loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Stalker's Obsession: Saint Celestino (VIP ONLY!)

The Stalker's Obsession: Saint Celestino (VIP ONLY!)

xxriegozzxx · 9 chapters · 10,906 words

Disclaimer

‼️

VIP ONLY‼️

This is a work of fiction. Names, characters, business ,places, events and incidents are either the product’s of the author imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No part of this may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the Author.

This story contains incorrect typos/ spelling/ grammar. I’m not a professional writer so please bear with me. Thank you!

WARNING ⚠️

THIS STORY CONTAINS STRONG CONTENT , R-18, NOT SUITABLE FOR BELOW 🔞 YEARS OLD.

Read at your own risk!

Facebook Account: Cruz Wp

Facebook Group: Azzinations (Official Group)

Facebook Page: Az

zinatics Stories

Copyright ©️ 2024 by XXRIEGOZZXX All rights.

Prologue

Saint Celestino

NAKAUPO ako sa driver seat habang nagsisigarilyo. Tahimik lang akong nakaupo habang pinapanood ang mga tao na dumadaan. Katatapos ko lang mag deliver ng mga armas na inutos sa ’kin ni boss Lucian. 

Dapat ay kasama ko si Gideon na maghatid ng armas ngunit busy siya palagi sa bebe girl niyang si Harmony. Wala na talaga siyang oras na samahan ako dahil first priority daw niya ang bebe niya. 

Nasa may seaside ako at nagpapalipas lang ng oras. Wala naman akong uuwian sa bahay dahil mag-isa lang naman ako. 

Nakabukas ang bintana ng driver seat habang nagsisigarilyo ako. Uuwi na naman ako sa bahay na tahimik. Kaya mas gusto kong tumambay sa underground dahil hindi ako nabo-boring do’n. Mukha palang ni Percival matutuwa na ako. 

Nakaramdam ako ng sakit sa likod kaya naisipan kong lumabas muna ng sasakyan. Kanina pa kasi ako nagmamaneho sa pisteng kotse na ‘to na dapat ay si Gideon. Pero pinana na kasi yun ni kupido at balak na yatang maging kasapi ng grupong TAGA.  Hinayaan ko na para mag bagong buhay na ang gago. Tinira yata katol no’n dahil pati bata ang minahal. Kaya ako talaga ay hindi ako susunod sa yapak niya. Hindi ako mahilig sa mga mata. 

Humithit ulit ako ng sigarilyo at ibinuga ang usok. Panay lang ang tingin ko sa paligid habang nagpapahangin. Medyo madilim ng bahadya sa pwesto ko ngunit nakikita ko parin naman ang mga taong dumadaan. Yung iba pa nga ay nag da-date. Halatang mga high school student pa dahil naka suot pa ng uniporme. 

Napa iling nalang ako dahil nong ganyan pa ang edad ko ay hindi ko naranasan ang makipag date. Sa murang edad kasi ay sumabak na ako sa training. Hindi pa si boss Lucian ang leader no’n kundi ang ama niya. Kaya wala akong panahon makipag date o magmahal man lang. Ayos na sa ‘kin ang tikim-tikim lalo na kapag stress ako pagdating sa trabaho. Minsan kasi at napapagalitan kami kaya hindi maiwasan talaga na makaramdam ako ng stress.

Dinadala ng hangin ang buhok ko kaya inayos ko yun. Masarap talaga tumambay sa seaside lalo na kapag gabi. Isinandal ko lang ang likod ko sa sasakyan habang nagsisigarilyo parin. 

Pinagmamasdan ko ang kalangitan na may mga bituin at buwan. Ang ganda ng langit lalo na kapag gabi. Mas gusto ko pa kasi ang gabi kaysa sa umaga. Hindi masakit sa balat. 

Naubos na ang hinihithit kong sigarilyo kaya itinapon ko yun sa kalsada saka ko tinapakan. Nag angat ako ng tingin ng may mapansin akong babae na tumatakbo papunta sa gilid ng mataas na pader na pwedeng upuan habang nakatingin sa karagatan. 

Tinitigan ko lang ang babae na nakasuot ng uniporme na halatang estudyante. Hindi ko alam kung college ba siya dahil hindi ko naman alam. Basta ang alam ko lang ay nakita kong sumampa ang  babae sa mataas na pader. Nahirapan pa mga ‘to ngunit nagawa parin niyang umakyat at nakatayo habang pinagmamasdan ang dagat. 

Mahina akong natawa dahil nagmumukha siyang multo dahil sakto din na full moon. Pinagmasdan ko lang siya kung magpapahangin lang ba ang gagawin ng babae. 

Sa tingin ko ay bata pa ang babae. Siguro ay stress siya bilang estudyante kaya siguro ay nagpapahangin.

Tumingin ako sa paligid ng mapansin kong umalis  ang mga ibang estudyante na nakatambay kanina. Ang babae nalang na nakatayo at ako ang nandito at ang ibang mga tao ay medyo malayo na sa pwesto namin.

Binuksan ko na ang pintuan ng driver seat ng maisipan ko na din umalis. Ngunit napahinto ako ng biglang tumalon ang babaeng nakatayo. 

“Fuck!” Agad akong tumakbo papunta sa pader na medyo mataas at agad na sumampa. Walang akong sinayang na oras at tumalon din ako kahit hindi ko alam kung bakit. Gago na yata ako. 

Naramdaman ko agad ang tubig sa katawan ko at agad na lumangoy para hanapin ang babaeng tumalon. Nakita ko naman siya agad kaya sumisid ako pailalaim ng makita kong nawalan na siya ng malay. 

Naka angat ang dalawa niyang kamay kaya hinawakan ko yun at agad na hinila siya paangat. 

Nang makaahon kaming dalawa ay napaubo ang babae habang yakap-yakap ko. “Tangina! May balak ka bang magpakamatay, bata?” Inis kong tanong habang yakap-yakap ko parin siya. 

Ubo naman siya ng ubo dahil siguro sa naka inom siya ng tubig dagat. Napatitig ako sa mukha ng babae. Maganda naman, sakto lang ang ganda niya. Marami na akong magagandang babae  na nakilala pero sa babaeng ‘to ay hindi ko mapigilang mapatitig. 

“B-Bakit mo ko niligtas, manong? Nakita mo na ngang tumalon ako para wakasan ang buhay ko pero.. tumalon ka din.” Saad niya habang hinahabol parin ang hininga. 

“Pakiulit nga sa tinawag mo sa ’kin. Tama ba ang pagkakarinig ko? Manong?” Seryoso kong tanong sakanya. Binitiwan ko ang babae kaya agad siyang napatili at halatang nataranta. Mabilis lang pala siya patayin. Lunurin ko lang pala dahil hindi siya marunong lumangoy. 

Pero dahil maawain ako kaya hinawakan ko ang bewang niya at inangat. 

“Ikaw lang ang magpapakamatay na natataranta na malunod.” Saad ko habang naka smirk.

Hindi naman siya nakasagot at ubo na naman ng ubo. Hinila ko nalang siya papunta sa dalampasigan at baka kailangan niya ng lips to lips mula sa ’kin. Dapat talaga wala siyang malay eh, mukhang malambot pa naman yata ang labi niya. 

Nang makarating kami ay agad akong tinulak ng babae. Nabitawan ko siya at mabilis siyang tumakbo palayo sa ’kin. Muntik pa siyang madapa dahil sa bato-bato ang dinadaanan niya. 

“Hindi man lang nagpasalamat.‘’ Saad ko habang pinagmamasdan ang babae na nagmamadaling tumakbo. 

Tumingin ako sa suot kong damit at napamura dahil basang-basa ako. Plano ko pa naman pumunta ng underground at do’n matutulog. Manghihiram nalang siguro ako ng brief ni Percival para hindi lamigin ang itlog ko.

 Wala man lang akong natanggap na thank you sa babaeng yun. Kung bakit kasi ako tumalon para sagipin ang batang yun. 

Akmang hahakbang na sana ako ng may mapansin ako sa batuhan. Kumunot ang noo ko at umuklo para pulutin ang bagay na yun. 

Tumaas ang isa kong kilay habang pinagmamasdan ang id ng batang yun. Mukhang nahulog niya at hindi napansin ng batang yun. 

Pinitik ko ang picture ng dalaga saka napangiti. “Jeanette Anne Hernandez. Nice name.” Nakangiti kong saka ko inilagay sa bulsa ng pantalon ko at nagsimula na ding maglakad.

Tinungo ang kotse ko at hinayaan nalang na mabasa ang upuan dahil wala naman akong choice. Nagpa feeling superhero kasi ako kanina pero kahit kiss man lang walang bibigay sa ’kin ang batang yun. 

Binuhay ko nalang ang makina ng kotse at agad na pinausad. Habang nagmamaneho ako ay panay ang lingon ko sa paligid at baka sakaling maabutan ko pa si Jeanette Anne. Ngunit hindi ko nakita ang batang yun kaya pinaharurot ko na ang sasakyan para makauwi na ako.

Chapter 1

Anne’s Pov

NAGLALAKAD ako palabas ng eskwelahan at pupunta pa ako sa pinapasukan kong trabaho t’wing gabi. Estudyante ako sa umaga, waitress naman ako sa gabi. 

19 years old naman na ako kaya pwedeng-pwede akong pumasok ng trabaho. Kailangan ko kasi lalo na’t wala naman akong  ibang aasahan kundi ang sarili ko lang. May nanay naman ako pero laging iba ang tingin niya sa ’kin. Bawat pagkakamali ko nakikita niya, pero ang mga tama kong ginagawa ay hindi naman niya nakikita.

May kapatid din naman ako na babae, pero hindi kami pareho ng tatay. Wala na kasi ang ama ko kaya nag-asawa si mama ng bago. Pakiramdam ko nga ay para akong naliligaw ng landas kapag nasa bahay ako. Hindi kasi nila ako pinapansin na para bang hangin lang ako. Kaya nasanay na din naman ako.

Halata din na mas mahal ni mama ang kapatid kong si Kimberly. Panay nga utos sa ’kin si mama kahit pagod na pagod na ako galing sa trabaho. Pero dahil gusto kong matuwa siya sa ’kin ay sinusunod ko ang utos ni mama. Kahit pa nga si Kim ay wala namang ginagawa kundi ang humilata at magpaganda lang.

Wala namang maganda sa buhay ko. Simple lang naman akong babae. Pangarap ko lang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho. Gusto ko kasing mabigyan ng bahay si mama pagdating ng panahon. Kahit pa nga may paboritong anak si mama. Ayos lang naman, naiintindihan ko yun lalo na’t ako ang panganay. 

Kahit nga pagod na pagod na ang katawan ko sakaka trabaho ay ginagawa ko parin upang marinig ko naman na proud sa ’kin si mama. Pero hanggang ngayon ay hindi ko parin narinig ang mga salitang yun mula sakanya. Mabuti pa nga si Kimberly ay pinupuri niya kahit 10/30 ang quiz na makuha ng kapatid ko. Proud na proud talaga siya.

Nasanay nalang talaga ako na ganun ang pakikitungo ni mama sa ’kin. Hindi ko alam kung bakit siya ganun, anak din naman niya ako. Pero iba talaga ang trato niya sa ’kin.

Napabuga nalang ako ng hangin habang naglalakad ako papunta sa gate.

Tuluyan akong nakalabas ng at agad na naglakad sa gilid ng kalsada. Maaga pa naman kaya tatambay na muna ako sa seaside. Mamaya pa kasi ako pupunta sa bar dahil may oras ang duty ko. 7:00PM-9:00PM lang ako dahil alam nila na estudyante ako. 

Hindi na ako uuwi sa bahay namin para magpalit ng damit. May dala naman na ako at sayang sa pamasahe kung uuwi pa ako.

Nilakad ko lang ang papuntang seaside. Marami naman akong kasabayan na mga estudyante kaya ayos lang na maglakad ako. Ang sarap din naman maglakad-lakad lalo na’t hindi naman mainit. Nakakapag isip ako ng maayos kapag ganito ang ginagawa ko.

Ilang sandali na paglalakad ko ay nakarating din naman ako agad sa seaside. Dito talaga ako tumatambay at nagpapalipas ng oras. Medyo malapit na kasi ang bar dito kaya mabilis lang ako makakarating. 

Lumapit ako sa pader na pwedeng upuan ng mga tao at agad akong sumampa. Umikot ako paharap sa dagat at pinagmasdan ’yon. 

Naalala ko na naman ang ginawa ko na pagtalon dito n’ong nakaraan. Siguro one month na din ang nakalipas no’n ng maisipan kung tumalon. Pero buhay ako dahil may lalaking sumagip sa ’kin. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil madilim yun pero hindi ko alam kung pasasalamatan ko ba siya o magagalit sakanya. 

Niligtas pa niya ako, eh pagod na nga ako sa buhay ko. Nakakainis talaga!

Tumalon ako ng gabing yun dahil nagsabay-sabay na ang problema ko. School, si mama ko na ayaw akong bigyan ng pambili ng project at pati ang boyfriend ko sumabay din na siyang nagpapalakas ng loob ko sana sa pang araw-araw. Hiniwalayan niya ako ng gabing yun at nagmakaawa ako na wag niyang gawin dahil wala naman akong nagawang kasalanan sakanya. Pero ang sabi lang niya sa ’kin ay nawala lang daw ang pagmamahal niya sa ’kin. Hindi ko alam kung joke ba niya yun dahil napaka tanga ng rason niya.

Halos lumuhod ako sakanya nong araw na yun ngunit hindi niya ako pinakinggan at iniwan niya ako. Sa sobrang lungkot ko ay naisipan ko na pumunta sa seaside at hindi nag atubili na tumalon. Wala naman din nagmamahal sa ’kin kaya walang iiyak kapag nawala ako. Hindi na talaga ako nag-iisip ng tama ng gabing yun at nagpakain sa lungkot na nararamdaman kaya lumakas ang loob ko na tumalon sa dagat.

Ngunit hindi ko inaasahan na may tatalon at sasagip sa ’kin. Akala ko ay walang tao nong gabing yun. Kaya nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at hilain paangat mula sa tubig.

Hinila niya ako paalis sa madilim na dagat na unti-unting akong inahon. Kung sino man ang lalaking yun ay hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sakanya. Binigyan pa niya ako ng pangawalang buhay para harapin ang problema ko na dapat sana ay winakasan ko na.

Nakatitig lang ako sa dagat habang tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok. First year college na ako sa kurso na nusing. Ang lakas pa talaga ng loob ko kumuha ng ganitong kurso tapos yung mama ko wala man lang pakialam sa ’kin pati pang baon ko ay wala. 

Si Kimberly naman ay malapit na din mag college, next year na kaya asahan ko na todo support si mama sakanya. Ang hirap talaga ng ganito. Minsan kasi kinukumpara ako ni mama kay Kim. Ayaw ko kasi ng ganun dahil para bang sinasabi na mas magaling sa ’kin si Kim. Lahat naman yata ng tao ay may kanya-kanyang potential eh, hindi kailangan ikumpara ang isang tao. Pero wala akong magagawa dahil ganun na talaga ang mama ko. Mahilig mangumpara. Lagi niyang sinasabi na buti pa si ganito, buti pa si ano. Nakakainis minsan dahil ginagawa ko naman ang lahat pero hindi niya makita ang kabutihan ko bilang anak niya.

Inayos ko nalang ang buhok ko at naisipan na itali. Habang ginawa ko yun ay may kumalabit sa ’kin. Agad akong lumingon sa likuran ko at nakita ang isang batang hamog. 

“Nanghihingi ka ba ng piso?” Tanong ko sakanya agad.

“Hindi po!” Sagot niya na umiiling pa. 

“Eh ano?” Tanong ko habang nakakunot ang noo. Akala ko pa naman ay hihingi siya ng pera. Kukuha na sana ako ng two pesos sa bulsa ko para iabot. 

Bigla siyang may inilabas na isang red tulip at inabot yun sa ’kin. ’’Para sa ’kin?“ Tanong ko pa habang tinuro  pa talaga ang sarili ko. Baka kasi hindi para sa ’kin tapos assumera lang pala ako.

“Opo. May nagpapabigay po, ate. Sabi po niya ngumiti ka daw po at wag malungkot.” Saad ng batang hamog kaya kumunot lalo ang noo ko. Kahit naguguluhan man ay tinanggap ko parin naman ang tulip. “Bye po, ate!” Sabi pa ng bata saka tumakbo palayo sa gawi ko. 

Ako naman ay nakasunod lang ang titig sakanya. Tumingin ako sa red tulip na binigay sa ’kin ng batang hamog. Hindi ko alam kung sinong nagbigay nito. Ito ang unang beses na nakatanggap ako ng bulaklak. Kahit nga sa jowa ko ay hindi ako nakatanggap kahit man lang sana ay plastic na bulaklak. 

Naalala ko na naman tuloy ang boyfriend ko na hindi ko alam kung minahal ba talaga ako o jinowa lang niya ako para may gumawa ng assignment niya.

Agad kong iniling ang ulo ko para mawala sa isip ko yun. Baka umiyak na naman kasi ako dahil nasaktan talaga ako sa ginawa niya. Siya pa talaga ang nakipaghiwalay sa ’kin. Kaya masakit para sa ’kin ang ginagawa niya. 

Pero curious ako kung sino ang nagbigay sa ’kin ng red tulip. At talagang gusto pa niya ako ngumiti. Wala naman akong kilala na ganitong tao na magbibigay sa ’kin. 

Kahit anong pilit ko ay hindi ko talaga alam kung sino ang nagbigay sa ’kin ng bulaklak. Sumakit lang tuloy ang ulo ko kaya tinigilan ko na at baka mabaliw lang ako. Alangan naman may stalker ako. Napaka feelingera ko naman kung iisipin ko na may stalker ako. Hindi naman ako maganda.

Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko at ibinalik nalang ang tingin sa dagat. Humugot ako ng malalim ng hininga saka ngumiti habang hawak ang isang red tulip.

Chapter 2

Saint’s Pov

NAKATITIG lang ako sa batang babae na nakaupo na naman sa mataas na pader habang hawak ang pinaabot kong red tulip. Matamaan ko lang siyang pinagmamasdan habang nakaupo sa driver seat. 

Kasama ko si Sweetheart ngunit lumabas siya saglit ng kotse dahil may bibilhin daw siya. Pumayag naman ako at sinabing sa seaside ko siya hihintayin. 

Alam ko kasing pupunta ulit ang batang babae na niligtas ko isang buwan na ang nakakalipas. Lagi akong dinadala dito ng sasakyan na minamaneho ko na hindi ko alam kung bakit. Para bang may sariling buhay ang sasakyan ko at dinadala ako dito.

Napabuga ako ng hangin dahil halatang may problema ang batang babae. Gusto ko sana siyang lapitan kanina pero wala akong maisip na sasabihin. Kaya mas minabuti ko nalang na iutos ko sa isang batang hamog ang red tulip. 

Napa ayos ako ng upo ng biglang bumukas ang pintuan ng passenger seat. Pumasok ang kaibigan kong si Sweetheart at may dalang paper bag. 

“Ang layo ng nilakad kong hayop ka! Bakit kasi dito ka nag park?” Galit na tanong ni Sweetheart sa ’kin. 

“Wala lang. Gusto lang talaga kita pahirapan.” Sagot ko kaya binatukan niya ako sa ulo. Hinihingal pa talaga ang gago, halatang matanda na. 

“Ano ba kasing ginagawa mo ditong hayop ka?” Tanong na naman niya sa ’kin. 

“Wala. Nagpapahangin lang,” walang buhay kong sagot. 

“Nagpapahangin pero nandito ka sa loob ng kotse. Sige nga, paano papasok ang hangin dito na demunyo ka. Pinahirapan mo pa ako maglakad.”  Reklamo na naman niya. 

“Exercise mo yun, bud. Humihina na kasi ang tuhod mo.” Palusot ko. Hindi ko talaga sasabihin sakanya na dahil sa babae kaya ako pumunta dito sa seaside. Baka kumalat na naman sa buong subdivision namin. Magugulat nalang ako na ako na ang laman ng balita. 

“Tigilan mo nga ako! Alam mo na malakas pa ang tuhod ko, bud. Kaya ko pang itumba si Catness sa kama.” Sabi niya kaya natawa ako. 

“Baka ikaw itumba no’n. Alam mo naman matapang ang babaeng yun.” Sagot ko saka ibinalik ang tingin sa batang babae. Napansin ko na bumaba siya sa pader kaya napasunod ang tingin ko sakanya. 

“Ano bang tinitignan mong hayop ka!” Sabi ni Sweetheart kaya agad kong iniwas ang tingin sa batang babae dahil alam kong susundan niya ang tinitignan ko. Ngunit nahuli ako dahil agad na ngumisi si Sweetheart. 

“Yung batang babae ba ang tinititigan mo ha?” Tanong ng kaibigan kong tsismoso.

“Hindi ahh.. Bakit ko naman titignan ang batang babae na yan!”  Inis kong sabi at tumingin sa ibang direksyon.

“Sabi mo eh. Baka naman magulat ako na may kasama kang batang babae ha! Dumadami na ang miyembro sa grupo ni Raizen, buddy.” Sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

“Miyembro?” Tanong ko naman.

“Oo. Bagets tirador gang. Baka naman sumapi ka do’n. Sabihan mo lang ako agad para naman hindi malakas ang tawa ko.” Saad  pa niya kaya susuntukin ko sana ang mukha niya ngunit mabilis niyang nasalo ang kamao ko. 

“Ulol mo! Hindi ako gagaya kay Gideon na nabaliw sa amoy ng isang bata. Ibahin mo ako, pre. Hindi ako katulad nila na pumapatol sa bata. Bad yun!” Inis kong sabi sabay iwas ng tingin. Natawa naman ng malakas si Sweetheart sa sinabi ko. Gagong ’to. 

“Sabi mo yan ha! Kapag talaga nalaman ko na pumatol ka sa bata ay kukunin ko ang isa mong bahay na nasa Baguio.”  Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.

“Hoy! Wala akong sinasabi. Gago ka!” Sigaw ko sakanya.

“O, bakit parang takot ka? Makukuha ko lang naman ang bahay mo kung may balak ka lang naman pumatol ng bata. Ganun lang naman yun.” Saad pa niya kaya natigilan ako. “Mukhang may balak ka yata kaya nag react ka.” Dagdag na sabi ni Sweetheart.

“Hell no!” Sagot ko at agad na binuhay ang makina ng sasakyan ng matapos na ang pag-uusap namin ni Sweetheart. 

“Halata ka masyado, buddy.” Natatawa pa niyang sabi ngunit hindi ko na siya pinansin pa.

Lumingon ulit ako sa gawi ng batang babae na naglalakad na palayo sa gawi namin. Pinausad ko nalang ang sasakyan para maabutan ko pa siya para masilayan ko ng malapitan. Nang malapit na ako ay nadaanan ko ang batang babae na hawak parin ang red tulip. Lihim akong napangiti dahil mukhang nagustuhan niya ang binigay ko. 

Gusto ko tuloy bumili pa ng tulip para bigyan siya araw-araw. Gusto kong maibsan man lang ang lungkot ng batang babae. Kahit hindi ko siya kilala ay alam ko na may mabigat siyang dinadala na problema. Hindi naman siguro siya tatalon kung wala siyang problema na dinadala. 

“Maganda ahh..‘’ biglang sabi ni Sweetheart kaya lumingon ako sakanya at mabilis na sinuntok ang mukha niya. Ngunit imbes na masaktan siya ay tumawa lang ang gago. 

“Tigilan mo nga akong hayop ka! Baka ibangga ko ’tong kotse. Hindi ka pa naman mahal ng mahal mo.” Nakangiwi kong sabi kaya binatukan ako ng gago. 

“Wag mo na nga ipaalala sa ‘kin yan. Kita mo ng nagdurugo ang puso ko eh,” nakanguso niyang sabi. Ang sarap paduguin ng nguso niya.

“Eww. Kadiri yang linyahan mo ha!‘’ Nakangiwi kong sabi. 

“Ulol! Tatandaan ko talaga yang sinabi mo. Ipapakain ko talaga ang kamao ko sa’yo kapag may narinig akong linyahan mo.” Sabi pa ni Sweetheart at ipinakita ang kamao niya sa ’kin. 

Hindi na ako sumagot pa at nag focus nalang ako sa pagmamaneho. Ihahatid ko muna ang mongoloid na ’to saka ako pupunta ng bar. Mag iinom lang ako ng solo ngayong gabi. 

Tinungo ko na muna ang underground para mag report na muna kami ni Sweetheart kay Lorcan. Siya kasi ang kanang kamay ni boss Lucian simula ngayon. Naging kanang kamay lang ni boss may bebe na din. Pareho yata sila ni Sweetheart na mahilig sa pusa dahil Kitty  ang pangalan ng babae na kinababaliwan niya. Pero yun nga lang, ikakasal na ang babae. Kaya tinatawanan namin si Lorcan dahil naglasing lang naman ang gago at nag amok sa harap ng bahay ng lalaki. Tangina talaga! Tatlo pa kami nag tulong-tulong para mahila namin siya paalis sa lugar na yun. Ang lakas ba naman kasi ng gago kaya pati ako ay nasuntok sa mukha. 

Umiyak pa talaga yan samin pero ang kakambal niyang si Lord ay binilhan lang ng cornetto ang hayop kaya natigil. Ganun lang pala siya pakalmahin, malay ba namin na cornetto lang ang katapat niya. 

Nakarating kami sa underground at ipinasok ko ang sasakyan na dala ko. Unang bumaba si Sweetheart na narinig ko pa na bakit daw hindi siya mahal ni Catness. Napailing nalang ako saka bumaba na din ng sasakyan.

Nakita ko sila Hades na seryosong nakaupo sa damuhan at walang pang itaas na damit. Mukhang nag e-ensayo siya kasama si Codrus. Nakita ko din si Lorcan na nagbibisikleta at paikot-ikot lang sa field. 

“Gago!!” Tawag ko kay Lorcan.

Lumingon naman siya sa ’kin saka ipinakita ang gitnang daliri niya at pumunta sa pwesto ko. 

“Ano yun?” Tanong niya. 

Inabot ko sakanya ang listahan ng mga pinagdeliveran ko ng mga illegal weapon na agad naman niyang tinanggap. 

“Geh. Alis na ako. May pupuntahan pa kasi ako.” Pagpapaalam ko kay Lorcan. Tapos naman na trabaho ko kaya pwede na akong umalis.

“Pustahan tayo mga, buddy!!” Biglang sabi ni Sweetheart na kagagaling lang sa isa sa mga building ng organization. May dala pa talaga siyang plato na punong-puno ng pagkain. 

“Anong pustahan yan?” Tanong naman n Hades.

“Pustsahan tayo na sa susunod na buwan ay may ipapakilala si Saint satin na bagets.” Nakangising sabi ni Sweetheart kaya binato ko ng susi ng kotse. Gago talaga ’to! Napaka tsismoso kahit kailan amputa.

Tinukso ako ng mga hayop kung kaibigan dahil sa sinabi ni Sweetheart. Napabuga nalang ako ng hangin habang nagpipigil ng inis sakanila.

Chapter 3

𝐀𝐧𝐧𝐞’𝐬 𝐏𝐨𝐯

WALANG humpay ang dagsa ng customer dito sa bar at kanina pa ako hindi nakakaupo dahil sa sobrang busy. Mabuti na nga lang at malapit ng matapos ang duty ko. Binaba ko na ang hawak kong tray sa table dahil tapos na ang duty. Uuwi na ako sa bahay agad para makapag pahinga na ako.

Nagpaalam lang ako sa manager saka ko kinuha ang bag ko. Lumabas na agad ako sa bar dahil ang ingay at amoy sigarilyo na. Nakakahilo kasi ang amoy ng sigarilyo pero pinipilit ko lang ang sarili ko na kayanin. Kailangan ko ng trabaho eh at malaki ang sahod ko dito kahit three hours lang mahigit ang duty ko. Ang laki na ng tulong yun sa ’kin lalo na’t ako lang naman ang gumagastos sa pag-aaral ko. 

Hindi na kasi ako masyado humihingi ng pera kay mama dahil puro naman wala ang sinasabi. Minsan naman ay nagbibigay pero sermon muna saka abot ng pera. Nadadala ako sa mga sinasabi niya kaya hindi ako masyadong humihingi kay mama. Nahihiya din kasi ako lalo na kapag sinasabi niya na hindi daw ako marunong magtipid. Paano ko kaya titipirin ang 20 pesos na baon ko eh pamasahe palang hindi ko na kayang pagkasyahin. 

Lumabas na ako ng bar at agad kong nakalanghap ng sariwang hangin. Hindi katulad kanina na puro usok at amoy alak. 

Naglakad na ako sa gilid ng kalsada. Lalakarin ko pa kasi papunta sa unahan bago ako makakasakay ng jeep. Tahimik lang ako habang naglalakad at hindi natatakot na maglakad mag-isa sa gabi. May mga kasabayan kasi ako na naglalakad kaya ayos lang. 

Habang naglalakad ako ay may nakasalubong ako na batang lalaki na may hawak na isang red tulip. Hindi ko nalang pinansin ngunit bigla siyang huminto sa harapan ko at inabot sa ’kin ang hawak niyang red tulip. 

“Para sa’yo po, ate ganda.” Sabi pa ng bata sa ’kin. 

“Para sa ’kin?” Sabi ko pa habang tinuturo ang sarili ko. Nong isang araw kasi may nag abot na naman ng red tulip sa ’kin. Hindi ko nga alam kung kanino galing. 

“Kanino po ba daw galing?” Tanong ko pa sa bata. 

“Hindi ko po alam, ate. Basta para sa’yo po ang red tulip na yan.” Sabi ng bata at pinahawak sa ’kin ang red tulip. Tatanungin ko pa sana siya ng bigla ’tong tumakbo palayo sa ‘kin. 

Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko dahil hindi ko alam kung sino ang nagbibigay talaga. Wala naman akong kilala na pwede akong bigyan ng red tulip. 

Napansin ko na may maliit na papel na nakalukot sa tulip. Kinuha ko yun at binasa. 

𝐺𝑢𝑡𝑒𝑛 𝑎𝑏𝑒𝑛𝑑, 𝑚𝑒𝑖𝑛𝑒 𝑙𝑖𝑒𝑏𝑒 ang nakasulat. Nagtaka naman ako kung anong ibig sabihin no’n. Mamaya ko nalang ise-search padating ko sa bahay. Kinuha ko ang papel at agad na itinago yun sa bulsa ng pantalon ko. 

Naglakad akong muli at hindi na nakita pa ang batang lalaki kanina. Hinayaan ko nalang at mas lalong binilisan ang paglalakad dahil wala akong kasabayan. 

Habang naglalakad ako at paliko ako aa eskinita ay may nakasalubong akong dalawang lalaki. Halata sakanila na lasing ang mga ’to dahil hindi deritso kong maglakad. 

Ngunit mas lalo akong nagulat ng bigla silang humarang sa dinadaanan ko. Napa atras ako dahil dalawa sila, ako mag-isa lang. 

“Hi, miss!” Sabi pa ng lalaki na halatang lasing na lasing. 

“H-Hello po! Pwede po bang umalis kayo sa dinaraanan ko?” Tanong ko pa sa dalawa. 

“Ito naman.. saan ba punta mo? Hatid ka namin ng kaibigan ko.” Tanong sa ’kin ng lalaki. 

“Naku! Wag na po! Kaya ko naman umuwi ng mag-isa. Salamat nalang po.” Sagot ko kahit pa nga ang lakas ng tibok ng puso ko. Natatakot ako at baka may gawin sa ’kin ang dalawang lalaking ’to. Pero hindi ko pinahalata na natatakot ako at baka matuwa sila at mas lalo akong takutin. 

“Mamaya ka na umuwi. Samahan mo muna kami,” sabi ng isang lalaki na talagang hinawakan pa ang kamay ko. Hindi ako nag atubili na ihampas sa lalaki ang hawak kong tulip. Cenentro ko pa talaga sa mata niya kaya dumaing siya. 

Kinuha ko ang pagkakataon na yun para tumakbo. Napasigaw nalang talaga ako sa takot ng makita ko ang dalawang lalaki na hinabol ako. 

“Diyos ko!” Naiiyak ko pang sabi at mas lalong tumakbo. Nakarating ako sa isa pang eskinita at agad na lumiko. Ang tahimik pa ng kalsada dahil walang mga nakatambay para sana makahing ng tulong. 

Hinihingal na ako hanggang sa lumingon ako likuran ko at hindi ko na nakita ang dalawang lalaki. Kumunot ang noo ko dahil kanina lang ay hinahabol ako ng dalawa. Pero nakahinga ako ng maluwag dahil wala ng humahabol sa ’kin. Agad akong naglakad at baka natapilok lang pala ang dalawang lalaki at habulin na naman ako ulit. 

Nakarating ako sa sakayan ng jeep at agad akong sumakay. Hinihingal pa talaga ako dahil sa ginawa kong pagtakbo. Pinunasan ko pa ang noo ko dahil sa pawis. Akala ko talaga may masama ng mangyayari sa ’kin. 

Huminga muna ako ng malalim para kumalma muna saka ko inabot ang pamasahe ko na nasa unahan na pasahero. Nagpasalamat ako sakanya ng abutin naman niya yun. 

Tumingin ako sa labas ng bintana ng jeep. Nadaanan pa namin ang eskinita kung saan ako hinaboo ng dalawang lalaki. Wala na do’n ang dalawa kaya nagtaka talaga ako. 

Pero palapit kami ng palapit kung saan ako lumiko at laking gulat ko ng makita ko ang dalawang lalaki na nakahandusay sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam kung dala ba ng kalasingan kaya sila nawalan ng malay. 

Maging ang mga kasakay ko na pasahero ay napatingin sa dalawang lalaki na wala ng malay. Napangiti naman ako dahil safe akong makakauwi sa bahay.

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang dinaraanan namin hanggang sa malapit ko ng makita ang eskinita. Agad kong pinara ang jeep na mabilis naman huminto. Bumaba ako at nilakad na naman papasok sa amin. 

Kahit dito at may nag iinuman din sa gilid ng kalsada. Hindi naman nila ako sasaktan dahil alam nila na dito ako nakatira. 

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong pumasok. Nakita ko pa si mama na nasa sala at nanood ng tv. 

“Good evening po, mama.” Bati ko sakanya kaya lumingon siya sa ’kin at tumango lang. 

Isasara ko na sana ang pinto dahil gabi naman na. “Wag mo muna isara. Pauwi pa lang si Kim.” Sabi ni mama kaya tumango ako. 

“Kumain ka na po ba, ma?” Tanong ko kay mama. 

“Tapos na. Kumain ka na din do’n. Yung maliit ang sa’yo. Yung kay Kim yung tinakluban ko sa mesa. Wag mong kukuhaan yun.” Sabi ni mama na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Tumango nalang ako at agad na pumunta ng kusina. Nakita ko agad na may sardinas na nakahain. Tulad ng sabi ni mama ay may nakataklob nga dito sa mesa. Sinubukan kong tignan kung ano yun at nakita ang fried chicken. Ito yata ang sinasabi niya na ulam ni Kim. 

Mapait akong ngumiti at isnara nalang ulit ang taklob. Ganyan naman talaga si mama, mula sa ulam ay alam ko na mas mahal niya si Kimberly. Hindi talaga pantay-pantay ang pagmamahal niya samin. 

Nawalan ako ng gana kumain at kumuha nalang ako ng plato para takpan ang iniwan niyang sardinas dito sa mesa. Hindi man nga lang niya tinakpan ng plato para hindi langawin. 

Nang magawa ko yun ay pumasok nalang ako sa kwarto ko para makapagpahinga na din. Ayaw ko ng kumain kahit pa nga ngugutom na ako. Titiisin ko nalang kaysa naman masaktan ako sa ginagawa ni mama sa ’kin.

Chapter 4

Anne’s Pov

MAAGA akong nagising para pumasok na naman sa eskwelahan. Medyo busy ako ngayon sa school dahil na din malapit na ang exam. 

Naligo agad ako habang hindi pa gising ang kapatid ko. Baka kasi unahan na naman niya ako sa banyo. Ang tagal pa naman niya matapos maligo dahil tumatambay sa banyo habang nag ce-cellphone. Nagagalit pa naman kapag kinakatok kaya ang ending ay pinapagalitan ako ni mama. 

Nang matapos akong maligo ay agad akong lumabas ng banyo at bumalik sa aking kwarto. May sarili naman akong kwarto pero maliit nga lang. Para ngang bodega ang kwarto ko pero ayos lang, kaysa naman wala akong matulugan. 

Si mama at Kim naman ay nasa isang kwarto. Ang bagong asawa kasi ni mama na papa din ni Kim ay every saturday lang umuuwi sa bahay. Pahinante kasi siya sa isang kompanya na naghahatid ng mga produkto sa iba’t-ibang lugar. Kaya minsanan lang siya umuwi dito sa bahay. 

Nang makapasok ako sa kwarto ay agad akong nagbihis ng uniform ko. Tinatamad akong pumasok pero kailangan dahil malapit na ang exam week. Ang hirap maging estudyante at the same time ay nagtra-trabaho din sa gabi. Ang hirap kapag hindi sumportado ng magulang ang gusto ko. Naiintindihan ko naman kung hindi makapagbigay ng pera. Iisipin ko nalang na kulang sa budget. Pero kahit man lang sana tanungin ako ni mama kung kamusta ang araw ko. Kung kamusta ang pag-aaral ko. Kahit yun man lang ay marinig ko sakanya. Pero wala eh. Kaya minsan.. nakakawalang gana pumasok sa school. 

Natapos akong magbihis at agad na nag-ayos ng mukha. Hindi naman ako naglalagay ng make up sa mukha. Polbo lang at lip gloss lang ang gamit ko. Sinuklay ko na din ang buhok ko at mamaya ko nalang tatalalian kapag nasa school na ako. Basa pa kasi kaya hindi ko muna tatalian baka sumakit ulo ko.

Nang matapos na ako ay kinuha ko na ang shoulder bag ko saka ako lumabas ng kwarto. Wala akong pasok mamaya sa bar kaya hindi ako nagdala ng pamalit na damit. 

Dumeritso ako sa kusina para makapagtimpla na muna ako ng kape bago ako pumasok sa school. Mukhang tulog pa si mama at Kimberly dahil nakasara parin ang pinto ng kwarto nila. 

Hinintay ko lang na kumulo ang pinapainit kong tubig hanggang sa tuluyang kumulo yun. Agad akong nagtimpla ng kape saka ako umupo muna sa upuan. Tahimik lang ako habang hinahalo ang kape ko. 

Humigop ako ng kape habang nakatulala lang. Ganito talaga ako magkape. Hindi na ako kumain pa. Magbabaon nalang ako ng biscuit. 

Inubos ko na ang kape ko at agad na tumayo sa kinauupuan para hugasan ang baso. Matapos kong hugasan ay pinunasan ko lang ang kamay ko ng tuyong towel saka ako lumapit sa upuan at kinuha ang bag ko. 

Isinukbit ko sa balikat ang bag saka ako lumabas ng kusina. Lumingon pa ako sa kwarto nila mama at Kim saka ako nagpatuloy sa paglalakad papunta sa pinto. 

Akmang bubuksan ko na sana ng bumukas yun bigla. Nagulat pa ako dahil akala ko magnanakaw. Ngunit nakita ko si mama at Kim na hula ko ay maagang gumising at umalis ng bahay. 

“Papasok ka na ba?” Tanong pa ni mama sa ’kin. Si Kim naman ay dinaanan lang ako habang may dalang supot na hindi ko alam kung ano. 

“Opo, mama.” Sagot ko na lamang pero tumango lang siya at dinaanan lang din ako. Dumeritso din siya sa kwarto nila Kim saka pumasok.

Napabuntong hininga nalang ako saka ako tuluyang lumabas ng bahay. Wala na akong magagawa kundi ang lumabas dahil wala naman akong hihintayin na sasabihin ni mama. 

Sanay naman na din ako. Alam kong pagkain ang dala nila pero hindi nila sinasabi sa ’kin. Naalala ko tuloy yung hindi nila alam na dumating ako ng maaga sa bahay. Akala siguro nila ay nasa school palang ako. Narinig ko si mama nong araw na yun na pinapamadali si Kim kumain dahil baka daw dumating ako at makita ang pagkain na jollibee na binili niya yata para sakanilang dalawa lang. Narinig ko pa na inutusan ni mama si Kim na pagkatapos kumain ay itapon agad sa labas ng basurahan para hindi ko daw makita. 

Habang naririnig ko yun ay hindi ko maiwasang umiyak ng walang tunog. Ayaw ko kasing marinig nila na nasa kwarto lang ako at naririnig ko lang sila. Kaya sanay na ako na pagdamutan nila ako ng pagkain. Sa lagi ba naman ginagawa yun ni mama sa ’kin. 

Naglakad nalang ako sa gilid ng kalsada. Kailangan ko kasing maglakad sa unahan para makahanap ng masasakyang jeep. Habang naglalakad ako ay panay ang hanap ko ng barya sa shoulder bag ko. 

Naglalakad ako hanggang sa makarating ako kanto. Pero kailangan kong tumawid sa kabila dahil do’n ang way papunta sa school. Tumawid ako habang kinakapa parin ang bag ko. Hindi naman ako natatakot na tumawid dahil may kasabayan akong tumatawid. 

Ngunit may narinig akong sigaw at parang may sinisigawan sila. Hindi ko nalang pinansin dahil busy ako sa pagkapa ng barya. Ngunit mas nagulat ako ng marinig ko ang tunog ng motor kaya nag angat ako ng tingin at nakita ang motor na papunta sa ’kin. Napatili ako at hindi alam ang gagawin habang nakatayo lang sa gitna ng kalsada. 

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko dahil ito na yata ang hinahanap kong kamatayan. Hindi yata sa lunod ako mamatay kundi sa motor pala. 

Ngunit ilang sandali lang ay narinig ko ang malakas na kalabog at hindi naman ako tinamaan ng motor. Agad kong idinilat ang mata ko at nakita ang motor na natumba sa unahan habang ang driver na nakahelmet at nakahiga sa kalsada. 

“Oh my God!” Sigaw ko saka ako tumakbo papunta kay manong na nakahandusay sa kalsada at parang dumadaing. 

“Manong, okay ka lang po ba? Naku po! Pasensya na po talaga.” Natataranta kong sabi saka ako umuklo sa kalsada at tignan sana siya. 

Biglang umupo ang lalaki at tinanggal ang suot na helmet at natulos ako ng makita ko ang gwapo niyang mukha. Messy hair ang brown niyang buhok at naka awang ang labi niyang mapula-pula dahil humihinga siya ng malalim. 

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko ng magtagpo ang tingin namin dalawa. Para bang nakalimutan ko na nasa gitna kami ng kalsada dahil parang may kakaiba sa lalaking ‘to. 

“Did you call me manong again?” Tanong niya sa baritonong boses. 

“Ha?” Tanong ko naman dahil ngayon ko lang naman siya tinawag na manong. Pero pamilyar ang boses niya. 

“Ayos ka lang po ba, manong? Pasensya na po talaga.” Nag-aalala kong tanong saka tumingin sa motor niya na nakahiga sa kalsada. 

“Stop calling me manong. Hindi pa naman ako 46 years old. Damn it!” Sabi niya na parang naiinis sa ’kin. 

“Sorry po! Pero kaya mo po ba tumayo?” Tanong ko at tinignan ang binti niya at baka sugat siya. 

“No! Alalayan mo ko at alagaan. Pwede na din ang mahalin.” Deritso niyang sabi kay kumunot ang noo ko. 

“Po?” Takang tanong ko dahil hindi ko siya maintindihan. Siguro at nauntog ang ulo ng lalaking ’to kaya siguro kung ano-ano ang pinagsasabi. 

Pero kahit ano pang sinabi niya ay tinulungan ko siyang makatayo. Nahirapan pa ako dahil ang bigat niya. Nang matulungan ko siyang maitayo ay narealize ko kung gaano siya katangkad. Siguro ay nasa 6’2 ang height niya kung hindi ako nagkakamali. 

Ang gwapo niya kahit nakangiwi at paika-ika ng lakad. Tinutulungan ko siya hanggang sa makarating kami sa gilid ng kalsada. May dalawa namang lalaki ang kinuha ang motor ng lalaki at dinala sa gilid ng kalsada para makadaan ang mga sasakyan. 

Pinaupo ko muna ang lalaki sa may gutter saka ako umuklo para icheck kung may galos ba siya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakita kong wala naman siyang sugat kahit isa. Siguro ay iniinda lang niya ang kanyang paa kaya siguro siya paika-ika maglakad. 

Tinignan ko ang binti niya at sinubukan na hilutin. Akala ko nga ay magagalit ang gwapong lalaki sa ginawa ko pero hindi naman siya kumibo kaya pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. 

Napabuga ako ng hangin dahil panigurado ay malalate ako nito sa school. Hindi ko naman kasi pwedeng pabayaan ang lalaking ‘to. Naisipan kong tumawag ng ambulansya kaya kinuha ko ang cellphone ko s bag.

“What are you doing?” Tanong pa sa ’kin ng lalaki. 

“Kukunin ko lang po ang cellphone ko, manong. Tatawag po ako ng ambulansya para madala ka sa hospital.” Sagot ko saka inilabas ang cellphone. 

“Wag na! Hindi na kailangan. At pwede ba.. wag mo akong tawaging manong. Aatakehin ako ng rayuma sa’yo eh,” nakangiwi niyang sabi kaya napakagat ako sa ibabang labi ko. 

“Can I borrow your phone?” Tanong niya kaya tumango ako dahil baka tatawagan niya ang asawa niya o pamilya niya para ipaalam na naaksidente siya. 

Inabot ko ang cellphone ko na agad naman niyang tinanggap. Pinagmamasdan ko lang siya na nag di-dial sa cellphone ko saka tinawagan ang sino mang tinatawagan niya. 

Napasunod ang tingin ko sakanya ng may kunin siya sa bulsa ng leather jacket niya. Inilabas niya ang kanyang cellphone at ngumiti nalang habang pinagmamasdan ang cellphone ko at sakanya. 

Pinatay niya ang tawag saka ibinalik ang cellphone ko. Naguluhan naman ako dahil wala naman siyang tinawagan. 

“Save ko na ang phone number mo. May utang ka sa ’kin, meine liebe. Saka na kita sisingilin.” Sabi niya saka siya tumayo at agad na naglakad papunta sa motor niya na nasa gilid ng kalsada. 

Ako naman ay nakatulala dahil narealize ko na ang tinawagan pala niya ang cellphone number niya. Hindi ko alam kung naisahan ba ako ng lalaki o hindi.

Chapter 5

Anne’s Pov

PUMASOK ako sa school na panay ang pindot sa cellphone ko ng end call. Ang makulit kasi na manong na naaksidente kanina ay panay ang tawag sa ’kin. Paano ko nalaman na siya ang tumatawag? Sinagot ko kasi isang beses dahil akala ko sa bar na pinagtratrabahuan ko. Akala ko kasi binibigyan nila ako ng bagong schedule kaya sinagot ko.

Ngunit laking gulat ko ng malaman ko dahil ang lalaki pala kanina na aksidente ang tumatawag sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong kailangan niya sa ’kin pero panay talaga ang tawag niya. Gusto ko na nga sanang i-off ang cellphone ko pero hindi naman pwede dahil may hinihintay akong tawag o text. Wala din naman kasing block ang phone ko kasi old model naman kasi. Pambihira talaga! Kailan kaya ako makakabili ng bagong phone. Hanggang pangarap ko nalang yata ang magkaroon ng bagong cellphone.

Gusto ko sana kung magka cellphone man ako ay yung bago talaga. Hindi yung secondhand na galing sa kapatid kong si Kim. Binigay kasi ’to sa ’kin ni mama dahil ayaw na daw ni Kim at binilhan siya ng bagong phone.

Ayos na sa ’kin ’to dahil gumagana pa naman. Bibili nalang siguro ako ng cellphone kapag naka luwag-luwag na ako. Hanggang kaya pa ng cellphone ko ay pagtitiisan ko na muna ’to. 

Pumasok ako sa classroom at agad na pumwesto sa may likod. Hindi talaga ako umuupo sa harapan dahil minsan ay lutang ako. Baka matawag ako ng wala sa oras ni teacher kapag nakita akong tulala. Kaya lagi akong nakaupo sa dulo at malapit sa bintana. 

Hinihintay nalang namin na dumating ang teacher. Yung cellphone ko naman ay panay na naman ang ring. Naiinis na talaga ako dahil baka malowbat sa ginagawa niyang pagtawag. 

Wala akong choice kundi sagutin ang tawag ni manong kaysa naman malowbat ang phone ko sa kakatawag niya. Itinapat ko yun sa kaliwa kong tenga habang nakatingin sa pintuan at baka dumating ang prof namin. “Hello!” Bati ko sa kabilang linya.

“Buti naman at sinagot mo ang tawag.” Sabi niya kaya napangiwi ako. Gusto ko sanang sabihin sakanya na tantanan niya ang cellphone ko sakaka tawag at baka malowbat. Pero nahiya ako dahil may kasalanan pa naman ako sakanya. Syempre ako ang may kasalanan kung bakit siya na aksidente eh. Mabuti nga at hindi niya ako pinagalitan kanina eh. Kung sa iba yun ay baka sinigawan na ako.

“Ano po ba kailangan mo sa ’kin, manong? Humingi naman po ako ng sorry sa’yo kanina.” Saad ko pa dahil hindi ko talaga alam kung ano pang kailangan niya sa ’kin. Nag offer naman ako sakanya eh na dadalhin ko siya sa hospital, pero siya nga  ’tong ayaw pumayag.

“Hindi ko mailakad ang isa kong paa.” Sabi niya sa seryosong boses.

“Totoo po?” Gulat na tanong ko dahil kanina ay naglalakad pa naman siya pero paika-ika nga lang. Naku po! Ano ba ’tong napasok ko. Paano nalang kung hingian niya ako ng pera para sa gamot o para pang check up. Diyos ko! wala pa naman akong pera ngayon. 

“Yeah. So, anong gagawin mo para gumaling ako? Malaking abala ’to para sa ’kin.” Sabi niya sa kabilang linya kaya napalunok ako ng ilang beses.

“Ahm.. ano po kasi… sorry po talaga, manong. Pero wala po talaga akong pera po eh,” saad ko habang kinakagat ang kuko ko sa hinlalaki.

“So, paano ‘to? Hindi naman pwedeng hindi kita tawagan para singilin sa nangyari sa ’kin. Hindi ako makakapag trabaho nito ng ilang araw o baka nga buwan dahil sa aksidente na nangyari   sa ’kin.” Sabi ng lalaki kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. Hindi ko talaga alam anong gagawin ko. Paano ko sasabihin sakanya na wala akong pera. 

Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan ko. “Ahm.. kasi po.. Wala po talaga akong pera. Estudyante lang po kasi ako at sa gabi ay nag tra-trabaho. Kulang pa po para sa pang gastos ko sa school. Kaya wala po talaga akong mabibigay na pera kung sakali na hihingian mo po ako.” Pagsasabi ko ng totoo. Nakakahiya man umamin na wala akong pera pero kailangan ko talagang sabihin yun dahil wala talaga akong pera. Ayaw ko mag mayabang pa dahil wala naman talaga akong ibubuga pag-usapang pera.

“Okay. I will send you my address and I want you to visit me.” Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko. Sasagot pa sana ako ng bigla nalang akong pinatayan ng lalaki. Napatitig nalang ako sa cellphone ko hanggang sa may pumasok na message. Binuksan ko yun at nakita ang message ng lalaki at talagang sinend niya sa ’kin ang address niya. 

Napahilot ako sa sintido ko dahil hindi ko alam kung pupuntahan ko ba ang matandang yun. Hindi ko na sana papansinin ang text niya ngunit bigla ulit nag send ng message at binantaan ako na ire-reklamo daw niya ako kapag hindi daw ako pumunta sa bahay niya. Napabuga nalang talaga ako ng hangin saka nagtipa ng reply saka sinend yun sakanya.

Tinago ko nalang ang cellphone ko ng makita ko na nag prof namin. Hindi ako makapag isip ng tama dahil sa lalaking yun. Ang laking problema ang kinakaharap ko dahil sakanya. Iniisip ko tuloy kung paano ko malulusutan ang problemang ‘to.

Lumipas ang ilang oras ay tuluyang natapos ang klase. Hindi na nga din ako nanghalian dahil iniipon ko na ang pera ko at baka kailanganin ko sa lalaking naaksidente kaninang umaga. Wala naman akong klase ngayong hapon kaya pupuntahan ko nalang ang address ng lalaki at baka magulat nalang ako na may sumundo sa ’kin dito na mga pulis. 

Grabe na talaga kamalasan ko ngayong araw. Wala naman sana akong balat sa pwet pero lagi akong minamalas. 

Lumabas ako ng gate at agad naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Tinanong ko naman na ang classmate ko kanina kung saan ang address na pinapapuntahan sa ’kin ng lalaki. Nagulat ako dahil pang mayaman daw ang address na ‘to. Isang subdivision daw kaya tinanong ako ng classmate ko kung tama ba daw ang address at baka nagkamali lang daw. Tanging mga mayayaman lang daw kasi ang nakatira do’n at mahigpit ang seguridad. 

Nagdadalawang isip tuloy ako kung tutuloy pa ba ako o hindi. Baka kasi hanggang gate lang ako at hindi ako papasukin. Kaya ang ginawa ko kanina ay nag text ako kay manong na baka harangin ako sa guard house. Sumagot naman agad ang lalaki at sinabi niya sa ’kin  na sinabihan na daw niya ang bantay do’n sa gate na papasukin daw ako. Kaya heto ako ngayon, pasakay na ng jeep para puntahan ang lalaki. Ayaw kong makulong kaya dapat lang ay makipag ayos ako sakanya. 

Sumakay ako ng jeep at talagang sa likuran ako umupo ng driver dahil itatanong ko sakanya kung alam ba niya ang address na ’to. Kinakabahan talaga ako sa problema na kinakaharap ko pero sana naman wag akong pahirapan ng lalaking yun. Alam naman niya siguro na estudyante ako eh. 

Pero pamilyar talaga sa ’kin ang boses niya. Hindi ko lang alam kung saan ko narinig yun. Hindi ko alam kung sa bar ko ba narinig ang boses niya dahil madami naman kasing lalaki do’n. Sumasakit lang ang ulo ko sakaka isip kung saan ko ba talaga narinig ang boses niya. Pero bahala na nga, ang isipin ko ngayon ay kung paano ko matatakasan ang problema kong ’to.

Ilang sandali lang ay nakarating ako sa address na binigay sa ’kin ng lalaki kaya ibinaba ako ni manong driver. Parang ayaw ko pang bumaba dahil natatakot ako pumasok sa ganito ka laking subdivision. Pero kailangan kung pumunta kaya go na dahil nandito na din naman ako. Bahala na si batman sa ’kin. Hindi naman siguro ako pababayaan ng Panginoon sa problemang kinakaharap ko.

A/N: Good evening po!❤️✨

Chapter 6

Saint’s POV

NAKANGITI akong hinihintay ang pagdating ng batang babae dahil sa ginawa kong pang b-blackmail sakanya. Hindi na ako makapaghintay na dumating ang oras ng pagdating niya.

Tinawagan ko na din ang guard at sinabihan na papasukin agad ang batang babae. Hinihintay ko nalang ang pagdating niya kaya panay ang tingin ko sa orasan na nasa aking palapulsuhan.

“Akala ko ba hindi ka gagaya kay Gideon.”

Nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko. Agad akong lumingon at nakita ko si Sweetheart na nakatayo sa likuran ko.

“Pumasok ka na naman sa bahay ko na walang pasabi?!” Sigaw ko sakanya dahil mahilig kasi siyang pumasok sa bahay. Palibhasa kasi walang nagmamahal sakanya.

“Gago! Kanina pa ako katok ng katok sa pinto. Paano mo ko maririnig kung busy ka sa pang b-blackmail ng batang yun. Seriously? Hindi makalakad ang isang paa mo?” Sabi pa niya na halatang inaasar ako ng gago. Bigla siyang lumapit at agad na tinapakan ang paa ko.

“Hindi ka man lang nasasaktan. Pero kung makapag sabi ka na hindi ka makalakad sa batang babae ay halos durog na buto mo ha! Ano yan.. galawang hokage ba yan?” Pang-aasar sa ’kin ng gago.

“Shut up! Labas! Lumayas ka sa bahay ko.” Walang emosyon kong sabi.

“Ayaw ko! Bibigyan ko ng warning ang batang yun. Gago ka! Kawawa na nga ang batang yun tapos gigipitin mo pa.” Saad ni Sweetheart na nakanguso pa talaga sa harapan ko.

“Hindi ko siya ginigipit, okay! Hindi ko siya sisingilin ng pera.” Sagot ko naman.

“Eh ano.. gusto mo lang ng lambing niya? Ay sus.. style mo talaga. Akala mo hindi namin nakita ang ginawa mong aksidente kaninang umaga.” Sabi niya na nagpipigil ng tawa.

Nanlaki naman ang mata ko dahil malamang si Lord na naman ang may pakana. “Nakita niyo?” Tanong ko pa habang matalim siyang tinignan.

“Oo. Nakita namin ni Lorcan. Saludo talaga ang gitnang daliri namin sa’yo. Kung nando’n lang sana talaga ako ay baka sinagasaan kita habang nakahandusay ka sa kalsada. Para naman mag mukhang totoo ang aksidente mo.” Sabi niya habang natatawa na naman.

Pinulot ko ang tissue na nasa mesa at binato sa gago. Mga baliw talaga ‘tong mga ’to. Walang magawa na naman sa buhay.

“Lumayas ka na nga!” Inis kong sigaw sa kanya.

“Bakit? Parating na ba si baby girl?” Tanong pa niya kaya biglang uminit ang ulo.

“Wag mo nga siyang tawaging baby girl. Kakausapin ko talaga si Catness at may ipapakilala akong lalaki sakanya.” Banta ko kaya biglang sumeryoso ang mukha ng gago. Baliw na baliw kasi siya kay Catness kaya handa niyang halikan ang dinadaanan ng babae mapasakanya lang.

“Subukan mo ng lagyan ko ng gripo yang tagiliran mo.” Seryoso niyang sabi sa ’kin.

“Lalagyan ko din ng gripo yang gilid mo kapag tinawag mo pa na baby girl si Anne.” Sabi ko habang nagsusukatan kami ng tingin.

“Eh ’di pareho na tayong may gripo sa tagiliran.” Sagot ng gago saka tumawa.

“Umalis ka na nga!” Sigaw ko na naman sakanya. Ang tigas talaga ng ulo ng gagong ‘to eh. Sana talaga sagutin na siya ni Catness para naman hindi ko na makita ang pagmumukha ng gago.

“Ito na nga.. aalis na. Mag enjoy ka sa pagkukunwari mo ha!” Sabi pa niya saka tumalikod sa ’kin. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan siyang lumabas ng kusina.

Sinundan ko si Sweetheart hanggang sa nakalabas siya ng tuluyan sa bahay ko. Umupo ako sa pang isahang upuan para umpisahan ang drama ko. Hindi pwedeng pumalpak ako dahil nakasalalay ang pagpapansin ko dito. Hindi pwedeng masayang ang pagkukunwari kong disgrasya kaninang umaga.

Lumipas pa ang ilang oras na paghihintay ko ay tuluyang nag text sa ’kin ang batang babae na papunta na daw siya. Ayaw pa nga sana tumuloy kaya tinakot ko na naman. Mabuti nalang at nadadaan pala siya sa blackmail.

Hinintay ko lang na mag text siya na nasa gate na mg subdivision habang naglalagay ako ng benda sa paa ko. Dapat may props para makatotohanan.

Anne’s Pov

PINAPASOK ako ng guard sa magandanh subdivision at halos malula ako sa ganda. Ngayon ko lang nalaman na ang ganda pala talaga dito. Ang lawak at ang gaganda ng bahay. Grabe! Wala yata akong nakitang bahay dito na maliit. Bawal yata magpatayo ng bahay dito na hindi malaki.

Mayaman pala ang lalaking yun pero sisingilin pa yata ako ng pera. Hindi na talaga naawa sa ’kin. Kita na nga niya na estudyante ako. Hindi ko din naman sinasadya ang nangyari kaninang umaga. Akala ko naman kasi may kasabayan akong tumatawid.

Naglakad nalang ako ulit at hinanap ang number ng bahay ng matandang yun. Ayaw pa magpatawag na manong sa ’kin eh mukha naman yata siyang matanda sa ’kin. Hindi naman halata pero pakiramdam ko lang kasi na malayo ang agwat namin.

“Saan ba kasi ’tong bahay ni manong na ’to.” Saad ko pa habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada. Mahirap na baka may dumaan na sasakyan at mabangga ako. Ayaw ko ng ulitin ang katangahan na nagawa ko kaninang umaga.

Ilang sandali lang ay umikot ako sa pakaliwa dahil sabi ng guard ay kumaliwa daw ako. Diyos ko! Baka maligaw ako dito dahil ang lawak at marami ding kanto pero pang sosyal.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong dalawang lalaki na nakatayo sa harap ng malaking bahay. Parang nag kwe-kwentuhan silang dalawa habang tumatawa.

Tumigil pa ang mga ito at lumingon sa gawi ko. Nasa loob yata ako ng subdivision na mga gwapo ang nakatira. Grabe naman kasi.. ang gwa-gwapo nilang dalawa at ang tatangkad pa.

Bigla akong nahiya dahil tumingin sa ’kin ang lalaki na may hikaw sa isang kilay. Para bang binabasa niya ang nasa isipan ko kaya umiwas ako ng tingin.

“Hinahanap mo ba ang bahay ni Saint?” Tanong ng isang lalaki habang nakangiti.

“Po?” Tanong ko pa dahil hindi ko kasi alam ang pangalan ng lalaking hinahanap ko. Manong lang kaya ang tawag ko sakanya. “Actually po, may hinahanap po ako. Bahay po ni manong. Baka alam niyo po ang number ng bahay na ’to.” Sabi ko pa ngunit nagulat ako ng tumawa ng malakas ang dalawa. Hindi ko alam kung anong tinatawanan nilang dalawa. Wala namang mali sa sinabi ko.

“Ano pong nakakatawa?” Tanong ko pa kaya natigil ng tawa ang dalawa.

“Wala naman. Ang ganda kasi ng tawag mo sa kaibigan namin.” Saad ng lalaki na nagpipigil ng tawa. “By the way, I’m Sweetheart. Pero mag kuya ka nalang sa ’kin at wag mo akong tatawagin sa pangalan ko at baka magkaroon ako ng black eye sa mata.“ Pagpapakilala sa ’kin ng lalaki.

“Jeanette Anne po.” Pagpapakilala ko din.

“Lord,” sabi naman ng lalaki na may hikaw sa kilay. Ang gwapo niya pero mas gwapo parin yung lalaking naaksidente kaninang umaga. Hindi ko nga makalimutan kung paano niya tanggalin ang suot niyang helmet kanina. Ang hot kasi niya tignan.

“Yung hinahanap mo ay ’to ang bahay. Pumasok ka na dahil pilay ang isang paa no’n.” Sabi pa ni kuya Sweetheart kaya tumango ako. So, totoo pala talaga na napilay siya.

Kahit nagdadalawang isip ay pumasok parin ako sa tinuro nilang bahay. Ang laki ng bahay at halatang mayaman talaga ang lalaki. Sa gate palang ay may monitor na nasa labas para siguro malaman kung sino ang nasa labas.

Pinapasok pa ako ng dalawa dahil nahihiya akong magbukas ng gate. Ang sabi nila ay pumasok lang daw ako sa bahay dahil kanina pa daw ako hinihintay ng lalaki na may pangalan na Saint. Kakaiba mga pangalan ng mga tao na nakatira pala dito. Yung isa Lord, yung isa naman ay Sweetheart at yung isa naman ay Saint. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga pangalan nila. Yung Lord kasi pang banal ang pangalan pero halatang bad boy ang mukha lalo na’t may piercing sa kanyang mga mukha.

Kahit kinakabahan ay tumuloy parin ako sa bahay ng lalaki. Kinakabahan ako pero wala ng atrasan ‘to. Bahala na talaga si batman sa ’kin. Sana hindi ako hingian ng pera niya. Baka baynte pesos lang ang maibigay ko sakanya pagnagkataon.

Sana naman ay wag niya akong pahirapan. Mabait naman akong bata kaya sana wag niya akong hingian ng kahit ano. Sana talaga.

Chapter 7

Anne’s Pov

PUMASOK ako sa malaking bahay at agad nakita si manong na nakaupo. Bungad kasi ang sala kaya kitang-kita ko talaga siya agad.

Kahit nahihiya ako ay isinara ko parin ang pinto habang nakayuko.

“Come here!” Sabi niya kaya nag angat ako ng tingin. Napabuga ako ng hangin at nagsimulang maglakad papunta sa harapan niya.

“H-Hello po, manong.” Bati ko sakanya kaya sumeryoso ang mukha niya lalo. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil naalala ko nga pala na parang ayaw niyang tawagin ko siyang manong. “Kalimutan niyo na po yung manong.. kuya po pala.” Nakangiwi kong sabi.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya saka sumenyas na umupo daw ako sa katapat niyang upuan. Agad naman akong sumunod at umupo. Umayos ako ng upo at talagang straight na straight ang likod ko. Para na nga akong hindi humihinga sa posisyon ko.

Bumaba ang tingin ko sa isa niyang paa at nakitang naka benda. Yari talaga ako. Mukhang katapusan na talaga ng buhay ko. Saan naman kaya ako kukuha ng perang pambayad nito. Hay.. ang malas ko talaga sa buhay.

“Relax. Para kang hindi humihinga. Hindi naman ako kumakain ng tao.” Sabi niya kaya napangiwi ako.

“Sorry po, kuya. Pero kinakabahan po talaga ako. Alam mo po kasi.. wala po akong pera na pangbayad o kapag nanghingi ka sa ’kin ng pang bili ng gamot. Estudyante lang po ako, kuya. Kaya wala po talaga kong pera.” Deritsuhan kong sabi at wala ng paligoy-ligoy pa.

“Sino ba may sabing pera ang hihingiin ko sa’yo?” Tanong niya kaya nanlaki naman ang mata ko.

“H-Hindi po pera? Eh ano po kailangan niyo sa ’kin? Bakit mo pa po ako pinapunta?” Sunod-sunod kong tanong.

“Galing na ako sa hospital. Nakapag pa check up na ako. So, hindi ko kailangan ng pera mo.” Sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko talaga ay hihilingin niya sa ’kin ay pera.

“Buti naman po kung ganun, kuya. Akala ko po talaga ay pera ang hihingiin mo sa ’kin.” Sabi ko pa habang nakangiti.

“Iba ang hihingiin ko sa’yo.” Sabi niya sa seryosong boses kaya natigilan ako.

“Po? A-Ano?” Nauutal kong tanong.

“Hindi ako makalakad. Nahihirapan ako dahil may bali ang paa ko. So, meaning hindi ako makakilos pati na din pumasok ng trabaho. Ang laking aberya diba?” Tanong niya kaya napayuko ako. Ang laki pakang pinsala ang nagawa ko kanina. Napapikit nalang talaga ko dahil sa katangahan ko kanina. May nadamay pa tuloy ako at mapupurwesyo ang buhay dahil sa katangahan ko.

“S-Sorry po talaga, kuya. Sobrang sorry po talaga.” Panghihingi ko ng paumanhin. Bigla tuloy akong naawa sakanya dahil sa sitwasyon niya.

“It’s okay. Nangyari na ang dapat mangyari. Pero may hihilingin ako sa’yo.” Sabi niya kaya napatango ako.

“A-Ano po yun?” Tanong ko naman.

“I want you to take care of me. I need someone to take care of me. Lalo na ngayon na hindi ako makalakad pansamantala.” Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.

“G-Gusto mo ba hanapan po kita? Marami po do’n samin sa may kanto, kuya.” Suhestyon ko pa ngunit agad siyang umiling.

“Ayaw ko ng iba. Ikaw ang gusto ko. Ikaw din naman ang dahilan kung bakit ako nagka ganito kaya dapat lang na ikaw ang mag-alaga sa ’kin.” Sabi niya kaya napakurap-kurap ako at hindi makapaniwala sa sinasabi niya. Nahihibang na yata ang lalaking ’to at gusto akong kunin na caregiver. Alam ko naman na kasalanan ko kung bakit siya naaksidente pero nag-aaral ako eh, wala akong oras para alagaan siya. May part time job din ako.

“P-Pero.. hindi po ako pwede, kuya. Nag-aaral po ako at may part time job din po ako. Kung gusto mo po ay hanapan po kita ng mag-aalaga po sa’yo, kuya.” Sabi ko ngunit nalukot lang ang mukha ng lalaki na ang ibig sabihin ay hindi niya gusto ang suhestyon ko.

“Hindi ka nakikinig sa sinasabi ko. Ang sabi ko diba ayaw ko sa iba, gusto ko ikaw.” Sabi niya na tinuro pa talaga ako.

“Hindi ako pwede, kuya.” Sabi ko pa habang seryoso na talaga ang mukha ko.

“Dito ka nalang sa ‘kin mag part time. Babayaran ko naman ang pag-aalaga mo sa ’kin.” Sabi niya kaya nag ningning agad ang mga mata ko.

“Kung sinabi mo sana agad, kuya. Eh ’di sana pumayag po ako agad. Pero totoo po ba? Babayaran mo po talaga ako?” Paninigurado ko pa. Kailangan ko kasi talaga ng pera. Lalo na ngayon dahil hindi pa ako pinapabalik sa bar. Kanina ko pa din hinihintay ang tawag nila dahil kailangan ko talaga ng trabaho.

“Yes. I will pay you. Mas malaki ang kikitain mo kung dito ka matutulog sa bahay ko para maalagaan mo ko.” Sabi pa niya kaya bigla akong sumeryoso.

“Dito titira po? Pero pano po yun?” Naguguluhan kong tanong sa kanya.

“Dito ka uuwi sa bahay ko pagkatapos mo galing sa school. Aalagaan mo ko katulad ng ipagluluto mo ko ng hapunan. Aalalayan mo din ako.” Sabi pa niya kaya napaisip ako bigla. Kung papayag kasi ako ay dito na ako titira pansamantala hanggang sa gumaling ang paa niya. Hindi ko makakasama sila mama pero hindi ko din alam kung hahanapin niya ako.

Kapag ba nagpaalam ako kay mama na aalis muna ako sa bahay ay mamimiss kay niya ako. Tatawagan kaya niya ako sa cellphone. Medyo tagilid talaga dahil alam ko na ang sagot sa tanong ko. Baka nga matuwa pa siya na wala ako sa bahay. Siyempre nawala ang pabigat niya sa kanyang buhay.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa lalaki. Baka kasi nagbibiro lang siya at tinetesting lang ako. Nagtataka lang kasi ako dahil nakakalakad pa siya kanina at hindi lang yun dahil nakapag drive pa siya ng motor. Ibig bang sabihin no’n ay tiniis niya ang sakit kanina?

“So, anong sagot mo sa offer ko?” Tanong ulit ng lalaki at pinagsiklop pa talaga ang dalawa niyang palad sa harapan niya.

“Ahm.. ngayon na po ba agad? Pwede naman po akong umuwi pa po diba para makapag paalam po ako sa pamiya ko.” Sabi ko pa kaya tumango siya.

“Sure. Basta kapag nakapag paalam ka ay pwede ka agad magsimula. Kahit mamayang gabi.” Sabi niya kaya tumango ako.

“U-Uwi na po muna ako sa bahay namin, kuya. Magpapaalam po mun ako sa mama ko.” Pagpapaalam ko sakanya.

Tumango naman siya at hindi na nagsalita pa. Tumayo nalang ako sa kiauupuan ko at agad na nag bow sa harap niya at naglakad papunta sa pinto ng bahay niya. Binuksan ko yun at agad akong lumabas ng bahay.

Hindi ko na nakita ang dalawang lalaking nakatayo sa gate kanina kaya naisipan ko na baka umalis na. Lumabas nalang ako ng gate at agad na naglakad papunta sa labasan ng subdivision na ‘to. Yung pamasahe ko talaga ay nabawas do’n sa ipon ko. Pambihira talaga! Pero ayos lang din dahil mababawi ko din naman ang pinamasahe ko.

Parang mas gusto ko pa kasing maging caregiver kaysa maging waitress sa bar. Sana talaga malaki magpasahod ang manong na yun para naman makaipo agad ako. Kailangan ko talaga ng pera eh.

Nakalabas ako ng subdivision at talagang nag tanong pa ako sa isang guard kung saan ang sakayan. Tinuro naman niya kaya agad kong tinungo yun at nakitang may mga jeep nga. Pawisan pa ako dahil medyo malayo ang nilakad ko. Wala naman kasing dumadaan na jeep do’n. Mabuti pa yung kanina dahil ibinaba talaga ako ng jeep kaya hindi ako masyadong naglakad.

Inabot ko nalang ang pamasahe ko sa unahan at tahimik na nakatingin sa labas ng bintana ng jeep. Iniisip ko parin ang offer sa ’kin ng lalaki. Gusto ko muna kasing malaman kung anong magiging reaction ni mama kung hindi ako uuwi aa bahay namin. Gusto kong malaman kung malulungkot ba siya.

Lumipas ang 45 minutes at nakarating din ako sa kanto namin. Bumaba ako ng jeep at naglakad papunta sa bahay namin. Nang makarating ako sa tapat ng bahay namin ay agad akong pumasok  sa loob.

Nakita ko agad si mama sa sala at nanonood ng tv. Hindi man lang siya lumingon sa ’kin.

“Dito na po ako, ma.” Sabi ko pa pero hindi siya kumibo. Napabuga ako ng hangin dahil lagi nalang siyang ganito sa ’kin. Nasanay na talaga ako sa malamig niyang pakikitungo sa ’kin.

Sa tingin ko talaga ay wala siyang pakialam kahit hindi ako umuwi sa bahay namin. Sure na sure talaga ako do’n dahil hindi naman niya ako hinahanap. Ayaw ko nalang magpaalam at baka masaktan lang ako. Alam ko na kasi ang sagot niya sigurado ako masasaktan lang ako.

A/N: Hanggang dito lang po ang chapter ni Saint sa wattpad, sa VIP po siya complete with one special chapter. ❤️


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.