loading

storieschaptersauthorsgenresstories
The Psychiatrist's Insanity

The Psychiatrist's Insanity

thatpaintedmind · 13 chapters · 39,456 words

Cover

Teaser

Warning: Mature Content

Men from Hell Series No. 3
Dark Aris Vergara’s story

\-

If there’s one thing Dark Aris Vergara values, it’ll be his professionalism. He possesses well-established principles no one could ever move, not even God himself.

As a psychiatrist, he had encountered thousands of awful traumas, excruciating miseries, and unimaginable tragedies, all of which he handled with pure professionalism. Until he witnessed something he had never seen before… the act of suicide happening right in front of his eyes!

He knew he had to do something. So as a decent human being, he tried to save her. Little did he know, saving her marks the beginning of his damnation.

Fayven Leone Mojica is misery itself, she is the definition of tragedy, a vulnerable girl who needed saving, yet managed to single-handedly demolish Dark Aris Vergara’s well-established principles.

Dark Aris knew it was wrong, but never in his life had he tasted something as divine as this. They were right, the best fruits are forbidden. And now that he got a taste of it, he no longer knows how to stop.

She needed saving. He needed more of her. He was supposed to save her from insanity, but she ended up becoming his hysteria, his madness… his obsession.

She became the psychiatrist’s insanity.

\-

Trigger Warning: Mentions of sexual abuse, depression, & suicide

Kabanata I

I WAS 14 years old when I encountered the greatest downfall of my life. I was too young for it. Pero para namang may pagpipilian tayo sa mga pangyayari sa buhay natin, wala naman.

However, we may not be responsible for our traumas, but we’re still responsible for how we would handle it. It’s our choice whether to give up or to move forward.

As for me, ilang beses ko nang sinubukang sumuko, pero si kamatayan na rin yata mismo ang sumuko sa akin. Hindi kasi matuloy-tuloy ang suicide attempts ko. Kaya siguro napagod na rin siyang sunduin ako. Palaging false alarm.

Kasalanan ko bang hindi epektibo ang suicide attempts ko? Well, I guess partly…

“Fayven, hindi na ba talaga namin mababago ang isip mo?” Mula sa bintana ay nabaling kay mama ang tingin ko.

Malungkot itong nakatingin sa akin mula sa passenger seat. **** Napabuga na lang ako ng hangin.

“Ma, nandito na tayo sa Baguio, tsaka pa ba ako aatras ?” Malumanay kong sagot.

“Nag- aalala lang ako, hindi ka sanay mag-isa.” Muntik na akong matawa sa pahayag niya.

Para namang hindi niya alam kung gaano ako ka-introverted. Malamang ay sanay na sanay akong mag-isa. Kaya ko ngang maunod sa sine ng mag-isa. Maging pagkain ng lunch sa school, mag-isa ako palagi. I’m not a loner, I’m just an avid fan of peace and silence.

“Ma, uuwi naman ako kapag kaya ko. Malapit lang ang Baguio sa Olongapo, anim na oras lang ang byahe.”

“Pero hindi ka sanay mag-commute sa bus-”

“Which is a basic life skill, the more I need to get out of my comfort zone, don’t you think?” Pagpapatuloy ko.

Pahirapang pangungumbinsi ang ginawa ko para lang payagan nila akong dito sa Baguio mag-aral ng kolehiyo. Ngayon pa ba ako aatras gayung tumatama na sa balat ko ang malamig na hamog ng Baguio?

Inayos ko ang jacket na suot. Nananayo ang balahibo ko sa lamig. Hindi ako sanay sa ganito kalamig na klima.

Hindi na nakapagsalita si mama, maging si papa na abala lamang sa pagmamaneho.

Binalik ko ang tingin sa bintana. Bahagya ko iyong binaba para mas mapagmasdan ang tanawin. Kaagad namang tumama ang malamig na hangin sa aking mukha.

Nasa bungad pa lamang kami ng Baguio, pataas nang pataas ang kalyeng dinaraanan namin. Kitang-kita ang matatarik na bangin. Nakakalula.

“Basta mag- iingat ka palagi, ha? Wala na kami sa tabi mo para bantayan ka nang maigi .” Habol ni mama.

Hindi na ako sumagot pa.

For her, it’s such a bad thing to be away from me. Pero para sa akin, isang malaking pasasalamat ang mawalay sa kanila. I can’t bear to be with them anymore. I need to leave, I have to. For how can we heal in the same environment that broke us?

“Oo nga pala, huwag mong kakalimutan ‘yong assessment mo. Don’t you ever think of ditching it again, Fayven Leone.” Nilingon niya ako para panlisikan ng mata. “Kapag nalaman naming hindi mo muli in- attendan ‘yon, humanda ka nang umuwi ng Olongapo.”

Napabuntong-hininga na lamang ako. As if I have a choice.

“Hindi naman malayo ang clinic sa dorm mo, walang dahilan para hindi mo ‘yon puntahan. Huwag mong kakalimutan Fayven, Sabado, 9:30 in the morning, iyon ang oras ng unang assessment mo.”

Umikot ang mga mata ko. Napa-halumbaba na lamang ako sa bintana. Paano ay ilang beses niya nang inuulit-ulit ‘yan sa akin na halos bumaon na sa utak ko ang oras at araw na iyon.

Tumikhim si mama bago umayos ng upo. “Don’t worry, I personally know your psychiatrist. He would be perfect for you.”

Hindi na lamang ako sumagot. Whatever happens, happens… I guess.

ISANG oras pa ang aming nilakbay bago namin maabot ang aking magiging unibersidad, katabi lang din naman kasi no’n ang tutuluyan kong dormitoryo. Literal na tatawirin ko lang.

Napatingala ako sa aking tutuluyang gusali, habang si papa ay nagsimula nang hakutin ang aking maleta mula sa compartment ng sasakyan.

Simple lang ang gusali, mula sa labas ay kapansin-kapansin ang kalumaan nito. Hindi rin naman ako nag-eexpect ng kabonggahan. Tama lang ang gusaling ito para sa katulad naming hindi naman gano’n kayamanan.

“Halika na, anak. Naghihintay na raw ang landlady mo sa taas.”

Pinangunahan na ni mama ang pagpasok. Kaagad na rin naman akong sumunod.

Sa aming unang pagpasok ay doon ko napag-alaman na laundry shop ang unang palapag ng gusali. Tinahak namin ang hagdan paakyat, walang elevator. Pagkarating namin sa pangalawang palapag ay puro kainan naman ang naroon, karamihan ay milktea shops.

Tinahak muli namin ang hagdan. Sa pangatlong palapag ay puro na pinto, sa isang pinto na pinakamalapit ay may nakaabang na babae. Nang makita niya kami ay kaagad umayos ang kanyang postura. Dahil doon ay natunugan ko na kaagad na siya ang naghihintay sa amin, ang landlady ko.

She immediately approached us, specifically my mother, while I busied myself exploring the place.

Isang buong hallway lang ang palapag na ito. May tig-tatlong pinto sa magkabilang gilid, bale ay anim ang pinto. Mayroon pa muling hagdaan paakyat, pero suspektya ko ay puro na lang din kwarto ang nasa itaas.

“Fayven, tara na.” Tawag sa akin ni mama. Papasok na siya ng silid.

Maagap naman akong sumunod sa kanya. Sinalubong kami ng malawak na sala, o sadyang malawak lang iyon tignan dahil katabi lang no’n ang kusina.

Sa kabilang dako ay mayroon pang tatlong pinto, panigurado ay kwarto na ang lahat ng ‘yon. Sa isang kwarto ay apat kaming nanunuluyan, kaya sumatutal, labing-dalawa kaming nanunuluyan dito sa dormitoryo.

Gayunpaman, kami pa lamang ang tao rito sa ngayon. Hindi naman nakakapagtaka, sinadya talaga kasi naming maaga akong lumipat para kahit papaano ay makapag-adjust ako, para sa darating na pasukan—isang linggo mula ngayon—ay hindi na ako ganoon mahirapan.

“Dito ang magiging silid niya.” Iginiya na kami ng landlady—na napag-alaman kong si ate Edith—sa aking magiging tulugan.

Binuksan niya ang pinakadulong pinto. Bumungad sa amin ang maaliwalas na kwarto. Ito ang nasa pinakadulo kaya itong kwarto ang may bintana. Kalat na kalat sa bawat sulok ang sikat ng araw. Hindi naman iyon ganoon kainit dahil nababalanse ng malamig na klima.

“Dito ang magiging kama mo. Ito naman ang closet mo. Iyong mga roommates mo ay sa susunod na linggo pa ang dating.” Tumatango lang ako sa mga pinapahayag ni ate Edith.

Mula sa aking likod ay sumingit si papa. Nilapag niya ang aking maleta sa tabi ng aking magiging closet.

Iniwan naman na kami ni ate Edith matapos ipaliwanag ang ibang kalakaran dito sa dorm. Naupo ako sa aking magiging kama. May dalawang double-deck na kama ang narito. Buti na lang ay sa ibabang parte ako, mahihirapan pa ako kapag ako ang sa itaas.

“Kakayanin mo ba dito, Fayven—”

“Malaki na ang anak natin, bud. Kolehiyo na ‘yan. Kaya niya na, diba Fayven?” Singit ni papa.

Napangiti naman ako. Sa kanilang dalawa kasi ni mama ay siya ang mas rasyonal mag-isip. Hindi ko rin naman masisisi si mama sa paggamit ng kanyang emosyon sa pagdedesisyon; she’s a mother, she couldn’t help it.

Nangungusong lumapit sa akin si mama saka niya ako niyakap nang mahigpit. “Hindi pa rin ako makapaniwala . May anak na akong psycho!”

Napasimangot ako. “Psych, ma! Psych! P-S-Y-C-H!”

“Oo na, oo na, parehas lang naman.”

Mas lalo lang akong napasimangot. Ilang beses ko nang sinabi sa kanyang psych ang tamang term, pero palagi niyang ginigiit na parehas lang naman ang psych at psycho. Ayun, kapag kasama niya ang mga kaibigan niya, lagi niyang pinagmamalaki na may anak siyang ‘psycho’.

“Mag- iingat ka rito, ha? Huwag kang magpapalipas ng gutom , tatlong beses sa isang araw ka kumain. Lagi mo rin akong tawagan kapag may oras ka. Kapag naman nagkasakit ka—”

“Opo na ma, nasabi niyo na ‘yan sa bahay. Naiintindihan ko na po lahat.”

“Sinisigurado ko lang na alam mo talaga! Nag- alaalala lang naman ako-”

“Ma, bente anyos na ako. Kaya ko na po ang sarili ko.”

Napabuntong-hininga na lamang siya. Sa wakas, sumuko rin.

O’sya , mauuna na kami ng papa mo. ‘Yong mga paalala ko ha? Sabado-”

“9:30 in the morning, psychological assessment. I get it.” Pagpapatuloy ko.

“Good, mabuti nang malinaw.”

Nagsimula na silang magpaalam. Balikan lang kasi sila, may trabaho pa si mama bukas. Si papa naman, pabalik na rin ng barko sa susunod na linggo. Kailangan niya pang pumunta ng Manila bukas para sa kanilang training.

Matapos ang muling pagdradrama ni mama ay sa wakas nakaalis na rin sila. Ang huli kong narinig ay ang pagsara ng pinto. Naiwan akong mag-isa sa silid.

Tumahimik ang paligid. It suddenly felt empty. I felt empty. Tila ngayon lang pumroseso sa akin ang lahat.

I’m all alone now. Well, I have been for the last few years, but this one’s different. Ngayon ay nasa hindi pamilyar akong lugar, napapalibutan ng hindi pamilyar na mga mukha.

Gayunpaman, mas nanaisin kong manirahan sa hindi pamilyar na lugar, kaysa ang manatili sa lugar na puno ng dalamhati, puno ng memoryang sumira sa akin. This is what I wanted. I should make a paradise out of this. I need a reason to live.

Hindi ko alam ang tadhanang naghihintay sa akin dito sa Baguio. Ang tanging alam ko lang ay nasa akin ang kakayahan upang gumawa ng panibagong mga memorya.

Hopefully, here in Baguio, I’ll finally heal…

I felt a subtle vibration against my thigh. Kaagad kong binunot ang phone na nakasuksok sa aking bulsa. At hindi nga ako nagkakamali, someone sent me a message.

From: mama

Saturday, 9:30AM, Seeking Light Clinic.

Umikot ang mga mata ko. Isa pa ‘to.

I always ditch my therapies and assessments, pakiramdam ko kasi ay hindi naman nakakatulong ang mga iyon sa kondisyon ko. Pero sa oras na ‘to, hindi ako pwedeng um-absent sa assessment na ‘to, mapapauwi pa ako ng wala sa oras.

Oo nga pala at bago na naman ang psychiatrist ko. Palagi na lang. Napangisi ako. I’ll bet a million dollar, susukuan din ako ng psychiatrist na ‘to. Walang nakakatagal sa akin, lahat sinusukuan ako. Kung sino man ang psychiatrist na ‘yan, ipagdadasal ko na agad na magawa niya akong matagalan.

No one can ever heal me, and this psychiatrist would be no different.

Kabanata II

HUMUGOT ako ng malalim na hininga nang sa wakas ay maisalansan ko na ang aking panghuling damit. Ininat ko ang aking likod para maibsan ang pagkangawit. Inabala ko muna kasi ang sarili sa pag-ayos ng aking closet. I like to get things done immediately.

Tumingin ako sa suot na relo. Alas tres na ng hapon. Napatingin ako sa bintana. Ang ganda ng sikat ng araw, hindi masyadong mainit.

Tumayo ako para mas makita ang kaganapan sa labas ng bintana. Mula rito ay natatanaw ang kalsada sa harap ng gusali, ibig sabihin ay natatanaw din mula rito ang katabing unibersidad.

Sa tapat ng gusaling ‘to ay naglapana ang mga fast food restaurants, maging mga drugstores ay marami, hindi rin kalayuan dito ang palengke at iba pang grocery stores. Gitnang-gitna talaga ng lungsod.

I mean, Olongapo is also a city, pero doon, sa residence area kami nakatira. Ngayon ay sa gitna ako ng commercial area, kaya naman talagang nakakapanibago. Siguro ay mas magandang sanayin ko muna ang sarili sa bagong kapaligiran. After all, that’s the reason why I moved here so early.

I changed my outfit to a more appropriate one. Mag-iikot na muna ako sa buong area.

Lumabas na ako ng kwarto, hahanapin ko pa lang si ate Edith para magpaalam pero kaagad ko rin naman siyang nakasalubong sa labas.

Iha , ito nga pala ang spare key ng pinto.” Nakangiti niyang inabot sa akin ang susi.

Ngayon ko pa lang siya mas natitigan. I think she’s in her 40s. Kulot ang buhok niya, at may pagkakulubot na rin ang balat. Her vibe is very motherly.

Nakangiti ko rin namang inabot ang susi. Napatitig pa ako ro’n nang makitang may kasama iyong keychain. Napakurap ako. It’s a small wooden keychain shaped into a… penis?

“Madaming ganyang souvenirs dito. Kung hindi ka sanay sa maliliit ay may malalaki rin naman.” Kaswal niyang wika habang nangingiti.

“Okay lang po, ayos na po sa akin itong maliit.” Aanhin ko naman kasi ‘yong malaki?

Naku **** naku , huwag gano’n. Hindi dapat tayo nagse -settle! Tignan mo ako matanda na wala pa ring asawa. Hirap kasing makahanap ng malaki.”

“Po?” Natanga ako sa kanyang sagot.

“Malaki ang takot sa Diyos ,” paglilinaw niya.

“Ahh,” Napatango-tango naman ako. Relihiyoso pala ang nais niya.

She proceeded on reminding me about the rules of this dorm. I can say it’s manageable. Pets, distractible noises, and boys are all not allowed inside. May curfew din na 12:00am.

I listed everything in my head. Tingin ko ay hindi ko naman malalabag ang mga ‘yon.

Nang matapos ay dumiretso na ako palabas ng gusali. Maraming sasakyan ang humaharurot, malimit din ang mga jeep at taxi. Panigurado ay palaging trapiko dito tuwing rush hour. Buti na lang ay hindi ko na kailangang magcommute para pumasok ng unibersidad, para kumain, at maging para bumili ng pangangailangan. Tabi-tabi lang naman kasi. Hindi nga kalayuan dito ay maaabot mo na ang Burnham Park. Doon ako patungo ngayon.

Dinadama ko ang lamig ng paligid habang naglalakad. Hindi pa ganoon karamihan ang tao ngayon. Pero aasahan ko nang pagdating ng pasukan ay dadami rin ang mga nagsisilipana rito. Kailangan ko na yatang ihanda ang sarili para ro’n. I’m not used with big crowds.

Pagkarating ko sa Burnham ay naglibot-libot na muna ako. Surprisingly, hindi rin ganoon karami ang tao rito. I was expecting loads of tourists, but I guess seasonal din talaga ang pagdagsa ng mga turista rito.

Naglakad-lakad ako sa madamong field habang tinatanaw ang mga bangkang Swan sa lawa. Nakaabot din ako sa parteng puno ng mga batang nagbibisekleta. Nakakatuwa ang iba’t-ibang klase ng bike, may pang-isahan, dalawahan, maging tatluhan.

Parang gusto ko rin tuloy iyong masubukan.

“Miss! Tabi!”

Napalingon ako sa lalakeng sumigaw. Awtomatikong namilog ang mga mata ko nang makitang may bike na rumaraga papalapit sa direksyon ko! Sasalpok na iyon sa akin!

Sa gulat ay hindi ako nakagalaw. Masyado ring mabilis ang pangyayari para makapagreak ako.

Handa na akong mabalian ng buto pero sa gulat ko ay iniwas niya ang bike sa akin dahilan para matumba siya sa damuhan!

Do’n ako nakabawi sa pagkagulat. Kaagad kong dinaluhan ang lalake. He was reaching for his glasses that dropped from the impact.

“Hala, sorry!” Ako na ang nag-abot no’n sa kanya. Agad niya naman iyong sinuot.

“Okay lang, kasalanan ko rin. Kailangan ko na yatang i-update itong salamin ko.” Napakamot siya sa batok. His dimple appeared with his smile.

“Ako kaya ang nakaharang sa daan, kasalanan ko.” I insist.

Totoo naman, sa pagmamasid ko sa paligid ay hindi ko na namalayang nasa daan na ako ng mga nagbibisikleta.

“Okay ka lang ba? May masakit?”

“Nah, I’m fine,” tanggi niya. Gayunpaman ay tinulungan ko pa rin siyang makatayo. Pero gaya ng sabi niya, mukhang ayos lang naman siya. Mabuti na lang.

“Sorry talaga,” nahihiyang hingi ko ng tawad habang pinapagpag niya ang damit.

He’s wearing a white shirt, topped with checkered long-sleeves polo na hindi naman nakabutones. Pinagpag niya rin ang sumabit na lupa sa suot na jeans.

“I can manage, malayo naman sa bituka .” Tinayo niya na rin ang natumbang bike. “Ingat ka na lang next time, baka sa susunod hindi na lang bike ang makabangga sa ‘yo.” Aniya pagkatapos sumampa sa bike.

Napakamot ako sa noo. “Yea, salamat,”

Nginitian niya ako bago pinaandar ang bike paalis. Napabuntong-hininga na lamang ako habang tinatanaw ang paglayo nito.

Unang araw na unang araw sa Baguio ay muntik na agad akong maaksidente. Is this a sign?

Umiling ako para mawala ang ideyang ‘yon sa utak ko. Huwag naman sana.

MAG-AALAS sais na nang makabalik ako ng dorm. Tahimik pa rin sa loob, ako pa lamang ang tao.

Well, iyon ang akala ko. Kaya gano’n na lang ang pagkagulat ko nang pagbukas ko ng pinto ay may dalawang taong bumungad sa akin.

Napatigil ako sa bungad ng pinto, maging sila ay natigil sa kanilang ginagawa.

“Uy, hi roommate #2!” Ang unang nakabawi ay ang babaeng nag-oorganize ng kanyang closet. Malawak siyang ngumiti sa akin.

Ako naman ay napakurap. Akala ko ay sa susunod na linggo pa darating ang roommates ko?

“Pasensya na, nasurpresa ka yata namin. Ako nga pala si Bridgette, Bree na lang for short!” Lumapit siya sa akin para kamayan ako.

Kaagad ko namang inayos ang sarili ko.

“Uh, Fayven. Fayven Leone.” Tinanggap ko ang kamay niya.

Sinuklian ko ang malawak niyang ngiti. She looks optimistic, the total opposite of me who’s very pessimistic.

“Freshman?” She asked. I just nodded. “Anong course mo?”

“BS Psychology, ikaw ba?”

“Nursing, siya naman architecture.” Turo niya sa isa naming kasamang nakaupo sa itaas ng double-deck na kama habang naglalaptop.

Maligalig naman ako nitong kinawayan. “Hi! Annika nga pala.”

Habang patuloy kami sa pagkilala sa isa’t isa ay naupo muna ako sa aking kama, si Bree naman ay nagpatuloy sa pagligpit ng kanyang damitan.

“Bakit dito ka sa Baguio nagdesisyong mag-aral?” Usisa niya.

“Malamig,” tipid kong sagot.

Hindi siya makapaniwalang napalingon sa akin. Napatigil pa siya sa ginagawa.

Seriously? Malamig?” She sounded like I offended her with my answer.

Nagkibit-balikat na lamang ako. I don’t want to go in details with my true answer. Dadami pa ang kanyang tanong.

Napailing na lamang siya bago pinagpatuloy ang ginagawa.

“I can’t believe that I moved here because our university happens to be the top performing school in nursing, while your only reason is because **malamig ** .”

Nagkibit-balikat lang muli ako bago humilata sa kama. “We exist,”

“Ako nga pinili ang Baguio kasi perfect for sexcapades.”

Parehas kaming napalingon kay Annika. Patuloy lang naman ito sa pagdutdot sa kanyang laptop. Laglag na talaga ang panga ni Bree, habang ako ay napailing na lang.

“Sexcapades? Really?” Bree sounded more offended now.

“Why? Don’t tell me your one and only purpose here is to study?” Sumulyap si Annika kay Bree, mapang-asar itong nakangisi sa huli. “Come on girl, don’t miss the opportunity. Sayang ang malamig na klima kung hindi ka magpapaalab . Kapag wala kang kahit kaunting distraction sa buhay, baka imbis na matapos mo ang pag-aaral, eh pag-aaral ang tumapos sa ‘yo.”

“You’re insane,” naiiling na lang na sagot ni Bree bago bumalik sa ginagawa.

“Bakit? Tama naman ako, diba Fayven? Sex is part of Maslow’s hierarchy of needs?” She looked at me for approval.

Mahina lang akong tumawa. Napuno naman ng disbelief ang kanyang mukha.

“Don’t tell me, wala ka ring balak magpatira?”

“Magpatira sa tren , pwede pa.” Sagot ko.

Sabay silang napalingon sa akin, parehas nakaawang ang labi.

Natikom ko naman ang bibig. Remind me not to make a suicidal joke in front of mentally stable people. They don’t get my humor.

“It’s a joke,” agad kong bawi. Sabay naman silang nakahinga nang maluwag.

“Akala ko naman,” bulong ni Bree bago bumalik sa ginagawa. Napailing lang naman si Annika bago binalik ang tingin sa kanyang laptop.

“So, Fayven… Why did you take psychology?”

Napahinga ako nang malalim. Mukhang natanong na nila ‘yon sa isa’t-isa kaya ako naman ngayon ang inuusisa nila.

“Wala lang, mukhang masaya.”

Muli na namang napalingon sa akin si Bree. Pinigilan ko ang matawa sa reaksyon niya.

“Seriously? Wala ka bang plano sa buhay mo?”

“Wala nga akong plano mabuhay, eh.”

Sabay na naman silang napalingon sa akin kaya inunahan ko na. “Joke lang uli.”

“Jokes are half meant,” giit ni Bree.

“Then take the other half.” Sagot ko.

Napabuga na lang siya ng hangin. Napangisi naman ako.

“Kidding aside, I took psychology because I’ve always wanted to understand the people around me.” Sagot ko, para naman kahit papaano ay hindi nila isiping wala akong patutunguhan sa buhay.

May rason naman talaga kung bakit sikolohiya ang pinili ko. Maliban sa gusto kong maintindihan ang mga taong nakapaligid sa akin, gusto ko ring magawang intindihin ang sarili ko. I also want to work in the field of clinical psychology, be a registered psychologist someday. That if I manage to survive few more years of my life.

“Fair enough,” ani Bree. Mukhang ngayon lang siya na-satisfy sa sagot ko.

Ikaw, bakit nursing?” It was my turn to ask.

Hindi siya agad nakasagot, patuloy lamang siya sa pagsalansan ng damit. Inabot ng ilang segundo bago siya sumagot.

“Parent’s choice,” kalaunan ay sagot niya habang patuloy pa rin sa pagsalansan ng mga damit. “I wanted to take Fine Arts. Pero sabi nila hindi ‘yon practical. Wala raw ang pera do’n .”

Natahimik ako. Mahirap man tanggapin pero marami ngang anak ang katulad ni Bree, walang choice kundi sundin ang nais ng mga magulang.

“Nakasalalay ang magiging trabaho at kasiyahan mo sa kurso mo, sigurado ka bang kukunin mo ang kursong hindi mo naman gusto?” Kunot-noong pahayag ni Annika.

Napabuntong-hininga si Bree. “Kung may choice lang naman ako, susundin ko kung ano ang gusto ko.”

Hindi na kami nakapagsalita pagkatapos no’n. Ano nga bang tamang sabihin sa ganitong sitwasyon? Baka imbis na makatulong, ay mas mapalala pa namin ang sitwasyon.

“Isa pa naman sa pinakamahirap na trabaho ang paging nurse.” Wika ni Annika.

“Lahat naman mahirap. Ano bang trabaho ang hindi kailangan ng tyaga at talino diba?”

“Prostitute,” mabilis na sagot ni Annika. Muling napasimangot si Bree. “Bakit? Second choice ko kaya ang pagiging prosti . Atleast may plan B ako, pustahan si Fayven wala.” **** Pang-aasar ni Annika.

Ako naman ang napasimangot.

Plan B ko ang mamatay. Pero siyempre hindi ko na sinabi ‘yon.

“Hay nako! Huwag na muna nating aalalahanin ‘yan! Hindi pa naman simula ng klase.” Tinabi ni Annika ang kanyang laptop bago lumundag pababa ng double-deck. “Mamaya mo na ituloy ang pagliligpit . Tara sa night market!”

Inalis niya ang mga hawak na damit ni Bree. “Night market?”

“Oo, sa Harrison! Kain tayo dinner then diretso na tayo ro’n.”

Ako naman ang sunod niyang pinuntahan para hilahin mula sa pagkakahilata. I groaned in protest.

“I hate big croooowds .”

“Nye, nye, I didn’t ask! Tara na!”

Wala na akong nagawa nang silang dalawa na ang humila sa akin.

God have mercy on me. I am surrounded with extroverts and I don’t think my introvert self would be able to handle this.

Baka mas tumaas ang kagustuhan kong mamatay ng dahil sa dalawang ‘to.

\-

A/N: Updates will be weekly. But since I was already able to create quite a lot of drafts, I decided to publish this. Stay safe, loves .

Kabanata III

𝐏𝐥𝐮𝐭𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭𝐨𝐫
ʀᴇx ᴏʀᴀɴɢᴇ ᴄᴏᴜɴᴛʏ
3:00 ━━━━━━━━❍─ 4:27
↻ ⊲⊲ Ⅱ ⊳⊳ ↺

\- / -

A WEEK had passed. So far, unti-unti naman akong nakakapag-adjust. Surprisingly, malaki ang ambag ng dalawa kong roommate sa adjustment ko. Nagagawa nila akong i-distract, which contributes a big help to my mental stability.

Sinulyapan ko muli ang aking cellphone para basahin ang mensaheng galing kay mama. I had to scroll up to see her previous message.

Saturday, 9:30 AM, Seeking Light Clinic.

I looked ahead. Sa aking harapan ay malaking nakapaskil ang pangalan ng konstitusyon.

Seeking Light
Psychological and Wellness Clinic

I’m guessing I’m in the right place, I hope I am.

Tama nga si mama, hindi naman ganoon kalayuan ang clinic mula sa dorm ko. It’s just a 10-minute walk. Pwede namang magjeep para mas mabilis, pero nag-aalala akong malampasan ang clinic nang hindi namamalayan. So I decided to walk instead.

Tumingin ako sa relong suot. It’s already 9:25 AM. Saktong-sakto ang pagdating ko.

Tinahak ko na ang daan papasok ng clinic. Pagpasok ko sa loob ay ang front desk ang unang sumalubong sa akin. Sandali pa akong natigilan sa pagtataka. I was expecting that few establishments are occupying this building. Masyado kasing malaki ang building para maging isang clinic lang, pero ngayon mukhang nakumpirma ko nang iyong clinic lang talaga ang nag-ookupa sa buong building. Siguro ay hindi lang isang specialist ang namamalakad dito. That’s probably it.

“Hi, good morning.” Bati ko sa babaeng nasa front line desk. Kaagad niya naman akong sinalubong ng matamis na ngiti.

“Good morning, ma’am. How may I help you?”

“I have a psychological assessment with…” Kinuha ko muli ang phone para basahin ang huling mensahe ni mama. Doon ay binanggit niya ang psychologist na magco-conduct ng test sa akin. “Jacqueline Tolentino ?”

“Just a minute, ma’am.” She assessed something on her desktop, probably confirming my appointment. Maya-maya ay napatango siya bago muling lumapit sa akin. The assessment room is in the second floor. Just take the elevator, then take the left route. You’ll be able to see the assessment room along that hallway.”

Nginitian at pinasalamatan ko naman siya bago ko tinahak ang direksyong sinabi niya.

Take the elevator and then go left. I mentally repeated.

Pagtalikod ko para tahakin ang elevator ay narinig ko pa ang muling pagbukas ng pinto, sinundan ng maligalig na boses ng babae sa front desk. Hindi ko naman na iyon nasaksihan dahil nakatalikod na ako sa kanilang direksyon.

“Good morning, Dr. Vergara! You have quite a lot of appointments for today.”

Pinindot ko ang second floor button pagkaapak ko sa loob ng elevator. Nang makaayos ako ng tayo ay nasilayan ko pa ang interaksyon ng babae at ng kararating na lalakeng may suot na white laboratory gown, hindi ko na rin naman sila napagmasdan nang matagal dahil tuluyan nang nagsara ang metal na pinto.

Pagtuntong ko sa second floor ay kaagad akong kumaliwa tulad ng utos ng babae. Bawat pinto ay may nakadikit na silver plate labels, kung saan naka-indika kung anong klase ng silid ang mga iyon.

Hindi naman nagtagal ay namataan ko na rin ang label na may nakasulat na ‘Psychological Testing Unit’.

Bago pumasok ay inayos ko muna ang aking damit, sinisiguradong walang kusot, saka ako pormal na kumatok sa pinto. Not many seconds later, a woman’s voice spoke, urging me to come in.

Maingat ko namang binuksan ang pinto, bahagya pa munang sinisilip ang loob.

“Oh, hi! Good morning. Fayven Leone Mojica , am I right?” Ani ng babaeng nakaupo sa isang desk. “Come, don’t be hesitant.”

Tuluyan na akong pumasok. Sinara ko muli ang pinto bago ako lumapit sa kinauupuan ng babae. Giniya niya akong umupo sa harap ng desk niya kaya iyon ang ginawa ko.

“Good morning again, I’m Jacqueline Tolentino , a registered psychologist and psychometrician. I’ll be the one conducting your psych assessment. Which language are you more comfortable, English or Filipino?”

“Uh, either works, I guess.” sagot ko. Napatango siya. Truth be told, she looks kinda young. Siguro ay nasa mid-20s pa lamang siya.

“So,” she shifted in a more comfortable position, placing both her hands on the table, before proceeding. “Nakapag- usap kami ng mama mo. Alam mo bang bago sila umuwi ng Olongapo ay dumaan sila rito?”

Umiling ako, “Hindi ko alam.”

Napatango siya muli. “Well, it’s a requirement to interview a close friend of yours, or a close relative, before we interview the actual client. We need it for background analysis.”

Tumango lang ako. Alam ko naman na ‘yon. Sa dami ba naman ng psych assessment na napagdaanan ko ay hindi ko pa ba iyon malalaman? Pakiramdam ko nga ay na-broadcast ko na sa buong industriya ng sikolohiya ang mga trauma ko sa buhay.

“Your mom mentioned that it all started on December 8, 20.”**

Napahinga ako nang malalim. Here we go again. Kailan ba titigil ang pagbigat ng dibdib ko tuwing naririnig ko ang petsang iyon?

“Is that date familiar?” She asked.

My face probably registered a terrific poker face. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano, pero paniguradong hindi naman iyon ang intensyon niya.

“Yeah, very much.” Tipid ko na lamang na tugon.

Napatango siya bago ako mariing tinitigan. “What happened?”

I was silent for a second. Gusto kong sumagot kaagad para hindi magmukhang hindi pa nakaka-move on, but god, I just can’t. And I hate myself for it. Ilang beses ko naman nang iwinika ang bagay na ‘to sa ibang mental health professional, pero wala pa ring pagbabago, nahihirapan pa rin akong ibahagi ang parteng iyon ng buhay ko sa iba.

“I was… well, I…” I heaved a deep sigh. Napakabigat sa dibdib. “I almost got raped by my uncle.”

I bit my lip. How many more times do I have to open this wound?

“Luckily, nakatakas ako. Pero hindi ‘yon ang tunay na naging kalbaryo sa buhay ko. It was the aftermath of being sexually abused by your own relative.”

“Can you expound on that aftermath?” She requested.

God, sa susunod ay gagawa na talaga ako ng PowerPoint Presentation ng mga trauma ko sa buhay. Para sa susunod irereport ko na lang, hindi ko na pag-iisipan.

“Lola ko ang nagpalaki sa akin. Kasama ko naman si mama sa bahay pero may trabaho siya, si papa naman ay minsan lang nakakauwi dahil sa ibang bansa siya nagta -trabaho, kaya sa lola ko ako pinakamalapit . She showered me with love none of my parents were able to fulfill. Unfortunately, she’s also the mother of my abuser.”

Kapatid ni mama ang uncle ko na nagbalak sa akin, nanay nila ang lola na tinutukoy ko. Truth be told, my uncle and I used to be so close. Kaya nang magawa niya ang bagay na iyon sa akin, hindi lang pisikal na sakit ang dinanas ko. I also felt betrayed.

“December 8 was the birthday of my abuser. He was drunk when he entered my room, since then, I hated the smell of cigs and alcohol. Iyon ang amoy niya nung…” Hindi ko na tinuloy. Hindi ko na kayang ituloy ang susunod pa ro’n.

Galit na galit si mama nang malaman niya ang rason kung bakit ako pumasok ng silid nila habang taranta at umiiyak. Wala pa si papa no’n, nagtra -trabaho sa ibang bansa. My mother was really furious, she insisted that we report the incident to the police… Pero ako ang hindi pumayag .” Bumaba ang tingin ko sa aking kamay. My fingers are fidgeting. “Iniisip ko si lola. She would be very devastated. Unico hijo niya si uncle…” Humina ang boses ko. “I didn’t wanna hurt her.”

“You were done wrong and what you’re worrying about is the feelings of your grandmother?”

Tumingin ako sa kanya. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. “She means the world to me.” My voice cracked at the end.

I loved my grandma so much that I was willing to forget the justice I deserve. I was determined to set aside my feelings to put her first.

“But my parents were determined to put my uncle behind bars. Halos kaladkarin nila ako patungong presinto para ireport ang pangyayari. I had no choice.” Huminga ako nang malalim. “Bago kami makaalis ay palihim na nagmakaawa sa akin si lola. She was begging for me to just forgive my uncle.” Mariin akong napapikit nang maalala ang senaryong iyon. Alalang-alala ko pa ang pag-iyak niya sa harap ako, halos lumuhod siya sa harapan ko.

That scene broke me. Do you know how it feels seeing the person you love the most, beg for your mercy? Ang sakit… ako ang nagmukhang kontrabida, ako ang nagmukhang walang puso.

“You didn’t deserve to be put in that kind of situation.” Aniya.

Mapait lamang akong ngumiti. No one does…

“Alam mo matutuwa pa ako kung iyon lang ang nangyari.” Bahagya akong tumawa, sinusubukang itago ang kirot sa dibdib ko. “Pero hindi eh, my relatives started calling me selfish for reporting the incident. They started blaming me. Pinapahirap ko lang daw ang buhay ni lola. Wala raw akong utang na loob.”

Nagawa ko pang tumawa pagkatapos kong sabihin iyon, pero ang totoo, bawat salitang binibitawan ko ay pabigat nang pabigat ang dibdib ko.

Paulit -ulit nilang sinasabi ‘yon, hanggang sa pati ako naniniwala na sa sinasabi nila.” Muli akong tumawa, ramdam kong nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko. God, kailan ba darating ang araw na hindi na ako masasaktan sa storyang ‘to? “But believe me, I tried, I really did. Hindi nila alam halos lumuhod na ako kila mama para lang hindi na kami tumuloy sa presinto . Pinili ko si lola. Mas pinili ko siya kaysa sa sarili ko.”

I bit my lower lip, harder this time, trying to stop myself from breaking down.

“Because of that, I never spoke of my trauma to anyone. I was afraid that they will also blame me. God, I’m tired of being blamed. I never done anything. I…” Mariin akong pumikit. “I was just 14, trying to sleep in my pajamas.”

Mapait akong napangiti. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko kaya maagap ko iyong pinahid paalis.

Nakakatawa , diba? I was the victim, yet they manage to make me feel guilty of my own trauma.”

Laging tinatanong ng mga kamag-anak ko kung kamusta si lola, but they never asked about me. They never cared about me. They see me as the bad guy.

Umiwas ako ng tingin, bahagyang natutulala. Kusang bumuhos sa akin ang mga alaala ng kahapon. Isa ‘to sa dahilan kung bakit ayoko nang dumadalo sa mga therapy, naaalala ko lang lahat.

“The blaming didn’t stop there. I experienced the worse every hearing trial. I was only 14, but I had to fight for myself. Kinailangan kong depensahan ang sarili ko sa korte sa loob ng tatlong taon. Tatlong taon, tatlong taon akong binabatuhan ng mga akusa ng abogado ni uncle. Pinipilit nila na may relasyon kami ni uncle, na ginusto ko ang nangyari. Mas sinira ako ng mga akusang ‘yon. Alam kong sadyang trabaho iyon ng mga abogado, pero iba ang naging epekto no’n sa akin.”

I swallowed, trying to get rid of the lump in my throat.

Again, the blaming didn’t stop there. Maliban sa pamilya ko, mayroon pang mas malala kung manisi ng mga biktima. And that’s no other than our society. Victim-blaming is very rampant in the Philippines. Instead of blaming the rapist, they always find a way to blame the victims.

“Eh ano ba kasing damit niya?”

“Bakit kasi naglasing nang may kasamang lalake?”

“Bakit kasi nasa labas pa ng bahay kapag gabi?”

Ilan lang ‘yan sa madalas nilang linyahan. Pero kung damit ang dahilan ng rape, wala sanang nare-rape na sanggol. Kung paglabas lang ng bahay ang dahilan ng rape, wala sanang nare-rape sa loob ng kanilang tahanan. But they do. We do. It’s not our clothes, nor our behavior. Walang rape kung walang rapist.

Naalala ko pang kumonti ang hatol kay uncle dahil lasing siya nang pagtangkaan niya ako. Nakakatawa, hindi ba? Being drunk excuses men’s actions, but if the one who’s under the influence of alcohol is a woman, they get blamed for it. They get called different names-slut, whore, disgrasyada. But a drunk man just get called… a man.

“Inabot ng tatlong taon bago kami nanalo sa korte. I was almost 18 when I finally achieved justice. He was finally imprisoned. Akala ko magiging okay na ako pagkatapos no’n, pero mas lumala lang ang lahat. My relatives started blaming me more.”

Muli kong pinahid ang luhang tumulo sa pisngi ko. Pinatigas ko ang aking ekspresyon para hindi ako magmukhang mahina.

“Lahat sila galit dahil sa pagiging makasarili ko. Sarili ko lang daw ang iniisip ko. Paano naman daw si lola?”

The worst part of my life was when i started believing their words. Maybe I really am selfish. Maybe I really am to blame. Maybe, I should’ve tried harder to convince my parents. Maybe, through that way, they wouldn’t blame me anymore.

“That’s when my mental health started declining. Who would want to live after being constantly blamed for their own trauma everyday?” Nawala ang ekspresyon sa mukha ko. Napuno na naman ng pait ang puso ko. Clearly n ot me.”

“I am so sorry for what you’ve been through.” Pang-sisimpatya niya. Well, that’s what my psychologists all said. May script siguro silang sinusundan.

“I’m fine, I’ll be fine.” Those were my last words.

I HAD to be interviewed so the psychologist would know the appropriate test/s for me. And based from our recent interaction, I had to take CAD (for depression) and PCL-5 (for PTSD) test. That’s what I did for the next 2 hours.

Gutom na gutom na ako matapos kong sagutan lahat. Iniinat ang leeg kong pinindot ang down button sa tapat ng elevator. Habang hinihintay ang pagbaba no’n ay chineck ko muna ang oras sa cellphone ko. Magtatanghali na. Sakto sa susunod kong lakad.

Napag-alaman kong dumayo rito sa Baguio ang pinakamalapit kong pinsan para sa isang team building. Isa siya sa bilang kong mga kamag-anak na kahit kailan ay hindi ako sinisi. Pero pabalik na rin sila ng Olongapo, kaya napagplanuhan naming magkita muna bago sila dumiretso pauwi.

The elevator opened at the same time my phone rang. Nataranta ako nang makita ang pangalan ng pinsan ko sa screen. Usapan namin ay tatawag siya pag naroon na siya sa meeting place namin. Nandun na ba siya kaagad? Ang bilis naman!

“Hello, Angelli? Andyan ka na ba?”

Pumasok ako ng elevator. May isa akong kasama sa loob pero abala ako sa telepono kaya hindi ko na iyon napagtuunan ng pansin.

[Oo, dzai! Ano? Nasaan ka na? Buhay ka pa ba?]

Umikot ang mga mata ko. “Oo naman! Wala akong balak mamatay na virgin. Wala pa namang tite sa impyerno.”

Ngumisi ako. I am never this vulgar to anyone, depende siguro sa closeness. Eh ang pinsan kong ito ang taong pinaka-close ko, hindi na ako nag-aalalang huhusgahan niya ako.

At husgahan man niya ako, wala naman na siyang choice. She’s stuck with me forever.

[Ayan, ayan! Kaya ka hindi sinusundo ni kamatayan, eh! Sa kademonyohan mo, pati impyerno hindi ka na willing tanggapin!]

“Naghahanap lang ng tite demonyo na?—” Natigil ako sa pagsasalita nang tumikhim ang taong kasama ko.

Napatingin ako sa kanya. Nakatalikod siya sa akin dahil mas malapit siya sa pinto, hindi ko alam kung ano ang itsura niya pero sapat na ang suot niyang laboratory gown para kainin ako ng hiya. Shit. Doctor pala ‘to!

“What floor?” Halos mapakislot ako nang magsalita siya.

Lihim naman akong napamura. Kanina pa pala hindi umaandar ang elevator! Hindi ko naman kasi pinindot kung aling floor ako!

[Gagi! Sino ‘yon?! ]

Kaagad kong nilayo sa tenga ko ang phone ko.

“Uhm, sorry,” nautal pa ako sa paghingi ng tawad. “Ground floor,”

Hindi na siya nagsalita at pinindot na ang ground floor button. Nasilayan ko pa ang relo niyang halatang mamahalin.

Palihim kong pinatay ang tawag ni Angelli kahit naririnig ko pa siyang tinatawag ako sa kabilang linya. Halos gusto ko nang magpalamon sa hiya, pakshet.

Pero panigurado mental health practitioner naman itong kasama ko, diba? Ibig sabihin ay hindi siya judger? Diba? Diba?

Nang bumukas ang pinto ay nauna na akong lumabas. Halos takbuhin ko pa ang exit para tuluyan ko nang malisan ang lugar na ‘yon at hindi niya masilayan ang mukha ko.

Pakshet talaga! Hindi ko na yata kakayaning bumalik sa clinic na ‘yon! Baka makasalubong ko pa siya! Sana lang talaga hindi niya nakita ang mukha ko. Hindi ko pa naman din alam kung sino ang taong iyon. Kapag nagkasalubong kami ay hindi ko malalamang siya iyong nakasama ko sa elevator, hindi ko naman kasi nakita ang itsura niya!

Napatampal ako sa noo. Gusto ko nang mamatay!

Kabanata IV

“GRABE, muntik na akong maligaw ! Ang lawak naman ng SM nila rito. Ang daming pasikot - sikot !” Iritang sumipsip ang pinsan ko sa binili niyang hot coffee.

Just like what she said, narito kami sa SM nagkita, partikular sa labas ng food court kung saan open space ang establisiemento. Tanaw mula rito ang mga nakapaligid na gusali. It’s like a huge veranda located on top of the mall.

“Nasaan ba ang mga kasama mo?” tanong ko saka sumubo sa pagkaing in-order niya. Gutom na gutom na talaga ako.

“Nasa burnham park sila, nag- usap - usap na lang kaming magkita mamaya sa The Mansion kapag uuwi na.”

Hindi na ako nakasagot dahil abala ako sa pagkain. Mabuti na lang talaga at nag-order na siya habang nasa jeep pa lamang ako. Nanuyo rin ang lalamunan ko kasasalita kanina.

“Hoy bakla ka! Kaninong boses ‘yong kanina, ha?! Grabe ang baritono ! Isang linggo ka pa lang dito may ka- karingkingan ka na!”

Halos mabulunan naman ako sa sinabi niya.

Bwisit! Nakalimutan ko na nga ang kahihiyang ‘yon, pinaalala niya pa!

“Nakahanap ka na kaagad ng cherry popper?”

Napairap ako habang umiinom. Pabagsak kong binaba ang baso sa mesa saka ko siya pinanlisikan ng mata.

“Doctor ‘yun sa clinic na pinanggalingan ko. Nakasabay ko lang sa elevator.”

“Ganon? Edi mashonda na pala?” Dismayado niyang wika sa pag-aakalang matanda na ang lalake kanina. “Sayang, umasa ako sa boses. Accent pa lang kasi, tunog sisirain na agad ang buhay mo.” Bakas na bakas talaga ang panghihinayang sa mukha niya kaya napailing na lamang ako.

Sirang - sira na nga buhay ko, papasira ko pa lalo?”

Sumipsip ako sa in-order niyang milktea. Alam niya talaga ang favorite ko.

“Sabagay,” humalumbaba siya.

“Tsaka tingin ko hindi naman siya mashonda o matanda. Kaka-graduate siguro,” I shrugged my shoulders. Hindi rin naman ako sigurado. Ang boses niya lang din ang tanging basehan ko.

“Uy, may pag-asa. Mine mo na ‘yan, bhie!” Napapalakpak pa siya sa excitement.

Napairap na lang ako uli. “Bad idea,”

“No! Good idea!” Diin niya, mas nilapit niya pa ang mukha sa akin saka ako pinanlakihan ng mata. “Depressed ka, mental health professional siya! O diba, perfect combination?”

“Nang- aasar ka ba?”

Tinaasan niya ako ng kilay. “Ako? Nang- aasar ? Nagsusuggest lang naman!” Umayos siya ng upo bago pinagkrus ang mga braso sa harap ng dibdib. “Hindi ba’t mas maganda naman talaga kapag therapist o psychologist ang partner ng isang taong may depression?”

Bumagsak ang tingin ko sa aking milktea habang napapaisip. Hinalo-halo ko iyon gamit ang makapal na straw bago sinagot ang kanyang tanong.

“Advantage para ro’n sa taong may depresyon , pero paano naman ‘yong nagmimistulang therapist? It would be draining.”

Napatango-tanong naman si Angelli sa ideya ko.

Sabagay, may point…” Maging siya ay napaisip. Sandali kaming natahimik, pero hindi kalaunan ay muli rin siyang nagsalita. “So, kung nagkataong may therapist or any kind of psychologist ang manligaw sayo, hindi mo tatanggapin?”

Natawa ako sa tanong niya. “Trabaho na nga nilang umintindi ng iba’t -ibang pasyente , dadagdag pa ako? Pa’no ‘yun? Pagod na nga sila galing trabaho, tapos pag-uwi trabaho pa rin? Imbis na makapag -pahinga ay mas mapapagod pa sila lalo.” Napailing ako. “It’s a no for me.”

Napatango-tango siya uli. “May point…”

Sandali kami muling natahimik. Nag-abala na lang ako sa pag-ubos ng aking pagkain habang siya ay painom-inom sa kanyang kape.

“Kamusta pala ang assessment?” Tanong niya kumakailan.

“Ayos naman, next week pa makukuha ang resulta .”

Napatango siya. “Pasukan niyo na sa Monday, ‘di ba?”

“Yea,”

“Nakabili ka na ng gamit mo?”

“Yea,”

“Nakapag-adjust ka naman na ba rito?”

Napabuga ako ng hangin. “Kanina pa ako ini -interview, hanggang dito ba naman?”

“Ang sungit !” Napairap siya. “I’m just diverting your mind! Panigurado kasi naging fresh na naman sa alaala mo ang trauma mo gawa ng assessment kanina.”

I breathed deeply. “Hindi naman na bago. Nasasanay na rin ako.”

“Talaga ba?” Tumaas ang isang kilay niya. “Kahit may panibagong dagdag sa trauma mo?”

Natigil ako sa pagkain. “Anong panibagong dagdag? Parehas lang naman.”

“Duh? Diba hindi nakulong si uncle? Panigurado bagong isipin na naman ‘yon sa ‘yo.”

I felt my whole world stopped right after hearing those words.

_ _ _Diba hindi nakulong si uncle?” _

Para akong nabingi. Nawala lahat ng ingay sa paligid. Ang tanging dinig ko lang ay ang lumalalim kong paghinga.

_“Diba hindi nakulong si uncle?” _

It felt like my heart literally sank in my chest. I can feel it beating, but how can be a sign of life be so painful? God I don’t want my heart to beat anymore. The audacity of this heart to fucking beat when I already feel like dying.

This is probably my ‘watch my heart burn’ moment. Ganito pala ang pakiramdam no’n. Tila nararamdaman mo talagang nagliliyab ang puso mo sa halo-halong emosyon.

Araw-araw na akong pinapatay. Hindi pa ba sapat ang paghihirap na ‘yon? I have barely moved on, may bago na naman?

“Oh my, God. Don’t tell me… you didn’t know?”

Hindi ako nakapagsalita. Pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko. Even speaking is a battle I have to fight.

“A-Anong ibig mong sabihin?” I gathered all my strength just to ask that simple question.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglunok ng pinsan ko, tila nahihirapang sabihin sa akin ang totoo.

“Ah, k-kasi Fayven,” lumikot ang mga mata niya.

Nagtagis ang bagang ko. “Ano, Angelli?” My voice was threatening. Napatingin naman siya sa akin nang dahil do’n.

“H-Hindi nakulong si uncle, Fayven. Binayaran niya ang mga pulis kapalit ng kalayaan.”

With that, my heart burned even more.

Napapikit ako. My whole system weakened.

How am I even suppose to recover after this?

“Kailan pa?” I almost choked upon asking that.

Habang hinihintay ang kanyang kasagutan ay tila hinihintay ko lang ding sumabog ang isang bomba.

“Ever since, Fayven… He was never really imprisoned in the first place.”

That shattered every piece of my being.

Three years… for three years, I fought at the court, swallowed all the accusations, and faced all my goddamn demons… just for everything lead to nothing? All those for nothing?!

Akala ko ay nakamit ko na ang hustisya. Iyon na nga lamang ang pinanghahawakan ko, pero sa huli, talo pa rin pala ako.

“Paano mo nalaman?” My voice was already shaking. I was fighting the urge to explode. I know this is not the right place nor the right time.

“‘Yung kasambahay ngayon nila ate Vera, kamag -anak ng asawa ni uncle. Siya ang nagsabi ng lahat.”

Ate Vera… Kasama siya sa pamilyang sinisisi ako.

Mapait akong napangisi.

“So they all knew?” My voice was laced with bitterness. “You all knew.”

“Kailan ko lang nalaman—-” kaagad niyang depensa.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” My tone started to sound suspicious.

“Nandito ka na sa Baguio nang malaman ko. Akala ko rin alam mo. Believe me, I didn’t know you were clueless.”

Tumiim ang bagang ko. Hindi dahil sa kanya, kundi sa panibagong ideyang pumasok sa utak ko.

Did my parents know?

“Sandali, saan ka pupunta?” Naalarma siya nang tumayo ako.

“Uuwi ng Olongapo.” Walang sabi kong hinablot ang aking bag saka ako dire-diretsong naglakad paalis.

“Ano?! Sandali, Fayven!”

Taranta niya akong sinundan. Narinig ko pang muntik nang matumba ang upuan niya nang maagap siyang tumayo para sundan ako. Marahas na lang akong napabuga ng hangin nang hablutin niya ang braso ko upang pwersahan akong ipaharap sa kanya.

“Huwag ka magpadalos-dalos! Sa Lunes na ang klase mo—”

“Sabado pa lang. Uuwi ako bukas.”

“Magba-bus ka—?”

“You make it sound like that’s hard.”

“Hindi ka naman kasi sanay—”

“Wala akong pakialam!” Natigilan siya nang tumaas na ang boses ko. Hindi ko na mapigilan. Para akong sasabog. “Alam mo ba kung gaano kahirap sa aking malaman ‘to?!”

Tears automatically crawled up my eyes. Muli na namang nanikip ang dibdib ko. Halo-halong emosyon ang nag-uumapaw sa akin na tila nawalan na ng espasyo ang puso ko. I can’t take it anymore. God, this is too much.

“For years, wala silang narinig sa akin! Kahit ilang pang-aakusa, paninisi, at pamimintang ang binato nila sa akin ni isa wala silang narinig sa akin!”

“Fayven…”

“I just need to know the truth, Angelli.” I harshly wiped the tears that escaped from my eyes. “Kahit katotohanan na lang ang ibigay niyo sa akin, okay na. Just please, let me have this one.”

Wala na siyang nagawa. Wala rin naman akong balak magpapigil. I was determined to go back to Olongapo and confront my parents.

Kinuha ko ang pinakamalapit na schedule mula Baguio hanggang Olongapo. Angelli insisted to come with me instead of her colleagues. Hindi ko na siya pinigilan dahil ang nais ko lang ay makabalik ng Olongapo sa pinakamabilis na paraan.

Tanging ang dala ko lang na bag kaninang umaga ang bitbit ko ngayon. Narito naman na lahat ng kakailanganin ko kaya walang problema.

Buong byahe ay mabigat ang dibdib ko. Ni hindi ako magawang kausapin ng pinsan ko. She was giving me space to think, which I did the whole time. Buong oras ay wala akong ibang inisip kundi lahat ng pangyayari sa buhay ko mula ng nagdaang mga taon.

When I was 14, I used to think that maybe, I’ll understand things better when I get older. Now I am so disappointed that my life only got worse at 20. Akala ko noon, magiging okay na ako pagtanda, na makaka-move on din ako paglipas ng panahon. Well, that’s what they say, time heals all wounds . But if it really does, then why am I still bleeding?

Does time really heals all wounds or do we just learn how to tolerate the pain? Perhaps time heals only applies to those who has shallow wounds, but not to us whose pain lingers deep within our heart.

“Fayven,” nilingon ko si Angelli. Kababa niya lang ng phone. Kausap niya ang kanyang mga magulang kanina. “M-Magkakasama yata sila ngayon.”

Hindi ako sumagot. Natunugan ko na ang ideyang iyon kanina. Syempre magkakasama sila, birthday ni lola.

“Sigurado ka bang tutuloy pa tayo—”

“Ngayon mo pa ba ako pababalikin ng Baguio? Malapit na tayo sa kanto.” Halos isigaw ko iyon sa kanya dahil sa lakas ng pag-andar ng tricycle na sinasakyan namin.

Madilim na ang kalangitan. It was already 7 in the evening when we arrived.

“Hindi ko binanggit na kasama kitang papunta sa bahay niyo.” aniya pa.

Hindi ako sumagot. Ako pa yata ang magmumukhang gatecrasher sa party nila mamaya. Pwes, wala akong pakialam.

Tumigil ang tricycle sa tapat ng bahay namin pagkatapos magbigay ng instruksyon ni Angelli sa driver. Nauna akong bumaba. Tuloy-tuloy akong naglakad papasok ng gate. Nasa bungad pa lang ako ng pinto ay dinig ko na ang malalakas nilang tawanan. Mas lalong nag-alab ang puso ko.

Pabalya kong binuksan ang pinto. Naglikha ng malakas na tunog ang pagtama ng pinto sa pader, dahilan para matigilan silang lahat. All their heads shifted on me.

Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata nila. But I didn’t care, I was scanning my eyes across the room, trying to find my parents.

Tumigil ang mga titig ko sa kanila. Maging sila ay gulat na gulat na nakatingin sa akin. Syempre, hindi pa nagsisimula ang klase namin pero umuwi na kaagad ako.

“Fayven,” si mama ang unang nakabawi. Agad siyang naglakad papalapit sa akin.

“Anak, bakit ang—” akmang hahawakan niya ako sa magkabilang braso pero kaagad kong winaksi ang mga kamay niya. Nagulat siya sa inakto ko.

“Totoo ba, ma?”

I fought the urge to break down right there and then. Ang hindi ko napigilan ay ang panunubig ng mga mata ko.

“Ang alin? Hindi ko maintin \—”

“Na hindi siya nakulong?”

I no longer had to mention his name. I didn’t need to, dahil iyon pa lang ay kitang-kita ko na ang pagkatigil sa mga mata ni mama.

Her reaction already stated everything I needed to hear.

My chest tightened again, tighter this time that I almost find it hard to breathe.

“Anak—”

“Okay lang sa ‘yo, ma?” Nanginig ang boses ko. I used all my strength to keep it all together even though my whole world is already collapsing. “Pa?” Tumingin ako kay papa.

Napaiwas ito ng tingin. Hindi ako makapaniwala.

They all knew… They all knew except me! Pinagmukha nila akong tanga! Why didn’t they tell me? Para ano, para hindi ko ipagtulakan ang kaso?

“Hindi ko ba deserve ang hustisya, ma?” I sounded so betrayed. Well I am!

Okay pa kung mga kamag-anak ko lang ang nagtra-traydor sa akin, matatanggap ko pa. Pero ang sarili kong mga magulang? Ang mga taong inaasahan kong kakampi kong ipaglalaban ako? Ibang klaseng sakit na ‘yon. Ang sakit-sakit.

“Anak, nanalo ka naman na sa korte. Tingin ko sapat na ‘yon.”

Akala ko wala na akong ika-dudurog pa, meron pa pala.

Pakiramdam ko ay pinagpira-piraso ang pagkatao ko nang sabihin iyon ni mama.

Napaatras ako. Tumingin ako kay papa para alamin kung gano’n din ba ang opinyon niya. Napabuntong-hininga ito nang makasalubong ang tingin ko.

“Sira naman na ang reputasyon niya, anak. Iyon ang importante .” Wika ni papa.

Tang ina. Putangina talaga.

Wala na. Durog na durog na ako. Durog na durog na naman ako. For years I tried to put my pieces back together, only to be shattered once again. Worse, by my own fucking family.

Hindi ko na napigilan, my tears started flowing down my cheeks.

“What about me?” **** My lips trembled upon asking the question that had always haunted me. “What about me, pa? _Paano ako?” _

Hindi sila nakapagsalita. Napaiwas ng tingin si papa.

“Tingin mo sa akin pa? Walang nasira ? Tingin mo ‘yung reputasyon ko, hindi nasira ? Gising, pa! Pakinggan mo naman ang mga sinasabi nila sa akin!” I motioned my relatives watching us. “Buti pa nga si uncle reputasyon lang ang nasira ! Kamustahin mo ang buhay ko, pa! Tingin mo maayos ang buhay ko? Ha? Hindi! Pati buhay ko sirang-sira ng dahil sa kasalanang hindi ko ginawa!”

Halos hindi na ako makahinga. Halos hindi ko masabi ang mga gusto kong sabihin dahil sa mga hikbi at pagsinghap ko.

“Anak, please, calm down. You’re overreacting.” Sinubukan ako muling hawakan ni mama pero lumayo ako sa kanya.

Overreacting? I’m overreacting?

“No, ma! You don’t get to destroy me and then tell me how ruined I am allowed to feel!”

Wow, just wow.

“Apo,” natigilan ako nang lumapit sa akin si lola. Halos madurog akong muli nang makita ang luha sa mga mata nito. “Pasensya na, akala kasi namin okay ka na.”

Sa sinabi niya ay parang may kamay na madiing pumisil sa puso.

Akala namin okay ka na.

Natawa ako.

“Ako? Okay?” Mapait akong napangiti, patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. “Tingin mo ba ‘la, gano’n lang kadali sa akin ang lahat? Kayo ang okay na!” Suminghap ako ng hangin. “Buti pa kayo okay na.

“Fayven,” ate Vera called me. Napatingin ako sa kanya, dahil do’n ay nakita ko rin ang kanyang pamilyang kasama niya. “Mas okay kasi kung magpatawad ka na lang. Alisin mo ang galit sa puso mo. Kapag ginawa mo ‘yon ay saka ka lang makaka -move on.”

Nag-init ang mukha ko sa galit dahil sa sinabi niya.

“Hindi madaling mag-move on sa ganitong sitwasyon, ate.”

“Kasi nga hindi ka marunong magpatawad. At least learn to forgive, after all, **he’s ** still our family. Blood is thicker than water naman.”

“Tama si Vera,” habol ni tita Rowene, nanay ni ate Vera. “Everything happens for a reason, Fayven. Panigurado ay plano ng Diyos ang nangyari. Magtiwala ka lang sa Kanya. Diyos nga ay mapagpatawad, ikaw pa kaya na tao lang?”

Nagtagis ang bagang ko. “Malamang madali lang makakapag-patawad ang Diyos! Bakit siya ba ang ni-rape?!”

“Fayven!” My mom tried to stop me but I refused.

“Talagang madali lang makakapag-patawad ang Diyos dahil hindi naman siya ang nakaramdaman ng pangungutya niyo! Hindi siya ang nakarinig ng paninisi niyo! Hindi siya ang nakaramdam ng sakit na dinanas ko! Kung Diyos lang din ako madali ko talaga kayong mapapatawad! Dahil hindi ako ang nagdusa! Hindi ako ang araw-araw niyong pinatay!”

“Fayven,” mula sa likod ay hinawakan na rin ako ni Angelli.

“Hindi mo naiintindihan ang pinupunto ko.” Giit ni tita Rowena. “Ang akin lang naman, pinlano iyon ng Diyos para mas maging malakas ka! God gives his toughest battles to his strongest soldiers, doesn’t he?”

“Putang ina!” Lahat sila nabigla nang itulak ko ang katabing vase. Nabasag iyon dahilan para mapaatras silang lahat. “I was 13!” I broke down. “I was _just _ fucking 13!” Nanginginig na ang buong katawan ko. I look so fucking miserable crying in front of them, trying to make them understand that I was just 13 when I was sexually assaulted, 14 when I started considering to take my own life. “I was a child! Not a fucking soldier! Hindi ko kailangang maging malakas! I was just a child. Just a fucking child…” Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol. “Ang dapat na problema ko lang ay ang pag-aaral ko, pero ang pino -problema ko araw-araw ay kung paano ko maaalis ang mga bakas ng hayop na iyon sa akin!” Pinunasan ko ang aking mga luha. “And if that was really God’s plan, then fuck his plans! I didn’t deserve to suffer at such a young age!”

“God, Fayven!” Bwelta ni ate Hera, kapatid ni ate Vera. “At least your trauma made you stronger, right? Learn to look at the bright side!

Nagtagis ang bagang ko.

“My traumas didn’t make me stronger! It made me **traumatized ** ! It destroyed my innocence! It made me beg for God’s mercy just so the pain would stop! Mukha ba akong malakas ngayon sa pangingin mo?! Look at me!” Nilahad ko ang kamay na tila pine-presenta ang sarili sa kanya. “I am miserable! Me being almost raped didn’t make me any stronger, ate Hera! It crashed every piece of me!”

Grabe! N apakadrama mo naman!” Ate Vera grunted. “Sayo na nanggaling ! Hind i naman natuloy ang pag-rape niya sa ‘yo! Nakatakas ka nga, diba?!”

Kumuyom ang mga kamao ko. Nagdidilim na ang paningin ko sa galit. Pigil na pigil akong maging bayolente, baka sa huli ay ako pa ang makulong.

“Madali lang sabihin sa’yo ‘yan dahil hindi naman ikaw ang nakaranas ng mga dinanas ko!”

“Kung ako ang nakadanas ng mga dinanas mo, makakamove on ako agad. Sana nga ako na lang ang tinangkang i-rape ni uncle, edi sana hindi na nasaktan si lola dahil hindi ko naman babalaking ipakulong ang unico hijo niya.”

“Gago!” Kaagad ko siyang sinugod bago walang babalang hinablot ang kanyang buhok.

“Fayven!”

Aray ! Bitaw !”

They all gathered to pull me away from her. Pero masyadong mahigpit ang kapit ko sa buhok niya. Wala na akong ibang makita kundi pula. Gusto kong mapigtas ang anit ng babaeng ‘to mula sa ulo niya!

“Fayven! Tama na!”

Nang si papa na ang humila sa akin ay napagtagumpayan nila kaming paghiwalayanin. Nagpumiglas ako pero kaagad akong dinaluhan ni mama. Habang ang iba ay kaagad inalo si ate Hera na iyak nang iyak.

“Fayven! Tama na!” Galit na si mama.

“Ano, ma? Kakampihan mo rin sila katulad ng pagkampi niyo kay uncle?!”

“Wala akong kinakampihan!”

“Ka- bullshitan !” Marahas akong humiwalay kay papa. “Kapag nanahimik ang witness sa krimeng **** nasaksihan niya, sino ba ang mas makikinabang , ‘yung biktima o ‘yung suspek ?!” Giit ko. Hindi siya nakapagsalita. “Kaya sabihin mo sa akin ma, sa ginagawa niyong pananahimik ni papa, sino ang mas nakikinabang , ako ba o si uncle?!”

She looked at me pitifully, while I looked at her full of pain.

“Kaya huwag na huwag mong masabi sa aking wala kayong kinakampihan! Dahil sa pananahimik niyo, ako ang dehado !”

“Hindi naman sa gano’n, anak—”

“Magulang ko kayo, ma.” Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. “Kung may tao akong aasahang po- protekta sa akin, kayo ‘yon.” Napayuko ako, patuloy na humihikbi. Ang tagal ko nang gustong sabihin ito sa kanila, pero kahit kailan ay hindi ako nagkaro’n ng lakas ng loob. Ngayon lang. Kahit ngayon lang ay ilalabas ko ang lahat, lahat ng hinanakit, lahat ng pasakit. “Kayo dapat ang kakampi ko. Pero hindi niyo na nga ako nagawang protektahan , hindi niyo pa ako nadepensahan . Ma… bakit naman hindi niyo ako pinaglaban? Bakit?”

I cried.

“Fayven,” that was my father’s voice. I’m sorry we failed to protect you. We’re just doing this to protect our family.”

“I am your family, too!” Tumingin ako sa kanya nang puno ng hinagpis. “Pamilya niyo rin ako, pa!”

Muntik na akong matumba pero kaagad akong nasalo ni Angelli.

“Pamilya niyo rin ako…” Bulong ko habang patuloy sa pagtangis. “Paano naman ako?Kinailangan ko rin kayo.”

“Fayven, tahan na.” Bulong sa akin ni Angelli.

“Ayan! Pinaiyak mo si lola!”

Napatingin kami kay ate Hera. Imbis na si ate Vera, si lola na ang kanilang inaalo. Nanlalabo ang paningin ko pero malinaw ko paring nakikita ang pag-alo nila kay lola.

“Magsorry ka kay lola, Fayven! Pati kay Vera!” Demanda ni tita.

“Anak,” hinawakan ako ni mama. Pagtingin ko sa kanya ay lumuluha na rin siya, ngunit kaagad niyang pinunasan ang kanyang luha. “P-Patahanin mo na ang lola. Baka manikip ang dibdib niya.”

I looked at her unbelievably. “Ma—”

“Come on, anak. Don’t be selfish, please?”

That was my last straw.

Selfish.

Of course, I am selfish .

Sinubukan ko ang makakaya ko para lang huwag ipakulong si uncle noon. Tinanggap ko lahat ng paninisi nila nang walang salita. Imbis na magalit, sinubukan ko pang tumingin gamit ang kanilang pananaw, baka sakaling maintindihan ko, baka sakaling makita ko ang pinaghuhugutan ng galit nila. Instead of being mad, I even tried to justify their anger towards me. Pero sa huli, I’m the selfish one, right?

Umayos ako ng tayo. They were all looking at me, waiting for me to apologize.

Pinunasan ko ang aking mga natuyong luha bago humugot ng malalim na hininga. Isa-isa ko muna silang tinignan, at sa matapang na mukha, nagsalita ako.

“Tang ina niyo. Mamatay na kayong lahat.”

“Fayven!” Nahintakutang sigaw ni mama.

Hindi ko na siya pinansin dahil nagtuloy-tuloy na ako palabas ng bahay.

Why should I apologize? Kahit kailan ay hindi sila humingi ng tawad sa alin. Bakit ko ibibigay ang bagay na ipinagkait nilang ibigay?

Pride na lang ang natitira sa akin. Hindi ko hahayang pati ‘to mawala. Magkamatayan na pero hinding-hindi nila maririnig sa akin ang katagang sorry.

They can cry all they want, but their sufferings will never equal to mine.

Kabanata V

𝐑𝐞𝐩𝐞𝐚𝐭 𝐔𝐧𝐭𝐢𝐥 𝐃𝐞𝐚𝐭𝐡
ɴᴏᴠᴏ ᴀᴍᴏʀ
0:58 ━━❍─────── 3:54
↻ ⊲⊲ Ⅱ ⊳⊳ ↺

\- / -

I TOOK the bus again.

Yes, bus pabalik ng Baguio. It’s already 9 in the evening, at panigurado, madaling araw na ako makakadating sa syodad. But I didn’t care. Ang gusto ko lang ay makalayo sa lahat. Ang makatakas sa lahat.

Tulala lang ako habang nakatanaw sa bintana. I probably look pathetic, good thing there’s not much people in the bus. There’ll be not much people that would judge me again.

It’s just non-stop, isn’t it? All the judgments, all the suffering, all the pain. It happens so often that I already mastered how to hide the pain well. Akala ko nga kapag tinago ko ang nararamdaman ko, kusa lang din iyong mawawala. Pero hindi pala, maiipon lang ang mga ‘yon. Maiipon nang maiipon hanggang sa tuluyang mag-umapaw at sumabog.

Ang malala, ikaw na nga ang sumabog, ikaw pa ang lalabas na masama. They won’t notice your sadness until it turns into anger. They’ll question your rage without even questioning their attitude that provoked your reaction. They’ll despise us for turning out like this—a person full of hatred—they didn’t know this is the monster they created.

Nakakatawa. They ruined me and expect me to stay the same? Sila ang dahilan kung bakit ako naging ganito. Pero bakit kasalanan ko pa rin ang lahat?

The window reflected my tear-stained face. My heart clenched upon seeing my face void of any emotions, void of any hope.

Do I really deserve any of this? Do I really deserve to suffer this much? Hindi pa ba sapat ang mapapait na naranasan ko para muli na naman ‘yong madagdagan?

Parang kanina lang, handa na akong umabante patungo sa paghilom; parang kanina lang, handa na akong kalimutan ang lahat. But how do one heals when sadness already becomes anger?

Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang may isang kamay ang lumitaw sa harapan ko, may hawak iyong isang bote ng tubig.

My eyes gazed to the owner of that hand. Bumungad sa akin ang isang ale na nagtitinda ng mga mani. May maliit itong ngiti sa labi habang inaabutan ako ng malamig na bote ng tubig.

Nalilito man ay inabot ko ang bote ng tubig.

“Alam mo ba iyong isang alamat tungkol sa mga sirena ?”

Napakunot ang noo ko sa tinanong niya. Tumingin siya sa bintanang nasa likod ko kaya napatingin din ako ro’n. Dinadaanan na pala namin ang isang matarik na bangin, sa baba no’n ay natatanaw ang malawak na karagatan.

“Sabi nila, ang mga sirena ay dating tao sa kanilang past-life kung saan sila ay biktima ng rape. Ginawa silang sirena sa kanilang susunod na buhay para hindi na muling mapaghiwalay ang kanilang mga hita nang labag sa kanilang kalooban .”

Hindi ako nakapagsalita. Ano nga ba ang dapat ireak sa mga taong bigla na lang lalapit para magsabi ng ganitong mga talinhaga?

Bumalik ang tingin ko sa kanya. Napakurap ako nang tumingin din ito sa akin bago magaang ngumiti.

“Hindi na ako makapaghintay maging sirena sa susunod kong buhay.” aniya.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na ito at naglakad patungo sa labasan ng bus. Pinahinto niya ang bus upang makababa siya.

Napakurap ako. Wala na siya sa paningin ko pero nanatili pa rin ang mga mata ko sa pinaglabasan niya.

Hindi na ako makapaghintay maging sirena sa susunod kong buhay.

Ngayon ko lang tuluyang naintindihan ang kanyang huling sinabi.

Nanikip ang dibdib ko.

I am not alone . With her statement, I realized that.

There are lots of people with the same experience as mine, maybe even worse.

Unfortunately, I am not as strong as them. I can only take this much…

Every person has a limit, and after a thousand of pain and sufferings, I finally reached mine. This is my limit.

ALA UNA na ng madaling araw nang makabalik ako ng Baguio—exactly 1 in the morning. Napabilis ang byahe dahil wala nang trapiko. Apat na oras akong tulala sa byahe, pero tila hindi pa rin iyon sapat.

Halos wala sa sarili akong bumaba ng bus. Pinara ko ang unang jeep na nakita at sumakay doon. Ni hindi ko alam kung saan iyon patungo, ang tanging alam ko lang ay ang kagustuhan kong hindi gumalaw, hindi mag-isip, at hayaan lang ang mundong dalhin ako sa lugar kung saan ako nararapat.

Blanko na lamang ang utak ko habang patuloy sa pag-andar ang jeep. Wala ni isang bagay ang tumatakbo sa utak ko. Wala rin ni isang emosyon ang naghahari sa puso ko. I have totally became numb.

Hindi ba’t mas okay ‘to? Maging manhid na lang, kaysa makaramdam, puro paghihirap naman. The downside is, the rational part of my mind is no longer working. All my inhibitions are no longer with me. Naiwan na ang mga iyon sa Olongapo.

“Miss?” Nabalik ako sa realidad nang may malakas na boses ang nagsalita. Hinanap ko kung saan iyon nanggaling. I ended up looking at the driver. Taka itong nakatingin sa akin mula sa kanyang kinauupuan, tila kanina niya pa ako tinatawag. ” Haan ka pay nga bumaba?”

Napakurap ako. Hindi ko siya naintindihan. “Po?”

Tila naman nakatunog ito na hindi ako nagsasalita ng Ilokano, napakamot ito sa noo bago muling nagsalita. “Hindi ka pa bababa? Ito na ang huling kanto. Iikot na ako ulit pabalik.”

“Ah,” natauhan ako ro’n.

Pagtingin ko sa paligid ay wala nang natitirang tao maliban sa amin.

“B-Bababa na po. Salamat.”

Mabilis akong bumaba ng jeep at tuloy-tuloy na naglalakad, kunwari ay alam ko ang aking pinupuntahan kahit hindi naman. Nang makalayo ako ay saka ko lang napagtantong hindi pala ako nakabayad! Gano’n ako kalutang. Siguro ay nahalata na rin ni manong ang pagkabalisa ko kaya hindi niya na rin hiningi ang bayad ko.

Napabuga ako ng hangin. Ni hindi ko alam kung nasaan ako. What now?

Nilibot ko ang tingin sa madilim na paligid.

Hindi pamilyar ang lugar. Tahimik at ang tanging dilaw lang na lightpost ang nagbibigay liwanag sa paligid. May mga bahay pero sarado na ang ilaw sa mga iyon. Kapansin-pansin din ang malaking pagkaka-agwat ng mga bahay-bahay, napapagitnaan sila ng mataas na bangin.

The cliff caught my attention. Mula roon ay natatanaw ang mga ilaw mula sa kabilang bundok. I immediately walked towards the edge to observe the scenery a little better.

Umihip ang hangin. Napapikit ako para damhin ang pagdampi no’n sa aking balat. Somehow, it comforted me. Pero hindi sapat ang hangin para dalhin lahat ng sakit na aking nararamdaman.

Marahan akong dumilat. Tumingin ako sa baba at nakita ang matarik na bangin. Dapat ay nalulula na ako sa taas no’n… pero hindi. It felt… nothing.

For years, I’ve been standing on a string, torn between wanting to giving up, and measuring how much more I can take. Palagi kong sinasabing, kaya pa ‘yan, kakayanin ko pa… Pero ngayon, hindi na ako sigurado kung kakayanin ko pa nga ba talaga.

Gusto ko nang itigil ang pag-balanse sa sinulid. I’m tired… Tired of trying to fight when I no longer know what I’m fighting for; tired of fighting when there’s no longer a valuable reason for me to bleed.

Ano pa ang rason para lumaban?

Iyon palagi ang aking tanong tuwing napupunta ako sa ganitong sitwasyon, tuwing naiisip kong tapusin ang lahat. At tuwina, palaging iisa lang ang sagot ko. Pamilya.

Lahat naman siguro iyon ang sagot. Tuwing may taong gustong wakasin ang kanilang buhay, palaging iyon ang ginagawang dahilan para pigilan sila sa binabalak. Pamilya.

Paano ang nanay mo? Masasaktan siya nang lubos. Paano ang tatay mo? Panigurado sisihin niya ang kanyang sarili sa pagkamatay mo. Paano ang mga kapatid mo? Lalaki silang dala-dala ang trauma ng pagkawala mo.

Funny. Sa haba ng listahang binibigay nila kung bakit hindi ako dapat mamatay, ni minsan hindi man lang nila ako nabanggit. They always tell us to live for others, they never tell us to live for ourselves. It’s always “paano sila?”, and not “paano ako?”. Paano tayong totoong naghihirap? Paano tayong matagal nang gustong sumuko?

And then, when the person still chose to kill themselves, they proceed on calling the person selfish, when in fact, their suicide is the only time they considered their own feelings; their suicide is the only time they chose themselves over anyone else.

And this time… I too… choose myself.

Kahit ngayon lang, pipiliin ko ang sarili ko. My soul deserves rest.

I closed my eyes. Ilang beses ko nang pinagtangkaang gawin ito, pero lahat palpak.

Pero sa oras na ‘to, nakasisiguro kong hindi na ako papalpak. Tuluyan na akong makakapagpahinga sa wakas.

I took a deep breath, trying to feel the air for the last time.

I may not have lived to the fullest, but I’ve already lived enough… Okay na ako ro’n.

Muli akong tumingin sa aking pagbabagsakan. Inangat ko ang paa para simulang mas lumapit sa dulo ng bangin, nang biglang isang nakakasilaw na ilaw ang tumama mula sa aking likuran, sinundan iyon ng malakas na pagpreno ng isang sasakyan.

“Miss!”

Nagitla ako nang makarinig ng boses. Galing iyon sa aking likuran. Lilingon na dapat ako pero kaagad kong pinigilan ang sarili. No, I’m not looking back.

“Don’t do it! We can talk this over!”

Hindi ako nagsalita. I remained at my place, unbothered by his sentiments. He can shout all he want, but no one can stop me now.

“Believe me, suicide is not the answer.” Narinig ko ang malalim nitong paghinga, hinihingal ito marahil sa ginawang pagmamadali.

Mapait naman akong napangisi sa kanyang sinabi.

“Alam ko, pero hindi naman sagot ang hanap ko. Pahinga.” Walang tono kong pahayag habang diretso pa rin ang tingin sa kabundukan.

There are other ways to rest without killing yourself. Please, fight a little longer.” **** He was begging.

But sadly, he’s also already too late. Nothing can change my mind now.

“Easy for you to say that because you don’t know what’s it like…” mahina at kalmado kong pahayag. Mariin akong napapikit. “You don’t know what it’s like to fight everyday, to bleed everyday… to _die _ everyday.” Unti-unti na namang umuusbong ang sakit sa aking dibdib. “I’m not doing this because I don’t want to live anymore, I’m doing this because I don’t want to die every single day anymore.”

I just want the pain to stop. I can’t take it anymore. Everything feels so heavy. I can’t take another burden. Hindi ko na kaya…

“Palagi nila akong sinisisi sa kasalanang hindi ko ginawa. Ginawa nila akong suspek ng sarili kong trauma. Alam mo bang mamuhay nang sinisisi bawat araw? Bawat oras?” Mahina akong natawa. “Nakakatawa, ako pa ‘yung sumubok umintindi sa kanila. I even took psychology to understand them better, baka sakaling maintindihan ko ang pinaghuhugutan nila, baka sakaling maintindihan ko kung paano ko naging kasalanan ang lahat. Pero tang ina, kahit saan ako tumingin, hindi ko talaga maintindihan! Bakit kasalanan ko?!” Histerikal akong natawa. “Ako na lang ba lagi ang iintindi? Paano naman ako? Kailan nila ako iintindihin? Hindi ba pwedeng ako naman muna? Tang ina, pagod na pagod na akong umintindi!”

I know, life may seem draining, but you have to live for—”

“For what? For my family?” Nanumbalik ang mapait na ngisi sa aking labi. “Dahil maghihirap ang pamilya ko dahil sa pagkawala ko, gano’n ba? ” Hindi ko na napigilan, nilingon ko siya at sarkastikong pinukulan ng tingin. **** “Bakit? Nung ako ba ang naghihirap, kinonsidera ba nila ang nararamdaman ko? Kahit kailan ay hindi nila kinonsidera ang nararamdaman ko! Kaya bakit ko sila ikokonsidera? Bakit ako mabubuhay para sa kanila?!

“No! I’m not telling you to live for your family! I’m hoping that you’d live for yourself!”

He caught me off guard. Hindi ako nakasalita dahil sa mga salitang binato niya.

I remained staring at him, although his entire body is fully engulfed by darkness. I can’t see his face clearly, but I can detect the sincerity in his voice.

“Killing yourself is not choosing yourself; it’s the opposite. Choose yourself by choosing to live, not for anyone, but for your future, even for your past.”

Napaiwas ako ng tingin.

For the first time, someone told me to live for myself, not for anyone. For the first time, someone used ‘me’ as an enough reason to live.

Binalik ko ang tingin sa kabundukan, pilit binabalik sa sarili ang aking plano. Hindi, hindi ako dapat makinig sa kanya, buo na ang desisyon ko.

Live for my past? Nagpapatawa ka ba? Iyon nga ang dahilan kung bakit ako napunta sa sitwasyong ‘to.” Giit ko.

I heard him heave a sigh.

“I’m not referring to your past, I’m referring to your past-self. Your past-self is you before all the suffering, you before all the pain, you before the world changed you.” Bumigat ang aking paghinga habang iniisip ang kanyang sinasabi… ang dating ako, ang dating ako bago nangyari ang lahat. Ang masayahing Fayven, ang walang problemang Fayven, ang Fayven na maraming pangarap, ang Fayven na gusto pang mabuhay…

“I’m telling you to live for your past-self because she believes in you, she always have been. Even while you were silently suffering, she was endlessly hoping you’d be able to make it.”

His words lit a flame in me, awakening a certain emotion in me I didn’t know I had.

Napahinga ako nang malalim, pilit kong isinasantabi ang kanyang mga sinasabi pero hindi ako nagtatagumpay.

“Alam ko hindi kita mapipigilan kung sakaling gusto mo na talagang tapusin ang lahat. But can you at least bid her goodbye before you go?”

My lips trembled, suddenly, breathing became a difficult chore.

“Just imagine… Imagine she’s here, clinging unto you, hoping you’ll notice her even for the last time.”

I didn’t wanna do it. But my head automatically and slowly looked back. My mind inherently envisioned his words.

A little girl slowly formed from the wind. Her little hands were clutching the hem of my shirt, while her innocent little eyes seem to beg for me to stay… The little girl was me. The 7-year old Fayven who used to have a lot of dreams.

My system instantly became vulnerable.

“The nights you were crying, she was comforting you. The nights you wanted to end it all, she was cheering you up. The nights you were losing hope, she was praying you won’t. She have never lose hope.”

Nagtubig ang mga mata ko. Nag-init ang aking dibdib sa kakaibang pakiramdam. It’s like all my bottled emotions are coming out.

Akala ko nalabas ko na lahat kanina. Hindi pa pala. Nagkamali ako.

Napakagat ako sa aking labi, pilit pinipigilan ang lumuha.

Ang batang-ako ay nakatitig lamang sa akin, pero ang mga titig niya ay walang bakas ng galit, sa halip ay puno iyon ng pagkalinga.

“Kung akala mo lahat ng tao ay sinisisi ka, nagkakamali ka. Kung may isang taong kahit kailan ay hindi ka sisisihin, siya ‘yon. Kahit kailan ay hindi ka niya sinisi, kahit ngayong gusto mo nang tapusin ang lahat, hinding-hindi ka niya sisisihin.”

That was my last straw. Tuluyang nagbagsakan ang mga luha ko. Tuluyan akong napahikbi.

I suddenly felt ashamed.

She never blamed you. In fact , she’s proud of you fo r coming this far, for fighting this long despite fighting alone. She has always been proud of you.”

Wala na. I broke down. It’s like all my walls collapsed, all the barriers I built for years collapsed.

Tuloy-tuloy ang aking paghikbi, halos wala na akong makita dala ng luha. Gayunpaman, pinilit ko pa ring tumingin sa batang-ako na nakatingin lang sa akin, puno ng pag-asa ang kanyang mga mata, isang emosyon na nawala sa akin.

I’m sorry I failed you. I’m sorry I wasn’t able to protect you… to protect us. I’m sorry I wasn’t strong enough. I’m sorry. I’m sorry.

Tuluyan akong napaupo habang humahagulgol. Doon tuluyang tinangay ng hangin ang batang-ako. Wala akong nagawa kundi yakapin ang aking sarili habang punong-puno ng pagsisisi.

Hindi ko man lang siya naprotektahan mula sa malagim na gabing iyon, ni hindi ko man lang siya naprotektahan mula sa paninisi ng mga tao. Hindi ko man lang siya nagawang depensahan. Hindi ko siya napaglaban. I let the circumstances changed her.

Patawarin mo ako naging mahina ako.

“Hey,” bahagyang natigil ang aking paghikbi nang may palad ang pumatong sa aking nanginginig na kamay. With teary eyes and trembling lips, I looked up at him. “It’s still not too late. Your future-self is also hoping you’ll fight enough so you could meet her.” Mas lalo akong naluha ng dahil do’n.

“I’m scared…” halos walang boses kong pahayag.

“Don’t be,” he tried to brush the hair sticking on my face. “I will fight with you.”

I cried even more. “I’m sorry,” nanginginig kong wika. “I’m sorry.”

To my surprise, he leaned unto me and caged me into a hug no one—not even my parents—had ever done. And with the most comforting voice I’ve heard, he softly whispered. “Shh. It was never your fault.”

Five words… I didn’t know it will only take me five words to get back my will to live.

For years, wala akong ibang narinig kundi paninisi, kundi panunumbat. For years, wala akong natanggap na pag-comfort mula sa ibang tao. I only had myself. To hear ‘it was never your fault’ comforted the anger me, it calmed the storm within me that has long been seeking for justice.

Of all people, I didn’t expect that it would only take a stranger for me to be able to retrieve my long lost feeling… the feeling of hope .

“Thank you,” I whispered unto him. He only replied with a soft caress on my hair. I let my head rest against his shoulder as my eyes continued shedding tears. Thank you for saving me.

Kabanata VI

𝐄𝐚𝐬𝐲 𝐎𝐧 𝐌𝐞
ᴀᴅᴇʟᴇ
0:46 ━❍──────── 3:44
↻ ⊲⊲ Ⅱ ⊳⊳ ↺

\- / -

SIGURO ay tuluyan na nga akong nabaliw. Sumama ako sa taong hindi ko kakilala. Hinayaan ko siyang dalhin ako sa kung saan gamit ang kanyang kotse. I didn’t even hesitate coming with him.

Masyado pa rin akong nanghihina, wala pa rin ako sa wisyo, kaya siguro ganoon na lang kadali sa akin ang magpatangay sa dalos ng pangyayari.

I am not usually this gullible. But I am in my most vulnerable state right now. I’ve already experienced the worst. What else could happen?

Tahimik lang akong nakatanaw sa bintana. Sarado na ang lahat ng establisiemento. Tanging post lights na lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Napansin kong pabalik na kami ng town, ng syodad ng Baguio. Kung gano’n ay hindi nga ako nagkakakamali kanina, papuntang Benguet ang sinakyan kong jeep.

Napaayos ako ng upo nang mapagtantong hindi niya nga pala alam kung saan ako ibababa.

“Uhm, sa Bonifacio street mo na lang ako ibaba. Andun ang dorm ko.” Putol ko sa katahimikang bumabalot sa amin.

“It’s 2 in the morning. Wala ba kayong curfew?” **** Tanong niya.

Natigilan naman ako ro’n.

Shit. Oo nga, 12am ang curfew namin.

Bigla tuloy akong namroblema. May spare key man ako ng dorm, pero wala naman akong susi sa main entrance ng building. Naka-kandado rin iyon.

Napasulyap sa akin ang lalake nang hindi ako sumagot. Napaiwas naman ako ng tingin.

“Meron,” mahina kong sagot.

Hindi na siya nagsalita.

Habang ako naman ay lihim nang nangangamba. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan. Papapasukin pa kaya ako?

Mas lalo akong namroblema nang makitang papalapit na kami sa dorm ko. At ‘di nga ako nagkakamali, sarado na ang building. Mula rito sa sasakyan ay kapansin-pansin na iyon. I anxiously bit my nails.

Hinintay ko na lang bumagal ang pagmamaneho ng lalake at itigil ang sasakyan. Pero sa pagtataka ko, hindi niya tinigil ang sasakyan. Tuloy-tuloy lang siya sa pagmamaneho. Bigla akong napaayos ng upo.

“S-Sandali, dito na lang.” Alarma kong pahayag. Nalampasan na namin ang dorm!

Tumingin ako sa kanya, diretso lang naman ang tingin niya sa daan.

“You can stay at my place.” **** Aniya.

Nanlaki ang mata ko. His place?

“Kahit sakali namang wala kang curfew, I still won’t drop you anyway. I can’t leave you out like this.”

Napakurap ako. Hanggang sa natauhan ako sa kanyang sinabi.

Napaiwas ako ng tingin. Sa huli ay binaling ka na lamang muli ang mata sa bintana.

“Please do n’t feel obligated. Hindi naman tayo magka-ano-ano.” Wika ko.

“I don’t mean it that way.”

Hindi na ako nagsalita.

Guilt started consuming me. I have no idea who this man is, yet I managed to made him feel responsible for my own problems in life. Panigurado ay hindi niya lang ako maiwan dahil magi-guilty siyang mang-iwan ng taong gustong magpakamatay. He would feel responsible for my death, if ever I continue my suicide intentions.

My fingers started pulling the hem of my shirt, I feel so guilty. He shouldn’t feel that way, but because of my own fucking dramas, he’s here, trying to console a suicidal girl, when he could’ve been out there doing his own thing.

Napaka-pabigat ko talaga.

“Hey,”

Napakislot ako nang may pumatong sa aking kamay. Napatingin ako sa paligid at doon lang napagtantong hininto niya na pala ang sasakyan sa gilid ng kalye.

My gaze then dropped to my hands which he was holding; he was trying to calm my fingers from fidgeting.

“Don’t mistake my actions as a guilt response. I’m doing this because I want to, not because I feel obligated or anything else.”

Umangat ang tingin ko sa kanya. Madilim pa rin kaya hindi ko tuluyang maaninag ang kanyang mukha. Napaiwas na lamang ako ng tingin. “Totoo naman,” mahina kong pahayag. “hindi mo naman kailangan i-deny.”

He released a sigh. Sandali siyang hindi nakapagsalita. While I busied myself gazing anywhere but his eyes.

Bakit ba kami huminto?

“You’re so used to be the one understanding people, that you don’t know how to act when someone finally tries to understand you.”

His words struck a particular feeling in me. Namimilog ang mga mata kong napatingin sa kanya, napaawang pa ang aking labi.

“You don’t know what it feels like to be understood, that now someone’s trying to show you genuine concern, you mistake it as a facade, a phenomenon that is too good to be true you refuse to accept it.”

I was dumbfounded.

Hindi ko alam kung paano niya nagawang isatinig ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawang ianalisa ang nararamdaman ko nang ganoon kabilis. Para bang nabuksan niya ang utak ko saka binasa ang nakatagong liham doon.

“But listen, not every person is the same. Everything I’m showing you now is not a facade. This is who I am.”

Napayuko ako. Bigla akong nahiya. Perhaps I thought too badly of him. Hindi ko man lang namalayan na sa pagsabing dala lang ng guilt ang mga pinapakita niya sa sakin, para ko na rin siyang hinusgahan.

Bigla ay lumabas siya ng sasakyan. Sa pagsara ng kanyang pinto ay mariin akong napapikit.

Iiwan niya ba ako mga-isa rito? Nainis na ba siya sa akin? Ang tanga-tanga ko naman kasi. Hindi ako nag-iisip. Natural lang na maiinis siya sa akin. Siya na nga ang nagmamaganda-loob, ang kapal pa ng mukha ko para manghusga.

Napamulat ako nang maramdaman ang pagbukas ng pinto sa aking gilid. Sumalubong sa akin ang kanyang bulto.

“We’re here,” aniya.

Oh. Akala ko umalis na siya. Perhaps I overreacted a little bit. He didn’t sound mad at all.

Yumuko ako saka lumabas. Siya na ang nagsara ng pinto. Ngayon ko lang napagtanto na nasa parking space pala kami.

He started walking so I abruptly followed him.

Pumasok kami sa isang building. Dumiretso siya sa elevator kaya gano’n din ako.

We were quiet the whole ride. I busied myself fidgeting just so I could avoid the awkwardness between us.

Nang muling magbukas ang metal na pinto ay muli siyang naglakad. Sumunod lang muli ako sa kanya. We approached the only door existing in this floor. Mukhang siya lang ang nagmamay-ari ng palapag na ‘to.

He typed in his password and the door clicked open. Nauna siyang pumasok. Nag-aalinlangan naman akong sumunod.

My eyes automatically roamed around his place. Hindi ko naiwasang mamangha. I thought I am not capable of feeling any emotions right now, but I can’t help but to be in awe with how huge his penthouse looks!

Sa pagpasok pa lang namin ay kusang nagbukas ang mga ilaw. Nakakamangha dahil ang mga ilaw ay hindi mula sa mismong kisame, wala rin siyang ilaw na kulay puti, lahat ng liwanag ay nagmumula sa bawat sulok ng lugar. Pataas at pahaba ang mga ilaw na may pagka-dilaw ang kulay.

Upon first glance, I can already gather few facts about this guy. He loves plants and woods. Paano ay halos lahat ng kanyang furnitures ay gawa sa rattan, ang pader naman ay gawa sa walnut, ang sahig ay gawa sa puting marble, at ang bawat sulok ay mayroong iba’t ibang klase ng halaman.

I like his place actually. Napaka-refresing sa mata.

“Are you hungry? Ipagluluto kita.”

Nagitla ako nang bigla siyang magsalita. Bumalik ang tingin ko sa kanya. He was already heading straight to the kitchen.

Napatitig ako sa kanyang likuran. Ngayon ko lang tuluyang napagmasdan ang kanyang bulto. I didn’t know he’s that tall. Malapad din ang kanyang likod at braso, he probably works out.

At kaya naman pala hindi ko siya tuluyang maaninag kanina, he’s wearing a midnight blue long sleeves polo na nakatupi hanggang siko. With that, I can peep his muscular arms while he’s currently tying the apron around his waist. His muscles even flex with his every movement.

Nang makitang lilingon siya sa akin ay kaagad kong binaling ang mukha sa ibang direksyon.

“Just wait for me in the living room. Magluluto lang ako.”

Hindi na ako sumagot, dumiretso na lamang ako sa living room niya para maupo sa couch. Pagkaupo ko ro’n ay saka ko lang natanaw ang glass window niyang floor-to-ceiling, sakop no’n ang isang buong pader sa likod nitong sala. Mula roon ay kitang-kita ang kalawakan ng Baguio City.

I automatically zoned out upon staring at the abyss. Ngayong bahagya na akong bumalik sa katinuan, ngayon lang tuluyang prumoseso sa akin ang lahat.

I fought against my family. For the first time, I stood up for myself. And I don’t even feel bad about it.

Ang inaalala ko ay ang magiging relasyon namin nila mama, nila papa. Hindi ko alam kung magagawa ko pa silang pakisamahan tulad ng dati pagkatapos ng nangyari. Ni hindi ko alam kung makakaya ko pa silang harapin. Ngayon pa lang na lumalarawan ang mukha nila sa isip ko, para na naman akong nadudurog.

Hindi ako makapaniwala na nagawa nila akong talikuran. Akala ko kakampi ko sila. I didn’t know time will come when I would have to fight them, too.

Sa kanila ako humuhugot ng lakas no’n. But now that there’s already a barrier between us, who do I yield strength from?

“Pagpahingahin mo na ang utak mo, kanina ka pa nag-iisip.” Halos magitla ako nang sumulpot sa aking likuran ang lalake.

Napaiwas ako kaagad ng tingin.

“I can’t help it.” Mahinang pahayag ko.

“I know, but you gotta gain control over your mind, not the other way around.”

Inilapag niya ang nilutong pasta sa aking harapan habang ang mga mata ko ay nanatili sa aking mga daliring hindi na naman mapakali.

Humugot ako nang malalim na hininga bago sinatinig ang salitang kanina ko pa gustong sabihin.

“I’m sorry,” mahina kong wika. Namataan kong napatingin siya sa akin. Mariin naman akong napapikit. “Hindi ko sinasadyang husgahan ka kanina. I was just…” I tried to think for a reasonable excuse but I failed. Sa huli ay malalim na lamang akong napabuntong-hininga. “I don’t know. I have no excuse, I’m sorry.”

Siguro ay mapanghusga lang talaga ako, sadyang hindi ako nag-iisip nang maayos bago magsalita. I’m emotionally driven, I know that.

Napadilat ako nang hawakan niya ang mga kamay ko. Nagulat ako nang makitang nakaluhod siya sa aking harapan upang magkapantay kami. Pero mas nagulat ako nang sa unang pagkakataon, nasilayan ko na ang kanyang mukha.

“I already told you, naiintindihan ko.” Wika niya. Pero tila walang pumasok sa utak ko. Nakatitig lang ako sa kanya, pigil ang hininga.

Gagi.

Tao ba ‘to? Baka anghel pala ‘to na pinababa ng Diyos para magbalik-loob ako?

Hindi ‘yon imposible. Hindi rin ako nago-overreact. Ang nilalalang na ‘to ang pinakamalapit sa salitang ‘anghel’. Mula sa kanyang makakapal na kilay, pababa sa kanyang matangos na ilong, pababa pa sa kanyang mapupulang labi na mas makapal pa sa akin. At grabe, siya na ang kilala kong may pinaka-prominenteng panga.

Subalit, kahit gaano pa ka-anghel ang lahat ng bahagi ng kanyang mukha, kasalungat naman no’n ang kanyang mga mata. His eyes asserts dominance even though he’s not even trying to, the total opposite of an angel’s eyes; his eyes reflect the orbs of a devil. Lahat ay pangangatugan ng tuhod kapag binalingan ng mga matang iyon.

“S-Salamat sa pag-intindi.” Napalunok ako.

Tipid naman siyang ngumiti. “Huwag mo nang isipin ‘yon. Hindi naman ako madaling galitin.”

Hindi ko naman alam kung paniniwalaan ko ang kanyang sinabi. Talaga lang ba? Mukha siyang—- ayan ka na naman Fayven. Huwag ka ngang judgmental!

“Salamat,” tugon ko na lang.

Tumayo na siya bago nagtungo sa maliit na mesang nasa harap namin.

“Kumain ka muna.” Nilapit niya sa akin ang plato. Wala akong ganang kumain pero ayoko namang mapunta sa wala ang effort niyang pagluto, kaya inabot ko na lang din ang tinidor para magsimulang kumain.

Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang sumusubo. Nakaupo na siya sa harapan ko habang may bina-browse sa laptop na nasa mesa. Bahagyang magkasalubong ang kanyang makapal na kilay habang may binabasa. His upper body is slightly leaning forward, nakapatong ang kanyang kaliwang siko sa kanyang tuhod habang ang kaliwang kamay naman ay pinaglalaruan ang kanyang pang-ibabang labi.

My eyes fixated on his lips. Mariin akong napalunok. Pero yung pagkain, hindi ko malunok! I’m choking!

“Fuck. Are you okay?!” Agad akong dinaluhan ng lalake nang mapaubo ako. Inabot niya sa akin ang isang baso ng tubig mula sa mesa na siyang agad ko namang ininom. Hinimas niya ang aking likuran habang patuloy ako sa pag-inom.

Nang mahimasmasan ay malalim akong napahinga. “Okay ka lang?” tanong niya bago binalik ang baso sa mesa.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kahihiyan.

“Oo, sorry. Na-distract lang ako sa—” sa sarap mo. “—sa sarap ng luto mo.”

“Are you sure? You’re not attempting to kill yourself again, are you?” He asked suspiciously. Nanlaki naman ang mga mata ko.

“Hindi ‘no! Sinong gustong magkaro’n ng record na **cause of death, ** choking?!” Buti sana kung ang dahilan ng pagkabulunan ko ay tit—-

“I was just making sure.” Aniya. Bumalik na siya sa kaninang inuupuan. Habang ako ay tuluyan nang nawalan ng gana kumain.

Napapabuntong-hininga akong sumandal sa kinauupuan. Luminga ako para maghanap ng orasan. It’s already 3AM. 9:00AM ang unang klase ko para bukas. I can’t miss our first day of school.

“Gusto mo na bang magpahinga?” Bumalik ang tingin ko sa kanya. Sumulyap siya sa akin mula sa kanyang laptop.

I avoided his gaze. “Oo sana. May klase pa ako bukas ng alas nuwebe.”

Napatango siya bago sinara ang kanyang laptop. “I can drive you home at seven in the morning. Would that be okay?”

Napakamot ako sa noo. He already done enough. “Magco-commute na lang ako.”

“I insist.” Tumayo na siya sa kinauupuan. “Come follow. I’ll lead you to the guest room.”

Wala na akong nagawa. He’s really persistent. Kaagad na lamang akong sumunod sa kanya. We headed towards the right part of his penthouse. May pinto siyang binuksan doon.

“This is the guest room.” Aniya saka sumandal sa pinto, ang kamay niya ay nanatili sa doorknob. “If you need anything, just knock on my room. My bedroom’s over there.” Tinuro niya ang bandang likuran ko kaya napalingon ako.

Katapat mula rito sa kinaroroonan namin ay may hagdan paakyat. Nasa ikawalang palapag ang kanyang silid.

Binalik ko ang tingin sa kanya. “Sige, salamat.”

I waited for him to leave, but a few seconds already passed, and he just remained staring at me. Hindi ko tuloy maiwasang mailang.

Lumikot ang mga mata ko sa kaba. Ngayon ko napatunayang nakakangatog nga talaga ng tuhod ang mga mata niya. His voice is soothing, I’ll give him that, but his eyes? Ibang usapan na ‘yon.

“Ah, may kailangan ka pa ba?” Hindi ko na mapigilang tanong nang makalipas ang isang minuto ay nakatitig pa rin siya sa akin.

“You won’t do anything, right?” Tanong niya.

Kunot-noo naman akong napatingin sa kanya. “Ano?”

Napahinga siya nang malalim. “I don’t want to leave you alone.” He chewed his lower lip. “I know you need your privacy but…” Muli siyang napabuga ng hangin bago ako tinignan diretso sa mata. “Hindi ka naman magtatangka ulit, diba?”

Natigilan ako. He really looks bothered while his eyes never left mine.

Iyon pala ang inaalala niya. Ang ituloy ko ang balak na pagpapakamatay sa oras na mag-isa na lang ako ulit.

“Hindi ako magtatangka uli.” I assured him.

Tumitig siya sa akin, tila tinatantsa kung nagsasabi ako nang totoo. Nang makitang walang bahid ng kasinungaling ang sinabi ko ay mukha naman siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. He sighed in relief.

“I trust you.” Wika niya saka umalis sa pagkakasandal sa pinto.

Nagsimula na siyang maglakad paalis, magsasaya na sana ako pero hindi ko inaasahang hihinto pa pala siya sa aking harapan. Napatingala ako sa kanya.

“I just wanna say one more thing… Whatever happened, and whatever you are going through, you deserve none of it. You deserve more.”

Hindi niya na hinintay ang sagot ko, nilampasan niya na ako.

Nanatili naman ako sa aking kinatatayuan. Pinoproseso ang kanyang sinabi.

_“You deserve more.” _

I smiled, genuinely yet laced with bitterness. That statement touched something in me again. Somehow, it comforted me. He never fails to make me feel better.

Pumasok na ako sa kwartong buhat-buhat ang pag-asang binigay niya sa akin. Salamat sa kanya, kahit papaano, umaasam na muli uli ako para sa bukas.

I slept carrying that little hope in me. Surprisingly, naging mahimbing ang pagtulog ko. Kadalasan ay hindi ako nakakatulog nang mahimbing kapag nasa ibang bahay ako, namamahay ako. Pero ngayon, malalim ang naging pagtulog ko. Marahil dala ng pagod, o marahil ng pinagsama-samang emosyon. It doesn’t really matter.

Hindi nga sana ako maaalimpungatan kung hindi lang ako nilamig nang sobra. Hindi ko na nga binuksan ang aircon, pero sobra pa rin para sa akin ang lamig na dala ng Baguio.

I shifted to a crouching position. Hindi sapat ang kumot na nakabalot sa akin. Ang lamig pa rin.

The temperature is starting to make me feel uncomfortable, when suddenly, I felt a thick material placed over my body. Suddenly, it didn’t feel cold anymore…

I was too groggy to even bother how that happened. Kaagad na lang akong kumapit sa malambot na materyal na ‘yon, probably a comforter. Hindi rin nagtagal ay muli akong hinila ng kaantukan. The last thing I heard was a door being shut closed.

Kabanata VII

“GOOD morning, block A of BS Psychology! Welcome to your first day as freshmen! I am Mrs. Tina Rivera, a registered psychologist and I will be your instructor for Developmental Psychology I.” Masigasig na bati ng propesor namin. Pinigilan ko ang mapahikab. Pati pagdilat ay hirap na hirap ako, pakiramdam ko ay kahit anong oras babagsak na ang mga talukap ko sa antok. “Since our class serves as your first period, it would be a shame if I don’t allow you to introduce yourselves and get to know your blockmates. However, I would be discussing first the rules and regulations of my class, from there, we’ll proceed to the introduction.”

Dahil sa kanyang sinabi ay nagising ang aking diwa. Ugh. Introduction. My social anxiety is screaming.

Kumuha ako ng ballpen at papel sa bag. Sinimulan kong isulat ang sasabihin para sauluhin ‘yon. Ayokong nagkakamali. I’ll end up overthinking my mistake.

“For everyone’s awareness, our university has a written rule regarding tardiness. If a student is 15 minutes late, they are considered absent. Same goes to the instructor, if they happened to be 15 minutes late, their students can freely exit the class. The students won’t be deemed absent, the professor will be.”

She proceeded sharing more university rules. Nakahalumbaba lang ako habang nakikinig. Minsan ay napapatulala ako sa bintana, tabi ko lang kasi ‘yon at talagang nakakaakit tumitig sa langit at hindi na makinig. Sabog na sabog pa rin talaga ako.

It was 7AM when he drove me home. Our last conversation is how I thanked him to the core. Pero ang nakakainis? I didn’t even get to ask his name. Nakalimutan ko.

Oo nanghihinayang ako. But on the second thought, what’s the use of knowing his name anyway? Hindi naman na kami magkakatagpo.

“Speaking of tardiness,” wika ni ma’am nang may estudyanteng pumasok sa klase.

Napalingon kami lahat sa direksyon ng pinto. Isang lalakeng naka-white shirt at checkered long sleeves polo ang pumasok sa pinto. Buhat nito ang kanyang itim na bag sa isang balikat.

“Sorry I’m late, miss.” Napapakamot sa kilay nitong pahayag.

Napabungisngis naman ang iba kong kaklase. Habang ako ay napatitig lang sa lalake, pamilyar siya sa akin.

“Since this is the first day, I’ll let this pass. Come in.” Ani ng prof. Mukha naman itong hindi galit. She looks very understanding actually. Lahat naman ng kilala ko sa industriya ng sikolohiya ay marunong umintindi.

Pumasok na ang lalake. At dahil sa tabi ko lang pala ang may bakanteng pwesto, ay wala siyang pagpipilian kundi doon maupo.

Nilapag niya ang bag sa sahig saka komportableng naupo. Ngayong malapitan ko na siyang nakita ay saka ko lang napagtanto kung bakit siya pamilyar sa akin. Saka lang nagrehistro sa utak ko kung saan ko siya nakita noon! Siya lang naman iyong lalakeng muntik nang makabangga sa akin ng bike sa Burnham park.

Nang marahil ay napansin niya ang paninitig ko ay napalingon siya sa akin. Kaagad ko namang siyang nginitian. Nangunot ang kanyang noo.

He fixed his glasses, as if to check if what he’s seeing is right. Hindi nagtagal ay bumaha ang realisasyon sa kanyang mukha.

“Uy! Ikaw ‘yong muntik ko nang mabundol, ‘di ba?”

Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya. Sa huli ay tumango na lang ako. “Ako nga. Kamusta ang katawan mo? Wala namang sumakit sa’yo?”

“Kapag sinabi ko bang meron papanindigan mo?”

“Hindi,” diretsong pahayag ko, ni hindi ko man lang pinag-isipan. Natawa siya.

“Ang liit naman ng mundo. Isipin mong magka-block pala tayo.” Napapailing niyang pahayag.

“Oo nga eh, ang malas ko talaga sa buhay.”

“Ang harsh mo sa akin.” Komento niya pero patawa-tawa naman. “Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil niligtas ko ang buhay mo.”

“Mas magpapasalamat pa ako sa’yo kung tinuloy mo ang pagbundol sa akin.”

“Grabe. Masokista ka ba?”

Napasimangot ako sa tanong niya. Masokista talaga agad? Hindi ba pwedeng umay lang talaga ako sa life?

Pero sabagay, hindi ko naman siya masisising iniisip niya ‘yon. Sa sinabi ko sa kanya, it seemed like I’m a huge fan of pain.

“Depende sa klase ng sakit.” Sagot ko na lang saka komportableng sumandal sa armchair ko.

“Ano ibig mong sabihin?” Tumagilid ang ulo niya sa pagtataka.

Napangisi naman ako. “Secret.”

Napakamot siya sa kilay. Itinuon ko naman na ang atensyon sa propesor, nagsisimula na pala ang introduction naming mga estudyante.

Nasa bandang dulo ang pwesto namin kaya matagal pa bago kami. Nakinig na lang ako sa mga kaklase ko. Umabot din ng ilang minuto bago umabot sa amin. I introduced myself briefly, just like what I memorized.

**“Hi, I’m Fayven Leone Mojica, 18, from Olongapo City. My hobbies lean towards arts & crafts, I love painting from time to time as well as occasionally writing poetries. The reason why I chose psychology is to grasp a better understanding of why people think the way they think. Aside from that, I wanna work in the field of psychology to help people cope from the crisis they are facing.” **

Lihim akong nagpasalamat nang hindi ako nautal. Naupo na ako ulit. Iyon lang naman ang sinabi ko pero sobra na sa pagkabog ang dibdib ko. Ang laki na agad ng kaba ko.

Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Sa kabilang banda, ang katabi ko naman na ang tumayo para ipakilala ang sarili.

“Good morning, everyone. My name is Steven Liu, 19, originally from Ilocos Sur.

He proceeded introducing himself. His hobby caught my attention. He mentioned writing short stories when he’s bored.

Nagsusulat din siya? Napakabihirang makakilala ng lalakeng hilig ang pagsusulat.

Nang matapos siyang magpakilala ay naupo na siya. Kaagad ko naman siyang dinaluhan.

“Nagsusulat ka talaga?”

Bumaling siya sa akin. “Mukha ba akong sinungaling?”

“Medyo.” Napasimangot siya kaya natawa ako. “B iro lang. So, nagsusulat ka talaga?”

Hindi ko maitago ang excitement sa boses. I don’t usually get along with other people, unless I found a certain similarity with them. That similarity could then serve as a bridge for our friendship.

“Yes, though medyo focused ako sa pagluluto ngayon. Lately na-eenjoy kong magluto ng Japanese cuisine.” Napatango-tango ako. Interesting.

“Okay class,” napatingin kami kay ma’am nang pumalakpak ito ng isang beses para kunin ang atensyon naming lahat. “Since we still have half an hour left, I’m giving you the remaining time to get to know your seatmate. Para naman hindi na kayo nag-iisang umiikot dito sa campus, ‘di ba? Spend the time to make some friends.”

Great.

Also, **I highly encourage each and everyone to attend the acquaintance party on Friday next week ** to build friendships with your blockmates, or even with other blocks. Makakatulong din ‘yon para makapag-decide kayo kung aling club ang nararapat niyong salihan.” Habol pa ng propesor.

I’ve heard about that acquaintance party. Nakita ko ang poster no’n kanina sa may bulletin. Though I doubt that I would be attending.

“Pupunta ka?” Tanong ni Steven.

Nagkibit-balikat lang ako. “‘Di ko alam.”

“Pumunta ka, masaya ro’n. Pupunta ako.”

Hindi na ako sumagot. Depende na lang siguro sa biyernes kung matripan kung pumunta. Sa ngayon, wala akong kagustuhang makihalubilo sa iba.

PAGKATAPOS ng klase ay dumiretso na kami sa susunod pang klase. Muli kaming pinag-introduction, pero ngayon, hindi isa-isa.

We were tasked to form a group of 5. There, we’ll introduce ourselves individually by sharing the origin of our name. Then after 5 minutes, we’ll switch to other groups. Maglilibot kami hanggang sa tuluyan kaming makaikot sa buong klase.

“Hello again, my name is Fayven Leone. Faven is an African name that means _light, _ while Leone is a latin word for _lioness _ .”

Gano’n ang naging routine namin sa lahat ng klase. Iba-ibang klase ng introductions. May normal lang, meron din namang may halong twist. So far, maayos ko naman nang nakikilala ang mga blockmates ko.

Nang mag lunch break ay napagdesisyunan kong sa dorm muna tumambay. Gusto ko pang matulog at magpahinga. Tutal ay nakakain na rin naman na kami ni Steven sa tabing karinderya kanina, kasama ang iba naming blockmates na unti-unti na rin naming nagiging close.

Habang paakyat ng building ay hindi ko maiwasang maalala ang lalake kagabi. Kanina pa siya kusang sumusulpot sa isip ko, pilit ko lang iyong isinasantabi. Nakaukit na yata sa utak ko ang kanyang mala-anghel mukha, lalo na ang kanyang mga mata.

Isa pa, palaisipan din sa akin ang nangyari kanina paggising ko. Paggising ko ay may comforter na nakabalot sa akin, wala naman akong maalalang merong gano’n sa kama nung matulog ako? Nakakapagtaka.

Marahas akong napailing. Baka naman hindi ko lang napansin. Masyado na rin akong sabog para mapansin pa ang ganoong maliliit na bagay.

Nang maabot ko ang dorm namin ay kaagad ko na nang binuksan ang pinto. Magtutuloy-tuloy lang sana ako patungo sa aming silid nang isang nakakabinging sigaw ang pumigil sa akin.

“Fayven Leon Mojica! Saan ka nanggaling, babae ka?!” Parang nagising yata ang buong diwa ko sa sigaw ni Annika. Napahawak pa ako sa dibdib sa gulat!

Magkasalubong ang kilay naman itong namewang sa harap ko.

“Kagabi ka pa namin tinatawagan! Bakit hindi ka umuwi, aber?!” Segunda pa ni Bree na ngayon ay halos umabot na sa langit ang taas ng kanyang isang kilay, pinagkrus pa nito ang mga braso sa kanyang dibdib.

Napakamot naman ako sa ulo. Kanina nang bumalik ako dito sa dorm ay tulog pa sila, mas maaga kasi ang kanilang schedule kaya nakatakas ako. Pero ngayon ay mukhang wala na akong kawala.

“Umuwi ako ng Olongapo,” amin ko na lang. “Nagka-emergency kasi. Namatay ang phone ko, wala akong dalang charger. Ngayon lang ako nakauwi.” Totoo naman ang una kong sinabi, maliban sa pinakahuli. Ayoko nang iladlad pa ang pinag-gagagawa ko kagabi. Nakakahiya ring amining nagawa kong makituloy sa isang taong hindi ko naman kilala.

“Ha? Anong emergency?” Tila nag-aalalang tanong ni Bree.

Napabuntong-hininga na lang ako. “Naresolbahan naman na kaya ayos na . Sa ngayon gusto ko lang talaga magpahinga, wala pa akong maayos na tulog.”

“Gano’n ba? Magpahinga ka muna pala. Kumain ka na ba?”

I smiled at Annika, even at Bree who’s also looking at me worriedly. I didn’t know they care about me.

“Oo, salamat.”

Thankfully, pinakawalan na nila ako. Panigurado ay naramdaman din nila ang pagod sa boses ko. Hindi ko naman pinepeke ang nararamdaman kong pagod, gusto ko na muna talagang magpahinga.

Pagkapasok ko sa aming silid ay inalis ko muna ang aking sapatos bago naupo sa kama. Kinuha ko rin ang bag, na siyang dala-dala ko kahapong pumunta ng Olongapo, para kunin ang aking phone.

I pressed the power button to turn it on.

Hindi naman totoong namatay ang battery nito, I turned it off myself. In-off ko ito kahapon sa bus pa lang dahil sa walang sawang tawag na natatanggap ko mula kay Angelli.

As expected, halos sumabog ang phone ko gawa ng sunod-sunod na pagrehistro ng notifications at missed calls. Karamihan ay mula kay Angelli, meron din mula kanila mama at papa.

Hindi ko na binuksan ang mga messages. Ini-scan ko na lamang ang mga ‘yon mula sa notification banner, at nang makitang halos paulit-ulit lang naman ang mga ‘yon ay hindi ko na inabalang buksan.

Napabuga na lang ako ng hangin. I was already one step away from clearing all the notifications when I suddenly noticed an unregistered number. Nangunot ang noo ko. Kaagad ko iyong pinindot.

From: 0912 345 6789
8:05 a.m.

Good morning, Ms. Mojica! This is to inform you about your first appointment with your psychiatrist on 9:30AM, Saturday, August 21. Just head to the front desk and you will be assisted immediately. Please kindly reply as an indicator that you have received this message. Thank you and have a great day!

Napakagat ako sa loob ng aking pisngi matapos iyong basahin. Hindi ko alam kung interesado pa akong ipagpatuloy ang therapy ko. Pakiramdam ko ay wala na naman akong ganang magpatuloy o gumaling. Hindi ko tuloy alam kung ano ang irereply.

Akmang magrereply na ako sa kanila pero bigla namang sumulpot ang low battery warning. Napapabuntong-hininga ko na lang na binaba ang phone. Muli kong inabot ang bag para kunin doon ang charger.

Kinapa ko ang loob para hanapin ang charger, pero nakapa ko na yata lahat ng parte, wala pa rin akong nahahagilap na wire. Nangunot ang noo ko.

I started rummaging around my bag. Sa huli ay tinaktak ko na ‘yon para mahulog ang mga laman sa kama. Wala akong charger na nahagilap, pero sa pagtataka ko, isang itim na papel ang nahulog mula sa loob.

Bumagsak ang tingin ko ro’n.

Nangunot ang noo ko. Hindi iyon pamilyar sa akin. Wala akong naaalalang may sinuksok akong itim na papel sa bag ko. Maliit lang ‘yon, kasing liit ng isang sticky note.

Taka ko iyong pinulot. Akala ko nung una ay blanko lamang ‘yon, pero nung inikot ko ‘yon, doon ko lang napagtanto na may nakasulat pala sa kabilang parte no’n.

T ake this note as a reminder that somebody cared, and will always care for you. If there’s someone who must love you like crazy, please, let that be you. You deserve the love and understanding you give to everyone. Share a little for yourself.

Hindi ko na kailangan alamin kung kanino ito galing. Sino pa nga ba ang may alam ng pinagdaanan ko kagabi?

Kusa akong napangiti. I didn’t know a stranger would be able to affect me this much. Kailan niya kaya ito sinuksok sa bag ko?

Napailing na lang ako. Inabot ko ang wallet ko para sana isuksok na ro’n ang sulat at itago, nang mapansin kong mayroon pa pala akong nakaligtaang basahin. Nangunot ang noo ko. Sa bandang baba ng papel ay may mas maliliit na letra dahilan para hindi ko iyon kaagad napansin.

Naningkit ang mata ko sa pagsubok basahin no’n. Ang liit masyado, akala mo ay hindi niya gusto ipabasa sa akin ang nakasulat doon. It took me a tremendous amount of effort just so I could read that part. And when I was finally able to, hindi ko alam kung pagsisisihan kong pinilit ko pa iyong basahin.

P. S.: You look pretty when you sleep.

Napakurap ako.

What?

Kabanata VIII

A/N: Sorry for waiting. It’s been such a hell week in SLU rn. I’ll try to update faster next time :} Enjoy reading!

\-

DAYS went by quick. Although for me, everything felt so slow. Walang oras na hindi pumasok sa isip ko ang huling nangyari sa Olongapo. At tuwing naaalala ko ‘yon, bigla-bigla na lang akong natutulala. It’s something I can’t control.

Nakakapansin na nga sina Annika. Maging ang mga kaibigan ko sa school, akala nila ay sadyang palagi lang akong sabog. When in fact, that’s not a normal thing for me to do.

Sadyang hindi ko mapigilan. Walang sawang umuulit-ulit sa utak ko ang mga salitang binitawan nila. Hindi ko mapigilang umiyak tuwing gabi, tuwing tahimik na ang kwarto at ang tanging naririnig ko na lang ay ang utak kong punong-puno ng paninisi nila.

Kaya minsan ay nagpapalipas na lang ako ng gabi sa iba’t-ibang lugar, para kahit papaano ay ma-distract ang utak ko. Minsan ay naglalakad-lakad lang ako sa session road. Somehow, it helps calming my mind.

I admit, suicidal thoughts often visit me. Lalo na tuwing pakiramdam ko ay hindi ko na kaya. Pero tuwing nangyayari ‘yon, kusang umaalingangaw sa utak ko ang mga sinabi ng lalakeng tumulong sa akin. Kusa ring sumusulpot ang batang-ako sa aking harapan. They both served as my motivations to keep going. That’s why I’m still here, trying to continue existing.

“Saan ka pupunta? Sisimba ka?” Dinaluhan ako ni Bree sa umagahan. Hihikab-hikab pa siya habang suot ang kanyang pajamas.

Alas otso pa lang ng umaga. Nakakahayok sanang matulog pa dahil sa lamig, pero hindi pwede.

Kasalukuyan na akong nagkakape, bihis na para sa lakad ko.

“Anong magsisimba? Sabado pa lang.” Wika ko saka humigop sa aking tasa.

Ah, ang sarap talaga ng mainit na kape sa malamig na umaga. Lalo na’t hangin pa ng Baguio ang dadapo sa’yo. Kahit papaano ay nakakaganang mabuhay.

“Ah, sabado pa lang ba.” Tila sabog niya pang pahayag.

Bahagya akong natawa. “Bakit ba bumangon ka na? Maaga pa ah.”

“Ikaw nga ang aga-aga bihis na bihis na. Saan lakad mo?”

Ngumiti lang ako. I don’t want ro reveal that I’m attending clinical therapies. Panigurado ay seseryosohin na nila ang mga suicidal jokes ko. ‘Yon pa naman ang main humor ko.

“Sa Burnham lang, magjo-jogging.”

“Magjo-jogging kang naka-crop top?” Poker face niyang tanong. “Teh, nasa Baguio ka. Baka maka-sampung kilometro ka na hindi ka pa rin pagpawisan.”

“Magja-jacket naman ako mamaya.”

Umismid siya, natawa na lang ako.

Mag-jacket ka na ngayon, jusko, baka kabagin ka pa.”

“Opo na, boss.”

Para matahimik na ang utak niya ay sinuot ko na ang jacket na kanina’y nakapatong lang sa mesa. Inubos ko na rin ang kape nang mapansing malapit nang mag-alas nuwebe.

Ang lamig na nga ng kape, kumurap ka lang, pagtingin mo malamig na ang kaninang mainit mong kape. Cons of living in Baguio. Kailangan ko na talagang bumili ng insulated tumbler.

“Una na ako,” paalam ko sa kanya matapos kong hugasan ang pinag-inuman kong tasa.

“Taray naman ng jogging outfit mo, naka-boots ka pa. Parampa ka bang tumakbo?” Usisa ni Bree mamataan niya ang suot kong sapatos.

Tumawa na lang ako. Alam kong pansin niya nang hindi talaga jogging ang lakad ko. Sinasakyan niya na lang ang kasinungalingan ko.

Kinindatan ko na lang siya bago ako tuluyang lumabas. Pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto ay kusang bumagsak ang ngiti ko. My mood instantly changed. Nawala ang maskarang suot ko ngayong wala nang ibang tao.

Everything is just a font. Nagpapanggap na lang akong masaya tuwing may kasama akong ibang tao. I wear a mask so they don’t see how miserable I actually am. I feel like a puppet, and I’m the puppeteer myself.

Napabuntong-hininga na lang ako, sa sobrang lalim ay umangat pa ang magkabilang balikat ko.

Hindi naman na bago sa akin ang pagpapanggap. Why should I dwell on it?

Pagkalabas ko ng building ay bahagya pang tahimik ang kalsada, hindi katulad tuwing weekdays kung saan palaging traffic ng ganitong oras.

I glanced at my watch. May 30 minutes pa ako, lalakarin ko na lang siguro ang daan. I need to clear my mind.

Sa totoo lang ay hindi pa ako sigurado kung paano mago-open up mamaya sa psychiatrist ko. Dati ay unti-unti ko nang nagagamay, pero ngayong may panibago na namang akong dapat ikwento—ang nararamdaman ko sa hindi pagkakulong ni uncle—hindi ko na alam kung paano iyon sisimulan. Back to zero na naman ang paghilom ko. All my progress went down the drain.

Sumagap ako ng hangin pagkatanaw ko sa clinic na kaharap ko na ngayon. Hindi ako sigurado kung magagawa kong makapag-open up kahit kanino ngayon, I know for sure I would easily breakdown.

I sighed. I guess I’ll just cross the bridge when I get there.

Pumasok na ako ng building. Just like what they instructed, dumiretso ako sa front desk. The same front desk girl greeted me with enthusiasm.

“Good morning, madame! Ms. Mojica, tama po ba?”

Tumango ako at ngumiti. “I have an appointment with a psychiatrist, 9:30AM.”

Agad niyang chineck ang monitor na kaharap, napatango-tango naman siya bago bumalik ang kanyang tingin sa akin. Suot pa rin niya ang kanyang maaliwalas na ngiti.

“Your psychiatrist would be Dr. Kier Adelman. He’s already waiting for you. His office is on 2nd floor, room number 206—-” natigil siya sa pagsasalita nang biglang nag-ring ang kanyang katabing telepono. Bumagsak ang tingin niya ro’n. Suddenly, her expression became troubled, probably torn between assisting me or answering the phone.

“Okay lang, I can wait.” Pinangunahan ko na siya.

Apologetic niya naman akong nginitian. “I’m sorry, just a minute, ma’am.”

Nginitian ko na lang din siya as a go signal that it’s okay. She eventually picked up the phone. Inabala ko na lang ang sarili sa pagmamasid sa paligid.

“Hello, this is Seeking Light’s—oh, yes, sir?—” I tried to look for a distraction as she talk with the person on the other line. Ang kintab naman ng sahig dito. “Uh… you mean Ms.—yes, sir, she’s already here—” Napatingin ako sa kanya nang mapansing sumulyap siya sa akin. Kaagad din naman siyang umiwas ng tingin. “Okay, sir. Copy.” Binaba niya na ang tawag.

Tumingin muli siya sa akin at muling ngumiti, pero ngayon, kapansin-pansin na nawala na ang pagkaaliwalas ng kanyang ngiti. Sa likod ng kanyang ngiti ay parang may nakakubling pagkabalisa.

“Aplogies, ma’am—-”

“Hindi, ano ka ba, okay lang talaga.” Putol ko sa kanya. Baka ang paghintay ko ang dahilan ng pagkabalisa niya samantalang maliit na bagay lang naman ‘yon. I hate making people bad.

Umiling naman ito. Nangunot ang noo ko ro’n. “It’s not about that, ma’am. A sudden change was just recently announced.” She forced a smile. “Anyway, just proceed to 3rd floor, room number 310 . Your psychiatrist awaits there.”

Napakurap ako.

Room 310? Hindi ba sinabi niya lang kanina, room 206?

Napakamot ako sa aking braso. Iyon ba ang sinasabi niyang sudden change? I’m guessing my psychiatrist changed rooms?

Gusto kong magtanong sa pagtataka, pero dinidikta naman ng utak ko na hayaan ko na lang.

Sa huli ay hindi na ako nag-usisa pa. I don’t want to make a big deal out of it. Nginitian ko na lang muli ang babae bago nagpasalamat.

Dumiretso na ako sa elevator. I immediately pressed the 3rd floor.

Napayakap ako sa sarili habang nagsisimula nang umakyat ang elevator. Nilalamig ako sa kaba, lalo na ang mga kamay ko, para akong may hinawakan na yelo sa lamig ng mga ‘yon. I’m feeling anxious.

Nang tumunog ang elevator ay nagdalawang-isip pa ako kung lalabas na ako. Mariin akong pumikit at malalim na bumuntong-hininga. Nagtatalo ang isip ko. Alam kong hindi pa ako handa. Pero nandito na ako. Ngayon pa ba ako aatras?

I tried to empty my mind. Nang dumilat ako ay tuloy-tuloy na akong lumabas. Isinantabi ko lahat ng pagtutol sa aking utak at dire-diretso nang naglakad.

Tumingin ako sa silver plate ng unang pinto, 301. Kung gano’n ay ang pinakadulo ang 310.

Tinahak ko na ang pasilyo. Tahimik ang paligid, ako pa lamang kasi ang tao. My heart is still beating faster than normal, I just tried to brush it off.

Nang maabot ko ang dulo kung nasaan ang huling pinto ay napatigil ako sa paglalakad. Kakaiba ang pintong ito, kung ang ibang pinto ay nasa kaliwa at kanan, ang pintong ito ay nasa gitna. Ito rin ang natatanging double-door, hinala ko tuloy ay ito ang pinakamalaking silid.

Inayos ko ang sarili at ilang beses na pinakalma ang sarili. Nang makuntento na ako sa ayos ko ay inangat ko na ang kamay at kumatok.

I looked at the time. 9:35. Gagi, late na pala ako. Bakit hindi ko man lang napansin—

Sa hindi inaasahan ay biglang bumukas ang pinto. Halos mapatalon ako sa gulat! Ang inaasahan ko lang ay isang senyales na maaari na akong pumasok, hindi ko inaasahang bubukas ang pinto!

Gulat akong napatingin sa taong lumabas.

“Ay ne, pasensya na, ikaw ba ang unang pasyente ni sir?” Tanong ng matandang lalakeng nagbukas ng pinto. May hawak itong mop, mukhang kalilinis lang nito sa loob ng silid.

Tumikhim naman upang ayusin ang sarili bago ako tumango. “Ah, opo. Nandyan po ba siya?”

“Panigurado parating pa lang ‘yon. Ang alam ko nga ay wala siyang trabaho ngayong umaga kaya ngayon ako naglinis.” Tuluyan na itong lumabas, iniwan niyang nakabukas ang pinto. “Sige, pasok ka na. Hintayin mo na lang siya.”

Tumango naman ako saka bahagyang yumuko. “Salamat po.”

“Walang anuman.”

Umalis na ito. Ako naman ay napakamot sa batok. Wala pa pala ang psychiatrist ko. Buti na lang, akala ko late na ako. Buti na lang mas late siya.

Pumasok na ako sa loob. Sinara ko ang pinto habang iniikot ang tingin sa paligid.

Tama nga ako, the room is big. Much bigger than the room where I was interviewed the last time. Mukhang lounge ang silid. Kakaibang-kakaiba ang interior dito sa loob kumpara sa labas na puro puti. This room is filled with wooden materials, it feels cozy here. It doesn’t look like an office. Mayroon pang mga halaman sa iba’t-ibang sulok ng silid. It complimented the wooden interior well.

Nagtungo ako sa brown leather couch na nasa gitna para maupo ro’n. Nakatalikod ako sa pinto dahil sa inupuan kong posisyon. I like this sit better, natatanaw ko mula rito ang malaking glass window. Mabuti na lang at hindi mataas ang sikat ng araw.

Gayunpaman ay unti-unti ko nang nararamdaman ang init dahil sa suot na jacket. Hinubad ko na lang muna ang suot na jacket para maibsan ang nararamdaman. Hindi naman mainit, sadyang naaalinsangan lang ako sa jacket na suot. Para akong nasa impyerno—

Nagitla ako nang biglang nagbukas ang pinto. Muntik pa akong mapamura sa gulat!

Taranta kong nilapag ang jacket sa katabing upuan bago ako tumayo. Muling nanumbalik ang kaba sa dibdib ko.

“My apologies for being late.” A familiar voice spoke.

In an instant, my finger started fidgeting. Napayuko ako. Ito na nga ang kinatatakutan ko. Ngayon ko talaga nakumpirmang hindi pa ako ready mag-open up! Baka pwede pang mag-back out? Maybe I should tell this concern to my psychiatrist? Maiintindihan niya naman, diba?

Natigil ako sa pag-iisip nang may kamay ang lumahad sa aking harapan. He’s initiating a handshake.

Napalunok naman ako bago tinanggap ang kanyang kamay.

“F-Fayven Leone…” I introduced myself while letting him shake my hand.

To my surprise, he gently squeezed my hand. Dahil doon ay awtomatikong umangat ang tingin ko sa kanya.

Our eyes met, and I almost lost my balance upon seeing those familiar eyes.

Awtomatikong tumigil ang aking paghinga, pati yata pagtibok ng puso ko maging pagdaloy ng dugo ko ay tumigil.

Marahil sa oras na ‘to, tinakasan na ng dugo ang aking mukha.

“I’m Dr. Dark Aris Vergara, I’ll be your psychiatrist and your therapist for the rest of our _professional _ relationship.

Natanga ako sa kanyang harapan. Bagsak ang aking panga habang tila sirang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kanya.

Tama ba ang nakikita ko? Baka naman namamalikmata lang ako? Baka sa sobrang pag-iisip ko sa taong ‘yon ay ang mukha niya ang nakikita ko ngayon?

Pero hindi… malinaw pa sa malinaw. ‘Yong lalakeng nagligtas sa akin mula sa pagpapakamatay ang siyang nasa harapan ko ngayon!

Maagap kong binawi ang kamay mula sa kanya. Hindi ako nakapagsalita. Nablanko ang utak ko.

“Hey, are you alright?”

Confirmed… It really is him. I know that soothing voice well.

Paulit-ulit akong napalunok.

Don’t panic. Don’t panic. Don’t panic.

“T-There might be a mistake. Sabi sa front desk kanina, Kier Adelman ang pangalan ng psychiatrist ko.” Wika ko nang sa wakas ay bumalik ang katinuan sa utak ko. “A-Ano ulit ang pangalan mo?”

I’m pretty sure hindi Kier Adelman ang sinabi niya kanina.

He stared at me. Napaiwas ako ng tingin, pero parang nakamagnet ang mga mata ko sa kanya na kahit anong iwas ang gawin ko, kusa ring bumabalik ang mga mata ko sa kanya.

Shit. Seeing him in a dark long sleeves polo is already intimidating enough, but seeing him in a white laboratory gown? That’s something else. Hindi ko alam na mas may ikaka-intimida pa pala siya. He’s even wearing thin glasses that suited his face well.

“Dark Aris…” He repeated in a monotone voice before adjusting his glasses. “I don’t know why they told you that Dr. Kier will be your psychiatrist, b **ut I’m pretty sure you’re mine. **

Napakurap ako. Tumalikod siya sa akin para magtungo sa kanyang desk. May kinuha siyang papeles doon bago bumalik sa aking harapan. Inangat niya sa aking harapan ang hawak na brown envelope.

“I have your test results here. Is this enough proof?”

Napatitig ako sa brown envelope na ‘yon.

He knows… He knows everything about me.

Iyon din marahil ang sagot kung bakit hindi siya nasurpresang makita ako. He was probably already expecting that I’ll be his client.

Para akong mauubusan ng hininga nang bumalik ang tingin ko sa kanya. I am still in a state of shock.

“I’ll be elaborating these results to you… Fayven Leone.”

Tila yata sumikdo ang puso ko nang banggitin niya ang aking pangalan.

He looked at me before adjusting his glasses once again. “Shall we begin?”

Napalunok ako. Sa huli ay wala sa sarili na lang akong napatango.

Isa namang maliit na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. “Good.”

His smile was harmless, but for an unknown reason, my heart started racing.

Mariin akong napalunok. Hindi ako relihiyosong tao, pero sa isang ngiti niya lang, awtomatiko akong napadasal ng The Apostle’s Creed.

Kabanata IX

I THOUGHT I already heard the most shocking news I could possibly hear, until this day came, at nalaman kong ang lalaking nagligtas sa akin noon ay siya rin palang magiging psychiatrist ko.

Hindi ko tuloy alam ang dapat maramdaman. Halo-halong emosyon at reaksyon ang namamayani sa dibdib ko. Should I be happy that I saw him again? Or should I fret knowing that he happens to be my psychiatrist?

Sa pagkakaalala ko pa naman ay personal siyang kilala ni mama. Shit. Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan ‘yon! Paano kung sabihin niya sa magulang ko na tinangka kong magpakamatay?

Oo, confidential dapat ang pinag-uusapan ng mental health professional at ng kanyang kliyente, pero kapag nagpakita o nagsabi ng suicidal intentions ang kliyente sa psychologist niya, pwedeng magsalita at ialarma ng propesyonal ang magulang ng kliyente.

Mariin akong napalunok. Pakshet! Hindi pwedeng malaman ng magulang ko na tinangka ko ulit kunin ang buhay ko! Panigurado ay pababalikin nila ako sa Olongapo!

“Make yourself comfortable.” Naupo siya sa kaharap kong pwesto. Naupo na rin naman ako sa kanina kong kinauupuan pero hindi ko kayang gawin ang sinabi niyang maging komportable. I was back at fidgeting again. “How are you feeling?”

Napatingin ako sa kanya, hinihintay niya ang sagot ko. Napalunok naman ako.

“Mixed emotions…” Pagsasabi ko ng totoo.

Napatango siya. “I understand where you’re coming from. This might have been so surprising for you.”

For me? __ Does that mean this isn’t surprising to him at all?

I looked at him suspiciously. Sa kanyang sinabi ay hindi ko na talaga napigilang magtanong. “Matagal mo na bang alam?”

Napatingin siya sa akin, inosente ang mga mata niyang tila umamo. Napalunok tuloy ako sa tingin niyang ‘yon.

“Ang alin?” **** Tanong niya.

Hindi ako kaagad nakasagot. Tiim-bagang lang akong napatitig sa kanya.

Noon, alam kong dala ng kabutihan ang ginawa niyang pagtulong sa akin, pero ngayong nalaman kong psychiatrist ko pala siya, hindi ko na alam. Paano kung lahat pala ng pinakita niya nung gabing ‘yon ay purong propesyonalismo lang pala? Paano kung pawang tawag lang ng responsibilidad ang lahat ng pinakita niya noon?

Malalim akong napabuntong-hininga. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit tila importante ko pa iyong malaman. Siguro dahil ayoko lang isiping dala lang ng propesyonalismo ang pinakita niyang pagpapahalaga sa buhay ko ng gabing ‘yon.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya bago nagsalita. “Ang ibig kong sabihin… Nung gabing pinigilan mo ako sa balak kong pagpapakamatay, kilala mo na ba ako bilang kliente mo?”

I gripped on the hem of my shirt as I wait for his answer.

Please say no. Please say no.

“No.” diretso niyang pahayag. Para naman akong nabunutan ng tinik sa kanyang sagot. That was enough for me. “Nakatalikod ka sa akin ng mga oras na ‘yon bago kita lapitan, how would I recognize you?”

Tila naman naudlot ang pagluwag ng dibdib ko sa sinabi niya. Nangunot ang noo ko. “Recognize me?”

Tama ba ang pagkakaintindi ko? O sadyang mali lang ang term na ginamit niya? How would he recognize me when that was the first time he saw me?

“Yes, while I was trying to convince you, never did I recognize you in any way. Namukhaan lang kita nang naroon na tayo sa penthouse.”

Mas lalo tuloy akong naguluhan. Hindi naman kami magkakilala, paano niya ako namukhaan?

“I’m sorry—- what? Hindi naman tayo magkakilala.” Gulong-gulo kong pahayag. Have I hit my head in any way? Wala naman akong maalalang nagkita na kami!

Hindi naman siya kaagad nakasagot, he just remained staring at me.

“I’m pretty sure you were that girl.” Aniya habang titig na titig pa rin sa akin.

Halos naman magbuhol-buhol na ang kilay ko sa pagkakakunot.

“That girl? Ako?”

“Yeah, the one on the elevator,” nanatiling nakakunot ang noo ko. Elevator? “talking to a person named Angelli.”

Sa pagbanggit niya sa pangalan ng pinsan ko ay kusang naging patag ang kaninang kunot kong noo, kasabay no’n ang pamimilog ng aking mga mata at ang pagbagsak ng panga ko.

Punyawa.

Siya ‘yon?! Iyong doctor na nakasabay ko sa elevator?! Iyong nakarinig ng mga kabalbalang pinagsasasabi ko?!

“Hindi ko na dapat balak sabihin, but since you insisted…” Napatikhim siya. “I’m sorry, it wasn’t my intention to overhear your conversation.”

Nanatili akong nakatitig sa kanya, hindi pa rin makapaniwala. Nag-iinit ang mukha ko, nag-iindikang pulang-pula na ako sa hiya.

Parang gusto ko na biglang tumayo at tumakbo paalis. Pero kung gagawin ko ‘yon ay madadagdagan lang ang kahihiyan ko.

Think rational, Fayven. Think rational! Don’t make it a big deal.

“O-Okay lang, wala ka namang kasalanan . Ang may kasalanan ay ang eskandalosa kong bibig at ang utak kong hindi nag-iisip bago magsalita.

“Are you feeling better? We’ll start once you’re fully comfortable.” Aniya.

Muntik naman akong masamid sa sinabi niya kahit wala akong subo. Nagpapatawa ba siya?! Gusto ko na ngang tumalon sa bintanang nasa likod niya! I don’t think I’ll ever be comfortable with him!

“I’m good…” Pagsisinungaling ko na lang. “Pwede na tayong magsimula.”

“Are you sure, Ms. Fayven?”

Muntik ko na siyang ismidan. Really? Ms. Fayven? Masyado siyang formal.

Eh a no bang inaasahan mo, Fayven? Of course he must be professional! Psychiatrists and their clients are not allowed to be friends.

“Oo, komportable naman ako.” I’m not. Gusto ko na lang talagang matapos na ang lahat sa lalong madaling panahon. Pakiramdam ko kahit malawak ang paligid ay limitado lang ang hangin kapag kasama ko siya.

“Very well,” tipid siyang ngumiti. “I have here your psychological assessment report.”

Inabot niya sa akin ‘yong isang brown envelope na hawak niya. Dalawa iyon, tig-isa kami.

Kaagad ko naman iyong inabot at binuksan para kunin ang papeles na nilalaman no’n.

Sa unang pahina ng papel ay naroon ang personal information ko, naroon din ang dahilan ng pagpunta (Reason for Referral), kasama ang ilang na-obserba sa akin ng test facilitator (Assessment Proper).

Sa reason for referral, nakasaad lahat ng traumang sinabi ko at ang ilang na-obserbahang masasamang epekto ng mga iyon sa akin.

Napalunok ako.

He already knows majority of my traumas… ang hindi niya na lamang alam ay ang pinakadahilan kung bakit tinangka kong magpakamatay ng gabing ‘yon—which is ang hindi pagkakakulong ng abuser ko.

Kung kailan niya iyon malalaman? Hindi ko alam. It’ll probably take me time before I gain enough courage to say that.

“So, you took Mini-Mental State Examination, Stanford Binet Intelligence Test 5th Edition, and NEO Five Factor Inventory 3. Do you remember taking those tests?” **** He asked, his voice depicts nothing but professionalism.

“Yes, I remember .” sagot ko.

“For clarification, MMSE is used for detecting cognitive impairment, assessing severity, and monitoring cognitive changes over time.” Tinignan niya ang papel na hawak. “As you can see here, your score in MMSE appears to be in the higher range. A score falling within this range means that you are well aware of your general orientation and surroundings. No cognitive disparity was observed during the entire MMSE proper.”

Tumango lang ako. Pero ang totoo, habang nagpapaliwanag siya ay hindi ko maiwasang mapasulyap-sulyap sa kanya.

Ibang-iba ang dating niya ngayon kumpara noong nakasama ko siya sa penthouse niya. Mas nakakaintimida siya, lalo na ang mga tingin niya. Hindi pa nakatulong ang kanyang salaming mas nakadagdag lang sa ma-awtoridad niyang awra.

“Here you can see the table of your SB5 test results. **** You obtained a Full-Scale IQ score of 96, wherein your current overall intelligence is classified as Average. Based from these results, you have no developmental or intellectual deficiencies, which is good. From there, we can proceed to the test result of your NEO Five Factor Inventory 3. The result of this test is intended to give me a general idea of what your personality is like.”

Patango-tango lang naman ako habang sinusundan sa papel ang kanyang sinasabi. Nakasaad do’n ang mga report na sinasabi niya.

“There are 5 scales being measured here, your Extraversion, ** _Neuroticism, ** _ ** ___Conscientiousness, Openness, and Agreeableness. ** ** _ _ ** _ _****** _ ** _ ** ** _ You garnered a **very low ** score under extraversion. Don’t worry that’s not negative, that just shows that you are considered as an introvert who prefer to be alone or to be with a few close friends rather than hanging out with a large pool of people.” Tumingin siya sa akin. “With this, you may be seen as independent rather than as submissive.” Tumagilid ang kanyang ulo kasabay ng pagtaas ng isang kilay niya sa akin. “Are you?”

Napapakurap naman akong napatingin sa kanya. “A-Anong are you?” Napaayos ako bigla ng upo at napalunok. “Are you asking if I’m… submissive?”

Sandali siyang napatitig sa akin. Maya-maya ay inayos niya ang suot na salamin bago sumagot.

“No, I’m asking if you’re independent.”

Ay pota. Hindi kasi nililinaw.

Napatikhim ako. “I guess yes, I really do prefer to be alone all the time.”

“Is that your preference?”

“Kind of, yea, I find it hard to interact with other people. I feel like I don’t belong with any social groups.”

“And that’s because?”

Napaisip naman ako. He’s encouraging me to dig deeper.

“I’m an old soul. Bata pa lang ako ay nasasabihan na akong masyadong seryoso mag-isip, iyon siguro ang dahilan kung bakit iba ang interes ko kumpara sa ibang bata, dahilan para mahirapan akong makihalubilo sa iba. Hanggang sa nadala ko na ‘yon sa paglaki ko.”

“Are you really an old soul or were you just traumatized at such a young age, hence, forcing you to be mature despite being a child so you could face your problems instead of actually enjoying your childhood?”

Napakurap ako sa kanyang walang pakandungang tanong. Bahagya pang umawang ang aking labi sa tindi ng naging epekto ng sinabi niya sa akin. Hindi ako nakasagot.

Nanatili naman siyang nakatitig sa akin, hinihintay ang sagot ko, o mas tamang, pinapanuod ang magiging reaksyon ko.

“Most of the time, being matured at an early age is not the child’s choice, oftentimes it’s a trauma response, a result from having to face their problems alone or without proper support from their guardians.”

Nakagat ko ang loob ng pisngi dahil sa kanyang sinabi. I really did label myself as an old soul long ago because people used to tell me I was too mature for my age. Hindi ko man lang napagtantong napilitan lang akong maging matured dala ng mga problemang hinaharap ko noon sa murang edad.

I wasn’t an old soul. I was just traumatized.

“Anyway, moving on to openness. **** He proceeded. You’ve yielded a **very high ** score in this scale, which depicts your openness to new experiences, your broad interests, and your active imagination. This makes your life experientially richer since you’re willing to try on new things and entertain innovative ideas.”

I kept my mouth shut. Baka ma-realtalk na naman ako nito, eh.

Nang napansin niya ang pananahimik ko ay tumingin siya sa akin.

“What can you say about that?” Tanong niya. His eyes are looking for answers.

Naging isang linya tuloy ang labi ko. Sabi ko nga required ako sumagot.

“Uh, I guess yes, flexible naman ako.”

“Oh. Are you?” Tanong niya.

Nanlaki naman ang mata ko.

Alam kong binabalik niya lang sa akin ang tanong para pahabain ko ang sagot, that’s one of the techniques counselors do to make us share more, pero iba ang naging dating ng tanong niya sa akin! Pakshet!

I mean, kasalanan ko rin naman. Sa dami ng term, flexible pa talaga ang naisip ko.

Tumikhim ako. “Tingin ko naman oo, hindi man ako mahilig makihalubilo sa iba, kaya ko namang tumuklas ng mga bagay-bagay nang mag-isa. I believe I’m fit for different adventures in life.” Litanya ko.

“I see… **** napapatangong aniya. Well, what can I say? Being flexible could really be an advantage at times.”

Juskong mahabagin.

Alam kong walang halong ibang meaning ang kanyang sinabi, sadya lang talagang polluted ang utak ko!

Napaiwas na lang ako ng tingin at awkward na natawa.

“Moving on to neuroticism… You obtained a _very _ **high ** score in neuroticism which means that you are more likely to be sensitive, emotional, and susceptible to a variety of negative emotions.”

My lips pursed together. Well, iyan totoong-totoo talaga.

Uhh, p eople really do call me _too _ sensitive. Totoo naman.” **** Napakamot ako sa braso. “Maliit na bagay lang nasasaktan na ako kaagad.” Tipid akong ngumiti para ipakita sa kanyang tanggap ko naman iyon at wala na akong magagawa ro’n. I just have to live with it.

Napatingin naman siya sa akin, seryoso lang ang kanyang mukha. “Are you really “too” _ **_ ** sensitive or are you just carrying loads of repressed emotions, therefore making even the tiniest issue contribute to the pain you’re feeling?”

Grabe namang mang-realtalk ang isang ‘to. Pangalawa na ‘yan ha!

Pero hindi ko maipagkakailang may punto naman lahat ng sinasabi niya. Kaya siguro ganito na lang ang reaksyon ko sa mga tanong niya.

Totoo ngang marami akong nakakubling emosyon, partikular galit at hinagpis. I couldn’t express those emotions because I was afraid of the consequences, especially of being invalidated.

“Every individual has different capacity of pain. What may be small for them may be big for you. Stop gaslighting yourself. Your feelings are valid.” He emphasized.

Napakagat naman ako sa loob ng aking pisngi. I didn’t even realize that I was already gaslighting myself by calling myself too sensitive. Iyon kasi ang sinasabi sa akin ng mga magulang ko kapag sinasabi ko sa kanila ang tunay kong nararamdaman. They always make me feel like I’m not allowed to be hurt.

Malalim na lang akong napahugot nang hininga. “Salamat.” Mahina kong pahayag.

So this is what it feels like for your feelings to be validated, huh? It felt foreign.

Tumingin ako sa kanya, nahuli ko ang pagtitig niya sa mga daliri kong hindi pa rin mapirmi sa paglikot. Kaagad tuloy akong napatigil sa paglikot sa mga ‘yon.

Bumalik ang tingin niya sa mga mata ko. Kaagad naman akong umiwas ng tingin.

He’s fucking reading my behavior.

“Moving on to conscientiousness where you garnered an average score. This result shows your likelihood to be dependable and moderately well-organized. You may have clear goals, but you can still easily set your tasks aside if you choose to.”

“Well that’s surprising,” agad na komento ko. Duda ako sa well-organized na ‘yan. Mas madalas kaya akong tamad. I prefer not to do anything.

“Since when?” He asked.

Napaisip naman ako. “Since , uh, I guess last last year? I mean, I used to have a lot of hobbies when I was little. I just lost interest from a lot of things since I was…” Natigilan ako nang may mapagtanto. Since I was abused…

I was fazed by that sudden realization.

“You see, that too, could be a trauma response.” He commented. “Tamad ka nga ba talaga o sadyang nawalan ka lang ng gana sa mga bagay na dating nagpapasaya sayo dala ng mga hindi maiiwasang problema?”

Yung totoo? Eviction night ba, ‘to? Pakiramdam ko nasa PBB ako at ini-interrogate na ako ng hosts kung dapat ba akong manatili sa bahay ni kuya.

Kung gano’n ay bibigyan ko po ng 3 points si Dr. Vergara, porque gwapo ay sobra po siya kung mang-realtalk. Dr. Dark Aris Vergara. Ang plantitong psychiatrist ng Baguio City.

“Siguro,” tipid ko na lang na sagot para tapos na kaagad ang usapan.

Moving forward to agreeableness. It appears that you obtained a _very high _ score here, which shows that you are sympathetic, warm, and cooperative. You manifest great concern for the welfare of others, which may sometimes even cause you to choose others over yourself.”

“Duda rin ako dyan,” agad kong sagot. “Selfish akong tao.” Diretsong sagot ko.

Nangunot naman ang noo niya.

Wow, iyon ang pinakaunang reaksyong pinakita niya ngayong araw. Dapat na ba akong magpamisa?

“How do you say so?”

Madiin namang nagdikit ang mga labi ko.

“Nabasa mo naman sa report, pinakulong ko ang tito ko.” Tipid kong sagot.

“You mean, your abuser?” Kunot-noo niyang tanong. Tipid lang akong tumango. Mas lalo namang nangunot ang noo niya. “You’re not selfish for choosing the right thing, for choosing yourself.”

“Alam ko, but by choosing myself, I neglected the feelings of my family and my relatives.” Nakagat ko ang aking labi. “Which just shows how selfish I am.”

Hindi siya nakapagsalita. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Hindi naman ako makatingin sa kanya. I’m afraid he could read me, which I know he could.

“Ms. Fayven—” I cut him off.

“I don’t wanna hear it.” Matigas kong pahayag.

Kusang nagtagis ang bagang ko habang ang mga kamay ko ay mahigpit nang nakakapit sa aking magkabilang tuhod.

Alam kong mayroon na naman siyang itatanong manggugulo sa utak ko, at ayoko na no’n.

He remained staring at me for a second. Napaiwas na lang ako ng tingin. Bahala na siya kung gusto niya akong basahin. I don’t care.

“Well… that’s actually all for today. We’ll continue the following on our next session.”

Halos mapa-hallelujah naman ako nang marinig ‘yon. Finally. Hindi ko alam kung matatagalan ko pa ba rito.

“How are you feeling?” Tanong niya.

He removed his glasses and leaned against the chair, his eyes still not leaving mine.

Napaiwas ako ng tingin. “Fine,” tipid kong sagot kahit ang totoo ay kabaliktaran no’n ang nararamdaman ko.

Have I offended you in any way?” He questioned.

“No.” Mabilis kong sagot. Hindi naman talaga niya ako na-offend sa kahit anong paraan. Sadya lang talaga sigurong hindi pa ako handang marinig ang ibang posibleng dahilan kung bakit ako nagkaganito.

“You’re free to react however you want to, Ms. Fayven. This is a safe space. May it be anger, frustrations, or sadness, I encourage you to just project it all to me.

Bumagsak ang tingin ko sa aking mga daliri.

The thing is, I can’t communicate my feelings well. Hindi ko alam kung paano isalita ang mga nararamdaman ko. Nasanay na rin naman kasi akong binabalewala ng mga tao ang opinyon at nararamdaman ko, kaya mas madali sa akin ang manahimik na lang.

“Don’t worry, I won’t pressure you. We’ll sort this out at your own pace.”

Binaba niya na ang papel na hawak. Tumayo na siya kaya tumayo na rin ako sa kinauupuan ko. Sinuksok ko na rin pabalik ang papel sa kaninang brown envelope na pinaglalagyan no’n.

“Here’s my contact information. Don’t hesitate to contact me if you experience any life-threatening thoughts, or even if you just feel the need to.” Inabot niya sa akin ang isang card.

Life-threatening thoughts? Pinaganda niya pa. Suicide din naman ibig-sabihin no’n.

Tinanggap ko na lang ‘yong card, though I doubt that I’ll be contacting him.

“Huwag kang mag-alala, wala pa akong balak ituloy ang plano kong pagpapakamatay.” Sabi ko saka siya nginitian.

Sandali naman siyang napatitig sa akin. Nilabanan ko ang titig niya para ipaalam na hindi ako nagbibiro.

Hindi nagtagal ay umayos siya ng tayo saka isinuksok ang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Dahil doon ay nahawi ang kanyang suot na lab gown dahilan para lumantad ang kanyang suot na gray long-sleeves na fit na fit sa kanyang dibdib.

Napalunok ako bago pilit binalik ang tingin sa mukha niya. Focus sa goal, Fayven!

“I know.” Aniya.

Napakurap naman ako. Huh?

“Well… you haven’t reached your goal yet so I’m pretty sure you won’t be commiting suicide anytime soon.”

He grinned. Sa ngisi niyang iyon ay doon lang nag-sink in sa akin ang ibig niyang sabihin.

Bumagsak ang panga ko.

He’s pertaining to my goal na wala akong balak mamatay na virgin! Which is narinig niya sa conversation namin ni Angelli! Pakshet!

“K-Kalimutan mo na ‘yon!” Namumula kong singhal sa kanya.

Mahina naman siyang natawa. Halos makiliti pa ako sa malalim na timbre ng tawa niya!

“I’m sorry.” Paghingi niya ng tawad pero ‘yung ngisi niya hindi pa rin mabura-bura.

Inis na nangunot ang noo ko. “Ikaw k anina ka pa ah! Report kaya kita?” Tinaasan ko siya ng kilay.

He looked at me, amuzed. “Kanino?”

“Sa kinauukulan! Sa may-ari ng clinic na ‘to!”

Imbis na matakot ay mas lumaki lang ngisi niya. “Okay,” unbothered niyang sagot.

Napairap na lang ako muli sa inis.

“Alis na ‘ko. Salamat sa time… Doc.” Pilit ko siyang nginitian bago ako tumalikod at magdiretso sa pinto.

Baka biglang umiral ang pagiging emotional-driven ko. Madalas ko pa namang hindi makontrol ang emosyon ko. Kapag inis ako ay inis ako, kapag galit ako ay galit ako. Iyon ang iniiwasan kong mangyari, ayokong umiral ang emosyon ko. Mas nakakataas pa naman siya sa akin kaya nararapat lang na respetuhin ko pa rin siya.

Malalim na lang akong napabuntong-hininga. Akmang itutuloy ko na ang pagpihit ng doorknob nang magsalita ulit siya.

“See you next time… Ms. Fayven.”

Napatigil ako sa kinatatayuan. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay mabilis na kumabog ang dibdib ko.

Next time? Hindi nga ako sigurado kung nais ko pang bumalik.

Marahas na lang akong napailing bago ako nagdire-diretso palabas. Narinig ko pa ang kusang pagsara ng pinto habang patuloy ako sa paglalakad sa pasilyo. Doon lang ako tuluyang nakahinga nang maluwag. Pakiramdam ko ay lumuwag ang baga ko maging ang paligid. Gano’n ako ka-tense kapag kasama ko siya.

Gayunpaman ay malakas pa rin ang pagkabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay magkaka-panic attack ako.

Calm down, Fayven. Malapit ka na sa elevator. Makakaalis ka na rin ng building na ‘to—-

Muntik na akong mapasigaw nang biglang bumukas ang pintong pinakamalapit sa akin! Halos mapalundag ako sa gulat!

Dala ng matinding pagkabigla ay awtomatiko akong napatingin sa pintong nagbukas na nasa kanan ko lang. Lumabas mula sa pintong iyon ang isang lalake. Base pa lang sa suot nitong lab gown ay nahihinuha ko nang psychiatrist din ito rito.

“Oh hi, are you new here?”

Nabigla ako nang kausapin niya ako.

Sabagay, paanong hindi niya ako mapapansin eh tumigil ako sa mismong harap niya?

Napapakamot na lang ako sa brasong napatingin sa kanya.

Ay shet, pogi. Chinito ang lalaki. Maaliwalas ang awra, ang ngiti ay umaabot hanggang sa mga mata niya. At grabe ang pilikmata, ang haba! Baby face na sana siya kung hindi lang prominente ang kanyang panga. That made him look manly.

“Ah, oo,” sagot ko saka sinuklian ang kanyang ngiti.

Nagsimula siyang maglakad kaya kusa akong napasunod, mukhang parehas kaming sa elevator ang tungo.

Sabagay, lunch break na rin.

“I see… Whose client are you?” Tanong niya matapos pindutin ang down button sa labas ng elevator.

“Uhm, Dr. Dark Aris Vergara.” sagot ko matapos isipin ang buong pangalan ng lalake.

Napatingin naman siya sa akin, bahagyang nakakunot ang noo.

“Wait, Mukhang nakuha ko ang buong atensyon niya dahil humarap ang buong katawan niya sa direksyon ko. **** Are you, by any chance, Ms. Fayven Mojica?

Tumabingi naman ang ulo ko sa pagtataka. Kilala niya ako?

“Oo, ako nga.”

Mula sa pagtataka ay nagliwanag ang mukha niya. “Oh!”

Kasabay no’n ang pagbukas ng elevator sa harap namin. Sabay naman kaming pumasok do’n.

Bakit mukhang kilala niya ako?

“Do you personally know him?” Tanong niya saka pinindot ang button para sa ground floor.

“Uh, Dr. Vergara?” **** Taka kong tanong. Tumango siya. “Uh, I don’t.”

“Is that so? Napakunot ang noo niya bago diretsong tumingin sa harap. “I wonder why he volunteered to handle you.” Mahinang bulong niya.

Napakurap ako nang marinig ‘yon. “Ha?”

Muli siyang tumingin sa akin.

“You know, you were supposed to be my client, but for an unknown reason, Dr. Vergara insisted to handle you instead.”

Gulat akong napatingin sa kanya. Doon lang tila nag-click sa utak ko ang lahat.

He’s Dr. Kier Adelman, iyong binanggit ng babae kanina sa front desk na psychiatrist ko dapat.

Akala ko general changes lang ang nangyaring pag-iba ng psychiatrist ko. Pero ayon sa kanya, Dark Vergara himself volunteered to handle me?

“B-Bakit naman?” Nalilito kong tanong.

He just shrugged his shoulders. “I have no idea. Maybe he finds your situation interesting. Who knows.”

Bumukas na ang metal na pinto. Bago siya lumabas ay tumingin siya sa akin at ngumiti. “Don’t worry, Dr. Vergara is great at his job. I’m pretty sure he’ll be able to serve you well.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nauna na siyang naglakad, habang ako ay naiwang napako sa kinatatayuan ko.

Litong-lito ako. Kung si Dr. Adelman talaga ang dapat kong psychiatrist, then that means… siya iyong tinutukoy nila mama noon at hindi si Dr. Vergara? Ang personal na kilala nila mama… ay si Dr. Adelman?

What?

Kung hindi naman pala ako kilala ni Dr. Vergara, then… what was his reason for volunteering?

Kabanata X

FRIDAY night. 9:05 PM.

Kung may araw akong pinakapaborito, marahil ay biyernes ang pipiliin ko, partikular tuwing biyernes ng gabi.

There’s this certain feeling only Friday night could make me feel. Siguro kasi ito ang oras kung saan maaari ka na muling magpahinga pagkatapos ang isang buong linggo ng pag-aaral. Ang araw kung kailan hindi mo na kailangang problemahin ang susunod na bukas.

Kasalukuyan akong nakikinig sa musika ngayon. May earphones na nakasuksok sa aking tenga habang tamang scroll lang sa social media. Nakahilata lang ako sa kama, madilim pero buti na lang pumapasok sa bintana ang liwanag na dala ng buwan.

Kung may kasama lang ako ngayon sa kwarto ay panigurado kailangang bukas ang ilaw, pero dahil wala pa silang lahat, malaya kong napatay ang ilaw.

Alas nuwebe na ng gabi, panigurado ay dumalo sila sa acquaintance party for freshmen. Kanina pa nagsimula ‘yon. Alam ko dahil dinig na dinig mula rito ang ingay ng musika mula sa campus. Kaya nga napagpasyahan kong mag-earphones na lang.

Napatingin ako sa bintana nang iba’t-ibang kulay ng ilaw ang magreflect doon. Mula iyon sa campus. Mukhang nagdidisco na sila roon, ah.

Bumangon ako at sumilip sa bintana para alamin ang kaganapan sa labas. Hindi tanaw dito ang loob ng campus, pero tanaw naman ang entrance.

Kitang-kita ang ilang estudyanteng pumapasok sa entrance, meron din namang nakatambay lang, siguro ay inaantay ang kani-kanilang kaibigan.

Napahalumbaba ako. I haven’t tried going to a party before. Aside from the fact that I hate going to parties, hindi rin naman kasi ako naiinvite.

Nag-vibrate ang hawak kong phone. Napatingin ako ro’n. I received a message from Steven via Messenger.

Halika na, Fayven! Ang saya dito promise! Mag-eenjoy ka!

Pang-ilang message niya na ‘to. Hindi ko na nga pinapansin. Ayaw ko talagang pumunta, but looking at these students right now, medyo nate-tempt na akong pumunta.

Ngayon ay kinokonsidera ko nang pumunta, pero may parte pa rin sa aking pumipigil.

You’re heavily introverted Fayven, being in a crowd drains your social battery, remember? Ani ng isang parte ng utak ko.

But you’re in Baguio now, Fayven. Learn to get out of your comfort zone sometimes. The other side argued.

Naging isang linya ang labi ko. Right, I need to learn how to leave my shell. There’s a world out there waiting for me. Hindi ang mundo ang papasok sa shell at comfort zone ko, ako ang dapat lumabas.

Napahinga ako nang malalim. Bumalik ang tingin ko sa cellphone ko para magtype.

Abangan mo na lang ako sa main gate.

“FAYVEN! I’m so glad you attended!” Sinalubong ako ni Steven ng yakap. Medyo nabigla pa ako sa biglaang pagsulpot niya, hindi ko siya kaagad namataan sa dami ng tao. “Hindi ko inakalang dadating ka! Buti naman at nakapag-isip-isip ka!” Aniya habang malaki ang pagkakangiti.

“Nacurious ako, eh. Sisilip lang naman ako.” Sagot ko.

Natawa siya. “Anong sisilip? Hindi pwede! Makihalubilo ka! Tara sa table namin!”

Hindi pa man ako nakakasagot nang hilahin niya na ako. Hindi na ako umangal. Ayoko rin namang mag-stay dito ng mag-isa.

Para kaming nakikipag-patentero ni Steven sa sa dami ng tao. Buti na nga lang at kahit gaano karami ang tao ay hindi gano’n siksikan, malawak naman kasi ang quadrangle ng school kung saan ginaganap ngayon ang kasiyahan.

“Omg Fayven!” Natutuwang tawag ng kaibigan namin nang mamataan akong hila-hila ni Steven.

Namataan ko naman kaagad ang table nila. Magkakasama ang nagsisimulang mabuong friend group ni Steven. I don’t consider myself as part of their friend group, or of anyone’s. At least not yet.

‘Yun oh! Another one for the team!” Kantyaw ni Khalil. Nginitian ko lang siya.

They warmly welcomed me. Kinuhanan pa ako ng extrang upuan ni Steven para makaupo ako sa kanila.

“Buti at dumating ka! Kanina pa hindi mapakali ‘tong si Steven kakadutdut sa cellphone niya para lang mapapunta ka.” Nangingising wika ni Kayla na sinundan naman ng kantyaw ng mga kasama nila.

Hindi ko naman alam kung ano ang irereak. Hindi ko kaya ang mapunta sa hot seat. Naiilang ako.

“Ano ba kayo, I’m just encouraging Fayven. Talaga namang beneficial ang pagdalo sa acquaintance party.” Kaagad na depensa ni Steven.

Napa “ahh” naman sila pero ang mga ngiti at mata nila ay nang-aasar pa rin. Hindi na lamang ako kumibo.

“Eh yung pagdalo ba sa after-party, beneficial din?” Tanong ni Kayla. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Tumagilid naman ang ulo ko sa pagtataka. “May after-party?” Tanong ko.

“Aba syempre naman!” Sagot ni Khalil. “Bawal ang alcohol beverages dito sa campus kaya doon tayo sa pwede! Doon tayo sa Easy-scape mamaya!”

Natikom ko ang bibig. Hindi ko pa nga sinasabing sasama ako, mukhang nagdesisyon na sila para sa akin.

Narinig ko na nga ang Easy Escape na ‘yan o mas kilala bilang Easy-scape. It’s a bar. Minsan na akong naaya ni Annika ro’n ngunit tumanggi ako. Pero ngayon ay mukhang wala na akong kawala.

“Hindi mo kailangang pumunta kung ayaw mo.” Napatingin ako kay Steven. Bahagya siyang lumapit sa akin para ibulong ‘yon.

Abala na ang mga kasama namin sa kani-kanilang gawain kaya malaya niya na ulit akong nakakausap nang walang pangangantyaw mula sa kanila.

“Ayos lang. Gusto kong pumunta.” Giit ko sa pabulong ding paraan. Kalahating katotohanan, kalahating kasinungalingan. Nais ko lang talagang pumunta para kahit papaano maranasan ko ang ganoong klaseng mga gimik. I’m trying to step out of my comfort zone.

“Sigurado ka? Ikaw nagsabi niyan ah, hindi kita pinipilit.” Aniya.

“Oo nga, ang kulit mo.” Napairap ako.

“Di bale, huwag ka mag-alala, tayo-tayo lang naman ang pupunta, hindi ang buong block.” Pag-reassure niya sa akin. “Baka sakaling inaalala mo ang reputation mo, eh.”

Nangunot naman ang noo ko ro’n. “Anong reputation?”

Nagkibit-balikat siya. “Your good girl reputation,”

Napasimangot ako. “Tarantado.”

Mahina lang siyang natawa habang bahagyang naiiling. Para kaming tangang nagbubulungan. Oo nga, bakit nga ba kami nagbubulungan?

“Oy baka naman gusto niyong mag-share dyan! May sarili ba kayong gc?” Parehas kaming napaayos ng upo nang pansinin kami ng isang kasama namin. Natuon na naman tuloy ang atensyon ng lahat sa aming dalawa.

Umiwas na lang ako ng tingin nang magsimula na naman silang kumantyaw. Hindi ko na lamang sila pinansin. Basta kami ni Steven, chill lang.

KALAHATING oras din siguro ang tinagal namin sa school bago nila napagdesisyong magtungo na sa Easy-scape. Mukhang mas excited pa nga sila ro’n kaysa sa mismong acquaintance party namin. Nakikisabay lang naman ako sa agos nila.

“NOW **this ** is a party!” Malakas na hiyaw ni Khalil pagpasok na pagpasok namin sa bar.

Malakas ang tugtugan. Marami ang nagsasayawan. Iba’t-ibang kulay ang kumikislap sa buong lugar. Ang wild ng mga tao.

Ibang-iba nga ang party na ‘to kumpara sa school kanina.

Naghanap na kami ng mauupuan. Habang naghahanap ay merong iba sa aming dumiretso na kaagad sa dancefloor para sumayaw, kasama na ro’n si Khalil. Kaya halos kalahati na lang ang bilang namin nang maupo kami sa nahanap na table.

Hindi ko naman sila masisi. Marahil ay kanina pa sila bored sa pag-upo-upo lang kaninang acquaintance party.

“Fayven oh,”

Inabutan ako ni Steven ng isang basong sinalinan niya ng inumin mula sa beer tower.

“Tikman mo muna, hindi naman mataas ang alcohol content niyan.” Pangungumbinsi niya nang hindi ko abutin ang baso. Alam niyang hindi ako umiinom dahil mababa ang alcohol tolerance ko.

Inabot ko na lang din ang baso. Marahan ko iyong tinikman. Nang magrehistro sa akin ang lasa no’n ay umaliwalas ang kaninang nag-aalinlangan kong ekspresyon.

In all fairness, masarap nga. Hindi lasa ang alak.

“Oo nga pala, nakahanap na ba kayo ng mai-interview para sa dev psych natin?” Tanong ni Jazmine sa amin.

“Oo nga pala, kailangan ko pang isipin ‘yon.” Atungal ng isa.

Pati tuloy ako ay nadamay na sa pamomroblema. Muntik ko nang makalimutan ‘yon.

Meron kaming individual assignment kung saan kailangan naming mag-interview ng isang mental health professional. Basic interview lang naman, asking why they opted to choose the path of psychology, and more similar questions to that. Ang problema namin, iyong iinterviewhin. Saan kami hahanap ng mental health professional?

Sa tanong na ‘yon ay kusang lumitaw sa utak ko ang psychiatrist ko.

Kaagad ko naman iyong binura sa utak ko. I can’t include him in my choices.

Siguro ay hahanap na lang ako ng ibang available sa clinic nila. Tama. Tatanungin ko na lang iyong babae sa front desk nila kung sino ang pinakamabait sa kanilang clinic para ‘yon ang iinterviewhin ko.

May isang linggo pa naman kami para paghandaan iyon. Hindi rin biro ang maghanap ng propesyonal para interviewhin.

Uminom ako sa basong hawak.

Speaking of my psychiatrist, I received a message from him a few days ago. Pinapa-register lang naman niya ang number niya sa phone ko. Hindi ko nga siya nireplayan.

Hindi ko magawang iregister ang Dr. Vergara sa contact list ko. Ewan ko, I still can’t fully accept that he’s my psychiatrist.

Because honestly speaking, after he saved me that night, I started wishing to have a friend like him, a friend who could understand me and validate my feelings. I wanted him to be my friend.

Kung sana ay nagkita ulit kami bilang strangers, at hindi bilang client-and-psychiatrist, siguro ay naging magkaibigan pa kami. Pero ngayon? Imposible nang mangyari ‘yon. It’s under the ethical code of psychology to keep the relationship between the client and the practitioner strictly professional. Kapag may nabuong relasyon, kahit pawang pagkakaibigan, the practitioner must refer their client to other mental health practitioner.

Napabuntong hininga na lang ako bago muling uminom sa basong hawak. Nang maubos ang laman no’n ay sinalinan ko ‘yon muli.

Ang mga kasama namin sa table ay nagsisimula na ring magtungo sa dance floor.

“Steven, Fayven! Tara!” Aya nila sa amin.

Nagkatinginan naman kami ni Steven.

“Ikaw na lang,” sabi ko sa kanya.

“Okay lang ba sa’yo mag-isa rito?” Nagdadalawang-isip niyang tanong.

Natawa naman ako. “Oo naman, ako pa ba?” Pag reassure ko sa kanya. Napakamot siya sa kilay. Mukhang hindi pa rin siya kumbinsado. Napailing na lang ako. Sa huli ay ako na mismo ang tumutulak sa kanya patayo. “Sige na! Alis na!”

“Sigurado ka ah?” Wala na rin siyang nagawa kundi ang tumayo.

Ayoko naman kasing pigilan niya ang sariling mag-enjoy dahil lang kj ako.

“Oo na! Tsupi!”

Nang masiguro niyang ayos lang talaga sa aking mag-isa ay nakumbinsi ko na rin siyang makisaya kasama ang mga kaibigan niya.

“Dahan-dahan sa pag-inom, ah. Nakakalasing pa rin iyan.” Huling paalala niya pa bago tuluyang umalis.

I was left alone at our table. Wala namang kaso iyon sa akin.

Kinuha ko na lang ang cellphone para abalahin ang sarili habang panaka-naka pa ring umiinom. I opened my data to scroll on social media.

I scrolled through Instagram, then Twitter, and lastly FaceBook. I was just busy reacting to random memes when I came across my mother’s post.

Natigil ang daliri ko sa pag-scroll. She posted a picture of her together with our relatives. As usual, masaya at nakangiti silang lahat sa picture. Akala mo walang buhay na sinira.

Napatungga ako sa baso ng alak. Great. Nawala na ako sa mood.

Balak ko na sanang i-off ang phone ko nang bigla namang nag-pop up ang chat head ng nanay ko sa Messenger. Speaking about right timing.

Kamusta, anak?

Napatitig ako ro’n. Naka-ilang message na siya sa akin magmula last week pa. Pero ni isang beses ay hindi ako nagreply.

Napatiim-bagang ako bago mabilis na inalis ang chathead niya sa screen. Hindi pa rin ako handang kausapin sila. Hindi pa ako handang madagdagan na naman ang sakit na dinadala ko. Baka hindi ko na talaga kayanin ang lahat.

In-off ko na ang phone. Inabala ko na lang ang sarili sa pag-inom. Nagsisimula na namang lumipad ang utak ko patungo sa mga problema ko sa buhay.

Hindi ba talaga ako magkakaro’n ng araw kung saan hindi ko maaalala kung gaano ka-walang kwenta ang buhay ko?

Tinungga ko ang huling patak ng alak. Hindi ko alam kung nakailang baso na ako, hindi ko na nabilang. Na-distract lang ako sa pag-inom nang maramdamang kailangan kong pumunta ng cr. Naiihi ako.

Binaba ko muna ang baso sa mesa bago walang pakandungang tumayo. Pero pakshet, pagkatayo na pagkatayo ko pa lang bigla nang umikot ang paningin ko!

Muntik na akong matumba, buti at napakapit ako sa upuan!

Napamura ako. Naparami na yata ako inom. I feel lightheaded.

Ilang beses kong iniling ang ulo para kahit papaano ay luminaw ang aking nanlalabong paningin. I need to find the bathroom first. Naiihi na talaga ako.

Nang masigurong kaya ko na ay nagsimula na akong maglakad para hanapin ang cr. It felt weird walking, pakiramdam ko ay bigla na lang akong matutumba.

Nang mahanap ko ang cr ay kagaad akong nagtungo sa isang cubicle para umihi. Napapikit ako, pakiramdam ko ay hindi ko kontrolado ang ulo ko, kusa iyong nahuhulog.

Pakshet. Sabi ko na nga ba. Sana hindi na ako uminom. Kahit gaano kababa ang alcohol percentage ay malalasing at malalasing pa rin talaga ako.

Nang matapos ay lumabas na ako ng cubicle. Kumapit ako sa sink para balansehin ang sarili. I need to go home. Anong oras na ba?

Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa para tignan ang oras. Nahirapan pa akong magbasa ng una kaya pilit kong pinokus ang paningin. At halos magulantang ako nang makitang 11pm na! May curfew pa kami ng 12am! Shit.

Sana nga at totoong 11 ang nakikita ko, baka 1am na talaga at sadyang naduduling lang ako kaya 11 ang nakikita ko. Jusko huwag naman sana.

Nakagat ko ang kuko. I need to make sure. Wala na akong uuwian kapag ala una na ng umaga!

Napalingon ako nang may isang babaeng lumabas sa cubicle, kaagad ko siyang hinarang.

“Miss, anong oras na?” Diretsong tanong ko sa kanya.

Kagaad naman siyang napatingin sa akin bago nagsalubong ang mga kilay.

“Ano ba! Mukha ba akong tanungan ng oras?!” Imbyerna niyang sagot saka ako inis na nilampasan. Napaatras pa ako nang banggain niya ‘ko!

Grabe, ang sungit! Nagtatanong lang, eh.

Napasandal na lang ako sa sink at mariing napapikit. Pilit ko pa ring binabalanse ang ulo. Hindi ko talaga iyon makontrol, parang kailangan ko pa iyong pilit na patayuin kundi mahuhulog iyon. Fuck. Lasing na talaga ako.

Muli kong tinignan ang phone ko, baka sakaling nag-iba na ang oras. Pero gano’n pa rin talaga ang nakalagay. Ang nakasisigurado lang ako ay may number 1 sa oras, hindi ako sigurado kung 1 ‘yon o 11.

“Tang ina naman,” inis akong napasabunot sa buhok.

Wala akong mapagtanungin. Ayoko na uli mangharang, baka sungitan pa ako uli.

Napatingin ako sa phone ko. What if I just call someone to help me out? Maybe that would work.

Nakagat ko ang loob ng pisngi ko. I started scrolling through my messages, looking for the right person to call. Pero hayop, wala akong mabasa! Hindi ko mabasa nang maayos ang mga pangalan!

Marahas akong napabuntong-hininga. In the end, I just opted to call a random person from my recent messages. Hindi na ako nag-abalang alamin kung sino ‘yon. Hindi rin naman malaki ang pabor na hihingin ko.

Nagsimula nang mag-ring ang kabilang linya. Nakapikit lang ako habang nasa tenga ang cellphone at hinihintay ang pagsagot ng kabilang linya.

Pakiramdam ko ay babagsak na ako. Kung wala lang akong pinagsasandalan ay baka kanina pa ako nasa sahig.

Nawala ang pag-ring sa kabilang linya. Sinagot na ang tawag! Finally!

“Quick question,” kaagad kong simula bago pa man makapagsalita ang tao sa kabilang linya. “Anong oras na?”

God, this might appear so confusing to this random person. Sino ba naman ang hindi magtataka kung bigla na lang may tumawa sa’yo para tanungin ang oras?

**[ ** **What are you talking about?] **

Natigilan ako. I almost shivered when I heard a deep voice. Sino ‘to?

Tinignan ko ang screen ng phone para subukang basahin ang pangalang naroon, pero nangunot ang noo ko nang makitang unregistered number lang ang nakarehistro ro’n.

“I’m talking about the—time!” Napahinto pa ako nang bigla akong sinukin. “Anong oras na kako?!”

Silence.

Hindi siya sumagot. Pero rinig ko naman ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya, nagpapatunay na naroon pa siya.

Nangunot ang noo ko. Ganoon ba kahirap sabihin ang oras?!

“Kung hindi ka sasagot iba na lang ang tatawagan ko—-”

_[Where are you?] _

Nagsalubong ang kilay ko. Tinatanong niya kung nasaan ako? Really?

“Pake mo? Sino ka ba?”

Nagtatanong lang ako ng oras tapos tatanungin niya na kung nasaan ako? Ang hirap naman nito kausap!

_[Are you drunk, Ms. Fayven?] _

Napakurap ako.

Ano raw? Ms. Fayven?

Isang tao lang ang tumatawag sa akin no’n.

“Pamilyar ikaw,” napapaisip kong wika. “Ikaw ba ‘yong plantitong psychiatrist ko na balak kong i-ghost next week?” Walang preno kong tanong.

Napapaisip ako kung siya nga ba iyon. He sounds just like him.

Nakarinig ako ng pagkalabog sa kabilang linya. Para bang bigla siyang napatayo? Hindi ko alam.

**[You’re not ghosting me.] **

Madiin ang kanyang tono.

Tumaas ang isang kilay ko. So siya nga ito?

Napangisi ako. Tignan mo nga naman. Siya pa pala ang natawagan ko.

“Desisyon ka? Eh sa ayoko nang umattend ng therapy! Hanap ka na lang ibang client, yung masokista para willing magpanakit sa’yo.”

Narinig ko ang malalim niyang paghugot ng hininga, akala mo ay pilit niyang ikino-compose ang sarili.

**[Tell me where you are.] **

Tignan mo na, ngayon ay inuutusan niya ako!

“Secret, walang halaman dito, hindi mo magugustuhan.”

_[Are you in a bar?] _

Umikot ang mga mata ko. Panigurado ay narinig niya ang maingay na background music dito. Oh well, wala akong pake.

_[ _ A ** _****nong ginagawa mo dyan?] ** _

His voice was serious. Well, he’s serious all the time, pero ngayon ay parang may halo nang awtoridad ang kanyang boses. It’s as if he’s already ordering me to tell him the answer.

Umikot ang mga mata ko. Pakialamero talaga ‘to. Akala niya mauutusan niya ako?

_[Ms. Fayven—] _

“Naghahanap ako ng magde -devirginize sa akin dito sa Easy-scape para matuloy ko na ‘yong plano kong pagpapakamatay!

I ended the call right after screaming those words. Napahinga ako nang malalim. Sinasagad niya ang pasensya ko!

Pag dumating talaga ang panahon ng pagkamatay ko, isasama ko siya sa listahan ng mumultuhin ko! Pakialamero.

Inalis ko ang suot na jacket. Nag-iinit ako sa inis, isama pa ang alak sa sistema ko. Idagdag na rin siguro ang factor na nasa cr ako. Right, I need to get out of here.

Lumabas na ako ng cr para bumalik sa table namin. But on my way back, nadaanan ko ang dance floor.

Surprisingly, the dance floor suddenly looked inviting. Ang kaninang ingay na dala ng speakers ay naging musika na sa pandinig ko. Ang mga taong nagsasayawan ay mukha nang masaya sa paningin ko.

Kaya imbis na sa table magtungo, ay sa dancefloor ako dumiretso. Nakipagsiksikan ako sa gitna para makisabay sa agos ng tugtugin. Nung una ay naiilang pa akong sumayaw. But seeing all the people around me minding their own business while dancing, unti-unti na ring nawala ang pagkailang ko.

Eventually, I was already dancing my heart out.

For the first time, I danced as if nobody was watching. For the first time, I didn’t give a fuck what people think of me. All that matters is that I’m enjoying my time and my freedom.

“Hi.”

Napadilat ako nang marinig iyon.

Bumungad sa akin ang isang lalakeng may ngiti sa labi habang nakatingin sa akin. Katulad ko ay nakikisabay din siya sa musika. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil pakislap-kislap lang ang ilaw.

“Hi.” Sagot ko pabalik na kailangan ko pang isigaw para lang marinig niya sa lakas ng tugtugin.

“Alone?” Tanong niya. Patuloy lang kami sa pagsayaw sa tugtugin.

Umiling ako. “Kasama ko mga kaibigan ko.” I smiled at him. Or rather, the alcohol made me smile at him.

“Iwan mo na sila.” Aniya na nagpakunot sa noo ko. Bahagya akong natigilan nang ilapit niya ang mukha sa akin, iyon pala ay may ibubulong siya sa tenga ko. “Mas masaya akong kasama.”

Tumaas ang mga balahibo ko sa batok. There’s something with the way he said those words.

Muli niyang nilayo ang mukha sa akin bago ako nginitian. “Tara?”

Napakurap ako. “Saan?”

“Basta. G ka ba?”

Napaisip ako sa tanong niya. Tama siya, G nga ang middle initial ko. Paano niya nalaman?

“Uhh, oo, G naman.”

Lumaki ang ngiti niya. “Nice,”

Bigla ay hinila niya ako paalis sa kumpol ng mga tao. Para naman akong nahilo sa mabilis niyang paghila kaya hindi na ako nakaalma.

Nakipagsiksikan kami paalis sa kumpol ng mga taong nagsasayawan. Hindi nagtagal ay humina na ang kaninang malakas na musika. Pagtingin ko sa paligid ay lumabas na pala kami ng bar at ngayon ay patungo sa hindi ko alam kung saan.

“Saan tayo pupunta?” Nalilito kong tanong.

“Sa exciting part.” ‘Yon lang ang sinagot niya habang patuloy akong hinihila.

Bigla tuloy akong na-excite. Ano kaya ang tinutukoy niya? Nakaka-curious naman!

“Ay!” Napatili ako nang biglang may humawak nang mahigpit sa kabila kong braso.

Dahil doon ay parehas kaming napatigil sa paglalakad.

Titingin pa lang ako sa taong humawak sa isa kong braso nang bigla na lang ako nitong hilahin dahilan para mapalapit ako sa kanya at mabitawan ako ng lalake kanina! Muntik pa akong masubsob kung hindi lang niya ako hawak.

“She’s going nowhere with you.” May diin na saad ng isang malalim na boses.

Nangunot ang noo ko sa pamilyar na boses na iyon. Tumingala ako para alamin ang nagmamay-ari no’n, at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang psychiatrist ko!

Nahulog ang panga ko. Anong ginagawa niya rito?!

“Sino ka ba at nangingialam ka?!” Sigaw ng kaninang lalaking nanghihila sa akin.

Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ang lalake. Ni wala siyang sinabi pero sapat na ang kanyang titig para mapaatras ang kanyang kausap. Halos pati ako ay mapaatras din.

Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. May kalabuan man ang paningin ko sa ngayon, pero malinaw ko pa ring nakikita ang kanyang kasuotan. Kabaliktaran ng mga nagdaang pagkikita namin kung saan pormal ang kanyang dating, taliwas do’n ang ayos niya ngayon.

Tanging kaswal na black t-shirt lang ang suot niya, hapit na hapit iyon sa hubog ng kanyang kanyang katawan, kaparehas ng suot niyang maong jeans na hapit din sa kanyang mga binti. Dahil sa simpleng t-shirt ay lumantad ang kanyang hulmadong braso at likod.

He looked casual, pero tang ina, ang lakas pa rin ng dating niya. O sadyang lasing lang talaga ako kaya ganito siya ka-attractive sa paningin ko ngayon?

Napaiwas ako ng tingin nang bumaling ang seryoso niyang mga mata sa akin. Bigla akong kinabahan.

“We’re leaving.” Aniya.

Para naman akong nagising nang hablutin niya ang braso ko. Kaagad akong nagpumiglas. Marahas kong binawi ang braso mula sa kanya dahilan para mapatigil siya at kunot-noong mapalingon sa akin.

“Ano ba?! Nakahanap na nga ako ng tutupad sa goal ko eepal ka pa?! Ano, magvo-volunteer ka ba, ha?!”

He sighed. “Ms. Fayven—”

“Huwag mo akong ma-Ms. Fayven Fayven!”

Sumingit sa amin ang lalake kanina. “Bro, I think she doesn’t want you—” Nagulantang kami pareho nang bigla siyang sapakin ni Dark!

Halos lumawa pa ang mga mata ko sa gulat nang bigla na lang tumalsik ang lalake! Masyadong mabilis ang pangyayari!

“You don’t get to tell me that.” Walang ekspresyong pahayag ni Dark pagkatapos umayos ng tayo na tila ba walang nangyari.

Hindi naman ako nakapagreak. Bagsak lang ang panga kong nakatingin sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Nablanko bigla ang utak ko.

I can’t believe that he, a psychiatrist—who is supposed to be the most understanding, most considerate, and most compassionate person out there—resorted to violence ?

Ni wala man lang siyang warning. He literally just punched the man on the face!

Para tuloy biglang nagback to zero ang pagkakakilanlan ko sa kanya. It turns out that I really still have no idea about his true character.

Napaatras ako nang muling bumaling ang tingin niya sa akin. Napalunok ako. I suddenly felt… scared.

“I’m bringing you home.” He ordered.

Yes, ordered , not asked nor requested.

Hindi na ako nakaalma nang muli niya akong hilahin. Parang tuod na lamang akong nagpatangay sa kanya.

Kabanata XI

PALAGI na lang talaga akong napapadasal kapag kasama ang lalakeng ‘to. Pero ngayon, sa ibang dahilan.

Kanina pa ako nakakapit sa dulo ng aking damit habang pinapatakbo niya ang sasakyan. Tahimik lang akong nakayuko habang maya’t-mayang napapakagat sa labi dala ng kaba.

Sampung minuto na siguro ang lumipas mula nang pinasakay niya ako sa kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami patungo. Hanggang ngayon ay wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa.

Parang biglang nawala ang amats ko sa nangyaring kaganapan. In a state of shock pa rin ako sa biglaang panununtok niya. Hindi ko na nga nalaman kung anong nangyari sa lalake kanina pagkatapos niyang bumagsak, nahila na ako ng psychiatrist na ‘to bago ko pa man makita ang kalagayan ng lalake.

Sana lang at hindi magsampa ng kaso ang taong ‘yon. Mapapahamak ang doctor na ‘to.

Napalunok ako bago pasimpleng sumulyap sa kanya. Tahimik lang naman siya habang nagmamaneho. He looks composed now, as opposed earlier.

Gayunpaman, hindi pa rin mawala-wala sa utak ko ang biglaang outburst niya kanina. Ngayon ay parang biglang bumaliktad ang tingin ko sa kanya. I just wasn’t expecting that he’s the type of man to be… violent .

“I’m sorry.” **** Napakislot ako nang bigla siyang nagsalita.

Muli akong napasulyap sa kanya. Sumulyap din siya sa akin kaya kaagad kong binawi ang tingin.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin.

“That guy… I know him.” Aniya.

Nabuksan no’n ang kuryosidad ko. Gayunpaman ay nanatili akong tahimik, inaabangan ang susunod niyang sasabihin.

“He’s a cousin of a certain friend of mine. I met him at a party once. He probably didn’t recognize me, but I did.” Bahagya siyang huminga nang malalim. He already has a family of his own.”

Tuluyan nang nawala ang amats ko sa rebelasyong iyon. Gulat akong napatingin sa kanya.

“Pamilyadong tao na ang lalakeng ‘yon. I even met his wife once.” Tuluyan nang bumagsak ang panga ko. Hindi ako makapaniwala.

Iyong lalakeng nanghila sa akin… may sariling pamilya na pala. Puta.

Sumulyap siya sa akin. “I don’t want to stop you from doing whatever you want, but if your actions would ever put you at risk, then I won’t think twice barging in if that means being able to protect you.”

Hindi ako nakapagsalita. Tanga lang akong nakatingin sa kanya habang pilit nirerehistro sa utak ko ang lahat.

Sa huli ay mariin na lang akong napalunok. Umayos ako ng pagkakaupo habang nagsisimula na namang maglikot ang mga daliri ko.

Nakagat ko ang aking labi. Now I feel ashamed of everything I did. Masyado akong nagpapadalos-dalos. Mukha tuloy akong uto-utong babae, ang daling sumama kung kani-kanino.

God. My psychiatrist even drove all the way to my location just to save me from my stupidity. Nakakahiya. This is already beyond his duties and responsibilities as my psychiatrist slash therapist.

“We’re here,” nabalik ako sa katinuan nang hilahin niya ang handbrake ng kotse.

Napatingin ako sa paligid at nakitang nasa tapat na kami ng dorm ko.

“Dalawang minuto na lang magsasara na ang dorm niyo.” Paalala niya. Napatingin naman ako ulit sa kanya.

If that’s the case, then it’s already 11:58PM, few minutes before our building closes! Shit!

Nagmamadali kong binuksan ang pinto. Nawala na sa utak ko ang magpaalam sa kanya dala ng pagkataranta. Masasaraduhan na ako!

“Wait…”

Akmang bababa na ako ng kotse nang bigla siya ulit magsalita. Doon ko lang naaalalang lingunin ang lalake.

Pagkalingon ko sa kanya ay sinalubong ako ng mga mata niyang seryosong nakatuon sa akin. In an instant, my heart started beating erratically.

Napalunok ako. “B-Bakit?” Hindi ko naiwasan ang mautal.

He slowly and deeply sighed. “I’ll wait for you next week.” **** Aniya.

Napatitig naman ako sa kanya. Next week?

Nang maintindihan ko ang kanyang pinapahayag ay biglang nag-init ang mukha ko.

I told him awhile ago that I’m planning to ghost him next week, which is our next therapy session. Kaya ngayon, he’s telling me that he would wait for my arrival next week, for our next therapy session.

Napalunok ako. Pilit kong binalik ang tingin sa kanya. Pero parang mas nagwala ang puso ko nang makitang hanggang ngayon ay nakatitig pa rin siya sa akin.

Fuck those eyes…

“O-Okay…” Iyon na lang ang tanging nasagot ko bago tuluyan nang bumaba ng sasakyan.

Nagtuloy-tuloy na ako papasok ng gusali, hindi ko na nilingon ang kanyang sasakyan.

Nagtatalo ang utak ko. Kanina ay tuluyan nang bumaliktad ang tingin ko sa kanya, pero ngayon, parang bumalik na naman sa dati. His personality is very unpredictable.

Minsan ay para siyang hindi makapatay ng lamok. Pero kanina, hindi ko maipagkakailang bahagya akong natakot sa kanya.

Marahas akong umiling. Hindi ko na alam.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa aking bulsa kaya kaagad ko iyong kinuha. It was a message from Steven, asking where I am.

Napamura ako. Oo nga pala, kasama ko sila. Nakalimutan ko ‘yon.

Tinext ko na lamang siya na sumakit ang ulo ko kaya kinailangan ko nang umuwi.

Napahinga ako nang malalim. Nakapagsinungaling pa tuloy ako ng wala sa oras. All thanks to that psychiatrist of mine.

HINDI ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Basta’t paghiga ko ng kama ay kusa na ring bumagsak ang sistema ko. Dala na rin siguro ng alak.

“Huy Fayven! Gising!”

Napaungol ako sa ingay na narinig. Wala sa sarili akong nag-iba ng posisyon para tumalikod sa kung saan man iyon nanggagaling. Ang aga-aga, ang ingay-ingay!

“Fayven! May naghahanap sa’yo!”

Tuluyan na akong nagising nang may humampas sa akin ng unan!

Napabangon ako para pukulan ng masamang tingin ang nanghampas sa akin. It was no other than Bridgette.

Imbis na matakot ay umikot lang ang mga mata niya sa akin.

“Kanina pa may nag-aantay sa’yo sa labas. Angelli raw ang pangalan.” Aniya saka lumabas na ng kwarto.

Mang marinig ‘yon ay mas malala pa sa nabuhusan ng malamig na tubig ang naging reaksyon ko. Sa isang iglap ay nagising ang diwa ko.

Si Angelli?! Nandito?! Ngayon?!

Maagap akong bumangon saka nanakbo palabas.

Ang nanlalaki kong mga mata ay mas lalo pang nanlaki nang makita ko nga siyang nakaupo sa sofa!

Bruhang ‘to! **** “Anong ginagawa mo rito?!” Hindi ko makapaniwalang tanong.

Napasimangot lang siya sa akin. “Mag-ayos ka kaya muna? Pwede nang gawing pugad ng ibon ang buhok mo.”

Nanatili akong nakatitig sa kanya, hindi makapaniwala. Pero nang mapagtanto kong ang iba naming dormmates ay narito rin pala at nag-aalmusal, kaagad akong napaayos ng tayo.

Napatikhim ako.

“Hintayin mo na lang ako rito.” Huling sabi ko sa kanya bago kaagad na bumalik ng kwarto para kumuha ng tuwalya at ng damit.

Hindi kami pwedeng dito sa dorm mag-usap.

Mabilis akong naligo. Habang nagbibihis ay saka ko lang naisipang tignan ang oras. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang 1:27 na ng hapon!

Akala ko ay umaga pa lang! Ganoon ba talaga ako kabagsak kagabi? Pambihira!

Nagmadali na ako sa pagbibihis. Kumakalam na rin ang sikmura ko sa gutom.

Kinakalkal ko pa ang aking bag nang lumabas ako ng kwarto, sinisiguro kong dala ko ang lahat ng kailangan kong dalhin. Wallet. Phone. Susi.

“Tara na, nagugutom na ako.” Reklamo ko sa kanya.

Sumama lang ang tingin niya sa akin. Panigurado ay nahihiya siyang ipakita sa akin ang kanyang inis dahil may iba kaming kasama.

Nauna na siyang lumabas ng dorm. Sumunod naman ako kaagad.

Akala ko ay tuloy-tuloy lang kaming maglalakad, pero bigla akong napaatras nang walang babala niya akong hinarap saka masamang pinukulan ng tingin.

“Tanghali na tulog ka pa?! Saan ka ba nagpupupunta tuwing gabi, ha?!”

Ito na nga. Dahil wala na kaming kasama ay malaya niya nang mailalabas ang kanyang dragon.

Napakamot ako sa braso.

“Acquaintance party kasi namin kagabi.” Pagdadahilan ko. Wala namang kasinungalingan ‘yon.

“At kailan ka pa dumalo ng party?” Taas-kilay niyang tanong. Of course, she knows me too much.

“Uhh, kagabi?” Pamimilosopo ko na lang dahilan para mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. “Nahila lang ako ng mga kaibigan ko, okay? Wala naman dapat talaga akong balak pumunta kung hindi lang nila ako pinilit.”

Dahil doon ay unti-unti naman nang kumalma ang kanyang mukha.

I sighed in relief. Mahirap pa naman pag nagagalit ang isang ‘to. Mabuti na lang at mukhang pinaniniwalaan niya naman ako.

Well, aware din naman siya na hindi ako sinungaling.

“I’m glad na nakikipagkaibigan ka na. You’re slowly learning to socialize.”

Napakurap ako sa ka-seryosohan ng kanyang boses. Pati ang mukha niya ay walang halong pagbibiro. Halos kilabutan pa ako nang sinsero siyang ngumiti.

“Nang-aasar ka ba?” I asked cautiously.

Bumagsak naman ang ngiti niya. Abot-langit niya akong inirapan. “Seryoso ako! Noon naman, kahit kami ay hindi ka namin napipilit dumalo ng mga party. In fairness ngayon, nag-iimprove ka na. Bet mo na makipag-party party.”

Ako naman ang napairap. She’s not wrong though.

“Next time, nakikipag-momol ka na niyan.” Habol pa niya.

Nahampas ko tuloy siya sa braso ng wala sa oras.

“Buang! Hindi pa ako ready sa mature roles.”

Muling umikot ang mga mata niya. “Kaya nga momol momol muna, diba? Kumbaga sa pag-aartista, hindi ka naman agad sasabak sa pelikula, workshop workshop muna!”

“Oo na, oo na. Ang dami mong alam.”

Hinila ko na siya para magpatuloy kami sa paglalakad. Parang demonyo lang siyang tumawa.

“Pero dapat siguraduhin mong pang Damon Salvatore ang leading man mo, ha! Bonus na rin kung may kapatid na Stefan Salvatore. Alam mo na, share share din pag may time.”

“Demanding nito. Tingin mo talaga may mala-Damon Salvatore na papatol sakin?”

Nakalabas na kami ng gusali. Kaagad kong pinara ang taxi na padating.

“Oo naman! ‘Yang beauty mong ‘yan, mabenta ka sa mga foreigner at AFAM.” Sagot niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Hindi na ako nakasagot dahil sumakay na kami ng taxi.

“May alam akong café. **Do’n na lang tayo. Ma ** gugustuhan mo ro’n.” Wika ko saka sinabi sa taxi driver ang location ng lugar.

“Talaga lang, ha.” Aniya.

Hindi na ako sumagot. Tumanaw na lang ako sa bintana. Nagsisimula nang bagabagin ng mga tanong ang utak ko.

I know for sure Angelli didn’t go here for nothing. Kung ano man ang sadya niya rito sa Baguio, sana ay hindi ako ang pinaka-dahilan no’n. I hate being the reason behind people’s efforts. I don’t deserve it.

Makalipas ang sampung minuto ay nakarating na rin kami. Kaagad na muna akong magbayad bago kami bumaba.

Bumungad sa aming harapan ang maliit na gusaling gawa sa pinagsamang wood and brick. Ang harapan no’n ay napupuno ng mga hanging vines na halos bumalot sa buong exterior ng gusali.

“Ay, gandara.” Komento ni Angelli nang mapagmasdan ang lugar.

“Dito na lang tayo sa labas, mas presko.” Suhestiyon ko.

Meron din kasing mga mesa sa gazebo dito sa labas. Kahit ang gazebo ay napapalibutan ng hanging vines. Magandang pagtambayan.

“Sige, ikaw na mag-order sa akin. Wait na lang kita rito.”

Iyon ang ginawa namin. Ako na lang ang pumasok ng café para umorder.

The chimes rang as soon as I opened the door. Pumasok na ako at nagtungo sa counter. Mula rito ay namili na ako sa menu na nakapaskil sa taas, tutal ay meron pa namang nag-oorder sa harap ko.

Hindi ‘to ang unang punta ko rito. I just figured this place out through Annika and Bridgette, sila ang nag-aya sa akin dito. So far ay nakatatlong balik na ako rito.

Gumilid na ang taong nasa harap ko para tumayo sa may claiming side kaya naman naglakad na ako palapit sa counter.

“Uhh, 1 blueberry cheesecake and 1 strawberry cheesecake. Then 1 mocha frappe and 1 macchiato, both large.”

“Okay, ma’am. Repeat order lang po.”

Inulit niya ang binanggit kong order. Kinumpirma ko naman ‘yon habang kumukuha na ng pambayad sa aking wallet.

Abala pa ako sa pagbibilang ng bills nang biglang may naglapag ng 1,000 bill sa counter. Nangunot ang noo ko.

Napalingon ako sa pinanggalingan ng kamay na ‘yon at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kung sino iyon.

“Dr. Adelman!” Gulat kong bulalas.

He smiled. “It’s on me.” Aniya bago inabot ang pera sa cashier. Nataranta ako nang tanggapin iyon ng cashier.

“Sandali—”

“I insist.” Hindi na ako nakaangal nang binaryahan na siya ng cashier.

Napakamot na lang ako sa braso. “Salamat.”

“No worries,” he smiled as he delved his hand into his pockets. Doon ko lang napansin ang kaswal niyang kasuotan. Ang tanging suot niya lang ay dark blue shirt at faded jeans. Mukhang wala siyang trabaho ngayong araw.

“Uhm, kanina ka pa ba rito?” Tanong ko.

“Nah, ako ‘yong nakapila sa harap mo kanina.”

Nanlaki ang mga mata ko.

“Oh! Hindi ko napansin. Pasensya na, Dr. Adelman.”

Mahina siyang tumawa. “We’re outside the clinic. You can call me Kier.”

Hindi ko naman alam ang magiging reaksyon do’n. Though he looks genuine with the way he smiles, naiilang pa rin ako syempre. Pero mukhang madali lang mawawala ang pagkailang ko dahil sa magaang presensya niya.

“Okay…” Tumikhim ako. ”…Kier.”

His smile widened. “Better.”

Tipid akong napangiti. Hindi talaga siya mahirap pakisamahan.

“Mukhang wala po kayong work ngayon, ah.” Pansin ko.

“And it seems like wala kang therapy ngayon.” Sagot niya kaya bahagya akong natawa. Sabado kasi, kadalasang araw ng therapy ko.

“Every other week ang therapy ko, depende kay…” Bahagyang nawala ang ngiti ko. Napatikhim ako. “Kay Dr. Vergara.”

“Oh! Right.” Nagliwanag ang mukha niya. “Oo nga pala. I heard he has a flight to Manhattan this Saturday morning for business purposes.” Napapatangong aniya.

Nangunot naman ang noo ko. “May business siya?”

Napaharap siya sa akin ng may nagtatakang ekspresyon. “Oh, you didn’t know?” Tanong niyang agad ko namang inilingan. “He owns several pharmaceutical companies.”

Nanlaki ang mga mata ko ro’n. Pharmaceutical companies?

“Seryoso?” Hindi ko makapaniwalang tanong.

“Yup, along with various hospitals around the globe, including the Seeking Light Clinic I’m working in.”

Umawang ang labi ko.

Dr. Vergara… owns that clinic?!

Imposible!

I mean, hindi naman sa imposible… hindi lang ako makapaniwala! How can he manage to be a psychiatrist and be an entrepreneur at the same time?

Naalala ko pa na minsan kong tinakot si Dr. Vergara na irereport ko siya sa may-ari ng clinic, tapos siya rin naman pala ang may-ari no’n?! Nakakahiya!

Biglang nag-ding ang counter bell sa claiming side iniindikang ready na ang isang order. They served 1 hot cup of coffee in a disposable paper cup. Kaagad nagtungo doon si Kier para kunin ang order niya.

Gosh, hindi pa ako sanay tawagin siya sa first name niya.

Hindi rin naman nagtagal ay hinain na rin nila ang isang tray ng order, iyon na ‘yong sa amin ni Angelli.

Akmang kukunin ko na ‘yon nang naunahan na ako ni Kier na buhatin ‘yon.

“Hala, ako na! Kaya ko naman.”

Sinubukan kong kunin mula sa kanya ang tray pero iniwas niya iyon sa akin. “No, I insist. Saan ang table mo?”

Napakamot na lang ako sa braso. May pagka-assertive pala ang isang ‘to. “Sa labas, kasama ko pinsan ko.”

“Nice,” **** nauna na siyang naglakad kaya maagap akong napasunod sa kanya para buksan ang pinto. He even thanked me for that small gesture.

Iginiya ko siya papunta kay Angelli na kasalukuyang gumagamit ng cellphone. Pero nang maramdaman niya ang pagdating ko ay mabilis siyang napatingin sa akin.

“Ang bilis ah—” hindi niya na natuloy ang sasabihin nang ilapag ni Kier ang tray sa table namin. Kaagad natigilan si Angelli.

Ah, Angelli, si Kier, or Dr. Adelman, nagtatrabaho siya sa clinic kung saan ako nagthe-therapy. And Kier, si Angelli, pinsan ko.”

Kier initiated a handshake with Angelli. Kaagad naman iyong tinanggap ng huli.

“Ingat ka dyan, may rabies ‘yan.” Pagpapaalala ko kay Kier nang magtagpo ang mga kamay nila.

Natawa naman si Kier samantalang pinukulan ako ng masamang tingin ni Angelli.

“Mas mag-ingat ka dyan kay Fayven. Malala ang sakit niyan sa utak.”

I bursted out laughing. She was referring to my mental disorders which I only took lightly. Si Kier naman ay hindi malaman kung tatawa ba o hindi. Mas natawa tuloy ako sa reaksyon niya.

“You can laugh. Ganyan lang talaga ang humor naming magpinsan.” I assured him.

Napakamot lang siya sa batok habang nangingiti. “It feels illegal to laugh.”

Oo nga pala, he’s also a psychiatrist. Paniguradong weird sa kanya tumawa sa mga ganitong bagay.

“Mag-isa mo lang ba, doc? Sabay ka na sa amin.” Pag-aaya sa kanya ni Angelli.

“Actually, bumili lang talaga ako ng kape. I still have to analyze some cases of mine.”

“Ay, gano’n ba? Next time na lang?” Pagpupumilit pa ng gaga.

Palihim ko siyang pinanlakihan ng mga mata. Jusko, nakakahiya. Pinipilit niya pa talaga.

“Yea, sure.” Walang alinlangan namang sagot ng lalake. “Alam naman ni Fayven kung saan ako hahanapin.” Nakangiti pang sabi niya.

“Okay, asahan ko yan ‘ha!” Nasasabik na wika ni Angelli.

Napapakamot na lang ako sa brasong humarap kay Kier. “Salamat nga ulit, ha? Di bale, sa susunod, ako naman ang manlilibre.”

He just chuckled. “Wherever you’re happy.”

I smiled at him.

We finally bid our goodbyes for a minute. Hindi nagtagal ay umalis na rin siya.

Naupo na ako sa kaharap na upuan ni Angelli. Pero hindi pa man tuluyang sumasayad ang pwet ko sa upuan ay ginisa niya na ako.

“Iyon na ba ‘yong main lead mo?!” Parang kinikiliti niyang tanong.

Napairap ako. “Sira, hindi.”

“Wow, choosy ka pa ha? Pasadong-pasado na ‘yon, mumsh! Panigurado siya na ang pinaka-daddy na nagtatrabaho sa clinic na pinupuntahan mo. Grab mo na ‘yon!”

Hindi ako nakapagsalita. Not because I agree, but because I beg to differ.

Hindi siya ang pinaka-daddy. My psychiatrist is way—I refrained myself. No, don’t say that!

“Let’s go to the main point, Angelli.” Seryoso akong tumingin sa kanya. “Anong ginagawa mo rito sa Baguio?”

That caught her off guard. Hindi niya inaasahang didiretsuhin ko siya kaagad.

Huminga siya nang malalim. Nang ma-compose niya ang sarili ay saka siya sumagot.

“Bihira kang sumagot sa mga messages ko. I had to make sure you’re okay.”

I was right. She’s here to check me.

Napabuntong-hininga na lang ako.

“Hindi mo naman kailangang pumunta rito—”

“Kailangan, Fayven. Malay ko ba kung…” Hindi niya na tinuloy ang sasabihin.

Hindi niya rin naman na kailangan pang ituloy, nakuha ko na kaagad ang ibig niyang sabihin.

Napaiwas ako ng tingin.

“You attempted again, didn’t you?” Diretso niyang tanong sa akin.

Napahugot ako ng malalim na hininga. “No.” Pagsisinungaling ko saka diretsong tumingin sa kanya. “I didn’t… I’m doing fine now, Angelli.

Hindi ko siya iniwasan ng tingin para mapatunayan ang kasinungalingang ‘yon.

Tumitig din naman siya sa akin, sinusubukang ianalisa kung nagsasabi ako nang totoo.

“At isa pa, para ko na rin sila hinayaang manalo kapag pinatay ko ang sarili ko. Panigurado magdidiwang ang mga hudas nating kamag-anak, ayoko ngang maging dahilan ng pagsaya nila. If my existence means **perish ** for them, then I’ll live just so I could torment them for the rest of my life.” Seryoso kong pahayag.

“Ay wow, ito na ba ‘yong part na sasabihin mong **‘matitikman niyo ang batas ng may api!’ ** ?”

Napairap ako. “Kung pwede lang, Angelli. Pero hindi ‘to teleserye kung saan kaya kong humanap ng tutulong sa akin para maging milyonaryo ako at makahiganti sa mga taong nang-api sa akin. Ito ang realidad… kung saan ang tanging kayang gawin ng mga api ay ang mag move on kahit pa hindi nila nakuha ang sapat na hustisya para sa kanila.”

Tinarak ko na ang straw sa aking baso para sumipsip do’n.

“Yeah, sad reality.” Iyon na lang ang nakomento ni Angelli.

Iniba ko na lang ang topic. “Kamusta nga pala sa bahay?”

“Ayun, bulabug pa rin simula ng gabing sinugod natin ang bahay.” Sagot niya saka humiwa sa kanyang cheesecake. “Hindi makapaniwala ang lahat nang magsalita ka, lalo na iyong mga bruha nating pinsan. They really thought you’d be silent forever. But personally, I’m proud you finally stood up for yourself… Though at first, na-shock din talaga ako.”

Hindi ako nagsalita.

Hindi ko na alam ang sitwasyon sa bahay matapos ang pangyayaring ‘yon. Hindi ko rin naman na gustong alamin.

“Buti sinupalpal mo sila, kung hindi ako talaga ang susupalpal sa kanila! Ginamit pa ang Bibliya sa kademonyohan nila. Lakas pa nilang maka-post ng Bible Verse palagi, mga kampon naman ni Satanas!”

Natawa ako. I know who exactly she’s talking about. Si tita Rowene, nanay nila Hera and Vera, I don’t even wanna call them ate anymore.

“Tignan mo ‘to, tignan mo ‘to,” hinarap niya sa akin ang kanyang phone, pinapakita ang isang post ni tita Rowene mula sa FaceBook. “Philippians Chapter 3, Verse 20 daw. We are the citizens of heaven where the Lord Jesus Christ lives, and we are eagerly waiting for Him to return as our savior! Grabe, sure na sure talaga siya na may slot ang family niya sa heaven?!”

Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Nanlalaki ang butas ng ilong niya sa galit.

“Ito pa, ito pa!” Nagscroll siya sa profile ni tiya Rowene para makita ang iba pang post nito. “According to Ephesians 4:29 daw, if you can’t say anything nice, then just don’t say anything at all daw! Pinost niya pagkatapos nung gabing pagsugod mo, parang pinapatamaan ka pa niya!”

Naiiling na lang ako. Anyway, I’m no longer surprised. Ganyang-ganyan naman ang pag-uugali nila. They don’t practice what they preach.

“Grabe, nakaka-stress, mga hipokrito!” Napahilot siya sa magkabilang sentido. “Kapag talaga nakasalubong ko sila sa impyerno, pati si Satanas mahihiya sa mala-demonyo kong tawa!”

Natawa na lang ako ulit.

As opposed to my earlier reaction, I’m actually thankful that Angelli went here to check my condition. Nung una ay hindi pa maganda ang reaksyon ko sa pagpunta niya rito, pero ngayon, tuluyan nang bumaliktad ang nararamdaman ko tungkol do’n.

I’m happy that she went here. Somehow, unti-unti na ulit akong nakakatawa nang walang halong pagpepeke.

INABOT din ng ilang oras ang pag-uusap namin. Eventually, it had to come to an end. Balikan lang kasi si Angelli kaya hindi pwedeng abutin ng gabi ang pag-uusap namin. Pito hanggang walong oras din ang ibya-byahe niya pauwi.

It’s already 4PM. Naglakad-lakad pa kami kanina sa Session Road, pero ngayon ay pabalik na sa dorm ko ang tinatahak naming daan. Hinatid niya pa talaga ako pabalik imbis na magtaxi na patungong bus station. Hindi talaga siya nagpaawat.

“Hay, kung pwede lang habaan pa ang oras.” Wika niya nang matanaw na ang dorm namin.

“Kung gusto mo balik ka ulit next week.” Suhestiyon ko.

Gulat naman siyang napalingon sa akin.

“Ay wow, kapit-bahay lang ba kita?” Sarkastiko niyang sabi dahilan para matawa ako.

“Kung gusto mo lang naman. Hindi ako namimilit.”

“Tse. Buti sana kung hindi nakakangalay sa pwet umupo ng pitong oras sa bus!”

Narating na namin ang tapat ng dorm kaya tumigil na kami sa paglalakad. Dito na rin siya mag-aabang ng taxi.

“Oo na, sige na uwi na. Good luck sa 7 hours ulit na pag-upo.”

Napairap siya. “Ikaw na nga pinuntahan—!”

Napatigil siya sa pagsasalita nang may taong biglang lumabas sa kotseng nakapark sa gilid namin. Masyado iyong malapit na napaatras pa kami nang bumukas ang pinto no’n para hindi kami tamaan.

Nangunot ang noo ni Angelli. Jusko, mukhang makikipag-away pa ang isang ‘to!

Hihilahin ko na lang sana siya palayo sa pwesto namin nang masilayan ko ang mukha ng taong lumabas ng kotse. Awtomatikong lumuwa ang mga mata ko.

Sandali. Anong ginagawa niya rito?!

Ms. Fayven.”

Nilapitan niya kami, or more like… nilapitan niya ako.

Ang kaninang inis na ekspresyon ni Angelli ay nawala. Ngayon ay bagsak ang panga niyang nakatulala sa mukha ni Dr. Vergara.

Buti na lang at nakaharap sa akin ang huli kundi ay makikita niya ang lantarang pagkatulala ni Angelli sa kanya. Nakakahiya.

“Dr. Vergara.” **** Napalunok ako, hindi makapaniwala sa biglang pagsulpot niya. “A-Anong ginagawa mo rito?”

“I just wanted to send you this.”

Inabot niya ang isang paper bag.

Napakurap naman ako at napatitig sa puting paper bag na iyon.

“Ano ‘to?” **** Inabot ko ang paper bag at sinilip ang loob. Nangunot ang noo ko nang makitang pagkain ang laman no’n.

“Food… to help you with your hangover.”

Gulat akong napatingala sa kanya.

Bakit niya ako dinadalhan ng pagkain? Hindi naman ito kasama sa responsibilidad niya bilang psychiatrist ko.

“S-Salamat, sana hindi ka na nag-abala.”

At teka… Hindi ba ay may flight siya sa Manhattan kaninang umaga?

“Bakit nandito ka pa?” Nagtataka kong tanong.

Nangunot naman ang kanyang noo. “Are you telling me to leave?”

Nanlaki ang mata ko at agad na umiling. Mali ang pagkakaintindi niya. “Hindi! Ang ibig kong sabihin… akala ko kasi…” Shit. Hindi ko pala pwedeng sabihin na akala ko ay may flight siya, paniguradong tatanungin niya kung saan ko nakuha ang impormasyong ‘yon. Baka mamaya isipin niya pang pinagchichismisan namin siya ni Dr. Adelman—I mean ni Kier. “W-Wala. Sinadya mo pa talaga akong dalhan ng pagkain. Wala ka bang importaneng ginagawa?” **** Napalunok ako.

“Nothing really.” Kaswal niyang sagot saka namulsa.

Sinungaling! He’s a businessman handling numerous enterprises, paanong wala siyang importanteng ginagawa? Shouldn’t he be handling those instead of wasting his time sending me food?

“Though I should probably go. It seems like you have company.” Aniya saka sumulyap kay Angelli.

“Ah, oo, kasama ko pinsan ko.”

Napatango siya. “I see,” bumalik ang tingin niya sa akin. “I better keep going then. Drink the meds I included in the bag. It’ll help.”

Tumango na lang ako muli. “Salamat, Dr. Vergara.”

He just nodded once before finally heading back inside his car. Pinanuod ko na lang ang pag-andar no’n, hinihintay hanggang sa tuluyan iyong lumayo nang lumayo.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maintindihan kung bakit kailangan niya pang magpadala ng pagkain para sa hangover ko. Is he really this caring towards his patients?

“Tang ina!” Muntik na akong mawalan ng balanse nang bigla akong hampasin ni Angelli sa likod! “Iyon na ang main lead! Sure na! Pakshet, galing ba ‘yong langit?! Paano mo ‘yun nakilala?! Saan kayo unang nagkita?! At ano ‘yang binigay niya—”

“Shut!” Tinaas ko ang hintuturo para patahimikin siya. Kaagad naman siyang natigilan. Huwag mong gawan ng issue, psychiatrist ko ‘yon.”

Halos lumuwa ang mga mata niya sa gulat nang marinig ang sinabi ko. “Psychiatrist mo?!”

Napatakip ako sa magkabilang tenga sa lakas ng sigaw niya.

“Huwag ka ngang sumigaw!” Tumingin ako sa paligid. Buti na lang at walang gaanong tao. “Oo, psychiatrist ko siya, okay? Kaya please lang, spare him with your teleserye leading man fantasies.”

“Ay beh! Malabo! Na-eexcite ako sa plot na ‘yan! The psychiatrist and his broken client.” Bumungisngis siya.

Napaikot na lang ang mga mata ko. Malala na ang babaeng ‘to.

“Malapit nang mag ala singko. Gusto mo bang umabot ng hating gabi sa daan?” Paglilihis ko na lang ng usapan para matigil na siya.

Kaagad namang nanlaki ang mata niya sa realisasyong ‘yon. “Ay shit oo nga! Muntik ko nang makalimutan!” Napatampal siya sa noo. “Sige pala mauna na ako.” Mabilis niya akong bineso.

“Mag-iingat ka ha?” Utos ko.

“Mag-ingat sila sa akin.” Ngumiti siya saka kaagad pinara ang papalapit na taxi.

Nang huminto iyon sa tapat namin ay kaagad niyang binuksan ang pinto. Akala ko ay magtutuloy na siya papasok pero nilingon niya pa ako saka pinaningkitan ng mata. “Hindi pa rin kita tatantanan.”

Napaikot na lang ang mga mata ko.

May pangarap kasi maging direktor ang isang ‘to, kaya ganito na lang siguro ang kasabikan niya sa paggawa ng teleserye. Pati ako ay ginawa pang character.

“Bye bye! Huwag ka munang magpakamatay!” Sigaw niya matapos ibaba ang bintana ng taxi. Nagsimula nang umandar ang sinasakyan niya kaya kinawayan ko na lang siya kahit gusto ko na siyang supalpalin. “Bago ka magpakamatay, subukan mo munang magpalaway!”

Halos takpan ko ang mukha ko sa hiya nang isigaw niya ‘yon kahit unti-unti nang lumalayo ang sinasakyan niya. Napaka-gaga talaga!

Kabanata XII

“FAYVEN, nakahanap ka na ba ng maiinterview?” Usisa ni Steven habang naglalakad kami palabas ng Psych building.

Napahinga naman ako nang malalim nang maaalala ang problemang ‘yon.

“Maghahanap pa lang ako. Kailan nga uli ang pasahan no’n?” Tanong ko.

“Sa Friday,” sagot niya.

Napaisip ako. It’s already Tuesday. Kailangan ko nang makahanap ng taong maiinterview, para by Thursday ay mafinalize ko na ang enconded paper ng mismong interview. That means, I only have this day and tomorrow to conduct the interview. Kaya dapat ngayon pa lang ay makahanap na ako ng taong iinterviewhin.

Nakagat ko tuloy ang loob ng aking pisngi. Isang mental health clinic lang ang alam ko rito sa Baguio.

“Diretso uwi ka na ba?” Tanong ni Steven dahilan para bumalik ang tingin ko sa kanya.

Nakalabas na pala kami ng school premises, ngayon ay naglalakad na kami patungo sa tinutuluyan kong dorm.

“Uhm, oo. Tatapusin ko na kaagad iyong assignment natin sa zoology .”

It’s already 5PM and our classes for today already ended.

“Sige, mauuna na pala ako.”

He waved goodbye. Kumaway na lang din ako pabalik sa kanya, hanggang sa tuluyan na siyang tumalikod para magpatuloy sa paglalakad.

Maglalakad na rin sana ako papasok ng dorm pero kaagad akong pinigilan ng utak ko. I need to find an interviewee now. That’s more urgent than any other assignments I have now.

Napabuga ako ng hangin.

Pakshet. Bahala na nga.

Nagtatalo man ang loob ay tinahak ko ang kabilang daan saka kaagad pumara ng jeep.

I need to go to the only mental clinic I know. Doon ko lang mahahanap ang taong kailangan kong ma-interview.

NAPABUGA ako ng hangin nang makitang bukas pa ang clinic. Kanina ay napaisip ako na baka sarado na ‘to, buti na lang at hindi pa.

Maagap ko nang tinahak ang entrance para pumasok. Kaagad namang napatingin sa akin ang babae sa front desk pagkatulak ko sa pinto.

“Hi,” sinalubong ko siya ng ngiti. Sinuklian niya naman ‘yon.

“Good afternoon, Ms. Mojica. How may I help you?”

“Uhm,” napakamot ako sa braso. Okay, focus, Fayven. Huwag kang kabahan. “Wala naman akong appointment for today. I’m just wondering if there’s a mental health professional whom I could possibly interview?”

Nakagat ko ang labi. Nakakahiya. I don’t even know if they will allow me. But this is the only shot I got.

“Of course, ma’am! I think we can make that possible.”

Napanatag naman ako ro’n. Nakahinga na rin ako sa wakas nang maluwag. Buti na lang.

She started scanning through the computer monitor, probably finding a possible interviewee who’s free at the moment.

Sana may available. Sana may available.

My fingers crossed in anticipation. Kahit siguro maghintay ako ng ilang minuto, o kahit oras pa ‘yan ay okay lang, basta may ma-interview ako. Ayoko namang unang assignment eh zero ako kaagad.

Biglang tumunog ang elevator.

Bilang dakilang Marites ay awtomatikong umikot ang ulo ko para tumingin do’n.

It felt like my heart dropped when Dr. Vergara stepped out of the elevator, walking proudly with his incredibly tall height and model-like posture.

What a coincidence nga naman. Ngayon pa talaga?

I gulped. Hindi niya suot ang kanyang ordinaryong lab gown, tanging dark gray long sleeves polo na lamang ang kanyang suot na pinaresan ng itim na slacks.

I swallowed again as he violently loosened the necktie around his neck, before unbuttoning the first few buttons of his polo as he continued walking. Hindi ko pa nga sana mapapansin ang taong kasama niya kung hindi lang siya nagsalita.

Awtomatikong lumipat ang mga mata ko sa kasama niya. Oo, hindi nga siya nag-iisa, may kakwentuhan siyang babaeng tingin ko ay nagtra-trabaho rin dito sa clinic.

Magandang babae. Mukhang may mataas na pinag-aralan. Kasing taas ng mga ngiti niya ngayon habang kausap si Dr. Vergara.

Napalunok ako bago kaagad na diniretso ang katawan para hindi nila ako makita.

Not that he would care…

“Sakto, out na ni Dr. Vergara—-”

“Wala na bang iba?” Kaagad kong putol sa sa babae. Gulat naman siyang napatingin sa akin.

Ayan, nagmukha pa tuloy akong demanding.

Napakamot na lang ako sa kilay. “Mukhang busy siya ngayon, eh.” Dahilan ko na lang saka pilit na ngumiti. Reasonable naman ang sinabi ko gayung may kasamang ibang tao ang lalake.

“Uh, right.” She agreed before started scanning again.

Buti na lang.

“Good afternoon Medina,” napakislot ako nang may tumabi sa akin. Napatingin ako ro’n at nabigla ako nang makitang iyon ‘yong babaeng kasama ni Dr. Vergara kanina. “Pwede bang ipa-request mo kay Angelo na dalhin iyong MIB-II test sa office ko? I need it by 6 sana. Babalik pa naman ako mamaya. Magdidinner lang muna kami saglit ni Dark.”

Napakurap ako. Ni Dark?

“Yes, ma’am. Copy po.” Sagot naman ng babae sa front desk na tinawag na Medina.

Iniwas ko ang tingin.

Tinawag ng babaeng ‘to si Dr. Vergara sa kanyang pangalan. First name basis, kung gano’n ay close sila. Cute.

“Thank you, Medina.”

Iniwas ko ang mukha sa kanyang gawi, hindi ko alam kung bakit ko ginawa ‘yon. Hindi niya naman ako kilala.

Hindi naman nagtagal ay tuluyan na siyang naglakad palayo.

“Let’s go?” I even heard her say, probably talking to Dr. Vergara. Hindi ko na lang sila pinansin.

Pumapag-ibig din pala ‘tong psychiatrist ko. Edi wow, sanaol na lang.

Muling nag-ding ang elevator. Hindi na nga sana ako titingin do’n pero hindi ko napigilan nang mapansing pamilyar ang taong lumabas mula roon.

Napaayos ako bigla ng tayo. Si Dr. Adelman ‘yon ah?

“Out na rin pala ni Dr. Kier ngayon,” salita ni Medina kaya kaagad akong napalingon sa kanya. “Okay lang po ba kung si Dr. Adelma—-”

“Sige, siya na lang.” Kaagad kong putol sa kanya.

Buti na lang! Dr. Adelman is the best choice. We already met twice, hindi na ako ganoon maiilang sa kanya, kumpara sa kung hindi ko kakilala ang iinterviewhin.

Napatango naman sa akin si Medina bago humarap sa doktor na ngayon ay tuloy-tuloy pa ring naglalakad paalis. The man is casually wearing a light blue long sleeves, nakasabit pa sa braso nito ang puting lab gown.

“Dr. Adelman!” Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang sumigaw si Medina. “Ms. Mojica is looking for you!”

Malutong akong napamura sa utak. Kailangan niya pa ba talagang isigaw ‘yon?!

I mean, I can’t blame her, palabas na ng building si Dr. Adelman. Pero kahit na! Nakakahiya pa rin! Sa lakas ng sigaw niya ay pati sina Dr. Vergara na nasa entrance na ng building ay napalingon din sa amin. Pakshet malala.

Saglit na nagtama ang tingin namin ni Dr. Vergara kaya kaagad akong umiwas. Pinili ko na lang na idikit ang tingin kay Dr. Adelman na napalingon din sa aming direksyon.

Nung una ay mukha pa itong nagtataka, pero nang dumapo ang tingin niya sa akin ay mabilis na umaliwalas ang kanyang mukha.

Napalunok ako bago pilit na ngumiti sa kanya. I even awkwardly waved.

“Oh, Ms. Mojica!” Kaagad niya akong nilapitan dala ang kanyang maliwanag na ngiti. “You’re looking for me?”

“Uh,” shet. Bakit ba kasi sinabi ni Medina na hinahanap ko siya? Hindi naman talaga literal na siya ang intensyon kong hanapin. Ang nais ko ay ang maiinterview, hindi ‘yon magkaparehas. “M-May pabor sana kasi ako.”

Oo na, ako na ang makapal ang mukha. Pero wala akong choice. Kailangan ko ang kakapalan ng mukha para pumasa.

“Oh, gusto mo na bang masundan ang ating coffee—what should I call this, hmm… coffee bonding?” He smiled, slightly raising his eyebrows.

Napakamot naman ako sa leeg. I was about to say no, when I realized I could use that ‘coffee bonding’ time to interview him. Right. Iyon na lang ang sasabihin ko. Nakakahiya naman kasing diretsuhin ko siyang kailangan ko siyang interviewhin.

“Uh, available ka ba ngayon—-”

“He’s not.” Muntik na akong mapalundag nang may malalim na boses ang nagsalita sa likod ko.

Paglingon ko ay muntik nang lumuwa ang mga mata ko nang mabungaran si Dr. Vergara!

Anong ginagawa niya rito?! Hindi ba’t lumabas na sila?!

Napalinga ako sa paligid para hanapin ang babaeng kasama niya. Nanlaki ang mata ko nang makitang nasa entrance pa rin ng building ang babae kung nasaan sila kanina, nakatingin ito sa direksyon namin.

“Excuse me? Bumalik ang tingin ko kay Dr. Adelman nang nalilito niya iyong winika kay Dr. Vergara.

“The board is expecting to receive your report by 7.” Muli akong napalingon kay Dr. Vergara. He said that to Dr. Adelman with a straight face.

Mukha namang nagulat ang huli.

Dr. Adelman seems to be confused when he spoke. “Hindi ba sa Friday pa—” Dr. Vergara cut him off.

“Well they need it. Now.” Diin naman ni Dr. Vergara.

Hindi nakapagsalita si Dr. Adelman. Mukhang nalilito pa rin siya. Habang si Dr. Vergara naman ay nanatiling seryosong nakatitig sa kanya.

Few seconds later, his head tilted to the side. “You don’t wanna disappoint the board, do you?”

Napakurap ako. Hindi ko alam kung nang-aasar ang lalakeng ‘to o sadyang normal lang sa kanya ang paggamit ng gano’ng tono ng pananalita.

Seconds later, Dr. Adelman just sighed in defeat.

“Right,” he finally surrendered.

Humarap siya sa akin. “I’m sorry, mukhang hindi matutuloy ang coffee bonding natin. May importanteng bagay pa akong kailangang tapusin. Babawi ako sa susunod.” He smiled apologetically.

Kaagad naman akong umiling habang bahagyang winawagayway ang palad ko sa tapat ng aking dibdib. “Okay lang, doc, ano ka ba. Naiintindihan ko.” I assured him.

Nakahinga naman siya nang maluwag. “Okay. I’ll be right here when you need me.”

Tumango na lang ako at ngumiti. Kumaway ako nang tuluyan na siyang umalis.

Pero pagkalabas niya ng pinto ay hindi ko na naitago ang disappointment ko. Bumagsak ang mga balikat ko kasabay ng pagbuntong-hininga ko.

Now, what? Wala na akong maiinterview.

“Coffee bonding?”

Muntik na naman akong mapatalon nang muling magsalita ang lalake sa tabi ko. Right, nandito pa pala siya.

Maagap akong napatingin sa kanya. Napalunok ako sa seryoso niyang mga tingin.

Naiintimida na naman ako sa kanya.

“Uh, wala ‘yon.” Sagot ko na lang saka umiwas ng tingin.

“Do you need something from him?” Usisa niya pa.

My lips turned into a thin line. “Wala,” pagsisinungaling ko.

He stared at me, so intense I almost shit my pants.

Wala sa sarili akong napalunok. He’s at it again! Reading me!

Ako naman ‘tong si tanga, sa dami ng pagsisinungalingan, sa psychiatrist pa talaga? Kahit anong pagtatago ang gawin ko, paniguradong basang-basa pa rin niya ang behavior ko.

“Really?” Hindi naniniwala niyang tanong.

Napasimangot ako. “Oo nga, mangangamusta lang sana.”

Bahala siya, hindi ako aamin.

He looked at Medina. Sa pagtingin niyang iyon sa babae ay kaagad itong napaatras at napayuko.

“S-She’s looking for a mental health professional to interview, Doc.”

Napaawang ang bibig ko sa paglaglag sa akin ni Medina. She snitched!

Napakurap na lang ako, hindi makapaniwala.

Did Dr. Vergara just ordered Medina through his stares?

What the fuck?

Muling bumalik ang tingin sa akin ng doktor, muntik pa akong mapaatras katulad ni Medina kanina.

Kaswal lang naman ang tingin niya, pero pakiramdam ko nakagawa ako ng malaking kasalanan!

“School purposes?” Tanong niya.

Napakamot ako sa braso. Idedeny ko pa ba? Ini-snitch na ako!

“Oo,” umiwas ako ng tingin.

“And you purposely requested Adelman to interview?” His voice was suspicious.

Nanlaki naman ang mata ko. “Ano? Hindi ‘no!” Kaagad kong tanggi. “Sadyang siya lang ang nagkataong available.” Napairap ako, hindi ko na napigilan.

Para saan ba ang pag-uusap naming ‘to? Sinasayang niya lang ang oras ko, at panigurado sinasayang ko lang din ang oras niya.

“Well, he’s no longer available now, is he?” Aniya.

Napasimangot ako. Malamang! Pinaalis mo, eh!

Nang-aasar ba siya?

“Oo, kaya aalis na rin ako—”

“Bakit ka aalis?”

“Malamang, para maghanap ng ibang maiinterview.” I almost screamed that to his face in annoyance, but of course, I stopped myself.

Sandali siyang napatitig sa akin. Hindi ko naman alam kung paano iyon lalabanan.

Seconds later, his chest raised as he took a deep breath. “Bakit hindi na lang ako?”

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya, bahagya pang umawang ang aking labi.

“H-Hindi ka rin naman available—-”

“Who told you that?” He cut me off.

Nangunot ang noo ko. “You’re with someone. I think you should know your priorities.”

Hindi siya nakapagsalita.

Eh kasi naman, mukhang nakalimutan niya ng may naghihintay sa kanya. Pinaalala ko lang.

Mukha namang nakuha niya ang pinupunto kong unahin niya ang kanyang prayoridad. Matapos ang ilang segundo ay napabuga na lang siya ng hangin.

“Right.” **** He agreed.

Hindi pa man ako nakakasagot nang naglakad na siya palayo. Nabigla naman ako sa bigla niyang pagtalikod. Wow.

I watched as he walked away and head towards the direction of the girl who’s been watching us the whole time.

It felt like my stomach dropped with what he did. Hindi ko matukoy ang masamang pakiramdam na bumalot sa akin sa ginawa niyang pagtalikod, basta ay hindi ko iyon nagustuhan.

I gulped, trying to eliminate the negative feeling inside me.

Tumalikod na lamang ako sa kanila. I don’t know, but seeing him walk towards a girl certainly did not make me feel good.

Now what? I should just probably leave. Wala naman na akong mapapala rito.

Napahinga na lang ako nang malalim. Siguro naman ay wala na sila sa entrance, ‘no? Hindi ako lalabas hanggang naro’n sila. Hindi naman sa pagiging bitter. Pero parang gano’n na nga. Magsama sila.

Well, it’s partly my fault. He’s already volunteering yet I told him to know his priorities. As his mere patient, ako ang huli sa priority niya, hindi na nakakagulat ‘yon. All the psychiatrists I encountered never really prioritized their patients. Pera-pera lang talaga.

I sighed. Tumalikod na ako at magsisimula na sanang maglakad pag-alis pero sa gulat ko ay tumama ako sa matigas na bagay pagkatalikod na pagkatalikod ko.

Napaatras ako at napatingala. Halos bumagsak ang panga ko nang mabungaran na naman ang mukha ni Dr. Vergara! Akala ko umalis na siya?!

“Let’s go?” Parang kaswal niya lang na tanong na siyang nagpakunot sa noo ko.

“Ha? Sandali—” Iniling ko ang ulo bago takang tumingin sa kanya. “Ano pang ginagawa mo dito?!” Gulat kong pahayag.

He just looked at me with his bored eyes. “What else d o you think?”

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tuloy-tuloy niya na akong nilagpasan.

Naiwan naman akong nagtataka.

Anong ibig niyang sabihin?

Sinundan ko siya ng tingin. Nakasakay na siya ng elevator habang nakaharap sa direksyon ko, kasalukuyang pindot ang isang button doon para hindi magsara ang pinto.

With his eyes on mine, he tilted his head to the side, directing me to follow him. Natauhan naman ako ro’n mula sa pag-iisip. Kaagad akong sumunod sa kanya, kahit hindi ko alam kung bakit ko siya dapat sundan.

Once I entered, he finally released the button, letting the door close.

Binalot kami ng katahimikan habang papaakyat ang elevator. I have a lot of questions in head, but I can’t seem to construct my confusion into sentences. Sa huli ay wala akong naisatinig, hanggang sa nagbukas na muli ang pinto.

Nauna siyang naglakad palabas, kaagad akong sumunod.

Upon entering his office, he went straight to his desk. He sat on the swivel chair as opposed to our usual spot, which is on the couch.

“Sit here, Ms. Fayven.” He directed the chair in front of his desk.

Kaagad naman akong sumunod at naupo ro’n.

“So, this interview is all about?” He asked, leaning against his chair as he fixed the necktie he loosened awhile back.

Kaagad ko namang kinuha ang ipad ko mula sa aking bag, doon ko nilista ang mga tanong na ang prof mismo namin ang nagbigay.

“Uhm, this interview is intended for one of our subjects in psychology.” Umpisa ko habang hinahanap ang note app sa ipad.

Nang makita ko ang listahan ng mga tanong ay kaagad akong umayos ng upo.

“Uh, some questions may be personal. But don’t worry, you can choose to refuse answering if the question is too personal for you. Would that be okay?”

I looked at him through my ipad.

He placed his elbows above the table before clasping his hands together. Afterwards, he rested his chin on top of his clasped knuckles before answering, “Carry on.”

God he looked so fine on that position.

Kaagad kong iniwas ang tingin sa kanya sa pamamagitan ng pagtingin sa unang tanong. Kinakalma ko ang sarili upang ibsan ang kabang nararamdaman. I’m really not used with his presence. Lalo na’t ramdam ko ang mga titig niya mula sa kanyang kasalukuyang posisyon.

“Also, allow me to record this interview.” Napapalunok kong paalam.

“Go on.”

With his approval, I started voice recording.

“So, uhm,” I adjusted on my seat. “your whole name is Dark Aris Vergara, is that correct?” ****

“Uh-huh.” He nodded once.

“Okay, and your age is?”

“25.”

Oh. Halos pitong taon din pala ang age gap namin.

“What course did you graduate?”

“I took bachelor of science in psychology, before taking medicine to proceed with psychiatry.” **** Kaswal niyang sagot.

Napapatango naman ako. Kumpara sa session namin noon, halatang mas nakakakilos at nakakasalita siya nang kaswal ngayon, walang halong pormalidad. Sabagay, he’s not my psychiatrist for now. He’s my interviewee.

“And you took psychology because?”

“Well, I have always been fascinated with how the human mind works.”

Napatango ako. “And why did you proceed with psychiatry instead of other fields such as industrial psychology or educational psychology?”

Tumingin ako sa kanya habang hinihintay ang kanyang sagot. Medyo mahaba-haba rin ang isang ‘yon.

“You see, the fields you have mentioned are not licensed to provide prescriptions. Only a psychiatrist is allowed to prescribe medicines to its patient, that’s the main difference between a psychiatrist and a psychologist. I wanted to have the capability of giving prescriptions to my patients, and in order to do that, I had to proceed with psychiatry.”

Napatango akong muli.

Maybe that’s also why he owns pharmaceutical companies… Interesting.

“How about you, Ms. Fayven, why did you take psychology?”

Napaturo ako sa sarili, bahagyang natigilan sa biglaan niyang tanong. “Ako?” Parang timang kong tanong.

He nodded. Bahagya naman akong nataranta. Bigla akong na-mental block.

Pakshet. Bakit nga ba ako ulit nag-psychology?

“Uhm, I wanted to understand the people around me.”

Napatango siya at napaayos ng upo. His fingers on the chair started tapping the table’s surface.

Napatitig ako sa kamay niya. God, he has such beautiful hands. Ang haba ng kanyang mga daliri, na-accentuate pa iyon ng suot niyang makapal na singsing na may malaking asul na bato sa gitna.

“Yeah, I remember you mentioning that before.”

Napatitig ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi.

Hindi nga siya nagkakamali. Nabanggit ko ang bagay na iyon nung gabing tinangka kong tumalon ng bangin. Hindi ako makapaniwalang naalala niya pa iyon.

“You remembered.” Wala sa sarili kong bulong.

“Of course, I remember.” He responded, his tone was deeper than usual, and so does his stares. His fingers stopped tapping.

Tumikhim na lamang ako, baka mapunta pa sa akin ang usapan. This is not a therapy session.

“Uhm, moving on,” I tried to brush the memories away. “Are there any outside influences that urged you to take psychology? Aside from the fact that human mind had always fascinated you…”

Bumalik ang tingin ko sa kanya habang hinihintay ang kanyang sagot. Imposible rin naman kasing iyon lang ang natatangi niyang rason. Katulad ko, panigurado ay may iba pang nag-udyok sa kanya upang ipagpatuloy niya ang sikolohiya.

I stared at him to watch his expression. Sa pagtataka ko ay napalitan ng kaseryosohan ang kaninang kaswal niyang ekspresyon. Umayos din siya ng upo. His position became more formal.

“There is.” sagot niya.

I waited for his next statement, pero hindi na iyon nasundan.

He was just looking at the papers on his table, mukhang malalim ang iniisip.

“Such as?”

Umangat ang tingin niya sa akin. Pinigilan ko namang iwasan ang kanyang malalim na mga titig.

“Next question.”

Nabigla ako sa kanyang sinabi. Seryosong-seryoso ang kanyang boses nang sabihin iyon.

He wanted to skip the question.

Kaagad ko namang inayos ang sarili para basahin ang susunod na tanong. Marahil ay masyadong personal ang kanyang sagot para sa tanong na iyon. Naiintindihan ko naman.

Though I can’t help but wonder why…

“Okay. Uhm, as a psychiatrist, what is the most difficult challenge you face everyday at your job, based on your personal experience?”

Tumingin ako sa kanya para tantyahin kung ayos lang ba ang tanong na iyon sa kanya. Mukha namang oo dahil nawala na ang kaseryosohan sa kanyang ekspresyon.

“Making my patients open up.” **** He casually answered.

I felt a punch in my stomach upon hearing that. Though I shouldn’t take that personally, bahagya akong natamaan doon.

He got a point anyway. It’s indeed hard to make a person open up, just as hard it is for that person to open up.

How do you deal such challenges?”

“Well, in that case, I have to earn my patients’ trust. And in order to earn their trust, I have to make them feel validated. They must feel this sense of safety and security under my presence, because only through that they’ll learn to slowly open up.”

Napatiim-bagang ako sa kanyang sinabi. Napayuko ako at maya-maya ay napabuntong-hininga.

“Is that what you’re currently doing to me?” Diretso kong tanong. Hindi ko na sana balak isatinig ang nasa isip ko, pero hindi ko napigilan. “Is that the reason why you followed me to a bar, so that I could feel this sense of safety and security that you’re talking about?”

I looked up at him. He looked quite taken aback with my straightforwardness. His eyes slightly opened up as his lips lightly parted.

Bumagsak ang mata ko sa kanyang mga labi. I can’t help but get distracted with how his luscious lips parted. Kaagad ko namang binalik ang tingin sa mga mata niya. He still got a question to answer.

No,” sagot niya kumakailan. “I did that to protect you.” Madiin niyang pahayag.

“Yes, you protected me to give me sense of safety and security under your presence, so in the end, I’ll be able to finally open up to you.” I tried to hide the sarcasm on my voice, but it seems like I wasn’t able to do a great job hiding it.

“I didn’t mean it that way, Fayven.”

Biglang sumikdo ang puso ko nang tawagin niya ako sa aking pangalan. Walang Ms. sa unahan, tanging pangalan ko lang.

Kaagad kong binaba ang tingin sa aking ipad habang napapatiim-bagang. Bakit tumitibok ng ganito kabilis ang puso ko eh hindi naman dakila ang kanyang ginawa. Perhaps our topic is making my blood flow faster. My hypothesis about his true intention is somehow making my blood boil.

I think we should just proceed to the next question, Dr. Vergara—-”

“Dark.” He suddenly cut me off. “Just call me Dark for now.”

Gulat akong napatingin sa kanya. Sa oras na ‘to ay hindi ko na talaga nagawang itago ang pagkabigla ko.

Gusto niyang tawagin ko siya sa kanyang pangalan?

“Uhm, I don’t think that would be professional—-”

“We don’t have to. I’m not at work. So technically, you’re not my patient at this moment, I’m just a subject for your homework that you need to interview.” He paused. “We don’t have to be professional.”

Napalunok ako.

Right. We don’t have to be professional.

“Okay… D-Dark.”

Pakshet. Nakakapanibagong banggitin ang kanyang pangalan. It feels weird calling your psychiatrist using only his first name.

“Okay, uhm…” I scanned the list to look for the next question. Pero shit, nawala na sa utak ko kung nasaan na kami!

“Uhm, hold on a bit.” Kinakabahan kong wika, hinahanap ko kung saan kami tumigil, pero tuluyan nang nablanko ang utak ko.

Nakakainis naman kasi ang lalakeng ‘to, dini-distract ako!

Ilang mura na ang napakawalan ko sa utak ko. Sa bawat segundo ay mas lumalala ang kaba ko.

“Is there any problem?” Tanong niya.

Napalunok ako. “Uh, well… I lost track of our conversation. H-Hindi ko na alam kung saan tayo tumigil.” Tapat kong sagot.

There’s no point lying. Ako lamang ang magmumukhang tanga.

Tumayo siya mula sa kinauupuan. Hindi ko alam kung saan niya balak pumunta, basta ako ay patuloy pa ring abala sa paghahanap kung saang tanong kami tumigil.

Hmm, let me see.” Tila tumigil lahat ng sistema ko sa katawan nang yumuko siya sa aking likod upang masilip ang ipad ko.

Ang dalawang kamay niya ay pumatong sa magkabilang armrest ng inuupuan ko, dahilan para bahagya niya akong makulong.

Napigil ko ang paghinga. His manly perfume engulfed my nose.

“Hmm, we’re already done with these previous questions.” Bulong niya, tila ba kinakausap ang sarili. Habang ako ay tila napako sa aking kinauupuan. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. At sa hindi ko malamang dahilan, bumabagal ang paghinga ko dahil doon. His presence is fully invading my private space!

Our distance is no longer professional—-

**“We don’t have to be professional.” ** His statement rang in my head.

Napamura ako. Is this what he meant by that?

“I-I think, do’n na tayo sa huling parte.” Wika ko na lang, pilit tinatago ang panginginig ng boses.

“Mhmm.” He softly murmured, still busy scanning the questions. I almost convulsed upon hearing him say that right to my ear. Shit that sounded so hot. Nagsitayuan lahat ng balahibo ko.

What the fuck, Fayven?! Umayos ka nga!

“I can’t see clearly.” Aniya.

“Huh?” Muntik na akong lumingon, pero nang mapagtanto kong magtatapat ang mukha namin pag ginawa ko iyon ay kaagad kong pinigilan ang sarili.

“Your hair is blocking my view.”

Hindi pa naman ako nakakapagsalita nang maramdaman ko na ang mga daliri niyang hinawi ang buhok ko na nasa kanang bahagi patungo sa kaliwang bahagi.

Tuluyan na akong hindi nakahinga sa malambot na pagdampi ng kanyang daliri sa aking balat. He even tucked the loose hair behind my ear.

I swallowed, hard. The way his fingers brushed against my skin sent a different kind of heat inside me.

“That’s better,” he whispered, leaning closer, allowing me to feel the heat of his breath along with the heat of his body.

My hands unconsciously clenched the hem of my shirt.

“Now where were we?” He asked, still using that goddamn baritone voice of his.

“N-Nababasa mo na ba?” Tanong ko, may masabi lang para mapakita sa kanyang hindi ako naapektuhan o ano pa man.

“Hmm…” Muntik pa akong mapapikit sa bulong niyang iyon. “I see why you lost track, we’re already at the last question.”

Parang may nawala sa pagkatao ko nang maramdaman ko ang kanyang pagtayo. Narinig ko pa ang kanyang pagtikhim ng umayos siya sa pagkakatayo.

Lumayo na siya sa akin at nagtungo sa harap ng desk. Sumandal siya sa mesa saka pinagkrus ang mga braso.

Ako naman ay tila lasing pa sa kaninang nangyari. Tila ramdam ko pa rin ang presensya niya sa aking likod.

“The question was… as a mental health professional, what would be my advise to all psychology students like you.”

Doon ako natauhan.

Siya na mismo ang nagsabi ng tanong kaya kaagad kong hinanap sa listahan ang binanggit niya.

Hindi nga siya nagkakamali. We’re already at the last question.

“Uh, yes, you’re right… Iyon nga.” I looked up at him. Nasa harap ko lamang siya kaya kailangan ko siyang tingalain.

“Based on my observation, a lot of psychology students suffer from mental illness of some sort. When I was in college, I’ve noticed that numerous classmates of mine chose psychology because they aim to understand themselves. They see BS Psychology as a way to diagnose themselves.” Napatango ako.

He’s not wrong. I also noticed that.

Nung oras na nagpapakilala kami sa klase, may mga kaklase akong binunyag na kaya nila kinuha ang sikolohiya ay para maintindihan nila ang mental illness na meron sila. I could somehow say the same to myself.

“Given that, if I were to give advice to all psychology students, that is to heal yourself first.” Muli na naman akong natamaan. “You see, as psychologists, it is our job to heal people. But how can we heal others if we cannot even heal ourselves?”

My lips pursed together. Right.

“Hurt people hurt people.” He followed. “And healed people heal people.”

Nakagat ko ang loob ng aking pisngi. That’s a harsh pill I need to swallow. In order to heal others, I have to heal myself first. What a difficult mission to start the game.

“Thank you for participating, Dr. Vergara.” Tumayo na ako.

Bahagya akong yumuko sa kanya para ipaalam ang sinseridad ko.

“I highly appreciate the time you’ve given me.” Umayos na ako ng tayo saka muling tumingin sa kanya.

He was just staring at me. Mukhang wala siyang balak magsalita.

“Uhm, mauuna na ako. Salamat ulit.” Wala na akong pakialam kung mukha akong nagmamadali. I just wanna get out of this place.

Tumalikod na ako at akmang maglalakad na paalis nang saka naman siya nagsalita.

“Wait…” natigilan ako. Kunot-noo akong lumingon sa kanya, ang mga mata ko’y nagtatanong sa biglaan niyang pagpigil.

Umalis na siya sa pagkakasandal sa mesa upang umayos ng tayo. “Stay for a while.” He ordered. ****

Mas lalong nangunot ang noo ko. “Para saan?”

Hindi siya kaagad nakasagot.

He sighed, visibly contemplating whether to voice out his thoughts or not.

“I just need to clear something out.”

Doon niya na tuluyang nakuha ang atensyon ko.

Muli akong humarap sa kanyang direksyon.

“Ano ‘yon?”

He met my gaze. “Naiintindihan ko kung sa tingin mo lahat ng ginagawa ko ay para lang makuha ko ang tiwala mo, but believe me… hindi iyon ang intensyon ko.”

Napatitig na lang ako sa kanya nang muli niyang buksan ang bagay na iyon. Sa huli ay ako na rin ang unang napaiwas ng tingin.

“I just… find it weird.” Pag-amin ko. “What you’re doing is already beyond your job responsibilities as my psychiatrist. Hindi na sakop ng responsibilidad mo ang pagsundo sa akin sa bar, o maging ang paghatid sa akin ng gamot kinabukasan.”

He didn’t answer immediately.

Ang mga mata ko naman ay nanatili sa gilid niya, pinag-iisipan kung tama bang sinabi ko pa ang mga bagay na iyon.

But it’s been bugging me, at tingin ko tama lang na sinabi ko iyon para maalis na iyon sa mga bagay na bumabagabag sa akin.

Akala ko ay wala na siyang balak magsalita kaya binalak ko na muling umalis, pero hindi na naman ako natuloy nang muli siyang magsalita.

“The moment I saw you at the edge of a cliff… I had a flashback.” He began telling.

Nakuha no’n muli ang kuryosidad ko. I looked at him, my brows kinda knotted in confusion.

“I remembered myself in you.” He paused. “I was once in your position… At the same cliff, at the same time.”

Namilog ang mga mata ko sa gulat.

Our gaze locked when he looked at me. There’s this certain emotion in his eyes, nakatingin siya sa akin pero tila may ibang inaalala ang kanyang isip.

“At that same cliff, I also tried to take my own life. I bowed on my knees, and begged God for mercy, hoping that He would somehow take all the pain away.” His eyes reflected the pain he felt and for some reason, it made my chest clench. “Just like you, I have been blamed countless times for an accident I didn’t ask to happen. Yet I had to live with that guilt every goddamn day.”

Napatiim-bagang ako, hindi ko alam pero kumikirot ang dibdib ko sa salitang binibitawan niya. Siguro dahil naiintindihan ko ang pakiramdam ng mga bagay na iyon.

“I’ve been in your situation. I know exactly how it feels like to be in the void… lost, alone, and helpless. That’s why I’m going beyond the means to help you. Because if I were to be brought back in that shitty situation… I would want someone to save me, too.”

He looked at me. But this time, all his attention is on mine. Hindi katulad kanina na tila lumilipad ang kanyang utak. Ngayon ay nakatutok sa akin ang kabuuan ng kanyang atensyon. Napalunok ako.

I hate the way he looks at me softly, as if I’m some kind of a delicate glass that would break any second if handled without proper care.

“So I hope you don’t question my actions, and just…” he paused, slightly taking a deep breath as if his next statement requires a lot of courage to say. “just allow me to save you.”

He whispered those words in a soft voice, almost sounding like a plea.

Hindi ako nakapagsalita, napatanga lamang ako sa kanya, hindi alam ang sasabihin.

What do I even respond to that? How do I even respond to that?!

**“…just allow me to save you.” **

Napatiim-bagang ako. I tried to look unaffected on his eyes, when I know for sure, my entire system is doing the complete opposite.

Isn’t he suppose to heal me? But why does it feel like he’s driving me insane instead?

  1. Teaser
  2. Kabanata I
  3. Kabanata II
  4. Kabanata III
  5. Kabanata IV
  6. Kabanata V
  7. Kabanata VI
  8. Kabanata VII
  9. Kabanata VIII
  10. Kabanata IX
  11. Kabanata X
  12. Kabanata XI
  13. Kabanata XII