loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Untold Romance of Azalea (BxB)

The Untold Romance of Azalea (BxB)

ratedxseon · 40 chapters · 43,261 words

The Untold Romance of Azalea

The Untold Romance of Azalea  is a work of fiction. Any semblance between original characters and real persons, living or dead, is coincidental. The author in no way represents the companies, corporations, or brands mentioned in this book. The likeness of historical/famous figures have been used fictitiously; the author does not speak for or represent these people. All opinions expressed in this book are the author’s, or fictional.

This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author except for the use of brief quotations in a book review.

[Language: Filipino/English]

Sports Series #2

Gaano man kalupit ang mundo, nananatiling buo ang paniniwala ng ating basketbolistang bida na si Azalea Francisco na balang araw, kakampi rin sa kaniya ang kapalaran—na katulad ng kaniyang ngalan, magiging marahan din ang mundo sa kaniya.

Ngunit sa pagtatagpo ng landas nila ni Cedric Jerome Hermoso, unti-unting mababago ang ritmo ng kanyang laro. Matututuhan niyang hindi lamang bola ang dapat idribble, hindi lamang puntos ang dapat ipasok sa bawat segundo ng laban, at may mga damdamin ding kailangan harapin ng personal, mga pangambang kailangang lampasan sa buhay, at isang larangan ng laro ng pag-ibig na matagal na niyang dapat ipinaglaban.

Mula noon at ngayon, sa bawat talon para sa rebound at sa bawat tunog ng buzzer, sa init ng panahon, sa ingay ng mga tao, mapagtatanto niyang ang buhay ay sadyang mapaglaro lamang dahil sa isang iglap ay maaaring magbago ang lahat—na may mga pagkatalong kailangan niyang tanggapin, at may mga laban na dapat pa niyang habulin.

Darating kaya ang sandali na ang pag-ibig na matagal niyang itinago at isinasanntabi ay tuluyang magpapakilala sa kanya? Sa gitna nang sigawan ng mga manonood at sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng areneta, matatagpuan kaya niya, hindi lamang ang tagumpay sa laro, kundi ang panalong matagal nang ninanais ng kanyang puso?


WARNING: This book is under the category of Boys’ Love. As a result, it contains STRONG LANGUAGE, MENTIONS OF DEROGATORY TERMS, AND GAY RELATIONSHIPS ALL THROUGHOUT.

16+ ONLY

Chapter 01

Chapter 01

Napatawa na lamang ako habang inilalahad ang mga kamay ko para tanggapin ang limang libong pustahan namin ngayon. Halos mapunit naman ang mga ngiti sa labi kong nakatingin sa mga kalaban namin. Ayokong magyabang pero ganoon talaga kapag pinanganak kang maging mayabang.

“Kapag kasama talaga kita, sure ball na panalo tayo.” Binigyan ko ito ng 500 pesos kasama pa ng lima naming kasama rito sa liga. Gahaman man sa paningin, wala naman silang reklamo. Sa laki ng katawan ko, suntok lang katapat ng mga bunganga nilang mareklamo.

“Marvin, halika na. Nambababae ka pa diyan.” Inis kong tugon sa kaibigan ko nang malingat na naman ito sa mga mata ko. Hindi siya pwedeng umalis dahil wala akong kahati sa pamasahe.

Siniko ko naman ito nang dambahin niya ako ng kaniyang kanang kamay. Sa bigat nito tiyak kong nagkapasa na ako. Kahit bato-bato ang katawan ko, nasasaktan din ako.

Hindi ko na lang siya pinansin at sabay na rin kaming nagtungo sa paradahan ng dyip kung saan kami sasakay pauwi. “Az, libre ka naman diyan. Ang laki ng kupit mo sa amin e.” Tinignan ko lamang ito at binilang sa utak ko ang naishoot nitong bola kanina. Wala pa yata sa sampu ito kaya wala siyang karapatang magreklamo.

“Ang pustahan natin, kung sinong makarami ang puntos, sa kaniya ang sobra sa limang libo. Kaya walang libre libre.” Tumawa na lamang ito habang sumasakay kami ng dyip. Pagkatapos ay sa trycicle naman ang sunod at dyip naman ang ulit. Sa kabilang dako pa kami nakipusta, e doon ang may laban. Aatras ka pa ba? Pera na lumalapit sa’yo kaya huwag ka namang maging bopols ano.

Pagkababa naman ay pawis na pawis kami. Nangangamoy asim na kami dahil hindi naman kami naligo. Makatingin pa ang mga tao sa paradahan parang kasalanan naming napakalayo ng pinuntahan namin at saka kahit nangangasim na kami, alam kong ganoon din sila. Kaya ’wag silang maano ano diyan.

“Ambaho na natin, Az.” Itinulak ko na muna ito dahil alam nang mainit at maasim ang mga sarili namin, didikit dikit pa nga ang loko. Hinintay ko lamang ito habang naghahanap ulit ng dyip na masasakyan papunta naman sa village kung saan kami nakatira. Hindi ako mayaman. Itong kasama ko lang. Hindi pa naman siya pwedeng magmaneho ng sasakyan at baka mapano daw kami sa daan kahit ganoo raw kami kaingat. Hindi ako makakontra dahil wala naman akong sasakyan.

Kinuha ko na ang ibinigay nitong bayad at sabay na rin kaming sumakay ulit ng dyip. Napatingin naman ako rito dahil kanina pa ito nakadukdok sa kaniyang cellphone. Mukha na siyang cellphone sa lagay niya ngayon.

“Anong balita? Babae ba? Halos wala ka pa ngang bulbol diyan, lumalandi ka na.” Tumawa lamang ito at ipinakita ang nasa cellphone nito. Napakunot naman ako dahil hindi ko maintindihan kung anong meron dito.

“Sinong Alcantara? Wala naman akong kilala ganiyan.” Inis kong tanong. Akala ko kung ano na. Sayang huhuthutan ko sana ang mga babae niya para bantayan itong ulupong na ito. Tiba tiba rin ako kapag nagkataon.

“Si Xavi, ’yung volleyball player. Umalis na pala sila, bali may bago na tayong kapitbahay.” Napakunot lalo ang noo ko sa sinabi nito. Ano ngayon? Para namang makakapagpa-unlad yan sa Pilipinas ni hindi ko nga nakakausap ’yung tao.

“Ano ka ba Az? Syempre malay mo nagbabasketball din ’yung bago. Alam ko lalaki ang anak nila sa harapan niyo,” saad ulit nito.

“Paano mo nalaman? Dami mong alam. Tulog ko na lang ito.” Hindi ko na lamang ito pinansin at ipinikit ang mga mata ko. Parang ngayon ko naramdaman ang sobrang pagkapagod. Parang mas pagod pa ako sa biyahe kaysa sa paglalaron namin kanina.

“Puntahan natin, noong minsan pa ’yung mga ’yun dumating dito pero—”

“Bukas na lang, Marvin. Ang asim mo, papasok ka sa magandang bahay nila. Sabihin pa nila, isa kang pulubing palaka.” Sinuntok naman ako nito at hindi ko na lamang siya pinansin. Hindi naman masakit dahil kung masakit, talagang makakatikim siya sa akin.

Nakababa na kami sa dyip at saktong sakto mismo sa village namin. Tumango lamang kami sa nagbabantay at pumasok na rin pagkatapos. Malayo pa rito ang bahay namin kaya nag-usap usap lamang kami ng kahit ano ni Marvin.

May tinuro ito kaya naman napatingin ako roon sa sinabi niya. Napakunot naman ang noo ko nang makita ko ang patpatin at singtangkad namin ni Marvin ang sinasabi nitong lalaking kapitbahay namin.

“Basketball pala ah, baka isang shoot lang ng bola, bali na buto niyan.” Sinuntok ako nito habang nakatawa pa ang loko. Tumawa naman ako at sabay na kaming tumungo sa sari-sarili naming mga bahay.

Hindi ko masasabing saamin dahil nangungupahan lamang kami rito kasama ng nanay ko, magaling kong tatay, at isa ko pang nakababatang kapatid.

“Mildred, ilang buwan na kayong hindi nakakapagbayad dito. Baka naman gusto niyo nang kuhanin ang mga gamit niyo at magsilayas na ngayon din.”

“Grabe ka naman, Ate. Magbabayad din kami kapag nakadale na ako sa paglilinis.”

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng garahe namin ay ang mga boses nila ang maririnig ko. Napaharap naman ako kay mama at ibinigay ang dalawang libo sa kaniya. Hindi ko na ito tinapos magsalita at mabilis na ring pumasok sa loob.

Naligo ako at nang matapos na ako ay nagsimula na rin akong gawin ang iba pang bagay. Mahirap lamang ako pero kailangan ko pa ring mag-aral. Gusto ko mang magtrabaho at huminto pero papatayin ako ni Mama bago pa mangyari ang binabalak ko. Huling taon ko na rin naman sa high school kaya naman mas pinag-iigihan ko pa ang pag-aaral para sa libreng scholarship na makukuha ko kung sakaling ituloy ko man ang pag-aaral sa kolehiyo.

Kasalukuyan akong nagsusulat ng sagot sa science, nang mapatingin ako sa nagsisi-iyakan na mga tao sa labas ng bahay namin. Nasa ikalawang palapag ang kwarto ko, kasama ang kapatid ko na ngayon ay natutulog na. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang umiiyak na lalaking sinabihan ko ng payatot. Mali man, pero hindi ko naman alam ang pangalan nito. Hindi ko naman pwedeng sabihing, tao, e tao na nga siya.

“Ma, please… don’t leave me!” Napangisi lamang ako sa narinig kong boses. Hindi naman ako dapat makaramdam ng saya sa nasaksihan ko pero kapag naiisip ko na ang buhay namin, masaya rin palang makita na naghihirap ang ibang tao.

Napapailing na lamang ako habang isinasara ang bintana dahil nagmumukha na akong masamang tao sa lagay na ito. Ayoko namang masabihan ng walang konsensiya. Mukhang pera, pwede pa at payag na payag ako roon.

Pinagpatuloy ko lamang ang ginagawa ko at hindi na inintindi pa ang mga iyakan sa labis ng bahay namin. Kasalanan ko bang nambababae ang tatay niya at iiwan na siya ng magaling niyang nanay. Tokneneng na buhay, oh. Hindi pa tumusok sa iba. Kaya ngayon naghihirap akong mag-aral para maka-ahon sa hirap, mahirap na at baka sa lupa na naman ako matulog. Gusto ko ring yumaman at maranasang palutang lutang sa swimming pool ng sarili kong bahay.

Chapter 02

Chapter 02

Nagngangatngat ako ng tubo na nabili lang namin dito sa tabi ng court na pinaglalaruan namin ngayon. Kasalukuyan kaming nagpapahinga habang si Marvin naman ay patuloy pa rin sa pagtakbo.

Ilang araw na rin mula nang nakipagpustahan kami sa ibang bayan. Kaya para hindi mangalawang ay kailangan din naming maglaro. Hindi naman dahil magaling ka na, titigil ka na sa pagpulido ng bagay na kaya mong gawin— may iaangat at igagaling ka pa kaysa sa dati.

At saka kahit naman na player na kami sa basketball ay hindi naman lagi ang mga laro namin doon. Kapag malapit lang ang laban, doon lang kami nakakapaglaro. Parang part time job ang ginawa sa amin.

May pa-intrams pa silang nalalaman e halos kami kami rin naglalaban. Ang sarap busalan ng principal namin dahil kung ano anong pakulo ang gusto nila. Balak nga naming maging call boy na lang sa intrams—’yung kukuha ka lang ng pusta sa laban at kapag natalo, tumakbo ka na at magtago. Sayang din tinaya mo kapag ganoon. Huwag ka lang papahuli dahil kukuyugin ka ng mga mas amoy maasim pa sa’yo.

Tumigil si Marvin at pumunta sa pwesto ko. Kinuha ang dala nitong tubig at uminom doon. Pagkatapos nito ay ako naman dahil namamalat na ang ngalangala ko dahil sa tamis ng tubo na nginunguya ko ngayon. Ibinigay ko naman kay Marvin ang kalahati ng tubong kinain ko, gaya nang napag-usapan naming dalawa.

“Az, punta tayo sa mga Hermoso. Pinapapunta ako nila Mama e. Dala raw akong ulam doon.” Tumango lamang ako kahit hindi ko kilala ang sinasabi niya. Basta’t pagkain, wala akong uurungan diyan.

Pagkapunta namin sa kanila ay kumuha ito ng ulam na nakalagay sa mga tupperware. Isa sa akin at sa Hermoso na sinasabi nito. Pinagalitan pa nga ako ni Tita dahil hindi ko raw binalik ang tupperware nila. Sabi ko naman ay tinapon na ’yun dahil masebo ’yung huling ulam na binigay nila. Halos habulin ko na ang hininga ko pagkalabas namin para hindi ako maabutan ng hanger na dala nito mula sa pagsasampay. Sabi ko nga kay Tita, ang yaman yaman na nila, hindi pa sila kumuha ng kasambahay. Sabi naman niya, ang pakialamera ko naman. Ang sabi ko naman sa kaniya, dapat lang aba’t halos buong buhay ko ay nasa kanila na ako nakatira.

“Tao po!” Ako na ang kumatok dahil ang bagal kumilos ni Marvin. Nagpabango pa na akala mo babae ang kikitain namin. Sagot lang niya ay dahil dapat laging handa sa lahat ng bagay. Kung bagayan ko ang mukha niya sa kulot kong buhok. Para malaman niyang kung gaano na kakulubot ang mukha nito kapag titingin sa salamin.

Napataas naman ako ng kilay nang ang isang maton na lalaki ang lumabas. “Anong kailangan?” Hinila ko naman si Marvin dahil baka lapain ako nito sa laki nito. Mahirap na ayokong mabawasan ang kagaguhan ko sa mundo. Hindi pa ako nagpapalahi. Bawal pa dahil atabs pa raw ako.

“Pinapabigay po nila Mama.” Ngumiti naman ang maton na lalaki at kinuha ang iniabot ni Marvin. Nang isasara na sana nito ang pintuan ay mabilis kong iniharang ang katawan ko. Aba’t hindi pwedeng ganoon lang. Dapat may makuha din kami. Give and take ba. ’Di ba? Dapat lang. Walang kalimutan, kalimutan sa pamilyang ito.

“Hep, hep, hep. Baka pwede namang makasilip—o makakain man lang? Ang ganda ganda ng bahay e.” Sinapak naman ako ni Marvin habang ako ay pilit na tumitingin sa loob. Sa yaman ng mga ito, malabong walang chocolates. Kahit dalawang piraso lang para sa kapatid ko. Hindi na ako pinatulog kakangawa na bilhan ko siya ng kahit ano. Kung mayaman lamang kami, kahit pumunta pa kaming disney land, walang problema.

Hindi na rin nakatiis ang lalaki at pinapasok na kaming dalawa. Bitbit ko pa ang ulam na bigay ni Marvin habang binabaybay namin ang papunta sa kusina. Sa likuran pa talaga kami dinala nito, akala mo naman madumi ang mga paa namin. Budhi oo, pero ang katawan, hindi. Mas malinis pa kami sa batok nito na halos mangitim na at pumantay sa buhok niyang halos nakakalbo na.

Napapasipol na lamang ako nang dinala kami nito sa kusina. Dumaan nga kami sa likuran at ang nakakapagtaka ay ang tahimik ng bahay. Parang walang buhay. Ang sarap kayang magpatugtog dito lalo pa kung kokonti lang kayo at malawak ang lugar niyo. Sa amin kasi, kahit sa cellphone lang, rinig mo hanggang baba. Ganoon kanipis ang inuupahan naming bahay.

“Dito lang kayo. Huwag kayong lilibot kung saan saan. Aburido pa naman ang anak ng amo namin. Laging nakasigaw.” Tumango lamang kami habang nagkatinginan naman kami ni Marvin.

“Negative.” Napatawa na lamang kami sa isa’t isa dahil malabong makasundo namin ang anak ng may bahay dito. Umalis naman pagkatapos ang lalaki dahil may nililinisan pa raw ito. Ibinaba din niya sa isang tabi ang dinala naming ulam. Tado, sila lang naman niyan ang kakain nito.

Sa laki ng bahay at yaman ng taong nakatira dito, malabong kumain ito ng afritada menudo mechado kaldereta. Ang mahal pa naman ng hotdog. Isang piraso, bente. Halos ipalunok ko sa nag-iihaw sa labas ng village namin nang tanungin ko kung magkano kada piraso. Alam ng mayayaman ang mga nakatira sa banda sa amin, kaya halos doblehin nila ang presyo. Buti na lang, naibaba ko sa sampung piso at syempre ako na ang nagluto. Hindi naman ako ganoon kasamang bumarat at least, pinagtatrabahuhan ko naman.

Halos magtatalon naman kaming dalawa nang makita namin ang spaghetti sa lamesa. Parang hindi nga nagalaw sa sobrang pagkapuno. “Ayun, tamang tama.” Tinapik tapik ko pa si Marvin habang pumunta naman ako sa Ref.

Tinignan ko ang laman at halos puno nga ito. Malabong hindi dahil sa yaman nila kahit isang libo pang laman sa ref ay mapupuno nila. May nakita rin akong malalaking tsokolate. Nasipat ko nga ang dairy milk na tiyak kong mapapasaakin pagkalabas namin dito.

Kumuha ako ng malaking coke at nagsimula na rin kaming kumain ng kaibigan ko. Iba talaga kapag libre. Hindi naman kami nagnakaw dahil pinayagan naman kaming kumain dito. Kaya dapat lubos lubusin na. Minsan lang ’to at baka patalsikin na kami sa susunod.

“Kailangan ko ng tubig!” Halos malunok ko ang kinakain kong spaghetti sa lakas ng boses na nagsalita. Kaya naman uminom kaagad ako ng coke. Papatayin yata ako ng gunggong ’yun. Kung makasigaw, akala mo daig pa ang nasa palengke.

Nagkatingin kaming dalawa ni Marvin at parang naiisip nito ang binabalak naming gawin. Bumakas bigla ang pintuan ng kusina at lumabas doon ang isang dalangitang sa tingin ko’y nasa trenta na at dali-daling binuksan ang ref at kinuha ang isang garapon ng tubig.

Lumapit ako rito at kinuha ang hawak nito. Nanginginig pa nga ito habang nakatingin sa akin. Parang kapag pinigilan ko ito ay mawawalan siya ng trabaho. “Kami na, Ate. Kaibigan namin ’yun, kaya walang problema.” Tumango lamang ito at sinabi na umakyat lamang kami sa hagdanan at makikita naman namin kaagad ang lalaki na tingin ko’y aburidong aburido na sa buhay.

Kinuha ko ang baso habang si Marvin naman ay binuksan ang pintuan. Ngiti ngiti kami ngayon dahil may mapagtitripan na naman kaming dalawa. Dapat itinutuwid ang mga ganitong garapal na pag-uugali. Hindi dahil mayaman ka at kaya mong magbayad ng tao ay magiging matapobre ka na. Masusuntok ko talaga ang batang iyon, kung pati kami ay kalabanin niya. Sa payat niyang ’yun, kahit suntukin ako ng isang libo, hindi ako masasaktan. Kukuhanin ko pa ’yung pera dahil pera na ’yun at hindi ka makakahanap ng easy money sa panahon ngayon.

Sinipa ko nang malakas ang pintuan dahil patuloy pa ring nagwawala ang lalaki. Nanlaki naman ang mukha nito na parang natakot sa ginawa kong pagsipa. Mukha ba kaming magnanakaw? Aba’t gago ’to, ah!

“Magnanak—” bago pa siya sumigaw ay mabilis kong tinakpan ang bibig nito gamit ang isa kong kamay. Halos yakang yaka nga ng kamay ko ang bibig nito sa pagkapayat niyang halos buto na lamang ang kita.

Nanlalaki lamang ang mga mata nito habang nanginginig naman ang mga kamay niya sa tindi ng takot na nararamdaman sa pagitan naming dalawa. Ngumiti lamang ako sa kaniya habang ibinibigay ang bote ng tubig sa kaibigan ko.

“Tatahimik ka o papatayin kita?” Halos higitin naman nito ang hininga niya na siyang ikinatawa naming dalawa ng kaibigan ko. Marunong naman palang makinig ang isang ’to—dahil kung hindi ay talagang masusubok ang pasensiya ko sa kaniya. Wala pa naman akong litid sa utak.

Chapter 03

Chapter 03

Mababato ko na ang controller na hawak ko sa sobrang pagka-inis ko kay Marvin. Nasa gilid naman namin ang anak ng may-ari ng bahay habang balot na balot pa ito ng kumot. Hindi ko na ito itinali, baka ikamatay na niya sa sobrang takot sa amin.

Tumingin ako sa kaniya at halos humiwalay naman ang mga mata niya sa laki. Inayos naman nito ang salamin niya nang halos malaglag na ito sa kaniyang mata. Kahit matangos ang ilong nito, sa laki ba naman ng kaniyang salamin, talagang dadausdos ito.

“Dito ka nga, payatot.” Takot naman itong lumapit sa akin. Idinantay ko ang isa kong kamay sa kumot na nakabalot sa katawan niya. Hindi ko na tinanggal dahil sa payat nito, tiyak kong nilalamig ito dahil nakabukas ang aircon. Makapal lang talaga ang balat namin ng kaibigan ko kaya hindi kami nilalamig. Hindi ko na sinama ang mukha naming dalawa dahil obvious naman na kahit hindi ko sabihin.

Ibinigay ko ang controller sa kaniya at sinabihan na talunin niya si Marvin at kapag hindi niya ginawa ay gigilitan ko ito sa kaniyang tagiliran. Kaya naman nanginginig itong kinuha ang controller na siyang ikinatawa ko naman. Hindi ko alam kung alam niya bang nagbibiro lang kami—o sadiyang hindi lang ito sanay sa mga tao.

Ilang sandali lamang ay halos si Marvin naman ang umusok ang ilong dahil magsimula nang humawak ang anak ng may-ari ng bahay na ito ay hindi na nanalo si Marvin sa nilalaro namin. Tawang tawa lamang ako sa kaniya habang matalim naman ako nitong tinignan. Kasalanan niyang ayaw niyang magpatalo kanina sa akin. Manigas siya kahit na mukha naman siyang bato sa tigas at tikas niya.

Nang magsawa kami sa paglalaro ay pinatay na namin ito at pinaupo naman namin sa kama ang lalaking halos sumigaw ay daig pa si Darna na nakalunok ng ilang boltahe ng microphone sa lakas ng boses nito.

“Anong pangalan mo?” Tanong ko habang nakatayo ito sa harapan ko. Si Marvin naman ay pinapakialaman na ang desktop computer nito habang panakanakang nakatingin sa amin. Magnanakaw na lang, masiaydo pang halata.

“C-cedric Jero-rome H-hermoso,” pagsagot nito na halos hindi na nito mabanggit ang pangalan niya. Napangisi na lamang ako habang pinagmamasdan siya.

“Complete name talaga? Ano ’yan slambook?” Halos manginig naman ito sa takot kahit na wala naman akong binago sa boses ko. Gusto ko sanang tigilan ang kakatanong ko sa kaniya ang kaso ay natutuwa ako sa mga kilos nito. Para itong mahihimatay na ewan. Basta’t ganoon. Wala akong masabi.

“Ced na lang po.”

“Magaling Jerome. Edad.” Halos tumawa naman si Marvin sa sinabi ko. Binato pa ako nito ng stuff toy na madali ko lamang inilagan. Mambabato na lang, hindi pa marunong. Paano kaya ’to nakasali sa basketball. Baka mga lalaki habol niya kaya sumalisali lamang ito kasama ko.

“Kinse po.” Halos manlaki naman ang mga mata ko at lumapit pa ako sa kaniya para makumpirma ko ngang kinse ito. Tado talaga. Mas mukha pa kaming matanda sa kaniya ng ilang taon kahit na mas matanda ito sa amin.

Napatingin naman si Marvin sa akin na parang nagtatanong din sa kaniyang utak. “Sigurado ka? Anong year ka na ngayon?”

“Fourth year high school po.” Halos mapanganga ako sa sagot nito. Kabatch lang pala namin. Bakit ganiyan? Anong nangyari sa’yo bata? Hindi ka naman anak ni Aling Vicky para mawala at mapariwala sa buhay.

“Kami din, kaso katorse lang kami ngayon.” Halos lumuha na ang mata nito sa kakalaki niya. Para na nga itong nakalabas sa mga mata niya. Gusto ko man mandari sa naiisip ko pero nakakatawa naman ang itsura nito. Para itong kuwago, ang pinagkaiba lamang ay tao ito.

“Mula ngayon, kaibigan mo na kami. Bawal kang sumigaw sa mga taong nagtatrabaho dito. Kapag narinig kita, aakyatin ko ’tong kwarto mo at itatali kita at ibabalibag sa labas. Maliwanag?” Mabilis naman itong tumango at hinila ko na ito pababa dahil mukhang mababalian na ito ng buto sa nipis nito. Hindi ba ito nakakain man lang? Sa yaman nila kahit maghanda sila na parang pyesta araw-araw ay walang problema.

Mabilis namang sumunod si Marvin sa amin pagkatapon ko sa kaniya ng kumot na tinanggal ko kay Jerome. Wala namang nagawa ito kundi sumunod sa amin. Naabutan ko pa ang isang katulong nila pero pinaalis ko lamang. Mukhang maiihi na ewan kasi ito sa takot sa mukhang batang hawak hawak ko ngayon.

Pinaupo ko ito at ako na ang naglagay ng kakainin nito dahil sa huli naman ay sa kanila ang bahay na ito. Nakikikain lang naman kami at nakakahiya kung hindi ko ito pagsisilbihan ngayon. Mukha naman siyang prinsesa sa lagay niya.

“Ubusin mo ’yan. Kapag may tinira ka, ipapalunok ko sa’yo lahat ’yan.” Nakatingin lamang ito sa spaghetti at afritada. Pagkatapos sa akin at lumunok ito ng laway. Mukha ba akong pagkain? Kung makatingin ito sa akin parang ako ang uulamin niya.

“Sigurado ka?” May pag-aalinlangan pa sa mga mata nito.

“Mukha ba akong nagbibiro? Walang lason ’yan at kung hindi ka kakain, ako na magpapasok diyan sa bunganga mo.” Wala itong nagawa at nagsimula na ring kumain habang ako ay pilit pinipigilan na huwag matawa sa mga pinagsasabi ko sa kaniya.

Mabagal itong kumain kaya naman nagkwentuhan na lamang kami ni Marvin. Minsan ay nakikisali pa siya. May alam din pala itong si Jerome sa basketball. Gusto niya raw matuto ang kaso baka hindi kayanin ng katawan niya. Kaya nga sabi ko sa kaniya, kainin niya yan at para masigurado ko na nakakakain ito ay dadalawin ko ito araw araw. Para mabantayan ko na rin ang ugali nito. Pero ang totoo lang ay gusto ko lang kumain sa kanila.

Nagpaalam na kami sa kaniya at syempre kinuha ko na rin ang dalawang malalaking dairy milk na nasa ref. nila. Sayang naman kasi kung walang kakain. Nagdala na rin ako ng spaghetti na para sa tatlong tao. Gusto ko ngang mas damihan pa dahil baka hindi nila maubos ’yung iba, ang kaso namimihasa naman ako sa lagay ko. Nahihiya din ang budhi ko.

Pilit namang ngumiti si Jerome sa amin nang ihatid kami nito sa labas. Kakamay na sana ako nang pabagsak naman niyang isinara ang pintuan ng gate nila. “Jerome!” sigaw ko na siyang narinig niya pero hindi siya sumagot at tiyak kong nginungutngot na nito ang mga kuko nito..

“Abat!” Maglalakad na sana ako at kakatukan ko ang pintuan nila nang pinigilan na ako ni Marvin. Natatawa pa ito dahil sa galit kong mukha. Anong magagawa niya? May pagkabastos ang batang iyon.

“Easy, titino din ’yang bata natin.” Inismiran ko na lamang ito habang nagpaalam na rin kami sa isa’t isa. Kung sabagay, ang aso naman ay natuturuan sa mahabang panahon. Kaya mapapatino ko rin ang batang iyon.

Napapailang na lamang ako habang malaki ang ngisi dahil may dala na naman ako sa bahay namin. Iba talaga ang madiskarteng tambay.

Chapter 04

Chapter 04

Ang mga ngiti na namutawi sa akin kanina ay napalitan naman ng kaba nang makita kong nakahandusay ang aking nanay. Mabilis kong binitawan ang hawak kong supot at tinulungan itong makatayo. Para akong binabalatan ng buhay sa sobrang bilis ng takbo ng dibdib ko ngayon.

Dinala ko ito sa may sopa na nasa bungad lamang din ng pintuan namin at inihiga ko siya rito. Nilagyan ko na rin ito ng electric fan para mahanginan ang likuran niya. Itinaas ko na rin ang kalahating bahagi ng katawan ng damit na suot niya para guminhawa naman ang pakiramdam nito. Natutuhan ko ito sa paglalaro ng basketball dahil sa isa sa mga kasamahan namin na nawalan ng malay sa gitna ng laro.

Ngayon kahit gusto ko mang dalhin ang aking Ina sa hospital ay wala naman kaming perang pambayad. Hindi ko rin makita ang magaling kong ama na tiyak kong nag-iinom na naman sa kabilang kanto. Tinawag ko namn ang nakakabata kong kapatid at sinabihan na paypayan si Mama.

Itinuloy ko na lamang ang paglalaba niya at ilang oras lamang ay natapos lamang ako. Mabilis naman akong naglinis ng mga pinagkainan at ibang bahagi ng bahay na kailangan ding linisin ngayon. Sanay na ako sa ganitong takbo kaya parang namanhid na ang katawan ko sa pagod.

Maggagabi na ng magising si Mama. Tinanong ko naman ito kung may nararamdaman ito, ang sagot lamang siya ay maayos naman na ang pakiramdam niya. Nahilo lamang daw ito kaya siya nahimatay. Sinabihan ko naman na huwag na itong magkikilos na siyang ikina-aray ko lamang ng aking tenga.

Bago ako matulog, narinig ko pa silang nagsisigawan sa baba. Pinikit ko na lamang ang mga mata ko at nang makita ko ang nakakabata kong kapatid na matiwasay ang tulog—hiniling ko na lamang na manatili itong walang muwang sa mundong hindi pa payapa para sa aming lahat.

Wala naman akong magagawa kung ganito ang buhay na ibinigay sa akin. Hindi ko naman mapipili ang mga taong nagsilang sa akin, hindi ko naman pwedeng itakwil ang aking ama dahil kahit balikbaliktarin ko pa ang mundo, dugo at pawis niya ang nananalytay sa akin.

Nakatitig lamang ako ngayon sa sinasabi ng aming guro sa asignaturang Filipino nang may biglang kumatok mula sa pintuan. Napatingin kaming lahat nang pumasok ang principal namin. Sumunod naman ang bago kong kaibigan na si Jerome. Nagkatinginan pa kami ni Marvin na nasa harapan dahil pinaghiwalay kami ng teacher namin sa sobrang ingay at gulo naming dalawa. Ngumisi lamang ako pabalik sa kaniya na para bang alam na nito ang laman ng utak ko.

Mas lalo pang sumaya ang mukha ko nang ipatabi si Jerome sa akin. Nakayuko lamang ito na para bang walang kasalanang ginawa sa amin. Nakalimutan ko na nga iyon pero talagang mapaglayo ang tadhana.

Nang tignan ko ulit ito ay inayos ayos na nito ang salamin sa kaniyang mata habang naglalakad at parang iniiwasan naman na madagit ang mga tingin ko.

“Excuse me.” Hindi ako umusog. Para saan ba ang excuse me na ’yan? Ang pagkakaalam ko lang ay kapag inuubo ka. Maliban doon, wala na akong alam. Tinignan ako nito na para bang itatarak na ang mga mata niya sa akin . Napatawa na lamang ako habang inihahakbang niya ang mga paa niya na mabilis ko namang pinigilan kaya sinalo ko siya nang babagsak na siya sa upuan.

“Ang sweet naman ni Az. Baka magkatuluyan niyan kayo.” Mukhang tangang salita pa ni Marvin na pagkalakas lakas kaya halos magtawanan ang mga kaklase namin sa ginawa niya. Iniayos ko na ito at umupo naman siya sa tabi ko. Idudusog na niya sana ang upuan niya palayo sa akin nang pigilan ko ito.

“Gagamitin kong sandalan ’yun iyo, kaya huwag kang dudusog.” Napasimangot naman ito kaya litaw na litaw ang mga bilugan niyang pisngi. Parang buto na nga ang nakikita ko ngayon sa kaniya.

“Mukha kang baboy na payat kapag ngumunguso ka.” Halos manlaki na naman ang mga mata nito. Sa salamin niyang ’yan, talagang lalaki ang mga mata niya. Kaya kamukhang kamukha na niya yung bida sa the legends of the guardians

na si

Soren.

Pinagpatuloy lamang ng teacher namin ang pagdidiscuss at nang matapos ito ay tinawag niya sa harapan si Jerome. Hindi ko na inulit ang ginawa ko dahil baka masuntok na ako nito. Hindi man masakit pero guidance naman bagsak niya. Kawawa naman siya at baka malagay pa siya sa Guinnness World Records.

Kahit papaano, may konsensiya naman ako.

“My name is Ced Hermoso.” Halos magpantig naman ang mga tenga ko dahil kabaliktaran sa una niyang pagpapakilala sa amin. Natututo na ang bata namin ni Marvin.

Napapangiti na lamang ako habang nagpapatuloy ang umagang puro pag-aaral lang ang ginagawa namain. Kahit naman ganito ako, mahal ko naman ang mag-aral. Bulakbol with a greatest white sabi nga sa commercial sa facebook.

Mabilis akong tumayo at pumunta sa labas para hintayin na si Marvin. Ang kupad talagang magsulat kahit kailan. Kaya ayan, maiiwan na naman siya. Kahit pangit sulat ko, hindi naman binabasa ’yan ng teacher namin kaya ano pang sense kung papagandahin?

Nakita kong lumabas si Jerome kaya siya ang napagdiskitahan ko. Niyakap ko ang isa kong kamay sa balikat nito. Mas matangkad lamang ako ng ilang pulgada dito pero ang maganda, mas matangkad ako sa kaniya.

“Best friend, sabay ka ng kumain sa amin. Sasabay din kaming pauwi sa’yo.” Halos magsalubong naman ang mga kilay nito sa akin. Parang laging galit ito sa mundo. Wala namang ginagawa sa kaniya ang tao e.

Tinanggal ko ang pagkakakapit sa kaniya at humarap dito. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa mukha nito na siyang ikinataka niya. Malinis naman ang kamay ko kahit na pinahid ko ito sa pwetan ko para maamoy ko kung mabango pa ba ang likuran ko.

“Pumapangit ka kapag magkasalungat ang kilay mo. Tignan mo mukha mo, parang pinagba-by pair mo ang mga pimples mo.” Kasabay nang pagtawa ko ang paghagod ko pa sa noo nito. Totoo naman kasi na kung kukulubot ang kilay nito ay nagdudugtong ang mga pimples nito sa mukha. Astig nga e. Parang naglalaban pa kapag pinagbubuklod.

Tinabig nito ang kamay ko at mabilis na tumakbo palayo sa akin. Nang titignan ko na ito ay isang kamay ang dumantay naman sa balikat ko.

“Tara na, Az.” Wala na akong nagawa kundi tignan ang bago naming kaibigan na halos yakapin na niya ang hangin sa bilis nitong tumakbo. Madapa ka sana . Napakagat labi na lamang ako nang madapa nga ito. Tumingin pa nga sa akin na parang kasalanan ko na hindi ito tumitingin sa daanan.

Chapter 05

Chapter 05

Hindi naman na kami pinapansin ni Jerome. Para kaming hangin sa kaniya. Hindi ko naman magulo dahil gusto ko ring matuto sa pinag-aaralan namin. Mahirap nang aralin ulit. Nakakapagod ang pa-ulit ulit.

Sa ikalawang linggo na ang intrams namin kaya naman puspusan na ang paghahanda namin para sa basketball. Bali ang magiging labanan ay mula Grade 7 hanggang Grade 12. Pero dahil unfair sa amin na halos mga dambuhala ang mga ito at sa laki ng mga katawan nila. Wala silang magawa kundi sasali na lamang sa amin. Bali may apat na mapupunta sa amin. Ipinakilala na sila pero hindi ko lamang sila matandaan dahil baka hindi ko na lamang sila makita.

Kung may kikilalanin man ako ay ’yun yung team captain nila na pinili ang mga 4th year. Syempre, sure ball na panalo na kaya kahit matulog ito ay okay lang. Sa liit ng ibang year level, baka durugin lang namin sila. Hindi ako masakit magsalita, nagsasabi lamang ng totoo. Pang-elementary kasi ang mga height nila.

“Hi, Gio nga pala.” Nakipagkamay lamang ako rito. Ang tangkad nito at ang puti na nakakasilaw, kabaliktaran sa kayumanggi kong balat.

“Azalea pala, pero Az na lang.” Ngumiti lamang ito at tinapik na ako pagkatapos ay tumakbo na rin paikot sa court na ito. Kasalukuyan kaming nagwawarm up bago magsimula ang practice namin ngayon.

Nakihiram muna kami sa kabilang school ng basketball court para doon magpractice. Hindi naman kami makapagreklamo kahit na dalawahang pamasahe ang papunta rito dahil nagbunutan naman kami. Talagang may balat sa pwet si Marvin kaya ayan, nagkanda malas malas kaming dalawa. Halos dugsulan ko siya dahil siya ang nagpupumilit na swerte siya ngayong araw. Magiging swerte pa kaya siya kung sinapak ko na siya at grinipuhan sa tagiliran.

Natapos ang training namin na halos kaladkarin ko na pasakay ng dyip si Marvin. Ang lala ng mga senior namin. Para nila kaming pinapatay dahil tuloy tuloy kung maglaro. Hindi ba pwedeng magpahinga? Bawal mabangko? Kaya halos maubos na naming dalawa ni Marvin ang lahat ng tubig namin na dinala. Bumili pa nga kami kanina dahil paubos na rin. Hindi naman kami makahingi dahil mababaho mga kasama namin.

Naglalakad kami ngayon sa kahabaan papunta sa mga kaniya kaniya naming mga bahay, nang makita namin si Jerome na nakatambay sa may bandang parke. Naisip ko nga na baka naglayas ito pero sa malapit lamang dahil malabong nasa

bokabolaryo nito ang magliwaliw kung saan saan man.

Nang makita ko ito ay doon ko lamang napagtanto kung ano ang ginagawa niya. May hawak itong bola ng basketball at nakaupo ngayon sa isang batong upuan. Kung hindi ko ito kilala ay hahamunin ko ito ng pustahan, mayamman ba naman ang ateke niya.

“Jerome!” Halos isigaw ko na sa mundo ang pangalan niya sa sobrang lakas. Malayo pa lamang kasi kaya dapat rinig na rinig niya ako. Hindi naman ito tumayo o kung ano pa man at nakatingin lamang ito sa aming dalawa ni Marvin na parang wala lamang kami sa harapan niya.

Mabilis namin siyang pinuntahan at ngayon nga ay nakayuko na siya nang makapunta kami sa pwesto niya. Itiningala ko ang ulo niya paharap sa amin.Nakakabastos naman kung pababa baka isipin pa nito ay maniyan kami.

“Anong problema? Gusto mong matutong maglaro ng basketball?” Pagtatanong ko. “Heto si Marvin oh, tuturuan ka niyan.” Hinila ko pa si Marvin dahil pagod ako kung tuturuan ko pa siya.

Siniko lamang ako nito pero wala itong magawa dahil ako ang napagdiskitahan kanina kaya nga gusto kong umalis kaagad dahil nakakabwisit ang mga senior namin. Parang kasalanan pa naming wala kaming maayos na training at kasalanan ng school ’yun.

“Huwag na nakakahiya, hindi ko nga matapon tapon ’yung bola.” Napailing na lamang ako at umupo sa tabi niya. Ganoon din ang ginawa ni Marvin. Iniakbay ko pa ang kamay ko sa balikat niya.

“Di bale kapag lumusog ka ng konte, mashoshoot mo rin doon. Babantayan ka namin hanggang matuto ka. Tuturuan ka pa ni Pareng Marvin. Ayaw mo ’yon?” Nagtawanan lamang kami ni Marvin habang nakabusangot na naman si Jerome.

“Okay lang ’yan, Jerome. Medyo pagod kami nitong si Pareng Azalea, kaya malabong maturuan ka namin ngayon. Kapag natapos na lang ang intrams.” Tumango lamang ito at sabay na rin kaming umalis doon. Hindi namin papalampasin na makapasok sa bahay niya kaya pangiti ngiti na naman akong umuwi sa amin habang may hawak na naman ng dalawang malaking dairy milk.

Chapter 06

Chapter 06

Nakasunod ngayon sa amin si Jerome dahil sa kagustuhan nitong maisali sa basketball team. Dahil hindi naman kaya ng katawan niya. Napagdesisyonan namin na gawin itong call boy. Tagakuha ng tubig, tagapunas ng pawis, tagabuhat ng gamit—at kulang na lang ay kami na ang buhatin nito. Parang kami pa ang mas pabigat ngayon sa kaniya.

Kaya naman bilang pambawi ay tuturuan namin ito sa mga ibang subject na nahihirapan siya. Hindi naman namin gustong maging call boy ang bata namin ni Marvin. Ang kaso talagang hindi kaya ng katawan niya. Sabi nga ni Coach baka sa susunod na taon ay pwede na, basta’t kakain lang ng ito ng tama.

Ngumiti ako kay Jerome nang ibigay nito ang bote ng gatorade. Ilang araw na lang din naman matatapos na ang kahibangan niya. Kahit naman sabihin naman na huwag tanggapin ang pagiging call boy ay ginawa niya pa rin. Gusto niya raw matutong magbasketball. Sabi ko nga pwede naman siyang manuod, o hintayin kami na matapos sa training, o patapusin muna ang intrams dahil malabo talagang maturuan namin siya. Sadyang makulit lamang ang budhi nito.

“Ayos ka pa ba? Sabi naman kasi namin huwag mo nang tanggapin,” may alat na salita ko sa kaniya. Marahan lamang ito na parang pinapagalitan siya dahil hirap na hirap ito base sa tagaktak ng pawis sa mukha nito.

Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang face towel na nasa kamay nito na dapat ibibigay niya sa akin. Pinunasan ko ang naglalandas na tubig sa mukha nito. Nang malapit na sa mata ay itinaas ko naman ang kaniyang salamin kaya naman napapikit ito.

“Azalea, ako na.” Kinuha nito ang hawak kong towel at siya na ang nagpatuloy nang pagpupunas sa mukha nito. Ibinaba ko na rin ang hawak kong gatorade at tumalikod na rin sa kaniya.

“Az na lang, ang kulit.” Para naman akong babae nito. Tsk.

Mabilis lamang natapos ang oras at natapos na rin kaming magtraining. Pagod na pagod ako dahil ang hirap palang mag-adjust sa ibang tao. Nakasanayan ko kasing ipasa ang bola kay Marvin para kapag mahigpit sa loob, siya ang titira sa labas. Kaya nang makita kong nagpalit sila ng senior namin ay halos mawalan ako ng pag-asa. Ishu-shoot na lang, ang tanga pa. Kaya kahit gusto kong sipain ito, wala akong magawa kundi gawin lang ang dapat kong gawin.

Napadukdok naman ako sa bench habang tumabi naman si Marvin sa akin. “Huwag mo nang pansinin ’yun, Az. Ganoon talaga. Sayang lang kasi lagi na lang ganoon.” Napatingin naman kaming dalawa nito sa kadarating lang na si Jerome na may dala na namang tubig.

“Ano pa nga ba? Sinasadya talaga nilang bantayan ako. May kasama pang siko na akala mo hindi nakikita ni coach,” atungal ko sa kaniya. Kinuha ko ang inabot nitong tubig sa amin at mabilis na ininom.

“Sabi nga ni coach, magpasensiya lagi.”

“Magpasensiya niya mukha niya kamo.” Hindi kasi siya ang nasisiko sa tagilan na akala mo ay hindi masakit. Hindi ko lang pinapahalata pero gusto ko nang patayin ang mga seniors namin na nakisali lamang dahil dehado ang mga nasa lower year.

“Hindi kayo maliligo?” Binitawan ko ang hawak kong tubig at muling tumingin kay Jerome ngayon. Ngumisi naman ako habang inaamoy ko pa ang pang-itaas kong damit.

“Mabango naman,” pagsasalita ko. Nakipabango naman ang dalawa at halos mapatawa ako nang maamoy nila ang amoy araw kong katawan. Napapasampal pa ako sa sahig dahil sa mga reaksyon nila. “Mga uto-uto.”

“Kadiri ka, Az,” reklamo ni Marvin. Tinignan ko lamang si Jerome na ngayon ay nakangiti lamang. Parang gusto pa yata nitong amuyin ang damit ko.

“Gusto mo pa?” Kasabay nang paghawak ko sa damit ko. Nang lalapit na ako ay tumakbo naman ito. Tinignan ko si Marvin at ang tado ay tumakbo din na akala mo ay hindi amoy araw. Natatawa na lamang akong pumasok ng banyo para maligo.

Nang matapos ako ay siyang labas naman ni Marvin sa kabilang cubicle. Nagtaka man ay sabay na rin kaming pumunta sa pwesto namin kanina para kuhanin ang mga gamit namin.

“Hindi pala ako sasabay sa’yo, Az.” Isinuksok ko pa ang mga gamit ko sa bag kahit na gulong gulo na ito. Basta’t makauwi ayos na. Aanhin mo pa ang maayos na bag e hindi naman nakikita ang loob.

“Babae ba? Hindi ka pa ba nagsasawa? Iisa lang mukha nila,” salita ko rito. Wala akong kasabay kung ganoon. E may sundo pa si Jerome. Hindi naman siya umuuwi kaagad dahil sa opisina ng magulang niya ito dumidiretso.

Napapakamot na lamang ako ng ulo at walang ganang tumango sa kaibigan ko. Kahit kailan talaga kapag kalandian, wala na ang lugar para sa kaibigan. Halos idikdik na nito ang mukha niya sa nililigawan nito.

Nagpaalam na rin ako kay Marvin at parang sanay nang hanapin ng mga mata ko ang presensiya ni Jerome. Mabilis akong pumunta sa tabi niya at inakbayan ito. Kasalukuyan itong nagliligpit ng mga bolang ginamit namin kanina.

“Pasabay,” biro kong salita sa kaniya. Nakapaskil pa rin ang nakakalokang ngiti sa akin. Humiwalay naman ito sa yakap at humarap sa akin.

“Okay lang, kaso sasama ka sa akin kila Papa. Mamaya pa kami uuwi.”

“Pwede namang meet the parents ang ganap natin. Ayaw mo nun?”

“Sira.” Sinuntok naman ako nito at tinulak naman pagkatapos. Natatawa naman akong nagpaalam sa kaniya na ginulo ko pa ang buhok nito pagkatapos.

Malaki na nga ang pinagbago nito sa nakalipas na buwan. Parang hindi mo makikita sa kaniya na bumubuga ito ng apoy sa sobrang lakas ng boses nito. Hindi ko nga akalain na kaya nitong makinig at gawing utos utusan lamang.

Kapag tinatanong ko naman siya, ang sinasagot naman niya ay masaya siyang nakakakita na may naglalaro ng basketball. Biniro ko nga na baka basketball player ang sinisipat nito, ayun halos ipalit ko na sa bola ang mukha ko sa sobrang pagkapula ng mukha niya sa sinabi ko.

Napapailing na lamang ako sa naiisip ko at sumakay na rin ng madalas naming sinasakyang dyip. Pagkababa ko ay nakita ko kaagad ang magaling kong tatay na kainuman ang sekyu na laging bantay sa hapon.

Bibilisan ko na sana ang lakad para hindi na nila ako mapansin nang tawagin ako ng sekyu at papuntahin sa kanila. Nakayuko lamang ako habang hinihintay ang sasabihin nila sa akin. Nakita ko pa ang ngisi ng aking ama na parang walang pakialam sa kung anong sasabihin ng kasama nito sa akin.

“Az, pinapasabi pala nitong kaibigan namin na heto na pala ang bago mong nanay.” Ngayon ko lang din nakita ang kasakasama nila. Parang nagdilim naman ang mukha ko at nasuntok ko ang magaling kong ama. Kaya ngayon papauwi akong may putok ang labi at may black eye sa mata.

Hindi naman na bago na lagi itong may babae. Parang proud pa nga ito na nakikita namin iyon. Problema lang martyr si Mama at ang laging sagot niya lang, ang mahalaga sa atin pa rin ito umuuwi .

Chapter 07

Chapter 07

Inis na inis ako ngayon habang kinukulit ako ng secretary ng classroom namin. Paano ba naman kasi kailangan naming magbayad ng 50 pesos para sa booth na gagawin namin sa paparating na intrams. E masyadong mahal naman at hindi naman ako nagtatrabaho para sa kanila.

“Az, ano ba? Ikaw na lang hindi nagbabayad,” salita ulit nito sa akin. Naririndi na ako sa boses nito sa totoo lang. Parang kulang na lang iduck tape ko ang bibig nito para huminto kakasingil.

“Ba’t ang mahal naman? Ano bang ibebenta mo? Lechon?” pagtatanong ko pa ng pabalang. Kinuha ko ang ballpen sa bag ko at pinilit kong ituon ang atensyon ko sa pagsusulat ko ngayon.

“Ako na magbabayad sa kaniya.” Napatingin naman ako sa katabi ko na may dinudukot ito sa pitaka niya. May inilabas siyang 500 pesos at ibinigay rito sa kausap ko.

“Wala kang barya?”

“Keep the—” bago niya pa sabihin ang sinasabi niya ay sumabat na kaagad ako.

“Akin na, ako na magpapapalit.” Kinuha ko ang pitaka ko at inilabas ang pera kong halos nalamutak na. Kinuha ko ang 50 pesos at ibinigay dito.

“May pera ka naman pala, ba’t nagpapalibre ka pa?” reklamo nito na siyang pinaalis ko lang gamit ang mga kamay ko. Nagbayad na, magrereklamo pa. Ang daming satsat.

“Thank you sa 500. May baon ka pa? Libre na kita.” Napapailing na lamang ito sa akin. Hindi na kinuha ang pera niya. Hindi ko na pinilit at baka ang grasya ay mapurnada pa. Kupal na kung kupal, ganoon talaga ang mundo. May kupal, may mabuti, at may mukhang mas makapal pa sa akin.

Hawak ko na ang pinamili kong lunch para sa amin ni Jerome. Balak niya sanang huwag nang kumain ang kaso ay hindi pwede. Sa payat niyang yan, kulang pa ang hawak ko ngayon. Sinakto ko lang na 75 pesos. Dalawang kanin at isang ulam. Solb na kami doon.

Habang kumakain ay nakatingin lamang ito sa akin. Hindi ko na lamang ito pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ko. Mas masarap ang pagkain kaysa sa kaniya.

Napatingin naman ako sa tumapik sa akin at kung sunuwerte ka nga naman. “Utang mo, Az.”

“Di ba sabi mo next month mo pa kukunin? Doon pa lang ako magbabayad e,” dahilan ko at hindi pinansin ang kaklase kong nag-abono pa sa project namin. Kasalanan ko bang sinagot niya ang bayad doon e hindi ko naman sinabi at wala akong sinabing magbabayad ako.

“Az, 100 lang naman ’yun. Hindi mo pa nabayaran. Gusto mo bang isumbong kita sa teacher natin para maalis pangalan mo?”

Nakita kong magbubukas na naman ng pitaka si Jerome pero inunahan ko na. Dumukot ako ng 100 at binigay rito. Hindi naman padabog ang bigay ko. Mga mata ko lang at labi ang tanging magagawa ko. Nakasalungat at nakabusangot ang lagay ko ngayon habang kumakain.

“Ang dami mo yatang utang Azalea? Hindi mo ba kayang magbayad? Sabihin mo lang, ako na ang magbabayad.” Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na Az na lang ang itawag sa akin, pero pilit niya pang binabanggit ang full name ko. Wala naman na akong magawa kaysa naman pilitin niya rin akong sabihin na Ced na lang ang itawag ko sa kaniya kahit ayoko.

“Huwag na, baka tinutulungan mo lang ako dahil may kailangan ka e,” wala sa tonong salita ko at inubos na ang kinakain ko. Kinuha ko pa ang softdrinks na binili ko at ininom ito.

“Isa lang naman kailangan ko, turuan mo akong magbasketball.” Napatingin ako rito na parang bang nagloloko ito sa tono nito. Nang wala akong makuha ay nakipagkibit balikat na lamang ako at sineryoso rin ang tanong nito.

“Di ba alam mo naman na lahat? Nanonood ka pa nga e.” Tinignan ko ang kinakain nito at halos hindi man lamang niya ito ginalaw. Ito talagang lalaking ito, nagsasayang ng pagkain. Alam ko namang walang lasa ang mga ulam nila rito, pero sana kumain pa rin siya. O kaya magbaon. May mga kasambahay naman siya na mag-aasikaso sa kaniya.

“Alam ko lang pero hindi ko naman nagagamit. Hindi nga ako marunong magdribble e. Kapag ginawa ko, halos hindi man kumapit sa kamay ko.”

“Kumuha ka kasing super glue para dumikit sa kamay mo.” Sinuntok lamang ako nito sa balikat na siyang ikinatawa ko. Asar talo talaga itong lalaking ’to.

“Oo na, basta’t pagkatapos ng intrams. Wala na kong ganap non. Pwede na king turuan.” Tumango lamang ito. Napatingin naman ako sa likuran ko at nakita kong naroroon si Marvin na kasama ang jowa niya. Halos 24/7 yatang nakalambitin sa kaniya. Balibhasa mukhang ungoy ang loko.

Matapos ang maghapon na klase ay dumiretso kami sa gym. Nakaschedule ngayon ang tune-up namin sa ibang senior. Bali mga kaibigan o kaklase ng mga ibang senior na teammates din namin ang kasama. Wala namang bago. Sa tangkap at laki nila—isang siko lang nila sa’yo, tumba ka. Aray po, apo.

Kaya kahit masakit, tiniis ko na lamang. Mahirap talaga kapag nasa loob ka ng court at mga gago ang mga kasama mo. Ang problema pa ay bantay sarado ka kapag alam nila na sayo at sayo ipinapasa ang bola. Kaya nakakawalang ganang maglaro minsan lalo pa kapag may naniniko na sa kanila.

At kung hindi man ay halos mga kasamahan mo naman ang nagpapa-stress sayo dahil halos ishoshoot na lang din nila ang bola ay ang tatanga pa. Uunahin pang magpapogi, mukha namang mga unggoy ang mga gago.

Natapos ang araw na iyon na maingay na naman ang buong bahay namin. Parang nasasanay na ang sarili ko sa ingay tuwing gabi. Ayokong mangyari ito sa magiging pamilya ko balang ayaw, gusto kong marahan lamang ang mga tinig na maririnig sa bawat sulok ng titirhan namin ng mapapangasawa kung bibigyan man ako nang pagkakaton.

Mahirap na lagi kong nakikita na nagkakasagutan ang mga magulang ko. Gusto ko mang kausapin si Mama na iwan na si Papa parang hindi naman niya kaya. Lagi niya lamang sinasabi ay ang mahalaga ay buo kami. Aanhin ko ang buo, kung hindi ko naman ramdam. Masakit man pero ito ang mga araw na hiniling kong maghiwalay sana silang dalawa.

Chapter 08

Chapter 08

Kahit gusto ko pang matulog. Pinilit kong magising nang alas syete nang umaga. Araw ng sabado ngayon at gusto kong turuan paano magbasketball si Jerome. Umuokay naman ang timbang nito. Sadyang ganoon lang talaga ang katawan nito.

Wala naman na akong magagawa kung talagang ayaw ng katawan nito ang tamang timbang para sa lalaki. Kahit damihan mo pa ang kain niya, kung ganoon talaga ay wala ka nang magagawa.

Kumatok ako sa kanila at pinagbuksan ako ni Gado na personal driver nila. Pinapasok naman ako lalo pa’t sanay naman silang nakikita ang napakagago kong pagmumukha. Sa likuran na ako pumasok dahil mas mabilis ang daan doon papunta sa kwarto ni Jerome.

“Hello po, Tita,” pagbati ko rito. Nagkakape ito habang may ginagawa sa harapan ng laptop. Tumingin muna ito sa akin at ngumiti bago ipinagpatuloy ang ginagawa niya.

Parang ’yun na ang naging daan para akyatin ko na ang kwarto ng kaibigan ko. Pagkapasok ko ay nakita kong natutulog pa ito. Mabilis kong tinanggal ang kumot nito at bumungad sa akin ang patpatin nitong pangangatawan. All gears pa itong matulog. Nakaternong damit at panjama at meron pa itong medjas sa paa. Napatawa na lamang ako dahil unang beses ko itong makitang matulog. Hindi naman natutulog sa klase ’to, kami lang dawalang gago ni Marvin.

Tinapik ko na ito ng ilang beses at hindi man lamang nagising. Dadambahin ko na sana ito nang mahagip ng mata ko ang nasa pagitan ng hita nito. Tayong tayo ito na karaniwan na tuwing sasapit ang umaga sa mga lalaki. Hindi ko na tinuloy ang binabalak kong pagdamba dahil baka masaktan ito sa laki ng pangangatawan ko.

Pinag-interesan ko na lamang ang computer set nito na talagang pang-gamer. Nawala na sa isip ko ang pagtuturo ko sa kaniya at kinalikot na ang dapat kalikutin. Pinagkialaman ko pa ang mga folder nito at nakita ko sa may document na may nakalagay na my future husband na may puso sa gilid. Nagtaka man ay pinindot ko ito. Hindi pa nagbubukas ay namatay kaagad ito.

“What are you doing here Azalea?” Para naman akong natauhan sa sinabi nito. Napatingin ako sa halos hapong hapo na si Jerome. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Para itong may hinahabol na ewan.

Hindi ko na dapat papansinin ang nakita ko pero iba kasi ang reaksyon nito. Parang ang sarap asarin. Kaya naman ngumisi ako at lumapit sa kaniya na halos ilang pulgada na ang layo ng mga mukha namin.

“Sinong my future husband mo? Ako ba ’yun? Ikaw ah, sinisipat mo pala ang gandang lalaki ko.” Iminulesya ko pa sa kaniya ang mga biceps ko at ang inaasahan kong pupula ang mukha nito ay nabalidtad nang tadyakin niya ako sa gitnang bahagi ng katawan ko.

“Ang little junior ko, taena. Hindi na ako magkakaanak nito.” Dinadramahan ko pa para maawa ito. Masakit pero tiniis ko lang dahil pakiramdam ko ay maloloko ko ulit ito. Ganoon naman siya.

“Okay ka lang ba?” Lumapit ito at mababakas ang pag-aalala sa mukha nito. Nakatingin lamang ako sa kaniya habang nakikita ko na ang gusto kong makita sa kaniya. Mapula na ang mga tenga nito na akala ko ay sa mukha ito mamumula. Ganito pala siya mahiya.

“Kiss mo raw si junjun para mawala ang sakit,” pangbibwisit ko ulit sa kaniya.

“Sira!” Mabilis ako nitong itinulak na siyang ikinatawa ko lamang. Pumasok naman ito sa banyo at hindi nakalampas sa akin ang pagkapula ng buong mukha nito.

“Bilisan mo, Jerome. Tuturuan pa kita paano mahalin ako,” salita ko sa kaniya na siyang ikinalabas naman ng ulo niya sa banyo.

“Heto mahalin mo.” Kasabay nang pagpakyu nito sa akin. Aba’t marunong na siyang gumanyan. Natutuhan niya yata sa akin ’yan.

Nahiga na lamang ako sa kama nito at tumingala sa kisame nito. Ganitong pakiramdam ang gusto ko. Tahimik, malamig ang paligid na hindi mo na kailangan gumising pa dahil naiinitan ka na, may nakahandang pagkain na bagong luto, at mga karangyaan na masasabi kong nais kong maramdaman balang araw. Sinong bang hindi di ba? Lalo na kapag galing kang hirap talaga at wala namang imposible sa mundo at lalong lalo na libre naman ang mangarap. Kung may bayad ’yun, ba’t ka pa mangangarap?

Bumukas naman ang pintuan ng banyo at nakita ko nang lumabas si Jerome. Nakatapis lamang ito ng tuwalya at ngayon ko lang napansin na wala na pala itong salamin. Nakatitig lamang ako sa kaniya sa ganda ng mukha nito. Kung mahaba lang ang buhok nito ay aakalain kong tunay itong babae. Napakaputi din nito na siyang kabaliktaran ng akin. Para ngang kalawang ang kulay ko kung meron man.

Ngumisi lamang ito sa akin at kinindatan pa ako. Kinilabutan naman ako sa ginawa niya kaya tumalikod na lamang ako. Tado neto gagawin pa kong bakla. Sa payat niyang ’yan, baka siya pa ang gawing kong babae sa aming dalawa.

Kasalukuyan kaming narito sa court na malapit lang naman sa mga bahay namin at tinuturuan ko itong magdribble ng bola. Dito naman nagsisimula ang lahat kung gusto mong matututong magbasketball. Kailangan mo munang manipulahin at damahin sa palad mo ang gaspang ng bola. Kaya naman nang matapos ito ay halos mangatal ang mga kamay niya sa pagod kahit ilang daan lamang ang ginawa nito.

“Wala ka pa sa 200, Jerome.” Pagsaway ko sa kaniya. Pahinto hinto kasi ito. E dapat nga 500 na dribbling ang gagawin niya e dahil naawa naman ako ay 200 na lang. Marami pa nga siyang kakaining bigas bago ko masabing magiging marunong na ito. Pero makakaya niya ’yan, mabilis lang naman ang panahon.

“Pagod na ko, hindi na kaya ng kamay ko.” Nakasimangot itong nakatingin sa akin. Akala naman niya gagana ang bagay na yan e hindi naman siya cute. Mukha siyang palaka lalo pa’t nakasalampak ito ngayon.

Sa buong araw na iyon ay halos gusto na nito akong patayin sa mga mata niya. Kung hindi ko lang ’to kaibigan, nakipagpustahan na ako sa kaniya. Sa kada bitaw nito sa bola, kailangan bigyan ako nito ng piso. Tignan lang natin kung hindi maghirap itong bata ko.

Chapter 09

Chapter 09

Napapatingin ako kay Jerome dahil para itong matatae na ewan. Sa lahat ba naman kasi ng bagay na pwede niyang maging problema ay ang pagsosolb lang ng Math. Ang dali dali na nga lang dahil may formula pero hindi niya pa rin masundan. Ang sarap batukan.

“Gusto mo tulungan na kita?” Makahulugang salita ko rito. Hindi naman ako nito kinibo at parang wala pa itong narinig. Ayaw ba nitong malaman na may utak din ako? Hindi naman ako bobo—basketbolista lang.

“Jerome, kinakausap kita,” pagsasalita ko pa rin. Lalo pa itong nagbusybusy-han na parang wala talaga itong naririnig. Masyado naman siyang bata para maging bingi. May panahon pa para mabago natin ito.

“Cedric Jerome Hermoso!” malakas kong sigaw sa kaniya na kahit hindi naman malapit ang bibig ko sa tenga ko ay tamang tama na ’yun para malaglag siya sa kinauupuan niya. Matalim lamang ako nitong tinignan na para bang kasalanan kong hindi siya nakikinig sa akin.

Ngayon nga ay nakapamaywang ito at parang mangangain na ng leon. Minsan ko na lang makitang magalit ito, kaya lubuslubusin ko na. Kaya naman nakangisi lamang ako sa kaniya. Ngising nakakaloko.

“Magkano.” Napatanga naman ako sa sinabi nito. Parang nabingi pa ang mga tenga ko dahil ayaw nitong umakyat sa utak ko. Tama ba ang narinig ko? Ako? Magpapabayad? Aba’t aba.

“Anong magkano? Mukha ba akong pera?” Pagtatakang pagtatanong ko. Mukha lang akong mukhang pera, pero hindi ako mukhang pera. Magkaiba ’yun.

“Magkano kung magpapaturo sa ’yo?” Halos hiwalayan na ng mga labi ko ang sinabi nito. Nagniningning din ang mga mata ko na parang makakajackpot ako pero nang makita kong kailangan naman nito ay parang nag-iba ang ihip ng hangin sa katawan ko. Naalala ko rin ang nakakabata kong kapatid sa kaniya.

“Hindi magkano. ’Di ba nagbabake ka? Turuan mo ako at ’yun yung ireregalo ko sa kapatid ko,” mahinahon kong salita. Napakunot naman ang noo nito at wala sa wisyong tumango.

Niyakap ko lamang ito at mabilis na nagtatalon. “Happy birthday, Cedric! Happy birthday, Cedric. Happy birthday, happy birthday, happy birthday Cedric!” Pinagtatampal naman ako nito na siyang kinabusangot ko lamang. Hindi naman masakit mga sampal nito pero nakakawala ng ulirat dahil masayang masaya ako kaya dapat bawal siyang malungkot. Hindi pwede, hindi pwede.

“Problema mo? Tinutulungan na nga kita.” Umupo naman ako sa upuan ko pagkatapos ay kinuha ang notebook nito. Maganda naman ang sulat nito. Halos wala akong makita. Kung sino pang makapal ang salamin, siya pa ang walang maisulat. Parang hindi nga nag-aaral ang loko.

“Upo na ngani, galit ka na naman,” inis inisan kong salita sa kaniya. Hindi naman ako nagtatampo sa kaniya lalo pa’t hindi ko na iisipin ang regalo o kahit cake man lang sa kapatid ko. Wala kasing maayos na liga ngayon dahil nasa kalagitnaan pa lamang ng oktubre. Kaya walang liga, walang pusta. Walang ligo, wala ring bisyo. Walang laro at lalong walang amoy.

Tinignan ko lamang ito nang huminto ito sa harapan ko. Nakataas pa ang isa kong kilay na parang kasing taas ng kay Trixie Mattel na ginawang poster sa don’t wear overloaded make-up para sa graduation pictoral na halos bukang bibig ng mga kaklase naming mga babae.

“Galit ka na niyan?” Nakanguso lamang ito habang sinisipat ang mukha ko. Hindi ko pinahalata na gusto kong kurutin ang mga pisngi nito dahil para itong meme na si groot na may dalawang kulay rosas sa magkabilang pisngi. Mukha siyang kamatis na makopa na bilugang bilugan ang mukha na may pagkatusok sa dulo dahil sa wangis ng kaniyang mukha.

“Uy, Azalea. Sorry na…” Tinapik tapik naman ako nito sa balikat pero hindi pa rin ako sumusuko sa nakasalungat kong mukha sa kaniya. Paghirapan niyang paamuhin ako. Ano siya? Anak ng Diyos? Ako rin naman.

“Kiss muna.” Napakagat pa ako sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang labis na pagtawa lalo pa’t nakita ko itong nanlaki ang mga mata. Para namang may corona virus, ako kung hahalikan ako nito.

Pumikit pa ako at iminulestiya ang kabilang pisngi ko sa kaniya. Parang huminto naman ang kapaligiran nang maramdaman ko ang labi niyang humalik sa pisngi ko. Halos nakatanga lamang akong nakatingin sa kaniya. Taena, tinotoo nga niya. Bakla ba ’to?

Nakita ko pang tumulo ang mga luha nito na parang hindi sapat ang ginawa nitong paghalik sa akin. Hindi pa rin kasi ako ngumingiti. Para akong nabigla na ewan at hindi ako makakilos.

Nang makabawi ako, kasunod din ng labis na dagungdong ng aking dibdib na halos lumabas na sa katawan ko, at ang pag-iyak nito sa harapan ko ay napayakap na lamang ako sa bewang niya at nakangiting tinitigan ito pagkatapos. Nahiya rin ako sa ginawa ko ngayon. Taena ka, Az!

“Bati na tayo. Tahan na, sige ka, ikaw ishoshoot ko sa ring.”

Mabilis naman niyang pinigilan ang kaniyang pag-iyak at pinipilit na ngumiti sa akin. Hindi na rin ako nakatiis at pinisil ang magkabila nitong pisngi. “Kamukha mo talaga si Groot ng the Guardian of the Galaxy.” Kasabay naman nang pagsimangot nito ay ang pagtawa ko nang abot hanggang sa kabilang classroom. Muntik pang naguidance, ngani.

Chapter 10

Chapter 10

Hindi pa rin tumitigil sa kakatampal sa braso ko si Jerome dahil sinabihan ko itong kamukha ni Groot. Kamukha niya naman kasi talaga dahil parehas silang payat. Kaya naman ngayon ay halos umusok na ang ilong niya habang sinasabihan akong lamasin ang harinang hinalo niya kanina. Halos hindi niya nga mahalo kung hindi niya pa kokontihin ang paglalagay ng harina.

“Hindi na nga, parang ’yun lang.” Naiinis na ako sa kaniya dahil nalilito na ako kung anong susundin ko sa mga sinasabi niya. Kada galaw ko kasi ay may masasabi siya.

“Ba’t ka galit? Lagi ka kasing nambibwisit. Hindi mo na ko tinantanan.” Hindi ko na lamang ito pinansin at pinagpatuloy ang pagmasa. Kahit naman na gustuhin kong itigil ang pang-aasar ko sa kaniya ay wala akong magawa.

Hindi na rin kasi namin nakakasama si Marvin magmula nang magkaroon ito ng girlfriend. Bantay sarado ang bopols. Para namang hindi maghihiwalay. Kapag bumalik ’yun sa amin, sisingilin ko ng maraming katos ’yun at may kasama pang pera bilang suhol.

Marami pa itong sinabi at natapos din kami sa paggawa ng blueberry cheesecake. Parang nag-away lang yata kami kahit na side line lang ang pagbabake naming dalawa.

Hindi naman ganoong malaki pero sakto na rin ito. Hindi naman ako nag-eexpect ng engrandeng cake na parang 10 layes na dahil una sa lahat, wala akong pera. Pangalawa sa huli’t, nakikisabit lang ako rito kila Jerome. Kaya naman nang matapos kami ay hinanda na namin ang mga happy hat na kulay violet dahil yun yung favorite niya para madaling makuha mamaya.

Mabilis na rin kaming pumunta sa amin dahil nagdecide na lang akong sa bahay na lang ni Jerome icelebrate ang birthday ng kapatid ko dahil baka manggulo lang ang magaling kong tatay.

Nakasunod lang si Jerome habang nakahawak ako sa kamay ni Anna. Nasa trabaho ang nanay namin kaya wala ito ngayon. Hindi naman namin pwedeng gawing gabi dahil nandirito na rin ang mga magulang ni Jerome.

Nakasarado pa ang pintuan ng kusina nila kaya naman tinakpan ko na ang mga mata ni Anna at pagkadating sa tapat ay si Jerome na ang naglagay sa amin ng happy hat na kulay violet at pagkatapos ay nagbilang kami ng sampu bago pagbuksan ang mga mata ng kapatid ko.

“3… 2… 1… Happy birthday, Anna!” Halos magulat naman ako dahil wala sa usapan na bibili ng poppers si Jerome kaya naman mabilis ko itong dinamba nang yakap at magkahawak kamay na nakaharap kay Anna habang kumakanta.

“Happy birthday… Happy birthday to you…”

Sa mga sandaling iyon, masaya na ako na kahit hindi man engrande ang ikawalong kaarawan nito dahil masaya naman itong nakatingin sa amin. Kaya parang nabunutan ang mga agam-agam na dala ko dahil halos tagpi-tagping bente pesos lamang ang ginawa ko para mabili ko ang mga kakailanganin namin ngayon.

Kahit naman gaano ka kasalat sa pera, kapag kaya mong ibigay ang isang bagay sa taong mahal mo, gagawa at gagawa ka nang paraan. Dahil ika nga, kung may dahilan, may cake dahil kakain na kami.

Nagtawanan lamang kami at para kaming mga ewan habang umiiyak ang kapatid ko. Mukha na siyang minaltrato sa lagay niya dahil may kasama pang uhog ang pagluha nito. Wala nang mas sasaya sa araw na ito.

Nakaupo kami ngayon ni Jerome sa court na malapit dito sa village namin. Tinuturuan ko kasi ulit ito kung ano ang mga kailangan niya pang malaman sa pagbabasketball. Halos alam naman na nito kaya hindi ko na kailagan pang sabihin. Halos lahat naman ng lalaki ay alam na alam na ang larong ito. Pinoy ba naman.

“Thank you…” Habang nakatingin ako sa kaniya. Ngumiti lamang ito sa akin at tumingala sa kalangitan. Kaya ginaya ko rin siya, dapat kung magsesenti siya, ako rin dapat. Hindi pwedeng hindi ako mainggit, hindi pwedeng hindi lang siya ang baliw, dapat ako rin.

“Marami ka pa bang pangarap, Az? Tuparin natin iyon,” biglang salita nito. Tinignan ko naman ang nag-aagaw bughaw na kalangitan. Parang nakalimutan ko na ngang umiyak dahil saan ko pa ba isisingit ang mga bagay na iyon sa dami ng kailangan kong gawin at solusyonang problema sa buhay. Sayang lang sa oras kung iiyak ka pa kasi.

“Pangarap kong yumaman—” Napatingin naman ito sa akin. “—na hindi ko na iisipin pa kung may pagkain pa bang matitira sa mesa namin dahil pwede naman akong magluto sa dami ng inimbak ko sa bahay.”

“Mukha ka talagang pera,” natatawa lamang nitong sagot.

Napapailing na lamang ako dahil iba ang pakiramdam kapag alam mong iisipin mo na kung may makakain pa ba kayo, kaysa kung anong hihintayin mong ulam sa mesang mayroon kayo sa bahay—dahil sa dalawa, wala akong choice kundi magtiyaga kung anong meron, kung wala naman, tutulog na lamang ako. Ganoon naman lagi lahat.

“Mayaman ka naman kaya hindi mo na problema ’yun,” may kasama nang pag-uyam ang tinig ko dahil parang hindi ako nito naiintindihan. Kaya ayokong nagsasalita ng mga ganito sa mga taong mayayaman dahil akala nila lahat ng tao ay kagaya nilang mamuhay—na malayo sa reyalidad na nararanasan ko araw-araw.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko nang niyakap ako nito. Hindi ko na ring pinansin ang paghalik nito sa balikat ko at pagpapaumanhin nito. ’Yun na rin ang oras na nalaman ko na kahit anong mangyari, hindi pwedeng magkaibigan ang mahirap at mayaman. Parang ’yun pa nga ang dahilan kung bakit kailangang dumistansiya tayo.

Sa araw na iyon, natutuhan kong lumayo sa isang bagay na alam kong walang patutunguhan. Isang bagay na alam ko sa simula pa lamang ay iba na ang tingin ng mga tao—dahil sa huli, gusto ko lang nang payapa at marahan na buhay. Sawang sawa na ako sa ingay na lumulukob sa akin.

Gusto kong mangarap na ako lamang ang nakakaalam, ako lamang ang nakakaintindi. Dahil kung bumagsak ka man, ikaw at ikaw lang din ang sasalo at mag-aangat ng sarili mo sa sitwasyon na iyon. Kaya para saan pa’t ang pakikisama? Kung sa pagtulog mo, ikaw lang din ang mamomoblema kung makakahinga ka pa pagkagising mo—o huling araw mo na pala ngayon.

Chapter 11

Chapter 11

Ilang taon na rin ay patuloy ko pa ring hindi makalumutan si Jerome. Masakit man na lumayo ako, pero ayokong maramdaman na ginagamit ko lamang siya dahil sa pera nila. Katulad ni Marvin ay hindi ko na rin sila kinausap kailanman. Napakawalang kwentang kaibigan ko na siguro sa lahat ng may kaibigan.

Nagkataon pa na nakipaghiwalay na ang nanay ko sa magaling kong ama at nagdecide na kaming manirahan dito sa probinsya. Ilang taon na rin akong nagmamasa dito sa pandesalan sa pampublikong palengke para tulungan din ang aking ina sa aming gastusin.

Nagsimula na rin kasing mag-aral ang kapatid kong babae sa high school habang ako naman ay hanggang senior high lamang ang natapos. Kailangan kong kumita ng pera para sa pantustos ng kapatid ko at pangangailan namin sa bahay. Hirap man ay ramdam ko naman ang kapayapaan sa puso ko— napakamarahan.

Magtatatlong taon na akong huli sa kolehiyo. Magkaganon pa man ay nagpapasalamat ako na nagkaroon ako ng panibagong pagkakaabalahan at nawiwili na nga ako sa pagmamasa ng mga tinapay. Kaya ninais kong magkolehiyo na bitbit ang bagay na ito. Nais kong maging isang sikat na baker sa buong mundo. Kung posible man nga na mangyari ito.

Nagdala ako ng mga tinapay na tiyak kong itatapon lamang. Hindi naman ako pinagsabihan dito dahil mas okay na raw na mag-uwi kaysa itapon lamang. May mga nadaanan pa akong pulubi at ibinigay sa kanila ang mga ibang balot ng plastik na hawak ko. Kilala naman na nila ako rito. Ako pa —lagi yata akong gago sa lahat.

Ang akala kong pagsikat ko sa basketbolan ay nakunsumi at heto nga at kilala ako rito sa bayan namin bilang isang taga masa… taga masa ng tinapay, ng lupa, ng problema, at lahat na yata na pwede kong pagkakitaan ay nagawa ko na para lamang may mailapag lamang ako sa hapagkainan namin.

Nakakasawa kung minsan, at maiiyak ka na lang kapag may biglaang problema dahil isang kahit tuka lang kayo. Kaya kapag may sakit ako, tubig lang at dasal ang kaya kong ibigay sa sarili ko.

Nagtataka naman akong napatingin ng may kotseng nasa labas ng bahay namin. Namatay na ang lola ko, ilang taon matapos kaming manirahan dito at heto nga ay kami na ang nagmamay-ari ng bahay na ito.

Nakipagpatayan pa ako sa kapatid ni Mama dahil gusto nilang angkinin ang lupa at bahay na ito. May mga buyer na rin silang inihahanda para wala ng kawala ang pera sa mga palad nila. Kaya halos tumawa ako sa mga pagmumukha nila nang basahin na ang huling habilin nito sa amin sa pagmumukha nila. Pinaulit ulit ko pa ang pangalan ni Mama dahil gusto kong matauhan sila na sa amin na talaga ang lupang nagsalo sa amin matapos kaming kumawala sa tatay namin.

“Ma! Kanino ’yung sasakyan sa labas? Magasgasan ’yun ta’s ipabayad pa sa atin.” Pagkabukas ko palang ng pintuan ay kita ko na kaagad ang nakatalikod na bulto ng tao. Napaharap naman ang mga ito sa kinalalagyan ko.

Nakakunot noo lamang akong nakatingin dito sa lalaking sa tingin ko’y manliligaw ni Mama kahit na wala pa itong sinasabi. Hindi naman na bago ito sa akin, pero bago na may mayaman itong manliligaw. Halos tibakin ko na ang mga kolokoy na nagkakagusto sa nanay ko dahil palamunin lamang sila sa bandang dulo.

Sabi ko nga, kung magmamahal ka, dapat sa sigurado na. Hindi ka pwedeng kumuha ng isang taong pakakainin mo lang. Para ka na ring nagpakulong sa sarili mong problema. Problemado ka na nga, dinagdagan mo pa. Ay apoyy!

Inilapag ko ang dinala kong mga tinapay at tumingin na nakatayo lamang sa kanila. Tumayo ang lalaki at nagpakilala bilang manliligaw ng aking ina. “Lucio,” salita nito. Tumango lamang ako at nagtingin tingin nang malilinis. Wala namang mangyayari kung titingin lang ako sa mga ito. Mas mabuti pang magwalis kaysa tumayo.

“Anak, upo ka muna. May pag-uusapan tayo,” salita nito nang akmang pupunta na ako sa lababo para hugasan ang mga pinagkainan na tiyak kong kanina pang umaga nakabalandya doon dahil iniwan ko ang mga ito.

“Nagkausap kami nitong si Tito Lucio mo na pag-aaralan ka niya sa Maynila.” Parang nagpantig naman ang mga tenga ko sa narinig ko. Pakiramdam ko ginagamit lamang nito ang pera niya para makuha ang nanay ko kaya nakasalungat lamang akong nakatingin sa mga ito.

“Ma naman, hindi naman na kailangan. Makakapag-ipon naman ako sa trabaho ko.” May pagkainis pa sa boses ko at parang wala nang makakatibag pa rito.

Mabilis lamang umiling ang aking ina bago nagsalita sa akin. “Anak, ilang taon ka pa mag-iipon para sa pag-aaral mo, baka patay na ko nun,” pangongonsensiya pa nito sa akin.

“Kaya sana tanggapin mo na lamang. Naglakas lang siya na kausapin ako rito dahil lagi kong sinasabi sa kaniya na wala akong oras dahil kailangan kong kumita ng pera para sa atin,” dagdag pa nito.

Wala na akong nagawa kundi sumang-ayon. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ayoko naman na maghirap pa ito kakapilit sa akin at kung sasaktan man siya ng lalaking iyon sa bandang huli at least may pakinabang pa rin siya sa amin.

Chapter 12

Chapter 12

Ngayon na ang luwas ko pa-Maynila para mag-aral. Mas naging maayos naman ang takbo ng buhay namin magsimula nang tumira si Tito Lucio sa bahay namin. Hindi na rin kami nauubusan ng pagkain sa ref o kahit man lang sa gastusin namin dito sa bahay. Siya na lahat ang sumalo.

Nakikita ko na ring masaya si Mama sa kaniya kaya ayos na ko roon.

Bali sa UST ako nakapasok sa kursong Hospitality Management sa pamamagitan ng kaibigan ni Tito Lucio. Sinabihan ko ngang magtatrabaho pa rin ako, kaya sabi niya ay ipapasok na lamang niya ako sa kamag-anak niya sa isang bakery shop na malapit lang din dito sa España Blvd kung saan ako magdodorm para makatipid sa pamasahe at isa na ring dahilan ay dahil ipipilit ko na naman daw ang gusto ko.

Hindi ko man gaanong ka-close si Tito Lucio pero isa lang ang masasabi ko—the best siya sa lahat kahit na sa taong pael lang ay sa certificate ang ambag sa akin bilang tatay.

Niyakap ko si Mama at ang kapatid ko bago ako humarap kay Tito Lucio. Ngumiti ako rito at niyakap din ito. Kahit na hindi maganda ang naging pag-uugali ko sa unang pagkikita namin, alam kong napatunayan naman nito na mahal na mahal niya ang pamilya namin.

“Kayo na pong bahala kila Mama, Tito. Makakaasa po kayong magtatapos ako ng kolehiyo.” Tinapik lamang ako nito at ngumiti rin pagkatapos.

“Makakaasa ka, Az. Basta’t kapag may kailangan ka ay sabihin mo lang sa amin.” Tumango lamang ako sa kaniya bago ko binitbit ang maleta ko at muling nagpaalam sa kanila bago ako pumasok sa loob ng bus na sasakyan ko pa-Maynila.

Nakita ko pa silang hinintay na umalis ang sinasakyan ko bago sila umalis. Huminga ako nang malalim at parang hindi ako makapaniwala na makakapag-aral na rin ako sa wakas. Parang suntok sa kawali kung ika nga nila.

Hindi na matigil ang pagngiti ko nang makita ko ang main building ng UST na siyang bago kong tahanan kaya naman nagsign of the cross ako kaagad dahil parang simbahan ang bungad nito. Bilang isang banal na tao, walang problema rito.

Napatingin ako bigla sa nasa gilidan ko nang may tumatawang mga kulto na nakatingin sa akin. Ako pa ang nahiya sa klase ng mga tingin nila. Para bang hindi ako karapat dapat makapasok dito dahil hindi ako banal na aso katulad nila.

“Freshies?” Tumango lamang ako rito. Mukha bang graduating student ako sa lagay ko? Siguro nga dahil nahinto ako sa pag-aaral ng ilang taon kaya iba na ang postura at pangangatawan ko ngayon. Pero kung hindi, salamat din dahil nakakabata pa lang tawaging, Freshies, kahit na isa lang naman ako, kahit na hindi naman ako isda, at kung magiging isda naman ako, gusto kong maging puffer fish na maraning tusok tusok. Grr …

“Building ’yang nakikita mo kung saan nagkaklase ang mga estudyante, kaya hindi mo kailangang dasalin.” Napabuka naman ako sa pagkamangha dahil kung walang magsasabi sa akin ay talagang makikita kong simbahan nga ito. “Pero ako, pwede mo akong dasalin. May pamunas din ako at kamukha ko raw si Mama Mary .”

Pilit na lamang akong ngumiti at napapakamot sa uluhan ko. Kaya nang umalis sila ay halos paikutin ko na ang mga mata ko dahil sa mga pinagsasabi nila. Pero sa loob loob ko, mas kamukha nila sa Kokey .

Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Papunta ako ngayon sa administrative office para sa mga papeles na kailangan sa pagtira ko sa dormitory dito. Masyado ring malawak ang UST kumpara sa maliit na school ko noong high school ako dahil kanina pa ako naglalakad lakad na parang nagwiwindow shopping lang sa haba ng school na ’to. Ang pinagkaiba lang dito, tao ang madalas kong makita.Tamang tama sa mga damit nilang lumulutang sa umaga. Amoy downy nga ika nila.

Ilang linggo na rin ng makapunta ako sa UST at naging maayos naman ang pananatili ko rito. Sakto lamang kasi ang layo ng dorm ko sa mga building na pinapasukan ko at ang pinagtatrabahuhan kong bakery. Nakilala ko na rin ang manager namin at nakakapag-adjust na rin kahit papaano ang katawan ko.

“Salamat po,” salita ko bago ko patayin ang tawag ng manager ko.

Kasalukuyan akong pumapasok sa bukana ng Qpav dahil pinapatawag ako ng teacher ko sa PE. Gusto kasi ako nitong ipasok sa varsity ng basketball team nila kaya sabi ko kakausapin ko muna ang manager ko kung papayag ito sa paiba iba kong schedule.

Nagkataon lang din naman na wala akong ginawa kaya magandang may iba pa akong pakaabalahan at baka makascore pa ako kung sa iba ko ibabaling—mahirap na at baka hindi pa ako makapagtapos.

Pero ang motivation ko kung bakit pumayag ako ay dahil gusto ko ring makita ang sarili ko sa tv kahit na magiging banko lamang ako panigurado sa ilang oras ng laro o kahit na sa buong season. Sabi nga nila, at least, naka-VVIP ka pang nanonood ng laro.

“Coach!” Malakas na sigaw ko nang makita ko na ito na nakaupo at may kinakausap na sa tingin ko’y manlalaro ng basketball. Napatingin naman sila sa akin at ngumiti akong tumingin sa professor ko.

“Az, nandito ka na pala? Anong balita? Kakausapin ko na ba?” Napatawa na lamang ako dahil parang mas excited pa itong makuha ako sa team nila kaysa sa akin na parang hati pa ang atensyon na ibibigay ko sa kanilang team.

Tumango lamang ako rito at sinabihan na ipapakilala nila ako sa mga players nila. Pinahinto niya ang mga ito sa paglalaro at sinabihang lumapit silang lahat. Pinaupo sila sa mga bleachers habang ako naman ay nakatayo sa tabi nito.

“So boys, ito yung sinasabi kong makakasama niyo sa training. Magpakilala ka naman, Az.” Matapos nitong magsalita ay ipinunta ako nito sa gitna at ngumiti ng pilit sa mga varsity players na nadirito. Parang nakikita ko na sa tv ang iba sa kanila. Ang problema lamang ngayon, mas mukha silang maasim sa personal.

“Hello, I’m Azalea Francisco, Az for short.” Malaki pa ang ngiti ko sa kanila bago ko sabihin ang huling nagpatawa sa lahat. “Dating manloloko, ngayon ay manyakol na.” Napatawa naman ang mga ito at siniko naman ako ng Coach namin dahil sa kalokohan ko sa katawan.

Nakipagkamay naman ako sa kanila at halos hindi ako maubusan ng ngiti sa mukha. Iba rin pala sa pakiramdam kapag may bago kang kakilala, maliban sa karaniwan mong nakikilala ang isang tao.

“Si Hermoso, nasa’n?” Biglang pagtatanong ni Coach na sa tingin ko’y may ipapakilala sa akin. Hindi ko lang sigurado kung sino iyon, pero baka importante dahil binanggit pa siya ngayon.

“Nakaduty coach, baka pabalik na rin ’yun.” Nagtaka man ako ay hinayaan ko na lamang iyon. Wala naman akong kilalang Hermoso. Baka mamboboso at manggagantso marami.

Ilang minuto lamang akong nakipag-usap sa mga kasamahan ko bago dumating ang hinahanap kanina ni Coach. “Ced halika, may ipapakilala ako sa’yo.” Lumakad naman ang lalaki habang akbay ng isang nagpakilala sa akin kanina. Mas matangkad at mas batak ang pangangatawan nito kaysa sa akin. May kaputian din ito kumpara sa akin na halos mag-agaw na ang kayumangging kulay.

Lumapit ako sa tabi ni Coach at tumingin na ngayon sa lalaki. Mukha itong familiar pero hindi ko mamukhaan o matandaan man lang. Parang hinahalukay ng utak ko kung saan, pero isinantabi ko na lamang ito. Sabi nga, out of sight, out of league. Kung naiba, problema ko na ’yun.

Napatingin din ang lalaki sa akin nang matapos niyang bulungan ang kaakbayan nito. Nanlaki naman ang mga mata nito na siyang ikinakunot ng noo ko. Kasabay pa nang pagkuyom ng mga kamay nito nasa balikat nang kaakbayan nitong lalaki.

“Ced, this is Azalea, Az for short, this is Cedric Hermoso.” Nakipagkamay lamang ako rito habang may pilit na ngiti. Ngumisi lamang siya na parang may binabalak itong masama sa akin at napatunayan ko ito sa mga nagdaang mga araw.

Ayokong patusin, ang kaso sadyang gusto kong makita sa tv. Taenang pangarap ’to.

Chapter 13

Chapter 13

Inis na inis ako habang patuloy pa ring tumatakbo sa paikot nitong gym. Kung may isusumpa lamang ako ay si Hermoso ang taong iyon. Mas dinamihan kasi nito ang mga laps namin kaysa sa kanila na mga Senior.

Hingal na hingal ako kasama ng mga freshmen din na kagaya ko. Nakatingin lamang ako ngayon sa itaas nitong gym ng aming pamantasan. Masiyadong malaki ito sa mga pinapuntahan kong mga barangay court o sa mga daan lang. Nakakapagtaka nga na kinuha ako ng professor ko sa P.E dahil mukhang hindi naman ako pang-tv, pang kalye lang ang galing ko talaga.

“Feeling ko ikaw talaga pinagkakadiskitahan nun? Bigla ka na lang kasi sumulpot ngayon e.” Napatingin naman ako sa umupo sa gilid ko. Hindi ko pa kabisado ang pangalan nito dahil nagkikita lang naman kami kapag may practice. Number 2 ang jersey niya kaya Number 2 na lang pangalan niya para mas matandaan ko na lang.

“Hindi naman, nagkataon lang siguro. Professor ko sa P.E. sa basketball si Coach kaya nakitaan niya lang ako ng galing kaya sabi niya try ko raw maging varsity ng basketball ng UST since kulang yata kayo sa shooter.” Napatingin na ako sa kaniya na ngayon ay umiinom na sa tabi ko.

“Galing mo nga nung minsan, wala kang mintis sa bola. Magaling ka rin yata magshoot sa babae. Tsk, tsk, naku, naku, huwag ka na sanang dumagdag pa sa mga tao rito, marami ng babaerong basketbolista sa España, kaya nagkakagulo dito kapag may laban e.” Napatawa naman ako nang malakas dahil sa sinabi nito. Naalala ko ang kaibigan kong si Marvin dahil siyang siya nga. Hindi ko lang alam kung tumino na nga ito. Mukhang seryoso, nakuha pa akong iwasan ng loko noon. Ngayon, ako na ang umiwas. Tadhana nga naman. Masyadong mapapel sa buhay ko.

Napahinto naman ako sa pagtawa nang may nagsalita sa harapan namin. Kaya pala parang biglang nawala ang liwanag dahil si Hermoso pala ang humarang ngayon. Sa laki ng pangangatawan at tangkad nito, talagang mauurat ka na lang sa inis. Kung ikukumpara kasi sa laki ko at maging sa pangangatawan ko ay walang wala ang sa akin. Para akong pipino na itinabi sa malaking tanim ng upo.

Naarko lang naman ang katawan ko sa pagmamasa. Kabigat kayang irolyo ng harina. Kaya madali ko sigurong namamaniobra ang bola sa kamay ko dahil parang piso lang ang bigat ng bola sa mga kamay ko ngayon—o masyado lang siguro akong mayabang? At least, alam kong mayabang ako.

“Sinabi ko bang pwede nang magpahinga?” Napangitnigt naman ako sa ngipin ko dahil sa sinabi nito. Bagot ko siyang tinapunan ng tingin bago ako tapikin ni number 2 na nagmamadaling umalis sa pwesto naming dalawa. Tumayo ako at nakipagtitigan sa kaniya. Gwapo naman siya, sarap ngang bangasan. Paisa lang, idol. Plit.

“Bawal palang uminom ngayon. Sana sinabi mo para habang tumatakbo ako kanina e umiinom na ako ng tubig, o baka gusto mo, alak pa?”

Aalis na sana ako sa pwesto niya para bumalik sa ginagawa ko nang humarang na naman ito. Para itong poste sa lagay niya. Parang gusto niya pang ipako ang sarili niya sa harapan ko kahit na wala naman akong pakialam sa kaniya.

“Ikaw taya? Sabi mo e.” Nakipagpatintero ako sa kaniya kaya mukha kaming tanga ngayon habang lumulusot ako sa kaniya. Iminulestiya niya pa ang dalawa niyang kamay na parang yumayakap para makuha ako pero sadyang tuso ako at nakawala ako sa kaniya at pumaharap ba para ibigay ang nakakalokang ngisi ko sa kaniya.

Nang humarap naman ito sa akin ay bigla na lamang akong natawa dahil sa itsura nitong inis na inis na sa akin. “Az!”

Sisigi pa sana ako pero nang hindi na nito natiis ang kalokohan ko ay itinigil ko na at baka ibigti na ako nito sa basketball ring sa sobrang inis na nararamdaman niya sa akin.

Hingal na hingal pa akong nakahawak sa mga tuhod ko nang bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko na para bang akala niya ay hindi pa ako titigil sa kalokohan ko.

“Kapag sinabi kong tumigil ka, tumigil ka!” Luh galit na talaga siya. Kaya napakamot na lamang ako sa ulo habang nakatingin sa kaniya. Umiwas pa ng tingin dahil hindi ko matagalan ang mga titig nito. Para akong binabalatan na snowbear sa sobrang ingay ng nararamdaman ko ngayon—sa init, sa lamig, sa inis, at maging na rin sa pagkabagot na makasama siya.

“Nakatigil na nga,” bubulong bulong ko pang sagot dahil na rin sa inis ko sa kaniya. Ikakapahamak talaga ng bibig ko ang buhay ko. Kaya naman matalim naman niya akong tinignan bago siya nagsalita na halatang halata mong narinig ang sinabi ko kanina.

“30 laps.” Napanganga naman ako sa sinabi nito. Niliitan ko pa ang mga mata ko na parang sinusuri kung seryoso ito sa pinapagawa sa akin. Pero totoong totoo nga, taena nitong bwakanawang ito.

Sa lawak ng Qpav, tangina mamatay ka kung mate-thirty laps ka. Hanggang sampung laps lang madalas gawin namin, 15 kapag galit siya. Iikutin mo kasi ang buong court, ang siste pa, mainit din ngayon kahit na mag-aalaskwatro na ng hapon.

“Isa.” Inis ko namang sinundan ito at sinimulan nang tumakbo. Napapakagat labi na lamang ako habang binibilang kung ilan na ba ang naiikot ko. Hindi pa ako naglalaro parang natapos ko na ang buong laban sa sobrang pagkapagod na nararamdaman ko.

“Number 2,” salita ko sa freshmen na katulad ko. Nakita ko kasing umiinom ito ng gatorade. Mukhang malamig at masarap. Dahil sanay naman akong may pagkagahaman, hiningi ko ang ininom nito na mabilis niya namang ibinigay sa akin. Ganiyan dapat, pinagsisilbihan ang dapat na boss.

Alam na alam mong mayaman ang isang basketball player kapag alam mong hindi nila nakakalahati ang iniinom nila. Pakiramdam ko nga ginagawa nila ’yun para ubusin mga pera nila. Kaya madalas kong makita na may mga tirang tirang mga gatorate kapag may mga liga sa barangay. Kahit maasim mga naglalaro, okay lang sakanila dahil ang importante naman ay nakalaro sila sa araw na ’yon—hindi dahil sa pusta o kung ano pa man. Wala namang babae sa barangay, kung meron man, menopause na siguro.

“Ubusin ko na,” nakangiti kong salita sa kaniya. Tumango lamang ito at mabilis kong inubos ang binigay niya at ako na rin ang nagtapon nito bilang pasasalamat. Pagkatalikod ko sa basurahan ay ang bugnot na mukha na naman ni Hermoso ang bumungad sa akin. Lagi na lang, lagi na lang, Hermoso. Gagawin na kitang pinakbet sa lutong adobo.

“Problema mo?” Tapos naman na kaming maglaro. Ilang minuto lang ako sa loob sa tagal kong nagwarm up dahil dito kay Hermoso. Halos banko lang kaming freshmen dahil mas focus sa pagpasok sa mga graduating senior namin ngayon. Mabuti naman ’yun. Mukhang magna-nine years na sila sa college e.

“Bibili na lang kita kung wala kang pambili niyan kaysa humihingi ka pa sa iba.” Napatingin lamang ako sa kaniya. Malalim din ang boses nito na tanda na hindi ako nito niloloko sa halok nito.

“Bahala ka,” sagot ko na lamang sa kaniya bago umalis. Kaysa mag-away kami, ako na ang iiwas sa gulo. Parang kilalang kilala ko na siya kahit ilang araw pa lang kaming magkakasama.

Kapag sinabi niya, ’yun ang masusunod. Ano man ang sabihin ko, ’yun kaniya ang ipipilit niya. Nakakainis man at gusto ko siyang bangasan, kaso madalas tama naman ang mga sinasabi niya. Lalong hindi naman kasi siya magiging captain ball this year kung hindi mataas ang IQ niya sa basketball lalo pa’t may isang playing year pa rin siya sa susunod na taon. Kupal lang talaga siya, kupal with a purpose cream.

Chapter 14

Chapter 14

Magtatatlong buwan na rin ang lumilipas ay ganoon pa rin ang takbo ng buhay ko. Papasok sa umaga, madalas may training sa basketball, minsan ang sarap tumakas lalo na’t nagstart na naman ang season ng UAAP. Dahil bago ako ay hindi ako kasama sa kahit sa anong line up.

Kasama si Number 2 dahil scout siya from Senior High ng La Salle kahit na freshmen pa lamang ito. Hindi naman ako nagreklamo dahil mas nagugustuhan ko ang mga subject namin ngayon.

Heto nga’t naghahalo ako ng iba’t ibang non-alchoholic drink para sa soju sa bar management naming subject. Pagkapasa namin dito meron na kaming NC II ka-agad. Bali isasabay daw sa finals namin ang pagtake ng certificate kaya pwede ka ng hindi mag-aral sabi ng professor namin. Gusto ko nga kaso baka ihambalos sa akin ng nanay ko ang ibibigay kong certificate dahil ang inaasahan nito ay diploma. Baka masabihan pa akong, ang order ko, diploma, bakit ako bibigyan ng certificate?

Tatlong sample ang kailangan naming gawin ngayon. Kasama ako sa pangalawang presentation dahil nagbunutan kami kanina. Sampung student per meeting ang magtatake ng assesment dahil ganito ang midterm exam namin.

Unang hinalo ko ay ang orage juice sa soju. Para ka lang uminom ng may tamang eight o clock juice. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ako ang nakaubos nito sa maya’t maya kong pagtikim kahit hindi naman kailangan.

Hindi naman pwedeng magreklamo ang mga kaklase mo kung kaunti ang serving dahil maliit lang talaga ang servings na pwede naming ibigay sa kanila. Hindi pwedeng isang baso dahil maghihirap na talaga kami sa presyo pa lang ng soju.

Pangalawang halo ko ay ang yakult at chilsung cider. Heto yung nakalagay sa binunot ko dahil lahat ng ihahalo namin ay bigay ng professor namin. Ang kaso malabnaw ang pakiramdam ko sa yakult kaya nagdagdag ako ng Calpico para mas maging matamis pa. Nagulat pa ang mga kaklase ko dahil hindi daw nila ineexpect ang ganitong lasa. Syempre naman masarap ako kaya lahat ng ihahalo ko, masarap din.

Nakatatlong servings ako ng soju sa pangalawang halo ko dahil pati ang professor ko ay gustong ubusin lahat. Pakiramdam ko uuwi kaming lasing sa dami nang ininom namin ngayon. Humirat pa nga ang professor ko na hindi naman daw maladas ang ganito kaya pagbigyan na kami. Gusto ko ngang lagyan ng betchin ang baso ng professsor namin dahil halos kasing laki na ng sampung pisong buko juice sa labas, ang kaso gusto ko pang grumaduate. Better safe than never.

Napapakagat labi na lamang ako dahil sa init na nararamdam ko. May practice pa sana ako sa basketball dahil ang akala ko ay hindi ako iinom masyado pero mukhang mapapasalamat coach na lang ako mamaya sa lagay ko ngayon.

Sa pangatlong halo ko ay chilsung cider. Pinamix na lang sa akin ang strawberries, melona, at ang binili ko pang Calpico. Napapakagat labi na lamang ako habang tinitiis ko ang lapot sa bibig ko. Napasobra yata ang lagay ko ng calpico dahil sobrang tamis ngayon nang natikman ko. Para kang umiinom ng ice scream imbes na dinidila mo iyon. Kaya naglagay pa ako ng dalawang bote ng soju hanggang sumakto na ang lasa sa bibig ko.

Kinuha ko nga lang sa katabi ko ang dalawang soju dahil siya ang umubos nung lahat ng pangalawang halo ko. Mukhang pagkakaperahan pa sana ako, ang kaso wala na siyang nagawa nung pinatikim ko na ang hinalo ko. Halos lumandas pa ang mga puti sa mata niya na parang ilang taong hindi nilabasan sa katawan niya.

Dahil naparami ang gawa ko ay inubos na namin ang lahat. Mas marami lang ang sa akin ngayon dahil ayaw ng iba ang lasa. Hindi yata sila nakakatikim ng yogurt na iniinom. Naging ayos naman ang grade ko roon. Pwedeng pagsumma… summa langit nawa.

Pagkapasok ko pa lamang ng Qpav ay halos mahilo hilo na ako. Pinupukpok ko pa ang ulo ko gamit ang kamay ko dahil baka mawala ang pagkalasing ko. Nagdududa nga ang ibang professor at student sa akin dahil bakit may pinapasok silang lasing sa campus. Hindi ko na lang sila pinansin. Para saan pa’t nagkaroon ng malayang pagkilos. Kung magsumbong man sila, malalaman nilang hindi ako uminom. May permit naman kaming hawak.

Nakunot ang noo ni Hermoso nang makalapit na ako kila Coach. Hindi ko na lang siya pinansin dahil wala naman akong ginagawa. Nagpaalam ako kay Coach, ang kaso ayaw ako nitong payagang mag-isang umuwi dahil baka mapano raw ako sa daan kaya naman natulog muna ako sa bleacher bilang isang masunurin na nilalang.

Masarap naman ang pakiramdam dahil duffel bag ni Hermoso ang ginawa kong unan. Amoy na amoy ko na nga ang mabangong amoy niya. Feeling ko nga nababakla na ko sa pabango niya kahit na inis lang naman ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya. Hingin ko rin kaya sa kaniya? Mukha naman siyang mapagbigay. Tinulog ko na lamang ang iniisip ko at baka saan pa mapunta at kung ano-ano pa ang magawa ko kapag nagkataon.

Chapter 15

Chapter 15

Nagising ako sa isang tapik kaya naman inis akong tumingin dito. Bumungad sa akin ang pawis na pawis na katawan ni Hermoso. Kahit ganoon, amoy na amoy mo pa rin ang panlalaking amoy nito— amoy mayaman ika nga nila.

“Anong pabango mo?” Bigla ko na lamang tinanong. Hindi ko rin alam kung bakit pero wala naman akong balak hingin, masyadong nauna na ang bibig ko kaysa sa pagpigil ng utak ko. Malala ka na talaga, Az.

“Bibigyan na lang kita, hindi mo afford ’to.” Akala naman nito maiinis ako sa sinabi niya kaya ngumiti lamang ako. Sa kapal na ng mukha ko, kahit kay Hermoso pa galing ang libre, tatanggapin ko. Tao lang din ako at marunong tumanggap ng regalo.

Tatayo na sana ako nang makaramdam ako nang pagkahilo. Mabuti na lamang ay nahawakan ako nitong kolokoy na si Hermoso. Ngumiti lamang ako at nagpasalamat dito. Sinabihan niya akong maliligo lamang siya at babalik din pero hindi ko na siya hinintay. Masakit na talaga ang ulo ko at gusto ko nang umuwi at matulog ulit.

Pagkaalis niya ay umalis na lang din ako. Nakarating din ako sa dorm ko na pasuray suray. Nakakapagtaka na hindi man lamang ako naaksidente sa labo at dami nang nakikita ko. Kaya ayokong umiinom e. Last na ’to promise.

Uminom muna ako ng gamot bago ako matiwasay na natulog. Hindi ko na pinansin kung bakit umiilaw ang phone ko, ang mahalaga naman ay nasa akin pa rin ito. Mahirap na at maraming mukhang magnanakaw ngayon sa state university kahit na catholic school ka pa nag-aaral. Ibang bibliya yata binabasa nila at itinuturo dito.

Nagising ako nang madaling araw kaya nagdecide na muna akong kumain. Hindi naman kalayuan ang kainan dito, ang problema lang, masyadong mahal kahit na nakastudent discount ka pa. Iba talaga kapag sa syudad ka nag-aral. Lahat nagmamahal. Ultimo pamasahe sa dyip ay halos katumbas na ng dalawang tagsasampung buko juice o kahit yata buko juice ay halos triple na ang presyo rito.

Naging maganda naman ang takbo ng araw ko, hindi ko lang ngayon alam kung pati ang training namin ay ganoon din. Kahit na may mga laban pa rin sila Hermoso ay hindi pa rin sila tumitigil sa pagte-training. May mga kailangan silang iadjust sa mga nagiging laro nila.

Mag-aalas singko na ng makarating ako sa Qpav. Dinig ko na ang takbuhan at sigawan ng mga tao. Alam na alam mo nang sabik na sabik ang mga tao sa mga laban sa UAAP kapag ganitong may mga hindi na makapagpigil na mga estudyante na manood kahit na wala namang laban.

Binilisan ko nang kumilos at halos trenta minutos akong nagwawarm-up nang tinawag na ako ni Coach. Nakapasok ngayon sa loob ng court si Hermoso na salubong ang mga tingin. Wala naman sanang problema sa akin, ang kaso kalaban namin siya ngayon. Pakiramdam ko katapusan ko na kung ako ang magdedepensa sa kaniya. Baka isang kabig ko lamang sa kaniya ay dumugo na ang ilong ko sa laki ng katawan niya.

Ilang minuto nga lang ay naramdaman ko na parang ako ang kursonada niyang bantayan. Halos hindi ako makashoot ng bola dahil parang alam niya kung kailan ako aatras at aabante. Kaya hirap na hirap akong makapuntos ngayon. Nakikita ko pa ang pagsabunot ng mga kasama ko sa buhok nila kaya napapakagat labi na lamang ako. Tangina nito, sikuhan ko kaya? Baka huminto kakabantay kung sakali.

Tinignan ko si Number 2 at parang alam na niya ang gagawin niya kaya nagpalit kami ng posisyon at nang ako ang kumuha ng bola na dapat kay Number 2 ipapasa ay mabilis ko na ring naishoot ito. Halos mapunit ang ngiti ko sa mga labi ko habang si Hermoso naman ay nagdidilim na naman ang paningin nito. Parang handa na itong manuntok ano mang oras mula ngayon.

Ilang beses kong ginawa ’yun at halos makahabol kami. Ang problema ay mas lalong nagpupursigi si Hermoso na bantayan ang bawat kilos ko kaya nang magbreak kami ay kinausap ko na siya dahil parang papatirin ako nang litid sa ginagawa niya sa akin ngayon. Gusto ko lang ienjoy itong laro.

“May problema ba tayo Hermoso? Kanina mo pa ko binabanatan?” Napatingin naman ito sa akin bago ito uminom sa malaking tumbler niya. Parang walang pakialam sa akusasyon ko sa kaniya.

“Do I look like I have a problem with you? Do you really think that I would pursue you like you are my apple of my eye?” Pagdedepensa nito sa akin. Kahit English ’yan, hindi ako papatalo. 96 yata average ko noong high school ako.

“Hindi ko alam. Magsimula kasi nang ipinakilala ako ni Coach sa’yo, parakiramdam ko, ginagago mo ako kahit wala naman akong ginagawa.” Hinawi ko pa ang mga buhok na tumatabil sa mga mata ko at tinignan muli si Hermoso sa napakalalim at seryosong mga tingin.

Napangisi naman ito sa mukha ko. Parang ginusto talaga na pahirapan ako sa lahat ng bagay. Ang sarap ngang suntukin ng mukha niya ngayon para burahin ang nakapaskil na ngising ’yon. “Hindi kita magugustuhan, Az. Tapos na ako sa bagay na iyon.” Naguluhan naman ako sa sinabi nito. Parang nagkita na kami noon kahit wala namang akong maalala.

“Para sabihin ko sa’yo, ayoko lang na kung sino sino ang hinihila ni Coach sa team na ’to. Naghirap kaming pumasok, pwes maghirap kang manatili ngayon. Habang nandito ako, susundan at babantayan kita, Az,” dagdag pa nitong sagot sa akin na para bang kasalanan ko kung bakit ako na-scout.

Pumikit muna ako sa nararamdan kong inis sa kaniya. “Mukha bang hindi ako naghirap pumasok? Tangina mo, Hermoso,” pagmumura ko sa kaniya sa hindi ko na mapigil na inis sa pagmumukha nito.

“Looks like mukha ngang gumamit ka pa ng pera para lang makapasok dito sa team. Ni hindi ka man lang dumaan sa tamang proseso. Hindi ka man lang nahiya.” Nandilim na ang mga paningin ko sa kaniya at nasuntok ko na lamang ito. Nabigla naman ako sa ginawa ko at nakita ko itong humandusay sa sahig. Pakiramdam ko ay binuhusan ako nang napakainit na tubig dahil sa resulta ng emosyon kong hindi ko na napigilan pa. Taena ka, Az.

Ayoko pa namang ginagago ako na parang lahat nang ginagawa ko sa mundo ay hindi ko dapat maasam. Naghirap akong payabungin ang talento ko, kaya walang karapatan nino man na sabihin na pera lang ang dahilan kaya ako nakapasok sa varsity nila. At ang nakakainis ay wala naman akong pera na ipangtatapal ko sa coach nila. Mukhang sa yaman pa lang nung coach nila ay baka siya pa ang magbigay sa akin sa sobrang hirap ng buhay ko ngayon.

“Sorry,” salita ko at nang lalapitan ko na sana siya para tulungan ay dinamba ako nito na siyang nagpatumba sa aming dalawa. Muli ay siya naman ang nagpakawala nang mlaalakas na suntok sa mukha ko. Hindi ako nagpatalo at sinuntok ko rin ito.

“Taena ka, ah!” Gamit ang ulo ko ay mabilis ko rin itong binunggo sa uluhan niya na siyang ikinasigaw nito. Mabilis ako nitong sinikmuraan na siyang ikinaungol ko sa sakit. “Puta!” Habang namimilipit ako sa sakit.

“Hermoso!” Napahiwalay lang kaming dalawa nang may-umawat na sa amin.

Tiniis ko ang sakit na binigay nito sa akin at nakangisi akong humarap sa kaniya dahil mas marami ang naibigay kong suntok sa mukha at katawan nito.

Kupal na kung kupal pero kung sa basag ulo lang ang labanan ay panalo na kaagad ako. Walang wala ang napakaputi’t maskulado nitong pangangatawan kumpara sa akin na inulma ng kahirapan.

“Hina mong sumuntok, Hermoso,” patuya kong salita sa kaniya kasabay nang pagpahid ko ng dugo sa bibig ko. “Para kang bakla.” Kasabay nang pagtawa ko nang malakas sa harapan niya.

“Bakla pala ah?!” Hindi na siya napigilan nang marahas siyang kumawala at tumakbo palapit sa akin. Para itong manlalapa sa mga klase nang tinginan niya sa akin at sa kung paano ito padarag na kumilos ngayon.

Dahil sa pagkagulat ay hindi ko na naiwasan ang ginawa niya sa akin. Kinuha niya ang likuran ng batok ko, gamit ang isa niyang kamay nang makalapit siya sa akin at mabilis ako nitong hinalikan sa labi. Para nitong hinihigop ang bibig ko sa klase nang paghalik nito ngayon. Madidiin at mararahas na parang sinadyang saktan ang mga labi ko kahit na napakalambot naman nang dumampi sa akin. “Dapat lang ’yan sa’yo!” salita niya nang maghiwalay ang labi niya sa akin.

Dahil na rin sa may gusto akong patunayan ay hinalikan ko rin ito at nang maalala ko ang kakupalan niya ay itinulak ko rin kaagad ito at mabilis ko siyang sinuntok sa mukha niya na siyang ikinawala niya ng ulirat.

“Az!” Napatitig lamang ako sa mga kamay ko habang sumasabay papunta sa clinic para dalhin si Hermoso. Para akong papatayin sa kaba kung anong mangyayari sa akin.

Chapter 16

Chapter 16

Masakit pa rin ang mukha ko habang nakatingin ngayon sa kisame. Hindi ko na nga alam kung paano ako nakauwi. Hindi ko rin alam kung ayos na ba ang mukhang napuruhan kong si Hermoso. Para pa ngang ako pa ang nauna kahit siya naman ang nagsimula sa pang-iinis sa akin.

Kaya kinabukasan kinausap ako ni Coach na hindi muna ako magpapractice ng ilang linggo para tumino raw ako. Hindi daw dapat pinapangunahan ang kamao sa lahat ng bagay. Wala naman ako sa wisyong tumatango tango sa kaniya. Mali ay mali kahit na ako ang may tama.

Tinanong ko pa kung makakapasok si Hermoso, ang sagot niya lang ay sinuspinde rin niya ito nang tatlong araw. Tumango tango lamang ako noon at hanggang ngayon na kumakain ako sa may harapan ng Carpark ay siya pa rin ang iniisip ko. Nakokonsensya sa ginawa kong pagsuntok sa kaniya.

Bitbit ko ngayon ang binake ko pang cheesecake para kay Hermoso bilang pagpaumanhin. Kahit papaano ay may konsensiya naman ako. Hindi naman ito nagrereply sa mga messages ko sa messenger pati na rin sa number nito. Paano ko nalaman ang number niya? Noong umuwi ako nang lasing. Hindi ako pinatigil ng tawag niya sa phone ko hanggat hindi ko nasasagot ang tawag niya.

Namura ko pa nga siya dahil sa inis ko sa kaniya. Ang sarap ng tulog ko noong mga oras na iyon, gigisingin niya lang ako ng tawag niya. Sino ba siya? Tao lang din naman siya katulad ko. May bulbol din naman kami parehas. Kaya dapat hindi siya tumatawag.

Nagulat naman ako nang may biglang tumawag sa cellphone ko. Nang makita kung sino ay halos pigil hininga ko pang sinagot ang tawag nito sa akin na si Hermoso. Dumadagungdong na rin ang dibdib ko sa kabang nararamdaman ko ngayon.

“Sorry busy lang, may kailangan ka?” Napakagat naman ako sa pang-ibabang labi ko dahil sa ganda ng boses nito. Napakalalim at parang kaya nitong kalabitin ang lahat ng kiliti mo sa katawan.

“May ibibigay lang sana ako, kung busy ka ay okay lang,” pagdadahilan ko na lamang sa kaniya. Ibibigay ko na lang ’to sa mga dormmates ko kung hindi talaga kayang makuha niya ngayon.

“Hindi pupuntahan kita, saan ka ba?” Pinatay na rin niya ang tawag pagkarinig niya kung nasaan ako. Nakatayo lamang ako ngayon sa gilid ng apple store dito sa Carpark ng UST. Marami ring mga estudyante ang dumaraan kaya napapaatras abante na lang ako. Ang aasim pa ng iba kaya wala akong magawa kundi umiwas. Parang hindi nga naligo ang mga ito kahit na mag-aalas diyes pa lang naman nang umaga.

Makaraan ang ilan pang minuto ay may nagpark sa harapan ko at nakita kong si Hermoso nga. Pinapasok naman kaagad ako nito at mabilis na ring pinaandar ang sasakyan. Namamawis naman ang mga kamay ko habang hindi pa rin tumitingin sa kaniya.

“Ano palang kailangan mo? Sorry kung nasuntok at hinalikan kita kahapon.” Napatingin naman ako sa kaniya at halos maawa ako sa mga sugat na nasa mukha nito. May tapyas pa ang labi niya na tiyak kong galing talaga sa akin.

“Okay lang, dapat nga ako ang magsorry sa’yo. Kasalanan ko rin naman.” Umiwas na ako ng tingin sa kaniya at para naman akong dinapuan ng hiya dahil sa gwapo pa rin talaga ito kahit na may bangas sa mukha. Parang mas pinaastig pa nga dahil para siyang mayaman na fraternity leader sa itsura nito.

“May pasok ka pa?” Umiling lamang ako kahit na meron naman ako mamayang hapon. Feeling ko lang ay hindi papasok ang professor namin kaya kung papasok man siya ay nagsabi na ko sa kaklase ko na hindi ako makakapasok dahil masakit ang katawan ko. Nagsend din ako ng screenshot ng medical at bangas ko sa mukha para may ebidensiya talaga.

“Mabuti para makapag-usap tayo nang masinsinan.” Siya na ang namili ng kakainan naming dalawa. Sa isang japanese restaurant niya naisipan dalhin ako. Hindi ko nga lang tinanong kung siya rin ba ang magbabayad dahil nakakaluwag luwag naman ako. Mayabang na ako ngayon pagdating sa pera. Ngayon lang talaga.

Bago pa kami makababa ay ibinigay ko na ang ginawa kong cheesecake sa kaniya. Nagthank you lang siya at iniwan niya doon ang binigay ko. Gusto ko mang kainin ang binigay ko sa kaniya ay hindi ko na lang ginawa dahil may hiya pa naman ako. Regalo mo ikaw kakain? Talaga, Az? Napapailing na lamang ako sa mga naiisip ko ngayon at mabilis na ring sumunod sa kaniya.

Naging maayos naman ang pag-uusap namin doon. Marami rin akong nalaman sa kaniya katulad ng course niya na LEAPMED na anim na taon niyang titiisin sa kolehiyo dahil konektado ito sa medisina. 2 years sa BS Basic Human Studies at 4 years sa medical program.

Halos halikan ko na nga ang mga kamay niya dahil ginamit niya pang pagsuntok sa akin iyon. Baka napuruan at hindi niya magamit kung magse-surgery man siya balang araw. Pakiramdam ko nga ako na ang sisira sa mga pangarap niya ng panahon na iyon dahil sa ginawa ko.

“Sira,” natatawang salita naman nito sa akin. Nakangiti lamang ako sa kaniya na napapakamot. OA na kung OA, edi OA na at nakakakonsensiya pa lalo sa mga sinabi nito.

“E ikaw, anong course mo?”

“HM,” maikling sagot ko sa kaniya. Tumango lamang ito sa akin habang kasalukyang umiinom ito sa juice na inoder namin habang ako ay hinahalo ang Unagi Chazuke na inorder ko. Nakita ko kasing may isda sa taas kaya okay na ’yan.

“Para naman tayong nagdedate nito.” Nagtawanan naman kaming dalawa dahil sa sinabi nito.

“May jowa ka na ba?”

“Ikaw ba?”

“Ako nagtanong?”

“Mukha ba akong makikipagdate sayo kung meron?”

“So, sinasabi mong dahil wala, ako ang date mo?” Turan ko naman sa kaniya.

“Wala akong sinabi.” Napapikit na lamang ako.

Nagpatuloy lamang kami sa pag-aasaran naming dalawa hanggang maubos namin ang kinakain namin. Ngayon nga ay nahihiya akong tumingin sa kaniya dahil magbabayad na.

“Ako nag-aya, kaya ako magbabayad.” Halos mapunit naman ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi nito. Hindi na ako kumontra dahil biyaya na ang nag-alok sa akin kahit na ako ang may pinakamaraming kinain sa aming dalawa.

“Thanks sa cheesecake, kahit mukhang bakla ako sa lagay ko.”

“Gago.” Pinakyuhan ko na lamang ito nang umandar na ang sasakyan niya at umalis habang ako ay bumalik sa dorm para matulog.

Chapter 17

Chapter 17

Tumatakbo ako ngayon paikot ng football field ng UST. Ilang araw na rin magmula nang nagkasuntukan kami ni Hermoso. Halos hindi na rin kami nagkikita pero okay naman kami.

Kung may nag-iba man sa relasyon naming dalawa, masasabi kong ayos din naman siyang maging kaibigan. Hindi ko lang masabi kung pangmatagalan talaga. Masyado pang maaga para isipin ko ’yon.

Nagsisigawan naman ang mga kaklase ko dahil malapit na kaming matapos sa pagtakbo ngayon. Nang matapos kami ay sinulat ko na kung ilang minuto ang takbo ko sa isang ikot nitong field. Kailangan kang makatatlo bago mo bilangan ang oras mo.

Nakakabagot kaya ’tong ginagawa namin at nakakaasim pa ng katawan, kaya tiyak kong sa panghuling klase namin mamayang hapon mukhang mapapaasim kilig na lang ang professor namin sa mga amoy at bungang ayaw na pagmumukha ng mga kaklase ko. Maliban na lamang kung kasama siya roon.

Nakangiti lamang ako kay Coach nang ibigay ko na ang papel ko. Natapos na rin naman ako sa lahat ng kailangan kong icheck doon. Ang kagandahan na coach mo ang P.E. Prof. niyo ay alam mong uno na lahat ang grade mo. Kaya kahit hindi ka na pumasok dahil special child ka naman.

Sinabihan ako ni Coach na dumaan na muna sa Qpav mamaya dahil may ibibigay daw ito sa akin. Dahil masunurin lamang ako ay sumunod din ako. Pagkatapos ng klase namin ay umuwi muna ako dahil ayoko mag-amoy maasim lalo pa’t FO namin kanina. O sa madaling salita ay subject namin sa Front Office sa course naming Hospitality Management. Kailangan pasarap ka rito. Ikaw ang mukha ng hotel. Ganoon ang atake namin. Pasarap lang lagi.

Kaya naman nang pumasok ako sa Qpav ay nakalongsleeve pa rin ako at tinanggal na rin ang bow tie sa leeg ko dahil para akong papatayin sa init dito sa España. Maganda lang talaga sa paningin pero kapag inaraw araw na ay nakakaulirat dahil ang sakit sa balat ng init. Para kang sinusunog ng buhay. Parang mga estudyante rito.

“Hello, Coach.” Ngumiti lamang ito sa akin at pinaupo muna ako.

Kasalukuyan naglalaro ang mga kateam mates ko kasama na ngayon si Hermoso na halos wala ng sugat sa buong mukha nito. Balik ulit siya sa ayos na halos hindi madapong mga langaw sa balat niya.

Magaling talaga ito. Parang inulma talaga siya para sa basketball. Napakaganda pa kung magshoot sa loob ng ring. Kaya siguro sikat na sikat ito online. Hindi nga lang namamansin. Parang lahat nang nakikita niya ay tumatagos sa pader. Sa akin, tumatagos sa buto sa sobrang lalim ng mga tinginan niya. Badrip yata sa kagwapuhan ko.

Mayamaya ay nagpahinga muna sila at kinausap sila ni Coach. Hindi na ako nakinig dahil hindi naman ako kasama roon. Hindi rin naman ako nakakanood sa kanila. Kung nasa finals na sila, doon na lang. Para naman sulit ang bayad kahit na libre lang naman sa amin.

Nang matapos sila ay lumapit na si Coach sa akin. “Kunin mo na lang ’yung ibibigay ko sa’yo Az kay Cedric.” Tumango lamang ako at parang nagmamadali namang umalis si Coach pagkatapos. Nilapitan ko na si Hermoso habang umiinom ito bago pa siya umalis at maligo.

Amoy na amoy ko na ang pabango niya kahit sa malayo pa lamang. Natatandaan ko na bibigyan ako nito. Kaso baka siya pa ang lasing kung tatanungin ko siya ngayon. “Nasayo raw ’yung ibibigay ni Coach sa’kin?”

Ibinaba naman nito ang iniinom niya bago ito tumango. “Nasa locker ko.” Napatanga naman akong nakatitig sa kaniya. Hindi makapaniwala sa sinabi nito. Parang ako pa ang maghahanap sa faculty nila para kuhanin ang ibibigay sa akin.

Napapikit ako bago ako sumagot sa kaniya. “Kuhanin mo,” mahinahon kong salita. Pautos pero magaan. Kahit naman na naka-cease fire kaming dalawa ay hindi maalis na mainis ako sa kaniya. Parang matic na kumukulo ang bibig ko kapag nakikita ko na ito.

“Mamaya, maligo lang ako.” Aalis na sana siya nang hawakan ko ang kamay niya. Napaalis naman ako kaagad nang marealize ang ginawa ko. Hindi dapat ako humahawak sa katawan ng tao kahit na kilala ko ito.

“Sorry, Hermoso pero may gagawin pa kasi ako. Text na lang kita kung saan mo ibibigay, kung hindi abala sa ’yo.” Tumango lamang ito bago umalis.

Hindi ko na siya pinansin at umalis na rin doon. Ayoko namang idahilan na may pasok pa ako dahil mag-eexpalin pa ako sa kaniya. Kaya nang matapos ang klase ko ay dumiretso na ako ng bakery. Hindi naman ako nagseserve, gumagawa lang naman ako nang tinapay at iba’t ibang servings na need kinabukasan. Kaya kahit naka-tshirt lang akong pumasok sa trabaho.

Mag-aalas otso na ng magmini break ako. Madalas alas syete o kung minsan alas sais ang shift ko hanggang alas dose ng madaling araw. Halos nakakahiya na hindi ko sinasagad pero naiintindihan naman ng management. Wala rin yatang gustong magtrabaho bilang bakery boy kaya nagtitiyaga sila sa akin. Taga masa, taga hugas, taga sabon, taga lagay, taga punas, at taga init ng tinapay ang halos ginagawa ko rito.

Tawag ka . Basa ko sa sinabi ni Hermoso. Dahil may data naman dito ay ang messenger niya ang tinawagan ko. Ilang ulit kong tinawagan hanggang sa sumagot na siya.

“Ano ba? May trabaho pa ’ko?” salita ko sa kaniya. Nakita kong nakaputing sando lang ito kaya kitang kita ko ang napakapusyaw na kulay ng balat niya nang sagutin ko ang tawag nito.

Kulang na lang kasi ay gawing kasing puti ng dove na sabon ang balat niya. Kaya sa malayo palang ay hindi mo aakalain na may malaking katawan ito o batak ito sa gym dahil hugis lang talaga ang makikita mo. Kaya ngayon ay kitang kita ko ang pinaghirapan niya kahti sa cellphone lang. Tamang tama sa napakaganda niyang balat at sa tangkad din nito.

“Where should we meet? Maaga pa kami bukas.” Hinihagod pa nito ang kamay niya sa kaniyang buhok kaya napasadahan ang kaunting buhok nito sa kili-kili. Tado talaga ang mamayaman. Kulang na lang pati singit nila mapakinis nila sa sobrang puti.

Hindi naman ako nalilibugan sa kaniya dahil mas masarap naman ang brown chocolate na katulad ko. Kaya dapat siya ang mas malibugan sa akin.

“Pwede ngayon, send ako location.” Tumango lamang ito bago ko siya pinatayan at nagsend din ako ng location sa kaniya. Hindi naman kalayuan sa UST itong bakery shop, tama tama lang naman na pwedeng lakaran pauwi ng dormitory at layo sa UST kaya makakapunta siya kaagad kahit maglakad siya.

Nagpatuloy lamang ako sa trabaho at nagpahiwalay ako ng isang box na anim na piraso ang laman na chocolate brownies sa kasamahan ko na nasa cashier ngayon. Hindi pa ako nagcashier or server dito dahil sa alanganin na oras. Kapag naging maluwag na siguro ay pwede na. Nakakasawa rin na hindi 8 hours ang tulog mo. Parang bitin na ewan. Para kang pinapatay sa lagay mo.

Makalipas ang halos kalahating oras ay nagpaalam ulit ako na lalabas muna. Kinuha ko ang cellphone ko sa locker at nakita ko ngang tumatawag na si Hermoso. Sasagutin ko na sana ito, ang kaso ay nakita ko na siya sa harapan ng bakery shop na pinagtatrabahuhan ko. Kaya pinatayan ko na lamang siya at nagsimulang lumapit sa kaniya.

Nakita ko na naman ang kunot nitong noo at parang nagngingitngit sa kakahintay na sagutin ko ang tawag niya sa akin. Napatawa na lamang ako habang lumalapit sa kaniya. Sarap din inisin nitong kupal na’to.

“Hermoso!” Nakita ko naman itong tumingin sa banda ko at inis kaagad ang mukha nito. Ngumiti lamang ako sa kaniya kahit bugnot na bugnot ito sa akin. Hindi ko kasalanang hindi niya binigay ang dapat binigay.

“Thank you,” salita ko pagkaabot ko ng plastik na ibinigay niya sa akin. Ngayon ko rin naalala ang binili kong brownies kaya tumingin ako sa kaniya at napapakamot sa buhok ko. “Diyan ka muna, Hermoso. May kukuhanin lang ako.”

Dali dali naman akong pumasok at pumunta sa cashier. Pagkaabot ng katrabaho ko ay halos tumakbo na ako palabas kaya naman nang nasa harapan na ako ni Hermoso ay hingal na hingal ako sa harapan niya.

“Sorry, heto gawa ko para sa pang-iistorbo sa ’yo ngayon.” Napapakagat labi pa ako habang nahihiyang tumingin sa kaniya. Kinuha naman nito ang ibinigay ko at ngumiti sa akin.

“Sige, alis na ’ko.” Aalis na sana ako nang hawakan ako nito sa kamay. Napatingin naman ako sa kaniya na parang nagtatanong kung may kailangan pa ba siya. Hindi naman ako sa nagmamadali pero parang ganoon na nga.

Napapailing na lamang ito na parang may gustong sabihin pero hindi nito itinuloy. Ngumiti lamang ako at pinaalis na rin siya. Sayang oras ko kung hihintayin ko pa siyang mag-isip at magsabi ng mga salita sa akin. Hindi naman niya babayaran tuition ko rito sa UST. Kamahal pa naman. Parang logo nila, plema ang atake. Masakit lunukin ang presyo.

Chapter 18

Chapter 18

Masaya lamang ako nitong mga nakaraang araw. Proud ko pang suot suot ang jersey at jacket na para sa akin. May apelido ko pang Francisco sa likuran. Ang jologs nga ng apelido ko pero wala naman akong magawa, ang mahal pa magpapalit ng letra ng pangalan sa Pilipinas.

Gusto ko ngang yakapin si Hermoso at iba pa naming teammates dahil para na rin akong naglaro sa lagay ko kahit na hindi pa naman ako nakikilala ng lahat. Pakiramdam ko nga, ginto itong jersey na naibigay sa akin kahit na gawa lamang ito sa tela.

Hindi muna ako pumasok sa klase ngayon dahil mamaya na rin malalaman kung makakapasok sa final four ang UST. Bali nakabinbin pa sa ring ang bola dahil halos tatlo na ang sure ball na makakapasok. Ngayon nga ay kasama ko ang ibang mga freshmen at injured na players ng UST dito sa Araneta para suportahan ang UST Team.

Kahit mukha akong cheerleader sa mga pinaggagawa ko ngayon, ang mahalaga ay mapakita ko sa mga kasamahan kong suportadong suportado ko silang lahat hanggang sa talampakan ko.

Nang magsimula na ang laban ay halos kabado kami dahil mauuna pa yatang makuha ng Ateneo ang first quarter. Parang mga tanga naman kasi kung magdepensa, parang si Hermoso lang ang gumagalaw sa kanila. Kahit teammates ko ’to, ang sarap nilang pag-uumpugin.

Ayoko man ipasok sa utak ko pero ramdam ko ang pressure nila mula sa pwesto ko. Alam kong kapag natalo sila rito ay may masasabi ang mga tao, at kahit manalo sila ay may maririnig ka pa na luto ang laban. Taena talaga ng mga tao.

Natapos na’t lahat halos ipukpok ko na sa mga kasamahan ko ang ibinigay nilang tubig sa akin. Masyadong dikit ang laban na ultimo isang pahinga mo lang talaga ay matatalo kayo kaagad. Kaya naman nang natapos na ay halos tumalon kami sa saya ng mga kasama ko.

Ibang iba ang saya dahil para kang nanalo sa lotto sa lagay mo. Parang gusto mong isigaw sa mundo na “Anak ako ng Diyos!” kahit na lahat naman kayo ay pantay-pantay sa mata Niya.

Pupuntahan ko na sana sa pwesto si Hermoso nang may isang lalaki ang yumakap sa kaniya. Napahinto ako dahil pamilyar ito sa akin. Likod at tindig niya pa lamang ay alam na alam ko na. Napakagat labi pa ako nang halikan niya si Hermoso sa mga labi nito.

Alam kong wala naman akong pakialam dito kung may relasyon silang dalawa. Pero hindi ko alam pero bakit parang nasasaktan ako. O sadyang sa hindi lamang mahinuha ng sarili ko na posible pala ang imposible.

“Marvin?” Parang nanigas naman sa kinatatayuan si Hermoso habang humarap naman sa akin ang tinawag ko na dati kong kaibigan. Ibang ibang na ang itsura nito. Parang mas gumanda pa ang pangangatawan niya kumpara noon.

“Az?” Mabilis itong lumapit sa akin at niyakap naman ako nito. Ngumiti lamang ako at hindi gumanti nang yakap. Parang alam ko na kung sino si Hermoso. Parang ngayon lang nagtagpi tagpi ang mga memorya ko sa tagal ko nang hindi ito nakikita.

Nakasalamin pa ito noon at halos kalahati lang ng katawan ko ang timbang niya. Ngayon sigurado na ako kung sino talaga ang nakikita kong lalaki.

Alam ko na parang familiar ito pero ayoko lang isipin dahil napakaimposible naman kasi. Para akong pinalakad sa nagbabagang apoy ngayon sa mga nalaman ko sa katauhan ni Hermoso sa buhay ko. Kung bakit galit na galit siya sa akin. Kung bakit familiar ang apelido nito na siyang kinalimutan ko lamang dahil iisa lang naman ang tinandaan ko sa kaniya—ang pangalawang pangalan niya na Jerome.

Humarap ako kay Hermoso at nasa tabi na nito ulit si Marvin. “Jowa ko pala, Az. Si Cedric.” Tumango lamang ako sa kaniya at ngumiti sa dalawa. Wala naman kaming relasyon ni Hermoso, pero parang ang sakit sakit na hindi man lang niya pinaalam na may kasintahan ito. O kahit ipaalam kung sino siya sa buhay ko noon. Napakalupit talaga ng panahon.

“Congrats?” Pilit na patanong kong sagot sa kaniya. Napakuyom naman ako sa kamay ko sa namumuong galit sa dibdib ko. Ayokong isipin ang maraming bagay at posibilidad, pero napapaputangina ka na lamang kapag alam mong nandirito ka na sa sitwasyon na wala kang takas kundi aminin sa sarili mo na lahat ng bagay ay posible at ang totoo ay walang makakapigil ng katotohanan.

Napahiwalay lamang kami sa kaniya nang kuyugin na siya ng mga kasamahann namin sa basketball. Napahiwalay lang kami ng may lumapit na sport reporter at ininterview ito.

Nakatingin lamang ako sa nakangiting si Hermoso. Malayong malayo sa pilit nitong ngiti na ibinigay sa akin nang mapagtanto ko kung sino nga ba ito. Mabilis akong umalis doon at pinuntahan si Coach.

Ngayon ko lang din naalala na hindi pa pala sigurado ang kinabukasan ko talaga. Ang nakaplano pa lamang sa akin ay ang pagtatapos ko sa kolehiyo at napakahabang panahon pa talaga nito. Katulad noon tinalikuran ko na ang mundo kung saan malayo ako sa liwanag. Parang pakiramdam ko pa nga ako ang nagpapakahirap sa mga taong nakapaligid sa akin noon at ngayon ay naiisip ko ulit ito.

Matagal ko na ring pinag-iisipan ito pero gusto ko na munang magpahinga sa paglalaro ng basketball. Siguro nakaya ko pang magpatuloy dahil sa mga oportunidad na magbubukas sa akin pero ngayon, hindi ko na alam. Mahirap habulin ang isang bagay na simula pa lamang ay wala ng kasiguraduhan att ang pinakamasakit lamang dito, ang bagay na iyon ay ang pangarap ko sa sarili ko sa larangan ng basketball.

“Pasensiya na po, Coach.”

“Ngayon pa talaga, Az.” Natawa na lamang ito sa akin. “Bahala ka.”

Matapos kong magpaalam ay mabilis na lamang akong umalis doon. Dahil wala naman akong pasok ngayon nagdecsion na lamang akong magtrabaho, na parang kailangan ng katawan kong gawin ang madalas ko nang ginagawa— ang magpakalulong sa paggawa ng pera.

Chapter 19

Chapter 19

Magsasampung buwan na rin noong tumigil ako sa paglalaro ng basketball, parang timing pa dahil ang dami ko talagang ginawa noon. Lulong kung lulong.

Parang ginawa ko na lamang buhay ang pangkaraniwan ko nang ginagawa—ang mag-aral, magtrabaho, at matulog ulit. Parang nabuhusan ako nang rumaragasang utak na ang reyalidad na para sa akin ay hindi pa nalalapat talaga. Kailangan ko pang gumawa ng paraan para sa ikakaayos ng buhay ko. Mahirap pala talaga ako.

Lumipit na rin pala ako ng bakery shop dahil hindi talaga ako pinapayagang mag-umaga. Kaya ngayon ay nakangiti ako sa mga taong nag-oorder ng tinapay at kape dito pa rin sa España. Ang huling balita ko ay hindi nakapasok ang UST sa Finals last season. Pati na rin ngayon. Parang wala nang naging tama. Kaya hindi rin ako nagbubukas ng social media dahil ayokong nakakabasa ng kakupalan sa mga dati kong kasamahan. Kahit papaano alam ko naman na nagpupursige silang lahat. Hindi naman sila nagte-training araw-araw para lang ibigay ang bola sa iba. Nanaisin mo rin sa hirap ng traning na manalo kayo at tingalain ng nakakarami.

“Espresso at Cinnamon Roll.” Kinuha ko na ang pera habang hindi pa rin tumitingin sa nagbayad na tao. Nagtype din ako sa computer at kinuha ang lumabas na papel. Pinunit ko pa sa dalawa at kumuha ng 30 pesos bago ako humarap sa kaniya

“Espresso at Cinnamon Roll, then Sir.” Napatigil naman ako nang nasa harapan ko si Marvin na dati kong kaibigan. Ibinigay ko na ang resibo at ang sukli niya. Ganoon pa rin ang ekspresion ko. Walang laman, walang latay, at lalong walang buhay.

“Thank you for your order, Sir. This may take up to 20 minutes.” Aalis na sana ako sa harapan niya para ibigay na sa kasamahan ko ang order nang tawagin niya ulit ako.

“Az, pwede ba tayong mag-usap?” Napaharap na lamang ako sa kaniya at tumingin sa orasan. May dalawang oras pa bago ako maglunch. Dahil siya naman ang kakausap sa akin ay maghintay siya. Ang kapal naman niyang mang-istorbo sa oras ng trabaho ko. Ano siya anak ng mga engineer ng DPWH? Nepo baby?

“Later at 12 na lang, Marvin. If nandito ka pa, puntahan na lamang kita.” Tumango lamang ito at itinuloy ko na ang pagtatrabaho ko.

Hindi naman ako galit kay Marvin o kay Hermoso. Ayoko lang na parang ipinagpipilitan ko pa ang sarili ko kay Hermoso o sa jowa nito. Ang hirap na makisama kung alam mong simula pa lamang ay may galit na ito sa iyo. Ako na lang ang iiwas, sanay naman na akong mag-isa sa lahat ng bagay.

Ayoko ko ring isipin na kasalanan ni Hermoso ang pagtatago niya nang sarili sa akin. Dahil kahit ako ay hindi ko siya nakilala. Sadyang takot lang akong harapin ang posibilidad ng lahat. Ayoko na nang gulo. Ayoko na nang ingay. Gusto ko na lamang ng isang tahimik at payapang araw na bubukas sa akin.

Nilapitan ko ang table kung saan nakaupo si Marvin. Mag-isa lamang ito kaya umupo na rin ako. Hindi na ako nagpaalam dahil hindi naman sa kaniya ito. Napatingin naman ito sa akin at ngumiti nang pilit.

“Musta na Az?” Napakunot naman ako ng noo na para bang dati pa rin kaming magkaibigan. Matagal ng panahon na ’yun. Halos kalimutan ko na ngang nag-eexist pa siya. Halos ganoon naman lahat, lilipas din at kakalimutan mo ang mga tao naging kasangga mo noon.

“Okay lang, ano pa lang sadya mo? May pasok pa niyan ako.” Napapasabunot pa ako sa buhok ko sa hindi malaman na dahilan. Peke yata ang nabili kong shampoo ngayon. Baka magkakuto pa niyan ako. Sawa na nga ako sa pagkabadbreathe ng mga kasamahan ko sa dorm. Parang delubyo yata kaya kailangan mong magmask kapag kakausapin sila. Kaya ayokong magsalita minsan.

“Sorry kung hindi ko nasabi na may relasyon kaming dalawa ni Cedric.” Mas lalong kumunot ang noo ko dahil ano pa bang pakialam ko sa relasyon nilang dalawa. Wala naman na akong balak lumapit pa at ibalik ang mayroon kaming tatlo.

“It’s okay, Marvin. Ilang taon naman na tayong hindi magkaibigan. Limot ko na nga kayong dalawa,” patuya kong sabi sa kaniya. “Hindi mo na nga dapat ako kinakausap e.” Parang ikakamatay ko pa kung malaman ko na magkarelasyon silang dalawa ngayon.

“Sana iwasan mo na si Cedric, Az. Alam mong may gusto ’yung tao sa’yo.” Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko dahil sa huling tanda ko ay sampung buwan na kaming hindi nag-uusap ni Hermoso. Halos limot ko na nga ang mukha niya. Nagpalit pa ako ng number dahil sa kaniya sa hindi matigil niyang kakatawag.

“Kung wala ka ng sasabihin, bahala ka ng mag-isip—ni ayaw ko na nga kayong makita, lalapit at lalapit pa kayo sa’kin. Nagtatrabaho nang maayos ’yung tao.” Tumayo ako at pagkatalikod ko ay nasa harapan ko mismo si Hermoso. Parang galit pa ito na nakatingin sa akin.

“Tsk.” Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy na lamang sa pagpasok sa likuran. Hindi na ako nagcashier dahil baka may gumulo na naman sa akin. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa trabaho ko sa likuran. Kung iisipin ko pa sila, tatagal lang ako rito.

Paglabas ko pa lamang ng trabaho ay bumungad na kaagad ang mukha ni Hermoso sa akin. Napapikit ako dahil tumataas na naman ang init ng ulo ko. Lagi na lang ganito. Pakiramdam ko kapag kakausapin ko siya ay parang nilalaro lamang niya ako. Ayoko pa naman sa ganito. Ayoko nang mag-isip.

“Azalea.” Napatigil naman ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Napakatagal na nang may tumawag sa akin noon. Ang huli pa ay siya pa yata ang taong iyon. Napakagat naman ako pang-ibabang labi ko dahil hindi ko mapigilan ang pagngiti ko. Parang bumalik na naman ako sa panahon na kaming dalawa lang ang halos magkasama.

“Pwede ba tayong mag-usap?” Wala naman na akong nagawa nang hawakan nito ang kamay ko at tinungo namin ang sasakyan niya. Kahit papaano ay may respeto pa naman ako sa kaniya. Ayoko lang na ginagago ako. Tandang tanda ko pa na iniwasan kami ni Marvin noong magkajowa ito. Hindi deserve ng atensyon ang mga taong ganoon.

Hindi ko nga alam kung bakit hinahabol habol pa ako ni Hermoso. Halos ako ang nag-iwan sa kaniya. Hindi ko nga sinabi kung bakit. Siguro alam naman niya na ayokong minamaliit ako sa mga bagay bagay. Parang mas binabaon ka pa kasi kapag alam mong nasa baba ka na nga, ibaba ka pa lalo ng iba. Nakakawala lang ng pasensiya ang mga ganoong tao. Kaya ako na ang umiiwas sa mga tao.

Hindi niya pinaandar ang sasakyan at nakatingin lang ngayon ito sa akin. Napaharap naman ako sa kaniya na inis ang mukha ko dahil lagi nila akong pinaghihintay. Bakit hindi pa sabihin kung anong problema nila sa akin dahil may buhay din ako na hindi sila kasama.

“Lahat nang sinabi sa’yo ni Marvin o nakita mo, hindi totoo ’yun. Wala kaming relasyon, Azalea.” Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya ngayon. Parang kapag naniwala ako, may magbabago pa sa relasyon naming dalawa.

Ayokong mag-isip nang kung ano pa man sa mga posibilidad na mangyayari. Kaya ang tanging nasabi ko lamang sa kaniya ay ang salitang, “Okay sabi mo e.”

Chapter 20

Chapter 20

Init na init ako habang may hairnet sa ulo. Mukha kaming halamang dagat dahil dito. Para kaming iniihaw sa sobrang init ng pakiramdam namin ngayon .

Naka-apron pa ako dahil kahit ayoko namang madumihan ang katawang lupa ko.

Nakakatanga pa ang ginagawa namin ngayon. Dahil pagkatapos kasing magluto ay maglalako kami. Hindi ko alam sinong pipikutin ko ngayon. Okay lang sana kung magbebenta kayo dahil magaling akong mambarat. Kung limang piso ang benta, gagawin kong sampung piso dahil gusto ko mas malaki ang kita ko kaysa sa gumawa, ang problema ay hindi kami magbebenta, magpapa-critique kami nang niluto namin sa mga tao. May form pang kasama ngani.

Isang tao, limang form—at dahil lima kami sa grupo, 25 na katao ang dapat na mapasagot namin ng form. Balak ko sanang ako na lang ang kumain at sagutin lahat, kaso may pangalan, course, at signature pang nalalaman. Wala talaga kaming takas sa ukinanam na Asian Cruisine na ’to. Mahal na nga, pinapahirapan pa kami lalo.

Dahil sa main building kami nagluto, dito rin kami naglako. Ako na ang kumatok dahil makapal naman ang mukha ko. Napangiti naman ako sa halos nasa labi na ang lalim ng itim sa mga mata nang sa tingin ko’y Doctor base sa tindig at kilos nito.

“Hello po, Doc. Pwede po kaming magpa-critique?” Pagtatanong ko. Hindi na ako nagpakilala baka iblock list ako nito sa hospital kung saan siya nakaduty. Mabuti ng sigurado tayo.

“What do you mean critique?” Kinuha ko naman ang letter sa nanginginig kong kaklase at naglakad sa pwesto ni Doc. Ibinigay ko ang letter sa kaniya at binasa niya ito. Ngumiti naman ito dahil bakit ka pa tatanggi sa grasya. Pagkain na ’yan, aba’t aba naman.

Syempre dahil napinayagan kami meron kaming pakunswelo. Tatlong potahe ang ginawa namin sa cruisine na nabunot namin sa grupo. Ang malas nga at hindi Philippines ang nakuha namin. Parang dudugo nga ako sa pangalan ng mga Vietnamese dishes na hinanda namin ngayon.

Hindi na ako nagsalita sa harapan dahil ang swerte naman ng mga kasamahan ko kung titingin lang sila at magkakagrade na sa subject na ’to. Nasa gilid lamang ako habang sinasabi na ang unang ipapa-critique namin. Ang una ay ang Xôi ngũ sắc or the Five-colored sticky rice ng Vietnam.

Nakalagay lamang ito sa maliit na lalagyanan ng suka. Hindi naman nakakabusog dahil pang-freetaste lang talaga ang servings namin. At maghihirap kami kung lahat sila ay tig-isang plato naman na. Nag-ikot na kami at ibinigay ang unang papel at servings.

Napataas naman ang kilay ko nang makita ko si Hermoso. Nakalimutan kong hindi pa pala tapos itong mag-aral. Parang mauuna pa yata akong maggraduate bago siya maging doctor. Nagteteng na course naman niyan, inabot ng anim na taon.

Ngumiti ako sa kaniya at ibinigay ko na ang servings at ang form. Syempre gusto ko ring magkaroon ng magandang grade kaya binantayan at kinontyaba ko na siya. “Ayusin mong sumagot. Lagay mo rin na gwapo ’yung nagserve, masarap na, mabait pa.” Kinindatan ko pa na siyang ikinailing niya lamang. Abat! Nang sisilipin ko ang sinulat niya ay tinakpan naman niya. Akala naman niya hindi ko mababasa e kami naman ang magpapasa.

“Itatago mo pa e, mababasa ko rin naman.” Kinuha ko na ang papel niya at isinipit ko sa dalawang daliri ko habang ang iba ay minsanan ko na ring kinuha.

Napataas naman ang kilay ko sa nabasa kong feedback sa amin. “Sana may freetaste din ang gumawa. Mukhang masarap kasing tikman.” Napatingin naman ako kay Hermoso dahil sa nilagay niya. Itatago ko na lamang ito at nang mahagip nga ng mga mata ko ang pwesto niya ay nakangisi lamang ito at pinapasadahan pa ng laway ang mga labi niya.

Kung hindi ko lang ito kilala, tado, baka mabugbog ko na siay. Napapailing na lamang ako dahil sayang ang form na binigay ko sa kaniya. Huwag ko na lamang kaya siya bigyan. Para naman maglaway siya sa mga kasamahan niya.

Nang matapos ang presentation sa pangalawang dish ay nagbigay na ako ng bánh bèo at form sa unahin. Hindi na ako pumunta sa likuran dahil baka masapak ko pa ang kolokay na si Hermoso. Idadamay pa ang grades namin sa kalokohan niya.

“Az, ayaw tanggapin nung maputing lalaking ’yun oh.” Ngumuso ang kaklase kong lalaki sa pwesto ni Hermoso at parang nagsisimula na naman ang inis ko rito. “Gusto yata ikaw magbigay.” Wala na akong nagawa kundi ibigay sa kaniya ang pangalawang dish at form.

“Ayusin mo, Hermoso. May grade ’yan, kapag bumagsak ako aabatan talaga kita sa labas. Tignan mo.” Sa labis na inis ko sa kaniya ay parang hindi ko na alam ang lumalabas sa bibig ko. Kung dati rati ay ako ang nagpapatino dito, ngayon ay parang hindi ko na kayang imaniobra ang bola dahil wala naman kaming relasyon. Kaibigan man o kahit ano man. Parang kilala ko lamang siya sa pangalan ngayon.

“Payagan mo kong manligaw sa’yo, aayusin ko ’to. Iuuno pa kita sa professor niyo.” Dahil sa inis ko ay umoo na lamang ako sa suhesyon niya. Para namang may oras pa ako sa ganiyan. Kaya halos pangiti ngiti ako nang mabasa ko ang sinabi niya. Nang tignan ko ay nakangiti din ito. Hindi ko lang alam kung saan at para saan ang ngiti niya. Mukha kasi siyang baliw na halos paiba iba ng mood.

Sa pangatlong dish naman ay ang lumpiang sarawa ng Pilipinas, ang gỏi cuốn. Ang problema lang dito mas pangmayaman ang version dahil seafood ang nilagay imbes na maraming gulay na karaniwan sa atin.

Hindi na ako nag-ikot dahil namimihasa na ang ibang kasamahan namin. Halos nag-aabot lang sila habang ako ay nag-iikot pa mula kanina. Kaya ako ang pumalit sa iba na mag-aabot lang sa mga kasamahan ko ng ibibigay nila. Dapat pantay pantay lang. Kung may gahaman man, dapat ako lang. Wala nang iba.

“Bye, Babe! Ingat!” Napatingin naman kaming lahat kay Hermoso nang bigla itong sumigaw. Nakakagago pa rito ay parang genuine na genuine siya sa sinabi nito.

“Sino raw?” Tanong ng isa sa mga kasamahan ko.

“Baka ikaw, ikaw lang maganda rito.” Napatingin naman ako sa babaeng tinuro nito.

Napakunot naman akong noo ko at bumalik ulit ang tingin ko kay Hermoso. “Ingat din sa klase, Babe!” Ngumiti lamang ako habang ang iba sa mga taong narito ay nagsisigawan na. Mukha silang mga baliw na nagwawala, ang problema lang ay mga future doctor ang mga ito. Sila yata ang magiging pasyente.

“Jowa mo ’yun?”

“Kaibigan ko lang, para naman akong papatol sa pasyente.” Pagak pa akong tumawa sa kanila.

Isa siguro sa masasabi at maipagmamalaki ko sa komunidad ng USTe, wala silang pakialam sa mga bagay bagay. Basta’t masaya ka at walang natatapakang iba, maging makatao lamang, ayos na kahit na marami pang bagay na kailangang problemahin.

Sa bandang huli, naging maayos naman ang grade namin doon. Nakalimutan naman ng lahat ang nangyari. Hindi ko lang sigurado sa kung pati sa bulsa namin ay nakalimutan na rin dahil sa mahal nang ambagan namin sa subject na ’to. Umabot pa nga ng dalawang libo dahil sa mahal ng bilihin sa Pilipinas. Kaya parang gusto ko na lamang maging alter sa twitter sa mahal ng gastusin namin sa tadong course na ’’to. Ang sarap magshift—ayoko lang mahampas ng hanger kung lilipat pa ako.

Chapter 21

Chapter 21

Napapakamot ako sa noo kung paano ko maipapasa ang subject naming baking science. Kailangan kasi naming mag-imbento ng panibagong recipe sa nakamarket na product ngayon. Ang problema, hindi ako makausad dahil wala akong bahay.

Hindi ka naman pwedeng maggagawa sa dorm ko dahil baka pagbukas mo pa lang ng asukal, itapon na sa pagmumukha mo sa sungit at arte ng mga estudyante. Hindi rin naman pwede sa bakery shop dahil mukha akong tangang nakikipagkompetition kapag nagkataon. Baka isipin pa na ’yung ibang ginamit kong sangkap ay galing sa kanila, edi natanggal pa ko sa trabaho.

Kaya para akong bangag na naglalakad sa kahabaan ng Qpark papasok sa susunod kong subject dahil malapit na ang deadline na ’yon. Kailangan pa ay tatlong flavour ang gagawin ko, kulang na lang talaga magtayo na ng sariling bakery shop ang professor namin, kaya nagpapagawa siya ng ganito.

Para akong tangang nagtatalon ngayon dahil may biglang humawak sa balikat ko. Nang tignan ko na ito ay bilang umikot na lang ang paningin ko sa inis. Sa lahat ng araw na pwede niya kong inisin ngayon pang nakabinbin ang grade ko sa hangin, siya kaya gawin kong oven para matigalgal siya sa kinatatayuan niya.

“Hi, Az.” Pinikit ko ang mata ko dahil kung hindi ko ’yun gagawin, mabubusalan ko ang tiyan nito at baka mapadala pa ako sa dean’s office ng hindi oras. Ngumiti lamang ako na labas sa ilong habang nakatingin sa kaniya.

“Problema mo? Gusto mong sumuso?” Napapakamot pa ako sa buhok ko sa naghalo halong inis na nararamdaman ko ngayong araw.a Wala nang naging tama, kainis talaga.

“Pwede naman, para mawala ang problema mo. Mukha kang hindi nadidiligan sa lagay mo.” Itinaas ko ang isa kong kamao at pinakita sa kaniya. Tumawa lamang siya habang ibinababa ang kamay ko na itinaas. “Ang bayolente mo talaga, kaya gusto kita e. May jowa na ko, may bodyguard pa ako.”

“Gusto mong masuntok, Hermoso?! Paisa lang, promise.” Aambahan ko na sana siya ng suntok ang kaso may nagbungo sa akin kaya napasadsad ako sa dibdib ng lalaking kaharap ko ngayon at kinaiinisan pa.

“Sorry po.” Hindi ko na lamang ito pinansin at hinawakan sa kamay si Hermoso at hinila sa hindi mataong lugar. Hawak ko pa ang kamay nito at itinaas na iniharap sa kaniya.

“Kinis ng kamay ah? Parang hindi ka naglilinis sa bahay noya,” pagpuri ko sa kamay nito. Sinisipat ng mata ko ang kinis. Napatingin naman ako sa kaniya nang idantay niya sa mukha ko ang kamay niya.

“May problema ba?” Napatingin naman ako sa kaniya. “Mukha kang walang maayos na tulog.” Hinimas himas nito ang mukha ko habang nagkakatinginan naman kami sa isa’t isa. Napalunok akong nakaharap sa kaniya at napapakamot sa noo.

“Kailangan ko kasing magbake. Hindi naman pwede sa dorm at sa pinagtatrabahuhan ko. Kung uuwi pa ako, malalamog na ’yun kung ibabiyahe ko pa papunta rito.” Hindi ako makatingin sa kaniya dahil kailan ba ako nagsabi ng mga problema ko sa ibang tao. Wala naman. Sadyang concern lang talaga ito, kaya sinabi ko na. Baka problemahin pa niya ang dapat na problema ko lang.

“Edi sa condo ko,” salita nito. Napatingin naman ako sa kaniya.

“Hindi ba nakakahiya? Baka may kasama ka diyan.” Ngumiti ito sa akin na pagkalaki-laki.

“Meron na niyan, kung isasama kita. Malapit lang din dito kaya hindi ka malalamog.” Sinuntok ko naman ito sa balikat na siyang ikinatawa niya lamang. Dahil may pasok pa ako ay binigay ko na ang bago kong cellphone number sa kaniya. Inunblock ko na rin siya sa messenger at instagram, mahirap na at baka mapornada pa ang halok nito sa akin.

Kaya kahit mag-aalas sais pa lamang ay nandito na ko sa condo unit na sinasabi ni Hermoso. Tinulungan naman niya ako sa bitbit ko dahil para akong mababalian ng buto sa dami nito. Mabilis na rin akong kumilos at nag-ayos sa kusina nito. Habang siya naman ay nagsimulang maglinis sa sala nila.

May kalakihan ang condo unit niya rito rin sa España. Ang sarap ngang tambayan dahil mainit sa dorm kapag napapasapit na wala kaming pasok. Kahit na sa UST ground, mainit na rin. Sabayan pa na napakalawak na nilalakaran mo. Kaya malabong walang maasim na USTe.

Inilagay ko sa isang mangkok ang mga cookies, bread, at ibang leftover bread na binili ko sa pinagtatrabahuhan ko. Iba rito ay bago dahil walang konsepto sa mahihirap ang lefover food, kung meron man ’yung mismong kakainin nila ay tira-tira lang.

800 grams ang kabuuan ng mga leftover food. Isang baso naman sa evaporated milk. 3/4 cup of water at itinabi ito sa loob ng 20 minutes. Tatlong beses kong ginawa ito dahil tatlong flavour ang gagawin ko para sa traditional bread pudding katulad ng strawberry, vannila, at ang chocolate flavour.

Kaya habang naghihintay sa oras ay pinuntahan ko na si Hermoso na ngayon ay nakaupo at may binabasa sa kaniyang Ipad. Parang kailan lang na ganito rin kami sa bahay nila. Sayang lang dahil umiwas at umalis ako.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga iniisip ko sa nakaraan at umupo sa harapan ni Hermoso. “Tapos ka na?” Umiling lamang ako at ngumunguso sa kaniya.

“Sorry pala Jerome.” Napapapamot pa ako sa batok ko habang nakatingin sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya pero may maliit na sumisilip na ngiti sa mga labi niyang nakatingin sa akin.

“Naks, hindi na Hermoso.” Natawa naman ito nang makabawi siya sa sinabi ko. Inikutan ko lamang ito ng mga mata ko. Hindi ko na masuntok dahil baka paalisin ako nito sa condo niya.

“Ang laki ng pinagbago ng katawan mo, Hermoso.” Napasimangot naman ito na siyang ikinatawa ko naman. “Hindi ka na payat at apat ang mata. Kaya siguro hindi rin kita nakilala.”

“Kinalimutan mo lang talaga ako.” Nakanguso pa ito at binaba na ang hawak niya sa lamesa.

“Hindi ah? Paano ko makakalimutan ang nagsabing mukha akong pera.”

“Hindi ba totoo?” Napakagat pa ako sa pang-ibabang labi ko dahil sa patutsada nito.

“Hindi ako mukhang pera, sa gwapo kong ’to,” pagdedepensa ko pa sa kaniya kahit na labas sa ilong ang mga sinabi ko.

“Abay gago ka nga.” Tumalim naman ang tingin ko sa kaniya dahil sa sinabi nito at dahil kaharap ko lamang siya ay hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at para makaganti sa kaniya ay ginawa ko na ang dapat kong gawin.

“Gago pala, ah!”

Kinuha ko ang unan at umikot papunta sa kaniya. Ganoon din ang ginawa niya kaya mukha kaming tangang naghahabulan sa sala habang may hawak na unan. “Hermoso, paisa lang!”

“Kung sa kama pwede, pero dito, hindi mo ako matatalo.” Nag-init naman ang mukha ko sa sinabi nito kaya mas lalo ko pa siyang hinabol.

Tawang tawa lamang kaming dalawa habang hindi na inisip kung may mga kailangan pa ba kaming gawing dalawa. Ang tanging nakapagpaalala na oras na ay ang cellphone kong nisetan ko sa loob ng bente minutos. Nganing cellphone, panira.

Chapter 22

Chapter 22

Isinalang ko na sa oven ang mga puding sa loob ng 40 minutes. Kaya habang naghihintay ay nagkukwentuhan lamang kami ni Hermoso. Nilinisan ko na rin ang ibang kalat na ginawa ko na tiyak kong matatambakan lang kung hindi ko pa huhugasan ang mga ito.

“Okay lang, Jerome.” Ngumiti ako rito at pinagpatuloy ko ang ginagawa kong paghuhugas sa mga ginamit kong equipment. Binanlawan ko pa ang basahan na ipinagpunas ko sa kitchen table nito at nang matapos ako ay pumunta na rin kay Hermoso na tinitignan ang nakasalang na mga puding.

“Mukhang masarap,” salita nito. Inakbayan ko naman ito at sumandal din sa kitchen table na sinandalan niya. Amoy na amoy ko na rin ang napakabangong amoy niya na pilit kong hinihingi na nakalimutan na niya yata.

“Masarap kasi gumawa niyan, baka gusto mong tikman din.” Nakangisi pa rin ako nang humarap ito sa akin. Naningkit naman ang mga mata nito na siyang inikutan ko lamang ng mga mata.

“Talaga ba, Az? Hindi ako naniniwala.” Nang akmang aalis na ako dahil alam ko na ang kalokohan nito ay mabilis niya akong nahinila gamit ang isa kong kamay palapit sa kaniya kaya wala akong magawa kundi bumusangot sa harapan niya.

Napapikit naman ako nang kinagatan niya ang pang-ibabang labi niya. Para namang kinikilabutan ako sa mukha niyang lalapa sa akin. “A-no-ano b-ba Hersomo? An-nong g-gina-ggawa mo?”

Wala na akong nagawa nang ilapit na niya ang mukha niya sa mukha ko. Nanlalaki ang mga mata ko na parang hindi makapaniwala na talagang hahalikan niya ako. Pumikit ako at para akong tanga na hinihintay siya. Napadilat lamang ako nang narinig ko siyang tumawa nang malakas ilang minuto lamang nang pumikit ako.

Napakagat labi naman ako habang nakikita ko siyang pinagpapatuloy ang pagtawa niya. Napapahampas pa siya sa mga hita niya na parang nakakatawa ang papikit pikit ko at paghihintay sa halik niyang dadapo sa mapupula kong labi. Tangina, talaga, Nakakahiya.

Hindi ko na lamang siya pinansin at tumungo sa may oven nang tumunog ulit na ito. Inilabas ko na ang mga naunang naisalang na pudding, isinunod naman ang mga iba pa. Kaya bumalik ako sa pwesto namin kanina at ngayon ay hindi na pinapansin si Hermoso.

“Sorry na, Az.” Hindi ko siya pinansin at bumusangot ulit sa pwesto namin. Inikutan ko pa siya ng mga mata ko nang pumunta pa siya sa harapan ko.

“Ayoko naman masuntok mo Az kung hinalikan kita kanina.” Kinuha nito ang magkabila kong balikat gamit ang mga kamay niya at pilit akong pinapaharap sa kaniya. “Pero kung gusto mo, gagawin ko.”

Tumingin ako sa kaniya at tinaasan ko lamang ito ng isa kong kilay. Para naman nag-eexpect akong hahalikan niya. Masyado naman yatang mapagpantasiya ang lalaking ito. “Feeling mo, ambaho naman ng hinihnga mo,” bubulong bulong pa ako na tiyak kong naririnig naman niya.

“Talaga ba?” Halos maduling naman ako nang ilapit na nito ang mukha niya sa mukha ko. Napakagat labi naman ako at pinikit ko ulit ang mga mata ko. Hindi ko alam pero parang iba ang takbo ng ihip ng hangin nang pumikit ako. Parang ano mang oras ay totohanin nito ang sinabi ko.

Naramdaman ko na lamang ang mga labi niyang dumambi sa uluhan ko na tiyak kong mas lalong ikinapula ng buo kong mukha. Napakagat labi naman akong nagmulat at nakita kong tumabi na lamang sa akin si Hermoso.

“Ba-bakit?” Lito kong tanong dahil alam kong papayag ako kung hahalikan naman niya ako sa labi. Mukha akong tanga ngayon na naghihintay ng isisagot niya.

Alam kong wala namang mali kung hahalikan ako nito. Alam kong hindi na ako akma sa konsepto ng tunay na lalaki, pero aanhin ko pa ba iyon, kung magiging masaya naman ako sa taong kasama ko ngayon.

“Kaya kong maghintay,” salita nito sa akin. “Maghihintay ako, Azalea.”

Wala na akong nagawa kundi abalahin na lamang ang sarili ko sa ginagawa ko.

Hindi na namin pa binuksan ang usapin tungkol dito. Hindi ko man aminin pero may parte sa sarili ko na naghihinayang. Pero kapag iisipin ko na ang salitang relasyon ay kusa na lamang nawawala ang mga kuro kuro sa isipan ko. Dahil sa huli’t huli, alam kong wala kaming relasyong dalawa. Kung meron man, ito ay sa pagkakaibigan lamang.

“Tikman mo,” salita ko kay Hermoso pagkalabag ko ng mga nibake kong pudding. Nagpasobra na ako dahil para may makain siya at ako, pati ang mga kasamahan ko sa dorm. Kahit naman mabaho sila, sila rin minsan ang nakakausap ko kapag bored na bored ako.

“Hmm…” Tumingin ako sa kaniya habang hapit na hapit ang mga labi ko sa isa’t isa. Para akong naghihintay sa magiging critique ng isang batikang pastry chef sa buong mundo kahit na si Hermoso lamang ang nasa harapan ko.

“Masarap?” Hindi na ako nakapagtimpi sa tagal nitong magbigay ng komento. Kahit naman ako naunang tumikim ng nibake ko, iab pa rin kapag galing sa ibang tao.

“Pwede na.” Sa narinig ko sa kaniya ay biglang bumagsak ang balikat ko sa bigat. Parang lahat ng pagod ko ay biglang nasayang.

“Totoo?”

“Masarap naman siya pero dapat gutom ka kung kakainin mo ’to.” Tumango lamang ako. Nginuso ko ang chocolate flavour na hindi niya pa natitikman.

“Kapag masarap ’yan, matitikman mo ko.” Natawa na lamang ako sa sinabi ko. Wala namang problema sa akin kung hindi akma sa panlasa niya. Kaya nga ako naging estudyante para matuto ng mga bagay bagay na magagamit ko sa buhay ko pagkatapos kong mag-aral.

“Sinabi mo na ’yan.” Nagtawanan na lamang kaming dalawa habang patuloy na nag-uusap usap sa mga bagay bagay. Hindi ko man masabi, alam kong lumalaki na ang pagkakahulog ko kay Hermoso. Takot man, pero alam kong darating din ako sa puntong, tatanggapin ko na rin ang ibinigay nitong atensyon. Kung hindi man dumating ang panahon na iyon, sana mapatawad ako nito.

Chapter 23

Chapter 23

Kasalukuyan kong hinihintay si Hermoso dito sa cafeteria. Sabay kaming kakain na parang nakaugalian na naming dalawa kahit na ilang araw pa lang namin ginagawa ito. Hindi ko nga alam anong meron sa aming dalawa. Hindi naman kami magkaibigan. Hindi naman niya ako jowa. Baka magkakilala lang talaga kami kung ’yun man ang tawag.

Mabilis naman siyang sumalampak sa tabi ko at hinuli pa ang bewang ko gamit ang malaki niyang mga kamay. Napataas naman ang kilay ko dahil parang tanga ito na pilit isinisiksik ang uluhan niya sa leeg ko.

“Hermoso ano ba? Ang init init.” Bumitaw ito sa pagkakadagan ng ulo niya sa akin at tinignan ako nito. Dumila lang ito sa akin at ibinalik ulit ang pagkakadantay ng uluhan niya sa leeg ko.

Napaikot na lamang ako ng mata sa ginawa niya. “Para kang bata, hindi ka na nahiya nasa public place pa tayo, ang tanda tanda mo na,” mahinang sabi ko na tiyak kong dinig na dinig niya sa lapit niya sa akin.

“Pabayaan mo sila. Mga dugyot kasi kaya walang yumayakap sa kanila.” Napapailing na lamang ako sa kaniya at pilit na tinatanggal ang pagkakayapos sa akin.

“Paano tayo kakain kung ganiyan ka? Para namang magjowa tayo sa lagay na ’to,” reklamo ko pa sa kaniya habang ramdam ko na ang pagkagutom sa mag-umagang klase ngayon.

Kung pwede lang huwag na mag-aral, bakit hindi? Ang kaso wala naman tayong choice, hindi tayo anak ng mga contractor.

“Ako na lang kainin mo.” Kinaltok ko naman ang noo nito na siyang ikinahiwalay niya sa akin. Nakabusangot pa siyang humarap sa akin na akala mo ay kinagwapo niya. Kamukha niya si Bumblebee sa tigas ng mukha.

“Kapal mo, hindi ka naman masarap.” Hindi ko na lamang siya pinansin at kinuha na ang 100 pesos sa bulsa ko dahil siya ang pumipilit na sabay kami, gawin na natin siyang utusan ngayon.

“Hindi mo pa nga ako natitikman, may critique ka na kagad. Parang hindi ka naturua—” Hindi ko na siya pinatapos at binato ko na ang niyupi kong pera. Kaya nakakainis siyang kasama sa ganitong lintanya niya. Parang ang lakas ng hangin kapag kasama siya. Baka matangay kami ng hindi oras nito.

“Bilisan mo na, hihirit ka pang ganiyan.” Pagtukoy ko sa pagkain naming daalwa. “Kaya ayaw kitang kasama e, lahat na lang binibira mo.” Inis ko pang tugon sa kaniya.

“Inis ka na niyan?” Lumapit pa ito sa akin sa mapupungay na mga mata. “Sorry, ikaw kasi.” Hindi ko na lamang siya pinansin at tinulak na siya para bumili ng pagkain namin. Nagdadabog na naman itong umalis habang ako naman ay mukhang tangang hinihintay siya.

Makaraan lamang ng ilang minuto ay dumating na rin siya. May dala pa itong softdrinks kaya napatingin ako sa kaniya. “Sukli ko?” matapang kong pagtatanong sa kaniya.

Napakunot naman ang noo niya na parang hindi makapaniwala na naghihingi pa ako ng sukli sa kaniya. “Wala ka ng sukli, abunado pa nga ako. 110 na ’yung ulam na binili ko rito.”

“Sabi mo kasi magbabaon ka, ngayon wala ka namang dinala,” reklamo ko sa kaniya. Napatingin naman ako nang naglabas siya ng wallet at parang kusang kinuha ng kamay ko ang nilabas niya at ako na ang nagtingin sa loob.

“May condom ka rito? Malabong wala dahil mukha kang sex addict,” walang prenong pagsasalita ko. May ilang libo naman akong nakita rito pero hindi ko na pinansin. Tinignan ko lang talaga kung meron siyang condom.

“Virgin pa ko, Azalea. Baka ikaw.” Kinuha naman nito ang wallet niya sa akin na siyang ikinataas ng kilay ko lalo na’t nag-abot siya ng 100 pesos sa akin. “Heto 100 mo, baka umiyak ka pa. Ang baho pa naman ng pera mo.”

“Sayo na ’yan, baka umiyak ka pa na nalibre ka. Baka ikamatay mo pa. “ Hindi ko tinanggap ang pera niya at sinimulan ko ng kainin ang binili niyang pagkain para sa aming dalawa.

“Galit ka? Baka ilang months mo na naman akong hindi kausapin.” Parang nagpantig naman ang tenga ko dahil sa sinabi nito pero isinawalang bahala ko na lamang. Pinagpatuloy ko lamang ang pagkain habang siya ay ganoon din.

Napakagat labi naman ako habang iniisip ang sinabi nito. “Malapit na Intrams, Azalea, baka 5 years na naman kitang hindi makita.” Napatingin naman ako sa kaniya nang magsalita na naman ito.

“Nagbago na ko,” pagdepensa ko sa sarili ko kahit na wala namang itong kasamang pagpapahalaga at naiinis din sa lumulukob na pagkapahiya sa sarili ko. Kapag alam kong hindi ko kaya ang isang bagay, ako na ang umiiwas. Ayoko ng maraming problema. Nakakasawang makipagbuno sa mundo. Parang kapag lumaban ka pa, bibigyan ka lang ulit ng problema. Kaya para saan pa’t lumaban ’di ba?

Kinuha nito ang isang kamay ko na nasa paanan ko lamang. “Kung hindi mo na kaya, nandito naman ako na pwede mong takbuhan. Huwag ka naman sanang umalis ulit. Nakakasawa ring maghintay, Azalea.”

“Pwede mo naman akong iwan, Hermoso. Wala naman tayong relasyong dalawa,” salita ko at inubos ko na rin ang softdrinks na binili nito. “Ba’t ka pa kasi nagsisiksik sa sarili ko? Alam mo naman palang duwag ako.”

“Mahal kita, Azalea.” Nag-init naman ang mga mata ko sa sinabi nito. Inilayo ko ang tingin ko para mapigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. Kahit ilang beses itong aminin ang bagay na iyon, parang laging hindi inaabsorb ng utak ko. Parang pilit nitong inilalayo ang sarili ko sa bagay na ikakasakit ko.

Kung magmamahal lang naman, madali lamang iyon. Pero ang magpatuloy at lumaban kayo nang sabay ay isang bagay na hindi ko kayang punan at ibigay sa kaniya. Kahit alam kong kaduwagan ang pangunahan ang mangyayari sa kinabukasan, alam kong iyon at iyon lamang ang tamang gawin para sa ikakatahimik ng lahat.

“Lilipas din ’yan, Hermoso,” sagot ko naman sa kaniya. “Alam mo namang hindi ako kamahal mahal. Hindi ako mayaman at lalong wala akong kasiguraduhan sa buhay na mayroon ako ngayon.” Naramdaman ko ang pagdagan ng kaniyang katawan sa akin at pagdantay ng uluhan nito sa balikat ko. Parang ipinapadama ang init na siyang lumulukob sa lamig sa pwesto naming dalawa.

“Hindi ko kailangan ng iba, Azalea. Sapat at sasapat ka na sa akin.” Para akong binibingi ng sarili ko sa mga pinagsasabi nito sa akin. Ayaw tanggapin ng utak ko ang mga imposibleng mangyari sa pagitan naming dalawa. Ayaw ng sarili ko ang bagay na may kinalaman sa pag-ibig.

“Alam kong kilala mo na ako, Hermoso. Kung hindi ka man magsawa sa akin, baka ako na naman ang mang-iwan sa’yo. Dalawang beses ko nang ginawa ’yun, alam kong gagawin ko ulit.”

“Hahabulin at hahabulin pa rin kita, Azalea. Hahanapin at hahanapin kita. Problema pa ba ’yun? Kung magsawa, edi magsawa. At least, natikman natin ang isa’t isa.” Napatawa na lamang ako sa sinabi nito. Parang lahat ng bagay na sinasabi niya parang kayang kayang niyang gawin kahit na wala naman akong proweba.

“Sira, wala naman tayong relasyon. Hindi nga kita mahal.” Napasimangot naman ito nang tignan ko. Tinanggal na rin ang pagkakayapos nito sa akin.

“Edi murahin mo ko, baka sakali makuha mo ko at matutuhan mo ring mahalin kung sakali.”

Napapailing na lamang ako sa kaniya. Para kaming baliw na hindi magkaintindihan. Kahit anong pilit niya sa akin, ayokong lumagpas sa pagkakaibigan na meron kami ngayon dahil natatakot akong kapag naghiwalay kaming dalawa, wala na kong kikilalaning Hermoso sa tabi ko. Ayokong sumugal. Hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya ngayon.

Chapter 24

Chapter 24

Napayuko ako bigla nang dumating ang presidente ng organization namin para sa course namin. Malawak naman ang mga mukha ng mga kaklase ko dahil may isang linggo na namang walang pasok. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sila nagsasaya matapos nitong sabihin ang bagay na wala akong ideya.

“Ano raw? Ba’t kayo nagsasaya?” Litong mga tanong ko sa katabi ko. Gusto kong matulog pero ang ingay ingay ng mga malansang isda kong mga kaklase. Para silang binudburan ng asin at pwede ng iihaw ngayon din.

“Ano ka ba Az. Hindi mo ba alam ’yung TGG?” Nangunot naman ang noo ko dahil iniisip ko pa ang sinabi nito. Bobo na kung bobo, e ano ngaoyn kung bobo? Makakain ko ba ’yan?

“Ano ’yun? Parang TGIF?” sagot ko naman sa kaniya. Wala talaga akong alam ngayon. Parang pumasok lang ako para mag-aral. Nakalimutan ko na nga ring maglaro ng basketball.

“Hindi, sira. TGG means Thomasian Goodwill Games. Bali wala ng finals sa ibang subject natin if pagbibigyan nila tayo kung nasaktong sasali man tayo sa mga sports na pwedeng salihan.”

Napatingin naman ako sa harapan nang magsiwalaan ang mga kaklase ko. Para silang nakawala sa animal kingdom na halos matanggal na ang ngalangala nila sa kakasigaw. Hindi naman ako nakisali dahil hindi naman ako animal sa isang zoo na malapit lang din dito sa España Blvd.

“Walang finals, walang finals.” Sigaw ulit ng mga malansang isda na binudburan ng asin.

“Again, uulitin ko, kapag sumali kayo at nagparticipate sa kahit anong laro, doon lang kayo maeexempt, maliwanag ba?” Halos humina naman ang mga boses ng mga kaklase namin dahil sa sinabi nito. Alam na alam mo mga batugan sa buhay dahil halos cellphone lang alam nila at magmaganda kahit na hindi sila maganda.

Napatingin naman ako sa katabi ng kalabitin ako nito. “Tryout tayo Az sa basketball. Sayang naman kapag nakuha ka baka pwede ka ring maging varsity ng university natin para sa UAAP.” Umiling lamang ako rito dahil hindi ko na naisip pa na makapasok ako. Umalis na ako at kung babalik pa ako ay parang kalabisan naman yata iyon—pagmamalabis sabi nga ng Filipino professor namin.

Pero dahil alam kong dehado ako sa subject naming iyon, mabuti pa sigurong maglaro na lamang at huwag ng mag-exam. Namimiss ko na rin ang maglaro. Nang hapon na iyon ay nag-sign up kaming dalawa ng kaibigan ko at isinali na rin sa gc para iannouce kung may mga practice at kung kailan kami pipiliin dahil tiyak kong marami ang sasali dahil sikat na sikat pa naman ang basketball sa Pinas.

Mag-aalasingko na nang hintayin ko si Hermoso. Balak kasi nitong manood ng isang concert ng isang local artist dito rin sa kahabaan ng España. Medyo na kakaulirat din pala ang mag-aral. Parang sumusuko na rin nga ang katawan ko sa pagtatrabaho. Parang gusto ko ng itigil kung magkataon man siguro.

“Hi, babe.” Nginitian ko lamang ito at sabay na kaming pumunta sa kotse niya. Hindi ko na lamang ito pinansin at tahimik naming binabaybay ang napakalawak at trapik na kalsada ng Maynila.

“May problema ba?” napatingin naman ako kay Hermoso nang magtanong ito sa akin.

Umiling lamang ako sa kaniya at ngumiti ng pilit. Parang ngayon lang bumalatay sa akin ang pagkapagod. Magmula umaga hanggang hapon ay walang tigil ako sa paggalaw at pag-iisip. Parang wala na akong buhay maliban sa trabaho at pag-aaral. Nagsasawa na ako sa takbo ng buhay ko.

“Pagod lang ako, Hermoso,” salita ko sa kaniya nang hagurin nito ang isang binti ko. Bumuntong hininga pa ako at muli na namang umikot ang utak ko sa paulit ulit na lamang ginagawa ko.

Nakakasawa pala ang pangkaraniwan. Akala ko makakayanan ko ito. Pero sariling katawan ko na rin ang bumibigay. Parang ano mang oras, sa lupa na ako itatanim at mamumunga ngayon.

“Gusto mo bang huwag na nating ituloy? Makakapagpaalam naman ako sa mga kasamahan ko.” Wala na akong nagawa kundi tumango at iniliko naman nito ang daan papunta sa condo unit nito.

Nang makarating kami ay sumalampak lamang ako sa sofa nito habang siya naman ay pumunta sa kusina nila. Parang pagod na pagod ang katawan ko kahit na nakaupo lamang ako buong maghapon sa loob ng klase. Ibang klase ang pagod kapag nag-aaral ka. Para kang papatayin sa magkakasunod na pag-iisip ng mga bagay na hindi mo naman magagamit sa totoong buhay.

“Az.” Tumingala ako nang tawagin ako nito. Umayos naman ako sa pagkakaupo at kinuha ang ibinigay nitong tubig. Uminom ako at binalik ulit sa kaniya ng matapos. Mayamaya pa ay umupo naman ito sa tabi ko habang ako ay bagot na bagot na naman.

“Halika.” Nagtaka man ay mas lumapit pa ako sa kaniya. Niyakap naman ako nito at isinandal pa ang uluhan ko sa dibdib nito. “Ang sarap mong yakapin, Az,” mahinang salita nito sa akin.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at parang lahat ng mga iniisip ko ay kusa na lamang nawala sa init ng mga yapos nito sa katawan ko.

Naramdaman ko pa ang pag-aayos nito sa buhok ko at paghagod sa likuran ko bago ako patawan ng antok sa katawan. Hiniling ko na lamang sana, na laging ganito na lamang kami lagi ni Hermoso. Walang ingay, walang delubyo, at tanging kapanatagan at kapayaan lamang.

Chapter 25

Chapter 25

Lagi na lamang akong tumatambay sa condo ni Hermoso ngayon. Hindi naman ito nagrereklamo dahil siya pa madalas ang nagsusundo at naghahatid sa akin. Ang hindi ko lamang maiwasan ay ang pagiging malapit namin sa isa’t isa.

Alam kong may gusto ito sa akin, ang kaso ayokong may mamagitan sa aming dalawa. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng kaibigan kung sakali mang maging kami at maghiwalay lang din sa huli. Ayokong sumugal sa alam kong dulo ng kwentong ito.

Hingal na hingal naman akong napaupo pagkatapos ng training namin sa Thomasian Goodwill. Iniisip ko na lamang na makakapagpahinga ang utak ko sa final exam. Mahirap na sabay sabay kang mag-eexam sa isang araw. Para kang pinapatay ng sarili mo dahil sa utak mong maya’t maya ang pag-iisip.

Mamaya nga ay magkasama na naman kami ni Hermoso. Nagdecide na rin akong huwag nang magtrabaho dahil hirap at sa tingin ko ay hindi na sasadsad ang katawan ko sa mismong graduation namin.

Kaya ngayon ay ito na lamang ang inatupag ko—full time student, kaibigan ni Hermoso, at balik ulit sa paglalaro ng basketball.

Parang kulang pa nga ang dalawang oras na paglalaro sa basketball dahil para akong hinihila ng court kapag hawak ko na naman ang bola sa kamay ko. Parang sa kada puntos ko ay siyang liwanag ng bukas para sa akin. Parang hawak ko sa kamay ko ang mga oportunidad na pwedeng magbukas sa akin ngayon.

Friday na ngayon at sa lunes magsisimula ang event. Ngayon nga ay hindi ko sigurado kung makasama ko si Hermoso dahil kailangan kong tumulong din para sa booth namin. Dahil HM kami, kailangan konektado ang gagawin naming booth sa course namin. Para namang may magkakadegree kami kapag sinunod namin ang gusto ng organization namin. Wala naman akong magawa dahil tatlong section lang naman kami sa course na kinuha namin. Gusto mo mang magtago, huling huli naman kayo.

Napagdesisyonan namin na ’yung gagawin namin ay ’yung ginawa na namin na pantulak o mixing of different juices. Dahil hindi naman kami pwedeng gumamit ng kahit ano mang alak, napagalitan lang kami ng president namin sa org dahil sa kakapilit namin sa gusto namin.

Kaya ngayon nga ay may bitbit akong Carrot Juice dahil ito lang ang nagustuhan ko sa mga hinalo namin kanina. Napapansin ko rin na halos si Hermoso na lamang ang gumagawa ng bagay na makakapagpasaya sa akin. Kahit na ni anino niya ay hindi ko naisip na pasayahin ito. Kaya sana magustuhan nito ang binili ko na galing sa effort naming magkakaklase.

“Az, tara na.” Sinundan ko naman ito. Hinawakan ko pa ang ibinigay niyang iPad para maipasok na niya ang ilang libro sa bag niya. Mabilis naman kaming nakarating sa sasakyan niya bago niya napansin ang hawak ko.

“Para sa’kin?” Tumango ako pagkabigay ko ng carrot juice. Ngumiti naman ito nang malaki kaya nang kukuhanin na niya sa kamay ko ay itinago ko ulit dahil may naiisip akong kalokohan.

“Dapat may kiss,” natatawa kong tukso sa kaniya. Tumigil ito at kumunot ang mukha niya. Napatanga naman ako nang mabilis siyang yumuko at hinalikan ako sa labi. Kinuha pa sa isang kamay ang regalo ko sa kaniya bago niya ayusin ang pwesto niya.

Nakabusangot naman akong napapahawak sa bibig ko habang binabaybay namin ang kahabaan ng España. “Galit ka?” Umiling ako rito. Mababakas mo sa boses nito ang labis na pagsisisi. “Sorry, akala ko ’yun ang gusto mo.”

“Okay lang. Nabigla lang ako dahil first kiss ko ’yun.” Napakagat labi pa ako habang umiiwas na tumingin sa kaniya. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nito.

“Edi jowa na kita, kung ganoon.” Napataas naman ang kilay kong tumingin sa kaniya.

“Sira, jowa ka diyan hindi ka nga nanligaw.” Bubulong bulong kong salita sa kaniya na tiyak kong rinig niya pero hindi na siya nag-atubili pang sumagot kaagad sa akin. Takot din ma-reject sa akin, ano.

“Carrot juice?” Tumango ako habang nasa kusina na kami ng kaniyang condo. Kasalukuyan kong pinapanood ang isang basketball match sa iPad nito. Hindi ko na nga pinanood sa malaking tv na nasa condo nila dahil hahanapin ko pa kung saan kaya mas mabuting sa iPad na lamang nito.

“Bakit parang may hagod siya kapag nilulunok? Pero matamis naman ang lasa.” Inikutan ko naman ito ng mata sa sinabi nito. Parang iba ang pagkakaintindi ko sa literal na sinabi nito.

Huminga muna ako bago ko siya sagutin. “Yung matamis na natitikman mo ay dahil sa pinaghalong orange fruit at pineapple chunk. Sa hagod dahil sa luya at luyang dilaw.” Tumango tango naman ito at magsasalita pa sana ito ang kaso ay may nagdoorbell naman kaya umalis kaagad ito sa tabi ko.

Napapasabunot ako sa noo nang lumalamang na ang Lakers. Kahit naman nandon ang goat na si LeBron James ay mas gusto kong pinapanood kung paano magdepensa si Draymond Green. Parang ang sarap lang kasing sinisigi niya ang mga kalaban niyang kasing laki rin niya.

“Yes!” Napasigaw ako dahil lumamang na naman sila. Napahinto naman ako sa panonood dahil sa mga presensiyang nakatingin sa akin. Nagulat naman ako nang makita ko ang mama ni Hermoso.

“He-hello po, Tita?” salitang patanong ko habang pilit na nakangiti sa kaniya.

“Jowa mo ’to?” Nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi nito. “Heto ba ang dahilan kaya halos wala kang maipakilalang babae sa akin? Bakla ka ba?”

“Ma!” pagsaway ni Hermoso sa sinabi ng kaniyang ina.

Mabilis lamang umiling sa sinabi ng kaniyang ina. Ang mas lalo ko pang ikinagulat ay ang marahas na pagkuha ni Hermoso sa kamay ng kaniyang ina para lisanin ang kinalulugaran naming tatlo.

“Sandali, Jerome,“sagot ko. Tinignan naman ako ni Hermoso at nakipaglaban din ako nang titig.

“Sensiya na po,” nakayuko ko pang salita. “Aalis na lang ako.” Mabilis ko naman kinuha ang bag ko at lilisanin na sana ang condo unit nito nang ako naman ang pigilan nito gamit ang isa niyang kamay sa palapulsuhan ko.

“Hindi ka aalis, Az. Kung may aalis man, itong ba—” hindi ko na siya pinatapos at mabilis ko rin hinila ang kamay ko bago ko siya patigilan sa sinasabi nito.

“Ako na lang, Hermoso,” seryosong sagot ko sa kaniya. “Nanay mo pa rin siya. Kaibigan mo lang ako.” Ang huling salita ko na lamang sa tagpong iyon.

Ang pinakahuling natatandaan ko ay ang mga lungkot sa mga mata ni Hermoso na mabilis ko ring ibinaon sa kasuluksulukan ng kaisipan ko. Pilit na winawaksi ang tagpong iyon sa pagitan naming dalawa.

Chapter 26

Chapter 26

Nakatunganga lamang ako habang nakikinig sa mga sikat na players ng UST. Nagpakilala pa ang mga ito at parang naiisip ko ang mga sarili ko sa kanila. Malabo mang mangyari ay wala naman sigurong masama kung papangarapin ko rin ang lugar na kinalulugaran nilang lahat.

Mabilis natapos ang pagsasalita nila at nagsimula na ang exhibition match para sa mga professor. Basketball ang naging laban bago simulan ang Thomasian Goodwill Games para sa larong basketball. Laglagan naman ang magaganap sa laban namin kaya kung manalo ka sa ikalawang round, sure ball na kayo sa semis. Advantage naman kapag mataas ang ranking niyo dahil makakalaban niyo ang nasa pang-apat. Kapag nanalo kayo ng isang game sa semis, diretso final naman na at ang matatalo ay lalaban naman para sa tanso. Mabilis lang talaga dahil sinisiksik sa isang buong linggo. Buti na nga lang walang pasok kaya matatahimik na ang utak ko sa pag-aaral.

Natapos ang unang laban namin na kami ang panalo. Mag-aalas tres na ng sunduin ako ni Hermoso. Nagsorry pa nga ito sa ginawa ng nanay niya pero hindi niya naman kailangan gawin iyon dahil yakang yaka naman ang ganoong tagpo. Busal lang sa tenga ang katapat nun.

“Az, tulong naman diyan,” reklamo ng kaklase ko nang sabihin ni Hermoso na gusto nitong bumili ng ineregalo ko sa kaniya nung nakaraang araw na carrot juice.

“Kaya niyo na ’yan. Ganda ganda lang kayo diyan e.” Halos tusukin na ako ng mata ng mga babaeng kaharap namin bago ibigay ang binili ni Hermoso. Mabilis naman kaming naglibot pa rito sa Qpark dahil sayang naman kung hindi namin gagawin ito.

Kahit hindi naman ako tumulong sa mga kasama ko sa booth ay wala silang magagawa dahil player naman ako sa sports para sa course namin. Neknek nila, ako pa uutakan nila? Pagod na nga ako, edi mas mapapagod pa ako kapag tinulungan sila.

Alam kong kailangan naman nila talaga ng tulong, pero bakit ako? Bakit lagi na lamang ako? Napapailing na lamang ako sa kadramahan ko sa buhay na para bang ang laking ambag ko sa mundo.

Maya’t maya ay nabigla naman ako nang hinila naman ako ni Hermoso sa Sampung Litrato Booth ng photography class. Kaya mukha akong tanga na nagkakalkal dito nang kung anong isusuot ko para maganda naman ang kuha ko sa litrato. Nang may makita akong papusong kulay rosas na salamin ay iyon na lamang ang kinuha ko. Nakita ko naman si Hermoso na kumuha ng balbas na kulay itim na parang kay Mr. Suave kaya tawang tawa ako nang subukan niya ’yun. Mukha siyang kumakain ng birheng maria.

“Okay na ’yan, Hermoso. Gwapo ka na diyan.”

Mabilis naman siyang nagbayad ng 50 pesos para sa sampung litrato. Kahit gusto kong magreklamo ay wala naman akong nagawa dahil hindi ko naman pera ang sinasayang ko.

Halos masikip ang lugar kaya tamang dalawang tao lamang ang nandirito. Nakakainis pa rito ay napakainit kahit mag-aalas kwatro na ng hapon. Ramdam na ramdam ko naman ang nagkikiskisan naming balat sa braso ni Hermoso kaya kinikilabutan ako na ewan.

Limang shots sa kada picture at dalawang frame lang ang ibibigay sa amin. Kaya bago namin sabihing ayos na ay nag-usap muna kami ni Hermoso. Sayang naman ang singkwenta kung pangit din naman ang makukuhang picture sa amin.

“Para tayong magjowa sa picture dapat Az.” Huminga ako nang malalim na parang tutol ako sa sinabi nito. “Sige na kahit ngayon lang, ilang minuto lang naman ang pagpicture sa atin. Hindi ka naman mamamatay.” Nagtaas taas pa siya ng dalawang kilay bago niya ako napapayag dahil sa kulit niya.

Umakbay siya sa akin bago niya sabihing ayos na sa boses na tingin ko’y nasa harapan din namin. Ang bawat bilang ay katumbas nang pagkuha ng litrato sa amin. Ang una ay nakaakbay si Hermoso sa akin habang nakangiti kaming dalawa. Ang pangalawa ay magkadikit naman ang pisngi namin habang nakadila ako at nakanguso naman siya. Pangatlo ay nakabusangot ako habang siya naman ay nakakagat sa tenga ko. Ang pangapat naman ay nakahawak ako sa balikat niya habang siya ay nakapingot sa magkabila kong pisngi. Ang panglima naman ay ang paghalik nito sa akin sa labi na siyang ikinatampal ko sa kaniya nang matapos ang unang frame. Tawang tawa lamang ito sa ginawa niya habang nakauyam naman ang mukha ko.

Sa panghuling frame naman ay ginamit na namin ang mga pinagkukuha naming dalawa. Ang una ay nakasalamin akong papuso habang siya ay nakabigote. Nakangiti lamang kami sa kuhang iyon. Sa pangalawa naman ay inilagay ko sa uluhan ko ang salamin habang pinagbigyang halikan sa pisngi sa Hermoso. Ang pangatlo ay ang pagsakal niya sa akin gamit ang mga batak niyang biceps na siyang ikinasiko ko sa tagiliran niya. Kaya sa pangapat na litrato ay nakabusangot itong nakatingin sa akin habang ako ay nakangiti naman sa kamera. Kaya para ngumiti siya ay kinuha ko na ang mukha nito at hinalikan siya sa malalambot nitong mga labi para sa ikahuling litrato naman.

Masayang masaya naman kaming naglibot at ngayon nga ay kumakain kami ng maraming cheese at kaunting hotdog na pinauso ni Neneng B sa Tiktok. Kaya halos masuya ako sa kinakain namin. Tinutulak ko na lamang sa matamis na Carrot juice na binili naman namin kanina sa booth namin.

Mag-aalasingko na ng nagdecide kaming pumunta sa field para panoorin ang laban ng mga football player. Hanggang alas nweba pa sila rito na tiyak kong sanay na sanay na sila dahil ganito rin kami kung magpractice para sa event na ’to.

“May pangarap ka pa ba Az?” napatingin naman ako kay Hermoso pagkatapos kong mabagot sa panonood dahil ang tagal pala bago makapuntos sa larong ito. Para silang naglalaro nang patintero bago nila maipasok ang bola.

“Anong klaseng pangarap? Makapagtapos sa pag-aaral, tinatapos ko na. Magkajowa? Yumaman muna, hirap hirap ng buhay e, lalandi ka pa ba?” Natatawa naman ako sa pinagsasabi ko sa kaniya. Parang wala naman kasi sa hulog ang mga tanungan nito. Kaya parang wala ako sa wisyo para magseryoso sa mga sinasabi nito sa akin.

“Nagtatanong ng maayos ’yung tao. Sige na, Az. Para matupad ko kung sakali man.” Inikutan ko na lamang ito ng mga mata ko. Para naman sira kasi. Ano siya si Santa Claus na kayang tuparin ang lahat ng bagay? Pwede naman, kung bibigyan niya ko ng sampung bilyon.

“Gusto ko lang nang maayos na buhay, Hermoso.” Ngumiti ako nang malaki sa kaniya. Sa lahat ng pinagdaanan ko siguro, ang bagay na ito ang pilit kong kinukuha. Maayos na pamilya, maayos na trabaho, maayos na bahay, at higit sa lahat maayos na puso’t isipan na hindi muna kailangan tignan kung anong mabibili mo sa kakaramput mong kita.

Sa mga sandaling iyon, alam kong kayang kayang tuparin ni Hermoso ang hinihingi ko sa lahat ng aspeto—may isang bagay lang akong hindi kayang ibigay sa kaniya, ito ay ang sarili kong puso.

May takot kasi akong kapag lumagpas kami sa linya ng pagkakaibigan ay mababago na ang lahat sa amin. Natatakot akong ilang taon lang kami magtatagal at sa pagtatapos ng panahon na iyon, wala na akong tinatawag na Hermoso. Wala na akong kakampi. Wala na akong makakaaway pa. Kaya nga kahit ipikit ko ang mga mata ko, masasakit na alaala lamang ang namumutawi sa isipan ko kapag nababanggit siya.

Ayoko nang sumugal. Sawang sawa na akong ginigipit ng mundo. Gusto ko na lamang na nasa ganitong tagpo kami. Hindi na iisipin pa ang mga bagay na tiyak kong ikakasira naming dalawa. Mas kampante na ako na magkaibigan lamang kaming dalawa hanggang dulo ng kwentong ito.

Chapter 27

Chapter 27

Sa mga sumunod na araw ay naging maayos ang tagpo ng buhay ko. Pasok na kami sa finals dahil natalo namin ang mga Engineering students, isama na rin ang mga nasa Medical Field. Hindi ko lang sigurado kung mananalo din kami laban sa mga Pysical Education and Sports students dahil talaga namang magagaling sila.

Dalawang araw na lang at tapos na rin ang Thomasian Goodwill Games. Parang nakawala kami sa hawla dahil wala kaming pasok. May mangilan ngilan pang pumupuslip na mga academic works pero hindi sila nananalo dahil nagpapasend kaagad kami ng Memo sa president namin para naman mainform sila dahil tangina, kapag may event, event lang dapat. Isisingit pa nila ang walang katapusang parusa sa amin na halos hindi naman namin magagamit kapag nagtrabaho na kami sa kaniya kaniya naming larangan.

Napasabunot naman ako sa buhok ko dahil ang init talaga ng panahon ngayon. Mag-aalas tres na pero parang nasa impyerno pa rin kami. Hindi na nakakapagtaka dahil halos mga nakaupo sa gobyerno ay halang sa bituka. Kaya wala ka ng makikitang puno dahil sa mga lupain na kinukuha nila. Para namang madadala nila kayamanan nila sa mundo kapag kinuha na sila ni santanas. Tsk.

“Az, may nagpapabigay sa’yo.” Nangunot naman ang noo ko sa sinabi ng kaklase ko. Napapakamot naman ako dahil ano na naman itong kaekekan. Para namang tanga. Kung may gustong sabihin, sabihin na. Parang ikakamatay mo naman ang pagtatago.

Binuklat ko ang papel na kinuha ko at sa unang tingin pa lang ay kilalang kilala mo na. Sulat palang alam mo ng iisa lang ang may gawa nito. Sino pa ba edi ang magaling nating soon to be doctor na si Hermoso. Napakagat naman ako sa labi dahil hindi ko talaga mabasa.

“Hu… huma… rap… ka, patalikod sa booth niyo.” Ginawa ko ang sinabi sinulat niya. Tinignan ko pa kung tama ba talaga ang pagkakabasa ko dahil hindi ko talaga maintindihan ang sinulat nito. Hindi na lang kasi iprint, parang may bering pa kung sulat ang ibigay niya sa akin. Pinahirapan niya lang ako. Kukutusin ko talaga ang bungo ni Hermoso kapag nakita ko na siya.

“Maglakad ka hanggat nasa gitna kana.” Para naman akong tanga na sumunod naman sa sinabi nito. Parang naririnig ko ang boses ni Hermoso sa araw araw na magkasama kami. Parang brief na lang namin yata ang hindi pa namin nakikita.

“Humarap ka sa Quattromondial Monument.” Sinunod ko pa rin ito. “Malakad ka hanggang sa makatungtong ka sa monument kaharap nung babae.” Napapakamot na lamang ako sa ulo dahil ang dami nitong sinasabi at pinapagawa. Okay sana kung maganda ang sulat, ang kaso. Argg, kainis ka, Hermoso. Ang sarap mong tirisin sa totoo lang.

“Tangina, hindi pa sabihin kung nasaan siya,” reklamo ko sa sarili ko at sinunod pa rin ito. Pagkatungtong ko sa ikalawang baitang ng babaeng halos hubad ay binasa ko ulit ang sulat nito.

“Tumingin ka na sa harapan mo at magsabi ka na ng yes sa nakalu—” Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko si Hermoso na nakaluhod ang isang paa at may hawak na bulaklak sa aking harapan. Napataas pa ang kilay ko nang makita ko ang ibang students na may hawak na kartolina na may nakasulat na “Will you marry me?”

“Anong kalokohan ’to, Hermoso?” pagtatanong ko. Namamawis na ang noo ko dahil ang daming nakatingin sa amin ngayon. Nagbubulungan pa ang iba na parang hindi ko naririnig na ang swerte ko raw kaya mag-yes na raw ako. Gusto ko silang budburan ng luyang dilaw na hinawa ko kanina sa booth namin dahil wala sila sa pwesto ko ngayon. Nakakahiya talaga.

“Will you marry me, Azalea Francisco?” Napaikot naman ang mga mata ko dahil sa sinabi nito.

Nakatitig lamang ako sa kaniya na parang hindi makapaniwala sa ginawa nito. Unang una, wala kaming relasyon. The rest, wala pa rin kaming relasyon. Kaya ang ganitong surpresa ay nakakaulirat dahil para kang pinipilit sa isang bagay na wala ka namang alam.

“Ba-bakit?” Litong tanong ko habang napapakagat pa sa pang-ibabang labi ko. Hindi ko kayang sumagot dahil wala namang kaming relasyon. Kapag hindi naman ako sumagot, alam ko ang patutunguhan nito. Ako ang magiging masama, ako ang kontrabida sa buhay nito, sa kanila, hindi ko alam ang sasabihin at irereact ko ngayon.

“Sige na, yes na ’yan. Sayang 100 na binayad niyan sa wedding booth.” Parang nagpantig naman ang mga tenga ko sa narinig ko. Napatingin ako sa likuran ni Hermoso at ang unang nabasa ko ay ang Kasalang Thomasian na tiyak kong kakornihan ng ibang organization.

Kinuha ko ang kamay ni Hermoso at pilit itong pinapatayo. Hindi pa rin sumasagot sa sinabi niyang tanong. Para naman kaming dalawa na tangang nag-aagawan sa kamay niya. Siya ay sa pagkakaluhod at ako naman ay para matayo na siya dahil nakakahiya at dumarami na ang mga tao sa paligid naming dalawa.

“Pagbiyan mo na ’yan! Arte arte pa, wala ka namang puke!” Inis ko namang tinignan ang nagtagong gunggong na nagsabi noon. Kaya pagbalik ko kay Hermoso ay halos hindi na maipinta ang mukha nito.

“Ngayon lang kita papakasalan, Hermoso.” Napalunok naman ito sa sinabi ko. Para namang pinagbagsakan ang balikat niya at tumayo na rin pagkatapos ay niyakap ako. Nagpalakpakan naman ang mga tao at muli ay narinig ko na naman ang kupal na nagsa-side comment sa kaganapan naming dalawa ni Hermoso.

“Sasagot din pala, pinatagal pa. Akala mo talaga may matres na tinatago, sawa naman ang makikita mo kapag naghubo’t hubad naman kayo.” Nang susugurin ko na ito ay hinawakan na ako ni Hermoso at mabilis na hinila papasok sa wedding booth. Kaya halos umusok na ang mukha ko habang nakapila kakahintay sa susunod na ikakasal.

Nang matapos ito ay kami na ang sumunod. Kahit ayoko ang nagyayari ay wala akong magawa kundi ang sumunod na lamang dito. Sinunod ko lang ang ibinigay na papel sa amin at sumasagot ng yes habang hindi makatingin kay Hermoso. Kaya nang siya na ang sasagot ay halos ibaon ko na sa lupa ang hiyang nararamdaman ko. Tangina kasi bakit kasal ka-agad ginawa ni Hermoso, e diba dapat liligawan niya muna ako. Hindi makahintay ang bungo niya. Ang sarap ishoot sa court ng Qpav.

“Yes, Father.” Napatingin naman ako bigla kay Hermoso nang marinig kong sumingot singot ito. Nagtaka naman ako bakit umiiyak ito na parang totoo ang kaganapang ito. Parang totoong mahal na mahal niya ako kahit na hindi ko pa naririnig mismo sa harapan niya ang salitang I Love You . Hindi ko naman kinokonsider ang Mahal kita dahil tagalog ito.

Pero sa lahat ng bagay na lumulukob sa isipan ko, alam ko ang totoo dahil ilang beses na siyang nagpaparamdam sa akin sa mga kilos at gawa nito. Hinding hindi ko maipagkakaila iyon.

“You may now kiss your bride.” Napatanga naman ako nang halikan ako ni Hermoso sa mga labi. Halos marindi ako sa sigawan ng mga tao. Kaya wala sa wisyo kong tinapon ang bulaklak na gawa lamang sa papel na alam kong ibabalik ulit dahil may ibang gagamit na estudyante.

Nang mga sandaling iyon, nakaramdam na ako nang pagkailang kay Hermoso. Parang kapag napapalapit ako sa kaniya kahit sa balat lamang namin ay ramdam ko na ang kuryenteng bumabalot sa kaibuturan ko.

Sa mga tinginan niyang halos alam ko nang may lalim kung makatitig sa akin at sa mga salitang halos iniisip ko lamang mga biro. Ngayon ay alam na alam ko nang may pagtatangi ito sa akin—yon ang isang bagay na kinakatakutan ko sa pagitan naming dalawa at ayokong isabuhay iyon.

Chapter 28

Chapter 28

Kinabukas ay iniwasan ko na si Hermoso. May dahilan naman ako dahil may event pa akong kailangang laruin. Hindi ko masabi sa kaniya ang mga bagay na ayokong mangyari. Pakiramdamn ko ay matatapos na ang relasyon namin kahit na hindi pa naman nagsisimula.

Hingal na hingal ako dahil hindi ako makapuslit sa dalawang nagbabantay sa akin. Natunungan nilang halos sa akin na ibato ang bola kaya wala akong magawa kundi lusutan ang mga ito. Kahit ilang ulit kong gawin, mas pagod pa ang katawan ko kaysa sa puntos na nakukuha ko ngayon.

Ipapasa na sana sa akin ang bola nang kuhanin ng isang nagbabantay sa akin. Napasabunot naman ako sa buhok ko dahil sa inis at wala akong magawa kung hindi habulin nang habulin ang bola. Hanggang sa natapos na lamang ang laban na kami ang dehado.

Napapapikit ako habang napapakagat sa pang-ibabang labi ko dahil ang hirap pa lang mag-isang buhatin ang mga damuho mong mga kasama. Para sa kanila, laro lamang ito. Para sa akin, isang pagkakataon pa sana na maging manlalaro sa larangang ito.

Nakatitig lamang ako sa dingding habang tumutulo ang tubig sa ibabaw ng uluhan ko. Kasalukuyan akong naliligo pagkatapos ng laban namin kanina. Hinintay ko pang matapos ang iba bago ako makapasok sa loob.

Napapikit ako habang dinadama ang lamig ng tubig sa katawan ko. Humihinga hinga na rin ako nang malalim para pigilan ang pangingilid ng luha ko. Parang lahat ng bagay na pinanghahawakan ko ay kusa na lamang kumawala sa mga kamay ko.

Gusto ko mang suntukin ang tiles sa harapan ko. Ayoko namang gumastos pa dahil ipangkakain ko na lamang iyon. Napabuga pa nga ako ng hangin dahil balik na naman ako sa pagtitipid. Iniisip din kung babalik sa pagtatrabaho. Dahil nakalimutan ko pala ang reyalidad sa pangarap kong malabo ng matupad pa.

Kasalanan ko rin naman kasi. Inaamin ko na pinangunahan ako ng takot, ng hiya, at bagay na alam kong hindi ko kayang tanggapin sa sarili ko. Alam kong may pagtingin din ako kay Hermoso. Natatakot lang ako na baka kapag naghiwalay kami, wala na akong panghahawakang relasyon sa pagitan naming dalawa.

Ipinagpalit ko ang takot ko na mahulog sa kaniya sa pangarap kong makapaglaro sa napakalaking arena para sa larangan ng basketball. Parang naging suntok pa sa buwan ang bagay na iyon. Nasa kamay ko na, pinakawalan ko pa—at masasabi kong isa ako sa pinakatangang tao sa mundo.

Muli akong huminga at sa pagkakataong ito, ramdam ko na ang pangingilid ng mga luha ko. Bagay na madalas kong itago. Bagay na hindi ko pwedeng sabihin sa iba. Bagay na ayokong nakikita nilang kinakawawa ako ng mundo. Sawa na akong magmukhang kawawa at alam kong isang kabig na lamang ay kakawala na ang bagsik sa dibdib ko.

Napahawak ako sa puso ko nang magsimula na akong umiyak. Isang bagay na madalas ko lamang sinasarili. Bagay na hindi ko makwento sa iba. Bagay na lagi kong ikinikimkim sa dibdib ko.

Sumandal ako sa dingding at nagpadausdos pababa para ipagpatuloy ang kagagahan kong ito. Mahirap tanggapin na sa huli’t huli pala ng kwentong ito, isa lamang salita ang mga bagay na pinapangarap ko. Isang bula na naglalaro sa mga kamay ko.

Iniisip ko madalas kung saan ako nagkulang. Sa pagpapakita ba ng emosyon? O sa kaduwagan na madalas ko nang ginagawa? Alam ko sa sarili ko na ang pagtakas ko sa mga bagay na dapat kinakaharap ko ay isang kalapastanganan sa larangan ng buhay. Madalas nga nilang sabihin na dadaan din ang pahanon natin, kaya kumapit ka hanggang dulo. Pero ang hirap gawin ng isang bagay na alam mong wala sayo sa simula pa lamang. Alam mong kapag ginawa mo, ikaw na lamang ang mahihiya sa sarili mo at iisipin mo ito nang ilang beses hanggang sa wala ka nang magawa pa kundi ang umiyak lang nang umiyak.

Alam ng sarili ko na ang hangganan ay isang bagay na ayokong marating. Ang dulo para sa akin ay isang katapusan. Isang bagay na maaring magsara sa pangarap na inilaban mo ng matiwasay. Ayokong makarating sa dulo at masabi na ganito lamang ang pangarap ko. Ayokong isipin na ang bagay na ginawa ko sa buhay ay isa lamang palang kahibangan. Ayokong malaman ang bagay na iyon.

Nanginginig na ako pero ipinagpatuloy ko ang ganitong tagpo. Malimit na nga lang ako umiyak, isasawalang bahala ko pa ba? Para ko nang sinaksak nang paulit ulit ang sarili ko para ipadama na ayos lang ang masaktan. Ang umiyak sa mga bagay na malabo mo nang makuha o kahit mahagkan lamang sa malapitan.

Napapabunot na lamang ako sa aking uluhan. Naiiyak sa mga oportunidad na sinayang ko. Parang ipinapaalala sa akin ng panahon na masyadong mababaw ang puso ko para mangarap pa ng malaki. Isa ngang kahibangan ang mangarap para sa katulad kong mahirap. Mula noon at magpahanggang ngayon ay tiyak kong ang buhay na mayroon ako ay siyang nag-ulma sa akin para takasin na lamang ang mga bagay na alam kong magpapaluha lamang sa akin sa bandang huli.

Nagsasawa na ako na laging ganito na lamang. Wala akong magawa kundi umiyak nang umiyak. Nakakasawa na lagi ka na lang ginagawang gago ng mundo. Bakit ko pa kailangan maranasan ang bagay na ito. Nangarap lamang ako. Nangarap ako ng isang bagay na sa tingin ko ay tama para sa akin. Napakasakit na unti-unti nang pumupusyaw ang kulay na para sa akin. Natatakot akong sa pagtahan ng mga luha ko ay siyang pagtalim ko naman sa mga bagay na alam kong wala ng linya sa buhay ko.

Natatakot akong sa bandang huli, isa lang ang mananaig sa dibdib ko at ito ang piliin at magpakasasa sa kakarampot na sahod hanggang sa malagutan ako nang hininga.

Sa pagpikit ng mga mata ko ay siyang panghiling ko na bigyan ulit ako nang pagkakataon na makuha o kahit masilayan lamang ang mga bagay na pinangarap ko na para sa akin.

At sana ako naman ang magwagi sa bandang dulo ng kwentong dapat ko nang inilahad mula pa noon. Sana ako naman ngayon.

Chapter 29

Chapter 29

Kasalukyan kong nginangatngat ang sandwich na sikat dito sa USTe. Kahit papaano ay magkaroon ako ng lakas sa ilang oras kong paglalaro kanina. Sayang nga at hindi ko nakuha ang ipinabigay nilang Jollibee para sa mga player. ’Di bale, mukhang pangat naman iyon—pangatlong luto na magmula pa kaninang umaga.

Naririnig ko pa ang tunog ng pagkain ko kahit hindi naman ito chicharon. Masyado lang siguro akong baboy kumain. Okay na ’yun, at least hindi mukhang aso ni santanas na si Cerberus.

Nakatingin lamang ako rito kay Pareng Miguel sa Plaza Benavides. Pakiramdam ko hinihila ako ng mga paa ko papunta sa kaniya kahit na ilang oras nang natapos ang labang sinukuan ko na sa larangan ng basketball na dapat nakauwi na ako. Wala e, talo. Ganito talaga kapag alam mong wala ka ng magagawa sa bagay na nagtapos na. Kahit ginawa mo ang makakaya mo, nakalahad na talaga ang tadhana sa ’yo. Talo ay talo.

Hindi ko nga lang alam ngayon bakit nakatingin ako kay Pareng Miguel ngayon. Hindi naman ako natanggal sa USTe pero kasi parang iba ang kwento nito sa akin, iba ang hagod ni Miguel ngayon sa buhay ko. Parang kapag alam mong naliligaw ka na, ituturo ni Pareng Miguel ang tamang daan na para sa iyo.

Mabuti pa nga siya at may silbe. Ako, tanging pagngawa lang ginagawa ko kapag bokya na sa pa-exam ng halos isang beses lang na matandang professor sa isang buwang magpakita sa amin. Sana all na lang talaga kasing tatag ni Pareng Miguel.

Pakiramdam ko kasi kapag ako ang ipinalit sa kaniya habang nakaturo ang kamay ko, baka masampal ko pa ang hihingi ng daan sa akin dahil nakakangawit kaya ang ginagawa niya. Hindi pa yata siya pinapasweldo ng mga admin dito.

“Pare kung nakikinig ka, sana bigyan mo ko ng pera,” natatawa ko pang salita dito habang nakaupo pa rin sa isa sa mga batong upuan na narito malapit lamang sa kaniya. Kung buhay lang ngayon si Pareng Miguel, tiyak kong mayaman na siya sa dami ba naman ng mukhang kolorum dito sa USTe. Sa kada banggit niya ng tamang daan, limang daang piso ang katumbas na kapalit.

Nababaliw na ako sa sarili ko. Para pa ngang kaibigan ko si Pareng Miguel kahit na matagal na itong ginawang bato. Hindi pa yata siya naliligo kaya siguro mapapapunta ka na lang sa tamang landas kahit na hindi ka naman humihingi sa kaniya.

“Az!” Hindi ako lumingon kahit na pangalan ko ang naririnig ko. Baka aso ang tinatawag nila. Mabuti nang sigurado. Mahirap na baka kotongan ka pa rito. Wala na nga akong trabaho, maiiscam pa ako.

“Az, kanina pa kita tinatawag, hindi ka sumasakot.”

Napatingin naman ako sa taong humawak sa balikat ko. Para akong nakuryente dahil sa lakas nang hampas nito sa akin. Kung sa kaniya ko kaya gawin ’yan, baka hindi na siya makapaglaro.

“Ano ’yung number 2?” salita ko sa kaniya na dati kong teammates last year. Nangunot lamang ang noo nito at hindi na pinansin pa ang pagtawag ko sa kaniya.

“Pipatawag ka pala ni Coach, gusto ka raw niyang makausap.” Para akong nabingi sa sinabi nito. Parang nagpantig nang sobrang lakas ang tenga ko sa taong naghahanap sa akin. Baka ipapasoli na ang jersey at jacket na hindi ko nagamit dahil umalis kaagad ako.

Ngayon nga ay sumabay na akong maglakad sa kaniya at nagkwentuhan lamang kami. Parang kinilabutan pa ako na ewan dahil parang may nakatingin sa likuran ko. Nang tignan ko ay wala naman. Kaya hindi ko na inintindi pa, pero bigla kong naalala si Pareng Miguel nang papasok na ako ng Qpav. Parang totoo nga na ginagabayan ako nito sa mga bagay na dapat kong gawin.

Kung ano man ang pag-uusapan namin ng Coach ko sa Basketball. Tiyak kong tatanggapin ko kung ano man ang hatol nito sa akin. Nahihiya pa akong humarap sa kaniya na siya namang ikinagulat ko nang kabigin niya ako nang mahigpit na yakap.

“Gusto mo ba talaga?” Napapakagat labi ako at naiiyak na sa harapan nito dahil sa balitang isinambit nito sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala na tatanggapin niya ulit ako matapos ko silang iwan sa era. Parang kahit hindi man ganoon katagal ang pinagsamahan namin, parang may parte na siya sa puso ko na tinanggap ko na mula pa noon.

Mabilis akong tumango at sinabihan ako ng mga bagay na may kinalaman sa training and practice ng varsity-ng sinalihan ko ngayon. Kaya kahit wala akong pera ay nalibre ko pa si Number 2 na siyang inabuso naman ng loko.

Kumakain kami ngayon ng ice scream na binili namin dito sa Carpark na madalas kong tambayan. Nagsawa na nga ako dahil wala ka ng bagong mabibili. Parang kailangan mo na lamang lunukin ang gutom mo kapag nakikita mo kung anong ibinebenta nila.

“Ang dumi mo namang kumain,” inis na salita ko kay Number 2. Kaya mukha akong nanay na nagpupunas sa mukha niya ngayon,. Natatawa naman ito habang nakahawak sa kamay ko. Tangina, kung hindi lang ako naaalibadbaran sa dumi sa bibig niya ay tinadyakan ko na ito.

“Oo na babe,” napaikot na lamang ako ng mata at natawa pagkatapos. Para kaming tanga na naglalakad papunta sa main building dahil balak naming maglibot ngayon. Napahinto naman ako sa pagtawa nang magtagpo ang mga mata namin ni Hermoso. Para akong natuptop sa kinatatayuan ko habang matalim lamang itong nakatingin sa akin.

Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan niya bago ko pa siya habulin. Para naman akong tanga habang nakakuyom ang mga kamay ko dahil hindi ko mangiti ang mga labi ko sa mga pinagsasabi ni Number 2.

Magkagayon man, isa lang ang nasa isipan ko ngayon. Hindi itinuro ni Pareng Miguel ang daan papunta at palapit sa kaniya. Pagsisihan ko man ang hindi paghabol sa kaniya, alam kong tama lamang ang ginawa kong pag-iwas.

Hindi ko man sigurado kung totoo ba ang nararamdaman ko sa kaniya—alam kong ito ang tamang gawin.

Ito ang itinuturo ni Pareng Miguel sa akin na dahan dahan palapit sa pangarap na dapat at kailangan kong tuparin at buong pusong ipaglalaban.

Sabi nga, isang hakbang sa kada sulong na ating gagawin. Mabagal man ang usad, ang mahalaga ay naihahakbang pa rin natin ang mga paa sa lupa habang nakatingin sa kalangitan.

Kung magkatagpo man kami ulit ni Hermoso, sisiguraduhin kong kasabay ko na itong maglakad habang magkahawak ang mga kamay namin. Katulad sa kung paano niyang nais na makasama ako habang pinagmamasdan namin ang daloy ng mga tao palabas ng USTe.

Chapter 30

Chapter 30

Hindi ako makakauwi sa probinsya ngayong linggo. Nasabihan ko naman sila sa bahay kaya ayos na ayos na ako habang nagtutupi ng mga damit kong susuotin sa training camp na pupuntahan namin ngayon.

Ilang buwan na akong sumasakses sa buhay na hindi kasama si Hermoso. Malungkot man na hindi ko siya kasama sa tagumpay ko habang nasa paanan ko na ang mga bagay na pinapangarap ko lamang ay tiyak kong magiging masaya rin siya kung ikukwento ko sa kaniya.

Hindi ko lang sigurado kung papayagan niya akong sabihin ang naging buhay ko sa nakalipas na ilang buwan. Nasaktan ko ito. Pinaasa sa isang bagay na alam kong hinihintay niyang mangyari sa pagitan naming dalawa. Manhid na siguro siya sa pagmamahal sa akin, kung iisipin pa niyang magiging kami matapos ko siyang iwanan sa era. Kahit ako man ay gusto kong suntukin ang sarili ko dahil sa katangahang ginagawa ko sa kaniya. Parang nasa huli talaga ang pagsisisi, kung kailan ka mananalo, doon ka naman walang pera, walang taya.

Nakapikit ako sa duluhan ng mini bus na sasakyan namin dahil gusto ko munang matulog. Mag-aalas kwatro pa lamang nang umaga at parang wala pa ako sa wisyong gumalaw galaw kaya natulog na lamang ako.

Naalimpungatan ako dahil sa mga ingay na aking naririnig. “Nandyan na ba tayo?” Tanong ko sa katabi ko kahit na hindi ko naman ito nakikita. Nakasandal naman ako sa may window kaya walang problema kung matulog ako ano mang oras mula ngayon.

Makailang minuto ay wala akong natanggap na kahit ano sa katabi ko, kaya naman kahit ayoko pang idilat ang mga mata ko ay wala akong nagawa. Napasabunot pa ako sa buhok ko nang tumingin ako sa katabi ko.

Nangunot ang noo ko at ipinikit pikit pa ang mga mata ko kung tama ba ang nakikita ko. Nasa tabi ko si Hermoso na mahimbing na natutulog na parang hirap na hirap sa kalagayan niya. Tinitigan ko ito at hindi ko mapigilang lumunok ng laway dahil napakatagal na rin noong magkita at magkausap kaming dalawa.

Parang ngayon ko lamang natitingan ang napakaganda at napakakinis nitong mukha. Sa kagandahan niya ay naiisip ko kung paano siya nagkagusto sa akin. Parang ako pa kasi ang lumalabas na luge sa aming dalawa kung makatanggi ako sa nararamdaman nito sa akin.

Tama nga siguro sila. Hindi mo mapapansin ang isang bagay, kung hindi mo ito papakawalan. Parang kapag nawala lamang sila sa tabi mo, alam mong hahanap hanapin din ng katawan mo ang presensiya nila. Kahit anong itanggi ko ngayon sa sarili ko, alam kong may parte sa akin na ayaw mawala sa tabi ni Hermoso.

Sa kakatitig ko rito ay hindi ko na napansin na nakamulat at nagising na ito. Mabilis akong sumandal at umiwas ng tingin sa kaniya. Ngumisi ako sa naiisip kong gumagawa na naman ito nang paraan para mapansin ako. Kaya naman ilang minuto lamang sa kinalulugaran ko ay parang lahat nang pagpapantasya ko ay nawala dahil kahit paghinga yata nito ay walang lumalabas.

Nang tignan ko si Hermoso ay wala itong emosyon. Nakakunot lamang ang noo habang nakatingin sa cellphone nito. Parang mas gusto pa nitong tignan ang nasa laman na ’yon kaysa kausapin ako.

Kaya sumilip ako sa tinitignan nito at halos mahugot ko ang hininga ko nang makita kong si Marvin ang kausap nito. Akala ko ba ako lang . Kaya naman nang tangkang kukuhanin ko na ang cellphone nito ay mabilis niyang iniiwas sa akin.

“Ba’t tumitingin ka? Sino ka ba?” Nalito naman ako sa tono ng boses nito. Parang hindi ito ang kababata ko. Hindi ito ang kasama ko lagi kapag kumakain ng lunch. Hindi siya ang naging kasangga ko nitong mga nakaraang buwan.

“Ano ka ba, Hermoso? Parang iba naman ako sa ’yo.” Napapakamot pa ako sa buhok ko habang nakikita kong nakakunot lamang ang noo niya at parang papatayin ako sa klase ng ibinibigay nitong titig sa akin. Nakakanuot sa talim at lalim na parang sinasabi na wala na akong pwesto sa lugar nito, sa buhay nito.

“Tinapos mo na ang relasyon natin ’di ba?” Nag-isip pa ito bago ipinagpatuloy ang sinasabi nito. “—O nakalimutan ko pala, wala pala tayong relasyon.” At mabilis ulit itong tumingin sa cellphone nito. Parang nakaramdam naman ako ng kirot sa ginagawa nito. Parang wala lang sa kaniya ang ilang taon naming pagkakaibigan.

“Para ka namang hindi kaibigan, Hermoso.” Sa buong biyaheng iyon ay nakabusangot lamang ako habang maraming tanong ang lumulukob sa isipan ko. Iniisip kung ano bang ginagawa ni Hermoso dito, kung kumain na ba ito, kung nakatulog pa ito nang maayos, at marami pang iba.

Napapakagat labi lamang ako habang nakatingin sa labas. Gusto ko mang yakapin si Hermoso ngayon dahil kahit naman galit ito, hindi ko maikakaila na miss na miss ko na ito. Parang kahapon lang yata noong last kaming mag-usap at ngayon nga ay parang balik na naman kami sa ganitong sitwasyon.

Hindi na rin ako nakatiis sa katahimikan at kinausap ulit ito habang nagmamaneobra pa lamang ang sasakyan papasok sa isang lugar. “Nagkabalikan ba ulit kayo ni Marvin?” Tumingin ako rito at ipinikit pa ang mata ko na parang masasaktan kung ano man ang sasabihin nito.

“Wala naman akong kailangang ipaliwanag o ikwento sa’yo, Az.” Irita ang bumalot sa kabuuan ng mukha nito. “Wala naman tayong relasyon. Tapos na ang kung ano mang namamagitan sa ating dalawa.”

Napalunok naman ako at parang binomba ang puso ko sa mga sinabi nito sa akin. Wala akong magawa kundi ang sumandal at ibaling ang atensyon ko sa labas. Isa lang ang masasabi ko— Tangina mo, Hermoso.

Chapter 31

Chapter 31

Hindi pa rin ako makapaniwala na parang hangin na lamang ako sa paningin ni Hermoso. Ang akala kong pagsasabihan pa ako nito habang ini-evaluate ako sa mga fundamentals ko ay wala lamang itong reaksyon sa akin. Parang naiinis lamang siya na paulit ulit ako sa ibang assessment dahil sa wala ako sa wisyo. Kaya napagsabihan pa ako ni Coach at pinagpahinga muna ako dahil baka hindi umabot ang katawan ko para sa 5v5 half-court scrimmage namin mamayang hapon.

“May problema ka ba Az?” Umiling lamang ako. Kahit gaano ko pa kaseryosong tignan ang coach namin, alam niyang may mali sa klase ng laro ko. Alam na alam niyang hindi ako ganito kakalat.

“Susunod na lang natin ang assessment mo mamaya.” Wala na akong nagawa kundi ang tumango habang napapasabunot na lamang sa buhok ko paalis sa pwesto nila.

Ngayon ay nakatitig lamang ako sa ulam naming adobo. Parang kapag tinignan ko ito ay kusa na lamang lalapit sa bibig ko ang isang piraso ng manok. Parang lahat yata ng bagay ay isinasawalang bahala ko na. Masama na talaga ang timpla ko magmula pa kanina.

Mag-aalas kwatro nang simulan na namin ang 5v5 half-court scrimmage at makakalaban namin ang mga senior namin. Kaya napapalunok ako ngayon habang kitang kitang umuunat na mga kamay ni Hermoso. Parang kailan lang noong huli ko itong makitang maglaro. Napakatagal na pala. Masyado ko nang binaliw ang sarili ko na baka hindi na ako makabalik pa rito. Parang pinagsisisihan ko na yata ang kagaguhan ko sa pag-iwas iwas sa kaniya.

“Az, kanina ko pa napapansin na may problema ka kay Hermoso. Gantihan mo na lang.” Ngumisi lamang ako kay Number 2 bago ako tumayo nang tawagin na kami.

Habol habol ko ang hininga ko habang binabantayan si Hermoso. Inis man siya sa akin ay wala siyang magawa. Kahit yata siya na lang ang bantayan ko buong laban ay masaya na ako. Kaya naman nang makatakas siya mula sa pagbabantay ko ay halos mapamura ako.

Napasabunot naman ako ng buhok habang nakasalampak sa sahig matapos itong magcross over. Naisahan ako ng tukneneng na si Hermoso. Nasundan pa iyon nang ilang beses na siyang ikinaiinis ko pa. Okay lang naman dahil nakakapuntos namin kami, ang problema ay parang mas nasisiyahan pa siya na nakikitang naiinis ako sa kaniya.

Natapos ang laban na kami ang talo. Hindi na kami lugi sa tambak na kinseng puntos dahil ang iba sa mga senior namin ay nasa national league na. Naiwan lang ako nang kakausapin na ako ni Coach. Ngumingiti lamang ako habang sinasabihan niyang pumapaldo pa rin ang shooting skills ko.

Kung alam lang niya kung gaano ko naiisip na ulo ni Hermoso ang pinupuntos ko sa butas ng court ay siguradong papaalisin na niya ako rito. Kaya naman nang sabihang maligo na ako ay halos ako na lamang ang mag-isa sa loob ng banyo sa tagal naming mag-usap.

Pagkapasok ko sa loob ay ang singaw ng init ang bumungad sa akin. Para akong mahihilo sa iba’t ibang amoy na nalalanghap ko. Mahirap talaga kapag nahuhuli kang maligo, pati yata bulbol ng kasama mo ay maaamoy mo na sa sobrang tindi ng alingasaw.

Mabilis akong naghubad ng damit at pangbaba. Tinira na lamang ang panloob ko na sakto para isahang galawan na lamang. Kinuha ko ang sabon at shampoo at iniwan ang gamit ko sa may lababo.

Tatalikod na sana ako matapos kong mag-ayos nang may biglang nagtulak sa akin na siyang ikinaduko ko sa lababo. “Tangina! Masakit,” atungal ko matapos kong maramdaman ang lamig ng tiles sa mukha ko.

“Inaakit mo ba ako, Azalea?” Napakunot naman ako sa noo ko nang mapagtanto ko kung sino ang humihimas ng pwetan ko ngayon. Parang lahat nang lakas ko ay kinuha na niya sa napakalalim nitong boses. Parang nagsipuntahan ang lamig sa batok ko na siyang ikinatataas naman ng balahibo ko ngayon.

Mabilis naman akong nakabawi at tinampal ang kamay niyang nasa pang-upo ko. Nakakunot naman akong nakatingin sa kaniya. Pinipilit na hindi ilandas ang mga mata ko sa napakaganda nitong pangangatawan. Walang wala ang mga arko ko sa bulas nito. Parang inulma para maging akin kahit na wala namang kami.

Napalunok ako bago ko siya tignan. Nakatuwalya lamang ito ngayon habang matatalim ang mga matang nakatingin sa akin. Kinagatan ko ang pang-ibabang labi ko bago ako sumagot sa kaniya.

“Naakit ka ba?” Ipinalandas ko ang dila ko sa pagitan ng mga labi ko na siyang mas ikinapupula at ikinabubusal ng kaniyang kamao. Napapikit na lamang ako dahil baka suntukin ako nito kapag bwinisit ko pa siya.

Hindi ko na nga lang itinuloy ang pagpapatikim ko sa kaniya kung saan ipapalandas ko ang kamay ko sa dibdib ko pababa sa kung anong meron sa katawan ko at baka ingudngod na talaga niya ako mula rito.

“Anong gagawin mo kapag sinabi kong oo?” Matapang nitong sagot sa akin. Ako na ngayon ang napalunok habang namamawis na rin ang noo ko. Parang biglang uminit bigla sa loob ng banyo.

“Bahala ka,” salita ko na lamang at mabilis na siyang nilayasan. Pero bago pa ako makapasok sa loob ng cubicle ay bigla na naman ako nitong tinulak at isinandal sa pintuan ng papasukan ko sanang cubicle.

“Kung hindi lang kita nirerespeto, niyari na kita rito.” Kasabay nang seryoso nitong tono ay ang pag-amoy nito sa likuran ng batok ko. Nanindig naman ako sa ginawa nito lalo pa’t nararamdamman ko ang paghinga nito sa leeg ko.

Aamba na sana akong itulak siya nang bigla na lamang siyang tumalikod at iniwan akong nakatingin lamang sa likuran nitong papaalis na. Para akong hinahabol ng mga kalabaw sa sobrang bilis nang takbo ng dibdib ko.

Napapakagat labi na lamang ako habang ipinapatulo sa uluhan ko ang tubig ng shower. Parang kulang pa ang lamig sa bagay na nagpapainit sa akin ngayon. Wala akong magawa kundi magpatianod sa init at bagay na madalas kong gawin—ang pagkakaiba lamang, si Hermoso ang dahilan noon.

Chapter 32

Chapter 32

Mabilis pala ang panahon kapag hindi mo iniisip ang oras. Last day na namin ng training kaya naman hayahay na ang mga buhay namin. Parang hindi nga sulit ang ganito dahil mas maganda sana kung sa first day gagawin.

Para kaming ginagarote sa katawan naming ubos na ang lakas. Parang gigising kami para parusahan. Pero kapag naalala ko na ang iba sa amin ay mapapadala sa ibang training camp ay masaya naman na ako.

Wala namang problema sa akin dahil pakiramdam ko ay deserve ko namang ipahinga ang katawan ko ngayong summer. Idagdag pa na maraming loads ang meron ako sa next academic year.

Para akong lutang habang nakatunganga sa harapan ng salamin sa loob ng banyo. Iisa lang naman ang banyo rito lalo pa’t bultuhan ang kinukuha nilang kwarto para sa amin. Para kaming sardinas sa loob pero mabuti na lamang ay may aircon. Aircon talaga ang need according kay Pareng Maslow. Hindi niya lang malagay dahil hindi nakaka-ll o nakakaluwag luwag sa research paper.

Halos hindi ko na magalaw ang toothbrush dahil sa pagkalutang ko ngayon. Parang mas gugustuhin ko na lamang matulog kung hindi lang ako maiiwan dito. Hindi na kasi kami babalik dahil uuwi na rin kami pagkatapos maligo sa dadaanan naming dagat.

Pasado ala sais pa lamang ay ginising na kami. Ako lang yata ang magigising nang mag-aalas syete na nang umaga dahil special ako. Parang rebisco, may laging isang pasobra.

Napatalon naman ako nang biglang may tumulak sa akin. Mabuti na lamang ay hindi kalakasan kaya hindi ako natumba sa kinalalagyan ko. Sisitahin ko na sana ito nang mapagtanto ko kung sinong nagtulak sa akin.

“Mukha kang tanga.” Nakabusangot lamang akong tumingin kay Hermoso bago ko ipagpatuloy ang paglilinis ko sa napakaganda kong ngipin. Kung si snow white ay kulay puti ang budhi, ako naman ay pwede nang isalang sa commercial ng toothpaste.

“At least hindi mukhang tanga,” mahinang salita ko rito. Para nga akong ngongo dahil sapak sapak pa sa bibig ko ang toothbrush na pinaglilinis ko sa ngipin ko ngayon.

“Hah?” Hindi ko na lamang siya pinansin dahil siya yata ang dapat sinasabihan ng tanga. Magmula nang makita ko siyang lalapahin ako sa banyo ay hindi ko na ninais na tuksuhin pa siya. Parang ako lang ang mapapahamak sa huli. Gusto kung gusto, pero ang bata ko pa para doon. Masyado pang maaaga.

Aalis na sana ako dahil tapos naman na akong maghilamos at pagandahin ang ngipin ko ay pinigilan ako bigla nitong si Hermoso. Hindi na ako umaasa pang may mangyayari pa sa aming dalawa dahil mukhang sa kulungan bagsak nito kapag kinausap ko pa nang maayos.

“Hindi ka maliligo? Mukha kang ilaw na mangga. Maasim.” Parang nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi nito at napaharap ako sa kaniya nang hindi oras. Mula sa napakaganda nitong mukha, pinapanget nang ngisi niya ang kabuuan na nakikita ko ngayon sa kaniya.

“Bakit natikman mo na ba ako bago ako magising? Maka-asim ka parang hindi ka bilasang isda sa itsura mo ngayon.” May time pa akong tingnan ang buhok niyang bumagay sa mukha niya na alam kong hindi pa rin naman ito naliligo.

Napakunot naman ito ng noo. Tataasan ko na sana ito nang isang kilay nang bigla itong maglakad palapit sa akin. “Bakit gusto mo bang magkatiman tayo ngayon para malaman natin kung sinong mas maasim sa ating dalawa?”

Kung kakupalan lang naman pala ang usapan. Una na akong pipila sa linya dahil ang pangalang Azalea Francisco ay walang inuurungan. Kaya naman mas lumapit pa ako sa kaniya hanggang maduling na ako sa sobrang lapit namin sa isa’t isa. Amoy na amoy ko na ngayon ang mint ng colgate na ginamit niya. Halatang fan siya ng kulay green na colgate. Kaya siguro ganiyan ang utak niya, kulay berde.

“Sino bang unang magpapatikim?” Itinaas ko pa ang ulo ko sa kaniya at bago pa lumalim ang kung ano mang pinagkakadiskursuhan namin ay may biglang pumasok na siyang ikinahiwalay naming dalawa sa isa’t isa.

“Az, nandiyan ka pala.” Ngumiti lamang ako kay Number 2 at mabilis na ring umalis doon habang dala dala ang butil ng pawis na namuo sa noo ko kanina dahil sa tension sa pagitan namin ni Hermoso. Parang lumilinya na ang dalawang guhit sa pagitan naming dalawa. Hindi naman kami nagpregnancy test pero parang alam na alam naming dalawa na sa huli nitong kalokohan at namamagitan sa amin ni Hermoso, dalawa lang ang kakahantungan—ang maging kami o balik kami ulit sa pagiging bugnutin.

Dahil alam na alam na ng katawan ko na wala na talaga ang lugar para sa pagkakaibigan naming dalawa ng iniisip ko ngayon. Kaya parang ang dalawang linyang namamagitan sa amin ay kusa na lamang naglilinyang isa para bumuo ng isang romansang hindi ko naman masabi sabi. Hindi pa ako sigurado pero alam ng puso’t isipan ko na doon na rin iyon patungo.

“Takot ba ako kay Hermoso?” Bubulong bulong kong salita sa sarili ko.

“Tangina naman kasi, hahalik na lang hindi pa bilisan.”

Napapasabunot na lamang ako sa buhok ko habang binabaybay ang kinalulugaran ng mga chikiding na hindi mapalagay sa sobrang ingay nila. Para silang hindi lalaki kung magkwentuhan. Abot abot pa hanggang sa kabilang barangay.

Chapter 33

Chapter 33

Nagising ako na tinatapik na ni Number 2. Para akong naduduling sa liwanag na nakikita ko. Parang bumababa ang araw sa sobrang pagkapusyaw ng balat ng lalaking ito.

Nag-unat unat muna ako bago ako bumaba. Hirap talaga kapag nakatulog ka na matigas ang nasandalan mo. Matik, stiff neck katapat niyan. Tsk.

Kaya ngayon ay para akong lantang gulay lalo pa’t hindi na ako nakakain kaninang umaga. Kasalanan ko naman kasi dahil ang tagal kong bumangon. Pero dahilan lang nila ’yun dahil pakiramdam ko, masyado lang sugapa at may pagkapatay gutom ang mga kasamahan ko.

Parang ngayon, dahil unli naman, tig-dalawahang plato pa ang pinagkukuha nila. Gusto pang kumuha ng ibang putahe si Number 2 kung hindi lang siya pinigilan ng ibang kasamahan namin dahil parang limang plato na yata ang nakukuha niya mula pa kanina.

Panaka naka rin ang pagsulyap ko kay Hermoso at alam kong ganoon din siya sa akin. Pilitin man niyang layuan ako, alam kong tatalon din siya sa kakulitan ko. Napangisi na lamang ako nang mahuli ko ulit siyang nakatingin sa akin. Napapailing pa ako sa uluhan ko dahil sa hindi magkamayaw na ligaya na aking nararanansan ngayon.

Sabi nga nila, kapag mahal mo ang isang tao, na sigurado ka na sa nararamdaman ko, parang kusa na lamang kayong nagtatagpo sa gitna. Hindi ko man aminin sa sarili ko, alam kong kapag pinakawalan ko pa si Hermoso ngayon, wala na akong dadatnang siya sa puso ko.

Napapahawak naman ako sa uluhan ko dahil sa init ng panahon. Para akong ginagapos ng sinag ng araw ngayon kahit na nakasando naman ako. Idagdag pa ang napakaliwanag na paligid. Para ngang susunduin na ako ni San Pedro sa sitwasyon namin ngayon.

Nakita ko namang may dalang payong si Hermoso kaya mabilis akong lumapit sa kaniya. “Pasabay.” Iniakbay ko pa ang kamay ko sa balikat nito na parang sanay na sanay na kaming ganito kalapit sa isa’t isa kahit na matagal na noong huli kaming magkalapit na walang malisya.

“Alis ka nga diyan, mainit na nga.” Hindi ko ito pinansin kahit na nagrereklamo pa ito sa akin. Mas lalo ko pa ngang idinikit ang katawan ko sa kaniya na siyang mas lalong ikinagagalaw ng katawan niya sa akin.

“Ano ba?!” Napatigil naman ako nang bigla itong sumigaw. Nakita pa ng ibang kasamahan namin na siyang ikinayuko niya. Dahil alam kong ipipilit niya ang gusto niya ay kinuha ko na lamang ang payong dala niya at iniwan siya roon. Magtiis ka sa init, Hermoso.

Kahit na mag-aalas diyes pa lamang nang umaga ay tirik na tirik na ang araw. Kaya naman tagaktak na ang suot kong sando. Gusto ko ngang tanggalin ang suot ko kaso ayoko namang magmukhang papansin dahil malayo pa naman ang nirentahan nilang bahay kubo.

Halos patayin naman na ako sa tingin ni Hermoso pero isinawalang bahala ko lamang ito. Kasalanan naman niya kung bakit nagtitiis siya sa bag na dala niya para hindi mainitan. Hindi naman siguro siya iitim lalo na’t nakikita kong namumula lang siya sa init ng araw.

Ngumiti akong ibinigay kay Hermoso ang payong pagkarating naming kubo. Balak niya pa sana akong hampasin, pero hindi niya matuloy tuloy dahil nasa tabi ko ang coach namin. Kung may pagkabayolente siya, dapat mas mautak ako para mapigilan siya.

Kumain ulit kami habang ang iba ay nagsiliguan na. Para silang mga palaka dahil imbes na ang hampas ng hangin ang sumalubong sa amin, mga bunganga nilang nakamikropono pa yata sa lakas ang naririnig namin. Ang sarap nilang busalan sa bibig. Kaya nang makaalis na sila ay para kaming nasa kumbento sa sobrang pagkatahimik.

Napatingin ako sa gawi ni Hermoso na ngayon ay nagpapahid na ng sunscreen. Hindi pwedeng sunblock sabihin mo dahil ikokorek ka kapag ’yun ang tinawag mo sa bagay na ginagamit ni Hermoso ngayon.

“Tulong?” Hindi ko na inubos ang iniinom kong juice na parang ngumunguya kami sa dami ng yelong inilagay nila. Ice block pa kaya talagang sasakit ngalangala mo sa lamig.

Napatingin naman sa akin si Hermoso. Tinitigan lamang ako nito na parang duda pa siya kung papayag siyang tulungan ko siya. Siya pa ang choosy, e dati namang makapal balat niyan. Hindi ko na lamang sinabi sa kaniya dahil baka sampalin ako nito sa inis na namuo na sa kakabwisit ko sa kaniya mula pa kanina.

Hindi ko na siya hinintay pa at kinuha na ang sunscreen na ginagamit niyang pamahid sa mga paa niya. Ngumiti lamang ako sa kaniya at halos matawa naman ako nang parang utot ang lumabas imbes na maramihan nitong laman.

“Baliw.” Inikutan ko na lamang ito ng mga mata ko at kinuha ang kamay nito.

“Mahal mo naman,” bubulong bulong kong sagot na tiyak kong narinig nito kaya halos mamilipit ang sikmura ko nang sikuhin ako nito sa bandang tiyan ko.

“Aray! Hermoso, kanina ka pa,” atungal ko. “Hahalikan kita, sige ka. Kapag nabwisit ako.” Bigla na lamang itong tumalikod na siyang ikinapikit ng mga mata ko. Kaya para mawala ang inis ko sa kaniya ay nagkunwari akong susuntukin siya. Parang alam na alam niya ang ginawa ko kaya nang tumingin siya ay halos kasing itim na ng budhi ko ang mga mata niya.

“Hubad na,” salita ko. Parang simple lang ang sinabi ko pero para siyang nakakita ng multo sa sinabi ko. “Nang damit mong pang-itaas. Para namang papayagan kong may makakita sa’yo ng hubad. Akin lang ’yan. Only for my eyes.”

“Dami mong sinabi, wala naman akong pakialam sayo, at maghuhubad ako sa gusto mo at ayaw,” matigas na salita nito sa akin. Nakabilog pa ang mga labi nito na para bang kasalanan kong maghuhubad siya ngayon.

“Wala daw, edi maghubad ka.” Ngumisi lamang ako na siyang ikinabusangot niya. Hindi na rin niya ako pinatulan at tuluyan na niyang naihubad ang puti niyang damit. Napalunok naman ako sa nakita ko. Para akong nakakita ng isang modelo sa ganda ng katawan niya. ’Yung akin kasi para kang nakakita ng kargador sa palengke.

“Ano tititig ka na lang?” patuya nito sa akin.

Hindi ko na lamang siya pinansin at baka saan pa kami abutan. Kaya pinahid ko na rin ang sunscreen sa katawan niya. “Parang ang sarap mong yakapin, Hermoso.” Napapangiti pa ako habang nagpapahid sa dibdib niya. Gusto ko sanang mas diinan ang kaso ayokong may tumayo sa pagitan naming dalawa. Mahirap na at mapagkamalan pa kaming sundalo lalo pa’t parang mga baril at granada yata ang mga nasa gitna naming dalawa.

“Mukha kang baliw.” Nagpatuloy lamang ako sa pasipol sipol hanggang sa mahawakan ko na ang v-line niya. Para akong naestatwa sa lagay ko nang mapagtanto ko kung saan ko na nadala ang kamay ko.

Napatingin ako sa kaniya na siyang ikinaiwas nang tingin niya sa akin. “A-ako na.” Kinuha nito ang bote ng sunscreen at siya na ang nagpahid dito. Nang tumalikod ito ay binigay niya ulit sa akin ang bote at nilagyan ko naman ngayon siya sa likuran.

“Ang sarap mo palang bayuhin sa likuran.” Nabigla ako sa sinabi ko nang landasin ko ang likuran ng batok niya. Kaya hindi na ako nagtaka nang sabunutan na ako nito sa buhok ko dahil sa kabalbalan ko sa kaniya.

“Az!” Hinayaan ko siya sa ginagawa niyang pananakit sa akin dahil hindi naman masakit. Sa laki ng katawan niya, hindi niya man lang magawang diinan ang sabunot niya. Parang feeling ko kapag gagawin na namin ang bagay na ginagawa lamang ng mag-asawa ay tiyak kong sarili niya ang sasaktan niya imbes na ako. Ganoon yata siya magmahal. Kaya konting push na lang, mapapasaakin din siya.

Chapter 34

Chapter 34

Para akong masusunog sa init na binubuga ng usok mula sa pinapaypayan kong mga tenga at laman ng baboy. Mag-aalas tres na ng hapon kaya halos ang iba sa amin ay gutom na. Hindi naman ako naligo pero parang sa amoy nila ay talagang mahahawa ka sa amoy nilang bungang araw. Kung meron lang sanang amoy ng bungang mangga ay tiyak kong ako pa ang maglalapit sa ilong ko sa mga katawan nila.

“Ang tagal naman niyan, Az.” Napatingin naman ako kay Number 2 nang magreklamo ito sa akin.

“Heto kainin mong ilaw, tang—” hind ko na natuloy ang sinasabi ko dahil tiyak kong luluhod ako sa lupa kapag ipinagpatuloy ko pa ang sinasabi ko. “—he he, coach kayo pala.” Napapakamot na lamang ako sa ulo habang patuloy pa ring nagpapaypay ngayon.

“Kakasalang lang kasi ngani.” Tumango lamang ako at kahit hindi pa luto ang hotdog ay kumuha na siya. Bahala siyang magkasakit. Alam ko lang kapag may itim na ang inihaw, luto na ’yun. Kapag mamasa masa pa, arayyy jusko po. Hospital bagsak mo nun— kidney plus jackstone at holens kalaban mo boyy.

Nagtabi na ako para sa akin dahil tinitiyak kong kapag wala akong naitabi ngayon, wala nang matitira sa akin. Sakto lang tinira ko para sa akin pero pinagkukuha naman kaagad ni Hermoso ang mga tinabi ko kaya halos siya na ang paypayan ko sa inis ngayon.

“Akin ’yan,” inis na salita ko sa kaniya. Tinitigan ko pa siya nang matalim na siyang ikinangisi lamang niya. Ngumanga pa siya para ipakita na nasa bibig na niya ang kinuha niyang inihaw kong manok.

“Sa ’yo naman ako, kaya dapat binubusog mo ako ngayon.” Ah, talagang gumaganiyan ka pa para lang makalusot. Sabihin niya lang na matakaw siyang bakulaw.

“Kapal mo.” Tinulak ko na lamang siya para makapunta na ako sa ginagawa ko kanina. Siya lang talaga pinunta ko dahil siya lang nagnakaw ng tinabi ko. Magwawala talaga ako kapag kinuha ng ibang kasamahan ko.

“Mahal mo naman.” Hindi ko na siya pinansin dahil mas mahalaga pa ang inihaw ko kaysa sa kaniya. Siya makakapaghintay, pero ang baboy at manok— hindi at masusunog na nga ito, kaya mabilis kong binaliktad para maluto naman ang kabila. Hindi na ako nagtira para sa akin dahil kinakain ko na ang itinatabi ko. Feeling ko sulit talaga na magpresinta dito kahit na iniihaw na ako sa init at usok mula rito.

Nang mabusog ako ay ibinigay ko na sa iba ang trabaho ko rito. Sila naman ang iluto sa init at usok. Para akong lumaklak ng sankaterbang sigarilyo sa makailang ulit kong pag-ubo ubo kanina.

“So tayo na?” salita ko bigla pagkaupo ko sa tabi ni Hermoso na sinisimot ang kinakain nitong hotdog. Parang kulang pa sa kaniya sa tindi niyang kumain. Isang subo, ubos agad. Daig niya pa ako kapag gutom na gutom ako. Dati siguro siyang Dragon.

“Bakit meron bang tayo? Parang asang asa kang magiging tayo ah.” Kapag pinakitaan kita ng mala-adonis kong galawan. Tignan natin kung masabi mo pa ’yan.

“Sakit mo namang magsalita,” salita ko habang inilalagay ko ang dalawa kong kamay sa dibdib ko kung nasasaan ang puso ko. Mukha mang maloko ang galawan ko pero mas ramdam mo kasi kapag dadramahan mo pa sa harapan niya. Pero wala na talagang puso ang lalaking ito, hindi makaramdam na nasasaktan na ako sa sinasabi niya sa akin ngayon.

“Mukha kang tanga.” Napahawak naman ako sa tuhod ko nang bigla ako nitong sipain. Dahil nabigla ako ay talagang masakit ang pagkakasipa nito sa akin.

“Aray! Ang bayolente mo, Hermoso.” Napapahagod ako sa tuhod ko nang biglang dumating si Number 2 sa tabi ko at hilahin ako nito palapit sa kaniya.

“Az, tara.” Gusto ko pa sanang pigilan ito ang kaso mapilit ito kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya. Kaya nang balikan ko ang tingin ni Hermoso ay parang lalapain ulit ako nito. Dahil sira talaga ang utak ko ay dumila pa ako habang tumatawang umaakbay naman kay Number 2.

Hindi na ako nagtaka kung bakit ako hinila ni Number 2. Balak niya lang palang makadiskarte ng babae. Kaya kahit hindi namin porte ang volleyball ay nakikisali itong kupal na ito. Ngumiti naman ako sa mga babaeng pinakilala niya. Pakiramdam ko siya lang masaya sa gagawin naming ito.

May ibang kasamahan kami na tiyak kong hinila rin ni Number 2 pero sa case nila, mas pabor sila na makipaglandian sa mga ito. Kinuha lang talaga nila ako para sumakto sa lima ang team namin dahil lima din silang babae. Mga mabubuting nilalang talaga.

Pakiramdam ko nga habang naglalaro kami ay hindi na nila pinapansin ang pupuntahan ng bola. Sa hina ba naman ng palo nila, kahit lamok ay kayang kayang iblock. Kaya naman nang marecieve ko ang bola ay hindi na ako nag-expect na makaka-score kami. Dahil mas nakakascore pa sila sa kamanyakan na ginagawa nila sa mga babaeng kalaban namin na kung bakatalon ay kasama ang mga pakwan sa katawan nila.

Kaya nang matapos ang laro ay hinila nila ako para makipagyakapan sa mga nakalaban naming babae na narito rin sa pinuntahan naming dagat. Parang mas nanalo pa sila sa ginagawa nilang ito. Ramdam na ramdam ko rin ang lambot na tumatama sa katawan ko na siyang ikinatataas ko ng balahibo sa batok. Kaya naman ako na ang unang kumalas sa yakapan nila dahil wala yata silang balak huminto sa kakatalon at kakayakap. Hiniling ko na lamang na may maapakan silang jockpot para naman sulit na sulit ang paghila nila sa akin .

Dahil puno ako nang buhangin ay nagdecide muna akong magbanyo. Para akong naging kabibe sa sobrang kapit ng dumi sa balat ko. Parang lahat ng pwede kong makuhang dumi sa paglalaro ay nakuha ko na.

Pagkatapos kong maghilamos at magbanlaw ng katawan ay mabilis akong tumalikod sa salamin. Hindi ko na napansin na nasa likuran ko lang pala si Hermoso kaya naman napatalon ako sa gulat nang makita ko ito.

“Ba’t nanggugulat ka?” salita ko sa kaniya. Mabilis ko naman pinakalma ang sarili ko dahil parang tumaas lahat ng dugo sa uluhan ko ngayon dahil sa ginawa niya.

“Masarap ba?” Napakunot noo naman ako sa sinabi nito.

“Ang alin, ako ba? Syempre naman.” Biro ko naman sa kaniya.

“Mga babae mo.” Mababakas na sa mukha ko ang labis na pagtataka sa isinambit nito.

“Sinong babae? Baka babae mo. Nambaba—” bago ko pa maituloy ang sinasabi ko ay mabilis ako nitong itinulak na siyang ikinasandal ko sa lababo. Hindi pa ako nakakabawi ay naramdaman ko na lamang ang mga labi niyang sumisiil sa akin ng halik.

Lito ang nararamdaman ko. Hindi ako tumugon dahil sa pagkabigla. Parang panaginip lang yata ang bagay na ito. Parang malabong hahalikan ako ni Hermoso. Hindi siya ganito humalik. Masyado siyang marahas. Hindi siya ang lalaking ito.

“Ah!” Bigla na lamang niyang kinagat ang pang-ibabang labi ko na siyang kinuha niyang pagkakataon para maipasok ang dila nito sa loob ng bibig ko. Wala na rin akong nagawa kundi tumugon sa halik nito. Hindi man ako makasabay dahil sa mararahas nitong paggalugad sa bibig ko pero alam kong tama lamang ang ginagawa ko kahit na ngayon ko lamang ito naranasan.

Napahiwalay lamang kaming dalawa nang mauubusan na kami ng hangin. “Tangina, makakapatay yata ako sa sobrang selos ko ngayon.” Nang dahil sa sinabi niya ay bigla ko na lamang siyang sinuntok sa mukha na siyang ikinawala niya nang malay.

Napatitig na lamang ako sa katawan niyang nakahandusay habang pinagsasampal ko naman ang mukha ko ngayon. Totoo ngang hinalikan niya ako. Tangina, Hermoso. Akin ka na ngayon . Padlock, susi. Itapon sa inodoro.

Chapter 35

Chapter 35

Hindi ko pinapakawalan ang katawan ni Hermoso sa akin. Kanina ko pa siya niyayakap habang patuloy naming binabaybay ang pauwi ng España. May pasa pa rin ang mukha nito pero mawawala din ito. Kasalanan niya rin naman dahil bigla siyang nanghahalik.

“Azalea, mainit.” Hindi ko siya pinansin at mas lalo kong ipinatong ang dalawa kong paa sa mga binti nito. Kanina pa nagrereklamo si Number 2 pero wala na akong pakialam sa kaniya. Pakiramdam ko, tatakasan ako ni Hermoso kapag pinakawalan ko pa siya ngayon.

“Bibitawan lamang kita kapag kinasal na tayo,” bulong ko sa kaniya na siyang ikihiyaw ko sa sakit dahil kinurot na naman ako nito sa tagiliran. Napakabayolenta talaga neto. Mali pa yata ang naging desisyon ko.

“Para namang legal ang kasalan dito—at bakit? Sino bang magiging pari natin? Si appointed son of god?” Isiniksik ko na lamang ang noo ko sa balikat nito. Nakaligo naman na ito kaya amoy baby jonson power na siya. Para talagang bata ang amoy nito kahit na ngayon ko lang ito naamoy. Karaniwan kasi pangmalakasang panlalaki talaga ang amoy nito.

“Baliw, ayaw mo lang akong pakasalan. Nagpropose ka naa nga sa akin,” biro ko pa sa kaniya na siyang ikinahigpit naman nang pagkakahawak nito sa akin. Parang ngayon lang din sumagi sa isipan niya na ginawa niya na nito noon dahil baliw na baliw ito sa akin. Ngayon mukhang baliktad na nga ngani.

“Sige kapag ako nabwisit sa’yo, itatapon kita dito sa kahabaan ng NLEX.” Inamoy ko na lamang siya at pilit na pinapatahan ang kasiyahan sa dibdib ko. Hindi ako makapaniwala na kami na. Parang kailan lang kung makaayaw ako sa kaniya at ngayon siya naman.

“Overnight ako sa condo mo.” Humarap pa ako sa kaniya na siyang ikinamulat niya ng mga mata. Para nitong tinatanya ang mukha ko kung seryoso ba ako sa sinabi ko.

“Sunduin kita?” Umiling lamang ako dahil ang kapal naman ng mukha ko kung pati ang kalandian ko sa kaniya ay siya pa ang mag-eefort. Masiyado naman yata akong sinuswerte sa buhay.

“Wag na, ako naman nagpresintang pupunta.” Ngumiti lamang ako sa kaniya at parang ang bilis ng oras kahit na kakaidlip ko pa lamang. Nagpungas pungas ako habang inuunat ang mga kamay ko.

“Mabigat ba ko?” pagtatanong ko matapos akong umayos nang upo. Umiling lamang ito na siyang ikinaikot ng mga mata ko. “Sinungaling.” Mabilis ko siyang tinampal sa binti nito na siyang ikinadaing niya. Tumatawa lamang ako habang pilit ako nitong pinapahinto sa pagiging marahas ko sa kaniya.

“Az!” Naghuling palo pa ako sa kaniya bago ako tumakbo palabas ng bus na sinakyan namin. Kaya rinig na rinig ko ang atungal nito sa akin. “Gaganti ako sa’yo, tignan mo!”

Nang makababa ako, ramdam ko na nandirito na nga kami sa Maynila. Alam na alam mong nandito kana kapag iba na ang ihip ng hangin. Pero pakiramdam ko, hininga talaga ni Number 2 ’yun dahil kanina pa siya nakikisingit sa yakapan namin ni Hermoso kaya kumapit ang amoy nito sa ilong ko.

“Ingat.” Dahil mapilit si Hermoso ay siya na ang naghatid at sundo sa akin para makapunta sa condo unit nito. Para naman akong mayaman sa ginagawa nito. Mukha pa nga akong tanga kakacheck ng sasakyan niya dahil parang napakatagal na nga noong huling pasok ko rito.

“Nagdala ka ng babae rito?” Nakataas pa ang kilay ko sa kaniya habang nagmamaneho ito ng sasakyan niya. Imbento ko lang talaga iyon dahil ang sarap niyang asarin— asar talo, amputa.

“Pauso ka, bading.” Inis na salita nito sa akin. Natawa naman ako sa sinabi nito at isinandal na rin ang uluhan ko sa may bandang window.

“Thank you,” bulong ko lamang habang nakatingin naman sa daan papunta sa España Blvd kung saan itinayo ang condo unit nito.

“Cuddle?” Napatingin ako kay Hermoso na nasa tabi ko na habang nanonood kami ng isang series. Napakunot noo naman ako at inilapag niya si Mary Grace Piattos. Tumayo ako hanggang ako na ang tinitignan nito ngayon.

Kasalukuyan kaming nandito sa kwarto niya at ngayon ay nakapamaywang na sa kaniyang harapan kahit na gusto ko lang magpa-baby sa kaniya. “Dapat kanina pa.”

Wala na rin akong nagawa at mabilis naman akong umupo sa tabi nito at isiniksik ang sarili ko sa balikat nito. Ang sarap ng amoy ng katawan nito. Malayong malayo sa kulob na naaamoy ko kapag maliligo na ang mga kasamahan ko sa basketball. Parang lagi kang mapapalaban sa kanila kahit na kakatapos pa lamang ng laro.

“Sleepy?” Umungol lamang ako bilang sagot sa kaniya at mas dinama pa ang yakap nito. Ganoon din ang ginawa niya sa akin at mas lalo pa ako nitong niyakap ngayon.

“Sa tingin mo mapipili ako sa susunod na camp?” Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi sa kaniya ang bagay na ’to, pero ilang beses na rin kasing sumasagi sa isipan ko kung hanggang kailan ako sa paglalaro ng basketball. Kahit sabihin ko na madadaan naman sa kondisyon at kung aaaraw arawin mo ang paglalaro, pero iba kasi kapag alam mong titingin sa’yo ang ibang tao.

“Yung totoo?” Inikutan ko lamang ito ng mata. Para namang may pakialam ako kung malaman ko ang kasinungalingan ngayon. At ayoko namang marinig iyon.

“Malamang!” Humiwalay ako sa yakap ko sa kaniya at tinitigan ito na halos maduling na kami sa isa’t isa sa sobrang lapit naming dalawa. Amoy na amoy ko na rin ang hininga nito na tiyak kong ilang minuto lamang mula ngayon ay susunggabin ko ang bibig nito na tinitiyak kong mabubugbog ito sa halikan naming dalawa.

“I have no expectation from you, Az.” Napahigit naman ako sa hininga ko dahil sa sinabi nito. Parang may sumuntok sa dibdib ko na ewan sa hapdi na lumandas mula rito.

“Ba-bakit?” Kinagatan ko ang pang-ibabang labi ko na tiyak kong nararamdaman din nito ang nagbabadyang luha mula sa akin. Iba pala kapag sa iba mo marinig na ang pangarap mo ay malabo mo nang makamtan.

Hindi muna ito nagsalita. Tinitigan ako nito at ngumiti nang pilit pagkatapos. Kinuha rin nito ang isang kamay ko na siyang malaya kong binigay. Parang kapag narinig ko pa ang sinabi nito, hindi ko alam kung paano ako tatahan at ititikom ang bagay na ayoko ring marinig mula sa kaniya.

“Sports is not something na pwede mong balikan, ano mang oras, Az.” Huminga ito nang malalim at naramdaman ko pa ang paghigpit nito sa pagkakahawak sa kamay ko bago nito ipagpatuloy ang sasabihin niya sa akin. “Hindi lahat ng oportunidad ay mabubuksan sa pangalawang pagkakataon.” Napalunok naman ako ng laway sa narinig ko sa kaniya.

“The reason why they ask you to be there dahil gusto kitang makitang maglaro, Az. I ask them to give you an opportunity kahit maging bench warmer ka lang sa team.”

Napahinto naman ako sa sinabi nito. Tinitigan ko ulit siya kung nagsasabi ba siya ng seryoso pero wala kang mababakas na kahit ano mang uri ng kalokohan sa mukha nito.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga sinabi nito. Parang kapag pipiliin kong magalit ay tiyak kong ang relasyon naman namin ang mapupurnada at kapag pipiliin ko namang kimkimin, alam kong magiging problema ito sa relasyong binubuo pa lamang naming dalawa.

Hinigit ko ang kamay ko sa kaniya na siyang ikinataka nito. Bago pa siya magsalita ay mabilis ko na siyang niyakap at sinubsob ang uluhan ko sa leeg niya habang nakakuyom ang mga kamay kong nakayakap sa kaniya.

Ramdam ko na ang panginginig sa boses ko, tanda nang paglandas ng mga luha sa aking pisngi. Naramdaman ko pa ang pagyakap nito sa akin nang mahigpit habang inahayaan ako nitong umiiyak sa balikat nito.

“Pasensiya kung pinangunahan ulit kita,” huling sailta nito habang nagsisimula na akong humikbi. Malalalim na rin ang paghinga ko habang pilit kong dinadama ang katotohanan sa dibdib ko.

“Kaya kung iiwan mo ako ngayon, maiintidihan ko. Pero ang iwan mo ang paglala—” Hindi ko na siya pinatapos at mabilis akong humiwalay sa kaniya at hinalikan ito sa kaniyang labi.

Marahan lamang ang paghalik ko. Hindi mabagal at hindi rin mabilis. Tamang tama sa mga rumaragasang luha na patuloy na lumalandas sa aking pisngi. “Salamat,” sagot ko sa kaniya habang ibinalik ko ang pagyakap ko nang mahigpit sa kaniyang katawan.

Masyado nang malawak ang kaisipan ko para iwasan pa siya sa isang bagay na alam kong gagawin ko rin para sa ikakasaya at ikakaunlad niya at ng mga taong malalapit sa akin.

Natutuhan ko rin sa buhay na hindi masamang pangunahan ang mga bagay bagay. Hindi masamang tumanggap ng pagkatalo. Hindi nakakasira sa sarili ang paglunod sa mga prensipyong ating isinasabuhay—hindi masamang ipaubaya ang ating sarili sa taong mahal natin nang buong puso.

Chapter 36

Chapter 36

Hindi ko maikakaila na marami nang nagbago sa relasyon namin ngayon ni Hermoso. Hindi ko na rin namin binuksan ang usapin sa paglalaro ko dahil sa tingin ko ay wala namang saysay kung magalit pa ako sa kaniya.

Alam ko sa simula pa lamang nang iwan ko ang grupo, nagkaroon na nang agam agam ang mga kasamahan namin kung tatagal pa ba ako na kasama sila sa paglalaro. Hindi naman na ako nagrereklamo kahit na halos limitado lamang ang ilang training na napupuntahan ko.

Sabi nga ni Hermoso, “Ienjoy ko lang ang paglalaro.” At gagawin ko ’yun dahil alam kong masaya ito kapag nakikita niya akong humahawak ng bola. Sabi ko nga sa kaniya, ibang bola naman hawakan niya. Kaya ayun, ilang araw ko siyang sinuyo dahil doon.

“Okay na ba?” Nakabusangot lamang akong nakatingin kay Hermoso dahil kung kanina ay masaya pa ako. Ngayon ay parang gusto ko na siyang hilain palabas para makapunta na kami sa venue para sa pinning, lightning, at white clothing para sa internship nila ngayong taon.

“Isa pang tingin mo sa salamin, hahalikan kita,” pagbabanta ko sa kaniya na siyang ikinangisi niya lamang at muli na namang nanalamin. Dahil sa pagkaaburido ko sa kaniya ay mabilis ko siyang hinila at hinalikan nang mariin sa kaniyang labi na tiyak kong iyon na ang papalit sa ilalagay kong lipstick sa kaniya.

Napangiti lamang ito at wala na itong magawa nang bumaba na kami at tinahak na namin ang kahabaan ng Espańa. Mabuti na lamang malamig ang sasakyan nito kaya hindi ka magmumukhang liempo sa butil ng pawis sa katawan mo. Lalo na siya dahil formal na formal ang suot nito.

“Tinawagan mo na si Papa?” Ang kapal kong tawagin ang tatay niya kahit na hindi ko pa siya nakikita. Hindi naman ako kinakabahan dahil yakang yaka naman ni Hermoso na ipaglaban ako dahil kung hindi, siya ang ishoshoot ko sa ring kapag nagsimula na ang season namin sa UAAP.

“Lakas naman, kapag hindi ko narinig ’yan mamaya, tignan mo.” Ngumisi lamang ako sa kaniya at pangiti ngiting nakatingin sa kalsada. Kasama naman nito ang nanay niya na tiyak kong tutol na magkajowang lalaki ang anak niya. Wala naman na siyang magagawa dahil ako na ’to.

“Good morning po,” salita ko. Napatingin naman ako nang masama kay Hermoso nang humagikghik ito na parang masaya pa siyang nasa ganito akong sitwasyon. Kapag talaga pinakilala na kita sa pamilya ko, Hermoso, tignan natin kung makangiti ka pa sa mga gagawin kong kalokohan sa harapan nila.

“And you are?” Pilit na ngiti naman ng tatay nito sa akin.

“May boyfriend, Dad, Azalea, Az for short.” Napalunok naman ako ng sarili kong laway sa sinabi nito at inakbayan pa ako nito na siyang ikinapula ng mukha ko sa nararamdaman kong tensyon ngayon. Ramdam at dinig na dinig ko na ang pagkalabog ng dibdib ko na parang hindi ko na naririnig pa ang usapan namin ngayon.

“Oh, good morning.” Kinamayan ko naman ito at nag-usap pa sila bago kami umakyat sa mga benchers na nakalaan para sa amin. Tanging tango lang ang ginagawa ko kapag kinakausap ako ng tatay nito. Ganito pala ang feeling ng pinapakilala—para kang nasa job interview sa sobrang kaba. Kailangan bang maipasa ko ’to para masabi kong kami na talaga ni Hermoso. Sa nakikita ko kasi sa facebook, kahit legal na ay gumagawa pa ng kalokohan sa relasyon nila. Pero tignan natin kung gagawin nga ito ni Hermoso dahil hindi na siya makakalabas pa ng buhay.

Ngayon naman ay para akong na-hot seat sa lagay ko nang hindi oras. Mabuti na lamang ay ilang minuto lamang ay nagsimula na rin ang programa. Kaya pwedeng hindi na ako sumagot sa mga tanong ng tatay nito. Para kong kinuwento kung paano ko kinukupal ang anak niya dahil sa kakahabol sa akin. Tinatawanan lamang ako nito kaya pakiramdam ko nasisiyahan siyang nahihirapan ang anak niya.

Nang magsimula ang programa ay para akong nasa alapaap sa saya sa nararamdaman ko ngayon para kay Hermoso. Alam kong maraming bagay pa kaming kailangan malaman sa isa’t isa, pero alam kong mapupunan iyon ng panahon.

Dadating din kasi ang oras na ikukwento ko sa mga anak naming dalawa kung gaano kami kabaliw sa isa’t isa para sa pag-ibig na hindi man tanggap ng nakakarami, at least… madumi pa rin ang Manila Bay.

Ilang minutong nagpatuloy ang program nang dumating naman ang nanay ni Hermoso. Tanging ngiti lang ang isinagot ko patapos ako nitong ikutan ng mata. Hindi ko na ipinilit pa ang sarili ko dahil hindi naman siya ang kasama kong matutulog kapag naging mag-asawa na kami ni Hermoso.

Napapailing na lamang ako sa mga iniisip ko habang patuloy namang tinitignan ang ilan sa mga taong sinusuotan na ng white coat para sa kanilang mga anak. Kaya sinabihan ko na ang magulang ni Hermoso na pumunta na sa pila dahil kung hindi ay ako na ang magiging magulang ng kanilang anak.

Balak pa sana nil;ang mag-away pero pinigilan ko na sila dahil mas mahalaga na makapunta silang dalawa roon. Unahan ko pa sila kapag hindi pa sila nakinig sa akin.

“Hermoso, Cedric Jerome.” Kahit gusto kong tumalon dahil sa saya nang tinawag na ang pangalan nito ay pinilit kong huwag gumalaw dahil sa angulo ng kamera na kinukuhanan ko. Ayoko namang pangit siya kapag papanuorin na namin ito kapag nasa point na kami ng buhay namin kung nasasaan na ba kaming estado at kung paano kami nagsimula.

Nakangiti lamang ako habang sinusuotan na siya ng white coat ng magulang niya. I know na may hindi sila pagkakaunawaan, but seeing him na kasama pa rin ang magulang niya, it makes me realize kung gaano ko na rin namimiss ang mga magulang ko at kapatid ko kahit na kakatawag ko pa lamang sa kanila kahapon.

Pinunasan ko na ang sarili kong luha matapos silang bumaba. Nakangiti lamang akong binabaybay ang pwesto nila at parang naiisip ko na ganito ang magiging buhay namin ni Hermoso na sabay din naming susuotan ng medalya o kung ano mang uniporme or kapa ang mga magiging anak namin.

“Congrats!” Niyakap ko nang mahigpit si Hermoso. Parang lahat ng enerhiya ko ay gusto kong ipasa sa kaniya para sa araw na ito. Niyakap din ako nito nang mahigpit at napatawa na lamang ako nang binuhat ako nito. “Sira!”

“Mahal mo naman.” Hinalikan naman ako nito sa labi nang mabilis bago ako nito ibinaba.

Napatingin pa ako sa paligid pero parang may sarili din silang mga mundo. Umalis na rin ang magulang nito dahil may mga trabaho pa sila na hindi naman na pinigilan ni Hermoso.

Mukhang masaya naman siya sa desisyon ng magulang niya dahil kung makahila siya sa akin ay parang wala na akong buto sa katawan sa sobrang excited niya nang umalis.

Mag-aalas sais na nang makauwi kami sa condo unit nito. Mabilis din kaming nagbihis at lumarga ulit dahil magbabar kami ngayong dalawa. Pangarap pala ni Hermoso na bago pa niya lunurin ng mga pasyente niya ay gusto niyang maramdaman ang pagiging isang lasenggero.

“Kapag hindi ka nalasing ngayon, tapos na tayo.” Napaigik ako nang dambahin ako nito kasabay nang maingay na musika sa paligid naming dalawa. Ginagalaw galaw rin namin ang mga katawan namin base sa tugtog ng musika.

“Tapos na tayo? Sinong nagsabi?” Napatawa naman ako habang pilit ko siyang inilalayo sa akin. Para siyang baliw sa pinagsasabi nito kahit na wala naman akong sinabing ganoon.

“Sabi ko, tapos na tayo rito. Kaya doon tayo!” Mabilis ko siyang hinila sa gitna kung nasa saan ang napakaraming mga tao. Nagtatawanan kaming dalawa habang patuloy na naglalakad. Hindi na namin napansin ang ibang taong nabubunggo namin dahil katulad nila ay nasa ulo na nila ang alak.

“I have never imagined being here with you, Azalea!” Malakas na salita ni Hermoso sa akin/

“Anong imagine? Nandito ka na nga tanga!” Pang-aalaska ko sa kaniya.

Napatili na lamang ako nang binuhat ako nito at mabilis na tinapon tapon pataas. “Tanga pala, ah!” Natatawa lamang ito habang patuloy pa rin akong itinatapon pataas. Kaya nang matapos ito ay halos sakalin ko na siya sa inis.

“Hermoso!” Napapikit lamang ito habang natatawa sa pagkakakapit ko sa kaniya. Ang kaninang sakal ay naging marahan na at parang kusa na lamang gumalaw ang mga katawan namin sa napakabagal na seremonya ng sayaw.

“This is the best coathing ever!”

Nakangiti lamang ako habang nakakapit sa katawan ni Hermoso. Parang sapat na ito para damahin ang katawan ng bawat isa sa napakalamig na aircon na nakatutok pala sa pwesto namin.

Napadilit naman ako nang nakawin ako nang halik ni Hermoso. Parang bumabalik ako sa mundo na sana hindi ko na hinayaan pang patagalin ang torpe kong puso’t isipan.

“I love you, my basketball player and future doctor, Cedric Jerome Hermoso.”

Sa iba’t ibang ilaw na nakapalibot sa amin, sa mga taong kasabayan naming sumayaw, sa ingay at tunog ng kapaligiran, parang katahimikan at kapanatakan lamang ang mayroon kami ni Hermoso.

Hindi na rin ako nakatiis at hinalikan ko na rin ito. Narinig ko pa ang sigawan ng mga tao pero ang malalambot lamang na labi ni Hermoso ang tanging nakapukaw ng aking atensyon.

“Mahal na mahal kita, Azalea.” Nakangiti ito sa akin nang maghiwalay ang aming mga labi. “Kahit kupal ka.” Kasabay nang pagngisi nito ay ang pagguhit naman ng sakit sa mukha niya nang kagatin ko na ito sa braso. Panira kasi ng moment.

Chapter 37

Chapter 37

Napasinghap ako nang hilain ako ni Hermoso papasok ng banyo ng bar na pinuntahan namin. Rinig na rinig mo na ang halinghing ng mga taong uhaw sa katawan. Hindi ako makapaniwala na rito pa kami aabutan ng sarili naming mga init sa katawan.

Napapikit ako nang halikan ako nito sa labi. Ramdam ko na ang hilo na galing sa alak na ilang beses kong ginawang tubig. Gumanti rin ako nang halik sa kaniya kahit hindi ko alam kung anong klase ng halik ang ginagawa ko sa kaniya ngayon. Parang ang purpose lang kaya hinalikan ko siya ay dahil hinalikan ako nito.

Napaungol ako nang sipsipin nito ang dila ko na parang inaangkin na niya talaga ito. Hindi ako makaganti sa kaniya kaya nakanganga lamang ako habang patuloy nitong ginagawa ang gusto niya sa bibig ko.

“Je-Jerome…” Gusto ko siyang ipatigil sa ginagawa niya pero mas idiniin niya lamang ang ginagawa niyang paghalik sa akin. Parang ginagalukad kaagad nito ang bawat sulok ng bibig ko. Parang kulang na lamang ay ubusin nito ang laway ko sa katawan.

Napahiwalay kami sa isa’t isa nang maubusan na talaga kami ng hangin. “Az, hindi ko na kayang pigilan pa.” Isinandal nito ang mukha niya sa mukha ko kaya naduduling akong tignan siya. Napapikit ako habang hinahabol ko naman ang hininga ko katulad niya.

“Kung saan tayo abutan, edi abutan. Parang kasalanan pa na ginagawa natin ito.” Kinuha ng kamay ko ang tela ng damit niya at mas idiin pa ang malaking katawan nito sa akin. Muli ko siyang hinalikan sa labi na parang gusto ko nang angkinin ang mga labi nito.

“Just do it, Hermoso.” Dinilaan ko ang bawat sulok ng ngipin nito bago ko siya iduldol sa leeg ko. Napapikit na lamang ako nang magsimula niyang halikan ang leeg ko. Napapakagat labi pa ako kapag sinisipsip nito ang balat ko na tiyak kong isinisigaw ko na ang pangalan nito kung hindi ko lamang pinipigilan ang mga ungol ko ngayon.

“Nababaliw na ako sa’yo, Azalea.” Humiwalay muna ito sa akin at kinuha ang manggas ng aking damit. Tinulungan ko siyang tanggalin ang damit ko at nang matapos ay tumingin lamang ito sa katawan ko.

Ngumiti ako sa kaniya habang pinasadaan ng kamay ko ang malambot nitong buhok. Hindi ako makapaniwala na mapapasaakin ang taong pilit kong inilalayo sa akin nang matagal. Parang kapag pinakawalan ko pa ito ay tiyak kong pagsisisihan ko na talaga habang nabubuhay ako.

“I love you, my Hermoso.” Muli nitong sinakop ang bibig ko na siyang halinghing lamang ang naging tanging tugon ko. Napapapikit naman ako sa kiliting bumabalot sa akin nang magsimula ulit itong humalik sa leeg ko.

Napadilat naman ako nang hawakan nito ang dibdib ko. Ngumiti lamang ako sa nakatinging Hermoso sa akin bago nito lasapin ang pantay na pantay na dibdib ko. Napapasabunot na lamang ako sa kaniya at hindi makapaniwala na nasa ikalawang base na kami. Kung sa basketball ito, tinapos na namin ang unang laro bago pa magkaroon ng half court sa laban.

Napatingala na lamang ako nang sipsipin na nito ang utong ko habang nilalamutak naman ng isang kamay niya ang isa ko pang dibdib. Hindi ako makapaniwala na ako ang pagseserbisyohan sa langaran at usaping panswekswal at hindi ko ikakahiyang hinahayaan ko lamang ang isang lalaki na gawin ito sa akin. Sabi nga nila, kung mahal mo ay sasakyan at pagbibigyan mo.

Nang tumigil ito ay tumingin ako sa dibdib ko na pulang pula na dahil sa ilang ulit nitong pagsipsip at paghimas himas. Parang nabuhay si Edward Cullen sa klase nang paghalik nito sa katawan ko.

Napahawak ako sa kamay nito nang makuha ko ang ninanais nitong gawin. Napaiiling ako sa kaniya na parang natauhan sa siwasyon naming dalawa. “Hin—” Huminga ako nang malalim bago ko siya sagutin sa mga lumulukod na tanong sa isipan nito. “Nahihiya ako, Jerome.”

Napapikit ako at pilit na iniyuyuko ang mukha ko mula sa pagkakatitig nito sa akin. Ilang segundo lamang mula nang sabihin ko iyon ay naramdaman ko ang kamay nitong humawak sa panga ko para pantayin ang tingin naming dalawa.

“Azalea, tignan mo ’ko.” Kahit ayoko siyang sundan ay ginawa ko ang ninais nitong ipagawa sa akin. Tumingin ako sa kaniya na parang humihingi nang paumanhin sa ginawa kong pagpapahinto sa makamundong gawain sinimulan naming dalawa.

“Kung hindi ka pa handa, Azalea. Okay lang naman.” Hinalikan ako nito sa tungki ng ilong ko at parang namula naman ako sa ginawa nito. Kahit nahihiya ako ay pilit ko pa rin siyang tinignan kahit na nalulusaw na ako sa klase ng tingin na ibinibigay nito sa akin.

“Pwede naman siguro kahit nakapantalon pa rin tayo.” Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko sa suhesyon na alam kong ikinapupula pa lalo ng buo kong mukha.

Umiling lamang ito na para bang hindi sang-ayon sa suhesyon ko pero ilang sandali lamang ay napangisi na lamang siya sa akin.

Iginaya ko ang katawan ko sa ibabaw ng tank ng toilet bowl. Kaya napatingin ito sa akin. Ngumiti ako sa kaniya na parang wala akong pagsisisihan sa gagawin naming ito. “If there’s a hole, there’s a way.” Napatawa kaming dalawa dahil sa sinabi ko at nang inilapit na nito ang katawan niya sa akin, alam kong wala na kaming takas sa apoy na sinimulan naming dalawa.

Ramdam ko ang bukol nito na nakadampi rin sa gitnang bahagi ng katawan ko. Pulang pula ang mukha ko, hindi na dahil sa hiya, kundi sa init na nararamdaman ko sa tagpong ito. Hindi ako makapaniwala na ang unang karanasan ko ay loob pa ng banyo sa bar na una naming pinuntahan.

Naramdaman kong gumalaw ang katawan nito kaya naman kinuha ko ang mukha niya at muli itong hinalikan. Dahil na rin nakahawak ang kamay niya sa dingding ay malaya kong naigagala ang dila ko sa loob ng bibig nito.

Kahit may suot kaming pantalon ay ramdam na ramdam ko ang mga kargada naming dalawa. Parang naglalagkit ang mga parteng iyon sanhi na rin siguro ng paunang katas na pilit kumakawala sa aming dalawa.

Napatigil ako sa paghalik sa kaniya para humawak naman sa katawan nito. Napapalakas ang pagkiskis ng katawan niya sa akin kaya ramdam ko na ang delubyong tinatahak naming dalawa.

Napapahaling hing ako at parang kusa na lamang gumalaw ang katawan ko para ikiskis din ang sa akin sa kaniya. Kahit may nakatapal sa pagitan naming dalawa, parang ramdam din namin ang pagkalalaki ng bawat isa sa mga katawan namin.

Mula sa sakit dahil sa tayong tayong pagkalalaki namin na hindi namin inilabas at ikinulong lamang sa aming mga pantalon. Pero parang nakadagdag pa ito sa init na ipinapadama namin sa isa’t isa. Nagbabaga at nakakapaso ng sobra.

Kaya naman ilang minuto lamang ay napaungol na ako nang malakas nang labasan na ako. Hinayaan ko lamang si Hermoso na ipagpatuloy ang ginagawa niya habang nakatingala lamang ako sa labis na kasiyahan.

Ilang minuto lamang ay naramdaman ko na ang pagkabasa sa pagitan ng mga hita ko na tanda na nilabasan na rin ito. Iniyakap ko lamang ang mga kamay ko sa kaniyang leeg at mula roon ay muli naming pinagsaluhan ang tamis ng aming mga labi.

Parang kulang na kulang pa ang ilang minutong init sa tagpong aming pinagsasaluhan. “Tangina, buti na lang mga lalaki tayo.” Napatawa na lamang kaming dalawa habang iniisip ang mga posibilidad na maaring mangyari kung ang isa sa amin ay tunay na babae at nabuntis.

“Ayaw mo nun, my litte Hermoso ka na.” Pagak naman itong tumawa na halos makita ko na ang ngalngala niya lalo pa’t napakalapit namin sa isa’t isa.

“Sira, baka your little Azalea.” Ako naman ang tumawa nang malakas. Natigil lamang ang tagpong iyon nang may kalabog na ng ibang tao mula sa cubicle na pinaglalagyan namin. Nagkatingan lamang kami ni Hermoso habang pilit na isinisiksik ang mga sarili sa jacket na dala naming dalawa.

“Nakakahiya.” Kasabay nang mahigpit na paghawak ko sa kaniya ay ang pagtakbo namin sa aming mga responsibilidad. Kasama na rin dito ang pagngiti namin sa mga bukas at posibilidad pang mangyari sa relasyon naming dalawa.

Chapter 38

Chapter 38

Ilang buwan na rin kaming nagsasama ni Hermoso. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakakaya namin na ipagpatuloy ang relasyong sinimulan namin kahit na ilang beses lamang kaming magkita sa isang linggo. Kung magkita man ay ilang oras lamang iyon.

“Ready na ba boys?!” Tumayo ako habang nagsisipuntahan naman ang kasamahan ko sa harapan. Kaya nasa dulo na naman ako. Hindi na ako nagrereklamo dahil kahit bangko ako, kailangan ko pa ring sumunod.

Nakikinig lamang ako habang nagsisimulang magsalita ang coach namin. Malapit na rin ang semis kaya pinapaalalahanan kaming lahat sa mga error na ginagawa namin. Tumatango tango lamang ang iba habang ako naman ay nakatitig sa hawak na board ni Coach.

Hindi ko mainuha bakit nasasaktan ako na wala ang pangalan ko roon. Parang kahit anong gawin kong pagpapakitanggilas ay hindi ako mapapabilang sa mga numberong nakapalibot sa hawak nito.

Nagsimula ang laban habang dala-dala ko sa isipan ko ang mga bagay na pilit ko nang binabaon sa limot at sa isipan ko. Lagi kong sinasabi na ayos lang na hindi ako makapasok kahit isang beses sa laro basta’t panalo pa rin kami. Na kahit laging nasa side na lamang ako ay masaya pa rin ako at patuloy na susuporta sa mga kasamahan ko dahil ang oportunidad ay oportunidad pa rin.

Pero habang tumatagal pala, mas lalo ko lamang napagtatanto na mabibilang lamang sa kamay kung ilang beses akong ipasok at kung ipapasok man sa loob ay ilang minuto lamang sa buong larong aming pinuntahan.

Napakagat labi ako habang pilit na inaalis sa isipan ko ang bagay na ito. Kaya nang hindi na naman kami manalo sa laro ay buryong buryo na naman ang mga mukha ng management na humahawak sa amin. Minsan ko na ngang narinig na sayang lang daw sa endorsment ang iba sa amin na kung tutuusin wala naman kaming ambag na puntos kapag lalaban na kami sa ibang school.

Nagbanyo muna ako dahil nararamdaman ko na naman ang sakit ng tiyan ko. Kalimitan ko ring tiniis ang gutom dahil sagad na sagad na ang perang mayroon ako. Hindi naman ako makahingi dahil alam kong hirap na hirap din sina mama sa akin at sa buhay nila roon.

Habang nasa loob ako nang cubicle ay isa isang na namang sumasagi sa isipan ko ang maraming bagay. Kung sana hindi ko na lamang ipinipilit ang kagustuhan kong ipagpatuloy ang paglalaro ay sana hindi ako naghihirap sa ngayon—na wala ako sa sitwasyong ganito.

Sa tagal ko nang nakaupo at wala pa ring lumalabas ay naisipan ko munang magscroll sa social media. Lagi kong nababasa sa mga facebook page ang mga komento tungkol sa mga kasamahan ko na ang babano raw kung magshoot ng bola. Parang bakla kung makapagdepensa. Lahat na yata ay nabasa ko na pero ni isa doon ay hindi ko makita ang pangalan ko.

Napakagat labi na naman ako at habang nag-aayos na palabas ng cubicle ay narinig ko ang boses ng mga kasamahan ko. Kung may bagay man na malakas sa kanila maliban sa maisim nilang katawan ay ’yun ay ang mga boses nilang buong buo pa sa paminta.

“Gagraduate ka na this year ’di ba? May kukuha na ba sayo sa pro?”

“Meron nang kumukuha sa akin, pero ’di pa sure dahil kailangang manalo muna daw ako kahit isa. Kaya maganda ’yung sinasabi nila sa’yo na lumipat ka ng ibang school kung gusto mong magpro para may sponsor ka kaagad.”

“Magaling ka naman at saka maganda ang sistema rito. Dikit lang nang dikit kay Coach.”

“Gago, hindi ka naman ilalakad ng management sa pro league. Kaya mas magandang lumipat ka na ng school, UP, Ateneo, o La Salle. Sila pa lalapit sa’yo, sure ball ’yun.”

“Bilisan mo, tagal mong umiihi.” Salita at boses na aking naririnig.

Pagkalabas nila ay naghilamos muna ako. Pag-angat nang uluhan ko ay nakita ko ang kabuuan ng katawan ko pati na rin kung paano ko tignan ang aking sarili sa salamin.

Manalo, matalo—halos sa amin ay titigil na sa mga pangarap naming maging isang sikat na basketbolista. Babalik na kami sa reyalidad na kailangan naming magtrabaho para kumita ng pera.

Napangiti ako sa sarili kong repleksyon. Hindi ko pinagsisisihan na muli akong bumalik sa paglalaro. Hindi man ako gaanong nagagamit ay masaya na ako. Huling taon ko na rin naman ito bago ko isabuhay ang bagay na tinatapos ko ngayon.

Hindi ko man aminin, sabihin ko mang ayos lang sa akin, alam nang sarili kong hindi talaga sa akin ang larangan ng basketball. Ito ang bagay na pinakakaisipan ko ng mabuti.

Napakagat ako sa tinapay na kinakain ko habang hinihintay ko si Hermoso para sunduin ako. Matigas ang tinapay parang kinulang pa sa masa. Tinipid pa sa asukal dahil siguro sa inflation ngayon. Parang kapag ishoshoot ko ito sa ring ay hindi makakapuntos dahil kinulang sa rekado. Madaling salita, sayang sa pera.

Inilagay ko muna ang tinapay sa gilidan ko at uminom ng tubig. Parang mamatay ako kakalunok kapag hindi pa ako uminom. Huminga ako nang malalim at tinignan ang nag-aagaw na dilim na kalangitan at muling inisip ang kakahinatnat ko sa aking pagtatapos.

Isa’t kalahating taon na lamang ay magtatapos na ako. Hindi na ako makakapaglaro. Kung makapaglalaro man ako ay sa mga kalsada at barangay na lang namin. Pero kahit na ganoon, hindi ako nawawalan ng pag-asa lalo pa’t maraming oportunidad ang nagbukas sa akin sa pag-aaral ko sa kolehiyo.

Isa na roon ay ang pagmamasa ng tinapay. Hindi ko alam pero ang sarap amuyin ng bagong lutong tinapay. Naalala ko na naman na kahit kulang ako sa tulog ay masaya pa rin akong nagtatrabaho, nagmamasa. Ito yata ang sinasabi nilang kung mahal mo, akbayan mo.

Dahil kahit saan ko ilinya ang sarili ko, alam kong hindi na talaga para sa akin ang paglalaro. Na may katapusan ang pangarap ko para sa linyang ito. Na may ibang bagay pang mas malaki na para sa akin lamang. At pakiramdam ko, masaya na akong nakikitang iba ang kumakuha sa mga pangarap ko sa buhay.

Natutuhan ko rin ngayon sa buhay na kahit hindi mo man naabot ang tungtungan ng kalangitan ng pangarap mo—masayang hindi ka sumuko at inilaban mo ito hanggang dulo. Kaya wala akong pagsisisihan kung mismong panahon na ang nagpapatigil sa akin ngayon.

Muli kong kinagatan ang matigas na tinapay na kinakain ko. Kung ako ang nagmasa nito, tiyak kong ubos ito isang minuto lamang pagkatapos kagatin. Muli kong tinignan ang hawak kong tinapay. Kahit gusto kong ubusin, hindi na kaya ng ngipin kong nguyain ito.

“Az!” Napatayo ako bigla nang makita ko si Hermoso. Napakamot naman ako sa ulo dahil mukhang kulang na naman ito sa tulog. Kinuha ko ang gamit ko at lumapit na rin sa sasakyan nito.

“Ang tagal mo,” salita ko pagkasara ko ng pintuan ng sasakyan nito.

“May inasikaso lang.” Ngumiti lamang ako sa kaniya habang nagsimula na kaming baybayin ang kahabaan ng Intramuros.

Pumikit ako at muli kong inisip ang desisyon ko para sa pangarap na aking papakawalan. Tama na siguro ang pagpapatansya ko sa buhay, reyalidad na ang kailangan kong harapin.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.