The Ruthless Beat (Cordova Empire Series 1)
CengCrdva · 19 chapters · 34,395 words
The Ruthless Beat
This novel can be read as stand alone, but I suggest that you read Her First And Lust first as this book contains some spoilers for that story,
but whatever.
You do you.
–
Cordova Empire Series 1 : The Ruthless Beat
Cordova Empire Series 2 : Rules And Rhythm
Cordova Empire Series 3 : Dancing With Cinderella
Cordova Empire Series 4 : One Fat Melody
Cordova Empire Series 5 : Coming soon!
All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.
This book is a work of fiction. All names, characters, locations and incidents are products of the author’s imaginations. Any resemblance to actual persons, things, living or dead, locales or events is entirely coincidental.
It also contains strong language, sexual scenes and references from the outset and throughout.
(R-18)
Read at your own risk!
Follow all my social media accounts for more updates!
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva / Cengseries
Twitter :
CengCrdva
Cordova Empire Series 1
Happy New Year!
👑
2020 ©
CengCrdva
All rights reserved
SYNOPSIS
Synopsis
A depressed teenager who always dreamed of becoming normal—discovers her worth through courageous forbidden love. Will that be enough to save her from her biggest downfall? Or will that only lead them both drowning in the sea of misery?
Svetlana Aleksandra Drozdov is just like a normal teenager without a lot of experience in life. Kumbaga sa prutas, masyado pa siyang hilaw sa buhay.
Her parents controlled her life and that greatly affected her mental health. Dahil sa kanila, naging bisyo niya ang maging insecure, walang kwenta at pabigat sa mata ng lahat. She even hurt herself when things are out of her control.
In a place where she should feel loved and important, she felt worthless and unwanted. She believed that no one would ever understand her, but Seidon Cesare Cordova came.
Ang lalaking hindi lang magpapabago sa mga pananaw niya sa buhay at sarili, kung hindi mas lalo sa puso niya.
Will their forbidden love conquer all the ruthless beat of life? Or will she remain unworthy and finally choose death as the easiest escape?
This story is already completed. You can now read the full version on www.patreon.com/cengcrdva or VIP group as this will not be updated here anymore.
Just message me for full VIP details.
Thank you!
🍀
# DEDICATION
To those who feel isolated, broken and empty. I just want you to know that you are loved.
You are worthy.
You matter.
Some days can be lonely, but I promise you they won't always be.
Don't give up.
Just keep going
;
# TRIGGER WARNING!
This story is not suitable for young readers and people who were born sensitive. It is mildly themed around self-harm/suicide and include words around this field.
If any of those mentioned above trigger you or cause distress/attacks of any kind, PLEASE DO NOT READ THIS STORY.
Otherwise, please read at your own risk!
🖤
# PROLOGUE
Trigger Warning: Suicide
Prologue
Live
To my family,
By the time you read this, I'll be gone.
I don't know where I'll end up but at least you don't have to be with me. You don't have to put up with the negativity that I brought into our family.
By the time you'll read this,
I'll be nothing more than an ephemeral memory that you'll think of from this day forward, but I hope whenever you think of me, you'll think of the happy moments we've shared and created together. Sana nga kahit minsan ay napasaya ko rin kayo.
Mom, Dad,
I am weak, I miserably failed and I'm sorry. You didn't deserve to be affected by my imperfections. You don't have to look at me anymore with afraid, helpless, hopeless eyes and I don't have to looked back at them accepting my defeat.
I'm sorry for giving up on life.
I'm sorry for causing you pain until my very last moment. Pero huwag sana ninyong sisisihin ang mga sarili ninyo. Know that I'll gone because I chose to do so. Gusto kong mabuhay. Gusto ko pa kayong makasama dahil kayo ang pinakamasayang parte ng lahat sa akin pero hindi ko alam kung paano...
I guess life was only for the strongest to survive, I am not. There's this deep sadness in me that never goes away no matter how loved and worthy you all make me feel.
Pagod na po ako...
I hope one day all of you will forgive me for being such a burden. Huwag kayong umiyak. Isipin niyong kahit minsan, nagawa kong maging matapang para gawin at tapusin ang nasimulan kong ito. Kahit ito lang...
Please stop crying. Wipe your tears away. Don't mourn. Don't grieve because I am now in a good place. For once I feel proud of myself. I felt brave, contented, happy.
By the time you finish reading this I'll be gone... but know that I love you. Each and everyone of you... So much...
Live for me.
Be there for someone who's weak. Listen to them. Be sensitive. Love and give infinitely. Live... Just live.
Love,
S.
# CHAPTER 1
Chapter One
Svetlana Aleksandra Drozdov
Have you ever feel like you're still alive, but you're not actually living? Like your body was just an empty vessel sailing without a destination? Like as if you're being suffocated, but you are breathing perfectly fine?
Do you ever feel okay, but you're sad at the same time that you just want to talk to someone and hug them, but you feel annoying so you just stay quiet?
Do you always hide your pain behind your smile? Because I do... all the time in every single day of my life.
"Lana! I told you to not play with your food!" my father's voice roared in my ears like a blaring thunder.
Napakurap-kurap ako at mabilis pa sa alas-kwatro ang pag-upo nang tuwid dahil sa nakakatakot niyang boses. Magkasalubong ang kanyang mga kilay at kung nakakasugat lang ang mga mata niya ay kanina pa ako duguan sa kinauupuan ko.
"I-I'm sorry, Dad..." bahagyang nanginig ang boses ko nang sambitin 'yon.
My eyes shifted to my mother but I can't find solace in her eyes. Ang tanging nabanaag ko doon ay sisi dahil sa kawalan ko ng presensiya habang nasa hapag kainan.
"How many times do I have to tell you to be normal when you're eating?" I can still find rage in his voice but what made my heart sting was the word
normal
.
For a parent to think that their teenage daughter isn't normal is a bit of an insult to me. An insult that I deal with every single day of my life. Mabuti na nga lang at sanay na ako dahil kahit malaki ang epekto sa akin ng mga salitang 'yon ay bawas na ang impact kahit paano. Too bad, I can't change the way they think of me... Maybe they're right. Maybe I'm not really normal. Ano nga ba ang kahulugan no'n? Hindi ko alam.
"I'm sorry, Daddy." I apologizes again and started to swallow the food in my mouth. Kahit pa alam kong isusuka ko lang rin 'yon mamaya pag-akyat ko sa kwarto.
"You're so thin and you barely touch your food! Alam mo ba kung gaano karaming tao ang nagugutom at nagpapakahirap para lang magkaroon ng laman ang mga tiyan nila? Don't be so ungrateful. Hindi kita pinalaki ng ganyan. Hindi kita pinag-aaral para mawalan ng modo. Have some respect." may diin ang bawat salita niyang pagalit sa akin.
"Lana, ayusin mo ang ugali mo. You're not a kid anymore so better learn to act your age." pinigilan kong mapangiwi ng marinig ang pag segunda ni Mommy kay Daddy.
My heart was crushed again. Kahit sanay na ako sa ganito, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang masaktan dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong isang araw ay magkakaroon ako ng kakampi. But then again, ano pa bang aasahan ko?
Bakit ka pa ba umaasa Lana?
my mind screamed at me. Expectations hurt and I'm well aware that life shouldn't be lived with full of unrealistic expectations, but I just can't help it.
Hindi naman kasi siguro masamang mag-expect sa sarili mong mga magulang?
Masama because the don't care about you. They don't.
muling sagot ng utak kong idinidiin pa ang mga huling salita.
And again, I sit there, realizing how stupid I was for expecting something from them na ang totoo ay hindi kailanman mangyayari.
"I'm sorry, Mom..." I said while feeling lost, unloved and unwanted.
"You better be," she spat. "Now eat your food properly and stop stressing us out."
"I'm sorry po." patuloy kong paumanhin dahil iyon lang naman ang dapat.
I'm sorry for not eating. I'm sorry for continuously disappointing both of you. I'm sorry for not being a good and perfect daughter you expect me to be, I'm so sorry to be
me
...
Kinalma ko ang sarili at pilit na itinuon ang buong atensiyon sa pagkaing nasa aking harapan, pilit winawala sa isip ang mga negatibo kahit na imposible nang makatakas ako doon.
Walang imik kong nginuya ang laman ng bawat kutsarang ipinapasok ko sa bibig ko. Inubos ko ang lahat at wala akong itinira maski isang butil sa plato ko. I can still see rage in their eyes even when I finished my food. Even after doing what they wanted me to do, they are still disappointed of me.
"I'm sorry..." I keep mumbling to myself.
Wala na silang isinagot sa akin pero dahil nararamdaman kong umangat na ang mga pagkaing pinilit kong lunurin sa lalamunan ko ay agad na akong nagpaalam sa kanila.
"Fifteen minutes and Junie will be ready to drive you to school." ani Daddy na muntik ko nang makalimutan.
Today is my first day being a college student in a local university. I should be excited, right? Gano'n ang dapat na maramdaman ng mga dalagang katulad ko because college means exploration, parties, boys and all other good things like in the movies, but aside from feeling anxious, wala na akong maramdaman pang iba.
"Yes, Dad." I answered and then walk towards our grand staircase.
This house is still new to me even after a year of living in it. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay rito lalo na sa kabuuan ng Buenavista. Simula kasi nang mapunta kami rito ay bilang lang sa daliri kung ilang beses akong nakalabas at sa ilang beses na 'yon ay kasama ko pa ang mga magulang ko.
We decided to moved here because of my Father, kung bakit dito? Hindi ko alam. The place is all new to me. My Father is Russian and though Filipina ang mommy ko, hindi naman ito ang alam kong lugar kung saan siya ipinanganak.
She was born and raised in Manila, I was told. Nakita ko rin sa kanila ang pag-adjust sa lugar na ito nang bagong salta kami, pero habang tumatagal ay naintindihan ko na ring kaya kami narito ay dahil narito ang mga kaibigan at ilang business partners ni Daddy noong nasa Russia pa kami.
We will never going back, iyon ang sabi nila sa akin and I just had to accept that. As if naman kasing may magbabago sa buhay ko noon at ngayon.
I'm actually an extrovert, but since kids my age doesn't want to hang out with me, everybody thinks I'm a loner. Everyone at school thinks I'm weird because I spoke three languages, English, Tagalog and Russian and because of that, they call me
'sumasshedshiy'
, meaning crazy or lunatic in Russian.
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang gilid ng aking bibig matapos isuka ang lahat ng pagkaing kinain ko ilang minuto ang nakalipas. Pagkatapos maghilamos ay sinuklay ko ang hanggang balikat at tuwid kong buhok. Inayos pa ang bangs na nasa harapan bago tamad na pinagmasdan ang sarili sa salamin.
My skin is white like my father. I got his high cheekbones, his straight nose and my bluish eyes, but my full lips was from my mother. Nakuha ko naman ang height nilang dalawa na parehas matangkad at kung siguro'y magana lang akong kumain, maganda rin ang hubog ng katawan ko't gaya ni mommy na kahit malapit na sa singkwenta ay balingkinitan pa rin at malakas ang alindog. She doesn't look like her age. She looks fifteen years younger than that.
Itinaas ko ang sleeve ng suot kong puting polo shirt at pagkatapos ay sinukat ang aking braso gamit ang aking kaliwang kamay. Sa pilit kong magdikit ang aking mga daliri paikot rito ay namula kaagad ang aking braso.
I groaned when my fingertips didn't met. Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa labi ko at muling sinukat ang braso, paulit-ulit pero bigo pa rin ako.
Now I wanted to question my father's statement earlier. He said I'm too skinny, but why do I still feel fat? Bakit hindi pa rin kasya sa kamay ko ang braso ko? It should already fit. I starve myself for two weeks now and yet I'm still fat.
Ibinaba ko ang sleeve ng damit ko at itinaas naman ang laylayan nito ngunit agad na napapikit ng makita kong malaki ang aking tiyan dahil siguro sa maraming tubig na nainom ko kanina.
Frustrated and disappointed to myself, I tied my hair up. I put some lig tint on because the only thing I'm sure was I look pale and ugly.
This is my first day at school and I don't want to scare anyone. Kahit paano ay may utak pa rin naman akong matinong gumagana para doon.
Pagkatapos ayusin ang buhok ay saka ko pinalitan ang suot kong jogging pants nang olive cargo pants. Hindi na ako nagpalit ng damit dahil ayaw ko namang makaagaw ng pansin sa unang araw, kung maari ay hanggang sa matapos ang buhay ko sa mundong ito. All I ever wanted is to be invisible now, iyon ang goal.
"Lana... Nasa baba na si Mang Junie kararating lang, tapos ka na ba?" tanong ng Luningning, isa sa mga helpers namin habang patuloy na kinakatok ang pintuan ko.
Nang muli siyang magsalita ay nagmamadali ko nang kinuha sa kama ang dark green kipling body bag ko. Madali ko iyong inilagay sa aking katawan bago siya pinagbuksan ng pinto.
"Bababa na ako." I said to her.
Tumango naman siya at pagkatapos ay tinalikuran ako. Sinundan ko siya patungo sa aming sasakyan. My parents already left. Ang sabi niya ay may meeting daw ang mga ito sa tahanan ng mga Antonov, ang kasalukuyang Mayor sa karatig bayan ng Buenavista. Palibhasa ay malapit na ang eleksiyon kaya panay-panay na naman ang mga meeting de avance nila.
"Thank you, Mang Junie." sabi ko sa lalaki matapos akong pagbuksan ng pinto.
"Walang anuman, Lana." nakangiti niyang sagot sa akin.
Hindi ko na pinansin si Luningning, ni hindi ko ito nginitian matapos akong ihatid dahil simula't sapol naman ay hindi ko ito nakasundo. Sabi ko nga, hindi siguro talaga ako normal gaya ng sabi ng mga magulang ko, but then I think about Mang Junie. Bakit dito nagagawa kong ngumiti? Bakit sa kanya magaan ang loob ko noon pa man?
Hindi lang kasi palangiti at kwelyo ang matanda kung hindi ay pala-kwento rin na siyang gustong-gusto ko. Sa tuwing kinu-kwentuhan niya kasi ako ay napapangiti niya ako at gumagaan ang tingin ko sa mundo. His stories make me happy na wala sino man ang nakagawa sa tanang buhay ko. Baka nga normal naman talaga ako pero kulang lang sa pansin? Does it really matter if you're normal or not? What is the standard of being normal anyway? Is there any?
"Lana, pasensiya na at nahuli ako, ha. Pinaghintay ba kita?"
Agad akong umiling matapos hulihin ang mata niya sa rearview mirror.
"Hindi naman po."
"Mabuti naman kung gano'n, eh aba't nakipag-away pa ako sa tricycle driver diyan malapit sa labas ng village ninyo."
Napawi ang ngiti ko't nalaglag ang panga sa narinig.
"P-Po?"
"Aba'y oo! Hamakin mo eh ang tino-tino nang tanong ko, sabi ko tutoy, tricycle mo ba ito?"
Tumango ako, hinintay siyang magpatuloy gamit ang Batangueno niyang accent.
"Oo raw. Nagtanong uli ako, magkano ang pamasahe hanggang sa phase three?"
"Sabi niya'y bente raw."
"Tapos po?"
"Oh, e 'di nagtanong siya saan daw ba banda sa phase three? Ang isinagot ko'y malapit laang sa bukana at ako na ang magtuturo sa kanya."
"Opo?"
"Eh, aba'y nagtanong ulit! Tanong niya'y kung ako lang raw bang mag-isa? Aba'y nagalit na ako!" napapitlag ako ng gigil niyang hampasin ang manibela bago nagpatuloy sa madamdaming pagsasalaysay. "Aba't tarantado ka, kako, bakit hindi ka ba sasakay?! Aba't ang gago ay gusto pa yata akong pagmanehuin ng tricycle!"
Kumawala ang tawa sa bibig ko nang matapos siya sa pag kwento.
"Kaya talaga, Mang Junie! Puro kayo kalokohan!"
Lumakas ang tawa naming dalawa sa sasakyan.
"Aba'y pinapatawa lang kita't mukhang pasan mo na naman ang daigdig. Kita mo't maganda ang sikat ng araw pero mukha kang Biyernes Santo diyan."
"Hindi naman po."
"Unang araw mo ngayon sa eskwela, Hija. Aba'y dapat kang magsaya dahil bagong yugto ito ng buhay mo. Bagong pagkakataon upang matuto. Dapat kang mag-enjoy at laging ngumiti dahil mas bagay sa'yo ang ganyang nakangiti ka." aniya nang hindi na mawala ang pag-arko ng bibig ko.
"Salamat, Mang Junie."
His smiled widened. Natatandaan ko noon, siya ang unang nakilala kong Pilipino nang sunduin niya kami sa airport. Siya rin ang unang nakapagpangiti sa akin. Aniya'y hindi siya sanay na malungkot ako dahil ang lima sa mga anak niyang babae ay hindi niya nahuhuling nakasimangot. Kapag may pagkakataon namang ramdam niyang malungkot ang isa sa kanila ay nagkukwento siya ng mga kalokohan para lang maiibsan ang nararamdaman nila. Maybe I was the saddest person he has ever met kaya walang araw na ginawa ang Diyos na hindi niya ako kini-kwentuhan ng mga kalokohan para lang mapangiti ako.
"Oo nga pala, ang bilin ng Daddy mo ay hintayin kita mamayang alas kwatro, iyon ba ang uwian mo araw-araw?"
Umiling ako't kinuha ang schedule ko saka ipinakita sa kanya.
"Iba-iba po."
"Pwede ko ba itong kunan ng litrato para hindi ako mahuli kapag uwian mo?"
Isang tango ang isinagot ko.
"At isa pa nga pala, ang sabi ng Daddy mo ay maghihintay raw sa 'yo si Zoey sa parking mamaya. Maging mabait ka raw sa kanya."
Napadiin ang labi ko sa isa't-isa. My parents want me to be a normal teenager that's why they decided to gave me a friend.
How nice
. Mapait na bulong ng utak ko.
Oo nga't wala naman ako masyadong kaibigan noon pero tingin ko'y hindi naman 'yon dapat pinipilit o parang negosyong dapat pinagdedesisyunan lalo na ng ibang tao. I get that they're concerned, but having a friend should come in a natural way. Normal way, pero dahil nga wala naman masyadong normal sa buhay ko ay dapat ko nang makasanayan ang lahat ng ito.
Anak ng kaibigan ng mga magulang ko si Zoey. I met her twice pero hindi ko naman masasabing kaibigan ko na siya sa ilang
hi
at
hello
lang, but since my parents controlled everything in my life, wala akong magagawa kundi ang sundin sila at kaibiganin ang Zoey na 'yon.
Ilang minuto pa ay dumating na kami sa pinaka-malaking unibersidad sa bayan ng Buenavista. Isang malumanay na ngiti ang lumabas sa labi ko ng matanaw ang malawak na lupaing saklaw ng unibersidad.
The white walls of the gate were freshly painted. Nang buksan ko nga ang bintana sa gawi ko ay humahalo pa sa sariwang simoy ng hangin ang amoy nito.
My hair lifts in the breeze. Like some ghost trying to welcome me by playing its strands. I practically curl into myself as I lean forward on the car window and drop my face into my hands, binusog ko sa tanawin ang mga mata ko.
There are students lining up to one of the entrance of the university, pero ang sasakyan namin ay dumiretso na't lumiko papasok sa loob ng malaking gate.
May dalawa at matayog na building akong natanaw. Sa kaliwa ay ang luma dahil sa hitsura nitong ang mga dingding ay walang kulay. Sa bawat palapag at gilid naman ay naroon ang mga lumang glass windows at ilang mga medieval lamps. Sa pinakagitna ng building ay mayroong malaking orasan na kahit mukhang nilulumot na ay gumagana pa rin.
Lumihis ang tingin ko sa kanang building na kahit luma ang ibinagay na disenyo gaya nang sa una ay halatang bagong tayo lamang. It's painted white like the gates. Ang kaibahan lang nitong bago ay mas malalaki ang mga glass windows at hallways sa ibaba.
Sa hindi malamang dahilan, habang umuusad ang sasakyan patungo sa carpark ay hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagkalat sa bawat sulok ng lugar. Mayroon sa field, may mga naglalakad sa simentadong pathway na mayroong mga naka-hilerang matatayog na puno. May mga nakaupo sa benches at nagtatawanan at kahit nang marating namin ang parking ay hindi naubusan doon ng mga estudyanteng nagpangiti sa akin.
It's nice to see people again. I was home schooled almost half of my life until today and even if it scares me, there's still a little bit of excitement building up in my heart. New things and beginnings are always interesting.
"Nandito na tayo," masayang anunsiyo ni Mang Junie habang inaayos ang sasakyan.
Isinara ko ang bintana pero nang tuluyan iyong huminto ay wala pang isang segundo'y dumungaw na ang mukha ni Zoey doon dahilan kaya napatalon ako!
Mabilis kong nahawakan ang aking dibdib habang ang babae ay paulit-ulit at masayang kumakaway sa akin galing sa labas na parang nakikita niya ako kahit na imposible dahil heavy tinted ang sasakyan namin.
"Oh, nariyan na pala si Zoey. Sige na't baka mahuli pa kayo." isang ngiti ang isinagot ko kay Mang Junie bago bumaba ng sasakyan.
Parang tumalon ang puso ko't maging ang aking mga lamang loob ng mabilis niya akong niyakap! Like she missed me a whole bunch kahit na hindi ko naman matandaan na mayroon kaming ganitong klaseng koneksiyon.
"Lana!" masaya niyang hiyaw na nagpangiwi sa akin.
Para akong tuod na hinayaan siya sa ginagawa pero dahil ayaw ko namang maging masama sa kanya ay naiilang kong tinapik ang kanyang balikat. Her smile widened when she faces me, kumaway siya kay Mang Junie at pagkatapos ay wala nang pag-aalinlangan akong hinila palayo sa sasakyan.
Ilang beses akong napalingon kay Mang Junie kung tama ba ang ginagawa ko pero dahil alam kong ito na nga iyon ay nagpatianod na lang ako.
"I'm so glad to see you again!" aniya kaya napilitan akong ngumiti sa kanya. "Tuwang-tuwa nga ako ng sabihin ni Daddy na dito ka na rin daw mag-aaral! You'll definitely enjoy it here, Lana!" tuloy-tuloy niyang salita habang mahigpit ang kapit sa aking braso.
She talks and squels excitedly. Nanunubig pa sa tuwa ang mga mata niya. Marami pa siyang sinabi pero sa lahat ng 'yon ay wala akong naisagot. Wala akong nagawa kung hindi ang titigan lang siya at mapangiwi ng pasimple.
Ang pagkakatanda ko ay nasa pangalawang taon na si Zoey sa kursong business management samantalang ang kukunin ko naman ay tourism.
My parents doesn't want me to take that, but I refused to go to school kung hindi iyon. Sa halos isang taong diskusyon namin ay wala na rin silang nagawa kung hindi ay pagbigyan ako. Though they still controls everything in my life, minsan ay may nakukuha pa rin naman akong gusto ko kapag nagpoprotesta ako, like this one.
"Uy! Ano ba 'yan Lana! Wala ka man lang ka-energy energy!" humahagikhik niyang puna sa akin dahilan para bumalik ako sa kasalukuyan.
"A-Ano 'yon?"
"Ang sabi ko, ang unang klase mo ay nasa bagong building." My eyes followed the direction she just pointed, tumango ako ng makita ang itinuturo niya.
Muli siyang natawa. Bahagyang niluwagan ang kamay sa aking braso at inayos ang manggas ng aking damit gamit ang isang kamay.
"Bakit parang hindi ka talaga excited? Lana, this place is going to be your home for four years or more! Dapat ngayon palang maging pamilyar ka na," nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan niya akong bitiwan at nagpatuloy na lang sa paglalakad sa malawak na parking lot habang nasa tabi ko.
"Kung sabagay, wala ka naman nang dapat alalahanin dahil kasama mo ako palagi. I'll be your tour guide, your map, your companion, your savior, your savior, your protector—"
"Protector?" I almost laughed at that, but she wasn't offended.
"Yup! Kapag may nang-away sa 'yo, ako ang back-up mo! I'll be your friend and even best friend! Whatever you need!"
Doon na ako natawa ng tuluyan. Nang mapasinangot siya ay saka lang ako nahinto.
"S-Sorry," I apologize. "Zoey, no offense but I think I can manage myself. Hindi mo kailangang magtiyaga sa akin dahil kaya ko naman. You don't have to force yourself or waste your time on me just because of our parents–"
Natigil ako nang siya naman ang humalakhak at pagkatapos ay hinawakan ulit ako sa braso.
"I don't mind being your friend! You know, kahit maraming nakakakilala sa akin at sa pamilya ko rito, wala naman akong pinagkakatiwalaan masyado,"
Huminto siya kaya napahinto rin ako. Sumunod ulit ang mga mata ko sa itinuro niyang babae.
"You see that girl? That bitch was my friend last year, but when I caught her flirting with my man, itinapon ko na kasama ng walang hiya kong boyfriend!"
She scanned the place and stopped when she saw a group of girls coming out of a car. "'Yang mga 'yan, mga malalandi 'yan at hindi mo gugustuhing maging kaibigan, okay?" she continuously pointed her fingers to random groups and describes them for me, expressing her disapproval and disgust at some.
Para ngang sasabog na ang utak ko dahil wala pa man ang klase ay napuno na ito ng mga impormasyong tingin ko'y hindi ko naman kakailanganin sa pag-aaral. Nakatingin ako sa mga huling itinuro niya, but I my attention were interrupted by the loud roars of mufflers.
Mabilis akong hinila pabalik ni Zoey sa tabi niya at pagkatapos ay pilit na pinahinto sa paglalakad, like what I'm about to witness will change my life forever! She held me like it was a matter of life and death!
Naniningkit ang mga mata kong napirmi sa direksiyon ng mga papalapit na ingay. Parang gusto kong ibalik ang pagpisil niya ng mariin sa braso kong sumasagad na sa aking buto nang sumulpot na sa harapan namin ang tatlong itim na sports motorcycle at isang customized black raptor ford.
Mas lalong lumabas ang kalabog ng dibdib ko ng mas umingay ang pag-ugong ng dalawang motorsiklong nagpapasikat pa sa lahat ng estudyanteng nahinto rin samantalang ang isa naman ay tahimik nang nag-park sa gilid ng sasakyang itim.
Ilang beses kong narinig ang pagsinghap ni Zoey na akala mo'y nakakita ng tigreng sumasayaw sa kanyang harapan dahil sa pagkamangha.
Ipinilig ko ang ulo ko, inilibot sa mga estudyanteng gaya niya ay nanlalaki rin ang mga mata na parang ang pagdating nga mga kung sinong pontio pilato ang pinaka-main event ng pag-aaral sa kolehiyo.
Muling bumalik ang tingin ko sa kanilang pinapanuod na maubos ang ingay at maiayos ng dalawang nagpapasikat ang pagtabi sa kani-kanilang motor.
"Oh my God... They're so fucking hot talaga..." lutang na bulong ni Zoey sa akin.
Wala akong masabi, walang mai-react sa kanya pero nang malaglag ang panga niya ay umusbong na ang kuryosidad ko.
Napakurap-kurap ako ng makita ang mukha ng lalaking unang nagtanggal ng itim na helmet.
The first guy has shoulder length hair na iwinawasiwas pa sa ere at kung ilang beses niyang sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri ay gano'n rin karami ang pagsabi ng '
Oh my God
' ni Zoey. The guy was tall, has great physique and Greek features pero ang pinaka-nakaagaw ng atensiyon ko ay ang mapaglarong ngisi sa labi nito. Na parang sa lahat ng angking kakisigan ay iyon ang pinaka-asset niya. Yep, he's not bad himself.
"That's Nicolaus... Oh my God..." ani Zoey, hindi na mawari kung ano ang isusunod na salita sa pangalang 'yon dahil sa sobrang pagkamangha.
My eyes instantly shifted on the second guy after he removed his helmet.
"'Yan naman si Riggwell, Lana... Oh my God, mag take notes ka." nahihibang niya pa ring pagpapatuloy habang pinipisil ako't nakakarami na.
Gaya nang una ay matangkad rin ang lalaki pero imbes na mahabang buhok, kulay abo ang nakita ko at malinis ang pagkakagupit sa magkabilang gilid habang ang tuktok ay bahagyang kulot. Nakangisi itong nakipagtawanan at apiran sa lalaking mahaba ang buhok pero nang lumabas sa raptor ang isang lalaking mayroong salamin sa mata na tinawag ni Zoey na Achilles kasama ang babaeng si Venus ay natigil ang mga ito kasabay ng pagtulala ko.
Hindi sa kakisigan ng mga lalaki kung hindi sa babaeng nakapusod ang mahaba at blonde na buhok na kahit balot na balot ang katawan sa suot na itim na pantalon, itim na boots, puting t-shirt sa ilalim ng black leather jacket ay di hamak na ilang milyon ang layo ng ganda at sex appeal sa aming dalawa ni Zoey!
Bahagyang natigil ang pagpisil sa akin ng katabi ko ng makitang dinaluhan ng mga ito ang nag-iisang lalaking nakaluhod ngayon sa kanyang motor habang suot pa rin ang helmet. Kumunot ang noo ko habang pinapanuod sila ilang dipa ang layo sa amin ni Zoey.
"Oh my God..." muling ulit niyang nagpailing na sa akin.
Gustohin ko man kasing umalis na, hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. At kahit siguro magyaya ako, hindi ako papayagang umalis ni Zoey sa tabi niya.
"Zoey–"
"Shh... Wait for it, Lana. Matagal kong inabangan 'to kaya just watch and wait..."
Sa paglihis ng ulo ko pabalik sa patuloy na tinatapunan ng atensiyon ng lahat ng naroon ay hindi ko na rin mapigilang mapalunok lalo na ng makitang wala nang helmet ang huling lalaki at kasalukuyan nang tinatanggal ang suot niyang itim na leather jacket!
It feels like my heart was stuck in my throat while I keep my eye fixated on the last guy. Kitang kita ko ang tribal tattoo nitong yumayakap sa kaliwang braso hanggang sa mawala ito sa loob ng sleeve ng kanyang puting t-shirt, hindi na masundan kung hanggang saan ang kanyang tattoo pero tingin ko'y patungo iyon sa kanyang dibdib.
I know they're all attractive at sapat lang na bigyan ng atensiyon, pero sa pagkakataong ito ay parang gusto kong magpasalamat na hindi ko hinila si Zoey palayo dahil kung hindi ay hindi ko makikita ang huling lalaki sa grupong iyon.
Pakiramdam ko'y bumagal ang pagkura ng mga mata ko habang pinapanuod siyang iangat ang upuan ng ginamit na motor at kalikutin iyon habang magkasalubong ang makakapal na kilay.
Ngayon ay ako naman ang napasinghap dahil sa kanyang side profile. Matangos ang kanyang ilong, makapal ang kilay at ang mga mata ay walang kasing seryoso't talim na tingin ko'y kahit walang problema sa harapan ay gano'n talaga ang intensidad kung tumitig!
Lumakad ang mga mata ko patungo sa kanyang tengang mayroong itim na hikaw. His hair doesn't have a clean cut like Riggwell pero wala iyong naging kaso dahil mas bumagay sa kanya ang pagiging rugged.
Kahit nga nasa malayo ay tila may kung anong elementong humihigop sa enerhiya ng katawan ko dahil lang sa pagtingin sa kanya! Nanunuyo ang lalamunan ko and for the first time, naging atat ako sa muling pagbukas ng bibig ni Zoey para ipakilala ito.
"Seidon..." lutang niyang sambit na mukhang nananaginip na kaya nilingon ko siya. "His name is Seidon Cesare... The one and fucking only..." mabagal at punong-puno ng paghanga niyang pagpapatuloy dahilan para bumalik ulit ang titig ko sa lalaki at tuluyan na ring matulala't mamangha rito.
Follow all my social media accounts to be updated.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva/Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 2
Chapter Two
Be With You More
Napapikit na ako ng mariin nang dumaan ang mga ito sa harapan namin ni Zoey pero hindi dahil gaya nila’y nabaliw na rin ako kung hindi dahil sa muling pagbaon ng kamay niya sa aking braso!
“Oh my God! Nakita mo? Lana, did you fucking see how Nicolaus winks at me?!” mataas ang boses niyang nanginginig pa pero imbes na sagutin ay hindi ko na napigilang hawakan ang kamay niya’t ilayo sa braso ko.
Para siyang uod na nilagyan ng asin na mukhang gusto pang maglupasay habang ang leeg ay humahaba’t patuloy na sinusundan ng tingin ang aniya’y magpipinsang sinasamba ng lahat sa Unibersidad de Buenavista!
Imbes na mag-sorry ay agad niyang hinawakan ang magkabila kong balikat at niyugyog!
“Lana, nakita mo ba? Nakita mo ba kung ilang segundo niya akong tinignan bago kindatan?!”
“Isang segundo–”
“Wrong answer! Two seconds and three hundred eight milliseconds!” masayang-masayang sabi niya sabay bitiw na sa akin at kuha ng kanyang telepono para habulin pa ng litrato ang grupong palayo.
I may not know Zoey that much pero dahil halatang malaki ang paghanga niya sa grupong ’yon at kung ako ang nasa posisyon niya ngayon ay baka ganito rin ang maging reaksiyon kapag naambunan ng pansin.
“Halika, sundan natin!”
“P-Pero Zoey–”
“Gaga, doon sila papunta sa bagong building at doon rin tayo pupunta kaya halika na! Chance na natin ’to!”
“C-Chance saan?”
Hindi na niya ako sinagot. Nag-focus siyang hilahin ako pero nang makitang nahati sa dalawang grupo ng magpipinsan ay natigilan siya. Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin na tila hirap magdesisyon kung sino ang susundan.
“Shit naman!” palatak niya ng makita si Nicolaus na patungo sa lumang building at tanging si Venus lang at ang lalaking mayroong kulay abong buhok ang pupunta sa direksiyon namin!
Muli akong natawa. Siguro ay iyon nalang ang nagagawa kong ganti sa kanya sa ilang beses niyang pananakit sa akin simula kanina. Nakasimangot niya akong binalingan dala ang malungkot na mukha.
“Nakakainis ka, Svetlana Aleksandra!”
Muntik akong masamid sa sarili kong laway at agad na nahinto sa pagtawa ng marinig sa bibig niya ang buong pangalan ko. Looks like she did her research. Bukod kasi sa mga magulang ko, wala nang iba pang nakakaalam ng pangalan ko at walang tumatawag sa akin ng gano’n lalo na sa pampublikong lugar.
“Bakit ba kasi? Ano bang meron sa mga ’yon at mukhang patay na patay ka?” pagbabago ko nalang ng topic kaysa ang usisain siya kung ano pa ang alam niya sa akin, I’m sure marami siyang alam because it’s her job to pretend to be my friend.
She blows out a breath and try to calm herself.
“Bakit? Are you curious now?” nakangisi niyang tanong pabalik sa akin gamit ang nang-uusisang titig. Umiling ako bilang sagot.
“Nagtatanong lang, masama? Tsaka sabi mo, ikaw ang tour guide ko at lahat ng meron sa lugar na ’to ay ipapaalam mo sa’kin, remember? You want to be my friend, right?”
“Fine,” she said while we trudge forward the new building. “Alam mo kasi kung sasabihin ko kaagad lahat, hindi kakayanin ang buong araw mo pero gusto kong malaman mo na ang mga nakita mo kanina ay totoong sikat rito… They’re the Cordova’s.”
“Hmm?” tumaas ang isang kilay ko, hinanda ang sarili sa mga idadagdag niyang impormasyon.
“Hindi lang sikat ang mga ’yon dahil sa kagandahan ng lahi nila kung hindi dahil sa mga angking talento nila. They are known to be the best dancers in this island at kung expose lang sila, siguro sasambahin na rin sila ng buong Pilipinas!”
“Dancers…” I say to myself habang pilit na sinusundan ang mga papuri ni Zoey sa mga ito.
I never really admired someone who’s good at dancing. Ewan ko. Siguro dahil wala naman akong hilig manuod ng mga sumasayaw o kahit kumakanta. Maski nga ang panunuod ng mga movies ay minsan ko lang ginagawa. What I love is reading poetry and creating one.
Noong nasa Russia pa ako, marami na akong naisusulat na poem sa notebook ko. Though tatlo ang lenggwaheng alam ko, mas naging in love ako sa Filipino language that’s why most of my poems are written in Tagalog.
Ewan ko ulit kung bakit iyon ang nakahiligan ko bukod sa pag-aaral. I listen to music sometimes but it’s not the kind of music everyone is listening to. I like sad symphonies… Iyong tipong unang verse palang ay lumalatay na sa kaluluwa mo. Maybe it’s the reason why my poems are a bit sad. Kahit wala pang nakakabasa ni isa sa mga gawa ko ay alam kong malungkot lahat ’yon.
Natigil ako sa pag-iisip ng ihinto niya ako sa isang silid. Tinitigan niyang maigi ang schedule ko at saka iyon ibinalik sa kamay ko.
“This is you.” ngumiti siya ng pagkatamis-tamis.
Muli akong nakaramdam ng lungkot kahit na hindi ko naman talaga siya kaibigan dahil alam kong sa mga oras na ito ay iiwan na niya ako. Na parang ibong matagal na nakakulong at ngayon ay binigyan ng layang libutin ang buong mundo. Ibong maliligaw, for sure.
“Sa third floor ang klase ko pero mamayang tanghali ay sa kabilang building naman ako. Now give me your phone.” utos niya.
“H-Ha?”
Inilahad niya ang kamay sa aking harapan kaya wala na akong nagawa kung hindi ang ibigay ang telepono ko. My phone doesn’t have a lock kaya madali niyang nagawa ang gusto.
“Kapag kailangan mo ako, hanapin mo lang ang pangalan ko dito,” itinaas niya sa harapan ko ang bagay at saka itinipa ang pangalan niya. ‘BFF Zoey’ basa kong hindi ko nalang pinalitan ng makuha ko iyon pabalik.
Nagpasalamat ako’t nagpaalam sa kanya pero kahit na wala na siya sa paningin ko ay nanatili akong nakatulala. Tumabi ako ng mayroong mga estudyanteng pumasok sa loob.
Hawak ang schedule ay tiningala ko ang malaking kahoy na pinto para tignan ang numero ng silid at siguraduhing tugma iyon sa papel. This is really my class. Pagkatapos ng ilang hingang malalim ay pumasok na rin ako.
Iilan palang ang estudyante sa loob. Nahihiya kong pinagdiin ang mga labi ko habang nakikidaan sa mga nasa unahan para pumunta sa kabilang bandang wala masyadong tao. Pinili ko iyong malapit sa bintanang tanaw ang malawak na football field sa labas. Inayos ko ang mga gamit ko sa aking gilid at pinasadahang muli ng tingin ang buong classroom bago ipirmi ang mga mata sa labas ng bintana.
My first class was just NSTP. Kaya siguro chill ang mga tao dahil hindi naman iyon major subject. Habang tumatagal ay umiingay ang silid, halos lahat ay magkakakilala na o maraming lakas ng loob na makipagkilala pero ako ay nanatili sa upuan ko, nanatiling nakatingin sa bintana at nanatiling mag-isa.
My thought are flying somewhere, like the lost bird I was. Iniisip kung ano ang amoy ng bagong dilig na bermuda na kasalukuyang binabasa ng sprinkler. Kung gaano kalambot ang mga ulap sa kulay asul na langit at kung ano ang lasa ng sariwang hangin na nahahaluan ng sikat ng araw…
“Is this seat taken?” mabilis akong napatuwid ng upo ng marinig ang baritonong boses pero para akong nabingi ng mapansing wala ni isa sa mga taong nasa loob ng silid ang nagsasalita at lahat sila ay kasalukuyang nakatingin sa direksiyon ko!
Nahihiya akong kumurap-kurap bago iangat ang mga mata sa lalaking naghihintay ng sagot ko pero nasa gitna pa lang ako ng katawan niya ay lumalakas na ang kalampag ng puso ko! My heart pounded more lalo na ng makita ang pamilyar na tribal tattoo sa brasong ’yon!
I could feel the tension building in my neck and my breath instantly hitched when my eyes finally met his. I could feel my palms beginning to sweat, too…
I am right. Ngayong nakatingala ako’t nakatitig sa mga matang ’yon, napatunayan kong wala nga iyong pinagkaiba sa titig niya sa kanyang nasirang motor kanina…
His dark eyes remain on me, like it’s exploring the deepest parts of my being that even myself haven’t discovered yet. His moves became slow and deliberate while he’s pointing his fingers on the chair beside me. Wala akong maisip at nagawa kung hindi ang makipagtitigan sa mga matang iyon na nakakangilo ang intensidad.
It’s more intense when up close… And oh, his features are more defined and mesmerizing. Mas mapula ang mga labi niya sa malapitan. Ang magulong buhok ay parang napakalambot at ang kanyang amoy… Wow, he smells like what I’ve been longing for… Like my favorite chocolate that I’ve been craving and wanting to eat.
“N-No…” I say, my voice barely above a whisper.
He nodded and watches me for a moment, expressionless.
“B-But are you sure you want to sit beside me?” hindi ko na napigilang itanong.
May mga nanunuod pa rin sa amin pero ang iba ay bumalik na sa kani-kanilang usapan. Mga babae na lang ang nakatingin pero tanging kay Seidon na lang ’yon.
Nagkibit siya ng balikat saka walang sabing umupo sa tabi ko. I’ve never felt this nervous maliban sa tuwing napapagalitan ako ng mga magulang ko pero ang kabang dumadagundong sa puso ko ngayon ay malayong malayo sa lahat ng kabang naramdaman ko sa tanang buhay ko.
He doesn’t look like a freshman. Kung bago siya rito, hindi sana siya sikat, right? It doesn’t add up.
“Hindi ka ba naliligaw?” I asked again when he was seated, nawala na kasi ang konsentrasyon ko sa mga ulap, damo, araw at hangin.
“Nah, this is my class.” sabi niya dahilan para kunin ko ulit ang printed schedule ko!
Maybe I am the one who’s in the wrong class! Litong bumalik ang tingin ko sa kanya pero hindi ko na nagawang magsalita o mang-istorbo dahil may kausap na ito sa kabilang linya.
“Venus will handle that, Riggs,” pinanuod ko siyang makipag-usap pero sa tuwing napapalingon siya sa akin ay yumuyuko ako. “Yeah, I’ll meet you later before noon. Tell them to go to the studio after class.”
Dance studio . Muling bulong ng utak ko, naalala ang mga sinabi ni Zoey kanina. Nang ibaba niya ang telepono ay wala nang lumabas sa bibig ko dahil sakto namang dumating na rin ang professor namin para sa klase.
We started the class with the school’s opening prayer pero wala na doon ang atensiyon ko. Sa unang pagkakataon, I want to look in the mirror to check if I look okay. Kung hindi ba ako maputla at pangit o kung hindi ba siya matatakot sa hitsura ko.
Ilang beses akong napabuntong hininga sa lalim ng takbo ng utak ko. Why do I feel like I want to regret wearing just an okay outfit? Putting just lipstick? Bakit parang gusto kong mag-sorry sa kanya?
Ipinilig ko ang ulo ko nang mapansing sumulyap siya sa akin. Stop being so weird Lana… Just act normal! Kahit ngayon lang!
Pero paano ako magiging normal ngayong alam kong kaklase ko nga siya rito matapos kaming tawagin isa-isa ng aming professor? Should I be sorry everyday for being weird?
Bahagya lang lumuwag ang utak ko ng patayuin kami para i-arrange ang upuan. Kahit na gusto ko siyang makatabi ay mas mabuting hindi na lang. Tahimik akong lumayo sa kanya pero nang tawagin na kami isa-isa para sa bagong seating arrangement, gano’n na lang ang muling pagwawala ng puso ko ng makitang siya pa rin ang katabi ko!
Cordova, Drozdov… Great .
Bumalik lang ang normal na ritmo ng puso ko ng matapos ang klase. Walang lingon siyang tumayo at paalam na umalis. Not that I want him to say goodbye because that will be so weird pero nabahiran ng hindi malamang lungkot ang puso ko ng tuluyan siyang mawala.
Habang naglalakad sa pasilyo at hinahanap ang sunod kong klase ay alam ko nang sisigaw si Zoey kapag sinabi kong classmate ko ang isa sa mga crush niya pero sumakit pa rin ang tenga ko nang hindi niya naawat ang malakas niyang pagsigaw sa kabilang linya!
She was screaming on the other line while saying how lucky I am. While asking what did I do and so on. Walang tigil siya sa pag-usisa na nagkunwari na lang akong choppy ang linya para patayin na.
I focused on the lesson for the next three subjects. Mabuti at ng mga sumunod na klase ay wala akong nakatabing famous kaya hindi na ako pinagtitinginan ng mga babae. Some tried to talk to me pero nang sabihin kong hindi ko kilala si Seidon ng personal at nagkataon lang ang kanina ay hindi na rin ako kinausap.
The guys were nicer than them. Sa ilang oras ko silang kasama ay naalala ko na ang pangalan ng iba sa kanila. Not that I memorize it because I want them to be my friend but because they’re my block mates at sila ang matatakbuhan ko sa mga lessons.
Nagkita kami ni Zoey sa huling silid ko ng matapos ang lahat ng klase. Malaki pa rin ang tuwa sa labi niya at malayo palang kanina ay nagsusumigaw na sa hallway dahil sa nai-kwento kong pagtabi sa akin ni Seidon kanina.
Alam kong para sa isang araw ay sobra-sobra na ang lahat ng nangyari ngayon pero habang inuusisa niya ako ay literal na yata akong nalulunod pero hindi pa natapos doon. Nang makita ang pag-ibis ng isang itim na sasakyan sa harapan namin bago pa kami makapihit patungo sa parking lot ay nahigit ko na ang paghinga ko.
I don’t know why but I just froze beside her. Natigilan rin siya pero bago pa makapagsalita at makapagtanong ay lumabas na doon ang isang lalaki. Nakangiting lumapit sa akin, hinapit ako sa bewang at walang sabing hinalikan sa labi.
“V-Vince…” nahihiya kong sambit habang nakatitig sa kanya.
“Vincenzo?” lito na ring tanong ni Zoey kaya napabaling ang lalaking rito.
“Zo-fucking-ey! What the fuck! It’s nice to see you!” masayang nagyakapan ang dalawa and I couldn’t be more confused.
Dapat masaya ako. Dapat masayang-masayang makita ang boyfriend ko at ang bago kong kaibigan pero tanging kalituhan ang naramdaman ko.
Gaya ni Zoey, being Vincenzo’s girlfriend is also part of my parents negotiation with their friends.
Vincenzo Antonov, the only son of Mayor Dmitri Valiente Antonov has been my boyfriend for almost six months now. Though he is nice and I love him for being himself and for giving me attention, hindi pa rin sapat ang ilang buwan para masabing siya na ang gusto kong makasama habang buhay gaya ng dapat maramdaman sa pagpili ng boyfriend. But then, wala akong magagawa kung hindi ang kilalanin siya at hayaan ang sariling mahulog sa kanya dahil kahit wala pa man ay alam ko nang ito ang pakakasalan ko balang araw. It was all planned.
Sa pagkawala niya kay Zoey ay binalikan niya ako’t hinalikan ulit. Nahihiya ko siyang naitulak pero dahil mas malakas siya ay hindi ko nagawang kumawala lalo na ng ikulong niya ang mukha ko gamit ang isang kamay at mas pag-igihan ang paghalik sa akin.
Nahabol ko ang paghinga ng bitiwan niya ako pero imbes na mag-sorry dahil sa pagkailang ko ay mas lalo lang siyang napangisi.
“You missed that, huh?”
Pinilit kong ngumiti at tumango nalang kahit na hindi ko makapa sa dibdib ko kung tama ang sinabi niya. Did I really missed that ? Him?
Natawa siya sa paghiyaw ni Zoey.
“Sobrang sweet niyong dalawa! Oh my God! Kailan kaya ako magkaka-boyfriend na kasing sweet mo, Vince!”
Inakbayan niya ako at hinapit palapit sa kanya.
“Gusto mo ba? I can help you with that.” mayabang na sabi ng boyfriend ko pero bago pa makasagot at humaba ang usapan nila ni Zoey ay kinuha ko na ang atensiyon niya.
“Why are you here?”
“What do you mean, why I’m here?”
Well, sapat na ang layo ng biyahe para sa kung anong importanteng dahilan niya para pumunta at sadyain ako dahil hindi naman umaalis si Vince sa lugar nila kung walang okasyon o mahalagang sadya.
Hindi nawala ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi. Iyong ngising parehas lang naman noong ngisi ni Nicolaus pero ang nasa labi ni Vince ay tanda ng isang delubyo… That’s how I interpret it.
Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan nang ibaba niya ang mukha patungo sa aking tenga bago bumulong.
“I’ll study here, Lana… I’ll be with you more.” aniya pero bago pa ako makapagtanong ay binitiwan na niya ako’t inakbayan si Zoey at doon na ibinuhos ang buong atensiyon kaya naiwan akong nakatulala at litong-lito habang pinapanuod silang dalawa.
Follow all my social media accounts to be updated.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva/Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 3
Chapter Three

Sa gitna ng mga alon ay sumasabay ang mga luhang walang kawangis.
Ang bugso ng damdaming nagpapasakit ng walang mintis.
Sa batang pusong wala namang ibang ninais,
Kung hindi kasiyahang walang kapares.
~ Bugso
•••
Tinapos ko ang minimalist sketch ng isang babaeng nakaupo at yakap ang magkabilang tuhod habang nanunuod sa mga along nasa kanyang harapan. Inilagay ko 'yon sa gilid ng tulang katatapos ko lang gawin. Bukod sa pagkahilig sa mga tula, nahiligan ko ring lagyan ng mga drawing ang bawat tulang ginagawa ko.
My handwriting is good and it's the only thing I can show off to people. Most of the times, my poems were written in monospaced or the one that looks like the font of a typewriter. I can play good with it. I can change my penmanship the way I wanted, parang editing application na maraming available fonts and ready to use.
Nang matapos ay nanatili sa gilid ng labi ko ang lapis na aking ginamit sa pag-drawing. Imbes na purong sketch ang laman ng panibagong sketch book na hawak ko, it's almost full with my poems. Ang mga tulang kahit sino ay wala pang nakabasa.
Napukaw ako sa mahinang katok sa aking pintuan.
"Lana, pinapatawag ka na sa baba ng Daddy mo. Nariyan na raw ang mga Antonov." umupo ako ng tuwid at agad na inayos ang mga gamit.
Inilipat ko lahat sa isang cabinet na mayroong lock at maingat na isinama sa ilang sketch book na punong-puno na ng tula.
Bago lumabas sa kwarto ay sumulyap ako sa orasang nasa gilid ng aking laptop. It's seven in the evening. Nagsimula akong magsulat pagkauwi ko galing sa eskwela at hindi ko na namalayan ang oras.
My family are having dinner tonight with the Antonov's. Bukod kasi sa bukas na papasok si Vince sa Unibersidad de Buenavista ay dito na rin ito titira ulit. His parents bought him a huge house near the school. Hindi magiging problema sa kanya ang pag-a-adjust sa lugar dahil halos lahat naman ng mga kaibigan niya ay narito at dito rin siya lumaki. His friends were studying in UDB, too.
Nalipat nga lang sila sa Pio Corpus ng magdesisyong pumasok sa politika ang kanyang ama. Powerful enough, hindi ito nabigo nang manalo sa pagka-mayor at ngayon nga ay nagbabalak nang tumakbo sa mas mataas na posisyon.
"Lana!" malawak na ngiti ni Paloma Antonov, ang unang bumati sa akin ng marating ko ang dining area.
Mabuti at bumaba na ako dahil kahit na hindi pa man sila nagsisimula, nakita ko na ang talim ng mga mata ng magulang kong parang gusto akong saktan at usisain kung bakit hindi ako bumaba ng maaga gayong alam ko naman ang pagdating ng mga ito.
Iniwas ko ang mga mata sa kanila at tinungo si Mrs. Antonov. I'm glad that they're here dahil kung wala ay alam kong napagalitan na naman ako.
"How are you, hija?" masaya niyang tanong na nginitian ko. "I'm good po, kayo po? It's good to see you, Tita."
"It's good to see you too!" aniyang hinalikan pa ako sa pisnging dahilan ng pananayo ng mga balahibo ko sa katawan.
I know she's really that affectionate but I'm not used to any affection kaya kahit na palagi niya iyong ginagawa sa tuwing nakikita ako ay hindi ko pa rin mapigilang mag-cringe. Binati ko ang ama ni Vince bago ito batiin sa huli. He kissed my cheek after I sat beside him.
There were guards outside. Ang mga bodyguard na dala ng pamilya niya at mga driver sa dalawang convoy.
Vince lips were curved a smile while looking at me. Sigurado, kung wala kami sa harapan ng mga magulang namin ngayon ay hinalikan na niya ako. It's what he loves to do. In fact, nang malaman niyang siya ang first kiss ko ay mas lumakas ang loob niyang ulit-ulitin na iyon, even though I don't feel comfortable with it.
Bumibigay na lang ako dahil tingin ko bilang girlfriend ay iyon ang dapat gawin. Hindi naman ako pwedeng mag-inarte lalo na't kasiyahan niya ang halikan ako at minsan lang na maging dahilan ako ng kasiyahan ng isang tao kaya pinagbibigyan ko.
"I'm hungry, bakit ang tagal mo?" tanong niya habang inihahanda ang sarili sa pagkain.
"Hindi ko namalayan 'yung oras. Nagsulat ako ng poems ko." I answered habang kumukuha na ng pagkain.
"Alright," he said.
Hindi na ako nagtakang wala siyang pakialam doon. Simula pa naman kasi ay wala naman na siyang pakialam maliban sa relasyon naming dalawa. I was so hesitant to tell him that I wrote poems dahil nahihiya ako at hindi pa ako handang mabasa ng ibang tao ang mga gawa ko pero dahil nga may relasyon kami, sinusubukan kong ipakilala ang sarili ko sa kanya, but since he doesn't have interest about everything I do, hindi ko na inulit.
"But I don't want you to be late tomorrow."
Kunot noo ko siyang sinulyapan. "H-Huh?"
"Simula bukas, ako na ang susundo sa'yo at maghahatid sa university. I just got my schedule earlier, halos parehas lang naman tayo ng oras maliban tuwing Friday's na maaga ang uwi ko but that's okay, I can wait for you."
Parang nagkabuhol-buhol ang utak ko sa sinabi niya. Vincenzo Antonov fetching me to class? I don't think so.
"Pero may driver naman kami, si Mang Junie."
"I don't care." binalingan niya ang kanyang mga magulang na abala sa sariling usapan.
Nang makuha niya ang tingin ni Daddy ay kinumpirma nito ang sinabi niya sa akin.
"You should be lucky to have a thoughtful boyfriend, Lana." si Mommy na mayroong malawak na ngiti.
Iyong ngiting ni minsan ay hindi lumabas na ako ang dahilan. I smiled at that, sinasabayan ang tuwa nila kahit na hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ng puso ko.
I don't feel happy with their decision. Though I like Vince and I want to know him more, may kung ano sa parte kong ayaw mahulog sa kanya.
Sa dami ng muling sumalakay sa utak ko ay parang gusto ko ulit kwestiyunin ang sarili ko kung normal ba talaga ako o tama ang mga magulang kong hindi.
The dinner ended well. Hindi nila nahalatang kaunti lang ang kinain ko't isusuka mamaya pero hindi ako nakaligtas sa matinding kaba nang hilahin ako ni Vince bago pa kami makasunod sa mga magulang namin palabas ng bahay.
He pulled me out of the hallway para halikan at itago sa likod ng malaking estatwa, sapat para walang makakita sa amin.
"V-Vince..." nalunod ang pagtutol ko sa loob ng kanyang bibig.
Pakiramdam ko'y nanlambot ang mga tuhod ko nang hapitin niya pa ang bewang ko para mas pag-igihan ang halik sa akin.
It wasn't just like the movies. His lips savored mine ruthlessly. Sabik at uhaw sa halik pero nagawa ko siyang itulak nang bumaba ang mga kamay niya patungo sa aking pang-upo. Hinihingal akong napayuko.
"B-Baka mahuli nila tayo." sabi ko ngunit lumabas iyon sa paraang taliwas sa gusto kong ipahiwatig.
My voice felt like it wanted more but just afraid to get caught when the truth was, I don't want it at all.
He chuckled and lifts my chin.
"So what? They know we're together and kissing is just part of our relationship," napahaplos ako sa aking braso ng maramdaman ang muling pagsitayuan ng mga balahibo doon.
Ngumiti nalang ako para matapos na.
"Baka hinahanap na nila tayo, tara na."
He sighed in frustration pagkatapos ay inakbayan ako.
"Alright," aniya habang iginigiya na ako palabas at patungo sa mga naghihintay na tao. "I can't wait to see you tomorrow... I can't wait to kiss you hard, Lana." his statement made me swallow hard.
He wanted to see me just to kiss me. I know it was supposed to be cute pero hindi 'yon ang gustong sabihin sa akin ng utak ko.
Ipinagsalikop ko ang aking mga kamay na nakapatong sa aking tiyan habang nakatulala sa ceiling ng kwarto.
Ilang oras nang umalis sila Vince at ilang oras nalang ang itutulog ko para maghanda sa unang klase pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
I'm wide awake... Ni hindi nga ako humihikab. Gising na gising pa rin ang diwa ko, still convincing myself why do I have to love Vince. Though alam ko namang ma-swerte na ako sa kanya dahil bukod sa magandang lalaki siya ay kaya niya rin akong buhayin pero mayroong parte sa pagkatao kong pilit na nagsasabing maling mahulog ako sa kanya. Like even meeting him was a mistake...
But what I actually think a mistake? Me, being born into the world that I can never fit in, bothering people by just existing...
Mabagal kong ikinurap-kurap ang mga mata ko.
Why do I have to be so ungrateful? Why do I have to think negatively to the people around me? My Dad was right. Kung iisiping mabuti, maswerte pa rin ako kaysa sa ilang mga taong nabuhay sa mundo because of what I have but why do I feel like I don't deserve any of it? Bakit tingin ko, ang lahat ay mali?
Muli akong napabuntong-hininga. I wasn't really normal and I don't think I can ever be that way...
Iyon ang mga huling nasa utak ko bago ako makatulog kagabi pero pag gising ko ay iyon pa rin ang laman ng utak ko. Sleep doesn't really help wiping all my negative thoughts.
Imbes na magpatalong muli sa pag-iisip ay minabuti kong mag-exercise. Pagkatapos ay Sumabay ako sa pagkain sa mga magulang ko. Hindi pa man ako natatapos sa pag-aayos ay dumating na si Vince para sunduin ako.
I smiled at him when he greeted me. Muli akong napangiti nang yakapin niya ako pagkatapos makapasok sa loob ng sasakyan. I like that he doesn't kiss me right away. I like how he kisses my forehead, ang sabi kasi ay sign iyon ng respect. I like how he's gentle of me. He's really a good boyfriend pero sa tuwing naiisip ko kung paano kami napunta sa ganito, muli akong nagkakaroon ng pagdadalawang-isip.
We kissed in the car when we arrived at the university. I let his lips kissed mine passionately. Not because he made me special today but because I am obliged too. Muli akong ngumiti nang tumigil siya'y punasan ang gilid ng labi ko.
"Put some lipstick more Lana, you look pale now." aniya habang tinatanggal na ang seatbelt sa kanyang katawan.
Sinunod ko ang gusto niya at bahagya pang inayos ang buhok para maging kaaya-aya.
"And please wear proper clothes next time, mukha kang manang sa suot mo, eh." sunod niyang puna sa suot kong simpleng puting sweatshirt at cargo pants.
I nodded and told him that I'll do better next time. Pinanatili ko ang ngiti ko hanggang sa makalabas kami ng sasakyan at akbayan niya ako pero mas nakahinga ako't nakangiti ng natural ng dumating ang mga kaibigan niya't bitiwan niya ako.
Moments later, Zoey arrived. Nagpasalamat ako sa pagdating niya pero hindi kami nakaalis kaagad dahil sa pagpapakilala ni Vince sa mga kaibigan dito.
"Jameson, Jackson, Levian and Aaron."
I met the guys once pero gaya ni Zoey, bago pa rin ang mga ito sa akin. She was interested with them but not as interested as the Cordova's dahil habang naglalakad kami sa pasilyo ng lumang building ay parang gusto na niyang magtatatalon ng mapansin ang isang partikular na papel sa bulletin board na nadaanan namin.
"Oh my God! Oh my God!" histerikal na naman niyang sabi at agad na kinuha ang naka-pin na papel bago nanlalaki ang mga matang binasa 'yon.
"Anong oras ang vacant mo, Lana?" excited niyang tanong na lito kong sinagot.
"Two hours lang pagkatapos ng lunch–"
"Perfect!"
Nagkumahog akong sundan si Zoey habang lumulutang siya sa kasiyahan dahil sa hawak na papel na hindi ko naman nakita.
"Bakit?"
"Meet me after your class. Kung kinakailangang mag-skip tayo ng lunch, we'll do it!"
"H-Ha? But Vince–"
"Ako nang bahalang magpaliwanag kay Vince kung bakit hindi tayo makakasabay sa kanila," I made a full stop when she turn to me, iwinawagayway ang papel sa harapan ko. "This is my chance to be close to the Cordova's again! Lana, this is my only chance!"
Naniningkit ang mga mata kong lumihis sa direksiyon ng papel. It's all about dance I think dahil sa animation na nasa poster. Oh, it was a recruitment poster for a dance club.
"M-Mag-a-audition ka?" namamangha at nalilito kong tanong na nagpatango-tango sa kanya ng walang pag-aalinlangan. "Marunong kang sumayaw?" hindi makapaniwala kong segunda na nagpairap at nagpatawa sa kanya.
"Syempre hindi, gaga! Audition lang ang usapan walang sinabing kailangang magaling kang sumayaw!" humahagikhik niyang sagot na nagpailing sa akin.
What's the point?
"The point is, mapapalapit ako sa kanila!" aniyang tila narinig ang tanong sa utak ko. "Alam mo bang once a year lang nagpapa-audition ang dance club nila?! At kahit hindi ako magaling sumayaw, chance pa rin 'to para mapansin ng mga Cordova! Ano, game ka?"
"H-Ha? Sumayaw? Mag-audition? Ako? No way." depensa ko agad habang ikinukumpas pa ang mga kamay sa ere.
Lumakas ang tawa niya at hinawakan ako sa braso, nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Sa pagsama sa akin mamaya! Kahit i-cheer mo lang ako para mapansin nila! Please, Lana, ito lang talaga ang hiling ko sa buhay so please help me! I promise, tatanawin kong malaking utang na loob ito!"
Natigil ako sa pag-iisip pero sa huli ay pumayag na rin. Hindi dahil gusto ko siyang suportahan sa pagpapapansing gusto niya kung hindi dahil tingin ko'y mas okay ang gagawin niya kaysa sa makasama si Vince mamayang tanghalian. Wala rin akong ganang kumain kaya mas pabor ang hiling ni Zoey. I'm hitting two birds with one stone.
I met her after class. Kung sana'y may NSTP ako ngayong araw ay natanong ko ang isa sa mga Cordova'ng kinahuhumalingan niya tungkol sa detalye ng audition para man lang mabigyan siya ng heads-up pero ni hindi ko nakita ang lalaki.
Hila-hila ako ni Zoey nang sunduin niya ako sa huli kong silid at hindi talaga binitiwan habang patungo kami sa pangalawang palapag ng lumang building kung saan naroon ang auditorium.
Nadaanan namin ang hilera ng iba't-ibang organisasyong kasalukuyan ring kumukuha ng mga bagong miyembro.
Students flocked on every parts of the hallway. Gustohin ko mang huminto sandali dahil nasu-suffocate ako sa dami ng tao pero hindi iyon posible lalo na't sobrang excited na siya.
Bahagya ko siyang nahila ng madaanan namin ang poetry club na tanging walang masyadong tao pero agad nagawa ang tingin ko doon dahil sa muli niyang paghila sa aking kamay.
"Bilis, Lana! Oh my God, ang dami nang tao!"
Kasabay ng pagbaling ko sa kanya ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang mahabang pila ng mga estudyante sa labas ng auditorium!
"Shit!" she cursed habang palapit kami sa lamesang nasa labas.
Sa hindi malamang dahilan ay lumabas ang ngiti sa labi ko ng makita ang babaeng simula noong una kong masilayan ay gandang-ganda na ako! She's with another girl, maganda rin naman ang katabi niya pero iba talaga ang appeal ni Venus dahilan para dito mapukol ang mga mata ko.
Her blonde hair wasn't up this time. Malaya iyong nakalugay at kulot pa ang mga dulo. She doesn't have a heavy make-up like the girl who's sitting beside her pero nakuha niya pa rin ang buo kong atensiyon. She's simply beautiful.
"Hi!" humahangos na sabi ni Zoey nang makalapit kami rito matapos kausapin ang mga nasa harapang kumukuha ng number.
"Hey! Are you two going to audition?" masaya nitong tanong pero nang bumaling sa akin ay agad akong umiling.
"Siya lang." sabi ko.
Her smile widened at that, mukhang kahit na wala akong naiambag ay napangiti ko siya and that made me genuinely happy inside.
Her presence is just so pure... I've never admire a girl so much because I'm straight and I totally like boys but Venus is an exemption. She deserves all the praise for being so gorgeous.
"Don't you want to try?" magaan niyang sabi sa akin na gusto ko mang tanguan para pagbigyan siya ay hindi ko ginawa.
"Parehong kaliwa ang mga paa ko, I'm sorry."
She chuckled and shake her head. "Don't be sorry," inilagay niya ang kamay sa kanyang bibig na kunwari'y bubulong sa akin. Ibinaba ko naman ang ulo habang si Zoey ay abala sa pag-fill up ng mga forms. "If you really want to join, ako ang mag-ja-judge sa 'yo. I can give you a perfect score para makapasok ka sa next round, sabihin mo lang."
I don't know if she was joking or what pero napatunayan kong totoo ang sinasabi niya. Maybe she thought that I'm like Zoey, na kaya lang naman talaga narito ay hindi para makapasok kung hindi ang magpapansin lang.
Lumawak ang ngiti ko at nagpaumanhing muli.
"Sorry talaga pero ayaw ko namang masira ang grupo niyo. I'll just support my friend."
She chuckled and nodded at me. Sakto ang pagtapos ni Zoey sa pag-fill up pero sa dami ng auditionees, mukhang kulang ang dalawang oras na break namin sa pagpila palang. Sa labas palang kasi ay puno na, ano pa kaya sa loob ng auditorium?
"Shit! Mukhang hindi ako makakapasok sa next class ko, Lana!" palatak niya habang pumipila na sa dulo.
"Baka pwede ka namang umalis tapos bumalik ka nalang. Mahaba pa naman ang pila kaya–"
"No!" mabilis niyang putol sa akin. "Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito at pipila ulit kapag nalagpasan ako! I won't go thought the same process again!"
"Hindi ka papasok sa next class mo?"
"Yes, but you better not tell my parents about it."
Wala akong naisagot sa kanya kung hindi ang mangako na lang. Sinamahan ko siya sa pila. Bumili ako ng pagkain namin habang naghihintay pero natapos nalang ang oras ng vacant ko ay hindi man lang siya nakaabot sa pintuan.
"Kung hindi lang talaga si Nicolaus ang isa sa mga judge, hindi ako magtatiyaga rito! Nakakainis!"
"Relax, gusto mo 'to, 'di ba?"
Nagpakawala siya ulit ng malalim na paghinga at tumango nalang.
"Text me when you're inside. Dalawang subject na lang ako at babalik ako para suportahan ka, okay?"
She smile and hugs me. "Thank you, Lana. Basta balikan mo ako, ha? Ichi-cheer mo pa ako, remember?"
I nodded. "I'll be back," I said reassuringly. "Basta galingan mo mamaya sa pagpapapansin. Hindi ka man makapasok sa dance club, at least mapapansin ka ng mga crush mo."
Lumawak ang ngiti niya at tumango pero imbes na magsalita pa ay muli niyang isinuksok sa magkabilang tenga ang earphones at muling umindak-indak para maghanda sa gagawin.
Naiiling akong lumayo sa kanya. She looks so determined at alam ko namang magagawa niya ng maayos ang gusto niya.
Habang pinapanuod kasi siya, sigurado na akong hindi siya matatanggap pero sigurado rin akong mapapansin siya. Hindi man kasi ako mahilig manuod ng mga taong sumasayaw, alam ko naman kung ano ang maganda at hindi, and her moves is definitely not that good.
Bumalik ako sa klase. Nagpatuloy sa pag-aaral kahit na si Zoey ay ilang beses akong kinulit. Sabi niya ay malapit na raw siya sa pintuan. Marami pa rin daw ang nakapila pero ang iba ay ni-reschedule na para bukas.
I can feel her excitement kaya sa huling klase ko ay hindi na ako nakapag-concentrate lalo pa't sabi sa huling text niya ay nasa loob na siya. Marami pa rin daw tao pero at least nakapasok na siya.
Nagmadali akong lumabas sa classroom pagkatapos ng closing prayer. Halos tinakbo ko rin ang hallway makarating lang sa auditorium pero ang mga paa ko ay kusa at dahan-dahang huminto nang matanaw ko ang isang lalaking tahimik na nakaupo kung saan nakaupo kanina sila Venus.
His tribal tattoo was exposed again. Dahil may binabasa siyang papel ay nagkaroon ako ng pagkakataong matitigan siya ulit. Nakakunot ang kanyang noo, hindi ko alam kung galit sa binabasa o ano. Nang kumibot ang kanyang labi ay nahigit ko ang aking paghinga...
How can someone be that gorgeous even without doing anything? Without putting an effort? Bakit parang ang paghanga ko kay Venus ay walang-wala sa kung anong nararamdaman ko sa lalaki lalo na habang palapit sa kanya?
Hinanda ko ang aking sarili, pinuno ng hangin ang dibdib pero para pa ring may nagsitakbuhang kabayo sa dibdib ko nang umangat ang tingin niya sa akin. He's not smiling but his eyes wasn't intimidating kaya nagawa ko pa ring makipagtitigan. 'Yon nga lang, walang salitang lumabas sa bibig ko.
"Sorry but we're done accepting auditionees today, be back tomorrow."
"No, hindi ako mag-a-audition," mabilis kong sagot. Lutang na itinuro ang pinto. "M-My friend. My friend is inside."
Bahagyang kumunot ang noo niya. Tahimik na isinara ang mga papel na binabasa pero hindi ko mapigilang muling mapasinghap ng tumayo siya, hovering me.
Oh God, he's tall. Oo nga't hindi naman ako mukhang unano sa kanya dahil matangkad rin ako pero ilang inches pa rin ang taas niya sa akin, halos nakatingala pa rin ako sa kanya. Bukod sa tangkad ay malapad rin ang kanyang dibdib at mga braso... He looks so powerful, too... Parang kaya akong buhatin gamit lang ang mga daliri.
"Do you want to go inside?" tanong niyang hindi ko inasahan kaya naputol ang mga imahinasyon ko.
I nodded simultaneously. My heart jumped from joy when he holds the door for me. Pinauna akong makapasok sa loob pero agad akong nahinto nang makita ang dagat ng tao sa loob ng malaking auditorium!
Napalunok ako ng maramdaman ang pagtabi niya sa akin, sinusundan ang tingin ko.
"Surprised?" he asked.
Napabaling ako sa kanya pero ang mas surprising sa mga mata ko ngayon ay ang mainit na ngiti sa kanyang mga labi...
Though I'm only gazing at it from his side profile, alam kong sobrang ikasasaya pa ng puso ko kapag humarap siya. But when he does, agad akong napayuko.
Takot na mahuli niyang nakatitig ako sa kanya, at takot na aminin sa sariling masaya akong makita siya ulit... Mapansin niya ulit...
But why do I feel happy? Is this still part of being not normal? I bit my lip at the thought at imbes na magsalita ay sinundan nalang siyang magpatuloy sa paglalakad.
Follow all my social media accounts to be updated.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva/Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 4
Chapter Four
She is stuck forever on a cloudy day
continuously wept beneath the wild sky
lost hope, scarred, but not until that day,
that day he laid his eyes on her.
~ glimpse of happiness
•••
“So… You’re a dancer…” marahan kong sabi bago pa namin maabot ang mga estudyanteng naghihintay na tawagin sa stage. Ayaw mang magsalita ng bibig ko pero mas lalong hindi kaya ng tenga ko ang katahimikan niya.
Bumagal ang lakad niya at nilingon ako pero nanatiling tahimik ang kanyang mga mata.
“Am I?” he asked innocently.
Pinagdiin ko ang aking mga labi. Ayaw ko namang sabihin sa kanya ang alam ko pero dahil wala akong maisagot ay nagawa kong ilaglag si Zoey.
“M-My friend told me…” pumantay ako sa kanya, as if like he’s waiting for me.
Iwas ang tingin akong nagpatuloy sa paglalakad habang nasa tabi ni Seidon. Nang madaanan namin ang hilera ng unang upuang puno ng estudyanteng halos lahat naman ay babae ay hindi na ako nakapagsalita. He doesn’t seem like he wants a conversation with me so I didn’t bother.
Hinanap nalang ng mg mata ko si Zoey.
“What’s her number?” tanong niya pero bago pa ako makasagot ay nakita ko na ang pag-ilaw ng telepono galing sa isang bulto sa bandang gitna habang patuloy iyong iwinawagayway sa ere.
Napanguso ako sa direksiyon niya.
“I found her.”
He nodded, but he continued walking to the direction where I’m heading kaya muli akong nagsalita.
“H-Hindi mo na ako kailangang ihatid.” nahihiyang sabi ko.
Muli siyang lumingon pero ang mga mata ngayong nakapukol sa akin ay may bahid ng munting tuwa. Pinigilan kong malaglag ang panga ko ng umiling siya.
“I’m not. I’m going to join my cousins in front, dito lang rin ako dadaanan because it’s too crowded there,” turo niya sa magkabilang gilid ng auditorium na puno ng mga babaeng nagre-rehearse.
I was dumbfounded. I tried to hide my embarrasment by looking away but he is too gentleman to save me from it.
“Pero wala namang masama kung ihahatid na rin kita,” aniya kaya muli akong napatitig sa kanya. “Drozdov, right? NSTP?” he asked.
Doon na tuluyang nalaglag ang panga ko. He remembers me?
“Y-Yes… Cordova.” I answered.
His lips curved a gentle smile and instantly, my thoughts were filled with endless questions. Like how could it be possible that his smile completed someone’s day? How that little strand of happiness makes everything so different? So better?
“Seidon.” pagpapakilala niya nang muli na naman kaming magkatabi, pinagtitinginan ng lahat, kinaiinggitan ng mga babae.
“Svetlana, Lana na lang.” sagot ko naman.
He nodded. Parang gusto kong malungkot sa unang pagkakataon ng mapansing malapit na kami kay Zoey.
“Uhm, Seidon…”
Bumagal ang lakad niya.
“Hmm?”
“Mahirap bang makapasok sa dance club niyo?”
He shrugged. “Why? Do you want to try?”
Parang gusto kong matawa sa tanong niya pero sinapo ko ang bibig ko at agad na pinagalitan ang sarili.
“No, and that will never change. I’m just asking for a friend.”
“That girl?” tukoy niya kay Zoey na gusto na yatang maglupasay habang nanunuod sa aming dalawa.
Tumango ako. “Sobrang fan niyo si Zoey, but I don’t think she can really dance. Can you tell your cousins to be nice when they reject her? Or just ask Nicolaus to say hi or something? Just don’t break her heart, mabait si Zoey…”
Pakiramdam ko’y hinapo ako sa paghinto niya. Dahan-dahang lumakad ang mapanuri niyang mata sa buong mukha ko, maybe looking for something beautiful to convince him, too bad, I didn’t have one. Yumuko ako.
“O-Or not… I’m sorry for asking you—”
“I got you.” pagpuputol niya sa aking ikinagulat ko ngunit sa pagbalik ko ng tingin sa kanya ay wala na ang mga matang kung tumitig ay tumatagos patungo sa kaluluwa ko, he’s walking away from me.
Hindi ko na pinigilan. Naglakad nalang rin ako at agad na lumihis sa lane kung nasaan si Zoey.
Again, parang gusto kong magsisi na pinuntahan ko pa siya dahil ng makalapit ako ay pinagkukurot niya ako na kahit pabiro ay may bahagyang diin! For once, parang gusto ko na ring maging bayolente.
“Oh my Gosh, Lana! How did you do that?! Oh God, it’s Seidon! I can’t freaking believe you!”
I cringe. Anong hindi kapani-paniwala doon? Na tumabi sa akin si Seidon? Na kinausap ako nito? Naisip ko na rin ’yon, but it happened so…
“Nakita ko lang siya sa labas. Akala niya mag-a-audition rin ako tapos papasok na rin siya kaya sumabay na ako. That’s it.”
“Ah, basta! You’re still lucky than ninety-nine percent of species here in UDB! To think na ilang araw palang ang lumipas simula ng pasukan? Aba’t pinagpala ka talaga sa babaeng lahat dahil napansin ka ni Seidon!”
Wala sa sariling lumihis ang tingin ko palayo sa kanya at patungo sa stage.
I don’t want to feed her intrigues because it was nothing. Normal na pag-uusap lang ’yon at kung siguro nga maswerte ako sa tingin ng lahat, then thank you.
Itinuon ko ang atensiyon sa mga sumasayaw sa gitna, sa mga nangangarap na mapabilang sa grupo ng mga Cordova, makasama ang mga ito araw-araw. Ano nga kayang pakiramdam no’n?
Zoey didn’t stop telling me facts about them. Aniya, kapag nasa loob ng university ay UDB dance crew ang tawag sa kanila sunod sa pangalan ng university pero kapag nasa labas at nakikipag-kompetensiya sa mga karatig lugar o kahit out of town, they are called Elite Dynasty Movement.
“Adonis?” tanong ko ng mahinto ako sa salitang sinabi niya.
“That too!” masaya niyang paliwanag habang papalapit ng papalapit ang number niya. “Everyone called the guys Adonis kaya mag take notes ka ulit.”
Kumunot ang noo ko at nanatili ang litong titig sa kanya.
“Hello, do I need to explain that? Tignan mo nalang silang apat, nandiyan na ang sagot! Oh my God!” humahagikhik niyang pagpapatuloy na akala mo’y kinikiliti ang pwet sa upuan.
Kung sabagay, hindi naman talaga maipagkakailang maganda ang lahi nila. I mean, the guys can passed as GQ models! What else? Wala nang kailangang explanation dahil tama si Zoey na titigan lang ang mga ito, makukuha mo na ang sagot.
Vince has been texting me pero si Zoey ang sumasagot doon maging ng tumawag ito. Mabuti nalang at maglalaro raw ito ng basketball kasama ang mga kaibigan kaya ayos lang na mahuli kami.
Walang humpay ang pag ‘Oh my God’ ni Zoey na hindi na mapakali habang palapit ang performance niya. Mas bumibilis ang paghahatol ng magpipinsan, siguro’y pagod na. Venus is seating in the middle. Si Seidon ay nasa kaliwang dulo at katabi ang sinabi ni Zoey na kambal ni Venus na si Riggwell, iyong kulay abo ang buhok.
Sa kanang bahagi naman ni Venus ay si Nicolaus at ang tingin kong pinaka-tahimik sa lahat na si Achilles na nakaupo sa kabilang dulo.
Sa lahat ay ang huli ang hindi masyadong tinatapunan ng pansin ni Zoey dahil sabi niya, bukod raw sa masigasig itong mag-aral at walang ibang gustong atupagin kung hindi acads, hindi rin daw sila bagay at hindi niya hihilinging maging boyfriend ito dahil masyado raw matalino ang lalaki at hindi kakayanin ng brain cells niya.
She even said na kung sakaling maging sila, palagi daw siyang iiyak dahil alam niyang pipiliin nito palagi ang mga libro kaysa sa kanya kaya huwag nalang. She said she would settle with Nicolaus, the most playboy and the weakest link in the group when it comes to girls. Kapag hindi raw umubra, si Riggwell nalang.
Napailing ako sa dami ng pangarap niya sa buhay na mukhang mahihirapan siyang abutin.
“Ayaw mo kay Seidon?” wala sa sariling tanong ko, curious dahil hindi niya ito nabanggit.
“Gaga syempre gusto! I would trade everything just to be his girlfriend pero kahit ganito ako, marunong pa rin naman akong mag-isip, Lana! Tsaka isa pa, may long time girlfriend ’yang si Ino.”
Napatuwid ako ng upo, mas curious na ngayon at nasa kanya ang buong atensiyon.
“Iyon ang balita ha, pero hindi pa naman confirmed dahil wala pa namang nakakakita. Basta ang tsismis, may secret girlfriend daw ito at sila na bago palang mag-aral dito ang magpipinsan. I’m sorry to break your heart.”
Nagsalubong ang mga kilay ko.
“Bakit ako?”
Ngumisi siya at umiling pero bago pa makasagot ay tumayo na ng tawagin ang numero niya. I don’t really want to mix business with pleasure o ang pag-aaral at mga walang katuturang tsismis pero hindi ako nakapag-concentrate sa mala-manok na sayaw ni Zoey sa gitna ng stage dahil sa pag-iisip kay Seidon.
Parang may surot sa upuan ko nang kusang umangat ang pwet ko nang mahuli ako nitong nakatitig sa kanya matapos lumingon sa gawi ko habang umiiling. Bumalik ang tingin ko kay Zoey na ginagawa na ang lahat sa stage pero mukhang walang na-impressed kahit isa sa magpipinsan!
Shocks! Napalunok ako’t napakamot sa ulo dahil sa pilit na paggiling ni Zoey na halatang inaakit nalang si Nicolaus, as if it would change everything! Oh God, this is a disaster! She looks like she’s about to cry!
When my eyes shifted back to Seidon, he mouthed the words ‘I’m sorry’ na akmang puputulin na ang paghihirap ni Zoey kaya nagmamadali akong tumayo at wala nang takot na sumigaw para i-cheer siya’t bigyan ng sapat na lakas ng loob!
“G-Go Zoey! Go Zoey! Go go go!” pumalakpak pa ako ng malakas dahilan para magtinginan sa akin ang mga natitirang estudyanteng naghihintay ng turn nila pero parang napunta sa akin ang kagustuhang maiyak ng mapansing nakatingin na rin sa akin ngayon ang magpipinsang Cordova!
Shit… Shit!
Zoey is still dancing, medyo lumakas ang loob na magpatuloy sa chicken dance dahil wala na sa kanya ang atensiyon ng lahat! Imbes na magpatalo sa kaba ay ipinikit ko nalang ang mga mata ko at muling inulit ang chant kahit na walang nakikita.
“G-Go Zoey! Go Zoey! Go go go!” nag-thumbs up, thumbs up pa ako kahit na alam kong mukha na talaga akong tanga!
I slowly lifted my eyelids ten seconds later and saw Venus smile at me, tuwang-tuwa sa katangahan ko. Sabay-sabay na bumalik sa panunuod ang mga nabuhayang judges maliban sa isang ulong nanatiling nakatitig sa akin.
Nang bumalik ang mata ko sa kanya ay awtomatiko akong nahinto sa paggalaw. Seidon’s elbow is leaning on the table while his right hand was draped over the backrest of the chair, nakalapat sa labi niya ang ballpen na hawak sa kaliwang kamay, tila nag-iisip habang patuloy na nakatitig sa akin.
Pinilit kong ngumiti pero kusang bumababa ang kurba ng labi ko dahil sa matinding kahihiyan, but when the side of his lips curved a little, nagawa kong ibalik sa labi ang mga ngiti.
He nodded at me before turning his head back to the stage. Kinausap niya ang mga pinsan. Nagkaroon ng kaunting diskusyon pero ang ikinabigla ng lahat ay ang desisyong pasok si Zoey sa susunod na round!
Kahit ako ay Laglag ang panga! Hindi makapaniwalang tanggap siya at magpapatuloy sa huling round! I clasped my hands together habang ninanamnam ang tuwa sa aking puso para kay Zoey. She was jumping down the stage. Nang ibigay ni Nicolaus sa kanya ang papel na tanda ng pagkapasok niya ay hindi na niya napigilan ang sariling yakapin ito!
Napahagikhik ako. Muling itinuon ang tingin kay Seidon dahil alam kong siya ang dahilan kaya nakapasok ang kaibigan ko! I waited for him to look at me pero hindi ko pa rin napigilang mapahugot ng hangin sa kawalan nang gawin niya. I mouthed a thank you pero hindi na niya nagawang intindihin dahil sa pagkuha ni Riggwell sa kanyang atensiyon.
“Oh my God, Lana! I can’t believe it! I’m in! I’m in!” nagtatatalon na sabi ni Zoey ng makalapit sa akin.
Hindi ko na naiiwas ang sarili ng yakapin niya ako. Maging sa pagtalon-talon ay nagawa ko siyang pagbigyan, not minding what would people say or think about us.
Walang humpay ang naging pasalamat niya sa akin habang palabas kami ng auditorium. Masaya rin ako hindi lang dahil nakapasok siya at nagawa niya ang goal niya kung hindi dahil kay Seidon… For granting my wish for my friend.
Hanggang sa makauwi ay hindi nawala ang ngiti at tuwa sa puso ko.
“You look so happy, what happened?” kuryoso at patuyang tanong ni Vince habang nasa daan kami patungo sa bahay.
Agad kong tinanggal ang ngiti pagkatapos ay umiling.
“Nothing. May naalala lang ako.” pinagdiin ko ang labi ng sulyapan siya.
Nanatiling nakakunot ang kanyang noo at hindi kumbinsido sa naging sagot ko.
“Aren’t you going to ask me about my game?”
Right. Tumango ako at agad nagtanong.
“How’s your game? Nanalo kayo?” napipilitan kong tanong pero dahil nawala ang pag-iisip niya sa kasiyahan ko ay kahit paano’y nakampante ako.
“Of course, Lana. Baka hindi mo naaalalang ako ang pinaka-magaling na basketball player sa buong Buenavista?” mayabang niyang sabi.
“Congrats.” nakangiti kong sagot.
“Those boys are nothing compared to me. You should watch our game next time.”
“I’d love to.” tanging nasabi ko.
Nagpasalamat akong pagod si Vince dahil pagkatapos niya akong ihatid sa bahay ay nagpaalam na rin siya. Muling bumalik ang ngiti ko ng makapasok sa kwarto. Zoey didn’t stop messaging me about what happened. Next week, kapag natapos ang audition ngayong linggo ay babalik raw siya para sa last round at syempre, hindi raw ako pwedeng mawala dahil ako ang kanyang lucky charm. Hanggang sa makatulog ako ay iyon ang usapan namin.
Kinabukasan, matapos kong bumaba sa sasakyan ni Vince ay dumiretso na ako sa una kong klase. Zoey said she will be late kaya wala akong nakasabay. Si Vince naman ay walang amor na ihatid ako hanggang sa classroom kaya napilitan akong iwan na siya sa carpark kasama ang mga kaibigan niyang sumalubong sa amin.
Tahimik akong naupo sa upuan ko, hinahanda ang sarili sa pagdating ni Seidon dahil hindi ko nakakalimutang kailangan ko siyang pasalamatan dahil sa ginawa niya kahapon. I know how bad Zoey at dancing pero naging mabait sila rito’t tinanggap pa hanggang next round kaya dapat lang na iyon ang gawin ko.
Habang nagsi-shade ng drawing sa sketch book ay dumating siya. Nagmamadali kong inayos ang mga gamit ko nang tahimik siyang naupo sa aking tabi habang binabasa ang librong hawak.
Sinubukan kong tumikhim but he’s too busy to even notice me. Baka may recitation siya sa susunod niyang klase kaya hindi na ako nang-istorbo pa. Natigil lang siya sa pagbabasa nang dumating ang professor namin. Parehas kaming nakinig habang nagtuturo iyon sa harapan. I was busy listening to the guy in front when I heard Seidon’s voice.
“You draw?” tanong niyang nagpawala ng focus ko sa harapan, marahan ko siyang nilingon at nahihiyang itinago ang sketch book.
He holds my gaze for a moment, then he drop his eyes to my hand while pointing his delicate fingers to the thing I was trying to hide.
“I-I guess…” nahihiya kong sagot.
He inhales a soft breath and then nods. Hindi na siya nagsalita ulit. Ibinalik niya ang buong atensiyon sa harapan pero ako naman ang hindi napakali. Since naistorbo niya ako, pwede naman sigurong ako naman ang mang-istorbo?
“Thank you…” I murmured under my breath.
He glance back at my direction, confused.
“K-Kahapon… For what you did to Zoey.” paalala ko pero sa hindi malamang dahilan ay muli na namang tumagal ang mga mata niya sa akin. Like he was gazing at my soul, trying to touch it with his bare hands…
Sandali tuloy natigil ang paghinga ko dahil ayaw ko siyang istorbohin sa pagtitig sa akin. I felt like I can let him stare at me forever… Iyong mga mata niyang malumanay pero matindi ang intensidad. Mga matang papangarapin mong titigan ka nalang habang buhay because it tells you that you’re worthy to look at…
Pakiramdam ko’y may kung anong parte sa pagkatao ko ang nawala nang tanggalin niya ang titig sa akin.
“Thank yourself, not me. Wala akong kinalaman sa pagkapasok niya.”
Napapihit ako sa direksiyon niya ng wala sa oras.
“W-What?” I asked pero hindi na siya nakasagot dahil sa biglaang quiz.
Habang sinasagutan ang mga tanong sa white board ay hindi pa rin ako mapakali. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makausap siya pagkatapos ng quiz pero nilakasan ko na ang loob ko ng matapos ang klase. Nagmamadali ko siyang hinabol palabas ng classroom para muling malinawan.
“Seidon, wait…”
Huminto siya at kunot-noo akong binalingan.
“What do you mean by that? Hindi ba ikaw ang dahilan kaya nakapasok si Zoey?”
Marahan siyang umiling kaya nalaglag ang panga ko.
“For some reason, my cousin Venus likes you,” napakurap-kurap ako. “And if it wasn’t because of you, your friend will not be joining the second round so tell your friend to thank you instead.” aniyang hindi ko na nagawang sagutin kaya nagkaroon siya ng pagkakataong iwan na ako ng tuluyan.
Follow all my social media accounts to be updated.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva/Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 5
Chapter Five
Gentleman
Someone likes me. Someone likes me...
Tulala akong napapangiti habang nakatitig sa malawak na track and field na nasa harapan ko. Kasalakuyan akong nasa field para sa P.E namin at kahit na kahapon pa sinabi sa akin ni Seidon ang tungkol kay Venus ay iyon pa rin ang dahilan ng mga ngiti ko ngayong araw.
I just can't believe that someone actually likes me. Hindi naman sa nagiging tibo na ako kay Venus o ano pero hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala. I mean, anong kagusto-gusto sa tulad ko? Wala akong maisip. The thought of someone liking me without knowing me fully is a miracle. Nakakatuwa lang. Alam kong mabuting tao si Venus dahil sa pagiging nice niya sa'kin kaya sobra-sobra ang saya ng puso ko.
"Mukhang masaya ka, Svetlana, ah!" nakangising puna ni Josh habang tumatabi sa akin, isa sa mga block mates ko.
Sa lahat ng mga nakausap ko sa nakalipas na araw dito sa University bukod kay Zoey ay si Josh lang ang hindi nagsawang kumustahin ako consistently. Napangiti ako lalo at binigyan siya ng mas malawak na espasyo sa tabi ko.
"Sabi ko Lana nalang. Hindi ako sanay sa Svetlana." nakanguso kong sabi na nagpatawa sa kanya.
"Ang ganda ganda kaya ng pangalan mo!"
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. I'm glad to have someone like him in times like this para naman hindi ako op pero kapag ang usapan ay tungkol na sa akin ay hindi ko pa rin talaga maiwasang mailang. Maybe because I've been in a cage all my life at ngayon lang nakalanghap ng sapat na laya kaya naninibago pa.
"Maganda rin naman ang Lana." pagpupumilit kong muling nagpahagikhik sa kanya.
"Svetlana Aleksandra Drozdov. Kakaiba ang mga pangalan ng Russian, 'no? O ibinabagay sa ganda ng isang tao? Kasi maganda ka kaya dapat maganda rin ang pangalan mo?"
Hindi ko siya nilingon, napawi na rin ang ngiti ko. I'm not really used to hearing compliments. Parang bumabaliktad kasi ang sikmura ko. I kinda like it but not that much. It's better if I hear nothing so that the conversation wouldn't be awkward.
Masaya niya akong siniko dahil sa pananahimik ko.
"Ito naman! Nagtatanong lang para may topic eh!"
"Sorry... Hindi ako sanay."
"Saan?" nababaliwan niyang tanong. "Girl, you are beautiful!" napapitlag ako ng hawiin niya ang buhok papunta sa likod ko. "Konting make-up at lipstick pa, kulot-kulot ng hair tapos medyo pang pokpokang suot, pak na pak na ang beauty mo! Kakabugin mo na 'yang mga kipayla sa Zeta Phi!"
Napangiwi ako lalo na sa binanggit niyang nag-iisang sorority house ng UDB kaya lalo siyang natawa. Kinurot ko ang matabang braso niya dahil lumakas ang tawa niyang nakakuha na ng atensiyon.
"Sorry!"
Magsasalita pa sana ako para pagalitan siya't patahimikin pero nang lumagpas ang mga mata ko patungo sa kanyang likuran ay tuluyan na akong natigil sa paggalaw. Maging ang paghinga ko nga ay huminto ng makita ang lalaking tahimik na naglalakad habang sukbit sa balikat ang itim na gym bag.
Parang may dumaang anghel sa pagdating niya dahil lahat ng mga kaklase ko maging ang mga lalaki ay talagang nahinto sa pagsasalita at paggalaw.
Wala sa sariling napisil ko ulit ang braso ni Josh. Anong ginagawa ni Seidon sa P.E class ko?
Gusto kong isiping naliligaw na naman siya pero dahil binati siya nang professor namin ay nakumpirma kong maging rito ay classmate ko pa rin siya!
"Grabe sa pagpisil ha! Nakakagigil ba, girl? Hinga-hinga rin tayo, girl!" hiyaw niya pagkatapos ay halos sabay kaming humugot ng hangin sa baga kaya natawa ulit siya sa akin.
Napabitiw ako sa kanya.
"Oh, baka matunaw naman, girl!" mapang-asar niyang puna ulit dahilan para mapunit ang titig ko sa bagong dating na kasalukuyang kausap pa rin ang instructor at pinagtitinginan ng lahat maging ng mga estudyanteng nadaanan niya papunta dito sa pwesto namin.
Hindi pa rin ako makapaniwala. Kahit na nga nakasuot siya ng parehong P.E uniform ay parang hirap pa ring tanggapin ng utak ko kung bakit siya nandito. Not that I don't want him here but what the heck is he really doing here?
"Do you know him?" lutang kong tanong matapos pumihit pabalik sa field.
"Of course! Ano ka ba naman! Wala namang hindi nakakakilala sa mga Cordova maliban nalang siguro sa mga bagong salta rito sa Buenavista. Wait, bagong salta ka?" namamangha niyang tanong.
Marahan akong umiling pero tumango rin sa huli.
"Bago lang I guess," lito akong napaharap sa kanya at hindi na napigilang magtanong ulit dahil mukhang maraming alam si Josh sa mga ito gaya nalang ni Zoey... O gaya nang lahat? Ako lang naman yata talaga ang walang alam sa kanila!
"Kung kilala siya ng lahat, bakit nandito siya ngayon? Hindi ba dapat tapos na niyang pag-aralan 'to? This is only for freshmen students."
"No! This is a blessing na dapat hindi na tinatanong, Lana! Pero kung gusto mong malaman ang sagot, ganito kasi 'yan, una he is taking up cruise line operations in culinary arts like his cousin's Venus, Riggwell and Nicolaus while si Achilles naman ay medicine ang kurso. Ang point dito, kaya nandito si Seidon is because binabalikan niya 'yung mga minor subjects niyang hindi kinuha noong first year dahil naging abala siya sa dance club." Nalilito pa rin akong napakurap-kurap.
"It just happens na tayo ang pinakamaswerteng freshmen na magiging classmate niya sa buong semester ng P.E kaya tara na!"
Pinigilan kong mapasigaw ng agad siyang tumayo at hinila ako pasabay sa kanya pero dahil nakagawa pa rin ako ng ingay ay napabaling pa rin sa akin ang lahat maging ang lalaking laman ng usapan namin.
I swallowed hard when my eyes met his gaze. Kung hindi pa ako hinila ni Josh ay baka namula na ako sa harapan niya dahil sa titig niyang 'yon!
Humilera kami ng sabihin ng instructor na magsisimula na ang klase. We will do stretching first bago ang kaunting lesson pagkatapos ay ang actual na pagtakbo paikot sa field.
Pinipilit kong mag-concentrate pero dahil sa patuloy na pagsundot ni Josh sa tagiliran ko sa tuwing napapalingon ako sa gawi ni Seidon ay nawawala ang konsentrasyon ko.
Nang matapos ang kaunting lecture ay nagsimula na kaming tumakbo habang binibilang ang aming mga pulse rate. Josh couldn't keep up with me sa unang lap palang. Paano ba naman, madali siyang hingalin sa laki ng katawan niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang magpatuloy ng mag-isa. Dahil sanay akong magpapawis at mag-work out sa bahay, hindi ko nagawang huminto.
Noong una ay marami pa akong kasabay na tumatakbo galing sa iba't-ibang klase. Napanguso ako ng makita ang kumpol ng mga estudyanteng nakabuntot kay Seidon habang naka-earphone ito at seryoso sa ginagawa.
Napailing ako, well at least may nai-inspired siya sa subject na 'to. I know how Josh wanted to run behind Seidon too pero ang bakla ay prente nang nakaupo sa bench habang nagpapamasahe sa isa naming classmate nang matapat ako sa kanyang gawi. Bukod sa thumbs-up ay wala na siyang ibang ginawa nang madaanan ko.
Natatawa akong nagpatuloy nalang sa pagtakbo. Eight laps ang goal ko kahit na limang ikot lang ang hiningi ng instructor namin. Naisip ko kasi ang mga kinain ko kagabi at nang mga nakaraang araw kaya gusto kong bumawi. Hindi rin ako nakapag-work out nitong mga nakaraan dahil kay Vince at sa desisyon nitong dito na rin mag-aral para mas mapalapit sa akin.
Marami pa rin namang tumatakbo pero nang makalima na ako at huminto na si Seidon ay parang bulang nawala rin ang mga babaeng nagpapaka-trying hard na sumunod sa kanya. Maging ang mga lalaki ay hingal na hingal nang nagpapahinga sa benches.
Sa pang-anim ko ay nakita ko ang paniningkit ng mga mata ni Seidon ng hindi ako huminto. Nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo na parang hindi nakakaramdam ng matinding pagod.
I'm thirsty but it can wait. I need to finish eight laps before taking a break dahil baka hindi ko na magawa kapag huminto ako at nagpahinga sandali.
I was humming a sad tune while running, iyong huling kantang pinapakinggan ko kagabi habang nagsusulat ng poem pero bahagyang bumagal ang galaw ng mga paa ko ng mapansin ko ang isang bultong ngayon ay nasa gilid ko na.
Pakiramdam ko'y tuluyan ko nang naramdaman ang matinding uhaw ng makita ang kanyang tribal tattoo sa braso na gumagapang patungo sa kanyang dibdib, bakat na ito dahil basa niyang pang-itaas.
Gustohin ko mang itigil ang pagtitig sa kanya pero hindi ko magawa dahil dama kong sinasabayan niya ang pagtakbo ko. Kami nalang yata ang tumatakbo sa buong field!
"Wala ka bang planong huminto?" he asked kaya agad akong napaiwas ng tingin.
Is he really talking to me? Pero naka-earphones siya? Pero wala naman kaming kasabay? Nilingon ko pa ang paligid kung may nakikita ba siyang hindi ko nakikita.
"I'm asking you, Drozdov." he added kaya natigil ako sa paglingon.
"M-Mamaya."
"We only ask to run five laps, it's your seventh lap."
Pinilit kong lumunok dahil talagang disyerto na ang lalamunan ko lalo na sa isiping pinapanuod niya't binibilang ang tinakbo ko.
"I-I'm trying to do eight." sagot kong nagpalingon sa kanya sa akin, tinanggal niya ang nasa kanang tengang earpods na mukha namang walang tugtog. "It's just me. Gusto ko lang tumakbo." dagdag ko dahil sa nakita kong kalituhan sa kanyang mga mata.
"Ikaw? Why are you still running? Tapos ka na, 'di ba?"
Nagkibit siya ng balikat pero sa pagbagal niya ng takbo ay parang may sariling utak ang mga paa kong gumaya sa kanya hanggang sa tuluyan na kaming nahinto sa kabilang side ng track malayo sa kinaroroonan ng mga classmates namin.
Hinihingal kong pinunasan ang mga pawis ko gamit ang aking braso habang mabagal na naglalakad kapantay niya ngunit muli akong natigil nang iabot niya ang isang water bottle sa akin, mukhang kanina pa hawak pero hindi ko napansin.
"O-Okay lang ako–"
"Mrs. Maran asked me to give this to you, uminom ka muna."
Wala na akong nagawa kung hindi ang kunin iyon nang ilapit niya sa akin ang bote ng tubig.
"Thank you... Hindi ka ba nauuhaw?"
Umiling siya at ibinalik ang titig sa mga classmates naming nanunuod na ngayon sa aming dalawa.
"I'm okay."
Uminom na ako. Halos maubos ko 'yon hindi dahil sa uhaw talaga ako kung hindi dahil sa presensiya niya. Kanina naman kasing mag-isa ako ay wala akong naramdamang uhaw pero ngayon... Para akong naglalakad sa mainit na disyerto katabi mismo ang haring araw.
Naiilang kong napukpok ang ulo sa hawak na bote.
"You alright?" may pag-aalala niyang tanong dahil napalakas ang huling palo ko.
Nagmamadali akong tumango at agad na inilapat sa pisngi ang malamig na bote, kunwari ay nagpapalamig lang.
"O-Oo! Ayos lang, ikaw? Ayos ka lang?"
The side of his lip gently curved with amusement.
"Yeah."
Napatango ako pero hindi na natanggal ang mga mata sa kanya. Hinihintay ko kasing umalis na siya sa tabi ko pero hindi niya 'yon ginawa. Sa mas pagbagal pa nga ng mga hakbang ko ay bumagal rin ang sa kanya.
"Hindi mo ako iiwan?" lutang kong tanong dahilan para magdikit ang makakapal niyang kilay. Nagmamadali akong umiling. "I-I mean, hindi ka pa ba babalik do'n?" nahihiya kong dagdag.
Oh God, this is a disaster! Bakit ba kasi nagsasalita pa ako ngayong alam ko naman na hindi ako magaling sa ganito?! Ugh!
"I'm alright. Ikaw? Tatakbo ka pa ba?" tanong niya pabalik.
Hindi ko na napigilang ubusin ang laman ng tubig dahil sa patuloy na panunuyo ng lalamunin ko dahil sa kanyang mga matang parang may hinahalukay sa pagkatao ko sa tuwing nakatitig sa akin!
"Sana."
"Alright, let's go then."
"H-Ha?"
Lumawak ang ngiti niya bilang sagot kaya tuluyan na akong natigilan pero nang makita kong nagsisimula na siyang tumakbo palayo sa akin ay gumalaw na ako para sundan siya. It didn't take me that long to finally catch up on him.
Ilang beses humiyaw si Josh ng madaanan namin sila kanina pero hindi kami tumigil. Ni hindi lumingon si Seidon sa kanila dahil mukhang plano talaga niyang samahan ako hanggang sa huling lap!
Wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan siya. Pero talagang hindi ko magawang mamangha dahil sa tuwing naiiwan na niya ako ay nararamdaman kong binabagalan niya ang galaw para maka-pantay pa rin ako.
I never been distracted all my life lalo na kapag nagwo-work out pero iba ito ngayon. Pakiramdam ko ay nasa kanya nalang ang buong atensiyon ko...
Mabilis kong ipinilig ang aking ulo ng maisip ang sinabi ni Zoey noong isang araw. Iyong tungkol sa girlfriend ni Seidon.
What it's like to have a boyfriend like him? Oo nga't alam kong sobrang swerte dahil pangarap siya ng halos lahat ng babae rito, pero tingin ko kahit na hindi sila sikat ay sobrang mapalad pa rin ng girlfriend niya.
He's thoughtful, caring and a true gentleman. Hindi ko pa man siya kilala ng matagal pero dama kong totoo ang mga impressions ko sa kanya.
Kusang bumagal ang mga paa ko ng maramdaman ang pagbagal ng takbo niya. Kunot noo ko siyang sinulyapan.
"Pagod ka na? Hindi kita pinilit ha." nakangiti kong biro na sinagot niya rin ng tipid na ngiti.
"I'm not tired," he said habang mas lalong binabagalan ang bawat hakbang. "Are you going to accompany your friend next week?"
"Oo. Pwede ba ang audience do'n?"
He nodded. "Walang problema."
"Are you going to break her heart?"
"What do you think?"
Lumawak ang ngiti ko.
"Parang..." napangiwi ako. "Ano bang genre ng sinasayaw niyo?"
"Generally, it's modern and hip-hop but we can dance anything with a beat."
"So you're really a dancer?" lumawak ang ngiti niya sa pag-uulit ko nang tanong na 'yon.
"I guess I am."
I want to prolong our conversation dahil bukod sa gusto kong lumawak ang idea sa mga uri ng sayaw ay gusto ko rin siyang makilala pero parehas kaming natigil nang makabalik na kami sa pinanggalingan namin.
My classmates are looking at me with jealousy except for Josh na muntik pang matumba sa upuan makatayo lang at malapitan ako.
"Svetlana! H-Hi Seidon!" bati niya kaagad rito hindi pa man ako nakakasagot sa kanya.
Seidon nodded to acknowledge him and then he immediately turns to me.
"Later." aniyang lutang ko nalang tinanguan bago siya panuoring maglakad palayo.
Sabay kaming natulala ni Joshua sa kanya. Kung hindi ko pa naramdaman ang paghampas niya sa braso ko ay hindi pa ako matitigil sa pagtitig sa lalaking lumalayo na sa field habang pinupunasan ang kanyang leeg. Our class has already ended.
"Bakla ka!"
"W-What? I'm not." naguguluhan kong sagot dahilan para maulit ang paghampas niya sa akin pero mas mahina iyon at maarte kumpara sa naunang may diin!
Pakiramdam ko tuloy ay galit ang Diyos sa akin dahil lahat ng mga ibinibigay niyang kaibigan ay mapanakit. Ganito ba talaga?
"That's not what I mean! Lana, iba ka!" hinila niya ako pabalik sa mga pinagpapatungan ng gamit namin. "Hindi mo naman sinabing kailangan ng maraming lap para mapansin ni Seidon! Kung alam ko lang nag-practice ako at hindi kumain kanina ng breakfast!"
Agad akong umiwas ng sasapakin niya na naman ang braso ko. Tawang tawa siya sa ginawa ko.
"Hindi ka nga nakaisang lap Josh, walo pa kaya?"
"You're so judgemental ha!" nanatili ang ngiti sa mga labi niya maging ang mga papuri sa akin hanggang sa makapag-ayos na kami at magkita sa labas ng shower room.
"Paano mo sila nakilala ng sobra? I mean you're just a freshman like me." usisa ko nang maisip iyon habang naghihintay kami sa sunod na klase.
"Well, I have a close friend in Elite Dynasty Movement. Same year nila Venus at kababata ko," he answered while eating his chips. "Kasama yung friend ko sa pioneer ng grupo. Siguro hindi mo pa nakikita pero close ni VV 'yon! Isa sa mga bestfriend niya."
"Marami ba sila?"
"Sa grupo? Hmm, 'yung mga members ng UDB nasa twenty hindi pa kasama 'yung mga makakapasok ngayong taon pero yung EDM, I think twelve lang sila kasama na ang magpipinsang Cordova. Chaz, my friend is one of them."
"Wow... Are they really that popular?"
Nahinto siya sa pag nguya. Maya-maya ay iniharap niya sa akin ang telepono niyang laman ang ilang mga detalye ng grupong kinabibilangan ng magpipinsang kalat sa internet.
"Super popular lalo na dito sa Buenavista kahit na hindi talaga sila taga rito." sa pagdikit ng mga kilay ko ay nagpatuloy siya. "They're from San Antonio. Apat na municipalities simula dito sa Buenavista."
Kinuha ko ang telepono niya at nagbasa doon. Nasa internet kung paano sila nagsimula, kung paano nabuo ang kanilang grupo at kung paano lumawak at nakilala ang kanilang dance crew. Their humble beginnings made me admire them more.
Tumaas pa lalo ang paghanga ko sa magpipinsan ng makita ang isang video clip kung saan silang lima ay nagsasalita tungkol sa kani-kanilang experiences and strong passion towards dancing.
I've never been curious all my life about a certain hobby or profession but I ended up searching everything that involves dancing when I got home. Hindi na rin ako nakipagtalo sa mga magulang ko at tahimik nalang na kumain para mapabilis ang dinner namin.
Wala akong ginawa kung hindi ang i-search ang Elite Dynasty Movement at ang lahat ng detalye tungkol sa magpipinsang Cordova.
"Seidon Cesare Coello Cordova..." lutang kong sambit habang nakikipaglaban sa antok at pinipilit na tapusin ang huling article na binabasa tungkol sa huling award na napanalunan ng grupo nila.
# CHAPTER 6
Chapter Six
Audition
"Okay lang ba 'tong suot ko? 'yung make-up ko?" iginiling-giling ni Zoey ang matigas niyang balakang. "'Yung moves ko? Lana, oh my God! Kinakabahan ako! Baka matanggal na ako mamaya! Hindi pwede! I already invested my time and effort!"
Napangiwi ako ng magpatuloy siya sa paggiling sa harapan ko. Kasalukuyan kaming nasa unang cr sa lumang building at naghihintay ng oras para sa second at huling audition niya. Kahit na hindi pa rin talaga ako kumbinsido sa dance moves niya ay hindi ko naman siya mapuna dahil ayaw kong ma-offend siya sa akin.
"M-Medyo matigas..." hindi ko pa rin napigilang sabihin.
Napapikit siya ng mariin at napamura pa.
"Shit!" inis niyang hiyaw sabay pihit sa nasa harapang salamin bago gumiling-giling ulit, mas inaayos ang pagsayaw kahit na wala naman masyadong improvement. "Kung bakit ba kasi nang magtapon ang Diyos ng talent busy ako! God must be kidding me! Pwede naman kasing bawasan ng kaunti 'tong ganda ko tapos idagdag na lang sa talent para ma-impress ko naman sila at medyo perfect na ako! Nakakainis na talaga!"
"Okay lang 'yan, Zoey... At least maganda ka." agad niya akong inilingan, sumasayaw pa rin.
Wala na akong masabi lalo na't alam kong mamaya ay talagang maha-heart broken siya kapag hindi siya natanggap sa grupo nila Seidon.
"Pero 'di ba sabi mo naman na okay nang mapansin ka ni Nicolaus? 'Di ba nayakap mo na nga siya? Okay na siguro 'yon. 'Wag ka nang tumuloy mamaya..."
Nahinto siya sa pagsayaw at mabilis na humarap sa'kin, nakabusangot ang mukha.
"Ang pangit ba talaga?"
"Ah... Eh," nag-iwas ako ng tingin dahil alam kong hindi niya magugustuhan ang susunod kong sasabihin. "P-Para kang uod na nilagyan ng iodize salt..."
Hinihintay kong hampasin niya ako at saktan pero imbes na 'yon ang gawin ay isang malalim na buntong-hininga niya ang narinig ko. I feel bad because of the sadness I saw in her eyes. Lumapit ako at tinapik ang balikat niyang bagsak.
"It's okay, Zoey... May mga bagay talaga na hindi para sa'yo but that's okay. You have enough, you just need to be contented..."
Naitikom ko ang bibig ko ng muli siyang bumuntong-hininga na mas malalim pa sa kanina.
"Zoey, you don't need to be sad kung hindi ka man makakapasok, okay? You did great! Nakapasok ka na sa second round kaya okay na 'yon. Achievement mo na 'yon tapos nakayakap ka pa kay Nicolaus. Maswerte ka pa rin kaysa sa ninety-nine percent of girl species dito sa university."
That made her smile. Parang sa sinabi ko ay bumangon mula sa hukay ang confidence niya. Tumuwid siya ng tayo pagkatapos ay inayos ang kanyang mataas na ponytail. Dinagdagan niya rin ang lip tint niya.
"Thanks for that, Lana. You're right. Maswerte na akong nakapasok ako sa last round and kung hindi man ako makukuha, at least for sure may chance pa rin na mapansin ulit ako ni Nicolaus!"
"Right!"
"So let's go! Basta i-cheer mo ako ulit ha!"
Mabilis na napawi ang ngiti ko at nauwi sa pagngiwi.
"Oh come on, Lana! Please naman! Baka mamaya kainin na naman ako ng hiya! Kapag 'yon ang nangyari, isigaw mo ulit ang pangalan ko! I need confidence! Kahit hanggang sa matapos ko lang 'yung sasayawin ko, please?!"
Hindi siguradong tingin ang isinalubong ko sa mga mata niya pero sa huli ay wala na rin akong nagawa kung hindi ang pangakuan siya. It's what friends do, right?
"A-Alright..."
Doon na bumalik ang sigla niya. Naging madaldal siya hanggang sa makarating kami sa auditorium. Hindi ko alam kung dahil ba konti lang talaga ang nakapasok sa last round kaya kalahati nalang ang laman ng lugar o late lang kami.
"Thank God! Nicolaus is here! Masasayang ang beauty ko kung wala siya!"
Nginitian ko siya pero dahil nasa harapan ng stage ang mga mata niya ay nagkaroon rin ako ng pagkakataong sulyapan ang magpipinsan, lalo na si Seidon na matalas ang tingin sa lalaking sumasayaw ngayon sa gitna ng stage. He's taking down notes too, seryosong seryoso.
"I'll be joining Zeta Phi later, Lana," nawala sandali ang atensiyon ko sa lalaki at sa nangyayari sa stage dahil sa sinabi ni Zoey.
"Sa sorority?"
"Yup! You want to join?"
Mabilis pa sa alas-kwatro ang naging pag-iling ko.
"Hindi na. Hindi ako bagay do'n."
"That's a lie! Masaya do'n, Lana! Weekend parties at almost everyday may event kaya hindi boring!"
Hindi ko napigilang matawa.
"Look at me, Zoey? Mukha ba akong pang-sorority?"
Sinipat niya ang kabuuan ko. Kumibot ang labi niya pero bago pa siya umiling at sang-ayunan ako ay nagsalita na ako kaagad para hindi na masyadong masakit.
"Exactly, that look."
"Pero ang nega mo do'n! Try lang naman!"
"I'm okay. Hindi ako nandito para sumali sa mga orgs. It's just a distraction from my acads, baka magalit lang sa'kin sila Mommy."
That convinced her a little bit.
"Kung sabagay... Gano'n ba talaga ka-strict sila Tita sa'yo?"
"You don't have any idea." umiling-iling ako pero hindi na dinagdagan pa ang impormasyon tungkol doon.
I like Zoey as a friend kahit na hindi kami naging magkaibigan sa normal na paraan. I want her to be my best friend but I don't think I am ready to trust her that much... Or someone else, ever.
Zoey didn't stop talking. Nawala na nga ang usapan tungkol sa mga magulang ko pero nagpatuloy naman ang topic sa mga bagay na hindi ko na nasundan. Nalibang rin naman ako habang umuurong ang pila pero sabay kaming nahinto sa pag-uusap ng lumukob sa kabuuan ng auditorium ang isang KPOP song ng Blackpink na siyang sasayawin ng babaeng ngayon ay naghihintay nang umindak sa gitna.
I knew she was good by just looking at her. Ang dating at porma palang niya ay dancer na dancer na.
She's wearing a black crop top, gray jogger pants, white sneakers and a black cap. Mahaba ang kanyang buhok na nakatali at napaka-ganda ng hubog ng kanyang katawan, mukhang sanay na sanay na sa pagsasayaw.
Lumipad ang mga mata ko sandali pababa sa mga judges ng magsimula nang sumabay ang malambot niyang katawan sa kanta pero agad ring bumalik sa kanya.
Literal nga yatang nalaglag ang mga panga namin ni Zoey sa tindi at linis ng mga galaw niyang sumasabay pa sa kanyang mahabang buhok!
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pasituwiran ng upo ng lahat ng mga lalaki maging si Venus na parang ngayon lang nakahinga at nakangiti ng maluwag habang nanunuod sa babaeng seryoso at todo bigay sa pagsayaw!
The girl was dancing her heart out like she was the only person in the room, no one to impress but herself. She would give the judges a here and there glances to make them want more. I want more! I feel like I could watch her all day. Ito ang mga dapat nakakapasok sa grupo nila. She's nothing but a perfect beat!
"Damn, she is good!" bulong ni Zoey na parang luluwa na ang mga mata habang nanunuod sa paghataw ng babae.
I couldn't agree more! Hindi nawala ang titig ko sa kanya kahit isang segundo! Dahil nasa gilid na kami ng auditorium ay kitang-kita ko ang tuwa sa lahat ng judges maliban kay Seidon na patuloy lang sa pagsusulat sa nasa harapan niyang papel habang pasulyap-sulyap sa babae.
Napigil ko ang aking paghinga ng pisilin ni Zoey ang kamay ko ng mapunta ang mabilis na kanta sa chorus.
"Ang galing niya... Shit..." she murmured in disbelief.
"I-It's okay, Zo–"
"No, it's not Lana! Look at Nicolaus! Halos tumulo na 'yung laway niya, oh my God! Hindi 'to pwede!"
Medyo over-reacting 'yung tutulo ang laway pero totoong tuwang-tuwa nga si Nicolaus kumpara sa mga babaeng sumalang kanina kahit pa doon sa mga natanggap sa grupo!
Nakahinga lang ako ng maluwag ng matapos ang magaling na pagsayaw ng babae. Hindi ko napigilang mapapalakpak kasama ng lahat ng natira sa auditorium pero nang hawiin ni Zoey ang kamay ko ay agad akong natigil. Nailing ako ng umirap siya sa'kin.
"Ako lang ang papalakpakan mo, Lana! Nakakainis ka! Ang traydor mo at harap-harapan pa!"
Hindi ko na napigilang matawa lalo na sa nakabusangot niyang mukha! Umirap siya ulit.
"Sorry na... Magaling naman kasi talaga."
Mas lumakas ang hiyawan nang lahat ng sabihing tanggap na siya kaya hindi kaagad nakasagot si Zoey sa akin. Muli itong umiirap ng makitang si Nicolaus ang pumunta sa stage para ibigay rito ang itim na hoodie na mayroong print ng dance group nila rito sa UDB.
"That was my spot! My man! My everything!" she said while pouting. "She's stealing everything from me!"
Nanahimik nalang ako dahil alam kong wala na rin naman akong masasabing maganda. The girl is really good and she deserves to be in their group. Hindi naman sa ayaw ko kay Zoey pero sabi ko nga, kahit wala akong alam sa dancing ay alam ko naman kung ano ang pangit at hindi.
May mga natanggap pa naman pagkatapos ng babae pero kahit na nasa malayo ako ay alam kong 'yon pa rin ang topic nila dahil sa patuloy na paggaya ni Venus sa dance moves no'ng ang number ay eighty eight.
Hindi ko na inistorbo si Zoey na nagpa-practice na naman habang palapit ang number niya. Hindi niya na rin ako gustong kausapin dahil alam kong kahit nasa twenty pa yung sasalang bago siya ay kabado na rin siya sa gagawing chicken dance.
Ipinilig ko ang ulo ko at nireplayan nalang si Vince at ang ilan pang messages sa inbox ko.
Vince:
May game kami mamaya. Makakahabol ba kayo ni Zo?
Ako:
Siguro, pero late na. We're still in the auditorium.
Vince:
She's really into that shit?
Napangiwi ako. They're friends at alam niyang hindi naman magaling sumayaw si Zoey pero mas pranka sa akin ang lalaking 'to pagdating sa criticism.
Ako:
Malapit na siya. She's good.
Vince:
Good my ass! She's bad at dancing, Lana. Don't be a hypocrite. Sige na, mag-text ka kung makakahabol kayo o hindi.
Ako:
Okay. Good luck.
Hindi na siya nag-reply kaya nag-scroll ulit ako ng mga messages. Nakita ko ang texts ni Josh dahil alam niyang nandito ako ngayon.
He knew what was happening at hindi pa rin siya makapaniwalang may panahon ako sa mga ganito. Ipinaliwanag ko naman sa kanyang sinusuportahan ko lang ang kaibigan ko.
Josh:
What happened? Nakapasok na ba?
Ako:
Malapit na kami. Ang gagaling ng mga nakapasok.
Josh:
Of course, Lana! Ano pa bang aasahan mo? They're the best dance group and they only need the best people to fill the spots! Sana makuha 'yung friend mo.
Lana:
Erm, I don't think so.
He sent a laughing emoji.
Josh:
Ang nega mo girl ha! Grabe ka sa friend mo!
Ako:
No, I know Seidon will reject her.
Josh:
Wow... Close talaga kayo ni Seidon, 'no? Talagang alam mo kung ano ang mga gusto niya sa buhay at hindi? Girl, ikaw na talaga! You na already!
Ako:
No! Basta, it's a long story!
Josh:
Is it a love story? Yiee! Tell me more! I'm all ears!
Ako:
Bye Joshua!
Puro pang-aasar ang mga reply niya sa'kin kaya hindi na ako sumagot. Hinayaan ko nalang siyang asarin ako dahil ayaw kong bigyan niya ng kahulugan ang pagiging malapit namin ni Seidon.
We are not really that close rin naman. Sa pagkakaalam ko kasi, kapag close mo ang isang tao, dapat ay marami kang alam ka sa kanya and vice versa. In our case, bukod sa alam kong sikat siya at maraming babaeng nagkakagusto ay wala na akong ibang alam sa kanya... Well, may isa pa, mayroon siyang secret girlfriend.
Mabilis kong Ipinilig ang ulo ko dahil lumalalim na naman ang mga nasa isip ko. Ibinalik ko kay Zoey ang buong atensiyon. Mabuti nalang rin at tatlo nalang ay sasalang na siya kaya doon na ako nag-focus.
"Okay ka lang?"
"I'm super nervous, Lana! Mahihimatay yata ako sa stairs!"
Tinapik ko ang balikat niya para bigyan siya ng sapat na lakas ng loob kahit na hindi ko alam kung makakatulog.
"You can do it! Ikaw pa!"
She smiled a bit, mabilis ring napawi nang may maalala.
"Pero talipandas ka pa rin kaya medyo may tampo ako sa'yo."
I chuckled at that! Iyon nalang ang ginawa ko bago iniba ang usapan.
"Tinatanong nga pala ni Vince kung makakanuod tayo ng game niya mamaya?"
"No thanks! Saka na ako manunuod kapag ang mga Cordova na ang kalaban nila."
Wala sa sariling napalunok ako dahil sa narinig.
"W-What?"
"Anong what?"
"I mean, nagba-basketball rin sila?"
"Is that even a question?! Hello! Syempre naman oo! Si Riggwell yata ang MVP ng varsity ng UDB, 'no! Siya rin ang star player ng college of hospitality!"
May gusto sana akong itanong na partikular na lalaki pero mukhang nahulaan na ni Zoey ang itatanong ko kaya dinagdagan niya pa ang sagot sa akin.
"The guys are part of the varsity in basketball maliban kay Archi na volleyball ang hawak. Venus is the captain of UDB's cheering squad kaya tignan mo na lang kung gaano ka-hectic ang schedule ng mga 'yan! Maliban sa dance crew, marami pa silang extra curricular activities kaya hindi maiwasang may mga babalikan silang subjects, just look at Seidon for example."
Alright, she just answered my question and gave me more! Parang mas lalo kong gustong bumilib. Paano niya pa kaya nakakayang i-handle lahat ng extra curricular activities niya?
Hindi ko na nagawang sagutin ang sarili kong tanong nang si Zoey na ang sumalang sa stage. Damang-dama ko ang kaba niya pero mas lalong tumindi ang pagdagundong ng puso ko nang awtomatikong lumingon si Seidon sa likuran at huminto ang mga mata sa akin ng makita ako, like he was expecting to see me.
Ngumiti ako at nahihiyang kumaway. Pakiramdam ko'y may humaplos na mainit na bagay sa nagwawala kong puso dahil sa pag ngiti niya pabalik. Mabuti nalang at nakita rin ako ni Venus kaya nabaling rito ang buong atensiyon ko. Kumaway rin ako sa huli ng kawayan niya ako, akala yata ay para sa kanya iyong una.
Naging seryoso lang kaming lahat ng magsimula nang tumugtog ang kantang sasayawin ng kaibigan ko. I hope and prayed that she'll not be stopped by anyone. Bukod kasi sa nakakahiya 'yon ay baka kwestiyunin pa kung bakit siya nakapasok dito.
Dama ko ang kalituhan ng audience at rinig ang mga bulungan nilang negatibo tungkol kay Zoey kaya hindi ko na napigilang tumayo para ibigay ang full support kahit na alam kong hindi na talaga siya makakalusot rito.
"Go, Zo!" hiyaw mong pumapalakpak pero sa pagkakataong ito ay hindi na ako pumikit, totoong wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba.
Buong-buong suporta ang ibinigay ko kay Zoey para hindi siya huminto.
My presence is enough for Zoey to finish all her dance steps. Though she doesn't seem to impress the judges, enough naman ang ginawa niya para magbigay ng saya sa mga ito.
We both expected that she will not go through kaya naging magaan ang pagtanggap namin nang ibigay na ang desisyon. She was sad at first pero dahil sa yakap ni Nicolaus na request niya't agad pinagbigyan ay agad ring nawala ang lahat ng kanyang kalungkutan.
Niyakap ko siya ng mahigpit ng makabalik siya sa tabi ko.
"Thank you, Lana..."
"You did great, Zo! Ililibre kita ng halo-halo para hindi ka malungkot at–"
"I'm not sad," nakahinga ako ng maluwag nang sa paglayo niya ay isang masayang Zoey ang nakita ko, mukhang totoong napawi ng yakap na 'yon ang lahat ng lungkot na naramdaman niya.
"Naka-score na naman ako kay Nicolaus!" ipit niyang hiyaw na hindi malaman kung titili o magtatatalon na dahil sa kilig!
Napabitiw ako sa kanya at agad na napanguso para magbiro.
"Akala ko naman masaya ka dahil nandito ako at full support sa'yo."
"Isa na rin 'yon!" hinila niya na ang kamay ko at iginiya palabas sa auditorium. "This is still a wonderful experience! Nakapasok na ako sa second round, dalawang beses ko pang nayakap si crush! Oh my God, Lana! Ngayon yata ako mahihimatay!"
Naiiling akong natatawa nalang sa kanya. I'm glad that the Cordova's rejected her the way she could handle. May mga advice pa silang alam kong hindi naman mangyayari dahil talagang hindi pang-dancer ang katawan ni Zoey.
We ended up in the cafeteria. Hindi na rin kami nanuod ng game ni Vince at hinintay nalang itong matapos. Marami pa akong nalaman kay Zoey tungkol sa magpipinsan pero mas marami yata sa crush niyang si Nicolaus.
"Kung si Seidon may secret girlfriend, si Riggwell naman ay kwela at si Achilles ay matalino't mailap. Si Nicolaus naman ang pakawala at masarap habulin! Kaya nga Lana, kung hindi ko siya makukuha sa santong sayawan, kukunin ko nalang siya sa santong landian! Naka-ungos na ako ng dalawang beses sa mga babae rito! 'Yon na ang edge ko para mapunta siya sa'kin!"
"But he hugged that girl earlier too, iyong magaling sumayaw."
Mabilis na naging maalat ang timpla niya kaya agad ko ring naitikom ang bibig ko.
"Ikaw talaga agaw trip ka! Tsk! Lana, ako 'to? Remember? Ako to si Zoey, 'yung kaibigan mo lang naman! Hindi mo nga kilala 'yon tsaka isa pa, magaling lang siya pero hindi niya makukuha si Nicolaus! That's my man!"
"But she got in..." I bit my lip, hindi ko gustong saktan ang feelings niya pero wala na akong nagawa kung hindi ang maging totoo. "And because of that, mas malaki ang ungos niya sa'yo dahil araw-araw na niyang makakasama si Nicolaus sa mga practice nila–"
"Bad trip ka talaga!" umirap na naman siya.
Halos umusok ang ilong niya sa iritasyon dahil sa sinabi ko. Mabuti nalang at malamig ang kinakain naming halo-halo dahil kung hindi ay baka mabugahan niya ako ng apoy!
"Sorry na..."
She rolled her eyes again.
"Nakakainis ka pero gets ko rin 'yong point mo. Kaya nga sasali na ako bukas sa sorority dahil makakatulong rin 'yon sa'kin sa pagiging malapit ko sa magpipinsan."
Nag-isang linya ang kilay ko.
"How?"
He leaned forward the table, tinitigan ako ng mas matindi pagkatapos ay lumingon-lingon sa paligid na akala mo'y magnanakaw na sumisipat ng pulis na huhuli.
"No one can reject Zeta Phi. Lahat ng events nila ay invited ang mga Cordova at wala pa silang event na tinatanggihan galing rito kaya doon na lang ako babawi. I will still be with them kahit na hindi ako nakapasok sa dance group. And I will make sure, Nicolaus will fall in love with me because of that."
"How? Hindi ka pa nga nakakapasok sa Zeta Phi."
Her lips curved a playful smile.
"Watch me, Lana... Watch me." nakangisi niyang sabi na buong-buo ang kompiyansa sa sarili kaya hindi ko na siya nakontra pa.
Follow all my social media accounts to be updated.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva/Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 7
Chapter Seven

i’m not a dancer but I always found myself swaying with the beat of negativity spinning with its profound sadness as it embraces my scarred soul through the rhythm of melancholy as we prance through the gloomy room of misery, sadness stared and whispered, just keep dancing with me i gyrate in his arms and he held me closely i’m bad at dancing so i let sadness control me now nothing can beat me because sadness became me.
— A sad rhythm
•••
I can’t believe that Zoey woke me up in the middle of the night just to tell me that she’s now part of Zeta Phi.
Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ’yon para sa kanya o ikaiinis dahil naistorbo ako sa tulog. Ako pa naman kasi iyong taong mahirap makatulog kaya kailangang lubusin kapag natamaan na ng antok.
“Congrats—”
“I can’t believe it! Oh my God! You know what’s the greatest news I received aside from being officially part of the sorority?”
“What—”
“Mayroong welcome party para sa mga bagong member at pagkatapos ng binyag sa aming mga newbies ay gaganapin ang pinaka-aabangang unang party ng taon!” Napapikit ako ng marinig ang matinis niyang paghiyaw! “Lana, this is it! This is my chance to be with Nicolaus again! The odds are really in my favor!”
“Good for you—”
“Thank you!” muling putol niya sa akin. “Wait, natutulog ka na ba?”
“Hindi na ginising mo na ako.”
“Oh sorry! Shocks! Sorry Lana!”
“Okay lang.”
“Sorry talaga. Wala naman kasi akong matawagang makakaintindi sa mga struggles ko sa buhay lalo na sa struggle sa pagpapapansin kay Nico…” nagpatuloy siya sa kanyang mga litanya.
Nanatili akong nakikinig pero agad ring naawat ng marinig ang huling sinabi niya.
“Sumama ka sa welcome party ha!”
“W-What?”
“Oo! Kasama ka! Aba, I need support! Bukod sa welcome party ay last night rin iyon ng initiation namin. Sana lang hindi mahirap ang task na mapunta sa akin kaya kailangan ko pa rin ng support mo, emotional support sis.”
Parang bumigat ang ulo ko’t biglang nagka-migraine dahil sa narinig. Oo nga’t ayos lang naman sa aking suportahan siya pero ang makihalubilo sa hindi ko alam kung ilang daang tao? I don’t think so. Huge crowd makes me anxious.
“Lana, uy!”
“I don’t know about that, Zo. Una, baka hindi ko payagan nila Mommy. Pangalawa, gabi na iyon at baka hindi rin ako payagan ni Vince. Alam mo namang hindi ako sanay sa mga party at ang tanging party lang na dinadaluhan naming magkasama ay ang party na tungkol sa negosyo.”
“Really, Lana? Si Vince ang inaalala mo? Eh iyong boyfriend mo nga ang unang nakita ko sa listahan ng mga inimbita! He is going! At kung hindi ka papayagan nila Tita, siya na ang bahalang magpaalam sa’yo at ako nang bahala kung paano niya gagawin ’yon! Basta, you’re coming with me!”
Nalaglag ang panga ko’t hirap na pinaniwalaan ang mga narinig. What? I know Vince became instant popular and all that, but really? Pupunta siya?
“Uy, ha?! I’m expecting to see you at the party! I’ll talk to Vince now, bye!”
“Zo—” sinubukan ko pa siyang habulin pero ang dial tone na ang sunod na sumagot sa akin.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko matapos niyang mawala sa kabilang linya.
I just can’t believe that she hang up on me and set me up. I don’t know what to feel. I felt like being force to something I don’t want to do, but then I realized, isn’t that what’s happening in my life since I can fully understand things?
Hindi ba’t bata pa lang naman ako ay kontrolado na ng mga magulang ko ang bawat galaw sa buhay ko? Para namang hindi pa ako sanay?
Imbes na mag-isip pa ng kung ano-ano ay minabuti ko na lang na isulat ng mga katagang nasa utak ko kahit na dis-oras na ng gabi. Alam ko kasing kahit na anong pilit kong patulugin ang sarili ay mabibigo ako.
It was almost four o’clock in the morning when I decided to go back to bed. Ilang minuto pang pag-iisip ng malalim ay nakatulog na rin ako. Iyon nga lang, hindi iyon sapat para maging maayos ang utak ko kinabukasan.
Maagang pumunta si Vince sa bahay at doon na rin nag-breakfast bago kami pumunta sa school.
“Are you okay? You look tired.” puna niya habang nasa daan kami.
Naputol ang pagtitig ko sa labas ng bintana para balingan siya.
“Napuyat lang ako.”
“How come? Maaga kang natulog, ah?”
“Zoey called me in the middle of the night. She told me about the party.”
“Oh.”
Bumaling ako sa kanya nang muli iyong maalala.
“Pupunta ka? Nag-usap kayo?”
“Yeah, do you want to go?”
Nagkibit ako ng balikat. Honestly, kung pwede lang ay aayaw talaga ako. I don’t think I’d fit in at ayaw ko ring pilitin ang sarili ko sa mga gano’ng bagay pero dahil wala naman akong choice, kailangan ko na ring sumama. Siguro ayos na rin iyon para suportahan si Zoey. Hindi ko naman kailangang tapusin iyon.
“Zoey wants me to go. Ipagpapaalam mo ba ako?”
“Kung gusto mong pumunta walang problema. Akong bahala kila Tita.”
“Thank you, Vince.”
Hinuli niya ang kamay ko ay pinisil pagkatapos ay mabilis akong nginitian.
“Maybe you should put something to hide your eyebags,” agad napawi ang ngiti ko sa narinig. Napabitiw ako sa kamay niya para sipatin ang sarili sa salaming nasa sun visor. “And didn’t I tell you to wear nicer clothes? Don’t you have one?”
I know Vince was so opinionated when it comes to the way I dress or how I look but even if I’m used to that, sometimes it still hurts me. Minsan hindi ko mapigilang mahiya para sa sarili ko dahil kahit na mukhang wala naman akong ginagawang masama, palagi pa ring mayroon sa mga mata niya.
“S-Sorry, late na kasi akong nagising kaya hindi na ako nakapag-ayos.”
Isang mabilis na tingin lang ang ginawa niya, na parang trabaho iyon na ayaw niyang gawin.
“Hindi bale, kung ayaw mong palagi akong naka-plaids, mamimili na lang ako mamaya.”
“Whatever. I have a practice game later, kung vacant mo pwede kang manuod.”
“Titignan ko.”
“I can’t wait to beat these assholes so they knew who to not mess with inside the court. They said madugo ang laro tuwing sports fest, mabuti nang alam nila ang kalaban nila bago pa ang araw na ’yon.”
Napatango na lang ako. Hinayaan ko siyang magsalita tungkol sa paglalaro niya kahit na parang mas lalo akong nawalan ng energy. I acted like I was interested because my attention makes him happy. At bilang matinong girlfriend, iyon ang dapat ginagawa, hindi ba?
Vince loves basketball. Kahit sa pinanggalingan niyang school ay talagang competitive ito at magaling.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa school. He kissed me torridly before letting me go to my first class.
“I’ll see you later, babe.”
Malawak akong ngumiti at tumango sa kanya habang naiilang na inaayos ang sarili. Some students saw us kissing in the parking lot but it seems like nothing to him. Pinagtitinginan tuloy ako habang naglalakad palayo sa kanya.
Vince was somehow proud of me I guess. Kasi kahit na hindi normal ang simula ng relasyon namin ay hindi niya naman ako ni minsan ikinahiya. Maybe he was really serious when he told me that I am beautiful and that’s what he likes the most.
Humigpit ang hawak ko sa aking bag nang maalala ang araw na ’yon.
“Lana, sit up straight they’re here.” malamig na utos ni Daddy kaya agad ko siyang sinunod.
Sa araw na iyon ay hindi ko alam ang dapat kong gawin. I was about to meet my my first boyfriend and probably my last. Ang sabi ni Daddy ay anak iyon ng matalik niyang kaibigan at matanda lang sa akin ng isang taon. Nakakabaliw nga, wala pa man silang idea kung magugustuhan ako ng lalaki ay sinasabi na nilang boyfriend ko ito at daig pa nila si kupido dahil agad-agad ang set up ng pagkikita namin. It was their weirdest decision for me but I can do nothing about it.
Parang nanghina ang tuhod ko ng makita ang isang matangkad na lalaking may edad kasama ang asawa nitong mayroong malawak na ngiti sa mga magulang ko pati na rin sa akin. Maya-maya ay sumunod naman si Vince na agad pumukol ang mga mata sa aking gawi. He was serious. Matangkad at matikas ang katawan pero ang mga mata niya ay gaya nang sa kanyang amang parang nakakatunaw, like there was nothing nice about it… Or maybe I was just being judgemental.
The dinner went awkward and weird but I was surprised when Vince said that he’s really willing to be my boyfriend. Gusto kong tumutol dahil wala naman kaming alam sa isa’t-isa pero dahil tila ang pagpayag niya lang ang huling kailangan ay opisyal nang naging kami.
“Y-You’re Vincenzo–”
“Just call me Vince,” aniya nang matapos ang dinner at hinayaan kami ng mga magulang namin na mag-usap sa unang pagkakataon.
“Okay. I’m Svetlana but just call me Lana.”
Isang tango lang ang isinagot niya at pagkatapos ay nanahimik na kaya ako ang naobligang basagin ang katahimikan sa pagitan namin.
“You agreed to that? B-Boyfriend girlfriend na tayo?” pagbibiro ko sana para subukan kung mako-kumbinsi ko siyang kahibangan lang ang lahat ng desisyon ng mga nakakatanda sa amin pero sa pagtango niya ay parang mas lalo akong nilubayan ng katinuan ko.
“You’re beautiful and that’s enough for now. We have all the time to know each other and I think love will follow.” walang preno niyang sagot na nagpalunok at nagpatahimik sa akin.
Sa muling pagkakataon ay naramdaman ko ulit na wala akong kawala. Wala akong karapatang gumawa ng desisyon para sa sarili ko dahil hindi ko kontrolado ang buhay ko. My parents said that I owe my life to them and that’s what I believe.
“Lana!” napapitlag ako’t napabalik sa kasalukuyan ng marinig ang matinis na boses ni Zoey kasabay ng paghawak niya sa braso ko.
“Zo–”
“Oh, my God! Is it true? Narinig kong naghahalikan raw kayo ni Vince sa parking lot!”
“W-What?”
Tumawa siyang tila hindi napansin ang pagkailang ko. Mas inayos niya ang kamay sa aking braso habang sinasabayan akong maglakad papunta sa lumang building.
“Don’t worry, normal naman iyon dahil mag-jowa kayo kaya huwag mo na lang intindihin ’yang mga tsismosa sa paligid!”
“T-The kiss wasn’t that long.” giit kong gustong linawin ang lahat.
“Kahit mabilis o smack lang, pag-uusapan at pag-uusapan iyon ng mga taong makakakita lalo na’t nasa probinsiya tayo. Isa pa, ang mga tao rito ay uhaw sa ganyan. Minsan nga napapaisip pa rin ako kung paano naitayo ang sorority ngayong parang mga Maria Clara ang karamihan rito. O baka Maria Ozawa talaga ang nasa loob.”
“Hindi nga matagal.” balewala ko sa sinabi niyang pangalan dahil hindi ko naman iyon kilala. I just want to defend myself.
“Relax, I’m not judging you! It was just a kiss and I did things way more than that. Ang sinasabi ko, huwag mong pansinin ang mga magkakalat ng tsismis.”
“Magkakalat?” nahihibang kong tanong ulit sa kanya.
“Oh Lana, you’ll see.”
Hindi ko lubos naintindihan ang ibig niyang sabihin pero sinunod ko ang payo niya kahit na wala akong ideya kung para saan iyon.
Naghiwalay kami ni Zoey nang marating namin ang unang class room ko. Wala pang maraming tao sa loob kaya nagkaroon ako ng pagkakataong ilabas ang sketch book ko at iguhit ang tanawin sa labas ng bintanang natatanaw ko.
“Svetlana!” maya-maya’s sigaw sa malanding boses ni Josh na namumula pa ang pisngi habang palapit sa akin.
Mukhang tinakbo ang distansiya sa gate hanggang rito. Nagmamadali kong inayos ang gamit ko ng makalapit siya.
“Hoy totoo bang nakipaghalikan ka raw–”
“Josh!” mabilis kong pigil sa kanyang dahilan ng kanyang pananahimik.
Bago ko pa siya mapagalitan ay sunod ko nang napansin ang mga kaklase kong kakapasok lang na nasa akin kaagad ang tingin. Now I understand what was Zoey’s trying to tell me earlier.
Hinila ko ang kamay ni Josh para palapitin siya sa akin. Halos magdikit ang mga noo namin sa lapit ko sa kanya.
“Where did you get that news?” pabulong kong tanong sa kanyang sinagot niya rin sa gano’ng paraan.
“Narinig ko lang sa mga babae kanina. Eh ikaw lang naman ang bagong salta rito at matagal nang pinag-uusapan ng lahat kaya alam kong ikaw na ’yon. I can’t believe na boyfriend mo pala talaga ang masarap sa matang hottie na ’yon!”
“Ano?!”
Tumango-tango siya.
“So ano, masarap ba?”
“Joshua!”
Nagmamadali siyang lumayo na parang nasaktan sa sinabi ko.
“Ito naman! Nagtatanong lang naman ako!”
Naghagikhikan ang mga babae sa kabilang dulo kaya doon kaagad napunta ang atensiyon ni Josh.
“Anong tinatawa-tawa niyo, ha? Pinag-uusapan niyo si Lana? Ngayon lang kayo nakakita ng naglalaplapan?!” sigaw niya sa mga itong nagpangiwi sa akin.
“Josh.” may diin kong hinuli ang kamay niya at pinisil.
Tumayo ang isa naming classmate kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko!
“Hoy Joshua, ano naman kung pag-usapan namin ’yan? Ano naman sa’yo?!”
Hindi ko na napigilan ang pagtayo ni Josh para pantayan ang babae.
“At ano rin naman sa’yo kung ipagtanggol ko si Lana sa tsismisan niyo, ha? Eh kung sampigain ko ’yang pagmumukha mo kapalit ng tsismisan niyo!” matapang nitong sabi sabay angat ng kaliwang kamay dahilan para mabilis na lumayo ang babae.
“Shit ka Joshua!”
“Aba’t talagang–”
“Josh!” nagmamadali akong umahon para harangan si Joshua na handa nang sugurin ang mga babae.
“Magpasalamat kang bruha ka at may pumipigil sa akin kung hindi ay durog na ’yang mukha mong pangit!”
“Bakla!”
“Baklang maganda! Ikaw babaeng pangit inside and out kahit pa side to side!”
Idiniin ko ang mga kamay ko sa dibdib niya pero mas lalong gumulo nang sunod kong makita ang pagliparan ang mga binder papunta sa amin! Napapikit ako ng dalawang beses akong tamaan sa ulo kaya hindi ko na napigilan ang paghulagpos ni Josh sa pagpigil ko ngunit bago pa tuluyang magkaroon ng digmaan sa silid namin ay natigil ang lahat ng ingay dahil sa pagsigaw ng isang baritonong boses.
“What is happening here?!”
Dama ko ang pag-akyat ng lamig sa aking katawan galing sa boses nang nalingunan kong si Seidon matapos mapapihit sa may pintuan. Mas lalong nagwala ang puso ko ng makitang hindi lang ito ang naroon. Nasa likod niya ang mga pinsan maging si Venus na nakakunot ang noo at nalilito sa nadatnang eksena.
“S-Seidon!” halos sabay-sabay na hiyaw ng limang babaeng kalaban ni Joshua sa tinig na nagpapaawa. “Itong baklang ’to naghahanap ng gulo.”
“Aba’t ako pa talagang bruha ka–”
“Hey!” mabilis na nakasingit si Seidon sa pagitan nila kaya hindi muling naituloy ni Joshua ang gigil sa mga babae.
“What’s your problem?” aniya habang pilit na inilalayo si Joshua sa mga ito.
Inilapag niya ang kanyang mga gamit sa isang lamesa para ipagpatuloy ang paglayo rito.
“Sila ang may problema, Seidon. Mga tsismosa!”
“Bakla ka na nga sinungaling ka pa!”
“Shut up.” nakaigting ang pangang baling ni Seidon sa mga babae dahilan para mabilis na tumikom ang mga bibig nila.
“Excuse me,” napatuwid ng tayo ang lahat ng makita ang pagpasok ni Venus sa silid namin para lapitan ang babaeng nagsalita. “May problema ka sa mga bakla? Gusto mong pag-usapan natin?”
“Vivi, go to your class.” ito naman ngayon ang pinipigilan ni Seidon.
“Answer me.” pagpapatuloy ni Venus matapos maghalukipkip sa harapan ng mga babae at balewalain ang pinsan.
Napayuko ang babaeng nagsabi no’n at hindi nakasagot.
“Bigla kang nawalan ng dila?”
“Vi–”
Matalim nitong sinulyapan si Seidon kaya hindi na nagawa pang pigilan. Sa pagbalik ng mata niya sa babae ay napalunok na ito. Mas lalo pa nga yatang tumindi ang tensiyon ng lapitan ito ni Venus sabay haklit sa suot nitong ID.
“Kapag nahanap mo na ulit ’yang tapang mo, hanapin mo na lang ako, Angelica.” madiin niyang sabi sa pangalan ng babae bago idikit sa noo nito ang kinuhang ID pagkatapos ay lumayo para tapikin ang dibdib ni Seidon saka umalis.
Sumunod ang mga mata ko sa kanya habang bumabalik sa mga pinsang naghihintay lang sa labas. Umiling si Nicolaus kay Seidon ng makalabas ito samantalang ang kakambal naman nitong si Riggwell ay parang gusto lang bumulahaw ng tawa.
“Sorry about that, we’ll get going.” si Achilles naman pagkatapos ay kinuha na ang pintuan para isara.
Bumalik sa tabi ko si Josh. Sa paglapat ng pinto ay saktong lumipad ang tingin sa akin ni Seidon. Para akong natuyuan ng laway sa paraan ng pagtitig niya.
“I-I’m sorry…” mahina kong bulong saka nagmamadaling pinutol ang tingin sa kanya at bumalik sa aking upuan.
Ilang beses na nagpaumanhin sa akin si Josh dahil sa nangyari pero hindi na kami nakapag-usap nang dumating na ang professor namin. Imbes na mapanatag ay mas lalo akong naging aligaga dahil sa seating arrangement na katabi ko si Seidon.
Nakapag-paumanhin na ako kaya hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong sabihin sa kanya para mawala ang tensiyon sa pagitan namin. He was silent. Nakikinig sa sinasabi ng professor pero nang dumating ang quiz ay doon na siya nagsalita.
“You don’t have to apologize to me, wala kang kasalanan sa ’kin.” bulong niya kahit pa hindi naman nakatingin sa akin.
Wala sa sariling nilingon ko ang likuran ko para siguraduhin kung ako ba ang kausap niya kahit na alam kong para lang naman talaga iyon sa akin.
“I’m sorry…” muli kong nasabing nagpatitig na sa kanya sa akin. Marahan siyang umiling.
“You did it again.”
Mabilis kong pinagdiin ang labi ko para pigilan ang muling paumanhin.
“I don’t know what to say other than that.”
“We don’t have to talk about it. I’m just saying na ayaw ko lang marinig na paulit-ulit kang nagso-sorry kahit na wala ka namang dapat ikahingi ng tawad. Hindi lahat ng nangyayari sa mundo ay kasalanan mo so stop apologizing because you don’t owe that to anyone.”
Tumagal ang titig ko sa kanya habang pinoproseso ng utak ko ang kanyang mga sinabi. Kahit na nga nagsimula na siyang magsulat at tuluyang nawala sa akin ang atensiyon ay nanatili ang mga mata ko sa kanya.
It’s the first time that someone told me that. Buong buhay ko, wala akong ginawa kung hindi ang humingi ng tawad sa mga bagay na nagawa ko o kahit gagawin pa lang because I always felt like I’m a walking mistake. Na para bang ang lahat ng gagawin ko ay mali. That I should always apologize because that’s how it’s supposed to be.
“You should write your answers now, Svetlana.”
Naputol ako sa pag-iisip ng marinig ang muli niyang pagsasalita. Nahihibang akong napalingon sa board at nakitang nasa pang-limang tanong na ang professor namin sa quiz kaya humabol ako.
Sa unang pagkakataon simula kagabi ay parang ngayon ay gumaan kahit kaunti ang laman ng dibdib ko. The quiz went well. Kahit na lutang ay nakakuha pa rin ako ng mataas na grado.
Pagkatapos no’n ay agad kong inayos ang aking mga gamit ngunit muling natigil nang maramdaman ang pagtayo ng katabi ko’t paghinto sa aking harapan imbes na umalis na.
Nalilitong umangat ang titig ko sa kanya.
“I know it’s not my place to say this, but next time you should tell your boyfriend to kiss you in private,” nakagat ko ang labi ko dahil sa narinig pero mas hindi ko inasahan ang sunod pang lumabas sa kanyang bibig. “And maybe try to ask him to give you a little more respect, hindi naman ’yon mahirap gawin.” dagdag niya bago ako tuluyang iwang laglag ang panga.
Follow all my social media accounts to be updated.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva/Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 8
Chapter Eight
Kung Gusto Mo
Ilang araw ang lumipas matapos ang magulong eksenang iyon. Ang tsismisan o bulungan ng mga schoolmates ko pero kahit na ilang araw na ay hindi pa rin nawala sa utak ko ang lahat. Hindi ang paratang nilang malandi ako kung hindi iyong mga sinabi ni Seidon sa akin.
I don't know why but I felt like his opinion matters the most and it sad because speaking of that day, that was also the last time I talked to him.
Oo nga't nagkikita naman kami lalo na kapag mayroong mga subjects na magkaklase kami at magkatabi pa pero ni minsan ay hindi kami nag-usap.
I don't know if I did something wrong that upsets him or he just doesn't want to talk to me, but I felt the emptiness inside me kahit na hindi naman dapat dahil unang-una ay hindi naman kami close pero kahit na gano'n ay hindi ko pa rin talaga maiwasang hindi makaramdam ng lungkot.
Kahit na kasi hindi kami magkaibigan, pakiramdam ko ay kahit paano'y nagkaroon kami ng koneksiyon... At ang kaunting pag-asang iyon sa puso ko ang dahilan ng lahat kung bakit hindi ako mapakali.
I want to apologize to him, but then I remember him saying that I shouldn't apologize every time I think I did something wrong. Maybe he just doesn't want to get involve in my pretty shitty life and I should gave him space for that, hell, even credit for staying away.
Mabilis kong ipinilig ang aking ulo matapos ang instruction kung ilang lap ang gagawin naming pagtakbo sa field ngayong P.E.
Seidon is talking to some of our classmates and I was at the back of my class pretending not to exist because the last thing I want right now is his attention. Medyo mas mabigat nga lang ngayong dahil wala si Josh. Ang sabi niya ay hindi siya makakapasok dahil may kailangan siyang asikasuhin kaya naman talagang wala akong makausap. Just like Seidon, the girls didn't want to get involved with me too, but that doesn't really bother me... Siya lang talaga...
Mabilis kong kinuha ang aking tumbler at agad na uminom ng magsialisan na ang lahat at magsimula sa pagtakbo. Sinadya kong paunahin silang lahat at magpahuli. Nang sa gayon, kahit na sobra na naman ang lap na gagawin ko ay walang makakapansin dahil huli naman ako. I'll probably run until I get exhausted. Wala akong klase pagkatapos nito at busy rin si Zoey sa mga ganap sa sorority at gano'n rin si Vince kaya wala akong choice kung hindi ang ibigay ang lahat ng oras para sa sarili ko.
Nagsimula akong tumakbo kasabay ng pagbaha ng boses sa utak ko. Muli ko na naman kasing naalala ang party na gaganapin na bukas. I tried convincing Zoey to leave me out of it but she's too persistent and even tried Vince to get involved kaya nawalan na talaga ako ng pag-asang maka-hindi.
Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga nang makaikot ako pabalik sa aking pinanggalingan. Just thinking about the party make me anxious. Una dahil sa ingay at maraming tao na kahit kailan ay hindi na yata ako masasanay at pangalawa ay alam kong magtatagpo at magtatagpo pa rin ang landas namin ng mga Cordova at hindi ko alam kung paano sila haharapin pagkatapos ng nangyari. Ang tanging nagpapalakas na lang ng loob ko sa mga pagkakataong ito ay si Joshua. I know he'd be there and he'll protect me no matter what and that somehow put my heart to an ease.
Hindi ako huminto ng malagpasan ang pinanggalingan ko, hindi gaya ng iba na isang lap pa lang ay nagpahinga na. Seidon was across the field minding his own business but my stupid eyes didn't let him go kaya naman nang lumipad ang mga mata niya sa aking direksiyon ay parang dumoble ang hingal ko... And the worse thing was, I couldn't rip my gaze at him.
His eyes fixated on me too and my heart pounded so much more!
Oh God those eyes...
Kahit na nasa malayo, pakiramdam ko ay hinihigop ng mga matang iyon ang lahat ng lakas ko. I didn't stop running even if I felt my knees getting weaker each second his eyes were cupping mine.
Pinigilan kong hawakan ang dibdib ko dahil sa kagustuhan nitong lumabas sa aking katawan pero hindi ko pa rin iyon napigilan ng malagpasan niya ako. How could a set of eyes sucked every strength I had? How can a simple gaze make me feel everything?
Pumikit ako ng mariin habang binabagalan ang pagtakbo hanggang sa tuluyan na akong bumagal at maglakad na lang. Mas napagod yata ako sa pagtitig sa mga matang iyon kaysa sa pagja-jogging pero bago pa ako makapag-isip ay napasinghap na ako ng maramdaman ang paghinto rin ng kung sino sa aking tabi.
My feet almost hit a break when I turned and saw Seidon looking at me with a curved on the side of his lips.
"You tired already?"
I turned to my other side, checking if it's me he was talking to. When I realized that there's no one near me, muli akong bumaling sa kanya. Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa lito kong ekspresyon.
"Yes, I am talking to you Drozdov."
And with that, I felt my heart beating slowly again, but louder this time. Iyong kalampag na akala mo'y mayroong biglang bandang tumutugtog sa tabi ko.
"N-No... I just need to rest for a bit." I'm impressed that I sounded so casual even though my voice came out raspy.
"How many laps do you plan on doing today?" muli niyang tanong sa kaswal na tonong akala mo'y walang araw na hindi kami nag-usap.
"I don't know yet. Bakit? Sasamahan mo na naman ba ako?" pabiro kong tanong ngunit ang ngiting sumilay sa aking labi ay mabilis na napawi sa naging sagot niya.
"Kung gusto mo, bakit hindi?"
Bumilis ang lakad ko, hindi dahil sa handa na akong tumakbo ulit kung hindi dahil hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. His pace began to mimic mine and seconds later, we were both running again.
"I don't have a class after this. Kung balak mong matira sa field, sasamahan kita. Kung gusto mo." ulit niya.
My heart
... All I could hear is the beating of my heart. His voice was so soothing and I felt it even in my toes. Iyong boses na kahit wala namang matamis na sinasabi ay kusang nananalaytay sa iba't-ibang bahagi ng katawan.
"Kung gusto mo rin, ikaw ang bahala."
"So balak mo talagang magpaiwan ng mag-isa rito at tumakbo nang tirik ang araw?"
"I need it. I'm too pale." pagsisinungaling ko.
Oo nga't maputla siguro ang kulay ko pero hindi iyon dahil sa hindi ako naaarawan, kung hindi dahil iyon talaga ang kulay ko. My skin is naturally white like my father.
"The sun is not healthy when you're exposed too much."
"Okay lang 'yon, wala naman akong pupuntahan pagkatapos nito. Everyone is busy for the upcoming party and Josh wasn't here so..."
He didn't say a word after that. We both keep running. Hindi na rin ko nagsalita. Pasimple kong sinipat ang reaksiyon niya and I saw that he was thinking. Before I could even mutter another word, another question escapes his mouth.
"Do you want to come with me after this class?"
And again, I felt my knees ripping away its own strength. I gathered all my thoughts and asked him where. I don't know why, but his question made me excited.
"Do you trust me?" he asked again, making my heart a little more giddy.
"May dahilan ba para hindi bukod sa hindi naman tayo close at iniwasan mo ako nitong mga nakaraang araw?"
He almost laughed at that, but didn't gave me a reason why he acted that way.
"One more." he said instead.
"H-Ha?"
"One more lap and we'll rest like them." lumipad ang mga mata niya sa mga kaklase naming ngayon ay nakabalik na sa bench kung nasaan ang klase.
Doon ko lang napansing halos lahat lalo na ang mga kababaihan ay nakatingin na naman sa aming direksiyon dahilan para mapahinto ako, naalala ang nangyari nitong nakaraan. By the looks in their face, I could tell how disappointed they were that I was with Seidon. But the latter didn't care that much. Huminto rin siya at hindi ako hinayaang mag-isa.
"Look at me," he commanded, making me turn my attention back to him. "Trust me." aniya imbes na itanong iyon ulit sa akin. Parang may sariling utak naman ang katawan kong gusto na lang sumunod sa kung anong gawin at sabihin niya.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko, kahit na hindi niya iyon itanong ay pagkakatiwalaan ko siya higit pa sa mga taong matagal ko nang kilala.
Gano'n ang nangyari. Hindi ako nagtagal sa field at sabay kaming umalis ni Seidon nang mauna nang magsialisan ang aming mga kaklase.
I mostly followed him for the next ten minutes. Naglakad siya sa patungo sa dulo ng lumang building na hindi na naaabot ng mga estudyante. The place was eerie enough to give me shivers pero kahit na gano'n ay hindi ako nakaramdam ng sobrang takot dahil alam kong kasama ko siya. I never felt safe with a stranger, pero mayroon sa pagkatao niyang hindi na dapat pang kwestiyunin kung dapat bigyan ng tiwala dahil kusa ko iyong ibibigay.
Nang huminto siya sa pinakadulo ay doon lang kami tuluyang naglapit ulit. Tiningala ko ang lumang kulay abong kahoy na pintuan sabay baling sa kanya. Hindi ko na kailangang magtanong dahil sapat na ang titig kong naguguluhan para sagutin niya ako.
"Welcome to the only room in UDB that was totally abandoned," aniya habang inilalabas ang kung ano sa kanyang bulsa.
Nalaglag ang mga mata ko doon. Lumapit siya sa may pinto at inilabas ang susi para buksan ang pintuang nasa aming harapan. Habang isinasaksak niya ang susi ay imbes na makaramdam ng kaba o mataranta't batuhin siya ng mga tanong, nanatili akong kalmado. Hinihintay pa siyang ipaliwanag kung bakit nandito kami at dito niya ako dinala.
The door made a loud sound when he tried to push it, leaving my thoughts and making me focus on what's in front of me.
"I hope your boyfriend doesn't mind you going with someone you barely knew." aniya at tuluyan na iyong itinulak para makapasok kaming dalawa.
Bukod sa alikabok, bumalandra sa akin ang mga kung anong gamit na natatakpan ng mga telang kulay kayumanggi. Everything was covered with the same cloth. Nang tuluyan akong makapasok ay naramdaman ko siyang tumabi sa akin pero sabay kaming napapitlag nang sumara ang malaking pintuan sa aming likuran. Nakita niya ang pagkataranta ko pero agad niya akong kinalma.
"Sumasara talaga ng kusa, sorry hindi kita na-warning-an." tipid siyang ngumiti bago ako nilagpasan.
Lumakad muli ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto. It was five times bigger than our classroom. I can tell that it was an old library or storage... Alin sa dalawa dahil ang palibot ng silid ay puno ng bookshelves simula sa sahig hanggang sa kisame. Oo nga't natatakpan ng tela at makapal na alikabok pero ang taas ay hindi na naabot at nakabalandra ang mga inaagiw nang libro kaya iyon kaagad ang naisip ko.
"This was the original library." he confirmed. Walking towards a corner, sumunod ako.
Sa paghinto niya ay napansin ko ang isang upuan at maliit na lamesang medyo hindi kasing dumi ng lahat ng gamit sa kabuuan ng lugar.
"This is where some old stuff from random alumni was stored." binalingan niya ang mga gamit na tinutukoy habang hinihila ang nag-iisang upuan para paupuin ako.
Sinunod ko siya matapos niya iyong linisin ngunit nanatili akong tahimik, hinahayaan siyang magsalita at magpaliwanag pa.
"This is also where we can find something worth looking for."
"Like some gem?" I asked him.
Tumango siya at lumayo sa akin. Sumunod ang mga mata ko sa kanya. Huminto siya sa isang bagay at walang ano-ano'y inalis ang maalikabok na telang nakapatong rito. It was a vintage globe. Napatakip ako ng ilong nang mapunta sa gawi ko ang alikabok.
"Sorry." he stopped moving the cloth and heads back to my direction, handing me his handkerchief.
Nahihiya man, kinuha ko pa rin iyon sa kanyang kamay habang ang mga mata ay hindi na naalis sa kanya nang muli siyang lumayo, scanning the room like he knew where he will find the treasure he was looking for.
Ilang dipa na ang layo niya nang muli siyang magtanggal ng tela. Nakita ko ang isang cabinet. Walang pag-aalinlangan niya iyong binuksan. Nang makita ko ang muling pag-arko ng labi niya ay wala sa sariling nailapit ko ang hawak kong panyo palapit sa aking bibig.
I instantly chew my bottom lip when an unfamiliar scent runs through my nose. Hindi matapang ang bango ng kanyang panyo pero amoy na amoy na lalaki ang may ari nito. It was a mixed of angst and calmness, maybe even strong charisma turned into perfume.
Natigil ang utak ko sa diskusyon kung paano idi-describe ang bango niya nang makita ang pagtayo niyang muli at paglakad palapit sa akin dala ang ilang lumang librong hawak. He's right, talagang abandonado na ang lugar na ito dahil maging ang lumang libro na mukhang may halaga ay nakalimutan na't hindi na kailanman nabigyan pa ng pansin.
Ipinagpag niya ang tatlong libro bago ilapag sa lamesang nasa aking harapan.
"Poems," he said pertaining on the book on top of the other two. "And some sketches, I think." aniya kasabay ng walang arteng pagbaba sa sahig upang umupo.
Nahihiya akong tumayo para ibigay sa kanya ang kanyang upuan pero hindi niya hinayaan ang gusto kong mangyari.
"The floor is more comfortable, I'll stay here." aniya sabay kuha ng nasa pinaka-ilalim na libro at buklat habang inaayos ang sarili sa ibaba ko. I saw some fine sketches in every flips of the page. Para iyong compilation ng obra ng iisang tao dahil iisa ang istilo ng mga iyon.
"1993," he murmured and let me see it. "This is the first sketch book I found here." nagpatuloy siya sa paglipat sa bawat pahina at patagal ng patagal ay paganda ng paganda ang mga nakalagay doon. It's mostly portraits. Siguro ay mga estudyanteng nag-aral rin noon sa unibersidad na ito ang mga naka-drawing.
I titled my head to have a good look at it, ibinaba ko na ang kamay ko at panyo niya pero hindi nawala ang amoy dahil nasa tabi ko siya. He smells exactly like his handkerchief... and feels the same way too. Kahit na napaka-lakas ng charisma, kalmadong kalmado lang.
"Nakita mo na ito noon?" I asked, focusing on the book and not asking him about what perfume he was using.
"Yeah, but I don't appreciate art so here," naputol ang paghinga ko ng agad niyang ipatong sa hita ko ang hawak na libro. "The first gem I know you will appreciate."
My mind were flooded with questions but my lips remained sealed. Kusang bumaba ang mga kamay ko para damhin ang mga guhit na nakabaon sa papel. It was old and neglected, but he was right, I still appreciate it. Ito yata ang unang beses na makakita ako at makahawak ng luma nang obra and I was actually amazed how clean it was unlike the other two books on the table.
"Dito itinatapon ang lahat ng art sa mga nagdaang patimpalak simula nang mabuo ang eskwelahang ito. It was just an old library before. The head of college of arts turned this room into an art gallery when the university had a bigger library, but they find if too small so UDB funded a new art gallery across this building. Since then, naging tambakan na lang ito ng mga gamit." I followed his gaze that is now scanning the room.
"This is a heaven for an artist. Those boxes, cabinets and even stuff behind that door is full of arts." turo niya sa nag-iisang pintuan sa dulo ng silid.
Nalilito kong sinundan ang tingin niya pero nang maramdaman kong huminto iyon sa akin ay muli ko siyang binalingan. I don't know what I'm exactly doing here with him or why did we end up here but hearing what he just said excites me. Nang tumagal ang titig ko sa kanya ay nahihiya ko iyong ibinaba at ibinalik sa hawak kong libro.
Wala sa sariling napangiti ako ng makita ang sketch ng lumang portrait ng isang dalaga. It was dated February 2, 1993 kasama ng isang signature ng taong gumuhit. I never really like sketching portraits because I find it so hard to draw eyes at hindi ko talaga nabibigyan ng justice kapag sinusubukan ko kaya hindi iyon ang kinahiligan ko. Hindi ko alam pero mas gusto ko ang mga scenery, but this one is perfect. Kahit na lapis lang ang gamit ng artist at walang kahit na akong kulay ay napakaganda no'n. I can imagine the colors of it. Parang nakikita ko kung ano ang hitsura ng babaeng nakaguhit. I think she has pink lips, brown eyes and hair. Wala sa sariling napangiti na lang ako.
She's really pretty...
"I knew it..." maingat na sambit ni Seidon dahilan para mawala ang atensiyon ko sa pagdama sa bawat guhit ng papel na nasa aking harapan.
"H-Ha?"
He smiled and shook his head.
"I knew you'll appreciate it more than anyone else."
Nahihiya akong ngumiti. Nagpatuloy ako sa pagtingin at paglipat sa obrang hawak ko. Minsan ay ipinapakita ko iyon sa kanya at gano'n rin siya sa tuwing may nakikita sa hawak na tingin niya'y magugustuhan ko.
We had light conversation while scanning the sketch books. Nang matapos ko ang dalawang nasa harapan ay kumuha ulit si Seidon, sa pagkakataong iyon ay sumama ako sa kanya sa unang pinagkuhanan niya. I was overwhelmed by the books that were stored in a single cabinet. Sa sobrang dami nga ay isiniksik na lang ng basta ang iba doon.
Hindi ko naiwasang manlumo nang makitang marami nang gula-gulanit na obra. Mayroong mga natamaan ng anay lalo na iyong mga nasa pinakailalim kaya napagdesisyunan naming ilabas ang lahat sa lumang cabinet.
"Sayang..." hindi ko na napigilang sabihin habang pilit na inaayos ang tupi-tuping watercolor painting sa sandamakmak na puting kartolina.
I heard him sighed while he continued rummaging the cabinet. Nang matapos niyang ilabas lahat ay tinulungan ko siyang ilagay iyon pabalik sa lamesa. Naka-dalawang balik lang ako dahil hindi na niya ako pinatulong. Aniya ay kaya na niya iyon kaya hindi na rin ako nagpumilit.
Habang tinatapos niya ang ginagawa ay bumalik naman ako sa pagbuklat ng mga gamit na nasa aking harapan. When he was done, bumalik siya sa gilid kung saan siya sumandal kanina at pagkatapos ay inayos ang sarili. I handed him his handkerchief nang makita ko ang namuong pawis sa kanyang noo.
"Palagi kang narito?" I asked, shifting the subject to him.
Umatras siya sa akin nang makuha iyon at pagkatapos ay muling ibinalik ang sarili sa gilid.
"Before. Dito kami nagpa-practice noon pero nang mabigyan kami ng access sa rooftop ay nalipat kami."
"Pero palagi ka pa ring pumupunta rito?"
Marahan siyang umiling.
"Ngayon na lang ulit. I honestly forgot that I still had a key here, but then I..." natigil siya sa pagsasalita at tila ba hindi na gusto pang magpatuloy kaya muli akong nilunod ng mga katanungan sa aking utak.
Ayaw kong maging assuming at tanungin siya kung dahil ba sa akin o dahil mas nakaka-appreciate ako ng art kaya niya naalala ang lugar na ito at dinala ako rito pero bago ko pa buksan ang bibig ko para patayin ang katahimikan sa pagitan namin ay muli ko iyong naitikom nang bumalik ang mga mata niya para basagin ang kalituhan ko.
"I think I'll be back again... Kung gusto mo, babalik tayo..."
Follow all my social media accounts to be updated.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva/Cengseries
Twitter :
CengCrdva
CHAPTER 9
Chapter Nine
Hanggang Dulo, Laura
Nahigit ko ang aking paghinga sa pangatlong pahina nang librong hawak ko. Sa ilang librong nauwi ko matapos ang araw na dinala ako ni Seidon sa silid na iyon ay ito lang ang naiba sa lahat.
This time, it wasn’t a sketch book. It was like a diary that was written by someone named Phillip Labrador almost three decades ago. I closed the book and my heart ached more when I saw the words that were written on the cover.
Hanggang Dulo, Laura. Muli kong binuksan iyon para basahin ang nasa pangatlong pahina.
“Dahil mahal kita at mamahalin hanggang dulo kahit
walang tayo.“
“
I felt the instant bile on my throat when my fingers run through his words. Wala pa man ako sa unang kabanata ay parang dama ko na ang mga luha at pighati sa mga salitang iyon. Hindi naman ako bihasa sa pagmamahal pero hindi ko maiwasang malungkot para kay Phillip dahil sa hindi pagpili sa kanya ni Laura sa kung ano mang dahilan.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko nang simulan ko nang basahin ang unang parte ng librong iyon.
Unang Kabanata
Sabi nila, kaya raw tayo nandito sa mundo ay dahil mayroon tayong misyong kailangang gampanan.
Sabi nila, ang buhay ay maiksi lang kaya huwag sasayangin.
Sabi nila, huwag maging maramot lalo na sa sarili. Ibigay mo ang lahat at gawin ang kung anong magpapasaya sa’yo.
Pero paano kung alam mo sa sarili mong walang kahit anong magpapasaya sa’yo?
Paano kung ang tanging gusto mo ay tinututulan ng lahat ng tao?
Paano kung ang tanging hiling mo ay ang pagtatapos sa lahat ng ito? Kamatayan para sa’yo? Dahil iyon ang tiyak mong magpapasaya sa’yo? Iyon lang ang tanging papawi sa lahat ng bigat sa mundo mo?
Iyon lang tanging gusto ko pero makulit ang mundo at ibinigay ang isang Laura Ludencio.
Ito ang unang kabanata ng pagmamahal ko para sa’yo…
Natigil ako noon sa pagguhit ng makita kita, Laura. Sa unang pagkakataon ay hindi ko na malaman kung ano ang pinaka-magandang nakita ko sa mundong ito bukod sa mukha mo. You were smiling, mukhang may nagpapakilig sa’yong kung sino sa kausap mo sa telepono.
Huminto ka ilang dipa sa akin. Napatuwid ako ng upo at naialis ang katawan sa punong sinasandalan ko. Pakiramdam ko kasi, kapag nanatili ako doon ay aatakihin ako… Aatakihin ako kapag hindi ko nakita nang malapitan ang mala-anghel na mukha mo.
Siguro nga ako ang pinaka-maswerte nang araw na ’yon dahil pinagbigyan ang hiling ko. Wala naman akong ginawa pero sa pagpihit mo, parang tuluyan nang huminto ang mundo ko… Napagtanto kong ikaw ang pinaka-magandang obra ng Diyos sa mundong ito. Your eyes were shining so bright like the stars beaming on a dark sky. Kumikinang hindi ko alam kung sa kilig o sadyang maganda ka lang.
You stood near me and my hand did the best thing it could to immortalize the moment. I couldn’t take my eyes off of you, Laura. Ikaw ang pinaka-magandang nakita kong nilalang sa tanang buhay ko at iyon ang simula kung bakit nagustuhan kong kumapit at magkainteres sa buhay na ito.
Simula nang araw na ’yon ay inabangan kita. Sinasabi ng utak ko na imahinasyon lang kita at hindi na makikita pang muli pero mali ito.
I was so happy to see your again even though you’re with someone else… Kahit na natigil ako sa paglapit patungo sa gawi mo dahil sa lalaking nakaakbay sa’yo… Sa lalaking kahit na hindi itanong ay siyang dahilan ng mga kilig mo. Ang lalaking nakabihag sa puso mong una pa lang ay pinangarap ko.
Sinabi ko sa sarili ko noong ayos lang, Laura. Sinabi ko sa sarili kong hindi mo pa naman iyon asawa kaya may pag-asa pa. Na kahit hindi mo ako kilala, aasa akong magiging malaki ang parte ko sa buhay mo at gano’n ka rin sa buhay ko.
Ang baliw ko ano? Nakakagagong isipin na umaasa ako sa babaeng ni hindi alam ang
pangalan
ko. Pero anong magagawa ko kung dahil sa
’yo ay natuto akong gumising ng may sigla araw-araw?
Dalawang linggo ang nakalipas nalaman kong bago ka lang pala sa lugar na ito. Kaya naman pala pinuputakti ka rin ng mga tao dahil bagong mukha ka dito… Bagong napakagandang mukha.
Simula noon ay hindi na ako napakali. Palagi kitang inaabangan sa puno kung saan kita unang nakita. Kung saan unang umasa ang puso kong wala ni minsang gustong asahan
,
pero hindi naging madali ang lahat at lumipas pa ang ilang buwan na hindi tayo nabigyan ng pagkakataong mag-usap
man lang. K
ahit na gano’n, hindi ako tumigil sa paghanga sa
’yo.
Nakita kita noong isang araw sa canteen kasama ang boyfriend mo. Pagkatapos niyong kumain, iniwan ka niya para samahan ang mga lalaking kaibigan ninyo. Habang palayo ito ay unti-unti namang napapawi ang mga ngiti sa labi mo. Ang mga ngiting una pa lang ay gusto ko nang makita simula ng mabuo ang nakakabaliw na pag-asa sa puso ko.
Nang tuluyan mawala ang titig mo ay kasabay naman ng pagyuko ng ulo mo. Para akong sinaksak ng makita ang lungkot mo, Laura. Gayunpaman, hindi iyon naging dahilan para hindi kita iguhit nang maupo ka para ituon na lang ang atensiyon sa makapal na librong gusto kong ipukpok sa ulo ng kasintahan mo.
Paano ka niya nagawang iwan ng mag-isa? Paano niya nagawang iwan ang kayamanang ikaw sa mundong maraming
naghahangad na
makakuha sa’yo?
Gaya ng
tulad kong ni hindi magawang lumapit para man lang maitanong kung anong nararamdaman mo?
Pangatlong guhit ko na ito sa
’yo pero sa bawat galaw ay parang ayaw tanggapin ng mga daliri ko ang sulat ng lapis sa papel na nakapatong sa mga binti ko. I just couldn’t sketch you with that sad face. Parang sa bawat ritmo ng hawak ko para iguhit ang lungkot sa mga labi mo ay kusang
parang nadadaganan ng mabibigat na bato
ang dibdib ko.
How can someone take you for granted? Bakit ako apektado? Bakit pakiramdam ko, kahit na wala ako sa posisyon ay alam kong hindi ito ang para sa
’yo? Laura, sorry pero hindi bagay sa
’yo ang lungkot na ito.
Bago ko matapos iyon ay umalis ka na. Hindi ko alam kung ititigil ko ba ang lahat para pigilan ka o hayaan na lang ang imahinasyon kong ipagpatuloy ang pagguhit sa’yo. Pinili ko ang huli.
Sa pagkakataong ito, natapos ko iyon nang masaya ka pa rin kahit na hindi iyon ang totoo. Laura, ako nang nagdesisyon para sa
’yo pero hindi ko inakalang sa mga susunod ay iyon na rin ang makakasanayan ko.
I would draw you from a distance. Kahit sa canteen, sa
library
o kahit sa
ang sulok ng paaralang ito.
Minsan masaya ka pero madalas ay nakikita ko ang dahilan ng pagbigat ng puso ko dahil sa lungkot
diyan
sa mga mata mo. Is he really taking you for granted? Aba’y napakagago.
Mabilis kong inalis ang tingin ko sa
’yo nang
unang beses na
mahuli mo ako. Pinilit kong magtanga-tangahan huwag mo lang mapansin dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling lapitan mo ako. Laura, nakakatanga pero sobra
sobra ang kalabog sa puso ko.
Sabi ng Lola Kurita ko, iba’t-iba ang uri ng pagmamahal. Wala pa man akong karanasan
sa kahit ano
ay parang lahat na ng uri ay na sa
’yo.
Laura, ang lakas ng tama ko pero mas malakas ang dagok mo sa akin ng hapong iyon. Galit na galit ka lalo na ng makita ang mga
guhit
ko. You accused me of being a pervert and stalking you. Kung hindi ko pa nga nakuha kaagad ang sketchbook ko sa kamay mo ay baka nagula-gulanit na iyon sa palad mo.
Grabe ka. Mala-anghel ang mukha mo pero naging tigre ka nang araw na ’yon. It was such a bad misunderstanding
,
but I couldn’t explain myself because somehow, you were right. Hindi sa pagiging bastos kung hindi sa pagsunod at pagiging stalker mo. Wala naman akong dalang kamalasan at talagang humahanga lang ako sa
’yo pero alam kong walang tamang paraan para ipaliwanag ko ang sarili ko sa
’yo.
Kung sabagay, kahit nga ako ay nawi-weirduhan sa sarili ko. Ang lakas naman kasi talaga ng tama ko sa’yo. Pero alam mo ba, kahit na halos patayin mo ako nang araw na iyon ay hindi ako tumigil. Lumayo man o dumistansiya ako ng kaunti sa
’yo, pero hindi kailanman nawala ang paghanga ko.
Ilang linggo ang lumipas, palagi tayong nagtatagpo at palagi akong pilit na lumalayo. Kahit na malakas ang tama ko sa
’yo, ayaw ko pa rin ng gulo.
Ang sabi ni Lola Kurita, masama ang manghimasok sa mga bagay o buhay ng tao pero paano ko pipigilan ang sarili ko kung isang araw ay nakita na lang kitang halos mabasag sa harapan ko?
Paano ko ilalayo sa
’yo ang sarili ko kung ikaw mismo ang kumailangan sa mga bisig ko?
Laura, alam kong hindi ako dapat magsaya habang lumuluha ka sa dibdib ko pero alam mo bang para akong nanalo sa lotto?
“Hug me… Just hug me please…” bulong niya sa akin.
Sa tuluyang pagbitiw ko sa lahat ng hawak ko’t pagyakap sa kanya ay tuluyan na siyang nanghina at mas lalong naiyak. Ilang beses akong napalunok at hindi alam ang gagawin bukod sa panatilihin siyang nakatayo.
“L-Laura…”
“Please, huwag kang bibitiw.” muli niyang bulong sa akin kaya mas lalo ko ring hinigpitan ang hagkan ko sa kanya.
We stood there for almost five minutes before she let me lead her under the tree. Inayos ko ang mga gamit ko at ibinigay pa ang aking panyo sa kanya. Hinayaan ko siyang punasan ang mga luha gamit iyon. Hinayaan ko siyang ibuhos ang lahat ng kung anong sama ng loob sa aking panyo. Wala akong sinabi at ginawa kung hindi ang hawakan ang isa niyang kamay.
Ganito pala ang pakiramdam na kasama mo ang babaeng pangarap mo, ano? Iyong kahit na ngayon lang kayo nagkalapit at wala naman siyang alam sa
’yo, para nang sasabog ang dibdib mo.
Sinubukan kong iangat ang kamay ko pero pinigilan niya ako at mas hinigpitan pa ang kapit doon para hindi ako makawala. Sa paglingon niya sa akin ay nakita ko ang lungkot at takot sa mga mata niyang dahilan ng paglukob rin ng lungkot sa puso ko.
“Wala akong kaibigang mapagsasabihan… Wala akong taong makakapitan ngayon. Will you please stay with me? Pwede bang huwag mo akong iwan, Phillip?” she said desperately.
Alam kong wala akong obligasyon sa kanya pero kahit na yata hindi niya sabihin ay kusa ko iyong gagawin.
Phillip… Pag-uulit ng boses sa utak ko gamit ang malamyos niyang tinig na tila gumapang rin patungo sa puso ko. She knows me… Kilala niya ako!
Muli akong napalunok nang mas umapaw ang lungkot sa mga mata niya nang hindi ako magsalita.
“Iguhit mo ako.”
“Laura–”
“Iguhit mo lahat ng lungkot sa mukha ko,” marahan niyang binitiwan ang kamay ko pagkatapos ay inayos ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa kanyang mukha. She even wipe the tears that were streaming down her cheeks pero sa dami no’n, marami rin ang pumapalit.
Kahit na labag sa kalooban ko, nakita ko na lang ang sarili kong hawak ang aking lapis at kwaderno at ginagawa ang gusto niya. Kahit na alam kong ayaw niya iyon dahil iyon ang dahilan ng galit niya noong nakaraan pero hindi siya gumalaw at hinayaan lang akong gawin ang kanyang gusto.
Kahit na nagtatalo ang puso at utak ko, ipinagpatuloy ko ang lahat. Mas mahirap pa lang iguhit ang babaeng pinangarap mong umiiyak sa harapan mo nang malapitan. Hindi ko mabilang kung ilang beses kong tinasahan ang lapit ko dahil sa tuwing nakikita ko ang mga masasaganang luha sa mga mata niya ay dumidiin ang lapis sa papel ko.
“Bakit ka ba umiiyak?” hindi ko na napigilang itanong sa kalagitnaan ng pagguhit.
I just couldn’t draw her like that. Oo nga’t iyon ang gusto niya pero nasasaktan rin akong makita siyang nahihirapan.
“Shit happens. People cry, normal lang iyon.”
Yumuko ako at idinagdag ang kurba ng lungkot sa guhit ng labi niya.
“Sabi mo wala kang mapagsasabihan, ngayong pinagbigyan kita, bakit ayaw mo namang sabihin kung ano talagang problema?”
Napakurap-kurap siya, bahagyang bumagal ang pagtulo ng tubig sa mga matang nagkaroon ng pag-aalinlangan.
“Sus, normal na ang umiyak sabi mo Laura kaya sabihin mo na. Umiiyak rin naman ako. Noong nakaraan nga umiyak ako dahil naipit ang daliri ko sa pintuan ng banyo namin,” itinaas ko ang hintuturo kong namatay na yata ang kuko. “Muntik ko na ngang ilibing eh! Kaso lang lumalaban pa kaya
binigyan ko ng chance
.“
Kumibot ang labi niya pero hindi naman nagsalita.
“Tapos kagabi lang! Alam mo lalaki ako pero ngayong napag-uusapan ’to, nare-realized kong iyakin pala akong tao.”
“Bakit? Umiyak ka rin kagabi?”
“Oo! Alam mo kung bakit?”
“Bakit?” kumunot ang noo niya, ngayon ay tuluyan nang hindi lumuluha ang mga mata.
“Dahil malungkot ako.”
“Bakit ka naman malungkot?”
“Dahil sa napanaginipan ko.”
“Anong napanaginipan mo?”
Pinigilan kong mapangisi ng makitang nawawala ang atensiyon niya sa kung anong bumabagabag sa kanya dahil sa usapan na binuksan ko. Tuluyan ko nang inihinto ang pagguhit para ituloy ang pagkukwento sa kanya.
“Kasi nga nanaginip ako.”
Tumaas ang isang kilay niya pero hinintay pa rin akong magpatuloy.
“Tapos sa panaginip ko malungkot ako pero hindi ko alam ang dahilan. Basta paggising ko, umiiyak ako.”
“Ang baduy.” komento niya.
“Eh ikaw? Bakit ka nga umiiyak? Nag-away kayo ng boyfriend mo?”
Umiling siya at mabilis na nag-iwas ng tingin.
“Oh, eh ano? Kung hindi mo sasabihin, mas baduy ka sa
’kin.“
Muli niyang pinunasan ang mukha gamit ang panyo ko saka umayos ng upo at pumihit paharap sa akin.
“Hindi ako baduy. Talagang ayaw ko lang sabihin dahil iiyak na naman ako.”
“Kung ayaw mong sabihin, magtatanong na lang ako tapos huhulaan ko na lang lahat, gusto mo?”
She chuckled a bit. Parang tumalon ang puso ko dahil sa hagikhik niyang iyon.
“Weirdo mo.”
Ako naman ang natawa.
“Kaya nga muntik mo na akong patayin noong nakaraan dahil weird ako, ’di ba? Pero disclaimer lang ha, hindi ako pervert. Mali ka do’n.”
Bumaba ang mga mata niya sa mga hita ko.
“Pwede ko bang makita?”
Humigpit ang kapit ko sa aking sketch book at bahagyang napalayo sa kanya.
“Weirdo na kung weirdo pero huwag Laura! Virgin pa ako!”
Isang malakas na hagalpak ng tawa ang narinig kong kumawala sa kanyang bibig na umalingawngaw pa sa tahimik na paligid! Hindi ko alam kung paano ko napasaya ang babaeng parang pinagsakluban ng langit at lupa kanina pero nakita ko ang sarili kong sumasabay na rin sa tawa niya. We laughed for solid two minutes until we run out of breath.
“You’re so funny, Phillip!” aniya sa gitna nang hindi pa ring mapigilang pagtawa.
Sa unang pagkakataon ay hindi ako nasaktan nang makita ang luha sa kanyang mga mata dahil ngayon ay hindi na iyon dulot ng lungkot o sakit.
“Totoo nga, virgin ako Laura kaya hindi pwede! Masama ’yon sabi ng Lola Kurita ko!”
Nagulat ako ng hampasin niya ang braso ko. Hindi naman iyon malakas pero mas lalong lumakas ang tama ko sa kanya. Tangina isa pa para bongga na, Laura!
“I am not talking about your thing, Phillip! I’m talking about your sketchbook! Nakita kong marami ka nang naiguhit, pwede ko bang makita?”
“Mas lalong hindi pwede, Laura! Pwede bang iyong bawal na sinasabi na lang ni Lola Kurita ang ipakita ko sa’yo?”
Kung kanina ay hampas, kurot naman ang ginawa niya sa akin habang hindi maawat sa pagtawa. Masakit pero kinilig ako. Parang gusto ko na lang magpabugbog sa kanya para damang dama ko lahat ng pagmamahal na sinasabi ni Lola Kurita.
“Nakakatawa ka!” hingal na hingal niyang sabi na pilit inihihinto ang pagtawa pero hindi magawa.
“Oh tama na, I’m taking your breath away na baka mamaya malagutan ka na nang hininga kasalanan ko pa!”
“Kasalanan mo talaga pero at least mamamatay naman akong masaya, ’di ba?”
“Sus, hindi ka pwedeng mamatay.”
Doon lang siya nahinto sa pagtawa. Muli niyang inayos ang ilang hibla nang kanyang buhok na inililipad ng hangin bago muling nalilitong tumitig sa akin.
“Lahat naman tayo mamamatay, Phillip.”
Bahagya akong nahinto sa sinabi niya, bahagya ring napawi ang mga tuwa sa akin.
“Alam ko pero hindi pa ngayon. Kahit masaya ka ngayon, hindi ka pa pwedeng mamatay.”
“Bakit naman?”
Iniwas ko ang mga mata sa kanya at pilit iyong ibinalik sa sketch book na hawak ko. Ipinagpatuloy ko ang pagguhit sa kanya pero ngayon ay pilit binubura ang mga bakas ng lungkot doon.
“Dahil hindi mo pa ako lubusang kilala. Gusto kong magkakilanlan pa tayo bago ang lahat ng iyon,” binilisan ko ang ilang mga detalye at hindi naman ako nahirapan dahil sa pananahimik niya.
“Gustong gusto pa kitang makilala…” mabagal kong dagdag pagkalipas ng ilang minutong pagguhit at pagtatapos sa aking ginagawa.
She gasped when I turned the sketch to her direction, like she was so amazed by what I did. Kuminang muli ang mga mata niya nang mahawakan iyon.
“You’re so good at this you know…”
“Thank you pero sorry hindi ko ’yan ibibigay sa’yo.”
“Hindi ko naman kukunin.” ngayon ay may malawak na ngiti niyang sabi bago ibalik iyon sa akin.
Mas lalo akong naguluhan dahil akala ko ay magpupumilit siya. Dahil kung gano’n, sino ba naman ako para humindi? Basta kaligayahan niya ay ibibigay ko. Kahit virginity ko Laura, ibibigay ko maski na patayin ako ng Lola ko maging masaya ka lang…
“Huy!”
“H-Ha?” nalilito kong tanong dahil mukhang marami na siyang nasabing hindi ko lang naintindihan dahil sa mga kademonyohan sa utak ko.
“Wala,” muling bumigat ang puso ko nang makita ang pagtayo niya ngunit bago naman ako ang maiyak sa kanyang pag-alis, inilahad niya ang kamay sa aking harapan para tulungan rin akong tumayo.
“I’ll get going Phillip. Thank you sa oras na ibinigay mo kahit na hindi naman dapat.”
Isang tango lang ang naisagot ko habang lumalayo siya sa akin. Wala nang salitang lumabas sa labi ko habang pinapanuod siyang mawala sa paningin ko pero bago pa iyon ay para nang may kung anong nagtakbuhan sa loob ng puso ko sa muli niyang paglingon sa aking gawi.
Nakangiti niyang inilagay ang magkabilang kamay sa bibig bago sumigaw.
“Hindi ko pa rin gustong mamatay dahil gusto pa kitang makilala, Phillip!” sigaw niyang tuluyan nang naging dahilan ng pagbaha ng kaligayahan sa akin!
Hindi man ako nakasigaw pabalik sa kanya, naisigaw naman ng puso ko ang mas malalang pagmamahal para rito.
Oh Laura, pinasaya mo ako. Masayang masaya ako…
Natigil ako sa pagbabasa nang marinig ang malakas na pagtunog ng aking telepono. Napatalon pa ako dahil sa pag-ulit no’n kaya nagmamadali ko nang sinagot.
“Hello, Lana! Oh my God guess what?” isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa bibig ko nang marinig ang boses ni Zoey sa kabilang linya.
Parang mabilis na napawi ang lahat ng emosyong naramdaman ko sa unang kabanata nang nabasa ko dahil kay Zoey. Hinayaan ko siyang magkwento sa akin ng kung anong nangyari sa araw niya at kahit na gusto ko nang patayin ay hindi ko iyon ginawa.
I reminded myself that this is what friends supposed to do. Gaya ni Phillip, kahit na hindi niya kaibigan si Laura ay sinamahan niya’t hindi iniwan. Naging kaibigan siya rito kahit na hindi sila lubusang magkakilala.
Gusto ko pa sanang magbasa pero hindi ko na nagawa nang tumawag naman si Vince sa akin pagkatapos para sabihin ang plano sa gaganaping malakihang party ng taon. Naipaalam na niya ako sa mga magulang ko kaya wala nang problema kahit gabihin ako pero kahit na gano’n, wala pa rin akong maramdamang saya.
Nang matapos nga ang tawag ay natulala na lang ako sa librong hawak ko. I wish I have someone to talk to right now. Sana ay may Phillip akong malalapitan sa mga pagkakataong ito. Ano nga kayang pakiramdam na mayroong napagsasabihan ng lahat maski ng mga ka-weirduhan mo?
Wala sa sariling napangiti na lang ako ng mapait. Muling napabuga ng hininga sa kawalan nang pumasok sa isip ko ang nag-iisang lalaking alam kong gaya ni Phillip na mayroong mabuting puso. Iyong makikinig kahit pa hindi kami lubusang magkakilala.
Wala sa sariling nalaglag ang kamay ko pabalik sa aking telepono. I wish I had the urge to get his number, but how? Ni hindi ko nga alam kung paano siya kakausapin ulit matapos kong sabihing gusto kong bumalik sa abandonadong kwartong iyon ng kasama siya.
I closed my eyes and let my mind relaxed a bit pero bago pa ako makapag-isip kung paano kakausapin si Seidon at sabihin ang tungkol sa binabasa ko ay muli na namang tumawag sa akin si Zoey.
“Be Phillip, Lana… “ I reminded myself. “Just be him…” bulong at paulit-ulit kong paalala sa aking sarili bago muling sagutin ang tawag at makinig sa mga walang katuturan niyang kwento.
Follow all my social media accounts to be updated.
Facebook Page :
Ceng Crdva
Facebook Group :
CengCrdva Wp
Instagram :
CengCrdva/Cengseries
Twitter :
CengCrdva
# CHAPTER 10
Chapter Ten
Contacts
Ilang beses kong inayos ang suot kong itim na plaids ngayong araw. Hindi naman iyon kusot pero parang hindi ako kuntento lalo na't malapit na si Vince at tiyak na pupunahin na naman nito ang suot ko.
Kung bakit ba kasi wala man lang akong magustuhan sa mga damit na binili niya para sa akin? Everything was decent enough for me to wear, pero hindi ko pa rin magawang suotin. Maybe because I just love plaids so much o baka dahil ganito lang talaga ako. Ganito lang ang mga gusto ko, simple.
Napapitlag ako ng marinig ang mahihinang pagkatok sa aking pintuan. I know Vince was already here at kahit nagtatalo ang utak ko, hindi na rin ako nag-abala pang magpalit. Habang pababa sa hagdan ay iyon ang nasa utak ko dahil baka nga punahin niya ako. Oo nga at naa-appreciate ko naman siya dahil mabait naman si Vince at mapagbigay lalo na sa akin pero hindi talaga ako komportable sa mga damit na gusto niyang ipasuot sa akin.
Isang malalim na buntong-hininga pa ang ginawa ko bago ako tuluyang makababa sa grand staircase at dumiretso sa sala kung nasaan ito. He was talking to my Dad when I got there. Awtomatikong umarko ang aking labi ng makita ang hawak niyang bulaklak para sa akin. Just by looking at him I knew that my clothes will not be an issue because he look like he's in a good mood.
Honestly, Vince is nice and I really like him. May pagkakataon nga lang talagang minsan ay hindi ko magustuhan ang mga trip niya kaya hindi ko lubusang maibigay ng buo ang sarili ko sa kanya. Siguro ay tama siya, marami pa kaming dapat na malaman sa isa't-isa at hindi naman kami dapat na magmadali.
"Good morning, baby." mas lalong lumawak ang ngiti ko ng marinig ang malambing niyang boses.
Walang pag-aalinlangan niya akong niyakap at hinalikan sa noo, wala nang hiya kay Daddy na nasa harapan lang naming dalawa. Nang matapos iyon ay ibinigay niya naman ang hawak na bulaklak sa akin.
"Happy monthsary." he said sweetly.
I was caught up in the moment and I my voice hitched when I say it back. Sa dami ng mga nangyari at nasa utak ko ay nakalimutan ko iyon and I really feel bad about it.
"O sige na at baka mahuli kayo. Vince, ang usapan natin." si Daddy habang tinatapik ang balikat nito.
"Yes, Tito. Ako na pong bahala kay Lana."
Nalilito ko siyang tiningala pero isang ngisi lang ang isinagot niya sa akin. Nang makarating kami sa sasakyan ay saka lang ulit ako nakapagtanong.
"Maaga kang nagising para bilhan ako ng bulaklak ngayon?"
"Yeah, don't you like it?"
"I like it Vince. Thank you. Pero pwede ko rin bang malaman kung anong pinag-usapan niyo ni Daddy kanina?"
Hindi nawala sa daan ang mga mata niya nang sagutin ako.
"We'll have dinner later to celebrate our monthsary, Lana. Ipinaalam na kita kay Tito kaya alam na niyang gagabihin ang paghatid ko sa'yo mamaya."
Hindi ko maiwasang matuwa dahil doon. Naninibago man na may oras siya sa akin ngayon pero normal na iyon lalo na't monthsary naming dalawa. Oo nga't hindi naman kami nagsimula sa normal na relasyon pero sinisiguro naman ni Vince na nagagampanan niya ang mga obligasyon niya bilang boyfriend ko. Kahit na alam kong malabo pa ang pagmamahal namin sa isa't-isa ngayon, mas nagiging malapit naman kami at iyon ang importante.
"What's that?" natigil ang pag-iisip ko nang sipatin niya ang librong nasa aking hita, iyong libro ni Phillip na sinadya kong dalhin para ipakita mamaya kay Seidon.
Umayos ako ng upo at ipinakita iyon sa kanya.
"An old diary," sabi ko sabay kuha rito. "Do you want me to read it?"
Nagsalubong ang kilay niya sabay sulyap pabalik doon pero mabilis namang umiling.
"Aren't you too old for that?"
Napangiti ako't napailing.
"It's not mine. Nakita ko lang sa–"
"Spare me, I don't want to know about that. Anyway, may gusto ka pa bang puntahan mamaya para sa date natin? I cancelled the game night for you. Where do you want to go?"
Pinagdiin ko ang aking mga labi pagkatapos ay ibinalik ang libro sa aking kandungan. Muli akong umiling.
"Wala naman. Ikaw nang bahala."
Hinuli niya ang aking kamay at marahang ipinagsalikop ang mga kamay namin. Hindi ko naiwasang makagat ang aking pang-ibabang labi. Ilang buwan na kaming opisyal na magkarelasyon pero hanggang ngayon ay parang naninibago pa rin ako sa ganito. Siguro ay dahil hindi naman kami showy at clingy sa isa't-isa at ngayon nga ay abala rin sa kanya kanyang pag-aaral kaya ang mga ganitong pagkakataon ay bihira na para sa aming dalawa.
"Am I a bad boyfriend?" maya maya'y tanong niya ilang minuto ang lumipas dahilan para mapakurap-kurap ako.
Mabilis kong iginalaw ang aking ulo para tutulan iyon.
"Why would you say that?"
Hindi niya binitiwan ang kamay ko. Nagkibit siya ng balikat.
"I feel like you're too far away from me."
"Vince–"
"Lana, sabihin mo lang para makabawi ako. I will cancel all the game night with the boys just to be with you."
"Hindi naman iyon kailangan. I know spending time with them makes you happy at isa pa, ayos na ang ganito, Vince. Masaya at kuntento na ako sa ganito. You already give me too much of your time and you spoil me with things. Ayaw ko namang masanay." sagot kong nababaliwan pa rin sa kanya.
Malapit na kami sa University pero sinadya niyang ihinto ang sasakyan ilang dipa ang layo sa main gate para lang harapin ako. Wala sa sariling napalunok ako ng ipihit niya ang sarili paharap sa akin. We've never had a chance to talk about our relationship at kung ano ang mga plano namin kaya naman hindi ko mapigilang kabahan sa ikinikilos niya. Not that I hate the idea of it, but I don't think my heart is now ready to what he has to say.
"You know how much I like you, right?"
Dahan-dahan akong napatango, nananatiling nakatulala sa kanya. Inangat niya ang aking kamay kaya napunta ang titig ko roon. I watched him kiss the back of my hand while gently caressing it.
"And I really want you to know that I want our relationship to work."
"Vince–"
"I don't want anyone else but you, Lana..." hirap niyang sabi kasabay ng pag-ukit ng lungkot sa kanyang mga mata. "Ayaw kong magaya sa mga magulang ko na hindi para sa isa't-isa."
"V-Vince, what happened?"
Rumolyo ang bagay sa kanyang lalamunan habang ang lungkot sa mga mata ay nabahiran na ng galit.
Ibinaba niya ang kamay ko at pagkatapos ay ibinalik ang sarili sa kanyang upuan. Sumandal siya doon at itiningala ang ulo kasabay ng pagpikit ng mariin, tila pilit na inaalis ang kung anong masamang naiisip. Hinayaan ko siyang bigyan ng oras ang sarili kahit pa nag-aalala ako sa kung ano ang nangyari at bakit ganito na lang siya ngayon.
Nang subukan kong hawakan ang kanyang balikat ay doon lang siya napadilat. Muli niyang kinuha at hinalikan ang kamay ko.
"We'll make this work, Lana. I will make it work."
Pinilit kong ngumiti kahit na gaya niya ay bumibigat na rin ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Tumango na lang ako at niyakap siya imbes na magtanong pa.
Ilang minuto kaming natigil sa gano'ng posisyon hanggang sa nauna siyang bumitiw at nagpatuloy sa pagmamaneho. Hindi na kami nag-usap pagkatapos no'n. Alam kong napakarami niyang gustong sabihin sa akin pero tila ba hindi pa iyon ang tamang pagkakataon kaya hindi na ako nagpumilit.
Iyon ang gumulo sa utak ko habang nasa gitna ng pang huli kong klase. I never saw Vince like that. Alam kong wala namang perpektong relasyon at minsan ay nababanggit niya rin namang nag-aaway ang mga magulang niya pero iyong kanina, alam kong mayroong malaking nangyari. Vince is strong. Siya iyong taong kayang itago ang lahat hangga't kaya pa. Iyong kanina, alam kong sobra-sobra na at kailangan na niya ng may makakausap, mahihingahan...
"Huy, Lana!" siniko ako Josh kaya nagising ako sa lahat ng mga kahibangan ko.
"H-Ha?"
"Grabe ka! Hindi mo man lang ba ako na-miss? Kanina pa ako nandito at nagsasalita pero wala ka naman pa lang naintindihan! Ayos ka lang ba?"
Tumuwid ako ng upo at inayos ang sarili para sa kanya.
"Sorry, may iniisip lang."
I don't know why but his lips curved a playful smile. Lumapit siya sa akin at bumulong.
"Kung si Seidon ang iniisip mo, papunta na 'yon rito! Hindi naman 'yon uma-absent kahit pa minor subject at hindi rin nale-late kaya huwag mong masyadong ma-miss!"
Napangiwi ako at magsasalita pa sana pero hindi ko na iyon nagawa nang bumungad sa pintuan ang taong laman ng usapan namin. I couldn't help but to gasp when his dark eyes immediately bore into mine. Na parang iyon kaagad ang hinanap sa kabuuan ng silid!
"Sabi ko sa'yo eh! Easy ka lang!" gigil na bulong ni Josh pagkatapos ay umalis na sa tabi ko para bigyang daan ang bagong dating.
Nahihiya kong itinigil ang pagtitig sa kanya at pumihit paharap sa white board. Dahil ayaw ko munang mabigyan niya ng pansin ay nagkukumahog kong inabala ang sarili ko't kunwaring may agarang isinulat sa aking binder.
Mas lalong lumakas ang pagwawala sa puso ko nang maramdaman ang pag-upo niya sa aking tabi. Kahit na nababaliwan ay pinilit kong hindi siya bigyan ng pansin hanggang sa dumating ang aming professor. Seidon did not talk to me either kaya naman kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag.
We had recitation and I'm so proud of myself because I did well even though my thoughts were swamped with so many things.
Ilang minuto matapos ang klase at ang walang kibong pagtayo ni Seidon kasama ng lahat para lumabas na sa silid ay saka ko naman naalala ang libro ni Phillip at Laura. Nagmamadali kong niligpit ang mga gamit ko at hinabol siya kahit na ilang beses kong narinig ang pagtawag sa akin ni Josh. He was already at the hallway when I catch up on him.
"Seidon!" tawag ko sa gitna nang paghabol sa kanya.
Hindi naman malayo ang tinakbo ko pero nang makita ko ang paghinto niya't paglingon sa akin ay para akong hiningal! Bahagyang kumunot ang kanyang noo nang makita akong mabilis ang pagtaas baba ng dibdib habang yakap ang lumang libro. Tumaas ang isang kilay niya nang walang mga salitang sunod na lumabas sa aking bibig.
"I-I just want to talk to you about this." inangat ko ang aking hawak.
Saka lang nakapagpahinga sa mabilis na pagwawala ang puso ko nang mapunta doon ang mga mata niyang may intensidad na nakakangilo.
"It's like a diary and not a sketchbook."
"And?"
Nahihiya akong napayuko pabalik sa hawak ko dahil sa lamig ng boses niya.
Ano na nga bang sasabihin ko tungkol rito?
"K-Kagabi ko pa sana gustong sabihin sa'yo ang tungkol rito pero wala naman akong contact number mo kaya hindi ko nagawa," sinubukan kong ibalik sa kanya ang mga mata kahit na para akong kandilang nauupos dahil sa kanyang presensiya. "I'm sorry... Should I keep reading it o dapat bang ibalik ko na lang ito doon?"
"Do you want to keep reading it?" he asked instead.
Napalunok ako. "I-I... I don't know..."
Pakiramdam ko'y may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang hawakan niya ang aking siko upang igiya sa gilid para hindi kami makasagabal sa mga dumaraang estudyante sa hallway.
"Hand me your phone?"
"H-Ha?"
Imbes na ulitin ay inilahad niya ang kamay sa aking harapan. Para akong nahihipnotismong sinunod ang gusto niyang gawin ko. Sa pagbigay ko sa kanya ng aking bukas na telepono ay ilang segundo niya lang iyong hinawakan bago muling ibalik sa kamay ko.
"I still have a class and I don't want to be late, Svetlana. You have my number now so let's talk about that later." aniyang wala nang iba pang sinabi bago ako muling iwan.
Isang malakas na sigaw ang nagpabalik ulit sa akin sa kasalukuyan kasabay ng pagyugyog ni Joshua sa magkabila kong balikat!
"Lana, anong ganap 'yon?! Talagang iniwan mo ako dahil kay Ino, ha?! How dare you!"
"S-Sorry. May sinabi lang ako." hindi ko na nakita ang telepono ko at ang kung anong inilagay ni Seidon doon dahil kay Joshua.
"Ano naman 'yon at nakalimutan mong may kaibigan kang baklang naiwan sa classroom?!" patuloy niyang pagalit sa akin habang naglalakad na kami papunta sa canteen.
"Wala, may nakalimutan lang siya kanina sa lamesa niya." hindi man kumbinsido ay hindi na nagawang segundahan pa ni Josh ang mga tanong niya tungkol doon.
Josh and I talked about the party when we got into the cafeteria. Tuwang tuwa siya dahil sigurado nang pupunta ako pero nalungkot rin nang hindi ko na nagawa pang magtagal dahil sa tawag ni Vince na naghihintay na sa akin para sa gagawin naming celebration ngayon. Dahil maaga pa, we decided to go to the mall. Wala naman akong gusto pero maraming biniling mga gamit sa akin si Vince. He bought me clothes, jewelries and even cosmetic products that I've lost count telling him not to bother.
"Every girls need it, Lana. You don't have to be shy. Boyfriend mo ako at bibilhin ko lahat ng gusto mo. I have a lot of money for that." aniya nang hindi na matiis ang mga pagtanggi ko.
Sa huli, kahit na wala naman talaga akong gusto ay halos napuno ang sasakyan niya dahil sa mga regalong siya mismo ang may gustong ibigay sa akin. Kahit na gustong-gusto kong tumanggi, hindi ko na rin ginawa dahil sa tuwing nabibili niya ang akala niyang mga gusto at kailangan ko ay bahagyang nababawasan ang lungkot sa kanya.
I let him shop for me. Not to make myself good but to make him feel better. Nakailang oras pa kaming ikot sa mall bago kami pumunta sa restaurant. Vince ordered wine for us pero dahil hindi ako umiinom no'n ay siya lang ang uminom ng buong bote. Muli kong nakita ang lungkot sa kanyang mga mata nang makalahati niya ang wine hindi pa man kami natatapos kumain.
"Vince..." hindi ko na napigilang awatin siya sa muling paglagok ng alak. Iyon na lang yata kasi ang pinagtuunan niya ng pansin at hindi na ang pagkain.
"I'm okay, Lana. Kaya ko pang mag-drive. It's just wine, hindi naman nakakalasing 'to."
"Hindi naman 'yon, Vince. May problema ba? You know you can talk to me about everything, right? I'm your girlfriend. You can trust me."
Sa sinabi ko ay para siyang natauhan. Dahan-dahan niyang naibaba ang hawak na wine glass pagkatapos ay hinuli ang mga kamay ko't marahang pinisil.
"I mean what I said earlier, Lana. Alam kong hindi tayo nag-umpisa sa normal na relasyon pero gusto kong maging tama para sa'yo," ako naman ang pumisil sa kamay niya't hindi nagsalita nang makita ang pag-igting ng kanyang panga.
"I don't want us to be like my parents... Ayaw kong dahil lang sa akin kung bakit hindi pa nila tuluyang magawang maghiwalay. Ayaw kong ako ang dahilan ng mas lalo nilang pagsasakitan. They are not meant to be and they never tried to be right for each other."
Pakiramdam ko ay nalaglag ang puso ko sa narinig.
"What happened?"
Binitiwan niya ang kamay ko at imbes na sagutin ay tinawag niya ang waiter para kunin ang bill. Umalis kami sa restaurant pero hanggang sa mapunta kami sa tahimik na park ay dala niya ang bote ng wine na mayroon pa ring laman.
I held his hand. He seems so lost and my heart is aching for him.
"But they look fine, Vince... Anong nangyari?" malungkot kong tanong nang sabihin niyang matagal nang magulo ang relasyon ng kanyang mga magulang at kung hindi lang kilala ang kanyang ama sa kabuuan ng Buenavista ay matagal na raw naghiwalay ang mga ito.
"They needed to look fine especially now that the election is just around the corner. Matagal nang hindi maayos ang Daddy at Mommy, Lana."
"Alam ba nila Daddy?"
He scoffs sarcastically at that. Malamlam na ang mga mata niya nang lingunin ako. He's tipsy. Kahit na sinabi niyang hindi iyon nakakalasing ay alam kong tinatamaan na siya kahit paano.
"It's just one of the darkest secret of our family," binitiwan niya ang kamay ko at gano'n na lang ang paglaglag ng panga ko nang buksan niya ang ilang butones ng kanyang puting polo shirt upang ipakita ang malaking pasa sa kanyang kaliwang dibdib. "I got this from that fucking bastard earlier. Ako ang napagbuntunan niya ng galit nang makarating sa kanyang mayroong kinikitang lalaki si Mommy."
Kusang umangat ang kamay ko sa aking bibig. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng boses kahit pang-alo sa kanya. I can taste the anger in his voice. Hinayaan niyang bukas ang damit at hindi na nag-abalang ibalik ang mga butones no'n. Muli niyang nilagok ang hawak na alak at hindi iyon tinigilan hangga't hindi nauubos.
Halos mangilid ang mga luha sa mata ko nang makita ang pait sa kanyang paningin matapos ibalik sa akin ang titig. Mapait siyang ngumiti sabay iling ng mapansin ang pagiging emosyonal ko.
"This wasn't the first time Lana kaya hindi mo kailangang malungkot para sa akin. Sanay na ako kay Daddy. Trust me, wala pa sa kalingkingan nito ang mga nagawa niya sa akin noon pero hindi mo ako dapat kaawaan. I can handle myself now. Kaya ko nang ipagtanggol ang sarili ko."
Dahil walang gustong salitang lumabas sa bibig ko ay niyakap ko na lang siya. I felt him hug me back. Humigpit iyon kasabay ng paghalik niya sa aking buhok.
"I don't fucking want us to end up like them. Lana, ikaw na ang gusto ko kaya sabihin mo kung paano ko iiwasang maging maling tao para sa'yo. I want to be the best boyfriend to you so tell me how."
Umiling ako kahit pa nakadiin ang aking ulo sa kanyang dibdib.
"We'll make this work, Vince," mga salitang lumabas sa bibig ko para pagaanin ang bigat sa kanyang puso. "Just be you. Wala na akong iba pang gusto bukod do'n."
Muli niya akong hinalikan sa buhok, mas madiin sa pagkakataong ito. Nang bahagya niya akong ilayo sa kanyang katawan ay napalunok na ako ng dahan-dahang bumaba ang kanyang mga mata patungo sa aking labi.
"We will not end up like them... I will not let myself be like him."
"You're not going to be like him." giit ko at sa unang pagkakataon ay ako ang sumiil ng halik sa kanyang mga labi.
We kissed passionately for a couple of minutes. Hindi man ito ang nakasanayan kong Vince pero ito na yata ang pinaka-gusto kong version niya dahil sa unang pagkakataon ay nagawa niyang magbahagi sa akin ng masalimuot na nararanasan niya sa akala kong perpekto niyang pamilya.
Nanatili kami doon at nagpahinga pa ng ilang oras bago niya ako inihatid sa bahay. It was such a different date night with him but it was our best night together.
Habang nasa kama nga at nagpapaantok ay hindi nawala sa utak ko ang pag-iisip sa mga nalaman ko. It's funny to think that we are just the same. Na kahit hindi man ako nasasaktan ng pisikal ng mga magulang ko ay parang parehas lang iyon dahil sa mga nakasanayan kong mapapait na salita galing sa kanila.
Nanghihina kong nayakap ang aking unan kasabay ng pagpikit ng mariin sa aking mga mata. Kung tutuusin ay maswerte ako kaysa sa maraming taong naghihirap ngayon sa mundo pero tiyak na mas swerte ang mga mahihirap na mayroong perpektong mga magulang kaysa sa akin. If God would just let me choose, walang pag-aalinlangan kong pipiliin ang hikahos na buhay basta mayroon lang akong mga magulang na mapagmahal at palaging matatakbuhan.
Sa pagdilat ko ay agad na natumbok ng mga mata ko ang libro ni Phillip. Napakurap-kurap ako.
Hindi ko pa man nababasa kung anong klase ang mga magulang nito o kung mayroon ba pero iyong sa Lola Kurita niya pa lang ay parang gusto ko nang mainggit. Ni minsan kasi ay wala akong nakausap tungkol sa mga malalalim na bagay. Iyong tungkol sa buhay, sa pag-ibig... I feel like I just aged without actually growing... That I am still innocent and not ready to be out there...
Napatayo ako sa kamay para kunin sana ang librong iyon para magbasa na lang at magpadalaw sa antok pero nang maalala ko ang nangyari kanina sa hallway ay muli akong napirmi sa kama at agad na kinuha ang aking telepono sa bedside table.
Mabilis kong ginalugad ang contacts at hinanap ang pangalan ni Seidon dahil sabi niya ay inilagay niya iyon doon pero bigo ako. Maging ang surname niya o palayaw ay wala ring nakalagay. I started checking the numbers one by one to see what name he just put for his number pero gano'n na lang ang paglaglag ng panga ko ng makita ang pinaka-huling numerong naka-register doon.
Z' Don't Ignore Me Again Svetlana
This story is already completed. You can now read the full version on VIP group as this will not be updated here anymore to avoid wattpad deleting it.
Just message me for full VIP details.
Thank you!
🍀
CHAPTER 11
THIS STORY WAS MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. HEAD OVER TO THE APP TO READ THE FULL STORY FOR FREE.
SEE YOU!
CHAPTER 12
THIS STORY WAS MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. HEAD OVER TO THE APP TO READ THE FULL STORY FOR FREE.
SEE YOU!
CHAPTER 13
THIS STORY WAS MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. DOWNLOAD THE APP TO READ THE FULL STORY FOR FREE.
SEE YOU!
CHAPTER 14
THIS STORY WAS MOVED TO ITS NEW HOME, HALOREADS. DOWNLOAD THE APP TO READ THE FULL STORY FOR FREE.
SEE YOU!

