loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
The Unwanted Love of Cassiopeia (Completed)

The Unwanted Love of Cassiopeia (Completed)

ratedxseon · 3 chapters · 2,277 words

The Unwanted Love of Cassiopeia

The Unwanted Love of Cassiopeia  is a work of fiction. Any semblance between original characters and real persons, living or dead, is coincidental. The author in no way represents the companies, corporations, or brands mentioned in this book. The likeness of historical/famous figures have been used fictitiously; the author does not speak for or represent these people. All opinions expressed in this book are the author’s, or fictional.

This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author except for the use of brief quotations in a book review.

[Language: Filipino/English]

Sports Series #3

Kailanman ay hindi sumagi kay Cassiopeia Madrigal ang mundo ng balibol. Para sa kaniya, sapat nang makita ang mga kaibigan niyang minamahal ang larangang ito, at alam niyang hindi aakma ang mundo kung nanaisin niya pang pangarapin ang isang bagay na malabo namang mangyari sa umpisa pa lamang.

Ngunit sa unti-unting pagbabago ng kaniyang mundo, iba’t ibang oportunidad ang magbubukas sa kaniya, oportunidad na magmahal na hindi nagnanais, oportunidad na matutong magsumikap at humakbang nang pasulong, at oportunidad na mabuhay sa mundong alam niyang hindi siya kayang ipaglaban.

Nang makilala niya si Zoren Sullivan, alam niyang hindi siya mamahalin nito. Kalaban lamang ang turing sa kaniya ng taong pinakamahal niya. Ngunit ika nga, bilog ang bola, dahil sa paglisan niya sa mundong hindi siya kailanman naging una, mararanasan niyang habulin ng mga taong hindi na niya ninais pang makita.

Darating kaya ang panibagong bukas kung saan matatanggap niya na, katulad ng larong balibol, kailangan din nating humabol, matalo, at patuloy na lumaban hangga’t may natitira pang segundo at hindi pa bumabagsak ang bola sa atin? Dahil sa larong ito, hindi natatapos ang laban hangga’t may puso, isip, at tapang kang sumalo, tumalon, at muling pumuntos para sa sarili mong mga laban at sa saliw ng bawat buhay.


WARNING: This book is under the category of Boys’ Love. As a result, it contains STRONG LANGUAGE, MENTIONS OF DEROGATORY TERMS, AND GAY RELATIONSHIPS ALL THROUGHOUT.

16+ ONLY

Chapter 01

Chapter 01

Nakabusangot akong nakatingin sa labas at pilit na hindi tinitignan ang mga chat at video call ng mga kaibigan ko. May hiya naman ako pero kasi… basta’t magtiis sila kakahintay sa akin dahil maganda ako. Maganda lang sa picture.

Medyo matagal ang biyahe ko dahil may kalayuan ang court kung saan namin susuportahan ang kaibigan naming si Andrei. Si bakla naman kasi lalaban na lang sa malayo pa, gusto pa kami mag-adjust. Ano kami? Damit? Mga plastik lang naman kami sa totoo lang. Hindi kami gamit.

Hawak hawak ko pa si Cutie Pie sa kamay ko dahil walang magbabantay sa kaniya sa bahay. Kapag iiwan ko naman ito ay baka maabutan pa siya ni papa at gawing punching bag dahil tiyak kong lasing na naman iyon kauwi.

Hindi ko naman masaway dahil sino ba naman ako para sabihan siya kung ano ang tama at mali. Anak lang naman ako —at wala naman akong choice kundi ang sumunod. Kung pwede lang sana… kung pwede lang talaga.

“Meow… meow…” bubulong bulong ng pusang gala na hawak ko. Katulad ko, pwede nang gawing siopao sa lambot ng balat ko. Babaeng babae talaga ako, oo na, aaminan na ako, dati akong dyosa at inulog lang sa langit at ngayon ay maghahasik nang kagandahan sa sanlibutan.

“Shhh. Stop chanting!” pagsasaway ko kay Cutie Pie. Baka kasi mapalayas kami rito sa sinasakyan naming jyip kapag nag-ingay ito. Mahirap lang ako at hindi ako papayag na bababa ako at sasakay ulit. Hindi pwede. Magkakasukatan man kami ng kilay ng asaw ng driver na kanina pa nagpaparinig na hindi ako nagbayad e sa nagbayad na nga ako.

Nakahinga naman ako ng mabuti nang makababa kami. Hindi ko na binilisan ang paglalakad ko papasok ng campus kung saan nila ako aabangan ng mga butiki kong kaibigan dahil kasalanan naman nila kung bakit dito kami sa kasuluksulukan ng mundo.

Mabuti na lamang ay hindi naman tirik ang araw dahil sila ang ipantitirik ko kapag nag-amoy bungang araw ako. Hirap kaya maglaba tapos mag-aamoy suka lang ako—hindi pwede, hindi pwede . Maganda tayo at hindi sangkap sa sinigang na maasim.

Dahil malikot pa rin si Cutie Pie ay ipinasok ko na siya sa bag at baka nakawan pa siya dahil katulad ko, pareho kaming maganda. Sa buhok, talampakan, at pati na rin sa bunbunan namin.

“Assio!” Hindi na ako kumaway nang sigawan ako ng mga kaibigan ko. Ako sisigawan nila? Dapat lang dahil maliligaw ako rito kung hindi pa nila ako tatawagin.

Nang makarating ako sa kanila ay kaagad nilang kinuha sa akin si Cutie Pie. Hindi ko na sila pinigilan dahil masyado namang sinuswerte ang alaga ko kung hanggang ngayon ay papabuhat pa siya sa akin. Para saan pa ang mga paa niya kung hindi niya gagamitin.

Nasa kalagitnaan na nang laban for volleyball girls nang makarating kami sa loob. Kasalanan ko rin naman dahil ang bagal bagal kong kumilos. Ganito siguro kapag tunay kang babae at maganda ka pa, magandang imaleta.

Ilang minuto lamang nang makapasok ako sa loob ay halos matanggal na ang ngala-ngala namin sa pagkakasigaw sa kada pupuntos ang court ng mga kasama namin. Para kaming nagsusuper saiyan dahil ang nag-iiba sa amin ay ang mga boses namin. Para kaming guerrilla kung makasigaw at magwala na para bang wala nang karapatang manalo ang kabilang team.

Mamaya pa naman ang laban nila Andrei kaya dito muna kami at susuporta sa mga bilat naming kaibigan. Swerte nila ’di ba? May battallion silang suporter. Ang problema, nasasapawan namin ang ganda nila. Hindi ko na sinabing walang maganda sa kanila dahil unfair naman na iyon.

Tatalon na sana ako dahil pumuntos kami nang biglang sumigaw nang malakas ang coach ng kalaban naming school. “Over reach!” Para kaming mga inspector sa liit na ng mga mata namin dahil sa kakatingin ng masakit at sing tingin ng isang agila na papatayin na namin ang malakas na sigaw na nangyari.

Bakit? Bakit kailangan mong sumigaw? Wala ka bang kamay at paa para puntahan ang official referee ng match na ’to. Hindi lang ’yun ang nangyari dahil mayamaya pa ay sinisigawan na rin niya ang mga team players niya na ang gagaslaw at lalambot daw nilang kumilos na para bang sa galaw nila ay hindi sila pinapakain ng matino.

Natapos ang labang iyon na kami ang talo pero parang kami pa rin ang panalo dahil wala naman kaming pakialam. Lalo na ako, mukha ba akong lumalaban? Sa buhay—oo, pero dito, hindi. Never. Dahil bubugbugin ako ng tatay ko kapag nagkataon.

“Saan niyan tayo?” Pagtatanong ko sa kanila. Medyo nakakaramdam na rin ako ng init sa katawan. Naglalagkit na rin ako. Para akong kalamay na sobrang sticky ng balat ko. Feeling ko nga kapag natikman ako ay sobrang tamis ko kahit na maasim naman talaga ang kalalabasan kapag magpapatikim ako.

“Wait lang bakla. Maghintay ka, hihintayin lang natin silang mag-ayos. Sasabay tayo sa bus.”

Tumango lamang ako at kinuha na rin si Cutie Pie dahil medyo ayoko namang ngumasim pa siya. Hindi ko sinasabing maasim ang mga kasamahan ko, mukhang maasim lang talaga sila.

Ilang minuto lamang ay may humintong bus sa harapan namin. Well, nasa kalsada kami kaya matik na may bus sa harapan. Magtaka kayo kapag may roro nang dumating sa lupa. Katapusan na ng kagandahan ko ’yon.

Hindi ko na sana papansinin kung hindi lang nagpakita ang isa sa mga kaibigan namin sa bus. Baklang ’to? Nauna pa sa akin makasakay. Ako na maganda? Dapat lang talaga.

Mabilis akong pumasok. Mahirap na at baka wala pang maupuan. Tinulak ko pa nga ang sa tingin ko ay kasama sa naglaro kanina, eme lang dahil nag-excuse naman ako bago ko siya saktan. Ngumiti pa nga ako sa kaniya at naupo na rin pagkatapos. Dahil hawak ko si Cutie Pie hindi ko na napansin na inaaway niya na itong katabi ko—ayokong aminin, mabaho daw talaga ito.

“Sorry po,” inilagay ko si Cutie Pie sa may bandang gilidan ko para hindi niya makita ito. “Ayaw niya po kasi sa paksiw” Halos bulong lang ang sinabi ko kaya confident ako na hindi ako mapapaaway ngayon. Kupal na kung kupal, ganoon talaga ang mundo.

Mabilis naman kaming nakarating at mabuti na lamang dahil mukha silang mga bibe kung kumanta. Parang babagyuhin kami sa klase ng mga tono nila. Hindi ko alam pero napapangiti rin ako sa pagkanta nila. Ganito siguro mga players kapag may laban, may hidden talent silang maging palaka.

“Dala mo kamera mo?” Napatingin ako sa kasamahan ko at ngumiti lamang. Ang tigas pa nang pagkakasabi niya ng kamera na parang singkapal at lapad ng mukha niya. Hindi ko na dinamay kilay niya dahil ayoko nang maging masama at ikumpara pa siya kay Betty La Fea.

Hindi naman ako parte ng campus journo namin pero parang ganoon na rin dahil halos naman sa mga kasamahan ko na naroon ay kaklase ko rin. Masasabi kong runner ako kapag may ganitong mga event. Hindi naman lahat ay gustong maging parte ng isang publication. Mas masaya kayang maglaro kaysa mag-aral.

Hindi pa nagsisimula ang laban nila Andrei pero meron nang nakasalang na isa pa. Napag-alaman ko rin na battle for gold na pala sila. Wala naman na rin akong pakialam dahil hindi naman ako ang lumalaban. Kung magkakapake man ako ay kung paano ko sila kukuhanan ng magandang litrato.

Halos kalahating oras umabot iyon at para bang okay na ako kahit matalo sila sa laban nila. Paano ba naman, hindi man, well, alam ko namang walang budget ang sports ng school namin, pero taena, uhaw na uhaw na ako. Kahit galon lang ng tubig. 30 pesos lang ’iyun. Ngani.

Nagtagal ako sa labas kahit alam ko nang nagsisimula na ang laban. iniwan ko na rin si Cutie Pie dahil may upuan naman doon. Unless, maasim ang hahawak sa kaniya, hahanapin ako nun.

Sinadya kong tagalan ang pag-iistay ko sa labas dahil para hindi na ako pabalik balik pa. Bumili na rin ako ng bottled water dahil hindi naman pwedeng iisa lang ang pinag-iinuman namin. Nakakadiri kaya. Maarte na kung maarte, ayoko lang talaga ang bagay na iyon.

Pagkabalik ko sa loob ay halos sigawan na ang mga tao. Para silang nakawala sa hawla. Kaya parang nahiya ako sa pagwawala ko kanina pero inisip ko na lamang na hindi lamang ako ang kupal kung sumigaw kanina sa loob ng court.

Mabuti na lamang ay hindi ako nagmumura, syempre hindi naman ako binebenta. Kung ibebenta ako, pwede na ako sa sampung milyon. Mga ganoong level ang pagkamahal ko sa sarili ko.

“Assio! Ang tagal mo!” Ngumisi lamang ako dahil wala lang. Bakit bawal bang ngumisi? Dapat ba lahat tayo maging masaya? Walang magiging masaya sa pamilyang ito.

Pagkarating ko sa pwesto nila ay dali daling ibinigay sa akin ang kamera ko. Regalo lang ng adviser ng journo namin ang kamera sa akin kaya parang nakakahiyang tumanggi minsan kapag nagpaparequest sila na maging runner ako sa mga event, inside at outside ng school namin.

Tumungtong ako sa isang upuan para maganda ang pagkakakuha ko. Hindi naman ako katangkaran dahil hello, grade 9 pa lang ako. O sadyang maliliit lang ang mga lahi namin? Hindi ko lang alam kung sa aso ako pinaglihi o kay Mariang Makiling. Ayokong sabihin na ako si Sierra Madre at baka kuyugin ako ng mga kupal online. Baka mapagkamalan pa akong si Fiona.

“Let’s goooo! Zooooren!” Nalito naman ako kung sinong pangalan ang binabanggit nila. Mga kaibigan ko lang halos kakilala ko. Kung mayroon mang iba, ’yun ay may nabuntis o buntis si ganito.

Naisip ko na lamang unang kuhanan ang nagseserve. ’Yun yata ang sinasabihan nila ng Zoren. Pagkaclick ko ng kamera ay parang sadyang dalas nang pagpindot ko sa kung paano ito magserve ng bola. Napakaganda nang pagkakapalo nito. Ramdam mong may ibubuga kung itatapat ito sa mga nasa kolehiyo na. Kaya nang makapuntos ito sa serving line ay halos sumigaw ako sa mura. “Putangina! Ang galing mo kung sino ka man!”

“Hindi pa kita kilala pero mahal na yata kita!” malakas na sigaw ko ulit kahit na mukhang baliw na ako sa lagay ko ngayon. Parang nawala nga nang sasay ang talagang pakay ko ngayon.

“Go, go, go!”

“Isa pa, Zoren!” Rinig na rinig ang pagsigaw ng mga tao na tiyak kong siya nga ang tinutukoy nila.

“Masarap ka na, magaling ka pang umasinta ng butas!”

Mabilis akong napatingin sa kung sinong sumigaw na iyon, hindi ko lang natukoy dahil bigla itong nagtago o sadyang hindi ko lang napansin dahil iisa lang mukha at wangis ng mga taong naririto.

Mayamaya ay nagpatuloy ulit ang laban at ilang ulit iyon na halos si Zoren lamang ang kinukuhanan ko. Alam kong unfair sa iba pero sabi ko nga, buhay ko ito at ako ang magdedesisyon. Kaya nang sa tingin ko ay mawawala na sa momentum ang sa school namin ay doon ako kumukuha ng mga magagandang litrato sa ibang member ng volleyball team namin pati na rin ang mga kaibigan ko. Masarap silang kuhanan kapag mukha silang stressed kaya minsan kinukupal din nila ako.

Pero sa totoo lang talaga, magandang pagmasadan ang hirap ng mga manlalaro. Para kasing ibinuburda ng kanilang mukha kung gaano dapat natin labanan ang buhay. Kaya nang matapos ako ay nagdecide na akong magfocus na lamang sa laban.

At sa araw iyon, naramdaman ko na baka… baka gusto ko rin ang makuhanan ng litrato kasabay ng mga manlalaro sa larong balibol. Hindi man sing galing nila, pero sa puntong nasa loob ako at nakikibaka sa labang dapat naming ipanalo. Masaya sigurong ako naman ang makuhanan.


NOTE: This story is only available at my Patreon account (@ratedxseon). It is already completed. Hope you might check that out!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.