The Tracker's Temptation: Lord Allister (SOON)
xxriegozzxx · 4 chapters · 1,137 words
LORD ALLISTER
Lord Allister the tracker of Siege Organization. Tahimik ngunit palaban pagdating sa labanan. Hindi lang siya tracker kundi magaling din siya pagdating sa combat.
Wala siyang pakialam sa lahat maliban nalang sa kakambal niyang si Lorcan. Ngunit, nagbago ’yon ng may matuklasan silang dalawa ng kakambal niya.
Walang puwang sakanya ang mga babae dahil sa karanasan niya sa ex-girlfriend niya. Kaya pinangako niya sa sarili na tanging ang marie biscuit nalang ang pwedeng lumandi sakanya.
Disclaimer
This is a work of fiction. Names, Characters, business, places, events and incidents, are either the products of the Author’s imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.
No parts of this story may be reproduced or transmitted in any form or by means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the Author.
This story contains incorrect typos/spelling/ grammar. I’m not professional writer so please bear with me. Thank you!
Facebook Acc: Cruz Wp
Fb page: Azazzin_Nation
Wattpad cover by: Acesu Graphics
Copyright ©️ 2023 by XXRIEGOZZXX
All rights reserved.
Prologue
Sinusundan ko ang girlfriend kong si Ruby kung saan ’to nakita ng kakambal ko na si Lorcan. Galing pa ako sa school kaya naka suot pa ako ng uniporme.
Ayaw kong maniwala sa sinasabi ng kakambal ko na nakita niya ang girlfriend ko na may kasamang lalaki. Si Ruby ang first love ko kaya takot na takot akong malaman ang totoo.
Matagal ko na siyang kilala, simula bata palang kami ay kami na ang palaging magkasama. Pareho din kami ng pinapasukang skwelahan pero magkaibang section.
Tanaw ko mula dito sa kinatatayuan ko si Ruby na panay ang tawa at may kasamang lalaki. Humigpit ang hawak ko sa bag ko habang nakatitig sakanilang dalawa.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi lumapit sakanila. Nang makita ako ni Ruby ay nanlaki ang mata nito at halatang gulat na gulat na nasa harap niya ako.
“Lord..” sambit niya sa pangalan ko saka ’to humiwalay ng yakap sa katabi niyang lalaki.
“Mag-usap tayo, Ruby.” malamig kong saad saka ko hinawakan ang kamay niya at hinila patayo.
Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kaming dalawa ni Ruby. Gusto kong malaman ang totoo, matagal na akong sinasabihan ng kakambal ko ngunit ayaw ko lang maniwala.
Nang makarating kami sa labas ng mall, naghanap lang ako ng lugar na hindi masyadong na dadaanan ng mga tao.
“Ano ba, Lord. Nasasaktan ako!” reklamo niya saka malakas binaklas ang kamay ko dahila para mabitawan ko siya.
Humarap ako kay Ruby para sumbatan siya. “Sino ang lalaking ’yon? Bakit kayo magkasama?” tanong ko sakanya.
“Boyfriend ko. May problema ba don?” matapang niyang sagot sakin.
“Boyfriend? Tangina naman, Ruby. Eh ano ako? Hindi ba boyfriend mo ko?!” galit kong sabi sakanya. Pinipigilan ko ang sarili ko na masigawan siya dahil ginagalang ko siya at mahal na mahal ko siya.
“Boyfriend pala ang tawag satin? Hindi mo nga ako malibre-libre kahit sa fast food man lang. Ano yun.. hanggang sa tusok-tusok mo nalang ako palaging nililibre. Tapos yung date natin.. lagi nalang sa park dahil hindi mo ko kayang dalhin sa mall or sa mamahaling restaurant. Mabuti pa si Marvin, kayang-kaya niyang bilhin ang gusto ko. Lagi pa niya akong dinadalhan ng milk tea sa school hindi katulad sa’yo na hanggang palamig lang sa kanto na wala pang lasa ang kaya mong bilhin sakin,” mahaba niyang saad sakin.
Napayuko ako sa mga sinabi niya. Hindi naman kasi kami mayaman, habang nag-aaral kami ni Lorcan sa umaga, nag tratrabaho kaming dalawa sa gabi para meron kaming pang baon at pang gastos narin sa mga projects sa school. Ayaw naming iaasa kay lolo Pablo ang mga gastusin namin dahil matanda narin ’to, ngunit pilit parin siyang naglalako ng mga pagkain sa kalsada para makapag-aral kami ni Lorcan.
“Ano?? Hindi ka na makasagot. Tama ako diba! Naisip ko lang Lord na wala akong future sa’yo kaya dapat lang maghanap ako ng lalaking bagay sakin, at hindi ikaw yun,” dagdag niyang sabi sakin.
“Binibigay ko naman lahat ng gusto mo ahh, lahat ng pinapabili mo sakin, binibili ko kahit pa nga mabawasan pa ang baon ko,” malungkot kong sabi sakanya.
“Ahh yung mumurahin ba na mga lipstick? Pati narin yung mga perfume at damit na mga local, yun ba yun? Ayon.. tinapon ko na, mas maganda pa ang mga bigay ni Marvin sakin kaysa don sa mga bigay mong basura,” naka ngisi niyang sabi sakin.
Nagkamot ’to sa ulo na parang iritang-irita sakin. “Dyan ka na nga! Istorbo ka sa date namin ni Marvin,” saad niya saka nag martsa palayo sakin.
Nakatitig lang ako sa papalayong si Ruby na pumasok na sa loob ng mall.
Lahat ng ipon ko sa t’wing may pinapasukan kaming trabaho ni Lorcan ay na pupunta lang kay Ruby. Hindi ko kasi mahindian dahil nagagalit siya kapag hindi ko nabibili ang gusto niya.
Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko kaya lumingon ako sa likod ko. “Halika na! Uwi na tayo! Hayaan mo na ang babaeng yun,” saad ng kakambal kong si Lorcan saka ako inakbayan sa balikat. Hinawakan niya ang ulo ko saka niya ginulo ang buhok ko. “Wag kang iiyak. Susuntukin kita sa mukha kapag iniyakan mo ang babaeng ’yon,” banta niya sakin kaya pinigilan ko ang luha ko.
“Ito ohh..” saad niya at may inabot sakin.
“Ano to?” tanong ko.
“Biscuit. Nag kulang ang pera ko kaya yan nalang ang binili ko para tag-isa tayo,” saad niya kaya binuksan ko ’to saka ako kumuha ng biscuit.
“Masarap,” saad ko habang kumakain.
“Matabang,” saad ng kakambal ko saka niya ako hinila para maglakad.
Naka akbay parin ang kakambal ko habang ako naman ay kumakain parin ng biscuit.
Dapat pala, nakinig nalang ako sa kakambal ko. Sayang ang perang ginastos ko kay Ruby. Sa t’wing hinihila niya ako papunta ng mall pagkatapos ng klase namin ay agad siyang nag tuturo ng pagkain doon at ako ang pinag babayad.
Ayos na sakin na makita siyang masayang kumain. Ngunit, hindi parin pala sapat ang effort ko para sakanya. Binibigyan ko naman siya ng flowers kaso pinipitas ko sa kapitbahay namin na may tanim na mga rosas.
“Wag mo ng isipin ang babaeng ’yon. Mag focus ka sa pag-aaral lalo na’t malapit na ang exam natin,” sabi ng kakambal ko.
“Oo na,” sagot ko nalang dahil alam kong pag sasabihan lang niya ako. Hindi kasi ako nakinig sakanya. Pero alam ko namang dadamayan parin ako ng kakambal ko kahit pa nga tanga ako pagdating sa pag-ibig.
Hindi na talaga ako maiinlove kahit kailan. Ayaw ko na! Ang sakit palang masaktan lalo na at totoo ang mga sinabi sakin ni Ruby. Mahirap lang ako kaya hindi ko siya kayang ilibre sa mga masasarap na pagkain na gusto niya.
Ang hirap maging mahirap, punyeta!
Chapter 1
SOON…
