loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Room We Once Left (BL)

The Room We Once Left (BL)

Kijarasen · 2 chapters · 1,364 words

Prologue

*

Three long years. In span of that time, Rafael and Sebastian, two discreet gay people have shared their love with each other only to end up hurting and broken.

One night of mistake and in just a snap, the three years relationship has come to an end.

Ang mahirap pa ro’n ay walang paliwanag. Walang closure. Hindi pinaglaban na para bang tinanggap na lang talaga na hanggang doon na lang ang kwento na inaasahan nilang may magagandang kabanata.

Katulad ng sugat, naghihilom rin ang sakit na dulot ng kahapon. Ngunit kung kailan natanggap na ni Sebastian ang nangyari sa kanila ni Rafael ay bigla naman itong magpaparamdam.

Paano na makakausad si Seb kung nandiyan na naman ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon? Handa na ba siyang magpatawad at pakinggan ang paliwanag ni Rafael o tuluyan niya nang sinarado ang puso para sa taong minsang naging dahilan ng kasiyahan niya?

CHAPTER 1

Sebastian’s POV

I sat on the corner of my bed as I watched Milo packed his things unto his black lether backpack.

“Hindi na ba talaga kita mapipigilan?” I joked.

Huminto siya sa ginagawa at saka lumingon sa akin. Tumawa pa ang loko.

“Padadaldahan na lang kita ng sapatos kapag nasa US na ako,” biro pa ng loko.

I will definitely gonna miss this guy. Sa tatlong taon ko sa Winchester University, siya ang kasama ko sa dorm. Since first year hanggang ngayong thirrd year na kami, I was sharing this tiny space with him. He’s one of my closest friends.

“Huwag ko lang talaga mababalitaan na babalikan mo iyang kupal mong ex, Seb. Dahil kapag nalaman ko iyon, uuwi agad ako ng Pinas para batukan ka lang.” Seryoso siya. Bukod kasi kay Megumi na kaklase ko at bestfriend ko, siya lang ang mga taong napagkekwentuhan ko sa amin ni Rafael.

“Don’t worry, Milo. That won’t gonna happen,” I assured him.

Rafael was my ex-boyfriend. Tatlong taon din kami. He was my first boyfriend. My first love. Hindi ko itatanggi na mabuting tao si Raf. Maasikaso siya. Maalahanin. Magaling magluto at talaga namang gwapo. Medyo makati lang kasi nagpakamot sa iba.

“So, paano ba ’yan? Until we meet again, dormmate?” nakangiting wika sa akin ni Milo.

Tumayo ako at niyakap siya. “Thanks for everything, Milo. Mamimiss ko ang pag-aasikaso mo sa akin lalo na sa tuwing nalalasing ako,” natatawa kong sambit sa kaniya.

“Kaya nga huwag ka nang mag-inom at huwag na huwag mo nang iiyakan ulit iyang kupal mong ex,” sagot niya nang humiwalay sa pagkakayakap sa akin.

I shed the tears that formed around my eyelids.

“Tara na bago pa tayo magkaiyakan dito,” dagdag ko pa.

I helped him with his luggages. Kinuha ko ang isa niyang maleta at hinatid siya palabas ng dormitory. When we reached the gate of the Winchester University, pumara na si Milo ng Taxi. Tumulong din ako na ilagay sa compartment ang mga gamit niya.

“Ingat,” paalam ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at saka tumango. “Keep in touch through messenger, Seb. Goodluck in your studies!”

Pumasok na siya ng taxi. I waved him goodbye as I watched the car drove away.

May bigat din sa dibdib ko dahil matagal kong kasama si Milo sa loob dorm. Hindi siya mahirap pakisamahan. We never had an argument about the food and the things we need to share as dormmates. Kahit magkaiba ang program namin dahil educ student ako at engineering siya, hindi kami nahirapan pakisamahan ang isa’t isa.

I hope he will grow in states. I know he will.

Mag-isa akong bumalik ng male’s dormitory. I sat on the corner of my bed and roamed my eyes around the whole room. The bed on the other side of this room is now empty. Nakakalungkot lang na mag-isa na ko ngayon rito. Since Milo is gone now, the empty space is up for rent. I hope the new tenant will be as good as Milo.

Nasa kalagitnaan ako nang pagmumuni-muni nang may kumatok sa pinto. I stood up and walked straight to the door. Binuksan ko ito.

“Good morning, Sebastian,” bati sa akin ni ate Nelia, ang landlady ng dormitoryo.

“Magandang umaga rin po,” sambit ko.

“Nakaalis na ba si Milo?” tanong niya na sinagot ko naman nang pagtango.

“Sayang naman at hindi man lang ako nakapagpaalam sa bata na ’yon,” malungkot niyang komento. “Anyway, ipapaalam ko lang sa ’yo na ngayon ding araw darating ang bago mong roommate. Welcome him, huh?”

Ngumiti lang ako at tumango. Pagkaraan noon ay nagpaalam na rin sa akin si ate Nelia. Sinara kong muli ang pinto at saka bumalik sa kama ko.

Friday ngayon at wala akong schedule kaya buong araw lang ako ngayon rito sa dorm. Tinatamad akong lumabas kaya itutulog ko na lang siguro ang buong araw ang kaso lang ay ngayon daw darating ang bagong tenant. Maabala ako sa pagpapahinga. Kainis.

Nagpasiya na lang ako na maglinis ng kwarto. Nasa kalagitnaan ako nang pagwawalis nang may kumatok na naman sa pinto.

Siya na kaya ’yan? Ang aga niya naman.

Binitawan ko ang walis tambo at saka pinagpagan ang sarili. Nakakahiya namang humarap sa bago kong roommate na ganito ang itsura ko. Aga-agang mukhang maasim.

Muling kumatok ang tao mula sa labas. Teka! Nagmamadali?

Pinihit ko ang seradura nang pinto at saka nakangiting binati ang tao mula sa labas, “Good morning—” pero nahinto ako nang mapagtanto kung sino ito. “Priston? Anong ginagawa mo rito?”

Itinaas nito ang hawak na paper bag upang iabot ito sa akin. “Tanggapin mo. Slice yan ng tiramisu cake. Gawa namin kanina. Sana magustuhan mo,” nakangiti niyang sambit sa akin.

Tinanggap ko ’yon sa kaniya.

“Aalis na rin ako. I just went here to give you that.” So nice of him.

Ginulo niya muna ang buhok ko bago tuluyang umalis. Paborito niyang ginagawa sa akin ’yan. Sina-sabotage niya talaga ako para walang ibang magkagusto sa akin. Para magmukhang limliman ng ibon ang buhok ko!

Priston is a Hospitality Management student. Ka-batch ko, third year. Crush ’yan ng bayan kahit nabalita nang bisexual e hindi pa rin naging dahilan ’yon ayawan siya ng mga kababaihan. Sino ba naman kasi ang hindi magugustuhan ang isang Priston? Chinito. Singkit. Matangkad. Tapos ang laki pa ng katawan dahil dating member ng Varsity team. Kung uhaw lang ako sa pag-ibig ay pinatulan ko na si Priston pero hindi pa ko handa ulit magmahal. Hindi ko pa kayang buksan ang puso ko sa bagong tao. Hindi pa nga naghihilom ang mga sugat nito. Kailangan ko munang ipahinga. Kaya kung gusto niya talaga ako, matuto siyang maghintay.

Simula noong umamin siya sa akin, mas naging showy siya sa nararamdaman niya. He’s care-free of being who he really is. Alam niya ang mga ginagawa niya bilang tao. Napaka-boyfriend material talaga ni Priston pero hindi ito ang tamang pagkakataon para magmahal. Hindi pa. Kaya kahit nasa kanya na lahat ng mga katangiang hinahanap ko sa isang lalaki, kung hindi pa ko handang magmahal ulit, hindi ko pipilitin ang puso kong tanggapin siya. He doesn’t deserve love from someone who hasn’t moved on from his ex yet.

Bumalik ako sa ginagawa at ginawang abala ang sarili para nang sa gano’n ay makatulog na lang mamaya pagkayaring mag-lunch.

I was shining my black shoes when couple of knocks ehoed from the front door. It must be the new tenant.

Ibinaba ko ang hawak na sapatos at basahan saka dali-daling nagtungo sa pinto.

I composed myself and showed the brightest smile I could do.

Huminga muna akong malalim bago binuksan ang pinto.

My jaw dropped upon seeing the guy standing in front of me.

He’s wearing his casual long sleeves polo paired with slacks and black shoes. His hair was brushed up neatly. A small smile was printed on his face. Sa mga mata ko noon, sobrang gwapong-gwapo ako sa kaniya dahil sa bihis niyang napaka-professional ngunit sa pagkakataong ito, all I could feel is hatred. Nainis ako bigla dahil sa nakita ko.

“Hi roommate!” masiglang bati niya sa akin.

Nagsalubong agad ang mga kilay ko dahil sa mga sinabi niya.

“What the fuck, Rafael?” sambit ko.

Anong roommate? Siya ang bagong makakasama ko rito sa dorm? Seriously? My new roommate is my ex? Really?

•••


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.