loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Soldier & I BOOK 1 (BXB 2016)

The Soldier & I BOOK 1 (BXB 2016)

Ai Tenshi · 7 chapters · 12,644 words

TOP COMMENTS AND REVIEWS

  ![](https://img.wattpad.com/9333b38ac0661950cb13b709ad681de52c99657a/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f51437a587642664a54567a4b77673d3d2d3839393538323436302e313631363362366664643032613835663336363635393432353033382e6a7067)

  ![](https://img.wattpad.com/59dd994c22c9a2b322870345ab32a9522a65145e/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f696337625741364d4453373054673d3d2d3839393538323436302e313631363362373136376633323839623635333130303639313333392e6a7067)

  ![](https://img.wattpad.com/c5625323e50d5b74e036567672925595c0dbc292/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f445f746641794f466f5f35384c513d3d2d3839393538323436302e313631363362373331336634656163313137393633313231303034342e6a7067)

  ![](https://img.wattpad.com/ce0f64a31cae490eadf821084f8c0e0812410868/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4f47594a4c507a325435315346513d3d2d3839393538323436302e3136313633623734623733613334626631393933393731303533322e6a7067)

  ![](https://img.wattpad.com/4ff8428e4697c60e0a50973da25ba0693caa4801/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f644e774a63476f654e48634365513d3d2d3839393538323436302e313631363362373637646664656539313933353732353639313633342e6a7067)

  ![](https://img.wattpad.com/c390fdab5db4406cc985cc9bd88c41cfc12d2afa/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f53314d4d6638305a30707a3945513d3d2d3839393538323436302e313631363362373830343966633666623230333334313739323131302e6a7067)

THE SOLDIER AND I BOOK 1 (COMPLETED)

WRITTEN BY Ai_Tenshi

The Soldier & I Part 1: Sergeant Turalba Jr.

PAUNAWA

Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo, ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po..

The Soldier & I

AiTenshi

December 29,2015

“Sa isang linggo na ang dating ng taong inatasan ko upang bantayan ka. Para rin ito sa ikabubuti mo kaya’t sundin mo na lamang ang aking kagustuhan. Matigas ang ulo at may mga oras na padalos-dalos ka ng desisyon kaya’t lumiliit ang tiwala ko sa kakayahan mong protektahan ang iyong sarili” mariing salita ni papa habang abala sa babasa ng impormasyon tungkol sa mga sindikato at ang mga lihim na operasyon nito sa bansa.

“Binata na ako papa! Kayang kaya ko nang ipag tanggol ang aking sarili kaya’t hindi ko na kailangan ng taga bantay. Ilang beses na tayong nakaka tanggap ng death threat galing sa iba’t ibang tao pero ni isa ay wala namang na tutupad dito.” ang pag mamaktol habang kinakausap ang aking ama sa loob ng kanyang opisina.

“Mga simpleng pag babanta lamang ang natatanggap natin dati, kaya’t bale wala lamang ito. Iba na ngayon dahil magulo na ang sitwasyon, hindi bale sana kung may kinalaman sa pag susundalo ang kinukuha mong kurso sa kolehiyo ay mas magiging panatag ako na maipag tatanggol mo ang sarili mo. Kaso ay hindi naman, kaya’t heto hindi ko maiwasan ang mag alala.” katwiran ni papa

“Pero pa, kahit naman hindi ako sundalo ay kaya ko pa ring ipag tanggol ang sarili ko. Hindi ko na kailangan ng bantay.” pag mamatigas ko naman habang nakataas noong nag sasalita na ang ibig sabihin ay kaya kong panindigan ang aking sinasabi.

“No, My decisions are final. Maaari ka nang umuwi sa bahay ngayon din.” ang matigas ding wika ni papa na animo haring hindi nababalian ng ipinag uutos. “Sarge, paki hatid na lamang si Alandel sa bahay. Huwag niyo siyang hahayaang makalabas ng walang kasama.” utos pa nito.

“Masusunod po commander” ang sagot naman ng mga kasamahan niya at doon ay inilibas ako ng kanilang opisina.

Limang sundalo ang aking kasama habang tinatahak ang daan palabas ng kanilang kampo, noong mga sandaling iyon ay hindi ko naman maiwasang mainis dahil hanggang ngayon ay mahina pa rin ang tingin sa akin ni papa. Sa madaling salita ay wala siyang bilib sa akin dahil hindi ko sinundan ang yapak niya bilang isang militar at iyon ang kanyang labis na kinatatampo. Ang totoo nun, tutol si mama sa kanyang kagustuhang maging kagaya ako ni papa dahil takot na itong mawalan ng taong minamahal. Tatlo kasi sa aming pamilya ang namatay dahil sa engkwentro nila sa mga terorista, kabilang na rito ang aking nakatatandang kapatid at dalawang tito na sabay sabay binawiang buhay dahil sa pag ulan ng bala mula kung saan. Dahil dito ay natakot na si mama na baka sapitin ko rin ang kanilang naging kapalaran kung susundan ko ang yapak ng aking ama.

Malayo layo rin ang aming nilakad patungo sa mga naka paradang sasakyan sa labas ng tarangkahan ng kanilang kampo. Kasabay ko pa rin sa pag lalakad ang limang sundalong inatasan ni papa upang ihatid ako sa aming tahanan, at habang nasa ganoong pa lalakad kami ay bigla umusok ang isa sa kanilang truck at walang ano ano’y sumabog ito dahilan para yumanig ang paligid at ang lahat ay magulantang.

Malakas ang impact ng pag sabog dahilan para tanggayin palayo ang aming katawan. Ramdam na ramdam ko ang matinding init na lumukob sa aking katawan habang ang aking paligid ay napuno ng makapal na usok at kasabay nito ang mga putok ng baril sa aking paligid na labis kong kinatakot, paki wari ko ay nasa tabi ko lamang ang mga nag babarilan kaya naman agad akong gumapang palayo hanggang sa maramdaman ko ang kung anong mainit na bagay na tumagos sa akin likuran at kasabay noon ang pag kawala ng aking malay.

Wala na akong natandaan pa..

PART 1 : Sergeant Turalba Jr.

Ako si Alandel Dela Rosa, 20 taong gulang. May taas na 5’7 at kasalukuyang nasa 3rd year college sa kursong BSBA. Hindi ko alam kung paano ko ba ilalarawan ang aking sarili kaya naman mag stick na lamang tayo sa sinasabing artistang may pag kakahawig daw sa akin yung sikat na thai actor na si “Jirayu Laongmanee”, iyon ang sabi ng aking mga kaklase at ibang mga nakakasalubong sa daan. Galing ako sa isang mayaman at sikat na pamilya. Ang aking ama ay may mataas na ranggo ng militar sa buong bansa na nag pasalin salin lamang ito sa pag lipas ng henerasyon. Ang ibig kong sabihin ay nasa lahi na namin ang humawak ng mga armas noon pa at dahil dito ay kinilala ang pamilya namin bilang isa sa pinaka makapangyarihang pamilya sa kasalukuyan.

Maayos ang takbo ng aming pamumuhay noon, ngunit sa isang iglap ay biglang nabalot ito ng takot at pangamba mag buhat noong maupong kapitan ang aking ama. Marami ang nag tatangka sa kanyang buhay at madalas itong sinusundan ng kung ano anong engkwentro sa iba’t ibang lugar hanggang sa pag lipas ng panahon ay buong angkan na namin ang nakakatanggap ng kung ano anong banta galing sa iba’t ibang rebeldeng sangay. At kamakailan nga lang ay nag nakatanggap si papa ng hint mula sa isang matapat sa source na ang target ng mga rebelde ay ako dahil halos kalahati ng kayaman nina mama at papa ay nakapangalan sa akin. Ako rin ang nakaka alam ng mga code number ng kanilang mga volt kaya’t ako na nga ang bet ng mga ito. At iyon ang dahilan kaya’t kumuha si papa ng isang taong mag poprotekta sa akin mula sa tiyak na kapahamakan.

“Nasaan ako?” ang tanong ko habang marahang iniikot ang aking paningin. “Anak nandito ka sa ospital. Kumusta ang pakiramdam mo?” ang tanong ni mama na halos hindi maitago ang pag aalala.

“Ayos lang ako ma, medyo makirot lamang ang gawing balikat ko. Hindi ko na matandaan ang mga pang yayari, basta ang alam ko lang ay sumabog ang truck ng mga sundalo at iyon na, nakarinig na ako ng mga putok ng baril..” paliwanag ko naman habang marahang iginagalaw ang aking katawan.

“Iyan na nga ba ang kinatatakutan kong mangyari, sa susunod ay iwasan mo na ang pag dikit dikit diyan sa papa mong abnormal para hindi ka napapahamak. Hindi ko na kakayanin kaya nawala ka pa sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka recover sa pag kawala ng kuya mo. Masakit pa rin sa akin kapag sumasagi ito sa aking isipan.” pag iyak naman ni mama habang inaayos ang aking kumot.

“Ma, huwag kana nga umiyak. Halos mag lilimang taon nang namatay si Kuya, pag pahingahin na natin ang kaluluwa niya. Ang mahalaga naman ay buhay ako at nakaligtas mula sa engkwentro.”

“Iyon na nga lang ang pinag papasalamat ko. Kung may nangyari masama sa iyo ay baka isumpa ko ang ama mo. Kaya nga tinutulan ko ang kagustuhan nyang ipasok ka sa arm forces dahil walang maidudulot itong maganda. Oo, bayani ka nga kung patay ka naman edi wala rin.”

Tahimik..

“Nga pala ma, tungkol sa taga bantay na inatasan ni papa na tumingin sa akin, alam mo ba ang tungkol dito?” muli kong tanong.

“Taga bantay? Ngayon ko lamang narinig ang tungkol dyan ngunit sa tingin ko ay makabubuti ito para saiyo. Mukhang sa unang pag kakataon ay nakagawa ng magandang bagay ang ama mo.”

“Ma naman… hindi ko kailangan ng taga bantay. Binata na ako at kaya ko na ang aking sarili. Paki sabi kay papa na ikansela na lamang ang kanyang binabalak.” pag mamaktol ko naman.

“Adel, huwag nang matigas ang ulo mo. Basta sundin mo nalang ang kagustuhan namin ng papa mo! Kaya ka napapahamak eh, ang tigas kasi ang ulo mong bata kaaa.” ang sumbat ni mama at nag iiyak nanaman ito na parang inapi. At hindi lang iyon dahil nagawa pa niya akong tawagin sa aking palayaw na “Adel” habang patuloy sa pag atungal na parang bata.

“Maaaaa, tama na nga.. baka ang isipin pa ng mga nurse ay namatay na ako dito. Huwag ka naman umiyak ng ganyan kalakas, paki hinaan naman ang volume please.” pag pigil ko kay mama habang patuloy sa pag iyak ito.

At dahil nga si mama narin ang may kagustuhan, wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa nais nila. Iyan kasi ang hirap sa aking mga magulang, masyadong intense ang emosyon nila kaya’t wala akong nagagawa kundi ang sumunod sa mga bagay na naisin nila bagamat alam kong makabubuti naman ito para sa akin. Iyon nga lang, ano nalang ang iisipin ng aking mga kaibigan at kaklase kapag nag kataong makita nila na may bantay pa ako na parang isang batang sanggol, paniguradong isiipin nila na mamas boy ako at umiihi pa sa higaan. “Frend makinig ka nalang sa kagustuhan ng mama at papa mo. Alam mo naman na delikado ang panahon ngayon, paano kung bigla ka nalang dukutin dito ng mga terorista o ng mga goons, edi nadamay pa ako. Hindi bale sana kung gagahasin nila ako ay okay lang. Eh kung pugot ulo agad? Edi waley? Tapos ang ligaya.” pag mamaktol ni Ed habang papasok kami sa aming classroom

Si Ed ang aking pinaka loyal na kaibigan dito sa campus, simula first year college ay siya na ang ka tandem ko sa kahit na anong bagay sa aking buhay kolehiyo, mapa activity man o kalokohan. Madali naming nasasakyan ang ugali ng bawat isa kaya naman naging partners in crime kami sa lahat ng pag kakataon. Kapatid ang turing ko sa kanya at syempre ay ganoon din siya sa akin kaya naman kapag nag pupunta ito sa bahay ay palagi siyang sinasalubong ng aking mga magulang. Emilio Diego Bonifacio ang kanyang tunay na pangalan (Ed for short). Mga pinag halo halong pangalan ng mga magigiting at matatapang na bayani ang naka kabit sa kanya kaya naman nag eexpect ang lahat na astig at tigasin ito. Iyon nga lang ay tila naging kabaligtaran ang lahat dahil ang pagiging astig nya ay napunta sa pag rampa ala shamcey supsup at ang pagiging tigasin niya ay naging si Blossom ng power puff girls. Ngunit gayon pa man, isa si Ed sa pinaka magilas pag dating sa academic at sports dito sa campus kaya naman ang lahat ay humahanga sa kanya. Ang palagi nyang sinasabi sa akin ay isa “daw” siyang babae na naka kulong lamang sa katawang iyon at ang pag katao niya ay maituturing na isang maitim na sumpa.

“Okay class ngayon ay kasama ko ang inyong bagong magiging kaklase. Galing pa siya sa bansang Cambodia kaya’t sana ay tulungan ninyo siyang makapag adjust. Maging mabuti kayong kaklase at kaibigan sa kanya.” ang wika ng aming adviser at tumalikod ito para isulat ang pangalan ng new comer sa white board.

MR. BRYAN ANGELES TURALBA JR.

Tumayo ng matuwid ang lalaki, ang kanyang kamay ay nasa mag kabilang tagiliran. Chest out and stomach in ang peg ng lolo nyo pag katapos ay nag salita ito sa aming harapan ng ubod ng lakas. “AKO SI BRYAN TURALBA JR. 22 TAONG GULANG. MULA AKO SA BANSANG CAMBODIA AT NANDITO AKO PARA SA ISANG MAHALAGANG MISYON! IKINAGAGALAK KO KAYONG MAKILALA!” ang buong lakas na pag papakilala nito dahilan para mag tawanan ang aking mga kaklase.

“Ano ba yan frend parang sasabak naman sa gera iyang si Turalba. Pero infairnes, gwapo ang lolo mo. Matangkad, maganda ang katawan, medyo tisoy, makinis ang balat, mapula ang labi, singkit at bilugan ang mata at kahawig niya yung sikat na chinese swimmer na si “Ning Zetao”. Tingnan mo yung mga kaklase nating babae, kulang nalang ay maihi dahil sa matinding pag ka kilig. Im sure nag wewet na yang mga iyan sa silya nila.“ ang bulong sa akin ni Ed habang hawak ang kanyang cellphone at kinukuhanan ng larawan ang bagong dating naming classmate. Samantalang ako naman ay pinag mamasdan lamang lalaki at palihim na tinatawanan nito dahil sa nakakatuwang kilos at pag sasalita niya.

“Mayroon ba kayong mga tanong kay Mr. Turalba? Mag taas lamang kayo ng kamay kung mayroon kayong nais na malaman tungkol sa kanya.” dagdag pa ng aming adviser kaya naman agad na nag taas ng kamay ang aking mga babaeng kaklase.

Classmate1: “Mahilig ka ba sa mga stuffed toy?”

Turalba: Hindi ako nag lalaro ng mga laruan, kadalasan kasi ay ang lalaman ito ng mga atomic particles na maaring sumabog at maging sanhi ng pag kasira ng isang lugar. Ang mga atomic bomb na ito ay likha ng makabagong teknolohiya na hindi na makikita ng ating mga mata kaya nag kakaroon ng mga biglaang pag sabog sa iba’t ibang lugar na hindi na naagapan. Dati sa ay ginagamit ang mga stuffed toy sa terorismo kaya ipinag babawal iyan sa Cambodia.“

(shock ang lahat)

Classmate 2: Nag babasa kaba ng mga libro? Kung oo, tungkol saan ang mga ito.

Turalba: Oo naman mahilig akong mag basa ng mga libro. Mga non-fiction war books ang madalas kong basahin kagaya ng “Ghost Soldier, World War II, The Gun of August, The Flag of our Father at ang pinaka paborito ko sa lahat ang Hiroshima. Ang lahat ng ito ay tungkol sa pag papalakas ng ating pwersa laban sa mga terorista. Pag bangon at pagiging handa sa oras ng mga digmaan at pag babagong dulot nito.

Classmate 3: Eh, pelikula? Ano anong paborito mong pelikula?

Turalba: syempre madami akong mga napapanood na pelikula doon sa kampo namin, katulad ng Pearl Habor, War of the worlds, Platoon, Saving Private Ryan, Apocalypes Now at World War Series. Lahat ng ito ay nag bibigay lakas at inspirasyon sa akin upang maging isang mahusay na alagad ng batas at kabutihan.

Classmate 4: Girlfriend meron ka na ba? Anong Ideal mo sa isang babae?

Turalba: Wala akong kasintahan, ang tanging karelasyon ko lamang ay ang aking baril. Lagi ko itong kasama kahit saan ako mag punta. Kaming mga sundalo ay hinubog para sa mga mahahalagang misyon. Wala kaming panahon sa mga babae dahil panira lamang sila ng career.

natahimik ang lahat…

ang ilan pa sa mga estudyante ay napanganga..

ang ilan sa mga babae ay napataas ang kilay ngunit halatang kinikilig pa rin ang mga ito.

Classmate 5: Masaya ba ang maging sundalo?

Turalba: Oo naman lalo na kapag natuto kang humawak ng mga armas at pampasabog. Masarap sa pakiramdam kapag mayroon kang buhay na naililigtas sa mga digmaan, sakuna o sa mga simpleng araw ng iyong pag duduty.

“Ano ba yan frend, puro giyera naman yata ang alam ng lalaking ito. Biruin mo yung mga aklat na binabasa niya ay tungkol sa mga uri ng armas pandigma at yung mga paboritong pelikula naman niya ay gerahan. Ibang klase ang isang ito.” ang muling bulong ni Ed habang tinatakpan nito ang kanyang bibig upang pigilin ang pag tawa. “Natural kasi ay sundalo sya at walang alam kundi ang makipag gerahan. Wag kang maingay dahil baka pati tayo ay pasabugin niyan.” pananakot ko naman dahilan para takpan ni Ed ang kanyang sariling bibig.

“Mr. Turalba, doon kana muna maupo sa kabilang gilid, doon sa tabi ni Mr. Dela Rosa.” ang wika ng aming guro kaya naman lumakad si Turalba patungo sa akin ng muli itong tawagin aming adviser. “Ah Mr. Turalba, bawal ang nag dadala ng laruan dito sa classroom.” sabay turo sa kanyang bulsa na nasa gawing likuran.

Napahinto naman nito si Turalba at dinukot ang bagay na nasa kanyang likuran. “Ito ba? Hindi po ito laruan mam, isa po itong tunay na SIG P238 pistol.” ang wika naman ni Turalba habang ikinakasa ang naturang baril.

“Hay naku, wag mo nga akong lokohin bata ka, akin na rito iyan. Kompiskado ang laruan na iyan.” ang sabi ng aming adviser sabay kuha ng baril sa kamay ni Turalba. “Infairness ang bigat nya ha. Parang totoo talaga.”

“Teka, totoo po talaga iyan.” ang tugon naman ng binata ngunit natawa lamang ang aming adviser at sinakyan lamang ang bagong dating na estudyante. “oh siya, totoo na kung totoo, please take your seat Mr.Bryan Turalba Jr.”

“Teka mam, mag ingat po kayo sa pag hawak ng baril na iyan dahil kaunting pwersa lamang ay sumasabog iyan.” paalala ng binata dahilan para mapakunot ang noo ng aming guro at nag taas na ito ng boses. “I said take your seat Mr. Turalba!” ang sigaw nito sabay takip sa kanyang bibig. “Oppps! Sorry.” bawi niya at muling kumilos na parang si Maria Clara pabalik ng kanya mesa.

“YES MAAM!!” ang sigaw naman ni Turalba sabay saludo dito.

Tulala ang lahat..

Nag simula ang aming klase, ang lahat ay seryosong nakikinig sa aming guro, maliban kay Turalba na nakatingin ng seryoso sa aking kinalalagyan. Halos buong period itong hindi mabakbak sa pag titig sa akin na tila isa akong nakawalang kriminal sa bilangguan. Hanggang sa oras ng break ay nakasunod ito na parang isang anino bagamat hindi nya pinapahalatang naka spy siya sa akin ay obvious naman dahil daig pa nito ang gwardiya sibil noong panahon ni Rizal. “Oy frend, tingin ko ay binabatayan ka ng isang iyan. Tapatin mo nga ako, kilala mo ba ang newcommer na iyan?” pang uusisa ni Ed habang pasimpleng sinusulyapan ito. “Hindi no, ngayon ko lamang nakita ang mokong na iyan. Ayokong isipin na ako nga ang minamatyagan niya. Baka naman nag kataon lamang.” tugon ko bagamat pati ako ay nag tataka na rin.

Halos buong mag hapong naka masid sa akin si Turalba, at pakiwari ko ay hindi ako nababakbak sa paningin nito. Kahit saan ako mag punta, sa CR, sa library, sa laboratory at kahit sa ilalim ng lamesa ay naka sunod ito. Nakakairita at nakaka praning ang kanyang seryosong mukha. Para itong isang robot na prinogram upang sundan ako at huwag maalis sa kanyang harapan kaya naman ibayong pag kainis ang lumukob sa aking pag katao noong matapos ang oras klase.

Agad akong nag tatakbo palabas ng gate upang iligaw ito na parang isang kuting habang siya naman ay pasimple lumalakad ng mabilis para masundan ako. Takbong walang humpay ang aking ginawa patungo sa umaandar na jeep at doon ay nag mamadali akong sumabit sa likuran nito. Muling lumakad ang jeep at naiwan itong humahabol sa akin. “Blehh!!” ang sabi ko sabay dila sa kanya. “Akala mo maiisahan mo ko?! Belat mo!” ang sigaw ko pa habang papalayo ang jeep sa kanyang lugar.

Tahimik.

Nanatili itong nakatingin sa aking mukha, seryoso at walang ekspresyon. Pinag mamasdan nya ang aking pag layo sakay ng jeep hanggang sa maya maya ay unti unting gumalaw ang kamay nito at dinukot ang isang baril sa kanyang bag sabay itinutok sa taxi na paraan sa kanyang harapan. “BABA! EMERGENCY!!” ang sigaw nito sabay hila sa driver palabas sa naturang sasakyan at doon ay mabilis siyang pumasok sa loob nito.

Pinatakbo niya ang mabilis ang inagaw na taxi hanggang sa maabutan niya ang jeep kung saan ako naroon at nag paputok ito ng baril sabay sigaw ng “TIGIL!”

Isa pang putok..

BANG!!

“TIGIL!!”

Nag preno ng malakas ang jeep at na subsob ang lahat..

“Ano bang problema? Bakit may baril?” ang takot na tanong mga pasaherong kasakay ko habang si Turalba naman ay lumakad patungo sa pinto ng naturang jeep at malakas itong nag salita.

“AKO SI SERGEANT BRYAN TURALBA JR NA NAG MULA SA BANSANG CAMBODIA. NANDITO AKO PARA SA MAHALAGANG MISYON. INUUTOS KO NA KAYO AY BUMABA NG JEEP NA ITO DAHIL MAY BOMBA DITO AT MAAARING SUMABOG ANO MANG ORAS!” ang sigaw nito habang nakatayo ng matuwid.

Tahimik.

Nag katinginan ang mga tao sa loob ng jeep at sila ay nag uuna unahan sa pag labas na tila na stampeed sa edsa. Maya maya ay naubos na ang pasahero dito at natira na lamang ako sa loob habang ito naman ay naka ngisi at naka titig sa akin. “Ako si Sergeant Bryan Turalba Jr. Ang inatasang mag bantay at mag protekta sa anak ni Commander Dela Rosa!” ang malakas na salita nito sabay tutok ng baril sa aking kinalalagyan. “BABA!!” utos pa nya kaya naman napakunot na lamang ang aking noo dahil pakiwari ko ay isa akong kriminal na inuutasan ng sira ulong ito.

Nanatili akong nakatingin sa kanyang kinalalagyan habang nakatutok ang baril sa aking mukha. “Ano bang gusto mo Turalba?” tanong ko. “Uuwi na tayo sa inyo. Ang utos ng iyong ama ay hindi ka maaaring mag tungo kung saan pag katapos ng iyong klase. Sa makatuwid ay hindi ka pwedeng basta basta na lamang maka alis sa aking paningin. Delikado kung mag isa ka lalo’t ikaw ang target ng mga sindikato.”

“Wala akong paki sa mga sinasabi mo.” ang salita ko naman sabay baba ng jeep at mabilis na tumakbo palayo sa kanyang kinalalagyan. “Kung gusto mo ay doon ka nalang sa ama ko mag bantay, siguradong mag kakasundo kayong dalawa.” saad ko pa sabay tawid sa kalsada.

“Sandali, bakit dyan ka tatawid, nakita mo namang hindi ito ang tamang tawiran, baka maaksidente ka.” pag habol ni Turalba at nasa ganoong pag tawid ako ng biglang may sumulpot na rumaragasang sasakyan sa aking harapan. “Umiwas kaaaa!!” ang sigaw nito at mabilis na niyakap ang aking katawan upang makaligtas sa nag babadyang panganib.

Itutuloy..

The Soldier & I Part 2: Unang Halik

The Soldier & I

AiTenshi

Part 2: Unang Halik

“Pinag samantalahan niya ang kahinaan ko, nasira ang pangarap ko dahil sa kanya!!!” galit ko sigaw habang pagulong gulong sa sofa.

“Ano ka ba naman frend, para halik lang ay nag panic kana agad?” wika ni Ed habang kausap ko ito sa video call. “Halik lang.. Unang halik ko iyon at kay Turalba pa na hindi nag sisipilyo!! Pinangarap ko na babae ang unang mahahalikan ko at hindi sundalong amoy araw!” pag mamaktol ko naman habang kunwari ay umiiyak.

“Ano kaba, ang gwapo ni Turalba, matangkad, matipuno ang katawan, maamo ang mukha, at lalaking lalaki ang tindig. Nakita mo naman kung paano mag wet ang mga babaeng kaklase natin pag nakikita sya. Huwag ka na ngang umarte dyan!” ang salita ni Ed na tila naiingit at nag tatampo pa.

“Hindi mo ko naiintindihan e, mahalaga sa akin ang first kiss ko. Sinira lahat ni Turalba ang pangarap ko at pati na rin ang kinabukasan ko!” pag mamaktol ko pa.

“Kinabukasan? Ano ka rape victim? Tigilan mo nga ako sa pag iinarte mo. Tekaa paano ba kasi nangyari ang lahat ng ito? Ang sabi mo kanina muntik kana masagasaan? Bakit buhay ka pa ngayon?” ang pang uusisa ni Ed. “Kasi nga ganito ang nangyari, role VTR!!” tugon ko naman at doom ay nag flash back ang pangyayari kanina sa kalsada.

FLASH BACK

“Wala akong paki sa mga sinasabi mo.” ang salita ko naman sabay baba ng jeep at mabilis na tumakbo palayo sa kanyang kinalalagyan. “Kung gusto mo ay doon ka nalang sa ama ko mag bantay, siguradong mag kakasundo kayong dalawa.” saad ko pa sabay tawid sa kalsada.

“Sandali, bakit dyan ka tatawid, nakita mo namang hindi ito ang tamang tawiran, baka maaksidente ka.” pag habol ni Turalba at nasa ganoong pag tawid ako ng biglang may sumulpot na rumaragasang sasakyan sa aking harapan. “Umiwas kaaaa!!” ang sigaw nito at mabilis na niyakap ang aking katawan upang makaligtas sa nag babadyang panganib.

Niyakap ako ng mahigpit ni Turalba at doon ay kapwa tumilapon ang katawan namin sa gilid ng kalsada. Mag kayakap kami habang pagulong gulong sa aming kinalalagyan at doon ay hindi ko sinasadyang mag kadikit ng husto ang aming mukha at pati na rin ang aming mga labi. Nakapatong ito sa akin habang ako naman ay nasa ilalim niya.

Halos nag tama ang aming paningin habang mag kasugpong ang aming mga nguso. Pakiwari ko ba ay huminto ang mundo para sa aming dalawa. Damang dama ko ang hangin na nag mumula sa kanyang ilong habang ako naman ay hindi na nakagalaw pa dahil sa matinding pag kabigla. Ito ang una kong halik.. Ang halik na inilaan ko para sa babaeng mamahalin ko.. Nasayang lamang sa isang taong ko kilala..

Halos ilang sandali rin kami sa ganoong posisyon hanggang sa tuluyang bumalik ang aking ulirat at kusang gumalaw ang aking kamay para itulak ito. Nag kahiyaan kami at tila nabusalan ang aming mga bibig..

Tahimik..

“Umuwi na tayo.” ang tanging nasabi ko sabay sakay sa taxi at iniwan ko itong nakapako sa kanyang kinatatayuan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari, para akong dinamuan ng malas mag buhat noong dumating sa buhay ko iyang si Turalba.

“Ang OA mo naman frend, FYI isang araw palang siya sa buhay mo. Kung makapag salita ka naman ay parang live in na kayo. Tigilan mo nga ako sa kaartehan mo.” pag mamaktol ni Ed habang naka haba ng nguso na parang nag seselos pa rin. “Teka, ano ang nangyari doon sa jeep na may bomba? Sumabog ba? Yung taxi na ninakaw ni Pogi? At yung naaksidente? Hay ang dami kong tanong, alam mo naman ang kasabihan na ang “batang matanong ay matalino” dagdag na tanong ni Ed sabay tawa ng malakas

“Pwes hindi kana bata dahil thurder bird at gurangers kana. At tungkol naman sa tanong mo, edi ayon dinakip ng pulis si Turalba dahil na kalokohan niya kaya nag punta si papa doon para isalba ang kanyang paboritong mandirigma. Tama ba namang mang agaw ng taxi at manakot ng mga pasahero sa jeep. At hindi lang iyon dahil nag dadala pa siya ng totoong baril sa skul, paano na lang kung may mapahamak sa kanyang kalokohan? Sana ay makulong na lamang siya at huwag nang palabasin doon..ever!” galit kong sagot.

“Ang sama mo naman frend, masyadong gwapo si Sarge para maging preso no. Im sure sa kagwapuhan noon pati ang mga pulis ay bibigay. Saka mas gugustuhin ko pang maging preso doon sa bayan kung sya naman ang aking makakasama. Aba e napaka gwapo, lalaking lalaki at matikas na matikas kung tumayo. Hanggang ngayon nga ay starstruck pa rin ako.”

“Edi sige tatawagan ko na yung tito ko doon sa presinto at sasabihin kong ikulong kana ngayon din.” ang pag aasar ko habang kunwari ay tumatawag sa land line. “Ang sama mo naman, frend ba talaga tayo? Bakit ang hard mo sa akin? Mas hard ka pa sa abs ni Turalba..” patuloy na pag mamaktol nito habang nakapako ang tingin sa aking likuran. “Anong problema?” tanong ko

“Si Turalba!” ang wika nito

“Wala na si Turalba, im sure naka kulong na iyong ngayon at binubugbog ng driver ng jeep at taxi na pinerwisyo nya! Mainam nang nandoon sya para di ko na maamoy ang mabahong hininga nya. Ewwww alam mo bang naka tatlong bote ako ng bactidol at mouth wash matapos nya akong pag samantalahan ng halik. Mabuti nalang hindi ako nalason, iniisip ko nalang na kinagat ako ng aso.!” malakas kong sigaw na halos kulang nalang ay kainin ko ang aking cellphone sa matinding pag kainis.

“Mabango ang hinihinga ko dahil palagi ako may baong mouth wash. Sino ba sa atin ang kumain ng empanadang puno ng bawang noong miryenda? Hanggang ngayon ay nalalasan ko pa rin ang tinustang bawang sa aking mga labi.” ang boses ni Turalba sa aking likuran na labis kong kinagulat.

“Ayy oo nga pala frend, speaking of empanada, nasa aking pa yung garlic empanada na pina take out mo kanina sa canteen. Dadalhin ko na lang ito mamaya dyan sa inyo.” naka ngising salita ni Ed habang pinapakita nito ang isang plastic ng tinapay na binili ko sa canteen noong oras ng miryenda.

Natahimik ako at tila hinataw ng tubo sa aking ulo. Ano bang nagawa kong masama sa mundo upang parusahan ako ng ganito. “Lupa… bumukas kana at kainin mo ako… Isama mo na rin ang kaibigan kong loro na si Ed.. unahin mo na siyang ibaon sa impyerno bago siya ilibing ng buhay.” ang bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa videocall ni Ed na parang napoposses.

“Narinig ko iyon frend no, ibabaon mo ako sa ilalim ng lupa. Hindi mo ko maiisahan dahil may psychic power ako. Anong akala mo sakin? Halimaw sa banga? No no no” pag mamaktol nito habang naka haba ang nguso.

“Ikaw talaga ang ibabaon ko sa lupa kapag hindi ka tumigil! Gusto mo bang maunang mag journey to the center of the earth?” nanlalaking mata kong tanong. “Ayy gagawa pala ako ng report para bukas frend. Call you later nalang.” tugon nito na parang biglang nag bago ang ihip ng hangin sabay patay ng video call.

Tahimik..

Nakatayo pa rin sa likod ko si Turalba, paano ko ba siya haharapin, nakakahiya dahil narinig niya ang lahat ng sinasabi ko laban sa kanya.

Bahala na..

Huminga ako ng malalim at ngumiti sabay harap sa kanya. “Sergeant Turalba, nandyan ka pala?” ang inosente kong habang nakangiti bagamat nagulat ako sa kanyang hubad na katawan. Matipuno ang dibdib at bakat na bakat ang maliliit na pandesal sa kanyang tiyan. “Kanina pa ako dito, nais ko lamang kamustahin ang iyong kalagayan at sa tingin ko ay mukhang maayos ka naman at hindi na kailangan ng kahit na anong medikasyon.” wika nito sabay talikod sa akin. “Aba.. suplado ang mokong.” bulong ko naman sa aking isipan at habang nasa ganoong posisyon kami ay siya naman pag dating ni mama mula sa trabaho.

“Good evening Sarge, kamusta ang unang araw mo sa trabaho? Nabalitaan ko ang nangyari kanina sa bayan. Pag pasensya mo na ang anak ko dahil matigas talaga ang ulo nyan at medyo pasaway. Im sure naging sakit sya ng ulo sa iyo buong mag hapon pero dont worry dahil masasanay ka rin.” natatawang entrada ni mama.

“Magandang gabi din po maam, hindi naman po pasaway ang inyong anak. Ang totoo nun ay para itong isang ligaw na kuting, tahimik at naka siksik lamang sa isang sulok.” wika naman ni Turalba habang nakatayo ito ng matuwid at naka saludo kay mama.

“Abat ginawa pa akong kuting nito!!” naiinis kong bulong sa aking sarili habang ginagaya ko ang pag sasalita nito na animo isang monggoloid

“Adel ano ba iyan? Mas sakit ka ba? Bakit naka ngiwi ka? Ayos ka lang ba anak?” pag puna naman ni mama noong mahuli ako nitong ginagaya si Turalba. “Ang mabuti pa Sarge ay dito kana mag dinner, mag papahanda ako ng isang espeyal na hapunan para sa iyo. Nga pala Adel, tulungan mo itong si Sarge na mag ayos ng kanyang silid doon sa itaas. Sa tabi ng kwarto mo, hindi naman na iyon gagamitin ng papa mo kaya’t ibinigay na lamang iyon kay Sarge.” dagdag ni mama

“What? Doon mag kkwarto si Turalba?” gulat kong tanong.

“Aba e bakit ganyan ang reaksyon mo? Dito na muna titira si Sarge. Hindi na nya kailangan umupa ng apartment dahil ibinigay na ng papa mo ang kanyang silid doon sa itaas upang mabantayan ka ng mas maigi. At saka ano pa bang iniinarte mo? Alam mo ba na ang taong ito ay nakahandang ibuwis ang kanyang buhay para lamang sayo? Matuto kang pakisamahan siya okay?” seryosong sermon ni mama. “Hay naku sarge pag pasensyahan mo na talaga yang si Adel, inispoiled ko kasi iyan kaya’t medyo reklamador. Halika doon na lamang tayo mag usap sa kusina at ipapakilala na rin kita sa aming mga kasamabahay.” pag yaya niya sabay akay kay Turalba palayo sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong kontrabida sa kwentong ito.

Wala akong nagawa kundi ang lumabas na lamang sa terrace at doon ay maupo habang pinag mamasdan ang makukulay na Christmas light sa aming bakuran. Nakaka relax ang tanawin at isama mo pa ang malamig na haging aminahan na dumadampi sa aking balat. Ilang minuto rin ako sa ganoong pag tunganga hanggang sa biglang bumukas ang gate at doon ay nakita kong pumasok ang aking kaibigang si Ed, kilala naman siya ng security kaya’t madali itong nakaka pasok sa aming bakuran. “Ed, napasugod ka?” ang tanong ko habang sinasalubong ito dala ang isang kahong cake at supot empanadang binili ko sa canteen kanina. “Ano pa edi dadalhin ko itong empanada mo at bumili na rin ako ng cake pang dessert dahil nag txt si mama mo, iinvite nya ako sa dinner ngayong gabi.” masayang wika nito nang biglang sumulpot si Turalba sa aking likuran at mabilis nitong nilapitan si Ed. Laking gulat ko nang bigla nitong hawakan ang aking kaibigan sa kamay at mabilis na kinapkapan ang katawan nito mula sa t shirt, bag, pantalon at pati sapatos na kanya namang ikinagulat.

“Eyy ano bang ginagawa mo?!“gulat kong tanong kay Turalba habang abala ito sa pag kakapkap sa katawan ni Ed. “Kailangan kong makasigurado na walang itinatagong patalim, bomba o mapanganib na sandata ang bisita mo upang maka siguradong ligtas ka.” ang seryosong salita nito.

“Patalim? Bomba? Mukha ba akong terorista?!” ang pag mamaktol ni Ed habang inaayos ang sarili.

Maya maya ay huminto si Turalba sa kanyang ginawa at mabilis itong tumayo ng matuwid sabay saludo sa aming harap. “ALL CLEAR!!” sigaw nito at muling bumalik sa loob ng bahay na animo robot na iprinogram.

“Pasensya kana Ed, medyo oa talaga iyang si Turalba.. Ang akala yata nito, ang lahat ng tao sa paligid niya ay terorista.”

“Okay lang frend, gwapo naman siya at nag enjoy ako habang hinahaplos nya ang katawan ko. My God napaka swerte mo talaga.. Nakakainis kaaa!” pag mamaktol nito.

“Teka, so hindi ka galit sa ginawa niya? Hindi ka nainsulto o kaya na pahiya?” ang pang gagatong ko na ang intensyon ay magalit din sya kay Turalba.

“Napahiya? Nainsulto? Hindi ahhh.. Nag enjoy nga ako habang nakayakap siya sa akin at niyayapos nya ang aking katawan. Alam ko na, dadalasan ko ang pag dalaw dito para mas madalas nya akong yapusin!” kinikilig na salita nito. “Yapusin? Ano ka pusa? Hello hindi ka niyapos at hindi ka niyakap, ginawa kang terorista diba? Sabi mo pa nga kanina iyon. Dapat ay magalit ka dyan Turalba, halika isumbong natin kay mama yang ginawa sayo.” muli kong pang gagatong.

“Terorista?May sinabi ba akong ganon? Hay naku frend, walang ginawang masama sakin si Turalba. Huwag na natin siyang isumbong sa mama mo. Ikaw talaga napag hahalata kang hate mo siya. Kung sa bagay the more you hate, the more you love. Tulak ng bibig kabig ng dibdib diba?”

“Pwes mali ka doon dahil sumobra ang hate ko. Tara na nga doon sa kusina, baka nag hihintay na sila mama.” ang pagyaya ko at mabilis ko itong dinala sa hapag kainan.

Oras ng hapunan, habang masayang nag kkwentuhan sina Ed at mama, si Turalba naman ay walang kibo at nakatitig lamang sa akin kaya naman mas lalo ko pa ito iniinis. Nandyan yung dinidilaan ko sya o kaya ay nag duduling dulingan ako para maasar sya sa pag mumukha ko pero bigo ako dahil parang may kaharap ako manequin, hindi ito gumagalaw at natitinag sa kanyang diretsong pag upo habang naka titig sa aking mukha. “At para naman sa ating desert, nag bake ako ng strawberry cake na favorite ni Best Adel! Tadaaaa!” ang proud na salita ni Ed habang binubuksan ang kahon ng cake na punong puno ng icing at strawberry. “Huwaw!Favorite ko nga yan!” ang parang batang sigaw ko naman sabay kuha ng kutsara para tikman ito ng biglang hawakan ni Turalba ang aking kamay para pigilan. “Sandali muna.” wika nito sabay kuha ng kutsara sa aking kamay at ginamit niya ito upang tikman ang cake ang ginawa ni Ed.

Tahimik ang lahat..

“Mahirap na dahil baka may lason ito, kailangan makasiguradong ligtas ang bawat pagkain na isusubo mo.” ang salita nito habang ninanamnam ang cake sa bibig. “ALL CLEAR!! Kumain na kayo.” ang wika nito at muling naupo sa kanyang silya.

“Nakita mo yon mama? Iniinsulto nya ang cake na ginawa ni Ed. Nakak offend hindi ba?” galit kong tanong habang sina mama at Ed naman ay tahimik at nakakatitig lang kay Turalba..

Tahimik ulit..

Maya maya ay nag simula ng umiyak ang mga ito sa hindi malamang dahilan. “Maaaa bakit kayo umiiyak?Ano bang problema?” nag tataka kong tanong.

“Wala anak.. Na touched lang kami sa ginawa ni Sarge.. Biruin mo handa nyang ibuwis ang kanyang sariling buhay para lamang makasiguradong magiging ligtas tayo. huhuhu. Ngayon lamang ako naka kilala ng ganyang tao. “Good job Sarge, makakarating ito sa aking asawang heneral.” ang patuloy na pag hagulgol ni mama.

“Huhu oo nga frend, tama ang mama mo, napaka buting tao niyang si Sarge.. Hindi ko kayaaaaa!” ang malakas na pag iyak ni Ed kaya naman wala akong magawa kundi ang mapailing na lamang at mapatingin sa mukha ni Turalba na noon ay nakatitig pa rin sa aking mga mata kaya’t mas lalo pa akong nailang. Ewan, ngunit tama nga si Ed, ibang klase ang kagwapuhan ang isang ito.. Hindi nakaka sawang pag masdan ang kanyang mukha.

itutuloy…

The Soldier & I Part 3: Sumpa

The Soldier & I

AiTenshi

Jan 8, 2016

Part 3: Sumpa

“Mr. Dela Rosa!! Bakit ka natutulog sa oras ng klase ko? Gusto mo bang makarating ito sa papa mo? Stand up at tumayo ka doon sa sulok! Now!” ang galit na utos ng aking prof noong bigla akong nakatulog sa oras ng history class.

Edi ayun nga halos dalawang oras akong nakatayo sa gilid ng classroom, ang lahat ay natatawa habang pinag mamasdan ako lalo na si Turalba na naka ngising aso habang apura ang pasikat dahil tungkol sa gera ng hapon at amerikano ang topic. Wala akong magawa kundi pandilatan ito ng mata at irapan dahil kasalanan naman niya lahat kung bakit ako napuyat kagabi.

“Para iyon lang ay hindi kana natulog? Baka naman naiinis ka lang sa kanya kaya ka nag kakaganyan frend?” pang uusig ni Ed. “Hindi no, sino ba naman ang makakatulog kung panay kalabog at kaluskos ang maririnig mo sa paligid mo. Kasalanan to ni papa eh, bakit kasi doon pa nya pinalipat itong si Turalba sa katabi ng aking silid. Akalain mo iyon, pati yata kanyon ay hinihila niya papunta sa kwarto, tapos hindi lang iyon dahil nag papa tugtog pa siya malakas. Sa tingin mo ay sino ang makakatulog non. Buhat ng dumating iyang si Turalba dito ay nag kanda leche leche na yung buhay ko. Sumpang malupet talaga!!!” galing kong sagot.

“Sumpa talaga? Agad agad? Oh edi sana ay nag earplug ka o kaya ay nag salaksak ka ng sleeping pills sa bibig mo no. Oh baka naman love mo na yang si Turalba kaya sumobra iyang inis mo at naging sumpa na. Naku frend. Malenterds ka ha.” wika ni Ed kaya naman itinulak ko ito dahil sa matinding inis. “Arayyy.. Makatulak naman to. Kumain na nga lang tayo doon sa canteen, kasama si Turalba!!! Tadaaaaaa!!!” ang pag mamalaki ni Ed sabay hatak sa braso ni uto na nooy naka abang sa hallway ng aming department.

“Oh bakit naman nandyan iyan?” bulong ko kay Ed. “Kawawa naman siya frend, wala siyang kasama doon sa hallway. Hindi ka ba naawa sa kanya. Saka dapat proud ka dahil may kasama tayong hunk, gwapo at nakapag yumming nilalang.” sagot ni Ed.

“Oh edi sya na! Basta hindi ko siya kikibuin dahil baka malasin nanaman ako.” pag mamatigas ko.

“Edi sige. Hay naku im sure crush mo siya at nag gagalit galitan ka lang para di ka mahalata. Sa gwapo ni Sarge kahit yung matandang cook doon sa canteen ay mag wewet sa kanya” kinikilig na salita ni Ed habang si Turalba naman ay naka ngiti lang.

“At im sure, sa kadaldalan mo ay malapit ko nang lagyan ng tape ang iyong bibig” masungit ko sagot sabay tulak sa kanya palabas sa hallway

At iyon nga ang set up, nag tungo kami sa canteen kasama itong si Turalba. Syempre ang lahat ng mga kababaihan ay naka tingin nanaman sa kanya na parang kinikilig at inaatake ng epelepsi ang mga ito. Samantalang si Turalba naman ay wala paki alam at naka titig pa rin sa aking kinalalagyan. Panay irap naman at masamang tingin ang isinusukli ko sa kanya dahil hanggang ngayon ay masakit pa rin ang ulo ko sa kanyang kagagawan. “Bakit ba kasi pati kanyon ay ipinapasok mo doon sa kwarto mo. Napuyat tuloy ako dahil sa ingay mo.” asar kong tanong dahil hindi na ako nakatiis. “Hindi kanyon iyon. Isang malaking kahon iyon na nag lalaman ng aking mga gamit mula sa bansang Cambodia. Dapat kasi ay tinulungan mo ako. Para saan pa iyang laki ng braso mo kung hindi mo naman gagamitin.” sagot ni Turalba dahilan para matahimik ako. “Saka bakit ba galit na galit ka sa akin e, wala naman akong ginagawang masama saiyo. Siguro ay crush mo ko no? Sa bansang Cambodia pati ang mga lalaki doon ay nag kakagusto rin sa akin.” pang aasar pa nito habang naka ngising aso.

“Eh kung itigil mo na kaya ang pag singhot ng katol para mahinto na rin iyang pagiging delusyunal mo.” sagot ko na hindi maitago ang pag kapikon.

Nag ka titigan kami..

Seryoso..

“Ano nanaman iyan? Mabuti pa ay kumain na tayo bago pa kayo mag gerahan. Ikaw naman kasi frend e, ang sungit sungit mo kay Sarge ang gusto lang naman niya ay protektahan at siguraduhing ligtas ka. Naiiyak nga ako kapag naiisip kong ang katulad nyang napaka gwapo, hunk, lalaking lalaki at matikas ang tindig ay ibubuwis lamang ang buhay para sayo. Napaka swerte mong nilalang frend.” sabad ni Ed habang inaayos ang aming mga pag kain, paulit ulit lamang ang sinasabi nito tungkol sa kagwapuhan ni Turalba.

“Eh sinabi ko naman kay papa na hindi ko kailangan ng taga bantay. Lalo na yung mga malalakas ang hangin at walang kapantay ang kayabangan.” hirit ko.

“Hindi ako mayabang at lalong hindi ako mahangin. Ginagawa ko lamang ang aking tungkulin na siguraduhing maayos ang iyong kalagayan. Alam mo bang napaka swerte mo dahil mahal na mahal ka iyong mga magulang. Wala silang inisip kundi ang mailayo ka sa tiyak na kapahamakan. Dapat ay matuwa ka pa dahil may mga taong nag mamalasakit sa iyo.” seryosong tugon ni Turalba at sa ikalawang pag kakataon ay tila binusalan ako sa bibig kaya’t hindi ako naka imik.

Tahimik..

“2 points..” ang bulong ni Ed na tila nang aasar pa dahil dalawang beses akong nasupalpal.

Ipinag patuloy namin ang pag kain at katulad dati ay sinigurado nanaman ng sundalo na maayos ang kakainin ko. Pinag bawalan pa niya akong kumain ng taba ng baboy dahil mamantika daw ito ay hindi maganda sa kalusugan. Hinayaan ko na lamang siya at pinilit na sanayin ang aking sarili dahil pakiwari ko ay ito na simula ng isang sumpa na hinding hindi ko maaaring takasan. PWERA NALANG KUNG may isang bagay na hindi kanais nais kay Turalba na maaaring maging sanhi ng pag fired sa kanya ni papa. Baka naman may sikreto ito sa kanyang silid katulad ng droga, o pagiging sex maniac o kaya ay baka miyembro rin siyang ng mga spy ng mga terorista. “PWES!! Humanda siya dahil hindi pa tapos ang laban Bryan Turalba Jr.” ang naka ngising demonyo kong sigaw sa aking sarili.

“Evil smile lang frend? Huwag mo namang ipahalata sa amin na may binabalak kang masama no. Obvious eh.” pang aasar ni Ed habang pinag mamasdan ang aking mukha.

Alas 2 ng madaling araw noong naisipan kong isigawa ang aking makasaysayang plano. Marahan akong bumangon sa aking higaan at agad na nag tungo sa katabing silid kung saan natutulog si Turalba. Kailangan kong malaman ang itinatagong baho ng sundalong itong. “Pwes kung bayani siya sa Combodia o kahit saan pa mang planeta. Sa akin ay hindi!!” sigaw ko sa aking sarili sabay pihit sa doorknob ng kanyang pintuan.

Tahimik..

“click” ang mahinang tunog sa pag kakalis ng lock..

Buong ingat akong pumasok sa pinto ng biglang may tumamang bola ng basketball sa aking mukha. “Arekuppp.. shiit!! Na deform yata ang mukha ko.” bulong ko sa aking sarili habang hinihimas ang aking ilong. Matalino talaga tong si Turalba dahil nag set up siya ng bitag dito sa pintuan. Ngunit kung inaakala niyang susuko ako ay nag kakamali siya.

Ipinag patuloy ko pa rin ang aking mapangahas na gawain. Marahan akong gumapang patungo sa loob ng kanyang kama. Medyo madilim ang buong paligid bagamat kitang kita kong mahimbing na natutulog ang bayani ng taon na tila isang mantika. Maingat at walang kaluskos ang aking ginawang pag gapang patungo sa baul ng kanyang kagamitan ng biglang may umipit sa bagay sa aking kamay. “Putaaaa araayyyy!!!!” ang mangiyak ngiyak kong daing habang inaalis ang mouse trap na nakaipit sa aking daliri. “Hayupp ka Turalba!!” ang galit kong sigaw sa aking sarili.

Tuloy lang ako sa aking ginagawang pag gapang ngunit tila yata naging mapait sa akin ang kapalaran dahil samut saring patibong ang nakalagay sa sahig ni Turalba. Nandyan yung nadikit ako sa super glue, naipit sa katakot takot na mouse trap at kung ano ano pa. Ngunit hindi ito naging dahilan ng aking pag suko. Buo ang aking determinasyon na patalsikin ang sundalong ito sa kanyang serbisyo kaya naman buong lakas kong binuksan ang baul ng kamayanan ni Turalba. “Lagot ka ngayon” ang bulong ko sa aking sarili habang humahanap ng bagay na ikasisira nito.

Inisa isa ko ang mga gamit sa loob nito habang sa makita ko ang isang larawang naka ipit isang note book. Dalawang lalaki itong mag kahalikan at tiyak akong si Turalba ang isang iyon. Hala sabi na nga ba ay may tinatagong baho itong mokong na ito. “Paktay ka sa aking ngayon, tiyak na isang malaking kahihiyan kung malaman ni papa na beklush ang kanyang pinaka mamahal na sundalo.” wika ko sa aking sarili sabay bulsa ng naturang larawan.

Marahan kong isinara ang baul at agad akong gumapang palabas ng kanyang silid. Galak na galak ako sa aking ginawa bagamat pakiramdam ko ay bugbog sarado ang aking katawan dahil sa katakot takot na bitag na kanyang ipinain sa sahig at sa pintuan. Ngunit okay lang iyon, atleast ay sulit naman ang aking makasaysayang misyon. “Huwag kang mag alala Adel, malapit ka nang makawala sa sumpang dulot ng tadhana.” bulong ko sa aking sarili habang patuloy na gumagapang palabas ng pintuan ng biglang may kung anong bagay ang nakaharang sa aking ginagapangan.

“Ano naman to?” ang bulong ko sa aking sarili habang kinakapa ko ang bagay sa aking harapan. “Tuod ba to? Manikin?” ang dagdag ko pang tanong at patuloy kong hinihimas ito paitaas. “Uyy malambot, na medyo matigas.” ang bulong ko pa at doon ay dinakot ko ang bagay na aking nakapa.

Tahimik..

Patuloy ako sa aking ginagawa pag dakot hanggang sa biglang bumukas ang ilaw sa silid.

Doon ay tila suspended animation ang eksena noong matagpuan ko si Turalba na nakatayo sa aking harapan. Wala itong damit maliban sa puting brief, iyon nga lang ay halos sumabog ako gulat noong makita ko ang aking kamay naka dakot sa kanyang pag kalalaki. “Dakot na dakot at tila bola ang baseball akong nakahawak dito.”

“Shit!!” sigaw ko sa aking sarili na tila hihimatayin sa labis na kahihiyan.

“Ano bang ginawa mo dito sa loob ng kwarto ko?” nakapamewang na tanong nito sabay tingin sa kanyang pag kalalaki na dakot dakot ko pa rin. “Baka mabaog ako sa higpit ng pag kakadakot mo. Maaari mo na iyang binatawan kung iyong gugustuhin.” kaswal niyang salita kaya naman agad akong bumitiw sa pag kakahawak sa kanya at nag isip ng dahilan kung bakit ako nandito. “Ahh eh hihiram sana ako ng libro sa history, yung lesson kanina. May quiz daw kasi bukas eh.” wika ko habang pinag papawisan ng malamig. “Ganoon ba, sana ay kanina mo pa hiniram para naka pag review ka ng mas maaga.” wika nito sabay kuha ng kanyang note book at inabot sa akin.

“Salamat.. ahehe. aalis na ko. Sige tulog kana ulit.” nahihiya kong tugon sabay labas sa kanyang silid. “Jusko ito na yata ang pinaka nakakahiyang bagay na ginawa ko sa aking buhay. Sana ay kinain na lamang ako ng lupa noong mga oras na iyon.” wika ko sa aking isip sabay higa sa aking kama at doon ay halos takpan ko ang aking mukha dahil sa matinding pag kahiya sa aking sarili. Okay na sana eh, hindi lang magandang eksena ang pag dakot ko sa kanyang ari. Para tuloy akong manyakis at rapist noong mga sandaling iyon.

“Kainis!!!!” sigaw ko sa aking sarili sabay takip ng kumot sa aking mukha..

itutuloy..

The Soldier & I Part 4: Makasalanang Larawan

PAUNAWA:

Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo, ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.

The Soldier & I

AiTenshi

Part 4: Makasalanang Larawan

“Ayyy frend, bakit ganyan ang itsura mo. Ang mata mo ay may pasa at parang may bakat ng bola sa mukha mo. Tapos ang kamay mo ay nangingitim na parang naipit na maraming beses sa mouse trap at nalagyan ng super glue. Ano bang nangyari sayo? Jusko frend dadalhin kita sa ospital. huhu” ang nag aalalang tanong ni Ed noong makita ako nitong naka upo sa balkunahe ng aming tahanan.

“Huwag ka ngang OA diyan. Ito ang sinasabi ko sayong sumpa na dala ni Bryan Turalba. Nakita mo na, halos mawasak ang aking katawan sa dami ng bitag na inilagay niya sa kanyang silid kagabi.” pag mamaktol ko.

“ Hala.. Ang bad mo frend. Dont tell me pumasok ka sa kwarto ni Sarge?“ tanong nito. “Oo pumasok ako upang hanapin ang ipinag kakatago tagong baho niya.” proud na proud kong tugon. “So ano may nakita ka naman ba?” taas kilay na tanong nito. “Natural. Magaling ako hano. At nasa akin ang alas! At tinitiyak kong malaking bomba ito. Expose! Basag na basag!!!” pag mamalaki ko.

“Ayy bongga! Winner kana talaga frend! Teka ano nga iyong pasabog mo?” tanong nito habang naka ngiti.

“SECRET” ang sagot ko sabay pasok sa loob ng bahay. “Napaka daya mo talaga frend.. Nakaka inis ka.” pag mamaktol nito habang sinusundan ako.

Tawa naman ako yung pang kontrabida..

Kinagabihan, pag dating ni papa agad ko siyang kinompronta tungkol sa maitim na pag katao ni Turalba. Maitim pa sa kilikili ni Ed kung tutuusin. (Nasamid si Ed habang kumakain ng hapunan). Eh totoo naman, may dark secret siya at kitang kita sa larawan na mag kasugpong ang labi nila nung kano na iyon. Makikipag halikan lang ay dapat pang picturan, kundangan ba namang makasalanan talaga sila. “Tingnan mo iyan pa, dyan mo ba balak ipag katiwala ang buhay ko. Sa isang lalaking nakikipag halikan sa kapwa niya lalaki. May maitim na sekreto iyang si Turalba at hindi siya naging honest sa iyo at sa kasarian niya. Dapat sa kanya ay pina-fired sa trabaho. Hindi magandang halimbawa ang ipinapakita nya sa akin at sa bansang ito.” reklamo ko habang pinapakita kay papa ang larawan ni Turalba na may kahalikang lalaki. “Alam kong shock na shock ka papa. Alam kong hindi ka makapaniwalang may maitim na sekreto ang paborito mong sundalo. Iyan ang patunay! Iyan ang makasalanang larawan niya!” pag mamalaki ko pa habang naka taas noo.

“Nak, ano nanaman ba iyan? Saka anong masama sa larawang ito? Kuha ito noong nakaraang taon sa Cambodia, hindi ba’t doon ako nag diwang ng aking kaarawan. Ito ay parte lamang ng aking birthday party celebration doon na ang segment ay tinatawag na truth or dare. Natalo si Turalba ang at kanong iyan kaya’t napag kaisahan ang dalawa na mag kiss. Walang katotoohanan ang iniisip mo sa kanya kaya’t isauli mo ang larawang ito kung saan mo man ito nakuha. At para maniwala ka na hindi ko pinag tatakpan ang alaga ko ay narito ang isa pang larawan. Itago mo rin ito at baka makita pa ng mama mo.” wika ni papa sabay abot ng isang larawan kung saan siya ay may kahalikang isang negrong kano rin. “Truth or Dare din iyan anak. Huwag kang green minded okay. Sige na bumalik kana doon sa kwarto mo at mag aral.” ang dagdag pa ni papa sabay tawa ng malakas.

“Saka anak, ano bang pinag iinarte mo e, balita ko ay nag halikan kayo ni Turalba doon sa tabi ng kalsada. Nireport iyon sa akin pati ang pag gapang mo sa kwarto niya kagabi.” dagdag pa ni papa habang lumalakad ako palabas ng pinto. “Gapang? Agad agad?” sigaw ko sa aking sarili sabay walkout. Edi ayun nga, failed ang plano ko at hindi lang iyon dahil ako pa ang lumabas na kontrabida sa kwentong ito bagamat ang gusto ko lamang ay mawala ang sumpa sa buhay ko. Sa huli ay naging bayani nanaman si Turalba at ako nanaman ang pambasang kaaway.

“Oh bakit nandito ka? Gabi na ah. Baka maya maya ay makidnap ka dito sa labas ng gate.” bati ni Turalba habang pababa ito ng kanyang motor. “Hinihintay talaga kita dahil gusto kong isauli itong makasalanang larawan mo. Kung sino sinong tao ang hinahalikan mo kaya pala pati ako ay biniktima mo.” tugon ko sabay hampas ng larawan sa kanyang matipunong dibdib.

“Ito ba? Katuwaan lamang ito at walang katotoohanan ang mga iniisip mo tungkol sa akin. Huwag mo sana akong pag isipan ng masama dahil noong dinakot mo ang aking pag kalalaki ay hindi naman kita pinag isipan ng ganoon.” sagot nito sabay bitiw ng ngiting aso. Hindi naman ako nakasagot at pakiwari ko ba ay hinataw ng kung anong matigas na bakal ang aking ulo. Eh animin ko man o sa hindi ay wala akong laban kapag “dakutan sa bukol” na ang pinag uusapan dahil nakakahiya talaga ang pang yayaring iyon. Wala tuloy akong nagawa kundi ang mag walkout at iwan ito sa kanyang kinatatayuan. “Eyy saan ka pupunta? Huwag kana mag selos doon sa lalaki sa larawan. Ikaw pa rin ang pinaka masarap na halik na natikman ko.” sigaw nito habang naka ngisi pa rin.

Kinabukasan..

“Ikaw naman kasi frend, kung ano anong eksena ang pinag gagagawa mo eh. Pwede naman tayong mag join forces para itumba yang si Turalba eh, tingnan mo nga mukha kang racoon at parang itik yang kamay mo, maga na kakaipit sa mouse trap ay dikit dikit pa ang daliri mo. Makasarili ka kasi. Che. Mag dusa ka.” ang maarteng salita nito sabay talikod dahilan para hilahin ko ang kanyang buhok. “Huwag ka na nang maarte diyan. Pinag sisisihan ko ang pag gapang ko doon sa silid ni Turalba, kung alam ko nga lang na maraming patibong doon ay sana ikaw na lang ang pinagapang ko, sana ay ikaw nalang ang naging itik at hindi ako.” pag mamaktol ko. “Grabe ka naman frend, kapag patayan at painan lagi ako. I hate you na talaga.” pag mamaktol din nito. “Tigilan mo na kasi iyang ginagawa mo, bakit hindi mo na lang hayaan ang pag kakataon na siyang mag turo ng tamang daan para sa inyo. Alam ko namang gusto mo siya at ginagawa mo lamang defense mechanism ang pag kaasar mo upang hindi ito mahalata at pilit mong idenideny ang lahat sa pag aakalang matatakpan ng inis mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman. Pwes mali ka doon frend. Kung sabagay sa gwapong iyon ni Sarge kahit ang lamok sa payatas ay mag kakagusto sa kanya.” dagdag pa ni Ed dahilan para mas lalo akong matahimik, hindi dahil sa supalpal ako kundi dahil hindi ko lamang alam ang dapat kong isagot.

“Mukhang seryoso ang usapan nyo ah.” bati ni Turalba na noo’y lumalakad patungo sa amin habang naka ngiti sukbit ang kanyang itim na knapsack.

“Ah wala naman, ito kasing Prinsipe mo ay nag iinarte, masama raw ang pakiramdam niya at masakit ang kanyang katawan. Tingnan mo nga ang kanyang mukha, may bakat ng bola ng basketball, ang kanyang kamay ay naipit ng mouse trap at ang kanyang daliri ay nadikit ng glue. Kaawa awa talaga ang sinapit ng bestfrend ko. Mabuti pa ay iuwi na natin siya dahil baka lumala pa ang kalagayan niya.” madaldal na wika ni Ed na tila awang awa sa aking kalagayan.

“Oo nga no, teka bakit ba naging ganyan ang itsura mo? Mukhang nabigtag ka ah.” painosenteng tanong ni Turalba habang naka titig sa akin bagamat alam naman naming dalawa na may kinalaman siya dito.

“Mainam pa iuwi mo na siya dahil baka akalain pa ng mga tao dito ay minaltrato natin siya.” mungkahi ni Ed. “Oh sige na pasanin mo na yang prinsipe mo.” ang dagdag pa nito kaya naman inialis ni Turalba ang nakasukbit na knapsack sa kanyang balikat at iniabot ito kay Ed. “Halika na mahal na prinsipe, pumasan kana sa likod ko” natatawang salita ni Turalba sabay talikod.

“Ayy ang bigat naman ng bag mo Sarge, ano bang laman nito? Isa lang naman ang subject natin ngayon ah, bakit ang dami mo yatang dala? Saan ka ba sasabak ng gera?” tanong ni Ed habang iniaangat ang gamit ni Turalba. “Ah iyan ba? Kaunti lang naman ang laman niyan, apat na tear gas, tatlong pistol, dalawang granada at isang malaking air gun. Dahan dahan ka sa pag buhat tol, baka bigla itong sumabog.” ang saad pa ng sundalo sabay hatak sa aking katawan upang kanyang ipasa.

“Ay! Grabe ka naman, paano pag sumabog ito? Paano ang kinabukasan ko? Saka bakit nag dadala ka ng ganito sa skul. Bawal ito ah.” tanong ni Ed.

“May training ako mamayang hapon kaya’t dala ko iyan. Kung sakaling sumabog iyan ay tiyak na patay tayong lahat. At sa lakas ng granadang iyan na galing sa Cambodia ay baka abo nalang ang matira sa ating tatlo” seryosong babala ni Turalba kaya naman binatukan ko ito “Alam mo naman palang delikado ang bag mo ay dinala mo pa dito. Saka kung mag papakamatay ka ay huwag mo na kaming idamay.” galit kong sigaw habang kumakawala sa kanyang likuran. “Arekup, huwag mo nga akong batukan, baka malaglag ka.” pag pigil nito.

Edi ayun nga ang set up, sa halip na iuwi ako ni Turalba ay dinala ako nito sa kanilang kampo kung saan nag ttraining ang mga sundalong alagad ni papa. Halos hindi maipinta ang aking mukha sa sobrang pag kairita kaibahan kay Ed na tuwang tuwa at halos atakihin sa puso dahil sa sobrang excitement. “Kung ganito ng ganito ang set up edi happy tayong lahat. Naku dapat ay madalas na mabitag ang mukha ni Adel para madalas din tayo dito.” ang kinikilig na salita ni Ed.

“Umpp dun ka nga!” tugon ko sabay batok dito. “Arekuppp biro lang naman iyon frend. Saka gwapo ka pa rin naman kahit nag mukhang basketball court ang mukha mo.” ang biro nito.

“Ewan ko sayo, parang ikaw lang naman ang nag eenjoy. Tekaa bakit ba dito mo ako dito ha Turalba? Ang usapan ay iuuwi mo ako.” tanong ko. “Mas ligtas ka rito. Saka wala akong tiwala sa mga security guard doon sa bahay niyo. Mga lula ang mga iyon at hindi ginagawa ng maayos ang trabaho nila. Dito ka nalang at manood sa training namin. Tiyak na mababantayan pa kita rito.” naka ngising wika nito habang pumapasok kami sa kanilang kampo.

Kilala naman ako ng mga sundalong kasamahan ni papa dahil madalas akong pumupunta rito kapag kukuha ako ng allowance o kaya ay may party. Iyon nga lang ay hindi naman ako itinuturing na lalaki dito dahil ang tingin nila sa akin ay lampa at walang alam sa buhay kundi ang mga pasarap at gastahin ang pera ng aking ama. Ngunit, gayon pa man ay labis pa rin ang pag galang nila sa akin at sa iba pang sibilyan na dumadalaw dito. “Aba ayan na pala yung shota ni Turalba. Bagay na bagay ah.” biro ng mga sundalong kaibigan nito. “Huwag mong pansinin ang mga iyan dahil nag bibiro lang sila. Ngiti ka naman kasi.” ang wika ni Turalba sabay hila sa aking bibig para ngumiti ako.

“At ito naman si Ed. Ang kaibigan niyang bakla.” ang pag papakilala ni Turalba.

Tawanan lahat..

Nag simula ang training nina Turalba sa field. Lahat sila nakatayo ng matuwid habang naka hilera ng maayos. Maya maya nag simula na sila sa pag takbo patungo sa mga obstacle course na animo mga kalahok ng American Ninja Warriors. Lahat sila ay tumatalon, kumakapit sa baras, sa lubid o kahit sa nakabitin na kawayan para lamang mapatunayan ang kanilang lakas. Syempre hindi naman nag papahuli dito si Turalba na pinaka masigla at mabilis sa lahat. Halos parang maning mani lang sa kanya ang mga dinaraanan kaya’t kahit papaano ay napapahanga ako nito. Kaya naman siya ang pinaka paboritong sundalo ni papa dahil sa taglay na husay nito. “Oh diba frend ang galing ni Sarge ilang level ang pag papakitang gilas niya.” wika ni Ed habang pinag mamasdan ang mga naturang sundalo. “Oo nga e, pakitang gilas ang loko.” natatawang sagot ko naman.

“Talaga namang iba ang nagagawa ng pag ibig no? Nag bibigay ito ng lakas at inspirasyon. AYYYYYY!!! naaksidente si Sarge!!!!!!” ang biglang sigaw ni Ed dahilan para mataranta rin ako at doon nga ay hinanap ko si Turalba kanina lang ay naka kapit sa lupid sa itaas ng puno. Sa isang iglap ay naka dapa na ito sa lupa at tila nawalan ng malay.

Nag kagulo ang mga sundalo..

“Jusko patay na si Turalbaaaaa!!!! Patay na siya frend!!!” sigaw pa ni Ed na tila takot na takot kaya naman pati kami ay nag tatakbo na rin sa kanilang kinalaglagyan. “Huminahon ka nga Ed, kung maka react ka naman ay parang kang legal wife.” pag pigil ko sa nag hihisterical kong kaibigan.

Noong marating namin ang kinalalagyan ni Turalba, halos mabigla rin ako noong makita ko itong walang malay habang dumudugo ang ulo dahil tumama ito sa malaking bato. Ang nakakainis lamang ay wala ni isa sa mga duwag na sundalo ang kumikilos upang tulungan ito. “Ano pang hinihintay nyo!!! Tulungan niyo siya!! Bakit nakatayo lang kayo dyan?!!!” ang galit kong sigaw habang hinihila ang katawan nito.

Maya maya ay may isang kasamahan nya ang lumapit at maiging pinulsuhan ito.

Tahimik..

“Boss, huminto na ang pulso ni Sergeant Turalba.. Wala na siya!! Wala na si Sarge!!!!” ang sigaw nito na siyang gumimbal sa aming lahat..

itutuloy..

The Soldier & I Part 5: Ang Karma ni Adel

PAUNAWA:

Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo, ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po..

Thank You AiTenshi for sharing your stories!


The Soldier & I

AiTenshi

Part 5: Ang Karma ni Adel

“Anong ibig mong sabihin? Baka nag kakamali ka?!” ang galit kong sigaw sa sundalong nag pulso kay Turalba. Halos sumabog ang aking dibdib sa matinding takot at pag ala-ala. Sa pag kakataong ito ay hindi ko na ito naitago pa. Kahit naman ayoko kay Turalba ay hindi ko pa rin matatanggap na basta na lamang siya papanaw sa ganitong paraan. “Bryan!! Bryan!!! Hoyy gumising kaaa!! Huwag ganito please.. “ ang pag tawag ko pa habang tinatapik ang pisngi nito ngunit wala talaga. Maitim na ang kanyang labi at tuloy pa rin ang pag durugo ng kanyang ulo. “Kumuha kayo ng strecther!! Kumot!! O kahit ano!! Dalhin natin siya sa ospital!! BILIS!!!!!” utos ko.

Isa isang nag sikilos ang mga sundalo sa paligid habang ako naman ay patuloy na naka yakap sa naka handusay na katawan ni Bryan. Halos mag sama na ang uhog at luha ko dahil sa sobrang emosyon. Oo nga’t ilang araw palang kaming mag kasama ngunit inaamin ko naman na mahalaga rin ito sa akin at pilit ko lang ginagamit ang galit ko sa kanya upang mapagtakpan ang aking pag hanga. “Ang hina mo naman tol, ang akala ko pa naman ay makikipag gerahan tayo doon sa mga terorista, ngunit paano natin magagawa iyon kung wala kana. Kahit palagi akong masungit sa iyo ay inaamin ko naman sa aking sarili na hinahangaan kita at espesyal ka sa aking mga mata. Paki usap.. huwag mo akong iwan please.. Maaga pa upang bumitaw ka. Nag sisimulang tayo diba?” bulong ko sa kanya habang umiiyak.

Halos mabasa na ang damit na suot ni Turalba dahil sa tindi ng aking emosyon ng bigla na lamang itong dumilat at tumawa ng malakas. Nag tawanan din ang lahat ng kasamahan niyang sundalo sa paligid at ang ilan sa mga ito ay nag hihiyawan pa. “SURPRISE!!” ang wika ni Turalba sabay balikwas ng bangon paharap sa akin. Si Ed naman ay tawa rin ng tawa at tila alam nilang lahat ang kalokohang ginawa ni Bryan. Nakaka galit ngunit mas nangingibabaw ang aking emosyon, sa kabilang banda ay tila nawala ang sakit at bigat sa aking dibdib noong makita ko itong maayos at pakiwari ko ba ay parang bulang nawala ang pag aalala ko sa kanya. Nakaka relieve ika nga.

Tawanan pa rin..

Si Turalba naman ay ganoon din habang nakatingin sa aking mukha na panay uhog at luha.

Maya maya tumingin ako ng tuwid sa kanyang mga mata dahilan para mapahinto ito sa pag tawa. Ewan ngunit kusang gumalaw ang aking katawan palapit sa kanya at doon ay niyakap ko ito ng mahigpit. Marahil ay nag tataka ito na sa halip na sumabog ako sa galit at nagawa ko pa siyang yakapin.

Muli akong umiyak..

Ngunit sa pag kakataong ito ay masaya ako dahil buhay siya at malayo sa kamatayan..

Patuloy ako sa ganoong pag iyak noong maramdaman kong gumapang ang kamay nito sa aking likod sabay bulong “joke lang iyon, huwag kana umiyak dahil hindi ako mawawala sa iyo.”

“Uyyyyy!! cheesy!!” ang kantyaw ng mga kasamahan sundalo ni Turalba noong mag yakapan kami sa kanilang harapan. Ang ilan sa kanila ay sumisipol pa na tila kinikilig na ewan. Ako naman ay patuloy pa rin sa pag yapos sa ulo ni Turalba at noong mahawakan ko ang buhok nito ay agad ko itong sinabunutan ng walang humpay. “Arayy.. Biro lang naman yun e.” pag mamaktol nito. “Hindi magandang biro iyon. Halos atakihin ako sa puso dahil sa pag aalala ko sayo alam mo ba yun?” sagot sabay hampas sa ulo nito. “At talagang nag abala ka pang pag makeup ng mukha at gumamit artipisyal na dugo parang totoong totoo!”

“Aray, may payakap yakap ka pa e bubugbugin mo rin pala ako. Pero ayos lang atleast alam kong takot ka rin palang mawala ako.” wika nito habang sinasangga ang mga hampas ko. “Huwag mong imisinterpret ang mga sinabi ko dahil walang ibig sabihin iyon. Dala lamang iyon ng aking emosyon.” depensa ko naman.

“Dala lamang ba iyon ng emosyon mo o talagang ayaw mo lang na mawala ako?” muling tanong nito. “Pareho ang sagot ko, ngunit hindi makatarungan na lokohin mo ako. Hindi mo dapat ginagawang katatawanan ang kamatayan.” sagot ko naman sabay tayo at mabilis na tumalikod sa kanya ng biglang dumaing ito. “Arrghhhh, masakit ang dibdib ko, hindi ako makahinga.” wika nito habang naka hawak sa kanyang dibdib na animo mamatay na kaya naman tumaas ang kilay ko sabay lapit dito “Edi mamatay kana! Sira ulo!” ang tugon ko sabay hampas sa kanyang ulo.

“Aray, ikaw yata ang papatay sa akin e” pag rereklamo nito kaya naman muli kong hinampas anh kanyang ulo. “Talaga!”

“Umm, loko” wika ng mga kasamahan niya.

Tawanan ang lahat..

Ako naman ay nag mamadaling hinila si Ed palabas ng kampo. “Halika na Ed, mga sira ulo yang sundalo ni papa, puro kalokohan ang alam.” pag mamaktol ko. “Teka frend kailangan ba talaga ka join mo ako sa pag w-walk out? Pwede bang mauna kana? May pogi dun eh, nakatingin sa akin at nag kakatitigan na kami e, yun na yun frend..” pag pupumiglas nito. “Tse! Lolokohin ka lang ng mga iyan at uubusin nila ang allowance mo. Bawal mag landi!” tugon ko sabay tulak dito papasok ng taxi. “Pasok!”

“Aray, kidnapping ba. Naku frend ha, alam kong na victim ka kanina pero maganda naman ang kinalabasan diba? Nag kaunawaan kayo ni Sarge at ito na ang simula ng sweet chapter nyo. Oh diba. Bongga!” kinikilig na wika ni Ed. “Gusto mo ba ihulog kita dyan sa bintana?” pananakot ko naman.

Tawa lang ito..

Kinagabihan, habang kumakain kami ng hapunan ay siya namang pag dating ni Turalba. Naka suot ito ng itim na sando at kulay kake na pantalon. Pawis na pawis ang katawan nito at halatang pagod na pagod sa kanilang training. “Sarge, halika at sumabay kana sa amin kumain.” pag yaya ni mama sa paborito niyang sundalo. “Ah e, nakakahiya naman po maam. Sa labas na lamang ako kakain.” sagot naman ni Turalba na noon ay napapakamot pa ng ulo.

“Ano ba ang nakakahiya? Pamilya ka na rin namin at malaki ang utang loob namin sa iyo dahil sa pag babantay mo sa anak kong pasaway. Halika at sumalo kana sa amin.” naka ngiting pag anyaya ni mama at hindi lang iyon dahil tumayo pa ito upang akayin ang kanyang pinag kakapitagang mandirigma. Ako naman ay halos maputol ang nguso sa pag busangot habang umuupo ito. “Maam, okay lang po ba si Adel? Bakit parang kuhol ang mukha nito sa haba ng kanyang nguso. Suso ba ang ulam?” naka ngising tanong ni Turalba habang nakatingin sa akin. “Adel, tigilan mo nga iyan. Hindi mo dapat ginaganyan ang taong handang mag buwis ng buhay para sa kaligtasan mo.” ang wika ni mama dahilan para mapa tawa ng mahina ang sumbungerong sundalo.

Wala naman akong nagawa kundi ang irapan ito at ipag patuloy ang aking ginagawang pag kain. Ano pa nga ba eh paborito siya ni mama dahil para sa kanya ay isa itong bayani na handang mag buwis ng buhay para sa planetang Earth. Halos abot langit na yata ang pag hanga ni mama sa kanya kaya ayan, instant member siya ng family.

Alas 9 ng gabi, dahil matinding init ay nag pasya akong maligo. Isa lamang ang cr dito sa second floor at katabi lang ito ng kwarto namin ni Turalba. Kapag umaga kasi ay nag uunahan kami sa paliligo kaya naman mas lalo pang sumisikip sa amin ang mundo. Pag pasok sa loob ng cr ay agad ako ng alis ng saplot. Tumapat ako sa valve ng shower at doon ay nag simulang kuskusin ang aking katawan. Damang dama ko ang sarap dulot ng pag tama ng malamig na tubig sa aking balat hanggang sa mapadako ang aking kamay sa aking naninigas na pag kalalaki. 6 na pulagada ito at parang saging ang hugis, tirik na tirik at tila gustong sumabog sa bawat hagod na aking ginagawa. Kaya naman umupo ako sa bowl at doon ay ini-unat ko ang mga paa habang nag tataas baba ang aking kamay sa aking katigasan.

Sumasagi sa aking isipan ang eksenang pag dakot ko sa bukol ni Turalba na noon ay naka brief lamang at ang ganda ng kanyang katawan. Tiyak na kahit na sino ay mahuhumaling sa kanyang taglay na kakisigan. “Ummhhh, ahhhhhh” ang tanging lumalabas sa aking bibig habang napapasinghap sa matinding sarap.

Marahan ding gumapang ang aking kamay sa aking dibdib at hinimas himas ko ito sabay ang pag lalaro sa aking dalawang utong. Tila nilalamon na ako ng matinding pag nanasa dulot ng sarap sa pag papaligaya ko sa aking sarili. Unat na unat ang aking binti habang iginigiling ng kaunti ang aking balakang upang mas lalo pang sumarap ang ritmo ng aking pag hagod sa matigas kong sandata na nooy naglalabas na ng paunang katas.

“Hmmmmm, ahhhhhh ummmmmmm” ang sunod sunod kong halinghing hanggang sa tuluyan na akong madala dito. Ang sarap sa pakiramdam ng aking ginagawa, tila lumulutang ako sa ika pitong alapaap habang ninamnam ko ang hagod ng aking kamay sa aking pag kalalaking nag wawala sa matinding pag kagalit.

Halos lamunin ako ng aking makamundong pag papakasasa habang pinapaligaya ko ang aking sarili. Bawat hagod ng aking palad sa aking katigasan ay nag dudulot ng ibayong kuryente sa katawan kaya naman halos hindi ko na nakontrol ang aking pag ungol at pag halinghing na malakas. Paulit ulit na sumasagi sa aking isipan ang magandang katawan ni Bryan na siyang mas nag bibigay ng kakaibang init sa aking pakiramdam.

Patuloy lamang ako sa aking ginagawa..

Damang dama ko ang pamumuo ng katas sa aking ari kaya naman mas lalo pa akong nabaliw. Nag patuloy ako sa ganoong pag dedeliryo ng biglang bumukas ng malakas ng malakas ang pinto at doon ay pumasok si Turalba. “Adel, ayos ka lang ba? Bakit hinihingal ka?” ang malakas na tanong nito dahilan para mapalingon ako sa kanya at kasabay noon ang pag pulandit ng masaganang katas sa aking ari. Tumama ito sa aking dibdib at pisngi, ang iba dito ay sumabog sa aking tiyan.

Kitang kita niya ang mapula at mala makopang ulo ng aking pag kalalaki na tuloy tuloy sa pag suka ng masaganang katas kaya tila napabato balani siya sa kanyang nasasaksihan. Ako naman ay naka nga-nga lang at sobrang nag halo ang sarap, kaba, at pag kahiya sa aking dibdib.

Kapwa kami gulat sa bilis na pang yayari. Tila naging slow motion ang aking paligid at wala akong nagawa kundi ang takpan ang aking pag kalalaki habang si Turalba naman ay namula ang mukha sa nasaksihan. Noong bumalik kami sa aming ulirat ay mabilis na nag sorry ito at agad na isinara ang pinto noong sya ay lumabas. Ako naman ay nakatulala pa rin at tila binalot ng hindi mapapantayang hiya sa aking sarili.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, nakarma na nga ako dahil sa ginagawa kong kalokohan at pag susungit kay Turalba. Wala na akong itatago sa kanya dahil lahat ay nakita na niya, as in lahat lahat pati katas ko. “Iyan ang karma mo Adel! Iyan ang kabayaran sa mga kalokohan mo ang makita niya ang buong pag katao mo.” ang sigaw ko sa aking sarili habang pumapasok sa aking silid. Nakakainis naman kasi ang daming pwedeng maging eksena bakit yun pa. “Jusko Lord, kunin mo na ako o kaya ay buksan mo ang lupa at ipakain mo na ako. Malaking kahihiyan talaga iyon. Hindi ko na kayaaaaaa!!!” sigaw ko sa aking sarili habang itinatali ang kumot sa aking leeg at hinihila ito.

Halos hindi ako dalawin ng antok dahil halo halong emosyon ang nadarama ko. Isa na rito ang labis na pag kahiya sa kanya at sa aking sarili. Im sure tuwang tuwa na iyon ngayon at bukas ay katakot takot na katatawanan ang aabutin ko mula sa kanya at dapat ay ihanda ko na ang aking sarili doon. Hindi ko alam kung paano nya nabuksan ng ganoon kabilis ang lock ng pinto gamit ang doorknob, siguro ay totoo ngang nag alala lamang ito sa aking kalagayan. Kaya ang moral lesson ay huwag uungol lalo na kung kulob ang cr dahil maririnig ito sa labas. Ay ewan.. Basta nakakahiya bagamat pareho naman kaming lalaki, iba kasi ang aming sitwasyon kumpara sa ibang tao dahil anti Turalba ako at sa tingin ko ay ganoon rin siya sa akin.

itutuloy..

ANNOUNCEMENT!

WHAT HAPPENED HERE?

Ang kwentong “The Soldier and I” ay inilipat na sa Dreame.com. Doon na ito mababasa ng completed. And don’t forget to hit the “heart” or “like” button. Maraming salamat po.

  ![](https://img.wattpad.com/36051e9b72a6865da48cb5eec29f3440261990ed/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f554a696470414a5869556e416e413d3d2d3933343534343335382e313632396431356633653134653632643234373236343836353230372e6a7067)

Iba ang gamit nating Book Cover doon dahil bawal gumamit ng mga mukha ng mga celebrities. Or any picture na copyright.

DREAME COVER BY ROVI MATT. IG rovi.mat


PLEASE READ THE DETAILS BELOW:

PAANO ANG GAGAWIN?

Maaari kayong mag install ng dreame sa playstore o kaya ay mag tungo sa inyo browser at puntahan ang dreame.com

Matapos idownload ang dreame o naka punta na kayo sa site gamit ang inyong web browser, maaari kayong mag log in/sign in gamit ang inyong email address o kaya ay ang inyo facebook account.

Kung kayo ay naka sign in na. Maaari kayo mag tungo sa search engine upang hanapin ang aking pangalan. Ai_Tenshi. Mayroon underscore upang hindi kayo malito.

  ![](https://img.wattpad.com/1463b0fb42612c0053db05c446bcc73f1d073083/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f795f676a466471654e65343244673d3d2d3933343534343335382e313632396431363964386564396162393932373038333630343230302e6a7067)

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pag mamahal at suporta..

-Ai_Tenshi


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.