loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
THE TRAGEDY OF MY LIFE

THE TRAGEDY OF MY LIFE

VinxMania · 1 chapter · 2,234 words

INTRODUCTION

Ako si Weng. Kung pagsubok sa Buhay ang pinag-uusapan, Ewan ko kung may mas hihigit pa sa pagsubok na kinaharap ko. Kung lulubusing isipin, ubos na Ang luha ko at na-immune na Ako sa sakit at pighati dahil sa sunod-sunod na dagok sa Buhay ko.

Apat ang anak Namin Ng Asawa kong si Derrek. Puro babae. Sisimulan ko ang pagsasalaysay Nung nadapuan Ng pangkaraniwang lagnat lang ang panganay na anak ko.

“Mama”. Halinghing Ng anak Kong si Mica.

“Anak, bakit?” Tanong ko.

“Wag mo Kong iiwan, mama.”

“Oo, anak. Nandito lang si mama. Hindi kita iiwan.” Patuloy lang Siya sa pag-ungol dahil sa lagnat Niya. “Bakit kaya, anak? Bat Hindi Naman na bumababa ang lagnat mo?”

“Wag mo Kong iiwan, mama.” Ulit niyang Sabi.

“Hindi, anak. Hinding Hindi kita iiwan. Andito lang Ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan, Mica, anak.”

Nanatili lang Ako sa tabi ni Mica Hanggang sa makatulog Siya. Maya-maya pa dumating na Rin ang Asawa ko.

“Mabuti at dumating ka na, Derrek.” Agad Kong Sabi sa kanya pagkadating Niya.

“Oh, bakit? May nangyari ba?” Tanong Niya nang makita niyang Hindi Ako mapakali.

“Si Mica, iba na Yung hitsura dahil sa lagnat.”

“Huh? Pinainom mo na ba Ng gamot?” Tanong Niya ulit.

“Hindi Ako pumalya sa pagpapainom Ng gamot sa kanya. Round the clock ang pag-aasikaso ko sa kanya. Pero Hindi nagbago ang lagay Niya. Tapos Ngayon iba na Ang hitsura Niya.”

“Ano?!” Nakita ko ang gulat na gumuhit sa mukha Niya.

“Itakbo na lang natin sa hospital ang anak natin, Derrek. Talagang kinakabahan na Ako sa lagay ni Mica.”

Maluha-luha na Ako sa pagkakataong Yun. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung ano-ano na Ang tumatakbo sa isip ko.

“Oh sige, ayusin mo na Ang mga kailangan nating dalhin at itatakbo na natin sa ospital ang anak natin.” Tinakbo Nga Namin sa ospital ang anak Kong si Mica.

**************†*

“Kumusta na si Mica sa ospital, Weng, anak?” Tanong Ng tatay ko.

“Hindi maganda ang lagay Niya, Tay. Sabi Ng doktor, comatose na daw si Mica.”

“Ano?! Diyos ko! Pano nangyari Yun?” Hindi makapaniwalang Sabi Ng tatay. Maski Ako Hindi Ako makapaniwalang ang simpleng lagnat lang Ng anak ko ay ang magdadala sa kanya sa pagka comatose.

“Yan ang totoo, Tay. Kaya grabe ang pag-aalala naming mag-asawa sa lagay Niya.”

“Bakit daw na-comatose ang apo ko kung nilagnat lang Naman siya?” Tanong ulit Ng tatay na bakas na din ang sobrang pag-aalala.

“Hindi maipaliwanag Ng mga doktor, Tay. Kaya kailangan siyang manatili sa ospital para obserbahan pa at tukuyin kung ano ba talaga ang sakit Ng anak ko, Tay.”

“Oh Diyos ko! Ano kayang nangyari sa apo ko?”

“Hindi ko din alam, Tay. Kahit ang mga doktor, Hindi nila maipaliwanag.” Masakit man kailangan Kong lumaban. Dahil kung pati Ako magkakasakit ay Walang magiging katuwang ang Asawa ko sa pag-aalaga sa tatlo pa naming anak.

Kumuha lang Ako Ng gamit Namin sa Bahay bago magtungo sa ospital.

“Kailangan ko nang bumalik sa ospital, Tay. Para makapagpahinga din si Derrek. Kumuha lang Ako Ng mga kakailanganin Namin sa ospital.”

“Sige, anak. Kailangan ding magpahinga ang Asawa mo dahil may naghihintay din siyang trabaho.”

Pagkadating ko Ng ospital, Ako ang pumalit sa Asawa ko sa pagbabantay.

“Mica, anak. Andito lang sa tabi mo si mama. Babantayan kita anak ko. Hindi kita iiwan. Namimiss ka na Ng mga kalaro mo anak ko. Kahit ang Lolo at Lola mo, namimiss ka na din nila. Kaya bilisan mong magpagaling ha? Totoong comatose ka, anak. Pero alam Kong naririnig mo ko. Lumaban ka anak ha? Para mabilis ka gumaling at makabalik ka na Ng eskwelahan para mag-aral. Namimiss ka na din Ng mga classmates mo. Hindi ko alam kung Anong nangyari sayo, anak. Nilagnat ka lang, anak, pero ganyan na Ang nangyari sa kalagayan mo. Kaya nagmamakaawa si mama sayo anak ha? Magpagaling ka na. Para makauwi na Tayo sa Bahay. Kasi…. “

Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang tumunog ang monitor sa gilid ni Mica. Ang TaaS babang guhit ay naging diretsong linya hudyat na may masama nang nangyari sa anak ko.

“Anong nangyayari?! D-diyos ko?! A-ang anak ko! D-doktor! Nurse! Tulungan niyo ang anak ko! D-doktor! Ahhhhh!!!! Anak!!!! Nurse!!!! Tulong!!!”

Hindi na mapigilang bumuhos Ng mga luha ko nang mga sandaling yon. Parang buong kalangitan ang bumagsak sa akin.. sobrang sakit.

Sa pagkakataong ding Yun, pumanaw si Mica. Ang panganay na anak ko. Hindi ko matanggap at Hindi ko inaasahang mawawala sa aming mag-asawa ang panganay Namin nang dahil lang sa simpleng lagnat ang pinagsimulahan Ng lahat Hanggang sa maging comatose.

Kahit ganun kasakit Ang nangyari sa amin, sinikap Kong magpakatatag. Dahil Meron pa Akong tatlong anak na kailangan Kong asikasuhin at paglaanan Ng pagmamahal na Hindi ko na maibibigay sa namatay Kong panganay. Pero ang Hindi ko inaasahan…

“M-mabuti at dumating ka na, Weng, Anak.” Bungad sa akin Ng Tatay. Parang balisa Ang hitsura.

“Huh? Bakit, Tay, Anong nangyari?” Hindi ko mapigilang kabahan sa ganong reaksyon Ng tatay.

“Ang apo Kong si Nikki, Hindi Naman na gumigising.”

“A-ano? Anong nangyari sa kanya, Tay?”

“Kaninang tanghali bago ko patulugin, pinakiramdaman ko pa ang temperature Niya. Parang may sinat Ang apo ko kaya pinadede ko Muna bago matulog. Pero Hanggang Ngayon Hindi Naman na magising-gising.”

“D-diyos ko!!! Nasan Ang anak ko, Tay?”

“Nasa silid nyong mag-asawa. Grabe ang Kaba ko, anak.” Mababakas ko ang Kaba sa mukha Ng tatay.

“T-teka lang, Tay. Pupuntahan ko ang anak ko.”

“”“”“”“”“”*********

“B-bakit biglang naging ganyan Ang kalagayan ni Nikki?”

“H-hindi ko alam, Derrek. Lumabas lang Ako para bumili Ng mga kailangan dito sa Bahay. Pero nang dumating Ako, sinalubong Ako Ng tatay na balisa at sinabi Ang kalagayan Ng anak natin.”

“Kinakabahan Ako, Derrek. Ipaospital na natin si Nikki. Huwag na nating hintaying lumala pa Ang kalagayan Niya. Hindi Naman na Siya magising-gising simula Nung matulog Siya.”

Bumuntong-hininga Ang Asawa ko. Noon ko lang nakitang parang napanghininaan na din Ng loob Ang Asawa ko.

“Derrek, huwag ka na sanang bumuntong-hininga pa, kailangan na nating ipaospital Ang anak natin, please?!”

Natulala si Derrek. Alam Kong Hindi na din Niya alam ang gagawin Niya. Maski Ako, Hindi ko na din alam ang gagawin ko.

Makalipas Ang Isang linggo Namin sa ospital…

“Doktora, kumusta na Ang kalagayan Ng anak ko. Isang linggo na kami dito sa ospital pero Hanggang Ngayon bakit Hindi pa din Siya nagigising???”

“Miss, talagang nahihiwagaan din kaming mga doktor sa kalagayan Ng anak mo. Kasi Hanggang Ngayon Wala pa din kaming makita Iba sa mga laboratory tests na ginawa Namin sa kanya.” Paliwanag Ng doktor nang tanungin ko kung kumusta na Ang anak ko.

“A-ano?”

“Ipagdasal na lang natin sa Diyos na sana ay Hindi Siya matulad sa kaso ng kapatid niya.”

“D-diyos ko!!!” Bumuhos na Naman ang luha ko Ng mga sandaling yon.

“Lahat Ng mga Expert na Doktor dito sa ospital ay nakatutok sa kalagayan Ng anak mo Ngayon, misis. Talagang nahihiwagaan din Sila.”

“Please, doktora. Gawin niyo sana Ang lahat. Pagalingin niyo ang anak ko. “

“Ginagawa Namin Ang lahat Ng makakaya Namin, misis. Gaya Ng Sabi ko kanina. Hilingin natin Ang gabay at tulong Ng maykapal.”

“Ha, Doktora! Anong nangyayari?! Bakit nagkakagulo Ang mga nurse sa silid Ng anak ko?!”

“Teka lang, misis. Titignan ko kung Anong nangyayari.”

“”“**********”“”**“”*********

“Weng. Tayo na lang Ang nandito sa sementeryo. Nagsiuwian na Ang mga nakipaglibing.”

“Please, Derrek. Dumito lang Muna Tayo. H-hindi ko pa kayang iwan Ang anak natin. Dalawang anak na natin Ang namatay sa magkasunod na Taon, Derrek. Dalawang anak na natin Ang naihiwalay sa piling natin. B-bakit nangyari Ang ganito?! Anong dahilan? Bakit nilagnat lang Ang mga anak natin, pagkatapos ay diretso Naman na Silang namamatay?”

“H-hindi ko din alam, Weng. H-hindi ko alam ang sagot sa mga Tanong mo. K-kahit Ang mga doktor na gumamot sa anak natin ay hindi din nila alam ang dahil Ng ikinamatay nila.”

“A-ang sakit-sakit, Derrek. Magkasunod na Taon. Magkasunod ding namatay Ang panganay at pangalawang anak natin. H-hindi Naman Ako nagkulang na ina nila! Inasikaso ko Sila! Pero b-bakit nawala Sila sa atin?! Bakit?!”

Sa magkasunod na Taon… Puro sakit at pighati Ang naranasan ko… Hindi ko lubos maisip kung ano ba talaga ang sakit na kumapit sa mga anak ko. Kung bakit lagnatin lang Sila pagkatapos maco-comatose na Sila tapos mamamatay. Naisip ko na baka isinumpa kami. Pero kahit Anong pilit Kong isipin, Wala Akong maisip na napasakitan Namin na posible sanang magsumpa samin. Kahit ganun, sinikap Kong maging matibay. Si Derrek Naman ay sinikap niyang magtrabaho para sa aming pamilya Niya.

Hanggang sa dumating na Naman ang pagsubok na muntik ko nang mawala Ang tino Ng pag-iisip ko… Katatapos lang noon nang unang death anniversary ni Nikki… Na-ospital Ang pangatlong anak ko nang dahil sa simpleng lagnat…


“Misis, Ang maipapayo ko sayo, ay kailangan na nating ilipat sa PGH Ang anak niyo.”

“D-doktora….”

“Dalawang araw nang comatose Ang anak niyo simula Nung itinakbo niyo Siya dito sa ospital. Huwag na nating hintaying mangyari na Naman ang nangyari Nung nakaraan. Kaya kailangan na nating ilipat sa PGH Ang Bata.”

“K-kung ano Ang pinakamagandang Gawin, Yun na lang, Doktora.”

“Okay, sige. Ipapaayos ko na Ang mga kailangan niyo. Para mai-transfer na natin Siya sa Manila. Maganda doon dahil kompleto Sila sa gamit. Baka sakaling masalba pa Ang Buhay Ng anak niyo, misis.”


“Tay, k-kayo na Po Muna ni Nanay Ang bahala sa bunso Kong anak.”

“Weng, anak ko. Huwag mong alalahanin Ang bunso Kong apo. Kami Ng Nanay mo Ang bahala sa kanya. Hindi Namin pababayaan habang nasa Manila kayo.”

“Salamat, Tay.”

“Hanggang kailan ba kayo sa Manila, anak?”

“H-hindi ko pa masasabi, Tay. Sabi Ng doktor dito sa atin, depende daw sa magiging findings Ng mga doktor sa PGH.”

“G-ganun ba anak?”

“Opo, Tay. S-sana sa pagkakataong ito, Hindi na mangyari pa Ang kinatatakutan ko. Baka mabaliw na Ako kapag mawala pa sa akin Ang pangatlo Kong anak.”

“Huwag Kang magsalita Ng ganyan, anak. May-awa Ang Diyos. Huwag Kang mag-isip Ng negatibo. Magdasal Tayo sa panginoong Diyos na sana pagalingin na Niya ang apo ko.”


“Derrek, Isang buwan na natin dito sa PGH, pero Hanggang Ngayon Wala pa ding pinagbago Ang kalagayan Ng anak natin.”

“W-weng.”

“Ang hirap dito. Kung Wala itong van natin kung saan ako nagpapalit at nagpapahinga, Hindi ko na alam kung Anong gagawin ko. Hindi Naman Ako pwedeng manatili sa silid Ng anak natin dahil nasa ICU Siya.”

“Hindi Tayo pwedeng sumuko.”

“Talagang Hindi Ako susuko. Ikaw Ang inaalala ko..”

“Huh?”

“Hindi ka ba napapagod na linggo-linggo Kang lumuluwas papunta dito?”

“Hindi, Weng. Hinding-hindi Ako mapapagod kung para sa anak natin.”

“Ang laki na Ng nagastos natin dito sa Manila, Derrek.”

“Huwag mong isipin Ang Pera, Weng. Ang Pera, napapalitan. Pero Ang Buhay Ng anak natin, iisa lang. Kahit pa maubos Ang lahat Ng naipon at naipundar natin, Basta gumaling lang Ang anak natin.”

“S-sige… Bumalik na Tayo sa loob… Huh? Derrek? Nagkakagulo Ang mga Doktor sa ICU!”

“D-diyos ko!!!”

“A-ang anak natin. Bilisan mo!”

Tinakbo Namin Ang hallway papuntang ICU…

“Huh? D-diyos ko!!! Derrek!!!”

“B-bakit nire-revive Naman na nila ang anak natin?!”

“H-hindi!!! H-hindi pwedeng mangyari Ang ganito, Derrek! A-ang anak natin!!! Ang anak natin, Derrek!!! A-anak!!!! L-lumaban ka!!! Huwag mo kaming iiwan! Lumaban ka anak ko!!! Maawa ka samin Ng Papa mo!!!”

“D-diyos ko!!!”

“D-diyos ko!!! Kinuha mo na Ang dalawang panganay na kapatid Ng anak ko! Maawa ka! Huwag mong Kunin Ang pangatlong anak ko! Wala kaming kasalanan Sa’yo para mangyari Ang ganito sa amin!!! Wag mong Kunin Ang anak Namin! Huwag!!! Huwag sana!! Huwag!!! Huwag!!! “

“W-weng, tumahan ka… Wag Kang sumigaw Ng ganyan, please.”

“A-anak!!! Lumaban ka!!! H-huwag mong iwan si mama!!! Lumaban ka anak ko! Lumaban ka!!!”

“Weng, p-please. Kumalma ka. Tignan mo Ang nangyayari sa anak natin sa loob Ng ICU. Tignan mo. Pahinto-hinto Ang pagpitik Ng puso Niya. Pero tuwing sumisigaw ka Ng “Huwag mo Kong iiwan”, bumabalik Ang pagpitik Ng puso Niya. Tignan mo, W-weng.“

“Aaaahhh!!! Ang a-anak ko!!! A-ang anak ko!!!”

“Nakakaawa na Ang anak natin, Weng! Pagkalmahin mo Ang damdamin mo! At Gawin mo Ang nararapat para sa anak natin! Matitiis mo bang nakikitang  nahihirapan Ang anak natin?”

“D-diyos ko!!! Ang anak ko!!! Diyos ko! Hindi ko na matiis na makita Ang paghihirap Ng anak ko! Isusuko ko na Sayo Ang anak ko, Diyos ko! M-mica! N-nikki! Mga anak ko!!! Salubungin niyo na Ang kapatid niyo! Magkakapiling na kayo! YOUR WILL BE DONE, LORD! YOUR WILL BE DONE!!!”

Pagkatapos Kong sambitin Ang mga katagang““YOUR WILL BE DONE, LORD” Hindi na bumalik Ang pagpitik Ng puso Ng anak ko. Yun na Ang pinakamasakit sa Isang Ina, kagaya ko, na sa magkakasunod na Taon, magkakasunod ding namatay Ang tatlo Kong anak sa Hindi Namin alam na rason. Tulad nga Ng sinabi ko. Isang simpleng lagnat lang ang dumapo sa kanila na Siya na nilang ikinamatay. Nagpahatid din Ang mga doktor Ng blood sample Ng pangatlo Kong anak sa mga eksperto sa abroad pero gaya din Ng inaasahan, Wala pa din kaming natanggap na resulta.

Gaya nga Ng sinabi ko, muntik na Akong mabaliw dahil sa mga dumating na dagok na yan sa Buhay naming mag-asawa. Pero naging lakas at tatag ko yan para sa bunso Kong anak. Ngayon, malapit nang magtapos Ang bunso Kong anak. At laking pasasalamat ko sa panginoon dahil Hindi Siya nagaya sa tatlong naunang mga anak ko.

Ito Ang kwento Ng Buhay ko…

Weng


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.