The Triplets Addiction
Ajai Kim · 35 chapters · 92,398 words
Prologue
Hindi ko alam kung napaparanoid lang ba ako pero ramdam ko na tatlong araw na akong sinusulyapan at sinusubaybayan dito sa Supermarket na pinagtatrabauhan ko ng tatlong gwapong mga triplets na iyon.
Kanina pa rin sila sinisipat at tinitignan ng mga tao sa loob ng Supermarket sa tuwing napapadaan ang mga ito sa harapan nila.
Sino ba namang hindi makakapansin sa triplets na ito? Bukod sa magkakamukha ay mga gwapong mestisuhin rin ang mga itsura. Kapansin-pansin rin ang tangkad nila na sa tantiya ko ay mga nasa 6 feet above ang taas; maganda rin ang built ng pangangatawan ng mga ito at may nakakaakit na mga mata.
Magkakamukha man ang tatlong triplets ngunit alam kong iba-iba rin ang personalidad ng mga ito.
Iyong dalawang triplets ay masayang nag-uusap sa tabi habang ang isa naman sa triplets na may blue-grayish na mga mata ay ni hindi ko mabakasan ng ekspresyon sa mukha at may malamig itong tingin sa akin.
Nakatingin siya sa akin!
Kaagad kong iniwas ang tingin sa gwapong nilalang na ito sa kabang bigla kong naramdaman at nagpatuloy na lang sa paglalagay sa scanner ng counter ko ng mga produktong binili ng customer.
Mga bandang alas nuebe na ng gabi nang matapos ang trabaho ko. Excited na rin ako umuwi para makita na ang cute at magandang baby ko. Bumili na rin ako ng pasalubong kong Jollibee kiddie meal para sa kanya.
Hindi ko na nakita ang triplets kaninang 4pm kaya panatag ang loob kong lumabas sa Supermarket na pinagtatrabauhan ko.
Kahit naman kasi mga papable at gwapo ang mga iyon ay ang creepy pa rin na tatlong araw ko na silang nakikita dito sa Supermarket na tila nakabantay o nakamasid sa akin. Ayoko mang maging assumera pero iyon ang nafe-feel ko!
Pagkalabas ko sa Supermarket ay muntik pa akong mapatalon sa gulat nang makita sa harapan ko ang tatlong gwapong triplets.
Nakangiti iyong dalawa sa akin samantalang iyong isa naman na kanina’y tinititigan ako ay hindi na ako tinitignan at nakahalukipkip lang ito na parang nabuburyo siya sa nangyayari ngayon.
“Hi, ganda!” bati sa’kin nung isa sa mga triplets na may clean cut na buhok.
Ay ang taray! Ganda raw ako?
Enebe
!
“H-hi rin,” bati ko na lang at alanganing ngumiti. Medyo masaya na tinawag niya akong ganda hehehe.
“I’m Ahnwar and this is my brother, Ahzik. You got our attention kaya ngayon ay manliligaw na kami sa’yo.” nakangiti nitong sabi sa kaswal na tono at ipinakilala nito sa akin ang isang kapatid niyang kinawayan at nginitian rin ako.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ng lalakeng ito hanggang sa mapadako bigla ang tingin ko sa kapatid ng dalawang lalakeng na seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha.
Nang tumingin na ito sa akin ay bigla na lang kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.
“They want to court you but you’re not my type. I’m Ahmed, by the way.” pakilala nang lalake hanggang sa tumalikod na ito sa amon at naglakad na papunta sa nakaparadang kotse nila sa labas ng supermarket.
Para yata akong lalagnatin sa mga kaganapan ngayon sa boring kong buhay. Hays!
Nabalik lang ang atensyon ko sa dalawang lalakeng kaharap ko nang bigla nilang hinawakan ang magkabilang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.
Magha-hyperventile na yata ako sa sobrang init at pagkapula ng buong mukha ko idagdag pang nakahalik sa magkabilang palad ko ang dalawang gwapong mga lalake na ito!
“From now on, we’re now courting you and you’re our official addiction, baby…”
Ha? Ano daw?
Nababaliw na ba sila?
GENRE: Romance/Obsession/Reverseharem/ Polyamory
WARNING: The characters of this story and their mindsets were not perfect as you think. You don’t need to say offensive things to the story if you don’t like it. Research this story genre first. Constructive criticism is allowed and I appreciate that.
(UNEDITED VERSION. THE EDITED AND REVISED VERSION IS IN THE
BOOK
.)
This is a story of Rica and Trevor’s triplets son from I only wish one but I got five.
Please like my Facebook page:
“Ajai_Kim WP Stories”
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Copyright © 2022 by Ajai_Kim
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the publisher except for the use of brief quotations in a book review.
Chapter 1
Mahirap maging batang ina. 16 years old pa lang ay maaga na akong namulat sa responsibilidad bilang isang ina.
Tanging puso lang ang pinairal ko noon at hindi na naisip pa ang pamilya kong umaasa sa akin makapagtapos lang ako ng pag-aaral hanggang sa kolehiyo at makakuha sana ng magandang trabaho.
Bugso
ng damdamin.
Masyado akong nagpadala doon at hindi na inalala pa ang mga negatibong komento tungkol sa ex-boyfriend ko noon na ama ng anak kong si Blair na si Leigh Davidson.
Si Leigh ay high school classmate ko noon. May lahi itong half German na kung saan ay German ang Dad nito kaya mestiso ito, may kulay abuhing mga mata, matangkad at sige na nga, gwapo siya! Kumbaga sa balikbayan box ay all in one package na ito.
Iyon nga lang ay ubod ito ng pagkababaero. Tanging magagandang babae lang ang nagiging girlfriends nito sa school namin at hindi naman niya siguro ako papatulan kung hindi ako maganda, hindi ba? Ako kaya ang Muse representative ng buong school namin noon na pambato pa sa mga pageants.
Si Leigh ang nakauna ng lahat sa akin. Alam kong playboy at maloko na talaga siya noon pa man pero hindi pa rin iyon naging hadlang para hindi ako humanga at magkagusto sa kanya.
Noong niligawan niya ako ay sinagot ko na siya kaagad. Nagtagal ng dalawang buwan ang relasyon namin hanggang sa may nangyari sa amin sa loob ng kwarto niya.
Sobrang minahal ko siya na dumating sa puntong pati ang virginity ko ay ibinigay ko na rin sa kanya dahil nagtiwala ako at umasa pa rin na mahal niya ako.
Umasa akong magbabago siya para sa akin, na ako lang ang tanging babaeng magpapatino sa kanya dahil ako ang pinakamatagal niyang naging girlfriend pero nagkakamali pala ako.
“Leigh, buntis ako…” umiiyak kong sambit kay Leigh habang nakaluhod na ako sa harapan niya at nagmamakaawang huwag niya akong iiwan.
Sinabi niyang aalis na sila ng pamilya niya papuntang Germany para doon na manirahan at ipagpatuloy ang pag-
aaral
niya. May kaya ang pamilya nila pero nag-aaral siya sa public school namin dahil malapit lang doon ang subdivision na tinitirhan nila.
Hindi niya ako pwedeng iwanan ngayon dahil buntis ako at siya ang ama ng ipinagbubuntis ko.
Tumawa lang si Leigh sa sinabi ko at nginisian ako. “Anong gusto mong gawin ko? Panagutan ’yan? Abort it because I don’t need a child.”
Parang tinarak ng kutsilyo ang puso ko dahil sa sinabi niya.
Hindi man lang ba niya ako minahal sa loob ng dalawang buwan kaya baliwala lang ako sa kanya at ang magiging anak namin?
“H-hindi ko kayang gawin ’yon, Leigh. Anak natin ’tong nasa sinapupunan ko-”
“Shut up! Will you? Kung gusto mo edi buhayin mo ’yang bata pero hinding-hindi ko ’yan
pananagutan
. We’re leaving at hindi na kami babalik dito sa Pilipinas!“ sigaw ni Leigh sa akin at akmang papasok na ito sa loob ng bahay nila nang hinawakan ko ang kaliwang braso niya at tinignan siya nang may pagmamakaawa.
“Leigh, m-minahal mo ba talaga ako?” tanong ko at hindi na napigilang mapahikbi.
“No. I never love you, Adi. You’re just one of my trophy girlfriend. Kung hindi ka lang maganda at sexy ay hindi naman kita papatulan. Sa tingin mo talaga na seryoso ako sa’yo? Nagtagal lang tayo ng two months para inggitin ang mga katropa ko na
nagnanasa
at nagagandahan sa’yo . Please don’t be desperate, okay? Buhayin mo ’yang ipinagbubuntis mo if that’s what you want but don’t expect me to take the responsibility of your shit!“
Padarag pang binitawan ni Leigh ang braso niyang hawak ko at nagsimula na siyang
humakbang
papaalis na muntik ko pang ikatumba sa sahig.
Simula nang araw na iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak nalang sa loob ng kwarto ko. Sobrang nag-aalala na ang mga kapatid kong sina Kuya Hideyo at Haru, Mama Encar at Lola Andeng sa sobra kong pag-iyak araw-araw at pag-iisip ng hindi maganda dahil baka makasama raw iyon sa ipinagbubuntis ko. Isang buwan rin ako naging ganoon hanggang sa matauhan na ako.
Kung ayaw na sa akin ng isang tao ay huwag ko nang idepende at iasa ang sarili ko dito. Dapat ay tumayo na ako sa sarili kong mga paa alang-alang sa magiging anak ko na siyang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
Kasama ko pa ang pamilya ko na nagmamahal sa akin. Ang Lolo Ponce kong namayapa na at ang Papa ko namang sumakabilang bahay na at may iba nang pamilya na hindi ko na pala dapat i-mention dahil galit ako sa kanya.
Nahinto ako sa pag-aaral para matutukan ko ang pagbubuntis ko. Tumayong mga ama ang kapatid kong mga lalake na sina Kuya Hideyo at Haru sa ipinagbubuntis ko.
Si Kuya Hideyo ay nagtatrabaho bilang isang chef sa karinderya samantalang si Haru naman ay Grade 7 student na noong mga panahong iyon.
2nd year college lang ang natapos ni Kuya Hideyo sa kurso nitong Electrical Engineering at hindi na ito nakatapos pa ng pag-aaral dahil maaga itong nagtrabaho para sa pamilya namin. Wala na kaming aasahan pa kay Papa kaya siya na ang may pasan ng responsibilidad nito.
Naging pabigat ako kay Kuya Hideyo dahil nabuntis pa ako at kakailanganin ng malaking halaga para sa mga gamit at gatas ng magiging baby ko idagdag pa ang gastos para sa panganganak ko.
Hindi iniintindi ni Kuya Hideyo ang gastusin sa akin. Nag-oovertime pa siya sa karinderyang pinagtatrabauhan niya at suma-sideline rin ito bilang tricycle driver para lang kumita nang mas malaki.
Maraming tao ang kasundo ng kuya ko idagdag pang gwapo ito at malakas ang tindig kaya hindi na mahirap sa kanya ang makahanap ng trabaho nang dahil sa karismang taglay niya kahit hindi ito nakapagtapos ng kolehiyo.
Sina Mama at Lola naman ay nagtitinda ng mga kakanin sa harap ng elementary school kung saan ay doon kami grumaduate na tatlong magkakapatid. Pandagdag ipon rin daw ang kikitain nila doon para sa amin ng magiging baby ko sa oras na manganak ako.
Nang manganak ako at isinilang ang malusog at healthy kong baby na si Blair ay napawi ang lahat ng sakit at pighati sa dibdib ko. Si Blair ang tanging yaman na iingatan ko, mamahalin at pangangalagaan nang pang habangbuhay.
Hindi ko na inisip at inintindi pa si Leigh. Bahala siyang magpalaki ng bayag sa Germany kung gusto niya!
“Ate, may nakita ka bang guitar necklace dito? Hiniram ko lang ’yon kay Noah, e?” tanong ni Haru habang hinahanap niya sa maliit naming sala ang guitar necklace na tinutukoy nito.
“Nilagay ko diyan sa stroller ni Blair. Pinaglalaruan niya nga kanina. Mabuti na lang at nakita ko. Ewan ko ba sa’yo, Haru! Napakaburara mo talaga pagdating sa mga gamit,” umiiling kong sabi habang tinuturuan kong magkulay sa coloring book si Blair. Napakamot na lang sa batok si Haru at dinampot sa stroller ni Blair ang guitar necklace na kay Noah daw.
Si Noah ay bestfriend ni Haru na kapitbahay lang namin.
Grade 12 senior high school student na ang bunso kong kapatid na si Haru. 18 years old na ito at magkokolehiyo na sa susunod na taon.
Katulad ni Kuya Hideyo noong elementary at high school pa lang siya ay palaging nominated as Escort sa buong school nila si Haru. Varsity player rin ito sa basketball at dahil doon ay maraming mga babae ang nagkakagusto rito dahil bukod sa gwapo ito ay athletic pa ito sa sports.
“Kain na tayo mga anak!” rinig kong sigaw ni Lola Andeng sa may bandang kusina. Nandoon rin si Mama na tinulungan si Lola sa pagluluto ng dinner namin.
Niligpit ko na ang coloring book at mga krayola ni Blair at hinila na ang anak ko papunta sa kusina kasunod si Haru.
“Kain na tayo! Yey!” masayang sigaw ni Blair na ikinangiti ko nalang.
Nagluto ng Chicken Curry at Pinakbet sina Mama at Lola na paborito naming ulam na pamilya. Wala pa si Kuya Hideyo ngayon at baka mamaya pa ito makauwi dahil mukhang nag-overtime na naman ito sa trabaho niya.
“Nanliligaw ba sa’yo si Nikolai, anak?” biglang tanong sa akin ni Mama na muntik ko pang ikinasamid.
“Ha? Hindi po, Ma. Kaibigan ko lang po si Nikolai katulad nina Eiselle at Cristina.” sabi ko naman at muling sinubuan ng pagkain si Blair.
“Ang sabi sa akin niyang dalawang kapatid niyang babae ay may gusto raw sa’yo si Nikolai, apo. Wala akong tutol kung maging boypren mo man siya. Napakabait na bata nun at minsan ay pinapakyaw pa niya ang mga paninda namin ng Mama mo sa iskul niyo.” sabi naman ni lola nang nakangiti.
“Nagpapalakas lang ’yon sa inyo para mapormahan niya si ate.” pagsabat naman bigla ni Haru kaya sinamaan ko siya ng tingin. Bineletan lang niya ako habang natatawa kaya mas lalo ko pa siyang sinamaan ng tingin.
“Nako Mama and Lola, friends lang talaga kami ni Nikolai, okay? Saka wala akong gusto do’n, no! Ang lakas kaya mang-asar nun palagi sa’kin.” sabi ko naman nang nakasimangot.
Walang araw na hindi ako aasarin o pagti-tripan ni Nikolai. Wala talaga sa maamo at mukhang suplado niyang mukha ang pagiging madaldal, maingay at mahilig mang alaska palagi sa amin nina Eiselle at Cristina.
Ewan ko rin do’n kung bakit ang hilig niyang sumama sa mga lakad namin ng mga kapatid niya imbes na makihalubilo na lang siya sa mga lalakeng katrabaho niya sa call center.
Bakla yata si Nikolai kaya mas gusto niya ang girly time namin ng mga kapatid niya. Pero imposible naman iyon dahil lalakeng lalake naman manamit at kumilos si Nikolai; idagdag pang every Saturday at Sunday ay hindi nun nakakalimutan na mag-gym.
“Natutuwa lang talaga ako sa batang iyon, Adi. Magalang iyon at palagi pang nakikipagkwentuhan sa amin sa tuwing nakikita niya kami.” nakangiting sabi ni Mama kaya umiling na lang ako.
Kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Nikolai. Tama naman sila, kahit makulit, maingay at palaasar si Nikolai ay isa ito sa pinakamabait at mabuti kong kaibigan. Kababata ko na ito noon pa kasama ang mga nakababata niyang kapatid na sina Eiselle at Cristina.
Natutuwa rin ako na pagdating sa panlilibre sa akin ay hindi ito kuripot kaya mas bet ko talagang palaging magpalibre sa kanya dahil hindi niya ako matanggihan.
Pagkatapos naming kumain ay si Haru na ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan namin. Si Lola ay nagdilig pa ng mga halaman niya sa bakuran ng bahay namin habang si Mama naman ang umasikaso muna kay Blair para paliguan at turuan na itong magbasa sa edad na 4 years old pa lang.
Nagtext sa akin si Nikolai at sinabi niyang nasa labas siya ng bahay namin at may dala itong tatlong boxes ng pizza. Nang lumabas ako nang bahay namin ay nakita ko kaagad siyang nakatayo sa may gate bitbit ang boxes ng pizza kaya binuksan ko ang gate at pinapasok na siya sa loob ng bahay namin.
“Ang init sa labas kahit gabi na. Grabe!” nakangiwing sabi ni Nikolai habang tinatanggal nito ang suot na itim na sumbrero at itim na jacket. Naka plain black t-shirt na lang ito ngayon.
“Anong meron at naka all black ka? Member ka na ba ng kulto niyan?” natatawa ko namang sabi kaya inirapan niya ako.
“Dinalhan na nga kita ng paborito mong Hawaiian pizza tapos inaasar mo pa ako, no? Napakabuti mo namang kaibigan!” sarkastiko niyang sabi na ikinatawa ko na lang.
“Eto naman hindi mabiro, oh. So, bakit ka nga nandito at may dala ka pang favorite kong pizza?” seryoso ko nang tanong habang nakangiti.
“A-ano, wala lang. Wala naman kasi akong magawa sa bahay dahil off ko tapos gumala pa sina Cristina at Eiselle kaya naburyo akong lalo sa bahay at pumunta na lang dito. Kahit nakakasawa ’yang pagmumukha mo dahil araw-araw ko na lang nakikita ay pagtityagaan ko na lang hindi lang ako mabored.” sabi niya at nagsimula na naman siyang asarin ako.
“Nakakasawa ang pagmumukha ko sa sobrang ganda ba?” nakakaloko ko namang tanong.
“Ang kapal mo ateng, ha!” sagot ni Nikolai at nagsalita pa ito ng tunog pangbeki na ikinatawa ko.
“Hoy! Hindi bagay sa’yo ang magsalita ng pangbeki dahil ang lalim ng boses mo!” tumatawa kong sabi at inumpisahan nang buksan ang isang box ng pizza na nakapatong sa lamesa namin na gawa sa kahoy.
Pinaabot ko naman kay Haru ang dalawang boxes ng natirang pizza at sinabing ibigay ito kina Mama at Blair na nasa loob ng kwarto. Sinabi ko ring tirhan nila ng pizza si Lola na nagdidilig pa rin ng mga halaman nito sa bakuran.
“Okay ba ’yong workplace mo kung saan kita nirefer?” tanong ni Nikolai habang kumakain na rin ng binili niyang pizza.
“Okay naman. Kering-keri lang ang pagiging cashier ko sa Supermarket na iyon.” nakangiti kong sabi.
“Pasalamat ka talaga at may gwapo at macho kang kaibigan na handang tumulong sa’yo.” nakangising sabi ni Nikolai at ipinakita pa nito sa akin ang braso niyang may muscles naman.
“Yeah, whatever!” inirapan ko nalang siya ng pabiro na ikinatawa lang niya.
Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ay nagpaalam na rin si Nikolai sa akin na uuwi na siya at matutulog ng maaga dahil 2am raw ang shift niya bukas bilang isang Technical Support sa pribadong call center company na pinagtatrabauhan niya.
Hinatid ko siya sa labas ng bahay at nakasalubong pa nito si lola sa bakuran na mukhang naglaba pa ng mga punda ng unan at kumot namin sa gilid ng bahay dahil may mga naka hanger na sa sampayan naming gawa sa alambre.
Nagmano at nakipag-usap pa saglit si Nikolai kay lola bago ito tuluyang umalis sa bahay namin.
Sabay na kaming pumasok ni Lola sa loob ng bahay. Dumiretso na ito sa loob ng kwarto niya para magpahinga habang ako naman ay tumambay muna sa sala namin para manood ng tv. Hinayaan ko na muna sina Mama at Blair sa loob ng kwarto ko.
Habang nanonood ako ng tv ay biglang tumunog ang messenger ko sa cellphone kong android na second hand phone ni Kuya Hideyo.
Tinignan ko naman kung sino ang nagmessage sa akin na nakalagay sa message requests dahil hindi ko ito facebook friend.
Nang tuluyan ko nang nabasa ang pangalan ng sender at nabasa rin ang message nito ay biglang nanlamig ang mga kamay ko at kinabahan habang hawak ang cellphone ko.
From: Leigh Johann Davidson
Hi, babe! How are you and our child? We will see each other soon. Just wait for me. I miss you and I love you! :)
Bakit?
Bakit pa siya nagpaparamdam ngayon kung kailan maayos at tahimik na ang buhay namin ng anak ko?
Ang bilis ko talaga mag update. May Chapter 1 agad kahit bukas ko pa to ipopost xD
Wait niyo lang ako mag ud kahit minsan ay busy ako.
Chapter 2
“Ang kapal naman ng apog ng lalakeng ’to, Ate Adi! Pagkatapos niya kayong iwanan ni Blair at takbuhan ang responsibilidad niya sa inyo ay bigla nalang siya magcha-chat sa’yo ng ganito?” gigil na gigil na sabi ni Harley Ruvin o Haru habang paulit-ulit nitong binabasa ang chat sa akin ni Leigh kagabi sa messenger ko.
“I-block mo ’yang lalakeng ’yan. Sa oras na bumalik pa siya dito sa Pilipinas at guluhin kayo ni Blair ay ako ang makakalaban niya.” seryoso at madiin namang sabi ni Kuya Hideyo habang inilalagay nito ang mga damit niya sa loob ng itim nitong backpack.
Alam kong nagagalit si Kuya Hideyo ngayon sa biglaang pagpaparamdam sa akin ni Leigh ngunit kinokontrol lang nito ang emosyon niya. Malaki ang galit niya kay Leigh simula nang iwanan ako nito papuntang Germany kasama doon ang pamilya niya.
“Opo, kuya.” sagot ko naman at napabuntong-hininga nalang.
Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng chat sa akin ni Leigh kagabi.
Paano kung magbalik siya na posible ngang mangyari? Paano kung guluhin niya ako at maging pati ang anak ko? At paano kung bigla niyang bawiin sa akin si Blair?
Hindi ako makakapayag doon. Matagal na siyang nawalan ng karapatan kay Blair nang pinabayaan niya ako at iniwan dito sa Pilipinas kahit na nabuntis niya ako noong mga panahong iyon.
Hinding-hindi na ako kailanman babalik pa sa kanya. Wala nang ama si Blair at kaya ko itong buhayin kahit ako lang mag-isa.
Kinaya ko ang limang taon. Pagkatapos kong manganak ay kung saan-saan na rin ako nakapagtrabaho sa tulong nina Kuya Hideyo at Nikolai. Kung wala sila sa tabi ko ay baka hindi ko kakayanin lahat ang pagsubok na nangyayari sa buhay ko.
Nagpaalam na kami kila Mama, Lola at anak kong si Blair na aalis na bago kami lumabas na tatlong magkakapatid sa bahay namin. Papasok na kami ni Kuya Hideyo sa mga trabaho namin at si Haru naman ay papasok na sa school nila.
“Allowance mo na ’to ng isang linggo, Haru. Huwag ka na ring humingi ng pera kina Mama at Lola.” Naglabas ng pera si Kuya Hideyo sa wallet niya at inabutan niya ng 2,500 pesos si Haru na tuwang-tuwa naman dahil may advanced allowance na ito.
“Wow! Ang bait talaga nitong gwapo naming kapatid, oh? Salamat, kuya. Labyu!” pambobola ni Haru kay Kuya Hideyo na napangiti nalang saka ito umiling.
Nauna nang umalis sa amin si Haru dahil susunduin pa nito si Noah sa bahay nila at sabay na raw silang papasok sa school nila.
Bigla ay inabutan naman ako ng 4,000 pesos ni Kuya Hideyo na tinanggihan ko kaagad.
“Kuya naman, hindi mo na ako kailangan pang bigyan ng pera. May natitira pa naman akong pera sa wallet ko-”
Kusa nang inilagay ni Kuya Hideyo ang hawak niyang pera sa kamay ko saka nito isinara ang palad ko.
“Kailangan mo ’yan, Adi. Ipambili mo na lang ’yan ng mga kakailanganin ni Blair. Nabigyan ko na rin sina Mama at Lola ng pera kaya para sa’yo na talaga ’yan.” Ngumiti siya sa akin at wala na akong ibang nagawa kundi ang tanggapin nalang ang perang ibinigay niya.
“Wala ka bang girlfriend man lang, kuya? 27 years old ka na at dapat sa girlfriend mo na lang inilalaan ’tong pera mo at hindi sa akin.” sabi ko.
“Adi, wala pa sa isip ko ang pagkakaroon ng girlfriend dahil gusto ko kayong tulungan na pamilya ko sa lahat ng mga kakailanganin niyo. Ako na rin ang tumatayong ama ni Blair at kargo ko kayong dalawa.” mariin namang sabi ni Kuya Hideyo.
Pinigilan kong huwag umiyak sa sinabi niya. Mga bata palang kami ay si Kuya Hideyo na ang gumagawa ng lahat ng responsibilidad ng isang ama. Wala itong reklamo o pagtutol dahil kusa niya iyong ginagawa at hindi na rin iniintindi pa ang sarili niya.
“Maraming salamat, kuya!” niyakap ko si Kuya Hideyo at niyakap niya rin ako pabalik.
“Para sa’yo, Adi.” buong puso niyang sabi sa akin na ikinangiti ko naman.
Pagkatapos nun ay sabay na kaming nagpunta sa paradahan ng mga jeep sa labas ng street namin. Nauna na akong makasakay ng jeep dahil wala pang dumarating na jeep na sasakyan ni Kuya Hideyo papunta naman sa pinagtatrabauhan niyang karinderya.
Kinawayan ko na lang si kuya nang umandar na ang jeep na sinasakyan ko at kinawayan niya rin ako pabalik.
“Ang gwapo naman nung jowa mo, sis! Ang swerte mo!” sabi bigla nung babaeng estudyante na katabi ko lang sa jeep.
Ano
?
Jowa
ko daw si Kuya Hideyo?
Kung sabagay ay hindi nga kami magkamukha dahil mas kamukha nito si Papa samantalang kamukha ko naman si Mama at kung minsan talaga ay napagkakamalan kaming mag-jowa ng mga taong hindi nakakakilala sa amin.
“Hindi ko siya boyfriend. Kapatid ko siya.” sagot ko naman at pilit iniiwasang hindi magtaray sa harapan niya.
Hindi talaga ako kumportable kapag pinag-uusapan ang tungkol sa isang miyembro ng pamilya ko. Masyado nang pribado para pag-usapan pa iyon.
“Ay, weh? Kapatid mo ’yon? Hindi halata kasi-”
“Bayad po.” sabi ko at iniabot ang pamasahe ko sa katabi ng estudyanteng babaeng kumakausap sa akin ngayon.
Nawala na rin sa wakas ang atensyon ng estudyanteng babae sa akin dahil biglang may tumawag sa kanya sa hawak nitong cellphone.
Hanggang dito ba naman sa jeep ay may mga
Marites
pa rin?
Kung sa amerika ay may Karen, may Marites naman dito sa Pilipinas.
30 minutes rin ang lumipas at nakarating na ako sa pinagtatrabauhan kong Supermarket. Sa loob ng ilang araw ko nang pagtatrabaho dito ay mababait at magigiliw naman sa akin ang mga katrabaho ko.
Katulad ko, ang iba sa kanila ay hindi rin mga nakapagtapos ng kolehiyo dahil maaga silang nagsipagtrabaho para sa pamilya nila. Ang iba sa kanila ay mga single mom at single dad rin kaya nakakarelate at nakakasundo ko sila.
Mga bandang 12pm nang magbreak muna kami para kumain sa Cafeteria sa loob pa rin ng Supermarket. Mura lang naman ang mga pagkain dito kaya dito na rin ako kumakain. Kasama ko ngayong kumain ang mga katrabaho kong sina Iska at Jiro.
“Mag-iingat ka dyan sa grupo nila Jose. Napapansin ko lang na kanina ka pa nila tinitignan at pinag-uusapan, day! Maloko pa naman ’yang mga ’yan.” bulong sa akin ni Iska at itinuro nito sa kabilang table sila Jose at ang apat pa nitong mga kasamang lalake na katrabaho rin namin.
“Oo nga. Inggitero rin ’yang si Jose. Napuri lang ako ni Manager noong isang araw dahil sa galing ng work ethics ko ay parinig na siya ng parinig na kesyo sipsip at nagpapalakas lang raw ako sa Manager natin. Tss!” Inis namang sabi ni Jiro at sinamaan nito ng tingin si Jose na hindi naman napansin ang ginawa niya dahil nakatingin pa rin ito sa akin.
Umiling na lang ako. “Inggit nga. Hayaan mo na at mas gwapo ka pa rin kaysa dyan kay Jose.” sabi ko naman at nginitian si Jiro na bigla na lang namula dahil sa sinabi ko.
“Hala ka? Nagba-blush ka ba dahil pinuri ka lang ni Adi?” panunukso ni Iska kay Jiro na inirapan naman ng huli.
“Puriin ka ba naman ng babaeng maganda, sinong hindi magba-blush? Mindset ba? Mindset.” sarkastikong sabi ni Jiro dahilan para batukan ito ni Iska.
“Aray! Bakit ba? Amazona ka talaga kahit na kailan, Francisca!” reklamo ni Jiro habang hinihimas nito ang batok niyang binatukan ni Iska.
“Manahimik ka dyan, Jiro!” banta ni Iska at inirapan pa nito si Jiro bago ituloy ang pagkain niya.
Natawa na lang ako sa pagbabangayan ng dalawang ito. Parang mga aso’t-pusa talaga.
Pagkatapos naming kumain ay ipinagpatuloy na namin ang pagtatrabaho sa cashier counter namin. Nagulat naman ako nang si Jose na ang naka-assign ngayon bilang bagger sa counter ko.
“Hi, Adi!” bati ni Jose habang nakangiti ito sa akin.
“Hi din,” alangan ko namang bati at ngumiti nalang ng pilit sa kanya.
“Single mom ka raw sabi ng mga katrabaho natin? Single dad naman ako dahil iniwan na ako ng asawa ko at naghanap na ng ibang lalake.” sabi niya at tumawa pa ito.
“Ah, ganon ba.” sagot ko ng walang interes at nanalangin na sana ay may customer nang dumating para mailayo na ni Jose ang atensyon niya sa akin.
“Sa gandang mong ’yan, imposible na walang nanliligaw sa’yo pero kung tatanggap ka ng manliligaw ay dapat gwapo rin katulad ko.” mayabang namang sabi ni Jose at ngumisi pa ito.
Ipinikit ko nang saglit ang mga mata ko dahil sa lakas ng hangin sa katawan niya.
Gwapo naman talaga si Jose gaya nga ng sinabi niya at may pagkakahawig rin ito sa artistang si Joseph Marco pero nakaka-less attractive talaga sa isang lalake ang pagiging mayabang nito pagdating sa sariling itsura. Kung humble lang ito malamang ay natuwa pa ako sa kanya at pwede pa kaming maging friends.
“No thanks pero wala pa akong balak magpaligaw.” sabi ko at humalukipkip na lang.
Sasagot pa sana si Jose nang may bigla nang dumating na babaeng customer at may itinutulak itong isang push cart na naglalaman ng mga groceries niya.
Tahimik na kaming nagtrabaho ni Jose na ramdam kong kanina pa nakamasid sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at nang pumatak na ang alas sais ng gabi ay natapos na rin ang duty ko sa trabaho. Hindi na ako nag-overtime pa dahil mas gusto kong maaga nang makauwi at makasama ang anak kong si Blair.
Nauna nang umalis sina Iska at Jiro dahil may mga pupuntahan pa raw sila samantalang kaagad na akong dumiretso sa mall na nasa tapat lang ng Supermarket para bilhan doon ng pasalubong si Blair at ang pamilya ko.
Nakaramdam pa ako kanina na mukhang susundan pa yata ako ni Jose pero laking pasasalamat ko nalang nang hindi natuloy iyon nang bigla siyang hinila ng mga lalakeng katrabaho namin at narinig kong nagyayaya ang mga ito na mag-inuman sila.
Bumili ako ng dalawang Bavarian boxes ng donuts sa Dunkin Donuts at chocolate drinks dahil paborito ito ni Blair. Mcburger at Mcfloat naman ang binili ko para kina Kuya Hideyo, Haru, Mama at Lola.
Pagkatapos kong bumili ng pasalubong para sa kanila ay nakangiti akong naglalakad para lumabas na sa loob ng mall.
Napatigil naman ako bigla sa paglalakad nang mapansin ko ang isang gwapo at matangkad na lalake na nakaupo sa isa sa mga bench sa loob ng mall at nakasapo ito sa labi niyang nagdudugo.
Napansin kong may pasa rin ang ibabang labi niya at dahil sa isa akong concern citizen at palaging may dalang first aid kit sa bag ko ay kaagad akong lumapit sa lalake at tinabihan siya sa inuupuan niyang bench.
Kaagad kong nakuha ang atensyon niya at nagulat siya nang makita ako. Tinitigan pa niya ako ng ilang segundo bago ito nagsalita.
“Do you need anything, miss?” tanong niya sa akin.
Inilapag ko sa gilid ng inuupuan naming bench ang mga binili kong pasalubong saka ko kinuha ang betadine, band-aid at bulak sa loob ng dala kong bag.
Nang makuha ko na ito ay nginitian ko ang lalake at itinuro ang sugat nito sa labi na nagdudugo pa rin.
“Nasapak ka yata ng kaaway mo kaya may sugat ka sa labi mo. Kung okay lang sa’yo, gagamutin ko ’yang sugat mo para naman pumogi ka na ulit.” sabi ko at nginitian siya.
Umawang naman ang bibig niya sa sinabi ko at tinignan ako nang may pagkamangha. Ilang segundo lang ay tumango siya at nginitian rin ako.
“Okay.” sagot niya.
Gwapo siya at mukhang mabait din. Hindi ko siya kayang iignora nang makita ko siya dahil kawawa naman at may bangas ang gwapo niyang mukha.
Ganito talaga ako sa mga taong kakilala o kahit hindi ko kakilala. Ayaw na ayaw kong nasasaktan sila ng pisikal o emosyonal at kung may magagawa naman ako para sa kanila ay tutulungan ko sila sa abot ng makakaya ko.
Sinimulan ko nang gamutin ang sugat ng lalake sa labi niya. Alam kong nakatingin lang siya sa akin habang ginagawa ko iyon pero iniiwasan ko siyang tignan dahil naiilang pa rin ako sa kanya at hindi naman kami magkakilala. May mga iilang tao rin ang napapatingin sa amin pero hindi ko na lang iyon inintindi pa.
Nang matapos ko nang gamutin ang sugat niya sa labi at malagyan ito ng band-aid ay tinapik ko siya sa balikat niya saka ako tumayo mula sa bench na kinauupuan namin at binitbit na ulit ang mga pasalubong ko para kay Blair at sa pamilya ko.
“Ayan at pogi ka na ulit. Paano ba yan, aalis na ako, ha?” pagpapaalam ko.
Tumayo na rin ang lalake mula sa pagkakaupo nito sa bench at nginitian niya ako. “Thank you for treating my bruise. May I know your name?” tanong niya.
“Jianna Adiel ang real name ko pero tawagin mo na lang akong Adi.” sagot ko naman.
Tumango-tango siya doon habang nakangiti pa rin.
“It’s nice to meet you, Adi. I’m Kyrie Andrew Gonzales.” pagpapakilala naman nang lalakeng ito.
“Kyrie Andrew? Ipinangalan ka ba sa NBA basketball player na si Kyrie Irving? Favorite basketball player pa naman ’yon ng bunso kong kapatid na lalake!” sabi ko nang nakangiti na mahina niyang ikinatawa saka ito tumango.
“You’re right. Ipinangalan nga ako sa favorite NBA basketball player ng Dad kong sumuntok sa akin ngayon.” biglang humina ang boses ni Kyrie at ngumiti na lang ito ng mapait.
Sa tingin ko ay may alitan sina Kyrie at ang Dad niya kaya siya nito nasuntok. Ayoko namang maging Marites katulad nung babaeng estudyanteng nasa jeep kaya tumango nalang ako at hindi na nagtanong pa.
“Ah sige, kailangan ko na talagang umuwi sa amin. Its nice to meet you again, Kyrie.” huling paalam ko kay Kyrie at kaagad nang naglakad papaalis.
Hindi ko na nilingon pa si Kyrie na ramdam kong nakasunod pa rin ang mga tingin sa akin.
Chapter 3
“Harley Ruvin.” madiin kong pagtawag kay Haru nang sinundo ko ito sa basketball court kung saan ay kalaro niya doon ang bestfriend niyang si Noah at ang iba pa nilang mga kaibigan.
Nabaling kaagad ang tingin sa akin ng mga kaibigan ni Haru habang siya naman ay mukhang naiinis sa biglang pang-iistorbo ko sa laro nila nang lumapit ito sa akin.
“Ano ba ’yon, ate? Nakita mo namang naglalaro pa kami, e!” naiinis niyang sabi.
Mahina ko namang piningot ang tenga niya at ang damuho ay umaaray pa na parang masakit ang pagkakapingot ko sa kanya.
“Hoy! Anong oras na ba? 8pm na ng gabi pero hanggang ngayon ay naglalaro ka pa rin dito sa court. Wala ka bang balak kumain, ha?” masungit kong sabi at si Haru ay nagkamot naman ng batok.
“Kakain naman ako mamaya pero naglalaro pa kasi kami. Halika nga dito, Noah at i-explain mo kay Ate Adi na may sasalihan tayong liga sa kabilang baranggay.” sabi ni Haru at pinalapit nito sa amin si Noah na nagpeace sign lang sa akin at ngumiti ng napipilitan pa yata.
“Tama si Haru, Ate Adi. May sasalihan nga kaming basketball game sa kabilang baranggay. Sayang naman ang 15k cash prize ng mananalo na sponsor pa ni Mayor kung hindi kami sasali sa paliga doon. Sige na, ate? Hayaan mo na munang magpractice kami ngayon nila Haru.” sabi naman ni Noah at inakbayan pa nito si Haru kahit pawis na pawis na silang dalawa mula sa paglalaro ng basketball.
Bumuntong-hininga nalang ako dahil wala na rin akong magagawa pa.
“Okay pero kapag hindi pa kayo umuwi ng 9pm sa mga bahay niyo ay malalagot kayo sa akin lalo na sa Mama at Papa mo, Noah.” banta ko kay Noah na mukha namang natakot doon.
Kaclose ng pamilya namin ang mga magulang ni Noah kaya kapag may ginawang kalokohan ’tong anak nila ay paniguradong wala lang sa mga ito kung pagalitan o pagsabihan ko si Noah dahil talaga namang napaka pasaway ng batang ito katulad rin ni Haru.
“P-promise po, Ate Adi! Uuwi kami kaagad sa bahay bago pa mag 9pm.” sagot ni Noah at nagbow pa ito sa akin.
Napailing na lang ako. “Sabi niyo ’yan, ah.”
“Mama!”
Bigla ay nakita kong naglalakad na papalapit sa akin ang anak kong si Blair at kasunod naman nito sina Eiselle at Cristina na parehong namula ang mga mukha nang makita sina Haru at Noah.
“Baby ko!” masaya kong sambit nang makalapit na sa akin si Blair at kinarga ko ito.
“Lalaro basket si Tito Haru?” curious na tanong ni Blair na ikinangiti at ikinatango ko naman.
“Yes, baby. Naglalaro ng basketball ang Tito Haru mo at ayaw pa niyang kumain sa bahay dahil busy pa sila sa paglalaro.” sagot ko kay Blair at hinawi ang bangs nitong nakatabon na sa mga mata niya.
“Maglalaro muna ng basketball si tito, baby. Mamaya na tayo maglalaro sa bahay.” nakangiting sabi ni Haru kay Blair at pasimple pa itong sumulyap kay Eiselle na napayuko naman sa ginawa ni Haru.
“Baby Blair, bukas ay papasalubungan kita ng marshmallow pag-uwi namin ni Tito Haru mo galing sa school. Maglalaro muna kami, okay?” sabi naman ni Noah kay Blair at pasimple nitong sinulyapan si Cristina na yumuko rin nang dahil sa hiya sa kanya.
Pumalakpak at tumango naman ang anak ko sa sinabi ng dalawang ito na ikinailing ko nalang.
Nang bumalik na sa basketball court sina Haru at Noah ay nag-umpisa na silang magpractice ulit. Niyaya ko na sina Eiselle at Cristina na umuwi na sa bahay dahil gabi na rin at mahamog na.
“Satisfied na ba kayo at nakita niyo na ’yang mga crush niyo?” nakangisi kong tanong kina Eiselle at Cristina na namula na naman bigla ang mga mukha.
Si Eiselle ay may crush kay Haru habang si Cristina naman ay may crush kay Noah. Magkaedad lang sina Eiselle at Haru. Isang taon naman ang tanda ni Noah kay Cristina.
Alam ni Nikolai na may pagtingin ang mga kapatid niyang babae kina Haru at Noah at ayos lang naman iyon sa kanya. Hindi rin niya pinagbabawalan na magka boyfriend ang mga ito basta ay alam ng mga ito na pag-aaral pa rin muna ang first priority nila. Malaki ang tiwala ni Nikolai sa mga kapatid niya at hindi ito istriktong kuya sa kanila.
“Syempre at satisfied na satisfied kami, no! Mas lalo yatang pumopogi ’yang kapatid mo, Ate Adi. Nai-inlove pa tuloy ako lalo sa kanya.” Dreamy na pagkakasabi ni Eiselle.
“Si Noah din. Bagay sa kanya ’yong new hairstyle niya na may highlights!” nakangiting parang timang namang sabi ni Cristina.
Hindi ko mapigilang matawa sa kanila. Alam ko rin namang may gusto sa kanila sina Haru at Noah ang kaso nga lang ay ubod ng pagkatorpe ang dalawang magbestfriend na iyon kaya hindi pa nila mapormahan ang dalawang babaeng ito.
Nagkwentuhan lang kami nina Eiselle at Cristina sa sala habang sinusuklay ko ang buhok ni Blair. Kakatapos ko lang siyang paliguan at palitan ng pajamas na Disney Princess ang design kaya maya-maya ay matutulog na rin kami.
“Ate Adi, salamat sa time mo, ha? Dinalaw ka talaga namin dahil namimiss na namin kayong dalawa ni baby Blair. Minsan ay dumalaw rin kayo sa bahay namin at sure akong matutuwa si Kuya Nikolai do’n.” nakangising sabi sa akin ni Eiselle. Si Cristina naman ay nakangisi rin sa akin kaya alam ko na ang iniisip nila.
“Kayong dalawa talaga, oh? Magkaibigan lang kami ng Kuya Nikolai niyo at imposibleng-”
“Haha oo na, Ate Adi. Ito naman, defensive agad? Siya, aalis na kami. Regards na lang kay Haru. Bye!” tumatawang sabi ni Eiselle at nagflying kiss pa ito sa akin bago lumabas ng gate namin.
“Regards na lang rin kay Noah kapag nagpunta siya dito sa inyo, Ate Adi. Bye na din!” pagpapaalam naman ni Cristina at sinundan na nito si Eiselle.
Napangiti na lang ako nang dahil sa magkapatid na ’to.
Naaalala ko pa noong high school pa lang ako na nagkaroon ako ng puppy love at iyon ay si Leigh. Sa tuwing nakikita ko siya sa school namin ay gumagaan at sumasaya na ang buong araw ko.
Sikat siya sa buong school namin dahil bukod sa gwapo ito ay mayaman at kilala rin ang pamilya niya sa lugar namin. Isang araw ay bigla nalang niya akong niligawan at hindi ko alam kung bakit.
Dahil sa crush ko na siya noon pa man ay hindi rin nagtagal ang panliligaw niya sa akin at sinagot ko na siya kaagad. Alam ko na playboy siya at hindi ako seseryoshin pero sumugal pa rin ako dahil minahal ko na siya at umaasang ako na ang endgame niya pero naging tanga talaga ako sa pag-ibig at sumugal lang sa wala.
Sa huli ay nasaktan at nabigo lang ako. Kung may ipinagpapasalamat man ako kay Leigh iyon ay ang binigyan niya ako ng anak na babae na tanging nagpapasaya at kumukumpleto ngayon sa buhay ko.
Kinabukasan ay maaga ulit akong pumasok sa trabaho ko. Hindi ko na pinapansin pa si Jose na balak yatang lumapit ulit sa akin kaya panay na lang ang pagsama ko kina Iska at Jiro para hindi ako mapag-isa.
Naiintindihan naman ako ng dalawa at maging pati sila ay gusto rin akong protektahan kay Jose dahil kilala na raw nila ang lalakeng iyon na playboy at maloko pagdating sa babae at baka mabiktima lang raw ako nito.
Nag-overtime kami ng tatlong oras sa pagtatrabaho hanggang sa matapos na kami. Kanina pa nakauwi si Jose kaya panatag na ang loob kong umuwing mag-isa.
Naghiwa-hiwalay na kami ng dadaanan nina Iska at Jiro. Sarado na rin ang mall dahil 10pm na kaya balak ko na lang bilhan ng pasalubong na tinapay sa bake shop sila Blair at ang pamilya ko.
Pinuntahan ko ang bake shop na malapit lang sa supermarket na pinagtatrabauhan ko at bumili doon ng isang balot ng chocolate crinkles at ensaymada.
Pagkatapos kong bumili ay hindi ko inaasahan na makikita ko ulit siya.
Lumabas si Kyrie mula sa loob ng kotse niyang nasa tapat ko habang nakangiti ito sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya at hindi ko talaga mapigilang hindi siya puriin sa isip ko dahil napakagwapo talaga niya lalo na kapag ngumingiti.
“Uuwi ka na?” tanong ni Kyrie nang makalapit na siya sa akin.
“Ah, oo. Naghihintay nalang ako ng masasakyan kong jeep.” sagot ko naman.
“Ihatid na kita pauwi. I’m glad that I saw you here. Kakatapos ko lang puntahan sa ospital na malapit dito ang Mom ko at babalik ako bukas ng umaga sa ospital para bantayan ulit siya. Ang lola ko ang nagbabantay sa kanya ngayon.” sabi ni Kyrie.
Wala na akong nagawa dahil pinapasok na ako ni Kyrie sa loob ng kotse niya. Nang pinaandar na niya ang kotse ay saka pa ako muling nagsalita.
“Bakit naospital ang Mom mo?” tanong ko.
“Nag-away sila ni Dad at naitulak ni Dad si Mom sa hagdanan ng bahay namin. My Mom collapsed after that. Mabuti na lang at mababa lang ang baitang ng hagdanan na nabagsakan ni Mom. Kaya mo ako nakitang may sugat sa labi kagabi ay dahil pinagtanggol ko lang si Mom kay Dad at ayon nga, nasuntok ako ni Dad.” nakangiti pang sabi ni Kyrie. Medyo humihilom na rin ang sugat nitong ginamot ko kagabi sa loob ng mall.
Hindi ko naman maiwasang malungkot sa sinabi niya. Mayroon nga silang family problem ng pamilya niya. Nakikita ko rin na napakabuting anak ni Kyrie sa Mom niya.
“Sorry kung naitanong ko pa ’yon.” paumanhin ko.
“It’s okay, Adi. Matagal na rin namang hiwalay sina Mom at Dad pero ngayon ay ginugulo kami ni Dad dahil nakikipagbalikan na siya kay Mom. Ayaw na ni Mom sa kanya kaya nagalit doon si Dad at naitulak niya si Mom sa hagdanan.” Huminga ng malalim si Kyrie matapos sabihin iyon at mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa manibela.
Hinawakan ko naman ang balikat ni Kyrie at medyo nagulat pa ito sa ginawa ko na ikinatawa ko nalang ng mahina.
“Magiging maayos rin ang lahat sa inyo. May pinagdadaanan rin ako pero nagpapakatatag na lang ako para sa pamilya ko. Ganon ka rin sana, Kyrie. Just pray.” seryoso kong sabi sa kanya.
Tumingin naman sa akin si Kyrie saka ito tumango at ngumiti na ulit. “I’ve never expect that you cared for me that much kahit kakakilala lang natin sa isa’t-isa kagabi. Thank you, Adi. You make me feel better right now.” sabi niya ng mariin.
“Wala ’yon, no! Saka ’di ba friends na tayo?” nakangising tanong ko at tinaasan siya ng kilay.
“Of course. We’re a good friends.” nakangisi na ring sabi ni Kyrie na ikinatawa ko nalang.
Itinuro ko nalang sa kanya ang daan pauwi sa bahay namin hanggang sa makarating na kami doon. Tahimik na ang buong bahay at siguradong tulog na ang buong pamilya ko nang ganitong oras.
Lumabas na ako sa loob ng kotse ni Kyrie at sumunod rin siyang lumabas.
“Thank you at hinatid mo pa ako dito sa bahay namin. Bukod sa pogi ka ay ang bait mo rin pala.” sabi ko ng pabiro.
Ngumiti naman siya ng malawak sa sinabi ko at ilang segundo pa itong tumingin sa akin. “You’re beautiful.” seryoso niyang sabi.
Doon ay bigla akong natahimik at alangan nalang na ngumiti.
“U-umuwi kana at delikado na ang daan ngayon.” sabi ko naman at itinulak na siya sa tapat ng kotse niya.
“Uh.. bago ako umalis, pwede ko bang makuha ang cellphone number mo?” nahihiyang tanong ni Kyrie saka nito inilabas mula sa bulsa ng suot niyang coat ang cellphone niya na iPhone ang brand. Yayamanin!
“Sure,” sabi ko at tinype na sa contacts ni Kyrie ang cellphone number ko.
Pagkatapos nun ay nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap.
“Thank you, Adi. Thank you…” mahina niyang pagkakasabi at ipinatong pa niya ang mukha niya sa balikat ko.
Tila naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko nang dahil sa ginawa niya. Nabalik lang ako sa huwisyo nang binitawan na niya ako at nginitian ako.
“Goodnight, Adi.” huling sabi niya sa akin bago ito pumasok sa loob ng kotse niya at pinaandar na ito papaalis.
Mariin na lang akong pumikit at umiling pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Nilagay ko na muna sa ref ang binili kong pasalubong na mga tinapay para sa pamilya ko dahil tulog na sila ngayon at hindi na rin sila makakakain.
Nang nasa loob na ako ng kwarto ko at natapos nang makapagbihis at maglinis ng katawan ko ay bigla namang tumunog ang cellphone ko.
Binasa ko ang message ng isang unknown number at galing iyon kay Kyrie.
From: +639771756+++
Good night again, Adi. I hope we can meet again. You made my day. - Kyrie
May load naman ako pero hindi ko magawang replayan pabalik si Kyrie. Ewan ko ba pero bigla na lang akong nailang sa kanya nang niyakap niya ako kanina.
Muling tumunog ang cellphone ko at si Nikolai naman ang nagtext.
From: Nikolai
Kakauwi ko lang galing sa afternoon shift ko. Matulog at magpahinga ka na dahil bukas ay kakailanganin mo ng energy dahil guguluhin na naman kita diyan sa bahay niyo. :P
Siraulo talaga ang lalakeng ’to kahit kailan! Nireplayan ko naman siya kaagad.
To: Nikolai
Ewan ko sa’yo. Ang pangit mo! :D
Ilang segundo lang ay biglang nagring ang cellphone ko at tumatawag na si Nikolai. Sinagot ko naman ito.
[“Bakit gising ka pa, ha?”] tanong niya kaagad sa kabilang linya.
“Kakauwi ko lang galing sa trabaho ko. Nag-overtime ako kaya ginabi na ako ng uwi.” sagot ko naman.
[“Ganon ba? Magpahinga kana at i-save mo ’yang energy mo sa akin para bukas. Wala akong pasok bukas dahil inadvanced ng Team Leader namin ang off ko pero sa Sunday ay may shift ako.”] sabi ni Nikolai.
Natawa naman ako. “Oo na po, basta hintayin mo akong makauwi bukas sa trabaho ko. Good night na nga at matulog ka na rin. Ibababa ko na ’tong tawag para makapagpahinga na tayo. Bye na-”
[“Mag-iingat ka palagi, Adi. Nandito lang ako sa tabi mo. Sana ako lang at ’wag ka na ring maghanap ng ibang kaibigan sa buhay mo na yayakap at mag-aalaga sa’yo. Good night.”] seryoso niyang sabi.
Hindi pa ako nakakasagot sa sinabi niya nang kaagad na niyang pinutol ang tawag.
Ako naman ay biglang naguluhan sa huling sinabi ni Nikolai.
Ano ang ibig sabihin niya doon?
Chapter 4
Saktong 6pm nang matapos ako sa duty ko sa trabaho. Si Nikolai naman ay mga 30 minutes early bird at maaga niya akong sinusundo ngayon dito sa Supermarket na pinagtatrabauhan ko.
Kanina pa siya pinagtitinginan ng mga kasamahan kong babae sa trabaho kabilang na doon si Iska na nagkanda haba-haba na ang leeg dahil kanina pa ito lumilingon sa kinaroroonan ni Nikolai.
Nakapwesto malapit sa ATM machine si Nikolai at nakasandal pa doon na parang model lang ng BDO ATM machine. Napapatingin ang halos lahat ng mga taong napapadaan sa harapan niya. Head turner talaga ang mokong na ’to kaya masyado ring bida-bida sa sarili kung minsan.
“Sure ka bang hindi mo jowa ’yan, Adi? Ang gwapo naman nyan! Mukhang koreano pero daks!” malanding bulong sa akin ni Iska kaya pinandilatan ko siya ng mata.
“Lalake rin ang hanap niyan kaya wala kang pag-asa diyan.” sabi ko naman habang natatawa. Panigurado na kapag narinig ni Nikolai ang pinagsasabi ko kay Iska ay baka mabatukan lang ako nito.
Bigla namang lumungkot ang mukha ni Iska sa sinabi ko at ngumiwi nalang ito. “Eh? Ganon ba? Sayang naman at etits rin pala ang hanap niyang kaibigan mo. Sayang talaga si Jose, kung hindi lang siya playboy at maloko ay baka nagka-crush na rin ako sa kanya.” dismayado niyang sabi.
“Ayaw mo ba kay Jiro? Pogi naman siya, ah?” sabi ko at itinuro si Jiro na busy sa pakikipag-usap sa iilang babaeng katrabaho namin. Nakaupo sila sa isang table sa Cafeteria.
“Si Jiro? Huwag na oy! Tignan mo nga, oh? Masyadong haliparot ang lalakeng ’yan at kung sinu-sinong babae ang nilalandi.” nakaismid na sagot ni Iska habang inaayos nito ang bitbit na shoulder bag.
“Selos ka na niyan?” nakangising tanong ko habang naglalakad na kami papunta sa kinaroroonan ni Nikolai.
“No way! Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo, Adi!” tila diring-diri pang sabi ni Iska kaya napatawa nalang ako doon.
Nang makalapit na kami kay Nikolai ay saglit ko siyang ipinakilala kay Iska. Para pang natataeng ewan si Iska nang makaharap na niya si Nikolai.
Bibihira lang daw kasi talaga siyang makakita ng mga gwapong lalake dahil sa squatters area na tinitirhan niya ay puro mga mukhang adik daw ang mukha ng mga lalake doon. Laitera rin masyado ang babaeng ito pero wala akong magagawa doon dahil talagang nakakaaliw lang siya.
Ilang saglit pa ay nagpaalam nang aalis si Iska dahil pupuntahan pa raw niya sa construction site ang kapatid niyang lalake para dalhan ito ng dinner.
Nang kaming dalawa na lang ni Nikolai ang naiwan ay bigla siyang umakbay sa akin na ikinangiwi ko naman.
“Langya ka, Nikolai! Pakitanggal naman ’yang braso mo sa balikat ko. Ang bigat-bigat, e!” reklamo ko habang pilit na tinatanggal ang braso niya sa balikat ko pero ayaw niya talaga itong tanggalin at tinawanan lang ako.
“Ang arte naman nito. Pasalamat ka nga at inaakbayan ka ng isang poging katulad ko. Ang swerte mo kaya sa’kin dahil parang may kasama ka na ring artista kapag kasama mo ako.” nagyayabang nitong sabi na ikinangiwi ko pang lalo.
Sinabi ko nang ayaw na ayaw ko sa mga lalakeng masyadong ipinagyayabang ang physical appearance nila kung may ibubuga naman sila at example na doon si Jose pero masyado na talaga akong nasanay sa pagiging conceited nitong si Nikolai.
Alam ko rin naman kasing ganito na talaga siya noon pa at kumbaga ay parang sinasabi niya lang ito para asarin lang ako.
“Eww! Tumataas talaga ang balahibo ko sa pinagsasabi mo.” umarte pa ako na parang may nakakahawang sakit si Nikolai at ang mokong ay mas lalo lang akong tinawanan.
“Anyway, sino ba ’yang lalakeng kanina pa masama ang tingin sa akin? May gusto ba ’yan sa’yo kaya ganyan na lang kung makatingin sa’kin?” Inginuso bigla ni Nikolai si Jose na nakatingin nga sa aming dalawa habang kasama nito ang dalawang lalakeng katrabaho namin na busy sa pakikipag-usap sa isa’t-isa.
“Hayaan mo na ’yan. Tara na nga!” sabi ko nalang at hinila na siya papalabas ng Supermarket.
“So, may gusto nga sa’yo ’yon? Para na niya akong papatayin sa klase ng mga tingin niya sa’kin, e. Mag-iingat ka do’n, ah?” sabi ni Nikolai na tinanguan ko na lang.
Ayoko nang pag-usapan pa namin si Jose. Hindi na talaga ako kumportable sa araw-araw niyang paninitig sa akin sa tuwing nagtatrabaho kami sa Supermarket. Natatakot at kinikilabutan na rin ako sa kanya. Pasalamat na lang talaga ako at palagi kong kasama sina Iska at Jiro kaya hindi ako napapag-isa.
“Saan mo gustong magdate tayo, babae?” nakangiting tanong ni Nikolai habang naghihintay kami ng masasakyang jeep.
“Anong date ka diyan? Nakakasuka naman ’yang mga pinagsasabi mo. Pwe!” kunwaring nandidiri kong sabi na ikinangisi naman niya.
“Sus! Kunwari ka pa pero alam ko namang type mo din ako. Pwede naman maging tayo pero kailangang hati tayo sa pag-aambag ng motor na balak kong hulugan. Gagamitin nating pandate ’yon kung sakali.” sabi niya habang tinataas-baba nito ang kilay niya.
“Huwag na, no. Tumigil ka na nga, Nikolai kundi iiwan na talaga kita dito at uuwi na akong mag-isa.” pagbabanta ko at doon ay umayos na si Nikolai at tumikhim na lang.
Napangiti ako at niyaya siyang magpunta sa kabilang mall. Siya na rin ang nagbayad ng pamasahe namin sa jeep. Ililibre niya raw ako kaya kukunin ko na ang pagkakataong ito para ubusin ang pera niya char!
Nang makarating na kami sa mall ay hinatak ko siya sa National Bookstore. Gusto kong bumili ng mga english book novels ng favorite american author ko na si Nora Roberts dahil wala pa akong hard copy nito at binabasa ko lang ito online sa Google books.
Kinuha ko ang mga librong isinulat niya na may title na Northern Lights, The Obsession at Jewels of the Sun na favorite books ni author Jai. Kung CD lang ang mga novel books na ito malamang ay matagal nang nagasgas ito dahil sa ilang beses na niyang kakare-read. Hindi nagsasawa ang babaeng iyon sa kakabasa ng mga story na ’to jusko!
“Uubusin mo talaga ’yung pera ko, no? Ginagawa mo na akong bangko mo, girl!” umiiling na sabi ni Nikolai na may tunog pangbeki na namang boses. Bineletan ko lang siya at hinila na siya sa may counter.
Nang mabayaran na niya ang tatlong binili kong libro ay hinila ko naman siya papasok sa loob ng Jollibee. Gutom na rin kaming dalawa kaya nag-order kami ng one bucket of spicy fried chickenjoy, apat na extra rice, dalawang fries, dalawang sundae, dalawang jolly spaghetti, dalawang peach mango pie at dalawang regular coke.
Matakaw kaming pareho ni Nikolai kaya pagdating sa pagkain ay hindi namin tinitipid ang isa’t-isa kapag nanlilibre siya o kung minsan ay ako.
“Ano ’yong huli mong sinabi sa’kin kagabi sa tawag? Hindi ko magets e, pero mukhang nagdadrama ka nun.” nakataas na kilay kong tanong kay Nikolai habang kumakain kami.
“Bawal ba akong magdrama kung minsan, ’te? Malay ko ba kung may ibang niyayakap o pinapansin ka nang lalake bukod sa akin. Guilty ka ba kasi meron na nga?” sabi naman ni Nikolai na hindi gaanong makatingin ng diretso sa akin.
Sa sinabi niya ay bigla ko nalang naalala doon si Kyrie. Kagabi ay niyakap niya ako dahilan para medyo mailang ako sa kanya ngayon.
Niyakap lang naman siguro niya ako dahil sa pinagdadaanan niyang family problem at baka gusto niya lang nang may karamay kaya ganoon.
Nagrereply na rin ako sa mga texts sa akin ni Kyrie dahil ako na nga ang unang nag initiate ng friendship sa kanya tapos iiwasan ko lang dahil nailang ako sa biglaang pagyakap niya sa akin?
Alam ko namang hindi niya rin ako type dahil hindi naman kami pareho ng antas sa buhay. Halata namang mayaman siya dahil may mamahalin siyang kotse at magandang brand ng mga isinusuot na damit samantalang kabaliktaran niya ako na wala namang kotse at sa ukay-ukay lang nabibili ang mga isinusuot kong damit.
“Nikolai, ikaw lang ang best friend ko, okay? Hindi kita ipagpapalit sa kahit na sinong tao diyan na gusto akong maging best friend. Ikaw pa rin ang matimbang sa friendship heart ko kaya ’wag ka ngang magtampururut dyan dahil ’di bagay sa’yo!” nakangiti kong sabi at mahinang pinisil ang pisngi ni Nikolai na ngumuso naman at hindi na mapigilang mapangiti dahil sa sinabi ko.
Kumain at nagkwentuhan na lang kami ni Nikolai. Balak nga niyang kumuha ng motor at hulog-hulugan ito every month para raw may magamit siya sa pagpasok sa trabaho niya. Nakakapagod na rin daw kasing magcommute sa araw-araw at kung minsan ay nale-late pa siya sa trabaho niya kaya napapagalitan siya ng TL o Team Leader nila dahil doon.
Pagkatapos naming kumain ay nag-order pa kami ng Jollibee kiddie meal para kay Blair at yumburger and regular cokes naman para sa pamilya ko. Siyempre at libre rin iyon ng the only and only best friend ko na si Nikolai Mijares.
Sumama sa akin si Nikolai pauwi ng bahay at tatambay daw muna siya doon para makita ang inaanak niyang si Blair. Malapit si Blair kay Nikolai at tinatawag na nga niya itong Papa dahil sa pangungulila nito sa isang ama.
Wala akong magawa doon dahil wala namang kwenta ang totoo niyang ama at ang kapal pa ng mukha na bigla nalang magparamdam sa akin para kamustahin kami ni Blair at sabihing namimiss na niya ako at mahal niya ako.
Nagsawa na ba siya sa buhay niya doon sa Germany at wala siyang ibang magawa kaya nagpaparamdam siya ngayon?
Nang makarating na kami ni Nikolai sa bahay ay napansin kaagad namin ang nakaparadang kulay pulang kotse sa labas ng bahay namin. Bigla akong kinabahan doon na napansin naman kaagad ni Nikolai.
Tumiim-bagang lang siya at siya na ang humila sa akin papasok sa loob ng bahay. Nang nasa may bandang sala na kami ay pinigilan kong huwag kumulo ang dugo ko sa inis at galit na nararamdaman ko.
Nakita ko na nakaupo sa luma naming sofa ang walanghiya kong ex-boyfriend at kasama pa nito ang maldita niyang nakababatang kapatid na babae.
Nang mapansin ako ni Leigh ay ngumiti ito sa akin. Ang kapatid naman niyang si Laarni ay nginitian rin ako na para bang walang sabunutang nangyari sa pagitan namin noong high school pa lang kami.
Sa nakalipas na limang taon ay naging malaki ang pagbabago ng itsura ni Leigh. Mas lalo pa itong gumwapo, tumangkad at lumaki ang pangangatawan. Kung titignan ay mukha itong model sa isang magazine pero kahit gaano pa man nakakahumaling ang physical appearance niya ay hindi pa rin matatabunan nun na isa itong iresponsibleng lalake at ama ni Blair.
“Hi!” nakangiting bati sa akin ni Leigh na para bang ako lang ang nakikita niya. Hindi niya pinapansin si Nikolai sa tabi ko na tahimik lang habang nakatingin ng mariin sa kanya.
Hindi ko pinansin si Leigh at kaagad kong hinagilap sila Mama, Lola, Haru at ang anak kong si Blair. Alam ko na mamaya pa makakauwi si Kuya Hideyo galing sa trabaho nito. Sinundan naman ako ni Nikolai.
Nakita ko na nagtatago sila sa bandang kusina kaya pumunta ako doon at kinausap ko sila.
“Ma, Lola.. bakit niyo naman po pinapasok ’yong mga ’yon dito sa loob ng bahay?” naiinis kong tanong kina Mama at Lola na napayuko naman sa sinabi ko.
“Papa! Jollibee!” masayang sabi ni Blair at inagaw nito ang Jollibee kiddie meal na hawak ni Nikolai. Kinarga naman ni Nikolai si Blair at hinalikan ito sa pisngi.
“Eh kasi anak, kanina ay nag-eeskandalo na si Leigh sa labas ng bahay dahil hindi namin sila pinapapasok dito ni Laarni. Nagbanta pa siyang kukunin na nila si Blair kapag hindi namin sila pinapasok dito kaya wala kaming magawa ng lola mo doon kundi ang papasukin nalang sila dito sa loob.” sabi naman ni Mama at hindi na nito napigilang umiyak pa.
“Mayaman ang pamilya nila, apo. Kayang-kaya nilang kunin sa atin si Blair sa pamamagitan ng pera nila at natatakot kaming mangyari ’yon ng mama mo.” nahihirapan namang sabi ni Lola.
Kumuyom ang mga kamao ko dahil doon. Hinding-hindi ko ibibigay si Blair sa ama niyang iresponsable.
Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa akin ay bigla na lang siyang susulpot dito sa bahay namin at kakausapin ako na parang wala siyang naging atraso?
“Nikolai, dito lang kayo. Kakausapin ko lang ang lalakeng ’yon.” sabi ko kay Nikolai.
“Pero, Adi-”
Kaagad na akong lumabas sa kusina at muling nagtungo sa sala. Ngumiti naman ulit sa akin si Leigh nang makita niya ako.
Nakakaasar! Gustong-gusto kong sampalin ang pagmumukha niya pero pinigilan ko lang ang sarili kong huwag mag-eskandalo.
“Anong ginagawa mo dito?” madiin kong tanong kay Leigh.
“I came here to see you and our baby girl. May mga binili rin akong pasalubong para sa inyo. It’s all from Germany.” nakangiti niyang sabi at itinuro nito ang mga paperbags ng iba’t-ibang mamahaling brands na nakalapag sa gilid ng inuupuan nilang sofa ni Laarni.
“Hindi namin kailangan ’yan ng anak ko. Umalis na kayo dito.” sagot ko naman kay Leigh.
“And why, Adi? Baka nakakalimutan mong anak ni Kuya Leigh si Blair at may karapatan rin siya sa bata kaya bakit mo kami pinapaalis kaagad?” pagtataray naman sa akin ni Laarni na wala pa ring ipinagbago.
Alam na pala nila ang pangalan ng anak ko, huh?
Tumawa naman ako ng sarkastiko at humalukipkip. “May karapatan ang kuya mo kay Blair? Simula nang iniwan niya ako dito sa Pilipinas at itanggi si Blair bilang anak niya ay wala na siyang karapatan na maging ama sa anak ko. Mag-isa kong binuhay si Blair kaya ako lang ang may karapatan na maging magulang siya!” singhal ko.
Bigla ay lumapit naman sa akin si Leigh kaya napaatras ako. “Look, Adi. I was naive and young back then kaya nagdesisyon ako ng mali. Nagmatured na ako ngayon at babawi ako sa inyo ni Blair. Masaya sina Mom at Dad nang malaman nilang may apo pala sila. They want to fix everything for us kaya nagbalik ako dito sa Pilipinas kasama si Laarni. I still love you, Adi. I’m sorry sa mga nagawa ko noon sa’yo.” malungkot na sabi ni Leigh at tangkang hahawakan pa nito ang kamay ko na kaagad ko namang iniwas sa kanya instead ay sinampal ko ang mukha niya na kanina ko pa gustong gawin. Ikinagulat naman niya iyon at ni Laarni.
“Anong sabi mo? Nagmatured ka na ngayon e, kanina lang ay nagwawala ka pa raw sa labas dahil hindi kayo pinapapasok nina Mama at Lola dito sa loob ng bahay? May pa-message ka pang nalalaman sa messenger, huh? At ang akala mo ay ganon nalang kadali ang lahat, Leigh? Mahal mo pa rin ako? Kung mahal mo ako ay hindi mo kami pababayaan ng anak ko. Hindi na ako makikipagbalikan sa’yo kaya umalis ka na dito!” sigaw ko sa kanya at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
Sumama naman bigla ang tingin ni Leigh. “Kasi may ibang lalake ka na kaya ayaw mo na sa akin? Mahiya ka nga, Adi! May anak na tayong dalawa at ’wag mong ipaako kay Nikolai ang responsibilidad ko bilang ama ni Blair. Blair is my daughter at tayong dalawa ang gumawa sa kanya!”
Napabuga nalang ako ng hangin sa inis at galit. Wala pa ring pinagbago si Leigh. Arogante at selfish pa rin siya hanggang ngayon. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit minahal ko noon ang lalakeng ito.
“Wala kang pakialam kung aakuin ni Nikolai ang responsibilidad mo bilang ama ni Blair. Hindi kami aasa sa’yo, Leigh. Matagal na tayong tapos simula nang iniwan mo ako at inabandona!” gigil kong sabi.
Inis namang ginulo ni Leigh ang buhok niya at lumamlam na ang tingin niya sa akin. “Adi, alam mo namang playboy ako noon pa at hindi ko na-appreciate kaagad ang halaga mo noong naging girlfriend kita pero ngayon ay nagsisisi na talaga ako na iniwan kita at ang anak natin. We can be a happy family for Blair. Huwag mo nang pahirapan ang sitwasyon natin dahil-”
“Oh my gosh kuya!” natatarantang sigaw ni Laarni nang bigla na lang sumulpot si Nikolai at sinuntok nito sa mukha si Leigh.
Bumagsak si Leigh sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Nikolai sa kanya at napasapo ito sa panga niyang sinuntok nito. Lumapit naman si Laarni sa kapatid niya at inalalayan itong makatayo.
“Lumayas na kayo dito habang nakakapagpigil pa ako.” seryosong banta ni Nikolai kay Leigh at alam ko na kapag ganito na siya ay galit na galit na ito.
Maloko, masiyahin at palaasar lang si Nikolai pero kapag nagalit na ito ay sobra itong nakakatakot.
Tumawa naman si Leigh nang makatayo na ito mula sa pagkakabagsak niya sa sahig. “Ang labas ng loob mong suntukin ako, ah? Sa ating dalawa ay mas may karapatan ako kay Adi kaysa sa’yo.”
“Wala ka nang karapatan kay Adi simula nang sinaktan at iniwan mo siya. Maging pati na rin kay Blair. Sa oras na magpunta ka pa ulit dito at guluhin sila ay hindi lang suntok ang aabutin mo sa akin.” madiing sabi ni Nikolai kay Leigh.
Ngumisi naman doon si Leigh. “Talaga lang, huh? Then let’s see. Huwag mo akong hinahamon, Nikolai. Baka nakakalimutan mong mahirap ka lang at wala kang binatbat sa akin? Kaya kong bilhin ang batas. Makukuha ko ang mag-ina ko sa’yo sa pamamagitan ng pera ko kaya mag-iingat ka sa mga sinasabi mo.” pagbabanta niya at doon ay lubos akong natakot.
Kilala ko si Leigh. Hindi ito nagpapalamang o nagpapatalo sa kahit sinong tao. Lahat ng gugustuhin nito ay nakukuha niya. Kahit ang mga magagandang estudyanteng babae sa school namin na may mga boyfriends na ay nakukuha pa rin niya kung matitipuhan lang niya. May kontrol rin siya sa school namin at sa pamamagitan iyon ng pera ng pamilya niya.
Natatakot akong baka baliktarin niya ang lahat at si Nikolai pa ang maging masama sa huli. Walang sinasanto si Leigh. Delikadong tao siya.
“Lalabanan kita, Leigh at hindi ako natatakot sa’yo.” seryoso namang sabi ni Nikolai na ikinangiti lang ni Leigh.
“Really? Don’t be too proud of yourself, Nikolai. You know me, I can get everything that I want including my wife and my daughter. You know me. I’m not saint at all.” nakangiting sabi ni Leigh at nag-umpisa na itong maglakad papalabas ng bahay na sinundan naman ni Laarni na sinamaan pa kami ng tingin ni Nikolai.
Kaagad ko namang kinuha ang mga dinala nilang pasalubong na nakalagay sa sofa at nang makalabas na sila sa gate ng bahay namin ay itinapon ko ang mga ito sa harapan nila.
“Iuwi niyo na rin ’yan dahil hindi namin kailangan ’yan!” Inis kong sabi sa dalawang magkapatid.
“This girl. Arghhh!” nafufrustate namang sabi ni Laarni at pinulot nito isa-isa ang mga paperbags na nagkalat sa sementadong sahig sa labas ng bahay.
“Babalik ako dito, Adi at wala ka nang magagawa kung kukunin ko kayo ni Blair.” matigas na saad naman ni Leigh at dahil sa inis ko rin sa kanya ay pinulot ko ang isang paperbag sa sahig at inihagis iyon sa pagmumukha niya na hindi niya kaagad nailagan.
“The fuck?” pagmumura niya na nanlalaki ang mga mata dahil sa ginawa ko.
“Layas na!” naiinip ko namang sabi at nagmuwestrang tinataboy na sila.
Sinamaan lang niya ako ng tingin at nang mapulot na lahat ni Laarni ang mga paperbags na nagkalat sa sementadong sahig ay pabadog silang pumasok ni Leigh sa loob ng kotse nila hanggang sa umandar na ito at nakaalis na sila.
Napabuntong-hininga naman ako sa panghihina hanggang sa naramdaman ko nalang na nasa likuran ko na si Nikolai at niyakap niya ako patalikod.
“Nikolai, natatakot ako.. natatakot ako sa maaaring gawin ni Leigh ngayon…” tuluyan na ulit akong umiyak sa pangamba at takot na nararamdaman ko sa pagbabalik ni Leigh.
“Nandito lang ako, Adi at hindi ko kayo pababayaan ni Blair. Ipaglalaban ko kayong dalawa kay Leigh. Hindi niya kayo makukuha.”
Sa sinabi ni Nikolai ay umaasa ako doon. Alam kong hindi niya kami pababayaan ni Blair.
Chapter 5
Sa mga sumunod na araw ay naging payapa naman ang buhay ko. Hindi ako ginugulo ni Leigh ngayon kahit alam kong nandito pa rin siya sa Pilipinas. Pero hindi pa rin panatag ang loob ko doon, naaalala ko pa rin ang huling sinabi niya sa akin na kukunin niya kami ni Blair. Hindi ako makakapayag doon at kahit na kailan ay hindi na ako babalik sa kanya.
Nang malaman ni Kuya Hideyo na nagpunta sina Leigh at Laarni sa bahay namin ay hatid-sundo na niya ako sa trabaho ko. Minsan kapag may oras si Nikolai ay siya rin ang naghahatid-sundo sa akin. Alam kong pinoprotektahan lang nila ako at baka bigla na lang sumulpot sa kung saan si Leigh at dukutin pa ako.
Ang lalakeng iyon talaga! Wala ba siyang ni katiting na konsensyang nararamdaman matapos niya akong iwanan at itanggi si Blair bilang anak niya? Sinabi pa nga niyang ipalaglag ko ang bata pero hindi ko ginawa.
Kung umakto siya ngayon ay parang wala siyang naging kasalanan sa amin. Limang taon na ang lumipas pero hindi pa rin siya nagbabago. Wala na talagang pag-asa ang isang iyon.
“Hindi ako mag-oovertime sa trabaho ko mamaya. Susunduin kita dito pagkatapos ng duty mo.” paalala ni Kuya Hideyo nang nasa tapat na kami ng Supermarket na pinagtatrabauhan ko.
Hinalikan muna niya ako sa noo bago ako tumango sa sinabi niya. “Mag-iingat ka, kuya.” sabi ko naman.
Ngumiti lang siya sa akin at pagkatapos nun ay umalis na siya.
Napansin ko naman ang iilang taong nakikiusyoso sa amin sa labas ng Supermarket at kabilang na doon ang tatlong matatangkad at nag-gagwapuhang triplets na nakatayo sa tabi ng nakaparadang kotse nila sa parking lot.
Seryoso ang ekspresyon ng mga mukha nila habang nakatitig sa akin habang ako naman ay kaagad umiwas ng tingin sa kanila. Hindi ko matagalan ang pagtitig nila sa akin dahil sa nakaka-intimidate nilang mga awra.
Marahil ay nagpark lang ang mga ito sa parking lot ng Supermarket dahil mukha namang hindi pa sila nakakapasok sa loob. Alas siyete palang ng umaga at kakaunti pa lang ang mga taong dumarating sa supermarket para mamili.
Inayos ko na lang ang dala kong bag at pumasok na sa loob ng Supermarket. Hindi ko naman maiwasang isipin ulit ang gwapong mga mukha ng triplets na iyon lalo na iyong lalakeng may kulay blueish-grey na mga mata.
Ipinilig ko nalang ang ulo ko at inayos ang sarili ko. Ilang saglit pa ay dumating na rin sina Iska at Jiro maging pati na rin sila Jose at ang iba pa naming mga katrabaho. Mga bandang 7:30 ay nag-umpisa na rin kaming magtrabaho nang may padating nang mga customers at kabilang na doon ang triplets na pumasok na sa loob ng Supermarket.
Nakarinig na lang ako ng pagtili mula kila Iska at sa iba pa naming mga katrabahong babae na nasa cashier counter nang mapansin nila ang triplets.
“Hala? Ang popogi naman ng triplets na ’yan! Mga artista ba ’yan? Bakit parang ngayon ko lang sila nakita dito?” kinikilig na bulong sa akin ni Iska nang pumasok na ang triplets sa may grocery haul at mukhang may hinahanap sila.
Nahuli ko pa ang iba naming mga katrabahong babae na pasimpleng pinipicturan ang triplets. Nako! Kapag nahuli talaga sila ng manager namin sa ginagawa nila ay siguradong mapapagalitan sila nun!
“Baka hindi sila tagarito at dayo lang.” sabi ko naman.
“Girl! Nakatingin sila dito sa atin! Kinikilig ako my goodness!” halos mangisay na si Iska sa kilig habang sinasabi niya iyon.
Nang tinignan ko ang triplets ay nahuli kong nakatingin nga sila dito sa direksyon namin at mukhang ako ang tinitignan nila.
Ano kayang problema ng mga ’to? Kahit mga gwapo pa sila at may yummy na pangangatawan ay nakakatakot pa rin na tinitignan o tititigan ka ng mga taong ngayon mo lang nakita sa tanang buhay mo.
“H-hayaan mo na nga ’yang mga ’yan. Magtrabaho na tayo at may paparating ng customer.” sagot ko na lang kay Iska at nang dumating ang isang customer na may hawak na basket ng grocery ay inasikaso ko na ito.
Dumami na rin ang mga customers na namimili dito sa Supermarket kaya naging abala na ako sa pagtatrabaho maging pati na rin si Iska. Hindi ko na rin inalala pa iyong triplets at mukhang wala na rin naman sila.
Mga bandang alas dose ng tanghali nang magbreak na kami sa trabaho para kumain ng lunch. Kaagad kaming pumwesto nina Iska at Jiro sa isang table sa Cafeteria at muntik pa akong mapatalon sa gulat nang makita ang triplets sa kabilang table lang na busy sa pagkain ng burger nila habang nakatingin ang mga ito sa direksyon namin.
Iyong dalawa sa tatlong triplets nalang pala ang nakatingin sa akin dahil iyong isa ay parang iniiwas na ang tingin sa akin at tahimik na lang itong kumakain ng burger na hawak niya.
Napansin rin sila ni Iska kaya tumili ito ng mahina. “Nandito pa pala sila? Kung sinuswerte ka nga naman, oh! May magandang view ngayon habang kakain tayo ng lunch.” nakangising sabi niya na ikinailing naman ni Jiro.
“Tss! Mas gwapo pa ako sa mga ’yan, e. Mukhang mayayaman lang sila pero kaya ko pa ring tapatan ang mga ’yan pagdating sa pagwapuhan.” pagmamayabang naman ni Jiro na ikinaikot lang ng mga mata ni Iska.
Gwapo si Jiro pero mas lamang pa rin ng ilang daang paligo ang triplets na ito. Mga kasing level ng mga ito sina Nikolai at Leigh pagdating sa physical appearance. Panigurado rin na maraming mga babae ang nahuhumaling sa mga ito.
“Yuck, Jiro! Keep dreaming!” naaasar na sabi naman ni Iska na ikinatawa na lang namin ni Jiro.
Si Jiro na ang umorder ng lunch namin at nagbigay na lang kami ni Iska ng pambayad sa kanya. Tatlong set ng menudo, kanin, lumpiang ubod at softdrinks ang inorder niya para sa aming tatlo.
Nagkwentuhan lang sina Iska at Jiro habang kumakain kami at ako naman ay tahimik lang na kumakain. Ilang na ilang ako sa triplets na nasa kabilang table lang namin dahil ramdam ko na nakatingin sila sa akin.
Ginawa ko ang lahat para iignora sila hanggang sa matapos na kaming kumain nina Iska at Jiro at muli nang bumalik sa mga trabaho namin.
Ginugol ko ang oras at atensyon ko sa pagtatrabaho hanggang sa mag alas siyete na ng gabi at natapos na rin ang duty ko. Hindi ko na rin nakita pa iyong mga gwapong triplets at siguradong nakaalis na ang mga iyon.
Nagtext sa akin si Kuya Hideyo at sinabi niyang malapit na siya sa Supermarket para sunduin ako. Kakatapos lang rin ng trabaho nito at kaagad siyang didiretso dito sa supermarket.
Nasa labas na ako ng Supermarket at hinihintay ko pa rin si Kuya Hideyo. Nakaalis na rin sina Iska at Jiro nang masigurado nilang nauna nang umalis si Jose para hindi na ako nito malapitan pa.
Pero nagkakamali ako doon dahil hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Jose habang nakangiti ito sa akin at nakapamulsa.
“Hinihintay mo ’yung sundo mo?” tanong niya sa akin.
May kaba mang nararamdaman dahil kaharap ko na naman siya ay tumango na lang ako at sumagot sa tanong niya. “Oo. Parating na rin siya ngayon.” sabi ko.
“Boyfriend mo?” nang-uusisa niyang tanong.
“Oo.” sagot ko para tigilan na niya ako. Kaunti na lang talaga at baka masabunutan ko na siya dahil sa inis ko sa kanya!
“Buti at pumayag siyang maging stepfather ng anak mo pero pakiramdam ko ay ayaw niya sa anak mo dahil hindi naman niya ’yon tunay na anak at kunwari na lang na tanggap niya dahil sa’yo.” malisyosong saad ni Jose kaya hindi ko na napigilan ang inis ko sa kanya.
“Ang judgemental mo rin, ano? Jose, baka nakakalimutan mong katrabaho lang kita at wala kang pakialam sa buhay ko? Lumayo ka nga sa’kin dahil hindi tayo close!” pagtataboy ko sa kanya na mahina lang niyang ikinatawa.
“Adi, obvious naman siguro sa’yong type kita pero alam kong iniiwasan mo lang ako. Bakit? Naniniwala ka ba sa sinasabi ng mga katrabaho natin na playboy ako at maloko? Seryoso ako sa’yo, Adi at sana-”
“Adi!”
Laking pasasalamat ko na lang nang biglang dumating si Kuya Hideyo at kaagad niya akong nilapitan. Ikinawit ko naman ang braso ko sa braso niya at nginitian siya.
“Honey, uwi na tayo?” malambing kong sabi kay Kuya Hideyo na ikinagulat naman niya.
Nang palihim ko naman siyang pinandilatan ng mata ay kaagad niyang nakuha ang point ko saka ito ngumiti kay Jose na bigla namang sumama ang timpla ng mukha nang makita si Kuya Hideyo.
“Katrabaho ka ba ng girlfriend ko? Ako nga pala si Hideyo. Boyfriend niya.” Pagpapakilala ni Kuya Hideyo kay Jose na sinamaan lang siya ng tingin at bigla na lang itong nagwalk out.
Doon lang ako nakahinga ng maluwag at binitawan na ang braso ni kuya.
“Kinukulit ka ba ng lalakeng ’yon?” tanong ni kuya habang nag-umpisa na kaming maglakad papunta sa mall na nasa tapat lang ng Supermarket at para bilhan doon ng pasalubong sina Blair.
“Oo, kuya at mabuti nalang na dumating ka na kundi baka nasabunutan ko na ang lalakeng ’yon dahil sa inis ko sa kanya!” sabi ko habang hinihilot ang sintido ko.
“Kaya tama lang na ihatid-sundo kita dito sa pinagtatrabauhan mo. Delikado na at baka guluhin ka rin ulit ng Leigh na ’yon.” nag-aalala namang sabi ni Kuya Hideyo.
“Salamat, Kuya.” nakangiti kong sabi.
“Wala ’yon, Adi. Kapatid kita kaya dapat lang na protektahan kita laban sa mga siraulong lalake na nasa paligid mo.” nakangiti rin niyang sabi na ikinatawa ko nalang.
Bumili na lang kami ni Kuya Hideyo ng ube roll cake sa Red Ribbon bilang pasalubong at siya na ang nagbayad nun. Siya na rin ang bumili at nagbayad ng Wintermelon milktea na para naman sa amin nila, Mama, Lola at Haru.
Pagkatapos naming bumili ng pasalubong sa mall ay kaagad na kaming nag-abang ng jeep sa labas.
“Nililigawan ka ba ni Nikolai?” tanong ni Kuya Hideyo na ikinagulat ko pa.
“Ha? Hindi, ah. Magkaibigan lang kami ni Nikolai saka hindi naman siya nanliligaw sa’kin, no! Hindi kaya niya ako type.” natatawa ko namang sagot.
Hindi na sumagot pa si Kuya Hideyo sa sinabi ko hanggang sa may huminto nang jeep sa harapan namin na patungo sa lugar namin kaya kaagad na kaming sumakay doon.
Ilang minuto rin ang biyahe namin hanggang sa makarating na kami sa bahay. Nakaparada na naman ang pulang kotse ni Leigh sa labas kaya alam kong nandito siya na ikinabahala ko.
Nauna nang pumasok si Kuya Hideyo sa loob ng bahay namin na sinundan ko naman. Naabutan namin na nakaupo sa sofa ng sala namin si Leigh habang karga nito si Blair sa kandungan niya.
Kaagad ko namang kinuha si Blair kay Leigh at sinamaan siya ng tingin.
“Ano na naman bang ginagawa mo dito?” madiin kong tanong kay Leigh.
“Adi, dinalaw ko lang ang anak natin dahil kahit anong gawin mo kay anak ko pa rin ’yan-”
Nagulat na lang ako nang biglang lumapit si Kuya Hideyo kay Leigh at kwinelyuhan ito.
“Ang kapal talaga ng mukha mo para magpakita pa kay Adi at sa bata! Wala ka nang karapatan sa kanila dahil simula nang iniwan mo sila ay doon na nagtapos ang lahat sa inyo!” galit na sigaw ni Kuya Hideyo kay Leigh na nginisian lang siya.
Natataranta namang lumabas mula sa loob ng kusina sila Mama, Lola at Haru at nagulat rin sila sa sigaw ni kuya.
“Hideyo, bumabawi lang ako sa mag-ina ko. I’m still Blair’s father at kung tutuusin nga ay pwede ko siyang kunin sa inyo nang walang kahirap-hirap but I can’t do that dahil mahal ko si Adi at ayoko namang ilayo siya kay Blair. Kung ayaw niyong mawala rin sa inyo si Blair ay pakitunguhan niyo ako ng maayos.” nakangising sabi ni Leigh.
Doon ay unti-unti namang binitawan ni Kuya Hideyo si Leigh at bumuntong-hininga ito.
Kilala niya rin si Leigh at lahat ng ibinabanta nito ay nagkakatotoo. Marahil ay natatakot rin si Kuya Hideyo na baka nga kunin sa amin ni Leigh si Blair sa pamamagitan ng pera at kapangyarihan ng pamilya nito.
“I know it’s all my fault and I want to make it up with Adi and Blair. Hindi ko naman kukunin sa inyo si Blair but don’t take my responsibility as Blair’s father. Kung pwede lang rin, pakisabihan naman si Nikolai na lumayo-layo na sa mag-ina ko kung ayaw niyang ingudngod ko siya sa putikan. He’s playing knight-in-shining armor to my family at nakakabuwisit lang!” naiirita pang sabi ni Leigh at muli itong umupo na parang hari sa sofa namin.
“Ano, Leigh? Pinapalayo mo sa amin si Nikolai? Siya ang nandyan sa tabi ko noong mga panahong ipinagbubuntis ko pa lang si Blair hanggang sa manganak na ako kaya hindi pwede ’yang sinasabi mo.” galit ko namang saad kay Leigh.
Kung makaasta siya ay akala niya na kung sino siyang batas na kapag gusto niya ay masusunod na. Kaya niya pa ring kontrolin ang mga taong nasa paligid niya makuha lang ang gusto niya.
Umirap lang doon si Leigh at hindi na ito nagsalita. Itinuro naman niya sa akin ang mga paperbags na nakalapag sa gilid ng inuupuan niyang sofa na dala rin nila ni Laarni noong unang beses silang magpunta dito sa bahay namin.
“Take that things for Blair. Para sa inyo ’yan at may mga laruan rin dyan para sa kanya. Isipin mo na lang na bumabawi lang ako sa anak ko at karapatan niyang magkaroon ng magagandang damit at mga laruan.” sabi ni Leigh bago pa man ako magreact sa sinabi niya.
Bumuntong-hininga na lang ako dahil wala na rin akong magagawa pa huwag lang niyang kunin sa akin ang anak ko.
“Daddy, Laruan?”
Daddy?
Bigla namang nagpababa mula sa pagkakarga ko si Blair at tumakbo ito papunta kay Leigh. Kinandong naman ni Leigh si Blair sa hita niya at binuksan nito ang isang paperbag na may lamang laruang crocodile stuff toy at binigay ito kay Blair.
“Yes. This is for you, baby. Nagustuhan mo ba ’tong toys mo?” nakangiting tanong ni Leigh kay Blair na tinanguan ng anak ko habang nakangiti rin ito.
“Opo. Lamat, Daddy!” masayang sabi ni Blair habang nilalaro na nito ang hawak na crocodile stuff toy.
Hindi ko inaasahan na magkasundo na kaagad sina Leigh at Blair. Hindi rin maipagkakaila na mag-ama talaga sila dahil magkamukha sila at pareho rin ang kulay ng mga mata.
Nangungulila na noon pa man sa kalinga ng ama si Blair na natagpuan niya kay Nikolai. Ngayong nakikita kong magkasama sina Leigh at Blair, kahit papaano’y masaya na rin ako para sa anak ko. Hindi man kami okay ng ama niya ay ayos na sa aking maibibigay ni Leigh ang lahat ng pangangailangan ni Blair habang lumalaki ito.
Iniwan na muna namin ng pamilya ko sa sala sina Leigh at Blair. Kinausap naman ako nina Mama at Lola nang magtungo kami sa loob ng kusina.
Si Kuya Hideyo naman ay walang imik na nagpunta na lang sa loob ng kwarto niya. Katulad ko ay wala rin siyang magawa para maiwasan namin si Leigh.
“Anak, sana ay maging magkasundo na lang kayo ni Leigh alang-alang sa anak niyo. Tama siya, kahit anong gawin natin ay ama pa rin siya ni Blair at responsibilidad niya ito. Kilala rin natin siya, maaari niyang kunin sa atin si Blair kung patuloy lang nating siyang ilalayo sa bata. Hindi ko kayang mawalay sa apo ko, anak…” umiiyak na sabi ni Mama habang pinapatahan naman siya ni Haru.
Pinag-isipan ko ang sinabi ni Mama. May punto siya doon. May galit man ako kay Leigh at kinasusuklaman ko siya dahil sa pag-abandona niya sa amin ni Blair ng limang taon ay kailangan ko siyang pakisamahan para na rin sa financial support ng anak ko.
Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral si Blair at hindi pa sapat ang kinikita ko sa trabaho ko para mapag-aral ko siya hanggang kolehiyo. Kailangan namin si Leigh para doon.
Muli akong bumalik sa sala at kinausap si Leigh tungkol sa plano namin kay Blair. Pumayag ako sa agreement niyang anytime ay dadalawin niya sa bahay si Blair at pasalubungan ito ng mga damit at laruan. Magbibigay rin siya ng sustento kada buwan at para na rin sa pag-aaral ni Blair ng kindergarten next year.
“Adi, I still love you. Pwede namang tumira kayo ni Blair sa bahay namin para-”
“Nakipagkasundo lang ako sa’yo ngayon para sa anak ko, Leigh at wala akong balak na makipagbalikan pa.” pagsabat ko sa sasabihin pa niya sana.
Hindi na nakapagsalita pa doon si Leigh at nagtiim-bagang na lang ito.
Isang oras pa ang tinagal niya sa bahay bago ito umalis. Sinabi pa ni Blair kay Leigh na kaagad itong bumalik sa bahay namin para magdala pa ng maraming laruan sa kanya. Nangako naman si Leigh na babalik siya na maraming dalang laruan para kay Blair.
Iba talaga ang lukso ng dugo dahil naramdaman kaagad ni Blair na konektado siya sa siraulo at iresponsable niyang ama.
Iniwan ko na sa sala sila Mama, Lola at Haru na kinakain ang pasalubong namin ni Kuya Hideyo na ube roll cake at Wintermelon milktea para sa kanila. Si Blair naman ay patuloy pa ring nilalaro ang mga laruang dinala ni Leigh para sa kanya habang nakadapa ito sa sofa at sinusubuan ng cake ni mama.
Pumasok na muna ako sa loob ng kwarto namin ni Blair. Kaagad akong humiga sa kama at ipinikit ang mga mata ko.
Wala na akong magagawa pa. Kung ayaw kong malayo sa amin si Blair ay kailangan kong pakisamahan ng maayos si Leigh.
Bigla ay lumitaw na naman sa isip ko ang mukha ng tatlong gwapong triplets na iyon sa may supermarket kanina.
Bakit ba bigla ko na naman silang naalala?
Malaki ba ang gagampanan nila sa buhay ko kaya naiisip ko sila?
At sino ba sila para isipin ko nang ganito?
Chapter 6
Ahnwar
It’s been 3 fucking days pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami tumitigil sa kaka-stalk kay Supermarket girl na nakakuha kaagad ng atensyon namin ni Ahzik.
When the day we saw her outside the Supermarket while her boyfriend or whoever the fucktard he is kissed her temple, she’d already caught our attention.
Ahzik and I were captivated by her beauty and light aura. Sa loob ng tatlong araw naming kakamasid at kakasulyap sa kanya sa malayo ay nakikita namin na she’s bringing a positive and joyful vibe. Palagi rin siyang nakangiti and that makes her even look more beautiful and adorable.
“Seriously? Na-love at first sight kayo sa babaeng ’yan? You’ve met a lot of pretty and gorgeous girls in this country then sa kanya lang kayo nagkakaganyan?” Ahmed said. Nag-uumpisa na naman ang PMS state niya.
He doesn’t like the idea na parang nagiging creepy stalker na kami ni Supermarket girl na maganda, sexy, mahaba at straight ang itim na buhok, may mapupulang labi at nakakaakit na mga mata. Damn the hell!
Yes. We’ve met a lot of pretty and gorgeous girls in our university and work place but this girl is different. Hindi namin alam ni Ahzik pero sobrang lakas ng hatak niya sa amin.
She’s a definition of asian girl in a hotter way. She looks like a korean or chinese model kaya hindi na rin nakakapagtaka kung napapansin namin na pinagtitinginan siya palagi ng mga lalake especially her male co-workers na parang anytime ay gusto ko na lang tusukin ang mga mata nila para hindi na nila matitigan pa ang apple of the eye namin ni Ahzik.
“And she’s the prettiest among them.” nakangising sagot ni Ahzik kay Ahmed and I nodded bilang pagsang-ayon because that’s true.
Ahmed just rolled his eyes. “So, what? Alam niyo, hindi ko alam kung bakit sinasali niyo pa ako dito sa kalokohan niyo, e. And you two were planning to court her? I can’t believe why am I involved with this!”
“Ahmed, chill ka lang dyan, okay? After this ay pwede mo na kaming pabayaan ni Ahzik. Gusto lang talaga namin na makita mo ng live na may liligawan nang babae ang dalawa mong kapatid after 22 freaking years!” sabi ko nang nakangiti.
Ahmed shook his head and sighed. Wala na talaga siyang magagawa pa sa balak naming panliligaw sa babaeng nakakuha ng atensyon namin ni Ahzik.
Kahit gabi na ay hinintay namin sa labas ng Supermarket si Supermarket girl hanggang sa matapos na siya sa trabaho niya. Hindi na kami nag-aksaya pa ng panahon at kaagad namin siyang nilapitan na medyo ikinagulat pa niya.
“Hi, ganda!” bati ko sa kanya.
“H-hi rin,” she greeted back at ngumiti siya.
Fuck! Ang ganda talaga niya lalo na kapag ngumingiti.
“I’m Ahnwar and this is my brother, Ahzik. You got our attention kaya ngayon ay manliligaw na kami sa’yo.” nakangiti kong sabi at ipinakilala ko sa kanya si Ahzik na kinawayan naman siya.
We need to be straightforward at wala na kaming pakialam kung masyado man kaming mabilis ni Ahzik. Minsan lang kami ma-inlove sa isang babae at lulubos-lubusin na namin iyon para hindi kami mawalan sa huli.
Nanlaki ang mga mata ni Supermarket girl sa sinabi ko then she suddenly looked at Ahmed.
Ahmed turn his gaze on her. “They want to court you but you’re not my type. I’m Ahmed, by the way.” he said at kaagad na siyang naglakad papunta sa nakaparadang kotse namin sa parking lot ng Supermarket.
Shit! Si Ahmed talaga! Pagdating sa babae ay napakasungit niya.
Sinenyasan ko si Ahzik sa dapat na naming hakbang na gawin kay Supermarket girl. Kinuha namin ang magkabilang kamay nito at hinalikan ang likod ng palad niya kaya nakuha namin ulit ang atensyon niya.
Nagulat naman siya at namumula na ang buong mukha nito dahil sa ginawa namin.
How adorable she is.
“From now on, we’re now courting you and you’re our official addiction, baby…” sabay naming saad ni Ahzik.
Tulala pa rin si Supermarket girl dahil sa ginawa namin ni Ahzik at nang bumalik na ito sa huwisyo niya ay kaagad nitong binawi ang kamay niyang hawak namin.
“A-ano bang pinagsasabi niyo dyan? Kayo? Liligawan niyo ako? Ni hindi niyo nga ako kilala. At ang akala niyo ba ay hindi ko napapansin na ilang araw niyo na akong sinusubaybayan dito sa Supermarket?” humalukipkip siya at tinaasan kami ng kilay.
Kahit sinusungitan niya kami ay nagugustuhan ko pa rin iyon. Lahat yata ng ekspresiyon na ipakita niya sa amin ay tatanggapin ko makita lang ang maganda niyang mukha at magaang personalidad.
“Miss, naniniwala ka ba sa love at first sight? Kami kasi ng kapatid kong si Ahnwar ay oo. Tinamaan na yata kami ng pana ni kupido simula nang makita namin ang iyong taglay na kagandahan sa supermarket na ito.” Ahzik said using his Makatang spoken poetry hyperbole at inakbayan niya ako.
Napangiwi naman ang babae sa sinabi ng kapatid ko na mahina kong ikinatawa.
“S-sige, sabihin na nga natin na na-love at first sight kayo sa’kin pero hindi niyo na ako pwedeng ligawan dahil may anak na ako.” sabi niya at biglang sumeryoso ang mukha niya.
Dahil sa sinabi niya ay nagulat at natahimik kami ni Ahzik doon.
May anak na siya?
Asawa ba niya iyong lalakeng mukhang mas matanda sa kanya ng ilang taon na hinalikan ang noo niya sa labas nitong Supermarket?
“I-is that your husband? ’Yung lalakeng humalik sa noo mo nang nakita ka namin dito sa labas ng Supermarket?” I asked because I’m curious. Gusto kong makumpirma kung asawa ba talaga niya iyong lalakeng iyon.
Umiling naman siya. “Kapatid ko siya. Wala akong asawa ngayon. Single mother ako.” sagot niya at napayuko ito.
When she said that ay lalo lang kami nagkaroon ni Ahzik ng pag-asa sa kanya.
Who cares if she had a child? Ano ba sa amin iyon kung wala naman pala siyang asawa?
Kung sinuman ang lalakeng bumuntis sa kanya then it’s his loss. Hindi niya alam kung gaano kalaking swerte ang pinakawalan niya.
Wala pa ngang kung anong ginagawa ang babaeng ito sa amin ni Ahzik ay halos mabaliw na kami ng ilang araw sa pang-iistalk sa kanya. Ngayon lang rin kami nagkaroon ng lakas para lapitan at kausapin siya dahil nakakabigla naman kasi na unang araw palang namin siyang makita ay manliligaw na kami kaagad.
The concept of virginity is not important to us. Ano naman kung hindi kami ang nakauna sa kanya? Nagmahal lang naman siguro siya noon ng sobra kaya pati ang sarili niya ay ibinigay na niya sa kung sinumang Poncio Pilatong motherfucker na iyon na nakabuntis sa kanya.
“Great! Pwede kaming maging daddy ng anak mo. Willing kami ni Ahnwar na maging step-dad.” Ahzik said while smiling and tapping my shoulder.
Ngumiti lang ako doon.
Nagulat naman si Supermarket girl sa sinabi ni Ahzik. “N-nababaliw na ba kayo? Aakuin niyo talaga ang isang bata na hindi niyo naman kadugo? Mga mister, mga gwapo kayo at mukha pa kayong mayayaman kaya maghanap nalang kayo ng babaeng single na walang anak plus magaganda at sexy rin na kasing yaman niyo lang. Huwag niyo na akong pag-aksayahan pa ng oras dahil mahirap lang ako at walang maipagmamalaki.” she said at umiling-iling ito.
“Ikaw ang gusto namin e, and we don’t care kung may anak ka na at single mom ka. Does it matter? Wala ka namang asawa.” I said and shrugged my shoulders.
She closed her eyes and sighed deeply. Naiirita na yata siya sa amin. Nang magmulat siya ng mga mata ay may lalake nang naglalakad papalapit sa amin.
Oh. This is her brother na inakala naming asawa niya noong una. Hindi rin kasi sila magkamukha.
“Kuya Hideyo!” The Supermarket girl said at kumapit na ito sa braso ng kuya niya.
Tinignan pa kami ng kuya niya bago ito ngumiti sa kanya at naglakad na sila papaalis.
Hahabulin ko pa sana si Supermarket girl nang pinigilan ako ni Ahzik.
“We can talk to her tomorrow. Masyado talaga siyang nabibigla sa ginagawa natin, bro. Ngayong nalaman nating single naman siya except of having a child then wala na tayong problema.” he said.
Tumango na lang ako sa sinabi niya and when I remembered na hindi pa pala namin naitatanong ang pangalan ni Supermarket girl ay napamura na lang ako sa inis.
“We forgot to ask her name! Fucking shit to the hell!” I cursed. Tinawanan lang naman ako ni Ahzik.
“We can ask her name tomorrow. Tara na nga at umuwi na tayo. Kanina pa naiinip sa kakahintay sa atin sa loob ng kotse si Ahmed.” Ahzik said while laughing at hinatak na niya ako papasok sa loob ng kotse kung nasaan si Ahmed.
Then we saw Ahmed na kanina pa mukhang inip na inip habang nakaupo sa driver’s seat. Umiling lang siya sa amin saka nito pinaandar ang kotse niya hanggang sa makaalis na rin kami sa Supermarket.
We arrived in our house at 10:30pm. For sure ay tulog na sila Mom, Dad at ang mga kapatid namin.
Naabutan naman namin sa living room si Kyrie na nakaupo sa sofa at mukhang hinihintay niya si Ahmed. He can enter anytime in our house because my family trust him so much.
Dumiretso na sa loob ng kwarto niya si Ahzik habang ako naman ay nakamasid lang kina Ahmed at Kyrie.
Kyrie is Ahmed’s bestfriend. Anak siya ni Tita Emily na kaibigan naman ni Mom. He’s our neighbor. He’s 2 years older than us pero kung kumilos ito ay parang si Ahmed pa ang nakatatandang kaibigan niya.
This guy is a weak crybaby. Alam ko namang hindi maayos ang pamilya niya dahil sa babaero niyang Dad but I don’t like his guts at all because they’re same.
“Ahmed, I’m sorry kung naistorbo pa kita but I think I’m in love.” Kyrie said while smiling like an idiot.
Seriously? Hinintay pa niya si Ahmed dito sa bahay namin para lang sabihing in love siya?
Nasaan na kaya ’yong mga babae niyang palagi niyang ipinagmamayabang kay Ahmed? Like his father ay babaero rin itong si Kyrie.
Wala ngang delikadeso ang lalakeng ito dahil harap-harapan pa niya mismong pinapasok ang mga babaeng nagkakagusto kay Ahmed sa harapan pa mismo ni Ahmed na wala namang pakialam si Ahmed doon.
Yes, my brother doesn’t care about that because he trust his bestfriend so much.
Kyrie is playing like an innocent and shy type guy but a beast maniac and playboy inside.
“Really? How’s your girls then kung in love ka na nga?” Ahmed asked seriously at Kyrie.
Kyrie chuckled. “Hihiwalayan ko na rin naman sila isa-isa, bestfriend. You know? Gusto ko nang magseryoso ngayon sa isang relasyon. Those girls can satisfy my needs pero pangkama ko lang talaga sila at ginawa lang sila para paligayahin ako. My Adi can satisfy my heart, mind and sex drive and she’s the one that I’ve been looking for!” nakangiting sabi niya and I rolled my eyes.
Girls are like a toy for him. Our fathers didn’t taught that to us. Girls should be respected and treasured kaya hindi kami lumaking playboy na magkakapatid including Dad Essam and Dad Wenhan’s sons’ Danielle and Ryder.
“I’m happy for you, Kyrie. May babae na ring magpapatino sa’yo.” Ahmed said with his slight smile at Kyrie.
“Thank you, Ahmed. Sana magkagirlfriend ka na rin para pareho na tayong may lovelife ngayon.” sabi naman ni Kyrie and he smacks my brother’s shoulder.
Tapos
aahasin
mo rin katulad ng ginawa mo kay Trina? Tsk!
“I’m not thinking that, Kyrie. I need to focus myself in my work because I’m the one who’s going to be a CEO in our company.” sabi naman ni Ahmed.
“I forgot, then good luck! Ipapakilala ko rin sa’yo ang girlfriend ko next time.” Kyrie said.
Girlfriend? Sabi niya ay na-inlove na raw siya tapos girlfriend na pala niya iyon?
Ano kayang ginawa ng babaeng iyon para magustuhan siya ni Kyrie? Knowing Kyrie ay hindi ito nababakante pagdating sa babae. He’d already dated a hot and gorgeous female celebrities, models and DJ’s before. He’s in love nga siguro on that particular girl kung ganoon but I don’t care.
Ang kailangan ko pa palang isipin ay kung paano kami ulit gagawa ni Ahzik ng move para kay Supermarket girl.
Tsk! Bakit ba naman kasi nakalimutan pa naming itanong ang pangalan niya?
Nagpunta na ako sa loob ng kwarto ko leaving Ahmed and Kyrie in our living room. I took off my polo shirt and sat on my bed. Ilang araw na rin kaming hindi nakakapasok sa trabaho nang dahil sa kaka-stalk at kakamasid namin kay Supermarket girl.
I use my vape while browsing on my phone. Nagresearch ako sa Google kung paano manligaw ng isang babae. Binasa ko ang article ng ilang oras rin at pagkatapos ay napangiti ako.
I have a two girlfriends before pero hindi naman ako ang unang nanligaw kundi sila mismo. Ilang buwan lang rin nagtagal ang relasyon namin bago kami naghiwalay in other circumstances. It’s all serious relationships naman but I knew to myself na hindi pagmamahal ang klase ng relasyon na mayroon ako sa dalawang naging girlfriends ko noon.
I’ve never been in love like my brothers Ahmed and Ahzik but now, that Supermarket girl caught our attention. I don’t know what Ahmed truly feels about that girl pero halata namang nagagandahan rin siya doon indenial nga lang.
Brace yourself, Supermar
ket girl.
This is the beginning of our addiction with you.
Add me on my Facebook account Jei Writes. Mag-iispoil ako doon minsan about this story. If you want lang naman hehe :)
Chapter 7
Mabuti nalang na sabado ngayon at rest day ko mula sa trabaho ko. Hindi ko na rin muna makikita ang baliw na triplets na iyon na sinabi sa aking manliligaw daw sila (except kay masungit na si Ahmed) at wala pang pakialam ang mga ito noong nalaman nila na may anak na ako.
Seryoso ba talaga sila? Ano iyon, na-love at first sight sila sa akin sa una pa lang? Totoo ba talaga ang ganoon?
Hindi ko alam kung pinagtitripan lang ba nila ako o ano pero medyo naniniwala naman ako sa kanila na interesado sila sa akin. Sa ganda ko ba namang ito? Pero seryoso nga, hindi naman siguro sila mang-iistalk nang tatlong araw sa akin kung hindi sila nabihag sa alindog ko.
Swerte ba ako dahil may tatlong naggagwapuhang triplets ang umaaligid sa akin- ay hindi pala dahil iyong isa sa triplets na may blue-grayish na mga mata ay ang sungit sa akin at sinabi pang hindi niya ako type.
Kung hindi niya ako type eh mas lalo namang hindi ko rin siya type, no!
At sa tuwing naaalala ko ang ginawang paghalik sa magkabilang palad ko nina Ahnwar at Ahzik ay hindi ko mapigilang mamula at kiligin ng very very slight sa ginawa nila.
Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong klaseng pakiramdam simula nang una akong ma-inlove kay Leigh. Tila bumabalik ako sa pagka teenager ko na kinikilig at umaasa na magkakaroon ng happy ending ng crush niya.
Fairytale lang pala ang lahat nang sa amin ni Leigh dahil sa huli ay nasaktan lang rin ako nang dahil sa kanya.
Nasa bakuran kami ngayon nila Mama, Haru at Blair. Wala si Kuya Hideyo ngayon dahil may pasok pa rin ito sa trabaho niya kahit sabado. Si Lola Andeng naman ay nagpunta sa simbahan dahil may misa sila doon. Member siya ng choir sa simbahan na malapit lang sa amin.
Gamit ang inflatable swimming pool na pinabombahan ko kanina kay Haru at nilagyan ito ng tubig sa hose ay masayang nagsu-swimming si Blair dito habang nakaalalay kami ni Mama sa kanya.
Lumalaki na ang anak ko at mas nagiging kamukha na ito ni Leigh. Mabuti nalang at maganda ang lahi ng damuhong iyon kaya alam kong lalaking magandang bata si Blair.
Sa kaisipan namang kapag naging ganap na dalaga na si Blair at marami nang manligaw sa kanya ay hindi pa ako handa para doon. Ayoko na masaktan lang siya ng kung sinumang lalake sa oras na mag-entertain siya ng lalakeng manliligaw sa kanya.
Ang kailangan talaga niyang iwasan ay ang mga klase ng lalake na katulad ng daddy niya. Kailangan niya munang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho bago ito pumasok sa isang relasyon.
“Haru, sino ba iyang katext mo at panay ang pagpindot mo sa cellphone mong iyan?” tanong ni Mama kay Haru na busy sa isang sulok habang nakangiti ito at mukha ngang may katext sa android cellphone niyang bigay ni Kuya Hideyo sa kanya.
“Secret, ma.” tanging sagot ni Haru kaya pinaningkitan ko ito ng mata.
“Si Eiselle ba ’yang katext mo, Haru?” seryoso kong tanong dahilan para mamula ang mukha ni Haru doon at umiling ito ng paulit-ulit.
Huli pero hindi kulong.
“H-hindi, ah! Si N-Noah kaya ang katext ko at may tinanong lang siya sa’kin sa text kaya nirereplayan ko siya.” nauutal niyang sabi at tunog defensive na iyon kaya alam kong nagsisinungaling lang siya.
“Ay sos! Si Eiselle lang pala ang katext mo, bunso. Boto naman ako sa batang iyon para sa iyo dahil katulad ng kapatid niyang si Nikolai ay napakabait rin nun. Basta’t pag-aaral lang ang unang prioridad niyo ay ayos lang sa akin kung maging gerlpren mo man siya, anak.” nakangiting sabi ni Mama at mas lalo pang namula na parang kamatis ang mukha ni Haru doon.
Napangiti nalang ako dahil talagang nagbibinata na ang bunso kong kapatid. Masyado rin itong matangkad sa height na 187cm kaya pambato talaga ito sa basketball competition ng school nila dahil siya ang pinakamatangkad at flexible player sa team nila.
Pagkatapos naming paliguan si Blair ay ako na ang nag-asikaso at nagbihis sa kanya habang sina Mama at Haru naman ang nagligpit ng inflatable swimming pool at sa pagtanggal ng tubig dito.
Balak pa nga yatang magswimming si Haru sa swimming pool ni Blair pero pinagalitan lang siya ni Mama at sinabing baka masira pa iyon dahil sa tangkad at laki niyang tao kaya lukot na lukot ang mukha ni Haru sa pagkabigo doon na ikinatawa ko nalang.
Habang pinapahiran ko ng baby lotion si Blair sa balat niya ay nasurpresa naman ako nang pumasok si Nikolai sa loob ng kwarto namin habang nakangiti ito.
Nakasuot siya ng puting printed t-shirt, dark jeans at puting rubber shoes. Hindi rin nawawala ang suot nitong silver rolex na iniregalo pa raw sa kanya nina Eiselle at Cristina noong mag 22nd birthday siya last month. Mas matanda lang siya sa akin ng isang taon katulad rin ni Leigh.
“Wala kang pasok?” tanong ko kay Nikolai.
“Wala pero bukas meron na. Pasyal tayo ngayon kasama si Blair? Ipinagpaalam ko na kayo kay Tita Encar at pumayag naman siyang ilabas ko kayo.” nakangiting sabi ni Nikolai.
Ngumiti at tumango naman ako sa sinabi ni Nikolai dahil gusto ko rin na kahit papaano’y makapasyal si Blair sa labas.
Binihisan ko ng dress si Blair na dala ni Leigh noong magpunta siya dito sa bahay. Pati ang sandals na suot ni Blair na imported pa raw at galing sa Germany ay isinuot ko na rin sa kanya. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Leigh ang sukat ng damit at paa ni Blair dahil sakto lang ito sa kanya.
Nagbihis ako ng sleeveless ruffled top at high waist jeans. Inilugay ko naman ang mahaba at itim kong buhok at nagmake-up ng slight. Nagsandals lang rin ako katulad ni Blair at nagdala ng shoulder bag na may iilang mga gamit niya.
Nang makapagbihis na kami ni Blair ay lumabas na kami sa loob ng kwarto kung saan ay nag-aabang sa labas si Nikolai. Naabutan naman namin sa sala si Mama na nakangiti sa amin.
“Aalis na ba kayo, Nikolai?” magiliw na tanong ni Mama kay Nikolai.
“Opo, Tita. Ako na pong bahala sa mag-inang ’to.” nakangiting sabi naman ni Nikolai at siya na ang kumarga kay Blair na gustong-gusto namang magpakarga sa kanya.
“O, siya at mag-iingat kayong tatlo.” bilin ni Mama sa amin.
Hinalikan pa muna namin sa pisngi si Mama bago kami umalis ng bahay. Habang naglalakad na kami ni Nikolai sa paradahan ng mga jeep ay napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan silang dalawa ni Blair na nag-uusap.
“Gusto mong mag Jollibee tayo, Blair?” tanong ni Nikolai kay Blair.
Magana namang pumalakpak si Blair nang marinig niya ang salitang Jollibee kay Nikolai.
“Opo! Jollibee tayo, Papa pero gusto ko sama atin si Daddy.” sabi naman ni Blair na ikinakunot ng noo ni Nikolai at bigla itong lumingon sa akin.
“Daddy? Sinong daddy ang tinutukoy ni Blair?” mariin niyang tanong.
Bumuntong-hininga naman ako. “Si Leigh. Magaan ang loob ni Blair sa kanya at siguro ay tinuruan na siya ni Leigh na tawagin siyang Daddy kaya Daddy na ang tawag ni Blair sa kanya. Nagkaayos at nagkasundo na lang rin kami ni Leigh para sa financial support ni Blair dahil responsibilidad niya ’yon bilang ama ni Blair.” sabi ko.
Tumango naman si Nikolai sa sinabi ko pero seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. “Tama lang naman ’yon pero Adi, sinasabi ko na sa’yo ’to, huwag na ’wag mo nang babalikan si Leigh kung ayaw mong masaktan ka ulit.” madiin niyang paalala sa akin.
“Alam ko ’yon, Nikolai. Wala na rin akong nararamdaman kay Leigh kaya hindi ko na siya babalikan pa.” sabi ko at nginitian siya.
Napangiti na rin doon si Nikolai hanggang sa makarating na kami sa paradahan ng mga jeep at sumakay ng jeep papunta sa isang kilalang mall na malapit lang sa lugar namin.
“May motor na akong kinuha pero ayoko namang isakay kayo do’n ni Blair dahil baka maaksidente pa tayo sa daan kung ’yon ang gagamitin ko ngayon.” banggit ni Nikolai habang nakasakay na kami sa loob ng jeep.
Iyong ibang mga pasahero ng jeep na kasama namin ay napapatingin pa sa amin lalo na kay Nikolai na sinusulyapan ng iilang mga babae.
Wala talaga! Masyadong gwapo itong bestfriend ko kaya nakaw atensyon pa rin siya kahit nasa public transportation kami.
“Magkano naman ang kuha mo sa motor mo?” tanong ko.
“250 thou din. Kailangan kong hulog-hulugan ng 10 thou kada buwan.” sagot niya.
“Ha? May babayaran ka pa pala sa motor mo tapos niyaya mo pa kaming mamasyal ngayon ni Blair? Baka naman maubos na ’yang pera mo dahil sa amin.” nag-aalala ko namang sabi.
“Minsan lang naman ’to saka may ipon talaga ako para sa inyo ni Blair. Nakabayad na rin naman ako ng advanced 2 months down payment sa motor kaya wala na akong babayaran ngayon do’n.” sabi ni Nikolai at kinindatan pa ako.
Napakabait talaga ni Nikolai sa amin ni Blair. Hindi niya kami kinakalimutan at pinapabayaan. Imbes na sa sarili nalang niya ilaan ang pera at oras niya ay ibinibigay pa niya ito sa amin ni Blair. Sinabi lang niya noon na kami ni Blair ang kaligayahan niya at hayaan ko nalang siya sa gusto niya kaya wala na akong magawa doon.
Nang makarating na kami sa mall ay nagyaya kaagad si Blair sa Jollibee kaya sinunod iyon ni Nikolai. Paborito ni Blair ang jolly spaghetti at yumburger ng Jollibee kaya nag-order ng dalawang set nun si Nikolai bukod sa order pa naming meal.
Pagkatapos naming kumain sa Jollibee ay nagpunta naman kami sa Quantum at nilaro si Blair sa isang kotse-kotsehan na gumagalaw at tumutunog. Tuwang-tuwa naman ang anak ko habang nakaalalay sa kanya si Nikolai doon.
Nagturo naman si Blair sa isang claw machine na may mga stuff toys sa loob kaya nagpapalit muna ng tokens si Nikolai sa counter bago ito maglaro sa claw machine.
Noong high school pa lang kami ay marunong na talagang maglaro ng claw machine si Nikolai at ibinibigay niya rin sa akin ang mga nakukuha niyang stuff toys sa claw machine.
Nang makabalik na si Nikolai ay nagsimula na siyang maglaro sa claw machine at tatlong medium size stuff toys na mga characters sa Pokemon ang nakuha niya dito bago naubos ang tokens niya. Tuwang-tuwa ulit si Blair dahil dumadami na naman ang mga laruan niya nang dahil kay Nikolai.
Isang oras rin ang tinagal namin sa Quantum bago muling nagyayang kumain si Nikolai. Sa Chowking na kami kumain dahil sinabi kong nag-crave akong bigla sa halo-halo.
Habang kumakain kami at sinusubuan ko ng kaunting leche-flan sa kinakain kong halo-halo si Blair ay laking gulat ko nang makitang papasok sa loob ng Chowking si Leigh at kasama nito ang isa sa mga kaibigan niya noong high school palang kami na si Neymar Fontanez.
Nagulat rin siya nang makita kami pero kaagad namang sumeryoso ang ekspresyon ng mukha niya nang makita niya sa tabi ko si Nikolai na natahimik bigla nang makita rin si Leigh.
Umupo sila sa isang bakanteng table at pagkatapos ay nagpunta muna sa counter si Neymar para siguro umorder ng pagkain nila ni Leigh. Tinitignan pa niya kami ni Nikolai habang nakataas ang isang kilay nito.
“Sa dami ng pwede nilang kainan ay dito pa talaga?” rinig kong mahinang sabi ni Nikolai at umiling ito.
Kinuha niya sa akin bigla si Blair at siya na ang nagpakain dito. Nang muli ko namang nilingon si Leigh ay nakatingin pa rin ito sa amin at nakikita ko sa mga mata niya ang sakit, selos at pagsisisi pero para saan naman?
Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya at itinuloy na ang pagkain ko. Sina Nikolai at Blair naman ay nag-uusap ulit at nagtatawanan pa. Mukhang hindi naman napapansin ni Blair ang totoong daddy niya na nasa kabilang table lang dahil aliw na aliw ito kay Nikolai.
“Papa, tenk you po sa laruan ko na bigay niyo sakin.” sabi ni Blair kay Nikolai at hindi ko mapigilang mapangiti doon.
Bata pa si Blair pero marunong na itong magpahalaga at magpasalamat sa mga bagay na natatanggap niya. Naturuan namin siya nila Mama, Lola, Kuya Hideyo at Haru na maging appreciative sa blessings na natatanggap niya.
Napangiti rin do’n si Nikolai at marahan nitong hinaplos ang buhok ni Blair. “You’re always welcome, Blair. Bibigyan pa kita ng mas maraming laruan basta’t magpapakabait ka lang, ha?” sabi nito kay Blair na ngumiti at tumango naman sa sinabi niya.
“Opo, Papa!” sabi ni Blair at muling nagpasubo ng halo-halo kay Nikolai.
Hindi ko na naman maiwasang lumingon sa kinaroroonan nila Leigh. Nahuli kong nakatingin ito sa amin maging pati na rin si Neymar na busy sa pagkain nito. Hinagod-hagod ni Neymar ang likod ni Leigh na masama na pala ang tingin kay Nikolai.
Anong problema niya? Bakit ganyan siya makatingin kay Nikolai?
Pagkatapos naming kumain sa Chowking ay nagyaya pang manood ng sine si Nikolai na hindi ko naman matanggihan. Disney: Encanto ang napili naming panoorin dahil iyon ang itinuro ni Blair na panoorin raw namin sa mga posters na nakadisplay sa labas ng Cinema.
Bumili na ng tickets at nag-order ng dalawang set ng popcorn at bottled water si Nikolai bago kami pumasok sa loob ng sinehan.
Nagustuhan naman ni Blair ang palabas na Encanto at mahigit dalawang oras rin bago natapos ang movie. Pagkalabas namin sa loob ng sinehan ay hindi ko inaasahan na nakaabang lang pala sa amin sa labas si Leigh at kasama pa rin nito si Neymar.
“Daddy!” masayang sambit ni Blair nang makita niya si Leigh.
Nagpababa na ito mula sa pagkakarga sa kanya ni Nikolai saka ito tumakbo papalapit kay Leigh na kinarga naman siya kaagad.
“Ang anak kong maganda at cute na si baby Blair.” nakangiti namang sabi ni Leigh kay Blair at hindi nakatakas sa akin ang pasimpleng pagngisi niya kay Nikolai na tumiim-bagang nalang sa ginawa niya.
“Anong ginagawa niyo dito?” mariin kong tanong kay Leigh nang lumapit ako sa kanila.
“Bakit? Masama bang nandito kami ni Neymar? Naistorbo ko ba ang bonding time niyo ng bestfriend mo kasama ang anak ko?” sarkastikong sagot ni Leigh na ikinatawa pa ng mahina ni Neymar.
Napailing naman ako. “Uuwi na kami-”
“Bakit naman? Hindi ko na nga kayo inistorbo kanina sa loob ng Chowking tapos ngayon na kasama ko na ulit si Blair ay uuwi na kayo kaagad para malayo niyo siya sa akin? Nag-usap na tayo na anytime ay pwede kong makasama si Blair kung gugustuhin ko.” sabi ni Leigh habang pinupunasan nito ang noo ni Blair na may kaunting pawis.
“Pauwiin mo na ’yang bestfriend mo, Adi. Bigyan mo naman ng time si Leigh para makasama ang anak niya.” pagsabat ni Neymar kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Lumapit na sa amin si Nikolai at kinuha nito bigla si Blair mula kay Leigh.
“Pagod na ’yung bata kaya uuwi na kami.” walang emosyong sabi ni Nikolai na ikinagalit naman ni Leigh at dinuro nito si Nikolai.
“You! Anak ko ’yang karga mo at wala kang karapatang sabihin ’yan sa’kin. Tsaka pwede bang lumayo ka na sa mag-ina ko dahil-”
“Mag-ina mo? Paano mo nasasabi ’yan kahit iniwan at inabandona mo sina Adi at Blair dito sa Pilipinas? Nagpapaka-ama ka na ngayon sa kanila dahil mukhang nagsisisi ka na sa katangahan mo noon?” sabi naman ni Nikolai at tumawa ito ng sarkastiko.
Binigay niya na sa akin si Blair kaya ako na ang kumarga dito.
“What? Gago ka, ah? Don’t talk to me like that because you’re just a nobody!” sigaw ni Leigh sa galit at bigla niyang itinulak si Nikolai sa dibdib nito kaya napatingin sa amin ang iilang tao sa labas ng sinehan.
Kaagad naman itong inawat ni Neymar at pilit inilalayo kay Nikolai na anytime ay para na ring sasabog sa galit.
“Leigh, calm down, bro! Huwag ka nang gumawa ng eksena dito.” madiing bulong ni Neymar kay Leigh na narinig naman namin.
“Tara na, Adi.” hinila na ako ni Nikolai habang karga ko pa rin si Blair at naglakad na kami papalayo kina Leigh at Neymar.
“Tangina mo, Nikolai! Humanda ka sa susunod. Hindi mo makukuha sa’kin ang mag-ina ko!”
Narinig pa namin ang malakas na sigaw at pagmumura ni Leigh sa malayo na ikinabuntong-hininga ko nalang. Warfreak talaga siya kahit na kailan!
Lumabas na kami nina Nikolai sa loob ng mall at sa hindi ko inaasahan ay makakasalubong pa namin sa labas sina Ahnwar at Ahzik na hindi na nawala sa isip ko nitong mga nagdaang araw.
“Nikolai?” gulat na tanong nina Anhwar at Ahzik nang makita nila kami sabay lingon kay Nikolai at sa karga kong si Blair.
“Kayo po pala, Sir Ahnwar at Ahzik.” saad naman ni Nikolai sa dalawa na mas lalo ko pang ikinagulat.
Magkakilala sila?
Regards to Neymar Jr! One of my favorite football player along with Cristiano Ronaldo and Leo Messi. #Happy
FBD
Chapter 8
Dahil birthday daw ngayon ng nakababatang kapatid nina Ahnwar at Ahzik na si Danielle ay niyaya nila kami ni Nikolai na maki-birthday sa bahay nila. Mukha namang kaclose ni Nikolai ang dalawang boss niya dahil nag-uusap at nagtatawanan pa ang mga ito habang nasa loob kami ng kotse ni Ahnwar patungo sa bahay raw nila.
Hindi alam ni Nikolai na nakilala ko na sina Ahnwar at Ahzik mula sa pinagtatrabauhan kong Supermarket kung saan niya ako nirefer doon. At hindi ko rin alam na uncle pa pala ng triplets ang may-ari ng Supermarket kaya kilala nila si Nikolai at boss ang tawag ni Nikolai sa kanila.
What a small world! Kilala ni Nikolai ang may mga sayad yata sa utak na dalawang magkapatid sa triplets na sinabing liligawan daw nila ako and take note! Hinalikan pa nila ang magkabilang palad ko dahilan para hindi ko na sila maialis sa isipan ko.
“I’m glad that we saw you on that mall. Mabuti na lang at naisipan namin ni Ahzik na pumunta sa mall to buy a gift for Danielle’s 14th birthday.” nakangiting sabi ni Ahnwar kay Nikolai at sandali itong sumulyap sa amin ni Blair sa backseat ng kotseng kinauupuan namin.
Iyong mga tingin ni Ahnwar ay nakakatunaw at nakakailang kaya kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya nang magtama ang mga mata namin.
“Birthday nga pala ni Danielle ngayon, no? Ipinasyal ko lang kasi ’tong bestfriend kong si Jianna Adiel at ang anak niyang si Blair sa mall dahil day off ko naman sa work ko. Gawain na namin ’to ng mag-ina, mga sir nang lumalaki na si Blair. “ sabi naman ni Nikolai at nginitian niya ako pagkatapos.
Bakit naman kaya full name ko pa ang pakilala ni Nikolai sa akin kina Ahnwar at Ahzik? Hindi ba pwedeng Adi nalang para mas maikli?
Bigla ay sumeryoso ang mukha nina Ahnwar at Ahzik nang banggitin iyon ni Nikolai at dumiretso nalang ang tingin nila sa binabagtas naming daan.
“Childhood friend ba kayo?” mariing tanong ni Ahzik kay Nikolai na nakatutok pa rin sa daan ang paningin niya. Nakaupo siya sa front seat habang si Ahnwar naman ang nagmamaneho sa driver’s seat.
“Yes, sir. Napamahal na rin sa akin si Blair na anak ni Jianna kaya Papa na ang tawag sa akin ni Blair.” sagot ni Nikolai na walang ideya na parang hindi nagugustuhan ng magkapatid ang sinasabi niya.
“Oh?” sambit naman ni Ahnwar at tunog sarcastic pa iyon na hindi naman napansin ni Nikolai at tumawa lang ito.
Kung pwede lang ay gusto ko nang tumakas at tumalon mula sa kotseng ito dahil ang awkward talaga na kasama ko ang dalawa sa tatlong triplets na nagbabalak pang ligawan ako kahit hindi ko naman sila totally kakilala.
Ang lakas talaga ng amats nila para ako pa ang ligawan nila. Hindi ba nila nakikitang wala silang mapapala sa akin? Bukod sa mahirap lang ako, hindi sobrang maganda at sosyal at naanakan pa ng siraulong lalake na nagwala lang kanina sa loob ng mall ay liligawan pa nila ako?
Ano bang nakita nila sa akin?
Nakahinga lang ako ng maluwag nang mag-iba na ang topic nila at hindi na ako o si Blair ang pinag-uusapan nila. Mukhang kaclose talaga ni Nikolai sina Ahnwar at Ahzik dahil kilala pa niya ang nakababatang kapatid ng dalawa sa triplets.
Mahigit isang oras rin ang nakalipas nang makarating na kami sa bahay- ay hindi pala, mansyon na ito kung tutuusin dahil sa taas ng palapag ng mansyon at modernong disenyo nito. Mukhang palasyo pa sa lawak at laki. May fountain rin sa labas ng bahay at maze garden na napapalibutan ng mga bulaklak, mga halaman at puno.
Seryoso? May ganito palang klase ng mansyon dito sa Pilipinas? Rich kid pala talaga ang triplets at nakakahiyang nililigawan nila ang isang muchacha na katulad ko!
“Ganda bahay, Mama! Parang bahay ng princess sa papanood ko sa tv!” namamanghang sabi ni Blair habang nililibot niya ng tingin ang mansyon nina Ahnwar at Ahzik nang makalabas na kami sa loob ng kotse.
“Yes, baby ko.” sagot ko nang nakangiti kay Blair.
Narinig naman ni Ahzik ang sinabi ni Blair kaya lumapit ito sa amin at bigla niyang kinuha si Blair sa akin at siya na ang kumarga dito.
“Blair, gusto mo bang palaging maglaro dito sa bahay namin? Marami kaming toys sa loob na toys rin dati ng mga kapatid ko.” nakangiting tanong ni Ahzik kay Blair na tumango at pumalakpak kaagad sa sinabi niya.
“Opo. Gusto ko po maraming toys!” sabi naman ni Blair na mas lalo pang ikinangiti ni Ahzik.
May kung anong humaplos sa puso ko nang makitang magaan na ang loob ni Blair kay Ahzik. Hindi talaga mahirap pakisamahan ang anak ko basta’t banggitin lang ang salitang toys o laruan sa kanya. Kaya nga nagkasundo na rin sila kaagad ni Leigh nang dahil lang sa laruan na ibinigay nito para kay Blair.
“Mabait talaga ’yang si Sir Ahzik at mahilig sa mga bata. May ini-isponsoran pa nga siyang bahay ampunan at nagbibigay siya every month ng donation sa kanila.” sabi ni Nikolai na nasa tabi ko lang.
Napatango naman ako doon. Mukha nga namang mabait si Ahzik. Hindi ko lang talaga feels na masyado silang mabilis ni Ahnwar at gusto na kaagad akong ligawan kahit kakakilala palang nila sa akin.
Pumasok na kami sa loob ng mansyon nina Ahnwar at Ahzik. May mga maids sila pero hindi ito gaano karami na inaasahan ko sana dahil sa laki at lawak ng mansyon nila.
Nakarating kami sa garden ng mansyon nila at medyo marami ang mga bisita. Isang simpleng birthday celebration ang nadatnan namin pero maraming mga pagkain ang nakahain sa pahabang lamesa, mga balloons na nakakabit sa paligid ng garden at may mga nagsu-swimming pang mga kabataan sa swimming pool ng garden na mukhang kaedad lang ng birthday celebrant na si Danielle ang mga ito.
“Mom, Dad!” sinenyasan naman kami nina Ahnwar at Ahzik na lumapit sa dalawang mag-asawa na nakaupo sa isang table na sobrang gwapo at maganda.
Mom at Dad? Seryoso ba sina Ahnwar at Ahzik na magulang nila ang mga ito? Bakit mukhang magkakapatid lang naman yata sila?
“Nandito na pala kayo,” nakangiting sabi ng Mom nina Ahnwar at Ahzik na nakaka-intimidate ang ganda at kasexyhan sa suot nitong itim na dress.
Kamukha niya si Megan Fox na isang hollywood actress. Ang ganda rin ng kulay blue-grayish niyang mga mata na siguradong doon nakuha ni Ahmed ang kulay ng mga mata nito.
“Yes, Mom. Sila Nikolai, Jianna at Blair nga pala.” nakangiting pakilala sa amin ni Ahnwar sa mga magulang niya.
Kamukha-kamukha ng triplets ang Dad nila. Mukha lang ring mga nasa 30’s ang edad nito katulad ng Mom nila. Kulay hazelnut brown eyes ang kulay ng mata nito na halatang namana nina Ahnwar at Ahzik.
“Hello! I’m Trevor, Ahnwar and Ahzik’s father. Anak mo ba ’tong karga ni Ahzik, hija?” nakangiting tanong sa akin ng Dad nina Ahnwar at Ahzik.
“Ah, opo. Anak ko po siya. Blair po ang pangalan niya.” nahihiya ko namang sagot.
“I like the greyish eyes of your daughter and I bet that her father was a foreigner. Maganda ka ring bata at medyo kamukha mo ang anak mo. I’m Rica. Mother nina Ahnwar at Ahzik.” sabi naman sa akin ng Mom nina Ahnwar at Ahzik.
Ang bait naman nilang mag-asawa sa amin nina Blair at Nikolai. Nang tinignan ko si Nikolai ay ngumiti lang siya sa akin.
“Salamat po. Half German po ang tatay niyang nakabuntis sa akin.” sabi ko at biglang humina ang boses ko dahil sa huling nabanggit ko.
Mukhang napansin naman kaagad nina Ma’am Rica at Sir Trevor na may problema ako sa ama ni Blair kaya iniba nalang nila ang usapan at ipinakilala nila sa amin ni Nikolai ang birthday celebrant na si Danielle at ang mga kapatid rin ng triplets na sila Ryder, Yesheem at Sahara. Mga teenager at bata pa ang mga ito. Parehong gwapo at magaganda. Ang triplets pala ang panganay sa kanilang pitong magkakapatid.
Aliw na aliw sina Yesheem at Sahara kay Blair kaya hiniram muna nila sa akin ang anak ko at gusto nilang makipaglaro dito. Ibinigay ko nalang kay Yesheem ang bag kong naglalaman ng mga gamit at extrang damit ni Blair dahil gusto raw nilang magswimming sa pool at isama si Blair. Panatag naman ang loob ko na ipagkatiwala si Blair sa kanila dahil may maid naman silang kasama na mag-aassists sa kanila.
“Did you know the polyandry set-up, Jianna? Bukod kay Dad Trevor ay may apat pang asawa si Mom na Dad nila Danielle, Ryder, Yesheem at Sahara.” banggit ni Ahnwar habang kumakain kami sa isang table kasama sina Nikolai at Ahzik.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Alam ko ang Polyandry relationship set-up dahil minsan ay nakakabasa ako ng ganoong klaseng story genre sa mga librong nababasa ko. Kadalasan ay maraming gaanong stories sa mga english novels na nababasa ko.
“Talaga? Nasaan na pala ’yung mga Dad ng mga kapatid niyo?” tanong ko kay Ahnwar.
“Nasa amerika ngayon ang Dad ni Danielle at baka next week pa ’yon makauwi dito sa Pilipinas. They have a dine-in restaurant business in United States at kailangang i-manage ni Dad Essam ’yon. Iyong Dad naman nila Ryder, Yesheem at Sahara ay busy rin sa mga trabaho nila pero baka mamaya ay ma-meet mo rin sila dahil uuwi rin naman sila dito to celebrate Danielle’s birthday.” sagot naman ni Ahnwar at hinawakan niya ang isang kamay ko na medyo ikinagitla ko pa.
Napansin iyon ni Nikolai pero wala itong sinabi at umiwas lang ng tingin sa amin ni Ahnwar.
“Ahmed will come here right now with his bestfriend.” banggit ni Ahzik na busy sa paggamit ng cellphone nito.
“Tss.” sagot naman ni Ahnwar at umiling ito.
Para saan naman ang pag-iling na iyon? May problema ba sila kay Ahmed at sa bestfriend daw nito?
Hindi na rin naman naging awkward na kasama ko ngayon sina Ahnwar at Ahzik. Hindi nila binabanggit kay Nikolai na nakilala na nila ako sa Supermarket at nagbabalak pang ligawan ako.
Kaswal lang ang pag-uusap namin at doon ko nakita na hindi naman pala masama kung makipaglapit rin ako kina Ahnwar at Ahzik except kay Ahmed na hindi ko alam kung bakit ang sungit niya pagdating sa akin.
Sinulyapan ko mula sa swimming pool si Blair kasama sina Yesheem at Sahara. Hawak ni Yesheem si Blair habang nasa gilid lang sila ng mababaw na parte ng pool. Napapaligiran naman sila ni Danielle at ng iba pa nitong mga kaibigan na mukhang nacute-tan kay Blair. Inaaliw nila ang anak ko at hindi ko mapigilang hindi mapangiti doon.
“We really love kids, Jianna. Look at my siblings, they love to play with Blair.” sabi sa akin ni Ahnwar.
Tumango at ngumiti naman ako doon. “Enjoy na enjoy nga si Blair na makipaglaro sa kanila.” saad ko.
Tinitigan pa ako ni Ahnwar ng ilang segundo bago ito tumikhim at naunang nagbawi ng tingin sa akin. Napansin ko naman ang biglang pamumula ng tenga at mukha niya na ipinagtaka ko.
“Brother, you’re obvious.” nakangising sabi ni Ahzik kay Ahnwar na mas lalo ko pang ipinagtaka.
“S-shut up, Ahzik!” nahihiya namang sabi ni Ahnwar at napahawak nalang ito sa batok niya at yumuko ng kaunti.
Ah, gets ko na. Ang cute naman ng lalakeng ito kapag nagba-blush haha.
Bigla ay nagpaalam sa akin si Nikolai para magyosi muna sa labas ng mansyon nina Ahnwar at Ahzik. Tumango nalang ako sa sinabi niya kaya naiwan ako sa table namin na ang dalawang magkapatid nalang na ito ang kasama ko.
“We didn’t know that you’re related with Nikolai, Jianna. Sasabihin na namin sa kanya mamaya na liligawan ka namin.” pag-imik ni Ahnwar habang seryoso itong nakatingin sa akin.
Nanlaki naman ang mga mata ko doon. “Talaga bang seryoso kayo sa plano niyong ligawan ako? Ahnwar at Ahzik, single mother ako at-”
“We like you, Jianna at seryoso talaga kami sa panliligaw namin sa’yo. Wala kaming pakialam kung may anak ka na. We can be a good stepfather for Blair. Hindi ka namin minamadali para sagutin kaagad kami but please? Let’s give us a chance. We can have a polyamory set-up with you.” sabi naman ni Ahzik na nagmamakaawa na sa akin.
Pumikit ako ng mariin dahil pati puso’t-isip ko ay naguguluhan na rin nang dahil sa kanila. Idagdag pa na kahit masungit si Ahmed ay hindi na rin siya nawala pa sa isipan ko.
Polyamory set-up? Bago ito sa akin at mukhang sumusunod na rin yata ako sa yapak ni Ma’am Rica.
Hindi ako nababagay kina Ahnwar at Ahzik pero talagang naaawa rin ako sa kanila dahil mukhang seryoso naman sila sa akin.
Wala naman sigurong masama kung bigyan ko sila ng tsansa para ligawan ako, hindi ba? Ligaw pa lang naman, e.
Pero handa na ba akong magmahal ulit? Magiging katulad lang rin ba sila ni Leigh na sa huli ay sasaktan lang ako at iiwan?
“Hindi kami kasing gago ng ex-boyfriend mo para iwanan ka pagkatapos kang buntisin, Jianna. You’re precious and lovable woman to raise your child alone. Ahzik and I envy you for that.” sabi ni Ahnwar at nginitian niya ako na mas lalo pang nagpagaan sa puso ko.
Bahala na! Like ko na rin naman sila ng slight kaya susugal na lang ako at papayag na magpaligaw sa kanila. Nagtitiwala ako sa sinabi nilang hindi nila ako sasaktan at iiwan kung sakali mang mag level-up ang kung anumang panliligaw ang gagawin nila sa akin.
Tumango ako ng dahan-dahan kaya nagulat doon sina Ahnwar at Ahzik. Ngumiti pa nang mas malawak ang mga ito at parang hindi pa makapaniwala sa naging tugon ko.
“Oh shit, bro! Am I dreaming? She really said yes?” hindi makapaniwalang tanong ni Ahzik kay Ahnwar na tinawanan lang siya at tinapik ang balikat nito.
“You’re not dreaming, bro. We can court Jianna now.” masayang sagot naman ni Ahnwar at hinawakan niya ang isang kamay ko.
Naghuhurumentado na ang puso ko at para bang anumang oras ay kakawala na ito sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. Ngayon ko lang talaga ulit ito naramdaman pagkatapos ng limang taon.
“A-ayan na, request granted na kayo pero ’wag kayong mag-expect na kaagad ko kayong sasagutin. Nagta-try lang ako dahil mabait kayo kay Blair.” masungit kong sabi na medyo nauutal at nahihiya pa.
Tumawa naman ng mahina sina Ahnwar at Ahzik sa sinabi ko at nagulat nalang ako nang pareho nila akong inakbayan.
Ang ganda ko naman! May dalawa akong naggagwapuhang manliligaw na magkamukha pa at handang maging stepfather ni Blair.
Ako na talaga ang reyna pagdating sa pahabaan ng buhok!
“They’re here,” sabi ni Ahzik na biglang nawala ang ngiti nang may makita kaming dalawang matatangkad na lalakeng naglalakad papalapit sa amin.
Nang makalapit na sila ay kaagad kong nabungaran ang gulat na mukha ni Ahmed nang makita niya ako. Hindi na ako masyadong nagulat nang makita siya dahil kapatid siya ng triplets pero ang lalakeng kasama niya ay gulat na gulat rin nang makita ako at maging pati ako ay nagulat at hindi makapaniwala na makita ko siya dito.
Pinaglalaruan ba talaga kami ng tadhana?
“Jianna, you already knew Ahmed, right? ’Yang kasama niya ay si Kyrie, bestfriend niya.” nakangiting pakilala sa akin ni Ahzik sa lalakeng kasama ni Ahmed.
Si Kyrie.
Hindi ako makapaniwalang bestfriend pa siya ni Ahmed!
“Kyrie, this is Jianna Adiel. Ahzik and I are now courting her.” nakangising sabi naman ni Ahnwar kay Kyrie na mas lalo pang nagulat sa sinabi niya.
Maging pati si Nikolai na kadarating lang mula sa labas ng mansyon ay tila nagulat sa sinabi ni Ahnwar.
“C-courting her?” gulat na tanong ni Kyrie sa dalawang magkapatid.
“Yes.” sabay na sagot nina Ahnwar at Ahzik.
Sumasakit ang ulo ko sa nangyayari ngayon!
Pinaglalaruan talaga
kami
ng tadhana.
Insecurities and hatred can’t help you to grow as a good and matured person.
Chapter 9
Hindi ako halos makatingin ng diretso kina Nikolai, Kyrie at Ahmed habang nasa iisang table kami kasama ang mga magulang ng triplets na sina Ma’am Rica at Sir Trevor maging pati na rin ang kadarating lang na mga ama ng iba pang kapatid ng triplets na sila Sir Zian, Wenhan at Ran.
Sinabi na ni Ahnwar at Ahzik sa mga magulang niya na nililigawan na nila ako. Hindi ko naman inaasahan na ayos lang iyon sa pamilya nila dahil nag-aalangan pa rin ako sa estado ng buhay ko kumpara sa estado ng buhay nila. Nakikita ko na tanggap nila ako para sa mga anak nila. Tanggap rin nila ako kahit na may anak na ako. Wala naman raw kasing kaso sa kanila kung single mother ako.
Talaga ngang napakabait ng pamilya ng triplets. Hindi nila kami itinuturing na ibang tao nina Blair at Nikolai kahit na lumaki kami sa hirap at hindi mayaman na katulad nila.
Hanggang ngayon ay kasama pa rin ni Blair sina Yesheem at Sahara. Kakatapos lang nilang maligo sa pool at ngayon naman ay nasa loob sila ng mansyon para raw ipakita at ipalaro kay Blair ang mga laruan nilang pinaglumaan na noon pang mga bata pa sila.
“Saan niyo ba unang nakita si Jianna, sons?” nakangiting tanong ni Sir Zian kina Ahnwar at Ahzik.
“Sa Supermarket nina Tita Sheena at Tito Alden, Dad.” sagot naman ni Ahzik habang nakangiti rin ito.
“Really? You’re an employee there, Jianna?” tanong sa akin ni Sir Wenhan.
“Opo. Cashier po ako sa Supermarket na ’yon. Si Nikolai po ang nagpasok sa akin sa trabaho doon.” sabi ko at sinulyapan si Nikolai na ngumiti lang sa akin ngunit hindi umabot sa tenga nito ang ngiti niya.
May problema ba siya? o baka nabobored lang?
“That’s great. Sister ko at ang asawa niya ang may-ari ng Supermarket kung saan ka nagtatrabaho. Pwede kong sabihin sa kanila na ilagay ka doon sa mas mataas na posisyon.” sabi ni Sir Wenhan kaya kaagad akong umiling doon.
“Nako, hindi niyo na po kailangang gawin ’yon. Ayos na po sa’king maging cashier nalang muna sa Supermarket ng kapatid niyo at ng asawa niya saka hindi pa po ako nakakapagtapos ng high school dahil maaga po akong nabuntis noon. Nakakahiya naman pong ilalagay niyo ako sa mataas na posisyon dahil wala po akong mataas na educational background.” mahina kong sabi.
Tila natigilan naman silang lahat sa sinabi ko at nakita ko sa mga mata nila ang awa para sa akin. Ayoko mang kaawaan ako ng ibang tao pero mas maganda nang maging tapat ako sa kanila.
“You’re just like me before, hija. I was only 18 years old when I got pregnant by my first boyfriend na kapatid ni Trevor.” biglang banggit ni Ma’am Rica.
Nagulat naman ako sa sinabi niya at tumingin kay Sir Trevor na ngumiti lang sa akin. “Talaga po?” tanong ko kay Ma’am Rica.
“Yes, Jianna. Nabuntis ako at nawala rin ng mabilisan ang unang naging anak ko dahil nakunan ako. Nahinto rin ako sa pag-aaral noon dahil nabuntis ako. Kahit na ganoon, naging matatag na lang ako para sa sarili ko. You can still finish your studies if you are ready at nandiyan naman ang mga anak ko para tulungan ka.” sabi ni Ma’am Rica na mas lalo ko pang ikinagulat.
May pinagdadaanan pala noon si Ma’am Rica at kinaya niya ito para sa sarili niya. Maaga rin siyang nabuntis katulad ko at ang nakabuntis pa sa kanya ay ang kapatid ni Sir Trevor. Hindi ko alam ang history ng love story nila pero mukhang marami silang pagsubok at hirap na naranasan noon.
Maswerte ako dahil hindi ako nakunan noong ipinagbubuntis ko pa lang si Blair. Alam kong masakit mawalan ng anak dahil sa tuwing nagkakasakit lang si Blair ay hindi na ako makakilos at makatulog ng maayos sa sobrang pag-aalala. Kung nabuhay pala sana ang anak ni Ma’am Rica ay may ate sana ngayon ang triplets at ang mga nakababata nilang kapatid.
“Mom is right, baby. Ahzik and I are now your suitors kaya gagawin namin ang lahat para lang matulungan ka namin at pati na rin si Blair. Hindi ka namin pababayaan, okay?” sabi ni Ahnwar at hinapit niya ang baywang ko na medyo ikinagitla ko pa.
Nakita iyon ni Kyrie na kaagad umiwas ng tingin sa amin. Si Nikolai at Ahmed naman ay nananatili pa ring tahimik magmula pa kanina.
“Nagmana talaga ’to sa tatay niya, oh. Hokage lang?” nakangising sabi ni Sir Ran kay Ahnwar nang mapansin niya ang ginawa nito sa akin na tinawanan lang naman ng mga Dads nina Ahnwar at Ahzik.
Nagtanong lang sa akin ang mga magulang nina Ahnwar at Ahzik tungkol sa pamilya ko. Hindi naman gaanong personal ang itinatanong nila kaya nasasagot ko ito ng maluwag at maayos.
Pagkatapos nila akong kausapin ay iniwan na nila kaming mga magkakaedad lang sa table namin at inasikaso na lang ang iba pang mga bisita ni Danielle sa birthday party nito.
Bumalot ang ilang minutong katahimikan sa table namin hanggang sa biglang magsalita si Ahzik.
“Hindi ba kayo masaya para sa amin ni Ahnwar, mga bro? May nililigawan na rin kaming babae at nakasundo na siya kaagad ni Mom at nila Dad.” nakangiting tanong ni Ahzik kina Ahmed at Kyrie.
Bigla ay tumayo si Kyrie mula sa kinauupuan niya at walang pasabi itong umalis sa table namin. Tumingin pa muna sa amin si Ahmed bago nito sinundan ang bestfriend niya.
“Anong nangyari do’n?” kunot-noong tanong ni Ahzik kay Ahnwar.
Nagkibit-balikat lang naman si Ahnwar sa sinabi ni Ahzik at muli itong bumaling sa akin.
“Kami na ni Ahzik ang maghahatid sa inyo ni Nikolai pauwi sa bahay niyo. Kailangan rin naming mameet ngayon ang pamilya mo para sabihing manliligaw na kami sa’yo ng opisyal.” seryosong sabi niya.
Napakagat-labi nalang ako sa sinabi ni Ahnwar dahil kinakabahan na ako kapag nakilala na nila Ahzik sila Mama Encar, Lola Andeng, Kuya Hideyo at Haru.
Hindi ko alam kung matatanggap ba nilang may lalake nang manliligaw sa akin hindi lang isa kundi dalawa pa at gusto ng mga ito ng polyamory relationship set-up sa akin.
Siguradong magugulantang doon ang pamilya ko at hindi ko pa alam kung magagawa nilang magtiwala kina Ahnwar at Ahzik sa malinis na intensyon ng mga ito sa akin.
Alam nila ang heartbreak na pinagdaanan ko noon kay Leigh na halos ikamatay ko na pero ngayon ay muli akong susubok na magmahal ulit lalo na’t nakikita ko na seryoso talaga sa akin sina Ahnwar at Ahzik.
Mabilis man na nagkagusto sila kaagad sa akin na ipinagtataka ko rin pero sa kadahilanang tanggap nila ang anak kong si Blair at wala silang pakialam kung mahirap lang ang estado ng buhay ko ay bibigyan ko sila ng tsansa para ligawan ako at patunayan ang sarili nila sa akin.
Magkaibang tao sina Ahnwar at Ahzik kumpara kay Leigh at alam kong hindi katulad ng dalawa sa triplets ang gago kong ex-boyfriend na ama ni Blair.
Ahmed
Sinundan ko si Kyrie na bigla na lang umalis sa table namin. Nakarating kami sa likod ng bahay at bigla nalang niyang pinagsisipa ang pader ng bahay namin at nagmura ito ng paulit-ulit.
I don’t know why he acts like this right now. Nakita ko naman ang iilang mga pasa sa braso at balikat niya na alam kong kagagawan na naman ng Dad niya.
“Kyrie, what’s the matter? May problema ba kayo ulit ng Dad mo? Is he-”
I was shocked when Kyrie glared at me. “Ahmed, ’yung tinutukoy kong babaeng nagugustuhan ko ay si Jianna Adiel ’yon! Iyong nililigawan ngayon ng mga kapatid mo!” he shouted at me.
Nabigla naman ako sa sinabi niya. She’s that girl that Kyrie was referring to?
“But why did you said before that she’s already your girlfriend?” I asked.
“Kasi doon rin naman papunta ’yon, Ahmed. Sinabi ko sa’yong girlfriend ko na si Adi dahil mahal ko siya at magseseryoso na rin naman ako sa isang babae. Hindi ko naman alam na dumidiga na rin pala ’yang mga kapatid mo sa kanya. What a small world, huh?” he said frustratedly at sinipa na naman niya ulit ang pader sa likod ng bahay namin.
Pinipigilan ko naman si Kyrie sa pagwawala niya and this is his natural behavior kapag nagagalit siya o hindi kaya’y may problema siya kaya nasanay na rin ako sa kanya.
His father was physically abusing him. Mga bata palang kami ni Kyrie ay hiwalay na sina Tito Marlon at Tita Emily pero si Tito Marlon ay hindi pa rin tumitigil sa panggugulo sa tahimik nang buhay nina Kyrie at Tita Emily.
Umuuwing palaging lasing si Tito Marlon sa bahay nina Tita Emily at Kyrie noon. Tita Emily was still in love with Tito Marlon at that time kaya pinapatuloy pa rin niya ito sa bahay nila ni Kyrie na malapit lang sa tinitirhan naming bahay noon.
Kapag nag-aaway ang mag-asawa tungkol sa pambababae noon ni Tito Marlon at dinadala pa nito minsan ang mga babae nito sa bahay nila Tita Emily at Kyrie ay doon nag-uumpisa ang pag-aaway nila. Si Kyrie ang palaging nagtatanggol kay Tita Emily kaya nasasaktan at nabubugbog rin siya ni Tito Marlon.
Nakulong na noon si Tito Marlon ng tatlong taon pero nakalaya na ulit ito dahil sa kapangyarihan at pera ng pamilya Gonzales. Muling lumipat at bumili ng bagong bahay sina Tita Emily at Kyrie pero sinundan na naman sila ulit ni Tito Marlon.
They move again to another house at malapit lang ito sa bago naming bahay which is technically they’re still our neighbors.
Nakikipagbalikan na si Tito Marlon kay Tita Emily pero ayaw na talaga ni Tita Emily sa kanya. Doon ay pisikal na nananakit ulit si Tito Marlon at dahil pinagtatanggol ni Kyrie ang Mom niya ay nararanasan niya muli ang physical abuse na ginagawa ni Tito Marlon sa kanila noong bata palang siya.
Kyrie has no good childhood since then at ako lang ang tanging naging kaibigan niya. He was also bullied in our school dahil drug addict daw si Tito Marlon which is true. He was judge to have a father like Tito Marlon at kahit mas nakababata ako sa kanya ng dalawang taon ay ako na ang tagapagtanggol niya sa mga nambubully sa kanya noon.
Namana ni Kyrie ang pagiging playboy ni Tito Marlon. Bata palang siya ay mulat na rin siya sa harap-harapang pambababae na ginagawa ng Dad niya kay Tita Emily. Kyrie adopted his father’s behavior.
He lost his virginity when he’s only 16 years old. Iyong kaklase kong babae na may gusto sa akin na si Trina ang naging first girlfriend noon ni Kyrie. Simula nang magka first girlfriend at first sex si Kyrie ay nasundan na iyon ng maraming beses hanggang sa tumanda na kami.
He’s fucking the girl he wants at ang iba doon ay may mga gusto sa akin. I don’t care about the girls kaya ayos lang kung patulan man niya ang mga babaeng nagkakagusto sa akin. Kyrie is hungry for attention dahil sa hindi niya magandang karanasan noong bata palang siya at hindi ko iyon ipinagkakait sa kanya.
“Kyrie, stop it!” Pagpigil ko kay Kyrie nang akmang sisipain na sana niya ang mga flower vase displays na may iba’t-ibang klase ng mga bulaklak na collection ni Mom sa gilid ng bahay namin.
“I want Adi, Ahmed! I want her kaya ’wag mong papayagan ang mga kapatid mong ligawan siya because Adi is mine!” unti-unti nang kumalma si Kyrie at huminga ng malalim para pigilan ang muli niyang pagwawala.
Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya.
That girl. I don’t know but there’s something in her na hindi ko maipaliwanag. Naiinis at nalilito rin ako sa bigla kong nararamdaman kapag nakikita ko siya.
I’m trying to stop this shit inside of me dahil hindi ako kasing tanga ng mga kapatid kong nagkagusto kaagad sa kanya sa unang araw palang na nakita namin siya.
What’s so special about her na pati ang bestfriend kong si Kyrie ay nagkagusto na rin sa kanya? Are they dumb to fallen in love with a girl who has a child?
At maging pati na rin si Mom at mga Dad ko ay gustong-gusto siya para kina Ahnwar at Ahzik.
How that happened? At bakit rin siya pumayag kaagad na magpaligaw sa mga kapatid kong ngayon lang niya nakilala?
Jianna Adiel Agustin. The name she mentioned to us earlier.
That’s her real name and it seems familiar to me.
Nagkita na ba kami noon pa? But that’s impossible dahil ngayon ko lang naman siya nakita at nakilala.
And about her daughter, I don’t know but I felt goosebumps while I’m looking at that child’s face. It’s very familiar to me.
“You don’t like Adi, Ahmed. Am I right?”
Nawala lang ako sa malalim kong iniisip dahil sa seryosong tanong ni Kyrie.
“Yes. I don’t like her.” sagot ko.
I’m sure that I don’t like her.
I’m sure of that.
Napangiti naman si Kyrie sa sinabi ko saka niya tinapik ang balikat ko. His mood changed quickly.
“Good job, Ahmed. Huwag ka nang dumagdag pa kina Ahnwar at Ahzik sa pagiging karibal ko pagdating kay Adi. You’re my bestfriend at alam kong hindi mo ako kailanman tatraydurin at aahasin nang dahil lang sa isang babae.” he seriously said that made me stopped.
“Right, bestfriend?” tanong pa ni Kyrie kaya tumango na lang ako doon.
I know that there’s something will happen after this.
Chapter 10
Isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang magpunta kami nina Blair at Nikolai sa mansyon ng Dela Vega Triplets para maki-celebrate ng birthday party ng kababata nilang kapatid na si Danielle at isang linggo na rin akong nililigawan nina Ahnwar at Ahzik.
Hindi ko lang talaga inaasahan na wala pang halos isang araw ay nakasundo na kaagad nila sila Mama Encar, Lola Andeng, Haru at Kuya Hideyo.
Yes na yes mga beh! Pati ang panganay kong kapatid ay kasundo na rin sina Ahnwar at Ahzik at kahapon lang ay niyaya pa sila ni Kuya Hideyo na mag-inuman sa bakuran ng bahay namin.
Paano kaya nangyari na kaagad nakuha nina Anhwar at Ahzik ang tiwala ng buong pamilya ko? Alam naman nila ang history ko kay Leigh pero bakit ngayon ay kulang na lang ay ipamigay nila ako sa dalawa sa triplets?
Sa loob ng isang linggo ay walang inatupag sina Ahnwar at Ahzik kundi ang ligawan ako. Halos mapuno na rin ang loob ng kwarto namin ni Blair ng mga groceries, chocolates at laruan ni Blair na ibinibigay nila sa amin.
Kung magbibigay sila aba dapat ay grocery na at ako ang nagrequest nun. Aanhin ko naman ang mga bulaklak na ilang araw o linggo ay pwede nang malanta kung nakaligtaan mo iyong diligan?
Kailangan na maging praktikal siyempre kung gagastos rin naman sila. Hindi naman sila magpapapigil sa ginagawa nila saka mayaman naman sila at ang auntie at uncle pa pala nila ang may-ari ng pinagtatrabauhan kong Supermarket kaya kumbaga sukli lang ang gastos ng groceries na ibinibigay nila para sa akin.
Ang mga kaibigan kong sina Iska at Jiro ay gulantang na gulantang nang makitang hinahatid-sundo ako nina Ahnwar at Ahzik sa trabaho namin. Sinabi ko ang totoo sa kanila na nililigawan na ako ng magkapatid na mas lalo pa nilang hindi inaasahan.
Parang noon lang kasi ay napapansin pa namin ang tatlong araw na stalker mode nina Ahnwar at Ahzik sa Supermarket tapos bigla nalang malalaman nina Iska at Jiro na nanliligaw na ang mga ito sa akin.
Inulan nila ako ng tanong nang malaman nila iyon at sinagot ko naman ito. Si Iska ay medyo jelly raw sa akin dahil nililigawan na ako ng natipuhan niyang si Ahzik pero masaya na rin naman raw siya at nanliligaw na sa akin ang crush niya.
Si Jose naman ay natigil na rin ang pangungulit sa akin nang mapansin ang panliligaw nina Ahnwar at Ahzik. Mukhang nathreat ang lolo niyo sa kanila dahil nalaman rin ni Jose na pamangkin ng may-ari ang magkapatid sa pinagtatrabauhan naming Supermarket.
Linggo ngayon at kakatapos lang naming magsimba na buong pamilya. Kasama na rin doon sina Ahnwar at Ahzik na salitan ang pag-babysit kay Blair. Pumapasok pa rin ang dalawa sa mga trabaho nila pero may tamang laan ng oras pa rin ang mga ito para sa panliligaw nila sa akin.
Alam naman kasi nina Ma’am Rica at Sir Trevor na nililigawan ako ng mga anak nila at sa kompanya lang rin nila nagtatrabaho ang mga ito kaya hawak rin ng magkapatid ang oras nila.
“Gusto ko po Jollibee, Dada!” Request ni Blair kay Ahzik pagkalabas namin sa loob ng simbahan. Karga naman nito si Blair.
Dada na ang tawag ni Blair sa magkapatid dahil may Papa at Daddy na itong tinatawag.
Napangiti kami dahil sa request ng anak ko maging pati si Kuya Hideyo na minsan lang namin makasama dahil palagi itong abala sa trabaho niya ay napangiti rin sa sinabi ni Blair.
“Let’s buy a branch of Jollibee, Ahnwar near in their house so that Blair will always eat on that fast food restaurant?” seryosong tanong ni Ahzik kay Ahnwar na ikinalaki ng mga mata ko.
Walang halong pagbibiro iyon nang tinanong ito ni Ahzik kay Ahnwar. Si Ahnwar naman ay kaagad tumango sa sinabi niya.
Seryoso? Bibilhin nila ang isang branch ng Jollibee para kay Blair?
“That’s a good idea-”
“Hep! Alam kong rich kid kayong dalawa pero ’wag niyo nang masyadong iniispoil si Blair. Marami na nga kayong binibili palagi sa kanyang mga laruan tapos may balak pa kayong bumili ng branch ng Jollibee malapit sa amin?” humalukipkip kong sabi.
Inakbayan naman ako ni Ahnwar at nginitian. “Baby naman, we want Blair to be happy that’s why we want her to get things that she deserves.” sabi niya habang tinititigan ako.
Nakaramdam ako bigla ng pamilyar na kaba nang makita ko ang buong detalye ng mukha ni Ahnwar.
Para itong.. kamukha rin ni Leigh. Ngayon ko lang iyon napansin.
Mukha kasi talagang foreigner ang triplets at may pagkakahawig sila kay Leigh except nga lang sa kulay abuhing mata ng lalakeng iyon.
Coincidence lang siguro na magkamukha sila dahil kadalasan naman sa may mga foreigner blood ay magkakamukha, e.
Umiling ako para burahin ang naiisip ko. “K-kahit na. Bata pa si Blair at hindi niya kailangan ng isang branch ng Jollibee para makakain palagi do’n. Subukan niyong bumili ng branch kundi babastedin ko kayo ni Ahzik.” banta ko at sinamaan sila ng tingin.
Nanlaki naman ang mga mata doon nina Ahnwar at Ahzik at hindi na pinilit pa ang gusto nilang bilhing branch ng Jollibee para kay Blair. Mga rich kids talaga, oh!
“Nililigawan ka palang ng mga totoy na iyan pero under na under na kaagad sa’yo, apo. Naalala ko tuloy sa kanila ang lolo mo.” sambit sa akin ni Lola Andeng habang nasa tabi ko siya at kumakain na kami sa loob ng Jollibee.
Treat daw nina Ahnwar at Ahzik ang pagkain namin sa Jollibee at may ambag rin doon si Kuya Hideyo na hindi pumayag na hindi rin magbayad para sa kakainin namin.
Knowing Kuya Hideyo ay mapride rin ang lalakeng ito at hindi pumapayag na wala man lang gastusin sa Sunday time namin na minsan lang siya kung makasama.
Natawa ako sa sinabi ni lola. “Talaga po? Kung ganon ay talagang mahal na mahal po kayo ni lolo.”
“Oo, apo. Noong kabataan niya ay napakakisig rin niya at maraming babaeng naghahabol sa kanya ngunit ako lang raw ang nakabihag ng puso niya. Mahal na mahal niya ako na kahit minsan ay sinusumpong ako ng kasungitan ay hindi siya titigil sa kakasuyo sa akin magkabati lang kami. Kahit galing siya sa mahirap na pamilya katulad rin ng pamilya namin ay hindi niya kami pinabayaan ng ina mong si Maricar maibigay lang ang lahat ng pangangailangan namin.” ngumiti si lola sa akin sabay sulyap kina Ahnwar at Ahzik na parehong inaasikaso si Blair sa pagkain nito ng jolly spaghetti at yumburger.
Mabait talaga si Lolo Romualdo. Mga pitong taong gulang ako noong namatay ito sa sakit na stroke. Nakita ko na noon pa ang pagmamahal nito kay Lola Andeng, Mama Encar at maging pati na rin sa amin nina Kuya Hideyo at Haru na mga apo niya. Sayang nga lang at hindi na niya naabutan pa si Blair na apo niya.
“Ang sweet naman po talaga ni Lolo, ano?” tukso ko kay lola na natawa lang ng mahina sa sinabi ko.
“Madali naming makapalagayan ng loob iyang pinagbiyak na bungang sina Ahnwar at Ahzik. Nakikita namin na malinis ang intensyon nila sa’yo, apo at tanggap nila si Blair. Ngayon lang ulit ako nakakilala ng ganyaang klaseng lalake bukod sa lolo mo na handa kang tanggapin sa kahit anumang estado mo sa buhay kahit may anak kana.” hinaplos ni lola ang balikat ko at nginitian niya ulit ako.
Pinigilan kong huwag maiyak sa sinabi niya dahil tama siya. Sina Ahnwar at Ahzik na ngayon ko lang nakilala ay nililigawan na ako kahit hindi pa ganoon katagal ang pagkakailala ko sa kanila.
Hindi man malinaw sa akin kung bakit out of the blue ay bigla nalang silang nagkainteres sa akin ay masaya ako na kahit papaano’y may lalake pa palang kaya akong mahalin at tanggapin sa kung sino at ano ako na hindi ako hinusgahan o ang pamilya ko.
Malayong-malayo rin sila sa ama kong may nauna na palang pamilya at nagkaanak pa siya ng lalake sa babaeng una niyang naging girlfriend. Niloko niya si Mama dahil nabihag lang raw siya sa gandang taglay nito. Namana ko pa ang itsura at tangkad ko kay Mama.
Chinita ako, maputi, may mapupulang mga labi at matangos na ilong. Mahaba rin ang straight kong buhok na hanggang baywang ko ang haba at matangkad ako sa taas kong 5’7. Maraming nagsasabi sa akin na mukha akong korean o chinese. Mukha rin daw akong visual sa isang K-pop girl group.
Maraming nagtangkang manligaw sa akin noong high school palang ako ngunit si Leigh lang talaga ang naging boyfriend ko noon. Katulad ng ibang mga estudyanteng babae sa pinapasukan naming public school noon ay sobra rin akong nahumaling sa taglay na kagwapuhan ni Leigh. Kulot ang itim nitong buhok, maputi, may matangos na ilong at kulay grey ang mga mata.
Kahawig niya pa ang triplets na ngayon ko rin lang napansin!
“Salamat po at tanggap niyo sina Ahnwar at Ahzik para sa akin. Sinusubukan ko po ulit na buksan ang puso ko para sa kanila.” madamdamin kong sabi kay lola na nagtunog mala telenovela na.
“Hindi masama na muli kang umibig, apo. Marami ka nang hirap at pagsubok na pinagdaanan simula nang mabuntis ka at ngayon ay tama lang na pagbigyan mo naman ang sarili mo. Natuto kana sa mga nagdaang taon kaya alam mo na rin ang dapat mong gawin at ingatan sa sarili mo.” si lola ay parang maluluha na rin na napansin na nina Mama at Kuya Hideyo.
Si Haru naman ay kanina pa busy sa cellphone nito habang kumakain siya at malamang ay si Eiselle na naman ang katext nito. Si Noah ay halos hindi na rin daw mautusan ng Nanay at Tatay niya dahil palagi rin daw nakahawak ito sa cellphone niya at nagpipipindot. Si Cristina sana ang babaeng katext o kachat nito sa cellphone para hindi naman mabroken-hearted ang batang iyon.
Tumango ako sa sinabi ni lola at nginitian siya. Sina Mama at Kuya Hideyo naman ay nginitian rin ako.
Tanggap na talaga nila ang panliligaw sa akin nina Ahnwar at Ahzik.
Nagtagal pa kami ng ilang oras sa Jollibee hanggang sa niyaya kami nina Ahnwar at Ahzik na magpunta sa bahay nila na mansyon na rin naman.
Kinabahan kaagad ako doon dahil posibleng makilala na ng pamilya ko ang mga magulang ng dalawa sa triplets kung nandoon man sila.
“They’re busy with their works po kaya wala po doon si Mom at ang mga Dads namin. Mga kapatid ko lang po ang nasa bahay namin including our other triplets brother named Ahmed.” magalang na sabi ni Ahnwar kina Mama at Lola habang nasa loob kami ng kotse nila patungo sa mansyon nila.
Alam na rin ng pamilya ko ang Polyandry relationship set-up ng mga magulang nina Ahnwar at Ahzik.
“Hijo, hindi ba nakakahiyang magpunta kami doon na ganito ang mga bihis namin?” nag-aalangang sabi ni Mama at pinasadahan nito ng tingin ang suot niya.
“Maganda po ang mga bihis niyo. Simple lang rin naman po ang family namin kaya ’wag na po kayong magworry, Tita.” nakangiting sagot ni Ahzik na nagmamaneho ng kotse.
Doon lang nakahinga ng maluwag sina Mama at Lola. Si Kuya Hideyo naman na nasa pagitan namin ni Haru habang karga ko si Blair ay tahimik lang.
“Kuya?” pagtawag ko kay Kuya Hideyo na bumaling naman ng tingin sa akin.
Ngumiti lang siya sa akin. “Ayos lang, Adi.”
Tumango at ngumiti ako sa naging sagot niya. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagpupunas ng pawis ni Blair sa leeg at noo niya. Nilagyan ko rin ng towel ang likuran niya at pinulbuhan na rin.
Nakarating na kami sa mansyon nina Anhwar at Ahzik makalipas ng kalahating oras. Hindi na rin naitago pa ng pamilya ko ang pagkamangha dahil sa laki ng mansyon ng magkapatid.
Pumasok kami sa loob ng mansyon nila at nabungaran kaagad namin sina Yesheem at Sahara na nagtatakbuhan sa may living room. Nang makita nila kami ay kaagad nagmano ang mga ito kila Mama, Lola, Haru at Kuya Hideyo na ikinagulat naman nila.
“Mano po.” magalang na sabi nina Yesheem at Sahara habang isa-isa silang nagmamano sa miyembro ng pamilya ko.
“Mga kapatid po namin sila, sina Yesheem at Sahara.” nakangiting pagpapakilala ni Ahzik sa dalawa niyang kapatid na babae na sina Yesheem at Sahara sa pamilya ko.
“Pagpalain nawa kayo ng Diyos. Ang gaganda naman nitong mga kapatid niyo, Ahnwar at Ahzik.” naaaliw na sabi ni Lola habang pinagmamasdan sina Yesheem at Sahara na parang gusto nang makipaglaro kay Blair.
Ibinaba ni Haru mula sa pagkakakarga niya si Blair at doon ay kaagad nang hinila nina Yesheem at Sahara si Blair para makipaglaro dito. Napansin ko na may mga doll house na nakakalat sa carpeted na sahig ng living room nila at doon na napukaw ang atensyon ni Blair at nakipaglaro na sa magkapatid.
“Thank you po. Nakasundo na nga rin po nila kaagad si Blair nang magcelebrate rin sina Jianna at Nikolai dito sa birthday party ng kapatid naming lalake na si Danielle.” sagot ni Ahzik.
Si Nikolai.
Simula nang malaman niyang nililigawan na ako nina Ahnwar at Ahzik ay hindi na ito muling nagpakita pa sa akin. Hindi na rin nito sinasagot ang mga texts at tawag ko.
Alam kong nabigla siya na may mga nanliligaw na sa akin at kakilala pa niya iyon. Ayaw niya sigurong baka masaktan na naman ako sa huli pero gusto ko talagang magpaliwanag sa kanya na iba sina Ahnwar at Ahzik kumpara kay Leigh.
Maiintindihin rin ako ni Nikolai sa oras na makausap ko siya. Hindi rin ako matitiis ng bestfriend kong iyon dahil sa tagal na naming magkaibigan ay kaagad namang humuhupa ang tampo niya sa akin kung minsan na hindi kami nagkakaunawaan.
“Mabuti naman kung ganoon. Kahit hindi pa masyadong kilala ni Blair ang mga taong nakakasalamuha niya ay kaagad niya iyong nakakapalagayan ng loob lalo na’t kung pagdating sa laruan ang babanggitin mo.” sabi naman ni Mama habang tinitignan si Blair na masayang nakikipaglaro ng doll house kina Yesheem at Sahara sa carpeted na sahig ng living room.
Dinala kami nina Ahnwar at Ahzik sa entertainment room nila. Binuksan ni Ahzik ang malaking flat screen TV nila para makapanood ng palabas sa cable channel ang pamilya ko. Nagpahanda naman ng meryenda si Ahnwar sa mga maids nila para sa amin.
Nagpaalam muna ako sa magkapatid na mag-ccr lang. Sasamahan pa sana nila ako kaso tumanggi ako at sinabi kong ituro nalang nila sa akin ang comfort room nila. Nahirapan pa ako sa una kung nasaan ang cr nila dahil sa laki at lawak ng bahay nila pero nakita ko rin naman kung nasaan ito.
Umihi at nag-ayos lang ako ng sarili ko at pagkatapos ay lumabas na ako sa loob ng cr.
Nagpalinga-linga pa ako sa mansyon nina Ahnwar at Ahzik hanggang sa nahagip ng mga mata ko sa garden area si Ahmed na kumakanta at may hawak na gitara habang nakaupo ito sa 80’s designed steel chair nila.
Pinakinggan ko kung paano siya kumanta at tinignan ko rin kung paano niya ikumpas ang mahahaba at magaganda niyang mga daliri sa gitarang hawak niya.
Mayroon siyang malalim na boses at kung tatawagin iyon ay husky voice. Hindi ko alam na marunong pala siyang kumanta at tila pamilyar sa akin ang kinakanta niya.
Naikot ko na ang
mundo
Sa pilipinas lang pala
Matatagpuan ang tulad mo
Babae sa panaginip kong sobrang ganda
Oh oh.
Narinig ko na ang kantang ito sa radyo. May halo pa nga iyong rap ngunit napakaganda ng lyrics at melodiya nito.
Nalunod na ako sa lawa nang pag-ibig mo,
Nabuhay ang mga lantang halaman sa paligid mo
Sa tuwing ikaw ay daraan lahat sila’y napapalingon
Simula nang makilala ka at makausap na kita puso ko ay nagmamahal sayo…
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang kumakanta si Ahmed at hindi pa rin ako napapansin na nakamasid lang sa kanya.
Sa hindi ko inaasahan ay bigla nalang tumulo ang mga luha ko sa hindi ko malamang kadahilanan.
Sa dinami-dami nang babae
Na nakita at nakilala ko
Ay nandyan ka lang pala, hindi ko napansin agad
Kung saan-saan pa napadpad ang pusong ikaw ang sigaw (sigaw)
Hindi ko na kailangan lakbayin kahit na himpapawid at
Ilalim ng karagatan
Pagkat nandito na ang Pinakamakinang na tala.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Bakit naluluha ako habang pinapakinggang kumakanta si Ahmed?
At bakit tila pamilyar sa akin ito?
Hindi ko namalayan na tapos na palang kumanta si Ahmed at nagulat nalang ako nang mapatingin siya sa akin. Nagulat rin siya nang makita ako.
Kinagat ko naman ang ibabang labi ko at dahan-dahang lumapit sa kanya.
“S-sorry. N-napadaan lang ako dito pagkatapos kong mag-cr at a-aksidente kong narinig ang pagkanta mo. Sorry talaga.” paghingi ko ng paumanhin na nauutal pa dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko ngayon.
Tinitigan lang ako ni Ahmed habang hawak pa rin ang gitara niya at doon ay mas napagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya.
Katulad nina Ahnwar at Ahzik ay magkakamukha talaga sila pero mahahalata pa rin ang pagkakaiba nila sa ekspresiyon ng mga mukha nila sa tuwing tinitignan ako at sa ibang kulay rin ng mga mata nila.
Iyong kay Ahmed ay malalim, misteryoso at hindi ko kaagad mabasa.
Ibinaba ni Ahmed ang hawak niyang gitara sa may lamesa saka ito tumayo mula sa kinauupuan niya at nilapitan ako.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Tumingin siya sa mga mata ko at doon ay napansin niya ang luha ko na kaagad ko namang pinunasan.
“A-ah.. na-carried away lang ako sa kinanta mo. Maganda pala ang boses mo,” nagsalita pa ako at awkward na tumawa.
Tinitigan lang ako ni Ahmed at hindi ito nagsalita.
“A-aalis na ako. S-sorry talaga at naistorbo pa kita.” nahihiya ko nang sabi dahil para na akong matutunaw sa klase ng mga titig niya sa akin.
Akmang aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita.
“I thought that I’m just hallucinating. I thought that you’re just in my dream destroying my fantasy but I’m not. I’m in the reality and I can’t believe that you’re now in front of me…”
Sa sinabi niya ay doon na ako halos malagutan ng hininga.
NP:
Pinakamakinang
na Tala by Curse One <3
Chapter 11
“I thought that I’m just hallucinating. I thought that you’re just in my dream destroying my fantasy but I’m not. I’m in the reality and I can’t believe that you’re now in front of me…”
Ilang beses ko nang ipinilig ang ulo dahil naaalala ko pa rin ang sinabi sa akin ni Ahmed na halos hindi na ako pinatulog.
Ano ba ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Lyrics rin ba iyon ng kanta? Pero bakit parang may laman iyon at may ibang kahulugan?
Hindi ko na naitanong pa sa kanya kung bakit niya sinabi iyon. Pagkatapos nun ay kaagad nalang siyang umalis at iniwan akong nagtataka sa sinabi niya.
Ang weird talaga ng lalakeng iyon kahit na kailan! Malayong-malayo talaga ang personalidad niya kina Ahnwar at Ahzik na madali lang basahin. Ni hindi ko pa nakita iyon na ngumiti man lang.
Bakit kaya naiiba siya sa dalawang kapatid niya? May hindi ba siya magandang childhood kaya iba ang personalidad niya kumpara sa dalawa niyang mga kapatid?
Bakit ko nga ba pinoproblema si Ahmed? Ang dapat ko nga palang problemahin ay kung paano ko makakausap si Nikolai na obvious na talagang iniiwasan ako. Mabuti na lang at day off ko ngayon sa trabaho ko at busy naman sina Ahnwar at Ahzik sa trabaho rin nila kaya may oras ako para puntahan at makausap si Nikolai.
Hindi talaga mapanatag ang loob ko hangga’t hindi kami nagkakaayos kung may galit o tampo man siya sa akin dahil nanliligaw na ang dalawa sa triplets.
Isinama nina Mama at Lola si Blair sa tapat ng elementary school kung saan kami nag-aral noon na magkakapatid dahil magbebenta sila ng mga kakanin ngayon. Si Haru ay pumasok na sa pinapasukan niyang public school samantalang si Kuya Hideyo naman ay pumasok na sa trabaho niya.
Ako lang ang mag-isa ngayon sa bahay at nagtext nalang ako kay Mama na aalis muna ako saglit para puntahan si Nikolai sa bahay nila. Sinabi sa akin ni Eiselle sa text na nasa bahay raw nila ang kuya niya habang nasa school naman sila ni Cristina kaya ito na siguro ang tamang pagkakataon para makausap ko ng masinsinan si Nikolai.
Nang matapos na akong mag-ayos ay lumabas na ako sa loob ng kwarto namin ni Blair. Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang makita ko si Leigh na nakaupo sa sofa ng sala namin.
Nakita ko rin ang iilang mga paperbags at mga order ng pagkain mula sa isang kilalang restaurant na nakalagay sa ibabaw ng lamesa namin.
Ngumiti si Leigh sa akin nang lumapit ako sa kanya. Para bang hindi niya alintana na halos mag-eskandalo na siya sa loob ng mall noong magbonding kami ni Blair kasama si Nikolai.
“Hi. I’m sorry kung ngayon lang ako nakabisita dito. I’ve been busy these days dahil isa na ako sa namamahala sa shoe factory business ni Dad dito sa Pilipinas. Where’s my daughter, Blair? I bought expensive toys for her.” sabi niya at nilibot pa ng tingin ang buong bahay namin para hanapin si Blair.
Gusto kong magtaray sa harapan ni Leigh pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Kailangan ko pa rin siyang pakisamahan ng maayos kahit hindi maganda ang pagkikita namin noong huli sa loob ng mall.
Para kay Blair ay magpapakabait ako sa lalakeng ito.
“Kasama siya nina Mama at Lola sa may elementary school. Alam mong nagtitinda ng kakanin ang mga magulang ko noon palang, hindi ba? Isinasama nila si Blair sa pagtitinda dahil walang magbabantay sa bata dito sa bahay.” sabi ko.
Sarkastiko namang tumawa si Leigh na ikinakunot ng noo ko. “What? Sinasama nila ang anak ko sa pagtitinda nila? It’s hot outside. Paano nalang kung masunog ang balat ni Blair at-”
“Hindi hahayaan nina Mama at Lola na mangyari iyon. May iba ka pa bang kailangan? Aalis ako ngayon. Salamat nalang sa mga binigay mo. Pwede ka namang bumalik dito mamayang gabi para puntahan ulit si Blair.” pagputol ko sa sinasabi ni Leigh.
Anong karapatan niya para sabihin iyon? Nagpapaka concern Daddy siya ngayon kay Blair kahit limang taon niya kaming iniwan? Nakakatawa talaga siya!
“Where are you going? Kay Nikolai ba?” nakataas na kilay na tanong ni Leigh saka ito tumayo at lumapit sa akin.
Ngumiti naman ako ng peke. “Oo, sa kanya nga. Hindi ka pa ba aalis? Kung gusto mo ay maiwan ka dito at hintayin mo nalang sila Mama, Lola at Blair na makauwi.” nagtitimpi ko nang sabi at ipinikit saglit ang mga mata ko.
“Bakit mo pupuntahan si Nikolai? May date kayo? Iiwan mo si Blair dito para lang makipagdate ka sa lalakeng ’yon? Ano ka bang klaseng magulang ni Blair? Mas uunahin mo pa ’yang date mo-”
Hindi na ako nakapagpigil pa. Sinampal ko si Leigh na ikinatigil niya. Hindi kaagad ito nakapagsalita sa ginawa ko at napahawak nalang sa pisngi niyang sinampal ko habang nakatiim-bagang siya.
“Ano naman sa’yo kung makipagdate ako kay Nikolai? Siya ang nandiyan para sa amin ni Blair noong mga panahong pinabayaan mo kami kaya walang masama kung magdate kami. Siya ang tumayong ama ni Blair habang nagpapakasarap ka sa Germany kaya wala kang karapatan para sabihin ’yan. Matagal na tayong tapos, Leigh at pinakikisamahan lang kita ng maayos ngayon dahil ama ka pa rin ni Blair!” Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa inis at galit na nararamdaman ko.
Lumamlam naman bigla ang ekspresyon ng mukha ni Leigh. “Adi, I know that I’ve been jerk before to leave you and Blair. Narealize ko lang rin na mahal talaga kita. Ikaw lang ang minahal ko sa mga naging babae ko. I can’t get you easily out of my heart and mind. Nagbalik ako dito sa Pilipinas to settle everything for us. I know you’d still love me, Adi. Pwede nating buohin ang pamilya natin para kay Blair kaya iwasan mo na ang Nikolai na ’yon.” may pag-aalala niyang sabi at hinawakan niya ang isang kamay ko na kaagad ko namang tinaboy.
“Masyado ka nang late, Leigh. Kung noon mo pa sinabi ’yan ay matatanggap pa sana kita pero nahuli kana ng limang taon. At anong sabi mo? Mahal pa rin kita? Hindi na kita mahal.” tumawa ako ng pagak at umiling nalang.
Matagal nang nawala ang pagmamahal ko para kay Leigh. Minahal ko siya ng sobra noon at kahit nahihirapan akong kalimutan siya ay ginawa ko iyon alang-alang kay Blair.
Ang nararamdaman ko na lang sa kanya ngayon ay inis at galit dahil nakikita ko sa kanya na wala pa rin siyang pagbabago. Kung umakto pa siya ay parang wala siyang ginawang masama sa amin ng anak ko. Ang kapal rin ng pagmumukha niya para magalit kay Nikolai na walang ibang ginawa kundi ang tulungan kami ni Blair sa panahong wala siya at kailangan namin siya.
Kaagad rumehistro sa mukha ni Leigh ang sakit at lungkot dahil sa sinabi ko. Kung totoong mahal niya ako ay hindi ko na iyon kayang suklian pa. Marami akong napagtantong mga bagay simula nang maging batang ina ako at kahit papaano’y naging matatag akong babae dahil sa pag-iwan sa akin ng lalakeng minahal ko.
“Then sino na ang mahal mo? Si Nikolai ba, ha? Tell me!” biglang sumama ang tingin sa akin ni Leigh at sumigaw na ito sa harapan ko.
Bigla kong naisip ang triplets dahil sa sinabi niya. Nararamdaman ko ngayon sa kanila ang dati kong nararamdaman noon kay Leigh. Idagdag pa ang naramdaman ko noong nahuli ako ni Ahmed na pinapakinggan ko ang pagkanta niya.
Para bang pamilyar na sa akin noon pa man ang ganoong klaseng pakiramdam pero imposible talaga iyon dahil ngayon ko lang nakilala si Ahmed.
Hindi pa pala alam ni Leigh na nililigawan na ako nina Ahnwar at Ahzik. Kapag sinabi ko ba ito sa kanya ay titigil na siya sa akin?
“Hindi ko na kailangang sagutin ’yang tanong mo. Aalis na ako.” bored kong sabi at akmang aalis na sana nang hinila ni Leigh ang braso ko at kaagad niya akong niyakap.
“Babe, I still love you… Sobra akong nagseselos kay Nikolai noong makita ko kayong magkasama sa loob ng mall kasama si Blair. That should be me in his position because i’m Blair’s father. Nikolai is useless, he’s poor while I can provide all your needs. Magbalikan na tayo, babe…” desperado nang saad ni Leigh habang nagpupumiglas ako mula sa pagkakayakap niya sa akin.
“Ano ba?! Bitiwan mo nga ako, Leigh!” naiinis ko nang sabi pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.
“No. I can’t let you go dahil pupunta ka lang sa gagong ’yon. Akin ka lang, Adi. Akin lang!” madiin niyang sabi.
Buong pwersa ko siyang itinulak at salamat naman na napakalakas siya sa pagkakayakap sa akin. Tinitigan ko naman siya ng masama.
“Hinding-hindi na kita babalikan, Leigh at hindi rin ako sa’yo!” singhal ko kay Leigh.
“Akin ka, Adi. Naanakan na kita at ako ang unang lalake sa buhay mo. Wala kang magagawa diyan. Kilala mo ako, hindi ba? Lahat ng gusto ko nakukuha ko kahit pa ikaw ay kaya kong bilhin.” ngumisi siya at tinignan ako nang may pang-iinsulto.
Nagkunwari naman akong parang masusuka sa sinabi niya at napairap na lang ako. “Ako? Kaya mong bilhin? Gago!” tumawa ako ng mapang-asar at lumabas na sa loob ng bahay namin. Sinundan naman niya ako.
“Pupuntahan mo talaga ’yang lalake mo? Tangina lang, Adi. Huwag mo akong susubukan!” sigaw ni Leigh na hindi ko nalang pinansin at lumabas na ako sa may gate namin.
“Don’t blame me if anything bad happens to Nikolai. You’re testing my patience, huh?” naghahamon pa niyang sabi na hindi ko pa rin pinansin hanggang sa makalayo na ako sa kaniya. Mabuti nalang at hindi na niya ako sinundan pa.
May attitude problem talaga kahit kailan ang German Shepherd na iyon! Arghhh!
Nang makalabas na ako sa street namin ay sumakay na lang ako ng jeep papunta sa bahay nila Nikolai at nang makarating na ako doon ay kinatok ko ang gate nila. Nakita ko pa ang bagong motor ni Nikolai na nakaparada lang sa gilid ng bahay nila.
Kaagad namang lumabas sa loob ng bahay nila si Nikolai na nakatopless lang at black jersey shorts. Napahinto siya nang makita ako at kaagad ring iniwas ang tingin sa akin.
“P-pwede ba kitang makausap, Nikolai?” maingat kong tanong kay Nikolai.
Hindi siya sumagot sa sinabi ko at binuksan nalang nito ang gate nila para papasukin ako sa loob ng bahay nila. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa sala nila. Umupo ako sa sofa nila samantalang umupo naman siya sa sofang nasa tapat ko lang rin.
Ilang beses ko nang nakitang topless si Nikolai pero ngayon ay naiilang ako sa kanya dahil bukod sa mas gumanda pa lalo ang pangangatawan niya ay naiilang rin ako sa malalim niyang mga titig sa akin.
“Galit ka ba sa akin?” mahina kong tanong na ikinakunot-noo ni Nikolai.
“Bakit naman ako magagalit sa’yo?” malamig niyang tanong. Ibang-iba ang tono ng boses niya ngayon sa paraan na palagi niya akong kinakausap.
Bumuntong-hininga ako. “Alam kong iniiwasan mo ako, Nikolai. Dahil ba ’to sa nililigawan na ako nina Ahnwar at Ahzik? Natatakot ka bang baka masaktan lang rin ako sa kanila katulad ng ginawa noon sa akin ni Leigh? Nagtatampo ka ba sa akin na baka makalimutan na kita bilang bestfriend ko dahil nagpapaligaw na ako sa kanila?” sunod-sunod kong tanong.
Umigting ang panga ni Nikolai sa sinabi ko. “Nililigawan kana nila, Adi at kailangan ko nang idistansya ang sarili ko sa’yo dahil hindi magandang kasama mo pa rin ako habang may iba nang mga lalake ang nasa paligid mo.” seryoso niyang sabi.
“Pero kailangan ba na iwasan mo ako? Kaibigan kita, Nikolai at hindi mapapanatag ang loob ko hangga’t alam kong hindi tayo maayos. Iba sina Ahnwar at Ahzik kumpara kay Leigh at alam kong mas kilala mo ang magkapatid na iyon kaysa sa akin. Nagkasundo na kaagad sila ng pamilya ko kaya sana ay ayos lang rin ’yon sa’yo. Sinusubukan kong magmahal ulit, Nikolai dahil ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong klaseng pakiramdam simula nang makilala ko sila.” pag-amin ko na ikinahinto ni Nikolai.
May luha namang lumandas sa pisngi ko na kaagad ko ring pinunasan.
“I’m sorry, Adi.” sabi ni Nikolai at napayuko ito.
“Iniiwasan kita dahil tama ang sinabi mo, natatakot akong baka masaktan ka lang kina Sir Ahnwar at Ahzik sa huli. Mas kilala ko sila at alam kong mabuti at malinis talaga ang intensyon nila sa’yo. Hati ang opinyon ko sa kanila. Naiinggit lang ako sa kanila dahil sila na ang papalit sa pwesto ko bilang kunwaring Papa ni Blair. Adi, sinabi ko na sa’yong kayo lang ang kaligayahan ko ni Blair at nalulungkot lang akong hindi na natin magagawa pa ang mga ginagawa natin noon simula nang ipinanganak mo si Blair.” humina ang boses ni Nikolai at huminga ito ng malalim.
Ngayon ay naiintindihan ko na ang dahilan ng pag-iwas sa akin ni Nikolai at ang selfish ko lang para hindi ikonsidera ang nararamdaman niya.
Tumingala si Nikolai at ngumiti ito ng pilit nang bumaling ulit siya sa akin.
“I’m sorry kung iniiwasan kita, Adi. Masyado rin akong naging makasarili. Karapatan mong sumaya at magmahal ulit. Sina Sir Ahnwar at Ahzik ang makakapagbigay niyan sa’yo maging pati na rin sa lahat ng pangangailangan niyo ni Blair. Huwag kang mag-alala, hindi na kita iiwasan pero kailangan ko pa ring idistansya ang sarili ko sa inyong tatlo.” ngumiti na ito saka lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.
Niyakap ako ni Nikolai at hinalikan niya ang noo ko. Muling tumulo ang mga luha ko dahil walang ibang ginawa si Nikolai kundi ang maging mabuting kaibigan sa akin. Palagi niya akong iniintindi at pinapahalagahan ang nararamdaman ko. Kahit pa noong naging kami ni Leigh ay suportado rin siya doon. Ganon niya ako pinapahalagahan bilang bestfriend niya.
Kumalas ako sa pagkakayakap ni Nikolai at napanguso na lang. “Huwag kang dumistansya sa akin. Papa ka pa rin ni Blair at alam kong hahanapin ka niya sa’kin kapag hindi kana nagpakita sa kanya.” nagtatampo kong sabi.
Tumawa naman siya sa sinabi ko at binasa ang ibabang labi niya. “So, bale parang kabit mo na rin ako na habang nandiyan sina Sir Ahnwar at Ahzik ay eeksena ako? Ay ate! Ang haba naman ng hair mo at ang dami mong fafable, ah?” nagsimula na naman sa beki mode si Nikolai at alam ko na ngayon ay nagkaayos na rin kami.
Natawa na rin ako sa kanya at hinampas ang balikat niya. “Hindi talaga bagay sa’yo ang magbakla-baklaan saka anong kabit ka diyan? Hindi naman kita other affair, no!”
“Gwapong bestfriend lang.” Kumindat siya sa akin at inakbayan ako. Nailang naman ako sa ginawa niya dahil naka topless lang siya.
“L-lumayo ka nga sa akin, Nikolai. Nakahubad ka kaya!” nakangiwi kong sabi. Ngumisi lang siya at mas lalo pang idinikit ang sarili niya sa akin.
Mabango siya at mukhang kakaligo lang dahil magulo at basa pa ang buhok niya pero hindi ko iyon aaminin sa kanya.
“Ang arte naman nito. Mga bata pa nga lang tayo ay nakita mo na akong nakahubad kaya may bago pa ba kung makikita mo akong nakahubad rin ngayon?” bulong niya sa tenga ko na parang inaakit pa ako at akmang maghuhubad pa ito ng jersey shorts niya kaya kaagad ko siyang piningot sa tenga niya.
Kaagad kumalas mula sa pagkakaakbay sa akin si Nikolai at nakangiwi nitong hinawakan ang tenga niyang piningot ko.
“Sadista ka talaga, Jianna Adiel! Muntik nang maputol ’yung tenga ko sa’yo. Pucha naman!” reklamo niya na ikinatawa ko nalang.
“Ang pervert mo kasi!” nilabas ko ang dila ko para mas lalo siyang asarin. Sinamaan naman niya ako ng tingin na mas lalo ko pang ikinatawa.
Bumili ng banana cue at softdrinks si Nikolai sa labas ng bahay nila at iyon ang naging meryenda namin ngayon. Ikwinento ko naman sa kanya ang nangyari kanina sa amin ni Leigh.
“Sabihin mo kina Sir Ahnwar at Ahzik ’yang ginawa ng ex-boyfriend mo. Siguradong hindi kana malalapitan pa ng siraulong ’yon.” umiiling na sabi ni Nikolai habang kumakain ito ng banana cue.
Tumango naman ako. “Sasabihin ko naman ’yon. Sa ngayon kasi ay busy pa sila sa trabaho nila. Medyo naguilty pa nga sila na hindi nila ako mapuntahan ngayon dahil talagang marami silang ginagawang trabaho sa kompanya nila. Isang linggo na rin silang nanliligaw sa’kin at halos tumira na nga sila sa bahay namin dahil sa kakapunta nila at pagbibigay ng mga groceries at laruan para sa amin ni Blair.”
“Dapat lang ’yon. Nanliligaw sila sa’yo kaya duty nila ’yan. Si Sir Ahmed ba? Ayos lang ba kayo nun?” tanong ni Nikolai.
Ahmed?
Magkaayos nga ba kami nun? Siguro dahil wala naman siyang reklamo nung nililigawan na ako nina Ahnwar at Ahzik.
“Ayos lang naman siguro. Tahimik lang siya pero baka siguro?” sabi ko nalang na hindi pa ako sure.
Tumango doon si Nikolai. “Nga pala, sa pagkakaalam ko ay half German rin ang triplets, e. May lahi rin daw kasing German si Sir Trevor mula sa German Ancestry ng angkan nila. Lately lang nila nalaman ’yon. Ikwinento lang sa’kin ni Sir Ahzik.”
Nagulat naman ako sa sinabi ni Nikolai. Kung titignan nga ay bukod sa may lahing american ang triplets na namana nila kay Ma’am Rica ay mukha rin talagang foreigner si Sir Trevor. Kamukha pa ng mga ito si Leigh na half German din ang ama. Kaya pala magkakamukha sila dahil pareho rin sila ng nationality.
Biglang sumeryoso naman ang mukha ni Nikolai. “Adi, napansin ko lang talaga na may pagkakahawig si Blair sa triplets. Siguro dahil may lahing German rin si Leigh at nagkataon lang ’yon? Pero halata namang anak si Blair ng siraulo mong ex-boyfriend dahil magkamukha naman sila at parehas pa ang kulay ng mga mata nila.” umiling si Nikolai at uminom ito ng Coke sa baso niya.
Hindi na ako nakaimik pa sa sinabi ni Nikolai at nagpatuloy nalang sa pagkain ko.
Ayoko nang mag-isip pa ng kung anu-ano dahil gulong-gulo na rin ako lalo na sa sinabi sa akin ni Ahmed noon.
Chapter 12
“How are you yesterday, baby?” tanong sa akin ni Ahnwar habang nagmamaneho ito papunta sa mansyon nila.
Inimbitahan raw ako nina Ma’am Rica at Sir Trevor na makipag dinner sa kanila. Pagkatapos ng duty ko sa trabaho ay sinundo na ako ni Ahnwar sa pinagtatrabauhan kong Supermarket na pagmamay-ari ng auntie at uncle niya.
Wala ngayon si Ahzik dahil marami pa raw itong inaasikaso sa opisina nila at hindi ito makakasama sa dinner namin. Uuwi nalang raw ito kaagad kapag may bakante na siyang oras mamaya.
Huminga ako ng malalim bago magsalita. “Y-yung ex-boyfriend kong ama ni Blair. G-gusto niyang makipagbalikan ulit sa’kin. Siyempre tinanggihan ko ’yon pero mapilit pa rin siya.” pag-amin ko.
Kailangan kong maging tapat kina Ahnwar at Ahzik at sabihing gusto ni Leigh na makipagbalikan sa akin. Sinabi sa akin ni Nikolai na kailangan ko iyong sabihin sa magkapatid para tigilan na ako ni Leigh. Mayaman ang pamilya nila Leigh pero nakasisigurado ako na mas mayaman at makapangyarihan ang pamilya nina Ahnwar at Ahzik.
Sumama bigla ang ekspresyon ng mukha ni Ahnwar sa sinabi ko at humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela niya.
“Is he using Blair to get you back?” mariin at seryoso niyang tanong.
“H-hindi ko alam. Sa tingin ko kasi ay tama lang na suportahan at sustentuhan niya si Blair sa lahat ng pangangailangan nito habang lumalaki na siya. Ama pa rin siya ni Blair at hindi ko ipinagkakait sa kanya ang pagiging ama niya-”
“Stop all of that connections with him. We have a tons of money to support Blair. Hindi niya pwedeng gamitin ang bata para lang makuha ka. He’s a fucking asshole to leave you while you were pregnant five years ago.” galit nitong saad at mukhang kinokontrol na lang ni Ahnwar ang galit na nararamdaman niya.
Alam ko na sila ni Ahzik ang tipo ng mga lalake na sobrang mabait at mapagpasensya pero kapag nagalit na ay pwedeng makapanakit ng todo. Ganoon si Kuya Hideyo kaya hindi namin hinahayaan nina Mama at Lola na magalit ito ng sobra lalo na kapag tungkol kila Papa at sa naunang pamilya nito ang pinag-uusapan.
Minsan nang nag-away sina Kuya Hideyo at ang half brother naming si Kuya Jeddaih at muntik nang mapatay ni Kuya Hideyo si Kuya Jeddaih sa pambubugbog nito. Nakakatakot si kuya na magalit kaya hindi namin hinahayaan na magkita ulit kami nila Papa at ang naunang pamilya nito.
“Paano kapag pumunta siya-”
“Call me then. Kahit busy pa ako sa trabaho ko basta’t malaman ko lang na tumuntong ulit sa bahay niyo ’yang gagong ex-boyfriend mo, ako ang kakaladkad sa kanya papalabas ng bahay niyo or worse I’ll beat him to death para magtanda siya at hindi kana niya guluhin pa ulit.” sabi ni Ahnwar at tumiim-bagang ito.
Natakot naman ako sa sinabi ni Ahnwar dahil halatang seryoso ito sa pagbabanta niya laban kay Leigh. Hindi naman ako makakatanggi sa sinabi niya dahil nanliligaw nga siya sa akin at alam kong kapakanan namin ni Blair ang iniisip niya.
Kilala ko si Leigh, hindi iyon magpapatalo sa kahit na sino. Kapag may ginawa iyon ay tiyak na gagawin talaga niya. Ngayon ay sina Ahnwar at Ahzik ang babanggain niya at sa tingin ko ay ito na ang mga unang makakatalo sa kanya.
Tumango nalang ako sa sinabi ni Ahnwar at hindi na ako nagsalita pa. Mas mabuti na rin na sila ni Ahzik ang pagkatiwalaan ko dahil wala na talaga akong tiwala kay Leigh.
Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na rin kami sa mansyon nina Ahnwar. Pumasok kami sa loob nito at dumiretso kaagad sa dining room.
Naabutan ko na nakaupo sa pahabang table sina Ma’am Rica at Sir Trevor habang may nakahain nang iba’t-ibang klase ng mga pagkain at inumin doon.
Nagulat naman ako nang makita ko sina Ahmed at Kyrie na magkatabi sa lamesa. Nang makita ako ni Ahmed ay kaagad siyang umiwas ng tingin sa akin habang si Kyrie naman ay tinitigan ako at tila inoobserba ang bawat kilos at galaw ko.
Ahmed, ano ba talaga ang ibig mong sabihin sa sinabi mo sa akin no’n?
Hinalikan ko sa pisngi sina Ma’am Rica at Sir Trevor nang batiin nila ako. Pinaupo naman ako ni Ahnwar sa bakanteng table na kaharap lang kina Ahmed at Kyrie.
“I’m glad na tinanggap mo ang invitation namin na makasama ka sa dinner namin, hija.” nakangiting ani Ma’am Rica sa akin.
“Walang anuman po, Ma’am Rica.” magalang ko namang sagot.
“Don’t call me Ma’am Rica. Tita Rica nalang para mas hindi matandang pakinggan.” tumawa ito na ikinangiti ko naman.
Ang ganda-ganda talaga ni Ma’am- I mean Tita Rica lalo na kapag tumatawa. Para siyang anghel lalo na sa maamo pero sexy type na mukha niya. Ang ganda rin ng kulay ng mga mata niya na namana ni Ahmed sa kanya.
Nang napasulyap akong bigla kay Ahmed ay nahuli ko itong nakatitig sa akin. Biglang kumabog ang dibdib ko sa klase ng mga titig niya kaya binawi ko kaagad ang tingin ko sa kanya dahil narito na naman ako sa pakiramdam kong hindi ko na maintindihan.
Kung may Unidentified Flying Object ang NASA; ako naman ay may Unidentified Flying Feelings kay Ahmed!
“Sige po, Tita Rica.” sabi ko nalang.
“Tito Trevor na rin ang itawag mo sa akin, Jianna. Magiging pamilya kana namin sooner kaya ’wag ka nang mahihiya sa amin.” sabi naman ni Sir- Tito Trevor habang nakangiti rin ito sa akin.
Ang bait talaga ng mga magulang nina Ahnwar at Ahzik sa akin. Suportado nila ang panliligaw ng magkapatid sa kung saan magiging masaya raw ang mga ito. Maging pati na rin sa iba pang mga asawa ni Tita Rica ay tanggap rin nila ako para kina Ahnwar at Ahzik.
“Sige rin po, Tito Trevor.” sagot ko na ikinatango at ikinangiti ni Sir Trevor.
Nagyaya na si Tita Rica na kumain kaya nagsimula na rin kaming kumain. Asikasong-asikaso naman si Ahnwar sa pagse-serve ng pagkain ko na kulang nalang yata ay subuan niya ako. Hindi na nito nagagalaw ang pagkain niya dahil talagang nakatutok lang ito sa akin.
Tumingin naman ako kina Ahmed at Kyrie. Si Ahmed ay nakayuko lang habang kumakain samantalang si Kyrie naman ay nakatingin pala sa amin ni Ahnwar habang nakataas ang isang kilay nito.
Simula nang malaman kong bestfriend pala ni Ahmed si Kyrie ay hindi na rin nagparamdam pa sa akin si Kyrie. Hindi ko maintindihan pero mukhang galit ito sa akin at hindi lang niya iyon masabi ng diretso.
Ayaw ba niyang nililigawan ako ng mga kapatid ni Ahmed? Pero bakit?
“Kyrie, how’s your Mom? Magaling na ba siya pagkatapos niyang makalabas sa ospital?” Pagbaling ni Tita Rica kay Kyrie kaya nawala na ang atensyon sa amin ni Kyrie.
“Yes po, Tita. Binabantayan naman ni Lola si Mom kapag wala ako sa bahay at nagtatrabaho. Nagdagdag na rin kami ng security sa bahay dahil baka bigla na namang sumugod si Dad at saktan ulit kami ni Mom.” sabi ni Kyrie at napansin ko nga ang iilang mga sugat at pasa nito sa kamay at braso niya.
Noong una ko siyang makitang may sugat at pasa sa loob ng mall ay ginamot ko siya dahil naawa ako sa kalagayan niya nang makita ko siya doon.
Ikwinento niya sa akin na nalaglag raw sa hagdanan ang Mom niya dahil naitulak ito ng Dad niya at pinagtanggol lang niya ang Mom niya sa Dad niya dahilan para masaktan siya nito kaya nagkaroon siya ng mga sugat at pasa sa mukha.
Naaawa ako kay Kyrie dahil nakikita ko na sobra nitong mahal at pinoprotektahan ang Mom niya. Iniinda nito ang pananakit ng Dad niya para lang maprotektahan ang Mom niya laban dito.
Napailing si Tito Trevor sa sinabi ni Kyrie habang kumakain ito. “He was just like that ever since. Walang pagbabagong nangyayari sa Dad mo. And now, he’s chasing your mother Emily because he’s already bored in his life. Tss.”
“Kawawa talaga kayo ng Mom mo sa Dad mo, Kyrie. I’m so sorry to Emily though.” malungkot namang sambit ni Tita Rica.
“Don’t worry po, I’ll protect Mom from Dad. Sanay na rin naman po akong nabubugbog ni Dad kaya wala nang kaso sa akin ’yon.” nakangiting sabi ni Kyrie saka nito ipinagpatuloy ang pagkain niya.
Hindi malungkot ang itsura nito na parang nasanay nang palaging sinasaktan ng Dad niya.
Iniba nalang ng mag-asawa ang topic para maiwas na kay Kyrie ang usapan namin. Sa akin naman nabaling ang atensyon ng mga ito.
“Kumusta pala ang panliligaw ng mga anak ko sa’yo, Jianna? Are they taking it slowly?” tanong ni Tita Rica nang nakangiti.
Tinignan ko muna si Ahnwar na nakangiti rin sa akin bago muling bumaling kay Tita Rica. Tumango ako at nginitian siya.
“Opo. Palagi nga po silang may binibigay na groceries na request ko at laruan para kay Blair. Kulang nalang po ay maging sari-sari store ang loob ng kwarto namin ni Blair dahil sa mga ibinibigay nina Ahnwar at Ahzik sa amin.” sabi ko at hindi ko na napigilang matawa doon.
Maging pati sina Tita Rica at Tito Trevor ay natawa rin sa sinabi ko habang si Ahnwar naman ay napahawak nalang sa leeg niya at ngumiti ito ng alanganin.
“Mas mabuti pa ngang grocery ang ibigay nila sa’yo dahil mas magagamit niyo ’yon ni Blair. Ayos lang yan, hija. They’re courting you and it’s their responsibility to give anything you want and for Blair also.” sabi ni Tita Rica.
“You’re being practical, Jianna. I like that.” sabi naman ni Tito Trevor at kinindatan ako nito na ikinatawa ko nalang.
“Don’t wink at her, Dad. You’re so gross!” nandidiri pang sabi ni Ahnwar sa Dad niya na ikinahalakhak naman ni Tito Trevor.
Nagtagal pa ng mahigit isang oras ang pagkain namin hanggang sa matapos na kami. Nagpaalam na sa amin sina Tita Rica at Tito Trevor na aakyat na sa kwarto nila para makapagpahinga.
Ang mga kapatid ngayon ng triplets ay nasa bahay raw ng mga magulang ni Sir Wenhan at doon mag-oovernight kaya wala ang mga ito ngayon sa mansyon.
“Parating na si Ahzik, baby. He texted me. Huwag muna raw kitang ihatid sa bahay ninyo hangga’t hindi ka pa niya nakikita.” sabi ni Ahnwar habang nakaakbay ito sa akin at binabasa ang text ni Ahzik sa cellphone niya.
Tumango na lang ako doon dahil alas nuebe pa naman ng gabi at nagpaalam na rin ako sa pamilya ko na baka gabihin ako ng uwi dahil niyaya akong magdinner nina Tita Rica at Tito Trevor.
“Let’s have a drink, Ahmed and Kyrie? Nagyayaya si Ahzik na mag-inuman tayo.” baling naman ni Ahnwar kina Ahmed at Kyrie na mukhang aalis na yata dito sa mansyon.
Tinignan pa ni Ahmed si Kyrie na tumango nalang sa sinabi ni Ahnwar. Kahit kinakabahan man ako sa presensya ng dalawang magbestfriend na ito ay sumama nalang ako kay Ahnwar at nagtungo kami sa entertainment room nila.
Umupo kami ni Ahnwar sa sofang katapat lang nina Ahmed at Kyrie. Tahimik lang ang dalawa habang si Ahnwar naman ay lumabas muna saglit ng entertainment room para magpahanda ng mga drinks at snacks namin sa mga maids nila.
Ngayon ay ang awkward na. Si Ahmed ay hindi ako halos matignan samantalang si Kyrie naman ay titig na titig sa akin.
“I didn’t know that they’re courting you, Adi.” biglang pag-imik ni Kyrie at natawa pa ito ng mahina.
Medyo nagulat pa ako sa biglaan niyang pagsasalita. Si Ahmed naman ay nananatili pa ring tahimik nang sumandal ito at humalukipkip sa kinauupuan nilang sofa ni Kyrie.
Mukhang alam na niyang magkakilala na kami ni Kyrie bago ko pa sila nakilalang triplets.
Kinagat ko nalang ang ibabang labi ko na mannerism ko na at tumango sa sinabi ni Kyrie. “Hindi ko rin alam na kilala mo pala sina Ahnwar at Ahzik.”
Tumawa na naman ulit si Kyrie at tunog sarcasm iyon. “Of course, kababata ko sila ni Ahmed kaya magkakakilala kami. Hindi ko lang magets kung bakit kailangan na dalawa pang lalake ang manligaw sa’yo. Pwede silang maging magkaribal pagdating sa’yo kahit sabihin mo pang nasa polyamory relationship ang kahahantungan niyo once na sinagot mo na sila.”
Naninibago ako sa ikinikilos ni Kyrie ngayon. Para bang hindi ako sanay na ganito siya makipag-usap sa akin. Hindi ito ang Kyrie na tinulungan kong gamutin ang mga sugat at pasa niya sa loob ng mall. Pakiramdam ko ay nagagalit talaga si Kyrie sa akin at hindi ko alam kung ano ang tunay na dahilan.
Pinigilan ko ang emosyon kong nalulungkot at sinagot si Kyrie. “Ayos lang sa kanila ’yon, Kyrie. Pinagbigyan ko ang gusto nilang ligawan ako dahil nakikita kong seryoso sila sa akin.” sabi ko.
“Paano kung mag-away sila nang dahil sa’yo? Makakaya mo bang sirain ang relasyon nina Ahnwar at Ahzik bilang magkapatid, huh?” ngumisi sa akin si Kyrie nang hindi ako nakasagot kaagad sa sinabi niya.
“Kyrie, stop it.” rinig kong pag-awat ni Ahmed kay Kyrie.
“Why would I? Nagsasabi lang ako ng totoo, Ahmed. Ahnwar and Ahzik are very close to each other. I can’t imagine na baka magtalo lang sila nang dahil sa isang babae. Is polyamory set-up will work for them? Hindi sila katulad ng sa parents niyo kaya-”
“Stop it you freak!”
Nagulat nalang ako nang biglang dumating si Ahnwar at kasama na nito si Ahzik na mukhang kakarating lang galing sa trabaho niya.
Masama ang tingin ng dalawang magkapatid kay Kyrie na kumuyom naman ang panga at natahimik nalang sa tabi ni Ahmed.
Dumating ang dalawang maids at inilapag sa lamesa ang mga drinks at snacks na pinahanda ni Ahnwar para sa amin. Nagtataka pa ang dalawang maids dahil sa sama ng mga titig nina Ahnwar at Ahzik kay Kyrie bago umalis ang mga ito.
“How can you say that, Kyrie? Bakit mo ba kami pinapangunahan when it comes to Jianna?” nagdududang tanong ni Ahzik kay Kyrie na hindi pa rin nagsasalita.
“Girlfriend pala, ha?” sarkastikong ani Ahnwar na halatang ikinagulat naman ni Kyrie.
“Bakit hindi kana makapagsalita diyan, Kyrie? ’Yung Adi na tinutukoy mong girlfriend kuno mo ay si Jianna Adiel ’yon, hindi ba? That’s why you want to brainwashed her mind because you’re jealous that we’re now courting her.” nakangising sabi ni Ahnwar kay Kyrie.
Ako naman ang nagulat sa sinabi nito at nang tinignan ko si Kyrie ay bigla nalang sumama ang tingin niya kina Ahnwar at Ahzik saka ito tumayo mula sa tabi ni Ahmed at bigla nalang nag walk-out. Binangga pa nito ang balikat ni Ahnwar bago ito makaalis.
“See? Your bestfriend is jerk and jealous to us, Ahmed!” tumawa ng sarkastiko si Ahzik habang tinitignan nito si Ahmed na bumuntong-hininga nalang saka tumayo at umalis na rin para sundan si Kyrie.
Ako naman na kanina pa nakikinig at nanonood sa kanila ay nilapitan na nina Ahnwar at Ahzik.
“I’m so sorry about that, Jianna.” paghingi ng paumanhin ni Ahnwar na ikinatango ko na lang.
Ano ang ibig sabihin nun?
May gusto ba sa akin si Kyrie?
Chapter 13
Ahzik
“Aso ka ba ni Kyrie kaya palagi ka nalang sunod ng sunod sa kanya?” I asked Ahmed while I’m raising my eyebrow.
Natigil siya sa pagtipa sa laptop niya nang dahil sa sinabi ko. I’m in his office right now at kakatapos lang ng board meeting ko kasama si Dad at ng iba pang mga clients namin.
Ahmed look at me with his infamous blank stare. “What do you mean?” he asked.
I crossed my arms and smirked at him. “Ahmed, you know that Kyrie likes Jianna Adiel. We’re courting Jianna pero ’yang bestfriend mo ay kulang nalang na magtransfrom bilang ampalaya dahil bitter siya sa amin. Can you at least talk to him and say na wala siyang pag-asa kay Jianna?” sabi ko.
Recently lang namin nalaman ni Ahnwar na ang Adi na tinutukoy ni Kyrie na girlfriend daw niya at naging love at first sight niya ay ang Jianna pala namin ni Ahnwar.
Ahmed is brutally honest at inamin niya iyon sa amin. Pinakiusapan niya pa kami na dapat raw na i-consider rin namin ang nararamdaman ni Kyrie para hindi ito masaktan.
Is he serious? Bakit naman namin gagawin iyon ni Ahnwar? Kyrie had a rough childhood and his father was abusing him physically but it doesn’t mean na dapat rin namin ikonsidera ang nararamdaman niya pagdating kay Jianna.
For heck sake! He’s 2 years older than us at dapat lang na umakto siyang mas matured sa amin pero kabaligtaran pa yata iyon dahil mas nagpapaka matured pa si Ahmed kaysa sa kanya.
Ahmed sighed at hinilot nito ang sintido niya. “He likes her, Ahzik. Alam naman natin na-”
“Oh c’mon, Ahmed! Huwag mong idahilan sa akin ’yang hindi perperkto niyang pamilya para magpakabitter siya na nililigawan na namin si Jianna. Jianna gave us a chance to court her at wala nang magagawa si Kyrie do’n.” I hissed.
“I’d already talked to him about that but he’s not listening to me. Sabihin niyo nang para akong aso na palaging bumubuntot kay Kyrie but I’m only his friend and the only one who can understand him aside from Tita Emily. I hope you will understand me, Ahzik.” he sighed again.
Ito ang ayaw ko kay Ahmed, masyado siyang mabait at maunawain pagdating kay Kyrie. Sometimes, Kyrie is not acting right but Ahmed can still understand his immature behavior.
Ngayon na pagdating na kay Jianna ang usapan, I swear to God na lalabanan ko si Kyrie kahit na makalaban ko pa doon si Ahmed.
I shook my head. “I understand you but this is too much. Pwede bang kahit ngayon lang ay magpaka-kapatid ka naman sa amin ni Ahnwar? We are triplets but you’re more closer with Kyrie than us.” mapait kong sabi.
Doon ay napayuko si Ahmed at hindi na malaman ang sasabihin niya. I intently look at him. I can sense something weird about him at sa tuwing kaharap rin niya si Jianna.
“I’m sorry,”
That’s all he can say to me. I can’t believe this!
Si Kyrie pa rin ang kinakampihan niya kaysa sa amin ni Ahnwar na kapatid niya. We’re running the same features and blood pero mas matimbang pa rin sa kanya ang gago at immature niyang bestfriend. Fuck!
“Don’t talk to me again.” malamig kong sabi at pagkatapos ay lumabas na ako sa loob ng opisina niya.
I can’t help but to kick the door outside of his office pagkalabas ko at napalingon pa sa akin ang iilang mga empleyado sa loob ng kompanya namin pero hindi ko nalang sila pinansin pa.
Sinikap ko na lang na tapusin ang mga gawain ko sa trabaho hanggang sa matapos na ako. Si Ahnwar naman ay dumating na rin sa opisina ko. Kailangan na naming sunduin si Jianna sa Supermarket na pinagtatrabauhan niya na pagmamay-ari rin nina Tita Sheena at Tito Alden.
Ayaw na namin siyang papasukin sa Supermarket na iyon sa mababang posisyon but she insisted that she needs to work in a lower position dahil hindi raw maganda na ilagay siya sa mataas na posisyon dahil hindi pa siya high school graduate.
Sinabi na namin ni Ahnwar sa kanya na handa kaming pag-aralin siya but she refused it because of Blair and she wants to spend her education fee by herself.
We understand her at dahil kilala na namin si Jianna na may prinsipyo at paninindigan ay nirespeto nalang muna namin ang desisyon niya.
Maybe not now pero sana ay mapilit na namin siyang pag-aralin by our money. Handa namin siyang tulungan and if it’s only financial then wala nang problema doon.
We stopped sending groceries and toys for Jianna and Blair dahil masyadong marami na raw kaming naibibigay sa kanila. Nagplano na lang kami ni Ahnwar ng vacation trip para kina Jianna at Blair maging pati na rin sa pamilya nila.
May beach resort sila Dad sa Subic, Zambales and it’s a perfect place for us to unwind and relax. Kailangan talaga naming makuha ang tiwala at loob ng pamilya ni Jianna dahil tinanggap nila kami para rito at itinuturing na rin nila kaming pamilya nila.
They are not that rich unlike us but they are rich with good morals and values. I don’t know why some rich people are underestimating and degrading the poor ones. They’re one of the kindest and well-mannered people that I’ve encountered, and that is Jianna’s family.
“I’d talked to Ahmed earlier. He’s still loyal and devoted to his best friend.” I said in dismay at Ahnwar.
Tumawa lang ng mahina si Ahnwar sa sinabi ko at sumandal ito sa kinauupuan niya sa front seat while I’m driving my car in driver’s seat.
“What do we expect? Baka nagpaawa na naman ang lalakeng ’yon kay Ahmed and our idiot brother sympathy him.” he said.
“May napapansin ka ba kay Ahmed?” seryoso kong tanong.
Ahnwar knotted his brows. “Napapansin na ano?”
“Sa tuwing nakikita niya si Jianna. Parang may kakaiba.” sabi ko.
Sandaling natahimik si Ahnwar sa sinabi ko bago ito muling nagsalita. “I thought na ako lang ang nakakapansin nun but you’d noticed it, too.”
So, si Ahnwar rin pala ay napapansin iyon?
“The way he looks at her.” mahina kong sabi at mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa steering wheel ng kotseng minamaneho ko.
Ahnwar just shook his head at tahimik na kami sa buong byahe namin. Pagkarating namin sa Supermarket na pinagtatrabauhan ni Jianna ay kaagad namin siyang nakita sa labas nun kasama ang mga kaibigan niyang sina Iska at Jiro.
Iska stared at me when she saw me kaya kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya while Jiro were smiling at us.
Ahnwar and I kissed Jianna’s cheeks na ikinapula naman ng mukha niya. Oh she’s cute while blushing.
“Nandito na pala ’yung mga manliligaw ni Adi.” Jiro tease us.
I saw how Ahnwar rolled his eyes at Jiro kaya siniko ko ito para umayos.
He don’t like Jiro dahil grabe raw ito kung makatingin kay Jianna same with Iska na grabe rin kung tumingin sa akin. We noticed it but we’re not talking too much about it.
I faked my smile at Jiro at niyaya nang umuwi si Jianna. Nagpaalam na rin si Jianna sa mga kaibigan niya hanggang sa sumakay na kami sa loob ng kotse ko.
“Let’s eat in a restaurant for a while.” sabi ko na ikinatango na lang ni Jianna.
I drove at a restaurant nearby at doon na kami kumain nina Ahnwar at Jianna ng dinner. Nag take-out na rin kami ng pagkain para sa pamilya ni Jianna at kahit ayaw niyang gumastos kami para sa pamilya niya ay wala na siyang nagawa pa doon nang nagpumilit kami.
I can’t wait na sagutin na niya kami ni Ahnwar.
If that’s happen then I’ll be the happiest man in the entire solar system. It’s a bit exaggerated but that’s the truth.
Nagdaan pa ang oras at nakarating na rin kami sa bahay nila Jianna. Ipinark ko ang kotse ko sa gilid ng bahay nila at lumabas na kami sa loob ng kotse ko.
Nakita kaagad namin sa may tapat ng gate si Haru habang karga nito si Blair. Our baby girl greeted us at kaagad itong nagpakarga kay Ahnwar pagkakita sa amin.
“Nasaan pala sina Mama at Lola, Haru?” tanong ni Jianna kay Haru.
“Nasa simbahan sila ngayon, ate. Baka gabihin raw sila ng uwi dahil nagpapatulong si Lola kay Mama sa pagrerenovate ng simbahan.” sagot ni Haru.
Tumango naman doon si Jianna at iniabot nito kay Haru ang binili naming take-out food sa restaurant na kinainan namin.
“Kumain ka muna. Tapos na kaming kumain nina Kuya Ahnwar at Kuya Ahzik mo sa restaurant.” sabi ni Jianna sa kapatid niya.
“Mukhang masarap ’to, ah? Salamat pala dito, Kuya Ahnwar at Kuya Ahzik.” Haru said while looking at the take out food that he’s holding.
“No worries, Haru. Enjoy the food.” sabi naman ni Ahnwar kay Haru nang nakangiti.
Nauna nang pumasok si Haru sa loob ng bahay nila at akmang papasok na rin sana kami sa loob nang mapansin ni Jianna na may isang pulang kotse na paparating sa tapat ng bahay nila.
Nakita ko ang gulat at takot sa mukha niya nang makita ang lalakeng lumabas mula sa pulang kotseng nasa tapat na namin.
When we look at the guy ay maging pati kami ni Ahnwar ay nagulat rin doon.
It’s Leigh Johann Davidson.
Si Leigh ay nagulat rin nang makita kami. After a years ay ngayon lang namin siya ulit nakita. I wonder if Ahmed saw him already.
“W-what you two are doing here?” Leigh asked Ahnwar and I.
Si Jianna ay nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Leigh na bakas pa rin ang gulat sa mukha nito.
Gusto kong matawa sa inis at galit dahil unti-unti ko nang nabubuo ang theorya sa isipan ko kung bakit nandito ang lalakeng ito sa harapan namin ngayon.
How stupid am I that we didn’t notice it in the first place?
“We’re courting Jianna.” Ahnwar tilted his head and clenched his jaw.
Nagulat si Leigh sa sinabi ni Ahnwar at tumingin rin ito sa akin na tila hindi makapaniwala.
Leigh is our cousin.
Bukod kay Tito Sage ay may kapatid pang babae sila Dad Trevor na sa Germany na lumaki and that is Tita Leilani. Leigh’s grandmother is our grandfather’s mistress. Aksidenteng nabuntis noon ni lolo ang lola ni Leigh. Inilihim iyon ng pamilya Dela Vega dahil sa kahihiyan na maaaaring idulot nito sa angkan namin.
Leigh’s father is a German na napangasawa ni Tita Leilani while Dad Trevor’s father who happens to be my grandfather is a half German too at ngayon lang iyon inamin ni lolo sa amin.
Sa Germany tumira ang mga magulang ni Leigh at doon na siya ipinanganak. Leigh’s family suddenly lives here in the Philippines since he was young dahil nagkaroon dito ng shoe business ang Dad niyang isang German. They are rich but not that rich as my family. Hanggang ngayon ay hindi pa rin magkasundo ang pamilya nila Leigh at ang pamilya ko.
We, the triplets and Leigh have a lot of resemblance when it comes to physical features. Talagang malakas ang dugo ang lolo naming may lahi palang German.
“What? Nililigawan niyo si Adi? I’m Blair’s biological father. Hindi niyo ba ’yon alam?” Leigh said and he laugh nervously.
“Oh? You’re the guy who left Jianna five years ago? Ikaw na pinsan pa namin?” Ahnwar gritted his teeth in anger at Leigh.
Si Jianna ay mas lalo pang nagulat sa narinig niya mula kay Ahnwar. Sobrang liit talaga ng mundo para maging konektado kaming lahat sa isa’t-isa.
Who would thought na ang pinsan pa naming si Leigh ang gagong ex-boyfriend ni Jianna na ama ni Blair?
Lumunok sa tensyon si Leigh dahil sa sinabi ni Ahnwar. Somethings wrong with him. Para bang natakot ito sa amin.
“W-Where’s Ahmed?” tanong ni Leigh.
“Why are you finding him? Para gayahin mo na naman siya dahil naiinggit ka sa kanya?” I mocked him na mas lalo pa yatang ikinabalisa ni Leigh.
Leigh look at Jianna na halatang gulong-gulo na sa mga nangyayari. Sandali lang ang pagkabalisa at nerbiyos ni Leigh nang muli itong humarap sa amin ni Anhwar at nginisian kami.
“Hindi ko na kailangang gayahin pa si Ahmed. Who said that I’m insecure to him? I’d always got what he wanted at hindi ko na kasalanan kung hanggang ngayon ay nakukuha ko pa rin ’yon nang walang kahirap-hirap.” he said boastfully.
“You’re such a dumbass.” Ahnwar said while glaring at Leigh.
“Daddy!” biglang sumigaw si Blair at pilit itong nagpapababa sa pagkakakarga sa kanya ni Ahnwar.
She ran and went to Leigh at kaagad naman siya nitong kinarga. Sa eksenang nakikita ko habang karga ni Leigh si Blair ay hindi ko mapigilang masaktan doon.
Sobrang liit naman ng mundo para sa amin.
“My daughter is so pretty with her clothes today.” Leigh complimented Blair’s clothing sabay sulyap sa amin ni Ahnwar at palihim niya kaming nginisian.
Nagpupuyos ako sa galit ngayon. Gusto kong suntukin si Leigh pero nagpipigil lang ako. Ipinapamukha niya sa amin ni Ahnwar na wala kaming karapatan kay Blair dahil siya ang totoong ama nito.
Hindi ko na napigilan na lapitan si Leigh at tinignan ko siya nang may pagbabanta.
“Maybe you’re Blair’s biological father but it doesn’t mean na isusuko na namin sina Jianna at Blair sa’yo. They deserve us more than you because you’re irresponsible and jerk.” I said seriously.
Leigh playfully smirked at me bumulong siya sa akin. “Hindi ko isusuko ang mag-ina ko sa inyo, Ahzik. Ako ang ama ni Blair at ako ang nakauna kay Adi. Akin sila, sa akin lang ang pamilya ko. I will do everything to get them.” he declared.
Natawa na lang ako ng mahina sa sinabi niya and it’s my turn to smirk. “Then let’s see, Leigh.”
Sinamaan naman niya ako ng tingin maging pati na rin si Ahnwar. Hindi kaagad nakakilos si Leigh nang biglang lumapit si Ahnwar sa kanya at kinuha nito si Blair.
“Let’s go inside, Jianna.” pagtawag ni Ahnwar kay Jianna at nauna na itong pumasok sa loob ng bahay habang karga si Blair.
Gulat at nagtataka man si Jianna sa mga nangyayari ngayon ay sumunod na rin ito kina Ahnwar at Blair sa loob ng bahay.
I closed the gate immediately para hindi makapasok si Leigh sa loob ng bahay nila Jianna. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko at mas lalong sumama ang tingin niya sa akin habang kinakalampag na nito ang gate nila Jianna.
“Damn you, stupid! Open this gate! I’m Blair’s father and she needs me!” galit na galit na sigaw ni Leigh habang patuloy pa rin niyang kinakalampag ang gate.
He’s still a scandalous jerk. Wala siyang pakialam na mag-ingay kahit gabi na.
Nagmiddle finger lang ako kay Leigh at nginisian siya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila Jianna.
“Tangina niyo ni Ahnwar! Mga gago kayo! Mang-aagaw ng pamilya!” Leigh shouted.
Napailing nalang ako.
This is going to be hard but we’ll still fight for Jianna and Blair. They didn’t deserve Leigh in the first place.
Anhwar and I deserves them better.
Chapter 14
Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko inaasahan na magkakasama kaming lahat para lang sa dalawang araw na bakasyong ito. Nitong mga nakaraang linggo ay maraming mga nangyari na hindi ko inaasahan at ngayon nga ay patuloy pa rin itong nangyayari.
Nasa isa sa mga beach resort kami ngayon sa Subic, Zambales ng pamilya ko, ang triplets, sila Nikolai, Eiselle, Cristina at Noah. Sina Ahnwar at Ahzik ang nag-isip ng bakasyong ito at alam kong parte ito ng panliligaw stage nila sa akin.
Sabado ngayon at pareho kaming mga walang pasok sa eskuwelahan at trabaho. Nakasama rin sila Nikolai at ang mga kapatid niya rito dahil sinabi nina Ahnwar at Ahzik na pwede ko silang yayain sa bakasyon namin.
Hindi naman iyon natanggihan ng tatlong magkakapatid dahil gusto rin nilang makapagrelax muna mula sa pagkaabala nila sa kanilang eskuwela at trabaho.
Nasa may dagat kami ngayon at nakangiti kong pinagmamasdan sina Ahnwar at Ahzik na karga si Blair habang nagsu-swimming sila sa dagat. Kakaahon ko lang rin sa dagat at naisipan kong kuhanan sila ng litrato habang nakamasid ako sa kanila.
Sa pagdating nina Ahnwar at Ahzik sa buhay ko ay tila mas lalo pang naging makulay ang mundo ko bukod sa noong ipinanganak ko si Blair.
Napaka-rare sa mundong ito na makakita ng mga lalakeng katulad nila na hindi ka huhusgahan tungkol sa nakaraan mo at handa ka pa ring tanggapin ng mga ito.
Ano ba ang nagustuhan sa akin nina Ahnwar at Ahzik? Alam ko na maraming mga babae ang nagkakagusto sa kanila dahil sa angking kagwapuhan at tindig palang nila ay marami nang napapalingon sa kanila katulad nalang ng ibang mga turista dito sa beach resort kung nasaan kami.
Masyado nga talagang mahaba ang hair ko para mabihag sila sa alindog ko lols.
“Parang mga tunay na tatay na talaga sila ni Blair, oh?” Napalingon naman ako sa lalakeng tumabi sa akin dito sa may buhanginan.
Si Nikolai ito na nakangiti sa akin habang kumakain ng inihaw nilang barbecue nina Haru at Noah.
Napangiti naman ako sa sinabi niya at binaba saglit ang hawak kong cellphone. “Hindi ka pa maliligo?” tanong ko.
“Mamaya na. Masyado pang tirik ang araw at baka masunog lang ang balat ko at magka sunburn pa ako.” sabi niya na akala mo’y isang mayamang maarteng babae.
“Ang arte naman nito e, balat kargador ka nga!” pang-aasar ko sa kanya.
Pabiro naman niya akong inirapan na ikinatawa ko nalang.
Napapansin ko ang iilang mga babaeng turista na nagsu-swimming rin na napapalingon sa direksyon namin at alam kong si Nikolai ang tinitignan nila.
Kahit dito rin pala ay nakaw-atensyon pa rin siya. Kung ang triplets ay may pagkabanyaga ang itsura, si Nikolai naman ay may asian vibes look katulad ko. Mukha itong koreano dahil sa medyo bagsak na style ng buhok niya; maputi at chinito rin ito.
Maraming nagsasabi sa kanya na kamukha niya ang korean actor na si Jung Jinyoung at agree naman ako doon. Boy Next Door ang datingan ni Nikolai pero in a manly way pa rin.
Biglang lumingon sa amin sina Ahnwar at Ahzik kaya kinawayan ko sila. Kumaway rin sila pabalik sa akin at ang katabi kong si Nikolai ay kinawayan rin sila. Natatawa namang kumaway ang magkapatid kay Nikolai at pati si Blair ay ginaya na rin sila sa pagkaway.
“Kitams? Close na close talaga kami niyang sina Sir Ahnwar at Ahzik kahit umamin sila na pinagseselosan nila ako dahil nga mas matagal na kitang kakilala kaysa sa kanila.” banggit ni Nikolai na ikinagulat ko.
“Talaga? Nagseselos sila sa’yo?” tanong ko.
Tumango naman siya matapos maubos ang kinakain niyang barbecue at pinaglaruan ang stick nito.
“Normal lang naman siguro na magselos sila sa’kin dahil lalake ako at magkababata pa tayo. Nilinaw ko naman sa kanila na wala silang dapat pagselosan sa’tin dahil m-magkaibigan lang talaga tayo.” ngumiti si Nikolai at tinapik niya ang balikat ko.
Ngumiti ako. “Maraming salamat at tanggap mo sina Ahnwar at Ahzik para sa akin, Nikolai.” sabi ko.
Seryoso naman niya akong tinignan. “Adi, kilala na kita simula pagkabata palang natin. Kabisado ko na halos lahat ng kilos at emosyon mo at nakikita kong masaya ka kina Sir Ahnwar at Sir Ahzik. Kaligayahan mo ang hangad ko kaya sana ay maging masaya ka sa kanila.”
Hindi ko alam pero ramdam ko ang lungkot ni Nikolai habang sinasabi niya ito sa akin. Kahit anumang pagkumbinsi ko sa sarili ko na hindi totoo iyon ay nararamdaman kong totoo ang sinasabi sa akin nina Eiselle at Cristina.
“Salamat, Nikolai.” tangi kong nasabi.
Ngumiti lang sa akin si Nikolai saka na ito tumayo mula sa pagkakaupo niya sa tabi ko. “Magsu-swimming na nga ako. Sayang ang bakasyon kung hindi natin e-enjoyin.” sabi niya at pagkatapos ay lumusong na siya sa dagat.
Ngumiti nalang ako ng malungkot at tumayo na para pumunta sa cottage na nirentahan namin. Naabutan ko naman doon sila Kuya Hideyo, Mama at Lola na kumakain ng mga hinanda naming pagkain para sa outing namin.
Nasaan na kaya siya?
“Si A-Ahmed po?” tanong ko kay Mama at nautal pa ako nang banggitin ang pangalan niya hays!
“Umalis nalang bigla pagkatapos kumain, anak. Hindi nga namin alam kung saan nagpunta.” sagot ni Mama habang kumakain.
Tumango nalang ako at tumabi kay Kuya Hideyo na abala sa iniinom niyang Coke. Kakatapos lang rin niyang kumain.
“Kasama ni Blair sina Ahnwar at Ahzik?” tanong ni Kuya Hideyo sa akin.
Ngumiti naman ako saka tumango. “Ayon at enjoy na enjoy si Blair sa dagat.”
Napangiti si Kuya Hideyo sa sinabi ko. “Kasundong-kasundo na talaga ni Blair ang mga manliligaw mo. Hindi na sila mahihirapan na magpa-ama sa kanya sa oras na sagutin mo na sila.” sabi niya.
Nang matapos nang kumain sina Mama at Lola ay dumating sa cottage namin sila Haru, Noah, Eiselle at Cristina at hinatak na nila sina Mama at Lola para magswimming na raw sila.
“Ang mga batang ito talaga, oh! Oo na’t maliligo na rin kami sa dagat.” natatawang sabi ni Lola hanggang sa makaalis na ang mga ito sa cottage at kami nalang ni Kuya Hideyo ang naiwan.
“Oo nga, kuya, e.” sagot ko sa sinabi ni Kuya Hideyo at napakamot nalang sa ulo ko.
Hindi na nagsalita pa si kuya sa sinabi ko at tinignan nalang ako nito habang nakangiti. Napagdesisyunan kong kumain na at si Kuya Hideyo ay wala pa rin yatang balak na maligo sa dagat kaya hinayaan ko nalang siyang tignan ako habang kumakain.
Nang matapos na akong kumain ay saka pa lang ito umalis at sinabing maliligo na siya sa dagat. Nakaramdam naman ako bigla ng pagkaihi kaya umalis muna ako sa cottage namin at nagpunta sa restroom ng beach resort.
Nang matapos na akong gumamit ng restroom ay napagdesisyunan ko munang libutin at pagmasdan ang beach resort kung nasaan kami ngayon.
Hindi naman gaanong marami ang mga turista ngayon at siguro ay wala pa namang summer kaya kakaunti lang ang mga bakasyonista.
Bukod sa may mga swimming pools, jacuzzi, restaurants, shops at hotel ang beach resort na ito ay napakaganda at refreshing rin dito dahil sa sariwang simoy ng hangin.
Lumakad ako sa may seaside ng dagat habang nililipad ng hangin ang mahaba at itim kong buhok. Nakasuot ako ng spaghetti strap summer dress at puting tsinelas kaya damang-dama ko ang hanging dumadampi sa balat ko.
Napahinto naman ako sa paglalakad nang makita ko si Ahmed na nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang paghampas ng mga alon sa dagat. Katulad ng inaasahan ko ay seryoso ang ekspresyon ng mukha niya at tila malalim ang iniisip nito.
Hindi ko alam ang gagawin ko kung lalapitan ko ba siya o hindi. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin kami nag-uusap matapos noong huling sinabi niya sa akin sa mansyon nila at nahuli ko siyang kumakanta nun.
Napansin yata ni Ahmed na nakatingin ako sa kanya kaya napalingon ito sa akin na ikinagulat ko.
Lumakas na naman ang tibok ng puso ko at medyo kinakabahan ako nang makita kong nakatingin siya sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang dahan-dahan siyang lapitan at nahihiyang nginitian siya.
“S-sorry, napadaan lang rin ako dito pagkatapos kong pumunta sa restroom.” mahina kong sabi habang nakatingin pa rin siya sa akin.
Nakahinga lang ako nang maluwag nang muli niyang ibinaling ang paningin niya sa dagat.
“My brothers are in love with you.”
Napakagat-labi ako dahil alam ko naman iyon at nararamdaman ko rin.
“And you heard what they’ve said about Kyrie noong nasa bahay ka at nandoon rin si Kyrie.” sabi niya.
Napayuko naman ako dahil narinig ko nga iyon.
“Kyrie likes you, Adi.”
Mas lalo pa yatang lumakas ang tibok ng puso ko hindi dahil sa sinabi niyang may gusto sa akin si Kyrie kundi dahil tinawag niya ako sa nickname kong Adi.
Tumingin ako kay Ahmed na nanlalaki ang mga mata. Sa paraan ng pagtitig niya sa akin ay sobrang napakapamilyar nito. Ang kulay abuhing-bughaw niyang mga mata ay parang nilulunod ako sa iba’t-ibang klaseng emosyon at pakiramdam.
Ano ba talaga itong nararamdaman ko sa tuwing kaharap ko si Ahmed? Bakit pakiramdam ko ay may kulang pa sa pagkatao ko na hindi ko pa natutuklasan?
Bakit pakiramdam ko ay hindi pa rin ako kumpleto?
“Kyrie is my best friend and he likes you for real but my brothers likes you, too and I can’t do something about it.” bumuntong-hininga si Ahmed at ipinikit nito saglit ang kanyang mga mata.
“Have we met before?”
Natigilan ako sa bigla niyang sinabi. Posible bang nararamdaman rin niya itong weirdong nararamdaman ko sa tuwing kaharap ko siya?
“I didn’t know that Leigh is your daughter’s biological father.” sabi niya habang ramdam ko ang intensidad ng mga tingin niya sa akin.
“I feel like I saw you before but I can’t remember it completely.” sabi niya at doon ay halos magwala na ang puso ko sa paglakas pa lalo ng pagtibok nito.
“Ahmed!”
Nawala lang ang atensyon namin ni Ahmed sa isa’t-isa nang makitang naglalakad papalapit sa amin si Kyrie at kasama nito sina Leigh at Laarni.
Masama ang tingin sa akin ni Laarni habang sina Kyrie at Leigh naman ay titig na titig sa akin. Nang makalapit na ang mga ito sa pwesto namin ni Ahmed ay biglang inakbayan ni Kyrie si Ahmed at nginitian niya ako.
“Nandito pala kayong dalawa. Sama kayo sa amin nina Leigh at Laarni na magbar hopping dito sa labas ng beach resort? May malapit na bar dito kaya sumama na kayo sa amin.” sabi ni Kyrie habang nakangiti ito.
Nang malaman kong may gusto siya sa akin ay mas lalo lang akong nailang sa kanya at idagdag pang naiilang rin ako dahil nandito lang naman sa harapan ko si Leigh na totoong ama ng anak ko. Hindi naging maganda ang huling pagkikita namin noong nakaraan kasama sina Ahnwar at Ahzik lalo na’t nalaman kong pinsan pa pala niya ang triplets.
Kaya pala kamukha ni Blair ang triplets dahil pinsan ng mga ito si Leigh.
Bakit nandito sila ngayon sa Subic? Sinusundan ba nila kami? Sa dami ng pwede nilang pagbakasyunan ay dito pa talaga?
“Mauna na ako sa inyo.” bigla kong paalam at akmang maglalakad na sana ako papaalis nang hinawakan ni Leigh ang isang braso ko para pigilan ako.
“Hey? Saglit lang naman tayo. I want to spend more time with you since nilalaan mo nalang palagi ang oras mo sa pakikipaglandian sa mga pinsan kong manliligaw mo pala.” nakangisi niyang sabi na mahina pang ikinatawa ni Laarni at inirapan ako.
Sinamaan ko ng tingin si Leigh at inis kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.
“Wala kang pakialam kung gusto kong makipaglandian kina Ahnwar at Ahzik. Baka nakakalimutan mong matagal na tayong tapos? Ama ka lang ni Blair at hanggang doon lang ang role mo ngayon sa buhay ko?” mariin kong sabi kahit nanggigigil na ako sa inis ko sa kanya.
“You bitch! Don’t talk to my brother like that! Ang kapal naman ng mukha mo para magpaligaw pa sa mga pinsan namin habang may anak kayo ni Kuya Leigh. Do you have any decency at all?” sabi naman ni Laarni habang nakatitig siya ng masama sa’kin at dinuduro niya ako.
“Laarni,” pag-awat ni Leigh sa sinabi ni Laarni pero nakangisi pa rin ito sa akin.
Pinigilan kong huwag maiyak sa mga sinasabi nila patungkol sa akin. Sanay na ako sa panghuhusga ng ibang tao dahil sa maaga akong nabuntis. Immune na ako sa ganito pero masakit pa rin palang makarinig nang masasamang salita patungkol sa akin.
Nang tumingin ako kay Ahmed ay nakatingin lang ito sa akin ng seryoso. Kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kanya nang nagsalita na si Kyrie.
“Laarni, wala na tayong magagawa kung nililigawan na siya nina Ahnwar at Ahzik. We need to accept that fact. Ahm.. Adi, sumama ka na sa amin, please? Sandali lang talaga tayo.” bumaling sa akin si Kyrie at nakangiti na ito.
Tatanggi na sana ulit ako nang bigla niya akong hinila at naglakad na kami papaalis. Sumunod naman sa amin sila Leigh, Laarni at Ahmed na ramdam kong pinagmamasdan pa rin ako.
“Kyrie, baka hinahanap na ako sa-”
“Kasama naman natin si Ahmed kaya ayos lang ’to. Dahil nililigawan kana nina Ahnwar at Ahzik ay mas gusto pa kitang makilalang lalo. Don’t mind Leigh and Laarni dahil wala naman silang magagawa kung nililigawan ka na ng magkapatid.” pagputol ni Kyrie sa sinasabi ko.
Hindi na ako nagsalita dahil wala na rin akong magagawa pa. Nakalabas na kami sa beach resort at pinuntahan na ang bar na tinutukoy ni Kyrie. Walking distance lang ito mula sa beach resort at hindi naman gaanong malayo kaya napanatag ang loob ko.
Nang makapasok na kami sa loob ng bar ay maraming tao ang nasa loob nito. May mga nagsasayawan pa sa dance floor habang nagpapatugtog ang DJ sa booth nito, nag-iinuman, nagkukwentuhan ang iba at ang iba naman ay halos mag make-out na. Napansin ko pa ang iilang mga tao na napapalingon sa amin nang pumwesto kami sa isang bakanteng table sa dulo.
Si Leigh na ang umorder ng mga drinks namin dahil siya raw ang manlilibre sa amin. Si Laarni naman ay umalis sa table namin at nagpunta ito sa kabilang table kung saan ay may kakilala yata siya doon at kinausap niya ito.
“Enjoy your day here, Adi. Huwag kang mahiya sa amin.” sabi ni Kyrie at inabutan ako nito ng isang shot glass ng alak.
Umiling ako at tinanggihan ang alak na hawak niya. “Hindi ako iinom, Kyrie-”
“Oh c’mon! Don’t be a kill joy. Kahit isa lang.” pagpupumilit naman ni Kyrie.
Bumuntong-hininga nalang ako at tumingin muna may Ahmed bago kunin ang hawak na shot glass ni Kyrie at ininom ito ng isang lagukan lang. Napangiti naman sina Kyrie at Leigh sa ginawa ko.
Kaagad bumalot ang init sa lalamunan ko dahil sa ininom kong alak. Hindi ko alam kung anong klaseng alak ito pero mapait ito at sobrang tapang ng lasa.
Muli akong inabutan ni Kyrie ng alak at hindi ko na iyon natanggihan. Ininom ko ulit ito ng diretso hanggang sa nasundan na iyon ng ilang beses.
Si Ahmed ay ramdam kong nakatingin lang sa akin habang si Leigh naman ay nakangiti habang umiinom rin.
“Ahmed, yosi muna tayo sa labas?” tinignan pa ni Kyrie si Leigh bago nito hinila si Ahmed na sumulyap pa sa akin hanggang sa makaalis na sila.
Kaming dalawa nalang ni Leigh ang naiwan sa table. Si Laarni ay hindi na bumalik pa at naging abala na ito sa pakikipag-usap sa kakilala niyang kaibigan sa kabilang table. Nakita ko pang tumingin siya sa amin at nginisian nito si Leigh bago muling binalingan ang mga kausap niya.
“Babe,” bulong ni Leigh nang lumapit ito sa pwesto ko at hinapit ang baywang ko.
Kahit ramdam ko na ang tama ng alak sa akin ay sinikap kong lumayo sa kanya. “Huwag mo nga akong lapitan!” suway ko pero tinawanan lang niya ako at mas lalo pa niyang hinapit ang baywang ko.
“Hanggang ngayon pala ay nababaliw pa rin ako sa’yo at alam kong ganon ka rin sa akin, Adi. Imposibleng hindi mo na ako mahal. Hindi mo na kailangang gawing rebound sina Ahnwar at Ahzik para lang makalimutan ako. Let’s get back together and-”
“Nakakatawa ka, Leigh! Hindi na kita mahal!” tumawa ako ng sarkastiko at siguro dahil sa epekto ng alak na nainom ko ay nag-iiba na ang kilos at pananalita ko.
“At sino na ang mahal mo? ’Yung mga gago kong pinsan? Believe me, Adi, they’re just using you to satisfy their sexual needs. Sa tingin mo ba ay tanggap ka talaga nila? May anak ka na at hindi sila magse-settle sa’yo kung hindi rin nila anak ’yang anak mo.” tila nang-iinsultong sabi ni Leigh at doon ay natahimik ako at nasaktan dahil sa sinabi niya.
“They are single and successful bachelors, Adi. Bored lang siguro sila sa buhay nila kaya ka nila nililigawan. You’re too pretty and sexy at alam kong ’yon lang ang nagustuhan nila sa’yo.” sabi pa nito. Bigla akong natulala sa dinugtong na sinabi ni Leigh.
Bumigat ang pakiramdam ko dahil baka totoo nga iyon. Sino ba naman kasing successful at mayaman na mga lalake ang papatol sa isang single mother na mahirap na nga at hindi pa nakapagtapos ng pag-aaral?
Nilagok ko kaagad ang shot glass na may lamang alak na nasa lamesa. Nakangiti lang si Leigh habang tinitignan akong uminom pero wala na akong pakialam pa doon.
Nawala na ako sa sarili dahil lasing na ako. Hindi ko na rin alintana pa ang ilang beses na paghawak ni Leigh sa iba’t-ibang parte ng katawan ko. Napasandal na ako sa dibdib niya dahil sa hilong nararamdaman habang siya naman ay ramdam kong hinihimas ang mga hita ko sa loob ng suot kong summer dress.
“You’re so addictive, Adi. Hindi na ako magtataka kung bakit pati si Kyrie ay hinahangad ka rin pero sorry nalang sa kanya dahil akin ka.”
Laking gulat ko nalang nang bigla akong hinalikan ni Leigh sa labi at doon ay nagpanic na ako. Pilit ko siyang itinutulak sa dibdib niya para mahiwalay sa kanya pero mas lalo niyang pinagdiinan ang sarili niya sa katawan ko at mahigpit niyang hinawakan ang likuran ko.
Hindi ako makawala sa patuloy niyang paghalik sa akin. Hindi naman kami napapansin ng ibang mga tao dahil nasa bandang dulo ang table namin at medyo madilim sa pwesto namin.
Kumawala na ang mga luha ko dahil sa ginagawa ni Leigh. Dahil sa panghihina at sobrang kalasingan ay hindi ako makalaban sa kanya. Hinahawakan na rin niya ang magkabilang dibdib ko at nilalamas ito habang patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin.
Pumikit ako sa panghihinang nararamdaman hanggang sa narinig ko nalang ang matinding sigaw at paghiyaw ng mga tao dito sa loob ng bar.
Nang magmulat ako ng mata ay nagulat nalang ako nang makita si Ahmed na ilang beses na pinagsusuntok si Leigh na nakahandusay na pala sa sahig.
Ang mga taong nasa loob ng bar ay tila natatakot sa ginagawa ni Ahmed habang si Laarni naman ay umiiyak na sa tabi ni Kyrie na nagulat rin sa ginagawang pambubugbog ni Ahmed sa pinsan nito.
“Ahmed, stop beating Leigh. He’s your cousin!” umiiyak na sigaw ni Laarni kay Ahmed.
Hindi iyon pinansin ni Ahmed at patuloy pa rin ito sa pagsuntok kay Leigh na hindi na makalaban sa kanya.
Duguan na si Leigh at marami nang sugat at pasa sa buong katawan nito. Mabuti nalang at may dumating nang mga bouncer para awatin si Ahmed sa ginagawa niya.
Wala pa ring emosyon ang mukha nito nang tumigil na siya sa ginagawa niya. Hindi rin ito nagsasalita.
Sa amin na lahat nakabaling ang atensyon ng mga taong nandito sa loob ng bar. Si Kyrie na nasa tabi ni Laarni ay hindi pa rin makapaniwalang binugbog ni Ahmed ang sariling pinsan nito.
Kumabog naman ang dibdib ko nang lumapit sa akin si Ahmed at hinawakan nito ang magkabilang balikat ko saka pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko.
“Are you okay?” tanong niya sa akin na may bahid nang pag-aalala.
Umiiyak naman akong umiling. Bumuntong-hininga siya at tinanggal nito ang suot niyang jacket. Isinuot niya ito sa akin saka hinawakan ang isang kamay ko.
Nakaawang sa pagkagulat ang bibig ni Kyrie dahil sa ginawa ni Ahmed habang sila Laarni naman at ang mga bouncer ay tinutulungan na makatayo si Leigh sa sahig na duguan at bugbog-sarado na.
Hinila na ako ni Ahmed papalabas sa loob ng bar. Walang nagtangkang pigilan kami kahit pa ang mga bouncer na umawat sa ginawa niyang pambubugbog kay Leigh. Kahit kay Ahmed ay natatatakot rin sila.
Nang makalabas na kami sa loob ng bar ay nagulat nalang ako nang bigla akong niyakap ni Ahmed at sinubsob ang mukha niya sa balikat ko.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kahit ako ay nalilito rin sa nararamdaman ko at sa ikinikilos niya ngayon.
“Ahmed…” tangi kong nasabi habang umiiyak ako. Hindi siya nagsalita doon at yakap niya pa rin ako.
Niyakap ko nalang siya pabalik at kahit wala man akong maintindihan sa mga ikinikilos niya ngayon ay alam kong ligtas na ako mula sa mga bisig niya.
Mahaba ang ud na to hahays
Chapter 15
Napapansin ko na kanina pa mariin ang titig nina Ahnwar at Ahzik kay Ahmed habang nandito kami ngayon sa dagat para sa huling araw na bakasyon namin dito sa beach resort sa Subic, Zambales.
Nalaman na kahapon ng dalawang magkapatid ang ginawa ni Leigh sa akin at maging pati na rin ang ginawang pambubugbog ni Ahmed kay Leigh.
Ngayon ay may plano yatang magsampa ng kaso ang mga magulang ni Leigh laban kay Ahmed at iyon ang ikinakabahala nina Tita Rica at Tito Trevor pero si Ahmed ay tila wala namang pakialam doon at kung titignan siya ay hindi niya iyon alintana.
Hindi ko na magawang makapagtanong kay Ahmed kung bakit kailangan pa niyang bugbugin si Leigh para lang pigilan ang pagtatangka nito sa akin ng masama. Pwede naman niyang awatin ang pinsan niya pero bakit kailangan niya pa itong saktan?
Tahimik lang si Ahmed pero hindi ko inaasahan na sobrang nakakatakot pala ito kapag nagagalit. Para siyang si Kuya Hideyo na kapag sumabog na sa galit ay nawawala na rin sa sarili mailabas lang ang lahat ng galit na nararamdaman niya.
Pero ganoon pa man ay nagpapasalamat pa rin ako kay Ahmed dahil nailigtas niya ako mula kay Leigh. Kung hindi siya dumating kaagad noong gabing iyon malamang ay naituloy na ni Leigh ang binabalak niya sa aking masama.
“You’d almost kill Leigh and his family wants to put you in jail.” seryosong sabi ni Ahnwar kay Ahmed na tahimik lang na lumalangoy sa mababaw na parte ng dagat.
“I don’t care.” tanging sagot ni Ahmed saka ito umahon sa dagat at umupo sa may buhanginan.
“Well, tama lang kay Leigh ang ginawa mo dahil sa ginawa niya sa baby namin. If I’m in your position too, I’ll do the same.” nakangiti namang sabi ni Ahzik at inakbayan ako nito. Namula at napayuko naman ako dahil sa sinabi niya.
“Dumating pa talaga sila dito kahapon kasama sina Kyrie at Laarni, huh? Halatang may masamang binabalak talaga ang mga ’yon dahil nalaman nilang nandito tayo. Tsk!” umiling si Ahnwar at umupo na ito sa tabi ko.
Tinignan ko si Blair na karga ni Haru kasama sila Eiselle, Cristina at Noah na nagsu-swimming rin sa mababang parte ng dagat. Sila Nikolai, Kuya Hideyo, Mama at Lola naman ay nasa cottage namin at nagkukwentuhan ang mga ito.
“They want to ruin our vacation and Leigh did it.” madiing sambit ni Ahzik saka ito nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
Napakagat-labi nalang ako dahil mukhang iyon nga ang ginagawa ni Leigh dahil hindi niya matanggap na nililigawan na ako ng mga pinsan niya.
Nang tumingin ako kay Ahmed ay nahuli ko itong nakatingin ng mariin sa akin. Ang akala ko ay iiwas na siya ng tingin ngunit mas lalo pa niya akong tinitigan.
Ako na ang unang nagbawi ng tingin sa amin dahil nagsisimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko.
Hapon na ng mapagdesisyunan naming umalis sa Subic, Zambales. Talagang sinulit namin ang dalawang araw na bakasyon na ito dahil bukas ay may mga pasok na ulit kami sa eskuwela at trabaho.
Mahigit apat na oras rin ang byinahe namin hanggang sa makarating na kami sa Maynila. Nag-stay pa sa bahay sila Nikolai, Eiselle at Cristina para sabayan kaming kumain hanggang sa nagpaalam na ang mga ito sa amin na uuwi na sila.
“Pakisabi pala sa mga suitors mo na salamat sa libreng pabakasyon sa amin.” sabi ni Nikolai nang ihatid ko na sila nina Eiselle at Cristina sa labas ng bahay namin.
Nakita ko pa sina Haru at Noah sa loob ng bahay na nakadungaw sa may pintuan at pasimple nilang sinusulyapan sina Eiselle at Cristina.
“Wala ’yon. Kapag namimiss mo na si Blair o hindi kaya ay ako, pumunta ka lang dito sa bahay, ah?” nakangiting sabi ko kay Nikolai.
Tumango at ngumiti rin si Nikolai. “Sure! Mag-iingat ka palagi. Huwag mo na ring patagalin ang panliligaw sa’yo nina Sir Ahnwar at Ahzik, sagutin mo na para sa susunod ay may rich kid friend na ako.” pagbibiro niya.
Hinampas ko naman ng mahina ang braso niya na ikinatawa lang niya. “Baliw ka talaga! Sige na at umuwi na kayo. Baka gabihin pa kayo sa daan.”
“Bye, Ate Adi!” paalam naman sa akin nina Eiselle at Cristina na sinulyapan pa sina Haru at Noah na nagtatago sa may pintuan.
“Bye na rin. Mag-iingat kayo.” sabi ko hanggang sa tuluyan na silang nakaalis.
Nang isinara ko na ang gate namin at pumasok na sa loob ng bahay ay awtomatikong umalis sina Haru at Noah sa may gilid ng pintuan. Napailing nalang ako dahil hanggang ngayon ay natotorpe pa rin ang dalawang magbestfriend na ito at hindi kaagad mapormahan sina Eiselle at Cristina.
Naabutan ko sa may sala si Ahmed na tahimik lang na nanonood ng tv. Kahit nahihiya ako sa kanya ay nilapitan ko pa rin siya at tinabihan sa inuupuan niyang sofa.
“Bakit mag-isa ka lang dito? Nasaan sina Ahnwar at Ahzik?” tanong ko kay Ahmed.
“They are in the backyard. Niyaya sila ng kuya mo na mag-inuman. I don’t want to drink and get drunk dahil ako ang magmamaneho ng kotse pauwi.” sabi naman niya na hindi inaalis ang tingin sa pinapanood na palabas sa TV. Action movie iyon ni Will Smith.
Tumango na lang ako. “S-Salamat nga pala sa pagligtas mo sa’kin sa may bar. Kung hindi ka dumating kaagad, malamang ay naituloy na ni Leigh ang binabalak niya sa akin.”
Sa wakas ay nasabi ko na rin ito at nakapagpasalamat sa kanya. Pagkatapos niya kasi akong yakapin noong gabing iyon ay hindi na kami muling nag-usap pa. Ikwinento nalang niya sa mga kapatid niya, sa pamilya ko at mga kaibigan ko ang ginawa ni Leigh sa akin at hindi na niya ako kinausap pa.
“I did that because my brothers cares for you so much.” sabi niya.
Napayuko nalang ako dahil parang medyo nadisappoint ako at hindi niya iyon ginawa dahil concern rin siya sa akin. Ginawa niya iyon dahil sa mga kapatid niya.
Ang assumera ko naman kasi! Bakit niya iyon gagawin para sa akin? Eh halata namang hindi niya ako gusto at pinakikisamahan lang niya ako dahil nililigawan ako ng mga kapatid niya.
“Baka makulong ka pa dahil sa ginawa mong pambubugbog kay Leigh. Hindi mo naman kailangang gawin ’yon para iligtas ako sa kanya, e.” Sa sinabi ko ay tumingin na sa akin si Ahmed.
Katulad ng ekspresiyon na palagi niyang ipinapakita ay malamig pa rin ito at seryoso.
“They can’t put me in jail. Your ex-boyfriend is a jerk and rapist and he deserves that.” mariin niyang sabi.
Natahimik naman ako sa sinabi ni Ahmed. Wala na rin akong masabi pa. Nasa ospital raw ngayon ng Subic si Leigh at kasama niya doon sina Kyrie at Laarni. Baka raw umuwi ng Pilipinas ang mga magulang nito nang mabalitaan nila ang ginawa ni Ahmed kay Leigh.
Bumalot ang katahimikan sa loob ng sala namin. Nasa loob na rin ng kwarto ko si Blair at maaga itong nakatulog dahil sa pagod sa biyahe. Ganoon rin sila Mama at Lola na nasa kanya-kanya na nilang mga kwarto. Sina Haru at Noah ay paniguradong naglalaro na naman ng ML sa loob ng kwarto ni Haru.
“Ahm.. gusto mo bang kumain ulit? Marami pang natirang pagkain sa bakasyon natin at baka gusto mong kumain.” pag-aalok ko na lang kay Ahmed.
Umiling naman siya sa sinabi ko. “I’m still full.”
Tumango nalang ako.
“How you’ve fallen for Leigh?”
Nabigla naman ako sa tinanong sa akin ni Ahmed.
“Ah ano, h-hindi ko rin alam e, pero siguro ay dahil gwapo siya kaya nagustuhan ko siya noon?” sabi ko at awkward na tumawa.
“So, you’d fell for him because he’s only handsome?” tanong ni Ahmed at tinaasan ako nito ng kilay.
“Nagustuhan ko siya dahil sweet rin siya at maaalalahanin sa akin. Hindi ko rin naman ibibigay ang sarili ko sa kanya kung hindi ko siya minahal at pinagkatiwalaan.” mahina kong sabi nang muling maalala ang nakaraan ko.
May nangyari sa amin ni Leigh noon at hindi ko alam kung paano ako napunta sa loob ng kwarto niya.
Wala akong maalala noong may nangyari sa aming dalawa at nagising nalang ako na katabi ko na siya sa kama at pareho kaming nakahubad. Masakit ang ibabang parte ko noon at nakita ko pa ang mantsa ng dugo sa sapin ng puting kama niya tanda ng siya ang nakakuha ng virginity ko.
Kahit anong pilit kong may maalala sa nangyari sa amin ay wala talaga akong makapang memorya doon.
Umiling lang si Ahmed sa sinabi ko at humalukipkip ito. “I think you already know him and he’s not a good father to your daughter.”
Alam ko iyon.
“But I can see that he loves you. He’s just stupid and jerk.”
Hindi ko na magawang makapagsalita pa.
Nagdaan ang mga araw at naging payapa naman ito para sa akin. Hindi na naituloy ng mga magulang ni Leigh ang kaso laban kay Ahmed dahil maraming nakawitness sa loob ng bar sa Subic na iniligtas lang talaga ako ni Ahmed mula sa kapahamakan laban kay Leigh.
Nakalabas na rin daw ng ospital si Leigh at bumubuti na ang lagay nito. Nasa Pilipinas pa rin ngayon ang mga magulang niya para mabantayan siya ng mga ito.
“Ate, nasa loob ng bahay sila Kuya Leigh kasama ang Mama at Papa niya.” nag-aalalang sabi ni Haru nang makarating na ako sa bahay namin kasama sina Ahnwar at Ahzik.
Kakatapos lang ng duty ko sa trabaho at maaga akong sinundo nina Ahnwar at Ahzik sa Supermarket na pinagtatrabauhan ko.
Nagtinginan pa sina Ahnwar at Ahzik nang pumasok na kami sa loob ng bahay at doon ay naabutan ko si Mrs. Leilani Davidson na karga si Blair habang si Mr. Johannes Davidson naman ay abala sa pakikipag-usap kay Leigh na may cast pa ang kaliwang braso gawa ng pambubugbog na ginawa ni Ahmed dito.
Nang makita nila kami ay kaagad akong tinaasan ng kilay ni Mrs. Leilani at tumingin rin ito kina Ahnwar at Ahzik na alam kong nagpipigil na ng galit kay Leigh.
“So, Leigh is right, his cousins were now courting you.” sabi ni Mrs. Davidson nang ibinaba na niya mula sa pagkakakarga si Blair na kaagad namang tumakbo sa direksyon namin at kinarga ito ni Ahzik.
“Yes, Tita Leilani. We’re courting Jianna.” mariin namang sabi ni Ahnwar.
Tumawa naman si Mrs. Davidson. “Is that even right? Anak ni Leigh ’yang batang ’yan at hindi maganda na nililigawan niyo ang nanay ng anak niya-”
“Paano naman po ’yung ginawa ni Leigh kay Jianna sa Subic? Kung hindi pa nabugbog ni Ahmed ’yang anak niyong gago ay baka narape na niya si Jianna! Ano, Tita Leilani? Kukunsintihin niyo na naman ba si Leigh?” Tumaas na ang boses ni Ahnwar habang nakatingin ito ng masama kay Leigh at sa mga magulang nito.
Tumawa naman ng sarkastiko si Leigh. Kitang-kita pa rin ang mga sugat at pasa niya sa buong katawan na unti-unti na ring naghihilom. Talaga ngang napuruhan siya ng todo ni Ahmed.
“Ahnwar, Adi is my wife and I only did that because I’m longing for her. Kung hindi ba naman kayo mang-aagaw-”
Hindi na ako nakapagpigil pa, lumapit ako kay Leigh at sinampal siya na ikinagulat ng mga magulang niya.
Namumuhi ko siyang tinignan. “Ang kapal talaga ng mukha mo na magpakita pa dito pagkatapos ng ginawa mo sa’kin, Leigh. Hindi mo ba talaga kami titigilan ng anak ko?!” sigaw ko sa matinding galit na nararamdaman ko.
“Wow! Ang tapang mo na, ha? Baka nakakalimutan mong may karapatan pa rin ako kay Blair dahil anak ko siya? O, baka gusto mong bawiin ko na siya sa’yo dahil kinakalaban mo na ako, Adi? Kayang-kaya kong gawin ’yon kung patuloy ka pa ring nagmamatigas sa akin.” nakangising sabi ni Leigh dahilan para matakot at matahimik akong bigla.
Iyon ang kinatatakutan ko. Ang mawala sa akin si Blair at kunin na ito ni Leigh. Magagawa niya iyon kung gugustuhin niya maging miserable lang ako.
May karapatan siya kay Blair dahil biological father siya nito at kung lalabanan ko siya sa korte ay siguradong talo na kaagad ako dahil sa yaman at impluwensya ng pamilya niya.
“You can’t do that, Leigh. Remember that we are here and we can help Jianna for the custody of her daughter. Don’t underestimate us.” madiin namang sabi ni Ahzik na ikinasama ng tingin sa kanya ni Leigh.
Sobra na talaga ang pagkamuhi ko kay Leigh. Hindi mahahalata sa maamo niyang itsura na kayang-kaya niyang gawin ang mga bagay na ito makuha lang ang gusto niya. Hindi niya kayang magpaubaya at magpatalo dahil masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya at ayaw niyang nalalamangan siya.
Tumawa naman ng sarkastiko si Leigh. “Really? Then let’s see-”
Nagulat nalang ako nang biglang dumating si Ahmed saka ito lumapit kay Leigh at sa pangalawang pagkakataon ay muli niya itong binugbog.
Kaagad nagpanic ang mga magulang ni Leigh dahil sa ginagawa ni Ahmed habang sila Mama, Lola at Haru naman ay lumabas na mula sa bakuran ng bahay namin at nagulat rin ang mga ito sa pambubugbog na ginagawa ni Ahmed kay Leigh.
Hindi katulad noong una ay nababakasan ko na ng ekspresiyon ang mukha ni Ahmed habang patuloy pa rin ito sa pambubugbog kay Leigh.
Nakikita ko sa mga mata niya ang galit at lungkot? Hindi ko alam kung bakit may lungkot sa nakikita ko ngunit hindi ako maaaring magkamali doon.
Pumagitna na sina Ahnwar at Ahzik para awatin si Ahmed sa ginagawa nito kay Leigh. Si Leigh ay halos hindi na ulit makagalaw dahil pangalawang beses na siyang napupuruhan nang dahil kay Ahmed.
“My gahd! You’re killing my son, Ahmed!” naghihysterical na sigaw ni Mrs. Davidson nang tuluyan nang maihiwalay si Ahmed kay Leigh na inaalalayan na ngayong makatayo kasama ang asawa nitong si Mr. Davidson.
Nagdugo ang ibabang labi ni Leigh gawa ng pagkakasuntok sa kanya ni Ahmed at halos hindi na rin nito maimulat ang mga mata niya nang dahil sa sakit at panghihinang nararamdaman ng katawan niya sa pambubugbog ni Ahmed sa kanya.
Bigla ay napaluhod si Ahmed at hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa nito,
Umiyak siya habang nakatingin kay Leigh nang may galit at poot.
“H-how can you do this to me, Leigh? How can you manage to lie and hide these secrets from us?!” sumigaw na si Ahmed at sa unang pagkakataon ay ngayon ko lang siya nakitaan ng ganitong emosyon.
Tila sumisikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan siya nang ganito.
Hindi ko pa lubusang kilala si Ahmed pero bakit sobra akong naaapektuhan sa kanya?
“What are you talking about, Ahmed?” naguguluhang tanong ni Mr. Davidson kay Ahmed.
“I-I have a daughter.. a-and it’s.. Blair. Your son lied to us! Blair is my daughter!” galit na sigaw ni Ahmed saka ito bumaling kay Leigh na kaagad namang umiwas ng tingin sa kanya.
Hindi ko maintindihan kung ano ang dapat kong maramdaman. Naguguluhan ako sa mga nangyayari ngayon at sa mga sinabi ni Ahmed.
Anak
niya si Blair? Pero paano nangyari iyon?
Chapter 16
5 years ago…
Kakatapos lang ng klase namin at dumiretso na naman ako dito. Habit ko na sigurong pagmasdan itong gwapo at matangkad na lalakeng nag-iisketch ng drawing habang nasa lilim ito ng puno at abala sa ginagawa niya.
Halos araw-araw yata ay nandito siya. Halata rin na halos kaedad ko lang ito at sa isang private school siya nag-aaral base sa suot niyang uniporme sa loob ng suot niyang itim na hoodie jacket.
Gwapo sa lahat ang lalakeng ito lalo na ang kulay grey na may halong blue na mga mata niya. Mukha rin siyang foreigner na Arabic o German katulad ni Leigh. Sa tingin ko nga ay mas gwapo pa siya kaysa sa boyfriend ko.
Hindi ko siya malapitan dahil nahihiya ako. Sa tingin ko kasi ay sobrang kapal na ng mukha ko kung lalapitan ko pa siya. Hindi ko gaanong makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng itim na hoodie jacket at naka facemask pa pero kahit na ganoon ay alam kong gwapo siya, base na rin sa ganda ng mga mata niya.
Habang pinagmamasdan ko pa rin ang gwapong lalake ay nagulat nalang ako sa malakas na pagtapik sa balikat ko ng kaibigan kong si Neymar na nasa likod ko na pala.
“Hoy! Nandito ka na naman, Adi. Ikaw, may jowa ka na pero nagkakainteres ka pa sa ibang lalake, ha? Isumbong kaya kita kay Leigh?” pananakot ni Neymar na ikinalaki ng mga mata ko sabay iling ng paulit-ulit.
“S-subukan mong gawin ’yan kundi itatakwil na kita bilang best friend ko.”
Ako naman ang nanakot kay Neymar at katulad ng reaksyon ko kanina ay ganoon rin ang naging reaksyon niya.
“Adi naman, huwag ganyan! Ikaw na nga lang ang best friend ko tapos itatakwil mo pa ako?” malungkot niyang sabi pero halata namang fake lang iyon.
Natawa nalang ako at humalukipkip. “Kung ganon ay huwag na ’wag mong sasabihin kay Leigh na ini-istalk ko dito ’yang poging lalakeng ’yan. Paniguradong magagalit ’yon sa’kin kapag nalaman niya. Seloso pa naman ’yon.” sabi ko.
Inakbayan naman ako ni Neymar at mas hinila pa ako nito patago sa punong pinagtataguan ko para hindi kami makita nung gwapong lalake dito sa may parke.
“Tss! Oo na. Kumusta na nga pala si Nikolai?” tanong ni Neymar at doon ay napabuntong-hininga ako.
“Ayon, medyo nagalit sa’kin dahil mas kino-consider pa raw kitang best friend ko kaysa sa kanya. Pareho ko naman kayong bestfriend pero nagalit yata siya noong ikaw ang pinili kong mas bestfriend ko sa truth or dare na nilaro namin kasama ang mga kaklase namin.” malungkot kong saad kay Neymar.
“Mga bata palang tayo ay nagseselos na talaga siya sa’kin dahil iniisip niyang kinukuha ko palagi ang atensyon mo na dapat ay ibinibigay mo lang sa kanya. Mas nauna mo siyang nakilala kaysa sa akin, Adi kaya naiintindihan ko si Nikolai.” tumingin sa malayo si Neymar at napailing nalang ito.
“Ano ka ba, Neymar! Pareho ko kayong bestfriend ni Nikolai no, saka pareho rin kayong mahalaga sa’kin. Kakausapin ko nalang ng maayos si Nikolai para hindi na siya magtampo sa akin.” nakangiting sabi ko. Ginulo naman ni Neymar ang buhok ko at nginitian ulit ako.
Si Neymar Fontanez ay isa sa mga bestfriend ko. Kababata ko ito katulad ni Nikolai. Gwapo, mabait, at maaalalahanin rin itong kaibigan sa akin.
Siya ang naging daan para mas mapalapit pa akong lalo kay Leigh dahil member rin ito ng basketball team sa school namin na kung saan ay si Leigh ang Team Captain nila.
Habang patagal ng patagal ang relasyon namin ni Leigh ay napapansin kong unti-unti nang lumalayo ang loob ni Neymar sa akin. Hindi na rin ako nito pinapansin o kinakausap at kapag nagtatangka akong lumapit sa kanya ay iniiwasan niya ako o di kaya’y sinasamaan ng tingin.
Kay Leigh na siya mas nagiging malapit. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Neymar. Galit ba siya sa akin? Pero bakit at ano ba ang nagawa kong kasalanan sa kanya?
Sa pagkawala ni Neymar bilang bestfriend ko ay mas lalo na akong naging malapit kay Nikolai. Halos ito na ang kasama ko sa lahat ng lakad ko depende na nga lang sa pang-iistalk ko sa gwapong lalake na nakikita ko palagi na nasa parke tuwing umuuwi ako galing sa school namin. Walang ideya dito si Nikolai at tanging si Neymar lang ang nakakaalam nun.
Sa loob ng halos dalawang buwan kong pagmamasid sa gwapong lalake, sa wakas ay napansin na rin niya ako. Mukhang hindi na nga ito nagulat nang makita niya ako.
Sa tingin ko ay alam niyang matagal ko na siyang pinagmamasdan sa malayo pero hindi niya lang ako pinapansin.
Ganoon ang lalakeng ito, tila walang pakialam sa paligid niya. Tahimik lang at palaging seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
“Come here,”
Nagulat ako sa lalim at lamig ng boses niya. Ito rin ang unang pagkakataon na narinig ko siyang magsalita.
Dahan-dahan naman akong lumapit sa lalake at nahihiya siyang nginitian. Tinapik niya ang nasa tabi niya senyales na gusto niya akong paupuin doon. Sinunod ko ito hanggang sa makatabi ko na siya.
Ito ang unang beses na makita at matabihan ko siya. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko dahil sa lapit ng distansya namin. Hindi ko ito gaanong maramdaman kay Leigh pero sa lalakeng ito ay palagi niya akong binibigyan ng pakiramdam na hindi ko na maipaliwanag.
“Are you enjoying looking me from a far?” nagulat ako sa tinanong ng gwapong lalake sa akin.
Halata nga talaga ako hays!
Napakamot nalang ako sa batok ko at awkward na tumawa.
“Hehe, sorry. A-ang gwapo mo lang kasi lalo na kapag nakikita kita dito sa parke sa tuwing uwian namin. Nag-iisketch ka at kung minsan ay naririnig pa kitang kumanta at mag-gitara. Ang g-ganda pa ng boses mo at artistic ka din.” pag-amin ko kahit nahihiya akong sabihin iyon.
Nakita ko naman ang pagkamangha sa mga mata ng gwapong lalake nang dahil sa sinabi ko at hindi ko alam pero parang ngumiti siya kahit hindi ko iyon gaanong makita sa suot niyang facemask.
“Really? Then you should come here often. This place is my haven especially when I feel alone.” sabi niya pagkatapos ay inayos niya ang pagtotono sa dala niyang gitara.
“Okay lang ba ’yon sa’yo?” nakangiti ko namang tanong.
Tumango siya at tumingin sa akin. “Yeah.”
Simula nang araw na iyon ay naging mas close na kami ni Durhin. Iyon raw ang pangalan niya at mas matanda lang pala ito sa akin ng isang taon. Malayo pa ang pinapasukan niyang paaralan at dahil mas gusto niya raw sa parke na malapit sa paaralan namin ay dito na siya palagi nagpupunta para gumuhit at kumanta habang nag-gigitara.
Ayaw pa rin niyang mag face reveal sa akin. Siguro ay dahil sa privacy na rin niya. Baka anak siya ng isang makapangyarihang pamilya o politiko at itinatago niya ang identity niya kaya hindi na ako nagreklamo pa na hindi ko makita ang buong mukha niya.
Wala pa ring alam si Leigh na nakakasama ko si Durhin sa parke sa tuwing uwian namin. Wala rin naman kasi itong pakialam sa akin at hindi pa niya ako magawang ihatid man lang o sunduin sa bahay namin.
Mahal ko si Leigh pero alam kong hindi kami magtatagal dahil isa siyang dakilang playboy at madaling magsawa sa isang babae.
Sumugal ako sa kanya dahil mahal ko talaga siya. Sa lahat pa ng naging girlfriend niya ay ako na yata ang pinakamatagal niyang nakarelasyon. Marami nang mga babaeng naiinggit sa akin dahil tumagal na ang relasyon namin ni Leigh ng dalawang buwan.
Nag-away kami kanina ni Leigh dahil nahuli ko siyang may kaakbay na isang Grade 12 na babae. Ni hindi man lang siya naawa sa akin nang makita niyang halos nagpupuyos na ako sa galit at selos dahil may kasama siyang ibang babae. Hinayaan niya lang akong tumakbo papalabas sa school namin na may masakit na dinaramdam sa kanya.
Pagkarating ko sa parke ay nakita ko kaagad si Durhin na nag-iistrum ng gitara sa may lilim ng puno habang nakaupo ito. Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya habang umiiyak ako.
Nagulat pa ito sa ginawa ko pero niyakap niya rin ako pabalik. Sa pagyakap palang niya sa akin ay damang-dama ko ang comfort at kaligtasan sa tuwing kasama ko siya.
“Your boyfriend hurt you again?” malumanay niyang tanong na malungkot ko namang ikinatango.
“O-oo. May k-kasama siyang ibang babae kanina…” umiiyak kong sabi na may halong paghikbi.
Suminghap naman si Durhin at napailing ito.
“Lay down and rest your head in my lap. I will sing a song for you.” sabi niya habang inaayos na nito ang gitara niya.
Sinunod ko ang sinabi ni Durhin, humiga ako at ginawa kong unan ang mga hita niya. Titig na titig ako sa magaganda niyang mga mata lalo na nang nag-umpisa na siyang kumanta.
Wise men say
Only fools rush in
But I can’t help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can’t help falling in love with you?
Para akong hinehele sa ganda at lamig ng boses ni Durhin. Sa pagkanta pa lang niya ay napapayapa na ang puso’t-isip ko.
Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be
Take my hand
Take my whole life too
For I can’t help falling in love with you
Noong una ay ini-istalk at pinagmamasdan ko lang siya mula sa malayo pero hindi ko akalain na ngayon ay mas magiging malapit na kami sa isa’t-isa.
Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be
Kahit pa may nobyo na ako ay hindi pa rin maipagkakaila na sobrang mahalaga ngayon sa akin si Durhin.
Kapag nawala siya ay parang nawalan na rin ako ng isang importanteng tao sa buhay ko.
Take my hand
Take my whole life too
For I can’t help falling in love with you
For I can’t help falling in love with you
Durhin, sana ay hindi ka mawala sa akin.
Pagkatapos niyang kumanta ay pumalakpak ako at iminulat na ang mga mata ko. Nahuli ko namang titig na titig sa akin si Durhin kaya nahiya akong bigla at iniwas kaagad ang tingin ko sa kanya.
“Are you now okay?” tanong niya sa akin.
Ngumiti at tumango naman ako. “Salamat at kinantahan mo ako, Durhin.” sabi ko.
Hinaplos naman niya ang pisngi ko na kaagad ikinapula ng buong mukha ko. “I can sing for you to make you feel better.”
Hindi na napawi ang ngiti ko habang naglalakad na ako papauwi sa bahay namin. Inabot na kami ni Durhin ng alas otso ng gabi sa parke at ngayon lang namin naisipang umuwi.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko sa daan si Neymar na nakapamulsa at sobrang sama ng tingin sa akin.
“Neymar-”
“Hanggang ngayon ay ini-istalk mo pa rin ’yung lalakeng ’yon? Itigil mo na ’yang ginagawa mo kung ayaw mong isumbong kita kay Leigh.” pagbabanta niya na ikinagulat ko naman.
“Neymar, ano bang nangyayari sa’yo? Bakit ba bigla mo nalang ako iniiwasan at hindi na kinakausap? May nagawa ba akong kasalanan sa’yo?” tanong ko at hindi ko na napigilang mapaluha.
Ngumisi lang sa akin si Neymar at tinignan niya ako nang may pang-iinsulto.
“Hindi na kita bestfriend, Adi dahil wala ka namang kwenta at kung ayaw mo pang layuan ’yung lalake sa parke ay hindi mo aasahan ang mangyayari sa’yo.” madiin niyang sabi hanggang sa naglakad na ulit siya papaalis.
Bigla akong natakot at kinabahan sa sinabi ni Neymar.
At iyong pagbabanta niyang iyon ang siyang sisira pala sa buhay ko.
Third Person’s Point of View
“How dare she is cheated on me with my own cousin, huh?”
Gigil na saad ni Leigh habang ipinupwesto nila ni Neymar sa kama sina Adi at Ahmed na pareho nang lango sa droga nang dahil sa pasimpleng paglagay ni Neymar ng droga sa inuming cola ng mga ito kanina nang makita nila ito sa may parke.
“Pinsan mo pala ’tong lalakeng ’to? Eh halos buntunan na nga ’to ng jowa mo nang ilang buwan, e.” nakangisi namang sabi ni Neymar kay Leigh.
“Tangina nilang dalawa! Ang ayoko sa lahat ay ’yung niloloko ako. Ako lang ang dapat nanloloko at hindi itong si Adi. Baka nga nagsex na sila nang hindi ko alam? Tangina! Ngayon palang ay nandidiri na ako kay Adi.” Galit at nakangiwing saad ni Leigh at nang maayos na ang pwesto nina Adi at Ahmed sa kama ay lumabas na sila ni Neymar sa loob ng silid niya.
Ecstacy na may halong Aphrodisiac ang inilagay ni Neymar na droga sa inumin kanina nina Adi at Ahmed. Nabili niya iyon sa isa sa mga katropa nila ni Leigh sa basketball.
Panigurado na may mangyayari sa dalawa sa loob ng kwarto ni Leigh kung hindi nila pipigilan ang mga ito. Si Leigh ang nagplano nang lahat ng ito na tinulungan naman ni Neymar.
“Virgin pa si Adi. Ayaw mo bang ikaw ang makauna sa kanya?” seryosong tanong ni Neymar kay Leigh.
Tumawa naman ng sarkastiko si Leigh. “I’m sure na hindi na virgin ’yang girlfriend kong cheater o kung virgin man edi mas maganda. Hayaan mong pagsawaan siya ni Ahmed sa loob ng kwarto ko. Tignan na lang natin kung hindi pa magtanda si Adi dahil sa panloloko niya sa akin.” ngumisi si Leigh habang humihithit ito ng hawak niyang sigarilyo.
Sa inaasahan nga nila ay may nangyari kina Adi at Ahmed sa loob ng kwarto ni Leigh na hindi maalala ang ginawa ng mga ito dahil sa epekto ng drogang nainom nila. Pagkatapos iwan nina Neymar at Leigh ng ilang oras ang dalawa sa loob ng kwarto ay tinignan na nila ang mga ito sa loob.
Pareho nang walang saplot sina Adi at Ahmed habang magkatabi ang mga ito sa kama at wala nang mga malay.
“Bihisan mo si Ahmed then put him in the park kung saan sila nandoon palagi ni Adi.” utos ni Leigh kay Neymar na kaagad namang ginawa ng huli.
Pagkatapos mabihisan ni Neymar si Ahmed ay inalalayan na niya ang binatang walang malay papalabas sa loob ng kwarto ni Leigh at dinala na si Ahmed sa parke para iwanan ito dito.
Nakita pa ni Leigh ang mantsa ng dugo sa sapin ng kama niya tanda ng nagalaw na nga talaga ni Ahmed si Adi. Napangisi siya at humarap sa salamin.
Tinanggal niya muna ang suot niyang contact lens at dito ay nakikita niya ang tunay na kulay ng mga mata niya; kulay tsokolate ito na malayo sa abuhing mga mata na palaging nakikita ng mga taong nakakakita o nakakakilala sa kanya.
Bata pa lamang si Leigh ay pinapasuot na siya ng contact lens ng ina niyang si Leilani dahil hindi nito nagustuhan na hindi niya nakuha ang kulay abuhing mga mata ng ama niyang isang German.
Pinaniwala nila ang lahat maging pati na rin ang pamilya nila Ahmed na namana niya ang abuhing kulay na mata ng kanyang ama.
Tinanggal na ni Leigh ang lahat ng suot niyang damit at tumabi siya kay Adi na wala na ring saplot habang natutulog ito sa kama niya.
Ni minsan sa buhay niya ay hindi pa niya nagawang magselos pero nang makita niya kanina si Adi na kasama ang pinsan niyang si Ahmed sa may parke ay doon na siya nagsimulang magalit at magselos. Kung hindi pa siya sinabihan ni Neymar tungkol kina Adi at Ahmed ay hindi pa niya malalaman na pinagtataksilan siya ng kanyang nobya at sariling pinsan.
“You hurted me, Adi so I will do the same. Papalabasin ko lang na may nangyari sa ating dalawa when the truth is, si Ahmed ang unang nakagalaw sa’yo. I’ll leave you after this and you will taste my wrath for betraying me! Pagbabayaran niyo ni Ahmed ang ginawa niyo sa akin.” madiing bulong ni Leigh habang nakatitig ng masama sa wala pa ring malay na si Adi.
At doon ay tuluyan na ngang nasira ni Leigh ang buhay nina Adi at Ahmed nang dahil sa sikreto niyang sila lang ni Neymar na dating kaibigan ni Adi ang nakakaalam.
Np: I Can’t Help Falling In Love with you by Elvis
Presley
Chapter 17
Dedicated to
joandapulano
Happy
birthday to you!
Hanggang ngayon ay hindi pa rin gaanong maiproseso ng utak ko ang mga nalaman ko isang linggo na ang nakakalipas. Kung joke lang sana ito ay dapat tumatawa na ako pero hindi dahil umamin na sa akin mismo si Neymar, ang dating matalik kong kaibigan noon na hindi ko alam na magiging kasabwat pala ni Leigh para sirain ang buhay ko.
Kinalimutan ko na ang lahat ng masasaya naming alaala noon ni Neymar. Ngayon ay itinuturing ko na siyang parang hindi ko kilala dahil mas napalapit na siya kay Leigh at alam kong kinalimutan na rin niya ako. Hindi ko alam kung bakit sa isang iglap lang ay biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin at ngayon nga nasusuklam na rin ako sa kanya.
Papaano niya ito nagawa sa akin? Ni minsan ba ay hindi niya talaga ako itinuring na kaibigan man lang noon para magawa niya ang bagay na ito?
At ang tungkol kay Durhin, kahit anong pilit ko palang kalimutan ang nakaraan ko sa kanya ay maaalala ko pa rin iyon. At ang Durhin na nakilala ko noon limang taon na ang nakakalipas ay si Ahmed pala na mukhang hindi maalala ang nakaraan namin.
Pero bakit? Nagka-amnesia ba siya kaya hindi niya ako maalala kahit noong unang beses kaming nagkakilala?
Hindi ko alam kung paano niya nalaman na siya ang tunay na ama ni Blair. Masyadong tahimik at malihim si Ahmed pero gumagawa na pala ito ng hakbang para alamin ang katotohanan.
Kaya pala. Kaya pala noong una ko pa lang siyang makita ay tila pamilyar siya sa akin lalo na sa kulay abuhing-bughaw niyang mga mata at sa boses niya noong unang beses ko siyang marinig kumanta.
Hindi pa gaanong malalim ang boses niya limang taon na ang nakakalipas pero ngayon ay sobrang lalim na nito na hindi ko man lang napansin na siya si Durhin na nakilala ko na noon pa man.
Kaharap namin ng pamilya ko ang pamilya ni Ahmed at maging pati sila ay hindi rin makapaniwala sa mga nalaman nila. Kasama namin ngayon si Neymar na inamin ang lahat ng mga naging kasalanan nila ni Leigh sa amin ni Ahmed.
Kitang-kita ko ang pagpipigil ng galit nina Ahnwar at Ahzik kay Neymar. Nasuntok na nila si Neymar isang linggo na ang nakakalipas pagkatapos rin nilang mabugbog si Leigh.
Bugbog-sarado na naman si Leigh na nasa ospital ngayon kasama ang kapatid niyang si Laarni at ang mga magulang niya. Hindi pa ito nakakalabas ng ospital dahil sa lala ng tama ng pambubugbog sa kanya ng triplets.
Sobra akong namumuhi at nagagalit kay Leigh. Napakasama niya para sirain ang buhay namin ni Ahmed!
“Pigilan mo ako, Ahzik. Hangga’t nakikita ko ang pagmumukha ng lalakeng ’yan ay baka hindi na ako makapagpigil at mabugbog ko rin siya katulad ng ginawa natin sa tarantadong Leigh na ’yon.” madiin at may pagbabantang sabi ni Ahnwar habang nakatingin ito ng masama kay Neymar na kanina pa nakayuko.
“I’m trying my best, bro. I’m calm unlike you but I can beat him again on the spot if I lose my patience here.” seryoso at malamig namang sabi ni Ahzik na nakatitig rin ng masama kay Neymar.
Bumuntong-hininga nalang sina Tita Rica at Tito Trevor dahil doon. Humarap naman ang mag-asawa kay Ahmed na kanina pa karga si Blair at halos ayaw na itong bitawan.
Nakikita naming magkamukhang-magkamukha pala talaga sina Ahmed at Blair. Nakuha ni Blair ang gray eyes na kulay ng kanyang mga mata sa German ancestor ng pamilya Dela Vega na may lahing German samantalang nakuha naman ni Ahmed ang kulay ng kanyang mga mata kay Tita Rica.
Kahit saang anggulong tignan ay nakuha lahat ni Blair ang itsura ni Ahmed. Kamukha rin ni Blair si Leigh ngunit ngayon ko lang napansin na mas kamukha pala talaga niya si Ahmed.
“Ano nang plano mo kay Leigh, anak?” tanong ni Tito Trevor kay Ahmed.
“I’ll put him in jail.” walang emosyong sabi ni Ahmed habang pinapakain niya si Blair ng Jolly spaghetti na nabili niya kanina sa Jollibee.
“What about this guy? Dapat ay makulong rin ’to, ah?” inis na sabi naman ni Ahzik at itinuro nito si Neymar na nanlaki ang mga mata sa pagkabigla dahil sa sinabi niya.
“I’m still thinking about it-”
Nagulat nalang kami nang biglang lumuhod si Neymar sa harapan namin at parang maiiyak na ito.
“Please Adi at Ahmed, ’wag niyo akong ipakulong… ako na lang ang inaasahan ng pamilya ko dahil parehong walang mga trabaho ang ate at kuya ko. Inamin ko na sa inyo ang katotohanan dahil nakokonsensya na ako sa ginawa namin ni Leigh noon. Maawa kayo sa akin… kawawa ang mga magulang ko kung makukulong ako…” Tuluyan nang umiyak si Neymar kaya kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya.
Kilala ko ang pamilya niya at mga bata palang kami ay talagang bulakbol na sa pag-aaral at bisyo ang ate at kuya niya. Si Neymar lang ang masipag mag-aral at tanging inaasahan ng pamilya niya na mag-aahon sa kanila sa kahirapan.
Para akong makokonsensya kung makukulong siya pero na kay Ahmed pa rin ang desisyon dahil alam ko na mas siya ang naaapektuhan sa sitwasyon namin ngayon.
Si Kuya Hideyo naman ay sarkastikong tumawa pero may pait iyon.
“Ngayon mo lang talaga naisipang makonsensya, Neymar? Limang taon niyong inilayo si Ahmed sa pamangkin ko na dapat sana ay nabigyan ng mas magandang buhay ng totoo niyang ama. Nagsinungaling ka rin kay Adi na itinuring ka nang kaibigan noon pero anong ginawa mo? Pinahirapan mo ang buhay niya, nila ni Ahmed!” sigaw niya at doon ay alam kong galit na galit na ang kapatid ko.
“Patawad… sana patawarin niyo ako. Sobrang nagsisisi na talaga ako sa ginawa namin ni Leigh noon…” umiiyak na sabi ni Neymar.
Huminga ako ng malalim saka lumingon kay Ahmed na nakatingin na pala sa akin.
“Do you want me to put him also in jail?” tanong niya.
Hindi ko inaasahan na gusto rin palang hingin ni Ahmed ang opinyon ko kung gusto ko bang makulong si Neymar o hindi.
Napakagat-labi nalang ako. “H-huwag na lang sana siguro, Ahmed dahil sinabi naman niya sa atin ang totoo pero ikaw.. nasa sa’yo pa rin ang desisyon kung gusto mo ba siyang ipakulong o hindi.” mahinang sabi ko.
Tinitigan pa ako ni Ahmed ng ilang segundo bago ito tumango at tumingin kay Neymar. “Pag-iisipan ko pa ang desisyon ko. You should be thankful that Adi still cares for you because you’re his ex-bestfriend.”
Mukhang nabunutan ng tinik doon si Neymar saka ito tumayo mula sa pagkakaluhod niya at bumaling ito sa akin.
“Adi, I’m sorry.”
Hindi nalang ako sumagot sa sinabi niya.
Pagkatapos naming makausap si Neymar ay pinauwi na namin ito dahil baka mabugbog lang siya nina Ahnwar at Ahzik hangga’t hindi pa ito nakakaalis sa mansyon.
Mabuti na lang at kalmado si Ahmed ngayon at palagi lang itong nakatutok kay Blair. Para bang takot na takot siyang mawala sa paningin ang bata.
Limang taon niyang hindi nalaman na may anak na pala siya at mas masakit iyon sa parte niya dahil wala siya sa lahat ng kaganapang nangyayari kay Blair. Nawala ang responsibilidad niya bilang ama rito dahil sa ginawa sa amin nina Leigh at Neymar.
“Dito na kayo tumira sa bahay ni Blair. Ipapaayos ko ang kwarto natin.” biglang sinabi ni Ahmed na ikinagulat ko.
Kami ni Blair? Titira sa mansyon nila?
“Kung ayos lang rin po sa inyo ’yon.” sabay baling ni Ahmed kila Mama, Lola, Kuya Hideyo at Haru.
“Ahmed, ayaw man naming mawalay sa apo ko ay may karapatan ka pa rin bilang ama ni Blair at naiintindihan ko na nangungulila ka sa kanya. Ayos lang sa amin kung dito muna tumira sina Adi at Blair para makasama mo ang mag-ina mo.” nakangiti ngunit malungkot na saad ni Lola.
“Tama si Inay, hijo. Walang kaso sa amin kung dito na muna tumira sina Adi at Blair para mas matutukan mo sila. Natatakot rin kasi kami na baka gumawa na naman ng kabaliwan si Leigh at guluhin niya ulit sina Adi at Blair. Mapoprotektahan mo silang dalawa kung dito muna sila tutuloy.” sabi naman ni Mama na ikinatango ni Ahmed.
“Your mother is right, Adi. Mas mapoprotektahan ko kayo ni Blair kay Leigh kung dito muna kayo sa bahay. You know Leigh, hindi siya titigil hangga’t niya kayo nakukuha ni Blair. Pwede ka namang bisitahin dito ng family mo. I can send our driver para lang dalhin sila dito anytime na gugustuhin nila.” suhestiyon ni Ahmed sa akin.
Nang tinignan ko ang pamilya ko ay tumango at ngumiti sila sa akin na mukhang sang-ayon rin sa sinabi ni Ahmed. Bumuntong-hininga nalang ako at tumango sa sinabi niya.
“S-Sige.” sagot ko na mukhang ikinahinga ng maluwag ni Ahmed.
“Huwag na kayong umalis dito ni Blair, anak. Kami na ang bahalang mag-impake ng mga gamit niyo ni Blair.” sabi ni Lola sa akin.
“Ipapahatid ko nalang sila sa driver namin pauwi at ’yung driver na rin ang kukuha ng mga gamit niyo ni Blair doon.” sabi ni Ahmed. Tumango nalang ako bilang pag sang-ayon.
Hinatid na namin ni Ahmed ang pamilya ko sa labas ng mansyon nila at hindi ko na napigilang umiyak habang nagpapalaam isa-isa sa miyembro ng pamilya ko.
“Mag-iingat ka dito, Adi. Kung may problema ka ay tawagan mo lang kami.” bilin ni Kuya Hideyo habang nakayakap ito sa akin.
“Opo kuya. Mag-iingat rin kayo palagi.” malungkot kong sabi.
“Magbehave ka dito sa bahay niyo ng Dada mo, Blair, ha? Maraming mga laruan dito kaya mas marami ka nang laruan.” malungkot namang paalam ni Haru habang karga si Blair na tumawa at pumalakpak lang sa sinabi niya.
“Laruan marami? Yehey! Opo behave ako dito, Tito Haru.” sagot ni Blair habang pumapalakpak ito.
“Good girl naman ang baby na ’yan.” malambing na sabi ni Haru at hinaplos nito ang buhok ni Blair.
“Anak, mag-iingat kayo parati ni Blair. Dadalaw kami dito minsan.” umiiyak nang sabi ni Mama kaya niyakap ko siya.
“Opo, Mama. Kayo rin po.” sabi ko naman.
Pagkatapos ng madramang pagpapaalam ko sa pamilya ko ay umalis na rin sila at hinatid na ng family driver nila Ahmed sa bahay namin.
Nang kaming dalawa nalang ni Ahmed ang naiwan habang karga ko si Blair ay bigla niyang hinapit ang baywang ko at hinalikan ang noo ko na ikinabilis ng tibok ng puso ko.
Nitong nakaraang linggo lang, simula nang malaman namin ni Ahmed na siya ang totoong ama ni Blair ay mas naging sweet at expressive na ito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang tunay na nararamdaman ni Ahmed para sa akin pero natutuwa ako sa mga ikinikilos niya ngayon.
“I know that I’m the real father of Blair kahit nagsagawa pa tayo ng DNA test one week ago. The blood that running on Blair’s system were mine, Adi and I can’t believe it.” bulong ni Ahmed sa akin.
“Ako rin, hindi ako makapaniwalang ikaw ang tunay na ama ni Blair at ikaw si Durhin na nakilala ko na noon pa. Hindi mo ba talaga ako natatandaan noon?” nag-aalala kong tanong.
Suminghap naman siya. “I’d still remember you but it’s not visible and I don’t know why. Hindi ko pa natatanong si Neymar kung bakit wala akong maalala pagkatapos kong magising noon sa parke na pinag-iwanan niya sa akin. It doesn’t matter anyway, ang mahalaga ay kasama ko kayo ngayon ni Blair at babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa inyo.”
Napangiti naman ako dahil nagkaroon na ng kapanatagan sa puso ko. Marami pa akong gustong malaman at alamin kung ano ba talaga ang iba pang mga nangyari noon pero sa ngayon ay mas pipiliin ko munang maging masaya sa piling ni Ahmed kasama si Blair.
Sigurado na ako sa nararamdaman ko ngayon, sa tingin ko ay mahal ko na si Ahmed pero hindi ko pa iyon maamin sa kanya dahil masyado pang maaga. Isa pa ay nililigawan ako ngayon nina Ahnwar at Ahzik?
Ano nang gagawin nila ngayong nalaman na nila na ang kapatid nila ang tunay na ama ni Blair? Titigil na ba sila sa panliligaw sa akin?
Pumasok na kami sa loob ng mansyon nila Ahmed at dumiretso na sa dining room. Ibinalita na rin ni Ahmed sa pamilya niya na dito na ako titira sa kanila na kaagad naman nilang sinang-ayunan. Tuwang-tuwa sina Tita Rica at Tito Trevor sa apo nilang si Blair habang sila na ang abala sa pagpapakain nito sa dinner namin.
Hindi pa rin ako makapaniwala na parte na talaga ako ng pamilya nila. Una akong ipinakilala nina Ahnwar at Ahzik sa mga magulang nila bilang nililigawan nila tapos ngayon ay nalaman pa nilang anak pala ni Ahmed si Blair.
Sobrang liit ng mundo para sa amin at ngayon ay unti-unti nang nabubuksan ang mga sikreto at lihim na nakatago noon.
“Kailan ba ang kasal niyo, Adi at Ahmed?” banggit ni Tito Ran na muntik ko pang ikinasamid habang kumakain kami.
Nang tumingin naman ako kina Ahnwar at Ahzik ay parehong umigting ang mga panga nila dahil sa sinabi ni Tito Ran.
“Kasal? That’s too early for them. They don’t need to rush things.” sabi naman ni Tito Essam sa gitna ng pagkain niya.
“And why? May anak na sina Adi at Ahmed at alam naman nating anak nga ni Ahmed ang bata kahit hindi pa lumalabas ang DNA result dahil magkamukha naman sila. It’s for assurance lang dahil baka bigla nalang sumugod dito ang anak nina Leilani at Johannes at guluhin pa ang mag-ina ni Ahmed.” saad ni Tito Ran at nagkibit-balikat ito.
Nakita ko naman ang concern na mga tingin nina Tita Rica at Tito Trevor kina Ahnwar at Ahzik na kanina pa tahimik habang kumakain kami.
“M-masyado pang maaga para magpakasal sila, babe. Mas mabuti na sigurong maglaan muna sina Jianna Adiel at Ahmed ng oras para kay Blair.” sagot ni Tita Rica kay Tito Ran.
“Kung sa bagay,” sabi nalang ni Tito Ran at nagkibit-balikat ito.
“Excuse me, I’m done eating.”
Bigla ay tumayo na si Ahnwar na nasa tabi ni Ahzik at walang lingon itong umalis sa dining room kung saan kami kumakain.
Napailing nalang doon sina Tito Wenhan at Tito Zian at mukhang may alam sila kung bakit bigla nalang nagwalk out si Ahnwar.
“Are you that insensitive, Ran?” pabulong na sabi ni Tito Wenhan kay Tito Ran na nakuha kaagad ang punto nito sabay tingin sa akin.
“Oh? I forgot. I’m sorry.” paumanhin naman ni Tito Ran at napailing nalang ito.
“Si Dad Ran talaga. Tsk!” umiiling pang sabi ni Danielle na anak ni Tito Essam.
Napabuntong-hininga nalang ako.
Pagkatapos naming kumain ay sakto namang dumating na sa mansyon ang mga gamit namin ni Blair na inimpake siguro nina Mama at Lola. Pinagtutulungan itong ipasok ng driver at mga katulong sa kwartong tutuluyan daw namin nina Ahmed at Blair.
Kami ni Ahmed? Matutulog sa iisang kwarto?
Nang tinignan ko ang kamang hihigaan namin ay malaki naman ito at kasya kaming tatlo ni Blair pero tama ba talaga na magkasama kaagad kami sa iisang kwarto gayong ngayon lang namin nalaman na ama ni Blair si Ahmed?
“We will buy a furniture for our room tomorrow. Hindi ka na rin papasok sa Supermarket na pinagtatrabauhan mo. I’ll provide all your needs lalo na sa lahat ng pangangailangan ni Blair. Itapon at sunugin mo na rin ang mga biniling laruan at damit ni Leigh para sa anak ko.” mariing sabi ni Ahmed at karga na naman nito sa bisig niya si Blair na abala sa hawak nitong Yedee stuff toy na galing sa LINE FRIENDS store na nabili namin sa isang mall.
“Pero Ahmed, nakakahiya naman kung wala akong gagawin-”
“May gagawin ka and your duty was to be Blair’s mother. Hayaan mo akong gawin ko ’to para sa inyo, Adi. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa lahat ng mga nangyayari but I’m facing our reality so please cooperate with me.” saad ni Ahmed saka nito inilapag si Blair sa malaking kama namin.
Tumango nalang ako dahil alam kong wala na akong magagawa pa doon.
Nang matapos nang mailagay ng driver at mga katulong ang mga gamit namin ni Blair na nakaimpake sa loob ng kwarto namin ni Ahmed ay inumpisahan ko na itong ayusin. Inihiwalay ko na rin ang mga laruan at damit na ibinigay ni Leigh kay Blair.
“Hindi ba pwedeng i-donate nalang natin ’to sa isang bahay ampunan imbes na itapon o sunugin ko? Ang sabi sa akin ni Nikolai ay may tinutulungan raw na bahay ampunan si Ahzik. Doon nalang natin i-donate ’to kasi sayang naman kung itatapon o susunugin lang.” sabi ko habang inilalagay sa isang box ang mga damit at laruan na ibinigay ni Leigh kay Blair.
“Hmm.. okay. I’ll call Ahzik to pick that shit.” sabi naman ni Ahmed at inilabas nito ang cellphone niya sa bulsa ng suot na pantalon para tawagan si Ahzik.
Pagkatapos nilang mag-usap ni Ahzik sa cellphone ay bumaling na sa akin si Ahmed saka ito nagsuot ng itim na jacket niya.
“Aalis muna ako saglit. I need to go to my lawyer. Kung may kailangan kayo ni Blair, nandiyan ang mga maids o sina Mom at Dad. Just call them, okay?” bilin ni Ahmed at napagitla pa ako nang bigla niya akong hinalikan sa pisngi na ikinapula ng buong mukha ko.
“M-mag-iingat ka.” tangi kong nasabi dahil sa pagkabiglang naramdaman.
Tumango si Ahmed sa sinabi ko at hinalikan rin niya sa pisngi si Blair bago ito lumabas sa loob ng kwarto namin.
Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito. Ilang minuto pa ay may kumakatok na sa pintuan ng kwarto kaya binuksan ko ito. Kaagad bumungad sa akin si Ahzik na may seryosong ekspresyon.
“Nasaan ’yung mga gamit na i-dodonate raw sa orphanage?” tanong niya sa akin.
“Ah, ito.” sabi ko at itinuro sa kanya ang isang box na naglalaman ng mga damit at laruan ni Blair na ibinigay ni Leigh.
“That’s all from Leigh?” nakataas na kilay na tanong ni Ahzik na ikinatango ko naman.
“Oo.” sagot ko.
Hindi na nagsalita pa si Ahzik at kinuha na nito ang box na nakalapag sa sahig. Ang akala ko ay tuluyan na siyang aalis pero nagsalita pa ito.
“If you’re thinking that we’re letting you go just because Ahmed is Blairs’s biological father then you’re wrong, Jianna. Ahnwar and I were still courting you because we’re so damn in love with you and we can’t let you go that easily…” aniya hanggang sa tuluyan na siyang makalabas sa loob ng kwarto.
Napatunganga nalang ako sa huling sinabi ni Ahzik.
Chapter 18
Kinabukasan ay maaga kaming nagpunta sa mall ni Ahmed kasama sina Ahnwar at Ahzik para bumili raw ng mga gamit na kakailanganin namin ni Blair at sa mga gamit sa kwartong tutuluyan namin ngayon ni Ahmed.
May ilang akong nararamdaman dahil halos lahat ng mga taong nakakakita sa amin dito sa loob ng mall ay napapalingon sa amin.
Alam ko na rin naman kung bakit, masyadong gwapo at matatangkad itong mga lalakeng kasama ko na triplets pa. Imposible talagang walang makakapansin sa kanila dahil hindi naman sa exaggerated ako pero parang mga tao silang inilabas mula sa isang Greek Gods mythology book. May pagkabanyaga pa ang mga itsura nila at kakaiba ang kulay ng mga mata nila kaya sino bang iignora sa ganitong klaseng mga lalake?
Nagmumukha na rin silang mga matataas na pader sa tabi ko habang naglalakad kami dito sa loob ng mall at naghahanap ng pwedeng kainan. Sa taas akong 5’7 ay walang wala sa akin ang 6 feet pataas na mga height nila.
Ewan ko lang talaga sa magkakapatid na ito kung ano ang nagustuhan nila sa akin. Inaamin ko namang maganda talaga ako pero alam ko ring may higit na mas maganda at sexy pa kumpara sa akin.
Naiwan si Blair ngayon sa mansyon at hiniram ito ni Tita Rica sa amin. Nasa bahay rin sina Yesheem at Sahara na walang mga pasok sa klase kaya nilalaro nila sa Blair doon at ang sabi ni Tita Rica ay magsu-swimming sila sa may pool.
Pumayag naman ako dahil katulad ni Ahmed ay nangulila rin si Tita Rica sa apong hindi niya aakalaing mayroon pala siya.
“Dito nalang tayo kumain.” ani ko sa triplets at itinuro sa kanila ang Shakey’s restaurant na nakita ko.
“Okay. Let’s try their Chicken and Mojo’s there.” sabi ni Ahzik habang nakahapit ito sa baywang ko at pumasok na kami sa loob ng restaurant.
Umorder lang kami ng pepperoni pizza at Chicken and Mojo’s na sinasabi ni Ahzik at pagkatapos naming kumain ay kaagad na kaming dumiretso sa isang clothing store para naman raw bumili ng mga bagong damit at sapatos para sa amin ni Blair.
“Hindi niyo na kami kailangang bilhan ni Blair ng mga damit at sapatos. Maayos pa naman-”
“Huwag nang matigas ang ulo, baby. Gusto ring makabawi sa inyo ni Ahmed kaya hayaan mo na siyang gumastos para sa inyo ni Blair.” nakangiting saad ni Ahnwar at inakbayan nito si Ahmed na tumango naman sa sinabi niya.
“Choose your clothes and for Blair, Adi.” utos ni Ahmed kaya napailing nalang ako saka tumango bilang tanda ng pagsuko.
Napangiti lang sina Ahnwar at Ahzik sa naging tugon ko habang si Ahmed naman ay tila nakamasid sa mga kilos ko.
Ginawa ko ang gusto ng magkakapatid, namili ako ng mga damit at sapatos para sa amin ni Blair. Base palang sa tag price ng mga damit at sapatos ay mamahalin na ang mga ito pero kering-keri naman ni Ahmed ang gastos kaya lulubos-lubusin ko na tutal minsan lang naman siguro kami makakapamili ng ganito.
Nang makapili na ako ng mga damit at sapatos para sa amin ni Blair ay si Ahmed na ang lahat ng nagbayad nun. Maging pati kanina sa pagkain namin sa Shakeys ay siya na rin ang nagbayad nun at hindi na niya pinagbayad pa sina Ahnwar at Ahzik. Talagang bumabawi siya sa amin bilang ama ni Blair.
Pagkatapos makapagbayad ni Ahmed ng mga pinamili ko ay sina Ahnwar at Ahzik na ang nagdala ng mga iyon. Dumiretso naman kami sa furniture shop para mamili ng kama, mga upuan, lampshade at iba pang mga kakailanganin sa loob ng kwarto namin.
Magaganda pa naman ang mga furnitures sa loob ng kwarto namin ni Ahmed pero gusto niya yata na palitan na ang mga iyon kaya wala na naman akong choice kundi mamili nalang ng bagong ilalagay na furniture sa loob ng kwarto namin. Tinulungan rin ako nina Ahnwar at Ahzik na makapamili kaya hindi na ako nahirapan pa sa pagpili.
Mukhang ayos lang naman kina Ahnwar at Ahzik na tutuloy muna ako sa iisang kwarto kasama si Ahmed at Blair. Nililigawan nila ako pero nakikita kong binibigyan rin nila ng pagkakataon ang kapatid nila para mas kilalanin pa kami ni Blair.
Wala na talaga akong masabi kina Ahnwar at Ahzik dahil sa kabutihan nila sa akin at sa pamilya ko. Alam ko rin sa sarili ko na nagugustuhan ko na talaga sila.
Pagkabayad ni Ahmed ng mga binili naming furnitures gamit ang credit card niya ay nagsabi ang manager ng shop na bukas raw ng umaga ay pwede nang mai-deliver sa mansyon ang mga furnitures na binili namin. Nagpasalamat pa kami ni Ahmed sa manager bago tuluyang lumabas sa loob ng furniture shop.
“What shall we do after this?” tanong sa amin ni Ahnwar.
“Let’s go to the-”
Hindi na natapos ni Ahzik ang sasabihin niya nang makita naming naglalakad papalapit sa amin si Kyrie at may kasama itong isang maganda at sosyal na babaeng nakasuot ng black sleeveless dress at pulang high heels.
Tila nanliit ako sa sarili ko nang makita ko kung gaano kaganda at kafashionable ang babae. Nakasuot lang ako ng high waist jeans at baby-tee mint green shirt at walang wala ako sa kalingkingan ng babaeng kasama ngayon ni Kyrie.
Napansin ko na natigilan si Ahmed pagkakita niya sa magandang babae at nang makalapit na ito sa amin kasama si Kyrie ay biglang hinalikan ng babae ang pisngi ni Ahmed na ikinasikip bigla ng dibdib ko.
Hindi ko kayang makita ang ganoong klaseng eksena kaya kaagad akong nagbawi ng tingin sa kanila. Nakita ko pang nakatingin sa akin si Kyrie kaya yumuko nalang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko.
“Ahmed, I missed you so much! It’s been a while since we saw each other. How are you?” malambing na tanong ng babae kay Ahmed.
“I’m fine, Trina.” sagot ni Ahmed saka ito tumingin sa akin.
Iniwas ko ulit ang tingin ko sa kanila at nanatili nalang na tahimik.
Hindi ko kayang magsalita dahil ano bang sasabihin ko? Wala naman kaming relasyon ni Ahmed at ama lang siya ni Blair kaya wala akong karapatang sabihin na layuan niya ang babae dahil hindi ko kayang makita sila na magkasama at bagay na bagay sila.
Teka.. nasabi ko ba iyon? Eh ano naman sa akin kung may ibang babae sa buhay ni Ahmed? Hindi ako pwedeng magdemand kaya mananahimik nalang ako kahit may parte na masakit iyon sa puso ko.
“Trina, ikaw pala ’yan. Nagdi-date ba kayo ni Kyrie?” tanong ni Ahzik kay Trina at tinaasan niya ito ng kilay.
Mahinhin namang tumawa si Trina sa sinabi ni Ahzik saka ito tumingin saglit kay Kyrie na nakahalukipkip lang sa tabi niya.
“Nah. We’re not dating. Nagkita lang kami dito sa mall and I’m glad that we saw you guys!” masaya nitong sabi at sa wakas ay napansin na rin niya ako.
Tinignan ako ni Trina mula ulo hanggang paa bago ito ngumiti at naglahad ng kamay sa akin. Iyong ngiti niya ay halata namang peke kaya pinakitaan ko rin siya ng pekeng ngiti ko.
Matangkad siya pero sa tingin ko ay mas matangkad pa rin ako sa kanya. Nakasuot kasi siya ng high heels samantalang ako ay naka Converse shoes lang.
Maganda siya na may typical filipina beauty, kulay brown na maalong buhok, morenang balat at may magandang pangangatawan. Payat ako pero malaki ang dibdib at pwet ko samantalang si Trina naman ay malaman at malaki rin ang pwet at dibdib nito.
Halatang nanggaling rin siya sa isang mayamang pamilya dahil sa suot niyang mga branded na damit, bag at sapatos. Ayoko mang ipagkumpara ang sarili ko sa kanya ay hindi ko talaga mapigilan.
“Hi! I’m Trina Santibañez. Nice to meet you.” pakilala sa akin ni Trina.
Tinanggap ko naman ang kamay niya at siya ang unang bumitiw dito.
Pinigilan ko ang sarili kong irapan siya at ako naman ang nagpakilala. “Ako nga pala si Adi. Nice to meet you, too.” pagpapakilala ko saka muling ngumiti ng peke.
“Oh? So you are Ahmed daughter’s mom then.” nakangiting sabi ni Trina saka ito muling humarap sa triplets na nagulat sa sinabi niya.
“Don’t worry guys, mapagkakatiwalaan niyo ako sa mga sikreto niyo. Kyrie told everything to me and I understand.” sabi ni Trina at tumawa pa ito.
“That’s good then.” walang pagngiting sabi ni Ahnwar saka ito tumingin kay Kyrie na nahuli kong nakatingin na naman sa akin.
Biglang tumikhim si Kyrie saka ito umiwas ng tingin at bumaling nalang kay Ahmed.
“Best friend, may pupuntahan pa ba kayo? Is it okay kung maki-join nalang kami ni Trina sa inyo? Kanina pa kami bored na bored dito sa loob ng mall at wala naman sigurong masama kung magbonding tayong anim, right?” nakangiting tanong ni Kyrie kay Ahmed na umiling naman sa sinabi niya.
Nagulat pa si Kyrie sa pag-iling ni Ahmed pero hindi niya iyon gaanong ipinahalata sa amin.
“We’re going home and we have a lot of things to do, Kyrie.” seryosong sabi ni Ahmed kay Kyrie.
Nabigla naman ako nang kumapit si Trina sa braso ni Ahmed at mukhang nagpapacute pa ito habang pinupungay ang kanyang mga mata.
Arghhh! Ang sarap hilahin ng buhok niya at pagbubuhulin ko!
“Minsan lang naman tayo magkita-kita, e and namiss talaga kita, Ahmed. Okay lang naman siguro kay Adi na sumama kami ni Kyrie sa inyo at magbond muna tayo dito sa loob ng mall?” sabi ni Trina saka ito tumingin sa akin at nginitian ako.
Sa totoo lang ay naiinis ako sa kanya. Halatang interesado siya kay Ahmed at gusto kong kumontra sa sinabi niya pero may magagawa ba ako? Wala kaming relasyon ni Ahmed at wala rin akong karapatan para palayuin ang babaeng ito sa kanya.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang sumagot. “O-okay lang naman sa’kin ’yon.” sabi ko kahit hindi ko talaga iyon gusto.
“You heard it, Ahmed? Okay lang raw kay Adi na sumama kami ni Kyrie sa inyo.” baling naman ni Trina kay Ahmed na tumingin sa akin habang nakakunot-noo ito.
“Are you sure about that, Adi?” tanong sa akin ni Ahmed ng seryoso.
Tumango nalang ako at kaagad umiwas ng tingin sa kanya.
Bigla ay hinapit ni Ahnwar ang baywang ko at nauna na kaming maglakad sa kanila. Ramdam ko namang sinundan na nila kami.
“Where are we heading, Ahmed?” tanong ni Kyrie kay Ahmed.
Hindi sumagot si Ahmed sa sinabi ni Kyrie at ramdam ko na nakatitig ito sa sa akin mula sa likuran ko.
“How about watching a movie? May magandang showing ngayon sa cinema and it’s a great movie bond for us!” masayang sabi ni Trina na parang siya lang yata ang nag-eenjoy sa araw na ito.
“Tsk.” ring kong iritadong sabi ni Ahnwar saka ito umiling at tumiim-bagang.
Tumango na lang si Ahmed sa sinabi ni Trina hanggang sa napagpasyahan na nga naming manoood nalang ng sine. Isang action-horror film ang napagkasundan naming panoorin.
Mukha ngang ayaw pa ni Trina ang palabas na sabi niya kanina ay gusto niya raw pero nang dahil yata kay Ahmed ay hindi na siya nakatanggi pa.
Pumasok na kami sa loob ng sinehan at pumwesto kaming anim sa malayong parte ng mga upuan sa itaas.
Si Ahzik na nasa tabi ni Ahnwar sa kanang upuan ay nasa tabi rin ni Kyrie. Pareho naman silang tahimik.
Akmang tatabi na sana sa akin si Ahmed sa may pandulong upuan na kung saan ay katabi ko sa kaliwa si Ahnwar nang mabilis na nahila ni Trina ang braso ni Ahmed at umupo sila sa bandang harapan na kung saan ay nakaupo kami sa likuran nila.
Habang patagal ng patagal ay sumisikip na ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko ito dapat maramdaman pero talagang tinatraydor ako ng emosyon ko habang nakikita ko na magkasama sina Ahmed at Trina.
“Trina was so in love with Ahmed back then. They were high school classmates.” banggit sa akin ni Ahnwar habang nag-uumpisa na ang palabas na nagpi-play sa malaking screen ng sinehan.
Nakikita ko naman iyon. Sa pagtrato pa lang ni Trina kay Ahmed ay alam kong may gusto na siya rito.
“B-bagay sila.” may pait kong sabi at parang may nagbabara sa lalamunan ko habang nakikita kong nakasandal na ang ulo ni Trina sa balikat ni Ahmed na mukhang naiirita na sa ginagawa nito.
Ngumiti lang si Trina kay Ahmed at mas lalo pa itong nagsumiksik sa katawan ni Ahmed. Parang sasabog na talaga ako sa anumang oras.
Hindi ko na kaya pa ang mga nakikita ko.
Nahuli ko na namang nakatingin sa akin si Kyrie at this time ay nginitian niya na ako pagkakita ko sa kanya.
Nginitian ko na lang rin siya nang napipilitan dahil mukhang okay naman na siguro kami at sila ni Ahmed pagkatapos ng mga nangyari noon sa may bar sa Subic.
“You’re right, Jianna. They look so good together. I know that Ahmed has some feelings for Trina pero pinipigilan niya lang ’yon ngayon dahil nga nalaman niyang may anak na kayo at hindi muna siya pwedeng magfocus kay Trina.” malungkot na sabi ni Ahnwar na ikinatahimik ko bigla.
Ang sakit naman.
Kaya pala hindi rin magawang itulak palayo ni Ahmed si Trina dahil may gusto rin siya dito.
“Ahmed is only doing his duty being Blair’s biological father, Jianna. He likes Trina.” Dugtong pa ni Ahnwar sa sinasabi niya kasabay nun ang makitang hinalikan ni Trina si Ahmed sa pisngi nito kaya hindi ko na kinaya pa at tumayo na ako mula sa kinauupuan ko.
“M-mag ccr lang a-ako, Ahnwar.” nanginginig kong paalam kay Ahnwar at hindi ko na siya hinintay pang sumagot hanggang sa tumakbo na ako at kaagad tinungo ang cr sa loob ng sinehan at pumasok dito.
Doon ko na tuluyang ibinuhos ang mga luha ko at napaupo nalang sa sahig ng cr habang nakasapo ang magkabilang palad ko sa mukha ko.
Mahal ko si Ahmed at hindi ko kayang makitang may kasama siyang ibang babae at nalaman ko pang may gusto rin siya sa babaeng iyon.
Sino ba naman kasing lalakeng hindi magkakagusto kay Trina? Bukod sa maganda at sexy siya ay nakakaangat rin ito sa buhay katulad ni Ahmed kaya bagay na bagay sila.
Pinakikisamahan lang ako ni Ahmed ng maayos dahil aksidente niya akong nabuntis at naging mas sweet at expressive lang siya sa akin maging magkasundo lang kami para kay Blair.
Walang sinabi sa akin si Ahmed na gusto niya ako o mahal niya ako kaya hindi na tama ’tong nararamdaman kong pagmamahal para sa kanya.
Mahina akong humahagulgol ng iyak at mabuti nalang ay ako lang ang mag-isa sa loob ng cr kaya wala akong maiistorbo dito.
Habang umiiyak ako ay nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang pintuan ng cr at pumasok sa loob nito si Ahmed na kaagad akong nakitang nakaupo sa sahig.
Nagulat pa akong lalo nang bigla niya akong yakapin at ilang beses niyang hinahalikan ang pisngi at noo ko.
Hindi ko alam kung nahahalata na ba niya ako at kung bakit sinundan niya ako dito sa loob ng cr pero hindi ko maitatangging masaya ako dahil nandito siya sa tabi ko.
“I-I will sing a song for you…” nahihiya niyang sabi na ikinalaki ng mga mata ko.
Muling nagbalik sa akin ang mga ala-ala na sa tuwing umiiyak ako at nalulungkot ay kakantahan akong bigla ni Durhin o Ahmed.
Nothing’s gonna change my love for you
You oughta know by now how much I love you
One thing you can be sure of
I’ll never ask for more than your love
Mas lalo pa akong humahagulgol ng iyak dahil inumpisahan na akong kantahan ni Ahmed. Unti-unti na ring kumakalma ang puso’t-isip ko dahil sa lamig at ganda ng boses niya.
Nothing’s gonna change my love for you
You oughta know by now how much I love you
The world may change my whole life through
But nothing’s gonna change my love for you
Sa mensahe ng kanta niya, umaasa ako na sana nga ay mahal niya ako at kung minahal nga niya ako noon pa ay hindi pa rin sana nagbabago iyon hanggang ngayon.
Chapter 19
Pagkatapos akong patahanin ni Ahmed mula sa pag-iyak ko ay muli na kaming bumalik sa upuan namin sa sinehan. Napansin ko kaagad na wala na sina Kyrie at Trina sa inuupuan nila na ipinagtaka ko.
“Nasaan na pala sina Kyrie at Trina?” tanong ko kay Ahmed na nakahawak sa isang kamay ko at pinaupo ako nito sa inuupuan nila kanina ni Trina.
Nang tumingin naman ako saglit sa pwesto nina Ahnwar at Ahzik ay pareho lang silang tahimik habang nakatutok ang mga mata nila sa pinapanood nila. Hindi nila kami magawang tignan man lang ni Ahmed at hindi ko alam kung bakit.
“I told them to leave. They’re ruining our day.” sagot ni Ahmed saka nito inabot sa akin ang popcorn at drinks na binili namin kanina bago pumasok dito sa loob ng sinehan.
Tinanggap ko naman ito at hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa wakas ay wala na rin sa landas namin ang Trina na iyon- ay teka, bakit ba ako natutuwa kung pinaalis na siya ni Ahmed?
“Pero si Kyrie-”
“Don’t mind them. Let’s just finish the movie.” pagputol ni Ahmed sa sinasabi ko at itinutok na rin ang mga mata niya sa pinapanood namin.
Kung hindi lang madilim dito sa loob ng sinehan malamang ay kanina pa nakikita ni Ahmed na pulang-pula na ang buong mukha ko sa kaba at mabilis na pagtibok ng puso ko habang nasa tabi ko siya.
Kanina lang ay kinantahan niya ako at naalala ko noong unang araw na kinantahan niya ako sa may parke. Nagbago na ang timbre ng boses niya sa mga nakalipas na taon pero kahit na ganoon ay alam kong siya talaga si Durhin na nakilala ko dahil sa parehong klase ng pakiramdam na palagi niyang ipinaparamdam sa akin magmula noon hanggang ngayon.
Kahit pilit ko mang kinakalimutan ang mga nangyari sa akin noon limang taon na ang nakakalipas ay babalik at babalik pa rin pala ito sa isipan ko.
At isa na doon ay ang mga alaala ko kay Durhin.
Noong gabi na may nangyari sa amin ni Ahmed, kahit hindi ko man maalala iyon ay may parte talaga sa puso ko na natutuwa nang malaman kong siya pala ang nakauna sa akin.
Mali man dahil parehong may nangyari sa amin kahit menor de edad pa lang kami noong mga panahong iyon ay hindi ko talaga kayang magalit sa mga nangyari noon sa amin ni Ahmed.
Pinaglaruan at niloko kami nina Leigh at Neymar at nang malaman ko na hindi si Leigh ang tunay na ama ni Blair ay nabunutan ako ng malaking tinik doon.
Sana nga nararamdaman rin ni Ahmed itong nararamdaman ko para sa kanya. Kahit sinabi man sa akin ni Ahnwar na may gusto si Ahmed kay Trina ay umaasa rin ako na magugustuhan ako ni Ahmed kahit mukhang malabong mangyari iyon.
Iyong nangyari kanina na sinundan niya ako sa loob ng cr, sana ay sinundan niya ako doon dahil may kaunti na siyang nararamdaman para sa akin pero ayoko na talagang mag-expect pa dahil alam kong masasaktan lang rin ako sa huli.
Makalipas ang isa’t kalahating oras ay natapos na rin ang pinapanood naming palabas. Pagkalabas namin sa loob ng sinehan ay bigla akong hinila ni Ahzik at inakbayan.
“Let’s go home?” tanong niya na sinang-ayunan nalang namin.
Pagkauwi namin sa mansyon ay kaagad nagbihis ng pang-opisna sina Ahmed at Ahzik dahil may mga kailangan pa raw silang tapusing trabaho sa kompanya nila at baka mamayang gabi pa sila makakauwi. Si Ahnwar lang ang maiiwan ngayon dito sa mansyon dahil wala naman raw itong masyadong gagawin ngayon sa trabaho niya.
Nang magpaalam na sina Ahmed at Ahzik sa amin na aalis na sila ay bigla akong niyaya ni Ahnwar na pumunta sa Entertainment room nila.
Si Blair naman ay kalaro ngayon sina Yesheem at Sahara sa loob ng kwarto ng mga ito kasama ang isang katulong doon habang si Tita Rica naman ay umalis raw kanina ng mansyon para puntahan saglit ang puntod ng yumao nitong lolo at lola.
“My friends are coming, ipapakilala kita sa kanila.” nakangiting saad ni Ahnwar habang nakaakbay ito sa akin at mukhang tinatawagan sa cellphone niya ang mga kaibigan niya.
Medyo kinabahan naman ako dahil panigurado na mayayaman at edukado ang mga kaibigan ni Ahnwar. Baka ay hindi rin nila ako magustuhan para sa kaibigan nila dahil mahirap lang ako. Nanliit akong bigla sa sarili ko na mukhang napansin naman ni Ahnwar.
“Don’t worry baby, they are nice and very supportive to us. I’m sure na makakasundo mo sila kaagad.” sabi niya at marahan nitong hinaplos ang pisngi ko.
Ngumiti at tumango nalang ako bilang assurance na ayos lang sa akin na makilala ko ang mga kaibigan niya.
Kalahating oras rin mahigit ang lumipas nang iwanan na ako ni Ahnwar sa entertainment room para salubungin sa labas ng mansyon ang mga kaibigan niya. Narinig ko rin na bumisina na ang kotse ng mga ito sa labas tanda na nandito na nga sila.
Tumingin ako sa suot ko at sa tingin ko ay maayos at disente naman itong tignan. Nagsalamin na rin ako gamit ang screen ng luma kong android phone at sinuklay ang mahaba at itim kong buhok. Pagkatapos nun ay saktong narinig ko na ang yabag ng mga taong papalapit dito sa entertainment room.
“Yo, man! Nilaan talaga namin ’tong araw na ’to to meet your soulmate. Ganyan ka kaimportante sa amin, Ahnwar!”
“Di nga? Ang sabihin mo excited ka lang talagang makita ang chicks nitong kaibigan natin dahil sinabi ni Ahnwar na maganda at sexy ’yon. You manwhore!”
“Gago! Anong tingin mo sa akin? Mang-aagaw? Babae ni Ahnwar ’yon kaya off limits na ’yon, no!”
“Tumigil na nga kayong dalawa diyan eh pareho-pareho naman kayong mga babaero.”
“Fuck you, dude! Nagsalita ang hindi.”
Mas lalo akong kinabahan nang makita sila kasunod si Ahnwar na nakangisi sa kanila. Nang nasa harapan ko na sila ay pare-pareho silang natigilan nang makita ako.
Sumipol pa ’yung gwapong kulot ang buhok na maputing lalake kaya sinaway siya ng katabi niyang lalake na gwapo rin at may hikaw sa kaliwang tenga nito.
Pinaupo sila ni Ahnwar sa upuang katapat ng sofang inuupuan ko habang siya naman ay tumabi sa akin at hinapit ang baywang ko habang nakangiti sa mga kaibigan niya.
“This is my girl, Jianna.” pagpapakilala sa akin ni Ahnwar sa mga kaibigan niya.
“You’re right, dude. She fits with you.” nakangising sabi ng gwapong chinito at maputing lalake.
Ngumiti lang si Ahnwar sa sinabi ng kaibigan niya hanggang sa ipinakilala niya na sa akin isa-isa ang mga kaibigan niya.
“Baby, this is Hail, Dawson, Taylor and Minseok”.
“Nice to meet you all. Ako nga pala si Jianna Adiel.” nahihiya kong pakilala naman sa mga kaibigan ni Ahnwar.
“We already know you, Jianna. Palagi ka kayang binabanggit sa amin ni Ahnwar.” nakangising sabi ng may hikaw sa kaliwang tenga na si Hail.
“Ikaw na nga palagi ang bukambibig niyang si Ahnwar sa tuwing nagkakasama kaming magkakaibigan, e.” panunukso naman ni Taylor kay Ahnwar na sinamaan lang siya ng tingin.
“Fuck yourself, moron!”
“I love fucking girls and not myself, Ahnwar.” sagot pabalik ni Taylor kaya bigla siyang binato ni Ahnwar ng throw pillow na kaagad namang nailagan ng tumatawang si Taylor.
Mga gwapo, may magandang pangangatawan at matatangkad ang mga kaibigan ni Ahnwar kaya hindi na rin nakakapagtaka kung may mga babaeng naikakama palagi ang mga ito. Sumisigaw rin ang pagiging mayaman nila dahil sa mga suot nilang branded na damit, relos at sapatos. May mga ibubuga talaga sila.
“You’re so gross, Taylor! Mahiya naman kayo kay Jianna.” naiinis na sabi ng chinitong si Minseok. Naalala ko bigla sa kanya si Nikolai dahil sa pagiging mukhang koreano nito.
“Oh! I’m sorry for my bad mouth, Jianna. Ganito lang talaga ako makipag-usap sa kanila.” paumanhin naman sa akin ni Taylor na tinanguan ko nalang.
“Okay lang.” sabi ko at doon ay nginitian niya ako.
Ilang saglit pa ay dumating na ang mga katulong nina Ahnwar at inilapag sa table namin ang iba’t-ibang klaseng mga snacks at alak sa lamesa namin. Nang umalis na sila ay kinausap na ako ng mga kaibigan ni Ahnwar.
“Sana sagutin mo na ’yang kaibigan namin, Jianna. Seryoso talaga ’yan sa’yo at hindi rin babaero hindi katulad nitong sina Hail at Taylor na parang nagpapalit lang ng brief kung magpalit ng mga babae.” natatawang sabi ni Dawson habang umiinom ito ng isang bote ng beer.
“Wew! Sino kaya ’tong dinogstyle ang pinsan ni Asher sa may parking lot ng Avis Bar na kaka-break lang kay Yumi?” Lumakas naman ang tawa ng magkakaibigan nang banggitin iyon ni Hail.
Namula nalang bigla sa hiya si Dawson sa sinabi ni Hail at napahawak ito sa batok niya. Totoo nga iyon?
“Stop talking like that, motherfuckers! My baby is listening.” suway ni Ahnwar sa mga kaibigan niya kaya natigil na ang mga ito at nag-usap na lang ng ibang topic.
“I’m sorry about that, baby.” paghingi ng paumanhin sa akin ni Ahnwar.
“Okay lang ’yon, no. Alam ko namang nagbibiruan lang sila.” sabi ko at nginitian siya.
Napatingin naman si Ahnwar sa labi ko at binasa nito ang ibabang labi niya.
“I badly want to kiss your lips right now pero hindi pa kita girlfriend kaya hindi ko magawa. Shit talaga!” mahina niyang sabi saka nito ginulo ang kanyang buhok at doon ay namula akong bigla.
Umiwas na ng tingin si Ahnwar sa akin at ininom na nito ang beer na kanina pa niya iniinom. Hindi naman niya ako pinapayagang uminom at itong orange juice lang ang pinapainom niya sa akin.
Napuno na ng ingay at kantiyawan ang loob ng entertainment room dahil sa mga kaibigan ni Ahnwar. Nag-uusap sila at nagtatawanan habang ako naman ay tahimik lang sa tabi ni Ahnwar na kausap si Minseok.
Napatingin ako kay Taylor at nahuli ko itong nakatitig sa akin. Nang pilit ko siyang nginitian ay hindi niya magawang ngumiti pabalik at nakatitig pa rin ito sa akin.
Dahil sa ilang na naramdaman ko ay umiwas na ako ng tingin sa kanya at bumaling nalang kina Ahnwar at Minseok na nag-uusap pa rin.
Tumagal ng dalawang oras ang inuman at pagkukwentuhan nila Ahnwar at ang mga kaibigan niya hanggang sa matapos na rin sila. Sumama na rin ako kay Ahnwar na ihatid sa labas ng mansyon ang mga kaibigan niya.
“Ingatan mo ’yang kaibigan namin, Jianna dahil limited edition ’yan at mahirap mahanap.” sabi sa akin ni Hail at kinindatan ako nito na ikinatawa ko na lang.
Natigilan pa sila Dawson at Minseok nang tumawa ako pero hindi kalaunan ay ngumiti sila sa akin.
“Sagutin mo na rin para may jowa na at hindi na lonely boy.” pang-aasar pa ni Minseok na si Ahnwar ang pinapatamaan na umiling nalang at mukhang nahihiya pa sa pinagsasabi ng mga kaibigan niya.
“U-umalis na nga kayo. Mga baliw!” pagtataboy ni Ahnwar sa mga kaibigan niyang tinawanan lang siya hanggang sa pumasok na ang mga ito sa loob ng kotseng dala nila.
Nang makaalis na sila ay kaagad na akong hinila ni Ahnwar papasok sa loob ng mansyon hanggang sa makarating kami sa loob ng kwarto niya at ipinasok niya ako dito.
“Kailan mo ba kami sasagutin ni Ahzik, Jianna?”
Nagulat ako sa tinanong ni Ahnwar sa akin.
Bumuntong-hininga naman siya at tinitigan ako ng seryoso.
“Hangga’t hindi ka pa namin nagiging girlfriend ay hindi mapapanatag ang loob namin na sa amin ka lang talaga. Jianna, ina ka lang rin ng anak ni Ahmed at hindi mo obligasyon na mahalin si Ahmed dahil may iba na siyang gusto. Kami ni Ahzik, mahal ka namin at totoo ang nararamdaman namin para sa’yo. Sa amin ka na kasi, please? Hinding-hindi ka magsisisi na kaming dalawa ni Ahzik ang pipiliin mo.”
Biglang hinawakan ni Ahnwar ang dalawang kamay ko at tinitigan ako ng mariin at may pagmamakaawa.
Mahal na nila ako. Dapat ay matuwa ako dahil totoo ang nararamdaman nila para sa akin pero bigla kong naisip si Ahmed.
Kaya rin ba niya akong mahalin katulad ng mga kapatid niya?
Pero bakit nga ba ako umaasa kay Ahmed? Hindi ibig sabihin na concern siya sa akin ay dahilan na iyon para isiping may gusto siya sa akin. Sa umpisa palang ay alam kong wala nang interes sa akin si Ahmed kaya titigilan ko na ang pagiging assumera ko at umaasang magkakagusto rin siya sa akin.
Kung anuman ang mga ipinapakita at ipinaparamdam niya sa akin ngayon, iyon ay dahil lang sa ina ako ng anak naming si Blair.
Huminga ako ng malalim at tumango ng dahan-dahan kay Ahnwar. Natigilan naman siya sa pagtango ko pero kalaunan ay napangiti na rin.
Niyakap niya ako nang mahigpit at nagulat nalang ako nang sinapo niya ang buong mukha ko at hinalikan ang labi ko.
Hindi kaagad ako makagalaw sa ginawa niya habang siya ay patuloy pa rin sa paghalik sa akin. Hindi ko siya magawang halikan pabalik dahil sa pagkabigla ko.
Pagkatapos niya akong halikan ay binitawan at nginitian niya ulit ako.
“Finally, you’re now my girlfriend so I can kiss you whenever I want to.” sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.
Natawa ng mahina si Ahnwar sa naging reaksyon ko at kinagat nito ang ibabang labi niya habang titig na titig ito sa akin.
“Everything about your face and soul is perfect, baby. Fuck! I can’t believe that you’re now my girlfriend.” sabi niya na tila hindi pa rin makapaniwala na sinagot ko na siya.
Magkakamukha man sina Ahmed, Ahnwar at Ahzik ay madaling matukoy kung ano ang mga pagkakaiba nila. Ang personalidad nila ang una doon.
Sina Ahnwar at Ahzik ang tipo ng mga lalakeng hindi nahihiyang sabihin ang totoo nilang nararamdaman. Palagi ring nakangiti at magiliw ang mga ito hindi katulad ni Ahmed na mahirap basahin at makitaan kaagad ng emosyon.
Nang unang beses ko siyang makitang umiyak, magalit, at tila hirap na hirap ang kalooban nang malaman niyang siya ang tunay na ama ni Blair ay mas doble pa ang sakit na naramdaman ko sa puso ko habang pinagmamasdan siya noong mga panahong iyon.
Hindi na ako nagsalita pa sa sinabi ni Ahnwar at ngumiti nalang ako sa kanya.
“I’m sure na matutuwa si Ahzik kapag nalaman niyang sasagutin mo na rin siya. You don’t also need to sleep with Ahmed in one room anymore.” masayang sabi ni Ahnwar at hinalikan niya ang pisngi ko.
Hindi na kami matutulog ni Ahmed sa iisang kwarto?
“Jianna, girlfriend na kita at hindi ayos sa amin ni Ahzik na gusto kang solohin ni Ahmed sa iisang kwarto. Ayaw naman talaga namin ’yon noong una palang pero pinahupa lang muna namin ang sitwasyon dahil nga hindi mo pa kami sinasagot sa panliligaw namin pero ngayon? May karapatan na kami sa’yo kaya siguro may karapatan na rin kami para kontrahin si Ahmed sa gusto niyang mangyari sa inyo ni Blair?” nakangiting sabi ni Ahnwar na mukhang nabasa yata ang iniisip ko.
“A-aalis na ako, Ahnwar. Titignan ko muna si Blair sa kwarto nina Yesheem at Sahara.” hindi ko makatinging sabi kay Ahnwar at pipihitin na sana ang doorknob ng pintuan ng kwarto niya nang bigla siyang magsalita.
“You’re ours, Jianna. Not on any other guys or even with Ahmed…”
Biglang bumigat ang dibdib ko sa sinabi ni Ahnwar at nanghihinang lumabas na sa loob ng kwarto niya.
Chapter 20
Ahmed
I have too many questions to ask, too many problems that I want to solve, and I want to punish those two bastards for what they’ve done to us. They make our lives miserable and clueless.
I have no idea what happened five years ago. Para akong nangangapa sa dilim dahil sa mga katanungan sa isipan ko na hindi ko rin masagot-sagot.
Bakit hindi ko maalala ang mga nangyari sa amin noon ni Adi? Kailangan ko talagang makausap ulit si Neymar tungkol sa ginawa nila sa amin ni Leigh limang taon na ang nakakalipas.
I investigate alone dahil nagdududa na talaga ako sa kakaibang nararamdaman ko kay Adi at pati na rin kay Blair na mahahalata talaga na malaki ang pagkakahawig sa akin o sa mga kapatid ko.
My Mom and Dad confronted me about that noong unang beses palang nilang makita si Blair na dinala noon nila Rica at ng mga kapatid ko sa bahay namin sa birthday celebration ni Danielle. Pati sila ay nagduda nang makita nila ang itsura ng bata.
Leigh is our cousin at kamukha niya rin si Blair pero hindi pa rin talaga iyon sapat para maniwala akong siya ang totoong ama ni Blair. My Private Investigator did his job well to seek the truth. Natunton namin si Neymar at inamin niya lahat sa akin ang mga naging kasalanan nila noon ni Leigh.
Leigh and Neymar did that because of their jealousy. Palagi raw kasi kaming nagkikita noon ni Adi sa may parke at nang malaman ni Leigh iyon ay labis siyang nagalit at inisip na nagtataksil si Adi sa kanya.
He’s crazy and stupid. Sinira niya ang buhay namin ni Adi nang dahil lang sa selos at galit na naramdaman niya noong mga panahong iyon. Tinulungan pa siya ni Neymar na umaming nagkaroon ng galit kay Adi dahil naging boyfriend na nito si Leigh.
He likes Adi, too and it makes me annoyed and irritated. Subukan niya lang talagang lumapit pa ulit kay Adi ngayong malaya pa siya but once I put him in jail ay wala na siyang paraan para makalapit pa ulit dito.
Alam kong anak ko si Blair, I can see it in my own eyes pero sa oras na lumabas ang DNA result at makumpirma ko ngang ang dugo at laman ko ang nananalaytay kay Blair ay kaagad kong papakasalan si Adi.
I have a feelings for her but I’m afraid for her reaction once na malaman niya iyon. I’m hoping that she loves me back dahil sa nakita kong pag-iyak niya sa loob ng restroom ng sinehan nang sinundan ko siya doon.
She’s jealous and I can’t help it but to be happy about that. Hindi ko na talaga kakausapin pa si Trina para wala nang dahilan na magselos si Adi.
Wala akong ibang babaeng nagustuhan sa buong buhay ko. Trina was my friend back then in high school at nagkagusto siya sa akin. She confessed before that she likes me but I’d rejected her. Si Kyrie ang sumalo sa kanya at naging boyfriend niya ito.
Wala namang problema sa akin iyon at kung gusto siya ni Kyrie ay walang kaso sa akin iyon. Hindi lang naman si Trina ang babaeng umamin ng nararamdaman niya para sa akin, marami pang iba pero hindi ko lang talaga magawang pumansin o kumausap ng ibang babae dahil hindi lang talaga ako sanay sa ganoon. I have a mother and sisters and they are the only girls who’s been closer to me.
Not until I’m dreaming about this girl in my mind. Kahit malabo siya sa paningin ko sa tuwing napapanaginipan ko siya ay ramdam kong matagal ko na nga siyang kilala at nakakasama. It’s Adi for sure pero hindi ko talaga maalala ang mga nangyari sa amin noon.
Naaalala niya ako noon samantalang ako ay hindi. Fuck! That’s a pity.
On-going pa rin ang kaso na isasampa ko laban kay Leigh. He was still in the hospital pero may ipinadalang abogado ang mga magulang niya para ito ang humarap sa amin ng abogado ko.
Wala kaming masyadong sapat na ebidensiya para idiin siya sa ginawa niya noon sa amin ni Adi. Si Neymar lang ang tanging witness noong mga panahong iyon at sana ay umayon sa amin ang kapalaran para mapagbayaran ni Leigh ang mga ginawa niya sa amin ni Adi.
Kakatapos lang akong kausapin si Attorney Merced sa opisina ko at pauwi na rin ako sa bahay namin. I miss Adi and Blair so much kaya excited na rin akong umuwi para makita sila.
Nang lumabas na ako sa loob ng opisina ko ay nakita ko naman si Kyrie na naglalakad papalapit sa akin.
“Can we talk?” he asked coldly.
Tumango nalang ako sa sinabi niya hanggang sa pumasok ulit kami sa loob ng opisina ko.
“Ang akala ko ba hindi mo ako tataluhin, Ahmed but what are you doing right now?” naiinis nang tanong ni Kyrie.
“Blair is my daughter-”
“Oo nga, anak mo ’yung batang ’yon pero gusto ko si Adi! Ano bang hindi mo maintindihan doon, Ahmed?” bumuntong-hininga siya at ilang beses niyang ginulo ang buhok niya.
I clenched my jaw.
“Wala ka naman sigurong gusto kay Adi, ’di ba? I’m planning to court her at alisin sa landas namin ’yang mga kapatid mong nanliligaw sa kanya.” seryosong sabi ni Kyrie at tinaasan niya ako ng kilay.
I want to laugh so hard because of what he said. Sinabi ko na sa kanyang ako ang tunay na ama ni Blair tapos hanggang ngayon ay hinahangad pa rin niya si Adi at balak pang agawin mula sa mga kapatid ko?
Hindi ko na magawang intindihin si Kyrie ngayon. He’s too much and I can’t believe that he’s too selfish and arrogant to think that he can get Adi because he wants her.
“I like her and I have a plan to marry her.” I confessed na ikinagulat ni Kyrie.
“You’re kidding, right?” hindi niya makapaniwalang tanong at umiling siya ng paulit-ulit.
As much as I want to understand Kyrie ay hindi ko na magagawa iyon ngayon. Nang makasama namin siya sa mall kasama si Trina ay alam kong pinagtutulakan niya ako sa babaeng iyon maiwas ko lang ang atensyon ko kay Adi.
“I’m not kidding, Kyrie. I just want to be honest with you. I like Adi.” I said seriously.
Tumawa ng sarkastiko si Kyrie sa sinabi ko at sinamaan niya ako ng tingin. “I thought you’re my best friend but what are you doing now, Ahmed? You know that I like Adi so much and I want her but now, you want her too and you have a plan to marry her? Traydor ka!” sigaw niya sa akin.
I see the anger and hatred in his eyes. I know this will be his reaction sa oras na sabihin ko sa kanyang gusto ko si Adi at balak ko na siyang pakasalan.
Kinain ko rin ang mga sinabi ko noong hindi ako magkakagusto kay Adi.
It happens so fast. Ganon pala kapag nagkakagusto ka sa isang tao, kahit gaano man kabilis o katagal iyon ay kusa mo na lang iyong mararamdaman nang hindi mo namamalayan. It’s like a meteorite that falls down from mother earth.
I can’t remember Adi at all lalo na sa naging past namin noon but my heart can speak and I know what she’s already involved in my life before because of this unfamiliar feelings na nararamdaman ko sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya.
“Call me whatever you want, Kyrie pero desidido na talaga ako sa desisyon ko.” mariin kong sabi pero kwinelyuhan niya lang ako habang nanginginig na ang mga kamao niya sa matinding galit sa akin.
“I trust you, Ahmed but you break it! I can’t believe na magagawa mo sa’kin ’to. Hindi mo pinahalagahan ang pagkakaibigan natin nang dahil sa isang babae?!” he shouted again.
I sighed deeply.
Ngayon ay nakikita ko na kung bakit ayaw na ayaw nina Ahnwar at Ahzik kay Kyrie. Sa ganitong sitwasyon ay dapat iniintindi at sinusuportahan ako ni Kyrie pero hindi pa rin pala. He’s only thinking about his self at wala siyang balak na magparaya at sumuporta sa akin na palagi kong ginagawa para sa kanya dahil ako lang naman ang kaibigan niya.
“I’ve always treasure our friendship, Kyrie. Palagi kitang sinusuportahan at iniintindi sa lahat ng gusto mo pero mag-ina ko ngayon ang pinag-uusapan natin dito. Hindi ko nga alam na nagkaanak pala ako noon kaya sobra akong nagsisisi na hindi ko man lang nasuportahan sina Adi at Blair sa lahat ng pangangailangan nila. Gusto kong makabawi sa kanila at sa paraang pakasalan si Adi ang tanging paraan para makabawi ako ng buo.” madiin kong sabi.
“Paano naman ang mga kapatid mo? May gusto rin sila kay Adi kaya nga nanliligaw sila sa kanya, right? Sa tingin mo ba ay sang-ayon sila sa balak mong pagpapakasal kay Adi? I don’t think so.” Dahan-dahan akong binitawan ni Kyrie at nang makita niyang natigilan ako sa sinabi niya ay napangisi ito.
Doon ay bigla kong naalala sina Ahnwar at Ahzik. I saw how much they love Adi at alam kong masasaktan sila sa oras na malaman nilang balak kong pakasalan si Adi.
But if they are really my brothers ay maiintindihin nila itong desisyon ko. I’m doing this for Adi and Blair’s sake.
“They will understand me.” sabi ko pero tinawanan lang ako ni Kyrie at humalukipkip siya.
“Siguro ngayon ay sobra silang naiinggit sa’yo dahil akalain mo ’yon? Ikaw pa pala ang totoong ama ng anak ng babaeng nililigawan nila. What a small world, is it? Sa tingin mo rin ba ay magpapaubaya sina Ahnwar at Ahzik sa’yo, Ahmed? They want Adi so badly at mukhang mahihirapan kang makumbinsi silang pakasalan ang babaeng mahal nila.” Kyrie smirked.
Hindi na ako nakapagsalita pa sa sinabi ni Kyrie at napapikit nalang sa sobrang pag-iisip ng mga susunod pang pwedeng mangyayari.
“Try your luck, loser. Hindi na rin pala kita best friend dahil traydor at mang-aagaw ka. Tss!” Inikutan pa ako ng mata ni Kyrie bago siya tuluyang lumabas sa loob ng opisina ko.
This is so complicated but okay, I’m trying my luck this time and I won’t give up my wife and daughter that easily.
Pagkatapos kong makausap si Kyrie ay umuwi na ako sa bahay namin. Dumating na rin pala ang mga furnitures na binili namin sa mall at nakalagay na muna ito pansamantala sa storage room namin bago ito iayos sa loob ng kwarto namin ni Adi.
Naabutan ko naman sa may living room sina Ahnwar at Ahzik at mukhang kanina pa nila ako hinihintay.
Wala silang meeting kanina sa mga investors at kliyente ng kompanya namin at kami lang ni Dad ang umasikaso nun kasama ang sekretarya niya kaya mas maaga silang nakauwi kaysa sa akin.
“Finally! You’re here.” salubong sa akin ni Ahnwar nang nakangiti at pinaupo nila akong dalawa sa may sofa at pinagitnaan ako.
“Where’s Adi and Blair?” I asked.
“Pumunta sa bahay ng pamilya niya kasama sila Mom at Sahara.” sagot naman sa akin ni Ahzik.
Tumango nalang ako doon.
“Ah, gusto lang pala naming sabihin ni Ahnwar sa’yo na sinagot na kami ni Jianna sa panliligaw namin sa kanya.” he added.
Inakbayan akong pareho nina Ahnwar at Ahzik habang nakangiti ang mga ito sa akin.
Natigilan ako sa sinabi nila. I can’t smile back too because I’m not hypocrite to do that. I’m not happy in their news.
“Hindi na rin kailangan ni Jianna na magsama kayo sa iisang kwarto kasama si Blair. She wants to be alone in a room with Blair at sana ay tanggapin mo nalang ang desisyon niya, Ahmed.” Ahnwar said.
That’s it. Sinagot na pala ni Adi ang mga kapatid ko. Wala na ba akong pag-asa kanya?
But I’m Blair’s real father.
Pero mahal ba niya ako para magdemand ako na ako nalang ang piliin niya kaysa sa dalawang kapatid ko?
I don’t know how she feels about me but she’s jealous with Trina at iyon ang isa sa panghahawakan kong dahilan para ako ang piliin niya.
“Boyfriend na kami ni Jianna kaya sana, Ahmed ay hayaan mo na kami. Hindi pa rin naman matatanggal ang responsibilidad mo bilang ama ni Blair pero sana hanggang doon na lang ’yon. This is what we’ve been waiting for at ayaw lang namin ni Ahzik na mag-aaway tayong tatlo nang dahil kay Jianna.” seryosong sabi ni Ahnwar at dahan-dahan niyang tinatapik ang balikat ko.
I can’t look straightly in their eyes. They are upset and mad. They know what am I planning and they’re not dumb para hindi iyon mahalata sa akin.
“You like her, Ahmed. Do you?” Ahzik asked.
Yes. And they knew it.
I didn’t speak.
“Matagal nang panahon ’yong mga nangyari sa inyo nina Jianna at Leigh, Ahmed. You two are both unconscious and drugged that night at hindi mo nga matandaan ang ginawa niyo ni Jianna sa kwarto ni Leigh, e. Blair is just a mistake-”
“She’s not a mistake!” sigaw ko na ikinagulat naman nina Ahnwar at Ahzik.
Tumayo na ako mula sa kinauupuan namin at ganoon rin sila. They are both glaring at me but I don’t care.
“It’s a mistake dahil sinadya ni Leigh na may mangyari sa inyo ni Jianna. Wala ka ngang maalala ng gabing ’yon-”
Nagulat si Ahnwar nang inilabas ko ang baril ko sa bulsa ng suot kong coat at itinutok iyon sa kanilang dalawa ni Ahzik.
“Don’t call my child a mistake kung ayaw niyong iputok ko sa bungo niyo ’tong baril na hawak ko?” mariing sabi ko na mukha namang ikinatakot nila.
Napatili pa sa takot ang dalawang maids namin na kakapasok lang sa bahay namin nang makitang tinutukan ko ng baril sina Ahnwar at Ahzik.
“This is the last time na maririnig kong iniinsulto niyo ang anak ko dahil kahit mga kapatid ko pa kayo ay papatayin ko kayo sa oras na pagsalitaan niyo ulit siya ng masama. Blair is not a product of mistake. She’s a blessing for me.” pagbabanta ko at iniwan na sina Ahnwar at Ahzik sa may living room na mukhang gulat pa rin sa ginawa ko.
Kaagad akong dumiretso sa loob ng kwarto ko at hinagis sa sahig ang hawak kong baril. I frustratedly mess my hair at ilang beses akong bumuntong-hininga.
Hindi ko kayang isuko sina Adi at Blair sa mga kapatid ko. I love them at hindi ko na sila kayang bitawan at iwanan ngayong nalaman ko na ang katotohanan.
Mahal ko ang mag-ina ko at gagawin ko ang lahat para maging isang masaya at buo kaming pamilya.
I will fight for them.
Chapter 21
Ngayon ay kasama ko si Nikolai at nandito ako ngayon sa bahay nila. Hindi pa umuuwi galing sa klase nila sina Eiselle at Cristina at baka raw gabihin pa ng uwi ang mga ito dahil sa project na ginagawa nila sa school nila.
Si Nikolai naman ay day-off ngayon sa pasok nito sa trabaho niya kaya ngayon ay may libre siyang oras para makausap at makasama ako. Sinabi ko na rin sa kanya ang lahat ng mga kaganapan sa buhay ko at pati na rin na sinagot ko na sina Ahnwar at Ahzik mula sa panliligaw nila sa akin.
“Ayos lang ba kay Sir Ahmed na jowa mo na ’yung dalawang kapatid niya?” tanong ni Nikolai habang abala kami sa pagkain ng halo-halo na nabili niya sa labas lang ng bahay nila.
“Ayos lang naman siguro. Hindi niya ako kinakausap tungkol doon saka ’yon nga, may sarili na kaming kwarto ni Blair at doon na lang namin inilagay ang mga furnitures na binili namin sa mall.” sabi ko naman habang kumakain rin ng halo-halo.
Inamin ko na kay Ahmed na boyfriend ko na sina Ahnwar at Ahzik. Wala siyang naging opinyon doon at tumango lang ito sa sinabi ko.
Hindi na rin niya ininsists na dapat ay nasa iisang kwarto kami matulog kasama si Blair. Siguro ay dahil sa pagrespeto na rin niya sa nararamdaman ng mga kapatid niya dahil girlfriend na ako ng mga ito.
“Naiintindihan ko si Sir Ahmed kung bakit gusto niyang makasama kayo ni Blair sa iisang kwarto. Siguro ay gusto niya lang na makabawi o maka catch-up sa inyo dahil mag-ina niya kayo.” kibit-balikat na sabi ni Nikolai at doon ay bumuntong-hininga ako.
Hindi ko maamin kay Nikolai na may nararamdaman na rin ako para kay Ahmed. Para kasing hindi pa tamang panahon na aminin ko iyon sa ibang tao lalo na’t boyfriend ko na sina Ahnwar at Ahzik.
May nararamdaman rin naman ako para sa dalawa pero sa tingin ko ay mas malakas itong nararamdaman ko para kay Ahmed at kailangan ko na siguro itong mapigilan bago pa mahuli ang lahat.
Hindi ko pwedeng bigyan ng ibang malisya ang pagiging mabait at concern niya sa akin. Ginagawa niya lang ito para sa aming dalawa ni Blair dahil mag-ina niya kami pero kaming dalawa ay walang kahit anong romantic relationship para sa isa’t-isa.
At isa pa ay alam ko namang wala siyang gusto sa akin sa una palang dahil sa pagiging masungit at cold na trato niya sa akin noon. Iba na ang Durhin na nakilala ko noon sa Ahmed na nakilala ko ngayon.
Nahihiya pa rin ako sa tuwing naaalala ko iyong nadatnan niya akong umiiyak sa may loob ng cr ng sinehan pero hindi ko pa rin makakalimutan nung kinantahan niya ako ng kantang Nothing’s Gonna Change My Love for You ni George Benson na parang sa akin talaga ang mensahe ng kantang iyon pero ayoko na munang mag-assume at umasa sa wala ngayon.
“Siguro nga,” tangi kong nasabi kay Nikolai.
Pagkatapos naming kumain ng halo-halo ay humilig siya sa sofa at pinagmasdan ako.
“Gumaganda ka lalo. Halatang inspired ka dahil may jowa ka na.” nakangiti niyang sabi kaya pabiro ko siyang inirapan.
“Lagi naman akong maganda, no! Ikaw ba, may nililigawan ka na ba ngayon, ha?” nang-uusisa kong tanong.
“Wala. Sa tingin mo ba magkakaroon pa ako ng oras sa pagdi-date dahil sa graveyard shift kong schedule? Isang araw nga lang ’tong day-off ko ngayon dahil bukas ay ililipat na ako caption call. Hays! Panibagong stress na naman ang kahahantungan ko.” humikab siya habang hinihilot nito ang noo niya.
“Workaholic ka talaga, Nikolai. Kaya wala ka pang girlfriend, e. Hindi ba pwedeng maghanap ka nalang ng ibang trabaho na hindi naiiba ang oras ng pasok mo? Palagi ka pang puyat at hindi na makatulog ng sapat.” nag-aalala kong tanong.
“Aalis din naman ako sa pagiging agent. Kailangan ko lang talaga ng malaking kita para mabayaran ko ’yong hinuhulugan kong motor. Minsan ay nagagamit ko rin naman ’yung motor ko para ihatid at sunduin sina Eiselle at Cristina sa school nila.” sabi niya.
Tumango nalang ako at humilig rin sa tabi ni Nikolai.
“Labas tayo ngayon? Ilibre kita ng Hawaiian pizza tapos pasyal na rin tayo sa may plaza. Sayang at hindi mo kasama si Blair dahil mukhang nalilibang na siya sa mga kapatid ng triplets.” Napatawa si Nikolai at sinuot na ulit ang kulay maroon niyang t-shirt.
Naiwan na naman ulit si Blair sa mansyon dahil nandoon na sina Yesheem at Sahara na kakauwi lang galing sa school nila at paniguradong naglalaro na naman ang mga ito. Kahapon lang ay nasa bahay kami ng pamilya ko kasama si Ma’am Rica tapos ngayon naman ay nandito ako ngayon kina Nikolai para bisitahin at kumustahin siya.
“Kilala mo naman si Blair, basta kapag may laruan kang babanggitin sa kanya ay makakasundo mo na siya kaagad.” nakangiti kong sabi habang naglalagay ng kaunting liptint at pulbo sa mukha ko.
“Kaya nga tinawag niya kaagad na Daddy ’yung gago mong ex-boyfriend na hindi naman pala niya tunay na ama. Sinungaling at gago pa rin talaga si Leigh hanggang ngayon.” umiling si Nikolai at tumayo na kami sa kinauupuan naming sofa.
Kinuha niya ang susi ng motor at bahay nila sa may ibabaw ng lamesa bago kami lumabas sa loob ng bahay.
Inabutan ako ni Nikolai ng helmet na pula bago rin siya nagsuot ng sa kanya at nauna na itong sumakay sa motor niya. Sumunod naman akong sumakay at kaagad kong pinulupot ang braso ko sa baywang niya nang inumpisahan na niya itong paandarin.
Tahimik lang kami ni Nikolai sa buong biyahe pero minsan ay naririnig ko ang malalalim niyang paghinga. Ilang minuto ang nakakalipas at huminto na ang motor namin sa plaza na medyo may kalayuan rin sa bahay nila.
Nauna na akong bumaba sa motor bago si Nikolai saka niya ipinark sa parking space ng plaza ang motor niya.
Maraming tao ngayon sa plaza na namamasyal at ang iba ay naglalaro sa iba’t-ibang klaseng booth at play stores na mayroon dito. Ang ibang namamasyal ay nagpi-picnic at may kanya-kanyang mga ginagawa at ang iba naman ay kaswal lamang na nag-uusap sa kanilang mga pwesto.
Bumili muna kami ng burger at palamig ni Nikolai bilang snacks saka umupo sa isang wooden bench.
“Ang daming tao ngayon dito, ah?” sabi ni Nikolai habang nililibot nito ng tingin ang kabuuan ng plaza.
“Oo nga, e. Malapit na rin kasi ang summer kaya siguro marami nang namamasyal dito.” sabi ko naman at sinimulan nang inumin ang palamig kong buko pandan juice.
“Teka, kuya mo ’yon, ’di ba?” banggit ni Nikolai at itinuro niya sa akin ang grupo ng mga lalakeng nakaitim na nakatayo malapit sa may burger stall.
Doon ay nakita ko ang half brother kong si Kuya Jeddaih na nasa gitna ng mga kumakausap sa kanyang lalake. Napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya tumingin ito sa direksyon ko at iyon nga ay nakita niya ako.
Ngumiti siya sa akin pero hindi ko siya nagawang nginitian pabalik. Naglalakad na siya papunta ngayon sa direksyon namin ni Nikolai habang sumunod naman sa kanya ang mga kasama niyang lalake.
“Hi, sis!” bati ni Kuya Jeddaih nang makalapit na siya sa amin.
Mukhang nabigla pa ang mga lalakeng kasama ni Kuya Jeddaih nang tinawag niya akong sis. Hindi yata nila alam na may half sister siya.
“Kapatid mo ’tong si ganda, Jedd?” kalabit ng lalakeng may piercing sa ilong kay Kuya Jeddaih na tumango naman sa sinabi niya.
“Mga pre, si Adi nga pala, kapatid ko sa father’s side ko.” nakangiting pakilala sa akin ni Kuya Jeddaih sa mga kaibigan niyang nakangiti rin habang titig na titig ang mga ito sa akin.
Naiilang man pero ngumiti at tumango nalang ako sa mga ito.
“Hindi mo naman sinabing may maganda ka palang kapatid, Jedd! Nakakatampo ka, ah!” kunwaring malungkot at nagtatampong sabi ng lalakeng may kulay pula ang buhok at may itsura naman.
“Kapag sinabi ko kasi sa’yo baka pormahan mo lang kaya ’wag na ulol!” kantyaw ni Kuya Jeddaih sa kaibigan niya kaya napuno na ng tawanan at asaran ang grupo nila.
Kaming dalawa naman ni Nikolai ay nanatili lang na tahimik at medyo na-aawkwardan sa sitwasyon ngayon.
“Ito ’yung bestfriend mo na palagi mo na lang kasama, ah. Tama ba ako?” biglang nagtanong si Kuya Jeddaih sa akin saka nito ininguso si Nikolai na tinignan lang siya.
“Siya nga, kuya.” sagot ko nalang.
Naiilang na talaga ako sa presensya ni Kuya Jeddaih at ng mga kaibigan niya. Hindi naman kasi kami nag-uusap nito at alam kong hindi rin sila magkasundo hanggang ngayon ni Kuya Hideyo. Kapag nalaman ni Kuya Hideyo na kausap ko ngayon si Kuya Jeddaih ay baka mag-away pa nga sila.
“Ano bang pangalan mo?” seryosong tanong ni Kuya Jeddaih kay Nikolai at tinaasan niya ito ng isang kilay.
“Nikolai.” sagot naman ni Nikolai at naglahad ito ng kamay kay Kuya Jeddaih.
Ang akala ko ay magiging rude si Kuya Jeddaih kay Nikolai katulad ng ipinapakita niyang ugali sa amin ng pamilya ko pero nagulat nalang ako nang tinanggap niya ang nakalahad na kamay ni Nikolai at ngumiti ito ng malawak.
“Gusto kita para sa kapatid ko. Sana ay ligawan mo na siya para naman minsan ay makapag bonding tayo bilang boyfriend ni Adi.”
Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Jeddaih maging pati si Nikolai ay nagulat rin doon.
“Kuya, magbest friend lang kami ni Nikolai saka isa pa ay may boyfriend na ako-”
“May boyfriend ka na? Hiwalayan mo agad. Si Nikolai ang gusto ko para sa’yo. Binabanggit palagi sa akin ni Papa ang lalakeng ’to at kilala niya raw ang mga magulang ni Nikolai. Ito rin ang tumayong ama ni Blair nung iniwan ka ng half German mong ex, ’di ba?” pagsabat ni Kuya Jeddaih sa sinasabi ko at doon ay napahinto ako at lumingon kay Nikolai na halatang nagulat pa rin sa sinasabi nitong kapatid ko.
“Ow! May gusto na palang lalake si Jedd para sa kapatid niya. Wala ka nang pag-asa, Cesar!” pang-aasar ng isa pang kaibigan ni Kuya Jeddaih sa lalakeng kulay pula ang buhok na sinamaan naman siya ng tingin.
“Manahimik ka nga dyan. Gago!” naiinis nang sabi ni Cesar.
Tumawa lang ang mga kaibigan ni Kuya Jeddaih sa sinabi ni Cesar at mas lalo pa nilang inasar ang lalake.
“Kuya, magbest friend lang kami ni Nikolai. Nikolai?” sabi ko kay kuya at kinalabit si Nikolai na natulala na pala sa harapan ni kuya.
“O-oo. Magbest friend lang talaga kami ni Adi.” nahihiyang sagot ni Nikolai kay Kuya Jeddaih na tinapik naman ang balikat niya.
“Huwag ka nang mahiya sa akin, pre. Alam kong type mo rin ’tong kapatid ko kaya ligawan mo na. Ano bang number mo para minsan ay makapag-usap tayo? Gusto rin kitang maging kaibigan dahil ang gwapo mo, e. Nagmana ka sa akin.” pagbibiro pa ni Kuya Jeddaih na sinakyan nalang ng pekeng tawa ni Nikolai.
Wala nang nagawa si Nikolai kundi ang ibigay ang cellphone number niya kay Kuya Jeddaih. Sa pagkakaalam ko ay may gang si kuya at baka madamay pa nito si Nikolai doon pero hindi naman siguro makikipaglapit si Nikolai sa kanya dahil wala na rin itong oras para makihalubilo pa sa ibang tao dahil sa sobrang pagkaabala nito sa trabaho niya.
“Thanks, pre. Alagaan mo ’tong kapatid ko, ah? Kontakin nalang kita kung saan tayo pwedeng mag-usap at mag-inuman.” sabi ni Kuya Jeddaih kay Nikolai na ngumiti at tumango naman sa sinabi niya.
“Sige. Ingat kayo.” magaan at nakangiting sabi ni Nikolai sa kapatid ko na nakipag fist bomb pa sa kanya hanggang sa makaalis na rin sila kasama ang mga kaibigan niya.
Nang kaming dalawa nalang ni Nikolai ang naiwan ay nagsalita na ako.
“Pasensya na sa kuya ko, Nikolai. Hindi mo naman kailangang i-entertain ’yon. Kalimutan mo na rin ang mga pinagsasabi niya sa’yo kanina.” sabi ko.
“Bakit naman, Adi? Mukha namang mabait ang kapatid mo saka gusto niya lang siguro akong maging kaibigan dahil nga best friend kita.” nakakunot-noo namang sabi ni Nikolai.
“Gusto niya ako para sa’yo, Nikolai. Narinig mo naman ang sinabi niya kanina. Boyfriend ko sina Ahnwar at Ahzik kaya paano nalang kapag nalaman nila ’to?” namomroblema kong sabi.
“Hindi naman nila malalaman na nirereto ka ng kuya mo sa akin saka gusto ko ring maging kaibigan ang kuya mo.” sagot niya saka ito umiwas ng tingin sa akin.
“Delikadong tao si Kuya Jeddaih. May gang siya at ayoko lang na baka mapahamak ka nang dahil sa kanya.” nag-aalala kong sabi.
Hinawakan naman ni Nikolai ang isang kamay ko.
“Alam ko, Adi pero hindi ko kayang tanggihan ang alok ng kapatid mo. Magtiwala ka lang sa akin, okay? Hindi ako mapapahamak sa kanya.” sabi niya nang nakangiti.
Huminga nalang ako ng malalim saka tumango sa sinabi niya. Inakbayan naman ako ni Nikolai at kinain na ulit namin ang hawak naming burger at palamig.
Pagkatapos naming kumain sa plaza ay kumain naman kami ng Hawaiin pizza sa Greenwich. Busog na busog na kaming dalawa ni Nikolai kaya baka hindi na rin ako makakain ng dinner nito.
Masaya ang araw ko dahil muli kong nakasama ngayon ang best friend ko. Bihira nalang ang pagkakataong ito para sa aming dalawa dahil nakatira na ako sa mansyon ng Dela Vega Triplets.
Kahit na nalayo na ako sa pamilya ko at mga kaibigan ko ay hahanap pa rin talaga ako ng paraan para makausap sila at makasama.
Alas singko pa lang ng hapon nang ihatid ako ni Nikolai sa mansyon ng triplets. Inaasahan ko na wala pa ang tatlong magkakapatid dahil abala ang mga ito sa trabaho nila at baka gabihin na rin ng uwi ang mga iyon gaya ng sinabi sa akin ni Ahzik kaninang umaga.
“Mag-iingat kayo palagi ni Blair dito.” Bilin sa akin ni Nikolai nang nasa tapat na kami ng mansyon at bumaba na kami sa motor niya.
Tumango naman ako. “Hindi ka ba muna papasok sa loob ng mansyon para makita mo si Blair?” tanong ko.
“Hindi na. Aalis rin ako kaagad dahil may pupuntahan pa ako.” sagot niya sa akin.
“Ah, ganon ba. Oh sige, mag-iingat ka sa pagda-drive.” sabi ko nang nakangiti.
Hinalikan naman ni Nikolai ang pisngi ko na ikinabigla ko.
“Mamimiss kita, Adi. See you again!” huling sinabi niya hanggang sa muli na itong sumakay sa motor niya at pinaandar na ito papaalis.
Nang mawala na si Nikolai sa paningin ko ay ipinilig ko nalang ang ulo ko at pumasok na sa loob ng mansyon.
Wala pa nga ang triplets sa mansyon at ang mga nakababatang kapatid pa lang nila ang nandito. Abala rin sa trabaho ang mga magulang nila na minsan lang rin umuwi sa mansyon. Si Blair ay napagod raw sa kakalaro kasama sina Yesheem at Sahara kaya pinatulog na ito ng isang katulong sa kwarto namin.
Nakita ko nga si Blair na nakahiga na sa kama habang yakap nito ang TRUZ Yedee stuff toy niya. Hinalikan ko lang sa pisngi si Blair saka ako naligo at nagbihis ng pambahay na damit.
Pagkatapos nun ay humiga ako sa tabi ni Blair at naisipan kong buksan ang Facebook account kong minsan ko lang rin namang ginagamit.
Maraming mga nag-aadd at nagme-mesage sa aking mga hindi ko kilala na binabaliwala ko nalang. Nagscroll down lang ako sa news feed ko at nagla-like ng mga nakakatuwa o nagugustuhan kong post ng mga friends ko sa Facebook na mga kaklase ko noong elementary at high school palang ako.
Iyong iba ay mga post rin nila Haru, Noah, Eiselle at Cristina na pang sad girl at sad boy ang mga quotes. Halatang broken ang apat base sa mga post nila at hindi ko alam kung bakit.
Bigla ay nakita ko ang recent post ni Nikolai na 1 minute ago palang ay may 15 hearts and like reacts na.
Nikolai Mijares:
Malapit na :)
Ano kaya ang ibig niyang sabihin sa post niyang ‘malapit na :)’? Malapit nang sumweldo? Malapit nang magkajowa? Malapit nang yumaman?
Tinignan ko ang comments ng mga friends ni Nikolai sa post niya at isang comment doon ang binasa ko dahil nireplayan iyon ni Nikolai. Comment ito ng isa sa mga kaklase namin sa high school noon na si Chris James.
Chris James Fuertes Aguilar:
-Good luck, brad!
Nikolai Mijares:
-Hehe :D
Dahil wala naman akong maintindihan sa tinutukoy nina Nikolai at Chris James sa post ni Nikolai ay kaagad na akong nag log-out ng Facebook account ko.
Nilingon ko na lang ang natutulog na si Blair sa tabi ko at inayos ang pagkakahiga niya sa kama namin.
Chapter 22
Ngayon ay hindi ko magawang tignan ng diretso si Ahmed na kanina pa nakatitig sa akin. Masyado talaga akong nai-intimidate sa kanya sa tuwing nakakasama ko siya dahil siya iyong tipo ng lalake na parang ang hirap abutin o pakisamahan hindi gaya nina Ahnwar at Ahzik na madali ko lang makausap ng kaswal at normal.
Maaga palang ay dinala na ako ni Ahmed dito sa isang Amusement Park. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang niya akong dinala rito gayong may pasok pa ito sa trabaho niya pero mukhang nagleave siya ng isang araw dahil sina Ahnwar at Ahzik ay maaga ring umalis kanina para pumasok sa trabaho nila.
Nasakyan na namin ni Ahmed ang lahat ng rides dito sa Amusement Park at ano pa ba ang aasahan kong iaasal niya? Hindi na talaga bago sa kanya ang pagiging tahimik niyang tao.
“Do you enjoy here?” biglang tanong ni Ahmed na ngayon lang ulit nagsalita kaya ngumiti at tumango naman ako sa kanya.
“Mas maganda sana kung kasama rin natin si Blair para mag-enjoy siya dito.” sabi ko.
“It’s our day today. Isasama nalang natin si Blair sa susunod.” sagot niya habang nananatili pa rin ang mga titig niya sa akin.
Tumango nalang ako at kinagat ang ibabang labi ko. Natigil lang ang pagtitig sa akin ni Ahmed nang magyaya na itong kumain kami sa isang restaurant.
“May mga kailangan ka pa ba sa kwarto ninyo ni Blair? We can buy right now if it’s not enough.” banggit ni Ahmed habang kumakain kami.
“Uh, wala na. Kompleto na rin naman ’yung mga nabili nating gamit noon sa mall.” sagot ko.
Hindi na nagsalita si Ahmed pagkatapos nun at itinuloy nalang nito ang pagkain niya.
Parang wala talaga siyang pakialam sa paligid niya at hindi na niya napapansin ang iilang mga babae dito sa loob ng restaurant na kanina pa siya pinagtitinginan at pinag-uusapan.
Malamang ay nagagwapuhan sila kay Ahmed dahil sino ba namang tao ang hindi mapapansin si Ahmed o di kaya’y sina Ahnwar at Ahzik sa maganda at outstanding na physical appearance nila? Pero nakafocus lang talaga si Ahmed sa akin at sa kinakain niya.
Unbothered King ang magandang itawag sa kanya.
“Manliligaw ako sa’yo.” sabi ni Ahmed saka nito itinigil ang pagkain niya.
Nagulat naman ako doon habang nanlalaki ang mga mata ko.
Ano? Liligawan niya ako?
“H-ha? Bakit naman? B-boyfriend ko na sina Ahnwar at Ahzik at saka-”
“I love you that’s why I will court you.” seryoso niyang ani na mas lalo pang nagpawindang sa akin.
Mahal niya ako? Totoo ba talaga itong naririnig ko kay Ahmed?
Papaano nangyari iyon?
Ang akala ko ba ay may gusto siya kay Trina base sa sinabi sa akin ni Ahnwar?
Naguguluhan ako!
Nang makabawi na ako sa pagkagulat dahil sa sinabi ni Ahmed ay nagsalita na ulit ako.
“S-seryoso ka ba talaga diyan sa sinasabi mo, Ahmed? Hindi mo naman kailangang sabihin sa akin na mahal mo ako at liligawan mo ako nang dahil lang sa gusto mong maging responsableng ama ni Blair.” sabi ko at inilingan siya.
Tinitigan naman ako ng mariin ni Ahmed dahilan para manlamig akong bigla dito sa kinauupuan ko.
“Sa tingin mo ba nagbibiro lang ako ngayon, Adi? I wouldn’t waste my time and effort here if I’m not serious with you. Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa akin?” Tumawa siya ng mahina at sa unang pagkakataon ay narinig ko na kung paano siya tumawa.
Mas lalo pa yatang bumibilis ang tibok ng puso ko nang dahil kay Ahmed. Kung kanina ay mabilis na ito; ngayon naman ay mas lalo itong lumala sa sobrang bilis na.
“Mahal mo ako? Pero bakit ang sabi sa akin ni Ahnwar ay… gusto mo raw si Trina?” mahina kong sabi saka ako umiwas ng tingin sa kanya.
“What? He said that I like Trina? Really?” tanong ni Ahmed nang nakakunot-noo.
Dahan-dahan naman akong tumango.
“S-sinabi niya sa akin ’yon noong nasa loob tayo ng sinehan. High school sweetheart mo nga raw si Trina.” muli kong kinagat ang ibabang labi ko at doon ay nahuli kong nakatitig na si Ahmed sa labi ko kaya kaagad kong itinikom ito.
“That’s why you’d got jealous?” tanong niya na nahimigin ko ng pagkamangha.
Hindi ako sumagot sa sinabi ni Ahmed dahil hindi ko rin naman kayang itanggi iyon. Ngayong inamin niya sa aking may nararamdaman siya para sa akin ay lumambot at gumaan ang puso ko doon.
Si Ahmed ay mahal ako? Hindi ako makapaniwala.
Napagitla nalang ako nang biglang hinawakan ni Ahmed ang dalawang kamay ko at pinagsalop ito sa malalaki at mahahaba niyang mga daliri.
“I didn’t like Trina, okay? Ahnwar is a good liar.” sabi ni Ahmed habang nakatitig ito sa akin.
Hindi ko na napigilan ang pagngiti ko doon kaya mas lalo pa akong tinitigan at inobserbahan ni Ahmed. Dapat yata siguro ay masanay na ako sa paninitig niya sa akin dahil mukhang gandang-ganda yata siya sa beauty ko.
“Pero bakit sinabi sa akin ni Ahnwar na gusto mo raw si Trina?” curious ko namang tanong.
“He wants to sabotage me. Remember that him and Ahzik are your suitors? Then now, you three were now in a relationship.” tumiim-bagang si Ahmed sa sinabi niya saka nito binitawan ang dalawang kamay kong hawak niya.
So, ang ibig sabihin nun ay sinisiraan ni Ahnwar si Ahmed para lang hindi ako mapalapit dito? Bakit naman niya kailangang gawin iyon?
Gusto ko rin naman si Ahnwar. Kaya nga sinagot ko na sila ni Ahzik sa panliligaw nila sa akin e, hindi nga lang kasing tindi ng nararamdaman ko sa kanila ang nararamdaman ko para kay Ahmed.
“I’m sorry. Ang akala ko kasi talaga ay gusto mo si Trina.” bumuntong-hininga ako at napayuko nalang.
“Let’s finish to eat so we can talk longer later.” Utos ni Ahmed kaya doon ay sinikap ko nalang na maubos ang kinakain namin para makapag-usap kami ng masinsinan mamaya.
Pagkatapos nang mahigit labinlimang minuto ay natapos na rin kaming kumain. Pagkalabas namin sa restaurant ay sumakay na kami sa loob ng kotse ni Ahmed at pinaandar na niya ito. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin ngayon.
“I can’t give up easily on you, Adi. You and Blair are so important to me at hindi ako papayag na wala akong maiambag na kahalagahan sa buhay niyo.” seryosong saad ni Ahmed habang nagmamaneho ito.
Mas naging triple pa ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa mga sinasabi niya. Mahal ko na nga si Ahmed pero hindi ko pa iyon maamin sa kanya dahil masyadong mabilis at maaga pa para sabihin iyon.
Nakarating kami sa isang open park space na walang masyadong tao ang nandito. Ipinark nalang ni Ahmed ang sasakyan niya malapit sa may bukana ng fountain ng open park.
Umupo kaming dalawa sa may grass ground. Tahimik lang kami ng ilang minuto at mukhang wala pa yatang balak magsalita itong lalakeng kasama ko dahil nakatitig na naman siya sa akin.
Ang ganda talaga ng kulay blue-grayish niyang mga mata at kamukhang-kamukha niya rin si Blair. Para silang pinagbiyak na bunga.
“I want to be your boyfriend too, Adi so that I can marry you.” seryosong ani Ahmed na ikinagulat ko.
Kanina lang ay sinabi niyang liligawan niya ako tapos ngayon naman ay sasabihin niyang gusto niyang maging boyfriend ko at balak pa niya akong pakasalan?
Ahmedurhin Dela Vega, masyado ka rin palang straight-forward katulad ng dalawang kapatid mo. Triplets nga talaga kayo!
“G-gusto mo akong p-pakasalan?” nauutal kong tanong dahil sa pagkagulat.
Tumango naman si Ahmed at itinukod nito ang mga kamay niya sa grass ground na kinauupuan namin.
“Yes. I don’t want to waste any time. Even if you like me or not, I’d still want to marry you. Five years had been wasted because of that two stupid bastards.” kumunot bigla ang noo ni Ahmed at tumingin nalang ito sa malayo.
Hindi na ako nakapagsalita pa doon. Maging pati ako ay nanghihinayang rin sa limang taon na nasayang sa amin ni Ahmed.
Kung hindi lang sana ginawa iyon nina Leigh at Neymar ay hindi sana mangyayari ito pero kahit na ganoon ay nagpapasalamat pa rin ako dahil dumating si Blair sa buhay ko.
“Ang akala ko ay nagka-amnesia lang ako dahil hindi kita kaagad maalala pero ilang araw na ring bumabalik ng kusa ang ala-ala ko.”
Tumingin naman ako kay Ahmed at nakatingin pa rin ito sa malayo.
“N-naaalala mo na ’yung mga araw na kinakantahan mo ako sa tuwing may LQ kami ni Leigh at kapag nagdo-drawing ka rin sa may parke na malapit sa school namin?” tanong ko at pinipilit na huwag lang umiyak.
“Yes. I remembered that. Nakasuot rin ako palagi ng mask at hoodie jacket kaya hindi mo pa nakikita ng buo ang mukha ko noon. Even my voice changed after five years kaya hindi mo rin kaagad ako n-naaalala noong unang beses tayong magkita sa Supermarket kasama sina Ahnwar at Ahzik.” humina ang boses ni Ahmed at huminga ito ng malalim. Para bang may pinipigilan itong huwag kumawala sa kanyang sarili.
Unti-unti nang pumatak ang mga luha ko na kaagad ko ring pinunasan. “Durhin ang pakilala mo sa akin noon. Nakalimutan kong binanggit mo pala ang pangalan mong Ahmedurhin nang magtanong ako sa’yo kung ano ang tunay mong pangalan. Sinabi ko rin sa’yo ang buong pangalan ko pero nakalimutan mo ring maalala ’yon.” nakangiti ngunit may lungkot kong sabi.
Lumingon naman sa akin si Ahmed at doon ay napansin kong nangingilid na ang mga luha niya. Pinipigilan pa rin ang emosyon na gusto ng kumawala sa kanya.
“I’m the useless man ever. Bakit hindi kaagad kita naalala? You’re my first love back then pero bakit ngayon lang bumabalik ang lahat ng alaala ko? This is ridiculous!” Tila litong-lito at nahihirapang sambit ni Ahmed.
Patuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko at yumuko na ako para hindi niya makita ang pag-iyak ko.
First love ako ni Ahmed.
Hindi ako makapaniwala.
Naramdaman ko na lang bigla ang paglapit at pagyakap ni Ahmed sa akin hanggang sa narinig ko nalang ang mahinang paghikbi niya habang nakasubsob ang mukha niya sa balikat ko.
“I’m sorry, Adi. I’m sorry kung napabayaan ko kayo ni Blair.. H-hindi ko lang talaga matandaan ang mga nangyari sa atin noon. Pakiramdam ko ay napaka walang kwenta kong lalake para pabayaang maghirap ang mag-ina ko. I’m sorry…”
Parang tinatarak ang puso ko nang marinig ko ang pag-iyak ni Ahmed. Alam ko na isa siyang matatag at may prinsipyong lalake. Ibang-iba siya kina Ahnwar at Ahzik pero iyon ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Tahimik at malihim man siyang tao ay kaagad nang napukaw ang atensyon ko sa kanya noon.
Nobyo ko noon si Leigh at kung minsan ay nagkakaroon kami ng pagtatalo pero sa tuwing nakakasama ko si Durhin o Ahmed ay hindi ko na naiisip pa si Leigh o kung anuman ang pinagtatalunan namin nang dahil comfort at encouraging words na natatanggap ko mula kay Ahmed.
Minahal ko si Leigh noon pero kung hindi lang lahat nangyari ang mga iyon ay kuntento na ako na nakakasama at nakakausap ko si Ahmed.
Niyakap ko pabalik si Ahmed at hinaplos ang likuran niya. “Wala kang kasalanan doon, Ahmed. Biktima lang rin tayo ng naging laro nina Leigh at Neymar noon pero dapat pa rin tayong magpasalamat dahil binigay sa buhay natin si Blair.” naiiyak ko ring sabi.
“Yeah, I’m glad that we have Blair in our life. I’ll do my best to be a good husband and father to the both of you.”
Kumalas mula sa pagkakayakap sa akin si Ahmed at pinunasan nito ang mga luha ko sa pisngi. Ganoon rin ang ginawa ko sa kanya hanggang sa nagkatitigan kami.
“I’ve never been in love in my life, Adi. Wala akong ibang babaeng nagustuhan noon. You’re the only one who caught my attention, not Trina or any girls out there. Kyrie and my brothers likes you but I don’t care. Ipaglalaban ko pa rin ang pagmamahal ko sa’yo.” mariing sabi ni Ahmed na ikinangiti ko sa sobrang sayang nararamdaman ko.
Ang marinig kay Ahmed na mahal niya rin ako katulad ng nararamdaman ko para sa kanya ay sapat na iyon para maging panatag ako at walang halong pagdududa sa kanya.
“Sige, sinasagot na kita sa panliligaw mo sa akin minus ’yung balak mong pakasalan ako. Masyado pang maaga para diyan.” nakangiti ngunit nakapout kong sabi.
Wala nang atrasan ’to.
Natigilan naman si Ahmed sa sinabi ko at tinitigan ako nito na may halong tuwa at gulat sa mga mata niya.
“R-Really? You’re now my girlfriend?” hindi niya makapaniwalang tanong habang wala pa rin itong kurap na nakatitig sa akin.
Tumango naman ako. “Boyfriend na kita- ay teka!” Bigla akong may napagtanto. “Paano pala ’yon e, boyfriend ko rin sina Ahnwar at Ahzik? Baka magalit sila sa akin kapag nalaman nilang boyfriend din kita? Babawiin ko nalang pala ang sinabi ko sa’yong boy-”
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla akong kabigin ni Ahmed at hinalikan ang labi ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya pero makalipas lang ng ilang segundo ay pumikit na ako hanggang sa hinahalikan ko na rin siya pabalik.
Nakahawak na ako sa matitipuno niyang dibdib habang patuloy pa rin kaming naghahalikan at nakaalalay naman ang magkabilang kamay at braso niya sa likod at baywang ko.
Para akong kinukuryente at tinatambol ng malakas ang puso ko habang patuloy pa rin kami ni Ahmed sa paghahalikan.
Ibang-iba talaga ang nararamdaman ko para kay Ahmed at ito ang klase ng pakiramdam na sa tingin ko ay mahirap nang alisin at kalimutan sa sistema ko.
Natigil lang kami sa paghahalikan nang pareho na kaming kapusin ng hininga. Pulang-pula ang labi ni Ahmed nang tinignan ko ito at sa tingin ko ay ganoon na rin ang sa akin.
Namumungay ang mga mata niya habang nakatingin siya sa labi ko. Ako naman ay paniguradong namumula na ang buong mukha dahil sa hiyang nararamdaman ko.
“Wala nang bawian, Adi. Sinabi mo nang boyfriend mo ako kaya boyfriend mo na ako. Kung boyfriend mo sina Ahnwar at Ahzik then they are your boyfriends, too.”
Ngumiti si Ahmed sa akin kaya hindi ko na rin mapigilang ngumiti doon.
Boyfriend ko na si Ahmed habang boyfriend ko rin sina Ahnwar at Ahzik?
Literal ngang nasa polyamory relationship na ako ngayon nang dahil sa triplets na ito.
Chapter 23
“Tangina? Tama ba ’tong naririnig ko? Boyfriend mo na si Ahmed?” gulat at hindi makapaniwalang sabi ni Ahnwar habang nakatingin ito sa amin ni Ahmed ng masama.
“Tama tayo ng narinig, bro, at ang kapatid natin na sa una ay wala raw gusto kay Jianna ay sumasalisi na pala habang nagpapaka-busy tayo sa trabaho natin. Wow!” nakangisi ngunit may bahid ng pagkainis naman na saad ni Ahzik.
Alam ko na ito ang magiging reaksyon nina Ahnwar at Ahzik kapag inamin namin ni Ahmed sa kanila na magkarelasyon na kami. Kahit ako nga ay hindi rin makapaniwala sa nangyayaring ito pero pursigido talaga si Ahmed sa akin at ayaw na niyang bawiin ko ang sinabi ko sa kanya na boyfriend ko na siya.
“If there’s a three of us who’s deserving for Adi then it’s me. I’m Blair’s biological father and I love Adi, too since the first time I saw her five years ago.” seryosong ani Ahmed dahilan para kumalabog na naman ang puso ko.
Hindi na talaga siya nahihiyang sabihin ang nararamdaman niya para sa akin kahit pa sa mga kapatid niya o sa harap ng pamilya niyang kanina pa nakikinig sa amin. Nakangiti ang mga ito na para bang ayos lang sa kanila kung maging boyfriend ko ang triplets.
Ang akala ko nga ay tututol sila dahil boyfriend ko na nga sina Ahnwar at Ahzik tapos magiging boyfriend ko pa si Ahmed pero nagkakamali pala ako dahil mukhang gusto nila ang ideya na maging boyfriend ko ang triplets.
“So, you’re using that to get Jianna from us? You’re playing dirty, Ahmed!” galit na sabi ni Ahnwar nang nakatiim-bagang.
“Stop it, Ahnwar!” pagsuway naman ni Tito Trevor sa anak niya kaya natahimik na si Ahnwar at humalukipkip nalang ito habang nakatingin pa rin ng masama kay Ahmed.
“Kayo naman, oh? Bakit ba hindi nalang kayong magkasundong triplets para kina Jianna at Blair? Kung makabubuti naman ’yang polyamorous relationship niyong apat ay dapat hindi niyo na pinagtatalunan ’yan. Ayos lang naman siguro kay Jianna na apat kayo sa iisang relasyon katulad rin ng sa amin.” nakangiting sabi ni Tito Ran saka ito bumaling sa akin.
Ngumiti nalang ako at hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Masyadong mabilis ang lahat ng pangyayaring ito pero hindi ko na mababawi pa ang pagsagot ko bilang boyfriend ko na si Ahmed.
“Oo nga naman, Kuya Ahnwar at Ahzik. Tama si Dad Ran. Magiging masaya rin si baby Blair kung may tatlo siyang Dada na magkakamukha.” tumatawang sabi ni Ryder na inakbayan lang ni Tito Ran.
“Tatlo Dada ko? Yehey!” pumalakpak bigla si Blair habang karga ito ni Tita Rica kaya hindi namin mapigilang matawa at mapangiti sa ginawa niya.
“See? Mas gusto ni Blair ng maraming Dada kaya don’t act like a brat, Ahnwar and Ahzik.” nakangising sabi ni Tito Wenhan sa dalawang magkapatid.
Bumaling naman si Ahzik kay Ahnwar na inirapan lang siya bago ito bumuntong-hininga.
“Fine! But don’t expect me to accept this kind of situation in this fast state. Tsk!” masungit na ani Ahnwar at pagkatapos ay nagwalk out na ito sa harapan namin.
Natahimik naman kami sa pag-alis ni Ahnwar pero bigla ring nagsalita kaagad si Ahzik.
“He’s just mad and disappointed. Kami kasi ang unang gumawa ng hakbang para mapalapit kay Jianna at nanligaw pa kami ng ilang linggo sa kanya pero pagdating kay Ahmed ay naging sila na kaagad. That’s the reason why Ahnwar were acting this way.” Tumingin sa akin si Ahzik at nakikita ko ang disappointment sa mga mata nito.
Napayuko nalang ako dahil hindi ko sila masisisi ni Ahnwar kung bakit sila galit at disappointed sa akin pero wala akong magawa doon, gusto ko si Ahmed at sinagot ko na siya.
“It doesn’t matter. I want to be a responsible man for Adi and Blair. Ito na ang panahon para makabawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa kanila nang limang taon and I won’t waste this chance just because you and Ahnwar doesn’t like the idea that I’m also Adi’s boyfriend.” mariing sabi ni Ahmed kay Ahzik na hindi na sumagot pa sa sinabi niya.
“Ahmed is right, Ahzik. Kailangan niyang makabawi kina Jianna at Blair dahil kahit anong gawin niyo ni Ahnwar ay mag-ina pa rin ni Ahmed ’yang inaangkin niyong magkapatid. You two should be thankful to Ahmed dahil hindi niya ipinagdadamot sa inyo si Jianna. He’s still his wife after all.” sabi naman ni Tito Zian at doon ay biglang tumawa ng sarkastiko si Ahzik.
“Bravo, Dad Zian! Mas lalo mo lang pinapasama ang loob namin ni Ahnwar ngayon. Thank you, ha?” naaasar na sabi ni Ahzik at padabog itong umalis sa harapan naming lahat.
“Why did you say that, Zian? You have no consideration to Ahnwar and Ahzik’s feelings!” buwelta ni Tito Essam kay Tito Zian na nagkibit-balikat lang sa sinabi niya.
“Kailangan nilang ma-realtalk, Essam. They’re acting like a brat at hindi man lang nila naisip ang sitwasyon ng kapatid nilang si Ahmed. Ini-ispoil niyo kasi ’yang dalawang batang ’yan kaya lumalaki ng paurong at kung ’yon ang gusto nila ay ’yon rin kaagad ang masusunod. Hindi ko pinapalaki si Sahara ng ganyan.” sabi ni Tito Zian at napailing ito.
“Are you doubting my parenting method to my sons, Zian? Mahal nila si Jianna at natural lang na makaramdam sila ng pagseselos kay Ahmed.” pagsabat naman ni Tito Trevor sa pag-uusap nina Tito Zian at Tito Essam.
“No, Trevor. You’ve been a good father to Ahnwar and Ahzik pero sana marunong silang umintindi ng sitwasyon ngayon. They are already 22 years old full grown adults. Ina ng anak ni Ahmed ang girlfriend nila kaya sana intindihin rin nila ang mga responsibilidad ni Ahmed para sa mag-ina niya. Their jealousy doesn’t make this situation right.” saad pa ni Tito Zian na pinapatigil na sa pagsasalita nina Tito Ran at Tito Wenhan.
Hindi na nakapagsalita pa doon si Tito Trevor dahil marahil ay napagtanto niya na tama rin ang sinasabi ni Tito Zian.
Tahimik at minsan lang kung magsalita si Tito Zian sa tuwing nakakasama ko siya dito sa mansyon pero para rin pala itong si Ahmed na kapag may sinabi ay nasa tama talagang katwiran iyon. Nakikita ko na kung bakit rin siya nagustuhan ni Tita Rica.
“Don’t mind Ahnwar and Ahzik, Jianna. Ayos lang sa amin kung boyfriend mo na si Ahmed. It will benefit also for Blair.” Pagbaling sa akin ni Tito Zian at nginitian niya ako.
Tumango at ngumiti nalang ako sa sinabi niya at kahit papaano’y napanatag naman ako sa naging desisyon kong maging boyfriend rin si Ahmed.
Pagkatapos naming mag-usap sa may living room ay dumiretso na kami sa dining area para makakain na kami ng dinner. Alas nuebe na ng gabi kami nakakain dahil sa tagal naming mag-usap kasama sina Ahnwar at Ahzik.
Hindi na bumaba sa mga kwarto nila ang dalawang magkapatid at ang sinabi lang nina Tito Trevor at Tita Rica na hayaan nalang raw muna namin na pahupain ang sama ng loob nina Ahnwar at Ahzik.
Si Ahmed ay abala sa pagsubo kay Blair ng kinakain niya habang ako naman ay hindi mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ko sila.
Ang sarap pala tignan na nakikita mo ang mag-ama mong nagbobonding mula sa ilang taon nilang hindi pagkikita. Mabuti nalang talaga at nalaman na rin namin ang katotohanan tungkol sa tunay na ama ni Blair at kahit may nagawa man sa aming kasalanan si Neymar ay nagpapasalamat pa rin ako at inamin niya sa amin ni Ahmed ang mga naging kasalanan nila noon ni Leigh.
Pagkatapos naming kumain ng dinner ay kaagad na ring dumiretso sa kani-kanilang mga kwarto sila Tita Rica, Tito Trevor at ang tatlo pa niyang mga asawa. Magpapahinga na ang mga ito dahil maaga pa ang pasok nila sa mga trabaho nila bukas.
Ang mga nakababatang kapatid naman ng triplets ay inasikaso na ng mga katulong at maaga na ring matutulog para sa pagpasok ng mga ito sa klase nila bukas.
Sumama sa akin si Ahmed sa kwarto namin ni Blair at tinulungan pa niya ako sa paghahalf-bath kay Blair at sa pagbibihis na rin nito ng damit at paglalagay ng diapers. Kaagad ring nakatulog si Blair sa pagod at antok kaya inilagay ko na ito sa kama namin.
Umupo ako sa gilid ng kama habang tinatapik ko ng mahina ang hita ni Blair. Tumabi naman si Ahmed sa akin habang pinagmamasdan si Blair na natutulog.
“I’m sorry about what happened earlier.” biglang saad ni Ahmed kaya tumingin ako sa kanya.
“Huwag mo ng alalahanin ’yon. Naiintindihan ko naman sina Ahnwar at Ahzik kung ’yon ang naging reaksyon nila nang malaman nilang b-boyfriend na kita.” mahina kong sabi.
Bumuntong-hininga siya. “Dad Zian is right, lumaki silang mga spoiled katulad rin ng mga nakababata naming kapatid but I know they will understand our situation sooner. Ahnwar and Ahzik raised well by our parents so don’t worry.” sabi ni Ahmed at hinawakan nito ang isang kamay ko.
Ngumiti naman ako. Unti-unti na ring nawawala ang pagkailang ko kay Ahmed dahil sa pagbabago niya. Mas nagiging komportable na rin ako kapag kausap ko siya pero hindi pa rin nawawala ang kaunti kong hiya dahil sa intimidating niyang aura.
“Let’s have a date tomorrow. Isasama na natin si Blair.”
“Ha? Date na naman? Eh, may pasok ka pa sa trabaho mo bukas, ’di ba? Aabsent ka na naman niyan?” tanong ko.
Hindi naman yata maganda na aabsent ng aabsent si Ahmed sa trabaho niya para lang sa date namin. Pwede namang dito nalang kami magdate sa mansyon nila para less hassle iyon sa kanya.
“It’s not a problem at all. Ang trabaho nandiyan lang ’yan pero ’yung mga oras na kasama ko kayo ni Blair ay hinding-hindi ko ’yon pwedeng ipagpaliban.” seryoso niyang sabi habang nakatitig ito sa akin.
Natuwa naman ang puso ko sa sinabi ni Ahmed. Hindi ko aakalain na itong lalakeng sinungitan ako sa Supermarket na pinagtatrabauhan ko ay ang tunay palang ama ni Blair at si Durhin na nakilala ko rin limang taon na ang nakakalipas.
Marami mang hindi ko maintindihan at maalalang mga pangyayari noon ay masaya pa rin ako dahil si Ahmed ang naging tunay na ama ni Blair.
“Sige, ikaw ang bahala.” pagsuko ko nalang na ikinangiti ni Ahmed.
Ngayon ay nakikita ko sa kanya kung paano rin ngumiti sina Ahnwar at Ahzik sa akin. Mas bagay talaga kay Ahmed kung palagi lang siyang nakangiti.
Ilang minuto rin ang nakalipas nang lumabas na si Ahmed sa loob ng kwarto namin ni Blair. Alas siyete daw ng umaga ang date namin bukas kaya dapat ay matulog na ako ng maaga.
Alas diyes na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog kaya naisipan ko ulit na magbukas muna ng Facebook account ko.
Post kaagad na nakatag si Nikolai ang bumungad sa news feed ko at mga pictures iyon kasama sila Kuya Jeddaih at ang iilan pang mga kaibigan nitong lalake na nakita namin noon sa plaza.
Parang nasa loob sila ng isang bar at may mga hawak pa silang red cup na sa tingin ko ay naglalaman iyon ng alak. May kaakbay na dalawang sexy at magagandang babae si Kuya Jeddaih sa isang isang picture habang si Nikolai naman ay nakangiti sa isa pang picture kasama sila Cesar at ang isa pang kaibigan nito.
Kailan pa natutong magbar si Nikolai? At paanong naging close na niya kaagad si Kuya Jeddaih at ang mga kaibigan nito?
Nakatag si Nikolai sa post ng kapatid ko at may caption pa itong ‘chill at the bar with my future brother-in-law’
Future brother-in-law?
Paninindigan ba talaga ni Kuya Jeddaih na gusto niya si Nikolai para sa akin? At bakit hinahayaan lang ni Nikolai na makita ito ng mga Facebook friends niya na ang iba doon ay nakakakilala sa amin at sa kapatid ko?
Nabasa ko ang iilang comments mula sa post ni Kuya Jeddaih at tinatanong nila kung sino daw bang kapatid niya ang tinutukoy nito sa caption niya. Ang ibang mga nagcomment naman ay mga kaklase namin noon ni Nikolai at hindi talaga maiwasan na mamention nila ang pangalan ko sa post.
Inignora ko nalang ito at kaagad minessage ang online na si Nikolai.
To: Nikolai Mijares
Hoy! Nasa bar kayo ngayon kasama si Kuya Jeddaih?
Ano
yang caption niya sa post niyang future brother-in-law ka daw niya, ha?
Ilang minuto pa nang magreply si Nikolai.
From: Nikolai Mijares
Yep. Nasa bar kami ngayon dahil niyaya niya ako dito kasama ang mga kaibigan niya.
Pinapabura
ko na yung caption niya sa post niya pero ayaw niya eh
Napahilot nalang ako sa sintido ko. Siguradong magagalit sa akin sina Ahnwar at Ahzik o baka pati na rin si Ahmed kapag nakita nila ang tag post kay Nikolai na galing sa kapatid ko. Kakilala ng triplets si Nikolai kaya baka ay Facebook friends rin niya ang mga ito at makita ang post ni kuya.
To: Nikolai Mijares
Kailan ka pa
natutong
magbar
, Nikolai?
Layuan
mo yang kuya ko dahil baka
mapahamak
ka lang diyan. Hindi ka rin ba pumasok sa trabaho mo at mas
inuna
mo pa yang
pagbabar
?
Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa pakikipaglapit ni Nikolai kay Kuya Jeddaih.
Simpleng tao lang si Nikolai at wala itong bisyo bukod sa occasional na pag-inom namin. Hindi rin ito mahilig gumimik o gumala dahil palagi itong abala sa trabaho niya. Kung may libre man itong oras ay matutulog nalang ito magdamag sa bahay nila, ipapasyal kami ni Blair sa isang mall o pasyalan o ’di kaya’y pupuntahan niya ako sa bahay namin para magfood trip kami.
Para bang sa oras na magtiwala si Nikolai ng buo sa kapatid ko ay bigla na itong magbago at ayokong mangyari iyon.
Matagal bago sumagot si Nikolai sa chat ko.
From: Nikolai Mijares
Adi naman :( Hindi ko kayang hindi pakisamahan ang kuya mo. Ang bait kaya niya sa akin saka ngayon lang ako nakapunta dito sa mamahaling bar kaya pagbigyan mo na ako please? Papasok naman ako sa trabaho ko bukas :(
Napailing nalang ako at hindi na nag-isip pa ng negatibo. Alam naman siguro ni Nikolai ang ginagawa niya at baka pinagbibigyan lang nito ang sarili niyang i-enjoy ang kabataan niya dahil naging abala rin ito sa amin ni Blair sa loob nang limang taon. Hindi ko kayang ipagdamot sa kanya iyon at baka sa bar rin siya makahanap ng lovelife niya.
To: Nikolai Mijares
Oh sige sige! Basta mag-iingat kayo diyan.
Huwag
kang masyadong
magpakalasing
From: Nikolai Mijares
Okay, best friend ko. I love you :)
Hindi na ako nagreply pa sa huling chat sa akin ni Nikolai. Pagkatapos kong maglog-out sa Facebook ay naligo at nagbihis na rin ako ng pantulog. Humiga na ako sa tabi ni Blair hanggang sa dinalaw na rin ako ng antok.
Kinabukasan ay maaga na kaming nakagayak ni Blair kasama si Ahmed para sa family date namin.
Nakasuot ako ngayon ng kulay blue na sleeveless dress na close ang neckline part at doll shoes na kulay puti. Si Blair ay nakasuot ng kulay pink na hello kitty t-shirt at blue na skirt habang si Ahmed naman ay naka longsleeve color cream polo shirt at dark blue jeans na maong. May suot rin itong silver rolex sa kaliwang kamay niya at itim na rubber shoes.
Ang gwapo niyang tignan at ang bango pa niya kaya siguradong mapapansin na naman siya ng mga taong makakakita sa kanya mamaya sa family date namin.
“You look so good, Adi.” papuri sa akin ni Ahmed habang kinakarga nito si Blair na abala sa kinakain nitong slice apple.
Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi niya habang inaayos ang dala kong shoulder bag na may lamang mga gamit naming dalawa ni Blair.
“Salamat. Ikaw rin, ang gwapo mo ngayon sa ayos mo.” nahihiya kong sabi na tipid na ikinangiti ni Ahmed.
Hinawakan na niya ang kamay ko at hinila na ako para makaalis na kami sa loob ng mansyon. Wala na ring tao sa mansyon dahil nasa kanya-kanya nang mga trabaho at pasok ang mga kasama namin dito.
Nang makarating na kami sa nakaparadang kotse ni Ahmed sa may garahe ay nagulat ako nang makita sina Ahnwar at Ahzik na bihis na bihis rin habang nakatingin ang mga ito ng mariin sa amin.
“Hindi kayo pumasok sa trabaho niyo?” malamig na tanong ni Ahmed sa dalawang kapatid niya habang nakakunot-noo ito.
“Yes. Gusto rin naming sumama sa date niyo. Bawal ba?” masungit namang sagot ni Ahnwar at humalukipkip ito sa amin.
“Dada! Sama kayo samin?” tanong ni Blair kina Ahnwar at Ahzik saka ito umambang magpapakarga kay Ahzik na nginitian at kinarga na rin siya kaya napabitaw na si Ahmed dito.
“Yes, baby Blair. Sasama kami sa family date niyo ng Mama mo.” sabi naman ni Ahzik kay Blair na pumalakpak ulit sa sinabi niya.
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Ahmed at pagtiim-bagang nito habang nakatingin kina Ahnwar at Ahzik.
Dahan-dahan namang lumapit sa amin si Ahnwar nang nakangisi at ito na ang nagbukas ng pintuan ng kotse ni Ahmed sa driver’s seat.
“Let’s go? Ako na ang magda-drive para sa atin.” sabi niya.
Tinignan ko naman si Ahmed at tinanguan nalang ito. Umiling lang siya sa akin at pagkatapos ay pinapasok na niya kami ng mga kapatid niya kasama si Blair sa loob ng kotse niya at katulad nga ng sinabi ni Ahnwar ay siya na ang magmamaneho ng kotse ni Ahmed habang si Ahmed naman ang nasa front seat sa tabi niya.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa date naming ito pero sana ay hindi sila mag-away na triplets at maging payapa lang ang araw na ito para sa amin.
Chapter 24
Unexpected Turns
Natuloy na nga ang family date naming apat at nagpapasalamat naman ako dahil hindi nag-aaway ang triplets ngayong araw na ito. Behave naman sila habang nililibot namin ang iba’t-ibang pasyalan dito sa Maynila. Hindi rin mawawala kay Blair ang pag-anyaya niya sa Jollibee na hindi pupwedeng tanggihan ng mga Dada niya.
Hindi pa man totally natatanggap nina Ahnwar at Ahzik na boyfriend ko na rin ang kapatid nilang si Ahmed ay nakikita ko namang pilit nilang iniintindi ang sitwasyon namin ngayon. Kahit ano pa man kasing gawin nila ay ama pa rin ni Ahmed si Blair at may karapatan talaga ito sa amin, idagdag pang mahal na rin ako ng kapatid nila katulad rin ng nararamdaman nila para sa akin.
Hindi na mabitawan ni Ahmed si Blair at nang ipinasa ito kanina ni Ahzik sa kanya ay hindi na niya hinayaan pang kargahan ito ng mga kapatid niya. Iniintindi ko nalang ang nararamdaman ni Ahmed at alam kong medyo galit rin siya dahil kasama pa namin sina Ahnwar at Ahzik sa family date namin.
Nagpunta kami sa Manila Ocean Park at si Blair naman ay tuwang-tuwa sa mga nakikita niyang sea species sa malaking aquarium kung saan ay nakikita namin ito. Hindi rin nawala ang picture taking namin sa loob ng Manila Ocean Park at si Ahzik na ang naging photographer naming lima.
Pagkatapos namin sa Ocean Park ay nagpunta naman kami sa Luneta Park. Kumpara noon na may mga kalat at basura pa sa parkeng ito ngayon naman ay malinis na ito at name-mentain na rin ang tamang amount ng tao na nagpupunta rito.
Dahil busog pa kami nang kumain kami kanina sa Jollibee ay bumili nalang kami ng ice cream at cotton candy sa isang naglalakong vendor dito sa Luneta Park.
Hindi ko maitago ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon lalo na’t kasama ko sila Blair, Ahmed, Ahnwar at Ahzik. Parang ayoko nang matapos ang araw na ito para sa aming lima dahil panigurado na sa mga susunod pang mga araw ay may mga problema at pagsubok pa kaming haharapin at dapat malampasan.
“Nag-enjoy ka ba sa pamamasyal natin ngayon, baby?” nakangiting tanong ni Ahnwar at umakbay ito sa akin.
Nakaupo kami sa isa sa mga wooden bench dito sa Luneta Park at nagpahinga muna kami saglit sa ilang minuto na naming paglalakad.
“Oo naman. Nag-eenjoy nga rin si Blair dito.” sabi ko naman at sinulyapan si Blair na pinapakain ni Ahmed ng hawak nitong cotton candy.
“We’re glad to know that. Hindi talaga kami pumasok sa work ni Ahzik para naman magkaroon rin tayo ng family bonding kasama si Blair as your boyfriends.” sabi ni Ahnwar at tinignan nito si Ahzik na ngumiti lang sa akin.
Ngumiti nalang ako at itinuloy ang pagkain ko ng ice cream. Nang tinignan ko si Ahmed ay nakakunot-noo lang ito habang pinapakain pa rin si Blair ng cotton candy.
Pagkatapos naming kainin ang binili naming ice cream at cotton candy ay muli naming nilibot ang Luneta Park. Abala na naman ulit si Ahzik sa pagkuha sa amin ng litrato gamit ang dala niyang DSLR camera.
Nang mapagod na kami sa paglilibot sa Luneta Park ng ilang oras ay nakaramdam na kami ng gutom. Pinili nalang namin na kumain sa isang Filipino restaurant na malapit lang rin sa labas ng Luneta Park.
Habang kumakain kami sa isang table ay may mga lalakeng pumasok dito sa loob ng restaurant at iyon ay ang mga kaibigan ni Ahnwar na na-meet ko na noon na sina Taylor at Minseok.
Kaagad rin nila kaming nakita sa pwesto namin. Napansin naman sila ni Ahnwar kaya kinawayan niya ang mga ito. Kumaway si Minseok sa amin hanggang sa lumapit na ito sa pwesto namin habang nakasunod sa kanya si Taylor na nakatingin lang ng mariin sa akin.
Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya at inasikaso nalang si Blair sa pag-inom nito ng tubig.
“Hey, dude! Nandito pala kayo ngayon. Family bonding?” nakangising tanong ni Minseok kay Ahnwar at nakipag-apir siya rito.
“Yeah. What are you doing here?” tanong ni Ahnwar kay Minseok saka nito tinanguan si Taylor na ngumiti lang sa kanya.
“Nag-gym lang kami malapit dito. May party pala mamaya sa bahay. Makakapunta ka ba?” tanong ni Minseok kay Ahnwar na kaagad namang umiling sa sinabi niya.
Napansin ko ang mga dalang sports bag at hawak na tumbler nina Minseok at Taylor. Halatang kakatapos lang rin maligo ng mga ito dahil sa basang mga buhok nila at sa malinis na suot nilang mga t-shirt at shorts na hanggang tuhod ang haba.
Maganda ang pangangatawan ng dalawang lalakeng ito at magkasing tangkad lang rin sila. Ngayon ko lang rin nalaman kay Ahnwar na half korean pala itong si Minseok kaya mukha talaga siyang koreano at si Taylor naman ay half Ukrainian daw. Mahahalata naman iyon dahil sa mga banyaga nilang itsura.
“Next time nalang siguro, dude. I want to spend more time with my family right now.” sagot ni Ahnwar kay Minseok na tumango lang sa sinabi niya.
Bumaling naman sa akin si Minseok at tinignan nito si Blair nang nakangiti.
“Is that your daughter, Jianna? Kamukha ni Ahnwar, ah?” Lumapit pa lalo si Minseok sa amin para matignan nito ng mabuti si Blair na nasa kandungan ni Ahmed na parang naiinis na sa presensya nito.
“She’s Ahmed’s daughter, not mine, Minseok.” saad ni Ahnwar at natawa ito ng mahina sa sinabi ni Minseok na nagulat naman sa sinabi niya.
“Oh? I’m sorry. Magkakamukha kasi kayong triplets kaya ang akala ko ay anak rin siya ni Ahnwar. My bad.” nagkamot nalang ng batok si Minseok at hindi na nito matignan ng diretso si Ahmed na tinaasan siya ng isang kilay.
“Really, huh?” bigla namang pagsabat ni Ahzik kaya kaagad itong siniko ni Ahnwar at pinandilatan ng mata.
Inirapan lang ni Ahzik si Ahnwar saka nito muling pinagpatuloy ang pagkain niya. Ngumiti lang ng hilaw si Minseok sa sinabi ni Ahzik at para nga itong napahiya doon.
“S-sige, aalis na kami-”
“Can we also join here? Dito nalang kami kakain ni Minseok dahil wala nang bakanteng table dito sa loob ng restaurant.” Pag-imik ni Taylor at binalingan nito si Ahnwar na tinignan naman ako at ang mga kapatid niya.
8-seater kasi ang table namin at may tatlong bakanteng upuan pa ang nasa tabi ko at sa tabi nina Ahnwar at Ahzik. Marami ngang mga customers ngayon ang nandito sa loob ng restaurant at punuan na rin ang mga table na okupado na lahat.
Hindi nagsalita sina Ahmed at Ahzik sa sinabi ni Taylor kaya hinintay nalang ni Taylor na magsalita kaming dalawa ni Ahnwar.
“Okay lang ba kung dito sila kumain sa table natin, Jianna?” tanong sa akin ni Ahnwar.
Tumango nalang ako dahil wala naman akong magagawa pa. Ngumiti lang sa amin si Taylor at bigla na itong umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko at inilagay sa ilalim ng upuan niya ang dala niyang sports bag at ipinatong sa lamesa ang hawak niyang tumbler. Si Minseok naman ay nag-aalangan pang tumabi sa bakanteng upuan sa tabi ni Ahnwar at inilagay rin ang sports bag niya sa ilalim ng upuan niya.
Nagtawag na ng waiter sina Taylor at Minseok para umorder na ng pagkain nila. Pagkatapos umorder at maibigay ng waiter ang mga inorder nilang pagkain ay naging abala na sa pagkain at pag-uusap sina Ahnwar at Minseok.
Si Taylor naman na nasa tabi ko lang ay tahimik na kumakain habang ramdam kong nakamasid ito sa akin. Hindi ko nalang pinapansin ang presensya niya at kumain nalang din ako ng tahimik.
Lumipas pa ang ilang minuto ay natapos na rin kaming kumain nila Ahmed, Ahnwar at Ahzik habang sina Taylor at Minseok naman ay nangangalahati palang sa kinakain nila.
Tumayo na kami mula sa kinauupuan namin at napapitlag pa ako nang aksidenteng tumama ang kamay ni Taylor sa hita ko mula sa ilalim ng upuan. Nang tinignan ko siya ay wala man lang siyang sinabi sa nangyari at binigyan niya lang ako ng daan para makaalis na sa pwesto ko.
Hindi ko na inintindi pa ang pagtama ng kamay ni Taylor sa hita ko dahil hindi naman niya siguro iyon sinasadya.
“We’re leaving. Ite-text ko nalang kayo kung kailan ako available.” pagpapaalam ni Ahnwar sa mga kaibigan niya.
“No worries, Ahnwar. We understand your relationship set-up kaya mapagkakatiwalaan niyo kami.” sabi naman ni Minseok nang nakangiti sa amin.
Ngumiti at tumango lang sa amin si Taylor hanggang sa umalis na kami sa loob ng restaurant pagkatapos makapagbayad ng bill si Ahmed na nagpumilit na siya ang magbabayad ng mga kinain namin.
“I don’t like that guys. Pakiramdam ko talaga ay may dalang problema ’yong mga ’yon sa atin.” umiiling na sabi ni Ahzik habang nakapasok na kami sa loob ng kotse ni Ahmed. Uuwi na kami ngayon sa mansyon dahil alas sais na rin ng gabi.
“They are nice at mapagkakatiwalaan rin sila so don’t think too much, Ahzik.” sabi naman ni Ahnwar at inumpisahan na niyang paandarin ang kotse ni Ahmed.
Umiling ulit si Ahzik at hindi na ito muling nagsalita pa. Si Blair naman ay nakatulog na sa balikat ni Ahmed na nasa front seat kaya inabutan ko nalang siya ng puting bimpo bilang pamunas kay Blair.
Isang oras rin ang lumipas nang makarating na kami sa mansyon. Ang mga nakababatang kapatid ng triplets ay mukhang busy sa ginagawa nilang homeworks sa may living room kasama ang dalawang katulong kaya hindi na namin sila inabala pa.
Si Tita Rica na katulong ni Tito Trevor sa trabaho nito, sila Tito Zian, Tito Wenhan, Tito Ran at Tito Essam naman ay wala pa sa mansyon at baka mamaya o bukas pa makauwi ang mga ito mula sa mga trabaho nila.
Dumiretso na kami ni Blair sa loob ng kwarto namin kasama si Ahmed habang sina Ahnwar at Ahzik naman ay may balak yatang uminom sa may bar counter.
Inilapag na ni Ahmed si Blair sa kama nang nasa loob na kami ng kwarto dahil nakatulog na ito.
“Ayos lang ba sa’yo ’yung family date natin kanina, Ahmed?” tanong ko kay Ahmed na tahimik na umupo sa gilid ng kama namin ni Blair.
“No. But I can’t complain because Ahnwar and Ahzik are your boyfriends, too.” bumuntong-hininga siya at hinagod ang medyo magulo niyang buhok gamit ang mga daliri niya.
Hinawakan ko naman ang kamay ni Ahmed at halatang nagulat siya sa ginawa ko.
“I’m sorry,” malungkot kong sabi.
Umiling naman si Ahmed sa sinabi ko at niyakap ako. “You don’t need to say sorry. I understand your feelings for us. Katulad nina Ahnwar at Ahzik ay hindi ko pa matanggap ang ganitong klaseng relasyon natin but maybe someday ay masasanay na rin ako so don’t worry too much, Adi…” bulong niya sa akin.
Niyakap ko nalang pabalik si Ahmed at hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap ko sa kanya.
Hindi ko man masabi sa ngayon na mahal ko siya ay sana maramdaman niya iyon sa pamamagitan ng mga ikinikilos ko sa tuwing kasama ko siya. Masasabi ko rin sa kanya itong nararamdaman ko sa tamang panahon.
Lumipas ang isang buwan at naging maayos na ang polyamorous relationship namin ng triplets. Unti-unti na rin nilang natatanggap ang set-up namin at wala na ang mga pagtatalo nina Ahnwar at Ahzik laban kay Ahmed.
Lumabas na ang DNA results nina Ahmed at Blair at 99.9% positive nga na anak ni Ahmed si Blair. Naiyak pa kami nang malaman ang balitang iyon at hindi na namin napigilan ni Ahmed ang mga magulang niya na magpa-party para kay Blair.
Hindi nagkulang sa paglalaan ng oras at atensyon sa amin ang triplets kay Blair. Lahat rin ng pangangailangan naming mag-ina ay naibibigay nila. Hindi rin mawawala ang paminsan-minsan naming pagbisita sa bahay ng pamilya ko.
Nakakulong na ngayon si Leigh sa bilangguan dahil tumestigo si Neymar dito kaya mas lalo pa itong nadiin sa kaso niya. Napagpasyahan nalang namin ni Ahmed na huwag nang ipakulong si Neymar dahil ito na nga lang ang inaasahang bubuhay sa pamilya niya. Sapat na rin ang ginawa niyang pagtestigo laban kay Leigh dahil minanipula lang rin siya nito magawa lang ang binalak ni Leigh noon sa amin ni Ahmed.
Si Kuya Hideyo ay isa nang Supervisor ngayon sa isang grocery store at hindi na ito gaanong busy sa trabaho niya at nagkakaroon na rin siya ng oras sa pamilya namin.
Sila Haru, Eiselle at Noah naman ay abala na para sa graduation day nila dahil ga-graduate na sila ng high school at nalalaan na ang oras nila sa pagpapractice ng graduation ceremony sa school nila.
Isang tawag mula kay Nikolai ang natanggap ko ngayon. Iniimbitahan niya akong pumunta sa bahay nila at hindi ko alam kung bakit.
Isang buwan na kung minsan lang raw umuwi si Nikolai sabi nina Eiselle at Cristina at kadalasan ay umuuwi pa raw itong lasing sa bahay nila. Nasisante na rin ito sa trabaho niya sa call center dahil sa hindi na niya pagpasok doon kaya ang inaasahan nalang nina Eiselle at Cristina na panggastos ay iyong ipinapadalang pera sa kanila ng mga magulang nila na parehong Caregiver sa Dubai.
Sinusubukan kong palaging tawagan o kontakin si Nikolai pero hindi niya ito sinasagot. Kahit sa Facebook ay hindi na rin siya nag-oonline. Ngayon lang ulit siya nagparamdam sa akin at sobra na akong nag-aalala sa kanya.
Tinext ko nalang ang triplets na abala ngayon sa trabaho nila at sinabi kong pupuntahan ko ngayon si Nikolai sa bahay nila. Ibinilin ko nalang rin si Blair kay Tita Rica at sinabi kong aalis lang ako para puntahan ang kaibigan ko.
Pumayag naman siya doon at gusto pa niya akong ipahatid sa driver nila pero sinabi ko na magcocommute nalang ako. Wala na siyang nagawa pa sa kagustuhan ko at sinabi nalang niyang mag-iingat ako.
Nagtaxi ako papunta sa bahay nila Nikolai at nang makarating na ako doon ay hindi nakalock ang gate nila kaya dumiretso na ako sa pagpasok sa loob.
Nang nasa may sala na ako ay laking gulat ko nang makita ang pagbabago ng itsura ni Nikolai.
Medyo humaba na ang buhok nito at napansin ko ang pagtubo ng kaunting balbas at bigote sa mukha niya. Nakasuot ito ng itim na jacket, itim na t-shirt at itim na jeans at prente itong nakaupo sa sofa nila habang naninigarilyo ito.
Sobrang laki ng ipinagbago ng itsura niya at mas lalo itong nagmukhang matured at badboy. Nang makita ako ni Nikolai ay ngumiti siya sa akin at inayos na ang sarili niya.
Lumapit naman ako sa kanya habang nangingilid na ang mga luha ko.
“Nikolai, anong nangyari sa’yo?” halos pabulong ko nang tanong.
Pinatay muna nito ang upos ng sigarilyo niya sa may ashtray bago ito tumayo mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin.
“Anong nangyari sa akin? Ayos lang naman ako, Adi. Bakit naman ganyan kaagad ang tanong mo pagkatapos ng isang buwan nating hindi pagkikita?” nakangising niyang sabi na para bang hindi niya alintana ang nasasaktan kong ekspresyon.
“Nikolai, isang buwan kang hindi nagparamdam sa akin. Umuuwi ka rin daw na lasing dito sa bahay niyo sabi nina Eiselle at Cristina. May kinalaman ba si Kuya Jeddaih kung bakit ka nagkakaganyan?” tanong ko.
Tumawa naman siya sa sinabi ko.
Hindi ito ang Nikolai na kilala ko. Hindi ganito ang itsura niya at mas lalong hindi siya ganito kung umakto sa harapan ko. Nakikita ko sa kanya na para bang wala na siyang pakialam sa akin o sa mga taong nasa paligid niya.
“Adi, tinutulungan lang ako ng kuya mo na huwag maging mahina at lampa. Gusto niya rin ako para sa’yo kaya hindi ko siya matanggihan doon. Hindi pa ba obvious sa’yo na matagal na kitang mahal?” sabi niya at hinaplos nito ang pisngi ko.
Napaatras naman ako sa ginawa ni Nikolai at nagulat ako sa sinabi niya. Hindi naman ako manhid para hindi iyon maramdaman sa kanya pero nagulat pa rin ako sa biglaan niyang pag-amin sa akin.
Umiling ako ng paulit-ulit pero mas lalo lang lumawak ang ngisi niya.
“Nikolai, hindi pwedeng-”
Bigla ay may itinakip na panyo si Nikolai sa ilong ko dahilan para malanghap ko ang amoy kemikal sa panyong iyon hanggang sa tila bumibigat na ang pakiramdam ko at nanghihina na ako.
Ramdam kong nakaalalay siya sa akin at parang may kinakausap siya na hindi ko na gaanong marinig ang pag-uusap nila.
“Malaki ang utang na loob mo sa akin dito, Nikolai. Gawin mo lahat ang gusto mo sa kapatid ko. Ako nang bahala sa inyo.”
“
Maaasahan
ka talaga kahit na kailan, Kuya Jed! Ito lang ang hinihintay kong pagkakataon para makuha ko ng buong-buo si Adi. Hindi ko alam na tutulungan mo pa pala ako para gawin ’to.“
“Sabi ko nga sa’yo, gusto kita para kay Adi. Hindi ako papayag na hindi ikaw ang makatuluyan niya. Kami na ang
didispatsa
sa triplets na ’yon basta’t
itago
mo lang si Adi sa base natin.“
“
Salamat
, Kuya Jed. May reward kayo
sa
akin mamaya nina Cesar at
Goyong
.“
Tuluyan na akong napapikit sa panghihinang nararamdaman hanggang sa narinig ko nalang ang huling bulong sa akin ni Nikolai bago ako mawalan ng malay.
“Akin ka lang, Adi. Akin ka…”
Chapter 25
After 3 years…
Nandito ako ngayon sa may ilog kasama ang best friend kong si Gelyn at naglalaba kami ng mga labahin na naipon namin nang halos isang linggo. Mas marami nga lang akong nilalabhan dahil nilabhan ko na rin ang mga damit ni Francis, pati ang mga damit na ginagamit niya sa pagtatrabaho sa talyer ay nilabhan ko na rin.
“Best, hindi ka ba talaga papayagan ni Francis na pumunta sa bayan mamaya? Sayang naman at may kainin at program na magaganap doon. Fiesta pa man din dito sa San Mariano.” sabi ni Gelyn habang nagkukusot ito ng mga damit niyang de kolor.
“Kilala mo naman ’yung asawa ko, Gelyn. Hindi ’yon papayag na umalis ako hangga’t hindi rin siya kasama.” malungkot ko namang sabi na ikinailing nalang ni Gelyn.
“Hay nako, Aliyah! Sa sobrang bait, ganda at sexy mo ay masyado nang naging super possessive ’yang asawa mo. Ilang taon ka na ba? 24 ka pa lang, hindi ba? Kahit mag-asawa na kayo ay kailangan mo pa ring ilibang ’yang sarili mo at hindi ’yung palagi ka nalang niyang ikinukulong sa bahay ninyo.” sabi ni Gelyn na tila dismayado sa pagtanggi ko sa paanyaya niya.
Si Gelyn ay mas matanda sa akin ng limang taon. Naging best friend ko na ito simula nang tumira kami ni Francis dito sa San Mariano tatlong taon na ang nakakalipas. Nobyo niya ang isa sa mga kaibigan nila Francis at Kuya Jeddaih na si Goyong. Magandang babae si Gelyn at may itsura naman si Goyong kaya bagay sila.
Malapit lang ang bahay nila Gelyn sa tinitirhan namin. Katulad namin nila Francis ay mahirap lang rin ang pamumuhay nila. May dalawa itong kapatid na lalakeng kambal na kasing edad ko lang at may bunso naman itong kapatid na babae. Magkatrabaho sina Francis at Goyong sa talyer na pinapasukan nila sa bayan kaya sabay na rin nakakauwi ang mga ito sa tuwing tapos na sila sa trabaho nila.
“Alam kong pinoprotektahan lang ako ni Francis, Gelyn. Ang sabi nga niya ay naaksidente kami noon sa may daan at nagka head injury ako kaya baka natatakot lang siyang mapahamak ulit ako nang wala sa tabi niya.” sabi ko naman.
“Ako naman ang kasama mo kaya mapoprotektahan kita saka hindi naman tayo lalayo dahil diyan lang naman tayo sa bayan ng San Mariano. Gusto ko rin makita ang gwapong Governor natin na si Governor Dean Sandoval sa may plaza!” kinikilig na sambit ni Gelyn na ikinangiti ko nalang.
Si Governor Dean Sandoval ay parang matinee idol raw sa angking kagwapuhan nito. Nasa mid-20’s lang rin daw ang edad nito at wala pang nobya o asawa. Hindi ko pa nakikita si Governor Sandoval pero base sa ikwinuwento sa akin ni Gelyn ay gwapo at matipuno raw ang Governor namin dito sa San Mariano.
“Sige, kukumbinsihin ko mamaya si Francis na kung pwede ba akong sumama sa’yo mamaya sa bayan. Sana nga lang ay pumayag siya.” napabuntong-hininga ako matapos kong banlawan ang huling batch ng mga damit ni Francis na nilalabhan ko.
“Yes! Thank you, best friend! I love you na talaga!” niyakap pa ako saglit ni Gelyn kahit basa pa ang mga kamay niya kaya nabasa na rin ang suot kong damit.
Natawa nalang ako sa ginawa niya. Maliligo nalang rin ulit ako mamaya sa bahay. Pagkatapos naming maglaba ni Gelyn ay umuwi na rin kami sa mga bahay namin. May dala akong dalawang timba na puno ng mga nilabhan kong damit at nakalagay rin doon ang ginamit kong tabla, detergent powder at bareta.
Humiwalay na si Gelyn sa akin at tumawid na ito sa kabilang daan kung saan nandoon ang bahay nila. Ibinilin niya rin sa akin na kung papayagan ako ni Francis na pumunta sa bayan mamaya ay magtext nalang raw ako sa kanya.
Wala akong kahit anumang gadget at si Francis lang ang mayroon kaya sa kanya ako makikitext. Hindi niya ako pinapayagang gumamit ng cellphone dahil hindi raw ito makabubuti sa pagkakaroon ko na noon ng head injury. Baka mas lalo raw kasing lumala ang kondisyon ko kung magkakaroon ako ng cellphone kaya naiintindihan ko siya sa parteng iyon.
5:30 pm na ng tinignan ko ang wall clock sa loob ng bahay namin kaya inumpisahan ko nang isampay ang mga damit namin ni Francis sa labas ng bahay. Pagkatapos nun ay nagluto na rin ako ng hapunan namin na ginataang tilapya at nilagang okra. Hindi rin mawawala ang bagoong isda na paborito namin ni Francis bilang sawsawan sa kakainin namin.
Saktong alas sais na ng gabi nang matapos ako sa pagluluto. Narinig ko na rin ang tunog ng makina ng motor ni Francis sa labas ng bahay namin.
Pumasok na siya sa loob ng bahay habang nakasukbit sa kaliwang balikat niya ang itim niyang bag. Napangiti nalang ako nang makita siya lalo na sa malinis niyang gupit at bagong ahit na balbas at bigote. Nagmukha na tuloy siyang korean actor sa paningin ko.
Sinalubong ko siya at niyakap nang mahigpit. Hinalikan naman niya ang labi ko pati na rin ang noo ko.
“Kumusta ka dito, mahal?” tanong ni Francis matapos niya akong halikan.
“Okay lang naman, mahal. Nagluto na rin pala ako ng hapunan natin.” nakangiti kong sabi.
“Hmm.. sigurado akong masarap na naman ’yang luto mo.” nakangiti rin niyang sabi habang inaayos ang nagulo kong buhok.
“Syempre naman. Ako pa ba? Naligo ka na ba sa may talyer?” tanong ko nang mapansin ko ang basang buhok ni Francis at bagong suot niyang malinis na damit.
“Oo, mahal. Naglaba ka ba sa may ilog kaya basa pa ’yang damit mo?” kunot-noo niyang tanong nang pinasadahan niya ako ng tingin.
Kinagat ko naman ang ibabang labi ko at tumango.
“Kasama ko namang maglaba si Gelyn sa may ilog e, saka nakakahiya naman na nagtatrabaho ka na nga para sa atin tapos ikaw pa ang maglalaba ng mga damit natin. Asawa mo ako kaya-”
“May lalake ba kanina sa may ilog?” seryoso niyang tanong.
Umiling naman ako. “Wala, mahal.” sagot ko.
Kumalas na si Francis mula sa pagkakayakap sa akin at pabagsak nitong inilagay sa sofa namin ang itim niyang bag.
“Hindi ka na ulit maglalaba sa ilog kahit kasama mo pa si Gelyn. Ako na ang maglalaba ng mga damit natin. Ayokong lumalabas ka dito sa loob ng bahay dahil alam mo kung bakit kita tinatago dito. Ayoko lang na mapahamak ka ulit matapos ang nangyaring aksidente noon.” mariin niyang sabi habang nagtatanggal ito ng suot niyang kulay pulang t-shirt.
Hindi na ako nagsalita pa sa sinabi ni Francis at tumango nalang ako. Hindi ko alam kung paano ko siya makukumbinsi na sasama ako mamaya kay Gelyn sa bayan dahil may fiestang ginaganap doon.
Inihanda ko nalang ang pagkain namin ni Francis at nagsimula na kaming kumain. Wala akong ibang narinig sa kanya kundi ang puriin ako dahil masarap raw ang niluto kong ginataang tilapya.
Nang nagkaroon na ako ng lakas ng loob na humingi ng permiso sa kanya ay nagtanong na ako.
“Mahal, kanina kasi ay niyaya ako ni Gelyn na magpunta sa bayan ng San Mariano. Tatanungin ko lang sana sa’yo na kung pwede ba akong sumama sa kanya-”
“Alam mo na ang sagot ko dyan, Aliyah.” pagputol kaagad ni Francis sa sinasabi ko.
Sabi ko na nga ba at hindi niya ako papayagan pero gusto ko siyang makumbinsing pumayag. Kahit ngayong araw lang ay payagan niya akong umalis nang medyo malayo dito sa tinitirhan namin.
Sa loob ng tatlong taon namin dito sa San Mariano ay sa bahay, ilog, palayan at tindahan lang umiikot ang buong buhay ko. Ni hindi pa ako nakakalayo sa lugar namin dahil sa paghihigpit sa akin ni Francis. Kasama pa siya kadalasan sa tuwing lalabas ako ng bahay. Siya na rin ang bumibili ng mga groceries namin sa bayan at hindi niya ako isinasama doon.
Nang minsan akong makita ng mga estudyanteng lalake sa San Mariano High School na nagwawalis sa tapat ng bahay namin ay nilapitan at kinausap ako ng mga ito. Mababait naman ang mga binatang iyon at nagtanong lang ang mga ito sa akin kung matagal na raw ba ako sa San Mariano dahil ngayon lang nila ako nakita.
Naabutan ni Francis ang eksenang iyon nang lumabas siya ng bahay namin kaya kaagad niyang pinaalis ang mga estudyanteng lalake na kumausap sa akin. Nagtalo pa kami noong araw na iyon dahil nagalit siya sa akin nang makipag-usap ako sa mga estudyanteng lalakeng iyon.
Nagkabati rin naman kami kinabukasan at binilhan pa niya ako ng bestidang bulaklakin at mga second hand na libro ng American author na si Nora Roberts. Nabili niya raw iyon sa bayan at alam niya talaga ang hilig kong magbasa ng mga english novel books sa tuwing wala akong ginagawa sa bahay.
Ganoon kapossessive sa akin si Francis hanggang sa nasanay na rin ako at inisip na talagang hanggang dito nalang ang buhay ko kasama siya.
Saglit kong itinigil ang pagkain ko at hinawakan ang magkabilang kamay ni Francis na tinignan lang ako ng mariin sa ginawa ko.
“Kahit ngayon lang mahal, payagan mo naman akong makalabas saglit sa lugar na ’to. Hindi naman ako mapapahamak dahil kasama ko si Gelyn. Sige na mahal, nagmamakaawa ako sa’yo…” pakiusap ko.
Tinitigan naman ako ni Francis ng ilang segundo bago nito hawiin ang mga kamay kong nakahawak sa kamay niya.
“Fiesta ng San Mariano ngayon. Maraming tao ang nasa bayan kaya delikado ’yon para sa’yo, Aliyah.” malamig niyang sabi.
Bumagsak nalang ang balikat ko dahil sa sinabi niya at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
Itinuloy ko nalang ulit ang pagkain ko at hindi na kinausap pa si Francis. Masama ang loob ko sa kanya dahil ngayon lang naman ako nakiusap at humingi ng pabor pero tinanggihan pa niya. Naging mabuti naman akong asawa sa kanya pero ganito pa rin siya at sobrang naghihigpit sa akin.
Hindi na ako nagreklamo pa nang siya na ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan namin. Wala pa rin kaming imikan kaya nagpunta nalang ako sa sala namin at kinuha ang second hand na librong binili niya para sa akin.
Tumutulo pa ang mga luha ko habang nagbabasa ng libro kaya nabasa na tuloy ang ibang pahina nito. Makalipas ng ilang minuto ay mukhang tapos na si Francis sa paghuhugas ng pinagkainan namin hanggang sa naramdaman ko nalang na tumabi siya sa akin sa inuupuan kong sofa at inakbayan ako.
“Tsk! Kung hindi lang talaga kita mahal, e.” narinig kong bulong niya nang hindi nakatingin sa akin.
Hindi ako umimik at nagpatuloy lang sa pagbabasa ko habang umiiyak.
“Mahal, tumingin ka nga sa’kin.” ani Francis at hinawakan nito ang baba ko para tuluyan na akong mapatingin sa kanya.
Pinunasan naman niya ang mga luha ko at hinalikan ng mabilis ang labi ko.
“Ang ganda-ganda mo talaga, mahal. Noong mga bata palang tayo ay sobra na akong nahuhumaling sa’yo. Hindi ko akalain na magiging ganito ako kasaya simula nang makasama kita nang tayong dalawa lang.” mariin niyang sabi at muli niyang hinalikan ang labi ko.
“Hinding-hindi ako papayag na malayo ka nila sa akin…”
Nila?
Sinong
nila?
Akmang magtatanong na sana ako sa sinabi ni Francis kung sino ang tinutukoy niya nang bigla ulit siyang magsalita.
“Sige, ngayong araw ay papayagan kitang magpunta sa bayan ng San Mariano kasama si Gelyn pero susunduin ko kayo doon ng mga alas otso ng gabi.”
Sa sinabi ni Francis ay hindi ko na napigilan ang tuwang nararamdaman ko. Niyakap ko siya nang mahigpit at ilang beses na hinalikan ang labi niya.
“Salamat mahal, salamat salamat!” paulit-ulit kong sabi at pinatakan na rin ng halik ang iba’t-ibang parte ng mukha niya.
Tumatawa lang siya sa ginagawa ko hanggang sa nauwi na sa matagal na halik ang iginawad niya sa akin.
Nagsimula na akong maligo at mag-ayos ng sarili ko para sa pagpunta namin ni Gelyn sa bayan. Isinuot ko ang bestidang binili sa akin ni Francis at maliit na sling bag naman na nabili rin niya nang sumweldo siya noong isang linggo. Nagtsinelas nalang ako na pwede namang maging sandals ko. Si Francis na rin ang kumausap kay Gelyn sa cellphone niya at ibinilin niya ako dito.
Nang matapos na akong mag-ayos ay lumabas na ako sa loob ng kwarto namin ni Francis. Tinitigan pa niya ako dahil siguro sa magandang ayos ko.
“Maganda ba, mahal?” nakangiti kong tanong at umikot pa sa harapan niya para ipakita ang buong ayos ko.
“Palagi ka namang maganda mahal. Para kang diwata na ibinigay sa akin ng langit.” nakangiti niyang papuri.
Uminit naman ang pisngi ko sa sinabi ni Francis.
“Sigurado ako na mamaya ay pagtitinginan ka ng mga lalake sa bayan dahil diyan sa kagandahan mo. Hays!” umiiling niyang sabi kaya kinurot ko ng mahina ang pisngi niya.
“Hanggang tingin lang naman sila sa akin dahil ikaw pa rin ang mahal ko, no!” nakangisi kong sabi at si Francis naman ay halatang nagpipigil ng kilig niya.
Nilagyan niya ng 500 pesos ang loob ng maliit kong sling bag na ikinagulat ko.
“Ipambili mo ’yan ng gusto mong bilhin doon sa bayan, mahal.” sabi ni Francis.
“Pero mahal, masyadong malaki ’to-”
“Minsan lang kita pagbibigyan na makalabas kaya sulitin mo na.” saad niya.
Wala naman akong nagawa kundi ang tumango nalang sa ibinigay sa aking pera ni Francis. Malaki na ang 500 pesos sa amin at mahigit dalawang araw niya na itong sweldo pero minsan lang naman raw ito kaya tatanggapin ko na.
Dumating na si Gelyn sa bahay at bihis na bihis rin ito. Mukhang masaya pa siya dahil ito nga ang unang beses na makakaalis ako nang mag-isa na kasama siya at hindi nakabuntot sa akin si Francis.
“Susunduin ko kayo mamaya ni Aliyah sa bayan ng mga alas otso. Doon sa may Municipal hall ko kayo hihintayin.” bilin ni Francis kay Gelyn.
“No problem, Francis. Ako nang bahala dito sa asawa mo. Safe siya sa akin at hindi ko naman ’to iwawala doon.” sabi naman ni Gelyn at tumawa pa ito na ikinailing lang ni Francis.
Si Francis na ang naghatid sa amin ni Gelyn sa may paradahan ng tricycle. Siya na rin ang nagbayad ng pamasahe namin. Tinitigan pa nito ng masama ang binatilyong tricycle driver na tumingin sa akin kaya mukhang natakot ang tricycle driver sa kanya at hindi na ako nito tinignan ulit.
“Bagay naman kayo ni Francis dahil gwapo siya at may karapatang paghigpitan ka dahil asawa ka niya pero sobra na talaga ang pagka possessive niya sa’yo. Kahit si kuyang driver ay pinagseselosan pa.” nakangiwing sabi ni Gelyn habang nasa loob na kami ng tricycle papuntang bayan.
“Intindihin mo nalang si Francis, Gelyn. Buti nga at pinayagan niya akong makaalis ngayon.” sabi ko habang nakatutok ang mga mata ko sa nadadaanan naming mga palayan at kabahayan ng San Mariano.
“Anong oras lang tayo doon, mag-aalas siyete na pero susunduin niya raw tayo ng alas otso? Isang oras lang tayo magtatagal doon? Grabe na talaga ’yang si Francis! Mabuti pa si Goyong at hindi ganyan kahigpit sa akin.”
Hindi nalang ako umimik pa sa sinabi ni Gelyn dahil talagang wala na akong magagawa pa sa paghihigpit sa akin ni Francis.
Makalipas nang mahigit kinse minuto ay nakarating na rin kami sa bayan ng San Mariano. Para akong ibong nakawala sa hawla nang makarating na kami ni Gelyn doon. Maraming mga tao ang nasa paligid at abala sa kani-kanilang ginagawa.
Maingay ang kapaligiran dahil sa mga bandang nagpapatugtog sa daan. Marami ring mga nakasabit na banderitas sa buong plaza at hindi rin mawawala ang mga pagkaing nakahain sa lamesa.
Maraming lechon, pancit, inumin at iba’t-ibang klaseng mga pagkain ang nandito kaya hindi na kami nahiya ni Gelyn na makikain sa isang lamesa na wala pang mga tao ang nakapwesto.
“Ang sarap talaga ng mga pagkain sa fiesta kasi libre din!” saad ni Gelyn habang abala kami sa pagkain ng pancit palabok at lumpiang shanghai.
“Tama ka diyan, Gelyn.” pag-sang ayon ko naman habang kumakain rin. Busog pa ako dahil kumain kami kanina ni Francis sa bahay kaya kaunti lang rin ang kinuha kong pagkain.
Bigla namang may iilang grupo ng kalalakihan ang biglang lumapit sa pwesto namin.
“Hi, Miss! Dayo ka ba rito?” nabigla ako nang magsalita ang maputing lalakeng nasa tabi ko at kinausap ako.
Ngumuso lang si Gelyn nang tinignan ko siya na abala pa rin sa kinakain niya.
“Ah, hindi. Matagal na akong nakatira dito sa San Mariano.” sagot ko sa lalake na nginitian naman ako.
Gwapo ito at mukhang nakakaangat sa buhay dahil sa porma niya. Nakangisi na parang aso naman ang mga lalakeng kasama niya at mas lalo pa siyang itinutulak sa akin.
“I’m Iverson Monteclaro. Anak ako ni Congressman Monteclaro dito sa San Mariano. I saw a lot of pretty girls here pero ngayon lang talaga kita nakita. Are you an isolated girl or-”
“Governor Sandoval!” ani Gelyn.
Nagulat nalang ako nang biglang may lumapit sa amin na gwapo at matangkad na lalake saka ako nito hinigit at itinago sa likuran niya.
Nang tinignan ko si Gelyn at ang iba pang mga taong malapit sa pwesto namin ay nakatingin silang lahat sa amin. Napansin ko rin na may dalawang bodyguards ang nasa likuran ng gwapo at matangkad na lalakeng lumapit sa amin ni Iverson.
“Not here, Iverson.” madiing sabi ng lalake kay Iverson.
Tinitigan lang siya ng masama ni Iverson at padabog na itong umalis sa pwesto namin na sinundan naman ng mga kaibigan niya.
Nang makaalis na si Iverson ay hinarap na ako ng gwapong lalake.
“I’m sorry about that. I know that guy and he’s a notorious playboy here in San Mariano. By the way, I’m Governor Dean Sandoval. It’s nice to meet you, miss.” pakilala ng lalake sa akin saka ito naglahad ng isang kamay.
Governor?
“Best! Siya ang Governor ng buong lugar natin.” banggit pa ni Gelyn sa akin dahilan para mas lalo pang ngumiti ang lalakeng nasa harapan ko ngayon.
Dean Sandoval? Siya ang Gobernador ng San Mariano?
Chapter 26
Ngiting-ngiti si Governor Sandoval habang pinagmamasdan niya kami ni Gelyn na nanonood ng live parade dito sa plaza ng bayan ng San Mariano.
Simula nang lumapit siya sa amin kanina ni Iverson at pinaalis niya ito ay hindi na rin umalis si Governor Sandoval sa pwesto namin ni Gelyn. Ang dalawang bodyguards naman niya na parehong may mga malalaking pangangatawan ay nasa likuran lang niya habang nagmamasid ang mga ito sa kapaligiran namin.
Kanina pa tumitili ng mahina si Gelyn sa tabi ko sa tuwing napapasulyap sa amin si Governor Sandoval. Para raw siyang hihimatayin dahil sa kagwapuhan at kabaitan ng batang Gobernador namin.
Kapag nakita lang talaga ni Goyong ang inaasal nitong nobya niya ay paniguradong magagalit at magseselos iyon kay Gelyn!
“Sa tingin ko talaga ay may type sa’yo si Governor Dean, best! Kahit kinikilig ako na tumitingin siya dito sa gawi natin ay alam kong ikaw ang tinitignan talaga niya!” bulong sa akin ni Gelyn para hindi marinig ni Governor Sandoval ang sinasabi niya patungkol rito.
“Tumigil ka nga dyan, Gelyn! May asawa na ako at si Francis ’yon, maliwanag ba? At saka baka friendly lang talaga si Governor Sandoval kaya sinasamahan niya tayo ngayon dito pagkatapos niyang paalisin ang playboy raw na Iverson na ’yon.” sabi ko.
“Duda pa rin talaga ako, best. Iba kasi talaga, e. Iba ’yong mga tingin niya sa’yo, parang may halo ’yong malisya-”
Pinandilatan ko na ng mata si Gelyn para manahimik na siya. Masyado nang malisyosa ang kaibigan kong ’to para isiping may gusto sa akin si Governor Sandoval.
Hindi naman ibig sabihin na mabait lang sa akin iyong tao at inilayo niya ako sa playboy na Iverson na iyon ay gusto na niya kaagad ako.
Isang Gobernador si Dean Sandoval sa probinsya namin at ang kapakanan lang ng mga taong nasasakupan niya ang inaalala niya. Kabilang na ako sa taong iyon kaya natural lang na maging mabait at friendly siya sa amin ni Gelyn.
“Are you two enjoying the parade?” pag-imik ni Governor Sandoval nang binalingan niya kami muli ni Gelyn.
“Oo naman po, Gov. Salamat rin pala sa libreng pakain niyo sa amin dito sa fiesta. Nabusog po kami sa sarap ng mga pagkain dito.” nakangiting ani Gelyn at hinimas pa nito ang tiyan niyang lumaki na dahil sa kabusugan sa kinain namin kanina.
“No problem. Pwede rin kayong mag take-out ni Aliyah ng pagkain kung gusto niyo. Para may makain rin kayo pag-uwi niyo sa bahay ninyo mamaya.” sabi naman ni Governor Sandoval at nginitian niya ako.
“Talaga po ba? Ay! Maraming salamat po, Gov! Hindi ka lang pala gwapo kundi sobrang bait pa!” pambobola ni Gelyn kay Governor hanggang sa lumapit na ulit ito sa lamesang maraming pagkain at nagbalot na ng mga pagkain na iuuwi niya.
Nahihiyang nginitian ko nalang si Governor Sandoval na nanatili pa ring nakangiti sa akin.
Parang hindi man lang nangangawit ang panga niya sa kakangiti. Ganito ba talaga kasiyahin ang Governor na ito?
Bata pa ito kung titignan at sa tingin ko nga ay magkasing-edad lang kami. Paano kaya siya naging Gobernador ng San Mariano? Malaki rin ang tungkulin at responsibilidad ng pagiging isang Gobernador at nakakamangha lang na tinanggap na ni Governor Dean Sandoval ang posisyon na iyon sa bata pa niyang edad.
Lahat ng mga taong nakakakita kay Governor Sandoval ay binabati siya at pinupuri. Magalang naman niyang kinakausap ang mga ito mapa bata man o matatanda. Maganda ang asal nito at tila pormal na pormal sa pakikipag-usap sa mga tao dito sa San Mariano.
Pagkatapos niyang makipag-usap sa isang matandang lalake at nakipag-kamay pa siya rito ay lumapit na ulit siya sa akin at nagpamulsa ito.
“Ayos ka lang ba, Aliyah? Hindi ka ba sanay na makakita nang masyadong maraming tao?” nag-aalala niyang tanong. Napansin niya yata ang pagkailang ko sa mga taong napapatingin sa akin.
“Ah, opo, e. Sa totoo lang po ay ngayon lang ako nakapunta dito sa bayan ng San Mariano. Ayaw kasi ng asawa ko na lumalabas ako na malayo sa bahay namin dahil baka mapahamak lang raw ako. Mabuti nga po at pinayagan niya akong makapunta dito sa fiesta kasama ang kaibigan ko.” sabi ko at saglit na sinulyapan si Gelyn na nakabalot na ng mga handang pagkain sa kabilang lamesa at kumain na naman ulit siya. Wala yatang kabusugan ang babaeng ito.
Mukha pang nabigla si Governor Sandoval sa sinabi ko.
“You’re already married? How old are you? You look too young to get married.” tanong niya sa akin.
“24 na po.” sagot ko.
Tumango naman siya. “You’re young. I’m already 27 years old, by the way. I get it why your husband wants you to be isolated. Ngayon pa lang ay nakakakuha ka na ng atensyon sa mga lalake including Iverson na balak ka pang pormahan kanina.” sabi ni Governor Sandoval at tumawa pa ito.
Napansin niya rin pala na kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao dito sa San Mariano. Parang ako lang kasi ang babaeng medyo naiiba ang itsura dito.
Maputi ako at matangkad samantalang ang karamihan sa mga babae dito sa San Mariano ay mga morena at hindi katangkaran. Si Gelyn ay maganda at morena naman pero mas matangkad pa rin ako sa kanya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit pinagtitinginan ako ng mga tao.
At tama nga ako, bata pa si Governor Sandoval dahil 27 years old palang siya.
“S-Salamat po pala kanina sa pag-iwas niyo sa akin doon sa Iverson na ’yon.” sabi ko nalang at nginitian ng nahihiya si Governor Sandoval.
“It’s nothing, Aliyah. Matinik ’yon si Iverson at baka daanin ka lang sa mga pambobola niya para lang sumama ka sa kanya. Marami nang nabiktimang babae ang lalakeng ’yon that’s why I want to protect you. Ang gandang babae mo pa naman.” sabi niya at tumitig pa ito sa akin ng ilang segundo.
Ngumiti nalang ako sa sinabi niya at hindi na muling nagsalita pa.
“Stop that formality, too. I’m only 27 years old kaya ’wag mo na akong i-po. Feeling ko tuloy ay ang tanda ko na para galangin mo.” natawa siya sa kanyang huling sinabi kaya natawa rin ako doon.
Talagang mabait pala itong si Governor Sandoval at palabiro pa. Para rin siyang mga kaibigan ng kapatid kong lalake na si Kuya Jeddaih sa tuwing nagbibiruan sila nila Francis kapag nag-iinuman sila sa bahay namin.
“Pasensya na. Gobernador ka kasi ng probinsya natin kaya dapat lang siguro na galangin kita.” sagot ko naman.
“Yes. I’m the Governor of San Mariano but it doesn’t mean na i-po mo na ako. Ayoko lang talaga ng ganon.” nakangiti niyang saad.
“Okay. sabi mo, e.” napapangiti ko na ring sabi na mahina namang ikinatawa ni Governor Sandoval.
“You’re adorable, Aliyah. I’m glad that I’ve met you here.” seryoso niyang sabi na ikinatahimik ko naman bigla.
“Gov, may tawag po kayo galing sa Vice Governor’s office.” Lumapit ang isang bodyguard ni Governor Sandoval sa kanya at may inabot itong isang cellphone na kaagad namang kinuha ni Governor.
“Please excuse me, Aliyah. I’ll just take this call.” nakangiti niyang pagpapaalam sa akin na ikinatango ko nalang.
Umalis na si Governor Sandoval at pumwesto ito sa malayo at mas tahimik na parte ng plaza para sagutin ang tawag nito sa cellphone na hawak niya. Habang may kausap pa ito sa cellphone niya ay napapansin ko ang madalas na pagsulyap niya sa direksyon ko.
Nawala lang rin ang atensyon ko sa kanya at laking gulat ko nang makita sina Francis at Goyong na naglalakad papalapit sa pwesto namin ni Gelyn. Lumapit si Goyong sa lamesa kung nasaan si Gelyn at si Francis naman ay lumapit sa akin at kaagad hinapit ang baywang ko.
Sinamaan pa niya ng tingin ang mga lalakeng napapatingin sa akin na kaagad namang nag-iwas ng tingin dahil sa ginawa ni Francis.
“Pinuntahan na namin kayo ni Goyong dito. Hindi talaga mapapanatag ang loob ko hangga’t hindi ako kasama sa mga lakad mo.” seryosong sabi ni Francis habang inaayos nito ang ilang hibla ng buhok ko at inilagay sa likod ng tainga ko.
Nang tumingin ako kay Governor Sandoval ay nakatingin ito sa amin ni Francis habang patuloy pa rin siyang may kausap sa cellphone niya.
“Ganon ba? Ayos lang naman kami dito ni Gelyn, mahal. Kalahating oras pa lang yata ang nakakalipas nang magpunta kami rito.” sabi ko nang may panghihinayang.
Ang akala ko ay makakalabas na ako nang ako lang mag-isa pero kasama ko na naman ulit si Francis.
“Ayon na nga, e. Kahit binigyan kita ng isang oras para makawala sa akin ay hindi talaga ako matatahimik sa bahay. Ngayon palang na naabutan kong pinagtitinginan ka ng mga pangit na lalake dito ay naiinis at nagagalit na ako. Tsk! Ang kakapal naman ng mga mukha nila para hangarin ka kahit sa tingin lang.” nakatiim-bagang na sabi ni Francis at inayos pa nito ang kwelyo ng suot kong bestida.
Hindi nalang ako nagsalita pa. Hindi ko nagustuhan ang panlalait niya sa mga lalakeng napapatingin lang sa akin.
Gwapo si Francis at may ipagmamalaki talaga siya sa kanyang itsura pero hindi maganda na nanlalait siya ng isang tao. Hindi ko rin nagustuhan ang pagiging possessive na naman niya sa akin.
Ilang minuto lang ay mukhang tapos na yata si Governor Sandoval sa kung sinuman ang kausap nito sa cellphone niya. Lumapit ulit siya sa akin at ngumiti ito.
“Is he your husband, Aliyah?” tanong ni Governor Sandoval sa akin saka ito tumingin kay Francis.
“Ah, oo. Siya si Francis. Asawa ko.” pagpapakilala ko naman kay Governor Sandoval. Tinignan lang siya ni Francis ng mariin at hindi ito nagsalita.
“It’s nice to meet you, Francis. Nakilala ko lang dito si Aliyah kasama ang kaibigan niya.” sabi ni Governor Sandoval kay Francis na tinanguan lang siya.
“Gov? Ikaw pala ’yan!”
Nabaling na ang atensyon ni Governor Sandoval kina Goyong at Gelyn nang nilapitan at binati siya ni Goyong. Magalang namang kinausap ni Governor Sandoval si Goyong na mukhang tuwang-tuwa naman sa kanya.
“Kilala ka na pala kaagad ni Dean Sandoval.” seryosong saad ni Francis sa akin.
Alam ko na kapag ganito siya ay nagseselos na siya.
Bumuntong-hininga ako. “Nagpakilala siya kanina sa amin ni Gelyn kaya nagpakilala na rin kami. Mabait naman si Governor Sandoval.” sabi ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.
“Ayoko nung mga tingin niya sa’yo. Nakikita kong interesado rin siya sa’yo. Kahit Gobernador pa siya dito sa buong San Mariano ay hindi ibig sabihin na pati ikaw ay pwede rin niyang pagkainteresan. Umuwi na nga tayo at naiinis na ako!”
Bigla ay hinila nalang ako ni Francis paalis ng plaza at naiwan namin doon sina Gelyn at Goyong na kinakausap pa rin ni Governor Sandoval.
Mahigpit ang pagkakahawak ni Francis sa braso ko habang patuloy pa rin ako sa pagdaing ko sa ginagawa niya.
“Francis! Ano ba? Nasasaktan ako!” sabi ko nang ngumingiwi pero hindi niya ako pinapakinggan hanggang sa makarating kami sa motor niyang nakaparada sa harap ng Municipal hall.
Binitawan na rin ako ni Francis habang ako naman ay nangingilid na ang mga luha habang hinahaplos ko ang namumula ko nang braso gawa niya.
“Hindi na talaga kita papalabasin pa ulit ng bahay, Aliyah. Sa loob ka lang at hindi ka na pwedeng makita ng ibang tao!” sigaw niya at muntik pa akong mapatalon sa gulat nang sipain nito ang gulong ng motor niya.
“Ano? Wala naman akong ginagawang masama, Francis. Binibigyan mo lang rin ng malisya ’yung pagiging mabait ni Governor Sandoval. Lahat nalang ba ng lalakeng kakausap at titingin sa akin ay pagseselosan mo? Paranoid ka masyado at wala ka na sa katwiran!” sagot ko dahil hindi ko na talaga mapigilan pa ang inis ko sa walang katuturang pagseselos ni Francis.
Kahit ilang beses ko siyang intindihin at pahalagahan ay siya naman itong walang ibang ginawa kundi ang bigyan ng ibang kahulugan ang maliit lang na bagay.
Umawang ang bibig ni Francis sa sinabi ko dahil hindi yata siya makapaniwalang sinagot ko siya.
“Kailan ka pa natutong sagutin ako ng ganyan, Aliyah? Dahil ba sa pagsama mo diyan kay Gelyn ay nagiging rebelde at pasaway ka na rin? Ginagawa ko lang ang lahat para maprotektahan ka sa masasamang tao sa paligid natin. Naaksidente tayo dahil sa mga taong hinahadlangan ang relasyon natin noon! Sabihin mong paranoid ako ngayon, ha?” hinawakan niya nang mahigpit ang magkabilang balikat ko at inalog-alog ako.
Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak kahit nasasaktan na ako sa ginagawa ni Francis.
“Francis.. tama na!” Tuluyan na akong humagulgol ng iyak pero patuloy pa rin si Francis sa pag-alog at panunumbat niya sa akin.
“Ginawa ko ang lahat para makuha ka, Aliyah! Ang dami kong sinakripisyo at iniwan para lang sa’yo dahil baliw na baliw na ako sa sobrang pagmamahal ko sa’yo. Inintindi at inunawa kita noon pero hindi ko pala talaga kaya na makukuha ka lang sa akin ng ibang lalake. Mahirap bang mahalin ako? Bakit kailangan mo pang tumingin sa iba kung nandito lang naman ako?!” galit na saad ni Francis habang nakatingin ito sa akin na tila’y nasasaktan siya.
Umiling lang ako at lakas-loob na tinignan siya habang patuloy pa rin akong umiiyak.
“Sa tingin mo ba hindi ako naguguluhan sa sitwasyon natin ngayon, Francis? Wala akong maalala tungkol sa nakaraan ko! Kahit si Kuya Jeddaih ay inililihim rin ang pagkatao naming dalawa at hindi ko alam kung bakit nahihirapan siyang ikwento ’yon sa akin. Ang ala-ala ko lang sa sarili ko ay ’yong tumira tayo sa San Mariano. Sino ba talaga ako, ha? May nililihim ka ba sa akin?” umiiyak kong sabi.
Natigilan naman si Francis sa sinabi ko pero hindi kalaunan ay sumama lang ang tingin niya sa akin at tumawa ito ng sarkastiko.
“Ano pa bang ililihim ko sa’yo, Aliyah? Pareho nang namatay ang mga magulang niyo ni Kuya Jed noong mga bata palang kayo at kaya wala kang maalala tungkol sa nakaraan mo ay dahil sa head injury na nangyari sa’yo nang maaksidente tayo sa daan!” madiin niyang sabi.
Huminga ako ng malalim dahil nag-uumpisa na akong kapusin ng hininga. Sobrang bigat at sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Hindi pa rin ako kuntento sa sinabi sa akin ni Francis. Sa tingin ko ay kulang pa iyon mula sa tatlong taon kong pagkuwestiyon sa sarili ko at sa katauhan ko na hindi ko na maaalala pa.
Nanghihina akong napaupo sa baitang ng hagdanan ng Municipal hall habang nakatingin lang ng masama si Francis sa akin. Napahawak ako sa mukha ko gamit ang magkabilang palad ko habang umiiyak pa rin.
Napayuko nalang ako.
“B-bakit ganito, Francis? Bakit pakiramdam ko ay may kulang pa rin sa pagkatao ko? Bakit pakiramdam ko ay hindi ito ang mundong ginagalawan ko noon pa lang? At bakit hindi ko pa rin magawang tuluyang maging masaya kahit asawa kita at mahal kita?”
Nasasaktan kong tanong kay Francis na muling natigilan dahil sa sinabi ko.
Bakit
, Francis?
Hindi ba talaga ang mundong ibinigay mo sa akin ang totoong mundong
ginagalawan
ko?
Add me on Facebook: Ajai Kim kung gusto niyo sumali sa group page na ginawa ko. Kahapon ko lang yun ginawa para makapag-interact tayong mga obsession, reverseharem at poly readers.
Kung gusto niyo lang naman sumali. ♥︎
Chapter 27
Francis (Nikolai)
Pagkatapos naming magtalo ni Aliyah kagabi sa bayan ay hindi na niya ako halos kausapin ngayon. Ni hindi niya na rin ako magawang tignan dito sa bahay habang kinakausap siya ng kanyang kapatid. Si Kuya Jed at ang mga kaibigan lang namin ang pinapansin niya at naiinis na ako.
Kasalanan ko naman kung bakit nag-away kami kagabi pero hindi ko lang talaga napigilan ang galit at selos ko noong makita ko siyang naging malapit kaagad kay Governor Dean Sandoval.
Hindi ako tanga at manhid para hindi mapansin ang ibang klaseng tingin ng Gobernador na iyon sa asawa ko. Maging pati na rin ang ibang mga kalalakihan sa bayan ng San Mariano ay hindi na halos maialis ang tingin nila kay Aliyah.
Ito na nga ba ang kinatatakutan ko, na kapag pinalaya ko siya sa mundo ko ay baka hindi na siya bumalik sa akin. At kapag patuloy ko pa siyang ipakita sa ibang tao ay baka makita at mahanap na siya ng totoo niyang pamilya at mga nobyo at ayokong mangyari iyon.
Tatlong taon na ang nakakalipas simula nang inilayo ko si Adi mula sa kanila. Sa sobrang pagmamahal at kabaliwan ko sa kanya simula noong mga bata pa lang kami ay nagawa ko na ang bagay na ito at hindi ko ito pinagsisisihan.
Sawa na akong magpanggap na ayos lang sa akin ang lahat. Nagsasawa na rin akong maging isang dakilang best friend at
alalay niya. Kung hindi lang sana dumating ang triplets na iyon sa buhay namin, malamang na ako ngayon ang totoong iniibig ni Adi.
Naaalala ko pa rin ang mga sinabi ko noon kay Neymar na naging dahilan ng paglayo ng loob niya kay Adi. Siniraan ko ang sarili kong best friend para lang mawala sa landas namin ang lalakeng iyon.
“Neymar, sinabi na mismo sa akin ni Adi na kung may mamamatay sa ating dalawa at kung sino ang pipiliin niyang mailigtas sa atin ay ako ’yon.” nakangisi kong sabi kay Neymar na sobrang sama ng tingin sa akin.
“Ano bang sinasabi mo, Nikolai? Ako nga ang pinili ni Adi bilang mas best friend niya kaysa sa’yo sa truth or dare, e. Kung sinasabi mo lang ’to para layuan ko siya ay tumigil ka na.” sabi ni Neymar ng seryoso.
“
Naniwala
ka naman do’n?
Ayaw
niya lang na masaktan ang damdamin mo dahil alam na niyang gusto mo siya at ayaw ka na niyang
paasahin
pa sa wala.“
pagsisinungaling
ko at doon ay natigilan siya.
“P-
p
aano
niya nalaman ’yon?“ gulat na tanong ni Neymar.
Napatawa
naman ako. “
Malamang
sinabi ko. At alam mo ba kung ano ang sinabi niya sa akin?
Nasusuka
raw siya nang malaman niyang gusto mo siya. May Leigh na nga naman siya at ano bang
binatbat
mo sa isang katulad ni Leigh Johann Davidson?“ pang-iinsulto ko.
Halatang
nasaktan at
nalungkot
naman
si Neymar sa
kasinungalingang
sinasabi ko.
Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.
“Kung ako sa’yo, Neymar ay layuan at
kamuhian
mo na si Adi.
Nandidiri
na siya dahil gusto mo raw siya.
Umaasa
ka naman na magkakagusto rin siya sa’yo? Alam mo kung gaano niya
kamahal
si Leigh kaya hangga’t maaga pa ay
iligtas
mo na ’yang puso mo sa kanya.“ nakangiti kong ani at pagkatapos ay naglakad na ako papalayo kay Neymar na
natulala
at nabigla pa rin sa sinabi ko.
Simula rin nang araw na iyon ay tuluyan nang umiwas at nagalit si Neymar kay Adi hanggang sa naging kaibigan na nito si Leigh. Nagtataka man si Adi sa biglaang pag-iwas sa kanya ni Neymar ay umeeksena naman ako kaya ako na naging sandalan at karamay ni Adi sa lahat ng problema niya walong taon na ang nakakalipas.
Si Neymar rin naman ang sumira ng pagkakaibigan nila ni Adi dahil nagpauto siya sa akin at nakipagsabwatan pa kay Leigh sa plano nito at wala na akong magagawa pa doon.
Ginawa ko lang kung ano ang makabubuti para sa akin. Makasarili na kung makasarili pero kung may nababagay man kay Adi, walang iba kundi ako iyon.
Sa biglaang pagdating nila Ahmed, Ahnwar at Ahzik sa buhay namin ni Adi ay tuluyan nang gumuho at nasira ang mga plano ko para sa aming dalawa.
Si Ahmed pa pala ang tunay na ama ni Blair at hindi ko iyon matanggap. Okay lang sana kung si Leigh talaga ang totoong ama ni Blair dahil hindi na siya mahal ni Adi pero tangina lang talaga. Minahal rin siya ni Adi at nagkaroon pa sila ng polyamory relationship kasama sina Ahnwar at Ahzik.
Halos gumuho ang mundo ko nung malaman ko iyon. Pagod na pagod na rin akong magpanggap na isang matalik na kaibigan lang ang turing ko kay Adi. Hindi ko na alam ang gagawin kong mga susunod na hakbang!
Kaya simula nang makilala ko ng personal ang half brother ni Adi na si Kuya Jeddaih ay hindi na ako nahiyang kunin ang oportunidad na iyon para tuluyan ko nang makuha at masolo si Adi.
“
Bakit
hinahayaan mo lang na makuha si Adi ng ibang lalake?
Halata
naman sa’yo na gusto mo siya.“ sabi ni Kuya Jeddaih nang magkita kami sa hide out nila ng mga kaibigan niya sa fraternity.
Sinalinan
niya ako ng alak sa baso na tinanggap at ininom ko naman.
“Hindi ko kayang
ipilit
ang sarili ko kay Adi. Kung mahal niya ang mayayamang triplets na ’yon ay wala akong laban sa kanila.“ malungkot ko namang sabi kahit halos
mandiri
na ako sa sinasabi ko.
Ikwinento ko na sa kanya kanina na boyfriend na ni Adi ang Dela Vega Triplets.
Lahat ng mga nangyari kay Adi ay sinabi ko na kay Kuya Jed.
Tumawa si Kuya Jed sa sinabi ko at
pinagkrus
ang kanyang mga braso.
“Nikolai, kung
umuubra
kay Adi o sa ibang tao ’yang acting skills mo,
pwes
sa akin ay hindi. Tigilan mo nga ’yan dahil para ka lang tanga sa ginagawa mo!“ natatawa niyang sabi.
Hindi ko
ipinahalatang
nagulat ako nang mapansin niya ang totoo kong ugali.
Papaano
niya ako
nakilatis
? Lahat ng taong nakakasalamuha ko o maging pati na rin si Adi, ang mga kapatid ko at ang pamilya niya ay hindi napapansin ang
pagpapanggap
ko pero bakit sa lalakeng ito na ngayon ko lang nakausap ng personal ay napansin kaagad iyon?
“
Paano
ko nalaman? Sa tingin mo palang kay Cesar sa parke noong makita namin kayong dalawa ni Adi doon ay halos parang papatayin mo na siya sa klase ng mga tingin mo.
Masyado
ka palang seloso, Nikolai.“ nakangiting sabi ni Kuya Jed na mukhang nabasa ang iniisip ko.
Napangiti nalang rin ako at ininom ulit ang alak sa hawak kong baso.
“
Bakit
mo ako nagustuhan para kay Adi?
Dahil
ikinukwento ako ng Papa niyo sa’yo?“ tanong ko.
Tumango
naman si Kuya Jed at
inumpisahang
sindihan ang sigarilyo niya. “Hindi man magkasundo ang pamilya namin at ang pamilya ni Adi ay concern pa rin kami kay Adi at sa anak niya. Ikaw ang nakikita ni Papa na pwedeng maging mabuting ama kay Blair kaya nagugustuhan ka niya para sa kapatid ko.
Ganoon
na rin ako.“ sabi niya.
Hindi ko napigilan ang tuwa ko nang marinig ko iyon kay Kuya Jed. Ang ibig sabihin lang nun ay malaki na ang tsansa ko para makuha si Adi dahil may
tutulong
pa sa akin para gawin iyon.
Matapos ang pag-uusap namin ni Kuya Jed noong araw na iyon ay mas naging malapit na ako sa kanya at sa mga kaibigan niyang kamiyembro niya sa fraternity. Hindi ko lang talaga kayang kaibiganin si Cesar na alam kong may pagtingin kay Adi at siya rin ay ganoon sa akin.
Naging bagong miyembro na ako ng fraternity nila Kuya Jed at dumaan rin ako sa mahirap nilang mga initiations. Hindi man madali ang maging miyembro ng isang fraternity ay tiniis ko ang lahat iyon para lang sa pinaplano at binabalak kong agawin at ilayo si Adi sa lahat ng malalapit na tao sa buhay niya.
Sorry kay Blair at sa triplets pero sa akin lang talaga si Adi.
Sa pagiging miyembro ko ng fraternity nila Kuya Jed ay tuluyan ko nang napabayaan ang sarili ko. Hindi na ako pumapasok sa trabaho ko sa call center at madalang nalang akong umuwi sa bahay namin.
Nagustuhan ko ang araw-araw na pagsama kila Kuya Jed sa iba’t-ibang klaseng mga bar sa Maynila. Natuto na rin akong gumamit ng droga dahil sa kanila. Mabait si Kuya Jed sa akin at ngayon ko lang na-experience ang gumimik at aliwin ang sarili ko na hindi puro trabaho at sakit lang na ibinibigay sa akin ni Adi ang iniisip ko.
Palagi na rin akong may nakakaaway o nabubugbog na mga kalaban ng fraternity namin at mas nasisiyahan na ako sa tuwing nakakapanakit ako ng ibang tao.
Sa tuwing umuuwi akong lasing sa bahay namin ay palaging nag-aalala sina Eiselle at Cristina sa kalagayan ko. Mahal ko ang mga kapatid ko pero mas mahal ko si Adi kaya sana balang araw ay mapatawad nila ako sa balak kong gawin.
Isang buwan ang lumipas at nagplano na kami ni Kuya Jed na dukutin si Adi at ilayo sa totoo niyang pamilya lalo na sa triplets na iyon.
Pinapunta ko si Adi sa bahay namin at kaagad pinatulog gamit ang panyong may halong kemikal na pampatulog.
Mula sa
pinagtataguang
pader ni Kuya Jed sa loob ng bahay namin ay lumabas siya doon saka niya kami nilapitan ni Adi na
nakahilig
sa mga bisig ko at wala nang malay.
“Malaki ang utang na loob mo sa akin dito, Nikolai. Gawin mo lahat ang gusto mo sa kapatid ko. Ako nang bahala sa inyo.” nakangising sabi ni Kuya Jed na ikinangisi ko rin.
“Maaasahan ka talaga kahit na kailan, Kuya Jed! Ito lang ang hinihintay kong pagkakataon para makuha ko ng buong-buo si Adi. Hindi ko alam na tutulungan mo pa pala ako para gawin ’to.” sabi ko habang hinahaplos ang mukha ng walang malay na si Adi.
“Sabi ko nga sa’yo, gusto kita para kay Adi. Hindi ako papayag na hindi ikaw ang makatuluyan niya. Kami na ang didispatsa sa triplets na ’yon basta’t itago mo lang si Adi sa base natin.”
“
Salamat
, Kuya Jed. May reward kayo sa akin mamaya nina Cesar at Goyong.“
sabi ko na mas lalong ikinangisi ni Kuya Jed.
May alitan man kami ni Cesar dahil kay Adi ay kailangan ko pa rin siyang bigyan ng reward na pera dahil isa siya sa mga tutulong sa amin para ilayo si Adi dito sa Maynila.
Noong araw na inilayo namin si Adi ay naaksidente kami sa daan sa kalagitnaan ng daan ng San Mariano na kung saan ay nasa kabundukan nito ang base ng fraternity house nila Kuya Jed. Nabangga ang sinasakyan naming pick-up sa isang puno dahil sa mabilis kong pagpapatakbo.
Nagkaroon kami nila Kuya Jed at Cesar ng bone fractures sa braso at binti at iilan ring sugat sa mukha at katawan samantalang si Adi naman ang pinaka napuruhan sa aksidenteng nangyari sa amin. Tumama ang ulo nito sa punong nabangga ng pick-up van namin.
Ang akala ko ay tuluyan nang mawawala sa akin si Adi noong mga panahong iyon pero hindi pa pala dahil nabuhay pa rin siya at nawalan ng ala-ala. Nagkaroon siya ng Post Traumatic Amnesia kaya ngayon ay wala na siyang maalala sa nakaraan niya.
Ginamit ko ang pagkakaroon niya ng amnesia para palitan ang katauhan naming dalawa. Pinangalanan ko siyang Aliyah Dela Cruz at pinangalanan ko naman ang sarili ko na Francis Dela Cruz.
Kailangan kong baguhin ang katauhan namin dahil alam kong hahanapin kami ng triplets na iyon. Pineke ko na rin ang mga dokumento namin ni Adi at idineklara ko nang asawa ko siya.
Nanirahan kami ni Aliyah sa base ng fraternity namin sa San Mariano na malapit lang sa bahay na tinutuluyan ng nobya ni Goyong na si Gelyn. Naging malapit na magkaibigan sina Gelyn at Aliyah at sapat nang si Gelyn lang ang tanging kakilala at kaibigan niya.
Dahil sa takot kong matunton kami ng triplets na alam kong pinaghahanap ngayon si Aliyah ay hindi ko ito pinapayagang makalayo sa bahay namin. Sa ilog lang na malapit sa bahay ang pinakamalayo niyang napupuntahan.
Maganda si Aliyah at kahit sinong lalake ay magkakainteres sa kanya sa oras na makita siya kaya ayoko rin na makita siya ng ibang lalake bukod kay Kuya Jed at sa mga kamiyembro namin sa fraternity.
Noong makita nga siya ng mga lalakeng estudyante sa San Mariano High School at kinausap pa siya ay halos magwala na ako sa sobrang galit at pagseselos ko paano pa kaya kung makita siya ng ibang mga lalake? Mas lalo lang dadami ang karibal ko at ayokong mangyari iyon.
At kagabi nga, hindi na halos maialis ng mga lalake ang tingin nila kay Aliyah sa fiesta sa bayan lalo na sa Gobernador ng San Mariano na si Dean Sandoval. Hindi ko na hahayaan pa ulit na makalabas si Aliyah sa bahay namin.
Kung itatali ko siya at ikukulong sa mundo ko ay gagawin ko huwag lang siyang makita ng ibang tao lalong-lalo na ang tatlo niyang nobyong patuloy pa ring naghahanap sa kanya.
“May LQ ba kayo ng kapatid ko?” nakangiting tanong ni Kuya Jed habang naninigarilyo ako sa bakuran ng bahay namin.
Napailing ako. “Pinayagan ko pa kasi si Aliyah na sumama kay Gelyn sa fiesta sa may bayan kagabi. Nakita siya ng mga lalake doon at ’yung si Governor Dean Sandoval ay kilala na kaagad niya.” sabi ko at kumuyom ang panga ko.
Inakbayan naman ako ni Kuya Jed. “Wala kang magagawa dyan dahil talagang maganda at attractive si Adi kaya pati si Gov ay mukhang natipuhan pa siya. Nagselos ka na naman kaya nag-away kayo. Tama ba ako?” tanong nito.
Tumango ako habang nagbubuga ng usok sa sigarilyo ko. “Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko kagabi, Kuya Jed. Gusto ko na sa akin lang ang atensyon ni Aliyah at hindi sa ibang lalake. Nagtataka na rin siya tungkol sa pagkatao niya. Alam niyang hindi ito ang totoong mundong nakasanayan niya kahit nagkaroon pa siya ng amnesia.” sabi ko at napabuntong-hininga ako.
Pakiramdam ko ay unti-unti nang malalaman ni Aliyah ang sikretong matagal na naming itinatago ni Kuya Jed sa loob ng tatlong taon.
Nabuhay kaming dalawa ni Aliyah sa San Mariano ng tahimik, masaya at mapayapa. Minahal na rin niya ako kaya hindi ako makakapayag na makuha at malayo siya sa akin nang kahit sinuman.
Lahat ng hahadlang sa pagmamahalan namin ay papatayin ko.
“Paano kapag tuluyan nang bumalik ang ala-ala niya? Nikolai, hindi permanente ang pagkakaroon niya ng amnesia at alam mo ’yan.”
Natahimik naman ako sandali sa sinabi ni Kuya Jed.
“Kung tuluyan mang bumalik ang ala-ala niya ay dapat maanakan ko na siya at mas ilalayo pa sa malayong lugar.” sabi ko.
“Paano mo siya maaanakan kung wala pa ring nangyayari sa inyo? Tatlong taon, Nikolai? Tinatanggihan ka pa rin ni Adi?” Tumawa ng mahina si Kuya Jed at tinapik nito ang balikat ko.
Napakuyom naman ang mga kamao ko doon.
Tatlong taon na ang lumipas pero wala pa ring nangyayari sa amin ni Aliyah. Hanggang halik at make-out lang ang nagagawa namin dahil kapag lumalampas na ako doon ay pinipigilan niya kaagad ako sa gagawin ko.
Alam kong mahal naman niya ako pero kahit pa pala nagka-amnesia siya ay hindi pa rin sapat na tuluyan ko nang makuha at puso, isipan at katawan niya.
“Wala na akong magagawa kundi ang pilitin siyang may mangyari sa amin. Ayokong sa oras na makita siya ng magkakapatid na ’yon ay wala pa kaming anak. Pero hindi ako papayag na magkita pa ulit sila. Hindi na niya pwedeng makita pa ang triplets at si Blair.” pinal at may diin kong sabi.
“Ang hirap ding patayin ng triplets na ’yon, ah? Hindi kami makalapit nina Cesar at Goyong sa kanila sa dami ng bodyguards na kasama nila sa Maynila. Hanggang ngayon ay desperado pa rin silang hanapin ka at si Adi.” nakangising sabi ni Kuya Jed sa akin.
Kada linggo ay umuuwi sila Kuya Jed at ang mga kamiyembro namin sa fraternity sa Maynila. Gusto man nilang balaking patayin sila Ahmed, Ahnwar at Ahzik ay hindi naman sila makalapit sa mga ito dahil sa dami ng bodyguards na nakabantay sa kanila at sa paligid ng bahay nila sa Maynila.
Pinaghahanap pa rin nila kami hanggang ngayon ni Aliyah at alam nilang ako ang huling kasama nito nang mawala siya.
Pagkatapos kong manigarilyo ay ngumiti lang ako kay Kuya Jed.
“Ako ang papatay sa kanila sa oras na kunin nila sa akin si Aliyah” seryoso kong sabi.
Mas lalo namang ngumisi si Kuya Jed.
“Ang balita ko ay kilala ni Governor Dean Sandoval si Ahmed Dela Vega na boyfriend ni Adi at totoong ama ni Blair. Paano na ngayon ’yan, Nikolai? Baka maging tulay pa si Governor Sandoval para makita ni Ahmed ang mag-ina niya.”
Sa sinabi ni Kuya Jed ay nagulat ako doon.
Kakilala ni Ahmed si Dean Sandoval?
Hindi
iyon
maaari
!
Salamat sa mga sumali sa fb group ko. May instant spoiler na kayo dito sa TTA. ☺︎︎
Chapter 28
Simula nang magtalo kami ni Francis sa fiesta sa bayan ng San Mariano ay hindi na niya ako pinapayagang lumabas dito sa loob ng bahay. Pareho kaming galit at may alitan sa isa’t-isa at hindi ko na magagawang magsorry dahil wala naman akong ginawang masama para magalit siya sa akin.
Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa pagkatao ko. Wala akong maalala kahit isang ala-ala noong kabataan ko. Basta’t nagising nalang akong nasa ospital ako pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa amin tatlong taon na ang nakakalipas.
Hindi man ako kumikibo o madalas na magtanong kina Francis o Kuya Jeddaih ay hindi naman ako tanga o manhid katulad ng iniisip nila.
Alam kong may itinatago sila sa akin at aalamin ko iyon.
Dahil nasa loob lang naman ako ng bahay ay naisipan ko na lang na maglampaso ng sahig namin. Nasa trabaho pa ngayon sa talyer si Francis at sinabi niyang gagabihin raw siya ng uwi dahil mag-oovertime sila ni Goyong na pandagdag kita rin ngayong araw.
Mas mabuti nang gabihin siya ng uwi dahil kung magkakasama lang kami sa loob ng bahay ng maaga pa ay baka mag-away at magkasagutan na naman kami.
Pagkatapos kong maglampaso ng sahig ay nagpahinga muna ako saglit saka naligo at nagbihis ng damit. Nang matapos na ako ay kaagad akong dumiretso sa maliit naming sala at nagbasa nalang ng english novel book ni Nora Roberts na may title na Stars of Fortune.
Habang nagbabasa ako ay nakarinig ako ng pagkatok sa gate mula sa labas ng bahay namin kaya sinara ko muna ang binabasa kong libro at tinungo ang labas para tignan kung sino ang dumating.
Napangiti ako nang makita si Cesar na nakangiti rin sa akin. Kaagad ko naman siyang pinapasok sa loob ng bahay namin.
“Bakit pala nandito ka pa? Hindi ka sumama kila Kuya Jeddaih sa Maynila?” tanong ko kay Cesar pagkaupo niya sa luma naming sofa.
“Oo, e. Dinalaw ko ’yung mga magulang ko sa kabilang baryo. Bukas pa ako uuwi ng Maynila.” sagot naman ni Cesar.
“Ganon ba. Gusto mo ba ng juice o snacks?”
“Tubig na lang.” nakangiting niyang sabi.
Tumango naman ako at nagpunta sa kusina para kumuha ng isang basong tubig. Nang makabalik na ako sa sala ay inabot ko na kay Cesar ang isang basong tubig at kaagad niya itong ininom. Umupo naman ako sa tabi niya.
“Nag-away ba kayo ni Francis? Nung nandito kami noong isang araw ay hindi kayo nagpapansinan.” tanong ni Cesar ng inilapag nito sa lamesa ang baso ng tubig niyang wala nang laman.
Bumuntong-hininga ako. “Nag-away nga kami. Nagselos na naman siya noong nagpunta kami ni Gelyn sa fiesta sa bayan ng San Mariano. Nagkasagutan kami dahil sa mga lalakeng tumitingin sa akin sa fiesta pati na rin ’yung pagkakakilala namin ni Governor Sandoval ay pinagselosan niya rin.” sabi ko at napailing nalang.
“Masaya ka ba kay Francis, Aliyah?”
Napahinto naman ako sa tanong ni Cesar.
Masaya nga ba ako kay Francis? Masaya naman ako dahil asawa ko siya at alam kong mahal na mahal niya ako pero nasasakal na rin ako masyado sa sobrang pagiging possessive at mahigpit niya sa akin na kahit kaunting kalayaan ko ay hindi pa niya maibigay.
Alam kong over-protective lang siya dahil sa aksidenteng nangyari sa amin noon pero hindi ko naman pababayaan at hahayaan ang sarili kong mapahamak ulit. Sana ay may tiwala siya sa akin dahil hindi ko naman iyon sisirain.
“Hindi ako lubos na masaya sa kanya, Cesar lalo na sa sobrang paghihigpit niya sa akin.” pag-amin ko.
Sumandal si Cesar sa head board ng sofa habang nakatitig ito ng mariin sa akin.
“May gusto ako sa’yo, Aliyah at alam mo ’yan. Hindi kami tuluyang nagkakasundo ni Francis nang dahil sa’yo at ayos lang naman ’yon dahil hindi ko rin hinihiling na makasundo ko siya.” pag-amin niya.
Matagal ko nang alam na gusto ako ni Cesar pero naging civil lang naman ang pakikitungo niya sa akin. Magkaibigan kami at siya ang pinakamalapit kong kaibigan sa mga kaibigan nila ni Kuya Jeddaih.
Hinagod ni Cesar ang itim niyang buhok gamit ang kanyang mga daliri na mukhang pinakulayan na niya mula sa kulay pula niyang buhok. Gwapo siya at moreno kaya imposibleng walang ibang babae ang nagkakagusto sa kanya.
“Kung ako ang naging asawa mo ay hinding-hindi kita paghihigpitan.” seryoso niyang sabi.
Mapait naman akong ngumiti. “Ganyan rin sana si Francis sa akin. Mahal ko siya pero sa ginagawa niya ay unti-unti nang lumalayo ang loob ko sa kanya.”
May pumatak na luha galing sa mga mata ko kaya kaagad ko itong pinunasan. Malungkot lang na nakatingin sa akin si Cesar hanggang sa ngumiti ito.
“Gusto mo bang magpunta tayo ngayon sa bayan ng San Mariano? Ililibre kita doon.” pag-anyaya niya na ikinatuwa ko naman pero nang maisip ko bigla na ayaw na akong palabasin ni Francis sa loob ng bahay namin at baka madagdagan pa ang alitin namin ay kaagad ring napawi ang tuwa ko.
“Gusto ko sanang lumabas, Cesar pero baka mag-away na naman kami ni Francis nang dahil sa-”
“Wala pa naman siya at alam kong gagabihin pa siya ng uwi sa trabaho niya. Bago mag-alas sais ng gabi ay uuwi na tayo kaya halika ka na, Aliyah at libangin mo ’yang sarili mo ngayong araw.” sabi ni Cesar at hinawakan niya ang kamay ko papalabas sa loob ng bahay namin.
Kinakabahan man ako sa pagsama sa kanya dahil baka makarating pa ito kay Francis ay nagpatangay nalang rin ako sa kanya. Gusto ko rin namang makapunta ulit sa bayan at aliwin ang sarili ko doon kahit papaano.
Sinara ko na ang gate naming gawa sa kahoy at kawayan at nang makalabas na kami ay kaagad kaming nagtungo ni Cesar sa paradahan ng mga tricycle.
Nakabihis lang ako ngayon ng maong shorts at puting t-shirt pero mabuti na lang at maganda ang damit na naisuot ko kahit papaano.
“Manong, dalawa po pabayan,” sabi ni Cesar nang makapasok na kami sa loob ng tricycle at inabot niya sa tricycle driver ang barya niyang pamasahe namin.
Ngumiti naman ang may katandaang tricycle driver sa amin at inumpisahan na nitong paandarin ang tricycle niya.
“Ang gandang binibini naman ng gerlpren mo, toy. Bagay kayo.” ani ng tricycle driver na ikinalaki ng mga mata ko.
Natawa naman ng mahina si Cesar sa sinabi ng tricycle driver habang ako ay umiling lang ng paulit-ulit.
“Nako! Manong, hindi ko po siya boyfriend. Magkaibigan lang po kami.” pagtanggi ko pero si Cesar ay nanatili pa ring nakangiti na mukhang natutuwa pa at pinagkakamalan kaming magkarelasyon.
“Neng, walang masama kung aminin mo na magkarelasyon kayo nitong si totoy. Kegwapo ng batang ito at imposibleng hindi mo ito nobyo.” malisyosong sabi pa ng tricycle driver habang nasa biyahe kami.
Nanlaki ulit ang mga mata ko sa sinabi ng tricycle driver saka tinignan si Cesar na tumawa lang sa ekspresyon ko.
“Manong, hindi po talaga kami magjowa ng magandang babaeng ’to dahil may asawa na po siya.” magalang na saad ni Cesar sa tricycle driver.
Mukha namang nahiya ang tricycle driver sa amin dahil sandali itong napakamot sa batok niya habang nagmamaneho pa rin ng sinasakyan naming tricycle.
“Ay? Ganoon ba? Pasensya na sa inyo. Bagay kasi kayong pagmasdang dalawa at ang akala ko ay magkarelasyon kayo. Pasensya na talaga mga anak.” paumanhin ng tricycle driver sa amin.
“Okay lang po ’yon, manong. “ sabi ko naman at ngumiti nalang.
Hindi na nagsalita si Cesar pero nananatili pa rin ang mga ngiti nito hanggang sa makarating na kami sa bayan ng San Mariano.
Nang makababa na kami sa loob ng tricycle ay kaagad kong iginala ang tingin ko sa kabuuan ng magandang bayan namin. Maraming mga tao ang nandito ngayon at hindi pa rin natatanggal ang mga nakasabit na banderitas sa itaas ng mga poste kahit tapos na ang fiesta ng San Mariano.
“Gusto mo ba munang kumain o libutin na muna natin ’tong bayan?” tanong sa akin ni Cesar.
“Maglibot muna tayo.” nakangiti ko namang sabi.
Tumango naman si Cesar sa sinabi ko at nilibot na nga namin ang bayan. Pangalawang beses na ako nakaka-apak dito at hindi ko talaga mapigilang hindi mamangha nang makita ang iba’t-ibang klase mga establisyimento, mga kainan, mga bilihan ng damit at sapatos at iba’t-iba pang stores na wala sa lugar na kinagisnan ko sa baryo namin.
Pinuntahan rin namin ang plaza at mini park ng bayan. Lahat ng taong nandito sa bayan ay masaya at nagkakatuwaan sa kani-kanilang mga ginagawa.
Napadako naman ang tingin ko sa isang pamilya na nasa mini park at nagpi-picnic sila sa may lilim ng puno.
Karga ng isang mukhang teenager pang babae ang isang batang mukhang nasa isa o dalawang taong gulang pa lamang samantalang ang lalake namang kasama nila na kaedad rin siguro ng babae ay abala sa pagpapaypay sa kanila dahil sa init ng panahon ngayon dito sa bayan.
Habang pinagmamasdan ko sila ay bigla nalang sumikip ang dibdib ko. Para bang gusto ko nalang maiyak at hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Napansin naman ni Cesar na nakatingin ako sa pamilyang iyon kaya tinignan niya rin ito. Bigla siyang natahimik habang nakatingin sa kanila.
“Cesar, a-ang saya ng pamilya nila, no?” mahina kong sabi habang pinagmamasdan pa rin ang pamilyang tinitignan namin sa kalayuan.
Hindi naman sumagot si Cesar sa sinabi ko at kaagad niya nalang akong hinila papalayo sa pwesto namin.
Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit parang bigla nalang akong nalungkot nang makita ko ang pamilyang iyon?
“Kain na lang tayo. Nagugutom na ako.” nakangiting pagyaya ni Cesar nang hinila niya ako at dinala sa mga stalls ng iba’t-ibang klaseng mga street foods sa gilid lang ng mini park.
Nakakakain naman ako ng mga street foods dahil minsan ay dinadalhan ako nito ni Francis sa tuwing umuuwi siya galing sa trabaho niya. Paborito ko ang kwek-kwek at fish balls at gusto ko rin iyong matamis at maanghang na sawsawan nito.
“Libre ko na ’to kaya kumuha ka lang ng gusto mo.” sabi ni Cesar nang inabutan niya ako ng barbecue stick para ipantuhog sa mga niluluto ni Manong tindero na fish balls, kikiam, squid balls at kwek-kwek na nakasalang pa sa malaking kawali ng food stall nito.
“Salamat!” pasasalamat ko naman at nag-umpisa nang mamili ng kakainin ko.
Habang kumakain kami ni Cesar sa gilid ng food stall ni Manong tindero ay nagulat ako nang makita si Governor Sandoval na naglalakad habang nakapamulsa dito sa mini park. May kasama itong isang gwapo at matangkad na lalake na sa tingin ko ay kapatid o kamag-anak niya dahil kahawig niya ito.
Lahat ng mga taong nakakakita kay Governor Sandoval at sa lalakeng kasama niya ay binabati sila. Si Governor Sandoval naman ay magalang na bumabati rin sa mga ito samantalang ang lalakeng kasama niya ay tila wala yatang pakialam sa paligid niya at tahimik lang ito.
Dahil malapit lang kami ni Cesar kina Governor Sandoval ay kaagad niya kaming napansin sa pwesto namin. Binati pa siya ni Manong tindero na binati rin naman niya.
Napangiti siya nang makita ako samantalang ang lalake namang kasama niya ay tila nakakita yata ng multo pagkakita sa akin.
“Aliyah, you’re here.” ani Governor Sandoval saka nito sinulyapan saglit si Cesar.
“Hello,” nahihiya ko namang sabi kay Governor Sandoval saka muling tinignan ang lalakeng kasama niya na titig na titig sa akin.
“Maaga ba kayong umalis ng asawa mo sa plaza the last time we’ve met?” tanong ni Governor Sandoval.
“A-ah, oo. Gusto niya na kasi kaming umuwi kaagad.” sagot ko nalang at hindi na tinignan pa ang lalakeng kasama niya dahil sa pagkailang na nararamdaman ko rito.
“That’s why hindi ko na kayo nakita after kong makausap ang mga kaibigan niyo. Anyway, he’s my brother, his name is Dawson.” pagpapakilala ni Governor Sandoval sa lalakeng kasama niya.
Napilitan naman akong tignan ang lalake at ngumiti ako sa kanya. “Ikinagagalak kong makilala ka.” sabi ko.
Ilang minuto pa akong tinignan ng mariin ni Dawson bago ito tumango at nginitian rin ako. “It’s nice to meet you, too.” aniya saka nito tinignan si Cesar na nakatingin naman ng seryoso sa kanya.
“Is he your friend, Aliyah?” tanong ni Governor Sandoval saka nito itinuro si Cesar.
Tumango naman ako. “Kaibigan siya ng asawa ko.” sagot ko.
Napansin ko na mukhang nagulat si Dawson sa sinabi ko. Hindi rin yata siya makapaniwalang may asawa na ako dahil mukha pa rin daw akong teenager sabi ni Gelyn kahit nasa 24 years old na ako.
“Kaibigan nga ako ng asawa ni Aliyah. Ako po pala si Cesar.” sabi naman ni Cesar kay Governor Sandoval na nginitian siya.
“Ngayon lang ako nakakita na ipinapasyal ang asawa ng kaibigan niya nang silang dalawa lang. Hindi ba magagalit ang asawa mo niyan, Aliyah?” tanong sa akin ni Governor Sandoval na hindi ko kaagad nasagot dahil sa pagkabigla.
Tumiim-bagang naman si Cesar sa sinabi ni Governor Sandoval at mukha itong nainsulto doon. “Magkaibigan lang kami ni Aliyah at walang malisya ’tong lakad naming dalawa, Governor.” seryosong saad niya kay Governor Sandoval.
Tumango lang si Governor Sandoval sa sinabi ni Cesar at ngumiti pa ito nang mas malawak.
“Dapat lang. By the way, aalis na pala kami ng kapatid ko dahil may pupuntahan pa kami, Aliyah and Cesar. Thanks for our short chit chat here. We will see each other soon. Enjoy your food, guys!” paalam niya sa amin.
“Sige. Ingat kayo.” sabi ko nalang.
Tumango lang si Governor Sandoval sa sinabi ko at pagkatapos ay naglakad na sila paalis ni Dawson na muli pa akong sinulyapan bago ito tumalikod sa amin ni Cesar.
Nang mawala na sa paningin namin ang dalawang magkapatid ay biglang nagmura ng mahina si Cesar na hindi na itinuloy ang pagkain niya at itinapon na kaagad ito sa may basurahan.
“Narinig mo ba ’yung sinabi ng Governor na ’yon sa atin kanina, Aliyah? Iniisip pa niyang sinusulot kita kay Francis dahil lang sa niyaya kitang lumabas dito sa bayan?” Inis na sabi ni Cesar at tumiim-bagang ito.
“Hayaan mo na lang, Cesar.” tangi kong nasabi dahil maging pati ako ay hindi rin nagustuhan ang sinabi kanina ni Governor Sandoval kay Cesar.
“At ’yung kapatid niya? Grabe kung makatingin sa’yo. Kulang nalang ay kainin ka niya ng buhay sa klase ng mga tingin niya. Naiintindihan ko na ng lubos kung bakit tinatago ka ni Francis sa ibang tao at kung bakit pinagseselosan niya rin ’yang Governor na ’yan!” sabi niya at umiling ito.
“Umuwi na nga tayo bago pa mag-alas sais ng gabi.” pagyaya ko nalang kay Cesar nang maubos ko na ang kinakain ko.
“Mabuti pa nga. Nasira lang ang araw ko dahil sa magkapatid na ’yon. Takte talaga. Mga malisyoso ang mga lintik!” umiling ulit si Cesar hanggang sa umalis nalang kami sa mini park at nagpunta na sa paradahan ng tricycle sa may palengke para makauwi na sa baryo namin.
Nang makasakay na kami ni Cesar ng tricycle ay bigla kong naalala si Dawson.
Hindi ko alam pero tila pamilyar siya sa akin at parang nakita ko na siya noon pa.
Posible bang nakita niya na rin ako
noon
dahil mukhang nagulat siya nang makita ako?
Chapter 29
Third Person’s Point of View
“Kuya, that’s her. Am I right?” tanong ni Dawson sa kanyang nakatatandang kapatid na si Dean.
Tumango naman si Dean habang iniinom nito ang hawak niyang wine.
“Then we should tell this to Ahnwar. Matagal na nilang hinahanap si Jianna at-”
“I know what I’m doing, Dawson. Hindi mo ako kailangang pangunahan sa mga dapat kong gawin. I have plans and of course, I will help them to reunite with the girl they’d love.” seryoso namang saad ni Dean.
Dawson sigh. “We see how much they suffered simula nang mawala si Jianna Adiel. Si Ahnwar ay napapabayaan na ang sarili niya sa patuloy pa ring paghahanap kay Jianna. Don’t be a jerk too, kuya. I can see that you like her but she has a family who’s still waiting for her return.” mariin niyang sabi dahilan para matahimik doon si Dean.
Dawson know him so well. Kaagad nitong napansin ang pagiging interesado niya kay Aliyah simula nang una niya itong makita. Alam niya ring ito ang babaeng hinahanap ng kaibigan niyang si Ahmed at hinahanap rin ng mga kapatid ni Ahmed na sina Ahnwar at Ahzik.
Adi changed her identity from Aliyah at nakita rin niya ang asawa nitong si Francis na ang totoong katauhan ay si Nikolai Mijares.
Sa San Mariano lang pala sila nagtatago at kaya hindi rin sila mahanap ng triplets ay dahil sa pag-iiba ng pangalan at katauhan ng mga ito.
Wala talagang sikreto o lihim na hindi nabubunyag. Kaya pala sinabi sa kanya ni Aliyah na hindi siya pinapayagang lumabas ng asawa niya ay para itago siya nito mula sa triplets at sa mga awtoridad na pinaghahanap pa rin sila hanggang ngayon.
“Hindi ko tatraydurin si Ahmed, Dawson. Kaibigan ko na ’yung tao at hindi ko ipagkakait sa kanya ang kaligayahan na gusto niya kasama ang ina ng anak niya. Same with Ahnwar and Ahzik so don’t worry.” ngumiti ng malungkot si Dean na ikinahinga naman ng maluwag ni Dawson.
“I know you like her, kuya but she deserves a true happiness from her real world.” huling sinabi ni Dawson bago siya nito iwan sa balcony ng kwarto niya.
Hinawi nalang ni Dean ang magulo niyang buhok at inubos na ang iniinom niyang wine.
So, this is the feeling if you like someone, huh? You can’t get her out of your mind and you’re always thinking her.
Dean had a lot of girlfriends before. Sino ba namang babae ang tatanggi sa kanya? He had a serious and play thing relationships pero hindi pa siya nai-inlove sa isang babae.
He’s only infatuated sa mga naging past girlfriends niya. They are all beautiful, sexy, rich and educated pero wala siyang nagustuhan ni isa sa mga iyon. Nagugustuhan lang niya ang mga ito dahil magaling sila sa kama. Only lust can satisfy his needs from them.
But now were different. Hindi niya alam kung bakit noong unang araw pa lang niyang makita si Aliyah sa fiesta ng San Mariano at kinukulit ito ni Iverson Monteclaro ay kaagad nang napukaw ang atensyon at interes niya sa babae.
She is beautiful just like her ex-girlfriends sa Maynila at wala namang espesyal rito pero siguro ay may kung ano rin kay Aliyah kung bakit nagustuhan ito ng Dela Vega Triplets at ng dumukot sa kanya na si Nikolai Mijares.
He doesn’t believe in witchcraft but he thinks that Aliyah cast a spell on him and it’s very funny to him to believe that kind of myth.
Limang taon na siyang Gobernador ng San Mariano at maaga niyang pinalitan ang kanyang ama na si former Governor Domitillo Sandoval mula nang mamatay ito limang taon na rin ang nakakalipas dahil sa sakit nito sa puso.
Siya ang panganay kaya siya na ang pumalit sa pwesto ng naiwan niyang ama. Sa edad niyang labin-dalawang taong gulang ay namulat na siya sa maruming larangan at laro ng politika.
Nasasanay na rin siya sa ganoon dahil maging pati siya ay minsan nang gumagamit nun para lang mas maging makapangyarihan at mas nakatataas pa siya. He likes the respect and admiration that they’re giving to him and yes, he’s not a saint at all.
Ang kapatid naman niyang si Dawson ay naninirahan ngayon sa mansyon nila sa Maynila kasama doon ang ina niyang si Gratilda Sandoval na iniwan na muna ang probinsya ng San Mariano para makalimot ito sa pagkamatay ng kanyang ama.
He studied a Business Management course in Far Eastern University but he ended up being a young Governor in province of San Mariano. Wala naman siyang reklamo doon dahil sa ngayon ay nagugustuhan niya ang pagiging Gobernador ng San Mariano.
Kaagad nang nagtungo si Dean sa loob ng kanyang kwarto at hinubad ang suot niyang itim na longsleeve t-shirt. Kakatapos lang nilang puntahan ni Dawson ang uncle Quentin nila na humihingi ng permit sa kanya para sa ipapatayo nitong ospital na malapit sa bayan ng San Mariano.
Kinuha niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa bedside table at tinawagan ang business partner niya sa Electronics company ng Dad nito at naging kaibigan na rin niyang si Ahmed.
He likes Aliyah but as Dawson said, she deserves a true happiness from her real world. Adi and the Dela Triplets suffered too much and they deserve to be happy.
“Hello, Ahmed? Can you go here in San Mariano? Please bring Ahnwar and Ahzik, too.”
Kyrie
Warning: SPG
“Oh fuck.. Ky! Don’t stop…” ungol ni Trina habang nasa itaas ko siya at binabayo ko siya ng mabilis.
I’m sucking her breast while playing the other one using my left hand. She’s really good in bed like what I’d expected.
“Shit.. Ahh…” I moaned then I change our position at ako na ang nasa ibabaw ni Trina.
Mas lalo pa akong nagnasa sa kanya nang makita ang tumatalbog niyang malulusog na dibdib sa harapan ko habang binabayo ko siya.
Nginisian ko lang siya habang siya naman ay halos tumirik na ang mga mata dahil sa sarap na nararamdaman.
Yesterday, I fucked Iska, Adi’s friend and now, I’m fucking my ex-girlfriend because she seduced me again last night at the bar.
Sila ang gumagawa ng first move sa akin at sino ba naman ako para tanggihan sila? They are good at satisfying me in bed plus nakakalimutan ko nang panandalian ang pangungulila ko sa mahal kong si Adi dahil sa kanila.
I have no rights to her dahil hindi naman naging kami pero tatlong taon na ang nakakalipas at siya pa rin ang mahal ko at ang tanging babaeng hinahangad ko.
I can fuck all the women I want but Adi alone can fullfil me especially on what I feel about her.
Ahmed and his brothers steal her away from me. They are traitor bastards!
Habang nakatitig ako sa magandang mukha ni Trina ay biglang naging imahe na ng mukha ni Adi ang nakikita ko.
Mas lalo pa yata akong ginanahan doon dahil binilisan ko pa lalo ang pagbayo ko at muli kong isinubsob ang mukha ko sa naglalakihang dibdib ng babaeng katalik ko ngayon. Hinalikan at pinaglaruan ko ang mga dibdib niya gamit ang labi at dila ko.
“Ahh! Baby.. You’re so good.. ohh…” she moaned.
“Fuck! Ahh…” ungol ko naman dahil ramdam kong malapit na akong labasan.
Nagulat nalang ako nang biglang umalis si Trina sa ibabaw ko at inilagay niya ang paglalake ko sa malulusog niyang dibdib.
I smirk when she turned to slid her two mountains in the middle of my proud manhood. Nang nasa sukdulan na ako ay itinutok ko ang paglalake ko sa bibig ni Trina.
“Ito na ako. Shit! Ahh…”
She smiled at me nang tuluyan na akong nilabasan at nilunok niya lahat ang katas ng pagkalalake ko. Dinilaan pa niya ang ibabang labi niyang may bakas pa ng iilang katas ko.
She’s just one of my sluts and I enjoyed her today.
Pagkatapos naming magtalik ni Trina ay niyakap niya ang pawisang likuran ko at panaka-nakang hinahalikan ang leeg at balikat ko.
“Kyrie, let’s get back together. I realized that I love you. If you want, we can have a sex everyday.” Trina said desperately to me.
I chuckled. “How about Ahmed? You like him, right?” bulong ko sa tenga ni Trina habang minamasahe ang dalawang dibdib niya.
She moaned habang nagsasalita siya. “I have no hopes for Ahmed. May anak na siya at mahal na mahal niya ’yong malanding babaeng nagustuhan mo rin noon. All I want is you, Kyrie.”
She suddenly kissed me so I return the favor. Mapusok at malalim ang halikan namin hanggang sa inihiga ko ulit siya sa kama ko at inumpisahang halikan ang leeg at dibdib niya.
She grabbed my crotch at tinaas-baba ang pagmamasahe nito. Nagsisimula na naman itong tumigas at mas lalo pa akong na-turn on sa kanya.
Si Trina na mismo ang nagpasok ng pagkalalake ko sa pagkababae niya kaya hindi na ako nakatanggi pa at muli akong bumayo sa ibabaw niya.
We moaned in pleasure and enjoying our second round hanggang sa tuluyan akong labasan sa loob niya. She said that she’s taking pills dahil ayaw rin niyang mabuntis kaya malakas ang loob kong putukan siya.
“Walang hiya kang babae ka! Nilalandi mo na naman ang boyfriend ko!”
Natigil kami sa paghahalikan ni Trina nang hindi namin namalayang nakapasok na pala si Iska sa loob ng kwarto ko saka niya hinila si Trina paalis sa kama ko at sinabunutan ang buhok nito.
Napamura naman ako at kaagad nagsuot ng boxer kong nakakalat sa sahig. Inaawat ko si Iska sa ginagawa niyang pagsabunot kay Trina na napasigaw na sa sakit nang dahil sa ginagawa nito.
“Alam mong may girlfriend na ’yung tao pero nilalandi mo pa rin?” galit na sigaw ni Iska kay Trina na tumitili pa sa ginagawa niya. Sinampal niya si Trina at isinubsob ang mukha nito sa edge ng kama ko.
“You bitch! Kyrie is not your boyfriend! He’s only using your body. Arghh! Stop what you’re doing to me!” Pagtili naman ni Trina na patuloy pa ring nagpupumiglas sa ginagawa sa kanya ni Iska.
Hinila ko na ng buong lakas ang bewang ni Iska at tuluyan ko na siyang nailayo kay Trina. Nagmadali namang tinakpan ni Trina ang hubad niyang katawan gamit ang kumot ko.
Bigla akong sinampal ni Iska na ikinatiim-bagang ko nalang.
“Ano ’to, Kyrie? Pagkatapos nang ilang beses na may nangyari sa atin ay nagpapaakit ka pa rin sa malanding babaeng ’to?” sigaw niya sabay turo kay Trina na inaayos ang nagulo nitong buhok gawa ng pagkakasabunot sa kanya ni Iska.
Ngumisi naman ako sa inis. “Iska, alam mo na sa una palang ay hindi na ako seryoso sa’yo. You’re not my girlfriend, too kaya-”
Nakatanggap na naman ako ng isang sampal mula sa kanya. Tuluyan na siyang umiyak sa harapan ko habang nakatingin ng masama sa akin.
“Kyrie, mahal kita at ikaw lang ang lalakeng nakakuha ng katawan ko. Please naman, tigilan mo na ang babaeng ’yan at tayo nalang dalawa ang magsama…” umiiyak niyang sabi.
“I love Kyrie, too at hinding-hindi ko siya isusuko sa’yo, bitch!” sabi naman ni Trina na nakatingin ng masama kay Iska.
Seriously? Ano bang hindi mahirap na intindihin sa sinabi ko noon pa lang sa kanila? They know that I’m a playboy and I don’t commit serious relationship unless it’s Adi.
Sinabi ko na kina Iska at Trina sa umpisa palang na ayoko ng seryosong relasyon at tinanggap naman nila ang set-up naming iyon but right now, they fell in love with me at sakit sa ulo lang ang ibinibigay nila sa akin.
I used Iska dahil ang akala ko ay may impormasyon akong makukuha sa kanya tungkol sa pagkawala ni Adi dahil magkaibigan sila pero wala rin siyang alam kung nasaan ito. I’m not serious with her and she knows that.
I even fucked her neighbor and best friend named Agatha nang magpunta kami sa bahay nila to celebrate her birthday.
Agatha seduce me that time at si Iska naman ay nakatulog na sa kalasingan nun dahil sa dami niyang nainom na beer nang mag-inuman kaming tatlo sa bahay nila.
Agatha and I fucked each other inside Iska’s bedroom and she’s really good at sucking my manhood. Walang kamalay-malay si Iska na nakatulog na sa sala nila noon na inaakit na pala ako ng best friend niya at may nangyari sa amin.
Girls can’t resists my handsome face, masculine body, sex appeal and charm. Kung may ipagpapasalamat man ako sa ama kong gago at babaero, iyon ay ang magandang lahing nakuha ko sa kanya.
“Girls, you know that I don’t commit a serious relationship. Sinabi ko na ’yan sa inyo noong umpisa palang at pumayag kayo doon.” nakangisi kong sabi kina Iska at Trina.
“But Kyrie, I’ve fell in love with you and I want you again, baby…” Trina said na may nangingilid ng luha sa mga mata niya.
“Mahal na mahal din kita, Kyrie. Hindi ko na kayang mawala ka sa akin…” umiiyak namang sabi ni Iska at niyakap niya ako.
Natawa nalang ako dahil hindi naman ito ang unang beses na may babaeng umamin ng nararamdaman nila para sa akin. There’s so many of them and all of them was my fuck buddies and playtime.
I know in my heart who I love at hinihintay ko lang siyang dumating ulit sa buhay ko.
Lumayo ako kay Iska at kinuha na lang ang vape ko sa cabinet. Habang nagve-vape ako ay natatawa ko nalang na pinagmamasdan sina Iska at Trina na nakatingin pareho ng masama sa isa’t-isa.
“After niyong mag-away dyan ay lumabas na kayo dito sa kwarto ko habang wala pa si Mom.” sabi ko at tuluyan na silang iniwan sa loob ng kwarto ko.
Girls are girls. Alam na ngang pinaglalaruan at ginagamit ko lang sila ay umaasa pa rin sila na magbabago at magtitino ako. Hindi ko na kasalanan kung na-inlove sila sa akin. It’s their problem anymore.
And about Adi, once I see you again ay ikaw naman ang paparusahan at pahihirapan ko dahil sa ginawa mong pagpili sa traydor kong bestfriend at sa mga kapatid niya kaysa sa akin.
Mahal kita, Adi pero sinaktan mo lang ang damdamin ko!
I will torture you in bed hanggang sa tuluyan ka nang mabaliw sa sakit at sarap nang dahil sa akin.
Chapter 30
Dedicated to @Cathybitchy for winning 4th place in
Ajai_Kim Readers
group activities.
Nandito ako ngayon sa bahay nila Gelyn dahil birthday celebration ng kapatid niyang kambal na sina Edmond at Emir. Hindi naman mawawala sa tabi ko si Francis na kung todo naman ang pagbabakod sa akin dahil may iilang mga kaklase at kaibigang lalake ang kambal na birthday celebrant na inimbita rito.
Napapalingon lang ang mga kaibigan ng kambal sa akin ay kaagad na itong sinasamaan ng tingin ni Francis. Dahil ayoko nang magtalo pa kami ay hindi ko na siya pinupuna sa ginagawa niya. Gusto kong maging payapa lang ang gabi naming ito na walang away o pagtatalo na mangyayari sa amin.
“Kain lang kayo. Maraming pang handa sa loob ng kusina. Kung gusto niyo ay mag-uwi kayo mamaya.” nakangiting sabi ni Gelyn habang inilalatag niya sa lamesa namin ang isang bilao ng pancit bihon at biko. Naglapag rin ito ng buko juice na nakalagay sa isang pitsel.
“Salamat, Gel! Ngayon ay makakakain na rin kami ng disenteng pagkain hindi iyong puro de lata at noodles na lang sa kampo namin sa Maynila ang kinakain namin.” nakangising sabi naman ni Joven na isa sa mga kaibigan nila Francis at Kuya Jeddaih.
“Ngayon lang ’to dahil birthday nina Edmond at Emir kaya sulitin niyo na.” sabi ni Gelyn at tumalikod na ito sa amin para magpunta sa kusina nila.
Kasama ko ngayon sa iisang table sila Francis, Kuya Jeddaih, Goyong, Cesar, at Joven habang nasa kabilang table naman ang iilang mga kaibigan nila.
Nag-iinuman kami ngayon sa labas ng bahay nila Gelyn at ang kambal niyang kapatid ay kasama ang mga kaibigan nila. Kaunti lang rin ang iniinom ko dahil si Francis na ang umiinom ng ibang tagay ko. Ayaw niya kasi akong tuluyang malasing.
Nasa ibang table naman sina Edmond at Emir na kasama ang mga kaibigan nilang inimbita nila.
“Francis, natural lang naman sa mag-asawa ang may hindi pagkakaunawaan nang dahil sa selos pero dapat ay pagkatiwalaan mo rin si Aliyah. Hindi naman ’yan mangangaliwa sa’yo dahil ikaw ang mahal nyan.” sabi ni Kuya Jeddaih habang binibigyan nito ng tagay si Cesar na sandaling sumulyap sa akin.
Noong ipinasyal ako ni Cesar sa bayan ng San Mariano ay hindi naman iyon nalaman pa ni Francis dahil mga alas nuebe ng gabi na rin ito nakauwi sa bahay namin at wala namang itinanong sa akin. Nagpatuloy lang ang araw namin at ngayon ay medyo maayos na rin kami ni Francis.
“Alam ko naman ’yon, Kuya Jed. Protective lang ako sa kapatid mo dahil sa aksidenteng nangyari sa amin noon.” sagot naman ni Francis habang nakangiti at namumungay na rin ang mga mata niya tanda ng lasing na ito.
“Kung sa bagay,” nagkibit-balikat si Kuya Jeddaih at nagpatuloy nalang ito sa pag-inom niya.
Nag-usap na sila ng ibang topic at dahil hindi ako makarelate doon ay nanahimik na lang ako sa tabi ni Francis na panaka-naka pang hinahalikan ang pisngi at noo ko habang nasa harapan namin si Cesar na sumusulyap sa amin habang kinakausap siya nina Kuya Jeddaih at Joven.
“Cesar, hindi mo man lang ba pagbibigyan si Ida sa date na hinihingi niya sa’yo? Matagal ka ng gusto nang kapatid ko kaya pagbigyan mo naman, oh?” sabi ni Joven kay Cesar na natuon na ang atensyon sa kanya.
May gusto ang kapatid ni Joven kay Cesar? Sa bagay ay talaga namang gwapo at matipuno si Cesar. Kahit sinong babae ay magkakagusto sa kanya dahil mabait at gentleman pa siya.
“Joven, hindi ko gusto si Ida at kung i-dedate ko siya ay paaasahin ko lang siya sa wala.” sagot naman ni Cesar.
“Huwag mong sabihing hindi ka pa rin nakaka move-on kay Aliyah? Asawa na ’yan ni Francis kaya-” eksahero pang sabi ni Joven na kaagad pinutol ni Cesar.
“Hindi ko lang talaga gustong makipag-date sa kapatid mo. Huwag ka ngang malisyoso diyan!” biglang tumayo si Cesar na nasa tabi ni Kuya Jeddaih at kaagad na itong umalis sa pwesto namin. Mukhang na-bad mood yata sa sinabi ni Joven.
“Joven naman! Bakit kailangan mo ’yung sabihin kay Cesar?” umiiling na sabi ni Goyong habang nagkakamot ito ng batok. Si Joven na tumawa lang.
“Sorry naman.” paumanhin ni Joven pero tumatawa pa rin ito.
Nang tinignan ko si Francis ay nakatiim-bagang na ito at mariin na ang titig sa hawak niyang shot glass ng iniinom niyang alak.
Bumuntong-hininga na lang ako at nagpaalam munang magbabanyo sa pangalawang cr nila Gelyn sa labas ng bahay nila.
Sasamahan pa sana ako ni Francis doon pero tumanggi ako. Sinabi kong babalik rin ako at kaagad nang umalis kaya hindi na niya ako sinundan pa.
Nadaanan ko pa ang isang table na kung saan ay nandoon rin ang iilang mga kaibigan ng kambal na nag-iinuman at nagkukwentuhan.
Sumipol ang isang lalake nang dumaan ako sa gilid nila kaya kaagad akong nakaramdam ng pagkahiya doon. Titig na titig ang mga kasama nilang lalake sa akin habang ang mga babae naman ay napansin kong inirapan ako at inismiran.
Nagmadali nalang akong maglakad hanggang sa nakarating na ako sa banyo nila Gelyn.
Pagkatapos kong gumamit ng cr ay muntik pa akong mapatalon sa gulat nang nasa labas na pala ng cr si Cesar na nakapamulsa sa suot niyang longsleeve jacket at mukhang hinihintay niya ako.
“Cesar, may kailangan ka ba?” tanong ko sa kanya.
“Mag-usap tayo sa labas. Saglit lang.” sabi niya at kaagad nang hinila ang isang kamay ko para dalhin ako sa labas ng bahay nila Gelyn.
Malamig ang simoy ng hangin ngayon dahil alas diyes na ng gabi. Nakikita rin namin ngayon ang maliwanag na buwan dahil full moon ngayon at ang iilang mga kumikinang na bituin sa langit.
Napakapayapa ng gabi ngayon dito sa San Mariano at ang mga kabayahan sa may kalayuan sa amin ay patay na ang mga ilaw tanda na natutulog na ang mga tao sa kani-kanilang mga bahay.
“Aliyah, ayoko mang sabihin sa’yo ’to pero narinig ko kahapon ang pag-uusap nina Kuya Jed at Francis. May plano na si Francis na manirahan kayo sa ibang lugar na malayo dito sa San Mariano.” malungkot na sabi ni Cesar na siyang ikinagulat ko.
“Talaga? Pero paano ’yon? Hindi ko kayang iwanan ang San Mariano, Cesar. Nandito si Gelyn at nandito na rin ang buhay ko. Ayoko nang lumayo pa sa lugar na ’to…” nag-aalala ko namang sabi.
“Gusto ni Francis na itago ka sa ibang tao dahil natatakot siyang..” bigla ay hindi na naituloy ni Cesar ang sasabihin niya na ikinakunot ng noo ko.
“Dahil natatakot siyang? Ano, Cesar?” tanong ko.
Umiling naman si Cesar at napasabunot ito sa buhok niya.
“N-natatakot lang siya na kapag nakakilala ka ng iba pang tao ay hindi na sa kanya mababaling ang buong atensyon mo. Ngayon nga ay pinagseselosan niya si Governor Dean Sandoval, hindi ba? Alam mo kung gaano kapossessive si Francis sa’yo at ang ilayo ka sa mas malayong lugar ang tangi niyang paraan para tuluyan ka na niyang ikulong sa mundo niya.”
Napapikit naman ako sa matinding pag-iisip. Hindi ako papayag na makalayo dito sa San Mariano. Tinanggap ko nang nandito ang buhay ko at ayokong iwanan pa ang malalapit kong kaibigan kabilang na doon si Gelyn.
Nagmulat ako. “Kukumbinsihin ko si Francis na hindi kami aalis dito sa San Mariano. Hindi rin ako papayag sa gusto niyang mangyari. Salamat at sinabi mo sa akin ’to, Cesar dahil kung hindi ay hindi ko pa malalaman ang pinaplano niya.” nanghihina kong sabi.
Hinawakan ni Cesar ang isang kamay ko at tinitigan ako ng seryoso. “Aliyah, may gusto lang sana akong sabihin sa’yo.” seryoso niyang ani.
“Ano ’yon?”
Akmang magsasalita na sana siya nang bigla itong bumagsak sa lupa na ikinagulat ko. Hindi ko namalayan na sinuntok na pala siya ni Francis na nasa harapan na namin.
“Gago ka! Wala kang karapatang manghimasok sa mga plano ko para sa amin ni Aliyah!” sigaw ni Francis kay Cesar at akmang aamba pa sana ito ng suntok nang napigilan na siya ng mga dumating na sila Kuya Jeddaih at ang iba pa nilang mga kaibigan.
Si Joven ay itinayo na si Cesar mula sa pagkakabagsak nito sa sahig. Matalim na ang mga tingin ni Francis kay Cesar na ganoon rin sa kanya habang nakasapo ito sa panga niyang nasuntok nito.
“Sinabi ko lang kay Aliyah na ilalayo mo siya sa San Mariano. Bakit? Dahil natatakot kang mabaling ang atensyon niya sa-”
“P*tangina mo, Cesar! Itikim mo ’yang bibig mo hangga’t nakakapagpigil pa ako ng galit ko sa’yo.” madiing banta ni Francis na mukhang hindi naman ikinatakot ni Cesar.
Tumawa ito ng sarkastiko.
“Maaaring asawa mo ngayon si Aliyah pero nakakasigurado ka bang ikaw na talaga hanggang sa huli? Francis, alam niyong lahat na may pagtingin pa rin ako kay Aliyah pero tinanggap ko nalang ang relasyon niyong dalawa para maging masaya siya. Nagpaubaya ako sa’yo dahil mahal ko siya at sa tingin ko ay ikaw ang magpapasaya sa kanya pero ano ’tong ginagawa mo?” seryoso niyang sabi na ikinatahimik naman ni Francis.
Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko at kaagad akong dinaluhan ni Gelyn na kadarating lang kasama si Goyong. Napansin na yata nila na nagkakagulo na dito sa labas ng bahay.
“Iniintindi ka niya, Francis! Kahit nasasaktan na siya sa paghihigpit mo sa kanya ay nandyan pa rin siya sa tabi mo. Tapos ngayon ay mas ilalayo mo pa siya para lang hindi siya mapagtuunan ng pansin ng ibang tao? Makasarili ka! Iniisip mo lang ang sarili mo noon palang kahit tutol na tutol ako sa ginawa mo!” sumigaw na rin sa galit si Cesar na pilit pinapakalma ni Joven na nasa tabi niya.
“Ginagawa ko ’to dahil mahal ko siya-”
“P*tangina mo rin at sa pagmamahal mo! Kung ilalayo mo si Aliyah sa amin ay ’wag mo akong susubukan, Francis.” pagbabanta ni Cesar na ikinagulat naman nila Kuya Jeddaih at ng mga kaibigan niya.
Maging pati sina Gelyn at Goyong na nasa tabi ko ay nagulat rin sa sinabi ni Cesar.
Napansin ko naman sina Edmond at Emir na dumudungaw sa amin at ang iilang mga kaibigan nito. Maging pati sila ay narinig na ang pagtatalo nina Francis at Cesar sa direksyon namin.
Naiinis na hinawi ni Francis ang kanyang buhok at nagbuga ito ng malalim na paghinga. “Anong karapatan mong sabihin sa akin ’yan, Cesar? Ako ang asawa ni Aliyah at baka nakakalimutan mo ’yon?” sarkastiko niyang tanong.
Hindi ko na kinaya pa ang pagtatalo nila. Kaagad na akong umalis at tumakbo papaalis. Narinig ko pang tinawag nina Francis at Cesar ang pangalan ko kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko.
Gabi na at hindi ko na alam kung saang daan ang tinatahak ko. Gusto ko lang na mapag-isa at pansamantalang lumayo sa kanila.
Naguguluhan na ako. Napapagod na ako. Nagtitiis ako at iniintindi ang mga taong nasa paligid ko pero sila ay hindi ako maintindihan.
Nagpapasalamat ako at naiintindihan ni Cesar ang damdamin ko at nakaya niyang sagutin ng ganoon si Francis ngunit sa tingin ko ay naglilihim rin siya at hindi niya masabi ang katotohanan sa akin.
Hindi ako tanga o manhid katulad ng iniisip nila. Hindi rin basta na panaginip lang iyong isang batang babae at mga lalakeng nakikita ko sa panaginip ko na hindi ko maanigan ng klaro ang mga mukha.
May ibang kahulugan iyon at hindi ko alam kung sino sila.
Nang mapagod na ako sa pagtakbo ko ay napaupo nalang ako sa isang malaking bato sa daanan na hinintuan ko. Madilim na sa paligid ko at kakaunti na lang ang mga ilaw sa iilang mga kabahayan.
Tanging ang liwanag ng buwan at mga bituin sa langit ang nagsisilbing ilaw sa puwesto ko. Pinagmasdan ko nalang ang kalangitan habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.
Nawala lang ang atensyon ko doon nang may makita akong isang sasakyan sa daan na papalapit sa akin. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa bato at akmang aalis na sana nang biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan at lumabas doon si Governor Sandoval na namukhaan ko kaagad.
“Aliyah? Anong ginagawa mo dito? Gabi na, ah?” gulat at nag-aalala niyang tanong nang makalapit na siya sa akin.
Pinunasan ko naman ang mga luha ko at ngumiti ng pilit sa kanya. “W-wala lang po ito, Gov. Uuwi na po ako at baka hinahanap na ako ng asawa ko.” nanginginig kong sabi at maglalakad na sana ulit paalis nang biglang hinawakan ni Governor Sandoval ang kaliwang braso ko at iniharap niya ako sa kanya.
“You’re not okay.” seryoso niyang sabi.
“A-ayos lang po talaga ako.” pagsisinungaling ko at sandaling napayuko dahil hindi ko magawang tignan ang kuryoso at malalalim niyang mga tingin sa akin.
“You can lie to me but you can’t lie to yourself.” pinunasan niya ang mga luha ko nang inangat niya ang mukha ko gamit ang kanyang magaang mga palad.
Hindi ko na napigilan ang mahihina kong paghikbi. Pakiramdam ko ay may alam si Governor Sandoval sa mga nangyayari sa akin pero imposible naman iyon dahil ngayon lang kami nagkakilala.
Nakasuot siya ngayon ng itim na printed t-shirt at maong na pantalon. Bagay na bagay talaga sa kanya ang maamo niyang mukha. Matangkad siya gaya nina Francis at Cesar at mas gumagwapo ito sa seryoso niyang ekspresiyon.
“For a lovable and adorable girl like you, Aliyah. You deserve a better world.” nakangiti na niyang sabi sa akin.
Kumakabog ang dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Napahawak naman ako sa magkabilang siko ko nang may dumaang mahinang ihip ng hangin sa pwesto namin ni Governor Sandoval.
Bigla ay may isa pang sasakyan ang papalapit sa direksyon namin at tumatama ang head lights nito sa amin ni Governor Sandoval.
Huminto ang sasakyan malapit sa gilid ng sasakyan ni Governor Sandoval at lumabas mula rito ang mga lalakeng hindi ko makita ng buo ang mga mukha.
Habang papalapit sila sa akin ay mas lalo pang kumakabog ang dibdib ko. Para rin akong namamanhid at halos hindi na makagalaw sa kinatatayuan ko.
Tatlong matatangkad at matitipunong mga lalake ang tuluyan nang nakalapit sa amin at nakita ko na ng malinaw ang kanilang mga mukha.
Magkakamukha silang tatlo ngunit magkakaiba ang mga awra.
Gulat, pagkamangha at kalungkutan ang ekspresyon ng mga mukha nila nang makita nila ako. Napansin ko rin na lumuluha na ang dalawang lalake habang pinagmamasdan nila ako.
“A-Adi? Is that.. r-really you?” sabi ng isang lalake sa nababasag nitong boses.
“Babe.. hindi ba ako nananaginip ngayon? Nakikita na talaga kita sa.. harapan ko?” sabi naman ng isa pang lalake habang tahimik siyang umiiyak.
Ang lalake namang nasa gitna ng dalawang magkamukhang lalake na kamukha rin niya ay titig na titig sa akin na tila’y kinakabisado ang bawat parte ng buong mukha ko. May seryoso at mariin itong ekspresyon na naiiba sa dalawang lalakeng kasama niya.
Lumapit sa akin ang lalakeng nasa gitna na may kulay bughaw at abuhing mga mata at agaran niya akong niyakap at isinubsob ang mukha niya sa balikat ko.
Triple na ang pagkabog ng dibdib ko ngayon dahil sa yakap ng lalakeng ito sa akin.
Hindi ko man siya kilala ay ramdam kong ligtas ako sa kanya.
“Welcome back, my Adi…”
Chapter 31
Ahnwar
Sa loob ng tatlong taon ay hindi na naging maayos ang buhay namin simula nang mawala si Jianna. Walang araw na hindi naming sinisising magkakapatid ang mga sarili namin kung bakit siya tuluyang nawala sa amin.
Dapat kami ang nagpoprotekta at nagbabantay sa kanya pero sa isang iglap lang ay nawala siya sa amin at nawalan rin ng ina si Blair.
Blair is always praying for her mother’s safety. Lumaki rin itong mabait at masunuring bata. At the age of 7 years old ay matured na rin siyang mag-isip. Alam niya ang sitwasyon namin ngayon na kaming triplets ay karelasyon ng kanyang ina.
She grew up na hindi masyadong maalala si Jianna. She’s only 4 years old nang mawala ito but she also know na mabuting ina si Jianna at ginawa nito ang lahat para lang mapalaki siya ng maayos at maibigay ang mga pangangailangan niya.
A one call from Dean Sandoval; The Governor in the province of San Mariano, older brother of my friend, Dawson and Ahmed’s new friend ay lahat ng paghihirap, pangungulila at sakit na pinagdadaanan naming triplets ay panandaliang napawi nang mabalitaan naming buhay si Jianna.
How come na umabot sa tatlong taon ang patuloy naming paghahanap sa kanya na naghire pa kami ng mga magagaling na Private Investigator para lang mahanap siya tapos ngayon ay nasa probinsya lang pala siya ng San Mariano matatagpuan?
Did she and that fucking bastard, Nikolai Mijares changed their identity para lang hindi namin sila madaling makita at mahanap? Maybe that’s the reason why.
And for Nikolai Mijares, like our cousin, Leigh ay sisiguraduhin naming mabubulok siya sa bilangguan kasama nito.
Hindi ko magawang ialis ang tingin ko kay Jianna habang nandito kami ngayon sa isa sa mga bukas na 24/7 restaurant sa bayan ng San Mariano. She’s still look the same but she has become more matured looking now.
Hindi niya kami magawang tignan ng diretso nina Ahmed at Ahzik na nakatitig rin sa kanya. Halatang naiilang siya sa presensya namin.
I want to kiss, cuddle and touch her but I don’t want to be aggressive. May oras pa para doon now that we’ve found her.
“She had an Amnesia.” Dean said while drinking his juice.
I already expected that dahil mukha ngang hindi kami maalala ni Jianna ngayon.
Ano kayang ginawa ni Nikolai sa kanya sa mga nakalipas na tatlong taon? Did he took her already? Naiisip ko palang iyon ay parang gusto ko nang bugbugin ang katawan ng gagong iyon hanggang sa tuluyan na siyang mamatay.
“What happened to her?” Ahmed asked Dean.
“May road accident na nangyari sa kanya dito sa San Mariano. I saw their road accident record yesterday. Kasali rin sa mga naaksidente ay ’yung si Francis aka Nikolai Mijares pati na rin si Jeddaih Agustin na isa sa mga tumulong kay Nikolai para dukutin si Adi. Kasama na rin doon ang ilang mga fraternity members ng kapatid ni Adi.” kalmadong sabi ni Dean kay Ahmed.
Nagulat naman si Jianna sa sinabi ni Dean pero kalaunan ay yumuko nalang ito at ipinikit ang kanyang mga mata.
Does she have an idea na dinukot lang siya ni Nikolai at itinago dito sa San Mariano para angkinin at asawahin ng peke?
At kasabwat pa talaga ang half brother niya, huh? I wonder how Kuya Hideyo will react if he’d find this.
“You will leave this province. Babalik na tayo sa bahay natin sa Maynila dahil naghihintay sa’yo doon si Blair.” maingat at marahang sabi ni Ahzik kay Jianna na nanlaki naman ang mga mata sa sinabi niya.
“A-ano? Hindi ko pwedeng iwanan ang San Mariano dahil dito ako nakatira. Hindi ko kayo kilala at sino ba ’yang Blair na tinutukoy niyo?” Jianna cried with confusion on her face.
Bumuntong-hininga ako. “You will find out soon. You’re real home is not here, Jianna. We are your family at hinihintay ka na rin ng pamilya mo sa pagbabalik mo.” I said.
Tahimik lang na umiiyak si Jianna sa tabi ni Ahzik na pinapatahan naman siya. Alam kong naguguluhan siya sa mga nangyayari ngayon pero alam rin siguro niyang nagsinungaling sa kanya sila Nikolai, ang kapatid niya at ang mga kaibigan nito.
Wala nang nagsalita sa amin nang dumating na ang inorder namin at kumain nalang kami ng tahimik. Si Dean ay busy sa pakikipag-usap kay Ahmed na kay Jianna naman ang paningin habang si Ahzik ay inaasikaso si Jianna sa pagkain nito.
We know that Jianna wants to ask some questions to us but she remained silent. After 3 years of longing for her ay ngayon lang namin siya nakita. I still can’t believe it.
Pinigilan ko ang sarili ko sa sobrang pagkasabik ko sa kanya. Ngayong nasa amin na ulit siya ay hinding-hindi na siya makakawala pa sa amin.
Magbabayad rin ang lahat ng mga taong sangkot sa pagkawala niya including Nikolai, Jianna’s half brother, Jeddaih and their fraternity members.
Pagkatapos naming kumain ay walang salitang sumama si Jianna kay Ahzik at uuwi na sila sa Maynila. Maiiwan muna kami ni Ahmed ngayon dito sa San Mariano kasama si Dean para harapin sila Nikolai, Jeddaih at ang mga kasamahan nito.
“Call her family, Ahzik. Susunod kami sa inyo mamaya o bukas.” bilin ni Ahmed kay Ahzik na tumango naman sa sinabi niya.
Pinapasok na ni Ahzik si Jianna sa loob ng kotse namin na tumingin pa muna sa amin sa huling pagkakataon.
Nang tuluyan ng pinaandar ni Ahzik ang kotse at nakaalis na sila ni Jianna ay saka palang kami pumasok sa loob ng kotse ni Dean patungo sa bahay na pinagtaguan ni Nikolai kay Jianna.
We’re assuming na nandoon lang ang tarantadong iyon. It’s already a midnight and we know that he’s still awake dahil wala sa tabi niya si Jianna.
“I can’t wait to beat his weakling body,” madiin kong sabi habang pinapatunog ang mga daliri ko.
Si Ahmed ay nanatili lang na tahimik sa tabi ni Dean sa driver’s seat pero alam naming galit na galit na rin ito ngayon dahil sa nag-aalab niyang mga mata.
When we reached Nikolai’s house na sobra ngang tago para matunton ng ibang tao ay saktong pang nakita namin siya sa tapat ng bahay niya at parang may kausap ito sa hawak niyang cellphone. Bukas ang gate ng bahay niya kaya kagaad kaming nakapasok sa may bungad.
Horror was visible in his face nang makita niya kami. Kaagad niyang binitawan ang hawak niyang cellphone at itinago ito sa bulsa ng pantalon niya.
“It’s nice to see you again, Nikolai.” nakangisi kong sabi kay Nikolai na hindi pa rin maitago ang gulat sa mukha niya.
What a pathetic creep.
“Hinahanap mo ba si Jianna? Ayon at sumama na kay Ahzik pabalik ng Maynila. She has no hesitation to leave in this province. Maybe Jianna knew na pinapaikot mo lang siya katulad ng ginagawa niyo ng half brother niya sa kanya?” sabi ko habang nakatitig na ng masama kay Nikolai.
Nikolai shook his head at sumama na rin ang tingin niya sa amin.
“Oo na! Dinukot ko si Adi at dinala dito sa San Mariano para makapagsimula kaming dalawa. Mahal ko siya pero anong ginawa niyo? Inagaw niyo siya sa akin! Kung wala sana kayo malamang ako ang mahal ni Adi ngayon pero umeksena pa kayo!” sigaw niya sa matinding galit.
Who would thought that Nikolai can betray us for Jianna?
Nakilala namin siya noon na isang mabait at mapagkakatiwalaang empleyado sa call center company kung saan ay isa kami ni Ahzik sa mga sales investors doon. Naging malapit rin siya sa pamilya namin dahil hindi naman siya mahirap pakisamahan.
Ang akala namin ay ayos lang sa kanya na karelasyon namin ang best friend niyang si Jianna but we’re totally wrong. Katulad ng ginawa ni Leigh noon ay sinira niya rin ang buhay ni Jianna. Wala siyang pinagkaiba kay Leigh.
“She doesn’t love you.” malamig na sabi ni Ahmed na ikinatawa lang ng sarkastiko ni Nikolai.
“Mali pala ako, minahal ako ni Adi ngayon pero nararamdaman ko pa rin na hindi ganoon kalakas ang pagmamahal niya sa akin katulad ng sa nararamdaman niya para sa inyo. Nabura ang ala-ala niya pero kayo pa rin ang mas matimbang sa puso niya! Mga mang-aagaw kayo!” galit na sabi ni Nikolai at dinuro niya kami ni Ahmed.
Hindi ko na talaga kinaya pa at sinugod ko na si Nikolai at pinagsusuntok sa iba’t-ibang parte ng katawan niya. Hindi siya halos makalaban sa akin dahil sa bilis ng paggalaw ko.
Nakakatuwa man pero ilang buwan rin akong nagtrain ng Mix Martial Arts para lang sa pagkakataong ito kung sakali mang magkita kami ni Nikolai at worth it nga ang training ko dahil nagagawa ko na ang lahat ng mga natutunan ko sa pamamagitan ng pambubugbog ko sa katawan niya.
“Shit!” I cursed nang tumama ang kamao ni Nikolai sa panga ko. Nasuntok niya ako nang sinubukan kong tadyakan siya sa tagiliran.
Nakangisi si Dean habang pinapanood kami samantalang si Ahmed naman ay nakatingin lang sa amin ng mariin.
“Fuck you, Nikolai! You ruined our life! Damn you!” I shouted at Nikolai’s face at itinulak siya sa hamba ng pintuan ng bahay niya.
Napasigaw siya sa sakit sa ginawa ko habang ako naman ay lumapit ulit sa kanya at binigyan pa siya ng iilang mga sipa at tadyak sa katawan niya.
He’s all over bloody that made me happy. Kuntento na akong makita ang kaawa-awa niyang kondisyon ngayon at naisip kong hindi ko muna siya hahayaang mamatay dahil gusto kong magdusa siya ng panghabang buhay sa bilangguan.
Inabutan ako ni Dean ng panyo dahil hindi ko napansin na nagdugo na pala ang ibabang labi ko nang nasuntok ako ni Nikolai sa panga ko.
“You’re scary, Ahnwar,” Dean said while smiling at me.
Hindi ako makaganti ng ngiti sa kanya at kinausap nalang siya.
“Hanapin niyo kung saan nagtatago si Jeddaih at ang mga kasamahan niya sa fraternity. Saan rin ba namin pwedeng ikulong ang gagong ’to?” tanong ko at itinuro si Nikolai na halos hindi na maidilat ang mga mata sa natamo niyang black eye sa akin.
“No problem. Sa San Mariano Province Jail ko nalang muna siya ikukulong. Saka na natin pag-usapan ang iba pang mga gagawin kapag nag-usap na tayo ng mga pulis sa presinto.” sabi ni Dean.
Tumango nalang ako at binalingan naman si Ahmed na nakatingin lang ng seryoso kay Nikolai na nakayuko sa hamba ng pintuan at bakas ang sobrang panghihina nito sa bugbog na natamo niya sa akin.
“Ahmed?” tawag ko kay Ahmed. Tumingin naman siya sa akin.
“I’m..” pumikit siya bago nagmulat ulit. “D-don’t talk, Ahnwar. Baka hindi ako makapagpigil ngayon kung magsasalita ka pa. I’m trying my best to…”
Bigla nalang umalis si Ahmed sa harapan namin at tinungo niya ang kotse ni Dean at pumasok sa loob nito.
Ah, yes. Ahmed is the dangerous one in Dela Vega Triplets. Ginagawa niya ngayon ang lahat para lang kontrolin ang sarili niyang hindi makagawa ng hindi magandang bagay ngayong araw.
He’s also a violent guy like me but in a worse way. I admire my brother because he’s controlling his self for the sake of Jianna.
Ilang minuto pa ay dumating na ang mga pulis para kunin si Nikolai at dalhin na muna sa presinto bago ilipat sa kulungan. May mga nurses na kasama ang mga pulis at mukhang sinabi ni Dean na nabugbog ko ng todo ang gagong ito.
Kinausap ni Dean ang mga pulis at nurse habang ako naman ay sumama na sa police pick up truck at pumasok sa loob nun. Si Nikolai naman ay nakaposas na habang may masama itong dalawang pulis sa tabi niya.
Umupo sila sa upuang nasa harapan ko at halos manginig na ang kamao ko sa galit nang nagawa pa akong ngisian ni Nikolai kahit bugbog-sarado ang inabot niya sa akin.
“May gana ka pa talagang ngisian ako pagkatapos ng ginawa mo sa amin nila Jianna?” madiin kong sabi kay Nikolai.
Hindi sumagot si Nikolai sa sinabi ko at inihilig nalang nito ang ulo niya sa bintana ng police pick up truck. Pumasok naman sa loob ang dalawang nurse na gagamot sa mga natamong sugat at bugbog niya kaya umiwas na ako ng tingin sa kanila.
Kung pwede nga lang ay huwag na siyang gamutin. Tsk!
Sumunod na ring pumasok sa loob ng police pick up truck ang mga kausap kaninang pulis ni Dean. Pumasok rin si Dean sa loob at tumabi siya sa akin.
“Si Ahmed na ang bahala sa kotse ko. Kailangan niya munang mapag-isa.” sabi ni Dean at napangiwi pa ito nang makita si Nikolai na ginagamot ng dalawang nurse.
Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa.
I can’t wait to be with Jianna Adiel again.
Pagkatapos naming maipakulong si Nikolai at mahanap sila Jeddaih at ang mga kamiyembro nila sa fraternity ay ilalaan ko na ang buong oras at atensyon ko kay Jianna.
Hindi na ako papayag na mawala ulit siya sa amin nina Ahmed at Ahzik maging pati na rin kay Blair.
This is hard for us dahil wala pa siyang maalala but one thing for sure is mas lalo na kaming mababaliw at maaadik sa kanya.
She’s just like our drug na kahit nawala pa ng ilang taon ay gusto naming balik-balikan at hanapin. Nasa amin na ulit si Jianna at wala nang hahadlang pa sa aming triplets kasama siya.
Jianna Adiel Agustin is The Triplets Addiction at ito na ulit ang
panibagong
simula para sa aming apat.
No one can tear us apart now.
Chapter 32
Dedicated to
renseiselle_04
Tila parang nasa ibang mundo ako ngayon nang kaharap ko ang mga taong sinasabing totoong pamilya ko. Hindi ko man maintindihan ang lahat ng mga nangyayaring ito sa akin ay pilit kong binubuksan ang isipan ko sa posibilidad na sila ang totoo kong pamilya.
Yakap ako ngayon ng nagpapakilala sa aking ina ko, lola ko, dalawang kapatid kong lalake at ang sinasabi nilang anak ko.
Hindi ko maitatanggi na kamukha ng triplets si Blair na anak raw namin ni Ahmed. Kanina pa ito umiiyak sa harapan ko habang nakayakap ito sa akin.
Dahil sa hindi ko maipaliwanag na lungkot at bigat na nararamdaman ay umiiyak na rin ako katulad ng bata.
“I missed you, Mama…” paulit-ulit na sambit ni Blair.
“Namiss rin kita, Blair…” sabi ko naman habang pinupunasan ang mga luha niya.
“Adi, hindi kami makapaniwalang nandito ka na ngayon. Ilang taon ka naming hinanap pero wala talaga kaming naging ideya kung nasaan ka.” malungkot na sabi ni Kuya Hideyo at nasa tabi nito si Haru na tahimik lang ring umiiyak.
“M-mabuti at nahanap na ako ngayon nila Ahzik. Si Governor Dean Sandoval ang nagbalita sa kanila kung nasaan ako ngayon.” mahina kong sabi.
Inamin ko sa kanilang wala akong maalala sa ngayon. Base sa sinabi sa akin ni Francis na Nikolai pala ang totoong pangalan ay nagkaroon raw ako ng Post Traumatic Amnesia. Babalik rin naman ang ala-ala ko ng kusa ngunit hindi pa ako nakakatiyak kung kailan iyon.
“Diyos ko at pagpalain nawa si Gobernador Sandoval. Natulungan niya ang magkakapatid para mahanap ka, apo.” nakangiti ngunit umiiyak na sabi ni Lola.
Ang mga kapatid ng triplets, si Tito Trevor, si Tita Rica at ang apat pa niyang mga asawa ay nakangiti sa amin habang pinagmamasdan nila kami.
Hindi na rin napigilan ni Tita Rica at ng mga anak niyang babae na sina Yesheem at Sahara na maluha habang nakatingin sila sa amin.
Nakita ko pang napapaiyak na rin ang binatang anak na lalake ni Tito Essam na si Danielle ngunit hindi niya iyon ipinapahalata sa amin.
Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko ang punong kaginhawaan sa puso ko. Ramdam ko na ito ang totoong mundo ko at hindi iyong mundong ibinigay sa akin ni Nikolai na matalik ko palang kaibigan at pinagkatiwalaan ko ng lubos.
“Malaki rin po ang pasasalamat ko kay Governor Sandoval dahil nakita ko na po kayong totoong pamilya ko. Wala pa po akong maalala sa ngayon pero sisikapin ko pong bumalik ang ala-ala ko para maalala ko na kayong lahat.” nakangiti kong sabi sa kanila.
“Don’t worry, Jianna. May doktor na kaming kinuha ng Tita Rica mo para ma-check ang kalagayan mo habang nandito ka sa bahay.” sabi ni Tito Trevor at nginitian niya ako.
“Salamat po, Tito Trevor.” pagpapasalamat ko naman na ikinatango niya.
“Gusto mo bang makausap ang mga kapatid na babae ni Nikolai, Adi? Alam na nila ang ginawa ng kuya nila sa’yo at ngayon ay balak nilang puntahan si Nikolai sa San Mariano para makausap nila ito.” tanong ni Mama na ikinatahimik ko.
May mga kapatid na babae si Nikolai at nagawa niya akong dukutin at iwan ang mga ito nang dahil sa pagmamahal niya sa akin.
Anong klaseng pagmamahal ang mayroon siya na kaya niyang talikuran ang mga mahal niya sa buhay para lang itago ako at angkinin?
“Sige po. Pwede niyo po silang ipatawag dito bukas para makausap ko.” sabi ko kay Mama.
Tumango siya at hindi na muling nagsalita pa.
Sabay sabay na kaming kumain ng hapunan at halata ang kasiyahan nila nang matagpuan na nila ako. Si Ahzik naman na nasa tabi ko ay walang mayaw ang pag-aasikaso sa akin ganoon rin si Blair na nilalagyan ng ulam ang plato ko.
“Mama, ang ganda-ganda niyo po. Nagmana po ako sa inyo!” magiliw na sabi ni Blair na ikinatawa naming lahat.
“Nagmana talaga sa’yo ’yang anak mo, ate. Noon kaya ay ganyan ka rin.” sabi naman ni Haru nang nakangisi.
Napansin ko pa ang pagpula ng pisngi ni Yesheem nang tumingin sa kanya si Haru.
“Talaga ba? Ang yabang ko pala noon?” tanong ko at natawa ng mahina.
“Because that’s the truth. You’re so beautiful, Jianna.” seryosong sabi ni Ahzik sa akin na nakatikim ng tukso kina Tito Wenhan at Tito Ran.
“Mamaya na ’yang sweet moments niyo at kumain na muna tayo.” natatawang sabi ni Tito Ran kaya nagpatuloy na kami sa pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay muli kaming nag-usap ng pamilya ko. Iniwan na muna kami ng mga magulang at kapatid ng triplets sa living room nila para mabigyan kami ng pribadong oras na makapag-usap.
“Naging kasabwat pa talaga ni Nikolai si Jeddaih at ang mga kaibigan nila para dukutin ka? May ginawa ba silang masama sa’yo habang nandoon ka, Adi?” tanong ni Kuya Hideyo na ikinailing ko.
“Mabait naman sila sa akin at hindi nila ako sinaktan. Naging mabait sa akin sina Cesar at ang nobya ng kaibigan nila Kuya Jeddaih na si Gelyn.” sabi ko.
Masakit para sa akin ang isipin na posibleng alam rin ni Gelyn ang pagdukot sa akin ni Nikolai. Kung tunay niya akong kaibigan ay matagal na sana niya sa aking sinabi ang katotohanan pero inilihim niya ito.
Para nila akong pinagmukhang tanga sa mga nakalipas na tatlong taon. Ngayon ay tinitimbang at iniintindi ko ang lahat kahit gulong-gulo na ako tungkol sa pagkatao ko. Walang pag-aalinlangan akong sumama kay Ahzik dito sa Maynila para malaman ang katotohanan mula sa pinagmulan ko.
Matagal na akong nagdududa kina Nikolai at Kuya Jeddaih pero hindi ko sila kailanman pinilit na aminin sa akin ang totoo. Masaya ang buhay ko sa San Mariano pero hindi ako lubos na nabubuo doon at ito ang isa sa mga parte ko para tuluyang mabuo ang pagkatao ko.
“Adi, sumali si Nikolai sa gang ni Jeddaih at fraternity members nila ang mga kaibigan nila na tinutukoy mo. Delikadong tao sila at posibleng mapahamak ka pa kung mananatili ka sa kuta nila sa San Mariano. Wala kang ibang dapat pagkatiwalaan kundi kami lang ng pamilya mo.” seryosong sabi ni Kuya Hideyo at bumuntong-hininga ito.
Tumango nalang ako at kinagat ang ibabang labi ko dahil tama siya sa kaniyang sinabi. Wala na akong ibang dapat pagkatiwalaan ngayon kundi ang pamilya ko.
“Iba talaga ang nagagawa ng sobrang pagmamahal sa isang tao. Lumaking mabait na bata iyang si Nikolai at halos pagkatiwalaan na natin siya ng buo pero hindi pa natin inaasahan na isa rin siya sa sisira ng buhay niyo ni Blair.” malungkot na saad ni Mama saka nito tinignan si Blair na kanina pa nakayakap sa bewang ko habang naglalaro ito ng games sa kanyang Ipad.
Totoo nga ang sinasabi sa nababasa kong libro na: Love can make you evil . Masyadong makapangyarihan ang pagmamahal at nagagawa nitong ibahin ang ugali at kilos ng isang tao kung lubusan kang nagmamahal.
Kaya nitong baliwin ang isang matinong tao kung hindi mo man kayang suklian ang sobra nitong pagmamahal sa iyo.
Base sa ikwinento sa akin ni Mama ay si Nikolai ang tumayong ama ni Blair noong mga panahong iniwan ako ng nobyo ko noon na si Leigh Davidson na inakala kong totoong ama ni Blair. Wala raw itong ibang ginawa kundi ang maging mabuting mag-ina sa amin ni Blair.
Kababata ko siya at matagal na ring kaibigan kaya hindi sila makapaniwalang magagawa ni Nikolai ang dukutin ako at itago sa probinsya ng San Mariano.
“Mas pinili ni Nikolai ang tanging makapagpapasaya lamang sa damdamin niya. Ni hindi niya naisip ang mga kapatid niyang sina Eiselle at Cristina na sobrang nag-aalala sa kanya. Maging pati si Blair na naging malapit na rin sa kanya ay hindi man lang niya binigyan ng importansya. Ang tunay na pagmamahal ay may pagpaparaya. At sa ginawa ni Nikolai ay hindi iyon tunay na pagmamahal kundi isang obsesyon.” makahulugang sabi ni Lola.
Tama si Lola, hindi tunay na pagmamahal ang nararamdaman sa akin ni Nikolai kundi obsesyon.
“Ate, girlfriend ko na pala ngayon si Eiselle.” nahihiyang sabi ni Haru na ikinagulat ko naman.
“Talaga? Kailan pa naging kayo?” tanong ko.
Nahihiya naman siyang ngumiti sa akin. “Last year lang, ate. Sinagot niya ako noong pasko tapos si Cristina naman ay girlfriend na ngayon ni Noah.”
Napangiti nalang ako nang aminin sa akin iyon ni Haru. Siguro ay naging sandalan rin nina Eiselle at Cristina sina Haru at Noah ng mga panahong nawala ang Kuya Nikolai nila na itinago pala ako sa San Mariano.
21 years old na rin naman itong bunsong kapatid ko kaya alam na rin niya ang tama at mali sa isang relasyon.
“Masaya ako para sa inyo, Haru.” sabi ko.
“Salamat, ate.” nakangiting ani Haru at mukhang guminhawa ang pakiramdam niya nang malaman niyang masaya ako para sa kanila.
Bumaling naman ako kay Kuya Hideyo na nahuli kong nakatitig sa akin.
“Ikaw ba, Kuya Hideyo, may girlfriend ka na rin ba?” tanong ko rito.
Umiling siya. “Wala na akong panahon pa para magkaroon ng girlfriend dahil naging abala ako sa paghahanap ko sa’yo, Adi.” mariin niyang sabi.
“Eh, ngayong nahanap na ako, magkakaroon ka na ba ng girlfriend niyan, kuya?” tukso ko pero hindi man lang nagawang ngumiti ni Kuya Hideyo.
“Hindi ko pa naiisip sa ngayon ’yan, Adi. Kayo lang na pamilya ko ang mahalaga sa akin.” sabi niya at nagtiim-bagang ito.
Hindi na ako nagsalita pa sa huling sinabi ni Kuya Hideyo at tumango nalang ako dahil mukhang naiirita lang siya sa mga sinasabi ko. Halatang ayaw niyang pinag-uusapan namin ang pagkakaroon niya dapat ng girlfriend kaya irerespeto ko nalang iyon.
Matapos ng ilang oras naming pag-uusap ng pamilya ko ay nagpaalam na rin silang uuwi na. Babalik ulit sila bukas para sa akin kasama na sina Eiselle at Cristina at titignan muli ang kalagayan ko. Hinatid naman sila ng family driver ng pamilya Dela Vega at nang makaalis na sila ay itinuro na sa akin ni Ahzik ang kwartong tutuluyan ko.
“Pinalinis ko na ’to kanina sa mga maids at nandito lang naman ang mga gamit niyo noon ni Blair. We can buy new clothes and furniture tomorrow. Mukhang magtatagal pa sa San Mariano sina Ahmed at Ahnwar para asikasuhin ang kasong isasampa nila laban kay Nikolai. They’re still searching your half brother and his fraternity members, too dahil nagtatago na raw sila sa San Mariano.” sabi ni Ahzik at hinawakan niya ang isang kamay ko.
Hindi na ako nagsalita dahil masakit pa rin sa akin ang ginawa ni Nikolai at ng sarili kong kapatid. Maging pati na rin kila Cesar, Goyong, Gelyn, Joven at ang mga kaibigan nila na naging malapit na sa akin.
“Mama, look!”
Naging magaan na ang paligid namin ni Ahzik nang ipinakita sa akin ni Blair ang drawing niya sa bondpaper na stick man na mga tao at magkakahawak ang mga kamay.
May tatlong lalakeng stick man sa drawing niya. May isang babaeng stick man na malaki at babaeng stick man naman na maliit.
“This is Dada Ahmed, Dada Ahnwar, Dada Ahzik, you, Mama and baby Blair!” pumalakpak pa si Blair pagkatapos niyang ituro sa amin ang mga stick man sa drawing na ginawa niya. Kami pala ang mga stick man na iyon.
“Wow! Ang galing mo namang magdrawing, Blair.” papuri ko na ikinahagikhik naman ni Blair.
Sa edad niyang pitong taong gulang ay mukhang alam na niya ang polyamory relationship namin ng magkakapatid na triplets. Hindi man iyon normal sa ibang tao ay nakikita kong tanggap iyon ni Blair.
“Thanks, Mama. Can I sleep in your bed po, tonight? Sobra po kasing mamiss kita, e.” nakalabi niyang sabi na mukhang nagpapacute pa sa akin.
Natawa naman ako at hinaplos ang pisngi ni Blair. Ang ganda ng kulay abuhing mga mata niya at hindi talaga maipagkakaila na anak namin siya ni Ahmed dahil magkamukhang-magkamukha sila.
“May sarili na pala siyang kwarto since she’s having a nightmare kapag siya lang ang natutulog dito sa loob ng kwarto niyo.” biglang sabi ni Ahzik.
Nakaramdam naman ako ng awa para kay Blair. Siguradong nangulila siya sa akin ng tatlong taon dahil sa pagkawala ko at hindi ko pa nagampanan ang pagiging ina ko nang dahil sa ginawa ni Nikolai sa akin.
“Oo naman, Blair. Matutulog tayong dalawa dito sa kwarto ko.” nakangiti kong sabi kay Blair na niyakap ako.
“Yehey! Thank you, Mama.”
Nakangiti lang kaming pinagmamasdan ni Ahzik hanggang sa niyakap niya na rin kaming dalawa ni Blair at parehong hinalikan ang noo namin.
Wala pa man akong maalala sa ngayon ay alam kong ito ang totoong mundo at buhay ko.
Kyrie
Pagkatapos nang may mangyari sa amin nina Iska at Trina ay pareho silang nakayakap sa hubad kong katawan. They are both naked, too. Pumayag silang magsalo sa akin dahil mahal raw nila ako at hindi nila ako kayang isuko at iwanan.
Wala naman akong ibang nagawa kundi ang pagbigyan sila dahil pareho nila akong napapaligaya sa kama. They are both pretty and hot kaya sino ba ako para tumanggi sa grasyang nakalaan sa akin?
Nagkasundo sina Iska at Trina na pareho kong maging fuck buddies. Threesome was fun. They’re both satisfying my needs at sila na rin ang halos gumagawa ng lahat sa kama mapaligaya lang ako.
Mom is out of the country with my grandparents at next week pa siya makakauwi dito sa bahay kaya dito ko nalang dinadala sina Iska at Trina sa tuwing nag-iinit ako nang dahil sa kanila.
Ano kayang pakiramdam kung ang pinakamamahal kong si Adi ang ka-sex ko at hindi ang dalawang babaeng ’to? I’m sure na siya lang ang magpapatirik ng mata ko kapag nangyari iyon.
“Babe, nagtatampo ako sa’yo.” Trina said while pouting her lips habang hinahaplos niya ang abs ko.
“Why?” I asked while massaging Iska’s left breast na napapaungol naman sa ginagawa ko.
“My friend Lindy said that you fucked her in VIP room last night sa bar ng cousin niya. Akala ko ba kaming dalawa nalang ni Iska ang pwedeng umangkin sa’yo?” nagtatampo niyang sabi.
I chuckled. “She seduced me. Nag-away sila ng boyfriend niya and I only comforted her.”
Inirapan naman niya ako. “But still, nakakaselos pa rin. Right, Iska?” Trina asked Iska na tumango naman sa sinabi niya.
I sighed. “Girls, it’s nothing to me, okay? Kayong dalawa pa rin ang mas gusto ko so don’t be sad.” pambobola ko dahilan para lumiwanag ang mukha doon nina Iska at Trina.
“Talaga, Kyrie? Kami lang?” Tanong ni Iska.
Ngayon na nabalitaan kong natagpuan na pala si Adi nila Ahmed at ng mga kapatid niya dahil kinidnap ito ni Nikolai Mijares ay may naglalaro nang plano sa isipan ko.
I’m stopping myself na puntahan si Adi sa bahay nila Ahmed na malapit lang dito sa bahay namin because I have a better plans.
I missed her so much at sobrang nasasabik na ako sa kanya.
“Katulad ng triplets at ni Adi, we can have a polyamorous relationship, too if you like, girls.” I said na ikinagulat at ikinatuwa ng dalawa.
“Are you sure about that, babe? We like that a lot because we love you so much!” Trina said while she’s almost crying.
“Ako rin, Kyrie. Gusto kitang maging official boyfriend dahil mahal na mahal kita…” naiiyak na ring sabi ni Iska.
Damn this stupid bitches and their annoying cries! Kung hindi ko lang sila pakikinabangan ay hindi ako magsasabi ng ganitong pangako.
“Yes. Magiging official na ang relasyon nating tatlo at ihihinto ko na rin ang pambababae ko para sa inyo but in one condition.” I smirked.
“What condition, babe?” tanong ni Trina.
Pareho kong ipinasok ang dalawa kong daliri sa pagkababae nina Iska at Trina na hindi naman umangal sa ginawa ko at napaungol lang.
“Gusto kong akitin mo si Ahmed, Trina habang ikaw naman ay aakitin si Ahzik, Iska. You both love those guys before, right? But they’re devoted and in love with Adi. Adi is here at gusto kong sirain ang relasyon nila with the help of you, girls.” I whisper between these two bitches.
“Ahh…” Trina moaned when she reached her climax. Ganoon rin si Iska na napapikit pa sa sarap na pinaramdam ko sa kanila.
“M-mahal mo pa ba si Adi kaya gusto mong sirain namin ang relasyon nila ng triplets?” malungkot na tanong ni Iska while she’s panting.
Of course. I still love Adi at wala akong ibang babaeng minahal kundi siya lang.
“Nope. I don’t love her anymore. Gusto ko lang na gantihan si Ahmed dahil sa ginawa niya sa aking pagtraydor noon.” I lied.
Nagkatitigan pa sina Iska at Trina na nag-iisip kung sasang-ayon ba sila sa plano ko.
“If you two seduced Ahmed and Ahzik then magiging official na ang polyamorous relationship nating tatlo at masosolo niyo na ako. Magtitino na rin ako at hindi na makikipag-sex pa sa ibang babae dahil nandiyan na kayong dalawa para paligayahan ako palagi sa kama.” sabi ko pa para mas convincing.
They sighed and nodded after na ikinangiti ko.
“I love you so much, babe that’s why we are doing this for you…”
“Mahal na mahal rin kita, Kyrie kaya susundin ko ang hiling mo mahalin mo lang ako…”
I know how they feel. Desperado na sila para lang mahalin ko at ganoon rin ang nararamdaman ko ngayong nagbalik na si Adi sa buhay nila Ahmed.
For me, Iska and Trina are trash. Pagkatapos ko silang pakinabangan ay itatapon ko lang rin sila at iiwan.
All I want is Adi and I will do everything to get her. Gagawin ko rin ang lahat para lang mapaligaya siya sa kama. I will love her unconditionally, too in a possesive and obsessive way.
Mamahalin niya rin ako dahil imposibleng hindi mahulog ang loob niya kay Kyrie Andrew Gonzales na kinabababaliwan ng mga babae. Iska and Trina are my examples.
Ahmed and Ahzik can fall for Iska and Trina’s trap. Walang lalake ang tatanggi sa pang-aakit ng isang babae.
Hinalikan ko pareho sina Iska at Trina at pagkatapos ay nginitian ko sila.
“Let’s have another round, girls?”
Chapter 33
Dedicated to
alliah0104
“Ate Adi, hindi talaga namin inaasahan na gagawin sa’yo ’yon ni Kuya Nikolai. Kahit kami nina Mama at Papa ay hindi maintindihan kung paano niya ’yon nagawa sa’yo. Alam naming matagal ka na niyang gusto pero hindi namin naisip na aabot sa puntong kikidnappin ka niya.” umiiyak na sambit ni Eiselle na nasa harapan ko habang nakaalalay sa kanya si Haru na pinapatahan naman siya.
“Bad influence lang siguro kay kuya ang mga naging bagong kaibigan niya. Hindi niya ’yon magagawa sa’yo, Ate Adi kung hindi niya nakilala ang kapatid mo at ang grupo nila.” sabi naman ni Cristina na nasa tabi ni Noah.
Inosente ang mga babaeng kapatid ni Nikolai at wala rin silang alam sa balak sa akin noon ng kapatid nila. Maging pati ako ay nasasaktan rin ngayong nakikita ko na mas nasasaktan sila sa ginawa sa akin ni Nikolai.
Hindi ko maintindihan si Nikolai, hindi man lang ba niya naisip ang pamilya niya bago niya ako balaking dukutin at itago sa San Mariano? Sa nakikita ko ay mapagmahal na kapatid sina Eiselle at Cristina sa kanya.
“Ganoon na talaga siguro ang nagawa ng pagmamahal ng Kuya Nikolai niyo sa akin. Wala kayong kasalanan sa ginawa niya.” mariin kong sabi at kahit papaano’y medyo kumalma na rin sa pag-iyak sina Eiselle at Cristina dahil sa sinabi ko.
“Sorry talaga, Ate Adi. Pupunta kami bukas sa San Mariano kasama sina Mama at Papa para tignan doon ang kalagayan ni Kuya Nikolai. Kung nabugbog man siya ni Kuya Ahnwar ay naiintindihan namin ’yon dahil sa laki ng kasalanang nagawa niya sa inyo.” ani Eiselle.
Sinabi sa akin ni Ahzik na noong mismong araw na umalis kami sa probinsya ng San Mariano ay binugbog raw ni Ahnwar si Nikolai at napuruhan ito ng todo.
Hindi ko masisisi si Ahnwar kung bakit niya nagawa iyon kay Nikolai ngunit sana sa susunod ay hindi na niya daanin pa sa dahas ang galit na nararamdaman niya kay Nikolai.
“He deserves that. Your brother is an asshole.” malamig na sabi ni Ahzik kaya tinignan ko siya nang may pagmamakaawa. Umiling lang siya do’n at nanahimik na.
“Kahit ilang beses pa kaming humingi ng tawad ay hindi na maibabalik pa nun ang mga panahong nawalay ka sa pamilya mo, Ate Adi. Ang magagawa nalang namin ngayon ay ang mapagbayaran ni Kuya Nikolai ang mga nagawa niya sa’yo.” si Cristina habang nagpupunas ito ng kanyang luha.
“Huwag niyo nang alalahanin ’yon, Eiselle at Cristina. Hindi ko pa mapapatawad sa ngayon si Nikolai pero panahon nalang siguro ang makakapagdesisyon kung mapapatawad ko pa nga ba siya o hindi na.” sabi ko na ikinatango naman nina Eiselle at Cristina.
Pagkatapos naming mag-usap ay inihatid na nina Haru at Noah sina Eiselle at Cristina pauwi ng bahay nila. Luluwas na rin sila bukas kasama ang mga magulang nila sa San Mariano para tignan ang kalagayan ni Nikolai doon.
Kanina ay tinignan ng Private Doctor ng pamilya Dela Vega ang kondisyon ko. Sasailalim ako sa Psychotherapy o Cognitive Behavioral Therapy para makatulong ito sa pagbabalik ng ala-ala ko. Mabait si Doctor Salcedo na nagcheck ng kondisyon ko. Nasa thirties na ang edad nito at mukhang kaedad lang ni Ahzik dahil sa medyo kabataan nitong itsura.
“We’re going to shopping? Yehey!”
Napangiti naman kami ni Ahzik sa excited na tugon ni Blair nang sunduin namin siya mula sa pinapasukan niyang Elementary Private School. Grade 2 na ito ngayong pasukan.
“It’s our first time na magshopping na kasama ang Mama Jianna Adi mo, Blair kaya dapat ay magpakabait ka at ’wag maging makulit, okay?” paalala ni Ahzik kay Blair.
Likas na yata ang pagiging malambing ni Blair dahil panay ang yakap nito sa akin habang nakaupo kaming dalawa sa front seat at kandong ko siya. Si Ahzik naman ang nagmamaneho sa driver’s seat.
Kanina nga noong nasa bahay sila Mama, Lola, Kuya Hideyo at Haru ay ikinukwento nila sa akin kung gaano raw ako kamiss ni Blair at gustong-gusto na rin niya akong makita at makasama.
Tatlong taon man ang lumipas nang hindi ko naalagaan ang anak ko ay babawi ako ngayon sa kanya sa lahat ng mga naging pagkukulang ko.
“Yes po, Dada! Behave lang ako mamaya.” malambing na sagot naman ni Blair at naging abala na rin ito sa paglalaro sa kanyang iPad.
Habang nasa biyahe kami ay panay ang punas ko sa namamawis na mukha ni Blair. Si Ahzik naman ay napapalingon sa amin at ngumingiti ito sa tuwing nagtatama ang mga mata namin.
Kamukhang-kamukha ni Ahzik sina Ahmed at Ahnwar pero malalaman mo ang pagkakaiba nila dahil sa klase ng gupit ng buhok at pananamit nila.
Clean cut at maganda kung pumorma si Ahzik habang si Ahnwar ay may edgy at rugged look. Si Ahmed naman ay simple lang kung manamit at may clean cut rin itong buhok katulad ng kay Ahzik ngunit may kakaunti itong facial hair sa mukha hindi katulad ng kina Ahnwar at Ahzik na clean shaved.
Kulay light brown ang parehong mga mata nina Ahnwar at Ahzik at si Ahmed naman ay may kulay blue-grey na mga mata katulad ni Tita Rica. Madali silang kilalanin nang kung sinumang makakakita sa kanila kahit magkakamukha pa sila.
“Hindi pa raw makakauwi sina Ahmed at Ahnwar dito sa Maynila dahil hindi pa nila nahahanap si Jeddaih at ang mga kamiyembro nila sa fraternity. They want to be with you again but they’re also want to go back here in Manila na nakakulong na rin ang mga may atraso kung bakit nawala ka sa amin ng tatlong taon.” seryosong sabi ni Ahzik habang nagmamaneho ito.
Wala akong makapang sasabihin kay Ahzik kaya nananahimik nalang ako. Kung nagtatago man sa kung saan sila Kuya Jeddaih, Cesar at ang iba pa nilang mga kaibigan ay sana sumuko nalang sila sa mga pulis para magkaroon na rin ng kapanatagan sa puso ko.
Kahit ano pa man kasi ang gawin ko ay kadugo ko pa rin si Kuya Jeddaih at ayokong mapahamak siya nang tuluyan. Ganoon rin si Cesar na naging kaibigan ko na rin.
Makalipas ng ilang minutong pagmamaneho ni Ahzik ay nakarating kami sa isang mall. Bibili raw kami ng mga bagong damit ko at iba pang mga kakailanganin sa loob ng kwarto ko.
Tinanggihan ko na ang suhestiyon ni Ahzik na bumili kami ng mga bagong furnitures dahil maganda at maayos pa naman ang mga gamit sa loob ng naabandona kong kwarto ng tatlong taon kaya bibili nalang kami ng mga bagong damit, sapatos at mga personal hygiene na magagamit ko. Mag gogrocery na rin kami ng mga pagkaing gusto namin ni Blair.
Nagpunta kami sa isang department store at bumili doon ng mga t-shirt, dress, tsinelas, sandals at mga sapatos para sa akin. Pinabilhan na rin ni Ahzik si Blair kaya ako na ang namili ng mga damit at sapatos para sa anak ko.
Kung may pera lang sana ako ay ako na ang magbabayad ng mga bibilhin ko pero mukhang hindi rin papayag si Ahzik na pagbayarin ako sa mga kakailanganin ko dahil gusto niyang makabawi sa ilang taong pagkawalay ko sa kanila ni Blair at ng mga kapatid niya.
Nakikita ko na kung paano ko siya nagustuhan. Mabait si Ahzik at mukhang mas kalmado lang ito kumpara kay Ahnwar. Palangiti rin ito at madaling pakisamahan.
Pagkatapos naming mamili ay nagyaya si Blair na sa Jollibee raw kami kumain dahil paborito niya raw itong kainan noong bata pa lamang siya at inaalagan ko pa.
Pakiramdam ko ay napakawalang kwenta kong ina dahil wala akong maalala kahit isang memorya man lang tungkol sa anak ko. Sisikapin ko talagang maibalik ang ala-ala ko sa tulong ng therapy ko kay Doctor Salcedo.
Pumasok na kami sa loob ng Jollibee at umorder ng meal na gusto ni Blair. Alam na alam na niya ang gusto niyang orderin na pagkain dito at iyon nalang rin ang inorder namin ni Ahzik.
Habang kumakain kaming tatlo sa isang table ay panay ang kwento ni Blair na nakakuha raw siya ng 10 perfect score sa activity quiz nila sa school kanina. Bilang ina ay ilang beses kong pinuri si Blair ganoon rin si Ahzik na proud sa anak ng kuya Ahmed niya na itinuturing na rin niyang parang tunay na anak.
“Jianna? Ahzik?”
Habang kumakain ay napalingon naman kami ni Ahzik sa tatlong lalakeng gulat na gulat pa yata nang makita ako. Kakapasok lang nila sa loob ng Jollibee at dahil malapit ang table namin nina Ahzik at Blair sa entrance glass door ng Jollibee ay nakita kaagad nila kami.
“Hail, Minseok, and Taylor.” saad ni Ahzik nang tinignan niya ang tatlong lalake na nakabaling lahat ang atensyon sa akin.
“Nahanap niyo na pala si Jianna. We’re glad.” gulat pero nakangiting sabi ng isang lalake na maputi at chinito. Mukha itong koreano.
“Yeah,” sagot naman ni Ahzik at ngumiti ito sa kanila na halatang pilit lang.
“How are you, Jianna? Tatlong taon ka rin naming hindi nakita ah,” tanong sa akin ng lalakeng may piercing sa ilong. Gwapo ito pero mukhang maangas.
“They are Ahnwar’s friend. You’d met them three years ago.” sabi ni Ahzik na nakatutok na ang mga mata kay Blair na abala sa kinakain nitong Jolly spaghetti.
Tumango naman ako sa sinabi ni Ahzik at muling binalingan ang tatlong lalake.
Mga gwapo, matitipuno at matatangkad sila kaya may iilang mga babae na nandito sa loob ng Jollibee na hindi mapigilang lingunin sila katulad nalang ng kanina pang reaksyon ng mga babae sa tuwing nakikita nila si Ahzik.
“Ah, n-nagkaroon kasi ako ng temporary amnesia dahil naaksidente ako noong mawala ako. Hindi ko kayo ngayon maalala kaya pasensya na.” nahihiya kong sabi na ikinagulat naman nilang tatlo.
“Oh, we’re very sorry to hear that. By the way, I’m Minseok and these are my friend, Hail and Taylor. Kaibigan kami ng boyfriend mo ring si Ahnwar.” nakangiting sabi ng nagpakilalang si Minseok at itinuro nito ang dalawa niyang kasama.
Si Hail ang lalakeng may piercing sa ilong at mukhang maangas at iyong Taylor naman ang mukhang banyaga base sa itsura nito. Gwapo ito at maputi ngunit nakakailang ang mga tingin niya sa akin.
“Ikinagagalak ko kayong makilala,” pagbati ko sa kanila.
Ngumiti at tumango sina Minseok at Hail sa akin habang si Taylor naman ay hindi nagsalita at nanatili lang ang tingin nito sa akin.
Nakaramdam naman ako ng pagkailang sa paraan ng pagtitig niya kaya kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.
“Mukhang nakakaabala na yata kami sa family bonding niyo. We’re going to order now, Jianna and Ahzik.” pagpapaalam sa amin Minseok.
Tumango lang si Ahzik sa kanya at ako naman ay ngumiti sa kanila.
Dumiretso na sa counter sila Minseok, Hail at Taylor para umorder ng kakainin nila. Napapansin ko pa ang ilang beses na pagsulyap ni Taylor sa akin na tahimik lang sa tabi ng nag-uusap na sina Minseok at Hail sa pila sa may counter.
Hindi na ako lumingon sa kanila at ibinaling ko nalang ang atensyon ko kina Ahzik at Blair. Nang matapos na kaming kumain ay lumabas na rin kami sa loob ng Jollibee. Hindi ko na nagawang makapagpaaalam pa sa mga kaibigan ni Ahnwar dahil hinila na kami kaagad papalabas ni Ahzik kasama si Blair.
“Dada, are they Dada Ahnwar’s friend? His one friend were looking at Mama like she was his prey.”
Nagulat ako sa biglang sinabi ni Blair. Maging pati siya ay napansin rin ang kakaibang mga tingin sa akin ni Taylor.
Tumiim-bagang si Ahzik sa sinabi ni Blair at mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kaliwang kamay ko habang hawak naman nito sa kaniyang kanang kamay ang mga pinamili naming damit at sapatos.
“Even if they Ahnwar’s friend, hindi na ako papayag pang makalapit sila sa’yo, Jianna. I don’t trust that guys just like before.” madiin niyang sabi.
“Huwag na muna natin silang husgahan, Ahzik. Mabait sina Minseok at Hail sa akin. Si Taylor naman ay baka nabigla lang ng makita ako kaya ganon siya kung makatingin sa akin.” sabi ko naman.
Umiling si Ahzik. “No, Jianna. I still don’t trust them when it comes to you. You’re a beautiful fine lady kaya dapat lang na umiwas ka sa mga katulad nila. Kung pinagkakatiwalaan sila ni Ahnwar pagdating sa’yo, pwes sa akin ay hindi. You trusted Nikolai before but what happened now? He kidnapped you.” matabang niyang sabi habang naglalakad kami papalabas sa loob ng mall.
Nang makarating na kami sa parking lot ng mall ay inilagay na namin ni Ahzik ang mga pinamili namin sa backseat sa loob ng kanyang kotse. Doon na rin pumwesto si Blair na abala na naman sa paggamit ng iPad niya. Ako naman ay umupo sa front seat at si Ahzik ang nasa driver’s seat.
“May malapit na Convenience store sa bahay. Doon nalang tayo bibili ng mga kakailanganin niyong gamit at pagkain ni Blair. I don’t want us to stay longer on that mall habang nandoon ang mga lalakeng ’yon.” sabi ni Ahzik nang nag-umpisa na itong magmaneho ng kotse niya.
“Ah, sige. Doon nalang tayo mamili.” sagot ko.
Wala na akong magagawa kung hindi kayang pagkatiwalaan ni Ahzik ang mga kaibigan ni Ahnwar. Inaalala lang talaga niya ang kaligtasan ko at naiintindihan ko siya doon.
Nang marating na namin ang Convenience store na sinasabi ni Ahzik ay doon na kami namili ng mga kakailanganin namin ni Blair. Bumili na rin kami ng mga pagkain na gusto namin kahit marami namang pagkain sa mansyon at every week ay nag gogrocery ang mga katulong nila Ahzik doon. Maraming piniling chocolates at candy si Blair at ako naman ay mga tinapay at iilang fresh milk lang ang kinuha ko.
Malayong-malayo na ang buhay ko ngayon dito sa Maynila sa naging buhay ko sa San Mariano. Marangya ang pamumuhay nila Ahzik at Blair dito sa Maynila samantalang sa San Mariano naman ay kailangan pang magbanat ng buto para lang makabili ka ng pagkain at bagay na gugustuhin mo.
Hindi ko man tunay na pinagmulan ang San Mariano ay napamahal na rin ako sa lugar na iyon. Maganda ang kapaligiran, tahimik ang paligid, presko ang simoy ng hangin at doon ay pwede kang mamalagi kung ayaw mo sa maingay at puno ng tao na lugar katulad nitong sa Maynila.
Ganoon pa man ay dito ako nabibilang sa lugar na ito at masaya na rin ako dahil kasama ko na ang totoong pamilya at anak ko.
Pagkatapos naming mamili sa Convenience store ay umuwi na rin kami sa mansyon. Inilagay ko na sa loob ng kwarto ko ang mga pinamili namin at inilagay ko naman sa mini fridge ang mga chocolates, candies at snacks namin ni Blair.
“Baby, pupunta muna ako sa kompanya dahil nagtext sa akin si Dad na may pipirmahan lang akong kontrata. I’ll be back later, okay? Kung may iba ka pang kakailanganin ay magsabi ka lang sa mga maids.” pagpapaalam ni Ahzik sa akin at hinalikan niya ako sa labi.
Namula naman ako sa ginawa niya at tumango nalang. “Mag-iingat ka.” bilin ko.
Ngumiti siya. “Take care too, and Blair.” sabi niya habang sinusuot ang itim niyang coat na nakapatong sa armchair ng sofa niya sa loob ng kwarto niya.
Sinamahan ko si Ahzik sa garahe sa labas ng mansyon at muli pa niya akong hinalikan bago siya sumakay sa loob ng kaniyang kotse.
Binuksan naman ng dalawang security guards ang malaking gate ng mansyon para makalabas doon ang kotse ni Ahzik. Nang makaalis na siya ay kaagad akong dumiretso sa pool area sa may garden ng mansyon at nagmuni-muni muna. Si Blair ay nasa loob ng kwarto niya habang kalaro doon si Sahara kaya hindi ko na muna sila inistorbo.
Habang nakatingin ako sa mga magagandang bulaklak na nakapalibot sa paligid ng garden ay may isang gwapo at matangkad na lalakeng naglalakad papalapit sa kinatatayuan ko. Hindi ko siya kilala ngunit tila pamilyar siya sa akin.
Pagkamangha at gulat ang nakikita ko sa mga mata niya nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.
“Adi?” nakangiti niyang ani habang titig na titig siya sa mukha ko.
Tumango naman ako. “Ako nga. Sino ka nga pala?” tanong ko na ikinahinto niya.
“What? You didn’t know me?” natatawa niyang sabi na akala yata ay nagbibiro lang ako sa tanong ko.
Tumango ulit ako.
Binasa ng lalake ang ibabang labi niya at ngumiti pa ito habang nakatitig sa akin na tila pinag-aaralan ang buong parte ng mukha ko.
“3 years ka lang naman nawala pero kinalimutan mo na ako? You hurt my feelings, Adi pero sige, magpapakilala ako sa’yo. I’m Kyrie at best friend ako ni Ahmed. We’d met 3 years ago at kaibigan mo ako.” nakangiti niyang sabi at nagpamulsa ito.
Best friend siya ni Ahmed at nakilala ko na siya noon pa?
“Ganon ba? Pasensya na at hindi kita maalala. Nagkaroon kasi ako ng amnesia.” pag-amin ko na ikinahinto niya ulit.
Hindi kalaunan ay unti-unting napangiti si Kyrie sa sinabi ko at mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Hindi ako nakagalaw kaagad nang niyakap niya ako at hinalikan ang punong tenga ko.
“Then I’ll help you to gain your memory back. Sisiguraduhin kong maaalala mo rin ako, Adi…”
Chapter 34
Dedicated to
iamalonnn
Ngayon ay kausap ko si Kyrie. Madali ko lang siyang nakapalagayan ng loob dahil mabait naman ito at nakakatuwang kausap. Ikinukwento niya sa akin si Ahmed na matalik niyang kaibigan. Mabuti raw itong kaibigan at palaging nagpaparaya para sa kanya.
Mas matanda siya ng dalawang taon kay Ahmed at kung tutuusin ay mas bata siyang tignan kumpara kay Ahmed. Siguro ay dahil iyon sa maamo at palangiting mukha ni Kyrie kaya mas lalo itong nagpapabata sa kaniyang itsura.
Ikwinento ko na rin sa kanya ang lahat ng mga kaganapang nangyari sa akin sa San Mariano at kung paano ako itinago doon ni Nikolai ng tatlong taon.
“Is he did something bad to you, Adi? Did he already took advantage of you?” sunod-sunod na tanong ni Kyrie na inilingan ko naman.
“Wala namang ginawang masama sa akin si Nikolai. Ayon nga lang ay sobra siyang possessive pagdating sa akin at ayaw niya akong lalayo sa lugar namin. Hindi pa niya nakuha ang pagkababae ko dahil kahit nagtatabi kami sa iisang kama ay ayoko talagang may mangyari sa amin. Ayon pala ay dahil hindi ko naman siya totoong asawa at nagsinungaling siya sa akin.” malungkot kong ani at napayuko nalang.
Nang muli kong tinignan si Kyrie ay nakikita ko ang awa sa mga mata niya.
“He deserve to be imprisoned. It’s good na kilala ni Governor Dean Sandoval si Ahmed kaya nalaman rin nila kung saan ka tinatago ni Nikolai. Bukod kasi sa akin ay naging malapit na ring kaibigan ni Ahmed si Dean Sandoval. He knows you dahil kalat na kalat na dito sa Maynila na nawawala ka.” sabi niya.
“Nanghihinayang rin ako sa tatlong taon na nawalay ako sa pamilya ko, Kyrie. Nagkaroon pa ako ng amnesia kaya ngayon ay hindi pa kita maalala. Pasensya ka na kung hindi kita nakilala kaagad.” paghingi ko ng paumanhin kay Kyrie.
Ngumiti naman siya sa akin at inakbayan ako. Wala naman sigurong malisya itong pag-akbay niya dahil ang sabi nga niya ay best friend naman niya si Ahmed at pinagkakatiwalaan siya nito.
“It’s okay, Adi. I understand your situation. Hindi mo naman kailangang piliting maalala ako. You’ll recognized me soon. As of now ay magfocus ka muna bilang ina at kasintahan ng triplets dahil tatlong taon mo rin silang hindi nakasama.” nakangiti niyang sabi.
Ang bait naman pala nitong si Kyrie. Kaya siguro naging best friend siya ni Ahmed ay dahil nagkakaintindihan at nagkakaunawaan sila sa lahat ng bagay.
“Maraming salamat talaga, Kyrie.” pasasalamat ko.
“You’re always welcome. Malapit lang pala ang bahay namin dito sa bahay niyo. If you want ay pwede kang bumisita sa bahay namin. My Mom and grandparents are out of country kaya ako lang ang mag-isa sa bahay.” sabi ni Kyrie.
“Sige, susubukan kong bumisita sa inyo. Magpapaalam muna ako kila Ah-”
“You don’t need, too. Ako nalang ang magsasabi sa triplets kung gusto mong pumunta sa bahay. Papayag naman sila kung ako ang magsasabi kaya hindi mo na kailangang magpaalam pa sa kanila.” pagputol niya sa sasabihin ko.
Tumango nalang ako sa sinabi ni Kyrie at ngumiti sa kanya na ginantihan rin ako ng ngiti.
“Nasa San Mariano pa sina Ahmed at Ahnwar, right? So, kayo lang ni Ahzik ang nandito. He missed you so much kaya bumawi ka dapat sa kanya.” aniya.
“Ayon ang isa sa mga gagawin ko habang nagpapatulong ako kay Doctor Salcedo sa therapy na gagawin niya sa akin para manumbalik ang ala-ala ko. Pati na rin kay Blair ay babawi ako.” sabi ko.
Hinagod ni Kyrie ang kanyang buhok at nagpahalumbaba ito habang nakatingin sa akin.
Nakikita ko ngayon kung gaano siya kagwapo at ka-attractive. Pwede na siyang pumasang model dahil sa tikas ng itsura at tindig niya. Kahit sinong babae ay mahuhumaling sa kanya.
“You’re right. You need to be a good mother at may advice lang sana ako sa’yo, Adi.” biglang sumeryoso ang mukha ni Kyrie.
“Ano ’yon?” tanong ko.
“You’re in a polyamory relationship with triplets and as you can see, they are handsome and successful guys. Maraming mga babae ang nagkakagusto sa kanila at handang gawin ang lahat para lang mapansin nila. Bantayan mo sina Ahmed at Ahzik dahil sila ang mas habulin ng mga babae at baka may pagkakataon lang na magtaksil sila sa’yo. Hindi sa sinisiraan ko sila, Adi but there’s always a possibility dahil magkakarelasyon kayo. I’m just a concern friend of you dahil kaibigan na rin naman kita.” sabi niya sa concern niyang tingin.
Napaisip naman ako sa sinabi ni Kyrie. Kahit sino nga namang babae ay magkakaroon ng interes sa triplets dahil sa pagiging gwapo, mayaman at successful ng mga ito. Sa totoo nga lang ay hindi sila nababagay sa isang katulad kong wala pang nararating sa buhay.
Naanakan lang ako ng aksidente ni Ahmed pero hindi ko alam kung mahal ba talaga niya ako. Sinabi na sa akin ni Ahzik kung gaano niya ako kamahal pero wala pa akong naririnig mula kina Ahmed at Ahnwar dahil nasa San Mariano pa sila at patuloy pa ring pinaghahanap sila Kuya Jeddaih at ang mga kaibigan nito.
Pero hindi ko naman sila magiging nobyo kung hindi nila ako mahal, hindi ba? Kaya umaasa ako na hindi nila ako pagtataksilan.
“Naiintindihan kita, Kyrie pero hindi naman siguro nila ’yon magagawa sa’kin.” sabi ko para maipanatag ang kalooban ko.
“Maybe?” nakangiti nang sabi ni Kyrie at pagkatapos ay nagkuwento nalang ito ng ibang bagay tungkol sa kanila ng kababata at best friend niyang si Ahmed.
Halos isang oras rin kaming nag-usap ni Kyrie hanggang sa nagpaalam na itong may pupuntahan pa raw siya.
“Thanks for your time, Adi. Aalis na ako hangga’t hindi pa dumarating si Ahzik. Do you have a phone para naman macontact kita?” tanong ni Kyrie nang ihinatid ko siya sa labas ng gate ng mansyon.
“Wala, e. Hindi ako pinapagamit ng cellphone ni Nikolai nung nasa San Mariano kami. Hindi na rin naman ako naghahangad ng cellphone dahil pwede naman akong makigamit sa triplets.” sagot ko.
Bigla ay may inilabas na touch screen na cellphone si Kyrie mula sa bulsa ng suot niyang pantalon at ibinigay niya ito sa akin.
“Here’s my phone. Sa’yo na lang ’yan. I have another phone na nasa bahay at ’yon ang gagamitin ko para macontact kita.” aniya.
Umiling naman ako at ibinalik ang kanyang cellphone. “Hindi na kailangan, Kyrie. Makikigamit nalang ako-”
“Please, Adi? Sa’yo nalang ’yan. I want to contact you para may communication tayo. Bago lang rin ’yang phone ko at walang ibang contacts dyan kundi ang cellphone number ko. You can use it pero ’wag mo nalang ipapakita sa triplets dahil baka pagbawalan ka lang nila na gumamit ng cellphone.” pagpupumilit ni Kyrie at ibinalik ulit sa kamay ko ang cellphone niya.
Tinignan ko naman ang cellphone na ibinigay niya sa palad ko. Mukha itong bago at hindi pa nagagamit. Halata ring mamahalin ito. Ito yata iyong iPhone na ginagamit rin ni Ahzik.
Sa huli ay tinanggap ko nalang ang ibinigay sa aking cellphone ni Kyrie dahil alam kong ipipilit lang niya ang gusto niya. Napangiti naman siya nang tinanggap ko ito at bigla niya akong niyakap nang sandali at hinalikan sa pisngi.
“I’ll call or text you later. Huwag mong ipapaalam sa kanila na may bago ka ng phone, okay?” paalala niya.
Tumango nalang ako.
“I gotta go. Bye, Adi!” kinawayan pa ako ni Kyrie sa huling pagkakataon hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis.
Muli kong tinitigan ang cellphone niyang ibinigay sa akin at itinago nalang ito sa bulsa ng suot kong pantalon.
Nang nasa may pintuan na ako ng mansyon ay nakita ko pa si Danielle na nakatayo sa gilid ng pintuan habang nakatingin ng mariin sa akin.
“Danielle, may kailangan ka ba?” tanong ko sa kanya at nilapitan ko siya.
Gwapo at mestiso si Danielle. Halos namana nito ang itsura ni Tito Essam pati na rin ang blonde nitong buhok. Mas matangkad siya kumpara sa akin kahit 17 taong gulang pa lamang siya.
“Ate Adi, I just want to say that don’t trust too much to the other people around you. Kaming pamilya mo lang ang dapat mong pagkatiwalaan para wala na ulit masamang mangyari sa’yo.” sabi niya hanggang sa tuluyan na siyang pumasok sa loob ng mansyon at naiwan ako.
Ano ang ibig sabihin ni Danielle doon?
Pero tama naman siya. Hindi dapat kaagad ako nagtitiwala sa ibang tao ngunit paano si Kyrie? Mabait siya sa akin at matalik pa niyang kaibigan si Ahmed kaya hindi naman pwedeng baliwalain ko lang siya. Hindi ko naman siya lubos na pagkakatiwalaan pero hindi ko siya pwedeng iignora nalang.
Kinagabihan ay nagtext sa akin si Kyrie at nangangamusta lang ito. Hindi na raw ako mamomroblema sa load ko dahil naka plan na pala ang cellphone niyang ibinigay sa akin.
Gusto niyang tawagan ako pero baka raw makahalata si Ahzik na may cellphone na ako kaya pasimple ko nalang siyang tinetext. Si Ahzik ay walang alam sa pagkakaroon ko ng cellphone. Ayaw itong ipaalam ni Kyrie kaya wala akong magawa doon.
Kinabukasan nang pagkatapos naming ihatid ni Ahzik si Blair sa pinapasukan nitong Private School ay nagpunta kami sa ospital na pinagtatrabauhan ni Doctor Salcedo para magpa check-up. May mga iilan lang itong isinagawa sa akin at mga niresetang gamot na kaagad ring binili ni Ahzik sa botika ng ospital. Babalik raw kami next week para sa susunod na check-up.
Pagkatapos namin sa ospital ay kumain kami ni Ahzik sa isang restaurant. May trabaho raw siya mamayang hapon at baka gabihin siya ng uwi kaya nagbilin itong kami na ng family driver nila ang susundo kay Blair sa school mamayang hapon at mag-iingat raw kami. Kung may iba pa akong kailangan ay magsabi lang raw ako sa mga katulong sa mansyon.
“Ahmed and Ahnwar will be back tomorrow here in Manila. Nahanap na nila kung saan nagtatago sila Jeddaih at ang mga kamiyembro nila sa fraternity. Katulad ni Nikolai ay nakakulong na sila sa San Mariano Province Jail.” banggit ni Ahzik habang kumakain kami.
Sa sinabi niya ay para akong nabunutan ng tinik doon. Mabuti nalang at walang masamang nangyari kila Kuya Jeddaih at sa mga kaibigan niya habang pinaghahanap sila nina Ahmed, Ahnwar at ng mga pulis sa San Mariano.
“Nasa San Mariano na rin pala ang mga kapatid at magulang ni Nikolai while your father and Jeddaih’s mother doesn’t care about him anymore. Sinabi nalang nila na bahala na naming ipakulong ang kapatid mo dahil sakit naman raw siya sa ulo ng pamilya nila.” napailing si Ahzik at sumimsim ng tubig.
Ang sabi sa akin nina Mama at Lola ay hindi maganda ang kinalakihang pamilya ni Kuya Jeddaih kaya lumaki itong rebelde at may bisyo. Kahit na ganoon ay naging mabuti naman ang trato niya sa akin sa San Mariano.
“Mabuti lang ba ang lagay nila Kuya Jeddaih sa kulungan?” tanong ko.
“They are okay, baby so don’t worry.”
Hindi na ako nagsalita pa at itinuloy ko nalang ang pagkain ko. Pagkatapos naming kumain ni Ahzik sa restaurant ay dumiretso naman kami sa bahay ng pamilya ko para bisitahin sila doon.
Simple at malinis ang bahay namin na may kaunti ng renovation mula sa bubong at pader ng bahay. Si Kuya Hideyo raw ang nagpapaayos nito dahil may kalumaan na rin ang bahay namin at kailangan nang ayusin.
Sinalubong kami nila Mama, Lola at Kuya Hideyo sa bahay. Wala si Haru ngayon dahil may pasok pa ito sa pinapasukan niyang unibersidad. Day off naman ni Kuya Hideyo ngayon kaya nandito siya sa bahay at wala sa trabaho nito.
“Tikman niyo ’tong ginawa kong puto at maja blanca, Adi at Ahzik. Maupo kayo riyan at kumain kayo,” alok ni lola at pinaupo niya kami ni Ahzik sa pahabang table namin na gawa sa bamboo tree.
“Thank you, po.” magalang namang pasasalamat ni Ahzik kay lola.
“Walang anuman, hijo.” sagot ni lola nang nakangiti.
Hinainan kami nina Lola at Mama ng gawa nilang puto at maja blanca. Nang tinikman namin ito ni Ahzik ay pareho naming nagustuhan ang lasa dahil masarap ito.
Habang kumakain kami ay kinukwentuhan nila ako ng mga ala-ala ko noong bata pa lamang ako hanggang sa magdalaga na ako. Tinutulungan nila akong magbalik ang memorya ko at na-aappreciate ko naman iyon.
Halatang iniiwasan rin nilang banggitin ang tungkol sa pagdukot sa akin ni Nikolai at pagtatago sa akin sa San Mariano sa loob ng tatlong taon na ipinagpapasalamat ko naman dahil ayoko na munang pag-usapan pa iyon.
Pagkatapos naming kumain ni Ahzik ay niyaya ako ni Mama na magpunta sa loob ng kwarto ko. Iniwan na muna namin sa sala sila Ahzik, Lola at Kuya Hideyo na nag-uusap.
Sinundan ko si Mama papunta sa loob ng kwarto ko. Bumungad naman sa akin ang isang simple at malinis na kwarto na gawa sa kahoy ang mga materyales.
Nakita ko ang iilang mga nakasabit kong pictures at achievements sa paaralang pinasukan ko noong elementary at high school ako sa pader ng kwarto ko.
Hindi ko mapigilang mapaluha habang tinitignan ko iyon isa-isa. Nakita ko naman ang mga litrato namin ni Nikolai noong graduation day namin noong elementary at may kasama kami roon na isang lalakeng nakatogang puti rin katulad ng sa amin.
Pareho silang nakaakbay sa akin sa tabi ko habang hawak ko naman ang diploma ko at pinagigitnaan nila ako.
“Sino siya, Mama?” tanong ko kay Mama at itinuro ang lalakeng nakaakbay sa akin sa kanang bahagi ko sa litrato.
“Si Neymar ’yan, anak. Naging matalik mo rin siyang kaibigan noon.” nakangiting sagot sa akin ni Mama.
Neymar? Siya iyong tinutukoy ni Ahzik sa akin na kasabwat ni Leigh noon para palabasing may nangyari sa amin ni Leigh?
Tinignan ko pa ang iilang mga bagay na nakalagay sa loob ng bedside table ko at may nakita ako doong isang diary na may kalumaan na.
“Naaalala ko pa na palagi kang nagsusulat sa diary na iyan dahil sa sobrang paghanga mo noon kay Leigh.” nakangiti ngunit may halong lungkot na saad ni Mama habang pinagmamasdan niya akong buklatin ang hawak kong lumang diary.
May mga iilang litrato na nakadikit dito na puro mukha ni Leigh ang nakalagay. Ang sabi ni Mama ay nakuha ko raw ito sa Facebook account ni Leigh.
Paano ko kaya siya nagustuhan noon? Dahil lang ba sa gwapo siya?
Nakakulong raw ito ngayon dahil sa ginawa niya sa amin noon ni Ahmed. Si Leigh ang naging dahilan kung bakit limang taong nawalay si Ahmed kay Blair. Pinalabas ni Leigh na siya ang totoong ama ni Blair at may nangyari sa amin.
Sa mga ikwinento sa akin ni Ahzik tungkol kay Leigh ay nakaramdam rin ako ng kaunting galit para rito. Sana ay lubos na itong nagsisisi sa nagawa niya sa amin ni Ahmed noon dahil kahit ang inosenteng si Blair ay nadamay pa sa ginawa niya.
Dear Leigh,
Alam mo bang sa tuwing nakikita kita ay
gumagaan
ang buong araw ko? Nakita kitang may kasamang babae kanina sa school pero ayos lang dahil alam ko namang playboy ka :(
Hinihiling
ko na sana ay maging tayo balang araw at tuluyan rin kitang
mapabago
. Crush na crush talaga kita, Leigh
Johanne
Davidson! <3
Nagmamahal
,
Jianna Adiel
Seryoso? Ganito ba talaga kalakas ang tama ko noon sa Leigh na ito kaya ko ito sinulat sa diary ko?
Pagkatapos kong tignan ang lumang diary ko ay tumabi sa akin si Mama at hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. Umiyak nalang itong bigla na ipinagtaka ko.
“Mama? Bakit po kayo biglang naiyak diyan?” nakangiti kong tanong habang pinupunasan ang mga luha ni Mama sa kaniyang pisngi.
“Anak, may gusto lang sana akong ipagtapat sa’yo. Matagal ko nang gustong sabihin ito pero natatakot lang ako sa maaari mong maging reaksyon kapag nalaman mo ang katotohanan.” sabi niya at mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
“Ano po ba ’yon?” naguguluhan kong tanong.
Huminga ng malalim si Mama bago siya muling nagsalita.
“Hindi niyo tunay na kapatid ni Haru ang Kuya Hideyo mo, Adi. Inampon lang namin siya ng lola mo dahil inabandona siya ng totoo niyang magulang sa harapan ng simbahan tatlong dekada na ang nakakalipas.”
Nagulat ako sa rebelesyong sinabi sa akin ni Mama.
Hindi ko tunay na kapatid si Kuya Hideyo?
“Alam ba ’to ni Kuya Hideyo, Mama?” tanong ko at nag-umpisa na namang tumulo ang mga luha ko.
Umiling siya. “Hindi pa niya ito alam, anak. Natatakot rin ako sa maaaring maging reaksyon ng kuya mo kapag nalaman niyang inampon lang namin siya ng lola mo. Napamahal na siya sa atin at baka kapag nalaman niya ang katotohanan ay iwanan niya tayo at hanapin niya ang totoo niyang pamilya. Ayokong mangyari ’yon, Adi. Hindi ko kayang iwanan tayo ng kuya mo at sumama siya sa totoo niyang pamilya…”
Tuluyan nang humagulgol ng iyak si Mama kaya ang ginawa ko ay niyakap ko siya at pilit pinapatahan.
Hindi ko kadugo si Kuya Hideyo? Pero sa amin siya lumaki kaya tunay na pamilya at kadugo na rin ang turing namin sa kanya.
Umaasa akong kapag nalaman niyang inampon lang siya nina Mama at Lola ay hindi niya kami iiwan dahil lang doon.
Mahal kami ni Kuya Hideyo kaya hindi niya iyon magagawa sa amin.

