loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Sound Of Silent

The Sound Of Silent

Unknown082001 · 9 chapters · 8,228 words

Warning

Ang kwentong ito ay base sa aking karanasan sa araw-araw at karanasan ko sa makalipas ang ilang taon. Ano mang lugar ay syang pinalitan ko, ganun din ang mga pangalan ng mga nakakasalamuha ko. Kung ano man ang inyong mabasa ay base din sa aking opinyon at sa laman ng aking utak.

Do you touch yourself?

Kumakain kami sa isang samgyupsalan na may unli wings kasama ang dalawa kong katarabho, tawagin na lang natin silang PJ at si Bong.

Halos may oras na din kami nandoon at kung saan saan na umikot ang aming usapan.

May usapan na tungkol sa ex, sa buhay, sa pamilya at sa sarili namin.

Hanggang mabanggit ni PJ na nag che-check in sila ng ex-gf nya–Babae si pj at si Bong.

Nag kwenkwento lang sya tungkol sa kung anong bagay patungkol sa pagiging in-heat nya.

“Di ako maka realate” ang sabi ko lang

Totoo naman, hindi ko alam kung anong bagay o salita ang pwede kong idagdag sa kwento nya dahil wala akong ideya sa bagay na kinikwento nya.

“Totoo ba ate, sang?”

Ate ang tawag nya sa akin, dahil mas matanda ako sa dalawang kausap ko.

“Gagi di ko alam, bukod sa 50 shades at sa 356 na Movie, di ko talaga alam” sagot ko lang

“Pero nag susulat sa wattpad ng dark romance” biro ni Bong

Kaya nga hirap na hirap ako tapusin ang kwento na ito dahil di ko alam kung paano pa magiging puta ang mga karakter ko kung wala akong maisusulat patungkol sa sex life nila. Salamat na lang talaga sa mga Movie at sa Mr an mrs Smith na palabas para lang matuloy ko sila.

“Pero sinubukan mo gawin sa sarili mo?” Tanong ni Pj habang nag lalagay ng karne.

“Gawin ang alin?” Kahit alam ko ang ibig nyang sabihin ay nag tanong ako.

“Laruin ba?” Kumunot lang ang noo ko dahil sa tanong nya

“Finger ba” bulong ni Bong sa gilid ko

“Dalawa lang naman ang pwede mong gawin sa sarili mo, finger na labas pasok at scratch” hinihiwa ni Pj ang mga karne na luto na habang sya ay nag sasalita “Pero totoo ba ate di mo pa nagagawa?”

“Paano ko gagawin, may sarili akong kwarto, oo, pero masyadong open at ang tanging harang lang ay kurtina, at isa pa natatakot ako na gawin yun sa pag aakalang may makuha akong sakit sa pag gawa nun at mahuli ako ng pamilya na ginagawa yun” totong dahilan ko

Humaba ang usapan namin dahil sa ganitong usapan namin.

Kwento pa ni Bong na nakakatanggal daw stress at makakatulong daw ito para gumaan ang makiradam mo.

Kwento pa ni Pj nasa tuwing ginagawa nya daw iyon o pag kasama ang girlfriend nya ay masarap daw at sinang-ayunan ang sinabi ni bong.

Meron pa na ginawa ni Bong ang bagay na ito sa dati nyang ex na dati naming katrabaho sa tuwing pumupunta sya bahay na ito at maabutan nya itong walang kasama.

Dadag pa ni Pj na maganda daw pag bigayan sa partner at maganda daw na posisyon ay ang 69–na sana alam nyo ang ibig sabihin–kwento pa ni Bong nagawa nya din ang ganito.

Di katulad ni Bong si Pj, si Pj ay isang babae na medyo lalake, si Bong naman ay isang purong babae, kaya iba ang experience nilang dalawa.

Kung si Pj ay nagagawa daw nila ang f1nger iba kay Bong.

Pero si Bong ay hindi pa umaabot sa punto na may intercourse nang nagaganap kasama ang dati nyang kasintahan at sa ngayon nyang boyfriend.

Dagdag pa ni Pj sa kwento nya, may pagkakataon na gusto nya ang may kasama dahil nga daw bigayan, na agad naman sinang-ayunan ni Bong.

Dagdag ni Bong sa tuwing ginagawa daw ng kasintahan nya ang bagay na iyon habang pinaglalaruan sya at nakatayo nakakanginig daw ng tuhod.

Na tuwing sya daw ay titikman ay halos di alam kung saan babaling ang kanyang ulo sa sarap. Meron pa na halos masabunutan nya ang kanyang partner habang ginagawa sa kanya iyon.  

Sa tuwing ginagawa daw nila ang ganung bagay parang nakakalimutan pa daw nila ang ibang bagay na halos parang lagpas langit ang nararamdaman nila.

Sabi pa ni Pj pwede ko daw subukan, pero kanino kako, sabi nya for experience lang, pwede ko naman daw gawin mag isa.

Kumuha akong karne na hinati ni Pj at sinasaw ito sa cheese bago kainin.

Pauwi na ako ng bahay at pasado 11 na dahil katulad nga ng sinabi ko, paikot ikot ang aming kuwentuhan.

Nang matapos ko mag pahinga ay nag ayos ako ng sarili upang makaligo.

Habang nakaupo sa trono ko sa loob ng kubeta–hindi mawala sa isip ko ang usapan naming tatlo.

Nasa punto ako ng pag aalangan kung gagawin ko ba. Pero why not? Try ko kaya?

Ito na din ang pagkakataon, nasa tanong lugar ako kung saan walang makakakita sa akin.

Pero bumalik ako sa wisyo ng may marinig akong umubo.

Agad akong tumayo mula sa trono ko at nag buhos na para mawala ang madumi kong isip.

Ayaw ko. At hindi ako ready sa bagay na ito na siguro hintayin ko lang ang kasal ko para maranasan ko ito.

O baka pag nagka boyfriend na ako, ayain ko na lang sya makipag bombayah sa akin.

Ikaw ba, Do you touch yourself?

Panganay si Ate mo

“Pag laki mo, tulungan mo kami, tulungan mo nga kapatid mo, pag nakapag tapos ka, ikaw naman mag paaral sa kanila, pag nakapag trabaho ka, ikaw na ang bahala sa amin”

“Opo po mammy mag aaral ako ng mabuti, at sisikapin ko po mag tapos para makatulong sa inyo”

Bata pa lang ako naka tanim na sa isipan ko na tulungan ang pamilya ko, pag aralin ang mga kapatid ko sa oras mag katrabaho ako.

Hindi ako ganun ka talino nung nag aaral ako, kaya sa tuwing May mababa akong marka nalulungkot ako dahil ayaw ko na disappoint ang magulang o kahit mga tao sa paligid ko.

Bata pa lang din ako madami na akong gusto at mga pangarap para sa pamilya ko. Ang una doon ay kahit papaano ay umangat ang buhay namin.

Nung mag kolehiyo ako, kumuha ako ng kurso na alam kong ikakayaman ko haha. Yung kurso ko ay cruise line sa isang pribadong paaralan sa Cavite. Sabi ko mahal ang tuition, pero pag butihin ko na kumuha ng scholarship para kahit papaano ay makatulong. Pero tulad nga ng sinabi ko, kahit anong sipag ko talaga sa pag aaral, basta bobo at tanga ka walang mangyayari. Kahit ibigay mo ang best mo, kung hindi para sa iyo, wala din.

Sobrang lungkot ko pag May mababa akong marka, sobra akong naiiyak dahil doon, ma didisappoint kasi sila mommy sa akin.

2021 nung mag 2nd year at mag 2nd sem na kami, nang huminto ako dahil hindi na kaya ng nanay ko na bayaran ang tuition ko. Ito yung mga araw na kina-depress ko. Choice ko na huminto dahil feel ko kailangan. Nakikita ko ang nanay ko na nahihirapan na. Huminto ako pero umaasa ako na sabihin nya na kaya nya pa ako pag aralin tulad ng sinasabi nya sa akin dati. Pero lumipas ang ilang araw, ilang Linggo wala akong narinig na ganun. Sabi ko sa sarili ko, ito na yun wala na talaga.

Alam mo yun? Pangarap ko makapag tapos kasi naniniwala ako na pag nakapag tapos ako ay maraming trabaho ang pwede lumapit sa akin. May mindset din kasi ako na pag may pinag aralan ka malayo ang mararating mo. Yan din kasi ang sabi sa akin ng mga kapatid ng lolo ko. Na kailangan ko makapag tapos para matupad lahat ng pangarap ko. Kumbaga lahat ng pangarap ko at plano ko sa buhay, mag sisumula ang pag tupad ko nun sa oras na makapag tapos ako.

Kaya nung huminto ako, yung binuo kong mundo ay biglang nawala. Parang na big bang ang mundo ko, yung parang nilindol, binagyo ang mundo ko a tuluyan nang gumuho.

Nung panahon na yan nag simula na ako mag hanap ng trabaho, pero sadyang mapait ang trabaho sa akin.

Ang isa pang role ng pagiging Panganay e, para na sayo ang pressure ng lahat. Tulad nga ng una, bata ka pa lang, parang kailangan mo na itanim sa isip mo, na sa oras na makapag trabaho o makapag tapos ka, kailangan mo pag aralin ang sumunod mong kapatid. Ang pangalawa ay ikaw ang mag silbing pangalawang magulang sa mga kapatid mo. Ikaw ang good model sa kanila. Isa yan sa mga kinakatakutan ko, ang mag Kamali.

Sa tuwing may problema ang pamilya, pakiramdam ko di ako pwede mag mukhang mahina, pakiramdam ko kailangan ko maging malakas.

Joker din ako sa pamilya, sa abot ng aking makakaya, sinusubukan ko na maging masaya ang pamilya na meron ako. Kahit maubos ako basta buo sila.

Hindi ako mabait na anak, kapatid o kahit maging mabait na tao, pero sinusubukan ko at binibigay ko ang best ko para sa pamilya na meron ako.

Trabaho

Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pamilya mo? Kaya mo ba pumasok sa trabaho kung saan malaki ang kita pero alam mong di normal na trabaho ang papasukan mo.

Nung huminto ako sa pag aaral ay nag simula na ako mag hanap ng trabaho para na rin makatulong sa magulang ko.

Sobrang pait ng trabaho sa akin, yung tipo na ang dami ko na inapplyan pero ni isa walang natanggap sa akin.

Nakapag aral naman ako kahit papaano Naka tungtong sa kolehiyo pero wala pa rin.

September 2021 nung matanggap ako bilang cashier sa gas station sa Cavite, dahil nung panahon na iyon ay nasa Cavite ako kung nasaan ang pamilya ko.

Ayos naman ang unang araw ko doon, na bati pa ako na  ang bilis ko daw turuan pag dating sa kaha. As in wala daw problema sa akin pag dating doon.

Hanggang umabot ako sa punto na kailangan ko kuwentahin ang kabuuang kita during may shift. Hindi ako matalino sa math kasi May parte doon na kailangan ko kwentahin pati na ang mga card payment or any cashless.

Yun ang hindi ko makuha kuha talaga. Ilang araw ako paulit ulit doon hanggang sa parang magalit sa akin ang supervisor na kesyo highschool pa lang ay matututunan na iyon.

May part pa na sinabi sa akin na kung ano ang natapos ko sabi ko ‘College po pero di ko po natapos ang 2nd year’

May part pa na ‘May anak ka na?’ dahil malaki ang hinaharap ko dahil na rin siguro na mataba ako ay napag kakamalan ako na may anak na, nung tinanong nya na bakit daw ang laki ng hinaharap ko nung sya naman na kahit nag papadede ng anak ay hindi lumaki ng ganun ang hinaharap nya. So ako siempre feel ko na body shame ako, like so r u saying ma’am na nag papadede ako ganun na sinabi ko na wala akong anak.

Iba kasi talaga ang dating sa akin nung sinabi nya iyon e.

Nung pang 5 days ko na ay doon ako inatake ng depresyon ko, alam ko na hindi dapat, basta.

Kasi nung araw na iyon may sinabi sila sa akin na sobrang nag pagguho ng confidence ko. Like yung tinayo kong confidence sa ilang taon ko din itinayo ay bigla na lang gumuho.

Na body shame ako, sinabi na sa fast food muna ako kasi baka kung ano ang mangyari pag ako na naiwan mag isa.

Like I get their point naman na baka nga kung ano ang mangyari during my shift, na baka mag kamali ako pag May deliveries. Nakuha ko ang point nila.

Pero yung body shame ako, oo totoo na mataba ako pero iba kasi ang dating sa akin ng pagkasabi nya tungkol sa hinaharap ko.

Tapos yung dating sa akin na parang di ako bagay sa field nila at mag start na lang muna daw ako sa fast food.

Sensitive na kung sensitive, pero sobrang naguho yung confidence ko dahil dun.

Napilitan tuloy ako na umalis na.

December 2021 nung makapasok ako sa isang factory worker ng usang orange app, malayo ang trabaho ko dun sa pinag aralan ko, pero mamimili pa ba ako.

Warehouse staff ako doon, buhat buhat, pero masaya dahil na din sa mga taong nakilala ko.

Pero di kami regular, seasonal lang kung tawagin, part time lang ganun, kaya sabi ko mag hahanap ako ng trabaho kung saan regular dahil kailangan ko makaipon para sa pamilya ko.

Nag apply kami sa isang agency at for antigen na sana kami, e matagal kami mag pa antigen ng kasama ko kaya di kami nakaabot sa slot, pisti yung pinang antigen namin inutang pa iyon, halos nakabili na kami ng gamit dahil stay in daw.

Ayun wala nanaman ako trabaho.

March 2 2022 nung nag apply kami sa makati, sales lady, kasama ko ang kaibigan ko at ni-refer kami ng asawa ng ate nya.

Natanggap kami, pero sya sa isang store sa mall at ako ay sa office, ang sabi kasi mataba ako and need ko pumayat jaya sa office  ako, ayun di ako na hurt kasi kahit nasabihan ako at least in a good way ang dating sa akin.

Di tulad nung sa gasoline station.

Halos may isang buwan ako doon, ayos ang trabaho, mas pagod ako sa biyahe kung tutuusin.

Ang trabaho ko lang naman ay mag empake ng mga order na i-deliver sa shoe mart. Warehouse sya kung tutuusin, pero parang factory sabi ng kasama ko, pero di tulad ng sa orange app na pag may gawa kaysa lang may pasok.

Ika-8 ng Abril ng mawalan na ako ng pasok, ang sabi wag na muna ako pumasok sa susunod na Linggo dahil wala din naman gagawin, ang sabi mag hintay ako ng text kung kailan may pasok ulit.

Dahil ayaw ko mag stay sa bahay dahil may utang akong kailangan bayaran, utang ng nanay ko, nag hanap ulit ako ng papasukan kahit papano.

Nakahanap ako ng papasukan, legal sya sa labas pero ang trabaho sa loob hindi.

Paano ko nasabing illegal?

Sa isang malaking office, hindi kami pare-pareho ng lahi, may chinese na nag sisilbong boss at team leader namin, may Malaysian din, kaming mga pilipino ang nag sisilbing tauhan, isang indiano ang aming mga customer.

May ebay kung tawagin, isa syang laro o investments kung tawagin.

Level 1 hihikayatin mo ang customer na mag invest sa maliit na halaga o bumili ng isang bagay, intangible sya o hindi sya nahahawakan, yung bagay na yun ay may kanya kanyang presyo, so bahala sila kung gusto nila yung mababa lang o yung malaki nang halaga.

Pag sigurado na kaming nabili na nya ang isang bagay o nakabili na sya ng gusto nya. Doon mag doble ang pera nya.

Kung binili nya ay 1,000 rupees, indian money, magiging double iyon, at dipende pa iyon sa presyo na binili nya.

Malaki ang kita dito kasama na ang commission kung may tao ka.

Pinatulan ko na kahit alam kong mali, wala e kapit sa patalim na para lang kumita.

Sa mga unang level ay may access pa sila sa mga pera nila.

Hanggang sa dumatingang ang level 4 o pag sigurado na kaming mataas na ang kanilang na recharge o na deposit nila.

Sa level na ito ay pahirapan nilang makukuha ang pera nila.

Dito sa level na ito ay iipitin namin sila, kung saan mag lalapag kami ng kung anong-anong alibi; na kesyo need nila bayaranang tax, need nilang bayaran ang service fee at kung ano-ano.

May nakausap ako na matagal na sa ganitong industrya. Tawagin na lang natin syang sence di nya tunay na pangalan.

Naalala ko nung magkausap kami kasama ang ilan naming katarabaho na di biro ang pinasok namin. Na bawat mali naming ginagawa sa tao ay may karampatang parusa o may karma.

May dalawa syang anak sa probinsya, sya na din ang naging breadwinner ng pamilya nila, sa tuwing May pera na pumapasok sa kanya ay doble din ang labas o gastos nya.

Isa daw sa mga naging Karma nya ay nung maospital ang kanyang anak dahil sa dengue. Bago pa daw maospital ang anak nya ay nag karoon syang ng malaking halaga dahil nakapag pa recharge sya ng hindi ko na alam kung magkanong halaga.

Meron din na tinamaan ng malakas na bagyo ang bahay nila sa probinsya na kailangan nya din mag labas ng malaking halaga ng pera upang mapa ayos ang kanilang bahay.

Meron pa.

Si By, hindi nya din tunay na pangalan. Katulad ni sence ay matagal na sya sa trabaho.

Nung napa recharge nya ng malaki ang isang lahi, may isang pagkakataon pa daw na dinasalan sya nila sa lenggwahe na hindi nya maintindihan. Pero nung na salita daw ang taong ito isa lang ang naintindihan nya, yun ang salitang Karma.

Balik tayo sa kwento ko.

Trainee pa lang ako, at binigyan ako ng ilang Linggo para makahanap ng customer na mapapayag ko na mag recharge sa akin.

Ilang linggo na at hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil nga bago ako sa ganung trabaho.

Pero isang araw, may napapayag akong customer.

Sa tulong ng isa kong katrabaho na lalake sya ang nakipag usap para umabot kami sa dulo.

Hanggang sa umabot ng level 4. Sa pagkakatanda ko, napapayag ng katrabaho ko ang customer na mag invest ng halos 1 milyon rupees.

Hindi birong halaga sa palitan sa piso.

Sa tulong ng katrabaho ko na ito ay nag karoon ako ng incentives.

Ala-1 ng madaling araw ag labas namin kumbaga 12 hrs din ang trabaho dahil simula 1 ng hapon hanggang 1 ng madaling araw.

Sabay-sabay kaming lumabas kasama ang katrabaho ko.

Naiwan kami ni K, matalik kong kaibigan na kasama ko sa trabaho—dahil kailangan namin sumakay ng jeep patungong Baclaran at doon naman kami sasakay pauwi ng kanya kanya naming bahay.

Habang nag hihintay kami may isang bagay na hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin sa ilang taon kong nabubuhay.

Na snatch, ang bag ko, laman ang cellphone ko, pera at ilang importanteng bagay.

Ito ba ang karma ko?

Yan ang naiisip ko dahil sa ginawa ko sa customer kong indyano, na kahit ang katrabaho ko ang may gawa dahil sa tulong nya—bukod doon—pinagdasal ko pa na bigyan akong panginoon ng isang sign kung itutuloy ko pa ba ito.

Maaring ito na ang pagkakataon upang umalis ako sa ganung trabaho.

Aaminin ko, may pagkakataon pa nag dalawang isip ako, na baka isa lang itong pag subok sa akin. Pero hindi e, ito yung sign na hiningi ko kay lord.

Hanggang sa nag resign na ako.

Nakuha ko naman ang sahod ko nung mga araw na pinasok ko, pero dahil nakahawak na ako ng pera, parang gusto ko pa rin bumalik. Wala e, malaki ang kita at talagang papaldo ako doon.

Hanggang nag hihintay ako ng ibang trabaho ay pumasok ulit ako sa orange app kung saan factory worker ang ganap ko, pero may parte pa rin sa akin na gusto ko pumasok ulit, dahil wala namang nangyayari sa ibang tao na nag tratrabaho doon, sa katunayan nga yung iba anggat dahil sa trabahong iyon.

Pero natatakot ako dahil feel ko nga sign na yun ni Lord para sabihin na hindi para sa akin ang trabaho na iyon.

Hanggang ngayon nag aalangan akong bumalik. Sabi ko pag hindi ulit ako tinggap sa office na pinagtatrabahuhan ko noong bago ako lumipat, babalik ako sa trabaho na iyon. Bahala na kung may mangyayari.

Pero sabi ko, kung karmahin man ako, sana isang sakitan na lang, kung mangyari ulit yun, sana patayin na nila ako.

Habang nag hihintay ako ulit ng schedule, sumakto na nag karoon kami ng maliit na kamustahan ng kaibigan ko.

Naikwento nya na nag tratrabaho sya sa isang fast foodchain sa baclaran. Nag tanong ako kung pwede ba ako, hanggang sa sinabihan nya akong mag pasa lang ng resume.

At sa tulong nya at ni lord nakapasok ako at nagktrabho. Ngayon mag tatlong taon na ako.

Pero sabi ko sa sarili ko ayaw ko tumagal sa ganito lang.

Pinagdasal ko ang trabaho na ito, at muli akong nag darasal na sana biyayaan pa ako ni lord ng bago dahil tumatanda na ako at kailangan ko gumawa ng panibagong daan para sa kinabukasan ko at nang pamilya ko.

Bunsong lolo

Sabi nila, pag nawala ang magulang natin laging naiiwan ang bunso sa loob ng bahay, ang bunso ng kapayid kong lolo ay mag isa sa malawak at malaking tahanan na naging maingay noon.

Halos araw araw kami nag kwekwentuhan ng lolo ko, kapatid ng tatay ng nanay ko. Kuha nyo ba?

May isa syang kwento na hindi ko makakalimutan.

Sa doseng mag ka-kapatid, bunso si tito Edwin, lolo ko sya pero nakasanayan ko nang tawagin syang tito. Yun nga kapatid ng lolo ko.

Sabi ni tito Edwin, 7 years old pa lang sya namatay na ang tatay nya dahil sa atake sa puso.

Isang janitor daw ang tatay nya noon, masipag at mabait.

Hindi naman din daw nya nakikita ang tatay nya, kung baga, laging nasa trabaho daw ito, kung nasa bahay man daw, laging nasa taas para mag pahinga, sabi ni tito Edwin hindi nya din daw matandaan yung mukha ng kanyang tatay dahil nga bihira nya lamang ito makita.

Hindi daw nya masasabi na naging maayos ang buhay nila, ang tatay nya ay isang janitor ang nanay nya ay mananahi daw.

Gustuhin man daw ni tito Edwin na makipag laro sa kanyang tatay. Hindi nya magawa dahil nga lagi itong pagod.

Hanggang sa hindi na daw ito bumaba at nalaman na lang yata nya na patay na ang kanyang tatay dahil daw sa atake sa puso.

Nung namatay daw ang kanyang tatay ay nanay na lamang ang meron sila. Nakita nya daw na sobrang nahihirapan ang nanay nya dahil madami silang mag ka-kapatid.

Nung panahon din daw na iyon ay May sakit ang kanyang nanay. Sakit sa bato.

Halos walang gabi daw na hindi nya naririning na umiiyak ito dahil sa sakit. Halos makita nya daw ito na niyayakap ang lahat ng santo at nag dadasal at naniniwalang mawawala ang sakit.

Dose años sya ng mamatay ang nanay nya.

Isa daw yun sa mga nag pa guho ng mundo nya.

Ang nag alaga sa kanya ay yung pangatlong nyang ate. Pinag-aral daw sya at habang nag aaral ay nag aalaga sya ng kanyang pamangkin, anak ng kanyang ate na nag aalaga sa kanya.

May pag kakataon daw na nanghingi sya ng pera para sana sa proyekto na kanyang gagawin para sa eskwela pero hindi sya nabigyan dahil wala daw pera ang kanyang ate.

Naintindihan nya naman daw ang buhay na meron sila. Pero sobrang hirap daw pala pag wala na ang magulang mo.

Nung nabubuhay din pala ang magulang nya, masasabi nya na hindi perpekto ang meron sila.

Katulad ng normal na pamilya, nandyan ang bangayan ng mga kapatid nya. May pagkakataon din daw na inaaway sya ng mga kuya at ate nya. Pinapaiyak at tinutukso kung minsan.

Hanggang isa isa daw nag asawa ang mga nakakatanda nyang kapatid. Yung dating maingay na bahay ay unti unti daw naging tahimik.

May mga kapatid syang mas pinili tumira sa malayo kayulad ng sa Quezon Province, sa laguna, sa mindoro at ang iba ay pinili makipag sapalaran sa saudi at Belguim.

Pero kahit ganun naging buhay ng mga kapatid nya wala man isa ang tumulong makapag tapos sya, pero naiintindihan nya ang mga ito dahil ang iba ay mas pinili na lang tulunga ang kabnilang mga pamangkin.

Sa loob ng bahay ay madami kang makikita na lumang bahay tulad ng isang jar na lagayan daw  ilang pagkain noon na tanging naisalba lang daw nila noong nagkaroon ng malaking sunog sa buong baryo namin.

Tahimik naman daw talag ang bahay nila dahil nga hiwalay-hiwalay sila ng lugar kung saan sila lumaki, meron sa ibang baryo.  Pero kahit ganon ay malumgkot pa rin dahil wala nga daw sya kausap, hanggang masnay daw sya. 

Pero alam mo yun, totoo ang sinabi nila, na ang matitira na lang sabahay sa kung saan kayo lumaki ay ang bunso nyong kapatid o ang taong di na nag asawa dahil pinili noon ang pamilya.

Mamatay ng Mahirap

Agosto ng ika-30 taong 2025

Kakauwi lang ng dalaga galing trabaho nang maabutan nito ang kanyang lolo na nanghihina at puno ng suka sa sahig ng bahay, sa ganitong bagay medyo sanay na ang dalaga sa kanyang kalagayan, malamang mataas nanaman ang kanyang sugar.

Naupo muna ang dalaga sa kanyang sa loob ng kuwarto at nakiramdam sa pwede pa ulit mangyari hanggang sa maring muli nito ang pag susuka ng kanyang lolo, kung kaya’t tinawagan nito ang kanyang tiyo, anak ng kanyang lolona kapatid ng nanay nya, at nag tanong na kung ano ang gagawin. Sinabi ng aking tiyo na kung pwede na dalhin na sya sa ospital dahil sa tuloy-tuloy nyang pag susuka ayt baka kung mapano na sya.

Nag tawag ang isa nitong tiyo ng baranggay na ambulansya para madala na kanyang lolo sa ospital. Pero bago sya madala ay dumating sa punto na ang aalangan ang dalaga at ang kanyang tiyo na, na dalhin ang matanda sa ospital dahil nga wala silang hawak na pera. Pero mabait ang diyos, nadala naman sya nung araw din na iyon.

Halos ilang araw nasa ospital ang matanda at halos baba at taas na din ang kanyang sugar na di na malaman kung ano ang gagawin, dahil sa kakulangan ng pera ay di na malaman ang gagawin na halos humantong sa pag aaway ng mag kakapatid, tiyo, tiya at ang nanay ng dalaga.

Ang dahilan ng kanilang pag aaway ay; walang mag babantay sa matanda dahil halos lahat ay nag tratrabaho. Halos lahat ay gustong kumita ng pera na dumating sa punto na mawalan na nang bantay ang matanda.

Sa tuwing uuwi ang dalaga ay kung minsan ay dumadaan ito sa ospital upang pakainin ang matanda, aminado ang dalaga na parang dalawang beses lang nangyari iyon, nag labas  ng sama ng loob ang isang sa mag kakapatid na umabot sa pag post nya sa kanyang mga kaptid na isa doon ay nanay ng dalaga. Ang dahilan nito ay walang nag babantay sa matansa, pero hinid iyon totoo, hindi naman sa kinakampihan ng matanda ang kanyang ina, kundi dahil ay kita nito na madalas dumadaretso ang nanay nito sa ospital, hindi ganun kalaki ang kita ng magulang ng dalaga, dahil bukod sa may pinapakain sya sa cavite ay may pinapaaral syang college kung kaya hindi rin sya makapag abot ng financial support para sa matanda.

Upang makapag trabaho ng maayos ang lahat, nung oras na nagkaroon na ng pera ang nanay ng dalaga, ay agad nyang tinawagan ang isa pa nialng kapatid na lalaki na naninirahan sa Quezon Province.

Halos may ilang linggo ang matanda sa ospital, nanghihina at di na makagalaw.

Setyembre ng ika-19, Biyernes

Nakalabas na nang ospital ang matanda, akala ng pamilya nito ay maayos na sya.

Pagkalabas nito sa ospital ay doon ito, dahil ginagawa ang bahay kung saan nakatira ang matanda, pagkagaling ng matanda sa ospital ay pansamantala syang pinahiga sa isang bahay; na bahay kung saan nakatira ang magulang ng matandang may sakit.

Kinabukasan, habang nag lilinis ang dalaga tinawag ito ng matanda, nakauwi na pala sa mismong bahay ang matanda kung saan nya nagkapamilya, kahit medyo maalikabok pinilit sya umuwi, sa kaligitnaan ng paglilinis nang dalaga, nag sumbongang matanda sa nangyari at bakit sya pinilit na iuwi sa bahay kahit maalikabok.

“Bakit nag lilinis ako” wika ng dalaga “Pinaalis ako” nanghihinang wika ng matanda “Saan?” Tanong nang dalaga “Sa kabila (kung saan sya unang nanatili)” Tukoy nya sa bahay kung saan sya lumaki kasama ang kanyang mga kapatid. “Bakit pinaalis ka?” Tanong muli ng dalaga “Ewan ko” sagot ng matanda Huminga ng malamin ang dalaga at hindi alam kung ano ang sasabihin “Oo” Ang tanging salita binigkas  ng dalaga “Buti na lang merong nag buhat sa akin” sagot ng matanda “Sino nag buhat sayo?” “Tito Ke-Aldon mo” tukoy nito sa panganay nyang anak na syang nag buhat sa kanya pauwi ng kanyang bahay kung saan sya nag tayo ng sarili mapilya. “Ano ba sabi sayo” kahit kinakabahan dahil sa tampong nararamdaman nito sa mga kapatid ng kanyang lolo ay nag tanong ang dalaga “Hindi na dapat dito yan” sagot ng matanda habag pansin ng dalaga ang kaonting mugto sa mga matanda ng dalaga “Tama ba yon?” Dugtong ng matanda “kaya yan pag nagkasakit. Wag kayong tutulong. Hindi sa gumaganti. Salbaheng bakla yan” sa salitang bakla ay alam na nang dalaga kung sino ang tinutukoy ng kanyang lolo, tukoy nya sa isa nyang kapatid na lalaki“ “Hayaan mo na” sagot ng dalaga “Talagang ganun ang mangyayari”

Hindi na alam ng dalaga ang kanyang sasabihin kung kaya ganun na lang ang kanyang sinabi. Totoo naman, wala silang magagawa, walang wala sila at ang tanging magagawa na nila ay mag salita nang ganun.

Sa totoo nyan, malaki din ang utang na loob ng pamilya ng matanda sa isa nyang kapatid dahil iyon ang nag pagawa ng kanyang bahay. Ang kapatid din ng matanda ang takbuhan ng pamilya nito sa tuwing magkakasakit ang matanda.

Lunes, Setyembre ika-22, Umaga

Nag paalam ang dalaga sa matanda na may pupuntahan itong importante para sa trabaho, ang maiiwan sa bahay para kasama ng matanda, Wala.

Bago umalis ang dalaga ay inasikaso nito ang matanda, nanghingi ng makakain ang lolo nito, pero wala syang nabigay, nanghingi ng gatas at iyon ang ininom, nanghingi ng tubig at pinainom ang kanyang lolo, nag papunas ang matanda dahil nakakaramdam ito ng init, naiinis na ang dalaga dahil mahuhuli ito sa kanyang pupuntahan.

“Pagkain” wika ng matanda “Mamaya pa pagkain mo, ibaba na din iyon” tukoy ng dalaga na manggaling sa isang kapatid ng matanda “Alis na ako, may kailangan ka pa ba?” Umiling ang matanda

Di tulad ng dati, walang paalam na halik na ginagawa na talaga ng dalaga para sa kanyang lolo.

Hindi din aakalain ng dalaga na iyon na pala ang huling pag aasikaso nito sa kanyang lolo.

Pag uwi ng dalaga ay nakita nya ang kanyang lolo n puno na ulit ng suka sa gilid nito. Ang akala ng dalaga ay tumaas nanaman ang sugar ng matanda.

Nag aalangan nanaman sila dalhin sa ospital dahil wala nang mahuhugot na pera. Pumunta ang dalaga sa kanyang kuwarto na para bang walang nakita, nasa isip nya, mataas lang naman ulit ang sugar at bababa na ulit iyon maya-maya.

Ilang minuto ay napansin ng tiyo ng dalaga na nag hahabol ng hininga ang matanda. Nag kakagulo a halos sinasabi na dalhin sa ospital, pero di nila alam ang gagawin dahil kapos sa pera di nila alam kung sino ang malalapitan pa.

Bumaba at pumunta ang isang kapatid ng matanda sa bahay sa pag aakalang makakatulong ito, pero hindi, nag karoon ng pag talo-talo sa loob ng bahay na agad inawat ng isang tiyo ng dalaga, asawa ng pinsan ng kanyang ina at tiyo.

“Mag pahinga ka na” sabi ng kapatid ng matanda

Sa totoo nyan, takot mamatay ang matandang iyon.

“Ano kuya Henry, ano gusto mo gawin” tanong ng isang tiyo “Ospital” wika ng matanda “Ako na sa 1000” wika ng bunsong anak ng matanda Kahit nag aalangan “Ako na sa 5000” wika ng dalaga na sana ay hihiramin nya sa kanyang online banking

Habang hinahanda ang pag alis at pag sugod sa ospital ay tumawag ito nang ambulansya.

Pag sakay ng stretcher ay doon dumumi ang matanda at nag kagulo ang lahat.

Hindi alam ang gagawin at sinugod ito sa ospital, bahala na.

Bago sumunod ang dalaga ay bumili ito ng yosi na tanging nagagawa nya lamang pag ito ay nababalisa ng sobra.

Pag sunod nya ay sabi ng kanyang tiyo “Tutubuan si tatay sa ayaw at gusto nyo”

Tumungo ang dalaga at lumabas muli mula sa ER ng ospital at bumili muli ng yosi habang tinatawagan nag kanyang nanay at pinapadali sa pag sunod.

Nababalisa ang dalaga. Di alam ang gagawin, kabado, naiiyak.

Nang maubos ang isang piraso ng sigarilyo ay pabalik na sana ito nang marinig nya ang kanyang ina na malakas na umiiyak sa labas habang yakap ang kapatid na lalaki, tiyo ng dalaga.

Mula sa labas ay nakita nakita nito na ginagawa ng CPR ang kanyang lolo.

Umiiyak ang mga anak ng matanda sa labas. Nasa isip ng dalaga, hindi dapat sya umiyak, dahil kung sasabay sya, walang kikilos.

Kasama ng dalaga sa labas ng ER ang pamangkin ng matanda, habang nasa loob ay ang asawa nito. Nasa medyo malayo ang magkakapatid. Hindi mapakali ang dalaga kung kaya ay lakad ito ng lakad. Tinitignan ang anak ng matanda at babalik upang tignan ang matanda.

Gusto umiyak ng dalaga, pero di nya magawa.

Sa loob nya ba ay tanggap na nya ang mangyayari?

TIME OF DEATH 9:48

Ang lalaki sa kisame (SPG)

SPG

Ika-15 ng Agosto Taon 2022

Nag pasya abg dalaga na umuwi muna sa probinsya at pansamantalng mabatili doon habang nag hihitay ng iskedyul  sa trabaho.

Sa natitira nanybg pera ay bumili sya ng almusal para sa kanyang pamilya, pasalubong na din.

Umaga nang araw na iyon ay pumunta ang kanyang tatay sa bahay nila. Nakahiwalay ng bahay ang tatay nila.

“May trabaho ka na daw” wika ng tatay ng dalaga, hindi ito sumagot “Kumusta ka na?” Tanong ulit ng tatay, isang tungo ang ginawa ng dalaga bilang sagot sa kanyang tatay

Hindi kinikibo ng dalaga ang tatay nito sa hindi malaman na dahilan; O baka naman galit pa sya sa ginawa ng kanyang tatay sa kanilang pamilya? O  baka naman nahihiya lang ang dalaga dahil sa nalaman nito na maaaring tama ang hinala ng kanyang ama laban sa kanyang ina?

Nanatili ang tatay nito ng ilang oras sa bahay, habang ang dalaga ay hindi man lang magawang tapunan ng tingin ang kanyang ama.

Hindi na maalala ng dalaga kung kailan ang huling araw na masaya nyang nakausap ang kanyang ama.

Lumipas ang araw na pananatili ng dalaga sa probinsya at pag dalaw ng kanyang ama sa kanilang bahay at pagkausap nito sa dalaga, katulad ng unang araw, tango at malamig na pakikitungo ang ginawa ng dalaga para sa kanyang ama.

Hanggang sa matawag na ang dalaga sa kanyang trabaho at umuwi na ng manila.

Hindi alam ng dalaga na iyon na ang huling pagkakataon na makita nya ag kanyang ama at marinig ang boses nito.

Lumipas ang ilang araw, linggo, at buwan.

Ikaw-20 ng October taon din na iyon

Nag mensahe ang dalaga sa kanyang ama sa pag aakala at umaasang mababasa ito ng kanyang ama.

For me daddy ikaw ang the best, gustuhin kita ihate pero di ko magawa, hopefully maging okay ka, kung bukas ang isip ko noon sana nakinig at nag tiis ako, sa totoo nyan may part sa akin na nasasawa ako pumagitna sa tuwing nag aaway kayo ni mamy, pressure ako sa school, sa buhay sa lahat, thought na yung bahay natin ay magiging escape ko pero hindi. Nakaka trauma umuwi sa bahay dahil sa bahay ako mismo na lulungkot. Daddy hopefully maging okay kayo ni Mamy. I love you daddy, miss u always.

Ika-30 ng Disyembre Taon 2022

Pauwi na ang dalaga mula sa trabaho, mag ala-1 na ng madaling araw nang makauwi ito sa kanyang tinutuluyan.

Nang makauwi ito ay agad ito nag asikaso. Nag linis ng katawan at nag ayos ng higaan at nangsarili.

Panandalian itong umupo sa kama habang nanonood sa kanyang telepono. Nang dalawan na ng antok ang dalaga ay nag pasya itong mag pahinga na dahil sa habang umaga na nangyari.

Sa kalagitnaan ng pag tulog ng dalaga, sa kanyang panaginip ay isang tao syang nakita na hindi nya maaninag kung sino, isang lubid ang hawak nito.

Sa kalagitnaan ng pag tulog ng dalaga ay naalimpungatan ito dahil sa tunog ng kanyang telepono sa kanyan tabi.

Wala sa ulirat at hindi alam kung sino ang tumatawag sa kalagitnaan ng gabi ay sinagot nya ito.

Isang tinig ng babae na umiiyak mula sa kabilang linya.

“Ate (ang tawag ng kanyang ina sa dalaga) wala na si daddy mo” wika ng kanyang ina habang puno ng iyakan sa kabilang linya hindi ma proseso ang salitang iyon sa dalaga “Ha?” Ang tanging sagot ng dalaga “Wala na si daddy mo” muling wika ng kanyang ina “Ha?” Onti onting nag proseso ang salitang iyon sa dalaga “Ano? Bakit? Paano?” “Wala na si daddy mo, nakita syang nakabigti sa tapat ng bahay nila tito butchoy mo”

Hindi muli  ma-proseso ang salitang iyon at ang ginawa ng kangang ama. Hindi alam ng dalaga kung ano ang magiging reaksyon nito.

“Nasaan na si daddy?” Tanong nito “Tinatanggal na sya” sagot mula sa kabilang linya

Kasabay ng pag proseso ay ang pagtulo ng luha nito. Sa isip nya, siguro mas matatanggap nya kung mamatay ito sa karamdaman o kung may pumatay sa kanyang tatay. Hindi ito ang nakikita nyang dahilan para mawala ang kanyang ama.

Alam nang dalaga kung ano ang pinagdaraanan ng kanyang ama. Nakikita nito ang mga sintomas nang taong nakakaranas ng depresyon sa kanyang ama, pero nanatiling bulag ang dalaga sa kadahilanan na, baka hindi nya pa ito napapatawad sa ginagawa ng kanyang ama sa kanilang pamilya? O sa kadahilanan na maaaring tama ang hinala ng kanyang ama sa kanyang ina dahilan para masira ang pamilya nila? Galit ba? O baka matapakan ang pride ng dalaga pag kakausapin nya ang kanyang ama?

Noon pa man, kita nya kung paano maging balisa ang kanyang ama. Maaari bang maging dahilan ang droga para sa nararamdaman ng kanyang ama? Pero tumigil na ito. Maaari din bang naluto na ang droga sa utak nito?

Noon pa man nakikita na nang dalaga ang sintomas ng depresyon sa kanyang ama. Pagiging balisa, malayong tingin na tilay problemado, hindi pag kain, kulang sa tulog, o hindi pag tulog, mga bagay na naririnig daw ng kanyang ama dahilan para mag salita ito mag isa, kung minsan pa ay may nakakita sa kanyang ama na sumasayaw sa gitna ng kalsada.

Maaari bang maging sanhi ang lahat ng iyon dahil sa sakit, sa bisyo tulad ng alak at droga, para maranasan iyon ng kanyang ama?

Naalala pa nang dalaga ang sinabi ng kanyang ama nung minsang mag labas ito ng saloobin.

Hunyo taon 2020

“Nakita ko na may kachat ang mamy mo, Ivan ang pangalan, binilhan nya ng damit para sa kanilang reunion” wika ng kanyang tatay “Iiwan na tayo ng mamy mo”

Pinaliwanag ng dalaga na maaaring kaibigan lang iyon ng kanyang ina, sa madaling salita, pinag tatanggol ng dalaga ang kanyang ina kahit pa hindi nya alam kung totoo o hindi, pero sa loob nya, hindi nya alam kung maniniwala sya sa kanyang ama.

Nagkaroon ng away sa loob ng bahay, parang hindi pa nasasanay ang sarili ng dalaga maski ang mga kapatid nito sa ganoong pangyayari, sa ilang taon ng dalaga ay madalas na mangyari iyon aa loob ng bahay, normal pa ba iyon? Siguro kasi lagi nang nagaganap.

Dumadating sa punto na hindi na makatulog ang buong pamilya dahil may ilang beses nang nag tatangka ang padre de pamilya na mag patiwakal. Gustuhin man irehab ang kanyang ama pero kulang sa pera.

Ika-20 ng Agosto Taon 2020

Kakatapos lang ng maliit na selebrasyon sa kaarawan ng dalaga. Masayang nag kwekwentuhan habang ang kanyang ama ay malayo muli ang tingin na nakaupo sa tapat ng pintuan.

“May sorpresa ako sayo sa linggo, hindi ka na mahihirapan” rinig nang dalaga wika ng kanyang ama

Ika-24 ng Agosto Taon 2020

Lunes ng madaling araw, nagising ang buong mag anak ng humahangos ang padre de pamilya pauwi ng bahay.

“May saksak ang mamy nyo” wika nito habang natataranta,

Sumigaw ang pangalawag kapatid ng dalaga na tinatawag sya

“Ate si mamy!” Rinig na sigaw ng dalaga

Nag kagulo sa bahay, hindi alam ng dalaga ang gagawin dahil nag aalala ito sa kanyang mga kapatid.

Mag papasalamat ba ang dalaga kung hindi napuruhan ang kanyang ina dahil hindi matalas ang kutsilyo na ginamit ng kanyang ama?

Matapos ang pangyayari na iyonay lumayas ang kanyang ama tumungo sa isang simbahan at doon nanatili ng halos ilang buwan, disyembre nang taon din na iyon ay bumalik sya ngunit hindi na tumuloy sa kanilang bahay at doon nanirahan sa bahay ng kanyang amang nabubuhay.

Bilang panganay, isa sa responsibilidad ng dalaga ang protektahan ang kanyang pamilya, gumitna sa away ng kanyang magulang, maging magandang imahe sa kanyng mga kapatid, sa lahat ng pag papatawa na ginagawa ng dalag upang pasiyahin ang pamilya, suot nito ang maskarang puno ng luha na hindi nya napapakita, mga sugat na naging peklat mula sa pangit nararanasan sa loob ng tahanan, pagod bilang isang panganay, balikat na sobrang bigat.

Kung minsan na mapapatingin ang dalaga sa kisame, napapatanong sya.

Ano ang pakiramdam ng aking ama nung ginawa nya iyon? Nag dalawag isup ba sya? O talagang napagod na lang sya at gusto na lang nya mag pahinga.

Hindi maiwasan ng dalaga sisihin ang kanyang sarili, na kung sana ay hindi sya napagod na makinig, sana naging bukas pa sya, sana hindi sya pinanindigan nya ang trabaho nya pra maging buo at masaya ang kanyang pamilya. Ayos na lang siguro kung marinig nya ang away ng magulang nya, ayos na lang siguro kung maging almusal, tanghalian, merienda at hapunan ang sigawan sa loob ng bahay, na sana di napagod ang dalaga, na kahit sana masugatan sya sa mga mangyayari ay ginamot na lang nya. Kung ginalingan na lang sana nya ang pagiging panganay malamang buo pa ang kanyang pamilya.

Kung parusa ang lahat nang sakit na nararamdaman ng dalaga ngayon dahil sa responsibilidad na hindi nya nagawa noon, tatanggapin na lang nya, pero hanggang kailan?

Hindi pa masanay ang dalaga sa sakit na sana dumating sa araw iyon.

Pagsubok ba ito o isa nang parusa?

Pero buong loob ng dalaga na tanggapin ang lahat nang pagsubok o parusa, huwag lang masaktan ang kanyang pamilya.

Nananalangin ang dalaga sa panginoon na sana mabuhay ang ina nang dalaga ng matagal nang makabawi ito sa pagkukulang nya sa kanyang ama, na ayos lang kung hindi sya maging masaya, pero sana dumating sa punto na maging masaya ang mga kapatid at natitira nitong magulang ang kangang ina.

Sa lalaking nasa kisame, naway makita mo ang kasiyahan na hindi makita noong nabubuhay ka, dahil madaming magandang bagay ang nagawa ng kanyang ama kaysa sa maling gawa, hindi naging mabuting anak ang dalaga pero masasabi nyang naging mabuting ama ang kanyang tatay.

Kung may isang hiling ang dalaga para sa kanyang pamilya, sana dumating sa araw na maging masaya ang kanyang pamilya.

Need someone to talk

National Center for Mental Health toll-free crisis hotline 1553;

mobile numbers

0917-8998726,

0966-3514518

0908-6392672

(02)7989-8727

Afterlife

“Pag namatay kaya ako saan ako mapupunta?” wika ng matanda habang inaasikaso sya ng kanyang anak “Sa impyerno ba o sa langit?”

“Yung nanay ko panigurado nasa langit yun sya” natatawang wika ng babae, nang makita nang babae na malayo ang tingin ng matanda ay muli ito nag salita “Wag ka mag salita nang ganyan, hindi pa mangyayari yun”

“Ayaw ko pa mamatay” sambit ng matanda

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa ating lahat kung ano nga bang meron sa kabilang buhay. Makikita pa kaya natin ang mga mahal natin sa buhay doon?

Lahat din tayo ay takot mamatay dahil halos lahat tayo ay hindi alam kung ano ang mangyayari sa atin pag tayo ay namatay.

Kanina habang nag scroll ako sa aking social media ay may isang thread akon nakita.

What’s your thought about afterlife?

May isang sagot ang pumukaw sa akin doon na ang sabi nya, wala daw kabilang buhay, pag ang tao ay namatay, hindi nila alam na patay na sila, para lang silang natutulog na walang panaginip, hindi sila aware sa kung ano ang nangyari sa katawan nila.

Napaisip ako bigla.

Hindi alam ng matandang lalaki na iyon na patay na sya. Hindi nya gusto ang mamatay, hindi nya alam na patay na sya.

Pero paano yung mga taong nag pakamatay? Alam nilang patay na sila kasi ginawa nila yun?

Kasalan yun diba? Ibig bang sabihin nun ay hindi sila mapupunta sa langit at mananatiling nag hihirap at nag hihintay na may sasagip sa kanila?

Pero sana, kahit paano ay matahimik sila at makita ang liwanag, sana papasukin sila sa langit, hirap sila nung nabubuhay sila, sana hindi na sila mahirapan pa pag namatay sila.

Katulad ng matanda, hindi nya alam na wala na sya na maaring akala nya ay natutulog lang sya maaaring di nya alam kung ano ang tunay na nangyari pagkatapos nya mag agaw buhay sa ospital. 

Naniniwala ba kayo sa 7 minutes bago ka mawala sa mundo o bago ka mamatay?

Na sabi nila tayong tao ay may 7 na minuto natin makikita lahat bago tayo pumikit, sa loob ng 7 na minuto ay makikita nya ang batang sya; simula ng ipinanganak sya, simula ng una nyang kaarawan, unang paglalakad, unang halakhak, unang iyak, unang saya, unang lungkot, ilang kaarawan, ilang saya, ilang lungkot, maski ilang galit at ilang pagtatanong sa diyos patungkol sa masasamang bagay na mangyari sa buhay nya hanggang sa huling hiningi nya, kahit naka pikit sya maaring marinig nya ang iyakan ng kanyang pamilya matapos sabihin ng doctor na ginawa na nila ang lahat. Lahat nang iyan ay makikita, maririnig at mararamdaman daw sa loob ng 7 minuto.

Paano ang taong sya mismo ang kumuha ng buhay nya?

“Bago nya gawin yun, nakita namin sya na nakating sa langit at nakangiti, sinabi nya na makakasama na nya si mama” wika ng lalaki na patukoy nya sa kanyang matandang kapatid na nag pakamatay

Ibig ba sabihin nun ay may ilang minuto din silang nag isip bago gawin ang bagay na iyon? Alam kong nag isip muna sila, matagal na nilang gusto gawin iyon pero ngayon lang sila nag lakas loob na gawin mismo ang bagay na iyon. Dumating sila sa punto na nag isip muna sila ng ilang beses, inisip ang masasayang araw nila kasama ang ang kanilang pamilya. Pero totoo bang duwag sila dahil hindi nila kinaya ang problema o nag bigay lang sila ng pabor sa kanilang sarili na sa kabila ng pagod, gusto na lamang nila mag pahinga.

Ang matanda gusto pa mabuhay, pero sa mismong katawan nya ang sumuko dahil sa pagod kahit ang isip nya na ayaw nya pa mawala, kung mismong katawan nya ay pagod na, wala na talaga. Ang isa ay napagod na, ang katawan nya ay ayaw pa pero sa isip nya ay planado na ang lahat.

Paano kung nawala na tayo, sino naman kaya ang dadalaw sa atin, sa harap o sa ibabaw ng ating himlayan, sino naman ang taong palagi tayo iisipin na malamang sa mga unang araw, linggo o buwan ay maiisip nila ang nawala nilang mahal sa buhay, pero paano paglumipas na ang ilang taon sino na lang ang pupunta sa atin o talagang mananatili na lang tayong GOOD MEMORIES.

Balik tayo sa tunay nating paksa, ikaw sa tingin mo totoo ba ang afterlife?

Yellow Rose

For My Favorite Tita

I don’t even know how to begin — the pain is too deep for words. I didn’t just lose an aunt; I lost a friend I could always confide in, a sister I could laugh and gossip with, a mother figure who made me feel safe and understood.

You never even got the chance to treat me out. We were supposed to visit Sta. Clara, then head to Greenbelt for a drink, remember? Nag drawing ka pa ng swimming, ang hilig mo sa ganun. Iniwan mo sila axel, iniwan mo kami — who’s going to cook for us now every time there’s a celebration?

Sabi ko sayo diba? I was ready not to have children or get married, because I wanted to be there for you and Ma.y when you both grew old.

Now, who do I message when I have questions? Who will listen when I need someone to talk to? You were always the first person I ran to when something went wrong, or when I just needed to vent. You were always my first call, my first comfort, my safe place.

It’s not true that I don’t miss you, I do. Every single day. And I’ll miss you even more from now on.

Kay nanay, I hesitate to ask for hugs, baka kasi lumipad yun bigla, just like she used to joke about witches back in her hometown. Kay tatay naman, I don’t ask for hugs din kasi he might just give me orders again, and if something goes missing, I’ll end up getting blamed. Kay Dady, I don’t ask either — he might just scold me kasi sobrang tarantado ko din talaga.

But with you, Tita… it’s different. With you, it’s okay. It’s okay if you hug me. It’s okay if I see you. It’s okay if you lie beside me. It’s okay if you talk to me kahit lumipad ka after mo ako yakapin, kahit pagalitan mo ako, ikaw yan e bida bida ka.

Ang soafer unfair kasi of all ppl na mas mabait, ikaw pa napag tripan kunin, sabi sayo istaf it mo na pagiging mabuting ea, dami ko province, sino na lang sasabihan ko nun? Diba sabi ko anything maders don’t hesitate to chika, sini na lang din makakaintindi ng mga salita ko na yan baka sabihan akong 8080 nyan, sana panaginip lang to, hindot ko.

I love you so much, my favorite Tita. Sabi sayo, kahit gaano mo kamiss sila nanay wag kang sasama, tarantado ka sumama kang hindot ka. I love you my hindot.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.