The Reluctant Young Heart
vincentmanrique · 8 chapters · 6,463 words
Copyright
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book/story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electric or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
Any similarities to existing persons (living or dead), places, icons, or institutions are purely coincidental, or were used in the pursuit of creative excellence.
Dedication
I dedicate this story to these people who inspired me to write this tale of friendship and love.
Lilssisa
greatfairy
pedrongcare
The Reluctant Young Heart
Very vocal si Niknik sa pagsasabing crush niya si Sampo na nakilala niya sa isang group chat sa social media.
Si Sampo ay kagagaling lang sa isang failed long distance relationship at nangakong hindi na siya muling papasok sa ganoong klaseng relasyon.
Sa mura pa nilang mga edad, ang dapat na masayang pagkakaibigan ay nahahaluan ng inisan, awayan, asaran at iba pang ’di pagkakaunawaan.
Paano uusbong ang pag-ibig kung sa umpisa pa lang ay mukhang imposible na.
Si Niknik
Si Sampo
At ang kuwento ng kanilang pag-ibig.
Chapter 1
Ako si Toya. Toya Engkantada sa online writing world. Kahit paano ay nakapag-establish na rin ako ng pangalan sa Escribo , isang online storytelling community kung saan ako nagsusulat ng romantikong mga nobela.
Actually, marami na rin akong followers. And they make me feel loved and beautiful. Bakit? Eh, beautiful naman talaga ako! Diyosa lang ang peg.
Totoo ’yun! Ako ang nag-iisang Diyosa sa Escribo . Ako ang reyna. Kung meron mang aagaw sa titulo kong ’yun, malaking gulo!
Katatapos ko lang maligo. As usual, after a very tiring office work, time for the diyosa to have beauty rest. At dapat lang, kasi mag-aalas dose na ng gabi.
Pero bago ’yun, kailangan ko munang mag-update ng mga story ko. Magagalit ang fans kapag hindi ako nag-update tonight. Nag-promise pa naman ako na ipo-post ko ngayong gabi ang karugtong na kabanata ng kuwentong sinusubaybayan nila. Sa totoo lang, I owe them a lot kung bakit successful ang stories ko. Wala silang sawang magbasa, mag-comment at bumoto. As in bumabaha talaga ng mga boto at komento sa bawat chapter ng kuwento. Kaya naman mahal na mahal ko ang The Nymphs, tawag ko sa mga followers ko. In fact, to show my appreciation to them regular kaming nagkakaroon ng group chat. Yes! FC kami. As in feeling close!
Char!
Close naman talaga ako sa kanila. May mga admin ako na namamahala sa activities ng group. Basta lahat ng may kaugnayan sa pagsusulat ko, ang mga admin ko ang nakatoka. Para silang mga business manager ko na laging nag-iisip at nagpaplano kung paano pa mas bobongga ang aking kadiyosahan at ang aking writing career.
Pinagmasdan ko ang aking kagandahan sa malaking salamin na katabi ng aparador.
Ang ganda ko talaga!
Wala akong kaparis!
Diyosa!
Ako na nga talaga ang diyosa ng mga engkantada.
Sa suot kong negligee na tila may sariling buhay na gumagalaw sa tuwing matatapatan ng hanging nagmumula sa electric fan, tila ako isang nakalutang na nilalang na handa nang lumipad at maghasik ng kagandahan sa sanlibutan.
Sino ang mag-aakalang ang simple at napakahinhin na si Golden Glimmer Araspe ay nagtra-transform into a queen fairy pagsapit ng gabi?
Oo, ’yun ang totoong pangalan ko. Golden Glimmer Araspe. Hindi ko na inalam sa nanay ko kung saan nanggaling ang pangalang ’yan. Nagpapasalamat na lang ako na hindi snail ang second name ko. Kung nagkataon, hindi na ako isang fairy kundi isang golden kuhol.
At mas lalong mabuti na hindi buddha ang pangalawang pangalan na ibinigay nila sa akin dahil baka hinahanap na ako ngayon ng mga gold hunters sa pag-aakalang kasama ako sa hidden treasures ng Pilipinas— ang Golden Buddha.
Golden Buddha Araspe?
Toink!
Hindi bagay. Ang slim ko kaya. Nakakita ka na ba ng slim na buddha? Eh, ’di ba ang buddha ay ’yung matabang maraming anak na naglalambitin sa kanyang mga bilbil?
But on the other hand, ang kagandahan ko pa lang ay sadyang kayamanan nang maituturing. Kahit saang anggulo man tingnan. Pak!
Sa kaliwa, pak!
Sa kanan, pak!
Tingala, pak!
Nakayuko, pak na pak!
Ganoon ako kaganda.
Anino ko pa lang, makikita mo nang maganda talaga ako.
Kaya nga diyosa, ’di ba?
Muli kong pinagmasdan ang kagandahang nakarehistro sa salamin. Aba, bakit nakasimangot yata ang imaheng nakikita ko sa salamin? Hindi ba sang-ayon ang imahe ko sa sinabi kong diyosa ako?
“Magtigil ka!” tinilian ko ang imahe ko sa salamin pero wala naman itong reaksyon. Para tuloy akong timang sa ginawa ko. Nagsasalita at kinakausap ang sariling repleksyon sa salamin.
Tinalikuran ko ang salamin at lumakad ako papunta sa munting mesita na nasa bandang kanang bahagi ng aking kama. Dinampot ko ang maliit na botelya na nasa tabi ng isang basong tubig, na naglalaman ng iba’t-ibang chocolate bits. Binuksan ko ang botelya at kumuha ako ng isang maliit na piraso ng tsokolate.
Isasara ko na ang botelya nang biglang may kumatok na aking ikinagulat kaya nabitiwan ko ang botelya. “Ay, puwet mo malaki!”
Kumalat sa sahig ang ilang piraso ng tsokolateng nanggaling sa loob ng botelya.
Tinungo ko ang pinto at binuksan. Si nanay lang pala.
“Anak, anong nangyayari sa’yo diyan?” nag-aalalang tanong nito sa akin.
“Ha?” Wala naman po. Nag-aayos lang po ako para makatulog na. Katatapos ko lang pong maligo. Pinatutuyo ko lang po ang buhok ko.“ Si madir talaga. Akala ko tulog na, gising pa pala.
“May narinig kasi ako na parang nagsasalita dito sa kuwarto mo. Akala ko kung sino na ang kaaway mo.”
“Hala, ’nay! Sino naman ang makakaaway ko dito sa loob ng kuwarto eh, mag-isa lang ako rito?”
“Ah, baka nananaginip lang ako.”
’Baka nga, ’nay. Nakalimutan mo sigurong magdasal bago matulog kaya nananaginip ka.“ kunwari’y sinisisi ko pa ang nanay ko.
“O sige, babalik na ako sa kuwarto,” pagpapaalam ni nanay. “Matulog ka na rin. Hatinggabi na,” pahabol na sabi pa nito.
Isinara ko ang pinto nang tumalikod na si nanay para bumalik sa silid nila ni tatay. Pagkatapos ay hinarap ko ang nagkalat na mga piraso ng tsokolate sa sahig at itinapon sa basurahan.
Nang masiguro kong wala ng kalat sa sahig ay ibinalik ko ang botelya sa munting mesita.
Dinampot ko ang basong may tubig. Hawak ang isang pirasong tsokolate na kinuha ko kanina sa botelya, muli akong humarap sa salamin at pinagmasdan ang aking kagandahan.
Feeling ko ako si darna, isinubo ko ang tsokolate at sinubukang lunukin pero di ko magawa kaya buong giting kong tinungga ang isang basong tubig. Pagakatapos ay buong ningning akong sumigaw habang nakataas ang kamay kong may hawak na baso. “Diyosa!”
Kinuha ko ang celfone na nasa ibabaw ng aking kama at pinatugtog ang kantang paboritong-paborito ko.
“Amoy na amoy, is it real? Is it real? Kitang-kita!” Nagsimula akong sabayan ang kanta sa celfone at kumendeng-kendeng na tulad ng ginagawa ng batang si Kendra sa tv commercial ng Nesfruta.
“Dan dan dan! Dalandan! Dan dan dan, sarap ng real!” Feel na feel ko ang pagkembot nang walang pakialam. Basta, ako’y masaya sa ginagawa ko. Pakiramdam ko ay diyosang-diyosa ako habang umiindayog ang aking balakang.
“Lasap na lasap! Real na real! Real na real!” Iwinasiwas ko ang aking mahabang buhok na papasang model ng kahit anong brand ng shampoo kasunod ang walang humpay na pagyugyog ng aking katawan.
“Dan dan dan, dalandan!” Tinapos ko ang kanta sa isang malupit na split.
Dyaraaannn!
Inspired na ako. Inspired na inspired na ako! Pwede na akong magsulat! Tumitili ang aking isipan. Nakaugalian ko nang gawin ang ganoong ritwal bago ko umpisahan ang pagsusulat.
Binuksan ko ang laptop pero bago ako nakapag-log in sa Escribo ay nag-check muna ako ng facebook. At napukaw ang atensyon ko sa isang litratong nasa wall ng aking facebook account. Nakangiti ang dalagita sa larawan. Maganda siya at bakas sa mukha ang kasiyahan.
Napangiti ako. Lagi akong napapangiti ng batang ito.
Si Niknik.
Chapter 2
Si Niknik ay isa sa mga follower ko sa Escribo . Isa siya sa mga active members ng The Nymphs. Nalaman ko, Eunique Dimasalang ang tunay niyang pangalan. Taga-Cebu City, Grade 9 na si Eunique at sa pagkakaalam ko, matalino siya sa klase. Top 5 nga eh.
Kuwento sa akin ni Eunique, binabasa na niya ang isa sa mga nobela ko nang makita niya ang profile ko sa facebook. Itong si facebook talaga, ang laki rin ng naitulong sa writing career ko. Ang mga group chats ko with The Nymphs, nangyayari lahat dahil sa facebook.
Hinalungkat ni Eunique ang facebook account ko. Nang magsawa ay nag-iwan pa ito ng mensahe para sa akin.
“Hi, Ate Toya!” mensahe sa akin ni Eunique.
Nagkataon namang online ako noon kaya agad din akong sumagot. “Hello! Kumusta?”
“Ay! Hindi ka snob?” tila nagtatakang sagot ni Eunique na sinundan ng isa pang mensahe, “Yieee!”
Napapangiti ako habang binabasa ang mensahe niya. Tipikal na reader na sobrang natutuwa kapag pinapansin ng writer ang mga mensahe nila. Aminin na natin kasi, may mga manunulat na dedma lang sa mga mambabasa nila. Oo, binabasa rin naman nila siguro ang mga mensahe ng followers nila, pero hindi sila nag-eeffort na sumagot. Dedma. Wah pakels!
Ako naman, hindi. Lahat ng readers na nagme-message sa akin, sinasagot ko talaga. Hindi naman kasi mahirap gawin ’yun. At saka, it is just a way of returning the favor to them. Aba, aminin na natin. Kung hindi dahil sa kanila eh, parang panindang nilalangaw sa palengke ang mga sinusulat namin. Mas masarap kayang magsulat kung alam mong may nagbabasa ng mga sinusulat mo.
Agree?!
Oy, ’wag ipokrita! Alam kong deep inside ay mas preferred ng kahit sinong manunulat na may tumatangkilik sa kanyang mga gawa. Kaming mga manunulat ay parang mga magulang at ang aming mga isinulat ang aming mga anak. May magulang bang gustong napag-iiwanan sa isang tabi ang kanyang mahal na bunso?
“Binabasa ko po ang story mo. Maganda po, kaso hindi ko pa po natatapos.”
“Thanks. Alin doon?”
“Iyon pong The Stormed Love Affair.”
“Scorned,” pagtutuwid ko.
“Ay, opo. Scorned pala ’yun. Paano po ba i-pronounce ’yung name ni Bryce? Parang breeze po ba?”
“Sounds like rice… Brays… Bryce!”
“Ahh, ganoon po pala. Ate, puwede ba kitang i-add dito sa facebook?” tanong nito.
“Oo naman. Ikaw ang bahala.”
May nag-pop up na notification sa facebook: Eunique Dimasalang has sent you a friend request.
I accepted her friend request in an instant. O, english ’yan para sosyal!
“Ate, alam mo ba? Ang ganda talaga ng novel mo! Ang galing-galing mo! Tawa ako ng tawa ’pag binabasa ko ’yun.”
“Salamat. I’m glad na nagustuhan mo ’yung story. May mga iba pa akong sinulat, ’pag natapos mo na ’yung binabasa mo ngayon, puwede mong basahin ’yung iba naman.”
“Ay, opo ate! Babasahin ko lahat ’yun. Pramis!” Parang nakikita ko si Eunique na itinataas pa ang kanyang kanang kamay nang sabihin niya iyon.
Doon na nag-umpisa ang madalas naming pagcha-chat ni Eunique. Sa sobrang dalas, marami na akong nalaman tungkol sa kanya, sa buhay niya, sa pamilya niya. Her sincerity and honesty are the traits that I loved the most. Napaka-transparent na bata. At napakabait.
Nagulat na lang ako isang araw nang naroon na siya at kasali sa group chat ng The Nymphs.
“Nag-join ako, ate,” pagpapaliwanag niya. “Nasabi kasi sa akin ni Jana na may group ang mga followers mo kaya eto, sumali ako.”
“Welcome to the group, Niks!” Iyon ang naisipan kong itawag sa kanya. Niks.
“Salamat, Ate Toya!”
Naging masaya ang group chat na naganap nang araw na iyon. Halos mga babae ang miyembro ng The Nymphs. Oo, may mga lalaki ring miyembro. Pero iisa lang ang talagang active sa grupo. Si JC.
Si JC ay si Jesus Carlo Arguilles, sixteen years old at grade 10. Nakakaloka ang K-12 Basic Education Program na ’yan. Hanggang ngayon ay hindi nagsi-sink in sa utak ko na nadagdagan pa ng dalawang taon ang paghihirap ng mga estudyante bago makarating sa kolehiyo. Sa karamihan ng pamilyang pinoy na nasa below poverty line, ang K-12 na ito ay dagdag pahirap at gastos sa kanilang pamilya.
Mas naunang maging parte ng The Nymphs si JC kesa kay Niknik. Sa Guimaras na nakatira ngayon si JC at ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Dati, taga-Tarlac sila.
Simpatiko si JC. Mahilig kumanta, magaling sumayaw, friendly… ano pa? Ah, pogi pala. Kaya sa grupo pa lang ng The Nymphs ay may mga nagkaka-crush na sa kanya. Papangalanan ko na ba?
Pero bagama’t palakaibigan ang binata ay tila ito isang ibong mailap kung usaping tungkol sa puso ang pag-usapan. Kumbaga, he is all out for friendship, but not for love.
Naks!
Hayaan na natin siya. Eh, sa ayaw pa niyang mainlab. Bakit ba?
Kinausap ko si Niks nang minsang tinawagan ko siya sa celfone. Ganoon ako ka-close sa readers and followers ko. May tawagan pa talagang nalalaman.
“Hello, Niks!”
“Ate? Bakit napatawag ka po?” nagtatakang tanong ng dalagita.
“Wala naman. Gusto lang kitang kumustahin.”
“Eh?”
Natawa ako sa sagot ni Niks.
“Okay naman po ako, ate.”
“Bakit parang hindi kayo nagpapansinan ni JC nung last time na nag-group chat tayo?”
“Huh?”
“Ewan, pero parang napansin ko lang.”
“Hindi ko pa naman po kasi kilala si JC. Baka po nagkakahiyaan lang,” paliwanag ni Niks.
“Mabait ’yun. Huwag kang mahihiyang makipag-usap sa kanya. Magkakaibigan lahat ang mga engkantada.”
“Opo, Ate Toya.”
“Sa susunod na group chat dapat FC na kayo, ha?”
“FC po?”
“Feeling close!” Tumawa ako pagkatapos sabihin iyon.
“Ah, opo. Sige po, ate.”
Nang maibaba ko ang telepono ay buo ang akala ko na sa susunod na group chat ay wala nang ilangan sa pagitan nina Niks at JC.
Hindi ko inaasahan ang gagawin ni Niks. Dahil facebook friends naman sila ni JC ay malaya itong nakapaghalungkat sa facebook account ng binata at gaya ng ibang miyembro ng The Nymphs, napansin din ni Niks ang kagandahang lalaki ni JC. Malakas kasi talaga ang appeal ng binatang iyon. Nakadagdag pa sa appeal nito ang pagiging dancer at ang husay nito sa pagtugtog ng gitara at marunong pang kumanta. Ewan! Dagdag pogi points talaga sa mga binata ’yung marunong tumugtog ng gitara. Ano bang meron sa gitara, ’teh?!
Isang kalokohan ang naisip ni Niks. Walang pagdadalawang-isip na nagpadala ito ng mensahe kay JC na online nang mga sandaling iyon.
Eunique: Alam mo, crush kita!
Nagsalubong ang kilay ni JC nang mabasa ang mensahe. Agad din niya itong sinagot.
JC: Girl, you’re crazy!
Nakagat ni Eunique ang sariling daliri pagkabasa ng sagot ni JC. “Patay! Nagalit yata.”
Pero hindi pa rin huminto ang dalagita. Sinagot pa nito ang mensahe ng binata.
Eunique: Hindi ko naman ini-expect na maniwala ka. At least ako, nasabi ko na.
Nabasa ni Eunique ang mensaheng nakarehistro sa chatbox.
JC
is
typing
…
“Hala! Wala siyang balak tumigil.”
JC: And I have also said what I should say: You’re crazy!
Eunique just looked up ang rolled her eyes. At saka sinagot si JC.
Eunique: Oo na, ako na ang lukaret!
“Bahala siya sa buhay niya. Napakasungit!” Nag-log out na si Eunique sa facebook.
Hindi na sinubukan pang kausapin muli ni Eunique si JC hanggang sa dumating ang araw ng group chat ng The Nymphs.
Mariella: Wala ako sa mood ngayon pero andito pa rin ako kasi love ko si Ate Toya.
Na-touch naman ako sa sinabi ni Mariella. Kahit ako ay Diyosa, mababaw lang ang kaligayahan ko. Naa-appreciate ko ng sobra kahit na ang pinakamaliit na bagay na ginagawa ng isang tao para sa akin.
Ako: Salamat, Mariella.
Mariella: You’re always welcome, Ate Toya. Alam mo ’yan.
Eunique: Hello sa inyong lahat…
Jana: Hi!
Fatty: Hi, Ate Toya. Kumusta kayong lahat.
Ako: I’m okay, Fatty. Thanks…
Aleth: Hello fucking everyone!
Iba-iba ang klase ng pag-greet nila, ’di ba? Kanya-kanyang style!
Kasama namin sa group chat si JC nang oras na iyon pero hindi ito nag-participate sa usapan. Puro read lang siya sa conversation ng grupo.
Eunique: Bakit wala ka sa mood, Mariella?
Mariella: Meron kasi ako ngayon. Nakaka-bad mood.
Eunique: Meron akong kilalang mas bad mood pa kesa sa’yo kaso imposible namang magkaroon ng mens ’yun. Seryoso ako, pramis!
Hindi inaasahan ng grupo ang biglang pagsali ni JC sa usapan at lahat ay nagulat sa reaksyon niya.
JC: TANGINA! BWISIT! HINDI AKO MANHID PARA HINDI MARAMDAMAN NA AKO ANG PINARIRINGGAN MO!
Walang nakasagot agad sa sinabi ni JC kaya namagitan na ako. Isa sa mga role ng Inang Diyosa ang magbigay ng kapayapaan at pagkakaisa sa mga anak kong naliligaw ng landas.
Charot!
Ako: JC…
Walang sagot. Maging ang iba pang miyembro ng grupo ay tila nalunok lahat ang dila nila.
Isang mahabang litanya ang pinakawalan ko, itsura ni Ate Charo sa Maalaala Mo Kaya.
Ako: Para sa inyong lahat itong sasabihin ko. Hindi na iba ang turing ko sa inyo. Mahal ko kayong lahat at minahal ko kayo hindi bilang readers o followers ko kundi bilang kayo… ’yung mismong pagkatao n’yo. Kaya nalulungkot ako na itong ginagawa nating group chat na dapat sana ay para mapaglapit-lapit ko kayo ay siya pang magiging venue para sa pag-aaway n’yo. Kung meron kayong hindi nagugustuhan sa mga ginagawa natin dito, puwede n’yong sabihin sa akin o sa mga admin. Para mapag-usapan natin kaagad. Para magawan natin ng tamang aksyon. I am really saddened by what happened today. I am expecting for a cheerful conversations with all of you. I never thought that this will happen. Dapat kasi united tayo rito. Nagkakaintindihan. Nagdadamayan. Nagkakaunawaan. Sana iwasan natin ’yung mga bagay na puwedeng pag-umpisahan ng gulo. Kasi kung hindi rin lang tayo magkakasundo, walang dahilan para patuloy pa rin nating gawin ang group chat na ’to.
Kung meron man akong maipupuri sa ugali ni JC, ’yun ay ang katotohanang kahit madaling uminit ang kanyang ulo, mabilis din naman itong kumakalma at umaamin sa kanyang pagkakamali.
JC: Sorry, Ate Toya… Aylabyusomats!
Chapter 3
NAGMAMADALI si Niknik nang i-search ang facebook profile ni JC tapos ay agad nitong pinindot ang unfriend button. “Akala yata ng lalaking ’yun! Hmp!” Pilit inaalis ni Niknik sa isip ang nangyari sa group chat ngunit hindi ito mawala sa utak niya. “Bakit ba kasi ganoon ang reaksyon niya? Sobra naman yata. Tama bang magmura? Nakakasama naman ng loob,” naghihumutok na bulong niya.
Kinabukasan ay maganda naman ang mood ni Niknik. Maaga siyang nagising para tulungan ang mama niya sa kanilang karinderya. Marunong na siyang magluto at medyo marami na ring putahe ang kaya niyang lutuin. Talagang puwede na siyang pagtiwalaan sa kanilang munting negosyo.
Nagsusulat din si Niknik sa Escribo pero hindi siya ganoon kaaktibo. Mas madalas kasi na nagbabasa siya ng mga nobela ng paborito niyang manunulat doon. Isa pa, busy rin siya sa pag-aaral kaya ang pagsusulat ay isang gawaing isinisingit lang niya sa bakante niyang oras.
Bandang tanghali, nang masigurong wala na siyang gagawin ay nagtungo siya sa internet cafe na malapit lang sa kanilang bahay at nag-log in siya sa facebook.
May mga unread messages siya, napansin niya. Isa sa mga mensahe ang tumawag sa kanyang atensyon. Galing kay JC ang mensahe.
JC: I’m sorry for what I’ve said sa group chat yesterday. I’m rude.
Umarko ang kilay ni Niknik. Parang hindi siya makapaniwalang magso-sorry sa kanya si JC nang ganoon kabilis.
Pero hindi si Niknik ang tipo na mataas ang pride. Nag-type siya ng sagot sa mensahe ni JC.
Eunique: Wala ’yun. Kasalanan ko rin naman. Sorry na.
Nagulat pa siya nang biglang sumagot si JC.
JC: Niknik?
“OMG! Online siya!” Hindi maintindihan ni Niknik kung bakit bigla siyang nataranta. Kinakabahan ba siya? O excited?
Excited???
At bakit naman siya mae-excite? Si JC lang naman ’yan. Baka mamaya magalit na naman ito sa kanya.
Muling binasa si Niknik ang mensahe sa computer.
“Niknik? Wala namang tumatawag sa akin ng Niknik,” bulong pa niya sa sarili.
Eunique: Sinong Niknik?
JC
is
typing
…
JC: Ikaw. Iyon ang gusto kong itawag sa’yo.
Eunique: Ah, okay. Ikaw ang bahala.
JC: Hindi ka na ba galit sa akin?
Eunique: Weh? Hindi naman ako galit sa’yo. Ikaw nga ’yung nagalit, ah.
JC: Kaya nga nagso-sorry na ako sa’yo. Pero alam kong galit ka sa akin. In-unfriend mo ako sa facebook, eh.
Nanlaki ang mga mata ni Niknik. “Oo nga! In-unfriend ko siya kahapon,” sabi niya sa sarili.
Dali-daling hinanap ni Niknik ang profile ni JC at nag-send siya rito ng friend request.
Eunique: Sorry… Ayan, nag-send na ako ng FR. Paki-accept na lang.
Nabasa ni Niknik ang mensaheng lumabas sa notification.
JC
has
accepted
your
friend
request
.
Eunique: Salamat, Sampo…
JC: ???
Eunique: Bakit?
JC: Sampo???
Eunique: ’Yan ang itatawag ko sa’yo from now on.
JC: Saan galing ’yan?
Eunique: Sa pangalan mo. JC, sounds like Jeys, sounds like Jis, sounds like Diez, Sampu… Sampo!
JC: Tss…
Eunique: Bakit?
JC: Ang layo! Takte!
Eunique: Ah, basta! Iyon na ang tawag ko sa’yo. Sampo!
JC: Bahala ka na nga!
Eunique: Bakit ang suplado mo?
JC: Huh?!
Eunique: Ang dali mo pang magalit.
JC: Tss… Wala. Makulit ka lang masyado.
Eunique: Hindi ah! Ako, makulit ha? Makulit ako? Sampo, makulit ako ha, ha, ha?
JC: Psh! Ewan ko sa’yo!
Nag-log out si JC.
“Huh?! Tingnan mo ’to. Nag-log out agad,” bulong ni Niknik sa sarili. Pero maya-maya pa ay ngumiti rin siya. At least ngayon, alam niyang okay na sila ni JC.
Ay, ni Sampo pala!
Kahit diyosa ako sa online writing world, normal na tao ako sa totoong buhay. Gumigising nang maaga. Naliligo. Kumakain. Nagtu-toothbrush. Nalulungkot. Natutuwa. Tumatawa. Umiiyak.
Minsan baliw.
Minsan emotera.
Minsan nagpapaka-busy sa gawaing bahay. Pampalipas-oras.
Kagaya ngayon.
Wala kasi akong kasama sa bahay ngayon. May pinuntahang importante ang mga housemates ko. Kaya feeling alone and lonely ang Toya Engkantada sa mala-palasyo kong tahanan.
Kagabi nga ay napakalaking problema para sa akin kung paano ko palilipasin ang buong magdamag nang mag-isa lang ako sa silid. Hindi ako sanay na walang kasama sa kuwarto.
Nakakatakot.
Baka may multo. Very creepy pa naman ang pakiramdam ko sa bahay na ito.
Sa awa naman ng Diyos, lumipas ang magdamag nang hindi ako nabaliw at kahit paano ay nakatulog naman ako… At nagising na diyosa pa rin!
Char!
Siyempre, dapat laging malinis ang bahay. Kaya nag-umpisa akong maglinis pagkauwi ko galing simbahan pagkatapos dumalo sa Sunday mass.
Halos matatapos na ako sa paglilinis. Heto nga at itong banyo na lang ang kinukuskos ko nang bonggang-bongga. Gusto ko yatang maging makintab na makintab ang sahig ng banyo kaya ibinuhos ko na ang natitira kong powers para ma-achieve ko ang aking mega-dream. At para achieve na achieve, pati pinto ng banyo ay inumpisahan ko na ring kuskusin.
Hindi ko lang napansin na hindi na pala gaanong nakakabit ang bisagra ng pinto dahil lumuwag na ang mga turnilyo nito. Kaya hindi ko namalayan nang tuluyang bumigay ang pinto at saktong bumagsak ito sa likod ko!
Kung mamalasin ka nga naman.
Mabuti na lang at hindi kahoy ang pinto ng banyo kaya maagan lang ito. Kung nagkataon, baka kailangan kong magpasemento ng mga buto-buto.
Pero masakit pa rin, ha? Keri ko naman ’yung sakit na maya-maya lang ay nawala rin.
Naghanap ako ng pupuwedeng gumawa ng nasirang pinto ng banyo, pero wala ’yung gumagawa na nakatira malapit lang sa palasyo namin. Hapon pa raw babalik. Eh, ’di sige.
Umuwi na ako para makapagpahinga at makapag-update na rin ng stories ko. Marami na ring readers ang nangungulit sa akin para mag-update na ako.
Haay, nakakalungkot talaga kapag mag-isa lang sa bahay. Hindi talaga ako sanay. Nasaan na ba ang mga nymph ko? Kapag kinuwento ko sa kanila sa group chat ang nangyari, siguradong pagtatawanan lang nila ako. Makukulit din kasi ang mga ’yun. At mababait. Kaya naman mahal na mahal ko silang lahat. Hindi biro ang suportang ibinibigay nila sa akin at sa mga kuwentong isinusulat ko.
Kaya promise ko sa sarili ko, habang nandiyan sila patuloy pa ring gagawa magagandang istorya si Toya Engkantada.
Chapter 4
Note: Gusto ko pong magpasalamat kay greatfairy dahil siya po ang sumulat ng kabanatang ito. Isang karangalan po na maging guest writer si greatfairy sa aking nobela.
“Tarantado ka! Matagal mo na pala akong niloloko! Lumayas kang animal ka! Hindi kita kailangan dito! Kaya kong mabuhay nang wala ka!”
“Darling naman, pag-usapan natin ’to. Hindi ko kayang mabuhay nang wala ka.”
“Utot mo! Hindi mo na ako madadaan sa mga ganyan. Hindi na kita kailangan, salawahan ka!”
“Darling naman–”
“Lalayas ka ba o aalis? O mas gusto mong putulin ko ’yang kaligayan mo?!”
“Sabi ko nga darling, aalis na.”
“Bilis!”
“Ito na nga.”
“Huwag na huwag ka nang babalik dito!”
“Hindi naman talaga ako babalik, wala akong pampamasahe–”
“LAYAS!”
“Ito na nga talaga.”
“Ahh! Matapilok ka sanang animal ka! Peste ka–”
“Hoy!”
“Ay palakang malandi!”
Literal akong napatalon sa gulat nang biglang may sumundot sa aking tagiliran.
“Nakikinig ka na naman d’yan sa away ng kapit-bahay natin. Matulog ka na, anak. Mukha kang tsismosa d’yan na idinidikit ang tenga sa bintana.”
“Nay naman! Bakit ka ba nanggugulat? Kitang nakikinig pa ako ng live show e. Panira ka talaga. Iba ang nakikinig sa nakikitsismis ’no!”
“Ganun pa rin ’yun, nakikitsismis ka sa away ng mga may away. Huwag mong sabihing isusulat mo na naman ’yan?” Ngumisi ako na parang Ursula pagkatapos kong marinig iyon.
“Hmm, p’wede. Puwede na rin, ’nay…” tugon ko. In fairness ha, ang galing mag-conclude ng mudra ko.
“Heh! Puro ka kalokohan, ang tanda-tanda mo na para ka pa ring grade one kung mag-isip.”
“Ano?! Grabe ka naman, ’nay! Hindi mo ba alam na ang daming fans nitong anak n’yo? ’Tsaka mamaya pa ako matutulog, ’nay.”
“Gabi na, matulog ka na. Mamaya maninikip na naman ’yang dibdib mo sa puyat.”
“Sus! Ang sabihin n’yo po, ayaw n’yo lang na marinig ko ang sound effects ng sexy time n’yo ni tatay.”
“Ginto!”
“Sabi ko na nga nay matutulog na, ito na nga oh. Ay, teka lang ’nay–”
“Ano na naman?”
“Ipaayos n’yo na kaya ang kuwarto n’yo ni tatay? Ipa-sound proof n’yo na po, nakakaderder kasi pakinggan ang sound effects n’yo minsan, para kang nililitson na baboy–”
“Isa! Hindi ka talaga mananahimik?”
“Mananahimik na nga po, pero seryoso ako, ’nay. Bukas na bukas din magwi-withdraw ako sa bangko ng budget para maipaayos ang kuwarto n’yo ni–”
“Dalawa!”
“Ay tatlo!” Napaigtad ako nang biglang nanlisik ang mga mata ni nanay. Parang ibabalik niya ako sa kanyang tiyan anumang oras. Susme! Patawad po, Panginoon!
“Ang sungit n’yo talaga, ’nay! Sige na nga. matutulog na talaga ako. Good night po. Enjoy your trip to heaven,” sabi ko ngunit ibinulong ko na lang ang huling salita. Baka mamaya palayasin din ako ng sarili kong ina sa pamamahay namin.
Tsk! Pambihira talaga ’tong si mudra, nag-e-enjoy pa ako sa live show ng kapit-bahay eh. Infairness, medyo tumahimik na rin sa kabila. Nakalabas na kaya ang lalaki? Ano kayang magandang title sa love story nila? Hmm. Push and Pull kaya? Kasi palagi na lang pinapalayas ng babae si lalaki pero bumabalik pa rin. P’wede ring, O Tukso, Layuan mo Ako! Yung lalaki kasi parang pinapakyaw lahat ng mga babaeng mahilig magpakabit. Siguro walo ang pandesal niya sa tiyan at tag-iisa silang mga kabit niya.
Bakit ba kasi may mga lalaking mahilig maghanap ng extra? Pakiramdam ba nila sa mga babae Mang Inasal na may unlimited rice? Ang sarap nilang tuhugin ’tsaka ibenta sa kanto. Anyway, highway, kailangan ko na palang mag-online.
Tulad ng inaasahan ay sunod-sunod na pumasok ang notifications ko sa facebook, gano’n din sa Escribo. Ang dami naman! Pero ang nakaagaw sa atensyon ay ang mensahe galing kay Eunique.
Eunique: Ate, crush ko si JC.
Ano?! Pambihirang JC ’yun, may nabihag na naman! Kakaiba talaga. Hay, ang mga kabataan talaga ngayon, madaling mahumaling sa isa’t isa. ’Di kaya magkatuluyan ang dalawang ito dahil sa group chat? Ay, susmaryosep! Papasukin nawa ni San Pedro ang aking kaluluwa sa langit. Agad akong nagtipa ng reply.
Ako: Hala siya! Crush mo ’yun? Paano? How? When? Kailan? Bakit? Why?
Eunique: Pft! Ate talaga…
Ako: Uy, totoo nga?
Eunique: Crush lang naman po.
Sus! Buti pa sila nagka-crush. Ako kaya kailan magka-crush? Bakit kasi ang hirap patibukin nitong puso ko? No’ng kabataan ko hindi naman ako ganyan ka-active sa social media. Iba na talaga sa panahon ngayon. Nagiging instant lahat, pati ang love life instant na.
Ako: Naku, itulog mo na lang ’yan. Baka bukas pag nauntog ka, matauhan ka bigla.
Eunique: Hahahaha. Totoo nga, ate.
Ako: O siya, naniniwala na ako. Basta unahin n’yo muna ang pag-aaral n’yo bago ang group chat. Maliwanag ba?
Eunique: Okay po, ate. Salamat po.
Ako: Good.
Eunique: Pero ate, p’wede ko ba’ng hingin ang cellphone number ni JC?
Ito na nga ba nag sinasabi ko. Mukhang magiging textmate na sila maliban sa chat mate. Sosyal! Ibibigay ko ba? Pero baka sugurin ako ng mga magulang nila at sasabihing, isa kang masamang impluwensya! Aba! Hindi p’wede ’yun.
Ako: Dumadamoves ka ah, hindi ako magbibigay. Sa kanya mo hingin. Bleh!
Eunique: Sige na po, please….
Ako: Dedma.
Eunique: Ang cute naman ng ate ko, dyosa ka po talaga. I love you po.
Ako: Thank you. I love you too. Ibibigay ko na ang number, sandali.
Agad kong kinopya ang numero ni JC sa contacts ako at ibinigay kay Niknik. Madali naman akong kausap. Sana sinabi niya kaagad ang magic words.
Pagkatapos kong mai-send kay Niknik ang numero ni JC ay inisa-isa kong tiningnan ang notifications ko sa Escribo. Halos magkandaduling na ako sa kaka-scroll sa dami ng nag-flood votes. Meron ding mga komento, nakakatuwa naman.
Hannah: Isa kang dyosa na inihulog ng langit.
Eunique: Nakakakilig! Next update, please?
JC: Ate Toya, I lab you so mats!
YufaLiTaylor: Ang ganda. Your update made my day. Thank you author!
SweetDesire: I can’t get enough of your update. I love you author!
Marami pang mga kung anu-anong komento tungkol sa latest update ko. Ito ang dahilan kung bakit mahal ko ang pagsusulat. Maliban sa nalilibang ako, masarap sa pakiramdam na nakakapagpasaya ka ng mga taong hindi mo kilala sa personal. And one more thing, my completed stories give me aesthetic pleasure.
Hala! Umi-english na ako!
Wait. Kailangan ko nga pala ulit mag-update sa isa ko pang story. Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman naisipan kong lumabas muna ng kuwarto at magtungo sa kusina. Ang tahimik. Tanging naririnig ko lang ay ang mga huni ng kuliglig mula sa labas ng bahay.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kusina at binuksan ang ilaw ’tsaka binuksan ang refrigerator. Nakaramdam ako ng ginhawa pagkatapos kong uminom.
Nag-hum ako ng paborito kong kanta na Nesfruta song habang pabalik ng kuwarto, ngunit napatigil ako nang mapansin ang kulisap na gumagapang sa pinto ng aking kuwarto
“H–Huwag kang lalapit!” untag ko at mabilis na hinubad ang aking tsinelas para gawing panangga. Diyos ko po! Huwag N’yo naman akong hahayaang mamatay. Hindi ko pa tapos ang mga stories ko!
“Sinabing huwag kang lalapit, eh!” sigaw ko.
Ngunit parang wala siyang naririnig. Patuloy siya sa paggapang hanggang sa lumipad na ito patungo sa akin.
“Ahhh!”
“Nay! Tulong!”
Tumalon-talon ako sa sahig dahil pakiramdam ko nasa katawan ko na ang ipis. Ayaw na ayaw ko pa naman nito.
“Ano ’yun, anak? Anong nangyayari?” Narinig ko ang boses ni nanay sa likod habang tumatalon-talon pa rin ako.
“Anak, anong nagyayari sa’yo?” si tatay.
“Ipis! Tulungan n’yo po ako! May ipis!” taranta kong sagot. Pareho silang dalawa na lumapit sa akin at sinipat ang aking katawan. Ngunit lalo akong nagulantang sa ayos nilang dalawa. Diosmio! Si nanay at si tatay!
“Nay! Bakit wala kang underwear?!”
“Tay! Bakit suot-suot mo ’yang palda ni nanay?!”
Nagulantang silang dalawa sa aking tanong. Nagulat na lamang ako nang mag-unahan silang pumasok pabalik ng kanilang kuwarto.
May part two ba ang kanilang love scene? Maisulat nga ’yan sa update ko.
Chapter 5
“JC!”
Napalingon siya para tingnan kung sino ang tumatawag. Nakita niya ang kaklaseng si Bernadette na tumatakbo papunta sa kanya. Si Bernadette ang pinaka-close niya sa lahat ng mga kaklase niyang babae. Ito kasi ang una niyang naging kaibigan nang mag-transfer siya sa eskuwelahang pinapasukan niya ngayon mula nang lumipat ang pamilya niya sa Guimaras mula sa dati nilang tinitirhan sa probinsiya ng Tarlac.
“Bakit?” nagtataka niyang tanong.
“Sabay na tayong pumunta sa room,” nakangiting sabi ng babae. Chubby ito at sa pagkakangiti ay lalo pang umumbok ang pisngi nito.
“Tae, akala ko naman kung ano. Bilisan mo ang lakad at baka ma-late na tayo.” Mas nilakihan pa niya ang paghakbang habang lakad-takbo naman ang ginawa ni Bernadette para makasabay sa kanya.
Pagdating sa classroom ay agad silang tinudyo ng kanilang mga kaklase. Akala yata ng mga ito ay may relasyon silang higit pa sa pagiging magkaibigan.
“Uuyyy, sabay na naman sila!” sabi ng isang kaklase nilang babae na sinundan ng tawanan ng iba pa nilang mga kaklase.
Ngumiti lang si JC bilang pagsakay sa biro ng mga kamag-aral samantalang si Bernadette ay namula sa sobrang kilig na nararamdaman. Oo, masaya siyang tinutukso sila ng kanyang mga kaklase. Alam niya sa kaniyang sarili na gusto niya si JC. At sigurado siyang gusto rin siya nito.
Umupo sila kanilang mga upuan. Seatmates din sila. At madalas, habang busy ang guro sa pagtuturo at ang mga estudyante sa pakikinig, si Bernadette naman ay abala rin sa pagnanakaw ng sulyap sa lalaking sobra niyang hinahangaan. Minsan nga ay nahuli siya ni JC habang seryoso niya itong pinagmamasdan pero hindi siya napahiya dahil ngumiti ito sa kanya ng pagkatamis-tamis. Kumbinsido siya, the feeling is mutual. Gusto rin siya ng kaklase. Nahihiya lang siguro itong magsabi dahil magkaibigan sila pero buo ang tiwala niya sa sarili na gusto nila ang isa’t-isa.
PAGKAUWI NG bahay ay nakadama ng lungkot si JC. Wala pang ibang tao sa bahay nila. Siya pa lang. Minabuti na lang niyang magkulong sa kuwarto.
Sabi, kapag mag-isa ka lang at saka pumapasok sa isip mo ang kung anu-anong mga bagay. Mabuti sana kung ’yung masasayang alaala ang manunumbalik sa isip mo. Pero paano kung ’yung mga bagay na ayaw mo nang balikan? Paano kung ’yung mga sandaling nagbigay sa’yo ng labis na kalungkutan?
Ayaw man niyang isipin, muling naalala ni JC ang isang pangyayaring nagpalungkot ng sobra sa kanya at patuloy na nagbibigay ng hindi kagandahang pakiramdam sa tuwing bumabalik sa kanyang isipan.
“
Hello
,
JC
!“
balisa
ang
narinig
niyang
tinig
ng
girlfriend
niyang
si
Anne
.
Nasa
Tarlac
ang
dalaga
at
nagulat
pa
siya
nang
tumawag
ito
sa
alanganing
ora s na alas onse ng gabi. Sanay kasi siya na tanghali
ito
tumatawag
o
hapon
pagkatapos
ng
klase
.
“
Anne
,
bakit
ka
napatawag
?“
“
Huwag
ka sanang
mabibigla
.
Si
Santi
…“
hindi
naituloy
ng
dalaga
ang sasabihin.
“Bakit? Anong nangyari kay Santi?” Si
Santi
ang
best
friend
niya
sa
Tarlac
.
Super
close
siya
rito
at
halos
magkapatid
na
ang
turingan
nila
sa
isa’t-isa
.
Isa
ito
sa
mga
nagturo
sa
kanya
kung
paano
sumayaw
.
Kung
gaano
siya
kagaling
sumayaw
ngayon
,
utang
na
loob
niya
iyon
kay
Santi
.
“
Patay
na
si
Santi
,“
mahina
lang
ang
tinig
ni
Anne
nang
sabihin
iyon
pero
tila
bombang
sumabog ang
dating
niyon
kay
JC
.
Nakaramdam
siya
bigla ng halo-halong
emosyon
.
Bakit
pakiramdam
niya
ay
parang
lumobo
ang
ulo
niya
at
nangalisag
ang
kanyang
mga
balahibo
sa
braso
?
“
Anong
nangyari
?“
halata
ang
pagkabigla
sa
boses
niya
.
Wala
siyang
nababalitaang
nagkaroon
ng
malubhang
sakit
ang
kanyang
kaibigan
.
Ang
totoo
,
malapit
na
nga itong
umalis
kasama ang
buong
pamilya
upang
mag-migrate
sa
Australia
.
Bakit
bigla
na
lang
itong
mamamatay
?
“
Hindi
rin
namin
alam
.
Basta
isinugod
siya
sa
ospital
noong
isang
araw
dahil
sumakit
ang
ulo
niya
.
Kaninang
tanghali,
inoperahan
siya
sa
ulo
but
he
did
not
survive the operation.
Wala
na
si
Santi
!“
Biglang
napahagulgol
si
Anne
. “
Wala
na
ang
best
friend
mo
.
Wala
na
ang
kaibigan
natin
.“
Gusto
mang
payapain
ni
JC
si
Anne
ay
hindi
niya
magawa
dahil
siya
man
ay
tahimik
na
ring
lumuluha
.
Hindi
na
nga
niya
namalayan
na
wala
na
pala
si
Anne
sa
kabilang
linya
.
Napakasakit
para
kay
JC
na
malamang
wala
na
ang
matalik
niyang
kaibigan
.
Ang
kanyang
pag-iyak
na
nag-umpisa
nang
tahimik
ay
naging
impit
na
hagulgol
hanggang
tuluyan
nang
kumawala
ang
isang
nananaghoy
na
sigaw
.
Isang
malakas
na
suntok
ang pinakawalan niya
dingding
ng
kanyang
kuwarto
.
Mabuti
na
lang
at
plywood
lang
ito
at
hindi
semento
.
Pero
dumugo
pa
rin
ang
kamao
niya
.
Noon
pumasok
sa
silid
niya
ang
kanyang
magulang
at
kapatid
na
nagising
sa
kanyang
malakas
na
sigaw
.
Akala
ng
mga
ito
ay
nanaginip
lang
siya
.
Ngunit
labis
silang
nag-alala
sa
nakitang
dugo
sa
kamao
niya
.
Hindi
matapos-tapos
ang
pag-iyak
ni
JC
kahit
hanggang
matapos
niyang
maikuwento
sa
pamilya
niya
ang
nangyari
kay
Santi
.
Bakit
ba
sa
kaibigan
pa
niya
nangyari
ang
ganoon
?
Napakabata
pa
nito
.
Napakarami
pa
nitong
pangarap
na
gustong
maabot
.
At
napakabait
ng
kaibigan
niya
.
Ganoon
nga
ba
talaga
?
Inuunang
kinukuha
ang
mga
mababait
?
Bakit
?
May
paliwanag
ang
daddy
niya
tungkol
doon
. Sabi nito, parang pamimitas lang
daw
iyon ng mga bulaklak sa hardin. Kung sino man ang pipitas, siyempre pipiliin nito ’yung pinakamagagandang bulaklak.
Ewan
.
Hindi
niya maintindihan kung ano ang koneksyon ng mga
magagandang
bulaklak
na
pinitas
sa
hardin
sa
mga
taong
mababait
na
nauunang
kinukuha
ng
Diyos
.
Basta
,
ang
alam
niya
ay
nawalan
siya
ng
isang
napakabuting
kaibigan
nang
mamatay
si
Santi
.
Para
siyang
nawalan
ng
kapatid
…
ng
isang
kapamilya
.
Ang
layo
ng
Tarlac
sa
Guimaras
. Hindi man lang
siya
nakapunta
sa
burol
nito
. Nailibing
ang
best
friend
niya
nang
hindi
man
lang
niya
nakikita
.
Ang
sakit
.
Walang
kapantay
na
sakit
iyon
.
At
tanging
pag-iyak
lang
ang
nagawa
niya
para
maibsan
ang
sakit
at
sama
ng
loob
na
kanyang
nararamdaman
.
Sa
kanyang
pagtingin
sa
maliwanag
na
buwan
,
parang
nakikita
niya
si
Santi
na
isa
sa
mga
bituin
na
nagliliwanag
upang
siya
ay
tanglawan
sa
gabing
madilim.
Doon
na
lang
niya
kinakausap
ang
kanyang
pumanaw
na
matalik
na
kaibigan
.
Sa
ganoong
paraan
na
lang
niya
ipinaaabot
dito
ang
paghingi
niya
ng
tawad
dahil
hindi
niya
nagawang
makapunta
sa
burol
at
libing
nito
.
Naging
umpisa
iyon
ng
madalas
niyang
pakikipag-usap
sa
buwan
at
mga
bituin
. Kapag ginagawa niya ito, pakiramdam niya ay nakakausap din niya si Santi. Sa
mga
panahong
malungkot
siya
at
nakararamdam
ng
pag-iisa
, naririyan
ang
buwan
at
mga
bituin
na
siyang
sumbungan
niya
ng
mga
problema
sa
buhay
.
Napukaw ang pag-iisip ni JC nang may kumatok sa pinto. Bumangon siya para pagbuksan ang kumatok.
“Dad… ikaw po pala.”
“How’s your day, son?” nakangiting tanong ng kanyang ama.
“It’s okay, dad. I miss you!” At agad niyang niyakap ang ama na bahagya pang nagulat sa kanyang ginawa. Pero agad din nitong ginantihan ng mahigpit na yakap ang anak.

