The Soldier & I BOOK 2 (BXB 2018)
Ai Tenshi · 8 chapters · 11,164 words
TOP COMMENTS AND REVIEWS
THE SOLDIER AND I BOOK 2 (COMPLETED)
WRITTEN BY Ai_Tenshi




NOTE
BC COVER by: Joshua Villato
Mag kwentuhan muna tayo..
Taong 2015 noong ilabas ko ang kwentong “The Soldier & I”.
Halos naalala ko pa noong unang beses na sinulat ko ito. Alam nyo ba ang isa dapat itong seryosong kwento ng dalawang sundalo na nag iibigan. Kaso noong naka 5 chapters na ay para bang naboboring na ako dahil masyadong mabigat at seryoso ang mga karakter. Noong oras na iyon napaisip ako at nag desisyon akong burahin ang nagawa ko na at palitan ito ng romcom, yung tipong mag enjoy ako sa pag gawa, yung mapapangiti ako at mapapatawa habang unti unting nabubuo ang mga ideya sa aking utak.
Taong 2018 nakatuwaan kong mag pa survey ng ilang story na maaari kong gawan ng book 2. Sa survey na iyon ay halos dikit ang laban ng TSAI at Ako at si Prinsipe Yago. Sa huli ay si Yago nga ang nanalo pero dahil natuwa ako sa resulta ng botohan ay nag bitiw ako ng salita na gagawan ko silang pareho ng book 2. Dahil nangako ako sa inyo ay nag lakas loob akong muling buksan ang kwento nina Adel at Bryan Turalba. Alam ko naman na kahit papaano ay minahal nyo silang dalawa, kasama nila kayong tumawa, umiyak at nasaktan. At ngayon ay nais kong samahan nyo ulit sila sa isang misyong mag dadala sa inyo sa iba’t ibang uri ng sitwasyon sa buhay na tiyak kapupulutan ng aral at inspirasyon.
Alam nyo, ang BXB ay hindi palaging kwento ng dalawang bakla o lalaki na nag lalandian at nag sesex. Hindi parating kalibugan at pag nanasa sa kanilang kapwa ang pinaiiral. Pilit kong binibigyan ng ibang mukha ang BXB sa pag gawa ng iba’t ibang kwento na mag bubukas sa inyong kaisipan tungkol sa pag mamahal, pag titiwala at pag kapit sa katiting na pag asa na balang araw lahat tayo ay magiging masaya.
Alam ko na balang araw lahat tayo magiging masaya..
Marami Salamat sa inyo..
The Soldier and I
July 2018
Chapter 1: Mga Bagong Simula
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Cover by FireworksShadow WP

The Soldier & I
Book 2
AiTenshi
June 6, 2018
Malakas ang pag buhos ng ulan, damang dama ko ang lamig na bumabalot sa aking buong katawan habang naka higa sa lupa kung saan ako inabutan ng matinding pang hihina. Nag hahalo ang tubig at ang dugo na dumadaloy sa aking katawan. Hindi ko pa rin maigalaw ang aking braso at binti dahil paralisado pa rin ang mga ito.
Minsan ay sumasagi sa aking isipan ang mga bagay na aking kinatatakutan, kahit anong pilit kong takasan ang mga bagay na iyon ay pilit pa ring yumayakap sa aking pag katao. Sana ay hindi nalang ako bumalik, sana ay namuhay nalang ako ng tahimik..
Patuloy kong hinahabol ang aking pag hinga batid kong anumang oras ay malalagot ito.
“Hinahanap rin kaya niya ako katulad ng pag hahanap ko sa kanya? O patuloy akong mag hihintay sa wala?” iyan ang mga bagay na gumugulo sa aking isipan bago ko ipikit ang aking mga mata at damhin ang sakit na nanunuot sa aking dibdib.
Chapter 1: Mga Bagong Simula
Emcee: Mga kaibigan, nitong mga nakararaang taon, ang mundo ay dumaranas ng samu’t saring pag subok. Nariyan ang kaliwa’t kanang gerahan, mga terorismo, mga umusbong na iba’t ibang kulto na nag hahasik ng maling paniniwala at ang pag kakaroon ng zombie outbreak sa mga bansang high tech. Ngunit sa kabila ng mga pag subok na ito ay nananatili pa rin tayong nakatayo dahil na rin sa tulong ng ating mga bayani sa Special Forces! Sila ang ating mga magigiting na taga pag tanggol at sila rin ang tagapag taguyod ng kapayaan sa buong daigdig. Mga kaibigan napaka swerte natin ngayong gabi dahil kasama natin ang 6th member ng SF unit. Ating palakpakan!!
GINOONG EMILIO “ED” DIEGO!!!
Standing ovation ang lahat..
Lumabas si Ed sa entablado suot ang kanyang unipormeng mala avengers..
Tuloy pa rin ang palakpak..
“Ayos lang ba si Ed?” tanong ko kay Bryan habang kapwa kami pumapalakpak.
“Oo naman. Tingnan mo nga babakla bakla iyang kaibigan mo pero 6th member na siya ng SF squad. Hanep!” ang wika ni Bryan habang pumipito pa.
“Natural pang 6th na siya dahil matagal na kaming resign. Nanatili lang siya doon sa SF unit dahil sa jowa niyang si Francis.” ang tugon ko naman.
“Atleast successful pa rin ang love life niya. Tulad natin diba?” naka ngiti niya sagot. “Kaya huwag kana kabahan dahil tiyak na magiging maayos ang speech niyang si Emilio. Ibinigay mo ba yung gamot na pampatalino?” ang tanong niya
“Ah yung kulay asul na tableta ba? Yung galing sa Cambodia?” ang tanong ko
“Hindi, yung kulay pulang tableta iyon.” wika ni Bryan sabay kuha ng dalawang bote sa kanyang bag. “Dalawang bote ito ng espesyal na tableta galing sa Cambodia, itong kulay Pula ay pampatalino, pampatalas ng isip at pampalakas ng dating. Itong kulay asul naman ay ginagamit ng mga stand up comedian upang maimpersonate nila ng maayos ang mga idolo nilang artista. Kapag ininom mo ito ay kusang lalabas sa iyong bibig ang tono at estilo ng pananalita ng mga paborito mong artista. Inoder lang ito ng kaibigan kong komedyante.” ang paliwanag ni Bryan.
“Nakup! Patay! Iyang asul ang nilagok niya!” ang wika ko naman sabay tayo at nag plano na ako na pababain siya sa entablado ng mag simula itong mag salita.
“Isang malaking karangalan na maimbitihan ako sa isang espesyal na pag titipon ngayon gabi. Ako, sampu ng aking mga kasamahan sa SF unit ay nag papasalamat sa inyong taos pusong pag suporta at pananalig sa aming mga kakayahan. Kaming mga miyembro ng squad ay binibigay ang aming 100% sa bawat laban na aming kinakaharap. Kaya naman ang lahat ay napag tatagumpayan namin. Sa ngayon sigaw ng aming mga puso ay yeaahhh todo na to mga friendship! To the highest level na talaga! You know what i mean! Yeaahh!” ang wika nito dahil para mga taka ang mga tao.
“Hala, bakit naging si Ruffa Mae siya?” ang tanong ko
“Dahil nga ininom niya yung tabletang asul. Lalabas ang mag idolo niyang artista.” ang wika ni Bryan.
Patuloy ang pag sasalita ni Ed at maya maya ay naging emosyonal naman ito. Hinawakan niya ang panyo at nag punas ng luha. “Alam nyo mga kaibigan, the last time i cry nilapitan ako ni Josh, ang sabi ni Josh, “mama please dont cry” lalo akong umiyak dahil nasasaktan na ako sa pag tapak niya sa paa ko. Lalo akong niyakap ni Josh at noong nakita ako ni Bimbs ay ikiss niya ako kaya mas lalo akong naging emosyonal dahil dalawa na silang naka tapak sa feet ko.“ ang wika naman niya sa tono ni Kris Aquino.
“Hala, na gago na. Nag tatawanan ang mga tao sa buong convention. Eh ano kaya kung buhatin mo na si Ed at ibaba dito?” ang tanong ko
“Yaan mo lang siya, paniguradong siya ang laman ng balita mamaya. Trending nanaman ang kaibigan mong may tama.” natatawang sagot ni Bryan
“Wala namang tama si Ed no, nag mali lang siya inom ng tableta.” pag tatanggol ko naman.
Patuloy pa rin si Ed sa pag sasalita naging si Ate Glow na ito, si Vilma, si Nora, si Maricel Soriano. “Nalulungkot ako dahil nag hiwalay na kami Luis no, pero masaya naman ako sa new career ko bilang judge ng PGT ang dami kong nakikitang acts at talent no, parang doobi doobi dapp dapp dapp, doobi doobi dipp dipp, doobi doobi dapp dapp, du dapp da dapp, bee-beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep, Sabi ng jeep, sabi ng jeep.”
Tawanan sa buong convention..
Habang nasa ganoong posisyon kami ay biglang nag kagulo sa likod ng bulwagan. “May bomba! Sasabog ang convention!” ang sigaw ng isang lalaki kaya naman ang tayuan ang mga taong nanonood at nag takbuhan mga ito.
“Wait! Ano ba, pag umalis kayo ma sasad ako. Sad na sad na talaga ako. Josh come here! nagagalit na si mommy. Bimby you look at them when you say hi! Bimby?!” ang tuloy na wika ni Ed habang ginagaya ang idolo niya si Kris. Wala siyang paki alam kung nag kakagulo na ang tao sa paligid.
Hinatak ako ni Bryan sa gilid ng convention at hinugot sa kanyang bag ang isang armalite. “May baon kang ganyan sa bag mo?” ang tanong ko
“Oo naman. Mayroon din ako mga bomba dito.” sagot niya
“Eh bakit?! Quit na tayo diba? Resign na tayo sa ganyan. Bakit may dala ka pang pampasabog?!” tanong ko naman
“Pamproteksyon lamang ito. Ang lahat ay may karapatang maging ligtas.” ang sagot naman niya.
“Sandali lang, kukunin ko si Ed. Kawawa naman siya baka sabugan siya!” ang sigaw ko sabay panik sa stage kung saan naroon si Ed na papaling paling ang ulo na parang si Kris Aquino.
“Hoy bakla tayo naaaaa! Umalis na tayo.” ang sigaw ko sabay hatak dito.
“Josh? Ikaw ba yan? Ihug mo si mommy nasasad ako, nag alisan na sila.” ang emosyonal na salita nito
“Hindi ako si Josh! Umalis na tayo dahil sasabog ang convention!” pag hatak ko pero hindi natinag si Ed kaya naman umakyat na si Bryan sa entablado.
“Bakit ayaw maalis ng sanib kay Ed?” tanong ko
“Susuntukin lang iyan para tumigil.” ang sagot ni Bryan
“Susuntukin? Iyon ang antidote? Teka baka masaktan si Ed!”
PLAK!
Hindi pa ako sumasang ayon ay nasuntok na niya ito. Bumulagta si Ed na nawalan ng malay. “Edi tumigil siya. Hindi iyon ang antidote, inupakan ko lang siya para makatulog. Halika na ilabas na natin iyang kaibigan mong may bahog!” ang wika ni Bryan.
Agad naming hinila si Ed na parang isang botchang baboy at mabilis kaming lumabas sa fire exit. Takbong walang mula’t ang aming ginawa habang karga karga ang aking kaibigan na noon ay wala pa ring malay.
“Bilisan natin!” ang sigaw ko naman at nasa ganoong posisyon kami noong biglang sumabog ang convention. Itinulak kami ni Bryan upang makalabas. Tumilapon ang kanyang katawan at sumadsad ito sa lupa.
“Bryaaaannnn!” ang sigaw ko at sa sobrang pag kataranta ay naihagis ko ang katawan ni Ed dahilan para mag kamalay ito.
“Arekup! Anong nangyari?” ang tanong ni Ed noong bumalik ang kanyang ulirat. Naka higa pa ito sa damuhan at naka pose na parang nirape.
Pero hindi ko siya pinansin..
Agad akong nag tatakbo sa kinaroroonan ni Bryan na noon ay nawalan ng malay. Mabuti na lamang at agad nag responde ng tulong ang mga otoridad pati na ang mga sundalong kaibigan niya kaya’t agad itong nadala sa ospital. Ako naman ay halos hindi mapakali dahil sa labis pag aalala sa kanyang kalagayan.
“Hindi naman po sumabog ang buong convention. Mahinang klaseng bomba lamang ang ginamit kaya’t kaunti lamang ang nasaktan. Wala namang naiulat na nasawi sa insidente.” ang wika ng isang pulis.
“Sino naman ang gagawa ng ganoong bagay?” tanong ko
“Sa ngayon ay nag iimbestiga pa ang mga otoridad. Sa tingin ko ay ang miyembro ng SF unit ang target nila dahil inilagay ang bomba sa mismo entablado.” ang wika nito
“Ang sabi nung sumigaw ay nasa likod ang bomba?” pag tataka ko
“Peke lamang iyon sir, panlinlang.” ang sagot niya.
“Kung ganoon ay talagang si Ed ang target nila? Eh bakit si Ed?” pag tataka ko
“Anong bakit ako? Wala na bang karapatang manganib ang buhay ko?” pag mamaktol nito habang naka higa sa sofa ng waiting area.
“Mr. Alandel Dela Rosa, gising na po si Mr. Turalba.” ang entrada ng doktor
Dahilan para mabilis na bumalikwas ng bangon si Ed “ano ang lagay niya dok? May amnesia nanaman ba? Jusko yan na nga ba ang sinasabi ko nag ka amnesia nanaman! Jusko!” ang nag lulupasay na sigaw nito habang pagulong gulong sa sofa.
“Sir Ed, maayos naman po ang lagay ni Mr. Turalba nag tamo lamang siya ng kaunting gasgas.” ang doktor.
“Wag ka ngang oa. Tayo na doon sa silid.” pag hatak ko sa kanya
“Na carried away lang ako friend. Pero teka nag tataka talaga ako kung bakit ang sakit ng mukha ko. Para akong sinuntok kanina.” ang wika nito.
“Wala ka ba talagang matandaan?”
“Wala nga e, hindi ko rin alam kung bakit ako nag kapasa sa mukha. Parang inupakan ng malakas. Bugbog oh.” pag tataka niya
“Ah e, wala naman sumusuntok sayo. Ang nangyari ay bigla na lamang nag karoon ng kaguluhan doon at nawalan ka ng malay. Syempre dahil sasabog na ang buong convention ay pinilit kong buhatin ka palabas kaya tumama ang mukha mo sa haligi ng mga pader. Sorry ha. Nag worry lang talaga ako sayo.” napapangiwi kong paliwanag.
“Siguro nga frend, pero salamat ha sobrang naappreciate ko yung ginawa mong pag ligtas sa akin. Alam mo naman ang dami na talagang nag babanta sa buhay ko.”
“Sa buhay mo talaga?” ang tanong ko
“Okay fine, sa buhay ng SF unit!” pag mamaktol niya sabay bukas ng pintuan sa silid ni Bryan. Dito ay naabutan namin siya na kumakain ng ubas at mansanas habang nanonood ng balita sa telebisyon.
“Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ko sa kanyang sabay halik sa kanyang labi.
“Maayos na ko mahal ko. Nasaktan kasaktan ka ba?” ang tanong niya
“Hindi naman mahal ko.” ang sagot ko sabay yakap sa kanya “nag alala talaga ako ng sobra.” sagot ko at habang nasa ganoong pag lalambingan kami ay muli nanamang humirit ng kanta si Ed.
Kailangan koy ikez
Ditis sa lifesung kez
Kailangan kong ma maxifeel ang iyon jalik.
Ang needsung ko iketch ditis sa lifesung kezzzzzz!!! (birit)
Paano nang heart evangelista kong alone tonight.
(original song Kailangan ko’y ikaw)
“Tumahimik kana nga. Wala ka na bang ibang alam kantahin kundi iyan?” pag mamaktol ko naman sabay balibag ng unan dito.
“Ay! Wait muna ayan na yung balita! Excited na ko sa feedback nila sa speech ko! Kaso parang wala akong matandaan frend!” ang kinikilig na wika ni Ed
BREAKING NEWS:
Reporter: Nag karoon ng mga pag sabog sa iba’t ibang parte ng bansa ngayong araw. Wala namang naibalitang namatay dahil mahinang kalidad lamang ang ginamit na pampasabog na wari’y tinatakot lamang ang publiko. Ayon sa mga otoridad ang mga ginamit na pampasabog ay mga paputok lamang na inilagay sa magandang container para mas lumakas ang impact nito. Gayon pa man ay pinapayuhan na mag ingat ang lahat dahil palala ng palala ang terorismo sa bansa.
Samantala, balitang pa-star naman tayo! Pinag kakaguluhan sa social media ngayon ang speech ng isa miyembro ng Special Force ng bansa dahil sa nakakatuwang content nito. Marami ang bumilib sa kanyang pang gagaya sa mga sikat na artista katulad ni Rufa Mae Quinto, Kris Aquino, Angel Locsin at ang mga batikang aktres katulad nila Maricel Soriano at Zsa zsa Padilla. Narito ang video footage na nirecord ng isang netizen.
Video Footge: Minsan lang kita Iibigin
Maricel: “Wag mo kong ma Teri Teri! Yung tanong ko ang sagutin mo. Are you fucking my husband?” (gigil na gigil)
Zsa zsa: Minsan! (nanginginig ang baba)
Tawanan..
end of video footage
At iyan ang mga balita sa araw na ito. Ako po si Daisy Mae Lawit! Nag uulat.
Tahimik..
Natigilan si Ed sa pag sasalita at panandaliang napatulala ito. “Ayos ka lang ba Ed?” tanong ko
“Ginawa ko ba talaga iyon Adel?” ang tanong niya na parang hindi makapaniwala.
“Ah e oo.” nag aalangan kong sagot. Batid kong galit siya o kaya ay nadismaya.
“Talaga?! Ang gandaaaa! Ang galing kooo! Perfect!! Gayang gaya no? Anyway hindi ko alam kung paano ko nagawa yon pero ang ganddaaaaa! Im sure sikat na ko nito sa social media! Dadami na ang followers ko! Famewhore activated!” ang sigaw niya
“May bahog talaga iyang kaibigan mo.” ang bulong ni Bryan.
“Hayaan mo na. Pangarap niyang sumikat”. ang bulong ko naman.
Dalawang taon matapos ang pag bibitiw namin ni Bryan bilang mga sundalo. Naging masaya ang aming pag sasama sa iisang bubong. Isang biyayang maituturing ang pag dating niya sa aking buhay kaya naman labis akong nagagalak dahil habang tumatagal ay patibay ng patibay ang aming relasyon.
Ngayon ay nag bukas ang panibagong yugto ng aming buhay bilang ordinaryong sibilyan. Batid kong maraming pang pag subok ang nag hihintay sa aming samahan. Gayon pa man ay mahigpit ang kapit ko sa kanyang kamay.
Hindi ako nag iisa.
Itutuloy..
Chapter 2: Munting Tahanan
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Cover by Kubyertos WP

The Soldier & I
Book 2
AiTenshi
June 11, 2018
Chapter 2: Munting Tahanan
“So hanggang kailan ka dito? Ang akala ko ay gusto mo nalang mag tayo ng parlor at mag kulot mag hapon?” ang tanong ko kay Ed habang kumakain kami ng pananghalian.
“Ang sabi sa akin ay mag tutungo ang Special Force dito para imeet ang ating mga sundalo. Para makipag join forces. Alam mo na, mas marami mas masaya. Yeah You know, and all that.” maarte niyang tugon
“Pupunta si Francis dito? Kamusta naman ang top 13 Special Forces?” ang tanong ko
“Hello, top 7 nalang kami. Diba nga resign kana? Tapos yung iba ay namatay doon sa pag laban namin sa zombie outbreak, actually hindi naman zombie outbreak iyon parang kumalat lang na germs tapos naloka loka sila hanggang sa mag kagulo. At dahil nga na tsugi yung ibang member ay pupunta sila para imeet ang ating mga soldier at kumuha ng kapalit nila.” ang paliwanag niya
“Bakit ba kasi hindi ka pa nag resign? Bakit ayaw mong ilagay sa tahimik ang buhay mo?” seryoso kong tanong
Naging seryoso rin ang kanyang mukha at napatigtig sa akin “bakit? Dahil sa pag ibig na patuloy kong hinahabol kahit alam kong nag kaka sugat sugat na ang paa ko sa pag takbo patungo sa kanya. Nang dahil sa pag ibig natutong mag tiis, nang dahil sa pag ibig naging sunod sunuran ako, nang dahil sa pag ibig umiiyak ngayon ang puso ko.” ang sagot niya dahilan para mapa kunot ako ng noo “Kanta iyan e. Ayusin mo na kasi.” pag mamaktol ko
“Totoo naman, habol ako ng habol kay Francis Smith noh, ininvite niya ako sa Cambodia, akala ko ay mag papakasal na kami doon! Pero hindi pala! Sa halip na marriage contract namin ang pinirmahan ko, ay SF unit contract pala iyon kaya heto extended ako ng dalawang taon paaa!” ang pag mamaktol dito.
“Ang sabi mo sa akin ay mag jowa na kayo? Diba tinawagan mo ako dati, ang sabi mo ay kaka sex nyo lang?” ang tanong ko
Bumakas nanaman ang lungkot sa mukha ni Ed dahilan para mapa kunot nanaman ako ng noo. “Ang lahat ng iyon ay imbento ko lang, gusto ko lang maging proud ka sa akin dahil nag ka love life ako, naka bingwit ako ng machong papa. Nakaka lungkot talaga frend. Sana ay hindi mo na inungkat ang mga bagay na iyan. Lalo lang ako nasasad. Nasasad na talaga ako. Sad na sad.” ang wika nito na mala Kris Aquino.
Habang nasa ganoong pag uusap kami ni Ed ay biglang may tumamang damit sa aking mukha kaya agad ko itong kinuha. Isa pala itong brief at mukhang marumi pa. “Hoy, bilisan mong kumain diyan. Mag lalaba pa tayo. Yung mga gamit ng anak mo ay naka kalat pa doon sa labas.” ang wika ni Bryan habang hawak ang isang malaking lalagyan ng mga labahin.
“Bakit sakin mo binabalibag ang brief mo?! Salahula kaaa!” ang galit kong sigaw
“Ay brief niya iyan, patingin nga mabango ba.” ang wika ni Ed sabay agaw sa akin
“Loko! Wag ka nga!” ang sagot ko naman habang itinatago ang mabuting brief ni Bryan.
“Ang damot mo talaga frend.” pag mamaktol nito
“Kaya kita pinapunta dito ay para alagaan muna yung inaanak mo. Day off ng mga katulong ngayon kaya’t kami muna ni Bryan ang bahala sa gawaing bahay. Sige na, wag kana matakot.” ang wika ko naman.
“Eh kasi frend iba yung anak nyo e. Alam mo iyon, puro laruang baril at pampasabog ang laruan. Ang saklap ay ginagawa niyang target ang beauty ko.”
“Hayaan mo na, wala ka namang beauty.” ang wika ko sabay tulak sa kanya sa silid silid ng aking anak.
“Hello baby Angelo, namiss mo ba si Ninong Ed?” ang bungad ko.
“Opo. Yey may kalaro na ako!” ang masayang wika ng bata sabay labas ng kanyang laruang armalite.
“Eh friend diba mag 3 years old pa lang iyang anak ni Bryan. Eh bakit armalite na agad ang laruan niya?” pag tataka ni Ed
“Ano ka ba, laruan lang naman iyan. Ang balang lumalabas diyan ay peke lang din.” ang wika ko naman
Umiikot ang mata ni Ed “Eh frend. Bakit ganyan yung kwarto ng anak niyo, bakit parang gubat ang style tapos ang daming naka sabit na baril sa ding ding? Dahil ba sa Syria siya pinanganak kaya puro gera na ang nasa utak niya? O talagang manang mana siya sa tatay niya abnormal?” ang tanong ulit niya
“Ano ka ba, syempre puro sundalo tayo dito. I mean kayo pala. Iniidolo kayo ng bata. Lalo na ikaw. Oh mag laro na kayo.” ang wika ko naman sabay tulak sa kanya
“Eh frend, sabihin mo naman sa anak mo huwag na niya akong idolohin. Iba nalang please.” ang natatakot na wika nito.
“Ano ka ba, baka umiyak iyan. Laro na kayo ha. Tutulungan ko lang si Bryan doon sa kusina.” ang naka ngiti kong sagot sabay sarado sa pinto.
“Frend wag, wag mo isara ang pinto. Waaggg!” ang sigaw ni Ed
“Wagggg!!”
BRATATATTATATATTTT..
KABLAG!!!
BRATATATATATATATTTT…
BLAAAGGG!!!
“Ano yun?” ang tanong Bryan habang nag lalaba kami.
“Ah si Ed yun, baka nag kakasiyahan sila dalawa ni Angelo doon sa silid.” ang wika ko naman.
Natawa si Bryan. “Eh tayo kelan mag kakasiyahan? Ilang araw na akong nabuburo sayo ha. Pa scorin mo naman ako mamaya. Sabay tayo maligo.” ang wika ni Bryan habang naka ngisi
KABLAGGG!!
“Waaaaggggg!!” sigaw ni Ed
“Ayos lang ba si Ed doon?” tanong niya
“Oo naman, baka nag hahabulan lang sila.” ang tugon ko sabay lingkis ng aking kamay sa kanyang bewang.
“Lambing mo yata ngayon. Miss mo na ko?” ang tanong niya sabay halik sa akin.
Tumango ako at niyakap siya ng mahigpit..
“Miss kana rin nito.” naka ngisi niyang bulong at doon ay ibinukas niya ang kanyang short sabay pakita ng kanyang ari na naninigas.
“Loko.” ang wika ko bagamat tila nag init nga ako sa aking nakita.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay laking gulat namin noong may makitang taong papasok sa aming kinalalagyan. Sira sira ang damit nito, parang pinausukan sa tambucho ng sasakyan ang mukha, gulo gulo ang buhok at iika ika na animo zombie kung kumilos.
Agad ring kumilos si Bryan at kinuha ang isang kawali. Ako naman ay kinuha ko ang sandok bilang pamproteksyon.
“Frend, hindi ako kalaban. Ako ito si Ed, pwede na ba akong umuwi? Gusto ko nang makita si mommy.” ang wika nito
Umiyak na si Ed. “Mo-mommyy!! Uuwi na akooo!”
“Ed, ikaw pala iyan. Ano bang nangyari sa iyo? Bakit ganyan ang itsura mo?” ang tanong ko
“Sabi ko naman sayo frend, terorista yung anak mo. Ang bata bata pa ay miyembro ang isis.” ang umiiyak na wika nito.
“Papa, ayaw na makipag play sakin ni Ninong.” ang wika ni Angelo noong makita kami nito, nakahaba ang nguso at may hawak na teddy bear.
“Ayan nanaman siya, gusto ko na bumalik sa Cambodia at makipag digmaan sa Syria. Ayoko na dito.” ang iyak ni Ed
“Papa bakit umiiyak si Ninong?” tanong bata.
Kinarga ito ni Bryan at hinagkan..
“Hindi naman umiiyak si Ninong Ed. Masaya siya dahil nag play kayo. Diba Ed?” ang tanong ko naman.
“Oo happy ako.” ang sagot ni Ed habang pinipilit ngumiti. “Hindi nyo naman sinabi sa akin na marami palang patibong doon sa kwarto ng batang iyan.”
“Ah iyon ba, tinuruan ko kasi siyang gumawa ng mga patibong. Wala naman akong ideya na genius pala itong anak ko sa ganyang bagay.” natatawang wika ni Bryan.
“Parehong abnormal.” bulong ni Ed sa akin. Dito nga ay naalala ko kung paano ako nabiktima ng patibong ni Turalba noong bago palang kaming pag kakilala.
FLASH BACK
Alas 2 ng madaling araw noong naisipan kong isigawa ang aking makasaysayang plano. Marahan akong bumangon sa aking higaan at agad na nag tungo sa katabing silid kung saan natutulog si Turalba. Kailangan kong malaman ang itinatagong baho ng sundalong itong. “Pwes kung bayani siya sa Combodia o kahit saan pa mang planeta. Sa akin ay hindi!!” sigaw ko sa aking sarili sabay pihit sa doorknob ng kanyang pintuan.
Tahimik..
“click” ang mahinang tunog sa pag kakalis ng lock..
Buong ingat akong pumasok sa pinto ng biglang may tumamang bola ng basketball sa aking mukha. “Arekuppp.. shiit!! Na deform yata ang mukha ko.” bulong ko sa aking sarili habang hinihimas ang aking ilong. Matalino talaga tong si Turalba dahil nag set up siya ng bitag dito sa pintuan. Ngunit kung inaakala niyang susuko ako ay nag kakamali siya.
Ipinag patuloy ko pa rin ang aking mapangahas na gawain. Marahan akong gumapang patungo sa loob ng kanyang kama. Medyo madilim ang buong paligid bagamat kitang kita kong mahimbing na natutulog ang bayani ng taon na tila isang mantika. Maingat at walang kaluskos ang aking ginawang pag gapang patungo sa baul ng kanyang kagamitan ng biglang may umipit sa bagay sa aking kamay. “Putaaaa araayyyy!!!!” ang mangiyak ngiyak kong daing habang inaalis ang mouse trap na nakaipit sa aking daliri. “Hayupp ka Turalba!!” ang galit kong sigaw sa aking sarili.
Tuloy lang ako sa aking ginagawang pag gapang ngunit tila yata naging mapait sa akin ang kapalaran dahil samut saring patibong ang nakalagay sa sahig ni Turalba. Nandyan yung nadikit ako sa super glue, naipit sa katakot takot na mouse trap at kung ano ano pa. Ngunit hindi ito naging dahilan ng aking pag suko. Buo ang aking determinasyon na patalsikin ang sundalong ito sa kanyang serbisyo kaya naman buong lakas kong binuksan ang baul ng kamayanan ni Turalba. “Lagot ka ngayon” ang bulong ko sa aking sarili habang humahanap ng bagay na ikasisira nito.
Inisa isa ko ang mga gamit sa loob nito habang sa makita ko ang isang larawang naka ipit isang note book. Dalawang lalaki itong mag kahalikan at tiyak akong si Turalba ang isang iyon. Hala sabi na nga ba ay may tinatagong baho itong mokong na ito. “Paktay ka sa aking ngayon, tiyak na isang malaking kahihiyan kung malaman ni papa na beklush ang kanyang pinaka mamahal na sundalo.” wika ko sa aking sarili sabay bulsa ng naturang larawan.
Marahan kong isinara ang baul at agad akong gumapang palabas ng kanyang silid. Galak na galak ako sa aking ginawa bagamat pakiramdam ko ay bugbog sarado ang aking katawan dahil sa katakot takot na bitag na kanyang ipinain sa sahig at sa pintuan. Ngunit okay lang iyon, atleast ay sulit naman ang aking makasaysayang misyon. “Huwag kang mag alala Adel, malapit ka nang makawala sa sumpang dulot ng tadhana.” bulong ko sa aking sarili habang patuloy na gumagapang palabas ng pintuan ng biglang may kung anong bagay ang nakaharang sa aking ginagapangan.
“Ano naman to?” ang bulong ko sa aking sarili habang kinakapa ko ang bagay sa aking harapan. “Tuod ba to? Manikin?” ang dagdag ko pang tanong at patuloy kong hinihimas ito paitaas. “Uyy malambot, na medyo matigas.” ang bulong ko pa at doon ay dinakot ko ang bagay na aking nakapa.
Tahimik..
Patuloy ako sa aking ginagawa pag dakot hanggang sa biglang bumukas ang ilaw sa silid.
Doon ay tila suspended animation ang eksena noong matagpuan ko si Turalba na nakatayo sa aking harapan. Wala itong damit maliban sa puting brief, iyon nga lang ay halos sumabog ako gulat noong makita ko ang aking kamay naka dakot sa kanyang pag kalalaki. “Dakot na dakot at tila bola ang baseball akong nakahawak dito.”
“Shit!!” sigaw ko sa aking sarili na tila hihimatayin sa labis na kahihiyan.
“Ano bang ginawa mo dito sa loob ng kwarto ko?” nakapamewang na tanong nito sabay tingin sa kanyang pag kalalaki na dakot dakot ko pa rin. “Baka mabaog ako sa higpit ng pag kakadakot mo. Maaari mo na iyang binatawan kung iyong gugustuhin.” kaswal niyang salita kaya naman agad akong bumitiw sa pag kakahawak sa kanya at nag isip ng dahilan kung bakit ako nandito. “Ahh eh hihiram sana ako ng libro sa history, yung lesson kanina. May quiz daw kasi bukas eh.” wika ko habang pinag papawisan ng malamig. “Ganoon ba, sana ay kanina mo pa hiniram para naka pag review ka ng mas maaga.” wika nito sabay kuha ng kanyang note book at inabot sa akin.
(Scene from The Soldier And I Book 1 Part 3)
“Bakit natahimik ka? Siguro nag flash back ka hano? Flinash back mo kung paano ka nabiktima ng patibong ni Sarge noon.” ang pag basag ni Ed
Natawa ako. “Hindi no. Ang mabuti pa ay mag luluto ako ng masarap na pag kain. Dito kana mag dinner. Pero bago iyon laruin mo muna si Angelo. Kawawa naman siya oh.” ang wika ko at doon ay ipinakita ng bata kung gaano siya nalulungkot.
“Oo tama, mag laro kayo ni Angelo, mayroon akong mga pekeng bomba doon at mga malalaking armalite. Baril barilan kayo.” ang natutuwang hirit ni Turalba.
Napaatras si Ed sa kanyang kinatatayuan. “Frend, maawa naman kayo sa akin. Mukha na akong nasabugan ng bulkang pinatubo. Kamukha ko na si Kirara. Tama naa.” ang umiiyak na sagot nito.
Tawanan kami..
Halos ganito lagi ang eksena sa aming munting tahanan. Ang bawat sulok nito ay punong puno ng pag mamahalan. At ang bawat haligi naman ay pinupuno namin ng magagandang ala-ala. Matapos mag sundalo ay naging simple na lamang ang aming buhay. Si Bryan nag ttrabaho bilang isang security personel sa isang malaking kompanya. At ako naman ay bilang teller sa isang bangko.
Simple lamang ang aming mga buhay, ngunit malayo naman sa disgrasya. Bagamat may sapat kaming ipon ay kailangan pa rin naming kumayod para sa pag aaral ni Angelo sa mga susunod na taon. At saka ma pride din itong si Bryan dahil ayaw niyang humingi ng tulong kay papa o kay mama. Gusto raw niya ay siya ang bubuhay sa akin at sa aming anak. Mga bagay na nag bibigay ng kilig at inspirasyon sa akin sa araw araw.
Itutuloy..
Chapter 3: SF Unit
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Cover by Sir Inaro Marcelo WP

The Soldier And I
Book 2
AiTenshi
June 11, 2018
Mahangin ang buong paligid, alam kong nanaginip lamang ako dahil natagpuan ko ang aking sarili na lumulutang sa alapaap patungo kung saan. Tumawid ako sa karagatan at nakarating sa isang isla, kakaiba ang anyo nito, kulay abo at napupuno ng kakaibang usok ang paligid.
Tila natuwa ako sa aking nakita kaya lumapit pa ako sa naturang isla, dito ko napag tanto na kaya pala kulay abo ang anyo nito sa malayo ay dahil ang lupang ito ay balot ng metal. Isang islang yari sa metal..
Lalapit pa sana ako upang suriin ang naturang lugar ngunit laking gulat ko noong biglang sumabog ang buong paligid at dito ay nag liparan ang lahat ng piraso ng mga metal, umiwas ako upang hindi matamaan. Tumakbo palayo ngunit sa kabila ng aking bilis ay natamaan pa rin ako ng matulis na bagay at tumagos ito sa aking dibdib..
Unti unti akong bumagsak sa tubig, ramdam na ramdam ko ang sakit at kirot dulot ng pag tuhog ng bakal sa aking katawan. Kasabay nito ang pag balikwas ko ng bangon sa aking higaan.
Chapter 3: SF Unit
REPORTER:
Ngayon ay nagaganap ang espesyal na araw kung saan sasalubungin ng ating pinaka mamahal na pangulo ang mga miyembro ng ating mga bayani o ang mga Special Force na nang galing pa sa bansang Cambodia.
Ano nga ba ang pag kakaiba ng SF unit sa mga sundalo? Ang SF unit ay isang organisasyon na binubuo ng 10 hanggang 13 miyembro. Ang bawat kasapi ng SF unit ay may kakaibang talento o espesyal na kakayahan na angat sa isang ordinaryong sundalo o pulis. Sila dumaraan sa masusing pag sasanay mapa mental man o pisikal. Ang kanilang mga lakas ay extraordinaryo at hindi basta basta naitutumba ng kahit na sino. Sila ay nabibilang sa mga “Elite” na mandirigma, sila ay may kakayahan ipag tanggol at wakasan ang terorismo sa loob at labas ng bansa.
At ngayon mga kaibigan, nasasaksihan natin ang pag lapag ng eroplanong lulan ang mga miyembro ng elite forces. Nasasaksihan rin natin ang pag hahanda sa buong ground ng mga opisyal ng ating bansa at kabilang na nga rito ang Pop Star Princess na si Sarah Geronimo upang mag alay ng isang makabuluhang awitin para sa SF unit.
Music Playing
Magkaisa
Sarah Geronimo
Ngayon ganap ang hirap sa mundo Unawa ang kailangan ng tao Ang pagmamahal sa kapwa’y ilaan Isa lang ang ugat na ating pinagmulan Tayong lahat ay magkakalahi Sa unos at agos ay huwag padadala
Panahon na (may pag-asa kang matatanaw) Ng pagkakaisa (bagong umaga, bagong araw) Kahit ito (sa atin Siya’y nagmamahal) Ay hirap at dusa Magkaisa (may pag-asa kang matatanaw) At magsama (bagong umaga, bagong araw) Kapit-kamay (sa atin Siya’y nagmamahal) Sa bagong pag-asa
Ngayon may pag-asang natatanaw May bagong araw, bagong umaga Pagmamahal ng Diyos, isipin mo tuwina
Panahon na (may pag-asa kang matatanaw) Ng pagkakaisa (bagong umaga, bagong araw) Kahit ito (sa atin Siya’y nagmamahal) Ay hirap at dusa Magkaisa (may pag-asa kang matatanaw) At magsama (bagong umaga, bagong araw) Kapit-kamay (sa atin Siya’y nagmamahal) Sa bagong pag-asa
Abangan natin ang mga susunod na kaganapan maya maya lamang. Tumutok lang po kayo sa SF Unit Special Coverage. Ako po si Daisy Mae Lawit.
end of report.
“Kayong dalawa ba ay walang balak na mag tungo doon upang salubungin ang Special Forces? Lalo kana Adel, mga kaibigan mo pa naman sila.” ang wika ni mama
“Nandoon naman si Papa e, saka isa pa ay walang mag babantay dito kay Angelo, naka duty si Bryan.” ang tugon ko habang nanonood ng tv.
“Sana ay iniwan mo muna sa akin, kayang kaya ko namang alagaan ang aking apo.” ang tugon ni mama sabay kuha sa bata.
Nag patuloy ako sa panonood ng TV, dito ay nakita ko na nga si Ed na sinasalubong ang kanilang mga kasamahan. Unang bumaba si Francis, sinundan ito nina Derrick, Manong Henz at ng iba pa. Mukhang anim na nga lang silang natitirang miyembro ng special Unit.
Matapos salubungin at sabitan ng bulaklak ang mga miyembro SF unit ay nag simula namang bumaba ang mga sundalo na kanilang kasama mula sa loob ng eroplano.
Tuloy pa rin ang musika at pag bibigay pugay sa kanilang pag dating. Sinalubong rin ni papa ang mga ito at kinamayan. Lahat sila ay nag harap harap at saka tumayo ng matuwid, sumaludo sa bawat isa bilang pag bibigay respeto.
Masaya ang lahat..
Habang nasa ganoong posisyon ang lahat ay bigla na lamang umusok ang eroplano sa kanilang likuran at walang ano ano ay sumabog ito!
Binalot ng makapal na usok ang buong ground at kasabay nito ang pag kakagulo ng mga tao sa buong paligid. Halos ang ilan sa kanila ay nag kandarapa sa pag takbo upang maka alis at makaligtas. Ang pag sabog na iyon ay sinundan pa ng ilang mag kakasunod na putok dahilan para mas lalong balutin ng takot ang lahat. Ibayong pag aalala naman ang aking naramdaman para kay papa, Ed at sa iba pa.
REPORTER
: Isang trahedya nanaman mga kaibigan ang naganap dito sa International Airport ng bansa kung saan pinasabog umano ang eroplanong sinasakyang SF unit. Anim na sundalo ang naiulat na nasawi, 35 ang sugatan kabilang na rito sina Commander Dela Rosa, Henz, Francis ng SF Unit at ibang miyembro ng Elite.
Samantalang milagrong naka ligtas naman ang ating mahal na pangulo at ang Popstar Princess na dinumog ng fans para mag pa picture at mag pa autograph habang nag kakagulo sa naturang airport.
Sa ngayon ay hindi pa maayos ang kalagay dito sa naturang lugar ng pinangyarihan. Dahil dito ay mas lalo pang nabahala ang buong bansa dahil sa lumalang problema sa terorismo. Sino ang dapat sisihin? Kulang nga ba ang seguridad ng bansa o sadyang matinik lamang ang mga kalaban sa dilim? Ako po si Daisy Mae Lawit ang inyong super fresh na taga pag balita. Magandang araw.
End of report
“Kamusta si papa? Kamusta ang iba pa?” ang tanong ko noong makarating ako sa ospital. Dito ay naabutan ko si Ed na umiiyak habang naka nga nga.
Tumingin siya sa akin kaya naman isinara ko ang kanyang bibig. “Ano na? Kamusta si papa?” ang tanong ko.
“Mabuti nalang sinara mo frend. Nag hikab kasi ako tapos bigla akong nag lack jaw. Maayos naman si Tito nag tamo lamang siya ng kaunting gasgas dulot ng mga nag liparang parte ng eroplano katulad ng elesi, gulong at pakpak nito.”
“Sina manong Henz? Sila Francis? Kamusta sila?” ang tanong ko
“Si manong Henz ay napinsala ang binti. Si Papa Franz naman ay gwapo pa rin, mas lalong lumaki ang katawan, ang dibdib ay putok na putok at ang bango bango pa rin niya. Walang kataba taba ang tiyan at malago pa rin buhok sa kili kili. Ang sarap yakapin at halikan.” ang malanding sagot nito.
Napailing nalang ako “Eh ikaw kamusta ka naman?” ang tanong ko kay Ed
“Okay naman frend. Kaso parang may kumikirot sa likot ko. Ewan ko ba.” ang wika niya habang inaabot ang kanyang likuran.
“Patingin nga, baka nag pasa o pilay.” ang wika ko sabay sulyap sa kanyang likuran. “Kaya naman pala sumasakit ang likod mo ay dahil may kutsilyong naka saksak dito. Maliit lang naman, kaya hindi delikado.”
“All this time? Kanina pa ko dito sa ospital wala man lang pumansin ng kutsilyong naka saksak sa likod ko. Anong klaseng mga nurse sila!” ang galit na wika nito
“Puro kalandian ka kasi, halika ako na ang mag aalis.” ang tugon ko sabay hugot ng patalim sa kanyang likuran. “Siguro ay gamit ito doon sa kusina ng eroplano, lumipad at tumusok sa likuran mo.”
“Sa akin talaga? Daan daan ang tao doon sa airport bakit ako pa?” pag mamaktol nito.
Nag kakataon talaga iyon, isipin mo nalang na sa bilyong taong nanirahan sa mundo ay isa lamang ang tinamaan ng kidlat at ikaw iyon. Halika na doon sa clinic para magamot ang likod mo.“
Maayos naman ang kalagayan ng lahat noong bisitahin ko sila sa kanya kanyang silid. Si papa ay tinamaan lamang sa ulo at nag tamo ito gasgas. Ang ibang member ng SF unit ay galos lamang rin ang tinamo maliban kay Manong Henz na nag injury ang binti dahil sa ginawang pag ligtas sa mga sibilyan at empleyado sa loob ng airport.
Gusto kong mag kita kita kami ng aking mga dating kasamahan ngunit hindi ko naman pinangarap na makita sila sa ganitong kalagayan.
“Recruitment, iyan ang dahilan kung bakit nandito kami. Hindi na sapat ang pwersa ng SF unit para makalaban. Kaya balak naming mag masagawa ng malawakang training para mga sundalo rito sa inyong bansa upang masala sila ayon sa kanilang kakayahan. Ang maka kitaan ng mahusay na talento ay mag kakaroon ng tiyansang mapasok sa elite.” ang wika ni Francis
“Kung gayon ay dapat simulan na natin ang pag sasanay sa mga sundalo sa lalo’t madaling panahon.” ang wika ni papa.
“Ikaw Adel, siguro ka ba sa desisyon mong tumalikod sa SF unit? Ang isang mahusay na sniper na katulad mo ay isang malaking sayang.” ang wika ni Francis
Natawa ako “dalawang taon na akong nakapahinga, marahil ay kinalawang na ang aking kakayahan. Isa pa ay desisyon namin ni Bryan ang lumagay sa tahimik.”
“Ayan! Isa pa iyang si Bryan Turalba. Top Soldier sa Cambodia at paboritong sundalo ni Commander. Isang malaking sayang rin iyan eh!” ang wika ni Ed
Napatingin sa akin si papa at napa buntong hininga. Ako naman ay natahimik at napayuko. Mukhang ramdam kong nais nila kaming pabilikin sa serbisyo. Ngunit hindi na maalis sa akin ang takot. Lalo minsan nang nanganib ang buhay ni Bryan. Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin kung paano ako nakipag sapalaran sa ibang lugar upang hanapin siya at maibalik sa akin. Halos sariwa pa rin sa aking alala noong makita ko siyang nakatayo sa aking harapan at walang ala-ala.
FLASH BACK
“Akyat na.. magulo sa lugar na ito.” ang wika ko kay Bryan noong makita ko itong nakatayo sa aking harapan.
“Pero paano ka? Delikado rito.” ang wika nito na may halong pag alala.
“Huwag kang mag alala dahil ayos lang ako.” ang wika ko sabay ngiti. “Ingatan mo sarili mo at mahalin mo ang iyong magiging anak. Masaya ako para sa iyo.”
“Napaka buting tao mo.. Napaka swerte ko pala noon dahil nandyan ka.” ang wika nito habang nakatingin sa aking mga mata.
Tumayo ako ng matuwid at sumaludo sa kanya. Buong lakas kong sinabi ang mga katagang “AKO SI SERGEANT ALANDEL DELA ROSA, NAG MULA AKO SA BANSANG CAMBODIA AT NAPARITO PARA SA ISANG MAHALAGANG MISYON. Mag ingat ka Bryan..” ang wika ko habang namumuo ang luha sa aking mga mata. Ganito ang eksena noong unang beses na nag kita kami, halos isigaw niya ang kanyang pangalan sa aking harapan kaya’t ngayon ay ganoon din ang ginawa ko. Ang kaibahan nga lang ay ang sakin ay huling beses na..
Mabilis na umakyat si Bryan sa truck at kasabay nito ang pag tuluyang pag tulo ng luha sa aking mga mata. “Ingatan mo ang sarili mo Bryan.. Sana ay mag kita pa tayong muli.” ang bulong ko sa aking sarili habang kumakaway.
End of flash back (Scene from Soldier and I Book 1)
Angelo ang pangalan niya noon at dito namin ipinangalan ang kanyang anak. At ngayong tahimik na ang aming buhay ay tila ba napaka hirap na pumasok ulit sa isang sitwasyon na walang kasiguraduhan.
Itutuloy..
Chapter 4: Masamang Ala-ala
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
P.S kung ang hanap mo ay common story ng dalawang baklang na lalandian sa kwarto o sa kanto ay hindi ito ang kwentong para sa iyo. At hindi rin ako ang manunulat na hinahanap mo. Ang aking kwento ay nangangailangan ng tiyaga sa pag babasa gamit ang puso at hindi mata. At lalong hindi ang utak na kinakalawang. Lipat lipat rin pag may time. Ang BXB ay hindi puro kalibugan at kalandian kaya matuto kang kumuha ng inspirasyon mula sa kanila upang maging isang mabuting tao na may direksyon sa buhay.
Cover by Joshua Villato
Happy Birthday Ai Tenshi Lol
June 14, 2018
The Soldier & I
Book 2
AiTenshi
June 14, 2018
Chapter 4: Masamang Ala-ala
. “Boss Adel, ikinalulungkot ko ang pangyayari ito, sana ay tatagan mo ang iyong kalooban.” ang bungad nito habang umiiyak.
“Kalooban? Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ko naman na hindi maitago ang matinding takot.
“Noong nakaraang linggo ay naka sakay kami sa army truck, kasama si Sergeant Bryan Turalba at iba pang pinoy na sundalo upang mag dala ng gamot sa ospital kung saan naka confine ang daan daang pinoy. Habang kami ay nasa daan ay bigla na lamang umusok ang sasakyan at sumabog ito.. Naramdaman ko na lamang na itinulak ako ni Sarge palayo sa sasakyan kaya’t pumutok ang aking ulo at nagasgas ang aking mukha dahil sa pag sadsad ko sa kalsada.
Malakas ang pag sabog at kasama si Bryan doon. Wala ibang narecover kundi ang mga bagay na ito. Patawarin mo ako Boss Adel. Wala akong nagawa para sa kanya.. Hanggang sa huli ay utang ko pa rin ang aking buhay kay Sarge. Sina Sergeant Esgera, Corporal Tomas, Commander in Chief Santillan at Sergeant Turalba.. Lahat sila ay patay na…“ ang pag iyak nito sabay abot ng gamit ni Bryan na nag lalaman ng kanyang sunog na uniporme, sirang sapatos, at ang kwintas na ibinigay ko sa kanya bago ito umalis.
“Bumalik sa akin ang kwintas.. Ngunit hindi ko pinangarap ang ibalik ito sa akin ng ganito nalang..” ang tanging nasabi ko habang pinag mamasdan ko ang gamit ni Bryan.
Tahimik..
Tila bumagsak ang aking mundo at sa isang iglap, ang kaligayahan ko ay nag laho na parang isang bula.
Walang tumatakbo sa aking isipan..
Ang paligid ay tila naging slow motion at kasabay nito ang pag bagsak ng aking katawan sa lupa.. (Scene from book 1)
“Waggg! Hindi totoo! Ayokong maniwala!!!”
“Ayokoooo!” ang sigaw ko sabay balikwas ng bangon sa higaan.
“Ayos ka lang ba? Nanaginip ka.” ang tanong ni Bryan noong bumangon rin ito mula sa pag kakahiga.
Pawis na pawis ang aking buong katawan at ang aking dibdib ay kumakabog ng mabilis. Hinimas himas niya ang aking likuran habang pinupunasan ang aking pawis. “Huwag kana mag alala. Panaginip lang iyon.” bulong niya sabay yakap sa akin.
Sumubsob ako sa kanyang matipunong dibdib habang patuloy siya sa pag himas ng aking likuran. “Natatakot ako.” bulong ko.
“Saan?” tanong niya
“Na baka mapahamak ka ulit at lumayo sa akin. Ayokong mawala ka sa amin ni Angelo at lalong ayokong masira ang ating pamilya dahil sa isang trahedya.”
“Hanggang ngayon ba ay bumabalik pa rin sa iyong isipan ang mga bagay na iyon?”
“Oo, at natatakot akong maulit nanaman ito.”
“Wala nang mangyayaring masama, hindi na mauulit ang mga ganoong bagay. Hindi na mang yayari ulit iyon, pangako.” ang bulong ni Bryan sabay halik sa aking labi. “Huwag kana mag isip. I love you.” ang dagdag pa niya at muli akong hinalikan.
Ipinikit ko ang aking mata at ninamnam ang kanyang matamis na halik. Ipinatong ko naman ang aking kamay sa kanyang dibdib at hinimas himas ito.
Patuloy kami sa halikan hanggang sa inalalayan niya ang aking ulo pahiga sa kama. Pumatong siya sa akin at hinubad ang kanyang natitirang saplot sa katawan. Kapag natutulog kami ni Bryan ay tanging boxer lamang ang suot nito kaya nakasanayan ko na rin ang nakahubad siya sa pag tulog.
Hinubad rin niya ang aking saplot at muli siyang pumatong sa akin. Siniil niya ako ng halik sa leeg paakyat sa aking tainga. Sa sobrang kiliti ay hindi ko maiwasang mapa unggol at mapa kapit sa kanyang likuran. Muli siyang bumalik sa aking labi at pinag laro ang kanyang dila sa loob nito. Nararamdaman ko rin ang kanyang matigas na ari habang kumikiskis ito sa aking tiyan.
Makalipas ang ilang sandali ay bumaba naman siya sa aking dibdib. Dinilaan niya ito at sinupsup na parang isang gutom na sanggol ang aking mag kabilang utong. Lalo akong napa unggol dahil sa matinding sarap. Sa tuwing kakagat kagatin niya ang aking dalawang utong na papakapit ako ng mahigpit sa kanyang mala bakal sa tigas na pag kalalaki.
Halos mamaga ang aking dibdib dahil sa pang gigigil ni Bryan, kaya naman hindi ko na mapigilang mapa sigaw ng impit at mag deliryo sa kakaibang sensasyon.
Ilang minuto kami sa ganoong posisyon hanggang sa ako naman ang pumaibabaw kay Bryan. Katulad ng kanyang ginawa, dinilaan ko ang kanyang leeg, tainga at ilang parte ng mukha. Pinag igihan ko rin ang pag supsop sa kanyang dalawang utong kaya naman mas lalo pa siyang nag deliryo sa sarap. Noong hindi na niya makayanan ay pilit niya ibinaba ang aking ulo patungo sa kanyang ari na noon ay nag lalaway na rin dahil sa matinding pananabik.
Hinagkan ko ang tiyan ni Bryan, kinagat kagat ang mala pandesal na abs na naka lilok dito. Dinilaan ko rin ang kanyang puso pababa sa buhok na nakatugon dito. Iyon ang nag bigay ng kakaibang kiliti sa kanya.
Hinawakan ko ang ari niya ay pinag masdan itong mabuti na wari’y nang gigigil. Tirik na tirik, bahagyang naka kurba na animo saging. Ang ulo ay mala makopa, namumula at nag lalaway. May manipis na buhok na napaligid dito at gayon rin sa dalawang bola sa kanyang ibaba.
Sinimulan kong dilaan ang ulo ng kanyang pag kalalaki, lasang lasa ko ang paunang katas nito. Siya naman ay naka hawak sa aking ulo at inaalalayan ang pag higop ko sa kanyang naninigas na sandata. Sa bawat baon ay umaabot ito sa aking lalamunan. Halos ilang taon ko na itong ginagawa ngunit hindi pa rin ako masanay sanay. Ang ari ni Bryan ay lalong tumitigas habang nag tatagal ito sa aking bibig kaya’t paminsan minsan ay napapa duwal na lamang ako.
“Ark!” ang usal ko noong biglain niyang ibaon. Agad kong iniluwa ang kanyang ari na animo saging sa taba sa korte.
Napatingin siya sa akin at muli akong siniil ng halik, pumatong siya at dinilaan aking leeg pababa sa aking dibdib. Pinaglaruan niya ang aking utong gamit ang kanyang dila habang hawak ang aking pag lalaki at nilalaro laro ito. Napaunggol ako sa matinding sarap hindi ko mapigilang hawakan ang kanyang ulo at idiin ito sa aking dibdib.
Ilang minuto rin ako sa ganoong posisyon hanggang sa maramdaman kong nilalaro niya ang bungad ng aking lagusan. Patuloy pa rin siya sa pag supsup sa aking dibdib ng biglang pumasok ang kanyang daliri sa aking butas. Nabigla ako at napa igik ngunit nakaramdam rin ako ng kakaibang sarap noong panginigin niya ang kanyang daliri sa aking kaloob looban. Wari’y nakukuryente ako dahil sa ibayong kiliti at kakaibang sarap.
Ilang minuto ring nag lalaro si Bryan sa aking lagusan, bago niya dagdagan ang pampadulas dito. Muli siyang pumatong sa akin, inilagay ang aking dalawang binti sa kanyang balikat at hinalikan ako ng marahan, pinag laro niya ang kanyang dila sa aking bibig at habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla na lamang umulos ang kanyang matigas na pag kalalaki sa aking butas. Dahil sanay na ito sa pag lalaro ng kanyang daliri ay swabe na ang pasok kaya’t napa unggol na lamang ako sa pinag halong sarap at sakit.
Bumaon ang ari ni Bryan, naka dikit ang kanyang dalawang bola sa aking lagusan, kapwa kami napa singhap noong gumalaw siya ng marahan at simulan akong bayuhin.
Mabagal ang ritmo ng kanyang pag bayo hanggang sa maya maya ay unti unti na itong gumiling na siyang nag bigay ng kakaibang sarap sa akin. Ilang hugot baon ang kanyang isinagawa ng maramdaman kong inalis niya ang kanyang ari sa aking lagusan kaya’t muli itong nabakante.
Mabilis siyang pumuwesto sa aking tagiliran at iniangat ang aking hita. Muli niyang itinarak ang kanyang matigas na pag kalalaki sa posisyong patagilid. Sa ganitong pwesto ay mas nararamdaman ko ang baon ng kanyang sandata kaya naman mas tumindi pa ang kanyang pag ungol.
Tila kapwa kami nilukuban ng matinding pag nanasa kaya naman naging marahas ang aking pag tatalik, bumilis ang kanyang pag ulos na para bang masisira ang aking kama. Baliw na baliw si Bryan sa kanyang ginagawang pag araro sa aking kailaliman, ako naman ay napahawak sa aking ari at sinumulan itong laruin.
Ilang mariing pag ulos ay sumabog ang kanyang katas sa aking kaloob looban, at ako naman ay nilabasan rin na kumalat sa aming kobre kama.
Kapwa namin hinahabol ang aming pag hinga, tagaktak ang aming mga pawis bagamat airconditioned ang buong silid. Makalipas ang ilang minuto ay kapwa kami bumangon at nag tungo sa banyo upang mag linis ng katawan. Dito ay ginawaran namin ng mainit na halik ang isa’t isa tanda ng walang sawang pag mamahalan.
Kinabukasan, maaga kaming nagising dahil sa hindi inaasang pag dating ni papa sa aming bahay. Kasama niya ang isang kaibigan na si Commander Palma. Hindi pamilyar sa akin ang lalaki ngunit batid kong mataas ang katungkulan nito batay sa kanyang suot na uniporme.
Nag bigay galang kami ni Bryan sa pamamagitan ng pag saludo. Lumakad si papa at ang kanyang kaibigan sa loob ng aming sala kung saan naka sabit tiyapa naming dalawa bilang dating sundalo. Naroon rin ang recognition ko bilang SF unit at si Bryan naman bilang mahusay na sundalo ng bansa. Pinag masdan rin ng bisita ang aming mga larawan, pati ang larawan namin ng SF Unit na nakasabit sa isang malaking kwadro.
“Pa, gusto nyo ba ng kape? Ng maiinom?” ang tanong ko sa kanila.
“Kape nalang hijo. Huwag mong lagyan ng matamis” ang tugon ng kanyang kaibigan.
Agad akong nag tungo sa kusina upang mag handa ng kape. Iniwan ko sina papa at ang kanyang kaibigan na kausap si Bryan doon sa sala. Mukhang seryoso ang kanilang topic kaya naman hindi ko maiwasang mapatingin sa kanilang kinalalagyan habang abala sa pag sasalin ng mainit na tubig sa tasa.
“Pa, ano ba ang sa atin?” ang tanong ko noong makabalik sa kanilang pwesto.
“Narito kami ni Commander Palma upang talakayin ang SF squad unit.” tugon ni papa kaya naman nag katinginan kami ni Bryan. “Talakayin ang Special Forces Squad? Bakit sa amin pa? Matagal na akong tumiwalag sa samahan na iyan.” ang tanong ko na hindi maiwasang mag taka.
“Ang SF unit ngayon ay maihahambing sa isang basurang matapon, maaari rin ito ihambing sa isang artista palubog na mula kasikatan. Sa makatuwid ang SF unit na nasa bingit ng pag kalaos. Ang ibig kong sabihin ay mahina ang pwersa nito kaya naman narito kami upang alukin kayong dalawa na sumali dito. Muli kayong humawak ng baril at ipag tanggol ang ating bansa laban sa mga kaaway.” ang wika ni Commander Palma dahilan para maibuga ko ang kapeng iniinom.
Napatingin sa akin si Bryan at mahigpit na hinawakan ang aking kamay sabay sabing “ang desisyon ay nasa aking asawa. Kung saan siya ay doon rin ako.”
Itutuloy.
Chapter 5: Komplikadong Pangarap
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Cover by Francis Austin Biong

The Soldier & I
Book 2
AiTenshi
June 18, 2018
“Ang SF unit ngayon ay maihahambing sa isang basurang matapon, maaari rin ito ihambing sa isang artista palubog na mula kasikatan. Sa makatuwid ang SF unit na nasa bingit ng pag kalaos. Ang ibig kong sabihin ay mahina ang pwersa nito kaya naman narito kami upang alukin kayong dalawa na sumali dito. Muli kayong humawak ng baril at ipag tanggol ang ating bansa laban sa mga kaaway.” ang wika ni Commander Palma dahilan para maibuga ko ang kapeng iniinom.
Napatingin sa akin si Bryan at mahigpit na hinawakan ang aking kamay sabay sabing “ang desisyon ay nasa aking asawa. Kung saan siya ay doon rin ako.”
Chapter 5: Komplikadong Pangarap
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang naka tingin sa sahig. “Mag buhat noong malagay sa peligro ang buhay ni Bryan ay nag desisyon na kaming lumagay sa tahimik. Minsan na namin siyang pinag lamayan at inilibing, ayokong maging totohanan ang malagim na kaganapang iyon.” ang sagot ko.
“Ang pangyayaring iyon ay malabo nang maulit, ang kidlat ay hindi tumatama sa kaparehong lugar ng mag kasunod. Sadyang nasasayangan lamang kami sa inyong abilidad, lalo’t kapwa kayo nag training sa Cambodia upang maging isang mahusay na alagad ng batas. Si Sarge Bryan Turalba Jr ay naka kuha ng pinaka mataas na grado sa pag susundalo noon at siya ang nararapat na pumalit sa iyong ama bilang isang magaling na Commander. Ikaw naman Mr. Dela Rosa ay mahusay sa pag hawak ng mga sandata, batay sa iyong record ay madali kang matuto at ang iyong talento ay napaka natural. Sadyang isang malaking kawalan sa sandatahan ang iyong pag tiwalag. Once a soldier always a soldier. Muli kayong tinatawag ng inyong mga sandata.” ang wika ni Commander Palma.
“Nais lang namin linawin na kayo ay daraan pa sa training upang makapasok sa SF unit.” wika ni Papa
“Ganoon naman pala papa, paano kung hindi kami mapasa sa training? Balita ko ang lahat ng mga sundalo rito ay mag ttraining upang makapasok sa squad, libo ang mga sundalong iyon, bakit kailangan pa ako? O bakit kailangan pa kami?” tanong ko naman
“Dahil sa strong recommendation na ibinigay ng mga dati mong kasama sa SF unit. Nais nila na ikaw ay bumalik sa misyon. Ilan na lamang sila sa squad, kinakailangan natin ng mahuhusay na miyembro.” wika ni Commander Palma
“At upang maging patas sa lahat ay daraan rin kayo sa pag sasanay.” ang dagdag ni papa
“Paano kung hindi namin ipasa ang pag susulit? Paano kung mas piliin namin na ibagsak ito upang maging tahimik ang aming buhay?” ang tanong ni Bryan.
“Nakasalalay ang inyong pangalan sa magiging resulta ng inyong training. Ikaw Sarge Turalba ay may reputasyon bilang mahusay na alagad ng batas. At ikaw naman Mr. Dela Rosa ay dinadala mo ang apeliyido ang iyong ama. Ang lahat ng mata ay nasa inyo. Siguro naman ay hindi niyo bibiguin ang ating commander. Tama?” naka ngising wika ni Palma
Natahimik kami ni Bryan at napatingin kami kay papa.
Kapwa kami napabuntong hininga..
“Pag iisipan po namin ang inyong alok.” ang sagot ni Bryan.
“Mabuti kung ganoon. Umaasa kami na hindi ninyo kami bibiguin.” ang sagot ni Palma sabay tayo at sumaludo sa aming dalawa.
“Nasaan ang aking apo?” tanong ni Papa.
“Nandito kay mama, bisitahin mo siya minsan.” ang sagot ko naman
Tumango si Papa at tinapik ang aming balikat. “Aalis na kami. Pag isipan ninyo ang inyong magiging desisyon.”
Wala kaming nagawa kundi ang panoorin silang sumakay sa kanilang sasakyan habang nakapako ang aming mga paa sa tarangkahan.
Tahimik..
Naramdaman ko nalang na lumingkis ang kamay ni Bryan sa aking bewang at gumapang ito sa aking tiyan. Niyakap niya ako mula sa likuran at hinalikan ang aking pisngi. “Ayos ka lang ba? Wag kana masyadong mag isip.” ang bulong niya
“Hindi ko maiwasan. Lalo’t nahihirapan ang aking loob sa mga bagay na hindi ko magawang pag desisyunan ng maayos. Ayoko nang bumalik sa magulong buhay ng pag susundalo ngunit sa kabilang banda ay ayokong ipahiya at biguin si papa. Saan ako lulugar? Paninindigan ko ba ang desisyon kong mamuhay ng payapa o tutugunan ko ang tawag ng isang magulong sitwasyon? Anong desisyon mo?” ang tanong ko.
“Hindi ko alam, basta para sa akin ang pinaka mahalagang misyon ay ang mahalin ka, alagaan ang ating anak at ibigay ang mga bagay ng mag papasaya sa inyong dalawa.” tugon niya
“Natatakot ako na mawala ka ulit, na kapwa tayo mapahamak.” pag aalala ko.
“Noong una, ang aking misyon ay bantayan ka, siguraduhing ligtas at malayo sa panganib. Sadyang nag babago ang lahat dahil ngayon ay isa ka na ring sundalo at may kakayahan ka nang ipag tanggol ang sarili mo. Timbangin mo ang sitwasyon, kung saan mas gagaan ang iyong kalooban ay nasa likod mo lang ako. Hindi kita iiwan at hindi kita pababayaan. Asawa mo ako, ang lahat ng desisyon mo ay desisyon ko rin. Ang lahat ng nais mo ay nanaisin ko rin.” ang wika niya habang nakayakap ng mahigpit.
“Salamat.” ang tugon ko sabay dampi ng aking kamay sa kanyang pisngi. “I love you.”
Ngumiti siya at dinama ang aking haplos. Hinalikan niya ako sa labi at muling niyakap ng mahigpit. “I love you.” bulong rin niya.
Sa bawat sandaling lumilipas ay natatagpuan ko ang aking sarili na balisa at wala direksyon ang pag iisip. Marahil ay dahil sa mga bagay na hindi ko magawang pag desisyunan ng maayos. Hindi biro ang maging isang sundalo, napatunayan ko ito mag buhat noong makipag sapalaran kami sa Syria. Samut saring kalaban sa paligid ang aming sinasagupa sa araw araw. Umuulan ng bomba sa kalangitan, umuulan ng bala sa paligid, ni hindi mo masasabi kung hanggang kailangan ka na lamang mabubuhay. Para bang ang lahat sa iyo ay limitado at wala kang magagawa kundi ang tanggapin ito. Ayoko nang bumalik sa ganoong sitwasyon. Natatakot ako para kay Bryan at sa kay Angelo.
“Kailangan ba talaga kapag nag iisip ka ay malayo lagi ang tanaw mo? Yung tipong dapat magandang view at nasa ilalim ka ng puno ng mangga?” ang tanong ni Ed noong makita ako sa isang parke.
“At kailangan ba talaga ay maki alam ka at basagin ang scene ko?” ang tanong ko naman.
Tumabi siya sa akin at tinapik ang aking balikat. “Ang sarap panoorin ng mag ama mo oh. Ang ganda nilang mag laro, barilan talaga? Eh parang mini me ni Turalba iyang anak niya, parehong mahilig sa aksyon.” ang wika ni Ed habang nakatanaw rin kay Bryan at Angelo na nag tatakbuhan at nag babarilan sa parke.
“Sana ay parati nalang silang ganyan. Kaso ay hindi, dahil ngayon ay kumakatok nanaman ang tawag ng pag susundalo sa amin. Nais nila na mag undergo kami sa training para muling maging member ng SF unit.”
“Eh bakit kailangan pang mag training e dati ka namang member nito? Nakaka inis naman sila. Basta kapag hindi ka nakapasok dyan ay mag reresign na ako. Kung hindi lang baon sa utang si mama at papa ay baka matagal na akong umalis sa SF unit. Akalain mo iyon, pati bukid na sakahan namin ay naka sangla. Kaya heto nag papa sundalo ang beauty ko para makabayad.”
“Kontento naman ako sa maliit sa sahod sa pagiging empleyado sa bangko. May kinikita rin naman si Bryan sa work niya. Nais lamang ni papa na bumalik kami sa pag susundalo at muling mag bigay ng karangalan sa kanya at sa buong Unit. Kinakailangan rin naming mag training kasama ng mga baguhan upang maging patas raw ang pamimili ng mga mahuhusay na makakapasok sa Special Force Unit.”
“Oh, kung ayaw ninyo ay ibagsak ninyo ang training. Kapag failed kayo ay wala na silang magagawa.”
“Kapag failed kami ay madidismaya si Papa. Tiyak na mabibigo siya, alam mo iyon, tinanggap niya ang relasyon namin ni Bryan, tinanggap niya na kami ay nag sasama sa iisang bubong bilang mag asawa. Nahihiya naman kami na hindi ibigay ang kanyang nais at tila ba hindi namin makakayanan na biguin siya dahil napaka buti niya sa amin ni Bryan.” ang wika ko naman.
Nag bitiw si Ed ng buntong hininga..
“Iyan ang tinatawag na “ipit moment”, sadyang mahirap mag balanse dahil mayroon kang taong mabibigo sa iyong desisyon.“ tugon ni Ed.
“Naguguluhan tuloy ako.” ang bulong ko naman habang sabay yakap sa aking sariling tuhod.
“Ay mag emote pa ba?” tanong ni Ed at habang nasa ganoong posisyon siya ay tumamang pekeng bala sa kanyang noon at pumakat ito dito. “Arekuppp!!” ang reklamo nito
“Wow, ang galing mag sniper ng baby ko! Sapul ang kalaban!” ang masayang wika ni Bryan.
“Yey! Patay na ang monster!” ang masayang wika rin ni Angelo.
“Aba’t binaril na nga ako, ginawa pa akong monster ng tiyanak mong anak. Makakatikim na sa akin iyang batang iyan.” reklamo ni Ed sabay tayo dahilan para hilahin ko siya. “Sigurado ka ba dyan?” tanong ko tapos na patingin siya sa aking anak na naka ngisi habang may hawak na baril. “Fine.. Dito nalang ako.” pag babago ng isip niya sabay upo sa aking tabi.
Tahimik..
“Eh anong balak mo ngayon? Nasaan na yung spark na dati ay atat na atat kang mag sundalo para hanapin si Sarge?”
“Walang nang spark, kung ako ang masusunod ay mas gugustuhin ko ang tahimik na buhay ngunit ayokong may mabigo.”
“Gawin mo ang isang bagay dahil gusto mo at hindi dahil iyon ang ginusto ng tao para sa iyo. Gawin mo dahil nais mo itong gawin at hindi yung napipilitan ka lang. Mas masarap gawin ang isang bagay kung alam mong pinapasaya ka nito.” ang wika ni Ed.
Tumango ako at napatingin sa kanya. “Tama ka, anong nakain mo? Bakit parang ang husay mong mag bigay ng advice ngayon?” ang tanong ko
“Nakain ko? Edi yung alam mo na yon. Tie naman tayo kasi kinakain mo rin yung kay Sarge.” pilyong sagot niya
Tawanan..
Habang nasa ganoong biruan kami ay siya naman pag dating ng ilang sasakyan ng sundalo sa parke. Batid kong galing ito sa kampo nila papa. Ang ilang sakay nito ay ang aapurang bumama para puntahan kami.
“Anong drama ng mga iyan?” tanong ni Ed
Nag kibit balikat ako. “Ewan, wala akong ideya.” ang sagot ko naman. Agad rin lumapit sa akin si Bryan buhat ang kanyang anak. “Anong problema?” tanong nito
“Sir Adel, ang kampo! Pinasabog ang kampo!” ang wika ng mga ito na aking ikinabigla.
“Nasaan si Papa?!” ang tanong ko na halos atakihin sa puso.
“Dinala na namin sa ospital. Mabilis ang pang yayari. Ilan lamang kaming naka ligtas sa kampo!!” ang wika ng mga ito kaya naman hindi na kami nag aksaya ng panahon.
Agad kaming sumama sa kanila upang mag tungo sa ospital kung saan dinala si papa.
At habang nasa ganoong pag mamadali kami ay isang malakas na pag sabog ring ang umalingawngaw sa parke kung saan naka tambay kanina.
Halos man laki ang aming mga mata dahil kung hindi kami nakalipat ng pwesto malamang ay abo na kami ngayon. Habang tumatagal ay palala ng palala ng sitwasyon dito sa siyudad at ang nakapag tataka ay walang ideya ang mga alagad ng batas kung saan nag mumula ang mga ito.
Panibagong hamon ba ito sa amin na dapat harapin o dapat takasan na lamang at mabuhay ng normal?
Itutuloy..
ANNOUNCEMENT!
WHAT HAPPENED HERE?
Ang kwentong “The Soldier and I BOOK 2” ay inilipat na sa Dreame.com. Doon na ito mababasa ng completed. And don’t forget to hit the “heart” or “like” button. Maraming salamat po.

Iba ang gamit nating Book Cover doon dahil bawal gumamit ng mga mukha ng mga celebrities. Or any picture na copyright.
DREAME COVER BY ROVI MATT IG rovi.mat
PLEASE READ THE DETAILS BELOW:
PAANO ANG GAGAWIN?
Maaari kayong mag install ng dreame sa playstore o kaya ay mag tungo sa inyo browser at puntahan ang dreame.com
Matapos idownload ang dreame o naka punta na kayo sa site gamit ang inyong web browser, maaari kayong mag log in/sign in gamit ang inyong email address o kaya ay ang inyo facebook account.
Kung kayo ay naka sign in na. Maaari kayo mag tungo sa search engine upang hanapin ang aking pangalan. Ai_Tenshi. Mayroon underscore upang hindi kayo malito.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pag mamahal at suporta..
-Ai_Tenshi

