The Realm: Anikiram
qwertyuiop666 · 11 chapters · 25,207 words
Prologo
PROLOGO
MARIA
Lakad takbo ang ginagawa ni Maria sa palasyo. Iniiwasan niya ang bawat tao o kawal na kanyang makakasalubong sa lugar na ito. Patuloy niyang binabagtas ang kahabaan ng pasilyo ng palasyo bitbit ang kanyang mga gamit, madilim ang pasilyo ngayon dahil papatak na ang alas dose ng gabi. Sa likuran niya ay hinahabol siya ng iilang mga kawal sa pag-uutos ng Reyna, ang nais ng Reyna ay ipapataya ang dalagang ito. Nang nasa dulo na siya ng pasilyo ay hindi niya mabuksan ang malaking pintuan na naroroon.
Sobrang kaba ang nararamdaman ngayon ni Maria, hindi niya alam kung saan siya tutungo at magtatago. Sa kabilang dulo ng pasilyo ay naaaninag niya na ang mga anino ng kawal na humahabol sa kanya.
Nabigla siya ng may nagtakip ng kanyang bibig at hinila siya sa isa sa mga kwarto na naroroon sa pasilyo. Pilit siyang nagpupumiglas hanggang sa marinig niya ang boses na kilalang kilala niya.
“Huwag kang maingay.” Bulong ng lalaki kay Maria. “Inutusan ako ng Hari para itakas ka.” Dugtong nito at dahan dahan niyang tinanggal ang kanyang kamay na nakatakip sa bibig nito.
Hinarap ni Maria ang lalaki at agad niya itong nakilala. Ito ang isa sa matalik niyang kaibigan at kapatid ng Hari at ang kanang kamay nito, si Leo.
“Leo.” Bumuhos na ang luha ni Maria at halos matumba ito dahil sa panghihina nito. “Iligtas mo ako. Parang awa mo na. Ayoko mamatay.”
“Huwag kang mag-alala, ililigtas kita. Tara na.”
Inalalayan ni Leo si Maria pababa ng hagdan at patago silang lalabas ng palasyo.
Si Maria ang babaeng tinatangi ng Hari, bata pa lamang sila ay may nararamdaman na ang hari sa dalagang ito. Ngunit dahil sa napagkamalang nagtaksil ang mga magulang ni Maria ay ipinapatay ito ng dating hari at hinatulan si Maria na maging isang alipin. Isa din ang dating hari ang tumutol sa pagmamahalan ni Maria at kasalukuyang hari. Bago mamatay ang dating hari ay ipinakasal ang kasalukuyang hari na si Peter kay Corazon ang anak ng isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa Kaharian ng Anikiram.
Patuloy ang kaguluhan sa palasyo sa paghahanap sa nagtatagong si Maria. Halos paikot ikot na ang mga kawal para mahanap ang dalagang ito.
Mabuti na lamang ay naitakas ito ng matiwasay ni Leo at hinatid niya si Maria sa kakayuhan kung saan naghihintay si Crisanto, ang dating alipin ng pamilya ni Maria.
“Leo, maraming salamat. Tatanawin ko ito ng malaking utang na loob. Maraming salamat sa pagliligtas sa amin ng aking anak.” Pagpapasalamat ni Maria at niyakap niya ang kaibigan.
“Sige na. Umalis na kayo at magpakalayo layo. At huwag na huwag na kayong babalik dito sa palasyo.” Sabi ni Leo na bakas pa din ang pag-aalala.
Iyon na nga ang ginawa ni Maria. Sumakay na siya sa bagay na hila hila ng kabayo. Pinaandar na din ni Crisanto ang kabayo.
“Hanggang sa muli kaibigan.” Nakangiting sabi ni Maria.
“Hanggang sa muli.” Sagot ni Leo.
Hinintayniya munang mawala sa paningin niya sina Maria at Crisanto bago bumalik sapalasyo.

HARING PETER
Nang mamatay ang dating hari ay si Peter na ang humalihi sa kanyang ama. Si Peter ang panganay na anak at si Leo naman ang pangalawa at bunsong anak. Dalawa na lamang silang magkapatid kaya naman ay naging sandigan na nila ang isa’t-isa. Bata pa lamang sila nang mamatay ang kanilang mga magulang at si Peter na ang itinuring na Hari. Kasabay ng pagpanaw ng dating hari at reyna ay ang paglitaw din ng pagtataksil ng mga magulang ni Maria na kanyang dapat na mapapangasawa, dahil sa pagtataksil ng mga magulang ni Maria ay hinatulan ito ng kamatayan at ibinaba ang estado ni Maria sa pagiging alipin. Sa paglipas ng panahon at pamumuno ni Peter ay sapilitan siyang ipinakasal kay Corazon, upang magbigay ng susunod na tagapagmana ng kaharian. Hindi tanggap ito ni Peter dahil tanging si Maria lamang ang kanyang itinatangi.
Nang manganak na si Corazon ay pilit iniiwasan ni Peter ito dahil sa babae ang naging anak nito. Ayaw niya nang makipagsiping sa kanyang asawa na Reyna. Isang araw nang malasing ito ay nagtungo ito sa tagpuan nila ni Maria at dahil punong puno ng emosyon ang dalawa ay nagkaroon sila ng isang kasalanan na babago sa kani-kanilang buhay. Nagbunga ang kanilang kasalanan.
Nakaupo ngayon si Peter sa kanyang silid aklatan at kasama nito ang kanyang matalik na kaibigan at ang kanyang heneral na si Alexander, kasama din nila ang bunsong kapatid na si Leo. Hawak hawak ni Peter ang isang baso ng alak habang inikot ikot ito sa yelo.
“Anong balak mo?” tanong ni Alexander. “Nag-aalala ako bilang kaibigan niyo ni Maria.” Dugtong nito.
“Sa ngayon ay hindi ko pa alam. Naguguluhan pa ako.” Sagot ni Peter at bumuntong hininga bago inumin ang alak sa basong kanyang hawak.
Biglang bumukas ng malakas ang pintuan at iniluwa nito si Corazon kasama ang dalawa pa niyang kawal.
“Nasaan si Maria?” tanong ni Corazon, nang walang sumagot sa tatlong lalaki ay sumigaw ito. “NASAAN SI MARIA? ilabas niyo siya. Ilabas niyo ang taksil na babae.”
Tumayo si Peter sa kanyang kinakaupuan. “Anong nangyayare sayo? Diba dapat ay binabantayan mo ang anak natin?”
“Huwag ka nang magpatay malisya. Nasaan si Maria? Nasaan siya.” Galit na galit na si Corazon.
“Hindi ko alam. Malamang ay nasa kanyang silid.” Sagot ni Peter.
“Tingin mo hindi ko siya pinuntahan doon? Wala na siya doon. Malinis na ang mga gamit niya.”
Naglakad papalapit si Peter kay Corazon. “Bakit? Bakit mo ba siya hinahanap?” tanong ni Peter.
“Tingin mo hindi ko malalaman? Na nagdadalang tao ang babaeng iyon at ikaw ang ama. Isa kang taksil mga taksil kayo.” Galit na galit si Corazon at kitang kita sa kanyang mukha ang mga luha na nag-uunahan na sa pagbagsak. “Huwag kang mag-alala. Makikita mo din siya, ngunit isang malamig na bangkay.” Dugtong ni Corazon bago tumalikod at maglakad patungo sa pinto.
“Corazon.” Tawag ni Peter.
Huminto si Corazon at muling nagsalita at hinarap si Leo. “Bilang Reyna mo. Inuutusan kita dakpin mo si Maria at dalhin ang ulo nito sa bulwagan ng trono. Kung hindi ang mag-iina mo ang papaslangin ko.” Malamig na utos nito kay Leo bago tuluyang lumabas ng silid aklatan.

REYNA CORAZON
Si Corazon ang isa sa mga anak ng pinakamayaman na tao sa buong Aniki, isang lugar sa Anikiram, kilala ang lugar nila sa paggawa ng sandatang pandigmaan. Maimpluwensya ang kanyang ama at may kakayahang paikutin ang mga konseho ng kasalukuyang hari ngayon.
Sa gigil at galit ni Corazon ay ibinaling niya ang kanyang galit sa bunsong kapatid ni Peter na si Leo. Alam niyang hindi nito matitiis ang kapatid. Kaya naman matapos niyang komprontahin si Peter at utusan si Leo ay nagtungo ito sa silid na kinaroroonan ng mag-iina ni Leo. Marahas niyang ipinabukas ang pintuan at doon ay nakita niya ang mga nabiglang sina Wena at ang anak nito na si Geo na tatlong taong gulang pa lamang.
Nakaupo si Wena at tumakbo naman papalapit si Geo sa kanya at yumakap.
“Mahal na Reyna, anong ginagawa niyo dito? Ano pong maipaglilingkod ko sa—”
Hindi na natapos ni Wena ang kanyang sasabihin dahil nakatanggap na ito ng isang malakas na sampal mula kay Corazon.
“Tigilan mo ako sa ganyan mo. Alam kong alam mo na nagdadalang tao si Maria.” Gulat na humarap si Wena kay Corazon. “Ngunit wag kang mag-alala, inutusan ko na ang iyong kabiyak na hanapin ang taksil na babae at patayin ito dahil kung hindi kayo ang pupugutan ko ng ulo. Kayo ng anak mo.”
Hindi na makapagsalita pa si Wena kundi niyakap na lamang niya nang mahigpit ang kanyang anak. Bumuhos na din ang mga luha nito.
“Dakpin na yang dalawa.” Utos ni Corazon sa dalawang kawal na kasama niya.
“Inayyy.” Umiiyak na si Geo at ayaw niyang mahiwalay sa kanyang ina.
“Mahal na Reyna, parang awa niyo na. susunod ako ng mahinahon.” Pagmamakaawa ni Wena.
Ngunit hindi siya pinakinggan ni Corazon at pinahila niya ang dalawa papunta sa bulwagan ng trono. Habang dinadala ang mag-ina ay patuloy ang iyak nilang dalawa. Takot at kaba ang nararamdaman ni Wena para sa kanyang sarili at para sa kanyang anak. Hindi niya alam kung saan patungo ang kaguluhang ito.
Pagkapasok nina Corazon at ng kanyang mga bihag sa bulwagan ay marami ng mga tao doon ngunit wala doon si Peter at Alexander. Nagtungo si Corazon sa kanyang trono at ipinaluhod naman ng mga kawal ang mag-ina sa gitnang bahagi ng bulwagan paharap sa trono.
Maya maya pa ay pumasok na si Peter at Alexander sa bulwagan. Hingal na hingal ang dalawa at alalang alala nang makita nila ang pamilya ni Leo na nakaluhod doon. Dali-daling naglakad si Peter patungo kay Corazon.
“Anong ginagawa mo?” pigil na pigil ang galit ni Peter sa kanyang Reyna.
Ngumiti si Corazon at hinarap ang kanyang hari. “Tulad nga nang sabi ko kanina, so loob ng dalawang oras at wala pa ang ulo ni Maria dito ay ipapapatay ko ang mag-ina ng kapatid mo. At hahatulan ko silang taksil sa kanilang Reyna.”
“Wala siyang kinalaman dito.” Pagtatanggol ni Peter.
“Alam ko.” Iniwasa ni Corazon ang tingin at naupo sa kanyang trono. “Ngunit ang alam ko lang ay siya ang magiging paraan ko para makapaghiganti sa iyo. Sa pagtataksil mo sa akin at sa anak natin.” Bumuntong hininga si Corazon at humarap sa mga taong naroroon.

PRINSIPE LEO
Lumipas na ang dalawang oras ngunit hindi pa rin dumarating si Leo sa bulwagan ng trono. Tumayo si Corazon mula sa kanyang pagkakaupo.
“Paano ba iyan Peter, hindi dumating ang iyong kapatid.” Sabi ni Corazon kay Peter bago tuluyang maglakad sa gitna.
Nananatiling nakatingin si Peter kay Corazon at hinihintay ang gagawin nito, maging si Wena ay nakatingin din dito. Si Alexander naman ay maingat na nagmamatyag sa maaring mangyare. Hinwakan niya ang kanyang espada.
“Dalawang oras na ang lumipas ngunit hindi pa rin dumarating si Leo. Isa lang ang ibig sabihin nito na ang pamilya nila ay isang taksil sa kahariang ito. Kaya naman papatawan ko si Wena at ang kanyang anak ng kamatayan.”
Pumwesto na ang mga kawal sa likod nina Wena at Geo at hinihintay na lang nila ang pahintulot na paslangin ito.
Bago pa tuluyang mapugutan ng ulo ang mag-ina ay bumukas ang pintuan ng bulwagan at niluwa nito si Leo.
“Tumigil ka na Corazon sa kahibangan mo.” Sabi ni Leo habang patuloy na naglalakad patungo sa kanyang mag-ina.
Habang naglalakad si Leo ay pinagtitinginan siya ng mga taong naroroon at ang bitbit niyang ulo sa kanyang kamay. Nang makalapit na siya sa kanyang mag ina ay inihagis niya ang ulo sa sahig. Ulo ito ni Maria.
Lahat ng taong naroroon ay nagulat sa nangyaring ito. Hindi makapaniwala si Alexander sa nakita niya, napatingin siya sa kaibigang si Peter.
Napatayo si Peter sa kanyang kinauupuan. Sobrang sakit na makita niya ang babaeng matagal na niyang mahal ay pinatay ng kanyang kaisa-isang kapatid.
“Magaling. Magaling. Maasahan ka talaga Leo.” Tinignan niya si Peter at ngumisi at muling humarap sa mga tao. “Tapos na ang palabas, bumalik na kayo sa inyong mga silid.” Sabi niya bago lumabas ng bulwagan kasama ang mga kawal na naroroon.
Tanging sina Alexander, Peter, Leo, Wena at Geo na lang ang naiiwan sa bulwagan.
Lumapit si Leo kay Wena at sa kanyang anak. Niyakap niya si Wena at hinalikan sa noo. Hindi makapaniwala si Wena na magagawa niyang patayin ang kaibigan nito.
“Patawad mahal ko, hinding hindi ko hahayaan na mahiwalay pa sa inyo.” Sabi nito sa kanyang asawa.
Binuhat ni Leo si Geo upang yakapin ang kanyang anak.
Dahan-dahang naglalakad si Peter papalapit sa kinalalagyan ng ulo ni Maria. Lumapit na din si Alexander para damayan ang kaibigan.
“Bakit?” bulong ni Peter na maririnig na lamang ng lima.
“Kinailangan ko iligtas ang pamilya ko.” Sagot ni Leo sa kanyang kapatid.
“BAKITTTTT???” sigaw ni Peter at kinuha niya ang espada ni Alexander at itinutok ito kay Leo.
“Peter. Mag hunos dili ka.” Pag-awat ni Alexander sa kaibigan.
“Umalis ka dito. Umalis kayo ng pamilya mo dito at huwag na huwag na kayong magpapakita sa palasyo.”
Hindi sumasagot si Leo sa kanyang kapatid nakatingin lang ito sa kanya mata sa mata.
“Peter. Kapatid mo iyan. May asawa at anak. Tingin mo saan sila maninirahan?”
“Wala akong pakealam. Tama na. Wala siyang kwentang kapatid. Wala siyang kwentang tao.”
Lahat ng masasakit na salitang ito ay tumatak sa isip ni Leo. Kitang kita niya ang galit ng kanyang kapatid. Ngumiti lamang si Leo at naglakad palayo kasama ang kanyang buong pamilya.
Si Leo ang susunod na tagapagmana ng kaharian kung hindi makakapagbigay ng anak at tagapagmana si Peter. Buong buhay ni Leo ay sinusunod niiya ang nais ng kanyang kuya kaya hindi niya akalain na ganito ang gagawin sa kanya at sa kanyang pamilya.
Nang gabi ding iyon ay umalis ng palasyo si Leo kasama ang kanyang asawa na si Wena at panganay na anak na si Geo, bitbit ang lihim na hindi niya pinatay si Maria.

AUTHOR’S NOTE:
Nawa’y subaybayan niyo po sana ang kwentong ito. Huwag kalimutang mag Vote, Like, React, Comment and be a FAN.
Thank you.
KABANATA I: Ang itinagong prinsesa
KABANATA I: Ang itinagong prinsesa
Aicamed, Anikiram
Sa pag-aakalang patay na si Maria ay halos masira ang buhay ni Peter. Hindi na siya makausap ng matino. Bukod sa pagkawala ni Maria ay hindi na din muli pang nagpakita ang pamilya ni Leo. Dahil sa pangungulilang naramdaman ni Peter ay nagkasakit siya at nanatiling nakaratay sa kanyang kama. Tatlong buwan ang lumipas at si Corazon na ang namamahala ng palasyo ngayon.
“Mahal na Reyna.” Bati ni Alexander kay Corazon. “Nais ko sanang magpaalam at kailangan kong magtungo sa aming lugar. Ngayong linggo ang kapanganakan ni Cecilia.”
“Sige. Ikamusta mo na lamang ako sa kanya. At hindi ako makakapunta doon, maraming kailangang asikasuhin dito sa palasyo.”
“Salamat Mahal na Reyna.” Pagpapasalamat ni Alexander sa kanya bago tuluyang umalis.
Si Corazon naman ay agad na nagtungo sa silid aklatan kung nasaan naroroon ang kanyang ama na si Roberto. Pagkapasok nya sa loob ng silid aklatan ay agad siyang bumungad na salita dito.
“Ano at naparito kayo?”
“Gusto ko lang kamustahin ang nag-iisa kong anak na babae.” Sabi nito bago humigop ng tsaa na nasa kanyang tasa.
“Hindi ako naniniwala na iyan ang ipinunta mo dito.”
“Gusto ko lang sabihin sa iyo na kapag namatay iyang si Peter ay wala kang mapapala.”
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Corazon na bakas ang pagkabahala sa kanyang mukha.
“Ang korona at trono ng Aicamed ay mapupunta kay Leo dahil siya ang karapatdapat na humalili kay Peter.”
“May anak kami ni Peter.” sigaw na sabi ni Corazon
“Anak na babae? At tingin mo kayang pamunuan ito ni Justina. Mababawi sayo ang pagiging Reyna, kung hindi ka kikilos.”
“Anong gusto mong gawin ko?”
“Hanapin mo ang pamilya ni Leo at ipapatay mo. Dahil siya at ang panganay niyang lalaki ang magiging hadlang para mapasa atin ang kahariang ito.”
Napaisip si Corazon sa mga sinabing ito ng kanyang ama.
“Kailangan nang bumalik ni Peter sa katinuan. Tigilan na niya ang pagluluksa ng wala sa oras. Hindi pa siya pwedeng mamatay ngayon.” ang nasabi na lang ni Corazon bago tuluyang lisanin ang silid aklatan.

Sa labas na bahagi ng palasyo sa bandang likuran nito ay matatagpuan ang tahanan ng mga babaylan, dito naninirahan ang punong babaylan na si Aileen. Kasama pa niya ang ilan sa mga babaylan na tumutulong sa kanya, at ang isa sa importanteng babaylan ay si Kris ang batang babaylan at ang nakatakdang sumunod sa kanya.
Nasa harap ngayon si Aileen at nagdarasal upang pagalingin ang haring may sakit. Habang ang pitong taong gulang na si Kris ay tumatakbo sa bahay sambahan kung nasaan si Aileen. Hindi na siya kumatok pa ng pinto at dere-deretsong pumasok sa loob ng sambahan.
“Punong babaylan.” Sigaw nito. “Apat, apat ang nakita ko. Dalawang babae at dalawang lalaki.”
Tumayo sa pagdarasal ang babaylan at lumapit sa kanya. “Sigurado ka ba diyan?”
“Oo. Sila ang magliligtas sa darating na digmaan. Ngunit, hindi ko makita kung ano ang itsura nila. Sobrang labo.”
“Huwag kang mag-alala sapat na iyon. Gusto ko lang sabihin na huwag mo itong ipagsaasabi kahit kanino. Tayo lang ang makakaalam nito. Maliwanag.”
“Masusunod punong babaylan.”
ALEXANDER
Sakay ng kabayo niya ay mabilis na lumalakbay si Alexander patungo sa kanilang tahanan. Malayo layo ang lalakbayin nya patungo sa Reppu, Yadnalam kung saan naninirahan ang kanilang pamilya. Si Alexander ay mula sa mayayamang angkan. Kung ipagpapatuloy niya ang bilis ng takbo ng kabayo ay makakarating na siya sa kanila ng bukas ng umaga. Kailangan niyang mabisita at masamahan ang kanyang asawa na manganganak na ngayong buwan.
Kinaumagahan ay nakarating na siya sa kanilang tahanan. Agad siyang sinalubong ng kanilang alipin at ng panganay niyang anak na si Drian.
“Ama, buti nakarating ka.” Bungad ni Drian at niyakap ang kanyang ama.
Ginulo gulo ni Alexander ang buhok ng anak bago magsalita. “Nasaan ang iyong ina?” tanong nito.
“Nasa taas po.” Sagot ni Drian.
“Malapit na siyang manganak iho. Kailangan mo na siyang puntahan dun.” Sagot ng katulong nila Alexander.
Agad naman nagtungo si Alexander sa silid kung saan nakatakdang manganak si Cecilia. Pagpasok ni Alexander ay nakita niyang nakahiga ang kanyang maybahay sa kama. Ngumiti si Cecilia sa kanyang asawa.
“Dumating ka.” Nakangiting sabi ni Cecilia sa kanyang asawa.
Agad na lumapit si Alexander kay Cecilia at naupo sa gilid ng kama nito.
“Para sayo Mahal ko.” Hinawakan niya ang kamay ni Cecilia at hinalikan ito. Hinalikan niya din ang noo ng kanyang asawa. “Nais kong nasa tabi mo ako, para masaksihan ko ang pagsilang ng ating anak.”
Lumipas ang ilang oras at dumating na ang araw na itinakda ng kapakanakan ni Cecilia. Nasa labas lamang ng silid si Alexander at ang anak niyang si Drian. Ang mga nasa loob ay ang mga katulong nila at ang tagapagpaanak. Dinig na dinig ni Alexander ang iyak at sigaw ng kanyang asawa. Ilang minuto ang naging ganun na systema hanggang sa lumabas na ang kanilang katulong.
“Panginoon, kailangan mong pumunta sa silid.”
“Bakit anong nagyare kay Cecilia?” pag-aalalang tanong ni Alexander.
Dali-daling pumasok sa silid si Alexander para tignan ang kanyang mag-ina. Inabot ng kumadrona ang bata kay Alexander.
“Tignan mo ang kanyang likuran.” Sabi ng kumadrona.
Agad naman tinignan ni Alexander ang likod ng kanyang anak at nagulat siya ng makita ang marka ng anak.
“Kailangang itago ang marka na iyan. Iyan ang magdudulot ng malaking kaguluhan sa kaharian ng Anikiram.”
“Walang dapat makaalam nito. Tayo lang na mga naririto ang nakakaalam.” Utos ni Alexander.
“Panginoon. Masakit muli ang tiyan ng inyong asawa.” Tawag ng kanyang katulong.
Nagtungo agad ang kumadrona kay Cecelia at tinignan ang nasa ilalim nito. Nakita niyang may ulo pa ng bata. Nilingon niya si Alexander. “Kambal ang iyong anak.”
Bumalik na nang tingin ang komadrona at sa ilalim ni Cecilia. “Tulungan mo ako dito.” Tawag ng kumadrona sa katulong
Ilang minuto lang ang lumipas ay naisilang na ang Kambal na anak ni Alexander at Cecilia. Pinanglanan nila itong Eron at Eren. Dahil na din sa takot na baka may makakita sa marka ng isang kambal ay pinabasbasan ito ni Alexander sa kumadrona upang matago ang marka. Maitatago ang markang ito sa loob lamang ng labing anim na taon, dahil sa paglipas ng labing anim na taon ay lilitaw ito.

CRISANTO
Kumakaripas ng takbo si Crisanto pabalik sa kanilang bahay, kasama niya ang babaeng magpapaanak kay Maria. Pagkapasok nila ng bahay ay sinalubong siya ng kanyang anak na lalaki na si Dom, bitbit ang isang taon niyang anak na si Jasmin.
“Dito lang kayo anak, sasamahan ko si Nanang Mercy sa kwarto.” Utos ni Crisanto at kumuha muna siya ng malinis na tubig at tuwalya bago pumasok sa loob ng kwarto kung nasaan si Mercy.
Si Crisanto ay ang anak ng alipin nina Maria, naging matalik silang magkaibigan dahil iisa lang na anak si Maria kaya naging malapit sila sa isa’t-isa. Matagal nang may gusto si Crisanto kay Maria ngunit dahil sa estado at katayuan nila sa buhay ay hindi niya magawang maamin ito. Hanggang sa dumating na ang panahon na kailangan nang dalhin si Maria sa palasyo at ipakasal sa prinsipe. Dito na nagpasya si Crisanto na umalis sa poder nang kanyang magulang hanggang sa makilala niya ang kanyang naging kabiyak at nagbunga ito ng dalawang supling na sina Dom at Jasmin. Sa kasamaang palad ay namatay ang kanyang asawa sa panganganak nung isang taon.
Si Leo ang kumausap kay Crisanto na itakas si Maria dahil napag-alaman ni Leo na ipapapatay si Maria. Ligtas na nakatakas ang dalawa mula sa palasyo at bitbit nila sa sinapupunan ni Maria ang anak sa labas ni Peter.
Tumayon a si Nana Marcy at humarap kay Crisanto. “Hindi mo ito anak Crisanto.” Sabi ni Nana Marcy.
“Ano iyon?” tanong ni Crisanto dito.
“Ang marka na ito ay para lamang sa mga purong royal. Isa siyang prinsesa.”
“Nanang Marcy, wala sana kayong pagsasabihan ng tungkol dito.
“Ipinapahamak mo ang sarili mo.” Bulong sa akin ni Nanang Mercy.
“Alam ko ang ginagawa ko at ginagawa ko ito para sa kaibigan kong si Maria. Kaya utang na loob Nanang Mercy, huwag na huwag niyong ipapaalam kahit kanino na isang prinsesa ang anak ni Maria.”
“Kung iyon ang makakabuti sa bata. Hindi ko na papakialaman ang desisyon mo.”

MAYO 106
Lumipas ang sampong taon at naitago nina Maria at Crisanto ang anak ni Peter. Pinangalanan nila itong si Lori. Hindi naglaon ay nagkagusto din sa isa’t isa sina Crisanto at Maria at nagbunga ito ng isang supling na pinangalanan nilang si Josh. Sa ngayon ay apat na ang anak nina Crisanto at Maria ito ay sina Dom labing anim na taong gulang, si Jasmin na labing isang taong gulang, si Lori na sampung taong gulang at si Josh na anim na taong gulang.
Habang naglalakad ang magkakapatid sa kagubatan para kumuha ng kahoy para sa kanilang panggatong ay nagtanong si Lori.
“Kuya Dom, gusto ko lang sana itanong kung bakit mayroon akong marka sa aking likuran ngunit kayong tatlo ay wala.” Tanong ni Lori habang pinupulot ang kahoy na nasa lupa.
Hindi muna sumagot si Dom dahil hindi niya alam ang kanyang isasagot. SInabihan siya ng kanyang ama na ilihim ang ganitong bagay, dahil ito ang magpapahamak sa kanilang pamilya.
“Josh ano ba bumalik ka nga dito.” Saway ni Jasmin sa kapatid na patuloy pa din ang pagtakbo hinabol naman ito ni Jasmin dahil baka mahulog ito sa ilog.
Nang makaalis na si Jasmin at hinabol si Josh ay saka nagsalita si Dom.
“Mahalaga ka kasi.” Sagot ni Dom sa kapatid.
“Kuya hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi ko matukoy.”
Ngumiti si Dom at ginulo niya ang buhok ng kapatid. “Huwag kang mag-alala maiintindihan mo din ang lahat sa takdang panahon.” Ang sagot ni Dom sa kapatid.
“Kuyaaaa.” Sigaw ni Jasmin mula sa tabi nang ilog na nagpaalarma kina Dom at Lori. “Kuyaaa si Josh nahulog sa ilog.” Muling sigaw nito.
Dali-daling tumakbo si Dom at Lori patungo sa kinaroroonan ni Jasmin. Hingal na hingal na nagsalita si Dom.
“Nasaan siya? Nasaan?” tanong ni Dom.
Sobrang lakas ng agos ng ilog ng mga oras na iyon.
“Kuya sa ilog nahulog siya.” Umiiyak na sabi ni Jasmin.
Naghubad na ng damit niya si Dom at akmang tatalon na sa ilog nang may nagsalita.
“Siya ba ang hinahanap niyo?” sabi ni Alexander sa mga bata habang bitbit niya si Josh na walang malay sa kanyang kamay at basang basa itong dalawa.
“Salamat po panginoon.” Lumapit si Dom dito at kinuha niya ang kanyang kapatid.
Pinunasan ni Jasmin ang kanyang luha at muling nagpasalamat kay Alexander.
“Saan ba kayo nakatira mga bata?” tanong ni Alexander. “At ihahatid na namin kayo ng mga tauhan ko.”
Pumayag na din naman ang tatlo at pinasakay sila ni Alexander sa kwarwahe, sa loob nito ay may nakaupo sina Drian, Eron at Eren, ang mga anak ni Alexander. Nahihiyang pumasok sina Dom, Jasmin at Lori.
“Huwag kayong mahiya, pumasok kayo.” Paanyaya ni Drian sa kanila.
“Oo nga maluwag pa naman.” Sabi ni Eren at binigyan niya ng kindat si Lori.
Si Eron naman ay tahimik lamang na nakaupo sa dulo at nakatingin sa labas ng bintana. Tinignan naman ni Lori si Eron. Tahimik at maamo ang mukha nito. Nang makaupo na si Lori at ang kanyang mga kapatid ay napatingin si Eron sa kanya.
“Anong tinitingin tingin mo?” masungit na tanong ni Eron dito.
“Huh? Wala.” Sagot ni Lori na nahiya na lang dahil sa tanong ni Eron.
“Ron, wag mo naman tinatakot ang mga babae.” Pananaway ni Eren.
Tinignan niya lamang ito at muli nang tumingin sa labas at hindi na muling nagsalita.
Binagtas nina Alexander ang kagubatan patungo sa Werol, Yadnalam. Ito ang lugar kung saan namumuhay ang mga normal na mamamayan. Halo halo ang nakatira dito, mahirap, alipin ang mga gusto lang ng payapang buhay.
Habang bumabagtas sila sa kabahayan ay pinagtitinginan sila ng mga tao, marahil ay napapatanong ang mga ito kung bakit naririto ang isa sa mga pinakamayamang tao sa Yadnalam at ang heneral ng hari. Habang patungo sila sa bahay nina Dom ay napansin ni Alexander ang pamilyar na babae. Si Maria.
“Ihatid mo na ang mga bata, may titignan lang ako.” Utos ni Alexander sa kanang kamay niya at humiwalay na siya sa grupo.
Agad niyang sinunandan ang pamilyar na babae. Nang hawakan niya ito ay iba palang babae, ngunit lingid sa kaalaman niya ay nakita na siya ni Maria at nagtago lamang ito. Pinagsawalang bahala na lamang ito ni Alexander at sumunod na sa mga kasamahan niya at nagtungo sa bahay ng mga bata. Dito ay nakita niya si Crisanto.
“Maraming salamat sa paghatid niyo sa mga anak ko.” Sabi ni Crisanto.
“Sa aming ginoo kayo magpasalamat.” Sagot ng kanang kamay ni Alexander.
Dumating na si Alexander at nagpakita kay Crisanto, gulat na gulat ito sa kanyang nakita.
“Kumusta ka na Crisanto.” Pagbati ni Alexander.
“Mabuti naman ginoo, salamat sa pagliligtas sa aking bunso.”
“Walang anuman, hindi ko akalain na may mga anak ka na pala.”
“Ahm, ganun ba.”
“Osya sige. Kailangan na din naming umuwi at baka abutin Nadin kami ng gabi sa daan.” Pagpapaalam ni Alexander at saka siya sumakay sa karwahe.
Nawala ang kaba ni Alexander ng makaalis na ang grupo ni Alexander sa lugar.

AUTHOR’S NOTE
PLEASE VOTE, SHARE, LIKE, COMMENT AND BE A FAN.
THANK YOU POOWSS
KABANATA II: Ang lihim ni Crystal
KABANATA II: Ang lihim ni Crystal
WENA
Masayang nag-aasikaso si Wena ng kakainin ng kanyang pamilya. Labing anim na taon ang lumipas nang umalis sila sa palasyo kasama ang kanyang asawa na si Leo. Sa loob ng anim na taon ay nagkaroon sila ng iba pang anak maliban kay Geo. Ito ay sina Crystal ang kanyang pinagbubuntis nang palayasin sila sa palasyo at labing anim na taon na. Si Aero na ngayon ay anim na taong gulang na. Nakatira ang pamilya nila sa Anamut, nagtayo sila ng isang kubo malapit sa ilog para madaling makapamuhay ng payapa dito. Sa loob ng labing anim na taon ay walang gumulo sa kanilang pamilya.
“Anak Aero, tawagin mo na ang ate at kuya mo. Dahil paparating na ang inyong ama.”
“Opo.” Binitiwan ni Aero ang hawak na libro at nagtungo sa tapat ng hagdan at sumigaw. “BABA NA!!!!” sigaw niya na dinig hanggang itaas ng bahay nila kung saan naroron ang mga silid nina Geo at Crystal.
Dali dali namang bumaba ang dalawa sa kani-kanilang silid at nagtungo na sa hapag Kainan. Nang makaupo na sila ay sakto namang pagdating ng kanilang ama na si Leo.
“Sakto lang pala ang dating ko. Gutom na gutom na din ako.” Sabi nito.
“Ama.” Yumakap sa kanya si Aero at nagmano naman sina Geo at Crystal.
Masayang kumain ang buong pamilya.
Hindi ipinaalam nina Wena at Leo ang totoo nilang estado sa buhay. Inilihim nila ito maging sa kanilang mga anak. Maging ang kanilang mga kapangyarihan ay itinago din nila, ang mga anak nila ay sinabihan din nila na itago din ito dahil baka simulan ito ng kaguluhan.
Habang naghuhugas ng pinggan si Wena ay yumakap sa kanya ang kanyang babaeng anak na si Crystal.
“Ina. Ang ganda ganda mo at bango bango mo naman ngayon.” paglalambing ni Crystal.
“Mukhang may kailangan ka at naglalambing ka ngayon.” sabi ni Wena sa anak. Itinigil niya ang kanyang paghuhugas at hinarap ito.
“Ina. Magpapaalam sana ako na tutungo kami ni El at Laura sa kabilang lalawigan sa susunod na linggo.”
“Sabihin mo diyan sa mga kaibigan mo na sila ang humarap sa akin at ipaalam ka.”
“Masusunod ina.” Nakangiting sabi ni Crystal at niyakap niya muli ang kanyang ina at hinalikan sa pisngi bago magtungo sa labas ng bahay.
Maya maya naman ay bumaba ng bahay si Geo at nagtungo kay Wena. “Ina, nasaan na si Ama. Mangangaso daw kami ngayon.” tanong ni Geo.
“Nandun na siya sa labas, kanina ka pa niya hinihintay.” Sagot ni Wena.
“Sige ina, alis na kami.”
Bago pa lumabas si Geo ay muling nagsalita si Wena. “Geo anak, mag-ingat. Mag-ingat kayo ng iyong ama. At tulad ng lagi kong sinasabi, huwag na huwag mong gagamitin ang kapangyarihan mo kahit anong mangyare.”
“Masusunod.” Nakangiting sagot ni Geo at lumabas na siya ng bahay.
Nang matapos si Wena sa kanyang ginagawa ay nagtungo na siya sa silid ni Aero para tignan ang kanyang anak. Nakita niya itong mahimbing na natutulog kaya naman ay tumabi na siya dito at natulog sa tabi.

ILOG NG ANAMUT
Sa kahabaan ng ilog ng Anamut matatagpuan ang isang masukal na kakahuyan, mayroon din ditong maliit na talon. Nagtungo dito si Crystal para makita ang kanyang naging kaibigan na si Hilda.

“Sigurado ka bang sasali ka sa grupo na iyan?” tanong ni El sa kanya. Si El ang kababata ni Crystal na may lihim na pagtingin sa kanya.
“Kaya nga, hindi ka ba natatakot sa maaring mangyare sayo?” dugtong na tanong ni Laura, habang nililinisan niya ang kanyang salamin.
“Bakit ako matatakot? Tuturuan naman nila ang humawak ng armas. Kaya walang dapat ikatakot.” Sagot ni Crystal sa kanyang mga kaibigan.
Maya maya ay dumating na si Hilda, ang anak ng pinuno na sasalihan ni Crystal, kasama niya ang iba pa niyang kasama na si Edward at Bangs.
“Mabuti naman at nandito ka na.” pabungad na sabi ni Hilda. “Kumusta? Sigurado ka na ba na sasali ka sa grupo?” sunod na tanong ni Hilda.
“Oo nga. Baka nagdadalawang isip ka lang.” singit ni El sa usapan.
“Wag kang mag-alala disidido na ako.” Sagot ni Crystal.
Tinignan ni Hilda ang dalawang kasama ni Crystal na sina El at Laura. “Silang dalawa? Sasali ba sila o hindi?”
“Hindi sila sasali.” Nilingon ni Crystal ang kanyang mga kaibigan. “Umuwi na kayo. Kaya ko na ito. Salamat sa paghatid niyo sa akin.”

“Pero sigurado bang ligtas diyan?” tanong ni El at lumapit ito kay Crystal. “Kung ipapahamak ka nila, sabihan moa gad sa akin. Tawagin mo ako. Hmm. Crystal mangako ka sa akin.”
“Pangako.” Nakangiting sagot ni Crystal sa kaibigan.
Ngumisi at napahagikhik naman si Edward na narinig ni El at Crystal kaya tinignan nila ito.
“Tama na yan.” Sabi ni Edward at naglakad na ito papalapit sa magkaibigan. “Umuwi na kayo at ako nang bahala dito sa kasintahan mo.” Dugtong ni Edward.
Hindi naman na nakasagot si El pero ramdam niya ang pagkainis sa inaasta ni Edward sa kanya.
“Siguraduhin mo lang.”
“Wag kang mag-alala, ligtas itong makakauwi.” Sagot ni Edward at tinapik tapik pa niya ang balikat ni El.
Ramdam na ni Crystal ang tension sa pagitan nina Edward at El kaya naman ay pumagitna na siya sa dalawa.
“Sige na El. Kaya ko na ito.”
Tinginan ni El si Crystal at ngumiti bago tignan muli ng matalim si Edward at naglakad na palayo. Hinila na din ni Laura si El palayo dito.
“Mag-iingat ka Crystal.” Sabi ni Laura.
“Mag-iingat din kayo pabalik.”
Nang makalayo na sina El at Laura ay nagsalita muli si Edward.
“Talikod.” Utos nito kay Crystal.
Kinakabahan man si Crystal ay sumunod pa din ito sa utos ni Edward. Hanggang sa piringan niya siya nito. Ramdam ni Edward ang kaba at panginginig ni Crystal.
“Wag kang mag-alala, hindi kita ipapahamak. Nangako ako sa kasintahan mo.” Bulong ni Edward habang binubuhol nito ang piring sa mata ni Crystal.
“Hindi ako natatakot at hindi ko siya Kasintahan.” Sagot ko ni Crystal.
“Sige. Sabi mo eh.” Sagot ni Edward na tila ba hindi siya naniniwala.
Inalalayan nina Edward, Hilda at Bangs si Crystal papunta sa kuta ng mga tulisan. Napagdesisyunan ni Crystal na sumapi dito dahil sobra na din ang pamamalupit ng mga kasapi ng palasyo sa kanilang mga normal na mamamayan. Nasaksihan niya ang pagmamalupit nito dahil sa pagkuha nila ng sobrang buwis.
Nang tanggalin na ni Edward ang piring ni Crystal ay dahan dahan niya munang iminulat ang kanyang mga mata at hinayaang makabisa ang Liwanag sa paligid. Nang makita niya ang buong paligid ay pakawari niya ay nasa kweba sila.
“Maligayang bati at maligayang pagdating sa isa sa mga kuta ng Kalahi.” Bungad na bati ni Hilda kay Crystal.

KALAHI
Ito ang grupo ng mga tulisan na hindi sang-ayon sa pamamalakad ng palasyo. Nais nilang mabali ang ganitong systema na ginagawa ng mga Hari at Reyna. Lalo na dahil mas naghihirap ang mga taong mahihirap at yumayaman ang mga taong yumayaman.

Labing dalawa ang tao na naririto sa kweba kung nasaan si Crystal. Pinaliwanag ng isa sa kanila ang magiging bahagi dito ni Crystal. Mamayang gabi ay sasama siya sa mga ito para harangin ang grupo na tutungo sa palasyo. Nanakawin nila ang mga kaban na bitbit ng mga ito at ipapamahagi sa mahihirap.
Habang naghahanda ang mga nasa kweba ay napansin naman ni Crystal na nawawala si Edward. Tinulungan ni Shawn at Judy si Crystal na mag-ayos ng kanyang gamit.
“Marunong ka na bang gumamit nito?” tanong ni Shawn kay Crystal sabay pakita ng mga pana.
“Oo tinuruan ako ng aking ama.”
“Mabuti, hindi n akita kailangang pang tulungan.” Sagot ni Shawn.
Habang inaayos ang kagamitan ni Crystal ay nagtanong siya kay Shawn. “Nakita mo ba si Edward? Nasaan kaya siya?” tanong niya.
“Malamang sa malamang ay nasa kasintahan niya ito.” Sagot ni Judy.
Napansin naman ni Crystal na nag-iba ang mukha ni Shawn ng sumagot si Judy.
Maya maya ay lumapit si Hilda sa kanila. “Handa ka na ba Crystal?”
Tumango si Crystal bilang tugon.
“Bangs tara na.” sigaw ni Hilda kay Bangs.
Naglakad na ang tatlo palabas. Paglabas nila ng Kweba ay nagmadali na silang tumakbo patungo sa lugar kung saan daraan ang tatambangan nila. Naipaliwanag na din ni Hilda na dun na nila kikitain si Edward. Tuloy tuloy ang takbo ng tatlo hanggang sa kalsada. Pagdating nila doon ay nandoon na nga si Edward.
“Nakaayos na ang mga patibong.” Bungad ni Edward sa kanila.
“Mabuti naman, maasahan ka talaga.” Sagot ni Hilda.
Tumingin si Edward kay Crystal at kinindatan niya ito.
“Ngayon pumunta na kayo sa kanya-kanyang pwesto.” Utos ni Hilda.
Tumakbo naman si Bangs sa kabilang bahagi ng kalsada. Si Crystal ay hindi niya alam ang gagawin. Kaya naman hinila siya ni Edward.
“Ikaw, dito ka lang sa akin.” Hinila ni Edward si Crystal patungo sa puno. “Baka magalit sa akin ang kasintahan mo kung hahayaan ko lang na mapahamak ka.”
Iniripan ni Crystal si Edward. “Kaya ko ang sarili ko.” Inalis niya ang pagkakahawak ng kamay sa kanya.
Umakyat si Edward sa puno. “Diyan ka lang sa baba at magtago.”
Nang makapwesto na ang lahat ay nagman-man na si Edward. Nang mapansin na niya na papalapit na ang grupo ay sumenyas siya kay Hilda at Bangs na malapit na ang karwahe.
Pagdating ng karwahe sa harapan nila ay sabay na hinila ni Hilda at Bangs ang tali para mapatid ang kabayo at nalaglag ito sa hukay na patibong. Atsaka lumabas si Hilda, Bangs at Edward para paslangin ang mga kawal na naroroon. Naging mabilis lang ang kanilang ginagawa, habang patuloy sila sa pakikipaglaban ay napansin ni Edward na wala si Crystal.
“Dito lang kayo, hindi ko makita si Crystal.” Sabi nito.
Tumango naman si Hilda sa kanila at bumalik si Edward sa puno na pinag-iwanan niya at nakita niya si Crystal dun na nakikipaglaban sa isang kawal kaya naman ay tinulungan niya ito.
“Salamat.”
Nang mapaslang n ani Edward ang kawal ay babalik na sana sila ng may tumutok ng patalim kay Crystal at niyakap ito.
“Edward.” Sigaw ni Crystal.
“Bitiwan mo siya.” Sabi ni Edward.
Magsasalita sana ang kawal ng may pumana sa kanya at tinamaan ito sa ulo at namatay. Tinignan nila kung sino ito, si Hilda. Ngumiti ito sa kanila at biglang may kawal na paparating sakay ng kabayo at hiniwa ang ulo nito.
“HILDAAAA!!!” sigaw ng tatlo.
Tumilapon ang ulo ni Hilda sa sahig. Hinabol naman ni Bangs ang kawal. Si Crystal at Edward nmaan ay dali-daling tumakbo sa pinagbagsakan ni Hilda.
Hindi makapaniwala si Crystal sa kanyang nasaksihan. Tuloy tuloy ang kanyang pag-iyak. Bumalik naman si Bangs at napatay niya ang mga kawal. Wala na silang magagawa dahil namatay na si Hilda sa kanilang harapan. Agad na sinilip ni Bangs ang karwahe na nalaglag sa patibong ngunit bigo sila dahil walang laman ito. Wala na silang nakuha at nabawasan pa sila ng tao.
Bumalik sila sa kweba para ipagbigay ang nangyare. Lahat ay hindi makapaniwala at kung paano ibabalita ito sa ama ni Hilda.
“Baka kasi may traydor sa grupo.” Pagtatanong ni Carol, isa sa mga kasamahan nila doon.
“Baka hindi natin imbestigahan ang kakasali lang na si Crystal.” Sagot ni Larren, isang miyembro din.
“Tama na. Kasama namin si Crystal at wala siyang alam sa plano. Kaya impossibleng siya ang traydor.” Singit ni Edward. “Ako na ang kakausap sa pinuno. Umuwi na muna tayo sa kanya-kanyang bahay.” Dugtong ni Edward.
Nagtaas kilay na lang si Carol at Larren dahil wala silang tiwala kay Crystal.
“Halika na Crystal. Ihahatid na kita sa inyo.” Sabi ni Edward at hinila na niya si Crystal.
Binagtas nila ang kahabaan ng ilog sakay ng kabayo.
Walang nagsasalita sa kanila sa buong paglalakbay. Ibinaba lang ni Edward si Crystal sa ilog na medyo malapit lang sa kanilang bahay, bawal may makaalam ng kani-kanilang mga katauhan.
Nagpasya munang hindi umuwi si Crystal sa kanilang bahay. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ni Hilda kung hindi dahil sa kanya ay buhay pa ito. Naiinis siya sa sarili niya kung bakit kailangan pa nilang itago ang kanilang mga kapangyarihan gayong kaya naman nilang gamitin ito.
Tumapat siya sa ilog at sumigaw. “Wahhhhhhh.” Gamit ang kanyang dalawang kamay ay pinaangat niya ang tubig sa ilog, ipinadyak niya ang kanyang paa at umangat ang mga lupa at ibinato nya ito patungo sa tubig na hindi gumagamit ng kamay. Matapos nito ay nagpakawala siya ng apoy sa dalawa niyang kamay. Tuloy tuloy ang pagluha niya, iba iba ang kanyang emosyon na nararamdaman ngayon.
“Crystal?” rinig niya ang boses ni El.
Nang tignan niya ito ay nanghina siya dahil sa kapangyarihan na kanyang inilabas kanina, unti unting nagdilim ang kanyang paningin at bumagsak ito.
Agad namang tumakbo si El sa kanya at sinalo siya sa pagkakabagsak.
KABANATA III: Ang Paglabas ng Marka ni Eron
KABANATA III: Ang Paglabas ng Marka ni Eron
CECILIA
Naghahanda na si Cecilia sa nalalapit na pag-alis ng kanyang panganay na anak patungo sa Gnapmulac. Dito magsasanay si Drian para maging bihasa sa larangan ng pakikipaglaban. Plano ng kanyang anak na maging katulad ng kanyang ama na isang manlalakbay sa iba’t ibang kaharian. Nais nitong maikot ang buong mundo.

“Nais mo ba talagang magtungo roon?” tanong ni Cecilia sa kanyang panganay na anak.
“Alam mo naman ina na matagal ko na itong nais. At hindi magbabago iyon.” Sagot ng kanyang anak.
Ngayon ang unang pagkakataon na mawawalay si Cecilia sa kanyang mga anak. Apat na lalaki ang kaniyang naging anak. Si Drian na ngayon ay dalawangpu taong gulang na, si Eron at Eren na labing anim na taong gulang na at ang bunso na si Vin na labing dalawang taong gulang na.
“Kuya, hindi ka na ba namin talaga mapipigilan?” tanong ni Vin sa kanyang nakakatandang kapatid.
Nagpatuloy na si Cecilia sa pag-aayos ng gagamitin ni Drian sa nalalapit nitong paglalakbay. Tumulong na din sa kanya ang kambal na sina Eron at Eren. Malapit ang magkakakapatid sa isa’t-isa. Pinalaki ni Cecilia ang mga anak niya na maging magalang at marespeto sa bawat isa. Si Drian ay nagmana sa kanyang asawa, mahilig ito sa armas at mahilig din sa pakikipaglaban at mahilig ding maglakbay. Si Eron naman ay tahimik lang, mas nais nitong mapag-isa sa lahat ng bagay. Mas madalas na pinag-iisipan ang bawat hakbang na kanyang gagawin. Si Eren naman ay malakas ang loob mahilig mapasok sa gulo dahil lagi niyang nais na makialam sa mga bagay bagay, mahilig ipagtanggol ang mga naaapi. Si Vin naman ang pinakapasaway sa kanila, laging sakit ng ulo ni Cecilia at nais gawin ang mga bagay na tumatakbo sa kanyang isip.
Dumating na ang oras nang pag-alis ni Drian. Hinatid nila ito sa bukana ng kanilang tirahan. Kasamang maglalakbay ni Drian ang kanang kamay ni Alexander.
“Anak, mag-iingat ka doon. Ipinagmamalaki kita.” Sabi ni Alexander sa kanyang anak.
“Salamat Ama. Pangako hindi ako gagawa ng ikakasira ng pangalan natin at mas ipagmamalaki mo pa ako.” Sagot naman ni Drian.
Lumapit naman si Cecilia sa anak at inabot ang isang bayong na naglalaman ng mga pagkain. “Kinakabahan ako sa desisyon mo anak, ngunit mag-iingat ka. HUwag mong ipahamak ang iyong sarili.” Naluluhang bilin ni Cecilia. “Huwag na huwag kang magpapagutom doon. At kung kailangan mo kami, andito lang kami.”
“Ina, huwag kang mag-alala. Malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko. Mahal na mahal kita. Kayo ni Ama at ng mga kapatid ko.” Niyakap ni Drian si Cecilia para siguraduhin na nasa maayos lamang siya.
Matapos nilang yakapin ang isa’t isa ay sumakay na siya sa kanyang kabayo.
“Kuya, mag-iingat ka doon.” Sigaw ni Vin
Naghuling tingin muna si Drian sa kanyang pamilya bago hampasin ang kabayo at tumakbo na ito papalayo.
Umakbay naman si Alexander kay Cecilia. “Huwag kang mag-alala, alam kong hindi niya papabayaan ang kanyang sarili. At kailangan niya din ito para sa darating na panahon ay makakaya niyang ipagtanggol ang ating angkan.” Pagtitiyak ni Alexander kay Cecilia.

TAHANAN NI LEO
Umaga na nang magising si Crystal. Pagmulat na pagmulat ng kanyang mata ay agad niyang naisip ang nangyareng pagpaslang kay Hilda, ngunit mas nagbigay ng kanyang pansin ay ang pagkakakita ni El sa paggamit niya ng kanyang kapangyarihan. Kaya naman ay agad siyang bumangon para puntahan si El. Dali-dali siyang bumaba ng kanyang silid at pagkababa niya ay agad niyang nakita ang kanyang ina na kausap si El at Laura sa baba.
“Mabuti naman at gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo?” pag-aalalang tanong ni Wena sa kanyang anak.
Tumingin muna si Crystal kay El at kitang kita niya sa mata nito ang pag-aalala, bago tumingin sa kanyang ina at sumagot.
“Maayos naman na ako.” Sagot ni Crystal sa kanyang ina.
Lumapit si Wena sa kanya at niyakap siya. “Mabuti naman kung ganoon. Masyado akong nag-alala, ang sabi ni El ay bigla ka daw nahulog sa puno at nahimatay. Kinabahan ako anak.” Mahabang litanya ng kanyang ina.
Napatingin naman si Crystal kay El at nagtaka kung bakit nagsinungaling si El sa kanyang ina, ngunti Mabuti na lamang at nagsinungaling ito. Hindi na rin naman niya alam kung anong sasabihin at kung paano ipapaliwanag sa ina ang nangyare.
Humiwalay siya sa yakap ng ina at ngumiti. “Maayos na ako ina. Huwag ka nang mag-alala.”
“Osya Mabuti naman at mag-almusal na muna kayong tatlo. Maagang nagtungo itong mga kaibigan mo para silipin ka.”
Kaya naman ay pinaghanda na sila ni Wena ng makakain. Habang kumakain ay agad namang nagtanong si Laura kay Crystal.
“Ikaw babae, ano ba talagang nangyare sayo?” pabulong na tanong nito at sinilip-silip pa ang buong paligid kung nandyan si Wena.
Hindi alam ni Cyrstal ang kanyang isasagot. Nahihirapan siya dahil dito.
“Pumunta siya sa bahay na umiiyak. Nahirapan siya sa pagsasanay niya doon sa kalahi.” Singit ni El sa usapan ng dalawang babae.
“Oo. Tama. Tama si El.” Sagot na lang ni Crystal.
“Kung nahihirapan ka pala, tigilan mo na iyan. Pati ako ay magkakasakit sa puso dahil sayo.” Sagot ni Laura.
Tumigil sila sa pag-uusap ng pumasok si Wena sa bahay.
Nang masigurado n ani Laura na maayos na ang kalagayan ni Crystal ay agad itong nagpaalam sa magkakaibigan may mga kailangan pa siyang tapusin sa kanyang pag-aaral. Kaya naman ay naiwan sina El at Crystal na naglalakad lakad sa tabi ng ilog. Nahihirapan ng bahagya si Crystal kung paano sisimulan ang pag-uusap nilang magkaibigan ngayong alam ni El ang lihim ni Crystal.
“Salamat” mahinang sabi ni Crystal.
“Ano iyon?” narinig ni El ang sinabi ni Crystal ngunit nagbibingi bingihan lamang ito para muling marinig ang sinabi ni Crystal.
Nahihiyang nagsalita muli si Crystal. “Sa…salamat.”
Inilapit ni El ang mukha niya kay Crystal. “Ano nga ulit iyon?” tanong ni El at sobrang lapit ng mukha nito.
Napaatras si Crystal at muntik nang matumba ngunit nahawakan siya bigla ni El. Sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t-isa.
“Sabi ko—”
“Narinig ko iyon. At alam kong may dahilan ka kung bakit kailangan mong ilihim iyon. At kung ano man iyon, nagtitiwala ako sayo.” Inayos ni El ang pagkakatayo ni Crystal at hinawakan ang buhok nito at ginulo. “Halika na at kailangan pa nating mangahoy.” Dugtong ni El at nauna nang naglakad. Nahihiya siya na baka makita ni Crystal na namumula ang kanyang mukha.
Pinagmasdan muna ni Crystal si El na maglakad at nakaramdam siya ng pagbagal ng tibok sa kanyang puso. Ngumiti siya bago maglakad at habulin si El.

PALASYO NI ALEXANDER
Sa loob ng silid ng pagsasanay ay matatagpuan ang kambal na sina Eron at Eren, kasama dito ang kanilang mga kaibigan na sina Zel, Lucas, Prec at Timo. Silang anim ang madalas na nagsasanay dito. Simula pagkabata ay magkakakilala na sila at galing sila sa mayayamang angkan na naninirahan sa Reppu, Yadnalam.
Patuloy nilang hinahasa ang paghawak nila ng espada. Ang magkatunggali sa paghawak ng espada ay sina Zel at Prec, parehas silang babae. Si Lucas naman at Eron at si Timo at Eren. Habang patuloy silang nagsasanay ay bigla na lamang bumagsak si Eron, na hindi man lamang nagagalaw ni Lucas.
“Eron?” tawag ni Lucas.
“Erooooon.” Sige ni Zel na isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Eron na babae.
Dali-dali silang lumapit sa bumagsak na si Eron.
“Tulungan niyo ako.” Sabi ni Eren at tinulungan siya ni Lucas na buhatin si Eron para dalhin sa silid nito.
Alalang-alala na pumasok si Cecilia sa silid nang malaman niyang nawalan ng malay ang anak niya.
“Anong nangyare sa kanya?” tanong ni Cecilia kay Eren.
“Hindi namin alam, bigla na lamang siyang bumagsak.” Sagot ni Lucas.
Maya maya ay bigla na lamang dumilat ang mat ani Eron ngunit kulay buti lamang ito.
Alalang alala na tumabi si Cecilia sa kanya. “Eron. Anak? Eron Anak. Gumising ka.”
Nagulat silang lahat ng bigla na lamang umangat si Eron sa pagkakahiga at sumigaw ng malakas.
“AHHHHHHHH!!!!!” sigaw ni Eron na malakas.
Biglang dumilim ang kalangitan sa labas at kumulog ng malakas kasabay ng kanyang pagsigaw. Nagliwanag ang buong katawan ni Eron at lahat ng Liwanag na ito ay nagmumula sa kanyang likuran.
“Ina ano iyan?” takang tanong ni Eren.
“Isang marka.” Sagot ni Cecilia.
Ang marka na kahit kailanman ay hindi na matatago. Iyan ang nasa isip ni Cecilia. Matapos ang isang minutong pag-angat ni Eron sa ere ay bigla na lamang siyang bumagsak sa kanyang kama. Kasabay ng pagbagsak niya ay tumigil ang pagkulog at pagkidlat. Lumiwanag na din ang buong kalangitan. Kitang kita sa buong kaharian ng Anikiram ang pangyayareng ito.
“Walang makakaalam nito? Kahit sino. Eren Bantayan mo ang kambal mo.”
Mula sa baba na nasaksihan ito ay dali-daling umakyat si Alexander para tignan ang pangyayareng ito. Agad naman na sumalubong sa kanya si Cecilia.
“Anong nangyare?” tanong ni Alexander.
“Naganap na. Lumabas na ang marka sa likod ni Eron.” Sagot ni Cecilia sa kanyang asawa.
Niyakap ni Alexander ang kanyang asawa. “Magiging ayos din ang lahat. Huwag ka na munang mangamba.” Hinalikan ni Alexander ang ulo ni Cecilia. “Iingatan natin siya at babantayan.” Dugtong nito.

AICAMED
Habang nagdarasal si Aileen sa kanyang bahay dasalan ay nakarinig siya ng malalakas na pagkulog at kidlat. Agad siyang lumabas upang makita ang pangyayareng ito. Kitang kita niya din ang biglaang pagdilim ng kalangitan. “Naganap na. Lumabas na ang magpapabago ng lahat. Ang taong labing anim na taon nang nagtatago.” Ang nasabi na lang ni Aileen sa kanyang sarili.
Matapos masaksihan ng lahat ang paglitaw ng marka ay ipinatawag si Aileen ng Reyna. Kasama ni Aileen ang iba pang mga babaylan at si Kris na kanyang tinuturuan. Nasa dalawampung taong gulang na ngayon si Kris, at patuloy pa din ang pagsasasanay nito para maging isang punong babaylan.
Pagdating nila sa Bulwagan ng trono ay madami nang mga tao na naroon at gustong malaman ang balita. Nasa kanyang trono sina Peter at Corazon. Nakaupo sa tabi ni Corazon si Justina ang kaisa-isa nilang anak na babae at sa tabi naman ni Peter ay sina Grant at New na dalawang prinsipe. At Nakatayo sa gilid si Roberto na nagmamasid lamang.
“Pagpupugay sa Mahal na Hari at Reyna. Mahal na Priinsesa at Prinsipe” pabungad na bati ni Aileen sa kanila.
“Tama na iyan. Nais naming malaman kung ano ang nasaksihan nating kadiliman kanina? Isa ba iyong pangitain? Mabuti o masamang pangitain?” sunod sunod na tanong ni Corazon.
“Lumabas na ang marka, mahal na reyna.”
“Marka? Anong Marka? At bakit mo nasabi na lumabas?”
“Ang markang iyon ay lumabas na labing anim na taon na ang nakakalipas. Itinago ito gamit ang isang malakas na salamangka. At kasabay ng paglakas ng taong nagtataglay nito ay maging ito ay lumbas na at di na nakayanan ng salamangka itago pa ito.” Mahabang paliwanag ni Aileen.
“Anong meron sa markang ito?” tanong ni Corazon.
“Ang markang ito ay ang nakatakdang tumapos sa kaharian ng Anikiram.” Deretsahang sagot ni Aileen.
Nagulat ang lahat ng mga naroroon sa bulwagan at nag bulong-bulungan ang mga ito. Hindi sila makapaniwala sa kanilang mga narinig.
“Katahimikan.” Sigaw ng tagapagsalita ng Reyna nang sobra na ang kaingayan sa loob.
“Saan natin matatagpuan ang taong ito? Sino ang nagtataglay nito?” tanong ni Corazon.
“Paumanhin Mahal na Reyna ngunit hindi ko alam ang kasagutan.” Sagot ni Aileen, dahil siya mismo ay hindi niya alam kung sino ang nagtataglay nito at bakit ngayon lamang ito lumabas.
“Walang kwenta.” Sigaw ni Corazon.
“Huminahon ka. Walang kasalanan ang babaylan.” Pananaway ni Roberto. “Kailangan nating matunton ang may marka. Bago pa ito magbigay ng kapahamakan sa atin.” Dugtong ni Roberto.
“Maari na kayong umalis at hanapin mo kung sino ang nagmamay-ari ng Marka. Kung hindi tatapusin ko ang buhay ng susunod na babaylan na iyan.” Patungkol ni Corazon kay Aileen.
“Masusunod kamahalan.” Ang naisagot na lamang ni Aileen.
“Ipatawag si Alexander. At ang lahat ng kawal kailangan nating mahanap ang taong may marka.” Utos ni Corazon.
Kaya naman ang mga kawal na naroroon ay nagkulasan na lamang. Tutungo sila sa palasyo ni Alexnader para ipatawag ang heneral.

KABANATA IV: Kakaibang espada ni Eren
KABANATA IV: Kakaibang espada ni Eren
BUNDOK NG YADNALAM

Lumipas ang isang linggo nang lumabas ang marka sa likuran ni Eron, at nagulat sila ng may dumating na mga kawal sa harap ng kanilang palasyo. Akala nila ay para dakpin si Eron ngunit kailangan lang pala sa Aicamed ang kanilang ama. Kaya naman agad na nagtungo din ang kanilang ama doon para punan nito ang kanyang tungkulin bilang heneral ng Anikiram.
Kahit isang linggo na ang nakakalipas ay hindi pa din gumigising si Eron mula sa pagkakatulog nito. Kaya naman inutusan siya ng kanyang ina na magtungo sa Bundok ng Yadnalam para kunin ang isang halamang gamot na makakapagpagaling sa kanyang kambal. Magkakasama silang magkakaibigan na nagtungod doon, kilala ang bundok na ito bilang mapanganib na bundok dahil may mga kung anong iba’t ibang uri ng mga nilalang ang naroroon.
“Handa na ba kayo?” tanong ni Eren sa kanyang mga kaibigan.
Naririto na sila sa paanan ng bundok.
“Kanina pa kami handang handa.” Sagot ni Timo.
“Tara na”
Sa pangunguna ni Eren ay nagsimula na silang lakarin at akyatin ang bundok. Matatagpuan ang halamang ito sa puso ng bundok. Sa unang dalawang oras na paglalakbay nila ay wala pa silang nakikita o nakakasalubong na kahit anong kakaibang nilalang. Patuloy lang sila sa paglalakbay hanggang sa makarinig sila ng isang alulong ng aso.
“Pumaikot kayo.” Utos ni Eren.
Pumaikot ang lima at hinanda nila ang kanilang mga sarili sa pararating na kung ano man iyon. Maya maya ay may nagtalunan na mga asong naglalaway, kulay itim ang mga ito. Isa isa nilang kinalaban ang mga ito dahil may kaalaman na sila sa paggamit ng armas ay nagpatuloy sila sa pakikipaglaban ngunit hindi nauubos ang mga itim na aso. Ang itim na asong ito ay tinatawag na Usman. Kahit napapatay nila ito ay hindi ito maubos ubos. Dahil sa pakikipaglaban nila ay hindi maiwasan na maghiwahiwalay sila.
Patuloy ang lakad takbo na ginagawa ni Eren ngunit hindi niya makita ang kanyang mga kaibigan. Maya maya ay may sumunggab sa kanyang Usman at nakalmot siya sa dibdib, ngunit napatay niya ito gamit ng kanyang espada at naiwan ito sa Usman na kumalmot sa kanya. Dahil sa kalmot na iyon ay hindi niya namalayan na nahulog siya sa bangin at pagulong gulong ito. Malalim ang bangin na iyon. Duguan na si Eren at puro sugat ang kanyang katawan. Kailangan niyang bumangon para sa kanyang kambal. Sa kanyang kanan ay nakakita siya ng Liwanag, dahan dahan siyang gumapang at nagtungo doon. Isa itong espada na nakatusok sa isang bato. Ginapang niya ito para maging armas niya, maya maya ay may isang Usman na tumalon patungo sa kanya at dahil sa bilis niya ay nabunot niya ang espadang ito at ipinangturok sa Usman na patungo sa kanya. Dahil dito ay nagkaroon ng isang pagyanig.

Ang mga kaibigan naman ni Eren ay patuloy na nakikipaglaban sa Usman nang maglaho ito sa dinila matukoy na dahilan.
“Ito na. natagpuan ko na.” sabi ni Zel at itinaas ang hawak na halamang gamot. “Ang kailangan na lang natin ay mahanap si Eren.” Ang dugtong ni Zel.
Kaya naman nagsimula na silang hanapin si Eren.
Werol, Yadnalam
“Sige na kasi Lori, samahan mo na akong maligo sa batis.” Pagpupumilit ni Jasmin sa kanyang kapatid.
“Alam mo namang delikado doon at hindi tayo papayagan ni Ama.” Pagdadahilan ni Lori.
“Sige na. Nagmamakaawa na ako. Minsan lang naman. Atsaka hindi tayo papayagan pag hindi natin sinabi.” Sagot ni Jasmin na itinataas taas pa ang kanyang kilay.
Pumaupo na si Lori mula sa pagkakahiga. “Oo na. Sige na.” sagot nito. “Bumaba ka na at mag-aasikaso na ako at mag-aayos ng gamit.”
Nang makapag-ayos na ang dalawa ay nagsimula na silang patagong lumabas ng bahay. Palihim din nilang binagtas ang kahabaan ng ilog para maligo sa batis na nasa paanan ng bundok. Halos ilang oras din ang nilakad nila bago makarating doon.
“Ito na. Sobra akong nasasabik na muling maligo rito.” Sabi ni Jasmin at unti unti niyang hinubad ang kanyang damit at tanging panloob lamang ang itinira.
“Ulit?” takang tanong ni Lori.
“Oo.” Naiilang na sagot ni Jasmin bago tumalon sa tubig.
“Hey, teka. Jas sinong kasama mo?” tanong ni Lori ngunit hindi siya pinansin nito.
Nagpatuloy lang sa paglangoy si Jasmin patungo sa gitna ng batis. “Ano nga ulit iyon? Hindi kita marinig.” Sigaw ni Jasmin pabalik sa kanyang kapatid.
“Pasaway ka talaga.” Sagot ni Lori pabalik at naghupad na din ito at tumalon sa batis.
Parehas silang nagpakasaya sa paliligo sa batis hanggang sa makarinig sila ng kaluskos sa damuhan. Kaya naman dali-dali silang umahon at pumunta sa pangpang. Kinuha nila ang kanilang damit at armas.
“Sino yan?” tanong ni Lori.
Hindi sumasagot ang nakatago sa damuhan ngunit agad din itong lumabas duguan ito at may hawak na espada at bumagsak sa lupa. Susugurin na sana siya ni Jasmin ngunit namukhaan niya ang lalaki.

“Sandali Jas, kilala ko siya.” Pagpipigili ni Lori.
Natigil naman si Jasmin dahil dito at tinignan ng maigi ang lalaki. “Oo nga, anak siya nang nagligtas kay Josh.”
“Tulungan natin.” Sabi ni Lori.
Nang lumapit sila kay Eren ay wala itong Malay, kaya naman tinulungan niya ito. Binalot din nila ang espada ni Eren para hindi makasugat. Maya maya ay nagulat sila nang biglang may pumaikot sa kanilang mga kawal na nakasakay sa kabayo at tinutukan sila ng armas.
“Sandali.” Itinaas nilang dalawa ang kanilang mga kamay.
“Tinutulungan lang namin ito.” Sagot ni Jasmin. “Wala kaming ginawang masama sa lalaking ito.”
“Sandali. Kilala ko sila.” Sabi ni Alexander ng makita niya sina Lori at Jasmin.
“Panginoon, natagpuan po namin ang inyong anak dito.” Agad na sabi ni Lori at nilapitan niya si Alexander.
Agad na bumaba sa kabayo si Alexander para tignan ang kanyang anak na si Eren. Hindi niya alam kung anong nangyare dito at kung bakit ganito na lang ang kalagayan nito. Binuhat ni Alexander ang kanyang anak pasakay sa kabayo. At ang dalawa namang dalaga ay pinasama na din niya sa mga kawal na kasama niya. Tutungo sila sa kanilang palasyo. Isinakay ng dalawang kawal si Jasmin at Lori, ang mga kawal na ito ay nasa edad bente.
Dali-dali silang nagtungo sa Reppu, Yadnalam kung saan nakatayo ang palasyo na pagmamay-ari nina Alexander. Mabilis ang naging pagpapatakbo nila ng kanilang mga kabayo hanggang sa marating na nila ang palasyo.
Manghang mangha sina Lori at Jasmin sa kanilang nasasaksihan, mula sa malayo ay napakaganda ng palasyo na ito mas lalo na nang makalapit sila.
Agad na sumalubong si Cecilia sa kanyang mag-ama. Bakas sa mukha ni Cecilia ang pag-aalala sa kanyang anak. Nang huminto na ang kabayong sinasakya nila ay agad inutusan ni Alexander ang kawal na buhatin at dalhin si Eren sa kwarto nito at tinawag din ang manggagamot. Inutusan din ni Alexander ang kanilang katulong na tulungan ang dalawang babae na magbihis at mag-ayos ng sarili.
“Sino sila?” tanong ni Cecilia nang mawala na ang dalawang babae at naglalakad na sila ni Alexander patungo sa kwarto ni Eren.
“Sila ang nakakakita kay Eren sa tabi ng talon, sugatan at walang malay.”
“Pero bakit kailangan mo pa silang dalhin dito sa palasyo?” tanong ni Cecilia.
“Dahil may gusto akong malaman. Gusto kong malaman kung tama ba ang kutob ko na buhay si Maria.” Paliwanag ni Alexander.
“Maria? Paano mabubuhay si Maria kung matagal na nating alam na pinatay siya si Leo.”
“Naalala mo ang kinwento mo na may tinulungan kaming magkakapatid. Sila iyon? At sa lugar nila ay nakita ko si Maria. Kung hindi ako namamalikmata.”
“Pero… papaano nila makikilala si Maria?”
“Naalala mo si Crisanto? Ang kababata ni Maria? Anak sila ni Crisanto. At kung tama ang kutob ko, isa sa kanila ang anak ni Maria.” Paliwanag ni Alexander bago sila makarating sa tapat ng silid ni Eren.
Pagkapasok nila sa silid ay nakahiga na si Eren sa kama nito at ginagamot na din siya nang manggagamot.
“Ngunit nais kung malaman kung anong ginagawa ni Eren sa paanan ng bundok ng mag-isa? Delikado ang bundok na iyon.” Takang tanong ni Crisanto.
“Inutusan ko siya kasama ang kanyang mga kaibigan na humanap ng lunas para kay Eron, ngunit hindi ko na alam kung saan sila napadpad.”
“Bantayan mo si Eren. Uutusan ko ang mga kawal ko na hanapin ang iba pa nilang mga kaibigan.” Sabi ni Alexander at dali-daling lumabas ng silid upang utusan ang kanyang kanang kamay.
Bago pa man makaalis ang grupo na inutusan ni Alexander na hanapin ang mga kaibigan nina Eren ay dumating na ang mga ito.
“Nandito na kami. Si Eren?” tanong ni Zel agad sa mga kawal na naroroon.
“Nasa taas na siya at lubhang sugatan ito.” Sagot ni Alexander. “Pero Mabuti na lamang at naidala agad siya dito sa palasyo. Nasa mabuting kalagayan na siya.”
“Bakit? Anong nangyare sa kanya?” tanong ni Prec.
“Hindi pa din namin batid. Hindi pa siya nagigising simula kanina.” Sagot ni Alexander. “Magpahinga na kayo.”
Inabot naman ni Timo ang halamang gamot na nakuha nil amula sa bundok. “Ito ang halamang gamot na nais ng manggagamot para mapagaling si Eron. Naway makatulong ito sa kanya.”
“Maraming salamat sa tulong ninyong apat.”
“Walang anuman. Para sa mga kaibigan namin.” Sagot ni Lucas.
Bumisita muna ang apat sa silid ni Eron at Eren bago nila mapagdesisyunan na umuwi sa kani-kanilang mga tahanan.
Agad namang gumawa ng lunas ang manggagamot para sa dinaranas ni Eron ngayon. Samantalang sina Cecilia at Alexander ay nakaantabay sa maaring maganap sa kanilang mga anak na parehas na nakahandusay ngayon sa kani-kanilang kama.
Sinimulan nang painumin ng gamot si Eron at napansin naman agad ni Cecilia ang pagbabago ng aura na nakapalibot sa katawan ni Eron. Nang matapos na ang manggagamot ay agad itong lumapit kina Cecilia.
“Hintayin na lamang natin na gumising si Eron, nasa mabuting kalagayan na siya.”
“Maraming salamat.” Sagot ni Cecilia.
“Ingatan niyo siya. Nararamdaman ko na masyadong malakas ang kapangyarihan na nasa loob ng kanyang katawan. Na nais kumawala.”
“Ano ang maaari naming gawin?” tanong ni Alexander.
“Kailangan niyong kausapin ang punong babaylan, tungkol sa kalagayan ng inyong anak.”
Nagkatinginan sina Alexander at Cecilia. Nais nilang ilihim ang kalagayan ni Eron sa palasyo dahil alam nilang ikakapahamak ito ng kanilang anak at ng kanilang pamilya.
“Susundin namin iyong sinabi.” Nasabi na lamang ni Alexander.
Maya maya ay kumatok na sa silid ni Eron. Nagtungo si Alexander para pagbuksan ito.
“Panginoon, nakahanda na po ang inyong hapunan.” Sabi ng katulong nila.
“Sige susunod kami.” sagot ni Alexander.
Sa silid naman kung nasaan naroroon sina Lori at Jasmin, ay manghang mangha ang dalawa dahil napakaganda ng silid na ito.
“Lori, hindi ako makapaniwala na makakapasok ako sa palasyo na tulad nito.” Tuwang tuwa na sabi ni Jasmin habang nakahiga sa malambot na kama.
“Ako din Jasmin. Ngunit tingin ko ay kailangan na nating umuwi baka nag-aalala na sa atin sina Ina.”
“Ano ka ba naman Lori, damhin muna natin itong pagkakataon natin dito sa palasyo.” Tumayo si Jasmin sa pagkakahiga at isinayaw sayaw ang kanyang suot na damit. “Minsan lang tayo magbuhay prinsesa.” Sabi nito sa kapatid.
May kumatok na sa kanilang silid.
“Nakahanda na ho ang inyong pagkain.” Sabi ng katulong sa kanila. “Halina kayo at ihahatid ko kayo sa hapag-kainan.” Sabi ng katulong.
Sumunod naman sina Lori at Jasmin sa katulong at hinatid sila sa hapag-kainan. Manghang mangha sila sa kanilang nakikita lalo na sa hapag-kainan. Isang mahabang lamesa ito na kung saan sa dulo ay nakaupo na si Alexander at sa kaliwa naman nito ay si Cecilia at nasa kanan nito ay si Vin.
“Mga iha. Maupo kayo.” Paanyaya ni Alexander sa dalawang dalaga.
Naupo naman ang dalawang dalaga sa tabi ni Cecilia. Naunang naupo si Jasmin at sumunod anman si Lori. Hindi makapaniwala ang dalawa na madaming pagkain ang nasa harapan nila ngayon.
“Kumain na tayo. Huwag kayong mahihiya. Pasasalamat namin ito dahil sa pagliligtas niyo sa anak namin.” Sabi ni Cecilia.
“Nagpapasalamat din po kami sa pagliligtas niyo sa kapatid ko.” Sagot ni Lori.
Ngumiti lamang sila at sinimulan na ang pagkain. Nang nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ng hapunan ay muling nagtanong si Alexander.
“Matagal na ba kayong naninirahan sa Werol?” tanong ni Alexander.
“Simula ng pinanganak kami ay doon na kami naninirahan.” Sagot ni Jasmine.
“Ganun ba. Ang sumalubong sa amin ay iyong ama? Hindi ko nakita ang inyong ina?” tanong ni Alexander.
“Oo siya ang aming ama. Baka may pinuntahan lamang.” Sagot ni Jasmin.
“Maari ko bang malaman ang pangalan ng inyong mga magulang?” tanong muli ni Alexander.
“Sina Crisanto at Maria.” Sagot ni Jasmine.
Nagkatinginan sina Alexander at Cecilia nang marinig nila ang pangalan ni Maria.
KABANATA V: Ang Tagapagmana
KABANATA V: Ang Tagapagmana
AICAMED
Nang malaman ni Alexander na buhay si Maria ay agad itong nagtungo sa Aicamed para ibalita kay Peter ang kanyang nalaman. Pinahatid naman ni Alexander sa kanyang kawal ang dalawang dalaga.
“Mabuti naman at bumalik ka.” Sabi ni Peter kay Alexander na kadarating lang. “Kailangan ko ng kasamang uminom.” Dugtong nito at itinaas niya ang isang baso na may laman na alak.
Lumapit si Alexander at inabot ang alak na ibinibigay ni Peter. Nilagok niya muna ito bago muling magsalita.

“Buhay si Maria. Hindi siya pinatay ni Leo at buhay ang inyong anak.” Deretsyahang sabi ni Alexander kay Peter.
“Anong pinagsasabi mo?” tanong ni Peter.
“Tama ang narinig mo. Kaya ano pang hinihintay mo? Kailangan na nating tumungo sa Werol.” Sagot ni Alexander.
Tumayo si Peter. “Ipahanda ang lahat na magagaling na kawal. Tutungo tayo ngayon sa Werol para sunduin si Maria at ang aking anak.”
“Masusunod kamahalaan.” Sagot ni Alexander at nang lalabas na siya ng silid ay muli itong nagsalita.“
“Ilihim muna natin ito sa Reyna. Kailangan kong masigurado na ligtas ang mag-ina ko.”
Tumango na lang si Alexander at lumabas ng silid para kumuha ng mga kawal na kanilang mapagkakatiwalaan.
Lingid sa kaalaman nila ay may nakapagsabi na kay Corazon na buhay si Maria at ang anak nito. Paikot ikot si Corazon sa kanyang silid at iniisip kung ano ang gagawin dahil sa nalamang ito. Kaya naman ay pinatawag niya ang kanyang pinakamagaling na kawal para ipapatay si Maria at ang anak nito.
Kasabay nang pagpaplano ni Peter para mahanap muli ang kanyang anak samantalang si Corazon naman ay nagpaplano para patayin ang mga ito. Alam ni Peter kung gaano kasama ang pamilya ni Corazon ngunit wala siyang magawa dahil hawak siya sa leeg nito at bukod pa dito ay malakas ang ama ni Corazon at alam niyang wala siyang laban dito.
Mabilis na kumilos ang inutusan ni Corazon para patayin ang mag-ina ni Peter. Alam na alam nito kung saan matatagpuan si Maria.
Sina Peter at Alexander naman ay mabilisan ding kumilos, nagdala sila ng apat na kawal at patakas na umalis sa palasyo. Lingid sa kaalaman nila ay nakamasid si Corazon mula sa bintana ng kanyang silid.
“Sisiguraduhin kong hind imo na maabutan ng buhay ang mag-ina mo.” Nangingilid ang luha ni Corazon ng sabihin niya ito.
Maya maya pa ay kumakatok na sa silid ni Corazon. Nilabas niya ito at nakita niya si Justina ang kaisa-isa niyang anak na babae.
“Ina, may nais akong ipakita sa inyo ni ama.” Masayang sabi ni Justina.
“Wala ang iyong ama, umalis siya para sunduin ang anak niya sa labas.”
Nagulat si Justina sa narinig mula sa kanyang ina.
“Anak sa labas?” hindi makapaniwala si Justina sa narinig. “Akala ko ba patay na sila? Akala ko ba matagal na silang pinatay ni Uncle Leo?”
“Itinago nila lahat ito sa atin. Itinago nila ito.”
Niyakap ni Justina si Corazon, galit na galit si Justina sa kanyang ama at maging sa Uncle Leo nito. Galit siya sa ginawang paglilihim nito sa kanila.

WEROL, YADNALAM
“Saan kayo nanggaling?” tanong ni Crisanto sa kanyang mga anak ng makauwi na ang mga ito.
“Galing kami sa palasyo ng mga Sans.” Sagot ni Jasmin.
Nakaramdam ng kaba sina Crisanto at Maria nang marinig na nanggaling ang mga anak nila sa palasyo ng mga Sans.
“Anong ginawa niyo doon?” tanong agad ni Maria.
“Tinulangan namin ang isa sa mga anak ni Panginoong Alexander.” Sagot ni Jasmin.
“May tinanong ba sila tungkol sa amin?” tanong ni Crisanto.
“Tinanong lang nila kung sino ang mga magulang namin.” Sagot ni Jasmin.
“Anong sinagot niyo?” kinakabahang tanong ni Crisanto.
“Kayo. Binanggit namin ang pangalan niyo.” Sagot ni Lori.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso nina Maria at Crisanto.
“Mag impake na kayo, aalis na tayo dito.” Utos ni Crisanto sa kanyang anak.
Dali-dali naman nagtungo si Maria sa kanilang silid para mag-impake na ng gamit.
“Pero Ama bakit? Anong meron?” tanong ni Jasmin.
“Makinig na lang kayo at sundin ang utos ko.” Sagot ni Crisanto na agad din pinuntahan si Dom na nagsisibak ng kahoy sa labas ng kanilang bahay.
Gulong gulo man sina Lori ay sinunod pa rin nila ang utos ng kanilang ama na gawin ang pag-iimpake. Mabilisan ang ginawang pag-iimpake nina Dom at Maria. Si Josh naman ay ganun din ang ginawa. Samantalang si Crisanto naman ay patuloy ang pagmamanman sa labas ng bahay.
Ilang minuto niyang pagbabantay ay may nakita siyang kabayo na papalapit kaya naman ay dali-dali siyang bumalik sa loob ng kanilang bahay.
“Handa na ba kayo? Tara na.” sigaw ni Crisanto at isinarado niya ang kanilang bahay sabay patay ng ilaw.
“Ama ano bang nangyayare?” tanong ni Jasmin.
“Saka na kayo magtanong, ipapaliwanag namin ang lahat. Halina kayo.” Sabi ni Crisanto.
Alam niyang darating ang araw na ito kaya naman ay gumawa sila ng lagusan sa ilalim ng lupa. Ito ang nagsilbi nilang takasan.
Hanggang ngayon ay nagtataka pa din sina Lori, Jasmin at Josh sa nangyayare. Ngunit hindi sila makapagtanong dahil kitang kita nila sa mukha ng kanilang mga magulang ang takot. Kabisado na ni Dom ang daan na ito dahil itinuro ito ng kanyang ama. Kaya naman ay pinangunahan ni Dom ang pagtakas at nagpahuli si Crisanto para masiguradong hindi sila masusundan ng mga kawal ni Peter o ni Corazon. Hindi na pinangarap ni Maria na magkaroon pa ng koneksyon sa kaharian.
Tuloy tuloy ang kanilang paglalakad sa ilalim ng lupa hanggag sa maabutan na din sila ni Crisanto, tahimik lamang silang naglalakad at walang kumikibo.
Ang kawal naman na inutusan ni Corazon para patayin sina Maria at anak nito ay walang naabutan sa bahay nito. Kaya naman imbes na mapadali ang kanyang paghahanap ay mapapahirap pa ito.
Nang lumabas na siya ng bahay ay napansin niya na may paparating din doon. Kaya naman ang ginawa niya ay binuhusan niya ng Langis ang buong bahay at sinunog ito upang wala nang madatnan si Peter at ang mga kasama nitong kawal. Nang lumakas na ang apoy at nagsilabasan ang mga taong malapit na naninirahan doon ay nagpasya na siyang tumakas.
Hinang hina si Peter nang makita niya ang nasusunog na bahay na kung saan nakatira sina Maria at anak nito. Ang mga taong naninirahan doon ay nagtulungan para mamatay ang apoy.
“Mukhang naunahan tayo.” Sabi ni Alexander. Agad naman niyang inutusan ang mga kawal niya na tulungan ang mga tao doon.
Nang mapuksa na ang apot ay inutusan ni Alexander ang mga kawal kung may mga tao bang kasamang nasunog sa bahay. Agad nilang sinunod ang utos at agaran ding bumalik kay Alexander nang mapag-alaman nilang walang sinuman ang namatay sa sunog.
“Isa lang ang ibig sabihin niyan, nakatakas sila.” Sabi ni Peter.
“Kailangan na nating bumalik sa kaharian mahal na hari. Baka mapansin ng Reyna na wala kayo sa palasyo.” Sabi ni Peter.
Hindi makapag-isip ng maayos si Peter ang akala niya ay muli na niyang mahahagkan ang kanyang mag-ina ngunit may humadlang na naman nito.
“Kayonga pat, hanapin niyo si Maria at ang pamilya nito. Siguraduhin niyong ligtas sila.” Utos ng hari.
Agad na tumango ang mga kawal at nagsialisan na. Sina Peter naman at Alexander ay muling naglakbay pabalik sa palasyo.
KUTA NG MGA KALAHI
Ang bangkay ni hilda ay dinala sa kanilang tahanan, hanggang ngayon ay hindi pa din nakikita ni Crystal kung sino talaga ang pinakapinuno ng kalahi. Nandito siya ngayon sa kanilang kuta at nakapaikot sila ng kanyang grupo sa kasuotan at armas ni Hilda. Ngayon ang araw para sunugin ito at maghahalili ng bagong kapalit at mamumuno sa kanilang grupo.
Lumapit si Edward sa gitna hawak ang kahoy na may apoy, idinikit niya ito sa mga kahoy kung saan nakapatong ang kasuotan at armas ni Hilda. Nakatingin lang ang grupo doon at nang maapoyan n ani Edward ang kahoy ay bumalik siya sa tabi ni Crystal, hinintay nila ang unti-unting pagkasunog ng mga gamit ni Hilda.
“Huwag mo nang masyadong isipin ang nangyare.” Bulong ni Edward kay Crystal, napatingin naman ang dalaga sa binata. “Hindi mo kasalanan iyon, kasalanan ito lahat ng mga namumuno sa atin. Kasalanan ito ng Hari at reyna, parehas silang sakim at walang kwenta.” Mahabang litanya ni Edward sa dalaga.
“Pero—”
“Wag kang mag-alala, walang nakakaalam at tanging tayo lang ni Bangs ang nakakaalam ito.” Hinarap ni Edward si Crystal at hinawakan ang balikat nito. “Tandaan mo, hind imo kasalanan at lagi mong tatandaan ang pangyayareng ito. Kailangan nating ipaghigante si Hilda sa mga elitista na iyan.” Mahabang litanya ni Edward.
Matapos ang pagbibigay pugay nila sa namayapang si Hilda ay nagkaroon na ng bagong pamunuan at ito ay sa pamumuno ni Elep. Nang matapos ang pagpupulong nila ay napagkasunduan na ng bawat isa na umuwi muna sa kanya kanyang bahay.
Napagkasunduan naman nina Edward at Bangs na ihahatid nila si Crystal.
“Kuya Edward” tawag ni Shawn kay Edward. “Hindi ka ba sasabay sa amin ni Ate Judy?” tanong ni Shawn sa kanyang kuya kuyahan.
Sina Edward, Judy at Shawn ay lumaki sa iisang bahay ampunan. Sa mga kasabayan nilang nanirahan sa ampunan ay sila na lamang tatlo ang natira at tumanda doon. Kasalukuyan ay may labing anim na bata ang naninirahan ngayon doon.
“Hindi na muna, mauna na kayo. Ihahatid muna namin si Crystal.” Sagot ni Edward sa kanyang mga kapatid kapatid.
Nagkatinginan naman sina Shawn at Judy dahil dito.
“Sige.” Sagot na lang ni Shawn.
Natawa naman si Edward sa naging sagot ni Shawn sa kanya. Alam niyang nagseselos na ito dahil madalas niyang kasama si Crystal. Kaya naman ay ginulo gulo ni Edward ang buhok ni Shawn.
“Magkita na lang tayo sa ampunan. Lutuan mo ko ng masarap ah.” Sabi niya kay Edward sabay kindat dito.
Nagpaalam na lamang sila sa isa’t-isa, binagtas naman nina Edward, Bangs at Crystal ang kahabaan ng ilog patungo sa bahay nito.
Habang patuloy sila sa paglalakad ay may nakasalubong sila, nakasalubong nila si Josh na tumatakbo at hingal na hingal.
“Tulungan niyo po ako. Tulungan niyo kami.” pagmamakaawa ni Josh.
“Bakit? Anong nangyare?” tanong ni Crystal kay Josh.
“Hinahabol kami, nang mga kung sino man. Tulungan niyo po kami at ang pamilya ko.” Pagmamakaawa ni Josh. Kitang kita nila ang pag-aaalala mula sa mga mata nito.
“Dito ka lang. Crystal samahan mo siya. Kami n ani Bangs ang tutungo doon.” Paliwanag ni Edward.
Tumango tango naman si Crystal bilang sagot at dali-dali namang umalis sina Edward at Bangs at pinuntahan ang kanyang pamilya.
Pagdating nina Edward sa lugar na pinanggalingan ni Josh ay nakita nilang nakaluhod si Crisanto at may nakatutok na espada dito. Isang nakamaskarang lalaki at nakaitim ito. Bukod dito ay napapalibutan din sina Maria, Lori, Jasmin at Dom ng mga lalaking nakaitim na sa bilang ni Edward ay nasa anim. Kitang kita din na sobrang sugatan na si Dom.
“Kakayanin kaya natin sila?” tanong ni Bangs.
“Hindi ko alam, pero kailangan natin silang tulungan.” Sagot ni Edward kay Bangs. Kaya naman ay nag-isip ng magandang plano si Edward kung paano niya ililigtas ang pamilya.
“Sino ang anak diyan ng hari?” tanong ng lalaking nakamaskara.
Nagulat si Edward at Bangs sa kanilang narinig. Anak ng hari? Ibig sabihin ay may anak sa labas ang hari.
“Wala. Wala siyang anak dito.”
“Ayaw mong umamin? Pwes ikaw ang uunahin kong paslangin”
Natigil ang pagsasalita ng pinuno nang biglang bumagsak ag isa sa mga kasamahan niya. Pinana ito ni Edward. Maya maya pa ay bumagsak na naman ang isa. At dito na lumabas sina Edward at Bangs. Unang sinugod ni Edward ang pinuno. Dito ay nakipaglaban siya ng espada. Si Bangs naman ay kinalaban din ang iba pa, tumayo din si Crisanto at tumulong sa pakikipaglaban. Gayon din si Edward na hirap na hirap na ay lumaban pa din.
Si Maria, Lori at Jasmin ay pasimple namang tumakas, lakad takbo ang ginawa nang tatlo dahil hinahabol din sila ng isa sa mga lalaking nakaitim. Patuloy ang pagtakbo nila hanggang sa hindi napansin ni Lori na may bangin at nalaglag siya dito. Samantalang si Maria at Jasmin naman ay tuloy tuloy ang pagtakbo at hinahabol pa din sila.
Mas magaling kay Edward ang kanyang katapat na kalaban ngunit patuloy pa din siya sa pakikipaglaban dito. Si Bangs naman ay agad na tinalo ang kalaban niya kaya naman ay tinulungan nito si Dom na sugatan at dalawa silang nakipaglaban. Si Crisanto ay ganun din, mabilis niyang natalo ang kanyang kalaban at tinulungan si Edward.
Masyadong magaling ang pinuno kaya kahit dalawa na si Edward at Crisanto na nakikipaglaban dito ay nahihirapan pa din sila. Nang matalo naman nina Bangs at Dom ang kalaban ay agad na hinabol ni Dom ang humabol sa kanyang pamilya, at si Bangs naman ay tumulong kina Edward at Crisanto. Nasugatan nina Edward ang pinuno at nang mapansin niya na wala na siyang kakampi ay siya na mismo ang tumakas, hinabol naman siya nina Edward at Bangs. Samantalang si Crisanto ay hinabol si Dom at ang pamilya nito.
Mabilis na nakatakas ang pinuno.
“Tama nay an Edward. Huwag na nating habulin.” Pagpipigil ni Bangs.
“Sino kaya ang lalaking iyon? At ano ang nais niya sa anak sa labas ng hari?” tanong ni Edward na sa ngayon ay malabong masasagot. Ngunit kung masasagot nito ang katangunan niya ay makakatulong ito ng Malaki sa Kalihim at sa gagawin nitong pag-aaklas. AICAMED
Nang malaman ni Alexander na buhay si Maria ay agad itong nagtungo sa Aicamed para ibalita kay Peter ang kanyang nalaman. Pinahatid naman ni Alexander sa kanyang kawal ang dalawang dalaga.
“Mabuti naman at bumalik ka.” Sabi ni Peter kay Alexander na kadarating lang. “Kailangan ko ng kasamang uminom.” Dugtong nito at itinaas niya ang isang baso na may laman na alak.
Lumapit si Alexander at inabot ang alak na ibinibigay ni Peter. Nilagok niya muna ito bago muling magsalita.
“Buhay si Maria. Hindi siya pinatay ni Leo at buhay ang inyong anak.” Deretsyahang sabi ni Alexander kay Peter.
“Anong pinagsasabi mo?” tanong ni Peter.
“Tama ang narinig mo. Kaya ano pang hinihintay mo? Kailangan na nating tumungo sa Werol.” Sagot ni Alexander.
Tumayo si Peter. “Ipahanda ang lahat na magagaling na kawal. Tutungo tayo ngayon sa Werol para sunduin si Maria at ang aking anak.”
“Masusunod kamahalaan.” Sagot ni Alexander at nang lalabas na siya ng silid ay muli itong nagsalita.“
“Ilihim muna natin ito sa Reyna. Kailangan kong masigurado na ligtas ang mag-ina ko.”
Tumango na lang si Alexander at lumabas ng silid para kumuha ng mga kawal na kanilang mapagkakatiwalaan.
Lingid sa kaalaman nila ay may nakapagsabi na kay Corazon na buhay si Maria at ang anak nito. Paikot ikot si Corazon sa kanyang silid at iniisip kung ano ang gagawin dahil sa nalamang ito. Kaya naman ay pinatawag niya ang kanyang pinakamagaling na kawal para ipapatay si Maria at ang anak nito.
Kasabay nang pagpaplano ni Peter para mahanap muli ang kanyang anak samantalang si Corazon naman ay nagpaplano para patayin ang mga ito. Alam ni Peter kung gaano kasama ang pamilya ni Corazon ngunit wala siyang magawa dahil hawak siya sa leeg nito at bukod pa dito ay malakas ang ama ni Corazon at alam niyang wala siyang laban dito.
Mabilis na kumilos ang inutusan ni Corazon para patayin ang mag-ina ni Peter. Alam na alam nito kung saan matatagpuan si Maria.
Sina Peter at Alexander naman ay mabilisan ding kumilos, nagdala sila ng apat na kawal at patakas na umalis sa palasyo. Lingid sa kaalaman nila ay nakamasid si Corazon mula sa bintana ng kanyang silid.
“Sisiguraduhin kong hind imo na maabutan ng buhay ang mag-ina mo.” Nangingilid ang luha ni Corazon ng sabihin niya ito.
Maya maya pa ay kumakatok na sa silid ni Corazon. Nilabas niya ito at nakita niya si Justina ang kaisa-isa niyang anak na babae.
“Ina, may nais akong ipakita sa inyo ni ama.” Masayang sabi ni Justina.
“Wala ang iyong ama, umalis siya para sunduin ang anak niya sa labas.”
Nagulat si Justina sa narinig mula sa kanyang ina.
“Anak sa labas?” hindi makapaniwala si Justina sa narinig. “Akala ko ba patay na sila? Akala ko ba matagal na silang pinatay ni Uncle Leo?”
“Itinago nila lahat ito sa atin. Itinago nila ito.”
Niyakap ni Justina si Corazon, galit na galit si Justina sa kanyang ama at maging sa Uncle Leo nito. Galit siya sa ginawang paglilihim nito sa kanila.
WEROL, YADNALAM
“Saan kayo nanggaling?” tanong ni Crisanto sa kanyang mga anak ng makauwi na ang mga ito.
“Galing kami sa palasyo ng mga Sans.” Sagot ni Jasmin.
Nakaramdam ng kaba sina Crisanto at Maria nang marinig na nanggaling ang mga anak nila sa palasyo ng mga Sans.
“Anong ginawa niyo doon?” tanong agad ni Maria.
“Tinulangan namin ang isa sa mga anak ni Panginoong Alexander.” Sagot ni Jasmin.
“May tinanong ba sila tungkol sa amin?” tanong ni Crisanto.
“Tinanong lang nila kung sino ang mga magulang namin.” Sagot ni Jasmin.
“Anong sinagot niyo?” kinakabahang tanong ni Crisanto.
“Kayo. Binanggit namin ang pangalan niyo.” Sagot ni Lori.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso nina Maria at Crisanto.
“Mag impake na kayo, aalis na tayo dito.” Utos ni Crisanto sa kanyang anak.
Dali-dali naman nagtungo si Maria sa kanilang silid para mag-impake na ng gamit.
“Pero Ama bakit? Anong meron?” tanong ni Jasmin.
“Makinig na lang kayo at sundin ang utos ko.” Sagot ni Crisanto na agad din pinuntahan si Dom na nagsisibak ng kahoy sa labas ng kanilang bahay.
Gulong gulo man sina Lori ay sinunod pa rin nila ang utos ng kanilang ama na gawin ang pag-iimpake. Mabilisan ang ginawang pag-iimpake nina Dom at Maria. Si Josh naman ay ganun din ang ginawa. Samantalang si Crisanto naman ay patuloy ang pagmamanman sa labas ng bahay.
Ilang minuto niyang pagbabantay ay may nakita siyang kabayo na papalapit kaya naman ay dali-dali siyang bumalik sa loob ng kanilang bahay.
“Handa na ba kayo? Tara na.” sigaw ni Crisanto at isinarado niya ang kanilang bahay sabay patay ng ilaw.
“Ama ano bang nangyayare?” tanong ni Jasmin.
“Saka na kayo magtanong, ipapaliwanag namin ang lahat. Halina kayo.” Sabi ni Crisanto.
Alam niyang darating ang araw na ito kaya naman ay gumawa sila ng lagusan sa ilalim ng lupa. Ito ang nagsilbi nilang takasan.
Hanggang ngayon ay nagtataka pa din sina Lori, Jasmin at Josh sa nangyayare. Ngunit hindi sila makapagtanong dahil kitang kita nila sa mukha ng kanilang mga magulang ang takot. Kabisado na ni Dom ang daan na ito dahil itinuro ito ng kanyang ama. Kaya naman ay pinangunahan ni Dom ang pagtakas at nagpahuli si Crisanto para masiguradong hindi sila masusundan ng mga kawal ni Peter o ni Corazon. Hindi na pinangarap ni Maria na magkaroon pa ng koneksyon sa kaharian.

Tuloy tuloy ang kanilang paglalakad sa ilalim ng lupa hanggag sa maabutan na din sila ni Crisanto, tahimik lamang silang naglalakad at walang kumikibo.
Ang kawal naman na inutusan ni Corazon para patayin sina Maria at anak nito ay walang naabutan sa bahay nito. Kaya naman imbes na mapadali ang kanyang paghahanap ay mapapahirap pa ito.
Nang lumabas na siya ng bahay ay napansin niya na may paparating din doon. Kaya naman ang ginawa niya ay binuhusan niya ng Langis ang buong bahay at sinunog ito upang wala nang madatnan si Peter at ang mga kasama nitong kawal. Nang lumakas na ang apoy at nagsilabasan ang mga taong malapit na naninirahan doon ay nagpasya na siyang tumakas.
Hinang hina si Peter nang makita niya ang nasusunog na bahay na kung saan nakatira sina Maria at anak nito. Ang mga taong naninirahan doon ay nagtulungan para mamatay ang apoy.
“Mukhang naunahan tayo.” Sabi ni Alexander. Agad naman niyang inutusan ang mga kawal niya na tulungan ang mga tao doon.
Nang mapuksa na ang apot ay inutusan ni Alexander ang mga kawal kung may mga tao bang kasamang nasunog sa bahay. Agad nilang sinunod ang utos at agaran ding bumalik kay Alexander nang mapag-alaman nilang walang sinuman ang namatay sa sunog.
“Isa lang ang ibig sabihin niyan, nakatakas sila.” Sabi ni Peter.
“Kailangan na nating bumalik sa kaharian mahal na hari. Baka mapansin ng Reyna na wala kayo sa palasyo.” Sabi ni Peter.
Hindi makapag-isip ng maayos si Peter ang akala niya ay muli na niyang mahahagkan ang kanyang mag-ina ngunit may humadlang na naman nito.
“Kayonga pat, hanapin niyo si Maria at ang pamilya nito. Siguraduhin niyong ligtas sila.” Utos ng hari.
Agad na tumango ang mga kawal at nagsialisan na. Sina Peter naman at Alexander ay muling naglakbay pabalik sa palasyo.
KUTA NG MGA KALAHI
Ang bangkay ni hilda ay dinala sa kanilang tahanan, hanggang ngayon ay hindi pa din nakikita ni Crystal kung sino talaga ang pinakapinuno ng kalahi. Nandito siya ngayon sa kanilang kuta at nakapaikot sila ng kanyang grupo sa kasuotan at armas ni Hilda. Ngayon ang araw para sunugin ito at maghahalili ng bagong kapalit at mamumuno sa kanilang grupo.
Lumapit si Edward sa gitna hawak ang kahoy na may apoy, idinikit niya ito sa mga kahoy kung saan nakapatong ang kasuotan at armas ni Hilda. Nakatingin lang ang grupo doon at nang maapoyan n ani Edward ang kahoy ay bumalik siya sa tabi ni Crystal, hinintay nila ang unti-unting pagkasunog ng mga gamit ni Hilda.
“Huwag mo nang masyadong isipin ang nangyare.” Bulong ni Edward kay Crystal, napatingin naman ang dalaga sa binata. “Hindi mo kasalanan iyon, kasalanan ito lahat ng mga namumuno sa atin. Kasalanan ito ng Hari at reyna, parehas silang sakim at walang kwenta.” Mahabang litanya ni Edward sa dalaga.
“Pero—”
“Wag kang mag-alala, walang nakakaalam at tanging tayo lang ni Bangs ang nakakaalam ito.” Hinarap ni Edward si Crystal at hinawakan ang balikat nito. “Tandaan mo, hind imo kasalanan at lagi mong tatandaan ang pangyayareng ito. Kailangan nating ipaghigante si Hilda sa mga elitista na iyan.” Mahabang litanya ni Edward.
Matapos ang pagbibigay pugay nila sa namayapang si Hilda ay nagkaroon na ng bagong pamunuan at ito ay sa pamumuno ni Elep. Nang matapos ang pagpupulong nila ay napagkasunduan na ng bawat isa na umuwi muna sa kanya kanyang bahay.
Napagkasunduan naman nina Edward at Bangs na ihahatid nila si Crystal.
“Kuya Edward” tawag ni Shawn kay Edward. “Hindi ka ba sasabay sa amin ni Ate Judy?” tanong ni Shawn sa kanyang kuya kuyahan.
Sina Edward, Judy at Shawn ay lumaki sa iisang bahay ampunan. Sa mga kasabayan nilang nanirahan sa ampunan ay sila na lamang tatlo ang natira at tumanda doon. Kasalukuyan ay may labing anim na bata ang naninirahan ngayon doon.
“Hindi na muna, mauna na kayo. Ihahatid muna namin si Crystal.” Sagot ni Edward sa kanyang mga kapatid kapatid.
Nagkatinginan naman sina Shawn at Judy dahil dito.
“Sige.” Sagot na lang ni Shawn.
Natawa naman si Edward sa naging sagot ni Shawn sa kanya. Alam niyang nagseselos na ito dahil madalas niyang kasama si Crystal. Kaya naman ay ginulo gulo ni Edward ang buhok ni Shawn.
“Magkita na lang tayo sa ampunan. Lutuan mo ko ng masarap ah.” Sabi niya kay Edward sabay kindat dito.
Nagpaalam na lamang sila sa isa’t-isa, binagtas naman nina Edward, Bangs at Crystal ang kahabaan ng ilog patungo sa bahay nito.
Habang patuloy sila sa paglalakad ay may nakasalubong sila, nakasalubong nila si Josh na tumatakbo at hingal na hingal.
“Tulungan niyo po ako. Tulungan niyo kami.” pagmamakaawa ni Josh.
“Bakit? Anong nangyare?” tanong ni Crystal kay Josh.
“Hinahabol kami, nang mga kung sino man. Tulungan niyo po kami at ang pamilya ko.” Pagmamakaawa ni Josh. Kitang kita nila ang pag-aaalala mula sa mga mata nito.
“Dito ka lang. Crystal samahan mo siya. Kami n ani Bangs ang tutungo doon.” Paliwanag ni Edward.
Tumango tango naman si Crystal bilang sagot at dali-dali namang umalis sina Edward at Bangs at pinuntahan ang kanyang pamilya.

Pagdating nina Edward sa lugar na pinanggalingan ni Josh ay nakita nilang nakaluhod si Crisanto at may nakatutok na espada dito. Isang nakamaskarang lalaki at nakaitim ito. Bukod dito ay napapalibutan din sina Maria, Lori, Jasmin at Dom ng mga lalaking nakaitim na sa bilang ni Edward ay nasa anim. Kitang kita din na sobrang sugatan na si Dom.
“Kakayanin kaya natin sila?” tanong ni Bangs.
“Hindi ko alam, pero kailangan natin silang tulungan.” Sagot ni Edward kay Bangs. Kaya naman ay nag-isip ng magandang plano si Edward kung paano niya ililigtas ang pamilya.
“Sino ang anak diyan ng hari?” tanong ng lalaking nakamaskara.
Nagulat si Edward at Bangs sa kanilang narinig. Anak ng hari? Ibig sabihin ay may anak sa labas ang hari.
“Wala. Wala siyang anak dito.”
“Ayaw mong umamin? Pwes ikaw ang uunahin kong paslangin”
Natigil ang pagsasalita ng pinuno nang biglang bumagsak ag isa sa mga kasamahan niya. Pinana ito ni Edward. Maya maya pa ay bumagsak na naman ang isa. At dito na lumabas sina Edward at Bangs. Unang sinugod ni Edward ang pinuno. Dito ay nakipaglaban siya ng espada. Si Bangs naman ay kinalaban din ang iba pa, tumayo din si Crisanto at tumulong sa pakikipaglaban. Gayon din si Edward na hirap na hirap na ay lumaban pa din.
Si Maria, Lori at Jasmin ay pasimple namang tumakas, lakad takbo ang ginawa nang tatlo dahil hinahabol din sila ng isa sa mga lalaking nakaitim. Patuloy ang pagtakbo nila hanggang sa hindi napansin ni Lori na may bangin at nalaglag siya dito. Samantalang si Maria at Jasmin naman ay tuloy tuloy ang pagtakbo at hinahabol pa din sila.
Mas magaling kay Edward ang kanyang katapat na kalaban ngunit patuloy pa din siya sa pakikipaglaban dito. Si Bangs naman ay agad na tinalo ang kalaban niya kaya naman ay tinulungan nito si Dom na sugatan at dalawa silang nakipaglaban. Si Crisanto ay ganun din, mabilis niyang natalo ang kanyang kalaban at tinulungan si Edward.
Masyadong magaling ang pinuno kaya kahit dalawa na si Edward at Crisanto na nakikipaglaban dito ay nahihirapan pa din sila. Nang matalo naman nina Bangs at Dom ang kalaban ay agad na hinabol ni Dom ang humabol sa kanyang pamilya, at si Bangs naman ay tumulong kina Edward at Crisanto. Nasugatan nina Edward ang pinuno at nang mapansin niya na wala na siyang kakampi ay siya na mismo ang tumakas, hinabol naman siya nina Edward at Bangs. Samantalang si Crisanto ay hinabol si Dom at ang pamilya nito.
Mabilis na nakatakas ang pinuno.
“Tama nay an Edward. Huwag na nating habulin.” Pagpipigil ni Bangs.
“Sino kaya ang lalaking iyon? At ano ang nais niya sa anak sa labas ng hari?” tanong ni Edward na sa ngayon ay malabong masasagot. Ngunit kung masasagot nito ang katangunan niya ay makakatulong ito ng Malaki sa Kalihim at sa gagawin nitong pag-aaklas.

KABANATA VI: Ang Paghahanap sa itinagong prinsesa
KABANATA VI: Ang Paghahanap sa itinagong prinsesa
BAHAY AMPUNAN SA ANAMUT
Imbes na tumungo si Crystal sa kanilang bahay ay sinamahan niya sina Edward at Bangs na magtungo sa ampunan, kasama din nila si Josh. Buong gabi na nilang hinanap ang pamilya ni Josh sa gubat ngunit hindi na nila ito natagpuan mula nang sagupaan ni Edward at Bangs sa grupo ng mga lalaking nakaitim.
Pagdating nila sa ampunan ay agad na sumalubong sina Shawn at Judy sa kanila.
“Kuya Edward bakit ngayon ka lang?” tanong ni Shawn.
“May nangyare kasing hindi inaasahan.” Sagot ni Edward.
“Mabuti na lamang ay hindi ka hinanap ng tagapangalaga.” Sabi ni Judy.
Napansin naman ni Shawn at Judy sina Cystal, Bangs at Josh.

“Sino iyan?” tanong ni Shawn patungkol kay Josh. “At anong ginagawa ng babaeng iyan dito?” dugtong na tanong ni Shawn patungkol kay Crystal.
Ikinuwento ni Edward lahat nang nangyare sa kanila sa kagubatan. Ngunit hindi nila ikinuwento ang nalaman nilang may anak sa labas ang hari ng Anikiram.
“Buti naman at hindi kayo napahamak.” Nasabi na lamang ni Shawn.
“Hihingi sana ako ng tulong sa inyong dalawa na itago itong si Josh sa loob ng ating silid.” Sabi ni Edward. “Kailangan din naming bumalik sa kagubatan, may hahanapin lamang kami.” dugtong nito.
Wala naman nang nagawa pa at hindi na nagreklamo sina Shawn at Judy, sinunod na nila ang utos ng kanilang nakakatandang kapatid.
Bumalik naman sa kagubatan sina Edward, Crystal at Bangs para pag-usapan ang mga nangyare. Nagulat si Crystal sa kanyang mga narinig mula kay Edward at Bangs.
“Totoo ba? Na may anak sa labas ang hari? At isa sa mga ate ni Josh ang prinsesa?” sunod sunod na tanong ni Crystal.
“Oo.” Sagot ni Edward. “Kaya kailangan nating mahanap ang mga kapatid niya, makakatulong ito sa plano ng kalihim at para maipaghiganti natin si Hilda sa mga aristokrato.” Mahabang litanya ni Edward.
“Bukas na bukas maaga tayong magkikita dito para mahanap natin sila.” Sabi ni Bangs. “Sa ngayon ay kailangan na muna nating magpahinga.” Dugtong nito.
Sumang-ayon naman ang dalawa kaya humiwalay na si Bangs sa kanila, samantalang si Edward naman ay hinatid si Crystal sa kanilang tirahan.
Tahimik na naglalakad ang dalawa nang magsalita si Edward.
“Sigurado ka bang hindi ka papagalitan ng iyong mga magulang?” tanong ni Edward.
“Huwag kang mag-alala, nagpaalam naman ako sa kanila ng maayos. At si El na bahala sa akin magdahilan sa mga iyon.” Paliwanag ni Crystal kay Edward.
“Ano bang meron sa inyo ni El?” tanong ni Edward.
“Hmm? Kababata ko si El, matagal na kaming magkaibigan ng panget na yun.”
“Ahhh ganun ba?” sagot na lamang ni Edward.
Nagpatuloy ang pag-uusap nila hanggang sa makarating na sila malapit sa bahay ni Crystal at sinalubong siya ni El.
“Bakit ngayon ka lang?” bungad na bati ni El kay Crystal.
“Paumanhin El, nagkaroon kasi ng di inaasahang pangyayare habang pauwi kami.” sagot ni Crystal.
“Ayos ka lang ba? Hindi ka ba napahamak?” tanong ni El na may pag-aalala.
“Huwag kang mag-alala, hindi siya mapapahamak pag ako ang kasama niya.” Singit ni Edward sa usapan ni El at Crystal.
“Hindi ko tiyak ang sinasabi mo.” Kakaiba ang tono ni El.
“May iba kabang nais ipahiwatig?” nag-iba na din ang ton oni Edward.
“Hindi ba’t kasama ka nang mawalan ng buhay ang isa niyong miyembro?” tanong ni El.
“Anong sabi mo?” lumapit na si Edward kay El.

“Teka, sandali.” Pumagitna na si Crystal sa kanilang dalawa para awatin ito. “Huminahon kayo. Hindi ko kailanman kailangan ang sinuman para maging ligtas ako. Kaya ko ang sarili ko.” Sabi ni Crystal sa dalawa at bumuntong hininga ito. Hinarap niya si Edward. “Salamat sa iyong paghatid. Mag-iingat ka sa pag-uwi.” Sabi ni Crystal.
“Walang anuman. Salamat din.” Sagot ni Edward.
Nang maglakad na palayo si Edward ay hinarap ni Crystal si El. “At ikaw.” Piningot niya ito. “Ikaw na lalaki ka. Mabait yung tao at umaamba amba ka na anman ng away diyan.”
“Aray aray, Crystal. Patawad.” Sabi ni El dito. “Hindi na mauulit. Aww bitiwan mo na ang tenga ko.”
Umakbay si Crystal sa kaibigan. “Pero salamat sa pag-aalaga sa akin.”
“Basta para sayo. Mahal na Prinsesa.” Pagbibiro ni El ngunit hindi nila alam na isang tunay na Prinsesa din si Crystal.
AICAMED
Pagkabalik na pagkabalik nina Peter sa kaharian ay agad nitong pupuntahan ang kanyang reyna na si Corazon, alam niyang ito ang dahilan kung bakit hindi niya natagpuan si Maria at ang kanyang anak.
“Maghunos dili ka Peter.” Pagpipigil sa kanya ng kanyang heneral at isang matalik na kaibigan na si Alexander.
“Alam mo na alam natin na siya ang may pakana ng lahat ng ito.” Galit nag alit na sabi ni Peter.
“Hindi tayo nakakatiyak na siya nga ang dahilan. Kung hindi man siya ang dahilan ay ibabalita mo lamang sa kanya na buhay si Maria at ang iyong anak.”
“Ano ang aking gagawin? Hindi pwedeng manahimik lamang ako dito na hindi ko nakikita na ligtas ang aking mag-ina.”
“Bukas na bukas din ay babalik tayo sa Werol at sa karatig bayan nito para hanapin ang iyong mag-iina.”
“Siya nga pala. Ipahanap mo na din ang aking kapatid na matagal nang nawalay sa akin. Ipahanap mo si Leo at ako ang kakausap sa kanya. Kailangan ko siyang pabalikin sa kaharian.”
“Mabuti naman at naisipan mo iyan aking kaibigan. Masusunod din.” Ang sagot na lamang ni Alexander bago tuluyang umalis sa silid ni Peter.
Lingid sa kaalaman nila ay nakikinig sa kanila si Corazon. Nagtungo si Corazon sa silid aklatan para harapin at kausapin ang taong inutusan niya.
Pagdating niya doon ay nakaluhod na itong lalaki.
“Napaslang mo ba ang mag-ina?” masayang tanong ni Corazon.
“Paumanhin mahal na reyna, ngunit nakatakas sila.” Nakayukong sagot ng lalaki.
“Lapastangan, dalawang tao lang ang papaslangin mo hind imo pa nagawa ng maayos ang iyong trabaho?” ang kaninang masayang mukha ni Corazon ay napalitan ng inis at galit.
“Babawi ako mahal na reyna, may mga tumulong sa kanila na mga tulisan.” Pagdadadahilan ng lalaki.
“Tulisan? Sigurado ka bang mga tulisan iyon?”

“Sigurado ako mahal na reyna, bukod sa pagiging tulisan ay bihasa din sila sa paggamit ng armas pandigma.”
Napaisip si Corazon sa mga sinabing ito ng lalaki. Sino ang mga tulisan na tinutukoy ng lalaki, kapanalig ba ito ni Peter.
“Ngayon, hanapin mo si Maria at ang anak nito, paslangin mo sila.” Sabi ni Corazon bago lumabas ng silid aklatan.
Madami na siyang problema at dumagdag pa itong mga tulisan na ito.
NAYLABAB, AICAMED
Ang Naylabab ay matatagpuan sa likurang bbahagi ng Aicamed kung saan dito naninirahan ang mga babaylan.
“Punong Babaylan.” Tawag ni Kris na kumakatok sa silid ng punong babaylan. “Punong babaylan, may nais akong sabihin.” Patuloy pa din ang pagkatok ni Kris sa silid ng punong babaylan.
Lumabas si Aileen na nagtataka kung bakit nagmamadaling kumakatok si Kris sa kanyang silid.
“Ano iyon?” tanong ni Aileen.
“May lumabas sa pangitain ko. Ang itinagong prinsesa ay buhay at matatagpuan ito sa Yerol. Sa gitna ng kagubatan.” Sabi ni Kris.
“Halika, dapat itong malaman ng hari.” Sabi ni Aileen.
At nagmadali ang dalawa na magtungo sa kaharian. Lakad takbo ang kanilang ginawa hanggang sa marating na nila ang silid aklatan kung nasaan naroroon ang hari na si Peter at ang heneral nito na si Alexander.
“Ano ang inyong balita?” bungad na tanong ni Peter.
“Mahal na Hari alam na namin kung saan matatagpuan si Maria at ang inyong prinsesa.” Sagot agad ni Aileen. “Nakita ito ng aking tagapagmana sa kanyang pangitain.” Dugtong ni Aileen.
“Saan ko sila matatagpuan?” tanong agad ni Peter pabalik.
“Sa Yerol, sa gitnang bahagi ng kagubatan ng Yerol.” Sagot ni Aileen.
Nang malaman ito ni Peter ay agad niyang pinaghanda si Alexander para magtungo sila sa Kagubatan ng Yerol. Lingid sa kaalaman nila ay nalaman na din it oni Corazon at agad niyang ibinalita ito sa lalaking kanyang inuutusan na pumatay.
KAGUBATAN NG YEROL
“Ina.” Sigaw ni Jasmin ng makita niya ang kanyang ama na nakahandusay sa lupa.
Dali-daling tumakbo si Maria patungo kay Jasmin at nakita niya din si Crisanto.
“Crisanto.” Pumaluhod si Maria kay Crisanto at niyakap ito ng mahigpit.
“Ina, maghahanap muna ako ng halamang gamot para kay Ama.” Paalam ni Jasmin at dali-dali itong tumakbo palayo sa kanila.
Nang makalayo na si Jasmin ay nagsalita na si Maria.
“Crisanto patawad.” Tumutulo na ang luha nito. “Patawarin mo ako kung pati kayo ng mga anak mo ay nadamay sa kaguluhang napasok ko at ng aking anak.”
“Huwag kang mag-alala Maria.” Hinawakan ni Crisanto ang pisngi ni Maria at pinunasan ito. “Hindi ko pinagsisisihan ang nangyare. Minahal kita at Minahal ko din ang anak niyo ng hari. Hinding hindi kita pababayaan, pangako ko iyan sa iyo.”
At hinalikan nila ang isa’t-isa.
Maya maya pa ay dumating ang lalaking naka-itim.
“Nasaan ang iyong anak?” tanong ng lalaki.
Kahit hirap na hirap si Crisanto ay pinilit pa din niyang tumayo.
“Hindi mo makukuha ang anak namin.” Sabi ni Crisanto at sinugod niya ang lalaki ngunit dahil sa hirap na hirap ito ay agad na napaslang ng lalaki si Crisanto, pinugutan niya ito ng ulo.
“Hindiiiii.” Sigaw ni Maria. “Crisantoooo.”
Tumalsik ang ulo ni Crisanto sa malayo at bumagsak ang katawan nito.
“Ngayon sabihin mo sa akin, nasaan ang iyong anak?” tanong ng lalaki.
Kinuha ni Maria ang espada ni Crisanto at sinugod ang lalaki ngunit agad na sinaksak ng lalaki si Maria sa kanyang tiyan.
“Inaaaaaa.” Sigaw ni Jasmin ng balikan niya ang kanyang mga magulang.
Tuloy tuloy ang pagluha ni Jasmin ng makita niya ang ama na wala ng ulo at ang ina na wala na ding buhay, ngunit ang ikinagulat niya ay ang biglang pagkayelo ng katawan ni Maria.
Agad na pinuntahan ng lalaki si Jasmin at hinila ang buhok nito habang ang espada ay nakatutok sa leeg ni Jasmin.
“Magpaalam ka na sa mundo, mahal na prinsesa.”
Nang gigilitan na ng lalaki si Jasmin ay bigla na lang siyang tinamaan ng pana at pumalibot ang mga kawal ng hari. Binitiwan ng lalaki si Jasmin upang tumakas. Hinabol naman siya ng ilan sa mga kawal ng hari.
“Amaaa. Inaaaa.” Dali daling lumapit si Jasmin sa kanyang mga magulang.
Si Peter naman ay nasaktan ng makita niya si Maria na naging yelo. Agad siyang bumaba at nagtungo sa dating kasintahan na hanggang ngayon ay kanyang iniibig.
Tuloy tuloy lang ang pagluha at pagdadalamhati ni Jasmin at Peter sa kanilang nasaksihan.
Sa di kalayuan naman ay nasaksihan din ito ni Lori. Ngunit pinigilan siya ni Dom na lumapit sa kanila.
“Dom, hindi ito pwede.”
“Tara na Lori, kailangan na nating umalis dito. Kailangan nating iligtas ang ating sarili.” Sabi ni Dom.
“Hindi, hindi pwede. Ang mga magulang natin, pinaslang nila ang mga magulang natin. At si Jasmin andoon si Jasmin.”
“Lori patawad kailangan ko itong gawin.” Sabi ni Dom bago niya patulugin si Lori.
Kailangan nilang tumakas. Kailangan niyang itago si Lori. Kailangan niyang itago ang tunay na prinsesa, ito ang habilin sa kanya ni Crisanto at Maria. Ang tanging nakakaalam lamang ng sikretong ito ay sina Dom, Maria at Crisanto. Sila lang ang nakakaalam kung sino ang tunay na prinsesa.
Ang hari naman at ang mga kasamahan nito ay pabalik na sa palasyo, bitbit ang nagyeyelong katawan ni Maria. Si Jasmin naman ay nananatiling tulala sa loob ng karwahe. Madami nang mga kawal ang nagbabantay sa kanila, kung sakali mang may tumaligsa at sumugod sa kanila.
Ang lalaking nakaitim naman ay patuloy ang pagtakbo dahil patuloy siyang tumatakas sa mga kawal ng hari. Sugatan na ito at malapit nang maubusan ng dugo. Hanggang sa umabot na siya sa bangin at wala nang matatakbuhan pa. Nilingon muna ng lalaki ang mga kawal bago magpatihilog sa bangin. Kaya wlaa nang nagawa ang mga kawal kundi ang bumalik sa kanilang pangkat.
Bumagsak naman ang lalaki sa ilog at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakaligtas ito. Palutang lutang na lamang ito sa ilog hanggang sa matagpuan ito ni Shawn.
Iniligtas ni Shawn ang lalaki at dinala ito sa kubo na kung saan siya lamang ang nakakaalam. Ito ang nagiging takbuhan niya kapag may lungkot siyang nadarama. Hindi niya kilala ang lalaking ito ngunit iniligtas pa din niya ito.

KABANATA VII: Ang Masamang Pangitain
KABANATA VII: Ang Masamang Pangitain
AICAMED
Galit na galit si Corazon nang mabalitaan niyang buhay pa ang anak ni Peter sa labas at dinala pa niya ito dito sa palasyo.

“Anong gagawin ko ama? Hindi pwedeng naririto iyang anak ni Peter sa labas.” Inis na sabi ni Corazon sa kanyang ama.
“Wala na tayong magagawa, hindi mo siya magagalaw dito sa loob ng Aicamed, dahil marahil sa marahil ay ikaw lamang ang mapagbibintangan.” Sagot ni Roberto. “Ang kailangan mo lang gawin ay kunin ang loob ng bata.” Dugtong nito.
“Hindi ko ata makakaya iyan. Ama. Hindi ko kayang maging Mabuti sa bunga nang pagtataksil.” Yamot na yamot si Corazon.
Pabalik na siya ng kanyang silid ng sumalubong sa kanya ang tatlong anak nila ni Peter.
“Ina ano itong nabalitaan namin?” bungad na tanong ni Justina kay Corazon. Alam na ni Corzaon na itatanong ito ng kanyang mga anak.
“Makikilala na ba namin siya? Mabait ba siya?” tanong ni New ang bunso nilang anak.
“Hindi na ba ako ang magiging tagapagmana ina?” tanong ni Grant, ang panganay na lalaki ni Corazon.
“Huwag kayong mag-alala, ipapakilala ko din siya sa inyo. Maging ako ay hindi ko pa siya nakikilala.” Sagot ni Corazon sa kanyang mga anak.
“Subukan niya lang na magpakitang gilas dito, makakatikim siya sa akin.” Sabi ni Justina. “Tayo lang ang tunay na nagmamay-ari ng kaharian na ito, isa lamang siyang sampid.” Mataray na sabi ni Justina.
“Ngunit kailangan niyong maging mabait sa kanya lalong lalo na sa harap ng inyong amang hari.” Sabi ni Corazon.
“Huwag kang mag-alala ina, mabait naman ako sa mga karapat dapat bigyan ng kabaitan.” Sagot ni Justina. “Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang nagpakita pa siya at bumalik siya dito sa kaharian.”
“Tama na iyan Justina, bumalik na kayo sa inyong mga silid.” Saway na lamang ni Corazon.
Tutungo pa siya sa silid kung saan namamalagi ang anak sa labas ni Peter.
“Sige po ina.” Sagot agad ni New at tumakbo na agad palayo sa kanila, sumunod naman si Grant dito.
“Sigurado ka Ina, na ayos lang s aiyo na nandito ang anak ni amang hari?” tanong ni Justina nang makaalis na ang mga kapatid niya.
“Huwag kang mag-alala anak, gagawin ko ang lahat para mapalayas iyang anak sa labas na yan. Sisiguraduhin kong aalis siya agad dito.” Sagot ni Corazon sa kanya.
Nagpaalam na din si Justina sa kanyang ina samantalang si Corazon naman ay nagtungo na sa silid ni Jasmin.
Hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala si Jasmin na isa pala siyang prinsesa, matagal na niyang pinangarap na tumira dito sa Aicamed. Ngunit ang kapalit ng pangarap na ito ay ang mawala ang kanyang mga magulang. Hindi niya alam kung bakit kailangan pang humantong sa ganitong sitwasyon para malaman niya ang lahat ng ito.
Sa pagmumuni muni at pag-iikot ni Jasmin sa loob ng kanyang silid ng may kumatok.
“Mahal na prinsesa, nandito po ang mahal na reyna.” Sabi ng katulong niya na nagbabantay sa kanyang silid sa labas.
Nakaramdam ng kaba si Jasmin nang marinig niya ito, bali-balita kasi sa buong Anikiram na ang kanilang reyna ay isang masamang nilalang. Bumuntong hininga si Jasmin bago siya sumagot.
“Sige—”
Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil sapilitang pumasok si Corazon sa kanyang silid.
“Balak mo ba akong paghintayin sa labas?” masungit na tanong ni Corazon at agad itong nagtungo sa malapit sa bintana.
Kitang kita ni Jasmin ang takot sa mata ng kanyang katulong, agad naman nitong sinira ang pinto.
“Patawad Mahal na Reyna, hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.”
Humarap si Corazon kay Jasmin at ngumiti ito. “Wala ka naman dapat sabihin, dahil wala akong dapat marinig sa anak sa labas.”
Nasaktan si Jasmin sa narinig niya mula sa Reyna, totoo nga ang sinasabi ng mga tao tungkol sa kanya. Iniwas ni Jasmin ang tingin niya sa Reyna dahil natatakot siya rito. Lumapit si Corazon sa kanya at nagulat siya ng bigla siyang sampalin nito ng malakas.
“Ahhhh. Mahal na Reyna?” nasabi na lamang ni Jasmin habang hawak ang pisnging sinampal ni Corazon.

“Para iyan sa Ina mong manloloko.” Sabi ni Corazon at muli na naman niyang sinampal si Jasmin. “At para yan sa pagkabuhay mo sa mundong ito.”
Hindi makasagot si Jasmin sa kanya. Mas lumapit pa si Corazon sa kanya at hinila ang buhok niya.
“Tandaan mo, hindi ka tunay na Prinsesa. Isa ka lang sampid sa kahariang ito. Kaya ilagay mo ang sarili mo sa lugar kung ayaw mong muling masaktan.” Pagbabanta ni Corazon kay Jasmin.
Itinulak ni Corazon si Jasmin ng malakas dahilan para matumba ito sa sahig, bago tuluyang lisanin ang silid na ito. Nang bumukas ang pinto ay agad na nakita ng katulong si Jasmin na nasa sahig.
“Mahal na Prinsesa.” Sabi nito at agad itong lumapit kay Jasmin.
AILEEN

Nagdadasal si Aileen sa mga anito at anita na nasa kanyang harapan. Nais niyang malaman kung ano ang ibig sabihin ng kanyang panaginip. Nais din niyang malaman ang patutunguhan ng pagdating ni Jasmin sa Aicamed. Nais niyang malaman kung ito ba ay makakabuti sa kaharian o ito ang magdudulot ng sigalot at kaguluhan sa buong kaharian.
Habang nagdadasal si Aileen ay nanunuod lamang at nagmamasid sa gilid ang tagapagmana niyang si Kris at ang ilang pang mga babaylan na naroroon.
SI Aileen ang Napili ng Oilag na maging punong babaylan. Sagrado ang pagiging punong babaylan, kailangan mong magkaroon ng marka ng anghel sa iyong batok para ikaw ang mapiling sunod na punong babaylan. At bilang punong babaylan ay kailangan mong magsanay sa naunang punong babaylan, siya ang magsasanay sa iyo hanggang sa dumating na ang takdang panahon ng iyong pamumuno.
Bilang punong babaylan ay kailangan mong maging sagrado at basal o walng karanasan sa pakikipagtalik, dahil ang paniniwala nila ay ang pagiging punong babaylan ay pagiging malinis.
Sa patuloy na pagdarasal ni Aileen ay biglang dumilim ang kalangitan ng Anikiram. Matapos ang pagdilim ay nagkaroon ng pagkalindol. Takot na takot ang mga babaylan na naroroon ngunit kailangan nilang manatili doon. Nang matapos ang paglindol ay nagkaroon ng malakas na buhos ng ulan kasabay nito ay ang pagkulog at kidlat, hanggang sa tuluyan nang bumagsak si Aileen.
Sa pagbagsak ni Aileen ay biglang lumiwanag ang kalangitan. Dali-daling nagpunta ang mga babaylan kay Aileen para alalayan ito at dalhin sa kanyang silid.
Labingdalawang oras ang lumipas bago magising si Aileen, dahil sa nangyare ay nagpatawag ng pagpupulong ang hari at reyna kasama ang mga konseho at si Aileen.
Nakatayo sa gitnang bahagi ng silid si Aileen. Nasa harapan ngayon sina Peter, Corazon, Alexander at Roberto at sa magkabilang gilid ng silid ay nakaupo ang konseho ng Aicamed.
“Anong nangyare kanina? Bakit nagkaroon ng kadiliman sa buong Anikiram?” tanong ni Peter kay Aileen.
“Isa itong babala Mahal na Hari. Isang masamang pangitain.” Sagot ni Aileen.
Nagkaroon ng bulong-bulungan sa tinuran na ito ni Aileen.
“Paanong pangitain?” tanong ni Corazon.
“Magkakaroon ng kaguluhan dito sa Aicamed. May dugong dadanak.” Sagot ni Aileen. “Ito ang nakita ko sa aking mga pangitain.”
“Ano ang dahilan nito? Dahil ba ito sa anak sa labas ng hari?” tanong ng isa sa konseho.
Ikinagalit ni Peter ang kanyang narinig ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili.
“Hindi ko pa matukoy kung ano at sino ang magiging dahilan ng kaguluhan. Ngunit kailangan nating maghanda dahil hanggang ngayon ay Malabo pa ang ating kalaban. Maging ang kalikasan ay hindi pa tinutukoy kung sino ang magiging tagapagmana ng mga elemento.”
“Ano ang iyong tinutukoy? Hindi ko maunawaan.” Tanong ni Peter.
“May magtatangka sa inyong trono Mahal na Hari.” Babala ni Aileen. “Kaya pakaingatan niyo ito at wag na wag kayong magtitiwala kanino man.” Dugtong ni Aileen.
Mas nagdulot ito lalo ng bulong-bulungan, hindi makapaniwala si Peter sa kanyang narinig. May taong magtataksil at magtatangkang mang-agaw sa kanyang trono, alam naman niya na kung sino ang magtatangkang ito at ito ang pamilya ni Corazon.
“Ano ang tingin mong mainam na gawin ko ngayon?” tanong ni Peter.
“Kung maari ay muli nating buksan ang akademya at magsanay ng iba’t ibang mga bata na may kakayahang ipagtanggol ang Aicamed. Mga batang naninirahan sa iba’t-ibang dako ng Anikiram.” Paliwanag ni Aileen.
“Narinig niyo ang nais ng punong babaylan. Simulan mo na ito Heneral at ipakalat ang balita na bubuksan natin muli ang akademya dito sa Aicamed.
WEROL, YADNALAM

Masakit ang buong katawan ni Lori nang bumangon siya sa papag na kanyang tinutulugan. Nasa isang kubo siya ngayon, walang kagamitan sa loob nito. Biglang sumagi sa isip niya ang pagkamatay ng kanyang Ama at Ina. Kaya naman ay dali-dali siyang tumayo sa kama, kahit hirap na hirap ay pinilit niyang maglakad patungo sa pintuan. Nagulat siya Paglabas niya ay nasa lubong niya si Dom.
“Saan ka tutungo?” tanong ng kanyang Kuya.
“Pupuntahan ko ang ating ama at ina.” Sagot ni Lori.
“Wala na sila Lori, patay na sila.” Sagot ni Dom na wala man lang kaemosyon-emosyon.
Inalalayan niya si Lori papasok muli sa kubo at pinaupo ito sa papag na kanyang tinulugan kanina.
“Si Josh? Si Jasmin? Nasaan sila? Dom kailangan natin silang mahanap.” Sabi ni Lori.
“Hahanapin ko sila mamaya.” Sagot ni Dom habang inaayos ang sabaw na ibibigay niya kay Lori.
“Bakit mamaya pa, kung pwede naman ngayon na.” reklamo ni Lori at pinipilit na tumayo.
“Maupo ka muna diyan.”
“Pero Dom.”
“Tama na Lori. Pwede ba.” Nagtaas na ng boses si Dom na ikinagulat ni Lori. “Umupo ka diyan, at inumin mo itong sabaw na ito.” Inilapag ni Dom ang sabaw sa papag. “Magpalakas at magpagaling ka muna. Maari ba?” kitang kita ang galit sa boses ni Dom.
Nasasaktan siya sa nangyare sa kanyang pamilya, ngunit kailangan niyang tatagan ang kanyang sarili dahil siya ang nakakatanda sa kanilang magkakapatid. Kailangan niya ding hanapin ang dalawa pa niyang kapatid na nawawala.
“Dom Sorry.” Ang nasabi na lang ni Lori.
Naawa naman si Dom sa naging itsura ni Lori, kaya naman ay niyakap niya ang kapatid.
“Huwag kang mag-alala, maayos din ang lahat.” Ang nasabi ni Dom. “Hinding hindi ko hahayaan na muli ka pang mapahamak Lori.” Dugtong ni Dom at hinalikan niya sa ulo si Lori.
Tuluyan na muling naiyak si Lori. Sa isip niya ay ipaghihiganti niya ang may gawa nito sa pamilya nila. Ang mga taong naninirahan sa Aicamed.
Nang matapos na silang kumain ay nagpasya na muna silang matulog. Habang natutulog sila ay may apat na lalaki ang pumasok sa kanilang Kubo.
“Dom.” Sigaw ni Lori.
Nagising si Dom ngunit hindi siya makakilos dahil may patalim na nakatutok sa kanyang leeg. Samantalang si Lori naman ay hawak ng dalawang lalaki.
“Sino kayo? Anong kailangan niyo sa amin?” tanong ni Dom sa mga lalaki.
“Hindi ikaw ang nais naman kundi itong babae.” Sagot ng isang lalaki.
Kinainis ni Dom ang naging sagot ng lalaki sa kanya, kaya naman gumawa siya ng paraan para maalis ang patalim na nakatutok sa kanya at nagawa niya nga ito, nagkaroon ng maliit na sagupaan sa pagitan nila ng lalaking.

“Tama na iyang pagpapakitang gilas mo Jeff.” Sabi ng babaeng kakapasok lang sa Kubo. “Magandang gabi sa inyong dalawa Lori at Dom, ngunit kailangan kong gawin ito.” Dugtong ng babae.
Gamit ang kakayahan niyang kontrolin ang tubig ay nilabas niya ang patak ng tubig sa maliit na lagayang hawak niya at mabilisan itong ipinainum kina Lori at Dom dahilan para mawalan sila ng Malay.
“Bakit mo naman ginawa iyan?” tanong ni Jeff sa dalaga.
“Kailangan na nating umalis baka maabutan pa tayo ng Liwanag sa lugar na ito.” Sagot ng babae bago tuluyang lumabas sa kubo.
Nagtawanan naman ang ibang mga lalaki na naroroon.
“Tigilan niyo nga ang pagtawa niyo. At ikaw Theo pagsabihan mo yang kapatid mo laging mahilig mangealam.” Sabi naman ni Jeff.
Sumakay na silang lima sa kanya kanyang kabayo nila at mabilisang umalis sa lugar na iyon. Nagtungo ang mga ito sa Akngan, ang dulong kaliwang bahagi ng Anikiram. Binubuo ang lugar na ito ng dagat, bundok, kapatagan at kakahuyan. Dahil sa dulo na ito ng Anikiram ay may mga tribo na rito na naninirahan at isa na rito ang Tribo ng Omi.
KABANATA VIII: Ang Unang Pagkikita ni Eron at Crystal
KABANATA VIII: Ang Unang Pagkikita ni Eron at Crystal
REPPU, YADNALAM
Ipinatawag ni Cecilia ang kanyang kambal na anak sa mga katulong, dali-dali naman ang kambal na nagtungo sa kanilang ina. Dahil sa gamot na natagpuan nina Zel sa bundok ng Yadnalam ay mabilis na gumaling si Eron, kaya naman ang dalawa ay nagsasanay na din matapos ang insidenteng iyon.
“Ano iyon Ina? Bakit mo kami ipinatawag ni Eron?” tanong ni Eren.
“May tungkulin na ibinigay sa inyo ang inyong ama.” Paunang sabi ni Cecilia. “Sa pangunguna ni Abed, ay kailangan niyong mahanap ang bunsong kapatid ng hari na si Leo.”
Tumingin muna sina Eron at Eren kay Abed, bago sumang-ayon sa kanilang ina.
“Masusunod ina.” Sabay na sabi ng dalawa.
“Ina, maari ba naming isama sina Zel?” tanong ni Eron sa kanyang ina.
“Oo naman, basta mag-iingat kayo, dahil hindi lamang kayo ang naghahanap sa kanila.”
Nagtaka naman ang dalawa sa tinuran ng kanyang ina.
“Sino?”
“May nagbabanta sa trono ng hari. May balak umagaw nito.” Sagot ni Cecilia. “Osya mag-ayos na kayo ng mga gamit niyo, at sisimulan niyo na ang paglalakbay sa lalong madaling panahon.” Sagot ni Cecilia.
Agad namang inayos nina Eron at Eren ang kanilang mga gamit. Inutusan naman nila ang isang kawal para sabihan ang mga kaibigan nila na sina Zel, Timo, Lucas at Prec.
Habang nag-aayos si Eron ay inalala na naman niya muli ang lugar at pangyayare sa kanyang panaginip. Hindi niya matukoy ang ibig sabihin ng panaginip na iyon, nagbasa na siya sa silid aklatan nila ngunit wala siyang mahanap na aklat na magpapaliwanag ng kanyang panaginip. Ayaw niya din itong ipaalam sa kanyang ina at sa kung sino man. Ayaw na niyang may mag-alala pa muli sa kanya.
“Eron ayos ka lang?” tanong ni Eren nang mapansin niyang huminto si Eron sa kanyang ginagawa.
“Ayos lang ako.” Sagot nito.
Kinuha naman ni Eren ang kanyang armas na natagpuan sa kabundukan ng Yadnalam.
“Sa wakas at magagamit ko na din ito.” Sabi niya sa kambal sabay pakita ng Armas na espada.
Ngumiti lang si Eron sa kanya. Maya maya pa ay may kumatok na sa pintuan ng silid.
“Mga anak, handa na ba kayo? Naghihintay na si Abed at ang mga kaibigan niyo sa baba.
“Sige Ina, susunod na kami. Patapos na kami dito.”
Nang matapos na ang dalawa sap ag-aayos ng gamit nila ay agad silang nagtungo sa baba kung saan naghihintay ang lima. Sumakay na sila sa kanyang-kanya nilang mga kabayo ay nagsimula nang magtungo sa mga bayan na madadaanan nila para mahanap lang si Leo at ang pamilya nito. Una nilang pinuntahan ang bayan ng Werol.
Natatandaan nina Eron at Eren itong lugar na ito, dito naninirahan sina Lori at ang mga kapatid nito, at dahil maggagabi na din ay napagpasyahan n ani Abed na dito muna magpalipas ng gabi. Kaya naman nagtungo sila sa bahay na maari nilang bayaran upang makituloy sila. Nang makahanap sila ay napagpasyahan naman ni Eren na lumabas muna para hanapin ang dalawang babaeng nagligtas sa kanya na sina Lori at Jasmin, hindi pa siya nakapagpasalamat sa dalawang babaeng ito.
Kahit papaano ay natatandaan niya ang daan patungo sa tahanan nila ngunit ikinabigla niya ang kanyang nakita, wala na dito ang tahanan at bakas dito na nasunog ang buong bahay.
“Sino ang hinahanap mo?” tanong ng matandang babae na naroroon.
“Ang mga naninirahan dito? Nasaan sila? At anong nangyare sa kanilang tahanan?” sunod sunod na tanong ni Eren, nag-aalala siya sa mga ito.
“Wala na ang mga naninirahan dito, ang bali-balita ay naging abo na sila kasabay ng pagkasunog ng kanilang tahanan.”
Pinanghinaan si Eren sa kanyang mga nalaman. Tulala siyang naglalakad pabalik sa kanilang titirhan.
Si Eron naman ay naglalakad lakad malapit sa ilog at nakatingala sa langit. Pilit niya pa ding inaalala ang kanyang napaniginipan nung panahong nasa bingit siya ng kamatayan. Nang mapagod siya sa paglalakad lakad ay naupo siya at pinanuod ang mga kumukuti-kutitap na mga bituin.
Nagulat siya nang may umupo sa kanyang tabi.
“Kumusta ka Eron?” tanong ni Zel sa kanya. Sa kanilang magkakaibigan si Zel ang pinakamatalik niyang kaibigan.
Ngumiti si Eron sa kanya. “Mabuti naman.” Sagot nito at tumingala sa langit. Si Zel naman ay isinandal ang balikat kay Eron.
“Nagpapasalamat ako na nabuhay ka. Na nakaligtas ka sa bingit ng kamatayan.” Sabi ni Zel.
“Salamat din. Salamat at iniligtas niyo ako. Kung hindi dahil sa inyo ay baka wala na ako rito.”
ANAMUT
Nasa hapag-kainan ngayon ang pamilya ni Leo. Masaya nilang pinagsasaluhan ang umagahan na inihanda ni Wena. Patuloy ang kanilang pagkain ng magsalita at magtanong ang bunso nilang anak na si Aero.
“Ina, Ama. Nagtataka lang ako bakit hindi namin maaring gamitin ang aming mga kakayahan? Mas madali sana naming matatapos ang aming mga tungkulin.” Tanong nito.
“Iyan din ang aking tanong Ina, bakit hindi namin kailangan itong gamitin?”
Nagkatinginan naman sina Wena at Leo bago sumagot si Wena.
“Kailangan nating protektahan ang sarili natin.” Sagot ni Wena.
“Protektahan? Eh diba dapat nga gamitin namin ito para iligtas ang sarili namin.” Sagot ni Crystal.
“Hindi iyon ang tinutukoy ko. Dahil pag nalaman ng ibang tao na may kakayahan tayo. Marami ang magtatangka sa ating buhay.” Paliwanag ni Wena.
Nais na niyang sabihin sa kanyang mga anak ang tunay nilang pagkatao, ngunit hindi pa ito ang oras para dito.
“Ganoon po ba iyon ina? Patawad po.” Sagot na lamang ni Aero.
Mabuti na lamang ay hindi na muling nagtanong ang kanilang mga anak at bumalik na sila sa kanilang pagkain. Nang matapos na silang kumain ay siya namang pagdating nina El at Laura.
Habang naglalakad ang magkakaibigan ay nagsalita si Crystal.
“Salamat sa inyong dalawa, sa pagtatago ng lihim ko sa mga magulang ko.” Sabi ni Crystal.
“Basta siguraduhin mo lang lagi na ligtas ka.” Paalala sa kanya ni El.
“Huwag kayong mag-alala, sinisigurado ko na ligtas ako.” Sagot muli ni Crystal.
“Basta siguraduhin mo lang. Atsaka, hindi maiwasan na hindi kami mag-alala ni El sayo.” Muling sabi ni Laura.
“Maraming salamat sa inyo talaga.” Sagot ni Crystal at niyakap niya ang kaibigan na si Laura.
Nang magkayakap na si Laura at Crystal ay nananatili lamang nakatingin si El sa dalawang babaeng kaibigan niya, napansin naman it oni Crystal.
“Anong ginagawa mo diyan?” tanong ni Crystal kay El. “Halika dito sumama ka sa amin.” Dugtong niya.
Ngumiti naman si El at niyakap din ang dalawang dalaga.
“Aalagaan ko kayong dalawa kahit anong mangyare.” Bulong ni El sa kanyang mga kaibigan.
“Okay tama na yan. Tara na Crystal.” Singit ni Edward na kanina pa nagtatago sa likod ng puno.
Kinainis naman ni El ang sinabing ito ni Edward, ngunit tinignan siya agad ni Crystal para pigilan ang gagawin kay Edward.
“Sige na Crystal, Edward. Mag-ingat kayo.” Sabi ni Laura habang hinihinila niya si El palayo sa dalawa.
Habang naglalakad ang dalawa ay muling nagsalita si Edward.
“Crys, may sasabihin ako.” Huminto saglit si Edward bago muling magsalita. “May tatambangan ulit tayo mamaya.” Dugtong ni Edward may balak pa siyang sabihin kay Crystal ngunit hindi niya ito masabi pa.
“Sige, paghahandaan ko.” Sagot ni Crystal bago sila magpatuloy sa paglalakad.
Pagkadating nila sa kuta ng Kalihim ay naghintay pa sila ng ilan sa mga miyembro. Lumipas ang tatlongpo’t minuto ay nagsalita na si Elep. Ang bagong pinuno ng Kalihim.
“Judy, nasaan si Shawn? Siya na lang ang kulang dito.” Tanong ni Elep.
“Hindi ko alam, kagabi pa siya hindi bumabalik sa ampunan.” Sagot ni Judy na ipinagtaka naman ni Edward.
“Kahapon pa?” tanong ni Edward at lumapit siya kay Judy. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” dugtong ni Edward.
“Kuya ayokong mag-alala ka. Ayokong dagdagan ang pag-aalala mo.” Sabi ni Judy.
Bumuntong hininga si Edward bago magsalita. “Mahalaga kayong dalawa sa akin ni Shawn. Ayoko kayong mapahamak.” Hinawakan ni Edward ang dalawang balikat ni Judy. “Kaya sa susunod, huwag niyo na akong paglihiman.”
Tumango tango naman si Judy sa kanyang kuya-kuyahan.
Agad naman ding naintindihan ni Elep ang pangyayare.
“Ngayong may dalawa bagay tayong kinakaharap. Ang pagtambang sa isang pangkat at ang pagkawala ni Shawn. Hahatiin ko ang pangkat sa dalawa, ang isa ay ang paghahanap kay Shawn at ang isa ay ang pagtambang sa isang pangkat.” Mahabang paliwanag ni Elep. “Ramlef, Larren, Aimy, Judy at sa pamumuno ni Bangs. Hahanapin niyo si Shawn. Ako, Grace, Nino, Carol, Crystal at Edward tayo ang tatambang sa pangkat ng aristokrato.”
Mabilis naman na kumilos ang bawat isa sa inutos na ito ni Elep. At habang naglalakbay na sina Elep ay lumapit siya kay Crystal.
“Crystal, nais ko lang sabihin sa iyo na ang mga tatambangan natin ngayon ay nakita naming nagtungo sa inyong bahay.”
“Sa amin?” takang tanong ni Crystal. “Anong ginawa nila sa bahay namin?” dugtong na tanong ni Crystal.
“Hindi ko alam, hindi naman nila kinausap ang mga magulang mo. Ngunit nagtatanong-tanong sila sa mga kapitbahay niyo tungkol sa inyong ama. At nagmamanman sila sa inyo.” Paliwanag ni Elep.
“Pero bakit tayo tutungo sa Yadnalam? Bakit hindi natin sila tambangan sa Anamut o di kaya sa lugar malapit sa amin.”
“Dahil anak sila ng Heneral at bago pa sila makauwi sa kanila ay kailangan natin kunin ang mga armas at kagamitan nila.” Paliwanag muli ni Elep.
“Alam ba ito ni Edward?” tanong ni Crystal.
Tumango si Elep bilang tugon. Maraming gustong itanong si Crystal kay Edward kaya naman tinignan niya ito at nakita niya na magkausap sila ni Carol. Mamaya na lamang niya siguro ito tatanungin tungkol sa nangyare kaya nagpatuloy na lang din siya sa paglalakad.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Carol kay Edward. Hinawakan niya ang braso nito. “Alam kong nag-aalala ka sa mga kapatid mo.” Dugtong ni Carol.
Ngumiti si Edward kay Carol. “Sobra, sobra akong nag-aalala sa kanila. Kaya gusto kong matapos na itong gagawin natin para matulungan ko si Judy sa paghahanap kay Shawn.
“Wag kang mag-alala, tutulong din ako sa paghahanap sa kanya.” Nakangiting sabi ni Carol dito.
Patuloy sila sa paglalakbay nang may mapansin sila na usok sa di kalayuan.
“Doon na ata sila magpapahinga.” Sabi ni Grace.
Tumango si Elep. “Ihanda niyo na ang sarili niyo. Dahan dahan tayong tutungo doon.”
Tulad nang napagkasunduan nilang plano ay dahan dahan silang nagtungo sa lugar kung saan nila natagpuan ang usok. Pagdating nila doon ay nakita nila ang pangkat nina Abed na natutulog. Nagsuot na sila ng pantakip sa kanilang mga mukha.
Mahimbing na natutulog sina Zel, Timo, Lucas, Prec, Abed at Eren. Kaya naman ay dahan dahang kinuha nina Edward ang mga gamit at Armas nila na naroroon.
“Anong ginagawa niyo?” ang tanong ni Eron na kakabalik lang.
Sabay sabay na lumingon ang pangkat nina Edward.
“Tara na tumakas na tayo.” Utos ni Elep at dali daling tumakbo sila.
Nagising naman ang anim at hinabol ang pangkat ni Edward. Samantalang naiwan naman si Crystal dahil kukunin pa lamang niya ang sandata ni Eron.
“Bitiwan mo iyan.” Utos ni Eron kay Crystal.
Hindi alam ni Crystal ang kanyang gagawin dahil dito ay binitiwan na niya ang sandatang hawak at hinarap si Eron.
“Yaaaaahhh.” Sigaw ni Crystal bago niya sugurin si Eron.
Nagkaroon ng tunggalian sa pagitan ni Crystal at Eron. Kitang kita na sa pakikipaglaban ay lamang na lamang si Eron kay Crystal. Bata pa lamag si Eron ay bihasa na ito sa pakikipaglaban. Bukod pa dito ay mabilis kumilos si Eron.
Sugod lang ng sugod si Crystal kay Eron samantalang si Eron pinagtatanggol lamang ang sarili, hanggang sa makahanap siya ng pagkakataon at nasikmuraan niya si Crystal na nagpabagsak sa dalaga.
Mabilisan na kumilos si Eron at nagtungo sa harap ni Crystal at tinutukan niya ito ng patalim sa leeg.
“Sino kayo?” tanong ni Eron. “At ano ang kailangan niyo sa amin?” dugtong na tanong niya.
Nang hindi siya makarinig ng sagot mula kay Crystal ay itinapat niya ang espada niya sa mukha ng dalaga at tinanggal ang nakabalot sa mukha nito.
Nagulat si Eron nang makita niya na isang babae ang nakalaban niya kanina.
“Babae ka?” gulat na tanong ni Eron dito.
Iniwas ni Crystal ang tingin niya kay Eron, nag-iisip siya ng paraan kung paano siya makakatakas dito. Alam niyang hindi siya makakatakas dito kay Eron kaya naman ang huling paraan na alam niya ay gamitin na ang kanyang kakayahan. Kaya naman sinubukan niyang gamitin ito, pinagalaw niya ang bato sa kanyang gilid at pinapunta ito sa tagiliran ni Eron.
BOOOOOGSHHHH
KABANATA IX: Ang Tribo ng mga Salamangkero
KABANATA IX: Ang Tribo ng mga Salamangkero
BOOOOGSSSSHH
Napatalsik ni Crystal si Eron sa kanyang harapan gamit ang kanyang kakayahan na pagalawin ang mga lupa at bato. Hindi inaasahan ni Eron ang ginawang iyon ni Crystal. Bukod sa nagulat siya na babae ang kanyang kaharap ay hindi rin siya makapaniwala na may kakayahan itong pagalawin ang lupa.
Tumama si Eron sa puno at agad din siyang nakabangon.
“Sino ka ba talaga?” tanong ni Eron.
“Hindi mo na kailangan pang malaman.” Sigaw ni Crystal.
Muli ay ginamit ni Crystal ang kanyang kakayahan para salakayin si Eron gamit ng mga bato at lupa, ngunit mabilis si Eron at patuloy na iniiwasan ang pagsalakay ni Crystal. Sa bilis ni Eron ay nagulat na lamang si Crystal na nasa likod na niya si Eron at tinutukan siiya ng patilim sa leeg mula sa likod.
“Ngayon sabihin mo sino ka? At bakit ka may ganitong kakayahan? Sino ang mga kasama mo?” sunod sunod na tanong ni Crystal.
“Wala kang makukuhang sagot sa akin” sagot ni Crystal sa kanya at muli ay ginamit ni Crystal ang kanyang kakayahan na pagalawin ang hangin at atakihin si Eron na nagpatalsik sa kanya patungo sa puno.
“Paanong?” nagtataka na si Eron kung saan nakuha ni Crystal ang ganitong kakayahan. Kung saan siya nagmula at kung sino siya.
“Sino ka ba talaga binibini?” tanong ni Eron na hirap na hirap na bumangon. “Saan ka nagmula at bakit may kakayahan kang pagalawin ang apat na Elementum?” tanong ni Eron kay Crystal.
Biglang sumagi sa isip ni Crystal ang sinabi sa kanya ng kanilang ina, na huwag ipapaalam o ipapakita ang kanilang kakayahan sa ibang tao.
“Wala kang nasaksihan Ginoo.” Ang nasabi ni Crystal. Naalala bigla din ni Crystal na nawala ang panakip sa kanyang mukha.
Nang tatakas na si Crystal ay nagulat na lamang siya na may pumulupot sa kanyang paa at ito ay mula kay Eron. Ang panaling ito ay gawa sa kidlat.
“Hindi mo matatakasan binibini.” Sabi ni Eron at hinila niya si Crystal patungo sa kanya at niyakap niya ito mula sa likod.
Sobrang bilis ng pangyayare na hindi napansin ni Crystal na nakatali na pala sa kanya ang kidlat na tali.
“Pakawalan mo ako.” Sigaw ni Crystal nag alit na galit na kay Eron.
“Hindi maari, kailangan kong malaman ang katauhan mo at bukod pa dito ay anong nais niyo at pinagnakawan niyo ang aming grupo.” Sabi ni Eron habang hinila si Crystal paupo sa lupa.
“Wala kang malalaman, at sisiguraduhin kong pagnakatakas ako dito ay papatayin kita.” Galit at inis na si Crystal.
“Hindi ako natatakot binibini.” Sagot ni Eron.
Nagulat na lang si Eron na may batong papalapit sa kanya Mabuti na lamang ay nakaiwas siya at dali-dali siyang nagtungo sa likuran ni Crystal.
“At talagang hindi mo ako titigilan sa kakagamit mo ng iyong kakayahan.” Bulong ni Eron dito na halatang medyo napupuno na sa kakulitan ng babaeng ito.
“Hindi, hangga’t hindi mo ko pinapakawalan.” Sagot ni Crystal
“Pwes, paumanhin binibini.” Sagot ni Eron at ginamit niya ang kanyang kidlat para patulugin si Crystal, hanggang sa bumagsak na lamang ito sa kanya.
“Napakagandang tagpo.”
Nagulat si Eron nang biglang may lumutang sa harap niyang isang tao at nakasuot ito ng pulang manto.
“Sino ka?” tanong ni Eron.
Ngunit bago siya sagutin ng babae ay may hinipan ito na pulbo mula sa kanyang palad na ikinahilo ni Eron ng masinghot niya ito at kalaunan ay nakatulog siya dahil dito.
Sunod sunod naman na lumitaw ang limang tao pa na nakamanto. Binuhat nila sina Eron at Crystal at muling naglaho.
Sa kagubatan ng Yadnalam ay patuloy pa din ang paglalaban ng grupo nina Abed at grupo nina Edward.
Magkatapat sa labanan ngayon si Eren at Edward. Parehas silang may angkin lakas at galing sa paggamit ng espada. Ayaw magpatalo sa isa’t-isa.
Si Grace naman ay katapat si Zel at Prec. Kung sa pakikipaglaban ay lamang dito si Grace dahil mas may karanasan si Grace sa ganitong larangan.
Magkatunggali naman si Carol at Lucas. Sa tapatang ito ay di hamak na mas angking galing si Lucas. Ngunit sa paglalaban nila ay ginagamitan ni Carol ng kanyang mukha upang maakit si Lucas.
Si Timo at Nino naman ang magkatapat. Sa lakas ay lamang si Timo ngunit sa liksi naman ay si Nino ang nangunguna.
Tapatan naman ng utakan ang labanan nina Abed at Elep, ngunit hindi hamak na mas magaling si Abed sa pakikipaglaban.
Tuloy-tuloy lang ang labanan nila na hindi nila napapansin na nakuha na ng ibang tao sina Eron at Crystal.
“Sino kayo? At bakit nais niyo kaming pagnakawan?” tanong ni Eren, habang naglalaban sila ni Edward.
Magkatapat ang kanilang mga mukha at nakadikit ang espada sa kani-kanilang espada.
Ngumisi si Edward. “Makikilala niyo din kami sa mga susunod na araw. Iisa-isahin namin kayo.” Sabi ni Edward bago tumalon palayo.
Muli na namang sumugod si Eren sa kanya at muli na naman silang naglaban. Sa sobrang bilis nila at lakas ng labanan nila ay nasisira na nila ang mga punong nadadadanan ng tunggalian ng dalawa.
Parehas silang ayaw magpatalo hanggang sa nakaisip si Edward ng paraan at nalusutan niya si Eren at nasuntok sa sikmura dahilan para bumagsak si Eren sa lupa. Dali dali nagpunta doon si Edward at tinutukan ng espada si Eren sa leeg. Sinipa ni Edward ang espada ni Eren palayo sa kanya.
“Huwag kang mag-alala, hindi pa kita tatapusin. Hindi pa ito ang huli nating paghaharap.”
“Yaaaaahhh.” Nagulat si Edward ng biglang may sumaksak sa kanya sa likod at tumagos ito sa kanyang tiyan.
Maging si Eren ay nagulat sa kanyang nakita. Tinignan nila ang sumaksak dito at ito ay si Prec.
“Edwaaardddd.” Sigaw ni Carol at agad niyang sinugod si Prec at ginilitan sa leeg.
Tumalsik ang dugo ni Prec sa paligid. Dali-dali namang nagtungo si Elep, Nino at Grace kay Edward. Para kunin ito at tumakas. Samantalang si Prec ay bumagsak sa gulat na gulat na si Eren.
“Preccccc.” Sigaw ni Zel at dali-dali itong tumakbo sa kanyang matalik na kaibigan.
Hahabulin pa sana ni Lucas at Timo ang grupo ni Elep ngunit natigilan sila ng may sumabog sa lugar ng kanilang kampo.
“Huwag nyo nang habulin. Kailangan tayo din tayo ni Eron.” Sabi ni Abed.
“Si Prec.” Sabi ni Zel.
“Timo, Lucas. Tulungan niyo si Eron doon.”
Ayaw sanang sumunod ng dalawa dahil nagdadalawang isip sila na iwan si Prec doon. Ngunit kailangan nilang tulungan si Eron. Nabawasan na sila ng isa, hindi na pwedeng mabawasan pa silang muli.
Iyak ng iyak si Zel habang nakahiga sa kanyang paa si Prec at wala na itong buhay.
“Hahabulin ko sila.” Sabi ni Eren.
“Wala na. Mapapahamak ka lang, at ayokong mabawasan pa ang aking pangkat.” Sabi ni Abed. “Nabawasan din natin sila.” Dugtong ni Abed.
“Hindi pwede. Pinatay nila ang kaibigan ko.” Galit na sabi ni Eren.
Kaya naman ay tumakbo ito ngunit hinabol siya ni Abed at ginamitan ito ng pampatulog.
Ibinalot ni Zel at Abed si Prec sa puting tela. Matapos ang ilang minuto ay bumalik na sina Lucas at Timo.
“Wala na doon si Eron, nakuha na nila.” Sabi ni Lucas.
“Ito lang ang naabutan namin.” Sabi ni Timo at pinakita niya ang espada na pagmamay-ari ni Eron.
Hindi makapaniwala si Abed na nabawasan siya ng dalawa sa kanyang pangkat.
Bumuntong hininga si Abed bago magsalita. “Bumalik na tayo sa palasyo nina Eren.” Utos nito.
ANEPALED
Lulan ng sasakyang panghimpapawid ay dinala ng mga salamangkero sina Crystal at Eron sa Anepaled. Isang isla na punong puno ng kasaysayan, dahil ito ang unang naging sentro ng anikiram. Ngunit dahil sa maraming labanan ang nangyare dito ay napabayaan na ito at iniwan na. Lumipas ang mga taon at nagkaroon na ng kagubatan dito. Marami na ding tulisan at kakaibang mga nilalang ang naninirahan dito.
Ikunulong ng mga salamangkero sina Crystal at Eron sa kahoy na kulungan, ginamitan nila ito ng salamangka na hindi nila magagamit anng kanilang mga kakayahan rito.
“Hayaan niyo na muna ang mga batang iyan diyan. Huwag niyong gisingin.” Sabi ng Pinuno.
Inihiga nila ang dalawa, at nakaunan si Cyrstal sa braso ni Eron.
Lumipas ang mga oras ay sabay na nagising si Crystal at Eron, at nagulat silang dalawa sa kanilang pagkakahiga na tila magkayakap na sila sa isa’t-isa.
“Waaaaahhhh.” Sigaw ni Crystal
Nagulat si Eron sa pagkakasigaw ni Crystal. Tinulak ni Crystal si Eron palayo sa kanya at dali-dali siyang nagtungo sa gillid na bahagi ng Kulungan.
“Anong ginawa mo sa akin?” galit na tanong ni Crystal.
“Wala akong ginawa sayo. Kita mong pati ako nakakulong dito.” Sabi ni Eron.
Inikot naman ni Crystal ang kanyang paningin atsaka niya lang napansin na nakakulong silang dalawa. Kaya naman nagtaka si Crystal.
“Akala ko ako ang bihag mo, bakit pati ikaw ay naging bihag na din.” Nagtatakang tanong ni Crystal.
“Hindi ko din alam, bigla na lamang may lumitaw na salamangkero at pinatulog ako gamit ng polbo.” Sagot ni Eron.
“Mahinang nilalang.” Naibulaslas na lamang ni Crystal.
“Hindi ako mahina, naisahan ako.” Sagot ni Eron.
Nang magsasalita muli si Crystal ay may dumating na tatlong salamangkero.
“Mabuti naman at gising na kayo.” Sabi ng salamangkero na nasa gitna. “Dalhin na sila sa bulwagan.” Utos nito sa mga kasamahan.
Kaya naman ay gumamit na sila ng salamangka at nawala na ang kulungan. Umangat naman sa ere sina Crystal at Eron.
“Teka, sino kayo?” tanong ni Crystal. “At nasaan kami?” tanong niyang muli.
“Ano ang nais niyo sa amin?” tanong ni Eron. Sinubukan niyang gamitin ang kanyang kakayahan ngunit hindi niya ito magamit. “Teka, bakit hindi ko magamit ang aking kakayahan”
Sinubukan din ni Crystal ang kanyang kakayahan ngunit wala din siyang magawa.
“Maging ang akin ay hindi ko magamit.”
“Dahil may salamangkang bumabalot sa islang ito at hindi niyo magagamit ang inyong mga kakayahan dito mga bata.”
Inis na inis si Eron dahil dito, ngayon niya lang naranasan sa buong buhay niya ang maging mahina.
“Magbabayad kayo pag nakatakas kami dito.”
Tumawa lamang ang mga salamangkero. “Halina kayo at dalhin na ang mga iyan sa bulwagan.”
Pumapalag pa sina Crystal at Eron ngunit masyadong malakas ang salamangkang nakapalipot sa kanilang mga katawan.
Dinala sina Crystal at Eron sa bulwagan. Madaming mga salamangkero na naroroon na nakapalibot sa isang malaking kawa.
Ang pinakapinuno ng mga salamangkero ay nasa harapan na nila Crystal at Eron. Nananatili pa din silang nakalutang sa Ere at inilapit sila sa Kawa.
“Simulan na ang Zeugen.” Utos ng pinuno ng mga salamangkero.
Sa pananatili nina Crystal at Eron sa ere ay sinugatan sila ng mga salamangkero sa palad nila para kumuha ng dugo. Gamit ang mga kakayahan ng mga salamangkero ay isinalin ang dugo sa kawa. Kasabay pa nito ang iilan pa sa mga sangkap. Gumamit din ng kakaibang salita ang mga salamangkero hanggang sa biglang lumiwanag ang kawa na nasa harapan nila. Madaming usok ang inilabas ang kawang ito, may limang mga salamangkero ang itinapat ang kanilang mga kamay sa kawa at naglabas ng kakaibang kulay na kapangyarihan patungo dito. Dumilim ang buong kalangitan, lumakas ang hangin sa paligid, at lumakas ang apoy sa ilalim ng kawa, nagkaroon ng malakas na pagyanig, bumuhos ang malakas na ulan. At sa huli ay may malakas na kidlat na mula sa kalangitan na bumagsak sa kawa. Hanggang sa lumipas pa ang nasasaksihan nina Crystal at Eron hanggang sa huminahon na ang buong paligid at bumalik na ito sa normal.
Gulat na gulat at takang taka sina Crystal at Eron sa kanilang nasasaksihan. Hanggang sa may lumutang na isang malaking itlog sa loob ng kawa at umangat din ito sa Ere.
“Ngayon ay kumpleto na ang Zeugen. Magkakaroon na tayo ng bagong tagapagligtas para sa ating angkan.” Sabi ng pinuno ng mga salamangkero.
Patuloy na umiilaw ang buong itlog na nasa harapan nilang lahat. Unti-unting nawawalan ng malay sina Crystal at Eron hanggang sa tuluyan na silang manghina at bumagsak sa lupa.
“Ibalik niyo na ang mga bihag sa kanilang kulungan. At itago ang mahiwagong itlog sa sagradong lugar ng sinaunang kaharian.” Utos ng pinunong salamangkero bago maglaho sa kanyang kinauupuan.
KABANATA X: Ang Huwad na Prinsesa
KABANATA X: Ang Huwad na Prinsesa
AICAMED
Kumakain ang buong pamilya ni Peter, kasama si Corazon, ang tatlong anak nila na sina Justina, Grant at New. Kasama din sa lamesa ang anak niya sa labas na si Jasmin.
Si Alexander naman na kanyang heneral ay pansamantala niyang pinauwi sa tahanan nito upang tumulong sa paghahanap sa nawawala niyang anak na si Eron at para na rin malaman ang kinalalagyan ni Leo.
Habang patuloy ang kanilang paghahanapunan ay nagsalita si Peter. “Nais kong magkaroon ng isang pagtitipun para na rin maipakilala ko sa buong kaharian ang anak kong si Jasmin.”
Ikinagulat ng lahat ang narinig mula sa hari.
“Para saan pa Ama?” tanong ni Justina. “Alam naman nilang lahat na may anak ka sa labas.” Dugtong na sabi ni Justina.
Bago pa siya may masabing masasamang salita ay pinigilan na siya agad ni Corazon. Nakita niya na hindi nagustuhan ni Peter ang tinuran ng kanyang anak.
“Ama, hindi naman na dapat pa. Ayos lang ako.” Sabi ni Jasmin, dahil alam niyang kapag nangyare ito ay siya ang magiging bagsakan ng galit ni Justina.
“Hindi anak, nais kong makilala ka ng iba bilang isang tunay na prinsesa at kilalanin ka nila.” Sagot ni Peter.
“Alam mong hindi ko siya matatanggap bilang anak ko. Hindi mo na ako binigyan pa ng kahihiyan.” Galit na galit na singit ni Corazon sa usapan.
“Tama si Ina, Ama. Bigyan mo kami ng kaunting kahihiyan.” Sabi ni Justina. “Dahil hinding-hindi ko siya matatanggap bilang aking kapatid.” Masungit na tumingin si Justina kay Jasmin.
“Ama, huwag na tayo magkaroon ng pagdiriwang, hindi din ako sanay sa mga ganung klaseng kaganapan.” Nasabi na lamang ni Jasmin.
Dahil sa mga sinabi nilang ito ay nagalit si Peter at malakas na binagsak ang kanyang kamay sa lamesa.
“Ako ang Hari ng Kaharian na ito. Ako ang masusunod sa lahat ng bagay. Baka nakakalimutan niyo iyan.” Sabi ni Peter bago tumayo.
Tinawag niya ang katulong na naroroon. “Tawagin mo ang iyong pinuno, at papuntahin siya sa aking silid aklatan.” Utos nito bago umalis sa silid.
Ang pag-alis niya ay nagbigay ng katahimikan sa buong silid.
“Kasalanan mo ito. Kung hindi ka bumalik dito at nagpakita sa Hari, hindi magiging ganito kagulo ang lahat sa aming pamilya.” Inis na sinabi ni Justina.
“Tama na iyan Justina. Wala na tayong magagawa dahil buo na ang pasya ng inyong ama.” Tumayo si Corazon at lumapit kay Jasmin.
Napasigaw si Jasmin nang hilahin ni Corazon ang kanyang buhok. Pinatayo niya si Jasmin ng sapilitan at sinampal ng malakas bago tuluyang umalis sa silid si Corazon.
Tumayo naman si Justina at lumapit kay Jasmin. “Dapat lang iyan sa iyo, sampid.” Masungit na sabi ni Justina. Kinuha niya ang baso na may laman ng tubig at ibinuhos ito kay Jasmin atsaka sumunod sa kanyang ina.
Nakayuko na lamang si Jasmin dahil dito. Si Grant naman ay tumayo na din at sumunod sa kanyang ina at ate, ngunit bago siya sumunod ay kumuha pa siya ng isang pritong manok at dali-daling lumabas.
Nagulat na lang si Jasmin ng may yumakap sa kanya at ito ay si New.
“Huwag kang mag-aalala Jasmin, matatanggap ka din nila.” Sabi ni New, dahil dito ay bumuhos na ang luha ni Jasmin. “Basta ako Jasmin, tanggap na kita bilang nakakatanda kong kapatid.”
AKNGAN
Hindi pa din makapaniwala si Lori sa sinapit ng kanyang pamilya, na masaksihan niya kung paano kinitil ang buhay ng kanyang ama at ina. Gagawa siya ng paraan, magpapalakas sya at gagamitin niya ang kanyang kakayahan para mapaghiganti niya ang nangyare sa kanyang pamilya.
Pumasok sa loob ng kanyang silid ang kanyang nakakatandang kapatid na si Dom.
“Kumusta ka na Lori?” tanong ni Dom.
“Maayos naman ako sa ngayon.” sagot ni Lori at nginitian niya si Dom.
“Mabuti naman” sagot ni Dom at nilapitan niya si Lori. “Maiiwan kita dito ng ilang araw, dahil binigyan ako ni Pinuno ng tungkulin kasama sina Palma.” Pagpapaalam ni Dom sa kanyang kapatid.
“Ayos lang naman sa akin Dom. Basta siguraduhin mong mag-iingat ka doon.” Tumayo si Lori at lumapit kay Dom. Niyakap niya ito.
“Pangako. Mag-iingat ako.” Sagot ni Dom at hinalikan niya sa noo si Lori.
Humiwalay na sila sa pagyayakapan. At tuluyan nang umalis si Dom.
Ilang oras ang lumipas nang pag-alis ni Dom ay kumatok si Theo sa silid ni Lori.
“Ikaw pala iyan Theo.” Sabi ni Lori ng makita niya na si Theo ang kumatok at tinigil niya ang kanyang ginagawa.
“May ginagawa ka ba?” tanong ni Theo dito.
“Meron ngunit hindi naman ito ganun kahalaga. Bakit?”
“Maari na nating simulan ang iyong pagsasanay sa iyong kakayahan na pagalawin ang tubig.” Sabi ni Theo.
Tumango naman si Lori at nasasabik na din siyang matutunan ang kanyang kakayahan. Nalaman niya itong kakayahan niya sa hindi inaasahang pagkakataon, napagalaw niya ang tubig ng balak niyang iligtas si Theo.
Nagtungo ang dalawa sa ilog na pasalubong sa dagat, kung saan maraming puno dito.
“Halika dito sa gitna, at gawin mo ang mga sasabihin ko.” Sabi ni Theo.
Nagtungo si Theo at Lori sa gitna ng ilog, mababaw lamang ang tubig nito at hanggang tuhod lamang nila.
“Ipikit mo ang iyong mata, pakiramdaman mo ang tubig sa iyong paligid. Damhin mo na ang tubig ay bahagi ng iyong katawan.” Paliwanag ni Theo.
Tulad ng sinabi ni Theo ay bahagyang ibinuka ni Lori ang kanyang paa at sinunod ang mga sinabi nito.
“Ituon mo ang iyong isipan sa paggalaw ng tubig, mula sa alon at patak nito. Mula sa Malaki hanggang sa maliit.”
Huminga ng malalim si Lori at itinuon ang isip sa tubig na nasa paligid niya, naramdaman niya ang malamig na hibla na pumapagitna sa kanyang isipan at sa tubig.
“Gamit ang iyong kamay, isipan o salitan ay maaari mong pagalawin ang tubig.”
Dahan-dahang itinaas ni Lori ang kanyang kamay at sinunod naman ito ng tubig.
“Mararamdaman mo ang maliliit na paggalaw ng mga ito.”
Napagalaw ni Lori ang ibabaw ng tubig at nagkaroon ng maliliit na alon.
“Ngayon naman kapag naramdaman mo na, na bahagi na ng katawan mo ang tubig ay maari ka nang gumawa ng malalaking bagay para pagalawin ang tubig.”
Napaangat ni Lori ang tubig at umikot ito sa kanya na parang ahas. Iminulat ni Lori ang kanyang mata at tuwang tuwa siya sa kanyang nasaksihan.
“Nagawa mo na.” masayang sabi ni Theo.
“Nagawa ko na nga.” Tuwang tuwang sabi ni Lori at dali-dali siyang tumakbo patungo kay Theo at niyakap niya ito. “Maraming salamat.” Sabi ni Lori at humiwalay siya kay Theo.
“Iyan pa lamang ang unang bahagi ng ating pagsasanay. Marami ka pang dapat na matutunan.” Paliwanag ni Theo.
Tumango tango naman si Lori bilang tugon dito.
“Madami pa akong nais matutunan.” Sagot ni Lori.
REPPU, YADNALAM
“Patawad Panginoon at hindi ko na ipagtanggol at ingatan ang inyong anak at ang aking pangkat.” Paghingi ng tawad ni Abed.
“Huwag kang mag-alala, gagawin natin ang lahat para mahanap ang aking anak. Mabuti na din na nalaman natin ang kinalalagyan ni Leo.”
“Nalaman mo nga ang kinalalagyan ni Leo, ngunit paano nag pamilya natin? Paano ang anak natin Alexander.” Singit ni Cecilia sa usapan.
“Lipunin mo ang buong hukbo natin Abed, at ipahanap mo ang aking anak ngayon din.” Utos ni Alexander kay Abed.
“Masusunod panginoon.” Sabi ni Abed at lumabas na siya ng silid.
“At ikaw saan ka tutungo?” tanong ni Cecilia.
“Babalik ako sa Aicamed. Kailangan malaman ng hari ang tungkol sa kanyang kapatid.”
“Ang pamilya nila ang iniisip mo? Paano ang atin?” naluluhang tanong ni Cecilia.s
“Patawad asawa ko, ngunit may tungkulin ako. At alam mo naman ang tungkulin na ginagampanan ko.”
Pinunasan ni Cecilia ang kanyang luha, bago magsalita. “KUmain ka muna bago ka umalis at dalawin mo ang bunso mo. Nais ka din niyang makita.” Usal ni Cecilia bago lumabas ng silid.
“Patawad mahal ko, patawad aking mga anak.” Ang naibulaslas na lamang ni Alexander.
Si Eren naman ay hindi pa din makalimutan ang pagkatalo nila sa labanan. Nabawian ng buhay ang isa niyang malapit na kaibigan at maging kambal niya ay naging bihag ng mga tulisan.
Patuloy siyang nagsasanay dahil nais niyang maipaghigante ang kanyang kaibigan. Nais din niyang muling makalaban si Edward at talunin ito. Hindi siya papayag na muli siyang mapabagsak nito.
Hanggang ngayon ay naiisip pa din niya ang pagkamatay ni Prec sa kanyang harapan, sinisisi niya ang kanyang sarili dahil dito, kung hindi siya tinulungan ni Prec ay hindi ito mapapaslang.
“Yaaaaaahhh.” Sigaw niya at salitan niyang pinagsasaksak ang mga lumilitaw na imahe ng kalaban sa knayang harapan.
Galit, poot, lungkot at pagkamuhi ang kanyang nararamdaman.
“Tama na iyan.” Sabi ng pamilyar na boses.
Nilingon ito ni Eren at nakita niya ang isa pa niyang kaibigang babae na si Zel.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Eren.
“Gusto ko lang masigurado kong ayos ka lamang ba.” Tanong ni Zel
Ibinaba ni Eren ang kanyang armas at yumuko. “Hindi ko alam. Hindi ko na alam Zel. Pero sobrang bigat. Sobrang bigat sa aking pakiramdam.”
“Sasamahan kita. Hahanapin natin si Eron at ipaghihiganti natin si Prec.” Sabi ni Zel.
“Salamat Zel.” Sabi ni Eren at niyakap niya ang kanyang kaibigan.
Lumipas ang isang linggong ngunit hindi pa din nila nahahanap si Eron. Ipinagpaliban muna din nila ang paghahanap dahil ngayon gaganapin ang pagpapakilala kay Jasmin sa buong aicamed.
Nagtungo ang pamilya ni Alexander sa Aicamed kasama na sina Cecilia, Eren at Vin. Kitang kita kay Eren na hindi siya natutuwa sa mga ganitong kaganapan. Kaya naman ang ginawa niya ay nag-ikot ikot na lamang sa kaharian. Sa pag-iikot niya ay nakapunta siya sa dulong bahagi nito.
Sa pag-iikot niya ay may napansin siyang pamilyar na mukha, ngunit nakasuot ito ng magarang na damit at tila umiiyak ito sa dulo ng bahagi ng pasilyo.
“Binibini?” tawag ni Eren ngunit hindi ito sumasagot.
Lumapit si Eren dito at hinawakan niya ang balikat at dahan-dahang hinarap sa kanya. Nagulat siya nang makita niyang muli si Jasmin. Tumingala si Jasmin at humarap kay Eren na basang basa ang mata at mukha dahil sa kanyang pag-iyak.
“Eren?” masayang sabi ni Jasmin nang makita niya ang lalaki. “Eren.” Sabay yakap ni Jasmin sa kanya.
“Anong ginagaw—” huminto saglit si Eren sa pagsasalita nang may pumasok sa kanyang isipan. “Huwag mong sabihin sa akin na ikaw ang anak sa labas ng hari?” takang tanong ni Eren kay Jasmin.
Pinunasan ni Jasmin ang kanyang mukha at nahihiyang sumagot kay Eren. “Oo ako nga.” Bumuntong hininga si Jasmin. “Eren ayoko na dito. Parang awa mo na tulungan mo ako.”
Hindi na nakapagsalita pa si Eren dahil dumating ang katulong ni Jasmin.
“Mahal na prinsesa, kanina pa kayo hinahanap ng mahal na hari. Maguumpisa na ang pagtitipon sa bulwagan.”
Nagkatinginan lang muli si Eren at Jasmin bago ito tuluyang sumunod sa kanyang katulong.
Hindi makapaniwala si Eren sa kanyang nalaman. Bakit hindi ito sinabi sa kanila ng kanyang ama. Dali-daling sumunod si Eren kay Jasmin, nais niyang malaman kung nasaan ang kapatid nito na si Lori. Sa pagtakbo niya ay may mga kawal na nakapalibot dito kaya naman hindi na niya ito nakausap, agad na siyang nagtungo sa bulwagan kung saan gaganapin ang pagtitipon.
Madaming mga tao ang naroroon sa pagtitipon, talagang pinaghandaan ang araw na ito. Nagtungo si Eren sa lugar kung saan nakatalaga ang kanilang pamilya. Kita niya sa harap ang hari, reyna at tatlong anak nito ngunit hindi niya nakikita si Jasmin.
Napansin naman ni Eren na nakatingin sa kanya si Justina, ngumiti ito at kumaway sa kanya. Ngumiti din si Eren pabalik dito. Naging magkaibigan sila ng manirahan ang sina Eren dito sa palasyo ng ilang taon.
Maya maya pa ay may tumayo na sa harap. “Magandang araw mahal na hari at reyna…”
Hindi na pinansin pa ni Eren ang nagsasalita, dahil ang tanging nais niya lamang ay makita si Lori.
“…ipinapakilala ko sa inyo si Prinsesa Jasmin.”
Dahan-dahang naglakad si Jasmin papasok sa bulwagan suot ang dilaw at magarang niyang kasuotan. Nang makarating na si Jasmin sa harapan ay tumayo ang hari at lumapit sa kanya.
“Samahan niyo akong magbigay pugay sa aking anak na prinsesa.” Sabi ng hari.
Itinaas nila ang kanilang mga baso.
“Mabuhay mahal na prinsesa Jasmin.” Sigaw ng hari.
At ginaya din ito ng kanyang mga nasasasakupan at mga taong naroroon sa bulwagan, at ininum ang alak na nasa kanilang mga baso.
“Mabuhay!!!”

