The Thrill of Chasing
Tamadins · 5 chapters · 5,806 words
Thrill of Chasing
Masalimuot talaga ang buhay pag-ibig. Napakaraming posibilidad na maaaring mangyari. Hindi natin alam kung kailan tayo tatamaan at kung kailan tayo dapat tumigil. Kahit gaano kataas ang pader na itinayo natin upang protektahan ang ating mga puso mula sa posibilidad ng sakit, may mga pagkakataong may isang taong darating na hindi natin inaasahan.
At hindi natin malalaman kung kailan o paano niya nagawang makapasok.
Magugulat na lamang tayo na isang araw, ang pader na matagal nating binuo ay unti-unti nang nasisira. Ang mga harang na maingat nating inilagay upang hindi na muling masaktan ay bigla na lamang nawawalan ng saysay sa harap ng isang taong hindi naman natin planong pagkatiwalaan.
Ngunit sa kabila ng lahat, masarap din naman sa pakiramdam.
May kakaibang tuwa ang pagmamahal, lalo na sa simula. Iyong pakiramdam ng unti-unting pagkakakilala, ang paghihintay sa mga mensahe, ang mga maliliit na bagay na biglang nagiging espesyal dahil sa isang tao. Siguro, iyon ang thrill of chasing. Ang kagustuhang mas makilala pa siya at ang pananabik na malaman kung saan kayo dadalhin ng lahat ng ito.
Ngunit kasabay ng tuwa ay ang takot.
Dahil paano kung dumating ang araw na ikaw na lamang ang natutuwa para sa inyong dalawa? Paano kung siya ang unang nagparamdam, ngunit siya rin pala ang unang mapapagod? Masakit isipin na maaaring pareho kayong nagsimula sa parehong lugar, ngunit sa huli, isa lamang sa inyo ang patuloy na naglalakad.
Kaya mahirap ding umasa, lalo na kapag hindi naman malinaw ang intensyon ng isang tao. Dahil baka habang ikaw ay unti-unting nahuhulog, para sa kanila ay isa lamang pala itong pansamantalang saya. Isang bagay na maaari nilang iwan kapag hindi na nila nararamdaman ang excitement na mayroon noong una.
At marahil, iyon ang pinakamasakit.
Ang malaman na habang sila ay maayos nang nagpapatuloy, ikaw ay naiwan sa lugar kung saan minsan ay kayong dalawa ang magkasamang nakatayo. Habang sila ay nakaalis na, ikaw naman ay pilit pang inuunawa kung kailan nagsimulang magbago ang lahat.
Siguro nga, iyon ang panganib ng pagbibigay ng pagkakataon sa isang tao na makapasok sa mundong matagal mong isinara.
Hindi dahil siguradong sasaktan ka nila.
Kundi dahil sa sandaling pinapasok mo sila, wala ka nang kasiguraduhan kung mananatili ba sila hanggang dulo o magiging isa lamang silang magandang alaala ng panahong minsan mong sinubukang muling maniwala.
SIMULA
KIAN NICHOL DE LARA
Hindi ko naman kasalanan kung pogi ako.
I mean, kung titignan mo naman kasi ako sa salamin, ano bang gusto mong gawin ko? Magkunwaring hindi ko alam?
Napangisi ako habang inaayos ang buhok ko sa harap ng malaking salamin sa kuwarto. Bahagya kong hinila pababa ang puting oversized shirt na suot ko bago kumuha ng litrato.
Matapos ang isang picture ay Sinuri ko ang kuha.
Hindi masama. Actually, masyadong maganda.
Agad kong binuksan ang Instagram at pinili ang litrato. Sandali akong nag-isip ng caption bago tuluyang ngumisi.
You can look, I don’t mind, iyan ang nilagay kong caption. Ilang segundo lang ang lumipas ay nagsimula nang sunod-sunod ang notifications.
liked your photo.
liked your photo.
replied to your story.
“ANG POGI MO NAMAN KIAN 😩”
Napailing ako.
Typical. Ibinaba ko ang cellphone at tumalikod sa salamin. Hindi ko naman talaga maintindihan kung bakit may mga taong nagugulat pa rin sa ginagawa ko. Kesyo puro raw thirst trap ang laman ng Instagram ko. Kesyo wala raw akong hiya. Kesyo masyado raw akong aware sa itsura ko.
Well, bakit? Mali ba?
Kung mayroon kang magandang mukha, magandang katawan, at confidence na kayang punuin ang isang buong silid, bakit mo naman itatago?
Hindi naman ako ipinanganak para magpanggap na mahiyain.
At isa pa, hindi naman kasalanan ng salamin kung maganda ang ipinapakita nito.
“Kian!” Napalingon ako sa pinto.
“Ano?” sigaw ko.
“May pagkain sa baba!”
“Later!”
“Bababa ka ba o ikukuha na lang kita ng salamin para titigan mo diyan?” Napangisi ako.
“Pwede.”
“Bwisit ka!”
Narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto at natawa ako nang mahina. Sanay na ako.
Sanay na akong tawagin nilang narcissistic.
Mayabang.
Feeling gwapo.
Thirstrapper.
At kung tutuusin, wala naman akong balak kontrahin ang kahit alin doon. Mas madaling hayaan ang mga tao na isipin na puro yabang lang ang mayroon sa akin. Mas madali iyon. Mas madali kaysa ipakita sa kanila na may mga gabing hindi ko rin gusto ang sarili kong kasama. Na kahit gaano karaming notifications ang pumapasok sa cellphone ko, may mga pagkakataong pakiramdam ko ay wala naman talagang may pakialam kung ano ang nangyayari sa likod ng mga litrato.
Mas madaling mag-post ng litrato na nakangiti kaysa ipaliwanag kung bakit may mga araw na ayaw kong kausapin ang kahit sino. Kaya siguro natutunan kong gawing biro ang lahat.
Kapag may nagtatanong kung may gusto ako sa isang tao, ngingitian ko lang. Kapag may nagtatangkang lumapit nang seryoso, ako mismo ang unang lumalayo. Kapag nararamdaman kong may posibilidad na may taong makakakita sa likod ng lahat ng confidence na ipinapakita ko,
I build another wall.
Mas mataas.
Mas matibay.
Mas mahirap pasukin. Dahil alam ko na ang pakiramdam ng magkaroon ng taong nakapasok nang sobra. At hindi ko na balak hayaang mangyari ulit iyon. Kaya okay na ako sa ganito.
Pictures.
Flirting.
Compliments.
Temporary connections.
Walang seryosohan.
Walang expectations.
Walang masasaktan.
At higit sa lahat, Walang umaalis.
Dahil walang pinapayagang manatili.
Tumunog ang cellphone ko.
Isang notification.
Hindi ko agad pinansin.
Hanggang sa muli itong tumunog.
At muli. Napabuntong-hininga ako bago dinampot ang cellphone mula sa kama. Akala ko kung sinong nag-message. May bago lang pala akong follower.
Normal lang sana iyon. Araw-araw naman akong may bagong followers. Pero nang makita ko ang pangalan sa screen, hindi ko agad na-scroll pababa.
ethan.alojado started following you.
Napakunot ang noo ko. Ethan Alojado?
Hindi ko alam kung bakit, pero pamilyar ang pangalan. Agad kong pinindot ang notification.
At doon ko siya unang nakita. Hindi naman literal. Sa screen lang. Isang simpleng profile picture.
Walang thirst trap. Walang abs. Walang captions na halatang gustong magpapansin. Simpleng litrato lang niya habang nakatingin sa camera.
At ewan ko kung bakit. Pero ilang segundo akong nakatitig roon. “Who the hell are you?” mahina kong bulong. Pinindot ko ang profile niya.
Private. Of course. Napangisi ako. Interesting.
Sinuri ko ang profile niya. Hindi naman ganoon karami ang followers. Hindi rin ganoon karami ang fina-follow. Halos walang makitang impormasyon maliban sa pangalan niya.
Ethan Alojado. Walang bio.
Walang kahit anong clue kung bakit niya ako biglang finollow. At higit sa lahat, hindi ko siya kilala.
Hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.
Hindi ko rin maalala kung kailan ko siya nakasalamuha. Pero isang bagay ang sigurado.
Hindi siya mukhang katulad ng ibang taong sumusunod sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. Siguro dahil wala siyang kahit isang like sa mga lumang litrato ko. Hindi rin siya nag-react sa story ko. Hindi siya nag-message.
He just followed me. That’s it.
At nakakainis na hindi ko alam kung bakit bigla akong nacurious. I stared at his profile for a few more seconds. Then I laughed.
“Okay,” sabi ko sa sarili ko habang inilapag ang cellphone. Hindi naman big deal.
Isa lang siyang random follower.
Isa sa libo-libong taong dumadaan sa profile ko.
Walang espesyal. Walang dapat isipin.
Pero bago ko tuluyang mailapag ang cellphone, muli itong tumunog. Tumingin ako sa screen.
Ethan Alojado sent you a follow request.
Napangisi ako. Private account.
So he wanted me to follow him back.
I leaned against the headboard, staring at the notification. Normally, hindi ko ginagawa iyon.
Hindi ako basta-basta nagfo-follow back.
Lalo na sa mga taong hindi ko kilala.
Pero may kung anong kakaiba sa simpleng pangalan na iyon.
Ethan Alojado.
Parang may kung anong bahagi sa akin na gustong malaman kung sino siya. At marahil, iyon ang una kong pagkakamali. Dahil sa simpleng pagpindot ko sa follow button, hindi ko alam na unti-unti nang may taong sumusubok umakyat sa pader na matagal kong itinayo. At ang mas nakakatakot?
Hindi ko pa alam kung gusto ko ba siyang pigilan.
O hayaan siyang makapasok.
KABANATA I
Kian Nichol De Lara
Mabilis kong pinitik ang dulo ng sigarilyo bago ipinalupot ang daliri sa manipis na katawan ng aking cellphone. Malalim na ang gabi. Ang ingay ng pader sa kwarto ko o baka ang utak ko lang talaga ang masyadong maingay. Wala namang bago. Buryo na naman ako.
Iyon ang permanenteng estado ng buhay ko ang walang katapusang pagkabagot.
Sa edad na bente-dos, pakiramdam ko ay napanood ko na ang lahat ng pwedeng mangyari sa mundong ito. Walang nakakapukaw ng interes ko. Ang mga klase sa unibersidad? Boring. Ang mga taong nakakasalamuha ko araw-araw? Pare-pareho lang ang mga sinasabi, pare-parehong nagpapanggap na may kabuluhan ang mga buhay nila.
Ibinagsak ko ang ulo sa sandalan ng swivel chair at pinalabas ang usok mula sa aking bibig. Sa dilim ng kwarto, ang tanging nagbibigay ng ilaw sa akin ay ang maliwanag na screen ng telepono ko. Binuksan ko ang Instagram.
Kung may isang bagay man na nagiging outlet ko kapag sobrang nakakairita na ang katahimikan ng buhay ko, iyon ay ang app na ito.
Hindi ako tipikal na influencer na nagpo-post ng mga aesthetic na kape o tula. Hindi ako pinalaking ganun. Mas mabilis ang sistema ko rito isang salamin, magandang ilaw, at ang katawan ko.
Agad kong inayos ang aking manipis na sando bago ito tuluyang hinubad. Ibinaba ko nang bahagya ang waistband ng aking sweatpants, sapat lang para maipakita ang linya ng aking V-line at ang bawat kurba ng aking abs na pinagpuyatan ko sa gym. Tinitigan ko ang sarili sa viewfinder ng camera. Maganda ang anggulo. Ang bahagyang gulo ng aking buhok at ang walang-pakialam kong ekspresyon ay sakto sa branding ko.
Thirstrapper. Iyon ang tawag nila sa akin.
Wala akong pakialam sa lebel ng kababawan niyon. Ginagawa ko ito dahil gusto ko, at higit sa lahat, dahil nakakalibang tingnan kung gaano kadaling makuha ang atensyon ng mga tao gamit lang ang konting balat. Isang simpleng picture, walang caption, diretso agad sa story at grid. Makakatanggap ka kaagad na sandamakmak na puso sa iisang litrato.
Napangisi ako, ganoon kauhaw ang tao sa mga ganitong uri ng takbo ng buhay.
Sa loob lang ng limang minuto matapos kong mag-upload ng bagong larawan na nakatapat sa salamin ng banyo na may caption lang na isang itim na puso ay nagsimula nang umulan ang mga notification.
“Papasukin mo naman kami sa bahay niyo, Kian!”
“Lord, ganiyan pala ang mga biyaya sa gabi.”
“Umayos ka, Kian Nichol! Masyado kang nambubulabog!”
Napairap ako habang nangingiti nang bahagya. Libreng validation, libreng aliw. Pero sa kabila ng libo-libong likes at papuri, wala pa rin. Nandoon pa rin ‘yung familiar na pakiramdam sa dibdib ko ang malaking blangkong espasyo na hindi kayang punan ng kahit ilang libong puso sa screen.
Muli akong humithit sa sigarilyo at nag-scroll sa listahan ng mga bagong followers. Pare-parehong profile pictures. Mga babaeng naka-full makeup, mga lalaking nagfe-flex ng muscles, mga dump accounts. Walang bago.
Hanggang sa may isang notification ang huminto sa gitna ng screen ko.
ethan.alojado started following you.
Hindi ko alam kung bakit, pero napatigil ang daliri ko. Sa gitna ng daan-daang notifications na nag-iisip lang ng bastos na salita para sa akin, ang pangalang iyon ay parang isang kakaibang tuldok.
Pindot.
Binuksan ko ang profile niya. Walang masyadong laman. May kakaunting posts lang mga litrato ng mga lugar na pinuntahan niya. Mukha siyang aesthetic, ang iba naman ay isang mabilis na kuha ng kalye kapag umuulan, at dalawang personal na larawan.
In-expand ko ang litrato niya. Ethan Alojado.
May katangkaran siya batay sa mga kuha, matangos ang ilong, at may napakalinis na aura. Yung uri ng mukha na parang hindi man lang nakakaranas magmura o gumawa ng kasalanan. Mukha siyang seryoso, matino, at sobrang malayo sa klase ng mga taong karaniwang nagfo-follow sa akin. Isa rin sa nakapukaw ng atensyon ko, hindi ko maiwasang matitigan ang mukha niya habang tahimik siyang nakatayo sa harap ko.
Una kong napansin ang kanyang buhok, maitim at kulot na mga strands na tila ayaw paamod sa suklay. Makapal ito at may sariling buhay, kumukulot sa itaas at bahagyang bumabagsak sa kanyang noo, halos humahagip sa kanyang mga mata tuwing gumagalaw siya. May dating na parang kakagising lang niya, pero sa kabila ng pagiging messy nito, mas lalo lang siyang mukhang effortlessly attractive.
Bahagyang napababa ang tingin ko sa kanyang kilay. Makapal at natural ang hugis nito, maitim at malinaw ang pagkakaguhit na nagbibigay ng matapang ngunit misteryosong personalidad sa kanyang mukha.
At doon na ako tuluyang nahuli, sa kanyang mga mata. Ang lilim ng kanyang mga mata ay tulad ng pinakamadilim na tsokolate. May kakaibang antok o pagod sa kanyang tingin, iyong tipong hooded at bahagyang nakasingkit na tila palaging may malalim na iniisip o may itinatagong sikreto sa likod ng bawat kurap. Simple lang siyang tumingin, pero ewan ko ba… para bang mahihirapan kang huminga kapag sa ‘yo na nakatutok ang mga matang iyon.
“Ano ‘to? Mali yata ng napindot?” bulong ko sa sarili ko habang ibinubuga ang natitirang usok.
Sino namang matinong tulad niya ang magkakagusto sa profile ng isang tulad kong walang ginawa kundi maghubad sa internet? Baka naman na-explore lang. Baka aksidente lang na napindot habang nagse-scroll.
Nagkibit-balikat ako at ibinaba na ang telepono sa bedside table. Hahayaan ko na sana. Sanay naman akong may mga random na taong pumasok at lumabas sa account ko. Pumikit ako at sinubukang matulog, pero ang katahimikan ng kwarto ay tila mas lalong nagiging mabigat.
Ting.
Ang tunog ng DM notification.
Bumuntong-hininga ako. paniguradong isa na namang bastos na message mula sa kung kaninong poser account, o di kaya’y alok para sa isang hindi marangal na gabi. Sanay na ako diyan. Madalas ko lang binabalewala o kaya ay nire-report.
Pero nang buksan ko ang cellphone ko, nagbago ang reaksyon ng mukha ko.
ethan.alojado: Hi. Hindi ba malamig diyan sa litrato mo? Baka kailangan mo ng jacket.
Napatitig ako sa screen. Nagpantay ang mga kilay ko.
Anong klaseng pick-up line iyon? O talagang corny lang siya?
Sa libo-libong mensahe na natatanggap ko araw-araw, mga mensaheng walang kuskos-balungos na nagsasabi kung ano ang gusto nilang gawin sa akin ito lang ang tanging nagtanong kung malamig ba ako.
Napangisi ako nang bahagya. Isang ilap at sarkastikong ngisi.
kikianichol: Sino ka? At bakit ka nangingialam sa suot ko?
Hindi ko inaasahang mag-rereply siya agad, pero wala pang limang segundo ay lumabas na ang tatlong tuldok na nagpapahiwatig na nagta-type siya.
ethan.alojado: Ethan. At hindi ako nangingialam, nag-aalala lang. Baka kasi magkasakit ang paborito kong bagong nadiskubre sa IG.
Natigilan ako. Paborito?
“Gago ‘to ah,” mahinang mura ko habang napapaupo nang maayos sa kama. Ang init ng pisngi ko kahit malamig ang aircon, isang bagay na kinainisan ko agad sa sarili ko. Hindi ako sanay na ako ang napaglalaruan o naninibago sa simpleng salita. Ako dapat ang may kontrol.
kikianichol: Masyado kang mabilis, Nathan. Hindi tayo close. At FYI, hindi ako nagkakasakit sa lamig.
ethan.alojado: Pwede namang maging close. Walang nagmamadali, Kian Nichol. Utay-utay lang.
Binasa ko ang pangalan ko sa screen niya. Kian Nichol. Bihira ang tumatawag sa akin ng buong pangalan ko sa social media. Halos lahat ay “Kian” lang ang kilala, o kaya’y “Papi,” o kung ano-anong bansag na masagwa. Pero ang paraan ng pagtawag niya sa akin kahit sa pamamagitan lang ng chat ay parang may kakaibang bigat.
kikianichol: Anong kailangan mo? Kung naghahanap ka ng kalokohan, maling account ang finollow mo. Mag-scout ka na lang ng iba.*
ethan.alojado: Wala akong kailangang iba. Ikaw ang tiningnan ko, kaya ikaw ang kinausap ko. Tsaka hindi kalokohan ang pakay ko.
kikianichol: Ano nga?
ethan.alojado: Gusto lang kitang makilala. Yung Kian Nichol sa likod ng mga litrato. Yung Kian Nichol na malamang ay nakatitig sa screen ngayon at nagtataka kung bakit ako nakikipag-usap sa kaniya.
Napabitaw ako sa hawak kong telepono at mabilis itong bumagsak sa kama.
Mabilis ang tibok ng dibdib ko. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa kakaibang klase ng gulat. Walang sinuman ang nagtanong sa akin kung sino ako sa likod ng mga litrato ko. Para sa mga tao sa paligid ko, ang Kian Nichol na nakikita nila sa IG ang maganda ang katawan, ang tahimik, ang arroganteng thirstrapper iyon na ang kabuuan ko. Wala nang nag-abala pang mag-isip kung may iba pa ba.
Tinitigan ko ang ceiling ng kwarto ko.
Ito na ba ‘yun? Ang simulang sinasabi ng iba na laro ng tadhana?
Buryo ako. Sobrang buryo sa buhay. At ang biglaang pagpasok ng isang Ethan Alojado sa mundo ko ay parang isang kakaibang alon sa napakatahimik at napakaboring kong dagat.
Sinundo ko ulit ang telepono ko at mabilis na nag-type ng sagot. Ayokong magmukhang nagpapaapekto. Ayokong isipin niya na nakuha niya agad ang interes ko.
kikianichol:Nagsasayang ka lang ng oras, Ethan. Aksaya ako sa panahon.
Ilang segundo ang lumipas bago nagpakita ang reply niya.
ethan.alojado: Madami akong oras, Kian Nichol. At sa tingin ko, hinding-hindi magiging aksaya ang kilalanin ka.
Bumuntong-hininga ako habang nakatitig sa mga huling salitang iyon. Isang simpleng palitan ng mensahe mula sa isang taong hindi ko naman kilala. Isang taong hindi ko pa nakikita nang personal.
Pero sa unang pagkakataon matapos ang napakatagal na panahon, napangiti ako hindi dahil sa validation ng libo-libong followers, kundi dahil sa isang taong naglakas-loob na kumatok sa pintong matagal ko nang ikinubli.
Hindi ko alam na ang simpleng pag-reply kong iyon ang magiging simula ng isang larong ako mismo ang matatalo sa huli.
KABANATA II
[Now playing: you! By Lany]
Iminulat ko ang aking mga mata nang maramdaman ang init na nagmumula sa bintana ng aking kwarto. Kinuha ko ang aking cellphone at pinatay ang music nito. Naiwanan ko palang magdamag na tumutugtog. Mabuti na lang ay nasa playlist ako ng Lany. Ewan ko ba, binibigyan ako nito ng comfort, binibigyan din ako nito ng sakit kahit di ko naman iyon. Napifeel.
Siguro ay nadadala lang ako sa lyrics ng kanta nila. Siguro nga.
Mabilis akong kumilos dahil baka ma-late na naman ako sa first sub ko. Nang matapos maligo ay tumingin pa muna ako sa salamin. Pinupuri ang katawang mayroon ako.
Napangisi ako nang makita ang magandang pagkakahulma ng mga abs ko. Hindi naman ako ganoong kapayat, malaman din ako at sakto lang ang katawan na bumagay sa king mukha. Kaya hindi na rin talaga ako magugulat pa kung bakit maraming nahuhumaling sa akin.
Nang matapos purihin ay sarili ay nag-spray na ako ng aking pabango. Ang pabango ko ay hindi naman mamahalin. Masyado akong sensitibo sa amoy. Ayoko sa matapang na amoy, ngunit ayoko rin sa masyadong matamis. Katamtaman lamang ang amoy ng aking pabango. Ito ay ang Burburry London. Sabi nila ay pambabae iyon, ngunit wala naman sa pabango iyon. Di naman mababawasan ang pagkalalaki ko kung iyon ang pabango ko. Ano bang pakealam nila sa preferences ko??
Nang matapos na sa lahat ng kaek-ekan ko sa katawan ay lumabas na ako ng bahay. Hindi ko na nakita ang kaibigan kong si Lorenzo na kasama ko rito sa dorm. Maaga kasi ang class niya. Ganoon ata ang mga engineering. Mabuti ay hindi yan ang pinursue ko.
Ako ngayon ay third year na sa marketing, nakakasurvive naman ako kahit papaano. Naisusurvive pa ng cramming. Ewan ko ba, mas sanay akong mag-cramming. Mas nakakapag-focus kasi ako ron at mag nag-pa-function ang utak ko kapag ganoon ang ginagawa ko. Sabi nila ay masama raw iyon, pero wala naman akong pakealam sa kanila. Mas may pake ako sa mental health ko kaysa sa sasabihin ng iba.
Ting
Agad akong napalingon sa cellphone ko nang tumunog ito. Agad ko itong kinuha at saka binuksan.
Hi, good morning!
- ethan.alojdo
Agad na kumunot ang noo ko nang makita ang message nito. Aga naman neto
Hello, good morning too!
- kikianichol
How’s your sleep ba?
- ethan.alojado
Dunno, tulog ako eh.
- kikianichol
Baliw haha
- ethan.alojado
Nabaliw pa nga tsk! Hindi ko na siya nareplayan pa dahil nagmamadali na akong pumasok. Mabuti na lang din ay hindi ganoong trapik kaya mabilis lang din akong nakarating sa school.
Tinahak ko ang daan papuntang Arevalo Building. Nasa fourth floor ang room namin at gusto ko sanang gumamit ng elevator pero masyadong maraming estudyante na ang naroon kaya mas pinili ko na lang na maghagdan. Ayos na rin iyon para cardio sa umaga.
Nang marating ay room 402 ay naupo na ako sa puwesto ko, Kababa pa lang ng bag ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Sir Ramos, dala ang laptop at whiteboard marker niya. Sakto talaga ang dating ko.
Inilapag niya ang gamit niya sa mesa at humarap sa klase. “Good morning, Class. Today, we will discuss the core element of any business strategy The Marketing Mix or the 4 Ps: Product, Price, Place, and Promotion.”
Sinulat niya ito nang malalaking titik sa whiteboard habang mabilis kong inilabas ang notebook at ballpen ko. Nag-umpisa ang talakayan nang masyadong malalim. Nakakabagot siya pero kailangan mong makinig dahil iisa-isahin niya sa pagtatanong ang bawat estudyanteng narito ngayon.
“Me. De Lara,” biglang tawag sa akin ni Sir Ramos habang nakatitig sa akin. Sabi sa inyo, magtatawag ‘yan eh.
Napaderetso ako ng upo at tumango. “Since you look so energized this morning… if you were to launch a new brand today, which of the 4 Ps would you focus on first to capture your target market?” Napangiti ako nang bahagya dahil pumasok agad sa utak ko ang sagot kaya confident akong sumagot. Mabuti na lang din ay nakinig ako. Time to shine!
“Product, Sir,” confident kong sagot habang nakatayo sa tabi ng upuan ko. “Because no matter how good your promotion is, how accessible your place is, or how competitive your price is… if the product itself doesn’t solve a real problem or give value to the consumer, everything else fails. A bad product ruins the entire mix.” Bahagyang tumango si Sir Ramos, tila na-impress sa mabilis kong sagot.
“Very well said, Mr. De Lara. Take your seat.”
Nakangiti nitong sambit at tumango na lang ako saka umupo. Nagsimula nang mag-lecture si Sir Ramos habang mabilis na sumasayaw ang ballpen ko sa notebook para mag-take down ng notes. Lumipas pa ang oras at natapos na rin ang first sub.
11:30 pa next sub namin, hindi ko alam kung sino ang maka imbento ng 2hrs class. Masiyadong nakakabagot! Since may 1hr and 30 mins pa ako ay pwede pa akong lumabas. Ayokong kumain dito sa school. Masarap naman ang pagkain nila pero nakakaumay na rin dahil paulit-ulit na lang ang nakikita ko sa menu nila.
Pagkababa ko ng building ng marketing aysaktong pagbaba naman ni Lorenzo mula sa engineering building naman. Agad niya rin akong nakita at saka kumaway at pumunta sa pwesto ko.
“San ka dalahen?” Nakangiting tanong niya at nagkibit balikat naman ako.
“Never grow old!” Pasangil ko at natawa naman kami. “Raa. Tiger wings tayo! Nagcrave ako sa wings.” Aya ko at wala naman siguro siyang choice kaya tumango na lang din.
Nang marating ang Tiger Wings ay agad na kaming umorder, nag-umpisa naman kaming mag-usap ni Lorenzo. First sub pa lang nila ay mukha na siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.
Brizzzkk
Napatingin ako sa hulsa ko nang maramdamang nag-vibrate ang phone ko. Agad ko iyong kinuha at binuksan ang ig, sandamakmak na messages ang natanggap ko mula sa iba’t ibang account. Ngunit natuon lamang iyon sa iisang account. Iyon ay ang kay Ethan. Agad kong binuksan iyon at mayroon siyang 6 messages.
Good morning! Going to school na? Ingat ka
- ethan.alojado
Sent at 6:00 am
Papasok na rin ako, I think tulog ka pa, walang nakalagay na green sa account mo eh
- ethan.alojado
Sent at 7:00 am
Here na ako sa school, mag-iingat ka if ever na may class ka today!
- ethan.alojado
Sent at 7:20 am
Done na ang first sub namin, nakakagutom. Parang gusto kong mag-wings. Kumain ka na ba?
- ethan.alojado
Iyan ang nga messages niya, napangiwi ako dahil wala namang espesyal sa mga sinabi niya. Pero ito ang kamay ko ngayon. Nagtitipa ng tugon sa kaniya.
Morning! Slr, hindi na nakapag-phone kanina.
- kikianichol
Reply ko, ilalapag ko na sana ang phone ko, wala pa atang isang segundo ay nakatanggap na ako ng reply mula sa kaniya.
“Wow! Passpass siya!” Sambit ko sa isip ko nang makita ang tatlong messages niya sa isang segundo lang. “Ameysing!”
Nah, it’s good! Ik naman na busy ka rin.
- ethan.alojado
How’s your sleep naman ba?
- ethan.alojado
Tapos na first sub niyo?
- ethan.alojado
Yupp! Kumakain na rin.
- kikianichol
Ahh, saan ka rn?
- ethan.alojado
Tiger Wings
You sent a photo
- kikianichol
ethan.alojado Reacted 😮 to your message
Cravings ko yan rn! 😭
- ethan.alojado
It’s your time na raw
- kikianichol
Dami pang need gawin hayts. Who’s with you pala?
- ethan.alojado
Kaibigan ko lang
- kikianichol
Nagtuloy-tuloy ang pag-uusap namin, medyo hindi ako nabuburyo na kausap siya. Medyo kwela rin at halos ka-humor ko. Bihira lang din akong makakausap tulad nito. Dahil halos kadalasang nakakausap ko ay puro libog eh. Kaya kahit papaano ay naeentertain din ako. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti. Cute din naman kasi itong si Ethan, chinito at maputi. Halos nawawala na rin ang mata kapag nakangiti
“Seryoso, Kian… pakiramdam ko hindi na ako aabot ng 4th year.”
Napaangat lang ang tingin ko nang mabilisan mula sa screen ng phone ko bago muling mabilis na tumakbo ang mga daliri ko sa keyboard.
Tas alam mo kung anong nangyari? Ayun! Lahat kami pinagalitan haha
- ethan.alojado
Napa-react naman ako sa message niyang iyon. Nagkukwento kasi siya sa naging groupings daw nila sa reporting. Eh halos bawat slides daw ay may memes silang nilagay eh di raw maka-relate ang prof nila kaya ayon, parang nagalit daw kasi bakit may mga ganoong pictures hindi naman related sa kanilang tinatalakay. Bigla ko tuloy na-imagine ang mukha niya habang tumatawa. Siguro ay wala na siyang mata ngayon haha
“Kian, nakikinig ka ba?” malamig na tanong ni Lorenzo.
Pag-angat ko ng ulo, nakatitig na sa akin ang kaibigan ko. Nakalapag na ang kaniyang kubyertos at magkasalubong ang mga kilay niya habang nakahawak sa mga ito.
“Ah, oo! Nakikinig ako, Enzo,” mabilis kong sagot habang sinusubukang ibaba nang kaunti ang phone ko sa ilalim ng mesa. “Sinasabi mo lang na… mahirap nga ‘yang subject mo.”
Napasandal si Lorenzo sa upuan at bumuntong-hininga nang napakalalim. Kitang-kita ang itim sa ilalim ng mga mata niya dahil sa puyat at halatang pagod na pagod na siya sa mga ginagawang plate at review para sa major subjects niya.
“3rd year na tayo, Kian. Isang bagsak ko lang sa subject na ‘to, delayed na ako ng buong taon. Mawawala pa ‘yung scholarship ko,” sabi niya sa mababang boses, may halong frustration. “Naglilitanya ako rito tungkol sa future ko bilang Engineer… tapos ikaw, mukhang mas interesado ka pa diyan sa ka-chat mo sa phone.”
Bigla akong nakaramdam ng kaunting hiya. Humarap ako sa kanya nang maayos at tuluyan nang inilapag ang phone ko sa mesa, na nakataob ang screen.
“Pasensya na, Enzo,” seryoso kong hingi ng tawad sa kanya. “May ka-chat lang… pero seryoso, sorry. Ano ulit ‘yung sinasabi mo sa kinuha mong exam kanina?”
Nakahinga nang malalim si Lorenzo, tila nawalan na ng lakas para magalit pa. “Wala… pakiramdam ko lang talaga napaiwanan na ako ng panahon. Kahit anong puyat ko, parang kulang pa rin.”
Nilapit ko ang upuan ko sa kanya at tinapik ang balikat niya. “Kilala kita mula 1st year. Alam kong mahirap ang Engineering, pero hindi ka umabot ng 3rd year nang dahil lang sa swerte. Matalino ka, Enzo. Baka kailangan mo lang magpahinga muna ngayong hapon bago ka sumabog.”
Bago pa siya makasagot, nag-vibrate ang phone ko sa mesa. Napatingin si Lorenzo sa screen na umiilaw.
“Sino ba yang ka-chat mo? Bagong ka-fling?” tanong niya habang bahagyang nakataas ang isang kilay.
“Wala akong ganyan ngayon baliw, seloso mo naman. Ge i-kiss na lang kita.” Akmang ilalapit ko na ang mukha ko sa kaniya ay natawa siya at inilayo ang papalapit kong mukha sa kaniya. Sa ginagawa namin ay natawa na lang kaming pareho.
KABANATA III
Natapos ang buong maghapon nang pagod at masakit ang katawan. Hindi ko alam na sobrang dami naming kailangang tapusin ngayong araw. Halos sumakit na rin ang ulo ko kaya nang malarating sa dorm ay agad kong inihiga ang sarili sa malambot kong kama.
Wala na rin akong lakas na tumayo pa kaya habang nakahiga ay hinubad ko na ang pantalon at damit ko. Tanging medyas at boxer na lamang ang natira sa suot ko ngayon.
Ipinikit ko ang aking mga mata upang kahit papaano ay makapagpahinga ito mula sa liwanag. Lately ay napapansin ko na rin ang pagkahilo at blurry vision. Siguro marahil ay dahil sa pagod na ito o di kaya ay malabong mata at astigmatism. Kapag nagkaron na lang ako ng time ay baka pumunta ako sa Sunnies. Maganda raw magpagawa ron kaysa sa EO
Mula sa kama ay kinapa ko ang phone ko at binuksan iyon. Pinindot ko ang camera at saka kumuha ng ilang litrato. Kailangan kong buhayin ang mga taong naghihintay sa mga ganito kong pictures.
Nang matapos kumuha, naka sampung take rin ako. Pero hindi naman ng iyon ay maipapakita ko. Pumipili lang ng pinaka dabest.
Ewan ko ba, natutuwa ako kapag pini-praised ako ng mga tao. Nasobrahan na ba ako sa pagiging narcissistic? Nagkibit balikat ako sa sariling isipin.
Yinignan ko muna lahat ng pictures ko at dalawa lang ang napili kong maganda. Iyon ay ang naka 0.5 na kuha at medyo nakaangat ang tuhod habang nakatakip naman ang aking mukha. Maganda ang kuha nito dahil kitang-kita ang hulma ng aking katawan. Lalo na ng aking abs. Medyo may bakat din ito kaya panigurado akong may magwawala na naman sa messages ko. Napangisi ako sa sariling isipin.
Gaya nga ng sinabi ko kanina, wala pang dalawang minuto ay sandamakmak na messages na agad ang aking natanggap.
Lahat iyon ay papuri at puro kalibugan. May iba pa na inaaaya akong panoorin sila at ang iba naman ay nagsesend din ng kanilang private part. Pero kahit anong gawin ko sa mga ganoon ay hindi naman ako nalilibugan.
Nang ibababa ko na ang phone ko ay bigla akong nakatanggap ng message mula kay Ethan.
Hi, good evening!
- ethan.alojado
Hello, good evening din!
- kikianichol
Musta? How’s school?
- ethan.alojado
Pagod, pero wala namang choice
- kikianichol
Aww kawawa naman pala iyan
- ethan.alojado
Goods lang naman, pero kung iki-kiss mo ay baka mawala yan.
- kikianichol
ethan.alojado Reacted 😭to your message.
Punta na ba ako jan?
- ethan.alojado
Kaya mo ba?
- kikianichol
Can you wait?
- ethan.alojado
Oo naman yes! Kahit matagal pa yan!
- kikianichol
ethan.alojado sent a sticker
Natawa ako sa sinend niyang iyon, iyon ay naka gif na pusang calico na kung saan ay sumusuntok sa hangin.
Aray ya! Matamaan ako nyan eh
- kikianichol
ethan.alojado Reacted 😂 to your message.
ethan.alojado sent a sticker.
Muli na naman akong natawa nang makita ang sinend nitong sticker ng pusa na sumasaw ng scuba. Natatawa ko iyonh ginaya. Binuksan ko ang camera ko at nag-umpisang kumuha ng video habang sumasayaw ng scuba at agad iyong sinend sa kaniya.
Ang cute naman niyan kainis!
- ethan.alojado
De, ikaw talaga yon
- kikianichol
ethan.alojado sent a video
Napangiti ako nang buksan iyon, kuha niya habang may filter ng Hello Kitty. Pinagmasdan ko ang mata niya, ang ganda talaga non sa paningin ko. Kung pwede ko nga lang kunin iyon at ilagay sa akin ay baka nagawa ko na. Ewan, pero I found it attractive. Gustong-gusto ko ang mga mata ng tao. Lalo na kapag katulad ng kaniya na singkit. Halos wala na ring mata kapag nangiti. Samahan mo pa ng maliit ngunit matangos niyang ilong, at manipis na hugus puso at pinkish niyang labi.
Aaminin ko, napakacharming ng mukha ni Ethan. Mukha siyang soft boy at kahit hindi ko pa naririnig ang boses niya ay sa palagay ko ay malambing siyang magsalita.
Natinag ako sa sariling isipin. Nasapo ko ang aking noo. Hindi ko iyon pwedeng hayaan. Dahil baka sa huli ay ako ang mahihirapan. Nangyari na ito before kaya ayoko na ring maulit. Ayokong maghabol!
Hindi na natapos ang palitan namin ng chats, hanggang sa namamalayan ko na ang sarili ko na nakangiti na sa mga replies at chats niya. Ipinikit ko ang aking mga mata sa mga sandaling ito.
Ayokong pangunahan ang nataramdaman ko, pero siguro kailangan ko na lang na patibayin ang pader na nakapalibot sa akin. Dahil baka kapag ito ay nasira, baka mahirapan akong buoin ulit ito.
“Oh, kumain ka na?” Tanong ni Lorenzo nang makita akong pababa ng hagdan.
“Hindi pa, pero parang busog ako na ewan.” tugon ko habang pinakikiramdaman ang tiyan ko. “Baka mag-oatmeal na lang ako, di ako nakakaramdam ng gutom eh.”
“I see, basta kumain ka na lang. May niluto akong chicken adobo jan.” aniya at saka pumuntang banyo. Napangiti naman ako. Maswerte ako dahil narito si Lorenzo. Sa aming dalawa ay siya ang masipag kumilos-kilos dito sa bahay. Siya ang naglilinis ng sala at siya rin ang nagluluto. Marunong naman akong magluto, ewan ko ba tinatamad lang ako.
Pumunta ako sa kabinet at akmang kukunin ang oatmeal nang biglang maamoy ang adobong niluto ni Lorenzo. Kaya dahil doon ay bigla akong nakaramdam ng gutom. Kaya ayon, nagbago na ang isip ko.
Kumuha ako ng plato at nagsandok ng kanin at ulam. Naupo ako sa lamesa at nag-umpisang kumain. Kinuha ko ang phone ko at nagsimulang magscroll sa tiktok. Habang nag-i-scroll ay nakatanggap ako ng notification mula rito.
Eathan.alojado15 started following you
Pinindot ko iyon at napunta ako sa profile niya. Naka-public siya at nasa 200 ang followers pero may thousands of likes. Hindi na rin iyon kataka-taka pa dahil cute naman talaga siya lalo na sa mga videos niyang nagli-lipsync.
Wow! Bilis ah
- Eathan.alojado
Sakto lang, nagnotif eh
- itsmechol
I see, pogi mo sa mga tiktok mo. Di ko alam na sumasayaw ka rin pala
- Eathan.alojado
Ewan ko ba, iyon lng ang sinabi niya pero pakiramdam ko ay namula ang mukha ko kasabay non ay ang paglabas ng maliit na ngiti sa labi ko.
Streak ba? Hahaha
- Eathan.alojado
Bibigyan pa ako ng responsibilidad tsk!
- itsmechol
Muli kaming nag-usap dito sa aming tiktok accounts. May mga sandali pa na nagsesend siya ng mga funny videos na talagang humahagalpak ako ng tawa. Mababaw lang ang kaligayahan ko eh.
Tumagal din ang pag-uusap namin sa tiktok at nakita ko na lang ang sarili ko na nagsesend na rin sa kaniya ng mga videos. At ang isa sa napansin ko sa sarili ko ay, hindi na nawala ang ngiti sa labi ko.
Napapikit ako dahil gusto kong pigilan iyon dahil ayokong sa huli ay masira ako. Hindi ko naman kasi alam ang totoong intensyon niya at ayoko ring alamin.
Siguro ay patibayin ko na lang ang pader para hindi agad-agad na mabitak ng kung sinuman.

