The Runaway Virgin (Campbell University Series 3)
CengCrdva · 14 chapters · 11,693 words
The Runaway Virgin
—
TO UNDERSTAND THE STORY, PLEASE READ THE FIRST AND SECOND BOOK OF THE CAMPBELL SERIES PARA MAIWASANG MA-SPOIL AT HINDI MASYADONG MAGULO. I SUGGEST NA SUNDIN ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG LIBRO SA SERYENG ITO.
—
BAWAL ANG MAARTENG MAMBABASA SA LIBRONG ITO. CLICHE, MABABAW, MARAMING MALING GRAMMAR AT TYPO
.
WALA NA
PO
AKONG BALAK I-EDIT ANG KWENTONG ITO DITO SA WATTPAD.
SALAMAT SA MGA NAKAINTINDI AT NAGPATULOY.
—
Campbell Series 1 : The Unforgettable Ex
Campbell Series 2 : Midnight With A Virgin
Campbell Series 3 : The Runaway Virgin
Campbell Series 4 : Her First And Lust
All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.
This book is a work of fiction. All names, characters, locations and incidents are products of the author's imaginations. Any resemblance to actual persons, things, living or dead, locales or events is entirely coincidental.
It also contains strong language, sexual scenes and references from the outset and throughout.
(R-18) Read at your own risk
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

2017 ©
CengCrdva
All rights reserved
# CHAPTER 1
Chapter One
B
eatrice Loi Cazares
"Maawa ka sa 'kin, please!"
Takot na takot kong sigaw sa lalaking ngayon ay nakaupo sa silyang nasa harapan ko.
Umalingawngaw ang boses ko sa loob ng isang malaking abandonadong building na'yon.
Nakagapos din ang aking mga kamay sa kahoy na upuang kinalalagyan ko. Ang mga paa ko naman ay magkadikit na nakatali rin ng puting lubid.
Madilim ang lugar na 'yon at hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng lalaking ngayon ay kaharap ko.
Isang bumbilya ng ilaw lang kasi sa gitna namin ang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng lugar.
"Pakawalan mo na ako parang awa mo na!"
Tuluyan ng tumulo ang luha ko.
I'm scared. Takot ako sa kung anong gagawin niya sa'kin.
I don't wanna die!
Naramdaman ko pa ang pag nginig ng katawan ko dahil sa takot.
Pero ang kaharap ko'y hindi man lang natinag.
Nanantiling madilim ang aura niya pero alam kong ang pares ng mga mata niya ay nakatutok lang sa'kin.
"Hindi mo ba ako naririnig?! Ano bang kailangan mo sa'kin?"
May halong pag nginig ang boses ko.
"Pera? Wala ako ni kahit isang kusing pero gagawa ako ng paraan pakawalan mo lang ako."
Pagpapatuloy ko.
Taas baba parin ang dibdib ko. Hindi ko na rin kasi mapigilan ang pag-iyak ko.
Mabilis na kumabog lalo ang dibdib ko ng makita ko siyang tumayo at dahan dahang naglakad papunta sa kinauupuan ko.
Pinilit kong tanggalin ang mga kamay ko sa pagkakatali pero bigo ako. I'm helpless.
Masyadong mahigpit 'yon at kahit yata tao ay hindi na kayang tanggalin ang pagkakatali nito maliban nalang kung gagamitan ng matalim na bagay.
Wala akong ibang kayang gawin ngayon kundi ang umiyak ng umiyak.
Nang mapadaan siya sa dilaw na ilaw sa gitna namin ay nakita ko ang kabuuan niya.
Napaawang ang labi ko.
Siya? Hindi! Bakit siya? Anong kailangan niya sa'kin?
Kahit galugurin ko ang kabuuan ng utak ko ay hindi ko maintindihan kung bakit nandito ako sa harapan ng lalaking 'to.
May kung anong sakit ang pilit na kumurot sa dibdib ko.
"What do you fuckin want from me?!"
Lumapit pa siya hanggang sa marating na niya ang pwesto ko.
Inilagay niya ang kanyang magkabilang kamay sa arm rest at bahagyang bumaba ang mukha para pantayan ang akin.
He smell so freakin good but his eyes were burning with anger na hindi ko malaman kung ano ang dahilan.
Isang impit na iyak ang lumabas sa bibig ko ng mahawakan niya ang pisngi ko.
"I want your virginity."
Walang emosyong sabi nito.
"No!"
Sigaw ko sa kanya at inilayo ang mukha ko.
Tumawa ito ng malakas bago muling sumeryoso at hinawakan ang panga ko.
Pero this time mas madiin. May galit at poot. Pakiramdam ko ay madudurog ang bungo ko kung magtatagal pa ang hawak niyang 'yon.
"You don't have any choice Beatrice. Wala kang karapatang tumanggi."
Ngumisi pa ito ng nakakaloko.
Hindi rin nawala sa mga mata niya ang galit at kagustuhang saktan ako.
Gumalaw ito at marahas na hinila ang upuan ko papunta sa ilalim ng nagiisang ilaw sa lugar. Pagkatapos ay lumuhod siya sa harapan ko.
May dumaloy na kuryente sa katawan ko ng mahawakan niya ang paa ko. He is now freeing my feet sa pagkakatali.
"No... P-please no..."
Parang wala itong naririnig sa mga sinasabi ko.
Nang matanggal na niya 'yon ay tinignan niya muna ang mga mata ko bago hinaklit at pinunit ang puting damit na suot ko.
"Parang awa mo na..."
Hagulgol na sabi ko.
Nagpatuloy lang ito sa kanyang ginagawa. Nang mapunit na 'yon ay sinuri niya ang kabuuan ko.
Lumapit pa ito sakin bago sinimulang halikan ang bibig ko.
"Ah- no!"
Isang agresibong halik na para bang puno ng hinanakit.
Para niya akong pinaparusahan sa ginagawa niya pero wala akong magawa.
"Diba ito naman ang gusto mo?!"
Matapos niyang sabihin 'yon ay ibinaba niya naman ang bra ko. He is now caressing my breast.
"P-please!"
Patuloy na pagmamakaawa ko.
Mali ang ginagawa niya. Mali ang parusahan niya ako ng ganito.
Pero bakit pakiramdam ko ay nag-iinit ang katawan ko sa ginagawa niya?
Bumaba ang halik niya sa leeg ko habang ang mga kamay niya naman ay patuloy parin sa pag pisil sa dibdib ko.
"God."
Mahinang usal niya na dinig na dinig ng tenga ko.
Napa-arko ang katawan ko ng maramdaman ko ang mainit niyang labi sa tuktok ng dibdib ko.
Pero sa ginawa ko ay parang mas lalo lang itong ginanahan. He encircled his tougue on my nips ng paulit ulit. Leaving no dry skin.
I can hear his mouth sipping his own sweet saliva on top of my breast.
I gripped both of my hands to the arm rest na para bang nawawala na sa sarili.
This can't be! God no! Ni hindi ko na siya kilala at ni hindi ko alam ang rason kung bakit niya 'to ginagawa sa'kin ngayon.
Napatingala pa ako ng maramdaman ko naman ang isang kamay niyang kumakapa sa ibaba ko.
"Please s-top it!"
But still, he didn't listen.
Pinagpatuloy niya lang ang ginagawa niya.
Sa bawat pag galaw niya ay parang nagugustuhan naman 'yon ng katawan ko. It felt weird.
Kahit naman nagka boyfriend na ako ay hindi ko parin isinusuko ang pagkababae ko. After all these years, damn!
Napaungol ako bigla ng idiniin niya ang isang kamay niya sa ibabaw ng long skirt na suot ko kasabay ng pagkagat niya ng kaunti sa dibdib ko.
"Ahh!"
Napapikit din ako ng mariin.
Gosh! Hindi 'to pwede. Bakit parang sumasang ayon ang katawan ko sa bawat pag galaw niya?
Bakit parang bawat haplos niya ay nanghihina ako?
Bakit bawat halik niya ay nalulunod ako?
Bumalik lang ang panic ko ng maramdaman kong hinila niya pababa ang skirt ko at agad na inilihis ang underwear ko.
Pinaghiwalay niya pa ang aking magkabilang hita gamit ang isa niyang kamay.
He's gonna rape me!
He is going to fucking steal my virginity for real!
Sinubukan kong gumalaw at magpumiglas dahilan para ma-out of balance ito at mapaupo sa sahig.
Nang idilat ko ang mata ko ay nakatiim bagang na ito at bahagyang ngumisi kasabay ng pag tingin niya sa katawan ko.
Hindi ko namalayang nakabukaka pala ako sa harapan niya.
Biglang nakaramdam ulit ng init ang katawan ko. Agad kong pinagsalikop ang binti ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.
"You're exciting Beatrice."
His husky voice made my heart beats fast once again.
Nakita ko ang pag tayo niya ulit at ang mabilis niyang pag lapit sa'kin.
"No!"
# CHAPTER 2
Chapter Two
Campbell International University
Unang araw ko palang dito pero pakiramdam ko'y natutunaw na ako. Paano ba naman kasi? Lahat ng mga nakakasalubong ko ay masama at matalim ang pagkakatingin sa'kin.
As if like I was an outcast. Sinuri ko ang kabuuan ko. Wala namang mali sa suot ko. Parehas lang naman ito sa mga suot ng halos lahat ng nakikita ko.
Magkaiba ba ang pagkakatahi ng uniform ko kesa sa kanila? O baka naman mumurahing sinulid ang ginamit ng sastre sa uniporme ko hindi katulad ng sa kanila na mamahalin?
I don't care. Nandito ako para mag-aral hindi para intindihin sila.
Dumiretso ako sa isang bench doon at umupo. Maaga pa naman kasi para sa unang klase ko. Gusto ko lang talagang tignan kung maganda ba talaga dito.
Dati kasi ay natatanaw ko lang ito sa tuwing papasok ako sa St.Mary's tapos ngayon heto na! Abot kamay ko na!
Gusto kong lumundag sa tuwa habang nakaapak ako sa bermuda grass ng Campbell.
Pasipol sipol pa ako habang iniimagine ang magiging takbo ng araw ko.
Napawi lang ang tuwang 'yon ng may isang grupo ng babae ang lumapit sa bench na inuupuan ko.
"Excuse me miss morena chick whatever, but this is our spot. You can leave now."
Nakataas ang kilay na sabi ng babaeng payat at halos buto na ang katawan.
Hyperbole.
Ito ba ang trend dito sa campbell? Ang paunahang maging bungo?
Luminga ako sa paligid. Sinuri ko ang upuang kinauupuan ko. I don't see any name or palatandaan man lang na it belongs to a corpse.
"Excuse you miss, but is this your bench? Because I don't see any signages that says reserved..."
Nanlaki ang mga mata ng tatlo pa niyang kasamang babae sa pagkabigla dahil sa tinuran ko.
Nalipat ang tingin ko sa kanila. Totoo nga, ito nga ang trend!
Confirmed!
Bulong pa ng utak ko.
Papaano kasi ay halos iisa lang ang katawan nila.
Akala ko pa naman mayayaman ang mga nag-aaral dito. Pero bakit sa hitsura nila ay parang wala na silang makain?
Napabalik ang tingin ko sa nasa gitnang babaeng nagpapaalis sa'kin. Nakita ko ang inis sa mukha niya.
"Are you fucking kidding me right now?! Do you know who I am?"
Pinaglandas pa niya ang kanyang kamay sa harapan niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Hindi ko alam kung paano biglang dumami ang tao sa paligid namin. Pakiramdam ko ay laman na kami ng mga bulong bulungan rito.
"Do I need to know you? Ikaw ba ang Dean ng campbell?"
Narinig ko ang pagtawa ng isa pa niyang kasama na mas lalong ikinainis ng bangkay na nasa harapan ko.
"Shut up, Seika!"
Singhal niya sa babaeng African American ang mukha.
Kahit na maitim ang kulay nito ay bakas parin sa mukha niya ang pamumutla ng mapagsabihan ng babaeng parang leader ng grupo nila.
Bago pa man ito muling nagsalita ay tumayo na ako. I don't want to cause any trouble. Ito ang first day ko sa Campbell kaya iniiwasan ko talaga ang madawit sa kahit na anong eskandalo.
"Enjoy the bench."
Pangaasar ko rito bago ko sila iniwan kasama ng mga nagkukumpulang chismosa doon.
Narinig ko pa ang mga hiyawan ng taong nakapaligid sa'min bago ako nakaalis ng tuluyan.
Now, where am I going? Eh iisa nalang yung bench na 'yun. Tinignan ko ang hawak kong libro. Nakasingit kasi doon ang schedule ko for this semester.
Sana nga nakasingit din dito kung sino ang mga dapat kong kaibiganin. Or kung nasaan silang parte ng malawak na ground ng eskwelahang 'to. I sighed.
Ibang iba ang campbell sa private catholic school na pinanggalingan ko. Masyadong malaki ang university na 'to kumpara sa St.Mary's.
Iginala ko ang paningin ko. Mayroon isang malaking soccer field sa bandang kaliwa at sa kanan naman ay ang napakalawak na golf course.
I wonder kung kasama ba 'yon sa P.E namin? Ni badminton nga ay sablay ako eh. Ang golf pa kaya?
Ang sabi pa ay may sariling palasyo at stadium ang university! How cool is that?!
Naglakad ako sa kabilang side ng school hanggang sa matanaw ko ang maraming hilera ng bench na nasa ilalim ng mga malalaking puno. Napuno ng tuwa ang dibdib ko. Sa wakas mayroon narin akong pagtatambayan.
Patakbo kong pinuntahan ang nasa gitnang bench at pasalampak na umupo doon.
"Finally!"
Masayang bulong ko.
Inilabas ko sa aking bag ang cellphone ko at doon nakita ko ang goodluck text sa'kin ni Elvira.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng maalala ko siya. Ngayon lang kasi kami nagkahiwalay. Simula ng kindergarten ay classmate ko na ito maliban lang ngayon dahil sa ibang university ito mag-aaral.
Kagaya ko rin si Elvira na hindi mayaman pero ng makakuha ako ng ninety percent scholarship dito ay napagdesisyunan na ng mga magulang kong dito ako pag-aralin.
Si Papa ay nagtatrabaho sa isang mining company sa abroad at ang Mama ko naman ay teacher sa isang public school.
Noon pangarap ko lang ang makapag-aral dito kaya naman pinag-igihan ko talaga ang exam para lang makakuha ng scholarship.
Paano kayang magkaro'n ng mayayamang kaibigan? Gano'n din kaya ang trato nila sa'kin? O kagaya nung mga haliging nagpaalis sa'kin kanina?
Bahala na nga. Susubukan kong maging mabait sa abot ng aking makakaya.
Ilang minuto pa ang dumaan bago ko marinig ang isang malakas na bell. Napadilat ako at agad na inayos ang aking sarili. Naku! Ayokong malate sa first class ko!
Kinuha ko ang libro kung saan nakasingit ang schedule at room ko.
"Second floor."
Natatarantang bulong ko at agad na umibis papunta doon.
"208..."
Basa ko sa number na nasa taas ng itim na malaking pintuan.
Itinulak ko 'yon at nakahinga ako ng maluwag ng makitang iilan palang ang tao rito.
Malakas ba yung pagbubukas ko ng pinto? Bakit lahat sila ay nakatingin sa'kin? What is wrong with these people? I feel like a criminal.
Tahimik akong umupo sa dulong upuan. Mas okay na dito para naman makalayo ako sa mga mapanuring mata ng mga taong 'to.
Inilapag ko ang mga librong hawak ko sa desk ko at pakunwaring binuksan 'yon. Habang nagbabasa ako ay napupuno naman ng tao ang silid. Ni wala man lang nag lakas ng loob na tumabi sa'kin.
Ugh. Inangat ko ang kamay ko at pasimpleng inamoy ang underarms ko. Hindi naman ako mabaho, nangingibabaw pa nga yung clinique happy kong perfume na padala ni Papa eh.
Napailing nalang ako at ibinalik ang mga mata ko sa librong nasa harapan ko.
Ilang minuto pa ay tumunog na ulit ang bell ng school kasabay ng pagsalampak ng upo ng kung sino sa tabi ko.
Amoy na amoy ko ang matapang pero mabangong pabango niya. Nag angat ako ng tingin at doon ko nakita ang isang lalaking nakasuot ng gray na hoodie. Nakatungo lang siya na para bang walang pakialam sa paligid.
Hindi ko rin makita ang mukha niya dahil natatakpan 'yon ng suot niyang jacket.
Napaikot ang mata ko. Sa dinami rami ng upuan bakit ba dito pa siya umupo? Hay! Akala ko may makakausap na ako.
Don't worry Bea, first day palang naman 'to.
Pagpapaalala ng utak ko.
Itiniklop ko na ang libro ko at nakinig nalang sa mga usap usapan sa paligid. Halos lahat ng nasa loob ng silid na 'to ay may kanya kanyang kausap maliban sa'ming dalawa.
Napasulyap akong muli sa pwesto niya. Kahit na nakaupo ito at nakasuot ng jacket ay nakikita ko parin ang mabukol na biceps niya.
Sigurado akong athlete ang isang 'to dahil malapad rin ang kanyang pangangatawan.
Napaigtad ako ng upo ng lumingon ito sa'kin. Mabilis naman akong naglayo ng tingin at tumalikod sa kanya.
Damn! Bea, masyado ka kasing obvious!
Luminga ako sa paligid na para bang walang nangyari. Bakit ba kasi ang tagal ng professor namin? Nakakainis naman eh. Aral na aral na kaya ako.
"Is this your first day here?"
Narinig kong sabi ng lalaking katabi ko.
Ako ba ang kinakausap niya? Dahan dahan akong lumingon sa kinaroroonan niya.
Napalunok ako ng makita ko ang kabuuan ng kanyang mukha.
He has a deep set of almond eyes na para bang nakakaliyong titigan. His eyebrows are thick at ang kanyang pilik mata ay parang mas mahaba pa kaysa sa'kin. Yung labi niyang mapula na para bang ang lambot at ang sarap halikan.
Nakita ko ang bahagyang pagpasada ng kanyang dila sa gitna ng kanyang labi. Damn! Parang gustong tumakbo ng puso ko pauwi dahil sa lalaking kaharap ko.
"Are you talking to-"
"Yes."
Masungit na putol niya sa susunod pang sasabihin ko.
"Hindi ba first day of school ngayon? So yeah this is my first day here."
Sarkastikong sagot ko habang pinipigilan parin ang kung anong weirdong kilos ko.
"That explains..."
Tinanggal na niya ang tingin sa'kin at humarap sa white board.
"That explains what?"
Usisa ko sa kanya.
Magsasalita pa sana ito pero pumasok na ang professor namin. Nagsitayuan ang lahat kaya naman wala na itong nagawa kundi ang sundin ang nakararami.
Matangkad pala talaga siya kagaya ng hinala ko. Pakiramdam ko ay mas naging unano ako sa tabi niya. Papaano ba naman kasi, hanggang balikat lang ako ng lalaking 'to.
Sa height kong five foot and four inches lang ay mas lalo akong nanliliit sa kanya.
Pagkatapos ng greetings ay bumalik na ulit kami sa pagkakaupo.
Nagbasa lang ng syllabus ang unang matandang professor namin at pagkatapos ay nag dismiss din agad ng klase.
Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko ng makita ko ang lalaking katabi ko na nagmamadaling naglakad papunta sa pintuan.
"Hoy!"
Sigaw ko sa kanya ng makalabas kami sa hallway pero hindi ito napigil sa paglalakad.
Malalaki ang hakbang niya kaya naman mas binilisan ko pa ang paglakad ko.
Hay! Ano ba 'to? Bakit ko nga ba siya sinusundan? Oo tama! Yung sinabi niya kanina. Ano nga 'yun?
I am staying close to his back kaya naman ng huminto ito ay napasubsob ako sa likod niya at nabitiwan ang mga librong dala ko.
His hard warm back na para bang bato sa tigas.
Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa kahihiyan.
"Why are you following me?"
Pasupladong tanong nito sa'kin. Nakipagtitigan naman ako sa kanyang matalim na mga mata.
Mabuti nalang at wala ng masyadong studyante sa hallway kung hindi ay tuluyan na talagang masisira ang araw ko.
"N-nothing..."
Nauutal na sabi ko.
Siguro kung nakikita ko lang ang guardian angel ko ngayon ay malamang naka face palm ito.
"Then stop following me."
Naglakad na ito papalayo sa pwesto ko.
Hmp! Sungit!
Mabilis kong pinulot ang mga librong nalaglag sa sahig ng matapos 'yon ay tumayo na ako.
Mga limang dipa na ang layo namin sa isat-isa. Napatigil nalang ako ulit sa paglalakad ng makita kong huminto siya at lumingon ulit sa'kin.
Napayakap ako sa librong hawak ko. Jeez! Hindi ko naman na siya sinusundan eh. Kasalanan ko bang ito din ang daan sa pupuntahan ko?
"Fix yourself."
Nakakunot noo niyang sabi pagkatapos ay sumulyap sa dibdib ko.
Bastos! Naitaas ko ng wala sa oras ang hawak kong libro patakip sa aking dibdib.
Hindi na ako nakasagot pa dahil naglakad na ulit ito papalayo sa'kin.
Sinulyapan ko ang tinutukoy niya and there i see my uniform's logo placed upside-down! Oh God!
So kanina pa pala ganito ang logo ko? Napapikit ako sa sobrang pagkadismaya.
Unang una pa naman sa rules ng Campbell ay galangin ang uniform. Kaya siguro gano'n nalang ang pagtingin ng mga taong nakakasalubong ko kanina.
All I am hearing right now is a
"tsk"
word repeatedly. Sa dami ng nakakita sa'kin ay hindi imposibleng mapatawag ako sa guidance office anytime soon!
This school is also built like the big brother's house. Sa kada sulok at kanto ay mayroong naka install na cctv.
Patay!
I now declare that this day is absolutely a big flunk!
# CHAPTER 3
Chapter Three
Second day
"Ano ba, Bea! Bilis bilisan mo na at hinihintay ka na ni Pierre!"
Sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko.
"Opo, Ma! Saglit na lang!"
Nakakainis kasi 'tong si Pierre eh!
Ang usapan namin alas onse tapos bigla bigla nalang magtetext na on the way na siya, eh mag aalas otso y media palang ng umaga.
Si Pierre ang pinaka-close kong lalaking pinsan sa lahat. Ngayong umaga kasi ay ihahatid niya ako sa Campbell bago siya dumiretso sa school niya.
Matanda si Pierre ng dalawang taon sa'kin at ngayon ay nasa second year college na sa kursong arts and sciences. He wants to become a lawyer someday kaya naman pinag-iigihan niya talaga ang pag aaral.
Kapatid ni Papa ang Mama ni Pierre at anim na street lang ang layo ng bahay nila sa bahay namin dito sa Brighton subdivision.
Nagmamadali kong kinuha ang aking shoulder bag at patakbong bumaba sa first floor ng bahay namin.
Nakangisi pa ito ng makita akong natatarantang pumanhik sa baba.
"Ma alis na kami."
Paalam ko kay Mama na nagluluto ng almusal.
"Eh teka, mag breakfast muna kayo."
"Hindi na po Tita nagmamadali po si Bea."
Natatawang singit niya.
"Kay Camila nalang 'to, Ma. Ipabaon mo na lang. Nag toothbrush narin ako, eh. Sige po alis na kami."
I peck a kiss on my Mom's cheek.
"Tita mauna na po kami."
Paalam naman ni Pierre.
"Kainis!"
Sabi ko sa kanya kasabay ng pagrolyo ng mga mata ko.
"Aba! Ikaw na nga 'tong ihahatid, ikaw pa 'tong naiinis diyan."
Reklamo niya ng makalabas na kami ng bahay.
"Ang aga aga pa Pierre! Ano na namang gagawin ko sa Campbell ng ganito ka aga. Nakakainis ka talaga!"
Padabog kong binuksan ang pintuan ng pulang kotse niya at pasalampak na umupo sa front passenger's seat.
Umibis naman ito at sumakay sa driver's seat.
"You can go with me if you like..."
Napalingon ako sa kanya pero nakatutok na ang mata nito sa daan.
"Really?!"
Paninigurado ko.
Biglang nawala ang inis ko sa kanya. Kung sabagay, curious din ako sa kung anong meron sa Roehampton University.
Balita ko kasi na hindi lang magaganda at gwapo ang mga estudyante doon, kundi mga elite din. Roehamptom was my first choice pero ng mauna kong makuha ang scholarship ng Campbell ay doon na ako nag-enroll.
"Why not."
Sinulyapan nito ang kanyang relo.
"Anong oras ba ang klase mo? Baka makaistorbo ako sa'yo?"
Umiling si Pierre.
"Nine thirty. So ihahatid nalang kita sa Campbell?"
Baling nito sa'kin at balik ng tingin sa daan.
"Ah, hindi! Mapilit ka eh, kaya sasama na ako sa'yo. Eleven pa ang first class ko."
Nag slouch ako ng upo sa kanyang sasakyan na para bang walang pakialam kung magusot ang suot kong royal blue na uniform.
"Hindi na ihahatid na kita sa-"
"Shh! Go drive. Just drive Pierre!"
Pagputol ko sa sasabihin niya pagkatapos ay agad kong nilakasan ang tugtog sa kanyang sasakyan.
Natatawa nalang ito. Dise otso na si Pierre pero ni minsan ay hindi ko pa nakikitang mayroong girlfriend ito. Gwapo si Pierre dahil siyempre may halong Cazares ang dugo niya.
Marami nga ang nagagalit sa'kin sa St. Mary's dahil ang akala ng karamihan ay boyfriend ko siya. Maraming babaeng naiinggit sa'kin lalo na yung mga babaeng nagkakagusto sa kanya.
Pierre is a genius. Siya ang president ng student affairs sa St.Mary's at pati narin ang math club. He's like the handsome geek that every girls go gaga over. Pero ni minsan ay hindi man lang nito binanggit ang salitang love sa'kin. Siguro nga ay focus lang talaga siya sa kanyang pag-aaral.
Maya maya pa ay nakarating na kami ni Pierre sa Roehampton University.
"Okay lang ba talaga?"
Kinakabahang tanong ko rito.
Eh kasi naman eh, nakauniform pa ako ng Campbell ngayon.
"Of course, You're with me."
Kumindat pa siya sa'kin na para bang kumpiyansang kumpiyansa sa sarili.
Of course, siya rin lang naman ang nag-iisang presidente ng student affairs office sa Roehampton.
Tinanggal ko na ang seatbelt ko at lumabas ng kotse. Sinabayan ko siya sa paglalakad. Kagaya rin sa dating eskwelahan namin, mga matatalim na titig ang sumalubong sa'kin hindi lang dahil sa suot kong uniform kundi dahil sa kasama kong si Pierre.
Maya maya pa ay nakita ko na sa hindi kalayuan ang mga kaibigan niyang sila Albie.
Si Albie ay galing din sa St.Mary's kaya kilala ko ito. Tatlong lalaki pa ang kasama nito na nasa puting lamesang semento at mahabang pabilog na upunan sa grounds ng Roehampton.
"Bea! Long time no see! Lalo ka yatang gumanda, ah."
Malawak ang ngiting sabi ni Albie ng makarating kami sa pwesto nila.
Pakiramdam ko ay uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
"Bolero ka talaga, Albie!"
Natatawang sabi ko rito at tumabi ng pagkakaupo sa kanya.
"I'm just telling the truth."
Dagdag pa nito.
Bago pa man umupo si Pierre ay ipinakilala na ako nito sa tatlo pang lalaking kasama ni Albie.
"This is Dewie, Kurt and France."
Napukol ang tingin ko sa huling lalaking tinawag niyang France.
"Guys this is Beatrice, my cousin."
Pagpapatuloy ni Pierre.
Hindi naman sa pagiging makilatis pero palagay ko ay mas lumamang ito ng mga isang tabo at kalahati ng paligo kay Pierre.
Kung ang pinsan ko ay tall, dark and handsome. Itong France naman ay boy next door type of guy!
Isa-isa kong inabot ang mga kamay nila. Nakaramdam lang ako ng ilang nang mapabaling na ako kay France. Parang nakaramdam ako ng kuryente sa katawan ko ng maglapat ang mga kamay namin.
"Nice to meet you!"
Nakangiting sabi nito.
"Nice to meet you too..."
Pinisil niya ang kamay ko ng akmang babawiin ko na 'yon.
Napatingin silang apat sa'ming dalawa ni France. Nakipagtitigan ako sa kulay asul niyang mata.
"Ehem!"
Tikhim ni Pierre kaya naman binitiwan na nito ang kamay ko.
"Lambot ba bro?"
Nang-aasar na sabi ni Albie.
Magsasalita pa sana ito pero tinitigan sila ng pinsan ko ng isang matalim na tingin.
"Sabi ko nga eh... So, kumusta ang Campbell Bea?"
Pag-iiba ng topic ni Albie habang si Dewie at Kurt naman ay pinipigilan narin ang pagtawa.
Umupo na ang pinsan ko sa tabi ni France na para bang binabantayan ito.
"O-Okay lang naman so far."
Pagsisinungaling ko.
I know hindi talaga naging maganda ang kinalabasan ng first day ko kahapon.
Gusto kong takpan ang mukha tuwing naaalala ang baliktad kong logo. Mabuti nalang at nakita ko si Manang Pising kagabi kaya naman naipabago ko pa ang lahat ng uniporme ko sa kanya.
"Any boys?"
Panguusisa ng pinsan ko.
"No!"
Mabilis na tanggi ko.
Hanggang tingin lang ako sa kanila kung meron man. Kagaya nalang nong lalaking tumabi sa'kin kahapon. Gusto kong manliit. Oo nga at maganda ako pero hindi ako mayaman kagaya ng lahat ng tao sa Campbell.
"Good..."
Napatingin kaming lahat kay France. Hindi parin nawawala ang pagtitig nito sa'kin.
"Good?"
Kunot noong tanong ko.
"Ang ibig niyang sabihin Beatrice ay pag-aaral muna raw ang atupagin mo."
Pagdedepensa ni Dewie kay France.
"No boys."
Segunda naman ni Kurt.
Bakit ba ganito makatingin 'tong si France sa'kin. Naiilang na tuloy ako. Pakiramdam ko ay may mali na naman sa suot ko o kung may dumi ba ako sa mukha ko.
Isang bell ang tumunog at umalingawngaw sa buong ground ng Roehampton. Tumayo na si Pierre, Kurt at Dewie.
"Mauna na muna kami, see you after an hour."
Sabi ni Pierre sa'min sabay tango naman sa'kin.
"Albie, ikaw nang bahala rito."
Tumango nalang rin ang huli.
Bakit si Albie? Pwede namang ako?
"Akong bahala Mr. President!"
Natatawang sabi pa nito pagkatapos ay nagpapalit palit ang tingin sa'min ni France.
What the hell.
"See you later Bea!"
Paalam naman ni Dewie. Tumango naman si Kurt.
"See you!"
Kumaway pa ako sa mga ito.
"So Bea marami bang magaganda sa Campbell?"
Gusto kong matawa sa mukha ni Albie.
Paano ba naman kasi, parang kumikinang pa yung mga eyeballs niya habang naghihintay ng sagot ko.
"I guess..."
Ano bang gusto niyang malaman? Kung ano ang trend sa University ko? The skeleton trend?
"What do you mean I guess?"
Naguguluhang tanong nito habang ngumunguya ng chips na nasa harapan namin.
Napatingin ako kay France pero hindi naman ito mukhang interesado sa mga sasabihin ko.
"I think some of them are just too skinny. Do you prefer skinny girls over a fine one?"
Mabilis na umiling ito.
Sinulyapan ko si France na nakasandal lang sa nasa harapang upuan ko. Does he prefer the kawayan type of girl?
"No."
Maiksing sagot niya.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Jusko naiintriga ako sa mga mata niyang napakaganda. Ngayon lang ako nakakita ng isang mukhang french model na mayroong blue eyes!
"Do you want something Bea? Nauuhaw kasi ako eh. Pupunta lang ako sa cafeteria."
Tanong ni Albie.
"Water nalang Albie. Thank you!"
"Noted. Ikaw bro?"
Baling nito kay France.
"Wala, busog na ako."
Sabi nito sabay tingin ulit sa'kin.
Nagkibit balikat nalang si Albie at umalis na sa harapan namin.
Ilang minuto pa ang lumipas pero walang nagsasalita sa'ming dalawa. Palinga linga lang ako sa paligid habang sinisipat ang mga taong dumadaan sa harapan namin.
Ayoko namang kunin ang cellphone ko. Pakiramdam ko kasi ay nakakabastos ang gano'n.
"Business management din ba ang kinukuha mo?"
Pagbasag ko ng katahimikan sa pagitan namin.
"Yes. How about you?"
"Tourism."
Sagot ko rito.
"I see."
Silence again.
Ano ba 'to. Asan na ba si Albie! Napaka-awkward na kasi eh. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makita ko itong papalapit na sa kinaroroonan namin.
"So, how's it going?"
Tanong nito sabay abot sa'kin ng bottled water.
# CHAPTER 4
Chapter Four
Tiklop
"Cazares, Escarcega, Fanfilo..."
Sunod sunod na tawag ni Mr. Fajardo sa mga surnames namin.
Siya ang professor namin sa subject na statistics at ngayon nga ay inaayos ang seating arrangements namin.
Parang gusto kong tumakbo papalabas sa silid na 'yon ng makita ko ang paglapit ng lalaking masungit na nakatabi ko last time.
I walk towards my seat at ganun din ito.
What the heck? Siya ba talaga ang magiging seatmate ko? Ugh! He's still wearing a jacket pero this time ay red ang suot niya.
Parang wala talagang pakialam sa mundo itong lalaking 'to. Uupo na sana ako pero bago 'yon ay nagtama ang mga mata namin.
Agad naman itong nag-iwas na para bang isa lang akong pader sa kanya. Nakakainis!
Pasalampak akong umupo sa upuan ko habang patuloy parin ang pag-aayos ni Mr. Fajardo.
Matapos 'yon ay pumunta na itong muli sa harapan para umpisahan ang klase.
Habang nagtuturo si Mr. Fajardo ay hindi ko naman mapigilang hindi sulyapan 'tong katabi ko.
Hindi naman siya nakatingin sa'kin pero bakit parang naiilang ako?
Nakita kong nilalaro niya sa kanyang kanang kamay ang kanyang itim na ballpen na para bang nag-iisip ng kung anong isusulat sa papel na nasa ilalim nito.
Napasulyap ako kay Mr. Fajardo na may kung anong isinusulat sa white board.
Right! Sa kakausisa ko sa lalaking 'to ay hindi ko napansing quiz na pala ang isinusulat ng matanda.
Escarcega...
Bulong ng utak ko.
I think I heard it somewhere pero hindi ko na matandaan kung saan, kanino at kailan.
Matapos ang quiz na 'yon ay nagturo pa ito bago natapos ang araw ng klase. Pakiramdam ko ay natuyo na ang utak ko dahil sa dami ng pinaparesearch ng iba pang mga professors.
Napaigtad ako ng mapansin kong mabilis na tumayo at lumabas ang katabi ko na para bang walang nangyari.
Agad ko namang kinuha ang mga gamit ko at sinundan siya. Bakit ba parang wala man lang siyang kaibigan dito? Tapos parang palagi siyang nagmamadali?
Lumiko ito sa kaliwang hallway at tinunton ang hagdan papunta sa rooftop ng building one.
Napakapit ako sa mga librong dala ko habang patuloy na sumusunod ang mga paa ko sa kung saan siya pumunta. Kahit nakakaraming steps na kami ay mabilis parin ang paglakad niya. Samantalang ako ay hapong hapo na.
Napangiti ako ng matanaw ang liwanag ng pintuang nakabukas palabas ng rooftop. Tahimik ang lugar at para bang siya lang ang nakakaalam at pumupunta rito.
Nakita niya kaya ako?
Bigla akong kinabahan sa naisip ko. Bakit ko ba kasi siya sinusundan!
Kahit anong pagalit ng utak ko ay hindi ko naman mapigilan ang sarili kong hindi siya sundan. Para bang naging tila isang magnet ako at siya naman yung refrigerator. Isang gwapo at malamig na ref.
Pagliko ko sa kaliwang side ng rooftop ay hindi ko na siya natanaw. Napakunot ang noo ko. Wala naman siyang ibang pinuntahan kundi dito ah. Imposibleng-
"Ah!"
Sigaw ko ng may naramdaman akong isang kamay na humila sa'kin.
"Why are you following me!"
Para akong sinukluban ng langit at lupa ng makita ko ang nagngangalit niyang panga.
"M-me? F-following? You?"
Putol putol na sagot ko.
"Are you fucking deaf or just plain stupid?"
Inis paring bulyaw nito sa mukha ko bago bitiwan ang kamay ko.
"I-im sorry..."
Nakayukong sabi ko rito.
Kasalanan ko naman talaga eh. Bakit ba kasi sinusundan ko siya. Nagmukha tuloy akong stalker.
"Why?!"
"I don't know. I just want to see kung saan ang hide out mo?"
Hindi siguradong sabi ko rito.
Kahit na hindi parin maipinta ang mukha niya ay nananatiling gwapo ito sa paningin ko.
Bea, ano? Gwapo lang tiklop kana?!
Inis na pang-aasar ng utak ko.
Napabaling muli ang tingin ko sa kanya ng tumawa itong parang naloloko sa sinabi ko.
"Ano bang gusto mo huh?!"
Napaatras ako ng lumapit ito sa'kin.
Pero hindi ito huminto kaya naman nagpatuloy lang ako sa paglayo hanggang sa wala na akong mapuntahan. Nasa dulo na ako ng rooftop na 'yon.
"I-i said
I
'm sorry..."
Natatakot na sabi ko.
Bakit ganito?
Bakit parang siya ang kryptonite ko?
Napapikit ako ng hawakan niya ang pisngi ko at dahan-dahang ini-angat papunta sa direksiyon niya.
"Open your eyes."
Utos nito sa'kin. Ayoko siyang sundin pero parang may sariling isip ang katawan ko.
My heart beats fast as I opened my eyes. I instantly saw his handsome face gazing at me. Jeez!
I'm melting. Hindi ko maramdaman ang mga tuhod ko. Naghihina ako.
Napapikit akong muli ng makita ko ang mukha niyang pababa.
Papunta sa'kin.
God! Eto na ba? Dito na ba mangyayari yung first kiss ko? Sa lalaking 'to? Sa rooftop na 'to? Ngayon na-
Naputol ang lahat ng 'yon ng maramdaman ko ang mukha niyang umiwas at pumunta sa kaliwang pisngi ko. I opened my eyes.
"I don't know you and
I
don't wan
t to
see you again
!
Get the hell out of here kung ayaw mong kaladkarin kita pababa ng rooftop na 'to."
May halong hinanakit at galit sa mga binitawan niyang salita.
Para akong tanga sa mga iniisip ko. Bakit ba kasi naisip ko pang hahalikan niya ako?
Itinulak ko siya palayo at tumakbo palabas sa lugar na 'yon. Ang hina ko. Pinilit kong tumakbo hanggang sa makarating ako sa ground floor.
Wala na akong pakialam sa mga estudyanteng nakatingin sa'kin habang pupungas-pungas akong bumaba ng hagdan.
Habol ko ang aking paghinga ng makakapit ako sa isang poste doon.
Bakit ganun?
Kahit na kasi takot na takot ako ay parang gusto ko parin siyang sundan. Gusto kong malaman kung bakit? Hindi ko forte ang pagiging chismosa pero naiintriga ako sa kanya.
Babalik ako.
Babalik ako sa rooftop!
# CHAPTER 5
Chapter Five
I like you
"Bea, kumilos ka na diyan at may bisita ka."
Malakas ang boses na sabi ni Mama.
Sino namang bibisita sa'kin? Eh ang pagkakaalam ko ay sabado ngayon? Nakakainis naman oh!
Tamad na tamad akong umupo sa kama ko pagkatapos ay nilamukos ang mga matang ni ayaw pang tignan ang bagong umaga.
"Ate, bilisan mo na diyan."
Dagdag pa ng kapatid kong si Camila ng ngayon ay nasa may pintuan na ng maliit kong kwarto.
"Sino ba kasi 'yon?"
Inis na tanong ko rito.
Nakita ko ang pagkibit balikat niya na tanda na walang alam kung sino ang bisita ko.
"Basta lalaki."
Bulong niya pa.
Lalaki? Eh si Pierre lang naman yata ang alam kong lalaking maghahanap sa'kin?
Kahit na naguguluhan ay tumayo na ako at dumiretso sa aking puting tokador. Kinuha ko galing sa cabinet 'non ang aking itim na hairbrush at pinadaan ito sa hanggang bewang kong itim na buhok.
Pagkatapos 'non ay nagmamadali akong pumunta sa banyo para maghilamos at sipilyo.
Escarcega...
Bulong ng utak ko. Ugh! Bakit ba hanggang ngayon ay hindi ko parin nakakalimutan yung last name niya?
Bakit hanggang ngayon parang nakikita ko parin yung galit niyang mukha?
Hindi. Bakit ako umaasang siya ang bisita ko?
"Bea!"
Hiyaw ulit ni Mama.
"Pababa na po!"
Pinunasan ko ang basa kong mukha at pagkatapos ay dali-dali ng bumaba.
Nadaanan kong nagluluto ng breakfast si Mama. Pag daan ko ng sala ay nakita ko ang isang bulto na ayos na ayos na para bang aakyat ng ligaw.
Napahinto ako kasabay ng pagkunot ng noo ko. Siya?
"Anong ginagawa mo rito?"
Tanong ko sa kanya.
Tumayo naman ito ng mapansing nasa kanyang harapan na ako.
"Ah Bea.. Kasi,
I
thought na dito rin nakatira si Pierre?"
Nahihiyang sabi nito.
"Naku France, hindi. Teka tatawagan ko nalang si-"
"No!"
Maagap na putol nito sa kung ano pa mang sasabihin ko.
"H-ha?"
"Ah–Eh, ano.. Wag na. Ako na lang."
Napakamot pa ito sa ulo.
Ang weird talaga ni France. Noong nakaraang linggo ay napansin kong nakatitig na naman siya sa'kin noong isinama ulit ako ni Pierre sa school nila. Yung titig na para bang may gustong sabihin. Ewan ko ba. Ayokong mag-isip.
"Sige."
Sang-ayon ko rito.
"Kumain na muna kayo Bea. Kakatapos ko lang magluto."
Sabi ni Mama ng makalabas ito galing sa kusina.
"Ah Ma, kasi etong si France akala ay dito nakatira si Pierre."
Panimula ko.
"Ay Hijo, anim na kanto pa ang bahay ni Pierre simula rito. Pero kumain na muna kayo. O siya Beatrice, samahan mo nalang itong kaibigan ng pinsan mo sa kanila at baka kung saan pa mapunta."
Gusto kong matawa sa sinabi ni Mama.
Hindi naman talaga ganun kalayo ang bahay ni Pierre eh. Kung tutuusin pwede nga lang lakarin 'yon simula dito sa bahay.
"Naku, Tita 'wag na po. Baka nakakaistorbo na ako kay Bea."
Nahihiyang sabi nito.
Aba, dapat lang France! Day off ko ngayon eh. Dapat buong araw kong kasama ang kama ko. Sasang-ayon na sana ako pero muling sumagot si Mama.
"Wala ka rin namang gagawin ngayon Bea hindi ba? Samahan mo na 'to. Sige na kumain na muna kayo."
Hinila na neto ang mga kamay namin at iginiya sa kusina.
Nakahain sa mesa namin ang hotdog, itlog at daing na paborito ni Camila.
Napatingin ako kay France. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng hiya dahil sa ulam namin.
Alam kong mayaman ito at hindi ko alam kung kumakain ba ito ng kagaya ng pagkain naming mga mahihirap.
Sabay na kaming umupo. Maya maya pa ay umupo narin si Camila sa harapan naming dalawa.
Nagpalitan kami ng tingin ni Camila. Alam ko na ang nasa isip nito. Dahil siya lang ang nagiisang kapatid ko, wala akong ibang pwedeng sabihan ng mga taste at gusto ko sa isang lalaki kundi siya.
Umikot lang ang mata ko ng makita siyang kumindat sa'kin sabay ngiti ng nakakaloko.
Pinakiramdaman ko naman ang kilos ni France. Nang lumabas na si Mama sa hapag kainan ay iniabot ko na kay France ang sinangag na kanin.
Isang matamis na ngiti lang ang isinagot nito sa'kin sabay abot nito.
"Kumakain ka ba ng pagkaing pang mahirap?"
Pagbibiro ko sa kanya.
Isang ngiti ang rumehistro sa gwapo niyang mukha. Sumulyap pa ito sa'kin na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"Don't say that. Kumakain din naman ako ng hotdog at eggs."
Ipinasa na niya sa'kin pabalik ang kanin at pagkatapos ay iniabot ko naman sa kanya ang hotdog at itlog.
Pagkatapos niyang kumuha ay kumuha narin ako.
"Eh eto? Kumakain ka?"
Turo ko sa tuyo na nakalagay sa isang plato.
"Yeah."
Sabay kuha ng dalawang pirasong tuyo.
"Baka napipilitan ka lang ah. Teka, ano nga palang kailangan mo kay Pierre?"
Bumaling na ako sa pagkain ko. Nagsimula na kaming kumain.
"Ah, wala naman."
Napatigil ako sa pag-nguya at napabaling ulit sa kanya.
"Anong wala? Eh bakit mo siya hinahanap."
Kibit balikat kong tanong.
"I don't."
Sabi niya habang patuloy lang sa pagkain.
Mukha namang enjoy na enjoy siya sa pagkaing inihain ni Mama dahil parang hindi ako nito nakikita.
O baka naman gutom lang siya?
"Anong you don't? pwede ba 'yon? Pumunta ka pa dito para sa kanya tapos wala naman pala?"
Usisa ko.
Tinapos niya muna ang pagkaing nasa bibig niya at pagkatapos ay bumaling ng muli sa'kin.
"Bea, can we go out?"
Seryosong tanong nito sa'kin.
"Ehem!"
Malakas na tikhim ni Camila sabay salin ng tubig sa basong nasa kanyang harapan at dali-dali itong nilagok.
"Ah. France si Camila nga pala, kapatid ko."
Gusto kong tadyakan ang pagmumukha ni Camila dahil sa tinuran nito.
Wait. Go out? Eh talaga namang lalabas kami mamaya papunta kila Pierre ah.
"Hi."
Bati nito kay Camila at bumaling ng muli sa'kin.
"So?"
Tanong nito.
"Yes. Diba lalabas naman tayo papunta kila Pierre?"
Walang ideyang sagot ko.
"Ate!"
Sabay kaming napalingon ni France sa kapatid ko.
Isang matalim na titig ang ipinukol nito sa'kin na para bang pinapagalitan ako.
"Ano?"
Naguguluhang tanong ko.
"Go out. Meaning date! Diba Kuya France?"
Bale walang sabay nito.
Nanlaki ang mga mata ko. Date? Bakit? Anong meron? Teka, bakit alam ni Camila 'tong mga ganitong bagay?!
"At saan mo naman nalaman yan Camila?!"
Itinaas ko pa ang isang kilay ko para tarayan ang kapatid ko.
"Yun talaga 'yon ate! Ano ka ba?"
Pagalit ulit nito.
Pinunasan niya ang kanyang bibig at pagkatapos ay kinuha ang kanyang ginamit na pinggan. Inilapag niya ito sa sink.
Parang hindi pa napoproseso ng utak ko ang mga sinasabi nila.
Gusto akong i-date sa labas ni France? Eh hindi ba pang magkarelasyon lang ang 'ganon?
Sinulyapan ko si France at nakita ko ang dahan dahang pagtango nito.
"Why?"
Naguguluhang tanong ko.
Napasulyap ito sa kapatid ko na naghihintay ng sasabihin niya. Mukhang naintindihan ko naman kaya sumulyap ako kay Camila na iwan na muna kaming dalawa.
"I just want to know you."
Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Imbes na sumagot ay tumaas lang ang mga kilay ko na para bang naghihintay pa sa mga susunod niyang sasabihin.
"Because... I like you."
# CHAPTER 6
Chapter Six
Date
"Are you okay?"
Pag-aalalang tanong ni France.
Simula palang kasi ng pagpasok namin sa magarbong restaurant na ito ay samo't-saring kaba na ang nararamdaman ko.
I know. I'm not used to all these fancy dates pero hindi lang dahil doon kaya kumakabog ang dibdib ko. It's been a month simula ng sabihin niya sa'kin ang date at ang salitang gusto niya ako. Simula sa araw ding 'yon ay hindi na ako nilubayan ni France, kaya naman pumayag na rin akong makipag-date sa kanya.
"I'm okay."
Tipid na sabi ko saka nagpaskil ng isang ngiti.
Hindi ko nga alam kug ngiti ba 'yon o basta nalang umarko ang kaliwang bahagi ng bibig ko.
Nang makalapit na kami sa aming pwesto ay agad itong pumunta sa aking upuan at bahagyang iniawang iyon. Ikinumpas pa niya ang isang kamay para sabihing umupo ako. Lumapit ako sa isang crystal na silya at dahan dahang umupo doon.
Pagkatapos kong makaupo ay agad naman itong tumalima sa upuang nasa harapan ko.
"Thank you for giving me a chance to take you on this date Bea."
Sinserong sabi nito habang malalim ang mga matang nakatitig sa'kin.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y natutunaw ako sa maganda niyang mga mata.
The place was superb. Hindi ito 'yong typical na restaurant na nakikita ko. Ang mga upuan nila ay parang mga crystal na babasagin. The ambiance is really romantic. Lalo na ang isang grand piano na pinapatugtog ng isang lalaking pusturang pustura.
The chandeliers were dim and beautiful. Ngayon lang ako nakakita ng ganito sa tanang buhay ko. Para akong nasa isang napakagandang langit at napapalibutan ng mga kumikinang na bituin.
Napabalik nalang ulit ang huwisyo ko ng dumating ang dalawang waiter dala dala ang mga pagkain at wine para sa'min.
"Good
e
vening Sir, Ma'am."
Bati ng isa sa mga ito bago inilapag ang appetizer sa aming harapan.
"Caviar egg salad."
Nakangiting sabi pa nito bago kami iniwan. Ang isa naman ay sinalinan kami ng red wine sa aming mga baso.
"This is too much France. Pwede naman tayong sa fast
food lang eh."
Malumanay na sabi ko.
Mabuti nalang pala at isinuot ko itong itim dress na ibinigay niya kahapon. Balak ko pa namang isuot ay pants at simpleng blouse lang!
"No. I want this to be special. Ngayon mo nga lang ako pinagbigyang ilabas ka eh."
May halong hinanakit ang boses niya.
"Alam mo namang hindi ako sanay sa mga ganito. Tsaka, ang mahal dito France. I don't want you spoil me."
Sabi ko.
"Just let me, okay?"
Naramdaman ko ang pag hawak niya sa kanang kamay ko na nakapatong sa lamesa.
"I like you Bea. And
I
will do anything para lang sagutin mo ako."
Hindi nako nagugulat sa mga sinasabi ni France.
Simula palang naman na magkita kami ay alam kong iba na ang gusto nito sa'kin. He was like mesmerized by my presence everytime na pupuntahan ko si Pierre sa Roehampton.
"France.."
"I know. You're not ready for relationship. Kaya nga maghihintay ako diba? I will wait for you Bea."
Bahagya pa niyang pinisil ang kamay ko.
Isang ngiti nalang ang isinagot ko sa kanya. Nagsimula narin kaming kumain from appetizer to dessert. Pakiramdam ko ay sasabog na ang tiyan ko sa sobrang kabusugan.
Matapos ang dinner date naming 'yon ay inihatid na ako nito sa bahay.
"Thank you France."
Sabi ko rito ng huminto na ang sasakyan niya sa tapat ng gate namin.
"Anytime. So bukas nalang?"
Malawak ang pagkakangiting sabi niya.
"Bukas?"
Naguguluhang tanong ko rito.
"Susunduin kita bukas. Okay lang ba?"
"Ha? Naku wag na, ayokong maabala ka. Tsaka baka late na akong makauwi tomorrow. Marami pa kasi akong tatapusin para sa project namin eh."
Pagpapaliwanag ko.
"I'll wait for you. No but's or anything. Okay? Sige na. Good
night Bea."
Gusto kong matunaw sa mga ngiti niya.
Pakiramdam ko ay biglang humaba ang buhok ko ng mga seven inches!
Tumango nalang ako at tinanggal ang seatbelt na nakakabit sa katawan ko. I opened his car saka dali daling bumaba doon.
"Ingat ka. Thank you ulit.
..
"
Sabi ko habang nakadungaw sa bintana ng kanyang sasakyan.
Isang kindat nalang ang kanyang ginawa bago umalis sa harapan ko. I sighed ng hindi ko na makita ang kanyang sasakyan.
Bakit ganito?
Handa na ba ako?
Hindi ko alam kung paano ang dapat kong gawin. Paano ba dapat pag nililigawan ka? I never felt this feeling before. Nalilito ako. Kinikilig ako. I don't know what to act infront of him. Ugh! Should I ask Pierre's advice?
No! Baka sapukin lang ako nun!
Knowing Pierre, kahit na kaibigan pa niya si France ay alam kong hindi niya ito kukunsintihin o papaboran lalo na ngayong nanliligaw na ito sa'kin. Mas lalo pa nga yata siyang humigpit eh.
Naglakad na ako papasok sa loob ng bahay. Madilim na at alam kong tulog na si Mama at Camila. Dumiretso ako sa banyo ng aking kwarto para makapag-ayos. Maaga pa ako para bukas.
Landi o pag-aaral?
Kontra ng utak ko.
# CHAPTER 7
Chapter Seven
Perfect face
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko matapos marinig ang bell na hudyat ng break time. Buong araw na akong nandito sa Campbell. Sakop ko kasi ang buong araw dahil sa irregular na schedule ko.
"Bea! Ano tara?"
Masayang tanong ni Judith.
"Ha?"
Naguguluhang balik tanong ko rito.
Inayos ko na ang mga gamit ko at isinilid ang mga 'yon sa aking itim na backpack.
"Don't tell me nakalimutan mo? Di ba we will try the new coffee shop near Parissiene?"
Sabat naman ni Freya.
"Oh! Oo nga pala! Naku, sorry ha. Madami pa kasi akong tatapusin ngayon eh. I still have class at six. Next time nalang ako pwede?"
Hindi ko na naalala na may usapan nga pala kaming pupunta sa coffee shop na 'yon. Ngayon kasi ang opening ng Casa café.
"Ganun. O sige, basta nextime ha?"
Tinapik pa ni Freya ang balikat ko.
Sabay sabay na kaming lumabas ng classroom pero imbes na bumaba ako ay ang daan papunta sa rooftop ang tinahak ko.
Gusto ko ng umuwi pero may dalawa pa akong klase. Hindi pa nga ako nakakapag lunch eh. Ganito ba talaga kapag college? Parang kulang nalang sunugin ko na ng literal ang mga kilay ko!
Mas binilisan ko pa ang hakbang ko sa hagdan papunta sa rooftop. May isa't kalahating oras lang kasi ako para mag review sa susunod na klase.
Pagbukas ko ng mabigat na kulay gray na pintuan ay agad akong tumungo sa isang sulok ng lugar na 'yon. Binuklat ko ang libro sa world tourism at agad na nagbasa.
Lumipas ang isang oras na pagbabasa ko ay tinamaan nako ng katamaran. Siguro naman makakapasa nako nito.
Inilibot ko ang paningin sa rooftop na 'yon. Malawak at maraming mga halaman dito sa taas. Maliban sa magandang tanawin ay nakakaakit din ang kakaibang disenyo nito. Isa na ang mga makukulay na mga bulaklak na nakakorteng campbell sa gitna nito. Halatang alagang alaga ang mga 'yon.
Nakakarelax pala talaga dito. Malayo sa ingay ng mga studyante at sariwa ang hanging nalalanghap ko. Tsaka hindi lang pala sa sementeryo tahimik, dito rin pala. No wonder kung bakit dito tumatambay si Escarcega.
Escarcega...
Paguulit ng utak ko.
Parang hindi ko pa siya nakikita ngayon araw. Dapat may klase siya kanina pero wala siya.
Tumayo na ako pagkatapos kong iligpit ang mga gamit ko. Inayos ko rin ang palda ko at bahagyang pinagpag ang likuran nito bago naglakad lakad.
"Nandito kaya
'
yung mokong na 'yon?"
Bulong ko habang naglalakad sa kabilang sulok.
Halos naikot ko na ang malawak na rooftop na 'yon pero walang Escarcega akong nakita.
Bakit ko ba kasi hinahanap yung masungit na 'yun?!
Pagalit ng isang parte ng utak ko.
I sighed after I decided to head towards the door. Pero bago pa man ako makalabas ay nakita ko sa repleksyon ng glass wall ang isang lalaking nakahiga sa edge ng rooftop.
Bigla akong kinabahan dahil sa pwesto niya! Wala na ba talaga siyang ganang mabuhay? Bakit ba parang pariwara ang lalaking 'to!
Mabilis akong lumapit sa kinaroroonan niya para hatakin siya pababa ng edge. But my body stopped when I saw him peacefully sleeping. Nakaramdam ako ng matinding kaba habang tinitignan ang gwapo niyang mukha.
How come God created such a perfect face? Yumuko pa ako ng bahagya para makita ang kabuuan ng mukha niya pero parang mali yata ang ginawa ko. Lalo lang kasing bumilis ang tibok ng puso ko.
Bea... kalma!
Sinuri ko ang mukha niyang hindi nakakasawang tignan. Yung mata niyang medyo singkit, yung ilong niyang matangos tapos yung lips niyang mapula na parang ang lambot lambot.
Masarap kaya siyang humalik? Ilang babae na kaya ang nahalikan niya?
Ipinilig ko ang ulo ko dahil bigla naman akong nakaramdam ng inis! Ang swerte naman ng mga babaeng 'yon!
"What the fuck?"
Nakadilat ang isang matang parang nasisilaw sa mukha ko ang bumungad sa'kin.
Halos mapatalon pa ako sa gulat dahil sa biglaang pag gising nito.
Napaatras ako ng bahagya at siya naman ay iritadong umupo at bumaba sa kinahihigaan niya.
"It's you again?!"
Galit na sabi nito.
Patay! Bakit ba kasi ang laki ng galit sa mundo nitong taong 'to? Pati tuloy ako nadadamay! Mas mabuti pang tulog nalang siya eh! Parang ang bait bait niya. Tapos ang gwapo niya pa-
"Are you really stalking me?!"
Pagpuputol niya sa mga hinaing ko.
"No!"
Mabilis na sagot ko.
Talaga namang hindi eh! Ano siya artista? Mabuti sana kung kamukha siya ni Adam Levine no! Pero kasi... Mas gwapo siya dun eh!
"Then why are you here?!"
Consistent ang boses na sabi niya.
"Bakit ba kasi diyan mo naisipang mag muni-muni?! Alam mo bang delikado diyan? Paano nalang kung nahulog ka, nauna yung ulo mo. Tapos namatay ka. Konsensiya ko pa!"
Inis na sabi ko.
Pakiramdam ko ay nag-iinit na naman ang pisngi ko. Hindi dahil sa galit, kung hindi dahil sa lalaking nasa harapan ko.
"And why do you care?! You don't know me at hindi ko balak na kilalanin ka. So stay away from me. Naiintindihan mo?! O gusto mong tagalugin ko pa?"
Parang may kung anong matalim na bagay ang tumusok sa dibdib ko.
The way he acted. It's like I did something bad to him. Parang ang laki laki ng kasalanan ko sa kanya. Gusto ng tumulo ng mga luha ko pero kinagat ko nalang ang pang-ibabang labi ko para pigilan ito.
"You're right! You don't know me kaya wala ka ring karapatang magalit sa'kin ng ganyan. No wonder na wala kang kaibigan dahil diyan sa pangit mong ugali!"
Pasigaw kong sabi sa kanya at mabilis siyang tinalikuran.
Nakakatatlong hakbang palang ako pero naramdaman ko ang mahigpit niyang paghawak sa kanang kamay ko. Yung hawak na sobrang diin. Nasasaktan ako.
"Ano ba! Let me go!"
Mariing sabi ko sa kanya pero mas lalo pa niyang hinigpitan 'yon.
"Wala kang alam sa'kin, sa buhay ko at sa mga kaibigan ko. Wala kang alam Cazares."
Gusto ko ng manginig sa takot dahil sa tinuran niyang 'yon.
The way he said my surname. Parang may pagbabanta.
Fucking hell! Ano ba kasing ginagawa ko rito? Gusto ko lang naman talagang mag-review!
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad niyang binitawan ang kamay ko at dali-daling umalis sa harapan ko.
Napangiwi nalang ako habang nakahawak sa kamay kong hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang higpit ng pagkakahawak niya. Pakiramdam ko ay nadurog ang mga buto at ligaments ko!
Teka,
Kilala niya ako?
# CHAPTER 8
Chapter Eight
Last class
Pinipilit kong itago ang kamay ko sa aking white longsleeves na uniform pero tuwing nasasagi ito ng tela ay napapangiwi nalang ako.
Inirolyo ko ulit pataas ang aking uniform para tignan ang kanina'y hawak ni Escarcega.
Namamaga na ito at ang kaliwang parte pa nga ay nagkaroon na ng pasa.
Daig ko pa tuloy ang nakipag-away o naipit sa elevator nito! Nakakainis. Bata palang talaga ako ay madali na akong magkapasa. Konting umpog lang at hampas ay namumuo na kaagad ang dugo dito.
Malapit ng magsimula ang klase kaya naman inirolyo ko na ulit ang uniform ko para takpan ito. Pero bago pa man natapos 'yon ay napansin na ito ni Gabriel.
"Bea, anong nangyari diyan?"
Pag-aalalang tanong nito kasabay ng paglapit sa kinauupuan ko.
"Bakla ka! Wag kang maingay wala 'to. Naipit lang sa elevator kanina."
Pagsisinungaling ko.
Nakakainis, ang ingay talaga nitong baklitang to.
"Weh?!"
Ismid na tanong niya.
Bigla ko nalang nahila si Gabriel ng makita si Escarcega na papalapit na sa'min.
Damn! Seatmate ko pa nga pala 'tong mokong na 'to!
"Sige na bakla, mag-aral na tayo. Doon kana."
Pagtataboy ko rito.
"Punta na kaya tayo sa clinic? Baka kung ano na yan! Tara na samahan kita."
Hinawakan pa nito ang kamay ko na nagpahiyaw sa'kin.
"Aww! Bea,
I
'm sorry!"
Pinilit kong ngumiti pero gusto ko na siyang murahin at saktan sa sakit.
"Mamaya nalang after class Gab. Okay?"
Mabuti naman at hindi na ito nangulit pa.
Pumunta na ito sa kanyang upuan at dali-daling nilabas ang kanyang face powder.
Napailing nalang ako habang nakatingin sa pala-pulsuhan ko. Pakiramdam ko'y kasabay ng pagpintig ng pasa ko etong puso ko.
Inayos ko ang aking pagkakaupo bago sinipat ang katabi ko. Mabuti nalang pala at nakasaksak sa tenga niya ang earphones niya. Kung hindi ay baka hindi lang ito ang matanggap ko.
Mabilis na natapos ang klase namin. Alas siyete y media ay saktong nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay sabay naman kaming lumabas ni Gabriel para pumunta sa clinic.
Kakapit palang ako sa braso ni Gabriel ng may humila sa kaliwang kamay ko papalayo dito. Halos natulala naman ito kaya hindi na ako nito nahabol.
Mabilis ang mga hakbang niya habang ako ay magkanda dapa-dapa na. Pagtingala ko ay siya ang nakita ko.
Bakit? May nagawa na naman ba akong hindi maganda? Sasaktan na naman ba niya ako?
"Where are we going!"
Inis na sabi ko habang patuloy na nagpapadala sa kan'ya.
Wala man lang akong nakuhang sagot bagkus ay mas binilisan pa niya ang lakad niya.
I know exactly where we're going.
Rooftop.
Halos hikain ako bago kami makarating dito. Naramdaman ko ang pagbitaw niya sa kamay ko at saka lumabas ng tuluyan papunta sa rooftop.
Nalilito man ay parang may sariling isip ang mga paa ko ngayon. Sinundan ko siya hanggang sa huminto na ito. Dahil gabi na ay parang isang paraiso ang lugar na 'yon.
Ang mga glass hanging lamps na ngayon ay nakabukas ang siyang nagbibigay liwanag sa rooftop. Ang kaninang mga halaman ay may sarili naring ilaw na nakapalibot sa nakasulat na campbell. It was like a dream paradise na sobrang tahimik at romantic.
Pero teka, bakit ba ako dinala ng lalaking 'to dito? Ano na naman bang problema niya?
Napaigtad ako ng humarap siya sa'kin at lumapit ng kaonti.
"Show me your hand."
Sabay turo ng tingin sa aking kamay.
"Bakit? Wala 'to. Sige na uuwi nako."
Iwas ko.
Ano? Ganun ganun nalang? Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to. Kung hindi lang siya gwapo ay kanina pa ako nagsisisigaw dito at hindi nangyari ang lahat ng ito.
Hahakbang na sana ako paalis pero nagsalita pa ito.
"I-i'm sorry..."
Mahinang bigkas niya na ibang iba sa pagkakakilala ko sa kanya.
Nang humarap akong muli ay nag-iwas na siya ng tingin.
"Okay lang. Sige. Mauna nako."
Ayoko ng makipagtalo pa sa kanya.
Kasalanan ko rin naman eh. Pinakialaman ko pa siya kanina. Dapat hinayaan ko nalang siyang mahulog! Hay! Nasa huli talaga ang pagsisisi.
Mabilis ang hakbang ko pababa sa lugar na 'yon. Hindi ko na hinintay ang iba pa niyang sasabihin. Wala rin akong yapak na narinig sa likuran ko kaya alam kong hindi ako nito sinundan. Napatingin ako sa relo ko. Mag aalas otso na! Naku si France nga pala.
"Huy! Bea!"
Tawag sa'kin ng isang baklitang boses.
Paglingon ko ay si Gabriel nga ang tumawag sa'kin. Sinabayan niya ako sa paglalakad sa malawak na ground ng Campbell.
"Anong nangyari ha? Magkwento ka naman! Bakit ka kinaladkad ni Seve!"
Parang uod na nilagyan ng asin niyang tanong.
"Seve?!"
Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Oo! Ano ka ba. The famous Sebastien Fraser Escarcega!"
Pahiyaw pa niyang sabi.
"
K
ilala mo si Escarcega?"
Gulat na tanong ko.
Eh syempre malamang classmate namin 'yun! Pero famous?! Bakit hindi ko yata kilala yun. Sa sinabi niya ay bigla akong naintriga.
Hinatak ko si Gabriel sa isang bench doon at saka inilabas ang chips na binili ko pa sa tindahan ni Aling Silbya bago ako pumasok.
"Sakto gutom nako!"
Galak na sabi pa nito.
"So?"
"So ayun na nga, siya lang naman ang panganay na anak ng multi
m
illionaire na Escarcega! May kapatid pa siya si Stefan, dalawang taon lang ang agwat nila na kumukuha ng kursong business ad sa building
three
. Pero bakla, realtalk! Mas gwapo si Seve! Kaya kung ako say
o...
teka, bakit ba ko nagke-kwento? Hindi mo ba siya kilala?"
Pagsasalaysay nito habang ngumunguya ng chips na bigay ko.
Napapikit pikit ako. Para akong nalula sa sinabi niyang multimillonaire! So talaga nga palang may karapatan siyang hindi pansinin ang mundo. Sa yaman naman pala nila ay nakabili na siya ng sarili niya.
"Magtatanong ba ako if
I
have any idea about that guy?!"
Masungit na sabi ko.
Napasandal nalang ako sa bench.
"Eh bakit ka sumama dun? Hindi mo naman pala siya kilala! Marerape ka sa ginagawa mo. Hindi porket gwapo bibigay ha!"
Pagalit nito sa'kin.
"Ang dami mong
sinabi Gab
!"
Bahagya ko pa siyang hinampas sa balikat.
"Pero ang dami kong nakuhang information sayo within ten seconds ha. Yung totoo? Stalker ka ng mga Escarcega?"
Natatawang litanya ko.
"Hay, bakit ba hindi mo sila kilala? Ganito kasi 'yon, magkasosyo ang pamilya namin at ang mga Escarcega sa ibang business. Bata palang ako nun ng magising ang puso ko kay Stefan."
Kilig na kilig na pagke-kwento ni Gabriel.
"Nakakaloka ka! Kaya pala hindi mo
binabanggit si
Stefan. Pero di
'
ba sabi mo famous si Seve? Eh bakit parang wala naman siyang kaibigan?"
Tanong ko.
Nakita ko ang paghinto ni Gabriel ng pagkain at ang pag-iwas ng tingin nito sa'kin.
"Gabi na pala Bea. Uwi na tayo?"
Pagiiba niya ng usapan.
"Sabihin mo muna Gab. Sige na..."
Hinawakan ko pa ang isang kamay niya.
Isang malalim na buntong hininga ang ginawa niya bago ako muling hinarap.
"Secret lang natin 'to ha. Huwag mong sabihing ako ang nagsabi sa'yo kahit na kanino pa man promise?"
Inilahad pa niya ang kanyang hinliliit sa'kin.
"Pinky promise..."
Bulong ko rito.
# CHAPTER 9
Chapter Nine
Secrets
Nakatitig lang ako ng seryoso kay Gab habang hinihintay ang kung anong rebelasyong ilalabas ng bibig niya.
"Last year ay namatay ang tatlong matalik na kaibigan ni Seve dahil sa multiple car accident. Simula noon ay hindi na ito palaging sumasama sa kahit na kanino. He pushed everyone out of his life. Tumigil din ito sa pag-aaral kaya ngayong pagbalik niya ay wala na talaga siyang halos kilala rito. Lalo na ngayon na irregular pa ang schedule niya."
Natutop ko nalang ang bibig ko dahil sa pagkabigla.
"B-but, how does it happened?"
Gab looked at me blankly. Para bang hindi niya nakuha ang tanong ko.
"The accident. What happened that day?"
I asked him again.
"Well, I'm not an investigator or something pero based on rumors, Seve and his friends supposed to go to baguio for a stroll of their new fancy sports cars pero hindi siya nakasama on time dahil may klase pa siya. Ang sabi eh susunod daw ito pero bago pa man matapos ang klase niya... the tragedy happened."
A sad face follows his story.
I feel bad. Pakiramdam ko ay nawalan din ako ng kaibigan base sa kwento nito. I can't help myself but to sigh with misery.
Kaya naman pala loner si Escarcega. I don't blame him for isolating himself from everyone. Ang mawalan nga ng isang malapit sayo ay sobrang hirap na. Paano pa kaya yung tatlo?
And it's really my fault kaya siya nagalit kanina.
Tama nga siya. Hindi ko siya kilala. At sa sitwasyon niya ay alam kong sobrang mali ang mga nasabi ko sa kanya kanina.
I'm so reckless!
Mali na sinabi ko ang parte tungkol sa kaibigan. Nasapo ko nalang ang noo ko habang naaalala ang mga nangyari kanina. I deserve this bruise. Kung alam ko lang sana. Hindi sana ako naging pakialamera.
"Uy! Okay ka lang? Huwag na huwag mong sasabihin yan sa iba ha! Sasabunutan talaga kita!"
Isang pilit na ngiti ang isinagot ko kay Gab.
I still can't believe it. Gusto kong maawa kay Seve pero alam kong hindi dapat. Sa personality niya ay hindi tamang kaawaan siya.
"Marami pa akong ikukwento sa'yo pero gutom nako Bea. Can we just go home now?"
He pleaded.
Tumango nalang ako at sabay na kaming tumayo sa bench para lisanin ang lugar na 'yon.
Napasulyap ako sa relo ko at alas otso na ng gabi. Papalabas palang kami ng university pero ang gwapong mukha at magarang kotse na ni France ang unang nasulyapan ko.
Damn! I forgot about this guy!
"Bea!"
Mabilis itong nakalapit sa amin ni Gab.
Halos malaglag ang panga ni Gabriel dahil sa kaharap namin ngayon.
"France."
Nahihiyang sagot ko.
"Akala ko umuwi kana. Mabuti nalang at naghintay pa ako ng konti."
Nakangiting sabi nito.
Si Gab naman ay palipat lipat ang sulyap sa aming dalawa.
"Sorry! Nakalimutan ko France. May ginawa pa kasi kami ni Gab."
Pagsisinungaling ko.
"By the way Gab this is France, France si Gab classmate ko."
They shook hands pero si Gabriel ay parang na estatwa sa ginawa nito.
"May project ba kayong tinapos?"
France asked.
"Yeah."
Siniko ko pa si Gab para segundahan ang kasinungalingan ko.
Kelan pa ako natutong magsinungaling ng ganito?!
Kunsensya ng utak ko.
"A-ah eh, oo France. Marami kaming project ni Bea. Escarce-"
"Scarcity project!"
Pagpuputol ko sa baklitang Gabriel.
Pinandilatan ko pa siya ng mata. That humanda-ka-sa'kin look!
"Y-yun! O sige mauna na ako sainyo ha. Bye Bea, France. Take care of Miss Rapunzel! See you tomorrow!"
Kindat pa nito sa'kin.
Rapunzel? Haba ng hair ganon?! Baliw na talaga siya.
Natatawa nalang si France habang papalayo sa'min si Gab. Nang wala na ito ay kinuha niya ang mga librong hawak ko.
"How was your day?"
He asked.
Magkapantay kaming naglalakad papunta sa kanyang dilaw na sasakyan. It's a sportscar na bagay na bagay naman sa kanya. They're matched. Parehas silang maporma. The gwaps car nga kumbaga.
"I'm good. Medyo marami lang nangyari. "
Naalala ko na naman si Seve.
How am I supposed to forget that? Pakiramdam ko nga ay hindi ako makakatulog ngayong gabi dahil sa dami ng mga nangyari.
"How about yours?"
Tanong ko rito.
Habang nagsasalita siya ay lutang parin ang isip ko. Hanggang sa makasakay na kami at makaalis sa university ay parang hindi ko naririnig ang mga sinasabi niya.
Minutes has passed but my mind was still stucked about that Escarcega guy. Pero hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang pag-iisip ko sa kanya. Maybe because alam ko sa sarili kong below the belt ang mga nasabi ko sa kanya kanina.
I hate this feeling! Naiinis ako sa sarili ko. He badly needs my apology.
What if he throw me out of the rooftop this time?!
Am I ready to die?
Naputol ang lahat ng nasa isip ko ng maya maya pa'y naramdaman ko na ang paghinto ng kotse.
"We're here!"
Nakangiting sabi ni France.
"Thank you France."
I grabbed my books and placed it infront of my chest.
Binuksan ko narin ang pinto ng kanyang sasakyan pero bago pa man ako makalabas ay nahawakan na nito ang kaliwang braso ko.
"Bea..."
Isang pares ng matang nangungusap ang sumalubong sa'kin.
"What?"
Tanong ko.
"Nothing. Uhm, sige. Have a good night."
Bumalik sa masigla at masaya ang mukha nito.
Isang matamis na ngiti rin ang isinukli ko sa kanya bago tuluyang bumaba ng kanyang sasakyan.
"Thank you ulit ha. Ingat ka."
Sabi ko ng maisara ko na ang pinto.
Maya maya pa ay humarurot na ito paalis sa harapan ko. Mabilis naman akong pumanhik papasok ng bahay at pamunta sa aking kwarto.
Pagkatapos kong maligo ay agad na akong nahiga. Ilang oras na ang lumipas pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.
Narinig ko ang pagpihit ng aking doorknob.
"Oh ate gising ka pa?"
Napadilat ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Camila.
"Paano mo naman nalamang gising pa ako?"
Right! Hindi ako makatulog and it's almost four am already!
"You're still tapping your bolster like a baby. Hindi ka makatulog dahil kay kuya France 'no? Sasagutin mo na ba siya?!"
Nakangising sabi nito.
Why oh why! How I wish na 'yon nga ang iniisip ko, kaso hindi eh.
Nagtalukbong ako ng kumot at bumaling sa kabilang side para iwasan si Camila. Maya maya ay naramdaman ko ang pag galaw ng kama ko kasabay ang pagyugyog nito sa balikat ko.
"Kwento ka naman ate! Kayo na ba?!"
Kinikilig pang tanong nito.
Mabilis naman akong napabalikwas sa kama. Kahit na wala akong balak magkwento sa kahit na sino ay hindi ko kayang itago nalang sa sarili ko ang lahat. Besides, I consider my sister as my bestfriend.
Siya lang ang tanging nakakaalam ng mga nangyayari sa buhay ko. You know, girl stuff!
"Wait, anong nangyari diyan? Nakipag-away ka ba?! Huwag mong sabihing, na expelled ka!?"
Sunod-sunod na sabi nito.
"Shush! Huwag ka ngang maingay! Baka magising si Mama. No, hindi ako nakipag-away at lalong hindi ako na expelled! This bruise..."
Napatingin pa ako sa kanang kamay ko bago ko tuluyang ikwento sa kanya ang buong pangyayari.
Walang labis at walang kulang. Kasama narin ang napag-usapan namin ni Gabriel.
"That was huge!"
Hindi makapaniwalang sabi nito.
"Alam ko. Basta sa'tin lang yun! Okay?"
Ilang minuto ang lumipas na pareho kaming tahimik.
"Pero si Kuya France?"
Usisa nito.
"Anong meron kay France?"
I asked.
"Hindi mo pa ba siya sasagutin? I mean, hindi na uso ang ligaw ngayon Ate."
Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Don't ever say that again Camila."
I warned her.
Nag peace sign lang ito sa'kin at hindi na muling nangulit pa. Sabay na kaming humiga. Ayaw na raw niya kasing bumalik sa kwarto niya kaya makiki-sleep over nalang siya sa kama ko.
Halos kakapikit ko lang ay nagising na ako sa matinis na tunog ng aking alarm clock.
"Ugh!"
Napatakip pa ako sa aking mukha gawa ng liwanag ng araw na nakatapat sa mukha ko.
Alas otso na! Ayokong malate sa klase ni Mr. Favis! May recitation pa naman kami ngayong araw.
Dali dali na akong bumangon at dumiretso sa banyo dala ang aking asul na tuwalya.
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay sakto naman ang pagdating ni Pierre.
"Hindi na naman ba kayo mag b-breakfast Pierre?"
Tanong ni Mama dito.
"Naku Tita hindi na po. Kumain na po ako kanina bago pumunta dito e."
"Oo nga Ma. Sa school nalang rin po ako kakain. Late na po kasi. Alis na kami Ma!"
Nagmamadaling paalam ko rito.
Hinalikan ko siya sa pisngi bago tuluyang lumabas sa bahay kasama si Pierre.
"Did you even try to sleep Beatrice?"
Magkasalubong ang kilay na sabi nito nang umandar na ang kanyang sasakyan.
"And why?"
I answered his question with a question.
"You look tired. Look at those eyebags. Parang naka-empake for a week papuntang Iraq."
Nanunuksong sabi nito.
"Haha very funny Pierre! Just drop me at Campbell and you're free to go."
Masungit na sabi ko sa kanya.
Wala itong ibang ginawa kung hindi ang asarin at pagtawanan ang eyes bags ko. I secretly peek through the side mirror.
Oo nga, I look like a zombie.
Isang magandang zombie!
# CHAPTER 10
THIS STORY WAS MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. HEAD OVER TO THE APP TO READ IT FOR FREE.
SEE YOU!
# CHAPTER 11
THIS STORY WAS MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. DOWNLOAD THE APP TO READ THE FULL STORY FOR FREE.
SEE YOU!
# CHAPTER 12
THIS STORY WAS MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. DOWNLOAD THE APP TO READ THE FULL STORY FOR FREE.
SEE YOU!
# NOTES
Thank you all so much for reading The Runaway Virgin (Campbell Series 3).
If you would like to read more of my published stories, just visit my profile.
Don't forget to vote and share your thoughts with me! Daghang salamat!
To God be the glory!
See you on the last installment of
CAMPBELL SERIES!

