THE RIGHT TIME (Love Takes Time 2nd half) COMPLETED!
YorTzekai · 24 chapters · 28,030 words
NOTE :3
dito ko na lang pala itutuloy hehe =)
PATIKIM =)
“Mom? Nasan ako? Anong nangyari?”
.
.
Ngunit hindi sumagot si Mom,agad nya akong niyakap at saka humagulhol. Naguluhan ako? Ano ba ang nangyari?
.
.
“Mom?”
.
. “I thought were gonna lose you like your Kuya Venn,nagsisisi na kami ng Dad mo sa pagiging sarado ng aming pag iisip,patawarin mo kami anak” umiiyak na sabi ni Mom at kumalas sa pagkakayakap sa akin.
.
.
“Ano po ba ang nangyari? Nasan ako?”
.
.
“Nandito ka sa ospital anak,nandito tayo sa America. Tanda mo ba yung huling nangyari sayo anak?”
.
.
Dahil doon,inisip ko kung ano nga ba ang huling nangyari sa akin? At bakit nasa America kami? Maiintindihan ko pa kung ospital lang.
.
.
Naalala ko ang building, ako at ang babaeng kasama ko dun. Si Bubbles! At pagkatapos non nangyari na nga ang lahat after that wala na ako matandaan.
.
.
“Si Ian Mom? Nasan sya?” biglang
tumulo ang aking mga luha dahil sa aking mga naalala.
.
.
“You’ll see him one of these days,for the mean time you take a rest,mamaya dadating na Dad mo at si Kymn” nakangiting sabi ni Mom sa akin.
.
.
“Pero Mom,bakit tayo nandito sa America? At bakit parang gulat na gulat kayo kanina ng magising ako?” pangungulit ko pa din. Huminga ng malalim si Mom bago nag salita.
.
.
“Dahil sa natamo mong head injury anak ay na comatose ka”
.
.
Nagulat ako sa sinabi ni Mom,na comatose ako? Akala ko nakatulog lang ako?
.
.
“Na comatose ako?”
.
. “Oo anak,for two years” sagot ni Mom.
.
.
And that revealation really shocked the hell out of me. Ganun ako katagal walang malay?
.
.
-Abangan :3
LATEST PIC NI PAGE NA MEDYO MAHABA BUHOK NASA MULTIMEDIA,AND C IAN ANG BOOK COVER =D
TRT.o1 <3
Page’s POV
Nagising ako na parang pagod na pagod ako. Unti unti kong minulat ang aking mga mata,medyo blurry pa. Naaninag ko ang imahe ng isang babae,at ng luminaw na,napagsino ko na ito.
“M-mom?” bakit nahirapan ako magsalita? Agad na tumingin sa akin si Mom na gulat na gulat, mas nagulat naman ako ng umiyak sya.
“Oh God! Thank you Lord!” nadinig kong bulalas ni Mom then may pinindot sya sa isang gilid. Intercom siguro.
Nagtaka man ako sa ikinilos ni Mom ay nagtanong pa din ako
“Mom? Nasan ako? Anong nangyari?”
Ngunit hindi sumagot si Mom,agad nya akong niyakap at saka humagulhol. Naguluhan ako? Ano ba ang nangyari?
“Mom?”
“I thought were gonna lose you like your Kuya Venn,nagsisisi na kami ng Dad mo sa pagiging sarado ng aming pag iisip,patawarin mo kami anak” umiiyak na sabi ni Mom at kumalas sa pagkakayakap sa akin.
“Ano po ba ang nangyari? Nasan ako?”
“Nandito ka sa ospital anak,nandito tayo sa America. Tanda mo ba yung huling nangyari sayo anak?”
Dahil doon,inisip ko kung ano nga ba ang huling nangyari sa akin? At bakit nasa America kami? Maiintindihan ko pa kung ospital lang.
Naalala ko ang building, ako at ang babaeng kasama ko dun. Si Bubbles! At pagkatapos non nangyari na nga ang lahat after that wala na ako matandaan.
“Si Ian Mom? Nasan sya?” biglang tumulo ang aking mga luha dahil sa aking mga naalala.
“You’ll see him one of these days,for the mean time you take a rest,mamaya dadating na Dad mo at si Kymn” nakangiting sabi ni Mom sa akin.
“Pero Mom,bakit tayo nandito sa America? At bakit parang gulat na gulat kayo kanina ng magising ako?” pangungulit ko pa din. Huminga ng malalim si Mom bago nag salita.
“Dahil sa natamo mong head injury anak ay na comatose ka”
Nagulat ako sa sinabi ni Mom,na comatose ako? Akala ko nakatulog lang ako?
“Na comatose ako?”
“Oo anak,for two years” sagot ni Mom.
And that revealation really shocked the hell out of me. Ganun ako katagal walang malay?
Agad din dumating ang Duktor at mga Nurse at ininspect at nag check sa akin. Pero tulala ako at iniisip pa din ang mga sinabi ni Mom.
Ng makaalis na ang doctor at mga nurse,nanghingi ako ng salamin kay Mom at agad naman nya itong iniabot sa akin
Medyo nagulat pa ako sa itsura ko,medyo humaba na ang buhok ko,para na ako talagang babae. Inilapag ko na ang salamin.
“Kailan tayo babalik ng Pilipinas Mom? Gusto ko makita si Ian at ang mga kaibigan ko” maya maya ay sabi ko. Hindi pa man nakakasagot si Mom ay bumukas na ang pinto at pumasok si Dad,Kuya Kymn at si Koy?!
“Totoo nga,sa wakas gising ka na Riley” ani Dad at bigla ako niyakap. Napangiti na lang ako dahil don. “Patawarin mo ako anak,naging sarado ang pag iisip ko,natakot kami ng Mommy mo na baka mawala ka din sa amin tulad ng kuya Venn mo” dagdag pa nito.
“Wala sa akin yon Dad,hindi naman ako nagtampo o nagalit,naiintindihan ko po yan,tapos na yon hwag na natin pag usapan” sagot ko,kumalas ng yakap si Dad.
“Salamat anak,at salamat sa Diyos”
“Kamusta ang sleeping beauty kong pinsan? Grabe natakot ako sa nangyari ah,parang naulit lang yung noon” ani kuya Kymn. Nangunot naman ang noo ko dun.
“Bakit kuya?”
“Nangyari din ang lahat ng yan kay Young Master Yuweh,mas malala pa,pero tapos na yon” anito at lumapit sa mesa nilapag ang mga dalang prutas,si Koy naman ay lumapit sa akin.
“Kamusta na best?” aniya.
“Eto,buti nagising pa,ikaw? Ang tropa?” balik tanong ko.
“Ayos ako basta’t ayos ka,ang tropa may kanya kanya ng trip although nag aaral pa rin sila sa school natin at nasa Chansu pa din sila” sagot nya. Parang lalong naging makisig ang bestfriend ko. I still cant believe na tulog ako ng two years, nasa state of dormancy ako ng dalawang taon at walang kamalay malay sa mga naganap.
“Si Ian best? Si Bubbles ano nangyari sa kanya? Saka si Eiko?” malungkot kong tanong.
“Mamaya na ang kamustahan,madami pang oras mga anak,kumain muna tayo,heto at masarap tong mga nabili kong pagkain” pagsingit ni Mom sa usapan. Naramdaman ko ng may mali. Para kasing iniiwasan nilang mapag usapan si Ian at hindi ko magets kung bakit?
Nagsimula na kaming kumain,panay kwento sila at masaya naman akong nakikinig though iniisip ko pa din kung ano ang nangyari kay Ian,kay Bubbles at kay Eiko.
Sinusubuan ako ni Mom dahil hindi ko pa kayang humawak ng may kasamang pwersa. Sabi ni Dad kailangan ko din mag pa therapy para makalakad ako dahil nga dalawang taon kong hindi nagamit ang aking mga paa.
Kinagabihan ibinalita sa amin ng Doctor na pwede na ako idischarge bukas o sa susunod na araw. Sina Mom and Dad na daw ang bahalang kumuha ng therapist para sa akin.
“Pano ba yan pinsan? Mukhang okay ka na naman,babalik na din ako ng Japan bukas,hindi ako nakapag paalam ng maayos kay Grand Master eh” ani kuya Kymn habang nagkekwentuhan kami kasama si Koy,si Mom and Dad umuwi muna para makapag pahinga.
“Sinong Grand Master ba yan? Lagi ko naririnig” tanong ko.
“Lolo ni Yuweh, Prime minister ng Japan,sya kumupkop sakin noon”
O_O
“Ang yaman pala ni kuya Yuweh!” bulalas ko. Bakit ngayon ko lang to nalaman? Ang galing ah?
“Nga pala best,I’ll be staying here with you until matapos ang therapy mo” singit ni Koy sa usapan. I think I really need to talk to him privately one of these days,ang laki na ng utang ko sa kanya. Lagi syang nasa tabi ko and he really never leave me even in my worse state of my life.
“Ayos yan best,san ka ba tumutuloy ngayon? Nag stop ka ba? Buti pinayagan ka nina Tita na pumunta dito” sabi ko naman.
“Sa inyo ako tumutuloy ngayon, yup pinayagan ako tutal sem break,actually last year ko na dun sa school natin,I was planning na samahan ka sa bagong school na papasukan mo when we get back to the philippines” mahaba nyang sagot.
Napanganga ako. Hindi talaga sya nagbago,ako at ako lagi nyang inaatupag. I was lost for words. Masyado na ako naloloka sa mga nalalaman ko.
“Kailangan mo ba talagang gawin yon Koy? You see dahil si Page ang lagi mo iniisip,hindi mo na nagagawa ang mga gusto mo” singit ni Kuya Kymn. On that thing I have to agree, I dont think its necessary na iisang tabi nya ang gusto nya para lang sa akin. Kalabisan naman yon at unfair for him.
“Pero ito ang gusto ko kuya” determinadong sagot ni Koy.
“Pinapabilib mo ako Koy pero hindi pa din tama yan,you have your own life to live,own issues and problems to settle with,nandyan naman ang pamilya namin to take care of everything and to take care of Page” hindi papatalong sabi ni kuya Kymn. Nagpapalitan na lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Nakalimutan ba nilang nandito ako? >_<
“Pano kung maulit ang mga nangyari kuya? Mas maganda ng nandon ako” pag pupumilit ni Koy.
“Bakit mo gagawin yon? May boyfriend sya,bestfriend ka lang, nasan nga ba boyfriend nya?” prangkang sabi ni Kuya,medyo tumaas ang boses nya. Natahimik si Koy at tumingin sa akin.
“Kuya sa labas tayo mag usap” sabi ni Koy,tumayo na at lumabas,sumunod si kuya.
Ngayon lalo ko na confirm na may tinatago sila sa akin. Malakas ang kutob ko na may hindi magandang nangyari nung mga panahong wala akong malay.
At iyon ang una kong aalamin pagbalik sa Pinas,pagbubutihin ko muna ang therapy para mabilis matapos,alam kong maraming katanungang naiwan nung ma comatose ako,and I need to know the answers.
AN / MUSTA? Pasensya at nagbago ang isip ko at ginawan ko ng bagong book ang 2nd half :D alam nyo naman ako :)
Alam ko marami din kayong mga katanungan hahaha!
WHAT CAN YOU SAY? Feel free to comment, and vote na din kung nagustuhan ^_^
TRT.o2 <3
Page’s Point of View
Dahil sa pursigido akong gumaling agad at makauwi sa Pilipinas ay natapos ko ang therapy sa loob lamang ng anim na buwan.
Alam at ramdam nila kung gaano ko gusto makauwi na sa Pinas. Kumbaga sa mga multo may unfinished bussiness pa ako.
Ng lumapag ang eroplanong sinakyan namin sa NAIA ay nakaramdam ako ng kakaibang saya. Sa wakas,after two years, nandito na ulit ako.
At ng bumyahe kami pauwi sa aming bahay ay mas nakadama ako ng excitement,hanggang sa bahay ay sumama si Koy sa amin. Tumulong sya sa pag aayos ng mga maleta at bagahe.
Sakto naman sa isang linggo ay pasukan na. Bukas na bukas mag e-enroll na kami ni Koy pero may iba pa akong balak syempre.
Pagod ang katawang nahiga ako sa aking kama at excited para sa mga gagawin ko,though natatakot din naman ako sa kung ano ang posible kong malaman.
Kinabukasan ay maaga kami gumayak para mag enroll. Dun ko naisipang mag enroll sa dating school ni Ian,ang Starville University.
Mainit at maraming tao ang mga mag e-enroll din,ako balik first year college syempre,si Koy fourth year,pero yung schedule nya ay itinugma nya sa akin.
“School girl ka na ulit best” biro sakin ni Koy,nandito kami sa cafeteria at kumakain.
“Oo nga eh,sayang at balik first year ako,pero ayos lang naman” nakangiti kong sagot.
“Yan ganyan nga,ngiti ka lang palagi” aniya.
“Baliw mo” sabi ko naman at binalik ang atensyon sa pagkain.
“Bilisan mo dyan,ililibre kita ng Icecream”
Sa narinig ay nanlaki ang mga mata ko. Matagal na akong hindi nakakatikim ng icecream! Bestfriend ko nga talaga to! Kahit pa mas nag mature sya eh lalo naman naging makisig.
“Talaga? Sabi mo yan ah? Ah nga pala best,gusto ko makita at makasama ang tropa”
“Haha makakasama mo din sila huwag ka magmadali” nakangiti nitong sagot.
Matapos ng lunch naming iyon ay nag icecream nga kami,sobrang namiss ko yung ganito,di nagtagal ay nagpaalam si Koy na uuwi muna para makita sya ng pamilya nya,ako naman sinabi kong uuwi na din ako,kahit ang totoo ay hindi.
Nang matiyak ko ng wala na si Koy ay sumakay na ako ng taxi at tinungo ang pakay ko.
Malakas ang kabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan pero nilabanan ko iyon,na e-excite lang siguro ako.
Ng makarating sa aking destinasyon ay nagbayad at bumaba na ako ng taxi. Huminga muna ako ng malalim bago nag doorbell. Mga tatlong beses din iyon bago bumukas ang maliit na gate at sumilip ang isang katulong.
“Ano kailangan nyo ser?” tanong nito,napipi naman ako dahil hindi ko alam ang sasabihin,hindi ko kasi alam ang realname ng pakay ko eh.
“Inday yan na ba yung pinadeliver ko?” sabi ng pamilyar na boses,napangiti ako at ng sumilip din ito sa maliit na gate ay parang nagulat pa ito.
“Page!” bulalas nito.Agad na lumabas at niyakap ako na ginantihan ko din ng yakap.
“Kooki” tanging nasabi ko na lang at nagkalas na kami sa yakapan.
“Inday pag handa mo kami ng meryenda,dun kami sa nipa hut” utos nito sa katulong at saka bumaling sa akin “Kamusta kana teh? Tara dun tayo sa kubo” anyaya nya at pumasok na nga kami sa loob ng bakuran nila at tinungo ang kubo.
“Mabuti at nagising ka na,lagi ka namin pinagdadasal teh,na miss ka namin” agad nyang sabi ng maka upo kami.
“Oo nga eh,salamat sa Diyos,grabe two years pala akong comatose” sagot ko naman.
“Alam na ba ito ng tropa? Touched naman ako teh at ako agad ang una mong pinuntahan” masayang sabi ni Kooki na sinagot ko ng ngiti.
“Tungkol dyan Kooki,gusto ko malaman kung anong nangyari pagkatapos ng insedente sa rooftop” diretso kong sabi. Ayaw ko ng magpaligoy ligoy,ganun ako ka eager malaman ang nangyari,at alam kong si Kooki lamang ang makakapag sabi sa akin.
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa na kahit mismo langaw o bubuyog ay mahihiyang gumawa ng ingay. Tinitigan ako ni Kooki na para bang inaarok kung sigurado ako sa gusto kong malaman.
“Im dead serious Kooki,ayaw kong ibalewala ang mga nangyari,hindi ka ba naaawa sa akin? Gusto ko malaman kung anong nangyari kay Ian at nasaan sya? Maging si Bubbles at Eiko,please naman” nagmamaka awa kong sabi,hindi ko na mapigilang mapaiyak,ganun ako ka desperado na malaman ang lahat.
Huminga ng malalim si Kooki,inihanda ko ang sarili ko sa kung ano mang malalaman ko.
“That night,nakaramdam si Kyoji na may kakaiba sayo,at ng malaman nga nila na si Ian ang kakatagpuin mo ay naghinala na sila, si Kyoji na tanging may contact kay Ian ay tinawagan nya ito,ako naman ay tinawagan ko si Eiko,nahirapan pa kami alamin kung saan ka pumunta,pero dahil alerto na kami,tiningnan namin ang bawat madadaanan namin,then nakita ni Ian na may dalawang tao sa barandilya ng isang four storey bldg,ikaw agad ang naisip nya” mahabang panimula ni Kooki then he paused for a while.
Napasinghap ako sa narinig,hindi ko maiwasang panindigan ng balahibo dahil bumalik sa akin ang pangyayaring iyon
“Akala namin huli na ang lahat ngunit naagapan agad ni Ian ang pag bagsak mo sana at doon binaril ni Eiko ang balikat ni Bubbles,dun na nagkagulo, nagpanglaban sila ngunit tinulungan namin si Eiko,saglit na natigil kami sa pagkakagulo ng sumigaw si Ian,pagkakataon ni Bubbles para sana sumugod kay Eiko ngunit mabilis na nakaiwas si Eiko at nagtuloy tuloy si Bubbles sa railings na marupok na pala… Nahulog sya” dagdag ni Kooki.
Lalong nanindig ang balahibo ko,gumapang ang kakaibang kilabot sa buo kong sistema,hindi ko lubos maisip na bakit kailangang may magbuwis ng buhay?
“S-si Ian? Anong nangyari sa kanya?” umiiyak ko ng sabi,inalo ako ni Kooki,sakto dumating si Inday bitbit ang meryenda at umalis din.
“Eto teh,uminom ka muna” ani Kooki sabay abot ng basong may lamang juice,ininom ko ito.
“Nakakakulong sya,sakto dalawang taon na” mababa ang boses na sabi ni Kooki.
“Ano? B-bakit? Pano?” naguguluhan kong tanong.
“Sya ang idiniin ng pamilya ni Bubbles,wala naman talaga may kasalanan,aksidente ang nangyari,pero magaling ang abogadong nakuha ni Eiko,kaibigan nya” sagot sa akin nito.
Nanlambot ako sa narinig ko,nagdudusa si Ian sa bilangguan sa kasalanang hindi nya ginawa.
“Makakalabas ba sya?” huli kong tanong.
“Malaki ang pag asa,dahil wala naman ebedensya nga eh mababa lang ang kaso nya,at alam kong hindi na din sya magtatagal doon”
“Gusto ko sya makita,puntahan natin sya Kooki,samahan mo ako” desidido kong sabi. Hindi na ako papayag na lagi na lang ganito ang nangyayari.
AN/ MUSTASA? Pasensya hindi makapag Update,nirerenovate ang inuupahan naming bahay eh,nadidistorbo ako xD
VOTE AND COMMENT po kung nagustuhan :3 salamat ^o^
TRT.o3 <3
Page’s POV
Walang pag aatubiling pumayag si Kooki na samahan ako na puntahan si Ian. Sa mismong araw na yon ay agad kaming pumunta kung saan nakakakulong si Ian.
Muli,nakaramdam na naman ako ng kakaibang pagkalampag ng dibdib,kinakabahan ako at na e-excite na sa wakas. Pagkatapos ng lahat magkikita muli kami ni Ian,ang lalaking sobrang pinakamamahal ko,ang lalaking ibinigay ko ang lahat lahat sa akin,kahit na muntik ng maging kapalit ng pagmamahal ko ang aking buhay,ngunit wala naman ako pinagsisisihan. Ang tanging pinagsisihan ko lang ay ang pagiging mahina ko noon.
Habang nasa byahe ay panay ang kwento ni Kooki ng mga nangyari sa kanila habang wala ako. Alam kong kahit dati pa man ay mapera o may kaya na si Kooki,naging mas doble lang ngayon dahil sa pagsusumikap nya,kahit noong umpisa pa lang naman ay sinabi na nina kuya Argel na kahit sino ay pwedeng magtrabaho sa Chansu,mahirap o mayamang mga wala lang magawa at gusto maglibang. Kahit nga ako ay malaki ang naipon doon,bukod sa malaki ang sahod naming mga empleyado na parang sahod na ng isang empleyado sa isang kumpanya ay masaya kami doon sa Chansu at magkakasundo,namiss ko talaga sila,pagkatapos nito ay sila naman ang pupuntahan ko.
“Hindi ko alam na mag isa ka na pala at mas pinalaki mo ang bahay nyo” singit ko sa pagdaldal nya.
“Alam mo teh kailangan kasi magsumikap ako para may mapatunayan at matanggap ako nina Mama at Papa,at lahat yon natupad,ngayon nandun na sila sa America,dun na din kasi sila na destino” sagot nya.
“Masaya ako sa mga na accomplish nyo” bukal sa loob na sabi ko.
“Nako teh,mas maloloka ka pag nakita mo ang tropa,at mas maloloka sila sayo,na comatose ka lang gumanda ka lalo? Bet ko na din tuloy ma comatose teh?!” anito na ikinatawa naming dalawa,kahit ang taxi driver ay natawa sa kanya.
“Baliw ka talaga” nasabi ko na lang.
“Naku teh,maalala ko,alam mo ba kung sinong jowa ni Eiko? Ang landi talaga ng baklang yon! Pinsan ng Ian mo ang jowa nya! Ewan ko ha? Naloloka ako sa inyong dalawa,nung nagsabog naman ng kagandahan si Bro ay dilat na dilat ako,pero bakit parang kayo lang ang biniyayaan ng mga gwapong pafa? Kaloka ah” sunod na banat nito, hindi na ako naka sagot dahil nandito na kami sa pakay namin. Nagbayad na kami at bumaba.
Huminga ako ng malalim bago kami tumuloy sa loob. Si Kooki ang nakipag usap dun sa information desk at ilang saglit pa sinamahan kami ng isang pulis sa lugar kung san tumatanggap ng dalaw ang mga bilanggo.
Lalong nakaramdam ako ng kaba,nilibot ko ang paningin sa paligid,ang dami ding dumadalaw sa mga minamahal nilang naka bilanggo,may masayang mga nag uusap may mga nag iiyakan. Ako kaya anong magiging reaksyon ko?
Naramdaman ko na lang na kinalabit ako ni Kooki “Teh ayan na si Ian” at nginuso nya ang direksyon nito. Pakiramdam ko nag slow motion ang lahat pati ang paglingon ko dito
Kita ko kung paano natigil sa paglakad si Ian. Kahit naka suot sya ng pang bilanggo ay ang gwapo pa din nya,hindi sya bagay dito.
Parang may sariling pag iisip ang aking katawan,tumayo ako at lumapit kay Ian pa parang natulala, inches na lang ang pagitan namin. Kita ko kung paano namula at namasa ang kanyang mga mata, halatang nagpipigil ng emosyon, huminga sya ng malalim at tumingala,pinipigilan ang mga luha na pumatak.
Ngunit ako hindi ko napigilan ang akin,umiyak na ako at niyakap sya. Mahigpit na mahigpit na para bang ayaw ko na syang pakawalan,parang sasabog na ang dibdib ko dahil sa sobrang emosyon na nararamdaman ko. Naramdaman kong gumanti sya ng yakap. At sa isang iglap naramdaman ko na lamang na dumampi ang labi nya sa labi ko,saglit lang yon pero dama ko ang matindi nyang emosyon at pagmamahal,halos makalimutan na namin kung nasan kami.
Hinawakan nya ang mukha ko ng dalawa nyang kamay,tinitigan nya ako,ganun din sya,lumuluha pa rin kami pareho. Walang salitang namutawi sa amin ngunit sapat na ang mga titig at emosyon para maparamdam namin kung gaano namin namiss ang isa’t isa.
“Anong ginagawa mo dito?” halos pabulong nyang sabi.
“Uhm excuse me? Mainam siguro kung maupo muna tayo diba? Kahit kailan talaga agaw atensyon kayong dalawa,kaloka!” pagpansin sa amin ni Kooki. Nakaramdam naman kami ng hiya at naupo kami,magkatabi kami ni Kooki at si Ian ang kaharap namin.
“Anong ginagawa mo dito?” ulit nya saka bumaling kay Kooki “Diba may usapan tayong lahat na huwag nyo to ipapaalam kay Page once na magising sya?”
“Huwag mo sya sisihin,ako ang nagpumilit. Gusto kita makita,gusto kong maituloy na natin ang lahat” pag sagot ko naman.
“Wala na tayong dapat ituloy” bigla syang nagbago ng ekspresyon,bigla syang naging cold.
“Anong ibig mong sabihin? Dalawang taon akong comatose,ng magising ako wala akong ibang inisip kundi ikaw at ngayon yan ang sasabihin mo?” sabi ko naman at naiyak na naman ako,nakakainis! Buong araw na ata ako umiiyak,naramdaman ko ang paghagod ng palad ni Kooki sa aking likuran.
“Pasensya ka na,ngunit tapusin na natin to,hindi ka nababagay sa akin,hindi maaaring ituloy ang relasyon natin habang nandito ako,ayaw kong maging selfish” ani Ian na ikina kunot ng noo ko.
“I want you to be happy,find someone who can make you happy,yung mas deserving sa pagmamahal mo” nakayuko nyang sabi. Parang nadurog ang puso ko. Sa ikalawang pagkakataon ginawa na naman nya ito sa akin. Bakit ganun? Lumalaban pa ako eh.
Sa puntong iyon hindi ko na napigilan ang emosyon ko,nagbreakdown ako,umiyak ng umiyak,humagulhol at wala na ako paki alam sa mga nakakakita o nakakarinig.
“Dont do this to me Pie,ikaw ang kaligayahan ko.Sayo ako masaya at ikaw lang ang deserving sa pagmamahal ko,please dont push me away..Hindi ko kaya” sabi ko sa pagitan ng paghagulhol. Napakasaklap lang. Ganito pala kakumplikado ang pinili kong buhay,ganito pala kakumplikado ang pagmamahal.
Patuloy akong inaalo ni Kooki,pati sya ay umiiyak na,nadadala siguro sya sa nakikita.
“Pie…Look at me..At makinig ka” ani Ian,when I looked at him,umiiyak pa din sya,hinayaan lang nyang umagos ang masaganang luha sa gwapo nyang mukha.
“I wont! May magagawa pa tayo,maghihintay ako! Pwede naman kita dalawin palagi” nagmamatigas kong sabi.
“Dont be a bastard Page! Hindi pwede ang gusto mo! Makinig ka dahil ito na ang huling beses na makikita at makaka usap mo akop” matigas at madiin nyang sabi. Natakot ako sa sinabi nya.
“I want you to focus on your own life habang nandito ako,gusto kong makamit mo ang mga pangarap mo without me in it” panimula nya.
“P-pero ikaw–”
“Hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito, 3,5 o 10 years? We may never know,kahit magaling ang abogado ko na kaibigan ng jowa ng pinsan ko ay hndi tayo nakakasigurado,Villamor ang kalaban natin…
At kung dumating ang panahon na makalaya ako dito,and when The Right Time comes na ayos na ang lahat at mahal mo pa din ako,babalikan at babawiin kita,pero sa ngayon ay hindi pa pwede. Gawin mo ang lahat at huwag mo muna akong isipin dito, and please do me a favor. Huwag nyo na ulit ako pupuntahan dito dahil mas mahihirapan ako.Masaya na akong malamang ligtas ka na sa kapahamakan Page,tandaan mo,mahal na mahal kita“ umiiyak na sabi ni Ian,tumayo sya at tumalikod at umalis.
Naiwan kami ni Kooki habang patuloy ako sa pag iyak,at inaalo pa din nya ako.
Hindi ko alam na muli ay hahantong kami sa ganito. At hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat. Kung kakayanin ko ang gustong ipagawa ni Ian.
TRT.o4 <3
AN/ Ang chapter na toh ay sisimulan ko sa POV ng bagong character at ng mga kaibigan nya,dont worry hindi kayo malilito dito :3. Bali nag start ito nung enrollment.
At PAALALA,MAIKLI LAMANG ANG CHAPTER NA TOH,PARANG INTRODUCTION LANG NG NEW CHARACTER,kung baga parang filler lang hahahaha! XD HAPPY READING ^o^
—*
Byron’s POV
Ito ang ayaw ko talaga sa lahat,ang enrollment,napaka dyahe lang,kahit na pang mayaman tong Starville University dinadagsa pa din ng mga gusto dito mag aral,may iba mayaman talaga,yung iba nagpifeeling lang.
Mabuti na lamang at sinamahan ako nitong si Miles,isa sa mga tropa at gang member ko. Sikat kami dito sa campus,kinatatakutan,hinahangaan,kinaiinggitan at kinakikiligan. Bakit hindi? Walang pangit samin,gwapo kami lahat. Ang tawag sa Gang namin ay Black Roses.
At saka mula first year college ko dito itinanghal na akong Mr.Campus. Wala pa nakaka agaw ng title sa akin since then.
“Dude,eto tapos na,langya ka! Ako talaga pinapila mo,mabuti at madami nagpasingit sa akin” ani Miles sabay abot sa akin ng school schedule ko,pinasadahan ko ito ng tingin.
“Ayos tong schedule ko ah?” nakangisi kong sabi.
“Lagi naman ganyan sked mo,ayaw mo naman kasi mag full load gaya namin” sagot nito.
“Malamang,ako leader nyo kaya dapat iba ako” buska ko naman. Sa di malamang dahilan ay naagaw ang pansin ko ng dalawang lalaking pumila,no let me rephrase it,binabae yung isa at ewan ko kung bakit parang na magnet ang mga mata ko sa kanya at parang kinabahan ako na hindi mawari dahil bumilis ang pintig ng puso ko,ang weird!
“Dude? Hey! Langya! Hindi ka na naman nakikinig eh,tara na nga sa cafeteria” pag agaw pansin sa akin ni Miles at dun lang ako parang natauhan.
What was that? Taka kong tanong sa aking sarili.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ni Miles ng pumasok sa cafeteria ang bakla kanina pati yung kasama nyang lalaki. Napako na naman ang tingin ko dun sa bakla.
“Type mo?”
“Huh? Anong type?” taka kong tanong.
“Yung bakla kako type mo ba? Dun palang sa registrar tinititigan mo na eh” sagot ni Miles.
“Ewan ko,sa tingin mo,boyfriend nya ba yung kasama nya?” sabi ko na lang. Hindi ko din maintindihan nangyayari sakin.
“Mukhang hindi naman, pero hindi ko akalain na ang leader namin magkakagusto sa bakla hahaha” sabi ni Miles at sinamaan ko sya ng tingin.
“Sa loob ng tatlong taon na pag aaral natin dito at limang taon nating magkaibigan mukhang ngayon lang kita mabubugbog” pagbabanta ko at nakangiti naman ang gago na itinaas ang dalawang kamas na parang sumusuko.
“Biro lang,Relax ka lang Dude,so anong balak mo? Kilala kita,lahat ng babaeng ginusto mo at lahat ng bagay na ginusto mo ay nakuha mo” sabi nito na talagang kilalang kilala na ako.
Isang ngisi ang sinukli ko sa kanya.
“tsk tsk! Alam ko ibig sabihin ng ngisi mong yan. Mukhang exciting ang magaganap ah”
Magiging akin din ang isang iyon. Wala pa akong ginusto na hindi ko nakuha.
Days passed,ang boring lang,mabuti at nakapaglilibang kami ng Gang ko sa pakikipag laban at pustahan sa ibang gang. Ganun naman lagi. Minsan malaking halaga ang nakasalalay,minsan naman mahalagang bagay lang.
I was really a pain in the ass for my parents when it comes to that matter,gastusero ako at basagulero,hindi lang iisang beses ako nakulong. Pero wala magagawa ang parents ko dahil kahit papano ay okay ang mga grades ko. Wala sila mairereklamo dun. And besides,its their fault kung bakit ako nagkaganito kaya wala silang karapatang pigilan ako sa gusto ko.
Then dumating ang araw ng pasukan. Excited ako dahil ngayon ko sisimulan ang balak ko. Luckily kita kong naglalakad galing sa Parking ang taong target ko,mula dito sa kinauupuan ko ay kita ko kung gaano sya ka graceful maglakad.
Kasama ko nga pala ang buong Gang,pero si Miles lang ang nakakaalam ng lahat. Tumayo na ako at sinalubong ang pakay ko. I know he cant resist me pag nagsimula na ako.
VOTE AND COMMENT if nagustuhan nyo po :3
TRT.o5 <3
Page’s POV
Maaga ang first subject ko kaya maaga din ang pasok ko,ayoko mapahiya sa New school ko no,nag shift ako ng course,architecture, si Koy naman nursing padin at 3rd year na sya. Gamit ang bagong kotse na regalo nina Mom and Dad I drive myself to school,damang dama ko talaga.
Medyo na e-excite din ako sa mga bago kong magiging classmates,tulad kaya sila ng tropa? Speaking of tropa nagkita kita na kami,we held a reunion sa Chansu 5days after kong makausap si Ian,masaya naman pero alam ko sa sarili kong may kulang,balik sa tropa,ayun nga,may kanya kanya ng pinagkaka abalahan ang mga kolokoy,kaya sa palagay ko once in a blue moon na lang kami magkikita,pero that doesnt mean na hindi na kami magkakaibigan.Hindi ganun yon.
At tungkol kay Ian,pipilitin kong gawin ang gusto ni Ian.Magsusumikap ako lalo,magtatagumpay ako at hihintayin ko ang pagbabalik nya,dahil ang totoo nangangati na mga paa kong dalawin ulit sya sa kulungan kaso nagpipigil ako,gusto ko ipakita at iparamdam kay Ian na marunong ako sumunod at tumupad sa usapan.
Nakarating na ako sa campus at nakapag park,naglalakad na ako ng bigla may humarang sa akin.
O.o ?
“Hi! New student ka dito?” naka ngiting sabi ng gwapong lalaki. Oo gwapo,literal akong natulala,napaka perfect ng mukha,halos kapantay nya sa kagwapuhan si Ian at Koy,ang lamang lang nya may dimples sya sa kabilaang pisngi.
“Hey,are you okay?” untag nito sa akin na nagpabalik sa aking kaluluwa sa mundo ng mga tao. Hanep eh,elyen ata ang isang to,ang gwapo.
“Hey!” anito at niyugyog pa ako.
“Ha?” na tanga kong sabi. Ano ba nangyayari sa akin? Lord help me! Koy nasan ka na? Ilayo mo ako sa tukso.
“A-ano nga ulit yon?” pagkuway tanong ko,pilit na nagpapaka normal >_<
“Kung bagong student ka ba dito kako” naka ngiti nitong sabi. Gawd! Temptation lumayo ka! Si Ian lang ang pinaka gwapo para sa akin.
“Ah yes,dapat 3rd year na ako pero balik first year due to some personal problem,ahm sige na,una na ako baka ma late ako eh” sagot at paalam ko,lalampasan ko na sana ito ng bigla ulit magsalita.
“Im Byron Domingo,ikaw anong pangalan mo?”
“Page, Page Icban” sagot ko at nagmamadaling umalis. Hindi ko gusto ang nangyayari sa akin,ngayon lang ako na intimidate sa kagwapuhan ng iba na sadyang pinagtaka ko dahil sanay naman akong nakakakita ng gwapo dahil lumaki akong napapaligiran ng mga gwapo.
Ng makarating sa room ay nakahinga ako ng maluwag,wala pang prof,pero halos lahat ng classmates ko ay nandito na,medyo nahiya ako kase ahead ako ng 2years sa kanila,though hindi naman halata dahil sa height at mukha ko. Buti na lang din hindi pa ako nagpapagupit,feel ko na kase eh ^o^V
Lumingon ako sa paligid para humanap ng pwedeng maging upuan,and there I saw isang bakante,sa bandang last row at dulo pa,pwede na din basta may maupuan.
Ng makaupo na ako tahimik lang akong nagmumuni muni,iniisip ang mga nangyari sa buhay ko ng biglang may tumabi sa bakante ding upuan sa tabi ko.
“Hello” naka ngiting sabi nito. At shit naman,isang gwapong nilalang na naman =__=
“Hello din” sagot ko naman bilang isang mabuting mamamayan.
“Im Toff,and you?” agad nitong sabi.
“Page Icban” sagot ko naman.
“Nice name,actually nakita na kita kanina kausap ni Byron,hindi ko lang inaasahan na kaklase pala kita” dagdag nito na ipinagtaka ko.
“Magkakilala kayo nyon?”
“Yup,ako pinaka bata sa tropahan namin” naka ngiti nitong sabi,and I must say isa sya sa biniyayaan ng pinagpalang ngiti.
“Ah I see..” nasabi ko na lang,sakto dumating yung kauna unahang profesor.
“Friends na tayo ah?” pabulong na sabi nito at sinuklian ko lang ng ngiti.
–*
Koy’s POV
Kanina pagpasok naabutan kong may kausap na lalaki si Page,hindi naman ako nagselos,may kakaiba lang akong kutob sa lalaking yon,hindi ko na nga lang nagawang lumapit dahil male-late na ako.
Bago ako tumalikod ay nakita ko pang may inutusan yung lalaki para sundan si Page.
Kung iniisip ng mga gunggong na yon na mabubully nila si Page,nagkakamali sila,dadaan muna sila sa akin bago nila magalaw kahit dulo ng buhok ni Page.
Agad kong tinext ang tatlong itlog at sinabi sa mga ito ang hinala ko,for sure maglilipatan ng school ang mga yon,dinamay ko na din sa pagtext si Kyoji,he’s a big help after all.
Hindi man maging akin si Page ay nangako naman ako kay kuya Ian na babantayan at aalagaan ko si Page,isang matinong usapang lalaki na hindi dapat mabali,maninindigan ako sa pangako ko hindi dahil yon ang kailangan kundi yon ang dapat na ginagawa ng isang tunay na kaibigan.
AN/ MUSTAAAA?? Salamat sa mga nanampalataya! Sa wakas naawa si Mother Earth at binilhan ako ng charger mwahihihi!
Suportahan nyo din po yung pag Revised ko sa LOVE ALWAYS FINDS A WAY. Ang kwentong pinagmulan ng lahat ng kwento ko :3
VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED :))
TRT.o6 <3
Page’s Pov
Ang daldal nitong si Toff! Pag may pagkakataon sya para kausapin ako ay ginagawa nya,lalo na ngayon break na,niyaya nya akong sumabay sa tropa daw nila nina Byron,syempre ako being mabait ay tumango na lang kahit iniisip ko kung paano na si Koy? Syempre kami dapat ang magkasama diba? Pinarehas nga nya sakin sked nya tapos hindi ko sya masasabayan?
Alam ko na! :D
Yayain ko na lang sya sumama sa amin, pagkalabas namin ni Toff ng room ay syang pagdating ng grupo nina Byron kasabay ng pagtitilian ng mga babae at kapwa ko binabae. Mga kilig na kilig.
Sikat pala sila? Sa bagay pano ko malalaman eh kakapasok ko lang dito.
Tiningnan ko sina Byron,siyam sila,so pang sampu si Toff. Infairness,lahat sila gwapo, no wonder sikat sila at kinakikiligan
Ng lumapit sila samin ay agad nila binati si Toff sa isang uri ng kamayan na hindi ko na gets. Halos mamatay kakatili mga kaklase ko,at puro papuri naman galing sa mga kaklase kong lalaki naririnig ko,kesyo gusto daw nila mapabilang sa grupo ng mga ito,sana ganon din daw sila.
Ewan,hindi ko maintindihan pero kinabahan ako,may mga nakita din kasi akong babae na ang sama ng tingin sa akin na para bang gusto ako patayin,may mga naka ismid at mga tinataasan pa ako ng kilay.
Ano ba tong pinasok ko?
“Kamusta Page? Balita ko sasabay ka daw ng lunch sa amin sabi ni Toff sa text?” ubod ng ngiting sabi ni Byron sa akin.
“Ha?”
“Ay sya nga pala,sila ang tropa ko,guys meet Page, Page sila sina Miles,Roize,Drew,Pen,Borj,Choi,Blaire at si Forg” agad na pakilala ni Byron.
Aliagaga naman akong nakipagkamay sa mga ito. I have a strange feeling na masusuot ako sa kung ano mang hindi magandang bagay. Ang mga gwapong lalaki ay delikado dahil sa mga nagkakagusto sa kanila.
Napansin ko naman na padating na ang bestfriend kong si Koy ngunit hindi ko na sya nalapitan o natawag man lang dahil agad na akong hinablot ni Byron na nanguna sa paglalakad. Nakaramdam ako ng matinding pagkailang dahil dun. Kita ko pa kung paano nagsalubong ang mga kilay ng gwapo kong bestfriend.
Habang papunta sa cafeteria ang dami ko naririnig na mga kuro kuro ng mga kapwa estudyante.
“First day of school may nakakuha agad ng atensyon ng Black Roses”
“Tumpak! And I cant believe na isa pang bakla”
“Baka ginamitan ng kulam ng baklang yon?”
“Kung babae siguro ayos lang,pero dahil isa syang bakla,nakaka awa sya”
“Oo nga,panigurado patay sya sa mga fans club ng Black Roses”
“Kawawa naman,baka mapag tripan yan ng Black Roses,alam nyo naman”
THE HELL? Ano ba tong pinasok ko? Ayoko na ng gulo! Takte naman eh.
Agad kong hinila ang kamay kong hawak ni Byron,dahilan para matigil lahat sila sa paglalakad.
“Im sorry Byron at sa inyo, nakapangako kasi ako sa Bestfriend ko na sya ang kasabay ko eh,pasensya na at salamat sa alok” mabilis kong sabi at tumalikod. Hindi na ako nag aksaya ng panahon para tingnan at alamin kung anong naging reaksyon nila. Basta ako ayoko na ng magulong buhay. Ang tangi ko na lang dapat gawin ay mag aral ng mabuti at hintayin ang pagbabalik ni Ian, yon lang dapat.
Sakto naman nakasalubong ko si Koy na mukhang sinundan kami.
“Best,sa labas na lang tayo ng campus kumain” aya ko agad sa kanya at hinawakan ang kamay nya.
“Bakit? Anong nangyari? Nasan mga kasama mo? May ginawa ba sila sayo?” sunod sunod na tanong nya sa akin,dire deretso lang ako ng paglalakad hanggang makarating sa parking,agad ko kinuha sa bulsa ko ang susi ng kotse at iniabot sa kanya.
“Walang nangyari,eh naalala ko tayong dalawa naman dapat ang sabay,oh ayan na susi,ikaw na magdrive”
“Sigurado ka?” sabi pa nito na pinaka titigan pa ako.
“Oo nga praning! Tara na!” at pumasok na ako sa kotse ko’t naupo sa passenger’s seat.
— *
Byron’s POV
Nakakainis! Ang pakipot naman ni Page! Bwisit kasi yung mga madadaldal naming schoolmates eh! Hindi ko na nga pinapansin para kunyari wala ako naririnig! Panigurado dahil don kaya umurong si Page! Kaasar! Tangna!
Nakakapag ngitngit ng kalooban! Hindi ako papayag na mababalewala na lang ng ganon. Nakita ko pang sinalubong sya nung lalaking kasama nya nung enrollment.
Kailan mawala sya sa landas ko,magiging sagabal sya sa pag angkin ko kay Page.
“Bro mukhang pakipot ang bading na yon ah” bulong sa akin ni Miles nung naglalakad na kami papunta sa cafeteria,hindi na maganda ang timpla ko kaya bigla ko sya sinikmuraan.
“Argghh! Shit ka bro! Nagbibiro lang ako” anito na hawak ang sikmura,tinawanan naman sya ng buong gang.
“Ayus-ayosin mo pananalita mo,alam mong wala ako sa mood” sagot ko at nagdiretso na sa cafeteria.
“Anong meron kay Byron ngayon?” dinig kong tanong ni Forg.
“Wala ako idea” si Blaire ang sumagot.
Sa ngayon hindi ko pa sinasabi sa gang ang gusto ko,kahit naman alam kong medyo nagtataka na sila kung bakit isang binabae ang pinuntahan namin at hindi chix.
Si Miles at Toff palang sa ngayon ang nakaka alam. Si Toff inutusan ko kanina na bantayan si Page dahil nalaman ko magkaklase sila.
Pagkapasok sa cafeteria sinalubong kami ng leader ng isang all girls gang. Si Keisha,ang tawag sa kanila ay Devil’s Angels. Delikado din ang gang na to,walang pinapalampas,pag may kinainisan sila talagang hindi nila tinitigilan,3years na ding patay na patay sa akin tong si Keisha.
“Hi darling,I saw you kanina,iniwanan ka ng new prospect mo” naka ngisi nitong salubong at pumulupot sa akin. Kung noon gusto ko ang paglandi nya sa akin,ngayon ayaw ko na,pinagsawaan ko na sya,nababoy ko na sya,halos ilang beses din may nangyari samin nito ni Keisha,kahit dito sa campus nagagwa namin yon,pero ngayon wala na akong interes sa kanya.
Tinanggal ko ang pagkaka pulupot ng mga kamay nya sa akin.
“Wala ako sa mood pwede ba? Umalis alis ka dyan,nagugutom na ako” pabalang kong sagot sa kanya.
“Pero? Lagi naman akong ganito sayo ah? Ngayon ka lang naging ganyan! Dahil ba sa baklang yon?” inis na sagot nito. Nagpanting ang tenga ko,ayokong idadamay nya si Page dito.
“What did you say? Wala kang paki alam,sadyang pinag sawaan na kita,sawa na ako sayo,wala ka ng silbi sa akin,at kung may bago akong nagugustuhan ay wala kana don,dahil kahit kailan ay hindi mo ako naging pag aari Keisha! Kaya tumabi ka dyan” singhal ko sa kanya at nilampasan namin sila, alam kong nag ngingit ngit sya,ayaw nyang napapahiya,lalo na ngayon na pinagtitinginan kami at lahat ng sinabi ko ay nadinig ng lahat.
Agad na kaming umupo sa table na para sa aming gang,kumbaga may owner ship na dito,walang ibang nagtangkang gumamit nito dahil alam nilang malilintikan sila sa amin,lalo na sa akin.
–*
Keisha’s POV
“Okay ka lang?” tanong ni Vhien,isa sa mga gang member ko.
“Do I look alright? Pinahiya ako ni Byron dahil sa baklang yon! Ngayon lang ako ginanito ni Byron! Hindi pwedeng dahil sa isang bakla ay maitsapwera ako” inis kong sabi, matapos ako ipahiya ni Byron sa cafeteria ay nagpunta kami dito sa hide out.
“What’s your plan then?” tanong naman ni Naru.
“Mula high school ay mahal ko na si Byron,at nakuha ko sya nung first year college tayo,ngayong nasa mga kamay ko na sya ay hindi ako basta papayag na bitiwan o idespatsa nya dahil lamang sa isang bakla! Totoong ngang salot sila!” sabi ko.
“I know whats running into your mind Kei,and I liked that” ani Nephrine.
Napangisi ako ng mala demonyo.
“Matalino ka talaga Neph,alam mo agad ang iniisip ko,tama,papahirapan natin sya hanggang sya mismo ang pumatay sa sarili nya,o kung hindi man,tayo ang gagawa nun para sa kanya,hindi nya pwedeng makuha sa akin si Byron,not now, never!”
AN / MUSTA? Ang tagaaaal ko bago nakapag Update noh? Pasensya naman. Alam nyo na,writers block at katamaran nagsama kaya ayon hahaha!
Maikli po ba? Bawi ako next chapter,alam nyo naman,ganyan lang keri ng utak ko.
VOTES AND COMMENTS ARE ALL WELCOME :)
TRT.o7 <3
Page’s POV
One week na ang lumipas since first day ng class,medyo nawala na pagkailang ko sa mga kaklase ko,Im thinking of getting an acceleration test kasi kahit wala na pagkailang ko eh hindi pa din mawala sa sistema ko na Im older than them,na dapat 3rd year na din ako like my bestfriend Koy.
Im glad wala naman masyadong kakaibang nangyayari sa akin,maliban sa pangungulit ni Byron at ng tropa nya,ewan medyo gumaan na pakiramdam ko sa kanila,though hindi talaga ako sumasama sa kanila everytime na yayayain ako ni Byron,if he wants friendship I’ll give it pero yung sumama palagi sa kanila? I wont. Ayoko ma set aside ang bestfriend ko na infact for the whole week ay lagi kong kasama.
Nasabi ko na wala masyadong kakaibang nangyayari sa aking this week right? Well,there’s an excemption. Yung mga babaeng panay ang tingin sa akin ng masama then magbubulungan, ang pinaka nakakaloka eh yung parang leader ng grupo nila, grabe kung maparinig. Whats her problem?
I dont even know her personally,kilala ko lang sya sa pangalan at mukha. If im not mistaken her name is Keisha,well maganda sya,sikat sa campus for reigning Ms.Campus for almost 3years,that I dont care. Sinusubukan nila akong iintimidate at takutin, pero hindi sila magtatagumpay,alam ko sa sarili kong wala ako kasalanan sa kanya,pagod na din akong manahimik,kung may magtangka man sa akin ng kung ano,lalaban na ako,yun ang natutunan ko,yon ang ginawa ni Eiko,at yon din ang dapat kong gawin.
Ngayon last day of school ngayong week,saturday kaya wash day,porma kung porma mga estudyante,naka park na ako sa parking ng school at lumabas na sa kotse ko. The sun is up,maganda ang araw, first subject ko is 10am at 8am pa lang, maaga ba? Well sabi kasi ni Koy kagabi eh agahan ko nung tumawag sya.
Hindi pa ako nakaka sampung hakbang mula sa kotse ko ng biglan kumirot ang sentido ko then yung buong ulo ko,napahinto ako,sobrang sakit talaga,I dont know what happen pero biglang may mga images na lumabas sa isip ko,si Ian,si Bubbles,ang mga nangyari noon,hindi ko maintindihan,parang binabarena ang ulo ko kaya napaupo na ako.
Ugh! Anong nangyayari sakin?
Naramdaman ko na lang na may lumapit at inalalayan ako tumayo.
“Are you okay Best? What happened?”
Pagtingin ko si Koy,at sa likuran nya ay ang Tropa.
Tropa? Wait! Anong ginagawa nila dito?
“Ayos lang ako,pero anong ginagawa nila dito?” taka kong tanong at ewan bigla din nawala sakit ng ulo ko.
“Nakakasama ka ng loob teh,nagpa transfer pa kami dito para buo ang tropa tas yan isasalubong mo?” - Kooki.
“Kamusta?” kyoji and Barbz.
“Namiss ka namin ah?” Kyme.
“Wala bang Hug dyan?” Luwi
“Or kahit kiss na lang?” Pierre
“Kiss your face! Kamao gusto mo Pierre?” asik ni Koy.
Napangiti na lang ako,lumapit at niyakap sila,nag group hug kami. I really love my friends.
“Teka,nasan sina Chai at Yume?” tanong ko nung naglalakad na kami papunta sa mga benches na tabi ng quadrangle.
“Ayon,nagtanan” sagot ni Kooki.
“Nagtanan? Akala ko ano si Yume,uhm yung… “ hindi ko maisip kung anong magandang term para dun.
“Oo nga teh,Bisexual yon,pwede sa girl pwede sa boy,eh kaso ang Yume mas tinamaan sa girl, malas ni Chai at sya yon” sagot ni Kooki sa akin na tinawanan naming lahat. Namiss ko talaga mga ulupong na to!
Ng biglang may tumamang malakas sa ulo ko at tumumba talaga ako. Literal na nashock ang tropa,ako napaupo.
“Aray,ang sakit non ah” sabi ko,at tiningnan kung anong tumama sa akin, bola ng volleyball.
Tutulungan na sana ako ni Koy at Kyoji na tumayo ng may humila sa akin patayo,pagtingin ko si Keisha.
“Im sorry,napalakas ata pag spike ni Vhien” sabi nito. Pero parang hindi naman sincere.
“Its okay” sabi ko na lang,ayoko makipag usap sa kanya. Naaamoy ko ang kapahamakan sa kanya.
“Talaga? Edi ulitin natin” naka ngisi nitong sabi,bago pa man ako makareact ay buong lakas na hinampas nito ang bola sa ulo ko,tumumba ako pero nasalo ako ni Barbz at Luwi.
“Hey! What was that?!” gulat na sabi ni Koy at hinarap si Keisha,natulala naman si Keisha dito
“Aba’t impaktang to!” ani Kooki na susugod na sana ngunit agad ko napigilan,nanggigil ako. Hindi ko alam kung anong problema ng babaeng to,pati mga kasama nya humahalakhak kaya lalo nag init ulo ko,hinila ko si Koy paatras,ako ang humarap,mabilis kong inagaw kay Keisha ang hawak nyang bola at buong lakas ko namang binato sa mismong mukha nya,napasadsad sya sa ground.
Rinig ko na ang mga bulungan.Paglingon ko sa paligid madami ng nanunood sa amin.
Great! Ganito pa naman ang pinaka ayaw ko.
“How dare you!!” galit na sigaw sa akin ni Keisha na pulang pula ang mukha,inalalayan sya makatayo ng mga alipores nya.
“Oh! How dare me? Hindi ba dapat ako nagsasabi nyan? Alam mo hindi ko alam kung anong nagawa ko sayo eh,pero one things for sure,hindi kita uurungan! Hindi ako takot,Ive been to hell and I met youre father there,so you should be greatful at yan lang ginawa ko sayo,next time huwag ka kasing papansin okay? Sayang ang ganda mo,nabubulok ang loob mo,nakaka awa ka,naiinsecure ka sa baklang gaya ko” mahaba kong sabi,hindi ko alam kung san ako kumuha ng tapang at nasabi ko yon
Humalakhak si Kooki at Barbz,pati yung ibang nanonood samin nagtawanan.
Napapahiyang napatingin si Keisha sa paligid saka bumaling sakin na nagliliyab sa galit.
Aminin ko kinabahan ako pero hindi ako nagpahalata.
“Fag!” anito at sumugod pati mga alipores nya,ewan ang bilis ng pangyayari,napalibutan agad ako ng tropa.
“Dont you dare” ani Barbz.
“Miss ayaw namin lumaban sa mga babae pero kung may respeto ka pa sa sarili mo,huwag na huwag mong gagalawin ang kaibigan namin” - Koy
Pakiramdam ko tuloy para kaming nasa pelikula dahil sa mga nangyayari.
“Anong nangyayari dito?” sabi ng pamilyar na boses,nagsihawian ang mga estudyante at lumakad palapit sa amin ang mga ito
Si Byron at ang tropa nya!
Agad na lumapit si Keisha at ang mga alipores nya dito.
“Sweetie! Pinahiya ako ng mga yan! Tropa sila ng baklang yon!” agad na sumbong nito.
“Sinong bakla?” takang tanong nito kay Keisha.
“Ayon! Yan! Sya! Yung may gusto sayo!” sagot ni Keisha.
Napataas ang kilay ko, may gusto? Duhh?!
Ngumiti naman si Byron,kung anong dahilan,hindi ko alam. Hinapit ako ni Koy sa tabi nya,yung halos yakap na.
Naglakad si Byron palapit sa amin,kita ko kung paano sila magpalitan ng masamang tingin ni Koy,kinabahan ako,nakaramdam ako ng matinding tensyon sa atmosphere.
Ng magkatapat na kami ay hinawakan ni Byron ang braso ko na ikinagulat ko.
“Bitawan mo kamay ni Page,may nag mamay ari na sa kanya” matapang na sabi ng bestfriend ko,ang lakas na ng kabog ng dibdib ko.
Ngumisi si Byron ng nakakaloko.
“At sino? Ikaw?” nang uuyam na sabi ni Byron,gusto ko sumabat pero parang may nakabara sa lalamunan ko.
“Hindi. Yung kaibigan namin,malapit na sya bumalik,kaya kung ako sayo maghanap ka ng ibang pagtitripan” matatag na sagot ni Koy,napasinghap ako. Shit! Gulo na naman ang pinasok namin.
“Talaga? Edi habang wala pa yung kaibigan mo eh akin muna sya” nakaka lokong sabi ni Byron, nanlaki talaga ang mata ko ng bigla nya ako hablutin, papalag na sana ang tropa pero biglang humarang ang tropa ni Byron
Wala ako magawa nung hilahin ako ni Byron palayo sa kanila.
Takte! Ano na naman to? Lagi na lang may gulo.
AN / MUSTA? Votes and comments are super welcome :3
PATIKIM TRT.o8 =P
“Gusto kita Page”
.
.
.
Humarap ako sa kanya.
.
.
.
“Hindi mo alam yang sinasabi mo,kakakilala lang natin last week” sagot ko.
.
.
.
“I love You! God damn it! Nagseselos ako sa bestfriend mo at mga lalaking nakapaligid sayo! Shit!” gigil na sabi nito.
.
.
.
Natural nagulat ako,hindi ko lubos maisip kung paano? Oo nga at minahal ako ni Koy at mahal ako ni Ian pero hindi ko naman akalain na may iba pang nagkakagusto sa akin.
.
.
.
“Byron..“pa umpisa ko saka sya tinitigan. “Kaibigan lang ang turing ko sayo,ibaling mo na lang sa iba yang pagtingin mo sa akin,hindi maganda para sayo yan.Hindi magandang magkagusto ka sa isang bakla,pano ang image mo? Kaya mo bang maatim ang sasabihin ng mga taong nakapaligid sayo? At saka hindi ka dapat nagseselos sa mga kaibigan ko,andyan na sila bago pa kita makilala” mahinahon kong dagdag,sana sa ganitong paraan ay maintindihan nya,ayaw ko magpaka ipokrito sa sarili ko,oo nga’t napukaw nya ang atensyon ko sa taglay nyang kagwapuhan ngunit hanggang doon lang yon,si Ian lamang ang tinitibok ng puso ko,unendingly,sa kanya lang ako.
.
.
.
“I dont care at all Page,mahal kita at hindi mababago ng mga sinabi mo ang nararamdaman ko,you have a choice,be with me or loose your friends? Ngayong alam mo na ang nararamdaman ko maghanda ka na. Ito na ang huling pagkakataon na hahayaan kitang makasama ang bestfriend mo at ang mga kaibigan mo,you dont know what Im capable of doing Page” buong tatag nitong sagot sa akin. Nalaglag ang mga balikat ko,nafrustrate ako,isa lang ang ibig sabihin ng lahat ng ito… Impyerno.
.
.
.
“Pero Byron! Hindi mo ba inisip ang patutunguhan nyang ginugusto mo? Kahit piliin kita para hindi mapahamak ang mga kaibigan ko,mapapahamak pa din sila lalo na ako! Pag dumikit ako sayo para mo na akong pinag hukayan ng sarili kong libingan! Ramdam kong hindi basta basta yang Keisha na yan! Pati ang grupo mo! Kaya please lang spare me and my friends! Naranasan ko na lahat ng uri ng paghihirap at ayoko na yon balikan!” sagot ko naman.
.
.
.
Abangan ..
TRT.o8 <3
Page’s POV
“Teka nga! Byron ano ba? San mo ako dadalhin? May klase pa ako!” pumiglas ko sa pagkakahawak sa akin ni Byron,pero ang totoo gusto ko balikan ang tropa,hindi ko naman pwedeng pabayaan sila dun,baka kung anong ginawa na ng tropa ni Byron sa tropa ko.
“Sa langit” sagot nito,tumigil sa paglalakad at humarap sa akin.
“What? Wala akong oras makipag lokohan Byron.Sige na,may klase pa ako” sabi ko at aalis na sana,napatigil ako sa sinabi nya.
“Gusto kita Page”
Humarap ako sa kanya.
“Hindi mo alam yang sinasabi mo,kakakilala lang natin last week” sagot ko.
“I love You! God damn it! Nagseselos ako sa bestfriend mo at mga lalaking nakapaligid sayo! Shit!” gigil na sabi nito.
Natural nagulat ako,hindi ko lubos maisip kung paano? Oo nga at minahal ako ni Koy at mahal ako ni Ian pero hindi ko naman akalain na may iba pang nagkakagusto sa akin.
“Byron..“pa umpisa ko saka sya tinitigan. “Kaibigan lang ang turing ko sayo,ibaling mo na lang sa iba yang pagtingin mo sa akin,hindi maganda para sayo yan.Hindi magandang magkagusto ka sa isang bakla,pano ang image mo? Kaya mo bang maatim ang sasabihin ng mga taong nakapaligid sayo? At saka hindi ka dapat nagseselos sa mga kaibigan ko,andyan na sila bago pa kita makilala” mahinahon kong dagdag,sana sa ganitong paraan ay maintindihan nya,ayaw ko magpaka ipokrito sa sarili ko,oo nga’t napukaw nya ang atensyon ko sa taglay nyang kagwapuhan ngunit hanggang doon lang yon,si Ian lamang ang tinitibok ng puso ko,unendingly,sa kanya lang ako.
“I dont care at all Page,mahal kita at hindi mababago ng mga sinabi mo ang nararamdaman ko,you have a choice,be with me or loose your friends? Ngayong alam mo na ang nararamdaman ko maghanda ka na. Ito na ang huling pagkakataon na hahayaan kitang makasama ang bestfriend mo at ang mga kaibigan mo,you dont know what Im capable of doing Page” buong tatag nitong sagot sa akin. Nalaglag ang mga balikat ko,nafrustrate ako,isa lang ang ibig sabihin ng lahat ng ito… Impyerno.
“Pero Byron! Hindi mo ba inisip ang patutunguhan nyang ginugusto mo? Kahit piliin kita para hindi mapahamak ang mga kaibigan ko,mapapahamak pa din sila lalo na ako! Pag dumikit ako sayo para mo na akong pinag hukayan ng sarili kong libingan! Ramdam kong hindi basta basta yang Keisha na yan! Pati ang grupo mo! Kaya please lang spare me and my friends! Naranasan ko na lahat ng uri ng paghihirap at ayoko na yon balikan!” sagot ko naman.
Nagulat na lang ako ng makita ko sa mga mata ni Byron ang awa,lumapit sya,at mas nagulat ako pa ako ng may punasan sya sa mukha ko. Mga luha, hindi ko man lang naramdamang napaiyak na pala ako.
“Page,Im sorry,pero that wont change my decision,please be with me,and I promised you,walang makakapanakit sayo at sa mga kaibigan mo,basta iwasan mo lang sila,ako na din ang bahala kina Keisha” ani Byron at niyakap ako. For the longest time since ma comatose ako,ngayon lang ulit ako nakaramdam ng kakaiba, na noon ay Ian at Koy ko lang nararamdaman.
I sigh,sawa na akong manahimik,lalabanan ko si Keisha,kung ala Bubbles sya at ang mga alipores nya,I have to be prepared and extra careful,ramdam kong may rason din ang tropa sa pag transfer dito sa Starville. Malaking gulo kung pipilitin ako ni Byron sa gusto nya dahil alam kong lalo mag ngingitngit si Keisha at alam ko ding hindi papayag ang tropa na angkinin ako ni Byron,ofcourse,si Ian ang pinapaburan nila,base na din sa palitan ng masasamang tingin ni Koy at Byron,ramdam kong magsasalpukan ang tatlong grupo. Napaka kumplikado na naman ng napasok kong sitwasyon,sana bumalik na si Ian :(
“Halika na,ihatid na kita sa room mo,nandun na si Toff,at tandaan mo Page,akin ka lang” anito at hinalikan ako sa pisngi which really made me not to move.
I have to change the course of his plans. Sabi ko sa isip ko at sinundan na si Byron.
Ng breaktime na ay sinadya ko talaga ang Dean ng college namin,magtatanong ako para sa proseso ng acceleration,mas maganda na yung maaga pa lang eh makakuha na ako. And luckily pwede pa naman daw,by friday ay pwede na ako kumuha ng acceleration test kasabay ng iba.
Agad na din akong pumunta sa cafeteria na nagmamadali,alam kong nandun na ang tropa,kailangan ko sila maka usap. Palinga linga ako sa paligid baka kasi nagkalat ang mga alipores ni Keisha at mga ka grupo ni Byron.
Pagdating ko sa cafeteria andun na sila,agad akong lumapit sa table nila.
“Guys, 7pm at my house,urgent lang” sabi ko at agad ding umalis,halatang nagtaka ang tropa,pero mamaya ko na ipapaliwanag sa kanila ang lahat.
Palabas na sana ako ng pinto ng cafeteria ng makasalubong ko ang grupo ni Byron, napalingon ako sa tropa,kita ko pang tumayo si Koy at ang ibang lalaki.
Ngunit mabilis si Byron,agad nya akong hinablot.
“Guys nagbago isip ko,sa labas na lang tayo kumain” sabi nito at nagpatiuna sa paglalakad habang hila hila ako.
Ano ba naman yan! Pakiramdam ko para akong bumalik sa High school.
Sa isang mamahaling restaurant kami kumain,okay naman ang tropa ni Byron,madadaldal,kaso hindi maalis sa aking isipan ang mailang. Lalo pa at napaka open ni Byron,lantaran ang pagiging sweet,bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Kung makikita ako siguro ni Ian na ganito malamang natunaw na ako sa masasamang tingin nun.
At itong tropa ni Byron hindi ba sila naiirita o nandidiri na ang isa sa kanila ay lantaran kung magpakita ng pagkagusto sa isang bakla? Lalo na at may pangalan na ito sa school na Mr.Campus sa loob ng tatlong taon? Sa bagay,madami na nga din ang open sa mga ganito,bakit ang tropa ko,tinanggap nila kami ni Ian?
8pm sakto,isa isa ng nagsidatingan ang tropa,niyaya ko sila sa may garden para malayo sa bahay,ayaw kong malaman sa bahay na nasuot na naman ako sa masalimuot na sitwasyon.
“Kung hindi kami nagkakamali ay tungkol ito sa nangyari kanina kaya pina summon mo kami lahat dito?” panimula ni Luwi ng maka upo kami,tango lang ang sinagot ko.
“May ginawa ba sayo ang gagong yon?” ani Koy.
“Oh baka naman may ginawa ulit sayo yung bruha kanina pati mga alipores nya?” ani Barbz.
Umiling ako. “Wala pa naman,pero sa ngayon,gusto ko maging handa na tayo sa kung anong mangyayari” sagot ko.
“Nagtanong tanong ako kanina tungkol sa dalawang grupo na yon, ang grupo ni Byron ay isang gang na sikat sa campus,wala sila pinapalampas,maimpluwensya din kasi ang mga pamilya nila, Black Roses ang tawag sa Gang nila” ani Pierre. Napakurap ako ng ilang beses.
“So totoo ang hinala ko?” di ko mapigilang isatinig.
“Ganun na nga teh. At yung bruha kanina at mga alipores nya eh Gang din,kumbaga counterpart sila ng Black Roses,puro sila babae,at sikat din sila dahil wala din sila pinapalampas” dagdag ni Kooki.
“So dapat best,hanggat maaga umiwas ka na, tutulong kami” ani Koy.
“I cant” sagot ko.
“What do you mean?” - Kyoji.
“Pinagbantaan ka ba?” - Kyme.
“Parang ganon na din,pero hindi pagbabanta sa buhay ko. Matayog ang paninindigan nyang sa kanya lang ako, kung hindi daw kayo lalapit sa akin magiging okay daw ang lahat” sagot ko.
“He’s crazy! Thats impossible! Hindi kami papayag! Kaya nga kami lumipat dito ay para mabantayan at maprotektahan ka hanggang sa dumating ang panahon na makabalik na si kuya Ian!” gigil na sabi ni Koy na napasuntok pa sa lamesa,mabuti na lamang at marmol iyon.
“Yon na nga,kaya kung pwede huwag muna kayo lalapit,pwede nyo akong maprotektahan sa ibang paraan,kaya ko na sarili ko,may sarili akong plano” sagot ko naman,kailangan kong makuha ang pag sang ayon nila,dahil kung hindi magsasalpukan talaga ang tatlong grupo.
“Hindi pwede yon,napahamak ka na dati ng mag isa kang kumilos na halos ikamatay mo na! Hindi kami papayag!” sabi ulit ni Koy.
Ano pa ba ang kailangan kong sabihin para makumbinsi ko sila? Napapagod na ako sa gulo eh.
“At saka Teh,halatang patay na patay kay Byron yung bruhilda,pag dumikit ka kay Byron mapapahamak ka” ani Kooki.
“Ako na ang bahala do–” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang kumirot na naman ang sintido ko at gumapang ang sakit sa ulo ko,tulad kaninang umaga may mga imahe na namang lumalabas,ang mga masasamang nangyari noon,napayuko ako sa sobrang sakit, bakit hindi pa ako nilulubayan ng nakaraan?
“Page?”
“Teh? Anong nangyari sayo?”
“Best,anong nangyayari? Best?!”
Hindi ko na nagawang makasagot dahil nilamon na ako ng kadiliman.
Nagising ako na parang may mga nakatingin sa akin,pag mulat ko ay yung wall clock agad ang tiningnan ko.
01:32AM na pala,nilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto ko, si Mom,Dad,Koy.. At ang family Doctor namin.
Anong ginagawa ng Duktor dito? May sakit ba ako?
“Mom,Dad” tawag pansin ko sa kanila,agad naman silang lumapit.
“Kamusta pakiramdam mo best?”
“Bunso what happened?” si Mom.
“Pinag alala mo kami anak” ani Dad. Napangiti ako sa kanila.
“Ayos na po,sumakit lang talaga ang ulo ko kanina” naka ngiti kong sagot,umayos ako ng pwesto,umupo at sumandal sa headboard ng kama.
“Riley,nung sumakit ulo mo,may iba pa bang nangyari?” usisa ni Doc.
“Nung una kumirot po ang sentido ko,tas gumapang ang sakit sa buong ulo ko,then flashes of bad memories came rushing before my very eyes,ganun din ang nangyari kaninang umaga” honest kong sagot,dahil sa palagay ko naman hindi nakakamatay ang nangyayari sa akin. I should know,katawan ko ito eh.
“It seems that hindi ka pa nakaka get over sa traumatic na nangyari sayo noon kaya ganyan ang nangyayari,isang trauma,kumbaga sabi nga ng mga kababayan nating naniniwala sa multo,para syang Risidual hunting, parang recorded video na paulit ulit magpe play” seryosong sagot ni Doc.
Panong nangyari yon? Kahit hindi ko isipin ay kusang bumabalik.
“Doc may paraan ba para mawala yon?” ani Dad.
“I suggest that hindi dapat sya nag iisip ng mga mabibigat na bagay dahil magdudulot yon ng mabibigat na emosyon at yun ang nagtitrigger para maramdaman nya ang pananakit ng ulo at ang pag balik ng mga traumatic experiences” sagot nito kay Doc.
Nakaramdam ako ng matinding lungkot dahil sa sitwasyon ko ngayon,malabong maka iwas ako sa mga bagay yon.
“Doc,ayoko na po makaramdam ng ganun,ayoko na po maalala yung mga masasamang nangyari sa nakaraan,ayoko na po ng ganito” sagot ko,hindi ko na namalayang napaluha na ako. Ayoko ng mabuhay sa nakaraan,ayoko ng makita ang nakaraan,ayoko na,sana pwede akong makalimot sa lahat ng sakit na dulot ng nakaraan ko.
AN / MUSTASA? Ayown lang! VOTE and COMMENT kung nagustuhan nyo po :3
TRT.o9 > Bastat Kasama Kita
Page’s POV
Simula nung araw na masaksihan ng tropa yung nangyayaring pagsakit ng ulo ko,walang minuto na hindi ako nakakatanggap ng text at tawag sa kanila,medyo nakakainis din dahil pakiramdam ko para akong batang kailangan bantayan dahil sa taas ng lagnat.
Everyday sinusundo ako ni Koy at ihahatid sa room ko which is nakakatuwa dahil parang wala talaga syang planong atrasan si Byron,lalo pa at classmate ko nga ang isa sa kanila,si Toff, araw araw nagpapalitan ng masamang tingin ang dalawa,araw araw nagsusumbong si Toff kay Byron at araw araw akong pinupuntahan ni Byron para lang pakiusapan na layuan ko ang tropa.
Medyo kinakabahan nga din ako dahil hindi naman paawat ang mga tropa ko at ang gang ni Byron.
Pero laking pagtataka ko na hindi ko napapansin si Keisha o ang grupo nya,napagod na siguro,maging ako pagod na din,gusto ko na bumalik sa normal ang buhay ko,gusto ko ng mawala ang takot ko.
Nagresearch ako sa iba’t ibang klase ng trauma,at yung kondisyon ko,pag nagpatuloy maaaring humantong sa pagkasira ng aking pag iisip,sa madaling salita baka ikabaliw ko.
On the other hand,natuloy ang acceleration ko,mabuti at maagap ako,kahit first semester pa lang ngayon ay naka akyat na ako bilang 3rd year sa ganoon pa ding course.
Para sa akin,okay ang bagong environment sa classroom,mga bagong mukha,mga bagong pagkatao,tinanggap naman nila ako ng maluwag as their new classmate,and I must say kwela sila.
Isang araw dissmisal na,nagtataka ako kung bakit wala ang tropa,hindi ko sila makita sa paligid,papunta na ako sa kotse ko ng makatanggap ako ng text mula kay Barbz. Pumunta daw ako sa Chansu.
Pagdating dun,nagtaka pa ako ng makita ko sa labas ng Chansu ang mga Gang ni Byron,kinabahan tuloy ako bigla.
“Hi Page” sabay sabay nilang bati,nginitian ko na lamang sila bilang ganti at nagderetso na sa loob.
Bakit walang tao? Bakit patay ang mga ilaw? Naglakad pa ako,ng nasa tapat na ako ng bar counter ay biglang bumukas ang mga ilaw kasabay ng pag sigaw nila ng:
“HAPPY BIRTHDAY PAGE!!”
Nagulat ako,literal akong na statwa. How can I forget my own birthday? Nilibot ko ang paningin ko sa paligid,kumpleto ang tropa,napangiti ako dahil talagang pinaghandaan nila,maging sina Byron nandito na ipinagtataka ko talaga.
Hindi pa man ako nakakapag pasalamat ng may marinig akong pamilyar na boses.
“Pie” umalingawngaw ito sa buong resto bar. Tiningnan ko ang paligid,nanginig ako,bumilis ang tibok ng puso ko,unti unting namuo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.
“Happy birthday Pie” sabi pa nito,halatang naka mic,bumukas ang ilaw sa stage at tumutok sa isang tao.
Isang tao na kay tagal kong pinangarap na muling makasama,isang taong dahilan ng bawat pagtibok ng puso ko,ang taong dahilan kung bakit ako nabubuhay.
Tinitigan ko lang sya,may hawak syang gitara at nakaupo sa isang stool sa tapat ay ang mic,ayokong kumurap dahil baka bigla sya maglaho sa paningin ko.
Nagsimula na syang mag strum sa gitara at kumanta,doon hindi ko na napigilan ang emosyon ko at umiyak na ako.
♪Sa tuwing tayo’t magkakalayo hindi matahimik ang puso ko♪
Dama kong para sa amin talaga ang kantang iyon,sumasalamin sa nangyari sa amin.
♪ bawat sandali hanap kita ’di mapakali hanggang muling kapiling ka♪
Nakatingin sya sa akin habang kumakanta,tumatagos sa kaibuturan ng puso ko ang tinging iyon.
♪ dahil kung ika’y makita ng labis labis ang tuwang nadarama magisnan lamang ang kislap ng iyong mata kahit ano pa ay kakayanin ko na♪
Parang may mga sariling pag iisip ang aking mga paa,dahan dahan akong lumapit sa stage ng hindi inaalis ang tingin ko sa kanya.
CHORUS:
♪Basta’t kasama kita lahat magagawa lahat ay maiaalay sa’yo basta’t kasama kita walang kailangan pa wala nang hahanapin pa basta’t kasama kita♪
Hindi na ako nakatiis,sobrang nanabik na ako sa kanya,sobrang nananabik na ang puso ko sa kanya. Umakyat ako sa stage at niyakap sya ng mahigpit habang umiiyak,hindi ako nagsalita.
Panandalian syang natigil sa pag gitara at pagkanta at gumanti ng yakap ngunit bumitiw din at ipinagpatuloy ang pag gitara at pagkanta.
♪ giliw,sana ay ikaw na nga ang siyang mananatiling kasama ko dahil kung ika’y mawawala pati lahat sa buhay ko’y maglalaho ngunit…♪
Lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya,ayoko na syang pakawalan pa.
CHORUS:
♪Basta’t kasama kita lahat magagawa lahat ay maiaalay sa’yo basta’t kasama kita walang kailangan pa wala nang hahanapin pa basta’t kasama kita walang kailangan pa wala nang hahanapin pa basta’t kasama kita♪
Ng matapos ang pagkanta nya ay muli nya akong niyakap,mahigpit,dama ko na namiss din nya ako, hinawakan ng dalawa nyang kamay ang aking mukha at siniil ako ng halik.
Oh God! I really miss him! I really love him!
Palakpakan at sigawan ang nakapag patigil sa aming halikan,halos nakalimutan na naming hindi lang kami ang nandito.
“Happy birthday Pie,nandito na ako,hindi na kita iiwanan pa,salamat at hinintay mo ako,pasensya na at wala akong regalo” aniya habang pinupunasan ang luha ko,mga luha ng kaligayahan.
“Silly,ikaw lang sapat na,I dont need any gift,ikaw lang ang tanging gusto ko,at ngayong nandito ka na,ito ang pinaka best birthday ko sa lahat” naka ngiti kong sagot.
“Mamaya na yan! Magkainan at inuman muna tayo!” nadinig kong sigaw,pagtingin namin ni Ian,si kuya Argel.
Tiningnan ko ang tropa,lahat sila naka ngiti sa akin,si Kooki at Barbz nagpapahid ng mga luha,si Koy at Kyoji nag thumbs up pa sa akin,sina Luwi,Kyme at Pierre naman mga nakangiti ng ubod tamis sa amin.
BYRON’s POV
“Sabihin mo nga sa akin ang rason kung bakit tayo nakikiparty sa mga gunggong na yan?” sabi sa akin Miles. Birthday ni Page,pormal akong inimbitahan nung Koy,tinanggap ko naman.Pero hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Plinano ba to ng gagong yon?
Tang ina,walang kasing sakit lang yung nasaksihan ko,para akong pinalo ng isang milyong beses,parang piniga ang puso ko. Nagbalik na ang kaibigan nilang boyfriend ni Page
Sinadya ata ito nung Koy,para ipamukha sa aking may nag mamay ari kay Page,napahiya ako sa buong tropa.
“Hindi ko din alam” walang gana kong sagot.
“Anong plano mo?” tanong naman ni Toff.
“Hindi ako susuko,hindi porket nagbalik na ang kumag na yon ay ipapaubaya ko na si Page” sagot ko.
“I think you should stop it By,bakla yon.Hindi ka mabibigyan ng anak,ang dami daming babae dyan na nagkakandarapa sayo” singit ni Borj.
Nagpanting ang tenga ko,ngayong wala ako sa mood wag na nila dagdagan.Agad ko syang sinugod at kinwelyuhan.
“Anong sabi mo? Gago ka! Wala kang alam! Hindi mo alam ang nararamdaman ko! Tang ina!” nang gigil kong sabi.
“Oopps! Easy lang” awat ni Pen
“Tama na yan By” sabi pa ni Roize.
“Pasensya na tol” ani Borj,tiningnan ko lang sya.
“Ngayon lang ako nagmahal ng ganito,kaya malas lang ni Page dahil sya yon.Hindi ako basta basta susuko,hindi ko sya makuha sa ganito,dadaanin ko sa ibang paraan” gigil kong sabi at kinuha ang phone ko.
Agad tinawagan ang tito kong Doctor.
AN/ MUSTASA POWS?! Vote and Comment po if nagustuhan nyo XD
TRT.10 <3
Third Person POV
Nung mismong gabing iyon pinagdiwang nila ang ika 19th kaarawan ni Page,kainan,kwentuhan at tawanan.
Napansin ni Page na biglang nawala ang grupo ni Byron,gusto nya sana makausap ang mga ito at magpasalamat sa pagpunta sa celebration ng kaarawan nya.
Nagpaalam sya sa tropa at kay Ian,nagtaka man si Ian ay pinayagan parin nya ito,hindi alam ni Page kung sino nag imbita sa mga ito pero magpapasalamat na din sya.
Lumabas sya ng Chansu, at nakita nya sa Parking ang mga ito,naninigarilyo habang nag uusap,huminga sya ng malalim bago lumapit sa mga ito.
“Byron” tawag pansin ni Page dito,nagulat pa sya ng tumingin sa kanya si Byron na parang namumula ang mata na kakagaling lamang sa pag iyak.
“Uy Page.happy birthday ulet” nakangiting bati ng lalaki,ang buong gang naman ay tahimik ngunit binalewala ito ni Page.
“Salamat,pasok kayo sa loob,makikain at makisaya sa amin” ngiting pilit ni Page.
“Hindi na,paalis na din kami,happy birthday na lang ulit” nakangiting lumapit si Byron kay Page at hinalikan ito sa labi.
–
“That fag! Pagkatapos nyang saktan si Byron ngayon magpapahalik sya! Nakakadiri talaga mga bading!” gigil na sabi ni Keisha na nakatanaw sa nagaganap kasama ang gang nya.
“Ano sunod mong hakbang?” ani Nephrine.
“Nanahimik ako at pinagbigyan ang hiling ni Byron na wag na galawin si Page na yan.Pero hindi ko gusto ang nakikita ko na nasasaktan si Byron dahil sa isang bakla! Pasensyahan na lang kami ni Byron pero hindi ko na palalampasin pa ang Page na yan,ang akin ay akin at ayaw kong nasasaktan ang pag mamay ari ko” gigil na sabi ni Keisha at nag singitian ang mga ka Gang nya na animo’y nabasa ang nasa isip ng leader nila.
Sinundan nina Ian,Koy at Kyoji si Page ng hindi na ulit ito maka balik,nakita nila ito sa parking na may kausap at umalis din ang kausap nito.
Labis ipinagtaka ni Ian kung bakit may kausap na lalaki ang Page nya at madami pa ang mga ito,hindi nya maiwasang magtanong sa dalawang kasama.
“Sino yon Koy at Kyojie?” kunot noong tanong ni Ian.
“Si Byron at ang Gang nya” sagot ni Kyojie na ikinalingon ni Ian dito.
“Gang? Bakit kausap ni Page?”
“Yup,and He’s dangerous,malakas ang tama nya kay Page,and he is very eager na makuha si Page kaya ganun kami kahigpit magbantay kay Page” si Koy ang sumagot.
“Kelan pa to?” tanong ulit ni Ian at nag iisip na sya ng gagawin,tiwala sya sa pagmamahal ni Page pero hindi sya tiwala sa Byron na yon ,gagawa sya ng paraan, No one can take his happiness away from him again,not now,not tomorrow,never!
Nakalapit na sa kanila si Page sinalubong nya ito ng halik,pero napansin nyang nag iba ang dating nito.Ano kaya ginawa ng gagong Byron na yon?
Ganun na lang ang gulat ni Page ng bandang alas onse y medya ay dumating ang Mom at Dad nya sa Chansu para sunduin sila ni Ian na pinagtaka nya.
Saglit kinausap ng mga ito ang tropa maging sina Argel at Yuweh at umalis na sila.
“Ian will be staying with us for the mean time” sabi ng Dad ni Page habang nagmamaneho.
“Po?” ani Page na napakurap pa ng ilang beses.
“You heard it son,alam ko namang matagal kayong nanabik sa isa’t isa,besides nasa tamang edad ka na” sagot ng Dad nya na nagpanganga talaga kay Page.
Humagikgik lamang si Ian at ang Mom ni Page,naisip na siguro nakuha na ni Ian ang buong tiwala ng mga magulang nya pagkatapos ng mga nangyari noon.
Bigla ulit sumakit ang ulo nya dahil doon. Napahawak sya sa ulo.
“Anong nangyayari Pie?” tarantang sabi ni Ian.
“Dad bilisan mo,Ian maya namin sabihin sayo” ang Mom ni Page ang sumagot. Inihilig na lamang ni Page sa balikat ni Ian ang kanyang ulo at pumikit.
Ng makarating sa bahay ay wala na ang sakit ng ulo ni Page,umakyat na din sila ni Ian sa silid nya. Pero hindi nya alam kung anong nangyari sa kanya at bigla nya siniil ng halik si Ian na napunta sa isang maalab na pagtatalik,kapwa sabik,kapwa may pagmamahal at kapwa puno ng pagnanasa,hindi na nila namalayan kung ilang beses nila ginawa ito sa gabing yon,kung ilang beses nila pinadama ang pagmamahal sa isa’t isa.
Kinabukasan maaga nagising si Page ngunit wala na sa tabi nya si Ian,babangon na sana sya sa higaan ng maramdaman nya ang pamilyar na hapdi at sakit doon,nakangiting napailing na lamang sya dahil doon.Dahan dahan syang bumangon ngunit napansin nyang may dugo ang bedsheet,lalo sya napangiti.
“Parang nung una lang” aniya sa isip,masyado kasi silang naging wild kagabi ni Ian,lahat na ata ginawa nila,lahat ng position. Namula sya sa naisip at agad kinuha ang bedsheet at inilagay sa laundry basket,pumasok sya sa banyo at naligo,may klase pa kasi sya mamayang alas diyes.
Ng matapos ay bumaba na sya,nakita nya sa dining si Ian na naghahanda ng breakfast kasama si Manang.
“Pie halika na at kumain.May klase ka pa,ihahatid na kita,sina Mom and Dad pumasok na” naka ngiti nitong bati sa kanya at lumapit at hinalikan sya,napangiti naman sya dahil napansin nya si Manang na kilig na kilig.
Breaktime na,nag ayos na si Page para puntahan ang tropa,alam nyang naghihintay na ang mga ito sa cafeteria,ngunit nakatanggap sya ng text mula sa isang unregistered number.
‘Meet me at the Back of our school now,we have to talk,Byron to.Nakitxt lang aq,I forgot my cp at my house’
Nagdalawang isip muna si Page,pero sa bandang huli,napag desisyunan pa din nyang puntahan ito para matigil na din si Byron.Hindi magandang patuloy ito sa ginagawang pag asta bilang boyfriend nya ngayong nagbalik na si Ian.
Agad syang pumunta sa likod ng school,wala masyadong pumupunta doon kahit maganda ang lugar na yon,malayo din kasi sa mga school buildings kaya tinatamad na din siguro ang mga estudyante na puntahan ang lugar na iyon.
Ngunit ganun na lang ang pagtataka ni Page ng iba ang maabutan nya dito.Si Keisha at ang Gang nya.
“Mabuti at dumating ka” naka ngisi nitong salubong. Ginantihan nya ito ng ngisi din at sinagot.
“Syempre naman,matatanggihan ba kita,pero sana hindi ka na gumamit ng ibang pangalan”
“Hay naku,alam ko namang babaliwalain mo pag babae ang nagtext,dahil pag lalaki ang nag yaya magkakandarapa ka para makapunta lang,and I was right,ganun ka kalanding bakla!” sabi naman ni Keisha kay Page.
Nagpanting ang tenga ni Page,sinugod nya si Keisha at sinakal,nabigla ito at nanlaki ang mata.
“Hindi ko alam kung anong kademonyohan ang pinagsasabi mo pero hindi mo ako masisindak!” gigil na sabi ni Page,ngiti lang ang sagot ni Keisha, nagtaka si Page at bigla na lang may humampas sa mga hita nya napaluhod sya at nabitiwan si Keisha.
“Fag! Mas lalong hindi mo ako masisindak,nakalimutan mo atang may kasama ako” ani Keisha at tinadyakan ng ubod lakas si Page,nagtawanan ang mga ka Gang nito na parang tuwang tuwa sa nakikita.
“Ano bang kasalanan ko?” nanghihinang tanong ni Page.Pilit tumayo ngunit may humampas naman sa likod nya,napadapa sya,muli nagtawanan ang mga ito.
“Wala naman,ganti ko lang yan sa pang aagaw mo ng atensyon ni Byron at pananakit sa damdamin nya” anito at tumawa ulit at pinagtatadyakan sya,nagawa nyang hawakan ang paa ni Keisha at hinila,tumumba ito at tumama ang ulo sa lupa,napangiti sya.
“Patas na tayo” ani Page,gigil na sinipa sya ni Keisha sa mukha kahit nakasalampak ito sa lupa. Nakatingin lamang ang mga kasama nito at parang enjoy na enjoy sa nakikita.
Dahil sa pagkaka tadyak ni Keisha sa ulo ni Page ay sumakit ito. Napasigaw si Page sa sakit habang nakadapa at hawak ang ulo,parang video recorder na naman na nagflash ang mga masasamang pangyayari noon,parang binibiyak ang ulo nya.
“Anong nangyayari?” tanong nung Vhien.
“Nababaliw na sya!” sigaw ni Keisha.
Hindi mapakali si Byron sa cafeteria,parang may masamang nangyayari,ng biglang may babaeng humahangos na pumasok at lumapit.
“Yung transferee na si Page,pinagtulungan ng gang ni Keisha sa likod ng school” anito, agad napatayo si Byron.
Akala ko ba nag usap na kami ni Keisha? Kahit nasasaktan ako ni Page hindi ko naman kayang nasasaktan sya. Ani Byron sa isip at agad na umalis,nag sisunuran ang Gang nya.
Nadinig ito ni Koy at ng tropa,nag alala sila ng todo,sinundan nila si Byron.
Naabutan ni Byron at ng Gang nya na mag isa si Page,naka dapa ito sa lupa at wala ng malay,agad nya itong nilapitan ay binuhat,paalis na sana sya ng makasalubong nya sina Koy.
Nag init ang ulo nya at nagtagis ang bagang nya,mainit na lalo ang dugo nya sa mga ito. At wala syang palalampasin.Kahit ang Gang ni Keisha.
“San mo sya dadalhin?” tanong ni Koy.
“Wala kang pakialam” sagot nya at nilampasan ito.
“Amina na si Page Tol bago tayo magkasakitan” pigil naman ni Kyoji.
“Sinong tinakot mo?” naka ngising sagot ni Byron at sinenyasan ang Gang nya,hudyat ng isang laban
Iniwanan nya ang mga ito na nagbabasagan ng mukha,tiwala sya sa Gang nya,ano pa at kinatatakutan sila.
Agad nyang tinungo ang parking kung nasan ang kotse nya,maingat nyang inihiga si Page sa backseat.
“Ngayon tuluyan ka ng magiging akin Page,alam kong hindi kita makukuha ng hindi ako mandaraya,pasensya ka na pero mahal talaga kita” aniya at nagdrive.Tinawagan ang titong duktor.
Ng makarating sa bahay ng tito nyang duktor ay nagtaka pa ito.
“Sigurado ka ba dito By?” nag aalalang tanong nito ng maihiga nya sa kama si Page na wala pa ring malay.
“Oo uncle,do it now” desidido nyang sabi.
“Malaki ang impact ng gagawin natin pamangkin.Maaaring maging ibang tao na sya pagkatapos nito”
“At yon ang gusto ko,dyan ka expert diba? Kailangan mailabas mo ang split personality nya,ilabas mo yung isa nyang pagkatao,para san pa at pinag aralan mo ang hypnosis sa loob ng tatlong taon Uncle? Do it now!” desperadong sabi ni Byron, napailing na lamang ang tito nyang doctor.
“Gisingin mo na sya para makapag simula na tayo”
Napangiti si Byron,alam nyang madali lang ito para sa tito nya dahil alam din yang may pinagdadaanang trauma si Page,magagamit nila iyon para magkusa si Page na itago ang Page ngayon at ilabas ang isa pa nitong pagkatao.
“Page?” gising nya dito.
Ilang saglit pa gumising na si Page,bumakas agad ang takot sa mukha at mata nito.
“Byron? Anong nangyari?”
“Ligtas ka na” alo ni Byron dito.
“Natatakot na ako,ayoko ng maranasan ang mga naranasan ko noon at ngayon,sawa na ako,gusto ko ng tumahimik ang buhay ko” mangiyak ngiyak na sabi ni Page,naawa si Byron pero desidido na sya.
“Alam ko yon at tutulungan kita at ng tito kong duktor” sagot ni Byron.
“Bakit?” ani Page.
“Gusto mo matapos na ang lahat diba Page? Magtiwala ka lang” singit ng tito ni Byron.
Ilang sandaling natahimik si Page,inisip ang gagawin,ngunit maya maya lang ay tumango sya bilang pag sang ayon.
“Now,tatanggalin natin ang takot sa isip mo at ang sakit sa puso mo,ang gusto kong gawin mo ay pumikit,magrelax,lahat ng sasabihin ko ay susundin mo,malinaw ba?” sabi pa nito,tumalima si Page at agad pumikit,dumistansya si Byron para makita ang mangyayari.
Habang nakapikit si Page ay kinakausap ito ng duktor,medyo inabot din ng sampung minuto.
“Ngayon,pagbilang kong tatlo at sa pagpitik ko ng aking daliri gusto kong pagdilat mo ay hindi ka na ang dating si Page,dapat ilabas mo ang matapang na si Page at ilibing ang dating si Page”
Medyo nakaramdam ng excitement at kilabot si Byron sa narinig sa tito nya.
“Isa”
“dalawa..”
“tatlo..”
sabay sa pagpitik ng daliri ng duktor ay ang pagdilat ni Page.
“Ngayon,sino ka?” paninigurado ng Duktor.
“Ako si Riley” malamig na sagot nito. Nagtayuan ang balahibo ni Byron ngunit hindi nya mapigilang mapangiti.
“Nasan si Page?” dagdag ng duktor.
“Patay na sya” sagot pa nito.
“Sinong boyfriend mo?”
“Si Byron” anito at tumingin kay Byron,sumilay kay Byron ang ngiting tagumpay.
AN / MUSTA PO? Kung hindi nyo alam ang tungkol sa Split personality ay maaari nyo itong igoogle pati yung Hypnosis hahaha! Baka sinasabi nyo na OA yan at walang nangyayaring ganyan? Nope,marami na pong cases ng ganyan all over the world,trauma that leads to split personality,na mas malala pag ginamitan ng hypnosis.
VOTE and COMMENTS po kung nagustuhan,at yung mga Silent reader sana magparamdam :3
TRT.11 <3
Ang chapter na ito ay dedic kay Shimozuki :) isa sa mga nanatiling taga suporta at commentator ko,thanks po :)
Ian’s POV
Masaya ako sa nangyari sa buhay ko,kahit naging masalimoot ang nakaraang dalawang taon,nakulong ako dahil ako ang sinisi ng mga magulang ni Bubbles,gusto na sana akuin ni Eiko noon ang nangyari ngunit hindi ako pumayag,alam kong tumulong lang sya,besides magaling ang kaibigan nyang attorney,si Nicolai,dahil wala naman makuhang ebidensya laban sa akin ay hindi ako nagtagal sa kulungan.
Nag alala ako ng sobra noon kay Page,nabalitaan ko na lamang na comatose sya,walang araw na hindi ko sya pinagdasal habang nasa kulungan ako,sinisi ko ang sarili ko,kung hindi dahil sa akin ay hindi dadanasin ni Page ang mga iyon.
Pero laking gulat ko ng sabihing may dalaw ako nun,nagulat ako na nandun si Kooki kasama si Page. Nagpasalamat ako sa Panginoon at gising na sya,hindi ko napigilan noon ang emosyon ko.
Pero ngayon tapos na ang mga paghihirap namin,tatlong araw bago ang kaarawan ni Page ay nakalaya na ako,ang tropa ang unang nakaalam at plinano namin ang sorpresang gagawin,at hindi kami nabigo. Kaya lang may bagong problema,may umaaligid sa aking Page,at may Gang pa,haay! Kailan ba kami titigilan ng mga ganitong pagsubok? Pero hindi ako isinuko ni Page kaya hindi ko sya isusuko,I love him that much at gagawin ko ang lahat para sa kanya.
Ngayon nandito ako sa labas ng dati kong school ang Starville,kung saan 4years consecutive ako noong Mr.Campus, nakasandal ako sa kotse ko para sunduin ang aking pag ibig.
Maya maya pa nakita ko ang tropa palapit,agad na hinanap ng aking mga mata si Page ngunit wala. Nasan sya?
“Kuya Ian” bati ni Koy ng makalapit,agad akong nagtaka dahil puro galos ang mukha nito,tiningnan ko ang iba,ganun din.
“Anong nangyari at bakit parang bugbog kayo? Nasan si Page?” taka kong tanong.
“Eto,nakipag sagupaan sa gang ni Byron” walang ganang sagot ni Pierre.
“Nasan si Page?” tanong ko ulit,nag iwas ng tingin ang lahat. May mali dito,at hindi ko ito nagugustuhan.
“Kasama sya ni Byron kuya” sagot ni Kyojie.
“Ano? Nasan sila? Bakit sila ang magkasama?” sabi ko na kinakabahan,ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
“Kasi fafa Ian ganito nangyari” singit ni Kooki,at kinwento nya ang nangyari.
“Nasan ang mga bumugbug sa kanya? Nag aalala na ako,baka bigla na naman umatake yong pananakit ng ulo nya,nasan yung Byron?” gigil kong sabi.
“Ayan na sila” ani Barbz sabay turo sa kaliwa namin,naka akbay yung Byron kay Page at nagtatawanan sila. Agad akong lumapit at hinawakan si Page sa braso.
“Pie tara na at umuwi,may pag uusapan tayo nina Mom and Dad” malumanay kong sabi at saka tiningnan si Byron, nakakaloko ang ngiti ng gago.Sarap sapakin eh!
Tiningnan ako ni Page mula paa hanggang ulo na pinagtaka ko,para nya akong sinusuri.
“Bitiwan mo nga ang kamay ko,kaya ko umuwi mag isa sa bahay,at pwede ba? Huwag mo na akong tatawaging Page” anito na labis kong pinagtaka.
Natulala ako at napabitaw. Anong nangyari sa kanya? Ayos na ayos pa kami kahapon ah?
“Narinig mo yon Pre?” naka ngising sabi nung Byron,sasapakin ko na sana pero pinigilan ako ni Koy.
“Teh? Anyare?” ani Kooki.
“Huwag mo ako kinakausap,bakla ka na nga,binabakla mo pa” anito kay Kooki.
“Best! Ano bang nangyayari?” singhal na ni Koy,ako naman ay nanginginig na at gulong gulo ang isip.
“Best? Oh c’mon,dont call me that,lahat ng nangyari nitong mga nakaraang taon ay inilibing ko na,sawa na ako sa pagiging mahina at mabaet,at higit sa lahat,dont call me Page,wala na si Page,matagal na syang patay, ako na ito,si Riley” anito na talagang nakapag patayo ng balahibo ko,anong nangyari sa kanya? Anong mga sinasabi nya? Nilingon ko ang tropa,gaya ko ay nagtataka din sila.
Agad ko syang hinablot.
“Ano bang mga sinasabi mo? Wala kaming panahon makipag aningan Pie,tara na at uuwi na tayo” sabi ko na pilit kinakalma ang sarili.
“Aray! Ano ba!” anito at pumiglas agad na niyakap si Byron na walang imik ngunit naka ngising demonyo,lalo ako nagngitngit sa galit.
“Huwag mo ako tawaging Pie! Sinabing hindi ako si Page! Isang tao lang ang nag mamay ari sa akin,si Byron!” singhal nito sa akin.
Kumirot ang puso ko,hindi ko gusto ang nangyayari,at ang lalong dumurog sa pagkatao ko ay ang mismong sya ang humalik kay Byron. Parang piniga ang puso ko,ang sakit sobra. Ano ba talagang nangyari?
“Bie,hatid mo na ako samin” ani Page,tumalikod na sila ni Byron at tinungo ang kotse,tinatawag ng tropa si Page pero hindi ito lumingon.
Nanatili akong tulala,naguguluhan at nasasaktan. Ano na naman ito? Anong nangyari? Anong ginawa ni Byron?
“Kuya Ian tara na”
TRT.11.2 > wid Sex scene (Ristricted)
Ian’s POV
Hindi ko maintindihan kung anong nangyari,hindi pa ako umuuwi,nandito kami ngayon kina Kooki at pinag uusapan ang nangyari.
“Alam ko may anumalyang nangyayari dito!” bulalas ni Kooki,lahat kami tumingin sa kanya.
“Para syang may amnesia na wala naman” dagdag ni Pierre.
“Parang ganun nga eh,kilala nya tayo pero hindi nya tayo kinikilalang kakilala” sabi naman ni Kyme.
“May butas ang pangyayaring to eh,ano kayang ginawa ng Byron na yon?” sabi pa ni Luwi.
“At ang nakaka gimbal ng sinabi nyang patay na daw si Page,at si Riley daw sya,tas parang naging ibang tao talaga sya” dagdag naman ni Barbz. Tahimik lang akong nakikinig sa palitan nila ng kuro kuro dahil maging ako ay hindi ko maisip kung pano nangyari ang lahat,napaka bilis naman,at ang masakit,si Byron daw ang nag mamay ari sa kanya.
“Ano kaya magiging reaksyon nina Tita at Tito? Kuya Ian anong plano mo? Anong gagawin natin?” ani kyojie at lahat sa akin nabaling ang atensyon,bumuntong hininga ako bago nagsalita.
“Sa totoo lang hindi ko alam,pero kailangan mabawi ko sya,kailangan maibalik natin sya sa dati,ayokong isipin ang mga mangyayari habang nasa kamay sya ni Byron” inis kong sabi,bigla kong nakita sa aking isipan si Page at Byron na nagtatalik,napasuntok ako sa mesa na ikinagulat nila.
“Kalma lang kuya,May malaki akong hinala na may kinalaman dito ang kalagayan ni Page para matrigger na kalimutan nya ang lahat at umakto ng ibang tao sya” sabi ni Koy na ngayon lang nagsalita. Oo nga pala,nursing student to noon,maaaring may maibigay sya sa aming idea.
“What do you mean?”
“Diba may sakit about trauma si Page? Maraming kaso sa sa US ng tungkol dyan,mga taong nagka trauma at gustong matakasan ang malupit nilang nakaraan,kadalasan nagkakaroon SPLIT PERSONALITY DISORDER,inaayawan nila yung masalimuot nilang buhay at isang araw gigising na lang sila na iba na pagkatao nila,yung dati nilang pagkatao nawala na,naglaho na,pero hindi din tayo nakaka siguro dahil halos wala pa namang ganyang kaso sa pilipinas,pero pwede ding possible kung gagamitan ito ng hypnosis” mahabang paliwanag ni Koy,lahat kami ay tutok sa kanya ang atensyon.
“So ibig mong sabihin hindi na talaga sya si Page?” ani Kyojie.
“Teka lang ah? Diba hindi naman talaga gumagana ang hypnosis na yan?” dagdag pa ni Kooki. Samantalang ako tahimik at ina analyze ang mga bagay bagay.
“Posible at Imposible,pero may ilan din akong kilala na mga doctor na nag aral talaga ng hypnosis,kaya kahit papaano ay may batayan tayo” sagot ni Koy.
“Kung kusa ang ginawa ni Page na itago ng tuluyan ang dati nyang pagkatao para matakasan ang mga masasakit na pangyayari at ang pangit na nakaraan,baka mahirapan tayong mabawi sya” nag aalalang sabi ni Barbz.
“May point si Barbz” ani Pierre.
“Haaayy? Ano ba naman tong nangyayari,bakit hindi na lang kasi nila tantanan si Page eh” frustrated namang wika ni Luwi.
“Kuya Ian? Anong plano?”
“Babawiin natin sya ng paunti unti,papasok ako sa Starville ulit kung kinakailangang mabantayan sya at mabawi sya,dahil sigurado akong papaalisin ako ni Page sa bahay nila” sagot ko.
“Kami na bahala kina Byron” ani Kyme at Luwi na nagpatunog pa ng mga daliri.
“Syempre,kami naman bahala dun sa insekyorang si Keisha,kung si Bubbles nga hindi namin inatrasan noon.Sya pa? Isa lang syang maliit na kuyamad!” dagdag ni Kooki,kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag,bukas na bukas mag i-inquire na ako sa Starville,kilala naman ako doon.
Byron’s POV
Hahaha! Ang sarap pagtawanan ng mga gunggong na barkada ni Page kanina,lalo na yong gagong Ian na yon,halos maiyak na sya eh haha!
“Anong nginingisi ngisi mo dyan?” pagpansin sa akin ni Page habang nagmamaneho ako para ihatid sya sa kanila.
“Wala naman” naka ngiti kong sagot sabay hawak sa kamay nya at dinala sa naghuhumindig ko ng pagkalalaki,ewan ko ba,nasasabik na akong maangakin sya ng tuluyan.
“Napakapilyo mo ah? Pero gusto ko yan” naka ngising sagot ni Page,kaya mas nag init ako.
“daan muna tayo sa bahay” aya ko sa kanya.
“Sure” sagot nya,habang nagmamaneho ako ay binuksan ko na ang pantalon ko at inilabas ko ang aking nagwawalang alaga.
Napahagikgik si Page ng makita nya ito.
“Anong nakakatawa? Naliliitan ka ba?”
“Hihi! No,actually youre huge,I cant wait to taste that flesh of yours” nang aakit nyang sabi. God! Gusto ko na itigil ang sasakyan para mapagbigyan ang gusto naming mangyari.
“Its all yours Bie,for the meantime,play with it habang wala pa tayo sa bahay,dont worry,its harmless” sabi ko sabay kindat,hinawakan nya ito and then gently stroke it up and down.
Shit! Ang sarap! Bakit kasi ang layo pa ng bahay ko eh. Habang nilalaro ito ni Page sa kanyang palad ay itinutok ko ang atensyon sa pagmamaneho.
Nagpigil ako magpalabas kahit pa may mga precum na ako na nilalaro laro ni Page,what really turns me on ay nung isubo nya ang daliri nya na may precum ko. Mabuti na lamang at nandito na kami sa tapat ng bahay,bumusina na ako para pagbuksan kami ng gate at sya naman ay inayos ang sarili,sya na din ang nagsara ng zipper at butones ng pantalon ko.
Ng makapag park ng maayos sa garahe ay dali dali ko syang dinala sa aking kwarto,mabuti na lamang at wala pa sina Mom and Dad.
Your all mine Page,at wala ng makakakuha sayo mula sa akin.
Ng makapasok sa kwarto ay agad naming dinama ang labi ng bawat isa,mapusok,mapaghanap,labi sa labi,dila sa dila. Napakasarap sa pakiramdam,ganito pala ang pakiramdam ng mahal mo ang iyong kahalikan,noon kasi kay Keisha ay purong libog lamang.
Ito ang first time kong makipagtalik sa kapwa lalaki kaya medyo nangangapa pa ako,bahala na! Siguro naman ay may alam na si Page sa ganito.
Habang magkahinang ang aming mga labi ay dahan dahan akong naglakad papunta sa kama habang hinuhubaran din namin ang bawat isa. Nagulat na lang ako ng itulak ako ni Page sa kama,wala na kami parehong saplot.
Napangiti ako ng hawakan at sambahin nya ang aking pagkalalaki.
“Ready to go to hell with me?” nang aakit nyang tanong habang dahan dahan nyang itinataas baba ang kanyang kamay sa aking pagkalalaki. Tanging tango lamang ang aking naisagot.
Napasinghap ako ng lumapat ang kanyang dila sa dalawang bilog na nananahimik sa ibaba.
Shit! Ganito pala ang pakiramdam.
Maya maya pa ay lumukob na ang kanyang mainit na bibig sa aking pagkalalaki,masikip at buong buong nakasagad sa kanyang lalamunan habang sinisipsip nya,nanlaki ang aking mga mata dahil kahit si Keisha ay hindi ito maisubo ng buo noon.
Matagal syang nagpakasasa doon hanggang maramdaman kong hindi na ako kuntento,kailangan ko ng pasukin sya.
“Riley,pwede?” paanas kong tanong,ngumiti naman sya bilang sagot. Kikilos na sana ako ngunit inunahan nya ako.
Dahan dahan nya itong inupuan,napasinghap ako,ramdam ko ang laman nya sa laman ko,napaka init,napaka sarap,at ng tuluyan itong mapasok ay niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan habang marahas na umiindayog sa kanyang butas.
Kung anu-anong posisyon ang nagawa namin,at ng marating namin ang rurok ay hindi ko na napigilan ang aking sarili at muling inangkin ang kanyang labi.
“Mahal na mahal kita Riley” yan ang huling salitang naalala kong sinabi ko bago kami parehong makatulog.
AN/ MUSTA? Bawal silent readers! Hahaha! Charot! Mag comment po kung nagustuhan :) salamat :3
TRT.11.3 <3
Ito ay dedic kay Juribee :) dahil miss ko na si Yohan,Lawrence at Lian :D
Ian’s POV
Hindi umuwi si Page sa bahay,at tanging ako lang ata ang nakapansin,dahil ng umuwi parents nya ay dumeretso na ang mga ito sa silid nya.
Malungkot kong inimpake ang mga gamit ko dahil ngayong gabi din ako aalis,mabuti ng ganito para hindi na ako mas masaktan pa kung nasa iisang bahay pa din kami pero ganun sya sa akin,pero sa school pwede pa,hindi nya mahahalata na nakabantay ako at nagpaplano pano sya maibabalik sa dati.
Umalis akong mabigat ang kalooban,nag iwan lang ako ng sulat sa ilalim ng pinto ng kwarto nina Tita.
Tinawagan ko mga magulang ko na babalik na ako dun sa condo ko at kung ayos pa ba yon. Sinabi ni Dad na may nakabili na daw sa unit ko at kung pwede ay sa Montenegro Manor muna ako kasama mga pinsan ko at si Lolo.
Pumayag na din ako,tutal kailangan ko ng mga makakausap,baka matino kong makausap si Kuya Dex at Ian at iba pa naming pinsan,at saka para makabawi na din sa mga panahong hindi ko nakasama si lolo.
9pm dumating ako sa Manor,nag doorbell muna ako,at himalang si Kurt ang nagbukas. Dito kasi sa Manor hindi uso ang mga maids,kumbaga,kami kami ang kikilos maliban sa taga luto at taga laba.
“Oh Ian! Kamusta?” salubong nito at pumasok kami at naglakad papunta sa main door.
“Eto,madami kaming problema ngayon,kakalabas ko nga lang sa kulungan tas panget ang sasalubong” malungkot kong sabi.
“Bakit insan anong nangyari? Kami din ni Eiko may prob pa,anyways tara na,maya mo yan ikwento” anito at pumasok na kami.
Pagliko namin sa living room nandun ang mga pinsan ko at si Lolo,mga nagtatawanan.
“Ian!” gulat na sabi ni Lolo ngunit ngumiti din,ako na ang lumapit at nagmano saka sya niyakap.
Nagkamustahan lang,kwentuhan,nakipagbiruan sa iba pa naming pinsan. Ng mapagod na nagsitulugan na sila maging si Lolo.
Ako,si kuya Dex at si Kurt ay pumunta sa garden para pag usapan ang problema ko,may mga beer din kami,pero hindi ako magpapakalango,maaga akong pupunta sa Starville bukas eh.
“Kamusta nga pala ang paghahanap kay Kreyd?” tanong ko,bigla ko kasi naalala ang pinsan naming iyon.
“Heto,wala pa din kaming balita” ani kuya Dex.
“Ayaw naman din kasi ni Lolo na itelevise din,madaming hahabol,at saka nakaka awa si tito,sobrang depressed na” dagdag pa ni Kurt saka tinungga ang bote nya ng RH.
“Ikaw ba? Ano yung sinasabi ni Kurt na problema mo?” tanong ni kuya Dex,at walang labis walang kulang kong ikwenento ang lahat,maging sila parang naguluhan at nahirapan sa sinabi ko.
“Oh boy,ang hirap nga ng sitwasyon mo” nasabi na lang ni kuya Dex.
“Pero sige insan,suportado namin ang plano mo” dagdag naman ni Kurt.
Page’s POV
Ginising ako ni Byron dahil papasok na pala kami,hindi na pala ako nakauwi kagabi,napagod ako sa ginawa ni Byron.
Habang nasa byahe kami papunta sa school ay napangiti na lang ako,who would have thought na matitikman ko ang Mr.Campus?
Sabay pa nga kami naligo kanina at may nangyari ulit,nawili masyado ang mokong.
Pagdating sa Starville ay nagpark na at lumabas kami sa kotse,hinawakan nya ang kamay ko at pinag intertwined habang naglalakad kami,todo ngiti si gago.
Napataas ang kilay ko ng makita si Keisha at ang mga alipores nya na palapit sa amin.
“Byron whats the meaning of this?” galit na sabi nito,tiningnan ko muna si Byron,tumango ito hudyat na ako ang sumagot.
“Im sorry bitch pero kami na” sabi ko sa kanya,kumukulo ang dugo ko sa babaeng ito,sya ay isa sa dahilan ng paghihirap ni Page.
“What? Ipinagpalit na talaga nya ako sa isang bakla?! I cant believe this” OA na sabi nito na lalo nagpangitngit sa akin.
“Please bitch,its for real,tapos na araw mo,nilaspag ka lang nya,ngayon wala ka na silbi kay Byron kaya umalis alis ka sa harapan namin,naaalibadbaran ako sayo”
“Ang kapal ng mukha mo! Mang aagaw!” galit na wika ni Keisha na sasampalin dapat ako pero inunahan ko sya ng sampal.
“Fag! Byron wag mo syang pabayaang ganituhin ako”
“Im sorry Keisha pero totoo sinasabi ni Riley,kaya please lubayan mo na kami” sagot ni Byron dito,susugod sana si Keisha ngunit naawat ito ni Toff. Kadadating lang pala nila.
“Kayo na bahala dyan,ihahatid ko lang si Riley sa room nya” paalam ni Byron at umalis na kami,kita ko ang pagtataka sa mga mata ng gang ni Byron.
“Oh pano bie,kita kits mamayang break” ani Byron ng nasa tapat na kami ng classroom,ngumiti lang ako at hinalikan sya ng torrid na tinugon naman nya. Alam kong nakatingin na sa amin ang mga kaklase ko pero wala akong pakialam.
“Wew! That was intense! Huwag na tayong pumasok,sa bahay na lang tayo” naka ngising sabi ni Byron matapos ang halikan namin.
“Baliw,now go! Baka malate ka pa” nag smack lang ako sa labi nya at pumasok na ako sa room,nakangiting umalis si Byron.
Makalipas lang ang ilang minuto ay dumating na ang Prof namin at natahimik na sa pagbubulungan tungkol sa akin ang mga hunghang.
“Class,may bago kayong magiging kaklase” anito. “Ijo pumasok ka na” dagdag nito.
Ganun na lang ang gulat ko ng makita kung sino ang bago naming kaklase. Yung lalaki kahapon.
“Please do introduce yourself”
“Good morning everyone,Im Ian Paul Montenegro,actually graduate na ako pero may nagtulak ulit sa akin para mag aral,and I hope,we can get along” sabi nito na sa akin nakatingin,no! Hindi nakatingin,nakatitig.
I dont know what happen pero parang bigla kumirot ang puso ko ng titigan ko ang kanyang mga mata.
TRT.12 <3
Dedic ang chapter na ito kay kakosang Charunee dahil puro tungkol sa story nya laman ng wattpad Home/news ko hahaha!
Ian’s POV
“Ngayon class magkakaroon tayo ng isang tree planting project” ani Sir bago mag simula ang klase,agad na nag si angalan ang mga estudyante,napangiti na lang ako,dahil pinagdaanan ko na ito noon,sa katunayan close ko si Sir,isa ako sa mga paborito nyang estudyante dati,nagulat nga ito ng malamang papasok ulit ako.
“Pero Sir! Hindi part yan ng subject namin sayo”
“I know I know class this is not a part of our lectures,pero ito ang isa sa mga kailangan,isang araw lang naman iyon,and I have to tell you that its compulsary,walang hindi sasama” sabi pa ni Sir,lalo nag angalan ang mga ito at lalo ako napangiti. Isa ito sa pwedeng maging hakbang ko para maibalik sa dati si Page.
Tiningnan ko ang pinakamamahal kong si Page,parang wala sya pakialam sa nangyayari,ibang iba na sya,pati ang mga mata nya ay ang lamig tingnan. Mula dito sa harapan sa bandang dulong row ay malaya ko syang natitingnan ng hindi nya mapapansin,nasa bandang unang row at likuran kasi sya.
“No buts! And besides,mag e-enjoy din kayo dahil sa parang nature tripping na din iyon,hindi yung puro usok ang nalalanghap nyo,para marefresh ang mga baga nyo” ani pa ni Sir.
“And besides,pati ang iba ay mag gaganito din,sadyang nauna lang talaga kayo” dagdag pa nito.
Wala ng nakapalag,nag start na ang lecture ni Sir pero nakatingin pa din ako kay Page. Namimiss ko na sya ng sobra,gusto ko na ulit sya mayakap,mahalikan,makasama sa kasiyahan at makatabi sa pagtulog. Madami na kami pinagdaanan at hindi ako susuko sa mga bagong pagsubok,hinding hindi,kung ano man ang ginawa ni Byron ay pagbabayaran nya yon.
Habang naglelecture si Sir ay nag iikot sya sa room,isa si Sir sa mga nakaka alam kung bakit nandito ulit ako,malakas ako sa Chancellor at mga dean ng bawat colleges dito sa Starville dahil isa ako noon sa pinagmamalaking estudyante dito,sinabi ko sa kanila ang tunay na rason,tumutol sila nung una dahil baka lahat daw sila madamay at mawalan ng trabaho sa gagawin kong pagpanggap na maging estudyante ulit,but I assured them na walang ganung mangyayari at kung meron man,ako ang mananagot,lalo pa at malaki din ang naitulong ni lolo sa eskwelahang ito.
“Ian,hwag mo naman pahalatang sisiw lang sayo ang subject ko” bulong ni Sir kaya natawa ako.
Mabilis na lumipas ang oras,break na,natext ko na din si Koy na puntahan ako dito since sa katabing bldg lang ang course nya, madami nagpakilala sa akin,nakakailang lang din talaga na lahat sila ay kuya ang tawag sa akin,hindi ko sila masisisi,Im six years older than them.
Nakita kong nagmamadaling lumabas si Page kaya sinundan ko ng tingin. Kaya naman pala,nandun na si Byron at ang gang nito. Si Page pa talaga ang unang humalik,ang sakit,parang pinipilipit ang puso ko,hindi ko pala kaya na makita syang may hinahalikang iba,doon ako talo.
Lumabas na ako ng room dahil pakiramdam ko iiyak ako,ito ang dulot ng sobra kong pagmamahal kay Page,nagiging emosyonal ako at hindi ko nakocontrol ang damdamin ko.
Binigyan ako ni Byron at ng Gang nya ng tinging nang uuyam,nanggigil ako pero pinalampas ko.
Sakto naman pababa na ako ng makasalubong ko si Koy at Kyoji.
“Kuya anong nangyari? Namumula mata mo” agad na pansin ni Kyoji.
“Nasan sila?” bagkus ay sabi ko para wag na ito mapag usapan.
“Nasa cafeteria na” sagot ni Koy na ang tingin ay nakina Page,agad ko ng hinila ang dalawa dahil ayoko maabutan ni Page,at ayokong makita ng Byron na yon na nasasaktan ako.
Ng makarating sa cafeteria ay nandun na nga ang tropa,madami na ding tao,lahat nagtitinginan sa akin,lalo na ang mga babae at mga ka uri ni Page at Kooki.
“Diba sya yung Ultimate Mr.Campus dati? Sya yung nasa malaking picture sa Auditorium diba?” dinig kong sabi ng isang babae.
“Tama ka girl,but that was six or seven years ago,my God,parang hindi sya tumanda,mas gwapo pala sya sa personal” sagot nung isa.
“Pero bakit nandito sya at parang nag aaral ulit? My Gulay! Sya na love ko,ayaw ko na kay Byron” sabi din nung isa. Napapailing na lang ako.
“Sikat na sikat ka pala dito fafa Ian eh” ani Kooki ng kumakain na kami.
“Hindi naman,anyways guys,may sasabihin ako,maaaring ito na ang una kong pagkakataon” sabi ko at inilahad sa kanila ang tungkol sa tree planting project.
“Hay naku! Sana lang mabawi na agad si Page” ani Barbz.
“Kaya magtiwala tayo kay kuya Ian, beyb at tayo naman gagawa din ng paraan” sabi naman ni Kyoji sa gf nyang si Barbz.
“Speaking..” ani Pierre at inginuso ang pinto ng cafeteria kung san papasok si Page,Byron at Gang nya,sabay sabay namin itong nilingon at sa amin din sila nakatingin.
Pakiramdam ko tumaas ang temperatura sa paligid,kung wala sigurong mga tao dito ay nagsagupaan na kami laban sa grupo ni Byron
“Here comes the Fag” dinig ko pang sabi ng isang babae na ikinalingon ko,nasa bandang likuran namin,puro babae.
“At hindi ako makapaniwalang hinayaan mo Keisha na maagaw sayo si Byron?” sabi naman nung isang babae.
“Pabayaan nating masulit nya ang huling mga araw nya” sagot nung Keisha. So ito pala yung Keisha,yung kinakatakutan ding Girl Gang.
Napatingin ako sa tropa alam kong nadinig din nila iyon at iisa ang nasa isipan namin,ang mailayo sa kapahamakan si Page,muli tiningnan ko sina Byron,wala na ang mga ito,naka pila na pala para bumili ng pagkain.
Maghintay hintay ka Page,mababawi din kita Mahal ko.
PAMPAKALMA MUNA :) GWIYOMI PICS NI IAN NASA MULTIMEDIA HAHAHAHA :D
TRT.13 <3
IAN’s Point of View
Dumating ang araw ng Tree planting,naeexcite ako dahil kahit papaano masosolo ko si Page at may pagkakataon na makausap ko sya.
Huwag lang sanang umapela si Byron dahil hindi ko na talaga sya matatantya pa. Alam kong gagawa at gagawa ng paraan ang gagong yon para mailayo ng tuluyan sa akin si Page,pero syempre hindi ako papayag.
Dumating ako sa starville at nakabalandra na sa tapat ng Gymnasium ang bus na gagamitin namin,naupo muna ako sa isang tabi habang pinagmamasdan ang mga kaklase ko na labas pasok sa bus at si Sir naman ay kausap yung driver ata.
Maya maya ay nakita ko na si Page at Byron na padating,naka akbay pa ang gago at todo ngiti habang nag uusap sila,ang masakit lang,nakangiti si Page sa kanya at mukhang masaya,dati ako yon eh,dati ako nagpapangiti at nagpapasaya sa kanya eh,pero ngayon hindi na,pero kahit gaano kasakit eh kailangan ko magtiis,kailangan ko indahin ang sakit.
Tumigil sa tapat ng bus ang dalawa at nagpaalaman,alam kong hindi nila ako napapansin mula dito sa kinauupuan kong bench,hinalikan na ni Byron si Page sa labi bilang pagpapaalam.
Shit! Damn you Byron! I’ll wreck your neck! Nakakadami ka na!
Nakita ako ni Sir at sinenyasang sumakay na sa Bus,tumayo na ako at tinungo ang Bus,nilampasan ko si Byron,hindi ko sya tinapunan ng tingin,masyadong mataas ang kompyansa nya sa sariling hindi maibabalik sa dati si Page,pero malakas ang pakiramdam ko na kaya ko syang maibalik sa dati,walang sino o ano mang makakahadlang sa pagmamahalan namin ni Page,kahit pa si Kamatayan.
Ng makaakyat na ako sa bus ay tumingin tingin ako kung may bakanteng upuan ngunit lahat ay okupado na ng mga estudyante.
“Ian,dun ka na lang sa tabi ni Icban” ani Sir,nakita ko ngang walang katabi si Page at nakatingin sya sa akin ng blangko ang ekspresyon ng mukha,lumapit na ako.
“Patabi ah?” sabi ko
“I dont mind” aniya at ibinaling ang tingin sa bintana. Napabuntong hininga na lamang ako at tahimik na umupo sa tabi nya.
Ilang sandali pa at umandar na ang Bus,nagsimula na din silang magdaldalan at magkwentuhan.
“Sir anong benefit ng gagawin natin?” tanong ng isa.
“Makakatulong tayo sa kalikasan” sagot ni Sir.
“Sir pwedeng magtanim ng Dwarf willow?” segunda pa ng isa.
“Hindi ba’t yun yong smallest tree?” ani Sir.
“Opo sir!”
“Pwede naman,basta sa noo mo natin itanim” sagot ni Sir na ikinatawa ng mga pobreng estudyante.
Nilingon ko ang katabi ko,nakatingin pa din sa bintana at may nakasalampak na earphone sa mga tenga at naghahum. Pinakinggan kong mabuti kung ano iyon.
“Basta’t kasama kita,hmmn hmnn…” ang pag hum ni Page,napangiti ako,iyon yung kanta ko sa kanya nung birthday nya.
Inilabas ko sa bag ko ang mga dala kong junk foods at kinalabit si Page,hindi naman ako nabigo dahil nilingon nya ako.
“Gusto mo?” alok ko sa kanya ng Piatos pero tiningnan lang nya ako at muling tumingin sa bintana.
Haaay! Kainis! Mas kaaya aya bang tingnan ang mga nadadaanan namin kesa sa pagmumukha ko? Ano na bang nangyayari sayo Page?
Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa Piatos habang nakikinig sa mga kasama namin na nagkekwentuhan at nagkakantahan.
Pagkaraan ng isa’t kalahating oras narating na din namin ang bundok na tataniman namin.
Isa isa na kaming nagbabaan,aalalayan ko sana si Page pero tinaasan lang ako nito ng kilay,haay!
Ilang saglit pa ay umaakyat na kami sa bundok,malubak pero ayos lang dahil katamtaman lang ang sikat ng araw,tiningnan ko ulit si Page na parang hirap na hirap sa pag akyat,gusto ko sana mag offer ng tulong kaso baka mareject na naman eh.
“Sir ilang bundok ba aakyatin namin?”
“May dagdag ba ito sa grades namin?”
“Malapit na tayo,and yes dagdag ito sa grades nyo” sagot ni Sir.
Ilang sandali pa at nandito na kami,nagkanya kanya na ng pwesto ang mga ito.
“Okay class,ayusin nyo ang pagtatanim,laliman nyo para maganda ang pundasyon,at pagkatapos ay diligan nyo” paalala ni Sir. “at pagkatapos nyan,maglunch na at magpahinga saglit then pupunta na tayo sa next destination” dagdag ni sir, maging ako nagtaka dahil may iba pa palang pupuntahan?
“Saan po sir?” si Page ang unang nagtanong at sa unang pagkakataon ngayon lang sya nakisali sa usapan.
“Basta,sige na,simulan na ang pagtatanim” sagot ni Sir at nagkanya kanya na kami ng gawain. Sa tabi ako ni Page nagtanim habang sya ay abala sa paghuhukay.
“Psst Page,gusto mo tulungan kita?” tawag pansin ko sa kanya.
“Anong akala mo sakin lampa? May kamay ako,kaya kong magtanim mag isa” bara nya sa akin. Shit! Ang taray talaga!
“Ito naman,ang sungit mo,nag aalok lang ng tulong eh” sabi ko naman,nilingon nya ako ng salubong ang mga kilay.
“Pwede ba? Tantanan mo ako,stop pestering me!” singhal nya. Nagulat ako at napahiya. Ibang iba na talaga sya,tumahimik na lamang ako at itinuloy ang pagtatanim.
“Sir san pwede kumuha ng tubig na pandilig?” maya maya ay sabi ni Page.
“May malapit na ilog dito Mr.Icban,baybayin mo lang ang gilid ng kakahuyan” sagot ni Sir.
“Samahan na kita” sabi ko,pero muli,hindi na naman nya ako pinansin.
Pareho kaming may bitbit na plastik na lalagyan ng tubig,ng makarating sa ilog ay sumalok na kami,pagkatapos non ay kinuha ko ang pagkakataon para makausap sya.
“Page pwede ba tayo mag usap?” ani ko.
“Im Riley not Page,hindi ka ba marunong umintindi sa sinabi ko kanina? Stop pestering me” singhal nya sa akin,tinitigan ko sya sa mga mata ngunit wala akong mabasa dito,blangko.
“Hindi mo ba ako naaalala? At ang relasyon natin?” sabi ko naman bilang pambabalewala sa mga sinabi nya.
“Tantanan mo ako Mister.Montenegro,hindi ako natutuwa sayo,baka magalit pa si Byron dahil sa ginagawa mo,at wala akong natatandaang karelasyon kaya huwag kang mangarap,tigilan mo ako” sagot nya pero hindi ako nagpatalo,hindi ko isusuko ang baraha ko.
“Si Byron? Mahal mo ba sya?” hinawakan ko na sya sa dalawa nyang kamay,napaigtad sya bigla.
“Oo,kaya pwede? Umalis ka dyan at ng madiligan ko na yung tinanim ko” sagot nya ng walang pag aatubili.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko,nanginig ang kalamnan ko at nag init ang mga mata ko. Ang sakit pala lalo pag mismong sa mahal mo manggagaling na hindi ka nya mahal,parang dinidikdik ang puso ko,ang sakit sakit.
“PUTANG INAAAAAAAA!!!!!” sigaw ko ng mawala na sya sa paningin ko,ito lang ang tanging paraan para kahit papaano mailabas ko yung sakit na nararamdaman ko,o kahit mabawasan man lang,hinayaan kong tumulo ang aking mga luha,dito walang makakakita sa akin,dito malaya kong mailuluha ang pighati ko.
~ what can you say? ;)
TRT.14 <3
IAN’s Point of view
Inubos ko muna ang lahat ng luha at sama ng loob bago bumalik sa mga kasama ko,gusto kong pag nagharap kami ulit ni Page ay makita nyang matatag at desidido ako sa pagbawi sa kanya.
Ng makabalik ako sa mga kasamahan ko ay masaya na silang nana nanghalian at nagkekwentuhan,nakita ko si Page sa lilim ng puno tahimik na kumakain,maging ang mga kaklase namin parang ilag na sa kanya,pero sabi ng iba ng ma accelerate at pumasok daw sya sa block nila eh madaldal daw ito at palangiti.
Damn that Byron! Ang laki ng tinanggal nya sa pagkatao ng mahal ko,pagbabayaran nya talaga ang lahat ng ito pag natapos ko na ang pagbawi kay Page.
“Oh Ian bakit ngayon ka lang? Akala namin nalunod ka na sa pagkuha ng tubig” ani Sir at lumapit sa akin.
“Kayo talaga Sir,naglibot libot lang ako,hindi ko namalayan kasi ang oras” nakangiti kong sagot.
“Okay class,tapusin nyo na yan para makapunta na tayo sa second destination natin” ani Sir,agad naman nagsikilusan ang mga ito.
“Sir,san ba talaga tayo pupunta?” tanong ng isa.
“Sa Enchanted Kingdom,kaya nga pinagdala ko kayo ng extra shirt” sagot ni Sir,nagsigawan sa tuwa ang mga pobreng estudyante,maging ako napangiti,napaka memorable sa akin ng lugar na iyon,sobra.
“Pano nga pala nangyari yon Sir?”
“Kasama yon sa mga binayaran nyo nung enrollment” sagot ni Sir.
Nag ayos na ang lahat at nagsimula ng maglakad pababa ng bundok,lahat halatang pagod,maging si Page,gustong gusto ko na sya lapitan at tulungan,pero naisip ko,mamaya na lang ako ulit kikilos.
Ng makarating sa Bus ay nag unahan pa ang mga ito,lahat gustong maka upo na at maka sandal,tulad kanina,si Page pa din ang katabi ko at wala pa din itong imik,pero may napansin ako sa kanya,umiiwas syang tingnan ako,at ng saglit kong matingnan ang kanyang mga mata,may nakita ako. Pagkalito.
Sakto alas quatro nakarating kami sa EK,kanya kanya silang grupo at partner. Napangiti ako ng walang kapartner si Page,kaya naman nilapitan ko na sya.
“Tara na,hindi ka makakapag enjoy kung tutunganga ka lang dyan” sabay hila sa kanya.
“Ano ba?! Bitawan mo nga ako!! Isusumbong kita kay Byron!” piksi nya,hindi ako tumigil sa paglakad pero nilingon ko sya at nginitian.
“Edi magsumbong ka bata!”
“Aba’t?! Hoy! Hindi na ako bata! 19years old na ako! Pwede ba bitawan mo na ako” galit nyang singhal sa akin.
“Bata ka parin para sa akin kaya dapat sumunod ka,napapagod at naiinis na ako sa pambabalewal mo” sagot ko naman at patuloy pa din syang hinila,at nagtungo kami sa carousel.
“There! Ito una nating sasakyan” nakangisi kong sabi.
“What?! Ayoko! Hindi ako sasakay dyan! Pambata yan!” mariin nyang pagtanggi kaya natawa ako. “Anong tinatawa tawa mo dyan? Isusumbong talaga kita kay Byron” dagdag pa nya pero hinila ko na sya papasok..
Busangot ang mukha ni Page ng sumakay kami,iisang kabayo lang ang sinakyan namin,pumwesto ako sa likod nya,at nagsimula na itong umandar,niyakap ko sya mula sa likuran,ang lakas ng kabog ng dibdib ko,namiss ko ito.Namiss ko syang yakapin,namiss ko ang amoy nya. Wala naman syang kibo na ikinatuwa ko.
“Mommy! Ang sweet nila oh?!” nadinig kong sabi ng isang bata,nilingon ko ito,katabing kabayo lang namin nakasakay,mag ina at nakaturo sa amin ang bata,nginitian ko ang mag ina.
“This is really crazy! I can’t believe na sumakay ako dito” maya maya ay reklamo ni Page ngunit hindi ko sya sinagot.
Matapos ang ride sa carousel ay nagmamadaling umalis si Page kaya hinabol ko pa.
“Uy! Saglit nga!” habol ko sa kanya.
“Bwisit ka!! Sabing ayoko sumakay dun eh!” singhal nya sa akin,gusto ko na matawa ulit pero nagpigil ako.
“Ayaw mo sa pangbata? O sige,tara dito” hinawakan ko ulit sya at hinila para hindi na makapalag,tinungo namin ang Space shuttle,alam ko na overcome na nya ang takot nya sa matataas noon nung sumakay kami dito dati.
“Ayoko dyan!” biglang sabi nya.
“Hindi na yan pambata kaya huwag ka na magreklamo” sagot ko naman at hinila ulit sya papasok.
Ng makaupo na kami at maiayos na lahat ay halatang hindi sya mapakali.
“May problema ba?” tanong ko.
“Sabing ayoko dito eh!” sagot nya.
“Page nakasakay ka na dito dati,na overcome mo nga ang takot mo sa matataas dahil dito” ani ko naman,hindi na sya nakasagot dahil umandar na ang cart,dahan dahan umakyat at sa isang iglap ay bumulusok pababa at umangat ulit sa ere,naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko ngunit nakapikit.
“Page dumilat ka!” sigaw ko habang umaandar ito,dumilat sya,at ng saktong bumaliktad na kami at bubulusok ulit ay sumigaw ako.
“MAHAL NA MAHAL PA DIN KITA PAGEEE!!!”
kasabay iyon ng sigawan ng mga taong excite at takot sa ride na ito. Nadinig man yon ni Page o hindi,ang importante nasabi ko at kasama ko sya ngayon,konti na lang maibabalik ko na sya.
Bandang alas nuebe ay pack up na ulit,kailangan na naming umuwi,sayang lang at hindi na namin masisilayan ang fireworks display.
Sa Bus ay pagod lahat,si Page ay nakatulog,isinandig ko sya sa aking balikat at pinag intertwined ko ang aming mga kamay,sobrang masaya ako ngayon,alam ko konting panahon na lang at babalik na sya sa dati.
Laking pasalamat ko na lang na walang Byron na nang istorbo o tumawag.
“Mahal na mahal kita Page,konting panahon na lang at maibabalik na kita sa dati” bulong ko at hinalikan ang kanyang ulo at pumikit na din ako para umidlip kahit sandali.
Breaktime,kasama ko ang tropa dito sa cafeteria,kumakain at nagkekwentuhan,sinabi ko lahat sa kanila ang nangyari kahapon.
“That’s a good sign kuya,kami din gagawa na ng paraan” ani Koy.
“Oo nga sakto malapit na ang sembreak at sakto Anniversary ng Chansu” sabi naman ni Luwi.
“Oo nga at dinig ko kay fafa Argel at sisteraka Yuweh na may outing daw tayo,syempre kasama si Page at ang mga tropapipz nila” singit ni Kooki.
“Magandang pagkakataon yan Guys para mas mapalapit sa atin si Page at mabantayan,narinig nyo naman yung Keisha diba? I think she’s really dangerous” sabi ko at sumang ayon sila.
“Nako! Kahit madami sila hindi namin sila atrasan ni Kooki no? Sayang lang wala na si Chai,isa pang basagulera yon” natatawang sabi ni Barbz.
“Kurak ka dyan dai! Kaloka din yung Gang ni Byron eh,ang hilig humarang,sayang gwapo pa naman sila” ani Kooki.
“Dun kana” sabay na sabi ni Pierre at Kyme.
“Hoy! Echos lang yon! Mas gwapo pa din kayo.Kaya favor lang,pag nakipag sapakan ulit kayo sa mga impaktong yon huwag kayo papatama sa fez! Two times na kayo nagkabugbugan,ang ending mukha nyo madaming galos”
“Yan ang gusto ko sayo Kooki eh” ani Luwi sabay akbay kay Kooki.
“Matagal na din kitang gusto” animoy kinikilig na sagot ni Kooki at nag beautiful eyes pa kaya nagtawanan naman kaming lahat.
“Ang ingay” sabi ng isang boses,pagtingin namin yung gang ni Byron pero wala ito at si Page,naka pwesto sila sa lamesa sa kaliwa namin.
“Edi mag ingay din kayo” pambabara ni Kyoji dito.
“Huwag nyo kami itulad sa inyo,mga taong bundok” sabi pa nung isa.
Talagang tarantado pala ang mga ito. Sinabihan ko ang tropa na huwag muna pansinin dahil nakakahiya kung sa cafeteria kami magkakagulo.
“Nag ditch na naman ng class si Byron” dinig naming sabi nung isa.
“Ano ka ba kuya Rhoize? Syempre babawi yun kay Riley,hindi sya naka score kahapon” sagot nung isa.
“Tama ka dyan Toff! Baka magaling talaga si Riley kaya naka adikan na ni By” segunda ng isa at nagtawanan pa sila.
Pakiramdam ko nag akyatan lahat ng dugo ko papunta sa aking ulo dahil sa mga nadinig ko,tatayo na sana ako pero pinigilan nila ako.
“Labas na lang tayo kuya” ani Koy at tumayo na lahat,bago kami makalabas ay tiningnan ko muna ng masama ang gang ni Byron at kumaway pa ang mga gago!
Maghintay lang kayo,may araw kayo sa amin.
TRT.15 <3
dedic kay kuya Ponse d’great hahaha :D
PAGE’s Point of view
Isang linggo na ang nakakalipas since that day sa EK,at hanggang ngayon naguguluhan pa din ako sa sarili ko? Bakit ganon? Bakit pag hinahawakan ako ni Ian ay nakakaramdam ako ng kaligtasan? Bakit pag tinititigan nya ako ay nasasaktan ako? Ano ba talaga sya sa akin? Halos araw araw sa classroom ay kinakausap nya ako,hindi ko na sya matarayan dahil pakiramdam ko ay ako ang nasasaktan pag iniiwasan ko sya.
Nalilito na ako,hindi ko naman magawang sabihin ang lahat ng ito kay Byron,parang may masamang mangyayari pag nagsabi ako.
Kahapon nga ay nakatanggap ako ng text mula dun sa Argel,inviting me for Chansu’s anniversary,I dont know pero may nag uudyok sa akin na pumunta,alam ko naman na malaking bahagi sila ng buhay ko dahil may nag uudyok sa kaloob looban ko ngunit hindi sila kinikilala ng sarili ko,dahil nga iba na ako,ibang tao na ako,kung ano man ako dati ay naglaho na iyon,para akong amnesia sa kalagayan ko,pero ayos na din sa akin ito,wala na akong iniindang sakit at paghihirap na dating iniinda ng dating ako.
Masaya ako kay Byron,pinaparamdam nya sa akin ang pagmamahal nya,natutuwa din ako sa tropa nya dahil tanggap ang relasyon namin. Sadyang itong si Ian at ang mga barkada nya lang ang muling nagpabagabag sa akin.
“Are you still there bie?!” napakislot ako bigla,kausap ko nga pala si Byron sa phone,absent kasi sya isinama ng mga magulang nya sa tagaytay.
“Yup bie,uminum lang akong tubig,kalma ka lang” paglalambing ko.
“Akala ko kung ano na nangyari sayo eh,yung bilin ko ah? Huwag na huwag mo papansinin ang Ian na yon at ang tropa nya,papabantayan kita,matitigas pa naman mukha ng mga yun” anito. Sadyang napaka seloso lang ng gago,akala mo naman ay maaagaw ako sa kanya.
“Oo na,ilang beses mo na sinabi yan,sige na,magprepare pa ako sa pagpasok,nasa school na ba sina Toff?” sagot ko na lang.
“Yup,nandun na sila,sa hideout mo sila puntahan,sige na,I love you so much,ingat ka dyan ah? Love you”
“love you too bie” sagot ko at saka in-end call.
Agad na akong nagprepare at bumaba. Naabutan ko sa living room sina Mom and Dad.
“Anak Riley bakit biglang nawala si Ian at hindi na nagpakita?” sabi ni Mom.
“Matagal ka na namin gusto makausap tungkol dito bunso,hiwalay na ba kayo? Sabi ni Manang Fely may bago daw naghahatid sayo dito” segunda ni Dad.
Anong sasabihin ko? Kung ganun talagang may relasyon kami ni Ian noon bago ako magkaganito? Paano naging kami ni Byron?
“Uhm,Mom,Dad,Yes,matagal na kaming hiwalay at may bago akong boyfriend,si Byron” sabi ko,pero bakit ganon? Parang kumirot ang puso ko at parang may bumara sa lalamunan ko ng sinabi ko iyon?
Halata ang pagkagulat at pagtataka sa mukha ng mga magulang ko. Ngunit hindi ko na sila bibigyan ng pagkakataon na makapagtanong pa dahil maski ako ay hindi ko na alam ang mga isasagot ko.
“Sige po,pasok na ako sa school” sabi ko at nagmamadaling lumabas ng bahay.
Ng makarating sa school ay may dalawang oras pa akong bakante kaya agad akong pumunta sa hide out ng Gang,nasa luma at abandonadong building ito,kadalasan ay dun din talaga ako tumatambay kasama ni Byron,minsan pa doon kami nagtatalik.
Ng makarating ako sa hide out ay nandun na lahat,lahat naman sila ay nakaka usap at kasundo ko maliban kay Miles,ang kanang kamay ni Byron.
“Uy Riley! Aga mo ah?” salubong na bati ni Choi habang may hawak na gitara at naka upo sa isang stool.
“Mamaya pa kasing 11 ang first class ko,tinawagan ako ni Byron na dito daw muna ako” sagot ko at umupo sa sofa. Actually walang mag aakala na hideout ito,isang buong 2nd floor ng lumang bldg ang sinakop nila,pinaganda at nilagyan ng gamit,para ka ngang nasa isa condo unit eh,ito ang comfort zone nila,at wala talagang nagtatangkang pumunta dito,tumabi ng upo sa akin si Miles,napatingin tuloy kami lahat sa kanya.
“Oy bawal yan kuya Miles” ani Toff.
“Gago! Tumabi lang eh! Ang dumi ng utak mo!” singhal ni Miles dito.
“Oo nga naman Toff,hindi naman nya tataluhin si Riley,paniguradong lagot sya kay Byron” segunda ni Pen,isa sa mga palabiro sa Gang,naka upo naman ito sa isang monoblock habang hawak ang PSP nito.
“I agree,hindi natin gugustuhing magalit si By,baka makapatay ulit sya” ani Blaire kaya napalingon ako dito,maski ang Gang ay tiningnan sya.
Nakapatay na si Byron? Pakiramdam ko gumapang ang kilabot sa buong katawan ko,hindi ko lubos maisip na ang ganun kagwapong tao,mukhang anghel ay nagawa ng kumitil ng buhay? God!
Hindi ako nagpahalata na nagulat ako,kunwari ay nagpipindot lang ako sa phone ko.
“Bunganga mo Blaire,sarap e-stapler,nak ng putcha ka” ani Miles.
“Pasensya! Joke lang yon” sagot ni Blaire,pero hindi ako naniniwalang joke lang yon.
“Daldal mo eh” ani Roize sabay tayo habang hawak naman ang iPAD nito.
“Oh tukmol,san ka pupunta?” pagpansin dito ni Drew.
“Magjajakol sa kwarto,sama ka? Nalibugan ako sa pinapanood ko dito sa iPAD ko eh” anito at naglakad papunta sa isang kwarto.
“Sama ko bro!” ani Borj at sumunod dito.
Grabe,ang gagwapo ng mga ito pero ganito sila kabrutal magsalita.
“Ay,sige na,punta muna ako sa cafeteria bago pumunta sa next class ko,see you around guys” pagpapaalam ko at tumayo na din.
“Ingat Riley” ani Toff,nginitian ko lang sya.
“Hatid na kita” sabi naman ni Miles na pinagtaka ko.
Sasagot na sana ako ng biglang lumabas si Borj sa kwarto na kumakaripas ng takbo.
“Tabi tabi kayo dyan! Susunduin ko na yung titirahin namin ni Roize” sigaw nito,nagtawanan ang mga ito.
Nauna na nga si Borj kaya naglakad na din ako sa hallway,nakasunod si Miles at laking gulat ko ng hilahin ako nito paakyat sa 3rd floor.
“Miles? Bakit? Baka makarating to kay Byron” inis kong sabi dito.Ang sakit kasi ng pagkaka kapit at pagkaladkad nya,hindi makatao.
“Gusto kong hiwalayan mo na si Byron” deretsahang sabi ni Miles ng nasa 3rd floor na kami.
“Huh? Bakit? Sino ka para utusan ako?” inis kong sabi dito.
“Hindi na maganda ang resulta ng relasyon nyo,mas mainam na hiwalayan mo na sya bago pa sya tuluyang lumubog,yon ang mas nakakabuti” sagot naman nya. Naguluhan ako,bakit? Ako pa ba ang magiging rason ng pagdudusa ni Byron?
“At sino ka para sabihing yon ang nakakabuti?”
“Dahil mas matagal ko na syang kakilala kaysa sayo! At mas kilala namin sya! Once na malunod ng sobrang pagmamahal nya sayo si Byron ay hindi na nya iisipin ang sarili nya,nababaliw sya,nakakapatay sya!” bulyaw sa akin ni Miles.
Natigagal ako,may ganun bang tendency ang sobrang pagmamahal? Nakakapatay? Nakakabaliw?
Nakakatakot pala si Byron.
Iniwan ako ni Miles na nakatulala,pilit kong iniisip ang mga sinabi nya,ang mga nalaman ko. Pero pano ko gagawin iyon? Kung ang tanging natatandaan ko ay si Byron ang kasintahan ko? Na sya ang mahal ko?
Buong araw ay lutang ako,hindi ko nagawang makipag participate sa klase,nakikita kong tinititigan ako ni Ian na lalo nagpapabigat sa nararamdaman ko.
Ako si Riley! At dapat wala akong problema,at dapat wala akong iniindang sakit. Matatag ako,matapang at hindi ako basta basta dapat nagpapadala sa mga emosyong hindi ko naman maintindihan.
*BAWAL SILENT READERS,MAGCOMMENT NAMAN PO KAYO T^T. Maraming salamat :)
TRT.16 <3
IAN’s point of view
dumating ang araw ng Anniversary Celebration ng Chansu,pagdating ko sa meeting place ay dalawang bus ang nakaparada.
Marami rami pala kami,lahat ng crew at malalapit na kaibigan ay invited. Agad din akong lumapit sa isung grupo,ang tropa na masayang nagkekwentuhan habang naghihintay pa sa iba.
“Nasan ang mag asawa? Talagang pinaghandaan at pinag gastusan nila to ah” sabi ko ng makalapit.
“Nandun na sila sa loob ng bus kuya,nakikipag kwentuhan sa tropa nila” sagot ni Luwi.
“Ganon ba? San ba daw tayo?” sabi ko at pasimpleng tumingin sa paligid,wala pa kasi si Page,alam ko namang pupunta sya kahit papaano.
“Dun daw sa Resort ng pinsan nung Yuri? Private daw yon at tayo lang talaga ang o-okupa dun” sagot ni Koy.
“Ah.Kilala ko sila,nameet na namin sila ni Page dati” simpleng sagot ko naman. “Wala pa ba sya?” dagdag ko pa.
“Ay naku fafa Ian, I doubt kung payagan yon ng demonyitong si Byron” pagsagot ni Kooki.
“Naku dapat gumawa sya ng paraan,baka magalit sa kanya sina Boss” ani Kyoji habang naka akbay kay Barbz.
Nasan na nga ba si Page? Alas nueve na,baka maiwanan pa sya,hindi pwedeng hindi sya sasama.
“Guys! Sumakay na kayo! Aalis na tayo!” sigaw ni Argel habang nakasilip sa pinto ng bus.
“Wala pa si Page tol!” sagot ko naman. At parang milagro nakita sya ni Koy na nanakbo palapit sa amin.
“Pasensya na late ako” hinihingal nyang sabi. God! Lumalabas na naman ang sex appeal ng Page ko pag namumula.
“Buti at nakahabol ka,tara na” ani Koy at nagsisakayan na kami sa bus.
“Pasensya na,tumakas lang kasi ako,hindi ito alam ni Byron” aniya habang magkakasunod kaming naglakad sa loob. Walang sumagot sa kanya,marahil ay iniiwasang pag usapan si Byron at relasyon nila ni Page.
Damn! Ang sakit talaga pag iniisip kong may relasyon sila at may nangyayari sa kanila
Tulad nung nag EK ay ako ang katabi ni Page,bahagya lang syang tumingin at ngumiti. Ngumiti din ako,nararamdaman ko kasi malapit ng matapos ang lahat.
Habang umaandar ang na ang bus ay nagsipagkantahan ang mga ungas. Para bang tinutukso kami ni Page,lihim na lang akong napapangiti sa kalokohan ng mga impakto.
Sa likod naka pwesto sina Koy,Luwi,Pierre at kyme. Ang magkasintahang Kyoji at Barbz ay nasa likod lang namin.
Ang banda kong X-appeal ay nandito din at nasa bandang unahan sila. Sa kabilang side naman na katapat namin ay si Chai at Yume. Si Kooki nasa unahan nila mag isa,abala sa kakapindot sa IPAD nito na parang walang paki alam sa mga kasama niya.
Sa unahang upuan mismo namin ay ang Mag asawang Argel at Yuweh,sa katapat nila sa kabila ay sina Gelo at Yuri,sa unahan ng mga ito ang mga kanya kanya nilang mga tropa.
Makukulit,maiingay ang mga ito,hindi nakakapagtakang nagjive ang mga ugali nilang lahat.
Nilingon ko si Page,nakapikit na ito at nakasandal ang ulo sa bintanang salamin,dahan dahan akong umusog at inihilig ko ang ulo nya sa balikat ko.
“Wow pa emplis? Muling ibalik?” pagbuska ni Kyoji.
“Shut up! Walang pakialamanan” sagot ko at nagtawanan kami..
“Oh eto guys,mag throwback memories tayo” ani Pierre.
“Sige! Maganda yan! Ng mapagtawanan mga kalokohan natin noon!” pag sang ayon ni Luwi,sumang ayon din ang iba.
“Oh eto,sino to,grade six kami noon at sa pagmamadali nyang maka uwi,naitulak sya sa kanal sa gilid ng kalsada?” ani Koy.
“Kilala ko yan!” sabi ko,dahilan para magising si Page at umayos ng upo.
“Sige nga kuya sino?”
“Si Page!” natatawa kong sabi at nagtawanan din sila. Naalala ko pa yon,yun yung una naming pagkikita.
“Anong meron? Bakit nyo ako pinagtatawanan?” tanong ni Page.
“Kasi best,binabalikan namin yung mga nakakatuwang pangyayari noon,yung nahulog ka sa kanal” ani Koy sabay tawa.
Tiningnan ko ang reaction ni Page,napahagikgik sya at ang mga mata nya kuminang,parang isang taong may masayang binabalikan sa nakaraan.
At mas nakakagulat ng sumagot sya. “Eh kasi naman that time nangako si Kuya Venn na uuwi daw sina Mom and Dad kaya na excite ako” nakangiti nyang sabi.
Lahat kami ay natahimik. Maging sina Argel at Yuweh napalingon sa amin.
“Oh bakit natahimik kayo?” nakangiti pa din nyang tanong. Wala ba sya idea sa nangyari?
“Luh? Teh?! Ikaw na yan? San ka galing? Nasan na yung mataray na Riley?” pagsingit ni Kooki,kami naman nanatiling walang imik,gusto ko na syang yakapin.
“Ano ka ba Kooki! Syempre ako to! Ano bang sinasabi mo?”
“Wala naman teh,oy Koy ituloy nyo na” sagot ni Kooki. Lahat kami ay nagkapalitan ng ngiti. Sa wakas bumalik na ang Page namin.
“O sige,eto,sino itong namagang parang abocado ang temtem ng sabay sabay kami magpatuli?” ani Koy. Biglang tumawa ng napakalakas si Page.
“Hahahaha!! Si Kyme yan! Nilagnat pa sya at kung anu anong pinagsasabi may mga maitim daw na taong binabantayan sya hahaha!” parang musika sa akin ang muling marinig ang pagtawa ni Page,nakaka gaan ng damdamin.
“Arekup!” ani Koy ng kurugan sya ni Kyme.
“Gago ka! Pati yon dinamay mo!” inis na sabi ni Kyme at nagtawanan ulit kami. Nagpatuloy ang ganung kasiyahan,napangiti na lang ako ng pinag intertwined ni Page ang mga kamay namin at sumandal sya sa dibdib ko.
Hindi na namin kailangang magsalita. Sa tinginan pa lang namin ay nagkakaintindihan na kami,ang mga puso na namin ang nag uusap para sa amin. Masaya ako sobra. Hindi na ako papayag na may mangyari pang masama.
Alam ko masaya ang lahat at bumalik na ang dating si Page,hindi namin alam kung anong nangyari o kung anong nag trigger sa kanya para makabalik sa dati pero nagpapasalamat ako ng sobra sa Diyos.
“Nandito na tayo!” Anunsyo ni Yuri. Lahat kami napasigaw sa excitement.
“Oh! Tulungan nyo ang mga crew sa pagbitbit ng gamit palabas sa kabilang bus” ani Yuweh,agad naman tumalima ang iba.
Magkahawak kamay kaming lumabas ng bus ni Page,inilibot ko ang tingin sa paligid,napaka gandang resort,pwede ng ihalintulad sa Boracay dahil sa white sand.
“Napaka memorable sa akin ng Resort na ito Mhy,bago ka namin puntahan sa Park noon ay dito kami galing dahil dito ginanap ang 21st birthday ko noon” nadinig kong sabi ni Yuri.
“Oo nga,at sabi mo pa,ako ang pinaka magandang regalo na natanggap mo ng araw na iyon” sagot ni Gelo at hinalikan si Yuri,napangiti na lang ako eh, pag inlove ka talaga hindi mo maiiwasang maging korny,natural na itong lalabas sayo.
“Kayo na bahalang pumili ng mga kwarto nyo dyan sa mini hotel,pwede din namang magtayo kayo ng tent sa labas kung trip nyo at pwede din sa mga cottages,ang mga pagkain natin ay luto na,iinit na lang mamaya, ang araw na ito ay para sa mga crew,pabayaan natin silang mag enjny at tayo naman ang kikilos bilang pambawi,malinaw ba guys?” ani Yuweh.
“Oo naman!!” sabay sabay nilang sagot. Halata ang excitement sa mukha ng bawat isa.
“Guys may mga ihawan lahat ng cotteges,dun nyo iihaw ang mga pulutang pork at bangus mamaya,at pagtutulungan naming ilabas yung mga table” dagdag pa ni Gelo.
Nagkanya kanya na kaming punta sa mga o-okupahin naming silid. Syempre kami ni Page ang magkasama.
Saglit muna kaming nahiga para makapag pahinga,panigurado tatawagin naman kami para sa pananghalian, for the mean time,ikeclaim ko muna ang premyo ko,at si Page iyon.
Hinalikan ko sya ng buong suyo at pagmamahal,hindi mapakali ang puso ko,ayaw tumigil sa malakas na pagtibok. Tanging si Page lamang ang nakakapag paganun sa puso ko,sya lang.
Tinugon nya ang aking halik at ang halik ay napunta sa isang mainit na pagtatalik na ilang beses naming ginawa. Pagal ang katawan na bumagsak ako sa tabi nya at niyakap sya ng mahigpit.
“Mahal na mahal kita Pie” bulong ko, hinalikan nya ako ng mabilisan sa labi. “Mahal na mahal din kita” aniya.
Nagising kaming dalawa ni Page sa ingay ng cellphone nya,ng tingnan nya ito ay agad nanlaki ang mga mata nya,kinuha ko ang phone at tiningnan kung sino ang tumatawag.
“Byron?”
AN -* Ayun gusto ko lang ipaalam na sobrang malapit na tong matapos,sabi ko naman sa inyo hindi ko ito pahahabain :) maraming salamat sa mga nanatiling sumusuporta :p
VOTES and COMMENTS are needed hahaha! Chos!
TRT.17 <3
IAN’s point of view
“Bakit tinatawagan ako ni Byron at bakit may number nya ako?” takang tanong ni Page,huminga ako ng malalim,dapat wala ako itago kay Page,dapat malaman nya ang lahat-lahat.
“Probably he’s your boyfriend” sagot ko at umayos kami ng pagkaka upo sa kama.
“What? Panong nangyari yon? Eh ikaw lang ang boyfriend ko!” gulat na reaksyon ni Page,I cant blame him,biktima sya ng pangyayari at pang sasamantala.
“Naging boyfriend mo sya Pie,I mean your other personality”
“Huh? Pano nangyari yon? Panong other personality? I dont get it!” puno ng pagkalitong sabi ni Page,naaawa ako sa kanya,naiipit sya sa sitwasyong hindi nya ginusto,kung sana nagawan ko ito ng paraan noon.
“Remember your sickness? That trauma causes you to awaken your other personality,nagkaron ko ng Split personality,at ginamit iyon ni Byron,we dont know pano nangyari iyon”
Biglang nanlaki ang mga mata ni Page na waring may naalala.
“I remember now Pie! Nung nagpang abot kami ni Keisha,sobrang sumakit ulit ulo ko nun at nagflash back ulit lahat ng pangit na pangyayari,alam kong nawalan ako ng malay nun at ng magising ako nakahiga na ako sa kama,nandun si Byron at may kausap,dahil sa tindi ng kagustuhan kong makalimot sa lahat ng sakit at huwag na muli itong maramdaman,nung sinabi nung lalaki na tutulungan nya ako ay pumayag ako,ang alam ko pumikit ako nun,at ng magising ako eh parang hindi ko na kontrolado ang sarili ko,parang may ibang taong nasa loob ko,at yun nga kanina biglang parang nawala lahat” mahabang litanya ni Page. Niyakap ko sya,ngayong alam ko na ang talagang nangyari,talagang pagbabayaran ito ng malaki ni Byron.
Biglang may kumatok kaya napa ayos kami ni Page,pareho pa naman kaming hubad.
“Sino yan?” tanong ko habang nagbibihis kami ni Page,napangiti ako,ilang beses na namin ginawa ito ng mahal ko? Kung babae pa sya ay matagal na kaming may anak.
“Hoy Lovebirds! Ako to! Tanghali na incase hindi nyo namamalayan dahil sa paglalampungan nyo,kakaloka! Handa na ang pananghalian dalian nyo dyan!”
Si Kooki pala -__-
“Oo na! Susunod na kami! Dami mo pang sinasabi” sagot ni Page,ng pareho na kaming naka ayos at bihis,binuksan ko na ang pinto,only to find out na nandun pa din si Kooki.
Tiningnan nya kaming dalawa ng salitan mula ulo hanggang paa saka tumingin ulit sa mukha namin at ngumiti.
“Ano?” tanong ko,ang dami talaga kalokohan nitong isang to.
“I know what you did an hour ago” anito saka humalakhak.
“Ang bastos mo!” nahihiya at namumulang sabi ni Page.
“Pa virgin? Hindi bagay teh! Hahaha” ani Kooki at nanakbo.
“Balahura ka bakla!” ani Page at hinabol si Kooki,natatawa akong naglakad at sinundan na lamang sila.
Mula dito sa cottage habang nag iihaw ng gagawing pulutan para mamaya ay tanaw ko si Page at ang mga tropa na nakikipag kulitan sa bawat isa. Samantalang ang iba ay busy din sa kanya kanyang gawain.
Pero bothered pa din ako dahil sa pagtawag ni Byron na hindi namin sinagot,panigurado alam na nyang kasama namin si Page at ramdam kong gagawa at gagawa ng paraan ang isang yon para makuha si Page,ika nga ni Koy at Kyoji ay dangerous sya,at ramdam ko yon. Iba ang pagmamahal na pinapakita nya kay Page,nakakatakot,natatakot ako sa maaaring mangyari,pero handa ako,ipaglalaban ko si Page kahit si kamatayan pa makaharap ko.
“haaayy! Ganito ang masarap na buhay” ani Jawen na nasa cottage at naka sandal pa habang ang dalawang kamay ay ginawang unan.
“Tama ka dyan Tol,ang bait talaga ni Yuweh at Argel at hindi tayo nakalimutan” segunda ni Marric.
“Hoy mga tukmol! Maya na kayo mag tsismisan! Kayo muna mag ihaw dito,tulungan ko lang sina Argel sa paglabas ng sound system at videoke” puna ko sa dalawa.
“Pambihira ka talaga tol! Sige na,kami na bahala dito” ani Jawen at kinuha sa akin ang pamaypay,nginisihan ko lang sila.
Agad akong lumapit kina Argel at tinanong kung anong maitutulong ko,sinabi naman nito na tulungan ko daw sina Oreo at Shin sa pagbubuhat palabas ng mga speaker at agad naman akong tumalima.
Mga bandang alas quatro ng mapag isipan ng lahat na maglangoy na,inenjoy ang asul na tubig,nagsaya. At ng sumapit ang ala sais ay nagsi ahunan na para mag dinner sa long table na iprenepare nga dito sa labas,masayang nagkwentuhan at kumain ang lahat,ako naman bilang boyfriend ay ginampanan ko ang dapat,ako nag asikaso kay Page,sinusubuan ko pa nga,syempre hindi ako papatalo sa magkapatid na Argel at Gelo ^_~
Matapos maghapunan ay inihanda na ang alak,ilang case din ng RH ito at panigurado lahat ay dito makakatulog sa kalasingan, sa may di kalayuan ay nandun ang Videoke,at ang mga adik sa pagkanta ay nandun na.
Dito naman sa pwesto namin ay tamang patugtog lang,pampabuhay sa party at sa gabi,kalagitnaan ng inuman ng may mga nagsasayaw na,dala na siguro ng tama ng alak.
Nagsasayaw kami ng sweet ni Page ng may isang malakas na boses ang umalingawngaw sa buong paligid.
“PAGE RILEY!!!” lahat kami napalingon kung sino ito, si Byron at halatang galit na galit,kasama nya ang Gang nya.
Agad na naglapitan ang mga tropa namin nina Page at pinalibutan kami habang ang iba ay nagtataka.
“Bakit hindi ka nagpaalam sa akin? Bakit kasama mo ang mga gunggong na yan?! Tara na at uuwi na tayo!” sigaw nito at pilit hinahablot si Page.
Tinulak ko si Byron,halata kay Page ang takot at pagtataka.
“Walang sino man sa inyo ang pwedeng kumuha kay Page” sabi ko at tiningnan sila isa isa,halatang handa din ang mga mokong na sumagupa.
“Magkakamatayan muna tayo bago nyo makuha si Page” segunda ni Koy.
“Bie ano bang sinasabi ng mga yan? Tara na at iuuwi na kita,nalalason na ng mga yan ang pag iisip mo” ani Byron ng makatayo.
“Saglit anong kaguluhan toh?” singit ni Gelo ngunit walang pumansin sa kanya.
“Byron,tigilan mo na ako,alam ko na ang lahat,hindi ikaw ang mahal ko,si Ian ang mahal ko” ani Page.
“Shit! Hindi totoo yan!!” sigaw ni Byron sabay bunot ng baril at sinenyasan ang gang nya. Sa isang iglap ay nagkagulo kaming lahat.
Habang nagkakagulo at nanakbo ang mga crew papasok sa mini hotel ay ipinasok ko din dun si Page at saka binalikan sina Byron at ang tropa,kung susumahin lugi talaga sila dahil mas marami kami ngunit sadyang matatapang ang mga ito.
Para akong nasa pelikula na kung saan nagaganap ang isang royal rumble. Hinanap ng paningin ko si Byron,palinga linga din ito,hinahanap siguro si Page,kaya nilapitan ko sya.
“Ako ba ang hinahanap mo? Tapusin na natin to Byron”
“Ha! Akala mo na sayo na ang huling halakhak Ian? Nagkakamali ka!” sagot nito at nagpapaputok,tinamaan ako sa balikat ngunit naging mabilis ang pagkilos ko,tinadyakan ko ang kamay nya at tumalsik ang baril sa dagat.
“Patas na tayo,kamao sa kamao” ani ko.
“as you wished” naka ngisi nyang sabi at dinamba ako,bumagsak kami sa buhangin habang pinapaulanan nya ako ng suntok,lahat ay nagawa kong salagin at ng may pagkakataon ay ako naman ang sumuntok sa mukha nya dahilan para ako naman ang pumaibabaw.
“Magnanakaw ka Byron! Ninakaw mo ang pagkatao ni Page!” singhal ko habang sya naman ang pinapaulanan ng suntok.
“Sabihin mo ang gusto mong sabihin! Wala akong pakialam!” sagot nya.
“Tarantado ka!!” at binigyan ko sya ng isa sa malakas kong suntok sa sikmura nya.
AN / MUSTASA? Utang na lamang loob magCOMMENT po kayo pwahahaha! Again patapos na ito! Salamat sa mga walang sawang nagbabasa at nagkocomment mula umpisa :) I owe you a lot guys ^_^
VOTE AND COMMENT kung nagustuhan :P
TRT.18 > All Hell Break Loose!
Dedic ang chapter na toh kay Dorshy dahil sa success ng ANG KAPITBAHAY KO,congrats dorshy! :)
Third Person POV
Nagulat si Page sa bilis ng pangyayari. Hindi nya inakala na aabot sa ganito ang lahat,nandun sa labas ang tropa nya at mga malalapit sa kanila nakikipag sagupa sa Gang ni Byron. Hindi matiis ng kanyang konsensya na nandito sya sa loob ng mini hotel samantalang si Ian ay nasa labas. Nilingon nya ang mga crew,lahat ng mga ito ay tahimik lamang. Napaka delikado sa labas dahil batid nyang hindi lamang si Byron ang armado ng baril,maging ang gang siguro nito.
Lumabas sya ng mini hotel ng walang nakakapansin sa kanya at nagtatakbo sya papunta sa mga ito ngunit nakarinig sya ng putok ng baril,kasunod nun ay ang pagtumba nya sa buhangin. Sya pala ang tinamaan at sa hita ito.
Tumihaya sya para makita kung sinong bumaril sa kanya at nagimbal sya ng makitang si Keisha ito,naka ngiting demonyo.
“Habang nagkakagulo ang lahat,walang makakapansin na wala ka na,at walang makaka alam na patay ka na” nakangising sabi ni Keisha,gumapang ang kilabot at galit kay Page.
“Kailan mo ba ako titigilan? Sayo na si Byron kung gusto mo! May iba akong mahal” hirap na sagot ni Page,napalingon sya sa hitang may tama ng baril,walang tigil ang pag agos ng dugo dito.
“Ha! At akala mo ganun lang yon kadali? Mahal na mahal ko si Byron,pero sayo sya napunta! At ngayon sinaktan mo ang damdamin nya kaya magbabayad ka! Wala kang karapatang saktan ang taong mahal ko!” singhal naman ni Keisha at binaril ang kaliwa nyang hita. Napasigaw si Page sa sakit,tumulo ang luha nya.
Paniguradong hindi sya makakalakad nito.
“Napaka demonyo mo!” galit na sigaw ni Page ngunit wala syang magawa dahil namimilipit syang nakasalampak sa buhangin.
“I know,I know,you dont need to remind me,Nephrine,iturok mo na ang pampatulog” ani Keisha.Lumapit kay Page ang tatlong babae at hinawakan ang magkabila nyang kamay para hindi makapanglaban,at ang isa ay may tinurok sa kanya,ilang saglit pa nakaramdam ng pagka antok si Page at nakatulog.
Nagising si Page ng may tubig na bumuhos sa kanya,napapiglas sya,kasunod non ay mga malulutong na halakhak ang sumalubong sa kanya.
“Nasan ako?” aniya sa isip. Inilibot nya ang paningin,parang lumang bahay,iginalaw nya ang mga kamay at paa,napamura sya ng malamang nakatali sya sa pader. Nakataas ang dalawang kamay,ramdam pa din nya ang sakit ng sugat sa magkabilang hita.
“Kamusta naman ang pakiramdam?” nang uuyam na sabi ni Keisha sa kanya, kasama pa din nito ang mga alipores nya. Ramdam ni Page ang nagsusumidhi nyang galit kay Keisha, kung sana hindi sya nakatali ay napatay na nya ang babaeng ito.
“Ano bang gusto mo? Anong kasalanan ko sayo?!” di mapigilang sabi ni Page kay Keisha.
“Hindi mo alam o tanga ka lang? Sinabi ko na kanina diba? Oh well para sa huling araw mo sa mundo ay uulitin ko” ani Keisha,sumenyas sa kasama at muling binuhusan si Page ng tubig,sa pagkakataong iyon ay mabahong tubig. Napapapikit na lamang si Page.
“Inagaw mo sa akin si Byron! Ang lalaking minahal ko ng sobra! Ibinigay ko sa kanya ang lahat lahat sa akin! Masaya na sana ako sa ganun kaso bigla kang dumating at inagaw mo ang atensyon nya!” galit na sabi ni Keisha sabay sipa sa kanang hita nya na may tama ng baril,napasigaw si Page at humalakhak naman ang mga ito.
“Wala akong inaagaw sayo! Hindi ko na kasalanan kung pinag sawaan ka nya!!” ani Page.
“Sinungaling!” sabay bigay ng malakas na sampal kay Page,nabigla si Page,pakiramdam nya namanhid ang mukha nya dahil sa sampal.
“Hindi ka pa nakuntento! Shinota mo pa si Byron at nagmalaki ka pa sa akin! Alam mo ba kung gaano iyon kasakit? At ngayon malalaman kong sinasaktan mo ang damdamin nya? Wala kang karapatan!” sabay sipa ulit sa kabila naman nyang hita at diniinan pa talaga,napaluha na lamang si Page.
Wala syang mapapala kung sasagot pa sya.Papahirapan pa din sya ni Keisha,iyon naman ang gusto ng babae,pumikit na lamang si Page at hinintay ang mga susunod na mangyayari.
“KEISHAAAAAAA!!!” napadilat si Page,boses iyon ni Byron,halatang galit na galit.
“PAGE!! PIEE!!” at boses naman iyon ni Ian. Nakita nyang nataranta si Keisha at ang mga kasama nito.
“Oh no! Girls ibuhos nyo na ang gas dali!! Sindihan na agad at tumakas na tayo!” ani Keisha.
Natakot si Page,ayaw nyang mamatay ng dahil lang sa ganito,nagpumilit syang kumawala pero sadyang mahigpit ang pagkakatali. Ilang saglit pa ay naamoy na nya ang gas at biglang nagliyab ang paligid.
“Nawawala si Page! May mga babaeng kumuha sa kanya!!!” sigaw ng isang crew na ikinatigil ng away. Maging si Byron at Ian na parehas ng mga lamog ang mukha ay napatigil.
“Anong sabi mo?” naninigurong tanong ni Ian.
“May mga babaeng kumuha sa kanya” ulit ng crew.
“Shit!” ani Ian.
“Keisha! That bitch!” sabi naman ni Byron.
“Ian tol,may malapit na lumang bahay dun,subukan nyo dun,kami na bahala dito! Susunod na kami at tatawag ng mga pulis” pag singit ni Gelo sabay turo sa isang direksyon,agad na tumalima sina Ian at Byron.
“Shit! Shit! Hindi pwede to!” ani Ian habang tumatakbo,naka sunod ang tropa sa kanya.
“Magbabayad ka Keisha!” sabi naman ni Byron “Forg,pahiram ng baril mo” tumalima naman ang tinawag na Forg at iniabot dito ang isang baril.
Hindi nagtagal ay may nakita silang bahay na luma.
“KEISHAAAAAA!!” galit na sigaw ni Byron at pasugod na sa bahay.
“PAGE! PIEE!!” sigaw din ni Ian at nanakbo papunta sa bahay ngunit biglang nagliyab ang bahay. Gumapang ang takot at kilabot sa pagkatao ni Ian,walang pagdadalawang isip na sumugod pa din sya sa bahay kahit nagliliyab na ito sa malalaking apoy.
Pagpasok pa ni Ian ay inilibot nya ang paningin,may mga napansin syang tao na palabas sa isang pinto. Hindi nya ito pinansin at hinanap nya si Page. Nakita nya itong nakatali sa isang pader,nagmadali na syang kalagan ito dahil mas lalong uminit ang paligid,palabas na sana sya habang bitbit ang walang malay na si Page ng may bumagsak na kahoy sa tapat ng pinto at naharangan ito.
Shit! Dalawa kaming mamamatay dito ni Page! Ani Ian sa isip.
“KEISHAA! Hindi mo ako matatakasan!” parang baliw na sigaw ni Byron ng makita nya itong nagmamadaling manakbo ngunit nasukol nila ito at ang mga kasama nito.
“Patawarin mo ako By?! Ginawa ko lang yon dahil ayokong may nananakit sayo!” nagmamakaawang sabi ni Keisha ngunit nilamon na ng galit si Byron,halos nakalimutan na nga rin nito ang pagligtas kay Page,ang tanging gusto nya ay makaganti sa nanakit kay Page.
Marahas nyang hinablot sa buhok si Keisha at kinaladkad pabalik sa bahay na nasusunog samantalang ang mga kasamahan nito ay pinagtulungan ng tropa ni Page.
Ang ibang naghihintay at nagdadasal na makalabas ng buhay sa bahay na nasusunog sina Ian at Page ay nagimbal ng itulak ni Byron si Keisha dito.
“Wala kang karapatang pangunahan ang damdamin ko!! Wala kang karapatang saktan ang taong mahal ko!!” tuluyan ng nawala sa katinuan si Byron.
“Huwag Byron! Patawarin mo ako!!” umiiyak na sabi ni Keisha.
“Mamamatay ka!!!” ani Byron at sunod sunod ang putok ng baril nito kay Keisha at saka tinadyakan palapit sa apoy para masunog.
“KEISHAAA!!” sabay sabay na sigaw ng mga kaibigan ng babae.
“BYRON!!!” gimbal namang sigaw ng mga tropa ni Byron.
Napanganga ang tropa ni Page sa nasaksihan. Sakto namang dumating si Gelo at iba pa na may kasamang mga pulis.
Biglang gumuho ang bahay at nilamon na ng tuluyan ng apoy.
“PAAAGGGEE!!?”
“IAAAANNN!!”
Tulalang dinakip ng pulis si Byron na hindi na kumibo,nakatingin lamang sa bahay na natupok na ng apoy habang tumutulo ang mga luha. Ng isakay ito sa kotse ng pulis ay tahimik pa din ito,waring tinakasan na ng bait.
Maging ang mga kasama ni Keisha ay dinakip din, ang Gang naman ni Byron ay sumunod sa presinto.
Pero ang tropa nanatili sa tabi ng bahay na ngayon ay tupok na tupok na at umuusok na lamang.
Umiyak at nagdalamhati sa sinapit nina Ian at Page.
AN/ ETO NA, PATAPOS NA :) PIC NGA PALA NI BYRON NASA MULTIMEDIA :3
PLEASE MAG VOTE AT COMMENT KAYO :)
TRT. The Grand Finale
AN/ Kamusta po kayo? Dumating na tayo sa huling bahagi ng pakikipag sapalaran at buhay pag-ibig ni Page at Ian, halos dalawang buwan din natin sila nakasama mula LOVE TAKES TIME.
Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng readers at commentators na hindi ako iniwan,ang sabi ko naman sa inyo hindi mahalaga sa aking pahabain ang kwento,basta mailahad ko sya sa inyo ay maayos na,kahit konti lang ang reads ay hindi din ito masyadong importante sa akin,ang mahalaga sa akin ay ang mga comments na iniiwanan nyo sa bawat chapter,dahil ang mga comments nyo ay isa sa mga nagmomotivate sa aming mga manunulat,ito ang nagiging inspirasyon naming magpatuloy,dun pa lang panalo na ako,kaya maraming maraming salamat sa inyo :)
At sa pagtatapos ng kwentong ito,gusto ko lang din sabihin na matatapos na ang EIKO at sana suportahan nyo din hanggang huli,basta may comment kayo ay ayos na :)
MULI,MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT,ATING TUNGHAYAN ANG HULING PAHINA NG BUHAY NINA PAGE AT IAN =)
PIC NG APAT NA bIDA NASA MULTiMEDiA WiTh THE SONG HAVE YOU EVER BEEN iNLOVE,LiSTEN TO iT ;)
Hindi sumuko ang tropa,naniniwala silang buhay pa sina Ian at Page. Ramdam nila iyon,kaya kahit umalis na ang iba at ang mga pulis na nag imbistiga sa pangyayari ay nanatili sila doon.
Alas sinco na din ng umaga,malapit ng sumikat ang araw at ang bahay ay tuluyan ng na upos. Hinalungkat nila ito.
“Hindi tayo titigil hanggat hindi natin sila nakikita!” pahayag ni Koy. Nagkanya kanya silang halungkat sa mga nasunog na parte ng bahay.
“Subukan natin sa may kakahuyan teh!” aya ni Kooki kay Barbz.
“Sige!” sang ayon nito.
“Sama ako!” pag sunod ni Kyoji at nagpunta na ang mga ito sa kakahuyan.
“Guys halungkatin natin tong lahat! Hindi man natin sila makuhang buhay,kahit ang mga katawan man lang nila” ani Koy,parang may bumara sa lalamunan nya nung sinabi nya ito.
“Tol! Halika dito! Ito kaya?” sigaw ni Luwi at naglapitan sila.
Tiningnan naman nila itong mabuti.
“Si Keisha ata yan,kawawa naman” ani Pierre.
“Nakakalungkot na umabot ang lahat sa ganito” ani Kyme.
“Buhatin natin at ilagay sa may tabi,kailangan din itong malaman ng pamilya nya” ani Koy at pinagtulungan nga nilang buhatin ang sunog na bangkay ng babae.
“Grabe si Byron,tinakasan na ng bait kanina,hindi ko inaasahan iyon” sabi naman ni Luwi na umiiling iling pa.
“Sa sobrang pagmamahal nya yon kay Page,uhm sina kuya Gelo at kuya Argel?” ani Koy.
“Sumama sa presinto para magbigay ng statement,at sina kuya Argel naman ay nag aayos na,mamaya ay uuwi na tayo” si Yume ang sumagot.
“Nakaka awa din si Byron,kita kong umiiyak sya kanina habang nakatingin sa nasusunog na bahay,doon pa lang pinagbabayaran na nya ang nagawa nya” malungkot na pahayag ni Chai.
Napag desisyunan nilang alayan ng dasal si Keisha.
“Teh tingin tingin sa paligid ah? Yung cp mo na lang gawin mong pang ilaw” ani Barbz habang tinitingnan ang paligid.
“Alam ko teh! Haay! Bakit kasi ganda ganda ni Page eh! Ayan tuloy!” sagot ni Kooki na palingon lingon na din sa paligid.
“Kooki at Beyb! Dali! Dito! Nakita ko na sila!!” sigaw ni Kyoji sa di kalayuan,agad namang lumapit ang dalawa.
Nakita nilang walang malay si Ian at Page,pero mahigpit pa din ang pagkakayakap ni Ian kay Page.
Bigla na lang umiyak si Barbz na pinagtaka ni Kooki at Kyoji.
“Bakit Beyb?” pang aalo ni Kyoji sa kasintahan.
“Wala lang,kasi kahit si kamatayan nilabanan nila maipaglaban lang nila pagmamahalan nila,nakakaawa ang sinapit nila pero nakakabilib” umiiyak na sabi ni Barbz,niyakap sya ni Kyoji.
“Ano ka ba teh! Huwag ka ngang umiyak iyak dyan! Buhay pa sila oh?!” sabi naman ni Kooki na panay tulo na din ang luha habang chinecheck ang pulso ng dalawang kaibigan.
“I’ll call them” ani Kyoji at binunot na sa bulsa ang phone.
IAN’s Pov
Nagising ako na nasa isang kwarto ako,nakakaamoy ako ng gamot,panigurado nasa ospital ako. Inilibot ko ang tingin sa paligid,nandito sina Mom and Dad at sina kuya Dex at Kurt.
Mga natutulog din sila,halatang napuyat sila sa pagbabantay sa akin. Tiningnan ko ang aking sarili,may mga paso pa pala ako.
Bigla akong natigilan at naisip si Page! Alam kong nakalabas kami habang buhat ko sya,tanda ko pang dumaan ako dun sa pintuan sa likod kung san napansin ko yung mga tao pagkapasok ko pa lang ng bahay,at tandang tanda ko na yakap ko sya ng mahigpit bago din ako mawalan ng malay.
Nasan si Page?
“Page….” pagtawag ko,dahilan para magising si Mom na nakayupyop sa kama.
“Anak,gising ka na! Salamat sa Diyos!” sabi ni Mom at pati sina Dad,Kuya Dex at Kurt ay lumapit na sa hinihigaan ko.
“Opo”
“Kamusta ang pakiramdam anak?” ani Dad,nilingon ko sya at nginitian.
“Ayos naman po..Uhm.. Nasan si Page?” sagot at tanong ko din.
“Nasa kabilang room insan,katatapos lang nyang masalinan ng dugo,madaming nawalang dugo sa kanya dahil sa tama ng baril sa magkabilaan nyang hita” si Kurt ang sumagot.
“Mabuti at ayos sya,ano na bang nangyari daw nung mawalan kami ng malay?” sabi ko naman at umayos ng pagkaka pwesto,sumandal sa headboard ng higaan.
“I think cuz hindi makakabuting pag usapan na ang mga bagay na yan,masyado na itong masalimuot at sensetibo,ang lahat ay nasa ayos na,nagbayad na ang dapat magbayad sa kasalanang nagawa” si Kuya Dex ang sumagot. Hindi na ako nagsalita. Tama nga naman sila,basta ang mahalaga,nakaligtas kami,buhay si Page,yon lang naman ang gusto ko.
“Si Page? Kelan ko sya pwedeng makita?” pagkuway sabi ko ng lahat sila ay matahimik.
“Hindi mo na sya pwedeng makita,yon ang napagdesisyunan namin ng mga magulang nya” sagot ni Dad,at parang gumuho ang buong mundo at mga pangarap ko kasama si Page.
Page’s Pov
Anim na buwan na akong parang bilanggo dito sa bahay! Nabubuang ako! Gumaling nga ang mga sugat ko hindi naman gumaling ang sugat sa puso ko.
Akala ko yung nangyari sa Resort na ang pinaka matinding pag subok para paghiwalayin kami ni Ian,nakaligtas nga kami,nabuhay nga kami, pero hindi kami nagkasama.
Wala kaming nagawa,mga magulang namin ang nagdesisyon eh,ayaw ko magtanim ulit ng galit sa mga magulang ko,kaya pilit ko silang inintindi at sinunod kahit na mabigat sa loob ko.
Miss na miss ko na si Ian,lagi na lang kami pinaghihiwalay,hindi ba nila maintindihan na maligaya kami sa piling ng bawat isa? Nakakainis na talaga pero wala akong karapatang mag reklamo.
Kahit araw arawin ni Koy at ng tropa ang pagdalaw sa akin hindi ko talaga magawang lubos na maging masaya,basta may kulang.
Walang ganang muli akong sumalampak ng higa sa kama at tulalang tinitigan ang kisame.
“Now what?” tanong ko sa sarili.
Literal akong napatalon ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
“Best!!” sigaw ni Koy, binato ko nga ng unan, lakas mang gulat eh.
“Hindi ka ba marunong kumatok?!” inis kong sabi,tumawa lang ang impakto kong bestfriend.
“Pasensya naman! Ano nga pala,maligo ka na at magbihis! May nag arkila sa banda natin na kumanta sa kasal dali!” anito ng lumapit at pinagtulakan ako sa banyo.
Anong meron? Kelan pa kami inarkila?
Kahit nagtataka ay tumalima na din ako,besides namiss ko na din ang pagkanta kasama ang banda.
Ng matapos makaligo ay nagulat pa ako na may nakahanda ng damit sa kama ko.
“Ako na naghanap ng isusuot mo best”
“Walangya ka! Akala ko lumabas ka na? Labas na! Magbibihis na ako” sabi ko dito,ano ba yan lagi na ako nagugulat.
“Ngayon ka pa nahiya? Nakita ko na yan lahat” sagot ni Koy saka ngumisi.
_<
“Tse! Labas na! Magbibihis na ako!” pagtataboy ko sa kanya at hinila ko sya palabas ng kwarto ko habang tumatawa ang gago.
Ng nasa labas na si Koy at nailock ko na ang pinto ay tiningnan ko ang damit.
What the? O_o
Tuxedo na kulay puti. Hindi ko matandaang may ganito akong damit? Sa bagay,baka ganito ang kailangang attire sa pupuntahan namin.
Dali dali na akong nagbihis at naghanda. Tiningnan ko ang oras. 9am pa lang,ang aga naman ng okasyon na yon?
Ng makababa ay naabutan ko pa si Koy sa na nakatayo sa front door at parang may kausap sa phone.
Agad din akong lumapit sa bestfriend ko at binigyan nya ako ng ngiti.
“Lets go,may dadaanan pa tayo” anito at sumunod na ako sa kotse nya,pero nagbilin ako kay Manang na sabihin kina Mom at Dad na umalis ako kasama si Koy.
Tahimik lang kami sa byahe,pero ewan ko,hindi ako mapakali kaya tinanong ko na si Koy.
“Kailangan ba ganito suot sa kakantahan natin? At saka ano yung sinabi mo best na may dadaanan pa tayo?” tanong ko.
“Yup,tingnan mo nga suot ko,medyo kapareho sayo,at saka yung dadaanan natin eh isang kaibigan,kaya relax ka lang” sagot nito. Oo nga,naka suit din sya,ang gwapo ng Bestfriend ko,bagay sa kanya. Hindi na ako kumibo dahil ayoko sumakit ulo ko kakaisip kung anong meron.
Pagkatapos ng kalahating oras ay nagtaka pa ako na pumasok kami sa compound ng isang Rehabilitation Center.
“Bakit tayo nandito?” taka kong tanong.
“Basta best,tara na” anito,lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.
Ng makapasok kami sa loob ay may kinausap na isang staff si Koy at sinabi na maghintay kami sa may bahay kubo sa garden. Naguguluhan man ay nagpadala na lang ako,hindi naman ako ipapahamak ng Bestfriend ko.
Ilang saglit pa may narinig akong pamilyar na boses na tumawag sa akin.
“Page”
Napalingon ako dito at nagulat,hindi ko inaakala na sya ang pupuntahan namin dito.
“B-Byron?” sagot ko,sa isang iglap ay agad akong nayakap ng mahigpit ni Byron,umiiyak ito kaya nakaramdam ako ng matinding awa.
“Salamat at buhay ka,masaya akong makitang buhay ka,sorry sa lahat Page,patawarin mo ako sa ginawa ko,mahal lang talaga kita,mahal na mahal” anito habang napakahigpit ng yakap sa akin.
Damang dama ko ang bigat ng emosyon na inilalabas nya,nararamdaman ko ang sakit na pinagdadaanan nya,napaiyak na din ako at gumanti ng yakap.
“Byron… Huwag mo ng isipin yon,nakaraan na yon,ang mahalaga eh ang ngayon at darating na bukas” sabi ko sa kanya ng kumalas sa pagkakayakap nya.
“M-mapapatawad mo pa ba ako? Nagawa ko lang yon dahil mahal kita,sorry,sana mapatawad mo ako” anito na tumutulo pa din ang luha sa gwapong mukha. Masaya ako at dito sya dinala,para makapag simula ulit sya ng bagong buhay.
Pinahid ko ang aking luha at ngumiti sa kanya.
“Matagal na kitang napatawad Byron,infact hindi ka naman dapat patawarin dahil para sa akin wala kang ginawang masama,nagmahal ka lang,pero yang pagmamahal mo ay ibaling mo sa iba,yung kaya kang masuklian” sabi ko.
Huminga sya ng malalim bago nagsalita.
“Salamat,at sa tingin ko tama ka, I have to start a new,kakayanin ko ito” aniya saka ngumiti. “Si Ian? Gusto ko ding humingi ng tawad sa kanya” dagdag pa nito.
Napangiti ako ng mapait bago sya sinagot.
“Hindi ko alam kung nasaan sya,pero sigurado ako na nakalimutan na nya yon at napatawad ka na nya,I know him” sagot ko.
“What do you mean?” takang tanong nito. Napalingon ako kay Koy at itinuro nito ang relo nya,ibig sabihin kailangan na naming umalis kaya tumayo na ako.
“Gusto ko Byron sa paglabas mo dito ay magkita tayo at magsimulang muli bilang magkaibigan,pwede ba yon?” ani ko at niyakap sya,tulad ng dati gwapo pa din ito kahit simple lang ang suot at medyo nagkalaman,nakadagdag sa kakisigan nya.
“Oo naman,pwedeng pwede” sagot nito.
“O sya,alis na kami,sa susunod na pagkikita” paalam ko,nag usap sila saglit ni Koy at saka kami tuluyang umalis. Masaya ako na nakausap si Byron. Sana mapabuti na sya ngayon.
“Best,salamat ah?” pasalamat ko kay Koy habang tahimik itong nagmamaneho patungo na dun sa talagang destinasyon namin.
“Wala yon,alam ko kasing kailangan nyo makapag usap at para makapag let go na din sya,at sa tingin ko naman ay magagawa na nya ito” naka ngiting sagot nito kaya napangiti na din ako.
“Salamat” simple kong sabi.
“Matulog ka na muna,mahaba pa ang byahe natin,kailangan mo makapag ipon ng lakas para mamaya” anito. Hindi na ako sumagot at pumikit na lang dahil nakaramdam na din ako ng antok,nirecline ko na lang ang upuan para mas okay ang pwesto ko.
Nagising ako sa marahang yugyog sa akin,pupungay pungay na dumilat ako.
“Best nandito na tayo,ayusin mo ang sarili mo,basta relax lang okay?” naka ngiting sabi ni Koy,inayos ko ang sarili ko saka sya sinagot.
“Ako pa? Im always ready,alam mo yan” pagmamayabang ko pa.
“Sabi mo yan ah? Tara!” anito,nauna uling lumabas at pinagbuksan ako,paglabas ko naramdaman ko agad ang lamig,at pagtingin ko kung nasan kami ay napanganga ako.
Nasa tapat kami ng Mansyon namin sa Baguio. Marami na ding sasakyan.
Anong ginagawa namin dito? Wala akong maalalang may okasyon sa pamilya namin ngayon.
Magsasalita na sana ako ng biglang takpan ni Koy ang mga mata ko ng panyo,pati ang bibig ko! Napaka brutal.
“Aalalayan kita,kumapit ka sa akin best,at saka ito nga pala kailangan mo to mamaya” sabi nya at may inilagay sa bulsa ng suit ko.
Teka nga? Ano bang meron? Anong kalokohan to?
Wala akong nagawa at naglakad na lang habang inaalalayan ni Koy,hindi ko alam ah,pero biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Ilang saglit pa ay tumigil kami sa paglakad,nakiramdam ako. Ganito ba dapat pag kakanta sa isang okasyon? Pwes hindi na ako uulit.
Maya maya pa ay naramdaman kong may nagtanggal ng takip sa bibig ko at may humawak sa magkabila kong braso kasunod ng pagtanggal sa piring ko.
Muli napanganga ako ng makitang si Mom and Dad ang nasa magkabila kong side. Inilibot ko ang tingin,nasa garden kami,maraming upuan at tao,at sa harap ko mahabang carpet at sa dulo ay may altar at Pari.
Pari? Anong ibig sabihin nito? Lalo akong nagtaka at napatingin kina Mom at Dad.
“Congratualation Son,were so happy for you” sabi ni Dad.
“You deserve this” nakangiti namang sabi ni Mom na may luha pang kumawala sa mga mata.
Lumakas ang tambol ng puso ko. Lalo na ng may pumailanlang na tugtog at boses.
♪Have you ever been in love
You could touch the moonlight
When your heart’s shooting stars
You’re holding heaven in your arms
Have you ever been so in love
♪
Kilala ko ang boses na iyon,boses ni Barbz! Sya ang kumakanta!
Nagsimula na kaming maglakad,bawat nadadaanan namin ay tinitingnan ko. Nandito din ang tropa,sina kuya Argel at kuya Yuweh.
♪Have you ever walked on air
Ever felt like you were dreamin’
When you never thought it could
But it really feels that good
Have you ever been so in love
♪
Ngayon malinaw na sa akin ang lahat,habang naglalakad ay hindi ko mapigilang mapaiyak,kita ko sa mukha ng mga kaibigan ko at mga ilang kamag anak ang pagtanggap at ang kasiyahan para sa akin.
♪Have you ever been in love
You could touch the moonlight
When your heart’s shooting star
You’re holding heaven in your arms
Have you ever been in love, haveyou
The time I spent
Waiting for something that was heaven-sent
When you find it don’t let go,
I know
♪
Papalapit na kami ng papalapit sa altar. Nakita ko don si Koy katabi ang lalaking matagal ko ng minamahal mula nung grade school,I never thought na mangyayari ito sa amin.
♪Have you ever said a prayer
And found that it was answered
All my hope has been restored
And I ain’t looking anymore
Have you ever been so in love, have you
Some place that you ain’t leavin’
Somewhere you’re gonna stay
When you finally found the meanin’
Have you ever felt this way
The time I spent
Waiting for something that was heaven-sent
When you find it, don’t let go,
I know
’Cuz have you ever been so in love, so in love
You could touch the moonlight
You can even reach the stars
Doesn’t matter near or far
Have you ever been so in love
Have you ever been in love
Have you ever been in love
So in love♪
Sakto ng matapos ang magandang pagkakanta ni Barbz ay nasa tapat na ako ni Ian,si Koy pala ang Bestman nya. Inilahad sa kanya ni Dad ang kamay ko,at ng hawakan ito ni Ian nakaramdam ako ng mumunting kuryente,just like before.
Hindi matigil ang pagtulo ng luha ko,pagkatapos ng lahat ng paghihirap namin ni Ian na ipaglaban ang pagmamahalan namin ay hahantong pala kami sa ganito. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Pinahid nya ang mga luha ko at tiningnan ko,maski sya ay namumula na ang mga mata,halatang nagpipigil ng iyak.
“Stop crying Pie,hindi pa nga nagsisimula umiiyak ka na” anito habang hinahalik halikan ang mga luha ko.
“Ikaw kasi eh! Pagkatapos ng anim na buwang hindi ka nagpakita biglang ganito?! Sinong hindi maiiyak? Ni hindi ka man lang nagprupose!” sabi ko na narinig pala ng lahat kaya nagtawanan sila.
“Ganun ba gusto mo? O sige” anito at lumuhod sa harapan ko. “Will you be my other half? Will you marry me?” dagdag pa nya,napatingin ako sa mga bisita,lahat sila mga naka ngiti at parang mga kinikilig. Muli hinarap ko sya.
“Yes!” nakangiti kong sagot,sa tuwa nya ay nahalikan nya ako na ikinatawa ulit ng mga bisita.
“O Father narinig mo yon ah? Tuloy na ang kasal” masayang sabi pa ni Ian. Nagtaka tuloy ako kung san nila nakuha ang paring ito at napapayag nila na magkasal sa parehong kasarian?
Pero hindi na mahalaga yon,ang mahalaga ay ikakasal kami ni Ian.
Nagsimula na ang seremonyas na medyo mahaba kaya kinuha ko ang pagkakataon para tingnan ang mapapangasawa ko. Napaka gwapo nya sa suot nyang Tuxedo na kaparehas sa akin,bagay na bagay sa kanya,at ang bango bango pa nya.
Bigla tuloy naalala ko yung sinabi ni Koy kanina na kailangan ko ng lakas,tama nga dahil nanghina talaga ako kanina.
Dumating na sa part ng pagpapalitan ng Vow,nagharap kami,hinawakan nya ang kamay ko at nakatitig sya sa akin,kita ko sa mga mata ni Ian ang nag uumapaw na pagmamahal nya para sa akin.
Hindi pa man sya nakakapag salita ay tumulo na ang mga luha nya,pati ako ay napaiyak na din tuloy.
Huminga sya ng malalim bago nagsalita.
“Page,I love you for your beauty, your intelligence, your kindness…and for the way you always know how to make me feel so special…” tumigil sya sa pagsasalita dahil hindi na nya ito masabi ng maayos dahil sa paghikbi,sunod sunod ang paghinga nya ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita.
“ So on top of all the other vows that I willmake to you on our wedding day, Ialso vow to always appreciate how lucky I am to have someone who makes me feel the way you do and to continue to try as hard as I can to make you feel as special as you make me feel, forever and ever“ at isinuot nya na sa akin ang singsing.
Nginitian ko sya at pinahid ang kanyang mga luha. Ngayon naman ako ang magsasabi ng Vow,biglaan ito kaya bahala na. Tiningnan ko ulit ang mga tao. Nakita ko si Koy na may sinesenyas. Agad ko din namang na gets,kunin ko daw ang nilagay nya sa bulsa ko,kinuha ko ito,singsing na pareho ng isinuot sa akin ni Ian.
Tiningnan ko muli si Ian,nginitian bago nagsalita.
“Ian,You have been my best friend, mentor, playmate, confidant and my greatest challenge. But most importantly, you are the love of my life and you make me happier than I could ever imagine and more loved than I ever thought possible….” tumigil ako,dahil ako naman ang naiyak,sobrang saya pala ng ganito,hanggang ngayon parang hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari,si Ian naman ang ngumiti at pinahid ang mga luha ko,nagpatuloy ako,mula sa puso ang bawat salitang binitawan.
“You have made me a better person, as our love for one another is reflected in the way I live my life. So I am truly blessed to be a part of your life, which as of today becomes our life together.” at isinuot ko rin sa kanya ang singsing.
“You may now kiss your partner” sabi ng pari bilang pagtatapos.
Agad akong hinalikan ni Ian,maingat at punumpuno ng pagmamahal,yumakap ako sa kanya. Ngayon kami ay iisa na,saksi ang mga magulang,kaibigan at kamag anak ay pinagsaluhan namin ang halik na punumpuno ng pagmamahal.
♪The time I spent
Waiting for something that was heaven-sent
When you find it, don’t let go,
I know
’Cuz have you ever been so in love, so in love
You could touch the moonlight
You can even reach the stars
Doesn’t matter near or far
Have you ever been so in love
Have you ever been in love
Have you ever been in love
So in love♪
Alam ko hindi dito nagtatapos ang lahat,marami pa kaming pagsubok na haharapin ni Ian,at alam ko ding malalampasan namin iyon ng magkasama at magkahawak kamay sa tulong na din ng aming mga kaibigan.
Madami kaming pinagdaanang hirap para maipaglaban ang aming pagmamahalan,hindi kami bumitiw,dahil alam namin at ng mga puso namin na darating ang panahon na lahat ng paghihirap ay may kapalit na kaligayahan,diba nga Love Takes Time? Hinahango at binubuo ng panahon para tumatag at ito na din ang tamang panahon para sa kaligayahan namin ni Ian,this is The Right Time.
–
WAKAS . . .

