pwesto nila. Masasayang tumayo ang mga ito at nakipag-fistbump pa kay Otep at ang iilan naman ay niyakap siya. Nagtatanong ang tingin ng lalaking nakatayo na sa harap ko.

“Ipakilala mo naman ako dito sa kasama mo.” saglit na lumingon ang lalaki kay Otep bago malagkit muling  tumitig sa akin. Bigla akong nailang sa paraan ng kanyang pagtitig na labis na nagbigay ng pangingilabot sa akin katawan. Hindi ko gusto ang paraan ng tingin niya.

“Si Mark nga pala. Mark, si Jackal nga pala. Siya yung tinutukoy ko sayong may birthday.” mukhang hindi naman napansin ni Otep ang pagkailang ko sa lalaking kaharap ko. Nakalahad na ang kamay nito. Bigla naman akong naalibadbaran sa ngisi sa kanyang labi.

“Jackal, at your service. Pleasure to meet a guy like you, Mark.” kahit naiilang ay pinilit kong makipagkamay dito. Hilaw ko siyang ngitian nagulat pa ako nang sinakop ng pareho niyang kamay ang akin. Nagmukha tuloy palaman ang kamay ko dahil sa napapagitnaan ito ng malapad niyang kamay. Mabuti na lang ay nabawi ko agad ang aking kamay sa hawak niya.

Tumalikod na sa akin ang lalaki at bumalik na sa pagkakaupo. Hindi pa sana ako gagalaw sa aking pwesto nang madinig ko ang pagtawag sa akin ni Otep. Nakaupo na rin pala ito at nagtakaka akong tiningnan. Mabilis akong kumilos palapit sa kanila. Uupo na sana ako sa tabi ni Otep nang madinig ko ang pagsalita ng lalaki kanina.

“You can sit here, Mark.” marahang pinalo nito ang espasyo sa katabi niya. Nanunusok ang mga tingin niya na mas lalo ko pang ikinakaba. Hindi maganda ang kutob ko sa lalaking ’to. Kung alam ko lang sana na mangyayari ang ganito ay hindi na lang ako pumayag sa pamimilit ni tita sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang lumapit doon sa lalaki. Wala rin naman akong choice dahil wala na akong mauupuan sa tabi ni Otep. Nang makaupo ako ay agad akong binigyan ng lalaki ng baso na may lamang inumin. Pasimple ko itong inamoy. Napangiwi ako dahil sa tapang ng amoy nito.

“Cheers.” inilapit ni Jackal ang hawak niyang baso upang makipagkampay sa akin. Wala akong nagawa kundi ang inumin ito. Napangiwi ako sa pait ng lasa nito maging ang pagguhit ng alak sa aking lalamunan. Base pa lang sa amoy nito ay alam ko nang matapang ang lasa nito. Mahinang napatawa ang katabi ko nang masaksihan ang naging ekspresyon ko.

Nakakailang baso na ako ng alak na yun. Medyo nahihilo na rin ako dahil sa epekto ng alak sa aking katawan. Ramdam kong namumungay na rin ang mga mata ko dahil sa pagkalasing.

Mabilis akong umiling nang sinubukan muli ni Jackal na bigyan ako muli ng panibagong inumin sa aking baso.

“Ayoko na.” pagtanggi ko sa pag-alok niya.

“Let yourself enjoy the night, Mark.” tila nag-echo ang kanyang boses sa utak ko. Napalingon ako sa aking katabi at yun na lamang ang gulat ko nang bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Tale sa aking harapan. Napakalapit ng kanyang mukha sa akin. Ramdam ko ang marahang paggapang ng kanyang kamay pataas sa aking hita.

Mabilis kong kinurap-kurap ang aking mata dahil sa pamamalik-mata.

“Are you alright?” tila hinihele ako ng boses na yun. Umiikot na ang buo kong paningin hanggang sa mawalan na ako ng malay dahil sa pagkahilo. Bumagsak ang aking ulo sa katawan ng aking katabi.

Nadinig ko ang mga boses sa aking paligid ngunit hindi ko yun maintindihan dahil sa sitwasyon ko ngayon. Naramdaman ko ang mga brasong umakay sa akin. Gusto kong imulat ang aking mata upang makita kung sino ang umakay sa akin.

Ramdam ko ang sobrang hilo. Gusto kong sumuka dahil sa hindi kaaya-ayang pakiramdam.

Nadinig ko ang mahinang pagbukas-sara ng pintuan. Nanatiling mabigat ang aking mata para hirap ko yung maimulat. Kalaunan ay naramdaman ko ang malambot na kama sa aking likuran. Tahimik ang buong paligid ko kaya naman dinig na dinig ko ang malalalim na paghinga ng kung sino. Naramdaman ko ang paglundo ng kama sa aking tabi. Nangilabot ang aking katawan nang may mainit na hangin ang tumama sa aking leeg.

“Mark…” mahinang bulong nito sa aking tenga. Humaplos ang mainit na kamay nito sa aking mukha pababa sa aking leeg. Para akong tinamaan ng malakas na kidlat nang maramdaman ko ang paghalik nito sa aking leeg. Hindi ko magawang maigalaw ang buo kong katawan uoang pigilin ang ginagawa ng taong nakababaw na sa akin. Ginawang tuod ng alak na yun ang aking katawan.

Napalunok ako ng laway nang pumapagang ang malaking palad nito sa loob ng aking tee shirt. Dumako ang daliri nito sa utong ko. Gusto kong ilayo ang sarili ko sa taong uhaw na hinahalikan ang leeg ko. Gusto ko itong itulak palayo sa akin. Gusto ko siyang sapakin dahil sa mahalay na ginagawa niya sa katawan ko.

Bago pa man maihubad ng taong yun ang suot kong tee shirt ay nadinig ko ang malakas na pagbukas ng isang pintuan.

“Mark?!” mabibigat na yabag ng mga paa ang kasunod kong narinig. Nawala ang bigat sa ibabaw ko at nadinig ko ang malakas na pagkalambog ng isang malaking bagay sa sahig.

“Hayop ka!” huli ko na lamang na natandaan nang tuluyan nang sinakop ng kadiliman ang ulirat ko.

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank

you!

TPT - 13

Mark Hope Calvares


M A R K

Nakahawak ako sa aking ulo na bumangon kinaumagahan. Parang hinahati sa dalawang piraso ang ulo ko dahil sa kirot nito. Hindi ko na matandaan ang lahat ng nangyari kagabi dahil sa sobrang kalasingan. Hindi ko rin alam kung paano pa ako nakauwi ng bahay. Napatingin ako sa puti kong tee shirt na suot ko rin kagabi na may bakas ng suka. Napangiwi ako nang malaman na sumuka na pala ako kagabi sa sobrang kalasingan.

‘Ano bang nangyari kagabi?’

Muntikan pa akong mawalan ng balanse nang tumayo ako. Parang umiikot ang buong kwarto. Agad akong napaupo sa kama habang sapo-sapo pa rin ang ulo ko. Bwesit naman kasi yang Otep na yan eh! Kung hindi dahil sa pagyaya niya sa akin kahapon, hindi ako nagkakaganito sana ngayon. Sasapakin ko talaga ang isang yun sa oras na makita ko siya.

Nang medyo makabawi ay muli akong tumayo at kumuha ng pares ng simpleng damit upang maligo. Kailangan ko lang iligo itong hangover ko para kahit papaano ay mabawasan. Hanggang ngayon ay nalalasahan ko pa rin sa lalamunan ko ang alak na aking ininom kagabi. Napapangiwi na lamang ako sa tuwing napapalunok ako ng aking laway. Naabutan kong wala sa bahay si tita. Baka lumabas at bumili ng almusal.

Tumungo ako sa kusina at uminom ng malamig na tubig bago pumasok sa loob ng cr. Walang shower dito sa amin hindi tulad doon sa condo unit na tinutuluyan ko. Ang meron dito sa amin ay balde at tabo lamang. Kailangan mo pang mag-igib sa labas para may magamit kang tubig. Ngunit sa sitwasyon ko ngayon ay hindi ko kayang mag-igib ng pangligo ko. Mabuti na lang may stock pa ang drum sa loob ng cr at yun na lamang ang ginamit ko. Paniguradong magagalit si tita Emma nito. Kapag naging maayos na ang pakiramdam ko ay mag-iigib na lang ako bilang pamalit sa ginamit ko.

Hindi lang ako nagtagal sa loob. Matapos makapagbihis ay lumabas na rin ako sa cr at bumalik sa loob ng kwarto upang mag-ayos. Saktong paglabas ko ay dumating naman si tita habang may bitbit na isang plastic ng pandesal. Napatigil ako sa paghakbang na nakasunod si Otep kay tita sa pagpasok.

“Musta na ang pakiramdam mo, Mark? Paniguradong may hangover ka kaya binilhan kita ng champorado sa labas.” ngiting-ngiti pa ang kumag habang tinataas ang hawak niyang plastic ng champorado. Napaikot lang ako ng mata. Kung hindi naman dahil sa pagyaya niya sa akin, hindi ako magkakaroon ng hangover ngayon eh. Gusto ko siyang hambalusin ng tuwalya sa aking balikat ngunit pinili ko na lang na huwag ituloy ay baka mapagalitan pa ako ni tita.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang kusina  at nilampasan ang kumag na hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagtitimpla ng kape na nakalagay pa sa 3-in-1 pack. Napansin ko ang paglapit ni Otep sa akin at kumuha ng mangko. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan habang sinasalin niya ang binili niyang champorado. Doon ko lang napansin ang pasa sa gilid ng kanyang labi.

Kailan pa naging ganito si Otep? Nakokonsensya ba siya dahil nalasing ako kagabi dahil sa kanya?

“Anong nangyari sa mukha mo? Bakit ka may pasa?” hindi ko napigilang magtanong. Ngunit imbes na sagutin niya ako ay iba ang naging tugon niya.

“Kainin mo ’to para mawala ang hangover mo.” nilapit niya ang mangko sa harap ko. Masama ko lang siyang tiningnan.

“Hindi ko kailangan ng champorado mo.” mataray kong pagtanggi sa alok niya. Ewan! Parang ang init ng ulo ko na makita ngayon si Otep. Nag-iinit ang ulo ko sa kanya.

“Sayang naman ang perang binili ko tapos hindi mo lang pala kakainin.” ang kanina niyang ngiti ay naglaho nang sumimangot ito. Saglit akong humigop sa kape ko. Tinapunan ko ng tingin si tita na abala sa pagdutdot sa kanyang cellphone nang madinig ko ang mahinang hagikhik nito. Paniguradong kausap niya na naman yung lalaking dinala niya dito noon. May sariling mundo ngayon si tita kaya naman hindi ko na lang siya pinansin.

“Sino ba kasing nagsabi na bumili ka niyan? Edi ikaw na lang ang kumain para hindi masayang. Problema ba yun?” hinila ko ang plastic ng pandesal at kumuha ng isa. Nadinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Nakayuko na siya ngayon at mukhang malalim ang iniisip.

“Sorry nga pala sa nangyari kagabi. Kung hindi dahil sa akin, hindi sana mangyayari ang lahat ng yun.” napakunot ako ng noo nang biglang sumeryoso ang kanyang ekspresyon. Nagtatanong ang aking isip habang inaalala ang nangyari kagabi.

“Anong ibig mong sabihin? May nangyari ba kagabi?” tutok lang ang mata ko at hinintay ang magiging tugon niya sa tanong ko. Lalo lang sumasakit ang ulo ko dahil sa pilit na alalahanin ang nangyari sa akin kagabi. Tinapunan niya ako ng tingin. Nahalata ko sa kanyang mga mata ang pagdadalawang-isip na sabihin sa akin ang bagay na ngayon ay tumatakbo sa isip niya.

“Binalakan ka ng masama ni Jackal kagabi. Sinamantala niya ang kalasingan mo. Kung hindi ko pa siya nahanap baka tuluyan ka na niyang nahubaran kagabi.” muli siyang napayuko at hindi nagawang makatingin sa akin ng diretso. Parang apoy na lumiyab ang matinding galit sa aking nalaman. Dahil sa galit ay wala ako sa sariling naikuyom ang aking kamay na may hawak na pandesal dahilan oara malapirot ito.

“Sorry talaga, Mark. Sorry dahil niyaya pa kita. Kung alam ko lang sana na mangyayari ang lahat ng yun, hindi na lang sana kita pinilit na sumama sa akin.” marahas akong napabuntong-hininga dahil sa paghingi niya ng tawad sa akin. Hindi ko naman siya sinisisi sa nangyari sa akin. Tsaka wala naman siyang kasalanan sa nangyari.

“Kaya ka ba may pasa sa mukha?” pagtatanong ko. Bahagya nang kumalma ang galit ko sa taong yun at itinuon na lang ang atensyon kay Otep.

Tanging tango lang ang sinagot niya sa akin.

Kahit papaano ay nakokonsensya ako sa dinanas ni Otep. Kung hindi sana ako nagpakalasing kagabi, hindi sana ako magagawang pagsamantalahan ng Jackal na yun at hindi sana napaaway itong si Otep. Mukhang napuruhan pa ata ito.

“Salamat. Nalungasan pa tuloy yang mukha mo.” inangat niya na ang kanyang mukha paharap sa akin. Mukhang bumalik na ang mayabang na si Otep nang napa-tsk ito at napairap sa hangin.

“Sus! Maliit na bagay! Pasa lang ’to. Hindi katulad sa gagong yun na nabasag yung ilong sa lakas ng suntok ko. Hindi ko akalain na ganung tao pala yun. Nagsisisi ako na naging kaibigan ko ang gagong yun.” tumango-tango na lang ako at napapatawa sa kayabangan niya. Pero sana totoo ang sinasabi niya na nabasag nito ang ilog ng manyak na yun. Deserved niya lang yun dahil sa kamanyakan niya. Kaya pala hindi na maganda ang pakiramdam ko sa lalaking yun nang ipakilala ako ni Otep sa kanya.

“Pero sorry talaga.” muling paghingi niya ng tawad. Pagak ko siyang tinawanan.

“Ikaw na lang ang kumain nitong champorado para quits na tayo.” tinulak ko palapit sa kanyang ang mangko ng champorado. Nakakamot siyang napatingin sa akin. Tinanguan ko siya habang nakataas ang isa konv kilay upang balaan siya. Napailing na lang siya at sinimulang kainin ang champorado na bili niya.

Sumapit ang tanghali at naisipan ni tita na mamalengke. Nagpresenta sana ako kanina na ako na lang ay mamalengke nang mabilis niyang tinanggihan ang alok ko. May ibang sadya pa daw kasi siya kaya siya na lang ang lalabas. Sumang-ayon na lang ako at inabala ang sarili sa panunuod ng tv. Inubos lang ni Otep ang champorado na kanyang kinakain tsaka nagpaalam na ito sa amin na aalis na.

Palipat-lipat lang ako ng channel sa tv dahil sa wala akong matipuhan na palabas. Puro kasi balita at noon time show ang palabas ni hindi ko naman hilig panuorin. Sa kalagitnaan ng aking paghahanap ay nadinig ko ang pagbukas ng gate at ang pagalingawngaw ng malakas na boses ni tita mula sa labas.

“Mark!!!” mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan at sinalubong si tita. Nagtataka naman ako nang malapad na ngisi ni tita ang bumungad sa akin.

“Ikaw Mark ah. Hindi mo sinabi na bibisita pala yung jowa mo. Edi sana nakapaghanda tayo.” nagtatanong ang isip kong tiningnan si tita na nilampasan lang ako at dumiretso sa kusina.

“Wala po akong jowa, tita.” pinilit kong tumaliwas sa maling paratang ni tita sa akin. Sino namang tao ang bibisita sa akin tsaka wala naman talaga akong jowa.

“Puntahan mo na lang doon sa labas. Mainit doon at baka masunog yun doon. Pinapapasok ko, ayaw naman tumuloy.” napatigil ako sa pagsunod sana kay tita nang kusang bumalik ang mga paa ko upang tanawin sa labas ang taong tinutukoy niya. Napanganga ako nang matanaw ko ang isang itim na kotse sa labas. Mas lalo akong nagtaka dahil sa kotseng nakaparada ngayon sa harap ng bahay namin. Para mabawasan ang pagtataka ko ay minabuti ko na lang na lumabas upang malaman kung sino ang tinutukoy ni tita.

Gusto ko mang isipin na namamalik-mata lamang ako sa taong nakikita ko ngayon ay hindi ko magawa. Para akong natuod sa aking pwesto nang malaman ko na ang taong tinutukoy ni tita ay si Tale. Napalunok ako nang masulyapan ang nagsusumigaw niyang karangyaan. Nang mapansin ako ay tinanggal niya ang suot niyang shades at naglakad palapit sa akin.

‘Anong ginagawa niya dito?’

“Hi, Mark.” nginitian niya ako matapos. Dama ko ang awkwardness sa boses niya. Gusto kong magtanong kung paano niya nalaman na naririto ako. Tsaka paano niya nalaman ang lugar na ’to. Ngunit nalunok ko ata ang sarili kong dila dahil hindi ko magawang makapagsalita.

“A-Anong ginagawa mo dito?” sa wakas ay nagawa kong magtanong sa kanya. Para akong nananaginip na nakatayo ngayon sa harapan ko si Tale. Buong akala ko ay hindi ko na siya makikita dahil hindi gaano naging maganda ang huli naming pagkikita. Pero ito siya sa harap ko, nginingitian ako.

“Naisip ko na bisitahin ka nang malaman ko kay Ryuuji na nag-leave ka. I visited you yesterday sa unit mo, pero wala ka na doon.” napakurap-kurap ako ng aking mata nang malaman na pinuntahan niya pala ako sa unit ko kahapon.

“Paano mo nalaman na dito ako nakatira.” nagdadalawang-isip ako na makipag-usap sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin makalimutan nang makita ko siya sa mall na may kasamang babae. Minabuti ko na lamang na huwag yun ipaalam yun sa kanya.

“Honestly, It took me a hard time finding this place. I can’t even believe na dito ka pala nakatira. Thanks to Vlad for giving me the coordinates, by the way.” pumameywang siya sa harap ko para mas lalong humulma ang mga ugat sa kanyang braso. Tanging polo shirt lang kasi ang suot niya at fitted jeans na sadyang bumagay sa matikas niyang katawan.

Hanggang dito ba naman, masusundan pa ako ng lalaking ’to. Kaya nga ako nag-leave para makapag-isip at lumayo na rin sa kanya. Pero hindi ata yun mangyayari dahil hanggang dito sa amin ay nasundan niya ako.

“Umuwi ka na.” nagdikit ang kanyang kilay sa sinabi ko. Umayos siya ng tayo sa agaran kong pagtataboy sa kanya.

“Wait. What? I’ve just arrived here.”

“Wala akong pakialam kung kararating mo lang. Hindi kita sinabihan na pumunta ka dito kaya makakaalis ka na.” tuluyan ko na siyang tinalikuran at papasok na sana sa loob.

“Look! I know hindi naging maganda ang huli nating pagkikita. I know you didn’t mean what you said that night, right? Pagod ka lang kaya mo nasabi yun, right?” muli ko siyang hinarap at pagod siyang pinakatitigan.

“I left you that night para makapag-isip ka. To give you some time to figure things out in your mind.”

Gusto ko siyang sumbatan. Gusto ko siyang sampalin para ipaalam sa kanya na siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Gusto kong sabihin sa kanya na napakamanhid niya para hindi niya malaman na baliw na baliw na ako sa kanya. Hulog na gulog na ako sa kanya pero hindi niya man lang magawang saluhin ako.

“Mark, you can talk to me. I’m here. Handa akong makinig sayo.” nanatili lang akong tahimik. Ayokong magsalita at baka kung ano pa ang masabi ko ngayon sa kanya. Hindi ito ang tamang oras at lugar para isumbat sa kanya ang lahat. Ayokong mag-eskandalo dito sa labas namin.

“Hindi na kita kailangan, Tale. Tapos na tayo.” pinilit kong huwag lagyan ng emosyon ang aking boses upang hindi niya mahalata ang unti-unti na namang pagkirot ng aking dibdib.

Pagak siyang napatawa at nagtangis ang kanyang panga.

“Ganun-ganun na lang? Kapag ayaw mo na, ayaw mo na? Pinagsawaan mo na ba ako? Umay ka na ba, Mark?” naikuyom ko ang aking kamay sa mga pilosopo niyang tanong. Hangga’t maaari ay ayokonh sumabog ngayon sa harap niya pero base sa mga sinasabi niya, mas lalo niya lang ginagawang komplikado ang lahat.

“Wow ha! Ang kapal mo din ’no? Ikaw pa talaga ang may ganang magsabi sa akin niyan. Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Ikaw ang unang bumali sa kung anong meron tayo, Tale kaya huwag mong isusumbat sa akin ang mga salitang yan.” mas lalong nagtangis ang kanyang panga. Mas lalong nagdikit ang pareho niyang kilay sa pagtataka.

“What do you mean? Na ako ang unang nagsawa sa ating dalawa? Na ako ang unang umayaw?”

‘Oo!’

Gusto kong isagot sa kanya yan. Gustong-gusto pero hindi ko magawang ibuka ang aking bibig dahil pinangunahan na ako ng mga peste kong luha. Mabilis ko itong pinunas ngunit panibago lang na luha ang muling dumaloy dito.

Tanging malalim lang na paghinga niya ang nadinig ko bago niya ako mahigpit na niyakap. Gusto ko siyang itulak palayo sa akin ngunit sadyang nakakapanghina lang ang ginagawa niyang marahan na paghaplos sa aking buhok. Dama ko ang kanyang paghalik sa tuktok ng aking ulo.

“Oh! Bakit hindi mo pa pinapapasok ang bisita mo? Mainit diyan sa labas!” mabilis akong napakalas sa yakap niya at pinalis ang bakas ng luha sa aking pisngi nang madinig ko ang boses ni tita sa aking likuran. Nag-aalangan akong humarap kay tita. Nangunot ang noo nito nang mapansin ang hitsura ko.

“Anong nangyari sayo, Mark? Umiyak ka ba? Nag-aaway ba kayong dalawa?” bumaling ang tingin niya sa katabi ko dahilan para mawala ang pagtataka sa kanyang mukha at napalitan ito ng biglaang pagkislap ng kanyang mata.

“Hello hijo. Ako nga pala si Emma, tita ni Mark.” galak na nilahad nito ang kanyang kamay na agad namang tinugon ni Tale. Napairap na lang ako sa hangin sa kaplastikan ng lalaking ’to.

“Alfred Tale po. Nice meeting you, tita.” napa-tsk ako  sa pagtawag niya ng tita sa tita ko. Ang kapal din talaga ng mukha ng kumag na ’to para maki-tita.

“Pasok ka hijo. Pagpasensyahan mo na itong pamangkin ko ah. Sadyang ganyan talaga ang ugali niya. May pagka-moody.” hinila ni tita ang kamay ni Tale papasok ng aming bahay samantalang ako ay naiwan lamang sa labas at napanganga na lang sa sinabi ni tita tungkol sa akin.

Kung alam mo lang tita kung anong dinanas ko sa lalaking yan. Baka hindi mo na maisipang papasukin siya sa bahay.

Wala na akong nagawa kundi ang pumasok na rin. Naabutan ko si Tale na nakaupo sa sofa at palinga-linga sa paligid.

“Kung ayaw mo sa ganitong lugar, makakaalis ka na.” napalingon siya sa gawi ko nang magsalita ako. Hindi siya nakasagot nang mabilis na sumingit si tita sa amin.

“Mark! Hindi ganyan ang pagtrato sa bisita. Hindi kita ganyan pinalaki ah!” nasa kusina si tita at may kung anong niluluto doon.

“Okay lang po, tita. Sanay na rin po ako sa kasungitan nitong pamangkin niyo.” tumayo siya at balak pa sanang lumapit sa kinatatayuan ko.

“Diyan ka lang. Huwag na huwag kang lalapit sa akin. Nagkakaintindihan ba tayo?” inangat ko pa ang aking kamay upang pigilan siya sa paglapit sa akin. Wala rin siyang nagawa kundi ang mapatigil at bumalik na lang sa pagkakaupo. Dumiretso naman ako sa kusina upang tulungan si tita sa kung ano man ang ginagawa niya.

“Ikaw ah! Hindi mo sinabi sa akin na yayamanin pala ang boyfriend mo…” marahan pa akong tinulak-tulak ni tita nang makalapit ako sa kanya. Muli akong napairap sa hangin dahil maging si tita ay may gana na ring asarin ako. Kailan ba ako titigilan ng mga tao na asarin? Nakaka-badtrip lang.

“Hindi ko po boyfriend si Tale. Si tita talaga.”

“Sinasabi mo lang yan kasi LQ kayo. Huwag ako, Mark. Ganyang mga lalaki ang tipo mo.”

Kailan pa nalaman ni tita na ganyan ang mga tipo ko? Ni minsan nga hindi ako nagkukwento kay tita ng mga walang kwentang bagay. Tsaka, si Tale? Tipo ko? Mamatay nang lahat ng lalaki sa mundo, kahit kailan hindi ko matitipuhan ang isang tulad niyang hindi marunong makuntento.

“LQ pinagsasabi mo diyan, tita?” hinanda ko na ang plato sa mesa nang mapansin ko ang pagsalin ni tita ng ulam na kanyang niluto sa malaking mangko.

“LQ? Hindi mo alam? Lovers quarrel. Ganern!”

“Kailan ka pa naging feeling millenial, tita?”

Hindi na ako nagawang sagutin ni tita nang nilapag niya ang dalawang mangko sa ibabaw ng mesa at dumiretso sa sala upang tawagin ang kumag na ang alam lang ay batrip-in ako.

Nauna na akong sumandok ng kanin pati ulam bago pa man makaupo si tita at ang kumag na nakatingin lang sa pagnguya ko.

“Oh? Bakit dalawang plato lang ang hinanda mo?”

“Hindi yan kumakain ng mga pucho-puchong pagkain kaya hindi na ako nag-abalang—” hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang sumapaw muli si tita.

“Mark!” sumeryoso bigla ang boses ni tita kaya naman natahimik ako. Alam kong may pagkakalog si tita pero sa oras na sumeryoso ito ay laging tagos sa buto. Lalo na kapag nagagalit ito.

Wala na akong nagawa kundi ang tumayo para kunan ng plato at kubyertos si Tale. Kung hindi lang siya dumating dito hindi ako maba-badtrip ng ganito.

Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay nadinig ko ang boses ni Otep na tinatawag ang pangalan ko mula sa labas. Lahat kami ay napatigil sa pagkain dahil doon. Nagpaalam muna ako sa kanila upang lumabas.

“Bakit?” inis kong tanong dito.

“Tanghaling-tanghali ang init ng ulo mo.” napansin ko ang hawak niyang plastic na may laman ng kung ano.

“Wala kang pakialam. Ano bang kailangan mo?” dahil wala akong gana na makipagusap sa kahit na sino ay ang gusto ko na lang ay umalis na siya sa harap ko.

“Binilhan kita ng tinolang manok. Alam ko kasing paborito mo ’to tsaka para na rin mawala na ang hangover mo.” inabot niya sa akin ang plastic na ulam pala ang laman. Tinititigan ko lang ito at walang balak na kunin sa kanya.

“Hangover?” baritonong boses ang nadinig ko mula sa aking likod. Kalaunan ay naramdaman ko ang pagpatong ng kanyang kamay sa balikat ko.

“Sino ’to Mark?” naging maangas ang naging tono ni Otep. Kung binabalak niyang makisapakan kay Tale ay maliit ang tyansa niya na manalo dito dahil doble ang laki ng katawan ni Tale kumpara sa kanya.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko upang sagutin ang tanong ni Otep nang maunahan ako ni Tale. Hindi ko inaasahan na yun ang isasagot niya. Nalunok ko ang sarili kong dila dahil sa pagkabigla. Tila bomba ang sumabog sa harap ko ng hindi ko inaasahan.

“I’m his boyfriend so you better back off.”

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 14

Alfred Tale Crosagne


M A R K

“I’m his boyfriend so you better back off.”

Rumihestro sa mukha ni Otep ang pagkagulat ngunit saglit lamang yun. Mas nangingibabaw na ngayon ang pagkaangas niya na parang kayang-kaya niyang pataubin si Tale.

“Tsk! Ako ba pinagloloko mo pre? Eh ako ang boyfriend ni Mark.” pero tulad kanina ay nilukob ako ng matinding gulat nang siya naman ang nagsabi na boyfriend ako. Shocks! Kailan ko pa naging boyfriend ang kumag na ’to.

Dama ko ang paghigpit ng hawak ni Tale sa balikat ko. Napalingon ako sa kanya. Matatalim ang binibigay niyang tingin kay Otep pero hindi naman nagpatalo si Otep sa pakikipagtitigan dito. Kulang na lang ay magsuntukan sila sa harap ko

“Magsitigil nga kayong dalawa.” nang maka-recover ay minabuti ko nang pigilan sila at baka matuloy na nga sa suntukan ang dalawang kumag na ’to.

Pareho ko silang tinulak palayo sa isa’t-isa at pumagitna sa kanila.

“Umalis ka na Otep. Salamat na lang dito.” wala na akong nagawa kundi tanggapin ang binili niyang tinolang manok at marahan siyang tinulak palayo. Nag-iwan pa ito ng matatalim na tingin kay Tale bago tuluyang naglakad palayo sa amin.

Kahit kailan talaga sakit lang sa ulo ang mga lalaki.

“We need to talk.” saktong pagharap ko ay seryosong mukha niya agad ang bumungad sa akin. Nakasiksik ang isa niyang kamay sa bulsa ng kanyang jeans.

Dahil sa wala akong ganang makipagbangayan ngayon sa kanya ay pinili ko na lang na lampasan siya at bumalik na lang sa loob. Nakalampas na sana ako sa kanya nang marahas niya akong hinila pabalik sa harap niya para uminit lalo ang ulo ko.

“Ano bang problema mo?” hindi ko na napigilang hindi mapagtaasan siya ng boses dahil sa inis. Pusang gala naman oh! Ang sakit na nga ng ulo ko dahil sa hangover, dadagdag pa siya.

“I said we have to talk.” mariin ang bawat salita na kanyang sinasambit. Marahas kong kinalas ang braso ko sa mahigpit na pagkakahawak niya. Pasimple ko pa itong hinilot dahil sa pagbakat ng kamay niya dito.

“Wala tayong dapat na pag-usapan, Tale dahil first of all, hindi kita boyfriend. Kung nandito ka lang para sirain ang araw ko, pwede ka nang umalis. Hindi kita kailangan sa buhay ko.” mabilis akong pumasok sa loob ng bahay namin. Alam kong nakasunod siya sa akin dahil sa malakas na tunog ng kanyang paghakbang. Muli akong napaharap sa kanya nang muli niya akong mahawakan sa braso ko. Seryoso? Pinipilit niya ba talaga akong sumabog ngayon sa harap niya. Grabe na ang pagpipigil na ginagawa ko dahil ayokong malaman ni tita kung anong meron nga ba talaga kami ng lalaking ’to. Ngunit siya na mismo ang umuubos sa pasensya ko dahil sa kakulitan niya.

Ang lakas din ng apog niya para angkinin akong boyfriend niya. May boyfriend bang may kinakalantaring iba?

“Bawiin mo ang sinabi mo.” mahina ngunit gigil ang kanyang boses.

“Na ano? Na hindi kita boyfriend? Totoo naman diba?  Wala naman talagang tayo. Na hindi naman talaga kita boyfriend.” tulad kanina ay kinalas ko ang pagkakahawak niya sa akin at nilayo ang sarili ko mula sa kanya.

“Can you please tell me what’s wrong, Mark? Hindi ko alam kung bakit bigla ka na lang nagalit sa akin ng ganyan. Did I do something wrong? The fuck, Mark. Mababaliw ako kakaisip kung ano bang ginawa kong masama.” what the? Siya pa talaga ang may ganang magtanong sa akin niyan. Bakit hindi niya tanungin ang sarili niya? Tangna lang! Anong ginawa niyang masama? Really? Really, Tale?

“Hindi ko kailangang magpaliwanag sayo, Tale. Umalis ka na hangga’t kaya ko pang pigilan ang sarili ko na saktan ka.” nagigitgitan ang mga ngipin ko sa pagpipigil. Galit ko ring naikuyom ang kamay ko.

“Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung anong problema. Sige! Saktan mo ako kung yan ang makakapagpagaan ng loob mo. Punch me! Slap me hanggang makuntento ka.” marahas akong napabuga ng hangin at gigil na sinabunutan ang sarili ko. Tangna! Ano bang gagawin ko sa lalaking ’to? Ano bang gusto niyang mangyari? Kahit kailan talaga wala nang nadulot na maganda sa akin ang kumag na ’to.

“Susmaryosep! Nag-aaway na naman kayo?!” lumabas mula sa kusina si tita. Sabay kaming napalingon sa kanya. “Naku! Pwede ba mag-usap kayo ng mahinahon? Hindi yung pareho kayong nagbabangayan.” pagod akong napaupo sa sofa at nasapo na lamang ang aking noo. Muling kumirot ang ulo ko dahil sa pagka-stressed sa lalaking ’to. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Pilit ko nang nilalayo ang sarili ko sa kanya pero naririto siya, ginugulo na naman ang tahimik ko na sanang pag-iisip.

“Hindi niyo masosolusyunan ang problema niyo kung parehong mainit ang ulo niyo. Tale, hayaan mo munang lumamig ang ulo nitong pamangkin ko tsaka kayo mag-usap. Nakakaloka kayong mga kabataan. Nasi-stress ako sainyo.” bumalik si tita sa kusina at inabala ang sarili sa pagliligpit ng aming pinagkainan. Matapos ng nangyari ay nawalan na ako ng gana na kumain kaya naman ay bumalik na lang ako sa kwarto at minabuting i-lock ang pinto. Baka pasukin pa ako ng kumag na yun.

Napailing na lang ako nang mapansin na hawak-hawak ko pa pala ang bigay na ulam ni Otep. Matapos kong ilapag yun sa maliit na mesa dito sa kwarto ay tila lantang-gulay akong napahiga sa kama. Dahil sa patuloy pa rin na pananakit ng aking ulo ay mabilis akong nalatulog.

Naalimpungatan ako sa malakas na dagundong ng tugtugin sa kabilang bahay. Marahas akong napakamot sa aking ulo dahil sa pagkainis. Kulang na lang kasi ay mabasag na ang eardrums ko sa lakas ng  tugtog nila. Dinig na dinig ng buong barangay ang k-pop song ng isang sikat na boyband na hindi ko maintindihan kung ano ang lyrics. Wala akong nagawa kundi ang bumangon. Alas-singko na din pala ng hapon.

Naabutan ko si tita sa sala na nanunuod ng paboritong niyang drama sa tv. Saglit itong lumingon sa akin nang mapansin ang presensya ko. Hinanap ng mata ko ang isang tao nang hindi ko na ito makit sa loob ng aming bahay.

“Si Tale po?” pagtatanong ko kay tita.

“Gustong-gusto mong umalis yung tao kanina tapos hahanap-hanapin mo sa’kin ngayon?” napairap ako sa hangin dahil sa pamimilosopi ni tita. Hindi niya ba alam na kagigising ko lang at wala ako sa mood na makipagbiruan ngayon.

“Nagtatanong lang…” tangi ko na lang nasabi.

“Pinauwi ko na. Sinabihan ko na tsaka na kayo mag-usap kapag malamig na ang ulo mo.” tuluyang humarap sa akin si tita nang patalastas na ang nasa tv. “Ano ba kasing pinagaawayan niyo?” umupo ako sa katabing sofa at nanunuod na lang din ng palabas sa telebisyon.

“Wala po.” walang gana kong sagot.

“Wala? Eh halos magpatayan na kayo kanina. Sinasabi ko sayo, Mark. Pag-usapan niyo yan ng maayos. Sayang yung tao kapag nawala pa sayo. Bihira na lang sa panahon ngayon ay makabingwit ng mayaman.”

“Tita naman!”

“Eh ako ay concern lang naman sa buhay lovelife mo, Mark. Kung nakita mo lang ang hitsura nung boyfriend mo kanina, parang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ka na naawa.”

Isang malakas na sampal sa akin ang nagawa ko. Nakakainis lang. Kadugo ko ba talagang tunay itong si tita? Diba dapat ako ang kinakampihan niya? Nagmukha pa tuloy ako yung may kasalanan. Ako na nga yung nasaktan.

Lumipas ang ilang araw na wala akong ibang ginawa kundi ang manatili sa loob ng bahay. Minsan ay inaabala ko na lang ang sarili ko sa pagtulong kay tita sa mga gawaing bahay. Isang araw, ay inutusan ako ni tita na mag-igib sa labas nang maabutan ko doon si Otep. Agad ko siyang kinompranta tungkol sa sinabi niya kay Tale.

“Bakit mo sinabi na boyfriend kita?” tumaas ang kilay ko sa inis at namewang sa harap niya. Napagmasdan ang pagdaloy ng pawis sa kanyang hubad na katawan. Tanging jersey shorts lang kasi ang suot niya at ang sando nito ay nakasampay sa kanyang balikat.

“Ikaw pala yan Mark. Kamusta?” hilaw akong ngitian nito at nagpatuloy sa ginagawang pag-igib. Nagtatangis ang mga ugat sa kanyang braso dahil sa ginagawa niyang pagmamaneubra sa poso.

“Huwag mong iniiba ang usapan, Otep. Sagutin mo yung tanong ko.”

“Ito naman! Masyado na namang mainit ang ulo mo.” hindi niya magawang tumingin ng diretso sa akin dahil sa ginagawa kaya ako na ang nag-adjust at lumapit sa harap niya.

“Bakit mo sinabi kay Tale na boyfriend kita?” pag-uulit ko sa tanong ko.

“Yun? Tale ang pangalan? Kaya pala mukhang buntot.” hindi niya napigilang matawa sa sarili niyang biro.

“Sasagutin mo ako o hahampasin kita nitong balde.” pinagtaasan ko na siya ng boses para malaman niya na seryoso ako sa tanong ko. Puro lang kasi biro ang alam ng lalaking ’to kaya hindi makausap ng maayos.

“Ito naman! Hindi na mabiro.” saglit akong naghintay sa magiging sagot niya. “Sinabi ko lang yun kasi wala akong tiwala sa hitsura niya. Mukhang lolokohin ka lang no’n. Nagaalala lang ako para sayo.”

“Hindi ko siya boyfriend kaya wala kang dapat na ipagalala.”

“Bakit niya sinabi na boyfriend mo siya kung hindi naman pala?” saglit akong natigilan sa tinanong niya. Napaisip ako. Wala akong maisip na pwedeng dahilan kung bakit sinabi yun ni Tale. Hindi ko alam kung ano ang tingin niya sa akin noon. Pero base sa sinabi niya sa harap ni Otep, gusto kong isipin na may ‘gusto’ na rin sa akin si Tale.

“Kaya baka niya sinabi yun kasi hindi katiwa-tiwala ang hitsura mo. Mukha ka kasing adik sa kanto.” may gana na akong asarin siya dahil bahagya nang gumaan ang pakiramdam ko. Ewan! Ang maalala na sinabing boyfriend ko si Tale ay nakakagaan ng pakiramdam.

“Grabe ka naman sa’kin. Sa gwapo kong ’to? Sasabihin mo lang ng mukhang adik sa kanto? Parang imposible naman ata. Hindi ka ba nagagwapuhan sa akin?” sinadya niyang hawiin ang kanyang buhok at i-flex ang pareho niyang biceps na masasabi kong hindi na rin masama para sa kanya. Kung hindi ko lang kilala itong si Otep, baka isipin ko na nababaliw na ito.

“Hindi.” pambuboska ko sa tanong niya. Palihim na lang akong napatawa dahil sa pag-nguso niya.

Natapos ang araw na wala akong ginawa kundi ang maglinis ng buong bahay. Kahit malinis na itong dati ay sinadya kong magkalat at kusang linisin ang mga yun. Gusto kong maging abala sa mga bagay na pwedeng gawin para lang maging okupado ang isip ko. Nababaliw na ata ako dahil parang sirang plaka na nagpapaulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Tale sa harap ni Otep.

Did he mean those words?

Alam kong nag-away kami matapos no’n pero nangingibabaw ngayon ang tuwa sa aking katawan. Sadyang masakit lang ang ulo ko ng mga oras na yun para hindi ma-appreciate yung sinabi niya.

Wala ako sa sariling napangiti habang nakatingin sa kisame nitong maliit naming kwarto. Tulog na tulog na si tita sa kabilang kwarto pero ako ito, buhay na buhay pa ang at diwa at mukhang wala ata akong balak dalawin ng antok. Malalim akong napabuntong-hininga bago kinuha ang cellphone ko sa tabi ko nang tumunog ito. Isang message ang natanggap ko mula sa hindi kilalang tao. Number lang kasi ang nakalagay.

“Hey? Still up?” tahimik kong basa sa mensahe. Napakunot ang noo ko sa pagtataka kung sino ito.

Kusang nagtipa ang daliri ko at nag-reply dito.

“Sorry. Wrong send ka ata.”

Agad din akong nakatanggap ng reply mula dito.

“I’m sorry about earlier…”

“I’m so mad at myself for making you furious earlier…”

Napawi ang pagtataka ko kung sino ang unknown number na ito. Napatulala ako sa isang iglap. Shit! Paano niya nalaman ang number ko? Kanino nakuha ng kumag na ’to ang number ko? Dahil sa matagal lang na pagkakatitig sa screen ng aking phone ay hindi ko na nagawang makapag-reply sa kanya. Bahagya akong napaigtad nang muling tumunog ang cellphone ko matapos ang ilang minuto.

“Still mad?”

“Please talk to me…”

“Mark?”

Sunod-sunod ang pagtunog ng aking phone dahil sa sunod-sunod niyang pag-text sa akin. Shit! Anong ire-reply ko? Bigla akong nawalan ng sasabihin nang malaman ko na si Tale pala ang kausap ko. Saglit akong natulala ngunit bago pa man ako makapagdesisyon kung ano ang ire-reply ay biglang lumabas sa screen ang numero niya. Tumatawag siya.

Mabilis akong napabangon sa pagkakahiga. Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag niya o hindi. Kapag sinagot ko naman, anong sasabihin ko? Hindi ko alam ang sasabihin ko. O kaya huwag ko na lang kaya sagutin? Para wala nang maging problema. Baka kasi kung ano pa ang masabi ko at madulas pa ang dila ko. Nakatutok lang ako sa screen ng phone ko hanggang mag-end call ito pero ilang saglit lang ay rumehistro muli ang number niya na nagsasabing tumatawag siya ulit.

‘Anong gagawin ko?’

Wala ako sa sariling natapon ang phone ko sa tabi ko. Marahas akong napahiga bago kinuha ang unan sa aking ulunan at tinakip ito sa aking ulo. Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko na labis na kinairita ko na.

“Pa’no mo nalaman ang number ko?” inis kong bungad agad sa kanya nang sagutin. Dinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya kaya naman mas lalo pa akong nainis sa kanya.

“Hindi ako nakikipagbiruan. Walang nakakatuwa para tumawa ka.” inayos ko ang unan pasandig sa pader nitong kwarto at maingat akong umupo pasandig din doon.

“You’re so sweet, Hope. Gustong-gusto kong palagi mo akong sinusungitan. Hearing that tone of yours, alam kong hindi ka na galit sa akin.” malamyos ang kanyang boses na pagkasabi. Para akong tinutunaw ng kanyang boses lalo na nang tinawag niya ako sa pangalawang pangalan ko. Yun ang unang beses niya akong tinawag na ganun na balis na nagdala ng kakaibang pakiramdam sa akin.

Pareho kaming natahimik ng ilang saglit bago siya muli nagsalita.

“You still there?”

“Hmm…”

“Hiningi ko kay Ryuuji ang cellphone number mo. Para kahit papa’no marinig ko man lang ang boses mo…”

Lihim akong napangiti sa matatamis niya salita. Parang mahika ang mga ito na tuluyan nang bumura sa bigat ng dinadala ko. Parang tuluyan ko nang nakalimutan ang mga masasamang nangyari sa amin noon.

“Ang corny mo…” nakangiti kong pang-aasar sa kanya. “Matulog ka na. Puro ka kalandian.”

“Good night. Dream of me, my Hope.”

Hindi ko na nagawang tumugon sa sinabi niya at mabilis na binaba ang tawag niya. Mariin kong kinagat ang aking labi upang pigilin ang aking pagngiti. Binaling ko na lang ang nararamdamang kilig sa paghawak sa sapin nitong kama.

Muling tumunog ang cellphone ko at nakatanggap ng message galing kay Tale.

“Libre kiligin, Mark.”

Nakatulog na lang ako ng may ngiti sa labi. Kinaumagahan ay maganda ang naging gising ko. Hindi na ata maalis sa labi ko ang ngiti kaya naman buong araw na magaan ang pakiramdam ko. Napansin ni tita ang pangiti-ngiti ko kaya nagtatakang nakiintriga na naman si tita habang abala sa kanyang niluluto para sa aming hapunan.

“Ngiting-ngiti ka ata? Nagkaayos na ba kayo ng boyfriend mo?” kumuha ako ng plato at kubyertos sa lalagyan at inabala ang sarili sa pag-aayos nito. Malapit na rin kasi matapos ang niluluto ni tita.

“Kailan ka ba babalik sa trabaho mo? Hindi ka pa ba hinahanap ng amo mo?” pagtatanong ni tita bago sumubo ng pagkain.

“Sa susunod  na linggo pa po ako babalik sa trabaho. Baka sa lunes po.” simpleng sagot ko na lamang sa kanya. Tumango-tango lamang si tita at hindi na nagsalita.

Wala akong ibang ginawa sa pananatili ko dito sa amin ng isang buong linggo. Simula din nang unang gabi na pag-uusap namin ni Tale ay naging sunod-sunod na nang sumunod na mga araw.

Kahapon ay pumunta kami ni tita sa mall upang makapag-bonding bago ako umalis kinabukasan. Binalak ko na talaga na ipasyal si tita noon pa man. Ngayon na may sapat na akong pera para matupad yun ay sinulit ko na ang pagkakataon na maipasyal siya. Sobrang saya ko na makita lang na masaya si tita na kasama ako. Simple lang naman ang hiling ko sa buhay eh. Ang maiahon si tita sa kahirapan. Ang mabigyan siya ng magandang buhay kasama ako. Gusto kong masuklian ang mga naging sakripisyo sa akin ni tita upang itaguyod ang pangaraw-araw namin. Gustong-gusto ko siyang pasalamatan sa lahat.

“Nakahanda na ba lahat ng dadalhin mo?” sigaw ni tita mula sa labas. Ngayon ang araw ng pagbabalik trabaho ko. Sapat na rin ang isang linggo para mag-leave at muling kumayod. Saglit akong sumipat sa salamin upang pagmasdan ang kabuuan ko habang sukbit ang aking travel bag sa aking balikat.

“Opo tita.” sagot ko nang mabungaran ko siya sa sala.

“Huwag mong pababayaan ang sarili mo ah. Huwag na kayong mag-aaway ni Tale. Magpapakabait ka ah!” mahigpit akong niyakap ni tita. Saglit kong dinama ang yakap niya. Simula nang mawala ang mga tunay na mga magulang ko, si tita Emma na ang tumayong mama at papa ko. Siya lang ang taong buong-puso na tinanggap ako sa kabila ng mga pinagdaanan ko noon.

“Opo tita.” pinilit kong huwag maiyak sa muling paghihiwalay namin ni tita. Ayokong umiyak sa harap niya hanggang maaari. Ang ayaw kasi sa lahat ni tita ay nakikita akong umiyak dahil paniguradong maiiyak na rin siya.

“Bilisan mo na at naghihintay na yung sundo mo sa labas.” nawala ang ngiti sa aking labi sa sinabi ni tita. Sundo? Wala akong inaasahan na magsusundo sa akin.

“Sundo? S-sino po?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Sino pa? Edi yung boyfriend mo.” mahinang napahagikhik sa kilig si tita at nagawang marahan pa akong tinapik sa aking balikat.

“Huh?” mabilis akong naglakad palabas upang kompirmahin ang sinasabi ni tita. Baka kasi mamata ay pinagtitrip-an lang pala ako ni tita at gusto lang akong asarin.

Natigilan ako sa aking pwesto nang bumukas ang pinto ng nakaparadang kotse sa tapat ng aming bahay at iniluwa nito ang napakwapong nilalang. Parang bumagal ang galaw niya sa paningin ko nang tanggalin niya ang suot niyang sunglasses. Kitang-kita ko ang pagkislap ng abo niyang mata na natatamaan ng sinag ng araw. Naging mabagal ang kanyang paglalakad papalapit sa akin hanggang sa namalayan ko na lang na nasa harapan ko na siya. Nakangiti niyang kinuha ang bag sa akin at sinukbit ito sa kanyang malapad na balikat.

“Paano mo nalaman na ngayon ako aalis?” hindi ko mapigilang maitanong dahil sa pagtataka.

“Tita Emma said na ngayong araw ka raw babalik. So I hurried here to fetch you up.”

“Aren’t you happy to see me?” nakangiti niyang tanong sa akin at bahagyang hinaplos ang aking namumula nang pisngi.

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 15

Mark Hope Calvares


M A R K

“Ikaw ba ang anak ni Mr. and Mrs. Calvares?” malagong ang boses nito na mas lalong nagpatindig ng aking balahibo sa buong katawan. Tanging iling lamang ang sinagot ko dahil hindi ko siya kilala. Sabi kasi ni mama noon sa akin na huwag na huwag daw akong makikipagusap sa mga taong hindi ko kilala.

“Sorry mister but I’m not allowed to talk to strangers.” inosente kong sagot dito at sinusubukang maging matapang sa mga oras na ito. Takot na takot na ako ngayon. Gustong-gusto ko na lamang umiyak at tawagin sina mama at papa. Gusto kong tumakbo papalayo sa kung sino man na lalaking ito.

Narinig ko ang pag-ngisi nito.

“Your mom really taught you on how to protect yourself from strangers, huh?”

“N-nakita niyo po ba sina mama at papa?” hindi ko na napigilan ang aking sarili na tanungin ang lalaking kaharap ko ngayon kung alam niya ba kung nasaan sina mama at papa. Gustong-gusto ko nang makita sila. Hindi ko alam kung saan ako pupunta makita lamang sila.

“I know kid. I can bring you to them if you want to.”

Dahil sa kagustuhan ko na makipiling sila ay tumango na lamang ako sa alok niya. Inilahad nito ang malapad niyang kamay at walang pagdadalawang-isip na inabot ko ito.

“Good boy.”

Hawak-hawak niya ang maliit kong kamay habang tinatahak ang daan palabas ng aming bahay. Saglit akong natigilan nang mapansin ko ang dalawang nakaitim na malalaking lalaki sa gilid ng itim na kotse. I got scared when I saw them holding guns. They both look goons to me. A shudder came through into my system dahilan para mapaatras ako.

Napansin ng lalaki ang aking pag-atras para mapatingin siya sa akin.

“Don’t be scared kid. We’re good guys…” taliwas ang aking naramdaman sa kanyang sinabi. His smile is far different from what he said.

I tried to calm myself as we hopped inside the vehicle. Napansin ko ang lalaking nakaitim rin sa unahan. Nang makapasok ang dalawang lalaki sa kotse kasunod namin ay agad na nitong pinaandar ang sasakyan.

The old guy beside me is still holding my cold hand. Hindi ko makita kung saan kami papunta dahil sa madilim ang aming dinadaanan. Muli akong napalingon sa lalaki nang nagsalita siya. He’s talking to someone on the phone.

“We got the kid, boss.” tanging sinabi niya bago ibaba ang tawag. Napalingon ito sa akin at muli akong nginitian.

The car stopped after an hour. Mabilis na kumilos ang mga lalaking mukhang goons pababa ng kotse. Wala na akong nagawa nang kinaladkad na ako ng lalaki palabas rin sa sasakyan. Napatingala ako sa abandonadong gusali. Matinding takot na naman ang aking naramdaman ngunit hindi ko magawang tumigil sa paglalakad dahil sa pagkaladkad na sa akin ng lalaki.

“What are we doing here, mister?” nanginginig ang aking labi at halos pabulong na lang ang aking pagkakasabi. Naiiyak ako sa matinding takot nang pumasok sa kami sa isang pasilyo na punong-puno ng vandals ang pader.

“Your parents are waiting for you here.”  sagot ng lalaki sa akin nang hindi tumitingin. Diretso lang ang atensyon nito sa aming dinadaanan.

It’s too dark everywhere. The moonlight served as the light in the whole premises of the building but it wasn’t enough to illuminate the whole place. But thinking mama and papa are here gives me courage that nothing will happen bad to me here. They always say to me na walang mangyayaring masama sa akin hanggang kasama ko sila.

I almost got blind when a flash of light blocked my sight. I immediately covered my eyes with my hand. Saglit akong napapikit upang maka-recover sa pagkakasilaw sa biglaang liwanag na aking nakita.

Napakurap-kurap ako ng aking mata at unti-unting nakikita ang aking paligid. Patuloy lang kami sa paglalakad

hanggang sa natigilan ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

“Mark!”

It was mom’s.

Napangiti ako nang masilayan ko sina mama at papa ngunit agad ring napawi ang aking ngiti nang mapansin ko na pareho silang nakatali sa upuan. Mom is worriedly looking at me while dad is unconcious.

“Mama! Papa!” awtomatiko akong napatakbo papalapit sa kanila. Mahigpit kong niyakap si mama. Tiningala ko siya at doon ko lang napansin ang dugo sa kanyang ulo. Her lips are also wounded.

“Hayop ka! Huwag mong idadamay dito ang anak ko!” galit na galit ang boses ni mama na sinigawan ang isang lalaki. Napalingon ako doon ngunit hindi ko maaninag ang mukha nito. Tanging ang namumulang parang apoy lamang ang nasisilayan ko pantay sa kanyang ulo.

“Mark! Listen to me…” napabalik ang aking tingin muli kay mama. She’s already in tears. Nanginginig din ang kanyang labi. “Mama, always loves you, huh. Always remember that we’re always here of your papa to protect you.” tanging tango na lang ang aking nagiging tugon. I wasn’t able to say anything when tears also shreaded from my eyes.

Dinig ko ang mabagal na yabag mula sa aking likuran.

“I wont hurt your son if you will give me the diamond. Decide, Ellen. The diamond or your son’s life?” malalim ang boses nito na nagbigay ng matinding pangingilabot sa aking katawan.

“Ilang beses ko nang sinabi sayo na wala sa akin ang hinahanap niyo!”

Saglit na tumahimik ang paligid. Tanging nanginginig na hininga ni mama ang aking naririnig.

“Take the kid away…” pagbasag ng lalaki sa katahimikan. Bago ko pa man malaman ay may kamay nang humila sa aking papalayo kay mama.

“Mama! Mama!” patuloy kong pagtawag kay mama.

“Please! Huwag niyong sasaktan ang anak ko! Nagmamakaawa ako sa inyo!”

Marahas akong kumalas sa pagkakahawak sa akin nang kung sino. Nang magawang makawala ay mabilis akong kumaripas ng takbo palapit kay mama. Sinubukan pa sana akong hawakan ng kung sino sa aking braso ngunit nakailag ako.

Ngunit bago pa man ako makalapit kay mama ay umalingawngaw ang malakas na putok ng baril. Lumukob ang matinding takot sa aking katawan at nanghina ang aking tuhod para mawalan ako ng malay.

“Mama!” malakas kong sigaw at habol ang aking hininga na napabangon sa aking pagkakahiga. Pinunas ko ang luha sa aking pisngi dahil sa muli kong pananaginip sa nangyari sa akin noon. Hindi lang yun isang panaginip kundi isang bangungot sa aking buhay na kailanman ay hindi ko na pwedeng kalimutan. Naging parte na yun ng aking nakaraan kaya kahit anong gawin kong pagtakas ay isang imposible lamang.

Gulat akong napaigtad sa mainit na kamay na humawak sa aking balikat.

“Are you alright?” paos ang boses ni Tale na tanong. Nag-aalala ang kanyang mata na nakatitig sa akin. Umayos siya ng pwesto bago pumayakap mula sa likuran ko ang kanyang makisig na braso sa aking hubad na katawan ko. Pinatakan niya ako ng halik sa aking balikat tsaka pinatong ang kanyang baba doon.

“You had nightmare again?” tanong niya. Tanging pagtango lang ang naging sagot ko sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng aking tiyan upang kalmahin ang aking sarili. Hindi ito ang unang beses na binangungot ako na katabi siya. Nalaman niya na binabangungot ako nang unang gabi ko dito sa bahay niya. Pero yun lang ang alam niya. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang kumpletong dahilan kung bakit ko dinadanas ang ganito. Ayokong bigyan siya ng problema kaya naman mas minabuti ko na lamang na ilihim ito sa kanya.

Unti-unti nang kumakalma ang aking pakiramdam sa mainit na yakap niya mula sa aking likuran. Pinikit ko ang aking mata habang dinadama ang mahinang hangin na tumatama sa aking pisngi. Walang nagsasalita. Ganun lang kami. Sa ganung paraan ay napapakalma niya ako. Nakakalimutan ko ang matinding bangungot sa aking buhay dahil alam kong nasa tabi ko siya.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising upang maghanda ng almusal namin ni Tale. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakatira na kami ni Tale sa iisang bubong. Halos dalawang buwan na rin akong naririto bilang personal chef ni Tale. Matapos kong manilbihan kay sir Ryuu ng mahigit isang taon ay pinalipat niya ako dito kasama si Tale sa hindi ko alam na dahilan. Sa mahigit isang taong din yun ay nakapagtapos ako sa aking culinary class. Ngayon, ay naninilbihan na nga ako kay Tale.

Bukod sa pagiging personal chef niya ay hindi ko maiwasang mag-isip ng ibang bagay. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung iisipin ko na para kaming live-in partner sa set-up naming dalawa ngayon. We’re not boyfriends nor in a labelled relationship. Tuluyan ko nang kinalimutan ang senaryong nakita ko si Tale na may kasamang babae noon. Siguro na mis-interpret ko lang ang sitwasyon at masyado akong nagpadala sa sarili kong emosyon. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin sinasabi yun kay Tale dahil tapos na yun. Ano pang sense kung ibabalik ko pa ang nakaraan, diba? Tapos na yun. Basta ang mahalaga sa akin ay kasama ko siya. Na masaya kami pareho sa piling ng iba. Mutual understanding kumbaga.

Umamin ako sa kanya na gusto ko siya noong gabi na hinatid niya ako pabalik sa condo ko.

Tahimik lang siyang nakasunod sa akin hanggang sa makapasok kaming pareho sa unit ko. Hindi ako mapakali at pilit na iniisip kung paano ko ipagtatapat kay Tale itong nararamdaman ko.

“Tale…” pilit kong pinaglalaruan ang aking mga daliri sa kamay upang maalis ang aking kaba na nararamdaman. Hindi ko alam kung ito ang tamang oras na sabihin ko ito sa kanya pero gagawin ko pa rin.

“Hmm…” tugon niya.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Nanatiling nakayuko ang aking ulo at hindi ko magawang makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

“Is there something wrong?”

Mabilis akong umiling.

“Then, why are you not looking at me?” kusang tumingala ang aking ulo nang hawakan niya ang aking pisngi. Napatitig ako sa kanyang mapang-akit na mata. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso sa tanawing nasa aking harapan. Napalunok ako at inipon ang lahat ng lakas ng loob bago ako umamin sa kanya.

“Gusto kita.” halata ang bahagyang pagkagulat sa kanyang ekspresyon. Natigil din ang paghaplos ng kanyang daliri sa aking pisngi. “Gusto kita, Tale.” katahimikan ang sumunod na nangyari sa pagitan naming dalawa. Hindi ko siya nadinig na magsalita kaya naman nalungkot ako. Paano kung hindi niya ako gusto? Na ako lang pala ang may gusto sa kanya at wala siyang gusto sa akin?

“Ayos lang kung hindi mo —” hindi na ako natapos sa pagsasalita nang inunahan niya ako.

“I like you too, Mark.” kusa akong napangiti sa naging tugon niya. Wala ako sa sariling niyakap siya ng mahigpit dahil sa labis na tuwa.

Napailing-iling na lang ako nang maalala ko na naman ang senaryo nang gabing yun. Simula nang punto na yun ay naging mas lalo na siyang malambing sa akin. Bihira niya na rin ako asarin tulad noong mga unang pagkakataon naming magkakilala. Bukod pa doon ay mas lalo rin naging madalas ang maiinit na tagpo sa aming dalawa. Minsan naiinis dahil sa pagiging malibog niya. Minsan tatapikin niya na lang ako at magyayaya kahit nasa tabi lamang namin si sir Ryuu. Napapairap na lang ako sa hangin sa kalokohan niya. Masyadong nagpapadala sa bugso ng damdamin ang kumag eh. Pero sa bandang huli ay sumusuko rin ako at pinagbibigyan na lang siya sa gusto niya.

“Good morning…” napaigtad ako sa aking kinatatayuan nang biglang pumayakap ang kanyang mga braso paikot sa aking bewan. Inamoy-amoy niya ang aking leeg bago patakan ng sunod-sunod na halik. Napapailag na lang ako sa ginagawa niya dahil sa pagkakiliti.

“Ano ba, Tale. Nakikiliti ako…” reklamo ko sa kanya ngunit taliwas ang aking isip. Nagugustuhan ko ang kanyang ginagawa dahil sa ibayong init na dala nito sa aking sistema. Napapatawa na lang ako at pilit siyang pinapatigil sa ginagawa. Nang magsawa ay pinatong niya na lang ang kanyang baba sa ibabaw ng aking balikat.

“It seems that you really like wearing my shirt, huh.” pang-aasar niya sa akin. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong nakangisi na naman ang loko na ’to. Hindi ko rin kasi siya masisisi. Suot ko ngayon ang malaki niyang tee shirt na halos lamunin na ang aking katawan sa luwang. Hindi na nga makita yung suot kong boxer short dahil sa laki talaga ng kanyang pang-itaas.

Kumalas siya sa pagkakayap sa akin nang matapos akong magluto. Simpleng bacon and eggs lang ang niluto ko tsaka nagsangag lang rin ako ng kanin. Siya na ang naglagay no’n sa ibabaw ng mesa samantalang ako ay inabala naman ang sarili sa pagtitimpla ng kape niya at akin naman ay gatas.

Naabutan ko siyang sinasalinan ng kanin at ulam ang plato ko. Nginitian niya ako nang mapansin ang pag-upo ko sa harap niya. Matapos kong ilagay ang tasa ng kape sa tabi niya ay pareho na kaming m nagsimulang kumain. Tanging pagbanggaan lang ng kutsara at tinidor ang nagsisilbing ingay sa loob. Sandali akong tumigil sa pagkain at uminom ng gatas.  Muli akong nagpatuloy sa pagkain. Sa gitna ng aking pagsubo ay napansin ko ang kanyang pagtitig sa akin kaya naman ay binalingan ko siya ng tingin.

Mapupungay ang kanyang mata na nakatitig sa akin na kinailang ko.

“May dumi ba sa mukha ko?” tumango lang siya bago ingat ang kanyang kamay papalapit sa aking mukha. Tila may mataas ng boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan nang dumikit ang kanyang daliri sa taas ng aking labi.

“You have milk on your face.” sagot niya tsaka sinipsip ang daliri niya na ginamit niya para punasan ang gatas sa aking mukha.

“Bakit mo ginawa mo yun?” nanlalaki ang aking mata na tanong.

“What? Bawal ba?” lumapad ang kanyang ngisi. “Its no difference in me swallowing your own milk, Mark.” napanganga ako sa naging pang-aasar niya. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya yun ngayon. Ramdam ko ang pang-iinit ng aking pisngi sa kahihiyan. Shit! Kumalma ka Mark. Huwag kang masyadong nagpapadala sa mga sinasabi niya. Hindi ko na lang pinansin ang mahinang pagtawa niya at tinapos na lang ang pagkain ko.

Inabala ko ang aking sarili sa paglilinis sa buong bahay ni Tale. Meron namang pumupuntang housekeeper dito kada-dalawang linggo pero dahil wala na rin naman akong pwedeng gawin ay nagkusa na lang akong linisin ang buong bahay. Hindi naman ako napagod masyado dahil kaunti lang naman ang kalat. Kaming dalawa lamang ang naririto. May tatlong kwarto itong bahay na matatagpuan sa ikalawang palapag ngunit natutulog ako sa kwarto ni Tale. Sa baba naman ay matatagpuan ang kitchen, dining area at malawak na sala.

Sumapit ang gabi na hindi pa rin tumitigil ang malakas na buhos ng ulan sa labas. Naririto kami ni Tale sa sala na abala sa panunuod ng isang romantic movie. Muntikan pa kaming magbangayan kanina dahil sa pagpili ng kung anong panunuorin. Gusto niya kasi ay action movie ngunit ako pa rin ang nasunod. Pangalawang palabas na namin ito at mukhang buryong na buryong na itong kasama ko. Nakayakap lamang ako sa kanya at napakatong ang aking ulo sa dibdib niya. Pwedeng ma-adjust itong sofa niya para maging maliit na kama kaya naman malaya kaming nakahiga habang nanunuod.

Tutok lang ang aking atensyon sa panunuod nang walang sabi niyang kinuha ang aking kamay at pinatong ito sa ibabaw ng kanyang pagkalalaki. Awtomatiko gumalaw ang aking kamay palayo doon. Dahil sa inis ay napabangon ako at mahina siyang pinalo sa dibdib.

“Ang manyak mo talaga!” nang-iinit ang aking mukha dahil sa hindi ko inaasahang ginawa. Damang-dama ko kasi yung kanya dahil sa suot niyang sweatpants. Kahit alam kong tulog pa ito ay masasabi kong malaki ito. Paano pa kaya kapag nakita ko pa itong gising. Nahawakan ko na ito noon nang minsang may nangyari sa amin at nasabi kong malaki yun pero matagal na yun. Baka mas lalo pa yung lumaki ngayon.

“Why? I’m bored…” tila aburidong reklamo niya sa akin. Bahagya siyang bumangon sa pagkakasandig at lalapit sana sa akin nang agad ko siyang pinigilan.

“Hep! Anong bored? Ang sabihin mo, malibog ka lang talaga.” napairap ako sa hangin dahil sa pagka-frustrate sa lalaking nakangisi na naman ngayon. Nakasimangot siyang bumalik sa pagkakasandig sa sofa at itinuon ang tingin sa pinapanuod.

“I’m horny, then!” akala ko ay titigil na siya nang para siyang leon na inatake ako sa aking pwesto. Mabilis ang naging pangyayari at namalayan ko na lang na nakababaw na siya sa akin. Nilalantakan niya ang aking leeg dahilan para mapaigik ako dahil sa ginagawa niya. Natatawa akong pilit siyang tinutulak palayo sa akin ngunit hindi siya nagpatinag.

“Ano ba, Tale! Nakikiliti ako. Tale!” malakas akong napatili nang maramdaman ko ang pagkagat-kagat niya sa leeg ko. Hangos akong napagtagumpayan siya natulak palayo sa akin. Mabilis akong bumangon paupo at sinamaan  siya ng tingin pero may ngiti sa aking labi. Mapang-asar niya lang akong tinawanan. Kahit kailan talaga…

“Kukuha lang ako ng makakain natin…” paalam ko at tumayo na para pumunta sa kusina. Malapit na mag-hatinggabi pero hindi pa rin kami natatapos sa pinapanuod namin.

“You can eat me, Mark!” pahabol niyang sigaw.

“Ewan ko sayo!”

Naghanap ako ng pwedeng kainin sa ref pero tanging chocolate cake lang ang nakita ko doon. Nagbukas-bukas ako sa mga cabinet dito sa kusina at may nakita akong mga finger foods doon. Kumislap ang aking mata nang masipatan ang malaking Nova at Piattos doon. Mga paborito kong finger foods ito kaya hindi na ako nagdalawang isip na kunin yun. Aabutin ko na sana ang mga ito upang isalin sa malaking mangko nang malakas na kumulog.

Kasabay ng kulog na yun ay ang mabilis kong pagtakip sa aking tenga. Nanghihina akong napaluhod sa aking kinatatayuan sa matinding takot na lumukob sa akin.

“Mark!”

“Mama!” pagtawag ko kay mama.

Marahas akong kumalas sa pagkakahawak sa akin nang kung sino. Nang magawang makawala ay mabilis akong kumaripas ng takbo palapit kay mama. Sinubukan pa sana akong hawakan ng kung sino sa aking braso ngunit nakailag ako.

Ngunit bago pa man ako makalapit kay mama ay umalingawngaw ang malakas na putok ng baril. Lumukob ang matinding takot sa aking katawan at nanghina ang aking tuhod para mawalan ako ng malay.

“Mark!” napamulat ako ng mata nang maramdaman ko ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Tale. Hindi ko maaninag ang mukha niya nang kumalas ako sa yakap dahil sa panlalabo ng aking mga mata sa kaiiyak.

“Huwag ka nang umiyak. Nandito na ako…” pinalis niya ang luha sa aking pisngi gamit ang kanyang daliri. Sa ikalawang pagkakataon ay naramdaman ko muli ang init ng kanyang bisig. Unti-unting kumalma ang aking pakiramdam dahil sa yakap niyang yun.

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 16

Alfred Tale Crosagne


M A R K

Sa sala na kami nakatulog ni Tale kagabi. Magdamag niya akong pinatahan sa pag-iyak sa pamamagitan ng pagyakap niya sa akin. Ilang ulit niya ring hinahalikan ang aking noo upang pakalmahin ako. Bahagya akong napapaigtad sa tuwing malakas na kumukulog ang galit na kalangitan. Sa tuwing makakarinig ako ng mga biglaan at malakas na tunog ay nanunumbalik sa alaala ko ang mga nangyari noon. Nanunumbalik sa akin ang matinding bangungot na dinanas ko noon. Ang dahilan kung bakit tuluyang nawala ang mga magulang ko sa aking buhay. Isang bangungot na kailanman ay tatatak na sa aking nakaraan.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang masulyapan ko ang napakagwapong lalaki na natutulog pa rin sa tabi ko. Nakalingkis ang kanyang malaking braso sa aking tiyan. Malaya kong napagmasdan ang hubog ng kanyang mukha sa puntong ito. Bahagyang magkahiwalay ang kanyang manipis na labi. Kusang gumalaw ang aking kamay upang haplusin ang kanyang pisngi at damhin ang mga papatubong balbas dito.

Masyado nang napalapit ang loob ko kay Tale. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa buhay ko. Hindi ko kakayanin na mawalay siya. Paano na lang ako? Paano na lang ako kagabi kung wala siya sa tabi ko? Simula nang dumating si Tale sa buhay ko ay nagbago na ang lahat sa akin. Nakadepende na ang lahat sa kanya.

Ang kaninang ngiti sa aking labi ay naglaho nang isang tanong ang pumasok sa isip ko.

Paano na lang kapag nawala na siya sa akin? Ano nang mangyayari sa akin? Masyado na akong nasanay na nasa tabi ko. Masyado na akong nasanay sa mga halik at haplos niya. Natatakot ako na baka sa oras na mawala siya ay gumuho ang mundo ko. Natatakot ako na baka magsawa siya sa akin. Natatakot ako na mangyari yun. Sa sitwasyon namin ngayon, hindi ko alam kung anong panghahawakan ko para manatili siya sa tabi ko. Alam ko - alam ko na darating ang panahon na mawawala siya sa buhay ko. Totoo naman diba? Ganun ang reyalidad. Hindi lahat ng tao ay habang-buhay na mananatili sa tabi natin. Darating ang panahon na magsasawa rin sila sa atin at iiwan din tayo sa huli. Gusto kong tanggapin na darating ang oras na yun. Ngunit puso ko na mismo ang sumasalungat doon. Na hindi habang-buhay na mananatili sa tabi ko si Tale.

Naikagat ko ang aking labi sa labis na pagpipigil na huwag maiyak sa reyalidad na yun. Ngunit sadyang mapilit ang mata ko na dumaloy ang mga luha mula dito. Sa oras na dumating ang panahon na yun ay wala akong magagawa kundi ang palayain siya sa buhay ko.

Bago pa man siya magising ay napili ko na lang na bumangon na upang maghanda ng kakainin namin ngayong almusal. Dumiretso muna ako sa kwarto ko upang maghilamos bago tumungo sa kusina. Abala ako sa aking ginagawang pagsalin ng pagkain nang maramdaman ko ang paglingkis ng braso sa aking bewang. Bahagya akong napaigtad ngunit agad ding nakabawi nang mapagalaman na si Tale ito. Nakangiti ko siyang hinarap bago pinatakan ng halik sa kanyang labi.

“Good morning…” pagbati ko sa kanya. Sandali akong natulala nang mapagmasdan ang hitsura niya. Medyo magulo ang kanyang buhok at mapupungay pa ang kanyang mga mata na sadyang bumagay sa kanya.

“Good morning.” pagbati niya rin sa akin. Hindi ko inaasahan ang pagkabig niya sa aking katawan palapit sa kanya. Mabuti na lang ay agad kong naitukod ang aking kamay sa kanyang dibdib para hindi ako tuluyang masubsob sa kanya.

“Ano ba, Tale!” natatawa kong reklamo sa kanya. Marahan ko siyang pinalo sa kanyang dibdib dahil sa pagkagulat.

“I want you now, Mark.” halos pabulong ang boses niya na sabi sa akin. Hindi ko nagawang makasagot nang simulan niyang lantakin ng mga halik ang leeg ko.

“Tale! Nakikiliti ako! Ano ba!” para akong tanga na gusto siyang patigilin sa ginagawa pero aminin ko man sa sarili ko o hini ay nagugustuhan ko ang ginagawa niya. Marahan ko siyang tinutulak upang pigilan siya sa ginagawang paghalik sa leeg ko. Umakyat ang halik niya sa may tenga ko na lubhang nagdala na malakas na boltahe sa aking katawan. Dama ko ang pamamasa ng aking tenga sa ginagawa niyang marahan na pagkagat sa parte ng katawan kong yun. Kung kanina ay nagagawa ko pang tumaway ngunit ngayon ay pawang mahihinang ungol na lang ang lumalabas sa aking bibig.

Damang-dama ko ang nagsisimula nang tumigas niyang pag-aari sa aking tiyan dahil tanging boxer shorts lang ang suot niya. Nagtagpo ang aming labi na gigil niyang kinagat upang malaya niyang maipasok ang kanyang eksprertong dila sa bibig ko. Doon ay sinimulan niyang paglaruin ang dila ng isa’t-isa. Kusang gumapang ang isa kong kamay pababa sa kanyang pagkalalaki. Nagawa kong maipasok ang aking kamay sa loob ng kanyang boxer at simulang paglaruan ang naghuhumindig niya nang pag-aari. Mahina siyang napaungol dahil sa ginawa. Mas idiniin pa niya ang pagkabig sa aking katawan para mas lalo akong mapalapit sa kanyang katawan. Mainit ang pagtatagpo naming dalawa nang mapatigil nang madinig ko ang pag-doorbell mula sa labas ng bahay. Mabilis kong inalis ang aking kamay sa loob ng kanyang boxer dahil sa pagkagulat.

“May tao sa labas…” pilit kong iniiwas ang aking labi palayo sa kanya ngunit siya itong makulit na pilit na hinuhuli ang aking labi.

“Don’t mind that…” halos pabulong niyang sambit sa gitna ng kanyang paghalik sa akin.

Tuluyan kong kinalas ang aking katawan sa pagkakahawak niya at hahakbang na sana nang muli niya akong kinabig at binaling ang aking mukha paharap sa kanya. Uhaw niya akong muling hinalikan na maagap ko namang napigilan.

“Tale! Ano ba! Sabing may tao sa labas.” patuloy pa rin kasing nagdo-doorbell ang kung sinuman na yun sa labas. Ngunit ang kumag na ito ay parang ayaw ata paawat sa ginagawa at masyado nang dalang-dala sa init ng katawan.

“Fuck!” inis niyang bulalas at tuluyan nang natigil sa kanyang paghalik sa akin. Tuluyan niya na rin akong pinakawalan kaya naman ay malaya akong nakalayo sa kanya. Napailing na lang ako nang mapagmasdan ang malaking bukol sa pagitan ng kanyang hita na mukhang galit na galit rin dahil sa naudlot naming pagniniig.

Natatawa na lang ako habang tinatahak ang daan patungo sa main door nitong bahay. Walang tigil pa rin ito sa pag-door bell nang pagbuksan ko ito ng pinto. Awtomatikong nawala ang aking ngiti nang masulyapan ang tao sa aking harapan. Nakasuot ito ng kulay pulang dress na yumakap sa balingkinitan niyang katawan. Medyo napatingala ako sa tangkad nito. Masasabi kong maganda ang babaeng nasa harapan ko dahil sa mapupungay niyang mata, matangos na ilong at mapulang labi. Mahahalintulad ko ang ganda niya sa isang international model.

Nginitian ako nito na mas lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahan. Tila isa itong anghel na bumaba mula sa langit dahil sa amo ng kanyang mukha.

“Ano pong kailangan nila?” magalang kong tanong sa babae.

“Hi! I’m Samantha. I’m looking for Alfred Tale sana eh. I’ve been calling him for almost a week but I can’t reach him so I decided to go here na lang. Is he inside?” napangiwi ako sa paraan ng pagsasalita niya. Ayoko mang laitin siya pero may pagkamaarte ang dating niya sa akin.

“Ahmm… Excuse me?” sandali akong natulala upang hindi ko siya masagot. Nabalik na lang ako nang magsalita ang babae ulit. Iniisip ko kasi kung ano ang kailangan ng babaeng ’to kay Tale. Tsaka, bakit niya tinatawagan si Tale? May importante ba siyang bagay na kailangang sabihin sa kanya?

“Pasok po kayo…” hindi ko naman gusto magsinungaling at sabihing wala dito si Tale. Kaya naman ay pinapasok ko na lamang siya.

“Maupo ka po muna. Tatawagin ko lang po si Tale.”

“Thanks, dear.”

Saglit akong pumunta sa kusina at umaasang nandon pa siya ngunit mukhang umakyat na siya sa kanyang kwarto. Nadaanan ko pa ang babae na palinga-linga sa buong kabahayan nang umakyat ako sa hagdan para puntahan si Tale sa kanyang kwarto. Hindi na ako kumatok nang mapansin na bahagyang nakabukas ang pinto nito. Madilim ang kanyang kwarto pero sapat naman para makita ang kanyang bulto sa ibabaw ng kanyang kama. Bumalik sa pagtulog ang kumag. Nakataob ang pwesto ng kanyang higa. Marahan kong tinapik ang kanyang likod upang gisingin siya.

“Tale. May naghahanap sayo.” sambit ko habang patuloy pa rin sa pagtapik sa kanya. Tanging mahinang ungol niya lang ang nadinig kong tugon niya. Nanatili lang nakapikit ang kanyang mga mata at mukhang tamad na tamad na umalis sa kanyang pwesto.

“May naghahanap sayo. Si Samantha.” mabilis na nagmulat ang kanyang mata at bumangon mula sa pagkakahiga. Parang nagulat ito na madinig ang pangalan na yun at malaman na hinahanap siya nito. Nakapagtataka tuloy kung sino ang Samantha na yun sa kanya.

“What is she doing here?” galit ang tono ng kanyang boses. Kumibit-balikat na lang ako bilang pagtugon. Saglit siyang tumungo sa closet niya at kumuha ng isang sweat short upang isuot ito. Nagpalig rin siya ng isang tee shirt bago tuluyang lumabas sa kanyang kwarto.

“That brat.” nadinig kong bulong niya habang nakasunod ako sa kanya. Nang matanaw si Tale na pababa na ng hagdan ay nakangiting tumayo ang babae at masayang lumapit kay Tale. Niyakap siya nito nang tuluyang makalapit sa kanya si Tale. Hindi ko naman makita ang ekspresyon ng mukha ni Tale dahil nakatalikod siya sa akin.

“I miss you, Alfred Tale.” bumungisngis pa ito dahil sa labis na tuwa nang makita si Tale.

“What do you want, Sam?” seryosong tanong ni Tale. Umupo si Tale sa maliit na sofa nitong sala at humalukipkip na tinitigan ang babaeng nakangiting nakatingin pa rin sa kanya.

Iniwan ko na lamang sila doon sa sala at pumunta na lamang sa kusina upang ipagtimpla sila ng maiinom. Medyo nagugutom na rin ako dahim hindi pa ako kumakain ng almusal. Pasado alas-nuebe na rin ako nagising at malapit nang mag alas-diyes ng umaga. Maya-maya rin ay kailangan ko nang magluto para sa lunch namin ni Tale. Nang matapos sa pagtimpla ng tsaa para sa kanilang dalawa ay agad ko rin itong nilagay isang tray at dinala ito sa sala.

Naabutan kong tumatawa ang babae at may kinukuwento na kung ano samantalang si Tale naman ay pangiti-ngiti lang habang nakikinig. Hindi na galit ang mukha niya hindi tulad kanina.

“It’s just a small celebration, Alfred Tale. Minsan lang kita imbitahan so you can’t say no to this one. Palagi mo na lang ba akong paaasahin?” natigilan ako sa paglalagay ng tasa ng tsaa sa ibabaw ng center table nang marinig ang sinabi ng babae. Pinapaasa? Sa anong bagay?

“I’ve been calling you but you’re not responding to my calls so I decided to go here. Maybe I know the reason why you’re not answering my calls and I assume that you’re too busy with your new toy.” ramdam ko ang nanunusok na tingin ng babae sa akin. Imbes na makinig sa usapan nila ay napili ko na lamang na bumalik sa kusina upang kumain na ng breakfast. Mukhang hindi makakasabay sa akin si Tale sa pagkain ngayon dahil abala siya sa pakikipagusap sa babaeng yun.

Kahit hindi maganda ang pakikitungo ni Tale doon sa babae halatang close sila sa isa’t-isa. Hindi ko alam kung ano ang sadya ng babang yun dito pero parang sobrang saya nitong makita si Tale. Hindi ko mapigilang mag-isip kung sino ba ang babaeng yun sa kanya. Sa isang taon na merong namamagitan sa amin ni Tale, ay ni minsan ay wala siyang nabanggit na pangalan ng babae sa akin. Kahit ang pangalan ng babaeng yun.

Natigilan ako sa pagkain nang manumbalik sa isipan ko ang senaryong nasaksihan ko noon sa mall. Kung saan nakita kong may kasamang babae si Tale. Hindi kaya siya yung babaeng yun? Hindi kaya si Samantha ang nakita kong hinalikan ni Tale noon? Tila may kumirot sa dibdib ko alaalang yun. Nangako ako sa sarili ko na kakalimutan na ang bagay na yun pero ang makita ngayon ang babaeng yun ay parang kusang bumalik ang lahat. Hindi ko dapat maramdaman ito. Hindi ko dapat isipin ngayon ito.

Natagalan ako bago matapos sa pagkain ng almusal. Hanggang ngayon ay dinig ko pa din ang usapan nilang dalawa mula sa sala. Mukhang masaya ang pinaguusapan nila dahil naririnig ko na rin ang mahihinang pagtawa ni Tale. Inabala ko na lamang ang aking sarili sa paghuhugas ng mga pinggan kaysa ang makinig sa usapan nila. Habang abala ako sa ginagawa ay nadinig ko ang mga yabag ng paa patungo sa aking pwesto. Later on, naramdaman ko ang pag-akbay ng kanyang braso sa aking balikat.

“What’s for breakfast? or should I ask, can we eat now?” hindi ko siya nagawang tingnan dahil abala ako sa ginagawa. Humakbang ako papalayo sa kanya upang mapunasan ang mga pinggan.

Hindi ko siya kinikibo. Bigla kasi akong nawalan ng interes na kausapin siya sa hindi ko malaman na dahilan.

“Hey! What’s the matter? Bakit parang galit ka?” muli siyang lumapit sa akin at tatangkain sanang yakapin ako pero mabilis akong naglakad palabas ng kusina.

Naabutan kong wala nang tao sa sala kaya naman ay kinuha ko na ang mga tasa na pinag-inuman nila. Nakasunod pa rin siya sa akin na kinairita ko bigla.

“Mark! Are you mad? Please talk to me…” hinawakan niya ako sa aking braso at mabilis na kinabig paharap sa kanya dahilan para mabitawan ko ang tasa. Umalingawgaw sa buong lugar ang tunog ng pagkabasag ng bagay na yun sa sahig. Kusang gumalaw ang aking katawan upang pulutin ang mga basag na piraso ng tasa.

“Don’t touch it. Baka masugatan ka.” pumantay sa akin si Tale at balak sana akong pigilan.

“Hindi ako tanga para masugatan, Tale.” mabilis kong napulot ang mga parteng yun at bumalik sa kusina.

“Are you kidding me?” halata na sa tono niya ang frustrasyon. Nanatili pa rin siyang nakasunod lang sa akin. “Don’t tell me nagseselos ka do’n kay Samantha!” natigilan ako sa aking pwesto dahil sa sinabi niya. Nagseselos? Yun nga ba ang nararamdaman ko kung bakit bigla na lang ako nairita sa kanya?

“B-bakit naman ako magseselos?” natigagal ako nang yumakap siya mula sa likuran ko. Parang dumikit ang mga paa ko sa sahig dahilan para hindi ako makagalaw.

“You seem so jealous with her. She’s my cousin, Mark. You don’t have to be jealous because she’s going to get married soon. She went here to invite me for tonight’s party.” matagal kami sa ganung posisyon bago ko maramdaman ang bagay na tumutusok sa aking likuran. Maingat niya akong pinaharap sa kanya at hinagkan ang aking labi.

“Binitin mo ako kanina, Mark. You have to pay for what you’ve done.” sadyang nakakapang-akit ang ginagawad niyang halik sa akin. Nanghihina akong napasandig sa island counter habang tinutugon ang mga halik niya. Lumingkis ang isa kong braso sa leeg niya samantalang ang isa ay malayang dinama ang kanyang dibdib. Walang hirap niya akong binuhat at pinaupo sa island counter. Painit ng painit ang pagpapalitan namin ng halik. Papusok ng papusok. Parahas ng parahas hanggang sa di ko na namalayan na natabig ko na pala ang mga prutas sa gilid dahilan para mahulog ito sa sahig.

Madali niyang naihubad ang aking damit para doon naman ituon ang halik sa namumula ko nang utong. Para akong nakalutang sa ginagawa niyang pagsipsip doon. Napapasabunot na lang ako sa buhok niya kasabay ang mahihinang ungol na aking pinakapakawalan.

Mag-isa na lamang ako dito sa loob ng bahay. Kanina ay nakaalis na si Tale upang dumalo sa wedding party na kanyang pinsan na si Samantha. Balak niya pa sana ako isama ngunit agad na akong tumanggi sa pagyaya niya. Ayoko namang makaistorbo sa kanya tsaka mukhang exclusive ang party na yun na para lang sa mga malalapit na tao sa babaeng yun. Inaamin ko sa sarili ko na nagselos nga ako sa pinsan niyang yun. Sino ba namang hindi, diba? Maganda si Samantha at napansin ko pa ang pagiging close nila sa isa’t-isa. Hindi ko naman akalain na pinsan pala siya ni Tale.

“Don’t wait for me, Mark.” bigla kong naalala ang sinabi niya sa akin kanina bago siya umalis.

Pasado alas-dose na ng gabi pero naririto pa rin ako sa sala at hinihintay siya. Kahit sinabi niya na huwag ko na siyang hintayin ay ito pa rin ako, nagtitiis na antayin ang pagdating niya. Inaabala ko na lamang ang sarili ko sa panunuod ng pelikula upang hindi ako dalawin ng antok. Ngunit bigo ata ako sa balak ko nang magsimulang mamigat ang talukap ng aking mata at tuluyang makatulog.

Napabangon ako sa pagkakahiga nang maramdaman ko ang pangingirot ng aking leeg dahil sa posisyon ko. Papungas-pungas ako ng aking mata na tumingin sa digital clock malapit sa tv. Pasado alas-dos na ng madaling araw ngunit wala pa ring Tale ang dumadating. Nagdesisyon akong matulog na lamang sa kwarto ni Tale at kung sakaling dumating siya ay malaman ko.

Paakyat na ako sa hagdan nang masinagan ko ang ilaw ng isang sasakyan mula sa labas. Nagmadali akong bumaba at lumabas sa main door ng bahay upang salubungin si Tale. Nawala ang ngiti ko nang ibang tao ang lumabas sa sasakyan na yun. Umikot ito sa kabilang parte ng sasakyan at inalalayan si Tale na mukhang wala na sa wastong katinuan. Agad akong lumapit sa lalaki upang tulungan siya sa pag-alalay. Nanuot sa aking ilong ang amoy ni Tale. Para siyang lantang gulay dahil sa sobrang kalasingan.

“Salamat sa paghatid sa kanya.” nginitian lamang ako ng lalaki bago tuluyang ibigay sa akin si Tale.

“It’s okay. He’s a close friend so no big deal.” hindi na ito nagtagal at nagpaalam na rin sa akin. Samantalang ako ay hirap na inakay si Tale paakyat ng kanyang kwarto.

“You’re too cute…” malapad ang ngiti niya at mapupungay na ang kanyang mata. Marahang sinundot ng kanyang daliri ang aking pisngi.

“Tumigil ka nga Tale. Mukha kang tanga.” hirap na hirap na nga ako dahil sa bigat niya, mag-aakto pa siyang mukhang bata ngayon. Hindi ko naman aakalain na malalasing siya ng ganito. Dapat pala sumama na lang ako sa kanya kanina.

“You smell so… fucking… good…” dinikit niya ang mukha niya sa leeg ko para mawalan ako ng balanse at madaganan niya ako. Napadaing ako sa sakit ng katawan dahil sa pagkabagsak sa sahig samantalang ang lalaking nasa ibabaw ko ay patawa-tawa lang. Putek! Ganito ba talaga siya kapag nalalasing? Walang pakialam sa mundo?

Kahit hirap man ay nagawa ko siyang maitayo. Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay naihaga ko na siya sa kama. Ngising-ngisi pa ang kumag na mukhang tuwang-tuwa pa sa pagpapahirap niya sa akin. Marahas akong napakamot sa ulo bago tumungo sa cr upang kumuha ng malinis na scrub towel at pinggan na may tubig upang linisin ang katawan niya. Ang ayoko sa lahat ay ang may katabing lasing. Nanakit ang ulo ko sa naghahalong amoy alak at pabango niya.

Natigilan ako sa balak nang mapagtanto ko na ito ang unang beses kong gagawin ito sa kanya. Tila namanhid ang kamay ko sa tuwing aksidenteng tumatama ito sa mainit niyang katawan dahil sa pagtanggal ko sa pagkakabutones ng kanyang polo. Hindi ito ang unang beses na makita ko ang makisig niyang katawan pero iba ngayon ang dalang init nito sa sistema ko. Ang masilayan si Tale na hubad at walang malay ay parang nagkakasala ako sa sarili ko. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang nakabuka niya nang polo para tumambad sa akin ang maumbok niyang dibdib at ang bato-bato niyang tiyan. Perpektong-perpekto ito na parang isang tanyag na mang-uukit ang gumawa nito.

Mabilis kong winaksi ang isipin na yun at pinigaan na lang ang towel upang matapos na ito. Maingat kong dinampi sa kanyang mukha ang towel. Mukhang tulog na siya dahil sa wala siyang reaksyon sa aking ginagawa. Natuon ang aking atensyon sa mapula niyang labi. Para akong hinahalina nito na halikan siya. Nakailang lunok na ako ng laway upang pigilan ang malakas na bugso ng aking katawan. Hindi ito ang tamang oras para isipin ang ganyang bagay.

Para akong napapaso sa ginagawa kong pagpunas ng kanyang katawan. Nagmistulang may dumadaloy na kuryente sa aking katawan sa tuwing dumadampi ang aking kamay sa dibdib niya pababa sa kanyang matigas na tiyan. Nanigas ako nang marinig ko ang mahina niyang ungol. Tuluyang nagwala ang aking sistema nang wala siya sa sariling nagsalita.

“Suck me…” paos ang kanyang boses na labis na nagdala ng init sa aking sistema. Tila isa akong tuta na sumunod sa kanyang gusto. Maingat kong binuksan ng zipper ng kanyang pantalon. Sinunod ko ang suot niyang underwear para malayang iluwa nito ang naglalaway niya nang pag-aari. Muli ay napalunok ako.

Alam kong ilang ulit na kaming nagniig noon. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ngunit ito ang unang pagkakataon na isusubo ko ang kanya. Hindi ko akalain na ganito siya kalaki sa malapitan. Sinakop ng nanginginig kong kamay ang nakasaludo niya nang pag-aari. Halos hindi ko mahawakan ito ng buo dahil sa taba nito. Shit! Parang hindi ko yata kayang gawin ’to.

“Fuck…” halinghing niya nang simulan kong itaas-baba ang kanyang pag-aari. Halos masubsob ang aking mukha nang hawakan niya ang ulo ko palapit doon. Mabuti na lang ay maagap kong naitukod ang aking kamay sa ibabaw ng kama. Ilang ulit na akong napapalunok at nagdadalawang-isip kung itutuloy ko pa ba ito. Para kasing hindi ko kakayanin na ipasok ito sa bibig ko. Baka ito pa ang dahilan para malagutan ako ng hininga.

“Suck it, Veronica.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang pagsambit niya ng pangalan ng ibang tao. Tuluyang naupos ang apoy sa aking sistema at napalitan ito ng pangingirot ng aking dibdib.

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 17

Mark Hope Calvares


M A R K

Napabuntong-hininga ako matapos kong ikwento kay Jherome ang nangyari kagabi. Hindi ko man detalyadong nasabi pero alam kong nakuha niya ang ibig kong sabihin. Ito ang pangalawang beses kong magkuwento ng tungkol sa amin ni Tale kay Jherome. Siya lang kasi ang naiisip kong pwede kong paglabasan ng sakit ng loob. Hindi ko ata kakayanin na kapag patuloy ko lang ikikimkim ito sa sarili ko.

Patuloy pa ring naglalaro sa isipan ko ang mga katanungan na gusto kong mabigyan ng kasagutan. Sino si Veronica? Siya ba yung babaeng kasama niya noon sa mall? Iisa lang ba ang babae na nasa isip ko ngayon? Veronica ba ang pangalan ng babaeng kasama niya noon sa mall? Sino siya sa buhay ni Tale?

“Mark, pasensya na pero hindi ko masasagot ang tamong mong yan.” sumimsim ako sa aking iniinom na fruit shake dito sa loob ng isang cafè. Tinawagan ko si Jherome kanina upang makipagkita sa kanya at ipagtapat sa kanya ang nangyari kagabi. Biglaan ang naging desisyon kong umalis muna sa bahay ni Tale kaya naman hindi ko nagawang makapagpaalam sa kanya.

Muli akong napabuntong-hininga nang maubos ko ang fruit shake na aking iniinom.

“Si Tale lang ang makakasagot ng tanong mo, Mark.” malungkot na dugtong pa ni Jherome.

Nagdadalawang-isip ako kung tatanungin ko ba si Tale tungkol sa bagay na yun. Pinanghihinaan ako ng loob. Hindi ko alam ang pwedeng maging resulta sa oras na itanong ko ang bagay na yun sa kanya. Baka mawala siya sa akin? Baka lumayo siya sa akin at mas piliin na lang ang babaeng yun? Natatakot ako. Natatakot akong mawala sa buhay ko si Tale. Masyado nang napalapit ang loob ko kay Tale. Hanggang maaari ay magtitiis ako para lang ingatan ang relasyon na meron kami ngayon.

“Bakit hindi mo siya tangungin? Kung sino ba ang Veronica na yun?” pilit kong pinaglalaruan ang daliri ko sa ilalim ng mesa. Masyadong magulo ang isip ko ngayon. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. Wala akong ideya kung ano ba ang tamang gawin.

“N-natatakot ako…” halos pabulong na ang aking boses dahil sa nagbabadya nang luha sa aking mga mata. Pilit kong iniyuko ang aking ulo upang hindi niya mapansin ang nanunubig ko nang mga mata.

“You don’t have to be scared, Mark. Ano? Ililihim mo na lang ba ito sa kanya? Confront him! Ask him! Karapatan mo yun bilang boyfriend niya.” nagtatanong ang aking mga mata na napatingin sa kanya. Boyfriend? Boyfriend nga ba ang turing sa akin ni Tale? Ganun ba ang relasyon na meron kami? Mag-boyfriend?

Mariin kong naikagat ang aking labi nang tuluyan nang bumagsak ang aking luha pababa sa aking namumulang pisngi.

“Don’t tell me…” hindi na niya natapos ang sasabihin at hindi makapaniwalang napatitig sa akin. “Hindi mo pa rin alam kung anong meron kayo? Ganun ba?” saglit siyang natahimik. Mariin siyang napapikit habang kinakalma ang sarili. Tahimik lang akong umiiyak nang makita ko ang kamay niya sa aking harapan na may hawak na table napkin. Kinuha ko ito sa kanyang kamay at sinubukang punasan ang nga luha kong nag-uunahan pa rin sa aking pisngi.

“I can’t believe you. It’s been years pero hindi mo pa rin alam kung may kayo ba talaga? Kung ako sayo, matagal ko na siyang kinompronta tungkol sa bagay na yan. Can’t you imagine yourself right now? You’ve  been stuck in that situation for too long now. You don’t even know what’s your relationship with him. Baka kung nilo—” mariin niyang isinara ang kanyang bibig dahilan hindi niya matapos ang kanyang sasabihin. Pero kahit hindi niya man natapos yun ay alam ko naman ang kasunod no’n.

Niloloko lang ba ako ni Tale? Pinaglalaruan lang ba ako ni Tale? Isa lang bang laro ang meron kami ni Tale?

Napailing-iling ako sa mga katanungan na yun. Hindi yun totoo. Hindi magagawa sa akin yun ni Tale. Imposibleng… Sa mahigit isang taon naming magkakilala ni Tale, hindi ko man lang nagawang kilalanin siya ng lubos. Kung anong klaseng tao nga ba siya? Hindi ko lubos akalain na darating ako sa punto na tatanungin ang sarili ko kung kilala ko nga ba si Tale? Kung sino nga ba siya talaga?

“I don’t want to hurt you even more, Mark. You must two settle this. Ayokong nakikita kang nasasaktan dahil lang sa lalaking yun. Don’t hurt yourself over and over again, Mark.”

Pareho kaming natahimik na dalawa makalipas ang ilang minuto. Naaagaw ang atensyon ko ng ginagawang paglalaro ng mga daliri ni Jherome sa mesa habang problemado akong tinitingnan. Patuloy ko pa ring kinakalma ang sarili ko at iwasang huwag mag-isip ng mga bagay na makakasakit lang sa damdamin ko.

Napabaling ang tingin ko sa cellphone kong nasa ibabaw ng mesa nang mag-vibrate ito. Kinuha ko ito at nasilayan ang pangalan ni Tale sa screen. Saglit akong tumingin kay Jherome na kasalukuyan ring nakatingin sa hawak kong cellphone.

“Mukhang hinahanap ka na ng boyfriend mo.” binigyan niyang diin ang salitang ‘boyfriend’. Sumimsim siya sa iniinom niyang milktea bago nagpatuloy sa sasabihin.

“Sige na. Dumidilim na rin. Kailangan ko pang pumasok sa trabaho…” tinanguan ko lamang siya.

Nakasakay na ako sa taxi habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay ni Tale. Patuloy na nag-iisip kung tatanungin ko ba si Tale kung sino nga ba si Veronica? Tama lang ba na tanungin ko siya? Hindi ba siya magagalit sa akin? Paano na lang kung mangyari ang kinakatakutan ko?

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon. Hindi ko pa rin ito magawang sagutin. Ayokong mahalata niya ang basag kong boses dahil sa kaiiyak. Ayokong malaman niya na umiiyak ako dahil sa kanya.

Nakarating ako sa tapat ng bahay ni Tale. Hirap akong humakbang papalapit dito na parang may pumipigil sa akin sa paghakbang. Parang anumang oras ay lumulubog ang paa ko sa lupa sa tuwing ihahakbang ko ito. Huminga muna ako ng malalim. Tiningnan ang sarili. Siniguradong hindi niya mahahalata na umiyak ako.

“Where have you been?” isang malagong na boses ang nagpatigil sa akin sa paglalakad. Napakagat ako sa aking labi at nakayukong hinarap siya. “Why are you not answering my calls, Mark?” tila naging maamo akong tupa na napipilan dahil sa maotoridad niyang tanong. Ito ang unang pagkakataon na marinig ko siya na ganito. Ramdam ko ang pagpipigil niya sa kanyang galit. Hindi ko magawang makatingin sa kanya dahil natatakot akong makita ang galit niyang tingin sa akin.

Tanging malalalim na paghinga lang ang aking nagawa. Nalunok ko na ata ang dila ko dahil hindi ko magawang masagot ang tanong niya. Para siyang nagbabagang bulkan na anumang oras ay bigla na lang ito sasabog sa harapan ko. 

“I’m asking you, Mark. Where have you been? Lumabas ka ng hindi nagpapaalam sa akin? Really? Am I nothing to you para hindi mo sabihin sa’kin kung saan ka pupunta? You made me fucking worried here and thinking na may nangyari nang masama sayo.” nanunuot sa aking sistema ang bawat salitang sinasambit niya. May halong pagpipigil. May halong galit. Nakakatakot.

“L-lumabas lang ako saglit.” pinilit kong kalmahin ang aking sarili. Pilit na pinipigilan ang muling pagtakas ng aking luha sa aking mga mata. Mabuti na lang ay nakayuko ako at hindi niya napapansin yun.

“For what?” agaran niyang tanong.

Dama ko ang malaking bulto niya sa harap ko. Pakiramdam ko ay balot na balot ng maitim na awra ang buong katawan ni Tale ngayon.

“Nakipagkita lang ako kay… J-Jherome…” nagdadalawang-isip ako kung tama ba na sinabi kong nakipagkita ako kay Jherome.

“Jherome? May relasyon ba kayo ng lalaking yun para makipagkita sa kanya?” tuluyan akong napaangat ng aking ulo. Mabilis na nahuli ng aking paningin ang nagbabagang paningin ni Tale. Kung alam niya lang kung anong dahilan ko kung bakit ako nakipagkita sa tao. Hindi ako makapaniwala na ganun ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko. Bakit? Magkarelasyon lang ba ang pwedeng magkita? Hindi ba pwedeng magkaibigan lang kami ni Jherome. Masyado siyang nag-aassume ng kung ano-anong mga bagay.

Tuluyang naglaho ang kaninang takot ko sa kanya at napalitan ito ng matinding galit sa agaran niyang panghuhusga sa akin. Ano bang tingin niya sa akin? Tulad niya? Tulad niyang walang alam kundi ang maglaro lang. Paglaruan ang nararamdaman ko para sa kanya.

“Kaibigan ko lang si Jherome.” mariin kong pag-amin sa kanya.

“Then why didn’t you say na makikipagkita ka sa lalaking yun? Huh?” isang sampal ang namutaw sa akin nang tuluyan nang tumaas ang kanyang boses.

“Bakit? Kailangan ko ba dapat sabihin sayo lahat ng gagawin ko? Hindi mo ako sunod-sunuran, Tale para diktahan ako. You don’t even own me. Hindi mo ako pag-aari para sumunod sa lahat ng gusto mo.”

Sige! Gusto niya ng ganito? Pwes! Pagbibigyan ko siya. Gusto kong isampal lahat sa kanya. Gusto ko siyang sumbatan sa lahat. Siguro, ito na rin ang tamang panahon para klaruhin sa kanya ang lahat. Na kung ano bang meron kami? Na kung sino ba talaga ako sa kanya?

“Are you kidding me, Mark?” tanging nasabi niya matapos ng lahat ng sinabi ko.

Totoo naman, diba? Hindi niya ako pag-aari para diktahan sa lahat ng dapat kong gawin. Sino ba siya para batuhin ako ng maaanghang na mga salita? Sino ba siya para saktan ako ng ganito? Sino ba siya para paiyakin ako ng ganito?

“Tale… Gusto kong klaruhin ang lahat sa pagitan nating dalawa. Isang taon na pero hindi pa rin malinaw sa akin kung ano bang meron tayo.” pagak akong napatawa. “Hindi ko nga alam kung may tayo eh. Parausan mo lang ba ako? Pinaglalaruan mo lang ba ako? Na itatapon mo na lang ba ako sa isang tabi matapos mong pagsawaan?” tuluyan nang nag-unahan sa pagdaloy ang aking luha. Dahil sa sakit at galit ay hindi ko na napigilang ibuhos ang emosyon ko.

Bakit ang sakit? Bakit ang sakit na tanungin sa kanya ang mga yun? Bakit parang dinudurog ng pinong-pino ang puso ko? Ang tanungin sa kanya ang lahat ng yun ay nakakaubos ng hangin sa katawan. Pakiramdam ako ay bigla akong nasakal ng kung ano.

“Mark?” unti-unting naglaho ang galit sa kanyang mukha hanggang sa nagtataka na siya ngayong napatitig sa akin. Sinubukan niya sanang abutin ako ngunit naging maagap ang paglayo ko sa kanya. “Hindi  ganun ang tingin ko sayo. Why do you think that way of yourself?” nalalasahan ko na ang dugo sa aking labi dahil sa diin ng aking pagkakakagat dito. Halos hindi ko na maaninag ang mukha niya dahil sa panlalabo ng aking paningin sa kaiiyak.

“Then, sino si Veronica? Sino yung babaeng kasama mo sa mall?” nakakabinging katahimikan ang sumunod. Ang sakit-sakit. Bakit kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ’to? Bakit kailangan kong masaktan ng ganito? Hindi ko aakalain na magkakaganito ako. Simple lang naman ang gusto ko sa buhay eh! Pero bakit ganito? Simula nang dumating siya sa buhay ko, naging magulo na ang lahat. Naging napakasakit na ng lahat.

Hindi ko na siya hinintay na sagutin ako. Mabilis ko siyang tinalikuran at tinahak ang hagdan pataas sa aking kwarto. Nadinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko bago ko nai-lock ang pinto. Nagtalukbong ako ng kumot. Sa loob nito, doon ko nilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Dinig na dinig ko ang sunod-sunod na katok ni Tale mula sa labas ng aking kwarto.

“Mark! Please, talk to me. Mark? I’m sorry… Open this goddamn door.”

Hinayaan ko lang siya sa pagtawag sa akin hanggang sa hindi ko na siya nadinig.

Buong magdamag ako na umiyak at hindi ko na alam kung anong oras na ako nakatulog. Magtatanghali na nang magising ako. Namumugto ang aking mga mata nang humarap ako sa salamin. Sinubukan kong maghilamos para kahit papaano ay maibsan ang hapdi ng aking mga mata. Namumula rin ang pareho kong pisngi dahil sa kaiiyak kagabi. Nang matapos ay lumabas na ako ng kwarto.

Saktong paglabas ko sa kwarto ay nadinig ko na ang ingay na nagmumula sa sala. Maingat akong humakbang pababa sa hagdan. Doon ko natanaw si Tale na nakaupo sa sofa habang abala sa panunuod ng isang football game. Nakatalikod siya sa akin kaya naman hindi niya makita ang presensya ko.

Balak ko na lang sana siyang lampasan at dumiretso na lang sa kusina nang madinig ko siyang magsalita.

“Mark? Gising ka na pala.” saglit akong natigilan. Ramdam ko ang paghakbang niya papalapit sa akin.

“Gutom ka na ba? Nagluto ako ng almusal natin.” agad kong iniwas ang tingin ko nang pumwesto siya sa harap ko. Tanging sando at boxer lang ang suot niya. Medyo magulo rin ang buhok niya.

Hindi na nagawang makasagot nang hawakan niya ang kamay ko ngunit naging maagap ako at aga na binawi ang kamay ko sa kanya.

“Kaya kong maglakad.” walang emosyon kong sagot. Sinadya kong maging malamig ang pakikitungo sa kanya para malaman niya na galit ako sa kanya.

Iniwan ko siya sa kanyang pwesto at nauna na sa dining area. May mga nakahanda nang pagkain na nakalagay sa mesa. Mukhang lumamig na ito dahil sa kanina niya pa ata niluto ang mga ito.

“Medyo lumamig na yung pagkain. I’ll heat it for you, if  you don’t mind.” naging mabilis ang kanyang kilos. Mabilis niyang kinuha ang pagkain sa ibabaw ng mesa at dinala ito sa kusina. Pinili ko na lang na maupo habang naghihintay sa kanya.

Napahilot ako sa aking sentido nang maramdaman ko ang medyo pagkirot nito. Dahil siguro sa kakulangan ko ng tulog kaya nananakit ang ulo ko ngayon.

“Are you alright? Masakit ba ang ulo mo?” napatigil ako sa aking ginagawa at binaling ang tingin kay Tale. Nagawi ang tingin ko sa tumangis na braso ni Tale dahil sa ginawa niyang paglapag ng plato sa mesa. Mabilis kong iwinaksi ang tingin doon at itinuon ang tingin sa kanyang hinanda.

Hanggang maaari ay ayoko muna siyang kausapin at baka kung ano lang ang masabi ko sa kanya.

Kukuha na sana ako ng pagkain nang matigilan ako nang siya mismo ang nagsandok ng pagkain sa aking plato. Nagtataka akong napatingin sa ginagawa niya.

“Anong ginagawa mo?” imbes na sagutin ako ay nginitian niya lang ako. Pinagpatuloy niya lang ang pagsalin ng pagkain sa plato ko hanggang sa matapos siya.

“Let’s eat?”

Hindi ko maiwasang magtaka sa inaakto niyang pinapakita sa akin ngayon. Parang kagabi lang ay galit na galit siya sa akin dahil sa hindi ko pagpapaalam sa kanya. Nagawa niya pa akong paglutuan ng pagkain na dapat ay ako ang gumagawa dahil yun ang trabaho ko. Ayokong isipin na ginawa niya yun dahil sa nagalit siya sa akin kagabi. Kaya siguro siya ang nagluto ng almusal ngayon ay dahil sa tinanghali na ako ng gising. Ngunit, bakit hindi pa siya kumain kanina at hinintay niya pa talaga akong magising?

“I’m sorry about last night.” napatigil ako sa pagkain nang magsalita siya. Diretso na siyang nakatingin sa akin. Nangungusap ang mga mata na nakatuon sa akin. “I was just worried about you, Mark. Natakot ako na baka mawala ka sa akin.” nanghihina kong nabitawan ang kutsara dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Bakit niya sinasabi sa akin ngayon ito? Natatakot siyang mawala ako sa kanya?  Bakit? Sa anong dahilan?

Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop ito sa kanyang kamay. Saglit akong napabaling doon bago muling ibalik ang tingin sa mga mata niya. Nangingislap ang kulay abo niyang mga mata kaya naman ay malinaw kong naaaninag ang repleksyon ko roon.

“I’m really sorry…” mahabang katahimikan ang namutawi sa pagitan namin. Gusto ko siyang muling tanungin kung sino si Veronica? Mababaliw na ata ako kakaisip kung sino ang babaeng yun sa buhay niya. Hindi naman sana ako magkakaganito kung hindi dahil sa babaeng yun eh. Sa kabilang banda ay natatakot ako sa maaari niyang isagot sa akin kapag nagkataon. Hindi ako handa sa magiging sagot niya. Paano kung girlfriend niya ang taong yun? o kaya fiancee? Ano na lang ang gagawin ko?

“About Veronica…” napalunok ako nang siya na mismo ang nagbukas ng kasalukuyang nagpapagulo sa isip ko. Saglit siyang tumigil at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay. Tila hinahanda ako sa magiging sagot niya.

“How did you know her?” hindi ko siya sinagot. Wala na akong lakas ng loob para sagutin siya. Ang sabihin niya pa lang ang pangalan ng babaeng yun ay nakakaguho na ng mundo.

“Okay. I understand…” tuluyan siyang bumitaw sa pagtitig sa akin at napiling iyuko na lamang ang kanyang tingin. Nadinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Halata sa akto niya na nahihirapan siya sa sasabihin niya. Pansin ko na parang hirap siyang sabihin sa akin kung sino nga ba ang babaeng yun.

Bukod sa taong yun, may isang bagay pang gumugulo sa isip ko. Gusto ko na sa kanyang linawin ang lahat. Gusto ko siya muling tanungin tungkol sa bagay na ’to.

“She’s my ex-girlfriend. I loved her more than my own life. Nangako ako sa sarili ko na sigurado na ako na siya na ang babaeng papakasalan ko at makakasama ko habang buhay. I thought that was the happiest part of my life but I was wrong. Inakala ko na mahal niya rin ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Inakala ko na ganun din ang nararamdaman niya sa akin. She played with my feelings. She cheated on me several times but I always give her second, third, and fourth chances because I don’t want to lose her. Because I love her. But she still chose to leave me kahit ilang beses ko siyang pinatawad sa ginawa niya. I was too dumb to fall inlove with that woman. I was blinded of too much love and didn’t see my own worth.”

Bumalik ang tingin niya sa akin. Muling nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Punong-puno ng emosyon ang kanyang mga mata ngunit hindi ko magawang matukoy ang mga yun.

Hindi ko alam na pinagdaanan niya ang masalamuot na pangyayaring yun. Hindi ko akalain na nagawa siyang saktan ng babaeng yun. Kung tutuusin ay maswerte na siya kay Tale. Sobrang swerte ng babaeng yun na minahal siya ng isang tulad ni Tale.

“Mark?”

“Hmm?” tanging nasabi ko.

“I don’t want to lose the person I love anymore. I don’t want to lose you, Mark. Natatakot akong baka iwan mo rin ako tulad niya. I don’t want to suffer from heartache anymore. I’m begging you…

Please love me the way I love you…“

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 18

Alfred Tale Crosagne


M A R K

Mabilisan kong sinipat ang suot kong formal suit bago napagdesisyunang lumabas na sa aking kwarto.  Hindi ako sanay na magsuot na ganito karangyang damit pero sadyang mapilit ang kumag na ito ang suotin ko dahil isang espesyal na okasyon ang dadaluhan naming dalawa. Hindi ko inaasahan na isasama niya ako sa kasal ng pinsan niyang si Samantha. Ilang beses pa akong tumanggi na hindi ko naman kailangan dumalo doon.

“But I need you there…” ilang beses akong napakurap-kurap sa sinabi niya.

Sadyang mapilit ang loko at hindi ako tinigilan hanggang sa mapasuko na lang ako. Ano pa bang magagawa ko, mukhang consistent sa pamimilit sa akin na sumama. Ano pa bang magagawa ko? Ginamitan niya na ako ng mahika kaya naman napa-oo na lang ako.

Dumating ang araw ng kasal ng kanyang pinsan. Mukhang prepared na prepared na ang kumag dahil pati susuotin ko ay nakahanda na. Kinakabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan. Bakit pa kasi gusto akong isama ng lalaking ’to?

“Kailangan ba talagang kasama mo ako?” pinal kong tanong nang makapasok na sa kanyang kotse.

Imbes na sagutin niya ako ay napabuntong-hininga siyang napatingin sa akin. Mukhang naririndi na ata siya sa palagian kong pagtatanong sa kanya. Malay ko, baka magbago pa ang isip niya na huwag na lang ako isama. Feeling ko kasi ay baka ma-outcast ako sa lugar na yun dahil bukod kay Tale at Samantha, ay wala na akong kilala doon. Mamaya, iwan lang ako ng kumag na ’to at makipagusap sa iba.

Wala na akong nagawa kundi ang i-lock ang aking seatbelt nang buhayin niya na ang makina ng kanyang kotse. Pinagmasdan ko ang hitsura niya sa suot niya. Sadyang hinubog ng kanyang suot na formal coat at trousers ang kanyang kakisigan na nagsusumigaw na ngayon ang kanyang kagwapuhan.

“Stop staring me like that.” diretso lang ang tingin niya sa daan na sambit. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang mapansin niya ang matagal kong pagkakatitig sa kanya.

“Pinagsasabi mo…” humalukipkip ako sa tabi niya upang hindi niya mapansin ang biglaang pang-iinit ng aking mukha. Hindi ko naman kasi akalain na mapapansin niya ang pagtitig ko sa kanya.

Matapos ang ilang minutong byahe ay huminto ang sasakyan ni Tale sa harap ng isang simbahan. Sa labas pa lang ng lugar ay tanaw ko na ang mararangyang disenyo na malalaman mo nang may kasal na igaganap. Mula sa mga rosas na puti sa na nadikit sa paligid ng pintuan at ang red carpet mula doon.

“Pwede bang dito na lang ako sa kotse?” nag-aalangan kong tanong sa kanya. Nagawa ko pang ngitian siya ngunit halata ang pagkailang ko doon. Kinakabahan ako na tipong ako yung ikakasal.

“Oh! Come on, Mark. We’re already here…”

May mangilan-ngilang mga tao na akong nakita nang makababa kami ni Tale. Naramdaman ko ang paghawak ni Tale sa kamay ko nang maglakad na kami papalapit sa simbahan.

“Glad, you made it hijo.” saglit na bumitaw sa pagkakahawak sa akin si Tale upang makipagkamay sa babaeng sumalubong sa kanya. Medyo may edad na ang babae pero hindi yun naging hadlang para mangibabaw pa din ang kagandahan nito.

“Nice to be here po, tita.” nakangiting tugon naman ni Tale sa matanda. Napansin ko ang pagbaling ng tingin nito sa akin. Medyo nagulat ito nang masilayan ang isang tulad ko dito.

“Oh! Mind, if I ask your name?” magalang na tono ng ginang. Hindi ko mabakasan ng emosyon ang boses niya ngayong sa akin na siya nakatuon. Kahit naiilang ay nagawa ko pa rin itong ngitian. Nagtataka na siguro si Tale kung bakit ang tagal kong makasagot, eh pangalan ko lang naman ang tinatanong.

“Mark po. Mark Hope.” nanatili ang ngiti ko hanggang sa i-beso ako ng ginang.

“Nice meeting you, Mark. I am Ofelia Ramirez, Samantha’s mom.” may kakaiba sa ngiti niya na hindi ko magawang matukoy. Normal lang naman siguro yun, sadyang binibigyan ko lang ata ng kakaibang kahulugan. Knowing na malaman na siya pala ang mama ni Samantha ay mukhang mabait na tao siya.

Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang seremonya. Isa-isa nang nagsipasukan ang mga dumalo sa gaganaping kasal ng kanyang pinsan na si Samantha. Kumikinang ang puting gown nito habang dahan-dahang tinatahak ang red carpet patungo sa altar kung saan ngayon naghihintay ang lalaking halos hindi na mapawi ang ngiti sa labi. Maganda at gwapo. Parehong mayaman. Wala kang mapipintas na anuman kung tutuusin.

Saglit akong napalingon sa katabi kong lalaki nang hawakan niya ang kamay ko. Diretso lang itong nakatingin sa harap habang seryosong nagsasalita ang pari sa unahan. Lalong lumapad ang aking ngiti na malaman na magkahawak-kamay kami sa pampublikong lugar. Ibayong tuwa ang namutawi sa aking sistema. Iniisip na walang tao sa aming paligid kundi kami lang.

Magsimulang magpalitan ng wedding vows ang dalawa. Mangiyak-ngiyak pa ang kanyang pinsan at hirap na ibigkas ang mga salitang gusto niyang sabihin. Napaisip ako? Napalingon kay Tale na nasa unahan pa rin ang atensyon. Darating din kaya kami sa ganyang punto? Ang magpapalitan kami ng wedding vows sa harap ng maraming tao? Minsan kayang sumagi sa isip niya ang ganung bagay? Na ikasal sa isang tulad ko?

Nakikita niya kaya na ako ang makakasama niya sa kanyang buhay? Kasi ako, oo. Masyado niya nang inukopa ang puso ko. Kahit ilang beses niya man akong saktan, siguro handa pa rin akong patawarin at tanggapin siya. Ayokong mawala siya sa piling ko.

“You may now kiss the bride…” pinal na anunsyo ng pari. Masigabong nagpalakpakan ang lahat nang magpalitan na sila ng halik sa isa’t-isa. Hindi masukat ang tuwa sa kanilang mukha dahil sa pinakaespesyal na okasyon na ito sa kanilang buhay.

Kung madami ang tao sa simbahan ay masasabi kong mas maraming tao dito sa reception. Nagkalat ang mga magagarang tao sa paligid. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa pinakalikod na round table, katabi si Tale. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng paligid. Tanaw ko din sa hindi kalayuan ang mahabang mesa na may mga iba’t-ibang pagkain. Bigla tuloy akong nagutom.

Nagsimula ang reception program nang magsalita ang emcee sa unahan. Marami ang nawiwili dahil sa mga biro nito tungkol sa bride and groom. Kalaunan ay nagkwento ang newly-couple kung paano nga ba sila nagkakilala. May isang video presentation pa ang nag-play sa unahan kung saan pinapakita dito ang kanilang mga pren-up wedding photos. Mas natuon ang atensyon ko sa slideshow ng mga larawan na yun.

Masyado akong nawili hanggang sa matapos ang mismong program at magsimula na ang kainan. Hindi naman pala masama na sumama ako kay Tale. Kahit papaano ay natutuwa ako sa mga nangyayari. Masyado lang talaga ako nag-overthink tungkol sa mga bagay-bagay.

“Are you hungry? Do you want to eat anything?” bahagyang linapit ni Tale ang kanyang bibig sa aking tenga upang bumulong. Sakto namang paglingon ko ay napagtanto kong sobrang lapit ko na pala sa kanya. Ako na ang kusang lumayo sa pagitan naming dalawa.

“Kahit ano na lang…” simple kong sagot ngunit mukhang iba ang naging dating sa kanya ng sinabi ko nang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.  May nasabi ba akong mali?

“You can eat me, too.” pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng mukha dahil sa kanya. Posibleng nay makarinig sa kanya dahil hindi lang kaming dalawa ang naririto sa mesa. Kahit pabulong yung sinabi niya ay baka may makarinig pa rin sa kanya.

“Loko ka talaga. Ako na nga lang…”

“Ikaw na lang ang kakainin ko?” muling pambabara niya sa akin. Nakakahiya ang mga sinasabi ng kunag na ’to. Wala ba siyang pinipiling lugar at dito pa niya talaga naisipang magloko?

“Baliw ka talaga.”

Napairap na lang ako at hindi na lang pinatulan ang pang-aasar niya. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Tumayo ako at pumunta sa mahabang mesa ng mga pagkain. Kumuha ako ng plato sa tabi at nakisalo na rin sa mga taong abala na sa pagpili ng kanilang makakain.

Saglit akong napalingon sa mesa namin ni Tale ngunit wala na siya doon. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid at doon ko nakita siyang may kausap na matandang lalaki. Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila dahil sa ekspresyon ni Tale. Kaya pala hindi sumunod sa akin ang kumag. Muli kong itinuon ang aking atensyon sa pagkuha nang pagkain.

Sa kalagitnaan nang aking ginagawa ay aksidente kong natabig ang isang babae.

“OMG!” gulat nitong sigaw. Muntikan ko pang matapon ang hawak niyang wine glass. Nakataas ang kilay nitong binalingan ako ng tingin mula baba, pataas sa aking mukha.

“I’m sorry. Hindi ko sinasadya.”

“You’re with Alfred Tale, right?” napakunot ako ng noo nang bigla niya akong tanungin. Paano niya nalaman na kasama ko si Tale. Ganun na ba kami kaagaw-eksena sa mata ng babaeng ’to para mapansin kami sa gitna ng maraming tao?

Natigilan ako nang saglit kong sinipatan ng tingin ang babaeng nasa harap ko ngayon. Unang napansin ko ang kulay pulang nail polish niya na bumagay sa kanyang white long dress. Hubog-hubog ang sexy na katawan nito dahil sa suot niya. Maganda siya lalo na ang bagsak niyang itim na itim na mahabang buhok.

“Oo. Bakit?” pinilit kong ikalma ang sarili ko. Hindi maganda ang kutob ko sa babaeng ito. Base palang sa tingin niya sa akin ay masasabi kong mataray ito.

“I just wonder how are you related with him.”

Ano bang pakialam ng babaeng ’to kung kasama ko nga si Tale? Tapos ngayon naman tatanungin niya ako kung ano ko si Tale. Sino ba ang babaeng ’to?

“Kaibigan ko si Tale.” napalunok ako nang mas lalong tumaas ang isang kilay ng babae sa naging sagot ko. Hindi ko masasabing boyfriend ko si Tale pero alam kong mas higit pa kami sa pagiging magkaibigan. Nakakatuwa lang sabihin na, ni minsan ay hindi ko naging kaibigan si Tale.

“Oh really? So how can you explain him holding your hand earlier?” mas lalong nangunot na ang aking noo sa direktahan niya nang tanong sa akin. May problema ba siya sa akin? Bakit parang ang init naman ata ng dugo ng babaeng ’to sa akin?

“Teka… Sino ka ba?” nakukuryoso na ako kung sino ba ang babaeng ’to? Bakit ang dami niyang tanong tungkol sa amin ni Tale? Tsaka, ano bang pakialam niya kung magkahawak-kamay kami ni Tale kanina sa simbahan? Naiinggit ba ’to?

“I’m Natalie.” inilipat niya sa kabilang kamay ang hawak niyang wine glass. Nilahad niya ang kanyang kamay upang makipagkamay sana sa akin. Tinitigan ko lamang ito. Wala akong gana na makipagkilala siya. Ang ibig kong sabihin sa tanong ko kung sino siya sa buhay ni Tale?

“I was his toy. So, are you, too?” lumipat ang tingin ko mula sa kanyang kamay papunta sa kanyang mukha. Takang-taka na ako sa mga sinasabi ng babaeng ’to sa akin ngayon. Anong sabi niya? Toy? Nahihibang na ba ang babaeng ’to?

“H-hindi kita maintindihan…” mahina kong sabi sa sarili ko. Mukhang narinig niya naman yun nang ngisian niya ako. Saglit siyang sumimsim sa hawak niyang wine glass bago magsalita.

“I pity you, girl.” mahina siyang humagikhik. Nagawa niya pang marahan na pumalo sa hangin.

“I didn’t know his into boys now.” tuluyan na akong natulala sa kawalan sa huli niyang sinabi. Hindi pa sana ako mababalik mula sa pagkakatulala nang may makasagi sa akin. Napakurap-kurap ako at nalaman na wala na ang babaeng kausap ko kanina. Lumingon-lingon ako sa paligid habang nagbabasakaling makita siya ulit. Hindi ko maintindihan kung bakit niya sinabi yun? Toy? Nino? Ni Tale? Laruan siya ni Tale noon? Sa anong paraan?

Napapabuntong-hininga na lang ako habang kumukuha ng pagkain. Hindi ko na alam kung ano-anong pagkain na ang nilagay ko sa plato ko. Tulala na lang akong napaupo sa mesa na kinauupuan namin ni Tale. Hindi pa rin nakakabalik si Tale. Muling hinanap siya ng mga mata ko ngunit wala na siya sa kinatatayuan niya kanina.

Tahimik ko na lamang na sinimulan ang pagkain ko. Bigla tuloy akong nawalan ng gana dahil sa sinabi ng babaeng yun. Sino ba siya sa buhay ni Tale? Bakit niya nasabi yun? Una si Veronica, tapos itong Natalie naman? Si Veronica na minahal niya pero pinili siyang iwan. Tapos si Natalie, dating laruan ni Tale? Hindi ko maintindihan. Bakit kailangan ni Tale ng laruan na isang tulad ni Natalie.

“Hey! I’ve been looking for you.” natigil ako sa pagkain nang magsalita si Tale sa tabi ko. Napalingon ako sa kanya. Agad na naagaw ang atensyon ko sa bahagyang naka-loose na necktie niya. Agad ko na lang winaksi ang tanawin na yun at itinuon na lang ang atensyon sa aking pagkain.

Gusto ko na lang maubos itong pagkain ko at makauwi na. Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng sinabi ng babaeng yun - si Natalie. Bakit niya nasabi ang lahat ng yun? Anong nga ba talaga ang nagong relasyon niya kay Tale?

“Hey! Did something happened?” hinawakan niya ang balikat ko ngunit hindi ko siya nagawang lingunin.

Ito na naman ba kami? Magiging paranoid na naman ba ako ulit dahil sa mga nangyayari? Malakas ang kutob ko na may namagitan sa babaeng yun at kay Tale noon. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit sinabi nitong ‘toy’ siya ni Tale?

Nanatili akong tahimik hanggang sa makauwi kami ni Tale. Hindi na rin ako tinanong ni Tale kung anong meron. Sa madaling salita, hindi niya muna ako kinausap.

Lumipas ang ilang araw, hindi pa rin nawawala sa isip ang sinabi sa akin ng babaeng yun. Gustong-gusto kong ituon ang sarili ko sa mga bagay na pwedeng makalimot sa akin sa bagay na yun. Nagagawa kong kalimutan ngunit matapos ay babalik na naman yun sa isip ko. Naiinis na ako sa sarili ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Sa tuwing may nalalaman ako tungkol sa nakaraan ni Tale, lalo na ang mga dumaang babae sa buhay niya ay hindi ko mapigilang mag-isip ng sobra. Natatakot ako na baka yun ang maging dahilan para mawala sa akin si Tale. Kaya mas pinipili ko na lamang na huwag sabihin sa kanya ang mga bagay na yun. Patuloy na pinipilit ang sarili na kalimutan na lang ang mga bagay na pwedeng makasakit sa akin at ituon na lang ang atensyon ko kay Tale.

Mabuti na lang ay nagawa ko pang mag-grocery sa kabila ng mga iniisip ko. Sinadya ko talagang mamili ngayon dahil paubos na rin ang stack niya sa bahay kaya minabuti ko na lang rin ang mag-grocery.

Napairap ako sa hangin nang muling tumunog ang cellphone ko sa aking bulsa. Minabuti ko na lang ulit na huwag yun pansinin. Nagpatuloy ako sa pagtutulak ng cart patungo sa kabilang parte nitong supermarket. Sa gitna ng aking pamimili ay muling tumunog ang cellphone ko.

Shocks! Nakakainis ang lalaking ’to. Kanina pa siya tawag ng tawag sa akin kahit alam niya naman na naggo-grocery ako.

Wala akong nagawa kundi ang kunin ang cellphone ko at sagutin ang tawag niya.

“Why are you taking so long to answer my call?” bungad niya agad sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa inaakto niya eh. Hindi ko naman nakalimutan na magpaalam sa kanya.

“Baka naggo-grocery ako?” pamimilosopo ko sa kanya. Nadinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

“Matagal ka pa ba dyan?” muli akong napairap sa hangin. Napatingin ako sa relo ko. Parang twenty minutes pa lang ako nang umalis, tapos tatanungin niya ako kung matagal pa ba ako. Nakakaloka siya ah.

“Matatagalan talaga ako kapag tawag ka pa ng tawag dyan.” nagpatuloy ako sa pagpili ng mga delata sa cart habang kausap pa rin siya.

“Okay. Okay. Just hurry back pagkatapos mo diyan.”

“Oo na po. Wala ka bang gustong ipabili?” wala naman talaga sana akong balak na tanungin siya ng ganun. Sadyang wala lang talaga akong maisip na sabihin.

Minsan talaga may pagkaisip-bata ang kumag na ’to.

“Nothing.”

Matapos ng maikling pag-uusap naming dalawa ay nagmadali na lang akong mamili. Baka tawagan na naman ako ng kumag na yun at tuluyan na akong hindi natapos sa ginagawa.

Napamasid ako sa paligid ng supermarket habang hinihintay na matapos ang taong nasa unahan ng pila nang hindi sinasadyang nahagip ng tingin ko ang isang lalaki mula sa malayo. Napakurap-kurap pa ako nang hindi makapaniwala sa nakita. Biglang nang-init ang buong sistema ko dahil sa galit. Isang taon na ang nakalilipas ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makakalimutan ang binalak niya sa akin noon.

Anong ginagawa ng lalaking ’to dito?

Kusang humakbang ang aking mga paa palapit sa lalaking yun. Kusang umangat ang aking palad at malakas na sinampal siya.

“Hayop ka!” punong-puno ng hinanakit ang aking boses. Makita siya ngayon dahil sa ginawa niya sa akin ay isang bagay na hindi ko makakalimutan.

“What the fu–” gulat itong napalingon sa akin. Hindi niya na nagawang matapos ang sinasabi nang mapagtanto niya ang taong nasa harap niya ngayon. Napansin ko ang pagbakat ng palad ko sa pisngi niya. Masyado atang napalakas ang sampal ko. Imbes na makaramdam ng awa ay ibayong pagkakuntento ang naramdaman ko.

“Anong nangyayari?” natuod ako sa aking pwesto nang isang pamilyar na boses ng babae ang nadinig ko mula sa aking likuran. Kahit hirap ay nagawa kong harapin ang taong yun.

“Mark? Anong ginagawa mo dito?” rumihestro ang pagkagulat sa mukha ni tita Emma nang makita ako.

“Tita Emma?”

Anong ginagawa ni tita Emma dito?

“Jackal, bakit ka sinampal ni Mark?” bumaling ang tingin ko pabalik sa lalaking nasa likuran ko at muling bumaling kay tita na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya.

T-teka… Kilala niya ang lalaking ’to?

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

PS. Sorry for the delay update. Medyo naging busy lang sa personal life.

TPT - 19

M A R K

Sinusubukan kong kalmahin ang sarili ko ngayong kaharap ko ang lalaking muntikan nang gumahasa sa akin noon. Kailangang hindi malaman ni tita Emma ang trahedyang yun sa akin noon. Ayoko siyang magalala sa akin lalong mukhang magkakilala sila ni tita at ng lalaking ito. Sa anong paraan?

Naririto kami sa loob ng isang coffee shop sa loob nitong mall. Gusto ko na sanang maglaho na parang bula nang makita ko si tita Emma sa ganung sitwasyon. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin malinaw sa akin kung ano ang koneksyon na meron si tita sa lalaking ito.

Naiwan kaming dalawa ng lalaking ito dito sa mesa. Tahimik. Walang ni isa sa aming nagsasalita hanggang sa dumating si tita Emma na may dalang tray ng cappuccino.

“Mukhang ang seryoso niyo naman atang dalawa?” pambungad ni tita at isa-isang nilapag ang mga tasa sa aming harapan. Umupo si tita sa tabi ko samantalang kaharap naman namin ang lalaking nagpapainit ng dugo ko. Saglit akong napasulyap sa kanya dahilan oara maikuyom ko ng mariin ang aking kamay sa ilalim nitong mesa.

“Mark.” nabaling ang atensyon ko kay tita nang tawagin niya ako. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina, bakit mo sinampal itong si Jackal? May kasalanan ba siya sayo?” kung alam lang ni tita ang ugali ng lalaking ’to ay siya rin mismo ay maiinis. Matagal ako bago nakasagot. Pinipilit ang sarili na makaisip ng magandang dahilan.

“Ahmm… Tita?” napataas ang aking kilay sa pagtawag ng atensyon nito kay tita. Napa-tsk na lang ako sa isip ko sa pagtawag niya ng ‘tita’ kay tita Emma. Anong karapatan niya?

“Jackal. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na mama na lang ang itawag mo sa akin.” napanganga ako sa sunod na sinabi ni tita sa lalaki. Hindi ako makapaniwala na yun ang susunod na mangyayari. Hindi ko man lang naihanda ang sarili ko. T-teka? Mama? Ano bang relasyon ni tita sa Jackal na ’to?

“Pasensya na po.” napakamot sa ulo ang Jackal dahil sa sinabi ni tita. Hindi ko na napigilan ang aking kuryosidad sa mga nangyayari. Mukhang wala akong kaide-ideya sa lahat.

“Tita?” pagtawag ko. Maingat niyang binaba ang tasa ng cappuccino sa ibabaw ng mesa bago ako lingunin. Wala naman sigurong mali kapag nagtanong ako, diba?

“Bakit po kailangang mama ang itawag niya sayo?” napansin ko ang pagguhit ng isang ngisi sa labi ni Jackal samantalang kay tita naman ay bakas sa mukha ang pagtataka.

Wala ako sa sarili nang makauwi sa bahay ni Tale. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang Jackal na yun ay anak ng lalaking ka-date ni tita. Argh! Gusto kong sabunutan ang sarili ko na hindi ko sinabi kay tita ang ginawa sa akin noon ng kumag na yun. Akala mo kung sinong anghel kanina habang magkakaharap kami. Tapos tita pa ang tawag kay tita Emma. Aba’t, ito namang si tita gusto pa siyang tawagin na mama. Nakakapang-init lang ng ulo. Sa oras na malaman din ’to ni Otep ay paniguradong parehas lang kami ng marararamdaman.

“Parang namumula ka ata?” bungad sa akin ni Tale nang tuluyan akong makapasok sa loob ng kanyang bahay. Saglit akong natulala sa pawis niyang katawan bago makasagot sa kanya.

“Ah! W-wala. Mainit kasi sa labas.” kusa niyang kinuha sa akin ang mga dala-dala kong plastic tsaka dumiretso sa kusina.

Tahimik lang akong sumunod sa kanya habang matiim na pinagmamasdan ang malapad niyang likod. Balak ba ako akitin ng lalaking ’to at kailangan nakahubad lang siya sa harap ko? Hindi ko lubos maisip na mapagmamasdan ko ang malabato niyang katawan ngayon. Kahit papa’no ay humupa ang init ng ulo ko kanina sa nakikita ko ngayon.

“Hey! Mark? Are you alright?” nabalik ako mula sa pagtitig sa katawan ni Tale nang bahagya niyang haplusin ang pisngi at noo ko.

“Wala ka namang sakit.” komento niya matapos damhin ang ibang parte ng mukha ko. Marahan kong napalo ang kamay niya na  medyo ikinatawa niya lang. “What? I’m just worried about you!” kahit kailan talaga hindi siya nauubusan ng oras na asarin ako.

“Kailan ka pa naging concern sa’kin?”

“I’m always concern about you, Mark.”

Nangingut na lamang akong tumungo sa kusina at inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga pinamili ko. Minsan napapatigil na lang ako sa aking ginagawa dahil sa tutok na tutok ang atensyon ni Tale sa bawat kilos ko. Kitang-kita ko ang mala-abo niyang mata na sumusunod sa bawat galaw ko habang prenteng nakaupo sa stoolbar nitong island counter. Napapailing na lang ako sa kalokohan niya.

“Magsuot ka nga ng tshirt do’n. Hindi ka ba nilalamig?” hindi na maalis ang ngiti sa aking labi dahil sa simpleng bagay na nangyayari sa aming dalawa ngayon.

“Ayoko nga. Ikaw na rin ang nagsabi na mainit. Look oh! I’m sweating.” gumuhit ang isang malapad na ngisi sa kanyang labi habang nakaturo sa maumbok niyang dibdib na hindi na mababakas ang pawis hindi tulad kanina. Kahit kailan talaga…

“Bakit? Nasa labas ba tayo ngayon?”

“No…” akala ko ay hindi na siya magsasalita dahil sa matagal niyang pagtigil. “Why Mark? Are you really that distracted to my body?” gusto ko siyang sapakin ngayon para naman mabawasan ang pamboboska niya sa akin ngayon. Ano kaya ang nakain ng lalaking ’to at naisipan na naman akong asarin?

“Ang kapal ah! Sino kaya ang patay na patay sa ating dalawa?” napapitlag ako sa aking kinatatayuan ng bigla na lamang siyang tumayo sa kanyang kinauupuan. Umiba ang ekspresyon sa kanyang mga mata maging ang kanyang ngisi ay mas lumapad pa.

Hindi ko inaasahan ang dahan-dahan niyang paglapit sa akin samantalang ako ay parang aso na naghihintay sa pagdating sa kanyang amo. Ultimo mga daliri ko sa kamay ay hindi ko magawang maigalaw.

“D-dyan ka lang. Binabalaan kita Tale. Kapag lumapit ka dito—” hindi ko na nagawang tapusin ang aking sasabihin nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin.

Dama ko ang malakas na pintig ng aking puso dahil sa labis na kaba. Ang kaninang init ay nanumbalik sa aking sistema. Kitang-kita ko sa malapitan ang bawat guhit na humuhulma sa mala-adonis niyang katawan dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Para akong nauubusan ng hangin sa nasisilayan ko ngayon.

“Or else what Mark?” nabaling ang tingin ko sa mga mata niyang kanina pa sa akin nakatitig. Nakakahipnostismo ang kanyang tingin na sa puntong hindi ko na magawa ialis ang aking tingin sa kulay abo niyang mga mata.

Kusang gumalaw ang aking kamay papatong sa kanyang maumbok na dibdib. Damang-dama ko mula sa aking kamay ang malakas rin na pintig ng kanyang puso. Parehas kaming natahimik nang maging siya ay pinatong rin ang kamay sa aking dibdib at damhin ang tibok ng puso ko.

“Wish you have bigger boobs.” sambit niya mula sa kawalan. Muli, nabalik ako sa aking sarili at mabilis na kinaltukan ang kanyang noo.

“Aw! Fuck!” malakas niyang daing sa ginawa ko. Tila nagmukha siyang bata na hinahaplos ang kanyang noo.

“Kahit kailan talaga napakaloko mo!” napakagat ako sa aking labi dahil sa inis sa kanya. Akala ko pa naman  seryoso na siya kanina kaso hindi mo pala talaga maaalis ang kalokohan sa sistema niya.

Napapangiti na lang ako habang ipinagpagpatuloy ang pagsalansan ng mga pinamili ko. Natigil lang ako saglit nang madinig ko ang ringtone ng kanyang cellphone. Nabaling ang atensyon ko sa kanya nang sagutin niya ang sagot habang naglalakad papalayo sa pwesto ko.

Hindi ko na yun pinansin at nagpatuloy sa ginagawa.

“Samatha’s going to visit…” anunsyo niya nang makabalik siya sa kusina. Tumango lamang ako at pinagpatuloy ang paghihiwa ng mga rekados na aking lulutuin para ngayong dinner.

“Ngayon daw?”

“Yeah.” tinungkod niya ang kanyang parehong braso sa gilid ng island counter dahilan para bumakat ang mga ugat niya sa parteng yun. Nakatambad rin ang mabato niyang tiyan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasagi ata sa isip niya ang magsuot ng t-shirt. Balak niya ba talaga akong akitin?

“She will be eating dinner with us.”

“Okay.” hindi ko magawang tumingin sa kanya ng diretso dahil sa pagkailang. Inaamin ko na ilang beses nang may nangyari sa amin ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay sa presensya niya.

“Are you really alright?” naramdaman ko ang mainit niyang kamay nang hawakan niya ang baba ko at iangat ito. Hindi ko na nagawang umiwas sa nagtataka niyang titig sa akin nang mabilis niyang hulihin ang aking mata.

Napalunok ako muli. Hanggang kailan ba ako maiilang habang ginagawa niya ang bagay na ’to sa akin? Sobrang pinapabaliw niya ang buong sistema ko.

“Diba sinabi ko naman sayo kanina na ayos lang ako.” mahina kong tinulak ang kanyang kamay papalayo sa akin.

“I’ll just take a quick shower and will help you here. Okay?” lubusang nagulantang ang aking pagkatao nang marahan niya akong kabigin papalapit sa kanya at halikan ako sa aking noo. Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko ng hindi inaasahan.

Sandali akong natulala at dahan-dahang prinoseso sa aking isip ang bagay na yun. Naikuyom ko ang aking kamay dahil sa nagsisimulang kilig sa aking sistema.

Hindi nga nagtagal si Tale at makalipas lang ang ilang minuto ay natanaw ko na siyang pababa ng hagdan. Hindi ko na masyadong itinuon ang tingin sa kanya dahil baka mawala na naman ako sa sarili ko at muling matulala. Mabuti na nga lang kanina ay agad akong nakabawi at pinagpatuloy na lang ang ginagawa.

Aksidenteng nabaling muli ang tingin ko sa kanya at saktong pagtingin ko ay yun din ang isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Tumungo siya kung saan nakapwesto ang mga cabinet dito sa kitchen at nay kinuha. Sumaglit din siya sa ref at may kinuha doon. Pasimple ko lamang siyang pinagmamasdan kung anong ginagawa niya nang aksidente kong nahiwa ang aking daliri.

“Ahh!” daing ko. Napansin ko ang paglingon niya sa akin na kalaunan ay lumapit na sa akin.

“What happened?” mabilis niyang kinuha ang kamay kong nasugatan. “Shit.”

Maingat niya akong hinila patungo sa tapat ng faucet. Sandali niyang hinugasan ang daliri ko. Napadaing pa ako nang bigla itong humapdi.

“Does it hurt?” umiling lang ako bilang pagsalungat.

Matapos ay dinala niya ako sa sala at pinaupo dito.

“Wait for me here. Kukunin ko lang yung first aid kit.”

Hindi rin nagtagal ay bumalik siya habang may bitbit na maliit na box. Umupo siya sa katabi ko. Kinuha niya muli ang kamay ko matapos niyang maglagay ng betadine sa bulak.

“Does it hurt?” maingat niyang tinaptap ang hiwa sa aking daliri at minsanan itong hinihipan. Muli akong umiling sa tanong niya.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa seryoso niyang mukha habang abala sa paggamot sa sugat ko. Sa kabilang banda ay mamangha sa kanya. Ngayon ko lang nakita si Tale na ganito. Ang ibig kong sabihin, kitang-kita sa kanya ang labis na pagaalala sa akin na  hindi ko alam na meron din pala siyang parte na ganito.

“Sa susunod mag-iingat ka na. Paano kung maputol na yang daliri mo sa susunod? Be focused next time, okay?” muling nagsalubong ang mata naming dalawa matapos niyang lagyan ng band-aid ang sugat ko. Nagsilbing tango na lang ang naging sagot ko.

“Ako na ang maghahanda ng dinner natin. You can’t cook with your situation now. Baka mapa’no ka pa.” napaangat ako ng tingin nang tumayo na siya at ligpitin ang first-aid na kanyang ginamit.

“Pero?” aangal pa sana ako ngunit matatalim na tingin lang ang natanggap ko mula sa kanya.

“No buts Mark. Huwag nang makulit.” hindi na ako nakaangal pa nang tumahak na siya papunta sa kusina. Napabuntong-hininga na lang ako at sinisi siya sa isip.

Bakit kasi kailangang nakakailang palagi ang presensya niya? Kung tutuusin, kasalanan niya kung bakit ako nasugatan eh.

Imbes na sisihin siya at magisip ng kung ano-ano ay nanuod na lang ako ng mga palabas sa tv. Minsan ay napapatanaw ako sa kusina kapag naamoy ko ang kanyang niluluto. Mag-iisang oras na siyang abala sa kusina pero mukhang hindi pa rin siya tapos. Madilim na rin sa labas at baka paparating na yung pinsan niya.

Lumipas pa ang ilang minuto ay natanaw ko na si Tale na may bitbit na malaking mangko papunta sa dining area. Awtomatikong napatayo ako sa aking kinauupuan at naglakad papunta sa kusina. Kumuha ako ng mga plato at kubyertos. Saktong pagbaling ko upang ihatid ito sa kainan ay nakatayo na sa harap ko si Tale. Matatalim ang pinupukol na mga tingin nito sa’kin.

“What are you doing?” pagtatanong niya.

“Tumutulong sa paghahanda. Baka kasi paparating na yung pinsan mo.”

Humakbang siyang papalapit sa akin at kinuha ang hawak ko.

“I don’t need any help.” tuluyan niya na akong tinalikuran pero ako naman itong makulit na ang gusto lang naman ay tulungan siya ay sinundan siya. Hindi ko pa rin maiiwas na siya ang amo dito, hindi ako.

“Gusto ko lang naman tumulong. Kaya ko naman eh.” narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga bago pagod na humarap sa akin.

“If you really wanna help, I want you to sit on the sala and wait for me to finish.” isinalansan niya na ang mga plato sa ibabaw ng mesa.

Wala na akong nagawa kundi ang maghintay sa sala na tawagin niya. Muli ko na lang inabala ang sarili ko sa panunuod ng telebisyon ngunit wala ata ang utak ko sa aking pinapanuod dahil maya’t-maya lang ang sulyap ko kay Tale sa tuwing dumadaan siya pabalik sa kusina at dining area. Muntikan niya pa akong nahuli na nakatingin sa kanya at mabuti na lang ay nakaiwas ako agad.

“Gusto ko lang naman tumulong eh. Parang nawalan naman ako ng daliri at ayaw niya na akong patulungin.” bulong ko sa sarili ko ngunit natigil rin ako sa pagsasalita kalaunan nang mapapitlag ako dahil sa biglaang pagtabi sa akin ni Tale. Napaigik pa ako nang walang pasabi niya akong hilahin papalapit sa kanya bago ako ikulong sa matitigas niyang bisig. Naramdaman ko din ang pagpatong ng kanyang ulo sa likuran ko. Sinubukan kong lingunin siya ngunit tanging batok niya lang ang nakikita ko.

“Just a minute… I just wanna feel you just for a minute.” bulong niya habang ganun pa rin ang aming pwesto. Hindi na ako umangal pa tulad kanina.

Wala ako sa sariling hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa tiyan ko at marahan itong hinaplos.

Tsk! ’Yan tuloy. Ayaw pa kasi akong patulungin. Mukhang napagod ata ang kumag.

Napadilat ako ng aking mata nang marinig ko ang pag-doorbell ng maindoor. Marahan kong tinapik si Tale na mukhang nakaidlip na ata sa kanyang pwesto.

“Tale! Andyan na ata yung pinsan mo…” agad din naman siyang umayos ng pagkakaupo habang papungas-pungas ang matang napatingin sa akin. Nakatulog nga ang loko!

“Ako na ang magbubukas sa kanya.” hindi ko na siya hinintay na sumagot at agad nang tinungo ang maindoor.

“Ow! Hi! Mark, right?” nakangiting pagbati nito na nasundan ng pagtatanong. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. “Can I go inside? Where’s Tale by the way?” hindi pa man ako nakasagot ay naglakad na siya papasok.

“Nando’n siya sa loob.”

Isasara ko na sana ang pinto nang bigla niya akong pigilan.

“Wait! I’m with someone. She’s just parking the car…” kahit nagtataka ay sinunod ko na lang siya sa kanyang sinabi. Wala naman kasing nasabi si Tale na may kasama itong pinsan niya.

Naglakad na ito matapos at marahil pupuntahan na nito si Tale. Ako naman ay nanatili muna saglit dito at hinintay ang kasama ng pinsan ni Tale. Ba’t kasi hindi pa nito hinintay yung kasama niya para hindi na ako naghihintay dito.

“Hi!” napalingon ako sa labas nang may nagsalita ngunit agad ring natigilan nang mamukhaan ito.

Humakbang ito papasok at huminto sa harapan ko. Para akong tinamaan ng malakas na kidlat nang mapagtanto kung sino ang kasama ng pinsan ni Tale.

“Still remember me?” hindi ako nakasagot at nanatili lamang tulalang nakatingin sa kanya.

“It seems that you don’t remember me already. If that’s the case, I’m Natalie.” inilahad nito ang kamay niya sa aking harapan. Hindi ko magawang tumugon dito dahil baka anumang oras ay manghina na lang ako.

Hindi ko lubos maisip na magtatagpo muli ang landas naming dalawa. Kaya ba nando’n siya sa kasal ni Samantha ay dahil magkakilala silang dalawa?

Pero anong ginagawa niya dito?

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 20

Mark

Hope Calvares


M A R K

“Don’t you like the food?” nabalik ako mula sa pagkakatulala nang tanungin ako ni Tale. Kahit wala sa sarili ay sinikap ko na tumugon sa kanya.

“Masarap siya.” aksidenteng bumaling ang tingin ko kay Natalie na nakatingin na rin pala sa’min. Tumingin ako muli kay Tale na nagtataka pa ring nakatingin sa’kin. Kahit pilit ay sinikap ko siyang ngitian upang hindi na siya masyadong magtaka sa akin. Sana.

Hindi pa rin kasi maproseso sa isip ko na naririto siya ngayon. Kasalo namin sa pagkain. Hindi ko akalain na magtatagpo muli ang landas naming dalawa sa hindi ko inaasahang pagkakataon.

“I’m Natalie.”

“I was his toy. So, are you, too?”

“I pity you, girl.”

“I didn’t know his into boys now.”

Isa-isang nanariwa sa aking isipan ang mga sinabi niya sa akin noong una ko siyang nakita sa kasal ni Samantha. Unti-unti ko na sana yung isinawalang-bahala ngunit ito siya sa harapan ko, unti-unting pinapaalala sa akin kung sino siya noon sa buhay ni Tale.

Muli akong napatingin kay Tale.

Nagsisinungaling lang ba si Natalie para sirain ang relasyon na meron kami ngayon ni Tale?

Hindi ko naman kasi napansin ang pagkagulat sa mukha ni Tale kanina nang makita niya si Natalie. Sinalubong pa sila nitong nakangiti kanina. Kaya papaanong naging laruan siya ni Tale noon?

“Excuse me…” pagpaalam ko sa kanila bago tumayo upang tahakin ang daan papuntang cr.

“Are you alright?” nadinig ko pang tanong ni Tale sa akin bago ako magsimulang maglakad ngunit hindi ko na yun pinagtuunan ng pansin hanggang sa makarating ako sa loob ng cr.

Mahigpit akong napakapit sa ibabaw ng sink at mariing pinakatitigan ang aking sarili mula sa repleksyon ko sa salamin. Palagi na lang ba ako magiging ganito sa tuwing nakikilala ko ang mga babaeng dumaan sa buhay ni Tale noon? Palagi na lang ba ako mag-iisip ng kung ano-ano?

Sinikap kong kalmahin ang aking sarili sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata at kalimutan ang mga bagay na bumabagabag sa akin.

Bakit kailangan palagi ako maging ganito? Bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko?

Napapitlag ako nang madinig ko ang pagkatok ng kung sino. Maagap kong pinunasan ang nagbabadyang luha sa aking mata bago pagbuksan ang tao sa labas.

“Hey! You seem so odd today. May nangyari ba kanina?” gusto ko man siyang tingnan sa kanyang mga mata ay tila nawalan ako ng lakas ng loob dahil sa nangyayari.

Sinikap kong ngitian siya para kahit papaano ay hindi na siya magtaka sa kinikilos ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabila kong balikat at di kalaunan ay ikinulong niya ako sa makikisig niyang bisig. Amoy na amoy ko ang suot niyang pabango dahil sa magkadikit naming katawan.

Hindi rin nagtagal ay kumalas na siya sa kanyang yakap at hinalikan ako sa aking noo. Napakagat ako sa aking labi dahil sa ginawa niya.

“If you’re already tired, you better take a rest, Mark.” mabilis akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Maraming senaryo ang pumasok agad sa isip ko kung iiwan ko silang tatlo - kung iiwan ko si Tale sa babaeng yun. Hindi ako makapapayag.

“Hindi! Nakakahiya naman kung hindi—”

“You don’t have to. I’ll just explain to them that you’re not feeling well…”

“Tale.” tawag ko sa pangalan niya sa gitna ng kanyang pagsasalita.

“They will understand.”

“Tale…” mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay para ipahatid sa kanya na ayos lang ako at hindi ko kailangang hindi sila daluhan.

Napabuntong-hininga siya kalaunan at wala ring nagawa bandang huli. Alam ko sa sarili kong hindi masama ang pakiramdam ko. Sadyang maraming mga bagay lang talaga ang tumatakbo sa isip ko ngayon.

Huwag ka dapat panghinaan ng loob, Mark. Alam mo kung saan ka dapat lulugar at kung ano ang dapat mong ipaglaban.

Sabay kaming dalawa ni Tale na bumalik sa hapag-kainan at naabutan ang dalawang babae na may pinaguusapan na kung ano. Mukhang tapos na rin silang kumain dahil sa naubos nang pagkain sa kanilang pinggan samantalang sa akin ay hindi pa nagagalaw.

“What took you so long, Mark? Naubos na tuloy namin yung foods.” magiliw na pakikipag-usap sa akin ni Samantha, tila walang ideya sa nagsisimulang tensyon sa aming dalawa ng kasama niya.

Hilaw ko itong nginitian.

“Ayos lang. Masarap ba?” pagtugon ko sa kanya. Saglit na bumaling ang tingin ko kay Natalie nang pasimple itong nagpunas ng table napking sa kanyang bibig. Ngayon ko lang napansin na masyadong halata ang cleavage niya sa suot niyang black glittery dress. Sinadya niya bang ganyan ang isuot dahil bibisitahin niya si Tale.

Napairap ako sa aking isip.

“It tastes good.” muli kong tinapunan ng tingin si Natalie nang siya ang sumagot sa tanong ko. Maging si Samantha ay nabaling rin ang atensyon sa kanya.

“No wonder Alfred Tale cooked this for us. Right?” tumuon ang makahulugang tingin nito kay Tale na mukhang walang ideya sa ginagawa ng babae. Abala kasi siya sa pagkain.

“Hmm? Actually, Mark will supposed to cook this but—” hindi na natapos sa pagsasalita si Tale nang bigla namang sumingit si Samantha.

“Why is that?” marahan pa akong tinapik nito sa aking braso sa kuryusidad.

“Aksidente ko kasing nahiwa ang daliri ko.”

“Probably, that was hurt.” saglit itong tumingin sa kanyang katabi na si Natalie bago ibalik ang tingin sa akin. “Does it still hurt?”

“Hindi naman na masyado. Gusto ko pa sanang tumulong sa pagluluto pero ayaw na akong patulungin ni Tale. Nagmukha tuloy na naputulan ako ng daliri.” agad na rumihestro ang malakas na tawa ni Samantha dahil sa sinabi ko. Maging ako at si Tale ay natawa rin.

“Thankfully, Alfred Tale got your back. I know he’s also a good cook like you so no wonder na masarap ’tong dinner natin. Actually, Natalie ang Tale went to same culinary school.”

Nawala ang aking ngiti dahil sa huling sinabi ni Samantha. Biglang natahimik ang hapag na tila napuno ng awkwardness sa aksidenteng nabitawan niyang rebelasyon.

Hindi ko alam na nag-aral rin pala sa culinary school si Tale. Ni minsan ay hindi niya nabanggit sa akin ang bagay na yun.

“Gusto niyo ba ng wine?” nakangiting pag-alok ni Tale sa amin dahilan para mabalik ako sa aking sarili.

“It’s a pleasure to have some wine with you, Tale.” patutsada naman ni Natalie sa alok ni Tale.

Tatayo na sana si Tale sa kanyang kinauupuan nang maagap akong tumayo upang magpresinta.

“Ako na ang kukuha ng wine.” hindi ko na hinintay pang makasagot si Tale at tulad kanina ay maagap akong naglakad patungo sa kusina at hinanap kung saan nakalagay ang hilera ng mga wine.

Matapos ay tinungo ko naman ang cabinet kung saan nakalagay ang mga wine glass. Isa-isa kong nilalapag ang mga ito sa counter nang may sumulpot mula sa likuran ko.

“Need a hand?” plastik na kung plastik, pero mas malala pa siya sa isang plastik kung tutuusin sa naging alok niyang yun.

“Kaya ko na.” pagtanggi ko sa alok niya tsaka sinara ang cabinet.

“Obviously, you can’t.” napairap ako sa hangin dahil na naman sa patutsada niya. Hindi ba siya nakakaintindi ng tagalog o sadyang makitid lang talaga ang isip niya para makaintindi.

“Ayos lang. Kaya ko talaga.” sinikap kong hawakan ang apat na wine glass sa isa kong kamay at sa kabila naman ay ang bote ng wine. Maglalakad na sana ako pabalik nang magsalita muli si Natalie.

“Are we good? It seems there’s something off between us.” walang gana ko siyang hinarap. Sadyang ganito lang ako makitungo sa kanya dahil sa mga sinabi niya sa akin noon nang una kaming magkita. Pero ngayon, ibang-iba siya sa ugali niya noon. Para siyang demonyo na nag-anyong anghel para lang linlangin ang kung sinuman.

“May nagawa ba akong mali? Para kasing may kinikimkim kang galit sa akin.” parang may dalang pang-uuyam at kaplastikan ang tono ng boses niya. Sinasadya niya bang inisin ako?

“Paano mo naman nasabi na parang may galit ako sa’yo? Ngayon lang naman tayo nagkita.” pagsisinungaling ko upang matapos na ang kung anumang binabalak niya.

Handa na sana akong talikuran siya nang magsalita siya na ikinatigil ko.

“Is it about what Samantha said earlier? Kaya ganyan ka makitungo sa akin ngayon?” nangunot ang aking kilay sa pagtataka. Gusto kong huwag siyang patulan sa mga pinagsasabi niya. Wala akong ganang makipaglaro ngayon sa kanya.

“Don’t tell me you’re jealous.” muli kong napansin ang nang-uuyam niyang tono sa sinabi. Nanghihina ang aking kamay hindi dahil sa kaba kundi sa labis na inis sa mga pinapatama niyang hinala sa akin.

“You don’t have to be jealous if that’s what you feel, Mark. We both went to same culinary school because we’re childhood friends. We’re so close to the point we got so attached with each other.” gumuhit ang ngisi sa mapula niyang labi samantalang ako ay nagtataka na nakatingin sa kanya.

Anong kalokohan na naman ng babaeng to?

“Anong ibig mong sabihin?” tangi kong nasabi dahil tila umatras na ata ang dila ko sa hindi inaasahan niyang rebelasyon.

“You know, I am his first friend, first crush, and first love.” dahan-dahan akong napailing-iling. Hindi totoo yan. Hindi siya ang first love ni Tale dahil sinabi niya sa akin noon kung sino ito. Kaya malabong siya ang unang babaeng minahal ni Tale. Hindi ako naniniwala.

“Huwag mo akong pinagloloko.”

Hilaw siyang napatawa at napairap sa hangin. Aktong-akto niya ang mga kontrabidang napapanuod ko sa telebisyon. Kagayang-kagaya niya na handang gawin ang lahat para masira lang ang relasyon ng dalawang bida na nagmamahalan.

“You don’t believe me? Why don’t you ask him?”

“Hindi na kailangan…”

“Why? Are you scared to ask him because you’re just his mere toy?” mas lalong lumapad ang ngisi sa kanyang labi dahil mukhang napagtagumpayan niyang inisin ako sa wakas.

Ngayon lang ako nakatagpo ng babaeng tulad niya buong buhay ko.

“Bakit hindi mo sabihin sa sarili mo yan? Laruan ka lang din naman niya ah.”

“Yes. I admit that I was also his toy, but I was his first love before we agreed to each other to become fuck buddies.”

Hilaw akong napatawa sa mga bulgaran niyang mga salita. Ganito ba ang ugali ng babaeng ’to? Masyadong bulgar?

Una, childhood bestfriend, tapos first love at fuck buddies? Baliw na ba siya?

“Nahihibang ka na. Sa tingin mo ba maniniwala ako sa mga kahibangan mo?”

“At sa tingin mo ba magagawa kang seryosohin ni Tale? Pampalipas-oras ka lang niya. Huwag ka nang umasa pa, masasaktan ka lang. Mukha kasing asang-asa ka sa kanya.”

Sinikap kong kagatin ng mariin ang labi ko upang pigilin ang nagsisimula nang sumibol na galit sa aking sistema. Ngayon lang ako napuno ng ganito dahil lang sa isang babae. Ayoko siyang patulan dahil babae siya pero kung ganito rin naman siya kung makaakto, mukhang  daig niya pa ang isang demonyo na maninira ng katinuan ng isang tao.

“You know what, you look so sophisticated and  classy because of your looks but I can’t believe that your attitude is slum-like, basura.” napahigpit ang kapit ko sa wine glass dahil sa biglang pagsilab ng mga mata niya. Tila tinamaan ko ang ego niya sa mga binato kong salita sa kanya.

Napapa-english pala ako kapag naiinis.

“What did you say?” kahit mahigpit na ang naging kapit ko sa mga wine glass ay nabitawan ko ang mga ito nang makatanggap ako ng malakas na sapak mula sa kanya. Muntikan pa akong matumba dahil sa lakas nito.

Nakabaling-patagilid ang aking ulo nang marinig ko ang sunod-sunod na mga yabag papalapit sa aming pwesto. Nakita ko ang pagluhod ni Natalie sa mga basag-basag na piraso ng wine glass na ikinagulat ko.

“What happened?” baritonong boses ni Tale ang sunod kong narinig kasunod ang tili ni Samantha mula sa aking likuran.

“Oh my gosh, Natalie.” parehong dinaluhan nina Tale at Samantha si Natalie na nakalugmok sa sahig habang duguan. Malayong-malayo ang hitsura niya ngayon sa mapang-uyam niyang tingin sa akin kanina.

“Are you okay?” sinserong tanong ni Tale sa kanya. “Be careful.” maingat na inalalayan ni Tale at Samantha si Natalie na makatayo samantalang ako ay nanhahapdi ang pisngi dahil sa ginawa ng huli. Napadaing pa ito dahil sa mga sugat niya sa paa.

Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin ang bagay na yun.

“What did you do, Mark.” bumaling ang atensyon ni Tale sa akin na puno ng poot sa inaakala niyang ginawa kong masama kay Natalie.

Hindi ko nagawang depensahan ang sarili ko dahil sa nagsisimulang pagkirot ng dibdib ko. Unti-unti na ring kinakapos ang aking paghinga dahil sa nangyayari.

“I’m just trying to help him carry those wine glass but he refuse me. I insist then he threw the glasses to me. He even pushed me, Tale.”

“Hindi totoo yan.” sobrang hina ng naging boses ko na nagmistulang walang mga salitang lumabas sa aking bibig.

“We need to bring her to the hospital.” nagaalalang suhestiyon ni Samantha.

“No, I’m fine, Sam.”

“No you’re not. Sam’s right.” natigilan ako nang salungatin ni Tale ang sinabi ni Natalie.

“I am really alright, Tale.”

Nang-init ang aking mga mata nang masulyapan ko ang maingat na pagbuhat ni Tale kay Natalie. Nagaalala namang umalalay si Samantha sa kaibigan.

“Wait me here. We need to talk.” sambit niya bago tuluyan silang lumisan bitbit si Natalie.

Nanghihina ang aking katawan na napaluhod sa malamig na sahig nitong kusina sa nasaksihan. Hindi ko man lang nagawang maipagtanggol ang sarili ko. Hindi ko man lang nagawang ipaliwanag ang sarili ko kay Tale.

Tuluyang dumaloy ang sariwang luha pababa sa aking pisngi. Napadaing pa ako nang mangirot ang aking pisngi. Napahawak ako dito.

Napakagat ako sa aking labi dahil sa kirot, dahil sa sakit, dahil kay Tale.

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Follow me on Dreame for more updates (◕ᴗ◕✿)

TPT - 21

Alfred Tale Crosagne


M A R K

Ilang oras na ata akong umiiyak dahil sa nangyari kanina. Pakiramdam ko ay mugtong-mugto na ang pareho kong mata dahil nagsisimula na ring manghapdi ito. Minsanan akong napapapukpok sa aking dibdib dahil sa kirot nito sa tuwing naaalala ko ang tinging ipinukol sa akin ni Tale kanina.

“What did you do, Mark?”

Muli akong napahagulgol nang manariwa sa aking isip ang sinabing yun ni Tale. Punong-puno ng poot ang ekspresyon ng kanyang mga mata habang sa akin nakatingin. Ayaw kong paniwalaan ang kutob kong yun. Gusto kong isipin na nagaalala rin siya sa akin kahit papa’no. Gusto kong isawalang-bahala ang mga isiping yun.

Ngunit ang maalala ang huli niyang sinabi bago sila umalis ay parang isang punyal na tumarak sa dibdib ko.

“Wait me here. We need to talk.”

Umayos ako ng pagkakaupo sa malambot na kama nitong kwarto ko. Mas minabuti kong dito muna manatili habang hinihintay ang pagbalik ni Tale.

Hindi dapat ako nagkakaganito. Alam ko sa sarili kong wala akong kasalanang ginawa sa babaeng yun. Lahat lamang na yun ay ginawa niya para mabaling ang galit sa akin ni Tale sa akin hindi sa kanya.

Naikuyom ko ang aking kamay dahil sa galit sa babaeng yun. Bakit kailangang may mamagitan pa sa kanila ng babaeng yun.

“You know, I am his first friend, first crush, and first love.”

Masyado na bang malalim ang naging pagsasama nilang dalawa? ’Yon ba ang dahilan kaya ganun na lang siya ka-concern sa babaeng ’yon?

Napatigil ako sa pag-iyak nang makarinig ako ng mga yabag mula sa labas ng kwarto. Tahimik ko lang itong pinakinggan hanggang sa mawala ang mga yabag na ’yon.

“Mark?” narinig ko ang pagtawag ni Tale sa pangalan ko at ang sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto.

Sinikap kong punasan ang natuyong luha sa aking pisngi at inayos ang sarili ko. Ngunit kahit ano namang gawin ko ay mahahalata niya pa rin ang pag-iyak ko dahil sa namumula at mugto ko nang mga mata.

“Mark?” tawag niya muli at mas lumakas pa ang mga katok na kanyang nililikha.

Sa puntong ’yon ay napagdesisyunan kong tumayo na upang pagbuksan siya ng pinto. Saktong pagbukas ko ay ’yon din ang pagtatagpo ng mata naming dalawa. Wala akong mabasang emosyon sa kanyang mga mata.

Imbes na tumitig sa kanya ay pinili ko na lamang na iyuko ang aking ulo. Mariin kong naikagat ang aking labi dahil sa nagsisimulang pagdaloy muli ng mainit na luha sa aking mata. Pakiramdam ko ay ang hina-hina ko.

“Wala akong ginawang masama sa kanya.” panimula ko kasabay ang pamamalat ng aking boses.

“She’s already fine.” pagtutukoy niya kay Natalie.

“Mabuti naman kung ganun.” kahit labag sa aking kalooban ay ’yon na lamang ang kusang lumabas sa bibig ko.

Hinayaan kong bukas ang pinto nitong kwarto at bumalik ako sa pagkakaupo sa aking kama. Natatakot akong tingnan siya ngayon ng diretso dahil baka makita ko lang ang emosyong nakita ko sa kanya kanina. Ang hirap tanggapin para sa akin na matingnan niya ng ganun, parang ang sama-sama kong tao.

“She said you smarted her out. Bakit mo naman kailangang gawin ’yon sa tao, Mark? She just wanted to help you carry those glasses.” tila kada salita niya ay isang punyal na tumatarak sa aking dibdib. Ang hirap tanggapin na paratangan niya ako ng isang kasalanan na hindi ko naman ginawa. Hindi niya man lang nagawang tanungin muna ako kung ano ba talaga ang nangyari.

Kusang nang-init ang gilid ng aking mga mata at kusang dumaloy muli ang sariwang luha mula dito.

“Look at me, Mark. I am talking to you.”

Sadyang nakakabingi ang mga sinabi niya. Hindi ko na alam kung ano nga ba ang dapat kung sabihin para ipagtanggol ang sarili ko.

“Sinabi niya sa akin na kaibigan mo na siya noon pa man.” pinaglalaruan ko lamang ang aking mga daliri at doon lang nakatuon ang buo kong atensyon.

“What do you mean?” bakas sa kanyang boses ang pagtataka.

“Sinabi niya rin sa akin na siya ang unang taong minahal mo, Tale.”

“What are you talking about, Mark?” narinig ko ang paghakbang niya papalapit sa akin. Naramdaman ko ang kanyang bulto sa harapan ko. Hindi ko na sana ’yon papansinin nang kasunod ay lumuhod siya sa harap ko.

“Look at me.” kusang umangat ang aking mukha nang maingat niyang alalayan ito. Kahit ayaw ko man, ay muling nagtagpo ang mata naming dalawa.

“You know that she’s not my first love. You know that.” amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga dahil sa sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin. Kitang-kita ko ng malinaw ang bawat parte nito, maging ang nagsisimulang tumubong balbas niya ay napansin ko.

Isang pangalan ang pumasok sa isip ko.

“Si Veronica.”

“But I don’t love her anymore.”

Nabalik ang tingin ko sa mga mata niya sa naging sagot niya.

Nakita ko ang paggalaw ng kanyang adams apple nang lumunok siya. Naramdaman ko rin ang pagpunas niya sa panibagong luha na dumaloy pababa sa aking pisngi.

Ayoko nang umasa.

Ayoko nang masaktan pa ng dahil sa kanya.

Marahan kong tinabig ang kanyang kamay at pilit na inalayo ang aking sarili palayo sa kanya.

Alam ko na kung saan ’to papunta.

“Sinabi sa akin ni Natalie na naging laruan mo siya noon.” pakiramdam ko ay may bumarang kung ano sa lalamunan ko. Mahirap aminin ito sa kanya ngunit kailangan kong gawin.

“What? Is she out of her mind?”

“Hindi Tale. Simula nang may namagitan sa atin hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano bang merong relasyon tayong dalawa. Pero dahil sa mga sinabi ni Natalie, sa tingin ko kung ano nga lang ba ako sa’yo…” tumigil ako saglit sa pagsasalita at pilit na kinalma ang sarili.

“…na isa lang rin ako sa mga naging laruan mo.”

Paulit-ulit siyang umiling sa harap ko. Sinubukan niyang lumapit sa akin ngunit naging maagap ako at mabilis na nakalayo mula sa kanya.

“Don’t say that.” halata sa kanyang boses ang pamamalat nito tulad ko.

“Tama na, Tale. Tama naman ako diba? ’Yon naman talaga ang tingin mo sa akin, diba?” humakbang siya muli papalapit sa akin at muling sinubukang yakapin ako. Napagtagumpayan niya akong ikulong sa kanyang bisig ngunit nagpumilit akong kumalas sa yakap niya.

“Hindi totoo yan… Mark, hindi totoo yan. Please, believe me.”

Paulit-ulit niyang sinabi ang mga salitang ’yon hanggang sa sumuko na lamang ako sa pagpupumilit na kumalas sa kanya. Napasubsob ako sa kanyang dibdib at doon nilabas ang kirot na nararamdaman ko.

Ramdam ko ang kanyang paghikbi habang nakayakap sa akin. Paulit-ulit niya lang sinasambit ang mga ’yon at pilit na pinaniniwala ako.

“Ayoko na. Masyado na akong nasasaktan, Tale. Itigil na natin ’to.” sa wakas ay nagawa kong ikalas ang braso niya at nagawang makalayo sa kanya.

“Ni minsan ay hindi ko ginawang paglaruan ka. Walang pagkakataon na inisip kong paglaruan ka.”

“Pero bakit? Bakit ako nasasaktan ngayon ng ganito? Bakit pilit akong nababahala sa mga taong dumaan sa buhay mo?”

Natahimik siya. Tanging mga hikbi lamang namin ang lumilikha ng ingay sa bawat sulok nitong kwarto. Napahawak ako sa pader dahil sa labis na panginginig ng aking tuhod.

“Mahal kita pero ayoko na.”

“You can’t.” biglang dumagundong ng malakas ang aking dibdib dahil sa pag-iba ng emosyon ng kanyang boses. Aksidenteng napatingin ako sa ngayong nag-aalab nang mga mata niya. Napansin ko rin ang pagkuyom ng kanyang kamao marahil dahil sa nasabi ko.

Napaatras ako nang bahagya siyang humakbang palapit pa sa akin. Ngunit dahil sa nanghihina pa rin ang aking tuhod ay mariing napakapit na lang ako sa gilid nitong pinto.

“I already own you, Mark and you can’t leave me just because you want to.”

Napipilan ako. Nilukob ako ng matinding takot dahil sa galit na boses ni Tale. Hindi ito ang unang beses kong makita siyang magalit ngunit hindi pa rin ako sanay na ganito siya.

Unang beses ko siyang makitang magalit ay noong minsang magkita kami sa bar. Sumunod naman ay noong umalis ako ng hindi nagpapaalam. Ngayon naman ay dahil sa sinabi ko.

“Hindi ako papayag na iwan mo ako tulad ng ginawa niya sa akin.”

Niya? Sino ang tinutukoy niyang ‘niya’?

Bawat hakbang niya papalapit sa akin ay ’yon din ang paglakas ng kabog ng aking dibdib. Hindi ko magawang magalaw ang aking katawan dahil sa labis na takot. Hindi ko rin magawang makapagsalita.

“Anong ibig mong sabihin?” kung kanina ay siya ang walang ideya kung ano ang sinasabi ko, mukhang bumaligtad naman ang sitwasyon ngayon.

Ako naman ang walang ideya sa nangyayari.

Bakit bigla siyang nagkakaganito?

“Don’t let me do this, Mark.”

Kapansin-pansin ang mabilis na pagtaas-baba ng kanyang dibdib dahil sa malalim niyang paghinga. Napapansin ko rin ang pagtangis ng kanyang panga habang unti-unti niyang paglapit sa akin.

Malakas akong napadaing nang mahigpit niya akong nahawakan sa aking braso. Tila tinamaan ako ng malakas na kidlat dahil sa gulat sa ginawa niya.

“Tale, nasasaktan ako…” hirap akong kalasin ang paghawak niya sa braso ko. Parang madudurog ang buto ko dahil sa higpit ng kanyang pagkakahawak.

Walang hirap niya akong binalibag sa ibabaw ng kama at pilit na ikinulong sa pagitan ng kanyang mga braso. Nagpumilit akong kumawala sa kanya ngunit balewala lamang ang lakas ko kumpara sa malaki niyang katawan.

Nanlaki ang aking mata nang maramdaman ko ang pagkapunit ng suot kong tee shirt. Kasunod ay ang walang hirap niyang pagpunit rin sa suot niyang polo. Malinaw sa aking paningin ang mga natanggal na butones nito. Saglit lang niya ring naikalas ang kanyang sinturon. Mas lalong binalot ako ng matinding takot. Hindi ko inaasahan na magkakaganito siya.

Halos bumaon na ang kuko ko sa hubad niya nang katawan ngunit tila hindi niya ito inda dahil abala siya sa paggalugad sa leeg ko. Ramdam ko ang kirot sa ginagawa niyang pagsipsip at bahagyang pagkagat sa parte kong yun.

Basang-basa na ang buo kong mukha dahil sa kaiiyak ngunit kahit umiyak na ata ako ng dugo ay wala pa rin itong magagawa sa dinadanas ko ngayon.

Marahas niyang binaling paharap ang ulo ko nang sinubukan ko itong ilayo sa kanya.

“You’re only mine, Mark. No one can ever own you but me.” halata ang panggigigil sa kanyang boses. Nagmukha siyang isang demonyo na nakaibabaw sa akin at balot na balot ng itim na usok.

Halos kapusin na ako ng hininga nang marahas niyang hinalikan ang aking labi. Pinilit kong itikom ang aking bibig ngunit mas naging marahas pa siya at napagtagumpayang galugarin ng kanyang dila ang aking bibig. Naging abala ang kanyang dila sa paghahanap ng akin samantalang ang isa niyang kamay ay walang hirap na naitaas ang pareho kong kamay.

Gusto kong sumigaw sa takot.

Gusto ko siyang saktan dahil sa pambababoy na ginagawa niya sa akin.

Gusto kong sisihin ang sarili ko.

“Tama na, Tale! Nagmamakaawa ako sayo… Tama na…” hinugot ko ang buong lakas na natitira sa akin sa sigaw na yun nang tigilan niya ang aking labi. Ramdam ko ang panhahapdi nito dahil sa rahas ng kanyang paghalik.

Natigilan siya. Hindi ko makita ng malinaw ang kanyang mukha dahil sa nakayuko siya. Hangos-hangos siyang napabitaw sa pareho kong kamay. Napahilot ako sa mga ito at mabilising tinakpan nito ang katawan ko kahit alam kong walang magagawa ito dahil sa ginawa niya.

Nanatili siyang nakadagan sa akin. Tanging mga hikbi at pag-iyak na lang ang kaya kong gawin dahil sa sobrang pagkagimbal sa nangyari.

“I’m sorry.” halos pabulong na sabi niya.

“I’m really sorry… I-I just got carried away.”

Sa wakas ay umalis na siya sa pagdagan sa akin at nakatalikod na naupo sa gilid nitong kama. Kahit nanghihina ay nagawa kong ilayo ang sarili sa kanya at pilit na isiniksik ang sarili sa kanto nitong kama. Hinila ko ang comforter nitong kama at itinakip ito sa aking hubad nang katawan.

Bumaling siya sa akin. Nawala na ang kaninang galit sa kanyang mukha pero ang pamumula ng kanyang mata ay nababakas pa rin. Susubukan niya sanang ilahad ang kanyang kamay upang abutin ako nang naging maagap akong pigilan siya.

“H-huwag mo akong hahawakan…” halos pabulong kong pigil sa kanya.

“Mark, hindi ko sinasadya… Please, believe me.” pilit siyang lumalapit sa akin. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Pinipigilan ang sariling huwag maiyak muli dahil sa takot.

Bakit ganito? Bakit biglang naging ganito?

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

“Hindi na mauulit. Please, patawarin mo ako, Mark. Hindi ko talaga sinasadya. Nadala lang ako ng emosyon ko.” pagpapatuloy niya.

“Huwag… Tama na… Ayoko na… Maawa ka sa’kin.” tila isang bangungot ngayon ang mahawakan ang aking katawan. Tumitindig ang aking balahibo dahil sa pangamba. Pangamba na baka ito na ang katapusan ng lahat ng ito.

“Please, huwag mo akong iwan… Huwag mo akong iiwan, Mark. I’m begging you…” pasinghot-singhot siya habang binibigkas niya ang mga katagang yun.

Napailing-iling ako nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa labas nitong kumot. Mahina akong napaigik dahil sa pandidiri sa sarili ko. Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko na.

Bakit Tale? Bakit kailangan mong gawin sa’kin ang lahat ng ’to?

Bakit kailangang ikaw ang maging dahilan ng pagdurusa kong ’to?

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 22

Mark Hope Calvares


M

A R K

Nagpalinga

-linga ako sa buong paligid nang malaman kong

nakatayo

ako sa gitna ng malawak na

kadiliman

. Tanging sarili ko lamang ang

nakikita

ko. Wala akong

masinag

na kahit anong

liwanag

.

Sinubukan kong

iangat

ang

paa

ko upang

tangkain

sanang

maglakad

nang hindi ko ito

magawa

.

Nagtaka

ako. Nangunot ang aking noo sa nangyayari.

Nasa’n

ako?’ tanong ko sa aking isip.

Sa gitna ng aking pagtataka ay napalingon ako sa boses ng isang bata.

“What are we doing here, mister?”

nadinig

kong sabi nito sa

kausap

niyang lalaki.

Matangkad

ito at malaki ang katawan.

Hindi ko

maaninag

ng

maayos

ang mukha

nila

dahil pareho silang

nakatalikod

mula sa akin.

“Your parents ars waiting for you here.”

brusko

ang boses ng lalaki. Malalim ang boses nito.

Hawak

hawak

lamang nito ang kamay ng bata habang pareho

nilang

tinatahak

ang

mahaba

at madilim na

pasilyo

.

Mariin kong

naipikit

ang

aking mga mata nang biglang sumalubong sa akin ang

nakasisilaw

na

liwanag

. Saglit akong

napakurap

bago sumalubong sa akin ang hindi ko inaasahan.

“Mark!” umalingawngaw ang malakas na sigaw ng isang babae dito sa malawak na kwarto.

Iyon

na lamang ang gulat ko nang sumalubong sa akin ang nagaalalang mukha ni mama na nakatingin sa akin.

“Mama. Papa.” mahinang tawag ko nang mapagtanto ko ang sitwasyon ng mga magulang ko. Pareho silang nakatali sa upuan.

“Papa.” muling tawag ko kay papa nang mapansin na wala itong malay. Nabaling ang tingin ko sa duguan niyang suot na damit.

Napatakip ako ng bibig sa nasilayan. Kusang dumaloy pababa sa aking pisngi ang sariwang luha nang mapagtanto ang aking nasaksihan.

Hindi maaari…

“Mama! Papa!” mabilis na tumakbo papalapit ang batang lalaki kay mama at mahigpit siya nitong niyakap.

“Hayop ka! Huwag mong idadamay dito ang anak ko!” galit na galit ang boses ni mama na sinigawan ang kung sino.

Kusang napalingon ako sa taong ’yon nang madinig ang dahan-dahang paghakbang nito mula sa madilim nitong parte ng kwarto.

Natigagal ako sa nakita. Hindi ko inaasahan na makikita dito si Tale. Malinaw na malinaw ang pag-ngisi niya matapos

hithitin

ang

nagbabagang

sigarilyo sa kanyang kamay.

“I wont hurt your son if you will give me the diamond. Decide, Ellen. The diamond or your son’s life?” malalim ang boses ni Tale na labis na nagbigay ng matinding

pangingilabot

sa aking kalamnan.

Anong nangyayari?

“Ilang beses ko nang sinabi sayo na wala sa akin ang

hinahanap

niyo!“

Pagak na

tumawa

si Tale sa

tinuran

ni Mama. Sinadya niyang

itapon

ang natitirang parte ng kanyang sigarilyo sa sahig at agad na

inapakan

hanggang sa

maupos

ito.

“Don’t make me laugh, Ellen. Fine!

Madali

akong

kausap

…“ biglang

tumahimik

ang buong paligid.

Tumindig

ang ang buo kong kalamnan nang makita ang

pagbunot

ni Tale ng isang baril mula sa kanyang likuran.

“Huwag…” para akong nawalan ng boses dahil hindi ko magawang

bigkasin

ang isang salitang ’yon.

Ang gumalaw ngayon upang pigilan si Tale sa kanyang binabalak ay

imposible

para sa akin.

“Take the kid away…” maotoridad na utos ni Tale sa mga kasama.

Bago pa man ako makatanggi ay hila-hila na ng isang lalaki ang batang lalaki papalayo kay mama. Malakas ang boses nitong tinawag sa mama at nagpupumilit na muling mahagkan si mama.

“Please! Huwag niyong sasaktan ang anak ko! Nagmamakaawa ako sa inyo!”

Nagpumilit ang batang lalaki na makawala sa pagkakahawak ng lalaki hanggang sa napagtagumpayan niya ito. Mabilis na tumakbo ang bata. Muntik pa sana siya nitong maabot nang tanging kwintas lang nito ang nahawakan dahilan para mapatid ito mula sa leeg ng bata.

“Huwag Tale, nagmamakaawa ako sayo.”

Ngunit bago pa man

makalapit

ang bata ay malakas nang umalingawngaw ang

putok

ng isang baril. Gulat akong

napabaling

kay mama na duguan na at wala nang malay.

“ Mama!“ sa wakas ay

nagkaroon

ako ng

pagkakataon

na

mailabas

ang aking boses sa oras na ’yon.

Ngunit bago ko pa man maigalaw ang aking buong katawan ay binalot na ng matinding

kadiliman

ang buong paligid.

“Mama!” pinilit kong sumigaw at

nagbabakasakaling

makita muli si mama.

Umaasang

masagip siya sa

kapahamakan

.

Malalim akong

napabunot

ng hininga nang maramdaman ko ang kamay na

humawak

sa aking braso.

Nanlalaki ang aking mata na nabungaran si Tale na nagaalalang nakatitig sa akin.

“Mark! You’re having nightmare…”

Nang mabalik sa sarili ay agad ko siyang tinulak papalayo sa akin. Muling nanumbalik sa aking alaala ang ginawa niyang pambababoy sa akin at ang pagpatay niya sa mga magulang ko.

Galit ko siyang binuntungan ng tingin.

“Huwag kang lalapit sa akin!” marahas ko siyang muling itinulak nang tangkain niyang lumapit ulit sa akin. Hindi pa rin maalis sa kanyang mukha ang pagtataka sa nangyayari.

Nagpumilit akong siksikin ang sarili sa headboard nitong kama at binalot ang sarili nitong kumot. Kusang dumaloy muli ang sariwang luha sa aking namumugto nang mata.

“What’s happening, Mark?” halatang-halata sa kanya ang frustrasyon nang sinadya niyang sabunutan ang sarili.

“Fuck! You’re making me insane! Ano bang nangyayari sa’yo?” bahagya siyang napatayo sa kama. Nanginginig ang kanyang kamay na sinikap muling abutin ako.

Nakapikit kong ibinaling papalayo sa kanya ang aking ulo sa labis na takot na baka maulit na naman ang ginawa niya sa akin kanina.

“Please, tama na… Nagmamakaawa ako sayo…” mahihinang halinghing ng pag-iyak ko ang pumailanlang sa buong kwarto. Nanatili lamang na nakapikit ang aking mata. Takot na baka makita muli ang galit na mukha ni Tale.

“Shit.” mahinang pagmumura ni Tale.

Mahabang katahimikan.

“Mark.” pagtawag niya sa akin.

“I’m worried. Please, tell me what’s happening.” bahagya akong napapitlag nang maramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko.

“Huwag… Huwag…” ang kaninang paghawak niya lang sa balikat ko ay napunta sa pagyakap niya sa akin.

Malakas akong napadaing nang mahigpit niya akong nahawakan sa aking braso.

“Tale, nasasaktan ako…” hirap akong kalasin ang paghawak niya sa braso ko. Parang madudurog ang buto ko dahil sa

higpit

ng kanyang pagkakahawak.

Pilit niya akong ikinulong sa

pagitan

ng kanyang mga braso. Nagpumilit akong

kumawala

sa kanya ngunit balewala lamang ang lakas ko kumpara sa malaki niyang katawan.

Malakas akong napasigaw at nagpumilit na itulak siya palayo sa akin.

“Mark… Please… I won’t hurt you.” mas lalong humigpit ang kanyang yakap sa akin. Ang isa niyang kamay ay hinawakan ang aking ulo.

Buong pwersa ko siyang sinuntok sa kanyang dibdib ng ilang ulit ngunit hindi man lang siya natinag. Nanhahapdi na ang aking mga mata sa lubha na ng aking pag-iyak. Hirap na rin ako sa paghinga dahil sa paninikip ng aking dibdib. Gahol pa akong napaubo dahil sa pagtaas ng aking emosyon.

Naalimpungatan ako nang madinig ko ang pagbukas-sara ng pinto ng aking kwarto. Ramdam ko ang bahagyang pagkirot ng aking mga mata nang imulat ko ito ngunit agad ring napapikit nang masulyapan si Tale ang pumasok.

Pinakiramdaman ko ang bawat galaw niya. May kung ano siyang nilapag sa bedside table. Ilang saglit ay lumundo ang kama sa harap ko.

Pinagpatuloy ko ang pagpapanggap na natutulog. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang mahinang paghaplos niya sa buhok ko.

“Mark?” mahinang bulong niya sa pangalan ko.

Wala akong tinugon.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko. I have no any idea kung bakit bigla ka na lang nagkaganun kanina. I hope I could help you. You’re breaking my heart, Mark. Seeing you suffering like this really breaking my heart.”

Naikuyom ko ang aking kamay nang madama ko ang kanyang halik sa aking noo.

Kalaunan ay nadinig ko ang mahihina niyang yabag at ang muling pagbukas-sara ng pinto. Naghintay muna ako ng ilang saglit bago tuluyang imulat ang aking mga mata. Maingat akong bumangon mula sa pagkakahiga at sumandig sa headboard nitong kama.

Napalingon ako sa bedside table. Ang kaninang nilapag niya pala dito ay tray ng pagkain. Napaling ang tingin ko sa labas at malaman na umaga na pala. Napahilot ako sa ulo ko dahil sa pangingirot nito.

Nanunuyo na rin ang lalamunan ko kaya naman ay maingat kong inabot sa tabi ko ang isang baso ng gatas. Saglit akong natigil nang mapansin ang isang sticky note sa ibaba ng tray. Inabot ko ito at binasa.

‘Have some breakfast, Mark.’

Naikagat ko ang aking labi dahil sa nabasa.

Muli akong napasulyap sa bintana nang madinig ko ang ugong ng makina ng sasakyan mula sa labas. Mabilis akong pumalis sa ibabaw ng kama upang silipin ’yon. Nangunot ang aking noo nang matanaw ang sasakyan ni Tale papalabas nitong lugar.

‘Saan siya pupunta?’ tanong ko sa isip ko.

Muli akong bumalik sa kama nang tuluyang makaalis si Tale. Napabuntong-hininga ako sa nangyayari ngayon sa akin. Hindi ko mapagtanto kung ano nga ba dapat ang gawin ko. Alin ang mas matimbang?

Napayuko ako at muling napabuntong-hininga. Sandali akong natigilan nang masulyapan ang suot kong t-shirt. Nangunot ang aking noo. Ito pa rin kasi ang suot kong tee shirt kapareho ng tee shirt na pinunit ni Tale nang pagtangkaan niya akong halayin.

Mas lalong nangunot ang aking noo. Napuno ng pagtatanong at pagtataka ang aking isip. Naguguluhan akong napatitig sa band-aid sa aking daliri. Nagpalinga-linga ako sa buong kwarto. Tumayo ako at binuklat ang comforter nitong kama. Wala akong nakitang butones ng polo sa ibabaw ng kama. Napalunok ako.

Hindi mapawi sa sistema ko ang pagtataka.

Imposibleng hindi ’yon totoo. Damang-dama ko kung paano niya ako marahas na hinawakan. Malinaw na malinaw sa aking alaala ang bawat detalye ng pangyayari.

Kahit naguguluhan sa nangyayari ay wala akong padadalawang-isip na tinungo ang closet kung saan nakalagay ang mga damit ko. Inabot ko sa itaas ang isang duffle bag at agad na isinalansan doon pasilid ang aking mga kagamitan. Naluha ako sa balak na gawin.

Nang matapos ay kinuha ko ang aking cellphone at wallet sa drawer at agad na nilisan ang bahay ni Tale.

Mabilis kong tinipa ang numero ni tita Emma sa kalagitnaan ng aking paglalakad papalabas nitong subdivision. Palingon-lingon ako sa buong paligid habang hinihintay ang pagsagot ni tita. Nakailang dial pa ako ng kanyang numero bago niya ito sagutin.

“Napatawag ka, Mark?” masayang bungad sa akin ni tita Emma mula sa kabilang linya.

“T-tita…” hindi ko napigilang mautal sa muling pagbugso ng aking damdamin dahil sa ginawa kong pagtakas. Naiiyak ako. Natatakot sa pwedeng mangyari.

“May nangyari ba? Umiiyak ka ba, Mark?” napawi ang galak sa kanyang boses at napalitan ito ng pag-aalala.

Tanging mga hikbi ko lang ang aking nagawa. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

“Mark? Ano bang nangyayari? Nasa’n ka ba? Pupuntahan kita riyan.” huling dinig kong sambit ni tita bago umikot ang buo kong paningin. Namamanhid ang buo kong katawan. Napahawak ako sa aking ulo. Mariing ipinikit ang aking mga mata.

“Mark? Nandyan ka pa ba? Diyos ko po…”

“Mama… Papa…” tanging mga hikbi at pag-iyak lang ang aking nagawa nang magising ako sa gitna ng masukal na kagubatan.

Madilim. Nakakatakot. Tila nasa loob ako ng isang bangungot.

Napadaing ako sa sakit nang muli kong sikapin na tumayo ngunit natumba rin kalaunan. Hindi ko magawang makapaglakad dahil sa sugat ko sa talampakan. May kung anong bumaon dito nang magpagulong-gulong ako sa gitna ng aking pagtakbo.

Napalingon ako sa kung saan nang makarinig ng boses ng mga tao.

“Hanapin niyo!” galit na galit na sigaw ng kung sino.

Kahit hirap gumalaw ay sinikap kong magtago sa gilid nitong puno. Takot na takot ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanginginig ang aking katawan dahil sa malamig na simoy ng hangin at takot.

“Mama… Papa…” muling pagtawag ko sa mga magulang ko.

“Mark… Mark…” napalinga-linga ako sa paligid nang madinig ko ang isang pamilyar na boses ng isang babae.

“Tita Emma?” pasinghot-singhot akong gumapang papalabas sa aking tinataguan at susubukan sanang silipin si tita ngunit ’yon na lamang ang gulat ko nang isang nakakatakot na lalaki ang sumalubong sa akin.

Habol ang hininga akong napamulat ng aking mga mata. Basang-basa ng luha ang pisngi ko. Napawi ang matinding takot ko nang sumalubong sa akin ang nag-aalalang si tita Emma. Mabilis akong pumayakap sa kanya.

“Tita…” halinghing ko. Ramdam ko ang marahang paghaplos ni tita sa likod ko na bahagyang ikinakalma ko.

“Tahan na. Nandito na ako.”

Nagtagal kami sa ganung posisyon bago ko napagdesisyunang kumalas na sa yakap niya. Hindi pa rin nawala ang pag-aalala sa mukha ni tita Emma.

Napalibot ang tingin ko sa buong kwarto. Nakahiga ako sa isang hospital bed kung saan may nakalagay na makina sa gilid nito. Tanging kaming dalawa lamang ni tita ang naririto.

“Ano bang nangyayari sayo?” maingat na pinalis ni tita ang panibagong luha sa aking pisngi.

Bigla kong naalala ang balak ko sanang pag-alis sa bahay ni Tale nang mawalan ako ng malay sa gitna ng paglalakad ko.

“Mabuti na lang may nakakita sa’yo nang mawalan ka ng malay at naisugod ka rito sa ospital. Naku! Ano ba kasing tumatakbo sa isip mo at may dala-dala kang bag? Nag-away ba kayo ni Tale?” naging sunod-sunod ang mga tanong ni tita habang hawak ang aking kamay.

Napayuko ako. Mariin na napakagat sa aking labi. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

“Mark? Nag-aalala ako sa kalagayan mo.” pagpupumilit sa akin ni tita.

Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at tinitigan si tita. Tinitimbang kung sasabihin sa kanya ang nangyari.

Ibubuka ko na sana ang aking bibig upang magsalita nang masulyapan ko ang pagbukas ng pintuan nitong kwarto at iniluwa nito si Tale. Agad na nagtagpo ang mata naming dalawa ngunit mabilis rin akong umiwas sa tinginang ’yon.

“Tale. Ikaw pala yan…” pagpansin ni tita sa presensya niya.

Napahigpit ang paghawak ko sa kamay ni tita nang humakbang papalapit sa amin si Tale at umupo sa kabilang gilid nitong kama. Hindi ko magawang tingnan siya ngayon.

“I’m glad you’re already awake.” nakangiting bungad sa akin ni Tale.

“Maiwan ko muna kayo para makapagusap kayo ng maayos.” napaangat ako ng tingin kay tita nang kalasin niya ang pagkakahawak sa aking kamay. Magsasalita na sana ako upang pigilan siya sa pag-alis nang mawalan ako ng boses. Hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas ng kwarto.

Naramdaman ko ang paghawak ni Tale sa aking kamay. Agad kong inilayo ang kamay ko sa kanya.

“Why did you leave, Mark?” pagtatanong niya sa akin.

Hindi ko siya sinagot at nanatili lang akong tahimik. Pinilit kong ituon ang aking atensyon sa paglalaro sa aking daliri dahil sa nagsisimulang kaba na umuusbong sa aking sistema.

“Is it about Natalie?” muli ay hindi ko siya tinugon.

“Look, I already talk to her about what really happened. I’m sorry if I misinterpreted what happened between you two. I’m sorry if I misjudged you, Mark. H-hindi ko sinasadya.”

“I’m really sorry… I-I just got carried away.”

Sinubukan niya muling abutin ang kamay ko ngunit naging maagap akong umiwas sa kanya. Nanariwa sa aking isipan ang nangyari.

Hindi na nawala sa aking isip ang tila isang bangungot na pangyayari nang ’yon. Ang makita si Tale ay nagiging dahilan lang para manumbalik sa akin ang pasakit na ’yon.

“Binaboy mo ako…” halos pabulong kong pag-amin sa kanya.

Saglit siyang natigilan. Halata sa kanyang mukha ang pagkagulat.

“A-anong ibig mong sabihin?” nauutal niyang tanong.

“Binaboy mo ako, Tale.” pag-uulit ko.

Punong-puno ng poot at paghihinagpis ang pagkatao ko ngayon.

“I can’t do that to you.” nangunot ang kanyang noo.

Napailing ako. “Pero nagawa mo na…” matatalim ko siyang tiningnan sa naguguluhan niyang mga mata.

“I-I don’t understand, Mark.” napailing siya. Nilahad niya ang kanyang braso upang abutin sana ako ngunit marahas ko itong pinalis.

Pagak akong napatawa sa pagpapanggap niya. Pipilitin niya ba akong sambitin ang mga salitang ’yon?

“You tried to rape me, Tale.”

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 23

Alfred Tale Crosagne


M A R K

Makalipas ang tatlong araw ay na-discharge na rin ako sa wakas sa ospital. Napapalinga ako sa mga nagtitirikang gusali na aming nadadaanan habang tinatahak ang kahabaan ng highway.

“Ayos na ba talaga ang pakiramdam mo, Mark?” Napalingon ako sa unahan nang madinig ko ang pagtatanong ni tita Emma sa akin mula sa shotgun seat.

“Opo, tita. Siguradong-sigurado po,” pagsagot ko.

“If you want anything, Mark, don’t hesitate to approach me. Okay?” Napangti ako nang sunod na magsalita si tito Romeo mula sa driver’s seat nitong sasakyan. Napresenta siyang sunduin kami nang makalabas ako ng ospital. Nakakatuwa lang dahil sobrang bait niya sa amin ni tita. Palagi siyang nakangiti at mababakas mo sa kanya ang labis na pagmamahal para kay tita Emma.

Naging tahimik ang aming byahe kalaunan. Saglit kaming naipit sa traffic kaya naman ay inabot na kami ng pagkagat ng dilim sa daan. Makalipas ang ilang oras ay pumasok kami sa loob ng isang magarang subdivision na ipinagtaka ko. Napasulyap pa ako sa nakasulat na pangalan nitong subdivision nang makapasok kami rito.

Ilang saglit lang ay huminto kami sa tapat ng itim na gate upang hintayin ito sa pagbubukas.Nangungunot pa rin ang aking noo sa labis na pagtataka kung ano ang ginagawa namin sa lugar na ‘to.

“Tita? Ano pong ginagawa natin dito?” Hanggang sa makababa kami sa sasakyan sa harap ng isang napakarangyang puting bahay ay puno pa rin ng pagtataka ang aking isip.

May lumapit sa aming dalawang babae na mukhang kasambahay dahil sa suot nilang uniporme at kinuha ang dala-dalang bag ni tita Emma.

“Good evening po ma’am Emma,” magalang na pagbati ng may kaputiang babae kay tita taka umalis na bitbit ang bag.

“Tita?” muli kong pag-agaw ng atensyon kay tita.

“Pasensya ka na Mark kung hindi ko agad nasabi sayo ah. Niyaya na kasi ako ng tito Romeo mo na tumira sa iisang bubong.” Paliwanag niya habang hawak ang pareho kong kamay.

“Po?” Hindi pa rin masink-in sa isip ko ang ang naging paliwanag niya.

“Alam ko Mark na masyadong mabilis ang mga pangyayari pero mahal ko ang Tito Romeo mo at mahal niya rin ako. Bakit ko pa patatagalin diba?” Nanlaki ang aking mga mata nang ipakita ni tita Emma sa akin ang suot niyang singsing. Hindi lang ito basta-bastang singsing kundi sobrang napakamamahaling singsing dahil sa laki ng diyamante nito.

“He already proposed to me,” ngiting-ngiting anunsyo niya.

Napangiti ako. Masaya ako para kay Tita Emma dahil sa wakas ay natagpuan niya na rin ang lalaking para talaga sa kanya. Sa wakas ay nahanap niya na ang lalaking magbibigay sa kanya ng tunay na pagmamahal – ang magpupuno ng kakulangan sa puso ni tita.

“Tsaka, tumatanda na ako, kailangan nang umariba.” Mas lalo akong napatawa sa sunod niyang sinabi. Mahigpit kong niyakap si tita sa sobrang tuwa. Hindi ko pa napigilang mapaluha sa labis na kagalakang aking nararamdaman.

“Congrats po, tita. Sobrang saya ko po para sa inyo.” Kumalas na ako sa yakapan naming ‘yon.

“Kaya from now on, dito ka na rin titira.” Dagdag niya pa dahilan para muli akong magulat.

“Po?” Napakamot ako sa aking pisngi. “Diba parang nakakahiya naman po kung dito ako titira?” Halos manliit ang boses ko sa hiyang naramdaman.

“Ay! Hindi ah! Tinuring na kitang sariling anak buong buhay ko kaya sa akin ka sasama. Huwag mong sabihing kay Tale mo gusto sumama?” Nang-init ang ulo ko sa muling pagkarinig sa pangalan ng taong ‘yon. Kinasusuklam ko siya na mismong marinig ang pangalan niya ay ayoko. Naaalala ko lang ang ginawa niyang kababuyan sa akin. Hindi ako makapaniwala na nahulog ang loob ko sa isang tulad niya. Napakalaki mong tanga, Mark.

“Ayos ka lang ba, Mark? May masakit ba sayo? Bigla ka atang natahimik.” Napaangat ako ng ulo at pilit na nginitian ang nagaalala nang si tita. Mas makakaiging huwag ko munang isipin ang taong ‘yon upang manatiling kalmado ang loob ko.

“Wala naman pong problema,” pagsagot ko.

“Let’s go inside. Dinner’s ready.” Natigil ang usapan namin ni tita nang sumingit si tito Romeo mula sa garage. Pareho kaming sumang-ayon dito at tahimik na sumunod.

Mas lalo pa akong namangha nang tuluyan kaming makapasok sa loob ng bahay. Putinig-puti ang buong bahay at halatang mamahalin ang lahat ng kagamitan. Mula sa gintong sofa sa gitna nitong bahay at ang umaagos na tubig sa salamin ng pader nitong bahay ay sadyang nakamamangha. Hindi ko maiwasang mapanganga sa pagiging engrande ng lahat sa bahay na ito.

“Tara na, Mark.” Natigil ako sa paglibot ng tingin nang niyaya ako ni tita. Nasilbing tango lamang ang aking naging sagot bago maglakad kasabay si tita.

“Where’s Jack?” Narinig kong pagtanong ni tito Romeo sa isang kasambahay. Hindi ko na lamang masyadong pinansin ‘yon dahil naagaw na ang atensyon ko ng mga pagkain na nakahanda sa mesa.

“Huwag kang mahiyang kumain, Mark. Kumuha ka lang ng gusto mo.”

“Salamat po, tita.”

Nagsimula na akong magsandok ng makakain. Medyo nahirapan pa akong pumili dahil mukhang lahat ay masasarap. Nakapagluto na ako ng iba’t-ibang pagkain dahil na rin sa tulong ni sir Ryuu. Ang makita ang mga bagong hitsura ng pagkaing nasa harapan ko ay tila marami pa akong kailangang matutunan.

Nasa kalagitnaan na ako ng aking pagkain nang makarinig ako ng pamilyar na boses ng isang lalaki. Natigil ako sa pagnguya at dahan-dahang sinipat ang taong ‘yon. ‘Yon na lamang ang pagkagulat ko nang mapag-sino ito.

“How’s school, son?” seryosong pagtatanong ni Tito Romeo sa lalaking ngayon ay nakatuon na rin ang atensyon sa’kin.

Don’t tell me anak siya ni tito Romeo? Kaya ba kasama siya ni tita Emma sa mall noon ay dahil anak siya ng lalaking mapapangasawa niya. Bakit hindi ko agad napagtanto ang bagay na ‘yon? Napasapo ako sa aking noo dahil sa reyalisasyong ‘yon.

“May problema ba, Mark?” Nabalik ako sa sarili sa tanong ni tita Emma. Agad kong naibaba ang kamay ko at nahihiyang tumingin kay tita.

“W-wala po.” Pinilit kong laparan ang ngiti ko upang maitago ang kahihiyan.

Great! As in, great. Pilit nga akong umiiwas sa lalaking bumaboy sa akin pero dito rin pala ako dadalhin ng pagkakataon. Pagkakataon nga naman. Napakagaling mo.

“It’s still the same, dad. Nothing’s special.” Narinig kong pagsagot nito kalaunan.

Aksidenteng muling bumaling ang tingin ko sa kanya ngunit agad ring napaiwas nang mapansin ang pagtingin din nito sa akin.

Bakit siya nakatingin sa akin? Kinakausap siya ng dad niya, diba?

Napabuntong-hininga akong napaupo sa kama nang mahatid ako ni tita Emma sa kwartong tutuluyan ko pansamantala. Oo! Pansamantala lamang. Ayokong maging pabigat kay tita. May sarili na rin naman akong ipon at pwede naman akong maghanap ng sarili kong matitirahan.

Napapikit ako at napahilot sa aking sentido dahil sa muling pagsakit ng ulo ko. Kapag naging maayos na ang lahat ay maghahanap ako ulit ng trabaho. Kahit gusto man ni tita na dito ako tumira ay kailangan ko pa ring magsumikap at tumayo sa sarili kong mga paa.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang makarinig ako ng sunod-sunod na mahihinang katok mula sa pinto.

“Hey.” Nagtaka ako nang bumungad sa harapan ko ang lalaking kinaiinisan ko. Isa siya sa mga taong kinasusuklaman ko.

“Wala akong oras para makipagusap sayo.” Isasara ko na sana ang pinto nang mabilis niya itong napigilan.

“Wait! Kahit ilang minuto lang. I just want to say sorry,” sambit niya habang ang isang kamay ay ginagawang suporta upang hindi tuluyang sumara ang pinto.

Napaikot ako ng mata at napabuntong-hininga. Ano ba ang magagawa ko, hindi ko naman ‘to bahay.

Tuluyan kong binuksan ang pinto at pinapasok siya. Dumistansya ako mula sa kanya. Kahit hindi mapigilang kabahan dahil kaharap ko siya ay pinilit ko pa ring ikalma ang sarili ko.

Nakapameywang ang itong palinga-palinga sa kabuuan ng kwarto. Tumatangis ang malaki niyang braso sa tuwing gumagalaw siya. Nakatingala ako nakamasid sa kanya dahil sa pagkakaupo ko dito sa kama.

“This was used to be my mom’s room.” Bakas sa boses niya ang lungkot.

Mabilis kong iniwas ang tingin nang ituon nito ang atensyon sa akin.

“I’m sorry for what happened before.” Sinikap kong tingnan siya nang magsalita siya makalipas ang ilang segundo.

Wala akong imik. Hinihintay kung may sasabihin pa siya. Ayoko nang balikan pa ang binalak niya sa akin noong unang pagkikita naming dalawa.

Bumuntong-hininga siya. Humakbang papalapit sa akin ngunit hindi naman sapat para maukupa niya ang espasyo sa unahan ko.

“I was not in my self that time. I was drunk and…” Huminto siya saglit sa pagsasalita. Nagdadalawang-isip kung itutuloy pa ba ang sasabihin. “…intoxicated.” Diretso itong tumingin sa akin. “I really am sorry, Mark.”

Pinilit ko siyang ngitian matapos.

“Ahm… Masaya ako kasi nagawa mong humingi ng sorry sa’kin. Pero, magagawa mo bang humingi ng sorry kung hindi tayo ulit nagkita, kung hindi ganito ang sitwasyon natin. I’m sorry, Jackal, pero hindi ko pa kayang tanggapin ang sorry mo.”

Mariin akong napapikit matapos kong isara ang pinto nitong kwarto. Para akong nakalubog sa tubig at nahihirapang huminga. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang itugon ko sa kanya. Nararamdaman kong sincere siya sa paghingi niya sa akin ng sorry pero ang basta-bastang patawarin siya sa isang malaking pagkakamali sa akin ay sadyang mahirap gawin. Siguro, balang araw ay mapapatawad ko rin si Jackal pero hindi pa siguro sa ngayon.

Kinaumagahan ay tanghali na ako nagising. Hindi kasi ako masyado nakatulog kagabi ng maayos. Ayos lang naman siguro kung tanghaliin ako ng gising, diba? Wala naman kasi akong gagawin ngayong araw. Hindi tulad noon na kailangan kong gumising ng maaga upang maghanda ng almusal.

Napainat ako bago tumungo sa cr upang maghilamos. Humagod ang malamig na tubig sa mukha ko nang magsimula akong maghilamos. Napatitig ako sa harap ng salamin. Tahimik at malalim ang isip na napabaling ang tingin sa suot kong kwintas – ang kwintas na binigay pa sa akin ni mom noon. Ikinalma ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagbuntong-hininga. Sa tuwing naaalala ko si mom at dad ay nagiging emosyonal ako. Hanggang ngayon ay mesteryo pa rin para sa akin ang dahilan ng pagpatay sa mga magulang ko. Ang nakaraang ‘yon ay nagbigay ng bangungot sa buhay ko na kailanman ay mahirap nang kalimutan.

Matapos kong mag-ayos ng sarili ay dumireto ako sa baba upang kumain ng almusal. Wala akong taong naabutan sa kusina. Mero’ng mga iilang kasambahay na abala sa mga gawaing-bahay. Tumungo ako sa ref upang maghanap ng makakain. Bigla akong nalula sa dami ng laman ng ref dito. Inabot ako ng ilang minuto sa pagdedesisyon kung anong kakain bago tuluyan humantong sa isang desisyon.

Matapos kong kumain ng almusal ay muli akong umakyat sa kwarto ko upang maghanda. Napagisip-isip ko kanina na bisitahin sina mom at dad. Masyado na kasing matagal noong huling nabisita ko sila. Total ay wala naman akong pagkakaabalahan ngayong araw ay mas mabuting ilaan na lamang ito sa pagbisita sa mga magulang ko. Sa kabilang banda, miss na miss ko na rin sila.

Pababa na ako ng hagdan nang matanaw ko si Jackal na papaakyat. Nakasuot ito ng puting bathrobe at basang-basa ang buhok. Bahagyang nakalabas ang kanyang matikas na dibdib dahil sa pagkakaayos ng kanyang suot. Pareho ring nakapasok sa bulsa ang kanyang kamay. Gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi nang mapansin ako.

“Good morning,” nakangiting bati nito sa akin nang magkalapit kami.

“Good morning din,” walang gana ko ditong tugon.

“Nakita mo si tita Emma?” Pagtatanong ko dito.

Agad naman siyang sumagot.

“Maagang umalis kasama si dad. Hindi niya ba nasabi sayo? They’re busy with their upcoming wedding next year.” Tumango-tango na lang ako bilang tugon. Hahakbang na sana ako pababa nang pigilan niya ako.

“Bakit?” nakakunot-kilay kong tanong sa kanya.

“Where are you going?” Mas lalo akong nagtaka sa paraan ng tingin niya sa akin. Pinasadahan niya ako ng mapagmatyag na tingin mula baba pataas ng mukha ko. Mas lalo akong nagtaka sa ginawa niya.

Akala ko ba ‘sorry’ na ang lokong ‘to sa nagawa niya noon. Bakit kung makatingin siya sa akin ngayon ay parang iniimbestigahan niya ang kabuoan ko?

“Aalis ako. Tsaka, hindi mo na kailangang malaman kung saan ako pupunta.” Aksidenteng dumapo ang tingin ko sa mamasa-masa niyang dibdib nang kamutin niya ito. Namula ang parteng ‘yon dahil sa ginawa niya.

“Tita Emma told me na huwag kang paalisin. Kalalabas mo pa lang sa ospital at kailangan mo pa magpahinga.” Bahagya niyang hinagod ang basa niyang buhok. Tumalim ang paraan ng pagtingin niya sa akin.

Napamura ako sa isip ko.

“Huh? Ba’t naman ako ibibilin sayo ni tita Emma. Tsaka, magaling na ako. Kayang-kaya ko na ang sarili ko.” Pagdadahilan ko. Napahilot ako sa sentido dahil sa pagiging mayabang niya. Ewan! ‘Yon ang napapansin kong inaakto niya.

“Call her yourself para maniwala ka. I’m just following what she told me.”

Hindi ‘yon naging dahilan para mapigilan niya ang pag-alis ko. Inikutan ko siya ng mata at nagpatuloy sa paglalakad.

“Hey!”

Nakakailang hakbang pa lamang ako nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Mabilis akong lumingon sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi pa rin siyang bumitaw sa pagkakahawak sa akin.

“Hindi mo ba ako narinig?” Bahagyang tumaas ang boses niya.

Kailan pa naging masunurin na bata ang lalaking ‘to? Baka nakakalimutan niyang mas matanda ako sa kanya.

“Wala akong pakialam.” Nakakainit ng ulo ang lalaking ‘to ah. Siya ata ang hindi marunong umintindi eh.

Ako na ang kusang bumawi sa kamay ko at mabilis siyang tinalikuran. Nadinig ko ang mabilis niyang mga hakbang at hinarangan ang dadaanan ko.

“Umalis ka nga dyan. Para kang tanga.” Hindi ako makapaniwala nang idipa niya ang pareho niyang braso. Pagak akong napatawa. Hindi ako makapaniwala na may pagka-isip bata siya.

“No! Ako mapapagalitan ni tita kapag nalaman niyang umalis ka. I’ll do whatever to stop you, Mark.”

Pumameywang ako sa harapan niya at tinaasan siya ng kilay.

“Hindi ba parang nagmumukha kang OA sa ginagawa mo. Saglit lang naman ako eh.”

Para siyang bata na umiling. Bahagya pa siyang ngumuso na ikinatawa ko. Potek! Kailan pa naging ganito ang hitsura nito?

Bumuntong-hininga ako. Nakakasakit sa ulo ang lalaking ‘to. Anak ba talaga ni tito Romeo ‘to?

“You can’t go unless you’ll go with me.” Mabilis akong napatingin sa nakangisi niyang mukha. Matagal akong napatitig sa kanya habang tinitimbang ang kondisyong sinabi niya.

Kung ‘yon lang naman ang gusto niya, bakit hindi niya sinabi agad kanina? Pinahirapan pa akong makaalis ng lokong ‘to.

“So, where are we going?” Binuhay niya ang makina ng kanyang kotse. Tumingin ito sa akin habang naghihintay sa sagot ko.

Umagaw sa atensyon ko ang pagkakabrush-up ng kanyang buhok na sadyang bumagay sa suot niyang black polo shirt. Mas naging matured siya tingnan ngayon sa hitsura niya.

Sinabi ko sa kanya ang lugar.

“Sinong pupuntahan natin don?” Muli niyang tanong. Kasalukuyan na naming tinatahak ang daan palabas ng subdivision.

“Mag-drive ka na nga lang. Masyado kang maraming tanong.” Hindi ko kailangang magopen-up sa kanya sa mga ganitong klaseng bagay. Tsaka, hindi ko pa siya gano’n kakilala para ikwento ang mga kadramahan ko sa buhay. Sapat nang samahan niya na lang ako na bisitahin ang puntod nina mom at dad.

“Okay.” Pagkibit-balikat niya at tahimik na lamang na nag-drive.

Ilang minuto pa ang lumipas bago namin narating ang sementeryo kung saan naukit ang parehong pangalan ng mga magulang ko. Nakakalungkot isipin na tanging mga pangalan lamang nila ang naririto. Dahil sa insidenteng kinasangkutan ng mga magulang ko na ikinamatay nila, hindi nagawang mahanap ng mga opisyal ang katawan nila. ‘Yon ang sinabi sa akin ni tita Emma noon.

“Hintayin mo na lang ako dito.” Hahakbang na sana ako palayo sa kanya nang madinig ko ang pag-angal niya. Muli ko siyang nilingon.

“No! I’ll come with you.” Humakbang siya palapit sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil sa hindi ko inaasahang pwesto naming dalawa. Awtomatikong umangat ang pareho kong kamay upan itulak siya palayo.

Mabilis kong winaksi ang isiping ‘yon.

“M-mabilis lang ako.” Medyo nauutal kong sambit.

“Still, I’ll come with you.” Gumuhit sa kanyang labi ang isang ngisi na ikinainis ko. Ba’t ba ang kulit ng lalaking ‘to?

“Hindi ka ba marunong umintindi?” Unti-unti na akong nawawalan ng pasensya sa lalaking ‘to. Baka nakakalimutan niyang may atraso siya sa akin?

Matatalim na tingin ang binato ko sa kanya. Matagal siya bago nakasagot.

“Okay. Fine.” Tumaas sa ere ang pareho niyang kamay bilang pagsuko. Ako naman ngayon ang napangisi.

Mabilis na akong naglakad palayo sa kanya. Saglit ko pa siyang sinipatan ng tingin. Nakasimangot siyang nakasandig sa bamper ng kotse habang naka-cross ang parehong kamay.

Nanikip ang dibdib ko nang masilayan ang nakaukit na pangalan ng mga magulang ko sa puntod nitong sementeryo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na maaga silang nawala sa buhay ko. Hindi man lang ako nabigyan ng mahabang panahon para makapiling sila at maramdaman ang pagmamahal nila.

Agad kong pinalis ang luhang tumakas sa aking mga mata. Sinikap kong huwag maiyak at tatagan ang aking loob.

“Mark…” Natigagal ako sa aking pwesto nang madinig ko ang isang pamilyar na boses.

Tumingala ako. Hindi inaasahan na makikita siya sa ganitong lugar at pagkakataon.

Hindi na siya ang kilala kong Tale noon. Parang kinurot ang puso ko nang mapansin ang balbas-sarado niyang mukha at ang pangingitim ng ilalim ng kanyang mga mata.

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 24

Mark Hope Calvares


M A R K

“Mark…” Natigagal ako sa aking pwesto nang madinig ko ang isang pamilyar na boses.

Tumingala ako. Hindi inaasahan na makikita siya sa ganitong lugar at pagkakataon.

Hindi na siya ang kilala kong Tale noon. Parang kinurot ang puso ko nang mapansin ang balbas-sarado niyang mukha at ang pangingitim ng ilalim ng kanyang mga mata.

Agad kong winaksi ang awang naramdaman sa kanya. Nagawa kong maikuyom ang aking kamay nang muling manariwa sa aking isipan ang kababuyang ginawa niya sa akin.

“Mark. Can we talk?” Mababang tono niyang pagkausap sa akin. Balak niya sana akong hawakan at mabuti na lang ay mabilis kong nailayo ang sarili ko mula sa kanya.

“Wala tayong dapat pag-usapan. Umalis ka na.” Pilit kong pinipigilan ang galit na namumuo sa aking sistema. Gusto ko na siyang kalimutan pero ito pa rin siya at pilit na binabagabag ang buhay ko.

“Please… I’m begging you. I have done nothing wrong to you, Mark. Why are you doing this to me?” Hindi ko alam kong maaawa ba ako sa hitsura niya o matatawa sa mga kasinungalingan niya. Sino ba ang niloloko niya? Ramdam na ramdam at malinaw na malinaw sa isip ko ang lahat ng kababuyang ginawa niya sa akin nang gabing ’yon. Tapos ngayon, itatanggi niya na lang ng gano’n na lang.

Pagak akong napatawa. Napailing at sarkastiko siyang tiningnan.

“Pinapatawa mo ba ako? You’ve done nothing wrong? Seryoso ka ba diyan?” Ayokong maawa sa kanya. Gustong-gusto ko sa kanyang magalit. Gusto ko siyang sampalin. Gusto kong ipamukha sa kanya ang lahat. Matagal akong nagtiis sa mga sakit para lang hindi siya mawala sa akin pero narating ko na ata ang sukdulan ko.

“Kahit kailan hindi kita kayang saktan, Mark. I know we’ve done that thing countless times but I can’t force you with that.” Napansin ko ang paghakbang niya palapit sa akin. Mabilis ko siyang pinigilan sa balak na gawin.

“Huwag kang lalapit sa akin.”

“Wala kang ideya kung ilang beses mo na ako nasaktan. Mahal kita, Tale pero durog na durog na ’tong puso ko. Ilang beses mo na sa aking pinamukha na wala lang ako sayo, na naging isa lang ako sa mga naging laruan mo.” Nanumbalik lahat sa isip ko ang mga masasakit na pagkakataon dahil kay Tale. Mula nang makita ko siyang may kasamang babae sa mall hanggang sa pagbulgar ng mga reyalisasyon sa akin ni Natalie. Siguro, sapat na ang mga ’yon para bumitaw na ako sa kanya.

“No. That’s not true. You don’t understand, Mark.” Napasabunot siya sa kanyang buhok. Frustrated siyang napahilamos sa kanyang mukha at mariin na pinikit ang mga mata. Mas problemado pa siyang tingnan sa akin ah. Ako na nga itong nadurog pero parang pinapamukha niya sa akin na mas nasasaktan siya ngayon. Wala siyang karapatan para makaramdam niyan dahil hindi siya dito ang nasasaktan. Ako ang biktima dito.

“Ano pang hindi ko maintindihan?! Ano pang kailangan kong intindihin?! Asang-asa ako sayo, Tale. Nagpakasasa ako sayo sa kama ng ilang ulit at umaasang mahalin mo rin ako. Nagpakatanga ako sayo. Naging martyr ako ng ilang ulit para lang sayo.” Saglit akong tumigil. Pilit na kinalma muna ang sarili sa pamamagitan ng pagbuntong-hininga. “Pero natauhan na ako. Siguro nga hindi ko kayang pantayan diyan sa puso mo si Veronica. Siguro nga hindi ako sapat tulad ni Natalie para paniwalaan mo. Siguro nga wala lang ako kumpara sa kanila. I’ve had enough, Tale. Ayoko na.”

Nang mga oras na ’yon ay naisip kong ito na nga siguro ang pagkakataon para palayain ko ang sarili ko mula kay Tale. Sapat na ang mga sakit na ininda ko para sa kanya. Sapat na siguro ang mga luhang sinayang ko para sa kanya. Pinagmukha ko lang tanga ang sarili ko dahil sa kanya. Siguro masasabi ko sa sarili ko balang araw na hindi siya kawalan - na hindi lang siya ang lalaki sa mundo.

Balak ko na sana siyang talikuran at umalis na kahit gusto ko pa man manatili at makasama ang mga magulang ko, nang maramdaman ko ang mahigpit na paghawak niya sa pulsuhan ko. Matatalim ang mata na tinapunan ko siya ng tingin.

“Bitawan mo ako.” Nagtitimpi kong utos sa kanya.

“Mark. Let me explain. Just this time, maniwala ka naman sa akin.” Tila naging sarado na ang isip ko upang paniwalaan pa ang mga sasabihin niya. Kapag hinayaan ko pang pasukin niya muli ang buhay ko, baka ikamatay ko na.

“Ayoko nang marinig ang mga sasabihihin mo, Tale.” Pinilit kong ikalas ang kamay niya sa akin ngunit laking gulat ko nang mahigpit niya akong ikinulong sa pagitan ng mga braso niya.

“Bitawan mo ako!” Malakas kong sigaw. Pinipilit na itulak siya palayo sa akin. Ngunit masyadong malaki ang katawan niya at hindi man lang siya natinag sa ginagawa ko.

“Don’t do this to me, Mark. Kung kailangan kong gumamit ng dahas para lang mapasakin ka ulit, gagawin ko.” Saglit akong natigil sa pagtutulak sa kanya at nanatili na lamang ang pareho kong kamay sa ibabaw ng kanyang maumbok na dibdib dahil sa mga sinabi niya.

Hindi ako makapaniwala na kaya niyang sabihin ang mga ’yon.

Nanlaki ang aking mga mata nang mas humigpit ang yakap niya sa akin. Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan nang bumulong siya sa akin. Damang-dama ko ang mainit na hangin na humalik sa balat ko.

“You can’t do this to me.” Ang kaninang nagmamakaawa niyang boses ay ultimong naglaho. Hindi ko maipaliwanag ang dating ng boses niya, pero parang nagbabanta ito.

Inipon ko ang buong lakas para makaalis sa mga bisig ni Tale na napagtagumpayan ko naman. Wala akong sinayang na pagkakataon at buong lakas ko siyang sinampal.

Napabaling patagilid ang kanyang mukha. Mababakas ang pamumula nito dahil sa ginawa ko.

“Baliw ka na! Hindi mo na ako laruan, Tale. Hindi mo ako pag-aari para diktahan kung kailan mo gusto. Baka nakakalimutan may kasalanan ka sa akin? Pwedeng-pwede kitang ipakulong dahil sa ginawa mo sa akin.” Gusto niya ng hamunan? Pwes! Pagbibigyan ko siya. Ito ba ang gusto niyang mangyari sa aming dalawa?

“Go ahead!” Napadaing ako nang muli niyang nahawakan ang braso ko. “Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. I know to myself that I didn’t do that you.” Kitang-kita ko ang repleksyon ko sa umaalab niyang mga mata.

Muling nang-init ang palad ko at buong pwersa siyang sinampal muli. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi man lang nabaling ang mukha niya.

“Go! Sampalin mo lang ako kung ’yan ang gusto mo! I don’t care.” Kinilabutan ako nang gumuhit ang isang ngisi sa kanyang labi. Nagpumilit akong kumawal at sinunod ang sinabi niya. Ilang ulit ko siyang sinampal at sinuntok sa kanyang dibdib ngunit hindi pa rin siya bumitaw.

“Hayop ka! Wala kang kasing sama! Hayop ka!” Ilang ulit ko siyang sinumpa sa isip ko. Nagtatanong kung bakit kailangan ko pa siyang makilala. Nagtataka kung bakit kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ’to.

Muntikan na akong matumba nang maramdaman ko ang isang kamay na humila sa akin palayo kay Tale. Kahit gulat ay nagawa ko pa itong mabalingan ng tingin bago pa dumapo ang kamao nito sa mukha ni Tale. Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan.

Naging mabilis ang mga pangyayari nang sunod-sunod na silang nagpapalitan ng mga malalakas na suntok sa isa’t-isa. Nakapaibabaw si Jackal kay Tale ngunit agad ring nakabawi ang huli nang makatanggap si Jackal ng malakas na suntok mula kay Tale dahilan para matumba ito. Bigla akong natauhan sa nakita nang hindi na nakapalag pa si Jackal at pilit na lamang hinaharang ang pareho niyang braso sa mga walang habas na suntok ni Tale. Kahit natatakot ay nagawa kong pigilan si Tale sa ginagawa. Buong lakas ko itong tinulak palayo kay Jackal.

“Jack?” Pagtawag ko sa pangalan niya. Nakahinga naman ako ng maluwag nang mapansin ang paggalaw niya. Dahan-dahan itong umupo mula sa pagkakalugmok sa lupa.

Buong tapang kong binalingan ng tingin si Tale na ngayon ay dumura ng dugo.

“Umalis ka na, Tale!” Malakas kong sigaw sa kanya.

“No! Hindi kita hahayaan na iwan diyan sa gagong ’yan!” Nagawa niya pang iduro si Jackal.

“What?!” Narinig kong angal ni Jackal. Balak pa sana nitong tumayo nang pigilan ko ito.

“Seriously, Mark? Pinsan ko pa talaga?” Narinig ko ang pagak niyang tawa matapos. Wala akong pakialam kung ano ang ibig niyang sabihin at kung ano ang gusto niyang paniwalaan. Basta tapos na kami.

“Ayaw mong umalis? Fine! Kami ang aalis.” Inalalayan kong makatayo si Jackal. Bigla naman akong naawa sa hitsura niya. Halos magkasinglaki lang silang ng katawan pero walang duda na mas malakas si Tale kumpara sa kanya.

Saglit ko pang tinapunan ng tingin si Tale bago kami tuluyang makalayo.

“Don’t look at me like that. I’m fine.” Bigla akong napaiwas ng tingin sa kanya nang magsalita siya habang nagmamaneho. Hindi ko lang kasi talaga mapigilang magalala sa kanya.

“I’m sorry. Nadamay ka pa tuloy kanina.” Nakayuko kong paumanhin sa kanya. Dapat hindi na kasi siya nakialam kanina. Hindi sana magkakagalos ang mukha niya. Mukha pa namang hindi pa nadadapuan ng suntok ang mukha niya.

“It’s alright. By the way, how did you know Tale?” Muli ko siyang binalingan ng tingin ngunit nanlaki na lang ang mata ko nang mapansin ang pagdugo ng ilong niya.

“Dumudugo ang ilong mo.” Hindi ko napigilang sabihin sa kanya. Inangat niya ang isa niyang kamay upang ipunas ang dugong ’yon pero kumalat lamang ito.

Narinig ko pa ang mahina niyang pagmura bago tuluyang itigil ang sasakyan. Mabuti na lang ay wala pa kami sa express way.

Mabilis kong kinuha ang panyo sa bulsa ng pantalon ko. Bahagya akong dumungaw papalapit sa kanya upang maabot ang dugo sa ilong niya.

“Ikaw naman kasi eh…” Sambit ko sa gitna ng ginagawa. Kahit naiilang dahil nararamdaman ko ang pagsunod ng mata niya sa bawat galaw ko. Hindi ko magawang maipanatag ang loob ko.

“Ako na.” Kinuha niya ang panyo sa aking kamay pero imbes na ang panyo ang mahawakan niya ay ang kamay ko ang nahawakan niya.

Awtomatikong napako ang mata ko sa mata niya. Natigil ako sa ginagawa dahil sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Nanatili pa kami ng ilang segundo sa posisyong ’yon bago ako mabalik sa sarili. Mabilis akong lumayo sa kanya at umayos ng pagkakaupo. Hinayaang siya na ang maglinis ng mukha niya.

Pareho kaming natahimik bago ko marinig ang muling pagbuhay niya sa makina ng sasakyan. Halos isang oras pa ang lumipas bago kami nakarating sa subdivision na tinitirahan. Hindi ko maiwasang mailang sa kanya dahil sa nangyari sa amin kanina sa loob ng kotse.

“Saan kayo galing?” Pagsalubong sa akin ni tita Emma. Sasagot na sana ako nang mabaling ang atensyon nito sa nakasunod sa akin si Jackal.

“Diyos ko po! Anong nangyari sa mukha mo, Jackal?” Nakatakip ang bibig ni tita na lumapit kay Jackal. Marahang hinawakan ni tita ang mukha ni Jackal.

“It’s nothing, tita. I just had a little fist fight.” Pagdadahilan niya pero sa akin nakatingin. Bigla na naman tuloy akong nailang sa kanya. Kanina niya pa kasi ako tinitingnan.

“Little?” Muling bumaling ang tingin ni tita sa akin. “Ano ba talagang nangyari, Mark?”

Hindi na ako nakasagot nang si Jackal muli ang magsalita.

“He has nothing to do with it, tita Emma. You don’t have to worry. I’m used to it.” Pareho na lamang kaming natahimik ni tita Emma nang tuluyan na siyang pumasok sa loob ng bahay at nilampasan kami.

“Hay naku! Ang batang talagang ’yon.” Naiiling na sambit ni tita nang kami na lamang ang nasa labas. Lumapit ako sa sa kanya at marahang hinawakan ang braso niya.

“Huwag na po kayong magalala, tita.”

Kahit bakas ang pagaalala sa mukha ni tita Emma ay pinilit niya pa rin akong ngitian.

Mabilis na lumipas ang mga araw sa pananatili ko dito sa bahay kasama sina tito Romeo. Sa mga araw ding ’yon ay mas lalo ko pang nakilala si tito Romeo maging ang anak nitong si Jackal. Dumating na ang araw ng engagement party nina tito Romeo at tita Emma kaya naman ay halos abala na ang lahat sa magaganap na okasyon. Masaya ako para kay tita dahil sa wakas ay natagpuan niya na ang lalaking makakasama niya habang-buhay.

Isang simpleng engagement party lamang ang magaganap sabi ni tito Romeo pero sa tingin ko ay napakaenggrande ng okasyon. Mula pa lamang sa pagkakaayos ng venue ay halatang pinaghandan na. Tanging malalapit na tao lamang ang imbetado sa okasyon. Lahat nga ata ay mga Crosagne at mga malalapit na tao ng pamilya. Wala nga atang bisita si tita Emma kung tutuusin.

“Hey.” Nabaling ang tingin ko kay Jackal nang umupo ito sa tabi ko. May mesang nakalaan para sa amin at sa mga bisita. Iilan pa lamang ang mga tao sa paligid.

“Ba’t ang tagal mo?” Pagtatanong ko dito. Si Jackal kasi ang kasabay ko papunta dito pero pinauna niya na akong umakyat dahil naghanap pa siya ng mapapa-parking’an.

“Had a hard time finding a place to park.” Rason niya habang abala sa pag-aayos ng necktie niya. Kusang gumalaw ang pareho kong kamay at ako na nag-ayos ng medyo tagilid niyang necktie.

Nginitian ko siya nang mapansin ang pagngisi nito dahil sa ginawa ko. Ewan ko ba, noon ay naiilang ako sa tuwing tumititig siya sa akin pero ngayon parang wala na lang ito sa akin. Nasanay na lang siguro ako.

“Thanks.” Simple niyang pasasalamat kasabay ang marahan na paghaplos sa pisngi ko. Tinarayan ko siya dahil doon. Masyado na siyang nasasanay na hawakan ang pisngi ko ah.

Hindi ko na ’yon ginawang big deal at umayos na lamang ng pagkakaupo. Saktong pagtuon ng mga mata ko sa unahan ay ’yon na lamang ang paninigas ng buo kong katawan nang makita ang isang lalaki na naglalakad papalapit sa kinauupuan namin.

Gusto ko mang ibaling palayo ang tingin sa kanya ay hindi ko magawa. Tila nagkaroon ng ‘glue’ ang mata ko at sa kanya lang nakatuon. Sobrang bumagay sa kakisigan ng katawan niya ang kulay asul na formal suit at dumagdag pa rito ang pagkaka-brush up ng buhok niya. Nagsusumigaw ang karangyaan at kagwapuhan niya sa dating niya ngayon. Malayong-malayo ang hitsura niya ngayon kumpara sa huli naming pagkikitang dalawa.

“Am I late?” Bigla akong natauhan nang marinig ang malalim niyang boses. Hindi ko man lang namalayan na tuluyan na pala siyang nakalapit sa kinauupuan namin.

Nakasunod lang ang mga mata ko sa bawat galaw niya. Hindi ko magawang maputol ang titig ko sa kanya. Para akong nahihipnotismo at gusto lang sundan ang bawat galaw niya. Bakit ako nagkakaganito?

Bago pa man magwala ang sistema ko dahil sa presensya ni Tale ay nagpaalam muna ako kay Jackal at pilit na isinawalang-bahala ang nakaupo sa harapan kong si Tale. Mabilis akong naglakad patungo sa comfort room nitong venue. Mabuti na lang ay kakaunti pa lamang ang mga tao at mabilis kong nahanap ito.

Nakatitig ako sa repleksyon ko sa salamin nang mapansin ko ang pagpasok ni Tale. Biglang lumakas ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa presensya niya.

Naging mabilis ang sunod ng nangyari at hindi ko nasundan ang mga nangyari sa sumunod na mga segundo. Napadaing ako nang maramdaman ko ang malamig na pader nitong comfort room. Walang hirap niyang naituon paitaas ang pareho kong kamay gamit lamang ang isa niyang kamay.

“I know you still like me, Mark.” Halos manghina ang mga tuhod ko ang madama ang mainit na hangin na tumama sa aking mukha. Kahit halos pabulong lamang ang pagkakasabi niya ay bakas doon ang labis na pagtitimpi. Mas lalong nagwala ang puso ko sa dibdib ko dahil sa posisyon naming dalawa.

Napalunok ako. Hindi ko magawang makapagsalita. Kinakapos ako ng hangin. Hindi ko magawang maigalaw ang katawan ko.

“You’re still mine and always been mine.”

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank yo

u!

TPT - 25

Alfred Tale Crosagne


M

A R

K

Malalim akong napabuntong-hininga habang tinititigan ang ang kabuuan ko sa harap ng vanity mirror. Tanging tapis lamang na puti ang suot ko. Katatapos ko pa lamang maligo dahilan para pumatak ang iilang tubig mula sa buhok ko. Napahawak ako sa suot kong kwintas at mariin na ipinikit ang aking mata. Hindi ko kasi maiwasang kabahan dahil ngayon na ang gabi na gaganapin ang engagement party nina tito Romeo at tita Emma.

Paniguradong karamihan sa dadalo ay mga taong may matataas na posisyon sa buhay. Bukod pa doon ay siguradong dadalo lahat ng Crosagne sa okasyon. Hindi ko lang maiwasangg isipin na mataas ang tyansa na pupunta rin si Tale. Hindi naging maganda ang huli naming pagkikita. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagkita kaming dalawa doon.

Iwinaksi ko na lamang ang posibilidad na ‘yon. Bahala na! Kung magtagpo man ang landas naming dalawa ay bahala na. Kung hindi naman ay mas mabuti.

Sinuot ko ang bathrobe na nakalatag sa ibabaw ng kama ko bago tumungo sa kwarto ni Jackal. Naroroon pa kasi ang isusuot kong suit sa kwarto niya. Kararating pa lang kasi ng mga ito kahapon at hindi agad nadala sa kwarto ko.

Kahit nagdadalawang-isip ay kumatok ako ng tatlong ulit sa pinto ng kwarto ni Jackal.

“Jack?” Pagtawag ko sa pangalan nito.

“Mark, is that you?” Nadinig kong sigaw niya mula sa loob.

Bahagya akong umatras mula sa pinto nang bumukas ito. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang niluwa nitong pinto ang isang lalaking tanging tapis lamang ang suot dahilan para lumantad mismo sa harapan ko ang nagsusumigaw niyang katawan. Ang matikas niyang dibdib at ang abdomen niya na tila inukit ng pinakamagaling na mang-uukit. Estudyante lang ba talaga ‘to?

“Hey? Are you okay?” Ilang ulit akong napakurap ng mata nang magsalita siya. Napaiwas ako ng tingin ng mapansin ang pagngisi niya.

“Oh! I just finished taking a shower.” Isinandig niya ang siko niya sa pintuan dahilan para tumangis ang may kalakihan niyang braso. Bahagya ring sumilip ang may kalaguan niyang buhok sa kilikili. Pumameywang naman ang kabila niyang kamay.

Umayos ako ng tayo at diretso siyang tiningnan sa mata. Baka kasi isipin ng lalaking ‘to na masyado akong naaapektuhan sa pabakat – Huh? Anong pinagsasabi mo, Mark? Ayusin mo nga ‘yang sarili mo. Pumunta ka dito para sa susuotin mong suit hindi para pagnasaan siya. Baka nakakalimutan mong may atraso pa siya sayo.

“Ahmm…” Inalis ko ang bikig na nakabara sa lalamunan ko. Pilit na ikinakalma ang sarili. “Kukunin ko sana ‘yong suit na susuotin ko.” Mabilis kong sabi para maalerto siya at muling pumasok sa kwarto niya.

Sandali lamang akong naghintay.

“Here.” Inilahad niya sa akin ang isang kulay asul na suit na nakasabit sa isang hanger at nababalot pa ng malaking plastic.

Wala na akong sinayang na oras at kinuha na ito.

“Thanks.” Aalis na sana ako pabalik sa kwarto ko upang maghanda na nang tawagin ni Jackal ang pangalan ko.

“Bakit?” Nagtataka kong tanong sa kanya.

Naglakad siya papalapit sa akin tsaka pumameywang.

“Be my date tonight.” Diretso niyang sabi dahilan para matulala ako at hindi makasagot sa sinabi niya.

Hindi niya na hinintay ang sasabihin ko nang agad na itong bumalik sa kwarto niya. Napakamot na lamang ako sa ulo ko dahil sa pagtataka at bumalik na lamang rin sa sarili kong kwarto.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang makarinig ako ng mahihinang katok mula sa labas ng pinto ng kwarto. Tinapos ko muna ang pag-aayos ko ng suot kong necktie bago ito pagbuksan.

“Are you ready?” Nakangiting bungad sa akin ni Jackal. Sobrang bumagay sa kanya ang kulay maroon na suit na suot niya ngayon na pinaresan ng itim na black shoes. Kamukhang-kamukha niya si tito Romeo sa pagkaka-brush up ng mukha niya.

“Kanina ka pa ata natutulala sa’kin, Mark. Nagagwapuhan ka na ba sa’kin?” Ang kaninang ngiti ay napalitan ng nakalolokong ngisi. Agad kong pinutol ang pagmasid sa kabuuan niya dahil sa pagiging maloko niya na naman.

“Tsk. Asa ka?” Inikutan ko siya ng mata. Imbes na humupa na ang pang-aasar niya ay mas lalo pa siya naging mapusok nang tila prinsepa niyang inilahad ang kamay niya at ang kabilang kamay naman ay pinatong sa ibabaw ng abdomen niya. Bahagya rin siyang yumuko suot ang isang malapad na ngiti.

“Shall we go, my princess?” Mapang-asar niyang sambit sa akin.

Pinamulahan ako ng pisngi hindi dahil sa kinikilig ako sa ginawa niya kundi naiinis ako sa pagiging maloko niya. Wala siyang pinagkaiba sa pinsan niya. Magpinsan nga talaga silang dalawa.

“Ewan ko sayo.” Pabalang akong naglakad papalapit sa kanya dahilan para mapaatras siya ng bahagya. Sandaling naglaho ang ngisi niya at napalitan ito ng pagtataka sa biglaan kong paglapit sa kanya.

Pinungayan ko ang mata ko at nginisian siya bago talikuran upang isara ang pinto nitong kwarto.

“Seriously?” Natatawa niyang sabi.

Mabilis akong naglakad pababa nitong second floor at tumungo sa garage kung nasaan ang kotse niya. Ramdam ko ang presensya niyang nakasunod lamang sa akin. Hinayaan ko na lamang siya hanggang sa pareho kaming makasakay sa sasakyan niya.

“Nasaan nga pala sina tita Emma?” Pagtatanong ko dito nang simulan niya nang buhayin ang makina ng kotse.

“Nauna na silang pumunta sa venue. May mga aasikasuhin pa ata sila do’n.” Sagot nito habang abala sa pagmamaneobra ng manibela ng kotse. Kasulukuyan naming tinatahak ang daan palabas ng subdivision.

Tumango-tango na lamang ako at itinuon ang atensyon sa labas.

Makalipas ng ilang minutong byahe ang narating na namin ang hotel kung saan gaganapin ang engagement party. Binaba ako ni Jackal sa main entrance ng hotel na ipinagtaka ko.

“Go ahead first. I will just park my car.” Bahagya siyang nakadungaw sa bintana ng sasakyan. Hindi niya na ako hinintay na makasagot at mabilis nang pinaandar ang sasakyan. Pailing-iling akong naglakad papasok sa entrance ng hotel. May valet naman na pwedeng mag-assist sa kanya.

Masyado ata kaming napaaga dahil iilan pa lang ang bisitang naabutan ko nang makarating ako sa venue. Buong akala ko ay isang simpleng engagement party lamang ang magaganap dahil ‘yon ang sabi ni tito Romeo sa akin. Hindi ko naman inaasahan na ganito kaengrande ang simple sa kanya. Masyadong nakaka-overwhelm ang pagkakayos ng lahat. Halatang masyadong pinaghandaan.

Agad kong hinanap sa paligid sina tita Emma pero mukhang wala pa sila dito. Hinanap ko na lamang ang assigned seat para sa amin kalaunan. Hindi naman ako masyadong nahirapan sa paghahanap dahil nasa bandang unahan ito at may mga name tags naman na nakapatong sa table.

“Hey.” Nabaling ang tingin ko kay Jackal nang umupo ito sa tabi ko.

“Ba’t ang tagal mo?” Pagtatanong ko dito.

“Had a hard time finding a place to park.” Rason niya habang abala sa pag-aayos ng necktie niyang bahagyang nagulo. Kusang gumalaw ang kamay ko at ako na mismo ang nag-ayos nito. Napatingin siya sa akin dahil sa ginawa ko.

Nnumisi siya na sinuklian ko naman ng matamis na ngiti. Kung noon ay naiilang ako sa mga ganitong klaseng pagtitig niya sa akin pero ngayon ay parang nasanay na lang ako.

“Thanks.” Simple niyang pasasalamat kasabay ang marahan na pagkurot niya sa pisngi ko. Tinarayan ko siya dahil sa ginawa niya. Masyado na siyang nasasanay na gawin sa akin ‘yon ah.

Umayos na ako ng pagkakaupo nang aksidenteng natuon ang atensyon ko sa isang lalaki na tila isang diyos ng Griyego na kusang humahawi ang mga taong nadadaanan niya. Nanigas ang buo kong katawan nang mapansin na patungo ito sa kinauupuan namin. Hindi na ako magtataka na naririto si Tale dahil parte siya ng pamilya. Pero hindi ko inaasahan na makita siya sa ganitong sitwasyon. Nagsusumigaw ang karangyaan at kakisigan niya sa kulay asul na suit na lubhang yumakap sa katawan niya. Tila ginawa ito para lamang sa kanya.

Gusto ko mang ilayo ang atensyon sa kanya ay hirap akong pagtagumpayan ito. Palakas ng palakas ang pagpintig ng puso habang palapit din siya ng palapit. Bakit papunta siya dito? Hindi naman siya dito nakaupo ah.

“Am I late?” Nabalik ako sa sarili nang mapansing tuluyan na siyang nakaupo sa harapan ko. Parang kakapusin ako ng hininga na makita siya muli makalipas ang ilang linggo. Kinurap-kurap ko ang mata ko at sinubukang pakalmahin ang malakas na kabog ng didbib ko. Bakit ako nagkakaganito? Dapat naiinis ako sa kanya. Dapat kinakasuklam ko siya dahil sa pagbaboy niya sa katauhan ko. Dapat hindi ganito ang maramdaman ko sa kanya. Mali ito!

“No. Actually, you’re too early.” Narinig kong sagot ni Jackal. “By the way, what are you doing here?” Dugtong niya dahilan para tingnan ko siya. Sakto ring nabaling ang tingin nito sa akin ngunit mukhang hindi niya at na-gets ang ibig sabihin ko sa pagtingin sa kanya.

“Am I not invited? I thought I am supposedly here ‘coz I am a Crosagne, too.” Halata sa boses ni Tale ang pang-uuyam. Frustrated akong napapikit dahil sa mainit na pagpapalitan ng dalawa ng mga maaanghang na salita.

“I mean, here in our table.” Muling pagbato ni Jackal sa kanyang pinsan. Pakiramdam ko ay para akong nasa gitna ng gyera dahil sa pagsasagutan nila. Seryoso? Dito pa talaga?

Hindi na ako nakatiis sa mainit na engkwentro sa pagitan ng dalawa maging sa presensya ng Tale.

“Excuse me.” Tanging sinabi ko bago tuluyan nilisan ang mesang ‘yon at tinahak ang daan patungong comfort room nitong venue. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle at nagbawas ng tubig sa katawan.

Naghugas ako ng kamay matapos. Napatitig ako sa repleksyon ko sa harap ng salamin. Napabuntong-hininga dahil sa hindi ko na naman maintindihan ang sarili ko. Napalingon ako sa entrance nitong comfort room nang pumasok sa Tale. Awtomatikong lumakas ang pagkabog ng dibdib ko nang lumapit siya sa akin.

Tahimik lamang na nakasunod ang mata ko sa bawat galaw niya. Nakatuon lamang ang atensyon niya sa ginagawa niyang paghuhugas ng kamay hanggang sa pagkuha niya ng tissue upang punasan ang kamay niya.

Hahakbang na sana ako palabas nitong comfort room nang maramdaman ko ang pagkabig ng malaki niyang braso sa bewang ko. Masyadong naging mabilis ang nangyari. Napadaing na lamang ako nang malakas na bumangga ang likod ko sa malamig na pader nitong comfort room. Mariin akong napapikit nang walang hirap niyang itinuon paitaas ang pareho kong kamay gamit lamang ang isa niyang kamay. Ginamit niya ang malaki niyang katawan upang igitgit ako sa pagitan niya at nitong pader. Hindi ko magawang maigalaw ang katawan ko dahil sa posisyon namin. Sobrang lapit din ng mukha niya sa akin.

“I know you still like me, Mark.” Halos manghina ang pareho kong tuhod nang madama ko ang mainit na hangin na humalik sa aking mukha. Kahit pabulong lamang ang pagkakasabi niya ay bakas doon ang labis na pagtitimpi. Naranasan ko na noon kung paano magalit si Tale at ayoko nang maulit ‘yon.

Mas lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib. Parang gusto nang kumawala ng puso ko dahil sa bilis ng pagtibok nito. Mariin kong naipikit ang mata ko. Ayokong titigan pa siya ng matagal.

“You’re still mine and always been mine.”

Napamura ako sa isipan ko. Bakit kailangan mo ako pahirapan ng ganito, Tale? Gustong-gusto ko nang kumawala sayo. Huwag mo nang gawing komplikado ang sitwasyon para sa akin. Ayoko nang umiyak ng dahil sayo. Ayoko nang magpakatanga dahil lang sa mahal ko ang isang tulad mo.

Nanlalaking napamulat ang aking mata nang maramdaman ko ang paghalik niya sa akin. Nakapikit siya. Sa una ay magkadikit lamang ang labi namin hanggang sa simulan niyang igalaw ang kanya. Bakit ganito? Bakit nadadala ako sa ginagawa niyang paghalik sa akin? Hindi ko dapat ito nagugustuhan. Hindi ‘to pwede.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na itulak siya palayo nang bumitaw ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Agad na sumalubong sa akin ang mapungay niyang mga mata. Hindi ko magawang umiwas sa titig niyang ‘yon. Parang nangungusap ang mga ito. Hindi ko maipaliwanag kung anong gustong ipakiusap ng mga ito.

Napayuko ako. Mariing ipinikit ang mga mata. Damang-dama ko ang pagkabog ng dibdib ko.

Naramdaman ko ang pag-angat niya sa mukha ko.

“Look at me, Mark.” Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Tanging siya lang ang nakikita ko.

“I will prove to you how much I love you.” Para akong nabingi sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay may mga paru-parung nagliliparan sa tiyan ko. Ito ang pinakaunang pagkakataon na sabihin niya sa akin ang mga katagang ‘yon – ang mga salitang kay tagal ko nang gustong marinig.

“Hindi…” Bulong ko sa sarili ko.

Bigla akong natauhan at malakas siyang itinulak palayo sa akin. Hindi dapat ganito ang maramdaman ko. Sapat na ang lahat ng pasakit na pinadanas niya sa akin noon. Ayoko nang mahulog ulit sa patibong niya. Kung isa ito sa mga pakulo niya ay hindi na ako magpapabihag pa dito.

“Hindi ako naniwala sayo!” Punong-puno ng poot kong turan sa kanya. Bakas ang pagtataka sa mukha niya. Akala niya ba gano’n-gano’n na lang ako kadaling mapaamo. Pwes! Nagkakamali siya. Hindi ko sa kanya ibibigay basta-basta ang gusto niya.

“Akala mo ba, maloloko mo pa ako tulad ng dati? Hindi na,Tale. Natuto na ako. Hinding- hindi na ako magpapaloko sa isang tulad mo.” Tuluyan ko na siyang nilampasan at nilisan ang lugar na ‘yon. Nagtitimpi ako sa labis na galit na naupo sa table namin.

“What took you so long?” Naramdaman ko ang paghawak ni Jack sa balikat ko para mapalingon ako sa kanya. “Did you cry?”

Awtomatikong gumalaw ang kamay ko upang i-check ang pisngi ko. May bakas ng luha ang pisngi ko marahil siguro sa nangyari kanina.

“Naghilamos lang ako.” Dahilan ko. Kahit halata sa mukha niya ang pagtataka ay tumango na lamang ito.

Natanaw ko ang pag-upo ni Tale sa kabilang table. May katabi siyang matandang lalaki ngunit hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa akin. Ngunit ang labis na umagaw ng atensyon ko ay ang babaeng katabi niya na humalik sa kanya sa pisngi. Lumitaw ang kaputian nito sa suot na pulang gown. Hindi mo maipagkakaila na nagmula ito sa isang mayamang pamilya dahil sa kumikinang nitong kutis, idagdag pa ang mamahaling alahas na suot nito.

“Good evening everyone!” Natuon ang atensyon ng lahat maging ako nang magsalita sa ibabaw ng stage si tito Romeo. Kasama nito si tita Emma na ngiting-ngiti habang magkahawak-kamay ang dalawa. “Thank you for joining us here tonight.”

Napuno ng palakpakan ang buong paligid. Marami pang sinabi si tito Romeo pero tila nabingi na ata ako para pakinggan ito dahil sa dalawang taong natatanaw ko sa unahan ko. May pa-prove pa siyang nalalaman kanina. Tapos ngayon ang lakas ng loob niyang lumandi ng ibang babae. Such a playboy talaga!

“Enjoy the party everyone!” Huling sambit ni tito Romeo bago sabay na bumaba sa stage.

Sunod na umalingawngaw ang magandang tugtugin sa buong paligid matapos.

“Hey! Are you fine? Parang kanina ka pa ata tahimik.” Nagtatakang tanong ni Jack sa’kin.

Mapait ko itong nginitian. “Hindi lang kasi ako sanay sa mga ganitong okasyon.” Pagsisinungaling ko.

“Join me. Ipapakilala kita sa mga bisita.” Bigla akong kinabahan sa alok niyang ‘yon. Hindi ko inaasahan na ‘yon ang itutugon niya.

Mabilis akong tumanggi sa alok niya ngunit nakatayo na siya sa harapan ko habang nakalahad ang isang kamay.

“I insist. You need to know these people.” Pangungumbinsi pa niya. Hindi na ako nakatanggi pa nang siya na mismo ang kumaladkad sa akin.

“Good evening Mr. and Mrs. Gonzalo.” Narinig kong pagbati ni Jack sa isang middle-aged na lalaki at babae. Marahil ay mag-asawa ito. Pabalik ding itong bumati sa kanya nang mapansin ang presensya namin. “By the way, this is Mark, tita Emma’s son.” Nagtataka akong napalingon kay Jackal dahil sa sinabi niya pero hindi ko na lamang ‘yon ginawang big deal.

Sunod akong pinakilala ni Jackal sa mga anak nitong sina Greco at Gervis Gonzalo. Ngunit ang labis na ikinamangha ko nang malaman ang kasintahan ni Greco na si Shane na isang lalaki rin. Masaya akong nakipag-kamay sa kanila lalo na kay Shane bago kami lumipat ni Jack ng mesa.

Sunod naming pinuntahan ang mesa nina Samantha. Masaya ako nitong binati nang makita ako.

“Long time no see, Mark. How are you na?” Nakangiti nitong tanong sa akin. Naagaw ko na ang atensyon ng mga tao sa kanilang mesa. Bigla naman akong nakaramdam ng pagkailang dahil sa mga matang nakatingin sa akin.

“Ayos lang.” Tipid kong sagot kay Samantha.

Nabaling ang tingin ko kay Jack na abala sa pakikipagusap sa isang lalaki.

“Everyone, this is Mark nga pala. Mark, this is dad and my mom. My brother, Vlad and that is my sweet loving husband, Nathan Vergara.” Dahil abala sa pakikipagusap si Jack sa asawa ‘pala’ nitong si Samantha ay siya na ang nagpakilala sa akin. Tulad kanina, masaya akong nakipagkamay sa mga ito. Napangiwi ako nang maramdaman ang mahigpit na pagkakahawak ng dad ni Sam sa kamay ko. Hindi ko na lamang ito pinahalata.

“Had fun talking to you, bro.” Pagpaalam ni Jack sa asawa ni Samantha. Hindi na kami nagtagal doon at naglakad na papalayo sa kanila.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa gitna ng maraming tao nang magulat ako nang aksidenteng natapunan ng isang waiter ng wine ang suot na suit ni Jack.

“Fvck!” Dinig kong mura ni Jack dahil sa nangyari. Dahil sa gulat ay galit na pinagtutulak ni Jack ang waiter dahilan para mahulog ang mga wine glass sa hawak nitong tray. Nagkagulo ang buong paligid dahil sa nangyari.

Agad kong pinigilan si Jack na mas lalo pang mag-eskandalo.

“Look what you’ve done assh*le!” Nanggagalaiti pa rin ito sa galit nang sinikap ko siyang ilayo sa waiter na ilang ulit ring humihingi ng pasensya sa kanya.

“Tama na, Jack!” Pagpigil ko sa kanya at pilit siyang hinahawakan sa braso.

“What’s going on?” Nadinig kong tanong ni tito Romeo nang makalapit ito sa amin.

“Don’t fvcking touch me!” Tuluyan akong napabitaw kay Jack nang maglakad ito papalayo sa amin. Napabuntong-hininga ako dahil sa nangyari.

Humingi ako ng pasensya sa waiter bago balak sanang sundan si Jack nang may biglang humatak sa akin. Nagtatakang nabaling ang tingin ko kay Tale na ngayon ay hatak-hatak ako patungo sa mesang kinauupuan nila. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay.

“Tale?” Pinandilatan ko siya ng mata nang tumigil kami sa paglalakad.

Hindi niya ako pinansin imbes ay itinuon ang tingin sa mga taong nakaupo sa harapan namin.

“Dad? This is Mark and he’s my boyfriend.”

Tuluyan na ata akong tinakasan ng kaluluwa sa hindi inaasahang marinig. Gulo ang isip kong tiningnan siya.

Anong pinagsasabi ng lalaking ‘to?

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 26

Mark Hope Calvares


M A R K

“Bitawan mo nga ako!” Buong lakas kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Kanina pa ako pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya. Pumindot muna siya sa button ng elevator bago frustrated akong hinarap.

“Isn’t that enough?” Gigil niyang tanong sa akin. Muling nanumbalik sa isipan ko ang sinabi niya sa harapan ng dad niya na labis na ikinagulat ko. “Hindi pa ba sapat ’yon na dahilan para patunayan ko sayo na hindi kita pinaglalaruan? Huh?” Tila napipe ako at hindi makasagot sa sumbat niya - pakiramdam ko ay sinusumbat niya sa akin ang mga sinabi ko sa kanya.

“Sa tingin mo ba, basta-basta na lang kita mapapatawad? Matapos ng lahat ng sakit na pinilit kong ilihim sayo para lang hindi ka mawala sa’kin. Sana noon mo pa ’yon ginawa. Natuwa pa sana ako.” Balak ko na sanang bumalik sa party nang muli niya akong kinaladkad.

“You’re not going anywhere.” Sambit niya habang hila ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa loob ng elevator.

“Bitawan mo ako, Tale! Nasasaktan ako!” Ilang ulit ko na siyang nakakalmot para lang makawala sa kanya ngunit parang wala lang sa kanya ’yon dahil sa suot niyang suit.

“Can you please stop shouting?” Halata sa boses niya ang pagpipigil ng galit sa tanong niyang ’yon. Tila apoy na lumiliyab ang kulay abo niyang mga mata na nakatitig sa akin pero hindi ’yon naging sapat para matakot ako. Natuto na ako sa kanya. Hinding-hindi ko na siya aatrasan.

“Hindi mo ba alam na labag sa batas ’tong ginagawa mo? Huh? Abduction ’tong ginagawa mo.” Halos maikuyom ko ang kamay ko sa labis na inis sa kanya.

Mas lalo kong nilapit ang mukha ko upang uyamin pa siya lalo. Nagkamali ata ako ng ginawa nang gumuhit ang malapad na ngisi sa kanyang labi. Mas lumakas pa ang pagsilab ng apoy sa kanyang mata.

“You want legal, then? Huh?” Saglit siyang tumigil. “Don’t provoke me, Mark.” Halos pabulong niyang sabi.

Awtomatikong umangat ang isa kong kamay upang sampalin sana siya nang walang hirap niya itong naharang ng isa niyang kamay. Napadaing ako nang pareho ko nang kamay ang hawak niya.

“Bitawan mo ako. Siguradong makakarating kay tita Emma ’tong ginawa mo.” Nanghahamon kong sambit.

“Go ahead. But for your information atleast, you signed a contract with me. Remember?” Nangunot ang noo ko at pilit na inalala ang pinupunto niya. Napamura na lamang ako sa isip ko na ang kontrata na tinutukoy niya ang pagpirma ko bilang ‘personal chef’ niya. Mariin akong napapikit nang maalala ito.

Mabuti na lang ay nagawa niya nang bitawan ang pareho kong kamay. Bigla akong nawalan ng gana na makipagbangayan sa kanya. Mas pinili ko na lamang na humalukipkip sa gilid nitong elevator at huwag na lamang magsalita.

Pagak siyang napatawa marahil dahil sa biglang pananahimik ko.

Ilang saglit lamang ay tumunog na ang elevator at bumukas na ito. Nauna na siyang maglakad palabas. Mabilis akong napaayos ng tayo at ilang ulit na pinindot ang ‘close button’ nitong elevator. Napangisi ako.

Napansin ko ang gulat niyang mukha nang lingunin niya ako. Pasara na sana ang elevator nang maagap niya itong napigilan sa pamamagitan ng kanyang paa. Muli akong napamura sa isip dahil sa bagal ng pagsara ng pinto nitong elevator.

“Did you think you can escape from me, huh?” Bungad niya sa akin nang tuluyang bumukas ang pinto.

“Ba’t ba kasi ang bagal mong sumara?” Pagkausap ko sa sarili. Tinarayan ko na lamang siya at nauna nang maglakad. Akala ko ay hahayan niya na akong maglakad nang mapaigik ako dahil sa biglang pagbuhat niya sa akin.

“Ibaba mo ako, Tale! G*go ka talaga!” Malakas kong sigaw nang walang hirap niya akong pinatong sa ibabaw ng balikat niya. Nagmukha tuloy akong isang sakong bigas sa posisyon ko.

Mas lalo pa akong nainis nang narinig ko ang pagtawa niya. Loko talaga siya! Masyado pa ata siyang natutuwa sa kalokohang ginagawa niya. Samantalang ako ay parang mamamatay na kasisigaw dito.

“Ptangna mo, Tale! Mamatay ka na!” Halos umalingawngaw ang malakas kong sigaw sa kabuuan nitong parking lot. Pinagsusuntok ko pa siya sa likuran niya para lang ibaba niya ako. Hanggang sa napagod na lang ako sa ginagawa at sumuko na lamang.

“Get inside.” Maotoridad niyang utos sa akin nang sa wakas ay ibaba niya ako sa harap ng nakabukas nang pinto ng kanyang kotse.

Humalukipkip lamang ako at hindi sinunod ang sinabi niya. Bahala siya sa buhay niya!

“Tsk! Papasok ka o ako ang papasok sayo?” Napapansin kong unti-unti na siyang nawawalan ng pasensya sa akin dahil sa pagtangis ng kanyang panga. “I said, don’t provoke me, Mark.” Bahagya niyang niluwagan ang suot niyang necktie maging in-unbutton ang dalawang butones ng kanyang sleeves.

Saglit siyang tumahimik at mariin lamang na tumitig sa akin. Sa huli ay ako rin ang napasuko at walang choice kundi ang sundin ang utos niya. Ngunit imbes na maupo sa shotgun seat ng kotse ay pumasok ako sa passengers seat at doon naupo.

Ilang segundo pa lamang ang lumipas nang biglang bumukas ang pinto.

“What the fvck are you doing?” Mukhang naubos na nga ang pasensya niya sa akin dahil bahagya nang tumaas ang tono ng kanyang boses.

“Nakaupo? Hindi ba obvious?” Literal kong sagot sa kanya.

“You’re not sitting here. You will sit beside me, Mark.”

Imbes na makipagtalo pa sa kanya ay mas pinili ko na lamang na manahimik at huwag na siyang pansinin. Ang dami niya naman masyadong gusto sa buhay. Sasama na nga ako sa kanya, eh. Hindi pa ba sapat ’yon?

Napansin ko ang paghilamos niya sa kanyang kamay gamit ang parehong kamay at ang mahinang pagmumura. Napangisi ako sa inakto niya. Ngayon natin tingnan ang haba ng pasensya mo, Tale. Kung tuso ka, mas tuso ako!

“Okay! Fine!” Bahagya akong nagulat nang padabog niyang sinara ang pinto ng kanyang kotse bago umikot patungo sa driver’s seat nitong kotse. Ilang saglit lang ay binuhay niya na ang makina ng kotse at tinahak ang daan palabas nitong parking lot.

Tahimik lamang akong nakatanaw sa malakas na pagbuhos ng ulan at ang pag-agos ng mga ito sa bintana nitong sasakyan. Maging si Tale ay abala lang sa pagmamaneho ng sasakyan. Mga nagtitirikang mga gusali ang nadaanan namin bago kami pumasok sa subdivision kung saan si Tale nakatira.

Napabuntong-hininga ako. Ngayon na lang ako ulit nakapunta rito makalipas ang ilang buwan. Ilang minuto pa ang lumipas ay narating na namin ang mansyon na tinitirahan ni Tale. Wala pa ring tigil ang malakas na pagbuhos ng ulan. Umayos ako ng pagkakaupo nang makapasok na sa garahe ang kotse ni Tale.

Napalinga-linga ako sa kabuuan ng bahay ni Tale. Wala namang masyadong nagbago bukod sa medyo makalat. Ang mga throw pillows na nakakalat sa sofa at ang patay nang halaman na nasa ibabaw ng center table nitong sala.

“Do you need anything?” Bahagya akong napaigtad nang maramdaman ang malaki niyang kamay sa aking bewang. Sobrang lapit niya sa akin dahilan para kapusin ako ng hininga.

“Gusto ko nang magpahinga.” Ako na ang kusang lumayo sa kanya.

“Ahmm… Good night, then.” Rinig kong sambit niya bago ako tuluyang makaakyat.

Tinahak ko ang hagdan patungo sa second floor nitong bahay kung nasaan ang kwarto ko noon. Wala akong balak na tumabi kay Tale at mas lalong wala akong balak na makipag-sex sa kanya. Hindi ibig sabihin na sumama na ako sa kanya dito ay ayos na kaming dalawa.

Bumungad agad sa akin ang pamilyar na amoy ng aking kwarto. Nasa dati pa ring ayos ang mga gamit ko tulad nang umalis ako dito. Naisipan ko munang mag-half bath bago magpahinga. Mabuti na lang ay may iilan pa akong mga damit na naiwan dito at hindi ko kailangang manghiram kay Tale. Ayoko nang makita pa ang pagmumukha ni Tale ngayong araw dahil sa mga susunod na araw ay mauumay na lang ako dahil araw-araw ko na namang masisilayan ang mukha niya.

Chineck ko muna ang phone ko kung may mga messages o missed calls sa akin si tita Emma, pero wala naman. Ngunit may iilang missed calls akong natanggap galing kay Jack. Mabilis akong nakatulog marahil na rin sa labis na pagod. Narinig kong parang may bumukas ng pinto ng kwarto ko ngunit masyado nang mabibigat ang talukap ng aking mata upang imulat pa ito.

“Mark? Mark?” Naalimpungatan ako dahilan para imulat ko ang aking mga mata. Agad na bumungad sa akin ang pawis na pawis na mukha ng isang bata. Walang ideya akong napabangon nang hilahin niya ang sugat-sugat kong kamay.

“Saan tayo pupunta?” Mahinang boses na tanong ko dito. Hindi ko magawang makita ang mukha niya dahil nasa labas ng pinto nakatuon ang atensyon niya. May sinisipat siya sa labas ngunit wala akong ideya kung ano ito.

“Itatakas kita.” Nanlaki ang aking singkit na mata. Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at mabilis na bumalik sa katreng gawa sa kahoy nitong lumang kwarto.

“Ayoko! Natatakot ako.” Halos maluha-luha akong niyakap ang sarili ko. Nagtataka siyang lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko ngunit malakas ko ito muling binawi sa kanya.

“Don’t be scared. I’m with you. I will protect you, Mark.” Pangungumbinsi nito para bahagyang kumalma ang malakas na pagbugso ng dibdib ko. Unti-unti akong umayos ng pagkakaupo at nag-aalangang tiningnan siya.

“Paano ka?” Nagaalala kong tanong sa kanya. Hindi ko mabakas ang takot sa kanyang mga mata bagkus ay punong-puno ito ng tapang at determinasyon.

“Don’t worry about me.” Dahil doon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na sumama sa kanya.

Minsanan akong pinaninindigan ng balahibo habang tinatahak namin ang madumi at madilim na pasilyo nitong abandonadong gusali. Ngunit sa tuwing nasusulyapan ko ang magkahawak naming kamay ay nawawala ang takot ko. Naniniwala ako sa mga sinabi niya sa akin na poprotektahan niya ako - na walang mangyayaring masama sa akin hangga’t nariyan siya.

“Ssshhh…” Mahina akong napaigik nang bigla niyang takpan ang bibig ko. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa kamay niyang nakatakip sa akin. Nakatitig lang ako sa mukha niya nang marinig ko ang mahihinang boses ng mga lalaki na masayang nag-uusap. Nangilabot ako nang mapagtantong boses ito ng mga masasamang tao.

Ilang saglit lang nagpatuloy na muli kami sa paglalakad ngunit ilang segundo pa lamang ang nakalilipas nang makarinig kami ng malakas na pagalingawngaw ng sigaw mula sa malayo.

“Hurry.” Rinig kong sambit niya bago kami mabilis na tumakbo.

Ang sigaw na ’yon ay nasundan pa ng mga sunod-sunod na sigaw. Binalot ako ng matinding takot dahil sa mga naririnig. Halos madapa na ako dahil sa tulin ng pagtakbo namin. Hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko.

“Nandito sila!” Halos masubsob ako sa likod niya nang walang-sabi siyang huminto. Nanlaki ang aking mata nang makita ang armadong lalaki sa harapan namin. Maiyak-iyak na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin.

“Wala na kayong matatakbuhan.” Nakatatakot nitong sambit habang dahan-dahan na humahakbang papalapit sa amin. Parang baliw na aso pa itong nakangisi para mas lalo kong ikatakot.

Sa bawat paghakbang papalapit ng lalaki ay ’yon rin ang paghakbang naming dalawa paatras. Nanginginig na ang buo kong katawan sa takot. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

“Run, Mark.” Mahinang bulong niya sa akin.

“Hindi ko kaya…” Kinakabahan kong sagot sa kanya.

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko at buong tapang na sumigaw pasugod sa lalaki sa aming harapan. Natuod ako sa aking pwesto nang matanaw ang pagsipa niya sa pagitan ng hita ng lalaki para mamalipit ito sa sakit.

“Let’s go!” Sigaw niya dahilan para mabalik ako sa sarili. Naramdaman ko ang muling paghawak niya sa kamay ko bago muling tumakbo ng mabilis. Lumabas kami sa isang malaking pinto. Bumungad sa amin ang madilim at malawak na damuhan.

Paminsan-minsan akong napapalingon sa aking likuran sa tuwing nakakarinig ako ng mga sigaw. Nagpatuloy lamang kami sa mabilis na pagtakbo hanggang sa makarinig na kami ng malalakas na putok ng baril. Napasigaw ako sa takot. Huli ko nang namalayan nang pareho kaming nagpagulong-gulong sa damuhan. Napadaing ako sa sakit ng pagbagsak ko sa lupa.

Mariin kong ipinikit ang aking mata at parehong tinakpan ang aking tenga nang magpatuloy ang malalakas na pagputok ng baril. Nanginginig ang buo kong katawan nang maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa aking balikat.

Agad kong nilayo ang aking sarili dahil sa takot. Malakas na sana akong sisigaw nang maagap niyang natakpan ang aking bibig.

“Don’t be afraid. I’ll help you to get out from here.” Nasilayan ko ang matamis niyang ngiti na nagpakalma sa akin ngunit mabilis ring itong naglaho nang mapadaing siya at napahawak sa kanyang tagiliran.

“May dugo ka.” Nagaalala kong sabi sa kanya nang mapansin ang bakas ng dugo sa kanyang damit.

“Hanapin niyo sila!” Nabaling ang atensyon ko sa paligid nang makarinig ako ng sigaw ng isang lalaki.

“Go, Mark.” Nahihirapan niyang utos sa akin.

Mabilis akong umiling sa utos niya. “Hindi. Hindi ako aalis kapag hindi kita kasama.” Naiiyak kong salungat sa kanya.

“Just go.” Napaubo siya ng ilang ulit. Bigla akong naalerto nang mariin siyang napapikit at muling napahawak sa kanyang tagiliran.

“Hindi kita iiwan dito.” Nanginginig na ang aking boses dahil sa pag-iyak, dahil sa labis na paglukob ng takot sa akin.

“I can’t r-run anymore.” Napahikbi na ako at hindi na alam ang gagawin nang itinukod niya ang isa niyang braso sa lupa bilang suporta. Sinikap ko siyang hawakan sa kanyang balikat. Natuod ako sa aking pwesto nang mapansin ang kanyang pag-iyak dahil sa mabilis na pagtaas-baba ng kanyang balikat.

Napatakip ako ng mata nang isang nakasisilaw ng liwanag ang tumama sa aming pwesto kasunod nito ang malakas ng sigaw ng isang lalaki.

“Nandito sila!”

“Run, Mark.” Mahina niyang bulong. Kahit nagaalangan siyang iwan dito ay agad akong tumayo at mabilis na tumakbo.

Habol-habol ang aking hininga na napalingon sa aking likuran.

“Run, Mark!” Nadinig kong sigaw niya bago ako tuluyang nakalayo.

Mas lalo ko pang binilisan ang aking pagtakbo nang mapansin na hinahabol na ako ng mg armadong lalaki. Kahit hirap na hirap at nanlalabo ang buong paningin dahil sa pag-iyak ay sinikap ko pa ring bilisan ang aking pagtakbo. Basag ang aking boses na napasigaw nang aksidente akong natalisod at huli ko nang namalayan na nagpagulong-gulong na pala ako pababa sa isang bangin.

“Mark!” Malakas na boses ni Tale ang gumising sa akin sa matinding bangungot na kailanman ay hindi ko na matatakasan pa.

Habol-habol ang hininga akong napayakap kay Tale. Napagulgol ako sa balikat niya dahil sa matinding takot na nararamdaman. Mahigpit pa akong napawahak sa likuran ni Tale na patuloy lang na hinahaplos ang aking likod.

“It’s alright. It’s alright. I’m already here.” Pilit niya akong kinakalma sa mga salitang ’yon.

Ilang minuto pa akong nakayakap kay Tale bago napadesisyunang kumalas sa posisyon naming ’yon. Kahit papaano ay kumalma ako na maramdaman siya dito sa tabi ko.

“I rushed here when I heard a thunder. I got so worried about you, Mark.” Kahit hindi ko man siya tinatanong ay siya na mismo ang nagpaliwanag sa akin. Napapikit ako nang maramdaman ko ang mainit niyang palad sa aking pisngi. Maingat niyang pinalis ang bakas ng luha sa aking pisngi.

Hindi ko magawang makapagsalita. Tahimik ko lamang dinadama ang maingat niyang haplos hanggang sa maramdaman ko na lang mainit niyang labi sa akin. Napamulat ako ng mata.

“I missed you.” Bulong niya bago muling ilapat ang kanyang labi sa akin. Muli akong napapikit at dinama ang alab ng kanyang halik. Naramdaman ko ang pagkuha niya sa isa kong kamay at ipinatong ito sa kanyang didbib. Dama ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso.

Nanghihina akong napahiga sa aking kama nang mas lumalim pa ang aming pagtatagpo. Nakapaibabaw siya sa akin at malikot nang pinaglalaruan ang aking utong. Mahina akong napaungol sa pagitan ng aming paghahalikan.Tila matagal nang hinahanap-hanap ng aking katawan ang init ng kanya. Hindi ko magawang mapigilan ang aking sarili.

Sa maulang gabi ay mainit naming pinagsaluhan ang mapusok na pagkakataong hinding-hindi ko makakalimutan. Muli, ay nabihag ang puso ko ng lalaking ito - ni Tale.

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 27

Alfred Tale Crosagne


M A R K

Nagising ako kinabukasan na masakit ang buong katawan. Nakapikit akong dinama ang lalaking katabi ko buong gabi ngunit tanging ako na lamang ang naririto sa kama. Kahit ayoko pa mang bumangon ay kailangan ko pang magluto ng almusal. Ngayong nagkaayos na kami ni Tale ay kailangan ko nang gampanan ang trabaho ko bilang personal chef niya.

Nakatulala lang ako sa kawalan nang bigla kong maalala ang nangyari sa amin ni Tale. Napahawak ako sa magkabila kong pisngi nang maramdaman ko ang pang-iinit nito. Napakagat ako sa labi. Malinaw na malinaw pa sa akin ang bawat detalye ng nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay dama ko pa rin sa akin ang maingat niyang mga haplos at at ang mga uhaw niyang halik. Maging ang kanya sa loob ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay sa laki ng kanya at hindi ko pa rin maiwasan na manhapdi ang parte kong ‘yon.

Naghilamos muna ako bago bumaba at tumungo sa kusina nitong bahay. Laking-gulat ko nang mapansin ang mga nakahanda nang almusal sa mesa. Napakamot na lamang ako at luminga sa paligid. Hinanap ng mata ko si Tale pero hindi ko siya makita dito sa first floor. Muli akong umakyat sa second floor upang hanapin siya. Inabot ako ng ilang minuto bago ako makarinig ng ingay mula sa gym.

Napangiti ako nang makita siya sa loob. Nanatiling nakabukas ang pinto kaya naman ay malaya akong sumandig dito at nakahalukipkip siyang tinitigan. Umaalab ang mata niyang malakas na sinusuntok ang isang itim na punching bag. Wala siyang suot na pang-itaas, tanging grey sweat shorts at pulang boxing gloves ang kanyang suot. Nagiging depenado ang mga ugat niya sa kanyang braso sa bawat suntok niya.

Napakagat ako nang mapagmasdan ang pawis niyang katawan. Ang buhok niyang halos mabasa na ng kanyang pawis. Maging ang matitigas niyang abs niya ay umuusok dahil sa pagdaloy ng kanyang pawis dito. Sa bawat pagsuntok niya ay ‘yon din ang pagtangis ng malaki niyang braso na walang hirap akong nabuhat kagabi.

Nginitian ko siya nang sa wakas ay mapansin niya ako.

“Kanina ka pa ba diyan?” Nakangiti niya ring tanong sa akin.

“Hindi naman.” Sagot ko.

Ako na ang lumapit sa kanya. Napansin ko na nahihirapan siyang tanggalin ang suot niyang boxing gloves kaya naman ay nagkusa na akong tanggalin ito.

“Thanks.” Nakatitig lamang kami sa isa’t-isa hanggang sa matanggal ko pareho ang boxing gloves sa kamay niya.

Nanlaki ang aking mata nang bigla niya akong kabigin palapit sa pawis niyang katawan. Hindi ako agad nakaangal dahil sa paghalik niya sa akin sa labi. Aksidenteng lumapat ang pareho kong kamay sa pawis niyang dibdib bilang suporta upang hindi ako tuluyang masubsob sa kanya.

“Kadiri ka! Pawis na pawis ka oh.” Pagrereklamo ko sa ginawa niya.

“You look so beautiful today, Mark.” Imbes na tumugon sa akin ay nagawa niya na lang ako purihin. Parang bula na nawala ang inis ko sa kanya at napalitan ito ng kilig. Ngayon na lang kami ulit nagkaroon ng pagkakataon ni Tale magkaroon ng ganitong pagkakataon. Kahit papaano ay hinanap-hanap ito ng katawan ko. Ang mahagkan ng kanyang mga braso.

“Ba’t di mo ako ginising?” Pagtatanong ko sa kanya habang pinapagapang ko ang daliri ko sa pawis niyang dibdib. Napansin ko ang paggalaw ng kanyang adams apple dahil sa ginawa ko. Napakagat ako sa aking labi dahil sa kalokohang ginawa.

“Stop that, Mark.” Nauutal niyang pigil sa akin. Pinahid ko ang pawis sa kanyang leeg gamit ang likod ng aking kamay. Mariin siyang napapikit ngunit agad niya ring inalis ang kamay ko doon.

“Nagugutom na ako. Hindi mo man lang ako pinakain ng dinner kagabi bago mo ako dalhin dito.” Turan ko sa kanya nang makaramdam ng gutom. Sa totoo naman talaga.

“I did.” Nakakagat-labi niyang sagot sa’kin. Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

He did? Eh wala nga akong maalala na kumain ako kagabi. Pinagloloko na naman ba ako ng lalaking ‘to?

“You did? Kailan?” Ako ngayon ay nagtataka nang pagak niya lamang akong pinagtawanan. Tsaka ko lang napagtanto na ang tinutukoy niya pala ay ang naging mainit naming pagniniig kagabi. Bigla akong pinamulahan nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin.

“Ang bastos mo talaga!” Pinalo ko siya sa dibdib pero pinagtawanan niya lang ako. Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa akin at nakahalukipkip na nilisan ang kwartong ‘yon.

Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin at tumungo na lang sa dining area nitong bahay upang kumain na ng almusal. Kanina pa kasi nagrereklamo ang tiyan ko at gusto nang kumain.

“We’re eating breakfast outside.” Natigilan ako sa paghakbang pababa ng hagdan nang magsalita siya sa likuran ko. Nagtataka ko siyang nilingon.

“Huh? Eh paano ‘yong niluto mong breakfast? Sayang naman.” Medyo naiilang ako sa paraan ng pagpupunas niya ng pawis sa kanyang katawan. Parang may kung anong kumiliti sa tiyan ko sa tanawing nakikita ko ngayon.

“We’re going somewhere after we eat breakfast. Besides, malamig na ‘yong niluto ko.” Pagdadahilan niya sa’kin habang patuloy pa rin sa ginagawa.

“Pwede naman nating initin na lang.”

“Not buts, Mark. Just get ready.” Pinal niyang sabi bago tumungo sa kanyang kwarto.

Napakamot na lang ako. Kahit kailan talaga ay hindi ako mananalo sa pakikipag-argumento kay Tale. Napabuntong-hininga na lang ako at dumiretso na lang din sa kwarto ko para maghanda. Napapikit ako ng mata nang dumaloy sa aking katawan ang mainit-init na tubig mula sa shower. Maingat kong hinaplos ang aking katawan gamit ang strawberry bath soap. Binilisan ko lang ang ginawang pagligo upang makaalis na kami agad at makakain na ng almusal. Kanina pa kasi ako nagugutom. Ang dami kasing alam ni Tale eh. Pwede naman kasing dito na lang kumain. May nalalaman pang sa labas kumain. Mga mayayaman nga naman. Pwede naman kasing dito na lang kumain ng almusal eh.

Patapos na ako maligo nang marinig ko ang pagbukas ng pinto nitong comfort room. Nanlaki ang aking mata nang matanaw si Tale na hubo’t-hubad na naglalakad papalapit sa’kin. Tila nag-uunahan pababa sa kanyang katawan ang tubig na pumapatak galing sa basa niyang buhok.

“Anong ginagawa mo dito, Tale?” Gulat kong tanong sa kanya. Mas lalo pa atang nanlaki ang mata ko nang mapansin ang naninigas niya nang pagkalalaki sa pagitan ng kanyang hita. Tila mas lumaki pa ito kumpara noon. Shocks! Ganyan na ba kalaki ang pinasok niya sa loob ko kagabi?

“You turned me on, Mark and you have to do something about this.” Hindi pa man ako nakakapagsalita nang mabilis niya na akong sinunggaban ng halik. Muntikan pa akong madulas at mabuti na lang ay nagawa kong makahawak sa kanyang batok.

Nang makabawi mula sa pagkagulat ay nagawa ko nang makatugon sa uhaw niyang mga halik sa akin. Mahina akong napaungol nang pumaibaba ang kanyang halik sa aking panga pababa pa sa aking leeg.

“You’re so fvcking hot.” Sambit niya sa bawat paghalik niya sa basa kong katawan. Lumakas ang ungol ko nang paglaruan ng eksperto niyang dila ang namumusok ko nang utong. Napasabunot ako sa kanyang buhok dahil sa kakaibang sarap na dinadala niya sa’kin.

“H-huwag…” Mahinang boses kong pigil sa balak niyang gawin ngunit huli na ata ako nang tuluyan niya nang maipasok sa kanyang bibig ang akin. Muli akong napasabunot sa kanyang buhok at napatingala.

Damang-dama ko ang init ng kanyang bibig sa ginagawa niyang pagsubo sa pagkalalaki ko. Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa alapaap sa sobrang sensasyon na dumadaloy ngayon sa buong katawan ko. Anumang oras ay pwede na akong labasan sa pagiging eksperto niya sa bagay na ‘to.

“T-Tale…” Nahihirapan kong bulong sa pangalan niya. Para na akong mababaliw anumang oras. Nananakit na rin ang tiyan ko. May kung anong gusto nang kumawala dito.

Hindi nga nagtagal ay narating ko na ang rurok ko. Malakas akong napaungol sa sarap na nadama. Nang maimulat ko ang aking mata ay nasa harapan ko na si Tale. Umaalab pa rin ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Awtomatikong lumapat ang aking labi sa kanya. Medyo nalasahan ko ang katas ko nang ipasok ko ang dila ko sa kanyang bibig. Mas lalo ‘yong nagpabaliw sa akin at mas naging mapusok pa lalo ang paraan ng aking paghalik. Kusang pumagapang ang nanginginig kong kamay pagapang mula sa matikas niyang dibdib, pababa sa kanyang matitigas na tiyan at patungo sa kanyang naghuhumindig nang pagkalalaki.

Nadama ko ang mahina niyang pag-ungol nang simulan kong paglaruan ang kanya. Kumalas ako sa paghalik sa labi niya at binigyan ng pansin ang kanyang adams apple. Saglit ko itong sinipsip bago pumantay sa kanyang pagkalalaki.

Halos hindi ko na mahawakan ito ng buo dahil sa laki nito. Hindi ako makapaniwala na nakayanan kong tiisin ang ganitong kalaki at kahabang pagkalalaki niya sa kaloob-looban ko. Napalunok ako. Kakayanin ko bang isubo ang ganito kalaking pag-aari niya?

Napalunok ako. Mariing ipinikit ang aking mata upang ihanda ang sarili sa panibagong pagsubok na aking tatahakin. Ngunit bago ko pa man magawang maisubo ang kanya ay nagulat ako nang may maliit na asong pumasok sa loob ng comfort room.

“May aso, Tale.” Sambit ko sa kanya at mabilis na tumayo.

Malapad akong napangiti at lumapit dito. Narinig ko ang mahinang pagmura niya dahil sa pag-iwan ko sa kanya sa shower room. Sinuot ko muna ang isang bathrobe bago kinarga ang patuloy pa ring tumatahol na aso.

“Ang cute-cute mo naman.” Pagkausap ko sa aso. Natigil na ito sa pagtahol nang kargahin ko siya. Tila nagpapa-cute ang aso sa akin sa ginagawa nitong pag-wag ng kanyang buntot. Napahagikgik ako.

“Anong pangalan niya Tale?” Binaling ko ang tingin kay Tale na hindi na ata matukoy ang mukha dahil sa pagkabusangot nito.

“She’s Chula, a Havanese breed dog.” Walang gana niyang sagot sa tanong ko.

“Hello Chula.” Pagkausap ko sa kanya. “My name is Mark. Nice meeting you, baby Chula.” Saglit akong napatingin kay Tale nang dumaan siya sa tabi ko. Napangisi ako nang masulyapan ay may katambukan niyang puwet dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang suot.

“Sigurado ka bang ayos lang mag-isa doon si Chula?” Pagtatanong ko kay Tale habang tinatahak namin kahabaan ng express way.

“She’ll be fine.” Tipid niyang sagot sa’kin. Napapansin kong kanina pa malamig ang pakikitungo niya sa akin simula nang umalis kami.

“Kailan ka pa nagkaroon ng alagang aso?” Muli kong pagtatanong sa kanya. Sinusubukan siyang kausapin kahit papaano.

“Since you’ve left me.” Muli, ay tipid na naman ang naging tugon niya sa tanong ko. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi siya makatingin sa akin kapag sumasagot dahil sa nagda-drive siya. Pero ‘yong paraan ng pagsagot niya sa bawat tanong ko ay ramdam ko ang panlalamig nito.

Ano bang problema ng lalaking ‘to?

“Okay.” Tipid ko na lamang na tugon at pinili na lamang na manahimik. Nagmumukha lang akong tanga dito na nakikipag-usap sa kanya. Humalukipkip na lamang ako at tinanaw ang mga gusaling aming nadadaanan.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa isang restaurant. Labas pa lang nito ay masasabi mo nang mamahalin ang mga pagkaing sini-serve dito. Magiliw kaming binati ng isang lalaking receptionist nang makapasok kami sa loob ng lugar.

“Good morning din.” Nakangiti kong pagbati rin sa receptionist ngunit laking pagtataka ko nang maramdaman ko ang pagkabig sa akin ni Tale papalapit sa kanya. Napansin ko ang awkward na ngiti ng receptionist nang malampasan namin ito.

Nagtataka kong tiningnan si Tale nang hindi pa rin ako kinikibo nito hanggang ngayon. Ano bang problema ng lalaking ‘to? Kaya ba siya malamig siya sa akin ay dahil sa naudlot naming pagniniig kanina? Masyado naman siyang mababaw kung ‘yon lang ang dahilan niya.

Napairap ako sa hangin dahil sa pagkainis sa kanya. Bahala nga siya sa buhay niya. Masyado siyang isip-bata. Imbes na mamroblema sa paraan ng pakikitungo niya sa akin ay itinuon ko na lang ang atensyon ko sa menu na nakahanda sa harapan ko. Bigla akong nalula sa taas ng presyo ng mga pagkain dito.

“Waiter!” Natigil ako sa pagpili ng makakain nang marinig ko ang pagtawag ni Tale ng waiter. Hindi nagtagal ay may lumapit na isang lalaking waiter sa amin.

“What’s your order sir?” Magiliw na tanong nito kay Tale. Napansin ko ang paglabas ng dimples nito dahil sa pagngiti nito sa kanya.

Nakatingin lang ako kay Tale habang sinasabi niya sa waiter ang kanyang order.

“How about you sir? What’s your order?” Sa akin na pala nakatuon ang atensyon ng waiter. Hindi ko siya agad napansin dahil sa pagiging abala sa pagpili ng makakain sa menu. Hindi kasi ako makapili dahil wala man lang akong mahanap na mura. Mapapamura ka na lang talaga sa kamahalan ng mga pagkain dito.

Sasabihin ko na sana dito ang order ko nang walang sabing nagsalita si Tale na ikinainis ko.

“That’s already our order.” Nanlalaki ang aking mata na tinapunan ng tingin si Tale. Nagtataka kung bakit niya ‘yon sinabi sa waiter ng hindi man lang muna ako tinatanong.

“I’m sorry about that sir.” Paghingin ng paumanhin ng waiter kay Tale. Wala ka dapat ihingi ng paumanhin dahil mukhang sinusumpong ‘tong lalaking kasama ko. Nakakainit siya ng ulo. Bigla-bigla na lang siya naging ganyan.

Inulit muna ng waiter ang naging order ni Tale bago ito umalis.

“May problema ba Tale?” Pagtatanong ko sa kanya. Unti-unti na akong nauubusan ng pasensya sa kanya.

“Nothing. Why?” Simple niyang sagot sa akin bago ituon ang tingin sa menu kahit katatapos niya pa lang mag-order. Tsk! Iniiwasan ba ako ng lalaking ‘to?

“Pwede ba? Kausapin mo muna ako.” Pabalang kong kinuha sa kanya ang menu at nilapag ito sa ibabaw ng mesa.

“There’s no problem so there’s nothing to argue about.” Kalmado pa rin ang boses niya samantalang ako ay halos ma-highblood na dito sa kinauupuan ko.

“Talaga? Eh anong ibig sabihin no’n?” Nagawa ko pang ituro ang kinatatayuan ng waiter kanina na animong naririto pa rin siya.

“What do you mean?” Patay-malisya pa rin siya hanggang ngayon. Nagmumukha tuloy na ako ang may problema dito dahil sa mga kalmado niyang tugon.

“Alam mo, kinuha-kuha mo ako doon sa party kagabi para magkaayos na tayo tapos ngayon, ganito ang gagawin mo sa’kin. Mas mabuti na lang na bumalik ako kay tita Emma.” Tuluyan na akong naubusan ng pasensya at nagmamadaling iniwan sa loob si Tale. Narinig ko pang tinawag ako ni Tale pero hindi ko na siya pinansin. Manigas siya diyan! Bahala siya sa buhay niya.

Sa daan ko palabas ng restaurant ay aksidente kong nabangga ang isang babae. Nalaglag ang dala nitong handbag dahil sa nangyari.

“I’m sorry, miss.” Paghingi ko ng paumanhin dito at inabot ang handbag niya. Bahagyang naagaw nito ang atensyon ko dahil sa kagandahan nito.

“It’s alright.” Sagot ng babae.

“Mark!” Napalingon ako sa likuran ko nang matanaw ko si Tale na tinatawag ang pangalan ko. Nagmamadali akong naglakad palabas nitong restaurant. Napabuntong-hininga akong nag-abang ng masasakyan patungo kina tito Romeo. Paniguradong nagtataka na si Jack kung nasaan ako ngayon dahil sa mga missed calls nito sa akin.

“Mark! Ano bang problema?” Nasa likuran ko siya pero hindi ko pa rin siya kinibo.

“Hey! Pwede bang kausapin mo ako.” Kinabig niya ako paharap sa kanya.

“Ikaw! Ikaw ang problema ko.” Naiinis kong tugon sa tanong niya. Pabalang kong kinalas ang pagkakahawak niya sa kamay ko at muli siyang tinalikuran.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa pagitan naming dalawa bago ko marinig ang pagbuntong-hininga niya.

“Look! I was just a little bit upset because of what happened earlier.”

“Huh?” Tuluyan ko siyang hinarap. Sinisikap na pigilan ang pagkainis ko sa kanya.

“Alam mo namang ayaw na ayaw kong nabibitin. Diba?”

Napanganga na lang ako sa naging dahilan niya. Nabibitin? So, ibig sabihin tama ang naging hinala ko kanina?

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Ps. Chula’s cute picture above  (◕ᴗ◕✿)

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!

TPT - 28

Mark Hope Calvares


M A R K

Matapos ng naging argumento namin ni Tale sa labas ng restaurant ay pareho naming napadesisyunang tapusin na lang ang breakfast na naiwan namin kanina sa loob. Tsaka, kanina pa kasi ako nagugutom. Kung hindi lang sana nag-inarte ‘tong kasama ko, sana kanina pa ako nakakain ng almusal. Daig niya pa ang maliit na bata kung makatampo. Masyado pa akong pinahirapan.

Nagtataka akong napapabaling sa babaeng kanina pa sulyap ng sulyap sa pwesto namin. Siya rin ‘yong babaeng nakabangga ko sa entrance kanina. Napailing na lang ako at inabala na lamang ang sarili sa pagkain.

Hindi nagtagal ay natapos na kaming kumain ni Tale at kasalukuyan nang tinatahak ang kabaan ng highway. Pumapailanlang sa loob ng kotse ang tugtuging ‘It’s My Life’ ng sikat na boy band na Nirvana Redux. Minsanan akong napapasabay sa pagkanta upang mapalis ang pagka-bored ko. Masyado kasing tahimik itong si Tale at tanging diretso lang ang tingin sa daan.

“Uuwi na ba tayo?” Kuryoso kong tanong sa kanya matapos ang kanta sa radyo.

“Nope. We’re still going somewhere.” Napatango-tango na lang ako bilang pagsang-ayon. Hindi mapigilan ng utak ko na mag-isip ng kung ano-ano patungkol sa sinabi niya. Pasimple kong naikagat ang aking labi nang biglang maalala ang huli naming date ni Tale. Sobrang tagal na nang huli naming labas ni Tale. Nagtatrabaho pa ako no’n bilang personal chef ni sir Ryuu at hindi ko na maalala kung kailan ‘yon.

Hindi kaya magdi-date kami ulit?

Hindi ko maiwasang kiligin sa tuwing iisipin ko ang maaari naming gawin pa ngayong araw. Kahit hindi naging maganda para sa aming dalawa ang simula ng araw, ang mahalaga ay naayos namin ito agad.

“Dad? This is Mark and he’s my boyfriend.”

Mas lalo atang nang-init ang pisngi ko nang maalala ko naman ang sinabi niya sa dad niya noong engagement party. Hindi ko nagawang matuwa nang mga oras na ‘yon dahil sa galit na nararamdaman ko kay Tale. Pero ngayon, ang isipin muli ang bawat katagang sinambit niya nang gabing ‘yon ay tila parang isang panaginip at hirap akong paniwalaan.

Hindi ba ako nananaginip? Totoo ba ang lahat ng ‘to? Ibig bang sabihin ng lahat ng ‘yon ay pwede ko nang ipagdamot si Tale kahit kanino man – kahit doon sa Natalie na ‘yon? Kahit sa sinong babae man?

Malapad akong napangiti at pasimpleng sinulyapan si Tale. Tila nawalan ng lamig ang aircon nitong kotse at parang biglang uminit ang pakiramdam ko. Malagkit kong pinagmasdan ang pagtangis ng malaki niyang braso habang minamaneubra niya ang manibela ng sasakyan. Pakiramdam ko ay parang nawalan ng lamig ang aircon nitong sasakyan at nang-iinit ang buong paligid ko.

“Don’t stare at me like that.” Natigil ako sa pagpapantasya sa kanya nang magsalita siya. Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago muli ibalik ang atensyon sa daan.

“Nang gabi, sa party…” Nagdadalawang-isip ako kung itatanong ko ba sa kanya ang bagay na ‘yon. Nakakakaba man pero kailangan ko nang linawin ang relasyon naming dalawa. Ayoko nang maulit pa ang naranasan ko noon.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang sa akin na ngayon nakatuon ang buong atensyon niya. Kasalukuyan kasing naka red light ang traffic light.

“How about that?” Bahagyang humilig ang katawan niya paharap sa akin.

“Ahmm… ‘yong sinabi mo sa dad mo.” Napakagat ako sa aking labi. Pinipigilan ang nagsisimulang paglakas ng kabog ng dibdib ko. Napayuko ako.

“And now you’re not looking at me.” Bahagya akong napapitlag nang hawakan niya ang aking kamay dahilan para mapatingin ako sa kanya.

“Mark.” Nawala ang kaba ko nang masilayan ang ngiti niya. Pumagapang ang kanyang kamay patungo sa aking pisngi. “I meant what I said that night. You’re my boyfriend now, Mark and you have nothing to do with it.”

Kahit gustuhin ko mang itago ang aking ngiti dahil sa sinabi niya ay hindi ko na napigilan ang aking sarili at tuluyan na akong nilukob ng sarili kong emosyon. Saglit akong napapikit nang mapansin ang unti-unti niyang paglapit sa akin. Hahalikan niya ako. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Parang gusto na nitong lumabas sa akin at magwala na lamang.

Gulat kong naidilat ang aking mata nang makarinig nang sunod-sunod na malalakas na busina ng mga sasakyan. Nakaayos na ng upo si Tale at mukhang nagulat din sa narinig. Kanina pa pala naka-go signal ang traffic light.

Pasimple akong napangiti dahil sa nangyari. Saglit kong sinipatan ng tingin ang pailing-iling na si Tale habang nagmamaneho.

Lumipas pa ang ilang minuto bago kami nakarating sa lugar. Nagtataka kong tiningnan si Tale na kasalukuyang nagtatanggal ng seatbelt. Tumigil kasi kami sa harap ng isang clinic – hindi ko magawang matukoy kung anong klase ng clinic.

“A-anong ginagawa natin dito?” Nagtataka kong tanong sa kanya.

Hinawi niya ang kanyang buhok gamit ang kamay niya bago ituon ang tingin sa akin. Napansin ko ang pag-aalangan sa mga mata niya.

“I know this is unexpected, but I promise you that you need this.” Marahan niyang hinaplos ang kamay ko pero hindi naging sapat ‘yon upang pakalmahin ang isip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya akong dalhin dito.

“Huh? H-hindi kita maintindihan, Tale.” Naguguluhan kong turan sa kanya.

“Matagal ko nang napapansin na palagi kang binabangungot. I was so worried about you. I was so hesitant to ask what’s the story behind your nightmares.” Saglit siyang tumigil at saglit na napapikit. “I never raped you, Mark. It’s ironic that we do those steamy stuffs pero never sumagi sa isip ko na pilitin ka sa bagay na ‘yon. I think you’re hallucinating things that’s why I decided to bring you to my friend psychiatrist.” Pagpapatuloy niya.

“Hindi. Malinaw na malinaw sa isip ko ang lahat. Nagkakamali ka.” Tila nagkagulo ang isip ko at hindi na alam ang tamang gawin. Wala sa sarili kong kinalas ang pagkakahawak niya sa kamay ko at mabilis na tinanggal ang seatbelt. Bababa na sana ako nang mahawak ako ni Tale sa braso ko.

“Listen to me, Mark. I have no idea what happened to you before but I just wanna help you.”

Umiling-iling ako. Pilit na sinasalungat ang mga sinasabi niya.

“Hindi ko kailangan ng tulong mo. Tsaka, bakit kailangan mo pang ibalik ang bagay na ‘yon? Napatawad naman na kita ah.” Pilit kong inaalis ang hawak niya sa braso ko ngunit hindi ko magawa.

“Look at me.” Kinulong ng malalaki niyang kamay ang magkabila kong pisngi. Hindi ko siyang magawang tingnan sa kanyang mga mata. “Look at me, Mark. It’s not about us, it’s about you.”

Mariin kong pinikit ang aking mga mata.

“Natatakot ako. Natatakot ako, Tale.” Nanginginig ang boses kong pagtatapat sa kanya. Hindi ko namalayang napaluha na pala ako sa isiping kailangan ko muling balikan ang bangungot sa buhay ko – na kailangan ko mulinig harapin ang pinakatatakutan ko.

“I know you’re scared but you have to face it. Nandito lang ako sa tabi mo, sasamahan kita.” Mariin ko pang naipikit ang aking mata nang halikan niya ako sa noo ko. Bahagyang kumalma ang pakiramdam ko nang maramdaman ang mainit na bisig niya.

“Nandito lang ako. Hindi kita iiwan.” Bulong niya.

Nanginginig ang kamay ko. Kahit magkahawak-kamay kaming dalawa ni Tale ay hindi ko pa rin mapigilang hindi kabahan. Naririto na kami sa loob ng office ng kikitain naming kaibigan na psychiatrist ni Tale. Hindi ito ang unang pagkakataon na makapunta ako sa ganitong klase ng clinic pero hindi ko na maalala kung kailan ang huli kong punta sa ganitong lugar.

“Don’t be nervous.” Napalingon ako kay Tale. Pinilit ko siyang ngitian.

Hindi nagtagal ay may pumasok na isang matangkad na lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay halos magka-edad lang sila ni Tale. Nakasuot lamang ito ng simpleng grey na long sleeves at itim na slacks.

“I apologize for making you wait.” Nakangiti nitong kausap kay Tale na nakatayo na at kaharap ang lalaki.

“It’s okay. By the way, this is my boyfriend, Mark.” Kusa na akong tumayo upang makipagkilala sa kanya. Ngiting-ngiti pa rin ito. “Mark, this is Doc Limuel Santiago.”

Pinilit ko itong nginitian kahit kabado. Saglit itong nakipagkamay sa akin.

“Your hand’s cold, Mark. Don’t be nervous. Hindi ako nangangagat.” Nagawa pa nitong magbiro. Tumungo ito sa kanyang table at sinuot ang isang lab gown na nakasuot sa isang swivel chair.

“He’s my boyfriend, Lim.” Humigpit ang hawak ni Tale sa kamay ko.

“Calm down. I’m just playing around.” Natatawa naman nitong pagtatanggol sa sarili niya.

“Not with him.” Seryosong turan ni Tale.

Kahit papaano ay nawawala ang kaba ko sa simpleng pagbabangayan nilang dalawa. Pero mukhang kabaligtaran ata ang nararamdaman nitong kasama ko.

“What do you see in the picture, Mark?” Seryosong tanong sa akin ni doc Santiago habang may pinapakita sa aking larawan.

Nangunot ang aking noo na tinitigan ang nasa larawan.

Dahan-dahan kong pinaliwanag kung ano ang napapansin ko sa larawan. Napansin ko ang pag-iling ni doc at ang bahagyang pagtingin nito kay Tale na tahimik lang na hawak-hawak ang kamay ko.

“What about this?” Muli niyang pagtatanong sa sumunod na larawan.

Tulad kanina ay inilarawan ko ang nakikita ko sa larawan. Marami pa siyang ipinakitang larawan at habang patagal ng patagal ay ‘yon din ang paglungkot ng kanyang mukhang. Maging si Tale ay humihigpit na rin ang hawak sa aking kamay. Naramdaman ko rin ang marahan niyang paghaplos sa likod ko.

Tumikhim si doc Santiago at umayos ng pagkakaupo matapos.

“May nangyari ba sayo noon?” Seryosong tanong nito sa akin.

“What do you mean, Lim?” Narinig kong tanong ni Tale sa tabi ko.

“Something traumatic. Something near death experience.” Pagpapaliwanag ni doc.

Napayuko ako. Sa tuwing maaalala ko ang mga pagkakataong ‘yon ay hindi ko maiwasang muling matakot. Nanghihina ang aking buong katawan at nanginginig ang aking kalamnan.

“Are you okay?” Nagaalalang tanong sa akin ni Tale.

“Mark. We’re here to help you. Did something bad happen before to you?”

Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at tiningnan si doc Santiago. Napalunok ako. Pilit na sinasariwa sa aking isip ang trahedyang nangyari sa akin noon – ang trahedyang pumatay sa mga magulang ko.

“Na-kidnap ako noong walong taong gulang pa lang ako.” Pagsisimula ko. Ikinuwento ko ang lahat ng naaalala ko nang mga panahong ‘yon. Kung anong klaseng bangungot ang kinailangan kong pagdaanan para lamang makaalis sa impyernong ‘yon. Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano walang-awang pinatay ang mga magulang ko.

“… Ilang araw akong nawala sa gitna ng malawak ng kakahuyan. Takot na takot. Masakit ang buong katawan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ng mga oras na ‘yon. Ano ang dapat na gawin. Iyak lang ako ng iyak.” Natigil ako sa pagkuwento nang magtanong si doc Santiago. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako habang nagkukwento.

“How did you escape?”

“May bata. May batang tumulong sa’kin para makatakas. Tinulungan niya ako kahit alam niyang sobrang delikado.”

“Do you know him? What’s his name?” Muling pagtatanong niya.

Tanging iling lamang ang naging tugon ko.

Kahit anong pilit kong alalahanin ang pangalan niya ay hindi ko magawa. Gustuhin ko man ay tila para na itong imposible. Unti-unti na ring naglalaho sa alaala ko ang palagi niyang nakangiting mukha. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay naririto pa rin ako.

“Why didn’t you tell me?” Naimulat ko ang aking mata nang marinig ko ang tanong ni Tale.

Kanina pa kami nakauwi ni Tale galing clinic ni doc Santiago. Naririto kami sa salas ng bahay nakahiga habang nanunuod ng isang pelikula sa malaki niyang telebisyon. Ngunit wala sa pinapanuod namin ang atensyon ko. Hindi ko pa rin mapanatag ang sarili ko dahil kinailangan kong balikan ang nakaraan kong ‘yon.

“Hindi ko alam. Siguro wala lang akong lakas ng loob para balikan pa ang bagay na ‘yon. Gustuhin ko mang kalimutan ang lahat ng ‘yon ay hindi ko magawa – hindi ko kaya.”

“I understand. You don’t have to tell me everything about you.” Bahagya siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Ginawa niyang bilang suporta ang kanyang siko at hinarap ako. “But always remember, Mark that I will always be right beside you.”

Napapikit ako nang maramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa pinsgi ko. Damang-dama ko rin ang mahinang hangin na tumatama sa aking labi. Hahalikan niya ba ako?

Mabilis kong naimulat ang aking mata nang marinig ko ang pagtahol ni baby Chula. Naitulak ko si Tale paalis sa ibabaw ko at hinanap kung nasaan si Chula. Napangiti naman ako nang matanaw ito sa baba nitong sofa.

“Baby Chula.” Masaya kong tawag sa pangalan nito at kinarga.

Narinig ko ang mahinang mura ni Tale pero hindi ko na ‘yon pinansin dahil masyado na akong natuwa sa kacute-an ni baby Chula. Wala kasi itong tigil sa pag-wag ng buntot niya. Mahina akong napatawa nang dilaan ako nito sa pisngi nang balak ko sana itong yakapin.

“Ang sweet-sweet naman ng baby Chula ko…” Nangingiti kong turan dito.

“Sweet? Tsk.” Sa pagkakataong ito ay nilingon ko na si Tale. Tulad kaninang umaga ay nakabusangot na naman ang mukha nito. Napangiti ako nang mapagtantong nagseselos siya kay baby Chula.

“Nagseselos yan?” Pang-aasar ko sa kanya.

Mas lalo pa akong napatawa nang nangunot ang kanyang kilay.

“No, I’m not.” Masungit niyang sagot. Sumandig siya sa sofa at ginawang unan ang kanyang palad dahilan para lumitaw ang buhok sa kanyang kilikili. Itinuon nito ang atensyon sa pinapanood na pelikula na hindi na ata namin naintindihan kung anong nangyayari.

“Sus! Bakit nakabusangot ‘yang mukha mo?” Bahagya akong lumapit sa kanya matapos kong ilapag si baby Chula sa ibabaw ng hita ko.

“I’m not jealous, okay?” Bahagyang humina ang kanyang boses dahilan para hindi ko ito masyadong maintindihan. “Hindi na nga naka-score kanina, pati ba naman ngayon.”

“May sinasabi ka?” Nang-aasar kong tanong sa kanya. Bahagya kong hinaplos ang kanyang dibdib pero wala man lang naging epekto ito sa kanya. Nagtatampo nga ang loko.

“Sabi ko, magsama kayo ng baby Chula mo.”

“So, nagseselos ka nga.” Pag-uulit ka.

“I said, I am not.”

“Nagseselos yan. Ayaw pa aminin.”

Natigil ako nang pabalang siyang bumangon mula sa pagkakasandig sa sofa at malalim na bumuntong-hininga. Mariin niya akong tiningnan sa mata ko.

“Okay! Fine! I am jealous! I am so fucking jealous…” Muli siyang sumandig sa sofa tsaka humalukipkip. “… and horny.”

Malapad akong napangiti. Hindi magawang maproseso ng utak ko ang malaman na nagseselos si Tale. Hindi ko ba alam kung maiinis o matutuwa ba ako sa hitsura niya. Mukha siyang bata kung magtampo.

“Why are looking at me like that?”

Awtomatikong gumalaw ang aking katawan palapit sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa kanyang labi. Mas lumalim pa ang aking halik nang kinuha ni Tale ang isa kong kamay at pinatong ito sa pagitan ng kanyang hita. Mahina akong napaungol nang marahan niyang kinabig ang aking batok. Eksperto siyang nakipag-espdahan sa aking dila. Tila uhaw na uhaw siya sa paraan ng kanyang paghalik dahilan para kapusin ako ng hininga.

Nasa kalagitnaan kami ng paghahalikan nang makarinig ako ng sunod-sunod na pag-doorbell mula sa main door. Kahit ayoko pa mang kumalas ay wala kasing tigil ito sa ginagawang pag-doorbell.

“Fuck! Fuck! Who the fuck is that? Seriously?” May kalakasang pagmumura ni Tale.

Tatayo na sana ako upang pagbuksan ang sinumang tao na nasa labas nang maunahan ako ni Tale. Malalakas ang yabag niyang tinahak ang maindoor.

“Where’s Mark?” Bahagya akong napatayo nang marinig ko ang isang pamilyar na boses ng lalaki.

“What the fuck are you doing here?” Nadinig kong tanong ni Tale.

“I said, where is Mark?” Pagtatanong nito muli.

Nilapag ko sa ibabaw ng sofa si baby Chula bago sumunod sa patungong maindoor.

“Jack?” Tawag ko sa pangalan nito. Lumingon ito sa akin at walang sabi na pumasok sa loob.

“Why are you not responding to my calls?” Marahas nitong kinuha ang aking kamay at hinila ako.

“Teka lang, Jack. Nasasaktan ako.”

Mabilis na nabawi ni Tale ang kamay ko kay Jack at pumagitna sa pagitan naming dalawa.

“What the fuck do you want?” Galit na tanong sa kanya ni Tale.

“Something bad happened to tita Emma, asshole.”

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Ps. Medyo natagalan ’yong update kasi pasukan na naman namin ulit 🥲 Alam mo naman course ni otor, nakakawindang ng brain cells.

Feel free to comment your thoughts below and don’t forget to hit the ‘star’ button. Thank you!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.