loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The rhythm of his heartbeat

The rhythm of his heartbeat

Tamadins · 15 chapters · 33,441 words

Simula

Araw-araw siyang naroon nakaupo sa ikalawang hilera, malapit sa bintana. Tahimik. Hindi maingay gaya ng iba, pero palaging kapansin-pansin. May kung anong alon sa paligid niya parang oras na lang ang bumabagal kapag dumadaan siya sa hallway.

Hindi siya nagmamadali. Hindi rin siya nagpapapansin. Pero ang puso ko lagi.

Dum-dum. Dum-dum.

Noong una, akala ko normal lang. Dahil naiinis ako sa presensya niya. Siyang yung tipo ng tao na tignan mo palang, maiinis ka na. Pero habang lumilipas ang mga araw, habang paulit-ulit kong naririnig ang kanyang tawa, habang palihim ko siyang minamasdan habang nagbabasa ng libro sa ilalim ng puno unti-unting may nabubuo.

Isang awit. Isang tulang walang salita. Isang tibok na sumusunod sa kanya saanman siya magpunta.

Hindi niya ako kilala. Siguro hindi pa.

Pero alam kong sa bawat araw na lumilipas, sa bawat pintig ng puso ko, tinatawag ko siya. Tahimik. Banayad. Tapat.

Hindi pa ito simula ng kwento namin. Pero ito na ang simula ng pagkarinig ko sa sarili kong puso dahil sa kanya.

At sa bawat ritmo ng kanyang tibok, natututo akong maniwala… na maririnig din niya, balang araw, ang pintig ng puso ko.

Kabanata 1

Maaga pa lang ay nagising na ako, napailing pa ako nang makita ang oras. Mas nauna pa akong nagising kaysa tumunog ang aking alarm.

Muli akong humikab at saka nagpatuloy sa pagtayo.  Agad na pumunta ng banyo at saka naligo. Hindi na rin ako ganoong nagtagal dahil naligo naman na ako kagabi.

Mag-isa akong bumiyahe papuntang Laguna dahil nauna nang umuwi sila mama ron kasama ang mga kapatid ko maging si papa. Naglipat na kasi kami ng bahay. Kung ano man ang dahilan, I will disclose na lang.

Since maaga pa naman, kinuha ko na ang earphones ko sa bag at saka isinalampak ito sa tenga. Pero hindi ko muna inon ang music kasi papalapit na rin si kuyang kundoktor. Hanggang sa tekitan niya na ako at saka ibinigay ang bayad. Sa likod ako laging napwesto, mahihiluhin ako sa biyahe eh.

Mula Pasay, binaybay hanggang sa marating ang SLEX, at doon ay nakaidlip ako. Hindi ko namalayan ang oras, dumilat ako nang maramdaman ang dampi ng init ng araw na nagmumula sa bintana. Kinuskos ko ang aking mga mata at tumingin sa bintana.

Nasa kahabaan na ako ng Los Baños, medyo malayo-layo pa ang biyahe ko. Napansin ko rin na may katabi na ako rito. Hindi ko na ito tinignan pa at ipinikit ko na lamang ulit ang aking mga mata.

Şanstar… Sanstarr…

May bababa ba? “ nagising ako nang marinig ko ang kundoktor. Iminulat ko ang aking mga mata nang may maramdamang mabigat sa aking balikat. Nang tignan ko ang aking katabi ay buhok niya lamang ang nakita ko dahil nakadantay ang ulo niya sa balikat ko. Gusto ko sanang tanggalin gamit ang aking mga kamay, kaso baka maging bastos naman ang maging dating sa kaniya.

Gumalaw na lang ako onti dahilan para maramdaman niya ang paggalaw ko. Mukha namang epektib dahil gumalaw rin siya. Akala ko ay iaaalis na niya ang ulo niya pero nagkamali ako. Lalo lamang siyang sumiksik sa balikat ko. Medyo nangangalay na rin kasi ang balikat ko. Hindi ganoon kagaan ang ulo niya kasi.

Ibinaling ko ang ulo ko sa kaniya. Bigla kong naaamoy ang amoy mentol sa kaniyang buhok. Mabango ito, amoy head and shoulders na sinabayan ng natural na amoy ng kaniyang buhok. Dahil na rin sa ngalay ay kinalabit ko na ang ulo niyo, ilang kalabit pa ang ginawa ko at tuluyan na siyang gumising.

Nagtaas siya ng ulo at naniningkit pa ang mga matang singkit na. Inaaninagan ang liwanag. Nang tuluyang makadilat ay agad siyang natulala. Ang cute lang kasi ang singkit niyang mata ay biglang nanlaki. Siguro nang mapagtanto ang nagawa ay bigla na lamang siyang lumipat ng upuan sa unahan, mga ilang upuan bago sa likod. Nagtataka ko na lamang siyang tinignan.

“Weird naman non, adik ba siya? Mau itsura pa naman. Pero mas pogi pa rin ako. “ bulong ko sa sarili, sa sandaling nakita ko ang mukha niya ay napag-aralan ko na ito agad. Ang lalaki ay may maikling, makapal, at brown na buhok, bahagyang kulot sa tuktok, mabango rin ito nang maamoy ko kanina. Mayroon siyang manipis na bigote at bahagyang balbas sa baba, na nagbibigay sa kanya ng mas mature na hitsura. Ang kanyang mga kilay ay makakapal at magkapares, at ang mga mata niya ay medyo singkit at tila medyo antok o relax ang tingin.

Hindi ko na lang ulit siya inisip, masiyado siyang weird sa paningin ko. Ilang minuto rin ang lumipas at narating na namin ang Pagsawitan, doon na ako mismo bumaba sa terminal ng DLTB. Nang tumigil ay agad kong kinuha ang aking bag at muling inayos ang sarili. Nakita ko pa ang lalaki kanina na nauna nang bumaba. Hindi ko na rin siya pinansin pa dahil naiihi na rin ako.

Bumaba na ako at agad na nagtungo sa banyo, sa dulong cubicle nq ako pumasok at doon nagbawas ng ihi. Nang matapos ay naghugas na ako ng kamay at saka umalis.

Masiyado nang tirik ang araw sa mga oras na ito, sakto lamang ang tirik nya, mainit ngunit hindi naman ganoong nakakapaso o mainit sa balat, nakakasilaw nga lang.

Ilang minuto akong naghintay sa jeep papuntang Magdalena, ngunit masiyaadong punuan. Ganoon din ang papuntang Majayjay at Liliw kaya ilang minuto pa akong naghintay at sa wakas ay nakasakay na rin! 

Sa bungad ako naupo, medyo masikip dahil siksikan talaga sa loob. Ewan ko ba, laging ganito ang sakay kapag uuwi ako, normal na rin siguro ito kasi may ibang nagtitinda o nag-iimbak na sa Sta. Cruz bumibili.

Bandang Aresa, na medyo lagpas dito ay medyo nabawasan ang tao sa loob kaya medyo nakahinga at nakaupo na ako nang maayos. Masarap din ang hangin, masyadong presko ngunit mainit na sa balat gawa ng mainit na rin ang sikat ng araw.

Nang may maramdaman akong parang nakatingin sa akin ay bigla akong na-conscious.  Ewan ko, instinct ko na rin ito. Nang mapatingin ako sa harapan ko ay nagtama ang paningin namin ng lalaki sa harapan.

Nang magtama ang aming tingin ay bigla niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at mukhang nakatulog na rin.

Pinag-aralan ko ang kabuohan niya. Hindi naman sa jinajudge ko siya, pero mukha siyang suplado na arogante at mayabang. Makikita mo naman sa kaniyang pustora.

Nakasuot siya ng fitted na dry-fit na halatang pinasadya niya dahilan para lumabas ang hubog ng kaniyang katawan. Hindi naman siya ganoon kapayat, pero payat siya. Huh ? Basta iyon na yon. Mayroon din siyang biceps na halatang pinaghirapan sa gym. Bakat din ang kaniyang chest, maganda ang hulma nito. Pantay lamang sa hubog ng kaniyang katawan at biceps. Mukha rin siyang may abs dahil bumabakat din ito sa damit.

Mabuti ay pinayagan itong magsuot ng ganito sa school nila. Suot niya kasi ay ang school shirt nila na mukhang pinasadya o pinatahi niya para magfit sa kaniya. Nakita ko rin na sa LSPU siya nag-aaral at isang IT student.

Pinag-aralan ko rin ang kaniyang mukha, mukha siyang seryoso, singkit din ang mata. Matangos ang ilong, makapal ang kilay na bumagay sa korte ng kaniyang mata na nagbibigay sa kaniya ng seryosong awra. Ang labi niya naman ay manipis ngunit mapula na dinaig pa ang nakaliptint. Makinis din ang kaniyang balat, maputi. May bigote rin na lalong bumagay sa kaniyang mukha.

“Para po!” natinag ako nang marinig na pumara ang nasa tabi ko. Bahagya akong umurong dahil makipot ang daan dahil sa maraming bagay ang nakalagay rito.

Hindi ko napansin ang biyahe, matagal pala akong nakatitig sa kaniya. Nagpatay malisya na lamang ako at tumingin sa bintana ng jeep. Nasa Buenavista na pala ako, hindi ko napansin.

Ilang minuto pa ay bumaba na ako nang nasa harap na ako ng Salasad. Bago ako bumaba ay nakita ko ang pagmulat niya ng mata at diretsong tumingin sa akin. Inirapan ko lang ito ng tingin, normal na sa akin ang gumanon. Ewan ko, kaya sinasabi sa akin ng iba ay hindi ako approachable dahil iba ako kung makatingin.

Masiyado silang mga judgemental, hindi ba nila alam ang katagang “don’t judge the book by it’s cover?” angas magsabi ng ganyan pero hindi ko naman maiapply sa sarili.

Mabuti na lamang ay nagdala ako ng payong kaya may pananggala ako sa init. Naglakad lang ako pauwi, medyo may kalayuan ang bahay namin dahil nasa Purok 3 ang bahay namin pero ayos na rin iyon, mas mahabang lakarin, mas mabilis maachieve ang 10k steps sa isang araw.

Mga 15 mins akong naglakad at mula sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko na si mama sa harap ng bahay namin. Nakita na rin ako ng mga kapatid ko kaya tumakbo na sila sa akin at yumakap. Sinundo ako ng dalawa kong kapatid na babae. Binigyan ko sila ng kiss at saka muling naglakad habang hawak sila sa magkabila kong mga kamay.

Nang makalapit kay mama ay agad akong yumakap sa kaniya. Namiss ko sila! Ilang buwan na rin kasi silang narito. Dito na rin kasi kami lumipat, mas malapit sa lola ko. Since narito na rin sila, baka dito na rin ako mag-stay. Mabuti na lang din ay nakapag-apply ako sa mga university rito.

Noong nakaraang May ay nakapagtake na ako ng exam sa lahat and so far, nakapasa naman ako sa mga pinag-applayan ko. So far, sa LU at LSPU ang naging target ko that time. Pero since hindi ko nakuha ang desired program ko sa LU ay LSPU na ang kinuha ko dahil sa LSPU ay nakuha ko ang program ko ron which is ang BSIT.

“ Kamusta naman ang biyahe?“ tanong ni mama at inabutan ako ng tubig.

“ Ok lang ma, tulog ako sa buong biyahe eh.“ tugon ko naman matapos kong inumin ang tubig na inabot niya. Matagal pa kaming nag-usap ni mama bago ako magtungo sa kwarto ko. Mas malaki ito kaysa sa kwarto ko sa Manila. Mas comfortable ako rito, pero mas gusto ko pa rin ang maliit lang. Magulo ba? Ikaw na lang umintindi.

“ May battle of the bands mamaya sa bayan, manonood ang mga pinsan mo.“ sambit ni mama. Napaisip naman ako kung sasama ba ako o magpapahinga na lang.

“ Anong oras pala yon ma?“

“ Baka siguro bandang 6? Ewan ko rin tanong mo na lang mga pinsan mo mamaya. Pupunta iyon dito kasi alam nilang uuwi ka.“ tugon naman ni mama at tumango na lang ako.

“ Oh siya, magpahinga ka na muna. Kumain ka na rin, nakaluto naman na ako. Aasikasuhin ko lang mga kapatid mo.“

“Sige ma, salamat!”

Gaya ng sinabi ni mama ay nagpahinga ako at saka kumain. Matapos non ay naligo ulit ako at saka pumunta ulit sa kwarto at natulog.

“Cj anak, gising na. Hapon na, nanjan na rin ang mga pinsan mo. Naghanda rin ako ng miryenda.” Gising sa akin ni mama. Tumayo naman ako habang nagkukusot ng mga mata. Sa sala ay nakita ko na ang apat kong pinsan. Sina Bryle, Khim, Phillip, at Ahtisa. Agad na lumapit sina Khim at Ahtisa sa akin at saka yumakap.

“Owemjieee! My favorite cousin! How are you??” malakas na sambit ni Khim. Bakas pa rin ang kaartehan pero mabait naman yan. Silang apat ang close ko sa mga pinsan ko, dahil kami-kami ang magkakaugali.

“Sama ka mamaya? May battle of the bands.” sambit naman ni Bryle.

“Kakanta ka ba?” balik na tanong ko sa kaniya, sa aming lima kasi si Bryle ang may future sa mga ganyan.

“Hindi, tinatamad ako eh.” tugon naman niya. Napangiwi ako

“Sinasayang mo talent tsk! Malay mo ma expose ka hahaha.” pang-aasar ko. Nginisihan niya lang ako.

“Sana may mga pogi mamaya hahaha.” singit naman ni Khim at natawa kami.

“Jusko teh! Ung battle of the bands ang pupuntahan natin, hindi ang mga lalaki! Ang aasim ng mga lalaki rito ah.” kontra naman ni Ahtisa, nginiwian lang siya ni Khim.

“May mga pogi rin here na hindi maaasim noh! Like my baby boy Zecharia shshs. Hayts! Iniisip ko pa lang siya, nalalaglag na panty ko!”

Nagtuloy pa ang mga asaran namin at hindi na namin namalayan pa ang oras.

Natutuwa ako dahil nagkaroon ulit kami ng bonding na katulad nito. Mukhang hindi na rin ito mapuputol dahil dito na ulit ako tutuloy.

Dahil nga napasarap ang usap ay hindi na namin namalayan ang oras. Nauna nang umalis si Phillip dahil may susunduin daw siyang ea. Si Bryle naman ay umuwi rin muna dahil may gagawin lang daw siya. Bali kaming tatlo nalang nina Khim at Ahtisa ang natira dito sa bahay.

“Hindi pa ba kayo mag-aasikaso?” tanong ko sa kanila. Umiling naman sila at ipinakita ang baon nilang mga damit. Mukhang naghanda na ang dalawa at mukhang dito na rin maliligo. Sobrang angas!

“Oh siya, mauuna na muna akong mag-asikaso dahil alam kong matagal kayo eh.”

Nag-umpisa na akong maligo, ilang minuto lang din ay natapos na ako. Naghanap din ako ng susuotin. Hindi ko rin alam kung ano ang susuotin ko.

Mabuti ay naligo na rin ang dalawa, makakapag-isip pa ako ng aking mga susuotin. Hindi ko alam, marami akong damit pero nauubusan ako ng idea kung ano ang susuotin.

Kabanata 2

Sa kakahalungkat ko ay nauwi ako sa isang plain white shirt, maong pants na classic blue jeans at white sneakers.

“Tapos na ba kayo?” Sigaw ko sa dalawa, sabay rin naman silang lumabas ng guestroom.

“Mukhang hindi prepared ah, aattend ng prom?” pang-aasar ko at inirapan lang ako ng dalawa.

“Mind your own business Jade,” singhal ni Khim at muling tumingin sa salamin at saka muling nagretouch.

Ilang minuto lang din ay natapos na sila. Ganito ba talaga ang mga babae? Konting kibot, make up. Konting galaw, retouch. Wala akong masabi sa kaartihan ng dalawang ito. Pasado alas-siete ay umalis na kami, wala silang nagawa nang mag-umpisa na akong maglakad.

“Ano ba kasing nakain mo’t naisipan mong maglakad? Lalaking ito!” himutok ni Khim. Binelatan ko lang siya.

Medyo may kalayuan ang Plaza sa amin. Siguro aabutin ng kalahating oras ang paglalakad papuntang Bayan mula sa bahay. Pero dahil nga ay kasama ko ang dalawa ay halos humigit pa sa kalahating oras ang nilakad namin.

“Nakakainis ka! Nasayang ’yung make up ko!” muli niyang himutok at inilabas ang make up kit sa bag at saka nag-umpisang magretouch muli.

Sa labas ng Plaza ay maraming paninda, nagkalat ang mga kubo na puno ng mga masasarap na pagkain. Natakam ako nang dumapo ang tingin ko sa siopao. Kaya lumapit ako ron at bumili ng tatlo. Minsan ko na lang din kasi ito matikman. Iba pa rin kasi ang home made siopao kaysa sa mga siopao na mabibili mo sa mga convinient store.

Muli pa akong naglakad, nakita ko naman ang tumpok ng mga minane. Ang minane ay nakacubes na kamoteng kahoy na ipinirito. Masarap ito kahit asin lang ang ilagay at isawsaw sa suka. Pero ngayon ay marami nang flavor ang pwede mong piliin. Halos nalibot ko na ang Plaza at doon ko napagtanto na ang dami ko palang biniling pagkain. Kaya nang makita ako nina Khim at Ahtisa ay nanlaki ang mga mata nila sa gulat.

“Ano yan Jade? Dinaig mo pa ang nag panic buying! Hahaha!” pang-aasar ni Ahtisa, sininghalan ko lamang siya.

“Panic buying… ulul! Huwag kang hihingi sa akin mamaya!”

“Ito naman hindi mabiro, oh siya sige na ibigay mo na sa akin ang isang siopao.” malambing na pang-uuto niya pero nginiwian ko lang siya at saka ibinigay ang isang siopao, maging si Khim din ay binigyan ko na. Lahat ng pinagbibili ko ay binigyan ko sila, ayokong magutom manood. Baka kasi nakakaburyo mamaya. Naghahanda lang.

Habang nakain ay naglakad-lakad na kami papasok sa loob ng Plaza. Habang palapit ang alas-nuebe ng gabi, unti-unti nang napupuno ang bakanteng espasyo sa harap ng entablado. May mga naupo sa semento, iba’y tumayo na’t sumasayaw-sayaw sa tugtuging lumalabas sa soundcheck.

Pagpatak ng alas-nuebe, bahagyang pinatay ang mga ilaw sa paligid ng entablado. Tanging spotlight na lang sa gitna ang natira, habang isang malalim at misteryosong boses ang nagsimulang magsalita sa mikropono.

“Magandang gabi, Magdalena! Handang-handa na ba kayo?!” Sumambulat ang sigawan mula sa mga tao. May tumatalon, may pumapalakpak, at may sumisigaw ng pangalan ng mga banda. Ang hangin ay tila lumamig, dala ng excitement at adrenaline ng gabi.

“Alam ko namang handa na kayo dahil nararamdaman ko na ang excitement ng bawat isa sa inyo! Yes or yess??” masiglang sigaw ng emcee at muling naghiyawan ang mga tao. Nakatutuwa dahil nakakadala ng energy ang taas ng energy ng taong ito. Palibhasa kasi ay bakla kaya ganyan kabuhay ang pagsasasalita. Talagang madadala ka!

“Bago natin umpisahan ang ating Battle of The Bands ay narito ang ating pinakamamahal na mayor ng Magdalena. Bigyan ng masigabong palakpakan ang nag-iisang mayor ng Magdalena, Mayor Natividad!” masiglang sigaw ulit nito at muling naghiyawan ang mga tao na may kasamang malakas na palakpak.

“Magandang gabi sa inyong lahat! Ok pa ba kayo?” panimula nito, napairap lamang ako. Mukha kasi siyang mayor na halatang walang ginagawa eh. Makikita ang yabang sa kaniyang postura. Siya yung tipo ng mayor na nangungurakot sa kaban ng bayan. Siya yung tipo ng mayor na nakaupo lang maghapon sa kaniyang opisina, at ipinasisira ang mga maaayos na kalsada upang gawing bago at upang lalong masira. Mga gawaing may masabing naipundar sa kaban ng bayan ngunit ang totoo ay nasa loob na ng kanilang bulsa. “Hindi ko na ito patatagalin pa dahil alam ko na lahat kayong narito ay excited na sa mga sinusuportahang banda.” patuloy nito, lalo lang akong inantok.

“Asahan po ninyo ang kalinisan at kapayapaan ng ating mahal na bayan.”

Mamamoo

“Kaya sana ay huwag kayong magsawang suportahan ako..”

Mamamo support’

“Sa mga proyektong nais ko pang ilunsad. Kaya maaari ko bang asahan ang inyo pang suporta?”

’ Mamamooo’

Bagot na bagot ako na tumingin sa harapan. Ang kaninang sigla ng paligid ay biglang nawala. Siguro ramdam din ng mga tao na wala itong magagawang maayos para sa bayan. Siguro maging ang narito ay nagtataka kung bakit ito nahalal bilang isang mayor ng Magdalena.

“Pinagsasabi mong MAMAMO? Nuyon? Para san?” takang tanong naman ni Ahtisa, tinawanan ko lang siya.

“Ano na bang nagawa ng Natividad na yan?” tanong ko at nagkibit balikat lang siya.

“Ewan ko rin. Di naman ako updated jan.”

“Hmmm…” natinag ang aming usapan nang biglang tumikhim sa aming likuran. Taka ko naman itong tinignan, ngunit dahil sadyang malabo ang paningin ko sa gabi ay hindi ko ito gaanong maaninagan. Tumagilid na lamang ako dahil mukhang dadaan siya. Pero tinignan lang ako nito at iiling-iling na umalis.

“Adik ba yon?” tanong ko kay Ahtisa na ngayon ay nakatulala na. Napabuntong hininga na lamang ako at iiling-iling na tumingin sa harapan.

“Handa na ba kayooo??” muling nanumbalik ang siglang panandaliang nawala kanina.

“ Simula na ’to!“ sigaw ng isang lalaki habang kinukuhanan ng selfie ang buong barkada, lahat nakangiti, sabay pasimpleng tingin sa entabladong magbubukas sa gabi ng salpukan.

“Ito na nga diba? Magsisimula na nga diba? Hindi makapaghintay sabing saglit lang

ngani!“

nagsitawanan ang nasa Plaza sa hirit na tugon ng emcee. “Wala nang patumpik-tumpik pa, tawagin na natin ang unang kalahok! Eto na ang banda na kilala sa kanilang mga hugot at kilig songs. Magdalena, please welcome… Daylight Reverie!” masiglang sambit ng emcee at muling naghiyawan ang mga tao sa paligid. Biglang namatay ang ilaw at lalong naghiyawan ang mga tao. May mga sumisigaw pa at sumisipol, may iba rin na gumagawa ng sariling ingay gamit ang mga bagay-bagay. Biglang bumukas ang ilaw dahilan para masilaw ang lahat. Tumambad sa amin ang limang groupo na nasa kaniya-kaniya ng mga puwesto. Nasa harapan ang isang babae na kanina pa tinatawag na Yana, mukhang siya ang lead vocalist ng banda. Si Yana ay naka loose-fit white blouse, na may mga floral details na medyo boho-style. Kasama ng blouse ay black skinny jeans at high-heeled boots na nagsusustento sa kanyang confidence. Ang buhok niya ay nakalugay, medyo messy, parang hinalo ng hangin. Simple, pero eleganteng nakaka-attract ng atensyon.

“Magandang gabi everyone! Para sa lahat ng nakaramdam ng pagbabagong ’di mo inakala… this is for you. Before our performance, I would like to introduced our member.” panimula ng Yana at muling nahiyawan ang mga tao. Mukhang hindi pa sila nauubusan ng energy. “Our acoustic guitarist, Arvin!” Si Arvin ay nasa kanang bahagi ng stage, malapit kay Yana. Hawak niya ang kanyang acoustic guitar, at medyo naka-profile sa audience. “Pau, our keyboardist. Mico, our drummer. Lira, our bassist. And of course, I am Yana, the lead vocalist of Daylight Reverie.” muling bumalik sa puwesto si Yana at saka nag-umpisang tumugtog ang banda. Ang ipe-perform nila ay night changes ng OneD.

“Going out tonight, changes into something red…”

Malamig pero malinaw ang boses ni Yana. Parang kwento na binubulong lang sa hangin. Lahat ng mata, nakatingin sa kanya. Ang delivery niya ay hindi OA, pero damang-dama mo ang bawat linya may kilig, may lungkot, may alaala. Sa gilid, sinabayan siya ni Arvin sa gitara at mahinahon lang, sakto sa bawat salitang binibigkas ni Yana.

Habang tumutugtog sila, ang bawat miyembro ay may kanya-kanyang kontribusyon sa vibe ng buong performance. Si Yana ay nangingibabaw sa stage presence at ang charisma niya ay nararamdaman ng bawat isa. Arvin at Lira ay nagkokonekta sa tunog ng bass at guitar, habang si Pau ay nagpapatatag ng mga harmony sa keyboards. Mico, bagamat nasa likod, ang nagbibigay ng rythm na nag-uugnay sa bawat bahagi ng kanta. Natapos ang kanilang performance at talaga namang magaling din sila. Pero umagaw ng pansin ko si Yana. Maganda si Yana, simple ang mukha. Walang kulorete ang kaniyang mukha pero mas maganda siya sa ganiyang ayos. Simple, pero maganda!

“Huy, ayos ka lang? Baka malusaw yan!” pang-iurat ni Khim. Hindi ko naman siya pinansin at humigop na lang ako ng buko shake na binili ko kanina.  Tinignan ko si Ahtisa na hindi pa rin kumikibo. Anong nangyari sa babaeng ito? Naging ganyan siya nung makita ang lalaki kanina. Baka ex-fling niya? Bahala siya.

“Whew! Grabe ’yun! Mga kababayan, palakpakan naman natin ang Daylight Reverie!” bumalik ang atensyon ko sa harapan nang magsalita ang emcee. Malakas namang naghiyawan ang mga taong nanonood.

“Hindi ko alam kung kayo rin, pero parang sinuntok ako sa puso nung ’

Even when the night changes’

na part! Ang linis ng harmonies, ang emosyon? para akong pinabalik sa isang taong hindi ko na kinakausap!“ nagtawanan ang lahat sa sinabi niya. Maging sa pagkanta ay wala sa tono dahilan para lalong napatawa ang lahat.  “ Yana, that voice? Wala nang masasabi. Arvin, pwedeng magka-cover tayo bukas ha? Pau, pwedeng keyboard mo na lang gamitin ko sa feelings ko? Lira, solid ka girl lakas ng bass! At syempre, Mico! Enerhiya mo, parang ikaw na lang ang kailangan ko para gumising sa umaga!“ muling nagtawanan ang lahat ng manonood. Napakataas ng energy ng emcee, dalang-dala ang mga tao. Hindi rin siya boring kaya nadadala niya talaga ang audience. Muling pinakilala ang susunod na kalahok, bali sa gabing ito ay may walo na magtatanghal. Natapos ang pangalawa na maayos din naman. Pero hindi naman ganoong kasing energetic ang naging audience. Siguro ay hindi ito kilala kaya ganoon. Sumunod naman ay pinakilalanang pangatlo.

Pagkatapos ng malakas na tugtugan at emosyonal na performances ng mga naunang banda, umakyat ang susunod na grupo sa entablado. Hindi sila nagpakilala. Hindi rin sila ngumiti. Tahimik lang silang pumwesto, parang napilitan lang tumugtog.

Nagsimula ang intro ng kanta sa isang mabagal na beat na tila hindi buo ang intensyon. Walang pumasok na melody na mahuhuli ang tenga ng tagapakinig. Parang nagsasanay pa lang. Yung gitara, medyo sintunado. Yung drums, off-beat. Ang keyboard? Halos di marinig.

Pagpasok ng boses ng vocalist, mababa, parang binubulong lang ang lyrics. Hindi dahil dramatic kundi dahil kulang sa lakas, kulang sa puso. May mga linya pa siyang hindi binuo, parang nakalimutan o tinamad ituloy. Tumingin siya sa lyrics sheet sa sahig. Sa kalagitnaan, may nagyawang gitara solo pero parang ’di pinag-isipan puro ulit, walang direksyon. Hindi rin sila nag-uusap sa isa’t isa sa stage. Parang kanya-kanyang mundo. Pagkatapos ng kanta, tahimik ang stage. Parang wala pang limang tao ang pumalakpak.

“ Ah… okay, maraming salamat po sa inyo. Tuloy po tayo sa susunod na banda…“ awkward na tumawa ang emcee. Maging ito siguro ay hindi natuwa sa performance ng sumunod na banda.

Walang masamang intensyon ang banda baka kinakabahan, o di pa gamay ang entablado. Pero sa ganitong laban, kailangan ng presence, energy, at damdamin. Kung wala ang mga ’yon, kahit gaano kaganda ang piyesa, mawawala sa alon ng ingay.

Dahil sa buryo ay naubos ko ang minane na kinukutkot ko kanina. Naubos na rin ang pagkain na binili ko dahil si Ahtisa ang umubos.

Lumabas muna ako at hinanap ang cr ng plaza dahil naiihi na ako. Nang makita ang banyo at takhang pipihitin na ang doorknob nito ay may biglang nagbukas sa loob. Laking gulat ko nang makita ang mukha nito. Siya ang nakasabayan ko sa jeep kanina. Tinignan ko ang itsura nito, naka black plain shirt siya na medyo loose kaunti at naka jeans na katulad ng akin. Mas matangkad siya sa akin dahilan para tumingala ako nang bahagya upang maaninagan ang mukha niya.

Gulat din siyang napatingin sa akin, namumula pa ang mukha. Taka ko siyang tinignan na ngayon ay iiling-iling na lumabas ng banyo.

“Ang we-weird ng mga tao ngayon.” Sambit ko na lamang at saka pumasok sa banyo at saka umihi.

Kabanata 3

Dahil sa kaburyuhan ay naggala-gala muna ako sa labas ng plaza. Masiyadong malakas ang sound system ng event. Medyo nakakarindi mabuti na lang din ay maayos ang nagpeperform ngayon hindi tulad kanina.

Naggala-gala pa ako rito sa labas ng plaza. Hindi ko pa kasi gaanong nalibot kanina. Sakto ay bigla akong nagcrave ng ice cream kaya bumili ako ng isa. Muli akong naglakad-lakad at nakita ko naman ang isang stall na puro bracelet at keychain ang tinda.

“Magkano ho rito?” tanong ko sa hawak-hawak kong bracelet. Simple lamang ito. Black beads at ang nasa gitna ay isang white.

“Sikwenta lang po iyan.” tugon naman ng matanda. “Dalawa nga po ang design niyan, ang kaso nabili na po ang isa kanina. Pulos puti iyon at isang itim. Kabaliktaran niyan. Bilhin mo na sir, nag-iisa na lang iyan.” kwento pa nito, pero wala naman akong pakialam sa isang design nito. Hindi naman ako gaanong mahilig sa puti.

“Sige ho, bilhin ko na ito.” dumukot ako ng isang daan at ibinigay iyon sa kaniya. Aktong susuklian niya ako ay pinigilan ko na siya. “Keep tha change na lang ho. Salamat po!”

“Ayy… naku! Maraming salamat iho!” pasasalamat pa nito at tinunguhan ko na lang ito bilang tugon. Isinuot ko na ang bracelet at bumagay naman sa akin iyon, sakto lang din ang sukat. Hindi maluwag, hindi rin masikip.

Bumalik na ako sa loob ng plaza, hindi ko na rin nakita sina Ahtisa at Khim sa dati naming puwesto kaya inilabas ko ang phone ko at tinawagan si Khim sa messenger.

“Nasaan kayo?”

[“Here malapit sa stage, nabawasan ang tao kanina nung may nagperf eh. Punta ka na here. Kanina ka pa namin hinihintay.”] iyon lang at ibinaba na niya ang linya. Gaya ng sinabi niya ay nagtungo ako ng harap ng stage. Hindi rin naman ako nahirapan na hanapin sila dahil nabawasan na nga ang tao sa loob.

“Wala pa rin ba ang dalawa?” tukoy ko kina Bryle at Phillip, nagkibit balikat naman ang dalawa.

“Kainis! Hindi man lang ako sinama ng mga mokong na iyon! Malamang nanchicks na yon. Hayts!” Inis na busal ko, natawa naman sina Ahtisa at Khim.

“Marami namang babae jan coz, hanap ka na lang.” natatawang sambit ni Ahtisa, inismiran ko lang siya.

“Nakita ko na, si Yana.” pakiramdam ko nagliliwanag ang mukha ko sa mga oras na ito nang banggitin ko ang pangalang iyon.

“Ewwwww…” sabay pa nilang dalawa. Inismiran ko lang sila at tumutok na sa panonood.  Ilang performer pa ang nagperform. Medyo inaantok na rin ako dahil hindi naman ganoon kabuhay ang mga nagpeperform ngayon.

“And now, let us  all welcome, The Bros!” sigaw ng emcee dahilan upang maging buhay muli ang crowd.

“Waaaaahhh~”

“Owemjiee!!! Phillip my loves!!”

“Dustin ituhog mo sa akin yang hawak mo!”

“Bryleee anakan mo akoo!!”

“Teh, mahiya ka naman baka.”

“Dedma teh! Minsan lang toh, waaaahhhhh Brylee!!”

“Kalma teh, la kang kiffy!” pambabara naman ng kasama niya at saka muling nagtawanan ang crowd.

‘Mga Baklaa!’

Nakabusangot ka jan“ puna ni Khim at nginusuan ko lang siya.

“Di niyo sinabi na magpeperform ang dalawang yan. Edi sana sumali ako.”

“Manahimik ka na lang jan Jade, wala kang talent jan.” hindi ko na lang pinansin ang sinabing iyon ni Ahtisa at nagfocus na lamang sa harapan.

Gaya nila Yana, limang miyembro din sila. Si Bryle ang vocalist, si Phillip naman ang drummer, and ’yong tatlo naman ay di ko kilala. nagbago ang vibe ng gabi. Umilaw ang entablado ng medyo dilaw at mapusyaw na asul. Tahimik ang crowd. Biglang lumakad sina Bryle kasama ang kaniyang banda. Mukhang hindi sila yung tipong sisigaw sa mic, pero may presensya sila na parang… may kwento silang gustong sabihin. Sa postura nila ay bigla akong kinilabutan. Kilala ko ang mga pinsan ko, alam kong nangangain ang mga ito. Lalo na sa vocals, hindi nagpapahuli itong si Bryle. Pwede nga siyang sumali sa mga international singing contest eh. Ganoon kasi kaganda ang boses niya.

[Now playing: Huling El Bimbo by: Eraserheads]

“Kamukha mo si Paraluman…”

Tahimik ang crowd. Ang boses ni Bryle ay may tamis at lungkot. Hindi mataas, hindi malakas pero tapat. Yung tipong kwento ’to ng buhay niya.  Masyadong malinis ang ritmo ng naggigitara. Masydong malakas ang presensya nilang lima. Hindi pa man nadilat ng mata si Bryle ay kikilabutan ka pa rin dahil sa boses niya.

Sa “Ngunit walang nangyari…”

Nanginig ang boses ni Bryle. Hindi sa kahinaan , kundi sa damdamin. Masyado niyang ninanamnam ang bawat salita na kaniyang binibigkas na akala mo siya ang nasa pov nito. Masyado ring tutok ang dalawang babae, nangingilid ang luha. Proud siguro sa dalawa. Kahit ako rin naman, masyado akong natutuwa dahil sobrang galing nila. Lalo na si Phillip na halimaw humampas sa drum.

“Woahh!” bulalas ko nang makitang nagpalit sina Phillip at ung lead guitarist. Hindi ko inaasahan lalo na ang lahat, hindi ko alam na posible palang gawin iyon. Wala akong alam sa mga ganito rin kasi kaya namangha ako. Kung nangyayari man ito sa iba, hindi ko alam.

Naglakad si Phillip sa harap. Hindi mabilis ang solo, pero bawat nota, parang sugat na marahang binubuksan. May ilang nagwawala pa rin sa likod, pero karamihan ay tahimik, nakikinig.

“Lumiliwanag ang buwan…”

Nag-iba ang ilaw, ito ay biglang naging puti, malabo, parang liwanag ng alaala.

“At dahan-dahang nawawala…”

Ang boses ni Bryle ay halos pabulong. Sabay-sabay silang huminto sa huling nota. Tahimik. At doon, nagtapos ang kanilang performance.

Walang sigawan agad. Ang lahat ay tahimik hanggang sa unti-unting palakpakan.

“Grabe ’yon!.”

“Naalala ko ’yung ex ko.”

“Ang sakit!”

“Di ba’t may mga kantang hindi lang tugtog? May mga kantang alaala.” sambit ng emcee at nagsitanguhan naman ang lahat.

“Iyon ang ‘Huling El Bimbo.’ At mukhang hindi lang ito huling kanta ng gabing ’to… baka ito pa ang huling tatatak.” dagdag pa nito at muling nagpalakpakan ang mga tao. “Para sa huli nating kalahok, ito raw ang kanilang unang kompetisyon. Kaya huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa! Tawagin na natin ang The Terces Band!” tahimik ang tao nang tawagin ang huling banda. Siguro hindi nga nila ito kilala. Ayon din kasi sa emcee ay ito ang una nilang sasalihang compe, kaya normal na sa tao ang ganito. Napatingin naman sa dalawa na tutok na sa harap. Si Ahtisa naman ay natameme na naman.

“Terces? Dahek? Baduy!”

“May crush ka ba jan?” bulong ko kay Ahtisa at inismiran niya lang ako. Confirmed!

Umakyat na ang banda, napatitig naman ako sa harap. Siya yung lalaking nakasabay ko sa jeep at siya rin ang lalaki sa cr kanina. May hawak siyang gitara, mukhang siya rin ang vocalist ng banda. Wala siyang inarte ni hindi niya tiningnan ang audience sa umpisa. Pero nang hawakan niya ang mic, parang… may kakaiba.

[ now playing

🎶

: Aya by Earl Agustin]

“Sandali lang, pahirap nang pahirap ang laban…”

Napahinto ako.

Hindi ko alam kung dahil sa linya, sa boses niya, o sa tingin niyang dumausdos saglit sa crowd at huminto sa direksyon ko.

Hindi ko naman sinasabing ako talaga ang tinitingnan niya. Pero sa sandaling iyon, parang ako.

Yung boses niya, hindi mataas. Hindi pilit. Parang ’yung tipo ng boses na naririnig mo kapag may taong nagko-confess sa iyo, pero totoo.

“Kung hahayaan mo ’ko na ayain ka…”

Bawat salitang binibitawan niya, parang lihim na ayaw ipilit pero kailangan nang ilabas.

Hindi ko namamalayan tumigil ako sa paggalaw. Hindi rin ako nagsasalita. Tumitingin lang ako sa kanya. Parang tinatalaban ako ng isang kwento na hindi ko naman dapat maintindihan… pero naiintindihan ko.

“Aya… Aya…”

Parang ako yung tinatawag.

At hindi ko alam kung matatakot ako, o… gusto ko pa siyang marinig.

Tumahimik siya saglit, ngumiti nang tipid, sabay tango lang sa audience. Umalis siyang parang walang nangyari at ’di na hinintay ang sasabihin ng emcee.

“Grabeee! Parang ako ang hinarana ng vocalist. Pero ang forda go agad ang atake ng otoko niyo! My gad! Sobrang perfect pa! Tama o tama??” Bungad ng emcee at nagsihiyawan naman ang mga tao. Hindi pa rin nagsisink in sa utak ko ang mga nagyayari. Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Ngayon ko lang siguro nafeel ang taong buong pusong kinanta ang kanta. Pero bakit ako nagkakaganito??

“Siya ’yung tipong masasabi na TDH! Tall, Dark, and Handsome! Waaaahhh nalalaglag ata panty ko wait! Bwahahahaha!” biro pa ng emcee at muling nagtawanan ang crowd.

“Baklaaaa!” sigaw ng isang audience at muling nagtawanan ang crowd.

“Hoy! Walang bakla rito! Sino ang bakla? Nasaan?” lumaki ang boses nito at nagkunwaring may hinahanap. Muling nagtawanan ang mga tao dahil sa kabibuhan ng emcee.

“Ayon na nga, bago ang lahat nais ko lamang magpasalamat sa ating mga minamahal at bubutihing mga sponsored, sa ating mayor, congressman, and mga konsehal. Maraming salamat po sa pagkakataong ito lalo na sa akin ang tumayo sa harap ninyo.” nagpalakpakan ang lahat “Habang kino-compute pa ang mga puntos ng bawat banda, akin na munang tatawagin ang isang magtatanghal sa gabing ito. Huwag na nating patagalin pa, Indak Magdalena, the stage is yours!” naghiyawan ang mga tao nang biglang mamatay ang ilaw sa stage. Isang malakas na thump mula sa speakers ang sumabog, kasunod ng electronic swirl na parang kinakalabit ang katahimikan.

Biglang click ng spotlight sa gitna ng entablado. Nakatayo roon ang isang lalaki, mukhang siya ang main dancer ng dance troupe na Indak Magdalena. Naka oversized black jacket na may silver stripes, loose joggers, at isang pormal na bucket hat na naka-tilt pababa, tinatakpan ang kalahati ng mukha niya kaya hindi ko gaaanong maaninagan, sinabayan pa ng kadiliman ng paligid. Ang lima niyang kasama dalawang babae, dalawang lalaki, at isang nonbinary member ay nakalinya sa likod niya, pormadong parang pader.

[Now playing 🎶: On my mama by Victoria Monet]

Pagsimula ng kanta, hindi agad gumalaw ang nasa gaitna. Tumingin lang siya sa crowd, tapos dahan-dahang inangat ang balikat at isang matinding shoulder pop na sinabayan ng mga ilaw na parang heartbeat. Ang mga kasama naman  niya ay nakaluhod pa rin, naghihintay ng senyas.

Pag-angat ng kanyang kamay, sabay-sabay silang nag-snap ng leeg sa kaliwa. At doon ay sabay-sabay silang tumayo, parang sinindihan ng beat. Habang bumibilis ang beat, unti-unting umikot ang lalaki sa gitna sa entablado, mabagal pero may pwersa ang bawat hakbang, parang lion sa loob ng cage. Biglang tumalon, sabay knee drop to the floor. Gumulong paharap, saka sinundan ng foot slide,  at napaangat naman ang crowd.

“Yoooooo!”

“Ay puta, ’di ako ready dun!”

Komento ng mga audience sa nasaksihan. Maging ako ay napahanga rin. Magaling sumayaw ang nasa gitna. Parang professional dancer na ang galawan. Hilig ko rin naman ang pagsayaw, pero hindi ang kagaya ng mga sinasayaw niya. Pangtiktok lang ang mga moves ko eh. More kaldag lang ganon. Nvm.

Nang tumayo ang nasa gitna, sinabayan niya iyo ng shoulder wave, chest pop, at sabay sabay silang nag-shuffle step, signature step ng kanta. Tumira ang nasa gitna ng isolation, isang galaw ng katawan na parang hiwa-hiwalay ang joints habang naka-smirk siya.

Pagdating ng drop, bumukas ang ilaw. Sabay-sabay silang nag-floor break elbow spins, knee taps, sabay lipat ng weight sa kabilang side. Habang ang nasa gitna naman ay tumira ng air kick-back flip combo. Paglapag niya, binunot niya ang bucket hat at ibinato sa hangin. Sakto sa beat at bumagsak ang hat, sinalo ng isang kasamahan, sabay ikot ulit sa formation.

Formasyon nila: parang arrow na nakatutok sa audience. Lahat sila, synchronized sa pitik ng kanta.

Ang huling chorus ay slow motion robotic pop-locks ang tema. Ang nasa gitna, gumagalaw parang mekanikal. Sinundan siya ng iba, parang domino. Sabay sabay silang sumigaw ng “HEY!” sabay kick and freeze pose at doon na muling namatay ang ilaw. Senyales na tapos na ang kanilang performance.

“Wait lang… ice breaker lang ba ’yun? Akala ko finals na agad!” bulalas ng emcee, maging ako ay nawindang sa performance na iyon. Kakaunti lamang ang grupo nila kumpara sa ibang nagpeperform na sa ibang events, pero masasabi ko namang sobrang huhusay nila pagdating sa sayawan. May ibubuga!

“Isa paa! Isa paaa! Isaa paaaa!” sigaw ng crowd at lalo pang nadagdagan. Mukhang nabitin din sa performance ng Indak Magdalena. Kahit ako ay nabitin din. Ang gagaling naman kasi.

“Awww… no more isa pa eh, kahit ako I want more. Pero dahil alam ko na nagustuhan naman ng lahat ang ating nga performers ngayong gabi, tiyak sa malamang ay baka sila ulit ang kukunin for da next event.” segunda ng emcee at natuwa naman ang crowd. “Pero in fairness ahh… ang daming exposure ng lolo niyo. Alam kong alam niyo at napapansin niyo rin ang nasa gitna kanina hindi ba? Siya lamang ang main vocalist ng bandang Terces Band” sa sinabing iyon ng emcee ay nagulat ang lahat. Hindi makapaniwala dahil napaka versatile niya kung ganoon. Hindi man sa bakla ako pero, magaling siyang kumanta, magaling din sumayaw. Grabeng talento aba! Hakot ea!

“At ngayon naman, atin nang malalaman ang mga nanalo!” sumambulat ang kaba at excitement ng crowd ng sabihin iyon ng emcee. Dinig ko ang mga sinisigaw nilang banda. Halos tatlo lamang ang naglalaban sa madla. Ang The Bro’s,

Daylight Reverie, at The Terces Band.

Kabanat 4

Matapos i-announced ang mga winners ay naghalo ang lungkot at tuwa ng ilan. May mga nanalo, at syempre may mga natalo rin. Pero isa itong patimpalak na kung saan ay palaging nagtatalo ang panalo at talo.

“Waaahhh daliii, puntahan natin sa backstage sina Bryle!” tuwang-tuwa na tili ni Khim. Ang banda kasi nila Bryle ang nagchampion. Hindi naman na kataka-taka iyon dahil magaling naman talaga ang banda nila. Ang nag first place naman ay ang Terces Band. Hindi na masama para sa isang baguhan pa lang sa larangan. Ang banda naman nila Yanna ay nakatanggap ng second place.

Sinundan ko na lang ang dalawa papunta sa backstage. Hinintay namin ang banda nila Bryle doon dahil nasa stage pa sila dahil sa maraming nagpapapicture.

“Grabee!! ’Di ko in-expect na sila ang magcha-champion! Waaahhh! Saur galing!” tili pa ulit ni Khim. Akala mo siya ang nagchampion eh. Ilang saglit lang din ay lumabas na ang banda nila Bryle. Kasunod naman nila ang Terces Band. Agad na nagsalubong ang tingin namin nung vocalist ng bandang Terces band. Blangko ang kaniyang mukha, hindi tulad kanina na maraming ekspresyon ang pinapakita. Masyado siyang seryoso kung tumingin, hindi rin naman ako nagpatinag sa tingin niyang iyon. Hanggang sa siya na mismo ang pumutol. Pairap pa ako nitong tinignan bago dumaan sa gilid ko. Sa hindi inaasahan ay bigla akong nakaramdam ng inis sa ginawa niyang iyon. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang inis na iyon.

“Waaaaaahhhh! Grabe… grabeeee… ang gagaling niyo!!” malakas na tili ni Khim at nagtawanan naman sila. Wala akong sa mood makipagsabayan sa kanila ngayon dahil nababanas ako.

“Maliit na things, oh siya sama kayo may shot sa bahay nila Dustin ngayon.” aya ni Bryle. At nagtatalon-talon naman sa tuwa si Khim.  “Musta ka Jade? Goods ba?” baling naman nito sa akin lumapit naman ako at yinakap siya nang bahagya.

“Oo naman yes! Galingg! Congrats! ’Di niyo sinabi na kasali pala kayo jan. May pakengkoy ka pa kanina.” natatawang tugon ko at natawa rin siya.

“Syempree, surprise yon haha! Ano g ka?”

“Saan ba iyan? Malayo?” pakiramdam ko ay pagod ako ngayong araw. Kung malayo iyan ay hindi na siguro ako sasama. Gusto ko na lang magpahinga.

“Sa Ibabang Butnong lang, malapit lang yon dito.” tugon niya at napaisip naman ako. Matagal na rin akong hindi nakakainom. Goods na rin siguro kung sasama ako.

“Sige sige…” tugon ko at napaapir naman siya. Baliw!

“Yown! After namin mag-ayos, rekta na tayo kina Dustin.” dagdag pa niya at nag-umpisa na silang mag-ayos ng gamit nila. Dahil masikip sa backstage ay lumabas muna ako. Nakita ko pang nagpipicture sila ron inaaya ako na sumali pero dahil wala ako sa mood ngayon at gusto ko na lang din ay magpahangin.

Sa likod ng pinagganapan ng event ay may palaruan. Likod din iyon ng simbahan, sa ibaba naman ay may malawak na espasyo para sa long tennis.

Pumunta ako ng palaruan, napangiti pa ako nang maalala ang mga nangyari dito. Dito ang madalas naming tambayan kapag tapos na ang klase. Sa gabi naman tuwing December kapag nangangaroling ay dito rin kami nagpapahinga at nagbibilang ng napangarolingan namin. Sa mga alaalang iyon ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Bigla ko tuloy nakita ang sarili kong dugyot at nakatayo sa itaas ng malaking whale. Sa loob naman ng malakint whale na iyon ay mabaho. Hindi maintindihan ang amoy dahil may mga bulubundukin doon at doon rin na ihi ang iba.

“Hoy! Tara na, aalis na tayo!” natinag ako sa sigaw ni Phillip. Tumayo ako at akmang magpapagpag ng puwitan nang may makita akong naghahalikan sa padulasan. Inaninagan ko ng tingin ang naghahalikan na iyon, mukhang kararating lang din nila rito. Hindi ko talaga maaninagan ang dalawa dahil medyo madilim kasi ang parteng iyon dahil hindi ito nasisinagan ng isang ilaw sa parke.

“HOY! BAWAL ’YAN!” sigaw ko, nilakihan ko pa ang boses ko at saka kumaripas ng takbo. Mukhang natinag ko naman silang dalawa dahil nakita kong nag-ayos ng damit ang babae.

“Oh ginagawa mo? Hapong-hapo ah.” puna sa akin ni Ahtisa nang makarating ako sa pwesto nila.

“Nyare?” tanong din ni Phillip nang makitang kinakapos ako sa hininga. Natatawa ko naman silang tinignan.

“Wala… wala.. hahaha may mga naghahalikan kasi ron sa padulasan. Sinigawan ko tapos tumakbo ako papunta rito.” natatawang kwento ko kahit wala namang nakakatawa ron at wala namang kwenta ang kwentong iyon.

“Siarulo ka talaga. Arat na! Sabay-sabay na tayo papuntang Ibabang Butnong.”  natatawang sambit naman ni Phillip na nagpauna na sa paglalakad. Kasabay ko na ngayon si Ahtisa at ang banda nila. Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong naglalandian sina Khim at iyung lalaking kinapalitan ng pwesto kanina ni Phillip. Inilibot ko ang tingin ko at hindi ko nakita si Bryle.

“Nasaan pala ang isang mokong?” tukoy ko kay Bryle. Nagkibit balikat naman si Phillip.

“Baka nangaswang na ’yon jan. Hayaan mo na, susunod din yon.” tugon nito at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Ilang minuto rin ang paglalakad namin dahil medyo may kalayuan din ang Ibabang Butnong sa plaza. Nang marating ang lugar ay kaniya-kaniya na silang puwesto. Tumabi naman ako kay Ahtisa na balak sanang tabihan ng isa pa nilang kabanda kaya sinamaan tuloy ako ng tingin ni Ahtisa. Magkatabi naman sina Khim at ’yung may-ari ng bahay na si Dustin. Sa gilid ko naman si Phillip habang ang dalawa pa ay nasa harapan namin. Bali pabilog ang lamesa, basta ’yun na ’yon.

“Grabee hindi ko talaga inexpect na kayo ang mananalo. Grabee congratulations ulit guys!” panimula ni Khim at pinisil naman siya sa ilong nung Dustin. Corny!

“Kami rin naman eh, pero wala eh, haha maraming audience kaya ganon.” segunda naman ni Phillip at nagtawanan naman sila. “Nga pala, mga pre, pinsan ko. Si Jade, Jade ito naman ay mga kabanda namin. Yung katabi ni Khim siya si Dustin, ito naman si Jed at Ced.” pakilala sa akin ni Phillip at tumayo naman ako makipag kamay sa tatlo.

“Jade pare,”

“Dustin,”

“Jed, dre”

“Ced, tol”

matapos magkamayan at binati ko rin sila.

“Ngayon ka lang namin nakita ah.” tanong sa akin ni Ced at tumango naman ako saka tinungga ang lambanog. Nanalo na’t lahat, lambanog pa rin ang iniinom. Putcha! Nanunuot sa lalamunan eh.

“Sa Manila kasi ako nagstay, pero dito naman ako lumaki. Lumipat lang talaga kami ng Manila. Pero dito na rin naman ako magstay for goods na.” paliwanag ko at tumango naman sila.

“Nag-aaral ka pa?” muling tanong ni Ced at tumango naman ako.

“BSIT, bali nagtransfer ako jan sa LSPU and luckily, nakapasa naman at mabuti ay nacredit lahat ng subs ko kaya hindi ako irreg.”

“Ahh, nice yan! Mabuti nakapasa ka jan. Hirap pa naman makapasa jan. Hindi kami nakapasa jan eh haha.” dagdag pa ni Ced at nakitawa na lang ako sa kanila.

“Hindi ko rin akalain na sasali si Cameron eh.” pasok ni Jed. Napatingin naman ako sa kaniya. Curious kung sino ang Cameron.

“Di ko akalain na sasali ang magkapatid kamo.” dagdag naman ni Dustin kaya sa kaniya naman ako napatingin. Naguguluhan.

“Cameron? Sinong magkapatid” tanong ko naman at tinignan naman ako ng lahat. Nagkibit balikat na lang ako.

“OA naman sa ask!” si Khim, ginagaya pa ang boses ni Sophie. Siya ’yung sikat ngayon sa tiktok. “Si Cameron, siya iyung vocalist ng Terces band. And iyung bet bet mong si Yanna ay kapatid na babae ni Cameron. Si Cameron naman ay mortal na kaaway ni~” naudlot ang sasabihin ni Khim nang pandilatan siya ng mata ni Ahtisa. Napatingin naman ako kay Ahtisa na nanlalaki pa rin ang mga mata.

“Eh bakit natameme ka kanina Ahtisa nang makita ’yung Cameron?” balik na tanong ko kay Ahtisa at siya naman ang na-hot seat.

“Crushiecakes niya kasi si Cameron kaya ganya~~ arayyy!” tili ni Khim nang marahan siyang kurutin ni Ahtisa.

Ngayon ay nagsesense na sa akin ang mga nangyayari, medyo nahihilo na rin ako pero kaya ko pa naman. Tuwid pa rin naman ako maglakad.

“Eh kasi nga diba kung nakinig ka lang sa akin nung una edi sana hindi ka kawawa ngayon.” si Khim kay Ahtisa. Nagbabangayan na rin ang dalawa. Mukhang may tama na si Khim kaya panay na ang alalay sa kaniya ni Dustin.

“Hello? Hindi naman ako kawawa noh! And choice niya ang magcheat.” tugon naman ni Ahtisa. Naguguluhan naman ako sa mga pinagsasabi nilang dalawa.

“Kawawa? Nagcheat? Sino?” takang tanong ko sinamaan naman ako ng tingin ni Ahtisa. Hindi naman ako nagpatinag dito.

“Ayon, nagpaligaw siya ron sa womanizer na si Siegfred Van, alam niya naman at sinabi ko naman na sex lang ang habol non, and she didn’t listen to me. Tsk!” singhal naman ni Khim kay Ahtisa na mukhang napipikon na.

“Oh siya, itigil niyo na yan. Sumayaw na lang tayo!” bungad ni Bryle. Napalingon naman ako sa kaniya at saka tinaasan siya ng gitnang daliri.

“Fuck you, Bryle!” bulalas ko at itinaas niya rin ang middle finger niya

“Fuck you too, Jade!” nagtawanan kami at saka siya pumagitna kina Ahtisa at Khim.

“Kumusta ang pangangaswang? Success ba?” pang-uudyo ni Phillip at nagtawanan naman sila.

“Success! Bwahahaha!” tugon naman ni Bryle at saka sila muling nagtawanan.

“Pangit mo Bryle, hindi mo ko sinasama. Ganyan ka na” nagtatampo kunyaring sambit ko at nagtawanan naman kami.

“Ulul! Edi kung sinama kita kanina edi ako naman ang nawalan? ’Wag na uy! Hahaha” tugon niya naman at nagtawanan naman kami.

“Pakyu ka talaga Bryle”

“Pakyu ka rin Jade!”

Napuno ang gabi ng tawanan at asaran. Halos alas kuwatro na kami natapos. Ang dalawang babae ay bangag na samantalang kami naman ay maayos-ayos pa rin.

“Oh siya dre, sa sususunod ulit. Malayo pa kami eh.” paalam ni Bryle habang akay-akay si Ahtisa. Si Phillip naman ay Akay si Khim, habang ako naman ay pasuroy-suroy na sa paglalakad.

“Hoy Jade umayos ka ng lakad, walang kakarga sayo ulul!” singhal sa akin ni Bryle, tinaasan ko lang siya ng gitnang daliri.  Sa kanto ng Ibabang Butnong ay may paradahan ng tricycle kaya nagpa especial na kami pauwi dahil medyo malayo-layo pa ang bahay.

“Salasad lang boss,” dinig ko pang sambit ni Bryle sa tricycle driver. Pagkaupo ko sa loob ay biglang umikot ang ulo ko. Ngayon pa lang ay alam ko nang walang mabuting mangyayari mamaya.

“Arghhhh!!” ungot ko nang maramdaman ang sobrang sakit ng ulo. Pakiramdam ko ay umiikot pa rin ang utak ko. Parang binibiyak sa sobrang sakit. Agad akong napabalikwas ng tayo nang maramdaman ang pag-angat ng mga kinain ko paakyat sa sikmura ko. Agad akong nagtungo ng banyo at doon ay nagsuka nang nagsuka.

Tangina! Hindi na ako iinom!

Mura ko nang paulit-ulit akong nagsuka. Halos yakapin ko na ang bowl.

“Arrghhhh! Ayoko na shett!” bulalas ko nang muling maramdaman ang pagkasuka. Maluha-luha akong lumabas ng banyo at muling bumalik sa kama. Pero bago ako makahiga ay nakita kong tulog na tulog sina Bryle at Phillip sa kabilang sahig. Hindi ko napansin na dito sila sa kwarto ko natulog. Hindi ko rin maalala kung paano ako nakauwi at nakapasok dito sa kwarto ko. Hinayaan ko na lang ang dalawa na maayos naman ang pagkakatulog. Mukhang binigyan din sila ni mama ng comforter kaya comfortable naman silang natutulog ngayon.

Pagkahiga ko sa kama ay muling umikot ang aking utak sa hilo. Mariin pa akong napapikit dahil sa sakit sa ulo at sa tiyan. Nang hindi na makayanan ay agad akong nagtungo ng kusina at uminom ng maraming tubig. Ngunit parang maling ideya dahil isinuka ko lang din ang tubig na ininom ko.

Tangina, hindi na talaga ako iinom. Promise!

“Oh anong nangyari?” dinig kong sambit ni mama. Ramdam ko ang paglapit niya at saka bahagyang paghaplos sa aking likuran. “Ayan kasi, iinom-inom hindi naman pala kaya. Nako kayong mga bata talaga kayo!” pangangaral pa niya. Hindi ko na lang din masyadong inintindi dahil sobrang sakit ng ulo ko. Nananakit na rin ang sikmura ko kasusuka. Pakiramdam ko nga ay baka maisuka ko na rin ang mga laman-loob ko. “Oh siya saglit lang, gagawan kita ng maiinom.” dagdag pa ni mama at saka umalis sa tabi ko. Nang medyo mahimasmasan ay lumabas na ako ng kusina at nagtungo sa sala at nahiga sa sofa. Nakapikit akong hinahabol ang sariling hininga. Ilang sandali lang din ay lumabas na si mama dala ang isang tasa.

“Oh inumin mo itong salabat. Makatutulong yan sa pagtanggal ng sakit ng ulo.” abot ni mama sa tasa kasabay ng isang gamot. “Inumin mo na iyan habang mainit pa. Magluluto na ako nang maaga para makakain na rin kayo.” iyon lang at nagtungo na si mama ng kusina. Inumpisahan ko na ring inumin ang salabat na ginawa ni mama. Nang maubos ay kinuha ko ang tubig at saka ininom ang ibuprofen. Matapos non ay nahiga na ako, medyo kumalma na rin kaya hindi ko na rin namalayan na nakatulog ako. Nagising na lamang ako nang may kumakalabit sa sa paahan ko.

Nagmulat ako ng mata at agad na tumambad sa akin si Khim na napakalaki ng ngiti. Sobrang ayos din nito na akala mo ay hindi nagwala kagabi.

“Yuck! Weak ka pala eh. Tinalo ka pa namin ni Ahtisa hahahaha!” pang-aasar niya pa. Tinaasan ko lamang siya ng gitnang daliri. Natawa lamang siya. “Kumain ka na raw sabi ni tita, mauuna na rin kami ni Ahtisa. Sina Bryle at Phillip kanina pa nakaalis. Ginigising ka raw nila kanina pero ayaw mo magising. Oh siya, later na lang ulit. Babush!” paalam niya pa at sinenyasan ko na lang siya. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, mabuti’t hindi na sumasakit ang ulo ko.

Bumangon na ako at agad na nagtungo ng banyo para maligo. Ilang minuto lang din ay natapos na akong maligo. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras. Hindi ko napansin na maggagabi na pala. Bumaba na ako at saka nagtungo sa kusina. Parang ako lang ang nandito sa bahay. Hindi ko makita sila mama maging ang mga kapatid ko. Siguro iginala ni mama iyon sa bayan.

Matapos kong kumain ay muli akong nagtungo sa kwarto ko at nahiga. Kinuha ko ang phone ko at nagscroll sa fb, ig, tiktok, at x. Nang maburyo ay nagpalit ako ng damit at saka lumabas ng bahay.

Hindi na rin ako makatulog kaya pumunta na lang ako kina Bryle. Ngunit pagpunta ko ron ay umalis daw ito, pati sina Phillip,  Ahtisa at Khim. Nagpaalam na lang ako kay tita Mel. Madilim na rin ang labas. Tinatamad naman akong pumunta ng bayan ngayon. Napabuntong hininga na lamang ako sa kawalan ng magawa.

Habang binabagtas ang daan pauwi ay may nasalubong akong motor. Agad na nanlaki ang mata ko nang makita ang nagmamaneho nito. It was Cameron. Nakatingin din ito sa akin, pero hindi katulad kagabi na matalim. Malamlam ang mga mata nito. Hindi ko alam pero parang kumislap ang mga mata niya sa paningin ko. Nang makalagpas siya ay doon na ako nakatayo nang diretso. Hindi ko alam kung saan nagmumula iyon pero wala naman akong pakialam pa ron.

Bigla tuloy nanumbalik sa alaala ko ang mga naging usapan nila kagabi. Papaanong naging mortal na kaaway mi Bryle ang Cameron na iyon. Napaisip naman ako, siguro dahil sa mga contest na kagaya kagabi. Marahil ay ganon nga.

Iwinaglit ko na iyon sa isipan ko dahil wala naman akong pakialam sa pagitan nil. At isa pa, hindi ko naman kilala ang Cameron na iyon.

Nang makauwi sa bahay at nagkulong na lang ulit ako sa kwarto. Tamang scroll lang sa tiktok. Medyo natutuwa na rin ako magscroll dahil puro mga babae na ang nasa fyp ko ngayon.

Habang nanonood ay biglang lumabas si Yanna sa fyp ko. Nagulat ako at the same time ay natuwa rin.

Ini-stalk ko ang profile niya, mayroon siyang 500k+ na followers at higit na sa million ang likes. Hindi na iyon kataka-taka pa dahil sikat naman siya rito sa Magdalena. Mukhang sa ibang lugar din. Wala siyang gaanong video na solo niya, dahil mostly sa mga videos niya ay kasama niya ang banda niya na kumakanta at nagpe-perform.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti. Sobrang ganda ni Yanna sa paningin ko. Dahil don ay finollow ko siya hehe.  Nang wala na akong mapanood sa profile niya ay inistalk ko naman ang kaniyang ig at fb page. Doon ay mas natuwa ako dahil mas marami siyang picture na solo niya. Mostly naman ito ay shot niya habang kumakanta. Sa lahat ng anggulo ay maganda si Yanna. Dahilan kung bakit gusto ki lalo siyang makilala. Kaya finallow ko na rin lahat ng socials niya hehe. Imemessage ko pa sana kaso bigla akong nahiya kaya wag na lang siguro.

Hindi ko namalayan ang oras, nakauwi na rin sila mama galing ng bayan. Hindi na rin ako bumaba pa dahil tinatamad na rin ako. Bandang alas onse ay nakaramdam na ako ng antok. Pumasok ako ng banyo at saka nag halfbath. Matapos non ay nahiga na ako at pinatay ang ilaw.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Siguro mga 8 am na hehe. Pagkababa ko ng kusina ay nakita ko sila mama ron na nag-aalmusal. Kasama ang mga kapatid ko.

“Cj, kumain ka na rito. Sumabay ka na.” aya ni mama at nagtungo naman ako sa lamesa at hinalikan si mama maging ang bunso naming kapatid.

“Kuya papasok na ako sa school.” cute na sabi ng bunso namin. Natuwa naman ako at kinurot ko ang kaniyang pisngi.

“Talaga ba bunso? Baka umiyak ka sa school ah”

“Hindi kaya! I’m a big girl na.” tugon naman nito at saka muli ko siyang kunurot sa pisngi.

“Kaya dapat galingan mo sa schools. And always ka dapat nasagot sa mga questions ni teacher.”

“Yes, po kuya. I can write naman na po.” tugon naman nito. Hindi ko talaga maiwasang hindi matuwa sa bunso namin. 5 years old pa lamang ito ngunit tuwid nang magsalita. Marunong na ring magsulat at kahit papaano ay nakababasa na rin ng alphabet.

“Ikaw naman saan ka papasok?” tanong ko sa kapatid ko na sumunod sa akin. Senior high na rin kasi ito.

“Sa Buenavista, ayoko sa Annex. Mababa raw magbigay ng grades doon. Besides wala ring Humss doon.” Tugon naman nito

“Nye nye nye… gagala ka lang sa Buenavista eh. Gusto mo ng malayo ang school kasi makakagala ka.” pang-aasar ko at inirapan lang ako nito.

“Eh sa iyon naman talaga ang totoo dzuh!” Sagot pa nito. Inasar ko pa ito ngunit sinaway na kami ni mama.

“Maya-maya Cj, ipagbili mo ko sa bayan.”

“Sige po ma.” tugon ko matapos sumubo.

“Gamitin mo ang ebike natin para hindi ka na maglakad pa. Ubos na rin ang stock natin eh. Sa Dali ka na bumili.” dagdag pa ni mama at tumango na lang ako.

Matapos kumain ay nagpahinga ako saglit. Matapos magpahinga ay nagsabi na ako kay mama na aalis na ako. Ibinigay niya na sa akin ang mga listahan at ang pera. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan sina Khim at Ahtisa. Magpapasama sana ako sa kanila sa bayan. Matutuwa rin ang mga iyon dahil maglilibot kami. Pero hindi sila makakasama. Si Khim ay nakina Dustin, si Ahtisa naman ay lakad daw kasama ang mga kaibigan niya. Tinawagan ko rin sina Bryle at Phillip. Maging ang dalawa ay busy rin dahil nagpapraktis sila sa banda nila. Wala akong choice kundi ang pumunta na lang nang mag-isa.

Nagpaalam na ako kay mama at saka inilabas ang ebike. Ilang minuto lang din ay nasa kanto na ako ng Salasad. Pagkatawid ay paradahan ng jeep papuntang Sta. Cruz. Hindi ko alam kung bakit ako napatingin sa loob nang jeep. Halos manlaki naman ang mata ko nang biglang magtama ang mga mata namin ni Cameron. Sa gulat ay ako na mismo ang bumitas at saka nagmaneho papasok ng Poblacion.  Kahit saan ko na lang nakikita ang lalaking iyon. Dinaig pa ang may doubleganger eh. Doubleganger ba iyon? Basta wala akong pake!

Kabanata 5

Matapos kong maggrocery ay umuwi na ako agad. Wala naman akong kasamang maglibot eh. Pagkauwi ay inilapag ko na sa kusina ang mga pinamili ko. Si mama na rin daw ang mag-aayos non. Matapos maiayos sa lamesa ang mga pinamili ay nagtungo na ako ng kwarto at saka kinuha ang phone ko. Muli kong inistalk ang profile ni Yanna. Wala siyang bagong post sa kahit anong socials niya. Buryo akong nagscroll muli sa tiktok.

Maghapon akong walang ginawa. Halos tulog lang ako buong maghapon. Masyado akong nabuburyo kaya lumabas ako ng bahay para maglakad-lakad at magpahangin.

Madilim na rin dahil alas otso na ng gabi, katatapos ko lang din kumain. Pagkalabas ko ng bahay ay yinakap agad ako ng malamig at preskong hangin. Ang sarap nito sa pakiramdam kaya naglakad-lakad na ako.

Hindi pa man ako nakalalayo ng bahay ay biglang may nagbeep na motor sa likuran ko. Inis ko iyong nilingon at agad na nagtama ang paningin namin ni Cameron. Tinignan ko ang aking kinatatayuan, nasa gilid naman ako kaya wala siyang dapat na ikaingay jan.

“Problema mo?” angil ko, tinatago ang inis. Nagkibit balikat lang ito at saka kumaripas ng maneho.

Lakas ng amats non. Tangina niya!

Banas akong nagpatuloy sa paglalakad. Bandang kawayanan ay masyado nang madilim. Nakakatakot ang parteng ito rati dahil masyado talaga itong madilim dahil walang ilaw. Unlike ngayon na may mga kabahayanan na at may poultry na rin kaya medyo lumiwanag na rin. Pero ang tahimik nitong paligid ay nakakakilabot.

“Potangina mo!” bulalas ko nang may biglang nagbeep na naman na motor sa likuran ko. Hawak ang dibdib na tinignan ko ang may-ari ng motor na iyon.

“Kanina ka pa ah. Problema mo ba?” agad na sambit ko at kwinelyuhan siya. Ngumisi lang ito sa akin at bahagyang tinanggal ang kamay ko na nakakwelyo sa kaniya.

“Sa pagkakaalam ko wala akong kaso sayo at hindi kita kilala. Gago ka ba?” galit na sambit ko. Ang timpi ay naitatago pa. Hindi siya umimik sa kabila ng panghihimok ko. Nananatili siyang kalmado habang ako ay nanggagalit na. Sa sobrang inis ko ay tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakakwelyo sa kaniya at saka sinipa ang gulong ng motor niya dahilan para bahagya siyang matumba.

Matapos non ay bumalik na ako pauwi. Inis ko siyang pinakyuhan ng dalawa kong mga kamay. Kung pwede lang din siyang pakyuhan ng mga daliri ko sa paa ay nagawa ko na dahil sa sobrang gago niya.

Pagkauwi ay hinahapo akong naupo sa kwarto ko. Agad kong tinawagan si Khim ngunit nakapatay ang phone nito. Maging sina Ahtisa at ang dalawang kulogo.

Pinipilit kong alalahanin ang mga tagpo namin ng Cameron na iyon, alin man don ay wala akong makitang mali kaya wala akong maisip na dahilan para gaguhin niya ako nang ganoon kanina. Lakas ng sapak sa utak eh. Ulitin mo pa ’yon ay uupakan na talaga kita.

Kinabukasan ay wala akong sa mood. Ewan ko, kumpleto naman ako sa tulog pero para akong nababanas na hindi ko maintindihan. Dala pa rin siguro nung nangyari kagabi. Makita ko lang talaga ulit siya ay uupakan ko siya.

Alas nuebe na ng umaga nang ako ay bumaba. Wala na sa kusina si mama dahil kanina pa siya nakaluto kaya ako na lang ang kumain. Matapos kumain ay naligo na ako para kahit papaano ay mapreskuhan. Nang matapos ay humiga na ako at saka nagscroll na lang ulit sa fb, ig, tiktok, at x.

Agad kong naibaba ang phone ko nang may marinig na kumatok sa pinto. Tumayo ako at saka binuksan iyon. Tumambad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Khim.

“Nagalulu ka noh?” bungad na tanong nito at kinotongan ko naman siya

“Pinagsasabi mo? Numeron?” balik na tanong ko at napakamot naman siya sa parte na binatukan ko.

“Eh naka lock ang pinto mo eh. Sakit non ah!” nakangusong tugon naman nito. Tinaasan ko lamang ito ng gitnang daliri. “Sama talaga ng ugali neto.” bulong pa nito pero narinig ko naman. “Ligo raw tayong dam sabi nina Bryle at Phillip.”

“Yoko, nakaligo na ko eh. Tinatamad pati ako ang init oh!” Isinenyas ko pa ang bintana pero ’di naman ganoong kainit. Sakto lang.

“Ulul! Tara na, wag nang pakipot ok? Di ka yummy” nagpatianod na lang ako sa kaniya nang hilahin na niya ang kamay ko papalabas. Naiwanan ko rin ang phone ko dahil sa bubwit na ito.

“Titaa! Liligo lang kaming dam ah. Sama namin si Jade. Labyouuuu!” malakas na sigaw ni Khim at hindi na hinintay ang tugon ni mama. Eh kung batukan ko ulit ang babaeng ito?

Pagkalabas namin ng bahay ay nasa labas na ang tatlo. Pinakyuhan ko lang silang lahat at nagtawanan naman sila.

“Aga mo naman mabanas. Dinaig mo pa may mens ah.” pang-aasar ni Bryle. Tinaasan ko lang siya ng gitnang daliri.

“’Wag mong asaran yan, nabitin ang paglulu kaya ganyan. Hahahaha” dagdag na pang-aasar ni Khim at nagtawanan naman sila.

“Mga gago! Arat na mainit!”

Dalawang motor lang ang gamit namin. Bali tatlo kami sa iisang motor nina, Bryle at Ahtisa. Habang dalawa naman sa kabila sina Phillip at Khim. Ang kaartehan kasi ng babaeng iyon ay sobrang taas.

Mabilis magdrive si Bryle. Masyado siyang kaskasero. Pareho lang naman sila ni Phillip, kaya itong si Khim naman ay panay ang tili.

Masyadong malayo ang Balanac Dam, kailangan pa naming dumaan ng Bucal bago marating iyon. Pababa at mataas naman ang daan doon, lubak at masakit sa puwit. Lalo na’t dalawa kaming angkas ni Bryle. Bibili na nga rin ako ng motor.

Ilang saglit lang din ay narating na namin ang Dam. Wala masyadong tao dahil inaayos siya ngayon. Ewan ko ba, hindi na natapos sa kaaayos ang Dam na ito. Parang halos kada-taon ay inaayos ito eh. Di ko naman makita ang improvement.

Sa ibabang parte kami ng dam pumuwesto. Marami ring cottage ang nandito. 500 ang bawat isa, masyadong mahal ang renta. Sulit siguro ito kung buong pamilya kayo ang gagamit. Pero kung kagaya namin na ganito lang ang bilang ay lugi. Mabuti na lang din ay makapal ang mukha ng dalawang kulugo kaya nakilagay kami ng mga gamit namin sa cottage ng iba. Pero halos bag lang naman nina Khim at Ahtisa ang naroon. Di naman ako nakapagdala ng gamit dahil inakay na ako palabas ni Khim. Mabuti na lang din ay naka summer short ang gamit ko ngayon at longsleeve na black. Nagpahinga lang kami saglit at saglit ding umalis sina Bryle at Phillip. May bibilhin lang daw. Naiwan naman kaming tatlo. Pero ako na lang talaga ang naiwan kasi lumusong na ang dalawa dahil magpipictorial daw muna sila.

Dahil sa buryo ay lumapit na ako sa dalawa. Mabuti na lang din ay nakita ko ang salamin ni Phillip kaya ginamit ko muna iyon.

“Shuksss ang pogi naman natin.” papuri ni Ahtisa nang makarating ako sa puwesto nila. Masyadong malamig ang tubig, parang maya-maya lang din ay aahon na ako dahil di ko kaya ang lamig.

“Maliit na things.” biro ko at nagtawanan naman kami.

“Hoyy! Samahan mo ko rito!” sigaw ni Khim at pinuntahan ko naman siya sa kung nasaan siya ngayon. Malapit na sa dibdib niya ang tubig, dahil maliit siya at medyo matangkad ako sa kaniya ay hindi pantay sa amin ang lebel ng tubig. Kinuhaan kami ni Ahtisa ng pictures, solo ni Khim, solo ko, at dalawa kami ni Khim. Salitan din ang nangyari. Matapos kaming picturan ni Ahtisa ay siya naman ang kinuhanan ko. Solo niya at dalawa naman sila ni Khim. Ganoon din ang ginawa ni Khim. Bali nag picture kami ni Ahtisa at si Khim naman ang kumuha.

Masyadong tirik ang araw ngayon at dahil doon ay sobrang lamig ng tubig ang binibigay nito. Pakiramdam ko rin ay masusunog na ang mukha ko kaya bumalik muna ako sa cottage at naglagay ng sunscreen sa mukha na nakalimutan kong maglagay kanina.

Nang matapos ay inilibot ko muli ang aking mga mata. Masyadong maraming tao ang mga nasa cottage ngayon. Mostly mga magkakapamilya ang mga narito. Ang iba ay nagluluto pa at nag-iihaw ng isda at baboy. Ang bango, nagutom ako bigla. Napapikit pa ako nang maalalang wala pala akong dalang kahit na ano. Kung pwede ko lang talagang batukan ulit si Khim ay nagawa ko na. Kainis ang babaeng iyon!

Ilang saglit lang din ay dumating na ang dalawa na may dalang lambanog, yelo, pitsel, at snacks. Mukhang iinom na naman ang mga kumag.

“Pogi natin ah, salamat sa salamin ko.” bungad ni Phillip at nagtawanan naman kami.

“Iinom kayo?” tanong ko at kumunot naman ang noo ni Bryle.

“Hindi kayo, TAYO! Iinom tayo!” tugon ni Bryle at umiling naman ako.

“Yoko na uminom nyan. Kayo na lang.”

“Kj mo naman, dalawa lang to oh. May timpla naman itong lambanog eh. Bumili kami ng Iced tea sa Dali.” wala na rin akong nagawa pa dahil wala naman akong choice. Nang matimplahan ang lambanog na binili nila ay may dala silang maliit na cooler habang nasa may takip na pitsel naman nakalagay ang lambanog. Transparent ang pitsel kaya kitang-kita mo ang bula ng iced tea na inalog-alog ni. Bryle.

“Hindi ba sasakit tyan natin nyan?” tanong ko at natawan naman silang dalawa.

“Hindi yan! Masarap na nga yan eh. Hindi mo feel ang alak” tugon nito at saka naglagay ng alak sa maliit na baso. Siya ang unang uminom, sunod si Khim, Ahtisa, ako, at huli si Phillip. Ganyan ang rotation ng alak namin. Nang malakhog ko na ang alak ay nagulat ako dahil hindi nga ganoong kalasa ang alak.

“Angas ah.” sambit ko at natawa naman si Bryle.

“Sabi sayo eh.” aniya at saga tinagayan si Phillip na ngayon ay nakahubad na ang damit. “Pahawak nga rin neto.” abot sa akin ni Bryle ng pitsel. Kinuha ko naman iyon at saka siya naman ang naghubad. Tumambad tuloy ang katawan nilang hindi naman ganoong batak pero maganda ang katawan. Moreno ang dalawa, magkakasingtangkad lang kaming tatlo pero mas maputi ako sa kanila. Sakto lang din naman ang katawan ko unlike sa kanila na may build talaga. May build din naman ang akin pero di katulad ng kanila. Basta maganda rin ang katawan ko! Maputi pa!

Nang maubos ang isang pitsel ay inilagay muna ni Bryle sa cottage ang mga dala niya dahil lalangoy lang daw siya. Mabuti rin iyon dahil ayokong malasing ulit nang todo. Nang makabalik na si Bryle ay sila naman ang kinuhaan nina Ahtisa at Khim solo nilang dalawa ni Phillip at hanggang sa naging tatlo kami. Nagpapicture din kami nang buo, nasa gitna ako na pinaggigitnaan nina Khim at Ahtisa. Nasa kanan ko naman si Phillip habang sa kaliwa naman si Bryle. Basta nasa likuran kami ng dalawang babae.

Nang matapos ay tinago na rin muna ni Khim ang camera niya. Nang makabalik ay gusto niyang maglaro ng taya-tayaan. Naggame naman kami dahil lahat naman kami ay magagaling lumangoy. Unang naging taya si Phillip, hinabol niya si Ahtisa na ngayon ay nasa kabilang parte na ng ilog. Nakita niya naman si Khim na medyo malapit sa kaniya kaya hinabol niya ito pero agad din siyang natakasan ni Khim nang sabayan nito ang agos ng tubig mula sa itaas. Natatawa naman kami ni Bryle nang wala siyang nataya sa dalawang babae.

“Wala ka pala sa dalawa eh.” sigaw ni Bryle na ikinatawa namin.

“Wala weak! Mahina sa languyan. ’Di marunong sumisid!” pang-aasar ko rin at tinaasan niya lang ako ng gitnang daliri. Agad din akong kumilos nang bigla siyang gumawi sa kinalalagyan ko. Mabilis akong lumubob sa ilalim ng tubig at saka mabilis na lumangoy papalayo.

Pagkaahon ko ay biglang tumambad sa akin ang gulat na mukha ni Cameron. Konti na lang din kasi ay magdidikit na ang aming mukha. Sa gulat ko rin ay agad akong napalayo pero hindi ko rin inaasahan ang pagsunggab sa akin ni Phillip sa likuran ko kaya nang pagkatulak niya sa akin ay hindi agad ako nakapag react dahilan upang maitulak ako kay Cameron na agad ko ring nadaganan dahilan upang pareho kaming lumubog.

Kitang-kita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha nang magmulat ako ng aking mga mata. Nakahawak ako sa kaniyang dibdib ngayon na sobrang lakas ng tibok. Masyado na ring malapit ang mga mukha namin kaya nang makarecover ako ay binugahan ko siya ng hangin dahilan para mapapikit siya. Sinadya ko iyon para makalayo sa kaniya. Success naman dahil nakalayo ako. Agad na hinanap ng mata ko si Phillip na ngayon ay kasama na si Bryle at Khim na ngayon at tawa na nang tawa.

“Ayan kasi, hahahaha nanlalalaki pa eh.” pang-aasar pa nito. Naasar naman ako kaya agad akong lumangoy sa gawi nila na agad din naman silang lumangoy.

“Ano boi, habol!” rinig ko pang pang-aasar ni Bryle. Napapikit naman ako sa inis.

“Lover boii look, I’m here oh!” napatingin ako sa sigaw na ’yon ni Khim. Pati siya ay nakisawsaw sa pang-aasar.

“Eh kung lunurin ko kayo?” asar na sigaw ko sa kanila. Natawa naman sila

“’Ge kung mahabol mo kami!” Sigaw din ni Phillip habang nakadila pa.

Tangina niyo!

Kabanata 6

“Ano boi? Habol aba!” dinig kong sigaw ni Bryle. Medyo malapit siya sa akin kaya naman lumubog ako at saka mabilis na lumangoy sa gawi niya. Kita ko naman ang paglangoy niya papalayo pero mas binilisan ko ang paglangoy ko. Sumabay din siya sa agos ng tubig. At ganon din ang ginawa ko dahilan upang maabot ko ang paa niya.

“Pakyuu!! Hahahaha habol langoy palaka!” pang-aasar ko at pinakyuhan niya rin ako.

“Wala ka pala eh, habol boii!” pang-aalaska ko rin sa kaniya. Natatawa lamang itong umiling-iling. Nakita niyang malapit sa kaniya si Ahtisa kaya tinaya niya ito. Mabilis ding lumangoy si Ahtisa upang tayain si Khim na agad niya ring nataya.

“Ano ne! Haboll!” balik na pang-aasar ko kay Khim. Pinakyuhan lang din ako nito at saka lumangoy sa gawi ko. Mabilis naman akong lumangoy at tumawid sa kabilang parte ng ilog na kung saan naroon si Bryle. Nang walang mahabol si Khim ay bigla itong umahon at naglagay ng tuwalya sa katawan.

“Ayoko na!” Sigaw niya dahilan upang magtawanan kaming lahat.

“Wala ka pala ne eh. Wala weak… weak!… bwahahaha!” pang-aasar ko pa lalo dahilan upang ikabusangot ng mukha niya. Sumang-ayon na rin kami dahil napapagod na rin kami. Umahon ako at umupo sa bato na katabi ng inuupuan ni Bryle. Nakita ko siyang tahimik at nakatulala kaya pinagmasdan ko ang pinakatitigan niya. Umagaw ng pansin ko ang natayong si Cameron. Naka longsleeve siya na puti na fitted sa kaniyang katawan. Lalong humulma ang katawan niya sa suot niyang fitted na longsleeve at dahil basa rin siya kaya umbok ang kaniyang abs.

Bading ata ito eh. Sambit ko nang makita itong masayang nakipagbasaan ng tubig sa isang lalaki. Inalis ko ang tingin ko kay Cameron dahil nababanas pa ako sa kaniya. Malapit na rin kasi siyang buminggo sa akin eh. Inilibot ko muli ang aking mga mata at doon ko nakita si Yanna. Agad na nabuhayan ako ng dugo nang makita ang nakangiting si Yanna. Napangiti tuloy ako dahil sa pagkakangiti niya. Hawak na niya ngayon ang mic at maliit na speaker. Mukhang kakanta siya. Hindi nga ako nagkamali dahil kumanta nga siya. Ang kinakanta niya ngayon ay ang kanta ni Sam Concepcion na Mahal na mahal. Napangiti ako sa paraan ng pagkakangiti niya. Enjoy na enjoy niya ang pagkanta. Narinig ko ang paghagikgik ni Bryle. Napatingin naman ako sa kaniya. Para siyang tangang nakangiti rin sa kawalan. Tinignan ko ang tinitignan niya, at doon ko nakita na nakatingin din siya kay Yanna. Napakunot ako ng noo pero hindi ko na lang iyon pinansin. Baka kasi nagkakamali lang din ako eh. Nagdive na lang ako sa tubig at bumalik sa puwesto namin nang maramdaman ang init sa aking balat.

“Oh!” abot sa akin ni Khim ng isang tuwalya. May balot na rin na tuwalya si Ahtisa. Habang si Phillip naman ay nakikipaglaro ng volleyball sa mga nasa ilog. Binalot ko ng tuwalya ang katawan ko, ewan ko pakiramdam ko ay bigla akong nanluma nang makitang nakatingin si Bryle kay Yanna. Gusto ko siyang tanungin pero nahihiya naman akong tanungin siya.

“Ano palang meron kina Bryle at Yanna?” biglang tanong ko. Di na nakayanan ang kuryusidad. Napatikhim naman sina Khim at Ahtisa.

“Shh ka lang ahh” mahinang tugon ni Khim. Lumapit naman ako para lalong marinig ang sasabihin niya.

“Ano kasi, si Yanna at Bryle na.” agad na nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon. Para akong binagsakan ng yelo sa sandaling ito. “Ang kaso, ayaw pa kasi ng family niya na magjowa siya kaya patago rin sila kung magkita. Ayaw rin kasi ng kuya ni Yanna kay Bryle. Masyado raw kasing babaero tho ’di naman talaga babaero si Bryle. You know that naman.” mahabang paliwanag ni Khim. Napabuntong hininga naman ako. “Kung balak mong umeksena kay Yanna, huwag na. Bounce ka na dahil si Bryle lang ang mahal non.” nakita ko ang naniningkit na mata ni Khim. Mukhang nahalata niyang gusto ko si Yanna. Muli akong napabuntong hininga. Medyo nalulungkot ako para sa sarili ko dahil umasa ako. De joke, pero natutuwa ako dahil kay Bryle siya masaya at ganoon din ako kay Bryle. Siguro nakakalungkot lang dahil sa sitwasyon nila.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapatingin kay Bryle na todo ang ngiti habang nakamasid kay Yanna. Para siyang baliw ron. Mainit na rin doon pero hindi niya alintana ang init, mapagmasdan lang si Yanna.

He’s damn crazy!

Hindi bali, hahanap na lang ako ng bagong chicks. Yung mas maganda pa kay Yanna, at mas talented hehe.

“Nagugutom na ako” sambit ko. Napatingin naman ang dalawa sa akin.

“Ako rin! Tagal naman ng kasama nina Bryle” segunda naman ni Ahtisa.

“Kasama?” tanong ko at tumango naman ito.

“Oums, maliligo rin mga kabanda nila eh. Post-celeb.”

“I see,” hindi na talaga kaya ng tiyan ko ang gutom. Kinuha ko ang pinaglagyan nila ng mga pagkain kanina. Mabuti’t may dalawa pang chichirya ron. Kinuha ko iyon at ibinigay ang isa kay Ahtisa. Inalok ko naman si Khim ng hawak ko pero busog pa raw siya. Mabuti naman dahil kulang sa akin ito.

Ilang sandali pa ay dumating na ang mga kabanda nina Bryle at Phillip. Umahon na rin si Phillip maging si Bryle upang tulungang maghakot ng mga pagkain ang kasama nila. Lumipat na rin kami ng cottage. Malapit na kami sa ilog mismo, katabi naman namin ang cottage na pinag-stayan nina Yanna.

Nang maayos na ang lahat ay kumain na rin kami. Kaming dalawa ni Ahtisa ang naunang sumandok. Gutom na rin kasi talaga ako. Si Khim naman ay mukhang busog na busog. Katabi ba naman si Dustin eh. Si Phillip naman ay kumakain na rin habang si Bryle naman ay inaayos ang pag-iihawan nila ng isda. Mukhang iinom na naman ang mga mokong.

“Kain pa, may pagkain pa rito oh.” dinig kong alok ni Ced kay Ahtisa, nginitian lang siya nito. Natawa ako sa iniasta ni Ahtisa. ’Di niya siguro trip ang lalaki kaya ganyan.

“Dre, may shanghai pa oh.” hindi na ako nag-atubli pa nang iabot sa akin ni Jed ang bilao ng shanghai. Kumuha ako ron ng limang piraso at saka nilagyan iyon ng sauce.

Masydong masarap ang pagkakaluto ng shanghai. Malutong siya at hindi siya ganoon ka salty.

“Sarap ng shanghai ah.” sambit ko at natawa naman si Jed.

“Ako nagluto nyan eh” nanlaki ang mata ko. Wala sa itsura niya na masarap siyang magluto.

“Ows, galing mo bro. Sarap nito pati itong sauce na ito.” Turo ko sa sweet chili sauce. Hindi kasi ito ganoong maanghang. Matamis siya at sakto rin ang asim.

“Maliit na bagay, kain ka pa.” nahihiyang aniya at inabot sa akin ang menudo na agad ko ring kinuha. Kumuha pa ako ulit ng kanin. Nakita naman ako ni Ahtisa pero nilakihan ko lang ito ng mata.

“Dahan-dahan Jade aba!” suway nito sa akin pero nginuyaan ko lang ito ng shanghai.

Nang matapos ay hindi na ako makahinga sa kabusugan. Masyadong masarap ang pagkakaluto lalo na ng caldereta. Fave ko kasi ang caldereta, pero mas fave ko lahat ng luto ni mama. Namangha rin ako kay Jed dahil siya lang daw ang nagluto ng lahat ng ito. Nakamamangha dahil hindi ko talaga nakikitaan na nagluluto siya. Papaturo nga rin ako minsan.

“Ano hindi na makahinga?” nakangiwing tanong ni Ahtisa. Nginusuan ko lang ito. “Napakatakaw kasi, oh” abot niya sa akin ng isang lemonade.

Hindi ko alam kung may paglalagyan pa ang iinom kong ito sa tiyan ko, pero since lemon naman ito ay wala naman sigurong problema.

Ilang saglit pa ay bigla akong nakaramdam ng antok. Medyo busog pa ako kaya hindi pa ako pwedeng matulog. Tumayo ako at saka muling lumusong sa ilog. Tirik na tirik pa rin ang araw at ganoon pa rin kaginaw ang tubig. Pero kung ilulubog mo naman ang buo mong katawan ay hindi ka lalamigin. Pero kapag once na iangat mo ang katawan mo ay lalamigin ka talaga.

Lumangoy ako sa parteng gitna ng ilog na kung saan ay naroon ang agos. Napansin ko rin kasing parang may bato ron sa gitna dahil iba ang ano ano bang tawag don? Basta ung wave niya ron sa gitna. Nilangoy ko iyon at hindi nga ako nagkamali dahil may malaking bato ron na pumipigil sa ilalim ng tubig. Nagstay ako ron ng ilang minuto. Nagpaikot-ikot at nag floating habang sinasabayan ang agos ng tubig.

Habang sinasabayan ang agos ay bigla akong napatingin sa gawing kaliwa ko. Halos lumubog ako sa gulat nang biglang nagsalubong ang mga mata namin ni Cameron. Sinamaan ko lamang ito ng tingin at hindi na pinagtuunan pa ng pansin. Nang maramdamang bumaba na ang kinain ay lumangoy na ako pabalik at saka kinuha ang tuwalya at nagpatuyo.

Nakaupo na ang lahat, ang cottage ay may malaking lamesa sa gitna habang pinalilibutan ng mga kawayan na mauupuan at pwede ring higaan. Kinuha ko ang bag ni Khim na puno ng damit niya at iyon ang ginawa kong unan. Ewan ko ba sa babaeng iyon, maliligo lang ng dam pero kung magdala ng damit akala mo isang linggo ang outing. Kaarethan na lang talaga.

Gamit ang tuwalya ay kinumot ko iyon, tinakluban ko naman ng panyo ang mukha ko dahil baka makita nila akong nakanganga kung matulog eh. Mahirap na dahil baka makuhanan pa ng litrato. Mga adik pa naman ’yan sila.

Lumipas ang ilang minuto ngunit hindi ako makatulog dahil ang init. Pinagpapawisan ang katawan ko at hirap din akong huminga dahil sa tabing na nasa mukha ko. Tinanggal ko ang panyo sa mukha ko at saka tumayo. Uminom na lang ako ng tubig at saka tinignan na lang ang mga ginagawa nila.

Lima na lang kami ang narito sa cottage dahil sina Dustin at Khim ay nasa ilog na at naglalandian. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mainggit. Kung may bebe lang din siguro ako hindi lang ganyan ang gagawin namin. Hayts!

“Hindi ka makatulog?” tanong ni Bryle at tumango naman ako.

“Ang init eh, nakakabanas!” reklamo ko at natawa naman siya. Kasalukuyan niyang pinapaypayan ang iniihaw niyang tilapia.

“Gusto mo mauna ka nang umuwi. Gamitin mo na lang ang motor ko, makikisabay na lang kami ni Ahtisa sa ebike ni Jed.” alok ni Bryle at umiling naman ako bilang pagtanggi.

“Hindi na, wala rin naman akong gagawin sa bahay eh.” tangging tugon ko at tumango na lang siya at saka nagfocus sa ginagawa.

“Lapit na magstart ang class, hindi pa ako ready!” sambit ni Ahtisa out of nowhere. Napaisip naman ako. By August na pala magstart ang klase. Nawala sa isip ko iyon. May isang linggo pa bago sumapit ang August. Shucks! Hindi pa ako nakakapag advance reading shit!

Kahit loko-loko ako ay hindi ko naman pinababayaan ang mga paper works ko. Persistent dean’s list ako noong nasa Manila ako. Grumaduate rin ako ng senior high school nang may pinamakataas na karangalan at ganoon din nung high school ako.

“Kailan ka pala bibili ng motor Jade?” tanong ni Phillip. Nagkibit-balikat naman ako.

“Dunno lang, hindi ko pa nakakausap si mama eh.” tugon ko. Nawala rin sa isio ko iyon. Mahirap pa naman mag-commute ngayon dahil sa sinira na kalsada sa Cabanbanan at Buenavista. Masyado ring mahal ang pamasahe unlike sa Manila na 11 pesos. Dito kasi ay 20 pesos eh, student discounted na plus yung sasakyan pa papunta LSPU.

“Sabihan mo na lang ako para maireccomens ko sayo ’yung shop ng kaibigan ko.” muling sambit ni Phillip at tumango na lang ako.

Lumipas ang oras at binabalot na ako ng kaburyuhan. Kung nasa akin kang kasi ang phone ko ay hindi ako makararamdam ng buryo ngayon. Sarap lang talagang kotongan ni Khim eh.

“Tahimik mo ata.” puna ni Jed na naupo pa sa kabilang upuan.

“Nabuburyo na nga eh. Sarap batukan kasi ni Khim.”

“Ows, bakit anong meron kay Khim if you don’t mind?” isyoso niya. Napapikit naman ako dahil ayokong magkwento dahil tinatamad ako pero mukhang wala akong choice dahil maganda naman ang approached niya. Nakakahiua naman kung hindi ko sasagutin, baka isipin pa nito ay suplado ako. Minsan lang naman.

“Nah, goods lang. Bigla kasing nag-aya na maligo ngayon. Hindi pa ako nakakapag-ayos nang hilahin na niya ako palabas kanina eh. Naiwanan ko pa ang phone ko kaya wala akong mapaglibangan ngayon. Wala tuloy akong makitan update sa mga babae ko hehe.” mahabang paliwanag ko at natawa naman siya.

“Chickboi naman pala ang oat eh haha. Penge namang chicks jan bro!” Biro nito at nakitawa naman ako.

“Wala na nga ring chicks eh. Kaya buryo na rin ako sa bahay. Panay na lang ang scroll ko buong maghapon.”

“Same here, halos wala na rin akong magawa sa bahay eh. Parang ginawa ko na nga ring kwarto ko ang kusina namin dahil sa pag-imbento ng mga pwedeng lutuin haha.” natutuwa ako kay Jed dahil hindi mo mababakasan ang kayabangan sa kaniya. Masyado siyang humble na tayo hindi katulad ko na mas mahangin pa sa hangin. Magaan din siyang kausap kaya hindi naman ako nakaramdam ng kahit na anong feeling na awkward.

“What’s your program nga ulit? I forgot na rin eh haha.” muling tanong nito. Hindi ko rin maalala kung nagtanong na sila or sinabi ko na ba sa kanila.

“BSIT, ikaw ba?”

“Crim naman ako sa Union. Dalawa kami ni Ced. Actually magkaklase kaming tatlo nina Ced at Phillip.” napatango na lang ako sa tugon niya. Nauubusan na rin kasi ako ng sasabihin.

“I see, buti nakayanan mong tiisin ang ugali ng kuluga na yan.” baling ko kay Phillip na nakataas na ang kilay sa akin at nakataas na ang dalawang gitnang daliri. Pinakyuhan ko rin siya bilang tugon.

“Sorry… sorry… love language na kasi naming magpipinsan ang pakyuhin ang isa’t isa.” natawa naman siya sa sinabi ko. Napaisip ako kung joke ba iyon pero di ko na lang inisip iyon.

“It’s kinda cute nga eh. Kasi kaming magpipinsan hindi ganiyan. I have cousins din naman pero di kami katulad niyong lima na closed sa isa’t isa”

“I see, lumaki na rin kasi kaming magkakasama kaya ganito kami. Ako na nga lang nagsasawa sa mga ugali ng mga unggoy na yan eh.”

“Hoy! Pakyu ka! Mas mukha kang gorilla kaysa sa akin gague!” natawa naman kami sa sigaw ni Bryle. Narinig niya pala ang sinabi ko.

“Ulul! Ikaw ang leader namin!”

“Love language niyo nga iyan ano? Haha angas.” Marami pa kaming pinag-usapan ni Jade. Natutuwa ako dahil masyado siyang madaldal pero ayos lang din dahil nawala ang pagkaburyo ko.

“Hoy Ced! Ikaw na ang magtimpla nito.” sigaw ni Bryle tinignan lang siya ni Ced.

“Kaya mo na yan, tinatamad ako eh.” tanggi naman nito pero inilapit naman ni Bryle sa kaniya ang gin at iced tea.

“Bakit kasi ito ang binili niyo? Sinabing alfonso at coke na lang eh.” reklamo ni Ced

“Meron jan, sayang kasi to baka hindi magalaw.” tugon naman ni Bryle

“Magagalaw yan. Anjan ka eh hahaha.”

“Tangina mo! Dalian mo na.” utos muli ni Bryle at kinuha naman ito ni Ced pero agad ding itinago at saka inilabas ang alfonso at coke.

“Ganon din naman eh, malasing kung malasing!” sigaw nito at saka binuksan ang alfonso at coke. Naglagay na siya ng yelo sa plastic cup at inumpisahan ang pag-ikot. Siya ang unang uminom, sumunod si Bryle, pangatlo naman si Jed, sumunod ako, si Ahtisa at panghuli si Phillip.

Unang laghok ko pa lang ay gumuhit na agad sa lalamunan ko ang pait ng alfonso. Mabuti na lang din ay may coke kaya medyo nabawasan. Halos nakalahati na namin ang bote ng alfonso. Masyado na rin silang maingay. Kanina pa nagbabangayan sina Phillip, Ced, at Bryle.

“Ulul! Akala mo hindi kita nakita na may kahalikan ka sa campus!” pang-aalaska ni Ced kay Phillip na agad naman siyang pinakyuhan.

“Pag-inggit pikit ok? Di ka kasi lapitin ng babae eh.” balik na asar ni Phillip at nagtawanan naman sila.

“Ulul! Halos kalahati na sa accounting sa campus natikman ko na.” pagmamalaki naman ni Ced na ikinabusangot ng mukha ko.

Kailangan ba talagang ipagmalaki iyon? Ako nga hindi ko pa naioopen up sa mga kaibigan ko sa Manila na nagkalat ang babae ko sa campus eh.

Dahil sa irita ay pinakatitigan ko si Ced. Hindi na ako nagtataka kung bakit ayaw sa kaniya ni Ahtisa. May itsura din naman siya. Medyo chubby pero hindi ganoon kalakas ang dating. May pumapatol pala sa isang to. Baba ng standards napangisi ako sa sariling isipin. Masyado rin kasi akong nayayabangan kay Ced na hindi katulad ni Jed.

Nagpatuloy sila sa pag-aasaran, medyo naririndi na rin ako. Hindi ko na rin kasi kaya ang tabas ng bibig ni Ced eh. Baka masapok ko lang siya.

Aaminin ko na babaero ako, pero never ko namang pinangalandakan na marami akong babae, at natikman ko na si ganito si ganiyan. Napapataas talaga ang kilay ko sa mga ganiyang uri ng lalaki. Kadiri!

Tumayo ako at ganoon din si Ahtisa. Siguro nababanas na rin iyon kaya nanguna nang lumusong. Medyo wala na rin ang araw kaya hindi na ganoon kalamig ang tubig.

Ganitong temperature ang gusto ko. Mas nag-eenjoy ako sa ganito. Muli akong lumangoy sa gitnang parte ng ilog at muling hinanap ang bato. Medyo lumalakas na rin ang agos ng tubig ngayon kaya medyo natatangay ako kaya ilang beses pa akong nagpaulit-ulit hanggang sa natunton ko na ang batong tinungtungan ko kanina.

Pagkatapak ko ay sinalubong ko payakap ang agos ng tubig dahilan upang makabuo ako ng wave na sumasalubong sa agos ng tubig. Ilang beses ko iyong ginawa hanggang sa magsawa ako at nagfloating na lang.

Medyo nahimasmasan na rin ako sa mga sandaling ito kaya inenjoy ko na lang din ang init ng tubig.

Wala na rin masyadong tao unlike kanina. Siguro ay nagsiuwian na rin dahil gabi na.

“Tangina!” sambit ko nang bigla akong lumubog sa tubig. Hindi ko alam na may bubunggo sa akin na salbabida dahil nga sa nagfofloating ako. Nawala tuloy ako sa bato na tinutungtungan ko dahilan upang maagos ako papalayo.

Lumubog ako sa tubig at lumihis pakanan upang hindi masabayan ang agos ng tubig. Nang makarating sa mababaw na parte ng ilog ay sinulyapan ko ang taong sakay ng salbabidang iyon. Mabilis na nangunot ang noo ko nang makitang si Cameron ang sakay non.

Agad na kumulo ang dugo ko at saka mabilis na pumunta sa gawi niya at agad siyang sinuntok. Kita ko ang gulat sa ekspresyon ng mukha niya. Agad ding nawala iyon at bigla na namang nawalan ng ekspresyon.

“Tarantado ka ah, kagabi ka pa ah!” sigaw ko at mabilis siyang kwinelyuhan. “Nagtitimpi ako sayo kagabi dahil hindi ko alam ang trip mo.” Hinihingil na sigaw ko ulit. Naagaw naman namin ang atensyon ng mga naliligo rin sa lugar. Dinig ko pa ang mga bulong-bulungan nilang ‘ano raw ang nangyari’ muli ko pa sana siyang susunggaban nang may humawak sa aking mga kamay.

“Jade tama na.” mahinanong sambit ni Bryle at marahang tinanggal ang pagkakakwelyo ko kay Cameron.

“You talk like you’re the victim, but your hands aren’t clean either.” Saglit na katahimikan na mas maingay pa sa sigaw ang namutawi sa paligid nang bitawan niya iyon. Hindi siya nakatitig ng matagal, parang ayaw sayangin ang tingin. Napaatras ako nang  bahagya. Napatikom ang bibig, tila nalunok ang galit. Ramdam ang pagtagos ng linya. Napailing ako, pero wala nang nasabi. Ngayon ko lamang iyon naramdaman. Hindi ko alam kung bakit at kung paano. Iyon lamang ang binitwan niyang salita pero bigla akong natahimik.

Kabanata 7

“Ano ba kasi ang nangyari?” dinig kong tanong ni Khim

“Hindi ko nga alam ok? Nagulat na lang din kami nang biglang nagkagulo sa labas.” tugon naman ni Bryle. Dinig ko ang buntong hininga niya.

“Eh bakit ba kasi hindi mo alam?” muling tanong ni Khim na lalong ikinabuntong hininga ni Bryle.

“Hindi ko nga alam ok? Tatlo kaming nainom dito nang lumabas si Jade. Then biglang nagkaganyan. Nagulat na lang din ako nang makitang may bangas na ang mukha nung Cameron na iyon.” paliwanag ni Bryle at napabuntong hininga naman si Khim. Tahimik lang akong nakaupo rito. Hindi nagsasalita. Pinakikiramdaman ang paligid.

“Eh bakit mo ba kasi sinuntok yon?” baling sa akin ni Khim. Halata ang inis sa tono. Hindi pa rin ako umimik. Hinahayaang kumalma ang sarili. Wala akong makitang may mali sa ginawa ko. Sumobra na ang taong iyon eh.

“Nakausap ko na si Cameron. Humingi na rin ako ng sorry on behalf nitong si Jade.” pasok ni Ahtisa. Napatingin naman sa kaniya ang lahat habang ako ay nananatiling nakatungo. “Nagpo-floating daw itong si Jade sa gitna ng ilog. Di naman daw sinasadya nung pinsan ni Cameron na madanggi siya dahilan para lumubog si Jade sa tubig. Hihingi naman daw ng sorry ’yung pinsan ni Cameron pero nawala agad si Jade. Then saktong si Cameron ang nakita niyang nakasakay sa salbabida at inakala niya raw na siya ang bumangga sa kaniya kaya siguro ganyan ang naging reaksyon niyong si Jade. Nagulat na lang din daw siya nang galit itong lumapit sa kaniya at bigla siyang sinapak at kwinelyuhan.” mahabang kwento ni Ahtisa. Hindi naman ako nakaramdam ng kahit anong guilt sa loob ko dahil deserve naman ng kumag na ’yon ang masapak.

“For real?” ’di makapaniwalang sambit ni Khim na tumingin pa sa gawi ko. “Baka may malalim ka pang dahilan kung bakit mo nagawa iyon Jade? Hindi naman sa inaano kita pero ang babaw kasi nung ginawa mo. Wala akong kinakampihan sa inyo dahil hindi ko naman alam kung sino ang mali.” mahinahong sambit ni Khim. Sa mga ganitong pangyayari ay tiklop kaming tatlo nina Bryle, at Phillip. Palagi silang ganito ni Ahtisa sa tuwing napapa-trouble kaming tatlo. Hindi naman ako nakaramdam ng inis sa mga pinagsasabi nila. Alam ko rin ang mali ko dahil hindi ko rin inalam muna ang totoo.

“Kagabi kasi, naglalakad ako bigla niya akong binusinahan. Nasa gilid ako ng kalsada at hindi naman ako nakaharang sa gitna kaya wala akong makitang dahilan para businahan niya ako ng ganon. Pinalagpas ko iyon kagabi. Pero nang nasa kawayanan na ako ay binusinahan niya ulit ako dahilan para magitla ako. Nasipa ko pa nga ang motor niya eh.” mahabang kwento ko. Nasapo naman ni Khim ang kaniyang noo habang iiling-iling naman ang tatlo.

“Sabi na eh, may mabigat pa na dahilan kaya nagawa mo iyon. Hindi mo ba siya tinanong kung bakit niya ginawa ’yon?” muling tanong ni Khim at umiling naman ako. Namutawi ang katahimikan ng paligid. Hanggang sa basagin ito ni Phillip.

“Oh siya, hayaan na natin iyan. Hindi naman na mababalik ang pagkasapak ni Jade sa Cameron na iyon. Uminom na ulit tayo!” sambit ni Phillip na kinuha ang alfonso at coke.

“Yan! Tinotolerate mo ang ganyang ugali.” inis na sambit ni Khim at inalo naman siya ni Dustin. Hindi na siya pinansin ni Phillip at nagpaikot na lang ulit siya ng tagay.

Nag-umpisa na silang mag-ingay hanggang sa ilabas na ni Ced ang speaker nitong may mic. Nag-umpisa na silang kumanta.

Tahimik pa rin ako rito, sumagi pa rin sa akin ang sinabi ni Cameron. Masyado iyong mariin. Hindi ko maintindihan.

Iwinaglit ko na lang iyon sa isip ko at saka inilibot na lang muli ang mata. Magkatabi lang pala kami ng cottage nila Cameron kaya agad na napunta sa kaniya ang tingin ko sa mga sandaling ito.

Nakaupo siya habang hinahaplusan ng bimpo na mukhang may yelo ng lalaking kaharutan niya kanina. Hindi ko alam pero nakaramdam na naman ako ng inis sa pagkakataong ito.

Ipinikit ko ang aking mga mata at malalim na bumuntong hininga. Pagmulat ko ay agad na nagtama ang aming mga mata ni Cameron. Malamlam ang mga mata niya pero inis ko lang itong pinasiringan ng tingin.

Matinding buryo ang nararamdaman ko sa mga oras na ito kaya napagdesisyonan ko na lang na umuwi. Tumayo ako at nagpaalam na sa kanila.

“Sure ka kaya mo?” nag-aalalang tanong ni Bryle at tumango naman ako bilang pagtugon.

“Oums, kaya ko naman. Hiramin ko muna motor mo ah.”

“Sige sige… mag-iingat ka. Chat ka na lang kapag nakauwi ka na.”

“Sige, salamat!” matapos kong makipag fist bomb sa kaniya ay umakap naman ako kina Khim at Ahtisa.

“Sorry, Jade.” si Khim. Tumango naman ako.

“Baliw ayos lang”

“Mag-iingat ka!”

“Pakyu! Kala mo luluwas ng Manila eh.” biro ko at nagtawanan naman kami. Nakipag kamay din ako kina Jed at Ced at nagpasalamat na rin at humingi ng sorry.

Naglakad na ako palabas ng cottage at saka umahon. Nasa ibabang parte kasi ang ilog na kumukonekta sa dam. Naglakad ako papuntang parking at saka hinanap ang motor ni Bryle. Pagkasakay ko ay napalingon ako sa kabilang side ko at doon nakita ko si Cameron na nagsusuot ng helmet.

Inismiran ko na lang ito at hindi na pinansin pa. Pagkastart ko ng motor ay umalis na ako. Ilang minuto lang din ang biniyahe ko dahil sa bilis kong magpatakbo. Ang sarap ng hangin kapag ganitong oras. Pakiramdam ko ay gumaan ang loob ko matapos kong magdrive. Napapapikit pa ako habang mabilis na nagmaneho sa highway.

Nang makarating sa bahay ay naabutan ko si mama sa sala nanonood. Humalik ako sa pisngi nito at saka nagtungo na sa kwarto. Inalok niya pa ako na kumain na pero tumanggi ako dahil busog pa naman ako and wala na ring ganang kumain.

Pagkapasok ko ng kwarto ay agad na naghubad ng damit at saka nagtungo sa banyo. Binuksan ang shower at hinayaang balutin ng tubig ang buong katawan. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nagtagal sa banyo. Masyadong lubog ang isip ko sa hindi ko malamang dahilan. Siguro dahil sa pagod at sa alak. Marahil ay ganoon nga.

Pagkatapos kong maligo ay hindi na ako nakapagdamit pa. Tanging boxer na lamang ang suot ko at saka nahiga. Hindi alintana ang basang buhok.

Ipinikit ko ang aking mga mata at sa hindi inaasahan ay nakita ko ang mukha ni Cameron na malamlam. Hindi ko alam pero nagulat ako ron. Inis akong dumilat ng mata dahil sa banas sa mukha ng lalaking iyon.

Dahil sa kawalang magawa ay kinuha ko na lang ang phone ko at nagscroll. Lumabas naman sa timeline ko si Yanna at bigla ko tuloy naalala ang namamagitan sa kanila ni Bryle. Tinap ko ang profile ni Yanna at saka pinundot ang unfollow. Ganon ang ginawa ko sa lahat ng socials niya. Hindi naman ako bitter, para ito sa peace ko.

Hindi bale, later on magkakaron na rin naman ako ng babae. Sumapit lang ang pasukan, bobomba ako.

Dahil sa buryo ay tumambay ako sa x na madalas kong ginagawa. Halos nagsasawa na rin ako sa mga video rito dahil paulit-ulit na lang din. Wala ring bagong viral kaya nagtungo na lang ako sa nga sites. Pero agad ding umalis dahil naburyo. Hayts, namiss ko tuloy ang dati kong ginagawa.

Hirap din kasi rito. Bukod sa malayo sa kabihasnan, wala rin masiyadong pwedeng pagtambayan. Literal na probinsya lang siya. Tahimik, kakaunti ang mga pasilidad, ni building nga ay wala ka ritong makikita. May mga bahay na nagtataasan pero hindi naman aabot sa tatlong palapag. Mas marami pa rin ang puno at mas malawak pa rin ang palayan.

Napabuntong hininga na lamang ako at saka hinimas ang aking alaga na hindi naman nagising. Pagod lang siguro  ako kaya ganito.

Alas dose na ng gabi nang makita ko ang oras sa phone ko. Medyo nakakaramdam na rin ako ng antok kaya chinarge ko na ang phone ko at ipinikit ang aking mga mata.

Kinabukasan, para akong lutang. Maayos naman ang tulog ko pero parang kulang pa rin. Marahil ay pagod kaya ganito na lamang ang nararamdaman ko. Bumaba ako ng kusina at saka uminom ng tubig. Naluluha rin ang mata ko, mukhang sisipunin pa ata ako dahil kanina pa ako bahing nang bahing.

“Ayos ka lang ba Cj?” nag-aalalang tanong ni mama at tumango naman ako. Kinuha ko ang gamot sa itaas ng ref at agad na ininom.

“Nabigla ata iyang katawan mo sa ilog kaya ganiyan. Uminom ka rin ng paracetamol mamaya kapag pakiramdam mo ay nilalamig ka. Magpahinga ka na rin muna.” gaya ng sinabi ni mama ay umakyat na ako sa kwarto ko at muling nahiga. Agad akong nakaramdam ng antok kaya ipinikit ko ang aking mga mata at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Ala una na nang ako ay magising. Mabuti’t hindi ako nilagnat pero bahing pa rin ako nang bahing.

“Kumusta na pakiramdam mo?” tanong ni mama nang makita akong pababa sa hagdan

“Ayos naman po ma, bahing lang ako nang bahing. Dahil siguro sa lamig ng tubig kahapon.”

“Ipahinga mo na lang iyan at inuman mo ng gamot para mawala rin agad. Next week pala ay samahan mo akong pumunta sa Sta. Cruz para mamili ng mga gamit ng mga kapatid mo pati gamit mo rin.”

“Pwede naman na tayong bumili bukas ma. Kasi kung next week pa baka marami na ang bumili niyan since next week na lang ang bakasyon.” suhestyon ko at napatango naman siya.

“Pwede rin, oh siya sige bukas na lang tayo mamili. Magtingin-tingin ka na rin ng motor doon.” agad na nagliwanag ang mga mata ko nang sabihin iyon ni mama. Kaya napalapit ako sa kaniya at saka yumakap.

“Talaga ma?? Yesss!! Hahahaha!” hindi makapaniwalang sambit ko. Nailayo pa ni mama ang mukha niya dahil sa lakas ng boses ko.

“Talaga kang bata ka, para ka paring bata.” natatawang sambit ni mama.

“Syempree, sabi niyo kaya kahit malaki na kami, kami pa rin ang baby mo.” biro ko at muli naman siyang natawa.

“Aysuss hindi ka na nga nagpapahalik sa pisngi eh. Kapag ikaw ang hahalik sa amin ay ayos lang. Pero kapag kami na ang hahalik sa iyo ng papa mo ayaw mo.” natawa naman ako sa pag-iinarte ni mama. Kaya pinisil ko ang kaniyang ilong

“Oa mo ma hayts.”

“Aysuss tapos kapag babae mo ay pwedeng humalik sa iyo.” dagdag pa niya pero natawa naman ako. Nag-usap pa kami ni mama hanggang sa inantok na siya. Nakita ko naman ang bunso namin sa sala kaya nilapitan ko at saka inasar.

“ Tralalelo tralala!“ iyan ang madalas kong naririnig na pinapanood nito. Nakakarindi dahil kahit saan ay naririnig ko iyan. Hindi ko naman alam kung ano iyon at ano ang ibig sabihin non. Kinuha ko ang iPad na hawak nito at saka nireset ang youtube.

“Ikaw papasok ka na next next week dapat hindi yan ang pinapanood mo.” suway ko pero inirapan lang ako nito.

Masiyadong maldita itong bunso namin, palibhasa ay spoiled kaya ganon.

“Eh I can write naman na eh. I can read na rin.” kontra nito pero pinitik ko lang ang noo.

“Kahit na, hindi pa rin magandang iyon ang pinapanood mo. Walang sense, tralalelo tralala ano yan?”

“Ihhh, kuya naman kasii” paghihimutok nito nang ilipat ko ang slides na pinapanood niya. Ewan ko ba, ano na ang nangyayari sa youtube. Puro kabalastugan na ang nga content. Maging ang ilang mga pambata na video ay puro katangahan at kabobohan ang pinapakita. I feel wonder kung bakit ang ilang mga bata ngayon na nalulunod sa youtube ay kakaiba ang mga attitude.

Nang umiyak na ang kapatid ko ay pumunta na ako ng kwarto at nahiga. Iyon talaga ang sadya, ang magpaiyak ng bunsong kapatid. Maghapon lang akong nagscroll sa fb, ig, tiktok, at x. Halos jan lang naman kasi umiikot ang buhay ko sa lugar na ito. Wala naman kasing mapupuntahan dito. Kahit mall sobrang layo, aabutin ng isang oras ang biyahe. Tapos ang mall naman dito ay hindi naman ganoon kalaki katulad ng sa Manila. Tho, meron namang Sunstar Mall kaso malayo nga.

Lumipas ang gabi at dumating ang kinabukasan. Gaya ng napag-usapan namin ni mama ay pumunta na kami ng Sta. Cruz para bumili ng mga gamit.

“Saan ba tayo bibili rito?” tanong ni mama, wala rin akong makitang National Bookstore dito.

“Jan na lang sa Pandayan ma” turo ko kay mama sa Pandayan. Pumasok kami ron at bumungad sa amin ang iba’t ibang gamit pati mga libro.

“Mamili ka na ng mga gamit mo, ako na bahala sa mga kapatid mo.” tumango na lamang ako at saka naghanap ng mga gamit na magagamit ko this school year.

Habang tumitingin-tingin ay bigla akong napaisip. Hindi ko naman alam ang mga bibilhin kong mga gamit sa ngayon. Mabuti na lang din ay may mga books dito kaya doon na lang ako pumunta. Naglibot-libot sa book section, hanggang sa may makita akong programming book. Nang kukunin ko na ito ay agad na nangunot ang noo ko nang may unang kamay ang kumuha nito.

“Hanap ka na lang ng iba bro, ako nakakita nito.” kinuha ko rin ang libro pero hindi siya nagpatinag. Tinignan ko ang may-ari ng kamay at agad na nangunot ang noo ko nang makitang si Cameron ang may hawak ng libro.

“I grabbed this first, so I’m buying it” aniya, seryoso pero nakakunot ang noo. Hindi naman ako nagpatalo kaya hinablot ko naman ’yung libro.

“Pati ba naman dito sinusundan mo ako? Grabe ka! Iba na yan tol” nakangising sambit ko. Nang-aasar, mukhang hindi naman siya naasar dahil hindi naman nagbago ang kaniyang ekspresyon.

“Wow, do you run this place now? We’re literally just in the same area. So why would I even follow you?” Doon lang nagbago ang ekspresyon niya na tila nagulat pa. Abnormal !

Tanginang to, english spokening amputa.

“Pwede ba, huwag mo akong kinakausap?” banas na sambit ko. Mahina lang na saktong maririnig niya. Ayokong marinig ni mama na nakikipag-away ako rito. Baka malaman niya ang ginawa ko kahapon eh. Patay na!

“Funny, coming from the person who talked to me first. Maybe flip that line around, yeah?” nakangising tugon niya. Napabuntong hininga naman ako dahil sa inis. Tangina kasi eh, umi-english

Y-You!“ panimula ko, nag-iisip ng kung anong sasabihin na sunod. Tangina! Wala akong marebat na english shit!

“You… pakyu ka, kingina mo!” inis na sambit ko at nilayasan na lang siya. Baka hindi ko na naman matimpi ang sarili ko ay baka masapak ko na naman siya. Pasalamat na lang din siya na kasama ko si mama.

Inis akong lumipat ng mga notebook section, kumuha na lang ako ng isang planner at mga ballpen na may iba’t kulay. Nang makuha na ang ilan sa mga gamit ay bumalik na ako kay mama. Naging mabilis ang pagbabayad dahil wala naman gaanong tao ngayon. Bukod don sa isang asungot na parang kabute. Bigla na lamang nasulpot sa lugar na hindi mo inaasahan. Bagay rin naman sa kaniya kasi mukha siyang kabute.

Kabanata 8

Lumipas ang isang linggo, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.  Bukas kasi ay umpisa na ng klase. Medyo kabado ako konti pero kaya ko naman since nakapag advance reading naman ako. Mabuti na lang din ay may nahanap pa akong mga libro kaya goods na rin talaga ako.

Baka magsibilyan lang din muna ako bukas dahil hindi pa ako nakakabili ng uniform. And mukhang magtitiis pa muna akong nagcommute dahil wala akong nagustuhanh motor. Wala sila rito ng Fazzio. Gustong-gusto ko ang bago nitong model eh. Lakas makascooter. Sa pamamalagi ko nga rito ay parang wala pa akong nakikitang nagamit non. Akala siguro nila walang pambili ang mga tao rito.

“Ayos na ba mga gamit mo?” tanong ni mama nang sumilip sa kwarto ko.

“Yes po ma,” tugon ko at inisa-isa pa ang mga gamit ko. Napaisip naman ako. Parang may kulang. Pilit kong inisip kung ano ang kulang doon pero hindi ko talaga makuha sa ugat ng utak ko kaya hinayaan ko na lang.

“Sige sige, mamaya pala pumunta ka ng bayan dahil may nakalimutan akong bilhin sa gamit ng mga kapatid mo.”

“Sige po ma, ano yon?”

“Plastik cover.”

“Sa dami ng makakalimutan mo ma, yan pa. Sige ma ngayon na ako bibili.” nang iabot na ni mama ang pambili  ay agad kong inilabas ang e-bike at saka nagmaneho palabas. Ilang saglit lang din ay narating ko na ang bilihan ng mga school supplies. Nang makabili ay naglibot-libot pa ako sa shop hanggang sa mapunta ako sa mga electronics.

Habang hila-hila ang cart ay biglang may nabunggo na bata sa akin. Tinignan ko ito at lumingon naman siya sa akin. Agad na nangunot ang kaniyang noo at sinamaan pa ako ng tingin. Napataas ang aking kilay sa naging ekspresyon ng bata. Ginaya ko ang kaniyang ginawa ngunit hindi siya nagpatinag sa akin. Ang kaninang masama ang tingin ay lalong sumama, maya-maya pa ay nagulat na lamang ako nang bigla niyang itaas ang kaniyang gitnang daliri at binigyan ako ng isang pakyu. Nagulat ako sa ginawa nito dahil hindi ko akalain na sa murang edad nito ay nakuha na niyang mamakyu. Napangisi ako, hindi ata alam ng batang ito na napatol din ako sa bata lalo na sa pakyuhan. Kaya agad kong itinaas ang dalawa kong daliri at binigyan din siya ng dalawang pakyu habang nakadila.

Lalong kumunot ang kaniyang noo at saka tumakbo papalayo.

Ako pa hahamunin mo sa ganiyan. Bawal iyakin toy! Patuli ka na muna

Natatawa akong umalis sa electronic section at sana nagbayad sa counter.

“That’s him kuya! He’s the guy I told you before. He raised his two middle fingers towards me.” agad akong napalingon nang marinig ang sumbong ng isang bata. Tinignan ko ito at agad na nagsalubong ang aming tingin ni Cameron. Agad na bumalatay ang ngisi sa aking labi. Magkuya nga kayo!

Hindi na lang ako kumibo at ganoon din siya. Narinig ko pang may sinabi ang batang iyon pero hindi ko na inintindi dahil baka mapatulan ko pa silang magkuya.

Nang makarating sa bahay ay ibinigay ko na kay mama ang pinabili niya at saka nagkulong na ulit sa kwarto.

Ikinundisyon ko ang aking sarili maging ang aking utak kaya maghapon lamang aking chill. Ayokong mangarag bukas at ayoko riny magkalat sa first day.

Nang makaramdam ng antok ay ipinikit ko ang aking mga mata at saka natulog. Nang magising ay hindi ko na namalayan ang oras. Bumaba ako at sakto namang kumakain na sila mama sa lemase. Sumabay na ako sa kanila at saka naghugas ng pinggan. Nang matapos ay muli na akong umakyat ng kwarto at saka naligo. Nang matapos ay nagpatuyo ako ng buhok habang nagscroll. Nang matapos ay nahiga na ako at agad ding dinalaw ng antok. Ang antok ay agad na dumalaw sa akin kaya agad din akong nakatulog.

Nagising ako sa tunog ng alarm ko, ’yung paulit-ulit na ringtone na ginaya pa ang “Windows error.” Ilang beses kong tiningnan ang class schedule habang nag-aalmusal ng tinapay at instant coffee. 8AM - Data Structures and Algorithms. 10AM - Computer Architecture. Iyan ang sched ko for this morning. After nyan ay break na. Then 1:00 pm - 3:00 pm naman ay purposive communication ang last sub ko.

Pagdating ko sa campus, bukungad Ang daming estudyanteng nagmamadali, parang race sa Mario Kart. Nakita ko agad sina Khim at Ahtisa. Si Phillip kasi ay nasa Union habang si Bryle naman ay nasa LU. Hindi naman kalayuan ang LU rito sa LSPU, konting lakad lang naman iyon. Ang LU ay nasa loob ng Sports complex.

“Jade Uy, Jadeeee! Dito na tayo!” sigaw ni Khim habang kinakawayan ako sa may gate ng university. Ang lakas ng boses niya, para bang hindi kami halos araw-araw nagkikita. Parang baliw eh. Nag-usap-usap pa kami hanggang sa kaniya-kaniya na kaming ruta.

May kalawakan din ang LSPU, pero hindi siya sing kaaliwalas ng PLM. May open field din ang LSPU, pero hindi siya ganoong kagarbo katulad ng sa PLM. Hindi ko tuloy maiwasang hindi ipagkumpara ang LSPU at PLM. Bigla ay nakaramdam ako ng lungkot dahil namimiss ko na ang PLM kahit sobrang init sa loob ng Intramuros.  Pero isa sa napansin ko rito, mukhang bigtime ang mga narito dahil sa dami ng motor na nakapark dito. Ang ganda siguro magpark ng Fazzio rito. Wala kasi akong nakikitang nakapark dito eh.

Naghiwalay na rin kami ng way nina Ahtisa at Khim. Kumanan si Khim, nasa kaliwan naman si Ahtisa habang ako naman ay papunta sa gitnang campus.

Pagpasok ko sa classroom, ayun na. Bago na namang upuan. Bago na namang prof. Pero ’yung kaba, same pa rin, hindi man lang nagbigay nginig sa akin. Naghintay kami ng instructor habang nag-uusap ang mga kaklase ko sa likod.

“Uy, may narinig ako na terror daw si sir sa Data Structures,” bulong ng kaklase kong si Arvin. Napakunot noo ako. Great. Simula pa lang, warning agad. Hindi ko na sila pinakinggan pa at tamad na naglibot ng tingin. Maya-maya, may dumaan sa peripheral vision ko isang lalaking pumasok na parang wala lang. Bitbit ang backpack sa isang balikat, may earphones, at may kung anong aura na parang lagi siyang late pero hindi naman talaga. Umupo siya dalawang upuan mula sa akin.

Walang hiya.

Napatingin ako, napakunot ang noo. Kilala ko ’to.

Cameron?

Biglang dumating ang prof namin at agad na tumayo sa harap. “ Good morning, class. Welcome to BSIT 2A.“

Pinilit kong ibaling ang atensyon sa syllabus na pinapasa. Pero hindi ko mapigilang mapatingin muli sa kanya. Nakaupo lang siya, nakasandig, chill. Hindi man lang ako tiningnan. Hindi ko na lang siya pinansin pa at binalingan na lamang ang syllabus na nasa mesa.

First subject namin ay Intro, orientation, tas ayun biglang activity.

“Ok class, gymawa kayo ng flowchart at pseudo-code para sa basic sorting algorithm,” sabi ni Sir. Agad na nagpanic ang lahat, pweea sa akin. Chill lamang ako rito dahil kahit papaano ay naaral ko naman ito. Napatingin naman ako kay Cameron na chill lang din.

Akala ko ay madali lang, pero medyo nahihirapan na ako. Nakalimutan ko kasi yung iba. Tho, naaral ko maman na ito. Nakakafrustrate lang talaga. Pero habang lumilipas ang oras, bumabalik ’yung kaunting kumpiyansa. Naalala ko na, ah oo, marunong nga pala ako kahit papano. ’Yung muscle memory sa pag-interpret ng algorithm, ’yung pagkakaintindi sa logic unti-unting bumabalik.

Natapos ang buong araw nang naging busy ako. Bukod kasi sa puro introduction ay may ilang prof pa rin na nagbibigay na agad ng activities. Hindi naman na ako nahirapan sa iba dahil nakapag-advance reading naman ako. Pag-uwi ko, sakto lang ang pagod. Hindi na tulad ng freshman days na parang sinuntok ng reality. Ngayon, alam ko na ’yung pasikot-sikot. Pero aware din akong mas magiging mahirap. Second year na ako. Mas mabigat ang load. Mas technical ang topics. Mas kailangan ng diskarte. Pero at least, mas handa na ako.

Kahit na ganito ako, loko-loko pero hindi ko naman pinababayaan ang acads ko. Bigla ko tuloy naalala kung paano ako mang hunting ng mga babae sa room namin kanina. Pero wala akong nakita. Hindi naman sa halos lahat sila ay pangit, pero parang ganoon na nga. Pero kasi may mga hinahanap ako sa isang babae eh. Iyung tipong magugustuhan mo na lang bigla. Unexpected feelings kumbaga, basta iyon.

Nang makapagpahinga na ay agad kong ipinikit ang aking mga mata. Ngunit sa pagpikit ko ay mukha na naman ni Cameron ang nakita ko. Naiirita na ako sa mukha niya dahil kahit saan ako tumingin sa room kanina ay nakikita ko ang mukha niya. Maging ang presensya niya ay nababanas ako! Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking iyon kung bakit ganito na lamang ang inis na nararamdaman ko. Iwinaglit ko na lang sa isip ko si Cameron dahil ayokong bangungutin mamaya.

Mabuti’t dinalaw na rin ako ng antok kaya agad ding nakatulog. Pagkagising ko ay tamad akong tumayo. Parang ang bigat ng pakiramdam ko. Second day pa lang ay para na akong binugbog sa sakit ng katawan ko. Malamya akong nagtungo ng banyo at mabilis ding natapos maligo.

Nang matapos kumain ay umalis na rin ako. Medyo mahaba ang biyahe ngayon dahil medyo traffic. Pakiramdam ko ay wala ako sa wisyo sa araw na ito.

Nang makarating sa school ay hinanap ko na ang building namin. Hindi na rin ako gaanong nalilitobpa dahil nagamay ko na rin ito kahapon sa tulong nina Khim at Ahtisa. Kaya siguro napagod din ako ngayon. Pagkapasok ko sa room 305 para sa Web Technologies, konti pa lang ang tao. Umupo ako sa gitna, sa sulok, sakto sa spot na may saksakan. Kinuha ko agad ’yung laptop, binuksan, kunwari abala sa pag-check ng syllabus.

Pero sa peripheral vision ko, naramdaman kong may bagong pasok. Tahimik. Wala masyadong ingay. Parang hanging dumaan lang. And just like that, nakita ko ulit siya. Si Cameron. Same expressionless face. Nakasuot ng gray hoodie, may dala lang na notebook at ballpen. Walang backpack, walang energy. Umupo sa vacant seat sa harapan ko. Umayos siya ng upo, nilapag ’yung notebook, at tumingin sa harap na parang hindi niya ako nakita. Gusto kong batuhin ng cursor ’yung likod ng ulo niya. Napabuntong hininga ako at saka itinuloy na ang ginagawa.

Ilang sandali lang din ay dumating na ang aming prof para sa web tech. Gaya ng mga prof kahapon ay nagbigay kami ng mga introduction sa isa’t isa at nagtanong siya kung bakit IT ang kinuha naming program. Make sense naman ang iba, iyung iba naman ay dahil daw sa mataas ang sahod.

“Ok, today we’ll do basic HTML structuring using your laptops. If you don’t have one, pair up with someone who does.” Nagtinginan ang mga tao sa paligid. At syempre, hulaan mo kung sino ang walang laptop?

“Cameron, makipag-pair ka na lang,” sabi ng prof. “Ikaw, Jade, may dalang laptop ’di ba?” baling niya naman sa akin

Napatingin ako agad. “Po?”

Pero late na. Umupo na siya sa tabi ko. Dala lang ’yung notebook niya at ballpen. Walang ka-effort-effort.

“ Hi ,“ sabi niya. Tahimik. Walang tunog. Parang hindi siya sanay magsalita.

Umiling ako. “Don’t tell me wala kang laptop.”

“Meron. Tamad lang akong magbitbit.”

Suminghot siya, then bahagyang ngumiti. “ Pwede naman pala sayo eh.“

Napapikit ako sa inis. Hindi ko alam kung bakit parang ang lakas niyang mang-inis ngayon.

“Okay class,” sabi ng prof habang naglalakad sa harap. “Sa activity natin ngayon, by pair kayo. Ang goal ay gumawa ng isang basic HTML webpage na may header, navigation bar, a paragraph section, at least two images, a simple table, and internal CSS styling.”

“Gamitin niyo laptop ng partner niyo kung wala kayong dala. Pero by next week namam ay sa com lab na tayo gagawa. Bring your own flashdrives. Output submission before the end of the period. 1.5 hours. Good luck.”

Sabay tingin sa amin. “Cameron, Jade, since kay Jade ang laptop, ikaw ang taga-code. Jade, ikaw mag-instruct kung ano ang gusto mong design. Para fair.”

Eh… eh???

Siya ang magta-type sa laptop ko?

“Excuse me po, sir, “ mabilis kong itinaas ang kamay. “Pwede po bang ako na lang mag-code? Mas comfortable po kasi ako—”

“Nope. Kailangan niyo mag-collaborate. That’s the point.” Sabay kindat pa. Ang saya ng prof, pero ako? Nagdidilim ang paningin ko.

Lumingon ako kay Cameron. Nakangiti ng konti, pero ’yung tipong “Wala akong pakialam pero sige na nga” look. Nilapit niya ang upuan niya, pinuwesto ang sarili sa laptop ko.

“Anong title ng page?” tanong niya habang binubuksan ang VS Code.

“Anything. Bahala ka na.”

“‘Jade’s Mood Swings’ sounds interesting.”

Napalingon ako. “Pardon?”

“Wala lang. Relevant.”

Nag-crack ang leeg ko sa inis.

“Okay. Gawin mong ‘Sample Portfolio Page’. Gumamit ka ng

para sa sections. Lagyan mo ng navigation bar sa itaas, Home, About, Contact.“

Tahimik siyang nagta-type. Mabilis. Makinis. Nakakainis kasi magaling.

“Don’t forget to close your tags,” sabi ko, deadpan.

“Alam ko,” mahinang sagot niya.

“Eh bakit may mali ka sa

tag? Kulang ng

‘alt’

. Rookie mistake.“

Napahinto siya. Tumingin sa akin, deadpan din. “Sige, ikaw na.”

“Ay, hindi. Ikaw ang pinatype eh. I’m just watching my code suffer.”

Napangiti siya ng bahagya. “Mas toxic ka pa rin pala. Nice to know some things never change.”

Napapikit ako. Malapit na akong mabanas sa mga sandaling ito. Hindi talaga maatim ng sistema ko na makasama ang isang ito. Pero kinain ko na lang ’yung pride ko at tinuro kung anong kulang.

“Lagyan mo ng table. Three rows. First column, subject code. Second, subject name. Third, units. Lagyan mo na rin ng CSS na may pastel theme.”

“Gusto mo rin ba ng sparkles? Rainbow text?” he smirked.

“Gusto ko ng silence. Pwede?”

Tahimik siyang tumawa. Hindi ko alam kung matatawa ako o magwawala.

Pero nang natapos na ’yung basic layout at pinakita niya sa’kin ’yung output, hindi ko maitangging maganda naman. Clean. Organized. Sakto sa gusto ko.

“Okay… Not bad,” sabi ko.

“High praise, coming from you.”

Pinigilan ko talaga ang sarili kong hindi batuhin ng mouse ’yung keyboard. Napabuntong hininga na lang ako at saka i-sinave ang ginawa namin.

After ng activity, pinasa na namin ang output sa prof. Naglakad siya paikot-ikot, chine-check ang gawa ng lahat. Nang nakita niya ’yung screen namin, tumango siya.

“Wow. Clean layout. Maganda ang color choice. Sino gumawa ng design?”

“Sabay po kami,” sagot ko, sabay tingin kay Cameron.

Pero nagsalita rin siya, almost sabay “Siya.”

Nagkatinginan kami.

Awkward.

“Good job,” sabi ni sir. “Kayo ang gagamitin kong example sa next activity. Screenshot ko muna, ha?” Kinunan niya ng picture ang screen namin. “Next week, group project na. I’ll let you pick your partner.”

Wait. Pick your partner?

“Jade,” biglang tawag ni sir. “Since kayo ni Cameron ang top pair today, kayo na rin ang default partner next week. Para consistent.”

Sabay tungo si Cameron. “Okay lang.”

Ako? Natigilan lang.

“Okay lang?” bulong ko habang paalis na si sir. “Hindi ka man lang nagtangka na tumanggi?”

“Effort pa ba ’yon?”

Ngumiti siya ng konti. That smile again. Nakakainis.

Biglang may pumasok sa room, isang bagong mukha. Matangkad, may kulay ang buhok. May bitbit na laptop. Medyo makulit ang vibe. Namumukhaan ko ang isang ito.

“Sorry po, late ako,” sabi niya sa prof. “Na-delay lang sa registrar. I’m Siegfred Van Porcioncula , bagong transfer din. BSIT 2A raw ako dapat.” Siya iyung lalaking nakasandal sa balikat ko sa bus! Pinakilala siya sa klase. Pinaupo sa likod exactly sa likuran namin. Pagkaupo niya, bigla siyang kumatok sa likod ng upuan ko.

“Hi, seatmate. Transfer ka rin, ’no?” ngumiti siya . “Ako rin. Fresh meat.”

Ngumiti ako pabalik. “Oo. Welcome to the warzone.” mukhang hindi niya ako namumukhaan, dinedma ko na lang siya at iwinaglit ko na lang sa isip ko iyon. Wala lang din naman sa akin iyon.

Napansin kong biglang lumingon si Cameron. Saglit lang. Walang sinabi. Pero parang… may twitch sa gilid ng labi niya. Hindi ko alam kung natatawa o na-bother.

“Friend ka ba nito?” tanong ng bagong dating, sabay turo kay Cameron. Umiling ako bilang tugon.

“Cool.” ngumiti siya. “Mukhang masaya kayo.”

Hindi ko alam kung anong mas nakakairita, yung tingin ng lalaki na parang interesado o yung subtle shift ni Cameron sa upuan niya na parang… hindi masaya. At ako? Nasa gitna ng dalawang lalaking hindi ko alam kung gusto kong sakalin o i-save sa Google Drive.

Kabanata 9

Ewan ko ba, parang ang malas ng araw ko ngayon. Mula sa pagiging partner sa activity kay Cameron hanggang sa may dumating na asungot ngayon. Napapikit ako na napabuntong hininga. Nang matapos ang ikatlong klase namin ay agad akong tumayo matapos lumabas ng prof namin sa Ethics. Pakiramdam ko ay maso-suffocate ako sa loob ng room na ito. Pagkalabas ko ng building ay agad akong lumanghap ng sariwang hangin. Agad na kumalat ang kaginhawaan sa aking kalooban. Pakiramdam ko ay na-rebirth ako sa araw na ito.

Naglakad-lakad ako hanggang sa marating ko ang canteen ng LSPU. Agad akong nagtingin-tingin pero wala akong makitang masarap kainin. Medyo nalulungkot ako sa pagkain nila rito. Siguro ay nasanay ako sa PLM na kapag nagsawa na sa pagkain ay lalabas kami ng campus at pupunta ng Intra para doon kumain. Bigla ay namiss ko ang tonkatsu ng Cioden.

Gusto kong kumain ng matamis ngayon. Bigla na naman akong nakaramdam ng pagkalugmok nang biglang mamiss ang SB sa Sm Manila. Siguro mas namiss ko ang Manila ngayon. Akala ko ay oks na ako rito. Medyo naninibago pa rin pala ako rito. Hindi kasi katulad sa Manila na mas maraming convenience kaysa rito. Tho, malapit lang naman dito ang Sta. Cruz pero kailangan mo pang mamasahe papunta or kapag pupunta ng Sta. Cruz, hindi katulad sa Manila ay maraming pasikot-sikot na kayang lakarin.

Inip akong naghanap ng pwedeng masilungan, hanggang sa may makita akong spot. Malaking puno iyon at wala masyadong tao. Hindi naman sa loner ako, sa Manila ay marami akong kaibigan maging chicks. Siguro ay hindi ko lang talaga makita ang vibes sa lugar na ito. Nang makaupo ay tinignan ko ang oras sa phone ko. May thirty minutes pa ako bago ang last sub ko. Kinuha ko ang headphones ko at saka isinalampak iyon aa aking tenga. Sunod ay inilabas ang syllabus para mag advance reading.

Natapos ang thirty mins ko at medyo nakaramdam ako ng gutom kaya pumunta muna ako ng canteen bago bumalik sa kabilang building.

Akala ko simpleng araw lang ’to. Yung tipo ng araw na tahimik akong uupo sa likod, magno-notes, tapos uuwi nang walang nakakausap masyado. Classic transferee mode. Low-key lang. Pero hidni pala. Kasi pagpasok ng prof namin sa Computer Architecture, bigla na lamang itong nagtatawag ng pangalan.

“Recitation tayo today. One-on-one format. Let’s test kung sino talaga ang ready sa inyo.” aniya at napasinghap ang mga kaklase ko. Senyales na hindi sila handa at nakapag-aral. Siguro sa pagkakataong ito ay mayabang ako dahil nakapag advance reading ako.

“Togado… Reodica. You’re up first.” kung minamalas ka nga naman. Ako naman ang napasinghap ngayon. Nasapo ko ang aking noo, saka muling bumuntong hininga. Napatingin naman ako kay Cameron, confident itong naglakad papunta sa harapan at saka tumayo nang tuwid. Maangas naman akong sumunod at tinunguhan ang prof namin. Hindi ko talaga alam kung anong amats ang meron ang mga tao ngayon

Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako. Of all the people… siya pa.

Nagkatinginan kami saglit.

Tumango siya, may bahid ng pamilyar na ngisi.

“Long time no see,” bulong niya.

“Akala ko graduate ka na sa pagyayabang,” balik ko.

“Alright,” sabi ni Sir Ibañez. “Explain the function of the Control Unit in the CPU. Let’s start with Mr. Togado.”

Sumagot siya na parang naka-script. Buo, malinis, confident. Ang bilis pa. Parang audio version ng textbook.

“The Control Unit directs the operation of the processor. It tells the computer’s memory, ALU, and input/output devices how to respond to instructions from the program…” tumigil siya sa pagsasalita at humarap sa mga kaklase namin, may bonus pa siyang dagdag “…Which I assume, some of us might not fully grasp unless we actually studied.” Napairap ako. Shots fired.

“Mr. Reodica?” sabay tanong ni Sir.

Huminga ako nang malalim. Game.

“The Control Unit is like a project manager. It doesn’t do the actual data processing, but it tells the other parts of the CPU what to do, when to do it, and how. It decodes instructions and routes them accordingly.” Napansin kong natahimik si Cameron nang sandali. Nagpatuloy ako.

“So yes, it doesn’t hold data or perform arithmetic, pero kung wala ito, everything falls apart. Parang group project na walang leader. Gets?” Tinignan ko pa si Cameron bago bitiwan ang huling sinabi. Natawa naman namg bahagya ang mga kaklase ko habang si sir ay ngumit lang.

“I like that analogy. Point for Mr. Repdica.” mayabang akong ngumisi sa kaniya nang marinig ang papuring iyon sa akin. Sa gilid ng mata ko, nakita kong bahagyang nagtaas ng kilay si Cameron. Bumaling siya sa akin, saka bulong.

“Nice metaphor. Pero game pa rin tayo sa next round, ha?”

“Always,” sagot ko. “Baka kasi ako ’yung tunay na upgrade.” muli akong ngumisi sa kaniya at naupo matapos ang ilang sagutan namin. Sa buong session at parang kami lang ni Cameron ang nakasagot sa mga katanungan ni Sir Ibañes.

May mga tao talagang kahit ilang linggo na ang lumipas, kahit ilang beses mo nang sinabing “wala na ’yun,” ay babalik at babangga sa ’yo sa pinaka-random na paraan. Gaya ni Cameron

Hindi ko na siya nakausap after ng recitation battle namin. Pero habang nagkaklase kami buong linggo, lagi ko siyang nararamdaman. ’Yung tipong kapag nagtataas siya ng kamay, may pressure. Kapag naglalakad siya papunta sa upuan niya, parang automatic akong nagpo-posture check. Why do I care? I shouldn’t care.

Pero hindi ko rin maikakaila, he’s good. Sharp. Precise. Laging on point. Medyo nachachallenge ako ngayon unlike sa dati kong school. Siguro ay pareho lang kami ni Cameron na competitive lalo na sa acads. Kaya siguro ganito na lang din talaga kabanas ang nararamdaman ko sa kaniya.

Fast forward to Thursday. Computer Lab day. May group activity kami which is to design a simple instruction cycle simulator using flowcharts. Pinag-group kami by column. Syempre. Guess who’s seated beside me again?

“Looks like destiny really wants us to work together,” bulong ni Cameron habang inaayos ang laptop niya.

“Or maybe karma just wants to test my patience,” sagot ko habang binubuksan ko ang Notepad ko.

Tahimik kami for the first few minutes. Pareho kaming focused. Pero habang nagdi-debug ako ng initial logic flow namin, narinig ko siyang tumikhim.

“You still overthink your flow. Hindi lahat ng process kailangan ng nested loop, Reo.” Tumigil ang kamay ko sa keyboard. Tumingin ako sa kanya. Reo? Saan niya naman nakuha iyan? Pakyu pala siya eh

“At ikaw naman, hindi lahat ng logic kailangan ng overconfidence, Cams.” Natawa siya. Tahimik. ’Yung tipong parang hindi niya inaasahan ’yung sagot ko.

“You’ve changed,” sabi niya habang tinitingnan ’yung screen ko. “Mas direct ka na. Mas… calculated.”

“And you’re still the same,” balik ko. “Always assuming you know better.” Hindi ko alam kung insulto ba ’yon o compliment. Pero kahit na may spark ng inis sa pagitan naming dalawa, may halong respeto rin.

Hindi namin natapos agad ’yung activity dahil kulang sa oras. Pero bago kami naghiwalay, inabot niya sa akin ang isang flash drive.

“Save mo ’yung file. Gusto kong i-review mamaya. Send mo na rin kung may edits ka. Let’s make it solid.”

“Wow. Look who finally trusts me.”

“I always trusted your skill,” sagot niya, sabay lakad palayo. “’Yung ego mo lang ’yung problema.”

Pero habang nakatitig ako sa flash drive na iniabot niya, isang bagay ang na-realize ko.

This isn’t just a rivalry anymore. It’s a rematch. And this time… I’m not backing down.

Nagtungo na ako sa room namin sa Com Arch. Naroon na ang lahat maging ang prof namin. Ako na lang din pala ang kulang. ’Di naman nila iyon napansin dahil busy sila sa kaniya-kaniyang mundo. Hanggang sa naupo na kami nang ayos nang tumayo na si Sir Ibañes sa harapan.

“Ok xlass, live presentation, real-time simulation tayo. Group 2, you’re up.” Group 2. Kami ’yon.

Nilunok ko ang namuong kaba sa lalamunan ko habang palihim akong sumulyap kay Cameron na, gaya ng inaasahan, ay nakatayo na at kalmado pa rin gaya ng dati. Kalmado. Walang bahid ng kaba. Parang hindi siya kakabahan kahit sunugin mo pa ’yung laptop niya sa harap ng class.

Ako? Well, I’m internally buffering.

Umakyat kami sa harap ng classroom, dalawa lang kaming magsasalita. Kami ni Cameron. Not by choice. By coincidence. Dahil absent si Kyla at na-late si Ben, kami ang natirang may alam sa code. Syempre.

Pinailaw ni sir ang projector.

“Your task is to explain and demonstrate your program. Be ready for follow-up questions.” Tumikhim si Cameron.

“I’ll take the system overview. Jade can handle the simulation demo.”

Oh? Ganon? Nag-assign ka na agad? Inis ko siyang tinihnan. Tumango na lang ako, pero mentally challenge accepted. Don’t have a choice na rin naman.

Habang nagsasalita siya tungkol sa UI, inputs, at logic flow, ako naman, tahimik na nagre-ready sa laptop. Alam kong smooth ’yung flow niya, and let’s be honest, he does sound impressive.

Pero eto na. Akin ang demo. Tumayo ako at kinuha ang mouse. “So this is the input area,” sabi ko. “Let’s say the user enters binary data 1101. Pressing ’ Run ’ will trigger the instruction cycle, Fetch, Decode, Execute, Store. Watch this.”

Click.

Gumana. Halos sabay ng visuals ’yung narration ko.

“Notice how each step highlights. That’s because we built in conditional delays and function callbacks para makita ang real-time flow. Hindi siya animation lang it’s an actual working cycle.” Tahimik ang klase, tutok din sa pakikinig. Tango lamang nang tango ang prof namin, sang-ayon sa aking mga sinasabi. Pero si Cameron? Nagtaas ng kamay. Agad akong napabuntong hininga.

“Wait. You changed the delay values, didn’t you? Hindi ’yan ’yung original settings natin.” Nag-freeze ang cursor ko.

“I tweaked it para mas mag-reflect ng realistic CPU speed range. Akala ko okay lang,” sagot ko, steady ang boses pero kumakabog ang dibdib.

“You didn’t tell me,” sabi niya, medyo low pero ramdam mo ’yung edge.

“I didn’t think I had to,” balik ko. Tensyon. Tahimik ang paligid. Pero ramdam mo ang subtle na banggaan ng pride sa pagitan naming dalawa. Then Sir stepped in.

“Actually, I appreciate the initiative. Shows deeper understanding. But next time, communicate as a team.” Tumango ako. Hindi ko tiningnan si Cameron. Pero habang bumababa kami sa harap, narinig ko ’yung tahimik niyang bulong.

“Nice move. But don’t forget this is still a group effort.” Ngumiti ako, half-smirk.

“Right. Group nga. Not dictatorship.” tugon ko at saka naunang naglakad.

Natapos ang klase namin na pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Nang makauwi ay agad kong inihiga a g sarili ko at saka ipinikit ang aking mga mata. Grabe ang mga kaganapan ngayon. Nakakadalwa g linggo pa lang ako pero ang pagod ko ay parang pang finals na. Ang daming pinapagawa sa amin, maraming dine-decode, more presentation na halos kami ni Cameron ang nagtatalastqsan.

Nakakapagod yalaga ang buong dalawang linggo. Pakiramdam ko ay kailangan kong magpahinga at magrelax. Mabuti na lamang din talaga ay Friday ngayon kaya mapapa-TGIF ka talaga.

Gusto kong i-refresh ang utak ko sa mga oras na ito. Gusto kong uminom at magliwaliw. Kung aalis naman ako ngayon, wala na rin akong sasakyan dahil hanggang alas otso lamang ng gabi ang last trip ng mga jeep papuntang Sta. Cruz o kahit anong jeep palabas ng Magdalena.

Kinuha ko ang phone ko at nagtext sa gc naming magpipinsan.

[San kayo?] ilang minuto lang din ay nakatanggap ako ng respo kay Bryle.

[Bahay, katatapos lang gumawa ng projects. Ikaw?] - Bryle

[Kauuwi lang, nagpapahinga.]

[Pagod ba?] -Bryle

[sobra! Akala ko nga finals na ngayon eh, daming presentation. Kabanas pa kasi laging ’yung kumag ang kasama ko sa presentation maging sa recitation.]

[Kumag? Sino?]- Bryle

[Si Cameron]

[Ahh… kumag nga haha

😂

] -Bryle

[Ano nang gagawin mo niyan?]- Bryle

[Hindi ko rin alam eh, tignan ko bukas. May alam ba kayong bar diyo? Gusto kong gumimik. Arat!]

[Ayowwn sige sigee… bukas tayo alis. May bar sa Calamba, ayain natin banda.] - Bryle

[Ayowwn!! Sige sigee!]

[Sama ba kayo? @Phillipdagreat

@Khimpie @Ahtisalisa] -Bryle

Agad namang nag-seen ang tatlo

[Gew ako!] -Khim

[Check ko tom] - Ahtisa

[Arat! Sa Forbs!] -Phillip

Agad na nagliwanag ang mukha ko sa mga natanggap kong respo sa kanila. Marami pa kaming napag-usapan. Maging ang kaklase kong si Sieghfred ay naging topic namin. Nawala sa isip ko na ito pala iyung naging ex-fling ni Ahtisa. Napakaliit nga naman talaga ng mundo.

Nang makaramdam ng antok ay hinubad ko na ang damit ko at saka pumasok sa banyo at saka naghalf-bath na lang. Nang matapos ay nahiga na ako at agad ding nakatulog.

Kabanata 10

Agad akong nagising nang maramdaman ang init sa aking paahan. Nag-unat-unat pa muna ako bago tuluyang pumasok ng banyo para maghilamos at magtoothbrush. Bumaba ako at naabutan ko sila mama na kumakain kasama ang nga kapatid ko kaya sumali na rin ako ron.

“Next week ay uuwi ang papa mo, pwede kang magpasama sa kaniya sa Calamba o kaya sa Manila para bumili ng motor.” bungad ni mama matapos kong sumubo ng kanin.

“Sige po ma, anong araw ba uwi ni papa?”

“Hindi ko pa sure, pero baka sa Miyerkules o kaya sa Friday makakauwi iyon.” tango na lamang naitugon ko sa sinabi ni mama. Nagtagal pa ang usapan namin dahil kinulit ko pa ang mga kapatid ko hanggang sa may maasar at may umiyak. Muli akong umakyat sa kwarto at doon nagpatay ng oras.

Kinahapunan, Nakaupo lang ako sa may sala, pa-crisscross sa sofa, habang tuloy-tuloy ang pag-ikot ng ceiling fan sa taas. Nakabukas ang sliding door papunta sa maliit na garden sa likod. Tahimik. Walang ingay ng klase, walang notifications, walang deadlines. For once, literal na bakante ako.

May lakad kami mamayang gabi. Calamba. Babar kami. Hindi siya bago sa akin, sanay ako sa gano’n. Pero may something ngayon na hindi usual. Siguro ay bago nga sa akin ang magbar sa ganitong lugar.

Tumitig ako sa kisame. Ang bagal ng oras kapag wala kang ginagawa, pero ang utak ko, parang hindi marunong magbakasyon. Ang dami kong iniisip pero alin man dito ay hindi ko makuhang sagutin. Napabuntong hininga na lamang ako at saka tumayo at dumiretso sa maliit na kitchen, nag-init ng tubig para sa kape. Umupo sa may bintana habang umuusok pa ang tasa. Sumilip ako sa labas, maliwanag, pero may ambon na halos hindi maramdaman. Yung tipong parang… prelude sa gabi. Tahimik ang paligid. Walang ingay ng klase, walang recitation, walang tension. Napakapayapa ng araw na ito.

Tumigil ang ulan ng kaunti. Tumayo ako, humarap sa salamin. Binuksan ko ang speaker at nagpatugtog. Yung mellow lang. Para mas lalo akong malunod sa sariling mundo. Sinuot ko ’yung itim kong hoodie, ’yung paborito kong sapatos, at nag-isip kung okay lang ba ’to mamaya. Hindi ko alam kung dahil excited ako sa gimmick, o dahil sa mga babaeng makikilala ko mamaya. Sa kaisapang iyon ay bigla akong nakaramdam ng pagkabuhay sa aking kaluluwa.

Matagal na rin pala noong huli akong nakahalik. Namiss ko ang pakiramdam na iyon, nawa’y katulad din ng mga tao ang makakasalamuha ko sa bar ang mga tao mamaya roon.

Kinuha ko ang phone ko nang marinig ang pagtunog nito. Agad kong binasa ang itinakda nilang oras. Alas sais ay aalis na kami kaya kailangan ko na ring mag-ayos. Pinili ko na lamang ang simpleng damit, hindi ganoong ka aesthetic na katulad ng suot ko sa Manila, maayos naman ito at malakas pa rin naman ang dating.

Sumapit ang alas sais ng gabi at nakahanda na ako, sakto namang punta ng apat kaya on time ay nakaalis din kami. Nagpaspecial kami papunta sa bahay nina Jed dahil ang sasakyan ni Jed daw ang gagamitin.

Nag-usap-usap kami habang binabagtas ang daan papunta sa bahay nila Jed. Posturang-postura ang suot ng mga babae na hapit dahilan para lumabas ang hubog ng kanilang katawan. Nakasama rin si Ahtisa dahil nabuburyo na rin daw siya.

“Come on guysss!!” masiglang sigaw ni Khim. Napapikit pa ako nang bahagya dahil sa tinis ng boses nito. Masakit kasi sa tenga. Narating na pala namin ang bahay nila Jed. Ilang saglit pa ay nakaalis na rin kami.

“Ano palang meron? Bakit nag-aya kayong mag Forbs?” tanong ni Dustin. Katabi niya si Khim, habang si Ahtisa naman ay pinaggigitnaan nina Ced at Phillip. Habang kami naman ni Bryle ay nasa likod, katabi naman ni Jed ang driver nila.

“Ewan kay Jade, baka nabuburyo na yan.” si Khim ang sumagot. Napahagikhik naman ito matapos pingutin ni Dustin ang ilong nito.

“Bakit nga ba Jade?” rinig kong tanong ni Jed.

Bakit kailangan pang tanungin? Ano bang ginagawa sa bar?

“Wala naman, pakiramdam ko kasi kailangan ko ng peace kaya nag-aya ako. Namiss ko na rin kasi.” tugon ko saka humikab.

“Balita ko kayong dalawa lagi ang nagtatalo ni Cameron ah. Partners din daw kayo sa mga presentations niyo, napuri pa nga raw kayo eh.” napataas ang kilay ko nang marinig iyon ay Ced. Hindi ko alam kung saan niya iyan nakuha, wala naman akong pinagkukwentuhan na iba pwera lang sa mga pinsan ko. “Don’t get me wrong pare, kaklase ka raw kasi ng jowa ko. Balita niya nga sakin na pati mga kaibigan niya ay gusto ka eh.” Paliwanag pa nito. Nawiweirduhan talaga ako sa lalaking ito. Pero grabe, pati ba naman iyon ay kailangan pang sabihin ng gf niya? Adik?

“Ahh… I see. Normal na talaga yon sa pogi haha.” awkward na tugon ko. Rinig ko naman ang pagtawa niya.

“Pogi rin naman ako, pero mas lamang ka hehe.” Bida pa ni Ced. Anong konek?

“Lamang talaga si Jade sa iyo, si Jade pogi with a brain. Ikaw both absence! Hahahaha!” birit ni Dustin at natawa naman kami. Kupal eh hahaha

“Hoy! Anong absence?? Absent yon!” paglilinaw naman ni Ced na lalo naming ikinatawa.

“Ay, sorry na po Mr. Grammar Police. Maliit na pagkakamali lang ’yon, ’wag masyadong triggered.” banat pang muli ni Dustin dahilan para muli kaming mapatawa. Bahagyang tumayo si Ced at inabot si Dustin.

“Triggered agad? Grabe ka. ’Di ba dapat thankful ka pa nga? Tinuruan kita.” sambit ni Ced sa mukha ni Dustin na ikinatawa naman nito. Nag-asaran pa sila pero ako ay tahimik na lamang na nakinig ng music. Mabuti’t dala ko ang headphones ko kaya hindi ako mabuburyo. Ilang saglit lang din ay natahimik na rin sila. Medyo mahaba ang biyahe, siguro mga alas otso ay naroon na kami sa Calamba. Tumahimik ang lahat, hanggang sa nakatulog. Nagising na lamang ako sa tapik ni Bryle. Agad kong tinignan ang oras, pasado alas otso nang makarating kami sa sinasabi nilang Forbs.

Tumama agad sa balat ko ’yung lamig pagpasok namin sa bar. Saktong lakas lang ng aircon, pero may halong init na galing sa dami ng taong nagsasayawan sa gitna. Red at blue ang ilaw, patay-sindi sa saliw ng bass na parang heartbeat ng gabi. Inilibot ko ang aking mata. May kalakihan ito ngunit hindi siya ganoon kalaki katulad ng nasa Pobla at Xylo. Walang salitang pumasok na kami sa loob. Lights off, music on. I was exactly where I wanted to be. The beat was heavy, the room was dark with streaks of blue and red, and my friends were already screaming-chanting the DJ’s name like it was a religion.

Shet! English yon! Hahaha

Napapa-english talaga ako kapag nasa ganitong lugar eh. Medyo nahasa rin dahil siguro kay Cameron.  Speaking of Cameron, ang ginhawa pala sa pakiramdam kapag wala siya sa paligid. Pakiramdam ko ang linis ng hangin.

“Jade! Tara na, huwag ka nang maarte!” sigaw ni Ahtisa habang hinihila ako papasok. Naka-leather skirt siya at boots na para bang ready nang mag-world domination. Kasunod naming pumasok sina  Jed at Dustin, na parehong naka-black. Si Phillip, tahimik lang, pero kita sa mga mata niya na siya ang magbabantay mamaya. Si Bryle? Aba, ready nang magpakawala. “Hoy, reserve mo na table natin!” sigaw ni Khim kay Bryle habang naglalakad. Si Khim naman ay naka-crop top at low-rise jeans, parang socialite na lasing din. Si  Dustin naman chill lang, pero palaging may baong jokes. Si Ced at Jed ay nasa likod lang, nag-uunahan kung sino ang maunang umorder ng tequila.

Umupo kami sa high table near the dancefloor. May mga bote na agad ng Soju, vodka, beer, may bucket of ice, may platter pa ng nachos. Classic barkada setup.

Ilang oras pa lang, pero ramdam ko na ’yung tipsy. Pinatugtog ang remix ng “One Dance” tapos halos sabay-sabay kaming tumayo. Halos dumarami na rin ang mga tao rito sa loob. Maya-maya pa’y tumayo si Qhtisa

“Sasayaw ako, bahala na kayo d’yan!” sigaw ni Ahtisa, sabay hatak sa amin ni Khim at Dustin.

Sumunod kami sa dancefloor. Ilang hakbang pa lang, may mga naglalapit nang strangers. Si Ahtisa ay may ka-dance na agad. Si Khim anamn ay sumasayaw na parang sa music video. Ako? I just let go. Umiindak lang, sumasabay sa beat.

Nagpatuloy ang ganoong scenario hanggang sa may lumapit na babae sa akin. Maikli ang buhok, naka-tube top. Nginitian niya ako, at napangiti rin ako pabalik.

“Hi,” sabi niya. “You’re so good .”

“Thanks,” sagot ko, sabay kindat.

At ayun na nga. Bigla kaming magka-harap. Nagsasayaw. Ilang minuto lang, parang wala nang ibang tao sa paligid. She leaned in. Ako rin. Hindi ko na alam kung sino ang naunang lumapit, pero naghalikan kami. Maikli. Matamis. Nakakabigla.

“You did great bae” bulalas niya nang maghiwalay ang aming nga labi. Napangisi lamang ako dahil normal na sa akin ang makatanggap ng compliment at dahil sa gigil ay muli ko siyang siniil ng halik na agad niya ring tinugunan ng mapusok na halik. Sa sobrang gigil ko ay naglakbay ang aking mga kamay sa kaniyang katawan. Ang labi ko ay bumaba sa kaniyang leeg hanggang sa marating ko ang kaniyang dibdib. Kahit malakas ang tunog ay rinig ko ang kaniyang pag-ungol. Hindi pa ako nakuntento ron, bahagya kong pinisil ang magkabila niyang umbok habang patuloy siyang sinisiil ng halik. Rinig ko ang impit ng kaniyang pag-ungol. Ramdam ko na rin ang paninikip ng aking bukol sa ibaba na tila ay gusto na nitong magwala.

May naramdaman akong hampas sa likuran ko, alam ko na rin kung sino iyon dahil nariniy ko ang sinabi nito.

“Ewww! Go get a room, Jade! So gross!” maarte na sigaw ni Ahtisa sa likuran ko. Narinig din iyon ng kahalikan ko kaya ramdam ko rin ang kaniyang pagngiti.

“Can we move, babe?” aniya at iginiya ako papunta sa likurang bahagi ng bar. Madilim dito at walang gaanong dumaraan. Kung may mangyayari man ay first time kong gagawin itong outdoor fun.

Isinandal niya ako at mapusok na hinalikan. Agad din naman akong tumugon sa halik niyang iyon. Maya-maya pa’y naramdaman ko na ang kamay niyang naglalandas sa aking katawan pababa sa aking pang-ibaba. Ipinasok niya ang kaniyang kamay at ramdam ko ang init ng kaniyang palad doon. Bahagya pa siyang nagulat ngunit kalaunan ay ngumiti rin.

“You’re so big, babe. Ughmmm…” mahinang bulong niya pa at saka bumaba ang halik sa aking panga pababa sa aking leeg. Siniil niya iyon ng halik at saka sinipsip. Ramdam ko ang sakit at sarap non, hanggang sa muli siyang bumaba at iniangat ang aking pang-itaas na damit. Siniil niya ng halik ang aking dibdib at pinaglaruan ang magkabila kong utong dahilan upang mas lalo akong maliyo sa sensasyon. Nipple play is my weaknesses

Muling bumaba ang kaniyang halik sa aking tiyan hanggang sa unti-unti na niyang tanggalin ang butones at buksan ang zipper ng suot kong pants.

“Ughh…” impit ang ungol ko nang maramdamang isinubo niya ito. Napapikit pa ako sa sarap ng pakiramdam nang isagad niya ito hanggang sa kaniyang lalamunan. Paulit-ulit niya itong ginawa kaya parang halos mabaliw na ako sa nga oras na ito.

Dahil sa gigil ay hinawakan ko ang kaniyang mukha at iginiya ito paangat upang magpantay ang aming mga ulo at mariin siyang hinalikan.

Masiyado na akong nanggigil, ayokong mabitin sa ganitong sensasyon. Kaya isinandal ko siya, ipinalit ko sa aking pwesto at agad na ibinaba ang kaniyang suot na pang-ibaba.

“Can I enter now, babe?” bulong ko sa kaniyang tenga, ramdam ko ang pagtaas ng kaniyang balahibo dahil magkadikit kami ngayon. Nang ipapasok ko na ang aking alaga ay marahan niya akong itinulak.

“S-Sorry, I’m on my period right now.” agad na bumalatay ang pagkadismaya sa aking katawan. Bumagsak ang aking balikat at biglang nawalan ng gana.

Malas… Malas… malass!!!

Iniangat kong muli ang kaniyang suot at ipinasok ang aking alaga sa loob ng aking pants. At saka siya iniwan.

Tangina, kaya ayokong nabibitin ako eh. Wrong timing!

Wait babe! Where are you going?“ rinig kong sigaw niya. Nilingon ko siya at saka sumagot.

“Hell!” tugon ko na ikinagitla niya. Uminit bigla ang ulo ko dahil nabitin ako. Hindi ako pwede sa mga sides lang dahil lalo akong nabibitin.

Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko sila na sumasayaw na sa harapan.

“Oh saan ka galing? Bakit nakabusangot?” tanong ni Khim nang makita ako.

“Jan lang sa tabi-tabi. Nagpahangin,”

“Wushuu! Nagpahangin ba talaga? Eh may nakita akong kahalikan yan kanina,” rinig kong sigaw ni Ahtisa. Sinamaan ko lang ito ng tingin at saka tinaasan ng gitnang daliri. Bumalatay naman ang halaklak sa kanila. Hindi ko na sila pinansin pa at uminom na lang ulit ng alak. Nawala rin ang tama ko kaya muling nanumbalik sa wisyo ang kabuohan ko.

Muli akong lumaghok ng alak, halos mapapikit pa sa tindi ng hagod nito sa aking lalamunan. Sa hindi inaasahan ay pagbukas ko ng aking mga mata at saglit akong tumingin sa gilid. At sa hindi inaasaahan ay nagawi ako sa kabilang table. Halos mapatalon pa ako sa gitla nang makita roon si Cameron. Nakahawak siya sa baso, nakatayo lang, tahimik, pero nakatingin sa akin. Bigla akong napatigil. Na-conscious. Lumingon ulit, pero wala na siya. Shit .

Bumalik ako sa table. “CR lang ako,” sabi ko ngunit parang wala rin silang narinig dahil may kaniya-kaniya na silang mundo.

Habang nilalakaran ko ang hallway pa-CR, ramdam ko ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa alak, sa pagkabitin… o sa tingin ni Cameron.

At parang ngayon ko lang talaga naramdaman… na may kung anong bumubukal sa akin. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay nakita niya ang kung anong ginawa ko kanina.

Kung may nakita man siya, ano bang pakialam ko?

Nang marating ang CR ay agad akong nagbawas. Ramdam ko pa rin ang tigas nito kaya pumasok na lang ako sa cubicle at doon inilabas ang gustong lumabas kanina.

Nang matapos ay halos mapatalon ako sa gulat nang magsalubong ang tingin namin ni Cameron. Hindi ko maipaliwanag ang nakikita ko sa kaniyang mga mata sa mga oras na ito. Gusto ko man siyang barahin pero walang lumalabas sa aking bibig hanggang sa lagpasan niya ako at nagtungo siya ng banyo. Hindi ko na lang din siya pinansin pa at saka muling bumalik sa table. Ngunit hindi pa man ako nakakabalik ay halos masuka ako sa pandidiri.

WTF? bulalas ko nang makitang may kahalikan ang babaeng nambitin sa akin kanina.

Agad na bumalatay ang pandidiri sa aking katawan nang mapagtantong ilang lalaki na ang dumaan sa kaniya bago mapunta sa akin. Gusto kong isuka lahat pero huli na ang lahat.

Kabanata 11

Lasing na ang gabi pero gising pa rin ang katawan naming lahat. Tumambay muna kami sa labas ng Forbs. Sina Dustin at Ced, pareho nang namumula. Si Phillip, nakaupo sa gutter at inaantok na. Si Ahtisa at Khim, nagtatawanan habang binabash si Bryle dahil sumayaw raw ito nang may kasamang body wave. Si Jed, tahimik lang pero alam mong ina-absorb ang lahat. Ako? Tumatanga. May tama pero hindi wasted. Sakto lang, may konting banas na hindi ko maintindihan.

Bandang alas-dos na ng madaling araw nung nag-decide kaming umuwi. Lasing na sina Ahtisa at Khim, pero ako ay hindi ko alam kung lasing ako o gising na gising.

Tahimik ang lahat habang binabagtas ang kahabaan ng Calamba. Mabilis na lang ang naging biyahe namin dahil wala na gaanong mga sasakyan na tumatakbo. Tulog na ang lahat, pwera lang sa amin ni Jed.

“Sa Buenavista mo na lang idaan kuya Tepong para maihatid na rin natin sila.” rinig kong sambit ni Jed sa driver nila. “Ok ka lang, Jade?” baling naman nito sa akin.

“Goods lang naman, wala ngang amats eh.” nakangising pagyayabang ko. Pero totoo, hindi man lang ako tinablahan ng alak ngayon. Siguro nga ay dahil sa mga nangyari kanina.

“Nakita ka namin kanina may kahalikan ah. Tindi mo rin pala.” Natatawang sambit niya. Hindi naman ako nakaramdam ng pagka-awkward sa pagitan namin dahil natural niya naman itong sinabi at hindi pinilit. Siguro dahil nasa personality iyon ni Jed. Unlike kay Ced na para kang maooffend na ewan.

“Ahh… haha wala yon,”

“Success ba?” tanong niya at doon ako natawa.

“Tangina hindi nga eh hahaha. Muntikan na akong sumabak sa giyera kanina” natatawang tugon ko. Natawa naman siya

“Ows bakit? May jowa ba?”

“Hindi, may regla.” mabilis na tugon ko at pareho kaming dalawa ang natawa

“Hahaha grabe, ayaw mo non, natural ang lube hahaha” biro niya at natawa naman ako

“Tanginang lube yan, hindi na bale uy! Kaya kong ubusin ang laway ko.” at doon ay pareho ulit kaming natawa

“You tried it na ba?” bigla ay kyuryoso kong baling sa kaniya. Hindi ko man nakikita ang naging reaksyon niya sa tanong kong iyon pero alam kong natigilan siya.

“Actually, hindi pa. I’m not into fun kasi. Gusto ko lang maging safe.” tugon niya, napatango naman ako

“I see, mas goods yan.”

“Ikaw ba?” baling niya naman sa akin

“Matagal ko naman na itong ginagwa kahit doon pa sa Manila. I’m into fun lang as of now. Ayoko munang mag entertain nang pangmatagalan. Sagabal sa mga gagawin.” rinig ko ang pagtawa niya sa huli kong sinabi.

“Sabagay, pero hindi ka ba natatakot sa mga possible na pwede mong makuha jan? Laganap ang HIV ngayon and mukhang mas tumataas pa. Tho, hindi lang naman HIV ang pwede mong makuha.” sinsero ang tono niya. Hindi nangangaral. Ewan pero hindi man lang ako nakaramdam ng inis o kahit ano.

“I’m scared din naman, pero alam ko naman kung sino ang malinis at hindi depends sa looks.”

“Ahh kaya pala yung kahalikan mo kanina may kahalikang iba?”  natigilan ako at doon ay sabay ulit kaming natawa.

“Hahahaha tanginang yon, alam niya palang meron siya tapos mag-aaya ng fun. Baliw!” natatawa kong sambit. May halong gigil at inis

Hindi namin naramdaman ang oras dahil sa kadaldalan ni Jed. Binabagtas na namin ngayon ang kahabaan ng Buenavista. Isang diretso lang nito ay Salasad na. Ilang saglit pa ay narating na namin ang bahay ng apat.

“Sige, bukas ulit?” sabi ni Bryle.

“Linggo na, gago,” sabat ni Phillip sabay tawa. Nagtapikan pa ang tatlo at saka bumaba. Akay-akay nina Phillip at Bryle sina Khim at Ahtisa. Nagpasalamat na ang dalawa at nagpaalam na rin. Hinintay pa namin silang makapasok bago kami umalis. Hanggang sa narating na rin namin ang bahay.

“Salamat, Jed! Salamat sa oras!” pasasalamat ko

“Wala ’yon, sa susunod ulit,”

“Sure… sure… mag-iingat kayo!”

“Sige… sige… add na lang kita sa FB para chat kita kapag magluluto ako.”

“Suree! Wait ko na lang. Mauna na kayo, salamat uli!” tinapik ko pa ang sinasakyan nila bago ako pumasok sa loob. Nang makapasok ay agad akong nahiga at sakto namang tumambad sa akin ang kagandahan ng gabi. Masyadong maaliwas ang kalangitan, mula rito sa kinahihigaan ko kitang-kita ang Oreon’s Belt. Siguro kung may telescope lang ako, isa na ako sa pinakamasayang tao sa buong mundo. Sobra akong nahihiwagaan sa space. Gandang-ganda ako sa mga stars na nasa kalawakan.

Sa pagkatitig sa kalangitan ay nakaramdam ako ng kaginhawaan. Isa ito sa ginusto kong makita rito sa Laguna. Mas makikita mo kasi ang kalawakan sa mga probinsiya dahil masyadong maaliwalas hindi katulad sa Maynila.

Kinabukasan ay tirik na ang araw nang magising ako. Matapos mag-almusal ay lumabas ako at nagpaaraw. Bigla ko tuloy naisip na magjogging, pero hindi na ngayon dahil masyado na ring masakit sa balat ang sinag ng araw kaya pumasok na lang ako.

Sa kwarto ay napagdesisyonan kong mag warm-up. Tamang push-ups, curls-up, planking, at kung ano-ano pang exercise ang pwede kong magawa sa loob ng bahay. Pakiramdam ko kasi ay tumataba na ako. Hindi na rin ganoon kahulma ang abs ko kaya pakiramdam ko ay tumataba na ako.

Nag-pose-pose pa ako sa harap ng salamin na akala mo ay batak maggym. Sinipat ko ang sarili, buo pa rin naman ang 6 packs, medyo lumaki lang ang waistline ko maging ang shoulder ko pero hindi naman naging ganoon kasagwa tignan. Pakiramdam ko nga ay parang bumagay sa akin, pero masyado akong nako-conscious kapag hindi ko nakikitang litaw-na litaw ang abs ko. Maging ang chest ko ay medyo umumbok na rin, pero mas bumagay naman siya sa katawan ko ngayon kaya pinag-iisipan ko talaga kung mag-gym ba ako ulit o hindi na.

Nang matapos ay nagpunas ako ng pawis na natuyo kanina at nagpahinga. Maya-maya rin ay naligo at nag-ayos ng sarili.

Hindi ganoon naging ka-productive ang maghapon ko dahil ang ginawa ko lang ay mang-inis ng kapatid at magpaiyak ng kapatid. Halos paalisin na rin ako ni mama dahil wala raw akong ibang ginawa maghapon kundi ang paiyakin ang mga kapatid ko. Halos mabato rin ako ng tsinelas kanina nang sabihin ko na mas goods nga iyon para maging biritera sila paglaki.

Dahil sa kaburyuhan ay kinuha ko ang bag ko at inayos iyon. Chineck ko rin ang laptop ko at tinignan kung may mga emails ba roon or chats. Pero since wala naman ay itinago ko na lang din iyon at saka muling inayos ang mga gamit ko. Nang ipapasok na ang yellow pad ko ay bigla na lamang may nahulog na kapirasong papel doon. Agad kong kinuha iyon at binasa ang nakasulat.

[ Hi, don’t have a courage to tell this, but I think, I like you!]

Agad na nangunot ang noo ko nang mabasa ang sulat na iyon. Hindi ko na lang iyon pinansin pa at agad iyong ginusot at itinapon sa basurahan.

Daming kaalaman, mga baduy!

Kinabukasan, pakiramdam ko ay simula na naman ng bago kong kalbaryo. Masyado silang magulo dahil biglang nagbago ang sched namin. Nagkaron daw ng conflict sa pag-input sa aming CRS. Kaya halos lahat ng subs namin ay nagbago ang araw. Every monday ay apat ang aming subject. Dalawang major. Dalawang minor. Bali ang first sub namin ay OOP (Object-oriented Progam) 9:30-11:00 am. 11:00-12:30 naman ay Purposive com. After non ay may break kaming 2hours dahil 2:30-4:00 pm naman ay OS (operating system) last sub naman namin ay ang Ethics na 4:00-5:30 pm. Iyan ay ang aming Monday sched. Tuesday sched naman ay Data structure, Com org., Web Tech., at PE na basketball. Wednesday naman umulit ang sched namin sa Monday same lang sa Thursday, and NSTP naman sa Friday. Medyo nawiwindang ako. Pumasok na ako sa room ng OOP at naabutan ko naman ang iba ron. Masyado pa palang maaga kaya wala pa ganoong tao. Pero agad na napukaw ng atensyon ko si Cameron. Napatingin ito sa akin pero tinaasan ko lang ito ng kilay. Nginisihan niya lamang ako at saka siya na ang kusang bumitaw.

Ilang saglit pa ay pumasok na ang aming prof. Mabuti na lamang din ay nagchat siya sa gc na lecture lang kami at next week pa ang aming lab.

“Okay class, let’s begin our discussion on Process Management,” bungad ni Sir Manzano, habang ini-slide yung PowerPoint sa projector. May animation pa talaga ’yung title na “Operating System: The Heart of Your Machine.”

“Processes are basically instances of programs in execution. Sa OS, importante ang process control, especially kung multi-tasking ang system ninyo,” dagdag niya. Tahimik lamang akong nakikinig, tumatango dahil tama naman ang mga nabasa ko sa books.

Nasa second row ako, hindi sa harap pero hindi rin sa likod. Sakto lang para makita ang slides pero hindi matawag agad. Nasa kaliwa ko Sieghfred na abala sa pakikipag-chat sa GC. Sa kanan, si Cameron. Tahimik siya. Focused. Nakapikit ’yung mata.

“Class, what happens when you open an application, like Google Chrome?” tanong ni Sir. Walang sumagot agad. Mukhang hindi pa rin nakapag-aral ang iba. Napabuntong hininga na naman ako dahil mukhang alam ko na naman kung ano ang sunod na mangyayari.

“Yes, Jade? “ sabay tingin sa’kin.

Napakamot ako sa batok.

“Ah… the OS creates a process… allocates memory and CPU cycles for it?”

“Very good,” sagot niya. “That’s called process instantiation. Tapos may mga states ang process, new, ready, running, waiting, terminated.”

Habang nagdidiscuss si sir, binuksan ko notes ko sa Notion. Nilagyan ko ng title: “Process Life Cycle, hindi lang sa tao, pati sa code.”

Narinig ko si Cameron na mahinang natawa.

“Anong nakakatawa?” tanong ko sa kanya sa bulong.

“Yung subtitle mo. Deep.” Inismiran ko lang siya at saka binigyan ng isang pakyu. Pero agad ko ring naitago nang bigla akong tawagin ni Sir.

“ What’s that, Jade?“ aniya, hindi naman galit

“ Wala po, sorry po.“
paghingi ko ng sorry at tumango naman ito at saka muling nagdiscuss. Rinig ko ang pagbungisngis ni Cameron kaya agad na uminit ang ulo ko.

Pagdating sa Process Scheduling, pinakitaan kami ni Sir ng gantt chart ng Round-Robin Scheduling.

“ Ganito ang ginagawa ng OS para patas sa lahat ng processes. May time quantum tayo. Lahat may chance, walang forever na priority.“

“Sir, parang sa buhay lang ’no,” sabat ng kaklae ko  sa likod.

“Oo, walang forever. Pero may waiting state,” sabat ni ni Siegfred Nagtawanan naman sila na sa mga banat nilang iyon.

“ Basahin n’yo na lang sa LMS ’yung parts ng memory management. Next week, lab activity tayo. Magpapartition tayo manually sa VM.“ ani ni sir at saka lumabas. Tumayo ako at inayos ang gamit pero habang nag-aayos ako ng gamit, narinig kong nagtanong si Sieghfred.

“Jade, gumana ba sa’yo yung activity file sa LMS kagabi? Ayaw mag-open sakin.” Tiningnan ko siya. For the first time ngayong araw, tumingin siya diretso.

“Oo, pero may fix ’yun. Send ko sa’yo mamaya.” tugon ko at tinapik niya naman ako sa balikat at saka umalis. Nang matapos ay pumasok na ako sa next class ko. Maagang nag-umpisa ang klase namin at maaga ring natapos. Medyo nabuburyo ako sa subject na ito dahil hindi ganoon ka effective ang prof namin. Lumabas ako ng campus at saka sumakay ng jeep. Hindi ko napansin na magkasabay pala kami ni Sieghfred.

“Uyy! Sa’n punta?” tanong nito, nag-isip naman ako kung saan ba ako pupunta. Hindi pa ako ganoong kapopular dito sa Sta. Cruz, kaya hindi ko rin talaga alam kung saan ako pupunta.

“’Di ko rin alam eh, gusto ko lang lumabas sa campus. Ang lungkot ng pagkain,” kibit balikat na tugon ko. Napatango naman siya at napahawak sa kaniyang baba tila nag-iisip.

“Gusto mong sumama sakin?” Aniya, napaisip naman ako.

“Hindi na siguro,” tanggi ko ngumiti lang siya

“Ikaw rin,” dagdag pa niya, hindi ko na lang din siya inimik pa dahil gusto ko ng peace.

“Saan ba tayo pupunta?” iritang tanong ko sa kaniya. Humagikgik lamang ito dahilan para lalong mawala ang kaniyang mga mata.

“Chill lang aba, malapit na rin tayo.” tugon niya naman na hindi napipilas ang ngiti.

“Takteng malapit yan, kanina mo pa sinasabi yan. Ang init!” reklamo ko, kanina pa kasi kami naglalakad tapos katirikan pa ng araw.

“Arte mo, minsan ka lang umitim.” napapikit naman ako sa inis. Makapag-ano itong lalaking ito akala mo close kaming dalawa eh. Upakan ko kaya ito? Hindi ko talaga alam kung paano ako napapayag eh. Kainis! Hindi na ako nagreklamo pa at nagpatianod na lang ako sa kaniya kung saan siya pumupunta.

Kabanata 12

Grainsmart Cafe

Napilitan lang talaga ako. Sino ba naman ang tatanggi sa… “Libre kita, ’wag ka nang maarte.” ni Seighfred. Kaya heto ako ngayon, nakasunod sa kanya. Bibigwasan ko sana kaso sayang ang libre.

“Dito lang ’to, Jade. Sa Grainsmart Café. Legit na masarap ’yung pastries nila, tapos may pa-rice meal din sila pang masa, pang broke student, gets mo?” aniya, halos di na makita ang mata sa pagkakangiti. May nalalaman pang broke student. Pwede niya namang sabihin na student friendly ang presuo. Tsk!

“Di ako mahilig sa pastries,” mahina kong sagot habang sinusundan siya sa loob ng maliit pero maaliwalas na café sa Sta. Cruz. May industrial vibes ’yung interior, puting dingding, wooden tables, at minimalist decor. Parang ’yung mga café na gustong magpaka- hipster pero affordable pa rin.

“Order ka na, sige na. Ako bahala, “ sabi ni Seigh habang naka-ngisi, sabay kuha ng cinnamon roll, banana bread, at Spanish Latte. Mukhang buong bakery gusto niyang tikman.

“Nag-order ka ng kanin sa café? “ pang-aasar ni Seighfred.

“Tahimik na ako. Libre mo naman,” sagot ko habang dumudukot ng upuan sa isang mesa sa sulok.

Umupo ako, nagsimula nang kumain habang si Seigh ay abala sa pagkuha ng aesthetic photos ng kape niya at mga pastry na hindi ko rin naman titikman. Medyo okay rin ang paligid. Tahimik, walang  ingay tsaka malamig. Hindi katulad sa school na mainit na nga ang paligid, mainit pa ang ulo ng mga tao. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang masamang tingin ni Cameron sa akin kanina habang binabara ko siya. Sa kabila ng katahimikan ng paligid ay bigla na lamang bumigat abg paligid. At doon, parang tinamaan ng multo ’yung balikat ko nang may pumasok na bagong grupo ng tao sa café. Una kong nakita ’yung isa, matangkad, naka-black jacket, parang laging malapit sa gulo. Si Hanz, kaklase namin. May hawak na helmet at parang galing pa sa ride. Pero ’yung sumunod… Mas mabagal ’yung hakbang niya. Tila tinatantsa kung papasok ba talaga siya o hindi. Walang jacket, simpleng polo lang. Naka-backpack. May hawak ding iced Americano.

Si Cameron .

Sa dinami-dami ng araw. Sa dami ng café sa Sta. Cruz. Sa lahat ng pwedeng puntahan matapos ang klase… dito pa talaga? Ngayon pa talaga?

Napatingin siya agad at diretso ang tinyin sa amin. Walang patumpik-tumpik. As if kilala niya na agad ’yung silhouette ko kahit hindi niya pa ako tanaw nang buo.

Tumama ang paningin niya sa’kin. At tumama rin ’yung titig niya kay Seighfred na ngayon ay may hawak pang cinnamon roll, na parang biglang nabigatan sa atmosphere.

Nagkatitigan silang dalawa. Walang salita. Pero puno ng tinig.

“Uy,” bulong ni Seigh sa’kin. “Si Cameron ’yun, ’di ba?”

Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa porkchop ko na parang nawalan na ng lasa. Ramdam ko ang bigat ng kaniyang yabag hanggang sa maupo sila sa katabi naming table.

Habang kumakain na kami, nagsimula nang dumaldal si Seigh tungkol sa class project namin.

“Alam mo ba ’yung ginawa kong activity sa Web Dev? Na-loop ’yung data, tas nag-stack overflow. Pero at least nag-run. Half working is better than zero,” tawa niya.

Tumango lang ako habang ngumunguya pa ng kanin. Hindi ko siya masyadong pinapansin. Nandito ako para kumain, hindi para makipagbalbalan sa kaniya. Hindi rin naman kami ganoong ka-close kaya hindi ko rin siya ganoong pinagtutuonan ng pansin.

Masyado palang maingay ang isang iyo, ngayon pa lamang kami nagkasama sa ganito pero akala mo close na kami kung makapagkwento eh. Pakyuhan ko kaya ito?

Mabilis na dumaan ang oras, medyo magaan na rin kasama ang lalaking ito. Maraming factors na halos magkatulad kami.

“Last time galing kami sa Forbs,” aniya, natinag naman ako. Naglalakad na kami palabas at nadaanan namin ang Phinma.

“Ows? Galing din kami last time don. Sayang hindi tayo nagpang-abot,” namangha rin sita sa sinabi ko. Nanguna pang maglakad sa akin.

“Ay weh? Angas! Pero sayang naman.” may panghihinayang pa sa tono nito. Natawa ako dahil para siyang bata.

“Sabihan kita kapag pupunta ulit kami ro’n,” hindi na natigil ang pag-uusap namin. Hindi ko alam na may idadaldal pa pala ang lalaking ito. Parang halos buong buhay niya ay naikwento na niya sa akin. Nakakamamangha lang na sa loob ng ilang minuto, nagawa niyang ikwento ang buhay niya.

“Oh, bff kayo?” gulat na tanong ni Khim nang makita kaming naghahalakhakan sa hallway.

“Hindi ba obvious?” balik na tanong ni Sieghfred na ikinairap naman ni Khim at ikinabusangot ng mukha ni Ahtisa.

“Obvious naman, dapat nga kayong magsama dahil pareho kayong babaero! Tabi!” sarkastikong sigaw ni Ahtisa at hinawi pa kaming dalawa ni Siegh. Taka ko naman silang tinignan, hanggang sa napagtanto ko…

“Aray! Para saan ’yon?” angil niya nang batukan ko siya.

“Eh gago ka pala eh, pinsan ko ’yon! Niloko mo raw siya!” kumunot ang kaniyang noo sa sinabi kong iyon.

“Huh? Paanong niloko?”  hawak pa rin ang kaniyang batok.

“Ewan, tanong mo siya,” napapikit siya sa inis.

“Eh bakit mo ako binatukan?” inis na aniya.

“Ewan ko rin, mannerism?” nakangising tugon ko. Napailing naman siya at saka nanguna na siyang umalis.

Nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Ilang saglit lang din ay narating ko na ang room, nakita ko si Siegh na nakaupo sa tabi ng upuan ko. Nakabusangot ang mukha. Hindi ko na lang siya pinansin pa at umupo na lang nang maayos.  Mabuti’t hindi ako late, pero iyung mokong ay mukhang late. Napangisi ako nang pumasok na ang prof namin nang hindi ko pa nakikita si Cameron.

Nag-umpisa ang klase nang BORING! Hindi ko alam, pero parang ang boring ngayon kahit ako lang nang ako ang sumasagot sa mga katanungan ng prof namin. Ganito pala kapag walang kakompetensya.

Natapos ang klase na para bang ang bagal ng oras. Marami kaming ginawa kanina sa OS, at pakiramdam ko ay napagod ako dahil sa sobrang bagal ng oras.

Pagkalabas ng campus ay nag-abang na ako ng jeep papuntang Sta. Cruz, halos punuan na ang mga naunang jeep, mabuti na lamang din ay nakasakay na ako. Pagkababa ko ng jeep ay panibagong pahirapan na naman sa pagsakay papuntang Magdalena.

Alas-sais na nang ako ay makasakay ng jeep. Halos nalakad ko na ang Pagsawitan makasakay lang ng jeep.

Pagkauwi ay agad akong nahiga sa kama ko at saka ipinikit ang aking mga mata. Dinama ang malambot kong kama. Pinakiramdaman ko ang sarili, tila ba’y parang may kulang sa akin. Hindi ko alam kung ano iyon, pero may pakiramdam sa loob ko na parang may hinahanap.

Hindi ko na pinansin pa iyon at nagpahinga na lang din. Ilang saglit ang lumipas nang makapagpahinga ako ay bumaba na ako sa kusina upang kumain. Medyo kumalam ang aking tiyan kaya kumain na rin ako.

Nang matapos kumain ay umakyat na ulit ako at saka ginawa ang ilan sa mga pendings ko na activities. Nang makatapos ng ilan ay nagpahinga na ako at saka muling nahiga.

Napabuntong hininga ako, parang may kulang talaga sa akin ngayon. Hindi ko alam kung ano iyon. Naiinis ako sa pagkakataong ito. Hindi ko kayang alamin sa sarili ko kung ano ang hinahanap nito. Kanina pa ako nagpagulong-gulong pero hindi ako dinadalaw ng antok.

Nakailang scroll na rin ako sa X at ginawa rin ang mga panglalaking gawain, ngunit napagod lamang ako.

Alas diyes na ng gabi, hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Napakamot ako at saka tumayo. Agad na nagsuot ng hoodie at saka umalis. Nag-umpisa akong maglakad-lakad. Masyado nang malamig ang simoy ng hangin sa mga oras na ito. Kinuha ko ang phone ko at nagsalpak ng earpods sa tenga. Pagkaplay ng kanta sa spotify ay agad na nagplay ang kantang Aya ni Earl Agustin.

Hindi ko alam pero, may kung ano sa isip ko na gustong makita ang taong kumanta nito. Sa pagkakataong ito, biglang pumasok sa isip ko si Cameron. Agad akong kinilabutan kaya agad ko ring pinatay ang music.

Tangina! Para saan iyon?

Tanong ko sa isip ko, miski ito ay hindi rin kung ano ang nangyayari.

Baka kasi hindi mo siya nakita kanina kaya ganyan. Wala kang kakumpitensya kaya pakiramdam mo ay buryo ka. Tama… tama…

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang kanto ng Salasad. Naglakad pa ako papuntang Plaza, hanggang sa madaanan ang 7/11 at pumasok ako roon. Nagtingin-tingin ako ng pwedeng makain at mainom. Hanggang sa makita ko ang Onigiri na beef bulgogi. Bibili pa sana ako ng iced cups, kaso baka hindi na ako makatulog ngayon kaya oatside na lang ang binili ko.

Pagkaupo ko ay agad kong nilantakan ang onigiri. Medyo nabitin ako kaya tumayo ako at muling bumili, pero pagkarating ko ron ay wala ng laman kaya iyung hotdog sandwich na lamang ang binili ko.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto hanggang sa napagdesisyunan ko nang umuwi. Akmang tatayo na ako nang makita ko si Sieghfred na pababa sa kaniyang motor. Agad na nagtama ang aming mga mata at agad namang bumalatay ang ngiti sa kaniyang mukha.

“Uy! Taga Magdalena ka pala?” tanong niya nang makapasok sa koob. “Kanina ka pa?” tungo na lang ang isinagot ko.

“Tapos ka na bang kumain?” muling tanong niya. Dumighay pa muna ako bago sumagot

“Katatapos lang, pauwi na nga rin ako eh.” tugon ko at napatango naman siya.

“Maya ka na umalis, hatid na lang kita.”

“Hindi na, gabi na rin eh.”

“Kaya nga, gabi na nga rin kaya ihatid na lang kita. Samahan mo muna akong kumain. Hindi pa ako nakain.” Napabuntong hininga na lamang ako dahil baka lalo akong kulitin nitong lalaking ito.  “Yown! Bili lang ako ng foods hehe.”  paalam niya at saka umalis. Buryo naman akong naglabas ng phone at nagscroll na lang muna sa tiktok habang naghihintay. Lumipas ang ilang minuto ay dumating na rin siya. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga dala niya.

“Dami niyan, kaya mong ubusin yan?” gulat na tanong ko sa mga pinamili niyang sari-sari. Ngumiti lamang ito

“Hindi ah, syempre tutulungan mo ako rito. Hindi ko alam ang mga gusto mo eh. Kaya binili ko na lang kung anong meron doon.” napaismid ako sa tugon niyang iyon. Ang daming pera ng lalaking ito. Pwede siyang huthutan!

“Busog na ako, kakakain ko lang eh.”

“Hindi yan, di ka naman mabubusog sa hotdog sandwich,” hindi na ako nakapalag pa nang ilagay na niya sa lamesa ko ang isang siopao, spam na may itlog at kanina, delight na malaki, at kung ano-ano pang mga nakabalot na pagkain.

“Ganyan ka ba kagutom?” Tanong ko nang makita siyang sumubo nang sunod-sunod. Nilunok niya muna lahat ng kinain at saka uminom ng evian na tubig.

“Oums, hindi pa ako kumain kanina eh. ’Yung kain ko, ’yung magkasama pa tayo kanina.”

“Eh ano bang ginawa mo’t bakit hindi ka kumain ng dinner?”

“Iyun nga rin ang tinatanong ko eh, kung may ginawa ba ako kung bakit ganoon na lang sila magalit.” makahulugan ang sinabi niya kahit taliwas sa tanong ko. Hindi ako handa sa ganitong sitwasyon. Wala akong alam na sasabihin dahil hindi ko pa naman iyon nararanasan.

“B-Bakit, anyare ba?” tanong ko, umiling naman siya.

“Basta, masyadong kumplikado.” tugon niya, hindi na ako umimik pa. Nagpatuloy na lamang siya sa pagkain. Ako naman ay iyung siopao na lang ang kinain.

“Kakainin mo pa ba ito?” Tanong niya nang makitang hindi ko ginalaw yung ibang pagkain.

“Busog na nga ako eh, teluk mo rin.” natawa siya sa sinabi ko. Iyung natural, hindi katulad kanina na maging ang mga mata niya ay nangungusap. Siguro nga’y may malalim na problema ang lalaking ito. “Kung ano man iyang bigat na nararamdaman mo, lilipas din yan.” hindi ko alam kung saan ko nakuha iyon. Bigla na lamang lumabas sa bibig ko. Bigla tuloy akong kinilabutan.

“Bwahahahahahahaha,” agad na bumusangot ang mukha ko nang marinig ang malakas niyang pagtawa.

Siraulo pala ito eh, eh kung upakan ko na kaya??

“Sorry… sorry… hindi ko lang inaasahan iyon hahahaha. Pero salamat!” aniya, mas lalong nawala ang kaniyang mga mata. Kung close ko lang siguro ito ay kanina ko pa ito pinakyuhan. Pasalamat na lang siya na mabait ako’t nakakadikit siya sa akin. Dahil kung hindi ay baka matagal ko na siyang inupakan.

Kabanata 13

“Dito ka lang?” tanong niya nang tumigil na kami sa harap ng bahay namin. Gaya nga ng sinabi niya kanina ay ihahatid niya rin ako. Maraming beses akong humindi pero sadyang likas na ata ang kakulitan sa kaniya, kaya wala na rin akong nagawa pa.

“Hindi naman tayo titigil dito kung hindi,” pabalang na sagot ko, umikot lamang ang kaniyang mata.

“Madalas kaming nalalagi jan sa ibaba eh, hindi kita nakikita.”

“Hindi naman ako nalabas, besides kauuwi ko lang din dito.”

“Ahh… I see, oh siya sige na, pumasok ka na ron.” aniya pero nasa loob na rin naman ako. Narinig ko pa siyang nagpaalam hanggang sa tuluyan nang nakaalis.

Pagkapasok ko sa kwarto, pagkahiga ko pa lang ay agad akong nakatanggap ng notification sa phone ko.

Siegh Van

sent you a friend request.

Buntong-hininga kong cinomfirm iyon at saka agad na ipinikit ang mga mata. Hindi pa man nagtatagal ang pagpikit ko nang makatanggap ako ng message sa phone ko. Inis kong tinignan ang phone ko at saka binasa ang message.

[Nuks! Accepted na agad ni idol! Thanks nga pala kanina! Gusto mo sabay na tayong pumasok bukas? Angkas ulit kita]

  • Siegh Van

Hindi ko na siya nireplayan pa dahil inaantok na rin ako. Ipinikit ko na ang mata ko at hinayaang lamunin ng antok ang aking katawan.

Kinabukasan…

Agad akong nagmulat ng mga mata nang maramdaman ang init ng araw. Tumayo na ako at agad na nag-asikaso. Nahikab pa akong bumaba ng hagdan at agad na nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Hindi na rin ako nakapagkanin dahil medyo nagmamadali na ako dahil baka malate ako sa pagpasok kaya tanginh cereals na lang ang kinain ko. Pinilit pa ako ni mama na magrice pero sinabi ko na baka nga malate ako. Pagkalabas ay agad akong tumawag ng tricycle pakanto ng Salasad. Baka lalo akong malate kung maglalakad ako, sayang din ang 10 mins na paglalakad.

Nang marating ang bungad ng Salasad ay mabuti na lamang ay may dumaan agad na jeep pa-Sta. Cruz kaya nakasakay na ako.

Naging mabilis ang biyahe hanggang sa limiko ang jeep sa Aresa para umikot, pagkatigil ng jeep ay halos mapatalon ako sa gulat nang may dumamba sa aking likuran. Inis ko iyong tinignan at agad na bumungad sa akin ang hinahapo na si Siegh. Taka ko siyang tinignan.

“Niyare sayo?” takang tanong ko na nakataas pa ang kaliwang kilay. Muling umikot ang kaniyang mga mata at saka kinuha ang helmet sa compartment ng kaniyang motor.

“Sakay!” aniya, lalong napataas ang kilay ko. Bumaba siya sa motor nang akmang aandar na ang jeep. Agad niyang nilapitan ang driver at pinatigil. May binulong pa siya sa driver na tinignan pa ako sa salamin.

“Bumaba ka na, sakin ka na sumabay.” aniya nang makabalik sa puwesto ko. Nakatingin pa rin sa akin ang driver kaya wala na rin akong nagawa kundi ang bumaba na ng jeep.

“Sabi ko sayo susunduin kita sa bahay niyo eh.” dagdag niya, napaangil naman ako. Wala sa isip ko na nagsabi akong pumayag ako.

“Malay ko bang totohanin mo ’yun!”

“Oh siya, ’wag nang maraming arte. Suotin mo na ang helmet nang makaalis tayo. Strict pa naman si Sir Heherson sa Data Struc. Ikaw rin!” may badyang pananakot ang huli niyang sinabi. Napabuntong hininga akong sumunod. Agad na isinuot ang helmet ngunit hindi na iyon nilock. “Safety first dapat lagi.” nagulat ako nang pihitin niya at ilock ang nasa laylayan ng helmet ko. Nawala ako sa wisyo, dahilan kung bakit hindi agad ako nakapagreact. “Kapit na, aalis na tayo,” sa sinabi niyang iyon ay agad na bumalik ako sa reyalidad.

Tangina! Ano iyon??

Swabe ang naging biyahe namin, hindi siya mabilis at hindi rin siya mabagal. Magaling magmaneho si Siegh. Hindi tulad ko na kaskasero. Since nasa Aresa na kami kanina ay mabilis lang kaming nakarating ng LU. Pagkababa ko ng motor ay nagpasalamat ako at ibinalik sa kaniya ang helmet.

“Saglit!” rinig ko pang sigaw niya kaya napahinto naman ako. Patakbo siyang pumunta sa akin para sabayan ako. “Nagmamadali?” hinahapong tanong niya. Napangiwi na lang ako. Sabay kaming naglakad papunta sa building namin at sabay na ring pumasok. Ilang minuto ang hinintay namin nang dumating ang prof namin.

Humingi siya ng sorry dahil late, may inasikaso lang daw sa faculty then nagturo na rin naman agad. Nasa harap si Sir Castillo, hawak ang whiteboard marker at buong sigasig na nag-drawing ng mga rectangular boxes na may arrow.

“So, what you’re seeing here is a singly linked list. Each node contains two things: data, and a pointer to the next node.”

Hindi ko alam pero napatingin ako sa gawi ni Cameron, tahimik siyang nakasandal sa upuan niya pero abala sa pagsusulat ng code sa scratch pad niya. Hindi ko alam kung pinapakinggan niya si sir o nagsusulat lang ng sarili niyang mundo.

“Mr. Calvez,” tawag ni sir sa kaklase ko na nagulantang dahil sa biglaang recitat. “Explain mo nga, anong nangyayari kapag tinanggal mo ang third node sa list?” Napatayo lang si Calvez, halatang hindi niya alam ang isasagot.  “Anyone?” muling tawag ni sir nang hindi nasagot ng kaklase ko ang tanong niya ngunit ni isa ay walang tumaas. Alam ko naman ang sagot kaso tinatamad akong magsalita ngayon. Napatingin naman ako sa katabi kong si Siegh. Nakayuko ito, parang may kinakalikot o para hindi matawag? Pero agad ding napatayo nang tawagin ni Sir.

“Same question,”

“Kapag tinanggal mo po yung third node, kailangan mong i-update yung pointer ng second node para i-point niya sa fourth node. Kung hindi, madi-disconnect ’yung buong chain after that.” sagot naman ni Siegh, nagulat ako dahil hindi ko alam na masasagot niya iyon. Wala kasi sa itsura.

“Exactly,” sabi ni Sir, tumango. Umupo si Siegh at tumingin sa gawi ko sabay kumindat. Pinakyuhan ko lang din ito. “Cameronw, anong consequence kung hindi mo ma-handle nang tama ’yung pointers?”

“Segmentation fault. Or garbage data. Worst case, crash ng program,” tipid na sagot ni Cameron, di man lang tumingin kay sir. Pinuri pa ito ni sir at saka muling tumalikod  para ipagpatuloy ang drawing niya ng doubly linked list sa whiteboard.

“Una sa lahat, ano nga ba ang linked list?” Pagkaharap niya ay muli siyang nagsalita at nagtanong. Pero halos siya na rin ang sumasagot sa tanong niya. “A linked list is a linear data structure where each element, called a node, contains two parts. First it is the ‘The data itself’ and the second one is a  pointer or reference to the next node in the sequence.” napatangonang lahat, nagpatuloy ang discussion

“Bakit hindi array agad?” muling tanong ni sir at siya rin ang sumagot. Hindi naman kasi siya nagtatawag. “You might be thinking, ’

Sir, bakit hindi na lang array? Hindi ba mas madali?’

Ang problema sa arrays ay fixed size sila. Ibig sabihin, kailangan mong i-allocate agad ng space kahit di mo pa alam kung ilan talaga ang gagamitin mo. Linked lists solve that problem. They’re dynamic. You can add or remove elements on the fly walang hassle sa shifting ng elements.“ Naging mahaba ang discussion, hindi ko rin namalayan ang oras. Magaling magturo si sir, hindi siya nakakaburyo kahit na marami siyang sinasabi. Marami rin akong nalaman na hindi ko nabasa sa libro. “Okay class, later  or next meeting since we don’t have time na pala, ipapa-code ko sa inyo ang pag-insert and pagdelete ng functions. Lalo na sa middle part kasi iyan ang pinaka-challenging. Kasi maraming pointer updates na one wrong move ka lang, lahat ay disconnected na. Kaya remember, sa data structures, hindi lang syntax ang mahalaga kundi logic and flow are everything.” dagdag pa ni sir at tumango naman ang lahat. “Oh siya, see you next meeting.” paalam ni sir at tumayo naman ang lahat para magpaalam din. Pagkalabas ni sir ay agad na pumunta ang secretary ng klase sa harap. Lahat naman ay napatingin, mukhang may iaanunsyo.

“Ok guys, wala raw si Prof Gaile-” hindi na natapos ang sasabihin ni Klea nang biglang masihiyawan na ang mga kaklase kong akala mo ay ngayon lang nakatikim ng vacant hour.  “Since wala raw si Prof. G, may iaassign daw siya sa MS Teams na tab which is ’yung activity natin for today. Wala siyang sinabi kung kailan ang deadline pero maglalagay raw siya ng tab later.” dagdag pa ni Klea at saka nagsilabasan na ang mga kaklase namin.

“Saan ka?” napalingon naman ako nang magsalita si Siegh.

“Hindi ko rin alam, baka magstay muna ako rito.” kibit balikat na tugon ko. Napangiwi naman siya.

“May alam akong pwedeng puntahan.” napabuntong hininga ako nang marinig na naman iyan sa kaniya. Hindi na talaga ako nilubayan ng lalaking ito.

“Saan naman iyan?” nakataas ang kilay na tanong ko. Ngumisi lang ito.

“Alam mo ’yung sa may bandang lagoon? May bagong mga bench doon. Wala pang masyadong tao.” Umiling ako bilang tugon. Hindi ko naman kasi alam iyon.

“I see… tara na!” Hindi pa ako sumasagot, nilagpasan niya na ako, sabay sulyap pabalik na parang hinihintay kung susunod ako. At eto nga ako, nasa likod niya, tinatahak ’yung daan palabas ng LSPU.

Hindi naman malayo ang lugar na sinasabi niya, ilang minuto lang din ay narating na rin namin ang lagoon na kaniyang tinutukoy.  Walang salitang pumasok kami. Doon kami naupo sa isang bagong bench. Sa harap namin ay may ilog, may kaunting alon hindi rin masangsang ang amoy. Masyadong kalmado ang paligid, may ilan ding estudyanteng nagbabasa o naka-earphones sa ibang parte ng lugar. Masyadong payapa, mabuti’t nakisama ang panahon dahil medyo makulimlim ngayon.

“Kapag ganito, parang pwede ka nang di umuwi no?” natawa ako sa isiping akala ko ay wala akong kasama. Kasama ko pala ang isang mokong. Mukhang mahihirapan pa akong makuha ang kapayapaan.

“Kung may pagkain dito, baka nga.” tugon ko, natawa naman siya. Seryoso kong inilibot ang paligid at ninamnam ang masarap na simoy ng hangin.

“Hindi ka ata nagsasalita kanina,” bigla ay muli siyang nagsalita. Tinutukoy niya siguro ang hindi ko pakikipagparticipate sa recitation kanina.

“Wala lang, tinatamad lang ako kanina.” tugon ko at natawa naman siya. Napatingin ako sa kaniya, nakangiti siyang tinitignan ang mga ibon sa puno sa kabilang dako ng ilog. Nahalata niya atang nakatingin ako sa kaniya kaya tumingin din siya sa akin dahilan para magtama ang aming mga mata. “Bakit?” takang tanong niya. Umiling lang ako

“Wala lang, nagulat lang ako na nakakasagot ka pala sa mga tanong.” nakangising dagdag ko. Bumusangot naman ang mukha niya.

“Bakit anong akala mo sa akin bopols?” nakangusong tanong niya

“Oo…” direktang sagot ko

“Grabe ka naman sakin,” kunyaring malungkot na aniya. Natawa naman ako

“Hindi kasi kita sa mukha mo na may talino ka rin palang tinatago. Hindi kasi halata.” natatawang dagdag ko pa. Natawa naman siya.

“Siyempree! Sayang ang gwapong mukha kung walang ganito.” turo niya pa sa ulo niya. Natawa naman kami. “Kahit maloko ako ay hindi ko pinababayaan ang pag-aaral ko. Takot ko na lang kila daddy.” sa huling sinabi ay tila parang may hinanakit sa kaniyang sinasabi.

“Alam mo bang pareho tayo ng sinasabi? ’Yan ’yung lagi kong sinasabi eh. Na kahit maloko ako ay hindi ko dapat pabayaan ang pag-aarap ko. Kaya pinagsasabay ko siya.”

“Bakit ka nga ba nagtransfer dito? Saan ka nga ulit?”

“Sa PLM ako before, lumipat lang ako kasi iyon ang gusto nila mama since lumipat na kami rito sa Laguna.” tatango-tango siyang nakinig.

“May minsan ka na bang sumuway sa kanila?” bigla ay seryosong tanong niya.

“Meron naman, halos araw-araw iyon haha. Hindi naman sila mahigpit sa akin, sadyang natakas lang talaga ako madalas.”

“Hindi naman ba sila nagalit sa ’yo?”

“Hindi naman, kilala naman ako nila mama na walang ginagawang masama. Huwag lang talaga akong maging pariwara.” tugon ko at napatingin naman ako sa kaniya nang mag-iwas siya ng tingin. “Ikaw ba?” bigla ay parang gusto ko na lang bawiin ang tanong kong iyon. Pero mukhang mas kailangan niya rin ng mapaglalabasan ng sama ng loob. Kita ko sa mga mata niya ang mga lungkot na pinagdadaanan niya.

“Alam mo bang naiinggit ako sa ganiyan. Iyung tipong kumpleto at masaya. Kasi kami, kumpleto kami pero hindi ko kailan man naramdaman ang saya.” panimula niya, tutok lamang akong tumingin. “Lalo na ngayon, lalo akong nakaramdam ng insecurities. Bakit sa inyo pwede, tapos sa akin hindi? Sumuway lang ako onced pero halos palayasin na ako at kapag inulit ko pa ay mukhang wala na akong pamilyang uuwian. Kapag nasa bahay ako ay pakiramdam ko ay sinasakal ako, kaya kapag once na nakalabas na ako ay pakiramdam ko ang laya-laya ko na. Lumipat ako sa LSPU dahil sa pangyayaring hindi ko naman ginusto. Naging mahina ako that time, pero nakuha kong lumaban. Pero sa pagiging malakas ko that time ay parang ako pa ang naging mali.” Mahabang aniya, hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Bigla ay nakaramdam ako ng awa para sa kaniya.

“Gusto nila akong mag-aral sa mas mataas na paaralan, pero sinadya kong mag-aral sa LSPU dahil ayokong masumbatan.” dagdag niya pa. Masyadong tahimik ang paligid, tanging ang malalim na paghinga niya lang ang naririnig ko. Gusto ko siyang aluin pero hindi ko magawa dahil hindi ko naman alam kung ano ang gagawin.

“I’m sorry to hear that.”

“Nah… goods lang. Minsan lang din akong makapaglabas katulad nito. Salamat btw,” muling naging tahimik ang kaninang tahimik na paligid. Wala nang nagsalita pa sa aming dalawa. Ramdam ko ang emosyon sa kaniya, hindi ko pa man nararanasan iyon ay alam kong mabigat na sa pakiramdam iyon. Siguro sobrang thankful ko ngayon dahil kahit papaano ay hindi ko nararamdaman ang mga naranasan niya. Pero hanga ako sa lakas at tatag ng loob niya dahil kung iba pa iyan ay siguro matagal nang bumitaw at sumuko. Wala sa sariling nailagay ko ang aking kanang kamay sa kaniyang likuran. Nagulat ako, maging siya. Hindi ko tuloy alam kung tatanggalin ko pa o hindi na. Pero since naroon na ay hinagod ko na lamang ang kaniyang likuran kahit na pinagtatayuan ako ng balahibo.

Sa kabilang banda ay may naaninag akong pigura na nakatingin dito. Inaninagan ko iyon at ganon na lamang ang gulat ko nang magtama ang tingin namin ni Cameron. Bigla ay natuliro ako, hindi ko alam kung tatanggalin ko ba ang kamay ko sa likuran ni Siegh o magkunyaring hindi ko siya nakita.

Tanginang shit! Baka isipin nito bading ako! Pakshet siya!

Kabanata 14

Walang ano’y tinanggal ko ang aking kamay sa likuran ni Siegh at agad na tumayo at nagkunyaring nag-unat-unat. Kita ko naman ang pagtingin niya sa akin, ngumiti lang ako nang bahagya.

“Aalis ka na?” Tanong niya at umiling naman ako.

“Nag-unat lang. Ikaw ba?” balik na tanong ko sa kaniya. Umiling lang din siya.

“Nagugutom na ako, tara kain tayo.” medyo kumalam na rin ang tiyan ko kaya tumango na lang din ako bilang tugon. Tumayo siya at pinangunahan ang daan papunta sa kainan. Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa marating namin ang mga tusok-tusok sa labas. “Nakain ka naman siguro nito hindi ba?” tukoy niya sa fishball, kikiam, kwekwek at kung ano pang mga tusok-tusok.

“Hindi naman ako maarte sa pagkain.”

“Kahit pakainin ka ng ebak? Kemie lang po atee! Hahaha” sinamaan ko siya ng tingin at natigil naman siya. Kumuha ako ng limang kwekwek at inilagay iyon sa mangkok. Binuhusan ko ng suka at kulay orange na sauce. Buti na lang din ay may pipino sila kaya solve na rin ako rito. Masarap din ang sauce nila na may combination ng suka na masarap din ang pagkakatimpla. Sakto lang ang asim, tamis, at anghang.

“Yan lang sa ’yo?” tanong niya, tumango naman ako dahil may nginunguya akong kwekwek. Napatingin naman ako sa mangkok niya. Naghalo ron ang kikiam, kwekwek, at squidball. Meron pa siyang gayat na hotdog. Hindi pa nakuntento, kumuha pa ng dalawang lumpia. Grabe sa katakawan ang isang to. Akala mo ay ngayon lang nakakain.

“Mauubos mo yan?” tanong ko. Lumapad naman ang pagkakangiti niya at saka tumango.

“Naubos ko nga ang pagkain kagabi, ito pa kaya?” tugon niya matapos lunukin ang nginunguyang pagkain. Tumagal din kami nang ilang minuto ron dahil sa tagal niyang kumain. Siya na rin ang nagbayad ng kinain namin. Iba talaga kapag big time eh. Anak ata ito ng mayor.

blurghbbb” malakas na pagdighay niya. Natawa naman ako

“Busog na busog ako ah” aniya at napaismid naman ako.

“Paanong hindi mabubusog eh halos ubusin mo na ang paninda ni kuya.”

“Ewan ko nga eh, ang dami kong kumain pero hindi naman ako nataba.”

“Baka kasi marami kang alaga jan sa tiyan mo.”

“Wuy! Grabe ka naman sa ’kin,”

“Just saying lang.” natatawang sambit ko at muli naman siyang ngumuso na parang bata.

“Tara na,” aya niya at pinangunahan ulit ang daan papalabas. Ilang minuto lang din ay narating na namin ang school. Pumunta na kami sa ICT bulding para sa aming next sub. Hindi ko napansin ang oras doon, halos nakain na rin pala ang oras ng aming lunch. Ganoon pala kami katagal doon. “Shit! PE pala natin mamaya, hindi ako nakapagdala ng uniform natin!” bigla ay naghisterikal siya.

“Eh paano yan?” tanong ko at bumuntong hininga naman siya.

“Uuwi na muna ako, kapag hinanap ako sabihin mo nagLBM.” aniya, ako naman ang napabuntong hininga.

“Oh siya, sige na. Mag-iingat ka,” tango na lamang ang isinagot niya at saka bumaba muli ng building.

“Tangina!” bulalas ko nang pagtalikod ko ay nasa harapan ko na si Cameron.

“Kaibigan mo ba ’yun?” Kunot ang noong tanong niya.

“Eh ano naman sa ’yo ngayon?” balik na tanong ko sa kaniya. Napasinghap siya sa kaniyang kaliwa dahilan upang makita ko ang pag-igting ng kaniyang panga.

“Just be careful,” iyon lang at saka niya ako tinalikuran. Taka ko naman siyang hinabol ng tingin. Wala naman akong ibang makitang dahilan para mag-ingat. Abno talaga siyang tunay!

Hindi ko na lang siya pinansin pa at Umupo ako sa likod sa third row, sa dulo na malapit sa bintana. Mas gusto ko kasi ’yung may sariling espasyo, para bang mas tahimik. Pumasok si Prof. Hilario, bitbit ang laptop at whiteboard marker.

“Good afternoon , class. Today we’ll begin our lecture on HTML and CSS fundamentals. Ito ang foundation ng kahit anong website from the simplest blog to a full-stack system.” panimula ni sir, tumutok naman ako at nakinig. “HTML is not a programming language. It’s a markup language na ginagamit para i-structure ang content ng web page. Ang mga tags, elements, attributes ay ’yan ang basic building blocks. Sa CSS naman, that’s where design comes in. Cascading Style Sheets naman, ito ang nagdadala ng kulay, layout, and overall design o aesthetics sa page.” dagdag pa niya. Halos nabasa ko na rin naman iyon sa libro kaya hindi na rin bago sa akin.

“Naintindihan po ba?”

“Yes po!” tugon ng lahat. Yumuko si sir at may kinalikot sa kaniyang laptop at ikinonek sa projector. Nag-flash siya ng sample HTML code na alam kong halos lahat naman dito ay alam na iyon.

“This structure is the backbone. Later on, we’ll combine this with CSS para makita n’yo ang kaibahan ng plain vs styled content. At palaging tandaan, na ang maayos na syntax at indentation ay importante. Kahit hindi ito magrun tulad ng code sa C++ or JavaScript, malaking epekto ang mali sa isang tag.” Tumitingin ako sa screen, pero paminsan-minsan napapatingin ako sa unahan. Kay Cameron. Tahimik siya. Hindi umiimik. Pero mabilis magsulat. Actually, nabuburyo ako. Hindi dahil sa teaching ni sir, dahil halos alam ko na rin ang tinuturo nya. Mas naeeager tuloy akong magcode kaysa makinig ngayon.

“Sa lab activity natin next week, you’ll be building your own personal web page. Gagamit tayo ng basic tags, paragraphs, images, lists, at links.

Walang copy-paste. Bawal template. This is your own creation. And yes, this will be graded.“ may mga naghimutok, may mga napailing, habang ako ay nakatamdam ng excitement. Mas gusto kong i apply ang mga nalalaman ko ngayon dahil doon ko mas nakikita kung tama ba ang mga naiintindihan at mga naaral ko. “If you have background na sa HTML, that’s good. Pero this class will focus on proper structure, responsive design, and best practices. ’Di lang sapat na gumagana. Dapat maayos tignan. User-friendly and mobile-responsive.” dagdag pa ni sir. Halos di na rin nakinig ang iba dahil distracted na sa unang sinabi ni sir. “Alrights. That’s it for now. Prepare for next week’s quiz. And don’t forget na magdala kayo ng design concept.

Next class, we’ll talk about CSS properties and selectors.“ nang makalabas na si sir ay agad na umingay ang loob ng silid.

“Ang dami namang kailangang aralin, nakakainis!!” dinig kong sambit ng kaklase kong si Daniela, sinang-ayunan naman siya ng ilan.

“Sa true teh! Hindi ko alam kung anong meron next week kung bakit puro sila next week kung magpagawa! Kaimbiyerna!” segunda naman ni Kris, isa sa mga bakla kong kaklase.

“Arat na magshift!” sigaw naman ni Antonio, ang tamad naming kaklase.

“Ulul teh! Mag-aral kang mabuti. Ewan ko ba kung paano ka nakapasok sa LSPU eh. May backer ka ata!” pang-aasar ni Kris kay Antonio na agad ding napikon.

“Tangina mo, bakla!” galit na sigaw ni Antonio at nagtawanan naman ang iba.

“Fuck me, Antonio ughh!” malanding tugon naman ni Kris na lalong nagpatawa sa mga kaklase ko. Nagpatuloy ang kanilang asaran, samantalang ako ay lumabas na ng room para magpalit na ng susuotin namin para sa aming pathfit na basketball.  Dumaan ako  sa hallway ng ICT building, medyo mainit na ang hangin. Hapon na kasi, at kahit pa shaded ’yung daan papuntang covered court, ramdam mo na agad ’yung pawis sa batok.

“Pre!” dinig kong boses sa likuran. Napatingin naman ako at nakita ko si Siegh na nakajersey na. Tagal naman ng lalaking ito. Naka terno siyang black na jersey na katulad ng jersey ng Ateneo na may number na 1.
“Tapos na ang klase?”

Natural! Hindi naman ako lalabas kung hindi! Napabuntong hininga ako at tumango naman.

“Katatapos lang din, tagal mo naman.”

“Sayang naman, naghanap pa ako ng jersey eh. Tara na, saan ka pupunta?”

“Sa gym na, doon na rin ako magpapalit. Bilis mo naman magpalit.”

“Ganito na nga ako pumasok eh haha.” proud pa siya

“Ows, buti pinapasok ka?”

“Oo naman, kaibigan ko na ’yung guard doon eh.”

“Nuks! Iba talaga kapag bigtime.”

“Sakto lang, hehe. Tara na?” tango na lang ulit ang sinagot ko at ako na ang nanguna papuntang Gym. Pagkarating ay agad na akong nagpalit. Ternong jersey na kulay blue na may touch of black sa gilid naman ang suot ko. Ito ang jersey ko nung SHS sa PCU, mabuti nga’t nagkasiya pa sa akin.

“Nuks, bentesingko!” bungad ni Siegh pagkalabas ko. Twenty five kasi ang number sa jersey ko. “Sino ’yan?” napaismid ako sa tanong niya.

“Anong sino ’yan? Birthday ko ’yan baliw!”

“Ahh birthday pala, akala ko same ng akin eh. One kasi ang monthsarry namin ng ex ko dati haha.” hindi ko na siya pinansin pa at naupo na lang ako sa isang bench para makapagrelax. “Tangina, last subject na pero parang dun pa ako mapapagod.” dagdag pa nito. Eh hindi na nga siya pumasok nitong last sub bago ang pathfit.

“Buti nga basketball. Imagine kung Zumba pa ’yan.” napaing lamang siya habang ako ay nagpatuloy na sa paglalakad. Pagdating sa court, may ilan nang andon. Iba nagsho-shooting, iba nakaupo pa lang sa side benches. Nasa kabilang side si Cameron. Kausap si Coach, tapos maya-maya ay lumayo na kaya solo siya ngayon.

“Oh, pre. May spot pa tayo sa gilid. Dun tayo, malapit sa fan.” si Siegh na agad ding naglakad. Sumunod na lang din ako sa kaniya. Habang naglalakad kami papunta sa gilid, napadaan kami sa likod ni Cameron. Hindi siya tumingin. Pero nang mapadaan ako ay naramdaman ko ang tingin niya. Hindi ko alam kung imahinasyon lang. Pero parang naramdaman ko ’yung tingin niya sa gilid ng mukha ko Dumating si Coach Reyes na walang bitbit kundi whistle, clipboard.

“Good afternoon, everyone! Before tayo mag-shoot o mag-dribble, alam n’yo na kung anong meron, discussion muna bago ang anything else. Para maguide kayo sakaling nasa loob na kayo ng mismong court. And yes, Mr. kita ko ’yang tingin mong gusto nang umupo. Tatayo tayo saglit lang.” Naghagalpakan ang mga kaklase ko nang punahin si Antonio, ’yung kaklase kong bakla.  Bali sa basket ay lima kaming magkaklase, ako, si Siegh, si Cameron, si Antonio, at si Hanz.

“Hindi ko alam na nandito ka,” patukoy ni Hanz kay Antonio na inirapan naman nito. Nagtawanan naman ang mga nakarinig. Mukhang alam ko na rin ang pakay ni Hanz. Tinutukoy ang kung ano ang katauhan ni Antonio.

“Hindi ko nga rin alam na nandito ka eh, edi sana hindi ako nag-enroll sa basket tse!” rebat naman ni Antonio, dahilan para muling magtawanan ang ilan.

“Ang sabihin mo kaya ka nandito dahil maraming pogi! Hahahahaha!” malakas na humagalpak si Hanz maging ang ilan sa mga kaklase naming mukhang galing sa ibang program.

“Sowsss! Baka nga mas magaling pa akong magbasketball kaysa sa iyo mister!” palaban din itong si Antonio kaya naghagikhikan na naman ang lahat.

“Oh siya, tama na iyan. Magsisimula na tayo. Magsiupo na ang lahat” pumagitna si Sir dahil baka magkainitan ang dalawa dahil mukhang asar talo ang Hanz. “So class, today we’re focusing on basketball not just as a game, but as a total body workout. Bakit kaya ito kabilang sa PathFit? Bakit ito itinuturo, aside sa pagiging popular na sport?” at ito na nga, nag-umpisa si sir. Nagtaasan naman ang ilan sa mga kaklase ko.

“Para po ma-train sir!”

“Para po maging NBA player haha”

“Basketball develops multiple components of fitness” panimula muli ni sir. Tutok lang akong nakinig, hahang ang katabi kong si Siegh ay kinakalikot ang kaniyang sapatos. Sa kabila naman si Cameron na titig din makinig. Pero ang napansin ko sa kaniya, halos same kami ng kulay ng jersey, nagkaiba lang ng tatak. Halos parehas din kami ng jersey number. Tangina! Mukhang may maitatapon akong jersey mamaya pagkauwi ah.

“Basketball developed cardiovascular endurance bakit? dahil takbo ka nang takbo.  Muscular strength and endurance, lalo na sa arms at legs. Agility and coordination para sa dribbling at quick footwork, And last, teamwork and mental discipline. Do you understand?”

“Yesss coach!” sigaw ng lahat. Lahat ng sinabi ni sir ay tama, wala naman siyang sasabihing mali hindi ba? Naalala ko tuloy nung high school ako. kapag scrimmage, parang mas pagod pa ako kaysa sa regular PE drills.

“Ang basketball ay hindi lang para sa mga varsity. Ang point natin dito ay movement, activity, at health. Kahit pa hindi ka shooter, basta gumagalaw ka, may benefit ka na agad. So for today, we’ll do basic drills. Hindi pa tayo maglalaro ng full game. Warm-ups muna, then ball handling, then passing drills. We’ll observe form, control, at higit sa lahat ang cooperation.” Tumunog ang whistle. Nagsimula nang maglatag ng cones sina student assistants. Si Cameron nasa kabilang side ng court. Hindi ko alam kung pinapansin niya ako. Pero si Siegh, tumabi na agad sa akin at saka nagsimula na rin kaming gumalaw


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.