loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Universe Of Time BXB 2023

The Universe Of Time BXB 2023

Ai Tenshi · 6 chapters · 8,410 words

PROLOGUE

The Universe Of Time

AiTenshi

  ![](https://img.wattpad.com/a867726a86d5b9b6a901b02f4de173b4f7a47716/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f314e764a6a3471474f6d6f5a6a413d3d2d313331343830303935392e313734326633316462646435646362663438343137363138303739382e706e67)

Ito ay alamat ng isang binata na pinagkalooban ng iba’t ibang uri ng kapangyarihan. Natupad ang lahat ng kanyang kahilingan ng makuha niya ang pitong tagapagtanggol ng Kongoyashi. Ang alamat ay isang orasyon. Ang sinumang makakatapos sa pagbabasa nito ay mabibiyayaan katulad ng binata sa alamat.

Sa sandaling ang unang pahina ay mabuksan, magsisimula ang alamat at mabibigyang buhay ang mga tauhan.

Episode 1: Ang Isinumpang Libro

SEPTEMBER 14, 1986

“Mister Nobu Eram, package po para sa inyo,” ang wika ng delivery boy sabay abot ng isang maliit na kahon sa ginoo.

“Kanino galing?” tanong nito habang pinipirmahan ang resibo.

“Galing po ito kay Mister Ambrocio Duan. Isa pirma po dito sa baba sir,” ang tugon ng nagdeliver.

Matapos pirmahan ay ipinasok ni Nobu ang kahon sa loob at inilagay sa kanyang lamesa. Pinagmasdan niya ito at saka inalog alog. Nagtataka ng ginoo dahil bigla siyang pinadalhan ng package ng kaibigan.

Si Ambrocio Duan ay matalik na kaibigan ni Nobu, nagkasama sila sa bansang Tsina para magtrabaho sa minahan doon. Noong matapos ang kontrata ni Nobu ay umuwi siya at dito ay nagkaroon siya ng asawa. Biniyaan sila ng isang anak na lalaki na ang pangalan ay Sora. Isang salitang hapon na ang ibig sabihin ay “Sky” o “kalangitan.”

Nawalan ng balita si Nobu sa kaibigang si Ambrocio kaya naman ganoon na lamang ang pagkagulat niya noong maalala siya ng kaibigan na padalhan ng bagahe. Maigi niyang tinitigan ang kahon hanggang sa magdesisyon siyang buksan ito.

Dito ay tumambad sa kanya ang isang kuwadradong bagay na nakabalot ng itim na tela at mayroong mga tali na kakaiba ang desenyo. Mahigpit ang pagkakatali nito at mayroon pang mga selyo na may sulat na intsik na letra sa bawat tali.

Nagtaka si Nobu, bakit kaya magpapadala ng ganitong ka weird na bagay ang kanyang kaibigan? Nasa gnoong pagtataka siya noong may makita siyang isang sulat sa loob ng kahon. Ito ay sulat kamay ni Amborcio kaya naman agad niya itong binuksan at binasa.

Nobu,

Ang kahon na ito ay naglalaman ng isang aklat na natagpuan ko sa isang matandang silid aklatan dito sa Shizou Temple sa kabundukan ng Tsina. Ang silid aklatan na ito ay naglalaman ng matatandang kalatas at kasulatan ukol sa kasaysayan ng buong lupain ng Tsina. Marahil ay nagtataka ka kung bakit naka selyo at nakabalot ng espesyal na tela ang aklat. Dahil ito mahiwaga at naglalaman ng kakaibang salamangka o maaaring sumpa. Mahirap ipaliwanag ngunit ang aklat na ito ay may sariling buhay.

Siguro ay itinatanong mo sa iyong

S

arili kung ikaw ang napili kong padalhan nito. Mayroon akong tatlong dahilan kung bakit sa iyo ko ito ibinigay. UNA, isa kang matalinong tao, alam kong makakaunawa ka ng mga matatandang kasulatan, nais kong aralin mo ito at tuklasin kung anong hiwaga ang mayroon ang aklat na ito. IKALAWA, ikaw

lamang ang tanging kaibigan na makakaunawa sa akin at hindi mo iisiping nababaliw na ako. IKATLO, alam kong mahihimay mo ang bawat detalye ng aklat dahil ipinanganak ng mahusay bumasa ng mga kataga.

Paalala, pagkatapos mong pag aralan ang aklat at muli mo itong ibalot sa tela at ibalik mo ang selyong tali na nakapalibot dito. Tawagan mo ako at balitaan ka agad.

Ang iyong kaibigan,

Ambrocio Duan

Natahimik si Nobu matapos niyang basahin ang sulat ng kaibigan. Hindi niya malaman kung totoo ba ang pinagsasabi nito o baka nagbibiro lamang. Kung sabagay hindi naman niya malalaman ang sagot sa kanyang katanungan kung hindi niya bubuksan ang balot ng aklat.

Tahimik.

Napabuntong hininga ni Nobu at dito sinimulan niyang alisin ang selyong tali sa paligid ng aklat. Noong maalis ang mga ito ay isinunod niyang alisin ang itim na telang nakabalot dito.

Dito ay tumambad sa kanyang harapan ang isang lumang aklat na kulay pula ang takip. Noong unang pagkakataon na hawakan niya ang aklat ay para bang nakaramdam na agad siya ng kakaibang pwersang nagmumula dito. Sa aklat ay may nakasulat na chinese letter bilang pamagat. Kinakailangan pa niya itong isalin upang malaman niya ang nakasulat sa pabalat nito.

Sa unang hawak pa lang ay mararamdaman na agad ang kakaibang enerhiya ng aklat. Kaya naman mabuting ipatong na lang niya ito sa lamesa at tingnan habang isinasalin ang pamagat.

“THE UNIVERSE OF FOUR GODS”

Ito ang pamagat ng aklat, patungkol sa kapangyarihan ng langit at lupa, gayon rin sa apat na sagradong nilalang na namamahala sa sansinukob.

Noong mga sandaling iyon ay nagdesisyon si Nobu na mas masusing aralin ang loob ng aklat. Ngunit nakapagtataka na sa unang pahina lamang may nakasulat at ang mga sumunod na pahina hanggang sa pinaka dulo ay wala ng laman. Blangko na ang mga ito at wala kahit na anong letra maliban sa isang lumang piraso ng papel.

Gayon pa man ay nagdesisyon siyang isalin at suriin ang nakasulat sa unang pahina. Masyadong matanda ang style of writing ng libro kaya’t literal na nahirapan si Nobu sa pagsasalin ng kada letra nito. Ngunit ang nakapagtataka ay tila may sariling buhay ang kanyang mga kamay dahil kusa itong gumagalaw upang isalin ang bawat titik.

Habang nasa ganoong posisyon siya ay may kumatok sa kanyang silid. “Itay, nakahanda ang hapunan. Sabay sabay na tayong kumain para magkasya itong ulam,” ang wika ng kanyang anak.

“Sige Sora, lalabas na ako dyan,” ang wika ni Nobu, muli niyang ibinalik ang aklat sa kahon at ibinalot ito ng itim na tela.

Simple lang naman ang buhay ni Nobu na nakatira sa paanan ng bundok. Mayroon silang isang payak na tirahan kasama niya dito ang asawang si Mirna at ang walong taong gulang na anak si Sora na noon ay kasalukuyang nag-aaral sa elementarya.

“Sora, ano bang nangyari dyan sa mukha mo? Bakit may sugat ka dyan?” tanong ni Nobu sa anak.

“Ano pa ba edi nakipagbuno at nakipagsuntukan na naman sa kanyang mga ka klase. Yang anak mo ay lumalaki yatang basago ulo,” ang wika ng kanyang ina.

“Hindi ba’t sabi ko huwag kang masyadong basag ulo? Kabata bata mo pa puro gulo na ang pinapasukan mo. Paano kapag nagbinata ka pa?” tugon ng kanyang ama.

“Kasi yung mga kaklase ko mga masasama ang ugali. Dahil ba nakatira tayo dito sa paanan ng bundok ay aswang na tayo? Ayokong tinatawag nilang aswang si inay. Kaya nakikipag away ako sa kanila, di ko sila uurungan kasi lima pa sila,” ang sagot ni Sora.

“Hindi mo nga uurungan, durog ka naman, pati mukha mo durog din. Gusto mo bang magbinatang puro peklat ang mukha? Huwag mo kaming bigyan ng sakit ng ulo ng nanay mo. Umiwas ka na lang at huwag mo na lang pansinin yung mga sinasabi nila sa iyo,” ang suway ni Nobu sa anak.

Hindi kumibo si Sora, napanguso na lang ito, dumakot lang ito ng pagkain saka isinalpak sa kanyang bibig dahilan para matawa ang kanyang mga magulang. “Mamaya, pumunta ka doon sa balon at mag igib ka ng tubig. Mag ingat dahil baka mahulog ka na naman,” ang paalala ng kanyang ama.

“Noong huling beses na nahulog ako sa balon ay nakaakyat naman ako kaagad. Wala po kayong dapat na alalahanin sa akin,” ang sagot nito sabay inom ng basong tubig.

Matapos kumain ng hapunan at makapagpahinga ay agad kinuha ni Sora ang timbang lalagyan ng tubig at mabilis siya nagtungo sa balon. Hawak niya ang gasera bagamat maaliwalas ang kalangitan dahil maliwanag buwan noong gabing iyon.

Habang kumukuha siya ng tubig sa balon ay bigla na lamang ay umihip na malamig na hangin na parang may yelo dahilan para mangilabot at tumaas ang kanyang balahibo. At noong mapatingala siya sa kanyang itaas ay nanlaki ang kanyang mata sa pagkabigla.

Dito ay nakita niya ang isang kakaibang hayop! Isang higanteng pagong na mayroong malaking ahas sa katawan. Nagliliwanag ang berde ang paligid ng nilalang na ito habang nakalutang sa kanyang itaas! Hindi makapaniwala si Sora! Para siyang nabusalan sa bibig, natutula siya at halos tumigil ang kanyang puso sa takot at pagkabigla. Kasabay nito nagliwanag ang kalangitan at unti unting nawala ang imahe ng higanteng nilalang.

  ![](https://img.wattpad.com/3c4c8576a753713e5660c340928f007438514d04/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f505039713469316c7a56425641513d3d2d313331343830313936342e313734326633383638616635613630353534363032353931333137332e6a7067)

Napasalampak si Sora at matinding takot. Halos ilang minuto rin siyang nakatulala. Noong bumalik ang kanyang ulirat ay agad niyang kinuha ang gasera at ang timba ng tubig saka nagtatakbo pabalik sa kanilang bahay. Nagsisisigaw ito at halos panawan ng ulirat dahil sa sobrang pagkabigla.

“Inaaaaay! May halimawww!” ang sigaw nito habang nagkakandarapa sa pagtakbo sa loob ng bahay.

“Sora, bakit ba hijo? Naihi ka pa, ano bang nakita mo?” tanong ng kanyang ina.

“Isang higanteng halimaw, isang malaking pagod na may malaking sawa sa katawan! Nakakatakot inay!” ang wika nito.

Hinipo ni Mirna ang ulo ni Sora, “hindi ka naman nilalagnat, sobrang lamig nga ng katawan mo. Baka naman produkto na lamang ito ng labis na pagbabasa mo ng mga komiks?” tanong ng kanyang ina.

“Hindi po inay, hindi ako namamalik mata, talagang nakita ko ito,” ang sagot ni Sora dahilan matawa ang kanyang ina, “hay bata ka, maglinis ka ng katawan at baka pumanghi ka pa. Laki laki mo na umiihi ka pa sa salawal.”

Samantala, sa loob ng silid ay naroon naman si Nobu, maigi niyang sinusuri ang aklat at noong matapos niyang isalin ang unang pahina nito ay nagulat siya sa kanyang mga nabasa dahil ang nilalaman ng teksto ay talagang kakaiba at hindi niya ito lubusang maunawaan.

“Ang teleportation magic ng libro ay kumikilos lamang sa paligid ng isang tao na maaaring gumanap ng isang papel na kailangang punan sa kuwento. Ang papel na kailangan ng libro para mapanatili ang sarili nito ay kadalasang papel ng isang “High Priest” at pinupuntirya nito ang mga kabataang lalaki na dalhin sa kuwento. Hindi pinapagana ng mahika ang mga kapangyarihan nito kapag wala ito sa paligid ng isang “pinili” na tao, tulad ng isang High Priest.“

“Anong ibig sabihin nito?” tanong niya sa kanyang sarili. Pero gayon pa man umakyat ang sobrang kilabot sa kanyang katawan kasabay ang pag ihip ng sobrang lamig na hangin sa kanyang silid.

Tumayo si Nobu para isara ang bintana at noong pagbalik niya sa lamesa ay wala na ang aklat ng langit at lupa. Hinanap niya ito sa ilalim ngunit wala pa rin, kahit saang sulok ng silid ay hindi niya ito nakita. Nawala ito na parang isang bula.

Habang nasa ganoong paghahanap siya ay may kumatok sa kanyang pintuan. “Itay, nariyan ka ba?” boses ni Sora.

Agad na binuksan ni Nobu ang pintuan, “bakit hijo?”

“Eh kasi itay, may nakita akong kakaibang libro sa loob ng aking bag,” ang wika nito sabay abot ng aklat sa kanyang ama.

Nanlaki ang mata ni Nobu sa nakita, ito yung aklat na isinalin niya ilang minuto ang nakalilipas, paano ito napunta sa bag ni Sora?

“Sigurado ka bang doon mo ito nakita sa bag mo?” tanong ng kanyang ama.

“Opo, si inay pa nga yung nakakita. Ang akala niya ay kinuha ko ito sa silid aklatan ng paaralan, napagalitan tuloy ako. Pero wala po talaga akong kinukuha itay,” ang sagot ng kanyang anak.

Lalong binalot ng pagtataka si Nobu, “sige hijo, ako na ang bahala dito. Bumalik ka na sa inay mo at mag-aral na kayo,” ang sagot niya.

Noong mga sandaling iyon ay agad niyang ibinalot ang aklat sa itim na tela kung saan ito nakalagay dati at muli niyang itinali ng selyo ang paligid nito. Itinago niya ang aklat at nagdesisyon siyang sunugin na lamang ito kinabukasan.

Itutuloy..


Magsisimula ang tunay na kwento makalipas ang 10 taon kung saan magbibinata si Sora at muli niyang makikita ang aklat. Akala nyo gagayahin ko ang series, no no no.. haha

Ito ay mababasa bilang PDF Premium sa buwan ng MARSO 2023! Dating gawi message niyo lang ako sa FB or dito. Or mag text sa 0995 078 9932 para sa slot reservation.

Episode 2: Walang Kamatayan Mahika

Episode 2: Walang Kamatayang Mahika

Kinabukasan, maaga pa lang ay dinala ni Nobu ang aklat sa likod ng bahay para sunugin. Wala na siyang pakialam kung magalit sa kanya ang kaibigang si Ambrocio. Ang totoo ay naiinis din siya dito dahil idinamay pa siya sa kung anumang kamalasan ang dala ng libro.

Sinigurado ni Nobu na malakas ang apoy para masunog agad ang libro. Niligay niya ito sa gitna at dito ay nagsimulang masunog ang mga tali at telang nakabalot dito. Kitang kita ng kanyang dalawang mata kung paano matupok ang aklat ngunit maya maya ay namatay ang apoy nito.

Nagtaka si Nobu, inialis niya ang aklat at muling sinindihan ang mga kahoy, inubuhas pa niya ito ng gaas. Ngunit ilagay ang libro na nawala na naman ang apoy. Nakaramdam siya ng pagkainis kaya naman inilubog niya sa gaas ang libro at doon na ito sinunog. Nagliyab ito ngunit kataka takang hindi ito nasusunog! Noong alisin niya ang aklat ay parang walang nangyari dito, ni isang sunog o sira ay wala.

Labis na napatunayan ni Nobu na ang libro ay literal na mahiwaga, literal na may sumpang taglay. Gayon pa man ay hindi siya sumuko at mas tumaas pa ang pagnanasa siyang wasakin ang libro.

Sinubukan niyang punitin at gupitin ang bawat pahina nito pero kahit anong hila at kahit gaano kalakas ang gamitin niyang pwersa ay balewala lamang din. Hindi natitinag ang pahina nito.

Noong araw ring iyon ay umakyat si Nobu sa kabundukan upang doon ibaon ang aklat. Humukay siya ng malalim at dito inilagay niya ang aklat na nakabalot ng tela at mayroong tali sa paligid. Matagumpay niyang naibaon ang aklat sa hukay at noong matapos ito ay agad siyang umuwi para makasama ang kanyang pamilya sa hapunan. Halos naubos ang buong maghapon niya sa pagsira ag pag alis ng aklat sa kanilang buhay.

“Saan ka ba galing Nobu? Pumasok ka na nga dito dahil kakain na tayo,” ang bungad ni Mirna na kanyang asawa.

“Doon sa bundok, nanguha lang ako ng mga tuyong kahoy na pang gatong,” ang sagot niya sabay dulog sa harap ng kainan.

“Itay, bakit di mo sa akin sinabi na doon ka pupunta? Sana ay natulungan kita manguha ng kahoy doon,” ang wika ni Sora habang nakangiti.

“Naku, huwag na hijo, unahin mo muna ang mga takdang aralin mo bago mo ako tulungan sa gawaing bahay mas mahalagang makapasa ka sa mga asignatura mo,” ang sagot ng kanyang ama.

Ngumiti si Sora habang punong puno ng pagkain ang bibig, “kanina inaasar na naman ako ng mga kaklase ko. Pero hindi ko naman sila panansin.”

“Mabuti naman kung ganoon, iwasan mo ang makipag away dahil kapag sinimulan mong pumatol sa kanila lagi ka nilang aasarin at hindi ka titigilan,” ang sagot ni Nobu sa anak.

Tuloy ang pagkain at pagkukwentuhan ng pamilya, noong mga sandaling iyon ay nakahinga na ng maluwag si Nobu. Sa lalim ng pinagbaonan niya sa aklat ay tiyak na doon na ito maililibing at malilimot. Umaasa siya na matatahimik na ang lahat gayon rin ang kanyang sarili.

“Nobu, ayos ka lang ba?” tanong ng kanyang asawa.

Bumalik sa normal ang ulirat niya, “Ah e, ayos lang ako. Ano na nga ba ang pinag uusapan natin?”

“Sabi ko malapit na ang tag ulan, may mga parte ng bubong natin ang tumutulo, siguro ay mamili tayo ng materyales sa bayan para magawa at matapalan ang mga yerong sira, lalo’t malamig pa naman dito kapag tag-ulan,” ang wika ni Mirna.

“Sige ba, ibebenta ko bukas ang mga ani upang makabili tayo ng bagong mga yero. Tatawag na rin ako ng gagawa upang maging mas matibay ito,” nakangiting sagot naman ni Nobu.

“At ikaw naman Sora, bibilhan kita ng kapote para kapag tag-ulan at uuwi ka galing sa paaralan ay hindi ka mababasa,” ang nakangiting wika ng kanyang ina.

Alas 8 ng gabi, pagkatapos mag aral ay isinilid ni Sora ang mga gamit sa kanyang bag ay nagulat at dito ay nagulat siya noong makita niya ang lumang aklat na nasa loob nito. Agad niya itong kinuha at nagtatakbo sa kanyang ama. “Itay, bakit sinauli mo sa bag ko ang aklat? Diba kinuha mo na ito kagabi?” tanong nito dahilan para magulat si Nobu.

“Anong aklat?” ang tanong nito.

“Eto po,” ang wika ni Sora sabay pakita sa aklat ng Langit at Lupa. Gulat na gulat si Nobu, tila nagulantang ang kanyang tahimik na diwa. Kanina ay ibinaon niya ito sa lupa, pero bakit nandito pa rin?!

Dahil sa gulat ay agad hinablot ni Nobu ang libro sa anak, “akin na nga iyan! Sa uli uli ay huwag mo na itong hihipuin ha! Dahil delikado!” ang singhal nito sa anak.

Nagulat si Sora sa reaksyon ng ama, “Eh itay hindi ko naman pinapakialaman ang aklat na iyan. Bigla ko na lang itong nakita doon sa loob ng bag ko. Bakit delikado? Ano ba ang mayroon diyan?” pagtataka nito.

“Dahil ang aklat na ito ay.. arghh! WALA! Hayaan mo na lamang!” ang sagot ni Nobu, hindi na niya itinuloy ang pagsasalita dahil ayaw niyang magulo ang isipan ng anak.

“Nobu, huwag mo ngang sigawan yung anak mo sa isang libro. Bakit ba kasi kakalat kalat iyan? Kung importante sa iyo iyan ay itago mong mabuti,” ang suway ni Mirna, samantalang si Sora ay natahimik lang at lumayo sa ama.

Sa kabilang banda ay natahimik din si Nobu, pumasok na lamang ito sa silid at ibinalik sa kahon ang aklat. Nagdesisyon siya na bukas ay aaralin niya ito at pipiliting alamin kung paano masisira ang naturang isinumpang bagay. Halos lahat ay sinubukan na niya ngunit bale wala pa rin. Sinunog niya ito, ginupit at ilang beses na pinunit pero heto’t buo pa rin. Sinubukan na rin niyang ibaon ito kabundukan pero bumalik pa rin ito na parang walang nangyari.

“Tsk! Gago ka talaga Ambrocio! Idinamay mo pa ako sa kagaguhan mo!” ang sigaw ni Nobu sa kanyang sarili habang nakatanaw sa aklat.

Muli niyang binasa ang isinalin niyang salita mula dito. “Ang pinupuntirya nito ay ang kabataang lalaki upang dalhin sa kwento,” ang bulong niya.

“Teka, paano dadalhin sa kwento? Hindi ko maunawaan,” ang sigaw pa niya sa kanyang isipan habang patuloy na kinakausap ang kanyang sarili.

Noong mga panahon na iyon ay nagsimula na ang pag-aaral ni Nobu tungkol sa libro ng langit at lupa. Dito ay nagtungo siya sa iba’t ibang mga silid aklatan upang magsaliksik at alamin kung mayroong nakatalang impormasyon tungkol dito, o kahit kaparehong literatura ay ayos na basta’t magkaroon lang siya ng hint o clue kung ano ang kapangyarihan nito.

Lumipas ang mga panahon patuloy pa rin si Nobu sa pag aaral hanggang sa nagmukha na siyang sira ulo dahil masyado na siyang nahumaling at na obsessed dito. Hindi napapansin ni Nobu na palayo na siya ng palayo hanggang sa tuluyan na siyang maadik dito.

Saliksik dito, saliksik doon..

Paglalakbay dito, paglalakbay doon. Wala siyang pakialam kahit tawirin niya ang karagatan kapalit ng kaunting impormasyon.

Lumayo siya ng lumayo..

Hanggang sa umalis si Nobu, nagtungo sa iba’t ibang lugar para humanap ng kasagutan dala ang aklat. Iniwan niya ang kanyang pamilya sa paanan ng bundok hanggang ang nagtaguyod na lamang kay Sora ay ang kanyang ina.

Basta ang alam lamang ni Sora ay umalis ang kanyang ama at hindi na ito na bumalik pa. Inabanduna sila at pinabayaan.

At magbuhat noong araw na iyon ay nagtanim na siya ng galit dito dala na niya ito hanggang sa siya ay nagbinata.

15 anyos si Sora noong magkasakit ang kanyang ina at pumanaw ito. Naiwan siya na mag isa sa buhay at dito ay natuto siyang itaguyod ang kanyang sarili. Noong mamaalam ang kanyang ina ay mas lalo pa siyang nagalit at binalot ng matinding pagkasuklam sa ama at ipinangako sa kanyang sarili na darating din ang araw na makakaganti siya sa ginawang pang iiwan sa kanila sa ere.

Episode 3: Ang Pagbabalik Ng Sumpa

Episode 3: Ang Pagbabalik Ng Sumpa

SORA POV

JUNE 10, 1996

TEN YEARS LATER

Sampung taon ang lumipas, ganitong katagal na rin magbuhat noong nawala siya. Maraming nakakita kay Itay noong mga nakaraang taon, ang sabi nila ay wala daw ito sa sarili, nabaliw daw ito at nagpagala gala na lang.

Hindi ko na maalala ang lahat, basta ang natatandaan ko lang ay nagsimula ang kawirduhan ng aking ama noong may dumating sa kanyang package galing sa kaibigan niya doon sa Tsina. Ang package ay naglalaman ng libro kung saan nahumaling si itay ng sobra. Isang araw ay nagpaalam ito na aalis at pagkatapos ay hindi na siya bumalik.

Ang laban sa buhay ay magkasama naming hinarap ni inay. Ako ang umako sa kanyang trabaho sa bukid at maging sa pabrika. Kaya’t sa murang edad ay bugbog na agad ako sa trabaho. Kung may isang bagay akong maipagmamalaki, iyon ang aking diskarte at abilidad dahil kahit anong problema ay madali kong nagagawan ng solusyon.

Kung may isang problema na hindi ko nagawan ng paraan, iyon ay ang pagkamatay ni Inay noong labing limang taong gulang ako. Lumala ang kanyang karamdaman na naging sanhi ng panghihina ng kanyang katawan. Saksi ang aking dalawang mata sa paghihirap na naranasan ni inay, kung paano siya sumuka ng dugo, kung paano siya balutin ng kirot at sakit sa katawan. Tuwing makikita ko ito ay kumikirot ang aking puso dahil wala akong magawa. Kahit ang pinakamahusay na doktor sa bayan ay hindi rin siya naisalba. At bago matapos ang tag-init ay pumanaw si Inay, naiwan akong mag isa sa aming tahanan.

Lalo akong nagalit kay Itay, isinumpa ko talaga siya! Ipinangako ko sa aking sarili na kapag nakita ko siya ay uupakan sa mukha hanggang sa matauhan siya at magising sa katotohanan na siya ay walang kwenta, walang silbi at iresponsableng ama! Hanggang ngayon ay nandito pa rin sa puso ko ang sakit dulo’t ng pagkamatay ni inay at wala akong magawa kundi ang balutin ng matinding lungkot at pagsisisi sa tuwing sumasagi ito sa aking isipan.

Masayahin akong tao simula pa noon, ngunit sadyang mapaglaro lang ang tadhana at nakalimutan ko na maging masaya..

Noong mawala si Inay ay ipinag patuloy ko pa rin ang aking pag aaral ng high school at dito ay nakilala ko si Koji ang isa sa pinaka sikat, pinaka gwapo at pinakatalinong mag aaral sa aming paaralan. Magkasing edad kaming dalawa, magkasing tangkad rin. Nagkakilala kami noong parehong sumali sa isang sports at dito ay nagsimula ang aming pagkakaibigan. At dahil mag isa na lamang ako sa bahay ay si Koji ang madalas na sumama sa akin doon, paminsan minsan ay tumutuloy din ako sa kanila at inimbitahan nila ako kapag may okasyon katulad ng Pasko, Bagong Taon at mga kaarawan. Naaawa sa akin ang kanyang mga magulang, gusto nga ng mga ito ampunin na lamang ako ngunit ako na rin ang tumanggi.

Lumipas ang mga taon, ngayon ay 18 years old na ako, may taas na 5’10, may maayos at batak na pangangatawan dahil bata pa lang ay bugbog na rin ako sa trabaho at sa gawain sa bukid. Sabay kaming nagbinata ni Koji, halos pareho lang din kami ng katawan at mas matangkad lang siya sa akin ng kaunti.

Ganoon pa rin ang aming samahan, malapit kami sa isa’t isa, naghihiraman ng damit, sabay naliligo sa ilog, sabay kumakain at magkatabing natutulog. Parang kay Koji na rin ako nakahanap ng bagong pamilya kaya naman ganoon na lamang ang pagpapalahaga ko sa kanya.

“Mahal mag aral sa kolehiyo, hindi ko alam kung tutuloy pa ako,” ang wika ko habang naglalakad kami pauwi sa bahay.

“Marami naman murang paaralan sa bayan, at may nag ooffer din ng mga libre kurso, depende na nais mong kunin,” ang sagot ni Koji.

“Siyempre kapag kolehiyo ay kailangan pa rin ng pera. Isa pa ay parang ayokong iwanan itong bahay namin kung doon ako titira sa siyudad. Magastos doon, mataas ang cost of living,” ang sagot ko.

“Oh, edi ibenta namin yung bukid niyo tapos yung perang pagbibilhan nito iyon ang gamitin mo sa pag aaral mo. Halos ilang taon na rin hindi natataniman iyon diba? Kesa naman nakatengga lang iyon at tinutubuan ng damo, mas maganda kung ibenta na lang para mapakinabangan,” ang mungkahi niya sa akin.

“Pag iisipan ko iyan, anong kurso ba ang nais mong kunin?” tanong ko sa kanya.

“Medisina o pwede ring Inhinyero, ikaw anong gusto mo?” tanong rin niya sa akin.

“Guro o kaya naman ay isang accountant,” ang sagot ko.

“Oh iyon naman pala e. Ibenta natin yung bukid niyo at gamitin ang pera sa pag aaral. Hihingi tayo ng tulong sa parents ko,” ang sagot ni Koji

“Eh ikaw kaya ang ibenta ko? Tutal naman kilabot ka ng mga babae doon sa paaralan,” ang tugon ko sa kanya habang natatawa.

“Syempre gwapo e. Kaya nga libre akong nakakahawak ng suso at pekpek dahil may gusto sila sa akin!” ang hirit nito.

“Bastos, gago!” ang wika ko sabay pabirong suntok sa kanya pero mahina lang naman ito. At habang nasa ganoong paglalakad kami ay unti unting pumatak ang ulan kaya naman hinila ako ni Koji sa kamay at nagtatakbo kami para hindi mabasa.

“Bakit ba takot na takot ka sa ulan? Dati naman tayong naliligo dito?” tanong ko sa kanya.

“Gago, bago yung sapatos ko!” ang sagot niya sa akin.

“Hayaan mo, balang araw magkakaroon ako ng maraming maraming pera at bibilin natin lahat ng sapatos sa buong mundo!” ang hirit ko naman.

Tawanan kami.

Sa bilis ng aming pagtakbo ay halos sumibat na kaming dalawa sa pagtahak sa bukid. Pagdating namin sa aming bahay ay may nakita akong isang lalaking nakaupo sa harapan nito kaya naman napahinto kami ni Koji. Tila napako rin ako sa aking kinatatayuan noong makilala ko kung sino ito.

“Itay?” ang bulong ko.

Napatingin sa akin si Koji, “tatay mo?” tanong niya.

Tango lang ang aking isinagot.

Maya maya ay tumayo si Itay at lumapit sa akin, “Sora, anak, kumusta ka na?” tanong nito.

Natawa ako, “wala kang anak dito. Bakit ba nandito ka? Talagang may lakas ka pa ng loob na umuwi?!”

Tumayo si itay at lumapit sa akin pero galit ko na kinimkim ng ilang taon ay nagsisimula pa lamang, “Anak, kailangan mong makinig sa mga sasabihin ko,” ang wika nito sabay labas sa aklat kaya lalo akong nainis noong makita ko ito.

“Tama na itay! Hanggang ngayon ba iyan ba rin? Baliw ka na ba talaga? Umalis ka dito at inabanduna kami ni inay at binabayaan! Alam mo ba na namatay dahil sa malubhang karamdaman? Namatay si inay na hinihintay ang pagbabalik mo! Pero ako? Hindi na kita hinintay dahil kasabay ng paglilibing kay inay sa ilalim ng lupa ay ibaon na rin kita sa limot! Umalis ka na at ayaw na kitang makita pa! Baliw! Baliw ka itay!” ang singhal ko sa kanya.

“Sora anak, patawarin mo ako sa mga bagay na nagawa ko, pinagsisisihan ko ang paglisan ko at pag iwan ko sa inyo. Ngunit nais kong malaman mo ang librong hawak ko ay hindi ordinaryong libro dahil naglalaman ito isang mahika na may kakayahang tumupad ng kahilingan. Marami akong natuklasan sa ilang taong pag aaral ko s libro ito. At ngayon ay nais kong ibahagi sa iyo ang lahat ng iyon,” ang sagot ni Itay dahilan para mapangiwi ako.

“Tama na nga itay! Ayoko na marinig ang kahit na anong tungkol sa aklat na iyan!” ang sigaw ko sabay takip sa aking tainga.

Pero hindi natinag si Itay lumapit siya sa akin kaya lalo akong binalot ng pagkainis. Mabilis ako lumapit sa kanya at hinablot ang libro sa kanyang kamay dahilan para magulat ito.

Itinakbo ko ang libro palayo sa kanya, “Sora, ibalik mo sa akin ang aklat! Delikado iyan para sa mga batang katulad mo! Makinig ka sana sa akin!”

“Itigil mo na ang kabaliwang ito!! Ang libro ito ang sumira sa pamilya natin! Bakit ba mas mahalaga pa ito sa iyo?! Alam mo ang dapat sa librong ito? SINISIRA!” ang sigaw ko sabay hawak ng mahigpit sa libro at sinimulan ko itong wasakin!

Nasa ganoong pagsira ako noong biglang huminto ang aking paligid at mula sa itaas ay nakita kong bumabagsak ang mga puti bagay na malamig, parang mga niyebe. At kasabay nito ang paglabas ng isang dambulaha at higanteng pagong na may malaking sawa sa katawan. Mabilis itong dumaan sa aking harapan dahilan para mabigla ako. Ito ang ikalawang pagkakataon na nakita ko ito. Sa aking pagkakatanda ay nakita ko na itong walang taong gulang ako habang nag iigib ng tubig sa balon. Ang kaparehong berdeng liwanag ay natatandaan ko pa rin at gayon rin ang malamig na pakiramdam.

Makalipas ang ilang sandali ay nagbalik sa normal ang lahat. Agad kong isinara ang aklat at mabilis na nagtatakbo palayo. Itinakas ko ito upang mailayo kay Itay.

“Sora, bumalik ka dito! Saan mo dadalhin ang aklat?!! Sorraaa!” ang sigaw ni Itay.

Lumapit si Koji sa kanya at yumuko bilang pagbibigay ng galang, “Pasensiya na po,” ang wika nito sabay takbo para habulin ako.

“Sandali Sora! Hintay!” ang wika ni Koji.

Medyo umaambon pa ngunit ayos lang, ang mahalaga ay mailayo ko kay itay ang bagay na kinababaliwan niya bago pa siya tuluyang madala sa hospital ng mga baliw!

Mabilis akong tumakbo, walang direksyon at walang eksaktong patutunguhan ngunit hindi ko na ito inisip pa.

Episode 4: Ang Lalaki Sa Alamat

NOTE: Sa Bxb cover ko ng Fushigi Yuugi. Wala talaga akong balak lagyan ng best friend yung bida tauhan. Gusto ko isang empire lang ang kalaban nila. Well, originally ito talaga ang plan ko para mas kakaiba siya.

Kaso ang dami kong natatanggap na request na sana daw may bestfriend din siya. So meaning mala Miaka at Yui ang gusto nilang mangyari. Tapos gusto rin nila ng version ni Heneral Nakago. O sya, magrerevise ako at ibibigay ang gusto niyo pero baguhin natin ang mga kaganapan.


Episode 4: Ang Lalaki Sa Alamat

SORA POV

“Sandali Sora, bakit mo na lang kausapin ng mahinahon yung tatay mo? Bakit tumatakbo na naman tayong dalawa? Hindi ka ba napapagod? Kase ako pagod na pagod na, upod na yung sapatos ko,” ang reklamo ni Koji habang hinahabol ako.

“Wala kang idea kung gaano kabaliw si Itay sa libro na ito. Ito ang sumira ng pamilya namin! Dapat lang ilayo ito sa kanya bago pa niya sirain ang sarili niya,” ang sagot ko naman habang hawak ang libro at patuloy sa pagtakbo.

“Saan mo naman dadalhin ang aklat na iyan?” tanong niya sa akin.

“Basta!” ang sagot ko.

Patuloy kami sa pagtakbo hanggang sa makarating kami sa bayan. Dito ay nagtuloy tuloy kaming dalawang sa isang lumang silid aklatan. Walang masyadong tao dito dahil may bagong tayong silid aklatan sa kabilang bayan kaya’t hindi na ito masyadong pinupuntahan. Dito ay naisipan ko ihalo at iipit na lang ang libro sa iba pang mga lumang aklat para hindi na ito makita pa ni itay. Iyon talaga ang plano ko kaya naman pumasok ako dito at nakasunod pa rin si Koji sa akin.

“Mga hijo, anong hanap niyo?” tanong ng babaeng nakabantay sa harapan.

“Mag sasauli lang ho ako ng aklat,” ang sagot ko sabay pakita ng lumang aklat sa aking kamay.

“Hijo, doon sa itaas ang mga lumang reference. Pakidala lamang ito doon. Maraming salamat,” ang wika nito saka ipinagpatuloy ang paglilinis niya ng kuko.

Kami naman ni Koji ay nagtungo sa itaas upang itago ang aklat at upang hindi na ito makita pa ni itay. Maayos naman ang loob ng silid aklatan, kaso ay medyo luma na ito ngunit nandito talaga ang magaganda at mga sinaunang kasulatan simula pa noon. Nakakalungkot lamang at mas tinangkilik ng mga tao ang bagong silid aklatan doon sa kabilang bayan.

Pagpasok namin ni Koji dito ay umakyat pa kami sa gawing itaas gamit ang hagdan at noong eksaktong ilalagay ko na ang libro ay nagwika ni Koji, “seryoso? Itatago mo agad ang aklat ng hindi man lang nakikita kung ano ba ang mayroon dito? At kung bakit nahuhumaling yang tatay mo? Siguro ay diyan nakatala ang pasabog na sikreto ng buhay niyo kaya ganoon na lang niya ito kung ingatan. Akin nga iyan, patingin,” ang wika ni Koji sabay kuha ng aklat.

Tahimik naupo ito sa sulok kaya naman tumabi ako sa kanya..

Pagbukas pa lang niya ng pahinga ay bumuga na agad sa amin ang kakaibang uri ng teksto, mga letra na mahirap maunawaan. “Isa itong alamat ng Tsina noong sinaunang panahon,” ang wika nito.

“Naalala ko na, ang aklat na ito ay ipinadala ng kaibigan ni itay mula sa Tsina,” ang tugon ko sa kanya.

Maya maya ay binasa ito ni Koji, “

ang aklat ng tagapangalaga ng langit at lupa

,“ ang wika nito.

“Wow, paano mo nabasa? Grabe ang talino mo talaga,” tanong ko sa kanya na may halong paghanga.

“Ewan, madali namang intindihin diba?” wika niya at ipinagpatuloy niya ang pagbabasa.

“Matapos magalit sa kanyang ama ay tumakbo ang binata palayo at nagtungo ito sa isang lumang gusali. At hindi nagtagal ang binata sa alamat ay nagbukas ng daan upang makarating sa ibang daigdig.”

“Wow! Ang husay mo! Bilib na talaga ako sa iyo! Paano ka nakakabasa ng chinese characters?” ang nakangiti kong papuri habang nakikinig sa kanyang pagbabasa.

Nagpatuloy si Koji,

Ito ay alamat ng isang binata na pinagkalooban ng iba’t ibang uri ng kapangyarihan. Natupad ang lahat ng kanyang kahilingan ng makuha niya ang pitong tagapagtanggol ng Kongoyasha. Ang alamat ay isang orasyon. Ang sinumang makakatapos sa pagbabasa nito ay mabibiyayaan katulad ng binata sa alamat. Sa sandaling ang unang pahina ay mabuksan, magsisimula ang alamat at mabibigyang buhay ang mga tauhan.“

Tahimik kami at nagkatinginan..

“Anong ibig sabihin non?” tanong niya sa akin.

“Aba e, ewan ko ikaw yung nagbabasa diba?” tanong ko rin at noong mapatingin ako sa pahinga ng aklat ay nakita ko ang larawan ng higante na ilang beses ko na nakita.

  ![](https://img.wattpad.com/99621927e28adb8516e45fa3124a946c3397deef/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6c77576576426c65536f6d7069673d3d2d313331383834363835302e313734366362376563343933343634643439333233333432303234362e6a7067)

“Ito iyon! Ito yung nakita ko noong bata ako, at ito rin yung nakita ko kanina! Maniwala ka sa akin,” ang wika ko sa kanya at noong hipuin ko ang larawan ay biglang lumabas ang berdeng liwanag dito at binalot kaming dalawa ng malamig na enerhiya. Dahil sa takot ay napayakap ako kay Koji at kapwa kami napapikit dahil sa matinding pagkasilaw.

Tahimik ulit..

Noong kami ay magkamalay ay natagpuan namin ang aming sarili na nakahiga sa isang malamig na lupa. Kaya naman agad akong bumangon at pinagmasdan ang paligid. Ordinaryo kapatagan lamang ang lugar ngunit ang nakapagtataka ay unti unting bumabagsak ang niyebe sa kalangitan.

“Nasaan tayo? Ang lamig naman yata?” ang tanong ni Koji sabay sahod ng kamay sa mga bumabagsak sa kalangitan.

“Hindi ko alam, nalilito rin ako,” ang sagot ko naman.

“Ang natatandaan ko lang ay nagbabasa tayo ng libro kanina, tapos ay nandito na tayo ngayon,” ang tugon ni Koji na hindi maiwasang malito. Dito ay nagsimula na kaming lamigin ng todo.

Kada paghinga namin ay tila umuusok ang aming hininga. “Dalawa lang ang sigurado ako, naliligaw tayo at mamatay tayo sa ginaw,” ang wika ko habang yakap ang sarili.

Habang nasa ganoong posisyon kami nagulat kami noong may mga sumulpot na lalaki sa paligid. Mga anim ang kanilang bilang. Lahat ay nakasuot ng makakapal na damit at pinagmamasdan kami. Hindi naman ako nagdalawang isip, agad akong nagtanong sa kanila, “mga sir, magandang araw. Nasaan ba kami? Anong lugar ba ito?”

“Hijo, sa tingin ko ay hindi na mahalaga kung anong lugar ito. Ngayon ay nagsisimula na ang tag lamig at kumakalam na ang aming mga sikmura. Maaari ba namin kayong kainin?” tanong nila.

“A-anong ibig niyong sabihin?” tanong ko sa kanila.

“Mauunawaan mo rin hijo!” ang sagot ng isang lalaki at dito ay lumundag sila sa aming itaas at mabilis na nagbago ang kanilang mga anyo. Hindi ko maipaliwanag ngunit naging mga halimaw sila na may matutulis na kako at mga pangil!

“Panaginip lang ito diba? Hindi ito totoo!” ang sigaw ko sabay hawak sa braso ni Koji at kapwa kami tumakbo.

“Sora, ano bang nangyayari? Bakit may mga halinaw?” tanong nito na hindi maitago ang takot.

“Hindi ko alam, basta tumakbo na lang tayo! Sana ay pananginip lang ito!” ang sigaw ko naman.

Mabilis kaming tumakbo ngunit dahil sa lamig ay tila namamanhid ang aming mga katawan. At isa pa ay talagang mabibilis ang pagkilos ng mga halimaw. Namalayan na lang namin na nasa paligid na namin ang mga ito.

“Napapalibutan na tayo!” ang wika ni Koji sabay dampot ng isang kahoy sa kanyang tabi. Ako naman ay tumayo at kinuha ang ballpen sa aking bulsa. Kapag lumapit sa akin ang halimaw ay titirahin ko siya sa mga mata.

“Huwag na kayo lumaban, wala rin kayong magagawa. Ialay niyo na lamang sa amin ang inyong mga katawan!” ang sigaw ng isang halimaw sabay lundag sa aming kinalalagyan.

Nasa ganoong posisyon kami noong may isang lalaki ang sumulpot sa aming harapan at isang malakas na suntok ang iginawad niya sa halinaw dahilan para tumilapon ito sa lupa.

Sumugod pa ang ibang halimaw sa kanya at dito ay nagliwanag ang kakaibang tatak sa kanyang kamao at nagpakawala ito ng kulay berdeng enerhiya dahilan para masilaw kami. Basta ang alam ko lang ay nabura na parang alikabok ang mga ito sa ere at walang natira sa kanila kundi ang mga damit na naka kalat sa sahig.

Nanatiling nakatayo ang lalaki sa aming harapan..

Maya maya lumapit ito sa aming harapan at inilahad ang kanyang kaya naman gumalaw rin ang aking kamay ay inabot ito. Kinamayan ko siya “salamat sa pagligtas mo sa amin.”

Napatingin sa amin ang lalaki, “anong salamat? Huwag mo nga akong kamayan dahil hindi naman ako nakikipagkilala sa iyo. Nasaan ang bayad?” tanong niya.

“Bayad? Bakit?” tanong ko sa kanya.

“Bwiset, huwag niyo sabihing wala kayong pera?” tanong niya.

“Bakit maniningil ka? Hindi namin hiningi ang tulong mo? Saka malay ba namin na palabas niyo lang ito para makapanloko ng kapwa,” ang sagot ni Koji.

“Wala talaga kayong pera? Ang ibig sabihin ay nagligtas ako ng dalawang talunan? Kung wala akong mapapala sa inyo mabuti pa ay ibenta ko na lang kayong dalawa para hindi naman sayang yung enerhiya ko sa pagliligtas sa inyo,” ang sagot niya.

“Teka muna, bakit mo naman kami ibebenta? Saka nasaan ba kami?” tanong ko sa kanya at halos manigas na kami sa ginaw.

“Bakit kasi magpupunta kayo dito ng hindi man lang kayo nagsusuot ng makapal na damit? Mga talunan talaga! Diyan na nga kayo! Sayang ang oras ko sa inyong dalawa,” ang wika ng lalaki sabay lakad sa aming palayo.

Iginala gala ko naman ang aking mata at nakita ko ang dalawang makapal na damit na nakakalat sa lupa. Eto yung suot ng mga taong naging halimaw kanina. Noong mabura sila ay damit na lamang ang natira.

“Sandali lang, babalik ako agad,” ang pagpapaalam ko kay Koji.

“Teka Sora, saan ka pupunta?” tanong niya.

“Basta sandali lang,” ang wika ko naman at mabilis akong kumilos patungo sa di kalayaun at isa isang pinulot ang mga nakakalat na makapal na damit.

“Okay, hindi na tayo lalamigin!” ang wika ko sabay harap kay Koji pero wala na ito sa paligid.

“Koji?” ang pagtawag ko pero wala talaga siya.

Isinuot ang makapal na damit at niyakap ang aking sarili.

“KOJI? Nasaan kaaa?” ang pagtawag ko pero wala na talaga siya paligid.

Huminga ako ng malalim at sumigaw, “KOOJJIII? NASAAN KA BAAAA?”

Pero walang sagot..

Nagtatakbo ako sa paligid para hanapin siya pero walang bakas. Sandali lamang akong nalingat ngunit parang bula na siyang naglaho.

Itutuloy..

Episode 5: Ang Tatak Ng Halimaw

Episode 5: Ang Tatak Ng Halimaw

THIRD PERSON POV

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay iniligtas sina Sora at Koji ng isang lalaki nagtataglay ng kakaibang tatak sa kanyang kamao. Hindi kapani-paniwala ang lakas ng binatang iyon dahil nagawa nitong burahin ang mga kalabang halimaw sa isang suntukan lamang.

Matapos silang iligtas ay naningil ng kabayaran ang lalaki ngunit ang problema ay walang maibigay sina Sora kanya. Kaya naman nadisappoint ang lalaki at umalis na lamang ito. Iniwanan silang dalawa na naninigas sa sobrang lamig at hindi man lang sinagot ang kanilang mga katanungan.

Dahil sa sobrang lamig sa paligid ay nagdesisyon si Sora na kuhanin na lamang ang mga damit ng mga lalaking naging halimaw at gamitin ang mga ito upang sila ay mainitan.

“Sandali lang, babalik ako agad,” ang pagpapaalam nito kay Koji.

“Teka Sora, saan ka pupunta?” tanong ng kaibigan niya.

“Basta sandali lang,” ang wika ni Sora at mabilis itong kumilos patungo sa di kalayaun at isa isang pinulot ang mga nakakalat na makapal na damit.

Habang abala siya sa pagpulot ay bigla na lamang nagliwanag ang lupang kinalalagyan ni Koji, gulat na gulat ito. “Berdeng liwanag, ito yung kaparehong liwanag kanina bago kami mapadpad dito,” ang wika niya sa kanyang sarili at dito ay unti unti siyang nilamon nito. “Sorrraaa!” ang pagtawag niya ngunit hindi na siya narinig ng kaibigan. Unti unting naglaho ang kanyang katawan na parang isang kumukupas na larawan.

Pagharap ni Sora ay wala na si Koji sa paligid. Naiwan na lamang siyang mag isa sa gitna ng isang lugar na hindi pamilyar, sa lugar na punong puno ng hiwaga at kababalaghan.

“KOOJJIII? NASAAN KA BAAAA?” ang malakas na sigaw ni Sora pero walang sagot. Walang bakas ng kanyang kaibigan sa paligid. Siya na lamang mag isa dito at wala ni isang tao. Nagsimula na ring mamuo ang mga niyebe sa lupa kaya’t mas lalo pang lumamig ang kanyang katawan.

Samantala, bumalik na ang malay ni Koji at natagpuan niya ang kanyang sarili na nasa loob ng lumang silid aklatan. Nakabalik na siya sa normal na mundo kaya naman agad niyang hinahanap ang kaibigan.

“Sora? Sorraaaa?” ang pagtawag nito ngunit wala ring sumasagot sa loob.

Napatingin siya sa lumang aklat at napansin niya na mayroon ng nakaguhit na imahe dito. Kinuha niya ito at muling binasa, “

noong nasa tiyak na kapahamakan na ang binata sa alamat ay biglang dumating ang isang misteryosong lalaki na may tatak ng halimaw sa kamao at isinalba ang kanyang buhay.“

Napahinto si Koji, “teka, ito yung eksaktong nangyari kanina,” ang sigaw niya sa sarili at dito ay nakaramdam din siya ng kakaibang lamig sa katawan na para bang nandoon pa rin siya sa lugar ng pinangyarihan. Gayon pa man ay ipinagpatuloy niya ang pagbabasa,

“sakay ng karitelang patu

ngo

sa bayan, ipinagpatuloy ng binata ang paghahanap sa kaibigan niyang nawawala at sa misteryosong lalaking tumulong sa kanila kanina.“

“Nasaan na ba si Koji? Saan ba siya napunta? Posible kayang dinakip siya ng lalaki kanina at ibenta?” ang tanong ni Sora sa kanyang sarili. Tuwing ipinipikit niya ang mga mata ay nakikita pa rin niya ang itsura nito. Gwapo ang mukha, singkit ang mga mata, mas matangkad sa kanya ng ilang sentimentro at mas matikas ang tindig na parang isang leadingman sa isang action na pelikula.

“Huwag ko lang talaga malalaman na dinukot at ibinenta niya yung kaibigan ko dahil itutumba ko siya,” ang bulong niya sa kanyang sarili.

Habang nasa ganoong posisyon ay dumating na ang karitela sa bayan. Mula dito sa itaas ay nasilayan ang kagandahan nito. Parang isang senaryo sa pelikula na ang pangunahing lugar ay ang matandang Tsina, bagamat ang paligid balot na rin ng yelo dahil sa pag ulan ng niyebe. Hindi pa rin malinaw sa isipan ni Sora ang mga pangyayari ngunit kailangan magpatuloy dahil wala rin namang mangyayari kung mag mumukmok sa isang tabi.

Habang sakay sa likod ng karitela ay nakatingin sa kanya ang mga tao sa kanilang nadaraanan, “huwag niyo nga akong titigan,” ang wika nito sa kanyang sarili sabay suklob ng hood sa kanyang makapal na balbal na pang ginaw.

Patuloy ang kanilang pag usad hanggang sa makababa ng bayan..

“Achu!” ang pagbahing ni Sora dahilan para magulat ang may ari ng karitela. “Hala, eh sino ka ba? Kanina ka pa ba dyan?” tanong nito.

Ngumiti ang binata, “maraming salamat po sa free ride,” ang wika nito sabay baba.

“Ano bang sinasabi ng lalaki iyon? Kakaiba ang kanyang suot,” ang pagtataka ng matanda noong makita ang binata na tumalon mula sa karitela.

Mabilis nagtatakbo ang binata sa bayan upang hanapin ang kanyang kaibigan, partikular ang lalaking may tatak ng halimaw sa kanyang kamao. Nagsisimula ng dumami ang tao sa paligid at lalo lang siyang nakaramdaman ng pagkalito dahil hindi na niya alam kung saan pupunta. At kumakalam pa ang sikmura niya dahil sa gutom lalo na noong maamoy at malanghap ang usok ng maiinit na pagkaing ibenebenta sa paligid.

Napatitig siya sa pagkain pero maya maya ay kinatukan siya ng tindero, “hoy, bibili ka ba? Isara mo nga iyang bibig mo dahil baka malawayan mo ang tinda ko, malas iyan alam mo ba?”

“Teka manong, mayroon ba kayong kilalang gwapong lalaki na may marka ng halimaw sa kanyang kamao?” tanong ko sa kanya.

Natawa ang tindero, “wala akong kilalang ganon pero maaari mo akong tawaging gwapo,” ang hirit nito.

Napangiwi si Sora, kahit wala siyang makuhang matinong sagot sa mga ito ay nagpatuloy pa rin siyang magtanong sa iba’t ibang tao. “Mawalang galang na po, mayroon po kayong nakitang lalaki na may marka ng halimaw sa kanyang kamao?”

“May nakilala po ba kayo na lalaking may tatak sa kanyang kamao?” ang paulit ulit niyang tanong habang naglalakad patungo kung saan. Basta bahala kung saan siya dalhin ng kanyang mga paa.

“Marka? Wala hijo, pero mayroon akong marka sa likuran, ganito ba ang hinahanap mo?” ang hirit ng isang matanda sabay pakita sa kanyang tattoo.

“Kakaiba ang iyong anyo bata, taga ibang bansa ka ba?” tanong nila sa binata. Nagulat din siya dahil ang ilang mga lalaki ay hinawakan siya sa balikat at binibigyan ng basong may alak.

Hindi sumagot si Sora, bagkus ay napatingin siya sa paligid, dito niya napagtanto na nasa loob siya ng isang lumang beer house kaya naman pala kakaiba ang amoy ng kanilang mga hininga at ang lahat ay pabiro kung sumagot. Pinagkakatuwaan siya at niloloko loko.

Agad siyang nagtatakbo palabas at ipinagpatuloy ang kanyang paghahanap hanggang sa makaramdam ng pagod at mapaupo na lang sa isang sulok.

Muli na namang bumuhos ang niyebe sa itaas kaya’t mas lalo niyang niyakap ang makapal na balabal na kanyang suot. “Pangarap kong makakita ng snow pero hindi naman sa ganito paraan. Hindi naman pala nakaka enjoy,” ang bulong nito sa kanyang sarili.

“Ibayong lungkot ang naramdam

an

ng binata habang nakasisik sa isang sulok ng lumang isang bahay. Halos napagod siya sa paghahanap sa nawawalang kaibigan at naniniwala siya na ang susi para makita ito ay ang hanapin ang lalaking may tatak ng halimaw sa kamao. Nasa ganoong kalungkutan ang binata ay nilapitan siya ng mga grupo ng kalalakihan at kinausap,“

ang patuloy na pagbabasa ni Koji sa loob ng lumang silid aklatan.

“Ginoo, narinig namin na hinahanap mo ang lalaking may tatak ng halimaw sa kanyang kamao,” ang wika ng isang lalaki.

Tumango si Sora, “Oo, hinahanap ko siya, kilala niyo ba siya? Alam niyo ba kung saan siya matatagpuan?” tanong nito.

“Oo, kilala namin siya,” ang sagot nito.

Tila nabuhayan ng loob si Sora, “talaga? Nasaan siya?”

“Halika nandoon siya, sumama ka sa amin,” ang nakangiting sagot nito kaya naman walang nagawa ang binata kundi ang sumama at magtiwala sa mga lalaking ngayon pa lang nakausap.

Naglakad sila ng ilang minuto hanggang sa mapadpad sa lugar na walang tao. “Malayo pa ba tayo?” tanong ni Sora.

Huminto ang mga lalaki, “nandito na tayo.”

Luminga linga ang binata, “nasaan yung lalaking may tatak ng halimaw sa kanyang kamao?”

Natawa ang ito, “wala e,” ang sagot niya sabay kambat sa kanyang mga kasama. “Sige, dakpin iyan at ibenta sa mga mangangalakal. Gwapo at makinis ang lalaking iyan, maaari siyang maging bayaran sa mga dayuhan,” ang utos pa ito.

Dumistansiya si Sora, “mga gago! Kaya mahirap magtiwala sa mga taong hindi lubusang kilala. Huwag kayong lalapit sa akin at huwag niyo akong hahawakan dahil hindi niyo magugustuhan ang mangyayari sa inyo!” ang sigaw nito.

“Huwag puro satsat! Dakpin siya!” ang sigaw ng lalaking pinuno at dito ay sumugod kay Sora ang apat na lalaking tauhan ng sabay sabay. Ancient martial arts ang gamit ng mga ito, may ritmo ang mga kilos at malalay ang mga paghampas ng kamay.

Sumugod rin si Sora, matatandaan na bata pa lang ito ay parati ng nakikipagbugbugan sa mga kaklase. Madalas ay grupo ang kaaway niya at wala siyang pakialam kung mabasag pa ang kanyang mukha.

Walang fighting style si Sora, away kung away lang ang alam nito. Inalis niya ang balbal at nagsimulang lumaban!

Nakipagbuno ang binata, malalakas ang mga suntok na pinakawalan niya sa mga kalaban. Gulat na gulat ang mga ito dahil para itong halimaw na walang ritmo ang kilos, atake lang ng atake at kapag tumama sa kanila ang kamao nito ay talagang malakas.

Napaatras sila..

“Anong klaseng martial arts ba ang gamit ng isang iyan? Masyado siyang agresibo,” ang wika ng mga ito.

Dumura si Sora at inililis ang kanyang manggas, “martial arts? Wala akong alam dito pero marami akong alam sa pakikipag away! Humanda kayo sa akin!” ang sigaw nito at nakipagbuno na naman siya sa kalaban.

“Hulihin siya! Durugin!” ang utos ng pinuno.

Limang kalaban ang umatake kay Sora, wala siyang pakialam kung masapak siya o masipa. Kapag tinamaan siya ay gaganti rin ito ng malakas na suntok at siguradong tatama ito sa mukha ng kalaban.

Ngunit dahil sa pinagtulungan siya ay natumba ito sa lupa at dito ay kinuyog siya ng mga kalaban. Pinagsusuntok ang kanyang mukha kaya wala siyang nagawa kundi ang takpan ang kanyang ulo. “Mayabang ka ha! Durog ka ngayon! Gago!” ang wika ng mga ito.

Nasa ganoong posisyon ang mga kalaban noong may tumamang bato sa kanilang mga ulo dahilan para mapahinto sila at mapatingin sa direksyon kung saan ito nagmula.

Dito ay nakita nila ang isang lalaking nakatayo sa itaas, “lima laban sa isa? Sigurado ba kayong matatapang?” ang tanong nito.

“Huwag kang mayabang! Bumaba ka dito at itutumba ka namin!” ang sigaw ng pinuno ng kalaban.

Nangiti ang binata sa kanilang itaas, “sige ba, iyan ang gusto ko palaban!” ang wika nito at nagliwanag ang tatak ng halimaw sa kanyang kamao.

“Noong malagay sa pangani

b

ang buhay ng binata ay muling dumating ang lalaking may marka ng halimaw sa kamao at parang isang buhawing tinalo ang mga masasamang loob. Noong matapos ang labanan ay tumayo ang misteryosong lalaki sa harapan ng nabugbog na binata at dito ay nagtama ang kanilang mga mata,“

ang pagbabasa ni Koji na naramdaman ibayong pag-aalala para sa kaibigang si Sora.


NOTE: Hanggang dito lang ang update. Mababasa ito ng buo bilang PDF File. Hindi ako pwedeng magpost ng buo dito dahil naka contract pa ako sa isang platform. Dating gawi, yung gustong sumuporta mag msg lang kayo o mag text 0995 078 9932 or hanapin nyo ako sa FB! SAMALAT

RELEASE DATE: MARCH 10 2023 (OR MAS MAAGA, BASTA MAG A-ANNOUNCE NA LANG AKO.)


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.