loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
THE RING INSIDE THE SUIT (BL•ON-GOING)

THE RING INSIDE THE SUIT (BL•ON-GOING)

Brictorique · 46 chapters · 75,725 words

THE RING INSIDE THE SUIT (BL)

THE RING INSIDE THE SUIT

written by Brictorique.

Hi sa magiging readers and/or followers ng kwentong ito.

Kung ikaw ay hindi kumportable na magbasa ng pagmamahalan sa pagitan ng parehas na kasarian ay mangyari lamang na iyong lisanin ang aking likha at maghanap ng iba na aayon sa iyong panlasa.

Rated SPG kaya bahala kayo kung gusto ninyo itong subaybayan. Tungkol sa titulo, self-explanatory. Pumasok lang iyan ng biglaan sa utak ko at nagbigay sa akin ng ‘light bulb’ effect. Ang setting ng kwento ay pawang fictional dahil ang nasabing bansa ang pinaka mayaman sa buong mundo na siyang centro ng komersyo kaya naman sana ay inyong magustahan ang aking handog sa inyo, aking mga pinakamamahal na magbabasa.

I strongly believe that there is no limitations when it comes to love whether it is economic status, race, intelligence, or gender.

Lastly, this story is a work of fiction. The names, characters, incidents and places are the products of my imagination as the author, and are not to be construed as real. Any resemblance to persons living or dead or to an another story is entirely coincidental and unintentional. I hardly advised not to copy my work as all people have different mindset and ways of imaginations that they wished are real so please, create your own story line.

PRÓLOGO

“Fonz, are you really sure about this?” tanong ng kaibigan na nasa tapat niyang nakaupo at nagsasalin ng vodka.

“Anton, we’d been over this for the past three years now. Like I said, this is for my grandson’s sake. Gusto ko sana bago man lang ako sunduin ni Satanas papuntang impyerno eh mahanapan ko na ang apo ko ng taong kaya siyang mahalin at alagaan. Alam ko namang kaya ng apo ko ang sarili niya kaya lang, alam naman natin na mahirap ang walang pinanghahawakan na mas mahalaga ang isang leader ng grupo na higit sa materyal na bagay and you know what I’m referring to.”

“Tsk, tsk. Hindi kasi kayo nakikinig sa akin nuon lalo ka na, Fonz na hindi bagay sa mga tulad natin na magkaruon ng mga anak at mas lalo na ng apo. Look at you two, look at you now. Mamamatay ka na nga lang iintindihin mo pa ang paghahanap ng asawa para d’yan sa apo mong nageenjoy pa sa buhay binata niya.” sabat ng kararating lang na lalaki na may naka ipit na tobacco sa pagitan ng kanyang labi.

“Berto!” nakangising bati sa kanya ng dalawa na siyang napatingin sa gawi niya at agad nila siyang binigyan ng middle finger. Natawa lang ang nasabing lalaki sa ginawa ng dalawa niyang matalik na kaibigan.

“Inggit ka lang dahil wala kang pamamanahan ng mga yaman mo di tulad namin ni Fonz.”

“Sinong nagsabing wala?”

“Bakit meron ba? Anak ng tokwa! Akala ba namin walang lihiman? Sino iyang nadali mo na di mo pinaalam sa amin?”

“Relax, Anton. Malinis trumabaho ang gaya kong sumisisid sa kama. What I mean is, hindi ko ba pwedeng ipamana sa mga babae ko ang yaman ko? Napaligaya naman nila ako kahit ganito na ang edad ko.”

Nagtawanan ang tatlong magkakaibigan bago muling balutin ng katahimikan ang malaking living room. Nabasag lang ang katahimikan ng bigla nalang may humikbi sa tatlo.

“Seryoso ba? Isang buwan nalang ang meron ka? Alam na ba ito ng apo mo?” umiiyak na tanong ni Berto.

“Tangina mo talaga, Fonz! Ito ba epekto sa iyo ng kaka binge watch mo ng teleserye mula ng mawala ang asawa at daughter-in-law mo? In fairness ah, bilis mo matuto.” nagpipigil ng iyak na dagdag ni Anton.

“Mga gago! Tumigil nga kayong mga putangina kayo! Mamamatay lang ang katawang tao ko pero hindi ang pagmumukha at kagaguhan ko sa mga ala-ala ninyo.” natatawang tugon ni Fonz na maya-maya ay naubo na may kasamang dugo pero agad din nitong pinunasan ang kamay na nabahiran ng kanyang karamdaman.

Lalong nagalala ang dalawa niyang kaibigan sa kanyang kondisyon ngunit hindi nila ito pinahalat dahil alam nilang lalo lang nitong itatanggi ang realidad na malala na ang karamdaman niya.

“Teka, Fonz. Nasaan ang singsing mo? Bakit hindi mo suot? Napasa mo na ba ng tuluyan sa apo mo ang posisyon mo bilang leader?”

Napatingin sa daliri niya si Fonz at muling naalala ang dahilan kung bakit niya pinatawag ang dalawa niyang matalik na kaibigan. Iyon ay dahil may gusto siyang ipakiusap sa mga ito kung sakali mang hindi niya na maabutan ang araw na iyon.

“Well, you see. .” panimula niya.

“Putangina?! So nawala ang singing mo at gusto mong gamitin iyon just like how Prince Henry finds his one true love,  Cinderella, with her missing glass shoe? Nasira na ba utak mo sa mga iniinom mong gamot, Fonz? You know how everyone or anyone in this world is so willing to kill just for that fucking ring, for the sake of being the absolute leader and yet here you are, acting like it’s some kind of game or a fairytale?” naiinis at nagaalalang litanya ni Anton.

Napahilamos naman si Berto sa kanyang mukha in his frustration in this situation.

“Are you really sure na na-misplaced ni Attico ang singsing mo na iyon? No offense pero sure ka ba na iyang kanang-kamay mo walang hidden agenda sa iyo all these years duon sa singsing mo na iyon na nawala niya kamo? You know how powerful that ring is. Everyone lusts for it! Greed for it, and yet it was lost because of your clumsy at makakalimutin na kanang-kamay?” malaman na dagdag ni Anton.

Napangiti lang si Fonz sa pagaalala ng mga kaibigan niya ngunit buo na ang desisyon niya sa naisip niyang plano.

“I trust Attico like how I trusts you two so please, huwag ninyo siyang pagdududahan and besides, isn’t it the perfect opportunity to use it as a way for my grandson to have his bride?”

“Then again, Fonz, are you really sure about this?” nagaalalang tanong ulit ni Anton sa kaibigan.

Tumango ito bilang tugon.

“Then what if hindi gaya ng ineexpect natin ang makakuha ng singsing na iyon?” tanong ni Berto.

“So be it. Let the ring choose its owner and let love bloom regardless of gender, race, age and economic status. I trust the ring to find its next righteous owner just how it found me.”

Meanwhile, nanlaki ang mga mata ng kanang-kamay na si Attico ng maalala niya sa wakas kung nasaan niya nailagay ang singsing ng kanyang amo.

“Naku, yari!” bulong niya sa sarili ng marealise niyang nailagay niya iyon sa isa sa mga pinalabhan niyang damit sa kasambahay after nilang makauwi galing hospital ng inatake ito habang nagpapahangin sila sa parke gaya ng hiniling ng amo. Tanda niya pa na inutusan siya ng nurse na tanggalin ang mga alahas na suot ng amo dahil bawal ito sa luob ng emergency room at dahil sa taranta at kabang naramdaman niya ng mga oras na iyon ay wala sa sarili niyang nilagay sa bulsa ng nasabing suit ang singsing nito.

Nagmamadali siyang tumakbo paibaba para tanungin ang mayordoma ngunit ang sagot na nakuha niya ay hindi kagaya ng kanyang inaasahan.

“Singsing? Nanduon sa suit na iyon ang singsing? Sa pagkakaalala ko ay naisama ni Maria ang suit na iyon sa mga ipinamimigay ng damit ni Mr. Alfonso.”

“Naku, nalintikan na talaga.”

And thus the start of the ring’s journey to find its next owner that will be the soon fated bride of Alfonso’s Grandson.


A/N:

Date Published: February 12, 2023 at 03:53 AM

Surprise! Isang panibagong istorya na naman na hindi ninyo inasahan ang pinublish ko. To make things clear, this is not a mafia/underground theme. Basically, parang riches people in the world ang kwento na may pagka princess and the pea/cinderella vibe. Ayun lang.

Anyway, ’til next update.

Stay awake and find the ring!

UNO

Isang malakas na buntung-hininga ang ginawa ko after kong matapos ang pagpupunas ng mga napagkainan na lamesa dito sa canteen namin ng pamilya ko sa isang call center company. Wala namang nandito ngayon bukod sa akin at sa tatay ko na abala sa paghuhugas ng mga napagkainang mga plato.

24/7 ang canteen namin na ito. Mapa umaga o gabi man ay bukas kami kaya medyo malaki-laki din ang kita namin kahit na malaki din ang renta dito sa pwesto namin. Limang taon na rin mula ng magpasya si Tatay na pumasok sa food business kaya heto kami, going strong dahil bukod sa masarap magluto ang Tatay eh friendly din siya sa mga empleyado dito, pero syempre kami rin ng mga kapatid ko ’no. Mana-mana lang.

Tatlo kaming magkakapatid. Gitna ako. Ang nauna sa akin ay pinanganak na babae pero ngayon ay nasa landas na ng pagiging lalaki. In short, shibulibambam – na may anak. After kasi ng worst heartbreak niya sa tatay mismo ng anak niya na inanakan lang siya, nagdecide siyang huwag ng magmahal ng lalaki bagkus siya nalang ang magpapaka lalaki. Ginalyn Martinez ang pangalan ng ate ko pero mas gusto niyang tinatawag sa pangalang Gina/Gino. Babae ang anak niya. Five years old. Ang pangalan ng pamangkin ko na iyon ay Yvonne Roselyn Martinez. Oo, naka apelyido sa amin ’yung bata kasi hindi naman sila kasal ng tatay ni Bon-Bon. Buti na nga lang hindi sila kasal ng walang hiya na iyon. Panget pa naman ng apelyido ng walang hiyang iyon. ’Yung bunso naman namin, pinanganak na lalaki pero ayun, bumaliktad ang mundo at naging ang ate ko. In short, kapederasyon ng mga nasa salon. No offence, mahal ko ang mga kapatid ko kahit na hindi sila straight gaya ko kasi ano ba naman ang dapat na ikagalit ko kung mismong Tatay nga namin tanggap sila, di ba? Anyway, going back to our bunso, ang pangalan naman niya ay Stephen Martinez and you may call him, Phen for short. Gusto kasi niya na neutral ang nickname niya and believe it or not, sa aming magkakapatid, siya ang may masayang love life. Head over heels kasi sa kanya ’yung boyfriend niya. Under na under nga niya eh. Mapapa sana all ka nalang talaga.

At ako? Ako lang ito. Santiago Ezekiel Martinez at your service. Siguro nagtataka kayo kung bakit sa aming magkakapatid ako lang ang may second name well, all thanks to the nurse na nagsulat ng pangalan for my birth certificate. I was supposed to be named Santiago Martinez only dahil iyon ang pangalan na gusto ng Tatay para sa akin kaso ’yung nanay ko na akala ako na ’yung last na magiging anak nila, at dahil gusto niya talaga ng anak na lalaki ang gustong ipangalan sa akin ay Ezekiel para daw nakaka yaman ang datingan tapos ayun, habang naglalaban sila kung ano talagang ipapangalan sa akin, nagpaka desisyon nalang ’yung nurse at parehas na ginamit ang gustong pangalan ng Tatay at Nanay ko sa akin.

Lahat kaming magkakapatid may mga hitsura – hitsurang tao. Joke. I mean, lahat kami hindi mo mapagkakamalan na mula sa laylayan ng lipunan kasi mukha daw kaming anak mayaman. Well, base iyon sa mga taong nakakasalamuha namin. Siguro ganuon talaga kapag pinag combine ang magandang lahi sa average na lahi and then boom! Kami ang resulta ng samahang iyon.

Siguro nagtataka kayo, kung bakit panay banggit ako sa Tatay ko lang well hindi dahil sumakabilang buhay na ang aking ina kundi sumakabilang asawa. Palibhasa kasi maganda at may tinapos ang Nanay ko kaya ng makahanap siya ng higit sa Tatay ko eh di ayun, iniwanan niya kami. Galit ba ako sa Nanay ko dahil sa pangiiwan niya sa amin? Siguro, pero dahil iniwan niya ang Tatay ko. Hindi man nakapagtapos ng pagaaral ang Tatay ko ay napaka mabait ay matiyaga ito sa pagtatrabaho kaya nga bilib ako sa Tatay ko na napatapos niya ang Ate ko at mapagtatapos na rin niya ang bunso namin na ngayon ay malapit ng grumaduate sa napili nitong kurso niya.

Ako lang naman sira ulo sa aming magkakapatid. Hindi kasi ako nagtuloy sa college dahil bukod sa puro ako kalokohan ng high school, hindi naman kakayanin ng Tatay ko ang gusto kong kurso. Sabi ng Tatay ay siya na ang bahala pero dahil ayaw kong makitang napapagod ng husto ang Tatay ko ay pinili kong magpaubaya nalang muna para sa pagaaral ng bunso namin kasi hindi rin naman biro ang tuition niya. Tutulong din naman ang Ate ko para sa pagaaral ko pero sadyang ayaw ko lang talaga na maabala sila kaya heto ako ngayon at nagtatrabaho pansamantala sa business ng pamilya namin pero syempre kapag naka graduate na ang kapatid ko ay baka mag working student nalang ako para massuportahan ko ang sarili ko sa kolehiyo. Tagal ko na rin kasi nahinto sa pagaaral. Nakaka miss din kaya ang pumasok at syempre hindi mawawala sa akin ’yung inggit kapag nakikita kong pumapasok ang bunsong kapatid ko at nakakakita ako ng ibang estudyante na naka uniform. Napapa sana all na nga lang ako eh.

Ayaw ko kasing umasa sa ibang tao lalo na kung ang tulong ay manggagaling sa Nanay ko. Mayaman kasi ’yung sunod niyang kinasama pero hindi sila magkaruon ng anak. Ewan kung bakit at wala naman akong balak na alamin pa. Hindi naman kasi sikreto sa pamilya namin na ako ang paborito ng Nanay pero ewan ko ba, kahit na sabi ng Tatay ay huwag akong magtanim ng galit sa Nanay ko, hindi ko magawang gawin ang payo ni Tatay lalo na kung nakita ko kung paano bumagsak nuon ang Tatay ng iniwan kami ng Nanay.

“Sunny, ’nak?”

“ Yes, ’Tay?“ agad kong lumapit sa kanya ay tinulungan siyang dalhin sa lalagyanan ng mga plato ang hinugasan niya.

“Ito oh. Bumili ka muna duon sa baba ng gusto mong pagkain. Masyado mong ginagalingan ang pagtulong sa akin dito.” sabi nito sabay abot sa akin ng halagang 150 pesos.

“Aba syempre naman, ’Tay. Baka palitan ninyo na ako dito. Mahirap na. Wala akong mapagkaka abalahan. Saka ’Tay, huwag na. Dito nalang ako. Ano bang tira d’yan? Iyan nalang ang kakain ko para di na gumastos.” tugon ko saka isa-isang binuksan yung mga kalderong may laman na ulam.

“Aish, tumigil ka. Sige na. Kunin mo na ito. Bukas na siguro ’yung KFC sa baba.”

Napanguso ako ng ayaw magpatalo ni Tatay at pilit na inaabot sa akin ’yung pera. Syempre dahil tao lang ako na may kahinaan ay tinanggap ko na.

“Sige na nga. Pero ite-take out ko para dito natin kainin. Okay? Hati tayo, ’Tay ah.” sabi ko at agad na kumaway sa kanya bilang paalam at dumiretso ng elevator para bumaba patungong KFC.

Isa lang naman ang inoorder ko duon at iyon ay walang iba kundi ang favorite kong S2 - Twister! Iyon ’yung parang naka shawarma wrap pero hot shot yung pinaka meat niya with iced tea and fries. Panalo!

Pagkakuha ko ng inorder ko ay agad na akong bumalik sa canteen namin at nakita ko si Tatay na abala makipag chismisan duon sa isa sa mga close niyang manager na siya ring kaibigan niya. Pagkakita ng kaibigan niya sa akin ay agad ako nitong nginitian.

“Sunny! Gusto mong mag apply sa amin? May pioneering account kami. Malaki din ’yung offer na salary. Baka lang gusto mo para maka ipon ka ng pang tuition mo. Inaalok ko itong Tatay mo kaso ang sagot sa akin ikaw ang kausapin ko kasi desisyon mo dapat at hindi sa kanya.”

Napatingin ako agad kay Tatay at nakangiting tumango lang ito.

“Kailan po ba ang deadline para mapag isipan ko po? At saka pang gabi po ba iyan o pang umaga?”

“Well, ang target headcount namin ay nasa bente. Pang gabi kaya kung gusto mo ng mabilisang pagiipon eh pasok ito sa iyo. Malaki ang percentage ng night differential eh. Pero ikaw. Kug gusto mo balitaan kita kapag may nasa sampu na ’yung nakuha para may enough slots pa bago ka sumabak sa tests and interview.”

“Sige po. Mas okay po iyon.” nakangiti ngunit may kung anong excitement sa akin na tugon ko.

Nang kami nalang ulit ni Tatay ang nasa canteen ay agad ako nitong pinayuhan kung sakaling tanggapin ko ’yung inooffer sa akin na trabaho. Aware din naman kasi si Tatay sa balak ko na pagiging working student. Ang inaalala ko lang kapag pumayag ako ay walang makakasama si Tatay sa umaga kasi sa gabi nakatoka ang Ate sa pagbabantay. Si bunso naman paminsanan lang kung nandito kapag may pasok siya at kapag naman wala siyang pasok ay siya ang nagbabantay ng bahay at nagaasikaso kay Bon-Bon.

Ako kasi ang kasama ni Tatay sa pagbabantay ng canteen sa umaga. Ayaw ko namang iwanan si Tatay na siya lang mag isa.

“Sure ka ’Tay na okay lang sa iyo kung sakali man na wala kang kasama dito sa umaga?” nagaalala kong tanong sa kanya. Tumango lang siya at ginulo ang buhok ko.

“Malaki na ako ’nak. Tingin mo sa akin menor de edad na dapat bantayan?” biro niyang tugon sa tanong ko. Bumusangot ako na siyang kinatawa niya.

“Basta kung ano man ang desisyon mo, supportado kita. Naaalala mo ba ’yung lagi kong sinasabi sa inyo ng mga kapatid mo?”

Tumango ako, “Ang desisyon ng tao ang nagdidikta ng magiging kapalaran niya. In short, our decision; our destiny.”

“Tama!” masayang sabi ni Tatay at muli na namang ginulo ang buhok ko.

Isang linggo na rin ang nakalipas at isang linggo ko na ring pinagiisipan ’yung inooffer sa akin na trabaho. Hindi naman ako automatic na mahi-hire kasi dadaan pa rin naman ako sa mga tests at interview na syempre kailangan kong ipasa kaya heto ako ngayon at nagtitingin ng damit sa ukay na pwede kong magamit sa paga-apply sa inoffer sa akin na trabaho.

“Sunny, ito oh. Sukatin mo ’to. Mukhang maganda ito sa’yo.” inabot sa akin ni Ate  ang isang kulay khaki na slacks and I must say na maganda siya.

“Hawakan mo lang muna, Ate. Nagtitingin pa ako ng Blazer.” sabi ko habang iniisa-isa ’yung mga naka hanger na pang lalaking blazers. Biglang nakuha ang atensyon ko ng isang may kalakihang blazer at simple lang naman siya, nothing fancy hindi gaya ng mga naunang nakita ko pero ewan ko ba at nagawa nitong makuha ang atensyon kahit na hitsurang basic lang siya. Binasa ko ’yung tatak na nakalagay at mukhang mamahalin. Hindi ako familiar sa pangalan eh. Nagkibit-balikat nalang ako at kinuha ito para sukatin kasama ng slacks na pinapasukat sa akin ni Ate.

“Sure ka? Iyan na ang gusto mong Blazer? Marami pang mas maganda duon. Mukhang basic na pang matanda lang ang nagsusuot n’yan eh.” pangiinis na biro sa akin ni Ate.

“Tse! Ako naman ang magsusuot hindi ikaw. Tara na. Bayaran na natin ito ng mapa adjust ko yung sukat nitong blazer. ’Yung pantalon ayos naman na.”

Agad kaming nagbayad ni Ate sa counter at dumiretso sa patahian. Pinaiwan nalang namin ni Ate ’yung ipaa-adjust na damit at umuwi muna para mag asikaso sa bahay.

“Kuya! Sabi ni Tatay ikaw nalang daw sumama sa akin sa pupuntahan kong party kasama boyfriend ko next week.” sigaw ni Phen mula sa kwarto namin.

“Huh? Bakit kailangan kasama pa ako?” tanong ko habang tinutulungan si Ate maghiwa ng mga rekados sa lulutuin niyang ulam namin sa tanghalian.

“Sabi ni Tatay eh!” tugon nito na siyang bumababa na ng hagdan para puntahan kami ni Ate.

“Alam ninyo namang ayaw kong pumupunta sa mga matataong lugar.” nakanguso kong sabi.

“Eh malamang iyon ang dahilan kaya pinapasama ka ni Tatay. Para matuto kang makihalu-bilo sa iba lalo pa nagbabalak ka na magtrabaho. Ayos iyon. Puro mga mayayaman na tao naman makakasalamuha mo.” sabi ni Ate na nagsisimula ng mag gisa.

“Marunong naman ako maki halu-bilo!” depensa ko.

“Oo, marunong ka kapag wala kang choice kundi kausapin ’yung taong nakikipag usap sa iyo. Sa ating tatlo ikaw ang takot sa tao. Kaya tara na, kuya! Sasama ka sa akin sa ayaw mo man o gusto. Besides, libre naman daw ’yung mga pagkain na ise-serve kasi mayaman ’yung boss ng boyfriend ko.” pagmamalaki nito sa amin.

Well, mayaman din naman kasi ang boyfriend ng bunso namin kaya nga gulat na gulat kami na, well hindi naman sa nangii-stereotype ako pero nakakagulat lang kasi na hindi pinansin ng boyfriend ni Phen ang estado namin sa buhay.

“Pwede ba mag take out?” tanong ko.

“Take out? Bakit ka magte-take out? Sira ulo ka talaga, kuya!”

“Syempre para kina Tatay at Bon-Bon!”

“Hindi ko alam pero mukhang hindi. Bawal squammy moves duon sa party na pupuntahan natin. Bilhan nalang natin sila ng pasalubong pag uwi natin.”

“Sige. Fair enough.”

After naming magtanghalian ay dumiretso na ako pabalik sa patahian kasi naka receive ako ng text na tapos na ’yung pag alter sa blazer na binili ko.

“Ay hindi po sa akin ito!” gulat kong sabi sabay tulak ng singsing pabalik sa modista. Paano kaya nito nasabing sa akin ’yung singsing na binibigay niya eh hindi naman ako nagsi-singsing?

“Sa iyo ’yan, iho. Nakuha ko iyan sa luob ng bulsa ng blazer mo.” tugon nito sabay abot na naman pabalik sa akin ng singsing. Kinuha ko ito at pinagmasdan.

“Ah sige po. Thank you po ulit.” may pagaalinlangan kong sabi at kinuha ang paper bag na may laman ng pinatahi kong blazer dala ang misteryosong singsing mula sa blazer.

Sino kaya ang dating may ari nitong blazer at iniwan niya ’yung singsing niya sa luob ng blazer? Hinahanap niya kaya ito? Gaano kaya ito ka-importante?

Pagdating ng gabi, habang nakahiga ako sa ikalawang palapag ng bunk bed ay pinagmasdan ko ang misteryosong singsing na nakuha mula sa blazer na binili ko na siyang nasa pala singsingan ko na ngayon. In fairness, maganda. Kakaiba ang design. Gaano kaya ka-importante ang singsing na ito duon sa dating may ari ng blazer?

Wala sa hilig ko ang pagsusuot ng singsing pero dahil kumasya siya sa unang suot ko palang at mukhang destiny naman na mapunta ito sa akin eh why not suotin ko nalang, ’di ba?

Saglit kong tinanggal ’yung singsing sa palasingsingan ko para muli itong pagmasdan maigi. Tinignan ko yung naka engrave na initials sa singsing at napakamot sa ulo ko – Del Lovato.

Del Lovato?

Why does it sounds familiar? Parang narinig ko na siya before na hindi?

Anyways, nevermind. Ang mahalaga nasa mabuting kamay este daliri na ang singsing na ito ngayon.

DOS

“Aba, ibang-iba awrahan natin mga ’nak ah!” amazed na bati sa amin ni Tatay habang nakatingin sa amin ng kapatid kong si Phen. Ayus na ayos kasi kami dahil nga ngayon ’yung event na pupuntahan namin kasama yung boyfriend ni Phen. Ugh, hindi naman sa hindi ko gusto pumunta sa party na iyon ng mga mayayaman pero kasi, well, sige na nga. Ayaw ko talaga pumunta sa ganuon kasi feeling ko hindi ako belong pero dahil na rin sa makikita ko na naman ka-sweetan ng kapatid ko at ng boyfriend niya. Insert throwing up gif.

“Mag enjoy kayo du’n lalo ka na, Sunny. Baka para ka na naman estatwa sa sulok kapag may nagbalak kumausap sa’yo.”

“’Tay naman!” nakanguso kong tugon.

“O’sya, nandito na si Alexis. Magiingat kayong tatlo.” napatingin kami sa direksyon na tinitignan ni Tatay at nanduon na nga ang boyfriend ng bunso namin na nakangiti at lumapit kay Tatay para magmano. Nagkatinginan namin kamo ni Ate dahil parang bulateng inasinan ang kapatid ko sa kilig ng makita ang boyfriend niya.

Paglabas namin ng bahay syempre ang dami na namang kapit-bahay na usisero at pinagmamasdan ang kumikinang na parang ginto na bagong kotse ni Alexis. Wait, bago?!

“Bago ulit sasakyan mo?!” hindi ko naiwasang mapalakas ang tanong ko sa kanya sa gulat.

Napakamot naman sa batok niya si Alexis habang kinakabahang tumingin sa mukha ng kapatid ko na mukhang unimpressed. Yikes!

“Ah, eh. . Oo. Ano kasi, like ang ganda ng color and it’s quite cheap so I bought it.”

Cheap?! Bentley. . . cheap?! CHEAP?!

Eh halos pwede ko na pang tuition iyon hanggang sa maka graduate ako sa gusto kong kurso at baka may pasobra pa nga tapos cheap price lang ito sa kanya?

What in the fucking mindset of a rich kid?! Oh my god!

“I told you not to buy another car and learn how to save! Ugh!” inis na sabi ng kapatid ko at naunang pumasok sa backseat. Nanlaki naman ang mga mata ni Alexis.

“Babe! I’m sorry!” tumingin pa ito sa akin at bahagyang tumungo bago habulin ang kapatid ko para suyuin.

Nailing nalang ako na natawa sa kanila.

Pagsakay ko sa backseat agad akong napatingin sa rearview at natawa sa isip ko ng makita ang puppy eyes ni Alexis na siyang signal sa akin para tulungan ko siyang suyuin si Phen. Nakanguso ang kapatid ko at naka cross arms na nakaupo sa left side ko at nakadungaw sa bintana. Walang balak na pansinin ang kahit na sino sa amin.

Hay, inabot na naman ng topak kapatid ko. I mean, hindi ko naman kasi alam anong usapan nila nitong si Alexis pero sa case kasi ng boyfriend niya, laking mayaman kasi talaga ito kaya mahirap din sa kanya na hindi gumastos kapag may gusto. I wonder nasaan na kaya ’yung sasakyan na dinala niya last two weeks ago? Binenta niya kaya iyon?

Halos ten minutes na mula ng bumiyahe kami pero para ng penetensya dahil sa tension at katahimikan sa luob ng sasakyan at dahil ayaw ko ng ganuon kinapalan ko ang mukha ko para makiusap kay Alexis na magpatugtog gamit ang playlist na nasa phone ko.

“Aba, tignan mo nga naman! Sakto oh! Di ba favorite song natin ito, Phen?”

Nilingon ako ng kapatid ko gamit ang kanyang sharp eyes. Yikes! Para akong lalapain pero bigla siyang ngumiti at alam kong nakita iyon ni Alexis sa rearview. Iba talaga nagagawa ng music. Lalo na kapag favorite music!

Ayaw pa ni Phen ng una kasi masisira ang inis act niya pero syempre dahil mas matanda ako sa kanya, joke. Dahil sa quirky act ko habang ginagawa ang made-up dance steps namin sa kantang tumutugtog ng mga bata pa kami ay sa wakas, jumoin din siya.

“Oh, Heaven is a place on earth!” sabay naming tatlo sa kantang tumutugtog sa background.

Buti nalang talaga go lang lagi sa trip namin itong si Alexis kaya boto ako sa kanya bilang boyfriend ni Phen. Hindi siya gaya ng sa mga napapanuod na drama-rama na tipo ng mayayaman.

Maya-maya huminto ang kotse namin isang malakong hotel building. Halos malula ako sa taas. Grabe! Mula dito palang sa labas alam mo ng puro bigtime lang ang makakapasok dito sa luob.

Napailing nalang ako ng makitang excited na lumabas si Phen para makipag holding hands sa boyfriend niya. Hay naku! Porket bati na nakalimutan na nilang nandito pa ako sa luob. Psh!

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko bago ako lumabas ng kotse. Okay, oras na para magpanggap na kaya ko ito.

Inangat ko ang kamay ko na may suot na singsing sa langit na parang inaabot ang mga bituin at pakiramdam ko kumislap ito. Hindi ko alam pero parang may hindi ako maipaliwanag na naramdaman.

Ikaw ng bahala sa akin, ikaw na siyang dating may ari nitong sing-sing!

TRES

Napanguso ako. Wala pang ten minutes mula ng dumating kami dito sa “party” eh gusto ko ng umuwi. Bukod sa puro sosyal ang mga nandito mukhang walang alam sa party ang nag organize ng event na ito. Imagine Jazz ba naman ang tugtugan. Wala yung katulad sa mga napapanuod ko sa movies na party-party talaga na tugtugan. Like, where’s Nicki? Megan Thee? Major Lazer? Boring!

Kaya siguro hindi na nakakapagtaka yung mga thunders lang nageenjoy sa party kasi napansin ko na yung mga kaedaran namin ni bunso halatang bored din. Siguro kung bibigyan kami ng chance dito na mag shine, magiging tunay na party ito pero as if namang makiki participate ako. Like I said kanina, mukhang sosyal ang mga nandito. Pang kanto lang ako eh.

Plus, paano nila natawag na party ito kung mukhang naguusap lang naman sila about business? Hindi ba nila kayang gawin iyan sa mga offices nila? Kailangan talaga sa ganitong kasosyal pa na place sila mag usap about business? Nakakatulong ba yung ambiance para mas makahakot sila ng maraming business partner? Wew, rich things that I’ll never understand.

“Hindi pa ba pwedeng kumain?” bulong ko sa kapatid ko na nakatingin din sa kung saan nakahilera ang mga pagkain.

“Sush, kuya. Kalmahan mo lang. Mamaya tayo lumapit kapag may mangilan-ngilan ng lumapit du’n para hindi tayo masabihan na walang manners.”

“Walang manners? Eh paano kung gutom ka lang talaga? What if dumiretso ka dito from work tapos wala ka pang kain?”

“Kasi kuya, hindi naman sila gaya nating average people of society na hindi kailangang kalkulado bawat kilos para masabing perfect and well-mannered.”

“Buti nalang di tayo mayaman. Ang boring ng buhay nila kaya siguro ang boring din nila kasama kasi puro pera usapan nila. Paano sila yayaman and all.”

“Hoy grabe ka! Mayaman si Alexis pero hindi naman siya boring kasama.” pagdedefend ni Phen kay Alexis na nakanguso pa. Napangiti naman ako. Hay, inlababo talaga. Sana all.

Sa wakas nag start na yung program and to be honest wala ako maintindihan sa dinidiscuss sa harapan well, maybe I do. I mean somehow kasi mukhang about money matters kasi maraming nagpapalakpakan na mayayaman eh so alangan namang pumalakpak sila kundi hindi nila ikayayaman, right?

“Ano kakain na ba tayo mukhang happy na ang lahat eh.” biro kong bulong sa kanya pero hindi nagrespond ang kapatid ko sa akin na pinagtaka ko.

Tinignan ko yung tinititigan ng kapatid ko at nagsalubong ang mata ng isang mistisang babae na hanggat balikat ang buhok na maganda at katabi ni Alexis. Ngumiti siya sa akin at ngumiti din ako pabalik kasi manners ako. Char! Gusto ninyo ba tarayan ko. Eh sino ba siya?

“Ui, Phen. Sino iyon at tinitignan mo?” usisa ko. Nang una ayaw niya ako sagutin dahil sing tigas ng bloke ng yelo ang kukilitan ko eh wala siyang nagawa.

“Ex ni Alexis. Nakakainis. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba titigilan niya na kami?” bulong ng kapatid ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya duon sa babae na tumatawa at may pahawak-hawak pa sa braso ni Alexis. Si Alexis naman inuurong ang sarili niya palayo sa babae at sa wakas ay tumingin sa pwesto namin ng kapatid ko.

Sinenyasan ko ito na lumapit sa amin baka kasi nagseselos na itong kapatid ko dahil sa nakikita niya. Ngiting wagi ako deep inside ng sinunod ako ni Alexis kaso yung ex sumunod din sa kanya. Ay ’te, buntot ka? Nakasunod talaga?

“Sorry if I took awhile. I just have to check with some of my business partners. Gutom na ba kayo?” bungad sa amin ni Alexis. Bet hindi niya alam kasunod niya sa likuran niya ex niya.

“Oh hi, Stephen. It’s nice to see you. Akala ko si Alex lang ang makikita ko dito.” sabat ng ex na kinabigla ni Alexis. Kitams. Hindi nga alam nitong isa na sinundan siya nito.

“Hi, same actually.” maikling tugon ng kapatid ko. Woah, neutral tone huh? Mukhang hindi maganda ang relationship ng dalawang ito base sa way nila ng paguusap. Kung sabagy, ex nga naman kasi yung babae ni Alexis.

“And you are?” napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya. Alam kong ako ang tinutukoy niya pero need ko lang ng confirmation.

“A nobody.” sagot ng may pagkibit-balikat. Hindi naman sa kinakampihan ko ang kapatid ko sa way ng pagtrato niya sa babaeng ito pero hindi ko lang din alam sasagot ko sa kanya. Wala namang interesting sa akin.

Or so I thought?

“Tara, let’s eat na. I’m hungry and for sure kayo rin.” aya ni Alexis na agad naming sinunod ng kapatid ko kasi syempre totoo naman. Kanina pa kami gutom lalo na ako. Kanina ko pa tinatanaw yung hilera ng mga pagkain.

“Unti-unti lang ang kuha, kuya. Wag kang takaw tingin. Walang aso dito na kakain ng tira mo kapag di mo naubos saka susumbong kita kay Tatay nagsasayang ka ng pagkain.” litanya sa akin ng kapatid ko habang kumukuha ako ng cake slices na iba’t-ibang flavor.

“Grabe ka sa akin, Phen! Cake na nga lang dahil walang kanin-ulam na available.” nakanguso kong sabi at nginitian yung mga staff na kaharap namin.

“Eh di mag pasta ka para mabusog ka.”

“Ayaw ko nga. Anong klaseng pasta ’yan? Puti saka kulay berde! Anong lasa nyan? Wala man lang spaghetti na maraming cheese?” bulong ko sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko.

“Carbonara ’yan kuya. Ito naman parang di nakakakita ng ganyan sa kfc.”

“Twister lang kasi binibili ko sa kanila at wala ng iba kaya hindi ko alam.”

“Yung green naman pesto ’yan. Masarap iyan. Feeling healthy ka kapag kumain ka nyan saka nakakaganda iyan ng skin.”

“Weh? Gawa sa ano iyan?”

“Dahon.”

Napaawang ang bibig habang iniimagine na kumakain ako ng ginayad na dahon.

“Kadiri.” bulong ko at muli lang natawa ang kapatid ko sa akin.

Pagbalik namin sa table namin agad kaming nagsi kain at halos umabot sa tenga ko ang ngiti ko ng ang sasarap ng mga cake slices na nakuha ko.

“Anong flavor nga ulit ito?” tanong ko.

Tinignan naman ni Alexis ang kinakain ko, “ Devil’s Food.“

Huh? “Huh? Anong Devil’s Food?”

“The name of the cake. I’m surprised hindi ka naumay sa unang subo mo. Mostly umay ka agad unang subo palang sa sobrang tamis n’yan.”

“Ooh, talaga ba? Ang sarap kaya.”

“Mahilig kasi siya sa matatamis hindi lang halata sa kanya.” singit ni Phen.

Ubos na yung cakes ko pero nagugutom pa rin ako kaya hindi ako nakatiis at tinry ko tikman yung green pasta na tinawag ng kapatid ko na pesto. Sana lang hindi ako magsisi dito. Huhuhu.

Unang subo medyo di ko na-appreciate pero ng sumubo ako ulit okay naman pala yung lasa at medyo nakailan din ako na pinalo nalang ni Phen ang kamay ko para lang hindi ko maubos yung kinakain niya kaso saktong pag tigil ko makikain sa pasta niya biglang uminit ang pakiramdam ko at hindi ako makahinga na nangangati ako.

“Sunny, you’re turning red. Are you alright?” nagaalalang tanong ni Alexis kaya pati si Phen napatingin na sa akin.

Kaso hindi ko magawang sumagot dahil feeling ko mauubusan ako ng hangin sa katawan kapag ginawa ko iyon.

“Oh shit!” napatampal si Phen sa ulo niya, “Ang tanga ko! Stupid! Stupid! May nuts content nga pala ang pesto. Allergic si kuya sa nuts!” 

Unti nalang iiyak na kapatid ko habang panay ang sorry sa akin kaya ginulo ko ang buhok niya para madivert sa inis ang pagaalala niya na nag work naman kahit papaano at napangisi ako dahil duon. Yeah, he doesn’t like people touching his hair kahit si Alexis inaaway niya kapag ginulo buhok niya.

Balak pa sana nila ako samahan sa “emergency clinic” nitong venue pero pinaalis ko na sila dahil ayaw ko namang hindi nila ma-enjoy yung party dahil sa akin at saka need ko lang naman magpahinga dahil nakainom naman na ako ng anti-allergy. Sinabi ko nalang din sa kanila na huwag ng sabihin ang tungkol dito kay Tatay para hindi na sila magalala nila Ate sa bahay.

Gusto ko sana umidlip kaso panay tingin ng doktor na tumingin sa akin kanina. Nagtataka nga ako kasi mukhang kabilang siya sa party pero nandito siya ngayon biglang doktor. Well, ganuon talaga siguro kapag may in need ng medical attention. Panay titig niya sa mukha ko at sa singsing ko.

“Type mo ba itong singsing ko?” curious kong tanong na siyang kinakuha ko ng atensyon niya.

Napangisi siya sa akin, “Alam mo ba gaano kahalaga iyang singsing na suot mo, iho at lumalakad ka dito na parang nasa parke ka lang? I’m surprised wala pang nakakapansin sa iyo.”

Huh? Anong sinasabi niya?

Binaling ko ang tingin ko sa singsing na suot ko at sa doktor na nasa harap ko.

“Ano pong meron sa singsing na ito? May alam po ba kayo tungkol dito?”

“I’m Anton. Matalik na kaibigan ko ang dating may-ari ng singsing na suot mo. Glad to meet you, iho.” pakilala nito at kinamayan ako. What?!

CUATRO

“Ho? Nanggu-good time kayo no? Paano naman po mangyayari na kaibigan ninyo yung dating may ari nito? Impossible namang nagiisa lang itong singsing na ito sa buong mundo.” naiiling kong sabi sabay tingin sa suot kong singsing.

Sumandal siya sa pader habang nakaupo sa gilid ng mahabang bangko at tinitigan ako na may ngisi sa labi.

“Simple. The ring on your finger has no doubt came from that suit you’re wearing. Bet you had the suit in your size para masuot mo and that’s how you found out about the ring inside the suit . I’m quite surprised na in tacked pa rin ang singsing sa suit ng nakuha mo. Say, how did you get your hands on it? Bigay sa iyo? Nabili mo?”

Literal na napanganga ako sa narinig kong sinabi ng lalaking nasa harapan ko. Like, how? Paano niya nadetalye ng tama kung paano ko nalaman at nakuha ang singsing na ito?

Dapat na ba akong maniwala sa sinabi niya na kaibigan niya yung dating may ari nito?

“Medyo tama ang hula mo pero paano ako makakasigurado na wala kang interes sa singsing na suot ko kahit pa sabihin nating kaibigan mo ang dating may ari nito? Nandito ba siya? Madadala mo ba ako sa kanya?”

Napansin ko ang pag lungkot ng mga mata niya ng marinig ang sinabi ko, “Kung nandito pa siya ngayon hindi mo dapat suot ang singsing na iyan.”

“Anong ibig mong sabihin? Patay na ba siya? Patay na yung may ari nito?” bigla akong kinabahan at balak ko na sana hubarin yung singsing kasi baka multuhin ako ng dating may-ari at saniban ako. ’Yung mga ganuong factor. Syempre ayaw ko namang sisikat ang mukha kong ito ng dahil lang sa sinaniban ako ng hindi matahimik na kaluluwa. Pero pinigilan niya ako.

“Don’t. The ring chose you. Maybe there’s a reason bakit ikaw ang nakakuha ng singsing ni Fonz. And to answer your question earlier, kung may interes ako sa singsing na iyan kanina ka pa sana kasama ng kaibigan ko sa itaas pero hindi. Hindi ako ganuon kababaw para makipag agawan sa singsing na para lang sa taong karapat-dapat at hindi ako ang taong iyon. Plus, I know for a fact na that ring you’re wearing ay may naka engrave na “Del Lovato”. You can correct me if I’m wrong pero I doubt that you will.“ nakangising sabi nito.

This time, wala ng kaabug-abog akong tumayo sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya para kamayan siya ng magkasalikop kong kamay at parang batang nagniningning ang mga mata sa sobrang pagka amazed sa kanya.

“Woah! Ang galing-galing ninyo naman po! Tama po lahat ang sinabi ninyo!”

Mukhang nagulat naman siya sa inasal ko at wala pa sana akong balak tanggalin ang pagkakahawak ko sa kamay niya kundi lang tumunog ang hawak niyang cellphone.

“Hello?” dinig kong sagot niya sa kabilang linya. Mukha naman akong timang na nakatitig sa kanya habang kausap niya yung kung sino man iyan na katawagan niya. Bigla siyang napatingin sa akin sa kalagitnaan ng paguusap nila at kita ang pagaalala sa mukha niya. Huh? Anong meron?

“Sige, we’ll be there in five.” sabi nito at saka tuluyan ng binaba ang tawag at naunang lumakad sa akin palabas na siyang sinundan ko. Bakit kamo? Hindi ko rin alam eh basta ang alam ko ayaw ko maiwan mag isa duon sa silid kanina.

“Saan punta natin, boss?” tanong ko habang pilit na sinasabayan siya sa paglalakad pero takte nag training yata ito kay Master Roshi at ang bilis maglakad perp buti nalang di ako kumukurap kundi baka nanduon na agad siya sa sunod na kanto nitong hotel sa bilis niya maglakad.

“Time to shine, bata. Pakita mo sa akin bakit ikaw ang napili ng singsing na ’yan.” sabi lang nito sa akin na hindi ko naman naintindihan. Ano bang meron sa singsing na ito? May super powers ba ito o kung ano na gaya ng kay James Bond?

Huminto kami sa pamilyar na malaking pinto at pagbukas niya ay mga pamilyar na boses agad ang bumungad sa akin. Agad hinanap ng mata ko ang pinagmumulan ng mga boses na hindi naman ako nahirapan lalo pa’t halos lahat ng mga mata ng nanduduon ay nasa kanila.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong hinahatak ng ex ni Alexis ang damit ng kapatid ko na para bang tali sa tug-o-war ang pinagkaiba lang hindi iyon lubid. Nakita ko si Alexis na pilit pinipigil ang ex niya pero ang demonyita parang sinaniban ng masamang demonyo.

Wala man lang tumutulong umawat sa kanila at nakita kong umiiyak na ang kapatid ko at bilang kuya kailangan kong makialam kahit na babae pa iyang makakaharap ko wala akong pake.

Ika nga until you treat everyone as an equal, you have no right to complain about the treatment you receive from anyone. Kung hindi tinatrato ng mga elitistang gaya ng ex ni Alexis ang tulad namin, lalo na ang kapatid ko dahil sa kasarian na meron ito, pasensyahan nalang dahil ipapakita ko rin kung paano sila dapat na itrato.

Lumakad ako papunta sa gitna kung nasaan sila at sakto lang ang naging pagdating ko dahil saktong nasalag ng mukha ko ang sampal na para dapat sa kapatid ko. Putcha! Ang lutong ah! Buti ako nakasalo kundi kawawa naman ang pretty face ng bunso namin. Tsk.

“K-Kuya. .”

The moment na narinig ko ang broken voice ni Phen pakiramdam ko nakalimutan kong humihinga ako pero nagawa ko pa ring lingunin si Alexis ng hindi tinitignan ang mukha ng kapatid ko. Hindi ko kaya. Baka makapatay ako.

“Hintayin ninyo ako sa labas.” utos ko at agad na tumango si Alexis.

“Kuya. .” tawag sa akin ni Phen. Halata sa kanya ang pagaalala pero gustuhin ko man na palampasin nalang hindi maaari. Kapatid ko ang kinanti. Ibang usapan ’yon. Buti sana kung ako lang.

“Sundin mo si kuya, Phen.” matigas kong sabi at sinundan sila ng tingin ng hindi nakikita ang mukha ng kapatid ko hanggang sa makalabas sila ng pinto at isara iyon ng doktor kanina na nagpakilalang si Anton. Poker face lang siya pero halatang kinakalkula ang gagawin ko. Well, nakalkula niya kaya itong gagawin ko?

Halos napa singap ang mga nasa luob ng bigla kong sampalin ng malakas ang ex ni Alexis dahilan para mapahiga ito sa sahig. Lutong ba naman eh. Umani din ang ginawa ko ng pagaalala ng mga nanduon. Wow! Kanina ng kapatid ko ang kinakawawa ng babaeng ito nanunuod lang sila ngayong ako ang gumawa disturbing para sa kanila?

“H-How dare you?” react ng ex na maluha-luha dahil sa ginawa ko.

Pero kung tingin ninyo lumambot ang puso ko dahil sa nakikita ng lahat hindi.

“Miss, sa mukha mo palang halata namang edukada ka. Siguro naman alam mo ang kasabihang what goes around, comes around at maiintindihan mo kung bakit ko ginawa ang nagawa ko at gagawin ko. Pinahiya mo ang kapatid ko na for sure walang balak na gambalain ka ikaw lang itong kulang sa pansin at hindi tanggap na kahit ano pang ganda at yaman mo ay pinagpalit sa taong may character na hindi bulok gaya ng iyo.”

Sasagot sana siya kaso inunahan ko na sa paghatak ng laylayan ng dress niya at kinaladkad siya na parang basahan. Nagsisigaw siya at binalak akong patigilin ng mga naruruon kaso agad kong hinatak palapit sa akin yung nakakadiring mukha ng ex at sinabunutan ang buhok nito at hinarap sa lahat ng mga nanduon.

“Subukan lang ng kahit na sino sa inyo na lumakad palapit sa amin, itong mukhang ito, paduduguin ko.” banta ko. Napansin kong nagtinginan ang mga naturingang bodyguard at security at agad akong napatingin sa pinto kung saan nakasandal si Anton. Napangisi ako, “Subukan ninyo lang din lumabas para gamitin sa akin ang kapatid ko, o marinig ko ang sigaw ng kapatid ko, paduduguin ko ng doble ang mukha nito.”

Nagpipiglas ang ex ni Alexis sa akin pero mas lalo kong hinigpitan ang pagkakasabunot ko sa anit niya dahilan para mapasigaw siya sa galit lalo pa at wala siyang magawa dahil napapahiya na siya. Tsk. So? Does it look like I care?

Sinubukan akong pakiusapan ng mga nanduon, i-bribe. Tsk. Anong akala nila sa respeto ng kapatid ko? Nababayaran? Mga gago! Nang hindi nila ako nakuha sa bribe tinakot nila ako na babarilin pero natawa ako. Malakas.

Tumawa ako ng malakas dahil shit, kung alam lang nila. Ilang beses kong narinig ang salitang iyon ng high school ako. Kung natatandaan ninyo ang kwento ko, nabarkada nga ako, di ba? Kaya nga ako ang black sheep ng pamilya. Tingin ba nila matatakot ako sa pananakot nila?

“Bakit hindi ninyo sinabi iyan kanina dito sa babaeng ito habang tinatarantado niya ang kapatid ko? Nanunuod lang kayo, di ba? Nanunuod kayo dahil takot kayo mawalan ng trabaho kesa manindigan sa kung anong tama? Kaya anong karapatan ko matakot sa mga asong sumusunod sa among pinapakain lang kayo ng tira nila?” saad ko sabay walang pasabing inuntog sa lamesa ang ulo ng ex ni Alexis ng tatlong beses dahilan para magdugo ito at tuluyang pumalahaw na ito ng iyak.

“Patayin ninyo ako sige, pero sisiguraduhin kong isasama ko sa akin itong babaeng ito. Sabi nga an eye for an eye, a tooth for a tooth. Panunuorin ninyo lang kami katulad ng kung paano kayo nanunuod kanina. Walang ginagawa at walang magagawa.”

Nilingon ko yung babaeng sabunot ko pa rin ang buhok at nagmamakaawang tumigil na ako na siyang nagpangisi sa akin, yumukod ako para lumebel sa kanya at saglit siyang pinagmasdan.

“Remember what you asked me earlier? Tinanong mo ako kung anong pangalan ko, di ba? Naalala mo anong sagot ko?”

Agad siyang tumango, “N-Nobody.”

“Galing. Impressive memory you have there. Now, I want you to remember this face. Tignan mo maigi. Kabisaduhin mo dahil gusto kong idikdik mo d’yan sa utak mo na a nobody can become somebody kapag tinarantado mo sino man ang malapit sa kanya. Naiintindihan mo?” may gigil kong sabi habang hawak ang panga niya at umiiyak.

Agad siyang tumango habang humihingi ng sorry sa akin sa nagawa niya kay Phen. Isang malalim na buntung-hininga ang ginawa ko at nilayo ang tingin ko sa kanya only to land to Anton whose smiling like he won the lottery.

CINCO

“Kuya.” tawag sa akin ni Phen pagka uwi namin ng bahay. Kakahatid lang sa amin ni Alexis galing duon sa lintek na party at buong biyahe hindi ko sila kinikibuan na dalawa kahit na panay ang sorry nilang dalawa lalo na si Alexis. Wala naman silang kasalanan sa nangyari kaya hindi sila ang dapat na humingi ng sorry. Hindi dahil sa galit ako sa kanila kaya hindi ko sila pinapansin kundi dahil sa nararamdaman kong adrenaline na parang kulang pa yung ginawa kong pananakit duon sa babaitang iyon kanina. Speak about hidden rage. Ewan ko ba. Naiinis kasi ako dahil walang equality at kulang sa respeto ang karamihan kesehodang mayaman o hindi pero syempre mas lamang ang mayayaman. Ewan ko ba sa kanila. May pera sila pero hindi nila kayang kumuha ng classes paano makipag kapwa tao. Kung sa bagay hindi naman kasi dapat tinuturo iyon. Natural dapat iyon sa tao.

“Wala kang kasalanan Phen. Parehas kayo ni Alexis. Kung meron man, ako iyon at yung ex niya kaya tama na kaka sorry ninyo sa akin. Walang may gusto ng nangyari kanina pero nangyari na kaya hayaan nalang natin. Kung ano man ang maging outcome ng ginawa ko sa babaeng iyon, labas kayo duon. Ako aako nu’n hindi kayo.” sabi ko at dumiretso ng ref. Biglang nawala yung negative adrenaline na nararamdaman ko at napalitan ng positive ng makita kong may kutsinta sa ref with yema as dip. Hindi isang styro kundi sampu. Swerte!

“Ui, bakit ganyan ngiti mo para kang nakakita ng bold?” takang biro niya sa akin at lumapit sa tabi ko.

Hindi ko man nakita ang reaksyon niya alam kong parehas kaming natatakam na kumain. Hmp, mas masarap pa ito kesa duon sa handang pagkain duon sa party.

So habang nagbababoy moment kami ni Phen sa pagkain ng kutsinta with yema sauce na akala mo ngayon lang nakatikim ng nasabing pagkain biglang sumulpot si Ate Gina at binatukan ako.

“Aray naman santisimang demonyita!” nakanguso kong sabi sa gulat sa pagbatok niya. Hello, muntik ko kayang mabuga kay Phen yung kinakain ko?!

“Anong sabi mo? Ikaw na nga itong pinag interesan paninda ko ako pa talaga demonyita huh?” ani Ate Gina sabay kurot sa tenga. Napa aray naman ako at agad napatingin sa kapatid ko na napatigil din sa pagkain niya gaya ko.

“Eh hindi ko naman alam na paninda iyan,” oo nga ’no? Kaya pala ang dami bakit hindi ko agad iyon naisip?

“Dapat kasi Ate naglagay ka ng paskil dyan sa ref na bawal kainin alam mo namang kung ano nandyan sa ref pwedeng makain ng kahit na sino sa atin.” pagtatanggol sa akin ni Phen. Parehas kami nag okay sign sa isa’t-isa.

“Aba talagang. .” lumapit si Ate kay Phen hila-hila pa rin yung tenga ko at saka hinila rin ang tenga ni bunso. Agad itong napa Whitney Houston at nanlaki ang mata ni Ate ng marealise niya ang nangyari. Uh-oh.

Nag unahan kami magtago sa ilalim ng lamesa dahil paniguradong nagising si Tatay o baka na rin si Bon-Bon sa pagbirit ni Phen kanina. Alang ’ya kasi ito si Ate hilog mamingot!

“Umusod ka nga Ate! Ang laki mo eh!” reklamo ko at iniipit siya sa side niya para hindi ako agad makita sa pwesto ko.

“Ikaw ang umusod! Hindi na ako makahinga dito sa pwesto ko! Laki-laki ng balakang mo kesa sa akin!” at tinulak ako sa side ko kaya muntik pa akong ma-evict sa ilalim ng table.

“Ano ba ang ingay ninyong dalawa! Lalo tayo mahuhuli ni Tatay eh!” reklamo ni Phen at parehas kami pinalo sa braso namin.

“Eh bakit ka kasi tumili?!”

“Kinurot mo ako eh! Ano gusto mo sasayaw ako? Ang sakit kaya!”

Habang nagiipitan kaming tatlo sa ilalim ng round table namin at hinihintay si Tatay na bumalik nalang ulit sa pagtulog niya na siyang bumababa na ngayon ng hagdan ay muntikan na ako mabahing. Buti nalang yung mga walang hiya kong kapatid agad na tinakpan ang bibig ko kaso yung takip parang papatayin ako!

Napahinga kami ng maluwag ng dumiretso si Tatay si ref para uminom ng tubig. Whew! Akala niya siguro mga nas kwarto na namin kami at tulog. Hinihintay namin matapos si Tatay na uminom ng tubig niya sa harap ng ref ng bigla siyang tumawa. Nang una mahina lang tapos palakas ng palakas.

Agad kami nagkatinginan ng mga kapatid ko. Pinaghalong pagtataka at kaba ang naramdaman namin. Shit. Anong nangyayari kay Tatay? Gusto ko na sana siya lapitan kaso pinigilan ako ni Ate. Grabe ang iling niya sa takot.

“Sira ka ba! Paano kung hindi iyan si Tatay? Paano kung doppleganger iyan?” inis na bulong sa akin ni Phen na halong nangangatog na sa takot.

“Eh anong gagawin natin?” bulong ko pabalik.

“Tanga! Syempre magdadasal! Mukha bang may holy water tayo?” inis na bulong din ni Ate sa amin.

Kaso bago pa kami makapag start ng dasal bigla kaming tinapik ni Phen ng mabilis sa balikat namin dahilan para lingunin namin siya at makitang nakaturo siya sa direksyon ni Tatay pagtingin namin pabalik kay Tatay nakabali na ang leeg nito at unti-unting gumagalaw pakaliwa palingon sa amin with his wide smile. Lahat kami hindi makagalaw sa pwesto namin sa takot.

“Gusto ninyo mag pray?” tanong ng maliit na boses sa likuran ni Phen and I kid you not, it was the last straw para mag unahan kami sa paglabas sa pinagtataguan namin.

Nagsisigawan kami sa takot habang nagtutulakan kami paakyat ng hagdan ng makita naming naglalakad papunta sa amin si Tatay. . well, kung si Tatay man iyon na na-possess o doppleganger ng makita sa dulo ng paningin ko si Bon-Bon na humahagikhik sa tawa.

“Tukmol! Anong ginagawa mo? Tara na!” inis na sabi ni Ate habang hinihila ako paakyat ng hagdan dahil napahinto nga ako sa pagtakbo.

“Ate. .” mahinahon kong sabi dahil narealise ko yung panggu-goodtime ni Tatay at Bon-Bon sa amin.

“Ano?! Tara na! Punyeta ka! Iwanan ka namin ni Phen!”

Napatingin silang dalawa sa tinuturo ko at nagtatakang tinignan ako at si Bon-Bon. Sunod na napunta ang atensyon naming lahat kay Tatay na nakatayo lang sa dulo ng hagdan at nagpipigil ng tawa.

“Tay naman!” inis na sabi ni Ate at parang batang pikunin na lumakad papunta kay Tatay at inis na pinalu-palo ito sa braso niya. Yung controlled na palo ha hindi yung pang isang hampas langit agad. Tatay pa rin namin iyan oy! 

Hindi na napigilan ni Tatay ang tawa niya na sinabayan pa ni Bon-Bon.

“Kita ninyo sana mga mukha ninyo! Mukha kayong mga tanga!” sabi ni Tatay habang naiiyak na natatawa sa amin.

Wala pang tatlong minuto ang nakakalipas may tumawag sa pangalan ni Tatay sa labas ng bahay. Nagkatinginan kami at sumenyas si Tatay na tumahimik kaming lahat.

“Ikaw na sumilip.” utos ni Tatay sa akin.

“Ayaw ko nga! Si Ate na! Marites iyan!”

“Bakit ako? Gagu! Tomboy ako walang marites-marites sa akin!” sagot ni Ate.

“Weh! Alam mo nga yung tsismis duon kina Aling Toyang sa kabilang block na hindi naman tayo madalas nagagawi duon so paanong hindi ka marites?”

“Tanga kinwento lang sa akin iyon ng umoorder sa akin.” giit ni Ate.

“So sinong lalabas sa atin? Sila kuya Len ang nasa labas.” sabi ni Phen na patagong nakasilip sa binatana.

“Sila?” tanong ni Ate.

“Oo. Ano ba si kuya Len dito? Part siya ng rumorondang tanod di ba?” sagot ni Phen.

Bago ko pa ituro ni Ate na siya ang lalabas eh binuksan na ni Tatay yung pinto at. . believe it or not, ako ang inalay. Aaahhh! What have I done? Why?

“Ui, Sunny! Ayos lang ba kayo? Narinig naming may nagsisigawan sa luob ng bahay ninyo akala namin napano na kayo.” tanong ni Len. Halos ka edad niya si Ate Gina at gwapong lalaki. No homo, okay? I’m just stating facts. Dami ngang chikas nito pero walang nagtatagal ni isa sa mga dinate niya.

“Oo nga, Sunny! Balak na nga pasukin ni Bossing Len bahay ninyo baka napano ka daw.” pangaasar ni Tonyo sa likod na part din ng tanod team. Bale lima silang rumoronda ngayon with their bright orange uniform at pamalo if incase shit happens. Kilala ko lahat ang member ng tanod team kung hindi ninyo alam. Sampu sila actually.

Actually halos lahat ng nandito sa block namin magkakakilala at isa kami sa medyo popular family sa block namin.

“Gago! Wag kang ganyan Tonyo baka kiligin ako.” biro ko at umaktong babae na kinikilig gaya sa napapanuod ko sa mga k-drama ng Ate ko.

Nagtawanan sila maliban kay Len na nakangiti lang sa akin. Oh di ba? Straight, hindi naapektuhan sa kagaguhan ko.

Matapos ang kaunti pang pagche-check ay bumalik na sila sa pagroronda at ganuon din ako sa luob ng bahay.

“Oh bakit kayo mga naka ganyan?” tanong ko ng nakita kong mga naka cross arms sila at nakatingin sa akin na akala mo nakipag lampungan ako sa harap nila. Judger ah!

“Wag kang ganyan Tonyo baka kiligin ako!” pang gagaya ni Ate sa akin pero in a much gago way habang lumalakad papunta kay Bon-Bon na humahagikhik na naman sa nakikita niya.

Habang si Phen umiiling, “Isang puso na naman po ang pinaasa ng kuya ko.”

“Huh? Anong pinagsasasabi ninyo?”

“Nak, alam mo kung gumaya ka man kay Phen tanggap kita. Natanggap ko nga sila eh ikaw pa kaya.” sabi ni Tatay ng akbayan niya ako at nakatingin sa akin na may understanding na ngiti.

“Tay naman eh! Straight ako ’no! Joke lang ’yung kanina!” nakangusong tugon ko ng marealise mo ang nangyayari.

“Ang tanong kuya, until when?” panggagatong ni Phen na may pagtaas-baba pa ng kilay niya. Sign na hindi pa siya tapos sa pagsali niya sa pangaasar nila Tatay sa akin.

Ay bahala sila d’yan. Straight ako. Straight! Pero. . until when nga ba?

SEIS

Naka pamewang ako habang iniisip ang una kong gagawin dahil ako lang mag isa ang nandito sa bahay. May pasok si Phen sa school. Sinundo ni Alexis dito sa bahay thirty minutes ago samantalang si Ate maagang umalis with tatay para mag asikaso ng ihahandeng paninda sa canteen namin.

Bale ako at si Bon-Bon lang ang nandito. Hindi naman mahirap alagaan ang pamangkin ko dahil behave siya lalo na kapag nasa harap ng tv at nanunuod ng cartoons.

“Bon, lalaba lang si Tito Sunny ah.” paalam ko pagdaan ko ng sala dala ang isang basket na puro labahin. Maglalaba nalang muna ako. Mamaya na ako magluluto ng tanghalian namin. Anong oras palang naman.

Nangiti lang ako ng hindi ako pinansin ng pamangkin ko at saglit na binaba ang hawak ko para panggigilan ang pisngi niya ng halik. As usual, walang paki. Busy manuod eh.

Halos magtatanghali na ng matapos ako sa paglalaba at dahil hindi pa naman ako pagod, naisipan ko muna magwalis para bago kami umalis ni Bon-Bon papuntang palengke malinis na yung bahay. Matapos akong makapag walis ay marahan kong ginising si Bon-Bon na nakatulog na sa sofa para paliguan at bihisan ito dahil lalabas kami para mamalengke. Nang masatisfy na ako sa bango ng pamangkin ko naghilamos at punas lang ako at nagpalit na ng damit. Karga ko sa kaliwang braso ko si Bon at nakasukbit naman sa kanang balikat ko ang isang medium size na eco bag. Sinigurado ko din na dala ako ang cellphone at wallet ko.

Cellphone na pinaglumaan ni Phen na hindi naman halatang luma kasi original at mamahalin na iphone na binigay sa kanya ni Alexis kaso binilhan siya ulit ng bago na kapares ng kay Alexis kaya napunta sa akin. Talk about couple phones. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na game sa kahit anong ka-cornyhan si Alexis sa kapatid ko. Kung sabagay, head over heels eh.

Sumakay kami ng tricycle papuntang palengke kasi kasama ko pamangkin ko. Kung akala ko lang lalakarin ko kaso mainit din baka mapawisan siya at magka rashes yari ako sa Ate ko. Pagbaba namin ng tricycle, parang mall ang dami ng tao pero nakakatawa kasi amaze na amaze ang pamangkin ko sa mga nakikita niya. Turo dito, turo duon.

“Uy suki! Anong sa atin?” masayang bungad sa akin ni Aling Carmel. Matagal na kaming bumibili sa kanya nila Tatay lalo pa at naging classmate at kaibigan ko ang bunso niyang anak na si Andeng ng highschool. Andrea talaga pangalan niya kaso hindi ko alam saan nahugot yung nickname niya ng parents niya.

“Hello po. Aba, kahit minsan nalang ako madayo dito bakit parang bawat punta ko lalo po kayong gumaganda.”

“Ay sus! Nambola ka pang bata ka!” natatawa niyang tugon. Natawa din si Bon kasi natuwa siya sa tawa ni Aling Carmel.

“Ikaw bantay ngayon ni Bon?”

“Opo. Nasa canteen po kasi sila namin. Ano po kaya magandang itanghalian namin ni Bon?”

“Ay heto, gulay. Sariwa iyan. Kakabagsak lang n’yan dito kanina.” sabay turo sa mga nakahilerang iba’t-ibang gulay, “Sahuganmo nalang ng karne kung ayaw mo ng purong gulay.”

Nakabayad na ako kay Aling Carmel ng napamili ko sa paninda niya ng biglang may humampas sa kanang braso ko at narinig ko ang paghagikhik ng salarin.

“Andeng! Walang hiya ka ikaw pala iyan akala ko kung sino. Babatukan na sana kita eh.”

“As if namang gagawin mo lalo pa kasama mo iyang si Bon.” tugon nito at binelatan ako sabay pisil sa pisngi ng pamangkin ko, “Hello, Bon-Bon! Buti sumama ka dito sa Tito mo?”

“Grabe ka naman! Para namang ang sama kong Tito sa tanungan mo!” nakanguso kong tugon. Si Bon-Bon naman hagikhik lang ang response sa nangyayari.

“Anong gusto mo Bon? Sagot ko na. Anong binili sa iyo ng Tito mo? Anong binili mo kay Bon, tukmol?” sabay silip sa eco bag na nakasukbit sa balikat ko at harap sa nanay niya, “Ma! Anong binili nito?”

“Gulay saka giniling.”

“Ay panget ka-bonding ng Tito. Gulay lang saka giniling?” pabirong parinig nito sabay muling humarap kay Bon-Bon, “Gusto mo hotdog, Bon? Tender Juicy?” tanong nito at agad namang tumango si Bon.

“Ay, Bon! Wala na tayo budget sa hotdog! Sumbong kita kay mama mo. Nag hotdog ka na kahapon eh.” sabi ko. Favorite niya kasi hotdog eh baka maging pula na siya kaka hotdog niya. Concern lang naman ako.

Agad naman ngumuso ang pamangkin ko sa akin. Halatang nagpapaawa. Hay naku! Hirap tanggihan nito kapag gumanito na. Ate nga hirap eh ano pa kaya ako? Tama lang naman ako na may puso at damdamin.

“Oh. Kay Bon iyan ah. Hindi ka kasama d’yan.” inabot sa akin ni Andeng ang isang supot na sa tansya ko ay kalahating kilo ng hotdog. Babayaran ko na sana dahil nahihiya akong kunin ng libre kasi sabi ni Aling Carmel eh wag na daw dahil si Andeng naman daw ang magbabayad ng kinuha niya sa paninda nila.

“Talaga ito oh.” nahihiya kong sabi, “Salamat.”

“Wala ’yon. Minsan lang tayo magkita sa busy natin parehas. Kailan mo balak bumalik sa pagaaral? Gagraduate na ako oh.” proud na sabi ni Andeng sa akin.

“Naka nice naman! Sana all! Heto, magiipon muna ako pagka nagka trabaho ako alam mo na para hindi dumagdag sa gastusin sa bahay.”

“Aww, napaka huwaran talaga! Kundi ka lang sira ulo ng highschool makakakuha ka ng pwedeng sponsor mo sa college eh.”

“Huwag mo ng paalala. Nagbabagong buhay na nga eh.” sabi ko at binatukan siya kaya ginantihan ako ng hampas sa braso ko.

Napaka bayolente talaga ng henerasyon ngayon. Tsk, tsk.

Matapos kong makipag tsismisan saglit ay nagpaalam na ako para makauwi na kami ni Bon at makaluto na ako ng tanghalian namin. Paniguradong gutom na ito kasi gutom na ako.

After naming makauwi galing palengke ay agad na akong nagluto ng tanghalian. Syempre bawal mawala yung hotdog ni Bon. Nang matapos kami kumain ng pananghalian ay hinayaan ko lang siya ulit manuod ng tv habang naghuhugas ako ng pinagkainan at naglinis ng lamesa. Binuhat ko paakyat ng kwarto nila ni Ate si Bon ng mapansin kong nakatulog na ito.

Balak ko na sanang magpahinga din sa sofa sa sala ng biglang may narinig akong nagtatao po sa labas ng bahay namin.

“Istorbo naman oh!” maktol ko pero ayos mukha pa rin ng lumabas ng bahay para harapin ang kung sinong damuhong na nanira sa balak kong pagpapahinga.

“Sino ho sila?”

Parehas kaming nagtansyahan ng matandang lalaki na nasa may gate namin ng makita niya ako at ganuon din ako sa kanya. Thou kahit matanda siya parang may ‘asim’ pa rin siya. Like, gaya nga ng sabi ko sa inyo before, no homo marunong lang ako umappreciate ng kagwapuhan ng ibang lalaki gaya ko. Like, very slick and rich daddy vibes ganuon siya. Kahit sa malayo mukhang tatlong beses sa araw kung maligo ito.

“Good afternoon. I’m here for Ezekiel Martinez.”

“Ezekiel?” ulit ko. Teka, parang familiar yung name. . wait! Gago ako iyon!

Bakit ako hinahanap nito? Ano kailangan nito sa akin?

“Sino ho sila?”

Pinagmasdan ko maigi yung lalaking nasa harap ng gate namin at wala akong ibang maisip na pwedeng dahilan kundi yung nangyari kagabi sa party na pinuntahan namin at yung eksena namin ng ex ni Alexis. Ganuon kasi yung sa mga pelikula di ba? Or sa mga dramarama? Kapag mayaman yung nakabangga nahahanap agad nila yung taong kailangan nila ipahanap? Now alam kk ng nangyayari pala talaga iyon sa reality.

Ngayon anong gagawin ko?

A. Mag hysterical para makuha ang atensyon ng mga kapit bahay

B. Unahan ko sa gagawing pananakot gamit ang walis ting-ting

C. Magpanggap na may amnesia

“Apologies, I’m Alberto Gutierrez. Anton’s friend. Hindi mo pa naman siya limot siguro? You guys met last night.” pakilala niya while smiling at me.

Saktong pagsabi niya nu’n lumabas sa kotse si Anton like an effin main character sa luob ng mamahaling kotse.

Uh-oh.

Pakiramdam ko heto na iyon, dito na tuluyang magbabago ang buhay ko ng dahil sa sing-sing na ito.

Hoping for the best and not the worst!

SIETE

Umupo ako sa harapan nina Anton at Berto pagbalik ko galing sala dala ang merienda para sa kanila. Kahit hindi ko pa ganuon kakilala silang dalawa aba dapat lang na patuluyin ko sila sa bahay bilang bisita kesa naman sa labas kami mag usap mamaya may importanteng bagay sila na sabihin na hindi pwede marinig ng iba.

Isa pa, delayed pasasalamat na rin ito sa pagtulong sa akin kahapon ni Anton ng inatake ako ng allergy ko.

But come to think of it, walang duda na yung singsing ang pinunta nila dito lalo pa at kita ko sa mga mata ni Anton ang interes niya dito kagabi at ngayon itong si Berto naman na sumisimple din ng tingin pero halatado naman. Tsk, tsk.

“Hindi naman sa pagiging bastos ano ho, pero ayaw ko lang ng paliguy-ligoy kasi. Nandito ba kayo dahil dito?” tanong ko at tinaas ng kamay ko na may suot ng singing.

Naubo si Berto sa gulat samantalang si Anton diretsong tumango sa tanong ko.

So ito nga ang pinunta nila.

Like, gaano ba ka-importante ang singsing na ito?

“Ano bang espesyal sa singsing na ito?”

“Have you heard the surname Del Lovato before? I’m sure you do. The said family is very influential here and abroad.”

“So mayaman sila ganuon? Hmm, familiar pero bilang isang mamamayan ng bansang tinitingala ng lahat bilang paraiso at palaruan ng mga mayayaman at maipluwensyang tao bakit wala akong alam gaano tungkol sa kanila? Is it because hindi ako nanunuod ng tv? Hindi naman sila nabanggit sa history at napag aralan sa school so, no. No ang sagot sa tanong mo dahil ako nga mismo hindi ko alam saan ko narinig ang apelyidong iyon. Familiar lang. O baka iniisip ko lang na familiar pero hindi. Maybe kulang pa ang yaman at impluwensya nila para makarating sa gaya naming mga tao na kumakayod sa araw-araw para mabuhay at sa busy namin wala kaming time para alamin sino ang mga mayayaman at kung may naitutulong ba sila sa gaya namin.”

Kita ko kung paano mabilisang nilingon ni Berto si Anton at binuka ang bibig niya at sabihin ang salitang ‘Aba, Pilosopo!’ ng walang boses ngunit sapat para malaman ko ang kanyang sinabi samantalang si Anton umiling lang sa kanya na may ngisi sa labi.

“I told you, he’s a real one. Not just the ring that he has with him hindi gaya ng mga nauna sa kanya. Remember what our kumpadre said before when he was alive? Let the ring choose its owner and it can’t be a coincidence that the ring chosed someone as fierce as him. It’ll be nice really to see him with our pequeño diablo . I wonder whose gonna win.”

Umiling si Berto at tinigan ako mula ulo hanggang ulo ko lang. Hindi ulo sa ibaba ha? Ulo lang sa itaas. Nakatitig lang siya sa akin na parang robot na inaalisa ang pagmumukha ko. As if namang malalaman niya na dalawang magkaibang sabon ang gamit ko. Isang sabon sa mukha at sa buong katawan.

At hep, bago kayo mang judge na yung sabon sa buong katawan ang gamit ko sa pwet ko kapag y’know, nagbabawas ako eh d’yan kayo nagkakamali. Iba ang gamit ko. Sa inyo ko lang ito sasabihin at h’wag ninyo ako isumbong sa ate ko, please lang! So anong gamit ko? Well, nakiki share ako ng feminine wash sa ate ko. Iyon gamit ko sa pwet ko saka sa alam ninyo na, sa junior ko. H’wag ninyo ako i-judge, okay? Hindi ko rin alam sa sarili ko bakit iyon ginagamit ko. Siguro kasi feeling may aircon down there kapag iyon gamit ko. May fresh feeling effect kasi bukod sa feeling ko hindi siya dry at mabaho lalo na kapag nagsh-shave ako ng damuhan down there! Aaahh! Too much information na itong sinasabi ko sa inyo so back to reality na ako sa dalawang kaharap ko na ito.

“Pwede ko bang mahiram saglit iyang singsing mo? May titignan lang ako.” sabi ni Berto na ngayon ay nagsusuot na ng isang hindi pipitsyugin na glove sa kaliwang kamay niya.

“Ayaw ko nga! Baka hindi mo ibalik eh!” sabi ko ng nakanguso at tinago sa likuran ko ang kaliwang kamay ko.

“H’wag ka magalala. Ibabalik ni Berto ang singsing sa’yo. Gaya ko ay wala siyang interes d’yan. May gusto lang siyang makita para makampante niya ang sarili niya na iyan nga ang singsing ng kaibigan namin.”

Tinitigan ko silang dalawa maigi lalo na si Berto. Napabuga nalang ako ng hangin kasi mukhang seryoso talaga si Berto sa kung ano mang motibo niya sa singsing. Syempre dahil tao lang naman ako na may feelings eh pinagbigyan ko na.

Pero subukan lang nila ako lokohin lalo na itong si Berto sisigaw ako ng tulong dito para kuyugun sila ng mga kapit-bahay namin. Heh!

Inabot ko kay Berto yung singsing na siyang marahan niyang kinuha. May mga nilabas siyang gamit sa dala niyang mamahalin na leather bag na ginamit niya para i-check yung singsing.

Ilang buntung-hininga ang pinakawalan niya sa bawat palit niya ng instrumentong gamit niya samantalang si Anton chill lang na kumakain ng gawa kong leche flan na natutunan ko kay Tatay.

“Ito nga talaga ’yung singsing.” sabi ni Berto na hindi ko alam kung positive o negative ba sa neutral ng bosea niya.

“Sabi ko naman sa’yo. Iyan nga ’yon. Pamilya namin ang nag disenyo ng singsing na iyan at pamilya mo naman ang nagassemble so paanong hindi ko malalaman na iyan ang orihinal sa unang tingin? Isa pa, may kung ano sa singsing na iyan na nagbibigay ng kakaibang recognition sa taong makakita ng singsing at may suot nito sa kanya.”

“O’ ngayon na nahanap at napatunayan na natin na ito nga ’yung nawawalang singsing, ano ng plano natin?”

“Anong plano? Syempre ihaharap natin siya sa kanila. Sa kanya napunta ang singsing, siya ang kailangan nating iharap sa kanila. Whether they like it or not, siya ang may suot ng singsing kaya kung anong nakalagay sa last will ni kumpadre ay siyang tutuparin natin.”

“This is insane, Anton!”

“I know but this could be the start of something interesting. Remember, our kumpadre doesn’t give a shit of what type of person could get the ring because he trusts the ring to choose the right owner. Y’know, Berto if naiinggit ka sa pwedeng mangyari between him and our pequeño diablo maybe its about time na magkaruon na kayo ng closure ng ex mo.” sagot nito.

“Fuck off.” inis na tugon nito at inabot pabalik sa akin ang singsing ko.

Tinigan ko silang dalawa and right now, they seem like a normal person fighting over, I don’t know. Something about Berto’s ex.

Pero, wait. Ano munang mangyayari sa akin simula sa araw na ito? Am I going to be doomed? Yayaman ba ako? Magkaka asawa na ba ako? Like what?

Magtatanong na sana ako sa kanila ng biglang umeksena ang pagtunog ng cellphone ni Anton. Wow, sobrang right timing naman. Pff.

Lumayo si Anton sa amin ni Berto para kausapin yung tumawag sa kanya kaya naiwan akong pinagmamasdan si Berto na focus sa pagkain niya ng leche flan ko.

“Saan mo nabili ito?”

“Bakit? Masarap ba?”

“It just reminds me of someone.”

“Ha? Bakit? Lasang leche flan ba yung taong iyon? Ako may gawa n’yan eh.”

Ang sama ng tingin niya sa akin pagsabi ko nu’n kaya agad akong nag peace sign sa kanya. Mahirap na baka tinidorin ako.

Sa kanilang dalawa, napansin ko na si Anton yung chill at si Berto yung seryoso sa buhay pero hindi ko ipagkakailang may pagka babaero vibes siya unlike si Anton na mukhang pamilyadong tao.

“I’m sorry if we have to cut this short, hijo. Berto and I will be leaving for now.”

“Ha? Agad? Pero hindi ninyo pa ubos yung leche flan.” nakanguso kong sabi. Nakakatampo naman itong mga ito! Bihira lang ako magpakain ng luto ko sa ibang tao tapos hindi uubusin? Singilin ko kaya sila sa kinain nila? Kung sabagay, isang llanera ng leche flan 120-150 depende sa laki base sa presyuhan ni Ate sa benta niyang leche flan.

“I’ll take it with me. Tutal ngayon ko palang kinakain itong hinanda mo sa amin.” sagot ni Berto at tinignan si Anton, “What’s going on?”

“The usual. Pressuring pequeño diablo to step down to his title that’s why we have to get there fast. We need to remind the greedy idiots about Fonz Last Will.”

Pag alis nila, seryoso nga si Berto na dadalhin yung leche flan sa pupuntahan nila at hiningi ni Anton yung number ko just incase (actually, hindi ko pa din alam kung bakit) dahil magkikita daw kami ulit soon.

Saktong tapos na ako maglinis ng sala ay siyang dating naman ni Tatay galing sa canteen namin. Hindi niya kasama si Ate dahil nagpaiwan daw ito duon at pinauna siyang umuwi para tulungan ako sa pagbebenta ng barbeque-han sa tapat ng bahay namin lalo pa at maga-ala sais na ng gabi.

“May bisita ka kanina, ’nak?”

“Po?”

“Naiwan ’yung amoy ng pabango ng bisita mo. Amoy Oud Wood.”

“Oud Wood?”

“Oo. ’Yung Tom Ford yung tatak. Aba, lume-level up na anak ko ah. Nagkaka ruon na ng friends at mukhang mayaman pa. Hay, huwag mong kakalimutang lingunin ang pinanggalingan mo, nak ah!” paglalambing ni Tatay sa akin at niyakap ako habang nagtutuhog ako ng karne sa stick.

“’Tay! Hindi ko iyon friends. Ano iyon. . Mga ano sila nagbebenta ng mga Class A na pabango! Oo, ayun eh nag spray kasi sila kanina ng mga tinda nila iyan yata naamoy ninyo. Mawawala din iyan mamaya. Hindi mo ba bet ’yung amoy, ’Tay? Buksan ko nalang yung ceiling fan.”

“Wag! Hayaan mo lang.”

Ewan ko kung ako lang ba pero bakit feeling ko, may something ngayon kay Tatay ko o baka ako lang dahil naeexcite ako na kinakabahan sa muling pagkikita namin nina Anton at Berto?

OTSO

“Kuya! Ano ba?!” inis na sigaw ni Phen sabay hampas ng unan sa tagiliran ko dahilan para tuluyan akong magising at sa bilis ng bangon ko nauntog ako sa kisame. Walang hiya naman oh!

“Bakit ka ba nanghahampas? Sinasaniban ka ba?” inis kong tugon sabay hilamos ng palad ko sa mukha ko.

“Kanina pa tumutunog ’yang phone mo! Sino ba kasing asong ulol tatawag ng dis oras ng gabi? Kakainis naman oh! Nakatulog na ako eh!” maktol ni Phen sabay padabog na bumalik sa pagkakahiga niya.

Nailing nalang ako at napatingin sa cellphone ko. Aba, oo nga. May tumatawag. Sino kaya ito? At 1 AM na pala ng madaling araw.

“Hello?” groggy kong sagot sa kabilang linya. Bumaba ako ng bunk bed para lumabas ng kwarto at pumunta ng kusina. Nauhaw kasi ako bigla.

“Hijo.” panimula nito. Saglit kong nilayo sa tenga ko ang phone ko ang tinignan ang naka register na number sa phone screen. Unknown number. Bihira ang tumatawag ng hijo sa akin and in this case iisang tao lang naman recently ang gumagamit ng term na ito sa akin.

“Anton?”

“Berto ’to. Sinagot mo rin sa wakas. Kanina pa ako tumatawag sa’yo. Nandito kami sa labas ng bahay ninyo. Labas ka at kailangan ka namin. Importanteng-importante na maiharap ka na namin sa kanya bago ka pa matunton ng mga kalaban.”

Huh? Anong kalaban pinagsasasabi nito? Nananaginip ba ako?

Tumigil ako sa balak kong pagpunta sa kusina para sumilip sa bintana sa labas. Aba malay ko ba kung nananaginip lang talaga ako o high lang ako kakalanghap ko ng usok sa pagiihaw kagabi.

Yari ako kay Tatay kung gising lang siya at nakita niya akong biglang lumabas ng bahay para lang sugurin yung nakaparadang kotse sa labas. Aba shuta! Hindi nga ako nananaginip! Nasa labas nga ang mga damuhong! Naka high ba itong mga ito at ganitong oras nila gusto makipag meet up?

Syempre sinigurado kong na-lock ko yung pinto bago ako sumugod papasok sa luob ng nakaparadang kotse. O’ di ba? The confidence at kakapalan ng mukha. Ni hindi ko nga alam kung sila nga ito o hindi basta pumasok nalang ako.

Walang sinayang na minuto si Berto at agad ng pinaandar yung kotse habang si Anton abala sa kung ano mang pinagkakaabalahan niya sa tapat ng laptop niya. Speed naman masyado itong dalawang ito. Madaling araw palang naman. Natutulog ba itong mga ito?

“So anong atin, mga bossing? Masyado tayong on-the-go ah? Reporter in disguise ba kayo?” tanong ko ng ilapit ko ang sarili ko sa gitna nilang dalawa para makuha ang atensyon nila. Nasa back seat kasi ako nakaupo.

“Kung ako sa’yo imbis na dumaldal ka d’yan, ihanda mo na ang sarili mo. Naalala mo ba ang mga sinabi namin sa’yo tungkol sa kung gaano kahalaga ang singsing na iyan? Pwes, now is the time para ma-meet mo ang apo ng kumpadre namin. Just a reminder that whatever happens later, be that rebellious, feisty kid na nakilala ko sa party. It’s better not to give in to that pequeño diablo’s persuading. Hindi iyan nilagay ng kumpadre naman sa suit na nakuha mo para lang sa wala. There’s a reason bakit hindi niya diretsong binigay iyan sa apo niya and that is for you to find out. Do you underst–? What the fuck are you wearing?”

Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko kahit wala kaming nadaanan na hump sa kalsada sa gulat ko sa biglaan niyang pagsigaw.

Agad naman akong napatingin sa suot ko at nanlaki ang mga mata ko ng marealize kong hindi pala ako nakapagpalit ng pantulog.

Biglang napa preno si Berto ng mapatili ako sa frustration dahil sa nakakahiya kong suot. Napatili din sila pero hindi ko alam kung bakit. Tumigil lang ako sa pagtili ng binatukan ako ni Anton.

“Aray! Bakit ka namamatok? Inano kita?”

“Nagulat ako sa tili mo eh!”

Agad ko ding nilingon si Berto ng batukan din ako nito. Ang bayolente pala ng dalawang ito jusko! Help!

“Oh inano kita? Huwag mong sabihing nagulat ka rin? Wala kang originality?”

“Punyemas! Bakit ganyan suot mo? Baka hindi ka seryosohin ng apo ni Fonz!”

“Malamang naalimpungatan ako sa inyo wala na akong time na magpalit. Isa pa, nawala din sa isip ko na hindi ako nagpalit after akong gawing model ni Ate sa paninda niyang onesie!”

Napa tampal sa mga nuo nila sina Anton at Berto na para bang gugunaw na ang mundo dahil sa outfit ko.

“Ano ba! Wag nga kayong OA d’yan. Kayo ko namang i-pull up itong damit na ito. As if namang mga naka formal yung nanduon sa pupuntahan nating place.”

“Fuck.”

“Hell no, Fonz must be pranking us that this is what he let the ring chose.”

Napataas ang kilay ko sa dramatic na reaksyon ng dalawa sa akin. Muli ng umandar ang sasakyan papunta sa kung saan at saka ko lang narealise ng nagtampu-tampuhan ako sa backseat na shit, naka formal silang dalawa.

Oh fuck. Fuck nga talaga.

“Should we?”

“We don’t have time. We just need to trust this. . this eggplant right here that he can pull his shit later.”

“You heard him, hijo. Pull that outfit later as we negotiate with puqueño diablo. We have to win. You have to help us fulfill our kumpadre’s Last Will. You need to win with that ring so you can change your life, or his life for the better.”

Hindi na ako umimik kasi ngayon kinakabahan na ako sa mga naririnig kong pinagsasasabi nila. Like, pwede bang panaginip lang ang lahat ng ito kasi hindi pa ako ready?

Agad akong napatingin sa lugar na pinaghintuan namin.

Amusement Park?

Anong gagawin namin dito?

Unconsciously, napahawak ako sa singsing ko. Oh jusko, sa dating may-ari nitong singsing na ito na siyang lolo ng apong kikitain ko, tulungan ninyo akong huwag ma-salvage! Gusto ko pa pong makapag tapos ng college at makapag asawa at magkaruon ng pamilya! Huhu.

Paglabas namin ng kotseng tatlo bakas pa rin sa mukha nilang dalawa ang pagaalala dahil sa outfit ko.

Tangina naman kasi. Bakit kasi hindi ko naisipan magpalit after kong i-model itong ipapaninda ni Ate na onesie na talong eh! Nakakahiya! Lintek.

Naglakad kami ng naglakad hanggang sa makarating kami sa part ng amusement park na may mga lalaking nakasuot ng all black suits. Ang sketchy naman ng mga ito bakit sila dito nagkita-kita? Kulto ba sila? Balak ba nila akong gawing alay?

Wrong timing kapag nagkataon. Worst fit ever! Imagine, ginawa kang alay habang nakasuot ng talong onesie? Shame!

“Mateo, our pequeño diablo !” energetic na bati ni Berto na kinagulat ko kasi ’yung seryoso niyang demeanor biglang naging sweet? Sinong kaluluwa sumanib sa kanya? Plus, parang tanga lang hindi pa nga kami nakakalapit ng tuluyan sa tinawag niya naka open arms na agad siya. Balak niya bang yakapin ang hangin?

Nagsilingunan ang mga lalaking naka suits sa amin and damn, they all look like magazine cover models! I drooled este I envy. Look at those body built! Witwew!

Nag usugan yung mga lalaki sa gilid para mag make way sa pagdating namin and I tell you, I have never been so ashamed of my entire life, not until now na pinagtitinginan nila ako dahil sa outfit ko. Pakiramdam ko nilayasan ako ng sarili kong kaluluwa.

Gusto ko nalang magpalamon sa lupa!

Well, hold up! Give me a second. No a minute!

Just give me one minute para titigan itong great being sa harap ko na naka glittery, red suit na hinulma malamang ng mga diyos at diyosa bago ako magpalamon sa lupa! How does it feel to be god’s favorite? How?!

Matangkad, malaki built ng katawan, maganda ang hulma ng balikat, hindi pwedeng i-compare sa artista o model ’coz it will be a shame for them to stand next to this handsome man. Not to mention, moreno. Malaki adams apple (nahiya yung akin), and damn! The panga is nanapak! May laban! And the hands, I mean fingers! Naka ilang y’know kaya ito para ma achieve yung ganyang kagandang hulma and going back to his fave, damn the face! So dangerous yet flirty! Cat eyes, matangos yung ilong, kissable lips, and damn! The clean cut hairstyle so overall, kahit sa malayo nagiistand out siya at amoy mabango.

“I’m not marrying that fucking eggplant!”

Nagising ako sa pagde-daydream ko ng dumagundong ang malakas at lalaking-lalaki na boses ng lalaking nasa harapan namin nila Anton.

Marry? Ano marry? Teka, seryoso ba sila sa sinabi nila na kailangan naming magpakasal na dalawa? This better not be real! I certainly am dreaming!

“Marry?” taka kong nilingon sina Anton at Berto pero pokerface lang silang dalawa.

“Apologies, but we’re not fucking around too, Mateo. We’re just following the Last Will of your Grandfather. If you don’t agree, the best thing we can do is to have him replace you as the Absolute Leader.”

“This is absolute bullshit!” galit na sabi ng lalaki and the next thing I know may mga nakatutok ng baril sa direksyon naming tatlo.

Anak ng santisima! Jusko!

But Anton and Berto doesn’t seem unfaze of the situation kahit na galit ng lumakad ngayon papunta sa direksyon namin yung lalaking tinawaf nilang Mateo na siyang apo ng kaibigan nila.

Bakit ganuon? Kahit mukhang papatay na ito ng tao, ang gwapo pa rin ng mukha niya? Anong gamot ba nilaklak nito at kaninong derma ito nagpapa check up?

“Hijo! Do something!” utos sa akin ni Anton pero hinaharangan nila ako ni Berto na parang shield ko sila.

Nakita kong nagkasa ng baril si Mateo kaya bago niya iputok sa langit iyon or sa kung sino man sa amin eh umaksyon na ang inyong lingkod.

“The fuck did you do that for?” napahawak siya sa pisngi niya ng sampalin ko siya ng malakas.

Heh, nothing beats a hard slap to get you back to your senses.

“Talak ka ng talak eh! Para kang manok! Buti nga hindi kita sinakal eh!” naka pamewang kong sabi, “And excuse me, wala kang karapatan mag inarte sa ating dalawa dahil ikaw nangangailang nitong singsing na ito kaya ikaw dapat ang lumuhod para humingi ng basbas ko na pakasalan kita sa asal mong iyan at hindi ako! Ano tingin mo? Bibigay ko ito sa iyo ng basta-basta? Eh hindi ka nga naghirap hanapin ito mag isa mo! Kapal mo ah!”

“You fu–!. . Fuck!” inis niyang sambit ng sampalin ko ulit siya sa kabilang pisngi naman niya.

“Subukan mong iputok iyang baril mo sa akin, tatanggalan kita ng karapatan magka anak na gago ka!”

Jusko po, huwag ninyo po sana ako hayaang ma-tsugi nitong lalaki na ito. Ginagawa ko lang po ito out of adrenaline rush! Huhuhu! Taena naman kung alam ko lang ganito mangyayari sa akin dahil sa singsing na ito sana ibang suit nalang binili namin ni Ate sa ukay!

NUEVE

“Anton oh! Sasapakin ako!” sumbong ko na parang bata habang nakatago sa likuran niya. Lintek kasing Mateo iyan balak akong suntukin. Inano ko ba siya eh totoo naman yung sinabi ko sa kanya kanina.

“Bakit ka nagtatago sa likuran namin? Makipag buno ka nalang sa kanya habang hindi niya pa ulit naiisipang gamiting iyang baril niya sa sino man sa atin! Bakla ka ba?” inis na sabi ni Berto.

Tinaasan ko siya ng kilay, “Ayaw ko lang makipag suntukan, bakla na agad? Harsh mo ah! Singilin kaya kita sa leche flan na tinake out mo? Grabe ka ah! Hindi ba pwedeng ayaw ko lang magasgasan yung suot kong singsing!”

“Aish! Iyon lang pala pino problema mo eh di akin na. Ako na hahawak ng singsing habang nakikipag suntukan ka sa kanya.” singit ni Anton sa usapan.

“Ayaw ko nga!” binelatan ko silang dalawa.

“Stop wasting my time you fucking eggplant! Give me my grandfather’s ring or else! That’s my ring not yours!” umaba itong lalapit sa akin kaya kinaladkad ko si Anton paharang sa akin.

“Anong sa iyo? Hindi nga binigay sa iyo eh!”

“You little–”

“Oh bakit totoo naman ah! Hindi ka kasi love ng lolo mo kaya hindi pinamana sa’yo!” pangaasar ko na may kasamang belat at ang loko lalong naasar dahil hindi na siya nakapag timpi pa at tuluyan na kaming sinugod nila Anton. Nang nakita kong maco-corner kami dahil sinenyasan ng demonyito ang mga tauhan niya ay humiwalay na ako kina Berto at parang tangang nag Shingeki no Titan Run habang baliw na nagsisisigaw. Malay ninyo naman may dumating na rescue sa amin.

Para akong nakikipaglaro ng mataya sa mga ito tapos lahat sila yung taya na kailangan kong maiwasan. Nakakapagod kaya! Pero buti nalang nakita kong nakitakbo sina Berto at Anton sa akin. Nawala tuloy yung kaba ko kasi ang saya! Para lang kami nakikipaglaro. . . kay Kamatayan! Huhuhu!

“Sira ulo ka! Bakit mo kami iniwan?!” inis na sabi ni Berto na ngayon ay katabi ko na sa pagtakbo.

“Ang bagal ninyo kaya! Maco-corner ako! Ayaw ko nga ibigay yung singsing, di ba?”

“This is dumb.”

“Yeah, dumb ways to die . .” tugon ko ng pakanta na nakangiti pa. Akala ko mage-gets niya kaya lang sinamaan ako ng tingin. Oo nga pala. Bagets lang pala gaya ko ang nakakaalam ng larong iyon.

Lumingon ako para tignan gaano na kami kalayo sa mga humahabol sa amin kaso pagtingin ko, malapit na nila kami maabutan.

“Nasaan pala si Anton?” tanong ko.

Saka lang narealize ni Berto na hindi niya kasama si Anton sa pagtakbo at agad niyang hinanap sa paningin niya ang nasabing lalaki.

Umisang lingon pa ako ulit at ng mahahablot na ako ng isa sa mga humahabol sa amin napayuko ako sa gulat ng isang putok ng baril ang umalingawngaw sa hindi kalayuan. Agad kong hinanap si Berto at si Anton. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong okay sila parehas. Pero saan galing iyon?

Saka ko nakita ang nakatayong si Mateo na katabi ni Anton at nakataas ang isang kamay sa ere hawak ang baril niya na may usok pang lumalabas. May lahi ba siyang happy trigger?

“You! Get over here!” galit na utos sa akin habang si Anton sumesenyas na lumapit ako duon sa kanila. Balak ba ako nito ialay? Eh kaya nga ako tumakbo palayo para makatakas.

“Ayaw ko nga! Bakit ako–! Aahh! Bitawan ninyo ako!” nagpupumiglas ako sa pagkakahawak ng mga tauhan niya sa akin para ipunta ako sa pwesto nina Mateo at Anton kaso syempre walang nagawa powers ko. Ang dami nila eh!

So ang ending nasa harapan na ako ni Mateo.

“Give me the ring.” utos nito, pilit na pinapakalma ang sarili niya.

“Hindi. No. Ayaw ko. Bawal. Ano bang mahirap intindihin sa mga sinabi ko?” naka pamewang kong sabi.

“Give me the ring and I’ll keep you alive.”

Tinaasan ko siya ng kilay. Maganda yung offer pero no. Dati akong sira ulo ng highschool at makailang beses kong narinig ang mga katagang kapag ginawa ko yung ganito-ganyan mabubuhay ako, psh. Akala niya ba ako matatakot niya ako? Kung ako lang, okay lang sa akin kung ma-tsugi ako kung hindi ko lang iniisip sila Tatay eh.

“Sa asal mo ngayon lalo mo lang pinapaintindi sa akin bakit hindi sa iyo binigay ng Lolo mo ang singsing na ito. Spoiled ka. Akala mo ba kung anong gustuhin mo makukuha mo lang ng basta-basta dahil galing ka sa mayamang pamilya o dahil sa gwapo ka? Pwes, kung gusto mo ito makuha paghirapan mo.” bumuntung-hininga ako at saglit na pinagmasdan yung singsing sa daliri ko at nilingon sina Anton, “Ano ba yung nasa Last Will ng Lolo nito?” tanong ko sabay turo kay Mateo na agad namang sumabat sa usapan.

“You don’t have to know. You’re just a nobody .”

Napangisi ako ng marinig ko ang huling sinabi niya. Oh really? Saglit ko siyang nilingon pabalik.

“Ikaw ba kinakausap ko? Talaga bang ganyan kayong mayayaman? Hindi kayo makabili o makakuha ng lesson to learn manners?”

“You bas–!” inis na tugon nito at balak na ako umbugan kundi lang pumagitna si Berto.

“Enough! Mateo! Stop acting childish. Just because you currently have the label of being absolute leader it doesn’t mean you will stoop this low para lang makuha mo singsing ng Lolo mo. Ezekiel’s right. One of the reasons why Fonz didn’t hand you the ring is because you’re way too spoiled to a lot of things. He wants you to learn a thing or two kaya sinadya ng Lolo mo iwala iyang singsing na iyan para kung sinong makakuha n’yan ang siyang magtuturo sa iyo ng mga bagay na hindi nagawang ituro sa iyo ng Lolo mo.” saad ni Berto, “And luckily enough, this stubborn boy infront of you is the perfect person the ring had chosen.”

“Bullshit! This is bullshit!” maktol ni Mateo.

“Alam mo para lang matapos na ito dahil naririndi na ako sa kakasigaw mo, kung gusto mo talagang makuha itong singsing sa akin eh di paghirapan mo. Makipag bunong-braso ka. Kapag natalo mo ako, fine ibibigay ko sa iyo yung singsing pero kapag nanalo ako, gagawin natin yung Last Will ng Lolo mo na sinasabi ni Fonz.” naka pamewang kong suggest.

“Are you crazy? I’m not going to marrry you. We’re not getting married. No one’s gonna get wed out of this bullshit thing right here.” galit na sabi niya sabay turo sa singsing ko.

Napabuntung-hininga ako. Tigas din ng bungo ng isang ito eh. Binibigyan mo na nga ng options.

“Bahala ka nga kung ayaw mo eh di wag! Binigyan kita ng options. Ngayon kung ayaw mo talaga makipag cooperate, aalis na ako and no, hindi ko ibibigay itong singsing sa iyo. Susunod ka o masusunod ako. Ganuon ka lang ka-simple. Babush!” inirapan ko ito at nagsimula na maglakad palayo. May haharang sana sa akin sa paglalakad ko ng walang pagdadalawang isip ko itong tinadyakan sa junior niya. Syempre namilipit at nagsisisigaw siya sa sakit pero who cares? Inis na ako eh.

Kita ko sa peripheral ko paano magtinginan sa isa’t-isa yung mga tauhan ni Mateo pero the hell I care. Bukod sa pagod na ako sa ginawa kong pakikipag habulan kanina, sumasakit na rin ulo kay Mateo. Parang bata. Mas behave pa at understanding sa kanya pamangkin ko eh.

Narinig kong tinatawag ako nina Anton at Berto pero hindi ko sila nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa. . .

“Santiago Ezekiel Martinez!” isang nakaka uga ng kaluluwa na tawag sa akin ng I don’t know who but maybe I have an idea who he is, “Get your ass back here!”

Pero syempre pa tweetums tayo kaya nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad na parang walang narinig. I swear subukan lang nito magpaputok ulit ng baril niya magso-sonic the hedgehog ako na takbo at ipupukpok ko iyang baril sa ulo niya. Kawawa naman ’yung matataman ng ligaw na bala sa pagiging matigas ng ulo niya.

“I accept your deal! You don’t really want to get married to a man like you, do you? Unless. .” mapang asar na sabi nito lalo na yung pinaka dulo which dinugtong niya yung last name niya sa akin, “You’re gay like your brother?”

Aight! That’s it.

Mabilis akong lumakad pabalik sa kanya at walang pagdadalawang isip na sinapak siya sa mukha. Gaya ng lagi kong sinasabi, insultuhin na ako huwag lang ang kapatid ko o ang pamilya ko. Ibang usapan iyon. Wala akong pakialam anong estado mo sa buhay pero kapag dinamay ang nananahimik na mga tao na malapit sa akin magagalit talaga ako.

“Huwag na huwag mong madamay-damay kapatid ko sa bagay na ito o kahit na sino sa pamilya ko! Wala kang karapatan para insultuhin sexualidad ng kapatid ko!” galit kong sabi habang pinupuntirya ng suntok ang gwapong mukha ni Mateo.

Nakakainis! Bakit ganuon? Kahit may sugat at nadudugo na yung mukha niya ang gwapo niya pa rin at nakangisi pa. Wait. . nakangisi? Bakit siya. .?

“Anong ngini ngiti-ngiti mo ha?” inis kong tanong habang hindi pa rin naaalis ang ngisi sa mukha niya at ang titig niyang malagkit sa akin.

“Te ves muy macizo.”

“Huh?” kahit hindi ko naiintindihan ang sinabi niya bakit parang biglang ang init ng pakiramdam ko? Lalo na ng pisngi ko? Ano bang meron sa boses nito ang nakakakiliti na ewan?

Saglit kong nilingon sina Anton at Berto para tignan kung okay pa ba sila sa mga kinatatayuan nila at kita ko ang nakangangang bibig ni Berto na para bang kagulat-gulat yung sinabi ni Mateo samantalang si Anton nakatulala lang. At yung mga audience este mga tauhan ni Mateo pokerface lang na nakatingin sa amin.

Muntik na akong matumba mula sa pagkaka patong ko sa kanya na hindi ko na realise na nadadaganan ko na pala siya pero buti nalang nahawakan niya ako agad kaya nakabawi ng composure at agad na tumayo at bumalik sa tabi nila Anton. Well, busy ako sa pagbugbog sa kanya eh samantalang siya walang pakialam. Baliw yata itong isang ito.

Pinunasan niya lang yung labi niyang napadugo ko in a ‘lalaki’ way at hinawi pataas ang buhok niya. Nilingon niya sina Anton at Berto.

“You win. I’ll marry him.” sabi nito at saka lumakad na paalis kasama mga tauhan niya.

Huh?

Huuhhhh?

HUUUHHHHH?!

“Good job, hijo! You really pulled yourself through! I’ll expect nothing but the best from you.” comment ni Anton na tuwang-tuwa habang pinapalu-palo yung likod ko samantalang si Berto tinanguan lang ako bago tumingala sa langit na siyang sinundan ko at saktong may isang bituin sa mga iyon ang pumukaw ng atensyon ko dahil sa pag kinang nito.

Talaga bang. . . magpapakasal kami?

DIEZ

“’Nak, kakain mo ba ’yang ensaymada mo? Akin nalang kung ayaw mo.”

Bigla akong bumalik sa reality ng marinig ko ang boses ni Tatay. Takte. Nagaalmusal nga pala kami.

“Pasensya na, ’tay. May iniisip lang.”

“Ano ba iyan, ’Tay! Dapat di mo na tinanong tignan mo nga si Phen ininom na yung gatas niya wala siyang paki eh.” dinig kong sabi ni Ate na ngayon ay karga-karga na si Bon at balak na niya yatang paliguan.

“Huh?” napatingin ako sa baso ko at ligit wala na nga yung gatas ko.

“Pheeennn!” inis kong sigaw at nilingon ang bunso naming nagmamadaling magsapatos.

“Male-late na ako eh! Love you, kuya!” lumapit ito sa akin para tapikin ako sa likod ko, halikan si Tatay sa pisngi, makipag apir kay Ate at pang gigilan saglit ang pisngi ni Bon bago tuluyang lumabas ng bahay para pumasok.

Napabuntung-hininga ako. Great. Wala na akong gatas. Nagtitimpla na naman tuloy ulit ako. Tatayo na sana ako kaso may lahing The Flash yata talaga Tatay ko at nilapagan na ako ng bago at mainit-init na gatas.

“Salamat, ’Tay.”

Tumango lang siya at pinunitan ako ng ensaymada para isubo sa akin. Napa pout naman ako. Ginagawa naman akong bata ni Tatay. Pero syempre gusto ko naman. Hehehe. Tatay ko ito eh bakit ba?

“Huwag mo masyadong isipin yung interview mo mamaya. Pumasa ka man o hindi, nandito pa rin naman kami. Hindi ka naman namin palalayasin ng bahay.” biro niya.

“Huh?”

“Aning huh ? Huwag mo sabihin sa akin nakalimutan mo na ngayon yung interview mo? ’Di ba bago kayo umattend ng party ni Phen sinabi mo sa akin nagtext sa iyo yung taga HR para sa sched mo ngayon ng interview.”

Nanlaki ang mga mata ko ng mapatingin ako sa magkadikit na kalendaryo namin ng mercury at chinese themed. Nakabilog yung araw ngayon ng kulay pula at may all-caps na sulat ni Ate na parang kinalaykay ng manok.

Oh shit.

Kakaisip ko sa nangyari kagabi este kaninang madaking araw nawala na sa isip ko yung tungkol sa interview. Hindi ko pa narereview ulit yung mga isasagot ko sa possibleng itanong sa akin!

“Aba, hindi ko alam kung dahil ba kinakabahan ka kaya kinalimutan mo o baka naman dahil. .” ngumiti ng kakaiba si Tatay at sinundut-sindot ang tagiliran ko. Syempre nakiliti ako.

“’Tay! Ano ba iyon?” inis kong tugon habang pilit na pinapatigil siya sa pangaasar niya pero hindi ko magawang magalit ng matagal kasi natatawa ako sa mukha niya eh.

“Luma-love life ka na ’no?”

“Hindi ah! Walang ganu’n! Busy ako sa life! Wala akong time sa ganyan saka sino naman magkaka gusto sa akin eh hindi nga ako sinagot ng mga niligawan ko ng highschool saka wala din namang umaamin na may gusto sa akin.”

“Basagulero ka kasi ng highschool kaya hindi ka sinagot ng mga niligawan mo ng high school bukod sa hindi ka gaya ng iba na ginagamit pera ng magulang nila pambili ng ganito ganyan. Ikaw harana lang. Nataon ka sa panahon na hindi na uso harana eh.” sabat ni Ate karga si Bon na katatapos lang mapaliguan.

“Grabe ka naman sa akin!” ismid ko.

“Paanong aamin eh natatakot yung nagkakagusto gusto sa iyo kasi baka hindi sila gaya ng ineexpect mo.” kibit-balikat na sabi ni Tatay, “Saka minsan ’nak nasa harapan mo na hindi mo lang napapansin.”

“Huh? Anong sinasabi mo, ’Tay? Kilala mo may crush sa akin? Eh bakit hindi ko alam?”

“Manhid ka kasi!” sabat ulit ni Ate na sinabayan pa ng tawa ni Bon. Weh, akala mo naman naintindihan niya. Tawa pa siya eh. Hmmp.

“Saka ano naman kung never ka pa nagka jowa. Malay mo hindi ka pala pang jowa, pang asawa material ka pala.” pambawi ni Ate sa akin sabay apir kay Tatay. Napangiwi naman ako.

Asawa material daw. .

. . Bakit sumagi mukha ni Mateo sa utak ko? As if naman! Baka naman nagbibiro lang iyon. Strategy niya siguro iyon para makuha yung singsing sa akin. As if namang ibibigay ko ito sa kanya. Saka as if din naman na pwedeng ikasal ang same-gender. Tsk.

After ko mag almusal nag asikaso na ako para sa magiging interview ko at habang nasa jeep kami ni Tatay papuntang canteen namin eh binabasa ko ng paulit-ulit yung sagot na nakita sa google sa mga maaaring itanong sa akin ng interviewer ko mamaya. Ngayon palang ako kinakabahan kasi ngayon palang din naman ako aattend ng job interview.

Ano ng gagawin kung sakaling hindi ako matanggap? Well, ano pa nga ba eh di maghanap ng trabaho na qualified ako sa kung anong kaya at nakikita nilang potensyal sa akin. Alangan namang magpaka lugmok ako hindi naman ako matutulungan nu’n. Besides, kasalan ito ni Mateo. Kung hindi dahil sa kanya baka nagawa ko pang alalahanin na may interview ako today eh di sana hindi ako cramming ngayon.

Konyatan ko iyang Mateo na iyan kapag nagkita kami ulit.

Teka, magkikita pa nga ba?

Hindi naman siguro siya seryoso na magpapakasal sa akin, di ba? Like, hindi naman sa dina-down ko ang sarili ko, nagpapaka realistic lang ako.

Parehas kaming lalaki at in my perspective, ’yung mga gaya niya talagang straight to the bones. Baka nga kapag biniro mo siya na magbakla-baklaan barilin ka nalang niya bigla eh sa kagaguhan na naisip mong ipagawa sa kanya. Saka hello? Mukhang kaliwa’t-kanan ang chikas ng hayop na iyon samantalang ako, pogi naman ako pero hindi ko alam bakit ni isa walang nagkamaling magka crush sa akin.

“’Nak, nandito na tayo.” napabalikwas ako ng marealize kong nakahinto na yung sinasakyan naming jeep at pababa na si Tatay na siyang sinundan ko.

Aish! Nawala ako sa focus du’n sa nirereview ko ah! Bwisit talaga ’yang Mateo na iyan.

Humiwalay na ako kay Tatay dahil nasa kabilang building ang recruitment area nitong company kung saan nakalagak ang canteen namin. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko ng makita ang dami ng mga hopeful applicants gaya ko. Lahat kaya sa mga ito matatanggap? Mukhang magagaling silang lahat base lang naman sa naririnig kong usapan nila at sa tono ng pananalita nila. Lalo tuloy akong kinabahan. First time ko lang kasi na sasabak sa job interview ’no. Wala pa talaga akong experience sa ganito.

Tinawag kami isa-isa ng isa sa miyembro ng HR at binrief na may nga tests muna kami na gagawin bago kami interviewhin at takte! Anong klaseng exam naman kaya ’yon? Hindi ko pa naman masyadong natatandaan ’yung mga minor subjects ko ng highschool!

Hindi man lang ako ininform na may kasama palang tests akala ko interview lang diretso! Jusmiyo, marimar!

Tinignan ko ang mga kasama ko na nakaupo na sa kanya-kanya nilang mga pwesto sa tapat ng PC at pagsabi ng nagcoconduct exam na pwede na kami mag start ay tinawag ko na lahat ng pwedeng kaluluwa na pwedeng tumulong sa akin.

Dumiretso agad ako ng CR after ng mga pinagawa sa aming exam at tinignan ang sarili ko sa salamin. Kaloka! Mukhang na-drain ang kagwapuhan ko sa mga pinagsagutan sa amin.

Medyo matagal din ’yung tests na tinake namin kaya ayun, hindi na ako nagtaka ng makita ko sa suot kong relo na tanghali na pala. Kaya pala gutom na ako pero pinabaunan naman ako ni Tatay kasi payo niya kesa umalis pa ako sa recruitment eh duon nalang ako hanggang sa matapos at saka ko siya puntahan.

Dahil sunod na ’yung initial interview ko at may pagka mapamahiin ako kumuha ako ng barya at inilagay sa ilalim ng sapatos ko. Nalaman ko kasi na pampaswerte ito at nakaka boost ng kakapalan ng mukha. Wala namang masama kung maniwala sa ganito malay naman natin kung effective, di ba? Saka humingi na rin ako ng supporta duon sa singsing na suot ko. Of course!

“Are you really sure this is your first time to apply for a job? Specifically in a BPO industry?”

Hindi ko makalimutan ang tanong na iyon sa akin ng interviewer ko na kinailang ko pero nakangiting tinugunan ko lamang ang tanong niya sa akin. Kesyo daw kasi hindi halatang first timer ako plus yung accent ko daw. Anong magagawa ko, epekto ng Peaky Blinders, Sherlock Holmes, Harry Potter at kung anu-ano pang makita kong palabas na meron sa youtube plus marunong naman kasi ako magbasa ng mga librong nabibili ko sa thrift shop. Syempre ’no wala akong pambili ng bagong libro kaya duon lang ako sa mga second hand.

Nagdecide muna ako na huwag muna mag phone habang nasa job interview ako para hindi ako madistract. Wala din akong kinakausap na ibang applicants hindi dahil masungit ako or nagfe-feeling mas magaling sa kanila ay hindi ko sila ka-level kundi dahil baka lalo ako mapressure kasi karamihan talaga sa kanila halatang may mga experience na sa ganitong larangan.

Ang nakapagpa energize sa akin bago ang final interview ay ’yung may pa free snacks sila. Hulaan ninyo kung ano!

KFC! To be specific, ’yung favorite kong Twister! Parang gusto ko maiyak! Pero syempre hindi ’no. Mamaya magtaka ’yung mga kasama ko dito kapag ginawa ko iyon.

“T’was my pleasure speaking with you, Mr. Martinez. Guess we’ll be seeing each other more often now.” nakangiting bati sa akin ng kaharap kong manager habang kinakamayan ako.

Guys, alam ninyo yung chocolate na Cloud-9? Ako iyon ngayon eh. I mean, iyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala ng sabihin nitong kaharap ko na natanggap ako sa trabaho pero hindi bilang ahente kung hindi bilang Training Lead lang naman. Like, what the fuck? Bukod sa wala akong background sa trabahong ito, wala pang college diploma, anong nakita niya sa akin para kuhain ako? Hindi naman sa nagpapaka negative pero nasha-shocl lang talaga ako!

“A-Ah yes! Thank you! Thank you!” nahihiya kong tugon habang panay bow sa kanya na kinatawa lang niya. Mukha siguro akong aso na display na nasa jeep sa ginagawa ko now but anyways! Excited akong ibalita ito kay Tatay.

Paglabas ko ng recruitment area para sana tumungo ng kabilang building kung nasaan si Tatay naisipan ko ng i-check ang phone ko at halos lumuwa eyeballs ko sa dami ng calls at text. Sino naman kaya ito?

Para namang narinig ako ng damuhong nanggugulo sa akin dahil bigla na lamang nag-ring ang phone ko.

“Hello? Sino ito?”

“Bata! Bakit naman ngayon ka lang sumagot kanina ka pa namin tinatawagan!”

Bata? Saglit kong nilayo sa tenga ko ang phone ko at tinignan ang unknown number.

“Ibaba mo na ’yan! Kita ko na siya!” dinig ko namang sabi ng kasama ng nasa kabilang linya.

Automatic namang nag scan ang mga mata ko sa hindi ko malaman na dahilan at laking gulat ko ng makita ko sina Berto at Anton na masayang winawagayway ang kamay niya sa ere sa hindi kalayuan.

Anong ginagawa nila dito?!

ONCE

“Sumama ka muna sa amin, bata! Kumain muna tayo. Napagod kaya kami kakahanap sa’yo.” nakaakbay na sabi sa akin ni Anton. Para na nga akong sinasakal sa way ng akbay niya. Naninigurado talagang hindi ko sila matatakbuhan ni Berto.

Nagtataka pa rin ako kung bakit nila ako hinahanap at hindi kung paano nila ako nahanap. Hindi pa ba obvious ang sagot sa bagay na ’yun? Nahanap nga nila saan ako nakatira eh.

“Eh bakit ninyo ba kasi ako hinahanap? Balak ninyo na naman ba akong iharap duon sa apo ng tropa ninyo?”

“Hindi ah! Grabe ka naman sa amin. ’Di ba pwedeng gusto ka lang namin maka bonding? Isa pa, bakit pala ganyan suot mo? Sabi duon sa file sa canteen ka ng pamilya mo nagtatrabaho ah. May pa event ba duon ngayon at naka formal ka? Infairness ah, bagay sa’yo. Kagalang-galang ka tignan.”

Sinamaan ko ng tingin si Anton at saka nilingon si Berto na tahimik lang na nakasunod sa amin.

“Berto oh! Ilayo mo nga itong si Anton sa akin at baka masapak ko ’to. Minamaliit mo yata kaming nasa laylayan ng bansang ito eh. Hindi naman porket sa canteen ako nagtatrabaho hindi na ako pwedeng magsuot ng formal. Eh paano ’yung nasa mga mamahaling restaurant? Bakit sila pwede? Psh. At saka, bagay talaga itong attire ko sa akin kasi pinanganak akong gwapo.”

Nailing lang si Berto sa sinabi ko samantalang si Anton ewan ko ba dito masyadong hyper talaga. Kabaligtaran ni Berto. Guluhin dae ba ang buhok ko.

“Ito naman! Nagtaka lang kasi ako. Hindi naman kita minaliit o ang mga taong hindi mataas ang posisyon sa trabaho. Nahahawa ka na yata dito kay Berto eh saglit lang naman naging exposure mo sa kanya.” patampong sabi nito pero hindi ko nalang pinansin at inirapan siya.

Hindi ko alam paano nila ako napapayag na pumasok ng mall pero dahil nandito na rin naman, why not mag window shopping ako habang sila mag shopping talaga. Wait, magsho-shopping nga ba? Sa pagkarinig ko kakain daw eh wala naman akong dalang pera.

“Anong bet ng panlasa mo?” tanong ni Berto sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

“Wala akong pera.” nakabusangot kong sagot. May pera naman ako sa GCash kaso pambili lang ng budget meal iyon at saka wala naman sa balak ko ang magpalibre sa kanila.

“Sinabi ba naming gagastos ka?” nakataas kilay nitong tanong. Ayan na naman po siya mga kapatid. Nagsusungit na naman. Buti nalang lalaki siya kundi inisip ko na na kaya siya ganyan ay dahil may dalaw siya.

“Lagi ba talaga siyang highblood?” bulong ko kay Anton na tinawanan lang niya. May nakakatawa ba sa tanong ko?

“Ganyan talaga, hijo kapag tumandang tigang.” tugon nito.

“Gago! Hindi ako tigang! Mas nadidiligan pa nga ako kesa sa iyo.” ismid nito.

Hindi ko alam kung bakit pero nagpipigil ako ng tawa sa kanilang dalawa. Para kasing hindi tipikal sa edad nila na kumilos ng ganito na parang aso’t pusa lalo pa at galing sila sa maayos na upbringing dahil hello? Mayaman sila.

Naunang maglakad sa amin si Berto habang nakasunod lang kami sa kanya ni Anton na siyang prente at nakapamulsa lang na naglalakad. Kapansin-pansin naman na kahit parehas silang may edad, mukhang magnet pa rin sila ng mga kababaihan. Ilang beses ko kasing napansin na namumula na parang kamatis yung pisngi ng mga napapatingin sa kanila. Psh! Na-overshadow ’yung kagwapuhan ko du’n ah!

Matatanggap ko pa sana kung ’yung mga ka-edaran lang nila kaso pati mga halos ka edaran ko o kaedaran ni Phen?!

Ewan ko naman kung bakit pero nagningning ang mga mata ko ng huminto kami sa tapat ng isang mukhang mamahalin na buffet. Paano ba naman bukod sa kaunti lang ang tao, may pa chandelier pa unlike sa mga usual na buffet na nakikita at napasukan ko na.

Tuwing December lang kasi kami nakakapasok sa ganito nila Tatay dahil pinagiipunan talaga niya na makakain kami sa ganito kahit isang beses lang sa isang taon. Nagulat pa nga ako kay Tatay ng unang beses kaming mag buffet na pamilya (excluding Nanay ko) kasi like, paano niya nalaman ’yung tungkol sa ganito eh halos bihira mag mall iyon at sa lahat ng iyon kasama niya kami.

Kaso impossible namang papasok kami dito sa luob kasi mukhang hindi pumapasok sa ganito itong mga ito.

“Oh Hijo, tara na! Ano pang tinatayo mo d’yan? Nagugutom na ako!” nakangusong tawag sa akin ni Anton na halos nasa luob na ng buffet.

Napanganga naman ako sa gulat. So, magbu-buffet nga kami? Syempre hindi na ako nagpa bebe at agad ng sumunod sa luob.

“Kumakain din pala kayo sa ganito?” taka kong tanong ng makalapit sa table naming tatlo.

“Ako, ngayon palang ako kakain sa ganito kaya bahala na muna kayo sa sarili ninyo at mageenjoy muna ako.” mabilisang sagot ni Anton na kumikinang-kinang pa ang mga mata at agad na lumakad papunta sa hilera ng mga pagkain.

“Uh. .?” tinigan ko si Berto at alam kong alam niyang nakatingin ako sa kanya kahit na abala siya sa pagdutdot ng phone niya. Tumikhim muna siya bago nag angat ng tingin sa akin.

“May naalala lang ako sa’yo kaya naisipan kong dito ka dalhin ’coz I’m hundred percent sure kung natuwa siya sa ganito nuon, siguradong ikaw din.”

“Sinong siya ?”

Nagkatitigan muna kami saglit at akmang sasagot na siya ng bigla nalang sumulpot si Anton na may dala ng mga iba’t-ibang pagkain sa magkabilaang plato na dala niya.

“Hoy, kumuha na kayo ng pagkain du’n! Nagtsi-tsismisan pa kayo baka maubusan kayo ng makakain.”

Napa eye roll naman sa kanya si Berto.

“Drama mo! Tangina! Parang akala mo isang taon kang ginutom.” sagot nito sabay tayo at senyas sa akin na sabayan na siya sa pagkuha ng makakain namin. Tinawanan lamang siya ni Anton.

As expected, nag enjoy ako sa kinain ko. Napag tripan pa nga ni Anton na mag ihaw kaso ang ending, si Berto ang naging taga bantay at ako naman ’yung taga kain. Pero syempre ganun pa man, hindi ko maiwasang na hindi alalahanin sila Tatay. Siguro kung kasama ko sila panigurado nag enjoy din ’yung mga iyon gaya ko. Swear, kapag nakuha ko ang unang sahod ko iti-treat ko sila.

“Babalik ka pa ba duon sa canteen ninyo?” tanong ni Anton sa akin. Tumango naman ako. Syempre nagsabi ako kay Tatay kanina na sabay kaming uuwi. Kawawa naman siya kapag nauna ako umuwi saka hindi ko pa nasasabi sa kanya ’yung good news.

“Oo. Pwede bang dumaan muna tayo sa grocery?” gusto ko kasi bilhan ng pasalubong si Tatay. For sure matutuwa iyon kapag nakita niya yung dala ko.

Buti at pumayag naman sila at dumiretso ako sa mini bakery ng grocery para bilhan si Tatay ng HopTik (Hopia + Tikoy).

“Akala ko naman mag grocery ka talaga. Bakit ka pa bumili ulit ng pagkain eh ang dami na nating kinain duon kanina sa buffet ah.” usisa ni Anton.

“Hindi sa akin ’to. Sa Tatay ko ito. Favorite niya kasi ito.” nakangiting sagot ko sa kanya habang maingat na hawak yung paper bag na naglalaman ng hoptik ni Tatay.

“Wow! Akalain mo nga naman may isang tao pa pala sa mundong ito ang may favorite ng hopia tikoy!” may kalakasang sabi ni Anton. Mukhang nagpaparinig - kay Berto.

“Favorite mo din ba ito? Magkakasundo kayo ng Tatay ko.” inosente kong sabi kay Berto na inirapan lang ako.

“Hindi ko ’yan favorite! At saka, hoy Anton! Tingin mo naman sa kanya Alien at siya lang ang kumakain ng hopia tikoy! Naalog talaga utak mo ’no?”

Maga ala seis na rin ng makalabas kami ng mall at samahan nila ako maglakad pabalik sa company building. Sakto namang itetext ko palang si Tatay kung nanduon na ba si Ate dahil tapos na ako sa interview ko ng matanaw ko ito sa hindi kalayuan sa may ministop at nakikipag kwentuhan duon sa kaibigan niyang security guard.

“’Tay!” sigaw ko sa excitement at agad na tinakbo ang kinatatayuan niya at iwan sina Berto. Agad naman akong sinalubong ni Tatay ng ngiti at yakap.

“Kamusta? Mukhang masaya tayo ah? Pasado ba?”

“Ay malamang pasado ’yan! Martinez iyan eh!” kantyaw naman ng kaibigan ni Tatay.

Pagtripan ko kaya sila? Nah.

“Ay nga pala, ’Tay.” inabot ko agad sa kanya ang paper bag na dala ko at agad na nagningning ang mga mata niya sa nakita. Syempre, all thanks to hoptik.

“Ang bilis mo tumakbo, hijo! Nakalimutan mo yatang hindi na kami bata gaya mo.” bulalas ng nasa likuran ko at saka ko naalala na kasama ko nga pala itong dalawang ito.

“Ay oo nga pala, ’Tay!” nilingon ko sina Anton at napansin kong nakayuko si Berto at mukhang sapilitan na hinila papunta dito ni Anton dahil nakaakbay ito sa leeg niya na para bang bola yung leeg ni Berto. Kawawang nilalang!

Ipapakilala ko palang sila sa isa’t-isa pero imbis na magka surprisean sila sa prisensya ng isa’t-isa ako ang na surprise sa reaksyon ni Tatay.

“Tonio?. . B-Bert?” makailang beses na kumurap-kurap si Tatay habang nagpapabalik-balik ang tingin niya sa dalawa. Magkakakilala sila? Si Berto ganuon pa rin hindi inaangat ang ulo niya nakayuko lang at mukhang. . namumula. Bakit siya namumula?

“Small world, huh?” nakangising sabi ni Anton at tumingin muna kay Tatay bago sa akin at muling binalik ang tingin niya kay Tatay, “Kamusta na, ’Lo?”

Teka, ano ba itong nangyayari? Bakit hindi man lang ako informed na magkaka kilala sila?

DOCE

Awkward. Iyon lang ang masasabi ko habang nasa biyahe kami at nakasakay ni Tatay sa kotse ni Berto. Lakas nga ng tama ni Anton eh dapat tabi kami ni Tatay dito sa backseat but for some unknown reason to me, bigla siyang nakipag unahan sa backseat at hinatak ako at sabihan si Tatay na sa shotgun seat na ito maupo.

Alam ko namang energetic itong si Anton pero mas dumoble pa yata ngayon samantalang may kung anong itim na imaginary smoke shield akong nakikita na nakapalibot kay Berto.

“Ang tahimik naman! Magpatugtog ka na nga lang, Berto! Sayang naman at ako lang ang panay salita dito! Nakakapagod din kaya ’no FYI lang ha?”

“Psh.” usal ni Berto pero sinunod naman niya ang suhestiyon nito.

Aba, ayos ah. Air Supply. Favorite ni Tatay kaso biglang naiba ’yung kanta. Napunta sa pang bagets. Yawa!

“Bastusing bata ka naman, Berto! Favorite ko ’yon eh!” maktol ni Anton sabay abot sa radio sa harap para ibalik ito sa naunang channel.

“Tangina mo! Hindi mo favorite ’yang kantang iyan! Walang may gusto ng kantang iyan dito!” sita niya sabay tampal palayo sa kamay ni Anton para ibalik sa pang bagets na tugtugan yung musikang pupwede naming pakinggan lalo pa’t medyo traffic.

Hindi ko alam kung dahil ba para silang bata na dalawa o dahil baka hindi ko o ni Tatay ma-enjoy ’yung kanta dahilan para hilain ko pabalik sa kinauupuan niya si Anton at ako na ang maglipat pabalik ng channel kung saan pinapatugtog yung kantang Lonely is the Night ng Air Supply. Sinamaan naman ako ng tingin ni Berto.

“Favorite namin ng Tatay ko ’yang kantang iyan.” I deadpanned na siyang kinairap niya. Narinig ko naman ang tawang wagi ni Anton sa likod ko bago ako bumalik sa pwesto ko.

Hindi ko naman talaga favorite ang kantang iyan thou maganda kasi mga kanta nila. Si Tatay talaga ang may favorite n’yan ’no at hindi ako.

“Tsk.” tugon ni Berto sabay tingin sa kaliwa para ewan ko. Mag sight seeing sa katabi naming sasakyan? Pero ng magsimula na ulit siyang mag drive kapansin-pansin na binibigyan niya si Tatay ng bombastic side eye - criminal, offensive side eye. Problema nito?

Syempre dahil dakilang hindi mapakali, nag ala imbestigador ng bayan na ako.

“Magkakilala pala kayo?”

“Hindi.” mabilisang sagot ni Berto.

“Mahabang istorya, hijo.” siyang sabi naman ni Anton.

“Oo, ’nak.” ani Tatay.

Sabay-sabay niya kaya naman agad na kumunot ang nuo ko. Ano ito? Two truths, one lie? Si Tatay at Anton parehas na positive ang sagot samantalang si Berto negative. Hmm, something’s fishy.

“Paano mo sila nakilala, ’nak?” tanong ni Tatay sa akin makalipas ang ilang segundo ng katahimikan habang tumutugtog pa rin sa background ’yung kanta ng Air Supply.

Ah, shit. Anong sasabihin ko? Na nakilala ko si Anton sa party na inattendan namin ni Phen at nagkaruon ng gulo kung saan pinaimbestigan ako ng taong ito at natunton ang bahay namin at bigla na lamang akong pinakilala dito kay Berto at lahat ng iyon nag ugat ng dahil sa singsing na tropa nila?

“A-Ano po. . uh. .” shit. Nagiisip palang ako ng ipapalusot ko kaso basag trip si Berto.

“Kami ang naatasan makipag negotiate sa fiancè ng apo ni Fonz who happens to be your son.” may kadiinan na pagsabi nito.

Sing bilis ng kidlat na bumalikwas ng upo si Tatay para lingunin ako.

“Totoo ba ’yon, ’nak?” halata ang gulat sa kanya sa sinabi ni Berto. Aish! Bakit naman kasi napaka straight forward nitong kumag na ito. Hindi man lang dinahan-dahan ang pagsabi sa Tatay ko.

“Ah, eh. . Opo?” alanganin kong sagot.

Narinig kong bumuntung-hininga si Tatay. May kalakasan iyon at kapansin-pansin ang bigla niyang pagseryoso. Hindi ’yung tipong seryoso na may chance na mang trip later and I kid you not, bihira ko lang ma-experience ang ganito ni Tatay.

“May pagkaka utang ba ang anak ko kay Fonz o sinadya ninyo lang idamay ang anak ko para makaganti?” may laman na tanong ni Tatay, at sa huling tanong niya ay kay Berto siya nakalingon na kapansin-pansin ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. Napansin ko rin si Anton na nakatingin kay Berto na para bang hinihintay nitong siya ang sumagot sa tanong ni Tatay tutal siya rin naman ang nag bunyag ng dahilan kung paano kami nagkakilala na tatlo.

Iyan kasi. Nag hukay ng libingan niya hindi naman kayang humimlay sa hinukay niya. Charot! Seryoso na ’yung sitwasyon nakuha ko pang maka isip ng kalokohan but oh my gulay! So magkakakilala nga sila? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi man lang nakwento sa amin ni Tatay ang tungkol sa kanila? Dati ba silang magkakaibigan? Bakit walang nabanggit tungkol dito si Anton tutal siya itong nakahalungkat ng tungkol sa akin?

“Oy, labas ako d’yan. Bakit naman kita gagantihan? Kahit ba may kasalanan ka sa akin, hindi naman ako hibang para idamay ang anak mo ’no.” ismid ni Anton.

Pero hindi kumbinsido si Tatay lalo pa’t nanatiling tahimik si Berto.

Nagulat ako ng biglang hilain ni Anton ang kaliwang kamay ko at ipunta iyon kay Tatay na siyang nilingon naman nito. Ikaw ba naman hindi ka magulat may kamay na nasulpot sa gilid mo eh.

“Napansin mo na siguro itong singsing na suot ng anak mo lately, di ba?”

Hindi pa rin umiimik si Tatay. Tinignan niya lang maigi yung singsing at sunod na nagaalalang tinignan ako.

“Singsing ’to ni Fonz na nawala niya. Well, winala niya intentionally para sa apo niya. Funny thing is, the universe seems to enjoy being friends with fate and gave the ring to your son. You know how enignatic Fonz thinking is, he made a weird fairytale-like plan na kung sino makakuha ng singsing niya, siyang mapapangasawa ng apo niya regardless of the status, gender and etc.”

“Totoo ba ’yon, ’nak?”

Tumango ako, “Opo, ’Tay. Naalala ninyo po ba ’yung bumili kami sa ukay ng damit ni Ate para duon sa pinuntahan naming party ni Phen? Nang pinaliitan ko po iyon sa patahian nakita po iyan ng mananahi duon at inakalang sa akin at binigay sa akin.”

Mukhang duon palang, convinced na si Tatay sa sinabi ko.

“Paano mo naman sila nakilala, ’nak?” tanong niya which I know sina Anton ang tinutukoy niya.

“Si Anton po tinulungan niya ako ng naligaw ako du’n sa party.” pagsisinungaling ko at tinignan ko si Anton sa paraang nagsasabing makisama ka. Syempre ’no yari ako kapag nalaman ni Tatay na nakipag away ako lalo pa at sa ex ng boyfriend ng kapatid ko.

“Ito naman pong si Berto nakilala ko lang siya ng sinama siya ni Anton ng bumisita sila sa bahay.”

“Bumisita?” tanong ni Tatay.

“O-Opo?” alanganin kong sagot.

Isang buntung-hininga ang narinig ko mula kay Tatay at pagka tapos nu’n ay hindi na siya ulit umimik pa.

Nagtaka naman ako dahil halos malapit na kami sa amin pero nakita kong ang daming taong nakaharang sa kalsada na parang may inuusyoso na kung ano. Huh? Nangangampanya na ba ’yung mga balak na tumakbong barangay tanod? Mayor? Wala naman akong marinig na nagsasalita sa megaphone o mic.

“Dito na lang kami ni Sunny. Tara na, ’nak. Lakarin nalang natin ng makauwi na sila at makapagpahinga. Kaunting lakaran nalang naman tayo.” yaya ni Tatay kaya syempre sunod agad ako.

Lalabas na sana kami ni Tatay kaso inunahan kami ni Anton. Agad naman akong napatingin sa kanya. Bakit ito nakiki gaya? Sa bahay na ba namin siya nakatira ng hindi ko alam?

“Pakain muna sa inyo, ’Lo. Nagutom ako sa haba ng biyahe eh.”

“’Tado ka! Anong pinagsasasabi mo? Ang dami mo ngang kinain kanina!” inis na sita sa kanya ni Berto na sa wakas ay nagsalita na, “Hayaan mo na silanh umuwi. Wag ka ng umepal!”

Binelatan lang siya ni Anton na parang walang narinig at agad na lumapit kay Tatay at inakbayan ito na siyang hinayaan lang ng isa.

Dahan-dahan kong nilingon si Berto at nakita kong napa bombastic eyeroll ito ngunit wala din namang nagawa at lumabas na rin ng kotse at pinark ito kung saan kami huminto.

Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sobrang big switch ng ugali ni Anton ng una kaming nagkakilala sa ngayon. Si Berto ayun, same mataray attitude. Nacu-curious tuloy ako dahil parang may something puot siya kay Tatay.

Pagliko namin sa street namin napanganga ako ng makakita ako ng hilera ng itim na sasakyan. Not just the usual ordinary black cars. ’Yung black car na alam mong sasakyan ng mga body guard ng isang maimpluwensyang tao like President.

“Oh, nand’yan na pala kayo ng anak mo, ’Lo. May bisita kayong dumating. Mukhang bigtime na talaga tayo ah!” bati sa amin ng kakilala ni Tatay. Huh?

Nagkatinginan kaming apat.

Isang tao lang ang naisip ko na maaari pero impossible.

Tinanguan lang ni Tatay ’yung kakilala niya at nagmadali na kaming dumiretso sa bahay namin. Kapansin-pansin ’yung mga mata ng kapit-bahay namin na sa amin nakatingin. Paanong hindi? Eh nandito daw ’yung bigtime na bisita sa bahay namin.

Pagpasok namin ng bahay ay sinalubong agad ako ng prisensya ng taong hindi ko inaakalang pupunta talaga sa bahay namin. Shuta! Tangina! Amats!

“Ginagawa mo dito?” pasigaw kong tanong sabay duro sa kanya.

Nakuha naman ng ginawa ko ang atensyon ni Mateo pati ng mga nasa tabi niyang bodyguards. Pati sina Ate at Phen napalingon sa akin at ang sama ng tingin sa akin. Hala, parang ang lako ng kasalanan ko sa kanila ah!

Takte, nahiya ako bigla.

“Mag ayos ka nga muna duon. Mukha kang timang sa harap ng bisita mo!” sita ni Ate.

“Oo nga, kuya! Nag effort pa itong magdala ng mga pagkain dito oh.” dagdaf ni Phen at saka ko lang nakita ’yung mga pagkain na nakalatag sa lamesa na animo’y piyesta ng pagka angat sa buhay.

Agad kong nilingon si Mateo na nginisian lang ako at ng mapansin niya si Tatay ay agad siyang tumayo at lumapit dito para mag mano.

Swear, makalaglag panga ang ginawa niyang ’yon dahil pati sina Berto at Anton nagulat sa ginawa niya. Si Tatay naman tahimik lang na pinagmamasdan ng maigi si Mateo.

“Umakyat ka muna sa itaas, Sunny. Magpalit ka ng damit at saka mo harapin ng maayos ang bisita mo.”

“Pero ’Tay. .”

“Sunny.” banta ni Tatay gamit lang ang boses niya at napanguso nalang ako na sinunod siya. Syempre hindi ko nakaligtaan na samaan muna ng tingin si Mateo.

Akala siguro nito safe siya sa kung ano mang binabalak niya ah, hindi niya alam nagkamali siya tansya. Yari siya ngayon sa Tatay ko. Hehe.

TRECE

“Oh nasaan na mga tao dito?” kakamut-kamot sa ulo kong tanong sa sarili ko pagkababa ko ng hagdan. Paano kasi parang ako lang tuloy mag isa ang nasa bahay at nakakabingi ang katahimika. Nanduon pa rin naman ’yung sandamukal na pagkain na dinala ng bwisit na lalaki na iyon na bigla nalang sumusulpot sa pamamahay namin kaya sure akong nagpunta sila dito ng mga bodyguards niya. Pero bakit nga ba siya nagpunta dito sa bahay? Anong balak niya? Mamanhikan? Aha, amats siya kapag ginawa niya iyon at saka as if namang gagawin niya rin.

’Yung mukhang iyon seseryosohin na magpakasal sa gaya ko na bukod sa same gender niya eh halos ang layo ng agwat ng estado namin sa buhay. Ano namang mapapala niya sa akin, ’di ba? Sa totoo lang kung talaga gusto ninyo sapilitan na kunin sa akin ’yung singsing makukuha naman talaga niya pero hindi lang siya nag exert ng todong effort kaya heto, hanggang ngayon nasa akin pa rin ’yung singsing at buhay pa ako.

Dahil hindi naman ako sigurado kung sa amin ba talaga iyang mga pagkain na dala nila eh naisipan ko nalang mag asikaso sa kusina ng hapunan namin. Bahala sila d’yan basta ako magluluto ako dito at maglilinis ng bahay kahit mukhang naglinis naman na sila Ate kanina. Kailangan ko ng mapagdi-directan ng hindi ko mawaring emosyon ngayon kaya tama lang na magpaka active ako in a good way.

“Ikaw kuya ah! May patanggi-tanggi ka pa sa amin iyon pala gaya din pala kita. Inunhan mo pa ako makapag asawa!” pataray na sabi ni Phen na galing tindahan at may dalang RC Cola. Luh, napagbintangan pa ako eh kung alam lang nito ang kwento sa pagitan namin at ng damuhong na iyon. Hmmp.

“Sira! Mali ang pagkakaintindi mo sa mga nangyayari. Nangga-gago lang ’yung lalaking iyon. May kailangan lang kasi siya sa akin kaya ginigipit ako para pumayag ako sa gusto niya.”

“Eh ano namang kakailanganin niya sa’yo? Mukha namang lahat ng materyal na bagay nasa kanya na. Mas mayaman pa nga yata siya kay Alexis.”

“Kapag sinabi ko sa’yo baka hindi ka maniwala. Mamaya sabihin mo nangga-gago lang ako eh pero iyon naman talaga ang totoo.”

“Eh ’di sabihin mo ng magkaalaman kung tama nga ang sasabihin ko sa iyo na ineexpect mo.”

Bumuntung-hininga ako. Nagcocontemplate kung sasabihin ko nga ba sa kapatid kong ito ng hindi niya iisipin kung naka drugs ba ako.

“Naniniwala ka sa fairytales ’di ba?”

“Oo naman! Kahit bakla ako hindi ibig sabihin hindi ako pwedeng magkaruon ng happily ever after gaya ng sa mga disney princess. Bakit? Ganuon ba ang sitwasyon ninyong dalawa?” taas kilay nitong tanong.

“Paano kapag sinabi kong oo?”

Nanlaki ang mga mata ni Phen. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Panigurado response nito sa akin ay kung high ba ako. Pfft.

“Eh ’di sana all!” maktol nito at padabog na nag cross arms sa harapan ko na pinagtaka ko at kinatawa ko na din. What? Bakit ganyan ang reaction niya?

“’Yung sa amin ni Alexis typical love story tapos ’yung iyo pang fairytale? Grabe, napaghahalataan talaga sino paborito ng Diyos. Hmmp! So anong magical love story ninyo?”

Natawa naman ako sa kanya, “Anong magical love story? Walang love sa story namin. Parang love story lang kung titignan. Anyway, may pagka Cinderella na Princess and the Pea.”

Saglit siyang tumahimik at in-analyze ang sagot ko pagkuwan ay heto na naman siya at namimilog ang mga mata sa gulat. Paniguradong na-figure out niya na ang hint ko eh matalino itong bunso namin.

“So, nahanap mo ’yung ancient na sapatos na nawawala na itinago pala ng relative niya?”

Natawa naman ako dahil sapatos talaga ang naisip niya. Kung sabagay, nabanggit ko si Cinderella eh sapatos ang dahilan kung bakit siya nakahanap ng happily ever after niya.

“Close enough pero imbis na sapatos. Singsing,” tinaas ko ’yung kaliwang daliri ko na may suot ng singsing at nanlaki ’yung mga mata niya.

“Holy letsugas! ’Di ba ayan ’yung sabi mong kasama ng suot na binili ninyo ni Ate sa ukay?”

Tumango ako.

“Aba, fairytale nga talaga! Sana all! Makapag ukay nga rin baka mahanap ko prince char-! Aray naman, kuya! Nagjo-joke lang ako! Hindi ka naman mabiro. Alam mo namang labidabs ko si Alexis kahit minamalditahan ko iyon pa minsan.” naka peace sign niyang sabi.

“Umayos ka, Phen. Mabuting tao si Alexis. Huwag mong saktan ’yung taong mahal na mahal ka. Baka magpatiwakal iyon kapag ginawa mo ang hindi dapat.” paalala ko. Totoo naman kasi. Gaya ng nasabi ko before sobrang head over heels talaga si Alexis sa kapatid ko. Grabe ’yung respeto niya sa kapatid ko at sa pamilya namin. Kita at ramdam ko gaano niya kamahal si Phen. I’m not saying na perfect siya kasi wala namang tao na perpekto. What I’m saying is, pareho silang nakabubuti sa isa’t-isa ng bunso namin. Match made in Heaven.

“Nasaan nga pala sila?” usisa ko. Halos malapit na ako matapos magluto ng hapunan pero kami pa ring dalawa ni Phen ang nandito.

“Si Ate, ayun. Nagli-live selling ng mga paninda niya malapit kila Aling Cha. Si Tatay naman kasama pa rin siguro ’yung fiancè mo saka ’yung dalawang kaibigan mo na kasama ninyo kanina.” kibit-balikat nitong tugon.

“Saan daw sila nagpunta?”

“Aba malay pero alam mo, kuya, first time ko lang nakita na iba ang awra ni Tatay. Sobrang strict. Para bang commander sa militar. Pansin ko nga ’yung doktor na tumulong sa’yo sa party mukhang kakilala pa yata si Tatay. May paakbay-akbay pa siya kanina ng palabas sila ng bahay sa kanya.”

“Magkakilala naman kasi talaga yata sila.”

“Weh? ’Di nga?”

“Oo nga thou hindi ko alam anong history nila but soon, alam kong malalaman ko rin.”

“Syempre tsismis mo sa akin kapag nalaman mo.”

“Oo naman ’no. Alam ko namang tsismis is life sa iyo kahit hindi halata.” pangaasar ko dito at pabiro naman ako nitong pinalo sa braso ko.

Me and Phen we’re just doing our thing sa mga cellphone namin ng magkatapatan sa sala habang hinihintay na bumalik sila Tatay at Ate ng biglang bumukas ang pinto ang iluwa nu’n ang hot este pawisang si Mateo habang nasa likuran naman niya sila Tatay na unimpressed. When I mean sila Tatay, I’m referring to Tatay, Berto and Anton.

Anong nangyari sa kanya?

Dire-diretso lang pumasok ’yung tatlong matanda habang naiwang naghihikahos si Mateo sa pwesto niya. Takte, anong pinagawa nila sa kanya?

Ako naman itong si feeling medical team agad na tinigil ang ginagawa ko at akmang lalapit na sa kanya para alalayan siya kaso tinawag ako ni Tatay.

“Asikasuhin mo ’yung hapunan natin, Sunny.”

“Pero ’Tay. .”

Isang tingin lang sa akin ni Tatay ay napahinto na ako sa pagrereason out ko at agad siyang sinunod pero syempre sinisimplehan ko ng silip ’yung isa. Syempre ’no, anong tingin ninyo sa akin walang puso kahit na muntikan na akong patayin ni Mateo? Hindi ako ganu’n. Isa pa, mamaya matuluyang madedo iyan magmulto pa iyan dito sa bahay namin.

Sakto namang kakatapos ko lang maghain ng hapunan sa tulong na din ni Phen na gaya ko ay mukhang nagaalala din kay Mateo sa way ng pagtingin niya sa akin at duon sa isa pero syempre takot din ito kay Tatay kasi first time lang din namin na-experience na maging ganito siya ka-seryoso, ng dumating si Ate kasama si Bonbon.

Halata naman ang asar sa mukha ni Mateo ng makaupo siya sa tapat ng hapagkainan. Paano kasi mukhang naapakan ang ego ng loko.

“Bakit d’yan ka nakaupo? Hindi ba dapat sa tabi ni Sunny?” mataray na tanong ni Tatay sa kanya pero syempre poker face lang siya.

Phen immediately understood the assignment at agad na tumayo sa tabi ko para makipagpalit kay Mateo.

“Tay. .” hindi ko alam kung bakit pero sobrang thick ng atmosphere pero ayaw ko namang pabayaan nalang si Mateo.

Sinipa naman ni Ate ’yung paa ko sa ilalim ng table at mariin na umiling, senyales na kung ano man ang gusto kong sabihin ay huwag kong ituloy.

“Sunny,” tawag sa akin ni Tatay kaya automatic akong napalingon sa kanya.

“Po?”

“Anong nakikita mo sa katabi mo?”

“Sa kanya po?” taka kong tanong sabay turo kay Mateo na nakayuko lang sa pwesto niya at hindi umiimik. Parang bata na inagawan ng candy. Cute este mukha siyang timang!

“Yung totoong nakikita mo sa kanya, Sunny. Gusto kong marinig niya mula sa iyo ang mga bagay-bagay nng mahimasmasan siya at maisip niyang hindi padalus-dalos na desisyon ang pagaasawa dahil lang may makukuha siya mula sa iyo. Na ang pagaasawa, sagrado hindi pang gagago sa sarili niya, sa mga nakapaligid sa kanya at sa taong pakakasalan niya.”

CATORCE

Nagpalipat-lipat muna ang tingin ko kila Tatay at kay Mateo. Si Tatay ba talaga itong nasa harap namin? Sobrang strict talaga ng awrahan niya today.

“Tay, pwede bang kumain muna tayo? Kanina pa ako nagugutom eh.” pagpapalusot ko para na rin gumaan kahit kaunti yung atmosphere.

Tumango naman siya at nagsimula na kaming kumain ng hapunan namin.

Habang kumakain ay saka ko lang naalala na may kasama kaming mayayaman sa hapag. Mainly, si Mateo, Anton at Berto kaya agad akong nag panic kasi alam kong hindi sila sanay sa ganitong ulam. Sige, ako na ang judger pero hello? Ikaw ba na may pambili na masarap na ulam kakain ng ganito?

Kung curious kayo anong ulam ang niluto ko pang hapunan namin, lucky me noodles beef flavor na sinahugan ng sardinas. Nagprito din ako ng daing para combo meal. Charot!

Nilingon ko si Mateo at napansin ko kung paano niya tanggalin yung buto ng sardinas para igilid sa plato niya. Parang gusto ko tuloy matawa. ’Yung daing naman lasug-lasog na. Hahaha!

Syempre dahil nacute-an ako sa kanya dahil mukha siyang bata tignan este mukha siyang timang sa ginagawa niya at nakatingin na din sa kanya sina Ate at Phen ay kumuha ako ng daing na maayus-ayos at hinimay iyon saka nilagay sa plato niya sabay kuha sa kinawawang daing at nilagay iyon sa plato ko at ako nalang ang kakain.

Halatang nagulat siya sa ginawa ko at magsasalita pa sana kaso pinigilan ko.

“Akin na mangkok mo.” pataray kong sabi sabay abot sa mangkok niya at tayo para lagyan lang iyon ng sabaw at noodles.

Pagbalik ko, aba ang loko naubos agad yung daing na hinimay ko. Syempre, proud ang abang lingkod ninyo. Ngiti-ngiti from the inside.

Si Tatay naman alam kong nakatingin sa aming dalawa pero hindi ko siya magawang lingunin kasi baka mapagalitan ako. Ewan ko. Masyado siyabg strict ngayon siguro dahil na rin ayaw akong masaktan ng Tatay ko dahil kay Matel kung sakali man na seryosohin talaga ng isang ito na magpakasal kami.

Ang tanong, handa ba akong pakasalan din siya? Eh hindi pa nga ako nakakapag start ng trabaho. Hindi pa ako nakakatapos ng college. Ano nalang sasabihin ng mga nakakakilala sa kanya kapag nalaman ’yung tungkol sa amin?

Natigil lang ako sa pagiisip ng sipain niya ang paa ko sa ilalim ng lamesa. Muntik ko pa siyang masigawan kasi parang may galit ’yung pagkakasipa niya kaso napansin kong ako nalang pala ang hindi pa tapos kumain kaya ayun, pinaspas ko ang pagsubo dahilan para mabulunan ako. Buti nalang at nasuklian ang kabutihan ko kay Mateo ng abutan ako nito ng tubig kaso ang loko parang natatawa pa sa nakita niyang hitsura ko.

Tutulong na sana ako sa pagliligpit kaso pinigilan ako ni Anton. Sila na daw bahala nila Phen. Sa isip-isip ko naman kaya naman ng dalawang tao ang pagliligpit kung gusto nila mapabilis hindi naman kailangan na apat pero syempre hinayaan ko nalang.

“Sunny. .” panimula ni Tatay. Halatang kanina pa abang na abang sa sasabihin ko about kay Mateo.

Huminga muna ako ng malalim bago ko nilingon si Mateo at tumingin pabalik kay Tatay ng diretso sa mga mata niya.

“Alam ko po na nagaalala kayo sa akin kaya po kayo ganito ngayon dahil hindi mukhang katiwa-tiwala ang mukha ng lalaking katabi ko pero ’Tay, tao pa rin po siya. Kung may mangyari po sa akin na masama, nasa likod man siya nu’n o hindi, alam kong either darating din ang karma niya or maaaring ipaghiganti niya ako. Alin man po o wala sa dalawa na nabanggit ko ang maaaring mangyari, ’Tay kung ito ang tadhana ko, hindi naman sa tinatanggap ko ng buo pero maaaring may dahilan kaya pinagtagpo kaming dalawa. Nasa amin na po ’yon para alamin namin sa mga sarili namin.”

Isang malalim na buntung-hininga ang ginawa ni Tatay at hinaplos ang ulo ko. Kita ko sa mga mata niya ang pagaalala pero bukod du’n ay parang may hint na proud siya dahil hindi na ako ’yung sira ulong anak niya before, na nag mature na ako kahit papaano.

“Narinig mo ang sinabi ng anak ko, pero hindi ibig sabihin pumapayag ako na matali ng tuluyan ang anak ko sa iyo. Papayagan ko kayong tumira sa iisang bahay at mamuhay na parang mag asawa pero sa oras na tarantaduhin mo si Sunny, sisiguraduhin kong hindi anak ko ang agrabyado sa inyong dalawa at magagawa mo pang makita sa salamin ang natural na pagputi ng buhok mo.” banta ni Tatay kay Mateo na nagbigay kilabot sa aming dalawa sa way kung paano niya iyon sinabi.

“Makakaasa po kayo, Mister Martinez.”

“Tatay, iho. Hindi Mister Martinez tutal magsasama naman kayo ng anak ko sa iisang bubong. Huwag mo ako ituring na ibang tao.”

“Ah yes, Mist–, I mean, T-Tatay.” naiilang na sabi nito na mukhang nahihiya rin. Lumaki bang may Tatay itong taong ito or baka naman. .?

“Daddy nalang itawag mo or Dad kung hindi ka sanay tumawag ng Tatay. Ang conyo mo pakinggan magsalita eh.” ismid ko at agad ako nito sinamaan ng tingin.

“Ah, oo nga pala. Sige. Ikaw ng bahala kung anong gusto mong itawag sa akin.” kalaunan ay nakangiti ng sabi ni Tatay sa kanya pero sinimangutan niya lang ito. Attitude ka boy?!

“No, I’ll call you, Tatay .” may kadiinang sabi nito habang mapang hamon na nakatingin sa akin, “Even though we aren’t married yet, I’ll prefer something you are comfortable with since I consider you as my parent already. Thank you for trusting Sunny to me.”

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko mula sa bibig niya na tawagin niya akong Sunny. Hala siya! Feeling close? Porket hinayaan siya ni Tatay tawagin siyang Tatay nito, nakiki Sunny na din siya.

“Luh, epal! Anong Sunny? Its Ezekiel for you.” saad ko sabay irap sa kanya.

Nakita ko naman siyang ngumisi.

“Tay oh, si Sunny! He doesn’t want me to call him by his first name. How will the people around us believe we’re married if he doesn’t want me to call him by his name?” patampo nitong sabi kaya nanlaki ang mga mata ko ng kampihan siya ni Tatay. Aba! Sino bang tunay na anak dito?

“Sunny, hayaan mong tawagin ka niya sa palayaw mo. Hindi naman gugunaw ang mundo kapag ginawa niya iyon.”

“Pero ’Tay!” maktol ko. Psh. Nakakainis. Kinakampihan ni Tatay itong conyong tagapagmana ng Lolo niya.

“Kuya, para kang timang! Magpapanggap nga kayong mag asawa eh paano maniniwala mga tao sa inyo na mag asawa kayo kung first name basis kayo.” sabat ni Phen na nakaupo sa hagdan katabi si Ate.

“Oo nga. Hayaan mo ng tawagin ka nyan na Sunny. Tawagin mo nalang din siya sa palayaw niya kung meron siya.” sabi nito sabay tingin kay Mateo, “Anong palayaw mo ba?”

“Ma–”

“ Pequeño Diablo .“ synchronised na sagot nina Anton at Berto. Agad silang sinamaan ng tingin ni Mateo. Teka nga, ilang beses ko na silang narinig na tinawag si Mateo n’yan pero di ko gets ano meaning. I mean, yung Diablo gets ko hindi naman ako tanga pero yung Pequeno? Ano iyon?

“Stop calling me that!. . La Concha de tu Madre!” inis na tugon nito. Halos pabulong nga din ’yung huli niyang sinabi pero ikinatawa lang iyon nina Berto samantalang si Tatay ayun. Nagulat ako ng biglang mainis sa kanya. Moody ’yern? Pero what the heck? Ano ’yung sinabi ni Tatay sa kanya?

“ No seas Gilipollas, Mateo. “

Agad na tumahimik si Mateo at natiklop sa kinatatayuan niya. Namumula din ang pisngi nito hindi sa inis pero mukhang dahil napahiya siya sa sinabi ni Tatay.

Agad naman akong napatingin sa mga kapatid ko pero mukhang sila hindi rin nila alam ano ’yung sinabi ni Tatay.

After nu’n, pinaakyat na kami ni Tatay sa mga kwarto namin at naiwan duon sila Anton sa ibaba. Kakausapin pa daw niya sila kaya ang ending, nawala din sa isip ko na sabihin sa kanila ang good news. Ano kanyo iyon? Syempre ’yung may trabaho na ako, duh?

Pero teka nga. Bakit ganuon-ganuon nalang din ang pagpayag ni Tatay na magpanggap kami ni Mateo na mag asawa at tumira sa iisang bahay? Like, alam kong supportive si Tatay sa mga trip namin sa buhay pero parang on the next level naman yata itong nangyayari ngayon like, what?

Bago ako tuluyang kainin ng antok eh muli jong tinignan ’yung suot kong singsing at ewan ko ba, parang kumislap ito sa akin. Para bang may ipinapahiwatig na kung ano. Para bang sinasabi na masaya siya sa mga nangyari.

QUINCE

“Iba talaga si kuya oh! May trabaho na, may asawa pa!” magkahalong bati at asar sa akin ni Phen habang bumababa kami ng hagdan. Kinwento ko kasi sa kanya ano kinahinatnan ng interview ko kahapon. Nakalikutan ko na nga lang sabihin kila Tatay dahil sa pagdating nila Mateo dito sa bahay namin.

“Ungas! Asawa ka d’yan! Hindi naman official ’yon.”

“Ganuon na din ’yon kapag na-inlove iyon sa iyo.”

“Asa ka namang ma-inlove sa akin iyon eh straight iyon at mukhang subsob sa kung ano mang kinabu-busyhan niya.”

“Ano ba kinabu-busyhan niya? Thou mukhang CEO mga datingan niya for me.”

“Eh baka iyon nga. Baka busy magpatakbo ng kompanya niya. Usually walang time sa pamilya ang mga ganuon. Ayaw ko naman kung mag asawa ako walang time sa akin at mas lalo na ang umuwi ng bahay.”

“Ayiie, eh di nadulas ka rin. So, iniisip mo na baka may chance na maging kayo nga sooner or later? I support, para naman hindi ka na malungkot na single ka.”

“Ewan ko sa’yo, Phen.” ang nasabi ko nalang pero tama naman si bunso. Sumagi din sa isip ko ’yung tungkol sa bagay na iyon kagabi kahit na suntok sa buwan eh hindi ibig sabihin impossibleng mangyari. Paano ko nasabi? Eh bakla-tomboy nga nagkaka inlovean, nagiging mag asawa, iyon pa kayang ma-fall ka sa straight or vise versa?

“Gandang umaga, Tay!” bati ni Phen kay Tatay na karga-karga si Bon at niyakap ito na siyang tinugunan naman ni Tatay. Si Ate naman busy maghain ng almusal namin.

“Gandang buhay, Tay!” hindi ko papatalong bati at gigil na niyakap sina Tatay at Bon. Hindi pa sana ako titigil kaso sinambunutan ako ng pamangkin ko eh. Sakit ah! Mali yata gising nitong isang ito. Sungit eh.

“Ate oh! Si Bon!” sumbong ko.

“Ang bulahaw mo kasi.” asar nito sa akin.

“Salamat sa pagpapakita ng concern sa akin bilang kapatid.” tugon ko dito pabalik na siyang kinatawa nila Tatay.

Saka ko lang narealized na ang daming nakahain sa hapag. Anong meron? Mukha namang hindi ito yung mga tira kagabi sa dala nila Mateo.

“Congratulations, ’nak!” bati ni Tatay ng siguro napansin niya na mukha akong timang na nakatingin sa mga nakahain sa lamesa.

“Congratulations, kapatid sa pananampalataya!” segunda ni Ate.

“Hindi na kita babatiin tama na yung bati ko kanina!” mataray ngunit nakangiti na sabi ni Phen.

Si Bon ayun, palakpak lang ang ginawa at mukhang hindi pa niya nafu-fully grasp ang nangyayari kaya ang cute niyang tignan.

“Luh, paano ninyo nalaman eh si Phen palang sinabihan ko ngayong umaga?”

“So natanggap ka nga?” gulat na tanong ni Ate.

“O–”

“Malamang. Iyan pa ba? Dugong Martinez ’yan eh!” sabat ni Phen.

“Ay shuta! Well, alam ko namang makukuha ka pero hindi ko pa rin inexpect paano naman kasi itong si Tatay sabi matanggap ka or hindi, maghahanda pa rin para i-congratulate ka sa milestone mo sa buhay na na-experience mong ma-job interview.” talak ni Ate.

“Talaga ba?” tanong ko. Na-touch naman ako sa narinig at agad na tumingin kay Tatay na siyang tumango bilang pag sang ayon sa sinabi ni Ate.

“I love you, Tatay!” sabi ko at niyakap siya ng umiiyak. Okay, sige na. Ako na crybaby pero kasi, ’di ba kayo mata-touch kapag ginawa sa inyo ito ng magulang ninyo? Like, uhuhu! Si Tatay talaga oh!

“Pahalagahan mo ’yang binigay sa iyo na trabaho. Hindi lahat nagkakaruon ng ganyan opportunity. Mag ipon ka. Gamitin mo iyan bilang foundation mo kapag nagsimula ka na ulit mag-aral at higit sa lahat para hindi ka umasa sa ibang tao lalo na kay Mateo kahit na mayaman siya. Ipakita mo sa kanya na kaya mo sarili mo kahit wala siya o ang pera niya, maliwanag ba?”

Tango lang ang naisagot ko habang umiiyak pa rin dahil sobra talaga akong na-touch habang ’yung dalawang ungas ko naman na mga kapatid tinatawanan at inaasar ako. Si Bon naman narinig kong tinanong si Tatay sino daw nang away sa akin. Hahaha.

So, ayun after ng mini breakfast celebration namin, nagpaalam na sina Tatay at Ate kasama si Bon na pupunta na sa canteen namin samantalang si Phen naman ay papasok na ng school. Hindi siya sinundo ni Alexis ngayon kasi may biglaang meeting daw sila na mga kagaya niyang nasa business world din.

Kaya heto ako at naghanap ng pagkaka busyhan at nag end up sa paglilinis ng buong bahay namin. Halos pasado ala una na ng matapos ako. Para akong si Patrick The Starfish na nakahilata sa sahig habang humihinga ng malalim.

Nasa verge na ako na makaka tulog na ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tamad akong tumayo at inabot ang walang humpay na pagtunog ng cellphone ko. Sino ba itong damuhong na ito? Pfft. Unknown number pa pati.

“Hello?”

“Bata!” energetic na bati nito sa kabilang linya. Aish, mukhang kilala ko na kung sino ito.

“Tanda!” mapang asar kong tugon.

“Aba’t–!” biglang naputol ang balak nitong sabihin dahil kinausap nito ang kasama niya, “Ngayon na nga kasi para nga hindi matuloy ’yung balak ng pequeño

diablo na iyon!“

“Ha? Anong balak?” tanong ko.

“Ah eh. . Sunduin ka nalang namin d’yan.” sabi ni Anton sabay baba ng cellphone niya.

Tignan mo ito. Pa-thrill pa ang loko. Ano ba kasi ’yung balak ng damuhong na Mateo na iyon at dinadamay na naman ako nina Anton at Berto? As if namang may powers akong pigilan iyon.

Wala pang thirty minutes narinig ko na ang pagbusina nila Anton sa labas kaya dali-dali akong lumabas ng naka pambahay. Kung akala ninyo hindi ako naligo, nag sponge bath naman ako ’no. Tingin ninyo sa akin? Dugyot? Yuck.

“Iyan na damit mo?” tanong ni Berto habang tinitignan ang suot ko mula ulo hanggang paa.

“Saan ba tayo pupunta at mukhang kailangan naka postura ako? At oo, ito na damit ko. Natatamad na ako magpalit.”

“Sa office ng asawa mo.” may kalakasang sagot ni Anton. Ako naman itong si praning napa left and right agad ng tingin baka kasi may nakarinig sa sinabi niya. Nakahinga ako ng maluwag ng marealize kong walang tao sa labasan dahil oras ng siesta.

“Baluga! Asawa ka d’yan! Hindi kami official ’no.” maktol ko pagkapasok ko sa luob ng kotse.

“Pero iisipin ng mga tao na official kayo lalo na kapag pinakilala ka niya.”

“Hindi niya gagawin ’yon. Bilang straight na lalaki may pride iyon ’no. Paano na siya makapangba-babae kung gagawin miya iyon?”

“Kailangan ninyong magkaruon ng alone time na dalawa para mas makilala mo siya, hijo. We didn’t call him pequeño diablo for no reason.”

Hindi nalang ako umimik at hinayaan si Berto na i-explain sa akin ang dahilan bakit bigla nalang nila ako muling kinaladkad papunta sa kung saan.

“So balak niya tanggalan ng trabaho ’yung mga nanduon sa bahay niya ngayon dahil lang sa magsasama kami sa iisang bahay? Like, anong point?”

“Exactly! Iyan din ang sinabi ko kay Mateo but that kid wouldn’t listen. Ang pinipilit niya sa amin ay baka ma-awkwardan ka daw sa mga taong nasa bahay niya and therefore yada, yada, yada na mga excuses niya.”

“Baka kamo takot siya na baka kapag nagdala siya ng chikas niya eh isumbong siya sa akin ng mga tauhan niya.” inis kong usal.

“That’s not the reason.” singit ni Berto.

“Eh ano?”

“Hindi kasi siya sanay na may kasamang iba sa bahay simula ng pumanaw si kumpadre. Natatakot lang ang batang iyon na mapalapit siya sa iyo or ikaw sa mga nanduon sa bahay nila kasi paano kung magbago ang isip mo? In reality, siya ang may kailangan sa iyo hindi ikaw. Natatakot lang ’yung batang iyon na makasanayan niya o ng mga makakasama mo sa bahay ang prisensya mo.”

“Eh anong pinagkaiba nu’n sa kaming dalawa lang ang matitira sa bahay?”

“Hindi naman madalas umuwi ng bahay si Mateo so ang ending, ikaw halos ang magtatao sa bahay niya.”

“Gaano ba kalako bahay niya?”

Nagkatinginan sina Anton at Berto.

“No way! Hindi ako titira sa isang malaking bahay ng ako lang ’no! Paano kung magparamdam sa akin ’yung lolo niya? Isa pa, ang hirap maglinis ng malaking bahay! Bahay pa nga lang namin pagud na pagod ako kapag nililinisan ko eh! At saka, baliw ba siya? Gusto niya ako mabaliw sa bahay niya? Ano? Wala akong kausap? Akala ba niya alam ko makipag usap sa pader o kisame? Bilisan mo na nga mag drive, Anton ng mapingot ko iyang si Mateo sa tenga!” inis kong himutok at nag cross arms habang kung anu-ano ng scenario ang tumatakbo sa utak ko kung paano ko papagalitan si Mateo sa naisip niyang kashungaan.

Napaka selfish ng walang hiya! Ginamit pa akong dahilan. Kawawa naman ’yung inosenteng mawawalan ng trabaho dahil lang sa akin na ako itong walang kaalam-alam anong sinabi niyang dahilan sa mga empleyado niya duon sa bahay if ever man na tinaningan niya na sila sa trabaho nila sa kanya.

Humanda talaga iyang si Mateo sa akin kapag nagkita kami. Sana lang hindi sensitive ang tenga niya.

DIECISÈIS

Dinaanan namin yung mataas na building na gawa sa salamin at kumikinang sa malayo palang at sabi ni Berto, isa daw iyan sa mga kompanyang pagmamay-ari ni Mateo. Eh di wow! Siya na mayaman! Kaya nakakainis siya eh palibhasa mayaman wala man lang concern sa mga hindi niya ka-level lalo na kung tanggalan niya ng trabaho.

“Tara na.” tawag sa akin ni Berto kaya nakilabas na rin ako ng kotse.

Napatingin ako sa mga nag gagandahang kotse na nakaparada sa parking lot at mukhang hindi pang normal employee ang mga nagpa-park dito. Siguro ’yung mga pang director or shareholder ganun.

“Nagugutom ako.” sabi ko habang papunta kami sa elevator na malapit sa parking lot at may dalawang buff na security guard na naka bantay maliban duon sa mismong entrance ng parking kanina. Grabe, ang dami namang bantay dito. Hindi ba sila nabo-boring eh mukhang hindi naman lagi may tao dito?

“Good Afternoon po.” bati ko sa mga nagbabantay at halatang nagulat sila dahil bigla nalang silang nag bow sa akin sa gulat nila syempre. Parang hindi sila sanay na may bumabati sa kanila.

“Good afternoon po, Sir!” saludo sa akin ng isa.

“Good afternoon po.” bati ng isa pa sa aming tatlo.

Yumuko lang sina Anton at Berto bilang pagtugon samantalang nginitian ko naman ’yung dalawa at kinawayan pa sila bago tuluyang magsara ’yung elevator pagpasok namin.

“Oh bakit?” mataray kong tanong sa kanilang dalawa ng tignan nila ako na parang ang weird kong nilalang.

“Wala, hijo.” sabi lang ni Anton sa akin sabay tingin kay Berto pagtunog ng elevator sa floor na inenter nito kanina, “Bakit dito?”

“Nagugutom daw siya,” sabay turo sa akin, “Kakain muna tayo bago dumiretso sa taas.”

“Yehey!” palakpak ko na parang bata. Nangisi lang si Anton samantalang si Berto, ayun. Nagtataray na naman. Akala mo naman nireregla. Pfft.

Paglabas namin ng elevator, feeling ko tumapak ako sa mamahaling buffet restaurant sa mall. Putek! May pa chandelier pa! Sabi naman sa akin ni Anton ito daw ’yung canteen area ng building. Actually tatlo daw ang canteen area aa building na ito. Iniisip ko palang na baka mas bongga pa ’yung duon sa dalawa, nalulula na agad ako. Mahal siguro ng mga pagkain dito?

Pero teka nga! Lakas ko magsabi na nagugutom ako eh ang tanong may pera ba ako?

Iche-check ko palang sa bulsa ng suot kong shorts kung dala ko ba wallet ko eh inunahan na ako ni Berto.

“Ako na bahala magbayad.”

Takte! Mind reader ba siya? Paano niya nalaman nasa isip ko?

“Thank you!” maligalig kong sabi at mahigpit siyang sinide hug.

“Aish! Umayos ka. Nakikita tayo ng mga empleyado.”

Napanguso ako at napatingin sa mga empleyadong nanduduon. Aba, medyo marami-rami sila at lahat naka corporate attire. Mga nakatingin din sila sa amin. Pero feeling ko sa akin talaga focus nila.

Para naman krimen magsuot ng Hoochie shorts at Muscle shirt. Maayos naman ’yung damit ko. Walang mantsa ng dumi at malinis din ’yung suot kong tsinelas. Pero kung titignan nga naman compare sa suot nitong nina Berto, mukha nga lang akong nahila sa kanto o boy ng dalawang ito. Pfft. Mahilig kasi sa biglaan itong mga ito. Kung sinabihan akong maaga eh di sana nakapag jeans man lang ako.

Napatingin ako sa mga nakahilerang pagkain na binebenta at halos maubo ako sa gulat. Nasa canteen ba talaga ako o buffet? Ang mamahal ng pagkain! Magkano sahod ng mga empleyado dito?

“Hindi na pala ako gutom.” bulong ko kay Berto. Tinaasan naman ako nito ng kilay.

“Sagot ko na nga ’yung pagkain bakit ayaw mo pa?”

“Ang mamahal eh! Pwede ng budget pang palengke yung presyo ng pagkain dito.”

“Hayaan mo, bata. Masasanay ka din.” sabi nalang ni Anton and they proceed to order our food.

Napanguso ako. Siguro tama si Anton? Pero baka mali din siya. Hindi ako sanay sa ganito. ’Yung gasta lang ng gasta. Nanghihinayang ako sa perang nilalabas ko malaki man o maliit dahil pinalaki kami na ’yung pera hindi naman nagiistay at hindi rin madaling nakukuha.

In fairness naman sa kinain ko na isda masarap naman pero ang mahal pa rin! Pangalan pa nga lang eh alam mong mamahalin na - Creamy Spinach Stuffed Salmon in Garlic Butter. Samantalang si Berto nag kape lang na may cinnamon toast at si Anton literal na kape lang. Diet daw kasi siya. Sus! Maniwala! Eh mukhang nangchi-chikas lang siya panay kasi lingon niya duon sa kabilang table na may magandang babae na halata namang aware na kanina pa siya tinitignan nitong si Anton.

Patapos na ako kumain ng narinig ko si Anton mapa aray. Huh?

“Bakit ka nangungurot?” inis na ismid ni Anton kay Berto.

“Umayos ka nga. Mambababae ka nalang dito pa sa kompanya ni kumpadre.”

Inirapan siya ni Anton at inayos ang suot nito. Napa iling nalang ako.

“Tara na. Baka hindi natin maabutan si Mateo.” sabi ni Berto.

“Pwede din namang maabutan natin siya pero may ginagawang milagro.” dagdag naman ni Anton sabay tingin sa amin ng makahulugan. Parang gusto kong masuka.

Hindi naman sa nagmamalinis ako kasi alam ko naman ibig sabihin nitong si Anton pero what the heck? Wala ba siyang delikadesa? Sa kompanya niya talaga? Meron naman siyang bahay, meron siyang kwarto bakit hindi niya duon gawin? Nauso din naman hotel!

“Nasa meeting po siya eh.” sagot ng magandang sekretarya sa amin bago pa man kami makapasok na tatlo sa office ni Mateo. Syempre asa naman akong lalaki secretary niya.

“What time will he be back?”

“Hindi po ako sigurado. Biglaang meeting po kasi iyon with the investors. Sila po ’yung same na nagpa biglaang meeting din ng nakaraan.”

Kita ko kung paano mag taray na naman ang ekpresyon ni Berto.

“Again? For the third fucking time this month? Unbelievable! They’re unbelievable! I guess, we will just have to go there.” sabi nito at naunang maglakad sa amin ni Anton papuntang elevator.

Nag bow ako duon sa secretary na saka lang napansin ang presence ko at nagtaka siguro siya sa ginawa ko at binigyan nalang ako ng pilit na ngiti bago ako sumunod duon sa dalawa.

Bakit kaya ganito nalang reaksyon nitong si Berto? Eh di ba kapag CEO madalas naman talaga ang mga meetings nila?

Syempre pagdating namin duon sa floor na sinelect niya bigla akong kinabahan. Ganito kasi ’yung sa mga drama ’di ba? Yung bigla nalang dadating ’yung bida/kontrabida sa kalagitnaan ng meeting tapos gagawa ng eksena? Jusko! Okay sana kaso ’yung attire ko! Hindi kaaya-aya para manugod ng kung sino sa meeting na iyon. I mean, akala ko kasi si Mateo lang talaga kikitain namin hindi ako informed na sa meeting kami eeksena! Jusko naman!

Napahawak ako sa singsing ko. Naku, huwag po sanang gawing eksena sa dramarama sa hapon ang entrance namin nina Berto at Anton.

“Then show us the proof that you have the ring or we’re gonna elect for a new absolute leader whether you like it or not. We will no longer tolerate your excuses!”  dinig kong galit na sigaw ng isa sa mga nasa meeting pagpasok namin ng boardroom.

Sa sobrang focus nila kay Mateo, kahit na cool lang siya sa kinauupuan niya hindi ko napigilang mainis duon sa nanigaw sa kanya. Ganuon ba talaga kahalaga itong singsing ko para lang makalimutan nila manners nila?

“There’s no need for an election. The proof you’re looking for is here.” saad ni Berto na nagpatigil sa mga nasa boardroom. Dahilan para mapunta sa amin ang atensyon ng lahat.

“Where?”

Tinaas ni Anton ’yung kamay ko na may suot ng singsing at sa pinaghalong gulat at hiya ko eh hinanap agad ng mga mata ko si Mateo. Hindi ko alam kung bakit pero wala eh. Magkatitigan na kami ngayon at kita ko ang pag ngisi ng kumag.

Ano na naman kaya iniisip nito? Baka iniisip niyang excited akong magpanggap na asawa niya? Bugbugin ko siya eh!

DIECISIETE

“Are you kidding us? That boy? He doesn’t even look like he knows why he’s here,” tinignan ako nito mula ulo hanggang paa, “And what makes you think we’re gonna believe that it’s really the ring of the previous absolute?”

“Because our families were the one who created the ring so what make you think we’re gonna let a fake one slide?” tugon ni Berto.

“Because you’ve been friends with the Del Lovato for so long that you cannot stop us to think na baka pinapaburan ninyo si Mateo for their family to stay on top of anyone ’coz you know na mawawalan na din kayo ng authority kapag bumaba ang pamilya nila.”

Napatingin ako kay Anton ng tumikhim ito. Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng isa sa mga nanduduon.

Grabe naman makapang judge itong mga ito! Akala mo mga perfect at walang kapintasan sa katawan. Gustuhin ko man na pagtanggol na sila, hahayaan ko muna kasi ayaw ko naman na makisawsaw agad lalo pa at hindi pa naman ako totally ang pinag iinitan. Syempre ibang usapan na kapag ako. Ano ako tanga na hahayaan na i-disrespect ako ng ibang tao? Hindi ako ganuon pinalaki ng Tatay.

“Tell us, how much did they pay you to wear that ring and pretend that you were the one who found it or better yet to keep the Del Lovato’s power even thou we all know that that ring might be a hundred percent fake.” tanong ng isa sa mga nanduduon sa akin in a mocking tone. Parang pinapalabas pa niya na peke itong suot ko.

Huminga ako ng malalim. Sabay pang nagsalita sina Berto at Anton para sana ipagtanggol ako pero pinigilan ko sila. Si Mateo naman mukhang tinatansya hanggang saan magiging walang hiya ang mga ito bago siya magalit sa kanila.

Hindi talaga ako makapaniwala na may mga ganito mayayaman. Daig pa nila ’yung taong hindi nakatungtong ng eskwelahan pero marunong rumespesto at makiramdam sa nasa paligid nila. Sila itong may pera makapasok sa magagandang eskwelahan pero sila itong asal walang pinag aralan.

“How much do you want us to pay you then if its proven fake? And how about if its real? Are you willing to step down on your position when that happens?” tanong ko habang naka lean sa pader at naka cross arms. Syempre hindi ko inaalis ’yung tingin ko sa kanya.

“Are you testing me? Us? We all know what you’re doing is just a facadè to threaten us to make us believe that that is the real thing when it’s not and it won’t work to me either to them.”

“Who said I’m testing you or any of you here to believe? I’m challenging you because I’m not dumb to risk anything here if its fake. Are you dumb?” sarkastiko kong tanong sa kanya at mas lalo siyang pinagkatitigan sa mata. Halatang nainis ito sa inakusa ko sa kanya. Nagtagis ba naman ’yung bagang eh. Akala mo naman kinapogi niya. Mukha namang na-LBM.

“Why don’t you show us then?” sabi naman ng nasa kabilang side ng mahabang oval table.

“The ring? Sure, only if you go here to see it yourself. I’m not going to take it off just for any of you to take advantage of and have it for yourself.”  sagot ng hindi man lang ito tinitignan.

“If you’re still scared that this might be the real thing, which it really is, go make a phone call to your very own authenticators, the people who were able to saw the real ring of the absolute leader but call them here. I want to hear how the conversation goes and that is if, and only if, there are any of you here that are fair and square.”

Parang may dumaang anghel after kong sabihin iyon sa luob ng boardroom paano ba naman biglang tumahimik eh.

“Has everyone made a decision yet?” tanong ko.

Sa peripheral ko nakita ko ang isa sa kanila na nagtaas ng kamay, “May I ask a question?”

“You’re already asking so yeah, I suppose. Do I have a choice to say no?”

Tumikhim ito.

“I haven’t seen you before so may we know who are you? Are you related to the Del Lovato or anyone of us here or just someone from the outside?”

Huminga ako ng malalim. Sasagot palang ako pero may naunang sumagot para sa akin.

“Seen him once before and to be honest, I would rather believe him that the ring he is wearing is the real thing. You don’t want to anger this man infront of you. Saw him drag Hernandez’s daughter during the party because the girl is so full of herself that she wants all the attention to her and her wrong doings.”

Duon palang ako napatingin sa lalaking nagsalita para sa akin. Nope, he wasn’t looking at me but at the others that he is with. Seryoso siya sa sinabi niya walang bahid ng kung anong malisya.

Pero dahil sa sinabi niya, naalala ko ’yung eksena ko duon sa party na pinuntahan ko kasama sina Phen. Shit. May nakaalala pala sa akin. Shit, nakakahiya pero at the same time nakaka proud! Na-trauma ko yata ’yung mga nanduon sa ginawa ko. Hahaha!

“So who is he then?” usisa ng isa.

For the second time around, ng turn ko na para simagot naunahan na naman ako! Kung meron lang ditong red button, pinaghahampas ko na iyon sa inis ko! Bakit ba kasi inuunahan ako? Hmmp!

“He’s my Husband.”

Halos magpantig ang tenga ko sa narinig. Sing bilis ng malakas na hangin ang ginawa kong paglingon sa nagsalita at tama nga ang hinala ko. Ang gung-gong na si Mateo ang nagsalita! Bwisit talaga itong lalaki na ito! Trip na trip ako!

Umani iyon ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga nanduduon. Mostly, negative.

“What the hell are you saying, Mr. Del Lovato? We were just about to decide to believe that that ring is real but here you are saying another yet ridiculous thing infront of us.”

’Yung way kung paano iyon sinabi ng lalaking halos pumitik na yung litid niya sa leeg eh nagbigay sa akin ng inis. Bwisit talaga mga tao na homophobic na walang basehan. ’Yung iba naman kasi reasonable dahil they had experience something bad or inappropriate towards other LGBTQ+ members dahil sa kanal nilang behavior at mindset but this? He’s the ridiculous one. Plano siguro ng isang ito ipakasal anak niyang babae kung meron man dito kay Mateo. As if naman tipo iyon ni Mateo. Teka, pakialam ko ba anong mga tipo niya. Baka nga itong mismong matanda na ito type siya eh.

“I’ll just say this once and get this in your old, rusty heads. Doubting the legitimacy of the late absolute leader’s ring, fine. I’ll let that pass but my husband? Dare to doubt or insult him again infront of me, I wouldn’t dare to loose each and anyone of you. You’re nothing compared to the ring and most especially my husband.” saad ni Mateo in finality sabay tayo sa kinauupuan niya. Halatang nagulantang ’yung mga nanduduon including ako kasi ikaw ba naman biglang hatakin nina Berto at Anton eh.

“Next time we meet be sure the topic will be business related or I’ll never attend again.”

Akala ko susudan namin siya nina Berto ng lumakad siya papunta sa amin ng sinabi niya iyon to end the meeting pero nope. Iba ang plano ng walang hiya! Hinapit ba naman ’yung bewang ko at sa lakas niya wala ako nagawa kundi sumunod sa kanya sa paglalakad kasunod ’yung dalawa ng hindi sila nililingon.

Dapat mainis ako sa Mateo na ito ng lingunin ko siya habang patuloy pa rin kaming naglalakad pero hindi. It was the other way around. ’Yung abnormal kong puso ang lakas ng kabog at pakiramdam ko ’yung tiyan ko umiikot ng parang sa washing machine. Buset!

DIECIOCHO

Masama ang tingin ko kay Mateo habang nakaupo sa malambot na itim na couch niya na gawa sa leather. Kaming dalawa lang ang naiwan sa office niya kasi nag insist ’yung dalawa na pumunta ng canteen dahil bigla daw silang nagutom.

Imagine, wala man lang silang concern dito kay Mateo eh alam nilang naiinis ako dito. Paano nalang kung magbugbugan kami dito? Sino aawat sa akin? Kawawa ito kapag kinalyeng away ko itong damuhong na ito.

“Am I that handsome for you not to take your eyes off me?” nakangising banat nito habang nakahalumbaba sa table niya.

Ito na. Siya pa talaga nagsimula ha?!

“Tigilan mo ako, Mateo ah! Hindi ako natutuwa sa tabas ng dila mo! May kasalanan ka pa sa akin kanina.”

“Huh? What do you mean?”

“Anong What do you mean? Fan ka ba ni Justin Bieber? Tigil-tigilan mo talaga ako hindi ako natutuwa sa iyo ah!” sabi ko at inirapan siya sabay cross arms.

“I really don’t know what you’re talking about. If anyone here is suppose to be acting like you’re doing now, shouldn’t be me as you guys were the one who just barged in to my meeting earlier without notifying me in advance?” nakipaglaban ito ng pagtataas ng kilay sa akin. Hindi lang iyon, nag lean siya lalo sa swivel chair niya at may pagpatong pa ng paa niya sa lamesa niya. Buti nalang malinis ’yung ilalim paano kung may tae ng hayop ’yon?

Pero teka, oo nga ’no? Bakit nagagawa niyang mag chill gayong nabulabog nga naman namin ’yung meeting niya kanina? Nakikipag asaran pa siya sa akin. Weird. Ano kayang binabalak nito?

“Gawin mo na kung anong balak mong gawin o kaya sabihin mo na sa akin hindi ’yung dinadahan-dahan mo pa ako sa balak mo.”

“You’re really weird, Sunny . I’m not plotting anything against you. Besides, if there’s anything I wanted to say, I already did earlier.” sabi nito sabay ngisi, “Right, my husband?”

Automatic akong umaktong nasusuka at ayun, ang damuhong mamatay-matay ng kakatawa sa kalokohan niya.

“Napaka mo talaga, Mateo! Bwisit ka!” sabi ko sabay hagis sa kanya ng throw pillow. Ngayon alam ko na kung bakit throw pillow ang tawag dito. Very effective and convenient lalo kapag kaharap mo ang isang Mateo.

“What the fuck is that for?” inis na tugon nito ng maialis niya sa mukha niya ’yung binato kong unan sabay tayo sa kinauupuan niya para lapitan ako. Syempre, papakabog ba ako? Hindi ako pinalaking mahina ng Sexbomb! Joke!

“Oh ano? Ano? Sige! Subukan mo!” sabi ko habang aambang babanggain siya sa dibdib kaso unfair lumaban ang walang hiya!

“Aray! Bakit ka nananabunot?” sigaw ko, gulat ako biglang hinila ’yung buhok ko! Napaliyad tuloy ako. Feeling ko kung may wig lang ako natanggal na sa lakas niya manghila! Buti nalang malapit pa rin ako couch kaya naabot ko yung isa pang throw pillow at bumwelo para hilain iyon at ihampas sa mukha niya.

“You!” inis na bulalas nito ng makawala ako sa pagkakasabunot niya at nabigla siya ng lundagan ko siya sa likuran dahilan para mapaluhod ito. Syempre, di ako papayag na walang ganti. Sinabunutan ko nga rin siya habang nakasakay ako sa likuran niya na parang kabayo siya.

“Get the fuck off me, you monster!” mabilisan siyang umikot in a 90 degrees way at nag lean back para maipit at madaganan niya ako sa couch.

“Aray! Hindi ako makahinga!” reklamo ko habang tinutulak siya palayo sa akin.

“You deserve it!” pangaasar nito at ako naman pinaghahampas ng throw pillow sa mukha.

“Mateo!”

“Yes, my husband?” dinig na dinig ko ang kapilyuhan sa tono niya kaya sa inis ko pinalo ko ng malakas ’yung hita niya. Napa aray naman siya sa ginawa ko pero imbis na tigilan ako, kiniliti ako ng walang hiya.

“Don’t start a fight you can’t finish, looser!” anas nito habang para na akong kiti-kiti na hindi makahinga dahil hello? Malakas kaya kiliti ko at itong walang hiya na ito napaka manhid at hindi man lang makahalata.

“Fuck you!” inis kong sabi ng tumigil siya sa pagkiliti sa akin. Halos habulin ko na yung paghinga ko dahil sa kagaguhan ng isang ito. Lalo tuloy akong nainis sa pagmumukha niya.

“Who? You? You look hot so why not?” nakangising sabi nito sabay hawi ng buhok niya in a pa-cool way .

“Ang bastos mo!” inis kong bulalas at balak ko sana siyang sipain dahil nasa paanan ko siya kaso ang damuhong nasalag at hinawakan yung kaliwang paa ko at pinatong sa balikat niya.

“Hoy gago ka!” napasigaw ako sa gulat ng bigla nalang nakapatong na sa akin ang loko at nakangisi pa habang nakabukaka ako sa kanya! Ginawa pa akong babae!

“I thought you said, fuck you? “

Napalunok ako ng makita ko na naman ng malapitan ’yung mukha niya. Lalo na napapatitig na naman ako sa labi at sa mga mata niya. Shuta! Bakit naman biglang uminit? Kanina ang lamig dito ah! Nakaka suffocate ’yung pabango ng lalaking ito! Hindi ako makahinga!

“Minumura kita! Hindi ko s-sinabi–”

“ Oh! I thought you want me to, y’know. .“ binasa pa nito ang labi niya na nakapag palunok sa akin. Ano bang ginagawa ng lalaking ito sa akin? Ginagayuma yata ako nito eh, “Hate to break it to you but in this fake relationship of ours, I’ll be the giver and you, you just have to be the good, obedient receiver, alright, honey Sunny? “ sabay alis nito sa pagkakapatong sa akin at ayos ng damit niya.

Napa irap ako at saka palang ako nakahinga ng maayos ng malayo na siya sa akin kaso pagtingin ko sa kaliwa, to my horror, nakita kong nakatayo duon sina Anton at Berto.

Si Anton nakangising aso habang binababa yung cellphone niyang nakatutok sa amin habang si Berto naman parang nakita ’yung Lolo nitong si Mateo kaya ayun, napasigaw ako ng mapagtanto ko ang nangyayari.

“Kanina pa ba kayo nand’yan?!”

“H’wag ka magalala di kita susumbong sa Tatay mo.” sabi nito pero ’yung ngiting aso niya hindi mawala-wala.

“Burahin mo iyan!” sabi ko sabay lundag papunta sa kinatatayuan niya. Huwag ninyo ng tanungin paano ko iyon ginawa basta ang importante mabura ko ’yung picture namin ni Mateo sa phone niya mamaya ano pang isipin ni Tatay eh! Huhuhu!

“Kasalanan mo itong lahat, Mateo! Bwisit ka!” inis kong sabi habang hinahabol si Anton na palabas na ng office niya.

DIECINUEVE

“Sa akin siya sasakay.” saad ni Mateo habang nasa luob kami ng elevator. Walang bakas ng pagtatanong. Sa halip, utos iyon na kailangan sundin nitong dalawang kasama namin.

“Maka bakod naman, Mateo. Hindi naman namin itatakbo si Sunny sa iyo.” nakangising tugon ni Anton. Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin. Nagkibit-balikat ’yung isa para mas lalo akong inisin. Hindi ko kasi nabura ’yung picture namin na meron siya sa cellphone niya kaya ngiting wagi. Pfft. Makaka tsempo din ako na mabubura ko iyan sa cellphone niya.

“Let’s meet at Grandeur .” sabi ni Mateo bago ako hilahin palabas ng elevator. Hindi ko na nalingon pa sina Anton paano kasi kung makalakad si Mateo akala mo magugunaw na ’yung building sa bilis niya maglakad. Duon ko lang na realize na walang ibang naka park sa parking lot na binabaan namin maliban sa kanya. Huh? Don’t tell me ’yung ganitong kalawak na parking lot designated para lang sa kanya? Aba, matindi!

Pero saan nga daw kami pupunta? Grandeur? Ano iyon? Restaurant? I know, I know. Hindi po ako patay gutom pero kasi hello, ano unang papasok sa isip mo pag sinabi ’yung pangalan na iyon? Sige nga.

Hindi pa kami halos nakakalapit sa sasakyan niya pero nag beep na ito at nag blink ’yung ilaw sa harapan. Nag angatan din yung mga pintuan. Woah!

First time kong makakita ng ganito. Madalas kasi sa palabas lang o sa youtube ako makakita ng ganito. Iba pala kapag personal mong nakita.

Para nga akong bata kasi bumitaw ako kay Mateo para lang lapitan yung sasakyan at tignan kung paano ito nagooperate. Hindi ako ignorante, okay? Nakakatuwa lang talaga makakita ng ganito ng hindi na sa screen.

“Easy. Baka mapatakan ng laway mo ’yung sasakyan.” asar nito sa akin. Agad ko siyang nilingon at binelatan.

“Hmmp!”

“Sakay na. Baka gusto mong buhatin pa kita? D’yan ka sa shotgun umupo.”

Sinunod ko ang sinabi niya at naupo sa harap. Anong akala nito sa akin sa likod ako uupo at pagmumukain siyang driver? No! Sa harap ako sasakay syempre. Makakasakay na nga lang ako ng ganito ka high-tech na kotse eh lulubusin ko na baka hindi na ako makaulit eh. For the experience tayo ’no!

“Ang ganda ng sasakyan mo.” bati ko habang nagda drive siya. Tuwang-tuwa ako pagmasdan ’yung luob ng sasakyan.

Napatingin ako kay Mateo ng hindi siya umimik. Hmmp. Seryoso naman nito mag drive. Hindi makausap. Hindi gaya nila Anton na nakikipagdaldalan. Anyways, ie-enjoy ko nalang itong buong biyahe them kukwento ko kila Tatay.

Speaking of, bigla kong naalala na hindi pala ako nakapagsabi sa kahit na kanino sa kanila na umalis ako ng bahay. Pagabi na rin. Shemay! Anong oras na! Hindi ko pa naman dala cellphone ko kaya hindi ko rin alam anong oras na. Takte! Walang ilaw ’yung buong bahay namin baka ano isipin nila pag uwi. Shit.

“What’s going on?” tanong ni Mateo ng mapansin nito na hindi ako mapakalim Sakto ding nakahinto kami sa stoplight.

“Uhm, nakalimutan ko kasi magsabi kila Tatay na umalis ako eh. Baka kasi pauwi na sila. Wala akong nalutong hapunan namin. Pagod na ’yung mga iyon pagdating kung magluluto pa sila eh.”

Nagtaka ako ng may kunin siya sa bulsa ng blazer niya at pagtingin ko, cellphone niya pala at inabot ito sa akin.

“Anong gagawin ko dito?”

“Ano ba dapat gagawin mo?” tanong nito pabalik sa akin kaya napaisip ako. Ano nga ba dapat gagawin ko? Hmm. .

“Okay lang ba tumawag ako gamit phone mo?”

Sinamaan ako nito ng tingin bago muling umandar ’yung sasakyan namin. Pfft. Sungit. Tatanong lang naman eh! Mamaya pabayaran niya sa akin. Malay ko magkano singil nito.

Muli ko siyang nilingon ng ma realize kong walang password or any security measures ang phone niya. Swerte makakanakaw ng phone niya if incase.

Agad kong dinial ang number ni Tatay at wala pang ilang segundo agad niya itong sinagot.

“Tay! Kasama ko po ngayon si Mateo. Nakalimutan ko pong magsabi kanina kasi biglaan po eh. Sinundo ako nina Anton kanina sa bahay. Pauwi na ba kayo? Hindi ako nakapagluto ng hapunan ninyo. Sorry, ’Tay. May bahay pa naman akong uuwian mamaya ’di ba?” parang bata kong rant sa kanya.

Narinig ko namang natawa si Tatay pati ’yung katabi ko. Muli ko itong nilingon pero poker face lang naman siya. Baka guni-guni ko lang.

“Ayos lang, ’nak. Dumaan dito sina Anton kani-kanina lang may dalang ulam pang hapunan. Nagpasalamat na ako pero magpasalamat ka din pagkita ninyo ulit. Sige na. Enjoy ka na d’yan, ’nak. Ingat kayo pauwi. Si Phen nalang o si Ate mo magbukas sa iyo mamaya kay magli-live selling daw sila. Pupuyat sila parehas kasi wala daw pasok si Phen. Holiday bukas.”

“Sige, ’Tay. Ba-bye. I love you, ’Tay.”

“I love you, ’nak.”

Pagtapos ng paguusap namin agad kong binalik kay Mateo ’yung cellphone niya. Akala ko may binabalak na naman siyang pang iinis pero so far wala naman. Nakakatawa nga eh kasi hindi ko inexpect na may unserious side si Mateo ng una kasi kaming nagkita para siyang papatay ng tao pero baka hanggang aurahan niya lang iyon siguro. Hindi naman siguro siya papatay, ’di ba?

“We’re here.” sabi niya. Muling umangat ’yung pintuan ng sasakyan pataas at syempre ako itong parang first time na naman iyon makita, amaze na amaze naman. Nakita ko lang nakangisi si Mateo sa akin. Malay kung anong iniisip niya. Wala akong pakialam basta natutuwa ako sa kotse niya.

“Kailan ka magiistart sa trabaho mo?”

“Huh? Paano mo nalaman na may trabaho na ako?”

Tinignan niya ako na para bang damit kong gamitin ang common sense ko to which I did and saka ko naalala na, oo nga pala. May access nga pala siya sa tsismis through Anton and Berto.

Hindi sinasadyang mapahawak ako kay Mateo dahil nagulat ako sa hitsura ng pinto na papasukan namin. ’Yung para sa movie na The Devil Wears Prada. ’Yung umiikot na pintuan tapos pwede ko ma-trap sa luob kapag tatanga-tanga ka. Syempre ayaw ko ma-trap sa luob ’no!

Eh ang balugang si Mateo, sa balikat lang naman niya ako napahawal pero tinanggal niya iyon at hinolding hands sa akin. Tinry kong alisin ’yung magka salikop naming kamay pero ang lakas ng loko. Lalaki din naman ako ah! Bakit ganuon? Ang unfair ah!

“Saan ba kasi tatayo pupunta? At bitiwan mo nga ’yung kamay ko! Pinagtitinginan tayo oh! Hindi ka man lang ba nahihiya sa reputation mo o ngayon mo ako ginagantihan sa ginawa ko kanina?”

“Sunny, aren’t you forgetting something as to why I’m doing this?”

“Huh? Anong forgetting? Hindi ako makakalimutin ’no! Wala naman tayong usapan na magholding hands tayo paglabas natin ng kotse mo.”

“But since nasimulan ko ng sabihin kanina sa mga tauhan ko na mag asawa tayo, ’di ba dapat lang na panindigan na natin? My marriage with you will spread like a wildfire and we have to make everything believable for them if we want them to believe us.”

“Pero. .”

“So be a good husband, Sunny and let’s keep holding each other’s hands.” sabi nito sabay halik sa pisngi ko na kina imaginary putok ng utak ko.

What the. . Did he just. . Kiss me?!

VEINTE

“Huwag na nga kasi Mateo! Ang mahal masyado!” bulong ko sa kanya habang magkaholding hands pa rin kami at nakahawak pa ang isa kong kamay sa braso niya.

Paano ba naman kasi itong damuhong na ito balak akong bilhan ng pagka mahal-mahal na sapatos eh hello? Mas mura pa ’yung nasa Divisoria saka matibay naman iyob kung marunong kang mag ingat. Eh iyan di ko alam gaano katagal life span saka isa pa, masyado talagang mahal para sa sapatos nakakatakot gamitin.

“Sunny, please, just get one.” makaawa nito pero naka poker face. Nakailang tingin na kasi kami ng sapatos pero puro ako hindi, ayaw ko and no.

“Masyado nga kasing mahal, Mateo. Huwag kang gastos ng gastos kahit may pera ka.”

Tinitigan ako nito sa mata ko at napa buntung-hininga, “Okay, here’s the deal. Hindi na kita kukulitin na bumili ng sapatos mo kung ayaw mo talaga pero bilhan mo nalang si Tatay saka mga kapatid mo.”

Ako naman ngayon ang napatitig sa kanya. Seryoso ba siya?

“Sige na. Para man lang makabawi ako sa pagpapatuloy nila sa akin ng pumunta ako sa inyo.”

“Pero hindi mo naman kailangan, Mateo. Syempre bisita ka, aasikasuhin ka namin.”

“Sunny.”

Napanguso nalang ako ng marealize kong seryoso nga talaga siya kaya heto ako at nagtitingin ng sapatos na babagay kay Tatay saka duon sa dalawa kong kapatid. Buti nalang alam ko mga shoe sizes nila kasi madalas ako sumama sa kanila kapag mamimili sa bayan o sa palengke.

Hinayaan lang muna ako ni Mateo na magtingin ng sapatos para kila Tatay habang tumitingin siya ng para sa kanya. Napanguso naman ako ng halos lahat ng babae na staff sa kanya naka buntot pero ayos lang at least walang nangungulit sa akin habang nagtitingin ako.

Well, akala ko lang pala.

May isang naiwan na babae na nasa tabi ko at parang tuwang-tuwa siya sa akin na para bang batang paslit ako na nagtitingin ng candy sa tindahan. Crush siguro ako nito? Joke!

“Need help, Sir?” nakangiting tanong nito habang pinagcocompare ko ’yung dalawang sapatos na para kay Tatay. Paano kasi hindi ko alam kung tama ba ’yung sukat na alam ko. Kung hindi maliit, parang ang laki naman ng sizing pero I must say ang gaganda ng mga designs nila kesa sa mga normal na sapatos na nasa mall/divisoria. Siguro ganito talaga kapag mayaman. Malaki talaga pinagkaiba quality palang.

“Ah, hindi. Ayos lang.” naiilang kong sabi.

“Are you sure, Sir? Mukhang mas okay po itong isa kung para po sa asawa ninyo.”

Muntik na akong mag violent reaction sa sinabi niya pero saka ko naalala, oo nga pala nagpapanggap pala kami ng gunggong na iyon na mag asawa kami. Pfft and for sure, nakita naman kami kanina ng mga staff na nandito pero bakit ’yung mga babae na nanduduon kay Mateo walang paki? Like, hello? Asa naman kayong may chance kayo sa kanya. Hmmp!

Buti nalang itong isa may lahing tsismosa at na gets niya agad na hindi kami mag jowa lang pero siguro dahil na rin sa may kalakasan kasi boses ni Mateo habang naguusap kami. ’Yung tamang lakas lang naman. Sapat para marinig ng tatabi sa among dalawa.

“Ah hindi. Para sa Tatay ko.”

Pagsabi ko nu’n natuwa naman ako kasi inassist niya talaga ako kahit tinanggihan ko siya ng una siguro dahil part ng trabaho niya pero nakakatuwa lang kasi napansin niya agad na ayaw ko sobrang pricey kaya binigyan niya ako ng okay-okay ang price thou mahal pa rin naman pero ’yung tipong hindi nakakalula plus okay ’yung quality.

“Pasensya ka na, Sir ah kung tunog usisera ako pero ang swerte po ng asawa ninyo sa inyo kahit na same gender kayo kasi hindi kayo mapagsamantala. May mga na-encounter na kasi ako na mga customer kasama mga so-called asawa or lovers nila pero laging ’yung mahal ’yung pinapakuha nila. Ewan ko ba siguro dahil mayaman partner nila kaya sinasamantala nila kahit ’yung iba may pera naman din.”

“Ah, ganuon ba? Ano kasi. . Ayaw ko lang talaga gumagastos ng malaki asawa ko. Mahirap kaya magtrabaho kaya dapat lang pinapahalagahan ’yung pera na kinikita. Ayaw ko namang hindi niya rin ma-enjoy pinagtrabahuan niya.”

“Aww! Hala, Sir! Ang swerte talaga ng asawa mo sa inyo. Sana makahanap din ako ng gaya ninyo na ganyan ang thinking sa pera saka sa partner nila.”

“Ako swerte sa kanya, ano ka ba! Hirap paamuhin n’yan eh kaya nagtaka din ako sa kanya ako napili niya. Wala namang special sa akin hindi gaya ng iba kaya ewan ko ba sa kanya.”

“Kasi Sir baka may nakita sa iyo asawa mo na sa iyo niya lang nakita at hindi sa iba.”

Natigil kami sa paguusap na dalawa ng bigla nalang may lumingkis na kamay sa bewang ko.

“Oh? Tapos ka na mamili ng iyo?”

“Yeah. Lets go, honey ?” tanong nito sa akin sabay poker face na tumingin duon sa kausap kong saleslady pero obvious namang sinusunog niya na sa isip niya ’yung kaharap namin kay napangiwi sa kanya ’yung babae.

Mahina ko nga siyang kinurot sa tagiliran. Nakuha naman nito ang atensyon niya.

“Mateo,” sita ko sa kanya.

“What? I’m just looking at her.”

“Tigilan mo ako sa ganyan mo.”

“Fine.”

“Sige, una na kami. Salamat ulit sa pagtulong sa akin.” sabi ko duon sa babae at bahagyang nag bow sa kanya bago. Napangiti naman ito at napa thumbs up pa sa amin habang hinihila ako palayo ni Mateo sa kanya. Pfft.

“Ang epal mo.” bulong ko kay Mateo

“I’m being reasonable. You’re flirting with her.”

Nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi niya. Ano daw? Flirting?

“Malabo ba mata o bulag ka? Tinutulungan ako ng babae kasi iyon ’yung trabaho niya. Compare mo naman sa mga nakapalibot sa iyo na mga babaeng staff. ’Yung saleslady nga lang na iyon ang naiwan sa akin halos lahat nakuha mo paglayo mo sa akin.”

Nagtaka ako ng mapangiti si Mateo.

“Nginingiti-ngiti mo? Ulol ka ba?”

“You’re jealous, aren’t you? And stop cursing or I’ll kiss you again.”

“Jealous? Ako? Hibang ka ba? Hindi naman tayo totoong mag on or mag asawa kaya bakit ako magseselos? Saka don’t you dare halikan ulit! Sisigaw ako dito!”

Ngumisi lang ito bilang tugon at inabot ang mga hawak ko at hawak niya sa nakatayong lalaki sa gilid at ito ang pumunta ng counter para sa amin.

“Hindi ba tayo pupunta duon sa counter para makapag bayad ka?”

“Why would I pay for something I practically own ?”

“Huh?”

“Kidding, of course my men will be the one to do it for me.”

After naming mamili ng sapatos, namili naman kami ng mga damit. Syempre, again, sila Tatay ang binilhan ko at hindi ako kasi may mga damit pa naman ako sa bahay. Si Mateo naki shopping na rin ng para sa kanya.

“Saan na tayo? Akala ko ba susunod sila Anton?” tanong ko.

“They’re already there at the resto. Let’s just buy one more thing and we’ll go there.”

Oh di ba! Tama nga ako restaurant ’yung Grandeur na sinabi niya. Nawala na nga sa isip ko na magka holding pa rin pala kami paano kasi wala naman kami gaanong nakakasalubong na tao dito sa mall na pinuntahan namin. Mas marami pa nga ’yung mga saleslady saka guard kesa sa actual na bumibili.

“Okay pala ’yung ganito sa mall ’no? ’Yung unti yung tao nakakapag lakad ka ng maayos. ’Yung sa typical na mall kasi laging ang daming tao mas lalo pa kapag holiday saka sale.” sabi ko kay Mateo.

“We should go here often then.”

“Ay, ayaw ko! Ano gagawin natin dito? Ang mamahal ng mga nandito! Sa bayan nalang tayo sa susunod. Mas mura pa duon magugulat ka. Baka nga maadik ka duon kasi marami ka ng mabibili sa maliit na halaga.” pagbibida ko.

Pumasok kami sa isang watch store na ngayon ko lang nakita/nabasa.

Jaeger-LeCoultre.

Ang angas naman ng pangalan ng store na pang malakasan. Seiko at Rolex lang kasi alam ko eh.

“Bibili ka?” tanong ko pero hindi naman ako sinagot ng loko. Hmmp! Sungit. Nakitingin nalang din tuloy ako sa mga naka display na relos na naka in dollars ang naka tag na pricing. Pero ang umagaw ng pansin ko ’yung mismong nasa luob ng stall, ’yung naka separate sa lahat. Tatlong watches iyon pero duon ako sa color green mas na-attract. Hindi ko tuloy alam kung favorite color ko ba ang green o dahil agaw pansin lang talaga ’yung ganuong kulay.

“What are you looking at?”

Napapitlag ako ng biglang magsalita si Mateo pero hindi ko ito inimikan. Hmmp! Akala niya siya lang pwede mag sungit.

“ Honey .“

“Mateo!” sita ko ng bigla nitong hawakan ang panga ko at iharap sa kanya. Ngumisi naman siya.

“’Yung nanduon sa likod ni kuya. ’Yung color green.” sagot ko na halos kami lang dalawa ang nakakarinig.

Maya-maya nasa harapan ko na ’yung green na relos at mas maganda pala ito sa personal. Polaris ’yung nakita ko na edition na ito at narinig ko din duon sa nageexplain na salesman na foreigner na kausap na ngayon ni Mateo na limited edition daw ito.

“I’ll get two. One’s green and one’s blue.”

Nag bow sa amin ’yung salesman at pagkatapos lumabas na kami ng store. Sisitahin ko sana siya dahil bigla nalang kaming lumabas eh sabi niya kukuha siya ng relos kaso nakita ko ulit ’yung isa sa mga lalaki kanina ng nag shopping kami ng mga damit na siyang kumuha rin ng pinamili namin na papasok sa store at ito na ’yung kumausap duon sa foreigner.

Pagdating namin sa restaurant kung nasaan sina Anton ay nalula ako sa ganda at laki. Wow! Parang sa pelikula o drama lang ako nakakakita ng ganito ngayon nandito na ako. Mas maganda pala ’yung mga ganito sa personal.

Si Berto ang umorder ng idi-dinner namin at habang hinihintay namin dumating ’yung order ay nag usap muna sila ni Anton habang si Berto naman ang kinausap ko.

“Thank you pala sa pagdaan kanina kila Tatay ah. Tumawag kasi ako sa kanya kanina kasi hindi ako nakapagpaalam na aalis ako. Ano palang ulam binili ninyo? Hindi naman siguro mahal ’no?”

“Roasted Chicken ng Andoks.”

Napangiti naman ako na parang nanalo sa lotto. Favorite kasi ng Tatay ko iyon!

“Aba, ang galing ah! Alam mo bang favorite ng Tatay ko ’yon?”

“Alam ko.” bulong nitong tugon.

“Ano iyon?”

“Wala. Umayos ka na ng upo. Para kang bata. Parating na ’yung pagkain.”

Napanguso ako pero agad ko din naman siyang sinunod. Hmmp! Need ko talaga malaman paano at gaano sila magkakilala nila Tatay kasi parang, ewan ko ba may something akong nafe-feel dito kay Berto eh.

VEINTIUNO

Mga 10 p.m. na ng makarating kami sa tapat ng bahay namin kasunod ’yung sasakyan nila Anton sa likod namin.

“Thank you, Mateo! Huwag ka mag alala sabihin ko kila Tatay sa iyo ito galing.” sabi ko habang hawak ’yung mga paper bags na pinamili namin. Nakita ko pa mula sa bintana ng sasakyan na nakasilip sila Ate duon sa bintana namin ng patago. Anong ginagawa nila? Bakit hindi nalang sila lumabas?

Tumango lang ito at paglabas ko ng kotse, sakto namang mula sa likod at may sumigaw ang pangalan ko.

“Oh ’di ba? Basta Boss Len nagsabi si Sunny nga ’yan!” bulahaw na sabi ni Tonyo. Natawa naman ako.

“Ang ingay naman ng rumorondang ’yan!” saad ko.

“Saan ka galing, Sunny? Dami mong dala ah. Tulungan ka na namin.” offer ni Len at halos kukunin na nila ’yung mga dala ko ng biglang mapatingin kami sa gawi nila Mateo ng makarinig kami ng pagtunog ng pinto ng kotse.

“Mag hi muna kami kay Lo, Sunny.” 

“Ha? Hindi pa kayo uuwi?”

“Mamaya na.”

“Akala ko ba uuw–?! Get your dirty hands off me!” inis na reklamo ni Berto sabay nauna pang pumasok sa may gate namin. Napailing nalang ako.

Kinuha naman ni Mateo ang mga dala ko sabay akbay sa akin, “Shall we?” pero nakatitig kay Len. Si Len naman nakipaglaban din ng titigan sa kanya.

Ano ba ito? Staring contest ng mga gwapo? Bakit hindi man lang ako sinasali? Pogi din naman ako ah!

“Ui, nandyan na pala kayo! Nandito din pala kayo Len! Gusto ninyo mag merienda muna?” alok ni Ate.

“Merienda? Gabi na huy! Bukas ka mag alok Ate mga hapon pagbalik nila. Uuwi na itong mga ito eh saka napadaan lang itong sila Len.” palusot ko dahil naiipit ako sa tension ng dalawang kumag sa tabi ko. Hindi pa ba sila titigil sa pagtititigan? 

“Mag tigil! Ako ang nagiinvite hindi ikaw. Huwag kang KJ!”

Napanguso ako dahil ayun. Defeated. Wala akong nagawa kundi i-welcome silang lahat. Anong oras na eh! For sure pagod pa itong si Mateo sa trabaho at kailangan niyang magpahinga eh.

“Sure ka? Hindi ka pa pagod?” tanong ko. Nawala sa isip ko na nakahawak pa ako sa braso niya. Umiling naman siya.

Nilapag muna sa tabi ’yung mga pinamili ni Mateo para kila Tatay habang inaasikaso ni Ate ’yung mga bisita namin.

“Nasaan si Phen?” tanong ko.

“Tinawag si Tatay.”

Sakto namang napatingin ako sa hagdan at kita ko si Phen na kasunod si Tatay na bumababa ng hagdan. Mukha namang hindi siya ginising ni bunso.

“’Tay! Kauwi na ako!” patakbo akong lumapit dito para yakapin siya. Natawa lang ito at ginulo ang buhok ko.

“Energetic mo ’nak ah? Naka score ba si Mateo sa’yo?” pabulong nitong biro sa akin na kinapula ng mukha ko.

“’Tay!” nakanguso kong tugon.

“Magandang gabi po, Tito ’Lo.” energetic na bati ni Len and friends. Natawa naman ako kasi parang nakita nila si Kagawad kung makabati.

“Hi, ’Lo!” bati namin ni Anton with pagsaludo pa. Si Berto tango lang tapos nag iwas na agad ng tingin. Luh?

Pero ang kinabigla ko eh ng tumayo si Mateo at lumapit kay Tatay para mag mano.

“Good evening po, ’Tay.”

Agad akong napatingin kila Len at halatang nagulat din sila sa narinig samantalang sina Ate at Phen parang mga timang na namumula at nagpipigil ng ngiti. Anong nangyayari sa kanila?

“ Tay? Kaanu-ano ninyo po siya, Tito ’Lo?“ usisa ni Len.

Syempre sa kaba ko na kung ano masabi ni Tatay, ginamit ko ang aking quick, thinking skills.

“As–!”

“Aaahhhh! Ipis!” tili ko kaya nabaling ang atensyon ng lahat para hanapin ’yung  invincible ipis. Pati si Phen napaniwala ko paano nagtititili at nagtago agad sa likod ni Tatay. Ayaw na ayaw pa naman niya ng ipis na nagbabalat-kayong butterfly. Gusto ko tuloy matawa pati kasi ’yung hitsura nila Len, naka defense mode sila na akala mo masasapak nila ’yung ipis kung sakali.

Kita ko rin kung paano tumakbo si Anton sa direksyon ni Ate at ginawa itong shield kaya si Ate ayun, todo shield naman sa kanya. Samantalang si Berto, pag sigaw ko palang ng ipis lumundag na kaagad papunta sa direksyon namin at nakitago sa likuran ni Tatay. Si Tatay naman todo shield sa kanilang dalawa ni Phen. At ako? Ayun, hindi ko naman kailangan protektahan ang sarili ko kasi alam ko namang wala talagang ipis. Gawa-gawa ko lang iyon pero si Mateo nakashield na agad sa akin. Nakahawak tuloy ako sa balikat niya.

Hindi ko pinlano na ganito ’no at mas lalong hindi ko naman siyang balak tsansingan! Hindi ko lang inasahan na ishi-shield niya sarili niya sa akin. Akala ko nga it will be the other way around.

“Shuta ka, Sunny! Wala naman yatang ipis eh!” inis na sabi ni Ate habang hawak ’yung walis tambo.

“Meron nga kasi! Nakita ko nga eh!”

“Oh nasaan? Wala naman!”

Nilingon ako ni Mateo, “Saan mo ba nak–!”

“Oh bakit?” tignan mo ito, parang timang nakatitig na sa akin. Alam ko namang pogi ako pero wrong timing naman itong maka appreciate ng kapogian ko.

“Wag kang gagalaw.”

“Bakit? Ano meron?” tanong ko. Bigla akong kinabahan. Nangpa-prank ba siya?

Napatingin tuloy ako kila Tatay pero pati sila nakatingin din sa akin at may parang kung ano ako sa mukha ko na nakita nila.

“Ano ba kasing meron?” inis kong tanong sabay hawi sa buhok ko.

“Sunny, no!” pigil sa akin ni Mateo pero huli na ang lahat lalo na ng gumapang nasa kamay ko ’yung ipis.

Ipis. .

Ipis?!

“AAAHHHH!” nagtititili ako habang winawagwag ang katawan ko para lubayan ako ng ipis habang si Mateo inaalalayan ako kasi siguro mukha akong kinukuryenyeng palaka.

Nagtakbukan sila Tatay palayo sa akin habang hinahabol ko sila. Para kaming mga baliw na naghahabulan paikot sa may sala. Nang mapagod kami at masigurong wala na ’yung ipis, mga hinihingal kaming huminto rin sa pagtakbo.

Bigla akong siniko ni Phen.

“Problema mo?” anas ko dito.

Nginuso nito si Tatay at pagtingin ko naka alalay pa rin ito kay Berto. Tinignan ko pabalik si Phen. Titignan ko sana ulit sila Tatay kaso biglang nagsalita si Anton.

“Okay! Wala na ’yung ipis! Pwede ng humiwalay sa mga katabi.” paalala nito at pagtingin ko pabalik kila Tatay nakalayo na si Berto sa kanya at bumalik na naman ’yung mataray na awrahan nito habang si Tatay parang naiwan na tuta sa gilid.

“Oh wala na yung ipis! Bakit nakatabi ka pa rin sa akin?” inis kong tanong kay Mateo. Kung sinabi niya lang agad na may ipis sa ulo ko, hindi ko sana hinawi yung buhok ko at nahawakan yung ipis!

Inilingan lang ako nito at hindi ko alam saan siya nakakuha ng alcohol pero inalcoholan niya ’yung kamay ko.

After nu’n, kumain na kami ng pagkain na hinanda ni Ate. Hindi nagtagal nauna ng magpaalam sila Len kasi roronda pa daw sila at sunod naman na umalis sila Mateo. Pero bago sila makaalis ay nagsalita si Tatay.

“Salamat ulit duon sa mga binigay ninyo sa amin, Mateo saka duon sa dinala ninyo kaninang ulam namin Tonio.”

“Wala iyon! Si Bert talaga nakaisip nu’n.”

“Anong ako? Pinagsasasabi mo?” masungit na tugon nito.

“Ah, salamat Bert.” nakangitinh sabi ni Tatay pero hindi ito umimik. Sa halip, nauna na itong sumakay ng kotse.

Muli kaming nagkatinginan ni Phen ng makita naming ngumiting umiiling lang si Tatay sa tinuran ni Bert.

VEINTIDÓS

One week na ang nakalipas mula ng mag start ako sa trabaho ko bilang trainer. Syempre as of now, naka training pa rin ako bago ako isabak sa magiging first class ko. Bale two weeks din ako magt-training and ngayon yung last week ko. Okay naman yung nagt-training sa akin na si Mommy Yuni. Tawagin ko lang daw siya na ganuon kapag kami-kami lang pero pag may client syempre ’yung formal name niya na Unica.

Unica Phoebel kasi ang totoong pangalan niya at kasal na siya and may dalawang anak. Isang tropa ni Eba at tunay na Eba. Gets ninyo ba? Meaning, gaya ni Phen ’yung panganay niyang anak thou according sa kanya, closet/in-denial gay daw ang anak niya paano kasi yung Tatay hindi daw tanggap na may anak na part ng LGBT kasi sa military daw nagtatrabaho ang asawa niya so expectant ’yung asawa niya na may susunod sa yapak niya.

Ang akin naman, hindi naman porket anak mo eh dapat sumunod na sa yapak mo kasi hello? Oo nga at nanggaling sa iyo pero hindi mo naman hawak ang puso, utak at buhay ng anak mo. Gaya nga ng sinabi nuon ni Tatay sa amin, hindi naman siya habang buhay nasa tabi namin kaya kung ano mang matripan namin gawin sa buhay namin gawin lang daw namin para sa ikasasaya namin basta huwag lang kami mag drugs kasi kung hindi siya daw mismo tetegibam sa amin. Syempre takot ko nalang ’no! Kaya nga kahit sira ulo ako ng high school thankful ako na hindi ako tinakwil ni Tatay at ganuon din ang mga kapatid ko sa pagiging part nila ng LGBT at kahit na nabuntis si Ate ng hindi siya kasal at iniwanan pa ng ex niya, laging naka support si Tatay.

Siguro ganuon talaga. Swertihan sa magulang. Kung hindi man parehas na okay, kahit isa lang gaya ni Tatay at ni Mommy Yuni, sapat na kasi at least di ba? May isang tao sa family na hindi ka iju-judge lalo pa at magulang sila. Sila na unang-unang pwedeng mapuna na ibang tao. Hay buhay! Kaloka.

“Sunny!” tawag ni Mommy Yuni sa akin kaya agad ko itong nilingon habang busy ako sa binabasa ko sa harap ng computer.

“Bakit, Mommy?”

Medyo weird ng una ko siyang tinawag na Mommy paano kasi naaalala ko Nanay ko sa kanya kahit na hindi naman Mommy ang tawag ko duon.

“Kain tayo,” alok nito.

“Luh, kakakain lang natin ah? Sure ka bang walang laman na bata ’yang tiyan mo?” biro ko.

Napanguso naman ito, “Hoy, wag kang ganyan! Mahal mga bilihin ngayon. Alagain pa pati yung bunso.”

“Bakit naman kasi ang laki ng agwat ng panganay ninyo po sa sumunod.” sabi ko dahil hindi ko naman kailangan talaga itanong iyon at malaman ang dahilan kasi hello? May mga nababasa naman ako before na reasons kung bakit malaki ang agwat ng ibang magkakapatid.

Sasagot na sana si Mommy Yuni kaso biglang may damuhong na dumating.

“Yes, Daniel?” matining na bati sa kanya ni Mommy Yuni. Kung hindi ko lang alam medyo off sa kanya si Mommy paano kasi kalat na kalat sa buong account na kinabibilangan namin ang pagiging fuckboy nito. Oo, fuckboy. Hindi chickboy paano kasi kahit bakla o trans pinapatos thou may hitsura naman kasi siya pero hello? Love at work? C’mon, unrealistic iyon. Mga pang wattpad kinemerut lang iyon. In reality, hindi iyon madalas nagwowork lalo pa at nasa industriya ka ng BPO. Hello? Kaya ka nga pumasok ng trabaho para kumita hindi para kumarengkeng thou I think flirting is okay but it is something not to be taken seriously because at the end of the day, gaya ng sinabi at pinapaalala lagi ni Tatay sa amin, you don’t want your competitors to know your weakness kahit pa sabihin mo na close mo sila.

Remember, you were there, in that work, in that position for a reason and that is because of money.

“Oh nandito din pala si Sunny.” parinig nito sa akin at syempre dahil hindi naman ako pinalaking bastos tinanguan ko lang ito at saka bumalik sa ginagawa ko sa harap ng computer thou alam kong nakatitig ito sa likuran ko. Hindi naman ako sa illusyonado pero hello? Sa pogi kong ito, alam kong may makaka admire at makaka admire sa mukha ko. Tignan ninyo nga si Mateo. Feeling ko na-love at first sight sa akin. Joke lang! Hmmp, kung hindi ko lang alam kinekeme lang ako ng isang iyon kasi nasa akin ’yung kailangan niya.

Speaking of the devil, ano kaya ginagawa ng isang iyon ngayon? Nakikipag landian siguro? Pero baka din hindi. Kwento kasi sa akin ni Anton sobrang subsob ’yon sa trabaho at sa sobrang sungit, ang ending si Berto ang ginawang secretary niya paano kasi kung hindi magreresign ’yung bagong hire, ifi-fire ng hunghang. Tsk, tsk. Isang beses nga biniro ko si Anton baka kulang lang sa y’know, tapos ang sinagot ba naman sa akin ng walang hiyang iyon ay bakit hindi ko daw pa-iscorein.

Nang una nagtaka pa ako sa sinagot niya pero ng naintindihan ko sa wakas ay halos gusto ko siya sakalin at ibalibag palabas ng bahay namin habang mamamatay sa kakatawa si Ate sa narinig niyang usapan naming dalawa.

Agad kong tinampal ang magkabilang pisngi ko dahil heto na naman ’yung weird imagination at feeling ko kapag naaalala ko ’yung sinabi ni Anton.

“Baliw talaga,” bulong ko sa sarili ko.

“Sino?” halos magtaasan ang balahibo sa katawan ko ng marinig ko ang boses ni Daniel sa tabi ko. Teka, kailan pa ito nakalapit dito?

“H-Ha? Ah wala. May naalala lang ako.”

Agad hinanap ng mga mata ko si Mommy Yuni. Huh? Nasaan na iyon?

“May binili lang siya sa pantry.”

Luh? Mind reader ba ito?

“Ah,” tugon ko at bumalik ulit sa ginagawa ko. Ang awkward talaga ng tension sa pagitan namin unlike duon kay Mateo kahit na parang maluwang tornilyo niya utak paminsan.

“Galing ka sa well off na family ’no? Nagpapanggap ka lang na gaya namin na normal citizen?” pabiro nitong sabi pero ramdam kong may something pa sa pagkakasabi niya.

“Hmm?” saglit ko siyang tinignan, “Saan mo naman nakuha ang conclusion na iyan? Ako ba apple of the eye mo for this month at ako ang pinapansin mo?”

Bakuran ko na agad ang sarili ko mahirap na mamaya may kung anong ka-misteryuhan pa ang mangyari at makarating ito kay Mateo malintikan pa ako. Pfft. Hindi ko dapat inaalala ’yung isang iyon pero here I am.

Nagkibit-balikat naman ito, “What can I say? There’s something in you na hindi ko pa nakita sa iba.”

Kung aanga-angang babae lang ako o bakla baka kinilig na ako sa banat niya pero nope. Well equipped ako sa ganyan.

“Like what? Nakikita mo din ba ’yung nakadikit sa akin na kababata ko?” tanong ko and this time, nag effort na ako bigyan siya ng kaunting atensyon at tinitigan siya. Gaguhin ko nga ito? Hehe.

“Huh?”

“That’s good. Hindi ka natatakot. Mukhang kakabukas lang ng third eye mo. Alam mo ’yan din sabi nila. ’Yung mga nadidikit sa akin bumubukas mga nakasarado nilang third eye.” dagdag ko habang nagpipigil ng tawa kasi ’yung expression ng mukha niya unti-unting nagbabago.

“I’m back! Jusko! Ubos na ’yung ginata—! Oh, Daniel where are you going?” takang tanong ni Mommy Yuni ng bigla nalang itong tumayo at nagmamadaling lumabas ng training room. Nagtataka naman akong tinignan nito.

“What happened?”

Nagkibit-balikat lang ako, “Ewan ko duon. Nakakita yata ng multo.”

Natawa naman ito, “Hoy, wag kang ganyan! Baka biglang magpakita dito si Jun-Jun sa atin!”

Sana naman matigil na ’yung isang iyon sa pagtatangkang mangulit sa akin.

VEINTITRÉS

“Oh Phen bakit ang dusing nito ni Bon? Hindi pa ba ito nakaligo?” tanong ko pagkapasok ko ng bahay at agad na kinarga ang nakatayo kong pamangkin sa tabi ko at hinihintay akong matanggal ang sapatos at medyas ko.

“Oo. Papaliguan ko pa nga lang siya. Tinatapos ko lang itong pini prito ko.” sigaw nito mula sa kusina.

Huh? Kailan pa siya natutong mag prito? Agad naming pinuntahan si Phen because let me get one thing straight, hindi marunong magluto ang bunso namin!

And true enough papasok palang kami ng kusina, sinalubong na kami agad ng usok at tunog ng tatalsikang mantika. Kasunod nu’n ay sigaw ni Phen.

“Kuya!” sabay takbo nito sa akin. Not only nakuha ng kapatid ko ang buong atensyon ko dahil sa nakabalot na twalya sa buong katawan niya, nakita ko ’yung unang set ng isda na pinrito niya na lasug-lasog at mukhang nasunog pa ’yung gilid. Jusmiyo!

Agad itong yumakap sa akin. Takut na takot paano ba naman, ang lakas ding mang asar ng nantika sa kanya parang paputok na piccolo kung tumunog habang si Bon ewan ko ba dito, other people’s misery is her happiness ang peg. Tawang-tawa sa nangyayari.

“Tanggalin mo nga ’yan. Ang init-init saka hindi ka naman maliligo nakabalot ka n’yan,” sabi ko at binaba si Bon para kunin ’yung twalya sa kanya.

“Eeii!” tantruns nito pero hindi ko nalang pinansin.

“Oh anong araw ba ngayon at hindi ka pa nagpalit ng damit mo? Naka uniform ka pa pati. At saka bakit ikaw nagluluto? Nasaan si Ate? Siya ba bantay ngayon sa pantry? Eh kung ganuon, nasaan si Tatay? Angas ah, pinayagan ka niya magprito?” pangaasar ko.

“Kakauwi ko lang din halos. May tinatapos akong project, kuya. Pagdating ko nga akala ko nakaluto na eh kaso nilalagnat si Ate. Si Tatay naman pauwi palang. Hindi daw muna siya magtinda. Dadaan lang din siya sabi niya sa botika.”

“Wala ka bang ibang gagawin after nito?”

“Meron. May activity pa ako na bukas na pasahan,” nakanguso niyang sagot. Para na nga siyang maiiyak eh.

Agad kong ginulo ng buhok nito, “Sige na. Ako na bahala. Gawin mo na ’yung gagawin mo.”

“Eh paano si Bon?”

“Ako na din. Sige na. Umakyat ka na dun. Tawagin nalang kita kapag kakain na.”

Napabuntung-hininga ako. Pagod ako ngayong araw pero alam kong mas pagod si Tatay at si Ate kesa sa amin.

Pinatay ko ’yung kalan at inalis yung isdang nakalagay para maisantabi ko muna ’yung mantika at malinis yung kawali. Nagdikitan na kasi ’yung nasunog na balat ng isda sa unang sinalang ni Phen.

After nu’n, isinalang ko na ’yung isda kanina para maprito ng maayos habang yung naunang lasug-lasog pinapak nalang namin ni Bon excluding ’yung may sunog na part. Tinapon ko iyon syempre. Magka cancer pa kami duon.

Hininaan ko muna ’yung apoy ng pinprito ko para mapaliguan ko na si Bon. Mahirap na, mamaya may dumating na bisita makita pa siyang madusing.

After kong mabilisan na paliguan si Bon at mabihisan, bumalik ako sa niluluto ko at nagsalang ng lulutuing kanin para gawing lugaw para kay Ate.

Sinilip ko saglit si Bon at nakitang abala siya sa panunuod ng Oggy and the Cockroaches. Humahagikhik pa nga.

Nagdecide akong umakyat sa kwarto para silipin si Phen at sobrang subsob nito sa ginagawa niyang activity. Napangiti ako. Sipag talaga. Sunod kong chineck si Ate at ang lalim ng tulog nito habang may nakadikit na kool fever sa nuo niya. Natawa ako sa isip ko. Naalala ko ng unang i-introduce sa amin ni Phen ’yan at gamitin kay Tatay ng magkasakit ito ayaw ni Ate dahil para daw may sticker sa ulo si Tatay. Malamang si Phen din naglagay n’yan sa nuo niya kasi may lampin na nakasampay sa gilid eh.

Saktong pagbaba ko ay siyang dating naman ni Tatay.

“’Tay!” energetic kong salubong sa kanya at agad siyang sinunggaban ng yakap. Nagulat naman ako ng makita ko si Berto na nasa likuran pala niya.

“Ang Ate Gina mo?”

“Natutulog ’Tay. Sarap nga ng tulog eh. Nakanganga pa.” syempre joke lang ’yung last kong sinabi.

Nailing naman si Tatay pero napangiti din. Mukhang kahit papaano nakampante siya sa narinig.

“Ano palang ginagawa nito dito, Tay?” tanong ko sabay turo ko Berto.

“Ah, tinulungan niya ako i-uwi dito ’yung mga dinala kong paninda sana ngayong gabi kaso nagtext si Phen nilalagnat daw Ate mo. Tinatanong ko na kasi iyan kanina kung okay lang ba siya panay oo lang ang sinasagot sa akin. Akala yata ng Ate mo madali lang kahit may sakit. Mahirap kaya mag alaga ng bata kapag may sakit. Ate mo talaga oh.”

“May lutong pagkain na ba, ’nak? Pakainin muna natin itong si Berto kay tinulungan niya ako i-uwi ’yung mga paninda dito sa bahay.”

“Oo, ’Tay. Nakaluto naman na ako.”

“Ay sige. Oh Berto, kumain ka muna bago ka umalis.” aya ni Tatay kaso tumanggi agad itong isa.

“May pupuntahan pa ako.”

“Ganuon ba? Sige, mag ingat ka ah? Salamat ulit.” nakangiting sabi ni Tatay kaso inirapan lang siya ni Berto. Luh? Sarap sabunutan nitong isang ito. Anong drama nito sa Tatay ko?

“Ah, ’nak. Pakuha naman ng mga paninda ko sa sasakyan ni Berto may mga naiwan pa dun.”

“Sige, ’Tay.” sagot ko at agad na sinundan si Berto palabas ng bahay.

Nagtaka naman ako ng ilabas ni Berto ’yung pitaka niya.

“Magkano dapat kikitain ng Tatay mo kung hindi siya umuwi para sa Ate mo?”

“Hmm,” saglit akong napaisip. Magkano nga ba? Depende kasi sa lutong ulam at dessert ni Tatay.

“Nevermind. Here,” sabay inabutan ako ng plantsyado, malutong at bago na tig iisang libo na umabot ng 20k. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Sobra pa ito sa kita sa isang gabi. Parang salary ko na nga sa buong isang buwan ang inabot niya.

“Hoy! Teka lang! Hindi mo naman kailangan bilhin kung naa-!”

“Did I say na I’m buying it out of pity? Ibibigay ko sa mga tao ko ’yan.” mataray nitong sabi bago umikot papuntang driver’s seat at ako, heto at natulala sa gulat. Nakaandar na ’yung kotse ng may maalala ako.

“Hoy! ’Yung lalagyan! Wala kaming paglalagyan bukas ng mga ulam!” sigaw ko at hinabol ’yung kotse kaso ang walang hiya kahit alam kong nakikita niya ako sa side mirror niya binilisan lalo ang pagmamaneho kaya ayun, ending hinihingal akong bumalik ng bahay.

“Oh? Nasaan na ’yung mga paninda, ’nak?” takang tanong ni Tatay habang nilalapag ’yung pagkain sa lamesa kung saan naka upo na si Phen at kumakain habang si Bon karga ni Tatay.

“Binili ng walang hiyang kaibigan mo, ’Tay! Papakain daw niya sa mga tauhan niya.” conclusion ko lang naman ito since magkakilala sila so baka nga friends sila ‘before’. Bigla namang napangiti si Tatay. ’Yung tipong parang natawa pero agad din niyang pinigilan, “Pati lalagyanan natin ng mga ulam dinala.” reklamo ko.

Stainless steel pa naman ’yung mga iyon! ’Yung nga tipong pang catering. Inabot ko kay Tatay ’yung 20k at ayun na naman ’yung nagbabadya niyang pag ngiti.

Ako naman hindi ko alam bakit bigla akong napatingin kay Phen. Naabutan ko siyang nakangisi with that knowing but not knowing look sa mga mata niya.

“Bakit pala hinatid ka dito ng Berto, ’Tay?” tanong ni Phen, “Nagpasundo ka?”

“Ha? Hindi. Bakit naman ako magpapasundo sa kanya?” tugon ni Tatay, “Eh di ba nga si Sunny ang sinusundo nitong si Anton sa trabaho.”

Ay! Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin na since nag start ako mag work last week, sinusundo ako ni Anton pauwi. Ngayon lang hindi kasi may biglaan at importante siyang lakad with Mateo kaya siguro kasama ni Tatay si Berto dahil ito dapat ang magsusundo sa akin pero iba ang nasundo nito pauwi.

Kinabukasan, habang tinutulungan ko si Tatay mag asikaso sa mga panindang dadalhin namin, bigla nalang dumating si Anton. Anong ginagawa nito dito? Don’t tell me ihahatid na rin niya ako papasok? Bakit kaya hindi nalang sila mag hire ng service ko? Ganuon ba siya ka-bored at willing siyang magpaka driver?

“Oh. Saan si Berto?” tanong ko dahil baka naman trip lang nila kami daanan.

“Nasa hospital. Masama pakiramdam. Kasibaan kasi.” sagot nito pero halos pabulong yung huli niyang sinabi.

“Ha? Ano sabi mo? Bakit nasa hospital? Kahapon lang nandito siya ah.”

“Oo nga nakwento niya. Oh kunin mo na itong mga ito. Hmmp! Hanggang ngayon ba naman may favoritism pa rin si ’Lo!” maktol nito.

“Pinagsasabi mo?”

“Binigyan lang naman ng Tatay mo ng pagkarami-raming pagkain si Berto tapos hindi man lang ako inalok or binigyan man lang! Inubos lahat ng mokong na ’yon! Buti nga sa kanya sobrang sakit ng tiyan niya ngayon at nasa hospital siya!”

“HA?!” halos mapasigaw ako sa gulat. Akala ko ba ipapakain niya iyon sa mga tauhan niya eh bakit siya ang kumain?

“Bakit ka sumisigaw d’yan, Sunny? At sinong nasa hospital?” biglang sulpot ni Tatay sa likod ko.

VEINTICUATRO

“Sigurado ka bang magiging okay lang si Berto? Sinong nagbabantay sa kanya?” tanong ko habang nasa backseat katabi si Phen. And yes, nasa kotse kami ngayon ni Anton. Hahatid na daw niya kami para masigurong safe kaming makakarating sa patutunguhan namin. As if namang may death threat sa mga buhay namin.

Teka, wala nga ba?

“Na-empatso lang ’yon sa kasibaan niya. Saka dakilang drama king ’yung isang ’yon papa-ospital agad para dramatic.”

“Bakit naman kasi hindi mo rin inagaw sa kanya eh alam mo naman na pala na galing ’yon sa akin?” tanong ni Tatay.

Yes, kasama namin si Tatay at sa harapan ito nakaupo.

“Sino nagsabing hindi? Lahat ng ligaw na espirito saksi kagabi kung paano ko tinry makipag agawan sa kanya para lang makatikim ng luto mo kaso ikaw ba naman tutukan ng bar–! Ah basta! Buti nga sa kanya. Teka, hindi mo ba siya bibisitahin?”

Napatingin naman ako sa kapatid ko ng sipain nito ng mahina ang paanan ko. Heto na naman po si Phen, jusko.

“Para saan? Desisyon niya naman ’yon. Inaaya ko siya kagabi mag hapunan sa amin bago siya umuwi kaso tumanggi siya. Nagulat na nga lang ako ng sinabi ng anak ko na binili niya ’yung mga naiwang paninda ko sa kotse niya.”

Mabilisan akong nilingon ni Anton, “Talaga ba?” halata ang gulat sa kanya.

Tumango ako. Pumalahaw naman ang tawa ni Anton. Hala siya. Tawang-tawa.

“Berto talaga oh,” nakangising sabi nito sabay lingon kay Tatay na nangaasar.

“Makakapasok kaya siya sa tingin mo?” tanong ko. Naalala ko kasi siya secretary ngayon ni Mateo.

“Nagtatrabaho siya?” gulat na tanong ni Tatay at tinignan si Anton.

Tumango ito, “Oo. Siya secretary ngayon ni Mateo. Pinatalsik na naman kasi ’yung bagong hire namin sa kanya. Wala pa halos one week ’yung bago na ’yon.”

“Bakit po pinatalsik?” sabat ni Phen.

Napabusangot ako. So, kamusta naman ’yung tanong ko, ano? Hindi pinansin. Pfft. Parang hangin lang na dumaan.

“Ah, lagi kasing kung hindi nauuwi sa pakikipagtalo ’yung mga secretary sa kanya dahil hindi madalas sinusunod ni Mateo ang mga schedule niya eh nagkaka gusto naman sa kanya. Pinaka ayaw pa naman sa lahat ni Mateo eh inuuna ang kalandian kesa trabaho. Syempre knowing our pequeño diablo mas gugustuhin niya na you prioritize yourself, work and money before anything else.”

Tumango naman si Tatay, “Mukhang tama lang na kinuha ni Fonz ang apo niya sa anak niya. Mateo grew up with fine morals and outlook in life. Improve yourself first before finding love para hindi mo hanapin ang pagkukulang mo sa iba.”

The rest ng biyahe ay nakikinig nalang kami sa kantang tumutugtog sa radyo hanggang sa makarating kami sa school ni Phen at nagpaalam ito sa amin.

Heto na naman ’yung feeling na nami-miss ko at naiinggit ako kasi gusto ko na rin mag aral ulit pero hindi pa pwede kasi mag iipon pa ako na pang aral sa sarili ko pero soon, makakapag aral din ulit ako. Kailangan may mapakita akong diploma kay Mateo at sa kung sino mang huhusga sa akin kung hanggang saan ako kayang dalhin ng sarili ko. Na hindi lang ako puro kalokohan. Na may mararating din ako.

“Sunny? ’Nak? Nandito na tayo.” nagising ako sa malalim kong pagiisip ng narinig ko ang boses ni Tatay at agad na lumabas ng kotse para tulungan siya dalhin ’yung mga paninda namin sa pantry. May thirty minutes pa naman ako para alalayan si Tatay at lumakad papunta sa kabilang building kung saan ako naka assign.

Napabuntung-hininga ako habang nasa kalagitnaan ng klase. Pinasama kasi ako sa training ng mga mag CSR pero syempre sa likod ako naka pirme. Hindi ko naman technically kailangan maki halu-bilo talaga sa kanila. Need ko lang maging aware ano magiging environment ko once mag start ako mag training next week ng mga gaya nila.

“Lalim nu’n ah.” dinig kong sabi ni Daniel. Yes, oo. Kasama ko siya ngayon dito kasi apparently, isa siya sa mga nag to-top na coaches sa production floor and apparently, hindi ganuon ka-effective ’yung pang go-goodtime na ginawa ko sa kanya. Pfft.

“EOP, Mr. Daniel. We’re in class.” sita ko sa kanya. Mamaya kasi may makarinig sa kanya.

“Oh, sorry. Mr. Martinez.” tinaas pa nito ang magkabilang kamay niya dahilan para mapatingin sa amin si Mommy Yuni. Jusmiyo. Ang epal talaga nitong lalaking ito. Nananahimik ako dito idadamay pa ako sa kalokohan niya.

“Yes, Mr. Ezekiel? Coach Dan?” nakangiting tanong nito sa amin.

Okay naman ’yung remaining hours ng klase hanggang sa ipag side barge ni Mommy Yuni ’yung mga trainees sa production floor kaya nakahinga ako ng maluwag ng malayo sa akin si Daniel.

“Hoy, ano ’yung kanina?” nakangiting bulong sa akin ni Mommy Yuni habang nakatayo kami sa gilid at tinatanaw ’yung mga trainees na naka side barge.

“Huh?”

“Anong, huh ? Alam mo tinutukoy ko. Pinu-pormahan ka ba ni Coach Dan? Pansin ko kasi simula ng mag start ka last week, panay na bisita n’yan sa trainers room.”

“Mommy Yuni! Kilabutan ka naman!”

Natawa naman siya sa pandidiri ko.

“O sige na nga. Baka natutuwa lang ’yan sa iyo. Mahilig din kasi iyan sa may mga silent money .”

Silent Money? Ano iyon?

“Nakita ka kasi namin last tuesday ng nag out ka. Galing kami Mercury kay bumili kami ng meryenda. Tatawagin nga sana kita kaso ayun, nakita naming sinundo ka ng Mercedes-Benz na kotse. Akala nga namin ng una Grab, ako actually nag suggest kasi mukha namang kaya mong mag Grab everyday kaso itong si Coach Dan, crush ka yata at ng sumunod na araw nakita ka ulit na sinundo naman ng Ford at tsinika ka duon sa isa pang coach na narinig ko ng hindi sadya. Napagalitan ko pa nga ’yan.”

“Bakit naman po?”

“Paano ba naman parang tanga ’yan na nagcoconclude. Baka mamaya maging issue pa ’yon. Buti na nga lang at narinig ko at napagsabihan ko kung hindi, baka nakarating na din ’yang conclusion niya sa ibang nandito sa prod.”

“Ano po ba sinabi niya?”

“Na kung hindi ka galing sa mayaman na pamilya na kayang maka afford ng ganuong lifestyle, baka sugar daddy mo daw ’yung sumusundo sa iyo. Oh ’di ba? Dapat lang na mapagsabihan siya. Ano naman kung galing ka o hindi sa mayamang pamilya o kung may sugar daddy ka? Buhay mo iyon. Labas siya duon not unless gusto niya ang kung anong meron ka.”

Hanggang sa mag out ako, banas na banas ako sa kinwento sa akin ni Mommy Yuni kaya heto ako at naglalakad papunta sa kabilang building para mag rant kay Tatay.

“Oh kumain ka muna, ’nak. Ang haba ng nguso mo eh. Abot na sa lamesa.” biro ni Tatay at nilapagan ako ng lutong palabok. Agad naman akong sumubo.

Walang gaanong tao sa pantry kay karamihan ng pang umaga, nakauwi na. Paubos na rin naman ’yung paninda kaya pwede na kaming magsabay ni Tatay pauwi. Hindi nalang muna ako magpapasundo kay Anton.

“May nangyari ba sa trabaho, ’nak?” mahinahon at nagaalalang tanong ni Tatay sa akin.

Syempe hindi na ako nagpa tumpik-tumpik pa at nag rant na kay Tatay. Kaya nga ako pumunta dito in the first place.

“Hayaan mo na ’yon, nak. Wala naman ’yon mapapala sa iyo kahit ichismis ka pa hanggat hindi mo papatulan at wala ka naman dapat patunayan sa kanya o sa ibang tao basta alam mo sa sarili mo kung sino ka at wala kang nasasaktan na iba, okay na iyon. May mga tao lang talaga na sadyang boring ang buhay at pinapakialaman ang buhay ng iba.”

“Opo, ’Tay.” nakanguso kong tugon at nasumiksik na yumakap kay Tatay.

“Hay, itong anak ko ’tong talaga oh.” dinig kong sabi ni Tatay at inakbayan ako sabat halik sa nuo ko.

Ewan ko ba. Ito ’yung mga panahon na napapaisip din ako bakit iniwanan ni Nanay itong Tatay ko eh as if namang malamabing at mabait ang pinalit nito sa kanya? Hmmp! Mapanot sana silang dalawa! Char lang na hindi.

“Nagtext na ba sa iyo si Anton? Baka nanduon na siya sa labas at hinihintay ka.” paalala ni Tatay kaya agad kong dinukot ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko.

Laking gulat ko ng bukod sa text ay may missed call na din ito kaya agad akong napalayo kay Tatay at nagpaalam sa kanya. Narinig ko naman ang pagtawa nu Tatay sa akin dahil natataranta akong tumakbo palabas ng pantry.

Aish! Nakalimutan kong tanggalin ’yung mute ng cellphone ko kaya hindi ko alam na tumatawag pala siya sa akin.

“Anton!” sigaw ko ng makita ito sa entrance ng building kung saan ako naka assign. Kausap nito ’yung bantay na guard. Halata sa mukha nito ang kaseryosohan. Patay! Bakit kaya?

“Saan ka galing at hindi mo sinasagot tawag ko?” tanong nito. Obvious na wala sa mood. Yikes! Nakakatakot pala ito magalit. Huhuhu! Tatay ko!

“Galing ako kay Tatay eh.” parang bata kong sabi habang nakasunod sa kanya. Hindi naman na siya umimik.

“Sakay na para mahatid kita at ng makabalik ako agad. Mahirap walang kasama si Mateo.”

“Huh? Bakit? Nasaan ba siya?”

“Nasa trabaho pa rin.”

“Eh bakit parang bawal siya maiwan mag isa ng matagal? Wala ba siyang ibang kasama duon? Hindi pa rin ba nakakalabas ng hospital si Berto?” sunud-sunod kong tanong.

“I’m not in the right position para ako ang sumagot ng unang dalawang tanong mo but I can answer the last one. Nakalabas na si Berto kanina around 2 pm and like I said, naempatso lang ’yung hayop na iyon at pinagpapahinga siya the whole day today so that’s it.”

Huh? Bakit hindi niya kayang sagutin ’yung unang dalawang tanong ko?

“Masyado bang marami ’yung tinatapos ni Mateo ngayon kaya nagaalala kang maiwan siya mag-isa ng matagal?”

Hindi ito sumagot.

“Hatid mo ako duon.” sabi ko na para bang sinapian ako ng kabutihan ng anghel. Agad namang napalingon sa akin si Anton.

“What do you mean?”

“Hatid mo ako kay Mateo. Tutulungan ko siya sa ginagawa niya.”

“I can’t. Magagalit si Mateo kapag dinala kita duon.”

“Eh di ako sasalo ng galit niya. Besides, magiging mag asawa naman na kami soon sa papel. Hatid mo ako duon. Ako ng bahala sa iyo basta ikaw maghahatid kay Tatay pauwi.”

Saglit itong natahimik kaya akala ko hindi papayag pero in the end, binaba ako nito sa tapat ng building ng kompanya kung nasaan si Mateo. Hindi na siya sumama sa akin papunta sa office nito dahil kailangan niya pang balikan si Tatay para mahatid ito sa amin.

Pina alalahanan pa ako nito na huwag gamitin yung common service elevator para sa mga empleyado at gamitin yung special v.i.p elevator. Para saan? Hindi ko alam kasi ayaw din naman nito sabihin sa akin ang dahilan pero halata sa mga mata niya na nag aalala siya talaga for Mateo.

Napa buntung-hininga ako habang nagiisip ng malalim sa inakto ni Anton. Kung bakit naman kasi ayaw sabihin sa akin ng isang iyon ang nangyayari.

Hindi na ako dumiretso pa sa v.i.p elevator at naki pila nalang sa regular na elevators paano kasi may nakita akong naka bantay duon na dalawang security guard na pang bouncer ang laki ng katawan kaya nahiya naman ako kapag hindi nila ako pinayagan gamitin iyon thou wala naman akong maalala na may sinabing nagbabantay duon sa elevator na ’yon si Anton kanina. Sabi lang niya, walang ibang nakapila duon dahil aware ’yung mga empleyado na para kay Mateo lang at sa mga may access dito ang elevator na iyon which means kasama ako duon.

Pagdating ko sa floor kung nasaan si Mateo ay saktong namang kasasara lang ng isa pang elevator. Dalawang elevator lang kasi ang may access sa floor na iyon. ’Yung v.i.p at ’yung kasunod nito na elevator na siyang nasakyan ko dahil naalala ko ’yung sinabi nuon ni Berto sa akin. Ewan ko ba pero parang iba ’yung pakiramdam ko habang naglalakad ako sa hallway palapit sa pinto ng office ni Mateo. Parang may mali o baka ako lang.

“W-What are you doing here?” gulat na tanong ni Mateo sa akin ng makita niya akong niluwa ng pinto ng office niya.

Mukhang may kausap ito sa telepono seconds ago at naka pamewang pa. Pero bakit ganuon, hindi pa rin nawawala ’yung kakaibang feeling sa dibdib ko?

VEINTICINCO

“Nasaan nagtatago ’yang babae mo?” mataray kong tanong at pumamewang din gaya niya habang nililibot ang mata ko sa kabuuan ng office niya.

Syempre, hindi dapat aanga-anga ang peg ko. Dapat ako ’yung mataray na kontrabida sa mga bawal na pagmamahalan. Hmmp, isa pa, nakalimutan ba nitong magiging mag asawa na kami on papers real soon? Baka nakakalimutan niya nasa akin ’yung pinag aagawan nilang singsing ng Lolo niya. Syempre kailangan kong magpaka main kontrabida vibes!

“The fuck are you talking about? Tumama ba sa konkreto ’yang ulo mo habang nasa trabaho ka?” masungit na tugon nito sa akin na kinabigla. Hala? Siya pa talaga may ganyan manungit eh siya itong may tinatagong babae sa office niya at umaakto ng kakaiba. I know, I can feel it in my intuition ayaw lang nito umamin agad sa akin. Hmmp!

“Mukha ba akong nakikipag biruan, Mateo?” inirapan ko ito at nagsimulang libutin ang office niya. Para akong timang na chine check yung ilalim ng couch, likod ng mga naka display sa cabinet, drawers kasi you never know baka flexible ’yung babae niya. Baka dating kasali sa sea games bilang gymnast. Teka, bakit ba ako napa-praning sa lalaking ito eh wala naman kaming something romantic?

Titigil na sana ako sa pag iillusyon ko na may babae sa office niya kaso ang damuhong biglang napalunok sa kaba ng magkatinginan kami. Napangisi ako. Aha! Bakit nga ba hindi iyon ang una kong tinignan?

“The hell?” hiyaw niya ng bigla akong lumundag papunta sa lamesa niya at i-check ang ilalim nu’n kaso bigo akong makakita ng pigura ng babaeng nagtatago duon. Pfft.

Praning nga lang siguro ako.

Muli ko siyang nilingon at this time kahit halatang naiinis na siya sa akin, hindi niya ako magawang tignan sa mata pero bakit naka pamewang pa rin siya? Nagpa-practice ba siya para sumali sa Miss Universe? Susupportahan ko naman siya kung sakali basta sasama niya ako! Malakas kaya ako mag cheer!

“Kumain ka na ba?” tanong ko ng tumigil na ako sa kalokohan ko habang siya naman bumalik na ulit sa pagkakaupo sa desk niya.

Saka ko lang napagtuunan ng pansin yung gabundok na mga papel na nakapatong sa lamesa niya. Napalunok ako at agad na napatingin sa kanya.

“Tapos mo na ba itong mga ito o gagawin mo palang?”

“Hindi ka pa ba hinahanap ni Tatay?” tanong nito pero ’yung boses niya parang hinihingal. May sakit ba siya? Pero nabigla ako ng tawagin niyang Tatay ang Tatay ko. Akala ko pakitang tao niya lang iyon kapag naririnig kong tinatawag niya ng ganuon si Tatay.

“Masama ba pakiramdam mo?”

“Pumunta ka lang ba dito para magtanong ng magtanong?”

Nagtitigan kaming dalawa. Syempre kung titigan lang ang labanan, hindi ako papatalo!

“Ang sungit mo! Ako na nga itong concern sa iyo kay sabi ni Anton wala ka daw ibang secretary kay pinatalsik mo at si Berto ang pansamantalang tumutulong sa iyo pero dahil kailangan niyang magpahinga muna, nag decide akong ako muna ang pumalit sa kanya dahil hindi mapakali si Anton na iwan ka dito mag isa na akala mo kung may kikidnap sa’yo,” sabi ko habang kinukuha yung ilan sa mga nakalagay sa lamesa niya para basahin ang nilalaman nu’n.

Hindi ito umimik kaya nagtuloy ako sa pagdadaldal ko kasi kung iaasa ko sa kanya, lalangawin lang kami dito.

“Saka naku-konsensya ako kahit na kasalanan naman ni Berto bakit siya na hospital. Kung bakit naman kasi pinapasundo mo pa ako kay Anton pauwi eh kaya ko naman ako nag commute o di kaya ay sumunod kay Tatay. As if namang tatakas ako at hindi ko gagawin ’yung napag kasunduan natin.”

Napa irap ako at buntung-hininga ng hindi pa rin ito nagsasalita. Nakatingin lang ito diretso sa laptoo niya habang nagta-type ng isang kamay lang ang gamit. Nagpapakitang gilas ba ito sa akin?

“Pinapasikatan mo ba ako na kaya mong mag type one hand lang ang gamit o sasali ka talaga sa pageant? Kanina ka pa naka pamewang d’yan. Hindi ka ba nangangawit?”

“And?” tugon nito finally sa mga naidaldal ko magmula pa kanina. Buti nalang. Akala ko napipi na siya eh.

“Anong and ? Iyon na iyon? Iyon lang sasabihin mo sa akin?”

Siya naman ngayon ang nang irap sa akin.

“Pumunta ka dito para tulungan ako, di ba? Then do what you came for. Huwag kang tumunganga d’yan ng makauwi na tayo parehas.”

Hindi naman ako nakaimik kasi tama siya. Pahiya ako unti duon. Tse!

So ayun, nagsimula na ako tulungan siya with his help from time to time para maayos ko naman magawa ang mga trabaho niyang nakatambak sa table niya. Hindi ko namalayan na mag iisang oras na pala ako dito mula ng dumating ako at nawala na din sa isip ko ’yung inis ko kay Daniel. Buti nalang.

“Ayos ka lang ba talaga?” tanong ko ng hindi ko na talaga matiis na hindi talaga siya pansinin. Iba talaga kasi kinikilos niya or baka pakiramdam ko lang?

Pero kasi, para siyang namumutla. Nagpapawis din ’yung nuo niya at parang hindi siya kumportableng kumilos sa kinauupuan niya. Ibang-iba sa kilala kong Mateo, not that matagal ko na siyang kilala pero. . ah basta!

Napabalik ako sa realidad ng marinig ko siyang magmura. Hindi iyon kalakasan pero parang ’yung way ng pagkakasabi niya eh in pain siya.

“Mateo. .”

“Don’t mind me. Let’s finish this so I can drive you home.” pagdidismiss nito sa akin ng hindi man lang ako tinitignan.

Isang buntung-hininga ang pinakawalan ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. Tanging yung lamesa niya ang nakaharang sa pagitan namin.

Bago pa niya ako mataboy, agad kong hinawakan ang mukha niya at dumukwang palapit sa kanya. Halata namang nagulat siya sa ginawa ko pero nagawa pa rin niyang makipagtitigan sa akin.

Shit! Ang lamig niya. Pati butil ng pawis niya ganuon din. Para akong nakahawak sa pinto ng refrigerator!

“Ang lamig mo,” pabulong kong sabi.

“Malamang may aircon.” pilosopo nitong sagot natin.

Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya. Napa aray naman siya sa ginawa ko. Buti nga sa kanya.

“Sigurado ka bang hindi masama pakiramdam mo?”

“Kanina ka pa panay tanong n’yan. Mukha ba akong may sakit o nantsa-tsansing ka lang porket hindi mo kuha buong atensyon ko ngayon?” nakangising tugon nito sa akin, “I didn’t know you’re that posessive. Interesting.”

Aba, hinahamon ba ako nito?

Ako naman ngayon ang gumanti ng ngisi sa kanya.

“Why? Do you have a problem with that, Mr. Del Lovato, hmm?” maharot kong tugon sa kanya at binigyan siya ng mabilisang kiss sa pisngi.

Okay, okay! Walang halong feelings ito ’no! Gusto ko lang naman siya asarin kasi hindi talaga ako mapanatag sa nararamdaman ko ngayon na kasama ko siya. Parang may mali talaga.

“Oh ano? Gula–!. . Mmh! M-Mateo!” halos lumabas ang puso ko sa ribcage sa gulat ng bigla akong sunggaban ng halik ni Mateo sa labi ko!

And to hell with this man! He’s on to something! Balak yata nito pag isahin ang mga labi namin. Hayuk na hayok humalik sa akin. Hindi naman ako agad makawala dahil ang lakas ng loko kahit isang kamay lang niya ang nakahawak sa leeg ko para hindi ako makatakas.

Ewan ko din ba dito sa katawan ko at may sariling buhay at gustong madikit sa katawan ni Mateo kaya halos akyatin ko na ’yung ibabaw ng lamesa. Aish! At hindi lang ’yon, napa ungol ako ng mokong!

Very wrong! Dapat siya iyon at hindi ako! Like, hello? Ano ako, babae?

Dahil duon, saka palang ako natauhan at buong lakas na nilayo ang sarili ko kay Mateo. Syempre hindi nakatakas sa paningin ko ’yung pag ngisi niya at ’yung mahabang tali ng laway sa pagitan namin. Napalunok ako at para akong mapapaso sa init ng buong sistema ko.

“M-Manyak!” sigaw ko at automatic na napatakbo palabas ng office niya. Rinig ko pa ang pagtawa niya hanggang sa makalabas ako. Hinihingal akong napahinto sa tapat ng elevator.

Halos sipa-sipain at suntuk-suntukin ko ’yung hangin at walang kalaban-laban na ligaw na kaluluwa sa paligid sa sobrang hiya ko! Bwisit! First kiss ko ’yon!

Halos isang minuto din akong nakatayo sa tapat ng elevator bago ko maisipang bumalik sa office niya para suntukin siya. Malamang sa malamang nagbubunyi pa rin ’yung isang iyon sa kagaguhang ginawa niya.

“Hoy, Mateo! Akala mo ba–? Mateo!” napasigaw ako ng malakas pagbukas ko ng pinto at makita si Mateo na natumba at ang hindi ko makakalimutan ay ng makita ko na duguan ang tagiliran at ang kamay niya. ’Yung kamay na gamit niya ng nakapamewang siya.

Shit. Sabi na nga ba may mali!

VEINTISÈIS

“Sir, hinga po malalim. Kalma lang po kayo baka pati kayo dalhin namin sa E.R.” paalala sa akin ng katabi kong nurse sa luob ng ambulance.

Kung nasa matinong estado lang ako, pinatulan ko na itong katabi ko eh. Like, mukha ba akong makaka kalma eh nasa bingit ng kamatayan itong gagong Mateo na ito? Mamaya mapag bintangan pa ako na ako pumatay sa kanya.

Napaka walang hiya naman kasi ng lalaking ito. Napaka galing mag acting! Pwede ng manalo as best actor sa Oscars. Kuhang-kuha niya ’yung inis ko. Hmmp!

Pinunasan ko ’yung luha na hindi ko alam kailan pa nandyan. Basta alam ko lang grabe ang kabog ng dibdib ko ng makita kong bumagsak si Mateo at ang ang dami na ng dugong nasa damit at kamay niya. Never in my life na makakakita ako at hahawak ng taong nasa delikadong sitwasyon. Worst, ’yung nagnakaw pa ng first kiss ko at siyang magiging asawa ko. Balak pa yata akong indianin ng hayop na ito! Nakakainis!

Bakit ba ako nagaalala sa isang ito? Bakit ko ba iniiyakan ito eh wala pa naman kami technically malalim na connection sa isa’t-isa maliban sa magkakakilala ’yung sila Anton at Tatay ko?

Ang nakakainis pa, hindi ko alam kailan siya nasaksak! Kung bakit naman kasi nasaksak na pala siya lahat-lahat hindi pa siya agad nagsabi sa akin? Bakit kailangan niya pa mag panggap na okay lang siya? Dahil ba ganuon siya ka dedicated sa trabaho niya? Dahil ba sa ayaw niyang makita ko siya na tao lang din siya gaya ko na kahit mayaman siya vulnerable pa rin siya sa mga ganitong sitwasyon? Ngayon napapa isip tuloy ako kung regular or normal lang ba ito na laging nasa edge ang buhay niya o nagkataon lang kasi kung aalalahanin ko ’yung mga nasabi sa akin nuon nila Mateo, hindi ko alam kung magiging ganito ba lagi ako sa tuwing hindi kami magkasama.

Lagi ba akong mag aalala na baka may mangyari sa kanya? Paano naman ako? Malalagay din ba ako sa alanganin? Madadamay din ba sila Tatay? Parang hindi ko yata kaya na ilagay sila sa alanganin pero. .

Si Tatay na mismo ang nagbasbas sa amin at mukhang alam niya anong klaseng mundo ang meron sila Mateo, does that mean na hindi ako dapat mag alala sa kanila?

“Sir, hindi po kayo pwede sa luob. Pasensya na po.” paumanhin sa akin ng mga nurse na agad nag asikaso kay Mateo papunta sa ER samantalang ako naiwan lang nakatayo at parang timang na palakad-lakad sa labas hanggang sa nag decide na ako maupo sa gilid.

Napatingin ako sa damit ko saka sa kamay ko na may natuyo ng dugo ni Mateo.

“Pag ikaw talaga na tegibam, sinasabi ko sa’yo, Mateo papabalik kita sa Lolo mo sa akin. Wag mo ako bigyan ng responsibilidad ng hindi ka kasama,” bulong ko sa sarili ko habang hinihimas ko ’yung suot kong singsing. Naiiyak na naman tuloy ako kapag naiisip kong matetegibam si Mateo. Kainis kasi eh! Nagpapa cool pa sa harapan ko.

“Relatives of Mr. Del Lovato?” dinig kong tawag ng isang boses hindi kalayuan sa akin kaya agad akong napatayo.

Nilapitan ko ito at muntikan pa akong ma starstruck. Ganda naman ng babaeng ito. Ano kaya skincare nito?

Pero nabigla ako ng taasan ako nito ng kilay pero syempre binalewala ko kasi baka hindi naman niya sadya.

“And you are?” tanong nito sa akin habang iniikot ’yung tingin niya sa paligid. Para bang may iba pa siyang hinahanap. Ganuon ba ka obvious na hindi kami relatives ni Mateo?

Pero sabi nga nila sa panahon ngayon, don’t let them know your next move. Napangisi ako sa isip ko sa naisip kong kalokohan. Lintek, nag aagaw buhay na ’yung isa nagagawa ko pa rin makaisip ng kalokohan. ’Di bale, ayos na rin para hindi siya makapang chicks! Hmmp.

“A relative. Sorry, let me rephrase. I’m more than a relative. I’m his better half .”

Halata namang nagulat ’yung doctor sa sinabi ko. Natulala at napanganga pero naka bawi din naman siya agad wag kayo mag alala sa kanya.

“Yeah, good joke you got there. Where’s Sir Anton and Sir Alberto? Did they went to the nurse desk?”

Ah, so kilala niya ’yung dalawa. Kung sabagay, ngayon na medyo nahimasmasan na ako kahit papaano, dinala nga pala kami sa isang exclusive at pang mayaman na hospital. Malamang may record sila dito kaya kilala sila ng doctor na ito. Eh pero bakit ganito mag attitude itong doktora na ito? Hindi siya dapat subjective sa mga patients and sa mga nagpapakilalang relatives ng patient. Siguro crush nito si Mateo?

Jusko, hindi naman ako na-inform na may heavy acting akong naka schedule today ng dahil kay Mateo!

“They are on their way. Now, going back, you were looking for me, yes? May I know the status of my husband? Is he dying?” sinimple kong iangat yung kaliwang kamay ko para himasin ’yung kanang braso ko. Subtly showing her my ring. Siguro naman aware ito about sa mysteries ng singsing na ito.

Napangiting tagumpay ako sa isip ko ng mapatingin siya sa daliri ko. Heh!

Pero bakit parang ang sama ng tingin niya duon? Parang gusto niyang alisin sa kamay ko? As if namang magkasya ito sa kanya.

Cinompose muna niya ang sarili niya bago muling humarap sa akin. Ako naman naka poker face lang.

“Mr. Del Lovato loss a lot of blood. He will be needing a blood transfusion and as much as I want to give him mine, we’re not compatible.”

Napataas ako ng kilay ko mentally.

So tama nga hinala ko. Crush nitong doktor na ito si Mateo. Sumimple pang sabi na handa siyang i-offer dugo niya kay Mateo without even asking me first ano blood type ko. Very subjective.

Pero syempre napa clap back din ako agad. Siya na rin nagsabi, hindi compatible ang dugo niya therefore hindi sila compatible na dalawa. How tragic. Char! But did she said na kailangan ni Mateo ng dugo?

“I can give him mine.” walang patumpik kong sabi.

“Then we will have to test you first if yours is compatible to his.”

I’m not being subjective sa kanya kasi bawat segundo na lumilipas ay nababawasan life line ni Mateo pero yung tono ng pananalita niya sa akin, I cannot! Alam kong hindi pa talaga kami technically kasal ni Mateo but this lady right here is slowly getting into my nerves.

“I know but that’s fine. Protocol needs to be followed and I don’t want my husband to have any adverse reaction because of any additional proteins in mine though I know mine’s gonna be compatible anyway. I’m a type O and not a hard stick donor too. So where should I head now, doctor ?” binigyan diin ko talaga ’yung sagot ko at ’yung pag address ko sa kanya. Luckily, naalala niya ang sinumpaan niyang propesyon.

Nasa silid na ako kung saan ako kukuhaan ng dugo para ibigay kay Mateo at habang nasa kalagitnaan ako ng pagtingin ko sa kisame ay napadasal ako sa universe at sa safety ni Mateo.

VEINTISIETE

“Sunny,” agad kong nilingon ’yung tumawag sa pangalan ko at pagtingin ko ay sinalubong ako ng mga mata ni Berto.

Kanina pa ba siya nandyan?

“Berto!” agad ko siyang niyakap. Hindi ko rin alam kung bakit kaya hindi na nakakapagtaka na magulat siya sa ginawa ko pero hindi naman niya ako tinulak. Sa halip, niyakap niya ako. ’Yung sakto lang at marahang tinapik-tapik ’yung likod ko.

“Okay ka na ba?” tanong ko sa kanya. Naalala ko kasi na galing din siya hospital dahil nga sumakit ’yung tiyan niya sa dami ng kinain niyang luto ni Tatay. Hindi ko inexpect ’yon sa kanya.

“I should be the one asking you that. Okay ka lang ba? “ behind his grumpy demeanor, ramdam at kita ko ’yung pag aalala niya sa akin. Siguro kasi expected niya na matatakot ako pero kahit sino naman siguro na malagay sa ganuong sitwasyon matatakot.

Nang hindi ako agad naka imik nakita kong sumenyas siya sa mga kasama niya. Sila siguro ’yung sinasabi niyang mga tauhan niya. Lahat sila pumosisyon sa tapat ng E.R kung nasaan si Mateo.

“Teka, saan tayo pupunta? Hindi ko pwedeng iwan si Mateo.”

“May bantay na si Mateo. Kumain ka muna. Ayusin mo ’yang sarili mo. Baka maabutan ka ng Tatay mo o magising bigla si Mateo mayari pa ako sabihin hindi kita inasikaso naturingang ako unang dumating.”

“Hindi naman ganuon si Tatay.”

Hindi ito agad umimik pero ng makalabas na kami ng mismong hospital, saka ito nagsalita.

“Anak ka ni ’Lo kaya responsibilidad kita hindi lang dahil nasa iyo ’yang singsing at magiging asawa ka ni Mateo.”

Biglang umihip ang malakas na hangin at nanatili akong nakatingin sa likod niya niya habang naglalakad kami. Anong ibig niyang sabihin dahil anak ako ng Tatay ko?

Pumasok kami sa 7-11 at hindi na ako nagtaka na sa mangilan-ngilan na nanduduon, nakuha namin ang atensyon nila. Syempre dahil parehas kaming pogi.

Biglang kumalam sikmura ko at duon ko palang na realize na kaninang pagpunta ko kay Tatay sa pantry last na kain ko. Anong oras na ba?

“’Yan lang kakainin mo?” tanong ko ng maupo ito sa tabi ko dala ang isang pint ng choco almond fudge na ice cream at isang mini pack ng skyflakes. Medyo nabigla naman ako kasi hindi ko inexpect na kumakain din pala ng skyflakes ’yung mga gaya niya ’no? Kahit pati ’yung ice cream? Hindi naman sa nilalahat ko pero nakakabigla lang talaga at sa isang gaya ni Berto ko nakikita. Ang lakas kasi ng sophisticated, money drip vibes niya sa akin.

“Sikmura mo intindihin mo hindi ’yung kakainin ko.” ismid nito sabay tingin sa busog meal sisig ko and I kid you not, ’yung mukha niya parang hindi niya maka comprehend kung pagkain ba ’yung nakikita niya o hindi.

Napanguso naman ako. Heto na naman siya. Classic Berto. Thou sinunod ko ’yung sinabi niya. Tomguts na din kasi talaga ako. Habang busy ako lantakan ’yung pagkain ko napatingin ako ulit sa kanya. Akala ko busy lang siya kainin ’yung ice cream niya kaso halos lumaglag ’yung panga ko sa gulat ng isawsaw niya sa ice cream yung skyflakes at kainin iyon.

Mala fries sa sundae at ice cream sa buns ’yung combination na trip niya kaparehas ng kay Tatay. Akala ko si Tatay lang ang gumagawa nu’n but it turns out pati si Berto din pala. Takte! Trend ba ito ng panahon nila?

“What are you looking at?” singhal nito kaya agad akong napa iling at bumalik sa pagkain ko. Tanging ’yung tsismisan nalang ng cashier at mga customers at mahinang pagtugtog ng isa sa mga kanta ni Bobby Caldwell ang maririnig.

After naming kumain, lumakad na kami pabalik ng hospital at sakto namang nakasalubong ko si Phen na parang batang ligaw na naglalakad.

“Kuya!”

“Oh saan ka? Sino kasama mo?”

“Si Tatay. Kasama niya si Anton.” sabay tingin nito kay Berto, “Okay ba luto ni Tatay? Balita namin na hospital ka daw.”

“Huy, Phen!” sita ko sa kanya sabay tingin kay Berto. Halata namang nagulat ito sa sinabi ng kapatid ko.

“That fucker!” inis na bulong nito at bigla nalang kami iniwan para siguro sugurin si Anton at sakalin ito. Baluga itong kapatid ko!

Agad ko itong hinampas sa braso.

“Bakit mo sinabi iyon?”

“What? Nangangamusta lang naman ako.” nakangisi nitong tanong.

Bumalik ako ng 7-11 na this time si Phen naman ang kasama ko. Syempre gaya ng kanina agaw atensyon kami ulit. Iba talaga maganda ang genes.

“So. .?” biglang sabi ng kapatid ko sa akin habang nakatayo kami sa aisle ng mga tsitsirya. Napabuntung-hininga ako.

“Hindi yata ako fit maging asawa ni Mateo.” bigla kong nasabi kaya agad ding napalingon si Phen sa akin. Bahala na kung may makarinig sa usapan namin. Pakialam ba nila sa buhay ko, sa buhay namin. Hanggang eavesdrop lang naman pwede nilang gawin.

“Pinagsasasabi mo? Bakit mo naman biglang naisip ’yan? May sinabi ba ’yung Berto na iyon sa’yo?” maangas na tanong ng kapatid ko at balak ng manugod kaso pinigilan ko ito.

“Kasi Phen, binalewala ko ’yung gut feeling ko. Kung hindi ako sana nagpadala sa acting ni Mateo baka mas maagap ko siyang nadala sa hospital. Wala sana siya sa E.R ngayon at hindi kailangang salinan ng dugo.”

Dumiretso na kami ng cashier ng makita ng kapatid ko ang hinahanap niyang gummy worms at nagbayad.

Tumambay muna kami sa isa sa bakanteng tables na nanduduon.

“Pakiramdam ko, hindi ako competent matawag na asawa ng isa. Isipin mo, duon palang sa estado ng pamumuhay ang layo na agad.”

“Huwag mo ngang i-down ang sarili mo, kuya ng dahil lang sa nangyari ngayon.”

“Pero Phen. .”

“Kuya, tanging si Mateo lang ang makakapagsabi kung competent ka maging asawa niya o hindi. Kesehodang nasa iyo ’yang singsing ng Lolo niya o wala. Siguro may dahilan bakit siya umarteng okay lang siya kahit na may problema na. Ano man ang dahilan nu’n, hindi iyon dahil sa pride. The fact na hinintay ka muna niya gaya ng sabi mo kay Tatay sa phone na makalabas ng office bago siya tumigil sa pag arte niya, I know hindi iyon dahil sa kung ano mang negative na naiisip mo.”

Napabuntung-hininga ako at napatingin sa relos na suot ko na kaparehas ng kay Mateo, na kulay lang ang pinagkaiba.

“Nalaman na ba nila sino ’yung gumawa nu’n kay Mateo?” bigla kong tanong after ng ilang minutong katahimikan sa pagitan namin.

“Dinig ko kay Anton, nahuli na. Bakit?”

Umiling ako at impit na napangiti, “Wala naman. Kung sakali kasing hindi pa, tutulong sana ako hanapin ’yung gumawa nu’n sa kanya. Anu’t ano pa man, hindi iyon deserve ni Mateo.”

“D’yan tayo hindi sigurado. Kung yaman lang ang pag uusapan na dahilan kung bakit iyon nagawa sa kanya, masyadong mababaw para gawin iyon sa kanya pero ewan ko. Wala din ako sa posisyon para mag speculate bakit nagawa iyon sa kanya.”

Halos isang oras din kami mahigit ni Phen na nakatambay sa 7-11 at tanging gummy worms lang ang nilalantakan namin bago kami mag decide na bumalik na para i-check kung gising na si Mateo o baka nalipat na sa ibang room.

“Oh saan ka punta?” tanong ko ng makasalubong namin si Anton at mukhang paalis na ito, “Si Tatay?”

“Kasama si Berto duon sa room 111-I. Nilipat na si Mateo. Nagstable na siya agad sabi ni Dr. Cabello pagsalin ng dugo mo sa kanya,” sabi nito na may pilyong ngiti, “Iba talaga.” pahabol nito bago kami tinapik sa balikat ni Phen at nagmamadaling umalis.

Nagkatingingan kami ng kapatid ko.

“Hindi niya sinagot tanong ko,” maktol ko. Natawa naman kapatid ko sa akin.

“Baka kasi importante sobra. Kita mo naman. Nilayasan tayo agad.”

Sumilip muna kami ni Phen sa maliit na siwang ng pinto ng marahan namin itong binuksan at ewan ko ba. Nakaramdam ako ng kakaiba ng makita ko si Tatay na hinubad ’yung suot niyang jacket at ikumot iyon sa natutulog na si Berto. Hindi naman sila magkatabi sa couch. Magkabilang dulo nga sila kaso may something na hindi ko maipaliwanag sa nakita ko kaya agad akong napatingin sa kapatid ko na parang timang na nakangiti lang sa nakikita niya.

Baliw ba itong kapatid ko?

Muli akong napatingin kay Tatay ng marinig ko ang mahinang pagkanta nito habang naka dekwatrong nagbabasa ng dyaryo. Halos maestatwa ako. Bukod kasi sa maganda boses ng Tatay ko, ngayon ko lang ulit narinig na kumanta si Tatay.

Ang mas nakakagulat pa, ’yung kinakanta niya is ’yung nagp-play na kanta kanina sa 7-11 na kanta ni Bobby Caldwell na pinamagatang I Don’t Want To Loose Your Love.

VEINTIOCHO

Mula ng nailipat si Mateo sa private room, hindi pa ako umuuwi ng bahay namin. Paano ba naman, hindi pa kasi gumigising ’yung loko mula ng masalinan siya ng dugo ko thou wala naman daw adverse reaction na naganap sabi ng Doctor niya na ehem, ex pala nitong mokong na ito.

Kaya naman pala ng una kong sabihin na asawa ako ni Mateo (unofficially but soon), ayaw maniwala tapos ng nakita niya ’yung suot kong singsing eh halos kulang nalang dakmain niya sa daliri ko ’yung singsing. Sorry siya, as if namang kasya sa kanya ito.

Ang nakakainis pa, parang dito na nakatira ’yung doktora na iyon. Panay ang bisita kay Mateo. Siguro akala niya maaabutan niyang mag isa lang si Mateo dito sa kwarto niya. Tse! Asa siya.

Nagseselos ba ako? Bakit ako magseselos? Ngudngodin ko pa mukha nilang dalawa sa isa’t-isa.

Inirapan ko ang natutulog pa rin na si Mateo at bumalik sa panunuod ko ng TV. Ito ang kagandahan sa private room niya, bukod sa naka aircon, may sariling panuoran din at naka cable pa! Bonus na rin na may mini kitchen at CR na kasama. Para nga siyang mini apartment kung tutuusin. Hinatiran na nga lang ako ni Phen kagabi ng damit pamalit dahil nga ayaw kong iwan si Mateo dito kahit na may mga nakabantay namang security niya sa labas.

Natatakot na ako magtiwala kahit may mga security siya kasi bago din nangyari ’yung insidente na ’yon sa kanya, ang dami ding security pero may isang nakapasok para saktan si Mateo.

Napabuntung-hininga ako.

Anong oras kaya babalik dito sina Anton at Berto? Sila muna kasi ang nag asikaso ng mga gawain nitong isa dahil nga ayaw naman nilang matambakan si Mateo ng gawin once na okay ulit siya.

Nag iisip pa nga ako kung papasok ba ako o hindi bukas pero kasi kasisimula ko palang sa trabaho. Sigurado naman akong pipilitin ako nila Anton na pumasok at saka baka magalit sa akin si Mateo kapag nalaman niyang umabsent ako ng dahil sa kanya.

Na-boring na ako sa pinapanuod ko kaya pinatay ko na ’yung TV at tinignan muli ang natutulog na pigura ni Mateo.

Mukhang anghel ang loko pero pag gising. . tse! Thou, hindi ko itatanggi na ang gwapo talaga niya. Sabi ko nga sa inyo nuon, nakaka appreciate ako ng physical appearance at hindi naman nakakabawas ng pagkalalaki ang pag appreciate ng beauty ng isang lalaki o babae. Wala naman akong nakikitang violation of some sort sa ganuon.

Pero ewan ko ba sa kamay ko, may sariling buhay at kusang gumalaw para haplusin ang mukha ng lokong ito. In fairness, malambot ang skin. Naglo-lotion kaya ito? Tanungin ko nga kapag gumising na siya. Ang lambot eh! Nainggit ako bigla.

Napangisi ako ng mahawakan ko ’yung kakaunting bigote at balbas niya. Nakaka kiliti sa balat. Hindi kasi ako tinutubuan ng ganyan kaya bukod kay Tatay eh kay Mateo lang ako nakahawak ng ganito.

“Hindi ka pa ba gigising?” tanong ko sabay sundot sa pisngi niya. Wala namang masama. Malay ko kung sumagot ito bigla eh ’di confirmed! Nagpapanggap lang siyang tulog para hindi pa siya makagawa ng mga gawain niya at sila Anton muna ang gumawa para sa kanya. Para-paraan din syempre.

“Alam mo may nabasa ako dati na article hindi ko alam kung gagana iyon sa’yo kasi hindi ka naman comatose pero, maririnig mo kaya kapag kinantahan kita? Hindi maganda ang boses ko pero iyon ang point kung bakit kita kakantahan. Baka sakaling magising ka na kapag nakarinig ka ng boses na parang tinataktak ’yung lata?” natatawang sabi ko dito sabay haplos sa buhok niya.

Takte! Bakit pati ’yung buhok niya ang lambot? Biyernes pa ito nandito, linggo na ngayon ng hapon pero hindi pa nago-oily ang buhok niya? Anong shampoo ba gamit niya? Matanong nga rin ’yan sa kanya.

Nag-hum muna ako ng iilang kanta habang nag iisip kung anong pwede kong kantahin sa kanya ng maisipan kong ihiga ang ulo ko malapit sa kanya habang marahang hinihimas ang kaliwang braso niya at patuloy na hinahaplos ang buhok niya. Ewan ko ba pero nanduon ’yung feeling na hindi ako magsasawang gawin ito kung sa kanya ko gagawin at hindi ko alam kung bakit pero bahala na. Siguro soon mafi-figure out ko din kung bakit.

What you won’t do, to do for love

You tried everything but you don’t give up

In my world only you

Make me do for love what I would not do

Nasa verge na ako na para na akong inaantok sa pagkanta ko ng bigla nalang may epal na kumatok sa pinto. Panira naman ito ng moment!

Napa eye roll ako mentally ng si Dr. Marquez a.k.a ex ni Mateo ang niluwa ng pinto. Magugulat pa ba ako? Eh dito na yata talaga ito nakatira. Wala akong ibang nakitang doktor liban sa kanya na pumasok dito. Ang pinagkaiba lang, wala ’yung kasa-kasama niyang nurse. Siya lang mag isa.

Lumapit ito agad kay Mateo at pinagmasdan ko lang siya na gawin ang trabaho niya. Syempre hindi ko naman siya pipigilan sa gagawin niyang pag check kay Mateo. Gusto ko ngang gumising na itong isa ’di ba?

Ang awkward nga lang kasi walang ni isa sa aming dalawa ang gusto mag start ng conversation but stand corrected agad ng magsalita ito.

“I never thought he will have the guts to get married. No offense but bakit ikaw?”

Hindi ko alam kung halata ba sa mukha ko ang gulat sa tanong niya but. . the audacity of this woman? Anong bakit ako? Ang gwapo ko kaya ’no! Buti sana kung mukha akong deformed na lata eh kahit ako itatanong ko rin iyan sa sarili ko. Kaloka itong babaeng ito ha!

Hinawakan ko muna ang kamay ni Mateo at marahang hinaplos iyon. Grabe ah! Galing kong umacting dito! Baka naman pwede akong makakuha ng award!

The things I do for you, Mateo.

Magkatapatan kami ni doktora kaya alam kong kitang-kita niya ng dalawang mata niya itong acting na ito at sana lalo siyang mainis at mainggit. Bahala siya d’yan. Sa akin na si Mateo ’no!

“Doktora, gustuhin ko mang sagutin ang tanong mo eh mas okay siguro kung kay Mateo mismo manggaling ang sagot at hindi sa akin ng sa ganuon, mas maintindihan mo kung bakit ako.” inangat ko ang tingin ko para salubungin ang tingin niya sa akin and hindi naman ako manhid para hindi ko makitang may hint ng sadness and regret sa kanya.

Ito ang unang nag iwas ng tingin sa aming dalawa. More like, inirapan ako.

“Nakakagulat lang talaga na Mateo chose to marry. . the same gender as his.”

“And?”

“He probably might have only married you because you have that ring. As what I can see, hindi niya suot ang wedding ring ninyo. That is, if nag effort man siya na bumili ng wedding ring ninyo ng kinasal kayo.” she sneered.

Ah, so aware pala siya sa kung anong meron na power/influence ang singsing na ito sa sino man ang magsuot. Not bad.

But as much as I shouldn’t be feeling any pain or hurt, medyo may kirot ’yung sinabi niya thou alam ko din naman na tama siya, so bakit ganito nafi-feel ko?

Tumingin muna ako sa maamong mukha ni Mateo dahil baka hindi ako makapag pigil sambunutan ko itong doktora na ito. Kawawa siya dahil wala agad makaka awat sa akin sa gagawin ko sa kanya.

“Mawalang galang na but if I were you, I will not let my emotions overpower my profession especially if I am at work at kaharap ko ang asawa ng ex ko, no matter what unresolve history I have with him. Now, I understand na siguro may feelings ka pa kay Mateo and I am not shaming you for it but you also have to understand na bilang asawa ni Mateo, I have the right to draw a line kung hanggang saan ka nalang pwede.”

Parang may dumaang anghel sa pagitan namin after kong sabihin sa kanya ang saluobin ko hanggang sa i-excuse na nito ang sarili niya. Pero, bago pa siya tuluyang makalabas ng kwarto, muli akong nagsalita.

“Kapag nagising na si Mateo, I want the two of you to talk. It’s for the best of you two para masara mo na kung ano mang chapter niya sa buhay mo ang hanggang ngayon naka pending pa rin. You’re pretty, Dr. Marquez. You deserve to be happy with someone that loves you the same amount you love them,” binigyan ko siya ng impit na ngiti bago siya tuluyang lumabas ng silid.

Muli akong napatingin sa natutulog na si Mateo at ewan ko kung namalik-mata lang ba ako pero parang nakangiti siya?

VEINTINUEVE

“Gising na,” malumanay na sabi kasi ni Anton pagmulat ko ng mata ko. Nakita ko pang natutulog si Berto sa couch. Agad kong nilingon ’yung tandayan ko ng marealize kong nakatulog pala ako sa tabi nitong si Mateo.

Pagka bangon ko tinuro agad ni Anton ’yung nakalagay na pagkain sa table ng mini kitchen. Anong oras na ba?

“Nand’yan na din ’yung damit mo pang pasok. Si Berto ang nagdala. Galing siya sa inyo. Naka plantsya na din daw ’yan,” sabi nito at marahang ginulo ang buhok ko, “Thank you sa pagbantay kay Mateo.”

Hinilamos ko ’yung kaliwang palad ko sa mukha ko para mahimasmasan. Medyo antok pa ako kaya hindi ko namalayan na lunes na pala ulit at ngayon ang simula ng pagtuturo ko sa bagong wave.

Bago ako umalis sa hospital bed ni Mateo dahil ang mokong hindi pa rin talaga gumigising, tinapik ko lang ito ng marahan sa kamay para sabihin na aalis muna ako saglit.

“Anong oras pa kayo nandito? Kumain na kayo?” tanong ko kay Anton habang inaalis sa paper bag ’yung binili nilang pagkain. Pagkakita ko ng laman, napangiti ako dahil galing kay Tatay.

“Oo, tapos na. Muntikan na nga akong hindi na naman makakain ng padala ni ’Lo. Paano ba naman balak na namang solohin ni Berto ’yung padala sa ating tatlo,” nakangising kwento nito sabay belat sa natutulog na si Berto, “Tinakot ko nga lang na mag iingay ako kapag hindi niya binigay portion ko eh.”

“Mukhang effective kay hindi niya nakain pati ’yung akin eh.”

Parehas kaming naghagikhikan sa sinabi ko. Nagsimula na ako kumain ng almusal ko at nag asikaso na para maligo. Kailangan maaga ako para makapag prepare ako kahit papaano sa klase ko saka para makadaan din ako kay Tatay.

Nakabihis na ako ng mapatingin ako sa gawi ni Mateo. Bigla akong nakaramdam ng pagaalala. Sinong maiiwan na bantay niya? ’Yung mga security lang ba niya?

“Dito si Berto magta-trabaho kung iyon ang inaalala mo,” sabi ni Anton sa akin ng mapansin niya sigurong nakatingin lang ako kay Mateo.

Tumango lang ako sa sinabi niya at lumapit na kay Mateo. Hinaplos ko ang mukha at buhok nito.

“Alis na ako. Kung gigising ka man ng wala ako siguraduhin mong masu-surprise ako kung hindi, ako mismo magbabalik sa iyo sa hinihigaan mo ngayon,” ismid ko dito, “Ba-bye.”

Hinalikan ko ito sa nuo at wala namang sinabi na kung ano si Anton hanggang sa makaalis kami ng hospital.

“Wala ka bang nakalimutan ngayong araw?” tanong nito bago ako lumabas ng kotse niya. Napakunot naman ang nuo ko sa tanong niya. Huh? Meron ba?

“Wala naman?” patanong ko rin na sagot aa kanya, “Sige, una na ako. Dadaanan ko pa si Tatay eh. Ba-bye! Salamat sa paghatid. Ingat kayo ni Berto.”

Dumiretso ako sa pantry at halatang nagulat si Tatay ng makita ako. May kung ano kasi siyang ginagawa sa cellphone niya ng dumating ako.

Binati ko ’yung mga kumakain duon kasi kilala naman nila ako bago ako tuluyang makalapit kay Tatay.

“Hi, ’Tay!” bati ko at agad na niyakap siya. Natawa naman ito sa akin.

“Aba, ang lambing ah. Bumabawi ka ba kasi hindi ka umuwi ng bahay?” biro nito.

Napanguso ako, “Eh kasi naman ’Tay si Mateo ayaw pa rin gumising. Ang sarap ngang yugyugin para magising na eh! Mukhang inenjoy ang pagtulog.”

“Sure ka bang hindi pa nga gumigising?”

Napa isip naman ako sa tanong ni Tatay.

“O sige na, pumunta ka na sa trabaho mo. Baka ma-late ka pa. Heto, dalhin mo na ito para hindi ka na dumaan dito mamaya.” sabay abot nito ng baunan sa akin na may lamang pagkain.

“Bakit ’Tay? Meron bang client na pupunta dito mamaya sa pantry?”

“Wala naman. Maaga lang ako uuwi kay pinapapunta ako ng kapatid mo sa school nila.”

Napanguso ako, “Okay.”

“Ay sus, nagtampo pa. Susunduin ka naman ni Anton mamaya. Sige na, alis na.” hinaplos nito ang buhok ko at tinapik ako sa balikat ko, “Galingan mo, ’nak.”

Nag thumbs up ako kay Tatay at dumiretso na sa trainer’s room para mag prepare. Hindi ko naabutan si Mommy Yuni kasi nasa ibang floor ang training nito today. Susunod naman daw siya kapag nag break ang klase niya kasi kailangan niya ako makita paano mag turo. Hindi ko na nga lang pinansin ’yung fact na makiki-sit in na naman si Coach Dan. Bahala siya d’yan. Hindi kami friends and we will never be. Char!

Nakahinga ako ng maluwag ng sa first set ng klase ay smooth flowing ang naging takbo kahit na ng dumating na si Mommy Yuni. Syempre hindi nawala ’yung may napuna siya pero lagi naman niya ako agad binibigyan ng tips paano i-correct iyon. Nawala na nga sa isip ko na nanduon si Coach Dan dahil sobra akong nag enjoy magturo sa klase ko kasi bukod sa ang dami nila, ang kukulit din nila. Iba’t-ibang age ang nasa wave na hawak ko.

Habang nasa break ang klase ko dumiretso ako pabalik ng trainer’s room at duon na kumain habang nagpe-prepare sa second set kasi hanggang uwian na iyon. Tinext ko rin si Berto at Anton kung okay ba sila at gising na ba si Mateo kaso mukhang mga busy kasi mga hindi nagsisi-reply.

Inabala ko nalang ang sarili ko sa trabaho para hindi ako masyadong mag alala kay Mateo habang kinakanta ’yung kinanta ko sa kanya kahapon. Hindi ko nga alam bakit biglang nag flash sa utak ko ’yung mukha ng lalaking iyon. Nagaalala lang talaga ako siguro sa kanya. Sabi kasi ng doctor kapag hindi pa daw siya nagising baka ilipat siya sa ICU.

Napabuntung-hininga ako ng matapos ang first day ng klase ko. Paano ba naman bigla nalang dumami ’yung mga nag observe sa pagtuturo ko bukod pa sa client na nasa onshore. Kinabahan talaga ako sobra pero hindi ko pinahalata kasi batang bonakid ito. Joke. Thou maganda ang pinakita kong performance ayon sa kanila. Ayaw pang maniwala na first job ko ito. Pfft. Hindi ko tuloy alam kung binobola lang nila ako.

Paglabas ko ng building, madilim na sa labas kaya dali-dali kong kinuha ’yung cellphone sa bulsa ko at nakapagtatakang wala pang text ni isa si Anton. Sobrang busy nila siguro.

Well, alam ko naman ang papunta duon sa hospital. Magco-commute nalang ako.

Just then, bago pa ako maka para ng masasakyan biglang tumunog ’yung cellphone ko kaya syempre agad ko namang sinagot. Sino kaya ito at unknown number ang naka register?

“Hello? Sino ito?”

“’Nak? Nasaan ka? Ang dilim dito sa bahay ninyo.” 

“Nay?” alanganin kong sagot habang naka kunot ang nuo ko. Anong ginawa niya sa bahay?

At teka, sinabi ba niyang madilim ’yung bahay? Ibig sabihin hindi pa nakakauwi sila Tatay? Eh si Ate? Papunta na ba siya dito ngayon?

“Oo, ako nga. Bakit parang nagulat ka na tinawagan kita? Nasaan ka ba?”

“Nasa trabaho po.”

“Trabaho? Pinagtatrabaho ka ni Lorenzo?”

Agad kong napahawak sa tungki ng ilong ko. Alam kong nanay ko ito pero hindi ko nagustuhan ’yung tono ng pagkaka tanong niya na para bang inaakusahan niya si Tatay.

“Oo, ’Nay. Nagtatrabaho na ako. Ako mismo ang nag decide nito. Teka, bakit ka ba nasa bahay, ’Nay? Ano meron?”

“Naku, Sunny! ’Yan na nga ba ang sinasabi ko kaya mas gusto kong nasa puder kita. Tignan mo sa pagta-trabaho mong ’yan, nakalimutan mong ngayon ang Birthday mo! Hindi ka man lang ba binati ng Tatay mo o ng mga kapatid mo?”

Literal na nag loading ang utak ko sa sinabi ng nanay ko at chineck ’yung nakalagay na araw sa cellphone ko.

Shit. Oo nga!

“’Nak? Nandyan ka pa ba? Pupuntahan ka nalang namin ng driver ko.”

“Huwag na, Nay. Pauwi na rin naman na ako. Sige po, bababa ko na. Bye!”

Alam kong dapat inaalala ko na birthday ko ngayon pero dahil sa nangyari kay Mateo eh nawala na sa isip ko ang tungkol dito at ngayon naman, mas naiisip ko pa ’yung bahay namin dahil kung wala pa sila Tatay malamang wala pa ding nag aasikaso ng hapunan nila.

Sana makauwi ako agad para makapag asikaso ako ng makakain nila.

Pwede naman i-celebrate sa ibang araw ang birthday, ’di ba?

TREINTA

“’Nay!” tawag ko sa kanya ng lumabas siya sa mamahaling kotse habang mabilisan kong tinanaw ’yung bahay namin. Aba, oo nga. Sobrang dilim!

Napanguso ako ng agad ilabas ni Nanay ’yung panyo niya at punasan ang nuo ko.

“Bakit ka naman tumakbo? Tignan mo oh! Pawis na pawis ka,” nakangiting sabi niya habang pinagmamasdan ako.

“Ayos lang po. Ayaw ko naman paghintayin ka ng matagal. Kanina pa kayo nandito?”

“Hindi naman. Kumain ka na ba? Gusto mo kumain muna tayo?”

“Huwag na, ’Nay. Magaasikaso pa ako. Baka pauwi na sila Tatay. Nagpunta kasi siya sa school ni Phen.”

“Bumili nalang tayo ng handa mo para hindi ka na magluto.” bigla itong umismid, “Akala ko naman hinandaan ka ng Tatay mo. Kung alam ko lang nagdala na ako sana bago nagpunta dito.”

Napabuntung-hininga ako. Ayaw kong mainis sa kanya kasi minsan nalang din kami magkita at alam kong nag effort siyang pumunta dito sa bahay para makita ako.

“’Nay, hindi na kailangan. Mga busy din kasi kami. Okay ng bumisita ka. Gusto mo bang ipaghain nalang kita?”

Alam ko na ang sagot sa tanong ko ng bigla nalang tumunog ang cellphone niya sa dala niyang mini purse. Nag iba din kasi ang mukha nito ng marinig ’yung sinabi ng kausap niya sa kabilang linya.

“Sige na, ’Nay. Pasensya ka na. Nawala din sa isip ko na birthday ko at lagi kang bumibisita kapag birthday ko.” alam ko namang pinauuwi na siya ng lalaki niya.

Naninikip na naman tuloy ang dibdib ko.

Tumingin ito sa akin na parang nagda-dalawang isip.

“Pasensya ka na, ’nak. Hindi kasi mapakali ’yung isa kapag matagal akong wala,” paliwanag niya at hinaplos ang mukha ko. Iniwas ko ’yung tingin ko sa kanya kasi ayaw kong makita ’yung mga mata niya. Alam ko namang pagdating sa akin, mahina ang luob ng nanay ko. I’m kind of her kryptonite when I wish sana lahat kaming apat.

Kinuha nito sa luob ng kotse niya ang regalo niya para sa akin at agad ko naman itong kinuha.

“Salamat dito, ’Nay.” napakamot pa ako sa batok ko kasi hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya or what.

“Kung sakali mang magbago ang isip mo, ’nak, tawagan mo lang ako.”

Tumango ako. Alam ko kung anong tinutukoy niya. Matagal niya ng inooffer sa akin na siya ang sasagot ng tuition ko sa college, ako lang itong umaayaw kasi that means kailangan kong tumira sa kanya, sa bahay nila ng. . tsk!

“Sige na, ’Nay. Una ka na. Baka ma-traffic pa kayo.”

Narinig kong bumuntung-hininga si Nanay bago ito ang kusang lumapit para yakapin ako. Niyakap ko siya pabalik at heto na naman ’yung love and hate feeling ko sa tuwing yakap niya ako.

Lagi akong napapaisip bakit niya kami pinagpalit tapos sabay maaalala ko, nasa reality kami. Bihira ang happy ending.

“Boss, paki-ingatan ’tong Nanay ko.” sabi ko duon sa driver na tinanguan at nginitan ako, “Ingat kayo.”

Pagsara ko ng pinto ng kotse, hinintay ko muna sila makalayo bago ako pumasok ng gate namin at pinunasan ’yung luha sa mga mata ko. Kainis!

Bubuksan ko palang ’yung pinto ng bahay ng biglang may bumusina. Agad akong lumingon kasi akala ko may nakalimutan si Nanay kaso si Berto ang nakita ko. Kasama niya siguro sila Tatay.

“Huwag ka ng mag abala pa. Nanduon sila sa hospital. Dumalaw sila kay Mateo.” sabi nito.

Agad naman akong lumabas ng gate at sinara itong muli.

“Bakit hindi man lang kayo nag text na nanduon pala sila?” nakanguso kong sabi, “Muntikan pa akong magluto ng hapunan.”

“Na-busy kasi kami ni Anton. Dami kasi kaming tinapos kanina. Tara na, may dadaanan pa tayo bago bumalik ng hospital.”

Hindi na ako naghintay ng go signal at sumakay sa kotse.

“Gising na ba si Mateo?” tanong ko habang nagd-drive siya.

Hindi ito umimik. Napabuntung-hininga ako. Ililipat na talaga ’yung kumag na iyon sa ICU. Ginalingan magpahinga eh! Mamaya magulat nalang ako mag upgrade to St. Peter na punta niya. Pero syempre joke lang. Huwag ganuon.

“Sino nagbigay n’yan?” tanong nito kaya agad kong hinanap ’yung tinutukoy niya at napatingin sa regalo na hawak ko.

“Kay Nanay. Dumaan siya kanina para ibigay ito.”

Silence.

“Ah, bumibisita pa rin pala siya.” sabi nito after ng ilang minutong katahimikan thou ewan ko kung nagi-imagine lang ako pero parang may something kung sa way ng pagkakasabi niya.

“Oo, tuwing birthday ko.”

“Mabuti at hindi niya nakalimutan na may anak siya.”

Hindi na nasundan pa ’yung usapan namin hanggang sa makarating kami sa harap ng malaking building. Gabi na pero mukhang marami pa ring nagta-trabaho. Anong oras kaya out nila?

Lahat sila naka formal at ng makita nila kami, agad silang bumati at yumuko sa amin. More like, kay Berto siguro.

“Anong meron dito?” bulong ko dito habang naglalakad kami papuntang elevator pero hindi ako nito sinagot.

Habang naglalakad kami sa hallway ng binabaan namin na floor eh biglang bumalik sa akin ’yung nangyari ng Friday. Na-trauma yata ako dahil duon.

“Ang tagal ninyo!” bungad ni Ate paglabas nito sa isa sa mga kwartong nanduduon habang karga-karga si Bon.

“Ginagawa mo dito, ’Te? Dito ka na nagbebenta?” gulat na tanong ko dito lalo pa at naka postura siya pati si Bon. Naka long gown siya na simple lang naman ang design na ’yung kulay matching kay Bon na may flowers ang design. Takte! Si Ate ba talaga ito?

“Eh dumaan pa ako sa bahay ninyo kay umuwi ito sa inyo. Akala ko nasa office pa rin.” sagot nito sa kanya.

Ha? Anong meron?

Papasok na rin sana ako duon sa room kung saan nanggaling si Ate kaso bigla akong hinila ng kung sino papunta duon sa katapat na room.

“Makahila naman!” angal ko kaso bumungad sa akin si Phen na lalo kong kinabigla at si Tatay. Parehas silang nakasuot ng formal. Anong nangyayari?

“Oh! ’Tay? Akala ko nasa hospital kayo? Sabi ni Berto nanduon daw kayo?”

Ewan ko ba bakit bigla akong kinabahan kasi kung surprise man ito bakit mukhang nagpupunas siya ng luha?

“Bilisan mo naman, kuya! Huwag ka ng parang estatwa d’yan. May hinahabol tayong oras.”

“Huh? Ano bang meron?”

“Surprise! Birthday mo!” sarcastic na sagot nito sa akin at agad na pinag tripan ’yung mukha ko ng make up na nanduduon. Like, hindi naman ako nalagyan ng eye shadow pero parang ginroom lang niya ako para mas ma-enhance ang kapogian ko.

“Eh bakit dito?” tanong ko habang nilalagyan niya ng lip balm ’yung bibig ko. Dami kong tanong eh ’no? Para naman kasing hindi appropriate na birthdayan itong pinuntahan namin. Parang mga abogado ’yung nakasalubong ko kanina sa baba.

“Surprise nga ’di ba?” mataray na tugon nito.

Biglang lumitaw si Alexis. Huh? Bakit nandito din ito? Naka formal din siya.

“Congrats, Sunny!” nakangiting bati nito sa akin.

Huh? Ano daw?

“Babe! Sinisira mo ’yung surprise!” parang bata na tantrum ng kapatid ko kaya mas lalo akong naguluhan.

“Tara na nga!” sabi nito sabay ligpit ng make up na walang duda ay sa kanya, “Una na kami, ’Tay! Baka lalo pa nito ibuko ’yung surprise!”

Paglabas nilang dalawa nagkatinginan kami ni Tatay. Para na naman itong iiyak.

“’Tay? Okay lang po ba kayo?”

Tumango ito at hinaplos ang buhok ko. Agad ko naman itong niyakap at bigla nalang umiyak sa balikat ko. Ano bang nangyayari?

Bigla namang bumukas ulit ang pinto at niluwa nu’n si Berto. Nakataas ang kilay nito. Jusmiyo, napasa yata ni Phen ang katarayan sa kanya.

“’Lo! Ano ba! Dinaig mo pa ’yung ikakasal kung makaiyak ka.” naka pamewang na biro nito, “Duon ka na nga. Ako nalang mageescort sa kanya.”

Medyo weird ’yung joke pero okay.

Agad na kumalas si Tatay sa pagkaka yakap sa akin.

“Ako ang Tatay, ’di ba?” patol nito sa kanya habang nagpupunas ng luha.

Pinigilan ko naman ang sarili ko na matawa. Paano ba naman first time kong makita na patulan nitong si Tatay si Berto.

“Eh dinaig mo pa babae kung maka iyak ka,” tugon nito eye roll at lumapit sa amin, “Ayusin mo nga sarili mo.”

Inismiran siya ni Tatay at bumuntung-hininga.

“Tara na. Baka sugurin na tayo ng isa. Kanina pa inip na inip ’yon.”

Huh? Sinong isa?

“Sumama ka na mag escort. Baka himatayin itong si Tatay,” biro ko kay Berto at sinamaan ako ng tingin ni Tatay.

“’Nak nam–”

“Anak mo na nag decide. Huwag ka ng mag inarte. Mamaya parehas pa kayong mahimatay habang naglalakad walang sasalo sa inyong dalawa.”

Nailing nalang ako sa dalawa kasi para silang may mini staring contest at ng mahimasmasan sila parehas, hinila na nila ako palabas at pumasok sa kaharap na room kung saan nanggaling si Ate kanina.

Halos bumagsak ’yung panga ko sa gulat ng makita ’yung ayos ng room. Wala namang OA na decorations at wala din namang kabaong sa harap pero feeling ko, gaya nga ng sinabi ni Berto kanina hihimatayin ako sa gulat ng marealize ko ang nangyayari ng makita ko si Mateo, na buhay na buhay at nakangisi sa akin.

Anak ng tipaklong!

Ikakasal ako sa araw mg birthday ko?!

Parang gusto ko nalang ibalik itong si Mateo sa hospital bed! Sabi ko i-surprise ako pero hindi ko inexpect na competetive ang baliw na Mateo na ito!

TREINTA Y UNO

“Umamin ka nga! Kailan ka pa gumising? Bakit sobrang timing naman ng pag bring me to life mo sa birthday ko?” usisa ko ng makasakay kami sa kotse niya after naming ikasal.

Nakasunod kami sa kotse nila Anton dahil nasa hulihan kami. Ewan ko nga ba eh! Kami ’yung kinasal pero sila ’yung nauuna sa amin? Paano kung ma-ambush kami bigla? Jusmiyo!

And yes, kasal na kami. Tinali ko na ang sarili ko sa lalaking ito. Ewan ko nalang dito sa isang ito kung talaga bang nagpatali ito sa akin. Baka mamaya mangaliwa ito. Ayos lang naman, marunong naman ako kumanan! Joke.

Syempre kasi wala naman akong choice kundi um-oo nalang (bukod sa nabigla din ako sa mga happenings!). Palay na ang lumalapit sa manok este kawawa naman kasi baka ma-hospital ulit sa stress kapag tumanggi ako, ’di ba? Syempre ayaw ko naman masisi. Parang baliw nga sila Ate kanina akala mo artista ’yung kinasal ang OA ng reactions nila lalo na ng nag-kiss kami! Akala mo first time makakita ng naghahalikan eh smack lang naman ’yon!

“Hoy! Magsasalita ka ba o gusto mong mag file ako agad ng divorce bago ka sumagot sa tanong ko?” sinusumpong na ako ng katarayan sa lalaking ito eh kaka kasal palang namin. Paano ba naman ang hunghang imbis na sagutin ako pailing-iling lang saka pangisi-ngisi. Takteng buhay ’yan! May bago bang language na naimbento at hindi ko alam? Hindi rin naman ako mind reader para malaman ko iniisip ng lalaking ito.

“Isa! Mateo!”

Mabilisan niya akong nilingon bago kunin ang kaliwang kamay ko na siyang suot na ang kapares ng sising na suot niya at dinampian iyon ng halik. Sa pagkabigla ko hindi ako agad naka imik.

“ Tesoro, vida mia, mi luz ,“ kahit hindi ko na-gets ano ’yung sinabi niya, ’yung abnormal kong puso bigla nalang nagtatambol tapos ’yung tiyan ko naman pakiramdam ko mae-LBM ako. Lalong pang nag malfunction ’yung utak ko ng bigla niyang i-drift ’yung kotse, ewan kung bakit. Baka nagpapasikat pero naramdaman ko nalang na kinabig niya ako palapit sa kanya at dinampian ng halik ang nuo ko.

“Thank you.”

Dahil hindi ko alam kung anong ire-react ko, ginawa ko ang unang pumasok sa isip ko. Ang bigyan siya ng middle finger at irapan. Imbis na magalit, natawa lang siya sa akin. Nagdadalawang isip na tuloy ako kung si Mateo ba talaga itong pinakasalan ko. Baka naman clone niya ito? Paano ko ba malalaman kung siya ito? Halikan ko kaya? Kaso ng maalala ko paano niya nilapastangan ang precious lips ko, napailing ako ng malala. Ekis!

Pasimple akong napatingin sa kamay naming magkasalikop kasi hindi pa rin niya iyon binibitawan habang nagda-drive siya. Ewan ko ba. Pakiramdam ko parang may kinang effects bigla itong lalaking ito sa mata ko. Pagod lang siguro ito. Tama, tama.

“Ano palang bato itong nasa singsing? Infairness ah, hindi ko inexpect na ganito pipiliin mong singsing natin.”

Ang simple lang kasi ng design niya. Hindi siya agaw pansin pero hindi rin mukhang pipitsugin. Tadtad ba naman paikot ’yung singsing ng kumikinang na. . hindi ko alam kung anong bato tawag dito basta kumikinang! Ang nasa isip ko kasi na singsing ’yung mga regular lang na plain na may engraved na singsing na minsan may bato sa gitna. Hindi ko inexpect na ganito magiging singsing namin. Hindi ko alam anong tawag sa design na ito pero natutuwa ako kasi nagcocompliment ’yung light blue sa dark blue. Para siyang hue.

“Your birthstone and mine.”

“Weh?” napaisip ako pero sadyang hindi ko maisip anong birthstone ko. Hindi naman kasi ako interesado sa mga batu-bato. Sina Ate at Phen lang mahilig sa mga ganito. Akala ko nga dati trip nila maging alahera o hindi kaya pusher eh. Ang hilig kasi sa bato pero syempre joke lang ’yung huli kong sinabi. Baka sakalin ako ng dalawang kapatid ko na iyon.

“You don’t know your birthstone, don’t you?”

“Eh ano naman?” nakanguso kong sagot sa kanya, “Baka nga kanina mo lang nalaman ’yung iyo.”

“Just so you know, I take pride on things I planned on having for a long time which means, hindi ko bastang parang candy na binili iyan sa mall.”

“Sungit,” bulong ko pero feeling ko narinig pa rin niya though hindi naman siya nakipag argue sa akin. Aba, dapat lang! FYI, we just got married!

“Ang ganda naman dito,” bulong ko kay Mateo ng makapasok kami sa high-end restaurant ng pinasukan naming hotel. Gabi na pero bukas at buhay na buhay ang nasabing establishment. Pang malakasan ’yung mga nakasalabubong namin pero sila ’yung panay bati at yuko sa amin. Pati ako naki yuko rin kaso pinagalitan ako ni Mateo. Sabi niya hayaan ko lang daw.

Hmmp! Akala naman niya sa akin pinalaking walang manners! Saka ayaw ko ngang masabihang snobber!

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi kami pumwesto sa tipong pang V.I.P section at nasa regular tables lang kami kasama ng iba. I mean do not take this the wrong way or whatever pero ayaw ko lang talaga na agaw pansin kami. Hindi ako sanay sa ganuon.

Tatlong waiter ang umattend sa amin at inabutan kami isa-isa ng menu. Hinayaan ko lang sila na mamili kasi hindi ko naman alam anong masarap sa mga iyon, siguro marami pero kasi ’yung presyo. Nakakalula!

Inabala ko nalang ’yung sarili ko sa nagpe-perform ng jazz sa harap ng stage. Nakakatuwa kasi old songs ’yung mga naka line up nilang kanta.

“ Tesoro ,“ dinig kong tawag ni Mateo kaya nilingon ko siya kahit na hindi ko sure kung ako ba ang tinatawag niya. Sana maalala ko na i-search meaning ng tinawag niya sa akin. Baka mamaya ginagago ako nito eh, tsk.

Agad kong nilibot ang tingin ko sa mga kasama namin sa table sa gulat ko ng bigla siyang lumapit sa akin at ipulupot ’yung braso niya sa bewang ko kaya ayun, amoy na amoy ko na naman ’yung mamahalin niyang pabango na lalaking-lalaki ’yung amoy.

“B-Bakit?” pesteng yawa na dila ito, bakit umuurong ka sa Mateo na ito?

“What do you want to eat? Fish? Steak? Beef?” busy siyang ilipat-lipat ’yung menu na hawak niya para ipakita sa akin ’yung mga pagpipilian pero ang yawa kong utak, sa iba naka focus.

“Hey, you can have me later but for now you need real food.”

Bigla akong nagising sa sinabi niya. Shuta! Bigla-bigla nalang may lumalabas na kabastusan sa bibig nitong si Mateo! Buti nalang at hindi ako nag violent reaction sa sinabi niya.

“Ito nalang,” tumuro ako ng random na pagkain sa menu. Jusme, sana naman hindi ako mapahamak sa napili ko. Kung sakali man, sisisihin ko nalang si Mateo kasi wala lang, gusto ko lang. Wala naman siyang magagawa eh alam naman niyang may kasalanan din siya. Hmmp!

10 pm na ng gabi pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok siguro dahil na rin nasa lively na lugar kami. Habang hinihintay namin dumating ’yung inorder naming pagkain, sinapian yata ’yung dalawa kong kapatid dahil bigla nalang naki-join duon sa mga sumasayaw na crew at ibang kapwa namin na nanduduon sa restaurant.

Natatawang naiiling nalang ako dahil pati sina Anton at Alexis napasali pa. Kasayaw ni Ate si Anton samantalang si Phen at Alexis naman ang magka partner. Inikot ko ang mata ko sa paligid para i-check kung may epal na mangju-judge sa kapatid ko pero buti nalang wala kundi magwawarla ako dito kahit birthday ko at kakakasal ko lang.

Syempre hindi nakaligtas sa paningin ko ang kasama naming naiwan sa table ni Mateo - si Tatay at Berto na karga-karga si Bon. Napangiti ako kasi halatang inaantok na siya pero nilalabanan niya kasi natutuwa siyang panuorin si Ate.

Nilingon ko si Mateo para tignan kung buhay pa ba siya o bored na siya pero laking gulat ko ng makita kong nakatingin, ehem mali. Nakatitig siya sa akin. Heto na naman ang puso ko parang tangang gustong lumabas ng ribcage ko!

Para mawala ’yung tension (kung meron man!) sa pagitan namin, kinapalan ko ang mukha ko at binigyan siya ng mini dance at sumabay sa kinakanta ng performer.

And we both began to the dance to the music

Ooh, your magic cast a spell

It didn’t take long ’til we fell

And we knew it

Kaso, may lahing bonakid itong si Mateo at hindi nagpakabog sa akin. Hindi naman niya ako ginaya sa pag mini dance ko pero kumanta siya. Nahiya naman akl bigla. Ang ganda pala ng boses ng lalaking ito at ewan ko ba! Nag auto focus na naman ang mga mata ko sa kanya. May lumuwang na tornilyo yata sa utak ko tonight.

No more lonely nights for me

This is how it’s gonna be

Sexy eyes

Ako na ang unang naglayo ng tingin ko sa kanya kasi feeling ko kapag hindi ko pa iyon ginawa, makukuha niya na kaluluwa ko! Isa pa, nakabalik na din ’yung mga waiter kanina at nilalapag na ’yung mga inorder naming pagkain.

Jusko, Sunny! Gutom lang ’yan! ang nasabi ko nalang sa sarili ko habang nararamdaman ko pa rin ang mga mata ni Mateo na nakatingin sa akin.

TREINTA Y DOS

“Good morning,” inaantok kong bati sa asungot este sa asawa ko ( Yes! Asawa ko! ) na nakatayo sa kitchen aisle at sumisimsim ng kape at nakasuot na agad ng work suit niya, “Kanina ka pa gising?”

Kita mo ’to hindi man lang ako ginising buti nalang kahit late na kami nagsitulog sa mga hotel rooms namin maaga pa rin ako nagising. Siguro dahil na rin ’yung body clock ko eh pinapaalala sa akin na may work pa ako today. Sobrang pagod ko kagabi kaya hindi na ako nagtaka ng pagdikit ng katawan ko sa kama dumiretso himlay este tulog na ako pero masasabi kong masaya ’yung mga nangyari kagabi kahit na nakakagulat at nasa state pa rin ako na hindi makapaniwala kung totoo ba ang lahat ng nangyari o baka naman nananaginip lang ako. Baka isa lang itong illusion, ’yung mala the lamp story o simulation.

Napakamot na nga lang ako sa ulo ko, forgetting ang salitang hiya ng makita ko ’yung suot ko. Balak ko pa sana kasi maligo kagabi after ni Mateo dahil pinauna ko siya kaso dala ng antok at pagod, ayun. Hindi na natuloy. Naka ready pa man din na ako. Tanging long sleeve ko nalang ’yung suot ko wala na yung coat at pantalon. Natawa tuloy ako ng makita ko ’yung sarili ko sa salamin. Para akong ’yung mga kontrabida sa telenovela na nangaakit ng asawa ng may asawa tapos ganito lang ’yung suot.

“Still sleepy, vida mia ?” tanong nito ng tuluyan akong makalapit sa kanya sabay marahang hinaplos ang pisngi ko. Heto na naman ’yung tiyan ko umiikot na parang ewan. Pfft.

“Mukha ba akong sleepy?” mataray kong sagot sabay saglit na tumingin sa malakong bintana nitong room namin. Madilim pa sa labas pero tansya ko 4 a.m na ng madaling araw. Aga naman magising nitong si Mateo para mag ready sa trabaho. Surprising lang.

“You just woke up and yet nagtataray ka na agad? Is it because we didn’t make love last night like you were expecting to?” taas kilay nitong tanong na may pag ngisi pang nalalaman habang nakatitig sa akin. Pinamulahan naman ako ng mukha sa sinabi niya. That was uncalled for! Ka aga-aga! Itong bibig ng lalaking ito kabastusan agad ang lumalabas!

“Mateo!” sita ko sa kanya.

“What?” pa-inosente niyang tanong sabay hila sa bewang ko palapit sa kanya, sa sobrang lapit ramdam ko ’yung ano na niya sa may tiyan ko. Oo, ganuon siya katangkad. Plus, ang tigas. Este ng belt! ’Yung belt ha! Huwag kayong ano. Thou hindi ko itatanggi na nakapangliliit pala makulong sa bisig ng asungot na ito. Ano ba kasi kinakain nito simula bata pa siya para lumaki ng ganito ’yung katawan niya? Star margarine? O baka naman lumaklak ito ng Cherifer?

Duon ko lang din ulit naalala na wala pala akong suot pang ibaba dahil hinahanap ko ’yon bago ko siya nakita dito sa kitchen. Antokwa. Kaya siguro nangmamanyak ito kay nalilibugan sa suot ko. What do you think? Hahaha!

“Umayos ka, Mateo. May pasok pa ako ah, huwag mong sirain morning ko. Baka gusto mong jombagin ko junjun mo?” pananakot ko dito pero ang loko tinawanan lang ako. May nakakatawa ba sa sinabi ko? O sadyang baliw lang itong pinakasalan ko?

“Says the person who ordered oysters for main and strawberries for dessert, hmm?” he whispered, nibbling my earlobe a little, earning a soft moan from me, “Aren’t you being a little naughty in disguise, Tesoro ?”

“M-Mateo. .” napakapit ako sa balikat niya habang binababa niya ang mainit na pagdampi ng bibig niya sa leeg ko and I don’t know why pero yung paa ko, automatic na pinagdikit ko and felt like tiptoeing. Ano bang ginagawa ng lalaking ito sa akin pati tuloy ako nagugulat sa ginagawa ng katawan ko.

“Hmm?”

I looked at him with glossy eyes, duon ko lang na realized na he was able to change our position without me even realizing it. Magka level na kami but then, there’s still this sense of pangliliit, no, that’s not the right term but more like submissive towards him.

Hindi ko alam bakit hindi ako makapagsalita habang nakatitig ako sa kanya. Ginayuma yata ako ng asungot na ito. Nakabukaka ako habang nasa pagitan siya ng legs ko at nakakapit ang magkabilang kamay ko sa likuran niya. This position is so awkward to be honest but I couldn’t bring myself to feel like it.

“Open,” utos nito with authority in his voice and yet it sounds so sexy, so addictive. Like how I imagined him to be ng una kaming magkita. He was oozing with this energy from then until now.

Dahil hindi naman ako sigurado anong pinapa-open niya, I tried opening my mouth. Kinakabahan pero nanduon ’yung sense ng excitement sa akin. Like, ano bang nangyayari sa akin? Epekto na ba ito ng mga pinagkakakain ko last night? O baka dahil sa suot ko? Sa suot niya? Or sa overall vibe right now?

“Wider,” dagdag nito na agad kong sinunod ulit and to my surprise, hindi ko pa man gaanong nabubuka ng maayos ’yung bibig ko in his desired size ang loko bigla nalang pinasok ’yung dambuhala niyang daliri sa bibig ko. Two fingers lang naman but still! Buti nga hindi ko nakagat sa gulay but the way how he play his fingers inside my mouth, making me gag and teary, it makes me want to think na may pagka sadista itong si Mateo. Imagine him smirking as he do this to me habang ’yung mga mata niya, I really can’t explain. It’s dark, hungry, lusty and greedy and he seems like to be having fun humilating me under him.

“M. .Mat. .” I tried calling him, to make him stop since I don’t know kung paano niya nagawa but I can already feel my toes curling and my back arching in bliss, which is a sign that I am like, you know, about to come untouch which has never happened before and yet he didn’t stop until I was crying mess and felt defeated when I finally realized that it is no use trying to make him stop and touch myself because it is too late. I already came. I was gasping for air ng tanggalin niya ang daliri niya sa bibig ko.

“F-Fuck you!” naiiyak kong sabi sa kanya habang pinupunasan ang luha ko. What the hell did just happened? I felt dirty but on the side note, I also felt wanting for more.

“Maybe next time if you decide not to tempt me again like you did last night, leaving me on the edge, Tesoro .” sabi niya bago sakupin ang labi ko.

I fucking hate this man and yet. . .

TREINTA Y TRES

“Bye!” mataray kong sabi habang palabas ako ng kotse ni Mateo, “Huwag kang shushunga-shunga sa trabaho mamaya maulit na naman ’yung nangyari ng nakaraan. Ingat!”

Imbis na um-oo nalang sa paalala ko tinawanan lang ako ng ungas kaya sa inis ko muntikan ko ng ihampas ng malakas pasara ’yung pinto pero buti naalala ko wala namang kasalanan ’yung kotse. ’Yung may-ari lang mismo ang meron.

Hinintay ko munang makalayo ’yung kotse niya bago ako nag decide na lumakad papunta sa building namin.

Naiinis na nahihiya pa rin ako kapag naaalala ko ’yung nangyari sa pagitan namin kanina. Shemay, feeling ko natapakan pagkalalaki ko du’n sa nangyari! Dapat hindi ako ’yon eh! Dapat siya ’yon! Ano ako babae? But on the side note, nakakapagtaka lang na mukhany expert siya sa ganuong bagay. I mean, hindi naman maitatanggi na sa pagmumukhang ’yon hindi siya babaero but to think na nagawa niya iyon sa akin ng ganuon kadali eh lalaki ako medyo nakakapagtaka lang. Hindi kaya. .

. . Hindi kaya ginawa niya na rin iyon sa iba bago sa akin? Biglang uminit ang ulo ko sa isiping iyon. Aba! Teka nga! Matatanggap ko pa kung nakipag one night stand siya sa mga babae kasi hello, lalaki naman siya, lalaki din ako at kung given the chance naman na parehas ninyong gusto at may consent, right? Pero sa same sex bukod sa akin? Aba!

Ite-text ko palang sana ’yung gunggong na iyon kaso may epal na sumira ng balak ko. Like, ano ba? Kung may maninira man ng araw ko, si Mateo lang ang pwede, okay? Saka sino ba ito?

“Good morning, Sunny!” energetic na bati sa akin ng taong huli kong gustong makita today este everyday. Sino pa nga ba? Eh di ’yung chismoso este si Daniel.

“Oh, hi.” patay malisya kong bati. Medyo binilisan ko ng kaunti ang lakad ko para makahalata siya na nagmamadali ako at para hindi niya ako kausapin kaso manhid eh. Sinabayan pa rin ako. Ang nakakainis pa, walang pila kaya wala kaming kasabayan sa elevator.

“Kanina pa kita nakita actually. Pababa kasi ako duon sa footbridge tapos ikaw naman palabas duon sa kotse. Nahiya naman ako tawagin ka kasi baka importanteng tao ’yung kausap mo.”

Sabi ko na eh. Kaya ito talaga ’yung huling taong gusto ko makita.

“Oo, asawa ko.” sagot ko. Sa totoo naman. Asawa ko si Mateo pero syempre hindi ko sasabihin sa isang ’to not because takot ako ma-judge or baka ii-stalk nitong lalaking ito ang asawa ko pero I want to keep things private. Kung dumating man ang araw na makita niya kami or ng kahit na sino sa katrabaho ko na magkasama kaming dalawa at makita nilang intimate kami sa isa’t-isa like Ph Care, joke lang, hindi ko naman itatanggi.  Ayaw ko lang na ipangalandakan sa lahat kasi what for? I can be proud of my marriage without the need to brag it to everyone’s face besides mamaya sila pa reason bakit ako magka issue kay Mateo or vise versa.

“Ha?” halata ang gulat sa mukha niya. Gusto ko ngang matawa pero pinigilan ko, “Talaga ba? Akala ko, I mean akala namin single ka? Wala ka namang nabanggit na may jowa ka?”

“I didn’t know other people’s lovelife is a big deal in our workplace, Mister Daniel.” makahulugan kong sagot at saka tinignan siya mata sa mata, “But to answer your query, yes. I am married. May asawa ako. That being said, I am off limits. Have a nice day!”

Nauna akong lumabas ng elevator pag tunog nito, indication na nasa floor na ako kung nasaan ang office namin. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na siya sumunod sa akin but I doubt na hindi kakalat sa sino man ang pagkakaruon ko ng asawa thou I hope hindi na niya ako kulitin pa kundi susumbong ko na talaga siya kila Berto. Alangan namang duon sa Mateo na iyon mamaya iba pa maisip niya. Awayin pa ako! Syempre hindi ako papatalo if ever.

Nairaos ko ang whole day ng hindi dinadapuan ng antok at hindi ako nilalapitan ng asungot na si Daniel though hindi na ako nagulat ng nakarating din kay Mommy Yuni ang tsismis na may asawa na ako. Hindi niya ako inusisa kung legit ba ’yung nakarating sa kanya na chika pero nag belated congratulations siya sa akin at binigyan ako ng tatlong pirasong ferrero rocher na chocolate. Ang sweet nga eh!

“Hayaan mo ’yan si Sir Dan. Feeling ko nga baka crush ka niya ikaw kasi laging bukambibig eh,” natatawang sabi niya habang kaming dalawa lang ang nasa luob ng trainors room at abala sa kanya-kanya naming tinatapos na task.

“Mommy naman! I-ship mo na ako sa lahat huwag lang sa kanya. Kinikilabutan ako eh,” nandidiring sabi ko na kinatawa niya.

“Uy, grabe siya oh. May hitsura naman si Sir Dan.”

“Wala naman akong sinabing wala siyang hitsura. Ang akin lang, hindi ko siya type.”

“Ano ba mga type mo?” sa tanong ni Mommy Yuni biglany pumasok sa isip ko si Mateo at ’yung eksena namin sa kitchen duon sa tinuluyan naminh hotel.

“Hala siya oh! Namumula!”

“Ha? H-Hindi ah!” pagtatanggi ko.

“Oo kaya! Siguro kundi maganda asawa mo, ubod siguro ng gwapo ano?”

“Ha?” sa gulat ko sa sinabi niya muntikan na akong mag violent reaction. Nagkataon lang ba ’yung sinabi niya?

“Sige na. Tapusin na natin trabaho natin ng makauwi na tayo. Magkikita pa kamk ng anak ko sa mall at ikaw, baka mainip ’yung sundo mo kakahintay sa iyo.”

Hanggang sa makapag out kami parehas ni Mommy Yuni at ngayon na nagiikot ako mag isa dito sa mall sa hindi ko malaman na kadahilanan, hindi pa rin mawala sa isip ko ’yung sinabi niya kanina. Impossible namang coincidence iyon, right? Kung tama ang hinala ko, paano niya nafigure out? Halata ba sa kilos ko? O baka naman dahil nakita niya na kamo before ni Mateo na magkasama tapos hindi ko lang siya namukaan or napansin man lang?

Tumigil ako sa isang store na puro makukulay na aburluloy ang display at dahil wala pa naman akong narereceive na notif mula kila Anton kung susunduin ba nila ako or what eh susulitin ko nalang muna ang pagwi-window shopping na mukhang hindi na window shopping ang siste dahil may umagaw ng atensyon ko na gusto kong bilhin.

Nagningning ang mga mata ko ng may makita akong cute na keychain. More likely kasi favorite cartoon character ko.

“Ay, Sir. Maganda ’yan, Sir! Couple keychain po ’yan. Heto po ’yung kapares n’yan.”

Lalong nanlaki ang mga mata ko kasi ngayon lang ako nakakita ng pares nito.

“Iyan na last namin, Sir. Kung ako sa inyo kunin ninyo na po ’yan.”

Kahit hindi na ako bolahin ni Ateng saleslady kukunin ko na talaga. Mas rare pa ito sa exodia ng yu-gi-oh.

Saktong pagbayad ko sa keychain naka receive ako ng text na malapit na sa mall ’yung sundo ko. Ineexpect ko pa either si Anton or Berto ang susundo kaso laking gulat ko ng si Mateo.

“Are you just gonna stand there or what?” masungit na bungad nito sa akin bago ako nag decide na pumasok sa kotse niya. Bwisit na ito! Ang sungit ah!

“Kumain ka na?” tanong niya sa kalagitnaan ng pagmamaneho niya sabay hila ka sa kaliwang kamay ko para halikan iyon. Napatingin ako sa kanya sa gulat. Parang kanina lang ang sungit sabay biglang ang sweet? Aba, matindi.

“Hindi pa. Ikaw?”

“Good. I made a reservation for us.”

Reservation? Ano meron? Nakapag celebrate naman kami ng birthday ko saka ng kasal namin kahapon?

Huminto kami sa isang kilalang Steakhouse na sa tv at magazine ko lang nuon nakikita. Agad akong napatingin kay Mateo at marahang hinatak ang manggas ng suit niya ng libre kong kamay kasi ’yung isa naka holding hands na sa kanya.

“Bakit dito?” nagaalalang tanong ko kahit na alam ko namang may pambayad siya.

“’Coz I want to spoil my husband.”

After naming mag dinner, nagtake out pa siya para kila Tatay kahit na hindi ko naman pinakiusap sa kanya at hindi ko alam pero somewhere in my heart, I felt warm and giddy.

“Thank you,” sabi ko habang nasa biyahe kami pauwi.

“For?”

“The dinner saka sa pagbili ng pasalubong kila Tatay.” hindi makatinging sagot ko sa kanya.

“Anything for you, Tesoro. “ sagot niya at pinatakan ng halik ang kamay ko na nakahawak sa kanya.

Tahimik lang ’yung biyahe namin pauwi ng bahay ko hanggang sa magsalita akong muli. Thou I wish sana pala hindi na ako nagsalita. Bigla ba namang tinopak si Mateo eh!

“What do you mean magco-commute ka nalang? Are you cheating on me?”

“Ha? Pinagsasasabi mo? Nagsu-suggest lang ako para hindi hassle.” sagot ko pero deep inside, hindi naman iyon ang main agenda ko bakit ko sinabing huwag na akong ihatid-sundo.

“Hassle? What hassle are you talking about? Fetching you back and forth is nothing to me nor to Anton and Berto. Whose the damn bitch or is it a motherfucking asshole?” ang sama ng tingin niya sa akin. Naalala ko ’yung titig niyang ganito ng first meet naming dalawa kasi hindi siya makapaniwala ako ’yung need niyang pakasalan.

“Mateo!” inis kong sita sa kanya ng bigla nalang niyang ihinto yung kotse sa tabi ng kalsada. Narinig ko pang nag double click yung locks ng kotse. Napalunok ako sa kaba. Hindi naman ako siguro balak patayin nito dito, ’di ba? Kundi mumultuhin ko siya!

“Oy, oy! Teka lang! Ano ba?” nabigla ako ng pilit niya akong hinihila papunta sa kanya habang nagpipumiglas ako, “Aray, Mateo ah!” pero ang loko ayaw tumigil.

“Santiago Ezekiel Martinez-Del Lovato.” commanding niyang tawag sa buong pangalan ko ng walang halong pagtataas ng boses. Hearing his surname attached to mine brings shivers to my spine.

“Y-Yes?”

“On my lap. Now.” nagulat ako sa katawan ko ng may sarili itong buhay at sinunod ang utos ng gunggong kong asawa kaya ayun, heto ako kinakain ng hiya habang naka kandong sa kanya. Kinakabahan ako habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin o gagawin.

“Now, tell me who or what’s bothering you at work and I’ll fix it for you just so you won’t think of commuting.” sabi niya habang marahang hinahaplos ng hintuturo niya ang outline ng panga ko.

Our faces are dangerously close next to each other at bukod sa naaamoy ko ’yung mabangong hininga niya, our position isn’t helping either. Kung anu-ano ng tumatakbong hindi banal sa utak ko.

“A-Ano. .” the hell am I stuttering? Nag iwas ako ng tingin habang nilalaro ’yung kwelyo ng suot niya, “May katrabaho lang kasi ako na may pagka Cristy Fermin. Lahat pinapansin though I made sure naman na alam niyang may asawa na ako tapos ayun, kumalat na sa buong account. Naiinis lang kasi ako du’n parang laging nakabantay sa akin eh ayaw ko ngang kinakalkal personal life ko lalo pa hindi naman kami close.”

Nabigla ako ng halikan niya ako but I didn’t have the heart to push nor to make him stop since hindi rin naman na ito ang unang beses na nahalikan niya ako. Besides, we’re now husbands so.

“If that co-worker of yours escalate his/her behavior, tell me. I’ll be the one teach them not to bother you again, alright?” para naman akong bata na tumango at agad na sumang ayon sa kanya, “And I’m still not going to change my mind. Whether you like it or not, ihahatid sundo pa rin kita and if hindi ako available, sina Anton o Berto ang gagawa nu’n para sa akin. Ayaw kong magcocommute ka unless walang choice.”

Napanguso naman ako, “Ginawa mo naman akong babae!”

“Well, aren’t you one right now?” nakangising tanong nito na kinaloading ko pa hanggang sa mapagtanto ko ’yung position namin. Aish! Nawala sa isip ko sa sobrang comfortable ko sa position ko.

“Ewan ko sa iyo! Manyak! D’yan ka na nga!” ismid ko sabay alis sa pagkaka kandong ko sa kanya but not before he slap my butt na napa singhap ako sa gulat, “Mateo!”

Pinandilatan ko siya pero ang loko tinawanan lang ako.

TREINTA Y CUATRO

“Kuya, kailan ka aalis ng bahay natin?” tanong ni Phen sa akin habang hinihintay namin sila Tatay na siyang kinagulat ko. Pinagsasasabi nitong kapatid ko?

“Huh? Pinagsasasabi mo? Bakit parang pinapalayas mo ako sa bahay?” sagot ko.

Inirapan nalang niya ako at saka bumuntung-hininga in a way na hindi dapat ganuon ang sagot ko sa kanya. Nireregla yata itong kapatid ko na ito. What you think, guys?

“Hindi ba kayo naguusap ng asawa mo? Hello? Kasal na kayo, oy! Alangan namang magkahiwalay pa rin kayo ng tinitirahan? Paano kayo gagawa ng pamangkin ko n’yan?”

Muntikan ko ng mabuga ’yung iniinom kong gulaman sa kanya sa pagka bulgar ng bibig niya. Antokwa itong kapatid ko!

Nandito kasi kami ngayon sa foodcourt nakatambay habang kumakain ng tinakeout naming siomai. Agad akong napatingin left and right baka kasi may nakarinig ng sinabi niya. Nakakahiya ’no!

“Hoy! Umayos ka nga! Kung anu-ano lumalabas d’yan sa bibig mo,” nag iwas ako ng tingin sa kanya sa hiya dahil I’m pretty much aware namumula pisngi ko at parang gusto ko nalang magpakain sa monoblock ng ngisian niya pa ako imbis na tumigil na sa kalokohan niya.

“What? I’m just saying besides seryoso din ako sa tanong ko, kuya. Hindi man lang ba siya nagtatanong about sa bagay na iyon? Baka naman kaya hindi eh may ibang binabahay iyon?”

Hindi ko alam kung bakit pero agad sumama timpla ko ng marinig ’yung huling sinabi ni Phen. Parang gusto ko tuloy sambunutan si Mateo. Hmmp!

“Wala namang nababanggit sa akin sina Anton or Berto na may iba siyang kasama sa bahay bukod sa mga nagtatrabaho sa kanila.”

“Hindi ka sure. Malay mo pinagbawalan sila ng asawa mo na sabihin sa iyo. Remember, siya ang parang pinaka boss nila so, technically kahit mas matanda sila sa asawa mo basta utos ng boss wala silang magagawa kundi sundin iyon.”

Hindi ako naka imik sa sinabi niya kasi tama nga naman siya. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko bago tumingin sa ibang part ng mall. Buti nalang hindi na sinundan pa ni Phen ang sinabi niya. Ayaw ko namang mabadtrip dahil ang plano ko, masaya lang dapat today dahil bukod sa sumahod ako, half day lang kami bukas na mga nasa training team dahil Holiday sa ibang bansa. Mati-treat ko na din sa wakas sila Tatay gaya ng plano ko nuon after kong matanggap sa trabaho.

Iba pala talaga ang feeling kapag may work at may sarili kang pera na nailalabas. Nakakatuwa sa pakiramdam lalo na kapag ililibre mo ’yung family mo. Si Tatay ng una ayaw pa pumayag magpabili ng kanya kesyo ’yung mga kapatid ko nalang daw saka si Bon kaso dahil nagtaray ako, ayun. Napa settle siya bumili ng tsinelas. ’Yung nasa department store pa nga ang nais pero syempre hindi ako pumayag. Minsan lang naman saka unang sahod ko ito kaya dapat bongga kaya ayun tsinelas ng Adidas ’yung binili namin.

Si Ate ang binili belt bag para daw kapag naniningil siya hindi mahirap maglagay ng binayad sa kanya. Si Bon naman happy na sa stuff toy niya na yellow duck at si Phen, puro face masks ang binili lalo pa’t naka buy 1, take 1 ang watsons. At ako? Wala. Happy na ako sa nabili ko para sa kanila. Isa pa, I’m planning na dumaan bukas sa supermarket para ma-try ko naman na mamili duon kahit chips lang. Hahaha. O’ bakit? Pera ko naman gagamitin hindi ninyo. Hmmp.

Pauwi, sumakay lang kami ng jeep. Hindi ako nagpasundo ngayon kila Anton at mas lalo duon kay Mateo kasi sabi ko may lakad kami nila Tatay. Buti nga hindi nagtanong saan lakad namin eh. Syempre ’no, family time thou parang family na din naman sila technically dahil kasal kami ng isa pero iba pa rin ’yung pinaka family, gets ba? Kung hindi, problema ninyo na iyon.

“’Tay,” tawag ko sa kanya kahit na magkatabi lang kami dito sa dulong pwesto at katapatan namin sina Ate.

“Bakit ’nak?” nagaalala itong lumingon sa akin. Napanguso ako. Naalala ko na naman kasi ’yung sinabi ni Phen kanina.

“Ayaw ninyo na ba ako sa bahay?”

“Huh? Pinagsasasabi mo, ’nak?” taka nitong tanong sa akin.

Lalo akong ngumuso, “Eh kasi si Phen para na akong pinapaalayas sa bahay.”

Nagulat kami parehas ni Tatay ng biglang sumabat si Phen.

“Hoy! Hindi kita pinapalayas! Nagtatanong lang naman ako!” sabay hingi ng tulong kay Ate, “Ate oh! Si Kuya!”

Luh, ang lupet ng tenga ng kapatid ko ah! Hindi naman kami magkatabi pero narinig ’yung sinusumbong ko kay Tatay!

Nailing lang si Tatay sa amin sabay kamot ng ulo niya.

“Ano ba kasi tinanong sa iyo ng kapatid mo kanina, aber?”

“Eh kasi tinatanong niya ako kung bakit hindi pa ako umaalis ng bahay eh naturingang may asawa na ako.”

Hindi na nakapag pigil si Tatay at natawa na ugat ng mini argument namin ni Phen at saka ginulo ng bahagya ’yung buhok ko.

“Tay! Masisira pogi points ko.” maktol ko.

“Syempre hindi sa gusto naming wala ka sa bahay pero nage-gets mo naman siguro ang sentimiento ng kapatid mo. May asawa ka na at kapag nagaasawa bumubukod sa magulang at kapatid para matuto sa buhay. Buhay mag asawa, buhay may pamilya.”

Napanguso ako sa sagot ni Tatay.

“Hindi ba ninyo pa ba napagusapan ni Mateo ang tungkol duon?”

Umiling ako at bahagyang nahiya.

“Akala ko napag usapan ninyo na dahil ng huling hatid niya sa iyo sa bahay kinausap niya ako sa bagay na iyon.”

“Po?” nagulat naman ako sa revelation ni Tatay about sa ginawa ni Mateo. Ang loko! Hindi man lang ako ininform.

Hanggang sa makauwi kami ng bahay at nakapag half bath at humiga na ako sa kama ko, hindi pa rin nawawala ang gulat at excitement ko sa ginawa ni Mateo na pagkausap kay Tatay. Nagulat dahil hindi ko inexpect na kakausapin niya si Tatay tungkol duon at excite dahil hello? Maeexperience ko na din na tumira sa bahay ng iba. Well, technically hindi siya bahay ng iba dahil bahay iyon ni Mateo so, anyways! Bukas ko nalang kakausapin ang kumag na ’yon regarding sa napag usapan nila ni Tatay.

Kinabukasan, gaya ng sinabi ko half day lang kaming mga trainors kaya after ng trabaho ko nagmadali na ako agad na lumayas ng office para magikut-ikot sa mall. Napanguso ako ulit at nagiimagine na sinasambunutan si Mateo ng makita ko ’yung keychain na nakasabit sa wallet ko. Ito ’yung keychain na binili ko ng nakaraan one day after naming ikasal. Kay Mateo dapat itong isa dahil ’yung napunta sa kanya is ’yung favorite ko kaso sabi niya dahil nauna siyang kuhain iyon kaya sa kanya na iyon. The audacity! Ginawang laro ng bata.

Kung curious kayo sino bang cartoon characters ang binili ko na naka pair pa dahil nga couple keychain daw iyon sabi sa akin ni ateng saleslady eh ’yung sa Sanrio lang naman iyon.

Si Kuromi at Badtz-Maru.

Okay, hep bago ninyo ako i-judge, bakit? Babae lang ba macutean kay kuromi? Saka ang cool kaya ng personality niya sa Sanrio tapos inagaw pa sa akin ng kumag kong asawa eh napaka bihira nga lang ako makakita ng kuromi. Sa akin tuloy napunta si Badtz and it’s not like hate ko siya pero tuwing nakikita ko mukha niya naaalala ko mukha ni Mateo. Hmmp!

Kakatapos ko lang mag grocery sa supermarket dala ’yung hindi naman karamihan na napamili ko, mainly mga gamit sa bahay like shampoo, sabon, detergent and the likes ng may matanaw akong matandang babae na maraming dala at mukhang nahihirapan sa mga pinamili niya. Siya lang? Wala siyang kasama? Hindi naman siya matanda na mga tipong uugud-ugod na. Parang mga nasa 50s lang siya but still. Mukhang mabigat ’yung mga pinamili niya at syempre dahil bida-bida tayo like Jollibee agad ko siyang nilapitan.

“Tulungan ko na po kayo,” offer ko kahit na may dala din ako. Ng una nag hesitate pa siya pero dahil narealize siya na madami-dami din ’yung bubuhatin niya papunta sa kung saan humihinto ’yung mga kotse galing parking lot para manundo ng kung sino mapa amo nila or hindi eh pumayag na din siya.

“Naku, salamat iho! Buti nalang talaga nag offer ka tulungan ako. Gusto mo ba kumain muna? Nakapila pa rin siguro sa pagbabayad ’yung kasama ko sa parking lot.” malumanay na sabi nito. Agad naman akong tumanggi.

“Hindi na ho. Ayos lang.” pagtanggi ko kaso si manang mapilit naghihilaan pa kami dalawa kesyo hindi daw siya makakatulog kapag hindi daw siya nakapag repay kineme sa kabaitan ko kaso nagulat ako ng bigla nalang siyang sumigaw. Mukhang nagulat din siya pero hindi ko alam kung bakit.

“Naku, sir! Sorry! Sorry talaga! Hindi ko alam.” nagtaka naman ako dahil todo nalang ito sorry sa akin with matching sunud-sunod pa na bow.

“Po? Bakit po kayo nagso-sorry?” takang tanong ko habang nakikiyuko din ako para patigilin siya para kasi siyang nagpapanic sa hindi ko maintindihang dahilan.

“What’s going on here?” nagtaasan ’yung balahibo ko sa nagsalita sa likuran ko dahil hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko ang boses ng asungot na ’yon.

“Anong ginagawa mo dito? Stalker ba kita?” pataray kong tanong dito na naka pamewang pa. Like, anong hello? Hindi ba dapat nasa work siya ngayon?

Kaso ng sasagot na siya may umagaw ng atensyon ko. Ano kamo iyon?

“Halaaa! Ang cute naman n’yan! Sa iyo ba ’yan?” agad kong inagaw sa kamay niya ’yung tutang hawak niya na namimilog pa ’yung matang nakatingin sa akin.

“Silly,” dinig kong sabi nito, “That’s yours.” sagot nito at sakto namang may bumusina sa tabi namin at binati siya.

Agad kong nilingon si ate kanina kaso pagtingin ko nagmamadali siyang lumapit duon sa kasama niyang driver na siyang bumusina kanina at bumati dito kay Mateo. Huh? Magkakilala sila?

“Let’s go. We have a lot to discuss.”

Nagtataka man pero sinunod ko nalang siya habang hawak-hawak ’yung tuta at siya naman hawak ’yung pinamili ko. Teka, kailan pa napunta iyan sa kanya? Parang hindi ko maalala na kinuha niya iyon sa akin? ’Di bale na nga.

TREINTA Y CINCO

“Hala! Huy, Mateo! Hindi ba natin sila tutulungan magdala ng mga pinamili? Ang dami nu’n oh! Saka wag mo nga ako hawakan sa batok! Para naman akong pusa n’yan eh! Not cool, bro! Not cool!” maktol ko habang panay ang lingon duon sa dalawang kasama namin kanina sa kotse ko habang papasok kami ng malaking mansion na kasya yata singkuwentang katao sa tansya ko.

Bahay pa ba ito? Eh pwede na itong events place. Ang lungkot siguro tumira dito mag-isa pero mas nakakaiyak kung taga linis ka tapos ganito kalaki ang lilinisan mo araw-araw. Bigla ko tuloy naalala ’yung naging paguusap namin nuon nila Anton tungkol dito at takte, totoo nga talagang ang laki ng bahay na pagmamay-ari niya or nila ng family niya. Gaano ba sila karami? Ang lungkot naman nu’n kung lumaki siyang only child at kung ’yung parents niya laging nasa trabaho at siya lang mag isa ang naiiwan dito.

And speaking about his birth order and parents, oo nga ’no? Parang never pa akong may narinig na about duon kila Anton. Bakit kaya?

“Ano palang pangalan niya?” tanong ko ng hindi siya nililingon at pinanggi-gigilan ang kacutean ng tutang hawak ko, “Saka ano palang breed niya pati? Para siyang extra sa Lady and the Tramp na movie.”

“Didn’t I say that pup is yours? So you name it and it’s a Burmese Mountain Dog. Glad you like it.”

“Talaga? Seryoso ka pala talaga kanina na sa akin ’to? Akala joke lang eh! Hala! Ano naisipan mo at binilhan mo ako ng ganito? Siguro may kapalit ito ’no?” this time nilingon ko na siya at suspicious siyang tinignan samantalang siya naman itong ala model na iisang direksyon lang ang tinitignan.

At saka ano daw? Burmese Mountain Dog? Ngayon ko lang narinig ang breed na iyon kaya sigurado akong mahal ito. Pero in fairness dito sa kumag ’no, ang cute ng napili niya ha!

Napatingin ako sa malaking bintana na nadaanan namin at namangha sa nakita ko sa labas. May sariling garden itong bahay? Hala! May mini garden naman kami sa bahay pero ang cool pala talaga kapag malaki ’yung garden at kita mo sa personal kaya nga lang. .

. . parang ang lungkot ng aura ng garden na nandito lalo pa at nakuha ng atensyon ko ’yung bonsai tree na mukhang inaasikaso ng isa sa mga nagtatrabaho dito. Siya siguro ’yung gardener?

“Pwede ba ako dumaan mamaya duon sa garden ninyo?” tanong ko, and this time nilingon niya na ako dahil halatang nagulat siya sa request ko. Nang mapatingin siya sa bonsai tree na siyang tinitignan ko pa rin, ewan ko ba kung bakit pero parang nalungkot siya na hindi? Like, nakita ko siyang nagsmile pero mabilis lang pero ayun nga, ang lungkot ng mga mata niya.

“Nah, kung gusto mong dumaan ng garden para lang sa bonsai, huwag na. Madi-disappoint ka lang.”

“Bakit naman? Mukha namang naaalagaan siya ng maayos. Iyon nga lang parang ang lungkot niya. Kinakausap ba ng hardinero ninyo ’yung mga halaman dito sa inyo?”

Agad nagsalubong ang kilay niya sa tanong ko na para bang may sinabi akong sobrang weirdong bagay sa kanya.

“Bakit ganyan mukha mo?”

“Did I marry a crazy man?” tanong niya sa sarili niya ng may kalakasan na siyang nadinig ko. Hala! Tinawag ba ako nitong baliw? Aba!

“Hoy! Hindi ako baliw! Ginagawa ko ’yon sa mga halaman namin sa bahay! Kita mo naman, alive na alive sila kesa sa mga nandito lalo na ’yung bonsai na ’yon.” nakanguso kong sabi.

Mukhang hindi mahilig sa gardening itong lalaking ito so sino kaya ’yung mahilig sa kanila sa family niya sa garden? For sure naman hindi sila nagpalagay n’yan for aesthetic purposes ’no? Or what if para duon nga lang?

Pumasok kami sa isa sa mga kwartong na nanduduon at sa tansya ko mukhang isa itong living room? Tansya ko lang naman. At saka malay ko ba ilang living room meron dito.

“So bakit mo ako dinala dito? Ano paguusapan natin?” tanong ko habang pine-pet si Fofo short for Alfonso. Hindi ko nga din alam bakit iyon naisip ko na pangalan eh pero ang cute kasi pakinggan saka akin naman daw ito eh so walang basagan na trip. Tse!

“Arrangement natin dito sa bahay.”

“Eh?” nag loading pa ako sa sinabi niya hanggang sa marealize ko ang tinutukoy niya at mapatayo ako sa gulat. Muntik ko ng maihagis ala cheerleader si Fofo.

“Pinagsasasabi mo? Anong arrangement? Sino nagsabing dito ako titira? Kasama mo?” mataray kong tanong na nakapamewang pa ang isang kamay habang ’yung isa karga pa rin si Fofo.

“Let me remind you, Mr. Santiago Ezekiel Martinez-Del Lovato, that you are wedded to me, Mateo Joaquin Del Lovato,” sabay angat ng kaliwang kamay nito at pakita ng singsing niya na kapares ng sa akin, “so I have the rights to claim my husband to live with me. That being said, me and you will live here together starting today. May mga nabili na akong gamit mo including work clothes, bag, shoes and if you think may kulang pa either tell me or here, use this,” kinuha niya mula sa pitaka niya ang isang itim na card na sa talang buhay ko hindi ko inaakalang makakakita ako ng personal.

“A-Anong gagawin ko dyan?” saglit kong tinignan ang card na hawak-hawak pa rin niya at hinihintay na kunin ko mula sa kamay niya. Pakiramdam ko pinagpawisan ako ng malamig. There, shining, shimmering and glowing in that card is my married name on it.

“Use it, spend it however you like it. It’s up to you, Tesoro.”

“Pwede gamitin pang pick lock?” hindi ko alam bakit iyon ang lumabas sa bibig ko but it’s too late. Sinamaan niya na ako ng tingin. Uh-oh.

“The hell are you talking about? Hindi kita kinuha n’yan para lang sayangin mo sa walang kwentang bagay.”

“Ito naman! Skill kaya ’yon!” eh sa totoo naman. Naalala ko ginamit ko ’yon pangbukas dati ng pinto ng highschool ng pinagtripan kami ng mga classmate kong babae na lockan ng pinto. Gulat sila eh nabuksan ko gamit I.D eh halos kasing haba at nipis lang naman nitong card na ito ’yung I.D namin before sa school.

“Also, I don’t like searching for you in this big of a goddamn house so you’ll share a room with me.”

“Huh? Roommates tayo? Ano ito? Dorm moments? Taray! Mahilig ka din pala sa bunk beds? Ako sa taas ah!”

“Bunk beds? What? What the hell are you talking about again, Tesoro?”

“Sabi mo share tayo ng room, ’di ba? Eh di malamang may bunk bed ka ganuon ’yung sa kwarto namin ni Phen eh unless balak mo ako patulugin, kami ni Fofo sa sahig?” napanguso ako at awang-awa na napatingin sa tuta na karga-karga ko.

Isang malakas na buntung-hininga ang pinakawalan niya bago tumayo sa kinauupuan niya at lumapit sa akin.

Dahan-dahan siyang yumuko sa akin habang ako naman todo kapit kay Fofo at halos pigil-hiningang naghihintay sa balak niyang gawin.

“You love testing my sanity around you, hmm, Tesoro?” he asks, in his sickening yet deep, baritone voice, “Vida mia?”

Halos magtaasan ang balahibo ko sa katawan ng binulungan niya ako sa tenga at ramdam ko paghinga niya pababa ng leeg ko, “Mì luz?” tawag niya ulit sa akin at nagkatitigan kami. Halos one inch lang ang pagitan ng mukha namin sa isa’t-isa at hindi ko maiwasang hindi mapalunok sa kaba ng mapatingin ako sa labi niya.

Oh my gulay! May aksyon bang magaganap sa pagitan namin? Eh paano may hawak akong tuta? Ayaw ko namang pakita dito kay Fofo mga gagawin namin ng Tatay niya este nitong si Mateo.

Sakto namang may kumatok sa pinto kaya akala ko safe na ako kaso ang yawa kong asawa, ayun, napaka walang hiya at ninakawan ako ng halik.

Not once.

Not twice.

But a deep, effing long kiss na kinailangan ko pang humawak sa balikay niya as support kasi feeling ko mapapahiga na ako sa couch sa pag dagan ng weight ni Mateo sa akin kahit na technically hinfi naman siya nakapatong talaga sa akin. Nakatukod lang yung isang kamay niya sa likod ng ulo ko at ’yung isang paa niya nakapagitna sa legs ko.

“M-Mateo. .” naubo pa ako ng maghiwalay ’yung mga labi namin kasi para akong nawalan ng oxygen.

Nginisian lang ako ng loko bago lumingon sa may pintuan. Nahihiya akong sumilip habang pilit kong tinatago ang mukha ko sa dibdib niya.

“G-Good afternoon po mga Sir.” nahihiyang sabi ng babae na pumasok at may dalang tray na I think merienda. Tansya ko nasa 30s lang siya at ang ganda niya. May asawa na kaya ito? It’s not like pupormahan ko. Magtatanong lang ako kung gumagamit ba siya ng Olay. Malay ninyo, ’di ba?

Mateo just simply cleared his throat and sat beside me habang ako, heto at nahihiyang hindi makatingin duon sa babae. Halatang natulala siya sa nakita niya na kissing session namin ni Mateo. Bwisit kasi itong lalaking ito eh! Wala bang schedule pagiging manyak niya?

“Good afternoon din po. Kumain na po kayo?” tanong ko kasi syempre kahit nahihiya ako sa eksena namin kanina ayaw konnaman mailang sa akin mga nagtatrabaho dito kung dito na nga talaga ako titira kasama itong kumag na asawa kong ito.

Alam kong nilingon ako ni Mateo at masama ang tingin sa akin kasi nakita ko ’yung kaba ni ate ganda ng mapatingin siya sa kanya pero syempre wala akong paki, bahala siya d’yan.

“Tapos na po, Sir. Kanina pa po. Ah sige, mauna na po ako sa inyo. Nice meeting you po, Sir Sunny.” agad itong yumuko at aalis na sana kaso tinawag ko ulit. Syempre ’no. Kilala na pala niya ako eh pero siya hindi ko siya kilala.

“Ano pong pangalan ninyo, ma’am?”

“Ana nalang po, Sir.”

“Ah, Ana. Hi, Ana! Nice to meet you!” nakangiti kong pakilala sa kanya at alanganin siyang nakipag kamay sa akin.

“You can go now.” biglang sabat ni Mateo habang ini-enjoy ko pa ang presence ni Ana kaya agad ko itong nilingon at sinamaan ng tingin. Chance naman iyon for Ana para kumaripas palabas ng living room at iwan kami ni Mateo.

“Ang epal mo! Nakikipag kilala pa ako eh.” maktol ko at pinang gigilan ulit si Fofo sabay pingas ng maliit sa croissant para ibigay sa kanya.

“I don’t care. You are with me so your attention should only be for me and me alone. What if I got shot?”

Taas kilay ko siyang nilingon.

“Ang OA, Mateo ha? Please lang walang masama sa ginawa ko. Nakikipag kilala lang ako sa mga makakasama ko dito sa bahay, isa pa wala ka dapat ipag inarte d’yan dahil kasal naman ako sa iyo.”

“Still.”

“Ugh!” inis kong inabot yung baso ng juice at ininom iyon. Bigla ko tuloy naalala ’yung sinabi nuon ni Anton.

“.  .Natatakot lang ang batang iyon na mapalapit siya sa iyo or ikaw sa mga nanduon sa bahay nila kasi paano kung magbago ang isip mo?. .”

Hindi at wala naman sigurong dahilan para magbago ang isip ko, ’ di ba?

TREINTA Y SÈIS

“Bakit na naman?” inis kong tanong kay Mateo ng hilain ako nito. Balak ko kasi pumunta ng kusina para tulungan ’yung mga kasambahay magluto ng hapunan kaso itong isa ayaw akong patulungin. Parang akala mo krimen ang tumulong sa pagluluto sa kusina. O baka naman may trust issue ito at iniisip niyang lalagyan ko ng lason ’yung hapunan namin? Eh hunghang siya kung ganuon! Kakain din kaya ako!

“Let’s go out,” sagot lang niya sa akin.

Agad ko siyang tinaasan ng kilay.

“Lalabas, dahil? Hoy, Mateo! Gabi na! Hindi mo ba nakikitang madilim na sa labas? At saka anong gagawin sa labas? Mamamasyal? Hindi mo ba nakikitang umuulan? Ayaw ko! Bahala ka d’yan. Mag strolling ka sa ulan kung gusto mo basta kapag nagkasakit ka huwag mo akong hahawaan kundi malilintikan ka sa akin! At saka nagaasikaso na sila ng hapunan lalabas ka pa. Umupo ka d’yan at manuod ka nalang ng balita sa TV.” inirapan ko siya bago ko talikuran para mag martsya papunta sa kusina. Narinig ko pang tinawag niya ako ulit kaso wapakels ang kagwapuhan niya este ko sa presence niya. Mas gwapo ako, okay?

“Good evening po, Sir Sunny!” tarantang bati nila sa akin pagpasok ko ng kusina kung saan halatang busy sila mag asikaso ng magiging dinner namin.

“Sunny nalang po. Huwag na pong Sir lakas po makatanda eh! Mukha na po ba akong matanda?” nakangiting biro ko sa kanila. Nangiti naman sila at halatang nahiya sa tinugon ko.

“Hindi naman po, S-Sir este Sunny.” sagot ni Ana.

“Ayan! Sunny nalang kasi huwag ng Sir. Ano pong lulutuin ninyong ulam? Tinola po ba?” tanong ko sabay nakiupo sa bilog na lamesa kung saan silang nakaupo na tatlo.

Si Ana palang ang kilala ko sa kanila sa pangalan na siyang kaharap ko samantalang yung nasa tabing kaliwa ko naman ay hindi pa, pero siya ’yung kanina sa mall at ’yung nasa kanan ko naman hindi ko pa talaga kilala ngayon ko palang siya na-meet.

“Ay opo, Sir hindi ninyo po ba gusto? Sabihin ninyo lang para maluto po namin ’yung ayon sa panlasa ninyo.”

“Naku kakasabi ko lang po huwag ng Sir eh saka huwag na rin po kayo mag po. Hindi rin naman po ako mapili sa pagkain kahit nga ginisang sardinas lutuin ninyo kakain ako eh.”

Sabay-sabay silang napatingin sa akin na para bang kagulat-gulat ’yung sinabi ko.

“Bakit po?”

“Kumakain po kayo ng ganuon, Sir?”

“Hindi po ba kayo allergic sa ganuon? Usually po ’yung mga gaya ninyong mayaman lalo na sa kutis ninyo, allergic sa malansa.”

“Ikaw palang yata ang nakita namin na dinala dito ni Sir Mateo na hindi mapili sa pagkain bukod kina Sir Berto pero kung sa bagay kasi kasing bait at down to earth iyon gaya ni Sir Fonz.”

Mixed emotions ako sa narinig ko sa kanila. Una dahil napagkamalan akong anak mayaman thou nasabi ko naman na ito before dahil sa good looking genes naming pamilya. Pangalawa yung about kila Berto and most importantly ang tungkol sa Lolo ni Mateo. Kung ganuon, mukhang mabait nga talaga ang Lolo niya pero anong nangyari sa apo niya?

“Ah about po d’yan. .” panguna ko sabay abot sa tatlong tangkay ng malunggay. Syempre dapat habang chichismis ako may ginagawa ako ’no.

“Ay Sunny! Huwag! Kami na d’yan. Baka makita ka ni Sir Mateo magalit iyon.”

“Hayaan mo siyang magalit. Akong bahala sa inyo.” sabi ko at nag thumbs up at sinimulan na ang pakikipag chismisan sa mga makakasama ko dito sa mansyon.

“Kaya pasensya ka na Sunny ha? Akala talaga namin nagbibiruan lang nuon sina Sir Anton ng marinig namin sa usapan nila na kinasal na si Sir Mateo kasi akala namin biro lang talaga dahil naku, sobrang hindi kasi kapani-paniwala na may papatol sa kanya.” sabi ni Tasha, short for Natasha na siyang pinaka matagal ng nagsisilbi sa pamilya nila Mateo. Nasa 60s na siya pero nandito pa rin siya sa kanila at nagtatrabaho dahil bukod sa matandang dalaga ay hindi rin talaga maiwan ang pamilyang matagal niyang pinagsilbihan.

“Siyang tunay, Sunny! Bukod kasi sa masungit ang batang ’yan, playboy din. Akala nga namin magtitino na siya ng pinakilala niya ’yung ex niya. Ano nga pangalan nu’n? Ah basta, Doctor ’yung babaeng iyon pero hindi namin gusto, ang arte kasi at kasing sungit niya kaya nga nakakatuwa na ikaw ang napangasawa niya kasi mukhang tameme sa iyo si Sir Mateo, ’no? Plus, hindi ko inexpect na mas gwapo sa kanya ang aasawahin niya! Ikaw ba? Playboy ka din siguro ng magkakilala kayo ’no?” sabi naman ni Maria na siyang sumunod sa tagal ng paninilbihan kay Tasha at tama nga ako nasa 50s na siya.

“Hoy, Ate Maria! Grabe ka! Prenu-preno din! Pagpasensyahan mo na siya Sunny ngayon lang kasi kami nagkaruon din ng bisita na nakaka interact namin gaya nina Sir Anton at Berto, karamihan sa kanila masusungit eh. Ganuon siguro talaga kapag mayaman ’no? Laking masungit.” natatawang sabi ni Ana na kinatawa ko din and again, tama ako ulit. Nasa 30s lang siya at ang nakakatawa lahat sila, mga dalaga. Hindi dahil panget sila, ang gaganda nga nila eh gaya ng sinabi ko ng una ko silang nakita pero by choice ang pagiging single nila. Paano kasi mga breadwinner pala sila sa mga kanya-kanya nilang pamilya at ayun, mga tinamad ng maghanap ng kapartner sa buhay. Kuntento at masaya na sila sa ganito. Para na din kasing kapatid ang turingan nila sa isa’t-isa.

Kahit papaano, masaya ako. Feeling ko kakayanin ko ng tumira sa bahay na ito dahil may ka-close na ako.

Tatlo nalang ang need ko pang makilala at makausap at magiging completely okay na ako sa pagtira ko dito. Syempre ’no dapat okay kami ng mga makakasama ko dito kasi sabi nga nuon ni Tatay eh para na din iyon sa safety at harmony ng bahay.

Bale ’yung hardinero, driver at ’yung ala kanang-kamay nalang ni Sir Fonz ang need kong maka bonding na sabi ni Tasha sa akin ay sila Mondè (pronounce as Mon), Leo at Attico. Kalog din daw ang mga iyon sabi ni Ana pero mahiyain lang sa una parang ako. Joke!

Pagkaluto ng hapunan, nagtaka ako bakit dalawang plato lang ang hinanda nila Maria sa pagkalaki-laking round table.

Hindi ba sila sasabay?

“Hindi pa kayo kakain?”

Halatang nagulat sila sa tanong ko.

“Ha? Kakain syempre pagtapos ninyo ni Sir Mateo.” sagot ni Ana.

“Eh bakit hindi pa kayo sumabay? Ganuon din naman saka paano kung matagalan kami kumain eh ’di hindi na mainit ’yung pagkain o kaya what if malakas pala ako kumain eh ’di nawalan kayo ng hapunan? Tara na, sumabay na kayo sa amin kumain.” aya ko pero halatang nag aalangan sila. Napa kunot ang nuo ko. Ganito ba sila lagi?

Sakto namanh biglang sumulpot si Mateo.

“Is the food ready? I’m starving,” bland na tanong ni Mateo. Agad namang nagsi-bow sila sa kanya. Luh, kabow-bow ba ang hunghang na ito?

“Opo, Sir. Kakatapos ko lang po maluto.” sagot ni Maria sa kanya.

Wala man lang ‘good’ o kaya ‘thank you’ ang loko sa kanila at dumiretso lang na umupo sa table at weirdo akong tinitigan na dapat ba ay may ginagawa na ako sa mga oras na ito na ikaha-happy niya.

“Tinitingin mo?”

“Aren’t you hungry? We’re going to eat.”

Kahit hindi ko sila lingunin alam kong nakatingin sila Tasha sa amin ni Mateo.

Pumamewang ako, “Sa susunod mag thank you ka kapag nakaluto na sila ha huwag ’yung basta ka nalang uupo na parang wala lang. Kasama mo sila sa bahay, kasama natin sila dito sa bahay kaya matuto ka mag thank you saka sasabay sila sa atin kumain.” casual kong sabi bago sila tiulungang maglatag ng mga plato.

“What?” halos pasigaw na react ni Mateo pero inirapan ko lang siya.

“Hindi ’yan uubra sa akin, Mateo. Either sasabay sila sa pagkain sila sa atin o uuwi ako ng bahay.” pananakot ko.

“You can’t do that!” inis na sabi nito sabay tayo sa upuan niya.

“Yes, I can!” sagot ko at tumayo sa mismong harap niya. Syempre never back down, never what? Never pa-intimidate dapat! Lalaki ako ’no at Pride ang gamit kong detergent panglaba kaya papatalo ba ako sa kasungitan niya?

Napahawak siya sa tungki ng ilong niya at nagpakawala ng isang malakas na buntung-hininga. Yes!

Sunny - 1

Mateo - 0

Akala ko panalo na ako, syempre panalo naman talaga ako but I didn’t expect it will come with a price. Sana pala nakipag negotiate nalang ako ng maayos!

“Maybe eating with you guys in one table just like the old times isn’t a bad idea after all, don’t you think, Tesoro? Shall we do it every now and then, hmm?” nakangising aso na pangiinis sa akin ni Mateo habang naka kandong ako sa kanya at naka abang ang kutsara niyang may pagkain sa akin. Pilit pa rin akong kumakawala sa pagkakahawak niya sa akin pero sing tibay ng bloke ng semento ang pagkakahawak sa akin ng loko!

Grabeng humiliation ang ginawa sa akin ng asawa kong hunghang na ito! Aahhh! Babawian ko siya one of these days! I’m telling you, friends! Babawian ko ito! Lintik lang ang walang ganti.

“Fuck you,” inis kong bulong sabay subo sa pagkaing nasa kutsara.

“You mean you?”

Aahhh! Gusto ko siyang sakalin!

Lalo pang lumawak ang ngisi sa labi niya ng mapansin niya ang nahihiyang reaksyon ng mga kasama namin sa hapag.

Napaka walang hiya mo talaga, Mateo!

TREINTA Y SIETE

“Hala!” nanlaki ang mga mata ko at agad na tumakbo palapit du’n sa nakapatong sa ibabaw ng higaan, “Akin ba ito? Ay, ang sweet mo naman pala!”

Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko ngayon, alam kong nagniningning ang mga mata ko sa saya. Ikaw ba naman makakita ng Kuromi na pajama set. Aba, may tinatagong ka-sweetan din pala itong kumag kong asawa. 

“Huh?” ngumisi lang siya at ginulo ang buhok ko, “Go take a shower so we can both rest.” utos lang niya kaya agad ko ng sinunod. Pagod na rin naman na ako at bet na rin ng katawang lupa kong humiga. Not to mention na mukhang malambot din itong kama ni Mateo. Ang laki-laki nga eh. Hindi ba siya nahihirapan matulog dito ng siya lang mag-isa? Kung ako ito, baka nagpagulung-gulong lang ako pero ang ending hindi pa rin ako makakatulog. Sanay kasi ako sa pang single na kama tapos bunk bed pa. #Siblingthings 

After kong magspend ng like mga twenty-thirty minutes sa pagligo kasi hello? Hindi ako typical na lalaki na si waswas lang pag naliligo kaya ang bango ko tignan mapa-picture or personal. Nuks! Binuhat ko ang bangko and I am proud and no regrets! Syempre ganuon dapat. Bago ka i-compliment ng ibang tao, i-prioritize mong i-compliment muna ang sarili mo even when others may find it narcissistic but I kid you not, it helps you not be a compliment seeker. 

Napakunot ang nuo ko ng bulatlatin ko ’yung pajama na Kuromi eh laking gulat ko na doble sa katawan ko ang laki kaya walang pakundangan akong lumabas ng cr para tanungin si Mateo. Syempre nakatapis naman ng twalya ang ibaba ko. Hindi naman ako lalabas na nakabuyangyang ’yung alaga ko. Baka maglaway pa ’yung isa. 

“Huy! Ano ito? Bakit ang laki naman nito?” nakanguso kong tanong. 

Mula sa kinauupuan niya kung saan busy siya mag tingin ng kung ano sa laptop na hindi ko napansin kanina at hindi ko rin alam anong ginagawa niya, nag angat siya ng tingin sa akin.

“Nagtanong ka ba kanino ’yan?” masungit na sagot nito sa akin.

“Eh kanino ba ito?” mataray kong tanong pabalik sa kanya at naka pamewang pa. 

“Mine. Yours is there,” tinuro nito ang isa pang pajama set na nasa ibabaw ng kama at duon ko lang napansin na Badtz-Maru ang design nu’n. Isang minuto din ako nag loading bago ko narealise at trip ng lalaking ito. 

“Nangiinis ka ba?”

“Am I annoying you, Tesoro?” nakangiti nitong tanong ng hindi nakatingin sa akin kasi ’yung attention niya nanduon na ulit sa laptop. Napanguso ako.

“Ay, hindi! Hindi mo ako iniinis! Pinapakilig mo ako!” sarcastic kong sagot sa kanya at nag strut papunta sa kama at palitan yung hawak ko na pajama set ng makapagbihis na ako. 

Muli akong napanguso ng paglabas ko ’yung attention niya nanduon pa rin sa laptop niya. 

“Hindi ka pa ba mag aasikaso?” tanong ko habang nakayakap sa unan ng makaupo ako sa kama. Feeling ko para akong nasa kumunoy at unti-unti akong kinakain ng higaan. 

“Almost done, Tesoro.” 

Inirapan ko nalang siya at binuksan ang cellphone ko para i-check ’yung messenger ko at agad na pumunta sa MFGC, short for Martinez Family Group Chat. Lakas tama ni Ate at pinalitan ’yung pangalan ng GC from Pamilya Martinez to MFGC kasi mas sosyal daw pakinggan tutal dalawa na sa pamilya ang may mayaman na partner kaya dapat level up na rin daw ang GC name. 

Hindi na ako nagulat ng ulanin ako ng puro mention sa group chat kung kamusta na daw ba ako, kumain na daw ba ako, nagpapa house tour pa si Phen tapos sinita siya ni Tatay bakit may pa-house tour pa hindi daw ako vlogger. Hahaha. Imagine how chaotic our GC is. 

After ko sila replyan na ayos lang ako, kumain na ako at kakatapos ko lang maligo at magsend ng selfie ng hitsura ng pajama ko bigla kong naalala si Fofo. Teka, nasaan na pala iyon? 

“Psst!”

“…”

“Psst! Mateo!”

“…”

Aba? Anong trip nito? Hindi ako pinapansin? Nabingi na ba siya ng hindi ko alam? O baka naman nawala sa isip niya na kasama niya pala ako dito sa kwarto? Batuhin ko kaya siya ng unan? What do you think guys? Nah, baka ma-wrong move ako at isumbong ako kay Tatay. 

“Mateo.”

“…”

Hala siya! Wala ba talaga siyang balak na pansinin ako?

O baka naman tine-testing ako nito? Aba, kung ganuon hindi ako papatalo. 

Inirapan ko siya at tinuon ang atensyon ko sa google ng may maalala ako. 

Oo nga pala. Hindi ko pa rin nahahanap meaning ng tinatawag niya sa akin. Baka mamaya mura pala iyon syempre kailangan may pang rebut ako. Sandali nga…

Saglit akong nag angat ng tingin at sinundan siya ng tingin ng dumaan siya sa harap ko at kinuha ’yung pajama set na hawak ko kanina at tumungo ng cr. Agad lumipat ang tingin ko du’n sa laptop niya. Mukhang nakabukas pa rin iyon. Tignan ko kaya anong tinitignan niya at hindi niya ako pinapansin?

Tatayo na sana ako pero naalala ko, hindi naman ako pinalaki ni Tatay na nangingialam ng mga bagay-bagay unless alukin ako kung gusto ko bang tignan or what. Napabuntung-hininga ako at bumalik nalang sa agenda ko. Kung may tignan man si Mateo d’yan na kung ano man whether maganda or hindi, sa kanya na iyon. Desisyon niya iyan kaya kung maka apekto iyon sa pagsasama namin, pwede naman ako mag file ng annulment or divorce. Malaki na siya eh. I’m sure alam naman na niya ang tama sa mali. 

Okay, so back to business. 

Ano nga ’yung tinatawag niya sa akin? 

Te Amo?

Thesaurus?

Ayun! Tesoro! 

Nanlaki ang mga mata ng makita ko meaning sa google. Parang may umikot na bulate sa tiyan ko tapos pinaso ’yung pisngi ko ng pwetan ng kawaling mainit. Shemay ka, Mateo!

Tesoro

, treasure; calling someone tesoro means telling them that they’re the most precious thing in your life

What. The. Hell? Acoustic pala itong si Mateo all along? Este Romantic. Akala ko talaga kagaguhan ’yung tinatawag niya sa akin eh. Pero on the side note, baka naman kaya niya ako tinatawag nito kasi nga, well, obviously, nasa akin ang most precious symbol for power na galing sa Lolo niya? Hmm, pwede. 

Pero..

May dalawa pa siyang tinatawag sa akin eh. Wait ano nga iyon?

Vida Mia saka Mi Luz. 

Vida Mia,

my darling; this expression shows someone how much they mean to you and is a great way to express your deep feelings of love and commitment

Agad akong napailing. OA naman sa part na deep of feelings of love. Kailan lang naman kami nagkakilala. 

Mi Luz

,

my light

Teka nga! Iyon na ’yon? My light lang? Ano ibig sabihin nu’n? Meralco ako? Ilaw ng tahanan, ganu’n? Aba, ayos din itong si Mateo ah. Okay na sana kaso sinamahan ng kalokohan sa dulo.

Hmmp! Pero syempre hindi ako papatalo. Akala niya siya lang magtawag ng kung anu-ano sa aming dalawa? Pwes, nagkakamali siya. 

Sakto namang paglabas niya ng cr, nakabihis na siya. Hindi ko nga napansin ilang minutes siya sa luob pero alam ko matagal kaso napanguso ako ng maamoy ko ’yung shower gel sa kanya. Bakit parang may discrimination ’yung shower gel? Bakit ang manly ng amoy niya kumpara ng akin? Parang amoy bulaklak na sinabuyan ng baby powder. Hmmp! 

“ Hinigugma ,“ out of nowhere kong sabi sa kanya. Actually kahit ako nagulat. 

Saan galing iyon eh wala naman ’yon sa options dito na binibigay sa 15 Filipino pet names to call your bebe luv this Valentine’s Day ni Inquirer? Ewan ko ba. Hindi pa naman valentines pero ito na agad chine-check ko. Jusko naman, Sunny!

Minsan baliw-baliw ka rin talaga . 

But at the same time, agad ko rin naalala. Iyon ’yung lagi kong naririnig sa kapit bahay naming old couple ng bata ako. Sadly, they already both passed away. Sa pagkaka alala ko, oras nga lang pagitan ng pagpanaw nila sa isa’t-isa. Kaya siguro kahit papaano takot din ako magmahal ng todo kasi sa tuwing naaalala ko ’yon, sumasagi din sa isip ko ’yung Takotsubo Cardiomyopathy or more known as Broken Heart Syndrome. Buti sana kung nag break lang kayo, kahit papaano may chances pa kayo na magkita eh hindi eh. Iba siya. Mas masakit nga naman ’yung it ended because fate, old age, or sickness has to at alam mong kahit gusto mo siyang makita eh hindi na kasi hanggang sa picture nalang. 

“What did you just call me?”

“Hindi ka naman bingi, ’di ba? Hindi ko na uulitin,” binelatan ko siya bago ako nag decide na i-off na ang cellphone ko at ilagay iyon sa bed side table. 

Pag lingon ko ’yung laptop niya nasa tabi ko na at nasa tabi ko na rin siya. 

“Ano ’yan?” 

“I just want to know your insight of these universities,” syempre ako naman itong si na-curious, chineck ko din. Bakit kailangan niya ng input ko regarding sa mga eskwelahan na ito? Balak niya siguro maging shareholder ng isa sa mga ito, or what if lahat ng ito? Kung sabagay mga sikat na Universities ito dito at isa sa mga ito eh ang pinapasukan ni Phen bilang scholar. Halos ’yung mga universities din na nandito, inooffer ’yung gusto kong course.

Napanguso ako bigla. Hay. Ano kaya mag aral sa mga school na ganito ’no? Swerte siguro nila kasi nakuha nila ’yung gusto kong course. Yes, aware akong sasabihin ng karamihan na walang pera sa gusto kong course tapos ang gastus-gastos pa pero what can I do? Arts makes me comfortable when others think it’s a waste of time, walang patutunguhan sa buhay or madalas hindi nila maintindihan bakit iyon, eh sa iyon ang trip ko eh. 

Kaya nga gaya ng nasabi ko before, ayaw kong i-pursue ’yung gusto kong course na sila Tatay ang magbabayad kasi nahihiya ako. What if, midway magbago ang isip ko kasi maisip kong hindi ako gusto ng napili kong karera sa buhay? Plus, kung pumayag man ako na pag aralin ako ni Nanay alam ko din na along the way, ita-try niya rin ako mag shift ng course kasi walang pera du’n sa napili kong course or kung maka graduate man at may magiging client ako, baka naman dahil sa inilakad niya ako. Ayaw ko nu’n. I want my experience in life to be raw. ’Yung kailangan kong pagsumikapan para ma-appreciate ko ang recognition.

“So what do you think? What school stands out the most to you?” bumalik ako sa ulirat ng marinig ko ang boses ni Mateo.

“Ito. D’yan nagaaral si Phen eh,” turo ko du’n sa logo ng school niya.

“Are you sure?” tanong niya na para bang sinusukat niya kung legit ba ’yung sagot ko sa kanya. 

“Oo nga!” nakanguso kong sagot.

“Alright, Tesoro. I’m just asking. No need to be mad,” natatawa nitong sabi bago kinabig ang ulo ko para halikan ang nuo ko.

“Eh para kasing hindi ka naniniwala eh!”

“Of course, I believe in you. You’re my husband.”

“E-Ewan ko sa iyo! Matutulog na ako!” nahihiya kong sabi at agad na nagtalukbong ng kumot. 

“Good night, mi luz .”

“Hindi ako meralco!” 

Ramdam kong napalingon siya sa naging sagot ko kahit na nakatabon ako ng kumot pero wala naman siyang sinabi na kung ano maliban sa mahinang pagtawa niya. Not until,

“So what does Hinigugma mean?”

“It means I hate you!” nakanguso kong sagot. 

Muli siyang natawa, “Alright, mi vida. I love you too.” 

Mateo - 1

Sunny - 1 

Hmmp, bukas ka sa akin. Ako naman makaka score!

TREINTA Y OCHO

“Saan tayo pupunta, Ni ?” tanong ko kay Mateo habang naka indian sit ako sa pwesto ko dito sa kotse niya pero sabi niya sa akin kanina kotse daw namin. Ewan ko ba dito paano naging amin ito eh siya naman bumili dito passenger princess niya lang ako este prince. 

And yes, shinorten ko na ’yung tawag ko sa kanya. Ang haba kasi bukod sa nakakabulol. 

Nagpatulong din ako kay Tatay kanina ng nagmessage ako sa kanya personally sa messenger kung ano ’yung meaning ng dati naming kapit-bahay na mag asawa at nagulat ako sa naging sagot niya.

Cebuano word daw iyon na ang ibig sabihin ay my beloved . Nagulat nga siya sa akin dahil natandaan ko pa daw iyon given na siya nga hindi niya agad natandaan ng pinaalala ko. 

So okay naman pala. Hindi naman pala bastos or masamang word ’yung nabanggit ko kagabi. Buti nalang. Pinagpapala pa rin ako ng universe. At buti nalang din hindi naman nag violent reaction ’tong isa ng shinort form ko nalang ’yung tawag ko sa kanya. 

Nakangiting aso nga lang siya mula ng pag gising naming dalawa. Bangung-bango siguro sa akin ito kagabi. Paano ba naman naging little spoon si mokong at ako ang naging big spoon eh kalaki-laking tao niya eh! Hindi ba dapat ako ’yung small spoon? 

“Later you’ll find out,” maiksing sagot lang nito sa akin. Napanguso ako. May pa thrill pa talaga. Mamaya dalhin ako nito sa sementeryo tapos last day ko na pala dito sa earth. Hmmp!

Binelatan ko nalang siya at bumalik sa pinanunuod ko sa cellphone ko na anime. Buti nga hindi pa ako nilalait nitong si Mateo dahil sa trip kong panuorin. Eh anong magagawa ko? Minsan mas okay pang manuod ng ganito kesa telebabad na pare-parehas lang naman ang plot. 

Anyways, kung may interested man sa pinanunuod ko, nanunuod ako ng Asobi Asobase. Kanina pa nga ako tawa ng tawa dito kaya panay lingon din sa akin ni Mateo. Chine-check siguro kung kailangan na ba niya ako dalhin sa mental hospital. Ay teka, paano kung duon pala punta namin? Agad ko siyang nilingon para tarayan na sana kaso nagulat ako ng huminto kami sa isang coffee shop na matagal ko ng gustong pasukan kaso nahihiya ako kasi parang hindi siya gaya ng Starbucks na para sa lahat. Para kasing ’yung mga nandito talaga mayayaman. I don’t know pero ’yun yung vibes na nakukuha. I’m sure may mga ganuon din kayong moments. 

“What do you want, Tesoro?” tanong niya sa akin habang naka pila kami. Buti naman at nakipila kami. Ayaw kong gumawa ng eksena dito dahil trip lang ng lalaking ito ang bumili ng kape. Alam ninyo ’yun? Typical rich and celebrity na galawan. Magcucut-off sa linya kesyo ganito ganyan tapos ’yung iba maiinis ng palihim, ’yung iba ivo-voice out ’yung hassle na cnreate ng bumili na dalawa lang ang pwedeng maging kahantungan— either hindi pansinin or pansinin at mauwi sa away. Kaya naman thankful ako at marunong pumila itong Mateo na ito. 

Nilibot ko ’yung tingin ko sa menu at ang daming choices! Malamang, marami. Coffee shop nga eh. Minsan ang labo din ng utak ko! 

“Hindi ko alam eh. Ano ba sa iyo?” unconsciously, at hindi ko rin alam kung bakit, nalingkis ko yung kamay ko sa braso niya. Hindi naman siya nagreact at nilapit ang mukha niya sa akin para marinig ko ’yung sasabihin niya kahit hindi naman kailangan kasi hindi naman ganuon ka-tao ’yung place pagdating namin. 

“Just a regular Brewed Dark Roast,” 

“Uhm, ano bang masarap d’yan? Makakatulog pa ba ako n’yan mamayang gabi pag uminom ako ng mga nandyan sa menu?”

“Of course, Tesoro.” tugon niya at saka inexplain sa akin ang bawat options na nasa menu. 

“Sige, yung Sinature French Vanilla nalang para safe, ’Ni.” 

Pagdating namin sa tapat ng counter agad inorder ni Mateo ’yung mga drinks namin at nag-add pa siya ng baked goodies para sa akin. Baka daw kasi maghanap ako ng nguyain tapos wala, tapos siya pag initan ko. Take note, sinabi niya ’yan sa akin sa harap mismo ni ateng cashier na namumulang natatawa sa banat niya kaya sa inis ko kinurot ko. Ayun, tahimik siya agad eh. 

Habang hinihintay namin ’yung order namin sa isa sa mga bakanteng table, nagulat ako ng may biglang lumapit sa amin na dyossa. Ang ganda! Pang model ang datingan! Kung hindi ko lang asawa itong si Mateo, liligawan ko ito eh. Pero dahil may asawa na ako, syempre si Mateo lang sapat na. Medyo jejemon man pakinggan pero stick to one lang dapat. 

“I knew it! Ikaw nga ’yung nasa harap ko,” conyong bungad ng babae sa amin. Well, kay Mateo, kasi ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin nitong babae na ito. Kung sabagay mukhang sa gunggong lang na ito talaga naka focus ang atensyon niya lalo pa’t magkatapatan lang naman kami ni Mateo at hindi magkatabi sa table.

“Excuse me?” may pagka masungit na reply ni Mateo sa kanya. Ay ang shala naman ng asawa ko makapag taray. Palibhasa gwapo eh pero gwapo din naman ako ah!

“Don’t tell me you don’t remember me na? It’s me! Celine from KNM! Ikaw ah, you’re still a pa-mysterious guy pa din,” sabi nito at may nalalaman pang pag dutdot sa braso ni Mateo. 

Luh? Close kayo, sis? 

At saka anong KNM? Kapisanan Ng Malalandi? Kaloka ito. Hindi naman ako bulag or ngayon lang pinanganak para hindi ko ma-gets ang ginagawa niya. Medyo nagulat nga ako kay Mateo dahil hindi ko ineexpect na ganito niya pakikitunguhan ’yung girl. 

I mean wala namang kaso kung may history sila ng babae na ito at nagpapanggap lang siya na hindi niya kilala para hindi ako ma-offend or what not pero something tells me na hindi. 

Bumuntung-hininga si Mateo at saka tumingin sa akin bago duon sa babae.

“I’m sorry but I think there’s something wrong with you. Clearly, you might had already seen me with him on the line,” sabay turo sa akin na kinagulat ko dahil finally tinapunan na rin ako ng tingin ng babae, “and yet here you are shooting your shot by acting dumb right infront of our faces when you already saw how he latched himself to me and how I responded to it. Let me tell you this one, dear and make sure to get this straight into your fucking head, if you still have one.” 

Literal na napanganga ako sa pagka straight forward ni Mateo. Pati ’yung babae halatang nagulat at napahiya sa sinabi niya.

“This man right here is my husband. Now whatever we had before, get over it because clearly, if I didn’t recognize you the first time and you’re the only one did, that’s already a giveaway that I performed well that one time and you didn’t. Now, may you please get lost before my husband thinks of arguing me again just because you showed up.” 

Mukhang nairita ’yung babae sa sinabi niya kasi kita ko kung paano nag kuyom ang kamay nito at tinapunan ako ng isang pang malakasang judgmental look. 

“So it’s true? You chose a faggot over women? What a shame! Ang gwapo mo pa naman, kapwa lalaki din pala ang gusto mo. What do you think that makes you then? Oh my god! Look at him! He doesn’t even look like na ka-level natin siya? He looks chea—”

In a split second, para akong nasa drama ng makita kong buhusan ni Mateo ng drink sa ulo ’yung babae without hesitation. Pati ’yung barista na magseserve sana ng drink sa katabing table nagulat. Ikaw ba naman biglang hablutin ’yung iseserve mong drink eh! 

“ Fuck you! Between you and my husband, you’re the cheap one. Walking over me like you didn’t saw me with him is already a breach of respect to my husband. What a fucking disappointment! Yeah, that’s what you are. Probably that’s why no one takes you seriously and no one will until you change your fucking attitude.“ sabi niya sabay kuha sa wallet niya ng ilang papel na pera at lapag nu’n sa bilog na tray na hawak ng nakangangang waiter sa tabi namin. 

“Here, take this as an apology from us. Enjoy your day.” sabi nito bago ako hinatak papunta sa counter para kunin ’yung order namin na kanina pa yata nanduon. Nag sorry din siya sa ibang staff na nanduduon. Syempre naki-sorry din ako kahit na sobrang shock pa rin ako sa nangyari. 

“You’ll pay for this!” 

Sa shock ko, hindi ko namalayan na napahigpit na pala ang hawak ko kay Mateo kaya ayun, pagdating namin sa parking lot at makasakay na kami ulit ng kotse agad niyang kinulong ’yung mukha ko ng kamay niya. 

“Are you okay? Were you hurt?” halata ko ang pagaalala sa tanong niya.

Napakunot naman ang nuo ko sa tanong niya. 

“Ikaw nga dapat kong tinatanong n’yan eh!” nakanguso kong sagot, “Ikaw itong bigla-bigla nalang nakikipag sagutan! Maayos naman siyang lumapit sa atin eh bigla mo nalang dinog show!”

“Dog show? What dog show are you talking about?” kunut-nuo nitong taong at halatang inis sa sinabi ko. Aba, bakit siya maiinis totoo naman sinasabi ko!

“Eh anong tawag mo du’n sa ginawa mo sa babae kanina?”

“The right thing , obviously. She humiliated you infront of me and other people so of course, I will not let that slide. Is she dumb? Are you dumb?”

“Oi! Bakit ako nadamay d’yan?”

“’Coz you’re fucking taking her side instead of mine!”

Napabuntung-hininga ako. 

“Okay, sige. Hindi na. Pero bakit naman binuhusan mo pa ng kape? Baka mamaya may lakad pa ’yon. Kung nag escalate man sa sabunutan ’yung sagutan ninyo kanina, nanduon naman ako. Ako gagawa ng physical work for you para hindi masira image mo.”

“I don’t fucking care of my image! If someone disrespects you, I don’t give a shit! If I have to go feral or kill someone, I would.”

Nanganga ako sa sinabi niya kasi alam ninyo ’yun? Nakakagulat coming from him na minsang gusto akong itegibam at ayaw akong pakasalan. 

“Okay, sige. Kalma na tayo. Kumalma ka na. Tapos na. Wala na tayo du’n.” sabi ko at bumuntung-hininga bago haplusin ang balikat niya.

After ng ilang minutes, nag start na ulit siya mag drive at magka holding hands pa rin kami habang nagmamaneho siya. Halatang pikon pa rin siya duon sa babae kanina pero hinayaan ko nalang as long as hindi na siya parang maghahamon ng suntukan, ayus na sa akin. 

“T-Teka! Bakit tayo nandito? Ano meron?” tanong ko sa gulat ng huminto kami sa tapat ng gate ng university na pinapasukan ng kapatid ko at nanduon mismo si Phen na nakatayo at mukhang kanina pa hinihintay ang pagdating namin. 

Dahan-dahan ko siyang nilingon. 

Kaso bago pa siya makapagsalita inunahan na siya ng kapatid ko na bigla-bigla nalang nasa tabi ko na at mabilisang kinakatok ’yung bintana ko sa shotgun seat kaya syempre as a good kuya, binaba ko ’yung bintana. 

“Hoy, kuya! Ikaw ah! Nag asawa ka lang may pa-secret secret ka ng nalalaman!” naka pamewang nitong bungad.

“Huh? Pinagsasasabi mo?” untag ko. 

“Luh siya! Pa-innocent pa! Bilisan ninyo na at sasamahan ko pa kayo sa Dean’s Office.”

“Huh? Anong gagawin namin sa Dean’s Office? Napa away ka ba?”

“Tang—!” hindi ko alam kung mumurahin ba niya sana ako o sasabihan niya ako ng tanga dahil bigla nalang siyang na-goosebumps ng mapatingin siya kay Mateo, “Este Tara na! Bilisan ninyo nalang at kakausapin ka pa ng Dean!” 

“Bakit nga?” pangungulit ko.

“Eh di ba kasi mag—”

“I submitted an enrollment application for you, Tesoro.” pagtatapos ni Mateo sa balak sanang sabihin ni Phen sa akin na kinalaki ng mata ko.

“What?!” akala ko ’yung kanina na ang shock of the day ko kaso may mas ilalala pa pala!

Mateo - 2 

Sunny - 1

Sa susunod nalang ako babawi! Kailangan kong mag cram sa isasagot ko sa Dean!

TREINTA Y NUEVE

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko paglabas ko ng Dean’s Office at halos hindi ko na maramdaman ang kamay ko sa sobrang lamig. Namanhid na yata? Ikaw ba naman, i-surprise ka ng loko mong asawa na i-enroll sa univeristy na pinapasukan ng kapatid mo at ma-on the spot entrance exam at interview ay ewan ko nalang talaga.

Parang gusto ko tuloy mag Karaoke after para lang mailabas ko ’yung natitirang kaba sa katawan ko.

“Ay yes! Kamusta?” nakangiti at mapang asar na bungad sa akin na nakaupo sa gilid at hinintay pala ako matapos sa interview ko na si Phen. Wala ba itong klase ngayon? Ang mas kinagulat ko eh ng makita ko si Berto imbis na si Mateo.

Nasaan na ’yung asawa ko?!

“May importante lang siyang meeting kaya ako muna ang pumalit sa kanya,” sabi ni Berto ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.

Tumango nalang ako. Alangan namang paalisin ko. Na-miss ko din itong mokong na ito. Tagal din naming hindi nagkita. Akala mo talaga ilang years eh ’no?

“Sumagot na ba boyfriend mo?” tanong niya kay Phen ng sabay na kaming naglalakad palabas ng university. Huh? Close na agad sila ni bunso?

“Oo, ayos lang sa kanya. Kayo naman daw kasama ko. Kung iba ’yon hindi siya papayag.”

“Huh? Ano meron?” tanong ko, “Wala ka na bang klase, Phen?”

“Wala na. Gagala daw tayo sabi niya.” energetic na sabi ni bunso sabay angkla ng kamay niya kay Berto. Syempre nainggit ako at dahil ayaw ko magpa kabog, umangkla ako sa bakanteng braso niya. Napabuntung-hininga nalang siya sa ka-hyperan namin ni Phen. Buti nalang hindi namin si Ate kung hindi yari na!

“So saan tayo?” tanong ko.

“Kahit saan ninyo gus—”

“Sa Binondo! Tapos mag Luneta Park tayo!” excited na suggestion ni Phen.

“Bakit duon? Ang dam—”

“Please! Please! Never pa ako nakapunta du’n eh!” nakanguso pagsumamo niya at nag beautiful eyes pa nga! Jusme!

“Eh ’di ba na—! Aray! Bakit mo ako tinapakan?” inis kong untag. Paano ba naman bukod sa nakapunta na kami duon before eh tinapakan ba naman ’yung paa ko!

Favorite ni Tatay magpunta sa simbahan na nanduduon. Hindi ko alam bakit pero ang naalala ko lang na sabi niya sa akin ay espesyal ang simbahan na iyon sa kanya. By now, alam kong hindi sila sa simbahan na ’yon kinasal ni Nanay at hindi rin naman siya lumaki within that area kaya hanggang ngayon palaisipan sa akin bakit niya favorite ang simbahan na iyon.

All I know is special ang place na iyon para sa kanya. Hindi ko makakalimutan ng isang beses sinundan ko si Tatay papunta duon ng hindi niya alam. Grabe! Para akong yagit nu’n na patagong nakasunod sa kanya. Duon ko din first time na nakitang umiyak si Tatay. Hindi iyon basta iyak lang habang nakaluhod siya at kinakausap ang sino man sa itaas para humingi ng gabay. Hagulhol iyon. Actually core memory iyon ng childhood ko. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit may hinanakit ako kay Nanay.

With my innocence and fragile heart back then, hindi ko maintindihan bakit (at never kong iintindihin), bakit kailangan mong bumitaw agad na parang wala lang sa taong walang ibang ginawa kundi mahalin ka at pagsumikipan ang pamilyang binuo ninyo ng dahil lang sa. . . Yawa! Heto na naman tuloy at nagbabadya ang paninikip ng dibdib ko at ’yung galit sa Nanay ko.

Siguro sasabihin ng iba na dahil magulang ko pa rin siya, at dahil matagal naman na na nangyari iyon ay dapat patawarin at intindihin ko nalang ngayon pa at malaki naman na ako pero hindi. Madali kasing sabihin dahil hindi sila ’yung nasa sitwasyon ko at mas lalong hindi naman sila ako eh, hindi pwedeng ’yung approach nila, maging approach ko rin sa naranasan kong sitwasyon. I know what I saw and what I felt during those moments and nothing, nothing will ever change the fact na iniwan kami ng Nanay ko at sinaktan niya ang Tatay ko.

“Kuya?” alalang tawag sa akin si Phen ng hindi pa rin ako umiimik hanggang sa nasa biyahe na kami papuntang Binondo. Pati si Berto napatingin na din sa akin sa rearview.

“May naalala lang.” maiksi kong tugon sa kanila with a faint smile at muling bumalik sa pagtingin sa mga nadadaanan naming establishments.

“Pwede naman tayo mag iba ng place,” suggestion ni Phen. Siguro dahil naalala niya ’yung time na nagpunta kaming apat duon nila Tatay ng nasa highschool na siya at ’yung reaction ko habang nanduduon kami. Panay pa sita sa akin nuon ni Ate dahil nakabusangot ako samantalang si Tatay naman mahinahong ineexplain lang kila Phen na baka dahil masama ang pakiramdam ko kaya ayun, ending hindi naman kami nagtagal but still hindi ko kasi maiwasan na maalala ’yung moment na nakita ko si Tatay nu’n ng hindi niya alam. It was an unpleasant memory but still, kinaya ni Tatay magpanggap sa amin na okay lang siya even after everything that happened and for that, I am proud of him. So much, na kung papapiliin ako between him and Nanay again, I will choose Tatay in a heartbeat.

“Huh? Bakit dito tayo?” dinig kong tanong ni Phen kaya agad akong bumalik sa ulirat at sinuri ng maigi ’yung establishment na pinapasukan namin ngayon. Oo nga ’no? Bakit nandito kami sa Lucky Chinatown?

“Magpapark lang tayo. Mahirap parking sa mismong Binondo.”

“Bakit mo alam? Nakapunta ka na duon ’no?” pangaasar ni Phen. Ano trip nitong kapatid ko? Grabeng closeness nila ni Berto ah, inaasar-asar lang niya buti hindi nagmamaldita sa kanya.

“Malamang. Kaya nga sabi ko maraming tao du’n pero dahil gusto ninyo, sige. Duon tayo. Lakarin nalang natin papunta duon mula dito saka pabalik.”

After namin mag park, dumiretso na kami papuntang Ongpin, nagulat pa nga ako ng inoffer niya braso niya sa amin. Syempre ’no gnrab na namin opportunity dami ding tao eh baka mawala kami. Joke!

“’Di ba tayo magtitingin muna sa mga stores?” tanong niya ng nilagpasan lang namin ’yung mga tindahan pagkarating namin ng Ongpin.

“Mamaya na ’yan.” mataray lang na sabi niya sa amin hanggang sa makarating kami sa isang parang semi-looking na temple. Bigla kong naalala na dito din kami unang dinala nuon ni Tatay ng buo kaming dumayo dito bago kami nagtingin sa mga stores at kumain. Baka siguro ganito talaga itinerary pag pupunta ka dito?

“Halaaa! ’Di ba ito ’yung dinadala sa atin dati ni Tatay?” excited na sabi ni Phen pagkakita niya sa helera ng asado roll.

“Oo, tara! Bili tayo. Dalhan natin sila Tatay.” sabi ko, pag tingin ko kay Berto, ayun. May dala-dala ng empty basket at inabot sa amin samantalang siya meron na rin at may laman na din na iilang pagkain. Ay wow! Ang speed naman nitong si Berto.

After namin duon, nagikut-ikot pa kami sa ibang stores. Bumili ng incense, chinese food lalo na ’yung self-heating na cup noodles, jusme na budol ako ni Phen kesyo sikat daw iyon ngayon.

“Kumakain ka din n’yan?” tanong ni Phen kay Berto ng mapansin niyang may hawak ito na Mala Spicy La Tiao. Favorite kasi iyon ni Tatay eh kaso ayaw ko ng bumili pa. Mawawalan na ako ng budget. Sa susunod na araw pa sahod ko at ayaw ko naman manghingi or bigyan ako ni Mateo. Feeling ko hindi ko deserve since kaya ko naman mag work for myself.

“Bakit ano meron dito?”

“Maanghang kasi ’yan. Baka lang natakaw tingin ka.” sagot ko.

“Alam ko pero anong meron?”

“Favorite din kasi ni Tatay ’yan! Same kayo,” nakangiting sabi ni Phen. ’Yung ngiti na parang may something tapos nilingon pa ako. Tsk, tsk. Naku talaga ’tong si Phen.

“Ah, buti naman at may taste pa rin Tatay ninyo,” mataray na sabi nito sabay nag strut palayo sa amin.

“Pa rin?” tanong ni Phen habang nakasunod sa kanya. Napailing nalang ako. Kung ano mang naiisip ni Phen na tumatakbo sa utak niya ngayon ay naku talaga. Hindi ’yon legit. Nakalimutan yata niyang magkakaibigan sila nila Anton dati.

Bumili din kami ng mooncake sa Eng Bee Tin, este si Berto lang pala. Pang malakasan pa nga ’yung binili. ’Yung naka lata! Tapos dumplings, Kikiam, Relleno Camaron, Hopia Tikoy. Natawa nga ako sa isip ko dahil hindi ko alam kung sa kanya ba iyon dahil nga, ’yung mga binili niya lalo na ’yung hopia tikoy, mga favorites ni Tatay ’yon. Kung hindi ko lang din alam na friends sila nila Tatay baka isipin ko crush niya si Tatay.

“Saan na tayo?”

“Sa Estero.”

“Huh? Anong Estero? Bakit sa Estero tayo? Anong gagawin duon?” tanong ko. Literal kasi na Estero nasa isip ko.

“Kakain?”

Nagkatinginan kami ni Phen. ’Yung mukha namin parehas skeptical habang nakasunod kami kay Berto na tumatawid duon sa tulay.

Hindi ko ma-imagine si Berto na kumakain si Estero. I mean, hindi sa nangju-judge pero, what? Talaga ba?

“Ay kuya! Tignan mo oh! Ang cute ng Bonsai na ito! Parang pang lagay sa study table! Gusto mo? Bilhan kita!” excited na sabi ni Phen habang chine-check ’yung mga mini bonsai na nasa pot.

“H’wag na! May garden sila Mateo sa bahay at saka may bonsai din duon eh. Aalagaan ko nalang ’yon paano kasi mukhang ang lungkot niya tignan.” sabi ko tapos nakita kong nilingon ako ni Berto sa peripheral vision ko.

“Ay ganu’n? Kahit na! Bilhan pa rin kita. Ilagay mo nalang itong mini du’n para may friendship ’yung bonsai na nanduduon na. Baka need lang din niya ng companion.”

Syempre um-oo nalang ako dahil halatang excited talaga kapatid ko na bilhan ako ng something.

“Ayan na din congratulatory gift ko sa inyo ng kasal ninyo,” mapang asar na sabi niya habang naglalakad kami pababa sa isang tagong kainan.

“Aish! Grabe ka naman, Phen! Hindi ba dapat sa aming dalawa?” biro ko ding tugon sa kanya.

“Shunga! Eh ’yan lang kaya ng budget ko for now!” binelatan ako nito at agad kumapit sa braso ni Berto ng bibiruin ko din sanang sambunutan.

“Anong gusto ninyo kainin?” tanong nito habang nililibot niya ng tingin ’yung area.

“Dito tayo kakain?” sabay na tanong pa namin ni Phen.

“Oo.”

“Akala ko ba sa Estero?”

“Ano ba tawag ninyo sa spot na kinatatayuan ng kainan na ito?”

“Ooh!” sabay uli naming react ng marealise namin kung bakit Estero ang tawag sa kainan na ito.

Pagabi na din kaya ang ganda ng ambiance. Mas okay siya kasi ang cool ng pagka illuminate ng red lantern lights sa place compare kanina ng hindi pa ganuon kadilim. After naming kumain, naglakad kami pabalik sa mall kung saan naka park ’yung sasakyan ni Berto at hindi na ako nagulat ng pagsakay ko ulit sa backseat nakaramdam agad ako ng antok samantalang si Phen busy sa harap at kaka browse ng ipo-post niya sigurong mga pics kanina sa gala namin. Bago ako tuluyang makatulog sa pwesto ko nag message ako kay Mateo na pauwi na kami.

“Kuya! Kuya, gising ka na,” nagising ako kay Phen na tinatapik-tapik ako kaya groggy akong umayos ng upo at nilibot ang tingin ko sa paligid.

“Oh nandito na pala tayo sa bahay,” sabi ko nalang bago automatic na kinuha ang dala ko at sumabay sa kanya sa paglabas, “Si Berto?”

“Nauna na sa luob.” sabi nito sabay malisyosong umangkla agad sa braso ko, “Kita ko pa nga inabot niya kay Tatay ’yung mga pinamilo niya kanina sabay sabi nagugutom na daw siya at iluto daw ni Tatay ’yung Camaron na binili niya. Like! Hello? Pwede naman niya iabot kay Tatay ’yung ipapaluto lang niya di ba? Bakit niya inabot lahat ng pinamili niya sa kanya?”

Nailing nalang ako kay Phen. Sabi na eh. Itong kapatid ko talaga iba tumatakbo sa utak nito eh.

“Ganuon lang talaga si Bert! Parang middle-aged woman ’yon na pagod ng magdala ng mabibigat na gamit at ipapahawak nalang sa asawa niya kundi gagamitin niya ang kanyang menopaused card sa kanya.”

“Exactly!”

“Ay naku, Phen! Tigilan mo nga sila.” sita ko pero hindi naman ako naiinis. Natatawa lang talaga ako dito kay Phen. Since the start kasi pinipilit niyang may something between Tatay and Berto.

Pagdating namin sa luob, bumungad sa amin si Berto na prenteng nakaupo at nagcecellphone habang karga niya si Bon at busy nanunuod ng kung ano mang nasa celllphone niya at si Tatay naman, ayun nanduon sa kusina at nagluluto. Aba, parang mag asawa lang set-up nila. Nang marealise ko ang tumakbo sa utak ko, agad akong napailing. Shuta kasi nitong si Phen nahahawa na rin ako sa mga naiisip niya.

Hindi na ako nagtaka ng hindi ko nakita si Ate. Siya yata nakatoka ngayon na bantay duon sa canteen namin sa office.

“Ligo lang muna ako,” paalam ni Phen sa amin at saglit na pinagtripan pisngi ni Bon bago umakyat sa kwarto sa itaas.

Ako naman dumiretso para silipin si Tatay at tulungan siya at muntik na ako matakot ng paglingon ko sa kanya kamukha niya si Illithid sa D&D. Paano ba naman ang daming nakapasak na La Tiao sa bibig niya.

“Tay naman! Bakit ganyan hitsura mo?”

Nag thumbs up lang siya sa akin at inubos muna ang La Tiao na nakapasak sa bibig niya bago ako sinagot.

“Sorry, ’nak! Na-excite lang sa La Tiao.” nakangiti niyang tugon.

May sasabihin pa sana ako kasi itatanong ko sana kung bigay ba ni Berto ’yung La Tiao sa kanya kasi wala naman sa amin ni Phen ang bumili nu’n kaso biglang sumulpot si Berto with Bon na panay ay hagikhik sa pinapanuod sa cellphone ni Berto.

“Luto na ba?” tanong nito sa nagtataray na naman na tono.

“Ah, meron naman ng ibang luto. Gusto mo na ba kumain?” tanong ni Tatay sabay kuha ng isa sa luto ng kikiam at isusubo na sana sa kanya kaso napansin ni Berto ’yung gulat kong reaksyon.

“Aish! Akin na nga! Marunong naman ako kumain.” umirap ito sabay kinuha ’yung hawak ni Tatay.

Natawa naman si Tatay ng marealise niya, “Pasensya ka na. Karga-karga mo kasi si Bon baka mahirapan ka kumain.”

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawa sabay nagdecide nalang ako lumabas ng kusina kasi nakita ko sa peripheral ko si Phen na muntangang nakatayo at nagtatago sa sulok at nakangiti. Iba na rin ang suot niya.

“Ginagawa mo d’yan?”

“Malamang nagpapaka ala cctv,” nakangising sagot niya.

“Naku, Phen kung ano man ’yang kalokohan sa isip mo tigil-tigilan mo.”

“Hmmp! Pero kuya nakita mo din naman ’yung nakita ko,” naka belat nitong sabi sa akin sabay walkout.

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Ayaw ko naman kasi mag assume hanggat hindi mismo si Tatay ang nagcoconfirm or pwede din namang si Berto, ’di ba? Syempre hindi tayo babase sa nakikita lang dapat iclarify din nila para malinaw talaga.

Kung meron man something between them before or just recently ayos lang naman sa akin. Deserve din naman ng Tatay ang sumaya. Basta huwag lang siyang sasaktan. Baka maka first kill ako kung sakali. Hmmp!

CUARENTA

“Sure ka bang hindi ka papasok sa luob?” tanong ko kay Berto pagkarating namin sa tapat ng bahay ni Mateo este bahay namin ng asawa ko. Cinorrect kasi nila ako sa bahay kanina ng narinig nila ’yung sinabi ko na, “bahay ni Mateo” kaya ayan, inayos ko na. Awkward pa rin ako hanggang ngayon na sabihin iyan but I guess, kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na sabihin ang bagay na iyan since kasal na nga kami at sa bahay niya na ako nakatira este nasa iisang bahay na kami nakatira na dalawa.

“Hindi, at saka tigil-tigilan mo nga pagkanta ng Nihongo kung hindi mo aayusin pag pronounce. Para kang ginigilitan na ipis,” pangaasar niya sa akin.

“Hoy! Grabe ka! Sumbong kita kay Tatay.” nakanguso kong tugon habang inaayos ang mga dala kong pagkain para sa mga kasama namin sa bahay ni Mateo.

“Eh di gawa,” hamon nito, “Magaling mag Nihongo ’yung isang iyon eh bakit hindi ka man lang tinuruan?” bulong nito. Ano pa pinagsasasabi nito?

“Ano iyon?”

“Wala sabi ko pumasok ka na sa luob. Tulungan mo sila Tasha duon. Baka kanina pa stress sa asawa mo.” sabi nito bago pinaharurot ng mabilis ang kotse niya pagkalabas ko. Feeling ko nga kung nakapalda ako, umangat na iyon at nakita na ang panty ko. May pros din pala ang pagiging lalaki. Dahil good mood ako, para akong dalagang kinikilig na sumasayaw habang hina-hum ang kantang My heart, Your heart na siyang OVA opening ng Ah! My Goddess at hinihintay na pagbuksan ako ng gate ng mga nasa luob. 

Naalala ko si Andeng nag introduce sa akin nito ng minsang na-bored ako at nakitabi ako sa hilera nilang mga girls sa room. Akala ko nga porn pinapanuod paano ba naman kasi nagkukumpulan sa isang sulok, iyon pala anime. Natapos ko nga Season 1 ng dahil sa kanila. Every recess, nakiki umpok ako sa kanila at nakiki share ng kilig sa pinapanuod namin. 

“Ay naku, Sir Sunny! Buti nalang nakauwi ka na!” naiiyak at parang relieved na sabi ni Ana ng makita niya ako. 

“Huh? Bakit ano meron?” bigla naman akong kinabahan kasi parang kanina pa siya stress. Ano na naman kaya ginawa ng lokong iyon? Jusko, bigla na nga lang akong iniwan kanina tapos dito pala naghasik ng lagim. Nauna ako maglakad kay Ana habang nakasunod siya sa akin. 

“Ah, kasi si Sir. .”

Napahinto ako sa paglalakad at dahil hindi ineexpect ni Ana na gagawin ko iyon, bumangga siya sa likuran ko. Kaagad siyang nag sorry sa akin pero hindi iyon ang inintindi ko. 

“Ana, ’di ba sabi ko Sunny nalang? Huwag ng Sir.” nakangiti kong paalala. Halata namang nagulat siya sa sinabi ko at namula ang pisngi, “So anong ginawa ng magaling kong asawa?”

“Ah kasi si Sir Mateo kasi. . “ naudlot na naman ang sasabihin niya dahil bigla nalang may sumigaw mula sa likuran ko. 

“Who the fuck are you?” agad akong napalingon dahil kilala ko ang boses na iyon. 

Napataas ang kilay ko ng makita ang hitsura ni Mateo. Pulang-pula ’yung pisngi at akay-akay nina Leo at Attico. Sandali nga, lasing ba siya? Nakasunod naman sa kanila si Monde, Tasha at Maria na halatang stress at pagod na sa pinag gagagawa ni Mateo. 

Saan naman kaya nagsususuot itong lalaking ito at umuwi ng ganito ang eksena niya? Nag inom din naman ako pero hindi ako umuwing pasaway (mainly dahil ayaw kong habulin ako ni Tatay na may dalang itak). Takot ko nalang talaga. 

Pero teka nga bakit ako tinatanong nito kung sino ako? Nagkaka amnesia ba siya kapag naka inom? Tsk, tsk. Kaya siguro ganuon ’yung response niya duon sa babae na nakakilala sa kanya kaninang umaga. Napa buntung-hininga ako.

Pag tripan ko kaya? Tutal gusto ko malaman ano eksena nito kung hindi ko siya pinakasalan. 

Lumakad ako palapit kay Mateo at pinagkatitigan maigi ang mukha niya. Shuta! Bakit ba ang gwapo pa rin nito kahit na lasing? Ang bango pa pati! Bakit hindi siya amoy alak or amoy suka na may naglalagkit na pawis?

“Me? I’m Santiago Ezekiel Del Lovato.” pakilala ko. Lasing naman siya eh hindi naman siguro niya makikilala ang pangalan ko, ’di ba? Dudugo ilong ko sa isang ito pero sure naman akong worth it. Baka pwede ko magamit ang oras na ito para may maipang blackmail ako sa kanya.

“W-What?” kunut-nu nitong tanong. 

“Don’t you know? I am granny’s favorite grandchild.” sabay pakita sa kanya ng singsing na mula sa Lolo niya at ng wedding ring namin sa kanya.  Remembers, pinagsama ko sa ring finger ko ’yung singsing ng Lolo niya (na nagmukhang engagement ring namin) at ’yung wedding ring namin.

“You can’t be the favorite! I am! I am Lolo’s favorite!” maktol nito na parang bata at tinulak palayo ’yung dalawang nakahawak sa kanya. Nakanguso siyang kinwelyuhan ako.

“No, I am!” confident at naka pamewang ko pang sabi pero pansin kong agad na nagsi ilingan sila Maria sa akin at nag-X ng kamay nila na para bang may mali sa sinabi ko. 

Nagulat ako ng bigla nalang ito sumalampak sa sahig at parang batang inagawan ng candy na nagsisisipa at umiiyak. Napatingin ako kila Maria at ganuon din sila sa akin. Napakamot ako sa ulo ko. Kanina ang tapang niya, ngayon na binanggit kong ako ang paboritong apo, para na siyang batang walang balak na tumigil sa pag iyak hanggang sa dumating ang Lolo niya at aluin siya. Buti sana kung ganuon kadali. 

Napabuntung-hininga ako. Alam ko namang nasabi na sa akin nuon nina Berto na nagiisang apo lang siya ng Lolo niya pero hindi ko naisip na ganito kalala ang epekto sa kanya kapag may nagsabing hindi siya ang favourite ng Lolo niya. May rason ba para maging ganito ang reaksyon niya? Hmm, hindi kaya dahil sa parents niya? Naalala ko kasi sabi nila ever since sa Lolo niya siya nakatira. 

“Mateo,” tawag ko dito pero ang hunghang nagtakip lang ng tenga at binelatan ako bago nagsisisigaw ng Lolo. Napanganga ako. 

Anak ng. .?

Napahawak ako sa tungki ng ilong ko bago napabuntung-hininga. So nagiging aktong batang Mateo pala siya kapag lasing? Or baka ngayon lang dahil inasar ko tungkol sa pagiging favorite grandchild ng Lolo niya? Sensitive topic siguro sa kanya ang tungkol dito kaya kahit lasing siya hindi siya papayag na hindi siya ang manalo o ang maalo (ng Lolo niya). 

“Ako na pong bahala dito,” sabi ko bago umupo sa sahig malapit kay Mateo.

“Sure ka, Sunny?” nagaalalang tanong ni Monde. Tumango ako. Ako naman may dahilan bakit nag ganito bigla si Mateo kaya dapat ako ang umayos at hindi sila. Isa pa, hindi naman siguro ito maaalala ni Mateo kasi nga lasing siya at isip-bata siya ngayon. Pfft. 

“Hindi ka pa rin ba titigil sa katatawag mo? Mapapaos ka n’yan,” panimula ko habang nakatitig sa kanya, saglit naman siyang nanahimik at naka ngusong tumingin sa akin. 

“I don’t care!”

“But I do. Hindi ka pwede mapaos. Mahihirapan ka kapag napaos ka sa mga meetings na aattendan mo. Hindi naman ako pwedeng bastang umabsent sa trabaho para lang asikasuhin ka kahit gusto ko. Kailangan ko rin kumita ng sa sarili ko.”

“Then leave.”

“Bakit naman ako aalis? Hindi kita pwedeng iwan ng mag isa lang dito.”

“Just leave! I can handle myself.”

“Nope. Hindi kita iiwan kahit ano pa sabihin mo.”

“Why are you so stubborn?” 

“Wow! Makapag salita akala mo siya hindi rin sintigas ng semento ang ulo niya.”

“What?”

“Tara na. Sa luob na tayo.” sabi ko pag tayo ko. Pinagpag ko ang pwetan ko bago lumapit sa kanya at ilahad ang kamay ko. Baka pag sinakyan ko pa siya parehas kaming magkasakit. Lumalamig na eh. Ito pa naman madalas mabilis magpa sakit kapag mahina immune system.

“But Lolo. .” napatingin din ako sa gate kung saan siya nakatingin. Lagi ba niyang hinihintay ang Lolo niya umuwi? Like hindi talaga siya natutulog hanggat hindi siya nakakasigurado na hindi pa ito umuuwi?

Napabuntung-hininga ako at dumukwang sa harap niya para magka level kami at hinaplos ang ulo at pisngi niya.

“I’m sure your Lolo doesn’t want you to get sick and so do I so let’s get inside, little Mateo.” sabi ko at pilit na pinipigilan ang sarili ko na kurutin ang pisngi niya. Bakit kasi ang cute niyang umakto na parang bata? Kung iba lang ito, binatukan ko na eh!

Ngumuso pa ito ng mga one minute bago ako sinunod with his cute, teary eyes. Panay ang lingon niya sa gate habang nakahawak sa akin. Maya-maya ay naniningkit at ang sama ng tingin nito sa akin.

Naka drugs ba itong si Mateo?

“Who are you really?”

“’Di ba nga sabi ko kanina I am Santiago Ezekiel Del Lovato? I am Lolo’s favorite!” nakangiti kong pang iinis sa kanya.

Agad na kumunot ang nuo niya at humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

“Aray!” reklamo ko.

“Heh,” ngumisi ito at binelatan ako, “You can’t be a Del Lovato. Dad said Del Lovato’s are strong not weak. But Lolo. .” biglang lumalim ang pagiisip nito.

“What did he say?”

“Lolo said I don’t need to be strong to be called a Del Lovato. I just need to be smart and kind. Smart not to get myself trick and killed, and kind to not be like Dad whose strong but greedy so no one really likes him. Because if I became like him no one will truly love me and everyone will leave me just like Mom did to Dad and. . And I don’t want that. . I want to be with someone I can grow old with, but Lolo. . He is kind and smart and yet, I am the only one he has and Uncle Anton and Uncle Berto.”

Sa pagkakataong iyon, biglang hindi ko alam ang gagawin ng makita ko siyang umiyak ulit. Na estatwa ako. Paano ba naman, this is so not Mateo. Hindi ganito ’yung Mateo na una kong na-meet. Hindi siya yung Mateo na mahilig mag sungit. Ibang side ito ni Mateo.

“There’s really no one there for me but Lolo. I only have Lolo and I can’t wait to grow up fast so I can help him and protect him to anyone who wants nothing but his title and fortune only. Lolo is more than that! He’s my only family I have. I have no one. .”

Hindi ko na namalayan na naluluha na ako sa mga pinagsasasabi ng asawa ko. Kahit kasi lasing siya, habang sinasabi niya ang mga salitang iyon, ramdam kong ’yung batang Mateo iyon na kinimkim ng matandang Mateo sa luob niya ang nagsasalita ngayon sa harapan ko. Kaya siguro ganuon nalang ang tiwalang binigay niya sa singsing na winala niya ng kusa na mala fairytale ang tema, na sana ang kapuntahan ng importanteng singsing para sa kanya ay isang taong karapat-dapat din para sa apo niya.

Kaya siguro ganuon nalang din ka-protective sa kanya sina Anton at Berto lalo na ng mahanap at malaman nilang ako ’yung nakakuha ng singsing ng matalik nilang kaibigan dahil sa kabila ng pagiging sira ulo ni Mateo, nakita at alam nila ang ganitong side niya na hindi nakikita ng karamihan.

Sa totoo lang, kung iisipin, hindi rin talaga kapani-paniwala na sa dinami-dami ng taong pwedeng makakuha nito, sa gaya kong basagulero at parang walang pangarap sa buhay na tao bumagsak ang singsing na ito.

“Mateo,” marahan kong sabi, buti naman at tumingin siya agad sa akin, hindi ko kinailangan pang iangat yung tingin niya sa akin, “You don’t have none. You have us, Mateo. It’s not only your Lolo that you have. You have Uncle Anton and Uncle Berto. You have ’Nay Tasha and the others living with you in this house and then, you also have me.” ewan ko ba kung bakit pero kinilabutan ako sa sinabi ko kahit na totoo naman. Kasal kaya kami, duh?

“I have you?” naninigurado nitong tanong, “You’re not going to leave me?”

Umiling ako, “’Til death do us part.” pabiro kong sagot sa kanya.

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit ang siniksik ang ulo niya sa leeg ko na akala mo makakapagtago siya duon eh ang laki-laki niyang tao.

“If you lie or try to hide from me, I’m going to find you and kill you,” sabi nito at mas lalong humigpit ang yakap niya sa bewang ko. Jusme naman si Mateo! Kahit lasing na nagbabato pa rin ng death threat!

“Para namang may choice pa ako na gawin iyon. Tinali mo na kaya ako agad sa iyo.”

“Mmh,” tumango ito at ramdam ko ang pag ngiti nito sa balikat ko, “Someday I’m going to marry you because you’re going to be all I have, but for now, it’ll just be me and Lolo.”

Napangiti ako dahil narealise ko kung gaano siya ka-close sa Lolo niya kahit may pagka luko-loko siya. Isa siguro sa dahilan kung bakit kami nag click nito unconsciously ay dahil may parental issues kami. Tsk, tsk.

Aayain ko na sana ulit siya para makapasok na kami sa luob ng bahay kaso bigla nalang naghum ang loko at pilit na sinusuray ang katawan ko na syempre ako na naman itong si uto-uto eh ginawa ang trip niya. Ewan ko ba kung kinilig ako dahil na-touch ako o dahil naiihi lang ako, paano ba naman ’yung hinum eh ’yung ‘themesong’ kuno ko para sa kanya. Bato lant hindi mato-touch kapag ginawa iyon sa iyo ng taong hindi mo ineexpect na gagawa nu’n lalo pa lasing.

I came back to let you know

Got a thing for you and I can’t let go

My friends wonder what is wrong with me

Well, I’m in a daze from your love, you see

“Tara na?” malambing kong tanong sa kanya.

“Mmh,” naglakad kami papasok ng bahay na nakayakap siya sa akin na parang koala. Ewan ko ba bakit bigla akong nahiya ng makita ko sila Tasha na nagkukumpulan duon sa gilid at mukhang pinanuod kami ni Mateo sa mga pinag gagagawa namin kanina. Ngumiti lang sila sa akin at nag thumbs up.

“Mateo, huwag makulit! Paano kita bibihisan n’yan?” masungit kong sita dahil ang loko ayaw magpabihis. Kesyo sleep na daw kami at inaantok na siya. Sira ulo eh ’no?

“No! If you walk away, it’ll be cold! No warm hugs anymore!” lalo niya hinigpitan ang hawak sa akin at pilit akong hinihila pahiga.

“Mateo!”

Ngumuso ito sabay tinulak ako palayo. Aba’t sira ulo talaga! Muntikan na akong matumba ha! Nagsisisipa naman ang mokong! Tantrums na naman ang hayop!

“I will tell Lolo you’re bad! You’re not letting me hug you! I’m not mabaho naman!”

“Sige, you tell Lolo, I will make sumbong to your Daddy!” pananakot ko.

“I hate you! You’re bad! Both you and Daddy are bad! You two hurt me unlike Lolo. He protects me! Now I want my Lolo! Lolo!” nagsisisigaw na naman ang walang hiya.

Jusme! Kailangan ko pala bantayan ito kapag nainom! Nagiging batang pasaway kapag lasing! Wala naman sa amin ang ganito kapag nakainom. Huhuhu!

Now I miss my masungit na Mateo kahit na ang cute ng isang ito na panay hanap sa Lolo niya. Siya yung mga tipong ang sarap iligaw sa mall. Chos lang!

“Joke lang! Heto naman hindi mabiro. Joke only! Tahan ka na dyan. We will sleep na. Hindi na papalit ng damit.”

Agad naman itong tumigil at maya-maya ay humagikhik. Ano na naman kaya naiisip nitong Mateo na ito?

“You know. . you sound someone.  .” sabi niya at pinisil ang pisngi ko. Sobrang lapit ng mukha namin at ewan ko ba kahit amoy alak ang hunghang, bakit parang nakaka tempt niyang halikan?

“Who?”

Ngumiti siya habang yung mga mapupungay niyang mata nakatitig sa akin, “ My Tesoro .“

“Tesoro?”

Tumango ito, “Yeah, My Tesoro. I don’t know. You sound like him and I like how your voice is similar to him but there can only be one tesoro and you can’t be him.”

Parehas na kaming nakahiga side to side ngayon at kahit wala akong ligo, wala akong paki kasi ngayon, ang tanging priority ko lang ay itong si Mateo kahit na naistress ako sa mga pinag gagagawa niya kanina.

“Why? I can be him.”

“No, you can’t. You can try but you will never be him. My tesoro is my tesoro . Just like my Lolo. There can only be one version of them and they can never be replace by anyone.” inaantok nitong sabi habang sinisiksik ang sarili niya sa akin.

Napangiti nalang ako habang hinahaplos ang buhok niya. Well, I guess, ako ulit ang big spoon sa amin pero atleast tulog na siya. Bukas ko nalang iinterviewhin ang dahilan kung bakit siya nag inom. For now, iintindihin ko munang pakalmahin ang puso kong sing bilis ng bolang dini-dribol ang tibok at baka mamaya eh magising itong isa at mag likot na naman.

“I love you, ’Ni.” bulalas ko bago ako tuluyang sundan si Mateo sa dream world.

CUARENTA Y UNO

Naalimpungatan ako sa pagtulog ko dahil nahihirapan akong huminga at para bang manhid ang katawan ko. Akala ko nga inii-sleep paralysis ako pero ng idilat ko ang mga mata ko at abutin yung lamp shade na nasa tabi ng higaan namin ni Mateo, aba e ang walang hiya lang pala ang cause ng nangyayari sa akin. Halos daganan niya na ’yung katawan ko sa higa niya. Ano tingin nito sa akin? Teddy bear? Makayakap parang koala! Akala mo tatakasan ko siya.

Mission impossible ang pagtanggal ko ng sarili ko sa kanya, paano ba naman hindi ko alam kung nanggu-good time ba ito dahil unting galaw ko lang lalong humihigpit hawak niya. Parang sawa amputa!

Nag dalawang isip pa ako kung lulutuan ko ba ito ng pang hang-over kasi hello? ’Di ba nga lasing-lasingan ang bet ng asawa kong ’to kagabi. Kung hindi lang siya cute tignan kagabi sa mga pinag gagagawa niya eh! Hmmp, ano ba kasi naisip ng gagong ito at nagiiinom eh hindi naman pala kaya?

Dahan-dahan akong tumungo ng kusina at nakahinga ako ng maluwag ng wala akong nakitang kahit na sino sa du’n sa luob. Whew, buti nalang. Baka kasi pigilan nila ako sa balak ko dahil nga ako “amo” nila eh hello, marunong naman ako magluto buti sana kung hindi. So basically for the next 30 minutes para akong tangang iniiwasang gumawa ng kahit na anong ingay sa kusina habang nagluluto kasi nga ayaw kong may makabisto sa ginagawa ko. Akala mo naman akyat bahay ako na naisipan pang magluto sa ninakawan niyang bahay, t’chk.

Habang hinihintay kong maluto ’yung ginawa kong soup para kay Mateo ay tumambay lang muna ako sa luob ng kusina habang nagtitingin ng mga pangyayari sa group chat sa trabaho. Syempre keeping up with the chismis tayo! Medyo tumaas pa kilay ko dahil nakita ko ’yung pangalan ko na minention ng kinaiinisan kong tao sa work. Nagaaya kasi sila na mag eat out sa darating na sahod tapos ’tong isang ito ini-special mention ako na bawal daw humindi kesyo ganito-ganyan. Putragis na ’to, mas marunong pa sa schedule ko. Saka as if namang hindi ko alam sunod na itinerary ng mga ganyan. Impossibleng hindi sila magkayayaan ng inuman. Buti nalang talaga at to the rescue sa akin si Mommy Yuni at sinabing hayaan ako mag decide if sasama ako or hindi since pamilyado akong tao at hindi naman ako tulad ni Daniel na single o baka naman feeling single. Eme!

Saktong naalala ko ’yung mini bonsai na binili sa akin ni Phen kahapon ng nag binondo kami kaya dali-dali akong bumalik ng kwarto namin ni Mateo para kunin ’yun. Nakahinga ako ng maluwag ng mahimbing pa rin ang tulog niya. Buti naman. Pahinga lang siya d’yan para hindi siya masungit pag gising at baka hindi ko siya matansya halikan ko siya. Joke! Saan galing ’yun huy!

Pagbalik ko ng kusina, inalis ko na sa kalan ’yung kaldero na may lamang soup at sunod na nagluto ng baon ko. Feeling ko kasi since hindi ako pumasok kahapon, marami akong pending ngayon na need tapusin. Magtetext nalang ako kay Tatay na hindi muna ako makakadaan sa canteen namin para alam niya. Baka maghintay siya sa akin.

Napanguso ako ng marealise kong ang dami ko palang nailutong ulam. Sobra pa ’to sa amin nila Tasha. Hmm, paano kaya ito?

And that’s when nakakita pa ako ng isang baunan na kapares ng sa akin. Hindi naman siguro mag iinarte ’yung isang ’yon kung pabaunan ko siya ’no? Subukan niyang i-snobin ito or itapon itutuktok ko ’tong kaldero sa bungo niya. Hmmp!

Masaya akong napabuntung-hininga habang naka pamewang at tinitignan ang masterpiece ko for today because you know? I feel productive! Asawang-asawa ang dating ko. Well, asawa naman talaga ako.

Habang pinapalamig ko ’yung baon namin ni Mateo at medyo mainit pa ’yung soup eh nag decide ako na sumilip muna sa garden. Silip lang. Enough para mag warm ’yung iniwanan kong soup sa kusina. Baka kasi mag inarte si Mateo kapag napaso dila niya sa sobrang init kapag inatat kong pakainin siya ng niluto ko.

“Ayan! May kasama ka na ng mini version mo. Ewan ko nalang kung hindi ka pa maging happy n’yan,” kausap ko sa OG na bonsai na nandito sa garden after ko ilagay malapit sa kanya ’yung binili sa akin ni Phen, “Siguro malungkot ka dito ng ikaw palang kaya hindi ka ganu’n katingkad? Hayaan mo, since dito na ako nakatira lagi kita, kayo, bibisitahin para tsikahin.”

Napaigtad ako ng biglang may tumahol sa akin at paglingon ko si Fofo pala ’yun at excited na nagkakakawag ang buntot ng marealise niyang ako pala ’yung tinahol niya. Agad ko siyang binuhat.

“Hello, Fofo! Aba, nandito ka lang pala ha! Ikaw lang mag isa dito wala ka kalaro?” kausap ko sa kanya habang pinanggigigilan ko ito na parang baby. Hindi naman siya umaalma. In fact, tuwang-tuwa pa.

Out of the corner of my eye, napatigil ako sa panggigigil kay Fofo dahil may tatlong malalaking aso ang nakatayo malapit sa amin in their defensive stance. Holy shit! Ang cu-cute nila! Para silang life size na stuff toy sa mall pero sila ’yung alive version.

Kay Mateo ba ’tong mga asong ito? Mahilig pala siya sa big dogs? Kung sabagay, bagay naman sa kanya. Buff siya eh. Sarap nga magpa headlock sa kanya. Chos lang!

Kung nagtataka kayo anong breed ng tatlong asong ito na nasa harap ko. Well, let me share it to you guys kasi ang cute talaga nila! Swear but of course, deadly din kaya hindi rin pwedeng basta-basta sila harutin.

First one is a Great Pyrenees. White siya na may mix ng black and dark brown color sa bandang mukha niya at bewang niya. Feeling ko nga ’pag tinayuan ako nito mas malaki pa ito sa akin eh. Yep, he’s that huge! In fact, siya pinaka malaki sa kanilang tatlo.

Second, is a Caucasian Shepherd. Nagrarange ’yung color niya from dirty white, black and gray. Ito naman mid lang ’yung laki niya. Feeling ko gaya ko ’to na middle child. Chos lang!

And lastly, the bunso, charot lang kasi si Fonz ang bunso sa kanila, is a Belgian Shepherd. Pitch black ang kulay niya kaya feeling ko sa kanilang tatlo, ito ang pinaka easy sa pagdidisguise dito sa bahay kung sakaling pasukin kami ng akyat bahay lalo na sa gabi. Itim na itim eh!

“Hello sa inyo! Ako Papa nitong si Fofo kaya no need to worry,” kausap ko sa kanila. Nakatitig lang sila sa akin. Syempre! Alangan namang sumagot sila. Jusko baka mahimatay ako kapag sumagot ’tong mga ito sa akin or kahit ’yung isa lang sa kanila lalo na ’tong Belgian Shepherd na ito. Ito ’yung mga nakikita ko sa movies na nagttransform into human eh, ’yung parang sa mga fantasy na movie like Twilight thou syempre alam ko wolf ’yung mga iyon but still you get what I’m saying naman siguro.

Medyo kinabahan ako ng unti-unti silang lumapit sa akin at inikutan ako. Mas lalo ng inamuy-amoy ako. Akala ko gagawin nila akong breakfast pero nagulat ako ng dunggul-dunggulin ako ng Caucasian Shepherd na para bang gusto nitong makipaglaro ako sa kanya or kanila? I don’t know, hindi sila mukhang threatening sa akin after ng ginawa nila kanina kahit muntikan ng lumabas puso ko sa ribcage ko.

Nang makasiguro akong safe silang hawakan ay para akong batang umupo sa damuhan habang karga-karga ko pa rin si Fofo at nakipaglaro sa kanila. Tuwang-tuwa ako sa balahibo nila. Grabe! Ang cool pala talaga makahawak ng ganito in real life kesa ’yung nakikita ko lang sa TV!

Nang mapagod ako sa pakikipaglaro ko sa kanila at napansin kong palabas na si haring araw eh naghanap ako ng pandilig sa mga halaman. Habang hinahanap ko saan nakalagay yung pandilig, nagkagulatan pa kami ni Attico ng muntik na kaming mag bungguan sa sobrang focus ko sa paghahanap.

“Ay, Sir! Kayo po pala! Magandang umaga po sa inyo. Ano pong sa atin?”

“Ay, good morning din po! Ano, yung pandilig po nasaan?”

“Po?”

“Yung pandilig po.”

Saka ko lang napansin na para bang gulat at nagtataka siya sa sinabi konat bukod pa du’n at dahil kasama ko ’yung mga aso. Para bang hindi normal occurence ang ganito dito.

“Magdidilig ka, Sir?”

“Uh, opo?”

Nagulat ako ng bigla nalang, para siya na-excite at pumunta sa kung saan at pagbalik niya may dala na siyang pandilig. Dalawa pa.

“Tulungan ko na kayo, Sir!”

“Uh, Sunny nalang po. H’wag ng Sir. Masyado pong pormal pakinggan.”

Syempre pumayag ako kasi ang awkward naman kung nagdidilig ako tapos nakatingin lang siya sa akin. Saka time na din ito para siya naman ang maka close ko dito sa bahay.

“Anong oras po pala nakauwi dito si Mateo kagabi?” tanong ko.

“Mga ala sais tapos dumiretso na agad siya sa mini bar dito sa bahay para mag inom. Nag away na naman siguro sila ng Tatay niya,” sagot nito at nagpakawala ng malalim na buntung-hininga. Halata sa kanya ang pagaalala sa asawa ko.

First, meron kaming mini bar dito sa bahay? Like, really? Pero kung sabagay, hindi ko pa naman naikot ng fully ’tong bahay sa laki.

Second, tama ba ’yung narinig ko? Tatay ni Mateo? Pero bakit sila nag away eh mukhang hindi naman sila nu’n laging nagkikita kaya anong pag aawayan nila?

“Ganu’n ba siya lagi kapag nag aaway sila?”

Tumango ito.

“Dinadaan nalang niya sa pag inom ang inis niya sa Tatay niya kesa makasira siya ng mood ng ibang tao sa kung saan. Uuwi ’yan dito tapos dito siya mag iinom at magwawala na parang bata. Hindi naman siya nakikipag away talaga ng pisikilan. Hamon lang. Literal na bata,” parehas kaming natawa sa sinabi niya kasi totoo naman. Cute nga eh, sarap niyang asarin.

“Hindi po ba sila inaawat ng Nanay niya kapag nagaaway sila? Ang labo naman nu’n. Minsan na nga lang sila magkikita tapos nagaaway pa sila.”

“Hindi pa ba nakwento sa’yo ni Sir Teo?”

“Ang alin ho?”

Mukhang nagdalawang isip pa ito na sabihin sa akin ang nalalaman niya pero kalaunan ay sinabi na rin niya sa akin.

“Matagal ng patay si Ma’am Sabel. Siya ’yung tunay na nanay ni Sir Teo. Five years old palang siya ng mamatay ’to dahil sa atake sa puso kaya since then si Sir Fonz na ang nag alaga sa kanya.”

“Po?” napanganga ako sa isiniwalat niya.

“’Yung Tatay naman niya, si Sir Jorge, ano.. nagkaruon kasi ng kerida. ’Yun dahilan bakit inatake siya sa puso ng nalaman niya. Ngayon, buti nalang at nakonsensya kahit papaano ’yung kerida, hindi ito pumayag na ikasal sila ni Sir Jorge. Pero pakiramdam ko tungkol na naman sa pagpapakasal nila ng kerida niya ang rason kung bakit ganito na naman ang eksena ni Sir Teo kagabi. Ito kasi talaga ang nagpupumilit para maikasal sila nu’n ng kerida niya. Ewan ko ba du’n. Wala ding kadala-dala. Si Sir Fonz nga laging nakakahanap ng dahilan para mapatigil ’yung inaattempt nilang pagpapakasal, what more pa itong si Sir Teo na anak niya. Akala naman niya mabibilog niya ulo nito lalo pa’t alam ni Sir Teo na Tatay niya mismo dahilan kung bakit namatay Nanay niya.”

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko after kong makabalik sa kwarto namin para gisingin si Mateo after ng naging pag uusap namin ni Attico sa garden. Ang bigat kasi sa pakiramdam kapag pamilya ang pinaguusapan lalo na tungkol sa magulang. Kaya pala. Ngayon gets ko na ’yung mga sinasabi nila Berto sa akin about dito kay Mateo. May hugot naman pala.

I know petty siya pero kung kayo din naman ang nasa kalagayan ni Mateo, kung ako din ’yung nasa kalagayan niya at malaman ko na kaya namatay ang isa sa magulang ko ay dahil ang isa sa kanila ay nagtaksil, aba putcha hindi naman ako santo o ang diyos para magpatawad ng ganun-ganun lang. Imagine, tinanggal mo ’yung privelege ko bilang anak magkaruon ng masayang childhood dahil lang sa kalandian mo.

Out of nowhere, biglang sumagi sa isip ko ’yung Nanay ko. T’chk. Oo nga, sa kanya ako galing, siya nagluwal sa akin pero siya din mismo nagbigay sa akin ng trauma na hindi ko deserve. Hindi namin deserve ng mga kapatid ko na nanggaling din sa kanya at ng Tatay ko na better half niya.

“Tesoro?” napapitlag ako ng marinig ko ang nagaalalang boses ni Mateo at ng marealise kong gising na pala siya at nakatitig sa akin, ay napatikhim ako. Pinipigil ang iyak ko.

“Buti naman gising ka na. Muntik na kitang hampasin ng unan eh,” mataray kong sabi sa kanya pero hindi ito natinag sa pagtitig sa akin. Kapag kuwan ay nagulat ako ng kabigin ako nito para yakapin. Napanguso ako kasi mas lalo lang niya akong pinapaiyak sa ginawa niya.

“Anong trip mo? Gagu, hindi ako makahinga!” reklamo ko pero syemore keme lang. Nakakahinga pa rin ako.

“Sorry. Did I do or said something to you last night that hurt you?”

Ha? Ano daw?

“Pinagsasasabi mo?”

“I’m sorry.”

Natigil ’yung balak kong pag iyak sa gulat ng bigla nalang siya ’yung umiyak sa amin. Ay hala siya! Hindi ko ito pina iyak ah! Labas ako dito! Pero bakit siya pa ’yung naunang umiyak sa amin?

“Bakit ka nagso-sorry? Saka bakit ka umiiyak? Wala ka namang ginawang masama sa akin kagabi bukod sa sinungitan mo lang ako at pinahirapan na bihisan ka ng pantulog.” reklamo ko.

“I didn’t?”

Tumango ako. Para siyang bata na cino-confirm talaga kung totoo ’yung sinasabi ko sa kanya. Cute.

“Oo nga. Kalbuhin kita d’yan eh,”

“Then why were you looking at me like you’re in pain? You were about to cry too.”

“May naalala lang ako,” sabi ko, sabay narealise ko somehow, kaya siguro vibes kami ng mokong na ito kasi parehas kaming may parental concern.

“Are you sure? Do you want us to talk about it?”

“Saka nalang kapag ready ka na din pag usapan ’yung tungkol sa’yo.”

“What about me?”

“’Yung rason ng pag inom mo.”

“I blurted something I shouldn’t have, right?”

“Oo, pero kung hindi ka pa ready pag usapan, ayos lang. Marami pa naman tayong time na magkasama unless iiwan mo ako.”

Agad tumaas ang kilay ng mokong.

“And who told you I’ll leave?”

“Baka lang naman,”

“There’s no way I’m leaving you unless..”

“Unless, ano?”

“.. you’re the one who ask me to.” sabi nito bago ilapit ang mukha niya sa akin. Sa sobrang lapit ’yung utak ko binibigyan na ako ng false hope na maghahalikan kami.

“Weh? Kahit magulang mo magsabi?” hindi ko alam saan galing ’yun kahit ako nagulat. Minsan talaga ’tong bibig ko pala desisyon.

“Yeah, and I don’t like the idea of me leaving you either no matter how many threats I receive from that damn of a Father of mine.”

“Huh? Anong ibig mong sabihin?”

“Soon, you’ll know, Tesoro and I hope you’re brave enough to fight for us the way I do.”

CUARENTA Y DOS

Ilang araw na ang nakalipas mula ng drinking incident ni Mateo pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga nalaman ko na kinwento sa akin ni Attico, na siyang dating kanang-kamay pala ni ng Lolo ng asawa ko tapos dumagdag pa yung sinabi ni Mateo sa akin na kesyo hindi niya ako hihiwalayan kahit ilang threats pa makuha niya mula sa Tatay niya so, ayun. Nakagawa ako ng conclusion na maaaring tama nga si Attico, na ang dahilan ng naging pag inom ni Mateo ay dahil nag away sila ng Tatay niya at ang maaaring dahilan lang nu’n ay nalaman niyang nagpakasal sa kapwa nito lalaki at kinukumbinsi niya ’yung isa dahil nakakapanget ito sa image ng pamilya nila.

Hindi sa masamang tao o perpekto ako pero hello? Nasaan siya ng mga panahon na kailangan siya ng anak niya? Nasaan siya ng mga panahong pinagiisipan ni Mateo kung talagang pakakasal siya sa akin? Nasaan siya ng ma-hospital si Mateo? Nasaan siya ng kinasal kami ni Mateo? ’O di ba? After everything that had happened, bigla nalang siyang susulpot tapos kung anu-anong sasabihin niya sa asawa ko at gusto niya pa kami paghiwalayin. Eh mas masahol pa nga siya kung tutuusin dahil bukod sa napaka irresponsable niyang ama, inuna niya ang kerida niya kesa sa totoong asawa at pamilya niya. Nakaka putangina talaga ng mga gaya nila!

“Sunny,” bigla akong napa angat ng tingin ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Mommy Yuni.

“Yes, ’My?” 

“It’s just a bad day, ha? Not a bad life. Grabeng tunog ng keyboard mo sa pagta-type mo,” saka ko lang narealise ang sinasabi niya ng mapansing halos patapos na pala ako sa tina-type ko at wala na ’yung ingay ng typing keyboard na naririnig ko kanina. Ang lakas kasi. Akala ko nga si Mommy Yuni ’yun, ako pala. Hehehe. 

“Sorry po,” paghingi ko ng paumanhin. Nangiti lang siya.

“Ayus lang ’yun. May mga araw talaga na hindi tayo okay.” 

Saglit akong lumayo sa harap ng computer at sumandal sa recliner para tumingala sa kisame.

“May tanong ako,” 

“Go, shoot.”

“Normal bang mainis ka sa manugang mo kahit hindi pa kayo nagkikita ng personal?”

Alam kong tumingin sa gawi ko si Mommy Yuni pero hindi ako tumingin sa gawi niya. Gusto ko lang kasi marinig ang side niya. Baka naman kasi nadadala lang ako ng emosyon ko kasi somehow, nakaka relate ako kay Mateo. 

“Oo naman. Mas mahirap kapag kaharap mo na ng personal tapos kasama mo asawa mo, ang hirap patulan kasi ayaw mong may masabi sila sa asawa ko kesa sa sasabihin nila sa’yo.”

Tama nga naman siya. Mas mahirap kung magkaharap kami ng Tatay niya tapos makita ko ’yung hitsura ng kerida. Baka may mapadala ako sa ambulansya ng wala sa oras. Chos! 

Isa sa mga dahilan kung bakit mas gusto ko si Mommy Yuni in and out ng office kasi nagkukwentuhan man kami ng about sa family life namin, hindi kami ’yung may follow up question lagi na pwedeng maging subjective na magagamit against each other. Literal na may respeto kami sa bawat isa hindi gaya ng iba naming katrabaho na epal. Parang kung pwede lang na magkapalit kami ng katawan at sila kami for a day para malaman nila lahat ng about sa amin eh gagawin nila in a heartbeat. 

“Pero malabo din kasi na hindi ako ipagtanggol ng asawa ko. ’Yun nga lang pag ginawa niya ’yun for sure sa akin naman siya magagalit kesyo bakit hinahayaan ko lang tapakan ako ng iba.”

“Eh kasi, katulad mo din ang asawa mo, Sunny. Baka mas masakit sa kanya ’yung isipin na kaya mo hinahayaang tapakan ka ng iba ay dahil sa kanya. Alam mo, bihira lang ’yung ganyan. ’Yung hahayaan ka nila na tumayo at lumaban para sa sarili mo kahit na magulang na nila ang usapan. Ibig sabihin mas importante ka sa kanya kesa sa magulang niya. Kung sabagay, may mga magulang talaga din na hindi deserving matawag na magulang.”

Natigil kami sa paguusap ni Mommy Yuni ng may dumating na asungot este kumatok sa pinto ng office namin kung nasaan kami. 

“Hi,” bati nito sa amin. Aish, asungot nga.

“Ikaw pala, Daniel.” nakangiting bati sa kanya ni Mommy Yuni at ako? Syempre bumalik ako sa ginagawa ko. Bahala na sila d’yan. Busy ako. Hahaha.

“Aba, mukhang ang busy ninyo yata?”

Hindi ba halata? Sinasabi pa ’yung obvious eh! Bakit ba kasi nandito ito? Wala ba ’tong trabaho na kailangang tapusin? CEO ang peg? Daig pa si Mateo ah.

“Oo, alam mo ’yan basta end of month. Ang daming need tapusin.”

“Halata nga. Sobrang focus ni Sunny sa ginagawa niya.” parinig nito sa akin. 

“Parehas lang kami ni Mommy Yuni. Ikaw ba? Wala kang need tapusin?” sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya. Bahala siya d’yan. Tarayan ko siya para lumayas na. 

“Tapos na. Tinapos ko na lahat kahapon kasi excited ako para sa lakad natin mamaya.” 

“Ha?” this time napa angat ako ng tingin. Anong lakad “natin” pinagsasasabi ng gagong ito? Wala akong maalala na pumayag akong magkaruon kami ng lakad na dalawa.

“Ay, oo nga. Ngayon pala ’yun no?” dinig kong sabi ni Mommy Yuni kaya nilipat ko agad yung tingin ko sa kanya, “Yung Samgyup na usapan sa GC,” paalala nito sa akin. 

“Hala, paano ’yan? Nakapagpaalam ka ba sa asawa mo? Ako na, or kami na magpaalam para payagan ka.” biglang sabi ni Daniel sa akin. 

Guys, pigilan ninyo ako. Mukhang mas mauuna ko ’tong ipadala sa hospital ’tong si Daniel. Napaka epal ha? Pala desisyon!

“Ako na. Kaya ko naman magpaalam.” agad kong sagot, “Baka mamaya bigla nalang sumulpot ’yun dito kapag kayo nagpaalam sa akin lalo ka na mamaya ano pang sabihin mo du’n eh.”

“Grabe naman higpit ng asawa mo sa’yo, Sunny. Hindi ba nakakasakal ’yung ganyan?”

“Hindi mahigpit asawa ko, Daniel. Hindi lang talaga ako ganu’n ka-sociable plus malaki respeto namin sa isa’t-isa. Ayaw ko lang masira ’yun ng dahil lang sa nonsense na bagay.” diretso kong sagot dito kasi totoo naman.

“O, you hear that, Daniel? Hayaan nating si Sunny na ang magpaalam for himself besides hindi din naman okay na tayo ang magpaalam in his behalf. Hindi tayo ’yung asawa ng asawa niya.”

Napatawa nalang ako sa isip ko ng makita ko ’yung reaksyon ni Daniel sa sinabi ni Mommy Yuni. Epalogs kasi. Balak pa yata agawin asawa ko. Hmmp! Asa naman siyang type siya ni Mateo.

Speaking of type, oo nga no? Anong type nu’n sa babae er, lalaki? Parang hindi pa yata namin napag usapan ang tungkol du’n ah! Interviewhin ko nga mamaya pag uwi.

Dahil may bagong wave na hina-handle ngayon si Mommy Yuni ako lang ang naiwang mag isa sa office namin. Buti na nga lang at lumayas na ’yung bwisit na Daniel na ’yun kanina after ng ilang mga minutes niyang pagtambay dito. Paano kasi puro si Mommy Yuni lang ang nakakausap niya kay hindi ko nga siya pinapansin gaano. Para kasing ewan kausap. Hindi mo alam anong motibo.

Saglit akong nag stretching-stretching kasi baka pulikatin na ako sa tagal kong nakaupo at panay type lang sa harap ng computer magmula pa ng pumasok ako kaninang umaga. Anong oras na rin. Maga-alas cuatro na ng hapon. 

Bigla kong naalala na magpapaalam pa pala ako kay Mateo na may lakad ako mamaya after work. Mahirap na. Baka bigla talaga mapasugod ’yun kung nasaan ako kapag last minute ako nagsabi. Habang hinihintay ko ang reply niya sa tinext ko eh bigla kong naalalang tanungin kung okay ba ’yung niluto kong baon niya sa work today. Yes, you’re reading that right. After niyang matikman gaano ako kasarap este ang luto ko, ayun. Naging instant mabuting may-bahay ang Sunny ninyo at araw-araw ko na siyang pinababaunan ng luto ko. Kahit nga sila Tasha nagulat sa kanya kasi hindi naman daw ugali ni Mateo ang mag baon even before. Syempre! Ang haba ng hair ko pagkarinig ko nu’n! Mas mahaba pa kay Rapunzel! And yes, ako dapat ang magluluto ng baon niya dahil kapag sila Tasha, magalit na naman ’yun sa akin kesyo bakit sila pinagluluto ko ng baon niya eh kaya nga siya pumayag magbaon kasi ako ’yung magluluto ng baon niya. 

’O di ba? Ang sweet ni Mateo pero parang tanga! Akala mo naman lalasunin siya ng mga ’yun eh ang tagal-tagal ng nagsisilbi ’yung mga iyon sa kanya at ang tagal na rin niyang kinakain mga luto nila. Minsan hindi ko rin maintindihan ’yung asawa kong iyon buti nalang gwapo!

Muntik ko pang malaglag ang phone ko sa gulat ng imbis na reply niya ang mabasa ko eh nakita kong rumehistro ang pangalan niya sa screen at ’yung symbol ng telepono na kulay green sa ilalim ng pangalan niya. Meaning tumatawag ang loko! Anong problema nito? Wala ba ’tong ginagawa at may pa-call na nalalaman?

“H-hello?” sagot ko, hindi ko alam bakit ako nautal. 

“How many people will be with you later?”

“Ano, uhm, marami kami. Katrabaho ko nga ’di ba? Hindi mo ba binasa ’yung tinext ko sa iyo?”

“I said, how many?”

Napakunot naman ang nuo ko sa tanong ni Mateo. Hindi yata nakapag linis ng tenga niya. Kakasabi ko nga lang na marami kami.

“Ano, mga lagpas sampu. Basta nga marami kami.”

“Will your Mommy Yuni be there too?”

“Oo! Sa kanya nga ako tatabi mamaya eh.”

“Good.”

Yes, nakukwento ko kay Mateo ang about sa mga katrabaho ko, ang trabaho ko at kung anu-ano pa kasi baka mabaliw ako kapag hindi ako nakapag daldal sa isang araw sa kanya. Dati kasi kila Tatay ako lagi may tsismis eh dahil sa kanya na ako nakatira ngayon dahil mag asawa na kami syempre siya na ngayon ang pinagkukwentuhan ko ng kung anu-ano. Wala naman siyang violent reaction. Tahimik lang siya na nakikinig sa akin. Paminsan-minsan may ambag sa usapan. 

“At saka, hmm..” hindi ko alam kung papayag siya sa ire-request ko.

“Yes, Tesoro?”

“Ikawbasusundosaakinmamaya?“mabilis kong tanong sa kanya. Muntik pa nga akong mabulunan. Hindi naman kasi ako kamag anak nila Gloc-9!

“What? Did you choke on something?”

“Kakosusunduinmobaakomamaya?”

“Tesoro..”

Hindi ko alam bakit ako nahihiya magsabi sa kanya. Para ka namang tanga, Sunny! Teenager lang?

“Ikaw ba susundo sa akin mamaya?” tanong ko in a spoiled brat way, ’yung tipong medyo pasigaw na maarte. Basta ’yun na iyon.

“Oh,” dinig ko sa kabilang linya ang pag ngisi nito, “Is my Tesoro being a clingy baby towards his Daddy?” pangaasar nito pero ’yung tono niya, my gosh! Napaka halay! 

“Tangina mo! Mandiri ka nga! Hindi kita Tatay ’no! Daddy-Daddy pang nalalaman amputa,” 

Napatawa siya sa reaksyon ko. Akala ko titigil na kaso parang naka tira ng Robust ang asawa ko. Tangina nito! Akala ba niya katutuwa? Ang hirap ng malayo siya hindi ko mapatulan eh!

“Am I not? We can fix that later, Tesoro.”

“Gagu! Hindi ako uuwi!”

“Then, I’ll make it harder for you. The one that makes you not walk for days.”

“Ewan ko sa’yo! Ang baboy mo!”

“But secretly you like it.”

“Aish! Seryoso na kasi! Ang harot mo today eh! Susunduin mo ba ako?” nakanguso kong tanong.

“You sure you want me to fetch you? You’re okay with them seeing me?”

“Ano naman? Asawa naman kita. Mas gusto mo ba iba maghatid sa akin pauwi? Pwede naman si Daniel kahit nakakairita siya, may motor naman siya, makakauwi ako ng libre.”

Nanlaki ang mata ko na imbis may marinig akong sagot sa kanya pinatayan ba naman ako ng telepono! Maiinis na sana ako kaso ng marealise ko ’yung sinabi ko sa kanya bago niya ako babaan ng tawag eh nanlaki ang mata ko sa taranta. Shit!

Gagu ka, Sunny! Bakit ganu’n sinabi mo? Alam mong inis din siya du’n gaya mo dahil sa mga pinagkuku kwento mong pagpapa pansin nu’n sa iyo. Malamang iba dating ng sinabi mong ’yun kahit na biro pa iyon!

Shit, baka wala na akong bahay na uwian mamaya. I mean, technically pwede naman ako umuwi kila Tatay but still!

Tinry kong tawagan si Mateo imbis na i-text kasi you know, basta ayun na ’yun! Kaso, the subscriber cannot be reach and try my call later daw sabi ni ateng sa akin sa phone dahilan para lalo ako mag panic.

Hindi ko alam kung bakit pero agad kong pinatay ang computer ko at dali-daling hinila ang pinto ng office namin para sana lumabas kaso siya namang pagtumba ko.

Sa bilis ng pangyayari namalayan ko nalang, ang lapit ng mukha sa akin ni Daniel. In fairness, may hitsura naman siya. Hitsurang hindi ko type.

Galing naman ng timing ng isang ’to! Yawa!

“Ang tapang naman ng pabango mo, Daniel,” reklamo ko. Nagpapabango din naman si Mateo pero hindi ganito kasakit sa ilong.

“Oo naman, tapang na kaya kang ipaglaban,” biro nito pero imbis na mangiti ako gaya niya napabusangot ako. Hindi ako nakikipag biruan ha!

“Angat ka na nga! Ang bigat mo! Hindi ako makahinga.”

“Aba bakit parang kasalanan ko? Kumain ka kasi ng marami ng hindi ka kasing gaan ng babae,”

“Gagu kumakain ako ng marami hindi lang halata. ’O sya, angat na kasi. Mamaya may makakita pa sa atin.”

Napangisi siya bigla habang nakatitig sa akin. Nailang naman ako kasi may kung ano sa tingin na binibigay niya sa akin. Mabilis kong tinignan ’yung pinto at shit, duon ko narealise dito pala kami sa luob natumba at dahil automatic na sumasara yung pinto nitong office dahil sa spring, wala talagang pwedeng makakita sa amin unless may papasok dito sa office. Nyemas naman! Bakit hindi nalang ginawang sa gitnan kami ng pinto natumba eh di sana tapos na parehas na kaming nakabangon agad kasi maiipit kami ng pinto. Psh, yawa talaga!

Napabalik ang tingin ko sa kanya ng maramdaman ko yung tuhod niya na nag slide malapit sa ano ko, shuta! Nakaka kilabot! Eww! Sumbong ko ito kay Mateo!

“May asawa ka ba talaga o sinasabi mo lang na may asawa ka para di ka magalaw?” tanong nito. Halos manginig ako sa sinabi niya lalo pa sobrang lapit na ng mukha niya sa akin at yung kamay niya nakahawak sa magkabilang balikat ko kaya ng sinubukan kong tumayo, agad niya itong pinigil.

“Gago ka ba? Hindi naman yata tamang gawing biro ang pagkakaruon ng asawa para gamitin kong excuse ’yun! Nagiisip ka ba?” inis kong tugon dito, “Saka ano ba? Pwede ba! May kailangan pa akong gawin kaya paalisin mo na ako kundi sisipain ko ’yang bayag mo ng matauhan ka.”

“Gawa,” hamon nito. Aba syempre, papatalo pa tayo? Sakto namang biglang tumunog ’yung phone ko kaya mas lalong hindi ko na siya inintindi after kong makawala sa kanya. Dali-dali kong sinagot ang tawag.

“Hello, Ma—”

“Punta ka sa parking lot. Itim na CT4-V Cadillac. Bye!” nagmamadaling utos ng nabosesan ko na si Berto sabay baba ng telepono niya. Aba! Loko ’yun ah! Pero shit! Anong oras palang nandito na siya? Pero what the fuck? Bakit sa parking lot?

Ipapa ligpit na ba ako ni Mateo?

Ewan ko rin ba kahit may part sa akin na baka nga ipaligpit na ako ni Mateo sa kanila dahil sa sinabi ko sa kanya kanina, nagmamadali pa rin akong pumunta ng parking lot at hinanap yung sasakyan na nakita ko sa google ng sinearch ko hitsura ng sasakyan na sinabi ni Berto sa akin.

Napalunok ako at biglang kinabahan ng makitang nagiisa lang yung sasakyan na ’yun sa dulo ng parking lot. Shit.

Kinakabahan kong kinatok yung pinto ng shotgun seat at muntik na akong mapasigaw ng pagbukas ko ng pinto bigla akong hilahin ng driver na nasa luob.

“M-Mateo?” nagulat ako ng marealise na siya yung driver at wala siyang kasama na kahit na sino kina Berto. Aba? What the hell? Paano nangyari iyon eh si Berto yung tumawag sa akin na nandito siya sa parking lot? Ano iyon nagtago?

“Ay putangina!” napasigaw ako sa gulat ng biglang pumahiga yung inuupuan ko and the next thing I know, nakapatong na sa akin si Mateo at yung mga mata niya, damn. so. fucking. hot.

“Who were you whoring around, Tesoro?”

“Anong pinagsasasabi mo?”

“You smell shit,” inis na sabi nito bago sunggaban ang leeg ko ng halik. Hindi ko alam paano nangyari pero napaungol ako sa ginawa niya. Para akong mauubusan ng hangin sa katawan sa pagpapak niya sa leeg ko, pero unlike earlier kay Daniel wala akong balak na pigilan siya.

And that’s when I realised, shit. Kumapit ’yung pabango sa akin ni Daniel kanina!

“Does he kiss better than me, hmm?” bago pa ako makasagot, lumipat na yung labi niya sa labi ko and damn, I feel like burning.

“Does he fuck better than me?” tanong niya ulit bago ilipat ang labi niya sa kabilang side naman ng leeg ko bago muling ibalik iyon sa labi ko.

Umiling ako, “I wasn’t whoring around, ’Ni. If I was, it would probably be now, with you.”

Naramdaman ko ang pag ngisi nito in between our kisses bago muling nagsalita.

“Good boy,” he purposefully tickle the tip of my tongue with his tongue, as I felt my body burn more and more, “Now let me remind you and those boys around you what it is like to try and get what is mine.”

“Yes, Ni. Please,” I beg, before pulling his nape so I could have his lips on mine again.

CUARENTA Y TRES

Ang dilim-dilim pero heto ako at dilat na dilat ang mga kahit na obviously dapat tulog na ako ng mga oras na ito dahil may pasok pa ako bukas. Nakakainis dahil imbis na dapat yung iniisip ko eh yung ginawa namin ng asawa ko sa kotse kanina, well obviously kasi nakakakaba at thrilling siya at the same time dahil duon kami nag sexy time na dalawa at nagulantang ako sa ginawa sa akin ng asawa ko kasi, hello? Kahit naman papaano inassume ko na ako yung, alam ninyo ’yun? ’Yung top? Ayun, windang si Sunny ninyo at na-enjoy ko ang pagiging bottom. Oh my gosh! Ayan tuloy! Binabawi ko na! Nahihiya na ako ngayon na naalala ko yung ginawa namin. Shit! Akala ko talaga duon na kami magho-honeymoon sa kotse pero buti nalang at kahit papaano nasa tamang katinuan pa nu’n si Mateo at sinabi ba namang saka na daw namin gawin yung legit na honeymoon namin kasi hindi daw bagay na yung first namin sa kotse lang. Ansabe?! Well, Mateo ’to eh. Pero, hmmp! Baka kamo nahihirapan siya kasi limited lang yung moves na pwedeng gawin sa luob! Charot lang! Ang landi ko na tuloy pakinggan. Anyway, mabalik tayo sa concern ko kung bakit hindi ako madapuan ng antok.

Hindi ko namalayan na humigpit pala ang yakap ko sa ulo ni Mateo. Gumalaw kasi eh napahigpit yata yakap ko dahil sa naalala ko. Ulo sa itaas ha! Hindi sa ibaba. Kayo ha, kailan pa nayakap ang ulo sa ibaba. Anyways, nasabi ko naman na sa inyo na little spoon ko ang asawa ko tuwing bedtime. Ewan ko ba dito pero hinayaan ko nalang. Nageenjoy din naman ako na kayakapan siya eh. Bangu-bango.

Anyway, ayun na nga! Hindi mawala sa isip ko yung nangyari kanina sa office. Alam ninyo na, yung ginawa sa akin ng walang hiyang Daniel na ’yun and obviously, hindi na ako nakatuloy sa eat out sana naming magwo-workmate dahil nga mas naenjoy ko yung ginawa namin ni Mateo sa kotse and obviously dahil mas gusto ko rin naman talaga siya kasama kesa sa mga katrabaho ko, exemption si Mommy Yuni syempre.

Hindi ko tuloy alam kung naging topic nila ako paano kasi naka receive ako ng message kay Mommy Yuni na hindi siya tumuloy dahil wala naman daw ako duon at saka may mga gagawin pa kasi siya sa bahay na importante at may next time pa naman daw. So ayun, hindi ko alam kung ichinismis ba ng Daniel na yun sa iba naming katrabaho yung nangyari sa pagitan namin. Like, yung exact kaya na pangyayari ang kinwento niya o may dagdag? Magiging issue kaya yun bukas sa trabaho? Kasi to be honest, hindi ko naman gusto yung nangyari at saka hindi ko din inexpect na gagawin ni Daniel ’yun. Thinking about it, nandidiri ako. Comparing it with Mateo, parehas naman silang lalaki including me pero bakit kay Mateo hindi ako nakakaramdam ng pandidiri aside from the fact the asawa ko siya? Bakit kay Daniel halos lahat ng buhok ko sa katawan nagtataasan ng ginawa niya yung attempt niyang, uhm, I don’t know kung tama bang sabihin kong assault ’yun?

There’s a part of me that feels sorry for myself and to my husband. Sa akin kasi hindi ako agad nakapag react sa ginawa niya, kung yung dati-dating barumbado na Sunny ang naka experience nun, may kinalagayan na agad siya, but I didn’t. Siguro dahil sa shock or baka dahil natatakot at nahihiya lang din ako in a sense na ayaw kong madamay ang mga taong mahahalaga sa akin dahil sa pangyayaring ’yon. Nahihiya dahil ano nalang iisipin ng iba, kalalaki kong tao hindi ko agad pinagtanggol sarili ko.

Kay Mateo naman dahil sa asawa ko siya at hindi ko nagawang sabihin sa kanya ang nangyari sa akin. Hindi dahil sa takot na baka magalit siya kundi sa pwede niyang gawin kay Daniel. Hindi ko kasi alam ang takbo ng utak niya kapag dating sa akin. Baka mamaya pabugbog niya or baka i-ban niya sa lahat ng kompanya. Kawawa naman yung tao. Sa hirap ng buhay ngayon eh. Mamaya may binibuhay pala siyang pamilya o baka may mga umaasang tao sa kanya.

Kaya ko kasing tanggapin kung magalit siya, sigawan niya ako, pagsalitaan niya ako ng masama, i-divorce, yes nasa ganuong level pa rin ako ng thinking pagdating kay Mateo kahit na may part sa akin na nasasaktan sa isiping iyon pero wala eh, kesa naman manakit siya ng ibang tao dahil sa akin, hindi kakayanin ng konsensya ko iyon at mas lalo yung maririnig ko na masasakit na salitang pwedeng ibato sa kanya ng ibang tao kasi, ewan ko ba, hindi naman nila kilala si Mateo tulad ng pagkakakilala ko sa kanya o ng mga taong malalapit sa kanya. For me, Mateo is just like a misunderstood kid but never evil. Gets ninyo ba?

“Tesoro..” nagulat ako ng bigla siyang bumalikwas ng higa at agad na buksan ang night light. Akala ko kung anong emergency ang meron kaya nagulat ako ng bigla niyang salikupin ng kamay niya ang mukha ko at marahang pinunasan ng hinlalaki niya ang mga luha sa pisngi ko. Nanlaki ang mata ko ng marealize na umiiyak pala ako pero hindi ko alam. Shit! Nakakahiya! Nasira ko tulog niya dahil sa pag iyak ko ng hindi ko alam.

“Wala ’to! Napuwing lang ako! Balik ka na sa pagtulog mo,” mahinahon kong sabi at balak ko na sana abutin ang night lamp para patayin pero pinigilan niya ako. Nakatitig lang siya sa akin. Hindi nagsasalita. Hinihintay na ako ang magsalita. Na magsabi ng totoo ng dahilan ng pag iyak ko.

Ilang minuto din kaming magkatitigan at ng hindi ko talaga magawang sabihin sa kanya ang dahilan ng naging pag iyak ko kasi nga hindi naman ako aware na umiiyak na pala ako sa isipin ko, yung katawan ko parang may sariling buhay at ayun, nakabig ko ang labi niya at obviously, naghalikan kami. Heto na naman ako sa weird na part ng self ko na hindi ko maiwasang icompare at marealise talaga na pag dating kay Mateo wala akong nararamdaman na kahit na anong pandidiri pero ang isipin ko na may ibang tao na hahalik sa akin mapa babae o lalaki, nangingilabot ako. Ewan ko ba.

Heto na ba yung tinatawag na gender enlightenment? Naexperience din ba ito nina Ate at Phen?

Kinabukasan, nakahinga ako ng maluwag ng pagpasok ko lahat kami busy sa office at hindi ko nakita ang pagmumukha ni Daniel. Well, siguro dahil na rin sa iisa lang ang hawak ko na class kaya half day lang din ako sa trabaho samantalang si Mommy Yuni naman hindi kami nagpang abot kasi yung clash niya clashing sa time ng hawak ko na class pero at least, walang nakapag cause ng anxiety sa akin para isipin ko yung nangyari sa akin kahapon at kay Daniel.

At dahil nga half day lang ako sa trabaho, naisipan kong magliwaliw nalang muna mag isa sa Binondo. Hindi ko alam bakit ko naisipan basta gusto ko lang. Nasabi ko naman na nuon na ayaw kong nagpupunta sa lugar na ito dahil may naaalala ako from my childhood experience/trauma pero wala eh, may kung anong bumubulong sa akin na ineenganyo ako na pumunta duon. Si Ate ang bantay ngayon sa canteen kaya petiks lang kahit hindi ako dumaan pero nagpaalam naman ako sa group chat naming pamilya saan ako pupunta. Medyo nagtaka pa nga sila at naisipan kong pumunta dito at ng mag isa pero keri lang naman sa kanila basta ba safe akong makakauwi sa bahay namin nila Mateo. Nuks! Bahay talaga namin. Yes, I think it’s time naman na, na tawagin kong bahay “namin” kasi duon na ako nakatira kahit na technically bahay niya ’yon at nakikitira lang naman ako.

Palapit palang ako sa Binondo Shrine hawak ang cellphone ko para ipaalam sa group chat naming tatlo nina Berto at Anton na nandito ako at kung sino man sa kanila ang susundo sa akon na dito ako puntahan ng may matanaw ako na pamilyar na mukha na nanduduon na shrine at taimtim na nananalangin at nagwi-wish. Anong ginagawa niya dito? Not that it’s suspicious. Curious lang ako. Medyo nag camouflage kuno pa ako at naki wish malapit sa kinatatayuan niya kasi balak ko siya isurprise sa prisensya ko pero halatang wala siyang kapaki-paki sa paligid at taimtim lang na nagwiwish. Ano kaya wini-wish nito?

Segundo lang ang pagitan ng pag alis namin dahil ng makita ko siyang papaalis na, dali-dali ko siyang sinundan. Kakalabitin ko na sana pero naunahan ako ng intsik na hindi ko alam kung kaibigan niya o anong relasyon nu’n sa kanya basta nag usap sila in Mandarin kaya hindi ko alam anong pinag usapan nila. Ang tagal din nilang nag usap kaya medyo nakabili pa ako ng sugarcane na palamig sa gilid habang hinihintay ko na matapos ang tsismisan nila. After nu’n sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa Binondo Church. Duon ako mas nagulat at namisteryuhan sa kanya.

I mean, hindi sa pagiging judgmental pero hindi ko ineexpect na madasalin at mahilig pala mag wish ang isang Berto? Well, I guess hindi talaga lahat mahahalata mo sa demeanor ng tao anong pagkatao meron siya. This time, sa medyo malayo ako pumwesto at mula sa pwesto ko, kitang-kita ko ang ginawa niyang pagluhod at pagpapanalangin sa may kapal. To be honest, there’s this part of me na gusto ko ng umalis dahil bigla akong nasuffocate sa mga ala-alang ayaw kong maalala ng bata ako pero may kung ano talagang nagtutulak sa akin na huwag umalis. Na sundan ko lang si Berto. Ewan ko ba kaya ’yun ang ginawa ko. Hanggang sa mamili siya ng kung anu-ano at isa ang napansin ko, parang mga pagkain na binili namin ng nakaraan ng kasama namin siya ni Phen at isa na duon ang Latiao na favorite ni Tatay. Huh? Namimili ba siya pang pasalubong sa amin? O baka naman sa kanya ’yan at assuming lang ako dahil naaalala ko yung mga pinagsasasabi ni Phen tungkol sa observation niya kay Berto at Tatay? Jusko, malala na talaga mga salitaan ni Phen naaapektuhan na ang pagiging rational thinker ko ng mga bias observations niya. Impossible namang may something sila. I mean, kung meron man, siguro iyon ay dahil magkakaibigan sila nila Anton, right? Or am I wrong?

Magaalasingko na ng biglang mag vibrate ang cellphone ko at duon ko naalala na malapit na ang uwian ko sa office. Oo nga pala! Hindi ko pa pala nasabihan sila sa group chat na wala ako ngayon sa office at nasa labas na ako dahil maaga ang uwian ko today dahil isa lang ang klase ko.

Muli akong tumingin sa gawi kung nasaan si Berto pero hindi ko na siya ma-sight siguro dahil mas marami na rin ang tao ngayon compare kanina kaya hinayaan ko nalang. Imbis na sabihin sa kanila na nasa Binondo ako ngayon, tumungo nalang ako pa Quiapo Church at duon nagsabing magpapasundo. Wala naman sa kanilang nagtanong anong ginagawa ko duon at bakit wala ako sa office ng ganitong oras. Si Anton ang nagreply sa akin na siya ang susundo sa akin kaya medyo nagtaka ako kung bakit hindi si Berto ang nag offer na sumundo sa akin gayong malapit lang naman ang Bindo sa Quiapo Church kung alam mo ang mga pasikut-sikot pero pinag kibit-balikat ko nalang.

Nakatanggap ako ng message mula kay Mateo habang hinihintay ko ang pagdating ni Anton para sunduin ako. Napangiti ako dahil picture lang naman ’yon ng pinabaon ko sa kanya kanina sa work niya. Picture ng before and after niyang ubusin. Natawa ako kasi naging habit niya na ’yun gawin mula ng pabaunan ko siya. Akala mo bata na everytime mauubos niya may reward siyang makukuha sa akin. Well, meron naman. Kiss every time na dumadating siya sa bahay. Whether ako ang mauna umuwi or siya, may kiss siya lagi sa akin sa cheeks. Pag hindi ko ginawa ’yon, katakut-takot na pagsusungit ang makukuha sa kanya at pagdadabog. Buti sana kung amg bilis aluin eh hindi! Hmmp! Pero okay lang cute naman kasi ang asawa ko magtampo.

“Ano palang ginagawa mo sa Quiapo?” tanong ni Anton habang nasa biyahe kami.

“Wala naman. Naisipan ko lang pumunta. Bakit?”

“Wala din naman. Ang random lang ng pinag galaan mo after work.”

Napatango lang ako sa sagot niya, “Si Berto pala? Parang ang tahimik niya today sa GC.”

“Ewan ko sa isang ’yon at kung saang lupalop na naman yata nagsususuot.”

“Baka naman nagsimba?” pahula kong sagot although alam ko naman talaga na nagsimba siya today.

Napangiwi naman si Anton na kalaunan ay natawa, “Naku, baka sa pintuan palang nagsisisigaw na ’yun na nasusunog siya.”

“Ha? Bakit naman?”

“Kasi matagal na siyang nirevoke ng simbahan sa tagal niya ng hindi nagsisimba,” pabiro nitong sagot.

“Ha?” paanong revoke eh kakakita ko lang sa kanya kanina na nagsimba siya? Hindi ba aware si Anton sa mga ginagawa niya outside work kapag si Berto lang mag isa?

Nashare tuloy sa akin ni Anton ng wala sa oras ang tungkol sa matagal ng hindi pagsisimba ni Berto. Sing tagal na ng edad ni Ate. Ganuon katagal pero nagtataka naman ako kung baka dahil hindi niya alam na nagsisimba pa rin si Berto o nasaktuhan ko lang na ngayon lang ulit pumasok si Berto ng simbahan? Sabihin ko ba o baka naman magtaka ’tong si Anton sa akin bakit hindi ko nilapitan si Berto kasi ng habang sinusundan ko siya kanina, may part sa akin na ayaw ko siyang isturbuhin na. Na para bang gusto kong eenjoy niya ang buong araw niya sa Binondo ng siya lang.

“Pero bakit nga bigla nalang siyang hindi nagsimba? Sabi mo kanina akala mo magpapari siya before kasi halos araw-araw siyang nasa simbahan kung dumayo kulang nalang duon siya tumira na.”

“Kasi nga yung rason ng pagpunta niya duon, ’yun din ang rason bakit siya tumigil sa pagpunta niya ng simbahan.”

“Dahil nga?” pangungulit ko, “Ano ba yang rason na ’yan? May winish ba siya? Tao ba ’yan na nagtatrabaho duon? Ano? Ito naman parang others ako ayaw pang sabihin!”

“I’m not in the right position to disclose that and as if you knowing about it can change anything. Okay ng kami lang ang nakakaalam. Kinaya naman ni Berto. Kinaya naman ng rason niya nuon ang mga naging desisyon nila, kaya para ano pa na ungkatin natin ang nakaraan? Wala namang magbabago. Hindi naman na din mababago pa ang mga nangyari na.” napatingin ako kay Anton dahil minsan lang ito maging seryoso talaga sa kanilang dalawa ni Berto at yung mga binitawan niyang salita ngayun-ngayon lang sobrang bigat. May hugot kaya pinili ko nalang na manahimik kesa mangulit pa eh kasi nga naman, tama siya. As if namang pag nalaman ko may magbabago.

“S’ya nga pala, daan pala tayo muna ng bahay namin nila Tatay. Mag hi lang ako sa kanila saglit. Namiss ko na sila eh,” sabi ko at agad na tumango si Anton.

Ang hindi ko ineexpect ay ng makita ko sa labas ng bahay namin si Berto na inaabot kat Tatay ang mga nakita kong pinamili niya kanina sa Binondo. Paglabas namin ng kotse ni Anton nagkagulatan pa kami.

“Salamat dito sa mga binili mo ah,” nakangiting sabi ni Tatay sa kanya, “Lalo na dito sa Latiao.”

Agad namang umirap si Berto, “Hindi ko binili ’yan! May nag abot lang na tauhan ko sa akin. Tutal wala namang kakain n’yan sa bahay kaya dito ko dinala.”

Nabigla ako sa sagot niya kay Tatay pero ng tignan ko si Tatay nakangiti pa rin ito samantalang si Anton naman tumingin lang ng makahulugan kay Berto at umiling-iling lang sa kanya after nitong makasakay ng kotse niya at umalis ng walang paalam.

“Talaga ’yon si Berto, my friend o! Hindi man lang nag hi-hello sa amin ni Sunny!” nakangusong sabi ni Anton, “Pengeng Latiao! Hindi pa ako kumakain.”

“Lulutuan nalang kita! Wag ’tong Latiao ko,” sagot ni Tatay at hinawakan ng mahigpit yung favorite niyang pagkain bago tumingin sa akin, “Tara na sa luob, ’nak! Alam kong pagod at gutom ka na rin.”

Hindi nakaligtas sa paningin ko yung hindi ko maipaliwanag na emosyon na naglalaro sa mga mata niya kahit na nakangiti siya sa harap ko. Parang nakita ko na ang ganitong emosyon nuon pero at the same time parang hindi rin dahil parang iba ito kumpara nuon ng kay Nanay. May dapat ba akong malaman o hayaan ko nalang kasi gaya nga ng sinabi ni Anton kanina, may magbabago ba?

CUARENTA Y CUATRO

“Ni?” tawag ko ng hindi ko nakita agad si Mateo dito sa living room, na para bang kaming dalawa lang ang nandito at wala sa tabi ko sila Maria para pagtanungan ko nasaan ang whereabouts ng asawa ko.

“Nasaan po si Mateo?”

Friday kasi ngayon at kapag ganitong araw maaga ang uwi ng asawa ko dahil ayaw niyang naiipit sa heavy traffi. Hindi kaya nagii-inom na naman ’yun sa mini bar dito sa bahay? Well, kung ganuon, malamang nagkita na naman sila ng Tatay niya habang wala ako. Hmmp!

Masaktuhan ko lang talaga ’yang Tatay niya.

“Nasa Office niya s’ya. Mainit ang ulo pagdating. Nag away ba kayo?” alalang tanong ni Tasha. Nagulat naman ako sa tanong since hindi ko naman maalalang nag away kami. Teka, may nasabi na ako sa texts ko sa kanya kanina na kinagalit niya?

Agad kong dinukot sa bulsa ko yung phone ko at iniscroll yung mga naging usapan namin today ni Mateo, well, so far matino naman. Walang dahilan para pagsimulan namin ng away.

And well, if nagtataka kayo sa sagot ni Tasha sa akin, may “Office” kasi talaga siya dito siya sa bahay. Mini Office ganuon. Study room if hindi pa rin gets ng iba. Pero paminsan lang siya magpunta duon since madalas yung mga pending works niya sa kwarto namin niya ginagawa para daw mabantayan kuno niya ako. As if namang may gagawin akong kabalbalan sa kwarto namin, ’di ba? Ewan ko ba d’yan sa asawa ko. Buti nalang talaga gwapo siya. Hmmp!

“Kumain na po ba kayo?” paglilihis ko sa tanong ni Tasha sa akin. Nagsi tanguan naman sila.

“Niyaya namin si Sir Mateo kumain kanina pagdating niya kaso dahil nga mainit ang ulo niya pagdating, pinauna niya na kami. Sasabay nalang daw siya mag hapunan sa’yo pagdating mo,” sagot ni Ana sa akin.

“Kanina pa siya nanduon?”

“Oo e, hindi pa nalabas simula ng dumating,” sabi naman ni Maria kaya napabuntung-hininga na lamang ako.

Jusme, ano na naman kaya ang nangyari at mainit ang ulo niya? Well, sana mapa amo ko siya ng makapag “we” time na kami. Dami ko pa namang kwento at gustong itanong sa kanya dahil sa mga nanyari kanina!

Inabot ko kila Ana ang pinamili ko at nagpaalam na para puntahan sa Office niya ang asawa ko. Ewan ko ba at sa labas palang grabe ng kabog ng dibdib ko. Mas lalo na ng pagkatok ko para ipaalam sa kanya na nandito na ako at marinig ko ang seryosong boses niya ay halos gusto ko nalang magpakain ng buhay sa lupa.

Para bang na flashback ako sa mga una-una naming pagkikita na dalawa.

Dahan-dahan kong pinihit ang busól at napakagat sa dila ko ng makita ko ang seryoso niyang mukha. Titig na titig ito sa akin na para bang gusto niya akong lapain at kain- Oops! Too much imagination, Sunny!

“Hi, ’Ni! Kanina ka pa?” nakangiti kong bungad sa kanya pero hindi siya natinag sa ginawa ko. Sa halip, tumayo lang siya sa recliner niya at tinuro ito para duon ako maupo imbis na sa bakanteng couch.

Lalo tuloy akong kinabahan mga ’day! Santisima talaga! Bakit biglang ganito siya sa akin? Super cold? Na para bang naka max ang level ng freezer? Ano bang ginawa ko kasi na kina ganito niya bigla?

Pag upo ko sa recliner niya, napatingin ako ng hindi sadya sa laptop niyang nakabukas. Napakunot ang nuo ko dahil may isang unnamed folder duon na naghihintay na mabuksan. Lalo akong kinabahan at napaurong ang imaginary pawis sa nuo ko. Mateo naman kasi! Pakaba malala e!

“Uhm… bakit? May problema ba?” alinlangan kong tanong sa kanya.

“Maybe. You tell me,”

“Ha?” agaran kong tugon sa sinabi niya. Ano ito? Naglalaro ba kami? Guessing game? Nasa Mystery-Thriller ba kami kaya ganito bigla ang eksena? Kaloka ha!

“Was I not a good husband to you, for you not to tell me what’s going on when we’re not together? I thought we’re open with each other, Tesoro? “ may himig ng pagtatampo at hinanakit ang sinabi niyang ’yon sa akin.

“A-ano bang sinasabi mo? Wala naman akong hindi sinabi sa’yo unless hindi pa natin napaguusapan. Lagi din naman akong nagkukwento sa’yo sa nangyayari sa akin araw-araw sa trabaho,” sagot ko na medyo defensive. Part of it was true, half of it is ’yung tungkol sa mga ginagawang pangbi-bwisit sa akin ni Daniel na tingin ko ay maliit na bagay lang naman na hindi naman importanteng ikwento sa kanya dahil alam kong pagaawayan lang namin.

Nanatiling nakaupo lang sa gilid ng desk niya si Mateo at nakatitig sa akin. Sinusuri ako. Tinatansya ang naging sagot ko. Hanggang sa bigla nalang itong ngumisi ng pang asar na kinaasar ko din naman kasi hello? Bakit bigla nalang siyang ngumisi? Na para bang nagsisinungaling ako sa kanya?

“Bakit ganyan reaksyon mo? Mukha ba akong nagsisinungaling?” inis kong tanong sa kanya. Kung iba lang ’to, baka nasapak ko na kaso asawa ko ito. Hindi namin maaayos ’yang pinuputok ng butsi niya kung sasabayan ko din ang galit niya.

“I don’t know. You tell me. Tinanong lang kita but why are you acting like you really did something behind my back?”

“E bakit kasi may pangisi-ngisi ka? Malamang maiinis ka rin kung magtanong ako sa iyo at sinagot mo ako ng maayos tapos ganyan ireresponse ko sa iyo gaya ng response mo sa akin ngayon. Lasing ka ba ha? Parang e,” sagot ko sabay irap. Natawa lang siya sa akin kaya lalo ako nainis. Aba, hindi na ako natutuwa ah! Mukhang magaaway malala talaga kami kapag ganito siya ng ganito.

Tumigil siya kalaunan sa pagtawa at umalis sa pagkakaupo niya sa desk niya para pumwesto sa likod ko at kalikutin ang laptop niya. Dinig at dama ko sa tenga ko ang paghinga niya. Bigla, para akong na short-circuit. Hayup na ’yan! Inis ako dapat sa kanya e pero bakit bigla akong parang nagaanticipate na teenager sa crush niya?

“You tell me why I shouldn’t be mad if I see something exactly as this happened to my husband and do nothing about it,” sabi nito na halong pabulong sa tenga ko, dahilan para makapakapit ako sa braso niya. Narinig ko pa ang pag ngisi niya bago niya binuksan ang unnamed folder na nasa laptop niya at tumambad sa akin ang isang malinaw na cctv recording sa office kung saan ako nagttrabaho. Naestatwa ako ng marealised na ’yung kuha na iyon ay yung mismong araw na pinuntahan ako ni Mateo sa office. Which is technically, kahapon lang naman. ’Yung araw sana ng eat out namin ng mga katrabaho ko. ’Yung araw na…

“Ang tapang naman ng pabango mo, Daniel,” dinig ko ng malakas ang sarili ko na nagrereklamo dahil sa pabango ng kumag. Nakapaibabaw sa akin si Daniel dahil ito yung time na natumba kami parehas sa galing ng timing ng epal dumating kung kailan natataranta ako sa asawa ko.

Napangiwi ako ng maalala ko na naman yung pabango niyang masakit sa ilong sa sobrang tapang. At the same time, na amazed since ang linaw ng cctv record, hindi black and white plus may audio pa!

But also, what the F?! Alam ko namang naglipana ang cctv sa kompanyang pinapasukan pero how? Paano siya nakakuha ng copy nito na pinapanuod namin ng sabay ngayon?

“Oo naman, tapang na kaya kang ipaglaban,”   kitang-kita ng malinaw ang pagbusangot ko sa sinabi niya habang siya nakangisi na di man lang nahiya sa pinagsasasabi niya. Deserve! Ang cringe niya kasi.

“Angat ka na nga! Ang bigat mo! Hindi ako makahinga.”

“Aba bakit parang kasalanan ko? Kumain ka kasi ng marami ng hindi ka kasing gaan ng babae,”

“Gagu kumakain ako ng marami hindi lang halata. ’O sya, angat na kasi. Mamaya may makakita pa sa atin.”

Naiilang ako panuorin yung way ng pagtitig ni Daniel sa akin lalo pa’t nandyan ang asawa ko. Ang kadiri sa pakiramdam!

Pigil hininga kong pinapanuod yung todong paglapit ng katawan ni Daniel habang nakaipababaw siya sa akin.

“May asawa ka ba talaga o sinasabi mo lang na may asawa ka para di ka magalaw?”

Kitang-kita ko ang sarili ko sa cctv na hindi makapag function ng maayos dahil sa sinabi niyang iyon. Sobrang lapit ng mukha niya at pinipigilan niya akong magpumiglas mula sa pagkakakulong ng katawan ko sa kanya.

“Gago ka ba? Hindi naman yata tamang gawing biro ang pagkakaruon ng asawa para gamitin kong excuse ’yun! Nagiisip ka ba?” inis kong tugon dito at ewan ko, parang nakita ko ang sarili ko na maiiyak na sa ginagawa niya sa akin, “Saka ano ba? Pwede ba! May kailangan pa akong gawin kaya paalisin mo na ako kundi sisipain ko ’yang bayag mo ng matauhan ka.”

“Gawa,” hamon nito. Kita sa recording ang ginawa kong buong lakas na pagkawala sa kanya matapos tumunog ang phone ko. Dahil ito yung time na tumawag si Berto sa akin. Nagtaka pa ako nito bakit nasa parking lot nalang ’yon bigla at siya ang susundo sa akon.

Pero ang akala kong tapos ng recording, ay hindi pa pala. Napalunok ako sa takot ng makita kong tumayo si Daniel mula sa pagkakatulak ko sa kanya at binasa ang labi niya. Niluwagan nito ang suot niyang necktie at ngumisi na nagpakilabot sa akin kasabay ng mga salitang,

“May araw ka din sa akin, Sunny. Makukuha din kita kahit magpakipot kang lintik ka.”

Hindi ko namalayan na tapos na magplay yung recording at umiiyak na ako ng dahil sa takot at kahihiyan. Na kailangan ko pang makita uli yung ginawa sa akin ni Daniel at mapanuod din yun ni Mateo. Nakakahiya! Nakakadiri! Nandidiri ako sa sarili ko. Kung paanong matapos nu’n nagawa ko pang harapin si Mateo at gawin ’yung mga ginawa namin sa luob ng kotse niya na para bang walang muntikan na mangyaring ganuon sa akin at kay Daniel. Na para bang wala man lang akong respeto sa sarili ko at kay Mateo.

“Sshh, I’m sorry,” dinig kong sabi ni Mateo habang yakap niya ako ng mahigpit at inaalo dahil nag breakdown na pala ako sa harap niya. Hindi ko alam na isinantabi ko lang pala yung nangyari sa akin sa takot sa magiging reaksyon ni Mateo without even thinking kung ayos lang ba ako sa nangyari. May karapatan nga naman magalit sa akin si Mateo dahil hinayaan ko lang na mahawakan ako ng iba bukod sa asawa ko.

“Tesoro, I’m here. I’m not mad at you. I’m mad because of what he did to you. It’s not your fault,” sabi nito habang hinahaplos ang buhok ko at hinahalikan ang nuo ko. Siniksik ko ang sarili ko sa kanya na parang bata. Ni hindi ko nga namalayan paano pero nasa sahig na kami parehas at nakaupo.

“I’m mad because I wasn’t there during that time to protect you. I am your husband and yet, I failed to noticed what might have had happened to you yesterday. Hindi ko dapat inuna ang selos. I should have had noticed!”

“It took me almost a day before I even thought of that worthless man doing something to you yesterday before we met at the parking lot. I should’ve listened to my gut because there shouldn’t be just nothing for you to cry like that last nightin the middle of the night. I’m sorry if I scared you earlier. I was just… I mean, maybe . Maybe you’re right. I was mad at you for hiding something serious like this to me, that you were assaulted by that douche bag. It’s not your fault you experienced something like that but you should’ve told me. I am your husband, Tesoro . I am here to share whatever with you, whatever both of us will experience, whether good or bad just like our wedding vows, right?”

Tumango ako habang umiiyak pa rin dahil despite of what I’ve thought na mangyayari between us once na malaman niya yung tungkol sa ginawa sa akin ni Daniel, it was the total opposite of those things. Mateo was so understanding and dependable at times like this na akala ko ipagtatabuyan niya ako. Na akala ko ako ang sisisihin niya kahit na hindi ko naman ginusto ang ginawa sa akin ng kumag na iyon.

Marahan niyang pinunasan ng kamay niya ang mga luha ko habang nakatitig sa akin. Like I am a very delicate being. Na parang anytime mababasag ako sa harap niya which nagpakilig sa akin but at the same time kinainis ko rin. Lalaki pa rin naman kasi ako ’no! Hmmp, na para bang disney princess ang atake ko at siya yung villain prince charming ko. Oo, villain kasi naiinis ako sa kanya super, soafer sweet niya. Dapat nagsusungit na ito ngayon eh! Hmmp!

“ Tesoro ,“ saway nito ng bigla akong nag iwas ng tingin habang naka pout sa kanya.

“Ano?” masungit kong tugon.

“No matter what, I am your husband. Tell me everything from now on. Good or bad. No more hiding anything to me, alright?”

“Okay,”

“Say it. Say it to my face, tesoro, “ marahan niyang iniharap ang mukha ko sa kanya.

“Promise,” sabi ko habang nakatitig sa kanya.

“I love you,” biglaang sabi nito na kinagulat ko. Ngumiti siya. A genuine smile. Bago pa ako may masabi sa kanya bigla niyang kinabig ang batok ko at siniil ng halik ang mga labi ko. Napaungol ako. It was warm and intimidating at the same time the way he claims my lips.

“I love you too,” tugon ko ng panandalian akong makawala sa kanya.

“Nope, I love you more. I wouldn’t let go of you unless you’re the one to asks me to.”

Sabi niya bago ako muling angkinin ng mga labi niya. That , that’s the second time I heard that line from him. I wonder why, but until then, until I find out the meaning behind those words, hindi rin ako papayag mawala siya sa akin. I love this man to death.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.