The Sports Writer's MVP
kwentongbahaghari · 5 chapters · 8,526 words
Episode 1 : The Scholar
“OMG, Pegasus University… parang mall ganito pala ang school ng mga mayaman!” bulong ko sa sarili habang nakatayo ako sa harap ng engrandeng gate ng paaralan. Ang gate? Mas sosyal pa kaysa sa bahay ng mayor sa bayan namin. Gold-plated pa yata. Kung may pakpak lang ako tulad ng isang pegasus, lilipad ako sa sobrang tuwa.
Ang Pegasus University ay kilala bilang pinaka-prestihiyosong unibersidad sa buong bansa. Lahat ng anak ng politiko, artista, negosyante, at kahit siguro drug lord ay dito nag-aaral. Number 1 sa lahat ng national inter-school competitions. At ngayong araw… may bago silang estudyante: ako, si Dale, ang baklang probinsyano na galing sa pamilya na kahit tuyo, pinag-aagawan pa sa bahay.
Pero hindi basta-basta ang naging journey ko sa pagpasok sa Pegasus University. Scholar ako dahil sa panalo ko sa National Sports Writing Competition noong nakaraang taon. Mula sau pampublikong unibersidad ay nabigyan ako ng pagkakataong mag-transfer sa pang-mayamang unibersidad. Isipin mo ‘yun , isang trophy at medal lang ang puhunan ko, para sa isang world-class na edukasyon.
Habang naglalakad ako sa campus, halos mabali ang leeg ko sa pagtingin sa paligid. “My gosh… may fountain sa gitna ng quadrangle! At may koi fish! Sa school namin dati, palaka at butete lang ang laman ng kanal.”
Pagkapasok ko sa malawak na hallway ng Pegasus University, halos mapatid ako sa kinang ng sahig na parang salamin sa sobrang kinis. Tila bawat estudyante ay galing fashion magazine, may mga branded na bag, mamahaling sapatos, at mga balat at mukha na may mamahaling skincare na hindi gumagamit ng 150 pesos na rejuv set. Pero ako, simple lang ang suot walang tatak ang bag at suot ang sapatos na plastik na halatang mumurahin na nabili lang sa TikTok.
Nasa ganoon akong eksena ng biglang BOOM! may sumalpok sa akin. Bagsak ang dala kong folder sa sahig.
“Aray! Hoy, excuse me ha!” sigaw ko habang pinupulot ang mga papel.
Isang matangkad na lalaki, naka-pep squad jacket, ang nakatayo sa harap ko. Maputi, guwapo, parang live action version ni Rukawa ng Slamdunk, pero nakakunot ang noo na parang galit sa buong mundo.
“Tignan mo kasi dinadaanan mo,” malamig niyang sabi.
Napasinghap ako. “Ah, wow. May attitude! Ang gwapo ng mukha, pero ang pangit ng ugali.”
Tumingin lang siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. “Kung gusto mong tumagal sa school na ito, huwag mong harangin ang daan ko.”
“Wow ha… First day ko pa lang, may pa-threat na agad? Sino ka si Dao Ming Si?” sagot ko sabay irap na akala mo ako si Sanchai.
Bago pa ako makapagpatuloy, dumaan ang isang grupo ng studyante at sumigaw, “Hi Kao!” sabay kaway.
Napatingin ako. So Kao pala ang pangalan niya. Gwapo nga, pero mukha ring allergic sa bakla at masungit.
Habang nililibot ko ng tingin ang paligid, may lumapit na babae na naka-blazer na akala mo magaalok ng condo at may hawak na clipboard , si Ma’am Cara, ang school paper adviser ng Pegasus Tribune.
“Ah, ikaw si Dale Gomez? ‘Yung bagong sports writer?” tanong niya na nakangiti.
“Opo, Ma’am! At Fresh na fresh po! As in fresh from the farm,” sagot ko na may kasamang hand gesture na parang kasali sa beauty pageant.
Napailing pero natawa si Ma’am Cara. “Halika, ipakikilala kita sa iba mong makakasama.”
Dinala niya ako sa isang silid na puno ng mga estudyanteng busy sa laptop at may hawak na mga camera.
Medyo kabado ako pero pilit pa rin akong ngumiti. Pagpasok ko, agad akong sinalubong ng mga miyembro ng school paper club , may mga nakangiti, may mga tahimik lang, at meron ding tila sinusuri ako mula ulo hanggang paa na parang mag-a-audition ako sa bilang Marimar.
“Guys, ito ang bago nating makakasama. Siya si Dale, national champion sa sports writing. Siya ang bago natin makakasama dito sa school paper.” Sabay akbay niya sa balikat ko. “Dale, sila naman, mga kasama mo sa iba’t ibang section ng publication ,news, features, at sports at broadcasting.
“Hi, Dale!” bati ng karamihan, sabay kaway. May ilan namang nagbulungan.
“Hi po,” sagot ko, pero hindi ko mapigilang magpatawa ng konti. “Pasensya na po kung mukha akong naligaw, kasi to be honest, mas malaki pa ‘to sa barangay hall namin.”
Natawa ang iba, pero may ilang nagkunwaring busy sa papel at laptop nila.
“Ayan, comedian pala ‘to,” biro ni Ms. Cara. “Sige, simulan na natin. Bago ang lahat,” sabi niya sabay titig sa akin, “gusto ko din palang ipa-assignment sa’yo ang isang special article… tungkol sa last year MVP sa Inter-University basketball, si Kao Simon. Medyo mailap siya at ayaw magpaunlak ng interview. Para siyang isang basketball superstar na pinagkakaguluhan ng mga babae at binabae dito sa campus.I believe with your charm kayang kaya mo makascore ng interview sakanya.
Parang biglang sumikip ang dibdib ko. Napakurap ako nang sunod-sunod, parang iniisip kung narinig ko ba nang tama.
“Wait lang, sino daw ? Kao Simon?!Hindi ba yon yung nakabangaan ko kanina na mayabang ? At tama ba ang dinig ko para siyang Greek god na ayaw magpainterview na isang basketball superstar na pinagkakaguluhan ng buong unibersidad? Ako?! Interviewhin ko? Eh, ni selfie nga sa crush ko hindi ko magawa, tapos ito school superstar?!”
Kahit nananatili ang nakangiti kong mukha, ramdam ko ang pawis na namumuong parang waterfall sa batok ko.
Pero bago pa ako makatanggi o magpalusot, ngumiti si Ms. Cara at nagpatuloy, “Challenge ‘yan para sa’yo, Dale. Alam kong may paraan ka.Sabay abot ng envelope na may picture ni Kao.
Pagtingin ko sa picture ni kao putcha siya nga yung nakabunguan ko at challenge nga ito..challenge na baka maging cause of death ko, bulong ko sa sarili, pero tumango ako. Dahil scholar ako, wala nang urungan.
Pagkatapos ng meeting, pumasok ako sa susunod kong subject na Rizal. Habang papasok sa classroom, napansin ko agad ang isang pamilyar na mukha.
“Wait lang… si Kao ‘yon ah,” bulong ko sa sarili. Bigla kong naalala ang unang article na kailangan kong isulat para kay Ms. Cara ,ang interview sa last year’s MVP na kilala sa pagiging mailap.
“Perfect timing,” naisip ko, sabay lakad papunta sa bakanteng upuan katabi ni Kao.
Habang papalapit ako, may mga kaklase na nagbubulungan. “Uy… si Kao…” “Tignan mo oh, lalapitan siya…”
Si Kao naman, nakayuko at mukhang inaantok. Bigla itong napatingin nang marinig ang tunog ng chair na hihilahin ko.
“Sinong nagsabi umupo ka diyan?” malamig niyang tanong, kita sa tono ang inis.
Parang namutla ako saglit, pero dahil kailangan kong magpa-impress kay Ms. Cara, nilakasan ko ang loob ko.
“I guess… wala namang nakaupo, so ako na ang nagsabi na umupo ako dito. Besides, wala namang ibang bakanteng upuan,” sabay kindat at slight pout. “Kaya wag ka nang magalit, Mr. Sungit… dito na ako uupo,” dagdag ko pa na may pa-cute na akala mo naman isa akong miyembro ng Bini.
Napatingin siya sa akin, medyo nagulat pero halatang naiinis. “Tsk,” bulong niya, sabay iwas ng tingin.
Ako naman, “Hmm… challenge accepted,” bulong ko sa sarili habang binubuksan ang notebook ko.
Sinubukan kong magpakilala kay Kao, pilit pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko.
“Hi, ako nga pala si Dale… sports writer ako, at gusto sana kitang makapanayam para sa article ko,” sabay abot ng kamay at isang matamis, medyo pa-cute na ngiti.
Tumingin siya mula ulo hanggang paa, parang sinusuri kung alien ba ang kausap niya o sira ulo lang. Walang imik, walang galaw. Sa halip na abutin ang kamay ko, umayos lang siya ng upo at tumingin sa kabilang direksyon.
Sa loob-loob ko, “Ouch… pero grabe, ang gwapo mo pa rin kahit suplado ka. Para kang walking red flag.”
Inalis ko ang kamay ko na parang napaso, at mabilis na itinago sa bulsa para kunwari chill lang, kahit sa loob-loob ko ay gusto ko na magtago sa ilalim ng mesa. Namula ako sa hiya, pakiramdam ko ay pinagtripan ako ng langit.
Okay, Dale, kalma lang… MVP lang ‘yan, hindi end of the world. Pero… paano ko nga ba siya maiinterview? Magmamakaawa ba ako? Mag-offer kaya ako ng milk tea? O baka mas effective kung mag-cosplay ako na drag version ni Lebron para pansinin niya?
Napatingin ulit ako kay Kao na nakaupo lang, seryoso at tahimik.
Inalis ko ang kamay ko na parang napaso, at mabilis na itinago sa bulsa para kunwari chill lang, kahit sa loob-loob ko ay gusto ko na magtago sa ilalim ng mesa. Namula ako sa hiya at napayuko sandali.
“Hindi pwede… para sa pangarap ko ‘to,” bulong ko sa sarili habang pinipigilan ang kaba. Kaya huminga ako nang malalim at muling lumapit kay Kao, kahit ramdam ko ang mga mata ng ibang tao na parang nanonood ng teleserye.
“Naiintindihan ko na busy ka,” panimula ko, halos nanginginig ang boses pero pilit pinapakalma, “pero malaking bagay po sa akin ang interview na ‘to… requirement po ito para sa article ko. Pangarap ko kasi talaga maging magaling na sports writer… at ikaw ‘yung magiging highlight ng kwento.”
Tumingin siya nang diretso sa akin, seryoso pa rin. Ako naman, halos magmakaawa na.
“Kahit limang minuto lang… kahit sa bench lang habang nagti-tie ka ng shoelace! Please… promise hindi ako makakaabala sa training. Kahit gawin mo akong water boy, ball boy, mascot kahit ano, gagawin ko!”
Napatingin si Kao, bahagyang napangisi. Hindi ko malaman kung inis ba o natutuwa siya sa sobrang desperado ko. Lihim akong napangiti, akala ko may pag-asa na. Pero bigla niyang tinaas ang middle finger.
Parang binuhusan ako ng yelo. “Hayop ka, demonyo ka,” bulong ko sa isip, sabay kagat-labi para hindi mapahalata ang pagkabigla.
Pero laking gulat ko nang magsalita siya, may nakakalokong ngiti.
“Demonyong magpapahirap sa’yo.”
“Ay sorry! Sorry… nasabi ko pala,” bigla kong bawi habang nagkakamot ng batok. “Please… sorry na. ‘Di ka demonyo.”
Bahagyang ngumisi siya, parang may alam na sikreto. “Gusto mo ba talaga masulat ‘yang article mo?” tanong niya, mababa ang boses.
“Oo… kahit ano gagawin ko,” sagot ko na halos bumilis ang tibok ng puso.
“Kahit ano?” tanong ulit niya, ngayon ay may bahid ng nakakalokong ngiti.
“Oo… kailangan ko ‘to para sa scholarship ko,” mabilis kong tugon, hindi alintana ang paglapit niya.
Dahan-dahan, lumapit siya hanggang halos magdikit ang mga balikat namin. Naramdaman ko ang init ng katawan niya, ang mabangong amoy ng pabango niya na amoy lalaking mayaman, at ang mahinang hinga sa tenga ko. Namutla ako pero hindi sa takot kundi sa kaba at kakaibang kiliti.
“Mamaya…” mahina ngunit malinaw ang bulong niya, bawat salita’y parang dumudulas sa tenga ko, “pagkatapos ng klase… ako lang, mag-isa… sa basketball gym. Kitain mo ‘ko doon.”
Ramdam ko ang init ng hininga niya na dumampi sa balat ko, may halong pabangong amoy na nakakapanghina ng tuhod. Saglit akong natigilan, puso’y kumakabog na parang tambol sa loob ng dibdib ko. Ano ‘to? Interview lang ba talaga?
Bago pa ako makapagsalita, bahagya siyang umatras at umayos ng pagkakaupo sakto namang pumasok ang guro namin. Naiwan akong tulala, kinakagat ang labi.
ITUTULOY
Episode 2 : The Gentleman and the Grum
Pagkatapos ng lahat ng klase ko, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Bitbit ang notebook at recorder ko, diretsong tumakbo ako papunta sa covered court.
At ayun nga, nandoon si Kao. Pawisan, mag-isa, at abala sa paghagis ng bola sa ring. Bakat sa pawisan niyang pang-itaas kung gaano kaganda ang katawan niya.
Huminto siya nang makita ako. Nilapag niya ang bola at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
“Talagang ba ? gusto mo talagang masulat ang article na ‘yan, ano?” malamig niyang sabi.
Medyo natigilan ako. “Oo… kailangan ko ito para sa school paper. At saka” hindi pako tapos ng bigla siya nagsabi ng
“Wala akong oras sa mga walang kwentang interview,“sabay dampot ulit ng bola.
Nag-init ang tenga ko. “Walang kwenta? Excuse me, pero ito ang pangarap ko! Alam mo bang”
Hindi na niya ako pinatapos muli at tuloy-tuloy lang sa pag-dribble. Halos maubusan na ako ng pasensya, pero bago pa ako sumabog, may biglang tumawag mula sa gilid ng court.
“Kao?”May narinig kaming tunog ng bola mula sa kabilang side ng court. Paglingon ko, may paparating na matangkad, maamo ang mukha, naka-dark blue jersey. Naka-sweatband pa at may dalang bola sa kamay.
“Uy, Alfred!” bati ni Kao, pero halatang wala sa mood.Ngumiti si Alfred, lumapit, at tumingin sa akin na parang first time niya akong makita. “Bagong mukha? tanong niya, sabay abot ng kamay. “Alfred. Isa rin akong player dito.”
Medyo natigilan ako. Iba ang aura ni Alfred ,maginoo, may ngiting nakakatunaw ng puso, at parang laging ready mag-alok ng tulong. Hindi katulad ni Kao na laging parang galit.
“Dale,” sagot ko, mahina pero may ngiti.
Napansin ni Kao ang titigan naming dalawa at biglang sumabat. “Uy, Writer, nandito ka ba para lumandi o para sa article ko?”
Pero parang hindi nadala si Alfred. “So ikaw yung bagong sports writer, ha. Kung gusto mo ng ibang anggulo sa kwento mo, pwede rin kitang tulungan. Baka mas interesting ‘pag may dalawang player.”
“Talaga? Magandang idea ‘yan,” sagot ko natuwa ako kay Alfred dahil napakabait niya.
Biglang tumigil si Alfred, medyo nag-atubili bago magsalita. “If you don’t mind me asking… are you…?” Napakamot siya sa batok, halatang nahihiya.
“Are you what?” balik ko, kunot-noo pero may halong kaba, kasi parang alam ko na kung ano ang tinutukoy niya.
“Uh… you know… gay?” pabulong niya, parang natatakot na baka mali ang hinala niya.
Napangiti ako. Hindi ako umatras, hindi ako nagkunwari diretso akong sumagot. “Oo. Bakit, bawal ba?” sagot ko na may kasamang mahina pero confident na tawa.
Parang gumaan ang loob ni Alfred sa sagot ko. “Ah, hindi! Okay nga, at least honest ka. Mas madali tayong magkaintindihan ngayon na alam ko na kung ano ka,” biro niya, sabay malambing na tapik sa balikat ko.
Natawa ako. “Sigurado ka lang ha?”
“Oo naman!” ngumiti siya, at sa sobrang lapit namin, halos magdikit na ang mga braso namin.
“Ano ba kailangan mo kay Kao? Ayaw ka bang paunlakan ng interview? Ako bahala sa’yo,” dagdag niya na parang biglang naging protective.
Mula sa gilid ng court, biglang bumagsak nang malakas ang bola parang may nabagsakan ng sama ng loob. Paglingon namin, si Kao pala, hawak ang bola pero halatang naiirita.
“Tsk. Baka mag-sex pa kayo diyan dalawa, ha,” malamig niyang sabi. “Halika na rito, Alfred. Mag-practice na tayo.”
Pero ngumisi lang si Alfred at naglakad papalapit kay Kao. “Pare, mas masaya siguro kung may pustahan tayo.”
“Pustahan?” taas-kilay ni Kao.
“First to 10 shots panalo,” sabi ni Alfred. “Pero hindi pera ang kapalit.”
“Ano naman?” tanong ni Kao.
“Pag nanalo ako… magpapa-interview ka kay Dale. At tutulungan mo siya sa article niya.”
Naningkit ang mata ni Kao. “At kung matalo ka?”
Ngumisi si Alfred, confident. “Ikaw ang mag-isip ng gusto mong kapalit.”
Pero hindi nagpahuli si Kao. “Deal… pero pag natalo ka, ililibre mo ako ng lunch isang linggo. At hindi mo na ako kukulitin sa article mo, Writer. Hindi ka na lalapit sa’kin. Nagkakaintindihan?” sabay tingin sa akin.
Medyo nanlaki ang mata ko, pero bago pa ako makasagot, ngumiti lang si Alfred at tumango. “Huwag ka mag-alala, ako bahala sa’yo.”
“One on one tayo,” sabi ni Kao, sabay bounce ng bola. Malakas, matunog, parang nagbabanta.
Tip-off.
Nakuha ni Kao ang unang possession. Isang mabilis na crossover, sinundan ng isang spin move, at shoot agad ang bola sa ring.
“One,” malamig niyang sabi, nakatitig sa akin.
Hindi pa nakaka-react si Alfred, nakascore na ulit si Kao gamit ang fadeaway jumper.
“Two,” kasunod niyang sabi, may bahagyang ngiti na parang nang-aasar.
Pangatlo, isang malakas na drive papasok, lay-up, pasok na naman.
“Three. Writer, mag-goodbye ka na sa article mo,” banat ni Kao, sabay tingin sa akin na may halong yabang.
Medyo napakunot ang noo ko, pero bago pa ako makapagsalita, kinuha ni Alfred ang bola. Huminga siya nang malalim, saka tumingin sa akin.
“Para sa’yo ‘to,” sabi niya, sabay kindat.
Isang pull-up jumper at pasok.
“Three-one.”
Sunod, mabilis na steal ni Alfred mula sa dribble ni Kao, isang euro step, at pasok ulit.
“Three-two.”
Hindi doon natapos. Nakabawi siya ng isa pang tira mula sa labas ng three-point line.
“Tied na tayo, three-three,” sabi niya, sabay sulyap sa akin na para bang sinasabing,
Kaya ko ‘to para sa’yo.
Doon nagsimula ang matinding palitan.
Kao ,shoot.
Alfred, shoot.
Parang walang gustong magpatalo.
Hanggang sa umabot sa 9-9 ang score. Pareho silang hingal at pawisan. 9-all. Isa na lang at may panalo.
Sa huling laban para sa huling puntos, nakuha ni Kao ang bola. Mabagal ang bawat segundo para sa akin habang nakikita kong dahan-dahan siyang nag-dribble, papalapit sa ring. Pawisan siya, seryoso ang mukha, pero may halong kumpiyansa sa bawat galaw.
Thud… thud… thud…
Ramdam ko ang tunog ng bola sa sahig, kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko.
Ito na ba ang huling tira? Wala na ba talaga akong article?
bulong ko sa sarili.
Nang tumingin si Kao sa akin, may ngisi sa labi niya , yung tipong alam niyang panalo na siya.
Talo ka na, Writer,
parang sinasabi ng mga mata niya.
Tumaas ang kamay ni Kao, bitaw ng bola ,slow motion ang mga oras na ‘yon para sa aming tatlo. Nasa ere ito, umiikot, papunta sa ring…
Pero biglang , SMACK!
Hinabol ni Alfred, nasalo ang bola bago pa ito pumasok. Mabilis siyang tumakbo sa kabilang side, dalawang hakbang lang, at SWISH! Pasok agad ang tira.
“Ten-nine,” hingal na sabi ni Alfred, pero nakangiti sa akin.
“Looks like panalo ako… para sa’yo ‘yan.”
Nanahimik si Kao, pero bakas ang inis sa mukha niya. Pinulot niya ang bola at bahagyang ibinato sa gilid.
“Tsk,” maikling sabi niya, hindi makatingin sa akin.
Biglang lumapit si Alfred, hinihingal pa. “Dale, pasensya na ah, kailangan ko nang umalis. May lakad pa kami ni Remar, teammate ko.”
Ngumiti ako. “Ayos lang, salamat sa tulong mo. Kung hindi dahil sa’yo…”
Tumawa siya. “Basta tandaan mo, para sa’yo ‘yon,” sabay gulo ng buhok ko.
Bago umalis, tumingin si Alfred kay Kao. “Pare, tuparin mo ang deal ha. Tulungan mo si Dale.” May diin ang tono niya, parang may ibig ipahiwatig.
Hindi agad sumagot si Kao. Nakatingin lang siya kay Alfred na unti-unting lumabas ng court, tapos lumipat ang tingin niya sa akin ,malamig, parang may halong inis.
“Sige na, Writer,” malamig niyang sabi. “Ikuha mo ako ng Gatorade sa vendo. Pagbalik mo… simulan na natin ‘yan.”
Hindi na ako kumibo at agad umalis. Habang naglalakad papunta sa vending machine, pinipigilan kong mainis. Ano bang problema ng taong ‘yon?
Bumagsak ang bote ng Gatorade sa dispenser. Kinuha ko iyon, malamig sa palad ko. Bumalik ako sa court, pero… wala na si Kao. Walang tao, walang bola, tahimik ang buong lugar.
“Kao?” tawag ko, pero walang sumagot.
Hanggang sa marinig ko ang tunog ng tubig. Mahina sa una, tapos lumalakas,lagaslas mula sa direksyon ng locker room.
Napalunok ako. Wala naman sigurong masama kung titingnan ko lang kung nasaan siya…
Lumapit ako, mabagal ang bawat hakbang, at pagdating sa pintuan, bahagyang bumukas iyon mula sa loob.
“Writer,” tawag ng isang pamilyar na boses mababa at paos na parang bagong gising. “Dito ako… sa locker.”
Tumigil ang hininga ko. Doon sa loob, ramdam ko ang halumigmig mula sa shower at ang amoy ng sabon na humahalo sa singaw ng mainit na tubig. Sa pagitan ng mga patak ng lagaslas, naroon si Kao naka-tuwalya lang, basa ang buhok, at may patak ng tubig na dumudulas sa matipunong balikat niya pababa sa dibdib.
Nakatingin siya sa akin, bahagyang nakangisi. “Ano, Writer… handa ka na bang simulan?”
Napalunok ako. Parang biglang uminit ang paligid kahit malamig ang Gatorade sa kamay ko.
Bigla siyang napatingin sa akin, at may mabagal na ngiti na gumuhit sa labi niya hindi ngiting masaya, kundi ngiting mapanukso. Parang alam na alam niya kung anong epekto ang meron siya sa akin.
Dahan-dahan siyang lumabas mula sa may shower. Bawat hakbang ay mabigat at sinadya. Basa pa rin ang buhok niya, at patuloy na tumutulo ang tubig mula sa katawan niya.
Napaatras ako nang kusa, hanggang sa maramdaman ko ang malamig na bakal ng locker sa likod ko.
Lumapit siya sa akin. Isang hakbang. Dalawa. Hanggang halos magdikit ang dibdib namin. Mainit ang katawan niya kahit basang-basa ito, at ramdam ko ang init na iyon na lumulusot sa balat ko.
Niyuko niya ang ulo niya, halos magdikit na ang ilong namin. Amoy ko ang sabon at ang halimuyak niya, sariwa pero matapang.
“Writer…” bulong niya, mababa, paos, at mabagal , parang bawat titik ay dumidiretso sa pandinig ko. Dumikit ang labi niya malapit sa tainga ko, at ramdam ko ang mainit niyang hininga sa gilid ng leeg ko.
“Ano…” sinadya niyang gawing mabagal ang bawat salita, “…handa mo na bang simulan?”
Napalunok ako. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makatingin nang diretso, pero ramdam ko ang tingin niya ,matulis, matindi, at parang kayang basahin ang iniisip ko.
Ang isang kamay niya ay dahan-dahang umakyat, marahan pero matatag, at sumandal sa locker sa tabi ng ulo ko, na para bang sinasakop ang espasyo sa pagitan namin.
Nakapwesto ang isang braso niya sa gilid ng ulo ko, para bang sinadya niyang ikulong ako sa maliit na espasyo. Ang mga patak ng tubig mula sa buhok niya ay dahan-dahang tumutulo sa leeg niya, pababa sa dibdib na halos bakat sa basang tela.
Napalunok ako. Malakas ang tibok ng puso ko. Masyado na kaming magkalapit.
Bahagya siyang yumuko, halos magdikit na ang labi namin, pero hindi pa rin. Imbis, inilapit niya ang bibig sa tainga ko at mainit na bumulong:
“Gusto mo ba, Writer?” mapang-akit niyang tanong.
Itutuloy…
Episode 3 : The Locker Room Scandal
Hindi ko rin alam kung anong sumapi kay Kao kanina. Nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa labi ko, kung paano uminit ang hangin sa pagitan namin. Hindi ako makagalaw. Para akong nakapako sa sahig ng locker room habang papalapit siya, bawat hinga niya dumadampi sa balat ko.At nang ilang pulgada na lang ang pagitan namin..
KLIK!
Napakurap ako sa nakakasilaw na flash. Parang may sumabog sa loob ng ulo ko. Nakita ko ang aninong kumaripas palabas, may hawak na cellphone. Narinig ko ang mura ni Kao, galit at nagngingitngit, bago siya sumugod palabas. Naiwan akong nakatayo roon. Hindi pa rin makagalaw.
Naririnig ko ang sigaw niya sa labas. “Hoy! Bumalik ka rito!”
Pero parang malayo lahat ng tunog. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa gulat o dahil sa kung anong muntik nang mangyari.
Pagbalik niya, hingal na hingal siya. Galit. Nag-aapoy ang mata. Pero nang makita niya akong nakatayo lang, hawak ang dibdib ko, napakunot-noo siya.
“Ano ba’t ka natutulala diyan? Para kang nakakita ng multo.”
Gusto kong magsalita. Gusto kong sabihin na hindi multo ang nakita ko,kundi siya. Pero walang lumalabas sa bibig ko. Nanginginig lang ang labi ko.
“Hoy, writer… ano na?”
Hindi ko alam kung saan kukuha ng lakas, pero naituro ko ang baba niya. Nanginginig ang kamay ko.
“Ah… a-ano…”
Sinundan niya ang tingin ko.
At doon ko lang tuluyang napagtanto kung bakit parang nawalan ako ng dugo sa mukha.
Nahulog ang tuwalya niya.
At higit pa roon… hindi niya napansin na may “nagising na sundalo.”
Napakagat ako sa labi at mabilis na napalingon sa gilid. Diyos ko. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay na makakita ng ibang hotodog, Yes true vigin pa ang mata ko at ibang bahagi ng katawan ko sa ganito.Hindi ako sanay na…
“T-teka lang, Kao…” halos pabulong kong sabi, nanginginig ang boses ko.
Nagkibit-balikat pa siya bago yumuko. At nang makita niya, napatalon siya.
“PUT-! Tangina naman oh!”
Dali-dali niyang dinampot ang tuwalya at tinakpan ang sarili. Pero huli na. Nakita ko na.
Namula ang pisngi ko. Ramdam ko ang init hanggang tenga. Hawak ko pa rin ang dibdib ko, parang doon ko gustong ikulong ang pusong ayaw tumigil sa pagwawala.
“Wag ka nga tumingin!” singhal niya.
Gusto kong sabihing hindi ako tumitingin. Na hindi ko ginusto. Na hindi ko kontrolado.
Pero hindi ko rin kayang magsinungaling.
Pagkatapos niyang magbihis, sabay kaming lumabas ng building.
Tahimik. Mabigat ang hangin sa pagitan namin.
Ako ang unang nagsalita.
“Kung sino man ‘yung kumuha ng litrato, siguradong may balak. Hindi ‘to biro, Kao.”
Pero napairap siya. Ngumisi pa na parang may tinatagong galit.
“Ikaw ha? Baka set-up ‘yon ng mga kasama mo sa Journ.”
Parang may sumampal sa akin.
“Excuse me? Sa tingin mo ba gano’n kababa ang tingin ko sa sarili ko?”
Huminto siya. Tumingin diretso sa akin. Malamig.
“Eh diba kayo, kayong mga bakla… bragging rights niyo ang malink sa tulad ko. Trophy kumbaga.”
Parang may kumurot sa dibdib ko.
“Tulad mo? Sino ba naman ang gustong malink sa tulad mong mayabang at hambog?”
“Hindi ba’t ikaw ‘yon? Halos di ka makagalaw kanina.”
Natigilan ako.
“Oo, hindi ako makagalaw. At bakit? Ank
O ba ang issue kung di ako makagalaw nang lumalapit ka? Dahil ba nakita ko yang kahabaan mo? Dahil ba hindi ko tinago na hindi ako komportable at dahil ba nakit ako saglit?”
“So naakit ka sa’kin kanina?”
Tanong niya na hindi ako nakasagot.
“Alam mo, Kao… hindi lahat ng bagay umiikot sa ego mo.”
At tumalikod ako. Dahil kung hindi, baka may masabi pa akong mas totoo na pagsisihan ko.
Umuwi ako sa dorm at gabi na pero gising na gising pa rin ako.
Nakatitig ako sa kisame, pilit pinipilit ang sarili na matulog.
“Wala ‘yon. Isang eksena lang ‘yon. Move on,” bulong ko sa sarili ko.
Pero syempre, hindi nakikinig ang utak ko.
Biglang replay.
Locker room.
Flash.
Tuwalya.
At
“JUSKO, yung mahabang ano ni kao” mabilis akong tumagilid at tinakpan ng unan ang mukha ko.
Bakit ba kailangan malinaw ang memorya ko? Writer ako, oo. Pero hindi ko naman kailangang i-HD quality ang detalye!
“Hindi ko na iisipin ‘yon… hindi ko na iisipin ‘yon…” paulit-ulit kong mantra.
Pero habang sinasabi ko ‘yon, lalo lang nagzo-zoom in ang isip ko.
Ang kapal ng braso niya.
Yung tikas.
At oo yung ano ba ang kahabaan.
“Dale! Matulog ka na!” mahina kong saway sa sarili ko.
Huminga ako nang malalim. Isa. Dalawa. Tatlo.
Hindi lahat umiikot sa kahabaan ni Kao.
Este Hindi lahat umiikot kay Kao
Hindi
”…Grabe naman kasi,” bulong ko bago tuluyang magtalukbong ng kumot.
Kinabukasan, pagpasok ko sa unibersidad, ramdam ko agad ang kakaibang tingin ng mga tao.
May bulungan. May matalas na tingin.
“Siya ba ‘yung sa Locker Room post na kasama ni Kao.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Kumirot ang tiyan ko. Alam ko na. Kumalat na.
Gusto kong maglaho.
Paglingon ko sa kabilang dulo ng pasilyo, dumating si Kao. Matikas parin ang tindig niya. Parang walang pakialam sa mundo.
Nagtama ang mata namin.
May kung anong bumigat sa dibdib ko.
Biglang may sumabat.
“Uy Kao, nakita mo na ba ‘yung post? ‘Locker Room Love Affair.’”
Pinakita ang phone.
Sa isang iglap, hinampas ni Kao ang cellphone pabagsak sa sahig.
“Delete that sh*t.”
Tahimik ang buong hallway.
Napasinghap ako.
Pagkatapos, tumingin siya sa’kin.
Hindi galit.
Hindi rin mabait ang tingin.
Parang may gustong sabihin na hindi niya masabi.At bago pa ako makahinga nang maayos, lumapit siya. Sa gitna ng lahat.
Hinawakan niya ang kamay ko.
Mahigpit.
Walang alinlangan.
Parang tumigil ang mundo.
Narinig ko ang sunod-sunod na bulungan.
“Si Kao? Gay ba siya?” “Grabe, ang swerte nung bagong transfer!”
Pero wala siyang pakialam.
Hinila niya ako palabas ng hallway.
Nanginginig ang kamay ko sa hawak niya.
Pero hindi ko inalis.
Sa halip… mas hinigpitan ko pa.
Habang naglalakad kami, napatingin ako sa gilid ng mukha niya.
Hindi ko mabasa ang emosyon niya pero walang takot.Ako naman ay nalilito sa naramdaman ko na parang habang hawak niya ako… ligtas ako.
Bakit ganito?
ITUTULOY
Every comment you leave makes me more inspired to write and update faster Kaya if you enjoyed this chapter, don’t forget to drop a comment , para mas feel ko rin yung kilig at excitement na nararamdaman n’yo.
Episode 4 : The Knight in Shining Armor
Halos hilahin ako ni Kao papunta sa fire exit. Pagkasara ng pinto, biglang tahimik. Walang ingay ng hallway, walang estudyanteng dumadaan, kami lang. At ‘yung malakas na kabog ng dibdib ko na parang tournament na rin ang pinaglalaruan.
“We have to figure this out,” madiin niyang sabi. “That sh*t will ruin me. Lalo na application ko sa National Basketball.”
Napakurap ako. “Ha? Ganun kalala?”
“National ‘yon, Dale. Isang maling issue lang, pwede yon maapektuhan.”
Sandaling nawala ang angas niya. Doon ko nakita na hindi lang siya galit.Tapos bigla siyang tumingin sa’kin ng seryoso.
“Hoy, writer. Pag ‘di mo ‘to ginawan ng paraan, I will ruin you. So if you want to stay in this school, gawan mo ng paraan.”
Napatitig ako sa kanya. Biglang nawala ‘yung kilig ko kanina napalitan ng inis. “Ako pa talaga? Ako na nga nadamay sa picture mo, ako pa ‘yung problem solver?”
Ngumiti siya nang kaunti ,‘yung half-smile na lagi niyang ginagawa kapag natatalo siya sa practice pero ayaw niyang ipakita.
“May utak ka. Gamitin mo.”
“May utak ka rin. Try mo kaya ikaw magisip.”
Saglit kaming nagtitigan parang duel sa anime, pero walang espada, puro awkward energy lang. Pareho kaming napabuntong-hininga.
“Fine,” sabi ko, medyo dramatic pa. “Tutulungan kita. Pero…”
Hindi pa ako tapos magsalita, bigla na siyang tumalikod at naglakad palayo.
“Oi! Hindi mo man lang hinintay ‘yung condition ko?!” sigaw ko sa likod niya, pero wala na, nawala na sa corridor.
Napailing ako nang malakas. “Grabe, basketball star pero manners zero.”
Nagdire-diretso ako sa rooftop dahil feeling ko sasabog na ‘yung utak ko. Pagdating doon, huminga ako nang malalim, tumingin sa horizon na parang may lalabas na rainbow o flying pig para magbigay ng sign. Wala.Mga buildings lang at mga studyanteng nalalakad lang nakita ko.
“Okay, Dale… calm down… genius mode ON,” bulong ko sa sarili ko habang nagpa-pac-man pose (arms out, parang naglo-load ng brain cells).
Plan A:Hanapin ‘yung nag-upload ng picture. Pigilan siya. Ipilit na sabihin sa lahat na walang malisya ‘yung pic.
Sa isip ko agad: Dark room. Nakatali siya sa upuan (dramatically, syempre). Ako, naka-leather outfit na parang si Catwoman pero drag version ,hawak ang latigo.
Sa imagination version ko: heels clacking.
“Uh… hi… delete mo na ‘yung pic, please… kasi… we’re innocent~” sabi ko sa maarte, seductive na boses na parang si Cherry Gil sa teleserye.
Tapos bigla akong napatawa sa sarili ko. “Wait ,paano kung magalit ako masyado sakanya at masaktan ko sya baka mas lalong ako magtrending? Baka huliin ako ng pulis at ako pa ‘yung maging viral meme: ‘Sports Writer Gay Gone Rogue: Latigo Edition’.”
Natawa ako nang malakas hanggang napahawak sa railing.
Plan B: Magpapa presscon kami ni Kao. Pareho kaming naka-white half-sleeve polo, black shades, arms crossed, mukhang seryosong celebs na maghahabla ng libel.
Sa isip ko: Flash ng cameras. “Mr. Kao, totoo bang may something kayo ni Dale?”
Kami: “No comment. Next question.”
Tapos bigla: “Wait… kung sobrang defensive kami, baka isipin nila may tinatago talaga! Lalo pang lalaki ‘yung chismis. From locker room scandal to ‘confirmed couple hiding’.”
Napahawak ako sa noo ko. “ahhhh My goshhhh anong gagawin ko”
Pero habang iniisip ko ‘yun, bigla kong naalala ‘yung kamay ni Kao kanina sa hallway mahigpit pero hindi masakit. Protective. Parang “mine ‘to, wag kang lalapit” vibes kahit galit siya.
“Pero ang cute talaga ng eksena namin kanina… kahit mainit ulo, pero parang… ayaw niya akong masaktan. Grabe, Dale, bakit ka ba kinikilig sa gano’n? Focus sa scandal, hindi sa landi”
Huminga ako nang malalim, biglang nakangiti sa sarili ko na parang baliw.
Bigla…
“Uy, writer boy!”
Napalingon ako. Si Alfred ,nakayos ang hair, naka ngiti at may dalang dalawang iced coffee.
“Narinig ko na ‘yung locker room fiasco,” sabi niya habang iniaabot sa’kin ‘yung isa. “Mukhang dinadala mo sa dibdib masyado, ha? Wag kang mag-alala , nandito na ang iyong Knight in Shining Armor!”
Napangiti ako, medyo awkward pero natawa rin. “Knight in Shining Armor? Aba, mukhang may plano ka na ha.”
“Of course!” sabi niya, biglang nag-bow nang todo ,parang nasa Bridgerton pero: one hand sa likod, isa naka-extend, mukha sobrang gwapo din ng loko. “Knight mode: fully charged!”
Tumawa ako nang malakas. “Ano ‘yan, ? Feeling royalty ka ba?”
Tumayo siya nang tuwid, nakangiti pa rin. “Sus, wag kang magreklamo. May plano ako para ma-clear ‘yung pangalan niyo ni Mr. Basketball Star.”
Pinaupo niya ako sa sahig (medyo dusty pero okay lang), tapos umupo siya sa tabi ko ,sobrang lapit, ramdam ko ‘yung Happy Clinic na pabango niya na parang fresh laundry mixed with mischief.
“Una,” sabi niya, seryoso na pero may twinkle sa mata, “pupunta tayo sa student affairs bukas. Maaga. Ipapaliwanag natin na walang malisya ‘yung pic at part lang ‘yun ng school paper feature.Kumbaga gusto nyo lang magbasa ulit ng school paper ang mga tao.”
Tumango ako, biglang may lightbulb moment. “Oo nga! Tapos pwede nating sabihing exclusive interview preview lang ‘yun. Walang issue.”
“Exactly!” sabi niya, lumapit pa nang konti. “Tapos kung gusto mong mas believable, lagyan natin ng caption sa school page: ‘Sneak peek: Dale x Kao interview dropping soon - Emoji hearts optional pero recommended.”
Napatingin ako sa kanya. Parang habang nagsasalita siya, ‘yung stress kanina biglang nagiging… kilig? O baka init lang ng araw? Pero ramdam ko ‘yung katiyakan sakanya parang safe zone bigla.
“Okay,” sabi ko, nakangiti nang todo at hinampas ko lightly ‘yung balikat niya. “Mag-uumpisa na ako sa office mamaya. Salamat, Alf.”
“ALF?!” sabi niya, fake shocked. “Parang tunog elf! Pero… ang cute naman pala pag galing sa’yo. Sige, pwede na ‘yan. You call me Alf.”
Sabay tawa niya ,yung tawa na nakakagaan ng mood, nakakapagpa-smile kahit walang dahilan. Tapos bigla niyang hinawakan ‘yung kamay ko saglit,
“Wag kang mag-alala, writer boy,” bulong niya, mata naka-lock sa’kin. “Kahit anong mangyari sa scandal na ‘yan… may knight in shining armor ka tandaan mo. At medyo pogi pa.”
Napairap ako pero hindi ko na napigilan ‘yung kilig smile. “Pogi daw. Confidence level ka din no.”
Tumawa ulit kami pareho.
Hindi ko alam na nakita pala kami ni Kao sa rooftop kahapon.
Habang tumatawa kami ni Alf, habang hawak niya kamay ko at ang lapit ng mukha niya sa’kin-may pares pala ng matang nakamasid mula sa stairwell door. Tahimik. Matalim. At halatang hindi natuwa.
Kinabukasan, maaga akong nagtungo sa Student Affairs. Bitbit ang lakas ng loob na akala mo naman magpe-present ng thesis.
“Good morning po, Ma’am Cara,” bati ko kay Ms. Cara na busy sa pag-aayos ng folders.Tumingin siya sa’kin, tapos ngumiti nang konti.
“Dale, buti nagpunta ka. Pinapatawag ka rin ng admin. Narinig ko na ‘yung issue. Ano bang nangyari?”
Inilahad ko na wala naman malisya ang lahat at agad sinabi ko ang plano. “Ma’am, part lang po talaga ng feature interview ‘yung picture. Sneak peek kumbaga. Pwede po nating i-announce na teaser lang siya para sa exclusive interview ni Kao.”
Saglit siyang natahimik, tapos tumango. “Okay. I like that. Ako na ang kakausap sa admin. Pero kailangan malinaw ang execution. Tawagin natin ‘yung may hawak ng page.” Agad niyang pinatawag ang layout artist at social media head ng school paper.
“Gumawa kayo ng maayos na layout,” utos ni Ma’am Cara. “Caption:
‘Exclusive: Kao Interview with our New Sports Writer dropping soon! The viral picture is just a teaser to get everyone’s attention.’
Clear?”
“Yes, Ma’am!” sabay sagot nila.
Napahinga ako nang maluwag.
Bago ako umalis, tumingin sa’kin si Ma’am Cara. “Dale pang ilang araw mo pa lang dito, iwas tayo sa issue ha. I am rooting for you. Pero sa ngayon kailangan matapos mo talaga ang interview.”
“Opo, Ma’am. Promise.”
Paglabas ng post sa FB page ng school paper, halos maiyak ako sa tuwa.
Binasa ko agad ang comments:
“Ahh yun pala ‘yon.” “Sabi na eh, teaser lang.” “As if naman papatulan ni Kao ‘yan.” “Grabe kayo, gumawa lang ng issue.”
Medyo may mga side comments pa rin, pero majority , kumalma na. Unti-unting mamatay ang chismis neto.
“Tapos na Dale” bulong ko sa sarili ko. “Mission accomplished.”
Akala ko okay na lahat.
Pagbukas ko ng locker ko sa locker room, halos mapaatras ako.
BAM.
Isang sobre ang nahulog.
Tapos isa pa.
Tapos sunod-sunod.
Hate letters.
“Layuan mo si Kao.” “Hindi ka bagay sa kanya.” “Feeling close.”
May iba pa na mas masakit basahin. May heart pa na may slash sa gitna.
Pero hindi pa doon natapos ang shock ko.
May kakaibang amoy.
Bulok.
Pagtingin ko sa loob ng locker may tumutulong dilaw na likido sa gilid. Parang may nag-effort talaga na mag-inject ng bulok na itlog sa maliit na butas ng locker para mapunta sa loob.
“WHAT THE?!” napasigaw ako.
Grabe. Andami talagang may crush kay Kao.Parang fan club o mga miyembro ng na may anger issues.
Napatakip ako ng ilong. “Grabe naman. Nag-research pa ba sila kung paano mag-smuggle ng itlog sa locker?!”
May ilang students na napalingon.
“Uy, ano ‘yan?” “Amoy… eww.”
Ramdam ko ‘yung init ng tenga ko. Hindi ko alam kung sa hiya o sa galit.
Habang nag-iisip ako kung paano lilinisin ‘yon, biglang may aninong tumigil sa likod ko.
Pamilyar.
“Who did this?”
Boses na mababa. Controlled. Pero halatang galit.
Dahan-dahan akong lumingon.
Si Kao.Nakatitig siya sa locker ko. Nakakuyom ang kamao. Mas seryoso pa siya kaysa noong nasa fire exit kami.
“Baka ikaw,” pilit kong biro para gumaan ang atmosphere. “Ang sweet mo naman may pa-egg surprise.”
Hindi siya natawa.
Lumapit siya, isinara ang locker ko nang maingat para hindi na kumalat pa ‘yung likido.
“Sino?” ulit niya.
Umiling ako. “Hindi ko alam. Mga admirers mo siguro.”
Sandaling nanahimik siya. Tapos tumingin siya sa’kin diretso. Mas matagal kaysa normal.
“Dale.”
“Hmm?”
Napakunot ang noo ko. “Ha?”
Bahagya siyang napatingin sa gilid, parang may iniisip. Parang may gustong sabihin pero pinipigilan.
Tapos bigla niyang ibinalik ang tingin sa’kin.
“Stay away from Alfred.”
Parang may malamig na tubig na binuhos sa ulo ko.
“Excuse me?”
“Just… stay away from him.”
Naramdaman ko ulit ‘yung inis ko noong nasa fire exit kami.
“Wow. May utos na naman si Mr. MVP Basketball superstar.”
“Hindi ako nag-uutos.”
“Talaga? Kasi parang ganon.”
Saglit siyang natahimik. Tumingin siya sa paligid, tapos mas lumapit nang kaunti.
“Kahapon sa rooftop,” mababa niyang sabi. “I saw you.”
Tumigil ang mundo ko ng isang segundo.
”…You saw what?”
“Kayo.” Sandaling tumigas ang panga niya. “Laughing. Holding hands.”
Biglang nag-init ang pisngi ko. “So? Anong problema doon?”
Wala siyang agad sagot.
Pero kita ko ‘yung pagbabago sa mata niya.
Hindi ‘yon galit lang.
Hindi rin purely ego.
May halong, selos?
“Kao…” mahina kong sabi.
Hindi siya sumagot agad.
“Kao, ano ba,?”
Hindi na niya ako pinatapos. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Mahigpit. Pero hindi masakit.
“Sumama ka sa’kin.”
“Hoy! Saan mo ‘ko dadalhin”
Pero hila na niya ako palabas ng building. Diretso sa quadrangle kung saan nagkakatipon ang mga estudyante tuwing break. May maliit na elevated stage doon, parang mini platform para sa announcements at performances.
“Kao!” pilit kong kumalas. “Pinagtitinginan na tayo!”
“Good,” madiin niyang sagot.
Mas lalo akong kinabahan.
Pagdating sa gitna, bigla niya akong inalalayan paakyat sa stage. Literal na isinampa. Napatulala ang mga tao sa paligid. May mga naglalakad na biglang huminto. May naglalabas na ng phone.
“OMG si Kao!”
“Kasama niya ‘yung writer!”
“Akala ko ba fake lang yung pictures?!”
“Kao, bumaba tayo,” bulong ko, ramdam ang panic. “Mas lalong lalaki ‘to.”
Pero hindi siya nakatingin sa’kin.
Nakatingin siya sa crowd.
At kitang-kita ko na galit siya.
Hindi ko mawari kung petty na inis o ‘yung selos na pilit tinatago.
Bigla niyang tinaas ang kamay ko.
Tahimik ang lahat.Parang may nag-mute sa buong campus.
“Sinong gumawa kababuyan locker niya?”
Walang sumagot.
“Sinong naglagay ng mga sulat? Sinong nag-lagay ng bulok na itlog?”
May mga nagkatinginan. May mga napaatras.
“Kung may problema kayo sa’kin, sa’kin niyo idiretso.” Matalim ang boses niya. “Huwag kayong duwag na sa kanya bumabawi.”Napatingin ako sa kanya. Hindi ko inaasahan ‘to.
“Kao… tama na,” mahina kong sabi.
Pero hindi pa siya tapos.
Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Tapos , parang desisyon na matagal nang pinipigilan …bigla niya akong hinila palapit sa kanya.
Ramdam ko ang dibdib niya sa balikat ko.
“Makinig kayo nang mabuti,” sabi niya, malinaw bawat salita. “Si Dale…”
Huminto ang mundo.
“girlfriend ko or boyfriend ko siya.”
Isang sabog ng bulungan.
“HA?!”
“Totoo ba?!”
“OH MY GOD”
Nanlamig ako. Literal.
“Kao…” halos pabulong lang ang boses ko.
Pero hindi siya bumibitaw.
“At simula ngayon,” dagdag niya, mas mababa pero mas may bigat na sinabi niya, “kahit sino mang mag-tatangka sa kanya, mang-aasar, maninira o gagalaw ng kahit ano sa gamit niya,mananagot sa’kin.”
NAGULAT AT NA TAHIMIK ang lahat na halos di makapaniwala.
ITUTULOY…
Episode 5: The Secret Plan
Tahimik.
Hindi ’yung normal na tahimik.
’Yung klase ng katahimikan na parang pati hangin natakot huminga.
Nakahawak pa rin si Kao sa kamay ko. Mainit. Matigas. Determinado.
“Girlfriend ko or boyfriend ko siya.”
Ulit-ulit ’yung linya sa utak ko. Parang sirang speaker na naka-loop.
“Ano raw?!” sigaw ng isa mula sa crowd.
“Hindi ba para sa interview lang ’yung picture?!”
“WAIT TOTOO BA ’TO?”
Mas lalong dumami ang phones na nakataas. Recording. Flashing. Pangreels material.
“Kao,” bulong ko, halos hindi gumagalaw ang labi ko. “Bitawan mo ’ko.”
Pero lalo lang siyang lumapit.
At doon ko nakita.
May kung anong naglalaro sa mata niya.
“Simula ngayon,” dagdag niya, mas malamig ang tono, “kung may problema kayo, sa’kin niyo idiretso. Huwag kayong duwag.”
Ramdam ko ang pagpisil niya sa kamay ko sakto lang para maramdaman ko ang presence niya.
Pero bakit parang may mali?
Sa gilid ng crowd, nakita ko si Alfred.
Hindi siya nakangiti.
Hindi rin galit.
Parang… nag-iisip.
Pagkababa namin ng stage, sabay-sabay ang bulungan.
“Official na ba sila?”
“Grabe si Kao, ang tapang!”
“Uy trending ’to mamaya.”
Hinila niya ako palayo sa crowd, papunta sa likod ng gym kung saan walang tao.
“Okay ka lang?” tanong niya.
Napatingin ako sa kanya.
“Okay lang?!” pero ano yon bakit inannounce mo sa buong campus na tayo without asking me!”
Saglit siyang natahimik.
Then that half-smile.
’Yung ngiting ginagamit niya kapag sure siyang siya ang panalo.
“Mas safe ka na ngayon.”
“Safe?” ulit ko. “O ginawa mo lang akong mas target ng mga baliw na fans mo?”
Hindi siya agad sumagot.
Lumapit siya. Mas mabagal this time.
“Trust me,” sabi niya.
At ewan ko ba kung bakit… kahit galit ako, may parte sa’kin na gustong kiligin
Stupid heart.
That
Day
Sa kabilang side ng campus.
Sa loob ng basketball court.
Tahimik ang ilaw. Tanging echo ng bola ang maririnig.
“Good,” sabi ng coach habang nakasandal sa bleachers. “Mas mabilis kaysa inaasahan.”
Huminto si Kao sa pagdribble.
“It’s trending,” dagdag ng coach. “The management loves narratives. ‘Star player with a story.’ Mas marketable.”
Tahimik si Kao.
“Remember,” sabi ng coach, mas mababa ang boses. “National draft committees look at engagement. Personality. Buzz. Hindi lang stats.”
Tumingin si Kao sa phone niya.
Trending na ang video.
#KaoAndDale
Libo ang views.
Hundreds of comments.
He locked his jaw.
“He’s just part of the plan,” paalala ng coach. “Make the campus talk. Build the image. Then pag na-draft ka na, you can clean it up.”
Tahimik.
Masyadong tahimik.
“Don’t get distracted,” dagdag ng coach.
Sumagot si Kao nang mahina.
“I won’t.”
Pero bago niya ibinulsa ang phone, sandali siyang tumigil.
Nakabukas ang picture ko sa screen niya.
’Yung kuha sa rooftop.
Tumatawa ako.
Masaya.
Hindi dahil sa kanya.
At doon… bahagyang tumigas ang panga niya.
“Alfred…” bulong niya sa sarili.
Hindi parte ng plano ang selos.
Pero naramdaman niya.
At mas lalong delikado ’yon.
Kinabukasan
.
Hindi pa ako nakakapasok ng gate, ramdam ko na.
Mga tingin.
Mga bulungan.
“Uy, dumating na.”
“Siya ’yung jowa ni Kao.”
“Ang tapang nila kahapon.”
Napangiwi ako.
Jowa.
Hindi ko pa nga napoproseso ’yung nangyari.
Pagpasok ko sa hallway, may biglang nag-abot ng chocolate.
“For ate Dale,” sabay tawa ng tropa nila.
“Ate mo mukha mo,” bulong ko habang tinanggap ko pa rin. Libre ’to eh.
Biglang may kamay na pamilyar na umagaw ng chocolate.
Kao.
Nasa likod ko.
Tahimik.
Matangkad at gwapo ang dating
Intimidating.
“May problema?” tanong niya sa mga lalaki.
Biglang umatras.
“W-wala, bro!”
Tumalikod sila agad.
Napatingin ako sa kanya.
“Hindi mo kailangang gawin ’yon,” sabi ko.
“Part ’to ng pagiging ‘tayo,’ di ba?” sagot niya, casual lang.
Part ng pagiging tayo.
Ang dali niyang sabihin.
Habang naglalakad kami papunta sa classroom, may kakaiba sa kanya.
Inakbayan niya ako at ako naman ay di parin alam bakit ganon ang kinikilos niya.
Lunch Break
Nasa canteen ako mag-isang nakaupo sa mesa nang bigla akong tinabihan ni Alfred.
“Oy,” sabi niya habang kumakain ng fries, “Celebrity ka na. Anong feeling?”
“Gusto kong mag-disappear,” sagot ko.
Tumawa siya.
“Pwede ka namang mag-hoodie at magpanggap na sikat na controversial na artista.”
Inirapan ko siya pero napangiti rin.
Then bigla siyang tumahimik.
“Totoo bang kayo na?” tanong niya.
Napahinto ako.
“Hindi, ano ka ba. Hindi ko rin alam anong trip ng kaibigan mo.”
May diin sa
trip
.
Kasi honestly?
Hindi ko talaga alam.
Pingatritripan ba niya ako? o kulang siya sa pansin at trip lang ba niya magpasikat?
At bago pa ako makapagsalita ulit
May tray na bumagsak sa mesa.
Hindi malakas.
Pero sapat para tumahimik kami ni Alfred
Si Kao.
Hindi siya nagsalita agad.
Umupo siya sa tabi ko.
Hindi sa tapat.
Sa tabi.
Close.
Masikip.
Ramdam ko agad ang braso niyang halos dumidikit sa braso ko. Yung tuhod niya bahagyang sumasagi sa hita ko kapag gumagalaw ako.
Parang sinadya.
“May problema?” tanong niya kay Alfred.
Parehong kalmado ang boses.
Pero parehong may tensyon.
Alfred ngumiti.
“Wala naman. Kinakamusta ko lang girlfriend-boyfriend mo, bro.”
Tahimik.
Ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan nila.
Then
Ngumiti si Kao.
Pero hindi umabot sa mata.
“She’s fine.”
She’s.
Hindi he.
Napansin ko ’yon.
At hindi ko alam ano talaga ang trip ng kumag na ’to.
Ako pa talaga ang ginawang “she” sa harap ng buong canteen?
“Excuse me,” singit ko, kunwari inis.”
Bahagyang yumuko si Kao palapit sa’kin.
Masyadong malapit.
Naamoy ko ’yung faint na scent ng sabon niya. Fresh. Clean. Nakakainis.
“She,” bulong niya.
Mahina ako lang ang nakarinig
Nanlamig ang likod ko.
Sa gilid ng mata ko, napansin kong mas lalo siyang dumidikit. Yung balikat niya halos nakasandal na sa akin.
“Concerned friend lang naman ako kay Dale,” sabi ni Alfred, medyo may edge na.
Napatingin si Kao sa kanya.
“Friend?” ulit niya.
Then casually..
Inilagay niya ang kamay niya sa likod ng upuan ko.
Hindi niya ako hinawakan.
Pero parang niyakap niya ako nang hindi ako hinahawakan.
“Good,” sabi niya kay Alfred. “Stay that way.”
Napakunot ang noo ko at tumingin sa kanya.
Napatingin siya sa’kin.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko sa ibabaw ng mesa.
Hindi mahigpit.Pero sapat para maramdaman ko ang init.
Ramdam ko ang mga matang nakatingin.
Ramdam ko ang pag-record ng phones.
Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.
“Lunch ka na,” sabi niya, pero hindi niya agad binitawan ang kamay ko.
At bago siya tumayo
Bahagya niyang inangat ang kamay ko.
Sandaling tumigil.
At marahan niyang hinalikan ang likod nito.
Tahimik ang isang segundo.
Then
“OMG!”
“Hindi na ’to teaser!”
“Official na!”
Parang sumabog ang canteen.
Namula ako hanggang leeg.
“Kao!” pabulong kong sigaw.
Ngumiti siya.
Yung confident.
Yung parang alam niyang nasa kanya ang spotlight.
“See you later,” sabi niya, sabay lakad palayo.
Iniwan niya akong tulala.
Tahimik si Alfred sa tabi ko.
Later That Day
Pagdating ko sa school paper office, hindi pa rin normal ang tibok ng puso ko.
May kumatok.
“Dale, pwede ka makausap?” boses ni Mrs. Cara.
Tumayo ako agad.
Pagpasok ko sa loob ng maliit niyang office, sinara niya ang pinto.
Umupo siya sa harap ko.
Hindi galit.
Pero seryoso.
“Dale,” sabi niya, mahinahon. “I like your energy. Magaling ka. Pero ilang araw ka pa lang dito… iwas tayo sa gulo sabi konsayo.”
“Opo, Ma’am,” sagot ko agad.
“Alam kong hindi mo ginusto ’yung nangyayari. Pero kailangan mong maging mas maingat.” Tumingin siya diretso sa’kin. “Ang school paper hindi dapat sentro ng issue.”
Napayuko ako.
“Opo.”
Huminga siya nang malalim.
“Yung kay Kao… kung ano man ’yon, keep it controlled. Focus sa impagsusulat. Focus sa pagaaral”
Tumango ako.
Pero sa loob-loob ko
Paano ko iko-control ’yon kung siya mismo ang hindi makontrol?
Public declaration.
Canteen stunt.
Hand kiss.
Trending.
Gusto kong umiwas.
Pero hindi ko din alam sa sarili ko bakit parang natutulala nalang ako sa mga pinagagawa ni Kao at wala akong lakas umalma dala paba to ng pagkabigla o pinangungunahan ako ng kilig.
Paglabas ko ng office ni Mrs. Cara, parang mas mabigat ang hangin.
“Keep it controlled.”
Madaling sabihin.
Pero paano mo iko-control ang isang bagay na hindi mo naman sinimulan?
At lalong hindi mo maintindihan.
Habang naglalakad ako sa hallway, ramdam ko pa rin ang phantom feeling ng labi ni Kao sa likod ng kamay ko.
Nakakainis.
Bakit ko ba paulit-ulit iniisip ’yon?
“Focus, Dale,” bulong ko sa sarili ko. “Interview lang. Work.Aral. Hindi lovelife.”
Pagliko ko sa corner
Bigla akong nahila papasok sa isang bakanteng classroom.
“HOY”
Bago pa ako makasigaw
Isang kamay ang sumakop sa bibig ko.
Isang katawan ang sumandal sa pinto.
Isang pamilyar na pabango.
“Kao?!” bulong ko nang makaalis ang kamay niya.
Tahimik ang classroom.
Mahina lang ang liwanag mula sa bintana.
Nakatalikod siya sa pinto, nakaharap sa’kin.
Mas malapit kaysa sa canteen.
Mas tahimik.
“Ano bang problema mo?!” pabulong kong galit.
“Mrs. Cara talked to you,” sabi niya.
Nanlaki ang mata ko.
“Paano mo…”
“Alam ko,” putol niya. “Naririnig ko pangalan ko.”
Nakasandal pa rin siya sa pinto.
Literal na walang labasan.
“Bakit mo sinabi kay Alfred na hindi mo alam ang trip ko?”
Napahinto ako.
“Eh totoo naman,” sagot ko, pilit kalmado. “Hindi ko talaga alam.”
Tahimik.
Tumingin siya diretso sa mata ko.
Mas malalim ngayon.
Walang mga tao.
Walang camera.
Walang audience.
“Kaya ko ginagawa ’to,” sabi niya, mababa ang boses, “kasi kailangan.”
“Kailangan saan?” tanong ko agad.
Saglit siyang natahimik.
May bahagyang paggalaw ng panga niya.
Parang may gustong sabihin.
Pero hindi niya sinabi.
“Trust me,” sabi niya ulit.
“Stop saying that!” bulalas ko. “Trust mo ko, trust mo mukha mk, hindi ka condom para itrust ko basta basta, Kao!”
Dalawang segundong tahimik.
Tapos bigla siyang humakbang palapit.
Isang hakbang lang.
Pero sapat para umatras ako hanggang sa sumagi ang likod ko sa mesa.
Wala na akong aatrasan.
Ramdam ko ang init ng katawan niya sa harap ko.
Hindi siya humahawak.
Pero napakalapit.
“Kailangan kita,” sabi niya.
Mahina.
Halos hindi ko narinig.
“Kailangan mo ko saan?” ulit ko.
Mas mahina na ang boses ko.
Mas mabilis ang tibok ng puso ko.
Dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya.
Sandaling nag-hover sa pisngi ko. Pero hindi pa rin hinahawakan.
“Sa lahat,” sagot niya.
Nanlamig ako.Hindi ang pagkakasabi niya ay seryoso
Hindi ’yon tunog ng nagbibiro lang.
Tunog totoo ang sinabi niya.
“Kao…” mahina kong sabi.
Bahagya siyang ngumiti.
Hindi smug.Hindi confident.
May halong… kaba?
Dalawang segundo.Tumitig lang kami sa isa’t isa.
Then..
Dahan-dahan niyang hinawakan ang baywang ko.
Mahigpit.Pero hindi masakit.
Reflex ko ang paghawak sa uniform niya.
Hindi ko alam kung para itulak siya palayo
O para hilahin siya palapit.
“Kao,” bulong ko ulit.
Mas lalo siyang yumuko.
Ramdam ko ang paghinga niya sa pisngi ko.
Sentimetro na lang ang pagitan ng labi namin.
Isang galaw.Isang desisyon.
“Sabihin mo lang na ayaw mo,” bulong niya.
Hindi ko masabi.
Hindi ako makasagot.
At sa sandaling ’yon
Lalo niya nilapit ang labi niya sa papalapit sa labi ko
Itutuloy …

