THE PRINCE AND THE PIGGY BxB SHORT STORY (completed)
hydebluebird · 17 chapters · 22,014 words
DISCLAIMER
This story contains some elements that are not suitable for some audiences, readers discretion is advised
.
This story contains explicit sexual content and is not suitable for children under the age of 18. This includes explicit graphic contents and sexual activity between two men.
The story is published subject to the condition it shall not be reproduced or retransmitted in a whole or in a part
in any manner, with or without the written consent of the copyright owner. Any infringement is in violation of the copyright law.
If discovered that you have used copyrighted material, the copyright owner may bring legal actions againts the other party who had plagiarized the materia. You could pay legal cost.
If you become aware of any use of the copyrighted material from the Author, please personally message me in this account. Thank you.
Disclaimer.
Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All characters appearing in this work are work of fiction.
SYNOPSIS
MY PIGGY LOVE
SYNOPSIS:
Sa mundong puno ng mga taong “aesthetic” at Instagram-perfect, si Hyde ang laging out of place.
He’s a scholarship student at the prestigious Raino University pero hindi siya ang tipikal na bida. He’s overweight, socially awkward, and a self-proclaimed “giant marshmallow.” Sanay na siya na maging punching bag ng mga bullies, at ang tanging pangarap niya lang ay ang makapagtapos nang hindi napapansin ng lahat. But his quiet life turns into a nightmare nang makabangga niya ang “King” ng campus, si Xavier Arrogante.
Xavier is everything Hyde is not: rich, strikingly handsome, and incredibly heartless. He is the heir to the Arrogante empire, and he treats everyone like dust beneath his designer shoes. After a humiliating encounter, Xavier makes it his mission na gawing impiyerno ang buhay ni Hyde. Pero paano kung sa gitna ng asaran at panlalait, may madiskubre silang hindi nila inaasahan? Behind Hyde’s “greasy” exterior is a brilliant mind and a heart of gold. And behind Xavier’s “golden boy” image is a lonely soul suffocating under his family’s expectations.
This is a story of metamorphosis, hindi lang sa panlabas na anyo, kundi sa tibay ng loob. Will Xavier learn to see beyond the physical? O mananatili na lang bang isang biro ang nararamdaman ni Hyde?
Get ready for a roller coaster of emotions, from heartbreaking bullying to a transformation that will leave everyone’s jaws on the floor. Dahil minsan, ang totoong “happily ever after” ay hindi nakukuha sa pagiging maganda, kundi sa pagiging totoo.
A/n: matagal na ito sa draft ko at hanggang chapter 1 lang nasulat ko and gusto ko ipagpatuloy ’tong story na ito but SHORT STORY LANG PO ITO SIGURO CHAPTER 15-20 CHAPTER LANG.
prologue
Sabi nila, sa bawat kwento ng pag-ibig, mayroong bida na laging maganda, iyung tipong kapag dumaan, humihinto ang mundo, nagkakaroon ng slow motion , at lahat ng mata ay nakapako sa kanya.
Ako? Ako ang eksaktong kabaligtaran niyan. Ako si Hyde. Ang lalakeng hindi mo mapapansin sa gitna ng maraming tao, maliban na lang kung nabangga mo ako dahil sa laki ng espasyong kinukuha ko. Sa mundong ito na ang sukatan ng halaga ay ang jawline , ang abs, at ang dami ng likes sa social media, isa lang akong dambuhalang anino. Isang matabang bakla na ang tanging kakampi ay ang kanyang mga code sa computer at ang mga cupcakes na luto ni Tita Stella.
Sanay na ako sa dilim. Sanay na ako na ang tanging boses na naririnig ko ay ang mga bulungan ng pangungutya sa hallway ng unibersidad.
“Ang taba naman niyan, kasya pa kaya sa upuan?”
“Sayang ang pangalan, ‘Hyde’ pero hindi naman maitago ang taba.”
Ngunit sa likod ng makapal na balat at malapad na katawan, may isang pusong pilit na tumitibok, isang pusong nangarap na balang araw, may isang taong titingin sa akin hindi bilang isang biro, kundi bilang isang tao.
Hanggang sa dumating siya.
Xavier Arrogante.
Ang lalakeng ang pangalan pa lang ay simbolo na ng kapangyarihan. Siya ang “Golden Boy” ng Raino University, gwapo, matalino, at kasing lamig ng yelo ang puso. Siya ang lalakeng hinding-hindi titingin sa isang tulad ko, maliban na lang kung kailangan niya ng mapaglalaruan at mapag t-tripan.
Ang aming pagkikita ay hindi parang sa mga pelikula. Walang kumikinang na paligid, walang matamis na musika. Ang meron lang ay ang sakit ng pagbagsak ko sa semento at ang matatalim niyang salita na mas masakit pa sa anumang panlalait na narinig ko sa buong buhay ko.
“Get out of my way, you giant ball of grease.”
Iyon ang simula. Ang simula ng isang kwentong puno ng luha, pait, at isang pagbabagong hinding-hindi nila inakala.
Minsan, ang pinaka-hindi kapansin-pansing anino ang nagtatago ng pinaka-maningning na liwanag.
At sa kwentong ito, ituturo ko sa kanila na ang pag-ibig ay hindi nakikita sa timbang o sa mukha, kundi sa tatag ng pusong handang masaktan para sa isang taong hindi siya karapat-dapat.
Handa ka na bang makilala ang lalakeng pilit nilang itinago, pero mas piniling magningning sa gitna ng dilim?
Ito ang kwento ko. Ang kwento ng The prince and the piggy. MY PIGGY LOVE
1-The Piggy Dream
Hyde’s POV
Nanatili akong nakatitig sa pinggan ko. Isang tumpok ng kanin at isang pirasong tuyo na halos maglaho na sa laki ng anino ko. Gusto kong maiyak, hindi dahil sa pagkain, kundi dahil sa bigat ng nararamdaman ko, literal at emosyonal.
“Ma,” mahinang tawag ko habang dahan-dahang ngumunguya . “Bakit po ba ayaw niyo sa Raino University? Pagkakataon ko na po ’yun. Sabi ni Tita Stella, doon daw ay maraming kurso na bagay sa akin. Gusto ko pong mag-Information Technology, ’di ba alam niyo namang mahilig ako sa computer?” Tumigil si Mama sa paghigop ng sabaw. Tiningnan niya ako nang diretso, ’yung tingin na puno ng pag-aalala na hinaluan ng pait.
“Hyde, anak. Hindi sa ayaw ko sa pangarap mo. Pero ang Raino University? Puno ’yun ng mga anak-mayaman. Mga taong ang tingin sa katulad natin ay… ay hindi tao. Lalo na’t…” Hindi niya tinuloy ang sasabihin niya, pero alam ko ang kasunod. Lalo na’t ganito ang itsura ko. Isang dambuhalang lalaking may suot na makapal na salamin, may mukhang parang laging pinag-eeksperimentuhan ng mga pimples, at pusong sadyang malambot pa sa marshmallow.
“ Ma, sanay na ako sa tukso, sa mga bully“ pilit na ngiti ko, kahit sa loob-loob ko ay parang may bumabara sa lalamunan ko. “Simula elementary hanggang high school, ‘Piggy Hyde’ na ang tawag nila sa akin. Minsan nga ‘Baklang Bariles’ pa. Kung doon ako mag-aaral, baka mas matatayog ang pangarap ng mga tao roon, baka wala silang panahon na pagtripan ang isang tulad ko.” Humalakhak si Dominic habang nilalagyan ng bagoong ang kanin niya. “Asa ka pa, Kuya. Mas mayayaman, mas mapanglait. Akala mo ba sa mga Korean drama lang ’yung bully? Mas malala sa totoong buhay. Baka pagdating mo doon, gawin kang punching bag ng mga varsity.” asar sa akin nv kapatid ko
“Dominic!” saway ni Papa Joel. “Hayaan mo ang kuya mo. Kung gusto niyang subukan, bakit hindi? Hazel, libre naman ang tuition. Sagot ni Stella pati tirahan. Isang malaking bawas ’yun sa iisipin natin sa kolehiyo.” pag tatangol sa akin ni papa
Napabuntong-hininga si Mama. “Iyon na nga ang ikinatatakot ko, Joel. Ang utang na loob. Alam niyo namang si Stella ay… iba ang takbo ng buhay niyan. Baka kung anong ipagawa sa anak natin.” nag aalinlangang saad ni mama, tumingin ako sa kanyA at napabundong hininga.
“Tita Stella is kind, Ma,” pagtatanggol ko . “Siya lang ang tanging nakakaalala sa atin tuwing Pasko. At saka, gusto ko talagang magbago. Gusto kong patunayan na kahit ganito ako, may mararating ako.” humina ang boses ko sa mga huli kong sinabi.
Tumahimik ang hapag-kainan. Ang tanging naririnig na lang ay ang pagngatngat ni Dominic sa tuyo at ang huni ng sirang electric fan sa sulok na parang hikaing naghihingalo.
Pagkatapos ng hapunan, ako ang naatasang maghugas ng pinggan. Mahirap para sa akin ang gawaing bahay na kailangang nakatayo nang matagal. Namamanas ang mga binti ko at mabilis akong hingalin. Habang binubula ko ang joy, nakatingin ako sa repleksyon ko sa bintana ng kusina. Madilim sa labas, kaya nagsilbing salamin ang salamin ng bintana. Doon, nakita ko ang isang aninong tila hindi kasya sa frame.
Piggy. Iyon ang tawag nila sa akin. Hindi dahil sa matakaw ako, dahil ang totoo, kahit kaunti lang ang kainin ko, tila mabilis talagang tumaba ang katawan ko. Sabi ng doktor sa health center noon, hormonal daw ito, kailangan ng tamang diet at ehersisyo. Pero paano ka magda-diet kung ang tanging afford niyo ay kanin at asin? Paano ka mag-e-ehersisyo kung bawat hakbang mo ay tila pinupunit ang talampakan mo sa bigat?
“Lord,” bulong ko habang banlaw ng plato . “Sana po pumayag si Mama. Gusto ko lang naman maranasan na maging ‘Hyde’ na hindi kinukutya. Gusto ko ring makakita ng mga taong hindi ako titingnan na parang isang circus act.” Pumasok ako sa maliit naming silid ni Dominic. Nakahiga na siya at naglalaro sa luma niyang cellphone.
“ Kuya,“ tawag niya nang hindi tumitingin . “Seryoso ka ba talaga sa Raino? Nabalitaan ko, nandoon daw nag-aaral ’yung mga sikat na influencer at mga anak ng mga politiko. ’Yung mga ‘The Royals’ kung tawagin nila.” tanong niya sa akin habang busy pa rin sa pag cecellphone
“Royals? Ano ’yun, Disney?” biro ko habang pilit na sumisiksik sa papag naming kawayan. Lumangitngit ang kawayan, tila nagrereklamo sa bigat ko.
“Hindi. Sila ’yung mga estudyanteng sobrang gagwapo at gaganda. Sila ang nagpapatakbo ng school. At balita ko… hindi sila palakaibigan sa mga ‘outsiders’ na katulad natin. Lalo na sa mga… alam mo na.” pagpapatuloy niya
“Sa mga baklang mataba?” pagpapatuloy ko sa sasabihin niya.
Tumitig sa akin si Dominic, nawala ang pang-aasar sa mga mata niya. “Kuya, ayaw ko lang na masaktan ka. Alam mo namang kahit inaasar kita, ako lang ang pwedeng gumawa nun. Kapag ibang tao na ang nanakit sa’yo, baka makasapak ako ng de-kotse, wala tayong pambayad sa hospital.” Napangiti ako. Kahit papaano, alam kong mahal ako ng kapatid ko. “Kaya ko ang sarili ko, Nic. Mataba lang ako, pero hindi ako mahina.”
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa ingay sa labas. Paglabas ko, nakita ko si Tita Stella na may dalang mga plastic ng groceries. Ang bango-bango niya, amoy mall, malayo sa amoy ng kalsada namin na kombinasyon ng usok at kanal.
“Oh, Hyde! Good morning, my favorite nephew!” bati niya sa akin. Naka-oversized shirt ako na butas-butas ang kili-kili pero hindi ko na iyon inintindi.
“Tita, totoo po ba ’yung offer niyo?” tanong ko agad, hindi na nakapag-pigil.
Tumingin siya kay Mama na noon ay nagtitimpla ng kape. “Hazel, heto na ang mga kailangan niyo. At tungkol kay Hyde… napag-isipan mo na ba
Enrollment na sa susunod na linggo. Kailangan na nating ayusin ang mga papers niya.“ Humarap sa akin si Mama. Pagod ang mga mata niya pero may determinasyon . “Hyde, anak. Sige. Papayagan kita.”
Parang gumuho ang mundo ko sa saya. Gusto kong tumalon pero baka lumindol sa barangay namin . “Talaga po, Ma?!”
“ Pero may kondisyon ako,“ seryosong dagdag ni Mama . “Mag-aaral ka lang doon. Walang landi, walang barkadang mapang-influence, at higit sa lahat… kapag hindi mo na kaya ang trato nila sa’yo, umuwi ka agad. Hindi baleng walang diploma, basta buo ang pagkatao mo.” bilin niya sa akin.
Niyakap ko si Mama nang mahigpit . “Salamat, Ma! Pangako, gagalingan ko. Hindi ko kayo bibiguin.”
“At Hyde,” singit ni Tita Stella habang kinukuha ang kanyang designer bag. “Dahil sa bahay ko ka titira, may gagawin tayong ‘makeover’. Hindi pwedeng pumasok ka sa Raino na parang bagong gising sa pansitan. We will transform you, honey! Raino University is not ready for Hyde!”
Napalunok ako. Makeover? Sa laki kong ito, anong klaseng makeover ang gagawin nila? Pipinturahan ba ako? O baka naman kailangan ng crane para ayusin ang porma ko?
Doon nagsimula ang kaba ko. Ang pangarap ko ay unti-unti nang nagiging totoo, pero kasabay nito ang takot sa kung anong naghihintay sa akin sa likod ng malalaking gate ng Raino University.
Lumipas ang mga araw na parang mabilis na pelikula. Inasikaso namin ang lahat ng kailangan. Ang huling gabi ko sa bahay namin ay puno ng payo mula kay Papa at paalala mula kay Mama.
“Huwag mong kakalimutan ang bitamina mo,” sabi ni Mama habang nag-e-empake ako ng iilang pirasong damit na kasya pa sa akin. Ang totoo, halos lahat ng damit ko ay stretchable dahil mahirap maghanap ng size na 5XL .
“ Opo, Ma.“
“At ang salamin mo, huwag mong basta-basta iniiwan kung saan-saan. Mahal ang pagawa niyan,” dagdag ni Papa.
Nang sumapit ang umaga ng pag-alis, bitbit ang isang lumang maleta, sumakay ako sa kotse ni Tita Stella. Tanaw ko si Dominic na kumakaway mula sa pintuan, si Papa na nakasandal sa poste, at si Mama na pasimpleng nagpupunas ng luha gamit ang dulo ng kanyang daster.
Habang umaandar ang sasakyan palayo sa aming barung-barong, tumingin ako sa side mirror. Nakita ko ang sarili ko, ang matabang bakla na may malaking pangarap.
“Ready ka na ba, Hyde?” tanong ni Tita Stella habang nagmamaneho.
“Ready na po, Tita,” sagot ko, kahit ang totoo ay nanginginig ang mga tuhod ko.
“Good. Dahil bukas, hindi na lang si Hyde ang makikilala nila. We will start the ‘Piggy Love’ transformation. First stop: The Salon!”
Nanlaki ang mata ko. “ Salon?! Tita, baka masira ang upuan nila roon!“ Tumawa lang si Tita Stella. Isang tawang parang may planong hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot.
Welcome to my new life. Raino University, heto na ang dambuhalang magpapatibok o baka dudurog sa puso niyo.
2-The Golden Boy of Raino University
Hyde’s Pov
“Tita, sigurado po ba kayo rito?” halos pabulong kong tanong habang nakatayo kami sa harap ng isang dambuhalang gate na ginto ang kulay.
Raino University. Ang paaralan ng mga elite. Sa labas pa lang, makikita mo na ang mga kotseng akala ko sa Fast and Furious ko lang makikita. Mga estudyanteng bumababa na parang galing sa isang fashion shoot, makinis ang balat, mababango, at ang gaganda ng uniform.
Tumingin ako sa suot ko. Salamat kay Tita Stella, hindi na butas-butas ang kili-kili ko. Pinabili niya ako ng bagong polo shirt na dark blue para daw “slimming” tingnan. Pero kahit anong dark blue ang isuot ko, hindi maitatago ang katotohanang mukha akong isang malaking asul na tangke sa gitna ng mga modelong ito.
“Don’t be so conscious, Hyde! You look… decent. Just keep your head high, okay?” nakangiting sabi ni Tita Stella bago humarurot ang kotse niya paalis. Naiwan akong mag-isa sa tapat ng gate. Huminga ako nang malalim. Kaya mo ’to, Hyde. Para kay Mama. Para kay Papa. Para sa pangarap. Naglakad ako papasok. Bawat hakbang ko, nararamdaman ko ang pagyanig ng lupa (charot lang, feeling ko lang ’yun). Pero ang totoo, nararamdaman ko ang mga mata ng mga tao sa akin. Ang tawanan na biglang tumitigil, ang mga bulung-bulungan na sumusunod sa bawat galaw ko.
“Is that a new student or did the cafeteria deliver a year’s supply of ham?” Narinig ko ang mahinang tawa ng isang grupo ng mga babaeng naka-shades kahit nasa loob ng campus. Napayuko ako. Heto na naman tayo.
Dahil sa sobrang pagmamadali kong makapunta sa Registrar’s Office para makuha ang schedule ko, hindi ko napansin ang isang grupo ng mga lalaking naglalakad sa gitna ng hallway. Sila ’yung tinatawag ni Dominic na “The Royals.” Busy ako sa pagtingin sa mapang hawak ko nang bigla akong may mabangga.
“ Ouch! What the—!“ Sa bigat ko, hindi ako ang natumba. Ang nabangga ko ang tumalsik nang bahagya at nabitawan ang hawak niyang kape. Ang masaklap? Ang kape ay tumapon diretso sa puting-puting polo niya. Tumigil ang mundo. Literal na tumahimik ang buong hallway.
“ Oh my God! Xavier’s shirt !“ tili ng isang babae sa gilid.
Dahan-dahan akong tumingin sa lalaking nabangga ko. At doon, parang nakakita ako ng anghel na galit na galit. Matangkad siya, siguro mga 6’1“. Ang buhok niya ay magulo pero mukhang pinag-isipan (quiff style). Ang mga mata niya ay kasing talim ng saksak ng bente-nuwebe, at ang ilong niya… Lord, pwede akong mag-slide doon sa sobrang tangos. He smells like expensive citrus and cold winter nights.
Siya si Xavier Arrogante. Ang nag-iisang tagapagmana ng Arrogante Group of Companies. At ngayon, may malaking mantsa ng kape sa dibdib niya dahil sa akin. Paano ko nalaman syempre inistalk ko ang fan page ng University at halos siya lahat ang laman ng feed nun.
“I… I’m sorry po! Hindi ko sinasadya,” nauutal kong sabi. Kinuha ko agad ang panyo ko sa bulsa, isang lumang panyo na may burda pa ng bulaklak (bigay ni Mama) at akmang papahiran ang polo niya.
“ Don’t touch me!“ bulyaw niya. Umatras siya na parang nandidiri . “Do you even know how much this shirt costs? It’s a custom-tailored piece from Italy, you… you giant ball of grease !”
Nasaktan ako sa sinabi niya, pero kasalanan ko naman talaga. “Sorry po talaga, sir… ay, Xavier pala. Lalabhan ko na lang po, o kaya babayaran ko—”
“ Pay for it?“ Xavier chuckled darkly, looking me up and down with pure disdain.
“Look at you. You probably can’t even afford the detergent to wash this. Where did you even come from? Did someone leave the zoo gate open?” Nagtawanan ang mga tao sa paligid.
Ang “The Royals” na kasama niya, dalawang lalaking kasing-gwapo niya rin ay nakangisi lang habang tinitingnan ako na parang isang dumi sa semento.
“Xav, chill. He’s just a commoner who probably got lost on his way to a buffet,” sabi ng isa niyang kaibigan na may blonde na buhok.
Xavier stepped closer. Ang bango niya talaga, pero ang sama ng tingin niya. “Listen, Piggy. I don’t care who you are or why you’re here. Just stay out of my sight. My eyes hurt just by looking at your… unnecessary existence.” Pagkasabi nun, tinabig niya ang balikat ko na parang bumangga siya sa pader at naglakad na sila palayo. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng hallway, hawak ang bulaklaking panyo, at ang mga mata ko ay nagsisimula nang magtubig.
Tumakbo ako papunta sa dulo ng hallway, sa isang tagong sulok malapit sa garden, para lang makahinga. Bakit ba ang sama nila? Tao rin naman ako. Bakit sa mundo ng mga magaganda at mayayaman, ang mga katulad ko ay laging kontrabida o kaya ay punchline lang ng joke?
“ Hey. You okay?“ Napatingala ako. Isang lalaking nakasalamin din pero mas payat sa akin ang nakatayo sa harap ko. May hawak siyang libro at mukhang “nerd” din ang dating.
“A-ayos lang ako,” sagot ko habang pinapahiran ang luha ko.
“Si Xavier ’yun, ’di ba? Hayaan mo na ’yun. Sadyang ganoon ang mga Arrogante. Akala nila sa kanila ang buong mundo dahil sila ang may-ari ng 40% ng shares ng school na ’to,” sabi niya sabay upo sa tabi ko na muntik ko nang hindi mapagkasya dahil sa laki ko.
“ Ako nga pala si Mico. Fine Arts student. At ikaw, ang bagong usap-usapan sa campus,“ pagpapakilala niya.
“ Hyde,“ maikli kong sagot. “ Sikat na agad ako? Sa masamang paraan?“
“ Welcome to Raino University, Hyde. Dito, ang popularity ay hindi base sa talino, kundi sa ganda ng mukha at kapal ng pitaka. At dahil binangga mo ang ‘King’ nila sa unang araw mo… well, good luck.“
Napabuntong-hininga ako. “Gusto ko lang naman mag-aral. Bakit parang kailangan ko pang dumaan sa giyera?”
“ Kasi kakaiba ka, Hyde. At sa lugar na ’to, ang ‘kakaiba’ ay laging pinagdidiskitahan. Pero don’t worry, hindi naman lahat dito ay masama. Ako, kaibigan mo na ako,“ nakangiting sabi ni Mico.
Akala ko ay tapos na ang kamalasan ko para sa araw na ito. Pero nang pumasok ako sa unang klase ko Introduction to Computing halos himatayin ako nang makita ko ang nakaupo sa dulo ng room, malapit sa bintana.
Nakasandal siya sa upuan, ang puting polo niya ay napalitan na ng isang black hoodie na lalong nagpagwapo sa kaniya, at may suot na airpods.
Si Xavier. At ang tanging bakanteng upuan? Sa tabi niya. Dahil walang gustong tumabi sa kaniya sa takot, at walang gustong tumabi sa akin dahil… well, sa laki ko.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa upuan. Paglapit ko, naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya idinilat niya ang isa niyang mata.
“You’ve got to be kidding me,” bulong ni Xavier, sapat na para marinig ko . “Are you stalking me, you fat stalker?” paratang niya
“ H-hindi! Dito talaga ang class ko,“ sagot ko habang pilit na isinisiksik ang sarili ko sa armchair. Ang hirap! Ang sikip ng upuan para sa akin! Lord, huwag sana itong masira.
“ Great ,“ irap ni Xavier. “Now I have to breathe the same air as a giant marshmallow for the next two hours. Stay on your side of the desk. If your fat even touches my hoodie, I’ll make sure you get expelled by tomorrow.” Hindi ako nakasagot. Binuksan ko na lang ang notebook ko at nagkunwaring busy. Pero sa totoo lang, ang puso ko ay tumitibok nang mabilis. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa amoy ni Xavier na unti-unting sumasakop sa sistema ko. taraaay
Bakit ganoon? Ang sama ng ugali niya, pero bakit ang gwapo-gwapo niya pa rin sa malapitan?
“Stop staring, it’s disgusting,” sabi niya nang hindi tumitingin sa akin.
Namula ako hanggang sa dulo ng tenga ko . “Hindi kaya ako nakatingin!”
“Liar. Your heavy breathing is annoying,” he snapped, then turned his head away to look out the window.
Doon ko napagtanto—ito na ang simula ng kalbaryo ko. O baka naman, ito ang simula ng isang kwentong hindi ko inaasahan.
Ang dambuhalang bakla at ang masungit na prinsipe. Sa Raino University, mukhang hindi lang utak ko ang mapapagod, kundi pati ang puso ko.
3-The Unlucky Partner
Hyde’s Pov
Ang unang dalawang oras sa loob ng silid-aralan kasama si Xavier Arrogante ay parang isang habambuhay na parusa sa loob ng purgatoryo. Hindi ako makagalaw nang maayos. Bawat pag-atog ko sa upuan, bawat paghinga ko nang malalim, nararamdaman ko ang matatalim na tingin niya mula sa gilid ng kanyang mga mata.
Sinubukan kong mag-focus sa sinasabi ng prof namin sa harap tungkol sa System Analysis and Design, pero paano ako makakapag-isip kung ang katabi ko ay amoy “mayaman”? ’Yung amoy na hindi mo mabili sa Bench o sa Penshoppe. Isang amoy na nagsasabing, “I am better than you.”
“ Now, class,“ pag-anunsyo ng aming professor na si Mr. Tolentino. “For your midterm project, I want you to create a preliminary system proposal. This will be a partner-based activity. And to make things fair, I have already pre-selected your partners based on the seat plan.”
Biglang tumalon ang puso ko. Seat plan? Ibig sabihin… Dahan-dahan kong nilingon ang katabi ko. Nakita ko ang unti-unting pagkunot ng noo ni Xavier. Ang kaninang bored na ekspresyon niya ay napalitan ng puro pagkamuhi.
“ Professor ,“ tinaas ni Xavier ang kanyang kamay nang may awtoridad. “I think there’s a mistake. I prefer to work alone. Or at least, work with someone… compatible.”
Tumingin si Mr. Tolentino sa amin. “ Mr. Arrogante, the goal of this exercise is collaboration. In the corporate world, you don’t choose your colleagues. You work with whoever is there. So, you will be partnering with Mr. Hyde… uh, Hyde?“
“ Hyde po, sir,“ mahinang sagot ko, pilit na itinatago ang sarili sa likod ng malaking notebook ko.
“ Yes, Mr. Hyde. That’s final, Xavier. No switching .“ Narinig ko ang malakas na pagbagsak ng ballpen ni Xavier sa mesa.
“ This is ridiculous ,“ bulong niya sa hangin, pero sapat na para marinig ko. “I’m paired with a literal whale. What are we going to build? A system for a piggery?” Gusto kong sumagot. Gusto kong sabihin na magaling ako sa logic at coding kahit ganito ang itsura ko, pero nawalan ako ng boses. Sanay na ako sa asaran sa dati kong school, pero iba ang talim ng salita ni Xavier. Para siyang kutsilyong may lason maliit lang ang hiwa pero kumakalat ang sakit.
Pagkatapos ng klase, mabilis na lumabas si Xavier na parang may tatakbuhang sunog. Naiwan akong nag-aayos ng gamit, hirap na hirap tumayo mula sa masikip na armchair. Nang sa wakas ay makatayo ako, nagtungo ako sa cafeteria para hanapin si Mico.
Ang cafeteria ng Raino University ay parang isang five-star hotel. May mga chandelier, may buffet area, at may mga couch na pang-VIP. Humanap ako ng pwesto sa pinakasulok, ’yung hindi agad mapapansin ng mga tao. Bumili ako ng isang sandwich at mineral water kahit gutom na gutom ako, nahihiya akong kumain ng marami sa harap ng mga taong ang liliit ng bewang.
“ Hyde !“ tawag ni Mico. Papalapit siya sa akin, hingal na hingal.
“ Nabalitaan ko! Partner mo si Xavier sa Systems class?“ tanong niya at saka naupo sa katabing upuan
“ Ang bilis naman kumalat ng balita,“ buntong-hininga ko.
“ Mabilis talaga rito, lalo na’t involved ang isang Arrogante. Pre, mag-ingat ka. Mapili sa grades ’yun. At balita ko, wala pang nakaka-partner ’yun na hindi niya pinaiyak.“ babala sa akin ni Mico na ikinakaba ko
“ Mukhang ako na ang susunod na iiyak, Mico,“ sagot ko habang pinagmamasdan ang sandwich ko. “Sabi niya, mukha raw akong ‘giant ball of grease’. Totoo naman, ’di ba?” mahinang tanong ko sa kanya
Umiling si Mico. “ Mataba ka lang, Hyde. Pero hindi ka ‘grease’. Mabait ka, at nakikita ko sa mga mata mo na matalino ka. Huwag mong hayaang tapakan ka niya dahil lang mas marami siyang pera kaysa sa iyo.“ pagpapagaan niya sa loob ko.
Habang nag-uusap kami, biglang tumahimik ang paligid. Ang “The Royals” ay pumasok na sa cafeteria. Nangunguna si Xavier, kasunod ang dalawa niyang kaibigan si Liam, ang blonde na playboy, at si Ethan, ang tahimik na varsity player.
Naglakad sila papunta sa direksyon namin. Akala ko ay lalampasan lang nila kami, pero huminto si Xavier sa tapat ng table namin.
“ You ,“ sabi niya, nakatingin sa akin.
“ P-po ?“
“ Give me your phone,“ utos niya, inilahad ang kamay niyang mukhang hindi pa nakakahawak ng kahit anong maruming bagay sa buhay niya.
“Bakit po ?” tanong ko, na ikina pantay ng kilay niya, naiinis na siya.
“ Just give it to me! I don’t have all day .“ Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa isang lumang Android phone na may bitak na ang screen at may sticker pa ng “Pikachu” sa likod. Nakita ko ang pagpigil ng tawa ni Liam nang makita ang phone ko.
Mabilis na nag-type si Xavier doon at pagkatapos ay ibinalik sa akin ang phone . “I put my number there. Don’t you dare call me unless it’s about the project. And don’t ever send me those cheap GM (Group Messages) or any of your
disgusting selfies.“
“ O-opo ,“ sagot ko, halos hindi makatingin sa kanya.
“ We’re meeting at 5 PM. My place,“ sabi niya sabay talikod.
“ Wait! Xavier!“ habol ko. Huminto siya at lumingon nang may halatang inis. “ Saan po ’yung place niyo? Hindi ko po alam…“ tanong ko sa kanya
Huminga siya nang malalim, tila pinipigilan ang sarili na sumabog. “ I’ll send you the location. And be on time. I hate waiting for slow-moving objects.“ huling saad niya bago tuluyang umalis
Alas-kwatro pa lang ay nag-aayos na ako. Binabad ko ang sarili ko sa ligo para siguraduhin na hindi ako maglalangis. Nagsuot ako ng pinakamalinis kong t-shirt at nag-spray ng maraming cologne na binili sa akin ni Tita Stella.
“ Oh, Hyde, saan ang lakad natin? Bakit parang luluwa ang mga mata mo sa kaba?“ tanong ni Tita Stella habang nagwawalis sa sala.
“ May project lang po kami ni Xavier, Tita. Doon daw po kami sa kanila gagawa.“ sagot ko sa tanong ni Tita Stella.
Nanlaki ang mga mata ni Tita Stella. “ Sa Arrogante Estate?! Oh my God, Hyde! Ibig sabihin, makakapasok ka sa loob ng ‘Forbidden Kingdom’?
Ayusin mo ang buhok mo! At heto, dalhin mo itong box ng cupcakes. Regalo mo sa mommy niya kung nandoon man siya.“ excited na sabi niya sa akin.
“Tita, project po ang gagawin namin, hindi ako mamamanhikan !” reklamo ko, pero wala akong nagawa kundi bitbitin ang box ng cupcakes.
Sumakay ako sa Grab. Habang papalapit sa address na sinend ni Xavier, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Pumasok ang sasakyan sa isang subdivision na parang nasa ibang bansa. Bawat bahay ay may sariling fountain at malalawak na garden. Nang huminto ang sasakyan sa harap ng isang itim na gate, halos malaglag ang panga ko. Hindi ito bahay. Palasyo ito. Lumabas ako ng sasakyan at lumapit sa intercom.
“ Uhm, hello po? Si Hyde po ito… partner ni Xavier .“ saad ko.
Bumukas ang malaking gate. Naglakad ako papasok sa mahabang driveway. Pakiramdam ko ay isang langgam ako na papasok sa pugad ng mga higante. from piggy to langgam ang atake ate ko, Pagdating ko sa main door, isang butler na naka-suit ang nagbukas nito.
“ This way, Mr. Hyde. Master Xavier is waiting for you in the study hall,“ pormal na sabi nito.
Habang naglalakad ako sa hallway, hindi ko mapigilang humanga. Puro paintings, mamahaling vase, at mga antique na gamit ang nakapaligid. Ang sahig ay gawa sa puting marble na sobrang kintab, kaya nakikita ko ang sarili kong repleksyon.
Ang taba ko talaga, saip ko sa sarili ko. Mukha akong dumi sa gitna ng sobrang linis na palasyo. Pumasok kami sa isang silid na punong-puno ng mga libro. Doon, nakita ko si Xavier. Nakaupo siya sa isang leather chair, may hawak na tablet, at may suot na salamin. Lord, bakit kahit may salamin siya, mukha pa rin siyang cover ng magazine?
“ You’re five minutes early ,“ sabi niya nang hindi tumitingin. “ At least you’re not as slow as I thought.“ dugsong niya
“ Hehe, ayaw ko lang pong mapagalitan mo,“ sagot ko. Inilapag ko ang box ng cupcakes sa mesa. “Ah, heto po pala… pinabibigay ni Tita Stella. Cupcakes po.” medyo nahihiyang saad ko sa kanya.
Tiningnan ni Xavier ang box na parang may lamang bomba. “ Cupcakes? Do I look like I eat sugar-coated garbage? Take that away. I only eat organic and macro-calculated meals.“ naiinis niyang sagot sa akin.
Napahiya ako.
“ A-ah, sige po. Ilalagay ko na lang sa bag ko uli.“ nahihiya kong saad
“ Sit down ,“ utos niya, itinuro ang upuan sa tapat niya. “ Let’s start. I don’t want this project to drag on. The sooner we finish, the sooner you can get out of my house.“ baritong saad niya.
Nagsimula kaming mag-usap tungkol sa system proposal. Inaasahan ko na ako ang gagawa ng lahat ng mahihirap na part dahil akala ko ay tamad ang mga katulad niya. Pero nagkamali ako. Xavier was brilliant. He knew the technicalities, the business logic, and the user interface design. Pero ang problema? Napaka-perfectionist niya. “ No, that’s wrong!“ sigaw niya nang ipakita ko ang draft ng database schema ko. “ The normalization is off. You’re creating redundant data. Are you even listening to the lectures?“ naiiritang tanong niya sa akin.
“ Hindi naman po redundant ’yun, Xavier. Sinadya ko ’yun para mas mabilis ang query sa report generation—“ paliwanag ko pero agad din niyang pinutol.
“I don’t care about your excuses! Follow my way. My way is the efficient way ,” pagmamatigas niya.
“Pero Xavier, kung puro ’yung sa iyo lang ang susundin natin, hindi na ito partnership. Parang utusan mo na lang ako,” sa wakas ay sumagot na ako. Napagod na rin ang pasensya ko. Simula umaga, puro panlalait na ang naririnig ko.
Tumayo si Xavier, ang kanyang mga kamay ay nakatukod sa mesa. “ Partnership? You think you’re my partner? Look at yourself, Hyde. You’re a scholarship student who probably got in because of some quota. I am an Arrogante. Everything I do is gold. You should be thankful I’m even letting you sit in this room!“ aroganteng sagot niya sa akin.
Tumayo rin ako, kahit nanginginig ang mga binti ko. “ Alam ko namang mahirap lang ako. Alam ko namang mataba ako at hindi kasing-gwapo mo. Pero tao rin ako, Xavier! May utak din ako. Kung ganyan lang ang tingin mo sa akin, sana nag-solo ka na lang!“
“ Fine! Then leave !“ bulyaw niya. “Go back to your little hut and eat your cupcakes !” medyo may kalakasang saad niya sa akin.
Kinuha ko ang bag ko, kasama ang box ng cupcakes, at mabilis na naglakad palabas. Hindi ko na hinintay ang butler. Halos tumatakbo ako palabas ng mansyon nila habang lumuluha. Ang sakit. Bakit kailangang ipamukha sa akin na wala akong kwenta dahil lang sa estado ng buhay ko?
Habang naglalakad ako sa labas ng subdivision dahil wala pang Grab na tumatanggap biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala akong dalang payong. Wala ring masisilungan dahil puro pader ng mga mansyon ang nasa paligid.
“ Bwisit na buhay ’to!“ sigaw ko sa gitna ng ulan. Nababasa na ang bag ko, ang salamin ko ay malabo na dahil sa tubig. Napaupo na lang ako sa tabi ng kalsada, niyayakap ang sarili ko.
Sising-sisi ako kung bakit pangarap ko pang mag-aral sa Raino University. Mas mabuti pa siguro sa probinsya na lang ako, kahit tuksuhin akong mataba, hindi naman ganito kasakit ang mga salita.
Maya-maya, may narinig akong busina ng sasakyan. Isang itim na SUV ang huminto sa harap ko. Bumaba ang bintana nito, at nakita ko ang mukha ni Xavier. Wala na ang salamin niya, at bakas ang inis sa mukha niya.
“ Get in,“ maikli niyang utos.
“H-hindi na… maghihintay ako ng Grab,” sagot ko, pilit na pinatitigas ang boses ko kahit nanginginig na ako sa ginaw.
“ I said, get in! It’s raining hard, and if you get sick, you’ll delay our project. I don’t want a partner who’s sneezing all over the keyboard .“
Wala akong nagawa kundi tumayo at sumakay sa back seat. Pero bago pa ako makaupo, nagsalita uli siya.
“ Sit here. At the front. I’m not your driver.“
Dahan-dahan akong lumipat sa passenger seat. Ang dambuhalang ako, basang-basa, ay nakaupo na ngayon sa loob ng mamahaling sasakyan ni Xavier. Ramdam ko ang pagtulo ng tubig mula sa damit ko papunta sa leather seat niya.
“ I’m sorry… madudumihan ’yung seat mo,“ bulong ko.
Hindi siya sumagot. Inabot niya sa akin ang isang malinis na tuwalya. “ Dry yourself. You look like a drowned bear.“
Tahimik ang buong biyahe. Ang tanging naririnig ay ang tunog ng wiper at ang mahinang music sa loob ng sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas, habang si Xavier ay seryosong nagmamaneho. Napatingin ako sa box ng cupcakes na hawak ko pa rin. Medyo nayupi na ito dahil sa ulan. Inabot ko ito sa kanya.
“Ano ’to?” tanong niya.
“ Kahit isang piraso lang, Xavier. Tikman mo. Masarap ’yan. Luto ’yan ni Tita Stella. Para man lang… pambawi sa istorbo.“
Tumingin siya sa box, tapos sa akin, tapos sa box uli. Huminga siya nang malalim at kumuha ng isa. Kinagat niya ito nang dahan-dahan.
“ It’s… okay ,“ sabi niya. “ Too sweet, but… acceptable.“
Para sa akin, ang salitang “acceptable” mula kay Xavier ay parang “perfect” na rin.
“Bakit mo ako binalikan?” tanong ko pagkalipas ng ilang minuto.
Humarap siya nang bahagya, at sa sandaling iyon, nawala ang talim ng mga mata niya. “ Because… my mom saw you leaving while you were crying. She threatened to cut my allowance if I didn’t bring you home safely. So don’t think I did this because I like you.“
Napangiti ako nang bahagya. Kahit papaano, may puso rin pala ang mga Arrogante.
“ Salamat pa rin, Xavier ,“ sabi ko.
“ Whatever, Piggy. Just make sure the normalization for the database is fixed by tomorrow. Or else, I’m really going to k!ll you.“
Habang nakatingin ako sa kanya, napansin ko ang isang bagay. Kapag hindi siya nakasimangot, hindi lang siya gwapo. Para siyang… tao. Isang taong baka may itinatago ring lungkot sa likod ng lahat ng yaman niya.
4-The Crack in the Porcelain Mask
Hindi ako nakatulog nang maayos pagkatapos ng gabing iyon. Paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang boses ni Xavier ang pagtawag niya sa akin ng “Piggy,” ang pagpilit niya sa akin na sumakay sa sasakyan niya, at ang paraan ng pagnguya niya sa cupcake na bigay ko. May kung anong kurot sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. Galit ba ako sa kanya? Dapat. Pero bakit sa tuwing naaalala ko ang mukha niya sa ilalim ng ulan, parang gusto ko siyang intindihin?
“Hyde, dalian mo! Malalate ka na sa klase mo!” sigaw ni Tita Stella habang nagluluto ng almusal. Mabilis akong bumangon o sububukan kong bumangon nang mabilis, pero ang totoo ay kailangan ko pang gumulong nang kaunti para makakuha ng momentum. Pagtingin ko sa salamin, ang laki na naman ng eyebags ko. “ Lord, bakit ba kasi sa lahat ng magiging partner, ’yung lalakeng kamukha ng anghel pero ugaling demonyo pa?“
Pumasok ako sa school na parang lutang. Habang naglalakad sa hallway ng Raino University, napansin kong parang mas tumitindi ang bulung-bulungan.
“ Is it true? He rode in Xavier’s car last night?“ saad ng isang babae “ No way! Maybe he’s just the new car washer.“ sagot naman nung isa pa “ Look at him, he’s so huge, he probably occupied the whole back seat.“ pahabol na pang iinsulto pa nito
Yumuko na lang ako. Hindi ko sila kayang labanan. Pero bago pa ako makarating sa room, hinarang ako ni Mico.
“ Hyde! Totoo ba?“ hingal na hingal na tanong ni Mico. “ Nakita ka raw na bumaba sa SUV ni Xavier sa labas ng subdivision nila kagabi? Pinagpipistahan ka na sa freedom wall ng school!“
“Mico, wala lang ’yun. Inulan lang ako kaya pinasakay niya ako. Utos daw ng mommy niya,” paliwanag ko.
“ Kahit na! No one, and I mean NO ONE, gets to ride in Xavier’s car unless they are a Royal or a supermodel. You’re making history, Hyde. Either history as a legend, or history as a target.“
Pagdating ng oras ng Systems class, hindi pumasok si Xavier. Kinabahan ako. Dahil ba sa akin kaya siya absent? O baka naman nagkasakit siya dahil nabasa rin siya ng ulan kagabi? Pero bago matapos ang klase, nakatanggap ako ng text mula sa isang unknown number.
From: +63946XXXXXXX Meet me at the Library, 3rd floor, Quiet Zone. NOW. Don’t bring your stinky cupcakes.
Alam ko na agad kung sino ’yun. Kahit sa text, amoy suplado. Pagdating ko sa Library, nakita ko siya sa pinakasulok na table. Nakasuot siya ng white turtleneck at beige na coat. Napakagwapo niya, pero halatang bad mood. May mga tissue sa tabi niya at paminsan-minsan ay sumisinghot siya.
“ Xavier… may sipon ka ba?“ mahina kong tanong habang dahan-dahang umuupo. Gumawa ng mahinang tunog ang upuan sa bigat ko, at tiningnan niya ako nang masama.
“ This is your fault ,“ paos niyang sabi. “ If you hadn’t walked out like a drama queen last night, I wouldn’t have stayed out in the rain to find you.“
“ Sorry na… hindi ko naman alam na hahanapin mo ako,“ sagot ko. Nilabas ko ang notebook ko. “ Gusto mo bang ituloy na natin ’yung ER Diagram?“
“ Wait ,“ pigil niya sa akin. May kinuha siya sa bag niya. Isang bote ng sanitizer at isang pack ng wipes. Inabot niya sa akin. “ Wipe your hands first. I don’t want your germs on my laptop.“
Sinunod ko na lang siya. Habang gumagawa kami, napansin ko na mas tahimik siya ngayon. Hindi siya masyadong nanlalait. Minsan, nahuhuli ko siyang nakatitig sa screen pero parang malayo ang iniisip.
“ Xavier, okay ka lang ba talaga?“ tanong ko. “ Gusto mo ba ng tubig? O baka gusto mong kumuha ako ng gamot sa clinic?“
“I don’t need your pity, Hyde ,” sagot niya, pero bigla siyang napaubo nang malakas. Sobrang pula na ng ilong niya.
“ Hindi ito pity. Partnership ito, ’di ba? Sabi mo kagabi, ayaw mong ma-delay ang project. Kung magkakasakit ka nang tuluyan, mas lalong mada-delay tayo,“ pangangatwiran ko.
Tinitigan niya ako. ’Yung tingin na parang sinusuri ang buong pagkatao ko. “ Why are you so nice? I called you a whale. I insulted your life. I treated you like trash. Bakit ganyan ka pa rin makipag-usap sa akin?“
Napabuntong-hininga ako. “ Sanay na kasi ako, Xavier. Sa bahay namin, kahit mahirap kami, tinuruan ako ni Mama na ang galit ay hindi tinatapatan ng galit. At saka… alam ko namang hindi ka talaga masamang tao. Siguro , hindi ka lang sanay na may kumokontra sa iyo.“
Huminga siya nang malalim at sumandal sa upuan. “ In this school, everyone wants something from me. My friends are only my friends because of my name. The girls only like me because of my face. No one actually cares if I’m sick or if I’m tired of being ‘Xavier Arrogante’.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang siya narinig na magsalita nang ganoon. Para siyang isang porselanang manika na may lamat na. Sa likod ng yaman at kaguwapuhan, may lungkot din pala siyang dala.
“ Well, ako… wala naman akong gustong makuha sa iyo,“ biro ko. “ Maliban na lang sa passing grade sa project na ito.“
Bahagyang kumurba ang labi niya. Hindi siya ngumiti nang todo, pero nakita ko ang bahagyang paglambot ng mukha niya. “ You’re weird, Hyde. A weird, giant, soft-hearted marshmallow.“
Habang nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap, biglang bumukas ang pinto ng Quiet Zone. Pumasok ang isang grupo ng mga lalaki mula sa Engineering department. Kilala ang grupong ito bilang mga “alpha males” na laging naghahanap ng gulo.
“ Oh, look who’s here! The Golden Boy and his Pet Pig,“ asar ng leader nila na si Marco. Matagal na silang magkaaway ni Xavier dahil natalo ni Xavier si Marco sa isang bidding para sa university event. Hindi sila pinansin ni Xavier. “ Ignore them, Hyde. Focus on the code.“ Pero hindi tumigil si Marco. Lumapit siya sa table namin at hinampas ito. “ Hey, Arrogante! I heard you’re so desperate for grades that you’re now hanging out with low-lifes. Masarap ba amoy niyan? Amoy basura?“
Tumayo si Xavier, kahit halatang nanghihina siya dahil sa sakit. “Leave, Marco. This is a library, not a playground for losers like you.”
“Who are you calling a loser?” kinuha ni Marco ang kape na hawak ng kasama niya at akmang ibubuhos kay Xavier.
Bago pa man mangyari ’yun, tumayo ako. Sa sobrang laki ko, parang naging harang ako sa pagitan ni Marco at Xavier. Ang kape? Sa t-shirt ko tumama lahat. Mainit ito, pero hindi ko iniinda.
“ Umalis na kayo,“ sabi ko sa pinakamalalim na boses na kaya ko. “ Nag-aaral kami rito. Kung wala kayong magawa, huwag niyo kaming idamay.“
Natawa si Marco, pero bakas ang bahagyang takot sa mga mata niya dahil sa laki ko. “ Ano ’to? Bodyguard? Xavier, kumuha ka ba ng bouncer na bayad sa pagkain?“
“I said… LEAVE!” sigaw ko. Sa sobrang lakas ng boses ko, pati ang librarian ay sumilip na. Dahil ayaw nilang mapunta sa guidance office, nag-middle finger lang si Marco kay Xavier bago sila lumabas ng library.
Napaupo ako uli, hinihingal. Basang-basa ang bago kong t-shirt ng kape. “ Sayang… paborito ko pa naman itong damit.“
Tumingin sa akin si Xavier. Hindi siya nakapagsalita agad. Ang mga mata niya ay parang nanginginig. “ Why did you do that? You could have been hurt. That coffee was hot.“
“ Okay lang ako. Mas makapal naman ang balat ko kaysa sa iyo,“ biro ko uli, pero ramdam ko ang hapdi sa balat ko.
Biglang kinuha ni Xavier ang kamay ko. Nagulat ako. Ang lambot ng kamay niya, at kahit may sakit siya, malamig ito sa balat ko. “ Come with me. We’re going to the clinic. Now.“
“ Xavier, okay lang ako—“
“ I said COME WITH ME !“ bulyaw niya, pero sa pagkakataong ito, walang halong galit ang boses niya. May halong… pag-aalala?
Dinala ako ni Xavier sa clinic. Siya mismo ang kumuha ng yelo at gamot para sa akin dahil busy ang nurse sa ibang pasyente. Habang nilalagyan niya ng ointment ang bahagi ng braso ko na napasukan ng mainit na kape, hindi ako makapagsalita.
Ang lapit ng mukha niya sa akin. Amoy na amoy ko ang bango niya na hinaluan ng amoy ng gamot sa sipon. Ang seryoso ng mukha niya habang ginagamot ako.
“ You’re an idiot, Hyde ,“ bulong niya habang maingat na pinapahid ang ointment. “Bakit mo ako hinarangan? I can handle them.”
“Alam ko namang kaya mo. Pero may sakit ka, Xavier. At saka… kaibigan kita, ’di ba?”
Napatigil siya sa pagpahid. Tumingala siya sa akin. “ Friends? We’re partners, not friends.“
“O sige, partner. Pero para sa akin, ang partner ay nagtutulungan ,” ngiti ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin. Namula ang mga pisngi niya marahil dahil sa lagnat, o baka dahil sa hiya. “ Fine. Whatever. Just… don’t do that again. I don’t want to owe you anything.“
“ Wala kang utang sa akin, Xavier. Ginusto ko ’yun.“
Pagkatapos kong magamot, lumabas na kami ng clinic. Papalubog na ang araw at ang langit ay kulay orange at purple. Habang naglalakad kami sa parking lot, huminto si Xavier sa tabi ng kotse niya.
“I’ll drive you home,” sabi niya.
“ Huwag na, baka mapagalitan ka na naman ng mommy mo kapag nakita mo akong basang-basa ng kape.“
“My mom doesn’t care about the car, Hyde. She cares about… people who are real. And you… you’re the most real person I’ve met in this plastic school.”
Sumakay ako sa kotse niya. Sa pagkakataong ito, hindi na ako masyadong kinakabahan. Habang nasa biyahe, bigla siyang nagsalita uli.
“ About the project… we can do it at your place tomorrow. I’m tired of my house. It’s too quiet.“
Nanlaki ang mga mata ko. “ Sa bahay namin?! Xavier, maliit lang ang bahay namin! Baka hindi ka makahinga roon! At baka wala kaming aircon!“
“I don’t care,” sagot niya habang nakatingin sa kalsada. “ I want to see where a ‘giant marshmallow’ lives. At gusto ko rin… gusto ko rin uli nung cupcakes. ’Yung hindi nayupi ng ulan.“
Napangiti ako nang malapad. Siguro nga, ang mga pader na itinayo ni Xavier sa paligid ng puso niya ay nagsisimula nang gumuho. At sino ang mag-aakalang ang isang tulad ko ang magiging dahilan nun?
“ Sige, Xavier. Ipagluluto kita ng marami. Pero promise me, huwag kang magsusungit kay tita, ha?“
“ I’ll try,“ sagot niya, at sa unang pagkakataon, nakita ko ang isang tunay na ngiti sa labi niya. Isang ngiti na hindi para sa camera, hindi para sa “The Royals,” kundi para lang sa akin.
5-The Prince in the Slums
Hindi ako mapakali buong umaga. Simula alas-singko ay gising na ako para tulungan si Mama Hazel na maglinis ng bahay. Kung tutuusin, wala namang masyadong lilinisin dahil maliit lang ang bahay namin, pero ang kaba ko ay parang bibisita ang Presidente ng Pilipinas. Nandito ako ngayon sa bahay minsan sa bahay ni tita Stella, halos magtabi rin kasi ang bahay nila tita sa amin, dun lang ako minsan para tumulong.
“Hyde, anak, kanina ka pa pabalik-balik sa sala. Nakakahilo ka na,” saway ni Mama habang nagpupunas ng lamesa. “ Sino ba talaga itong darating? Sabi mo kaklase mo lang?“
“Ma, si Xavier Arrogante po ’yun. ’Yung anak ng may-ari ng school namin. Kaya please po, ’yung mga labada ni Dominic, itago niyo muna sa likod. At baka pwedeng hiramin natin ’yung electric fan ni Aling Nena? Baka himatayin sa init ’yun dito,” sunod-sunod kong bilin.
“ Arrogante?“ singit ni Dominic na bagong gising at nagkakamot pa ng tiyan . “Kuya, seryoso ka? ’Yung lalakeng nasa news palagi? Bakit pupunta ’yun dito? Baka ma-culture shock ’yun, akalain niya nasa set siya ng isang indie film tungkol sa kahirapan.”
“ Tumigil ka nga, Dominic! Mag-ayos ka ng sarili mo, huwag kang lalabas ng kwarto na naka-brief lang!“
Eksaktong alas-diyes ng umaga, isang pamilyar na tunog ng makina ng sasakyan ang narinig namin sa labas. Sa lugar namin, ang maririnig mo lang ay ingay ng tricycle at mga batang naglalaro ng sipa, kaya ang tunog ng isang sports car ay parang musika mula sa langit.
Sumilip ako sa bintana. Nakita ko ang itim na SUV ni Xavier na hirap na hirap pumasok sa makitid naming eskinita. Naglabasan ang mga kapitbahay. Si Aling Nena ay napahinto sa paglalaba, at ang mga tambay sa kanto ay napakamot ng ulo. Bumaba si Xavier. Nakasuot siya ng simpleng puting t-shirt at maong na shorts, pero kahit ganoon lang ang suot niya, mukha pa rin siyang kumikinang sa gitna ng alikabok. Bitbit niya ang kanyang laptop bag at may dala ring isang paper bag mula sa isang mamahaling bakeshop.
“ Xavier !“ tawag ko habang mabilis na lumalabas ng pinto. “ Dito! Pasok ka.“
Tumingin si Xavier sa paligid. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng kanyang ilong hindi dahil sa dumi, kundi dahil siguro sa hindi pamilyar na amoy ng tuyo at kanal. Pero sa gulat ko, hindi siya nagreklamo.
“ Your neighborhood is… lively ,“ sabi niya habang maingat na iniiwasan ang isang tumpok ng basura sa gilid.
“ Pasensya na, medyo masikip talaga rito,“ sabi ko habang pinapapasok siya sa loob.
Pagpasok ni Xavier, agad siyang sinalubong ni Mama Hazel. Nakita ko ang pagkailang ni Xavier, pero kaagad din siyang nag-mano kay Mama. Doon ako lalong humanga sa kanya. Kahit gaano siya kasungit sa school, alam niya ang rerespeto sa matatanda.
“Magandang umaga po ,” bati ni Xavier sa mahinang boses.
“Naku, ikaw pala si Xavier. Napakagwapo mo namang bata ka! Maupo ka, pasensya ka na sa maliit naming bahay,” sabi ni Mama habang iniaabot ang monoblock na upuan—ang tanging upuang matibay-tibay pa sa amin.
Dahan-dahang umupo si Xavier. Naririnig ko ang mahinang langitngit ng plastic, at napapikit ako. Lord, huwag po sanang mabali ’yan, baka mapahiya kami nang tuluyan.
“I brought some bread and fruits po,” sabi ni Xavier sabay abot ng paper bag kay Mama. “ And Hyde, I brought the hard drive we need.“
“ Salamat, Xavier. Nga pala, kapatid ko, si Dominic,“ turo ko kay Dominic na noon ay nakatitig lang kay Xavier na parang nakakita ng alien.
“Hi. I’m Dominic. Totoo bang may pitong banyo ang bahay niyo?” diretsong tanong ni Dominic.
“ Dominic !“ bulyaw ko.
Natawa nang bahagya si Xavier. “ Actually, we have ten. But most of them are useless.“
Napanganga si Dominic. Simula noon, naging idolo na niya si Xavier.
Nagsimula kaming mag-work sa project. Dahil walang aircon, nilabas ko ang lahat ng electric fan namin at itinapat lahat kay Xavier. Basang-basa na siya ng pawis, at ang buhok niyang maayos kanina ay nagsisimula na ring magulo.
“Are you okay, Xavier? Gusto mo bang lumipat na lang tayo sa mall?” alalang tanong ko.
“No, it’s fine. I like the… atmosphere here. It’s real,” sagot niya habang mabilis na nagta-type sa laptop. Habang nagtatrabaho kami, napansin ko ang pagbabago sa kanya. Sa school, para siyang pader na hindi matibag. Pero dito sa bahay namin, habang naririnig niya ang ingay ng mga bata sa labas at ang pagluluto ni Mama sa kusina, parang nagiging malambot ang ekspresyon niya.
“Hyde,” tawag niya habang hindi inaalis ang tingin sa screen . “Bakit?”
“Thank you.”
Napatigil ako sa pag-check ng documentation.
“Para saan?”
“For inviting me. In my house, we eat in silence. My dad is always on his phone, and my mom is always at some charity gala. It’s big, but it feels like a museum. Here… it feels like a home.”
Hindi ko alam ang isasagot ko. Sino ang mag-aakalang ang isang Xavier Arrogante ay maiinggit sa buhay ng isang “Piggy Hyde”? “Dito naman, kahit maingay, alam mong laging may naghihintay sa iyo. ’Yun lang naman ang mahalaga, ’di ba?” sabi ko.
Tumingin siya sa akin. Sa pagkakataong ito, wala ang salamin niya kaya kitang-kita ko ang lalim ng mga mata niya. “You’re right. Maybe that’s why you’re so… kind. You’re full of love because you grew up in a place that’s full of it.”
Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko. Bakit ba biglang naging cheesy itong si Xavier? Baka dahil sa sobrang init kaya nagdedeliryo na siya?
“Kainan na!” sigaw ni Mama mula sa kusina. Inihanda ni Mama ang kanyang “specialty”—sinigang na baboy na maraming kangkong at sili. Inilapag niya ang isang malaking mangkok sa gitna ng lamesa.
Tumingin si Xavier sa sinigang. “What’s this?” “Sinigang,” sagot ko. “Sour soup. Masarap ’yan lalo na’t mainit.”
Kumuha si Xavier ng sabaw at tinikman ito. Namula ang mukha niya—marahil dahil sa asim o sa anghang. “It’s… interesting. It’s very sour.”
“Pero masarap, ’di ba?” asar ni Dominic.
“Yes. It’s actually good,” sabi ni Xavier bago kumuha uli ng pangalawang sandok. Sa gulat ko, nakatatlong balik siya ng kanin. Ang “Golden Boy” na tanging organic salad lang daw ang kinakain ay mukhang nasarapan sa luto ni Mama.
Habang kumakain, nagkwento si Mama tungkol sa kabataan ko. Tungkol sa kung paano ako naging mataba dahil paborito ko ang kanin na may asukal noong bata ako, at kung paano ako laging tinutukso pero hindi ako lumalaban.
“Si Hyde po, napakabait na bata niyan. Kaya sana, Xavier, huwag mo siyang pababayaan sa school niyo,” sabi ni Mama habang nilalagyan ng karne ang plato ni Xavier.
“Ma, ano ba… nakakahiya,” bulong ko.
“I won’t po,” sagot ni Xavier, at seryoso ang boses niya. Tumingin siya sa akin. “He’s the strongest person I know. I should be the one asking him for protection.”
Napangiti si Mama, at ako naman ay halos mabulunan sa sinigang.
Katatapos lang naming kumain at nagliligpit na kami ng gamit nang biglang may huminto uling sasakyan sa tapat ng bahay. Pero sa pagkakataong ito, hindi ito SUV. Isang kulay pulang convertible ang huminto, at bumaba ang dalawang tao na hinding-hindi ko inaasahang makikita rito.
Sila Liam at Ethan. Ang mga kaibigan ni Xavier mula sa “The Royals.”
“Oh my God! Xav, you’re actually here!” tawa ni Liam habang tinatakpan ang ilong gamit ang panyo.
“I thought our GPS was broken. What are you doing in this… place?”
Napatayo si Xavier. Ang kaninang malambot niyang aura ay biglang naging kasing-tigas ng yelo. “What are you guys doing here? How did you find me?”
“We tracked your phone, dude. We have a party at the club, remember? Everyone is waiting for you,” sabi naman ni Ethan habang tinitingnan ang bahay namin nang may halong pandidiri. “Who lives here anyway? Is this your new charity project?” Ramdam ko ang panliliit. Nandito si Mama, nandito si Dominic. Ayaw kong marinig nila ang panlalait ng mga kaibigan ni Xavier.
“Leave,” malamig na sabi ni Xavier.
“Come on, Xav! Don’t tell me you’d rather stay here with… this guy?” turo ni Liam sa akin. “Look at him. He probably smells like the sinigang we smelled from outside. Let’s go, it’s embarrassing to be seen here.”
Gusto kong sumagot, pero bago pa ako makapagsalita, humakbang si Xavier palapit kay Liam.
“I said… LEAVE,” ulit ni Xavier, at sa pagkakataong ito, ang boses niya ay parang kulog. “If you ever disrespect this place or my friend again, consider our friendship over. Hyde is a thousand times better than any of you.”
Natahimik ang dalawa. Hindi nila akalain na ipagtatanggol ni Xavier ang isang tulad ko laban sa kanila. Padabog na bumalik sa sasakyan sina Liam at Ethan at mabilis na humarurot paalis. Naiwan kaming tahimik sa sala. Humarap sa akin si Xavier, bakas ang hiya sa kanyang mga mata.
“Hyde… I’m sorry. I didn’t know they would follow me.”
“Okay lang, Xavier. Sanay naman na ako,” pilit kong ngiti.
“No, it’s not okay. They had no right to say those things.”
Huminga siya nang malalim at kinuha ang kanyang mga gamit. “I think I should go now. Baka mas lalo lang magkagulo kung mananatili pa ako.” Hinatid ko siya sa labas. Bago siya sumakay sa sasakyan, huminto siya at tumingin sa akin.
“Hyde?”
“Bakit?”
“Monday… sabay tayong pumasok. Susunduin kita rito.”
“Ano?! Xavier, huwag na! Baka ano na namang sabihin nila—”
“I don’t care what they say anymore,” sabi niya habang binubuhay ang makina. “I’ll see you on Monday, Hyde. And tell your mom… the sinigang was the best meal I’ve had in years.” Habang pinagmamasdan ko ang papalayong sasakyan ni Xavier, doon ko naramdaman ang isang kakaibang pakiramdam. Hindi na lang ito tungkol sa project. Hindi na lang ito tungkol sa pag-aaral.
Dahil sa gitna ng ingay at alikabok ng aming lugar, parang may isang bulaklak na nagsisimulang bumukadkad isang pagkakaibigan, o baka higit pa, na hinding-hindi ko inakalang mangyayari sa pagitan ng isang “Piggy” at ng isang “Prince.”
6-The Unthinkable Ride
MAG COMMENT KAYO PLIZZZZ PARA ALAM KO IF MAY NAG BABASA
Linggo ng gabi pa lang ay hindi na ako dinadalaw ng antok. Nakatitig lang ako sa kisame ng aming kwarto habang naririnig ang mahimbing na hilik ni Dominic. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang sinabi ni Xavier bago siya umalis kahapon
“Susunduin kita rito.”
Susunduin niya ako? Sa tapat ng bahay namin? Sa harap ng lahat ng chismosa naming kapitbahay? At higit sa lahat, papasok kami sa Raino University na magkasama sa iisang sasakyan. Alam ko ang mangyayari. Ang mga bulung-bulungan ay magiging sigaw, at ang mga tingin ay magiging kasing talim ng mga balisong.
“Lord, bigyan Niyo po ako ng lakas ng loob,” bulong ko habang kinakapa ang salamin ko sa tabi ng unan.
“Kahit makapal ang taba ko, manipis pa rin ang mukha ko pagdating sa ganitong bagay.”
Alas-sais pa lang ng umaga ay gising na si Mama Hazel. Nagulat siya nang makita akong nakabihis na—suot ang aking bagong polo shirt na dark blue na pilit kong pinlantsa hanggang sa mawala ang bawat gusot at ang aking buhok na nilagyan ko pa ng kaunting gel para hindi magmukhang pugad ng ibon.
“ O, Hyde, bakit parang maaga ka yata? Alas-otso pa ang klase mo, ’di ba?“ tanong ni Mama habang nag-aabang ng pandesal sa labas.
“ Susunduin daw po ako ni Xavier, Ma,“ sagot ko habang pilit na isinasara ang butones ng polo ko.
“ Aba, seryoso pala ang batang ’yun? Akala ko ay nagbibiro lang dahil sa sarap ng sinigang ko,“ natatawang sabi ni Mama. “ Mabait naman pala si Xavier, ’no? Suplado lang tingnan pero may puso .“
Eksaktong alas-syete, narinig na namin ang pamilyar na busina. Hindi lang isa, kundi tatlong beses na maikling busina. Ang tunog na iyon ay parang isang alarm clock para sa buong baranggay. Nakita ko si Aling Nena na lumabas agad ng bahay habang hawak ang kape niya, at ang mga tambay sa kanto na tumigil sa pag-uusap tungkol sa basketball.
“Nandiyan na siya!” sigaw ni Dominic na galing sa banyo. “ Kuya, dalian mo! Baka mainis ’yung prinsipe, iwanan ka pa!“
Dali-dali kong kinuha ang bag ko. Paglabas ko ng pinto, nakita ko ang itim na SUV ni Xavier na nakaparada sa tapat ng aming gate. Nakasandal si Xavier sa pinto ng sasakyan, naka-shades, at suot ang kanyang uniform na sobrang perpekto ang pagkakalapat sa kanyang balikat.
“ You’re late by two minutes,“ bungad niya nang makita ako. Pero sa kabila ng pagsusungit niya, nakita ko ang bahagyang pagtaas ng dulo ng labi niya. “ Get in. We’re going to be the main event today, might as well be on time.“
Sumakay ako sa passenger seat. Ramdam ko ang mga mata ng mga kapitbahay na nakasunod sa akin. Bago kami umalis, nag-wave pa si Xavier kay Mama Hazel.
“ Bye po, tita!“ sigaw niya.
“ Ingat kayo, Xavier! Bantayan mo ’yang si Hyde!“ sigaw naman ni Mama pabalik.
Nang makaalis kami sa eskinita, doon lang ako nakahinga nang maluwag. “Xavier, hindi mo naman kailangang gawin ’to. Pwede naman akong mag-jeep.”
“I told you, I’m a man of my word,” sagot niya habang seryosong nakatingin sa daan. “And besides, I don’t want you to arrive at school smelling like smoke and sweat. We have a presentation today, remember?”
“ Oo nga pala, ang presentation natin,“ lalo akong kinabahan. “ Sa tingin mo, papasa tayo?“
“With my brain and your logic? We won’t just pass, Hyde. We will dominate.”
Pagdating namin sa gate ng Raino University, naramdaman ko na ang tensyon. Habang pumapasok ang sasakyan ni Xavier sa driveway, nakita ko ang mga estudyanteng tumitigil sa paglalakad para lang tingnan kung sino ang kasama niya.
Ibinaba ni Xavier ang bintana ng sasakyan para i-scan ang kanyang ID. Doon pa lang, nagsimula na ang mga tilian at bulungan.
“Wait, is that Hyde in the front seat?!”
“No way! Siya ’yung matabang scholarship student, ’di ba?”
“Why is Xavier acting like his personal chauffeur?”
Nang huminto ang sasakyan sa harap ng main building, hindi muna ako bumaba. Parang nanigas ang mga binti ko.
“ Xavier… baka pwedeng sa likod na lang ako bumaba? ’Yung walang masyadong tao?“ pakiusap ko.
Tumingin sa akin si Xavier, tinanggal niya ang kanyang shades at hinawakan ang balikat ko. Ang hawak niya ay hindi na nandidiri; ito ay matatag at puno ng suporta. “ Listen to me, Hyde. You belong in this school just as much as they do. Don’t let their small minds make you feel small. If they have a problem with you being my friend, they have a problem with me.“
Pagkasabi nun, siya na ang unang bumaba. Inikutan niya ang sasakyan at sa gulat ng lahat binuksan niya ang pinto para sa akin.
“ After you, partner ,“ sabi niya nang malakas, sapat na para marinig ng mga taong nakapaligid.
Dahan-dahan akong bumaba. Pakiramdam ko ay nasa slow motion ang lahat. Habang naglalakad kami sa hallway, hindi ako hinihiwalayan ni Xavier. Ang bawat hakbang ko ay sinasabayan niya. Kung may magtatangkang tumawa, sapat na ang isang matalim na tingin ni Xavier para tumahimik ang mga ito.
Sa kabila ng proteksyon ni Xavier, alam kong may mga tao pa ring hindi mapipigilan. Pagdating ng lunch break, nagpaiwan muna si Xavier sa faculty room para ayusin ang ilang files, kaya nauna na ako sa cafeteria kasama si Mico.
“ Grabe, Hyde! Trending ka na sa school app! ‘Xavier’s New Pet’ ang tawag nila sa’yo,“ sabi ni Mico habang tinitingnan ang phone niya. “ May mga nag-upload pa ng video ng pagbaba niyo sa kotse. Maraming galit, Hyde. Maraming babae at lalaking nagpapantasya kay Xavier ang gustong sumabog ngayon.“
“ Alam ko naman ’yun, Mico. Pero ano ang magagawa ko? Kaibigan ko na si Xavier ,“ sagot ko habang kumukuha ng pagkain.
“ Kaibigan lang ba talaga ?“ asar ni Mico. “Kasi kung makatingin sa’yo si Xavier kahapon sa library, parang hindi lang ’yun tingin sa partner sa project.”
Namula ako. “ Ano bang pinagsasabi mo? Imposible ’yun. Tingnan mo nga ang itsura ko, Mico. At tingnan mo siya. Langit at lupa, ’di ba?“
Hindi na nakasagot si Mico dahil biglang may humarang sa amin. Sila Liam at Ethan, kasama ang isang grupo ng mga cheerleaders.
“ Look at the star of the day,“ sarkastikong sabi ni Liam. “ Hyde, right? Do you think dahil pinasakay ka ni Xavier sa kotse niya, Royal ka na rin? Do you even know how much you’re ruining his reputation?“
“ Wala akong ginagawang masama,“ mahina pero matatag kong sagot.
“ The mere fact that you’re standing next to him is an insult to his status,“ sabat ni Sabrina, ang head cheerleader na matagal nang balitang may gusto kay Xavier. “ You’re fat, you’re a nobody, and you’re… well, look at you. Hindi ka bagay sa paligid niya. Baka kung anong sabihin ng ibang schools kapag nalaman nilang ang ‘King’ ng Raino ay nakikipagkaibigan sa isang… gaya mo.“ Inilapit ni Sabrina ang mukha niya sa akin. “Stay away from him, Hyde. This is a warning. Huwag mong hintayin na kami mismo ang magpaalis sa’yo rito.”
Bigla niyang kinuha ang baso ng juice sa tray ko at akmang ibubuhos sa akin katulad ng ginawa ni Marco sa library pero sa pagkakataong ito, may pumigil sa kamay niya.
“Try it, Sabrina. And I’ll make sure your father’s investment in this university disappears by tomorrow.”
Lahat kami ay napalingon. Nakatayo si Xavier sa likod ni Sabrina, ang mukha niya ay walang bahid ng emosyon pero ang mga mata niya ay parang nagbabaga.
“ X-Xavier! Nagbibiro lang kami!“ agad na binitawan ni Sabrina ang baso.
“I don’t find it funny,” malamig na sabi ni Xavier. Lumingon siya kay Liam at Ethan. “I told you guys yesterday, didn’t I? Hyde is my friend. If you disrespect him, you disrespect me. Is that too hard to understand?”
“Xav, we’re just concerned—” simula ni Ethan.
“ I don’t need your concern. I need you to leave my table ,“ putol ni Xavier sa kanya.
Isa-isang umalis ang grupo nila Liam, bakas ang hiya at galit sa kanilang mga mukha. Naupo si Xavier sa tabi ko na parang walang nangyari.
“ Are you okay?“ tanong niya sa akin.
“ Oo, okay lang ako. Pero Xavier, totoo ’yung sinabi nila… nadadamay ang reputation mo dahil sa akin. Baka dapat—“
“Stop it, Hyde,” madiin niyang sabi. “ My reputation is mine to handle. And if they can’t accept that I choose to be with someone who is kind, smart, and genuine, then their opinion doesn’t matter to me.“
Pagkatapos ng klase, nagpunta kami sa rooftop ng main building para pag-usapan ang presentation namin sa susunod na araw. Tahimik ang paligid, ang tanging naririnig ay ang hanging humahampas sa amin at ang malayong ingay ng lungsod. Nakatitig ako sa malayo habang iniisip ang lahat ng nangyari ngayong araw. “ Bakit mo ginagawa ’to, Xavier? Bakit mo ako pinoprotektahan?“
Tumabi siya sa akin, nakasandal ang mga braso sa railings. “ Honestly? At first, I was just curious. I wanted to know why someone like you, who has nothing compared to the people I know, could be so happy. But after seeing your home, meeting your mom… I realized that I’m the one who has nothing.“ Tumingin siya sa akin. Sa ilalim ng takipsilim, ang mga mata niya ay tila nagre-reflect ng kulay ng langit. “ You make me feel like I don’t have to be ‘The Golden Boy’ all the time. With you, I’m just Xavier. And I… I like that feeling, Hyde.“
Hindi ako nakapagsalita. Ang puso ko ay parang gustong tumalon palabas ng dibdib ko. Sa loob ng maraming taon, sanay ako na laging tinatago ang sarili ko, laging nahihiya sa timbang ko, laging natatakot sa sasabihin ng iba. Pero sa harap ni Xavier, pakiramdam ko ay sapat na ako.
“ Kahit mataba ako?“ biro ko para mabawasan ang tensyon.
“ Actually,“ sabi niya habang dahan-dahang lumalapit sa akin. Ang distansya sa pagitan namin ay unti-unting nawawala. “I find your ‘squishiness’ quite… comforting.”
Bigla niyang kinurot ang pisngi ko. Hindi ito masakit, kundi parang isang lambing.
“ Xavier…“
“ Let’s go home, Hyde. We have a big day tomorrow. And don’t worry… I’ll be right by your side. Always.“
Habang bumababa kami mula sa rooftop, alam ko na hindi na ito basta partnership lang. May nagsisimula nang mabuo sa pagitan namin isang bagay na hindi kayang pigilan ng kahit anong panlalait o status sa buhay. Ang “Piggy Love” na sinasabi ni Tita Stella ay mukhang nagsisimula na talagang magkaroon ng kulay.
Pero sa kabila ng tamis ng sandaling iyon, alam kong may mas malaking unos na darating. Ang “The Royals” ay hindi basta-basta susuko, at ang sikretong itinatago ni Xavier tungkol sa kanyang pamilya ay baka maging mitsa ng aming paghihiwalay. mag jowa yarn?
A/N: tulad ng sabi ko SHORT STORY LANG PO ITO KAYA IF NAPAPANSIN NIYO MABILIS ANG PLOT NG STORY HANGGANG CHAPTER 10 LANG SIGURO ITO, APAKA OA SA CHAPTER 10 OKAY SIGE HANGGANG CHAPTER 15 G? 20K-25K WORDS COUNTS LANG GOAL KO SA STORY NA ITO.
7-The Sabotage and the Stolen Moment
Hindi ko alam kung ilang tasa ng kape ang naisalin ko sa sistema ko kagabi. Halos hindi ako natulog dahil sa huling pag-check ng aming coding para sa Midterm Presentation. Alam kong hindi lang grado ang nakataya rito. Sa bawat kanto ng Raino University, kami ang usap-usapan. Para sa kanila, ang presentation na ito ang magpapatunay kung talagang “partner” kami ni Xavier o kung pabigat lang ako sa kanya.
“Hyde, dahan-dahan sa paghinga. Baka mahimatay ka bago pa tayo makatayo sa harap,” biro ni Xavier habang naglalakad kami patungo sa Multimedia Room.
Napansin ko ang bahagyang panginginig ng kamay ko habang hawak ang flash drive. “Xavier, paano kung mag-hang ’yung system? Paano kung magkamali ako sa pagsasalita? Nakita mo ba ’yung tingin ni Marco sa atin kanina? Parang may pinaplano silang masama.” Huminto si Xavier sa paglalakad at hinarap ako. Inayos niya ang pagkakatabingi ng salamin ko. “Look at me. We’ve spent nights working on this. I saw how you fixed the bugs that I couldn’t even find. Trust your brain, Hyde. And if anything goes wrong, I’m right here. I won’t let you fall.” Ang mga salitang iyon ay parang isang mainit na yakap sa gitna ng malamig na hallway. (apaka oa talaga noe) Tumango ako at huminga nang malalim.
Punong-puno ang Multimedia Room. Hindi lang ang mga kaklase namin ang nandoon pati ang ilang estudyante mula sa ibang department ay sumilip para panoorin ang “The Prince and the Piggy.” Sa sulok, nakita ko si Marco na may nakakalokong ngisi sa labi. Kasama niya ang mga alipores niya, at panaka-naka silang tumitingin sa aming kinaroroonan. May kung anong kaba ang bumalot sa akin, (kabaklaan) pero kailangan kong maging matatag.
“ Group 7, Mr. Arrogante and Mr. Hyde, you’re up,“ tawag ni Mr. Tolentino.
Naglakad kami sa harap. Isinaksak ko ang flash drive sa laptop na nakakonekta sa projector. Sinimulan ni Xavier ang intro. Ang boses niya ay buong-buo, puno ng kumpiyansa. Habang nagsasalita siya, parang lahat ay nahihilo sa kaguwapuhan niya, pero nang ako na ang sasalita para sa technical demo, nagbago ang timpla ng paligid.
“A-ang system na ito ay idinisenyo para sa…” simula ko. Narinig ko ang mahinang tawanan sa likod.
“Does he need a microphone or is his stomach growling?” asar ng isa sa mga alipores ni Marco.
“ Quiet !“ saway ni Mr. Tolentino.
Ipinagpatuloy ko ang pagpapaliwanag. Habang ginagalaw ko ang mouse para ipakita ang interface, biglang nag-flicker ang screen. Ang maayos na system layout ay biglang napalitan ng mga error codes.
“ Wait, what’s happening?“ bulong ko. Sinubukan kong i-refresh pero biglang lumabas ang isang animation ng isang sumasayaw na baboy na may mukha ko.
Naghalakhakan ang buong klase. Ang hiyaw at tawa nila ay parang mga kidlat na tumatama sa dibdib ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko hanggang sa dulo ng aking mga tenga.
“Is this your project, Mr. Hyde? A joke?” tanong ni Mr. Tolentino, bakas ang pagkadismaya.
“H-hindi po… hindi po ’yan ang nilagay ko…” nauutal kong sabi. Tumingin ako kay Xavier, at nakita ko ang galit sa mga mata niya hindi galit sa akin, kundi galit sa taong gumawa nito.
Tumingin si Xavier sa kinaroroonan ni Marco na noon ay halos mamatay na sa tawa. Alam namin. Alam naming na-hack ang flash drive o ang laptop bago pa kami magsimula.
Akala ko ay matatapos na ang presentation namin sa kahihiyan. Akala ko ay aalis na lang ako at iiyak sa banyo. Pero lumapit si Xavier sa akin. Hindi niya pinansin ang tawanan ng klase. Kinuha niya ang keyboard at mabilis na nag-type.
“Xavier, anong ginagawa mo?” bulong ko.
“Watch me,” maikli niyang sagot.
Sa loob ng ilang segundo, nawala ang mapanuyang animation. Ginamit ni Xavier ang kanyang sariling laptop bilang backup at mabilis na ni-remote access ang database na itinago namin sa cloud isang bagay na ideya ko noong isang gabi “ just in case.“
“ Ladies and gentlemen, that was just a security breach simulation,“ pagsisinungaling ni Xavier nang may napaka-kalmadong boses. “Ang nakita niyo kanina ay kung paano madaling ma-compromise ang isang insecure system. But because my partner, Hyde, is a genius, he built a secondary firewall that automatically restores the original data.”
Biglang bumalik sa screen ang aming system mas maganda, mas malinis, at mas pulido. Natahimik ang buong klase. Kahit si Marco ay napatigil sa pagtawa.
Ipinagpatuloy namin ang presentation. Sa pagkakataong ito, hindi na ako natakot. Ramdam ko ang suporta ni Xavier sa bawat salitang binibitawan ko. Sa huli, nakatanggap kami ng pinakamalakas na palakpakan, at si Mr. Tolentino ay tumayo pa para batiin kami.
“Excellent recovery, gentlemen. A+.”
Pagkatapos ng klase, dinala namin ang mga gamit sa Computer Lab storage room para isoli ang mga hiniram na cables. Madilim sa loob at medyo masikip dahil sa mga naglalakihang server racks at lumang monitors.
“We did it, Hyde,” sabi ni Xavier habang inilalagay ang mga wires sa box. “ Nakita mo ba ang mukha ni Marco? He looked like he swallowed a fly.“
“ Salamat, Xavier. Kung hindi dahil sa pagsisinungaling mo kanina tungkol sa security breach, bagsak na tayo,“ sagot ko habang abala sa pag-aayos ng kabilang box.
“It wasn’t a total lie. You did build that cloud backup. You saved us,” sabi niya. Huminto siya sa ginagawa niya at lumapit sa akin.
Dahil masikip ang espasyo, halos magkadikit na ang aming mga balikat. Ramdam ko ang init ng katawan niya. Ang amoy ng kanyang pabango ay humahalo sa amoy ng alikabok at kuryente sa loob ng kwarto.
“ Hyde…“ tawag niya. Ang boses niya ay naging malalim at seryoso.
“ Bakit?“
“ Sabi ko sa’yo, ’di ba? I won’t let you fall.“
Tumingala ako sa kanya. Ang distansya namin ay halos isang pulgada na lang. Ang mga mata niya ay nakatitig sa mga labi ko. Parang huminto ang oras. Ang tunog ng mga server fans sa paligid ay naglaho, at ang tanging naririnig ko na lang ay ang mabilis na tibok ng puso ko. Biglang may narinig kaming kalabog sa labas parang may nabitawang gamit. Sa gulat ko, napaatras ako pero dahil madulas ang sahig, nawalan ako ng balanse.
“ Hyde !“ sigaw ni Xavier sabay hablot sa baywang ko para hindi ako matumba.
Pero dahil sa bigat ko at sa momentum, imbes na maitayo niya ako, nahila ko siya pababa. Bumagsak kaming dalawa sa ibabaw ng mga lumang computer boxes. Ang posisyon namin? Nakapatong siya sa akin, ang mga kamay niya ay nasa magkabilang gilid ng ulo ko. At ang hindi inaasahan… sa sobrang bilis ng pangyayari, ang mga labi niya ay direktang lumapat sa mga labi ko.
Nanlaki ang mga mata ko. Ramdam ko ang lambot ng labi ni Xavier. Ang mundo ay tila sumabog sa isang libong kulay. Hindi ito kiss na parang sa pelikula na planado ito ay aksidente, pero ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko ay totoo. Tumagal ang sandaling iyon ng ilang segundo. Wala sa aming dalawa ang gumalaw. Ang init ng hininga niya ay dumarampi sa balat ko. Dahan-dahan, humiwalay si Xavier. Ang mukha niya, na laging maputla at normal, ay ngayon ay kasing pula ng kamatis. Umiwas siya ng tingin at mabilis na tumayo, inayos ang kanyang nagusot na uniform.
“I… I’m sorry. Nagdulas… I mean, nadulas tayo,” nauutal niyang sabi.
Hindi ako makapagsalita. Hawak ko ang mga labi ko, pilit na pinapakalma ang puso kong parang sasabog na. “ O-okay lang… aksidente lang ’yun.“
“ Right. Isang malaking aksidente,“ sabi niya, pero bago siya lumabas ng storage room, huminto siya sa may pinto. Hindi siya lumingon, pero narinig ko ang mahina niyang bulong. “ Pero hindi ko… hindi ko kinasuklaman.“
Hindi pa man kami nakakalabas ng building, ang balita tungkol sa presentation at sa “something” na nangyari sa lab ay nagsimula na namang kumalat. Mukhang may nakakita sa amin na pumasok sa storage room, at ang imahinasyon ng mga tao sa Raino University ay sobrang ligalig. Nasalubong namin si Mico sa hallway, mukhang galing sa isang giyera. “ Hyde! Xavier! Magtago muna kayo!“
“ Bakit? Anong nangyayari?“ tanong ko.
“Sabrina and the cheerleaders are literally on a rampage! At si Marco, nagkakalat ng balita na nag-a-affair daw kayo sa loob ng storage room! Gulo ito, guys. Ang mga fans ni Xavier, nag-o-organize na ng boycott laban sa’yo, Hyde!”
Tumingin ako kay Xavier. Akala ko ay magagalit siya o kaya ay itataboy ako para iligtas ang sarili niya. Pero sa halip, hinawakan niya ang kamay ko sa harap ng maraming tao sa hallway.
“Let them talk,” sabi ni Xavier nang may determinasyon. “If they want a scandal, let’s give them something worth talking about.” Hinandig niya ako palapit sa kanya habang naglalakad kami palabas. Ang bawat mata sa hallway ay nakatitig sa amin. Ang “ Piggy Love“ na sinimulan bilang asaran ay ngayon ay nagiging isang malaking hamon sa buong unibersidad. Pero sa loob-loob ko, iisa lang ang iniisip ko Ang lambot pala talaga ng labi ni Xavier. (mataray )
a/n: ramdam ang kaba… kabaklaan nung dalawa HAHAHA mukhang malapit ng mag end iteychhh
nakapag update kasi wala na kaming final defense 🤭
8-The Weight of the Crown
Hindi ko alam kung paano ko nagawang pumasok kinabukasan. Ang bawat hakbang ko patungo sa gate ng unibersidad ay parang paglalakad sa ibabaw ng mga bubog. Ang insidente sa storage room ang aksidenteng halik na iyon ay hindi na lang basta sikreto. Ito na ang mitsa ng isang malaking sunog na tumutupok sa tahimik kong buhay.
“ Look, it’s the seducer.“
“How many cupcakes did he give Xavier to make him do that?”
“ Disgusting. He’s like a parasite clinging to a diamond.“
Ang mga salitang ito ay hindi na lang bulong ang iba ay isinisigaw na sa harap ko habang naglalakad ako sa hallway. May mga nakadikit na posters sa mga bulletin board mga edited na picture ko na mukhang baboy na may suot na korona, at sa tabi ko ay si Xavier na mukhang binihag.
“Hyde, huwag mong pakinggan,” bulong ni Mico sa tabi ko, pilit akong pinoprotektahan mula sa mga matatalim na tingin. “Mamatay sila sa inggit. Pero Hyde, seryoso, kailangan nating mag-ingat. Iba na ang aura sa school ngayon. Parang may hunting season at ikaw ang target.” babala niya sa akin.
Pagdating ko sa locker room para kunin ang mga libro ko, doon ko naranasan ang tunay na bagsik ng “The Royals.” Pagbukas ko ng locker ko, bumuhos ang isang balde ng malapot at mabahong likido itlog na bulok na hinaluan ng harina at kulay-rosas na pintura
“Oops! My hand slipped,” boses ng isang babae mula sa likuran. Humarap ako, basang-basa at amoy basura. Nakatayo roon si Sabrina, kasama ang kanyang mga alipores. Nakasuot sila ng kanilang mga cheerleading uniform, mukhang mga anghel pero ang mga ngiti ay galing sa impiyerno.
“That looks good on you, Hyde,” pangungutya ni Sabrina habang tinitingnan ang dumi sa polo ko. “It matches your internal filth. Did you really think na dahil lang sa isang aksidente sa storage room, magiging kapantay ka na namin? Xavier is just pitying you. He’s a gentleman, and you’re taking advantage of his kindness.” Hindi ako nakasagot. Nanginginig ang mga kamay ko sa galit at hiya. Gusto kong sumigaw, gusto kong lumaban, pero ang bigat ng katawan ko ay tila lalong bumibigat sa bawat lait na natatanggap ko.
“Listen closely,” lumapit si Sabrina at madiing itinuro ang dibdib ko. “Leave this school. Or at least, stay away from Xavier. If you don’t, I will make sure your scholarship gets revoked. My father is on the board of directors. One word from me, and you’re back to your stinky slum house, eating your cheap cupcakes.” Tumalikod sila habang nagtatawanan. Naiwan akong mag-isa sa locker room, tumutulo ang malapot na harina mula sa buhok ko. Doon, sa unang pagkakataon mula nang pumasok ako sa Raino, naramdaman ko ang kagustuhang sumuko.
Sa buong maghapon, hindi ko sinasagot ang mga tawag at text ni Xavier. Alam ko, susunduin niya sana ako para sa lunch, pero nagtago ako sa likod ng lumang gym kung saan walang tao. Ayaw kong makita niya akong ganito amoy itlog, puno ng pintura, at wasak ang pagkatao. (oa awtss)
Xavier: Where are you?
Xavier: Hyde, I’m at the cafeteria. People are
saying things. Are you okay?
Xavier: Answer me, Hyde. Or I’ll find you.
Pinatay ko ang cellphone ko. Habang nakaupo sa damuhan, tinitingnan ko ang mga kamay kong puno pa rin ng kulay-rosas na mantsa. Siguro nga, tama si Sabrina. Sinisira ko ang buhay ni Xavier. Si Xavier ay isang bituin, at ang mga bituin ay hindi dapat nadidikit sa putik.
“ Bakit ba kasi nangarap pa ako?“ bulong ko sa sarili ko habang umiiyak. “Sana nanatili na lang ako sa school namin. Sana hindi ko na lang sinubukan ang mag-aral sa ganitong lugar.” naiiyak na bulong ko
Alas-kwatro ng hapon nang maisipan kong lumabas sa pinagtataguan ko para umuwi na. Plano ko nang mag-drop out. Iiwan ko na ang lahat. Mas mahalaga ang dangal ko kaysa sa diploma ng Raino University.
Pero paglabas ko sa gate ng gym, sinalubong ako ng isang pigura na tila kanina pa naghihintay. Xavier.
Gulo-gulo ang buhok niya, gusot ang polo, at bakas ang pag-aalala at galit sa kanyang mukha. Nang makita niya ang itsura ko ang mga tuyong pintura sa damit ko at ang namumugto kong mga mata parang may sumabog na galit sa loob niya.
“ Who did this?“ mahina niyang tanong, pero ang boses niya ay nanginginig sa poot.
“Wala ’to, Xavier. Nadulas lang ako sa… sa art room,” pagsisinungaling ko.
“Don’t lie to me, Hyde!” bulyaw niya, dahilan para mapatalon ako. Lumapit siya at hinawakan ang mga balikat ko. “I’ve been looking for you for five hours! Nakita ko ang locker mo. Alam ko ang ginawa ni Sabrina.”
“Hayaan mo na sila, Xavier. Tama naman sila, eh. Hindi ako bagay dito. Sinisira ko lang ang pangalan mo. Mas mabuting lumayo na ako sa’yo, para matahimik na ang lahat.” sagot ko sa mahinang boses.
“Shut up ,” pigil niya sa akin. “ Don’t you dare say that. You think I care about my name? You think I care about what these shallow people think?“
“Pero Xavier, mawawalan ako ng scholarship! Sabi ni Sabrina, kaya niyang gawin ’yun!” iyak ko sa kanya
Biglang natahimik si Xavier. Hinila niya ako palapit sa kanya at, sa gulat ko, niyakap niya ako nang mahigpit. Kahit madumi ako, kahit amoy itlog ako, hindi siya bumitaw. Ang init ng katawan niya ang nagpatahimik sa mga hikbi ko.
“I won’t let that happen,” bulong niya sa tenga ko.
“ My family owns more shares than her father. I will protect you, Hyde. Even if I have to go against the whole world, I won’t let them take you away from me.“ bulong niya sa akin.
Imbes na ihatid ako pauwi, dinala ako ni Xavier sa main plaza ng unibersidad. Oras iyon ng uwian, kaya halos lahat ng estudyante ay nandoon. Kasama na roon si Sabrina, Liam, Ethan, at si Marco.
“ Xavier! What are you doing? Why are you touching that… that thing?“ sigaw ni Sabrina nang makita kaming magkahawak-kamay.
Huminto si Xavier sa gitna ng plaza. Lumingon siya sa lahat ng mga estudyanteng nakatingin. Sa pagkakataong ito, wala ang malamig at supladong Xavier. Ang nakaharap nila ay isang lalakeng handang lumaban para sa taong mahalaga sa kanya.
“Listen to me, everyone!” sigaw ni Xavier, na naging dahilan ng pagtahimik ng buong plaza. “ From this day on, anyone who touches Hyde, anyone who says a single word against him, will mananaguot to me. I don’t care if you’re my friend, my classmate, or my fan. If you hurt him, you’re dead to me.“ deklarsyon niya
“ Xav, are you crazy?“ tanong ni Liam. “He’s just a scholarship student! Why are you doing this for him?” dagdag nito.
Tumingin si Xavier sa akin, at sa harap ng lahat, ngumiti siya isang ngiting punong-puno ng pagmamahal.(eme)
“ Because he’s not just a scholarship student,“ sagot ni Xavier, lumingon uli sa mga tao. “He’s the person who taught me how to be human. He’s the person who made me realize that being ‘The Golden Boy’ is nothing compared to being with someone as real as him.” ackkk
Humarap siya kay Sabrina . “And Sabrina? If you or your father try to touch his scholarship, I will personally make sure your family’s business gets blacklisted in every Arrogante-owned establishment in Asia. Try me.” Napaatras si Sabrina, ang mukha niya ay namutla sa takot. Alam niya ang kapangyarihan ng mga Arrogante.
Nang gabing iyon, matapos ang lahat ng gulo, inihatid ako ni Xavier sa bahay. Hindi kami agad bumaba ng sasakyan. Nakatitig lang kami sa labas, pinapanood ang mga bituin sa langit na hindi gaanong makita dahil sa polusyon sa Maynila. “ Salamat, Xavier,“ mahina kong sabi. “ Pero… seryoso ka ba talaga sa mga sinabi mo kanina? Baka nadala ka lang ng galit.“ Hinarap niya ako. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. “ Hyde, noong unang araw nating nagkakilala, tinawag kitang ‘whale’. Tinawag kitang ‘grease’. Pero ang totoo, ikaw ang pinakamagandang bagay na nangyari sa akin sa paaralang ito.“ Huminto siya sandali, tila kumukuha ng lakas ng loob. “Ang halik sa storage room… alam kong aksidente ’yun. Pero mula noon, hindi ko na matanggal sa isip ko. Hyde… I think I’m falling for you. No, I am falling for you. At hindi ko na kayang itago ’yun.” ackksim!!! Nanigas ako sa kinauupuan ko. Ang puso ko ay parang gustong lumabas sa dibdib ko. “Xavier… mataba ako. Bakla ako. Mahirap ako. Maraming mas may itsura sa akin, mas sexy, mas mayaman—”
“I don’t want someone handsome, or sexy, or rich,” putol niya. “I want you. I want your cupcakes, your sinigang, your kindness, and even your ‘squishiness’. I want the Hyde who isn’t afraid to be himself.”
Sa ilalim ng liwanag ng buwan, sa loob ng kanyang mamahaling sasakyan, naramdaman ko ang tunay na kaligayahan. Hindi na ito panaginip. Ang “ Piggy Love“ na inaakala kong isang malaking biro ay ngayon ay naging pinakamagandang katotohanan ng buhay ko.
“I love you, Hyde,” bulong niya bago dahan-dahang lumapit para sa isa pang halik isang halik na sa pagkakataong ito, hindi na aksidente.
The end - charootttt
9-The Sweetest Reality and the Bitter Truth
Matapos ang gabing iyon sa loob ng sasakyan ni Xavierang gabing binigkas niya ang mga salitang “ I love you“ pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ulap. Hindi ako nakatulog. Paulit-ulit kong hinahawakan ang mga labi ko, pilit na inaalala ang lambot at init ng halik ni Xavier. Para sa isang katulad ko na sanay sa pangungutya, ang mahalin ng isang “ prinsipe “ ay parang isang kwentong kinuha sa pinakamagandang nobela, pero alam kong ito ay totoo dahil ramdam ko pa rin ang bilis ng pintig ng puso ko.
“Hyde?
Anak, kanina ka pa nakatitig sa kisame. May sakit ka ba?“ boses ni Mama Hazel mula sa labas ng kwarto.
“Wala po, Ma! Nag-iisip lang po!” sigaw ko pabalik. Paano ko sasabihin kay Mama? Paano ko sasabihin na ang lalakeng pinakain niya ng sinigang kamakalawa ay boyfriend ko na ngayon? Baka himatayin si Mama, o baka isipin niyang nabaliw na ako dahil sa pag-aaral. Pero higit sa kaba para kay Mama, mas natatakot ako para kay Xavier. Alam ko ang bigat ng pangalan niya. Alam ko na ang isang “ Arrogante “ ay hindi basta-basta pwedeng makipagrelasyon sa kahit sino, lalo na sa isang tulad ko.
Alas-sais pa lang ng umaga nang makatanggap ako ng message.
Xavier:
Good morning, my marshmallow. I’m outside. Wear something comfortable, but bring your school uniform. I want to take you somewhere before class.
Dali-dali akong bumangon. Hindi ko na inintindi ang pananakit ng likod ko sa luma naming papag. Nagsuot ako ng isang malinis na t-shirt at maong, kinuha ang bag ko, at lumabas. Nandoon si Xavier, nakasandal sa kanyang SUV, suot ang isang simpleng hoodie. Nang makita niya ako, hindi siya nag-atubili. Sa harap ng mga kapitbahay naming nagsisimula nang maglabasan, lumapit siya at hinawakan ang kamay ko.
“You look cute when you’re sleepy,” bulong niya bago ako pinagbuksan ng pinto.
“Xavier, ang aga-aga naman nito,” biro ko habang isinisiksik ang sarili sa upuan. “Saan ba tayo pupunta?” tanong ko pa
“Basta. It’s a surprise,” nakangiti niyang sabi. Dinala niya ako sa isang mataas na lugar sa Antipolo, isang overlook kung saan tanaw ang buong Metro Manila. Habang sumisikat ang araw, ang langit ay nagkulay ginto at rosas. Tahimik kaming nakaupo sa hood ng sasakyan niya na pinag-alala ko pa dahil baka mayupi sa bigat ko, pero sabi niya ay heavy-duty daw ’yun, sana nga
“Hyde,” tawag niya habang nakatingin sa malayo. “I know yesterday was chaotic. And I know people will continue to be mean. Pero gusto kong malaman mo na seryoso ako sa’yo. I don’t care about the labels. I don’t care if people call us ‘The Beauty and the Beast’ in reverse. As long as I have you, I’m okay.” sinsero niyang wika, tiningala ko siya, nagkatitigan kami pero agad din akong umiwas.
Iniyuko ko ang ulo ko. “Xavier, natatakot ako. Hindi para sa sarili ko, kundi para sa’yo. Paano kung itakwil ka ng pamilya mo? Paano kung dahil sa akin, mawala lahat ng pinaghirapan mo?” Hinarap niya ako at itinaas ang baba ko. “Let them take it all. I have my own savings. I can work. I’m a top student, remember? Kayang-kaya kitang buhayin, kahit sampung box pa ng cupcakes ang kainin mo araw-araw.” saad niya. Natawa ako sa sinabi niya. Sa sandaling iyon, ang lahat ng takot ko ay tila naglaho. Naniniwala ako sa kanya. Naniniwala ako na kaya naming lampasan ang kahit ano.
Pagpasok namin sa campus, mas lalong naging maugong ang chismis. Pero sa pagkakataong ito, hindi na ako yumuyuko. Hawak-kamay kaming naglalakad ni Xavier sa hallway. Ang bawat mapanghusgang tingin ay tinatapatan ni Xavier ng isang seryoso at matapang na awra.
“Look at them. They’re really together,” narinig kong bulong ng isang grupo ng mga freshman. Pumunta kami sa cafeteria para mag-lunch. Sa pagkakataong ito, hindi kami sa sulok naupo. Pinili ni Xavier ang pinakagitnang table ang table na para lang sa “ The Royals.“
“Xav, are you serious right now?” tanong ni Liam nang makita kaming naupo roon. “You’re bringing him… here? Sa table natin?”
“This isn’t just ‘our’ table anymore, Liam,” sagot ni Xavier habang inaayos ang pagkain ko. “Ito ay table ng kahit sinong gusto kong makasama. At si Hyde ang gusto kong makasama.” saad niya. Napansin ko ang galit sa mga mata ni Liam, pero hindi siya makakibo dahil kay Xavier. Si Ethan naman ay nanatiling tahimik, pero bakas ang pagkailang. Si Sabrina? Wala siya roon. Balita ko ay hindi pumasok dahil sa kahihiyan kahapon.
Habang kumakain kami, naramdaman ko ang saya. Ang saya na hindi mo na kailangang magtago. Pero ang saya na iyon ay panandalian lang pala.
Habang nagtatawanan kami ni Xavier tungkol sa isang professor na nakatulog sa sarili niyang lecture, biglang nag-ring ang phone niya. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Ang kaninang masaya niyang mga mata ay biglang naging malamig at puno ng kaba.
“It’s my father,” bulong niya.
Tumayo siya at lumayo nang kaunti para sagutin ang tawag. Pinapanood ko siya mula sa malayo. Nakita ko ang matitigas niyang tango at ang pagkunot ng kanyang noo. Pagbalik niya, hindi na siya nakatingin sa akin.
“Hyde… I have to go,” sabi niya habang mabilis na nililigpit ang gamit. “The Chairman… my dad… he wants to see me. Now. Sa main office ng Arrogante Group.” saad niya
“May kinalaman ba ito sa atin?” tanong ko, ramdam ko ang biglang panlalamig ng mga kamay ko. Huminga siya nang malalim at hinawakan ang pisngi ko.
“I don’t know. But don’t worry. Whatever happens, I’ll find a way back to you. Mag-ingat ka pauwi, okay? I’ll call you later.” pagpapaalam niya
Hinalikan niya ako sa noo bago mabilis na naglakad paalis. Naiwan akong mag-isa sa gitna ng mataong cafeteria. Ang lahat ng mata ay nakatuon sa akin, tila naghihintay sa aking pagbagsak.
Dinala si Xavier sa itaas na palapag ng Arrogante Tower. Ang opisina ng kanyang ama, si Don Victor Arrogante, ay kasing lamig ng isang freezer. Walang kahit anong dekorasyon na nagsasabing may pamilya ang taong nakatira rito. Puro glass, chrome, at mga awards.
Nakasandal si Don Victor sa kanyang upuan, hawak ang isang tablet na nagpapakita ng video ng pagtatapat ni Xavier sa plaza kahapon.
“Is this true, Xavier?” malamig na tanong ng matanda.
“Yes, Dad. It’s true. I love him,” walang pag-aalinlangang sagot ni Xavier.
Tumawa si Don Victor isang tawang walang halong saya. “Love? You are twenty years old. You don’t know the meaning of love. What you’re doing is career suicide. You are the heir to this empire. Do you think the board of directors will accept a leader who is involved with… with a person like that?” may galit sa boses niya.
“He has a name, Dad. His name is Hyde. And he is smarter and kinder than anyone in this building.” sagot ni Xavier kay Don Victor
Tumayo si Don Victor at lumapit sa anak. “Smart? Kind? Those things don’t pay the bills, Xavier. Reputation does. I’ve tolerated your rebellions before, but this? This is an embarrassment to the Arrogante bloodline.” galit na saad ni Don Victor
“ I don’t care about the bloodline! I care about my happiness!“ sigaw ni Xavier.
Pakkk!
Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Xavier. Napalingon ang ulo niya sa lakas ng tama.
“ You will end this tonight,“ utos ni Don Victor. “Or I will make sure that boy and his family will never find a job in this country again. I will crush his scholarship, I will evict them from that slum they call a home, and I will make sure they rot in debt. Choice is yours, Xavier. Your ‘love’… or their lives.” banta ni Don Victor
Hinihintay ko ang tawag ni Xavier buong gabi. Alas-onse na ng gabi pero wala pa ring paramdam. Sinubukan kong tawagan ang phone niya pero
“cannot be reached.”
“Hyde, matulog ka na. Baka busy lang ’yung bata,” sabi ni Mama Hazel habang naglalagay ng katol sa kwarto.
“Opo, Ma. Susunod na ako.” sagot ko
Pero hindi ako makatulog. May masama akong nararamdaman. Hanggang sa makarinig ako ng mahinang katok sa pinto. Pagbukas ko, laking gulat ko nang makita si Xavier. Basang-basa siya ng ulan, wala ang kanyang sasakyan, at may pasa sa kanyang pisngi.
“Xavier! Anong nangyari sa’yo?!” kinakabahang saad ko sabay hila ko sa kanya papasok.
Niyakap niya ako nang sobrang higpit, na parang ito na ang huling pagkakataon na mayayakap niya ako. Nanginginig ang buong katawan niya.
“Hyde… I’m sorry. I’m so sorry,” bulong niya habang umiiyak sa balikat ko.
“Bakit ka humihingi ng sorry? Xavier, ano bang ginawa nila sa’yo?” naiiyak na tanong ko.
Humiwalay siya sa akin, ang mga mata niya ay puno ng sakit na hindi ko maipaliwanag. “My dad… he knows everything. Hyde, I have to leave. Pinapadala nila ako sa London bukas na bukas din. If I don’t go… he will destroy you. He will destroy your family.” humahagulgul na saad niya sa akin.
Nanigas ang buong mundo ko. Parang gumuho ang langit sa ibabaw ko. “London? Bukas agad? Pero… paano tayo?”
Hinigpitan ni Xavier ang hawak sa kamay k o. “This is not goodbye, Hyde. I promise. Pupunta ako roon para magpalakas. I will take control of my own trust fund. I will find a way to be independent from them. But for now… kailangan nating magsakripisyo. Para sa kaligtasan niyo ni Mama Hazel.” saad niya sa akin.
Umiyak kaming dalawa sa gitna ng maliit naming sala. Ang “ Piggy Love“ na nagsisimula pa lang ay agad na hinamon ng malupit na tadhana. Sa gabing iyon, sa ilalim ng ulan at sa gitna ng hirap, nangako kami sa isa’t isa.
“Hihintayin kita, Xavier. Kahit gaano katagal,” sabi ko sa gitna ng hikbi.
“And I will come back for you, Hyde. My marshmallow… my one and only. Walang distansya ang makakapaghiwalay sa atin.” saad niya
Isang huling halik ang pinagsaluhan namin isang halik na amoy ulan, lasang luha, pero puno ng pangako. Bukas, magkalayo na kami. Pero ang pusong taba at pusong ginto ay habambuhay nang magkakabit. (teka mag amoy ba ang ulan?)
P.S aray ko first day palang bilang official couple hiwalayan agad 💔🥲
LAST 3 Chapter guyssss 💔💔💔💔💔💔😭
10-The Metamorphosis of a Broken Heart
Ang unang buwan matapos umalis ni Xavier patungong London ay ang pinakamadilim na bahagi ng buhay ko. Ang bawat sulok ng aming maliit na bahay, ang bawat upuan sa Raino University, at ang bawat amoy ng sinigang ni Mama ay nagpapaalala sa akin ng lalakeng naging mundo ko sa loob ng maikling panahon.
Wala kaming komunikasyon. Alam kong binabantayan ni Don Victor ang bawat galaw ni Xavier. Alam ko ring binabantayan ako ng mga tauhan ng Arrogante. Isang maling tawag, isang maling email, at maaaring mawala ang tanging scholarship na nagpapanatili sa akin sa pangarap ko.
“Hyde, anak, kain na. Huwag mo nang hintayin ang wala ,” malungkot na sabi ni Mama Hazel isang gabi habang nakikita akong nakatitig sa cellphone kong walang paramdam.
“Hihintayin ko siya, Ma. Nangako siya,” sagot ko, kahit ang totoo ay unti-unti nang nadudurog ang pag-asa ko.
Isang gabi, matapos ang isang taon ng pananahimik ni Xavier, tumitig ako sa salamin. Nakita ko ang dating Hyde ang matabang bakla na laging nakayuko, ang lalakeng laging biktima ng bullying, ang lalakeng iniwan dahil hindi sapat ang kanyang katayuan sa buhay.
“ Hindi na pwedeng ganito,“ bulong ko sa sarili ko. Hindi ko binabago ang sarili ko para lang magustuhan uli ni Xavier. Binabago ko ang sarili ko dahil gusto kong pagdating ng araw na magkita kami uli, hindi na ako ang Hyde na kailangang protektahan. Gusto ko, ako na ang Hyde na kayang tumayo sa tabi niya nang hindi kinukutya ng mundo. Nagsimula ako sa maliit na hakbang. Sa tulong ni Mico na nanatiling tapat na kaibigan, nagsimula akong mag-exercise. Sa una, halos mamatay ako sa pagod. Limang minutong paglalakad pa lang ay parang sasabog na ang puso ko. Pero sa bawat patak ng pawis, naiisip ko si Xavier. Sa bawat hirap ng pag-diet, naaalala ko ang pangako naming dalawa.
Sabay nito ang pagpapakitang-gilas ko sa pag-aaral. Ibinuhos ko ang lahat ng emosyon ko sa programming at systems development. Kung dati ay magaling na ako, ngayon ay naging “halimaw” ako sa klase. Nakuha ko ang pansin ng malalaking tech companies bago pa man ako gumaraduate.
Limang taon ang mabilis na lumipas.
Ang Raino University ay naging saksi sa isang milagro. Ang dating “ Piggy Hyde “ ay wala na. Ang nakatayo ngayon sa harap ng mga kumpanya bilang Summa Cum Laude ng Information Technology department ay isang lalakeng hindi mo aakalain na dumaan sa matinding hirap.
Hindi na ako mataba. Bagaman hindi ako naging kasing-payat ng mga modelo, naging matikas ang aking pangangatawan dahil sa disiplina sa gym. Nawala na ang mga pimples sa mukha ko dahil sa tamang pangangalaga, at ang makapal na salamin ko ay napalitan ng contact lenses na nagpatingkad sa aking mga mata. Ang buhok ko ay maayos na ang gupit, at ang pananamit ko ay naging disente at professional.
Pero higit sa panlabas na anyo, ang nagbago ay ang loob ko. Hindi na ako nakayuko. Ang boses ko ay matatag, at ang mga mata ko ay puno ng determinasyon.
“Congratulations, Mr. Hyde! Our company is honored to have the top graduate of Raino,” sabi ng CEO ng isang multinational tech firm habang inaabutan ako ng kontrata.
“Salamat po. I will do my best,” sagot ko nang may ngiti.
Paglabas ko ng opisina, sinalubong ako ni Mico. Halos hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya. “Grabe, Hyde. Kung hindi kita nakasama sa bawat step ng transformation mo, iisipin kong nagpa-plastic surgery ka sa Korea. You look… amazing, dude.”
“Salamat, Mico. Pero alam mo naman, kahit anong ganda ng balot, ang laman pa rin ang mahalaga.
“Speaking of laman… may balita ka na ba sa kanya?” seryosong tanong ni Mico.
Napahinto ako sa paglalakad. Ang pangalang hindi ko binabanggit nang malakas sa loob ng dalawang taon ay tila isang kuryenteng gumising sa puso ko.
“Wala. Sabi nila, natapos na niya ang MBA niya sa London. At balita ko… bumalik na siya sa Pilipinas kahapon.”
Isang linggo matapos ang graduation, isang malaking kaganapan ang ginanap sa Raino University. Ang Annual Alumni and Founders Gala. Bilang top student, imbitado ako. At bilang tagapagmana ng unibersidad, alam kong nandoon si Xavier.
Pumasok ako sa ballroom na suot ang isang tailor-made black suit. Pagpasok ko pa lang, naramdaman ko ang pagbaling ng mga mata sa akin. Hindi na nila ako tinatawanan. Ngayon, ang naririnig ko ay ang mga bulungan ng paghanga. “Sino siya? Ang gwapo naman.”
“Siya ba ’yung top graduate? He looks so professional.”
Nang makita ko sina Liam at Ethan sa isang sulok, nginitian ko lang sila. Hindi nila ako agad nakilala hanggang sa makalapit ako.
“Liam, Ethan. Kamusta?” bati ko.
Nanlaki ang mga mata nila. “H-Hyde?! Is that really you?!” halos pasigaw na tanong ni Liam. “Holy… what happened to you? You look… buff!”
“I just took care of myself,” simple kong sagot. Ngunit ang lahat ng atensyon ay nawala sa akin nang bumukas ang malaking pinto ng ballroom.
Pumasok ang pamilya Arrogante. Nangunguna si Don Victor, na mukhang mas matanda na ngayon, at sa likod niya ay ang lalakeng limang taon kong pinangarap na makita.
Xavier.
Mas tumangkad siya. Mas naging seryoso ang kanyang mukha, at ang kanyang presensya ay mas lalong naging dominante. Nakasuot siya ng midnight blue suit na nagmukhang siyang isang tunay na hari.
Habang naglalakad siya sa gitna ng ballroom, hinahanap ng kanyang mga mata ang isang tao. Alam ko, ako ang hinahanap niya. Pero nang tumingin siya sa direksyon ko, lumampas lang ang tingin niya. Hindi niya ako nakilala.
Masakit, pero naiintindihan ko. Ang huling Hyde na nakita niya ay isang lalakeng umiiyak, basang-basa ng ulan, at may labis na timbang. Ang Hyde na nasa harap niya ngayon ay isang estranghero.
Hindi ko na kinaya ang ingay sa loob kaya lumabas muna ako sa balkonahe, sa mismong lugar kung saan kami madalas tumambay noon. Hinubad ko ang coat ko at huminga nang malalim.
“The view hasn’t changed,” isang boses mula sa likuran ang nagpatibok nang mabilis sa puso ko. Lumingon ako. Nandoon si Xavier, nakasandal sa pader, may hawak na baso ng champagne. Mukhang pagod siya, at may lungkot sa kanyang mga mata na hindi kayang itago ng kanyang kaguwapuhan.
“Yes, it’s still beautiful,” sagot ko, pinapanatiling matatag ang boses ko.
Lumapit siya sa tabi ko, hindi pa rin tumitingin sa mukha ko. “You’re the top graduate, right? My father mentioned a brilliant IT student named Hyde. I was surprised. I used to know a Hyde… but he was different.”
“Different in what way?” tanong ko. Tumingin siya sa malayo, at nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. “He was… he was the kindest person I knew. He didn’t care about suits or galas. He loved cupcakes and sinigang. I came back for him, but I can’t find him. Sabi nila, lumipat na raw ng bahay ang pamilya niya. My father’s men made sure I couldn’t track them.”
Humarap ako sa kanya nang tuluyan. “Baka naman hindi mo lang siya tinitingnang mabuti, Xavier.” Doon lang siya tumingin sa akin nang diretso. Sa una, bakas ang pagkalito sa mga mata niya. Sinuri niya ang mukha ko, ang mga mata ko, at ang paraan ng pagtayo ko. Hanggang sa makita niya ang isang maliit na nunal malapit sa tenga ko isang bagay na siya lang ang nakakapansin noon.
Binitawan niya ang baso ng champagne, hindi inintindi ang pagbasag nito sa sahig.
“Hyde?” bulong niya, ang boses niya ay nanginginig. “Is… is that really you?”
“I told you I’d wait, Xavier. And I told you I’d become someone you can be proud of,” ngiti ko sa kanya, habang ang mga luha ko ay nagsisimula na ring pumatak.
Hindi na siya nag-isip. Hinila niya ako sa isang mahigpit na yakap. Isang yakap na puno ng pangungulila, pag-ibig, at tagumpay. “You idiot… I’m always proud of you. Kahit mataba ka, kahit payat ka, kahit sino ka pa. I love you, Hyde. I never stopped loving you.”
Sa ilalim ng parehong langit kung saan kami nangako limang taon na ang nakakaraan, muling nagtagpo ang aming mga labi. Sa pagkakataong ito, wala nang ulan, wala nang luha ng paghihiwalay. Ito ay halik ng pagbabalik.
Pero alam namin, hindi pa tapos ang laban. Ang pagbabalik ni Xavier ay nangangahulugan din ng paghaharap niya uli sa kanyang ama. Pero ngayon, hindi na ako ang Hyde na kailangang itago.
“Xavier,” bulong ko sa gitna ng halik.
“Hmm?”
“Gusto ko ng cupcakes.”
Natawa siya nang malakas, ang tawang matagal kong hindi narinig. “Anything for you, my King. Anything for you.”
11-The King’s Gambit
Ang simoy ng hangin sa balkonahe ay tila nagbago. Kung kanina ay puno ito ng pangungulila, ngayon ay puno na ito ng pag-asa. Pero sa kabila ng tamis ng aming muling pagkikita, alam naming dalawa na nasa loob ng ballroom ang tunay na kalaban. Ang musika mula sa loob ay patuloy na umaalingawngaw, isang paalala na ang oras ng pagtatago ay tapos na.
“Hyde,” tawag ni Xavier habang hawak ang magkabilang kamay ko. Pinagmamasdan niya ang mukha ko na parang hindi siya makapaniwala na ang lalakeng nasa harap niya ay ang Hyde na iniwan niya noon. “You’ve changed so much… but your eyes, they’re still the same. Sila pa rin ang mga matang nagligtas sa akin noong naliligaw ako.”
“Kailangan kong magbago, Xavier. Hindi dahil ayaw ko sa dati kong sarili, kundi dahil kailangan kong patunayan sa tatay mo at sa mundong ito na hindi ako basta-basta,” sagot ko nang may determinasyon.
“I’m not just your scholarship student anymore. I’m a professional. I’m an equal.”
Hinalikan ni Xavier ang noo ko. “You were always my equal, Hyde. Even when you were just a ‘giant marshmallow’. Pero ngayon… ngayon, ipapakita natin sa kanila kung sino ang totoong reyna ng buhay ko.”
Inayos ni Xavier ang aking suit. Huminga kaming dalawa nang malalim bago magkahawak-kamay na pumasok uli sa ballroom. Ang bawat hakbang namin ay tila sinasabayan ng tibok ng puso ko. Alam kong sa sandaling makita kami ng mga tao na magkasama, wala na itong balikan. Pagpasok namin, tila huminto ang mundo. Ang mga usap-usapan ay biglang natahimik. Ang mga mata ng mga elite ng bansa ay nakatuon sa aming magkahawak na kamay.
“Is that… Xavier Arrogante? Who is he with?”
“Wait, that’s the Summa Cum Laude, isn’t it? Mr. Hyde?”
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa gitna, kung saan nakatayo si Don Victor Arrogante, pinalilibutan ng mga board members at mga business tycoon. Nakikipagtawanan ang matanda, tila ipinagmamalaki ang pagbabalik ng kanyang tagapagmana.
Nang makita niya si Xavier, ngumiti siya. “Ah, Xavier! There you are. I was just telling Secretary Romualdez about your success in London. And I see you’ve met our top graduate, Mr. Hyde.” Hindi agad napansin ni Don Victor ang aming magkahawak na kamay dahil nakatago ito sa gilid.
“Mr. Hyde, I was very impressed with your credentials. I already instructed my HR to prepare a contract for you. We need someone with your vision in the Arrogante Group.”
Tumingin ako kay Xavier. Nakita ko ang isang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. Ito na ang sandali.
“Actually, Dad,” panimula ni Xavier, itinaas niya ang aming magkahawak na kamay para makita ng lahat. “He’s already taken. At hindi lang sa career… kundi sa akin.”
Ang baso ng alak na hawak ni Don Victor ay bahagyang nayanig. Ang kanyang mukha, na kanina ay punong-puno ng kagalakan, ay unti-unting naging kasing tigas ng bato. Ang mga tao sa paligid ay nagbulungan nang mas malakas.
“Xavier, what is the meaning of this joke?” malamig na tanong ni Don Victor.
“This is not a joke, Dad. Two years ago, you sent me away to separate me from the person I love. You threatened his family and his future. But look at him now,” turo ni Xavier sa akin. “He didn’t just survive. He conquered. He is the very person you want to hire for your company. He is the Hyde you tried to destroy.”
Dahan-dahan ang paglipat ng tingin ni Don Victor sa akin. Sa pagkakataong ito, hindi na ako yumuko. Tinitigan ko siya nang diretso sa mata—isang bagay na hindi ko kailanman nagawa noon. “Don Victor,” bati ko sa pinaka-professional kong boses. “Salamat po sa offer na trabaho. Pero gaya ng sabi ni Xavier, ang Hyde na kilala niyo noon ay wala na. I didn’t become Summa Cum Laude because of your scholarship. I worked three jobs, I coded until my eyes bled, and I studied while protecting my family from the shadows of your influence.”
“You…” bulong ng matanda. “You’re that… that fat boy?”
“I was that boy,” sagot ko. “But even then, I had more dignity than your money could ever buy. At ngayon, nakatayo ako rito hindi bilang isang aplikante, kundi bilang ang taong mahal ng anak niyo. At wala kayong magagawa para baguhin ’yun.”
Nagkaroon ng matinding katahimikan sa loob ng ballroom. Kahit ang musika ay tumigil. Ang mga board members ay nagpapalitan ng tingin. Si Sabrina, na nandoon din, ay halos malaglag ang panga sa gilid.
“You think a degree and a new face make you worthy of our name?” bulyaw ni Don Victor, hindi na niya mapigilan ang galit. “Xavier, let go of his hand. This is an embarrassment!”
“No, Dad,” matatag na sagot ni Xavier. “Ang embarrassment ay ang pagiging isang ama na mas pinapahalagahan ang image kaysa sa kaligayahan ng sarili niyang anak. If you can’t accept Hyde, then you can’t accept me. I will resign from every position I have in the Arrogante Group tonight.” “You wouldn’t dare!”
“Try me, Dad. I have my own investors now. Sa dalawang taon ko sa London, hindi lang ako nag-aral. I built my own network. I don’t need the Arrogante name to survive. But I need Hyde to live.”
Naglakad kami palabas ng ballroom, hindi pinansin ang mga sigaw ni Don Victor. Habang naglalakad kami sa hallway, pakiramdam ko ay isang malaking tinik ang nabunot sa dibdib ko. Ito na ang kalayaang matagal naming hinintay.
“Sigurado ka ba rito, Xavier?” tanong ko nang makarating kami sa parking lot. “Iniwan mo ang lahat para sa akin.”
Hinarap niya ako at ngumiti. “Hyde, hindi ko iniwan ang lahat. Dala ko ang lahat ng mahalaga sa akin.” Hinaplos niya ang pisngi ko. “At saka, don’t worry. I have a back-up plan. Mico and I have been talking. We’re starting our own tech firm. At ikaw… ikaw ang magiging Chief Technology Officer namin.” “Talaga? Si Mico?” natawa ako. “Kaya pala ang dami niyang sikreto sa akin nitong mga nakaraang buwan.”
Sumakay kami sa sasakyan at humarurot paalis sa unibersidad na naging saksi sa aming hirap at tamis. Pero bago kami tumuloy sa aming bagong buhay, may isang lugar pa kaming kailangang puntahan.
Pumasok kami sa pamilyar na eskinita. Hindi na SUV ang gamit namin, kundi isang simpleng sedan para hindi masyadong agaw-pansin. Paghinto namin sa tapat ng aming bahay—na ngayon ay mas maayos na dahil sa mga unang sweldo ko—nandoon si Mama Hazel, nagdidilig ng mga halaman.
Nang makita niya kaming dalawa na bumaba, nabitawan niya ang tabo.
“Xavier?” gulat na gulat na tanong ni Mama.
“Tita Hazel! Namiss ko po ang sinigang niyo!” sigaw ni Xavier bago tumakbo at yumakap kay Mama. Umiyak si Mama sa tuwa. “Akala ko ay hindi ka na babalik, batang ka! Pinahirapan mo ang anak ko!”
“Hinding-hindi ko na po siya iiwan, Tita. Hinding-hindi na.”
Pumasok kami sa loob. Maliit pa rin ang bahay, mainit pa rin, pero dito kami masaya. Nagluto si Mama ng pinakamasarap na sinigang. Habang kumakain kami, ramdam ko ang init ng pamilya na kailanman ay hindi naramdaman ni Xavier sa kanilang mansyon.
“Nga pala, Hyde,” sabi ni Xavier habang humihigop ng sabaw. “I have something for you.” Kinuha niya ang isang maliit na box mula sa bulsa niya. Hindi ito singsing masyado pang maaga para doon kundi isang susi.
“Susi? Para saan ’to?”
“Susi ng bago nating office. At susi ng isang maliit na condo malapit sa trabaho natin. It’s not a palace, Hyde. But it’s ours. Walang Don Victor, walang bullying, walang kailangang itago.”
Tumingin ako sa kanya, at sa pagkakataong ito, naramdaman ko na ang lahat ng paghihirap, ang lahat ng pangungutya, at ang lahat ng luha ay sulit na sulit.
“I love you, Xavier,” bulong ko.
“I love you more, my CTO. My Hyde. My everything.”
Lumipas ang mga buwan. Ang kumpanyang itinayo nina Xavier at Mico, sa tulong ng aking galing sa coding, ay naging isa sa mga pinaka-matagumpay na startup sa bansa. Hindi nagtagal, pati ang mga investors ni Don Victor ay nagsimulang lumipat sa amin.
Sa dulo, napilitan si Don Victor na humingi ng tawad. Hindi dahil gusto niya, kundi dahil kailangan niya ang galing namin para isalba ang sarili niyang kumpanya. At sa isang pormal na dinner, tinanggap namin ang kanyang tawad, pero nanatili kaming malaya.
Ngayon, kapag naglalakad kami sa Raino University bilang mga guest speakers, hindi na “The Prince and the Piggy” ang tawag sa amin. Kami na ang simbolo ng tagumpay na ang tunay na kaguwapuhan ay hindi nasusukat sa timbang o sa mukha, kundi sa tatag ng puso at talino ng isip. At sa tuwing gabi, habang magkatabi kaming kumakain ng cupcakes sa aming sariling condo, alam ko na natagpuan ko na ang aking “happily ever after” sa piling ng lalakeng hindi sumuko sa akin, kahit noong ako pa ang pinaka-hindi kapansin-pansing tao sa mundo.
TAPOS NA PO ANG ATING KWENTO. Maraming salamat sa pagsunod sa kwento nina Hyde at Xavier! (Abangan may pa special chapter si atechh)
12-The Vow of the Marshmallow King
Limang taon pa ang lumipas.
Ang sikat ng araw sa Tagaytay ay hindi kasing lupit ng araw sa eskinita namin noon. Malamig ang simoy ng hangin, amoy pine trees at sariwang mga bulaklak. Nakatayo ako sa harap ng isang malaking salamin sa loob ng isang private suite. Suot ko ang isang cream-colored tuxedo na gawa ng isa sa pinakasikat na designer sa bansa.
Tumingin ako sa repleksyon ko. Wala na ang takot sa mga mata ko. Ang lalakeng nakatingin sa akin ay isang matagumpay na CEO ng sarili niyang tech empire, isang mapagmahal na anak, at ngayon… isang lalakeng nakatakdang magsabing “I do” sa taong hindi siya iniwan sa gitna ng unos.
“Wow. Kuya, ikaw ba talaga ’yan?” boses ni Dominic mula sa likuran.
Lumingon ako at napangiti. Si Dominic ay isa na ring binata, nakasuot ng maayos na suit. “Oo naman, Dominic. Bakit? Mukha pa rin ba akong dambuhalang asul na tangke?”
Natawa si Dominic at lumapit para ayusin ang bowtie ko. “Hindi na, Kuya. Mukha ka nang… kagalang-galang. Proud na proud si Mama sa’yo. Kanina pa siya umiiyak sa labas, halos maubos na ang tissue ng wedding coordinator.” “Si Mama talaga,” iling ko. “Si Xavier? Nakausap mo ba?”
“Naku, si Kuya Xavier? Muntik nang himatayin sa kaba kanina. Sabi niya, mas madali pa raw mag-present sa harap ng mga international investors kaysa maglakad sa altar,” biro ni Dominic
Lumabas ako ng suite at sinalubong ako nina Mico at… sa gulat ko, pati nina Liam at Ethan. “Hyde! Looking sharp, partner!” bati ni Mico na ngayon ay COO na ng aming kumpanya. “Salamat, Mico. Kung hindi dahil sa’yo, baka hindi ko kinaya ang mga unang taon nung wala si Xavier,” pasalamat ko sa kanya.
Lumapit si Liam, medyo naiilang pa rin pero may ngiti na sa mga labi. “Hey, Hyde. Congratulations. Honestly, nung college tayo, I thought Xavier was crazy. Pero seeing you now… I realized he was just the smartest among us. You’re a great guy.” “Salamat, Liam. Glad you could make it,” sagot ko. Nakakatuwang isipin na ang mga taong dating nangungutya sa akin ay naging saksi na ngayon sa aking tagumpay.
Nagsimula na ang tugtog. Ang kanta ay ang paboritong kanta ni Xavier—isang slow, acoustic version ng isang kanta tungkol sa pag-ibig na walang hinihintay na kapalit. Bumukas ang malalaking pinto ng garden.
Naglakad ako sa gitna ng mga puting rosas. Sa magkabilang panig, nakita ko ang mga tao mula sa nakaraan ko. Ang mga dating kaklase sa Raino University na ngayon ay tumitingin sa akin nang may respeto. Ang mga empleyado ng kumpanya namin. At siyempre, si Mama Hazel na hindi na talaga mapigil ang hagulgol habang nakaupo sa front row.
At sa dulo ng altar, nakatayo siya.
Xavier Arrogante.
Naiyak ako nang makita ko siya. Kahit limang taon na kaming magkasama, hindi pa rin ako nasasanay sa kaguwapuhan niya. Pero higit sa mukha, ang nakita ko ay ang lalakeng handang iwan ang lahat ng yaman para lang makasama ako. Nakita ko ang “Golden Boy” na naging tagapagtanggol ko. Nang makarating ako sa harap niya, kinuha niya ang kamay ko. Nanginginig ang kamay niya, isang bagay na bihirang mangyari sa isang Xavier Arrogante.
“You look… breathtaking, Hyde,” bulong niya. “Ikaw din, Xavier. Mukha kang handang bumili ng buong Tagaytay,” biro ko para mabawasan ang kaba namin.
Naging tahimik ang paligid nang oras na para sa aming mga panata. Unang nagsalita si Xavier. “Hyde,” panimula niya, ang boses niya ay bahagyang nanginginig. “Noong unang beses kitang nakita sa hallway ng Raino, ang akala ko ay isa ka lang istorbo sa perpekto kong mundo. Tinawag kitang ‘Piggy’. Ininsulto kita. Pero hindi ko alam, ikaw pala ang magliligtas sa akin mula sa sarili kong pagiging mapagmataas. You showed me that a home isn’t a mansion with ten bathrooms, but a small house filled with the smell of sinigang and love.”
Tumulo ang luha sa mga mata ni Xavier. “I promised you two years of waiting, and we did it. Today, I promise you a lifetime of protection. I will love every version of you the mataba, the payat, the confident CEO, and the marshmallow who still cries over K-Dramas. You are my greatest achievement, Hyde. I love you.”
Nagpalakpakan ang mga tao. Pinahiran ko ang sarili kong luha bago ako nagsalita.
“Xavier,” sabi ko, nakatingin nang diretso sa kanyang mga mata. “Salamat. Salamat dahil hindi ka tumingin sa timbang ko o sa estado ng buhay ko. Salamat dahil naniwala ka sa akin noong ang tingin ko sa sarili ko ay dumi lang sa semento. Sabi nila, ‘The Beauty and the Beast’ daw tayo. Pero para sa akin, dalawang tao lang tayo na nagtagpo sa gitna ng gulo at pinili ang isa’t isa.”
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. “Hindi ko maipapangako na hindi na ako kakain ng cupcakes, pero maipapangako ko na bawat cupcake na kakainin ko, ikaw ang kahati ko. I will be your strength when the Arrogante name feels too heavy, and I will be your home, always. I love you, Xavier.”
“By the power vested in me, I now pronounce you partners for life,” anunsyo ng officiant. “You may now kiss.”
Dahan-dahan kaming lumapit sa isa’t isa. Hindi na ito ang aksidenteng halik sa storage room. Hindi na rin ito ang halik ng paghihiwalay sa ilalim ng ulan. Ito ay halik ng katuparan. Isang halik na nagsasabing, “Sa wakas, nandito na tayo.”
Naghiyawan ang mga tao. Nagliparan ang mga puting petals sa paligid.
Pagkatapos ng reception, habang ang lahat ay abala sa pagsasayaw, kinuha ni Xavier ang kamay ko at hinila ako palayo sa crowd. Pumunta kami sa isang tahimik na parte ng garden kung saan tanaw ang Bulkang Taal sa ilalim ng liwanag ng buwan.
“You okay, Mr. Arrogante-Hyde?” asar niya.
“Oo naman, Mr. Hyde-Arrogante,” tawa ko. “Sino ang mag-aakalang dito tayo hahantong? Mula sa eskinita hanggang dito?”
Inakbayan niya ako at isinandig ang ulo niya sa balikat ko. “It was a long journey, Marshmallow. Pero kung papipiliin ako, uulitin ko lahat ng ’yun. Magsisimula uli ako sa pagkabangga mo sa akin sa hallway, basta ikaw pa rin ang nasa dulo.”
“Kahit maging mataba uli ako?” tanong ko. Hinarap niya ako at hinalikan sa ilong. “Kahit maging kasing laki ka pa ng buong Raino University, ikaw pa rin ang pinakapoging lalakeng nakilala ko. Dahil ang puso mo, Hyde… ’yun ang pinakamalaking parte sa’yo na minahal ko.”
Magkayakap kaming tumingin sa malayo. Sa likod namin, narinig namin ang boses ni Mama Hazel na nagpapatugtog ng videoke at si Dominic na kumakain na naman ng cake.
Wala nang panlalait. Wala nang kailangang patunayan. Dahil sa dulo ng bawat kwento, hindi mahalaga kung ano ang itsura mo o kung gaano ka kayaman. Ang mahalaga ay may isang taong handang tumingin sa likod ng lahat ng ’yun at sabihing, “Ikaw ang pangarap ko.”
Dito nagtatapos ang kwento ni Hyde, ang dambuhalang bakla na may pusong ginto, at ni Xavier, ang prinsipeng nahanap ang kanyang tahanan sa pinaka-hindi inaasahang tao.
WAKAS. Salamat po sa pagsama kina Hyde at Xavier! Sana ay nagustuhan mo ang kanilang kwento.
EPILOGUE: Beyond the Reflection
Pitong taon na ang nakalilipas mula nang huling beses akong umiyak sa harap ng salamin dahil sa panlalait ng ibang tao. Pitong taon na rin mula nang mangako kami ni Xavier sa harap ng altar sa ilalim ng malamig na hangin ng Tagaytay. Ngayon, habang nakatitig ako sa repleksyon ko sa salamin ng aming master bedroom sa aming sariling rest house sa Batanes, hindi ko na makita ang bakas ng “Piggy Hyde” na laging nakayuko.
Ang nakikita ko na ngayon ay isang lalakeng may kumpiyansa, isang lalakeng minahal at pinili ang sarili bago siya pinili ng iba. Pero kahit gaano pa kalaki ang nagbago sa panlabas kong anyo, alam ko sa loob-loob ko, nandoon pa rin ang “giant marshmallow” na mahilig sa cupcakes at may pusong madaling masaktan ang pinagkaiba lang, ngayon ay may tagapagtanggol na ako na hinding-hindi ako bibitawan.
“Hyde, kape mo. Cold brew, just how you like it,” boses ni Xavier mula sa pinto. Lumingon ako at ngumiti. Kahit pitong taon na kaming kasal, tila hindi tumatanda si Xavier. Mas lalo lang siyang naging kagalang-galang tingnan. Lumapit siya sa akin at ibinigay ang baso bago idinikit ang kanyang noo sa akin.
“What are you thinking about? Ang lalim na naman ng iniisip mo,” bulong niya.
“Iniisip ko lang kung gaano kalayo ang narating natin, Xav. Mula sa eskinita sa Maynila hanggang dito sa Batanes. Mula sa pagiging ‘Piggy’ at ‘Prince’ hanggang sa pagiging partners sa lahat ng bagay,” sagot ko habang humihigop ng kape.
“We built this, Hyde. You built this,” paalala niya sa akin. “The company, this house, our life… it’s all because you didn’t give up. Hindi ka lang nag-transform physically, you transformed our whole world.”
Ang kumpanyang itinayo namin ni Mico ang HX Tech Solutions ay isa na ngayon sa pinakamalaking tech conglomerates sa Southeast Asia. Hindi na kami kailangang dumanas ng diskriminasyon dahil kami na ang gumagawa ng sarili naming mga panuntunan.
Sa aming opisina, bawal ang bullying. Bawal ang lookism. Nagpapatupad kami ng “Blind Hiring” kung saan ang skills at character ang tinitingnan, hindi ang itsura o ang bigat ng timbang. Ito ang naging paraan ko para masiguro na wala nang ibang
“Hyde” ang makakaranas ng pait na naranasan ko sa Raino University.
“Nga pala,” sabi ni Xavier habang inaayos ang kanyang polo shirt. “Mico called. He said the scholarship foundation we launched last month is now supporting five hundred students. All of them are underdogs, just like you were.”
Napangiti ako nang malapad. Ito ang tunay na tagumpay para sa akin. Hindi ang pera sa bangko, kundi ang kakayahang buksan ang pinto para sa mga taong pilit na isinasara ng lipunan.
Hindi naging madali ang pakikitungo sa pamilya ni Xavier, pero ang panahon ay may paraan ng pagpapalambot sa pinakamatigas na puso. Noong nakaraang buwan, binisita namin si Don Victor sa kanyang mansyon. Matanda na siya, at pagkatapos ng isang stroke, marami na siyang napagtanto.
“I was wrong about you, Hyde,” sabi niya sa akin habang nakaupo sa kanyang wheelchair, ang boses ay mahina at paos. “I thought money and image were everything. But seeing how you cared for my son, and how you saved the Arrogante Group during the crisis… I realized that I was the one who was poor.”
Hindi ko na kinailangan ng paghingi niya ng tawad, pero ang marinig iyon mula sa kanya ay nagbigay ng tuldok sa lahat ng pait ng nakaraan. Pinatawad ko na siya, hindi para sa kanya, kundi para sa sarili kong katahimikan.
Habang naglalakad kami ni Xavier sa dalampasigan ng Batanes bago lumubog ang araw, dinala niya ako sa isang pwesto kung saan may nakahandang picnic blanket at… isang box ng cupcakes. “Wait, cupcakes? Akala ko ba nag-diet tayo?” tawa ko.
“Special occasion ngayon, Hyde. Seventh anniversary of our first ‘official’ date,” sabi niya sabay bukas ng box. Sa gitna ng mga cupcakes, may nakasulat na: “To my Marshmallow King, forever and always.
Kumuha ako ng isa at kinagatan ito. Ang tamis ay kasing tamis ng bawat alaala naming dalawa. “Xavier,” tawag ko sa kanya habang nakatingin sa papalubog na araw. “Kung babalik tayo sa nakaraan, sa araw na nabangga kita sa hallway at tinawag mo akong ‘giant ball of grease’… babaguhin mo ba ’yun?”
Humarap siya sa akin, hinawakan ang kamay ko, at tinitigan ako nang may lalim na tanging siya lang ang nakakagawa. “Hindi. Hinding-hindi ko babaguhin ’yun. Dahil kung hindi kita nabangga, baka hanggang ngayon ay isang ‘Prince’ pa rin ako na walang puso. You didn’t just change, Hyde. You changed me.”
Hinalikan niya ako isang halik na hindi na kailangang itago, isang halik na hindi na kailangang protektahan mula sa mapanghusgang mata ng mundo.
Habang isinusulat ko ang huling bahagi ng aking journal para sa gabing ito, gusto kong mag-iwan ng mensahe sa lahat ng mga taong nakakaramdam na sila ay isang “Piggy” sa mundong puno ng mga “Prinsipe.”
Huwag kayong matakot maging kayo. Ang pagbabago ay hindi laging tungkol sa pagpapapayat o pagpapaganda ng mukha. Ang tunay na metamorphosis ay ang pagtanggap sa sarili mong halaga bago pa ito makita ng iba. Ang taba mo ay maaaring mabawasan, ang mukha mo ay maaaring magbago, pero ang talino at ang kabutihan ng puso mo ang tunay na magdadala sa iyo sa rurok ng tagumpay.
Ako si Hyde. Dating dambuhalang anino, ngayon ay isang maningning na liwanag. At ito ang aking kwento isang patunay na sa dulo ng bawat panlalait, may naghihintay na pag-ibig na hinding-hindi titingin sa iyong timbang, kundi sa laki ng iyong pangarap.
THE END.
SPECIAL CHAPTER: The Legacy of the Heart (The Grand Finale)
Ang hapon sa Hacienda Arrogante ay tila isang painting na binuhay. Ang dating tuyot at bakanteng lupain sa likod ng mansyon ay isa na ngayong luntiang garden na puno ng mga bihirang bulaklak, mga matatandang puno ng mangga, at isang malawak na damuhan kung saan madalas maglaro ang pamilya. Ngayon, ang bawat sulok ay pinalamutian ng mga putting rosas at fairy lights—isang paghahanda para sa ika-dalawampu’t limang anibersaryo ng kasal nina Xavier at Hyde.
Sa loob ng master bedroom, nakatayo si Xavier Arrogante sa harap ng salamin. Ang kanyang suit ay sadyang ginawa ng isang tanyag na designer sa Italya, kulay midnight blue na nagpapakita ng kanyang hindi matatawarang status. Kahit may mga linya na sa gilid ng kanyang mga mata at iilang hibla ng pilak sa kanyang buhok, ang kanyang awra ay nananatiling dominante. Subalit, sa likod ng matatalim na matang iyon, may isang uri ng kapayapaan na tanging ang panahon at pag-ibig lang ang makakapagbigay.
“Kahit kailan, hindi ka talaga marunong mag-ayos ng necktie nang mag-isa,” isang pamilyar at malambot na boses ang bumasag sa kanyang malalim na pag-iisip.
Lumingon si Xavier at nakita si Hyde. Suot nito ang isang cream-colored suit na bumagay sa kanyang maaliwalas na mukha. Hindi na si Hyde ang lalaking laging nakatago sa malalaking hoodie; siya na ngayon ay isang simbolo ng determinasyon at tagumpay. Lumapit si Hyde at maingat na inayos ang tie ni Xavier.
“Iniisip ko lang, Hyde… kung hindi ba kita binu-bully noon, magiging ganito kaya tayo kasaya?” bulong ni Xavier, hinawakan ang bewang ng asawa.
Ngumiti si Hyde, ang mga mata ay nagniningning. “Siguro ay nahanap pa rin natin ang isa’t isa sa ibang paraan. Destiny doesn’t make mistakes, Xavier. Even the painful parts of our past were just ingredients for the life we have now.”
Hinalikan ni Xavier ang noo ni Hyde. “Happy Anniversary, my Piggy. Thank you for staying.”
“Happy Anniversary, my Prince. Thank you for changing,” sagot ni Hyde.
Sa labas, nagsimula nang dumating ang mga pinakamalalaking pangalan sa industriya. Ngunit ang tunay na inaabangan ng lahat ay ang pagdating ng dalawang kabataang magdadala ng pangalang Arrogante sa susunod na dekada.
Bumukas ang malaking pintuan ng garden at sabay na naglakad papasok sina Leo Sebastian Arrogante at Luna Sebastian Arrogante.
Si Leo, ang panganay, ay tila isang mas bata at mas “tech-savvy” na bersyon ni Xavier. Ang bawat hakbang niya ay kalkulado, ang kanyang ayos ay perpekto, at ang kanyang salamin ay nagbibigay sa kanya ng isang seryoso at misteryosong dating. Ngunit kung titingnan nang maigi, ang kanyang mga kamay ay bahagyang nanginginig—hindi dahil sa takot sa crowd, kundi dahil sa bigat ng lihim na dala niya: isang maliit na recipe book na nakatago sa kanyang bag, isang regalo mula sa isang taong hindi “pasok” sa mundo nila.
Sa tabi niya, si Luna ay tila isang naglalakad na apoy sa kanyang red silk gown. Siya ang “Princess” ng Arrogante Tech, pero hindi siya basta palamuti. Ang kanyang mga mata ay matalas, laging nagmamasid, laging nagpaplano. Siya ang kumuha ng matapang na dila ni Hyde at ang walang takot na disposisyon ni Xavier.
“Look at them,” bulong ni Hyde habang nakatanaw sa mga anak mula sa balkonahe. “They look so grown up, yet I can still see the toddlers who used to hide in our kitchen.”
“They have big shoes to fill,” sabi ni Xavier, pero may halong pride ang boses. “But they have your heart, Hyde. That’s more than enough to survive the world.”
Habang ang party ay nasa rurok na ng saya, panakaw na lumabas si Leo patungo sa isang mas tahimik na bahagi ng garden. Kinuha niya ang kanyang phone at tiningnan ang isang message.
Jace: Happy Anniversary sa parents mo. Sana nakakakain ka ng masarap na cake diyan. See you sa school bukas, my lucky charm.
Napangiti si Leo, isang ngiting hindi nakikita ng publiko. Ngunit ang kanyang katahimikan ay nabasag nang marinig ang yabag ng sapatos. Si Luna.
“Is it him again?” tanong ni Luna, nakataas ang isang kilay habang nakasandal sa puno.
“Luna, hindi ngayon ang oras para sa pang-aasar mo,” buntong-hininga ni Leo.
“I’m not teasing, Kuya. I’m warning you. Dad is in a very ‘legacy-focused’ mood tonight. He’s already talking to the Sy family about a potential merger through… well, you know how these things go,” sabi ni Luna, ang boses ay naging seryoso.
“Alam ko, Luna. Pero hindi ako tulad ni Dad noon. Hindi ko kayang pilitin ang sarili ko sa bagay na hindi ko gusto,” matigas na sagot ni Leo.
“Good. Dahil ako rin, may sarili akong plano,” kindat ni Luna bago lumingon sa direksyon ni Astrid, ang student council president na kasalukuyang kausap ng kanilang mga magulang. “Let the games begin, Kuya.”
Nang sumapit ang alas-nuwebe ng gabi, itinaas ni Xavier ang kanyang baso ng champagne. Ang lahat ay natahimik.
“To my husband, Hyde—the man who taught me that the strongest power is not money, but kindness. And to my children, Leo and Luna—you are the best version of our story. Tonight, as we celebrate twenty-five years, I realize that the ‘Arrogante Empire’ is not built on software or buildings. It is built on the courage to be who you truly are.”
Nagpalakpakan ang lahat habang ang mga fireworks ay nagsimulang magliwanag sa kalangitan ng Quezon. Sa ilalim ng makulay na langit, nagyakap ang pamilya Arrogante.
Dito natatapos ang kwento nina Xavier at Hyde, ang magkaaway na naging magkasintahan, ang Prince at ang Piggy na napatunayang ang pag-ibig ay walang pinipiling anyo. Ngunit sa bawat pagtatapos ay may bagong simula. At sa mga mata nina Leo at Luna, isang bagong kabanata ang nakasulat isang kwento ng pag-aalsa, ng mga lihim na pag-ibig, at ng paghahanap ng sariling liwanag sa loob ng isang dambuhalang anino.
WAKAS NG “THE PRINCE AND THE PIGGY”

