The Ruthless Daddy: After Marriage
IThinkJaimenlove · 3 chapters · 2,501 words
STORY DESCRIPTION
The Ruthless Daddy : After Marriage
He thought, after marrying him, there will be no problem comes. But Andrei never thought that living with the billionaire isn’t normal as he thought.
Nagsimulang magsidatingan ang mga problemang hindi niya inaasahan. He began asking himself. Kung tama ba ang buhay na pinili niya?
What if he was just dreaming? What if Henry was just playing? Who knows…
IthinkJaimenlove
SIMULA
SIMULA
ANDREI
“Hon…”
“Mmm!” Tinataboy ko ang malalaki’t may kagaspangang mga kamay na humahaplos sa making mapuputi’t makikinis na mga hita.
“Wake up,” anito, gamit ang baritonong boses na tila humahalukay sa aking matatabang kepyas. Panaka-naka niya rin akong dinadampihan ng halik, ramdam ko tuloy ang balbas nitong kay sarap din sa pakiramdam sa tuwing ako’y kaniyang ni-ri-rim.
“A-ano ba! May regla pa ako,” sabi ko, nanatiling nakapikit ang mga mata ko.
“What?” Naimulat ko ang mga mata ko’t tumingin sa guwapo kong asawa, nakakunot ang kaniyang noo. “N-Nireregla ka?”
Bumangon ako at pinaikutan siya ng mga mata. “Alangarn! At saka bakit parang gulat na gulat ka sa lagay na ’yan?”
“I just ate your ass last night?” aniya, kita sa kaniyang mukha ang pandidiri.
Mabilis kong dinampot ang unan sa aking tabi at saa iyon itinapon sa kaniya. “Wow ha! diring-dire ka sa lagay na ’yan, Henry. E halos ayaw mo na ngang tantanan!”
“But seriously, hon. I thought you’re pregnant with my child?” Kunot-noo siyang nakatingin sa akin.
Pinaikutan ko siya ng mga mata. Tuluyan akong umalis ng kama. “Ewan ko sa ’yo!” sagot ko na lang at mabilis na pumasok sa loob ng aming banyo.
Ni-lock ko ang pinto kasi sa totoo lang kapag hindi ko iyon ginawa ay baka pumasok ang lalaking ’yon at makita na naman ang coca-cola body ko’t hindi makatiis. Kahit saan yata rito sa loob ng aming kuwarto ay napwestuhan na namin. Kulang na lang sa kusina o sa sala habang nanonood si Berting nang may inggit sa kaniyang mga mata.
Char!
Tiningnan ko ang sarili sa salamin… And I see myself, I see myself, I see myself in the mirror . Napangisi ako habang kumurap-kurap kaya humangin nang malakas dahil sa mahahaba kong pilik-mata.
Pero… Habang tinitingnan ko ang sarili’t napapatanong kung ako pa ba iyong dating Andrei na halos hindi na magkanda-ugaga kakasigaw para lang may maibenta? Ako pa rin. Si Andrei pa rin ako, na dating na sa laylayan ngunit nang makipagsapalaran dito’y biglang nagbago ang buhay.
Ako pa rin pero malayo na sa dating buhay na mayroon ako noon.
Maganda na ako noon, mas lalong gumanda ngayon.
Ako pa rin iyong dating Andrei na pinagbintangang nagda-drugs, baliw, hindi naliligo, at kung ano-ano pa. Ako pa rin iyong Andrei Arellano ngunit may karugtong nang Alcantara ang buong pangalan ko.
Hayst! Sarap talaga makaahon sa kahirapan.
Pero don’t get me wrong! Pinaghirapan ko ang buhay ko ngayon, ’di ’tulad ng iba riyan, sa kaban ng bayan umaasa! Tutulong daw sa mahirap, pero iyong kamag-anak niya pala ang nilista sa TUPAD.
“Baks, may 300 sa gcash?” Tumaas ang kilay kong napatingin kay Berting. Hawak niya ang bago niyang biling cellphone dahil iyong dati niyang cellphone ay ibinigay niya sa boyfriend niyang nag-a-adik.
“At bakit?”
“E kasi sabi nitong napanood ko, kapag nag-cash in daw ako ngayon sa link na na sa comment section, papaldo raw ako ngayon,” aniya.
“Jusko ka, ’te! Pumasok ka kaya ulit sa ALS? Ako na gagastos,” sabi ko. Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
“Ano ’yon?”
“Rehab, bakla ka! ALS hindi mo alam?” Umiling siya. “Kaya ka naloloko minsan. Tigil-tigilan mo na ’yang pagsama-sama mo kay Marlou, bakla.”
“Magkaibigan lang nama–”
“Alam ko kasi hindi ka papatulan nun,” mabilis kong pambabara sa kaniya. “Kumain na nga tayo, maya na kita sendan basta pag nanalo ka, libre mo ’ko.”
Alas-sais na nang gabi nang makauwi ako sa bahay. Si Berting ay bumukod na rin, mayroon siyang apartment na malapit sa aking kompanya. Binigyan ko siya ng trabaho kahit na minsan, ako halos ang gumagawa. Kaya kapag day off ng Guard ay siya ang pinababantay ko nang magkasilbe siya minsan.
“Mommy!” Mabilis na sumalubong sa akin si Finley at niyakap ako.
Ang tangkad-tangkad na niya kahit na na sa 13 years old na ’to. Pakiramdam ko nga magiging basketball player ’to, e. ’Wag lang siyang babakla-bakla kasi ibibitin ko siya patiwarik. Char!
“Kung maka-mommy ka naman, ’nak. May kiffy, may kiffy?” ani ko nang bumitaw ako sa pagkakayakap at tinuro pa ang sarili. “Ang Daddy mo na saan?” tanong ko.
Nagkibit siya nang balikat. “He’s not here yet,” sagot niya.
Tumango lang. Pumanhik naman ako sa aming kuwarto dahil kanina pa ako nanlalagkit. May mga dumating kasi kaming stocks kanina at kulang kami sa tao kaya tumulong ako upang buhatin ang mga boxes.
Bumaba ako nang matapos akong maligo at wala pa rin si Henry. Mag-iisang oras ako sa banyo pero hindi pa rin ito dumarating.
“Drei, luto na ang mga pagkain. Sabihan mo ako kapag gusto niyo nang maghapunan,” ani Manang Dolly.
“Sige, ’te. Mamaya na po,” sagot ko. Aalis na sana siya nang muli ko siyang tawagin. “Hindi ba tumawag sa ’yo si Henry kung bakit siya late?”
“Hindi, e. Asawa ko lang tumawag,” sagot niya at mabilis na kinuha sa bulsa ang cellphone nang mag-ring ’to. “See? Hindi talaga ’to makatiis na hindi marinig ang ung-”
“Oo na! Ikaw na may SOP lagi,” mabilis kong sabi at pinaikutan siya ng mga mata.
Tiningnan ko ang cellphone ko ngunit wala akong natanggap na message or missed calls galing kay Henry. Nagsasabi naman ’to kapag mala-late siya ng uwi. Usually, mga ganitong oras ay na sa bahay na siya. Kasi sinisigurado niyang sabay kaming kumakain ng hapunan.
’ wer na u?’
- Andrei
“Ma, may PTA meeting po pala next week. My teacher asked me if both of my parents could come,” ani Finley nang makalapit ako rito. Na sa sala siya habang nanonood ng paborito niyang Goblin cave. ’Yung slime na lumalakas kapag nakakapatay siya ng Goblin tapos naging kakampi niya kalaunan iyong mga Goblin.
Hindi lingid sa kaalaman ng mga teachers ni Finley ang mga magulang niya’y katulad kong bakla. Aba’y subukan lang nitong husgahan ang anak ko’t babawiin ko iyong aircon na donation ko noong nakaraang buwan.
“Sasabihan ko ang Daddy mo na i-clear ang schedule niya,” sagot ko at tumingin sa screen ng tv. “At nasaan na ba kasi iyon? Hindi ka ba tinawagan o tinext?” Umiling lang siya bilang sagot.
Hindi rin nag-vibrate ang cellphone ko. Hinihintay ko pa naman na mag-vibrate to kasi inuupuan ko-charot. Pero makalipas na ang halos isang oras, ilang episodes na ang napapanood ni Finley ay wala pa rin si Henry.
Hindi ko rin naman magawang tawagan dahil baka na sa kalagitnaan siya ng meeting at ayokong maka-istorbo. Mamaya isang big investors pala ang kausap niya’t biglang papalpak lang kapag naistorbo ko sila. Although, hindi naman niya kailangan nang malaking investors dahil sa laki ba naman ng kompanyang pinapatakbo niya’y malulugi pa kaya ’to?
“Gutom ka na, ’nak?” Tumango lang siya. “Kumain na tayo,” dagdag ko.
“But dad’s not here yet? ’di ba nga, dapat sabay-sabay tayong kakain nang hapunan dahil ito lang ang oras na magkakasama tayo. You guys have busy schedules and I understand that.”
Ngumiti lang ako. “Baka busy lang talaga ngayon ang Dad mo, hmmm? Ngayon lang naman ’to, siguro. Bukas ay sabay-sabay na tayo,” sagot ko.
Pero hindi ako siguro kung pati ba bukas o sa makalawa’y ganito pa rin o katulad na ng dati.
CHAPTER 1
CHAPTER ONE
ANDREI
“GOOD MORNING, PHILIPPINES! GOOD MORNING, UNIVERSE! I’M ANDREI ARELLANO-ALCANTARA NA NAG-IIWAN NANG KASABIHANG–”
“HON!” Mabilis akong napahinto nang may sumigaw rin sa tabi ko. “You’re so loud. Baka magising mo ang kapitbahay natin,” aniya.
Napataas ang mga kilay ko’t sabay kunot ng aking noo.
“Soundproof kaya iyong kuwarto natin, Mr. Alcantara! At saka, bakit ka ba galit diyan? Ganito naman ako lagi, a.”
Ganito naman ako lagi. Talagang binabati ko ang buong pangkalawakan sa tuwing maganda ang gising ko. Dapat ay umaga pa lang, masigla na kaagad ang bungat natin sa mundo. Bawal sumimangot dahil nakakapangit. Ayokong maging kamukha si Marcoleta!
Bumangon siya kaya naglaglag hanggang baywang ang kumot na bumabalot sa kaniyang katawan. Bigla tuloy akong napalunok pero mabilis ding umiwas ng tingin. Bigla ko kasing naalalang may kasalanan pa pala itong lalaking ito sa akin, kaya hindi pwedeng maakit at basta-basta na lang tumuwad.
Pero ang sarap talaga ng asawa ko!
Narinig ko ang pagbuntonghininga niya kaya muli akong napatingin dito. “I-I’m sorry. Pagod lang ako,” sagot niya.
“Saan ka napagod? A. Sa ugali ko, B. Sa trabaho, C. Sa paglabas-masok mo sa akin, o D. Bongbong Marcos na high?”
“What? No. Hon, I could never get tired of who you are, of always finding my way to you, or of doing everything I can to give you and our family a better life.”
“Oh edi D ang sagot mo?”
“Yah. Pagod na ako sa kabobohan ng Presidenteng ’yan,” sagot niya at sabay kaming tumawa pero mabilis din akong nagseryoso nang muli kong maalala ang kasalanan niya kahapon.
“Hep! Teka nga! Bakit late kang nakauwi kagabi?”
“Maraming meetings at marami lang akong tinapos na trabaho but it won’t happen again.” Ngumiti siya at mabilis na pinulupot ang mga braso sa aking baywang.
Bigla kong nag-init. Charot.
“I’m sorry, hon. Sana mapatawad mo na ako. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo.”
Napangisi ako sa sagot niya. Hindi ko alam kung naging mabuti ba akong asawa o napasama dahil nahawaan ko na ’tong si Henry ng kabaliwaan, e. Pero aminado ako na naging mabuting asawa ako. Hello! 100% kaya ako lagi sa performance task namin.
“Talaga?” Pero bilang isang mabuting asawa, siyempre kailangan din natin maging masama. Aba’ y hindi dapat tayo naaapi. Tayong mga kababaih-kabaklaan! Basta, kahit ano pang kasarian mo’y ’wag kang magpaapi. Marunong dapat tayong tumindig.
“Yes, hon.” Dinampihan niya ng halik ang leeg ko kaya napaungol ako sa sarap. Samahan mo pa ng balbas niyang dumaragdag sa sensasyong nararamdama ko.
“A-anuba! mamaya isubo ko ya–Hindi! walang ganoon.” Mabilis akong umayos at saka nagseryoso. “Videohan natin. Ipopost ko sa only fans account ko, dagdag kita rin ’yon tapos dagdag inggit iyon kay Berting,” sabi ko.
“WHAT?!” Mabilis siyang humiwalay. “That’ s way too crazy.” Nanlalaki ang kaniyang mga mata na tila ba hindi makapaniwala sa aking suggestion.
Maganda naman ’yon, e! Marami akong followers sa tiktok. At for sure, itataya ni Berting ang tatlong buwan niyang sahod para lang makapag-subscribe. Pero bumale pala sa akin iyon ng limang buwan.
“CHAROT LANG!” Umirap ako. “Hindi ka na mabiro. Saka hindi ko gagawin iyon, ’no! Ipagdadamot ko ’yang little Henry mo.” Umalis ako ng kama at rumampa patungong banyo ngunit bago ako tuluyang pumasok ay nilingon ang guwapo’t daks kong asawa na hindi pa rin makapaniwala. “Pero kung gusto mo, sa cr natin simulan ang kuwento.”
–
Ayon! Dahil sa landi kong ‘to, muntikan pa akong hindi makapasok dahil sa pananakit ng 16’ kong balakan. Paano ba naman kasi, ang guwapo’t daks kong asawa’y pumayag sa naisip kong plano. Ini-echoss ko lang naman siya, e!
Kaso siya pa ang kumuha ng cellphone ko’t tripod na ginagamit ko minsan sa pag-a-affiliate. Ayon! Nakatatlong videos kami sa loob ng isang oras. Iai-air drop ko sa TV ni Finley mga ’to mamaya. Tutal mahilig naman siya manood ng Goblin cave. Edi panoorin niya kung papaano ako i-Goblin ng tatay niya.
Eme lang! Pagkatapos kong panoorin ng limang beses ay binura ko rin naman ang mga videos. Pero sana pala, hindi ko ginawa dahil gagamitin ko mga ’yon laban kay Henry sa hinaharap.
“Ay wow, ang bakla, proud na proud,” ani Berting, may bitbit na folder na siyang inilapag sa aking lamesa’t naupo sa upuang na sa aking harapan. Kinuha niya ang rainbow flag na hawak ng isang maliit na maniquen na ipinasadya ko pang ipagawa sa Thailand. “Heto, hawakan mo!”
Iwinagay-way ko naman ang flag at saka kumaway-kaway sa paligid na para bang may mga taong nakatingin sa aking kagandahan. Pero mabilis din akong tumingin sa kaniya at ibinalik ang flag sa maniquen, baka kasi magalit ito’t multuhin pa kami ni Berting.
“Ano ba?”
“Ano’ng ‘ano ba?’ ka dyan! tingnan mo nga sarili mo, pumapasok ka sa trabaho nang may tsikinini sa leeg. Sarap na sarap, te?”
Inirapan ko siya. Ayaw lang talaga niyang aminin na may nagtatattoo sa akin araw-araw, gabi-gabi o kailan ko gusto. E paano ba naman kasi, tong si Bakla, hindi man lang sinasabon ang leeg niya. Sinong siraulong lalamutak diyan?
“Tse. Inggit-pikit,” sabi ko. Kinuha ko ang folder at saka iyon binasa. Binuklat iyon isa-isa pero imbes na sa pangalan at details ako napatingin, sa mga pictures na nakalagay ako nakatingin.
“Mga resume ’yan ng mga bagong hired na staff. Marami ang nagpasa pero sila lang ang qualified.”
“Qualified saan?” tanong ko. “Bakla ka, binasa mo ba ang laman ng resume nila o sa face card ka tumingin?” Tiningnan ko si Berting na mabilis na umiwas ng tingin.
Binuklat ko ang mga papers at saka iyon inilapag sa mesa. “Tingnan mo ’to, guwapo, matangos ang ilong, at mukhang gymrat pero tingnan mo naman iyong grammar niya, beh. I was a graduate of crimonology?” Kinuha ko pa ang isa. “Tapos heto, singkit, buzzcut na type mo, at gaga naka-sando pa sa ID picture tapos resume niya, may logo ng canva at ’di man lang inedit yung lorem-epsun sa bio?”
Kinuha ko pa ang isa. “At heto pa–” Napatigil ako’t napatitig sa mukha ng nasa resume. “Sino ito? Bakla ka, AI ito!”
Napabuntonghininga na lang ako dahil sa stress. Oo nakaka-stress! kailangan kasi namin ng staff dahil magba-branch out kami ng kompanya. Hindi naman ako pihikan pagdating sa staff, kahit no read, no write pa ’yan basta’y marunong at madaling turuan pero hetong mga ito, nakapagtapos ng college pero parang sa resume pa lang ay mahirap nang turuan.
“Eh wala naman iyan sa ganda ng resume, te. Na sa sipag at tiyaga iyan,” sagot niya.
“Wala talaga, kasi na sa taste mo ’yan. Sana nagpa-audition ka na lang ng boyband, bakla ka!”
Kinuha ko ang huling resume sa folder at napangiti dahil sa wakas ay may nakita rin akong matinong laman pero ng tingnan ko ang picture ay napatingin ako kay Berting.
“Bakit mo ito hinire, te?” tanong ko.
Ngumisi siya. “Eh kailangan daw niya ng trabaho,” aniya.
Trabaho? Bakit naghihirap na ba siya? e ang alam ko, may minana siyang malaking line of business ng kaniyang pamilya? Kaya nga siya bumalik dito sa Pinas dahil siya na ang magpapatakbo nito. Nalugi ba ang business nila? Baka! kilala ko ang lalaking ’to, e. Baka nahawaan nitong si Berting sa casino at nalugi.
Wala na rin kasi akong balita dahil busy ako. Itong si Berting lang ang minsan nitong kasama. Hindi ko alam ano pinagkakaabalahaan nilang dalawa. pero mabuti na rin iyon at magtatrabaho siya sa akin para mabantayan ko’t mapagsabihan na rin na iwas-iwasan itong kaibigan ko dahil hindi ito magandang ihemplo sa bata man o sa matanda.

